loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Verboten Love [ProfessorxStudent]

The Verboten Love [ProfessorxStudent]

totskievon · 6 chapters · 7,004 words

PRLG

“Daddy please stop hurting him! Mommy patigilin mo si daddy!” ang nagtatangis kong utos sa aking ina na ngayon ay lumuluha narin pero andoon ang dissapointment sa mga tingin nito.

Nagsusumamo ang aking mata sa aking ina hanggang sa napunta ang aking lumuluhang mata sa mga pinsan at uncle ko pero tanging tikom lamang sila at naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

“Bitawan mo ko kuya argus! Kung hindi nyo aawatin si dad pwes ako haharang sa mga galit at suntok niya kay sebe!”

Buong lakas akong kumawala sa yapos saakin ni kuya argo na kahit mabato at malakas ang katawan nito ay nakawala parin ako.

“Ang tigas ng ulo mo! Sabing dito ka lang pabayaan mong bugbugin iyang sebastian na iyan! You know me kapag galit ako russel!”

Tinapunan ko lang siya ng nanlilisik na tingin. Walang akong pake kung magalit siya saakin. I don’t care if he will hurt me.

“I don’t care kuya! Sige saktan mo ko at wala akong pake!” sigaw ko dito at tinalikuran ko na ito. Dali akong tumungo sa kinaroroonan nila dad at sebastian.

Napasapo ako sa aking bibig ng masilayan ko ng tuluyan ang kinahihinatnan ni sebe. Oh my gosh! Andami niya ng dugo sa mukha at putok labi ang kaniyang mapupulang labi.

Ng matauhan ako sa aking nakikita ay inawat ko agad si daddy na susuntok na sana kay sebe na hindi man lang lumalaban.

“Dad please tama na! Wag mo ng saktan si sebastian! Ako, ako nalang kase ako naman ang punot dulo nitong lahat!” ang umiiyak kong singhal dito at mahigpit konh hinila ang braso ni daddy.

Nanlilisik ang mata ni dad at hindi makapaniwala sa aking ginawa. Ang promenenting panga nito ay gumagalaw sa galit.

“Ano bang pumasok sa isipan mo at pumatol ka sa lalaking ito?! Wala kana bang ibang gawin kundi bigyan ng kahihiyan ang pamilya natin! Ha Russel Saifah!” Singhal nito saakin.

Kahit sobrang sakit ang mga sinabi nito saakin ay tumungo nalang ako sa naghihinang sebestian.

“Sebe, I’m so sorry for dragging you this situation. Patawad sebe ko” ang lumuluha kong sambit dito at dinaluhan siya kaya napa-upo ako. Hinigit niya lang ako niyakap ng mahigpit. Ang kaniyang duguang mukha ay napasubsob sa aking leeg. Naiiyak ako sa sitwasyon namin ngayon pakiramdam ko lahat ng nakapalibot saamin ay tutol sa kung ano mang namamagitan sa amin ni sebe.

“Shhhh, wag kanang umiyak mahal. Malayo lang to sa bituka and I deserved all of these bruise. Basta hindi kita isusuko at wala akong pakialam kung mawawalan ako ng lesensya sa pagtuturo ko!” ang matigas ngunit malambing nitong saad sa aking leeg.

Napaiyak ako lalo sa kaniyang sinabi. Tutol man ako sa sinabi niyang wala siyang pakialam kung mawawalan siya ng lesesnsya sa pagtuturo. Alam kong mahal niya ang profession niya at ito ang isa sa pinaka pinapangarap niya pero this time hindi ko narin iisipin iyon kagaya ng gusto niyang gawin ko. I will fight him this time at hindi na ako magpaka duwag pa. Even all of them against this kind of relationship.

“Kahit ikaw na ang sumuko mahal basta ako hinding-hindi ako susuko. Baliw na baliw na ako sa para bitawan ka. Ikaw na ang mundo at buhay ko”

Para akong nakalutang sa alapaap ng mga sinabi niya iyon. Napatingala nalang ako sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin hindi alintana ang nagkakagulong sitwasyon ngayon.

Ramdam ko ang mga tingin nila sa amin ni sebe ngunit hindi namin iton pinansin bagkus ay nakatuon lamang kami sa aming magkayakap na sarili.

“Mahal na mahal din kita sebe at handa akong kumapit para samahan ka sa laban na ’to. Sasama ako sayo kahit saan ka magpunta” ang lumuluhang bulong ko.

Kinantalan nito ng ilang beses na halik ang aking makinis na leeg at paulit-ulit niyang sinasambit kung gaano niya ako kamahal.

Ako Si Russel Saifah Montero at ang lalaking ito na nakayapos saakin na mahigpit ay ang pinakamamahal kong si Sebastian Machweelh.

Samahan nyo kami sa aming pag-iibigan na ipaglalaban hanggang sa huling hantungan.

C H A P T E R 01

After I wore my uniform I’m fixing my look in the mirror. Napangiti nalang ako ng pagkatamis. This is it! Another Day— start with a sweet and genuine smile. Hindi ko parin maiwasang mamangha sa itsura ko habang nakaharap sa salamin. Jusko bakit ba sobrang ganda ko! Char hahaha.

Matapos kong ayusin ang sarili ay bumaba na agad ako para mag-agahan. Nadatnan ko si mom and dad na nag-uusap ng masinsinan sa hapag. Sakto namang iniluwa galing sa kusina ang gwapo kong kuya na si Argus Kael Montero na tanging apron lamang ang suot pang-itaas. Mmm siya ang nagluto ng breakfast ngayon na lagi naman niyang kinagawian. He is chief din kase.

“Good morning mom and dad!” ang masigla at may ngiti kong pagbati sa dalawa. Ngumiti saakin si mom at si dad naman ay ngumisi lang saakin. I just laugh a bit before I turn may gaze to my kuya.

“Good morning too kuya!” I sarcasticaly greeted him ngunit inismiran lamang ako nito. Ang sungit naman nito! As usual.

“How’s your sleep baby?” my mom asked me at nilagyan ako ng bacon, egg and oraganic bread sa nakahandang plato sa harapan ko.

“Always good po mom” Sagot ko at nagsimula ng kumain. Nginisihan ko lang si kuya argus ng maka-upo ito sa kaniyang laging inuupuan. Napailing lang ito at sinimsim ng kape.

After some chi chat with them ay nagpaalam na agad ako dahil malapit na ang first subject namin. Parang bata akong ngumuso kay kuya argus nagbabakasakaling ihahatid ako sa unibersidad pero sabi nito na kailangan niya daw pumunta ng maaga sa restu niya at may emergency. I just rolled my eyes.

Habang naglalakad ako sa corridor ay rinig ko ang bulungan ng mga schoolmate kong babae. At nakuha nila ang atensyon ng pandinig ko ang sinabi ng isa sa boses na naririnig ko.

“Sis nabalitaan mo ba? May bago daw na professor sa chemistry at ito pa ah sobrang gwapo at hottie daw nito! My gosh! I’m so excited to see him” A girl said with her dreamy voice. Napailing nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglakad. Tango at ngiti lamang ang aking tugon ng may bumati saakin. Some of them ay mga kakilala ko at hindi.

Sa hindi ko ipinagmamayabang halos kilala ako ng mga studyante sa buong unibersidad dahil siguro isa sa mga tita ko na kapatid ni daddy ang nagmamay-ari ng school na ito kung saan ako nag-aaral ngayon. Alam ko naman kong bakit gusto ng iba makipag kaibigan sa akin dahil they wanted to gain a fame kapag mapalapit sila saakin kaya as long as I knew their action kaya ako nalang umiiwas kaya napapagkamalan akong mataray o snob. I don’t care. Pero may mga legit naman akong mga kaibigan na masasabi.

Pagkarating ko sa laboratory room ay kaunti palang ang nadatanan ko. Tumungo agad ako sa perspective chair. Almost 10 minutes bago napuno ang buong laboratory. Lab kase namin ngayon obviously.

“Pst! Saifah!” Napatigil ako sa pagsulat sa lab notes ko ng may tumawag sa pangalan ko. Luminga ako sa kaliwa at ang nakangising si ava lang pala. I just mouthed her a ‘what’ kaya napa rolled eyes nalang ito at walang nagawa kundi ang tumungo sa kinauupuan ko.

“Hay naku! Kahit kailan napaka kj mo no! Ba’t di ka pumunta sa party ni lash kagabe. Jusko dai ikaw pa naman unang hinanap nun! Isa kang dakilang paasa!” singhal nito kaya napatingin ang ibang ka blockmates namin. She’s loud that’s why. Some of the men are looking at her na parang sinasabi sa mga tingin nito na ‘maganda na sana kaya nga lang walang preno ang bibig’ ganun! Ba’t alam ko? Syempre ako pa. Kidding aside.

Napahalumbaba ako sa metal arm chair. I look at her with a apolagize look. Napamewang ito at bigla nalang akong kinurot sa pisnge.

“Aray! Why did you do that?!” I hissed to her at napahawak nalabg sa aking pisnge na alam kong namumula na ngayon. Mangiyak-ngiyak kong tinupanan ito ng tingin.

“Sorry na nga diba!. It’s just hindi lang talaga ako pinayagan ni dad alam mo naman yun lalo na si kuya argus. Jusko akala ko pa naman magdadamag yun sa restu niya kagabe” paliwanag ko pa at hinihimas parin ang pisnge ko.

“Ayy sorry bie hahaha ang kyut mo kase eh! Kaya imbes na magalit ako sayo nakurot nalang kita” she laugh as if it’s not that really hurt. Bumaon ata ang mahabng kuko nito.

Magsasalita na sana ulit si ava ng bigla nalang nagsiayos ng upo ang ka blocmates ko ng pumasok si Prof. Minerva Maldievas kaya napakaripas ng lakad si ava patungong chair nito. I just laugh at her without sound.

“Good morning class! How’s your sleep?” A genuine greetings from her at kinagagawian niya ring tanobg saamin since every monday siya ang first subject namin.

Sumagot naman agad isa sa babae sa bandang side ni ava at nag share ng nangyari sa kaniya. Nagtawanan ang iba sa kaniya dahil sa padalos-dalos na pagsagot. Parang lutang lang. Pero as as possible hindi naman nakakainsulto ang pagtawa ng iba. This school did not tolerated bullying at mataas ang awareness ng mga studyante dito sa buong unibersidad about that kind rules. Bullying is the number one na dapat di magawa sa loob ng unibersidad na ito dahil kapag nalabag mo iyo expect the unexpected punishment. Ang na kick-out. It’s a bit exaggerated but its true.

Maayos naman ang daloy ng buong subject ni Prof. Maldievas hanggang sa sumapit ang lunch break. Kumbaga kase sa tuwing buong umaga ng lunes kay prof. Maldievas ang buong subject since once in a week lang kami nagmemeet.

“Punta na daw tayo sa tambayan andoon na sila raylee at cardigan. Si lash at timotee ang bibili nalang ng food” Inform agad saakin ni ava ng matapos nitong mailagay sa bulsa ng may kaiksiang palda nito ang huawei mate40pro nito.

“Ganun ba? Hindi ba nakakahiya sa dalawa? Nung nakaraang linggo sila ang bumibili ng foods natin” sabi ko dito. Napakapit ito sa aking braso.

“Duh! Basta pagdating sayo ng lash na yun kulang na nga lang paglutuan ka pa eh!” aniya kaya siniko ko ito. She just laugh at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ramdam ko ang bawat tingin ng nagdadaanan naming studyante. Sanay ako or should I say kameng dalawa ni ava. Aside from me si ava hindi din magpapahuli sa kasikatan at kilala talaga din siya sa buong school. Her dad is one of the shareholder ng buong school na ito. Her father is my father’s buddy kaya ganun nalang din kami ka close nitong sa ava. Ava Athissa Almonte. Her mother is one of mom’s friend also kaya hindi na maipagkakailang sobrang close talaga namin. We’re bestfriend since childhood.

“Hoyy bruha ka bakit di ka sumipot kagabe?!” salubong agad sakain ni cardigan ng nakarating kami sa lagi naming pwesto na nagkakaibigan.

Napakamot nalang ako sa aking noo. Hayy mag eexplain nanaman ako. Umupo muna ako at si ava naman ay tumabi sa dalawang babae.

“As usual teh! Hindi pinayagan ni tito dreeco lalo pa at umuwi pala kagabe si kuya argus” inunahan na ako sa pag explain na tamang-tama din na tinatamad akong magsalita chos!

“As always my dear” sabat naman ni raylee habang nakatingin sa kuko nitong bagong menicure lang. Napakunot ako sa aking noo, nung isanv araw kulay berde ang kulay ng kuko nito ah tapos ngayon pula nanaman. Napailing nalang ako. Saktong pagdating din nila lash at timotee na dala ang dalawang malalaking tray na naglalaman ng pagkain namin.

“After five years sa wakas nakabili narin kayo” saad ni cardigan sa dalawa.

“Ikaw kaya ang pumila doon. Palibhasa kase tamad eh!” maangas na sabi ni timotee. Napakamot nalang sa batok si lash. Bigla kong naalala ang hindi ko pagsipot kagabe sa party nito. Nahihiya akong napapasulyap dito.

“Pst! Oyy! Lash!” pagtawag ko sa seryusong kaibigan ko. Napailing lang ito tila may malalim ang iniisip kaya hindi ata ako nito narinig.

Kaya kinalabit ko nalang ito kaga bahagya itong natauhan.

“I’m sorry I did not came last night. Si daddy at kuya kase hindi ako pinayagan” panghinge ko ng paumanhin dito. Nagsalubong perpektong kilay nito sa sinabi ko. Tumango lang ito at kipit balikat bago kinain ang sandwich nito. Ayy parang galit.

“Ehem! Suyuin mo yan saifah hahaha tampurorot yan kagabe!” siwalat ni timotee. Napatawa naman si ava. I just glared ava pero tinaasan lang ako ng kilay nito.

“Don’t mind him sai. It’s not a big deal though” anito pa. Aba aba! Nagtatampo nga.

Napahinga nalang ako ng malalim. “Okay I’m sorry lash. I just can’t escape lang talaga kagabe” Sabi ko at paawa effect pa ang boses ko. Please bumigay ka!

Ayun! “Aishh! Oo na sige na apolagized accpeted! Dapat tinawagan mo man lang ako kagabe. Ako nalang sana nagpaalan sayo kay tito kagabe” seryusong sambit nito at napaakbay pa ito saakin. I just rolled may eyes hayh hindi din ako natiis.

I heared my girl friends giggled on what they seen. Naramdaman kong ipanatong ni lash ang noo nito sa saaking balikat. Hindi ko nalang pinansin iyon baka seryusuhin na ang pagtatampo nito saakin.

“Ayy mga friend narinig nyo na ba yung balita?” napatigil kami sa pagnguya sa pagkain namin ng magsalita si raylee.

“Oh?” Si timotee

“May baging Professor na daw ng chemsitry third year. I already seen him erlier jusko mga te makalaglag panty ang kagwapuhan at kakisigan. Kung wala lang akong lalabs engineer ay baka mahumaling ako doon” raylee giggled when she said those information.

So tama nga ako ng dinig kanina. Mmm,

“Anong paki natin dun raylee? Hindi naman natin yun magiging prof nun!” ika pa ni cardigan habang iniinom ang milktea nito.

“Oo nga tyaka sa third year yun hindi sa ating second year pa” ani pa ni ava.

“Sinabi ko lang naman para mainform kayo nu!” sabi pa nito kaya nagsalita na ako.

“I already know. Kanina narinig ko sa naguusap habang naglalakad ako sa corridor” sabi ko pa.

Sinimulan ko ang pagkain ko. Tumingin sa akin ang tatlong babae at hinintay na magsalita muli ako pero kibit balikat nalang.

“Siguradong mas gwapo kami dun ni lash tsk!” biglang salita ni timotee. Napataas ang kilay ni raylee.

“Sure kana ba talaga dyan? Sa katawan pa nga lang walang-wala kana” asar na sabi pa ni cardigan.

“You two handsome din naman tim but base on their specteculation. That new professor is drop dead gorgeous hottie!” ang medyo exagerated namang saad ni ava.

I look at them with a seriously look “Err, ano bang pakialam nyo dun? He is just  a professor” napaikot nalang ako sa aking mata.

“Hoy russel saifah! Baka pag makita mo yun laglag panga ka talaga o baka naman iba yung malaglag sayo hahahaha!” si raylee

Napaismid nalang ako sa mga sinabi nito. Naramdaman ko nalang na mas humigpit ang pagkaakbay saakin ni lash. Ava gave us a teasing look pero ang cardigan naman ay walang prenong nagsalita.

“Ikaw naman lash wag kang mag selos dyan wala naman kayo nyang si saifah. Kaloka bakit kase di ka nalang umamin dyan. Ikaw baka maunahan ka” ang walang prenong sabi ni cardigan. Raylee and ava are instantly laughing in a small voice. Si timotee naman ay napasipol nalang.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Kahit ano nalang talaga lumalabas sa bibig mo nu!” ang naiinis kong anas at napatingin naman ako dito kay lash na namumula. Inalis ng bahagya ang pagkaakbay nito saakin.

“Look oh namumula si lash hahaha hay naku lash wag kaseng torpe!” singhal ni raylee at nakipag apir pa ito sa dalawang babae.

Napailing ako at hindi nalang pinansin ang mga pinagsasabi nila. Mapang-asar talaga ang tatlong yan. Hindi naman ako apektado ewan ko nalang dito kay lash. Hindi naman siguro totoo yung sinasabi nila.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay nakaramdam ako ng pagsikip ng aking pantog kaya nagpaalam muna ako sa kanila para mag cr. They’re just nooded.

Habang naglalakad ako papuntang rest room ay naririnig ko nanaman yung nga pinag-uusapan nga mga babaeng studyante. They are talking about that professor. Wala naman din akong pakialam. Ugh! Naiihi na ako. Kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Hanggang sa makarating sa harapan ng panlalaking cr. Pero ganun nalang ang panlulumo ko naka lock ito at under maintenance pala. Hayst!.

Ayaw ko ng pumunta sa kabilang building medyo malayo na yun. Kaya no choice ako kundi sa mga professor na cr nalang ako iihi. Yes they have separated rest room. Kaya hindi na ako nag atubiling pumasok sa loob. Dahil pagmamadali ko ay hindi ko na naisip na medyo madulas pala ang tiles.

Halos makapusan ako ng hininga ng namali ako ng apak at sigurado akong lalagapak talafa ako sa malamig na tiles. Hindi nalang ako sumigaw at napapikit nalang ako para hintaying lumagapak ako sa sahig. Ang clumsy ko naman!.

Pero ilang sigundo akong naghintay ngunit wala akong maramdan na sahig na kababagsakan ko subalit may naramdaman akong yumapos sa aking baywang.

Katulad sa mga nobelang napapanood ng karamihan. Dahan-dahang iminulat ko ang aking mata. Tanging malakas na kabog ng aking dibdib at mabigat na paghinga ng estranghero lamang naririnig sa pagitan namin.

I just can’t can’t move my body. Bigla nalang itong namanhid at parang binibigyan ng biglang kasagutan kung bakit ito ang naging reaksyon ng aking katawan.

Nanatiling nakatingin ang aking paninigin sa celing ng dito sa loob ng rest room.

“You okay? May masakit ba sayo?” I blink when the stranger asked me those question of his baritone voice.

Kaya napabalikwas at napatayo nalang ako ng maayos. Jusko pakiramdam ko umurong lahat ng tubig na naipon sa pantog ko ng maramdamn ko ang pagdikit ng daliri nito sa aking siko. Parang na kuryente ako.

“Just next time mag-iingat ka” anito pa at narinig ko ang ingay ng sapatos nito na tanda ng palabas na ito ng rest room. Sa hindi malamang dahilan natuod lang ako sa aking kinatatayuan at walang lakas ang aking tuhod na lingunin ang estrangherong iyon. I  don’t know I just can’t. Ugh! Hanggang sa maramdaman ko ang pagkawala ng presensya nito at doon na ako gumalaw na sa aking kinatatatyuan.

I turn my gaze to the door where that guy out. Isang buntong hininga nalang ang aking binitawan at napagpasyahan nalang ituloy ang pagbawas ng tubig sa pantog. After I closed my zipper I go to to the sink para maghugas ng kamay.

Medyo namumula ang aking pisnge. Kaya napag pasyahan ko nalang ding mag hilamos. Ugh, ano ba nangyayari saakin. I feels starnge na hindi ko matukoy kung ano. Matapos kong tingnan ang aking mukha ng mabuti sa salamin ay lumabas na agad ako. Mabuti nalang walang ng ibang professor a gumamit ng rest room except the guy erlier and I bet na professor din iyon.

Para naman akong sinaliban ng hiya ng maisip ko ang bagay na iyon. My goodness, nakakahiya mabuti nalang hindi ko nakita ang mukha niyon. I shaked my head for those thoughts at nagpatuloy nalang akong umalis at bumalik sa mga kaibigan ko. Sigurado akong nagtataka na iyon sa tagal ko.

’ Sana hindi siya yung professor na sinasabi nila. I hope so. Dahil iba ang pakiramdam ko. I just can’t recognize it rightnow.

A/N: Sorry for the typos and grammar errors.

C H A P T E R 02

Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon wala parin akong pinapapasok sa aking buhay ay takot ako sa commitment. My sorroundings is full of love I mean kung totuusin dapat ma inspired ako sa kanila sa mga magulang ko pati narin sa mga kaibigan ko na may mga kasintahan din pero hindi ko iyon ginagawang basehan.

Napailing nalang ako bago bumaba para maghapunan. Kung anu-ano nalang sinasabi ko sa aking isipan. Naabutan ko si dad and mom sa hapag kainan. I saw my mom wearind an apron kaya alam kung siya nagluto ng hapunan namin. Minsan kase kapag hindi buisy si mom sa botique niya ay siya ang nag-aasikaso sa kinakain namin kahit may kusinera naman kami. I just smiled to my mom ng makita ako nitong patungo sa dinning.

“Alam mo anak minsan naiisip ko na baka may jowa kana at lagi ka nalang masaya araw-araw. Lagi kang nakangiti. Ikaw ah umamin ka nga sa amin ng dad mo” Na ikot nalang ako sa aking mata ng wala sa oras. Ito ang pangatlong beses na sinabi saakin ito.

Napaismid lamang si dad at naghihintay din na magsaliga ako.

“Wala akong jowa ma. Still single but not available hahahah” ani ko pa at umupo sa bakanteng upuan.

“Aba dapat lang pag-aaral mo muna atupagin mo. Like your kuya argo hindi parin nagkaka girlfriend hanggang ngayon” pagsingit pa ni dad. I just shrugged my shoulder at nagsimulang maglagay ng pagkain sa aking plato.

“Ano ka ba hon maganda naring magka jowa yan anak mo hindi ko lang alam kung babae ba o lalaki ang gusto nyan” napatigil ako sa pag nguya sa sinabi ni mom. Napatingin ako dito pati narin kay dad na nakangisi na ngayon. Hayy ito nanaman tayo.

“Ma naman” nasambit ko nalang at itunuloy nalang ang aking pag nguya.

“Basta wag ka munang mag boyfriend anak aral muna” ani pa ni dad na ikinaangil ko pa na nagpahalakhak kay dad.

“Kidding son hahahaha okay lang naman kung sino ang jowain mo son tanggap naman kita kami ng mommy mo” sabi ni dad.

Hindi nalang ako kumibo. Oh diba ang supportive ng parents ko. Alam ko naman kahit di ko na sabihin sa kanila ang pagiging lihis ko ng landas ay alam kong alam na nila. At walang kaso naman sa kanila yun support pa nga sila eh lalong-lalo na si mommy. Gusto na akong magka jowa.

Inaasar pa ako ni dad habang kumakain kami kaya ang masaya kong pagbaba kanina ay napalitan ng pagkabusangot. Ugh nakakainis si dad. Ako lagi yung inaasar pero kapag si kuya argo seryuso lamang ang dalawa kapag nag-uusap. Hindi ko alam pero minsan napapagkamalan kong bipolar si dad.

Natapos ang hapunan ng matuwasay at umakyat na ako sa kwarto ko. May nakalimutan pala akong assignment na sasagutan. Nag tootbrush muna ako bago ko gagawin ang dapat gawin. Baka makatulog ako mamaya ng hindi namamalayan kaya nag nagsipilyo nalang ako.

It’s 8:00 am in the evening ng matapos ko ang assignment. Linggo kase ngayon kaya nasa bahay lang ako. Ito lang naman ang routine ko tuwing sunday church at bahay lang talaga ako. Yun kase ang isa sa mga rules saakin ni dad habang nag-aaral pa ako. Pag tuwing saturday naman pwede naman akong gumala at pumunta sa bahay ng mga kaibigan ko pero wala lang talagang ganap kahapon kase mga buisy ang mga babae kong kaibigan. Si lash at timotee naman may pinuntahang buisness party. They couzin kaya palagi talaga silang magkasama lalo pa at palagi din silang sinasama ng mga tatay nila sa mga buisness na yan. Mabuti nga at hindi na ako pinapainvolve nila mom and dad sa mga buisness nila. Hinahayaan akong gawin sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Kahit nga sa course na kinuha ko ay hindi na nila ako pinakikialaman doon. Except kay kuya argo na mahilig din sa business kaya sa kaniya naibigay ang ibang branch ng restu namin.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bigla nalang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa restroom nung mga nakaraang araw. Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang nag-init ang aking dalawang pisnge. Mygoodness as much as possible ay iwinawaglit ko nalang iyon sa aking isipan. Nakakahiya ugh!

Napagpasyahan ko nalang na matulog.

KINAUMAGAHA N maaga akong nagising at naabutan kong nagkakape sila mom and dad. Asusual every morning na lage kong nadadatnan. Mabilis na akong nagpaalam sa kanila at pumasok sa school. Ayaw pa nga muna akong paalisin ni dahil hindi pa ako nag-aagahan pero sinabi kong sa school nalang ako kakain.

Nagpaalam agad ako sa driver na wag nalang akong sunduin mamaya dahil pupunta ako sa restu ni kuya argo pagkatapos ng class ko. Kaunti palanga ng studyante ang nakikita kong naglalakad sa bawat kanto ng unibersidad.

Hindi ko alam kung bakit ang aga ko ngayon. Well maaga naman talaga ako pero hindi naman palagi. Nalalanghap ko pa ang malamig na simoy ng hangin. What I like about here in our school is that it has a lot of trees. We have pine trees and acassia here. Malawak din talaga ang unibersidad na ito.

Napagpasyahan ko munang maglakad-lakad hanggang sa napadpad ako sa faculty department kaya napagpasyahan ko nalang na pumunta sa opisina ni tita. Makikikain ako baka may pagkain dun hahaha.

Hindi pa ako nakakarating sa director office ay nadaanan ko ang office ng chemistry department kasabag nun ang pagbukas ng pinto at iniluwa ang professor na ngayon ko lang nakita.

Halos ganun nalang ang aking pagkatuod ng at napahinto ako. Damn what is happening to me. Nakayuko ito at may binabasang kung ano sa folder na hinawakan nito. Napahinto ito ng maramdaman nito ang  aking presensya na malapit lang sa kaniya.

Parang nag slowmo ang lahat ng unti-unti nitong inangat ang kaniyang mukha at tinngan ako. Damn!

Napakunot lamang ang noo nito at nagsalubong ang dalawang perpektong makakapal na kilay. Anong nangyayari  saakin bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at napatitig nalang mukha ng hindi ko kilalang professor.

There is a jawdropping professor infront of me at salubong ang kilay nito na nakatitig saakin. Hindi ko pinahalatang nalaglag ang aking panga sa kagwapuhan nito. My gosh please bumalik kana sa sarili mo self. Sabi ko pa  sa aking isipan.

Nang maigalaw ko na nag aking daliri ay doon na ako natauhan. What is happening to me?. Napailing nalang ako at nilampasan siya at itinuloy na ang aking paglalakad. Hooo! Pakiramdam ko may kung anong gumagalaw na bagay sa aking tyan. Parang paulit-ulit na lumilitaw sa aking isipan ang kaniyang mukha, ang kaniyang napakagwapong mukha. Damn! Stop thinking of that saifah!

Hanggang sa makarating ako sa opisina ni tita ay hindi na ako kumatok, deritsu na akobg pumasok. Nadatnan ko siyang naka-upo sa swivel chair at may pinipirmahan. I got her attention kaya napatigip siya sa kaniyang ginagawa. Ang kaniyang seryusong aura ay napalitan ng masayang mukha. Na surpresa ko ata sya dahil minsan lang talaga kong pumupunta dito.

“Anong atin pamangkin kong maganda” Ayan tayo eh. Kaya ayaw kong pumunta dito kase tinatawag akong maganda nito kapag nakikita ako nito.

I just rolled my eyes “Tita naman stop saying that hindi ako babae para sabihan mong maganda” ani ko pa.

“Sabi mo eh hahahah” she laugh at me. See parehas lang sila ni daddy. Magkapatid nga ang dalawa lage akong inaasara. Kung umasta parang hindi nagmamay-ari ng unibersidad na ito.

“May pagkain po ba kayo tita” ani ko at tumungo sa mini kitchen nito.

“Tingnan mo nalang dyan sa loob ng microwave oven kaka init ko lang ng lasagna I forgot na ilabas bigla kasing dumating itong mga papeles” anito at binuksan ko na agad ang microwave oven. Ahhh my favorite. Kumuha muna ako ng dalawang makapal na fabric gloves.

Kumain naman agad ako at di ko nalang inaya si tita kase alamn kong buisy ito. Madami ang lasagna kaya kalahati lang ang naubos ko. Fresh milk nalang ang ininom ko since yun lang ang available dito. Nagpalaam agad ako kay tita ng matapos kong iligpit ang pinagkainan ko. Ayaw pa nga ako nitong paalisin eh pero sinabi kong malapit ang klase ko.

Laboratory kami ngayon kaya dumiritso na agad ako. Asusual sinalubong agad ako ni ava sa bungad ng laboratory. I kiss her in her cheecks kaya ang bruha kinikilig. Eww.

“Susko frend kung naging straight ka lang talaga naku mmmm” sabi pa nito na ikinailing ko. Baliw talaga.

“Halika na pasok na tayo kung ano-ano pinagsasabi mo” sabi ko. Ikinawit lang nito ang kaniyang kamay sa aking braso.

“Ayy frend mamaya may ichichika ako sayo” aniya

Napakunot ang aking noo dahil naging seryuso ang mukha ng babaeng ito.

“Wala na tayong prof sa chemistry one I mean prof. Aguinaldo passed his resignation letter erlier” ang nalulungkot pa nitong pagsiwalat.

Nagulat naman din ako sa sinabi niya. Bakit naman kaya? I bet may malalim na rason iyon. Kaya ang pagkagulat ng ekspresyon ko sa mukha kanina ay naibalik naman agad sa dati.

“Are you sure about that? Saan mo naman nasagap iyan?” paninigurado ko pa dito.

Napahinto muna kami saglit at gumilid sa sulok nitong lab namin. Since medyo maaga pa naman at maya-maya pa dadating ang prof namin sa lab.

“Some gossips that I heared erlier tyaka confirm na talaga yun nagtxt saakin si cardigan about dun. At ang mas nakakagulat pa na rason kung bakit siya nag resign it because may nilabag siyang rules sa university” pagkwento pa ulit nito habang ako ay nakikinig lang.

Parang may hint na ako kung anong rules yun. Hindi na bago iyon dito sa university. Isa sa mga rason kung bakit ilan sa mga professor dito na nagkukusang nagreresign ay—

“Paparating na si ma’am guys!” nawala kami sa masinsinan naming pag-uusap ng marining namin ang isa sa classate namin.

Kaya humiwalay na agad ako kay ava at tumungo sa chair ko. Seninyasan niya lang ako na mamaya nalang niya itutuloy ang sasabihin kahit alam ko naman kung ano iyon. As what I have said erlier hindi bago ang ganung issue. Taon-taon kaseng nangyayari iyon.

If you are asking why I know about it kahit freshmen palang ako diba nga isa sa nga tiyahin ko ang nagmamay-ari ng school na ito kaya alam ko lahat.

Iwinaglit ko nalang ang mga nasa isip ko at nagfocus nalang sa prof na nagsasalita sa harapan.

Discuss

Discuss

Then nag activity lang kami about sa natutunan namin nung nakaraan sa demo namin.

Wala namang masyadong nangyari pagkatapos ng klase sa lab hanggang sa next sub. Naghiwalay kami ng landas ni ava dahil magkaiba kami ng subject.

“Oo nga frend nu! Sayang si priof. Aguinaldo ang pinaka hot daddy na prof sa buong first year natin”

Rinig kong bulong na nagchichismisan studyante habang naglalakad ako. Medyo malakas kase ang boses nila. Hininaan ko ng kaunti yung lakad.

“Sayang siya. Bet ko pa naman siya. Pero alam mo bang nag dropped nadin yung asher ba yun, oo yun nga yung name nung guy. Hayss ang gwapo at ang kinis din nun frend pero lalaki din pala ng hanap. Worst is sa professor pa talaga”

Pagkatapos ng mga narinig ko ay ibinalik ko anv aking bilis sa paglakad.

Asher? That name is seems familiar to me. I just shrugged my shoulder bago tuluyang tumungo sa room ng chemistry lab. Uh, I forgot to say na may chemistry lab kami ngayong umaga. Yung kanina na lab ay iyon yung pinaka major sub ko sa course na kinuha ko.

Since nag resign na si Prof. Aguinaldo ay sigurado akong may pumalit na agad na bagong prof. Hindi namn kase nababakantihan ng prof eh kapag may ganitong issue. May reserba palagi.

Napagpasyahan ko nalang umupo sa may likuran ng makapasok na ako. Mas comfortable ako dito keysa sa unahan. Medyo dumadami narin kaming nandidito sa loob. Nginingitian ko lang ang mga bumabati saakin some of them naman kase ay mga kakilala ko pero hindi ko sila totally close nor friends.

“Balita ko pre pinalitan na si prof. Aguinaldo. Nag resign na daw kanina” rinig kong sabi sa gilid ko. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila hanggang marinig namin ang ingay ng sapatos na papasok sa malamig na classroom.

Nag-aabang ang karamihan sa papasok na bagong ipinalit na professor. Sa aking pag-ayos ng upo ay nasagi ng kamay ko ang aking cp na nakapatong sa arm chair mabuti nalang tumama lang siya sa sapatos ko kaya napayuko ako ng bahagya para kunin ang cp ko.

“Good morning class. I’m your new professor in this subject”

A manly and husky voice of his tone ng marining na itong nagsalita. Bago pa man ako maka angat ng tingin.

Pero ganun nalang  ang aking pagkabigla ng makita nang tuluyan ang bagong professor. I just hide my reaction for that dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon our eyes meet.

Damn! siya iyong kanina sa chemistry departmen office.

Napakunot ang noo nitong makinis marahil ay inaalala nito ang aking mukha. Wait, what?! Bakit may ganun!. I mean baka naalala niya ako kase nagkaharap lamang kami kanina, right?

Agad naman akong umiwas ng tingin at itinuon sa white board. Oh shit! Ano ba itong nangyayari.

There’a a fucking dropped dead handsome professor in fornt of us. His stares is freaking intimidating.

“Just call me prof. Macweehl. Kung anong nasimulan nyo at natapos ni prof aguinaldo before he resigned ay doon ako magsisimula sa pamamaraan ko sa pagturo” Seryuso niyang sabi. He is fluent in filipino language but his feature is not a filipino look. He looks like a western.

Damn! Whay did I describe him? Okay what is happening to me. Focus yourself on the whiteboard self dahil napaka dilikado na kung muling magtagpo ang aming mga mata.

This os wrong. A freaking wrong. Wait? Ano na naman ba tong iniisip ko! Shit!

“You at the back you seems like not focus in me. Is there a problem?”

I doomed.

A/N: Sorry sa typos and grammar error:-)

C H A P T E R 03

Nakatulala parin ako hanggang nagyon at iniisip parin ang nagyari nung nakaraang araw. Ilang beses ko ng gustong ialis sa isipan ko ang mga nangyari pero ayaw umalis ng mga ito. So frustrating!.

“Are you okay saifah? Kanina ka pa tulala dyan?” untag saakin ng kasama ko sa table na nagpabalik sa aking katinuan.

“Uh I-I’m sorry. M-may iniisip lang ako” paumanhin at sabi ko nalang. The three girls in front of me ay nagtatakang look akong tiningnan.

Hindi ko nalang sila pinansin marahil ay tatanungin nanaman ako. In my case right now i think I don’t have a guts to tell them what is really happening to me. Yes! They are my friends but sometimea there’s a story that I don’t need to tell them. Sarilinin ko muna ito lalo pa at hindi ko natutukoy kung ano ang nangyayari saakin.

Napainom nalang ako ng wine na hindi ko pa nababawasan unlike ny friends halos maubos na nila ang isang bote.

“We will wait saifah” ang bigla nalang pagsasalita ni raylee. She is serious but after that she gave me a winked. Kaya napailing nalang ako.

“Wazzup guys! Hindi nyo man lang kami hinintay” ang boses na papunta sa table namin. Si timotee at kasunod naman sa likod nito ang meztisong matangakad na si lash. Nakapamulsa lang ito at sinalubong ako ng ngiti.

“Tinxt mo nalang nasa ako para ako yung naghatid sayo dito” sabi pa agad ni lash at umupo sa tabi ng upuang katabi ko.

“It’s okay ang tatlong babae yung sumundo saakin mabuti nga at pinayagan pa ako ni dad and thankfuly kuya argo is not around in the house” sagot ko naman sa sinabi nito.

Ako lang ata yung medyo tahimik ngayon sa grupo namin. The three girls are talking something at hindi ko pinagtutuunan ng pansin. Kinakausap namn nila ako but I just nooded to them lang.

I don’t know ngayon lang ata ako nagkaganito sa lahat ng lakad namin. By the way we are here in cardingan’s restu bar I mean pagmamay-ari ito ng mom niya but sooner or later ipapaman din naman ito sa kaibigan ko. What I like about the parents of cardigan is that hindi nila masyadong pinaghihigpitan si car’ unlike me na grabe kung tratuhin akong babae ng pamilya ko haha. But don’t get me wrong wala namang kaso sa akin yun but haler! nasa legal age na ako and may lawit pa din naman ako.

I just roomed around my sight sa kabuuan ng restu bar. What I like here is that hindi siya yung pangmalaswa na tipong bar talaga. This place is for people who wants to relax and ofcourse to hang out pero may disco din naman but as I said desente parin siyang tignan. Kaya siguro pinayagan nalang ako ni dad. This restu bar is a high class tho.

“Guys iihi muna ako. I’ll be back” sabi at biglang tayo ko. Napatingin naman sila saakin dahil sa bigla kong pag tayo.

“Bilisan mo! Baka kainin kana namab ng anidoro” ang natatawang saad ni ava.

“Gusto mo samhan kita sai? I think you need my accompany” ang pagsabat ni lash at hinindian ko agad ang sinabi niya.

“I’m okay lash. Babalik agad ako” sabi ko at iniwan na sila.

Medyo napayuko pa ako dahil maraming nakatingin saakin. Mostly lalaki pa talaga the fajj! anong problema nila?

Hindi ko nalang pinansin mas importante ay ang magbawas na ng tubig sa pantog. Pero bago ko malagpasan ang panghuling table ay napahina ang aking lakad ng masulyapan ko ang pamilyar na tao.

Pero halos ganun nalang ang panlulumo ko ng makita ko nanaman siya. Damn! Si professor machweel. Anong ginagawa niya dito?

Gaga kailangan pa ba itanong yan? Yeah my other side is right.

Ofcourse nag night out? Relax? Ughh! Ano bang pakialam ko. May kausap itong tatlong lalaki. Dahil medyo malapit sila sa kinatatayuan ko ay malinaw ko silang nakikita.

Taray hindi rin magpapahuli sa look yung tatalong kasama niya. He is kinda serious while talking to them. Okay saifah what are you doing? Muntik ko tuloy makalimutang iihi ako ’shit! ’ I mentally hissed then nagpatuloy na ako patungo sa rest room.

A/N: Sorry for the typos and grammar error.

C H A P T E R 04

After I pee ay naghugas agad ako ng kamay. Sinuri ko ang aking mukha sa salamin. My cheeks is kinda pinkish na namumula pa ng kaunti. I don’t know why parang nag-iinit ang aking pisnge. Napagpasyahan ko nalang na maghilamos baka sa kaling natamaan ako sa wine na ininom namin. Imposible din ata yun kase low alcohol percent yung napunta saaking wine. Haa!

“I saw you erlier. Bakit ka nakatingin sa mga kaibigan ko?” ganun nalang ang aking pag sikdol sa aking kinatatyuan habang nakaharap sa salamin ng bigla may tumabi saakin.

Teka paanu–

Napatingin ako dito na nanlalaki ang mata. Damn! Hindi ko na alam kung ano na ang reaksyon na rumihistro sa aking mukha.

Parang nakapusan ako ng aking hininga dahil ang lapit ng distansya namin. I can clearly see his freaking handsome face. Walang halong biro mas gwapo siya sa malapitan and to tell you honestly this is my first time na makakita ng ganitong kagwapong mukha sa tanang buhay ko. Except sa daddy and kuya na biniyayaan rin ng itsura. Pero iba itong kaharap ko.

“Uhh k-kayo po pala. Hehe” ang nasabi ko nalang at hindi ko malaman kong saan ko yun nakuha sa kasuloksulukan ng aking isipan.

Napaiwas ako ng tingin ng unti-unting sumilay ang ngisi sa mapupulang labi nito. Damn! Bakit ba ako natulala. Shit! Saifah professor iyang kaharap mo! I mentally burst out.

“Andami kasing ginawa in these few days kaya nakipag hang out muna ako. I think wala naman akong nilabag na batas sa university” Biglang salita nito. Kaya napatingin ako ng bahagya.

Teka kinakausap niya ako? Bakit niya sinabi yun?

“A-uh ofcourse I mean wala naman pong kaso yun prof. Macweehl” I said at napatitig sa mapupungay nitong abuhin na mata.

Geez! Bakit parang hinihigop ako ng mga mata niya. Siniseduce niya ba ako? Ayy shit! ano ba itong pinagsasabi ko sa sarili.

“Good. I know that your aunt is the one who own the university baka isumbong mo ako because isn’t that good to see a professor like me in this kind of place”

Napatango lang ako at napalunok na napatingin ulit sa kaniya na ngayon ay prente ng nakasandal sa sink malapit saakin. Naka close arms pa ito at dahil malikot ang aking nata ay napapatingin ako sa bumabakat na muscle nito.

Damn! Napahawak nalang ako ng wala sa oras sa aking bibig. To check baka may laway ng tumulo? Ahhhhh! What is happening to me..

“What’s wrong are you okay? Kanina ka pa natulala at namumula” Saad pa nito.

Napagitla ako ng hawakan nito ang aking braso. Shit damn!

Parang mayroong napakaraming boltahe ng kuryente ang lumukob sa aking katawan ng maramdaman ko ang may kagaspangan nitong kamay.

“Your not feeling well?” I can see the worried emotion in his ash grey eyes towards to my face.

Please someone help me to get out me here. Parang kakapusan ako ng hininga because my heart is beating so fast. Para akong may asthma kulang nalang hihingalin ako. Pero I cannot let that happen. Ayaw kong mapahiya.

“I’m okay. S-sige na po sir u-una na po ako hinintay na ako ng mga kaibigan ko” ang nauutal kong sabi at medyo marahas ang pagwaksi ko sa aking braso sa pagkahawak niya dito.

Nagulat siya sa ginawa ko pero agad namang napalitan ng pagkunot ng noo nito. I need to out of this comfort room.

“Hey wait siguradong okay ka lang ba talaga? Gusto mo i-uwi nalang kita?”

What the fudge he is saying? Close ba kami? I mean…

“S-shut up! I mean sige na po sir aalis na ako”

Shit bakit ko ba nasabi iyon. Napatakip nalang ako sa aking bibig at daling lumabas at iwan siyang natuod doon. Huu! Shit saifah! Nakakahiya ka!

Ginulo ko nalang aking buhok sa frustration.

Sana lang talaga hindi nagalit si sir sa inasta ko kanina. Baka pag-initan niya ako sa subject niya.

Napa cross finger nalang ako at tuluyang bumalik sa mga kaibigan ko na alam kung gigisahin ako dahil natagalan nanaman ako.

……

Magandang araw mga peps!

Gusto ko sanang palitan ang title ng kwento to at wala talaga akong maisip na magandang title hahaha diba sinulat ko pa to kung di ko naman pala mabigyan ng maayos na title. Char! Haha

So, gusto ko sana huminge sa inyo ng suggestion. Beke nemen diba feel free to comment your suggestion. Hihi yun lang naman po. Pwede din namang i-message nyo nalang ako personaly dito sa wattpad oh diba ang taray eh! 😂

Yun lang naman po! Sorry sa sturbo. Tyaka sa mga gustong magpa dedicate sa susunod na update comment down below again hahaha. Yun lang ulit.

THANK YOU😘


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.