The Way We Were [TWO SHOTS]
YorTzekai · 4 chapters · 3,390 words
NOTE
simulan ko toh pag natapos na lahat ng ONGOING ko :3
.
.
heheheeh abangan po ;))
TEASER :’>
Mula JUST BELIEVE hanggang YOU ARE MY DREAM ay nagkaron tayo ng pagkakataon makita kung papano nagkalovelife si PIPAY at yon ay si PRINZZ.
.
.
Sa lahat ng kwento ay lumabas sila na may CAMEO role.
.
.
Ng magkatuluyan sila ay nagpatayo sila ng restaurant na pinangalanang P2 RESTO na naging parte din ng mga sumunod na kwento.
.
.
Ngunit alam ba natin kung saan nagsimula ang lahat? Alam ba natin ang pinag ugatan ng pagmamahalan nilang dalawa?
.
.
Abangan natin ang pakikibaka ni EFFIFANIO o mas kilalang PIPAY sa mundo ng pag ibig.
.
.
Abangan din natin kung paano nahulog ang damdamin ng makulit ngunit gwapong si PRINZZ sa baklang si PIPAY.
.
.
COMING SOON =)
The way we were PART 1
Ako si Pipay,pero ang totoo kong pangalan ay Effifanio,ewan sa mga magulang ko kung bakit yan pinangalan sa akin,bukod sa makaluma na eh mabaho pa :/
Ang kwentong inyong mababasa ay hindi kwento ng kahit sino sa mga kaibigan ko kundi kwento ko! Aba! Lugi ako sa kanila huh? Kaya naman patnumbay ng mga magulang ay kailangan,maaaring naglalaman ito ng Kahalayan,Droga at kung anu-ano pa! Charing Matsing Raymond Bagatsing lang ating! XD
O sya,eto na,
Dear Ate Charo,..
Haaaaaayyy! Napaka unfair ng buhay!! Oo nga’t biniyayaan ako ng magandang mukha ng Maykapal,ngunit ano itong kapalit? Lahat ng nagugustuhan ko hindi ako gusto!
Ang hirap naman maging bakla! Kung pinanganak lang sana akong babae edi sana wala na ako problema diba?
Gaya na lang nung elementary ako,grade six to be exact, patay na patay ako sa Escort namin teh! Si Darrien! Jusme ang gwapo gwapo ng impaktong yon! Eh that time kontento na ako sa patanaw tanaw sa kanya,pag nakita ko na sya buo na ang araw ko.
Nung mga panahong yon uso pa ang Slam note,ewan ko ba at nakijoin ako sa kabaduyang yon,ikaw? Huwag mo sabihing hindi mo alam yon at hindi ka sumagot sa ganon? Dahil kung hindi, hindi ka tao,elyen ka! Elyen!
Ayon na nga,halos lahat kaming magkaka klase eh sumagot,bago ako sumagot sa Slam note na yon ay hinanap ko pa yung kay Darrien,dahil mahadera ako pinareha ko sa mga sagot nya ang mga sagot ko,pasensya na assumera lang ^o^
Ng lahat ay matapos ng sumagot pinag pasapasahan ang kawawang slam notebook,dun ko lang narealize na nakakahiya ang mga sagot ko,talagang nilagay ko sa Who is your Crush ay Darrien. Ang ending nabasa nya at hanggang maka graduate kami ay deadmaru na sa beauty ko ang lolo mo,but it passed,I moved on kahit yon ang una kong kabiguan sa pag ibig.
High School came,may nakilala ako,probably mga kaklase ko na naging bestfriends ko, sina Ikhai,Ira,Honey at nag iisang lalaki sa tropa,si Arvin. Naging instant ang samahan namin,patok talaga! Nag jive ang mga ugali namin.
Sa aming lima ako ang pinaka madaldal,ako ang bumubuhay sa samahan namin,ayoko may nakikita na isa sa kanila na malungkot,dinadaan ko agad sa pang o-okray o pagpapatawa.
Ganun lang ang buhay ko,bahay school,tropa, wala naman kasi ako problema dahil okay ang pamilya ko,mahal at tanggap ako ng mga magulang ko.
Dumating ang fourth year,madami ako naging crush, lalo na yung sa kabilang section si Prinzz. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya,tumitibok ng walang humpay ang puso ko pag nakikita sya. Yun nga lang hindi kami close,pero may mga times na nagkakasalubong kami,simpleng tanguan lang,doon pa lang neng masaya na ako.
Hanggang isang araw, nasa labas ako ng bahay namin habang palakad lakad. Nagulat na lang ako ng may bike na tumigil sa harap ko.
Pagtingin ko si Prinzz! Kumalampag ang puso ko.Parang batingaw,parang kampana! Parang gong! Basta ganun ang pakiramdam!
“Dito ka pala nakatira sa subdivisiong ito? Taga dito din ako eh,sa may north side” naka ngiti nyang sabi.
Shit! Ang gwapo kahit pawisan na!
“Ah eh..Uhm oo,ganun ba? Ayos yon” sabi ko na utal utal. Ganito talaga siguro pag kaharap mo na yung taong mahal mo.
“Bakit parang hindi ka mapakali? Huwag ka mag alala hindi kita kakainin,ikaw ang kakain sa akin” naka ngising sabi nito saka kumindat
O_O
Waaaahhhshet! Totoo ba yung sinabi nya? Oh my God! Oh my God!
“Hahahaha! Nagbablush ka,Joke lang yon,nga pala kanina pa kita kinakausap hindi pa kita nakikilala kahit magkatabi lang room natin at lagi kita nakikita”
“Uhm …Oo nga..Uhm ako si ano.Uhm” punyeta! Bakit kasi ang baho ng pangalan ko?! Buset na yan!
“Effifanio right? At Pipay ang tawag sayo diba?” naka ngiti nyang sabi at inilahad ang palad.
Woohhh! Kilala nya ako! Alam nya ang pangalan ko! Type nya ako! Salamat sa mga anito!
“Im Prinzz,nice to meet you,ang ganda mong bakla” sabi pa nya. Alam kong parang inuuto na ako ng isang ito pero hindi ko mapigilang kiligin! Gusto ko na nga himatayin eh! Grabe lang,tas pag tanggap ko sa palad nya para akong nakuryente! Ganun ba talaga yon?
“Tse! Nang uuto kana eh!” sabi ko sa kanya tas tumawa lang sya,pati pagtawa nya ang sarap pakinggan.
“Actually papunta ako sa Ice Cream Parlor sakto nakita kita,gusto mo sumama? Libre kita” sabi nya,tango naman agad ako,this is it na kase,moment namin,kaya dapat sulitin at huwag sayangin.
Umangkas ako sa bike nya,grabe lang! Feeling ko nasa Endless Love ako,sya si Johny at ako si Jenny ^o^
Dun nagsimula ang pagkakaibigang kakaiba namin ni Prinzz,sa school sa harap ng mga tao kunyari hindi kami magkakilala,wala lang trip lang naming gawin. Pag sabado at linggo nagpupunta sya sa amin,dahil doon lalo nahulog ang loob ko sa kanya,lalo ko sya minahal,maging ang tropa walang idea samin ni Prinzz.
Sa mga dumaang araw lalo ko nakilala si Prinzz,makulit talaga sya sobra,parang baliw,nasasapawan ang kadaldalan ko,sobrang masaya ako pag kasama ko sya,sabi nga nila Cloud nine sa feelings.
Isang beses nasa park kami ng subd. namin,nakaupo sa swing at kinakain ang paborito naming icecream,palubog na nun ang araw,yun bang nag aagaw na ang dilim at liwanag,kulay kahel na ang langit,perfect para sa akin,ang romantic ng dating.
“Alam mo Pips,masaya ako kapag kasama kita” seryoso nyang sabi kaya nilingon ko sya.
“Wow drama mo ah? Ako din naman masaya pag kasama ka” ganti ko. Kulang na lang magpaka sweet ako kaso baka masoplak lang ako nito
“At sa tingin ko mahal na kita” dagdag nya.
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko,ume echo sa akin ang sinabi nya,hindi ako makapaniwala,kay tagal kong pinangarap tong ganitong tagpo,ang tagal ko inasam,heto at natupad na pero hindi ako makapag salita.
“Natahimik ka na,ayaw mo ba sa akin? Totoo sinabi ko Pips,mahal na kita,hindi ko alam pano nangyari basta naramdaman ko na lang” sabi nya pa na titig na titig sa akin.
“Hindi! Ang totoo nyan,matagal na din kita mahal,natatakot lang ako ipakita at sabihin kasi baka mareject,takot ako sa rejection” agad kong sagot,kita ko pa kung paano magliwanag ang mukha ni Prinzz at kung paano kuminang ang mga mata nyang magaganda.
“Talaga? O edi tayo na! Kahit baliw baliw ako,seryoso naman ako sayo” sabi pa nya na ubod ng lapad ang ngiti. At dahil hindi naman ako babae hindi na ako nagpakipot pa.
“Oo na,tayo na” sagot ko tas bigla nya ako niyakap at hinalikan. Natulala ako,ganun pala pakiramdam pag hinalikan ka ng mahal mo,napaka magical.
“Pero may gusto din akong sabihin” aniya ng humiwalay ng yakap.
“Ano naman yon?”
“itago natin muna ito sa lahat,sa school,hindi pa kasi ako handa” sagot nya. Saglit ako napaisip.
Naiintindihan ko sya,ayaw din siguro nya makutya ng mga tao lalo pa at sa bading sya pumatol.
Sumang ayon ako,at ng mismong araw na yon,opisyal na naging kami.
Ayos naman sa akin ang set up na ganun.Kahit minsan o kadalasan nagseselos ako pag may babaeng didikit sa kanya at hayagan kung landiin sya hindi ako makapalag kaya sa tropa ko na lang ulit ibabaling ang atensyon ko,walang nakakahalata,magaling ako magtago eh.
Pero syempre pag uwian at weekends bumabawi si mokong,mamasyal kami sa Mall,magbabonding,pag sunday naman magsisimba at talagang sa malalayong simbahan para wala makakita sa amin.
Masaya ako sa relasyon naming patago,kontento na ako dun,halos sa kanya na umiikot ang buhay ko. Sweet sya,maalaga,mapagmahal,at nirespeto ko sya lalo dahil hindi pa sya nagyayaya ng sex,sabi nga nya nung nagbibiruan kami,pag umabot daw ng college at kami pa,saka namin yon gagawin.
Tumagal ang palihim naming relasyon. March na,malapit na graduation namin. Pero tatlong linggo ng hindi nagpupunta sa lugar namin si Prinzz mula nung second week ng February,inisip ko na lang busy siguro.
Pero tulad ng kasabihan,hindi lahat ng bagay na masaya ay masaya palagi.
Biyernes yon,hinahanap ko ang tropa dahil yayayain ko sila sa bahay,napadaan ako sa may AVR,nagbabaka sakali na andun sila,pumasok ako. Ngunit ganon na lang ang gulat ko sa nakita ko.
Si Prinzz may kahalikang babae,alam kong nakita nya ako dahil nakatalikod sa akin ang babae at sumilip pa si Prinzz sa akin,wala akong makita sa mga mata nya kahit guilt man lang.
Bago tumulo ang mga luha ko ay lumabas na ako ng AVR,dumeretso ng uwi at nag iiyak sa kwarto ko.Sobrang sakit lang,alam kong darating ang araw na to pero hindi ko alam na ganito kasakit,parang pinagpira piraso yung puso ko,mas matindi pa toh kesa sa naramdaman kong sakit kay Darrien.
Lumipas ang mga araw,hinintay ko syang pumunta sa bahay,minsan sa park ako naghihintay,umaasa ako na magpakita man lang sya o magpaliwanag. Pag nasa school kunwari wala ako problema,pag nagtatanong ang tropa sinasabi ko na lang na masyado ko lang dinaramdam ang mga nangyayari sa teleseryeng Ezperanza na tatawanan naman nila.
Masakit sa akin dahil nabalewala na ako ng tuluyan,nakikita ko sya at yung babae na lagi magkasama,pero wala naman ako magagawa,ano bang laban ko eh may bugelya at kipay yon.
Hanggang sa dumating ang Graduation namin,ipinangako ko sa sarili kong kahit saan ko sya makita,ituturing ko syang hindi kilala o mas mainam kung isipin kong hindi sya nag e-exist.
ITUTULOY ..
AN/ Yan po ang first Part ng Two Shots side Story nina Pipay at Prinzz. VOTE and COMMENTS kung nagustuhan nyo :3
Part 2 Last Part
Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako papa apekto sa presensya ni Prinzz na as if hindi kami nagkakilala na,as if he is not existing. Malalim na sugat ang iniwan nya sa puso at pagkatao ko,dahil doon natakot na ako ulit magmahal.
Hindi doon matatapos ang buhay ko,sinikap ko mag move on,and I think nagawa ko naman,natanggal ko sya sa sistema ko.
Nag focus ako sa sarili ko,sa tropa,hindi man ako swerte sa pag ibig,swerte naman ako sa mga pinili kong maging kaibigan.
At alam nyo ba? Mukhang hindi ako mag isa sa misfortune na ito? Maging ang gwapo naming tropa na si Arvin ay broken hearted,bakit hindi? Bigla naglaho ang jowa nya,si Ikhai, napaka bruha talaga ng isang iyon,kung ako nasa puder nya hindi ko iiwan si Arvin,gwapo na,mabaet pa at matalino, pero sadyang ganun talaga siguro ang buhay,may mga bagay na akala mo ay okay lang,yon pala ay hindi,hay.
And so College came,napagkasunduan ng tropa na sa St.Adams Academy pumasok,at iisa lang ang course namin.
Pero sadyang mapaglaro ata talaga ang tadhana,kaklase namin si Prinzz,nung una nabuwisit ako,gusto ko mag shift ng course,pero naalala ko ang pangako ko sa sarili ko, na hindi ako papa apekto sa presensya na.
Nagkaron ako ng bagong crush,si Kevin,isang Engineering student. Weird pero crush lang talaga ang naramdaman ko sa kanya na ipinagpasalamat ko,nakakainis lang na si Arvin lang ang lagi nya nakikita, pano binubully nya. Hay nako lahat na ata ng gwapong lalaki ngayon may depekto na sa ugali.
Mabilis na lumipas ang panahon,at sa awa ni Bro ay nagawa kong huwag tapunan ng pansin si Prinzz,ngayon last year namin sa college ay classmate pa din namin sya,hindi talaga kami nagpapansinan,pakiramdam ko tuluyan ko na syang nadispatsa sa buhay at sistema ko,wanna know why? I think sapat na ang tatlong taon na yon para tuluyang mamatay ang kung ano mang damdamin meron ako sa kanya.
Ngayon fourth year,sya ang tinanghal na Escort ng klase namin,pero deadma lang ako,ganun naman parin sya,walang pinagbago,makulit at baliw pa din sya just like before. Malakas sya mang inis sa mga classmates namin,kung anong rason? Wala na ako pakialam,basta ipinagpapasalamat ko na hindi din nya ako pinapansin,patas lang kami.
Nadagdagan ang tropa namin,dalawang transfer na kambal sina Jiian at Angel,at ang tropahan ng crush kong si Kevin,I never expect na maging tropa sila dahil sa nakalipas na tatlong taon namin dito sa St.Adams ay deadmaru sila sa amin.
Nagkapalagayan ng loob,nagkaron ng kanya kanyang partner, Brian at Angel,Dex at Honey,Ira at Brylle, at sa maniwala kayo at hindi ang pinaka nakaka windang ay ang Arvin at Kevin Labteam. Just imagine that!
Masaya ang tropahan,nag outing pa nga kami,kadalasan tambay kami sa bahay ng kambal,naging saksi ako sa pag iibigan ng mga impakto,masaya ako para sa kanila,at masaya naman sila sa akin, No dull moments!
At dumating ang pinakaiinisan kong araw sa buong taon,ang Valentines day. Busit na busit ako,nagkalat ang mga magjojowa sa buong campus,parang nananadya ang pagkakataon na mga lalaki at babae lang ang pwede mag celebrate ng Valentines.
Lukot ang mukhang pumunta agad ako sa department bldg namin at dumiretso sa room,pasalampak akong naupo sa upuan ko na inis na inis pa din.
Nakita ko si Ira at Honey mga kilig na kilig,pati si Arvin, at yung kambal naman parang wala lang sa kanila ang araw na to,really? Ganyan nakakawindang ang kambal.
Nasa ganun akong pag iisip ng may demonyong gumambala sa akin.
“Oy?! Walang flowers and chocolates? Kawawa ka naman” buska ni Prinzz,after 3 years ngayon lang ulit nya ako pinansin,sa kanya nalipat ang inis ko.
“Ano bang pakialam mo? Umalis alis ka nga sa harapan ko baka hindi kita matantyang kumag ka” singhal ko sa kanya,ewan parang gagong tumambol ang dibdib ko.
“Syempre may paki alam ako, 3years na kitang nakikita na ganyan every Valentines day,kaya naawa naman ako sayo,may ibibigay ako sayo,pero hindi rose ochocolate” naka ngising sagot ng impakto, parang nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi nya.
3years na nya akong minamamatyagan?
“Eh kung ihambalos ko kaya sayo tong upuan para makita mo kung sino dapat kaawaan? Umalis ka nga dyan!” sigaw ko sa kanya,at ayan nagsitinginan na sa amin ang mga classmates namin,kainis talaga tong lalaking to! Parang wala syang ginawang kasalanan sa akin.
“oopps! Easy lang Effifanio,sige ka,pinagtitinginan na tayo oh” cool pa nyang sabi na lalo kong ikina inis dahil sa mga naalala ko .
“Pwede ba? Tantanan mo nga ak–” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil before I knew it,his lips landed on my lips. Nanigas ako at natulala,lalo bumilis ang tibok ng puso ko,it was very nostalgic yet so magical,just like the first time he kissed me.
“Gusto ko ibalik ang dating tayo,lets start again,I really missed you and The way we were before” bulong nya after nya ako mahalikan,hindi pa din ako nakakilos. Pero dinig kong nagsisigawan ang mga kaklase namin.
“There, Happy Valentines Pips” naka ngiti nyang sabi nung humiwalay sya. Tulala pa din ako at hindi makapaniwala.
Bakit ganun? Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko? Bakit parang nawala ang lahat ng galit na kinimkim ko sa loob ng tatlong taon? Bakit agad akong natuwa at umasa sa sinabi nya? Bakit?
Disoriented ako sa mga sumunod na subjects,hindi ako makapag focus,parang video recorder na nag flash back sa akin ang nakaraan. At hindi ko namamalayang napapangiti na lang ako.
Nung breaktime sabay sabay na sana ang tropa na papunta sa cafeteria pero hinarang kami ni Prinzz.
“Pipz,can we talk?” anito,tiningnan ko ang tropa,tumango naman sila.
“Hintayin ka namin sa baba” ani Jiian at umalis na sila. Niyaya ako ni Prinzz na sa rooftop ng bldg namin mag usap,dun nga kami pumunta,nung nandun na kami agad na ako nagsalita.
“Now talk” sabi ko at nag cross arms,aaminin ko medyo natutuwa ako pero hindi dapat ako magpahalata. Ewan,baliw nga talaga siguro ang puso ko at dumadagundong parin ng ganito pag malapit sya sa akin.
“Gusto ko humingi ng tawad sa kagaguhang ginawa ko–”
“after three years ngayon mo lang naisipan? Ive waited for you! Araw araw kitang hinintay sa bahay! Araw araw kitang hinintay sa park hanggang sa mapagod ako Prinzz! Now what? After three years ngayon ka magpapaliwanag?” sabi ko,hindi ko pa din pala kayang itago ang inis ko.
“Im sorry Pips but I have no choice” malungkot nyang sabi.
“You have no choice? Damn it! Dahil sayo nawalan na ako ng kakayahang magtiwala sa mga lalaki maliban sa mga kaibigan ko,alam mo ba kung gano kasakit yon huh? Nung araw na yon,ng makita kitang may kahalikan,parang isinampal sa akin ng mundo ang katotohanang hindi tayo pwede! Tiningnan kita nun sa mga mata ngunit wala ako makita kahit guilt man lang! Naawa ako sa sarili ko alam bo yon?” sabi ko pa at hindi na napigilan ang umiyak,mas mainam na ang ganito ang mailabas ko ang mga naipong sakit at bigat sa aking damdamin.
Agad akong niyakap ni Prinzz,ramdam kong umiiyak din sya dahil naramdaman kong may pumapatak sa aking batok.
“Patawarin mo ako Pipz,patawarin mo ako,naipit ako sa sitwasyon,nalaman nina Papa na may karelasyon akong tulad mo,ipinilit nila ako sa hindi ko gusto,yung babaeng nakita mo na kahalikan ko si Jenny,ipinakasal kami sa ibang bansa first week ng february ng taon ding yon,hindi ako nakapag sabi sayo pero sa isip ko mas mainam na yon kesa masaktan kita sa mga salitang sasabihin ko,hindi ako nakalapit na sayo sa pagbabanta nila na tatanggalan ako ng mana,patawarin mo ako Pips pero mga bata pa tayo nun,natakot din ako,hindi ko pa kayang tumayo mag isa noon,patawad,mahal na mahal pa din kita,lalo kita minahal sa mga nagdaang taon” mahaba at puno ng emosyong sabi ni Prinzz.
I was dumbfounded,hindi ko alam ang sasabihin ko,bigla ako nahiya,may mabigat na rason naman pala kaya nagawa nya yon,at tama sya,bata pa kami noon at hindi pa namin kayang manindigan at tumayo mag isa.
“Patawarin mo din ako Prinzz,nahihiya ako sayo,masyado akong nag isip ng masama” sabi ko tas mabilis nya akong hinalikan sa labi.
“Ayos lang yon,I deserved that” naka ngiti nyang sabi.
“Yung babae nasan sya?” curious kong tanong sa kanya.
“Bago mag 2nd year college nag divorce na kami sa ibang bansa nung nagbakasyon,natagpuan na nya yung talagang para sa kanya,kaya eto,nandito na ako para sayo,handa na kitang ipaglaban” sabi nya habang kumikinang ang mga mata,kita ko ang pagmamahal doon.
“At bakit ngayon ka lang kumilos?” nagpipigil ng ngiting tanong ko sa kanya habang nakataas ang kanang kilay.
“Kasi alam ko galit ka,hinintay kong mawala iyon at saka naduwag din ako,patawad” aniya. Tuluyan na akong napangiti dahil dun.
Tawagin nyo na akong tanga,pero ganun talaga pag nagmamahal ka,akala ko sa mga lumipas na taon namatay na pagmamahal ko sa kanya,natulog lamang pala ito at kailangang gisingin ng mismong nagpatulog dito.Life is so ironic.
Parang bulang naglaho lahat ng inhibitions,takot,pangamba at galit ko,binura yon ng pagmamahal sa akin ni Prinzz at ng pagmamahal nya sa akin.
“So..Pwede na siguro ulit tayo mag umpisa?” nakangising sabi nya.
“Manligaw ka muna” naka ngisi ko ding sabi.
“Oo ba! Yun lang pala eh! Pano sasabihin ba natin sa tropa mo na matagal na tayong magkakakilala?” tanong nya.
“Huwag na muna,pabayaan na natin silang mapraning sa atin” sagot ko. Again,hinalikan nya ako,passionately,at tinugon ko ng buong pagmamahal.
“Ooppps! Tama na! Last mo na yan! Nakaka 3 points ka na hindi pa nga tayo” awat ko sa kanya kasi mas naging mapusok sya,ayoko makagawa ng milagro sa rooftop noh?!
“Ehehe! So tara na,baka naiinip na ang tropa mo,ipakilala mo ako ah?” aniya at sinuklian ko sya ng matamis na ngiti at umalis na rooftop para puntahan ang tropa na naghihintay sa amin sa first floor.
Sobrang masaya ako,hindi maipaliwanag. Tunay ngang mahirap husgahan ang pag ibig at ang kaya nitong gawin,sa mga tulad kong nasa ikatlong lahi mahirap ito makamit,pero naniniwala ako na ang bawat tao,bawat indibidwal ay may nakalaan para sa kanila,ika nga,no man is an island. Walang mabubuhay mag isa.
At sa kaso ko,parang mahirap paniwalaan ang mga naganap,alam kong marami pa kaming dadaanang pagsubok sa pagsisimula naming ulit ni Prinzz,pero naniniwala ako na kaya namin itong malampasan hanggat nagmamahalan kami at magkakapit kamay naming haharapin ang mga problema,ang tunay na pagmamahal ay hindi mo masusukat,dahil ang tunay at wagas na pag ibig ay walang hangganan.
Just like me and Prinzz,and The Way We Were.
–* WAKAS
![Cover of The Way We Were [TWO SHOTS]](/story-covers/the-way-we-were-two-shots_5684660.webp)
