This Beki Love - ARGUS (Completed)
vincentmanrique · 29 chapters · 34,917 words
This Beki Love - ARGUS
Paano mo haharapin ang buhay kung ang isang taong akala mo’y mahal na mahal ka ay biglang nagbago nang walang sinasabing dahilan? Paano mo dadalhin ang sakit na dala ng kanyang paglisan?
Will you cling to your pride and sing “I will survive?” Or will you lash out and say, “How dare you leave me this way?”
Pinili ni Argus na magkunwaring okay lang ang lahat at parang walang nangyari. Pero ang totoo’y unti-unti na siyang ginugupo ng lungkot. Para na siyang masisiraan ng ulo. Sa likod ng kanyang mga ngiti ay ang tago niyang pagluha. Sa harap ng ibang tao ay para siyang nakasuot ng maskarang may masayang mukha,ngunit pag-uwi niya ng bahay, sa sandaling patay na ang mga ilaw, tahimik niyang iniluluha ang kanyang kasawian.
Cover Design by: greatfairy
Chapter 1
“HELLO?!”
Narinig ni Argus na nagbaba ng telepono ang nasa kabilang linya. Kanina pa niya tinatawagan si Leo, una sa cellphone nito at ngayon naman ay sa landline. Di niya maintindihan kung bakit hindi sinasagot ni Leo ang mga tawag at text messages niya. Hindi naman naka-off ang cellphone nito. Kaya sinubukan niyang sa landline ito tawagan. Alas nueve na ng gabi. Alam niyang nakauwi na si Leo ng ganitong oras. Pero pagkatapos niyang mag-hello, binabaan naman siya ng telepono. Sigurado siyang si Leo ang nasa kabilang linya. Mag-isa lang naman ito sa inuupahang condo unit sa Mandaluyong. Muli niyang sinubukang tumawag.
Nag-ring ang telepono. Paulit-ulit. Pero wala nang sumagot sa tawag niya hanggang marinig niyang nag-busy tone na sa kabilang linya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Argus. Ano ang nangyayari kay Leo? Iniiwasan ba siya ng boyfriend niya?
SI ARGUS NICANOR ay aminadong gay. Tanggap niya ang kanyang kasarian at hindi niya ito ikinahihiya kanino man. Kung pisikal na anyo ang pagbabasehan, walang mag iisip na bakla ang binata. Matikas ang kanyang pangangatawan na alaga ng regular niyang pagpunta sa gym. Bumagay sa built niya ang height niyang 5“9”. Maganda ang kanyang mga mata na lalong nagpatingkad sa maamo niyang mukha. Marami ang nagsasabing patataubin niya ang maraming lokal na aktor kung gandang lalaki ang pag-uusapan. Sa edad na 26, alam na ni Argus kung ano ang gusto niya sa buhay at hindi siya nagpapaapekto sa anumang sasabihin ng iba.
Dating OFW si Argus. Dalawang taon siyang nagtrabaho sa Italy bilang coffee picker. Nang matapos ang kontrata, nagbalikbayan siya at di na naisipang muling bumalik sa banyagang lupain para magtrabaho. Sa sariling bansa niya gustong gugulin ang kanyang panahon na gawin ang trabahong gustong-gusto niya, ang pagluluto. Mag-iisang taon na mula nang umpisahan niya ang kanyang negosyong Argus Catering. Dito ay nailalabas niya ang hilig at kaalaman niya sa pagluluto ng iba’t ibang mga putahe. Malaking bagay talaga ang natutunan niya sa Culinary Arts. Mula nang matapos niya ang kursong iyon, mas nasiguro niya sa sarili na iyon ang trabahong gusto niyang gawin habang buhay. Okay naman ang takbo ng kanyang negosyo. Di na niya kailangang gumastos para i-market ito. Malaking tulong ang kanyang social media accounts para makakuha siya ng mga kliyente. In fact, meron siyang 160000 followers sa facebook, 95000 followers sa twitter at 200000 followers sa instagram. Araw-araw ay nadadagdagan pa ang kanyang followers. Sa tatlong accounts na iyon ay nakalagay ang mga activities at updates ng kanyang negosyo. Pati na rin siyempre ang kanyang mga litrato sa bawat okasyong kinuha sila para mag-take charge sa mga ihahandang pagkain para sa mga bisita. Hindi na rin niya kailangang magrenta ng espasyo para sa kanyang negosyo. Sa kusina ng bahay nila niluluto ang mga putahe sa tulong ng kanyang pitong on-call na mga tauhan. Pero ’di lang sa pagluluto magaling si Argus. May talento rin siya sa pagguhit at budding photographer din ang binata. Madalas iginuguhit niya ang kanyang mga kaibigan at ginagawa niyang panregalo sa mga ito ang kanyang obra. Ang ilan naman sa kanyang mga likha ay maayos na naka-display sa kanilang bahay partikular na sa kanyang silid. Kung meron mang tuwang-tuwa sa artistic ability niya, iyon ay ang kanyang ina na kasama niya sa bahay.
Akala ni Argus ay sa negosyo niya lang iikot ang kanyang mundo. Hindi niya inisip na ang negosyo rin niya ang magiging daan para makilala niya si Leo. Isang araw iyon nang habang nagche-check siya ng comments sa facebook page ng Argus Catering, nandoon ang comment ng isang Leo Vasquez na ang sabi: pls pm me rates and menu for 80 pax.
Agad sinagot ni Argus ang inquiry ni Leo at makalipas ang dalawang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula rito.
“Could we possibly meet to discuss some other dish that we want to be included in the menu?”
“Yeah, sure! No problem. Just tell me the date, place and time.”
“What about tonight around seven at Starbucks Eastwood?”
“Shoot!” pagsang-ayon ni Argus.
SIX-THIRTY pa lang ay nasa Starbucks na si Argus. Ganoon siya lagi sa kanyang mga client meeting. Ayaw niyang nale-late. Mas gusto niyang siya ang maghintay kesa siya ang hihintayin ng kliyente.
Naka-smart casual lang si Argus. Sa suot nitong checkered polo at abuhing slacks ay lalong lumutang ang kaguwapuhan nito. Walang sino mang mag-aakala na ang guwapong lalaking ito ay sa kapwa lalaki rin nagkakagusto.
Napangiti si Argus. Para lang siyang makikipag-eyeball sa textmate o chatmate every time na may ganitong meeting siya. Preferred niya sana na pumunta na lang sa “office” niya sa bahay nila ang clients na may further concerns sa services na ino-offer ng Argus Catering. Pero dahil nga kliyente na ang nag-request ng meeting, Argus feels na dapat namang pagbigyan ang mga ganitong munting hiling. After all, pagdating sa business the customer is always right.
Eksakto alas-siete ng gabi ay dumating si Leo.
“You’re Argus, right?”
“Yes, and you’re Leo,” sagot ni Argus kasabay ang isang ngiti. “Nice to meet you.” Inilahad ni Argus ang palad para makipagkamay kay Leo.
“Same here,” sagot naman ni Leo sabay abot sa nakalahad na palad ni Argus.
DOON NAG-UMPISA ang pagiging magkakilala nina Argus at Leo. Nalaman ni Argus na si Leo ay team lead sa isang call center sa Mandaluyong. Ang akala ni Argus, makikita lang niyang muli si Leo ’pag kinuha ulit siya nitong caterer sa team building nila sa opisina. Hindi niya inasahang isang araw ay makatatanggap siya ng tawag dito na ang dahilan ay hindi business related kundi personal.
“ARGUS…”
“Hi, Leo. Napatawag ka?” Buti na lang at hindi niya dini-delete sa phone book niya ang mga number ng clients niya even after matapos na ang business transactions niya sa mga ito. Somehow ay umaasa siyang kukunin siyang muli ng kanyang mga nagiging kliyente at weird naman kung the next time na tatawag ang mga ito ay magtatanong siya kung sino sila.
“Would you mind having coffee with me? Your time. Just tell me kung kelan ka available.”
Napakunot-noo si Argus.“Why?”
“I want to know you more.”
“But why?”
“I think I like you.”
Hindi agad nakasagot si Argus. Ang haba naman ng hair niya. Sabagay, hindi naman ito ang first time na may diretsahang nagsabi sa kanya na gusto siya. Actually, marami na. Hindi lang talaga siya mapagpatol. Kung tipong flirty-flirty lang siya, siguradong nagbilang na siya ng partners.
“Are you serious, Leo?”
“I am drop dead serious.”
“Are you gay?”
“We’re both.”
“Yeah, it takes one to know one.”
“So, do we have a date?”
Saglit na nag-isip si Argus.
“Say yes, Argus.”
“Yes…” Hindi na siya nagpakipot pa.
“Yes!!!”
Dinig na dinig ni Argus ang malakas na pagsigaw ni Leo sa kabilang linya. Parang nanalo sa lotto na tuwang-tuwa.
TAPOS nang mag-usap sina Leo at Argus ay hindi pa rin tapos mag-isip ang huli. Pilit niyang kinakalkal sa isip ang mga eksena nung nagkita sila ni Leo para pag-usapan ang mga request nitong additional menu sa team building nito sa trabaho. Natatandaan niya, brusko ang dating ni Leo. Lalaking-lalaki. May angas. Pero ramdam din niya umpisa pa lang ang kalambutan ng puso nito. Sanay na siya sa mga ganitong tipo ng beki.
Paminta.
Peppermint.
Pepperoni.
Mga baklang lalaking-lalaking manamit at kumilos.
Bakit di niya malalaman at mararamdaman gayong ganun din siya? Biro nga niya sa mga kaibigan, “Anino mo pa lang, alam ko nang bakla ka.”
Pero ’di niya inisip na lagyan ng malisya ang pagkakakilala nila ni Leo. Kaya nga nagulat siya nang tawagan siya nito kanina para yayaing lumabas. Sabagay, kailan man ay ’di niya hinaluan ng kalokohan ang negosyo niya. Pero ngayon, tapos na ang usapang negosyo nila ni Leo. Ibang usapan na ang involve.
Something private.
Something personal.
Kung saan man sila makakarating, he’s willing to give it a try. After all, mukhang disente naman si Leo. At may matatag na trabaho. Hindi siya aabot sa puntong susustentuhan niya ito.
ANG UNANG paglabas nina Argus at Leo para magkape ay nasundan pa ng isa, at isa pa at isa pa. Isang araw ay muli siyang ginulat ni Leo nang bigla na lang itong dumating sa bahay nila ng alas-siete ng umaga.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Masama bang dalawin ka?” Ang lapad ng pagkakangiti ni Leo. Lalong lumutang ang kagwapuhan nito.
“I mean, ’di ba may pasok ka ngayon?”
“Nag-VL ako para mapuntahan kita dito. I just felt that I wanted to be with you today.”
“You’re staying here the whole day? With me?”
“Nope. Dala ko ’yung motor ko. I’d like to invite you for a joyride.”
Napakunot-noo si Argus. Napapadalas yata ang pagkunot-noo niya mula nang makilala niya si Leo.
“Pasyal tayo.Tagaytay.”
“Seryoso ka?’
“Mukha ba akong nagbibiro?” Hindi nawawala ang ngiti sa gwapong mukha ni Leo.
Parang gustong kiligin ni Argus pero pinigilan niya ang sarili. “Pasok ka muna. Magbibihis lang ako.”
“Hindi na. Hihintayin na lang kita rito.”
Mabilis ang naging kilos ni Argus. Ilang sandali lang ay nakapagbihis siya at nakabalik sa gate kung saan naghihintay si Leo habang nakasakay na sa motorsiklo.
“Sakay na.”
Parang natutulala si Argus. Ang sexy naman ni Leo sa pagkakasakay nito sa motor habang nakahawak sa manibela.
“Dapat ’yung kotse mo na lang ang dinala mo,” mungkahi niya rito.
“Mas okay itong motor, para ramdam natin ang malamig na simoy ng hangin habang bumibiyahe,” sambit pa ni Leo. “Eto, isuot mo ito,” sabay abot ni Leo kay Argus ng extra helmet na sadya niyang dinala para rito.
Natagpuan na lang ni Argus ang sarili na isinusuot ang helmet at sumasakay sa motorsiklo.
“Ready ka na? Lilipad na tayo, ha?” Inumpisahan na ni Leo na paandarin ang motor.
Nag-aalangan si Argus kung hahawak ba siya kay Leo. Pinili niyang huwag humawak dito. Pero nang maging marahas ang pagpapatakbo ni Leo ng motor ay wala sa sariling napakapit si Argus sa baywang ng binata para bumalanse.
Na-excite si Argus. Wala siyang nahawakang anumang taba sa baywang ni Leo. Matigas na muscles ang kanyang nadama.
Mas bumilis pa ang naging pagtakbo ng motorsiklo ngunit wala kahit konting takot na nadama si Argus kahit na hindi naman siya sanay umangkas sa motor.
Habang tumatakbo nang mabilis ang motor ay nalalanghap ni Argus ang samyo ng pabango ni Leo na itinataboy ng hangin. Inisip tuloy ni Argus kung anong brand ng pabango ni Leo dahil hindi siya nahahatsing kahit kanina pa niya naaamoy ito. Allergic kasi si Argus sa amoy ng pabango at konting samyo lang nito ay sapat na para mahatsing siya at sipunin.
Mahaba rin ang tinakbo nina Argus at Leo. Ramdam na nila ang kakaibang lamig ng simoy ng hangin. Nasa Tagaytay na sila. Parang bigla ay naisip ni Argus na bumili ng bahay sa Tagaytay. Ganitong klima ang gustong-gusto niya. Masarap damhin sa balat ang malamig na simoy ng hangin.
Pumarada si Leo sa harap ng isang restaurant.
The Lava Grill, nabasa ni Argus sa signage habang bumababa siya sa motor.
Humanga si Argus sa ganda ng lugar. Maliit lang ito pero cozy at elegant. Nagulat pa siya nang i-guide sila ng waiter sa isang reserved na mesa. Nagtataka siya. Hindi ba ito isang biglaang imbitasyon ni Leo kundi isang planadong bakasyon?
Napakunot-noo si Argus. Sadyang napapadalas na ang pagkunot-noo niya ngayon!
Kauupo pa lang nila ay dumating na agad ang iba pang mga waiter dala ang mga pagkain at isa isang nilagay sa mesa.
Angus T-bone, Blackened beef salad with mixed greens tossed in sesame Thai chili dressing and blue cheese crumble, Grilled tomato soup topped with whole wheat herb croutons, Grilled prawns with angel hair pasta, wilted arugula, shitake mushrooms and white butter sauce, at Arroz a la Mexicana. Nalula siya sa dami ng pagkain sa mesa.
“Ang dami naman nito,” pabulong na sabi ni Argus pagkaalis ng mga waiter.
“Sakto lang yan para sa ating dalawa.”
“Grabe, almusal lang ito sayo?”
Napangiti si Leo. “Special ang kasama ko, kaya dapat espesyal din ang pagkain.”
Kung yelo lang si Argus, natunaw na siguro siya sa kaswitan ni Leo.
“Kelan ka nagpa-reserve dito?”
“Kahapon.”
“Eh, kung ’di ako sumama?”
“I know you’ll come. I’m confident you’ll go with me.”
“But what if I really didn’t come?”
“Well, maybe I have to convince you real hard para sumama ka sa akin. Besides, this will surely be pure fun so there’s no reason why you would not come. Basta kukulitin kita hanggang wala ka nang magawa kundi sumama.” Humahalakhak si Leo.
Parang musika sa pandinig ni Argus ang halakhak. Kelan ba siya huling na-attract sa isang lalaki?
Matagal na yun. Sobrang matagal na. At wala na siyang planong alalahanin pa.
Mas gusto niyang isipin ang mga nangyayari ngayon. Isang katulad niyang malambot ang puso ang nagpaparamdam na mahalaga siya. At natutuwa siyang dumating ang isang tulad ni Leo para pasayahin siya.
Akala niya, sa trabaho na lang iikot ang kanyang mundo. Eksakto ang pagdating ni Leo. Dumating ito sa panahong handa na siyang magmahal at mahalin.
“Kelan mo ako sasagutin, Argus?”
Nabigla si Argus sa tanong na iyon. Di siya agad nakapagsalita. Matiim siyang nag-isip, at pagkatapos ay sinabing, “Give me one…”
“One week? One month? One year?” Si Leo.
“No, one minute.”
Napanganga si Leo. “After one minute tayo na?”
“Yes.” Tumango si Argus.
Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Leo. Sa sobrang tuwa ay tumayo pa ito at sinubukang buhatin si Argus lamang ay tumanggi ito dahil nahihiya sa ibang mga taong kumakain sa lugar na iyon. Pero ang pagyakap sa kanya ni Leo ay hindi niya napahindian. Normal lang na mayakap siya nito sa sobrang kasiyahan.
Inumpisahan na nilang kumain at maganang pinagsaluhan ang lahat ng nasa mesa.
Pagkatapos kumain ay nilibot nila ang mga magagandang pasyalan sa Tagaytay. Inikot nila ang People’s Park in the Sky. Nagpahinga sila sa Tagaytay Picnic Grove kung saan tanaw nila ang Taal Volcano. Paglabas nila dito ay dumaan sila sa chapel ng Our Lady of Manaoag. Hindi na lang sa Pangasinan mayroong chapel ang pamosong milagrosang birhen. Dumalaw rin sila sa Pink Sisters Convent. Halos nalibot nila ang lahat ng magagandang lugar sa Tagaytay. Madilim na nang magpasya silang bumalik sa Manila.
Iyon ang simula ng magandang samahan nina Argus at Leo. Akala ni Argus ay wala na itong katapusan. Bakit niya iisiping matatapos ito samantalang magkasundo naman sila ni Leo sa halos lahat ng bagay? Wala siyang natatandaang araw na may pinag-awayan sila o kahit ano mang hindi pinagkasunduan. Kaya takang-taka siya kung bakit bigla na lang na parang umiiwas na sa kanya si Leo. Kahit anong isip ang gawin niya, wala siyang maalalang atraso sa binata para biglang magbago ang pakikitungo nito sa kanya.
Ano nga ba talaga ang nangyari?
Malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Argus.
Naguguluhan na siya.
At nasasaktan sa biglaang pagbabago ni Leo.
Nakatulugan ni Argus ang malalim na pag-iisip.
Chapter 2
“GOOD MORNING! I’m here to report on the monthly operations review of my team. Let’s start with our success story.”
Seryosong nakikinig ang iba pang mga team lead na nasa silid na yun. Ang iba naman ay nakatutok sa wall kung saan andun ang powerpoint slides ng report ng TL na nasa harapan.
“For last month, we got a perfect QA score. It means that all members of my team got 100% QA rate.”
Wala sa isip ni Leo ang sinasabi ng nagrereport. Abala ang isip niya sa ibang bagay. Tatlong araw na mula nang hindi niya sinasagot ang mga tawag ni Argus. Pati mga text nito ay hindi rin niya pinapansin. Kagabi lang, ilang beses siyang kinontak ni Argus. Maging sa landline ay tinawagan siya nito. Pero buo na sa loob niya na iwasan ang binata. Nahihirapan din siya sa ginagawa niya, pero ito lang ang naisip niyang paraan para ’di na lumalim nang sobra ang anumang namamagitan sa kanila.
Hindi niya ikinakaila na masaya siya kapag kasama si Argus. Ang totoo, si Argus lang ang tanging taong nakakapagpasaya sa kanya nang sobra. At nasasaktan siya sa ginagawa niyang pag-iwas dito. Sa bawat pagtawag ni Argus na hindi niya sinasagot, nilulukuban siya ng sobra-sobrang guilt. Paano niyang nagagawa ang ganito sa taong mahal na mahal niya?
Gustong-gusto na niyang sagutin ang tawag nito. Gusto na niyang puntahan ito sa kanila at mag-sorry sa pandededma niya. Alam niya, patatawarin siya ni Argus. Ngunit pinipigilan niya ang sariling gawin iyon. Sa ngayon, desidido siyang panindigan ang napagpasiyahan niyang gawin.
Iwasan si Argus.
Noong nakaraang linggo lang, nagkaroon sila ng family reunion. Buong Vasquez clan ang dumalo. Masaya ang naging pagtitipon. Minsan lang naman sila mag-reunion kaya sulit na sulit ang kwentuhan sa tagal nang hindi nila pagkikita.
Natutuwa siya sa mga pinsan niya. May mga pamilya na ang ilan sa mga ito. Naaaliw siyang pagmasdan ang mga batang magulong nagtatakbuhan sa paligid ng sala ng bahay nila habang abala naman sa pagkukwentuhan ang mga nakatatanda. Lumapit pa nga sa kanya ang kanyang Tito Jun at kinumusta siya. Nakatatandang kapatid ito ng tatay niya at napakalaki ng respeto niya dito.
“Saan ka na nagtatrabaho ngayon?” bati nito sa kanya.
“Sa Mandaluyong, tito. Sa isang call center doon.”
“Nakikita mo ’yung mga batang yan?” sabay turo sa naglalarong mga bata. “Hindi ka ba naiinggit sa mga pinsan mo dahil may sarili na silang pamilya?”
“Hindi naman po ako nagmamadali. Ayoko naman po na basta sumuong sa pagpapamilya nang ’di pa handa.”
“Ano pa ba ang hinahanda mo? Nasa tamang edad ka na naman at may magandang trabaho.”
Ngumiti si Leo. “Tumitiyempo lang po siguro.”
“Aba, bilisan mo at nang makarami ka ng anak! Sayang ang lahi mo, napakagwapo mo pa naman!“ Sinabayan ng tito niya nang malakas na tawa ang sinabi. “Ipakilala mo sa akin ang girlfriend mo, ha?” pahabol nito.
“O-opo. Siyempre naman.”
“Alam mo, masarap ang may pamilya. Masarap ’yung paggaling mo sa trabaho, may asawa’t anak kang uuwian. Mas masarap ’yung nagtatrabaho ka dahil may pinaglalaanan ka ng mga pinagpapaguran mo.”
Tumango-tango si Leo. “Opo, tito.”
“Napag-iiwanan ka na ng mga pinsan mo. Iyong iba, mas bata pa sa’yo pero may mga asawa’t anak na. Ikaw na lang ang nahuhuli. Huwag mo nang hintayin ang last trip iho , baka hindi ka pa makasakay.”
“Inom tayo, tito.” Niyaya na ni Leo ang amain para matapos na ang usapan nila at mabaling sa ibang bagay ang atensyon nito. Gaano man siya umiwas sa ganitong mga paksa at eksena, alam niya dadating talaga ang panahon na magtatanong ang pamilya niya kung bakit ’di pa siya nag-aasawa. Oo nga’t hindi pa naman siya matanda. Wala pa nga siyang trenta, pero ’di kasi uso sa pamilya nila ang nagkakaedad na wala pang asawa. Lahat ng mga pinsan niya ay ikinasal bago pa man umabot ng edad bente-ocho. At siya ay malapit nang umabot sa edad na iyon pero heto’t wala pa syang girlfriend!
May boyfriend naman ako, ah. Tutol ng isip niya.
Pero ’di ka niya mabibigyan ng anak.
Eh, ano naman. Ang importante masaya kami at magkasama.
Pagtanda mo, sinong mag-aalaga sayo?
Kaya nga ako nagtatrabaho para makapag-ipon sa pagtanda ko. Para kaya kong kumuha ng caregiver na mag-aalaga sa akin. At saka, sigurado ba ako na tatanda ako? Eh paano pala kung mamatay ako few years from now, e ’di naiwanan ko pang ulila ang mga anak ko if ever na mag-asawa ako? Kawawa naman sila. Paano na lang sila kung mauulila sila sa ama sa murang edad?
Weird. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.
“Leo!”
“O, Tito!”
“Halika na rito at nang maituloy natin ang kwentuhan habang nag-iinuman.”
Patay! Wala talaga siyang kawala sa Tito Jun niya.
“Waaaah!”
Napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng atungal. Nadapa si Yanyan, isa sa mga pamangkin sa pinsan ni Leo at umiiyak ito ngayon. Limang taon lang ang batang babae.
“Saglit lang, Tito.” Si Leo na agad pinuntahan at itinayo ang nadapang pamangkin. Siya ang pinakamalapit sa pinagkadapaan nito. Natural lang na siya ang agad na sumaklolo.
“Tito Leo…” humihikbi na sabi ni Yanyan.
“Anong masakit sa’yo?” nag-aalalang tanong ng binata.
“Ito po…” Itinuro ni Yanyan ang tuhod.
“Halika…” kinarga ni Leo ang bata. “Tama na ang laro ha? Huwag ka na rin tatakbo ng mabilis para ’di ka nadadapa. Kain na lang tayo. Baka nagugutom ka na.”
“Opo…”
Bumaling si Leo sa tito Jun niya. “Tito, pakakalmahin ko lang muna ito.”
Tumango ang Tito Jun niya. “Sige lang, iho. Balik ka dito mamaya.”
“Sige po…”
Iniligtas siya ni Yanyan sa mas matagal na kwentuhan tungkol sa ’di pa niya pag-aasawa. Nakahinga na siya nang maluwag.
Hindi na bumalik si Leo sa tiyuhin. Anyway, nakita naman niyang abala na rin ito sa inuman kasama ang iba pa nilang kamag-anak. Siguradong wala na rin sa isip nito ang pinag-uusapan nila kanina lang. Pero ’di pa rin ganap na tapos ang problema. The fact na wala siyang asawa o kahit girlfriend man lang, ay isang malaking issue sa pamilya nila. Alam ’yun ni Leo. At mas malaking problema ang haharapin niya ’pag nalaman sa kanila na kaya pala wala pa siyang girlfriend man lang ay dahil lalaki pala ang gusto niya.
Marahan niyang natampal ang noo niya. Paano ba niya maipapaalam sa kanila na bakla siya? Paano ba niya maipapakita sa lahat ang totoong siya? Siguradong magagalit ang daddy niya. Alam niya, ’di rin iyon matatanggap ng mommy niya. Pero paano siya? Lagi na lang ba siyang mabubuhay sa pagkukunwari? Kaya nga ba mas gusto niyang wala siya sa bahay. Kasi ’pag nasa labas siya, nailalabas din niya ang natural niya. Oo andoon pa rin siyempre ’yong pag-iingat na baka may makakita sa kanyang mga kaanak niya. Pero basta, pakiramdam niya ay mas malaya siya ’pag alam niyang hindi nakikita ng mga mahal niya sa buhay ang tunay niyang pagkatao. Gusto niyang maging totoo sa sarili niya. Gusto niyang ipakita sa lahat kung sino at ano siya. Pero hinding-hindi niya kayang ma-disappoint ang mga magulang niya at makitang magalit ang mga ito sa kanya.
Pero paano si Argus? Makakaya ba niyang saktan ito at iwan na lang basta-basta?
Hindi. Kumontra ang isip niya.
Kung meron mang taong pinakamahalaga sa kanya ngayon, si Argus ’yun.
Mas mahalaga ba kaysa mga magulang mo? Tila inaasar siya ng isip niya.
Ewan ko, hindi ko alam! Masisiraan na ako ng ulo sa kaiisip sa ganitong problema!
Pero kailangan niyang mamili. Sa sitwasyon niya, hindi niya afford na kunin ang dalawa. Kailangang may isakripisyo siyang isa.
Si Argus o ang mga magulang niya.
Ang tatay at nanay niya o si Argus.
Isa lang at kailangan na niyang mag-decide.
Gustong sumigaw nang malakas ni Leo. Ito na ang sandaling kinatatakutan niya. Ang magmahal siya nang totoo at maipit sa sitwasyong katulad nito. Ayaw niyang iwanan si Argus. Ayaw niyang masaktan ang kanyang mga magulang. At hindi pa niya kayang ipaaalam sa mga ito kung sino o ano siya.
“So, that ends my report. If there will be no more questions, let’s proceed with the next report, that’s for team Leo.”
“Leo…” Siniko siya ng katabi niya.
“H-ha?” tila naalimpungatang sabi ni Leo.
“Ikaw na.”
“Ah, okay. Sige…” Mabilis na tumayo si Leo at pumunta sa harapan ng silid upang magreport. Huminga muna siya nang malalim bago nag-umpisa. “Guys, here’s the monthly operations review for my team…”
Chapter 3
“I WOULD like to visit my friend, Leo Vasquez in Room 1522.” Nasa reception si Argus ng condominium na tinitirhan ni Leo. Sinadya niyang puntahan na doon ang binata upang once and for all ay malaman na kung ano ba talaga ang nangyayari rito. He is already finding it weird na ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang binata. Dati naman ay hindi natatapos ang isang araw nang hindi ito tumatawag o nagte-text sa kanya para ipaalam ang mga nangyayari o para kumustahin man lang siya. Pero iba na ang nangyayari ngayon. Kahit text ay wala siyang natatanggap mula kay Leo. Tatlong araw na ang nakakaraan mula noong subukan niyang kontakin ang binata sa landline nito sa condo pero ’di rin niya ito nakausap.
“Room 1522, sir?”
“Yes.”
“Sir, Room 1522 is currently vacant.”
“You mean walang tao ngayon. Hindi pa umuuwi si Leo?”
“No, sir. I mean, wala nang tenant ngayon sa Room 1522. Umalis na po yesterday iyong dating tenant.”
Parang gustong sumabog ng utak ni Argus sa sinabi ng receptionist. “Sinabi ba kung saan siya lumipat?”
“Sorry, sir. Wala pong iniwang message si Mr. Vasquez para sa mga maghahanap sa kanya.”
Nanlumo si Argus. This is it. Wala nang duda. Pinagtataguan na nga siya ni Leo.
“Thank you, miss.” Matipid na nginitian ni Argus ang receptionist. That’s one good thing about him. Nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit sobrang panlulumo na ang nararamdaman niya sa loob.
Nilisan na ni Argus ang condo. May paraan pa naman para makita niya si Leo. Alam naman niya kung saan ito nagtatrabaho. Baka pwede niya itong puntahan doon.
Pero nagdalawang isip siya. Obvious naman na pinagtataguan na siya ni Leo. Kailangan pa ba niyang maghabol? Ipagsisiksikan pa ba niya ang sarili niya?
Pero gusto lang naman niyang malaman kung ano ang dahilan ng biglang pagbabago ni Leo. Masama ba ’yon? Kung sana nag-away sila o may kung anong pinagkagalitan, okay lang na biglang magbago ang binata. Kaso wala. Basta na lang ito hindi nagpakita nang wala siyang kaalam-alam kung bakit. At kailangan nilang magkaliwanagan. Iyon lang ang gusto niya. “Kung ayaw na talaga ni Leo, fine! But he should have balls to tell it straight to my face para ’di ako mukhang tanga dito,” bulong ng isip niya.
Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay upset pa rin si Argus. Hindi ito nalingid sa kanyang ina na kilalang-kilala siya. Sa mga pagkakataong gusto niyang sarilinin ang problema, hindi niya magawang magtago sa kanyang ina dahil kabisado na nito kung kelan siya masaya at kung kelan may mabigat na dinadala.
“Alam kong may problema ka, at nalulungkot ako dahil hindi mo ako isinasali sa problema mo,” bungad kay Argus ng mama niya.
“Ma, normal lang naman sa tao na magkaproblema.” Pinilit ni Argus na magpakawala ng ngiti. “Huwag kang mag-alala kaya ko naman.”
“Si Leo ba?”
Marahang tumango si Argus.
“Iniiwasan ka?”
“Baka busy lang, Ma. Alam mo naman “yung trabaho niya. Paiba-iba ng oras. Papalit-palit ng shift.”
“Huwag mong ituon ang sarili mo sa iisang tao lang. Lumabas ka, meet new other people. It’s time para bigyan mo naman ng panahon ang sarili mo. Pahinga ka muna sa trabaho. You’ve been working really very hard. Dapat binibigyan mo rin ang sarili mo ng time para maglibang.”
“Thanks, Ma. Don’t worry, I’m still okay. Alam mo naman na ’pag hindi ko na kaya sa’yo rin ako unang lalapit. Ikaw lang ang puwede kong takbuhan.”
Niyakap si Argus ng mama niya.
“I love you, Ma. Thanks for being so understanding. This kind of life will not be this easy if I don’t have a mother as supportive as you.”
Mas hinigpitan pa ng mama niya ang pagyakap sa kanya at marahang hinagod ang kanyang likod. Ganoon silang mag-ina, walang maraming usapan. Sapat nang mga damdamin nila ang mag-usap at magkaintindihan.
KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Argus. Napagpasyahan niyang pumunta sa opisina ni Leo. Kung tama ang pagkatanda niya, morning shift si Leo ngayong buwan. Bakasakaling makita at makausap niya ito doon. Buo pa rin ang pag-asa niyang mapag-uusapan pa rin nila ang problema, kung meron man.
“Sorry po, sir. Absent daw po si Mr. Vasquez,” sabi ng receptionist kay Argus.
“Ahh, puwede ko na lang bang makuha ’yung address niya or phone number para makontak ko siya. Importante lang kasi, miss.” Nakaramdam siya ng inis sa sarili niya. Natatandaan niya, humingi si Leo ng calling card sa kanya noong unang beses silang magkita. Dapat pala humingi rin ako sa kanya. Para sana alam ko man lang kung ano ang direct line niya sa opisina.
“Naku, sir. Wala po kaming ganyang detalye ng mga empleyado dito. Kahit ako po, hindi ko personal na kilala si Mr. Vasquez. Alam mo naman po sa mga BPO companies.”
“Sige, ’di bale. Pasensya na, ha?”
“Walang anuman, sir. Kung may maitutulong nga lang po ako.”
Nginitian ni Argus ang kausap. Sa ganitong mga pagkakataon, masarap pa ring makita at marinig ang genuine concern ng isang tao kahit ang totoo’y wala naman itong maitutulong para masolusyunan ang problema.
“Sige, miss. Thank you.”
Mabigat ang mga paa na nilisan ni Argus ang opisina.
SI LEO ay hindi pumasok sa trabaho nang araw na iyon. Nagmukmok lang ito sa bahay at inubos ang oras sa panonood ng telebisyon. Nang magsawa ay kinuha ang ang isang magazine sa drawer niya at humiga sa kama para magbasa. Paminsan-minsan ay bumibili si Leo ng mga ganoong klaseng magazine na naglalaman ng larawan ng mga hubad na kalalakihan. Para sa kanya, mas okay na ang ganoon kesa naman lumabas pa siya at maghanap ng panandaliang aliw sa mga lalaking bayaran. At least sa pagbabasa ng magazine, alam niyang wala siyang makukuhang sakit o ano mang problema.
Pero hindi makapag-concentrate si Leo sa ginagawa niya. Nagsusumiksik pa rin kasi sa utak niya si Argus. Totoo, mahal na mahal niya ito at sobrang sakit sa loob niya na pinagtataguan niya ito ngayon dahil sa sobrang pressure na nararamdaman niya sa kanyang pamilya kasabay na rin ang takot na ano mang oras ay mabuko ng kanyang pamilya ang iniingatan niyang lihim na pagkatao.
Bumangon si Leo at ibinalik sa drawer ang magazine. Pagkatapos ay muling humiga at pinilit ang sarili na makatulog. Mas okay yata na tulog siya dahil kahit pansamantala ay makalilimutan niya ang lahat ng kanyang mga problema.
Chapter 4
MARAMI NG tao sa bar nang dumating si Argus. Sabado noon at talagang dagsa ang customers kapag ganoong araw. Pagkalipas ng mga araw na wala siyang ginawa kundi maghanap kay Leo, napagpasiyahan ni Argus na mag-bar at libangin naman ang sarili.
Tama naman ang mama niya. Kailangan niyang lumabas and meet other people. Baka masiraan siya ng ulo kung wala siyang gagawin buong buhay niya kundi hanapin ang ayaw magpakitang si Leo.
Pagpasok ni Argus sa loob ng bar ay sinalubong siya ng malakas na musika. May mga lalaking sumasayaw sa ledge. Ito na yata ang modern version ng gay bar. Kung ang old style gay bar ay naghuhubad ang mga lalaking sumasayaw, dito ay mas refined ang mga dancer. Naka-maikling tila cycling shorts lang ang mga dancer at hindi naghuhubad. Madalas pa ay mga poi dancers ang nasa stage para mag-entertain sa mga parukyano ng bar.
Pero kahit na naka-shorts ang mga dancer, ang hubad baro nilang katawan ay sapat nang pumukaw sa mga mata ng customers. Ang magaganda nilang katawan ay nagdadagdag init pa rin sa ambience ng lugar.
Kung titingnan, ang mga customer sa bar ay tila mga machong lalaking batak sa gym ang katawan. May ilang normal lang ang katawan at may ilang chubby rin naman pero mas angat ang mga grupo ng customers na macho ang pangangatawan. Hindi mo iisiping mga paminta ang mga ito maliban na lamang kung maririnig mo silang magsalita at magtilian tuwing may lalabas na hubad baro sa ledge. Meron din namang all out gays pero mangilan-ngilan lang.
Pumili si Argus ng pwesto sa bandang sulok ng bar na medyo malayo sa ledge. Isang staff ng bar ang lumapit at kinuha ang order niya. Ilang sandali lang ay isang bucket ng redhorse ang dinala sa mesa niya kasabay ang isang platong calamares.
Tahimik na uminom si Argus. Paminsan-minsan ay itinutuon niya ang tingin sa mga sumasayaw sa ledge.
Matagal din siyang hindi napagawi sa lugar na iyon. Mula nang maging sila ni Leo apat na buwan na ang nakakaraan ay inalis na niya sa sistema niya ang night life. Kuntento na siyang si Leo ang laging kasama. Masaya na siyang okay ang relasyon nila. Kaya hindi niya na-miss ang mga bagay na dati niyang ginagawa.
Hindi namalayan ni Argus ang paglipas ng oras. Mauubos na niya ang ikalawang bucket ng redhorse. Nasa ikaanim na bote na siya. At medyo tumatalab na sa kanya ang epekto ng ininom.
Tumayo si Argus para mag-CR. Medyo umekis ang lakad niya tanda na tinamaan na nga siya ng redhorse. Pagdating sa CR ay medyo nagulat pa siya sa dalawang lalaking naghahalikan sa loob. Hindi man lang nahiya ang dalawa kahit nakita sila ni Argus sa alanganing sitwasyon. Tuloy lang ang mga ito sa kanilang ginagawa. Parang si Argus pa ang nahiya sa magkapareha.
Paglabas ni Argus sa CR ay nakaramdam siya ng pagkahilo dala ng tama ng nainom at muntik na siyang matumba kung hindi lang siya naalalayan ng isang lalaki na papasok naman sana sa CR.
“Ops! Okay ka lang, bro?” sabi ng lalaki.
Nag-angat ng mukha si Argus at tiningnan ang lalaki at ngumiti. Ngiti ng lasing.
Tapos ay muling humakbang na si Argus pero ’di na talaga kinaya ng tuhod niya at tuluyan na siyang nabuwal.
Agad na kumilos ang lalaki para alalayan si Argus. “Kaya mo ba talaga? Saan ka nakaupo? Ihahatid na kita.”
Inalalayan ng lalaki si Argus pabalik sa mesa nito.
“You’re alone.”
Ngumiti lang si Argus.
“Mag-isa lang din ako. Can I just join you here?”
“Sure…”
“Sige, balikan kita. Punta lang ako saglit sa CR.”
Pagbalik ng lalaki ay dala na nito ang isang bucket ng beer. “Dito ko na ilalagay itong beer ko, ha? Para may kasama ka na. At para ’di na rin ako mag-isa doon sa kabilang sulok.”
“Bakit ka mag-isa? Iniwan ka rin ba ng jowa mo?” Naging madaldal na si Argus.
“Hindi, wala naman akong jowa eh. Anong name mo?”
“Argus. Argus Nicanor.”
“Ahh… Mang Kanor.”
“Nicanor. Hindi Mang Kanor. Lasing ka yata, eh.”
“Mang Kanor na lang itatawag ko sayo. Mahilig kasi akong magbigay ng pet name sa mga kaibigan ko. At gusto ko, ako lang ang tumatawag sa kanila sa pet name na binigay ko.”
“Eh ba’t Mang Kanor?”
“Galing sa apelyido mo.”
Kumunot ang noo ni Argus. Parang pinaglaruan mo naman ang apelyido ko. Ikaw ba anong pangalan mo?“
“I’m Erwin Pablo.”
“Ah, Pablo. Pablowjob,” bulong ni Argus.
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko, kung ako Mang Kanor, ikaw Pablo. Pablowjob!” Nilakasan ni Argus ang boses para siguruhing maririnig siya ng kausap.
Napatawa nang malakas si Erwin.
“Bakit?” Tinungga ni Argus ang natitirang laman ng bote.
“Wala, natatawa lang ako sa”yo Mang Kanor.“
Kinuha ni Argus ang isa pang bote ng redhorse at sinimulang tunggain.
“O, kaya mo pa ba talaga? Baka “di ka na makauwi niyan,” paalala ni Erwin.
Umiling-iling lang si Argus. “Kaya ko ’to!”
“Ikaw, sabi mo eh.”
Muling lumaklak si Argus.
“So what do you do?” tanong ni Erwin.
Sinulyapan lang siya ni Argus. Halos sarado na ang mga mata.
“Lasing ka na, Mang Kanor. Tama na ’yan.”
Umiling-iling lang si Argus. Muling tinungga ang redhorse. Sinaid ang laman ng bote. Pagkatapos ay kinuha ang huling bote ng redhorse sa bucket.
“Tama na. Hindi mo na kakayanin ’yan,” awat ni Erwin.
“K-kaya ko pah!” Luminga-linga si Argus, tila may hinahanap. “Waiter!”
“Huh! Oorder ka pa? Tama na ’yan! Hindi mo na nga kaya, o.”
“Waiter!” Tumayo si Argus pero bigla itong natumba.
“Kanor!!!”
Agad na dinaluhan ni Erwin si Argus at tinulungang makatayo. Buti na lang at hindi tumama ang ulo nito sa kanto ng mesa at hindi rin nabagok sa binagsakang semento.
“Uwi na tayo. Iuuwi na kita.” Iniakbay ni Erwin sa kanyang balikat ng kanang braso ni Argus para masigurong hindi na ito muling babagsak. Hindi na nag-abalang tawagin ni Erwin ang waiter para bayaran ang nainom nila. Nag-iwan na lang siya ng tatlong libong piso sa ibabaw ng mesa. Tingin niya ay sobra pa iyon para sa tatlong bucket ng inumin at isang pulutan.
Inilabas na ni Erwin ng bar si Argus. Nakaakbay pa rin sa kanya ang kanang braso nito. Lungayngay ang ulo.
“Saan ka nakatira?
Hindi sumagot si Argus.
“Saan kita ihahatid? May dala ka bang sasakyan?”
Bahagyang nag-angat ng mukha si Argus pero hindi na nito nagawang sagutin ang tanong ni Erwin dahil tuluyan na itong nakatulog.
Nagpasya na lang si Erwin na iuwi sa condo niya si Argus. Isinakay niya ang tulog na lasing sa backseat ng kanyang kotse at pagkatapos ay mabilis niya itong pinaharurot upang lisanin ang bar.
Chapter 5
MAINGAT NA naipasok ni Erwin ang tulog pa ring si Argus sa condo. Dinala niya ang binata sa kanyang silid at marahang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan ni Erwin si Argus at muli’y nakita niya ang guwapong mukha nito na agad niyang napansin kaninang pagpasok pa lang niya sa bar. Nagtaka pa nga siya kung bakit nag-iisa si Argus gayong kayang-kaya nitong umawra at agad magkaroon ng kapareha sa lugar na iyon.
Matagal din niyang pinagmasdan kanina sa bar si Argus mula sa kabilang sulok kung saan siya nakaupo kaya alam niya na marami na itong nainom. Pero aaminin niya sa sariling bukod sa dami ng nainom ni Argus ay nakuha talaga nito ang kanyang atensyon. Gwapo, magandang katawan, mukhang mabait, pero bakas sa mukha ang sobrang lungkot at depression.
Kaya nang makita niyang pumunta ng CR si Argus ay nagpasya siyang sundan ito makalipas ang ilang minuto. Plano niyang makipagkilala dito. And the rest is history.
Hinubad ni Erwin ang sapatos at medyas ni Argus. Isinunod niya ang suit nitong polo shirt. Nagdalawang-isip siya kung huhubarin din ba niya ang pantalon nito. Sa huli ay napagpasyahan niyang huwag na lang. Kinumutan niya na lang ito upang hindi ginawin sa lamig na dulot ng aircon. Ilang sandali rin niyang pinagmasdan si Argus. Gustong-gusto niya ang mukha nito. Guwapong hindi nakakasawa.
Nang masiguro niyang okay na si Argus, mabilis siyang nagshower upang makatulog na rin pagkatapos. Medyo nagtagal siya sa banyo para alisin ang natitirang amoy ng beer sa kanyang balat. Nang matapos ay agad siyang nagbihis at naghanda na para matulog.
Kumuha si Erwin ng isang kumot sa cabinet at humiga sa kabilang side ng kama. Nilingon niya si Argus at mukhang mahimbing naman ang tulog nito. Naririnig pa niya ang mahinang paghilik ng binata. Iyon ang huli niyang natandaan dahil agad na rin siyang nakatulog.
Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang natutulog nang maalimpungatan si Erwin dahil sa mabigat na nakapatong sa kanyang hita. Pagdilat niya ay nakita niyang nakayakap sa kanya si Argus habang nakapatong ang isang hita nito sa mga hita niya. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Nararamdaman niya ang paghinga ng tulog na binata. Bigla ay para siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib. Pero gusto niya ang senaryong halos dumikit na ang kanyang mga labi sa labi ni Argus.
Hindi malaman ni Erwin kung anong pumasok sa isip niya at bigla niyang hinalikan sa labi si Argus. Mabilis lang dahil nag-aalala siyang baka magising ito.
Walang reaksyon mula kay Argus. Tulog pa rin ito kaya muling natukso si Erwin na ulitin ang paghalik sa natutulog na bagong kakilala.
Biglang gumalaw ang ulo ni Argus kaya natigilan si Erwin. Nakayakap pa rin ito sa kanya. Maya-maya’y biglang itong nagsalita na parang umuungol lang. “Leo…,” halos pabulong lang ang pagkakasabi ni Argus pero sapat na ito para marinig ni Erwin.
Napaisip si Erwin. Si Leo ba ang jowang nang-iwan kay Argus? Naalala pa niya ang tanong sa kanya ni Argus sa bar: “Bakit ka mag-isa? Iniwan ka rin ba ng jowa mo?”
Tiningnan ni Erwin ang mukha ni Argus. Napakaguwapo talaga nito. Anong nangyari at iniwan ito ni Leo? Kung siya ang naging boyfriend ni Argus, hinding-hindi niya ito iiwan. Unang kita pa lang niya kay Argus, alam na ni Erwin na gusto niya ito. Kaya nga siya na ang gumawa ng unang move para makilala ito. Kung di niya gusto si Argus, pag-aaksayahan ba niya ng panahong iuwi ito dito sa condo niya?
“Gago ka, Leo!” bulong ni Erwin sa sarili.
Mahimbing na ulit ang tulog ni Argus. Hindi pa rin naaalis ang pagkakayakap nito sa kanya. Napangiti si Erwin. Wala siyang pakialam kung yakapin man siya ni Argus sa buong oras ng pagtulog nito. Dahil ang totoo, masaya siya na parang nakahanap ng karamay si Argus sa kanya. Gusto niya na maging mas malapit pa sila sa isa’t-isa. Gustung-gusto niya.
TANGHALI na nang magising si Argus. Nagulat pa siya nang mapansing wala siya sa sariling silid. Nagtatanong ang isip niya sa sarili kung nasaan siya. Ang huli niyang natatandaan ay nasa bar siya at umiinom. At may kausap siya!
Noon pumasok sa silid si Erwin.
“O, Mang Kanor, gising ka na pala. Tamang-tama, lunch is ready. Halika na. Tumayo ka na dyan at kumain na tayo.”
Nakatingin lang kay Erwin si Argus.
“Don’t tell me na ’di mo ako natatandaan. Ako ’yung kausap mo sa bar kagabi,” pagpapaalala ni Erwin.
“Yeah,” tumango si Argus. “Pablo, right?”
“Haay…,” nag-pout si Erwin. “Pablo is my last name. Erwin ang first name ko.”
Ngumiti si Argus. “I know…”
Nagpatuloy si Erwin. “Nakatulog ka kagabi. Hindi ko naman alam kung saan ka iuuwi kaya dinala na muna kita rito. May dala ka bang sasakyan sa bar? Kung meron, balikan mo na lang doon mamaya.”
“Salamat. Nakaistorbo pa ako sa’yo.”
“Wala ’yun. Halika ka. Kumain ka muna bago ka umuwi. Andyan iyong damit mo, oh.”
Mabilis na bumangon si Argus. Nagbihis ito at sumunod na kay Erwin.
MARAMING nakain si Argus. Nakaramdam siya ng matinding gutom pagkakita sa nakahaing pagkain sa mesa. Sinigang na baboy at pritong tilapia ang niluto ni Erwin. At hindi maikakailang napakasarap ng sinigang nito. Tamang-tama ang mainit na sabaw pantanggal sa hangover niya.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Argus kay Erwin.
“Salamat ulit, ha?” si Argus.
“Sa ibang araw na lang kita sisingilin,” pagbibiro ni Erwin. “Teka, bago ka umalis puwede ko bang hingin ang number mo?”
“Oh, sure!”
Iniabot ni Erwin ang cellphone niya kay Argus. “Save mo na lang dito.”
Argus took the cellphone and saved his number in the phone book, and handed it back to Erwin. “Kontak ka lang anytime.”
“I will! I surely will.”
“O, paano? See you next time. Maraming salamat ulit,” sambit ni Argus.
Tumango si Erwin. “Ingat!”
Magaan ang pakiramdam ni Argus paglabas niya ng condo. Nagtaxi siya pabalik sa bar para kunin ang kotse niya. Pagkatapos ay diretso na siyang umuwi.
Chapter 6
MARAMI ANG sumama sa team building activity ng project na kinabibilangan ng team ni Leo. Overnight swimming yun sa isang sosyal na resort sa Talisay, Batangas. Lahat ay excited na pumunta sa kani-kanilang assigned rooms pagkababa pa lang nila ng bus na naghatid sa kanila sa lugar. Anim na bus din lahat iyon. Sapat para sa lahat ng miyembro na nag-commit na umattend sa team building.
Si Leo ay agad ding pumunta sa room kung saan siya dapat mag-stay habang nandun sila sa resort. Apat silang matutulog sa kuwartong iyon na puro lalaki. Nilagay lang niya ang mga gamit niya at agad niyang pinuntahan ang mga silid kung saan naman matutulog ang mga miyembro ng kanyang team. Sadyang pinaghihiwalay ng silid ang mga miyembro para makahalubilo nila ang mga miyembro ng ibang team. Iyon naman talaga ang isa sa mga objective ng team building activity.
Sa daan ay nasalubong ni Leo si Jean, team lead ng isa mga mga team na naroon. Hindi lingid kay Leo ang mga bulong na crush siya ng babaeng ito. Hindi naman niya pinapansin dahil iba ang gusto niya. Pero nitong mga nagdaang araw, napapansin niyang tila sadya nang nagpapakita sa kanya ng motibo ang babae, bagay na hindi nalingid sa kanyang mga kaibigan. Katunayan, binubuyo siya ng mga ito na ligawan na si Jean dahil sigurado nang hindi siya nito babastedin. Kumbaga, sure nang magkaka-girlfriend siya basta mag-umpisa lang siyang magpakita ng interes sa dalaga.
“Hi, Leo!” bati ni Jean. “Na-check mo na ba yung room mo?”
“Yup, andun na ang mga gamit ko.”
“Buti ka pa. Ako, naliligaw na yata. Di ko makita ang room ko,” tila nagpapaawa ang babae.
Parang gustong mainis ni Leo pero hindi niya iyon ipinahalata sa kausap. Paanong hindi nito makikita ang room eh may room number naman sa bawat pinto. Kung iyon ngang mga tao nila ay agad na nakita ang mga silid, si Jean pa kaya na ang alam niya ay miyembro ng organizing committee ng team building activity na iyon? Obvious naman na nagpapa-cute lang sa kanya ang babae. Iyon nga lang, palpak ang diskarte nito dahil buking ang boladas nito sa kanya.
Ganunpaman, nanaig ang pagiging gentleman ni Leo at nagboluntaryong samahan si Jean na hanapin ang kuwarto nito. “Halika, samahan na kitang maghanap.”
Parang gustong tumalon ni Jean sa tuwa. Tila tagumpay ang first move niya para makuha ang atensyon ni Leo dito sa team building. Bago pa dumating ang araw na ito, pinlano na ni Jean ang mga hakbang na gagawin niya para masolo si Leo habang narito sila sa resort. Ito ang pinaka-romantic na lugar para makapag-usap silang mabuti at magkapalagayan ng loob. “Salamat, Leo! Oh, you’re such a gentleman.” Wari’y kinikilig na teenager si Jean.
Umabrisiyete pa si Jean kay Leo habang naglalakad sila para hanapin ang silid.
“Asan nga pala ang mga gamit mo?” tanong ni Leo.
“Ha? Ah— iniwan ko muna dun sa bus. Babalikan ko na lang mamaya pag nakita ko na yung room.”
Tumango lang si Leo.
“Leo…”
“Ha?”
“May girlfriend ka ba ngayon?”
Parang gustong matawa ni Leo pero nagpigil siya. “W-wala. Bakit?”
“Bakit wala kang girlfriend? Parang ang hirap namang paniwalaan. Sa gwapo mong ’yan? Gwapo, mabait, may magandang trabaho, tapos loveless?”
Ngumiti si Leo. “Hindi naman. Wala lang sigurong time. Alam mo naman sa trabaho natin, halos nakatali na tayo sa office. Dito pa lang ubos na ang oras ko.”
“Dapat siguro mag-girlfriend ka ng tagarito rin. Di ba? Para at least magkasama kayo araw-araw. Di mo proproblemahin kung dito na ka mag-stay the whole day kasi andito rin naman yung love mo,” obvious na ang pagpapakita ng interes ni Jean sa binata.
“Pero, di ba unfair sa magiging girlfriend ko kung second priority lang siya sa trabaho ko?”
“For me ha, okay lang iyon. Kasi para din naman sa future nyo yung ginagawa mong pagsisikap sa trabaho. Kung ako yung girl, maiintindihan ko ’yon. Perfectly!”
“Wow! Napaka-understanding mo pala. Swerte ang magiging boyfriend mo.”
“Type mo ba ako, Leo?”
“H-ha?!”
“Sabi ko, kung type mo ba ako?”
“Boss Leo!” mula sa likuran ay may tumawag sa binata.
Nilingon ni Leo ang pinanggalingan ng boses. Nakita niyang tumatakbo palapit sa kanila ni Jean si Bogs, isa sa mga miyembro ng team niya.
“O, bakit Bogs?”
“Boss, mag-uumpisa na po yung unang activity. Pinatatawag na po lahat dun sa may pool area.”
“Ganun ba?” Bumaling ito kay Jean. “Jean, mamaya na ang natin hanapin yung room mo?”
Tila biglang nagbago ang mood ng babae. Na-disappoint na parang nainis sa biglang pagbabago ng eksena dahil sa biglang pagdating ni Bogs. Pero wala naman siyang magagawa kundi sumunod sa program of activities sa team building na iyon.
Magkasabay na silang tatlo na tinungo ang pool area ng resort.
KAHIT GABI na ay dikit pa rin nang dikit si Jean kay Leo. Mula kaninang umaga pagdating nila sa resort hanggang ngayong nagkakasayahan na ang grupo ay di umaalis sa tabi niya ang babae. Parang kinondisyon na nito ang sariling si Leo ang partner niya habang andun sila sa resort.
Si Leo naman ay kanina pa rin nag-iisip. Ano kaya kung patulan niya si Jean at gawing girlfriend. Sa pinakikita nitong lambing sa kanya, alam ni Leo na mapapasagot niya ang babae nang walang kahirap-hirap.
“Leo…”
“Ha? Bakit, Jean?”
“Samahan mo naman ako dun sa may kubo, naiingayan ako dito, eh. Mas gusto ko sana dun, tahimik.”
“Sure. Halika.”
At tulad kanina ay muling umabrisiyete si Jean kay Leo habang naglalakad sila papunta sa kubo sa banda roon ng pool area. Paminsan-minsan ay idiidikit pa ni Jean ang ulo sa mga braso ng binata.
Nang marating nila ang kubo ay umupo si Jean sa maliit na silyang gawa sa kawayan. Si Leo naman ay nanatiling nakatayo.
“Umupo ka rin dito,” sabi ni Jean.
Sumunod si Leo. Naupo siya sa isa pang silya at tumabi ni Jean.
“Alam mo bang crush kita, matagal na?”
Kahit alam ni Leo na gusto siya ni Jean ay nagulat pa rin siya sa kaprangkahan nito. Di niya ini-expect na magiging ganun kadiretso ang babae sa kanya.
Nginitian ni Leo si Jean. Di niya alam kung paano sasagutin ang babae.
“That’s true. Crush kita. Noon yun…”
Nakahinga nang maluwag si Leo.
“Pero ngayon, I think I’m already in love with you. I’m really in love with you, Leo.”
Napanganga si Leo.
Chapter 7
“BAKIT PARANG gulat na gulat ka?” kaswal lang sa pagsasalita si Jean. Tila ang ginawa niya ay isang napaka-natural na bagay lang.
Oo at okay lang naman ang maging prangka sa iyong nararamdaman. Pero sa kulturang konserbatibo ng mga pinoy, marami pa rin ang magtataas ng kilay kung babae ang magpapahayag ng nararamdaman sa lalaki.
“Na-offend ka ba? Na-turn off ka ba sa akin dahil ako pa ang parang nanliligaw sa’yo?”
“Ah, hindi naman. Hindi ko lang inaasahan na sasabihin mo yun.”
“Well, I don’t think there’s anything wrong with what I do and with what I said. I know na hindi siya yung usual na nangyayari but it doesn’t mean na mali ang ginawa ko.”
“Yeah, I agree.”
Nagliwanag ang mukha ni Jean. “I’m so glad na naiintindihan mo where I’m coming from, Leo. Hindi talaga ako nagkamali na nagustuhan kita. You have the qualities that I’m looking for in a man. Smart, matalino, at open-minded. Aside sa good physical attibutes mo siyempre na hinahangaan ng marami sa opisina natin.”
“Thanks. Nalulunod naman ako sa mga papuri galing sayo.”
“I am just stating facts about you, Leo,” malambing na sabi ni Jean. “Now tell me, may pag-asa ba na maging tayo?”
Parang nalunok ni Leo ang dila niya. Ano ba itong babaing ito at parang inihahain na sa kanya ang sarili.
Inilapit ni Jean ang mukha niya sa mukha ni Leo. Halos magdikit na ang mga labi nila. Tinitigan niya sa mata ang binatang tila gustong umiwas sa nakapapaso niyang tingin.
“Nahihiya ka ba sa’kin?”
“Hindi naman.”
“Then what are you waiting for? I’m all yours, Leo.”
Napalunok si Leo. Eto na! Bumibigay na talaga sa kanya si Jean. Ano ang gagawin niya? Tutukain ba niya ang palay na kusa nang lumapit sa kanya?
Nang hindi pa kumilos si Leo ay si Jean na mismo ang kumilos. Kinabig nito ang ulo ng binata palapit sa mukha niya kaya agad nagdikit ang kanilang mga labi. Mas agresibo si Jean. Siya ang nagmamaniobra sa kung ano ang nangyayari at kung saan aabot ang lahat.
Marahas at puno ng pagnanasa ang mga halik ni Jean. Sa umpisa’y nagpapabaya lang si Leo pero di nagtagal ay nakanti ni Jean ang natitirang pagkalalaki sa kanyang pagkatao. Ginantihan niya ang mapupusok na halik ng babae. Ginalugad ng dila niya ang loob ng bibig ni Jean, tila may hinahanap na kung ano.
Nanlaki ang mga mata ni Jean sa sobrang tuwa. Tagumpay ang sinimulan niyang plano. Alam niya, makukuha niya ngayong gabi si Leo!
Nagpatuloy sila sa nag-aalab na paghihinang ng kanilang mga labi. Kapwa na marahas ang mga halik na binibigay nila sa isa’t-isa. Ang kubong kanina’y malamig at payapa ay napuno ng mga ungol at singaw ng nag-iinit nilang mga katawan. Bumaba ang mga labi ni Jean sa leeg ni Leo. Pinagsawaan niya ang leeg ng binata pati ang ilalim ng tenga nito. Kinagat-kagat pa niya ang tenga ni Leo na mas nagpaulol sa pagnanasa nito.
Ang mga kamay ni Leo ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Jean. Dinama niya ang dibdib ng dalaga at pagkuwa’y ipinasok ang kamay sa blusang suot nito. Kahit may suot na bra si Jean ay damang-dama ni Leo ang init na nagmumula sa matayog na dibdib nito.
Hindi nagpatalo si Jean. Dinakot niya ang harapang bahagi ni Leo at agad niyang naramdaman ang pagngangalit nito. Hindi nakaramdam ng ano mang pangingimi si Jean nang ibaba niya ang zipper ng pantalong suot ni Leo at walang pag-aalinlangang ipinasok ang kamay niya sa loob ng brief nito. Ngayon ay hawak niya ang matigas na pagkalalaki ni Leo at sa isip niya’y sigurado siyang si Leo ay kanyang-kanya na.
Napasinghap si Leo. Kelan ba huling nahawakan ng isang babae ang pagkalalaki niya? Medyo matagal na rin yun. Kelan pa nga ba yung una’t huling girlfriend niya? Oo, sinubukan naman talaga niyang mag-girlfriend noon. Pero dumating talaga sa puntong nakipag-break lang siya dahil alam niya sa sarili kung ano ang totoong gusto niya.
Wala nang natitirang hiya sa katawan si Jean. Inumpisahan niya tanggalin sa pagkakabutones ang polong suot ni Leo, hanggang sa tuluyan niyang mahubad ang pang-itaas ng binata. Pagkatapos ay doon niya pinaglandas ang kanyang mga labi sa malapad na dibdib nito. Bumaba pa si Jean papuntang tiyan ni Leo, malapit sa pusod nito. Nakaluhod na ngayon si Jean sa harapan ng binata. Hangang-hanga si Jean sa katawan ni Leo. Nasa harap niya ngayon ang abs nito na resulta ng madalas nitong pagbababad sa gym.
Hinalikan ni Jean ang abs ni Leo. Pinalibutan din niya ng halik at malilit na love bites ang paligid ng pusod nito.
Itinayo ni Leo si Jean at mabilis na hinubad ang blouse na suot nito, kasunod ang pag-unhook niya sa bra ng dalaga. Ang maong shorts na suot nito ay mabilis din niyang naibaba hanggang ang panloob na lang nito ang matira. Hinubad na rin ni Leo nang tuluyan ang suot niyang pantalon para mas malayang magawa ng mga kamay ni Jean ang ano mang gustong gawin nito sa kanya.
Mas naging maalab ang paglalaro ng kanilang mga labi sa katawan ng isa’t-isa. Hindi na matandaan ni Leo kung paanong nahubad na rin ang kani-kanilang mga panloob. Namalayan na lang nilang kapwa sila nakahiga sa sahig ng kubo at nagpapakalunod sa pisikal na ligayang dala ng pagtatampisaw nila sa katawan n bawat isa.
Kung sinusubukan ni Leo na gawin ang tingin niya’s dapat gawin sa pagniniig na iyon, si Jean naman ay alam na alam kung paanong paliligayahin ang binatang gustong-gusto niya noon pa man. Mula sa pagkakahiga ay bumangon siya at si Leo ang hinayaan niyang nakahiga sa sahig. Mabilis siyang pumuwesto sa may bandang ibabang parte ng katawan ni Leo at pinagpala ng kanyang bibig ang pagkalalaki ng binata na ngayon ay handang-handa na sa mas umaatikabong labanan.
Napapaungol si Leo sa ginawang iyon ni Jean lalo na nang bilisan ng dalaga ang ginagawa nito. Kakaibang sensasyon ang nadarama si Leo dulot ng natural na sarap ng pakikpagtalik. Pakiramdam ni Leo ay bulkan siyang sasabog anumang sandali mula ngayon.
Nang hindi na niya mapigil ang sarili ay pinatigil niya si Jean sa ginagawa nito at inutusan niyang ito ang humiga naman. Agad na ipinosisyon ni Leo ang sarili sa bukana ni Jean at sa isang iglap ay naging isa ang kanilang mga katawan.
Walang pagsidlan ng tuwa ang puso ni Jean. Sa wakas, pagkalipas ng mahabang panahon ng pagpapantasya niya kay Leo, heto’t natupad na rin ang matagal niyang pangarap. At hindi siya nagkamali. Ang pagsasanib ng kanilang mga katawan ay tila isang drogang nakakaadik ang sarap.
Ilang sandali pa at naramdaman niyang nanginig si Leo sa kanyang ibabaw at tila nagdidiliryo ang mga mata nito kasabay ang isang mahabang pag-ungol. Buong pagsang-ayon na tinanggap ni Jean ang lahat ng ibinuhos ni Leo sa loob ng kanyang katawan. Maging siya ay nasa sukdulan na rin ng kaganapang iyon. Sabay nilang narating ni Leo ang langit. Wala na siyang pakialam kung ano man ang maging bunga niyon. Ang importante sa kanya ay natupad na rin ang matagal niyang pinakaaasam na makasalo sa kakaibang ligaya ang binatang kanyang pinakatangi-tangi sa buhay.
Ilang sandaling nanatili sa ibabaw ni Jean si Leo. Pagkatapos ay humiga ito sa sahig katabi niya, nakapikit pero hinahabol ang paghinga. Si Jean naman ay nanatili lang na nakahiga rin. Nakatingin sa kawalan habang bakas ang ngiti sa kanyang mga labi.
Unang bumangon si Jean at agad na nagbihis.
“Magbihis ka na rin, Leo. Baka hinahanap na tayo dun.”
Bumangon si Leo at isinuot ang mga damit niyang nahubad kanina. Nang matapos ay sabay silang lumabas sa kubo at bumalik sa may pool area kung saan nagkakasayahan pa rin ang iba nilang mga kasamahan. Wala silang pormal na usapan kung ano na sila pagkatapos ng nangyari sa kubo. Pero para kay Jean, iyon na ang umpisa ng mas malalim na relasyon niya kay Leo.
Chapter 8
NAKATANGGAP NG tawag si Argus mula kay Erwin.
“Kanor, busy ka ba bukas? May lakad ka ba?”
Sumagot si Argus: “ Hindi naman. Wala akong lakad, bakit?“
“Gusto mo bang sumama sa Benguet? Pwede mo ba akong samahan?”
“Anong gagawin mo dun?”
“Nag-volunteer akong magturo ng pagpipinta sa mga bata dun.”
“Wow! Pintor ka?”
“Not professionally. Pero nagpe-paint ako. Panregalo sa mga kaibigan ko. Pandisplay sa room ko.”
Natawa si Argus.
“Bakit?”
“Eh kasi, nagpe-paint din ako. Katulad mo, panregalo sa friends, pandisplay sa kuwarto. What a coincidence!”
“Talaga, Kanor?”
“Kelan ba tayo babalik ng Manila kung sasama ako sa’yo sa Sabado?”
“Five days
tayo
dun
. Don’t worry, may
matutuluyan
naman
tayong
hotel
dun
. Ano, sasama ka?“
“Sige, sama ako d’yan!”
“Kita na lang tayo sa bus terminal sa Cubao bukas nang umaga. Around 4am, okay ba sa’yo ’yun?”
“Magco-commute lang tayo? Di mo dadalhin ang kotse mo?”
“Hindi na. Mas gusto kong mag-bus na lang para pwedeng matulog sa byahe.”
“Okay, no problem. Exciting ito.”
ALAS TRES pa lang ng madaling-araw kinabukasan ay nasa bus terminal na si Argus. Tulad ng dati, una pa siyang dumating kesa sa kausap niya. Ganun na talaga siya. nakasanayan na niya kasing basta may ganung meet up, siguradong hindi siya male-late. Fresh na fresh at guwapong-guwapo siya sa suot niyang camouflage pants, white t-shirt at Nike rubber shoes.
Hindi rin naman na-late si Erwin. Limang minuto bago mag-alas kuwatro ay dumating ito sa terminal dala ang isang malaking back pack na kulay asul. Naka-khaki shorts lang si Erwin, black t-shirt at sneakers.
“O, Kanor kanina ka pa ba?” bati ni Erwin sa kaibigan.
“Hindi naman. Sakto lang. Tamang-tama ang dating mo. Paalis na ’yang bus, sakay na tayo diyan.”
Agad sumakay sa bus ang dalawa. Halos puno na ang bus. Mabuti na lang at bakante pa ang dalawahang upuan sa pinakadulo ng bus.
Dahil maaga pa, agad nakatulog ang dalawa nang magsimula nang bumiyahe ang bus patungong Benguet. Di nila namalayan kung gaano katagal na silang bumibiyahe nang magising si Erwin. Siya ang nasa may bandang malapit sa bintana kaya bahagya niyang inangat ang kurtina para tingnan kung nasaan na sila. Bagama’t mabilis ang takbo ng bus ay nabasa ni Erwin ang mga nadadaanang tindahan at agad niyang nalamang nasa parteng Pangasinan na sila. Ilang sandali pa ay huminto ang bus sa isang restaurant na nasa gilid ng highway. Dito marahil ang stop over para makapag-almusal ang mga pasahero at makapag-CR na rin ang mga gustong magbawas ng laman ng kanilang pantog.
Bahagyang tinapik ni Erwin si Argus upang gisingin ito. “Kanor, gusto mo bang mag-almusal?”
Nagmulat ng mga mata si Argus. “Asan na tayo?”
“Dito sa stop over sa Pangasinan. Mag-aalmusal ang driver at mga pasahero. Gusto mo bang kumain?”
Tumango si Argus.
“Tayo na diyan!” utos ni Erwin sa kasama.
Saglit na nag-inat si Argus pagkatapos ay tumayo na ito at lumakad para makababa ng bus. Kasunod niya si Erwin.
Umorder sila ng tapsilog at kape at mabilis na nilantakan ang almusal. Sabagay, hindi naman aalis ang bus hanggang kulang ang sakay nilang pasahero. Pero mas maganda na ring matapos sila on time para hindi na maging sanhi ng abala para sa iba.
Nang matapos kumain ay nagsibalikan na sa bus ang mga pasahero. Si Argus at Erwin ay tapos na ring kumain pero bumili pa sila ng tubig na babaunin sa biyahe.
NANG masigurong konduktor na nakasakay na lahat ang pasahero ay muling bumiyahe ang bus patungong Benguet.Si Argus ay muling nakatulog samantalang si Erwin ay nanatiling gising. Pinagmasdan niya ang natutulog na katabi. At gaya ng dati ay muling nahulog ang loob niya kay Argus. Gustong-gusto niya talaga ito. Pero mukhang mahihirapan siyang makuha ang atensiyon nito gayong si Leo pa rin ang laman ng puso at isipan ng binata. Napahilig ang ulo ni Argus sa balikat ni Erwin. Inayos niya ito upang hindi mangawit si Argus sa pagkakahilig sa balikat niya. Ang sarap ng pakiramdam ni Erwin. Parang gusto niyang ipadama kay Argus na safe na safe ito pag siya ang kasama. At totoo naman iyon. Para kay Argus, gagawin lahat ni Erwin masiguro lang na nasa maayos itong kalagayan.
Ang lapit-lapit ng mukha ni Argus sa mukha ni Erwin. Nasa likurang bahagi sila ng bus. Ang katapat nila sa kabilang bahagi ay parehong tulog. Natutukso si Erwin na gawin ang ginawa niya dati nung iniuwi niya si Argus sa condo niya.
Di na napigilan ni Erwin ang sarili. Marahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ng tulog na kasama. Walang reaksiyon mula kay Argus. Masarap ang tulog nito habang tila idinuduyan ng tumatakbong sasakyan.
Ang unang subok, pag nagtagumpay ay laging nagkakaroon ng kasunod na pagtatangka. Ngayong naulit ang una at tagumpay pa rin, mas natukso na si Erwin na ulitin ulit ang kanyang ginawa.
Maingat na tumagilid si Erwin paharap sa mukha ni Argus.Tulog pa rin ito at walang alam sa nangyayari. Kaya malayang nagawa ni Erwin ang pakay. Sunod-sunod niyang hinalikan sa labi si Argus. Puro smack lang naman pero inulit niya ito nang inulit dahil mukhang wala namang kamalay-malay si Argus sa ginagawa sa kanya.
Nang magsawa ay napangiti pa si Erwin. Pero na-guilty rin siya nang konti. Mas masarap sana kung gising si Argus at tinugon nito ang kanyang mga halik.
Nagkasya na lang si Erwin na titigan ang guwapong mukha ni Argus. Kaya nagulat pa siya nang bigla itong magmulat ng mga mata at huling-huli nito na nakatitig siya sa kanya.
“Bakit mo ako tinititigan?” sabi ni Argus.
“H-ha? Hindi naman ah. Paano mo nasabing tinititigan kita eh kagigising mo nga lang?”
“Ewan ko. Parang nararamdaman kong may nakatitig sa akin. Kaya nga siguro ako nagising.”
“Wow, ha! Ibang level ka na.”
“Malapit na ba tayo?” iniba ni Argus ang usapan.
“Mahigit isang oras pa siguro. Matulog ka na lang ulit kung inaantok ka pa. Gigisingin na lang kita pag malapit na tayo.”
Pero hindi na nakatulog si Argus. Naglagay na lang ito ng earphone at nakinig ng mga kanta sa celfone nito.
Si Erwin naman ay inaliw ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana.
Hindi na nagtagal at dumating din sila sa Benguet.
Pagkababa ng bus ay sumakay sila tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel. Doon na lang sila magchecheck-in habang andito sila sa Benguet. Mamaya pagkatapos magpahinga ay pupuntahan nila ang barangay kung saan magtuturo ng pagpipinta sa mga bata si Erwin. Ito ang unang assignment niya mula nung mag-volunteer siya sa Share A Blessing Foundation. Akala ni Erwin nung una na isang grupo silang pupunta dito sa Benguet. Laking gulat niya nang malamang siya lang pala ang pupunta dito upang gawin ang misyon. Mabuti na lang talaga at napapayag niya si Argus na samahan siya. Salamat na lang at pareho pala sila nitong mahilig magpinta. Isang araw,kukulitin niya si Argus na ipakita sa kanya ang mga iginuhit nito.Gusto niyang makita ang mga obra ng binata. Di pa man, parang alam na niyang magaling gumuhit at magpinta si Argus.
Bakit hindi? Kung dinidisplay nito ang mga gawa at ipinangreregalo sa mga kaibigan, malamang na magaganda ang gawa nito.
“Room 86 po,sir.” Iniabot ng receptionist ang susi ng kuwarto. Dapat ay dalawa ang kukunin nilang silid pero nagsabi si Argus na mag-share na lang sila sa isang room. Sayang daw ang ibabayad. Tutal, pag gabi lang naman sila nandito dahil maghapon sila sa barangay kung saan magtuturong magpinta si Erwin.
PAGPASOK sa kuwarto ay parang batang dinamba ni Argus ang kama. Ang backpack na dala nito ay inihagis lang sa isang sulok ng silid.
“Ang sarap naman dito!!!”
Tatawa-tawa lang si Erwin. Aliw na alis siyang pagmasdan ang kakulitan ni Argus. Gustong-gusto niyang pagmasdan anuman ang gawin ng binata. Minsan pa, nakaramdam siya ng pagkainggit at inis kay Leo.
Ang tanga mo, Leo! Paano mo nagawang balewalain ang isang napakabuting taong tulad ni Argus? Sana ako na lang ang una niyang nakilala, hindi ikaw. E di sana, masaya kaming dalawa ngayon, bulong ng isip ni Erwin.
Chapter 9
BANDANG TANGHALI ay pinuntahan nina Erwin at Argus ang barangay Apitong. Ito ang lugar na kung saan magtuturo si Erwin ng pagpipinta sa mga bata rito. Madali naman nilang nahanap ang lugar. Natunton din nila kaagad ang bahay ng kapitan ng barangay.
“Tao po! Tao po!” Kinakatok si Erwin sa pinto ng bahay habang si Argus naman ay nasa likod lang at nagmamasid sa paligid.
Nang bumukas ang pinto ay lumapit na rin si Argus kay Erwin. Bumungad sa kanila ang isang batang lalaki.
“Anya masapul mu?” sabi ng bata sa salitang Ilokano.
Nagkatinginan lang sina Erwin at Argus. Hindi nila naintindihan ang sinabi ng bata.
“Andyan ba si kapitan?” tanong ni Erwin.
Lumingon ang bata sa loob ng bahay sabay sigaw, “Tatang adda tattao ditoy!”
Isang may edad na lalaki ang lumabas at humarap sa kanila.
“Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ng matanda.
Sumagot si Erwin. “Hinahanap po namin si Kapitan Antonio Cielo.”
“Ako ’yun. Sino kayo?” Mukha namang mabait ang matandang lalaki pero seryoso ito sa pagsasalita.
“Ako po si Erwin at ito namang kasama ko si Argus. Ako po ’yung ipinadala ng foundation para magturo ng pagpipinta sa mga bata,” pagpapakilala niya.
Umaliwalas ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, ganun ba? Halika at pumasok muna kayo dito at maupo. Kelan ba kayo dumating?”
“Kaninang umaga pa ho. Naghanap na muna kami ng matutuluyang hotel bago kami pumunta dito.” Umupo sila sa mga silyang yari sa kawayang nilagyan ng varnish. Maaliwalas ang bahay ni kapitan. Sadyang inihanda para sa mga taong pupunta sa kanya bilang siyang pinuno ng barangay.
“Sabi ko sa kausap ko sa foundation, wag na kayong mag-problema sa tutuluyan dahil pwede naman kayo dito. Kahit sa barangay hall, pwede rin kayong matulog dun. Palalagyan ko na lang ng maayos na mahihigaan.”
“Naku, salamat po. Pero ’wag na po kayong mag-abala. Okay naman po yung nakuha naming matutuluyan. Aagahan na lang namin ng pagpunta dito para matapos iyong mga dapat maituro sa loob ng limang araw.”
“Ah, kayo ang bahala. Pero laging bukas ang bahay ko para sa inyo.” Ngumiti ang kapitan.
“Paano po ba natin sisimulan ang pagtuturo?” tanong ni Erwin.
“May listahan na tayo ng mga kasali. Mga labinlimang kabataan ang nagpalista. Darating sila bukas ng alas-ocho ng umaga. Ikaw na ang bahala kung anong oras ka mag-uumpisa at anong oras mo tatapusin ang sesyon sa bawat araw.”
Tumango-tango si Erwin tanda ng pagsang-ayon.
“’Yung mga gagamitin naman, naihanda na rin gaya ng napag-usapan namin sa foundation. Hihingin mo lang sa assistant na papupuntahin ko dun para samahan ka at ang mga bata. Wala ka nang poproblemahin, ayos na ang lahat. Magtuturo ka na lang,” mahabang paliwanag ng kapitan.
“Kung ganoon po at wala namang problema, aalis na po kami at babalik na lang bukas nang umaga. Aagahan na lang po namin para di naman mainip ang mga bata.” Nakangiti si Erwin. Excited na siya sa gagawing pagtuturo. Ito ang isa sa mga bagay na gustong-gusto niyang gawin, ang magpinta. At malaking karangalan para sa kanya na maibahagi ang konti niyang kaalaman sa mga batang mahilig din sa ganoong sining.
“E di sige. Hindi ko man lang kayo naalok ng maiinom,” pagpapaumanhin ng kapitan.
“Naku, walang problema ho ’yun. Okay lang kami. Katatapos lang ho naming kumain bago kami pumunta dito,” sagot ni Erwin.
“Tutuloy na po kami,” magalang na pagpapaalam ni Argus.
Kinamayan ni Erwin ang matandang lalaki at nagpaalam na rin.
Kumaway pa sa kanila ang kapitan habang naglalakad na sila papalayo sa bahay.
Madali naman silang nakasakay ng jeep at nakabalik din agad sa hotel. Mag-aalas singko pa lang ng hapon noon.
“Gusto mo bang gumala, Kanor?” tanong ni Erwin.
“Saan naman?”
“Kahit saan. Simula bukas magiging abala na ako. Hindi na kita maipapasyal dito.”
Natawa si Argus. “Bakit mo naman ako ipapasyal? Ano ako, bata?”
“Hindi sa ganoon. Siyempre, ako ang nagyaya dito. Unfair naman na sinama kita dito tapos bibitbitin lang kita sa pagtuturo ko. Dapat may bonding time tayo para ma-enjoy naman natin itong lugar. I’m sure, first time mong makarating dito.”
“Yup, first time nga. And I found out na napakaganda pala ng lugar na ito.”
“Kaya nga dapat natin itong i-explore. At uumpisahan natin ngayon. Kaya gumayak ka ulit at lalabas na naman tayo.”
Mabilis na kumilos ang dalawa. Wala ng ligo, nagpalit na lang ng damit at lumakad na sila para umikot sa La Trinidad, Benguet.
Una nilang pinuntahan ang three-storey na Benguet Provincial Capitol na kung saan makikita mo ang kabuuan ng La Trinidad Valley. Ang gusaling ito ang sumisimbolo kung gaano na kaprogresibo ang lalawigan ng Benguet. Saglit lang sila sa lugar na iyon. pagkatapos mag-picture taking at pumasyal nang sandali ay umalis na sila upang pumunta naman sa iba pang tourist spot ng lugar.
Sunod nilang tinungo ang rose garden kung saan naroon ang iba’t-ibang varieties ng rosas. Manghang-mangha si Erwin at Argus sa mga rosas na nandito. Nalaman nila mula sa namamahala na nobenta porsiyento ng mga bulaklak dito ay dinadala sa Maynila para ibenta at ang natitira ay dito naman sa Baguio City ipinagbibili. Lubhang maganda ang lugar na mas pinaganda pa ng mga bulaklak at sa hangin ay masasamyo mo ang natural na amoy ng mga rosas.
Panghuli nilang pinuntahan ang strawberry farm kung saan sila mismo ang pumitas sa mga strawberry na kanilang binili. Di iilang beses na imbes ilagay sa basket ang prutas ay diretso nila iyong isinubo at kinain. Tawa sila ng tawa nang maisip na hindi man lang nila nahugasan ang prutas pero kinain na nila kaagad. May isang pagkakataon na nahulog ang strawberry na isusubo sana ni Argus pero maagap itong nasalo ni Erwin at siya na mismo ang nagsubo nito kay Argus. Medyo awkward si Argus sa ganung eksena pero nagkunwari si Erwin na balewala lang iyon sa kanya kaya sa huli ay nauwi na naman sila sa halakhakan. Iuuwi nila ang biniling strawberries at balak nilang papakin ito pagdating ng bahay.
Dahil kailangang maaga silang pupunta sa barangay kinabukasan, hindi na masyado gumala pa sina Erwin at Argus. Kung may oras pa sila pagkatapos ng pagtuturo ni Erwin sa mga bata ay saka na lang nila iikutin pa ang ibang tourist attractions sa lugar na iyon.
Kung masaya si Argus sa konting oras na iyon ng paglilibot, mas matindi ang nadaramang kasiyahan ni Erwin dahil kahit kaunti, alam niyang napasaya niya ang taong mahal niya.
Bago bumalik ng hotel ay kumain na muna ang dalawa sa isang fast food restaurant. Sa mga susunod na araw siguro ay oorder na lang sila ng pagkain sa hotel.
Nang gabing iyon, magkatabing natulog sina Argus at Erwin.
Hindi alam ni Erwin kung anong oras na iyon nang bigla siyang magising dahil naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Argus. Alam niyang tulog ang katabi. Akala siguro nito ay unan siya. Pinabayaan na lang niya itong nakayakap sa kanya. Sa ganung mga bagay ay masaya na siya. Masaya na siyang kasama ang taong nagpapatibok ngayon ng puso niya.
“Leo…” Umuungol si Argus, pero malinaw na narinig ni Erwin ang pangalang sinabi nito. “Mahal kita, Leo.”
Ang kanina’y masayang pakiramdam ni Erwin ay biglang napalitan ng pagkadismaya. Hanggang ngayon ba naman, hanggang dito sa Benguet si Leo pa rin ang iniisip ni Argus hanggang sa pagtulog nito.
Chapter 10
MAAGANG DUMATING sa barangay Apitong sina Erwin at Argus kinaumagahan. Wala pang alas-ocho ay naroon na sila sa barangay hall kung saan magtuturo ng pagpipinta si Erwin sa mga bata. Pagdating nila ay nandun din si kapitan at agad silang ipinaghanda ng almusal na hindi naman tinanggihan ng dalawa dahil nagkape lang sila bago umalis ng bahay.
Maya-maya pa’y isa-isa nang nagsidatingan ang mga batang tuturuan ni Erwin. Sa tantiya niya’y mula edad apat hanggang labintatlong taong gulang ang mga ito. Labinlimang mga bata lahat ang kasali sa proyektong iyon ng barangay sa pakikipagtulungan ng Share A Blessing Foundation, at masaya si Erwin na siya mismo ang tulay para matupad ang makabuluhang proyektong ito.
Nang matapos kumain ay agad nang nagsimula si Erwin sa pagtuturo. Tulad ng isang propesyunal na guro, inumpisahan ni Erwin ang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanyang sarili.
“Magandang umaga, mga bata. Ako si Kuya Erwin. Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang basic things na dapat ninyong malaman sa pagguhit at pagpipinta. Sino sa inyo ang mahilig mag-drawing? Taas ng kamay!”
Kanya-kanyang taas ng kamay ang mga bata na karamihan ay lalaki. Dalawang babae lang ang nakita ni Erwin na kabilang sa grupo.
Sa isang sulok ay seryosong pinapanood naman ni Argus si Erwin. Naaaliw siya na ang kaibigan niyang ito ay may malaking puso pala sa pagtulong. Habang tumatagal, napapansin niya ang natural na kabutihan ni Erwin. Mula nung makilala niya ito hanggang ngayon, hindi pa niya ito nakitaan ng kahit konting kagaspangan ng ugali. At ngayon nga, nakita niya mismo ang mga effort na ginagawa nito upang sa munti pang paraan ay makapaglingkod sa iba. Hindi yata madali na magvolunteer sa isang non-governmental organization at dalhin ang sarili sa isang lugar para magsagawa ng charity work. Lalo na at mag-isa ka lang pupunta sa lugar. Buti na lang pala at naisipan ni Erwin na isama siya. Noong una nga ay parang nagdalawang-isip pa siyang sumama. Pero nang malaman niyang magtuturo pala ito ng pagpipinta sa mga bata ay agad na siyang pumayag. Bakit naman hindi? Malapit rin sa puso niya ang pagpipinta. Isa ang sining na iyon sa mga libangan niya na kung minsan ay pinagkakakitaan niya rin pag may ibang tao na nagkakagusto sa gawa niya at pinipilit siyang ibenta ito sa kanila. Although madalas naman talagang ginagawa lang niyang panregalo sa mga kaibigan ang kanyang mga likha. Ang iba nga ay naroon naman at naka-display sa kanilang bahay.
Bumalik ang pansin niya kay Erwin nang magsalita itong muli.
“Mga bata, ngayon naman gusto kong isa-isa rin kayong magpakilala para makilala ko rin kayo. Okay ba iyon?”
“Opo, Teacher Erwin,” sabay-sabay na sagot ng mga bata.
“Sige, ikaw ang una.” Itinuro ni Erwin ang batang lalaki na nasa kanang dulo ng silid.
“Ako po si David, siyam na taong gulang.”
“Ikaw naman?” turo naman ni Erwin sa kasunod.
“Ako po si Marlon, labingdalawang taong gulang.”
Isinunod ni Erwin ang isang maliit na bata. “Anong pangalan mo?”
Hindi agad sumagot ang bata.
Malambing na ginulo ni Erwin ang buhok ng bata. “Ako si Kuya Erwin. Anong pangalan mo?”
Hindi pa rin ito sumagot.
“Anya ti nagan mo, ading?” sabi ni Marlon sa katabi.
Tumingin kay Marlon ang bata at saka nagsalita. “Larry…”
Nginitian ni Marlon si Erwin.
“Ah, Larry. Diak a maawatan ti Ilocano, Larry.”
Ngumiti kay Erwin ang paslit na tingin niya’y apat na taong gulang lang.
Sunud-sunod nang nagpakilala ang iba pang mga bata pagkatapos.
Napansin ni Erwin ang isang batang lalaki, siguro’y mga pitong taong gulang na nasa labas ng pinto at sumisilip sa loob ng barangay hall.
Tinawag ito ni Erwin. “Halika rito. Gusto mong sumali sa amin?”
Biglang parang nataranta ang bata at natakot. Agad itong tumakbo papalayo sa kanila.
May halo mang pagtataka ay nagkibit-balikat na lang si Erwin at muling hinarap ang mga bata.
“Okay, ngayon naman ay magkakaroon tayo ng activity para makita ko ang kakayahan n’yo sa pagdro-drawing. Bibigyan ko kayo ng bond paper at lapis at gusto kong iguhit ninyo ang mga bagay na nakikita ninyo sa labas ng barangay hall na ito. Meron kayong labinlimang minuto para gawin ito.”
Bumaling si Erwin kay Marlon. “Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Larry, kung ano ang dapat gawin. Mas nagkakaintindihan kayo, eh.”
“Opo, teacher.” At kinausap ni Marlon sa salitang Ilocano si Larry para maintindihan nito kung ano ang ipinagagawa ni Erwin sa kanila.
Nagsimula nang maging abala ang mga bata sa first activity nila. Habang ginagawa nila ito, nagkaroon ng pagkakataon si Erwin na lumapit kay Argus at kumustahin ito.
“O ano, okay ka lang ba? Hindi ka ba nabo-bore? tanong ni Erwin kay Argus.
“Hindi naman. Nakakatuwa ang mga bata. Lahat sila excited matuto. At ikaw, magaling ka rin ha. I never thought you could be that serious. Teacher na teacher.”
Tumawa si Erwin. Sakto lang para hindi makaistorbo sa ginagawa ng mga bata.
“Ano ba talaga ang work mo? Volunteer ka lang sa foundation, di ba? So, what do you actually do?”
“Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa’yo. I run small businesses. May tapsilogan ako, isa sa Timog at isa sa U-Belt area. Tapos may laundry shop ako sa U-Belt area din. So dun nauubos ang oras ko, managing those small businesses to make sure they’re earning money for me.”
“Wow!”
“At saka may isang 5-door apartment ako na pinapa-rent ko.”
“Ang yaman… Sige, ikaw na ang rich kid,” sabi ni Argus na hindi maitago ang paghanga sa kausap.
“Hindi naman. Those are fruits of real hard labors. Mahirap ang pinagdaanan ko bago ko nagawang stable ang mga negosyong ’yun. Kung iisipin mo, parang madali lang, pero hindi. Kailangan talagang tutukang mabuti, dahil kung hindi siguradong sasablay at mapupunta sa pagkalugi.”
“Pero bilib ako sa’yo ha. Really. I admire people na nagsisikap mapabuti ang buhay. Minsan, isama mo naman ako sa mga negosyo mo. Pakainin mo naman ako ng tapsilog mo. Tingnan ko kung masarap.”
“Naku, garantisadong masarap ’yun. Sige, one time isasama kita dun.”
“Do you know that I cook?”
“Alam ko may catering business ka. So, I assume may alam ka sa pagluluto.”
Tumango lang si Argus.
“Teka, tapos na ang fifteen minutes.” Bumalik si Erwin sa harapan ng mga bata. “Tapos na ba kayo?”
“Opo,” chorus na naman ang mga bata sa pagsagot.
“Sige, ipasa n’yo na ’yan para makapag-umpisa na tayo sa ating pag-aaralan.”
Buong umagang iyon ay nag-lecture si Erwin ng kanyang mga nalalaman sa pagpipinta. Mula sa mga style at techniques, ibinahagi niya lahat sa mga bata ang mga alam niya na natutunan din niya sa college nung kumuha siya ng kursong fine arts sa UP. Mukha namang nag-eenjoy ang mga bata sa ginagawa nila dahil nanatiling active and cooperative ang mga ito sa bawat activity na pinagagawa niya.
Nang bandang tanghali na ay pinauwi niya muna ang mga bata para kumain at sinabihang bumalik ng ala-una ng hapon.
Habang nagpapahinga ay sinubukan ni Erwin at Argus na umikot sa lugar na iyon. Maganda kasi ang lugar na halos luntian ang paligid dahil sa mga bundok at puno. Habang nagpapahinga, nakitang muli ni Erwin ang batang sumilip kanina sa klase niya. Tila nagtatago ito sa isang malaking puno habang nakasilip sa gawi nila ni Argus.
Sinenyasan ni Erwin ang bata na lumapit sa kanila.
Nung una ay parang nag-aalangan pa ito pero pagtagal ay nakita ni Erwin na dahan-dahan na itong lumakad papunta sa kinaroronan nila ni Argus.
“Di ba ’yan ’yung batang tumakbo kanina na parang natakot sa’yo?” tanong ni Argus.
“Yup, siya nga. Hayan papalapit na siya. Kausapin natin.”
Nasa harap na nila ang bata nang magtanong si Argus. “Anong pangalan mo?”
“Jonas,” nahihiyang sagot ng bata.
“Ilang taon ka na, Jonas?” si Erwin.
“Pito po.”
“Ba’t hindi ka sumali sa klase namin kanina? Gusto mo bang sumali sa amin para makapag-drawing ka rin katulad nung ibang mga bata doon?”
Nahihiyang ngumiti si Jonas bago nagsalita. “Wala pong pambayad para makasali.”
Naintindihan ni Erwin ang ibig sabihin ng bata. Although volunteer siya do’n ng Share A Blessing Foundation, alam niyang ang mga batang kasali ay nagbayad ng P300.00 na registration fee at doon kukunin ang pambili ng mga gagamitin para sa limang araw na pag-aaral nila ng basic painting.
“Pero gusto mo sanang sumali?” muling tanong ni Erwin.
Nahihiyang tumango ang bata.
“Magkano ba ang bayad para makasali?” Si Argus naman ang nagtanong kay Erwin.
“Three hundred pesos.”
“Isali mo na siya. Ako na lang ang magbabayad ng three hundred para sa kanya.”
“O, narinig mo ’yun? Kasali ka na. Kaya mamayang ala-una, pumunta ka na dun sa barangay hall. Wag kang mahuhuli sa klase, ha?”
Hindi mailarawan ang saya sa mukha ni Jonas. Tuwang-tuwa ito sa tila swerteng dumating sa buhay niya.
“Salamat po,” sabi nito kay Argus.
“Wala iyon. Basta galingan mo, ha?”
“Opo!” Masayang sagot nito at mabilis na tumakbo palayo sa dalawa.
“Bumalik ka agad. Ala-una tayo mag-uumpisa.” sigaw ni Erwin.
Hindi na sumagot ang bata, patuloy lang ito sa pagtakbo.
Ngumiti si Erwin kay Argus. “Thank you for making him happy.” Bumulong ang isip niya, Sana, mapasaya mo rin ako… ang puso ko.
Matamis ang ngiting ibinalik ni Argus sa kaibigan. Ngiting tila nagdala kay Erwin sa ulap ng kasiyahan.
Chapter 11
NAGING INSPIRED sa pagtuturo si Erwin ng hapong iyon. Hindi niya maipaliwanag ang tuwang nadarama niya habang ibinabahagi sa mga bata ang kanyang kaalaman sa pagguhit at pagpipinta. Dumating din si Jonas at gaya ng ginawa ng mga bata kaninang umaga, pinag-drawing din ito ni Erwin ng mga bagay na makikita sa paligid. Ipinasa ito ni Jonas pagkatapos at unang tingin pa lang ni Erwin sa gawa nito ay napansin na niya kaagad ang malaking potensyal ng bata. Iginuhit nito ang malawak na palayan na matatanaw kung andun ka’t nakatayo sa labas ng barangay hall. Walang masabi si Erwin sa ginuhit ni Jonas kundi puro paghanga sa natural na talento nito.
Alas-tres ng hapon ay pinauwi na niya ang mga bata pero sinabihan niya si Jonas na magpaiwan.
“Alam mo ba na magaling ka sa pagguhit? Sandali mo lang ginawa ’yung drawing na iyon pero lumabas na napakaganda. Sinong nagtuturo sa’yo para gumuhit?” tanong ni Erwin kay Jonas.
Umiling ang bata. “Wala po.”
“Pero napakagaling mo. Anong gusto mong maging paglaki mo? Anong pangarap mo, Jonas?”
Nakikinig lang si Argus habang nag-uusap ang dalawa.
“Gusto ko pong maging pintor. Pero hindi po ’yun matutupad. Hindi po papayag ang tatay ko. Ayaw po niya.”
Kumunot ang noo ni Erwin. “Bakit ayaw niya?”
“Hindi ko po alam. Lagi po siyang nagagalit pag nakikita niya akong nagdrodrowing.”
“Eh paano ’yan? Pag nakita ka niyang kasali sa klase ko, mapapagalitan ka? Bakas sa mukha ni Erwin ang pag-aalala.
“Wala po siya ngayon dito. Nasa trabaho. Lingguhan po siya kung umuwi.”
“Anong trabaho ng tatay mo?
“Minero po. Sa Sabado po ang uwi niya. Kaya makakasali lang po ako sa klase n’yo hanggang di pa siya umuuwi. Pag andito na po siya, di na po ako pupunta sa klase.”
“Matatapos mo ang klase ko. Limang araw lang naman ito. Sana ipagpatuloy mo ang hilig mo sa pagguhit. Napakalaki ng potensyal mo. Magaling ka na ngayon pa lang. Mas gagaling ka pa paglaki mo. Wag mong sasayangin ang talento mo. Regalo ’yan sa’yo ng Diyos,” seryosong sabi ni Erwin sa bata.
Tahimik lang si Jonas pero parang maiiyak ito. Napansin ni Erwin ang pamumugto ng mata ng bata.
“Bakit?” tanong ni Erwin.
“Ang bait-bait n’yo po. Sana kayo na lang ang tatay ko,” tuluyan nang nahulog ang mga butil ng luha mula sa mata ni Jonas.
Niyakap ni Erwin ang bata. Si Argus naman ay nadadala na rin sa eksena. Lumalambot lalo ang puso niya pag ganitong bata ang involved. Malapit ang puso niya sa mga bata dahil para sa kanya ang mga bata ang totoong nagdadala ng saya sa isang pamilya.
“Asan ang nanay mo?”
’Wala na po. Patay na po siya. Sabi ng tatay, namatay daw po si nanay sa panganganak sa akin. Iyon po lagi ang sinasabi niya sa akin ’pag nagagalit siya. Kasalanan ko raw po kaya namatay ang nanay ko,“ tuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa pisngi ni Jonas.
“Hindi. Wag mong iisipin ’yon. Kahit iyon pa ang sinasabi ng tatay mo, wag mong itatanim sa isip mo na kasalanan mo ang pagkamatay ng nanay mo. Walang may kasalanan dun. Naiintindihan mo ba ako?” Pinipilit ni Erwin na ipaintindi sa bata na inosente ito sa nangyari.
“Opo, titser.”
Muling niyakap ni Erwin ang bata.
Si Argus ay tuluyan nang naantig ang puso. Una, sa sitwasyon ni Jonas. Ikalawa, sa kabutihan ng puso ni Erwin. Ang swerte ng sino mang mamahalin ni Erwin. Napakabait nito. Napakabuting tao. Kung sana naging ganito si Leo, sana ang saya-saya niya ngayon.
Si Leo.
Si Leo na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano na nag nangyari dito. Hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya ang boyfriend niya.
Boyfriend pa nga ba?
O ex-boyfriend na?
“Pumasok ka bukas, ha?” narinig ni Argus na sabi ni Erwin kay Jonas.
“Opo.”
“Tahan na. Wag ka nang umiyak. Pag may problema ka, sabihin mo sa akin. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin. Sino pala’ng kasama mo sa bahay kung wala doon ang tatay mo?”
“Ako lang pong mag-isa?”
“Ha?!” Nagulat si Erwin sa sinabi ng bata. “E paano ka kumakain? Sinong nagluluto ng pagkain mo? Diyos ko, pitong taon ka pa lang?”
“Marunong na po akong magsaing. Marunong din po akong magluto ng noodles. Minsan po, umuutang ako ng sardinas sa tindahan, pinabubuksan ko na po dun.”
Awang-awa si Erwin kay Jonas.
“Puro ganun lagi ang pagkain mo?” Sumali sa usapan si Argus. “Anong sustansya ang makukuha ng katawan mo pag ganun? Ipakausap mo nga sa akin ang tatay mong napakabait,” diniinan ni Argus ang pagsabi ng “napakabait”.
“Wag po! Malalaman po niya na sumali ako sa klase ni titser Erwin. Mapapagalitan na naman po ako,” pagmamakaawa ni Jonas na tila maiiyak na naman.
Ang laki talaga ng takot ng bata sa ama nito, naisip ni Erwin. Mahirap pag nakalakihan niya ang takot na ito sa sariling ama. Sa edad ni Jonas ngayon, ito yung panahon na kailangan nito ng father figure. Anong imahe ang mahuhubog sa isipan ng bata tungkol sa isang ama kung ganito na lang kalaki ang takot nito sa kanyang tatay? At isipin pang ang ama mismo nito ang pumipigil sa pangarap ng bata. Sayang na pangarap dahil napakalaki ng talentong mayroon si Jonas.
“Uuwi na po ako, titser,” maya-maya’y sabi ni Jonas.
“O, sige. Saan ka ba umuuwi?”
“Doon lang po,” sabay turo sa isang gawi sa lanas ng barangay hall bagama’t di malinaw kung saan ang eksaktong lugar. “Malapit lang po rito.”
“Sige, mag-iingat ka lagi.”
“Opo. Salamat po, titser.” At lumakad na ito papalabas ng barangay hall.
Naiwan si Argus at Erwin. Tinext niya ang assistant na pinadala ni kapitan at nagpaalam na sila rito. Agad na dumating ang assistant na bumili lang pala ng merienda sa kalapit na tindahan.
“Magmeryenda muna kayo bago kayo umuwi. Para di kayo magutom sa biyahe. Masarap itong ginataang mais at bigas na malagkit. Bagong luto.”
“Naku, masarap nga ’yan,” sabi ni Argus. “Ano nga ulit ang pangalan mo, ate?”
“Shirley.”
“Salamat dito sa meryenda, ate Shirley.” Nakangiti si Erwin sa babae.
“Salamat din sa inyo. Hindi madali ang ginagawa ninyong pagbibigay ng libreng tulong sa mga bata namin dito. Sabi nga ni kapitan, napakaswerte ng barangay namin dahil dinayo n’yo pa talaga kami para sa training ng mga bata. Alam ni kapitan na maraming matututunan ang mga bata sa inyo at ako mismo ang makapagpapatunay dun dahil nandito ako at nakikinig din habang naglelecture ka, Erwin.”
Ang laki ng ngiti ni Erwin. Iyon ang isang masarap pag tumutulong ka sa kapwa. ’Yung alam mong naa-appreciate ang pagtulong mo at pagbibigay ng oras para sa ibang tao.
Kinain na nina Erwin at Argus ang meryenda at pagkatapos ay magalang na nagpaalam kay Shirley.
SA MAYNILA ay aburido naman si Leo. Bakit kahit nag-girlfriend na siya ay hindi pa rin siya matahimik? Kung kelan akala niya’y matatapos na ang mga problema dahil ginagawa na niya ang tama ay saka naman niya lalong naiisip si Argus. Sobrang mahal pa rin niya ito. Kahit sa mga sandaling magkasama sila ni Jean hindi kailan man nawala sa kanyang isip ang taong totoong mahal niya. Si Argus lang iyon.
Paano na lang kung malaman ni Jean ang totoo?
Chapter 12
KANINA pa hindi mapakali si Leo. Hawak niya ang cellphone niya at hindi malaman kung tatawagan ba si Argus o hindi. Ilang araw na siyang nag-iisip na kontakin ang mahal niya pero natatalo pa rin siya ng mga alalahanin. Paano ba nila ipagpapatuloy ang kanilang relasyon gayong ayaw niyang lumabas sa closet?
Naiinggit siya kay Argus. Mabuti pa ito, tanggap ng mama niya kung ano tunay nitong pagkatao. Pero siya, hindi niya alam kung paano aaminin sa mga magulang niya na siya’y bakla at umiibig sa tulad niya ang kasarian.
Akala niya, maaayos ang problema kung iiwasan niya si Argus at makikipagrelasyon siya sa isang babae. Pero nagkamali yata siya. Parang mas lalong gumulo ang sitwasyon. At nararamdaman niyang hindi na niya ito kayang i-handle.
Nag-ring ang cellphone ni Leo. Tumatawag si Jean.
“Hello… “
“Asan ka ba?” sabi ni Jean. “Kanina pa kita hinahanap. Ang hirap-hirap mong kontakin.”
“Andito lang ako sa bahay ng kaibigan ko,” pagsisinungaling ni Leo. Ang totoo’y naroon lang naman siya sa kanyang kuwarto. Pero nagbilin na siya sa kasambahay na sabihing wala siya kahit sino pa man ang maghanap sa kanya. Mula nung umalis siya sa tinitirhan niyang condo ay bumalik na siya sa bahay nila. Dito ay muli niyang nakasama ang mga magulang niya. Sa ilang buwan nila ni Argus bilang magkarelasyon, kakatwang hindi niya nasabi rito kung saan ang permanent address niya. Ang alam lang nito ay may bahay sila sa Pasig pero ang eksaktong lokasyon ay hindi nito alam.
“Hindi ba may usapan tayo na magkikita ngayon dahil sasamahan mo akong umuwi ng Laguna dahil birthday ng mama ko. Para maipakilala na rin kita sa kanila.”
Natutop ni Leo ang noo. “Aww! I’m sorry. Nawala sa isip ko.”
“Eh paano na ’yan?” nagtatampong sabi ni Jean.
“Nasaan ka ba? Alas-dos pa lang naman ng hapon. Aabot pa tayo. Malapit lang naman ang Laguna.”
“Nandito ako sa apartment. Sunduin mo ako rito.”
“Sige, pupunta na ako dyan.”
“Bilisan mo, ha?”
“Yup! Sige, bye! Hintayin mo ako dyan.”
Mabilis na nagbihis si Leo. Pagbaba niya sa sala ay nasalubong pa niya ang kanyang mama.
“O, saan ang punta mo?” tanong ng mama ni Leo.
“Kay Jean, ’ma. Pupunta kami sa kanila sa Laguna. Baka gabihin ako or bukas na makauwi.” Kilala na ng parents niya si Jean. Minsan na niya itong naisama dito sa bahay nila.
“Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” paalala ng mama niya.
“Opo, ’ma.” Hinalikan ni Leo sa noo ang ina at tinungo na niya ang kotse na nasa garahe.
MADALING narating ni Leo ang apartment ni Jean. Handa na ang dalaga pagdating niya kaya wala na silang inaksayang oras. Mabilis ang pagpapatakbo ni Leo ng kotse para makarating agad sa lugar ng mga magulang ni Jean sa Laguna. Excited rin naman si Leo. Ngayon pa lang niya makikilala ang papa at mama ng nobya, pati na rin siguro ang ibang mga kamag-anak nito dahil alam niyang magkakalapit lang ang mga bahay ng magulang ni Jean at mga kaanak nito.
Mahigit isang oras din ang biniyahe nina Jean at Leo bago nila narating ang Biñan, Laguna, lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Jean. Marami ng bisita ang mama ni Jean na karamihan ay mga kamag-anak rin nito na nakatira malapit lang din sa lugar na iyon.
“Iha, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ng papa mo,” bati kay Jean ng mama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi. Si Leo ay humalik din sa ina ng nobya.
“Happy birthday po,” bati ni Leo sa mama ni Jean.
Tiningnan ng mama ni Jean si Leo at nginitian, bago bumaling ang tingin nito kay Jean na tila nagtatanong.
“Ma, si Leo boyfriend ko po,” pagpapakilala ni Jean sa nobyo. “Leo, mama ko. Marissa ang name niya.”
“Ah, ikaw pala ang nakahuli sa pihikan naming dalaga. Halika, kumain na muna kayo at saka na tayo magkuwentuhan.” Tinungo ng mama ni Jean ang sala kung saan naroon ang isang mahabang mesa na nakahain ang iba’t-ibang putaheng handa nito sa kanyang kaarawan.
Inabutan ni Marissa ng plato ang anak at si Leo. Kumuha ng pagkain ang dalawa at pagkatapos ay umupo sa isang bahagi ng lugar upang kumain.
“Tikman mo ito, babe. Beef Caldereta. Specialty ito ng mama ko. Sigurado, magugustuhan mo.”
Tinikman ni Leo ang kaldereta. Ninamnam ang lasa nito.
“What can you say?” tanong ni Jean.
“Masarap. Masarap nga. Your mom really knows how to cook.”
“Siya lahat ang nagluto ng handa niya,” pagmamalaki ng dalaga.
“Really? Wow! Talagang pinaghandaan niya ang birthday niya. Pinagpaguran niya lahat ito? Pwede namang nagpa-cater na lang siya…” Natigilan bigla si Leo. Nasa catering business si Argus, hindi ba?
“Bakit, babe?”
“Wala, may naalala lang ako. As I was saying, pwede namang nag-hire na lang ang mama mo ng magluluto para nakapag-beauty rest na lang siya a day before her birthday.”
“That was also my suggestion. I even volunteered to pay for the expenses ng handa niya, pero hindi siya pumayag. Basta umuwi na lang daw ako. Yun daw ang gusto niyang gift from me. Kaya pinilit talaga kitang sumama sa akin dito. I just felt this is the right time for you to meet them. And I think, nagustuhan ka naman ng mama ko.”
“Asan ang papa mo?”
“Andyan lang ’yun. Hanapin na lang natin after kumain para maipakilala kita sa kanya. In the meantime, i-enjoy muna natin itong food. Nagutom ako sa biyahe kanina.”
“Sige, kain na muna tayo.”
Hindi namalayan ng dalawa ang paglapit ng mama ni Jean, kasama nito ang asawa.
“Iha, gustong makilala ng papa mo ang nobyo mo.”
“Pa!” Agad na tumayo si Jean para humalik sa ama. Tumayo rin si Leo upang magbigay galang sa ama ng nobya.
“Good afternoon, sir! I’m Leo Vasquez, your daughter’s boyfriend.” inilahad ni Leo ang palad niya upang makipagkamay sa ama ni Jean.
“I’m glad to meet you,” seryosong sabi ng ama ni Jean habang nakikipagkamay kay Leo. “Isa lang ang hihilingin ko sa’yo, wag mong paiiyakin ang dalaga ko. Mahal na mahal ko ’yan.”
“Pa, wag mo namang takutin si Leo. Masyado kang seryoso.” si Jean.
“Yes, sir. You don’t have to worry.” Hindi alam ni Leo kung paano lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.
“I’ll take your word for that then,” sagot ng ama ni Jean.
Tumango si Leo at nginitian ang ama ng nobya.
“Masyado naman kayong seryoso,” putol ni Jean sa usapan. “Pa, kakain muna kami ni Leo.” Hinila na ni Jean ang binata para ilayo sa ama. “Halika na, kuha pa ulit tayo ng makakain.”
Walang nagawa si Leo kundi sumunod kay Jean. Pero nilingon niyang muli ang mga magulang ng dalaga at magalang na nagyuko ng ulo sa mga ito bago tuluyang tumalikod.
“Wag mong masyadong sineseryoso si papa. Ganun lang talaga ’yun,” sabi ni Jean habang kumukuha ng spaghetti na nakahain sa mesa.
“Natural lang naman sa mga ama na maging protective sa anak, lalo na’t babae,” sagot ni Leo. “Naiintindihan ko ang papa mo.”
“O, Jean, pinsan! Ikaw ba ’yan?” Mula sa likuran nila nagmula ang boses ng isang lalaki.
Halos sabay na lumingon si Jean at Leo upang tingnan kung sino ang tumawag kay Jean.
“Kuya Jeck!” tuwang-tuwa si Jean pagkakita sa pinsang-buo. Anak ito ng kanyang tita Mila na kapatid ng mama niya.
Si Leo ay tila natuka ng ahas pagkakita kay Jeck. Nagtama ang mata nilang dalawa at maging si Jeck ay tila nagulat na makita siya sa lugar na iyon.
“Kuya Jeck, kelan ka pa dumating?”
“Kagabi lang. Di ko na nga sinabi sa kanila na uuwi ako para masorpresa ko sila.” Panakaw na tinitingnan ni Jeck si Leo.
“Siyanga pala, si Leo boyfriend ko,” pagpapakilala ni Jean kay Leo. “Leo, siya naman si Kuya Jeck, pinsang-buo ko. Magkapatid ang mga mama namin.”
Nag-abot ng kamay si Jeck. Hindi alam ni Leo kung aabutin niya iyon o hindi.
“Babe, abutin mo yung kamay ni Kuya Jeck.”
“Ah, sorry,” inabot ni Leo ang kamay ni Jeck at nakipag-shake hands dito. “Nice to meet you, pare.”
Tumango lang si Jeck at ngumiti. Pero hindi nito inaalis ang pagkakatitig kay Leo. Alam niya, naasiwa si Leo sa sitwasyon.
“Kuya Jeck, usap tayo mamaya. Kumain ka na ba? Kain ka na muna. Eto’ng plato, o.” Inabutan ni Jean ng plato ang pinsan.
Kinuha ni Jeck ang plato at nagsimula na rin itong kumuha ng pagkain sa mga nakahain sa mesa.
“Okay na itong sa akin,” sabi ni Leo.
“Ang konti naman,” protesta ni Jean.
“Kukuha na lang ulit ako mamaya. Nabusog na ako dun sa kinain natin kanina, eh. Second round na ’to, ’di ba?”
“Sige, babe. Hanap ka na lang ng upuan doon. Puntahan na lang kita dun, di pa ako tapos kumuha ng food, eh.”
Tumango si Leo. “Okay…”
“Kuya Jeck, doon ka na lang din sa pupuwestuhan namin. Para makapagkwentuhan pa tayo habang kumakain.”
“Sure, ’yun lang pala. Walang problema.”
“Marami kang ikukuwento sa akin, kuya.”
“Mukhang ikaw ang mas maraming ikukwento sa akin, pinsan.” At ngumiti ito ng ngiting tila nakakaloko. “Punta na ako dun, ha. Sa puwesto n’yo ng boyfriend mo.”
“Sige, kuya. Susunod ako.”
Mula sa kanyang kinalulugaran ay kitang-kita ni Leo ang papalapit na si Jeck. Hindi siya maaaring magkamali, papunta nga sa puwesto niya ang pinsan ni Jean. Bakit dito pa ito pupuwesto? Pwede namang sa kabilang dulo kung saan malayo sa kanila ni Jean.
Pansin ni Leo ang tila nakakalokong ngiti ni Jeck habang papalapit. Lalo na siyang di mapakali. Hindi pwede ito. Bakit di niya agad nalaman na magpinsan pala si Jean at ang Jeck na ito?
“Hi! bati ni Jeck kay Leo. “Sabi ni Jean, dito na raw ako pumuwesto para makapagkuwentuhan tayo. Okay lang ba sa’yo?”
“O-oo naman.” Pilit ang ngiting pinakawalan ni Leo.
“Sigurado kang okay lang?” Mas nakakaloko na ang ngiti ngayon ni Jeck.
Hindi sumagot si Leo.
“Hindi mo na ba ako nakikilala, Leo Vasquez?”
Chapter 13
“JECK, HUWAG dito.”
“Natatandaan mo pa pala ako. That’s good. Akala ko, kinalimutan mo na ako.”
“Jeck…”
“Ba’t namumutla ka? Wala naman akong ginagawa sa’yo, ah.”
Hindi siya namumutla, alam ni Leo ’yun. Inaasar lang siya ni Jeck tulad nang madalas gawin nito sa kanya nung sila pa.
Oo, naging sila ni Jeck. Bago naging sila ni Argus, sila muna ni Jeck. Pero mahigit dalawang taon na mula nung magkahiwalay sila ni Jeck. Mula nung magdesisyon itong magtrabaho sa ibang bansa.
Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Jeck. Aaminin niya, may sama ng loob sa kanya si Jeck nang maghiwalay sila. Ayaw ni Jeck na maghiwalay sila kahit sa abroad na ito magtatrabaho. Pero si Leo ang mapilit na makipaghiwalay. Ayaw ni Leo sa long distance love affair. Hindi niya gusto na nasa malayo si Jeck habang siya naman ay naririto sa Pilipinas. Kaya labag man sa kalooban nilang dalawa, lalo na sa kalooban ni Jeck, naghiwalay sila nang may sama ng loob si Jeck sa kanya.
Ewan kung anong nasa isip ni Leo noon. Hindi rin niya maisip kung bakit ’di niya matanggap na ituloy ng relasyon nila ni Jeck habang nagtatrabaho ito sa ibang bansa. Siguro’y takot siyang may makitang iba si Jeck doon. Siguro’y takot siyang may makilalang iba habang wala rito sa bansa si Jeck. Samu’t-sari ang naiisip niya noon. Pero isa ang solidong desisyong nabuo sa isip niya. Mas mabuting maghiwalay sila ni Jeck kesa ipagpatuloy ang relasyon pero magkalayo naman sila.
Tulad niya, tago rin ang tunay na pagkatao ni Jeck. Hindi nga niya alam kung umamin na ba ito sa pamilya niya. Malamang hindi. Dahil kung titingnan mo ang itsura ni Jeck, lalaking-lalaki pa rin ang dating nito. Walang bahid ng kahinhinan. No traces of homosexuality. Mas naging barako pa nga ang itsura nito dahil may bigote na ito ngayon, dati naman ay wala.
“O, ba’t natigilan ka? Hindi ka na nagsalita d’yan,” nakakaloko ang ngiti ni Jeck. “Di ka ba masaya na andito na ako ulit?”
“Anong…?”
“Pwede na nating ituloy kung ano man ang pinutol natin noon. Magsimula tayong muli.”
“Jeck! What are you saying?” Pinipilit ni Leo na huwag maging malakas ang boses niya. Ayaw niyang may ibang makarinig ng pinag-uusapan nila ni Jeck.
“Ayaw mo ba? Hindi mo na ba ako mahal?”
“O, mukhang seryoso ang pinag-uusapan n’yo ah.” Paparating si Jean dala ang platong may pagkain.
“Napasarap lang ang usapan namin, babe. Nakuwento kasi ni Jeck na nagtrabaho pala siya sa ibang bansa,” maagap na sabi ni Leo.
“That’s right, pinsan. At okay namang kausap itong si Leo. Tingin ko makakasundo ko itong boyfriend mo,” pagsegunda naman ni Jeck.
“E, ’di wow! Kayo na ang close.” Genuine ang saya sa mukha ni Jean. Masaya siya na okay sa pinsan niya si Leo. Sino ba naman ang aayaw na ang boyfriend niya ay tanggap ng kanyang pamilya?
“Kain na tayo. Nagugutom na ako,” sabi ni Jeck.
Umupo na sila at nag-umpisang kumain. Sina Jeck at Jean na ang nag-usap habang kumakain. Si Leo ay sumasali lang pag my tinatanong sa kanya. Mas ginusto niyang makinig na lang sa pinag-uusapan ng dalawa. Sa ngayon, hindi muna niya iisiping problema ang hatid ni Jeck sa relasyon nila ni Jean. At saka na lang niya haharapin ang ano mang komplikasyong dala ng biglang pagdating ni Jeck na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na kamag-anak pala ng babaing ginagawa niyang panakip-butas upang pagtakpan ang tunay niyang pagkatao.
“SA WAKAS! Natapos din ang project natin dito sa barangay Apitong. Makakabalik na rin tayo sa Maynila.” Bakas sa mukha ni Erwin ang kasiyahan. Ang ilang araw na inilagi nila sa Benguet para magturo ng pagguhit at pagpipinta sa mga bata roon ay tunay namang naging matagumpay. Kanina, sa pagtatapos ng huling araw ng kanyang pagtuturo ay isinumite ng mga bata ang kani-kanilang mga obra. Napansin ni Erwin ang malaking improvement sa pagguhit at pagpinta ng mga bata. May ilang obra pa ngang tunay niyang hinangaan at ipinangako niya sa sariling isasali niya sa kanyang one man exhibit ang mga likhang-sining na iyon at ang mapagbebentahan ay ibibigay niya sa may-ari ng obra. Isa sa lubhang nagustuhan niya ay ang gawa ni Jonas. Sa murang edad nito ay naroon ang maturity at potensiyal na maging mas magaling pa pagdating ng panahon.
Minsan pang pinagmasdan ni Erwin ang likha ni Jonas. Iginuhit ng bata ang malawak na palayan na matatanaw mula sa labas ng barangay hall kung saan nila idinaraos ang kanilang klase. Kuhang-kuha ni Jonas ang anyo ng lugar. Maging ang pagkakakulay nito sa mga puno at pananim ay buhay na buhay. Para sa isang pitong taong gulang na bata, mas gagaling pa si Jonas kung maaalagaan ang talento nito sa pagguhit. Sayang nga lamang at hindi na niya nakausap si Jonas pagkatapos ng klase kanina. Agad na itong tumakbo papauwi tulad ng lagi nitong ginagawa pagkatapos ng klase maging noong mga nakaraang araw. Hindi na rin niya nagawang puntahan ito sa bahay nito dahil kailangan na nilang bumalik ni Argus sa hotel. Kaya pagkatapos magpaalam kina Shirley at Kapitan Cielo, nilisan na nila ang barangay Apitong dala ang pangakong muli silang babalik sa lugar na iyon.
“So, bibiyahe na tayo bukas pabalik ng Maynila? tanong ni Argus na nakahiga sa kama. Kanina pagdating nila ni Erwin sa hotel mula sa barangay Apitong ay nakaramdam siya ng sobrang pagod.
“Oo, marami pa tayong aasikasuhin sa Maynila. Andun ang mga trabaho natin na ilang araw na nating napabayaan.”
“Pero may noble purpose naman yung ginawa mo rito kaya okay lang na isakripisyo ng ilang araw ang trabaho mo.”
“On my end, okay lang naman. Pero, Kanor sa’yo ako nahihiya. Alam ko, malaking pera na ang nawala sa’yo sa ilang araw na pagsama mo sa akin dito. For sure, ilang clients ang tinanggihan mo para samahan lang ako…”
“Wala ’yun. Nag-enjoy naman ako dito, eh,” putol ni Argus sa sinasabi ni Erwin. “Parang bakasyon ko na rin.”
“I appreciate it so much. Yung pagsama mo sa akin dito, hindi ko ’yun makakalimutan.” Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay ni Erwin kay Argus.
Ginantihan iyon ni Argus ng isa ring matamis na ngiti.
“Salamat, Kanor.”
“Walang anuman, Erwin Pablo-job!” Humalakhak nang malakas si Argus.
Napuno ng halakhak nilang dalawa ang buong silid.
Maya-maya’y biglang nagsalita si Erwin.
“Kanor…”
“Bakit?”
“Mahal mo pa ba si Leo?”
Hindi agad nakasagot si Argus.
“Okay lang kung ayaw mong sagutin.”
“Bakit mo naman naitanong ’yun?”
“Dahil nahuhulog na ako sa’yo. I’m starting to love you and I don’t know what to do dahil ’di ko alam kung dapat na ba akong pumasok sa mas seryosong bahagi ng buhay mo.” Diretso ang pagsasalita ni Erwin. Maging siya ay nagulat sa biglaang pagtatapat na ginawa niya ngayon kay Argus.
Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Argus. Seryoso lang itong nakatingin kay Erwin.
“Mahal kita, Argus. Mahal na kita, Kanor. Ako ba, kahit konti ba may pag-asa ako sa’yo?”
“Hindi ko alam…”
“Ba’t di mo alam?”
“Ewan ko.”
“Mahal mo pa ba si Leo?”
Marahang tumango si Argus. “Sorry, Erwin…”
Nang oras na ’yon, pakiramdam ni Erwin ay gumuho ang buong mundo at bumagsak sa kanya. Ang kanina’y masayang mukha ay napalitan ng ’di maipintang kalungkutan. Sana ’di na siya nagtapat kay Argus. Sana ’di na siya nagtanong. Para ’di na niya nalaman ang sagot. Hindi sana siya nasaktan. Dahil madalas, ang katotohanan ay totoong masakit.
Chapter 14
HINDI MAKATULOG si Erwin nang gabing iyon. Sobra siyang nasaktan sa diretsahang pag-amin ni Argus na mahal pa rin nito si Leo. All the while, pinilit niyang mapalapit kay Argus sa pag-asang mapapansin siya nito only to find out in the end na wala pala siyang aasahan. Hindi niya nagawang palitan si Leo sa puso ni Argus.
Mahimbing na ang tulog ni Argus. Malalim na ang gabi ngunit si Erwin ay gising na gising pa rin. Hindi siya mapakali. Katabi lang niya sa kama si Argus. Tulad nang dati ay natutukso siyang halikan ito habang natutulog katulad ng lagi niyang ginagawa. Pero nag-aalangan na siya ngayon pagkatapos malamang mahal pa rin nito si Leo. Bakit ba kung magbiro ang tadhana ay bonggang-bongga naman? Iyong tipong nagmamahal ka pero iba naman ang mahal ng mahal mo. Tapos ’yung taong mahal ng mahal mo ay iba rin ang gusto. Ba’t hindi na lang magmahalan ’yung parehong nagmamahalan? Sana hindi tumitibok ang puso para sa taong hindi ka naman magugustuhan. Para walang taong gaanong nasasakatan dahil sa letseng pag-ibig na ’yan.
Bumangon si Erwin. Dumiretso ito sa banyo at naligo. Ibinabad niya ng todo sa tubig ang kanyang katawan. Nang magsawa ay lumabas ng banyo, nagbihis at muling nahiga sa kama katabi ni Argus. Noon kumilos ang natutulog na si Argus. Bumaling ito sa gawi ni Erwin at napayakap ang isang braso nito sa dibdib ni Erwin. Di alam ni Erwin kung paano magre-react. Gusto niyang tanggalin ang braso ni Argus, pero gusto rin niyang maramdaman ang pagyakap nito. Oo, tulog si Argus at hindi naman nito sinasadya na mapayakap kay Erwin pero ang mga ganitong maliliit na bagay ay sapat na para sumaya ang puso ni Erwin. Napakasimple niyang tao. Napakadali niyang pasayahin. Sayang at ang taong gusto niyang magpasaya sa kanya ay iba naman pala ang gusto. Sayang at masyado nang huli nang dumating siya sa buhay ni Argus. Sana mas nauna siyang makilala ni Argus kesa kay Leo. E di sana baka nagbago ang takbo ng kuwento. Baka sana masaya siya ngayon at masaya rin si Argus.
“Leo…” Mahinang bulog ni Argus. Nananaginip yata ito at si Leo pa ang napapanaginipan. Hanggang sa panaginip ba naman?!
Pinakiramdaman ni Erwin ang susunod na gagawin o sasabihin ni Argus. Hindi maiwasang makadama siya ng inggit kay Leo. Nakuha na yata ng Leo na ’to ang lahat ng swerte sa mundo. Kelan ba ito malilimutan ni Argus? Kelan ba matatanggap ni Argus na ang taong mahal niya ay matagal na siyang binalewala at kinalimutan?
Nagulat si Erwin nang bigla na lang siyang yakapin ni Argus habang patuloy na binabanggit nito ang pangalan ni Leo. At hindi lang ang pagyakap ni Argus ang ikinabigla ni Erwin. Mas nagulat pa siya nang bigalng siyang pupugin ng halik ng tulog pa ring si Argus. Halik na tumama sa pisngi ni Erwin, napunta sa bandang ilong, hanggang sa wakas ay matagpuan ng nakapikit pa ring si Argus ang mga labi ni Erwin.
“Leo…,” umuungol si Argus habang hinahalikan sa labi si Erwin. Nung una’y tila gusto pang iwasan ni Erwin ang halik ni Argus pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang matikman muli ang labi ng taong sobra niyang minamahal.
Nilabanan ni Erwin ang mainit na halik ni Argus. Labi sa labi, dila sa dila. Kapwa tila sabik sa isa’t-isa ang kanilang mga labi. Naglalagablab sa init ang kanilang mga katawan at gising na gising na ang pagnanasa sa loob ng kanilang pagkatao.
Alam ni Erwin na mali ang nangyayaring ito sa pagitan nila ni Argus. Siya ang gising, kaya hindi niya dapat sinamantala ang pananaginip ni Argus. Siya ang dapat umiwas. Sana ay ginising niya si Argus para hindi na matuloy ang nangyayari ngayon. Pero di ba’t ito naman talaga ang pinapangarap na mangyari ni Erwin? Bakit niya susupilin ang isang bagay na gusto rin naman niya talaga?
“Leo…” nagmulat ng kanyang mga mata si Argus. At sa liwanag na tanglaw ng lamp shade na nasa gilid ng kamang kanilang hinihigaan ay kitang-kita ni Argus na hindi naman pala si Leo ang kasama niya’t kanina lang ay kasalo sa isang matamis na halikan.
“Anong ginawa mo?” naguguluhang sabi ni Argus.
“Ha? W-wala! Nananaginip ka.”
“Hinalikan mo ’ko?”
“H-hindi! Nananaginip ka at ikaw ang biglang yumakap at humalik sa akin.” Nagpaliwanag si Erwin. Hindi niya gusto ang pinupuntahan ng usapan. Mukhang magagalit pa sa kanya si Argus dahil sa paniniwala nito sa siya ang nanghalik sa binata.
“Hinalikan kita?” bakas sa mukha ni Argus ang pagtataka.
“Nananaginip ka. Tinatawag mo si Leo. Tapos bigla mo akong hinalikan. Pipigilan sana kita pero…”
“Bakit di mo ginawa? Bakit di mo ako ginising? Bakit di mo ako pinigilan?”
“Ewan ko… nabigla ako sa ginawa mo at hindi na ako agad nakapag-isip ng tama. Nagpadala na lang ako sa agos. Hinayaan na lang kitang halikan ako.”
“Gumanti ka sa halik ko, naramdaman ko ’yun. Hindi mo pinigilan ang nangyayari dahil gusto mo rin ’yun, di ba?”
“Kanor, hindi naman sa ganoon.”
“Sinamantala mo na tulog ako at nananaginip para magawa mo ’yung gusto mo!”
“Kanor, hindi ganun ’yun. Wala akong intensyong pagsamantalahan ka sa pananaginip mo. Wala akong balak na gawin ’yun sa;yo.” Biglang natigilan si Erwin. Wala nga ba siyang balak na halikan si Argus? E hindi ba’t ilang beses na niyang ninakawan ito ng halik habang natutulog? “Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa mga halik mo. Aaminim ko, gusto ko ’yun. Gustong-gusto. Pero hindi ko sinadya na mangyari ’yun ngayon.”
“Pwede mo akong gisingin pero hindi mo ginawa…”
“Makinig ka naman sa akin. Alam mong mahal kita. Nung bigla mo akong niyakap at hinalikan, natangay na ako kaagad. Bakit hindi ako matatangay? Iyong taong mahal na mahal ko, eto at hinahalikan ako… iyong isang bagay na akala ko ay sa pangarap lang mangyayari eto at biglang totoo na pala.”
“Pero alam mong tulog ako at nananaginip lang!”
“Pero alam mong mahal kita… Anong gusto mong gawin ko, maglaro ng tanga-tangahan? Kunwari wala akong nararamdaman? Kunwari hindi kita mahal?” parang may kung anong bumabara sa lalamunan ni Erwin habang nagsasalita. “Argus, hayaan mo naman sanang mahalin kita. Hayaan mong mahalin kita sa mga panahong hindi mo na kayang mahalin kahit ang sarili mo dahil abala kang magmahal sa isang taong tinataguan ka, iniiwasan at binabalewala. Huwag mo namang ikulong ang sarili mo sa isang taong hindi mo alam kung ano ka ba sa buhay niya. Sana tanggapin mo nang wala na si Leo, tapos na kayo at iniwan ka na niya nang hindi nililinaw sa’yo kung ano’ng totoong dahilan. Maawa ka sa sarili mo. Hindi si Leo ang umpisa at katapusan ng buhay mo.”
Hindi sumasagot si Argus.
“Wala na si Leo. Iniwan ka na niya. Tanggapin mo na ’yun!”
Chapter 15
“I’M LEAVING!” biglang sinabi ni Argus sabay bangon at kinuha sa cabinet ang bag niyang may lamang mga damit.
“Kanor, please. Mamaya na tayo umalis pag maliwanag na. ’Wag ka nang magalit. If I offended you or anything, I’m sorry. I’m really sorry. Huwag ka nang magalit. ’Wag ka nang umalis. Sabay tayong pumunta rito. Sana sabay din tayong bumalik ng Manila.”
Hindi umiimik si Argus.
“Please… nakikiusap ako.” Lumapit si Erwin kay Argus at kinuha nito ang bag ng kaibigan. “Ibalik na natin ito sa cabinet. Sabay tayong uuwi ng Maynila.”
Walang reaksyon si Argus pero hindi ito tumutol nang tuluyang ibalik ni Erwin ang bag sa cabinet.
“Matulog ka na ulit. Promise, wala nang mangyayari. Di na ’yun mauulit, huwag ka lang magalit sa akin.” Gustong maiyak ni Erwin. Huwag lang tuluyang mawala sa kanya si Argus, handa siyang isakripisyo ang nararamdaman niya para rito. Mas gugustuhin na niyang maging magkaibigan na lang sila ni Argus kesa naman magalit ito sa kanya at pati friendship nila ay madamay. Oo, mahirap sa parte niya na sikilin ang nararamdaman niya para kay Argus pero wala naman siyang choice. Alam niya, talo siya ni Leo pagdating sa usapin ng puso ni Argus.
Bumalik sa kama si Argus at nahiga pero nanatili itong gising.
“Dito na lang ako matutulog sa sahig, para maging komportable ka. Hihingi na lang ako ng extra bedsheet.
Nanatiling walang kibo si Argus. Dinampot naman ni Erwin ang telepono at pinindot ang zero.
“Hello, pahingi naman ng extra bedsheet dito sa room 8.”
Patlang. Pinakikinggan ni Erwin ang sagot ng kausap niya sa telepono.
“Oo, ’yun lang. Thank you.” Ibinaba na ni Erwin ang telepono.
Ilang sandali lang ay tumunog ang doorbell. Agad na binuksan ni Erwin ang pinto.
Nakangiti ng matamis ang room boy, dala ang bedsheet na hinihingi ni Erwin. “Sir, eto na po ’yung bedsheet. Anything else, sir?” magalang na tanong nito.
“Wala na. Salamat, ha?”
“You’re welcome, sir. Pag may kailangan pa kayo, tawag ka lang po ulit.”
Tumango si Erwin at nginitian ang room boy.
“Sige, sir.” Tumalikod na ang room boy para umalis.
Isinara na ni Erwin ang pinto. Inilatag niya sa sahig ang bedsheet at kinuha ang unan at kumot niya sa kama. Pagkatapos ay nahiga na siya para matulog. Hinayaan niyang bukas ang ilaw sa headboard ng kama.
Pinakiramdaman ni Erwin kung natutulog na ba si Argus. Nag-aalangan siyang bumangon para tingnan kung gising pa ba ito. Nanatili na lang siyang nag-iisip habang tila tulalang nakatitig sa kisame. Parang andami niyang iniisip na parang wala naman. Parang puno ng problema ang kanyang utak na sa dami ay hindi na niya alam kung alin ang uunahing solusyunan. Pero kung meron man siyang problemang gusto niyang matapos na, ’yun ay ang konting di nila pagkakaunawaan ni Argus.
Konti? Sana nga ay konting tampuhan lang ito at ’wag nang lumaki pa. Si Argus ang pinakahuling taong gugustuhin niyang makasamaan ng loob. Ayaw niyang magkagalit silang dalawa. Gusto niyang lagi silang masaya.
Mahal niya si Argus. Mahal na mahal. At kung ang pagmamahal niya rito ang magiging dahilan para masira ang kanilang samahan, pipilitin niyang kalimutan ang nadarama niya para kay Argus… kahit masakit.
SA MAYNILA ay hindi rin makatulog si Leo. Kanina pa siya nag-iisip kung makikipagkita ba siya kay Jeck o hindi. Hindi niya alam kung anong pakay ni Jeck pero sa tono ng mensahe nito sa natanggap niyang text message ay tila hindi ito papayag na hindi sila magkita.
Muli niyang binasa ang naging takbo ng usapan nila ni Jeck sa text message.
09496468645: Hi, Leo. I miss you…
Nagtaka pa si Leo dahil number lang ang rumehistro sa cellphone niya.
Leo: Sino ’to?
09496468645: Meet me tomorrow in Gateway. Hindi pwedeng hindi. Or else, I’ll talk with Jean.
Nagtaka pa si Leo kung si Jeck ba ang nagtetxt sa kanya. Pero sino ba ang nag-iisang tao na common denominator nila ni Jean? Si Jeck lang, wala nang iba! At sigurado, kay Jean siyempre nakuha ni Jeck ang number niya.
Leo: Jeck?
09496468645: Hahaha! I’m glad kilala mo ako.
Leo: What do you want? Ba’t kailangan nating magkikita? Wala naman tayong dapat pag-usapan.
09496468645: I’ll be expecting you tomorrow. Huwag na hindi ka sisipot. Hindi mo magugustuhan ang puwede kong gawin.
Uminit ang ulo ni Leo. Sa lahat ng ayaw niya ay ’yung tila tinatakot siya.
Leo: Is this some sort of a blackmail?
09496468645: Gateway, 1pm. Text na lang kita for other details.
Leo: Hindi ako pupunta!
09494648645: Try me…
Inis na inis si Leo. He never expected na dadating ang ganitong klase ng problema sa kanya. Is this a twist of fate? Pinsan pa ng girlfriend niya ang ex niya. Napakalaking biro ng tadhana. Nag-girlfriend siya para maitago ang lihim niya pero mukhang ito pa ang magiging dahilan para tuluyang mabuko ang tunay niyang pagkatao.
Nagdedisyon si Leo. Makikipagkita siya siya kay Jeck para linawin rito na ano man ang nangyari sa kanilang dalawa noon is now a thing of the past. Tapos na. Wala nang karugtong. The end.
Hindi puwedeng para itong multo na susunod sa kanya habang buhay. Once and for all, dapat na silang magkalinawan ni Jeck. Bahala na kung ano ang mangyayari pero dapat na talagang tapusin kung ano man ang dapat tapusin.
Biglang naalala ni Leo si Argus. Until now, si Argus pa rin ang totoong nagmamay-ari ng kanyang puso. Si Argus lang ang tunay niyang minamahal. Oo, girlfriend niya si Jean. Pero aminado naman si Leo na props lang niya ang dalagang mahal na mahal siya. Saka na lang siguro siya hihingi ng tawad kay Jean sa ginawa niyang panggagamit dito. Mabait si Jean. Ang tanging kasalanan lang nito, kung kasalanan man iyong maituturing ay ’yung minahal siya nito ng sobra.
Ang totoo, may mga gabing hindi na nakakatulog si Leo dahil sa guilt na nadarama niya sa tuwing maiisip niya ang kasalanan niya kay Jean. Gusto na niyang makipag-beak dito, pero nagdadalawang isip siya. Kaya until now ay sila pa rin. But now with Jeck around, mukhang matutuluyan na siyang makipag-break kay Jean kesa mabulgar dito na bakla siya at naging karelasyon pa ng pinsan nitong si Jeck.
Ewan, pero damang-dama ni Leo na may malaking problemang idudulot si Jeck sa relasyon nila ni Jean. At ito ang ikinatatakot niya.
Kaya kailangang makapag-usap sila ni Jeck at mag-usap silang mabuti. Kung makukuha niya sa pakiusap ang lalaking iyon, mas mabuti. Pero kung hindi, wala siyang choice kundi tapusin na ang relasyon niya kay Jean upang hindi na maging magulo at mas kumplikado ang sitwasyon.
Chapter 16
WALANG IMIKAN sina Argus at Erwin habang bumibiyahe pabalik ng Manila. Tahimik lang si Erwin habang nakikinig ng music sa kanyang cellphone. Si Argus naman ay natulog o nagkunwaring tulog sa biyahe.
Alas dose ng tanghali ng dumating sila sa bus terminal sa Cubao.
“Magta-taxi na lang ako mula rito pauwi sa amin,” sabi ni Argus.
“Tanghali na. Kain muna tayo,” alok naman ni Erwin.
“Ikaw na lang, gusto ko nang umuwi.”
“Please… Kain lang naman. Diyan lang sa Gateway para malapit.”
Hindi na sumagot si Argus. Pumara ng taxi si Erwin at sumakay silang dalawa.
Saglit lang ay narating nila ang Gateway. Bumaba sila ng taxi at pumasok sa mall.
“Sa Shakey’s na lang tayo,” sabi ni Erwin at nauna na itong naglakad papunta sa sinabing pizza house.
Sumunod lang si Argus kay Erwin.
“Table for two,” sabi ni Erwin sa crew na sumalubong sa kanya. Agad namang sinamahan ng crew si Erwin patungo sa bakanteng mesa.
Nakasunod lang si Argus. Pero bahagya siyang natigilan nang may pamilyar na mukha siyang makita sa isang sulok ng lugar.
Napansin siya ni Erwin. “Bakit?”
Nanatili lang nakatingin si Argus sa kanyang nakita. Sinundan ni Erwin ng tingin ang gawing tinitingnan ni Argus. Nakita niya ang dalawang lalaking nag-uusap habang tila masayang nilalantakan ang inorder nitong pagkain. Walang kaalam-alam ang dalawa na pinanonood sila ni Argus.
“Siya ba si Leo?”
“Oo. Umalis na tayo rito.”
“Huwag! Hayaan mo sila. Bakit ka magpapaapekto sa kanila?”
“Anong gusto mo, panoorin ko kung gaano sila kasaya? Habang ano? Habang halos mamatay ako sa selos dito?”
“Hindi naman ganun ang gusto kong mangyari. Ang gusto ko lang, makita mong may iba na si Leo at matutunan mo ’yung tanggapin. Masakit talaga sa umpisa, pero mas masakit kung patuloy kang aasa sa wala. Kaya mas makabubuti sa’yo kung haharapin mo ang sitwasyong ito nang normal lang,” himok sa kanya ni Erwin. “At sa susunod, dapat ’pag nagmahal ka, mahal lang huwag mahal na mahal. Para ’pag nasaktan ka, masakit lang hindi masakit na masakit.”
Hindi nakasagot si Argus. Nasapol siya sa huling sinabi ni Erwin.
“Halika na, umupo ka na dito.”
Lumakad si Argus papunta sa gawi ni Erwin para umupo. Noon naman napalingon si Leo at nagtama ang mga mata nila ni Argus.
Natigilan si Leo pagkakita kay Argus. Si Argus naman ay saglit lang na napahinto pero agad ding itinuloy ang paglalakad papunta sa upuan.
Parang biglang naging asiwa ang pakiramdam ni Leo. Hindi niya inaasahang makikita niya si Argus dito. Ngayon pa na kasama niya si Jeck!
Sa isang banda, baka naman mas mabuting nakita nga ni Argus na kasama niya si Jeck. At least, puwede nitong isipin na si Jeck ang dahilan ng bigla niyang pag-iwas dito.
Pero hindi! Hindi yata matatanggap ng puso ni Leo na isipin ni Argus na ipinagpalit niya ito sa isang lalaki rin. Ayaw niyang isipin ni Argus na niloko niya ito dahil kahit hanggang ngayon ay tanging si Argus lang ang nag-iisang taong mahal na mahal niya at tanging gusto niyang makasama hanggang sa huli.
Lumapit ang crew sa table nina Erwin at Argus upang kunin ang order ng mga ito. Si Erwin na lang ang nagsabi ng mga kakainin nila. Mukhang malalim kasi ang iniisip ni Argus habang nakatingin sa gawi ni Leo. Sa kinauupuan ni Argus ay kitang-kita niya sina Leo at Jeck. Ayaw man niyang tingnan ang mga ito ay imposibleng hindi madaanan ng tingin niya dahil katapat lang puwesto niya ang mesa ng taong matagal nang nagtatago sa kanya.
How ironic! Bakit nga ba ganun? Kung kelan hindi mo hinahanap, at saka mo naman makikita? Eh di ba ang tagal din niyang hinagilap ang Leo na ’to pero hindi niya matagpuan? Tapos ngayon, walang kaabog-abog na nakita niya ito. At may kasama pa!
“Ito kaya ang dahilan kaya iniwasan niya ako? May bago na siya?” bulong ng isip ni Argus.
Dumating ang mga pagkaing inorder ni Erwin.
“Kain na tayo para makauwi na at makapagpahinga,” alok ni Erwin kay Argus.
Tila walang ganang kumuha ng pagkain si Argus. Konti lang ang pagkaing inilagay nito sa plato pero hindi niya ito kinain. Nilaro lang niya ito sa plato gamit ang kutsara.
“Kumain ka na, please…” si Erwin.
At saka lang nag-umpisang kumain si Argus pero halata pa ring wala itong ganang kumain at tila nagpapatianod lang sa daloy ng sitwasyon.
Sa kabilang mesa ay tila hindi rin mapakali si Leo.
“May problema ba?” tanong ni Jeck nang mahalata nitong uneasy si Leo.
Umiling si Leo. “Wala naman. Medyo kumukulo lang ang tiyan ko. Puwede bang umuwi na tayo. Baka dito pa ako abutan ng LBM.”
Kumunot ang noo ni Jeck. “Di pa nga tayo tapos kumain. At saka di pa tayo nakakapag-usap.”
“Ano bang pag-uusapan natin? Baka pwedeng sa ibang araw na lang. Nasira nga ang tiyan ko,” pinipilit ni Leo na hinaan ang boses niya. ’Yung sapat lang para marinig siya ng kausap.
“Gumagawa ka lang yata ng paraan para iwasan ako,” halata na ang inis sa boses ni Jeck.
“Iniiwasan? Kung iniiwasan kita, eh ba’t ako nandito ngayon? Eh di sana hindi na lang ako nakipagkita sa’yo,” argumento naman ni Leo.
Sandaling nag-isip si Jeck. Pagkuwa’y muling nagsalita. “O sige, pagbibigyan ko ang gusto mo ngayon. Pero siguruhin mong magkikita tayong muli.”
Bumuntunghininga si Leo para ipakita ang kawalan niya ng interes sa sinasabi ni Jeck. “Whatever…” At nauna na itong tumayo para umalis sa lugar na iyon.
Wala nang nagawa si Jeck kundi tumayo na rin at sumunod kay Leo. Dumaan pa ang dalawa sa lugar kung saan nakaupo sina Argus at Erwin.
Paglabas ng Shakey’s ay huminto si Leo at hinarap si Jeck. “Dito na tayo maghiwalay. Baka may makakita pa sa atin na kakilala namin ni Jean, makarating pa kay Jean na nagkita tayo. Mahihirapan pa akong mag-isip ng idadahilan sa kanya.”
“Talagang takot na takot ka sa pinsan ko, ha?”
“Hindi ako takot sa pinsan mo. Pinoproteksiyunan ko lang ang relasyon namin.”
“Wala namang masama kung malaman niyang nagkita tayo.”
“Magtataka siya. Bakit ang boyfriend niya at pinsan niya ay magkasama? Mag-isip ka nga! Hindi naman niya alam na dati pa tayong magkakilala.”
“Bakit kasi hindi mo ipinaalam? Sana hindi ka nangangatog nang ganyan,” nang-iinis ang tono ni Jeck.
Matalim ang tingin na ipinukol ni Leo kay Jeck. Ito ang ayaw niya sa nangyayari ngayon. Enjoy na enjoy si Jeck na inisin siya at wala siyang magawa dahil tila hawak siya nito sa leeg dahil nga maaaring mabuko ang lihim na itinatago niya sa isang tawag lang ni Jeck kay Jean. Lahat ng efforts niya para maitago ang tunay niyang pagkatao ay sasabog lahat sa mukha para bigyan siya ng isang malaking kahihiyan.
“Umuwi ka na,” utos ni Leo kay Jeck. “Uuwi na rin ako.”
“Okay, sabi mo eh. Siguruhin mo lang na uuwi ka rin talaga.”
“Bakit? Saan pa ba ako pupunta? Masakit nga ang tiyan ko, di ba? Hindi ko naman pinangarap na magkalat dito.”
“Mabuti na ’yung malinaw na usapan. Alam mong ayoko ng gaguhan. Dahil kung ganun ang gusto mong gawin, ipapakita ko sa’yo kung gaano ako kagago.”
“Tigilan mo na ang pananakot at pamba-blackmail sa akin… hindi ako takot sa’yo!” Iyon lang at nilayasan na ni Leo si Jeck. Sinundan naman siya nito ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin nito nang lumiko siya sa isang pasilyo ng mall.
Chapter 17
“OKAY KA lang ba?” tanong ni Erwin kay Argus.
Tumango lang si Argus. “Kain ka na, para makauwi na tayo.”
Walang imikan na kumain sina Erwin at Argus. Pero kung oobserbahan, tila nagpapakiramdaman lang ang dalawa. Gusto ni Erwin na mag-usap sana sila ni Argus na parang gaya lang ng dati, Naghihintay lang siya na ipakita ni Argus na okay na talaga sila. Para mawala na yung tila tension sa pagitan nilang dalawa.
Pero natapos silang kumain nang walang bumabasag sa katahimikan nilang dalawa.
Sumenyas si Argus para tawagin ang crew na agad namang lumapit sa kanila.
“Pahingi naman ng tubig at saka pakidala na rin ’yung bill namin,” sabi ni Argus sa crew.
“Yes, sir. Anything else?”
“Wala na…”
“Okay, sir,” sagot ng crew na agad umalis para ikuha ng tubig si Argus. Agad din naman itong bumalik dala ang tubig na hinihingi ni Argus. Kasunod nito ang isang babaeng crew na dala naman ang bill.
Iniabot ng babaeng crew ang bill kay Argus.
“Ako na,” maagap na kinuha ni Erwin ang bill at nang makita kung magkano ang babayaran ay agad din itong naglabas ng pera at iniabot sa crew.
“Thank you, sir. I received six hundred pesos.”
Tumango si Erwin. “You can keep the change.”
“Salamat, sir.” Iniwan na ng crew sina Argus at Erwin.
Bumaling si Erwin kay Argus. “Tena…”
Tumayo si Argus at kinuha ang bag niya na nakapatong sa isang silya. Kinuha na rin ni Erwin ang mga gamit niya at tumayo na rin ito.
Wala pa rin silang imikan habang naglalakad papalabas ng Shakey’s. Di pa sila gaanong nakakalayo nang may tumawag kay Argus.
“Argus!” Tumatakbo si Leo para abutan ang paglalakad ni Argus at Erwin.
Sabay pang napalingon sina Argus at Erwin. Hindi nakapagsalita si Argus pagkakita kay Leo. Si Erwin naman ay nakatingin sa dalawa.
“Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang,” pakiusap ni Leo.
“Wala akong naiisip na puwede nating pag-usapan,” matigas sa sabi ni Argus.
“Marami, Argus. Kailangan nating mag-usap.”
Umiling-iling si Argus. “Pagkatapos mong bigla na lang mawala nang walang paalam. Para akong tangang naghanap sa’yo pero pinagtaguan mo ako. Tapos bigla kang dadating ngayon para sabihing marami tayong pag-uusapan? Anong inaasahan mo, sabik na sabik ako sa’yo dahil nandito ka na ulit?”
“Argus, please… Let me explain.”
Nagulat pa si Erwin nang bigla siyang inakbayan ni Argus sabay sabing, “Babe, uwi na tayo. Napagod ako sa biyahe.”
“Halika na,” pagsakay ni Erwin sa acting ni Argus.
“Please, Argus… Kahit sandali lang.”
“Tapos na tayo, Leo. Matagal mo nang tinapos. So, please stay away from my path. Goodbye, Leo!” Hinila na ni Argus si Erwin papalayo sa natitigilang si Leo.
Hindi makapaniwala si Leo. Hindi man lang sila nakapag-usap. Sana ay naipaliwanag niya rito ang totoong dahilan kung bakit bigla na lang siyang hindi nagparamdam dito.
Pero ang mas hindi niya mapaniwalaan ay ang katotohanang may bago ng boyfriend ang taong minahal niya at minamahal pa rin ng sobra hanggang ngayon. Bigla ay nakadama ng panlulumo at pagkaawa sa sarili si Leo. Sa kanya bumuwelta ang ginawa niyang pagtatago kay Argus. Bakit siya ngayon ang lubhang nasasaktan dahil sa ibinunga ng kanyang ginawa?
AGAD na nakatawag ng taxi si Argus. Magsasalita pa sana si Erwin pero maagap siyang pinigilan ni Argus. “Next time na lang tayo mag-usap. Pagod na ako.”
“Okay, sige. Ingat ka.”
Tumango si Argus. “Salamat…” Sumakay na ito sa taxi na agad ding humarurot paalis sa lugar na iyon.
Nang mawala na sa paningin ni Erwin ang sinasakyang taxi ni Argus ay saka siya pumara ng taxi na maghahatid sa kanya na inuuwian niyang condominium. Habang nasa biyahe ay iniisip pa rin niya si Argus. Dati ay nasabi niyang okay lang sa kanya na hindi maging sila ni Argus basta manatili ang friendship nila. Pero sa nangyari kanina, malinaw niyang narinig na tila tanggap na ni Argus na wala nang karugtong ang naging relasyon nito kay Leo. Dahil kung meron pa, e ’di dapat nakipag-usap na ito kay Leo para once and for all ay magkalinawan silang dalawa.
Pero hindi pinagbigyan ni Argus ang pakiusap ni Leo na magkausap sila kahit sandali lang. Nagkunwari pa nga ito na may relasyon silang dalawa at bigla ay tinawag pa siyang “babe”. Ang sarap sanang pakinggan kung totohanan ang relasyon nila. Pero akting nga lang, ’di ba? Kunwari lang. Baka nga ginawa lang iyon ni Argus para gumanti kay Leo sa ginawa nitong pang-iiwan. Pero, eh ano ba? Kahit kunwari lang, kahit palabas lang ni Argus na may relasyon sila ay gusto pa rin niya ito. Sana nga ay magtuloy-tuloy ang pagpapanggap nila bilang magkarelasyon. Kung ito ang magiging dahilan para manatili silang magkibigan ni Argus, okay lang. Kung ito ang magiging daan para patuloy siyang kausapin ni Argus, handa siyang magpagamit dito kahit alam niyang malayong magkatotoong maging silang dalawa talaga.
DUMIRETSO si Jeck sa bahay ni Jean.
“O, Kuya Jeck! Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo rito?” bati ni Jean sa pinsan niya.
“Pinsan naman, masama bang dalawin kita paminsan-minsan?”
“Hindi naman. Mabuti nga at pumunta ka rito. Magpapasama na tuloy ako sa’yo.”
“Saan?”
“Sa mall. May bibilhin lang akong gift.”
“Eh nasaan ang boyfriend mo, ba’t di ka sa kanya magpasama?”
“May lakad daw siya, eh. At saka ayaw ko siyang kasama sa pagbili ng gift kasi para sa kanya ang bibilhin kong regalo. Birthday niya next week.”
“Ahh… Ganun ba?” saglit na napaisip si Jeck. Oo nga, birthday nga pala ni Leo next week. Nakalimutan niya. “What time tayo lalakad?”
“Mamayang konti. Maliligo pa lang ako.”
“Sige, hintayin na lang kita dito sa salas. Manonood na lang muna ako ng tv.”
“Ikaw ang bahala, kuya. Feel at home. Kumain ka na ba? May pagkain sa kusina. May cake at juice sa ref. Kumuha ka na lang.”
“Hindi na. Katatapos ko lang kumain.”
“Okay. Sige maliligo na ako.”
“Ah, Jean…”
“Kuya?”
“Sigurado ka na ba talaga kay Leo? Sa boyfriend mo?”
Kumunot ang noo ni Jean. “Bakit, kuya? Hindi ka ba boto sa kanya?”
Ngumiti si Jeck. “Hindi naman sa ganoon. Nagtanong lang naman ako. Napansin ko kasi na mahal na mahal mo siya. Eto nga at napakaaga mong bumili ng regalo para sa birthday niya.”
“Mahal ko talaga ’yun. Sobra…”
“Mag-iingat ka.”
“Saan?”
“Ha? Anong sabi ko?”
“Sabi mo mag-ingat ako. Saan ako mag-iingat.”
“Wala. Ang ibig kong sabihin, maligo ka na para makalakad na tayo.”
Tumaas ang kilay ni Jean. “Kuya, ang layo nu’n sa mag-ingat ka.”
“Nagkamali lang ako ng sinabi. Baka may iba lang akong iniisip,” palusot ni Jeck.
Lumabi si Jean. “Okay, sabi mo eh. Manood ka na ng tv diyan. Mabilis lang ako maligo.” Iniwan na ni Jean sa salas si Jeck.
Chapter 18
“HAPPY BIRTHDAY!”
Nawala ang tuwa sa mukha ni Leo nang makita kung sino ang bumati sa kanya.
“Jean, ikaw pala. Ang aga mong pumasok.”
“Siyempre, sinadya kong pumasok nang maaga para ako ang unang personal na babati sa’yo. Happy birthday, babe. I love you so much!” Isang matamis na halik sa labi ang ibinigay ni Jean sa boyfriend. “Iyong gift ko sa’yo, mamaya na lang. Iniwan ko sa bahay. Ihahatid mo naman ako mamaya, ’di ba? So, doon ko na lang ibibigay sa’yo.”
“Nag-abala ka pa talaga.”
“Of course. Anything for my boyfriend,” buong pagmamalaking sabi ni Jean. Kahit kailan, mahal na mahal talaga niya si Leo. “Okay, so andoon lang ako sa station ko. If you want to invite me for lunch mamaya, daanan mo na lang ako doon. I love you, babe!” Hinalikan muli ng dalaga sa labi ang boyfriend at pagkatapos ay lumakad na ito pabalik sa station niya.
Parang hinihila ang oras. Hindi namalayan ni Leo na lunch break na pala. Si Jean pa ang nag-message sa kanya para ipaalalang dapat na silang kumain.
Nagmamadaling pinuntahan ni Leo ang kasintahan sa kinauupuan nito.
“I’m sorry, babe. Ang dami kong email backlogs kaya nalimutan kong lunch time na pala.”
“Okay lang ’yun. Alam ko naman kung gaano ka ka-hardworking na tao. Ano, shall we?”
“Yeah, tara na.”
Sumakay ng elevator ang dalawa pababa ng building. Pagdating sa ground floor ay tinungo nila ang mall na nasa bandang unahan lang ng gusali kung saan sila nagtatrabaho.
Pumunta sila sa Max’s na nasa ground floor lang ng mall at umorder ng makakain. Habang hinihintay nila ang pagkain ay tumunog ang cellphone ni Leo. Numero lang ang nakarehistro.
“Hello, who’s this?” tanong ni Leo sa tumawag nang sagutin niya ang telepono.
“I just want to greet you a very happy birthday. Hindi ko nakakalimutan na ngayon ang birthday mo.”
Nagulat si Leo. Hindi siya maaaring magkamali. Si Jeck ang may-ari ng boses na iyon. Kabisadong-kabisado pa rin niya ang timbre ng boses nito.
“Ah, salamat. Nandito kami ng girlfriend ko sa mall. Ngayon pa lang kami magla-lunch.” Sinikap ni Leo na gawing natural lang ang pakikipag-usap kay Jeck. Siniguro rin niyang maririnig ni Jean ang kanyang sinasabi para hindi ito maghinala.
“Ako, kelan mo ako yayayaing mag-lunch?
Hindi agad nakasagot si Leo.
“Naiinip na ako. Hinihintay kong kontakin mo man lang ako pero hindi mo ginagawa. Alam kong syota ka na ng pinsan ko. Pero huwag mong kalilimutang ikaw lang ang may gusto na maghiwalay tayo. I still love you, Leo. Buong panahong nasa abroad ako, wala akong ibang inisip kundi ang matapos na ang kontrata ko para makabalik na ako ng Pilipinas. Para makabalik na ako sa’yo,” puno ng hinanakit ang tinig ni Jeck.
Dumating ang waiter at isa-isa nang ipinatong sa mesa ang mga inorder nilang pagkain.
“Thank you sa greeting, ha?” Pinasigla pa ni Leo ang boses niya. “Kakain lang muna kami. Bye!” Hindi na binigyan ni Leo ng pagkakataong makasagot ang kausap dahil agad niyang pinindot ang “
end
call
“ .
“Sino ’yun?” walang malisyang tanong ni Jean.
“Ahh, barkada ko lang. Binati lang ako,” nakangiting sagot ni Leo.
“Kilala ko?”
“Hindi ko pa siya naipakikilala sa’yo. Nagtrabaho kasi sa ibang bansa. Kababalik lang ng pinas.” Hindi alam ni Leo kung bakit iyon ang nasabi niya.
“Ah, parang si Kuya Jeck lang.”
Muntik nang masamid si Leo dahil sa sinabi ni Jean. Ang talas naman yata ng pakiramdan ng babaeng ito. Hindi kaya kinukutuban ito kanina pa na si Jeck ang kausap niya? Buking na ba siya ni Jean?
“Yeah, parang ganoon. Kain na tayo?” Gusto na niyang tapusin ang usapan kaya itinuon niya ang atensyon sa pagkain. Pinagsaluhan nilang dalawa ang masarap na pananghaliang nakahain sa mesa.
Si Argus ay kagigising lang. Napagod siya nang husto sa event kung saan sila nag-cater kagabi. Pero it was all worth it. Nag-enjoy ang mga bisita sa mga pagkaing inihanda niya at marami ang nangakong kukunin siyang caterer sa mga event nila.
Ganoon yata talaga ang buhay. Kapag successsful sa career, dehado naman sa lovelife and vice versa.
Tumunog ang telepono niya.
Si Erwin.
“O, napatawag ka?”
Halata ang saya sa boses ni Erwin, “Busy ka ba? Nood naman tayo ng sine, my treat.”
“Kagigising ko lang, eh. Ngayon na ba?”
“Kahit mamayang gabi. Last full show? Mag-dinner muna tayo then saka tayo manood.”
“Okay, sige. See you later,” pagsang-ayon ni Argus.
“Yes! Kung wala kang ibang lakad today, dadaanan na lang kita diyan sa inyo.”
“Alam mo ba ’to? Hindi pa naman kita naisama rito.”
“Ibibigay mo naman sa akin ang address mo, ’di ba? Madali na ang maghanap.”
Napangiti si Argus. “Okay, ite-text ko na lang sa’yo ang address ko, pati instruction kung paano pumunta rito nang hindi ka maliligaw.”
“Thanks, Kanor!”
“Walang anuman, Erwin Pablo-jab!” Narinig ni Argus ang malakas na halakhak ng kausap. “Tawa ka ng tawa diyan. O, paano? See you later.”
“Yup. See you…”
“Eto ang gift ko sa’yo.” Iniabot ni Jean kay Leo ang isang maliit na kahon. “Buksan mo.”
Binuksan ni Leo ang regalo. Isang silver Michael Korrs watch. “Thank you, babe. Napaka-sweet mo.”
“Wala ba akong kiss?” Bahagya pang pinatulis ng dalaga ang nguso niya.
Lumapit si Leo para halikan si Jean. Ang dapat sana ay isang saglit na halik ay tumagal. Ang dapat ay banayad na dampi lang sa labi ay naging maalab at nag-iinit. Hanggang sa tuluyan na ngang matupok ng apoy sina Leo at Jean. Pinagsaluhan nilang dalawa ang init at sarap ng pagsasanib ng kanilang mga katawan. Walang usapang naganap. Ang buong kabahayan ay napuno lang ng kanilang mahihinang mga daing at pag-ungol.
PAUWI NA sina Argus at Erwin galing sa panonood ng sine. Hindi pumayag ang huli na hindi niya ihahatid sa bahay si Argus.
“Magta-taxi na lang ako. Hindi mo na ako kailangang ihatid. Masyado ng out of way sa’yo,” argumento ni Argus.
“Eh, ano naman? Mas mapapanatag ang loob ko kung alam kong nasa bahay ka na at ligtas. Kaya ihahatid na kita.”
“Para namang may mangyayari sa akin. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.”
“Basta! Huwag ka nang makulit, Kanor. Sumakay ka na.”
Wala nang nagawa si Argus kundi sumakay sa kotse ni Erwin. Mabilis na pinatakbo ng huli ang kanyang sasakyan.
“Don’t worry, natandaan ko naman kanina ’yung mga dinaanan ko kaya ’di mo na kailangang magbigay ng direksyon,” paninigurado ni Erwin.
“Salamat, ha?” seryosong sabi ni Argus.
Isang malapad na ngiti ang isinagot ni Erwin.
“Alam mo bang birthday ni Leo ngayon?”
“Ha?”
“Siguro kung kami pa, siya marahil ang maghahatid sa akin sa bahay ngayon.”
Hindi sumagot si Erwin. Ano ba dapat ang isasagot niya?
“Don’t get me wrong, ha? Hindi ko naman sinasabi na ayaw kitang kasama. Ang totoo, sobrang thankful ako na nakilala kita sa panahong hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Nung panahong halos masiraan ako ng ulo sa kahahanap kay Leo, ikaw ’yung nariyan to comfort me, siyempre aside from my mom na very suportive sa akin eversince. Sobrang laki ng utang na loob ko sa’yo,” medyo pumiyok ang boses ni Argus.
“Ano ka ba? You don’t need to thank me. Ang saya ko kaya na nakilala kita. Mas naging inspired akong magtrabaho. Mas minahal ko ang mga tao sa paligid ko. Mas pinahalagahan ko ang buhay dahil sa’yo. I feel really blessed to have known you, Argus este, Kanor pala.” Sinundan iyon ni Erwin ng isang halakhak.
“Ahhhh! Erwin Pablo! Pablo-job!!!”
Mas lalo pang lumakas ang halakhak ni Erwin.
Ilang sandali lang ay narating nila ang bahay nina Argus.
“Paano? Salamat sa treat at sa paghatid sa akin dito.”
“Wala ’yun. Basta, ikaw.”
“Ingat ka sa pagmamaneho,” bilin ni Argus.
“I will. Salamat, friend.” Alam ni Erwin na from that very moment, siya at si Argus ay magkaibigan na talaga. At hanggang pagkakaibigan na lang talaga.
Chapter 19
UMAGANG-UMAGA ay nagri-ring ang telepono ni Leo. Nakita niya ang pangalan ni Jeck na nakarehistro sa screen nito. Ni-reject niya ang tawag. Mas gugustuhin niyang matulog pa kesa sagutin ang tawag ng ex niya.
Ilang sandali lang ay tumatawag na naman si Jeck. Muli itong ni-reject ni Leo. Wala siyang nakikitang dahilan para kausapin ito. Alam niya, gulo lang ang dadalhin ni Jeck kung patuloy pa siyang makikipag-usap dito.
Isang text message ang natanggap niya. Galing kay Jeck.
Isang
beses
mo
pang
i-reject
ang
tawag
ko
,
alam
mo
na
ang
mangyayari
!
Muling nag-ring ang telepono niya. Si Jeck pa rin ang tumatawag. Hindi niya ni-reject ang tawag. Pero hindi rin niya sinagot. Hinayaan lang niyang mag-ring ito hanggang kusang maputol ang linya.
Pero si Jeck ang tipo na hindi sumusuko kapag may gustong makuha. Muli itong tumawag kay Leo. Paulit-ulit. Na paulit-ulit ding dinededma ni Leo.
Muling nag-text si Jeck na may halong pagbabanta.
You’ve
pushed
me
to
the
limit
.
Sige
,
ibibigay
ko
ang
gusto
mo
!
Sa inis, sinagot ni Leo ang text message.
Just
do
your
shit
for
all
I
care
!
Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Leo. Naligo. At nagbihis. Kung meron siyang gustong puntahan at makausap ay si Argus lang, wala nang iba.
Sumakay si Leo sa kanyang motor at mabilis itong pinatakbo.
Wala pang isang oras ay narito na siya sa labas ng gate ng bahay nina Argus. Nag-doorbell siya.
Maya-maya pa ay may nagbukas ng gate.
Nanlaki ang mga mata ni Leo nang makita ang mama ni Argus. Hindi niya inaasahan na ito ang magbubukas ng gate. “Good morning, ma’am…” Hindi alam ni Leo kung paano kikilos. Ang totoo, nahihiya siya sa mama ni Argus. Naging napakabait nito sa kanya noong sila pa ng anak nito.
“Leo?!” Maging ang ina ni Argus ay nagulat din.
“M-maaari ko po bang makausap si Argus?” Nakikiusap ang mga mata ni Leo. Hindi niya alam kung galit din ba sa kanya ang mama ni Argus.
“Hindi ko alam kung gusto ka niyang makausap pero, sige tuloy ka,” matamlay nitong sagot. Naging ugali na ng ina ni Argus na huwag maging bastos sa mga bisita.
“Salamat po, ma’am…”
Lumakad pabalik sa loob ng bahay ang mama ni Argus habang nakasunod naman si Leo.
Pagdating sa salas ay muling nagsalita ang matandang babae, “Maupo ka. Sasabihin ko kay Argus na narito ka.”
Tumango si Leo. “Opo…” Nakita niyang lumakad ang matandang babae papuntang kusina.
BUSY SA kusina si Argus at ang kanyang mga tauhan. May event sila mamayang hapon at kailangan na nilang maihanda kaagad ang mga lulutuin. Ganito si Argus pagdating sa kanyang negosyo. Hangga’t maaari ay kilangang personal niyang nakikita kung paano inihahanda ang mga pagkain. Sa mga pagkakataon naman na hindi niya personal na maaasiste ang mga tauhan niya ay ang mama niya ang namamahala rito. Kaya kampante rin siyang tatakbo ang kanyang negosyo kahit wala siya.
“O, mama tutulungan mo ba kami rito?” tanong ni Argus nang makita niyang pumasok sa kusina ang kanyang ina.
“Anak, may bisita ka. Andun siya sa salas.”
Napakunot-noo si Argus. “Si Erwin po, ’ma?”
Umiling ang matanda.
“Sino po?”
“Nandiyan si Leo. Gusto ka raw makausap.”
Nanlaki ang mata niya. Anong ginagawa ng gagong ’yun at pumunta pa rito sa bahay nila?
“Puntahan mo na. Siguro, ito na rin ang tamang oras para magkausap kayo. Once and for all magkalinawan na kayo. Para hindi ka na nahihirapan.”
“Pero, ’ma…”
Umiling ang mama niya. “Puntahan mo na siya. Ako na muna ang bahala rito.”
“Okay, ’ma.” Tinanggal ni Argus ang suot na apron. Naghugas siya ng kamay, nagpunas para matuyo ito at saka lumabas para puntahan si Leo.
Napatayo si Leo pagkakita kay Argus. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o babatiin ang dating boyfriend.
“Dito tayo sa office ko,” walang emosyong sabi ni Argus na dumiretso ng lakad papunta na silid na malapit sa salas, na siyang nagsisilbing opisina niya roon sa kanilang bahay.
Umupo si Argus. “Maupo ka,” sabi nito sa kausap.
Umupo si Leo. Hindi pa rin ito makapagsalita.
“Now what?” diretsahang tanong ni Argus.
Pakiramdam ni Leo ay nalunok niya ang kanyang dila. Bakit ba hindi siya makapagsalita? Hindi ba’t ang tagal na niyang gustong makausap si Argus?
“Speak up. Don’t tell me na pumunta ka lang dito para tingnan ako. We’ll, as you can see I’m doing good. Did it disappoint you? Akala mo siguro ay masisira ang buhay ko dahil lang iniwan mo ako.”
“I’m sorry…” nanginig ang boses ni Leo. Hindi na niya nagawang dugtungan ang sasabihin.
“Iyon lang ba? Okay, sige. Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na. Busy kami ngayon. Marami kaming ginagawa rito.” Tumayo na si Argus at akmang lalakad na patungo sa pintuan ng opisina niya.
“May sasabihin pa ako…” habol ni Leo. “Please, kahit saglit lang.”
“Okay. Ano pa ang gusto mong sabihin?” Argus said in a very cold manner. He really wanted to let Leo know that he wasn’t affected at all.
“Can you forgive me?”
“Ganun lang? Forgive you just like that?” Naningkit ang mga mata niya. Matalim ang tinging ipinukol niya sa kausap. “Hindi ka man lang ba magpapaliwanag kung bakit bigla ka na lang nawala, nagtago at umiwas? For once, Leo ipaintindi mo sa akin kung ba’t mo ako ginawang gago?!”
“Hindi kita ginago. Minahal kita. Totoo ’yun. Hanggang ngayon mahal na mahal kita!”
Mapait ang ngiting pinakawalan ni Argus. “Do you expect me to believe that? Pagkatapos kitang makitang may ka-date sa mall? Ano bang akala mo sa akin, tanga?”
“Mali ’yung iniisip mo dun sa nakita mo,” depensa ni Leo.
“At ano ang tama? Sige, magpaliwanag ka. Baka sakaling mapaniwala mo ako. Galingan mo, ha?” nang-aasar ang tono niya.
“Ex ko ’yun, si Jeck Chavez. Naging kami bago pa tayo nagkakilala. OFW, kararating lang niya ng pinas. He is blackmailing me.”
“Paanong…?” Bakas sa mukha ni Argus ang pagtataka.
“Ibibisto niya ako kay Jean kapag hindi raw ako nakipagbalikan sa kanya.”
“Sino si Jean?”
“Officemate ko… girlfriend ko.” Napayuko si Leo. Ayaw niyang makita ang magiging reaksyon ni Argus.
“May girlfriend ka?” Hindi siya makapaniwala. “Kaya mo ako iniwan dahil nag-girlfriend ka?”
“H-hindi…”
“Eh, ano? Ano ang totoo? Bakit bigla ka na lang na hindi nagpakita sa akin? Tang-ina, hinanap kita! Kung saan-saan. Kung anu-ano ang ginawa ko, makita ka lang. Para akong tanga. Mukha akong gago. Para saan? Para sa’yo! Tapos, may girlfriend ka na pala.”
“Family pressure. Lahat sa angkan namin, nagsipag-asawa na. Naiiwan na ako. Ang mga magulang ko, nagtatanong na. Kelan daw ba ako lalagay sa tahimik? Gusto na nila ng apo mula sa akin. Ano ang sasabihin ko? Ano ang gagawin ko?”
“Eh, ’di aminin mo sa kanila na bakla ka. Magpakatotoo ka na. Kelan ka pa aamin, kapag mamamatay ka na?”
“Papatayin ako ng tatay ko kapag nalaman niyang lalaki rin ang gusto ko!”
“Malaki ka na. May sarili ka nang isip. Dapat, may sarili ka na ring paninindigan. Dapat kaya mo nang ipaglaban kahit kanino kung ano ka at kung ano ang gusto mo. Hindi ka puwedeng magtago sa closet buong buhay mo. Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong lumabas at ipakita sa buong mundo kung ano ka at sino ka. Doon ka lang magkakaroon ng totoong kaligayahan sa buhay mo.”
“Paano si Jean? Naging girlfriend ko siya dahil akala ko, siya ang magiging sagot sa lahat ng takot ko. Pero habang tumatagal kami, mas lalo kong nasiguro sa sarili ko na hindi ko siya mahal. Hindi ko siya gusto. Pero paano ko pa siya iiwan, naipakilala na niya ako sa mga magulang nya.”
“Bakit, kapag ba kilala na ng magulang ng girlfriend bawal nang mag-break? Asan na ba ang utak mo? Bakit parang nabobo ka na yata?”
“Argus, ikaw pa rin ang mahal ko. Kahit kelan hindi nawala ang pagmamahal ko sa’yo. Pakiusap, sana maintindihan mo kung bakit ko nagawa ang ginawa ko. Hindi ko sinasadyang masaktan kita. Patawarin mo ako,” nangilid ang luha sa mga mata ni Leo.
“Ewan ko, Leo. Pero kung totoo ang mga sinabi mo, ayusin mo muna ang lahat ng gulo bago ka bumalik dito. Makakaalis ka na. Marami pa akong gagawin.”
Isang nakikiusap na tingin ang ibinigay ni Leo kay Argus pero walang ano mang emosyon siyang nakita sa mukha ng taong mahal na mahal niya.
Chapter 20
“ANONG KAILANGAN mo?” Mahina lang ang boses ni Leo pero bakas dito ang panggigigil sa kausap sa telepono.
“Nandito ako sa mall na malapit sa office n’yo ng pinsan ko. Baka gusto mo akong puntahan. Okay lang naman kung ayaw mo, tatawagan ko na lang ang pinsan ko para kaming dalawa ang mag-usap.” Kalmado lang si Jeck sa kabilang linya. Nakikita nga ni Leo na parang nakangisi ito habang kausap siya.
“Kelan mo ba titigilan ang pamba-blackmail sa akin?”
“Blackmail? Blackmail ang tawag mo sa ginagawa ko? Ang sama mo naman. Kung iba-blackmail kita, eh ’di sana matagal ko nang ibinuko kay Jean kung ano ka?” Saglit na nawala sa linya si Jeck.
“Hello?”
“Sa ginagawa mong pag-iwas sa akin, dapat matagal na akong bumuwelta sa’yo. Napakadaling gawin kung gusto kitang sirain, pero ginawa ko ba? Ibinisto ko ba sa pinsan ko na bakla ka at nagkaroon tayo ng relasyon?” tanong nito na tila kinokonsensya si Leo.
“Eh, ano ba ang gusto mo? Bakit patuloy mo pa rin akong ginugulo?”
“Maging tayo ulit,” direktang sagot ni Jeck. “Wala akong pakialam kahit kayo pa rin ni Jean, basta maging tayo lang ulit.”
“Pero tapos na tayo, matagal na. Intindihin mo naman sana ako.”
“HIndi ako nakipag-break sa’yo. Ikaw lang ang may gustong maghiwalay tayo,” argumento nito.
“Kahit na! Ayoko na, Jeck. May bago na akong buhay. Sana irespeto mo ang gusto kong mangyari sa buhay ko.”
“Hihintayin kita rito sa mall.”
“Ano?!”
“Ten minutes. Be here in ten minutes. Or else, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” pagbabanta ni Jeck na agad ding ibinaba ang telepono. Sa tingin ni Leo, hindi na ito nagbibiro.
Mabilis na nagtungo sa mall si Leo. Hindi niya mapapayagang gumawa nang hindi maganda si Jeck. Ang tagal niyang itinago ang pagkatao niya. Ngayon pa ba siya basta-basta na lang mabubuko?
Namataan kaagad ni Leo si Jeck malapit sa entrance ng mall. Kumaway pa ito sa kanya. Masaya ito at matamis ang ngiti.
“Anong gusto mo?” matalim ang tinging salubong ni Leo kay Jeck.
“Pasok tayo sa loob, kain tayo,” aya nito sa kanya. Binalewala lang nito ang sinabi niya.
“No!” matigas niyang tanggi.
“So, anong gusto mo? Dito tayo mag-usap at kapag nainis ka sa akin ay tataas ang boses mo at pagtitinginan tayo ng mga tao?” mahina ang boses at kalmadong-kalmadong sabi ni Jeck.
“Jeck, let’s put a stop to this. Girlfriend ko ang pinsan mo. Iyon man lang sana ay irespeto mo.”
Napailing si Jeck. “Kilala kita, Leo. Kailanman ay hindi ka magkakagusto sa babae. Kaya kung respeto ang gusto mong makuha sa akin, matuto ka munang irespeto ang damdamin ng pinsan ko. Huwag mo siyang paglaruan. Huwag mo siyang gawing epoxy na pantapal sa umaalingasaw na kabaklaan mo.”
“I am bisexual. I am capable of falling in love with either male or female.”
“Bisexual mong mukha mo! Huwag ako ang utuin mo, Leo. Huwag ako!” Pigil na pigil itong huwag lakasan ang boses.
“Kuya Jeck!”
Nakita ni Leo ang pagkabigla sa mukha ng kaharap nang makita nito kung sino ang tumawag. At maging siya man, pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
“Jean!” Biglang ngumiti nang pagkatamis-tamis si Jeck. Lumingon si Leo upang makita ang babaing dumating.
“Leo? Why are you here?” nagtatakang tanong ni Jean sa nobyo.
“Papunta sana ako ng mall para mag-lunch. Nakasabay ko rito sa entrance ang pinsan mo. Sosorpresahin ka yata eh, kaso nakita mo na siya kaya sablay ang sorpresa.” Pinilit niyang ngumiti rin na parang walang kakaibang nangyayari.
“Eh, ’di sabay na lang tayong mag-lunch,” mungkahi ni Jean.
“May importanteng sasabihin yata sa’yo itong pinsan mo. Ayoko namang makaistorbo sa bonding n’yo, araw-araw naman tayong magkasama sa office.” Bumaling si Leo kay Jeck. “Hindi ba, Jeck?”
Napilitan na rin itong tumango at sumang-ayon kay Leo.
“Ano ba ang sasabihin mo, kuya?” tanong ng babae.
“Sa loob na lang tayo mag-usap,” dismayadong sabi ni Jeck.
“Paano ka?” tanong ni Jean sa nobyo.
Kunwari ay tumingin sa relo si Leo. “Babalik na lang ako sa office. May client call kasi ako in ten minutes. Baka ma-late ako. Mamaya na lang ako kakain.”
“Sige. Basta kumain ka after the call, ha?” malambing na sabi ni Jean na humalik pa sa pisngi ni Leo.
“Yeah…”
“Tara na, kuya.” Hinila na ng babae ang kanyang pinsan papasok sa mall.
Bago tuluyang makapasok sa mall ay nilingon pa ni Jeck si Leo at binigyan ito ng isang nagbabantang tingin.
LATE NANG nakauwi si Leo kaya hindi niya inaasahan na gising pa ang kanyang ama nang siya’y dumating.
“Dad, bakit gising pa po kayo?”
“Sinadya kong hintayin ka. May mahalagang bagay tayong pag-uusapan.”
Kumunot ang noo ni Leo. Anong mahalagang bagay ang pag-uusapan nila ng ama niya? “Tungkol saan, dad?”
Ipinakita ng ama ni Leo ang hawak nitong magazine. “Ano ito? Bakit meron kang ganitong magazine sa kuwarto mo?”
Pakiramdam ni Leo ay may sasabog na bulkan ano mang oras ngayon. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha sa sobrang kaba. “Dad…”
“Bakla ka ba?”
“Dad, let me…”
“Bakla ka ba?!”
Hindi nakasagot si Leo pero nagawa niyang dahan-dahang tumango.
Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya. Buong buhay niya, ngayon lang siya pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama.
“Tarantado ka! Wala sa lahi natin ang mga bakla! Babalian kita ng buto para magtanda ka.” Isa pang suntok ang pinakawalan nito na tumama sa braso ni Leo nang tangkain niya itong salagin.
“Amado, tigilan mo ’yan! Maawa ka sa anak mo!” Hangos na tumakbo papunta sa salas ang ina ni Leo para awatin ang asawa. Niyakap nito si Amado para hindi na magawang suntukin muli ang anak.
“Lumayas ka rito sa pamamahay ko! Wala akong anak na bakla!” sigaw ng ama niya.
“Leo, umalis ka na muna pakiusap.” Umiiyak na ang mama niya. “Saka ka na lang bumalik.”
“Hindi ka na puwedeng bumalik! Wala kang babalikan dito.” Hindi pa rin hunuhupa ang galit ng kanyang ama.
“Dad… I’m sorry. Sorry rin, ’ma…” Pinipigil ni Leo na maluha subalit nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Masakit ang suntok ng kanyang ama ngunit mas masakit ang ipagtabuyan siya nito.
Nagmamadali siyang nagtungo sa kuwarto niya at nag-empake. Nang matapos ay muling lumabas ng silid bitbit ang kanyang bagahe. Itinambak niya sa likurang bahagi ng kotse ang mga bagahe at mabilis ring sumakay at pinaandar ito papalayo. Habang daan ay ng-iisip siya kung saan siya puwedeng tumuloy. Naisip niya si Jean pero minabuti niyang huwag ipaalam dito ang nangyari. Magtataka sigurado iyon kung bakit bigla siyang lumayas sa kanila. Baka malaman pa ng babae na nabisto ng ama niyang bakla siya.
Sumagi rin sa isip niya si Jeck. Siguradong hindi siya tatanggihan nito. Pero lalala lang ang gulo kung doon siya makikituloy.
Hindi puwede kay Argus, alam niya naman ’yon. Sa laki ng galit sa kanya nito, malamang hindi ito papayag na makitira siya rito. Kausapin nga siya ay parang ayaw na ayaw gawin nito. Iyon pa kayang makikitira siya sa bahay nito?
Sa huli, napagdesisyunan ni Leo na mag-stay na lang muna sa isang hotel habang naghahanap siya ng marerentahang condo.
Chapter 21
“HINDI KA raw pumasok. Nasaan ka?” nasa boses ni Jean ang pag-aalala. Hinanap niya kanina si Leo sa station nito pero hindi nga raw ito pumasok.
“Ah, eh kasi ano… May inaasikaso lang akong importanteng bagay. I’ll be back to work tomorrow.” Mahirap talaga ang magsinungaling. Kahit kailan hindi yata siya masasanay.
“Ano ’yun? Bakit hindi mo ako isinama?
“Aabsent ka pa para samahan lang ako? Eh, kaya ko namang gawin mag-isa ’to,” nangatwiran siya.
“Okay sige. Magkikita ba tayo mamaya?” mas malambing na ang tono ni Jean ngayon kesa kanina. “Wait, ganito na lang. Huwag mo na akong sunduin sa office mamaya. Pumunta ka na lang sa apartment ko. Doon ka na lang mag-dinner. Ipagluluto kita.”
“Sigurado ka?” tanong ni Leo.
“Oo naman. And just in case na mauna kang dumating, you have a duplicate key to my apartment naman so pumasok ka na lang and feel at home.” Dama ni Leo ang pagmamahal sa kanya ni Jean.
“Okay, so I’ll see you tonight then. You take care.”
“I love you, babe.” Si Jean.
Napalunok si Leo. “I— I love you, too. Kita na lang tayo mamaya. Bye…”
Ibinagsak ni Leo ang katawan sa kama. Kailangang makahanap kaagad siya ng malilipatang condo sa lalong madaling panahon.
SIX-THIRTY ng gabi nang makarating si Leo sa apartment ni Jean. Inaasahan niyang naroon na ang dalaga dahil madalas naman ay nasa bahay na ito pagsapit ng alas-sais maliban na lang kung may pupuntahan pa ito o kung nagkaroon ng biglaang overtime sa opisina. Kaya nagulat siya nang makitang sarado pa ang apartment.
Dinukot ni Leo ang susi ng apartment na kasama sa iba pa niyang mga susi sa kanyang bulsa para makapasok siya. Binuksan nya ang ilaw sa salas para lumiwanag ang paligid. Tiningnan niya ang oras sa kanyang relong pambisig. Anong oras kaya darating si Jean?
Nagpasya siyang manood muna ng telebisyon ngunit wala naman siyang nagustuhan kaya humiga na lang siya sa sofa para umidlip. Noon naman may kumatok sa pinto.
Napabalikwas ng bangon si Leo at agad tumayo para buksan ang pinto. Dumating na siguro si Jean at hindi na nag-abalang gamitin ang susi dahil nakitang bukas na ang ilaw sa loob.
HIndi inaasahan ni Leo ang mukhang makikita sa labas ng pinto.
“Jeck!” Agad ang rehistro ng pagkagulat sa kanyang mukha. “Anong ginagawa mo rito?”
Nakakaloko ang ngisi ni Jeck. “Well, pinsan ko ang nakatira rito. HIndi naman siguro masamang dalawin ko siya paminsan-minsan.” Hindi nito inalis ang tingin sa kausap.
“W-wala pa si Jean,” sabi ni Leo na ang intensyon ay ipaalam kay Jeck na kailangan na nitong umalis.
“Hindi mo ba ako patutuluyin? Puwede ko naman siyang hintayin,” kalmadong sabi nito pero hindi nawawala ang nakakalokong ngisi.
“Okay, sige pumasok ka.” Wala nang nagawa si Leo kundi papasukin ang dati niyang karelasyon.
“Hintayin mo na lang si Jean. Darating na iyon.”
“At ikaw?”
“Pauwi na ako. Nangako ako kay mama na sasabay akong mag-dinner sa kanila tonight,” pagsisinungaling niya.
Kumunot ang noo ni Jeck. “Sasabay mag-dinner o para iwasan ako?” diretsong tanong nito habang titig na titig kay Leo.
“Do I owe you an explanation?” sinalubong niya ang titig ni Jeck.
Natawa si Jeck. “Bakit ba tuwing nakikita mo ako eh parang sinisilihan ang puwet mo at gusto mo na agad tumakas? Ganoon ba kalaki ang takot mo sa akin?”
“May dapat ba akong ikatakot sa’yo?”
“Ano sa tingin mo?” Lumapit si Jeck kay Leo.
Napaurong siya. Ano na naman ang balak ng tarantadong Jeck na ito?
“I’ll go ahead, Jeck. Just wait for Jean. Tatawagan ko na lang siya.” agad siyang tumalikod para maiwasan ang paglapit ni Jeck ngunit nahagip nito ang kanyang kamay.
“Huwag mo nga akong iwasan! Naiinis na ako sa’yo, ah,” malakas ang boses na sabi nito. “Kelan mo ba tatanggapin sa sarili mo ang totoong pagkatao mo? Kaya ka nahihirapan, dahil din sa’yo. Hindi ka nagpapakatotoo! Aminin mo na kasi sa buong mundo na bakla ka. Na lalaki rin ang gusto mo. Na kahit kailan, hindi mo kayang magpakasal sa isang babae dahil lalaki rin ang gusto mong makasama habangbuhay!”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo.” Iyon lang ang tanging naisagot ni Leo.
“Huwag ka nang magkunwari, Leo. Matagal rin tayong nagsama. Alam ko ang mga gusto mo at hindi mo gusto. Kilala kita sa paraang kung paano mo kilala ang sarili mo.”
“Tumigil ka na!”
“Bakla ka, Leo…”
“Stop it!”
Bakla ka and you know it!“
“Sabi ng tumigil ka!”
“Bakla ka!”
Noon bumukas ang pinto at iniluwal si Jean. Parang nawalan ng kulay ang mukha ni Leo. Si Jeck naman ay kalmado lang na parang walang nangyari.
“Is that true, Leo?” nanginginig ang boses na tanong ni Jean. Totoo ba ang sinabi ni kuya Jeck?“
“J-jean…”
“Sumagot ka! Bakla ka ba?” Hindi inaasahan ni Leo ang biglang pagtaas ang boses ng nobya.
“Jean, let me explain. I’ll explain every—” Hindi natapos ni Leo ang sasabihin dahil isang malakas na sampal mula kay Jean ang dumapo sa kanyang pisngi. Naramdaman niya ang hapdi na tila nagpamanhid sa kanyang mukha.
“Bakit mo ako niloko? Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa lang?!”
Maraming salita ang gustong lumabas sa bibig ni Leo pero hindi siya makapagsalita. Tila nalunok niya ang kanyang dila.
Bumaling si Jean kay Jeck. “Kuya Jeck, paano mong nalaman ito? Bakit…?”
Tumingin muna si Jeck kay Leo bago ito nagsalita, “Naging kami dati… Nagkaroon kami ng relasyon bago ako nangibang-bansa.”
Hindi makapaniwala si Jean sa rebelasyon ng pinsan. Sapat na ang mga nalaman niya para umagos ang kanyang mga luha. Sinikap niyang pigilan ang sarili na mapahagulgol kaya ang nag-uumalpas niyang damdamin ay naging impit na pag-iyak.
“I’m sorry, Jean… Hindi ko ginustong lokohin ka. Sinikap kong magbago…”
“Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Malinaw sa akin na bakla ka. Lalaki rin ang gusto mo! Hayup ka!” masama ang loob na sumbat ni Jean sa nobyo.
“Hindi ako nakipagrelasyon kahit kanino mula noong naging girlfriend kita. Naging mabuti akong boyfriend sa’yo?”
“Boyfriend? O gayfriend? Ang kapal ng mukha mong bakla ka,” bakas ang pagkasuklam sa boses niya. Hindi niya talaga matanggap na ang boyfriend niya ay bakla pala.
“Jean… natakot lang ako na ipaalam sa’yo…”
“Umalis ka na at huwag ka nang babalik,” matigas na sabi ng babae. Hindi ko pinangarap magkaroon ng boyfriend o asawang bakla!“
“I’m really sorry…” Yuko ang ulong naglakad si Leo papalabas sa apartment.
Hindi na niya alam kung paano siya nakarating sa hotel na pansamantala niyang tinutuluyan. Pakiramdam niya ay puno ng hangin ang kanyang ulo. Parang sasabog ito sa dami ng laman na hindi naman niya maintindihan kung ano.
Nang hindi na niya makaya ang lahat ng kanyang iniisip at nararamdaman ay pinakawalan niya ang isang malakas na malakas na sigaw.
Chapter 22
KANINA PA nagri-ring ang telepono ni Argus. Alam naman niyang si Leo ang tumatawag pero wala siyang balak na sagutin ito. Kung dati ay gustong-gusto niyang makita at makausap ito, iba na ngayon.
Dinampot niya ang telepono at ni-reject ang tawag. Lumabas sa screen ang 8 messages received. Binasa niya ang mga mensahe na puro galing kay Leo.
Sagutin
mo
naman
ang
tawag
ko
, please…
I’m
so
depressed
.
Nalaman
na
ng
parents
ko
na
bakla
ako
.
Nalaman
na
rin
ng
girlfriend
ko
and
she
broke
up
with
me
.
Napatda si Argus. Biglang may naramdaman siyang kakaiba para kay Leo. Awa? Ewan pero parang gusto niyang damayan ang taong minsan ay naging pinakaimportanteng tao sa buhay niya. No! Hindi minsan. Hanggang ngayon, ayaw man niyang aminin pero mahalaga pa rin sa kanya si Leo.
Hindi namalayan ni Argus ang pagpatak ng luha sa kanyang mata. Ano ito? Naiyak siya nang hindi niya nalalaman.
Itinuloy niya ang pagbabasa ng mga mensahe.
Nandito ako sa
Amari
Hotel, pinalayas ako ng tatay ko.
I
want
to
die
.
Ang
sakit
pala
kapag
lahat
ng
tao
ay
ayaw
sa’yo
.
I’m sorry,
Argus
kung
ikaw
ang
tinatawagan
at
tine-text
ko
.
Wala
kasi
akong
kilalang
tao
na
alam
kong
maiintindihan
ako
kundi
ikaw
lang
.
Mas napaluha si Argus pagkabasa ng mensahe. Hindi na niya kayang itanggi na mahal pa rin niya si Leo. Kahit kelan ay hindi nawala ang pagmamahal na iyon.
Hindi
ko
alam
kung
anong
gagawin
ko
.
Paano
ako
mag-uumpisang
muli
kung
wala
na
akong
sisimulan
?
Hindi
ko
na
kaya
Argus
.
Argus, mahal
na
mahal
kita
.
Nakipagrelasyon
man
ako
sa
iba
,
hinding-hindi
ka
napalitan
sa
puso
ko
.
I’m
so
sorry
dahil
nasaktan
kita
.
Hindi
ko
iyon
sinadya
.
Natakot
lang
ako
sa
pressure
ng
pamilya
sa
akin
.
Sinubukan
kong
ibigay
ang
gusto
nila
.
Pero
hindi
ko
talaga
kaya
dahil
ikaw
lang
ang
nag-iisang
gusto
kong
makasama
habang
buhay
.
Tuluyan nang nag-breakdown si Argus. Hindi na niya napigilan ang lahat ng emosyong naipon sa kanyang dibdib, nagsumbong sa utak at inilabas ng kanyang mga mata sa pamamagitan ng pagbuhos ng luha.
TULIRO PA rin si Leo. Hindi pa rin niya lubusang matanggap ang mga nangyari. Ang bilis. Sobrang bilis. Kahapon lang nabisto siya ng parents niya. Ngayon naman nahuli siya ni Jean. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang bilis ng karma. Hindi pa siya nakakabangon sa isang dagok, may kasunod na kaagad. Ano bang kasalanan ang nagawa niya? Ito ba ang buwelta ng karma sa ginawa niya kay Argus?
Magulo pa rin ang isip niya nang tumayo si Leo. Wala sa sariling lumabas ito ng kanyang unit at sumakay ng elevator pababa ng hotel. Diretso itong lumabas ng hotel at hindi na nga napansin ang pagbati sa kanya ng security guard Tuloy-tuloy lang siyang naglakad nang wala namang eksaktong pupuntahan. Basta naglakad lang siya. Bahala na kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
Saglit siyang huminto nang mapansin niya ang iba’t-ibang ilaw na mas nagliwanag dahil sa kadiliman ng gabi. Naisip niya, mabuti pa ang mga ilaw na iyon, masaya. Nakakaakit pagmasdan. Parang walang problema.
Maya-maya ay itinuloy niya ang paglalakad. Napagawi ang tingin niya sa kabilang bahagi ng kalsada at nagulat siya sa nakita. Si Argus ba iyon? Kumakaway sa kanya si Argus!
Wala sa loob na tumawid si Leo. Hindi niya alintana ang mga dumaraang sasakyan. Huli na nang makita niya ang paparating na kotse na mabilis ang takbo. Wala nang oras para bumalik. Huli na para umiwas. Naitakip na lang ni Leo ang kanyang mga braso sa kanyang mukha na tila ba maililigtas siya sa disgrasya kung gagawin niya ito.
Kasunod noon ay pagtilapon ng katawan ni Leo sa kalsada. Sa nagdidilim niyang paningin ay naririnig pa niya ang sigawan ng mga tao. Nagkakagulo sila. Hanggang sa nagdilim na sa kanya ang lahat.
Hindi na alam ni Leo ang kasunod na nangyari.
ALAS DOS ng madaling araw nang magising si Argus sa tunog ng kanyang telepono. Si Leo na naman siguro. Hindi pa ba natutulog ang taong ito? Naiinis na inabot niya ito para i-off ngunit napansin niyang numero lang ang nakarehistro rito. Nag-aalangang sinagot niya ang tawag.
“Hello, sino ito?”
“This is Jess,” sabi ng kausap niya na boses babae. “Si Argus Nicanor ba ito?” Ramdam ni Argus ang panginginig ng boses ng kausap.
“Yes? How may I help you?” nagtatakang tanong niya.
“Naaksidente si Leo Vasquez. Nakuha ko ang calling card mo sa wallet niya kaya ikaw ang kinontak ko. Hindi ko kasi alam kung sino ang puwedeng tawagan para ipaalam ang nangyari sa kanya. Do you personally know him?”
Pakiramdam ni Argus ay nanlaki ang ulo niya. “Y-yes… Anong nangyari sa kanya? Nasaan siya?”
“Nandito siya ngayon sa St. Pancratius Medical Center. Nasagasaan siya.”
“Ha? Kumusta ang lagay niya? Tell me he’s okay.”
“Puntahan mo na lang siya rito. Hihintayin kita.”
Walang inaksayang oras si Argus. Agad siyang pumunta sa ospital na sinabi ng kausap niya kanina. Nang makarating siya ay agad siyang nagtungo sa reception upang magtanong. Itinuro siya ng nurse sa isang babaeng tahimik na nakaupo sa waiting area. Lumapit siya sa babae.
“Miss…”
Nag-angat ng mukha ang babae na sa tingin niya ay nasa dalawampu’t tatlo ang edad. May pagtatanong sa mukha nito.
“Ako si Argus, iyong tinawagan mo kanina.” Nakita niya na biglang tila maiiyak na ang itsura ng babae.
“I’m sorry, hindi ko sinasadya. Ako ang nakabundol sa kanya. Bigla siyang tumawid hindi ko siya naiwasan. Sorry…” Tuluyan na itong hunagulgol.
“Calm down, miss. Naniniwala ako na hindi mo sinasadyang sagasaan si Leo. Wala naman sigurong taong gustong mangyari ang ganoon.”
“Natatakot ako. Nasa operating room pa siya. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa kanya.” Hindi humihinto sa pag-iyak ang babae.
“Let’s pray that he will be okay. Malalagpasan niya ito,” pagpapalakas niya ng loob sa sarili at kay Jess na rin. “At salamat sa’yo kasi hindi mo siya tinakbuhan. You’re courageous enough para dalhin siya rito sa ospital at harapin ang nangyari.” Pumatak na rin ang luha ni Argus.
“Huwag kang mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang nangyari. Sasagutin ko ang hospital bills at kung ano pa man ang puwede kong maitulong sa kanya.” Kinuha ni Jess sa bag niya ang isang wallet at iniabot kay Argus. “Eto nga pala iyong wallet niya.”
Wala sa sariling inabot ni Argus ang pitaka. Nagpahid siya ng luha. He knows he needs to be strong. Hindi na niya kayang tikisin pa si Leo. Bakit ba hindi pa niya sinagot ang mga tawag nito? Bakit ba hindi pa niya ito pinuntahan kanina pagkatapos niyang mabasa ang mga mensahe nito? Baka hindi na umabot sa ganitong aksidente kung hindi siya nagmatigas. Hindi sana nanganganib ngayon ang buhay ni Leo. Ang mahal na mahal niyang si Leo.
Chapter 23
PIGIL ANG hininga ni Argus nang lumabas ng operating room ang doktor. Si Jess naman ay abot-abot pa rin ang kaba.
“Kumusta po ang pasyente, doc?” Hindi na nakapaghintay si Argus na magsalita ang doktor.
“Nagkaroon ng bone fracture ang pasyente sa kanang binti kaya we performed a surgical operation on him. Good thing, that’s the only injury he got from the accident kaya he’s safe now. Maaring magkaroon ng problema sa paglalakad niya dahil sa aksidente. Pero, wala namang dapat ikabahala. Kailangan lang niyang mag-therapy after niyang lumabas ng ospital para bumalik sa dati ang paglalakad niya,” mahabang paliwanag ng doktor.
“Maraming salamat, doc.” Hindi napigilan ni Jess ang pagbuhos ng emosyon. Buong buhay siyang uusigin ng konsensya niya kung may nangyaring masama sa taong nasagasaan niya.
“Ililipat na siya sa kuwarto maya-maya,” muling sabi ng doktor. “Puntahan n’yo na lang siya roon.”
“Thank you, doc.”
“I’ll go ahead…”
Tumango si Argus. “Sige, doc. Salamat ulit.”
“Buti naman at okay na siya,” nakangiting sabi ni Jess. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko. Sobrang nagi-guilty talaga ako sa nangyari.“
“I know na sobrang pagod na ka at stressed. Puwede ka munang umuwi. Ako na lang muna ang bahala rito,” seryosong sambit ni Argus.
“Okay lang ba talaga? Okay lang sa’yo?”
“Yeah…”
“Naikuha ko na siya ng room. Room 425. Babalik na lang ako mamaya,” pangako ni Jess.
Tumango si Argus. Susubukan kong kontakin ang parents niya. Problema lang, hindi ko alam kung paano. Susubukan ko na lang halungkatin itong wallet niya. Nasaan ba ang mga damit ni Leo? Iyong phone niya?“
Nasa operating room pa siguro. Ibibigay naman iyon ng attendant. Pakitanong mo na lang sa kanila ’pag dinala na nila sa kuwarto iyong pasyente.“
“Sige, ako na lang ang bahala mamaya. Basta, I’ll try my best na ma-inform ang family ni Leo.”
“Aalis na muna ako. Salamat. Eto nga pala ang calling card ko. Tawagan mo lang ako kaagad if may kailangan ka.”
Nginitian ni Argus ang babae. “I will…”
NANG DALHIN na sa kuwarto si Leo ay dala na rin ng male attendants ang mga damit na suot ni Leo nang ipasok ito sa operating room. Nasa bulsa ng pantalon ni Leo ang celfone nito. Namroblema lang si Argus dahil naka-lock ito ang kailangan pa ng pin code.
Sinubukang ilagay ni Argus ang month at date ng birthday ni Leo ngunit mali ito. Ano kaya ang pin code niya? Baka tuluyan nanag ma-block ang celfone kapag paulit ulit siyang naglagay ng maling pin code.
Kinuha na lang ni Argus ang wallet ni Leo at naghanap ng iba pang puwedeng tawagan. Sa malas ay wala rin siyang nakitang iba pa. Kaya siguro siya lang din ang nagawang kontakin ni Jess kanina, dahil wala namang iba pang contact details na nakalagay sa wallet ni Leo kundi ang calling card niya.
Noon nag-ring ang celfone ni Leo. Tumatawag ang mama nito. Agad niyang sinagot ang tawag.
“Hello…”
“Hello, Leo. Nasaan ka?”
“Ah, ma’am hindi po ako si Leo. Si Argus po ako. Mabuti po at tumawag kayo. Kanina pa po ako nag-iisip ng paraan kung paano kayo makokontak.”
“Sinong Argus?”
“Kaibigan po ako ni Leo. Ma’am, huwag po kayong mabibigla. Nasa ospital po si Leo. Sana po mapuntahan ninyo siya rito sa St. Pancratius Medical Center.”
Gulat na gulat ang mama ni Leo. “Ha? Anong nangyari sa anak ko?”
“Naaksidente po siya. Pero huwag po kayong mag-alala, maayos na po ang kalagayan niya. Pero kailangan lang munang magpagaling dito sa ospital,” paliwanag niya sa ina ni Leo.“
“Sige, pupunta na ako riyan.” Nawala na sa linya ang matandang babae.
Nainip si Argus sa ospital. Tulog pa rin si Leo dahil sa anaesthesia na itinutrok dito kanina sa operating room. Naisipan niyang mag-text kay Erwin para ipaalam kung nasaan siya. Nagulat pa si Argus dahil imbes na mag-reply si Erwin ay kaagad itong tumawag sa kanya.
“Anong ginagawa mo sa ospital?” nag-aalalang tanong ni Erwin.
“Naaksidente si Argus. Ako ang tinawagan noong babaeng nakabundol sa kanya.”
“Akala ko kung napaano ka na.” Hindi naman gusto ni Erwin na mapahamak si Leo. Masaya lang siya na hindi si Argus ang nasa delikadong sitwasyon. “Eh, kumusta na ang lagay niya?”
“Sabi ng doktor, okay na siya. Ligtas na sa panganib. Although maaapektuhan daw ang paglalakad niya kaya kailangan niyang mag-therapy kapag lumabas na siya rito sa ospital.”
“It is still good na hindi grabe ang pinsala niya.”
“Oo nga. Nagi-guilty nga ako. Kagabi, tinatawagan niya ako. Paulit-ulit. Pero hindi ko sinagot. Pati text messages niya hindi ko rin sinagot. Partly siguro, may kasalanan din ako sa nangyari sa kanya,” malungkot na pahayag ni Argus.
“Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo iyon kasalanan. At wala namang may gusto na mangyari sa kanya iyan.”
“Sabagay, tama ka,” pagsang-ayon niya. “Hindi ko pa siya nakakausap. Tulog pa siya. Hindi pa lumilipas iyong epekto ng anaesthesia.”
“Gusto mo bang puntahan kita riyan? Para may kasama kang magbantay sa kanya.”
“Okay lang ba?” tanong ni Argus. “Baka may importante kang gagawin.”
“Wala. Basta, pupuntahan kita riyan. Saan bang ospital ’yan?”
“St. Pancratius Medical Center. Sa Mandaluyong City.”
“Sige, darating ako.”
Ang inaasahan ni Argus na darating ay si Erwin at ang mama ni Leo kaya nagulat siya nang makalipas ang kalahating oras ay isang babae ang pumasok sa silid.
Sopistikada ang babaeng dumating, napansin ni Argus. Diretso itong lumapit kay Leo at tila hindi siya nakita nito. Hindi inaaalis ni Argus ang tingin sa babaing ewan pero bakit ang tingin niya rito ay masaya pa sa nakikitang walang malay na si Leo.
“Serves you right.” Narinig ni Argus ang bulong ng babae at hindi niya napigilan ang sariling mag-react.
“Anong sabi mo?” tanong niya sa babae.
Saka lang siya tila napansin ng babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, tapos ay aroganteng nagsalita. “What do you care?”
“What do I care? Pupunta ka rito para sabihan ang pasyente ng “Serves you right”? Naririnig mo ba ang sarili mo?“
“Sino ka ba na nakikialam?” iritadang tanong ng babae.
“Hindi ba ikaw ang dapat magpakilala?” kalmadong tanong ni Argus. “Pupunta ka rito para sabihan ng ganoon ang kaibigan ko?”
“So you’re friends with Leo.” Tumaas ang kilay ng babae.
“There’s nothing wrong with that,” argumento ni Argus.
“I’m Jean. Leo’s ex-girlfriend.” Hindi pa rin ibinababa ng babae ang nakataas na kilay. “Ikaw ba ang bago niya?”
“And what do you care?” panggagaya niya sa dialogue ni Jean. “Ex ka na nga, ’di ba?” Kung inisan ang gusto ng babaeng ito, handa si Argus na pumatol. Lalo na at ito pala ang babaeng naging dahilan kung bakit bigla na lang siyang iniwan sa ere ni Leo. Ang sarap sanang bigyan ng mag-asawang sampal ang aroganteng Jean na ito.
Bago pa nakasagot si Jean ay isang boses ng lalaki ang narinig nila mula sa may pinto.
“I’m here, Jean!” Tuloy-tuloy itong pumasok sa silid.
“Kuya Jeck! Here’s your ex. Our ex.” Mabuti na lang at pribado ang silid kaya hindi kahiya-hiya na gumagawa na ng eksena ang mga bisita ng pasyente.
Namukhaan ni Argus si Jeck. Hindi ba’t ito ang lalaking kasama ni Leo noong nakita niya ito sa mall? Tinuhog ni Leo ang dalawang ito na mag-kuya raw?
“Look at him. So miserable,” pailing-iling pang sabi ni Jean.
“Digital na ang karma. He got what he deserved,” pagsang-ayon naman ni Jeck.
“Kung pumunta kayo rito para laitin lang si Leo, please lang makakaalis na kayong dalawa.” Nanggigigil na si Argus. Bihirang-bihira lang siyang makaramdam ng inis sa isang tao at kapag nainis na siya, kawawa ang taong kinaiinisan niya. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili.
“Oh, don’t you worry, dear faggot. Aalis na kami.” Nang-iinis ang tinging ipinukol ni Jean kay Argus. “Hinintay ko lang talaga itong pinsan ko, para makita rin niya ang kawawang kalagayan ng dyowa mo.” Nagmartsa na si Jean papalabas ng silid.
“I’ll see you soon. You’re interesting,” mahinang sabi naman ni Jeck bago ito sumunod kay Jean sa labas ng silid.
Napunta yata lahat sa ulo ang dugo ni Argus. Kung wala lang sila sa ospital, baka kung ano na ang nagawa niya sa dalawang iyon na magpinsan pala. Akala niya ay magkapatid.
Ang aga-aga, inumpisahan ng dalawang iyon na buwisitin ang araw niya!
Chapter 24
ILANG MINUTO pagkaalis nina Jean at Jeck ay saka naman dumating ang mama ni Leo. Iyon ang unang beses na makita ni Argus ang ina ng kanyang ex-boyfriend.
“Ako ang mama ni Leo. Ikaw ba iyong kausap ko sa phone kanina?” tanong nito sa kanya.
“Opo,” sagot niya habang tumatango. “Okay na po siya, huwag na po kayong mag-alala.
“Ano ba ang nangyari sa anak ko?”
“Nabundol po siya ng kotse. Mabuti na lang ang hindi siya tinakbuhan ng nakaaksidente sa kanya at inihatid siya rito sa ospital,” paliwanag ni Argus.
“Ikaw, paano mo nalaman ang nangyari sa anak ko?
“Ako po iyong tinawagan noong nakabundol kay Leo. Nakita niya sa wallet ni Leo ang calling card ko.”
“Maraming salamat sa’yo at pinuntahan mo rito ang anak ko. Tinawagan ko na nga ang girlfriend niya, si Jean. Sabi pupunta raw siya rito.” Gustong sabihin ni Argus na nakapunta na nga ang babae at nilibak lang si Leo, pero minabuti niyang huwag na lang magsalita. “Pagkalabas ni Leo nang ospital, sasabihan ko siya na yayain na niyang magpakasal si Jean para magkaayos na sila ng dad niya. Gusto lang naman ng dad niya na magkaroon siya ng sariling pamilya.” Biglang natigilan ang ginang. Naisip nitong hindi na dapat pang malaman ni Argus ang ganoong detalye. “Anyway, anong sabi ng doktor?”
“Ah, maaaring maapektuhan raw po ang paglalakad ni Leo. Kaya kailangan niyang mag-undergo ng therapy pagkalabas niya ng ospital.”
Noon pumasok sa loob ng silid ang isang babaeng nurse. “Good morning po. Tsetsekin ko lang po ang dextrose ng pasyente.” Lumapit ito kay Leo na bahagya namang umungol tanda na nagising na ito.
“Leo…” Lumapit na rin sa gilid ng kama ang matandang babae.
Si Argus naman ay biglang kinabahan at parang nagdalawang-isip na makita siya ni Leo.
Dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Leo at sa kanyang nanlalabo pang paningin ay imahe ni Argus ang una niyang nakita. “Argus…”
Muling ipinikit ni Leo ang kanyang mga mata. At saka muling dumilat. “Mama…”
“Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?”
Iba ang itinugon ni Leo. “Nasaan si Argus?”
Napalinga ang matandang babae sa kanyang tabi. Wala na roon si Argus. Nakalabas ito ng silid nang hindi niya namamalayan.
“Ah, nandito lang siya kanina. Baka lumabas lang sandali at kumain. Sa pagkakaalam ko, kanina pa siya nandito,” sagot nito sa anak.
“Sir, kumusta na po ang pakiramdam n’yo? May nararamdaman po ba kayong sakit sa ano mang parte ng katawan mo?” magalang na tanong ng nurse.
“Wala naman po. Ito lang hita ko ang medyo kumikirot which is understandable kasi may sugat,” mahinang tugon ni Leo.
“Sige, sir. Babalik na lang po ako after an hour to check ulit ang condition mo.” Nginitian ng nurse ang pasyente pati na rin ang ina nito at saka tahimik na lumabas ng silid.
“Anak, ano bang nangyari sa’yo?” tanong ng ina ni Leo nang wala na sa silid ang nurse.
Umiling si Leo tapos ay marahang sumagot. “Magulo lang po siguro ang isip ko kaya hindi ko namalayan na may paparating na kotse noong tumawid ako ng kalsada.”
NASA GROUND floor na ng ospital si Argus. Nang marinig niya kaninang tinawag ni Leo ang pangalan niya ay bigla siyang naduwag na magpakita rito. Lalo na at sinabi ng mama nito na sasabihan si Leo na yayain nang magpakasal si Jean. Oo nga at break na raw ang dalawa. Pero puwede namang magkabalikan. Nasa magandang pag-uusap lang iyon nina Leo at Jean. Kaya hindi maganda kung makikisingit pa siya sa kuwento nilang dalawa.
Oo, mahal pa rin niya si Leo. Pero hinding-hindi niya gagawing mamalimos ng pagmamahal dito. Tama na ang pagpapakababang ginawa niya noon nang hanapin niya si Leo pagkatapos siyang biglaang iwanan nito nang walang pasabi man lang. Ginusto lang niyang malaman kung ano ba talaga ang totoong dahilan at bigla siyang iniwan nito sa ere. At ngayong alam na niya, wala nang rason para maghabol pa siya.
Papalabas na siya sa ospital nang masalubong niya si Erwin.
“Kanor! Saan ka pupunta? Sorry, na-traffic ako,” very apologetic ito.
“Uuwi na. Dumating na iyong mama ni Leo kaya puwede na akong umalis. Halika na.”
Nasa mukha ni Erwin ang pagtataka. “Sigurado ka?”
“Oo nga,” sagot niya sabay hila sa kamay ng kaibigan. “Halika na, Pablo!”
Wala nang nagawa si Erwin kundi sumunod kay Argus.
Nagkani-kaniya silang sakay sa kanilang kotse at nilisan ang ospital.
Nang makarating ng bahay ay sinalubong si Argus ng kanyang ina.
“Saan ka galing?”
“Sorry, ’ma hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. Naaksidente po kasi si Leo kaya ayun pinuntahan ko sa ospital. But he’s okay now. Gising na siya kanina nang umalis ako roon,” paliwanag niya.
“Nagkausap na ba kayo?”
Umiling siya. “Hindi pa po.”
“Anak, once and for all mag-usap kayo. Kailangang magkalinawan kayo. Hindi puwedeng mag-iiwasan na lang kayo palagi.” Minsan pa ay nagpakita ng suporta kay Argus ang kanyang ina. “Pag-usapan n’yo ang tungkol sa inyong dalawa. Kung tatapusin n’yo, tapusin n’yo. Kung dudugtungan n’yo, nasa sa inyo rin ang desisyon. Pero dapat na mag-usap kayo para maging malinaw ang lahat.”
Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Argus. “Wala nang dudugtungan, ’ma. Gusto ng mama ni Leo na ipakasal na siya sa girlfriend niya.”
“Pumayag na ba si Leo na magpakasal?”
“Hindi ko po alam. At hindi na rin siguro importanteng malaman ko. Bahala na siya sa buhay niya.”
“HELLO, JEAN…”
“Kuya Jeck, napatawag ka?”
“Kilala mo ba iyong nagbabantay kay Leo sa ospital kanina?”
“Actually, hindi. Kanina ko lang siya nakita. Pero sabi ng mama ni Leo, Argus daw ang pangalan noon,” diretsong pahayag ni Jean. “Bakit parang interesado ka sa Argus na iyon?”
Ngumisi si Jeck. “Wala lang. I find him interesting.”
Napasimangot si Jean na akala mo ay nakikita ng kausap sa telepono ang kanyang reaksyon. “Kuya Jeck, hindi ka pa ba nadala kay Leo? Baka kung ano na naman ang kahinatnan niyan.”
Ang lakas ng halakhak si Leo. “Don’t worry. I’ll just try. Nakuha lang talaga ng Argus na iyon ang interes ko.”
“Ikaw na nga ang bahala. Be extra careful na lang, kuya. Tingin ko sa Argus na iyon eh hindi basta magpapauto. Nakita mo naman kanina, ang lakas ng loob na paalisin tayo sa ospital.”
“Thank you. Pinsan nga kita. Salamat din at naunawaan mo ako kahit naging ex ko rin ang ex mo.”
“Blood is still thicker than water, kuya. Sa huli, tayo pa ring magkakadugo ang dapat maging magkakampi.”
“YOU HEARD it right, Leo. Kailangang pakasalan mo na si Jean. That’s the only way you can redeem yourself to your father. Huwag ka nang makipagmatigasan sa ama mo, anak” medyo malakas ang boses ng ina ni Leo. Mabuti na lang at walang ibang tao sa silid nang sandaling iyon.
“Hindi puwede, ’ma. Break na kami ni Jean. Nalaman na rin niya ang sikreto ko at agad siyang nakipag-break sa akin.”
“Pero kausap ko lang siya kanina…”
“Ma, iyon ba talaga ang solusyon? Can’t you and dad just accept me for who I am?” Nawawalan na ng pag-asa si Leo. Alam niyang magiging ganito kahirap ang pagtanggap sa kanya ng sarili niyang magulang. Mabuti pa siguro ang ibang tao, makakaya siyang tanggapin. Pero ang mga magulang niya?
That remains to be seen!
Chapter 25
TINAWAGAN NI Leo ang hotel kung saan siya naka-check in at ipinaalam ang kanyang sitwasyon. Sinabi niyang babalik siya roon pagkalabas niya ng ospital.
Bandang tanghali nang dumating sa ospital si Jess. Nagulat pa si Leo nang pumasok ang dalaga sa silid. Mag-isa lang siya noon dahil umuwi ang kanyang mama.
“Kumusta ka na?” nag-aalangang tanong ni Jess. “Ako si Jess. Ako iyong nakabundol sa’yo.”
Napaawang ang labi ni Leo. “Okay na ako.” “I’m sorry. Hindi ko sinasadya.”
“Ako nga ang dapat mag-sorry. Wala sa lugar ang pagtawid ko kaya mo ako nabundol. Thank you kasi dinala mo ako rito sa ospital.”
“Dumaan lang ako para kumustahin ka at para i-check ang hospital bill mo. Nag-deposit na ako kanina. Ibibigay ko na lang yung balance kapag lalabas ka na,” pagbibigay impormasyon ng dalaga.
“You don’t need to shoulder all my hospital bill. May kasalanan din ako sa nangyaring aksidente. Hindi iyon mangyayari kung hindi rin dahil sa akin,” giit ni Leo.
“Okay lang. I insist na ako ang magbayad ng bill. Iyon lang ang nakikita kong way para mawala ang guilt na nararamdaman ko sa nangyari sa’yo.”
Ngumiti si Leo. “Well, if you insist.”
“Thanks, Leo.”
Pagkalipas ng limang araw ay nakalabas na ng ospital si Leo. Gusto man ng mama niya na umuwi siya sa bahay nila ay minabuti niyang bumalik na lang sa hotel. Hindi rin naman siya welcome sa bahay nila dahil hindi siya tanggap ng kanyang magulang lalo na ng kanyang ama. Hindi man lang nga ito dumalaw sa kanya sa ospital kahit isang beses. Paano pa niya gugustuhing umuwi sa kanilang bahay.
“Sige na, ’ma. Umuwi ka na. Kaya ko na ang sarili ko,” sabi ni Leo habang naghihintay ng taxi.
“Ihahatid na kita,” giit ng matandang babae.
“Huwag na, ’ma. Magta-taxi na lang ako.”
Agad na pinara ni Leo ang unang taksing dumaan.
“Sige na, ’ma. Umuwi ka na.” Sumakay na sa taksi si Leo. Walang nagawa ang ina niya kundi sumakay na rin sa kotse at imaneho ito pauwi.
Sa ’di kalayuan ay naroon din si Jeck at nakasakay rin sa isang taksi. “Sundan mo iyong taksing iyon,” utos nito sa driver.
Agad na pinaandar ng driver ang taksi at sinundan ang taksing sinasakyan ni Leo.
Pagbaba ni Leo sa harapan ng entrance ng hotel ay agad siyang pumasok sa loob. Noon naman nag-ring ang kanyang celfone. Tumatawag si Jeck.
Naiinis na sinagot niya ang tawag. “Ano naman ang kailangan mo?”
“Andito lang ako sa labas ng hotel. Kabababa ko lang ng taksi. Hindi mo ba ako iimbitahang pumasok sa kuwarto mo?”
Bahagyang iginala ni Leo ang kanyang mga mata sa labas ng hotel at nakita nga niya si Jeck. Kumaway pa ito sa kanya.
“Tigilan mo na ang panggugulo sa akin. Wala kang mapapala. Ngayon pa ba ako matatakot sa’yo, eh wala na akong lihim na itinatago?” malakas ang loob na sabi niya.
“O, huwag kang masyadong matapang. Pagkatapos ka naming dalawin sa ospital, hindi ka man lang ba magpapasalamat?”
“Anong…???”
Ngumisi ni Jeck. “Awang-awa ako sa itsura mo noon. Wala kang malay. Kalalabas mo lang sa operating room. Kahit nga ngayon, kawawa ka pa rin. Paika-ika kang maglakad. Paano ka pa makakahanap ng dyowa niyan? Sino bang gustong magkadyowa ng pilantod?” nang-uuyam na sabi ni Jeck. Talagang sinasadya nitong painitin ang ulo ng kausap.
“Gago!” Pinatayan ni Leo ng telepono si Jeck at agad na pumunta sa reception area.
Ngingisi-ngisi lang si Jeck. Tuwang-tuwa ito sa naging reaksyon ni Leo.
Minabuti na lang ni Jeck na pumunta sa mall para magpalipas-oras. Hindi niya inaasahang makita roon ang taong gustong-gusto niyang makitang muli.
Si Argus.
Mag-isa itong naglalakad papuntang supermarket kaya mabilis niya itong hinabol at binati.
“Hi!”
Napalingon si Argus.
“Argus, right?” Masaya ang ngiting naka-plaster sa mukha ni Jeck.
Nagulat man ay agad na nakabawi si Argus. Nakilala niyang ito iyong pinsan daw noong ex ni Leo na dumalaw rin sa ospital.
“What do you want?” diretsong tanong ni Argus. Huminto siya sa paglalakad.
“I want to be friends with you. Hindi ba’t sinabi kong, I find you interesting?” Nakangiti pa ring sabi nito. “Hindi ka naman siguro pagbabawalan ni Leo.”
“I’m busy. The mall is not the right place to hunt for friends. So, if you’ll excuse me?” Itinuloy ni Argus ang paglalakad. Pumasok na siya sa loob ng supermarket at kumuha ng push cart. Sumunod sa kanya si Jeck.
“Hindi ako masamang tao. Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo. Ano ang mali roon?” Sa tono ay desidido talaga itong makuha ang loob ni Argus.
“I don’t make friends with just anyone. Lalo na iyong tipong may ibang motibo,” prankang sagot niya habang tinitingnan si Jeck sa mata.
Naunang bumawi ng tingin si Jeck.
“See? You can’t even look at me in the eye.”
Ngumisi si Jeck.
“Isa pa ’yan. Kung makangisi ka, para kang nakakaloko.” Kung hindi lang siguro sila lilikha ng eskandalo ay baka nabulyawan na ni Argus ang kausap. “It’s obvious that you have no business being here. So, why don’t you just leave me alone?”
Nagkibit-balikat si Jeck sabay sabing, “Okay, I’ll leave. But I want to know first if there is any thing going on between you and Leo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Argus. “It’s none of your business.”
“It’s my business because I want you. I’ll pursue you,” seryosong sabi nito.
“Mas maganda kung huwag mo nang ituloy ang plano mo dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na wala kang mapapala. Huwag mong hintaying maubos ang pasensya ko sa’yo dahil hindi mo alam ang puwede kong gawin.”
“Whew! Nakakatakot ka pala,” natatawang sambit ni Jeck. “Sige, aalis na ako. Ayaw mo namang samahan kitang mag-grocery.” Tumalikod na si Jeck at humakbang papalayo kay Argus. Pero ilang hakbang pa lang ay huminto ito at muling naglakad pabalik.
“Sorry, may nakalimutan pala akong sabihin. Naging kami rin ni Leo and you know what? Ang sarap ng dyowa mo.” Isang nakalolokong ngisi ang pinakawalan ni Jeck. “Don’t worry, matagal na iyon. I’m sure na hindi pa kayo magkakilala noon. At saka, ginalingan ko naman noong kami pa, kaya galingan mo rin para hindi ka mag-suffer in comparison.” Iyon lang at tumalikod na si Jeck at hindi na nito hinintay na makasagot pa si Argus. Hindi nawawala ang pagngisi nito habang muling naglakad paalis sa lugar na iyon.
Chapter 26
PAGKALIPAS NG ilang araw ay nakabalik na sa trabaho si Leo. Nakalipat na rin siya sa isang condominium na malapit lang sa opisina. Next week ay mag-uumpisa na ang therapy niya para maging maayos ang kanyang paglalakad. Sa wari ay mukhang okay na ang lahat sa buhay niya maliban sa problema niya kay Argus na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap.
“Can we talk?” Nagulat pa si Leo nang lumapit sa station niya sa Jean. Mukhang seryoso ito na parang malungkot.
“Ah, sure… Ngayon na ba?” tanong niya.
“Sana… Nag-reserve na ako ng quiet room. Papunta na ako roon.”
“Sige.” Tumayo si Leo at sinundan si Jean.
Pagkapasok sa quiet room ay umupo si Jean bago nagsalita. “Kumusta ka na?”
Nanatiling nakatayo lang si Leo. “Eto, medyo okay na. Medyo iika-ika lang maglakad. But I’ll be having my therapy starting next week para bumalik sa dati ang paglalakad ko,” nakangiting pagbabalita niya sa dating nobya. “Ikaw, kumusta ka na?”
“Nag-file na ako ng resignation kahapon,” malungkot na sagot ni Jean.
“Ha? Bakit?” gulat na tanong niya.
“Tinanggap ko iyong offer ng tita ko na nasa Australia. May business doon ang asawa niyang Australian kaya ipinasok niya ako sa office nila. Good opportunity na rin iyon kaya tinanggap ko na. Matagal na rin niyang inaalok sa akin iyon. Finally, nakapag-decide na ako.”
“Kelan ang alis mo?”
“In a month’s time.”
Saglit na walang nakapagsalita sa dalawa. Parang may dumaang anghel na nagpatahimik sa kanila.
Si Jean ang bumasag ng katahimikan. “I’m sorry…”
“No, ako ang dapat magsabi niyan sa’yo,” mabilis na kontra ni Leo. “Ang laki ng kasalanan ko sa’yo. Ginamit kita para pagtakpan ang pagkatao ko.”
“Hindi mo naman gagawin iyon kung hindi ako nagpakita ng motibo,” giit ni Jean. “I must admit na ako ang nag-umpisa nito. Inakit kita. Gumawa ako ng aksyon na maglalagay sa’yo sa sitwasyong hindi ka na makakawala sa akin. In a way, it’s me who put you in that situation where you were left with no choice but to be with me. You did not use me intentionally. Naging girlfriend mo ako nang dahil sa ginawa ko. But all the time we were together, I saw your faithfulness. I saw the efforts you did to be the boyfriend that you should be. Alam mo bang na-realize kong I can still accept you kahit hindi ka straight?”
Napamulagat si Leo. Sasabihin ba ni Jean na gusto nitong makipagbalikan?
Nagpatuloy si Jean. “Gusto pa rin kita kahit bakla ka. Pero I guess, iba talaga ang buhay na gusto mo. At ayaw kong ako ang maging dahilan ng patuloy mong pagtatago ng iyong pagkatao.”
“Salamat, Jean. And I’m really sorry kung hindi ko ipinagtapat sa’yo. But tama ka. I was always faithful habang magkarelasyon tayo. Hindi ako gumawa ng kahit anong puwedeng ikasira ng relasyon nating dalawa kahit ang totoo’y hirap na hirap na ako.”
“I’m talking to you now para ayusin ang ano mang gusot na meron sa pagitan natin. Ayoko namang umalis ng Pilipinas nang may kaaway. I love gay people, alam mo ’yan. They are nice individuals. So, sana patawarin mo ako sa mga hindi magagandang salitang nasabi ko sa’yo,” buong pagpapakumbabang sabi ni Jean.
“Wala iyon. Kinalimutan ko na iyon.”
“Noong dinalaw kita sa ospital, I also said nasty words against you…”
“Dinalaw mo ako sa ospital?” nagtatakang tanong niya.
“Oo. Wala ka pang malay nang dumating ako roon. But I just said nasty things about you, me and Kuya Jeck. Then we left. And you know what? There was this guy who stayed with you and took care of you. His name is Argus.”
“Si Argus… Nandoon siya, I knew it. Siya nga iyong nakita ko the first time I opened my eyes.”
“He seems so important to you.”
“He is,” pagkukumpirma ni Leo. “I love him very much! But don’t get me wrong. He came into my life first before you. But now, he’s gone. Ayaw na niya sa akin.”
“I don’t think so. Unang tingin ko pa lang sa kanya, I know he loves you dearly.”
“Pero ayaw na niya akong kausapin. Umalis nga siya kaagad sa ospital the moment I woke up. Hindi ko man lang siya nakausap kahit saglit.” Bakas sa mukha niya ang matinding panghihinayang.
Ngumiti si Jean. “Well, dapat siguro puntahan mo na siya and win him back. I’m pretty confident that everything will be all right between the two of you.”
“Salamat, Jean.” Totoo sa sarili niya ang pasasalamat. Akala niya talaga ay mananatili na ang galit sa kanya ng babae.
“Okay na tayo, ha?” paniniguro ni Jean. “Makakaalis na ako ng Pilipinas nang walang iniisip na grudge sa sino mang tao.”
Tumango si Leo. “Si Jeck na lang ang problema.”
“Si Kuya Jeck? Naku, huwag mo nang problemahin iyon. Ang alam ko babalik na siya sa Middle East. I’ll tell you this, sinubukan niyang i-tease si Argus pero sinupalpal lang siya nito kaya ayun, nag-decide na mag-abroad na lang ulit. Wala naman daw pala siyang magiging lovelife rito.”
“He tried to tease Argus? Seryoso?” hindi makapaniwalang tanong ni Leo.
“Oo. Nakita niya kasi si Argus sa ospital at sabi ni Kuya Jeck, he found him interesting. Kaya ayun, sinubukan yata niyang pormahan. Pero hindi siya umubra. Eh, paano naman siyang uubra kay Argus obvious namang ikaw ang gusto noon.”
“I really need to talk to Argus,” desisyon ni Leo. “Thanks, Jean!” Niyakap niya ang dating nobya at hinalikan sa pisngi.
“We only got one life. Live it the way you want it. Goodluck sa lovelife mo,” matapat nitong sabi kay Leo.
“Ikaw rin. You deserve all the love in the world.”
“Baliw! Magtatrabaho na lang muna ako. Saka na lang ako magmamahal ulit.”
“Sana hindi ka nadala dahil sa experience mo sa akin.”
Sabay silang nagkatawanan. Ang dating hindi nila pagkakaunawaan ay naayos din sa mabuting usapan.
“ANAK, ANDITO si Leo. Kausapin mo na siya,” sabi ng mama ni Argus. “Babalik lang ako sa kusina at titingnan ko iyong mga niluluto. Ikaw na ang bahala sa mga bisita mo.” Diretso na itong naglakad papuntang kusina. Naiwan si Argus sa salas, kasama si Erwin.
“Magpapaalam na muna ako. Baka kailangan n’yo ng privacy,” sabi ni Erwin.
“Dito ka lang, Pablo. Hindi mo kailangang umalis,” diin ni Argus.
“I came here to say sorry,” panimula ni Leo. “Sa lahat ng kagaguhang nagawa ko sa’yo. I know I am an asshole. A stupid asshole. At sobrang pinagsisisihan ko na ang mga ginawa kong pang-iiwan sa’yo sa ere. Sana patawarin mo na ako. Pinagdusahan ko na ang mga kagaguhan ko.”
Nakikinig lang si Argus. Maging si Erwin ay nakatunganga lang kay Leo.
Nagpatuloy si Leo. “Next, gusto kong magpasalamat sa’yo sa pagbabantay mo sa akin sa ospital. Hindi ko inaasahang gagawin mo iyon dahil alam ko kung gaano kalaki ang galit mo sa akin.”
Wala pa ring reaksyon si Argus.
“Huwag kang mag-alala, hindi naman ako pumunta rito para pilitin kang makipagbalikan sa akin. Alam kong masaya ka na. Masaya na kayo ni Pablo.”
Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Erwin.
“So, suko ka na?” tanong ni Argus.
“Hindi iyon pagsuko. Hahayaan lang kitang gawin ang gusto mo.”
“Marami ka pang makikitang iba. Huwag kang mag-alala, hindi ka mauubusan,” sarkastikong sabi ni Argus.
Umiling si Leo. “Hindi… Mabubuhay akong mag-isa. Kaya ko naman talagang mabuhay mag-isa. Inihanda ko na ang sarili kong tumandang mag-isa. Kaso, ang problema nakilala kita!”
“Wow, Kanor dyahe naman! Para akong nanonood ng romcom movie rito,” natatawang komento ni Erwin. “Patawarin mo na kasi si Leo. Ikaw naman, masyado kang pakipot hindi ka naman makipot,” pagbibiro pa nito.
“Hoy! Bastos ka, ah! Anong sinasabi mong makipot diyan?” kontra ni Argus. Pinandilatan nito si Erwin.
“Ah, basta! Magbati na kayong dalawa at naiinis na ako sa inyo. Ayaw n’yo pang magbati samantalang halata naman na mahal na mahal ninyo ang isa’t-isa. Sinong niloloko n’yo, ako?” Hinawakan ni Erwin ang kamay ni Argus at hinila ito papalapit kay Leo, tapos ay hinawakan din nito ang kamay ni Leo at pinahawakan dito ang kamay ni Argus. “Ayan, mag-usap kayo nang matino. Ang aarte n’yo!”
“Totoo ba ang sinabi ni Pablo?” tanong ni Leo. Hindi niya binibitawan ang kamay ni Argus.
“Na maarte tayo?”
“Na mahal mo pa rin ako,” sagot ni Leo. “Hindi mo ba boyfriend si Pablo?”
“Hindi!” sigaw ni Erwin. “Ayaw niya sa akin. Ikaw ang gusto niya.”
“Totoo ba iyon?”
“Hindi na importante iyon. Ikakasal ka na kay Jean, ’di ba?”
“Sinong may sabi? Wala na kami ni Jean. Aalis na siya ng Pilipinas.”
“Ha?” gulat na sabi ni Argus. “Sabi ng mama mo, ipapaasikaso na niya sa’yo ang kasal n’yo ni Jean pagkalabas mo ng ospital.”
“Walang kasalang magaganap. Nag-usap na kami ni Jean.”
“Si Jeck?”
“Matagal na rin kaming wala. Siya lang ang nagpipilit na magkabalikan kami pero maraming beses ko na siyang tinanggihan.” Tinitigan ni Leo si Argus. “Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko. Wala nang iba pa. Would you give me another chance? Promise, hindi ko na sasayangin. Hindi na kita iiwan ulit.”
Teary-eyed na si Argus. Nandito na si Leo. Humihingi ng isa pang pagkakataon. Nangangakong hindi na siya iiwan pa. Aarte pa ba siya?
“Kanor, ’wag ka nang umarte diyan!”
Biglang niyakap ni Argus nang mahigpit si Leo. Iyong higpit ng yakap na walang ibang makakasingit sa pagitan nilang dalawa. Tinumbasan iyon ni Leo ng kaparehong higpit ng yakap. Napapalakpak sa tuwa si Erwin. Sa wakas, magiging masaya na rin ang kaibigan niya.
“I love you today and I’ll love you tomorrow, and the next day and even next week. In six months, I will love you just like I loved you yesterday. Thirty years from now, I’ll run my hands through my grey hair and smile at the thought of how much I love you. I just hope that you’ll be with me through all that time,” punong-puno ng emosyong bulong ni Leo sa tainga ni Argus kasabay ang pag-agos ng luha. Nag-uumapaw sa kanyang didbdib ang pagmamahal sa iisang taong sobrang minamahal niya pero labis din niyang sinaktan. Ngayong okay na silang dalawa, babawi siya kay Argus. Patutunayan niyang hindi sayang ang second chance na ibinigay nito sa kanya.
Si Argus ay umiiyak na rin habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap kay Leo.
Epilogue
MABILIS ANG naging improvement sa paglalakad ni Leo makalipas ang ilang session sa kanyang therapy. Ganoon pa man ay itinuloy-tuloy pa rin niya ang session hanggang makumpleto niya ito. Sinasamahan siya ni Argus sa clinic sa tuwing magte-therapy siya. Naging malaking suporta sa kanya ang presensya nito.
Si Jean ay nasa Australia na. Tinawagan pa siya nito sa telepono isang araw bago ang flight nito. Si Jeck ay hindi na nagparamdam sa kanya. Sana nga ay hindi na ito makaisip na magpakitang muli sa kanila ni Argus. Pero anu’t anuman, hindi naman si Jeck ang tipong katatakutan niya. Kay Argus pa nga lang ay hindi na ito uubra. Sa kanya pa kaya?
Isang araw ay nakatanggap siya ng email kay Jean. Nangungumusta lang naman ito. Sinagot niya ang email at pahapyaw ay kinumusta na rin niya rito si Jeck. Kinumpirma ni Jean na nag-abroad na ngang muli ang pinsan. Sa wakas ay totoong mapapanatag na sila ni Argus. Wala nang problema.
Meron pa pala…
Ang daddy niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang kanyang pagkatao.
Pero hindi na muna iniisip ni Leo ang gusot nilang mag-ama. Sa kulturang pinoy, mas lamang naman talaga ang bilang ng amang galit sa baklang anak, kaysa sa amang nakauunawa agad sa ganoong sitwasyon. Ang mahalaga kay Leo ngayon ay wala na siyang itinatago sa kanyang pagkatao at masaya sila ni Argus. Kung darating ang panahong matatanggap siya ng kanyang ama, magpapasalamat siya nang lubos. Pero kung hindi naman, walang dahilan para mawala ang respeto niya sa taong nagbigay sa kanya ng buhay. Mananatiling ama niya ito at hinding-hindi niya magagawang kalimutan ito kailanman.
“Pablo, ba’t napadalaw ka?” salubong na tanong ni Argus sa kaibigan nang bigla na lang itong dumating sa bahay nila. Tiyempong naroon din si Leo dahil kinukuha siya nitong caterer para sa event ng team nito sa opisina.
“May project kasi ulit ako sa Benguet, Kanor. Baka gusto mong sumama?”
“Kelan ba ’yan? Loaded ako this month until next month, eh. Fully booked ang catering business ko. Kailangang samantalahin.”
“Next month pa naman sana. Pero okay lang if you can’t come. Pasasalubungan ko na lang kayo ni Leo.”
“Ganoon na nga lang siguro, Pablo. Dalhan mo na lang kami ng pasalubong.”
“Bakit Kanor ang tawag sa’yo ni Pablo?” nagtatakang tanong ni Leo. “Matagal ko nang napapansin iyon, nakakalimutan ko lang itanong.”
“Ginawa niya kasing nickname ko iyong apelyido ko,” natatawang paliwanag ni Argus. “Pero alam mo bang apelyido rin niya ang Pablo? Erwin ang totoo niyang pangalan. Erwin Pablo.”
“Ahh,” tatango-tangong sabi ni Leo. “Ganoon pala. All the while, akala ko Pablo ang first name niya.”
Nagkatawanan na lang silang tatlo.
“So, sino pa ang makakasama mo sa Benguet?” tanong ni Argus kay Erwin.
“Hindi ko pa alam. Ang usapan kasi namin, kung may maisasama ako, hindi na sila magdadagdag ng makakasama ko. Pero kung wala akong isasama, the NGO will provide a companion for me.”
“Gaano katagal ka roon?” Si Leo.
“Two weeks.”
“Aww, matagal. Pero exciting ’yan at marami kang mapapasayang mga bata,” komento ni Argus.
“Tama. Simple deeds na alam kong marami akong matutulungan in my own little way,” pagsang-ayon ni Erwin.
KALALABAS LANG ni Leo ng elevator sa parking area ng kanilang opisina at patungo na siya sa nakaparada niyang kotse nang tumunog ang kanyang celphfone. Tumatawag ang kanyang mama. Agad niyang sinagot ang tawag.
“Ma, bakit napatawag ka?” nag-aalala niyang tanong.
“May gustong kumausap sa’yo, anak.” Kalmado naman ang boses ng kanyang ina, ramdam niya iyon.
“Sino po?”
Saglit na nawala sa linya ang kausap ni Leo pagkatapos ay nakarinig siya ng isang pamilyar na tinig.
“Leo…”
“Dad?” Hindi siya makapaniwalang kausap niya ang kanyang ama.
“Kelan ka dadalaw dito sa bahay?” sabi ng kausap ni Leo. Seryoso ba ang ama niya? Gusto nitong pumunta siya sa bahay nila?
“Dad? Puwede ba akong pumunta diyan?” Hindi pa rin makapaniwala si Leo.
“Matagal na kitang hinihintay na pumunta rito. Kapag may oras ka, isama mo rito si Argus. Gusto ko siyang makilala.” Puno pa rin ng awtoridad ang boses ng ama ni Leo pero ramdam niya ang sinseridad nito.
Nangilid ang luha niya. “Dad, sige po. Sa Sunday, pupunta kami ni Argus diyan.”
“Dito na kayo mananghali, magpapaluto ako ng masarap na pagkain para sa inyo.”
“Salamat, dad. Maraming salamat.” Tuloy-tuloy nang umagos ang luha ni Leo. Hindi niya inakalang sa wakas ay matatanggap ng kanyang ama ang tunay niyang pagkatao.
Agad niyang tinawagan si Argus para sabihin ang magandang balita. Nagtaka pa ito nang marinig ang boses niya.
“Umiiyak ka ba, Leo?”
“Hindi, masaya lang ako. Pupunta tayo sa Sunday sa bahay. Pinapupunta tayo ni dad,” balita niya kay Argus.
“Seryoso?”
“Oo, katatapos lang naming mag-usap. Sabi niya, kelan daw ako pupunta sa bahay. At kabilin-bilinan niya na isama raw kita. Gusto ka raw niyang makilala.”
“Sige, punta tayo.” Agad na pumayag si Argus. “Ano ang paboritong ulam ng dad mo? Ipagluluto ko siya.”
“Beef caldereta. Gustong-gusto niya iyon.”
“Okay, sige. Magdadala tayo ng kaldereta pagpunta natin sa Sunday.”
EXCITED SI Leo nang magtungo kina Argus kinalingguhan. Susunduin niya ito para sabay silang pupunta sa bahay ng mga magulang niya.
Nang dumating siya sa bahay nina Argus ay handa na ito at hinihintay na siya.
“Shall we go?” nakangiting tanong ni Leo.
“Oo, dadalhin natin ito.” Itinuro ni Argus ang isang tray at isang box. “Pasalubong natin sa dad mo.”
“Bakit dalawa?”
“Kaldereta at mango-orange mousse cake for dessert. I made this especially for your parents. Feeling ko kasi, sesentensiyahan na ako ngayon,” sabi ni Argus pagkatapos ay humalakhak.
“Halika na. Baka kanina pa nila tayo hinihintay.” Dinampot ni Leo ang tray habang si Argus naman ang nagdala ng kahong may cake.
Mabilis nilang narating ang bahay ng mga magulang ni Leo. Pababa pa lang sila ng kotse ay nakita na nilang nakaabang sa pintuan ng bahay ang kanyang ama at ina. Pareho itong nakangiti at maaliwalas ang mukha.
“Eksakto ang dating ninyo mga anak, nakahanda na ang pagkain.” Sinalubong sila ng ina ni Leo at humalik sa kanila.
Niyakap naman ni Leo ang ama at pagkatapos ay ipinakilala rito si Argus. “Dad, si Argus. Argus, dad ko.”
“I’m pleased to meet you, sir.” Kinamayan ni Argus ang matandang lalaki. Nakita niya ang sinserong ngiti nito.
“Dumiretso na tayo sa loob at nang makakain,” paanyaya ng padre de pamilya.
Pinagsaluhan nila ang masaganang pananghalian habang masayang nagkukuwentuhan. Muling nanumbalik ang dating magandang samahan nina Leo at ng kanyang mga magulang. Si Argus naman ay nakasundo rin kaagad ang ama ni Leo. Wala nang umungkat pa sa mga nakaraan. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ang darating na bukas na alam nilang magiging maganda lalo pa at nasa kanila na ang suporta ng bawat isa.
THE
END
Announcement
Hello,
Ang Psicom Publishing, Inc. ay maglulunsad ng isang App ngayong September at isa ako sa mga naimbitahang magsulat para sa App na iyon.
Sana, mag-install kayo nung Psicom App at sana mag-download kayo ng mga kuwentong ipo-post ko doon.
Eto po ’yung book cover ng mga kuwentong ilalagay ko sa Psicom App.
Suportahan n’yo po sana ang mga kuwento ko sa Psicom App katulad ng pagsuporta ninyo sa akin dito sa Wattpad.
Hindi ko pa alam ’yong exact date ng launching nung App. I’ll just give you an update kapag ready na ang lahat.
Maraming salamat!

