loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
This Beki Love Book 2

This Beki Love Book 2

vincentmanrique · 4 chapters · 1,464 words

Author’s Note

Dahil sa maraming nagrerequest na magkaroon ng sariling kuwento si Erwin, na nakilala ninyo sa This Beki Love - Argus, eto na po ang inyong kahilingan.

Sana mahalin n’yo rin si Erwin tulad ng pagmamahal ninyo kina Argus at Leo.

Acknowledgment

The author would like to acknowledge Patrick Joshua Velasquez for the cover of this book.

All rights reserved

© 2017 by: manrvinm

This Beki Love Book 2

Masaya si Erwin sa kanyang sekswalidad. Tanggap niya kung ano siya. Wala siyang itinatago. Ngunit nang mahalin niya si Jeremy Gabriel, at saka niya nakita ang mga komplikasyon.

Paano ba ipaglalaban ang pagmamahal niya sa isang lalaking straight na nga at lahat, committed pa sa isang babae?

Chapter 1

KAUSAP ni Erwin si Argus sa telepono. Nasa taxi siya at papunta sa bus terminal sa Cubao.

“Bakit ba kasi hindi ka na lang nagdala ng kotse?” narinig niyang tanong ng kaibigan. Eh, ’di sana hindi ka na nahirapan sa biyahe.“

“Mas mahihirapan kamo ako, kasi alam mo naman kung gaano kalayo ang Benguet. At least kung mag-bus lang ako, puwede akong matulog sa biyahe. Less tiring,” sagot niya.

“Nasaan na ’yung makakasama mo? Na-meet mo na ba iyon?”

“Hindi pa,” umiiling na sabi ni Erwin na akala mo’y makikita ng kausap niya ang kanyang pag-iling.

“Wow, exciting! Lalaki ba? Guwapo ba ’yan? Baka ’yan na ang sagot sa matagal mo ng panalangin,” natatawang hirit ni Argus.

“Buang!” singhal niya sa kaibigan. “Oo, lalaki. Pero baka kamo manong na itong makakasama ko. Remember, staff daw ito sa NGO na kung saan volunteer ako. At never pa akong nakakita ng batang empleyado do’n sa maraming beses kong pagbalik-balik doon. Puro sila middle aged men and women. May thunders pa nga, eh. Wala man lang naligaw na nasa age bracket natin.”

Biglang pumreno ang taksi pero nasagi pa rin nito ang isang sasakyan. Muntik na siyang masubsob sa likurang bahagi ng driver’s seat.

“Manong, dahan-dahan naman po. Busy pa ako, hindi ako puwedeng maospital ngayon.”

“Sorry, boss…” paumanhin ng driver. Pero bago pa siya muling nakapagsalita ay nakita na niya ang isang lalaki na naglalakad papunta sa kanila. Sumenyas ito na tila ba pinabababa ang driver.

Bumaba ang driver at nakipag-usap sa lalaki. Nakita niyang tila hindi magkasundo ang dalawa sa pinag-uusapan ng mga ito.

“Hello, Kanor? Tatawagan na lang kita ulit. Medyo nagkaaberya itong sinasakyan ko.”

“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Argus.

“Oo, ayos lang. Muntik lang kaming mabangga sa kotse,” natatawang sagot ni Erwin.

“Gago! Sige, balitaan mo na lang ako.”

“Sige, bye…”

Naisipan niyang bumaba na rin ng sasakyan.

“So, anong gagawin natin dito, manong? Hindi ako puwedeng magtagal. Nagmamadali ako,” narinig niyang sabi ng lalaking kausap ng driver. “Naiinip na ’yung kasama ko, o.” Itinuro pa nito ang kotse kung saan nakita niyang nakasakay ang isang babae.

“Eh, pasensya na po, sir. Pareho naman tayong may kasalanan. Bigla ka kasing nag-overtake.”

“Hindi ako papayag na ’di mo sasagutin ang pagpapaayos ng kotse ko. May gasgas, o. Gano’n na lang ba ’yon?” sabi pa ng lalaki.

Nakisali na siya sa usapan. “Baka puwedeng pag-usapan n’yo na lang sa ibang araw ito para pare-pareho tayong ’di maabala. Manong, magpalitan na lang kayo ng contact details para makapag-usap kayo.”

Inilabas ng driver ang lisensiya niya at ibinigay sa lalaki. Nakita niyang kinunan nito ng litrato ang driver’s license gamit ang cellphone. Tapos ay ibinalik sa taxi driver ang lisensya. Kinunan naman ng taxi driver ng litrato ang puwesto ng dalawang sasakyan sa magkakaibang anggulo. Ganoon na rin ang ginawa ng lalaking may-ari ng kotse.

“Kokontakin kita. Hintayin mo na lang kung kelan,” sabi ng lalaki.

Tumango lang ang driver at sumakay na muli sa taxi. Si Erwin naman ay sumakay na rin ulit.

“Grabe naman ang lalaking iyon, manong. Kapirasong gasgas, ’di ka pa pinatawad.”

“May mga ganoon talagang tao. Pagpasensyahan na lang natin.” Lihim na humanga si Erwin sa sinabi ng matanda. Ito pang may edad ng mama ang magpapasensya sa mas nakababata. Lagi na lang ba talagang ’yung mas may edad ang magbibigay at ang mas bata ang palaging pagbibigyan? Sana minsan ’yong mas bata naman ang magbigay, bilang respeto na rin sa mas nakatatanda.

Nang makarating sa bus terminal ay nagbayad si Erwin at pagkatapos ay binigyan niya ng calling card ang driver bago siya bumaba ng taksi nito. “Baka sakaling hindi po kayo magkasundo no’ng lalaki at umabot kayo sa demandahan, eto po ang calling card ko. Handa po akong tumestigo para sa’yo.”

“Maraming salamat, boss,” nakangiting sagot ng driver.

Bitbit ang isang malaking backpack ay bumaba ng taksi si Erwin. Pagkababa niya sa sasakyan ay saka naman tumunog ang kanyang telepono. May tumatawag pero numero lang ang lumabas sa telepono. Baka ito na ’yung makakasama niya. Sinagot niya ang tumatawag.

“Hi, this is Jeremy Gabriel. You’re Erwin Pablo, right?” narinig niyang tanong mula sa kabilang linya.

“Ah, yeah!” sagot niya.

“Nandito ako sa ticketing area. I already bought tickets for the two of us. Nasaan ka na?” Napaka-authoritative ng boses ng lalaking kausap niya, napansin ni Erwin.

“Nandito na rin ako sa bus terminal. Papunta na ako riyan?”

“Okay, I’ll see you. Just approach me, okay? I am wearing cream polo shirt and maong pants.”

Nilakihan niya ang bawat paghakbang para mabilis na makarating sa ticketing area. Ilang metro pa ang layo niya ay nakita na niya ang lalaking nakatalikod na ang suot ay tugma sa sinabi ng kausap niya kanina, maong pants at cream polo shirt. Matangkad ang lalaki. Siguro’y nasa limang piye at sampung pulgada ang taas nito. At mukhang maganda rin ang katawan.

Nakalapit siya rito nang hindi pa rin ito lumilingon at akmang tatawagin na niya ito nang bigla itong lumingon sa gawi niya at kitang-kita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha nito.

“Jeremy, right?” Pilit niyang itinago ang sariling pagkabigla. Bakit nga ba hindi siya magugulat samantalang nasa harapan niya ngayon ang lalaking kanina lang ay nakikipagtalo sa driver ng taksing sinakyan niya? Ang liit talaga ng mundo. Sa dinami-dami ng mga tao, ito pa talagang makakasama niya ng dalawang linggo sa Benguet ang nakabangga nila kanina!

“Yup!” sagot nito. “Can you wait for me here? Ibibigay ko lang sa girlfriend ko itong susi ng kotse.”

Awtomatiko siyang napatango at sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki habang naglalakad ito patungo sa kotse nitong nakaparada sa hindi kalayuan. Kitang-kita rin niya ang sinasabi nitong girlfriend. Maganda ito at mukhang sopistikada. Humalik pa ang lalaki sa labi ng babae pagkabigay nito ng susi. Tapos ay binuksan na nito ang pinto ng kotse ay agad na sumakay ang babae para paandarin ang sasakyan. Bago pa tuluyang umalis ang kotse sa lugar na iyon ay nakita ni Erwin na kumaway pa si Jeremy sa nobya.

Nakita na lang ni Erwin na naglalakad na si Jeremy pabalik sa kanyang kinaroroonan.

“Ayan na ’yong bus na sasakyan natin,” sabi nito nang makalapit na sa kanya. As usual, naroon pa rin ang authoritative na tono ng boses nito.

“Halika na, sakay na tayo!” Akmang lalakad na papunta sa bus si Erwin nang tawagin siya ng kasama.

“Wait, Erwin! Just a minute…”

Nilingon niya ito nang may pagtataka sa kanyang mga mata. “B-bakit?”

“I have three backpacks here. Can you bring at least one?” Itinuro ng lalaki ang tatlong bagaheng sinasabi nito na nakapatong sa isang mahabang upuan malapit sa ticketing area.

Napatanga si Erwin pero hindi na lang niya ipinahalata. “Ahh… s-sure! Mabilis niyang pinuntahan ang kinalalagyan ng mga backpack at dinampot ang isa. At saka muling naglakad papunta sa nakaparadang bus na sasakyan nila.

Napansin ni Erwin, mas mabigat pa yata ang dala niyang backpack ni Jeremy kaysa sa sarili niyang backpack. Ano ba ang mga dala ng lalaking ito at napakarami naman yata? Parang wala nang balak bumalik ng Maynila ang Jeremy na ’to!

Sa bandang likuran na lang bus may bakanteng upuan kaya doon na lang sila umupo. ang mga back nila ay pinilit nilang pagkasyahin sa espasyo para sa mga bagahe sa gawing itaas ng bintana ng bus pero ang backpack lag ni Erwin ang nagkasya. Ang mga bagahe ni Jeremy ay inilapag na lang nila sa aisle ng bus sa gilid ng inuupuan niya. Si Jeremy ay nasa gawi malapit sa bintana. Siya pa ngayon ang magbabantay ng mga bagahe ng lalaking ito habang bumibiyahe sila.

Kampante nang nakaupo si Jeremy. Naglabas ito ng earphone at ikinabit sa cellphone nito, at saka walang pakialam na nakinig ng musika habang prenteng nakasandal sa upuan at nakapikit ang mga mata.

Napabuntong-hininga na lang si Erwin. Mukhang walang pakialam ang lalaking kasama niya. Hindi man lang nga nito tinanong na siya pala ang pasahero ng taxi driver na nakasagi sa kotse nito kanina.

At isiping makakasama niya sa Benguet ng dalawang linggo ang lalaking ito? Baka isa sa kanila ang bumalik ng Maynila nang wala sa oras!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.