loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
This Gay's In Love With You Pare

This Gay's In Love With You Pare

lhiamaya · 58 chapters · 89,240 words

A/N

Read at your own risk!

Mature content!

Blurb:

One of the boys si Mary Grace kung ituring sya ng mga pinsan nyang mga lalaki simula noong bata pa sya. Mahilig kasi sya sa mga larong panlalaki gaya ng baril barilan at tumbang preso. Hanggang sa paglaki nya ay mga hilig pa rin ng mga lalaki ang hilig nya. Kung magdamit din sya ay parang lalaki. Kaya naman buong akala ng mga pinsan nyang lalaki ay shiboli sya kahit ilang beses nyang sinasabi na babae sya. Nagkaka gusto din sya sa mga lalaki pero hindi lang sya showy at agresibo. Mabilis din naman kasing nawawala ang pagkagusto nya sa mga ito. Mabilis syang ma-turn off.

Hanggang sa nag-krus ang landas nila ni Rika. Ang binabaeng mas maganda pa yata sa kanya pero katawang maton. Kakaibang atraksyon ang naramdaman nya dito. Totoo nga yata ang sinabi ng mga pinsan nya na isa syang shiboli.


Ps: Daily update soon!

Chapter 1

Grace POV

IPINASOK ko sa bukas na gate ng bahay ang ducati ko at pinarada yun sa maliit na garahe. Pinatay ko ang makina at hinubad ang helmet. Lumapit naman sa akin ang pamangkin ko sa pinsan na si Koykoy na syang nagbukas ng gate.

“Pasalubong ko, tita.” Ungot ng pamangkin kong nasa pitong taong gulang.

Ngumisi naman ako at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon ko. “Wala akong pasalubong. Heto na lang ang bente.” Nilagay ko sa maliit na palad nya ang bente.

Nanghaba naman ang nguso ng pamangkin ko at kumamot pa sa ulo habang patingin tingin sa akin at sa benteng barya na nasa palad.

“Bente lang? Eh 25 yung mismo sa tindahan eh.”

“Eh yan na lang ang barya ko, eh.”

“Sige na nga. Uutang na lang ako kay Aling Nora. Ililista ko sa pangalan mo tita, ha.” Anang pamangkin ko.

“Anong ililista sa pangalan ko? Ilista mo sa pangalan ng tatay mo.”

“May utang pa si papa sa tindahan eh. Di pa sya nagbabayad. Kaya ililista ko na lang sa pangalan mo tita, ha.”

“Oo na, ilista mo na sa pangalan ko. Akin na yang bente ko.” Nilahad ko ang kamay sa pamangkin.

Pero nilagay nya sa likuran ang kamay. “Akin na ’to. Binigay mo na eh. Saka ako ang nag bukas ng gate.”

Napailing iling na lang ako ng takbuhan ako ng pamangkin. Bata pa lang magulang na. Manang mana sa ama.

Bumaba na ako sa ducati at pumasok na sa loob ng bahay. Nilapag ko ang helmet sa ibabaw ng center table. Tinanggal ko ang gloves at elbow pads. Sunod ay binuksan ko ang jacket at hinubad yun. Umupo ako sa sofa at sunod ko namang tinanggal ang knee pads at boots ko.

Bumuntong hininga ako at napangiwi pa sa init ng panahon. Gusto ko sanang maligo pero puyat ako at pagod sa byahe. Baka mapasma lang ako.

Tumayo ako at nilapitan ang stand fan. Binuhay ko yun.

“Narito ka na nga sabi ni Koykoy.”

Lumingon ako kay Tiyang Cess na pumasok ng bahay.

“Morning, tiyang.” Nakangising bati ko.

“Kumain ka na ba?” Tanong nya.

“Opo, tiyang. Kumain na ako sa nadaanan kong karinderya bago ako umuwi.”

“Mabuti naman. Sya nga pala, dumating kahapon yung nag aayos ng aircon. Napalitan na yung aircon sa kwarto mo. Nariyan sa drawer ng cabinet ang resibo.”

“Yown! Mapapasarap na ang tulog ko sa kwarto. Salamat po, tiyang.”

“Walang anoman. O sya matulog ka na. Alam kong puyat ka.” Aniya Tiyang Cess at lumabas na ng bahay. Sinarado na nya ang pinto.

Humiga muna ako sa sofa habang nakatapat sa akin ang electric fan. Dito muna ako magpapahinga at mamaya na ako aakyat sa kwarto.

Ngunit hindi pa nag iinit ang likuran ko sa sofa ay unti unti na akong ginupo ng antok..

Naalimpungatan ako sa ingay. Naririnig ko ang boses ng mga pinsan ko at mga tropa ko. Kumamot ako sa pisngi at nag inat.

“Ang ingay!” Inis na sabi ko ng hindi ko minumulat ang mga mata. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog.

Naramdaman kong may umupo sa paanan ko at niyugyog ang binti ko.

“Boss G! Gising na!” Narinig ko ang boses ni Bok.

Tinadyakan ko sya. Hindi ko alam kung saan ko sya tinamaan basta narinig kong napa-aray sya kasabay ng mga tawanan.

“Ang ingay nyo..” Inis na sabi ko at ikinuskos ang palad sa mukha sabay dilat.

Nakita ko ang pagmumukha ng pinsan at mga tropa ko. May mga ngisi sa kanilang labi. Doon ko lang din nakita si Bok na nasa lapag na. Mukhang nalaglag sya ng sipain ko.

“Anong ginagawa nyo dito?” Tanong ko habang kumakamot sa braso.

“Sinusundo ka. Tara na! Doon tayo kanila Wekwek.” Aya ni Jampol.

“Ang aga pa ah..”

“Anong maaga? Gabi na tol!” Sabi naman ng pinsan kong si Lonard.

Bumalikwas naman ako ng bangon. “Anong oras na ba?”

“Alas syete na Boss G.” Wika ni Bok.

Dinampot ko naman ang cellphone ko na nakapatong sa center table at binuhay. Alas syete pasado na nga ng gabi. Napahaba pala ang tulog ko. Akala ko ay maaga pa.

Tumingin ako sa labas. Gabi na nga dahil madilim.

Humikab ako. “Ano bang meron?” Tanong ko sa kanila.

“Birthday ni Ar-Ar. Hinihintay na nya tayo sa bahay ni Wekwek.” Sagot ni Jampol.

Tumayo ako at nag inat. “Sige, susunod na ako. Mauna na kayo.”

“Hintayin ka na namin, Boss G. Sabay sabay na tayo ng pumunta doo. Baka matulog ka ulit eh.” Saad pa ni Bok.

Kumamot ako sa ulo. “Oo na. Magbibihis lang ako.” Sabi ko.

Pumasok naman sa bahay si Tiyang Cess na may dalang pagkain. Isang platong kanin at isang mangkok ng ulam. Nagulat pa sya nang makita ang tropa ko.

“Gising ka na pala Grace. Heto ang pagkain mo. Mainit init pa yan.” Nilapag ni Tiyang Cess ang plato at mangkok sa center table.

“Salamat po, tiyang.” Sabi ko at muling umupo. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom ng makita ang ulam. Ang espesyal na menudo ni Tiyang Cess na paborito ko. Masarap kasi syang magluto ng menudo.

Akmang dadampot naman ng kapirasong ulam sa mangkok si Lonard ng biglang paluin ni Tiyang Cess ang kamay nya. Tinawan pa sya ng tropa.

“Huwag mong kamayin at baka mapanis yang ulam ng pinsan mo.”

Napanguso na lang si Lonard. “Aray ko naman, ma. Ang sakit mong mamalo.”

“Para ka kasing hindi kumakain eh. Saka bakit ba kayong lahat nandito?” Nakapamewang nang usisa ni Tiyang Cess.

“Yayayain po naming lumabas si Boss G, Aling Cess.” Si Bok ang sumagot.

“Iinom lang kayo, eh. Hindi pa nga kumakain si Grace papainumin nyo na.”

“Eh di pakakainin muna namin sya, Aling Cess.” Wika pa ni Jampol.

“Kuh, kayo talaga. Puro alak lang ang alam nyo.”

Kumamot sa ulo ang mga tropa ko.

“Hindi naman po, Aling Cess. Minsan lang naman po kami uminom.” Nakangusong katwiran pa ni Bok.

“Minsan.. parang nung isang araw lang uminom kayo ah. At ikaw Lonard, huwag kang masyadong magpapakalasing ha. Maoy ka pa naman.” Sermon pa ni Tiyang Cess kay Lonard.

“Si mama.. hindi ako maoy, no.”

“Huwag kayong mag alala tiyang, ako na pong bahala dyan kay Lonard. Hindi yan makakapag maoy dahil tatadyakan ko yan.” Nakangising sabi ko habang ngumumguya.

“O sya, ikaw na ang bahala dito sa pinsan mo, Grace. Pero huwag na kayong masyadong mag pagabi sa inuman.”

“Opo.” Sagot ko.

Lumabas na si Tiyang Cess. Ako naman ay tinuloy na ang pagkain para makapagbihis na.

Maluwang na t-shirt na itim at sweat pants ang sinuot ko. Naghilamos lang ako dahil ang balak ko ay mamaya na lang maligo bago matulog para presko. Ang buhok kong may kahabaan ay basta ko na lang tinali. Dinampot ko ang bull cap na puti na nakasabit sa rack at sinuot. Nilagay ko naman sa bulsa ang wallet ko at dinampot ko na rin ang cellphone saka lumabas ng kwarto.

Naabutan ko sa sala na nag aasaran ang mga tropa ko habang hinihintay ako. Hindi pa sila lasing pero maiingay na.

Lumapit ako sa shoe rack at dinampot ang slides ko at sinuot.

“Tara na.” Yaya ko sa mga tropa at lumabas na ng bahay.

Hindi ko na ni-lock ang pinto dahil wala namang magtatangkang pumasok. Bukod sa may alaga akong dalawang aso na laging nakabantay sa harapan ng bahay ay katabi lang ng bahay ko ang bahay nila Tiyong Poldo at Tiyang Cess.

“Huwag masyadong magpapagabi, ha.” Bilin ni Tiyang Cess na nasa bakuran ng bahay nila.

“Opo, tiyang.” Sabi ko at sumakay na sa vespa ko. Nagsisakayan na rin sa kanilang mga motor ang tropa ko.

Nasa kabilang kanto lang ang bahay ng tropa naming si Wekwek. At pagdating nga namin doon ay naroon na ang iba pa naming tropa at ang birthday boy na si Ar-Ar. May isang case na ng hard drink doon at mga pulutan sa mesa. Meron ding videoke.

“Bigyan nyo ng upuan si Boss G!” Wika ni Wekwek.

Agad naman akong binigyan ni Ar-Ar ng upuan.

Napangisi na lang ako. “Happy birthday, pre.” Sabi ko at nag fist bump kami.

“Salamat, Boss G.”

Kanya kanya na nga kami ng upo sa harap ng mahabang mesa. Nag bukas na ng isang bote ng hard drink si Wekwek. Nilagay na rin sa mesa ang isang bucket ng tube ice. Nag umpisa na ring kumanta ang isa naming tropa. Dumating na din ang iba pa naming tropa at ang isang pinsan ko pa na si Jopet. Sumatotal ay nasa sampu kami at ako ang nag iisang babae. Pero hindi naman babae ang tingin sa akin ng mga tropa ko kundi isa ring lalaki gaya nila.

Maliliit pa lang kami ay magkakaibigan na kami. Sila na ang lagi kong kasama at kalaro. Kahit noong mga bata pa kami ay nag iisa lang akong babaeng kaibigan nila. Dahil dito sa lugar namin ay ako lang ang nag iisang batang babae noon na ka edad nila. May ilang mga batang babae din pero maliliit pa. Ano mang laro nila ay sumasali ako. Mapatumbang preso man yan,  habulan o baril barilan. Sumasama din ako sa kanilang umakyat ng puno para manguha ng gagamba. Mas magaling pa nga ako sa kanilang umakyat ng puno. Hanggang sa lumalaki kami ay sila pa rin ang kasa-kasama ko. Kaya buong akala talaga nila ay shiboli ako kahit sinabi kong hindi. Hindi naman sila naniniwala dahil mas kilos lalaki pa daw ako kesa sa kanila. Kaya hindi ko na lang din sila pinipilit maniwala.

Mukha lang ding mga tambay sa kanto ang mga tropa ko pero may mga trabaho sila. Ang pinsan kong si Lonard ay sa isang hotel nagtatrabaho. Si Jopet naman ay sa lending company. Si Bok ay mekaniko sa auto repair shop namin ni Tiyong Poldo. Si Jampol ay driver ng delivery truck sa isang shipping company. Si Wekwek naman ay isang lineman. Si Ar-Ar ay branch manager ng isang fast food chain. At ako, ceo ng isang hardware at co-owner ng auto repair shop. Negosyo na iniwan sa akin ng namayapa kong ama.

Sa paglipas ng mga oras ay mas lalo pang naging maingay ang inuman namin. Walang humpay na kwentuhan, tawanan at asaran. Wala namang nagrereklamong mga kapitbahay dahil sanay na sa amin. Isa pa ay marunong naman kaming makisama. Kapag malalim na ang gabi ay hinihinaan na namin ang mga boses namin at ang tugtog.

May humintong dalawang motor sa harapan namin. Sakay nun ang mga girlfriend ng tropa namin kaya naman lalong nagkaingay ang mga mokong. May isa pa silang babae na kasama na hindi ko kilala. Maputi sya, kulay brown ang buhok, tsinita at sexy sa suot na sleeveless top at maiksing maong na short.

“Hi G!” Bati sa akin ni Trina at lumapit sabay beso. Girlfriend sya ni Ar-Ar.

Ngumisi naman ako at kinamusta sya. Matagal na rin silang magkarelasyon ni Ar-Ar. Himala ngang nagtagal sila kahit madalas ay nag aaway.

Binati din ako ni Yula na girlfriend ni Jampol at ni Clariz na girlfriend naman ng pinsan kong si Lonard. Magkakaibigan din kasi sila at close din sila sa akin. Hindi naman sila umabot sa puntong pinagselosan ako dahil tropa ko ang mga bugoy nilang boyfriend. Ako pa nga ang dinadaingan nila ng inis nila sa mga boyfriend nila.

“Anyway guys, I want you all to meet my cousin, Krizette.” Pagpapakilala ni Trina sa babaeng kasama nila.

Kumaway naman si Krizette sa amin at ang mga tropa kong single ay kanya kanya na ng pa-cute at pakilala sa sarili.

Binigyan namin ng upuan si Krizette. Pero hinila nya ang upuan sa tabi ko at doon umupo.

“Huwag kang mahihiya, ha. Mukha lang mga loko ang mga yan. Pero mababait ang mga yan.” Sabi ko kay Krizette.

Ngumiti sya sa akin. Cute sya kapag ngumingiti. Lumalabas ang dalawang maliit nyang dimple sa mag kabilaang sulok ng labi.

“Thank you. G, right?”

“Yeah. Short for Grace.” Sabi ko.

Tinagayan na ng mga tropa ko ang mga bagong dating na bisita. Game na game naman silang uminom. Pati si Krizette ay tinagayan din. Wala naman syang arte at nahalata kong sanay syang uminom.

Lumipas ang isang oras ay wala pang tumatayo sa amin para umuwi na. Bagaman ang iba sa mga tropa ko ay mga lasing na. Ako naman ay hindi na masyadong tumatagay pero may tama na rin ako ng alak. Nakikipag kwentuhan na lang ako sa mga tropa ko. Ang mga girlfriend naman ng tatlong tropa ko ay may mga tama na rin ng alak at nagiging maiingay na sila. Si Krizette nga ay nakadikit na sa akin at nakasandig na sa balikat ko. Hinayaan ko lang sya dahil baka nahihilo na sa alak. Yun nga lang ay panay na ang himas nya sa hita ko.


Bitin. But I will try to post the continuation tomorrow. Sorry for the long wait 🙂

Chapter 2

Grace POV

TUMIKHIM ako at pasimpleng inalis ang kamay ni Krizette sa hita ko at tumayo. Tumingin sa akin ang namumungay nyang mga mata.

“Saan ka pupunta, G?” Tanong nya sa magaspang na boses na tila inaantok na.

“CR lang sandali.” Sabi ko at nag excuse sa kanya.

Nilapitan ko si Wekwek na dumadaldal. “Pre, pa-cr.” Paalam ko.

“Sige, tol. Pasok ka lang.” Sabi nya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko pa ang dalawang nakababatang kapatid na lalaki ni Wekwek sa sala. Binati nila ako. Tinanguan ko naman sila at nagpaalam na rin sa kanilang makiki-cr lang. Ilang beses na rin naman akong nakapasok dito sa bahay nila Wekwek kaya alam ko na kung nasaan ang cr.

Pagpasok ko sa loob ng banyo ay binuksan ko ang ilaw. Binaba ko ang sweatpants at umupo na sa bowl. Guminhawa ang pakiramdam ko ng mailabas ko na ang tawag ng kalikasan. Ang problema lang ay walang tissue.

‘Di bale na nga. Maliligo naman ako mamaya.’

Tinaas ko na ang sweatpants at flinush na ang toilet.

Binuksan ko ang pinto ng banyo ngunit nagulat ako ng biglang pumasok si Krizette.

“Krizette! Anong ginagawa mo dito?” Pabulalas na tanong ko.

Matamis naman syang ngumiti sabay sarado ng pinto.

“Mag c-cr.. naiihi na rin kasi ako eh.” Sagot nya sa namumungay na mga mata.

“Ganun ba.. sige maiwan na kita. Sa labas na ako.” Sabi ko. Bigla kasi akong nailang sa mga tinginan nya sa akin.

Hinawakan ko ang doorknob at akmang pipihitin pero hinila nya ang kamay ko.

“Dito ka muna, G.. Samahan mo muna ako.”

“H-Ha?”

Napasandal ako sa tiles na pader ng banyo nang lumapit sya sa akin. Malapit na malapit at halos dumikit na ang kanyang malusog na dibdib sa akin. Naaamoy ko rin ang kanyang hiningang amoy alak.

“K-Krizette..” Nauutal na sambit ko sa kanyang pangalan. Hindi ko alam kung itutulak ko ba sya o ano.

Lumagkit ang tingin ni Krizette sa akin. Kinagat pa nya ang ibabang labi habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

Napalunok naman ako at kinabahan. Para din akong kinikilabutan.

“I know you like me, G..”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

“H-Ha? G-Gusto kita? S-Sinong may sabi?”

“Ako..” Sagot nya sa mahina at malambing na boses. Nilapit pa nya ang mukha sa akin.

Dahil mas mataas ako sa kanya ay tumingkayad pa sya.

Napalunok naman akong muli. “P-Paano mong nasabi na may gusto ako sayo?”

“Naramdaman ko lang ’cause you’re so sweet to me. You lend me your shoulder kanina dahil nahiholo ako.. napaka caring mo..”

Tumaas ang kamay nya at humaplos sa balikat ko pababa. Bago pa yun makarating sa dibdib ko ay hinawakan ko na ang kamay nya para pigilan.

“C-Concern lang ako sayo, Krizette.. P-Pero hindi ibig sabihin nun na gusto kita.” Nauutal na sabi ko.

“Aww.. you’re so pakipot naman, G. But I know style mo lang yan para magustuhan kita. But don’t worry.. gusto na kita. Unang kita ko pa nga lang sayo kanina, gusto na kita..”

Muli akong napalunok. Hindi na bago sa akin ang lapitan ng mga babae at mag confess na gusto nila ako. Dahil buong akala nga nila ay shiboli ako at pumapatol talaga sa babae. Pero kahit kelan ay wala akong pinatulang babae dahil hindi ako shiboli. Babaeng babae ako. At sa lahat ng babaeng nag confess sa akin ay si Krizette ang pinaka agresibo.

“K-Krizette.. lasing ka lang. A-Ang mabuti pa, umihi ka na lang. L-Lalabas na ako.” Sabi ko at bahagya syang tinulak saka mabilis na lumabas ng banyo. Halos tumakbo na rin ako palabas ng bahay.

.

.

Ricardo POV

“CHEERS!” Sabay sabay naming pinagpingki magkakaibigan ang bote ng alak na hawak namin.

Tinungga ko ang bote at gumuhit sa aking lalamunin ang pait at init ng alak.

“Ah! This is so freaking good!” Sabi ko at tumayo sabay giling ng balakang pababa sa saliw ng maharot na musika ng dj. Ikiniling kiling ko pa ang ulo sabay taas ng dalawang braso at itinikwas ang mga daliri.

I feel so sexy tonight. Pakiramdam ko ako ang pinakamaganda at pinaka seksing merlat dito sa club. Well, ako naman talaga. Meron pa bang mas maganda sa akin dito? Waley! Nakakalamang lang sila ng isang bagay sa akin. Yun ay ang mga kiffy nila. But sooner, I’ll have that too. Mas mabango at mashikep pa kesa sa mga kiffy nila.

Ine-enjoy ko ang pag sayaw habang ang mga kaibigan ko ay iniwan ko munang lumaklak. Friday kasi ngayon at nagyayang mag club ang cousin kong si Kester. Kaya narito kami ngayon sa isang high end club dito sa Taguig. Mabuti nga at pinayagan sila ng mga asawa nila. Pero may curfew sila. Bawal silang abutin ng alas dose ng gabi. Hayan kasi mga nagsipag asawa. Pero nakabuti naman. Naging matino silang lahat at masaya pa. Kahit mga gago ang mga ugok kong kaibigan ay hangad ko pa rin ang kaligayahan nila.

“Ay!” Napatili ako ng biglang may malaking braso na kumabig sa akin.

Lumingon ako at na-sightsung ko ang very ugly fez ng cousin ko. Pinush ko ang fezlak nya.

“Ano ba Kes? Makakabig naman!” Reklamo ko.

“Ano? May nakita ka na bang hot babe?” Nakangising tanong nya.

Kumawala ako sa braso nya at bumalik say couch namin.

“Anong hot babe?” Tanong ko sabay tungga sa bote.

“Chicks!” Nakangising sagot pa ni Kester at umupo sa tabi ko.

“Yuck! I hate beelat.” Sabi ko.

“You hate beelat pero gusto mong magkabeelat.” Pang aasar pa sa akin ni Kester.

Tumawa naman ang mga ugok kong kaibigan.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin at inubos na ang laman ng bote saka ako dumampot ng panibago sa bucket at binuksan yun. Nawalan na tuloy ako ng ganang mag dancing queen sa dance floor dahil epalogs ang cousin kong panget. Nagkasya na lang ako sa pag tingin tingin sa mga sumasayaw. Tumitingin tingin din ako sa paligid dahil baka may makita akong guy na jusok sa taste ko. Hinayaan ko na lang ang mga kaibigan ko na magchikahan dahil wit naman akong maka-ralate sa chika nila. About sa family life nila yun. Ano namang maiaambag ko? Kagandahan ko? Pwede naman.

“How about you, Ric? Wala ka pa bang balak na lumagay na rin sa tahimik?” Out of nowhere ay biglang tanong sa akin ni Jeiz.

Tumaas ang isang kilay ko. “What do you mean, Jeiz?”

“What I mean is.. wala ka bang balak mag asawa?”

Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko sa tanong pa na yun ni Jeiz.

“Are you serious about that question, Jeiz?” Exaggerated na balik tanong ko rin sa kaibigan. Sa aming magkakaibigan ay sya ang unang nag asawa.

Inisang lagok muna ni Jeiz ang lamang alak sa baso nya. “Fucking serious, Ric. We’re just concerned about you.” Aniya pa.

Napansin ko namang nakatingin na rin sa akin ang mga kaibigan namin. Si Lorenzo at Atlas ay seryoso ang mga mukha. Si Luigi naman at Kester ay may nakakalokong ngisi sa kanilang mga labi. Habang si Matias ay walang reaksyon ang mukha at nakatutok lang ang mata sa hawak na cellphone habang tumutungga sa bote. For sure ka-chat nya ang asawa nyang beelat.

“Ano ang gusto nyo? Mag asawa din ako gaya nyo?”

“Why not.” Saad ni Lorenzo.

Bumuntong hininga ako. Mukhang gusto nilang malaman ang plano ko para sa future ko.

“Actually.. may balak din naman akong lumagay sa tahimik, guys. I admit, medyo naiinggit na ako sa inyo dahil may kanya kanya na kayong pamilya lahat. Samantalang ako.. single and pretty pa rin. Di ba nakaka sad? But anyway, I promise to myself naman na kapag nakita ko na ang guy na meant for me talaga ay hindi ko na sya pakakawalan pa.” Sabi ko at nag imagine kung ano ang fez ng guy na maent for me. Betsung ko kasi ay moreno na medyo tsinito. Yung pinoy na pinoy ang fezlak.

Tumingin ako sa mga kaibigan na nakatingin lang sa akin.

“What?”

“Hindi mo ba naiisip na mag asawa ng babae?” Tanong ni Atlas na ikinasinghap ko.

“No fucking way! Di ko nga bet ang beelat!” Inirapan ko sila.

“You know couz, wala namang issue sa amin kung magpakasal ka sa lalaki. You know that you have our support. But at least, i-consider mo na magkaroon ng anak para may makasama ka sa hanggang sa pagtanda mo. And I’m telling you iba ang saya kapag may anak. Right guys?” Ani Kester at hiningi pa ang opinion ng mga kaibigan namin.

“Indeed.” Halos sabay sabay na sagot pa ng mga ito. Lahat kasi sila at may mga anak na at happy sila.

“Well.. I want to have my own child too. Pero ayokong bumembang ng beelat.” Nandidiring sabi ko. Kapag naiisip ko nga ang bagay na yun ay parang gusto ng humiwalay ng kaluluwa ko katawang lupa ko.

“May iba pa namang paraan para magkaanak ka.” Turan ni Lorenzo.

“Yeah I know.. at nagbabalak na rin akong sumailalim sa IVF.”

“Pero iba pa rin ang natural na paraan.” Nakangising sambit ni Luigi.

“Eww! Ayoko ng natural way na yan.” Protesta ko.

Tumayo si Luigi at tumabi ng upo sa akin sabay akbay.

“Aw c’mon Ric, why don’t you try it first?” Ani Luigi na parang demonyong bumubulong sa tabi ko.

“Na-try ko na yan noon. Muntik na akong lagnatin, di ba?” Sabi ko sabay ikot ng mata.

Bumalik tuloy sa alaala ko ang unang beses na sinubukan kong bumembang ng merlat. Hindi ko talaga kinaya at nag-freak out ako. Nagtatakbo ako palabas ng hotel room at naiwan ko ang merlat sa loob. Na-pressure lang akong gawin yun dahil sa pambubuyo ng mga gagong kaibigan ko lalo na itong demonyitong si Luisito. Sya ang kumuha ng babaeng yun na bebembangin ko sana.

“Nabigla ka lang noon. Bakit hindi mo i-try ulit? Look around you..” Hinawakan nya ang mukha ko at pinaling sabay turo sa mga merlat na nasa gitna ng dance floor at sensual na sumasayaw.

“You’ve got a lot of options, Ric. Hindi mo dapat pinapalampas ang mga yan. Malay mo, isa sa kanila ang magiging ina ng anak mo.”

Tinanggal ko ang braso ni Luigi na nakaakbay sa akin. “No way! Not again! Hindi ko na uulitin ang bangungot na yun. Hindi na ako magpapatangay sa pang uuto mo, no.”

Ngumisi si Luigi at nagtawanan naman ang mga kaibigan namin.

Inirapan ko naman silang at binigyan ng dirty finger.


Bukas ulet 😊

Chapter 3

Ricardo POV

INUBOS ko ang laman ng bote at nilapag sa glass table ang basyo sabay tayo.

“Excuse me, guys. Gogora lang ako sa restroom.” Paaalam ko sa mga chakanez kong friendship. Medyo may tama na ako ng alak.

“Couz.”

Nilingon ko ang pinsan ko at tinaasan ng kilay 

“What?”

“Men’s room, okay?”

Inikutan ko sya ng mata. “Duh, I know.”

Ngumisi sya at tinuloy na ang pakikipag chikahan kay Matias.

Pinaalala sa akin ni Kester na sa men’s room ako papasok dahil last time na nalasing ako ay sa women’s room ako pumasok. Nawala sa loob ko eh. I felt it on that night na disney princess ako kaya wala sa loob na pumasok ako sa women’s room. Ang ganda pa ng suot kong dress noon. Latinang latina ang atake ko. Yun nga lang nagkagulo ang mga merlat sa restroom at nireklamo pa ako sa management ng club. Mabuti na lang at naayos agad nila Kester. Kahit jirita ang beauty ko ay humingi pa rin ako ng dispensa sa mga merlat. It was my fault kahit sabihing lasing ako noon.

Pumasok na ako sa men’s room at tumapat sa urinal bowl. Walang ibang tao kundi ako lang. Yumuko ako para kalasin ang sinturon. Napansin ko naman sa peripheral vision ko na may tumabi sa akin. Nag angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakatapat sa urinal bowl na katabi ng akin. Tumingin din sya sa akin sabay hagod ng mata sa aking katawan mula ulo hanggang paa sabay ngisi. Tumaas naman ang kilay ko at pinasadahan din sya ng tingin. Tipikal na pinoy ang fezlak. Borta at maputi. Pero di ko feel ang presence nya. Amoy maangas. Amoy sanay mamakla.

“Hi sexy.” Bati ng lalaki sa akin sa kanyang bedroom voice.

Maasim ko lang syang nginitian at binaba ko na ang zipper ng skinny jeans ko. Nilabas ko na ang bertud ko at umihi na.

“What’s your name, sexy?” Tanong pa sa akin ng lalaki.

“Taylor Swift.” Pilosopong sagot ko. Di ko talaga sya feel. Pa-cool ang atake nya.

Tumawa naman sya. “You’re so funny.”

“No. I’m pretty and sexy.”

“I know..” Pag sang ayon nya.

“I’m glad you know.” Sabi ko pa.

Ngumisi lang ang lalaki at bahagyang umatras.

“You want this?” Tanong nya at nginuso ang ibaba nya.

Tumingin naman ako doon at dinilat ko pa ang mata.

“Ang alin?” Tanong ko.

“My cock, sexy..” Aniya sa nanghihibong boses.

Tumawa ang isang kilay ko. “Cock yan? Parang tuka lang ng manok, ah.”

“What?” Nagsalubong ang kilay nya.

Mahinhin naman akong tumawa. “Jowk! Ang cute ng cock mo, ha.” Sabi ko.

Pero sa totoo lang ay gusto ko na syang pitikan ng lastiko. Or better, yung pisot nyang cock na lang ang lastikuhin ko.

“Marami ng nabaliw dito, sexy. I can do five rounds.” Pagmamayabang pa nya.

“Ows..” Nagdududang sabi ko.

“Duda ka? You can try me..” Aniya at kumindat pa sa akin.

Hindi ako sumagot at bahagyang umatras para ipakita sa kanya ang bertud ko. Tumingin sya doon at namilog ang mata nya.

“Ang laki nyan, ah!” Bulalas nya.

Ngumisi ako. “Tulog pa yan. Kapag nagising yan, abot yan hanggang bituka mo.” Sabi ko at pinasok ko na sa loob ng pantalon ang bertud ko. Finlush ko na ang urinal bowl sabay talikod at nag wokaton ako ala Kendall Jenner palabas ng restroom.

Feeling ng lalaki na yun ay papatulan ko sya. Gosh! I’m not cheap. Sa ganda kong ’to. Isa pa wala sya sa kalingkingan ng mga type ko, no. Ang asim nya! Hmp!

Bumalik na ako sa mesa namin at naabutan ko ang mga kaibigan ko na nagtatawanan.

“What took you so long, Ric? Siguro naninilip ka ng mga talong dun, no.”

Binatukan ko si Kester. “Anong tingin mo sa akin, cheap? Wala akong talong na nakita doon. Siling labuyo lang ang nakita ko. Maputla pa.”

Nagtawanan ang mga kaibigan namin.

Dumampot na lang ako ng isa pang bote at binuksan sabay tungga.

.

.

Grace POV

“ROSANA, hindi pa ba dumarating ang delivery natin?” Tanong ko sa secretary ko.

“Hindi pa, ma’am.”

Kumunot ang noo ko. “Hindi pa? Dapat kahapon pa yun dumating, ah. Ilang oil filter na lang ang natitira sa rack. Wala na tayong stock sa bodega. Tsk! Yan ang hirap sa kanila. Ang lakas mag demand ng advance payment pero late ang delivery. Mabuti na lang at hindi ako nagbigay.” Inis na sambit ko habang binabasa ang sales report.

“Tatawagan ko, ma’am.”

Tumango ako. “Sige, tawagan mo. Sabihin mo kapag hindi pa nila yan na-deliver ng araw na ito ay ica-cancel na natin ang order. Sa iba na lang tayo kukuha.”

“Yes, ma’am.”

Kumamot ako sa ulo at pinagpatuloy ang pagbabasa ng sales report. Maganda naman ang sales namin ngayong buwan. Bahagyang tumaas. Siguro ay magpapameryenda ako sa mga tauhan mamaya.

Itinayo ng papa ko ang hardware na ito bata pa ako. Mga seven years old ako noon. Dating ofw si papa. Isa syang seaman. Maaga lang syang nag retiro dahil namatay noon ang mama ko sa sakit na cancer. Tinapos lang nya ang kontrata nya at umuwi na rito sa Pilipinas para maalagaan ako. Nagtayo na lang si papa ng hardware shop at auto repair shop kasosyo si Tiyong Poldo.

Maliit pa ang hardware shop namin noon at  umuupa lang kami ng pwesto. Hanggang sa lumakas ito at nakaipon ng malaki si papa. Inokupa pa nya ang isang pwesto. At ng nang makaipon pa ng mas malaki ay binili na nya ang mismong pwesto sa may ari. Binenta naman ito sa kanya. Two years bago ako makagraduate ng college ay nagkasakit si papa sa puso. Na stroke sya. Until tuluyan na syang namaalam ilang linggo lang pagka graduate ko. Ako na ang nagpatakbo ng hardware shop namin. Pinag aralan ko talaga ito at trinabaho. Nagbunga naman dahil na-expand pa ito. Mas malaki na ngayon ang hardware shop namin at meron pa akong pinatayong isa sa kabilang barangay. Kahit may ilan na ring hardware shop ang nagpatayo dito sa lugar namin ay hindi pa rin kami nababawasan ng mga customer. Loyal sa amin ang mga customer namin dahil hindi kami nagbebenta ng depektibong produkto. Makakasira yun sa negosyo.

“Ma’am, nandyan na po ang delivery.” Untag sa akin ni Rosana na sumilip sa pinto.

Bumuntong hininga ako. “Mabuti naman. Sige, lalabas na ako.”

Pinatungan ko muna ng mabigat na bagay ang sales report saka ako tumayo. Lumabas ako sa maliit kong opisina.

Sa gilid ng shop ay nakaparada ang closed van truck at isa isa nang binababa ng dalawa kong tauhan ang mga box na may lamang produkto. Nasa tabi nila si Rosana para siguraduhing tama ang mga order at walang kulang.

Bumaba ang checker mula sa front seat ng truck na may dalawang folder at lumapit sa akin.

“Good morning, boss.” Bati nya sa akin.

“Morning.” Matabang na bati ko.

“Boss, pakipirmahan na lang po.” Aniya at inabot sa akin ang folder na may lamang POD.

Tiningnan ko lang yun at ang checker. Ngayon ko lang sya nakita.

“Bago ka ba?” Tanong ko.

“Opo boss.” Sagot nya at kumamot sa ulo na parang nahiya.

Bumuntong hininga ako. “Mamaya mo na papirmahan sa akin yan kapag naibaba na ang lahat at na-check na ng secretary ko.”

“Sige boss.”

“Sya nga pala. Dapat kahapon pa dumating yan. Bakit ngayon lang?” Maawtoridad na tanong ko.

“Eh pasensya na po, boss. Nasira po kahapon yung truck na magdedeliver sana sa inyo.”

Umiling iling naman ako. “Nasiraan pala, hindi man lang kayo tumawag. Sa susunod ayoko ng maulit ito. Kapag naulit pa ito ay sa iba na kami kukuha. Pakisabi na lang sa boss mo.”

“Opo boss.”

Lumapit ako sa truck at nakitingin na rin sa mga box na isa isang binuksan ng mga tauhan. So far, matitino naman ang lahat at walang nakitang depektibo.

Pinirmahan ko na ang POD at binigay ang tseke.

Iniwan ko na ang mga tauhan at si Rosana. Bumalik na ako sa loob ng hardware shop. Nakita kong maraming customer na naghihintay na ma-assist. Lumapit na ako.

“Boss G, C-110 nga.” Ani Bok na may grasang itim pa sa kamay sabay abot sa akin ng bayad nya.

“Ilan?” Tanong ko.

“Isa lang. Wala na kasing stock sa shop.”

Tumango ako at kinuha ang binibili nyang oil filter. Dumiretso ako sa kaha at sinuklian ang pera.

“O.” Inabot ko na ang oil filter kay Bok.

“Sya nga pala, Boss G. Pinag uusapan ka ng mga kupal sa gc ah.” Nakangising wika pa ni Bok.

Kumunot ang noo ko. “Tungkol saan na naman?” Curious na tanong ko.

May gc kami ng tropa. Pero hindi pa ako nag o-online dahil busy pa ako.

“Eh di yung nangyari noong huling inuman natin kanila Wekwek.”

“Ano bang nangyari nun?” Nalilitong tanong ko.

Lalong lumapad ang ngisi ni Bok. “Kunwari pa to, o. Parang hindi namin malalaman na pinasok ka ni Krizette sa banyo. Anong ginawa nyo dun, ha? Medyo natagalan ang paglabas nyo, ah.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Bok. Nalaman pala nila yun.

“Wala kaming ginawa, no.”

“Wuuu! Parang di naman ako naniniwala. Ang tagal nyo kayang lumabas.” Nilapit nya ang mukha sa akin at bumulong. “Nag lo-lo kayo, no?”

Malakas ko syang binatukan na ikina-aray nya. “Bibig mong kupal ka. Umalis ka na nga. Naghihintay na yung customer sa shop. Hindi kita pababalehin eh.”

Pero ang kupal ay tumawa lang habang naglalakad paalis. “Basta bale ko mamaya, ah. Boss G! Binata na! Yihee!” Sigaw pa nya.

Napatingin tuloy sa kanya ang iba pa naming customer.

“Gago!” Sigaw ko rin at pinakyu sya.

Kinalimutan ko na nga ang gabi na yun, pinaalala pa ng kupal.


Chapter 4

Ricardo POV

INIIKOT ko ang mga mata habang kinakalas ko ang necktie.

“Ugh! I really hate neckties.” Inis na bulalas ko at hinagis sa ibabaw ng table ang necktie.

Kinalas ko ang ilang butones at pasalampak akong umupo sa swivel chair sabay crossed legs. Ayaw na ayaw ko talagang nagsusuot ng necktie. Para akong sinasakal. Mas bet ko ang scarf o kaya shawl. Kung hindi nga lang mga bigtime investor ang ka-meeting ko kanina ay nag scarf na lang sana ako.

Naglagay muna ako ng sanitizer sa kamay bago ko dinampot ang folder na nasa ibabaw ng table ko. Binuksan ko yun at tumambad sa akin ang contract na re-review-hin ko bago pirmahan.

Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary ko na may dalang tasa.

“Sir, here’s your coffee.” Ani Liora at nilapag sa table ko ang saucer na may nakapatong na tasa.

“Thanks, Liora.” Wika ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakafocus ang mga mata ko sa papel.

Nag-excuse naman si Liora at lumabas na ng opisina.

Dinampot ko ang tasa at humigop ng kape habang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa papel na hawak.

Natigilan ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni mommy na nakarehistro sa screen ng cellphone. Binalik ko ang tasa sa saucer at dinampot ang cellphone.

“Hello mother dear.” Malambing na bati ko kay mommy sa kabilang linya.

“Ricardo, anak.”

Napangiwi ako sabay layo ng cellphone mula sa aking tenga. Pinress ko pa ng isang daliri ang tenga dahil parang sumakit yun sa matigas na pagkakasambit ni mommy sa tunay na pangalan ko.

Naliliyong inikot ko ang mata at binalik na sa tenga ang phone.

“Mi, stop calling me Ricardo.”

“And why?”

“Ang sakit sa tenga, mi.”

“I don’t care. Tatawaging kitang Ricardo sa ayaw at sa gusto mo. Isa pa ay ang ama mo nagbigay sayo ng pangalan na yun.”

Nanghaba ang nguso ko. “Bakit naman kasi sa daming pwedeng ipangalan sa akin ni daddy, Ricardo pa talaga, mi. Ang tigas tigas! Di nakakalatina.” Himutok ko pa.

“Eh hindi ka naman talaga latina. Latino ka, anak.”

“Mi!” Eksaheradang bulalas ko.

Pero tumawa lang ang mommy ko sa kabilang linya.

“Ano ba kasing inaayaw mo sa pangalan mo, anak? Maganda naman, ah! Pinagsama yung pangalan namin ng daddy mo. Sige ka! Gusto mo yatang multuhin ka ng daddy mo..”

Napangiwi na lang ako nang magsimula nang maglitanya si mommy sa kabilang linya. Medyo na-guilty pa ako sa pagrereklamo ko sa pangalan ko.

Hindi naman sa ayaw ko sa pangalan ko. Hindi nga lang yun nababagay sa beauty ko. Sobrang tigas. Ang lakas makamacho at naki-cringe ang beauty ko kapag tinatawag akong Ricardo. Pinagsama kasi yung pangalan ni mommy at daddy. Rich + Gardo = Ricardo.

“Alright mi, I’m sorry na..” Sabi ko na lang kay mommy dahil nag uumpisa na syang sermonan ako.

“Kuh, ang ganda ganda ng pangalan mo inaayawan mo. Daddy mo ang nakaisip ng pangalan mo na yan.”

Nang banggitin muli ni mommy si daddy ay lumambot na ang puso ko. Bigla kong namiss ang father dear ko. Maaga kasi syang nawala sa amin ni mommy. High school pa lang ako nung pumanaw sya dahil sa cardiac arrest. Sobra akong nalungkot noon at natagalan din ako sa pag move on. Nawalan ako ng ama na syang unang tumanggap at sumuporta sa akin kung ano ako. Sya nga rin ang nagbigay sa akin ng pangalang Rika na syang nagustuhan ko naman at ginagamit kong second name ngayon.

Napabuntong hininga ako at bigla kong namiss ang pudrakels ko.

“Anyway anak, kelan ka ba babalik dito sa New York? Ang dami nang naghahanap sayo.” Pag iiba na ng topic ni mommy.

“Kapag hindi na masyadong busy dito sa company, mi. Ngayon kasi ay sobrang hectic ng schedule ko. Hindi ko maisingit ang pagbalik sa New York kaya kayo muna ang bahala sa mga store ko.”

“Okay anak, ako muna ang bahala sa mga sa mga store mo dito. Pasensya na rin kung ikaw ang sumasalo sa mga responsibility ko sa company. You know I really hate office works. Hindi ako para dyan.”

“I know mi, and I understand. Responsibility ko na rin ito dahil anak nyo ’ko.”

“Not just because you’re my son.. kundi tagapagmana ka rin ng company anak.”

“Yes mi.. that’s why I’m doing my best para hindi mapahiya kay lolo at lola.”

“Hindi ka mapapahiya sa kanila anak dahil magaling ka, no.”

Napangiti ako sa sinabi ni mommy. Kahit may pagkatalakera sya ay very supportive mother sya sa akin at sya ang number one na kakampi ko.

“Thank you, mi.”

“O sya anak, ibababa ko na ito at narito na ang client ko. Talk to you later.”

“’Kay mi.. Call you back later.”

Binaba ko na ang cellphone at pinatay saka nilapag sa table. Muli kong dinampot ang tasa at hinigop ang kape. Napangiwi pa ako dahil medyo malamig na yun pero inubos ko na rin.

Muli ko nang hinarap ang papeles na hawak.

Miss ko na ang mga store ko sa New York at mga client ko. Kung dito sa pinas ay isa akong COO, sa New York naman ay isa akong stylist. Mga kilalang personalidad ang mga client ko. Hollywood celebrities, super model, mga asawa ng mga kilalang negosyante at kung sino sino pa. Aside from being stylist I’m a fashion designer too like my mom. But now, hindi muna ako makakapag focus sa pagiging stylist dahil kailangan kong gampanan ang pagiging isa sa mga bigboss ng company namin. Namemeligro pa ngang maging ceo ako dahil si Kester ay may plano nang magtayo ng sarili nyang company.

Gosh! Masasabunutan ko talaga ang pinsan ko na yun kapag umalis sya sa kumpanya.

SINIPAT sipat ko ang mukha sa vanity mirror matapos kong dampi dampian ng finishing powder ang mukha ko. Pinout ko pa ang labi na pinahiran ko ng pink nude lipstick. Mabuti na lang at medyo pouty ang lips ko at rosy din ang color kaya di ko na kailangan mag pa-lip filler. Thanks to my dad and mom genes. Ang bongga ng produkto nila. Isang kabogerang latina.

“Perfect!” Sambit ko nang makuntento sa in-apply kong make up sa mukha. Manipis lang yun para naman hindi ako magmukhang drag queen sa fashion show na pupuntahan. Special guest ako kaya dapat mabango at fresh ang atake ko.

Tumayo ako at sinuot ko na ang attire ko for tonight’s rampa. Nagsuot ako ng black corset para naman magkaroon ng korte ang katawan ko kahit papaano, black stocking na pinatungan ko rin ng tight cycling short. Medyo na-struggle pa ako kung paano iipitin ang agimat ko. Kung hindi lang ako wawarlahin ni mommy at lola ay matagal ko nang dinispatsa ito. Masyado kasi silang kontra sa pagpapa-sex change ko. Oh well.. mapapa-agree ko rin sila soon.

Sinuot ko naman ang black coat dress na lampas ng kalahati ng hita ko. Sunod ay dinampot ko ang blonde wig ko at kinabit ko na rin sa ulo. Sinuklay ko yun at kinulot ng malalaki. Nang matapos ay sinuot ko na ang ankle boots ko at nagwisik ng perfume.

Sinipat ko ang sarili sa life size mirror at nagpose pa doon sabay selfie. Dinampot ko ang clutch bag at lumabas na ng kwarto.

Sinilip ko ang oras sa relo habang nasa loob ako ng elevator. Pasado alas otso na ng gabi. 9:30 ang start ng fashion show na gaganapin sa isang kilalang five star hotel. Hindi naman ako masyadong magpapagabi. After the show at kaunting chikahan sa mga guest at sponsors ay uuwi na ako dahil may pasok pa ako bukas sa office.

Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako at  tinungo ko ang kotse ko.

“Good evening po, madam.” Bati sa akin ni Mang Nestor. Ang gwardya na nakatalaga dito sa basement parking at gabi gabing nagroronda.

“Good evening, Mang Nestor.” Balik bati ko rin sa gwardya.

“Mukhang may lakad ho kayo, madam. Bihis na bihis ho kayo.”

“May a-attend-an lang ho akong fashion show.”

“Mag iingat ho kayo, madam. Ang ganda nyo pa naman.”

Napangiti ako sa sinabi ni Mang Nestor. “Thank you, Mang Nestor. Don’t worry ipag-uuwi ko kayo ng wine.”

“Naku, salamat ho agad, madam.”

Sumakay na ako sa kotse ko at kinabit ang seatbelt. Nakita ko si Mang Nestor na hindi pa umaalis at nakatingin lang sa kotse ko. Matagal na syang gwardya dito sa condo at talagang maasahan sya. Nakakatuwa din dahil marespeto sya sa mga gaya ko. Madam ang tawag nya sa sa akin kapag naka-cross dress ako. Sir naman kapag nakapanlalaking suot ako at ayos.

Minaniobra ko na ang kotse at binusinahan si Mang Nestor. Sumaludo naman sya sa akin. Pinausad ko na palabas ng vicinity ng condominium ang kotse ko.

Makalipas ang ilang minuto ay tinatahak ko na ang kahabaan ng kalsada. Maluwang ang kalsada pero marami raming sasakyan ang dumadaan.

Dinampot ko ang cellphone ko na nasa passenger seat nang magring yun. Sinagot ko ang tawag.

“Hello Liv.. yes, I’m on my way now.. Oh really? I’m excited to meet them too.. Alright, mukhang marami tayong pag chi-chikahan later..” Tumawa ako nang may sinabing nakakaloka ang kaibigan sa kabilang linya.

Ngunit napatili ako sabay mura nang may bumangga sa kotse ko at bahagya akong napa-swerve. Nakita ko ang isang bigbike na pagewang gewang na rin ang takbo at isang humahagibis na puting sasakyan. Huminto ang bigbike sa gilid ng kalsada.

“What happened, Ric?” Nag aalalang tanong ni Liv sa kabilang linya.

“I’m okay, Liv. I will call you later.” Sabi ko sa kabilang linya sabay patay sa cellphone. Pahagis na binalik ko yun sa passenger seat at inis na lumapit sa humintong bigbike.

Hininto ko ang kotse sa gilid ng kalsada at imbyernang bumaba. Tiningnan ko ang tagiliran ng kotse ko at mas lalo akong naimbyerna nang makita ang mahabang gasgas doon.

Binalingan ko ang nakabigbike. Nakaupo pa rin ang driver nun sa ibabaw.

“Hey you! Kung hindi ka marunong mag motor, huwag ka na lang mag motor! My ghad! Look what you’ve done!” Inis na bulyaw ko sa rider at tinuro ang malaking gasgas sa kotse ko.

Gumalaw naman ang rider at tinanggal nya ang helmet nya.

Bahagya naman akong natigilan dahil buong akala ko ay lalaki ang rider. Isang bilatching merlat pala.


Chapter 5

Grace Pov

“MINSAN talaga makakatagpo tayo ng maangas na customer. Ganun talaga. Pero hangga’t kayang pagpasensyahan, pagpasensyahan. Para iwas gulo.”

Tumango tango ako sa sinabi ni Tiyong Poldo habang sunod sunod ang subo ko ng pagkain. Nasa gitna kami ng hapunan at napagusapan namin ang insidenteng nangyari kanina sa shop kung saan muntik nang mapaaway si Bok sa isang customer.

“Eh kung ganun naman kasi kaangas pa yung customer eh mapapatulan mo talaga. Kaya naiintindihan ko si Bok.” Segunda ni Jopet.

“Mabuti na nga lang at dumating ang Ninong Johny mo kaya napalamig ang sitwasyon.” Ani Tiyong Poldo na ang tinutukoy ay ang ninong na pulis ni Jopet.

Dinampot ko ang pitsel na may lamang juice at namamawis sa lamig. Nagsalin ako sa baso at uminom.

“Ang sabi ng ilang customer ko ay mayabang daw talaga ang lalaking yun at banned na rin sa ilang car shop dahil ugali daw talagang mang away ng mekaniko.” Sabi ko.

“Aba’y kung ganun eh dapat ko rin syang i-ban. Baka mamaya ay maulit na naman yun. Ano sa tingin mo Grace?” Untag sa akin ni Tiyong Poldo.

“Sang ayon po ako dyan, tiyong. Baka mamaya eh hindi lang si Bok ang awayin nya, baka pati ibang mekaniko din.” Sabi ko pa.

Tumango naman si Tiyong Poldo.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog yun. Nakita kong tumatawag si Tita Fina. Ang panganay na kapatid ni mama.

Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag.

“Hello po, tita.” Bati ko sa tiyahin.

Napatingin naman sa akin si Tiyong Poldo, Tiyang Cess at mga pinsan ko.

“Hello Grace, anak. Nasaan ka?”

“Nandito lang po sa bahay, tita. May problema po ba?”

“Ang Lola Josefa mo kasi anak, may sakit. Dalawang araw na. Ayaw kumain at uminom ng gamot. Panay ang tawag nya sa pangalan mo. Baka pwedeng pumunta ka dito sa bahay saglit para makita ka nya. Baka kumain sya at uminom ng gamot.”

“Ganun po ba.” Nilukuban ako ng pag aalala para sa lola ko.

“Oo, anak. Baka pwedeng pumunta ka dito sa bahay bukas kung hindi ka busy.”

“Sige po, ngayon na po ako pupunta.” Sabi ko.

“Naku, e gabi na.”

“Ayos lang po. Dyan na lang po ako magpapalipas ng gabi.”

“O sige anak, salamat. Matutuwa tiyak ang lola mo kapag nakita ka. Alam mo naman ikaw ang paboritong apo nun.”

Napangiti ako sa sinabi ni Tita Fina. “Sige po, tita. Tapusin ko lang po ang pagkain ko. Pupunta na po ako dyan.”

“Sige, anak. Hihintayin kita.”

Binaba ko na ang cellphone at nilapag sa mesa.

“May problema ba, Grace?” Tanong ni Tiyong Poldo.

“Si Lola Josefa po may sakit, dalawang araw na. Ayaw daw po kumain at uminon ng gamot. Ang gusto ay makita ako. Kaya pupuntahan ko po sya mamaya pagkatapos kumain.” Sabi ko.

“May katandaan na rin kasi si Nanang Josefa. Mabuti pa nga na dalawin mo. Baka sakali bumuti ang pakiramdam.” Saad ni Tiyong Poldo.

“Opo.”

“Ikamusta mo na rin ako kay Fina, Grace.” Bilin pa ni Tiyang Cess.

“Opo, tiyang.”

Matapos kumain ay nag asikaso na ako ng sarili sa pag alis. Nag aalala ako kay Lola Josefa. Mula nang tawagan ako kanina ni Tita Fina at pinaalam sa akin na may sakit sya ay hindi na sya mawala sa isip ko.

Bata pa lang ako ay malapit na ako kay lola lalo na nung namatay si mama. Lagi nya akong dinadalaw sa bahay at dinadalhan ng kung ano anong pasalubong. Kapag nagkakasakit ako ay inaalagaan nya ako. Natigil lang ang madalas na pagbisita nya sa akin noong ma-stroke sya at hirap nang kumilos. May katandaan na si Lola Josefa na mahigit otsenta na ang edad at may dementia. Ako na ngayon ang dumadalaw sa bahay nya isang beses sa isang linggo. Pero minsan ay hindi ako nakakadalaw kapag sobrang busy. Tumatawag na lang ako o kaya nag vi-video call kay Tita Fina para mangamusta.

Sinuot ko na ang leather jacket ko at tinaas ang zipper. Sinuot ko na rin ang gloves at dinampot ang helmet. Lumabas ako ng bahay at nilock ko ang pinto. May spare key naman si Tiyang Cess kaya kung may kailangan sila sa loob ng bahay ay makakapasok sila.

Binuksan ko muna ang maliit na gate bago ako sumakay sa ducati ko. Inatras ko yun palabas ng gate at paglabas ay saka ko sinarado ang gate. Hinimas ko pa ang ulo ng dalawa kong alagang aspin na sumunod pa sa akin hanggang gate. Kinausap ko pa sila na bantayan ang bahay.

Binuhay ko ang makina ng bigbike ko saka ko sinuot ang helmet.

“Tol, ingat!” Turan ni Lonard na nasa labas ng gate ng bahay nila at naninigarilyo.

Tumango naman ako at paglapit sa kanya ay nag fist bump pa kami.

Minaniobra ko na ang bigbike palabas ng street namin.

Makaraan ang ilang minuto ay binabaybay ko na ang kahabaan ng malawak na kalsada. Maluwang ang kalsada at walang trapik pero marami pa ring sasakyan na dumaraan.

Tinulinan ko pa ang patakbo sa ducati ko hanggang sa ang sinusundan ko na ay ang isang Mercedes Benz na kotse. Katamtaman lang ang bilis nito. Maluwang ang kalsada kaya nag overtake ako. Ngunit napamura ako nang masagi ako ng isang humahagibis na puting suv. Ang resulta ay dumikit ako sa kotse at nakarinig ako ng tunog ng pagkaskas. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela nang mag-swerve ang takbo ko. Hininto ko muna ang bigbike sa gilid ng kalsada. Kasunod nun ay gumilid din ang kotse at lumabas ang isang matangkad na blondinang babae. Tiningnan nya ang gilid ng kanyang kotse bago bumaling sa akin. Nakarehistro ang galit sa kanyang magandang mukha at halos magsalubong na ang nakaarkong mga kilay. Dinuro nya ako.

“Hey you! Kung hindi ka marunong mag motor, huwag ka na lang mag motor! My ghad! Look what you’ve done!”

Tinanggal ko na ang helmet para marinig nang mas malinaw ang sinabi nya. May kasalanan ako kaya kailangan kong harapin yun.

Napansin ko namang bahagyang natigilan ang magandang babae habang nakatingin sa akin.

Bumaba ako sa motor at lumapit sa babae.

“Sorry miss, hindi ko sinasadya. May biglang gumitgit sa akin na suv na puti kaya napadikit ako sayo.” Sabi ko at tiningnan ang gilid ng mamahaling kotse nya.

Napangiwi ako at napakamot sa gilid ng leeg nang makita ang mahabang gasgas. Malaking gastos ito dahil hindi biro ang kotse.

Muli kong binalingan ang babae na ngayon ay nakahalukipkip na at nakataas ang kilay. Mataray ang bukas ng magandang mukha.

“Sorry is not enough for what you did to my car.” Mataray na saad ng babae.

Napaawang naman ang labi ko hindi dahil sa na-intimidate ako sa katarayan nya, kundi dahil parang may kakaiba sa boses nya. Parang di bagay sa maganda nyang mukha.

“What? Can you speak instead of just staring at me? You’re wasting my time.”

Napakamot naman ako sa leeg. Dahil sa tono ng boses nya na hindi akma sa hitsura nya ay napagtanto ko na kung ano sya.

“S-Sorry miss.. Ano.. hindi ko naman sinasadya eh. Gaya nga ng sinabi ko kanina. Ginitgit ako nung puting suv kaya napadikit ako sayo.”

“At gaya rin ng sinabi ko ay hindi sapat ang sorry lang. Sinadya mo man o hindi ay may kasalanan ka pa rin. Ang laking perhuwisyo ng ginawa mo, ha. Papunta ako ngayon sa fashion show tapos irarampa ko ngayon ang kotse kong may gasgas. Nakakaimbyerna, ha.” Aniya sa mahinahong boses pero sa tonong naiinis.

“Bakit naman kasi nag o-overtake ka? Nagmamadali ka ba? Kayo talagang mga rider, ang iba sa inyo walang disiplina sa kalsada. Kaya kayo nasasabihang kamote, eh.” Dagdag pa nya.

Napabuntong hininga ako. Sa ilang taon ko nang nag mo-motor, kahit kelan ay hindi ako nakadisgrasya. Nag enroll pa ako sa driving school at um-attend pa ako ng seminar bago ako nagmaneho sa malalaking kalsada. Ngayon lang din ako naka-disgrasya.

“Hindi ako kamote rider, okay. Pasensya na. Alam kong may mali ako. Pero huwag kang mag alala. Sasagutin ko ang pagpapagawa sa kotse mo o kaya babayaran ko na lang.” Mahinahong sabi ko.

Tumigil naman sa paglilitanya ang binabae at inikot ang mata. “You know what, kung simpleng gabi lang ito at wala akong importanteng lakad ay hindi naman ako magagalit eh. But ugh! Ano pa ba ang magagawa ko. Hindi na ako pwedeng bumalik sa condo para magpalit ng sasakyan dahil malayo na.”

Napakamot na lang ako muli sa ulo. Kasalanan ko kaya dapat tanggapin ko ang inis nya.

“Hindi mo na ako kailangan bayaran. Pero ikaw ang magpapagawa nitong kotse ko.”

Tumango tango ako. “Walang problema, miss.”

Nilahad nya ang kamay sa akin. “Give me your calling card para ma-contact kita bukas.”

Kinuha ko naman ang wallet ko na nasa loob ng jacket ko. Dinukot ko ang business card ko at binigay sa kanya. Nakalagay doon ang pangalan ng hardware ko at car shop. Naroon din ang contact number.

Nakataas ang kilay na tiningnan nya yun at muling bumaling sa akin.

“Kaninong business card ito?”

“Sa akin. May car shop ako kaya don’t worry mapapaayos ko yang kotse mo.”

Nagpout ang labi nya habang tinitingnan muli ang business card. Mukhang nagdududa pa sya sa akin.

“But I want your personal calling card that indicates your name, adress and contact number.”

Napabuntong hininga ako. Naiintindihan ko naman sya. Syempre, gusto nyang makasigurado na hindi ko sya tatakbuhan. Kahit ako naman siguro ang nasa sitwasyon nya.

Muli kong binuksan ang wallet at hinugot ang personal kong calling card at inabot sa kanya. Kinuha naman nya yun at taas ang kilay na tiningnan.

“Wait.” Aniya at lumapit sa kotse nya. Binuksan nya yun at may kinuha. Muli syang lumapit sa akin at may hawak nang cellphone.

Tumunog naman ang cellphone ko na nasa bulsa ng jacket ko. Dinukot ko yun at nakita kong may tumatawag na hindi ko kilala ang number. Kunot noong sinagot ko yun.

“Hello?”

Pero walang sumasagot.

“That’s my number.”

Lumingon ako sa binabae. Sya pala ang tumawag kaya binaba ko na ang cellphone.

“I’ll contact you tomorrow. And maybe ipapadederetso ko na lang sa employee ko ang kotse ko sa car shop mo.”

“Sure, walang problema. 7:30 nagbubukas sa umaga ang car shop.”

Tumaas ang kilay nya. “Okay, I need to go now dahil male-late na ako sa fashion show. I’ll contact you tomorrow na lang.” Paalam nya at tumalikod na pabalik sa kotse nya.

“Pasensya na ulit, miss.” Pahabol ko pang sabi.

Napabuntong hininga at napakamot na lang ako sa batok habang hinahatid ng tanaw ang kotseng papalayo. Ngayon pa lang ay ine-estimate ko na sa isip ko kung magkano ang gagastusin sa pagpapagawa ng kotseng nagasgas.

Mabuti na lang at mabait pa rin ang magandang binabae kahit may katarayan.


Chapter 6

Grace POV

PAGDATING sa bahay ni Lola Josefa ay agad akong sinalubong ni Tita Fina. Medyo nag alala pa sya dahil natagalan ako sa pagdating. Sinabi ko naman na medyo nagkaproblema sa daan pero naayos naman.

Pinuntahan ko agad si Lola Josefa sa kanyang kwarto. Nakita ko syang nakahiga habang nakatingin sa bukas na tv. Napansin kong medyo nangayayat sya. Lumapit ako sa kanya dahil hindi pa nya ako napapansin at nakatutok lang ang kanyang mga mata sa tv.

“La.” Tawag ko sa kanya at hinawakan sya sa braso.

Tumingin naman sya sa akin. Saglit syang nakatitig lang at parang kinikilala pa ako. Mayamaya ay ngumiti na sya.

“Grace, apo ko.” Sambit nya at bumangon.

Inalalayan ko naman sya. Yumakap sya sa akin ng mahigpit at naiyak pa.

“Grace apo.. miss na miss na kita.” Turan nya at hinalik halikan pa ako sa mukha.

Natatawa na lang ako at hinayaan sya. Miss na miss ko rin sya.

“Pasensya na po kayo la, kung ngayon lang ako napadalaw. Masyado po kasing busy sa hardware at sa car shop.” Sabi ko kay Lola Josefa habang yakap yakap sya. Nakayakap din sya sa akin na parang bata.

“Naiintindinan ko naman, apo. Pero sobrang miss na miss na kita. Gusto nga kitang puntahan sa bahay mo pero ayaw naman akong payagan ng tita mo.” Tila nagsusumbong wika ni Lola Fina.

Na-guilty naman ako at hinalikan sya sa buhok. “Huwag po kayong mag alala la, dadalasan ko na po ulit ang pagdalaw. Basta makikinig po kayo lagi kay Tita Fina.”

“Talaga, apo?”

“Opo.”

“Hay salamat!” Tuwang sabi nya at yumakap pa ng mahigpit sa akin.

Tumingin naman ako kay Tita Fina na nakangiti sa amin.

“Dalawang araw walang ganang kumain yan at matamlay. Nilagnat din at ayaw uminom ng gamot.”

“Hanggang ngayon po ba ay ayaw pa rin nyang kumain at uminom ng gamot?”

“Sinubuan ko sya kanina pero nakadalawang kutsara lang at ayaw na. Yung gamot naman ay nadyan pa rin sa side table.”

Tiningnan ko ang side table. Naroon pa nga ang ilang pirasong gamot ni Lola Josefa.

“Wala kasi akong ganang kumain, Fina. Pilit  ka kasi ng pilit, eh.” Parang batang turan ni Lola Josefa.

“Pero ’la, kailangan nyo pong kumain at uminom ng gamot.” Mahinahon na kausap ko sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin. “Sawa na akong uminom ng gamot, apo.”

Bumuntong hininga ako. “Pero kailangan nyo po yun ’la, para gumaling kayo. Kailangn nyo ding kumain para lumakas kayo. At paggaling nyo, gagala tayo. Mamamasyal tayo.”

Ngumiti na sya ulit. “Talaga, apo? Mamamasyal tayo?”

“Opo. Kapag gumaling kayo at lumakas. Kaya dapat lagi kayong kakain at iinom ng gamot.”

“Namimiss kasi kita e. Kaya wala akong ganang kumain.”

“Eh ngayong nandito na po ako, kakain na po ba kayo at iinom ng gamot?”

Ngumiti sya at tumango. “Oo kakain na ako, basta salo tayo.”

“Yun naman po pala eh. Bait talaga ng lola ko.” Sabi ko at niyakap sya.

Nagpahain na ako ng pagkain kay Tita Fina sa komedor. Inalalayan ko naman si lola na lumabas ng kwarto nya.

Kahit busog pa ay kumain ulit ako para masabayan sa pagkain si Lola Josefa. Nakakatuwa nga dahil kumakain na sya habang dumadaldal. Naging masigla sya bigla.

“Alam mo insan, ginawa na namin lahat ng pang uuto dyan kay lola para kumain at uminom lang ng gamot. Pero wa-epek. Sayo lang talaga sya sumusunod.” Sabi ni Jacky. Ang bunsong anak ni Tita Fina na kasing edad ko.

“Pasensya na kung hindi ako nakakadalaw nitong buwan. Masyado kasing busy. Pero susubukan ko nang dumalaw ng madalas para hindi nalulungkot si lola. Dadalasan mo rin ang pag vi-video call.” Wika ko.

“Kelan ba tayo mamamasyal, apo?” Tanong ni Lola Josefa na kumakain na ngayon ng saging. Naubos nya ang pagkain nya sa plato.

“Kapag magaling na kayo, ’la.” Tugon ko.

“Magaling na ako, apo. Nakita na kasi kita.”

Natawa ako sa sinabi nya at the same time ay na-touch din. Nakikita ko kung paano sya sumigla ngayong nandito ako.

“Kapag magaling na magaling ka na po. Kaya lagi nyo pong iinumin ang mga gamot nyo.”

Tumango tango si Lola Josefa.

Matapos nga nyang kumain ay pinainom ko sya ng gamot. Hindi naman ako nahirapan at kusa din syang uminom.

“Ang totoo nyan Grace, medyo lumalaki na ang gastusin sa gamutan ng lola mo at medyo nahihirapan na rin ako sa pag-budget. Hindi na rin sumasapat ang pensyon nya. Ang kinikita naman ng pinsan mo ay sapat lang sa pangngailangan namin dito sa bahay.”

“Huwag po kayong mag alala, tita. Mag aabot po ako pandagdag sa gamot nya at sa iba pa nyang pangangailangang medikal.”

“Salamat, Grace. Pasensya ka na kung sayo pa ako naghinaing.”

“Wala po yun, tita. Mabuti nga po at sinabi nyo. Para kay lola handa po akong tumulong.”

“Salamat, anak.”

Ngumiti ako kay Tita Fina at hinimas ang balikat nya.

“Grace apo, uuwi ka na ba?”

Nilingon ko si Lola Josefa na nakatayo na sa pinto ng kwarto nya.

“Hindi pa po, ’la. Bukas pa po ako uuwi. Dito ako matutulog. Tatabi po ako sa inyo.”

Lumawak ang ngiti sa labi ni Lola Josefa. Halatang natuwa sa sinabi ko.

“Talaga, apo?”

“Opo.”

“Aba’y halika na. Matulog na tayo at malalim na ang gabi. Kakantahan kita para humimbing ang tulog mo.”

Natawa naman ako at tumayo na. “Sige po, tita. Tatabihan ko na po si lola para makatulog na.”

“O sya, mabuti pa nga at alas onse na ng gabi.”

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Lola Josefa. Pinatay na nya ang tv at pinapahiga na nya ako sa kama. Queen size ang kama nya kaya kasya naman kaming dalawa.

Kinantahan nga ako ni Lola Josefa habang magkatabi kami sa kama. Parang batang tinatapik tapik pa nya ako sa braso. Hindi ko tuloy maiwasan mag senti. Naalala ko noong bata pa ako. Noong malakas pa si lola at inaalagaan nya ako. Ganitong ganito sya sa akin noon. Kapag pinapatulog nya ako ay kinakantahan nya ako ng paborito nyang makalumang kanta habang tinatapik tapik ako ng marahan.

Kinaumagahan ay sabay kaming nag almusal ni Lola Josefa. Pero halatang malungkot sya dahil uuwi na ako. Kinausap ko naman sya na babalik ulit ako sa linggo. At kapag magaling na sya ay ipapasyal ko sya sa mall. Nawala naman ang lungkot nya at napangiti na.

Bago ako umalis ay nag abot muna ako ng pera kay Tita Fina pandagdag sa pambili ng gamot ni Lola Josefa. Nag alangan pa nga syang tanggapin yun dahil malaki laki ang binigay ko. Ang sabi ko ay para na rin sa pagkain ni lola. Pili na lang din kasi ang pagkain na pwedeng kainin ni lola. Medyo pricey pa naman ngayon ang mga prutas kaya pinasobrahan ko na ang binigay na pera. Sa huli ay nagpasalamat na lang si Tita Fina.

“Naku Boss G, ang tindi nang gasgas nitong kotse, ah! Tagang taga ka nito. Mercedes Benz na bagong labas pa itong nadale mo. Pumapalo pa naman ng sampung milyon ang presyo nang ganitong model.” Wika ni Bok habang sinisipat ang gasgas sa kotse.

Napakamot naman ako sa leeg. Ngayon pa lang ay dama ko nang uubos ako ng limang digit sa pagpapagawa ng kotse o baka mas higit pa.

Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Lola Josefa nang tawagan ako ni Tiyong Poldo na narito na sa car shop. Sinabi nyang may dumating na Mercedes Benz na kotse at hinahanap ako ng nagdala nito. Minadali ko na nga lang ang pagligo ko agad akong pumunta dito. Nakausap ko saglit ang nagdala ng kotse na tauhan nung binabae na may ari ng Mercedes Benz. Binigay nya sa akin ang susi saka umalis.

“Ano ba kasing nangyari, Grace? Paano mo ba nadale ito?” Tanong ni Tiyong Poldo.

Kinuwento ko naman sa kanila ni Bok ang nangyaring aksidente kagabi..

“Naku, mabuti at ganun lang ang nangyari sayo. Maswerte ka pa rin. Pero sa susunod magdodoble ingat ka na.”

“Opo, tiyong.”

“Pero malaking gastos ’to, Boss G.” Turan ni Bok.

“Alam ko. Pero ang importante ay magawa na yan sa lalong madaling panahon para wala ng problema.” Sabi ko naman.

“Pero hindi natin forte ang paggawa nyan. Lalo pa at maselan ang ganyang kotse. Pero huwag kang mag alala, may kilala akong taga casa na gumagawa talaga ng mga may sirang luxury car. Kokontakin ko sya at sya ang pagagawin ko nito.”

“Sige po, tiyong. Ako na po ang bahala sa mga babayaran.” Turan ko.

Tumunog naman ang cellphone kong nasa bulsa ng loose pants. Dinukot ko yun at nakita kong may tumatawag na hindi pamilyar na number. Sinagot ko naman yun.

“Hello? Sino to?”

“This is me. Ricardo De Asis.”

Kumunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang pangalan na sinasabi ng nasa kabilang linya. Pero pamilyar sa akin ang boses nya.

“Sorry, pero wala akong kilalang Ricardo De Asis. Wrong call yata kayo.”

“Oh my bad.. I’m sorry nakalimutan ko yatang sabihin sayo ang pangalan ko kagabi. Ako ang may ari ng Mercedes Benz na nagitgit mo kagabi.”

Suminghap ako nang maalala ang binabae. Sinabi nga pala nya na tatawag sya sa akin. Hindi nya naibigay sa akin kagabi ang pangalan nya dahil nagmamadali sya.

Ricardo pala ang pangalan nya. Barakong barako, ah!


Hello sa mga new readers na hindi pa naka-follow sa akin. Pa-follow naman po. Thank you ♥️

Chapter 7

Grace POV

“AH oo, ikaw pala miss. Nandito na yung kotse mo. Hinatid ng empleyado mo.”

“I know.. Nag-report na sa akin ang empleyado ko kaya nga tinatawagan kita ngayon.”

Ngumisi ako sa tono ng boses nya. Malaki yun at malambot. Minsa nga ay lumiliit pa.

“Anyway, ilang araw ba magagawa yang kotse ko?”

Tumikhim ako. “Ah, hindi ko pa alam. Kokontakin pa lang namin ang gagawa.”

“Okay, give me an update kapag dumating na ang gagawa ng kotse ko.”

“Sure, walang problema.” Nakangiting sabi ko. Mukhang mabait naman ang binabae.

“And.. just make sure na hindi palpak ang pagkakagawa. Dahil kapag palpak yan, I will sue you.”

Kumamot ako sa pisngi sabay ngiwi. Kasasabi ko lang na mabait sya tapos biglang nagbanta. Kunsabagay, may karapatan naman sya.

“Naiintindihan ko, Miss..” Medyo nalilitong sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang tamang itatawag ko sa kanya.

“Miss Rika. Just call me Miss Rika.”

“Oh okay, Miss Rika. Don’t worry, sisiguraduhin kong hindi palpak ang paggawa sa kotse mo. Kasiraan ng shop namin at kami rin kung mangyayari yun.”

“That’s good to hear, Miss Bartolome. I’ll hang up now. Call me back later kapag may update ka na.”

“Yes, Miss Rika. Update kita later. Pasensya na ulit sa abala.”

Binaba ko na ang cellphone at pinatay.

“O, anong sabi nang may ari nitong kotse?” Tanong ni Tiyong Poldo.

Bumuntong hininga ako. “Nagtatanong po kung ilang araw magagawa ang kotse.”

“Aba’y malalaman natin yan mamaya pagdating nung kakilala kong gagawa.”

“Maayos po bang gumawa yun, tiyong? Nagbanta rin kasi yung may ari na idedemanda ako kapag palpak.”

“Oo naman! Mahusay yun si Engelbert. Teka, at kokontakin ko na.” Ani Tiyong Poldo at dinukot ang cellphone sa bulsa. Mayamaya ay kausap na nya ang taong tinutukoy nya.

Naghintay naman akong matapos ang pag uusap nila.

“Pupunta dito si Engelbert para tingnan itong kotse. Sya ang magsasabi kung kaya nya itong gawin.”

“Ganun po ba. Sige po, hintayin natin sya. Kung hindi nya kayang gawin to, maghahanap ulit tayo ng ibang gagawa.”

“Ganun na nga lang. Hindi namin kasi ito pwedeng ipagalaw sa kung kanino lang. Kailangan yung marunong talaga ang gagawa para hindi tayo magka-problema.”

Sumang ayon naman ako sa sinabi ni Tiyong Poldo.

Ngunit pagdating ng taong tinutukoy ni Tiyong Poldo ay agad din kaming tinapat na hindi nya ito kayang remedyuhan dahil may kalaliman ang gasgas. Hindi sapat ang kaalaman nya. Pero may iba daw na kayang gumawa nito na nagta-trabaho sa casa nila. Kaya naman napagdesisyunan ko na dalhin na lang sa casa nila ang kotse.

Buong araw ay ang kotse lang ang inaatupag ko. Kailangan ko kasing mahanapan agad ng gagawa ang kotse. Napadpad na nga kami sa casa na pinagtatrabahuan ni Engelbert. Malaking autor repair shop yun at nakita ko ang mamahaling mga sasakyan na inaasikaso ng mga mekaniko. Well equipped din ang casa.

Bumaba ako sa kotse at marahang sinarado ang pinto. Ako na ang nagdrive ng kotse patungo dito sa casa. Sumunod naman sa akin si Tiyong Poldo, Bok at si Engelbert. May lumabas na isang matangkad na lalaki na may malaking pangangatawan mula sa isang pintuan. Lumapit sya sa amin at ngumiti. Gwapo sya at medyo brusko ang dating.

“Magandang hapon, ho. Ano ho ang atin?” Magiliw na bati ng lalaki.

“Ah good afternoon din.” Ganting bati ko naman.

“Boss Pierre, naghahanap po sila ng gagawa nitong kotse. Eh dinala ko na po dito dahil hindi ko kayang remedyuhan ang gasgas. Ang lalim eh.” Sabi ni Engelbert.

Boss pala nya ang lalaki. Kunsabagay, sa kilos at dating pa lang ng lalaki ay boss na talaga.

“Ganun ba. Nasaan ba ang gasgas?” Tanong ng lalaki.

Pinakita ko naman ang gasgas ng kotse at kinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari.

“Tsk! Tsk! Ang lalim nga.” Turan ng lalaki.

“Kaya bang remedyuhan, boss?” Tanong ko.

Tumingin sya sa akin at ngumisi. “Kayang kaya naman. Kaya lang medyo pricey ang ganito.”

“Walang problema, boss. Handa naman akong magbayad.”

“Kung ganun ay kami na ang gagawa.”

“Ah, mga ilang araw ba magagawa itong kotse? Nagtatanong na kasi ang may ari.”

“One week. Sagad na yun.”

Tumango tango. Pumayag na rin ako sa isang linggo.

Nagbigay ako ng contact number pati pangalan at address sa secretary ng boss ng casa. Nagbigay din ako ng deposito. Ibibigay ko na lang ang kulang na bayad pag natapos na itong gawin.

.

.

Ricardo POV

IPINASOK ko na sa bumukas na malaking gate ang land rover ko. Tinahak ko ang drive way at hininto ang sasakyan sa may garahe. Bumaba ako ng sasakyan binuksan ang pinto sa backseat. Kinuha ko ang mga pasalubong ko para kay Lolo Ramon at Lola Constancia. Umakyat na ako sa steps at pumasok sa main door.

“Ay good morning po, Ser Ric. Nandito na po pala kayo.” Bati sa akin Gina. Ang isa sa mga kasambahay nila lola.

“Anong ser? Naka headband akong kulay pink, may liptint akong kulay pink, shorts ko kulay pink, pati tsinelas ko kulay pink. Tapos tatawagin mo kong ser? Nakakaloka ka, Gina.”

Kumamot naman sa ulo si Gina sabay ngiwi. “Eh pasensya na po, Ma’am Rika. Nalilito po kasi ako, eh.”

Inikot ko ang mata sabay tikwas ng mga daliri. “Kapag nag pa-sex change na ako di ka na malilito, Gina. Wait ka lang. Nasaan nga pala si lolo at lola?”

“Nasa lanai po.”

“Okayy.”

Iniwan ko na si Gina na kakamot kamot sa ulo at tumungo sa lanai. Naabutan ko nga doon si Lolo Ramon at Lola Constancia na nag tsa-tsaa.

“Hello my beloved lolo and lola!” Magiliw na bati ko.

Sabay naman silang lumingon sa akin. Si Lolo Ramon ay malapad ang ngiti ng makita ako. Pero si Lola Constancia ay napataas ang kilay habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nag slow mo turn naman ako sabay hawi ng maiksing buhok at pa-virgin pose.

“Am I pretty ba, grandmother dear?” Nakangiting tanong ko.

Ang suot ko lang naman ay ang pambahay kong sandong puti at pink na dolphin shorts na hindi man lang umabot sa kalahati ng makinis na hita ko.

“You’re not pretty, Ricardo. You’re handsome.” Ani Lola Constacia.

Nanghaba naman ang nguso ko. “Lola naman, ih.”

Parang batang pumadyak ako at lumapit sa  kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Pero kasabay din nun ay impit akong napatili ng kurutin nya ako sa tagiliran.

“Ang lantod lantod mo talagang bakla ka.” Ani Lola Constancia at binitiwan na ang tagiliran ko.

Napangiwi naman ako habang natatawa. Sanay na ako sa mga kurot nya. Ganito sya maglambing sa amin ni Kester. Cariño brutal ang peg.

Kay Lolo Ramon naman ako lumapit at humalik sa kanyang pisngi.

“Bagay sayo ang pink, apo.” Saad ni Lolo Ramon.

“Because pink is my favorite color, grandpa dear.”

“Parang pagkatao mo. Kulay pink din.” Natatawang dagdag pa ni lolo.

Kung si lola at si mommy ay medyo kontra sa pagkato ko, si lolo naman ay cool na cool. Suportado nya ako. Lalo na kapag naka-cross dress ako. Tuwang tuwa sya. Pakiramdam daw nya ay may apo syang dyosa.

“Ano ba yang mga dala mo?” Tanong ni Lola Constancia nang ilapag ko sa center table ang mga dala kong paper bag.

“Mga pasalubong ko ho sa inyo. Ito ’la, ang paborito nyong tea.” Sabi ko at nilabas ang isang box at inabot sa kanya.

Kinuha naman nya yun at napangiti na. “Naku, tamang tama itong dala mo dahil paubos na ang tea ko. Pero bakit isang box lang?”

“Isang dosenang box ho yan, ’la. Heto pa ho ang iba.” Nilabas ko na sa paper bag ang lahat ng box ng tea.

Mahilig sa organic tea si Lola Constancia. Ganun na yata kapag matanda na. Si Lolo Ramon naman ay mahilig sa pagkain gaya ng kutkutin, tinapay at dried fruits kaya yun naman ang mga pasalubong ko sa kanya.

Hindi ko sila binibigyan ng mga materyal na bagay dahil ayaw nila ng mga ganun. Mas gusto nila at na-a-appreciate ang pagkain.


Chapter 8

Ricardo POV

“NAKU, sobrang nakakatuwa talaga ang kambal. Pero sobrang kulit na rin. Palibhasa kasi ay mga naglalakad na.”

“Kasing kulit din nila si Kester nung bata pa. Lalo na si Coen. Ke-bilis na ring umakyat ng hagdan kaya kailangan laging may bantay.”

Mataman lang akong nakikinig kay Lolo Ramon at Lola Constancia na pinaguusapan ang kambal ni Kester at ni Crizel. Tuwang tuwa sila sa kambal. Well, nakakatuwa naman talaga sila dahil bukod sa overload sa cuteness ay mga bibo pa sila at mga chikarot na kahit na mga isang taong gulang pa lang sila. Nagmana nga talaga sila ng kakulitan sa ama nila.

Parang bigla ko ring namiss ang kambal. Madalaw nga sila one of these days.

“How about you, Ricardo?”

Nag angat ako ng mukha at tumingin kay lola. Nilunok ko muna ang pagkain bago nagsalita.

“What about me, ’la?”

“Kelan mo ko bibigyan ng apo sa tuhod?”

Muntik na akong mabilaukan sa tanong na yun ni lola.

“What kind of question is that, lola?”

“Anong ‘what kind of question is that?’ Oy Ricardo, tanggap ko ang kabaklaan mo. Pero bibigyan mo pa rin ako ng apo sa tuhod.”

Tumawa si Lolo Ramon. “Mukhang malabo na tayong magkaroon ng apo sa tuhod sa kanya dahil magpapa-sex change sya.”

Matalim ang tingin na nilingon ako ni Lola Constancia.

“Bago ka mag pa-sex change, bigyan mo muna ako ng apo sa tuhod.”

Tumaas ang kilay ko. “You mean ’la, payag na kayong mag pa-sex change ako?”

Bumuntong hininga sya. “Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto mo. Pero bago mo gawin yun bigyan mo muna ako ng apo sa tuhod.”

Napangiti na ako sa kilig dahil finally ay pumayag na sya.

“Yes ’la. Nasa plano ko na talaga yan. Mag u-undergo muna ako ng IVF saka ako magpapa-sex change.”

“Anong IVF?”

“In Vitro Fertilization, ’la.” Paliwanag ko.

“Alam ko. Pero ayoko sa ganyan. Gusto ko magkaroon ng apo sa tuhod sa natural na paraan.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Lola Constancia at parang gusto kong mag hesterikal. Agad kong dinampot ang baso kong may lamang tubig at uminom.

“Oh my gosh grandma dear. Di ko keri ang gusto nyo.”

Ngumisi si Lola Constancia. “Kering keri mo yan. Yan ang kondisyon ko bago ka mag pa-sex change. At gusto ko limang apo sa tuhod mula sayo.”

“What? Lima? Ang dami naman po, ’la. Mabubugbog ang matris ko nyan!” Histerikal na sabi ko.

Tumawa naman si Lolo Ramon na pinapanood lang kami ni lola.

“Anong matris? Gaga, wala kang matris. Bayag ang meron ka. At bago mo yan ipatanggal, pakinabangan mo muna. Apo sa tuhod in a natural way, Ricardo.” Ani Lola  Constancia sa seryoso ng mukha.

Wala na akong sinabi at napa-pout na lang. Pero ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano gagawin ang gusto ni lola. At habang iniisip ko yun ay para akong piniprito sa sarili kong mantika at para ring gustong humiwalay ng kaluluwa ko sa aking katawang lupa.

TAWA ng tawa si Crizel matapos kong ikwento sa kanya ang malaking problema ko. Pagkagaling sa opisina ay dito ako dumiretso sa bahay nila ni Kester para ilabas ang hinaing ko.

“So ano ang plano mo ngayon, bal?” Tanong ni Crizel.

“I don’t know, bal. Nalilito na ako. Nape-pressure ako. Hindi naman kasi ganun kadali ang gusto ni lola.” Sabi ko at dalawang daliring hinilot ang magkabilaang sentido.

“But that’s the only way para payagan ka ni Lola Constancia na mag pa-sex change. Kaya kung talagang desido ka mag pa-sex change, kailangan pilitin mong gawin ang bagay na yun, bal.” Nakangising turan ni Crizel. Tila natutuwa pa sya sa struggle ko ngayon.

Inikot ko ang mga mata. “My ghad.. I really don’t know what to do, bal. Ngayon pa lang parang maduduwal na ako.”

Muling tumawa si Crizel. “Isipin mo na lang bal ang kiffy na pinapangarap mo. Gawin mong motivation yun.”

“Pangarap ko ngang magkaroon ng kiffy, pero kailangan ko namang makibaka muna sa kiffy ng iba.” Nakangiwing sabi ko.

“Ganun talaga. At legit na kiffy ang kailangan mo munang suungin.”

Tinakpan ko ang dalawang tenga at impit na tumili habang umiiling iling.

“Tata!”

Tumigil ako sa pag e-emote nang makita ang kambal na tumatakbong palapit sa akin habang nakasunod sa kanila ang dalawang yaya. Para silang mga teddy bear na tumatalbog. May ngiti sa kanilang labi at bumubungisngis pa na lalong nagpacute sa kanila.

“Tata!” Sabay na sambit ng kambal paglapit sa akin.

Binuhat ko naman silang dalawa at inupo sa kandungan ko. Yun nga lang ay napangiwi ako sa bigat nila.

“Ugh! Ang bibigat nyo twins. Lalaki ang muscle ni tata eh.” Reklamo ko.

Pero bumungisngis lang ang kambal.

“Ano bang pinapakain nyo ni Kester dito sa kambal? Ang bibigat!” Turan ko.

“Bukod sa gatas ay kumakain na rin sila ng kanin. Paborito nila ang kanin na may sabaw.” Natatawang sabi ni Crizel.

“Kaya naman pala, eh!”

Nagsimula nang maglumikot ang kambal sa kandungan ko. Si Coen ay tumayo at pumwesto sa likuran ko sabay yakap sa leeg ko at lambitin. Napaigik naman ako dahil nasasakal ako sa matataba nyang braso. Dumagdag pa si Karizza na tumalon talon naman sa kandungan ko. Nagtitili naman ako dahil baka matalunan nya ang bertud ko. Hindi pa ito pwedeng mawala dahil may misyon pa ito.

Kung ako ay stress na sa makulit na kambal, ang ina naman nila ay tawa ng tawa na parang nag eenjoy pa sa struggle ko sa buhay.

Mayamaya pa ay dumating na rin si Kester at nag unahan ang kambal sa pagsalubong sa kanya. Doon lang ako nakawala sa kanila at nakahinga ng maluwag.

Sumabay na ako sa hapunan nila Kester at Crizel. At sa gitna ng hapag kainan ay kinuwento ko na rin sa pinsan ang problema ko ngayon. Tinawanan nya ako nung una at sa bandang huli ay nagpakita na rin ng suporta. At bilang supportive cousin ay ihahanap daw nya ako ng merlat na willing magpa-bembang at magpaanak sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa o maiimbyerna ako sa kanya. Pero si Crizel ay naimbyerna at nakatikim sya ng pinong kurot sa tagiliran.

Napahinto ako sa pagkain nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ng merlat na shiboli na nakagitgit sa kotse ko.

Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag.

“Hello.”

“Good evening, Miss Rika. I-u-upadate lang kita sa kotse mo.”

Napataas ang kilay ko sa malamyos na boses ng merlat na shiboli sa kabilang linya. Kahit lalaki sya kung magsalita ay malambot pa rin at malamyos ang boses nya.

“How’s my car? Makukuha ko na ba sa sunday?” Tanong ko.

“Ah oo. Sa sunday, sigurado nang makukuha mo.”

“Okay. But I want to make sure first kung maayos ang pagkakagawa nyan.” Siguristang sabi ko.

“Walang problema, Miss Rika. Kung gusto mo sasamahan kita sa casa para makita mo kung paano gawin ang kotse mo.”

“Alright. Tomorrow morning pupunta ako dyan para magpasama sayo sa casa.”

“Sure, sure. Nandito lang naman ako sa hardware.”

Matapos ang maiksi naming pag uusap ni shiboling merlat ay binaba ko na ang cellphone at pinatay.

“What happened to your car?” Usisa ni Kester.

“Hayun. Nadisgrasya. Nagitgit ng big bike. Ang lalim ng gasgas kaya pinagawa ko sa kanya.”

Tumango tango si Kester. “Mabuti naman at pumayag sya na sagutin ang pagpapaayos ng kotse mo.”

“Aba’y dapat lang, no. Sya ang naka-disgrasya nun. Kung hindi sya pumayag idedemanda ko sya. But she’s nice naman.” Sabi ko at tinuloy ang pagkain.

“Babae ang nakagitgit sa kotse mo?” Tanong naman ni Crizel.

“Yes, bal. Isang shiboli.”

“Oh..” Tanging nasambit na lang ni Crizel at nagtinginan sila ni Kester. Parehas may pilyong ngiti sa kanilang labi.

Hindi ko na lang yun binigyan ng pansin at nag focus na lang sa pagkain para makauwi na.

.

.

Grace POV

BINABA ko ang cellphone at pinatay na matapos ang pag uusap namin ni Miss Rika. Bukas ay sasamahan ko sya sa casa para makita ang kotse nya na ginagawa na ngayon. Sa linggo ay pwede na itong makuha. Kaunting tiis na lang ay matatapos na itong problema ko sa kotse. Medyo mabigat sa bulsa ang pagpapagawa pero ayos lang. Ang importante ay maayos na ito at matapos na.

Tinulungan ko na ang mga mekaniko na magsara ng shop. Ginabi na kami sa pagsara ngayon dahil maraming nagpagawang sasakyan at truck. Kahit pagod ang mga mekaniko ay ito naman ang gusto nila. Ang maraming nagpapagawa. Bukod kasi sa mininum na sahod nila plus ot ay may kinikita din sila sa mga tip sa kanila ng customer.

Ako naman ang tumao kasama ang dalawang kahera dahil hindi pumasok ngayon si Tiyong Poldo dahil may sakit.

“Boss G, mami tayo.” Aya sa akin ni Bok na nakapaglinis na ng katawan at nakabihis na. Sumakay na rin sya sa motor nya.

Ngumisi ako. “Libre mo?” Tanong ko at sumakay na rin sa vespa ko.

Ito ang ginagamit ko kapag nandito lang ako sa lugar namin. Bigbike naman ang gamit ko kapag pumupunta ako sa malayong lugar.

“Oo naman!” Nakangising tugon ni Bok.

“Mukhang paldo ka sa tip ngayon, ah.”

“Tatlong suki ko ba naman ang nagpagawa ngayon, eh.”

“O sige, tara.” Yaya ko na rin sa kanya at pinaandar ko na ang vespa.

Sumunod naman sya sa akin


Pa-follow naman po ng fb page ko. Lhia Maya

Chapter 9

Grace POV

“MORNING, Boss G.” Bati sa akin ng mga tauhan ko sa hardware shop pagbaba ko sa vespa ko.

Nakangiwing tinanguan ko naman sila habang tinatanggal ang half shell na helmet. Maaga pa lang pero sobrang init na. Kaliligo ko lang pero pinagpapawisan na ako.

Pumasok na ako sa shop at dumiretso na sa maliit na opisina ko. Maaga pa lang pero marami na kaming customer. Ganito naman palagi at nagpapasalamat ako.

Pumasok si Rosana at nilapag sa harapan ko ang mga resibo na titingnan ko ngayong araw.

“Kape, ma’am?” Alok nya.

Umiling naman ako. “Malamig na tubig na lang, Rosana.”

“Sige, ma’am.”

Lumabas na si Rosana. Ako naman ay hinarap na ang mga resibo. Resibo yun ng mga delivery at mga inutang na items.

Dinampot ko ang remote ng aircon at nilakasan ang buga nun dahil hindi ako kontento sa lamig.

Bumalik si Rosana dala na ang isang bote ng malamig na tubig. May nilapag din syang kapirasong papel na may mga pangalan ng mga tauhan.

“Ma’am, babale daw sila.”

Tinanguan ko lang si Rosana at dinampot ang kapirasong papel at inilalim yun sa mabigat na pigurin na palaka para hindi ko makalimutan. Nag excuse naman si Rosana at lumabas na. Tinuon ko na ang pansin sa mga resibo. Mamaya ay pupunta pa ako sa car shop. After lunch pa kasi papasok si Tiyong Poldo. Ang sabi ko nga ay magpahinga muna sya at kaya ko naman. Pero mapilit sya kaya hinayaan ko na.

“Ma’am, may bisita kayo sa labas.” Untag sa akin ni Rosana na nasa pinto.

Nagtaas ako ng tingin sa kanya at kumunot ang noo. “Sinong bisita?”

“Hindi ko kilala, ma’am eh. Pero sobrang gwapo po at ang puti. Matangkad pa at ang bango bango. Mukha ding mayaman na mayaman dahil naka range rover.” Ani Rosana na nangingislap pa ang mga mata.

Lalo namang kumunot ang noo ko. Wala akong kilalang tao na gaya ng dini-describe nya.

“Kaya lang ma’am, medyo tagilid. Ang lambot gumalaw eh. Pero ang gwapo talaga ma’am. Mestiso at ang tangos ng ilong.”

Ngumisi ako. “Ikaw talaga Rosana, kapag nakakakita ng gwapo nagiging madaldal ka.” Sabi ko at tumayo na para tingnan ang sinasabi nyang bisita ko.

“Eh ganun talaga ma’am. Mga gwapo talaga ang bumubuhay sa dugo ko.” Kinikilig pang sabi nya.

“Kapag narinig ka ni Bok, magseselos yun.” Nakangising sabi ko.

Pumuporma kasi sa kanya ang tropa ko na yun. Pero laging basted sa kanya.

“Nako! Manahimik sya. Wala syang karapatang magselos.” Ani Rosana.

Natawa na lang ako at lumabas na ng maliit kong opisina.

Nakita ko sa harap ng shop ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng pang opisina. Nakaputing long sleeve polo sya na neat na neat at naka-tuck in yun sa itim na trouser nya. Nakahalukipkip sya at naniningkit ang mga mata habang nakatanaw sa kalsada. Pinagtitinginan sya ng mga tauhan ko pati na rin ng mga customer. At tama nga ang sinabi ni Rosana. Gwapo ang matangkad na lalaki. Mestiso, malinis at maputi. Mukha ring kay bango bango. Marami na akong nakitang gwapong lalaki pero kakaiba ang dating nya sa akin. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita. Pero parang pamilyar sya. Baka nakita ko na dati at hindi ko na matandaan. 

Tumikhim ako nang makalapit na sa lalaki. “Good morning, sir. Sino po sila?”

Tumingin sa akin ang matangkad na lalaki. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Pamilyar sa akin ang mga mata nya.

Tumaas ang kilay nya at nagpout ang labi na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“It’s me. Ricardo De Asis.”

Umawang ang labi ko. Sya si Miss Rika? Di nga?

“Ah s-sorry! Hindi agad kita nakilala Miss.. err.. Sir.. Sorry, ano ba ang dapat kong itawag sayo?” Nalilitong tanong ko.

Hindi ko naman kasi alam kung ano ang dapat kong itawag sa kanya ngayon. Hindi sya nakabihis ng pambabae. Baka kapag tinawag ko syang sir ay ma-offend sya.

At di pa rin ako makapaniwala na sya si Miss Rika. Ibang iba ang hitsura nya noong una ko syang makita. Maganda sya at mestisang mestisa. Pero habang tinititigan ko sya ngayon ay lumilinaw na nga sa akin na iisa lang sila.

Umikot ang mata nya at bumuntong hininga. “Call me Ric na lang and I will call you Grace.”

Alanganin akong ngumiti. “Sige Ric.”

Mas okay nga yung Ric na lang. Pwedeng panlalaki at pwedeng pambabae.

“Anyway, can we go now? May mga appointment pa kasi ako.”

“Sure! Sandali lang.”

Tinawag ko si Rosana at pinakuha ko ang bodybag ko at helmet. Agad naman syang tumalima.

Sinukbit ko ang bag sa katawan at kinabit na rin sa ulo ang helmet. Sumakay na ako sa vespa ko. Si Ric naman ay nasa loob na ng mamahalin nyang sasakyan.

“Where’s your Ducati?”

Nilingon ko si Ric. Nakatingin sya sa akin at sa vespa ko.

“Ah, nasa bahay.” Sabi ko.

“Sira din?”

“Hindi. Ginagamit ko lang yun kapag malayo ang pupuntahan ko o kaya may long ride. Itong vespa ang gamit ko kapag sa malapit lang.”

Tumaas ang isang kilay nya. “Baka naman mabagal ang takbo nyan. I’m in a hurry, okay?”

Ngumisi ako. “Maliit lang ’to, pero mabilis tumakbo ’to.”

“Okay. Let’s go now.” Tinaas na nya ang bintana ng sasakyan.

Ako naman ay binuhay na ang makina ng vespa at minaniobra na palabas ng kalsada. Nakasunod naman sa akin si Ric.

Wala pang 20 minutes ang pag da-drive papunta sa casa. Maliban na lang kung may traffic. Pero medyo maluwag luwag naman ang trapik at hindi mabigat kaya wala pang 20 minutes ay nakarating na kami sa casa.

“I know this casa.” Sambit ni Ric nang makababa na sa sasakyan nya at iniikot ang tingin sa paligid.

“Talaga? Si Boss Pierre Rosca ang may ari nitong casa.” Sabi ko.

“I knew it.” Turan nya.

Gaya noong unang punta ko rito ay abalang  abala ang casa. Busy ang mga mekaniko sa kaharap nilang sasakyan. Iba’t ibang uri ng sasakyan ang naroon at iba’t ibang serbisyo din ang ginagawa.

Giniya ko si Ric kung saan naka-pwesto ang kotse nya. Tamang tama naman na ginagawa na yun ng mekaniko. Kung simpleng gasgas lang kasi yun ay madali lang remedyuhan kahit kami na ang gagawa. Kaya lang ay malalim talaga.

“Magaling naman silang gumawa at forte na nila yan kaya huwag kang mag alala. Hindi sila papalpak.” Sabi ko kay Ric.

“I know. Dahil perfectionist si Pierre.”

Kumunot ang noo ko. “Kilala mo si Pierre Rosca?”

“Yeah.. He is one of my cousin’s friends.”

“Oh I see..” Sambit ko.

“Magkano ba ang ginastos mo?” Tanong nya.

“Hindi ko pa alam ang kabuan ng presyo. Malalaman na lang pag natapos na. Pero nakapag down na ako.”

“Okay. Hindi na kita hahatian dahil kasalanan mo naman yan.”

Nginisihan ko sya. “Oo, alam ko. Huwag ka nang magsungit.”

Suminghap sya at tumaas ang dalawang kilay nya. “Hey! I’m not nagsusungit. Sinasabi ko lang na kasalanan mo.”

“Oo na nga. Kasalanan ko. Alam ko namang kasalanan ko kahit hindi ko sinasadya.” Paliwanag ko pa.

Nag pout naman sya. “But I’m not nagsusungit.”

Ngumisi ako. “Nagtataray lang.”

“Ganito lang ako magsalita minsan.”

“Okay. Sabi mo eh. So ano, okay ka na? Baka may gusto ka pang ibilin kay kuyang mekaniko.”

“Wala na. He knows what to do naman. Babalikan ko na lang ang kotse sa sunday.” Aniya.

“Walang problema. Sasamahan pa kita.” Sabi ko.

Nagpaalam na kami sa mekaniko at lumabas na ng service shop.

“Ricardo De Asis.” Tawag ni Pierre kay Ric. Kabababa lang nito sa sasakyan.

Ngumiwi naman si Ric. Halatang hindi komportable na tinatawag sa tunay nyang pangalan.

“Sabi na at ikaw ang nakita ko. What are you doing here at bakit magkasama kayo ni Miss Grace?” Tanong pa ni Pierre at nagkamay sila ni Ric.

“Binisita ko lang kotse ko.” Tugon ni Ric.

Kumunot naman ang noo ni Pierre. “May pinagawa kang kotse rito?”

Tumikhim ako. “Oo boss, sa kanya yung kotseng pinapagawa ko.”

Tumingin sya sa akin. “Oh really?”

Ngumiti naman ako at tumango.

Pero si Pierre ay namaywang habang pasalit salit ang tingin nya sa amin ni Ric. Gumuhit pa ang pilyong ngisi sa labi nya.

Ako naman ay medyo naguguluhan sa reaksyon nya.

“What’s the matter?” Kunot noong tanong ni Ric.

Mahinang tumawa si Pierre. “Nothing. Hindi ko lang ine-expect na makikita kita rito at kasama mo pa si Miss Grace.”

“Well, nagpasama talaga ako sa kanya rito para makita ang kotse ko. I just want to make sure na maayos ang pagkakagawa.”

“Don’t worry, Ric. Your car is in good hands.”

“I know. Lalo pa at nalaman kong dito sa casa mo dinala ni Grace ang kotse ko.”

“Nasabi na ba sayo na sa sunday mo na makukuha ang kotse mo?”

“Yeah.. na-inform na ako ni Grace. So paano, I have to go now. May mga appointments pa ako.” Wika ni Ric na sumilip pa sa relo nya.

“Sure. Mag iingat ka — Teka, sabay na ba kayong aalis ni Miss Grace?” Tanong ni Pierre at tumingin sa akin.

“Oo, boss. May trabaho din ako sa hardware ko.” Sagot ko.

“Oh I see. Mag iingat na lang kayong dalawa.”

Tumango naman ako at ngumiti.

Sabay na kaming lumapit ni Ric sa sasakyan nya at sa vespa ko. Magkatabi lang naman ang mga itong nakapark. Nauna nang sumakay si Ric. Ako naman ay kinakabit ang helmet ko.

“Mauna na ako sayo, Grace. See you on sunday.” Paalam ni Ric.

“Sure. Mag iingat ka.” Sabi ko naman.

Ngumiti sya at tinaas na ang salaming bintana.

At ewan ko naman kung bakit ako natigilan ng ilang sandali sa ngiti nyang yun. Para kasing.. mas lalo syang gumwapo.

Ipinilig ko ang ulo. Gwapo naman talaga sya at the same time, maganda. Sayang nga lang ang lahi.

Narinig kong bumusina ang sasakyan ni Ric. Lumingon naman ako at nangingising tinaas ang isang kamay. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan na papalabas na ng kalsada. Pinaandar ko na rin ang vespa ko at minaniobra na sa kabilang direksyon ng kalsada.


Hi guys! Can I ask a favor? Pa-follow naman po at add to library ng I GOT PREGNANT BY ALESSANDRO sa Dreame. Thank you po in advance ♥️

Chapter 10

Grace POV

“HI G.”

Nag angat ako ng tingin mula sa pagsusulat sa resibo. Nakita ko si Krizette. Bagong gupit sya na bob cut at kulay mais ang buhok nya. Bagay sa kanya ang new look nya. Nagmukha syang koreana.

“Ikaw pala, Krizette.” Nakangiting sabi ko at binigay na sa customer ang resibo.

“Long time no see, G.” Aniya at matamis na ngumiti.

“Oo nga. Long time no see. Parang lalo ka pang gumanda.” Sabi ko.

“Talaga? Bagay ba sa akin ang new hairstyle ko?” Tanong nya na nagniningning pa ang mga singkiting mata.

Ngumisi naman ako. “Oo, bagay na bagay sayo. Lalo ka pa ngang pumuti sa kulay ng buhok mo.”

“Actually, yan din ang sabi sa akin ng mga friends ko. Mabuti na lang at nakinig ako sa suggestion nila na blonde naman ang kulay ng buhok ko.”

Kumagat labi sya habang nangingiti at titig na titig sa akin.

Tumango tango naman ako at tumikhim.

“Kamusta na pala. Napadaan ka rito. May bibilhin ka ba?” Tanong ko.

Naging mahiyain ang ngiti nya at napakamot sa leeg. “Wala akong bibilhin. Ano.. dumaan talaga ako rito dahil gusto kitang makausap. You know.. medyo hindi naging maganda ang huli nating pagkikita tapos sa chat lang ako nag-sorry sayo. Gusto ko namang pormal na humingi ng sorry sayo sa personal.”

“Wala na yun, Krizette. Kinalimutan ko na yun. Alam ko namang lasing ka lang kaya nagawa mo ang bagay na yun.” Sabi ko.

May isang buwan na rin noong huli kaming magkita. Medyo hindi nga naging maganda ang huli naming pagkikita. Pero humingi naman sya ng sorry sa akin sa chat at naging okay naman kami.

“Uhm, pwede ba kitang yayain sandali mag snacks?”

“Snacks? Naku, medyo busy kasi..” Alanganing tugon ko sabay kamot sa ulo.

“Please G.. Actually, naglakas loob lang akong lumapit sayo dito para kausapin ka. Nahihiya pa rin kasi ako sa mga nagawa ko sayo. At para makabawi, gusto sana kitang i-treat.”

Mataman ko syang tiningnan. Mukha naman syang sincere.

“Ganun ba.. o sige. Walang problema.” Pagpayag ko na lang. Tamang tama na alas kwatro pasado na ng hapon at hindi pa ako nag me-meryenda.

Lumapad muli ang ngiti nya. “Yey! Thank you, G.”

“Sandali lang, ha. Kukunin ko lang yung bag ko.” Sabi ko at pumasok sa maliit kong opisina.

Binilinan ko si Rosana na aalis ako. Sya na ang bahala sa pagsasara ng hardware. Hanggang alas singko y medya lang kasi ng hapon bukas ang hardware namin.

Kinuha ko ang sumbrero ko at sinuot. Sa malapit lang naman yata kami kakain kaya hindi na ako naghelmet. Lumabas na ako at binalikan si Krizette na naghihintay sa akin.

“Nag-commute ka lang ba?” Tanong ko kay Krizette.

“Oo. Nag-tricycle lang ako. Tinatamad kasi akong mag drive ng motor ngayon.” Nakangusong sabi nya.

Tumango na lang ako. “Umangkas ka na lang sa akin.” Sabi ko at lumapit na sa vespa ko. Sumunod naman sya sa akin.

Sumampa na ako sa vespa ko at binalanse ito ng dalawang paa ko sabay paandar dito. Humawak naman sa balikat ko si Krizette para sumakay sa likuran ko. Inalalayan ko naman sya lalo pa at nakasuot lang sya ng short na maikli. Baka magasgasan ang mga hita nya.

“Thank you, G.” Malambing na turan nya at humawak na sa bewang ko.

Ngumiti at tumango ako.

“Saan pala tayo?” Tanong ko at bahagya syang nilingon sa likuran.

“Saan mo ba gustong kumain?” Balik tanong naman nya at nilapit pa ang mukha sa akin.

Pasimple ko namang iniwas ang mukha.

“Kahit saan. Hindi naman ako choosy, eh.” Sabi ko.

“Sa mall tayo. May bagong bukas na bake shop dun. Ang sarap ng kape nila at cake.” Aniya.

“Sige, dun tayo.” Sabi ko at minaniobra na ang vespa sa kalsada.

May malapit na malaking mall dito sa amin at wala pang ten minutes ang byahe doon.

Naramdaman kong halos nakayakap na ang dalawang braso ni Krizette sa bewang ko. Naramdaman ko rin ang dibdib nya na nakadikit na rin sa aking likod. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na pinagtuunan ng pansin yun. Baka ganito talaga sya humawak kapag nakaangkas sa motor.

.

.

Third POV

“SAAN pupunta si Boss G?” Tanong ni Bok kay Rosana habang nakasunod pa rin ang tingin nya sa vespa ng tropa. Nakaangkas dito si Krizette.

“Niyaya syang mag meryenda nung babaeng kasama nya.” Sagot ni Rosana.

Pumalatak si Bok. “Nako! Delikado si Boss G. Baka gayumahin sya ni Krizette.”  .

Kumunot naman ang noo ni Rosana. “At bakit naman gagayumahin nung babae si ma’am? Eh parehas silang babae.”

Tumingin sa paligid si Bok at nilapit ang mukha kay Rosana. “Ito sikreto lang natin, ha? Walang nakakaalam nito kundi ako lang at mga tropa naman ni Boss G.” Mahinang wika ni Bok.

“Ano ba yun?” Curious naman na tanong ni Rosana.

“Yung babaeng kasama ni Boss G, si Krizette. Kursunada sya.”

Suminghap si Rosana sa sinabi ni Bok. “Weh? Eh ang ganda nung babaeng yun saka sexy pa tapos ang kursunada si ma’am? Parang mali yata.”

“Oo nga. Di lang sya type ni Boss G. Ayaw yata ni Boss G ng masyadong liberated na babae.”

Kumamot sa ulo si Rosana. “Teka nga, medyo naguguluhan ako, eh. Tomboy ba talaga si Ma’am Grace?”

Ngumisi si Bok. “Ano ba sa tingin mo?”

“Uhm, parang.. kasi kung manamit si ma’am parang lalaki. Never ko pa nga syang nagsuot ng pambabaeng damit. Puro maluwag na t-shirt at loose pants lang ang lagi nyang suot. Tapos kung kumilos mas lalaki pa kesa sa tunay na lalaki.”

“‘What you see is what you get’ ika nga, Rosana. Saka sa aming mag to-tropa sya ang pinaka-lapitin ng chicks. Poganda eh.”

“Oo nga, pansin ko rin. Kunsabagay, kung naging lalaki si ma’am. Pogi talaga sya. Mas pogi sayo.”

Ngumisi si Bok. “Eh di inamin mo ring pogi ako?”

“Hindi no! Tse! Dyan ka na nga!” Sikmat ni Rosana sabay ismid at talikod.

“Huy Rosana! Saan ka pupunta? Bibili pa ako.” Kakamot kamot sa ulong tawag ni Bok kay Rosana.

“May gagawin pa ako.”

Lalo lang napakamot sa ulo si Bok. Hirap talaga syang makadiga kay Rosana.

.

.

Ricardo POV

“YES ’la, I’m here na sa mall. Papunta na ako sa sinasabi nyong bagong bukas na bake shop.. Okay.. Didiretso ako dyan.. Bye..” Binaba ko na ang cellphone at pinatay na.

Nakita ko na ang bakeshop na sinasabi ni grandmudra. Ito ang new favorite nyang bakeshop. Naglambing sya sa akin kanina bago ako lumabas ng opisina na dumaan muna ako dito para ibili sya ng blueberry cheesecake. Nabetan nya raw kasi ang lasa nun kaya nagpapabili ulit.

Pumasok ako sa loob ng bakeshop at binati ako ng isang staff. May kalakihan ang bakeshop at cozy ang atmosphere. May mangilan ngilan ding kumakain na ang iba ay halatang mag partners.

Lumapit ako sa counter at tiningnan ang mga naka display nilang cake at pastries. Mukha namang masasarap ang lahat.

“One blueberry cheesecake and one dozen creme brulee, please.” Sabi ko sa crew.

“Is that all, sir?” Nakangiting tanong ng crew habang titig na titig sa akin.

“Yes.” Nakangiti ring tugon ko.

Namula naman ang mukha nya at bahagya syan yumuko.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na bago sa akin ang mga ganung reaksyon ng mga kapwa ko merlatchi na may mga legit na kiffy.

“₱2560, sir.”

Binuksan ko ang hawak na wallet at dumukot ng tatlong libo sabay abot sa crew. Kinuha naman nya yun.

“Just wait a minute, sir.”

Humalukipkip ako habang naghihintay sa harapan ng counter. Patingin tingin ako sa iba pang naka-display na mga pastries. Meron din silang kape. Mahilig ako sa mga matatamis lalo na noong nag aaral pa ako. Pero binawasan ko na ang pagkain ng matatamis nung maging health conscious ako.

Ayokong magkadiabetes. Masisira ang kutis ko.

Napataas ang kilay ko nang makarinig ng matinis na tawa ng isang babae. Nilingon ko ang pinanggilangan nun. Tumuon ang mata ko sa dalawang babae na malapit sa glass wall. Maputi ang babaeng parang iniipit kung tumawa. Maiksi ang blonde na buhok. Nakasuot sya ng crop top at maiksing short kaya litaw ang mapuputing mga hita. Tumuon naman ang tingin ko sa kaharap din nitong babae na isang shiboli. Nakasuot sya ng itim na loose t-shirt at loose din na pants. Lalaking lalaki sya kung umupo. Nakabuka ang dalawang hita at nakatukod ang isang braso sa table habang kumakain ng cake. Nangingisi pa sya sa sinabi ng babaeng maiksi ang buhok. Pamilyar ang mga kilos nya sa akin pati na ang pananamit.

Natigilan ako at lalong napataas ang kilay ko.

‘Is that Grace?’

Naningkit ang mata ko at tinitigan ng maigi ang mukha ng shiboli. Eksakto namang nagtaas ito ng mukha at bahagyang pumaling.

Suminghap ako dahil tama ang hinala ko. Si Grace nga ang shiboli.

Umingos ako. So ganyang merlat pala ang type nya.

Humakbang ako palapit kay Grace at sa jowa nyang parang chipmunks kung tumawa


Chapter 11

Grace POV

NATATAWA ako sa mga kinukwento ni Krizette tungkol sa dati nyang trabaho at boss. Nag resign sya dahil nililigawan sya ng boss nyang may asawa.

“Kahit mapera sya di ko sya papatulan, no. Bukod sa di ko type ang mga gurang ay ayoko ring makasira ng pamilya. Galing na nga ako sa broken family dahil may ibang babae noon ang papa ko tapos magiging kabet pa ako. At sa ganda kong ’to, di ako pang kabet no.”

Tumango tango sa sinabi nya habang lumalantak ng cake.

“Pero makulit ang gurang na yun at desidido talaga na gawin akong kabet. Inaabangan na nya ako tuwing uwian para ihatid ako. Syempre, di ako pumapayag. Baka sa iba nya ako ihatid, no. Liberated man ako pero may pagpapahalaga naman ako sa sarili ko.”

“Tama yan, Krizette. Makakahanap ka pa ng ibang lalaki dyan. Yung binata at walang sabit. Saka syempre matino.” Nakangising sabi ko.

“Talaga? Sa tingin mo makakahanap pa ako ng matinong lalaki?”

“Oo naman!”

Ngumuso sya. “Pero ayoko ng basta matinong lalaki lang. Gusto ko gwapo din syempre.”

“Magkatatagpo ka rin ng gwapong lalaki na matino. Maganda ka at sexy, kaya di ka mahihirapan.” Pag a-assure ko sa kanya.

“Talaga? Maganda ako at sexy?”

“Oo.” Natatawang sabi ko sa kakulitan nya.

Bumungisngis naman sya at lalong nanliit ang singkiting mata. Mukha talaga syang korean o kaya chinese.

Masarap kausap at kakwentuhan si Krizette. Mabait sya, madaldal at kalog. Clingy din at malambing.

“How about you, G?”

“Hmm?” Nagtaas ako ng tingin sa kanya habang humihigop ng kape.

Matiim syang nakatingin sa akin habang nanunulis pa ang mamula mulang nguso.

“Ano naman ang type mong babae?”

Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin na type ko sa babae?”

“Yung type mong maging girlfriend.”

Muntik na akong masamid sa ininom kong kape. Mabuti na lang at nalunok ko na yun kaya napaubo na lang ako.

“Hello, Grace.”

Natigilan ako sa pag ubo at nagtaas ng tingin sa bumati sa akin. Namilog ang mata ko nang makita si Ric.

“Ric, ikaw pala.” Nakangising sabi ko. At ewan ko kung bakit parang may tuwa sa dibdib ko na makita sya ngayon.

Ngumiti sya sa akin.

Mas lalo talaga syang gumugwapo kapag nakangiti. Idagdag pa ang suot nyang pang opisina. Para syang may ari ng isang malaki at kilalang kumpanya.

“I didn’t expect to see you here.” Aniya.

“Ako rin. Nag aya kasing mag snacks dito ang kaibigan ko.” Turan ko at bumaling kay Krizette na biglang tumahimik.

Yun pala ay titig na titig sya kay Ric habang bahagya pang nakaawang ang labi.

Tumikhim naman ako at marahang tinapik ang kamay ni Krizette. Tila naman sya biglang natauhan at tumingin sa akin pero muli ding bumalik ang tingin kay Ric.

“Hi.” Malambing na bati nya at pa-cute pang ngumiti.

Muntik naman akong matawa ng maasim na ngumiti si Ric at tumikwas ang kilay.

“Hello.” Bati din ni Ric sabay halukipkip.

Napangiwi naman si Krizette. Mukhang naamoy na nya ang tunay na pagkatao ni Ric.

Tumikhim ako. “Ah Ric, kaibigan ko si Krizette. Krizette, si Ric.” Pagpapakilala ko sa dalawa.

Maarte namang nilahad ni Ric ang kamay. Nakangiwi pa ring tinanggap yun ni Krizette.

“So, she is your friend. I thought..” Ani Ric at saglit na natigilan. “Ah nevermind.”

Maasim sya muling ngumiti at tumingin kay Krizette.

Nagulat naman ako nang biglang nilapit ni Krizette ang upuan nya sa akin sabay yakap sa braso ko at ngiti ng matamis.

“Actually, super close friend kami ni G. Di ba  G?” Turan ni Krizette at sinandig pa ang pisngi sa balikat ko.

“Ah oo. Close friend kami ni Krizette.” Sabi ko na lang kahit hindi pa namin gaano kilala ni Krizette ang isa’t isa.

Tumaas ang kilay ni Ric at ngumiti. Yung ngiting pilit at paismid.

“Oh really? That’s nice.” Aniya at lumingon sa counter ng bake shop. “Anyway, I have to go. Nandyan na ang binili kong cake. Nice to meet you Krizette and see on sunday Grace.” Paalam nya at tumalikod na.

“Ingat!” Pahabol namang sabi ko habang sinusundan sya ng tingin.

Lalaking lalaki ang katawan nya maliban lang sa medyo malambot syang gumalaw.

Nang makalapit si Ric sa counter ay kinuha na nya ang mga binili nya at nag-thank you sa crew. Lumingon pa sya sa akin at kumaway. Tinaas ko naman ang kamay at tinanguan sya.

“Sayang.. super gwapo pa naman at mestiso. Kaya lang bekimon.” Turan ni Krizette na hindi pa bumibitaw sa pagkakayakap sa braso ko.

Tumawa ako. “Type mo no?”

Lumingon sya sa akin at ngumuso. “Sana.. Kaya lang bekimon. Di kami talo. Saka mukha syang mataray na bading.”

“Mukha lang, pero mabait yun si Ric.” Sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Krizette. “Parang close kayo, ah.”

“Hindi naman. Pero nagkakausap kami ng madalas dahil may atraso ako sa kanya.”

“Anong atraso mo sa kanya?” Usisa nya.

Kumamot ako sa likod ng ulo. “Nagasgasan ko ng bigbike yung mamahaling kotse nya. Ayun, pinagawa ko at hanggang ngayon ay nasa casa pa. Pero sa sunday okay na yun at makukuha na nya. Sasamahan ko sya.” Pagkukwento ko.

“Ah.. mukha ding mayaman yung si akla.” Ani Krizette.

“Oo naman. Mercedes Benz lang naman yung kotse nya at ang gamit nya ngayong sasakyan ay range rover.” Nakangising sabi ko.

Namilog ang mata nya. “Talaga? Ang yaman nga nya. Kaya lang sobrang sayang talaga. Bakit kasi naging bekimon pa sya.” May panghihinayang na wika pa ni Krizette.

“Wala namang masama sa pagiging bakla. Importante, mabuting tao at marunong makisama.” Saad ko pa.

“Tama ka naman. Gaya din sila ng mga tomboy. Wala ding masama sa kanila. Minsan nga mga gaya pa nila ang mabubuting tao at masarap kasama.”

Tumango tango ako sa sinabi ni Krizette. Pero biglang akong nailang sa klase ng tingin nya sa akin. Lalo ng lumagkit ang tingin nya sa akin. Nagtaasan tuloy ang mga balahibo ko sa batok.

.

.

Ricardo POV

PAGSAKAY ko sa sasakyan ay di ko naiwasang mapaikot ng mata sabay pakawala ng malalim na hininga. Nilapag ko ang box ang cake at pastry sa passenger seat. Bigla akong nakaramdam ng inis na hindi ko maintindihan. Naiirita ako sa friend daw ni Grace.

‘Friend, pero parang ahas kung lumingkis sa  kanya. Tse!’

Binuhay ko na ang makina ng kotse at umalis na sa lugar na yun. Medyo sumama ang mood ko at di ko ma-gets. Nakaharap ko lang kanina at nakausap ang dalawang merlat pero biglang sumama ang mood ko. Mangkukulam yata yung Krizette na yun at nabalis ako. Itong shiboli naman feel na feel ang paglingkis sa kanya ng malansang beelat.

Tse! Magsama sila. Jirita!

Tinulinan ko pa ng bahagya ang patakbo ng sasakyan sa gitna ng maluwang na kalsada..

Tamang scroll lang ako sa IG at heart sa mga post ng friends ko. Tapos ko nang i-check ang mga dm at nakapag reply na rin. Nakapag post na rin ako ng new pic ko. Balak ko ngang mag change ng profile pic pero wala naman akong mapiling pic na pwede kong ipalit. Of course lahat ng pic ko ay maganda at perfect kaya nga nalilito ko. At the end ay yung latest pic ko na lang sa fashion photo shoot ang pinalit kong profile. Pagkatapos ay balik scroll ako ulit.

Dito ako matutulog ngayong gabi sa bahay ni lolo at lola. May sarili akong room dito. Actually lahat naman kami ay may sariling room dito, si Kester at si mama. Once at week ay dito ako natutulog. Hindi nga lang pare-parehas ang araw. But sometimes kapag bored ako sa condo o kaya nalulungkot ay dito ako tumatakbo at maglalagi ng ilang araw. Bukod sa condo ay may sarili din kaming bahay ni mommy. Bahay yun ni daddy. Sometimes kapag gusto kong magsenti at namimiss sya ay doon naman ako maglalagi. Or kapag sobrang buryong ako ay uuwi ako sa New York at magwawalwal doon.

May nakita akong random pic ng bigbike. Biglang pumasok sa isip ko si Grace. Sakay sya ng bigbike nya noong una ko syang makita.

Tinype ko ang name ni Grace sa search bar. May ilang lumabas na mga profile na ka-name nya. Pero isang profile ang nakaagaw ng pansin ko. Yung profile na motorbike. Clinick ko yun at nag scroll ako. Ngiting sucess ako nang makita na ang mga picture ni Grace. In-stalk ko sya. Nasa mahigit 1k ang followers nya. Member sya ng isang motoclub. Base sa mga post nya ay mahilig talaga syang mag motor. May mga post sya na nag ra-ride sya sa iba’t ibang lugar. May mga video din sya kung saan dina-drive nya ang bigbike nya pero nakasuot naman sya ng full gear. Namangha pa ako ng malamang sumasali din sya ng race at nananalo pa sya ng trophy.

‘Infainess.. super cool sya.’

Tiningnan ko pa ang ibang mga post sa ibaba, kahit yung mga lumang post nya. May mga pic sya na kasama ang mga friends nya at meron ding solo. Pero isa sa napansin ko ay lalaki na talaga syang manamit kahit noon pa. Bagay naman sa kanya at cool syang tingnan.

Actually, maganda si Grace. Magkahalong kape at gatas ang kanyang kutis. Barbiehan ang fez nya. She has a small face, a pointed nose, perfectly shaped lips, and almond-shaped eyes. May katangkaran din sya. I think nasa 5’6 ang height nya. She can be a model if she wants. At ako ang hahawak sa kanya.

Nabuo sa isip ko na alukin na maging model si Grace kapag nagkita kami sa sunday. Baka sakali pumayag sya. Extra income din yun at baka sumikat pa sya.

Pinindot ko ang follow button bago ako nag exit sa IG. Pinatay ko ang cellphone at nilapag yun sa side table saka ako humiga sa kama. Nakaramdam na ako ng antok kaya pumikit na. At huling nasa isip ko ay si Grace bago ako tuluyang nilamon ng antok.


Chapter 12

Ricardo POV

“HAH!” Napabalikwas ako ng bangon sabay sapo sa dibdib na malakas ang kabog.

“What dafuck!? W-What kind of dream was that?” Bulalas ko sabay hawak sa dalawa kong pisngi. Nang makapa ko ang facemask ay tinanggal ko yun.

Hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko. Si.. Si Grace ang laman ng panaginip ko. Nakasakay daw ako sa bigbike nya at nakayakap sa bewang nya habang nakasandig ang pisngi sa kanyang likuran. Parehas kaming nakangiti habang banayad  nyang dina-drive ang bigbike nya. At hindi pa doon nagtatapos. Naglalakad kami sa tabi ng dagat habang magkahawak ang kamay na para ba kaming magkasintahan.

Impit akong tumili at pinilig pilig ang ulo. I can’t believe na napanaginipan ko ang shiboling yun. Sa dami ng pwede kong mapanaginipan, bakit sya pa. Pwede namang mga cute guy, pero si Grace talaga?

“Oh no no no..”

Pumikit ako ng mariin at pinilig pilig ang ulo. Pero ang dibdib ko ay para pa ring tinatambol ito.

Humugot ako ng malalim na hininga ng tatlong beses para pakalmahin ang sarili.

“It was just a coincidence Ric. Walang meaning yun. Sya kasi ang huling nasa isip mo bago ka natulog..” Pangungumbinsi ko sa sarili.

Oo, tama. Ganun nga. Nangyayari talaga yun. Kung sino ang huli mong iniisip ay sya ang mapapanaginipan mo.

Mayamaya ay kumalma na ang dibdib ko. Pero ang tibok ng puso ko ay bahagya pa ring mabilis ang pintig. 

Tiningnan ko ang oras ko sa wall clock at nakita kong mag a-alas singko na ng umaga. Inalis ko ang kumot at bumaba ng kama. Pumasok ako sa banyo at naghilamos sa sink.

Nag angat ako ng mukha at tumingin sa salamin.

Kelan ba ako huling nakipag relasyon? Tatlong taon na. Short term relationship lang yun dahil hindi kami nagtagal. Hindi kasi kami masyadong nag-click ng last boyfriend ko dahil masyado syang demanding sa time ko. Two months lang yata ang relasyon naman o wala pa. Isa pa sa dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay ay dahil pinipilit nyang may mangyari sa amin. Hindi pa ako handa sa ganung bagay. Actually sa lahat ng relasyon ko ay yun ang dahilan kung bakit kami nauuwi sa hiwalayan ng mga boyfriend ko. Hindi ko pa talaga kaya ang makipag sex sa ka-gender ko. Para bang may pumipigil sa akin. Parang may nagsasabing hindi pa yun ang right time.

Mabilis akong ma-attract sa mga cute guy dahil yun ang weakness ko pero di ibig sabihin ay ganun na ako karupok at bibigay agad. I’m not a horny gay. Mas nag e-enjoy ako kapag ang karelasyon ko ay masarap kausap. Kaso ang nangyayari sa mga past relationship ko ay sa una lang sila masarap kausap. Kalaunan ay mga demanding na akala mo ay si mommy.

Bumuntong hininga ako at humugot ng tissue sabay dampi sa basang mukha.

Sa ngayon ay wala pa akong balak na pumasok ulit sa isang relasyon. Wala akong time dahil bukod sa busy ako sa company ay iniisip ko pa ang gagawin ko kung paano mabibigyan ng apo si Lola Constancia para matupad na ang minimithi kong kiffy.

.

.

Grace POV

Sunday..

NAKAPAMEWANG ako habang sinisipat ng tingin ang kotse ni Ric na tapos nang gawin. Parang walang nangyari dito. Hindi na mababakas ang gasgas at parang magic na bumalik sa normal. Sulit ang binayad ko kahit medyo pricey.

“Ano, Ric? Okay na ba sayo?” Untag ko kay Ric na mataman ding tinitingnan ang kotse nya.

“Yes. As expected magaling talagang gumawa ang mga mekaniko ni Pierre.” Aniya.

Ngumisi ako. “So ano, quits na tayo?”

Tumingin sya sa akin at tumango sabay ngiti. “Thank you.”

“You’re welcome. At pasensya na ulit sa abala.”

“Wala na yun. Importante ay okay na ang kotse ko.”

Tumango ako at ngumiti sabay lahad ng kamay sa kanya. Tumaas naman ang kilay nya saglit at tiningnan ang kamay kong nakalahad bago nya yun tinanggap. Tila naman may kuryenteng dumaloy sa kamay ko paakyat sa braso at tumawid sa dibdib ko. Naging buhay na buhay ang tibok ng puso ko.

Tumikhim ako at binawi na ang kamay.

“Sino pala ang mag uuwi nitong kotse mo?” Tanong ko sa kanya.

Pwede namang ako ang mag-drive pero dala ko ngayon ang vespa ko at sya naman ay dala ang sasakyan nya.

“Yung driver ng lola ko. Parating na sya.”

Tumango tango ako. Oo nga pala mayaman sya. Marami syang mauutusan na mag drive ng kotse nya.

“Anyway, saan ka pala after this?” Tanong nya.

“Uuwi na.” Sagot ko.

“Uuwi na? Wala kang pasok sa hardware shop mo?”

“Sarado kami ng sunday.”

“Oh I see.. Ano naman ang gagawin mo sa inyo?”

“Wala. Magpapahinga lang siguro.”

“Can I invite you for lunch?”

Saglit akong natigilan. “Niyayaya mo akong mag lunch?”

“Yeah, it’s lunch time already. Don’t worry, my treat.”

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko naman kasi akalain na yayayain nya akong kumain. 

Tumikhim ako at sinilip ang oras sa suot na relo. Kulang kulang kinse minutos na nga lang ay oras na ng pananghalian.

“Sige, lunch tayo.” Pagpayag ko sa alok nya.

Naisip ko rin kasi na baka ito na ang huli naming pagkikita kaya pagbibigyan ko na. May panghihinayang at lungkot akong nararamdaman.

Hinintay muna naming dumating ang driver ng lola nya bago kami umalis. Ako ay sakay ng vespa ko at sya naman ng range rover nya. Sinabi nya sa akin kung saang restaurant kami kakain. Isa yung filipino restaurant.

Nakatingin lang ako kay Ric habang sinasabi nya sa waiter ang order nyang pagkain. Malumanay syang magsalita at pino pa kung kumilos. Tinalo pa nya ako.

Nakasuot sya ng baby pink na v-neck shirt at puting pants. Ang linis linis nyang tingnan at ang puti pa ng kutis nya. Kunsabagay, gay sya. Minsan ay mas maarte pa sila sa katawan kesa sa tunay na mga babae gaya ko.

“How about you, Grace?” Untag sa akin ni Ric pagkatapos nyang sabihin sa waiter ang order nya.

Tumikhim naman ako at muling tumingin sa menu na hawak. “Ah, dalawang cup ng rice sa akin. Kare kare saka ensaladang talong.” Sabi ko.

“Yun lang?” Tanong ni Ric sa akin.

“Saka tubig. Yung may yelo, ha. Para masarap inumin.” Dagdag ko pa.

Ngumiti naman ang waiter na parang natuwa pa sa akin.

Tumaas naman ang kilay ni Ric at tumingin sa waiter. “Dagdagan mo ang order nya.”

“Naku, hindi na Ric. Okay na sa akin yun.” Pigil ko sa kanya.

“No. Wala ka pang dessert. What do you like? Crema de leche, halo halo, fruit salad.. They have buko pandan too. Masarap yun, Grace. Ilang beses ko na yung natikman. Very creamy sya at hindi masyadong matamis.” Ani Ric.

“Sige, buko pandan na lang.” Sabi ko na lang dahil mukhang hindi sya papayag na hindi ako o-order ng dessert.

“Buko salad, make it two. Saka dagdagan mo na rin ng inihaw na pampano at pusit.”

“Yun lang po ba, sir?” Tanong ng waiter.

“Yes. Saka water na rin. Cold water, ha.”

“ Yes sir. Excuse me po.“ Anang waiter na tumingin pa sa akin at ngumiti.

Gumanti naman ako ng ngiti.

Napabaling ako kay Ric nang tumikhim sya. Parang may gusto syang sabihin sa akin.

Sumandal sya sa upuan at nag cross leg sabay halukipkip.

“How old are you, Grace?” Tanong nya.

“Twenty six.” Sagot ko.

“Twenty six? Ang bata mo pa pala.” Aniya.

Ngumisi ako. “Eh ikaw?”

“I’m thirty four.”

“Talaga? Hindi halata, ah. Akala ko nasa twenties ka lang. Ang bata mo tingnan eh.” Sabi ko naman.

Totoo naman yun na bata syang tingnan. Akala ko nga ay kasing edad ko lang sya.

Ngumiti naman sya. Ngiting tila natuwa sa sinabi ko. “Thank you.”

Napangiti na rin ako. Nakakahawa kasi ang ngiti nya. Parang may binubuhay yun na kung anong damdamin sa dibdib ko.


Short update po muna :)

Chapter 13

Grace POV

“YOU know what Grace, you can ba a model.”

Nag angat ako ng tingin kay Ric at ngumisi.

“Ako, pwedeng mag model? Parang imposible naman yan.” Sabi ko sabay dampot ng baso at inom ng tubig.

Tumaas ang kilay ni Ric. “Paano mo naman nasabing imposible?”

“Dahil hindi naman pang model ang hitsura ko.”

“What? At sino naman ang may sabi nyan.”

“Ako.”

“Don’t belittle yourself, Grace.”

Mahina akong tumawa. “Hindi ko minamaliit ang sarili ko. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Well.. as a professional stylist and fashion designer, may potential kang maging model. Maganda ka at matangkad. If you’re interested, madali lang kitang maipapasok sa modeling industry. Basta ako ang manager mo.”

May tuwa akong nararamdaman sa puso ko dahil sa sinabi nya kaya napangiti ako.

“Thanks for the compliment. Pero hindi ako interesado. Kuntento na ako at masaya sa ginagawa ko ngayon. Isa pa ay busy din ako sa hardware at sa auto shop.”

“At sa bigbike mo.” Dagdag pa nya.

“Exactly.” Sabi ko naman.

Nagkibit balikat sya at eleganteng sumubo ng pagkain. Kung ako kain construction, sya naman ay parang disney princess kung kumain.

“Ikaw ang bahala. But if you change your mind, sabihan mo lang ako.”

Ngumisi ako at tumango tango lang.

“Speaking of bigbike, hindi ka ba natatakot sumakay sa bigbike mo. Ang bilis bilis mo pang mag drive.”

“Hindi naman. Sanay na ako mag drive ng motor. Halos kalahati na ng buhay ko nag da-drive na ako ng motor. Isa pa responsable naman ako sa kalsada.”

“Responsable ha.. kaya mo pala ako ginitgit.”

Ngumisi ako sa kanya. “Correction, nagitgit at hindi ginitgit. Magkaiba yun.”

“Oo na. Pero hindi ka pa rin nag ingat.”

Kumamot ako sa pisngi. “Pasensyan na. Nagmamadali kasi ako nung gabing yun dahil may sakit yung lola ko.”

“Wala na yun. Basta mag iingat ka na lang sa susunod.”

“Oo, salamat.” Nangingiting sabi ko.

Ewan ko kung ano itong nararamdaman ko sa dibdib ko. Parang ang saya saya ko ng mga sandaling ito na kasama ko sya. Masarap syang kausap. May pagka mataray na medyo sweet.

Napansin ko naman na natigilan si Ric na parang biglang may naalala. Mayamaya ay umiling iling sya.

Kumunot naman ang noo ko. “Ayos ka lang, Ric?” Tanong ko.

“Ha?” Tumingin sya sa akin.

“Sabi ko kung ayos ka lang. Bigla kang natigilan eh.”

“Y-Yes of course! I’m okay.” Aniya sabay subo sa kutsara nya.

Hinayaan ko na lang sya at hindi na nag usisa pa dahil baka masabihan pa nya akong feeling close. May pagka-mataray pa naman sya.

Pagkuha namin ng bill ay nag alok ako ng hati kami. Pero giniit nya na sya ang magbabayad lahat dahil treat nya yun sa akin. Hindi na ako nagpumilit.

“Salamat sa treat, Ric.” Sabi ko paglabas namin ng restaurant.

“You’re welcome.”

“So pa’no.. kitakits na lang. O magkikita pa ba tayo. Tapos na atraso ko sayo eh.” Natatawang turan ko sabay kamot sa ulo.

Tumaas naman ang kilay nya sabay ngiti at lahad ng kamay sa akin. Tiningnan ko naman yun.

“I wanna be your friend, Grace.” Aniya.

Ngumisi naman ako at tinanggap ang kamay nya. “Sure. Tropa na kita.”

Binitawan ko ang kamay nya at tinaas ang kamao para makipag fist bump sa kanya. Alanganin naman ang ngiting tinaas nya ang kamao at dinikit sa kamao ko.

“Why fist bump?” Tanong nya.

“Ganun kami ng mga tropa ko.”

“Oh okay, that’s cool.” Aniya.

“O pa’no, una na ko, Ric.”

“Uwing uwi ka naman.”

Tumawa ako. “May gagawin pa kasi ako sa bahay. Maglalaba pa ako bago magpahinga.”

“Okay.. kita na lang tayo some other time.”

“Sure. Bye, Ric.” Paalam ko at lumapit na sa vespa ko. Sinuot ko ang helmet at sumakay na.

Si Ric naman ay sumakay na rin sa sasakyan nya. Binusihan ko sya. Gumanti naman sya ng busina. Tumango ako sa kanya at nilisan ko na ang lugar. May ngiti sa labi ko habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalsada.

.

.

Ricardo POV

NAG ANGAT ako ng tingin nang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Kester. Tinaasan ko sya ng kilay.

“Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?” Pagtataray ko sa kanya at sinara ang folder na naglalaman ng papeles na pinirmahan ko.

“Hey, don’t talk to your boss like that. Kulang ka yata sa training.” Aniya at umupo sa visitor’s chair sa harap ng table ko.

“Boss ka dyan. Bosabos kamo. What do you want ba?”

I know na may kailangan sya sa akin. Dahil kung wala syang kailangan at kung tungkol sa trabaho lang ay ang secretary nya ang papupuntahin nya rito.

“Where were you last sunday?” Usisa nya.

“Sa bahay nila lola at lolo.”

“Hindi kita nakita doon. Hindi ka nga namin nakasalo sa lunch, eh. Ang sabi ni lola umalis ka raw.”

“Uh yeah, may pinuntahan nga ako. Bakit mo ba tinatanong?”

“Well, nakita ka lang naman ni Luigi sa Pepito’s Grill na may ka-date.” Aniya at nilapag sa table ko ang cellphone nya na may nakabalandrang picture.

Taas ang kilay na dinampot ko ang cellphone at tiningnan ang picture. Picture namin yun ni Grace nung kumain kami sa Pepito’s Grill nung sunday.

“At sinong talinpandas ang kumuha ng picture na ’to? Hindi marunong, ha. Ang pangit ng anggulo ko.”

Hinablot sa akin ni Kester ang cellphone. “Si Luigi ang kumuha nyan. Napadaan sya doon dahil kinuha nya ang in-order na pagkain ng asawa nya. Then nakita ka nga nya na may ka-date. Hindi ka na araw nya inistorbo dahil mukhang seryoso ko sa date mo. Congrats! Nagbibinata ka na.” Nakangising wika nya.

Inikutan ko sya ng mata. So nakita pala kami ni Luigi nung sunday. Malamang hindi lang si Kester ang sinabihan nya about sa amin ni Grace kundi pati na ang ibang kaibigan nila. Kaibigan ko rin naman sila pero minsan ay parang gusto ko silang itakwil.

“She’s not my date. She’s my new friend. Hindi ako nakikipag date sa isang merlat na may legit na beelat. You know that.”

Nagkibit balikat sya. “Anong malay ko kung nagbago ka na ng gusto. Or.. baka sya ang napupusuan mong anakan.”

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa sinabi ni Kester.

“O-Of course not! Grace is my new friend.”

“So, Grace pala ang name ng aanakan mo –  ouch!”

Hindi nya natuloy ang sasabihin ng sabunutan ko sya. Tumawa naman sya.

“Hindi nga sabi eh!” Asik ko na sa kanya.

“Eh di hindi. Pero ano na bang balita sa plano mong magkaanak?”

“Wala pa.”

Nakalimutan ko saglit ang tungkol sa bagay na yun. Naalala ko lang bigla nang banggitin ni Kester. Wala pa akong solidong plano dahil hindi ko naman alam kung saan ako mag uumpisa. Iniisip ko pa nga lang na makikipag sex na ako sa babae ay parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Para na akong maloloka.

“Need help?”

“Ano? Ipapahiram mo sa akin ang isa sa mga exes mo? No way! Nilawayan mo na yun eh. Saka susumbong kita kay bal.”

Ngumisi sya. “Gago. May kilala ako na kayang solusyunan ang problema mo.”

Inikot ko ang mata. “Di na kailangan. Ako ang hahanap ng paraan.”

“Okay. Pero pwede na yung Grace.” Aniya na may nakakalokong ngisi sa labi.

Sinamaan ko sya ng tingin. “Leave her alone.”

Lalo lang syang napangisi. Tumayo na sya at namulsa.

“If you need help. Sabihin mo lang sa akin.”

Inikutan ko sya ng mata. “I don’t need your help.”

“Kakailanganin mo rin ang tulong ko. Maniwala ka.” Ngingisi ngising sabi nya at tumalikod na.

Napailing iling na lang ako nang makalabas na ng opisina si Kester. Tinuloy ko na ang ginagawa.

Pero mayamaya ay natigilan ako nang sumagi sa isip ko si Grace at ang sinabi ni Kester. May gumapang na init sa mukha ko na hindi ko maintindihan. Hinawakan ko ang dalawalang pisngi at umiling iling.

“No. It’s kadiri. Di kami talo ng shiboling yun.”


Chapter 14

Grace POV

ABALA ako sa pag i-scroll sa IG habang bukas ang tv sa sala. Ini-stalk ko ang mga post ni Ric. Na-supresa nga ako nang makitang finollow nya ako. Syempre finollow back ko din sya at heto nga ini-stalk sya. Marami syang followers. Almost 100k. At karaniwan sa mga post nya ay about sa mga fashion show na dinadaluhan nya. May mga local at mga international. Meron pa syang mga picture kasama ang mga kilalang hollywood celebrities, models, fashion icons at kung sino sino pang mga kilala sa alta sosyedad. Hindi naman nakakapagtaka dahil mayaman sya at nabibilang sa mataas na antas sa lipunan.

Isa isa kong tiningnan ang mga picture nya na solo. May picture sya na bihis panlalaki at meron ding naka-cross dress. Maganda sya kapag nakabihis pambabae at may make up. Mestisahin at mukha ding celebrity. At kapag nakabihis panlalaki naman ay gwapo talaga.

Napahinto ako sa isang selfie picture nya na pinost pa nya last year. Bare face lang sya at litaw na litaw ang natural na kagwapuhan. Malalalim ang kanyang mga mata na kulay kape at may mahahabang pilik na mas mahaba pa yata sa pilik ko. Matangos din ang kanyang ilong na perpekto ang hugis at ang labi nyang nakapout na mamula mula.

Kinagat ko ang sariling labi habang nakatitig sa picture ni Ric.

Marami na akong nakita at nakasalamuhang mga gwapong lalaki. Na-a-attract ako sa kanila pero mabilis ding mawala ang atraksyon na yun. Pero kay Ric ay tila ba lalo pa akong na-a-attract sa kanya. Lalo na noong tinreat nya ako ng lunch. Nagkausap kami ng matagal. Nagustuhan ko ang personality nya. Mukha  lang syang maarte pero may sense syang kausap. Masarap syang kausap. Parang gusto ko syang mas makilala pa.

Napapitlag ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Napabalikwas ako nang bangon at napaupo nang makitang si Ric ang tumatawag.

Tumikhim muna ako bago yun sinagot. “Hello Ric.”

“Hi Grace..”

Napakagat labi ako nang marinig ang malambot nyang boses. Kasabay din nun ang pagpintig ng malakas ng puso ko.

“Napatawag ka, Ric. May problema ba?” Tanong ko.

Dinampot ko ang remote ng tv at hininaan ang volume.

“Bakit? Kapag may problema ka lang ba pwedeng tawagan?”

Napangisi ako. Na-i-imagine ko kasi na nakapout sya ngayon at umiikot pa ang mga mata.

“Hindi naman. Medyo nagulat lang ako na bigla kang napatawag.”

“What are you doing ba..”

“Nanonood ng tv.” Sagot ko.

May naririnig akong ingay sa background nya. May kumakanta at may nagsasalitang bartender. Mukhang nasa bar sya.

“I’m at the bar right now..”

“Oo nga. Narinig ko yung bartender eh.”

“Can you come here? Wala akong kasama, eh. Na-bo-bored ako..”

Kumamot ako sa batok. Parang alanganing oras na ang pagyayaya nya. Alas dies na kasi ng gabi.

“Nasaan ang mga kaibigan mo?”

“Hindi ko sila niyaya dahil umay na ako sa mga fez nila. Gusto ko naman ng bagong fez ang nasa-sightsung ko.. Hindi ka ba pwede tonight? Sad naman..”

“Ah hindi! Ano.. punta ako. Saang bar ba yan?” Agad kong sabi.

Pero napangiwi ako. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.

“Really? Pupuntahan mo ko rito?” Natonohan ko ang tuwa sa boses nya.

Kaya naman wala ng dahilan para bawiin ko ang sinabi. Ayokong ma-disappoint sya.

“Oo nga. Pupunta ako. Anong bar ba yan?”

Tumayo na ako at pinatay na ang tv. Sinabi naman ni Ric ang pangalan ng bar.

“I’ll wait for you here, okay? Drive safely.”

“Okay. Magbibihis lang ako.”

Binaba ko na ang cellphone at pinatay.

Umakyat ako sa kwarto ko at mabilis na nagbihis. Loose pants at white loose t-shirt lang naman ang sinuot ko at pinatungan ko lang yun ng varsity jacket. Sinuot ko na ang puting cap ko at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko ang susi ng ducati ko sa hook pati na helmet. Bigbike ang gagamitin ko para mabilis akong makarating sa bar kung nasaan si Ric.

Paglabas ko ng maliit na gate ay naabutan ko pa sa labas ng bahay nila ang pinsan kong si Jopet na ang ce-cellphone.

“Saan punta, tol? Gabi na ah.” Tanong nya.

“Dyan lang. Kikitain ko lang yung isa kong kaibigan.” Sabi ko.

“Mag iingat ka.”

Tumango ako at nag fist bump kaming dalawa. Binaba ko na ang shield at pinasibad ang bigbike.

Wala pang 20 minutes ay nakarating na ako sa isang high end bar sa BGC kung nasaan si Ric. Marami nang nakapark na sasakyan sa parking lot. In-assist naman ako ng isang bouncer na nakabantay sa entrance kung saan magpa-park. Nakita ko pa ang pamilyar na kotse ni Ric. Ang kanyang Mercedes na aksidenteng nagasgasan ko.

Paglapit sa entrance ay hiningian ako ng ID ng bouncer. Agad naman akong nagbigay. Nang masuri nila yun ay pinapasok na nila ako.

Sumalubong sa akin ang malamyos na boses ng isang lalaki na kumakanta sa maliit na stage. Marami ng tao sa loob ng bar pero hindi naman crowded. Halata ring may mga sinasabi sa buhay ang mga customer. May nakikita pa nga akong ilang celebrity at kilalang influencer.

Nagpalinga linga ako at hinanap si Ric. Nakita ko naman sya na nakaupo sa bar stool chair sa may counter. May hawak syang baso na may lamang alak at sinimsim nya yun.

Inayos ko ang suot na cap at lumapit na sa kanya.

“Ric.” Untag ko sa kanya.

Lumingon naman sya sa akin at namilog ang mata nang makita ako. “Nandito ka na agad? Ang bilis mo naman!”

Ngumisi ako. “Yung bigbike ko ang ginamit ko kaya mabilis talaga ako.” Sabi ko.

Nagpout naman sya at lumambot ang bukas ng mukha. “Aw.. you really came here para samahan ako.”

“Syempre, friends tayo di ba?”

Ngumiti naman sya. “Have a seat na. Nireserved ko talaga yang upuan na yan para sayo. Di ko yan pinaupuan sa iba.” Aniya at tinapik ang katabing bar stool.

Umupo naman ako doon.

“Order ka na ng drinks. Anything you want. My treat.” Turan nya.

“Talaga?”

“Oo nga.”

Ngumisi ako. “Pangalawang treat mo na sa akin to, ah.”

“Naturalmente ako ang nag aya sayo dito. Kaya go lang, orderin mo ang kahit na anong gusto mong drinks.”

Tinawag na nya ang bartender para ibigay ang alak na gusto ko. Hindi naman ito ang first time na uminom ako sa bar kaya may alam din ako sa mga alak na siniserve nila. Sinabi ko sa bartender ang alak na gusto ko.

“Bakit ka pala umiinom ng mag isa dito?” Tanong ko kay Ric habang sinisimsim ko ang martini. Cocktail drinks lang ang inorder ko para hindi masyadong nakakalasing.

Nagkibit balikat si Ric. “I just want to be alone sana. Kaya lang na-bored agad ako. Nag isip ako kung sino sa mga friends ko ang aayain ko. Then bigla kitang naalala. As my new friendship ikaw agad ang tinawagan ko.”

“Naks! Parang ang labas ako ngayon ang favorite friendship mo ah.” Biro ko.

Tumaas ang kilay nya. “Ayaw mo ba?”

“Syempre gusto ko. Lalo pa at lagi mo kong nililibre. Ang sarap palang magkaroon ng friendship na mayaman.”

Tumawa sya. “I like you, Grace.”

Umawang ang labi ko sa sinabi nya. “Y-You like me?”

“Yes. I like you as my new friendship. Ikaw na ang favorite friendship ko ngayon.”

“Ah..” Turan ko.

Friendship pala ang ibig nyang sabihin Medyo kinabahan ako dun.

Kung ano ano lang ang pinag usapan namin ni Ric. Tungkol sa buhay naming dalawa. Shini-share nya sa akin ang talambuhay nya. Pinanganak na talaga syang mayaman. Galing din sa mayamang pamilya ang daddy at mommy nya. Nag iisa lang syang anak. Ang daddy nya ay namatay noong highschool pa lang sya. Hindi sya dito sa pilipinas nakapagtapos ng college dahil sumunod sya sa mommy nya sa New York at doon na sya nagtapos. Isa syang fashion designer at stylist sa New York. Kaya pala ganun ang mga post nya sa IG.

Ako naman ang nagkwento tungkol sa buhay ko. All ears naman syang nakikinig at nakikita ko sa mukha nya na interesado talaga syang malaman ang tungkol sa akin.

“Aww.. I’m sorry to hear that, Grace. Ako nga nalulungkot pa rin hanggang ngayon na wala na si daddy. Ikaw pa kaya na both parents mo ang wala na.”

“Sobrang malungkot talaga minsan lalo na kapag naaalala ko sila. Pero may pamilya pa naman ako. Nandyan ang tiyuhin at tiyahin ko na parang mga magulang ko na rin at mga pinsan ko na parang mga kapatid ko na rin. Kaya minsan nakakalimutan ko rin ang lungkot.”

“Mag pagkakaparehas pala tayo kaya ang bilis nating mag click. Let’s cheer to that, Grace.” Tinaas nya ang hawak na baso.

Tinaas ko rin ang akin at piningki sa baso nya at sabay kaming uminom. Pagkatapos ay sabay din kaming tumawa at nag pa-refill pa sa bartender.

Pagpatak ng alas onse y medya ay napagpasyahan na namin ni Ric na umuwi na. May pasok pa kasi sya sa office nya at ako naman ay may pasok din sa hardware.

“Salamat ulit sa treat, Ric.” Sabi ko.

“You’re welcome. And thanks for coming, Grace.”

“Next time ako naman ang mag ti-treat sayo.”

“Sure. Aasahan ko yan.”

Tumawa ako at tumango sa kanya.

Nag hiwalay na kami ni Ric. Sya ay tinungo na ang kotse nya at ako naman ang ducati ko. Sumakay na ako at sinuot ang helmet. Pinaandar ko ang bigbike ko at inatras ito palabas ng parking lot. Kasabayan ko naman si Ric na binusinahan pa ako. Gumanti din ako ng busina sa kanya.

Ngunit hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa parking lot ng meron humahagibis na sasakyan ang pumasok at nasalpok nito ang unahang kotse ni Ric.

“Ric!” Bulalas ko at agad kong ginilid ang ducati. Hinubad ko ang helmet at mabilis akong bumaba. Patakbo akong lumapit kay Ric.

“Ric!” Nag aalalang kinatok ko ang bintana ng driver seat.

Bumukas naman ang pinto nun at bumaba si Ric.

“Ayos ka lang?” Agad kong tanong.

“Yes I’m fine. But..” Aniya at tiningnan ang unahan ng kotse.

Napamura sya nang makitang crack ang ilaw ng kotse.

“Shuntanginis naman! Ngayon ko na nga lang ulit ginamit ang kotse ko nadisgrasya na naman!” Inis na turan nya at namaywang.

Bumukas naman ang pinto ng driver seat ng sasakyan na bumangga sa kotse ni Ric. Bumaba ang isang lalaki na maangas ang bukas ng mukha at tindig. Lumapit sya sa unahan ng sasakyan nya at nakitang may yupi ang ibaba nun. Malutong syang nagmura at galit na tumingin kay Ric sabay lapit 

“Hoy! Hindi ka ba marunong mag drive? Tingnan mo ang ginawa mo sa sasakyan ko?” Sigang turan ng lalaki.

“Ako pa talaga ang hindi marunong mag drive? Oy mister! Ikaw ang kaskaserong mag drive. Dapat nagmemenor ka dahil papasok ka ng parking lot.” Pagtataray ni Ric.

“Sinasabi mo bang ako ang mali?” Tila lalo pang nagalit ang lalaki.

“Oo! Ikaw ang mali. Kamoteng driver ka!” Di papatalong sabi naman ni Ric.

Parehas nang mainit ang ulo nila. Kinabahan naman ako para kay Ric dahil mukhang manguumbag ang sigang lalaki. Bahagya kong hinarang ang katawan sa kanya.

Ngumisi ang lalaki at nakakalokong tiningnan si Ric mula ulo hanggang paa. “Ikaw naman bakla! Kaya naman pala ang lamya lamya mong mag drive dahil bakla ka. Tingnan mo! Dahil sa kalamyaan mong magdrive bakla ka, nabangga mo ang sasakyan ko.”

Suminghap si Ric at lalong namula ang mukha sa inis.

Hindi ko naman napigilan ang hindi sumabat. “Brad, wala namang insultuhan. Pag usapan na lang natin ng maayos ’to. Kalasanan mo naman dahil hindi ka nag memenor.”

Ako naman ang binalingan ng lalaki at tiningnan din mula ulo hanggang paa sabay ngisi at iling iling.

“Hindi ako nang iinsulto. Sinasabi ko lang ang totoo. At anong ako ang may kasalanan? Yang baklang kasama mo ang may kasalanan. Tatanga tangang mag drive.”

“Dafuck!? Ako pa talaga ang tanga? Hiyang hiya naman ako sa kabobohan mong kamote ka!”

“Hindi ako bobo! Ikaw ang tanga! Bakla!”

Hinawakan ko si Ric dahil naglalapit na sila ng lalaki habang nagmumurahan at nagpapalitan ng maaanghang na salita. May lumapit na ring mga bouncer para umawat pero tila lalo lang uminit ang tensyon.

“Kaya nagkakandaletse letse ang pinas dahil sa inyong mga bakla at tomboy. Mga salot kayo sa lipunan!” Sabi pa ng lalaki na pati ako ay dinuro na ikinasinghap ko.

“Teka, ba’t nasali ako?” Maang na tanong ko.

“Dahil kupal yang lalaking yan, Grace. Nakita mo naman, parang grade one makipag argumento. Bobo!” Di Papatalong sabi ni Ric.

“Ah! Bobo pala ha!”

Namilog ang mata ko nang biglang sapakin ng lalaki si Ric na ikinatili at ikinaatras nito.

“Ric!” Bulalas ko at nilapitan sya.

Hawak hawak nya ang kaliwang pisngi. May nakita akong sumungaw na maliit na dugo sa gilid ng labi nya.

“Ouch..” Aniya na halatang nasaktan.

“O ano ,ha? Sinong bobo ngayon, bakla? Ano lumaban ka! Puro ka pala satsat eh. Yan ang napapala ng baklang kagaya mo.” Maangas na sabi pa ng lalaki.

Tumiim bagang ako at nilingon ang lalaki na hinaharangan na ng bouncer para hindi makalapit kay Ric. May nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

Binitawan ko si Ric at kuyom ang kamaong nilapitan ang lalaki at inundayan sya ng malakas na suntok sa ilong sabay sipa sa kanya. Tumimbuwang sya sa semento. Agad naman akong inawat ng mga bouncer.


Sorry po now lang nakapag update. Nakatulog kagabi dahil sa citirizine 😅

Chapter 15

Grace POV

“CHIEF, kakasuhan ko ang bakla at tomboy na ’to sa perhuwisyong binigay nila sa akin. Itong baklang ’to, binangga ang sasakyan ko. Itong tomboy naman sinuntok ako sa mukha at sinipa pa ako. Tingnan nyo, magang maga ang ilong ko.” Reklamo ng sigang lalaki sa hepe ng pulisya.

“That’s not true, chief. Sya ang bumangga sa kotse ko dahil siga syang magmaneho. Makikita naman yan sa cctv ng bar.” Apela ni Ric.

“Saka sya ho ang unang nanuntok, chief. Sinuntok nya itong kaibigan ko. Gumanti lang ho ako.” Sabi ko naman.

Hanggang ngayon nga ay nangangati pa rin ang kamao ko na pagsusuntukin ang mayabang na lalaki. Kung hindi nga lang ako hawak ng mga bouncer kanina ay babasagin ko talaga ang mukha nya.

At dahil nga sa kaguluhang nangyari ay tumawag na ng pulis ang management ng bar at heto nga, dito na kami sa presinto nagharap harap para magkaayos. Pero ang kupal na mayabang na lalaki ay binabaliktad pa kami ni Ric. Kami ang pinapalabas nyang mali at sya ang tama. Well, pare-parehas naman kaming may mali pero mas malaki ang pagkakamali nya.

Tinaas ng hepe ang dalawa nyang kamay para patigilin kami sa pagsasalita.

“Narito kayo sa presinto para mag kaayos. Pero kung hindi kayo magkakaayos ay pwede kayong magsampa ng reklamo sa isa’t isa.” Anang hepe.

“Talagang magsasampa ako ng kaso chief. Hindi ko palalampasin ang ginawa nitong dalawa sa akin. Matitikman nila ang hinahanap nila.” Nakangising turan pa ng mayabang na lalaki.

“Bring it on. Hindi ako natatakot sayo. Magsasampa din ako ng kaso. Damage of property and physical injury.” Ani Ric.

“Huh! Sige magsampa ka. Hindi ka mananalo sa akin, bakla. Alam mo kung bakit? Uncle ko lang naman si Congressman Eduardo Valdez.” Pagyayabang pa ng maangas na lalaki.

Nagtinginan kami ni Ric at sabay na ngumisi. Kaya naman pala mayabang ang kupal dahil may tiyuhin palang congressman na laging nasasangkot sa ma-anomalyang issue.

“What a pathetic kamote guy.” Sarkastikong turan pa ni Ric.

“Anong sinabi mo?” Sikmat ng lalaki na matalim ang tingin sa amin ni Ric.

“Enough, Mr. Borres. Narito ka sa tanggapan ko at kawalang respeto ang kinikilos at pananalita mo.” Sita ng hepe sa lalaki.

Natameme naman sya pero masama pa rin ang tingin nya sa amin ni Ric lalo na sa akin. Alam kong galit sya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya. Magang maga ang ilong nya ngayon dahil sa suntok ko.

“Sige, pwede na kayong magsiuwi kung hindi kayo mag aayos. At kung desidido kayo na magsampa ng kaso sa isa’t isa ay bukas nyo na gawin dahil sarado na ang opisina ngayon.”

Tumayo na kami ni Ric.

“Thank you, chief. Babalik na lang kami bukas ng friend ko para pormal na magsampa ng kaso.” Ani Ric at nakipag kamay sa hepe.

Nakipag kamay din ako. “Thank you, chief. Mauna na ho kami.”

Tumango naman ang hepe.

Tumalikod na kami. Pero si Ric ay iniwanan ng matalim na irap ang kupal na lalaki. Ako naman ay matalim na tingin ang binigay.

“Oh my gosh! Nakaka-drained ng utak kausap ang kamoteng yun. Ghawd! I can’t believe na makakasalamuha ako ng mga gaya nya tonight. Nakakasira ng gabi, ha.” Himutok ni Ric paglabas namin ng presinto.

“Oo nga, eh. Tapos sya pa ang matapang at nag aastang biktima. Ang kapal ng mukha. Kupal talaga. Kung di lang ako hawak ng dalawang bouncer kanina binasag ko na ang mukha nya. Ang angas eh.” Nakapamewang na turan ko.

Ngumiti si Ric at hinawakan ang kamay ko. “Thank you Grace, ha. Pinagtanggol mo ko kanina sa gagong yun. Ang galing mo ngang sumuntok at sumipa eh. Hindi sya nakapalag. Hayun, maga ang ilong nya. Deserved!”

Ngumisi ako at kumamot sa batok. “Wala yun. Saka di naman ako papayag na hindi ka iganti. Sinuntok ka nya, eh.”

“Oo nga. Gago talaga yun. Nagulat lang talaga ako kanina kaya di ako agad nakapalag. But thank you thank you very much, Grace. Sobrang nakaka-touch talaga ang ginawa mo kanina. Hindi ka natakot sa gagong yun.”

“La yun.. saka batak ako sa boxing at member ako ng judo team nung high school ako.” Nangingiting sabi ko. May tuwa sa puso ko dahil na-a-appreciate nya ang ginawa kong pagtatanggol sa kanya kanina.

“Kaya naman pala ang solid ng suntok at sipa mo, eh. Yun nga lang damay ka rin sa kaso. Siguradong kakasuhan ka ng gagong yun dahil sa ginawa mo sa kanya.”

“Di ako natatakot sa kanya. Eh ano naman kung congressman ang tiyuhin nya? May ninong naman akong judge.” Nakangising sabi ko.

“Don’t worry, tutulungan naman kita. Marami akong kilalang magaling na lawyer.     At kung meron syang tiyuhin na congressman na pinagmamayabang nya, pwes meron din akong dalawang ninong na senador at dating pnp general.”

Nag apir kaming dalawa at sabay na tumawa. Pakiramdam ko ngayon pagkatapos ng nangyari kanina ay mas magiging close pa kami sa isa’t isa. Nagdilim din naman talaga ang paningin ko kanina sa kupal na lalaking yun. Ewan ko ba, pero ayokong nasasaktan si Ric.

“Wait.” Untag ko sa kanya.

“Bakit?”

Tinaas ko ang isa kong kamay at pinalis ng daliri ang maliit na dugo sa gilid ng kanyang labi. Natuyo na yun.

Natigilan naman sya at nag freeze ang kanyang ngiti habang nakatitig sya sa akin. Mayamaya ay napangiwi sya.

“Ouch..”

“Sorry, napadiin yata. May namuong dugo kasi. Dapat gamutin mo na yan. Magiging singaw pa yan.” Sabi ko.

Sumimangot sya at nagpout habang marahang dinadampian ng isang daliri ang gilid ng labi na may sugat. “Gago kasi yung kamote na yun eh. Ayan tuloy, napingasan na ang ganda ko.”

Ngumisi ako. “Maganda ka pa rin naman.”

Napansin kong namula ang pisngi at tenga nya.

“Gamutin na lang natin yan. May first aid kit ka bang dala dyan?”

“Wala eh.. Nasa condo ko.”

“Kung gusto mo sa hospital tayo dumiretso para magamot yan.”

“Naku, hindi na no. Masyadong oa. Maliit na sugat lang to. Sa condo ko na lang gagamutin.”

“Ikaw ang bahala.”

Natigilan kaming dalawa nang lumabas na ang kupal na lalaki. Huminto sya at tiningnan kaming dalawa sabay ngisi.

“Maghanap na kayo ng magaling na abogado nyo. Kundi maghihimas kayo ng rehas.” Aniya.

“Ikaw ang maghanap ng magaling na abogado. Mayabang.” Ganting turan ni Ric sabay ikot ng mata.

“O kaya naman magtago ka na lang sa salawal ng tiyuhin mong congressman. Kupal.” Dagdag ko pa.

Pero ang mayabang na lalaki ay pinakyu lang kami ni Ric. Gumanti naman kami ng pakyu sa kanya. Tumalikod na sya at sumakay na sasakyan nya at pinaharurot yun paalis.

“Kuh! Ang yabang talaga ng hudas na yun! Makikita nya talaga ang hinahanap nya.” Gigil na sabi ni Ric.

“Hayaan mo na sya. Nasa baluktot na katwiran naman sya kaya di sya mananalo. Siguro ay kailangan ko ng kontakin bukas ang ninong kong judge.” Sabi ko sabay kamot sa ulo.

“No need, Grace. Ako na ang bahala sayo. Kasalanan ko naman ito eh. Huwag kang mag alala, kapag nagsampa ng kaso sayo ang hudas na yun. I will provide you a good lawyer.”

“Nakakahiya naman. May kasalanan din ako dahil sinuntok at sinipa ko yung kupal na yun.”

“And you did that because of me. Kaya ako na ang bahala sa lahat. You have nothing to worry about.” Giit pa nya.

“O sige.. ikaw ang bahala. Pero kung kailangan mo rin ng tulong. Sabihan mo rin ako.”

“Sure.”

Tiningnan ko ang oras sa suot na relo. Mag a-ala una na ng umaga.

“So pa’no, uwi na tayo. Mag a-ala una na pala. Babalik pa tayo dito bukas. Saka kailangan mo nang gamutin yang sugat mo.” Sabi ko.

“Oo nga. Sige, kita na lang tayo tomorrow or I’ll call you.”

Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Gumanti din sya ng ngiti at bahagya pang nagpout ang kanyang labi.

“Thank you again, Grace.”

“Wala yun.. sige Ric.” Bahagya ko syang tinapik sa braso nya at lumapit na sa bigbike ko sabay sakay at suot ng helmet.

Sya naman ay lumapit din sa kotse nya at sumakay na. Nang bumusina sya ay gumanti din ako ng busina at pinasibad ko na ang bigbike.

Nag hiwalay na kami ng daan ni Ric. Pero habang nasa byahe ay may ngiti sa labi ko. Masaya ako na naipagtanggol kanina si Ric sa kupal na lalaking yun.


Chapter 16

Ricardo POV

MARAHAN kong dinadampi dampian ng bulak na may antiseptic ang gilid ng labi ko na may sugat dahil sa suntok ng maangas na lalaki kanina. Bahagya pa akong napangiwi ng kumirot yun. Kaya ko namang lumaban pero na-shock kasi ako kanina. Hindi ko napaghandaan ang suntok ng mayabang na lalaki. Pero mas na-shock ako sa ginawa ni Grace. Walang takot na sinuntok at sinipa nya ang lalaki kanina. Hindi sya nagdalawang isip na ipagtanggol ako at kitang kita ko sa mukha nya kanina ang galit nya doon sa lalaki. Bukod kay Kester na cousin ko at sa lima ko pang barakong friendship ay si Grace lang ang naglakas loob na ipagtanggol ako sa taong nanakit sa akin.

Binaba ko na ang bulak at tiningnan ang mukha sa salamin. Kahit may pingas ang gilid ng labi ko ay maganda pa rin naman daw ako sabi ni Grace.

Ang astig talaga ng shiboling yun. Mas lalaki pa sya kesa dun sa lalaking kamote na maangas.

Dinampot ko ang bote ng moisturizer at nagpahid na sa mukha. Grabe ang stress na inabot ko kanina sa mayabang na lalaki. Mabuti na lang at kasama ko si Grace. Napapakalma nya ako. Yun nga lang ng dahil sa akin ay damay sya sa gulo ko. Pero hindi ko naman sya pababayaan. I’m happy that I found a true friend in her.

Pero bukod sa masaya ako na pinagtanggol ako kanina ni Grace ay may iba pa akong weird na nararamdaman sa kanya na ngayon ko lang naramdaman. Lalo na nung pahirin ng daliri nya ang dugo sa gilid ng labi ko kanina. Parang..

Ipinilig pilig ko ang ulo at dinampi ang dalawang kamay sa pisngi. Bumilis din ang pintig ng puso ko na hindi ko maintindihan.

Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. Dumilat ako at tumingin sa salamin.

Walang ibang ibig sabihin ang weird nararamdaman ko kay Grace. Masaya lang ako dahil naging friend ko sya. Yun lang yun. Natutuwa lang ako sa kanya. Wala nang iba pa.

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate yun. Nakita kong may text si Grace.

Kinagat ko ang ibabang labi at heto na naman ang weird na pagbilis ng tibok ng puso ko. Para ba akong kinakabahan na na-e-excite.

Dinampot ko ang cellphone at binuksan ang pumasok na text na galing kay Grace.

Grace: Nasa bahay na ako.

Ngumiti ako. Mabuti naman at nakauwi syang safe.

Agad akong nag type ng reply at sinabing narito na rin ako sa condo ko. Baka kasi nag aalala sya sa akin eh.

Muli kong nilapag ang cellphone sa vanity table at tinuloy ang ginagawa sa mukha habang hinihintay ang reply nya. Pero hanggang sa matapos ako sa ginagawa kong ritwal ay wala na akong natanggap na reply. Medyo nakaramdam ako ng disappointment.

Ano yun? Tulog na sya?

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Kunsabagay mag tu-two in the morning na. Malamang nakatulog na nga sya.

Tumayo na ako at lumabas ng walk in closet. Nahiga na ako sa kama. Maaga pa ako gigising bukas para kontakin ang lawyer ko. Hindi ko talaga palalampasin ang mayabang na lalaking yun. Makikita nya ang hinahanap nya.

.

.

Grace POV

DAHIL mag ma-alas dos na akong nakatulog kagabi ay tinanghali na ako ng gising. Alas nuebe na ako nagising.

Humihikab na bumaba ako ng hagdan at tumungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at uminom ng tubig. Nakaramdam ako ng gutom kaya naghanap ako ng makakain. Meron naman akong itlog at hotdog sa ref pero tinatamad akong magluto. Wala rin akong sinaing.

Kumamot ako sa ulo at sinarado na lang ang ref. Pupunta na lang ako sa kabilamg bahay para makikain at makikape.

“Tinanghali ka yata ng gising, Grace.” Sambit ni Tiyang Cess na naghihiwa na ng gulay para sa pananghalian.

“Umalis po kasi ako kagabi at medyo inumaga po ng uwi.” Sabi ko sabay kamot sa batok dahil alam kong pagsasabihan nya ako.

“Oo nga, sinabi ni Jopet sa amin ng tiyong mo. Aba’y saan ka ba nagpunta kagabi?” Kunot noong tanong pa ni Tiyang Cess.

Humigop muna ako ng kape bago sumagot. “Nakipagkita lang po sa kaibigan ko, tiyang.”

“Bakit naman kailangan gabi pa kayo magkita? Bakit hindi sa araw na lang. Naku Grace, kahit totomboy tomboy ka babae ka pa rin at maganda pa. Huwag mo ng uulitin na aalis ka ng gabi na mag isa. Iba na ang panahon ngayon. Yung tiyong mo, nakatulog na lang kagabi sa paghihintay sayo.”

Muli akong kumamot sa batok. Naguilty naman ako dahil pinag alala ko sila lalo na si Tiyong Poldo.

“Opo tiyang. Di na po mauulit. Pasensya na po.” Sabi ko na lang at tinuloy ko na ang pagkain.

Normal lang na mag alala sila sa akin dahil parang anak na ang turing nila sa akin. Kapag may rides nga ako at aabutin ng isang araw at isang gabi ang ride ay katakot takot na bilin at paalala ang pinapabaon nila sa akin. Si Tiyong Poldo nga ay tinatawagan pa ang founder at president ng motoclub na kinabibilangan ko para ihabilin ako.

“Sabi ni papa nang chicks ka daw kagabi, tita.” Biglang sabat ni Koykoy na muntik ko ng ikasamid.

Tumawa naman ang hipag kong si Sharie.

“Anong chicks? Wala akong chicks!”

Ngumuso si Koykoy at binigyan ako ng tingin na nagdududa. “Sabi ni papa may shota ka na daw, eh. Yun daw kasama mo kagabi.”

Ngumisi ako. “Yang papa mo dinaig pa ang mga marites sa labas.”

“Mana kasi si papa kay Lolay Cess. Parehas sila marites.”

“Ikaw talagang bata ka. Hilahin ko yang dila mo, eh.” Sita ni Tiyang Cess kay Koykoy na tumakbo palabas ng bahay habang tumatawa.

Pati kami ni Sharie ay natawa na lang din.

“Kuh, manang mana talaga sa ama nya. Ganyan din kakulit si Tope nung maliit pa.”

“Eh hanggang ngayon din naman po, ma. Makulit pa rin ang panganay nyo. Parang bata pa kung umasta minsan.” Natatawang sabi ni Sharie.

“Pagtiyagaan mo na lang, Sharie. Masasanay ka rin.”

“Sanay na po ako, ma. Pakiramdam ko nga po dalawa ang anak ko.”

Napangisi ako. Lahat naman ng pinsan ko na anak ni Tiyong Poldo at Tiyang Cess ay makukulit. Mga isip bata din kung minsan.

Lumabas si Tiyang Cess nang may tumawag sa kanya. Naiwan naman kami ni Sharie sa mesa.

“Pero totoo ba yung tsinitsismis sa akin ni Tope na mu na daw kayo nung Krizette?”

Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom sa tanong ni Sharie.

“Hindi no! Magkaibigan lang kami ni Krizette.” Tanggi ko.

“Yun kasi ang chika sa akin ng pinsan mo eh.”

“Tsismoso talaga yung lalaki na yun. Huwag kang maniwala dun.”

“Pero maganda yung Krizette, ha. Maputi at makinis. Tsinita pa. Hindi mo talaga sya type?” Tila naninuguro pang tanong ni Sharie.

“Isa ka rin, eh. Hindi ko sya type. Magkaibigan lang kami ni Krizette.”

“Sorry naman. Akala ko kasi magkaka girlfriend ka na. Ang dami kasing lumalapit sayong babae pero hanggang ngayon single ka pa rin.”

“Ano bang akala mo sa akin, tomboy?”

Tumaas ang kilay nya at hinagod ako ng tingin. “Hindi ba?”

Umawang ang labi ko at inikot ko ang mata. “Ewan ko sa inyo.” Sabi ko na lang sabay tungga sa mug at inubos ang laman ng kape.

Tumayo na ako at niligpit na ang pinagkainan at hinugasan.

Buong akala talaga ng pamilya ko at mga kaibigan ko ay tomboy ako. Well, di ko naman sila masisisi dahil sa pananamit ko, pananalita at kilos ay para akong lalaki. Pero sinabi ko naman sa kanila noon na babae ako pero ayaw nilang maniwala at tinatawanan lang ako. Tanggap daw nila kung ano ako. Kaya hinayaan ko na lang kung ano ang paniniwala nila.

Pagkatapos kong maghugas ay bumalik na ako sa bahay ko na katabi lang nitong bahay ni Tiyong Poldo at Tiyang Cess. Umakyat na ako sa kwarto para maligo. Pero habang naliligo ako ay bigla ko namang naalala si Ric. May usapan kami ngayon na babalik sa presinto.

Minadali ko na ang pagligo para matawagan si Ric.

“Hello Ric.”

“Hello Grace..”

Kumamot ako sa ulo. “Pasensya na ngayon lang ako nakapag call back. Kagigising ko lang eh.” Sabi ko.

Pagtingin ko sa cellphone kanina ay meron pala syang dalawang missed call. Hindi ko nasagot ang tawag nya kanina dahil hindi ko nadala ang cellphone sa kabilang bahay.

“It’s okay. Where are you now?”

“Nandito pa ako sa bahay. Magbibihis pa lang ako then pupunta na ako sa presinto. Sabay na tayo?”

“Hindi na kailangan, Grace.”

“Ha? Bakit?”

“Naayos ko na ang problema natin sa lalaking yun.”

“Talaga? Anong ginawa mo?”

“Pina-salvage ko na sya.”

“Ha??” Bulalas ko.

“Charot lang!”

Tumawa sya sa kabilang linya. Napangisi naman ako at napailing. May pagkalukaret din pala ang beki na ’to.

“O, ano na nga ang balita?”

“Inayos ko na ang problema natin sa lalaking yun. Hindi na sya magsasampa ng kaso laban sa atin.”

“Talaga? Anong ginawa mo?”

“Sasabihin ko na lang sayo ang detalye later. Magkita tayo mamaya.”

“Okay. Tawagan mo na lang kung saan tayo magkikita.”

“Sure. I’ll hang up now. Nandito na ang ka-meeting ko. See you later, Grace.”

Hindi na ako nakapagsalita ng mamatay na ang linya. Naiwan na lang na nakabuka ang labi ko.

Binaba ko na ang cellphone at pinatay na rin.

Curious ako kung ano ang ginawa nya para hindi na magsampa ng kaso ang lalaking yun. Pero mas excited yata na makita sya ulit mamaya.


Chapter 17

Ricardo POV

“MR. De Asis.”

Napahinto kami ni attorney sa paglalakad at hinarap si Congressman Eduardo Valdez. Ang tiyuhin ni Allan Borres — ang lalaking mayabang na binangga ang kotse ko at sinuntok ako.

“Yes, Congressman Valdez. Is there any problem?” Pormal na tanong ko at tiningnan ang abogado nya at ang mayabang nyang pamangkin na nasa likuran nya.

“Ah, wala naman Mr. De Asis. I just want to apologize again sa ginawang katarantaduhan nitong pamangkin ko.”

“Wala naman kayong kasalanan congressman kaya walang dahilan para mag apologize kayo sa akin. Ang pamangkin nyo ho ang may kasalanan. But everything is settled now at nagkasundo na tayo di ba?” Sabi ko at tiningnan ang mayabang na lalaki na hindi naman makatingin ng diretso sa akin at kakamot kamot lang sa ulo.

Napahiya sya kanina ng sermonan sya ng tiyuhin nyang congressman sa harap namin ni attorney.

Pagdating nga namin kanina ni attorney ay niyabangan na nya agad ako. Feeling powerful at entitled ang nyeta dahil kasama nya ang tiyuhin nyang congressman at mga bodyguard nito. Pati nga ang congressman ay sinindak din ako pero hindi nagpasindak ang beauty ko sa kanya. Pero nang kausapin sila ng attorney ko ay nagbago ang timpla ng congressman. Nang malaman nya kung sino ako at kung ano ang katayuan ko sa buhay ay bigla syang naging maamong tupa na kulang na lang ay luhuran ako. May mga tao talagang gaya nila na bumabase lang sa katayuan ng isang tao ang bibigyan nila ng respeto.

“Pero bilang uncle nya ay dapat din akong humingi ng pasensya.” Nakangiting giit pa ng congressman. Sa hitsura nya ay hindi sya mukhang mapagkakatiwalaan. Mukha syang tiwaling politiko.

Pormal akong ngumiti at nilahad ang palad sa kanya. “I have already accepted your apology, congressman.”

Kahit nakakaasar ang fez ng congressman ay kailangan ko pa rin syang pakitunguhan ng maayos bilang isang sibilisadong tao

Tinanggap naman ng congressman ang palad ko habang may malapad na ngiti sa labi.

“Thank you, Mr. De Asis. Can I invite you for coffee? Maybe we can talk about other things, like business.”

“I’m so sorry, congressman. As much as I would like to accommodate you, I already have a prior appointment.”

Naging alanganin ang ngiti ng congressman. “Ganun ba. Sayang naman.”

“Maybe some other time.” Sabi ko.

“Sure. Here’s my business card, Mr. De Asis.” Dinukot nya ang wallet nya sa trouser nya at humugot ng tarheta doon sabay abot sa akin.

Kinuha ko naman yun at tiningnan. May pag aari pala syang construction company pero hindi yun pamilyar sa akin.

“If you’re interested in my company, just contact me anytime.”

Tipid akong ngumiti. “Pag iisipan ko ang bagay na yan, congressman. Anyway, I have to go. Baka malate na ako sa appointment ko. It’s a pleasure to meet you Congressman Valdez.”

“Likewise, Mr. De Asis.”

Muli kaming nagkamay ng congressman. Tiningnan ko naman ang mayabang na lalaki na nakatingin lang din sa akin. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa sabay ngisi.

“Let’s go, attorney.” Untag ko sa abogado ko.

Tumalikod na kami at sumakay na sa sasakyan ko.

“Mukhang wala kang tiwala kay Congressman Valdez, Mr. De Asis.” Natatawang turan ni Atty. Ablan ng nasa loob na kami ng sasakyan.

Sinenyasan ko ang driver na paandarin na ang sasakyan.

“Dapat ba akong magtiwala sa kanya, attorney? My intuition says not to trust him.”

“Tama ang intuition mo, Mr. De Asis. Tuso at oportunista si Congressman Valdez. Kakapit sya sa taong sa tingin nya ay malaki ang pakinabang sa kanya.”

“At iniisip nya siguro na makakakapit sya sa akin. Hindi ko sya bibigyan ng pagkakataon.”

Napagkasunduan namin kanina na hindi na ako mag sasampa ng kaso sa mayabang na lalaking yun kapalit na hindi na rin sya magsasampa ng kaso kay Grace. Gumawa pa kami ng kasulatan at nagpirmahan. Akala ko nga ay magmamatigas pa ang congressman at pananaigin nya ang yabang nya. Well, kung magmamatigas sila ng pamangkin nya ay handa ko naman silang harapin sa korte.

Tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang tumawag si Grace. Agad ko yung sinagot..

.

.

Third POV

“UNCLE, bakit naman kayo pumayag na makipag areglo sa baklang yun?” Inis na turan ni Allan sa kanyang tiyuhin.

“Yung baklang sinasabi mo ay malaking tao, Allan. Maraming koneksyon. Hindi natin sya kakayanin kung gigipitin natin sya. Tayo lang ang madedehado at mapapahiya.” Wika ni Congressman Valdez sa pamangkin.

“Pero paano naman ako, uncle? Ako naman ang dehado.”

“Yan kasi ang hirap sayo, pamangkin. Ang galing mong gumawa ng gulo pero hindi mo kayang solusyunan mag isa. Mag move on ka na lang.”

“Move on? Eh heto nga ang ilong ko magang maga pa.”

“Yelo lang ang katapat nyan. Gagaling din yan. Let’s go.” Aya na ng congressman sa abogado nya at mga tauhan.

Naiwan naman si Allan na nagpupuyos sa inis. Akala nya ay matutulungan sya ng tiyuhin nya. Pero nasindak ito sa baklang yun at sa abogado nito.

Kinuyom nya ang kamao. Hindi sya papayag na madehado.

.

.

Grace POV

“TALAGA? Hindi na sya magsasampa ng kaso.”

“Oo, nakipag kasundo sa akin ang tiyuhin nyang congressman. Hindi ka na kakasuhan ng mayabang na lalaki sa pagsuntok at pagsipa mo sa kanya kapalit ng hindi ko na rin sya kakasuhan sa pagbangga nya sa kotse ko at pagsuntok din sa akin.”

Umawang ang labi ko. “Pumayag ka sa kasunduan na yun?”

“Yes.” Aniya at tumaas ang isang kilay sabay simsim ng kape sa tasa nya.

“Bakit ka pumayag?”

“And why not?”

“I mean, dapat tinuluyan mo na lang syang kasuhan. Handa naman akong harapan ang kaso nya sa akin. Dapat pagbayaran nya ang ginawa nya sayo.”

“Okay na, Grace. Isa pa naiganti mo naman ako sa kanya kaya okay na yun. Hanggang ngayon nga ay maga pa rin ang ilong nya. Lalo syang chumaka.”

Ngumisi ako at inikot ikot ang tinidor sa pasta. “Salamat, Ric.”

“Nah, hindi mo kailangan magpasalamat sa akin, Grace. Nadamay ka lang sa gulo ko. May kasalanan din naman talaga ako. Kung di lang uminit ang ulo ko at pinatulan ang lalaking yun, di sana tayo umabot sa presinto.”

“Wala kang kasalanan. Yung lalaking yun ang may kasalanan. Teka, paano nga pala ang kotse mo? Ipapagawa ba nung lalaki?”

“Hindi na, ako na ang magpapagawa. But of course hiningian ko sya ng danyos.”

“Mabuti naman kung ganun.” Sumubo ako ng pasta.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng dalawa at nag focus kami sa pagkain. Nangingiti pa ako habang pinagmamasdan syang kumakain. Tikom ang kanyang bibig habang ngumunguya. Tumitikwas pa minsan ang kanyang isang daliri sa tuwing susubo sya. Saksakan ng gwapo pero pino kumilos. Daig pa ako.

Tumingin sya sa akin at tumaas ang isang kilay. “What?”

Ngumisi ako at dinampot ang tasa ko ng kape. “Wala.” Sabi ko at sumimsim ng kape.

“Wala eh nakatitig ka sa akin. Gandang ganda ka sa akin, no?”

Mahina akong tumawa. “Oo, ang ganda mo.” Sabi ko na lang baka kasi ma-offend sya kapag sinabi kong gwapo sya.

“Thank you.” Aniya sa pa-sweet na boses sabay kindat pa sa akin na ikinangisi ko.

Langya. Mukhang tinatamaan na talaga ako sa kanya.

“Anyway Grace, busy ka ba this coming saturday?”

“Hmm..” Nag isip ako kung ano ang gagawin ko sa darating na sabado. “Hindi naman. Bakit?”

“I just want to invite you sana sa dadaluhan kong fashion show.”

Nilunok ko muna ang pasta. “Ako, iimbitahan mo?”

“Yes. I have two tickets.”

“Ano naman ang gagawin ko dun?” Natatawang tanong ko.

“Manonood. Kakain at iinom after the show.”

“Parang di naman yata ako bagay sa mga ganyan. Iba na lang siguro ang yayain mo.”

“Oh c’mon, Grace. Ikaw ang gusto kong makasama.” Aniya.

Humimas ako sa batok. “Pag iisipan ko muna, Ric.”

Nag pout sya. “Magtatampo ako if you say no.”

Ngumisi ako. “Oo na, sige na. Sasama na sayo.”

Ngumiti na sya. “Yess! Don’t worry, akong bahala sa susuotin mo.”

Tumango tango ako at muling sumimsim ng kape. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko sya kayang tanggihan. Para bang ayoko syang magtampo sa akin.

“Ric.”

Natigilan ako ng may lumapit sa aming isang matangkad at gwapong lalaki at isang magandang babae.

“Bal.” Tumayo si Ric at bumeso sa magandang babae.

“Sabi na eh. Ikaw ang nakita namin ni Kester.” Anang babae at tumingin sa akin sabay ngiti.

Gumanti naman ako ng tipid na ngiti. Tumingin din sa akin ang matangkad na lalaki at ngumisi.

Tumikhim si Ric at bumaling sa akin. “Ahm Grace, this is my cousin Kester and his wife Crizel.”

Tumayo ako at nilahad ang kamay sa dalawa. “I’m Mary Grace Bartolome.” Pagpapakilala ko naman sa sarili.

Tinanggap naman nila ang kamay ko. Mukha naman silang mabait. Yun nga lang kakaiba ang tingin at ngiti nila sa akin.


Chapter 18

Grace POV

“ANO palang ginagawa nyo ditong mag asawa sa mall? Nasaan ang kambal?” Tanong ni Ric sa mag asawa na kasalo na namin ngayon sa mesa.

“Nasa mga yaya nila. Iniwan muna namin sila saglit para makapag date naman kami ni Kes.” Ani Crizel.

“That’s right.” Nakangising dugtong pa ni Kester sabay akbay sa asawa nya at halik sa buhok nito.

Napangisi naman ako nang ngumiwi si Ric at umikot pa ang mga mata. “Talagang inuna nyo pa ang landian nyo kesa sa mga anak nyo, ha.”

“Hey, you don’t understand, couz. Kailangan din namin ni Crizel ng time para sa isa’t isa para hindi mamatay ang apoy sa pag iibigan naming dalawa.” Matalinghagang turan ni Kester na lalong nagpangiwi kay Ric.

“Ang corny mo talaga, insan.”

Tumawa naman si Crizel. “Corny talaga ’tong pinsan mo. Nasanay na lang ako. Buti na lang, gwapo.”

“Did you hear that, couz? Gwapo daw ako.” Ngingising ngising wika pa ni Kester.

Si Ric naman ay tila nangangasim na ang mukha. “Hindi pa kasi nauuntog si Crizel. Kapag nauntog yan, pangit ka na ulit sa paningin nyan.”

Sumimangot si Kester at tumawa naman si Crizel.

Nakikita kong close silang magpinsan kahit  nagbabardagulan. At ang mag asawa naman ay obvious na mahal na mahal ang isa’t isa.

“Anyway Grace, gaano na kayo katagal na magkakilala nitong pinsan ko? Pasensya ka na sa pagiging mausisa ko, ha. Kilala ko kasi ang lahat ng kaibigan nitong pinsan ko at ngayon lang kita nakita at nakilala.” Baling ni Kester sa akin.

Tumikhim ako at tumingin kay Ric. Tumingin din sya sa akin at bahagya pang nag pout.

“Isang buwan pa lang kaming magkakilala ni Ric.”

“Paano naman kayong nagkakilalang dalawa?” Si Crizel naman ang nagtanong. Bakas ang curiosity sa kanyang mukha.

Humimas ako sa batok at bahagyang ngumiwi. “Nadisgrasya ko kasi ang kotse nya. Hindi ko sinasadyang magitgit.” Nahihiyang sabi ko.

“Oh..” Sabay namang sambit ng mag asawa.

“Ikaw pala ang dumale ng kotse nya. And then naging friends na kayong dalawa?” Nakangising saad ni Kester.

Ngumiti ako. “Ganun na nga.”

“That’s nice.. Actually, bagay kayo ng pinsan ko..”

Tumaas ang kilay ko.

“..na maging friends.” Dagdag pa ni Kester na may kakaiba na namang ngiti sa labi. Tila ba may laman yun. May ibig sabihin.

“Grace is a very nice person. Kaya nagustuhan ko rin sya as a friend. She’s very cool and caring pa. And it’s rare to find a friend like her.” Turan naman ni Ric at tumingin sa akin sabay ngiti.

Napangiti rin ako. Natutuwa ako sa sinabi nya tungkol sa akin.

“Parehas lang tayo, Ric. Actually, ikaw ang kauna unahan kong gay friend. Masarap din palang magkaroon ng kaibigang gay. Sweet saka caring din.”

Nagpout sya at humalukipkip sabay taas ng isang kilay. “Parang gusto mong magkaroon pa ulit ng gay friend bukod sa akin, ah.”

Ngumisi ako. “Depende. Kung kasing ganda at kasingbait mo sila, why not.”

Umawang ang labi nya. “Hey, wala ka ng makikitang kasing ganda at kasing bait ko, no. And I don’t like na magkaroon ka pa ng ibang gay friend.”

Tumikhim si Kester. “Masyado ka naman yatang strict as a friend, couz.”

Namula ang pisngi ni Ric. “I-It’s not like that, couz. I mean.. bago lang ang friendship namin ni Grace. A-Ayoko munang magkaroon ng kahati sa atensyon nya sa kapwa ko ring gay.” Paliwanag nya sabay iwas ng tingin.

Nagtinginan naman ang mag asawa na may sinusupil na ngiti sa labi.

Dinampot ko ang tasa ko at tinago ko ang ngiti sa pagsimsim ng kape. Iba kasi ang dating sa akin ng sinabi ni Ric. Para bang nagseselos sya na magkaroon pa ako ng iba pang gay friend bukod sa kanya. Kung sakali mang magkaroon pa ako ng ibang gay friend, hindi naman magbabago ang pagtingin ko sa kanya. Sya pa rin ang pinaka espesyal sa akin.

Nagpaalam na si Kester at Crizel na mauuna na sila dahil may iba pa silang pupuntahan bago umuwi sa bahay nila. Kami naman ni Ric ay nag ikot ikot pa sa mall habang nag ku-kwentuhan. Kinukwento nya sa akin ang love story ng pinsan nya at ni Crizel. From enemy to lovers pala ang takbo ng love story ng dalawa.

“So ayun, nabiyayaan sila ng kambal na junakis na mga bochog. Isang boy at isang girl. But I think masusundan agad ang kambal. Kita mo naman? Ang lantod ng dalawa.”

Tumawa ako. “Ayos lang na magdagdag sila ng anak. Kaya naman nilang buhayin. Saka mas masaya nga kapag maraming kapatid.”

“Kunsabagay.. Saka alam mo, yun din ang hinihingi ko noon sa mom and dad ko. Gusto ko ng siblings kahit dalawa sana or tatlo. Pero di nila ako napagbigyan. Idagdag pa na maaga ring nawala si daddy.  Tuloy nagtiyaga na lang ako kay Kester. Ganun din sya, nagtiyaga din sa akin dahil parehas kaming only child.”

“Parehas din naman pala tayo, eh. Only child din ako. Pero marami akong pinsan kaya masaya pa rin. Lalo pa sobrang close kami.”

Ngumiti sya at nagpout. “Aw.. parang ang saya nyo naman.”

“Masaya talaga. Dahil bukod sa pinsan at parang mga kapatid ko sila ay tropa ko rin sila.”

“That’s nice. Parang gusto ko ring makilala ang mga pinsan mo.”

Ngumisi ako. “Talaga? Kung gusto mo sumama ka sa akin sa bahay. Ipapakilala na rin kita sa tiyong at tiyang ko.” Aya ko sa kanya.

“Hmm..” Sinilip nya ang oras sa suot nyang mamahaling relo. “Sure. Maaga pa naman. Wala rin naman akong gagawin sa condo ko.”

Lumabas na kami ng mall ni Ric. Sya ay sakay ng land rover nya at ako naman ng big bike ko. Excited na rin akong ipakilala sya sa pamilya ko..

“Oh.. so dito ka pala nakatira.” Ani Ric pagbaba nya ng sasakyan nya at nakatingin sa bahay ko na two storey.

“Oo, pero ako na lang ang nakatira dyan dahil wala na nga ang mga magulang ko. Pero yung katabing bahay, dyan naman nakatira ang tiyong at tiyang ko pati mga pinsan.”

“Oh I see..”

Binuksan ko ang maliit na gate. “Pasok ka.”

Pumasok naman sya pero napatili at napakapit sa akin nang tumahol ang dalawa kong aso at lumapit pa sa kanya.

“Milo, Kopiko!” Saway ko sa dalawang aso.

Tumigil naman sa kakatahol ang dalawang aso pero nakatayo pa rin malapit kay Ric at nakatingin.

“Omg Grace, baka kagatin nila ako. I swear, kapag kinagat nila ako di na ako sasama sayo dito.” Nahihintakutang saad ni Ric na kulang na lang ay magpakarga sa akin. Magkadikit na nga ang katawan namin at naaamoy ko ang mabangong hininga nya pati ang ang mamahaling perfume nya.

Tumawa ako.

“Hey, don’t laugh at me. I’m serious.” Naiinis na wika nya.

“Huwag kang mag alala. Hindi sila nangangagat. Nanghuhusga lang.” Natatawang sabi ko at binugaw na ang dalawang aso. Lumayo naman sila.

“So you mean, hinuhusgahan nila ako?” Nakataas ang kilay na saad nya.

“Oo. Sabi nila, sino kaya tong magandang bakla na kasama ng amo namin?” Nakangising turan ko.

Nagpout sya at pinalo ako sa braso na ikinangiwi ko. Kahit bakla sya ay mabigat pa rin ang kamay nya.

“I’m sorry I’m sorry.. Ikaw kasi.. napaka bolera mo.” Nakapout na wika nya at hinimas ang braso kong pinalo nya.

Natigilan naman ako dahil sa kakaibang hatid sa akin ng himas nya sa aking braso. Para akong.. kinukuryente. Masarap sa balat ang mainit at malambot nyang kamay.

“Ayos ka lang? Masakit ba? Napalakas yata ang palo ko.. sorry na.” Nag aalalang sabi nya na patuloy pa rin sa paghimas sa braso ko.

Tumikhim ako. “A-Ayos lang ako.. Medyo mabigat nga ang kamay mo.” Natatawang saad ko na lang.

Nagpout naman sya. “Ikaw kasi, napaka bolera mo.”

“Sus! Parang di ka sanay na sinasabihan ng maganda, ah.”

“I know to myself na maganda ako, no.”

“Yun naman pala, eh. Halika na nga sa loob. Baka pagkaguluhan pa ng mga kapitbahay ko ang kagandahan mo.” Natatawang sabi ko at niyaya na syang pumasok sa loob.

Kumapit naman sya sa braso ko at sumunod na sa akin. Pati ang dalawang aso ay sumunod din kaya naman lalo syang napakapit sa akin.

“Yung mga aso mo, ha. Baka lapain nila ako.”

“Di yan.. titikman ka lang daw nila. Mukha ka daw masarap eh.” Biro ko pa.

“Talagang masarap ako, no. Dami ngang naghahabol sa akin eh.”

“Sana ol. Masarap.” Natatawang komento ko pa.

Wala namang duda na maraming naghahabol sa kanya mapalalaki man o babae. Saksakan sya ng gwapo at maganda pa. Kapag naka-cross dress nga sya, mas mukha pa syang babae kesa sa akin, eh. Mukha rin syang mamahalin.


Chapter 19

Ricardo POV

NILILIBOT ko ang tingin sa loob ng bahay ni Grace habang hinihintay syang bumaba. Nagpaalam sya sa akin na magbibihis lang at iniwanan nya ako dito sa sala. Sinarado ko naman ang pinto dahil ang dalawang doggie nya ay parang gusto akong tikman. Takot ako sa dogs dahil takot akong makagat nila. Hindi ako mahilig sa pets.

Tumayo ako at lumapit sa mga picture frame na nakasabit sa wall. Mga picture yun halos lahat ni Grace. Picture nya mula pagkabata hanggang sa magdalaga — binata — este shiboli. Ah ewan!

Isa isa kong tiningnan ang mga pictures ni Grace. Bata pa lang sya boyish na talaga syang manamit. Lagi pang may suot na cap.

“Aw, but this one is so cute.” Sambit ko at tinitigan ang isang picture kung saan nakasuot ng school uniform ang batang si Grace. Sa tingin ko ay daycare or kinder sya dito. Nakapigtail ang kanyang buhok at may bangs pa. May cute syang ngiti sa labi na lalong nagpaumbok sa kanyang matabang pisngi.

“Ah those chubby cheeks! Sarap panggigilan. Parang pisngi ni Coen at Karizza.” Turan ko pa.

Tumingin tingin pa ako sa ibang picture ni Grace. May mga picture sya na kasama ang mga parents nya. Tumuon ulit ang tingin ko sa isang picture nya na naka-ball gown na kulay pink. Mukhang kuha yun noong js prom nya. Napakaganda nya sa ayos nya. Bababeng babae. Disney princess ang atake nya sa pic. Pero sa iba nyang pic prince charming naman ang atake nya. Kaya kami nagkakasundo eh dahil same same lang kami.

“Naiinip ka na ba?”

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Grace na pababa ng hagdan. Nakasuot ma sya ng walking short na kulay itim na lampas hanggang tuhod at loose shirt na puti. Nakalugay ang kanyang may kahabaang buhok.

Infairness naman sa shiboling ’to. Kahit lalaki manamit at walang pahid ng anomang make up ang mukha maganda pa rin.

“Uy Ric, nakatulala ka na dyan.” Nakangising untag nya sa akin at namewang.

Nagbawi naman ako ng tingin. “Wala, may iniisip lang ako.”

“Sinong iniisip mo? Ako ba?”

Suminghap ako at namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. Kasabay din nun ang pagkislot ng puso ko na para akong biglang kinabahan.

“At bakit naman kita iisipin?”

“Aba, malay ko. Nakatitig ka kasi sa akin, eh. Baka lang poging pogi ka sa akin.” Natatawang sabi pa nya.

Tumaas ang kilay ko at hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Pogi ka dyan. Hindi ka pogi, no.”

Nanulis ang nguso nya at kumamot sa ulo. Naguilty naman ako dahil baka na-offend ko sya.

“Well, hindi ka naman talaga pogi. Kasi pretty ka.”

Muling nanumbalik ang ngiti nya sa labi. “Talaga? Maganda ako?”

“Oo. Pretty ka. Like me.”

Ngumisi sya. “Pero mas maganda ka.”

“I know. Next ka lang sa kagandahan ko.”

Tumawa sya. Nakitawa na rin ako.

“Grace.”

Sabay kaming napalingon ni Grace sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang may isang edad na babae. Tumingin sya sa akin.

“May bisita ka pala, Grace.” Anang may edad na babae.

Ngumiti naman ako ng kimi.

“Tiyang, kaibigan ko po. Ric, sya ang Tiyang Cess ko.” Pagpapakilala ni Grace sa amin ng tiyahin nya.

Nilahad ko naman ang ang kamay ko. “Hello, ma’am. Ricardo De Asis, ho. Pero pwede nyo na lang ho akong tawaging, Ric.” Magalang na pagpapakilala ko sa sarili sabay ngiti sa ginang.

Naging alanganin naman ang ngiti nya ngunit tinanggap din ang kamay ko.

“Ako naman si Cess. Tawagin mo na lang din akong Tiyang Cess. Nice to meet you, Ric. Ang gwapo gwapo mo. Para kang artista. Artista ka ba?” Manghang wika ng ginang.

Lalo naman akong napangiti. “Hindi, ho. Isa lang ho akong simpleng empleyado.” Pa-humble na sabi ko.

“Simple?” Tila nagdududang saad pa ng ginang at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Mukhang hindi ka lang simpleng empleyado. Mukha kang mayaman na mayaman eh.” Dagdag pa ng ginang.

Tumawa si Grace sabay akbay sa akin na ikinakislot ng puso ko. “Hindi po kayo nagkakamali, tiyang. Mayaman po talaga yang si Ric. Boss yan ng malaking kumpanya nila. Yung magarang sasakyan sa labas, sa kanya yun.”

“Sabi na, eh. Nasa hitsura mo kasi na mukha kang mayaman. Ang bango bango mo pa.”

“Salamat ho, tiyang.” Turan ko.

Mukhang magkakasundo kami ng tiyahin ni Grace. Mabait sya at madaldal. Parang si mommy.

“Pero ngayon lang kita nakita. Kilala ko kasi ang lahat ng kaibigan ni Grace pati na ang mga kasama nya sa motoclub.”

“New friendship ho kami ni Grace, Tiyang Cess.”

“Ahh..”

Tumikhim si Grace na nasa tabi ko. “Actually po tiyang, sya po yung may ari ng mamahaling kotse na nadisgrasya ko. Magkaibigan na po kami ngayon.” 

“Ganun ba. Naku, nakakatuwa naman at naging magkaibigan pa kayo. Napakabait nyang pamangkin ko na yan, Ric. Hindi ka magsisisi na nakipag friendship ka sa kanya.”

Nilingon ko si Grace na nasa tabi ko at nakaakbay pa rin sa akin. Nginitian nya ako at may pataas taas pa ng kilay.

Well, mabait naman talaga ’tong shiboli na ’to. Astigin pa.

.

.

Grace POV

“MABUTI at hindi mo naisip na idemanda itong pinsan namin, Ric.” Saad ni Tope kay Ric.

“Kung nagmatigas sya at nagmatapang, baka dinemanda ko sya. But your cousin is nice and knows how to take responsibility for her mistakes. Kaya dinaan na lang namin sa mabuting usapan.” Tugon ni Ric.

“At napakabuti mo rin, Ric. Dahil kung iba yun baka nga dinemanda na talaga ’tong pamangkin ko.” Sabi naman ni Tiyong Poldo.

“Naku, hindi naman ho ako ganun, tiyong. Marunong din naman ho akong makipag kapwa tao basta nakikita kong sincere ang isang tao.”

Nangingiti na lang ako habang nakikinig sa pakikipag usap ng mga pinsan ko at ni tiyong kay Ric. Halatang nagustuhan nila ang presensya ni Ric. Si Ric naman ay hindi ko nakikitaan ng pagkailang. Wala nga rin syang arte na kasalo namin sya sa pagkain. Hindi rin sya mapili at anomang ibigay ni Tiyang Cess ay kinakain nya.

“Ano palang work mo, Ric? Mukhang bigtime ka. Nakita ko yung sasakyan mo sa labas. Mamahalin yun, ah.” Usisa ni Jopet.

“Nag wo-work ako sa company namin.” Tipid lang na sagot ni Ric.

“Anong pangalan ng company nyo? Baka alam ako.” Tanong naman ni Lonard.

“Belleza Land Inc.”

Suminghap ang mga pinsan ko at namilog ang mga mata.

“Belleza Land? Malaking kumpanya yun ah!  Marami silang pag aaring mall at subdivision. Ang yaman yaman mo pala!” Bulalas ni Jopet.

“Hindi naman sa akin ang kumpanya na yun. Sa pamilya ko yun at nag wo-work lang ako doon.”

Manghang mangha ang mga pinsan ko at si Tiyong Poldo at Tiyang Cess sa nalaman na katayuan sa buhay ni Ric. Hindi sila makapaniwala na ang bisita namin ngayon ay galing sa mayamang mayamang pamilya.

“Naku, nakakahiya naman pala. Bilyonaryo itong bisita natin tapos ang ipapakain lang natin ay laing na may tinapa at pritong galunggong. Dapat pala nagpadeliver tayo ng cochinillio, Cess. Pasensya ka na, Ric.” Turan ni Tiyong Poldo.

“It’s okay, Tiyong Poldo. Hindi naman ho ako choosy sa food. And I like this laing with tinapa. Ang sarap nya. Very creamy pa.” Ani Ric.

“Mabuti naman at nagustuhan mo ang laing ko. Specialty ko kasi yan. Nakakatuwa ka naman Ric. Hindi ka maarte. Yung iba kasing bading na kilala ko eh ubod ng arte. Di naman magaganda.” Saad ni Tiyang Cess.

“Oo nga, nakakatuwa itong si Ric. Mayaman pero hindi maarte.” Pag sang ayon pa ni Tiyong Poldo.

“Dalas dalasan mo ang pagpunta dito, Ric. Magsabi ka lang kay Grace. Ipapatikim ko sayo ang iba ko pang lutuin.” Wika ni Tiyang Cess.

“Sure, tita.” Pagpayag naman ni Ric na may ngiti sa labi.

Mukhang gusto nga nya na bumalik pa rito sa amin. Gusto ko rin naman syempre. Feeling ko ay mas lalo pa kaming nagiging close ngayong nakilala na nya ang pamilya ko.

“Kuya Ric, Kuya Ric!” Tawag ng pamangkin kong si Koykoy kay Ric.

“Yes, baby boy?”

“Huwag mo na po akong tawaging baby. Malaki na po ako. Malaki na nga po titi ko, eh.”

Muntik ng maibuga ni Ric ang kinakain nya sa sinabi ng pilyo kong pamangkin.

Agad namang tinakpan ni Tope at Sharie ang bibig ni Koykoy. Hiyang hiya ang hitsura ng dalawa pati na si Tiyong Poldo at Tiyang Cess. Si Jopet at Lonard naman ay tawang tawa habang ako ay nangingisi na lang dahil sa kalokohan ng pamangkin.

“Naku, pasensyan ka na sa apo ko, Ric. Kung ano ano kasing kalokohan ang natutunan dito sa mga tito nya.” Saad ni Tiyong Poldo.

“It’s okay, Tiyong Poldo. Normal na lang sa mga kids ngayon ang pagiging pilyo.” Wika ni Ric na nauubo pa.

Agad ko naman syang binigyan ng tubig. Kinuha naman nya yun at ininom..

“Pasensya ka na sa pamangkin ko kanina, ha. Sobrang pilyo nun at napaka kulit pa.” Hinging paumanhin ko kay Ric nang ihatid ko sya dito sa labas. Uuwi na sya dahil pasado alas otso na ng gabi. May pasok pa sya bukas sa office nya.

“Ano ka ba? Ayos lang. Sanay na ako sa mga pilyong bata. Yung kambal ni Kester at ni Crizel pilyo at pilya din. Ibang level nga lang ang kapilyuhan ng pamangkin mo. Rated spg.”

Tumawa kaming dalawa sa sinabi nya. Mabuti naman at hindi sya na-turn off sa pamilya ko lalo na sa pamangkin kong pasmado ang bibig.

“Anyway Grace, thank you for inviting me here. Nakakatuwa ang pamilya mo. Ang saya nilang kasama.”

“You’re welcome. Kung gusto mong bumalik dito magsabi ka lang sa akin.”

“Talaga?”

“Oo naman. Welcome ang lahat ng kaibigan ko dito sa amin.”

Nag pout sya. “So lahat pala ng friend mo welcome sa bahay nyo.”

“Ganun na nga. At dahil friend din kita, welcome na welcome ka rin dito sa bahay namin.”

Tumaas ang kilay nya. “Okayy.. Pupunta ulit ako dito kapag hindi na masyadong busy ang schedule ko.”

“Sure! Sabihan mo lang ako.”

Ngumiti sya. “Thank you Gracey.”

Napasinghap ako at nabigla ng bumeso sya sa akin. Tila dumoble ang tibok ng puso ko.

“Bye Gracey.” Paalam ni Ric at sumakay na sa sasakyan nya.

Hindi naman ako nakaimik at nakaawang lang ang labi ko. Nang bumusina sya ay tinaas ko ang isa kong kamay. Hinatid ko na lang ng tanaw ang sasakyan nyang papalayo.

Humugot ako ng malalim na hininga sabay sapo sa aking dibdib na malakas pa rin ang kabog.

Nalintikan na! Mukhang iba na talaga ’to.


Chapter 20

Grace POV

“DEYM Gracey, ghorl!” Bulalas ni Ric paglabas ko ng fitting room ng kanyang shop. Tinulungan ako ng assistant nya na mag bihis. Sya mismo ang namili ng susuotin ko para sa fashion show na a-attend-an naming dalawa.

Ngumiwi ako at ilang na ilang sa suot kong dress na pa-crop top. Kulay pink ang top na pa-tube at puro feather na malambot naman at hindi makati sa balat. Ang bottom ay mahabang skirt na kulay golden brown na abot sa talampakan na namumutiktik sa swarovski. May slit din yun na mahaba na halos abot sa balakang ko.

“Parang hindi yata bagay sa akin, Ric. Wala na bang iba?” Sabi ko.

Maganda ang dress. Pero di ko bet isuot. Mga modelo lang at artista ang nakikita kong nababagayan magsuot nito.

“Anong hindi bagay? Who told you that? Look at yourself in the mirror.” Marahan nya akong pinihit paharap sa malaking salamin.

Doon ko nga nakita ang sarili at napaawang ang labi ko. Medyo.. bagay pala sa akin.

“See? Bagay na bagay sayo ang dress mo. And you know what? New creation ko ang dress na yan at ikaw ang unang susuot. Look at you, ghorl! You’re so damn gorgeous.”

Ngumisi ako. Natutuwa ako sa mga compliment nya sa akin pero parang exaggerated.

“Grabe naman sa gorgeous.” Natatawang sabi ko.

“Hey, I’m telling the truth.” Giit pa nya at humarap sa akin.

“Talaga?”

“Yes. You have a perfect body pa nga. Kaya nag fit talaga sayo ang dress. Dapat hindi mo laging tinatago ang body mo sa mga loose shirt at loose pants. You should flaunt your body. Kung ako may ganyang katawan, laging crop top ang susuotin ko at every weekend nasa beach ako wearing two piece swimsuit.”

“Eh mas komportable kasi ako sa maluwang na t-shirt at pants eh.”

Tumaas ang kilay nya. “Doon ka kasi sanay.”

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Pero aaminin ko, may kilig akong nararamdaman na ganito sya kamangha sa katawan ko. Hindi ko naman kasi pinapansin ang katawan ko. Basta komportable ako sa sinusuot ko, okay na yun.

Inayos ni Ric ang mga feather sa top ng damit ko. Nag init pa ang mukha ko ng hawakan nya ang magkabilang gilid ng tube top at in-adjust pataas. Dahil sa ginawa nya ay umalsa lalo ang dibdib ko na bahagya pang umalog. Nakita kong natigilan sya at nakatingin lang sa dibdib ko na lalong ikinainit ng mukha ko.

“Ric.” Untag ko sa kanya.

Mabilis naman syang nag iwas ng mata at tumingin sa akin. Nag pout lang sya at inayos ang bottom skirt ko. Siguro iniisip nya na sana meron din syang dibdib.

Pinaupo ako ni Ric sa harap ng vanity mirror at sya ang nag ayos sa akin. Di ko mapigilang mamangha sa skills nya. Halatang sanay na sanay at expert. Magaan ang kamay at hindi pasmado. Syempre, wantusawa din ako sa pagtitig sa kanyang mukha.

“What?” Taas kilay na tanong nya.

Ngumisi ako. “Wala.”

Nagpout sya at pumwesto sa likuran ko sabay tingin sa salamin. Tiningnan ko rin ang mukha doon. Parang nag iba ang mukha ko matapos nyang make-up-an. Light make up lang pero ang ganda at pulido.

“Perfect!” Aniya.

“Ang ganda nga kahit light make up lang. Hindi putok na putok ang pisngi ko.” Komento ko. Nagustuhan ko ang make up nya.

“Nude make up ang tawag dyan. Bagay na bagay sayo. Lumabas lalo ang pagiging mestisa mo.” Turan nya at ang buhok ko naman ang inayos nya.

Sa bandang huli matapos nya akong ayusan ay lalong parang nag iba akong tao. Nakalugay ang mahaba kong buhok pero malinis na malinis ito at walang kalat kalat na hibla. Ang suot ko naman sa paa ay isang kulay silver na gladiator heels na 3 inches ang taas..

“Look at the camera, Gracey.” Utos sa akin ni Ric na kinukuhanan ako ng picture.

Tumingin naman ako sa camera.

“Smile ghorl!” Aniya.

Ngumiti naman ako.

Ilang shot pa ang ginawa nya bago nakuntento.

“I told you, dapat talaga mag model ka. Di na ba magbabago ang isip mo? Try mo lang.” Pangungumbinsi pa nya sa akin.

Ngumisi ako. “Wala talaga akong interes dyan.”

“Okay, di na kita pipilitin. Wait a minute. May kukunin lang ako sa office ko at aalis na tayo.”

“Hindi ka na magbibihis?” Tanong ko.

“Nakabihis na ako, no.”

“Yan lang ang susuotin mo?”

Naka three piece suit kasi sya. Ine-expect ko na parehas kami ng suot — I mean mag co-cross dress sya.

“Yes. Bakit, pangit ba?” Tanong nya naman.

Hinagod ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang gwapo gwapo nga nya sa formal attire nya kahit malambot syang gumalaw. Bagay na bagay sa kanya. Mas lalo syang nagmukhang expensive.

“Ano? Pangit ba?” Ulit nya sa tanong.

“Hindi no. Bagay nga sayo. Ang gwapo gwapo mo. Sa sobrang gwapo mo baka makiss kita mamaya.” Biro ko.

Inikot nya ang mata. “Ewan ko sayo Gracey.” Aniya at tumalikod na. Naglakad na sya patungo sa office nya.

Natawa na lang ako. Pati ang mga staff nya sa shop ay natawa na rin.

“Ang arte ng amo nyo. Buti na lang gwapo.” Sabi ko.

“Naku ma’am, kayo lang ang naglakas loob na sabihan sya ng gwapo sa harapan nya. Ayaw na ayaw nya nun. Dahil mas gusto nya na sinasabihan syang maganda.” Wika ng isang staff.

“Ganun ba. Eh malakas ako dun eh.” Nakangising turan ko.

“Let’s go, Gracey.” Turan ni Ric paglabas nya ng office nya bitbit ang designer clutch bag nya.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa braso para alalayang maglakad dahil hindi ako sanay sa suot kong gladiator heels. Panay pa ang himutok ko sa kanya dahil feeling ko ay nasisilipan ako dahil sa haba ng slit ng bottom dress. Pinayuhan naman nya ako ng dapat kong ikilos..

Pagdating naman sa venue ay nakaalalay pa rin sa akin si Ric pagbaba ko ng mamahaling kotse nya. Ibang kotse naman ngayon ang dala nya. Isang McLaren na kulay itim na nakakasilaw ang kintab. Hindi nga talaga maikakaila ang yaman nya.

“Smile ka lang Gracey. Maraming nakatutok na camera sa atin.” Bulong sa akin ni Ric.

Ginawa ko naman ang sinabi nya kahit naiilang ako at nasisilaw sa mga camera na nakakalat sa paligid. Pilit kong nilalabanan ang ilang ko dahil hindi ako sanay sa ganitong sosyan na event at ganito pa ang suot ko. Pakiramdam ko pinagpipiyestahan ng mga photographer ang katawan ko.

“Ang daming tao, Ric.” Sambit ko at tumingin tingin sa paligid.

May ilan ilan ding sasakyan ang dumarating at bumababa ang mga sakay nun. Sinasalubong din sila ng mga camera mula sa mga paparrazi. Mga kilalang personalidad at sikat na mga artista.

“Uy, si Arthur Plaza o! Grabe, ang gwapo nya sa personal!” Manghang turan ko nang makita ang isang sikat na sikat na actor.

Tumaas ang kilay ni Ric. “Gwapo na sayo yan?”

“Oo naman! Gwapo sya sa tv pero mas gwapo pa pala sya sa personal.”

“Mas gwapo sa akin?”

Tiningnan ko sya. Mataray na nakataas ang kanyang isang kilay. Mukhang maling sagot ko lang maiinis sya sa akin.

“Syempre mas gwapo ka.” Nakangising tugon ko na syang tunay naman. Mas gwapo naman talaga sya ng di hamak sa naturang artista.

“Good answer.” Aniya na nakangiti na sabay hapit sa bewang ko na bahagya kong ikinaiktad. Para kasing may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang mainit na kamay tungo sa aking katawan.

“Ric!” Tawag ng isang sopistakadang babae na may edad na at elegante kung kumilos. Sa hitsura nya ay masasabi kong nabibilang sya sa alta sosyedad.

Lumapit ang sopistikadang babae sa amin kasunod ang isa pang babae at binabae na mukhang mga assistant nya.

“Sylvia.” Turan naman ni Ric at nagbeso sila ng babae.

“I’m so happy to see you again, gorgeous.” Wika ni Sylvia.

“Likewise, my dear. Kaya kahit busy ako sa office hindi ko talaga palalampasin itong show mo. Excited na akong makita ang mga new creation mo.” Saad ni Ric.

“Thank you, darling. Hindi ka pa rin nagbabago. Napaka-supportive mo pa rin sa akin.”

“Of course, we are sisters. Sino pa ba ang magsusuportahan kundi ang isa’t isa lang.”

“And who is this another gorgeous beside you?” Baling sa akin ni Sylvia na nakataas ang isang kilay sabay hagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Pati ang dalawa nyang kasama ay hinagod din ako ng tingin.

Hinawakan ako ni Ric sa bewang. “This is my special friend, Gracey. Gracey, she is Sylvia McDonell my co-stylist and also a fashion designer based in New York. Isa ang mga creations nya sa irarampa tonight.” Pagpapakilala ni Ric sa amin ng babae na isa rin palang fashion designer.

Kimi naman akong ngumiti at bahagyang yumuko bilang pagbigay galang.

“Hello ma’am.”

“Naku, masyado palang polite itong special friend mo, darling. But she is really a gorgeous one with oozing of sex appeal.”

“Indeed she is.” Pagsang ayon pa ni Ric.

Hindi ko naman maiwasang lalong mapangiti. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman na babaeng babae ako at maganda ako.

“You can call me Sylvia, gorgeous. And nice to meet you.” Ani Sylvia at bumeso pa sa akin.

“It’s a pleasure to meet you too, Miss Sylvia.” Ganadong sabi ko naman.

Ngumiti naman sa akin ang babae. Mukha syang istrikta at masungit pero mabait naman.

“I thought ay bago kang discover na model ni Ric.”

“Actually, inalok ko na syang maging model But she is not interested.” Tugon ni Ric.

“Aw.. sayang naman. But if she change her mind, ipahiram mo sya sa akin Ric. Sa tingin ko ay marami akong creation na babagay sa kanya.”

“No problem, my dear.” Ani Ric at tumingin pa sa akin sabay ngiti.

“Anyway, let’s go inside. Malapit ng mag start ang show.” Yaya sa amin ni Sylvia.

Inalalayan naman ako ni Ric na humakbang paakyat sa step na nalalatagan ng pulang carpet. Ingat na ingat ako na matapakan ang laylayan ng dress. Maling tapak ko lang ay siguradong gugulong ako pababa.

Pagdating sa entrance ng venue ay binigay ni Ric ang dalang ticket sa isang staff na naroon. Giniya naman nila kami sa seat namin na nasa unang row malapit sa pahabang entablado. Malamig sa loob at pumapainlanlang ang isang pop music. Marami ng tao sa loob na mga elegante din ang suot.

Niyakap ko ang sarili ng makaramdam ng lamig. Hinimas himas ko rin ang braso.

“Nilalamig ka?” Tanong ni Ric.

“Hindi, ang init.” Sarkastikong tugon ko.

Sinamaan nya ako ng tingin sabay ikot ng mata na ikinatawa ko.

“Oo, nilalamig ako. Ang lamig lamig pala dito tapos ganito ang pinasuot mo sa akin. Para akong nasa loob ng ref.”

“Sorry naman. Nakalimutan ko rin kasing dalhan ka ng coat. Here.” Aniya at hinubad ang coat nya at isinuot sa akin.

Naantig naman ako at di ko maiwasang kiligin. Thoughtful din pala si acla.

“Paano ka?” Concern na tanong ko habang niyayakap ang coat nyang kasing bango nya.

“I’m fine, sanay ako sa aircon.”

Ngumuso ako. “Eh di ikaw na ang sanay sa aircon.”

Tumaas ang kilay nya. “Hey, I’m not being sarcastic. Sanay talaga ako sa lamig.”

“Oo na.” Sabi ko na lang at umayos na ng upo.

Nilabas ko ang cellphone ko mula sa designer clutch bag na pinahiram sa akin ni Ric at nag-video video na lang ako sa mga kaganapan sa paligid. Bihirang pagkakataon na makadalo ako sa ganitong sosyal na event kaya dapat may remembrance ako. Pinucturan ko rin ang mga nakikita kong celebrities habang si Ric naman ay abala sa pakikipag usap sa katabi nya tungkol sa mga couture na di naman ako makarelate.

Suminghap ako ng mamataan ang isang sikat na sikat ngayong artista.

Sa sobrang tuwa ko ay kinalabit ko si Ric. “Ric! Ric!”

“What?” Lumingon sya sa akin.

“Si Stephanie Diez o! Shet! Ang ganda talaga nya. Girl crush ko yan eh!” Bulalas ko sa kanya habang nakatutok ang camera ng cellphone ko sa naturang sikat na actress.

Tumaas naman ang kilay ni Ric at tumingin din sa artista. “Maganda na sayo yan?”

“Oo naman! Gandang ganda nga ako sa kanya eh. Chinitang mestisa. Ang puti puti pa.” Sabi ko.

“Mas maganda sa akin?”

Lumingon ako sa kanya. Nakataas ang isang kilay nya at nakapout sya.

Ngumisi ako. “Pero di ka maganda ngayon, eh. Dahil gwapo ka.”

Inikot nya ang mata. “Ewan ko sayo, Grace. Dyan ka na sa Stephani mo.” Tila may tonong inis sa boses nya.

Lalo naman akong napangisi. Bakit pakiramdam ko ay nagseselos sya.

“Ito naman.. selos agad. Syempre, ikaw ang pinakamaganda para sa akin..” Bulong ko sa tenga nya.

Lumingon sya sa akin at sabay kaming natigilan dahil halos magdikit na ang aming mukha.


Please follow me here on watty sa mga di pa naka-follow. And also my fb page Lhia Maya 🤗

Chapter 21

Grace POV

MARAHAN kong sinisimsim ang cocktail drinks habang nakatingin kay Ric na kausap ang ilang kilalang celebrity. Matamang nakatingin sa kanya ang mga kausap na halatang interesado sa mga sinasabi nya. Kahit naman ako eh, napapatulala na lang minsan sa kanya kapag nagsasalita sya.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Tapos na ang fashion show at may bandang tumutugtog at kumakanta sa stage. Ang mga guest at mga modelong rumampa ay kanya kanya na sa mga pinagkakaabalagan nila. Bumabaha na ang alak at meron ding mga sosyalin na pagkain na di ko alam ang pangalan. Ang alam ko lang ay clubhouse, pasta at salad.

“Hi miss.”

Natigilan ako sa pagsimsim ng cocktail ng may lumapit sa aking isang matangkad at tsinitong lalaki. Nakilala ko sya na isa sa mga rumampang modelo kanina.

Lumunok muna ako at nilapag sa table ang cocktail glass.

“Hello.” Ganting bati ko rin sa modelo sabay ngiti.

Lalo namang lumapad ang ngiti nya at lumabas ang dalawang dimples sa magkabilaang pisngi. Cute sya.

“You’re not familiar to me. Are you one of the new models?”

Umiling iling ako. “Ah hindi. Guest lang ako dito.” Sabi ko.

“Oh I see.. I thought isa ka sa mga bagong modelo. I’m Johnson Dee.” Pagpapakilala ng lalaki sabay lahad ng kamay sa akin.

Tinanggap ko naman yun. “Mary Grace Bartolome.” Pagpapakilala ko rin sa sarili.

Medyo naasiwa ako sa kakaibang titig sa akin ng modelo at bahagya pa nyang pinisil ang kamay ko. Binawi ko na ang kamay at binitiwan naman nya yun.

“Who’s with you?” Tanong pa nya.

“Uhm — “

“She’s with me.” Putol ni Ric sa sasabihin ko at lumapit sa akin.

Natigilan naman si Johnson pero muli ding ngumiti nang makita si Ric.

“Kayo pala Mr. De Asis. Good evening, sir.”

Tumaas ang kilay ni Ric. “Good evening. Mukhang hinahanap ka na ng mga kasama mo.”

Naging alangan ang ngiti ni Johnson at kumamot pa sa batok. “Ah sige, ho.” Bumaling sya sa akin. “Nice to meet you, Mary Grace. See you around.” Aniya at nag excuse na.

“Bakit mo naman sya pinaalis?” Tanong ko kay Ric.

Humarap sya sa akin. “Hindi ko sya pinaalis. Hinahanap na talaga sya ng mga kasama nya.”

Nagdududang tiningnan ko sya. Kanina ko pa kasi napapansin na sa tuwing may lalapit sa akin ay sumisingit sya. Para bang binabakuran nya ako. Ayokong mag assume pero yun ang napapansin ko. Para bang ayaw nya na nababaling sa iba ang atensyon ko.

“Bakit?” Taas kilay na tanong nya.

Ngumuso ako at dinampot ang cocktail glass. “Wala.”

Inubos ko ang laman ng cocktail glass at nang may nakitang nag iikot na waiter ay tinawag ko ito at humingi ng isa pang glass.

“Huwag kang masyadong uminom nyan.” Turan ni Ric na umupo na sa tabi ko. May hawak na rin syang wine glass.

“Bakit, nakakalasing ba ’to?” Tanong ko at sinimsim ang cocktail drinks.

“Kapag nasobrahan ka, malalasing ka.” Aniya at sumimsim din sa wine glass na hawak.

“Okay, pero pangatlong glass ko pa lang ito eh.”

“Last na yan. Tama na yan.” Aniya sa istriktong boses.

Ngumiti ako. Kapag naggaganito sya di ko maiwasang kiligin eh.

“Ang strict mo naman.”

Tumaas ang kilay nya. “Nag aalala lang ako  sayo, no. Ako ang nagdala sayo dito, resposibilidad kita.”

Inusod ko ang upuan patabi sa kanya. Tinukod ko ang siko sa mesa at pinatong ang baba sa kamay habang nakatitig sa kanya. Lalo namang tumaas ang kilay nya habang nakatingin din sa akin.

Ngumisi ako nang maalala ang kamuntikan ng paglalapat ng labi namin. Parehas kaming nagkailangan kanina. Pero kitang kita ko kung paano magbago ang kislap ng kanyang mga mata at kung paano mamula ang kanyang mga pisngi. Posible kaya na parehas lang kaming may feelings sa isa’t isa? Posible kaya yun sa kanya gayung gay sya? Well, it’s for me to find out.

“Stop staring at me like that, Gracey.” Saway nya sa akin at nagbawi na ng tingin sabay simsim sa wine glass.

“Bakit?” Nakangusong tanong ko at hindi nagbawi ng titig sa kanya.

“Because.. it’s weird.” Aniya sabay ikot ng mata.

Lumapit pa ako sa kanya at sinandig ang pisngi sa balikat nya. “Parang lasing na ako Ric..”

“I told you huwag kang masyadong iinom ng cocktail drinks na yan. Mataas ang alcohol nyan.” Aniya sa nanenermon na boses pero malumanay.

Niyakap ko ang braso nya at tumingala sa kanya. “Kapag nalasing ba ako, aalagaan mo ko?”

Tumingin sya sa akin. “Of course, cargo de concienca kita, no.”

Ngumiti ako sa kanya. “You’re so sweet, Ric. Pakiss nga..” Nanunuksong saad ko sabay patulis ng nguso.

“Lasing ka na nga talaga, Grace.”

“Eh paano kung di ako lasing, kikiss mo ’ko? “

“Of course not.”

“Huu.. kanina nga muntik mo na akong i-kiss eh.”

Suminghap sya at namilog ang mata. “Hey, that’s not true! Namali lang ako ng lingon, no. Saka, bakit kita iki-kiss? Type ba kita?” Mataray na wika nya.

Aray!

Medyo nasaktan ako sa sinabi nya. Oo nga pala, gay sya. Mga lalaki din ang tipo nya.

Pero wala sa bokubularyo ko ang salitang suko. Abot kamay ko na nga sya, aatras pa ba ako?

Hinawakan ko ang mukha ni Ric at pinaling sa akin.

Ngumisi naman ako. “Pero ako gusto kitang i-kiss. Kanina pa nga kita gustong i-kiss eh.” Nanghihibong sabi ko.

Muli naman syang napasinghap at namilog pa ang kanyang mga mata. Unti unti ko namang nilapit ang mukha sa kanya.

“H-Hoy Grace, m-maghunusdili ka. L-Lasing ka.” Aniya at nilayo ang mukha.

Natawa na lang ako sa reaksyon nya lalo na sa mukha nyang namumula na. Ayaw man nyang aminin pero alam kong naaapektuhan din sya sa ginagawa ko.

Sumandig na lang akong muli sa balikat nya at niyakap ang braso nya..

Isang oras pa kaming nagtagal sa venue bago nagpasyahang umalis. May tama na nga ako ng cocktail drinks na ininom ko. Pero nasa katinuan pa naman ang isip ko.

“Hay, ang tigas talaga ng ulo mo. Ang sabi ko tigilan mo na ang kaiinom nung cocktail drinks eh. Umalis lang ako sandali pagbalik ko naka tatlong glass ka pa. Ginawa mo pang tubig.” Sermon ni Ric habang inaalalayan nya akong sumakay sa mamahaling kotse nya.

“Sorry naman. Napasarap lang..” Sabi ko nang makaupo na sa front seat.

Hindi sya umimik at inayos lang ang laylayan ng dress ko saka nya sinarado ang pinto. Napabuntong hininga na lang ako at sinundan na lang sya ng tingin sa labas na umikot na sa papunta sa driver seat. Wala syang kangiti ngiti at seryoso ang bukas ng mukha. Umupo na sya sa driver seat at sinarado ang pinto.

“Galit ka ba?” Tanong ko.

Kunot noong lumingon sya. “No.”

“Eh bakit ganyan ang mukha mo?”

“Dahil umalis lang ako saglit kanina kung sino sino na naman ang kausap mo.” May himig ng inis sa tono ng boses nya.

Umawang ang labi ko. Iniwanan nga nya ako saglit sa mesa namin kanina dahil may kumausap sa kanyang isang foreigner na lalaki. Ako naman ay sinamantala yun at muling uminom ng cocktail drinks. Pagkatapos ay may ilang lumapit sa akin na guest at kinausap ako.

“Eh ano naman sayo kung makipag usap ako kung kani-kanino.” Sarkastikong turan ko.

Awang ang labing lumingon sya sa akin. Mukhang di nya nagustuhan ang tinuran ko.

“Huh! Ewan ko sayo, Grace.” Aniya sabay ikot ng mata. “Mag seatbelt ka na nga.” Tila naiinis pang utos nya.

Ngumisi naman ako at pumalatak. “Yan ang hirap sayo, eh. Puro ka ewan ko sayo, Grace. Di mo ko type pero nagseselos ka naman kapag may iba akong kinakausap.”

Suminghap sya. “Hey! Hindi ako nagseselos no!”

Tumaas ang kilay ko. “Talaga? Di ka nagseselos?”

“O-Oo nga! A-At bakit ako magseselos?”

“Dahil type mo ko.” Nakangising wika ko.

Suminghap sya at namilog ang mga mata.

“Of course not! Ang assuming mo, ha.”

“Sure ka? Di mo ko type?”

“Oo no! Di ko type ang mga merlat. At kahit shiboli ka, may beelat ka pa rin. And I don’t like merling may beelat!”

Lalo akong napangisi nang makitang namumula ang pisngi at tenga nya.

“Kahit i-kiss kita ngayon?”

“A-And why would you kiss me?”

“Dahil gusto ko. Di ba sabi ko, kanina pa kita gustong halikan..” Nanghihibong turan ko ay unti unting lumapit sa kanya.

Nahigit naman nya ang hininga at lalong namilog ang kanyang mga mata. Umatras sya at napasiksik na sa pintuan ng kotse.

“G-Grace.. i-ikalma mo. L-Lasing ka lang..”

“Eh di itulak mo ko.” Hamon ko sa kanya.

Tumaas nga ang dalawa nyang kamay pero nakapirmi lang yun at hindi nya ako tinutulak.

Lalo ko pang nilapit ang mukha sa kanya hanggang sa maging isang dangkal na lang ang pagitan. Dama ko na ang mainit nyang hininga na tumatama sa mukha ko. Panay na rin ang lunok nya.

“G-Grace, don’t do it..” Halos pabulong na anas nya.

“Isang kiss lang, Ric.. Pagbigyan mo na ako. Kapag hindi mo nagustuhan ang kiss ko, eh di itulak mo ko..” Anas ko. Hindi talaga ako papayag na hindi sya mahalikan ngayong gabi.

“G-Grace naman ih..”

Tinaas ko ang kamay at hinawakan ang kanyang isang pisngi sabay lapat ng aking labi sa kanyang labi.


Chapter 22

Grace POV

TILA bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng maglapat ang mga labi namin ni Ric. Nakadiin lang ang labi ko sa kanya pero damang dama ko ang kalambutan nun at gusto ko pang matikman yun. Kaya naman binuka ko ang labi at inipit ang labi nya. Narinig ko naman ang pagsinghap nya.

Dahil wala akong karanasan sa halik ay sinunod ko na lang ang sinasabi ng instinct ko. Ginalaw ko ang labi at mas idiniin pa yun sa kanya. Lalo kong nadama ang kalambutan ng kanyang labi. Walang lasa pero tila kay tamis ng kanyang labi.

Kumalas ako sa halik at tumingin sa kanya. Nakatingin din sa akin ang namimilog nyang mga mata habang bahagyang nakaawang ang labi. Nakataas pa rin ang dalawa nyang kamay at walang kagalaw galaw. Tila ba na-shock sya sa ginawa kong paghalik.

Ngumisi ako.

Lumunok sya. “G-Grace — hmp!”

Naputol ang sasabihin nya ng muli ko syang halikan ng mariin sa labi. Wala pa rin syang kagalaw galaw at parang hinahayaan lang nya ako. Kaya naman lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na gaslawan pa ang paggalaw ng labi at lalaliman pa ang halik..

.

.

Ricardo POV

“RIC.”

“Ha?” Napapitlag ako nang marinig ang pagtawag sa akin ni Kester.

Nakakunot ang kanyang noo habang matamang nakatingin sa akin. May sinasabi nga pala sya pero di ko narinig.

“What was it again?” Tanong ko sa pinsan.

Ngunit lalo lang kumunot ang noo nya.

“May problema ba, Ric? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo.  Kanina pa ako nagsasalita pero wala ka palang naririnig at nakatulala lang. What’s wrong?”

Napahugot ako nang malalim na hininga at hinimas ang batok.

“M-May iniisip lang ako.”

Ngumisi sya. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah. Ano ba yun?”

Umiling ako. “Nothing. Huwag mo na lang intindihin yun. Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?” Pag iiba ko ng topic.

Tumiim ang tingin sa akin ni Kester. Parang gusto pa nyang magtanong pero piniling huwag na.

“Ang sabi ko kung pwedeng ikaw muna ang pumunta sa convention na dapat ay dadaluhan ko sa thursday.”

“At bakit?”

“Dahil aalis kami ng pamilya ko sa wednesday.”

“At saan naman kayo pupunta?”

“Uuwi sa probinsya ng father ni Crizel sa visayas. Namatay ang lolo nya at sa friday ang libing.”

Nag pout ako. “Okay, no problem. Ako na ang bahala. Pakisabi na lang kay bal na condolence.”

“Thanks, couz.”

Tumango ako at hinarap na ang mga papeles. Pero muli akong nag angat ng tingin kay Kester na tila wala pang balak na tumayo at lumabas ng opisina ko.

“May sasabihin ka pa?” Tanong ko.

“Wala na. Baka ikaw may gustong sabihin.” Aniya sabay ngiti. Yung ngiti nyang nakakabanas at may double meaning.

Tumaas ang isang kilay ko. “At ano naman ang sasabihin ko?” Mataray na tanong ko.

“Yung iniisip mo kanina. Baka gusto mong i-share sa akin.”

Inikutan ko sya ng mata. “Tsismoso ka talaga ng taon. Umalis ka na nga. Bumalik ka na sa office mo bago pa magbago ang isip ko at bawiin ang pagpayag ko sa pagdalo sa convention.”

Ngumisi si Kester at tumayo na. “I smell something fishy.”

“Sarili mo lang yun. Baka nakalimutan mong mag toothbrush.” Sarkastikong sabi ko.

Tinawanan lang nya ako at lumabas na ng opisina ko.

Inikot ko ang mata sabay buntong hininga.

Napakatsismoso talaga ng pinsan.

Muli akong bumuntong hininga at tinukod ang dalawang siko sa table. Diniin ko ang dalawang kamay sa aking magkabilaang pisngi. Two days na nga akong parang lutang at wala sa sarili. Two days na rin akong kulang sa tulog.

Kasalanan ni Grace ang lahat ng ito kaya ako nagkakaganito.

Ang shiboling yun, ang lakas ng loob na halikan ako. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa. Enjoy na enjoy sya sa lips ko.

Nag init ang pisngi ko nang muling maalala ang nakakalokang gabing yun. Sya ang unang babaeng nahalikan ko. At ang mas nakakaloka di man lang ako nakaramdam ng pandidiri. Hindi ko man lang sya nagawang i-push na dapat ay syang ginawa ko. Parang nag enjoy din ako. Masarap din kasi syang humalik.

Ipinilig pilig ko ang ulo. No! No! Nagiging shiboli na rin yata ako. Oh my gosh! Oh my gosh! It can’t be. It can’t be!

Natigilan ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makitang may message muli si Grace.

Kinagat ko ang labi at dinampot ang cellphone. Binuksan ko ang message ng pangahas na shiboli.

Grace: Galit ka ba?

Tinitigan ko lang ang bagong message ni Grace. Nakailang message na sya sa akin pero di ko sya nirereplyan dahil hindi ko naman alam kung ano ang ire-reply ko.

May pumasok uling bagong message.

Grace: I’m sorry sa nagawa ko. Lasing lang ako nun. Dala lang ng alak kaya ko nagawa ang bagay na yun.

Grace: I’m sorry, Ric. Dapat hindi ko ginawa ang bagay na yun. Nagsisisi na ako. Sorry talaga.

Tumaas ang kilay ko at umingos ako.

What does she mean? Pinagsisisihan nyang hinalikan nya ako, ganun?

Humugot ako ng malalim na hininga sabay ikot ng mata at nagtype ng reply..

.

.

Grace POV

BUMUNTONG hininga ako habang tinutuktok ang hawak na ballpen sa kahoy na mesa. Patingin tingin din ako sa cellphone ko. Nagbabakasakali na mag reply si Ric. Dalawang araw ko na syang mini-message pero di sya nag re-reply. Ngayon nga ay minessage ko ulit sya at sana ay mag reply na.

Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang ginawa kong kapangahasan sa kanya noong sabado ng gabi. Pero aaminin ko na matagal ko na ring gustong gawin ang bagay na yun, ang halikan sya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa alak. Ang sarap sa pakiramdam nung mahalikan ko sya. Wala rin naman akong naramdamang pagtutol sa kanya kaya mas lalo pa akong naging pangahas ng gabing yun. Sya ang first kiss ko.

Ngunit mukhang dahil sa ginawa ko ay magiging friendship is over na kami. Mukhang galit na sya sa akin ngayon.

Inis na napakamot ako sa ulo. Parang gusto ko tuloy ngayong batukan ang sarili. Masyado kasi akong naging agresibo.

“Boss G, mukhang iritable ka ngayon, ah. Problema?” Untag sa akin ni Bok na pinupunasan ng basahan ang kamay na may grasa.

Narito ako ngayon sa auto shop dahil nabuburyong ako sa hardware shop.

“Wala. May iniisip lang.” Sabi ko.

Ngumisi si Bok. “Ano? Babae?”

‘Hindi. Binabae.’ Ngalingali kong isagot.

“Hindi, no. May.. iniisip lang akong bagay na  itinabi ko na hindi ko na matandaan kung saan ko naitabi.” Pagsisinungaling ko.

“Ano ba yung bagay na yun?”

Mabilis akong nag isip. “Yung.. isang gloves ko. May ride kasi kami next week.”

“Ah, naitabi mo lang yun sa bahay mo.”

“Oo nga.”

Tinawag si Bok ng isa naming suking customer kaya iniwan na nya ako.

Kumislot naman ang puso ko ng mag vibrate ang cellphone ko at nakita ang reply ni Ric. Agad kong dinampot ang cellphone at binuksan ang message nya.

Ric: Kita tayo sa coffee shop

Kinagat ko ang labi at napangiti. Agad akong nag type ng reply.


Short update po muna dahil pawala wala ang kuryente dito sa amin

Chapter 23

Grace POV

MATAMAN lang akong nakatingin kay Ric habang elegante syang sumisimsim ng kape. Naka pang opisina pa sya pero di na suot ang necktie at coat. Naka crossed legs din sya at nakataas pa ang dalawang kilay.

Tumuon ang tingin ko sa labi nya. Ang labing natikman ko at gusto ko uling tikman pa.

Sana naging tasa na lang ako.

Nag bawi ako ng tingin mula sa labi ni Ric ng tumikhim sya. Lalong umarko ang isang kilay nya.

Napakamot ako sa batok. Nahuli pa nya akong nakatingin sa kanya.

Tumikhim din ako at umayos na ng tingin sa kanya dahil baka masura pa sya sa akin.

“Ric, alam kong galit ka sa akin dahil sa ginawa kong paghalik sayo. Sorry talaga. Hindi na mauulit..” Sabi ko sabay yuko.

“Hindi ako galit.”

Nag angat ulit ako ng tingin. “Talaga? Di ka galit?”

Umikot ang mata nya. “Oo nga.”

Napangiti na ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala sya galit.

“Akala ko talaga galit ka, eh. Dalawang araw mo na kasi akong hindi nirereplyan. Salamat naman at di ka galit.”

“Busy kasi ako kaya di kita mareplyan.”

Ngumuso ako. “Sabi mo kapag weekend nag be-beauty rest ka lang.”

“Well.. naging busy ako nung sunday lalo na nung monday.” Aniya.

Kumamot akong muli sa batok. “Okay.. pero sorry pa rin talaga sa nagawa ko, Ric.”

“Tama na nga yang kaka-sorry mo. I’m not mad. Isa pa.. hinayaan naman kitang i-k-kiss ako kaya wala akong karapatang magalit.” Wika pa nya sabay iwas ng tingin sa akin.

Kinagat ko ang labi at nangiti. Ang saya ko dahil hindi sya galit.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan?” Nakataas ang isang kilay na tanong nya.

“Masaya lang ako kasi di ka galit.”

Muli nya akong inikutan ng mata at nagpout sya.

Sanay na ako sa mga paganyan ganyan nya. Dyan nga ako lalong na-attract sa kanya.

“Ric.”

“What?” Tanong nya sabay simsim ng kape.

“Nagustuhan mo ba yung kiss ko?”

Nasamid sya at muntik ng maibuga ang kape. Agad naman akong humugot ng tissue at inabot sa kanya. Kinuha naman nya yun at dinampi dampi sa labi nya habang nauubo.

“A-Ano bang klaseng tanong yan, Grace?”

“Tanong na matino.” Sagot ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. Nginitian ko naman sya.

“B-Bakit ba tinatanong mo pa yan?”

“Dahil gusto kong malaman kung nagustuhan mo yung kiss ko.”

“Ano sa tingin mo?”

Nagkibit balikat ako. “Di ko alam. Kaya nga ako nagtatanong sayo eh.”

Muli nyang inikot ang mata.

Mataray talaga itong barbielat na ’to. Pero masarap syang halikan.

“Ayokong sagutin yan.”

Napanguso ako. “Bakit naman?”

“Basta ayokong sagutin.”

Mataman ko syang tiningnan. Kanina ko pa napapansin na hindi sya makatagal ng tingin sa akin.

Ngumisi ako at nilapit ang mukha sa kanya.

“Nagustuhan mo ang kiss ko, no?” Nanunuksong sabi ko na ikinasinghap nya.

“H-Hindi no!” Namumula ang pisnging tanggi nya na lalo ko namang ikinangisi.

“Eh bakit namumula ka?”

“S-Sa blush on lang yan. S-Saka di ka marunong humalik.”

Napanguso ako at napakamot sa batok. “Pasensya na. First time kong humalik eh. Ikaw ang first experience ko sa kiss.”

Namilog ang mata nya. “Seriously? Ako ang first kiss mo?”

“Oo. Kaya pasensya ka na kung di ako marunong humalik.”

Ngumisi sya. “Tss, ang lakas ng loob mong manghalik di ka naman pala marunong.” Tila nang aasar na sabi nya.

Nag init naman ang pisngi ko. “Eh di sorry. Pero huwag kang mag alala. Pag aaralan ko ng humalik.”

Tumaas ang kilay nya. “What do you mean na pag aaralan mong humalik?”

“Mag aaral akong humalik para matuto. Para next time na halikan kita mag enjoy ka na.”

Suminghap sya at tinuro ako. “You..”

Humugot sya ng malalim na hininga at pumikit. Pagdilat nya ay tumingin sya sa akin.

“Maloloka ako sayo, Grace. At talagang gusto mo pang umulit ha..”

Ngumisi ako. “Ang sarap mo kasing halikan, eh.”

Muli syang pumikit at diniin ang daliri sa sentido. “Oh my gosh, Grace. Hindi na kita kinakaya.”

Inusod ko ang upuan palapit sa kanya. Kinuha ko ang isang kamay nya at hinawakan yun. Tumingin naman sya sa akin.

“May aaminin ako sayo, Ric.”

“Ano?”

Humugot muna ako ng malalim na hininga at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

“Ang totoo.. gusto talaga kita kaya kita hinalikan.”

Suminghap sya at namilog ang mata. “G-Gusto mo ko?”

“Oo, unang kita ko pa nga lang sayo crush na kita eh.” Pag amin ko.

Nahalikan ko na sya kaya aamin na ako. Baka sakali may pag asa ako sa kanya. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Baka maunahan pa ako ng iba.

Lumunok sya habang nakatingin din sa akin.

“Grace, baka nakakalimutan mo.. I’m gay.”

“Alam ko. Hindi ko naman nakakalimutan yun. Pero kahit gay ka, gusto pa rin kita.”

Hindi sya agad sumagot at nakatingin lang sa akin.

“Grace — “

“G! Sabi na ikaw yan, eh!”

Natigilan ako nang may yumakap sa aking babae mula sa likuran.

Lumingon ako at napangiti nang makita ang kaklase ko at kaibigan nung college.

“Kaye.” Sambit ko.

Binitawan ko ang kamay ni Ric at hinarap ang kaibigan. May kasama syang isa pang babae na ngumiti rin sa akin.

“Gosh, I didn’t expect na dito pa kita makikita.” Wika ni Kaye na bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.

“Ako nga rin, eh. Sinurpresa mo ko. Kelan ka pa umuwi ng pinas?” Tanong ko. Natutuwa ako na makita ang kaibigan. Three years din kaming hindi nagkita pero nagkakausap naman kami through social media.

Isang nurse si Kaye at sa ibang bansa sya nagtatrabaho.

“Nung nakaraang araw lang. I-cha-chat pa nga lang sana kita na magkita tayo, eh. Pero di na pala kailangan dahil nagkita na tayo ngayon. I missed you, G.” Nakapout na wika ni Kaye at muli akong niyakap.

Natawa naman ako at hinaplos ang likod nya. “I missed you, too. Bihira ka na lang mag reply sa chat ko.”

“I’m sorry. Sobrang busy lang talaga sa hospital.”

“Naiintindihan ko naman.” Turan ko.

Tumingin ako kay Ric. Nakataas ang isang kilay nya at pasimple akong inirapan sabay dampot ng tasa nya.

Kumalas na ng yakap sa akin si Kaye.

“Anyway G, this is Jem. Nurse din sya at parehas kami ng hospital na pinagtatrabahuhan sa Canada.” Pagpapakilala ni Kaye ng kaibigan nya sa akin.

Nilahad ko naman ang kamay kay Jem. “I’m Grace. Nice meeting you, Jem.”

Nakangiting tinanggap naman ni Jem ang kamay ko. “Nice meeting you too, Grace.” Aniya at tumingin pa kay Ric. Yung tingin nya kay Ric ay may halong paghanga. Pati nga si Kaye ay napatingin din.

Tumikhim ako. “Ah, ito naman ang kaibigan ko. Si Ric.”

Tumingin sa akin si Ric at sa dalawang babae. Tumaas ang kilay nya at ngumiti sya. Pero ang ngiti nya ay halatang pilit.

“Hello.” Aniya at hindi man lang nag abala na ipakilala ang sarili.

Naging alanganin tuloy ang ngiti ni Kaye at Jem. Halatang na-intimidate sila kay Ric.

“Hi, I’m Kaye.”

“I’m Jem.”

Pagpapakilala ng dalawa at kumaway na lang.

“I’m Ric.” Tipid na turan ni Ric.

“Uhm, mukhang nakakaistorbo kami sa inyo ng friend mo, G. Kita na lang tayo next time. Bonding tayo.” Ani Kaye.

Tumayo ako. “Ah sure! Pasensya na Kaye. Usap na lang tayo sa chat.” Sabi ko.

“No problem. Sige, mauna na kami ni Jem. Bye, Ric.” Paalam ni Kaye at tumalikod na sila ni Jem.

Sinundan ko naman sila ng tingin hanggang sa makalabas ng coffee shop. Nang lumingon sila ay kumaway ako at ngumiti.

“Sundan mo na kaya. Parang gusto mong sundan, eh.” Sarkastikong wika ni Ric.

Nilingon ko sya. Bahagya na syang nakasimangot.

Ngumisi naman ako at bumalik sa pagkakaupo. Alam ko naman kung bakit sya nagkakaganito, eh. Ayaw nya na nababaling ang atensyon ko sa iba kapag kasama ko sya.

“Selos ka na naman. Friend ko lang yun si Kaye.”

“Hindi ako nagseselos, no. Bakit naman ako magseselos eh mas maganda ako dun.” Pagtataray nya.

“Oo naman!” Pag sang ayon ko.

Nagpout sya at inirapan ako. “Hmp! Nakakainis ka..”

“Huwag ka ng mainis. Kiss na lang kita para mawala ang inis mo.” Sabi ko sabay patulis ng nguso at lapit sa kanya.

Iniwas naman nya ang mukha. “Kiss ka dyan.. Di ka nga marunong magkiss eh.”

“Eh di turuan mo ko.” Nanghihibong sabi ko.

“Ayoko nga!”

“Okay, sa iba na lang ako magpapaturo.”

Hinagkis nya ako ng matalim na tingin na lalo kong ikinangisi.

Selosa talaga ang barbielat kong maganda at gwapo.


Please follow me here and my fp page. Lhia Maya with 1.6 k followers

Chapter 24

Grace POV

SA loob ng mamahaling sasakyan ni Ric ay muli kong nilalasap ngayon ang matamis nyang labi. Kung matamis ang unang halik na naranasan ko sa kanya ay mas matamis ngayon dahil tumutugon na sya na tila ba tinuturuan nya ako ng tamang paghalik. At bilang fast learner nakuha ko na ang tamang galaw ng labi at dila kaya naman nadodominahan ko na sya. Mas nilalaliman ko pa ang halik at halos higupin ko ang kanyang labi. Kasabay naman nun ang pagkabuhay ng kakaibang init sa aking katawan na ngayon ko lang naramdaman.

“Aww Grace..” Daing ni Ric ng madiinan ko ang pagsipsip sa kanyang labi.

Bumitaw naman ako at nag aalalang hinaplos ang kanyang labing namumula na.

“Sorry sorry..” Sambit ko.

Nagsalubong ang kilay nya. “Grabe ka namang makahalik. Kulang na lang higupin mo ng buo ang labi ko.” Nakapout na saad nya.

“Sorry naman.. ang sarap mo kasing halikan eh.”

Inikot nya ang mata. “Nakakadami ka na sa akin, ha..”

Ngumiti ako at dinampian sya ng halik sa labi. “Gusto mo rin naman eh.”

“Well, pasalamat ka gusto ko rin..”

“Thank you.” Muli ko syang dinampian ng halik sa labi. Nakakaadik kasi syang halikan. Ang lambot ng labi nya na parang marshmallow tapos ang bango bango pa ng hininga nya.

“Siguro naman di ka na mag iisip na humalik ng iba. Kapag humalik ka ng iba, never ka ng makakahalik sa akin. Tandaan mo yan, Grace.” Banta nya sa akin sabay irap.

Ngumisi ako. Selosa talaga sya ayaw lang nyang aminin.

“Hindi ako hahalik ng iba. Bakit pa ako hahalik ng iba eh labi mo lang sapat na sapat na sa akin.”

“Hmp, bolera ka.”

“Nagsasabi ako ng totoo. Masarap kang halikan. Nakakaadik.”

Tumaas ang isang kilay nya at inikot ang mata. “I know.”

Mahina akong tumawa at muli ko syang sinunggaban ng halik. Agad din naman syang tumugon at hindi rin nagpatalo sa akin.

Ang saya ko lang dahil nararamdaman ko na may katugon ang damdamin ko sa kanya. Dahil kung wala, hindi nya ako hahayaang halikan sya at hindi sya tutugon sa halik.

.

.

Napasipol ako sa pagkamangha pagpasok ko sa condo unit ni Ric. Ito na yata ang pinaka maganda at pinaka sosyal na condo na napasukan ko. Para syang condong mga nakikita ko sa palabas. Kunsabagay, di na nakakapagtaka dahil nandito kami sa isang high end condominium na kilalang isa sa pinakamahal na residences sa buong bansa.

“Ang ganda ng unit mo. Ang laki pa. Parang pa-mansion na.” Sambit ko habang ginagala ang mata sa loob ng condo unit nya.

“Thanks. I’ll just change my clothes. Feel free to roam here.” Aniya at umakyat sa eleganteng hagdan na yari sa salamin ang handrail.

Malaki talaga ang condo unit ni Ric at may second floor pa. Mas malaki pa sa bahay ko at mukhang mas malaki pa nga sa pinagsamang bahay namin nila Tiyong Poldo. At sa istraktura nito at disenyo ay halatang hindi biro ang presyo. Halatang mamahalin din ang furniture gaya ng sofa nya na parang nakakahiyang upuan dahil baka malukot at madumihan. Kumpleto sa modernong kagamitan ang unit. Mula sa kusinang sosyal, dining area, living area at sa balcony na may swimming pool.

Nangingisi at napapailing na lang ako sa pagkamangha sa mga nakikita ko sa loob ng sosyal na condo unit ni Ric.

“Grace.”

Lumingon ako nang marinig ang malambing na boses ni Ric.

“Nandyan ka lang pala.” Aniya nang makita ako.

Umawang naman ang labi ko nang makita ang ayos nya. Nakasandong puti sya na maluwag at dolphin shorts na kulay pink. Maganda ang porma ng katawan nya. Sakto lang sa muscles, hindi bulky. Maputi din sya na parang labanos at makinis pa. Mas maputi sya at mas makinis pa sa akin.

“Anong ginagawa mo dyan?”  Tanong nya.

Bumalik ang tingin ko sa mukha nya at nagkibit balikat. “Tumatanaw. Ang sosyal ng balcony mo. May swimming pool pa.” Nakangising turan ko.

“Gusto mong magswimming?”

Umiling ako at lumapit na sa kanya. “Next time na lang.”

Tumaas ang kilay nya. “Next time? Parang may balak ka pang bumalik dito, ah.”

Ngumuso ako. “Bakit? Bawal na ba?”

Nagpout sya. “Hindi naman.. Pwede kang bumalik dito. Anytime you want.”

Ngumiti ako. “Yun naman pala, eh.”

Naglakad sya patungo sa kitchen area. Sumunod naman ako.

“Ilang years ka ng nakatira dito?” Usisa ko.

“Three years. Pero may isa pa akong condo unit sa Serenity Cove. Lumipat lang ako dito dahil mas malapit sa company.”

“Serenity Cove? Ang mahal din ng unit dun, ah.” Bulalas ko.

Kunsabagay. Mayaman si Ric kaya kayang kaya nyang bumili ng unit sa mga high end condominium.

“What do you want for dinner?” Tanong sa akin ni Ric pagpasok namin sa kitchen area.

“Dito mo ko pakakainin?”

Tumaas ang kilay nya. “Bakit, ayaw mo?”

“Syempre gusto ko.” Agad kong sabi at umupo sa stool chair na nasa counter.

“So anong gusto mo for dinner?”

“Magluluto ka?”

“Yes.”

“Marunong kang magluto?” Manghang tanong ko.

“Of course! What do you think of me?”

“Pogi.” Pilosopong sagot ko.

Pero sinamaan nya ako ng tingin na ikinangisi ko.

“Maganda pala.”

Inikutan nya ako ng mata. “Ano nga ang gusto mo?”

“Kahit ano. Di naman ako choosy, eh. Kahit sardinas o tuyo pa yan.” Sabi ko.

“Okay.. oven-baked salmon na lang then salad.” Aniya.

Ngumuso ako. “Ang sosyal naman.” Sambit ko.

“Yun lang kasi ang meron sa fridge ko.” Aniya at binuksan ang ref nyang mukhang cabinet.

Mayaman talaga si barbielat. Salmon lang ang laman ng fridge. Eh ang ref ko nga sa bahay galunggong lang ang madalas na laman na nakalagay pa sa container ng ice cream.

Mataman ko lang pinagmamasdan si Ric na nag pe-prepare na ng mga sangkap sa lulutuin nya. Pati sa paghihiwa napaka pino nyang kumilos. Talo pa talaga nya ako.

“This will take about thirty minutes. Nagugutom ka na ba?” Tanong ni Ric na  ilalagay na sa foil ang salmon.

“Hindi pa naman.” Sagot ko.

Nilagay na nya sa oven ang foil at sinet ang timer. Sunod ay nilinis na nya ang mga kalat sa counter. Isa pa sa napapansin ko ay masinop sya at malinis. Parang ayaw nya ng dumi. Dito nga sa unit nya ay wala akong nakikitang kalat o kahit na katiting na dumi. Lahat ng gamit ay naka-organized. Samantalang ang bahay ko, parang bodega dahil kung saan saan ko lang nilalagay ang mga gamit ko.

“Brown rice lang ang meron ako. It’s that okay with you?” Untag sa akin ni Ric.

Tumango ako. “Pwede na yan.”

“Okay.”

Hinarap na ni Ric ang rice cooker para magsaing na ng brown rice.

Hindi ko naman maiwasang kiligin at ma-touch dahil pinagluluto nya ako. Bukod kay Tiyang Cess ay sya lang ang bukod tanging pinagluto ako. Parang napaka espesyal ko tuloy.

.

.

“Hmm.. ang sarap!” Bulalas ko nang matikman ang baked salmon ni Ric. Mas masarap talaga ang lasa ng mahal na isda.  Tapos masarap din yung nagluto. Panalo talaga!

“Really? You liked it?” Tanong nya.

Tumango ako at binigyan sya ng dalawang thumbs up. “Sobra! Ang sarap mo — este ang sarap mong magluto.”

Ngumiti sya. “Thank you. Specialty ko yan.”

“Kaya pala. Mukhang magiging favorite ko na ’to. Thank you, Ric.”

“You’re welcome. Enjoy your food.” Aniya.

At in-enjoy ko nga talaga ang pagkain hindi lang dahil masarap ang luto nya kundi kasalo ko din sya..

.

.

“Maraming salamat sa dinner, Ric.” Wika ko nang makarating na kami sa basement parking.

“You’re welcome.”

“Balik ulit ako dito, ha.” Sabi ko at sumampa na sa bigbike ko.

“Sure.”

Kinuha ko ang helmet na nakasabit sa side mirror.

“Wait.”

Natigilan ako sa pagsuot ng helmet at tumingin kay Ric. Napasinghap ako at namilog ang mata ng bigla nya akong halikan ng mariin sa labi.

“Take care. Iwasan mong mag overtake.”

Hindi ako agad nakaimik at nakaawang lang ang labi ko. Nabigla ako sa ginawa nya.

“Grace.” Untag nya sa akin.

Napalunok ako. “O-Oo, mag iingat ako.”

Ngumisi sya. “Nagulat ka ba?”

Napangisi na rin ako. “Oo, ginulat mo ko.”

Kinagat nya ang labi at muli syang lumapit sa akin. Hinawakan nya ang pisngi ko at muli akong siniil ng halik.

Pumikit naman ako at tumugon.


Chapter 25

Ricardo POV

PAGPASOK ko sa unit ko ay sinarado ko ang pinto at sumandal sa likod nun. Sinapo ko ang dibdib dahil mabilis ang pintig ng puso ko. Hinawakan ko rin ang labi at kinagat yun.

I can’t believe na nag e-enjoy akong kalaplapan ang shiboling yun. But I’ll admit na masarap syang kahalikan. Ang galing na nga nyang humalik. Parang di na first timer. Fast learner din talaga ang gaga.

Ipinilig pilig ko ang ulo at umalis na likuran ng pinto. Dumiretso ako sa living area at binagsak ang sarili sa couch sabay cross legs. Nilagay ko ang isang braso sa ibaba ng dibdib at pinatong dun ang kabilang siko at kinagat kagat ko ang isang daliri.

To be honest na co-confused na ako sa sarili ko. I’m gay and I like men. And I don’t like merlat na may beelat. But I’m enjoying kissing a merlat now.

“Oh my gawd what’s happening to me? Nagiging straight na ba ako? O nagiging shiboli na rin ako?”

Diniin ko ang dalawang mga daliri sa magkabilaan kong sentido sabay pikit at umiling iling.

Never kong pinangarap na makipag halikan noon sa isang merlie cause I’m gay. Allergic ako sa mga babae. Madikit nga lang sila sa akin noon ay kinikilabutan na ako. Noong one time na sinet up pa ako ni Luigi sa isang girl na makaka one night stand ko sana ay halos mawalan ako ng ulirat dahil hindi ko talaga kinakaya. Nag freak out talaga ako nun at halos isumpa ko si Luigi. Ganun ako ka-allergic sa mga girls. Which is understandable naman because I’m gay.

But right now ginugulo ng isang shiboli ang mundo ko. May mga feelings ako na bago sa akin at ngayon ko lang nararamdaman.  Kapag kasama ko sya gusto ko sa akin lang ang atensyon nya. Naiinis ako kapag nababaling sa iba ang atensyon nya. Hindi ako ganun ka-possesive sa mga naging past relationship ko. Hindi rin ako demanding. But when it comes to Grace, ganun ang nararamdaman ko. At gustong gusto ko ring hinahalikan sya. And what’s even crazier ay gusto ko ng mas higit pa dun.

Impit akong napatili at ipilinilig pilig ang ulo.

I don’t know kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. This is not me!

.

.

Grace POV

“O ’La, binilhan ko na po kayo ng pang isang buwang supply nyo ng gatas. Binilhan ko na rin kayo ng dalawang latang paborito nyong biscuit.” Sabi ko kay Lola Josefa habang nilalabas ko sa karton ang mga binili kong grocery para sa kanya.

Tuwang tuwa naman si Lola Josefa na napapapalakpak pa.

“Ang dami dami naman nyan, apo. Maraming salamat.” Aniya at yumakap sa akin.

Natatawang niyakap ko rin sya at hinalikan sa buhok. Masaya ako na nakikitang masaya sya. Tinutupad ko naman ang pangako kong dalawin sya isang beses sa isang linggo. Kapag maluwang ang oras, minsan ay dalawang beses sa isang linggo ko sya dinadalaw.

Bukod sa gatas ni lola at paboritong biscuit ay binilhan ko din sya ng diapers nya dahil minsan ay nakakaihi sya sa gabi ng di namamalayan.

“Maraming salamat, Grace. Napakalaking tulong na nito sa amin. Lalo na kay nanay. Kailangan na kailangan nya itong gatas.” Wika ni Tita Fina habang sinasalansan sa pantry ang mga binili kong grocery.

“Wala po yun, tita. Saka kahit ito man lang maitulong ko kay lola.”

“Naku, napakalaki ng naitutulong mo. Hindi na kami nahihirapan ni Jacky mag budget dahil nakakatuwang ka na namin sa gastusin ni nanay.”

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tita Fina. Maluwag din naman sa loob ko ang makatulong sa kanila. Isa pa ay wala naman akong masyadong gastusin sa sarili at kaya ko namang makatulong, at lola ko naman ang tutulungan ko.

“Grace apo, halika ka rito.” Tawag sa akin ni Lola Josefa na may ngiti sa labi.

“Sige po tita, lalapitan ko lang si lola.”

“Naku, miss na miss ka na nyan. Kahapon ka pa nyan hinihintay na dumating.”

Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita Fina at nilapitan na si Lola Josefa na agad namang yumakap sa braso ko.

“May ipapakita ako sayo sa labas, apo.”

“Ano po yun, ’la?”

“Basta, sumama ka sa akin.”

Giniya na ako ni Lola Josefa palabas ng bahay. Inalalayan ko naman sya. Nakakalakad pa naman ng diretso si Lola Josefa pero mabagal na.

Paglabas namin ng bahay ay dumiretso kami sa maliit na garden kung saan may maliit na altar doon. Huminto kami sa hilera ng mga orchids. Pinakita sa akin ni Lola Josefa ang paborito nyang orchids na may bulaklak na. Mahilig si Lola Josefa sa mga halaman at paborito nga nya ang mga orchids at alagang alaga nya ang mga ito.

PATINGIN tingin ako sa cellphone ko habang nag ta-type ako sa laptop. Nag message ako kay Ric at hinihintay ang reply nya.

Bumuntong hininga ako at nag focus muna sa ginagawa sa laptop. Mayamaya ay pumasok si Rosana at binigay sa akin ang sales report ng hardware shop. Medyo busy ako ngayong araw dahil maraming gagawin.

Natapos na ako sa mga ginagawa ko pero wala pa rin akong natatanggap na reply kay Ric. Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Minsan out of coverage area pa. Ilang araw na syang hindi nag re-reply sa message ko. Mag iisang linggo na yata. Hindi ko alam kung busy lang ba sya o may problema. Okay naman kami nung umalis ako sa condo nya. Dalawang araw matapos nun ay nag re-reply pa sya sa akin. Pero sa sumunod na araw ay hindi na.  Nag aalala na nga ako sa kanya.

.

.

Pagdating sa entrance ng condominium ay huminto ako. Lumapit sa akin ang isang security. Hinubad ko ang helmet ko. Nakita ko naman na medyo nagulat ang security.

“Magandang gabi boss, pwedeng pumasok?” Tanong ko.

“Magandang gabi din po, ma’am. Bisita po ba kayo?” Magalang na bati at tanong din sa akin ng security.

“Oo, dadalawin ko lang ang kaibigan ko.”

“Ano pong pangalan ng residente, ma’am?”

“Ricardo De Asis.” Nakangiting sabi ko.

“Ah, si Sir Ric pala. Pwede po bang mahiram ang ID nyo?”

Binuksan ko ang bodybag ko at kinuha ang wallet. Hinugot ko ang isa kong ID at binigay sa security. Kinuha naman nya yun.

“Sandali lang po, ma’am. I-che-check lang po sa computer.” Anang security.

Tumango naman ako at ngumiti.

Tumalikod na ang security at lumapit sa booth. Inabot nya ang ID ko sa loob.

Matamang naghihintay naman ako habang sakay ng bigbike.

Hindi na ako nakatiis kaya pinuntahan ko na si Ric dito sa condo nya. Nag aalala din kasi ako na baka may sakit sya kaya hindi nya ako nire-replyan at hindi sinasagot ang tawag ko. Baka walang nag aalaga sa kanya. Kawawa naman ang barbielat ko.

Nakita ko ang isang security na may edad na ang lumabas ng booth at pasilip silip sa akin. Ang security naman na kumuha ng ID ko ay lumapit sa akin at ngumiti. Sumunod naman sa kanya ang may edad na security.

“Pwede na po kayong pumasok, ma’am.” Anang security at binalik sa akin ang ID ko.

Kinuha ko naman yun at binalik sa wallet ko.

“Salamat, boss. Ah, nandyan na kaya si Ric?” Tanong ko.

“Opo ma’am, kararating lang po nila.” Nakangiting sagot ng may edad na security.

Kumunot ang noo ko. Mukhang may bisita si Ric.

“Sige mga boss, salamat.” Sabi ko at muling sinuot ang helmet.

Nang tumaas ang boom gate ay minaniobra ko na papasok ang bigbike. Dumiretso ako hanggang sa basement parking.

Pinatay ko ang makina ng bigbike. Akmang tatanggalin ko ang helmet nang matigilan ako. Nakita ko si Ric na may kasamang isang matangkad at gwapong lalaki.

“Nakakainis ka. I hate you talaga noon pa!” Tila naiinis na turan ni Ric at pinalo sa braso ang matangkad na lalaki na tumawa lang.

Ngunit parang piniga ang puso ko nang akbayan sya nito at naglakad na sila patungo sa elevator.

Mariing naglapat ang labi ko. Muli kong binuhay ang makina ng bigbike at nag u-turn. Pinasibad ko yun palabas ng basement parking.

Wala naman pala akong dapat ipag alala dahil okay na okay sya. Sadyang di lang nya ako kailangan kaya hindi nya ako nirereplyan.


Chapter 26

Grace POV

KINUHA ko ang baso kong muling sinalinan ni Bok ng alak. Tinungga ko yun at sinaid ang laman. Gumuhit sa lalamunan ko ang init ng alak. Nilapag ko ang baso sa mesa at sumandal sa upuan. Nangingisi ako habang pinapanood ang mga tropa kong nag aasaran. Para pa rin silang mga bata.

Sabado ng gabi ngayon at nag aya ang tropa ng inom na agad ko namang pinaunlakan. Ilang araw ko ng gustong uminom. Baka sakali tangayin ng alak ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib.

“Nandito na pala ang ating mga muse!” Wika ni Jampol na may malapad na ngisi sa labi ng makita ang girlfriend na si Yula. Kasama din nito ang iba pang girlfriend ng tropa ko na sila Trina na lumapit na agad kay Ar-Ar, si Clariz na lumapit naman sa pinsan kong si Lonard at si Krizette na lumapit naman sa akin.

Ngumiti ako kay Krizette ng tumabi sya ng upo sa akin.

“Parang ang dami mo nang nainom G, ah.” Puna ni Krizette.

Mahina akong tumawa. “Sakto lang. O, sayo na tong tagay ko.” Inabot ko sa kanya ang baso ko na may laman ng panibagong alak.

Kinuha naman yun ni Krizette at game na tinungga. Ni hindi man lang nalukot ang kanyang mukha sa lasa ng alak. Halatang sanay na sanay sa walwalan.

“Yan tayo eh! Daya nyo talaga nagtatawag kayo ng muse. Paano naman kaming mga single?” Reklamo ni Bok.

“Oo nga. Mga wala talaga kayong pakisama. Mga paiingit ang mga puta.” Segunda pa ni Wekwek.

“Mga panget kasi kayo.” Pang aasar ni Jopet.

“Wow! Nagsalita ang wala ring jowa.” Balik pang aasar ni Wekwek.

“Hoy! May girlfriend ako, no. Hindi ko lang sya mapapapunta dito dahil gabi na at malayo ang bahay nya.”

“Eh, di ikaw na.” Turan ni Bok.

Natatawa na lang ako sa asaran nila. Kahit malalakas mang asar ang tropa sa isa’t isa ay wala namang napipikon.

“Buti pa si Boss G, may Krizette na.” Baling sa akin ni Wekwek.

Inulan naman nila kami ng tukso.

“Uy, friends lang kami ni Krizette. Huwag kayong intriga dyan.” Sabi ko.

“Oo nga. Friends lang kami ni G. Pero very close friends.” Natatawang wika ni Krizette na sinandig pa ang pisngi sa balikat ko.

Ngumisi naman ang mga tropa ko. May laman ang mga ngisi nila.

“Basta huwag mo na syang susundan sa banyo.” Nakangising sabi pa ni Ar-Ar.

Namula naman ang mukha ni Krizette.

Binato ko naman ng kutsara si Ar-Ar. “Huwag mo ng ipaalala.” Sabi ko.

Tumawa naman sila.

Mga gago talaga. Baka mamaya mahiya na si Krizette at hindi na sumama sa aming uminom.

“Huwag mo na lang silang pansinin.” Sabi ko kay Krizette na nakasandig pa rin sa balikat ko.

Ngumisi sya. “Ayos lang.”

Sa paglipas ng mga oras ay mas naging maingay pa ang ka-tropa ko. Mas bumaha pa ang alak. Ayos lang naman na mag inuman kahit abutin pa kami ng madaling araw dahil sabado naman at mga wala kaming pasok bukas.

.

.

Ricardo POV

PAGPASOK ko sa unit ko ay dumiretso ako sa living area. Nilapag ko sa glass center table ang briefcase at pabagsak akong umupo sa single couch sabay cross legs.

I feel so tired today. Wala naman akong masyadong ginawa sa office but I feel so tired.. sa kakaisip.

Tumuwid ako ng upo at dinampot ang cellphone sabay buhay dito. Napasimangot ako ng walang makitang text or any messages.

Inikot ko ang mata at muling sumandal sa couch.

Almost one month ng walang text or message si Grace. Parang kinalimutan na nya ako. Nagsawa na sya sa kaka-text at message sa akin. Hindi na rin sya tumatawag.

But on the other hand, kasalanan ko rin naman. One week kong in-ignore ang mga text, messages at calls nya. Siguro nagtatampo sya kaya di na ako tinetext at mini-message.

Message ko kaya sya?

Tinaas ko ang hawak na cellphone at muling binuhay. Kinagat ko ang labi at biglang nagdalawang isip.

Hmp! Baka isipan ng merlat na yun na miss ko na sya. Huwag na nga! May pagka-assumingera pa naman sya.

Binaba kong muli ang cellphone at humalukipkip sabay buntong hininga.

But honestly, miss ko na rin sya. Miss na miss. Hanggang ngayon confused pa rin ako pero namimiss ko na sya.

Kinagat ko ang isang daliri ko.

Ano ba kasing gagawin ko?

Ilang minuto akong nagmuni-muni pa sa living area. Nag iisip ng dapat kong gawin.

“Hayy..! Nakakaloka na!”

Padarag akong tumayo at naibyernang umakyat na sa hagdan. Pakiramdam ko ngayon ay nagiging visible na ang wrinkles ko dahil sa pag iisip sa shiboling yun.

.

.

Grace POV

“THANK you G sa paghatid.” Malambing na wika ni Krizette nang makababa na sa bigbike ko.

Kagagaling ko lang mula sa long ride at sakto namang nadaanan ko sya sa kanto nila na nag aabang ng masasakyan. Nag presinta na akong ihatid sya dito sa mall kung saan nya ime-meet ang kaibigan nya.

“You’re welcome. Teka, nandyan na ba sa loob yung kaibigan mo na ime-meet mo?”

“Wala pa. Pero on the way na sya. Medyo na-stuck lang sa trapik.”

“Eh di samahan muna kita sa loob habang hinihintay sya.” Sabi ko at bumaba na sa bigbike.

Nagningning ang mga mata nya. “Talaga? Sasamahan mo muna ako?”

“Oo naman. Para di ka ma-bored habang naghihintay.”

“Awe.. you’re so sweet talaga, G.” Nakangusong turan nya sabay hawak sa braso ko at sandig sa balikat ko.

Natatawa na lang ako sa pagiging clingy nya. Sweet si Krizette at nasasanay na talaga ako sa mga ganitong lambing nya. Very appreciative din sya.

Bitbit ang helmet ko ay pumasok na kami sa loob ng mall. Nakahawak pa sya sa braso ko at nagsimula nang dumaldal tungkol sa kaibigan nyang kikitain nya ngayon.

.

.

Ricardo POV

“OMG ka, Liora. Bakit hindi mo pa sinabi sa akin yan kanina nung nasa office pa ako?” Talak ko sa secretary ko habang pababa ako ng sasakyan ko.

“Eh sorry po, sir. Nakalimutan ko po..”

Inikot ko ang mata. “Dahil wala ka sa focus. Kanina ko pa napapansin na lutang ka, ha.” Sabi ko.

Buong araw ko ngang napapansin na lutang ang secretary ko. Ilang beses syang nagkamali ngayong araw.

“Pasensya na po talaga, sir. May problema lang po talaga..”

Bumuntong hininga ako at sinarado ang pinto ng sasakyan.

“If you want, pwede ka munang mag leave ng ilang days.”

“Naku, hindi na po, sir. Promise po bukas aayusin ko na po ang trabaho ko.”

“Are you sure? Okay lang naman na magleave ka.”

“Talaga po, sir?”

“Oo, bukas mag file ka ng leave. Then yung contract na kailangan kong i-sign ay ipadala mo na lang sa unit ko sa company driver.”

“Yes sir. Thank you po.”

“Okay..”

Binaba ko na ang cellphone at pinatay na. Naglakad na ako patungo sa entrance ng isa sa mall ng kumpanya.

“Good afternoon, sir.” Sabay sabay na bati sa akin ng apat na gwardya na nasa entrance.

“Good afternoon.” Ganting bati ko at pumasok na.

Wala naman akong appointment dito sa mall. I-su-surprise visit ko lang ang shop ko rito.

Pero mukhang ako ang masu-surprise.

Bumagal ang lakad ko nang makita ko si Grace na naka riding uniform pa habang may hawak na helmet, kasama nya ang friend nyang kaboses ni chipmunks. Nakahawak ito sa braso nya at dikit na dikit pa ang katawan sa kanya. At mukhang enjoy na enjoy pa sya dahil malapad ang ngisi sa labi nya.

Kaya naman pala hindi na nya ako tini-text at mini-message dahil busy sya kay chipmunks.

Naiimbyernang tumalikod na ako at akmang aalis. Pero pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao. Muli akong pumihit paharap at lumapit sa dalawa.

“Grace.”

Tumingin sa akin si Grace at si Krizette.

“Oh hi Ric!” Nakangiting bati sa akin ni Krizette na kumaway pa pero di pa rin bumibitaw sa braso ni Grace.

Pilit na ngumiti lang ako sa kanya dahil naiimbyerna ako sa kanya. Pero kung si Krizette ay nakangiti sa akin ay kabaliktaran naman si Grace. Stoic lang ang fez nya habang nakatingin sa akin na para bang hindi ako kilala.

“Krizette.” May lumapit na isa pang merlat at sinalubong ito ni Krizette ng yakap.

“Sorry now lang ako, ha. Naipit ako sa trapik, eh. Kanina ka pa ba?”

“Medyo kararating lang namin. Mga ten minutes. Wait, ipapakilala kita sa friend ko.” Bumaling si Krizette kay Grace. “G, this is my high shool friend, Lanie. Lanie, this is Grace.”

“Hello Grace.” Nakangiting bati ni Lanie at kumaway pa sabay lahad ng kamay.

At ang shiboli ay ngumiti din at kumaway sabay tanggap ng kamay ng babae.

“Hello Lanie. Nice to meet you.”

Nag ngingitngit lalo sa inis ang dibdib ko at nagdidilim na ang paningin ko sa patuloy na pag ignore sa akin ni Grace habang sya ay nakikipag nginitian sa dalawang merlat.

“Sige Krizette, maiwan na kita. Medyo inaantok na ako eh.” Paalam ni Grace.

“Thank you again sa paghatid, G.” Malambing na saad ni Krizette at ang bruha ay humalik pa sa pisngi nya.

“Walang anuman. Una na ko.” Tumalikod na si Grace nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Dire-diretso lang syang naglakad palabas ng mall.

Napatiim bagang naman ako. I feel rejected and betrayed.

“Uhm Ric, ayos ka lang?” Untag sa akin ni Krizette.

Pero hindi ko sya pinansin at tinalikuran lang. Sinundan ko si Grace.

How dare she na ignorahin ako.


Chapter 27

Ricardo POV

“GRACE!” Tawag ko kay Grace nang makarating na kami sa parking area.

Hindi pa rin nya ako pinapansin o nililingon man lang na parang wala syang naririnig. Tuloy tuloy ang malalaki nyang hakbang palapit sa bigbike nya.

“Grace, ano ba!” Naiinis na muling tawag ko sa kanya. Halos tumili na nga ako.

Sa wakas ay huminto sya sa paglalakad at humarap sa akin. Ngunit wala pa rin syang kangiti ngiti at nakakunot ang kanyang noo. Hindi ako sanay na ganito sya makitungo sa akin. I miss the Gracey na laging nakangisi at kung tumingin sa akin ay parang ako ang pinaka magandang bagay na nakita nya sa buong buhay nya.

Lumapit ako sa kanya at humalukipkip.

“What’s your problem? Kung i-ignore mo ko parang hindi mo ko nakikita at naririnig.” Inis na sabi ko.

I admit, nasasaktan ako sa kung paano nya ako tratuhin ngayon. Naiinis din ako.

Ngumisi sya. “Nasaktan ka ba?”

Natigilan ako at hindi agad nakasagot.

“Ganyan ang nararamdaman ko nung hindi mo nire-replayan ang text at messages ko, nung hindi mo sinasagot ang tawag ko ng halos isang linggo. Pinagmukha mo kong tanga, Ric. O ngayon, masakit din magmukhang tanga di ba?”

Mas lalo akong hindi makasagot sa sinabi nya. Parang umurong ang dila ko at naglaho ang inis ko sa kanya. I feel guilty din dahil nasaktan ko rin pala sya.

“Y-You don’t understand, Grace..”

“Talagang hindi ko maintindihan. Akala ko okay na tayo, eh. Tapos bigla bigla mang go-ghost ka. Walang reply at walang sagot sa tawag ko. Ni hindi mo rin ako naisipang tawagan. Tapos ngayon na nakita mo ko at hindi kita pinapansin a-arte ka ng ganyan.”

Damang dama ko ang disappoinment at sakit sa boses nya. Lalo pa akong na-guilty.

“Grace — “

“Sa tingin ko, dapat tapusin na natin kung ano man ang meron tayo ngayon. Na-realize ko magkaiba ang mundo natin. Gusto kita pero iba naman ang gusto mo. Walang mangyayari kung ipipilit ko pa ang gusto ko.” Aniya at tumalikod na sabay lapit sa bigbike nya.

“Wait, Grace.” Pigil ko sa kanya at hinawakan ang braso nya. Hindi ko gusto ang sinabi nya.

Muli syang lumingon sa akin.

Bumuntong hininga ako at pilit nilunok ang pride.

“L-Let’s talk..” Mahinang sambit ko.

“Bakit pa?” Malamig na turan nya.

“B-Basta, let’s talk.”

Sya naman ang bumuntong hininga. “Ano pa ba ang dapat pag usapan natin?”

Umusli ang labi ko. “About us.. I think, hindi lang tayo nagkakaintindihan. Kaya.. let’s talk.”

Saglit syang hindi sumagot at nakatingin lang sa akin. Alam kong may tampo sya sa akin. Ako rin naman may tampo sa kanya. Pero mas valid ang tampo nya kesa sa tampo ko. Ako naman kasi ang naunang nang-ghost.

“Please Gracey.. let’s talk.” Malambing na saad ko pa.

Bumuntong hininga sya. “Oo na. Saan tayo mag uusap?”

Hindi ko na napigilang mapangiti dahil napapayag ko syang makapag usap kami.

“Sa condo ko.” Sabi ko.

Tumango naman sya. “Sige, convoy tayo.” Aniya.

“Okay!” Tumalikod na ako at malalaki ang hakbang na tinungo ko ang sasakyan ko na nasa kabilang parte ng parking area.

.

.

Grace POV

MATAMAN lang akong nakatingin kay Ric habang nagsasalita sya. Nagpapaliwanag sya kung bakit hindi nya ako nirereplyan noon.

Aaminin ko, malaki ang tampo ko sa kanya sa pang go-ghost nya sa akin. Nasakatan din talaga ako dahil parang pinagmukha nya akong tanga. Idagdag pa yung lalaking sinama nya rito sa condo nya na inakbayan pa sya.

“I-I’m so sorry, Grace.. Confused lang talaga ako sa nangyayari sa akin. Confused ako sa sarili ko. You know I’m gay.. and I like men. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo yun.”

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya at parang may pumitik na lastiko sa puso ko.

“Oo, alam ko. At malinaw na malinaw sa akin na lalaki pa rin ang gusto mo. Kaya nga nagdala ka ng lalaki dito sa condo mo, eh.” Nakangising turan ko.

Nagsalubong ang kilay nya. “Lalaki? Sinong lalaki?”

“Tss.. Kunwari ka pa.”

“Wha.. What do you mean, Grace? Hindi kita maintindihan? Sinong lalaki ba ang tinutukoy mo?”

“Pinuntahan kita dito sa condo mo, isang linggo simula nung hindi mo ko nirereplyan. Nag alala ako sayo dahil baka may sakit ka kaya hindi ka nag re-reply at sumasagot sa tawag ko. Yun pala ay okay na okay ka at happy’ng happy dun sa matangkad at gwapong lalaking kasama mo. May bagong boyfriend ka na pala. Kaya who you na ’ko sayo.” Nakangising himutok ko.

Umawang ang labi nya. “Nakita mo ’kong may kasamang lalaki? Anong hitsura nya?”

“Matangkad. Gwapo. Medyo maputi at mestiso. Inakabayan ka pa nga nya habang papunta kayo sa elevator.”

Suminghap sya.

“Oh my..” Sambit nya at pumikit ng mariin. Nangisay pa sya at parang nandiri.

“Anyare sayo?” Kunot noong tanong ko.

Dumilat sya at tumingin sa akin. “Nagkakamali ka ng iniisip, Grace. Oh my gosh! Napagkamalan mong boyfriend ko si Luigi. Eww! Kadiri, ha.” Aniya na tila naduduwal pa.

Lalong kumunot ang noo ko. “Hindi mo sya boyfriend?” Nalilitong tanong ko.

“Hindi no! Yuckk! Kahit magunaw ang mundo hindi ko papatulan ang lalaking yun.”

Tumaas ang kilay ko. “Talaga? Baka chinacharot mo lang ako.” Nagdududang saad ko pa.

“Huh! Of course not! Hindi ako charotera. Hindi ko talaga boyfriend ang maasim na lalaking yun. At saka, three years na akong walang boyfriend. Hindi na nga ako nakikipag date dahil bukod sa wala ako sa mood ay super busy pa ako sa company.”

Ngumuso ako. Unti unti ng nawawala ang tampo ko sa kanya. Unti unti ding napapalis ang kirot sa puso ko.

“Hmp! Ikaw nga dyan eh.. Enjoy na enjoy kang kasama ang Krizette na yun. May pa-yakap yakap pa sya sa braso mo at ang lapad pa ng ngisi mo kanina.” Inis na sabi nya sabay irap sa akin.

Ngumisi naman ako. Alam kong maiinis sya ng makitang kasama ko si Krizette.

“Magkaibigan lang kami ni Krizette.”

“Kaibigan lang, ha.. Siguro gusto mo rin sya.”

“Hindi, no. Anong tingin mo sa akin, tomboy?”

Taas ang isang kilay na tumingin sya sa akin at hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Bakit? Hindi ba?”

Umawang ang labi ko. Tingin din pala nya sa akin ay tomboy.

Kumamot ako sa ulo. Magtataka pa ba ako. Eh tingin nga sa akin ng lahat kahit pamilya ko ay tomboy ako dahil sa kilos at pananamit ko.

“Hindi ako tomboy, okay. Ganito lang ako kumilos at manamit pero hindi ako tomboy.” Paliwanag ko sa kanya.

Namilog ang mata nya at muli akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Talaga, hindi ka tomboy?”

“Hindi nga.”

“Wala ka pang nakakarelasyon na babae?”

“Wala, dahil hindi nga ako tomboy. Saka sinabi ko na sayo na ikaw ang first kiss ko, di ba? So malamang, wala pa akong nakaerelasyon.”

Nagpout sya. “Sorry naman. Akala ko kasi.. ine-eme mo lang ako.”

Kumamot ako sa ulo at tumayo na sabay talikod.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Ric.

“Uuwi na.”

“Agad agad? Hindi pa nga tayo tapos mag usap.”

Humarap ako sa kanya at ngumisi. “Hindi pa ba. Akala ko tapos na, eh.”

Tumayo sya at lumpit sa akin. Hinawakan nya ako sa kamay at hinila pabalik sa mahabang couch. Tinulak nya ako sa paupo at tumabi sya sa akin.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Grace. Isang buwan kong pinag isipan ito at kanina lang naging malinaw sa akin ang lahat.” Aniya sa seryosong boses at mukha.

“Ano yun?”

Bumuntong hininga sya. “I like you.”

Nahigit ko ang hininga sa sinabi nya kasabay ng pagkislot ng puso ko.

“G-Gusto mo ’ko?”

Tumango sya. “Oo.. gusto naman talaga kita eh. Hindi naman ako tutugon sa halik mo kung hindi kita gusto. Sadyang nalilito lang ako noon sa sarili ko. But now.. malinaw na sa akin ang lahat.”

“Malinaw na ano?” Tanong ko pa habang pinipigil kong mangiti.

“Malinaw na gusto talaga kita. Ayokong maputol ang kung anomang meron tayo. Gusto kong.. i-continue yun. I promise hindi na kita i-go-ghost.”

“Talaga?” Hindi ko na napigilang mapangiti.

Nagpout sya at tumango.

Sa tuwa at kilig na naramdaman ko ay kinabig ko ang batok nya at siniil sya ng halik sa labi. Hindi naman ako nabigo ng agad din syang tumugon.


Chapter 28

Warning 🔞

Grace POV

ISA isang nahuhubad ang mga suot namin ni Ric sa aming katawan habang wala pa ring puknat ang halikan naming dalawa. Damang dama namin ang pananabik sa isa’t isa. Hindi lang sa halik kundi sa iba pang bagay. Nakakapaso ang bawat dampi ng kanyang mainit na kamay sa aking katawan pero nagbibigay naman yun ng kakaibang kiliti.

“Huh! Oh my gosh, this is it!” Sambit ni Ric matapos mahubad ang mga saplot namin sa katawan at nakapatong na sya ngayon sa ibabaw ko.

Nakatingin kami sa isa’t isa habang bahagyang habol ang hininga dahil sa walang humpay naming halikan kanina.

Bumaba ang tingin ni Ric sa aking hubad na katawan. Nagtagal ang kanyang mga mata sa dibdib ko at napapalunok pa. Hindi ko alam kung inggit ba ang nakikita ko sa mga mata nya o.. pagnanasa.

“You have perfect round boobies, Gracey..” Anas nya na nakatitig pa rin sa dibdib ko.

Ngumisi ako. “Naiinggit ka ba?”

Nag pout sya. “Kinda.. ganitong boobies ang gusto ko eh.”

“Huwag kang mag alala, wala ka man nyan meron naman ako. Libre mong titigan yan kung kelan mo gusto.” Sabi ko.

Kinagat nya ang ibabang labi. “Can I touch it?” Paalam nya.

Tumango naman ako.

Tumaas naman ang isang kamay nya at hinawakan ang isang dibdib ko at pinisil pisil yun. Kinagat ko ang labi habang higit higit ko ang aking hininga. Tila lalo pang tumaas ang init ng temperatura sa aking katawan.

“Oh my.. it’s so soft and it feels good in my hand..” Ani Ric na patuloy na kinukubkob ang aking dibdib habang marahan nya yung pinipisil. Salitan pa yun sa dalawa kong dibdib.

Napapabuntong hininga naman ako dahil nasasarapan ako sa ginagawa nya. Lalo na kapag nasasagi ng daliri nya ang nipples ko.

“Ah Ric..” Mahinang ungol ko.

“Feels good?” Tanong pa nya.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. “Ang sarap..”

Nagpout sya at nabigla ako sa sumunod nyang ginawa. Sinubo nya ang isa kong dibdib at sinipsip ang nipple ko. Muling umalpas ang ungol sa labi ko dahil sa masarap na dulot ng kanyang mainit na bibig. Humawak ako sa kanyang ulo habang napapaarko ang likuran ko. Salitan nyang sinusubo ang dibdib ko na parang takam na takam sya rito..

Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay nya sa gitna ko. Humahaplos ito ng marahan doon. Lalo namang tumindi ang init at pananabik na nararamdaman ko. Hindi naman ako nagpatalo at ayoko namang ako lang ang masarapan kaya naman hinawakan ko rin ang pagkalalaki nyang dumudunggol sa hita ko. Matigas yun, may kabigatan sa kamay at mainit init pa.

“Oh my gosh, Gracey!” Singhap nya.

Natigilan ako sa paghimas sa kahabaan nyang mahaba at mahaba.

Ngumuso ako. “Bakit? Ayaw mo ba? Ang daya mo.. Yung sa akin hinahawakan mo tapos yung sayo ayaw mo.”

“That’s not it.”

“Eh ano?”

Tumingin sya sa akin at nagpout kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi. “Ang sarap..”

Ngumisi ako. Natuwa naman ako dahil nasasarapan sya sa hawak ko.

“Eh di tuloy ko na?”

“Yes, continue please..” Aniya sabay siil ng halik sa labi ko.

Tinuloy ko na ang paghimas sa pagkalalaki nyang tila lalo pang tumigas habang tinutugon ko ang kanyang halik. Infairness kay barbielat, malaki sya. Mahaba at mataba ang alaga nya. Maputi rin yun nang makita ko kanina. Tisoy din gaya nya.

“Shit! Hindi ko na kaya, Gracey. I want more.”

Ha?“ Nalilitong tanong ko kay Ric ng huminto sya sa paghalik sa akin.

Pero tinanggal nya ang kamay ko sa pagkalalaki nya at binuka nya ang mga hita ko. Gumalaw sya at pumwesto sa gitna ko. Nahigit ko naman ang hininga ng idikit nya ang pagkalalaki nyang matigas sa gitna ko.

“R-Ric..” Ninenerbyos na sambit ko.

Kunot noong tumingin sya sa akin. “What? Ayaw mo ba?”

Lumunok ako. “Gusto ko.. pero dahan dahan lang, ha..”

Pumikit sya ng mariin at umigting ang panga. “I’ll try.”

“Ric naman..” Lalo akong kinabahan sa sinabi nya. Alam kong masasaktan talaga ako dahil malaki sya.

Umikot ang mata nya. “Oo na. Magdadahan dahan na.”

Sinamaan ko sya ng tingin.

“Promise.” Aniya.

Humugot ako ng malalim na hininga. “Sige na. Ready na ako.” Sabi ko.

“Owkay.. I’m going na.”

Kinagat ko ang labi at napahawak sa balikat nya ng idiin na nya ang pagkalalaki nya sa bukana ng pagkababae ko. Nakaramdam na ako ng kirot na unti unti pang tumindi habang lalo pa syang dumidiin. Malutong naman syang nagmura sa kasikipan ko..

“Oh my ghadd, Gracey! Ughh shit! Why does this feel so incredibly good! Ahh!” Ungol ni Ric habang mabilis na gumagalaw sa ibabaw ko. Ang ingay nyang umungol at panay ang tawag sa pangalan ko.

Hindi ko naman sya magawang sagutin dahil parang nalulunod ako sa sarap ng ginagawa nya. Panay ungol na lang din ang lumalabas sa aking bibig habang malaya kong tinatanggap ang kanyang bawat ulos.

Nawala na ang nakakangilong kirot na nararamdaman ko kanina. Napalitan na yun ngayon ng sarap. Damang dama ko na ang bawat hugot at baon ng pagkalalaki ni Ric sa aking lagusan.

“O-Ohh shit Ric!” Ungol ko sabay awang ng labi at ikot ng mata ng lumalim pa ang bawat baon ng pagkalalaki nya.

“Oh goshh Gracey.. Gracey.. Gracey! Ughhh!” Ungol din ni Ric habang mas bumibilis pa ang kanyang galaw sa ibabaw ko na para syang may hinahabol.

Ako naman ay humigpit ang kapit sa balikat nya. May namumuo ng mabigat na tensyon sa aking puson at parang anomang sandali ay sasambulat yun.

Lalo pang lumakas ang mga ungol ni Ric na para ba syang nasasaktan. Mas lalo din nyang binilisan ang pag ulos. At ilang sandali pa nga ay ako naman ang napaungol ng malakas kasunod nun ang pagnginig ng aking katawan. Kumawala na ang mabigat na tensyon sa aking puson. Ngunit si Ric ay patuloy pa rin sa mabilis na pag ulos hanggang sa sya naman ang nanginig..

.

.

Magkatabi kaming nakahiga sa carpet habang bahagyang habol pa namin ni Ric ang aming hininga. Parehas pang hubo’t hubad ang aming katawan. Nakatingin din kami parehas sa eleganteng chandelier na mamahalin na nakasabit sa kisame ng unit nya.

Tatlong beses akong inangkin ni Ric. Para syang walang kapaguran. Akala ko nga ay hihirit pa sya pagkatapos ng pangatlo namin.

“What did we do, Grace?” Tanong ni Ric na syang unang bumasag sa katahimikan.

“Nagbembangan tayo. Binembang mo ko.” Nakangising sagot ko at lumingon sa kanya.

Lumingon din sya sa akin. Namumula pa rin ang kanyang mukha at pawisan pa sya.

“Oh my god.. I did it.” Anas nya.

Mahina akong tumawa. “Oo, nagawa mo. Ang galing mo ngang bumayo eh. Ang sarap mo.” Pilyang sabi ko sabay kindat sa kanya.

Tinakip nya ang dalawang kamay sa mukha at impit na tumili. Kumunot naman ang noo ko.

“Grabe sya maka-react. Ako kaya ang virgin dito.” Himutok ko.

Tinanggal nya ang kamay sa mukha at tumingin sa akin. “Virgin din ako, no.” Aniya sabay ikot ng mata.

Namilog ang mata ko. “Talaga?”

“Oo.”

“Di nga? Seryoso? Virgin ka pa?”

“Oo nga. Ang kulit.”

Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya na virgin pa sya.

“Pero ang sabi mo nakailang boyfriend ka na.”

“Oo.”

“Hindi kayo nag se-sex ng mga naging boyfriend mo?” Tanong ko pa.

Umikot ang mata nya. “Hindi.”

“Eh anong ginagawa nyo pag magkasama kayo ng boyfriend mo?”

“Kiss lang.”

Nagdududang tiningnan ko sya. “Imposible.”

Lumingon sya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. “Eh di huwag kang maniwala. But I’m telling the truth. Never pa akong nakipag sex. Walang nangyayari sa amin ng mga naging boyfriend ko dahil ayaw ko.”

“Bakit naman ayaw mo?” Curious na tanong ko.

Bumuntong hininga sya. “Because I’m not comfortable. Parang may pumipigil sa akin na gawin ang bagay na yun. Kaya rin hindi kami nagtatagal ng mga naging boyfriend ko dahil hindi ko mabigay ang gusto nila.”

“Pero hindi ka rin komportable sa mga babae, di ba? Kasi gay ka.”

“Yeah.. never talaga akong naging komportable sa mga girls. Nandidiri ako. I tried na makipag one night stand before sa isang merlie nung college ako. Hindi ko talaga kinaya at nag freak out ako. Tumakbo ako palabas nun sa hotel room habang nagtititili. Nakasuot lang ako nun ng pink na boxer short. Ang akala nga ng mga staff nun may sunog.”

Tumawa ako sa kwento nya. Parang na-i-imagine ko ang hitsura nya noon.

Tumigil ako sa pagtawa at muling lumingon sa kanya.

“Eh sa akin ba.. nandidiri ka?” Tanong ko.

Lumingon sya sa akin. Hindi sya agad sumagot at nakatingin lang sa mukha ko.

“The truth is.. I expected that I would feel disgusted. But no.. I enjoyed. I’m comfortable with you, Grace. And yes..” Umikot ang mata nya. “Nasarapan ako.. ng sobra. Gawd.” Muli nyang tinakpan ng kamay ang mukha.

Mahina naman akong tumawa at tumagilid sabay yakap sa kanya. Napangiwi pa ako ng kumirot ang gitna ko. Hindi ko lang pinansin yun dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

“Hindi ka naman nagsisisi di ba?” Malambing na tanong ko kay Ric.

Tinanggal nya ang kamay sa mukha at tumingin sa akin. “Of course not. Gusto ko ang nangyari sa atin. Ikaw ba?”

“Syempre hindi. Gusto ko din naman eh.” Nakangising sagot ko.

“Kahit gay ako?”

“Wala sa kasarian yan. Nasa performance yan. Galing mo ngang bumayo kanina eh. Parang di ka virgin. Galawang expert ka.”

Tumawa naman rin sya at niyakap ako sabay halik sa pisngi ko. “Gaga.”

“Ang sarap mo, barbielat.” Natatawang sabi ko pa.

“Barbielat ka dyan.. Next time lamog ulit sa akin yang beelat mo.”

Lumakas ang tawa ko sa sinabi nya. Mukhang mapapalaban ako kay barbielat sa mga susunod naming ganap.


Please follow me here and my fb page. Thank you ♥️

Chapter 29

Ricardo POV

NILAPAG ko sa counter ang mga pinamili ko sa supermarket. Pagkagaling sa office ay dumiretso na ako sa mall para mamili ng stocks sa kusina at plain rice. Hindi kasi bet ni Gracey ang brown rice. Kumakain naman sya pero hinahanap hanap pa rin nya ang plain rice. Mahirap talagang ihinto ang nakasanayan.

Malakas kumain si Grace. Mas malakas pang kumain kesa sa akin. Mabuti na lang hindi sya tabain. At seksi ang merlat ko. Hindi lang obvious dahil lagi syang nakasuot ng loose shirt at loose pants. Tapos kung kumilos parang lalaki pa. Kung maglakad nga sya mas lalaki pa kesa sa akin kaya napagkakamalan syang tomboy. But anyway, yummy pa rin sya.

Sinalansan ko na ng maayos sa pantry ang mga groceries. Ang mga binili ko namang karne ay hinugasan ko sa sink. Dati ay kaunti lang ako kung mag grocery. Yung kaya ko lang i-consume. Puro pang-diet din ang binibili ko. Pero ngayon ay kung ano ano na na makakain ni Grace. Wala rin naman kasing pili sa pagkain ang merlat na yun kaya wala rin akong problema kung ano ang iluluto ko para sa kanya. But of course, gusto ko ang kakain nya ay yung masarap at healthy.

Hinubad ko ang pink kong apron at dinampot ang cellphone na nasa counter. Vinideo call ko si Grace. Agad naman syang sumagot pero unang sumalubong sa akin ang ingay sa background nya. Mukhang nasa auto repair shop sya.

Ilang sandali pa ay nag appear na ang fezlak ng nobya ko. Naka suot sya ng puting cap at nag pupunas ng bimpo sa mukhang pawisan. Pero kahit pawisan, poganda pa rin ang merlat ko.

“Ric.” Untag nya sa akin.

“Nandyan ka pa sa auto repair shop?”

“Oo eh.”

“Anong oras ka pupunta dito sa unit ko. Nagluluto na ako ng ulam. Beef broccoli.  Baka kasi mag reklamo ka na na puro salmon ang pinapakain ko sayo.”

Ngumisi sya. “Di naman ako nagrereklamo. Kahit asin pa ang ipakain mo sa akin, okay lang.”

Nagpout ako at pinigilang mangiti. Matamis din talaga ang dila ng babaitang ito.

“As if naman pakakainin kita ng asin. Para ano’t nagta-trabaho ako.”

Tumawa sya.

Hmp! Sarap nyang kurutin. Namimiss ko na sya. Ang tagal nyang pumunta rito.

“Anong oras ka nga pupunta rito?” Tanong ko pa ulit.

“Pag alis nitong isang customer.”

Tumaas ang kilay ko. “At anong oras naman aalis yan?”

“Paalis na. Binababa na lang sa lifter yung sasakyan nya.”

“Okay..” Saad ko.

May lumapit sa kanyang lalaki at bumulong sa tenga nya. Umakbay pa ito sa kanya na lalong ikinataas ng kilay ko. Ngumisi pa sya sa sinabi ng lalaki at bumulong din dito sabay tawa pa nilang dalawa at apir. Parang hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko.

Ay — hindi pala parang. Hindi ko talaga nagugustuhan. In front of my face, Gracey. Talaga lang, huh?

Akala ko ay sa mga babae lang na dumidikit sa kanya ako maiimbyerna. Pero parang mas maiimbyerna ako sa mga lalaking dumidikit sa kanya.

Umalis din naman agad ang lalaki at natuon na sa akin ang atensyon ng nobya.

“O, bakit nakasimangot ka na?” Tanong nya.

“Sino yung lalaking yun? May paakbay akbay at bulong pa sya sayo, ha.”

Ngumisi sya. “Selos ka na naman. Si Bok yun. Kaibigan at kababata ko. Isa sa mga mekaniko ko dito. Kapag napunta ka rito ipapakilala kita sa kanya.”

Inikot ko ang mata. Di pa din naaalis ang inis ko.

“Uy, huwag ka ng mainis. Kaibigan ko nga lang talaga yun.”

“Para hindi na ako mainis, pumunta ka na rito.”

“Oo, wait lang.”

“Bilisan mo Grace, ha.”

“Oo, bigbike naman ang gagamitin ko kaya mabilis akong makakapunta dyan.”

“Okay, ingat sa pag da-drive. Huwag kaskasera.”

“Yes madam, barbielat.”

Inikutan ko sya ng mata sabay tawa. “Gaga.”

Tumawa na rin sya. “Patayin ko na muna ’to, Ric. Kausapin ko lang yung customer tapos larga na ako.”

“Okay. Ingat..”

Pinatay na nya ang video call.

Bumuntong hininga naman ako at binaba na ang cellphone sa counter. Binalikan ko na ang niluluto kong beef broccoli. Gagawa na rin ako ng vegetable salad.

20 minutes ang drive mula sa shop ni Grace papunta dito sa condo ko. Pero kung bigbike ang gagamitin nya mga ten minutes lang ay narito na sya o mas mabilis pa..

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell sa gitna ng pag aayos ko ng mesa. Ngumiti ako dahil dumating na si Grace. Medyo natagalan sya. Naka-shower na ako ngayon lang sya dumating.

Lumabas ako sa dining area at tinungo ang front door. In-unlock ko ang pinto at binuksan yun. Bumungad sa akin si Grace na bitbit pa ang helmet nya. Bagong ligo sya dahil mamasa masa pa ang buhok.

“Hi. Kakain na ba?” Nakangiting tanong nya.

Inikot ko ang mata. “Talagang yung pagkain ang una mong tinanong, ha.”

Ngumuso sya. “Sungit mo naman. Sorry na, nagugutom na kasi ako eh.”

Lumapit sya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi. Naamoy ko ang mabangong hininga nya pati na rin ang shampoo’ng ginamit nya. Ang bango ng merlat ko.

“Sorry, medyo natagalan. Naligo pa kasi  ako eh.” Aniya nang pumasok na sa loob ng unit ko.

“Pwede namang dito ka na lang maligo. May mga damit ka naman ditong naiwan.” Sabi ko.

Mag one month na ang relationship namin ni Grace bilang mag nobya at nobya. Paminsan minsang natutulog sya dito at may naiwan na rin syang ilang mga damit sa closet ko.

“Nakakahiya namang pumunta ako dito na amoy grasa. Syempre dapat mabango ako para di ka maturn off sa akin.” Nakangising turan pa nya at nilapag sa side table na katabi ng shoe rack ang helmet. Hinubad na rin nya ang sapatos nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Kahit naman siguro amoy grasa sya aamoyin ko pa rin sya.

“Halika na nga sa dining area. Lalamig na ang pagkain natin.” Yaya ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

Namiss ko rin talaga sya. Two day din kaming hindi nagkita dahil busy ako sa office. Pero nag uusap naman kami sa text at nag vi-video call tuwing gabi. Iba nga lang talaga kapag magkasama kami ng personal.

Napapangiti ako habang sunod sunod ang subo ni Grace ng pagkain. Sarap na sarap sya sa luto ko. Sya lang ang taong pinagluto ko at masarap sa pakiramdam na nasasarapan sya. Marunong din daw syang magluto ng mga simpleng putahe lang pero mas masarap daw ang luto ko.

“Sya nga pala, Ric. Pwedeng pumunta ka sa bahay sa sabado ng gabi.”

“Sure. Ano bang meron? Birthday mo?” Tanong ko sabay subo ng kutsara.

Ngumisi naman sya. “Matagal pa ang birthday ko.”

“Eh anong meron sa inyo sa sabado?”

“Wala naman. Ipapakilala lang kita kanila tiyong at sa mga pinsan ko bilang boyfriend ko.”

Suminghap ako at bumagal ang pag nguya ko. “Sigurado ka ipapakilala mo ko bilang boyfriend mo?”

“Oo. Para di na sila magtaka kung paminsan minsan ay hindi ako sa bahay natutulog kapag gabi. Ayos lang naman sayo, di ba?”

“It’s okay with me. Ang tanong okay kaya sa kanila na gay ang boyfriend mo.”

“Siguro sa una mabibigla sila. Pero di naman sila judgemental. Saka kilala ka naman na nila. Baka nga matuwa pa sila na ikaw ang boyfriend ko. Bukod sa mayaman na, gwapo pa.” Nakangising wika pa nya.

Nag pout ako. “Sige, sa sabado punta ako sa inyo.”

Tumango tango sya habang panay ang subo muli ng pagkain.

Dinampot ko naman ang baso at uminom ng tubig habang nakatingin kay Grace. Sinusundan ko ng tingin ang bawat subo nya ng pagkain at ang bawat galaw ng kanyang labi.

Kinagat ko ang ibabang labi dahil nabubuhay na ang init sa aking katawan. Partikular ang bagay na nasa pagitan ng dalawang hita ko.

Tumikhim ako. “Gracey..”

Nag angat ng tingin sa akin si Grace. “Hmm?”

“Can’t you sleep here tonight..”

Natigilan sya at bumagal ang pagnguya nya. Mayamaya ay ngumisi sya at nangislap ang mga mata. “Parang alam ko na yan, ah.”

Nagpout ako. “Namiss kita, eh..”

Parang gusto ko na nga syang sunggaban ngayon. Ewan ko ba. Simula nung may nangyari sa amin gusto ko ng ulit ulitin yun. Ang bilis kong mahorny kapag kasama ko sya.


Chapter 30

Warning 🔞

Grace POV

“OHH my gosh oh my gosh, Gracey! Unghhh shit!” Ungol ni Ric sabay pikit at awang ng labi.

Kagat labing napangiti naman ako habang patuloy sa pagsakyod sa kandungan nya. Napapalakas ang ungol nya kapag naiipit pa ng husto ang alaga nya sa loob ko. Tuwang tuwa naman ako kapag nakikita kong sarap na sarap sya. Mas lalo syang nagiging gwapo sa paningin ko kapag nalulukot ang mukha nya sa sarap.

Syempre, hindi lang sya ang nasasarapan kundi ako rin. Masarap naman talaga si barbielat. Ang laki pa nya. Banat na banat ang loob ko at punong puno. Bawat hagod nga ng kanyang alaga sa loob ko ay sarap na sarap ako.

“Ohh fuck Gracey.. more more please! Move your hips faster! Ugh!”

“Ganito ba?”

Kagat labing binilisan ko nga ang pagsakyod ng balakang sa kanyang kandungan.

“Yess that’s right, babe! Ughh shit!” Aniya sabay dakot sa dalawa kong dibdib na umaalog at pinisil pisil ito. Kinagat pa nya ang labi habang lukot na lukot ang mukha sa sarap na tinatamasa.

Mas binilisan ko naman lalo ang pagsakyod sa alaga nya. Mas idiniin ko pa ang aking pagkababae. Dama kong malapit na naman ako.

“Ohh shit, Ric! Malapit na naman ako hmm..” Ungol ko.

“Me too, babe. Me too! Ughh — you’re safe right?” Tanong pa nya.

Tumango naman ako. “Oo..”

“Good.. cause I wanna cum inside you.” Aniya.

Pabilis pa ng pabilis ang bawat sakyod ko sa kandungan ni Ric na para akong may hinahabol. Palakas na rin ng palakas ang ungol nya. Maingay talaga sya kapag nag se-sex kami. Mabuti na nga lang at sound proof itong unit nya. Kundi ay siguradong ma-e-eskandalo ang mga kapit-unit nya.

“Ahhh!” Sabay naming ungol ni Ric at sabay ding nanginig ang aming katawan. Sabay din kaming nilabasan. Damang dama ko ang pagpunla ng mainit nyang katas sa aking loob.

Dumapa ako sa ibabaw nya habang habol ko ang hininga. Maging sya ay hinihingal din.

Niyakap nya ako at hinalikan ang buhok ko.

Nag angat naman ako ng mukha at siniil sya ng halik sa labi na kanya namang tinugon.

“Ang sarap mo..” Mahinang usal ko.

“I know..” Confident namang sabi nya at muli akong hinalikan. Mas mariin at mas mapusok.

“Damn you, Gracey.. Nakakaadik ka.” Anas nya sa pagitan ng paghalik sa akin.

Mahina naman akong natawa. Obvious naman na sarap na sarap sya sa akin. Kung angkinin nga nya ako ay para syang hindi gay. Mataas din ang libido nya.

“Now, it’s my turn.” Turan nya at binaliktad ang posisyon namin.

Ako na ngayon ang nakahiga sa kama at sya naman ang nasa ibabaw ko. Bumaba ang ulo nya at sinubo ang isa kong dibdib habang ang isa ay piga piga nya. Nakagat ko naman ang labi sa kiliti at sarap ng bawat sipsip nya sa aking nipples. Ito pa ang nakakamangha sa kanya, kung makasuso sya parang hindi gay.

Bumaba pa ang labi ni Ric sa aking tiyan at puson hanggang sa aking pagkababae.

“Ohh shit, Ric.. uhmm..” Ungol ko habang sabunot ko ang kanyang buhok.

Umiikot ang mata ko sa sarap sa bawat sayad ng malambot at mainit nyang dila sa pagkababae ko. At kapag sisipsipin pa nya ito ay nanginginig ang mga hita ko.

Sa totoo lang ay di ko inaakalang kaya nyang gawin sa akin ’to dahil gay nga sya. Pero nagawa nya at ilang beses na nyang ginagawa sa akin. Kaya naman abot hanggang langit ang sarap at ligayang nararamdaman ko. Babaeng babae din ang pakiramdam ko kapag ginagawa nya ito sa akin.

Muling nanginig ang katawan ko nang labasan na naman ako. Hinang hina na ang pakiramdam ko at parang naubos na ang lakas ko. Pero hindi pa kami tapos.

Bumangon si Ric at pinahid pa ng likod ng kamay ang bibig.

Ngumisi naman ako. “Masarap ba ang kiffy ko?” Pilyang tanong ko.

“Yes, at mabuti naman ginamit mo na ang binigay ko sayong feminine wash. Mas mabango ngayon. Unlike sa previous feminine wash mo.”

“Huu! Pero wagas pa rin kung kainin mo ang kiffy ko. Expert na expert ka na ngang kumain eh. Baka naman kumain ka pa ng ibang kiffy ah.”

“Of course not! Kiffy mo lang ang kakainin ko.” Nakataas ang isang kilay na sabi nya sabay ikot ng mata.

Tinawanan ko lang sya. Kung makapag taray akala mo di kumakain ng kiffy. Pero agad din akong napahinto sa pagtawa ng umayos na sya ng pwesto sa gitna ko. Binuka pa nya ng husto ang mga hita ko. Hinawakan nya ang kanyang alagang kasing pogi din nya at matikas. Inihagod muna nya yun sa hiwa ng pagkababae ko bago nya tinutok sa bukana ko. Napakagat labi ako nang isulong nya yun papasok.

“Oh my ghad.. you’re so tight, Gracey..” Anas nya at nagsimula ng gumalaw ng mabagal. Hinawakan pa nya ang likod ng dalawang tuhod kong nakatupi at binuka pa yun.

Kinagat ko naman ang labi at nilasap ang masarap na kiliting dulot ng bawat hagod ng kanyang alaga sa loob ko. Iba rin talaga ang sarap kapag sya ang gumagalaw..

.

.

NAGTINGINAN sa isa’t isa si Tiyong Poldo at Tiyang Cess pati na rin ang mga pinsan ko na tila ba may sinabi akong nakakabigla.  Tumingin naman ako kay Ric na nasa tabi ko at hawak ang aking kamay.

“Totoo ba ang sinasabi mo, Grace? Boyfriend mo na si Ric?” Namimilog ang matang tanong pa ni Tiyong Poldo.

“Opo tiyong. Actually po, one month na ang relasyon namin.” Sabi ko at lumingon kay Ric na ngumiti naman sa akin.

Umawang naman ang labi ni Tiyong Poldo. “Isang buwan mo na kamo syang boyfriend?”

“Opo.”

“Naku, binibigla mo naman kami Grace. Wala kaming kamalay malay na may boyfriend ka na pala at si Ric pa.” Wika ni Tiyang Cess na nangingiti na.

“Oo nga, tol. Nakakabigla ka. Ine-expect nga namin na girlfriend ang iuuwi mo sa amin. Yun pala boyfriend.” Turan ni Jopet.

“Eh hindi nga kasi ako tomboy. Ilang beses ko nang sinabi sa inyo yun ayaw nyong maniwala.” Giit ko.

“Paano naman kaming maniniwala, mas lalaki ka pang kumilos sa amin at pumorma. Mas habulin ka pa ng chicks kesa sa amin.” Nakangising saad pa ni Tope.

“Never akong nagkagusto sa kapwa ko babae.” Sabi ko pa.

“Pero sa binabae nagkagusto ka.” Hirit naman ni Lonard.

“May problema ka ba sa binabae, Lonard?” Tanong ni Ric na nakataas ang kilay.

Hindi agad nakasagot ang pinsan ko na napanguso na. Pinandilatan ko naman sya ng mata.

Kapag na-offend talaga ng barbielat ko, kokotongan ko sya.

“W-Wala naman, Ric. Masaya ngang kasama ang mga binabae.” Sabi na lang ni Lonard.

Tumikhim naman si Tiyong Poldo. “Wala naman akong tutol sa relasyon nyong dalawa. Medyo nabigla lang ako. Pasensya ka na Ric. Hindi ko rin kasi inaasahan na magkakaroon kayo ng relasyon. Lalo pa at..   ikaw ay.. alam mo na.” Tila nag aalinlangan pang sabi ni Tiyong sa huli.

Ngumiti naman si Ric. “Naiintindihan ko ho kayo, Tiyong Poldo. Dahil gay ako kaya di nyo talaga aakalain na magkakaroon kami ng relasyon ni Grace. Well, sa totoo lang ho di ko rin naman aakalain na magkakaroon ako ng girlfriend dahil gay ako. But I like Grace. Unti unti akong nahuhulog sa kanya kapag magkasama kami. At ganun din naman ho sya. Kaya nag decide na lang kami na maging kami na. And we’re very happy naman po.”

“Ah.” Halos sabay sabay nilang sambit.

“Eh yun naman pala. Eh di walang problema. Basta gusto nyo ang isa’t isa at masaya kayo. Yun naman ang importante.” Turan ni Tiyong Poldo at ngumiti na.

“Welcome to our family, Ric. Naku, masaya ako na ikaw ang boyfriend nitong pamangkin ko.” Sambit ni Tiyang Cess. Tumango tango naman ang mga pinsan ko.

“Thank you ho, Tiyang Cess, Tiyong Poldo at sa inyong lahat sa pagtanggap sa akin.” Saad naman ni Ric at lumingon sa akin.

Kita ko sa kanyang mga mata ang saya na tanggap sya ng pamilya ko.

“Ano po ang itatawag ko sayo, Kuya Ric? Tita o tito?” Tanong ni Koykoy.

“Kuh! Umariba na naman yang bibig mo, ’nak.” Saway ni Sharie sa anak at humingi ng pasensya kay Ric.

“It’s okay, Sharie. And Koykoy, you can call me, Tito Ric.” Sabi naman ni Ric.

“Okay po, Tita Ric.” Ngiting ngiti pa na turan ni Koykoy.

Napaikot naman ang mata ni Ric na ikinatawa namin. Wala talagang kasingkulit ang pamangkin ko. Pero masaya ako na tanggap ng pamilya ko si Ric bilang boyfriend ko.


Chapter 31

Ricardo POV

BUMABA ako sa sasakyan at binitbit ang mga dala kong pagkain. Napatili pa ako sa gulat nang lapitan ako ng dalawang aso ni Grace at tahulan. Napasiksik tuloy ako sa sasakyan ako.

“Milo, Kopiko! Behave!” Saway ko sa dalawang aso.

Tumigil naman sila sa kakatahol at lumayo na. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Sinarado ko na ang pinto ng sasakyan at lumapit sa gate ng bahay ni Grace. Sumunod pa sa akin ang dalawang aso pero hindi na nila ako tinatahulan at kumakawag na ang kanilang buntot. Mabait naman sila at kilala na ako dahil ilang beses na akong nagpapabalik balik dito sa bahay ng amo nila simula ng ipakilala ako bilang boyfriend two weeks ago.

“Ric, ikaw pala yan.” Bati sa akin ni Tiyang Cess na lumabas sa katabing bahay ni Grace.

“Good morning, Tiyang Cess.” Nakangiting bati ko at lumapit sa kanya sabay mano.

“Good morning din. Aba’y tulog pa si Grace. Ginabi kasi ng uwi yun kagabi dahil maraming customer sa auto shop.”

“Oo nga, ho. Nasabi nya sa akin kagabi. Sya nga ho pala, may dala ho ako para sa inyo.” Inabot ko sa kanya ang paperbag na may tatak ng isang sikat na bakeshop.

“Naku, nag abala ka pa. Maraming salamat.” Nakangiting turan ni Tiyang Cess at kinuha ang paperbag.

“Wala hong anoman, tiyang.”

“Ay teka, ako na ang magbubukas nyang pinto para hindi ka na kumatok ng matagal.” Ani Tiyang Cess at pumasok sa loob ng bahay nila. Ilang sandali lang ay lumabas din sya at may dala ng susi. Sinabayan na nya ako papunta sa bahay ni Grace.

“Salamat ho, Tiyang Cess.” Sabi ko nang mabuksan na ang pinto.

“Walang anoman. Siguradong tulog na tulog pa si Grace sa kwarto nya. Baka mag-half day lang yun ngayon. Gusto mo bang gisingin ko sya?”

“Ay hindi na ho. Ako na ho ang bahala.”

“O sige, ako’y babalik na sa kabilang bahay. Pero kung may kailangan ka ay puntahan mo na lang ako sa kabila.”

“Sige ho.”

Lumabas na si Tiyang Cess at naiwan na lang ako kasama ang dalawang aso na humiga pa sa pinto.

“Talagang dyan pa kayo pumwesto, ha. Ano kayo guard dog?” Pagtataray ko sa dalawang aso.

Lumingon sa akin si Kopiko na nakataas din ang isang kilay at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Napaawang naman ang labi ko sa pagkamanga. Hindi nga nangangagat judgemental naman!

“Hmp! Dyan na nga kayo. Kapag may pumasok na ibang tao kagatin nyo.” Bilin ko pa sa dalawang aso at tumungo na sa kusina.

Nilapag ko sa dining table ang dala kong brown paper bag. Pagkain ang laman nun na in-order ko pa sa favorite kong restaurant.

Lumabas ako ng kusina at dumireto sa hagdan. Sisilipin ko muna ang bebeh ko.

Hinawakan ko ang doorknob at dahan dahang pinihit. Hindi yun naka-lock kaya nabuksan ko ang pinto. May kadiliman sa loob pero malamig dahil sa bukas na aircon. May kaunting liwanag naman na pumapasok mula sa blinds ng bintana.

Dumako ang tingin ko kay Grace na nakadapa sa kama nya. Nakasuot lang sya ng t-shirt at panty. Nakataas ang laylayan ng t-shirt nya hanggang bewang kaya kitang kita ko ang panty nya na kulay puti. Hakab na hakab doon ang bilugan nyang puwitan.

Kinagat ko ang labi kasabay ng pagkislot ng brilyante ko sa loob ng pants ko.

Ipinikit ko ang mata at ipinilig pilig ang ulo. Muli ko nang isinarado ang pinto dahil baka matukso ako at sunggaban ko ang nobyang tulog pa.

Humugot ako ng malalim na hininga at inikot ang mata.

“My ghad.. naho-horny na naman ako.”

Muli kong ipinilig ang ulo at inalis sa isip ang hitsura ng nobya sa kwarto. Hindi ako nagpunta dito para bembangin ang nobya. I’m here cause I wanna take care of her. Gabing gabi na syang nakauwi kagabi at pagod na pagod kaya nga hanggang ngayon ay tulog pa rin sya.

Bumaba na ako at bumalik sa kusina. Hahayaan ko muna syang matulog pa.

Inikot ko ang tingin sa buong bahay ni Grace. Hindi naman ito kalakihan. I think mga one fourth lang ito ng unit ko. Up and down at may tatlong room. Isa dito sa baba at dalawa sa second floor. Medyo may kasikipan dito sa ibaba dahil sa mga gamit na kung saan saan nakalagay gaya ng mga patong patong na karton at mga helmet. Malinis naman ang bahay yun nga lang ang daming mga gamit. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ng makalat dahil parang hindi ako makahinga.

Inikot ko ang mata at bumuntong hininga. Dahil hindi ko na kayang tiisin ang mga kalat ay ako na ang maglilinis.

.

.

Grace POV

NAG inat ako at kinapa kapa sa side table ang cellphone. Nang makuha ko yun ay dinilat ko ang mata at tiningnan ang oras. Alas diez pasado na ng umaga.

Bumangon na ako at nag inat pang muli sabay hikab. Alas onse na ako nakauwi kagabi dahil sobrang busy sa auto repair shop. Kaya naman napasarap talaga ang tulog ko.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo para umihi at maghilamos. Paglabas ay kumuha ako ng walking shorts sa cabinet at sinuot. Sinuot ko rin ang bra ko na hinubad ko kagabi. Nakaramdam na ako ng gutom. Pero niligpit ko muna ang kama ko at binuksan ang blinds pati na ang bintana para makapasok ang hangin mula sa labas. Pinatay ko na rin ang aircon.

Humihikab na bumaba ako ng hagdan habang sinusuklay ng mga daliri ang mahabang buhok. Pero natigilan ako nang mapansing malanis ang sala at maluwang. Wala na ang mga box. Wala na rin ang iba kong mga gamit gaya ng pyesa ng motor ko. Pati mga helmet ko!

“Pucha! Nanakawan yata ako ah!” Mabilis akong bumaba at nagpalinga linga.

“Put4angina!” Malutong na mura ko.

“What the hell, Gracey? Kagigising mo lang nagmumura ka na agad. At ang lutong ng mura mo, ha.”

Nagulat ako at napalingon ng marinig ang boses ni Ric.

“Ric!” Bulalas ko nang makita ko syang lumabas sa kusina. Hindi sya nakapang opisina at nakasuot lang ng white t-shirt at blue jeans. Napansin kong pawisan sya.

“Ric, anong ginagawa mo dito?” Namamanghang tanong ko.

Tumaas naman ang kilay nya at humalukipkip sabay pout.

“Talagang yan ang unang bungad mo sa akin paggising mo, ha. Ni hindi mo man lang ako batiin ng good morning at bigyan ng morning kiss.” Pagtataray nya.

Ngumuso ako at napakamot sa batok sabay lapit sa kanya. “Sorry naman..”

Humawak ako sa balikat nya at tumingkayad sabay halik sa kanyang labi. Hinawakan naman nya ang bewang ko.

“Good morning. Ano palang ginagawa mo dito — Oh shit!” Natigilan ako at namilog ang mga mata. “Oo nga pala! Yung mga gamit ko nawawala. Nanakawan ako!” Tarantang sabi ko.

“Gaga, hindi ka nanakawan. Niligpit ko lang ang mga gamit mo.” Natatawang turan ni Ric.

Kumunot naman ang noo ko. “Niligpit mo?”

“Oo. Ang kalat kasi nitong bahay mo at masikip na. Kung saan saan kasi nakalagay ang mga gamit mo. Kaya niligpit ko. Oh di ba? Umaliwalas ang bahay mo.”

Umawang ang labi ko. “Saan mo nilagay ang mga gamit ko? Hindi mo naman siguro tinapon, no.”

“Of course not. Bakit ko itatapon ang mga yun eh di ko naman gamit yun. Siguro kung mga gamit ko itatapon ko. Ang dami mong abubot. Daig mo pa ang lalaki.” Talak nya.

Napanguso ako at kumamot sa ulo. “Eh saan mo nilagay ang mga gamit ko.”

“Dun sa bakanteng kwarto. Wala namang gumagamit nun kaya doon ko muna nilagay at sinalansan ng maayos.” Aniya at nginuso ang dating kwarto ng mga magulang ko.

Pinuntahan ko naman yun. Naroon nga ang mga gamit ko, yung mga helmet at mga box. Maayos yung nakasalansan.

Kumamot ako sa ulo. Akala ko nanakawan na ako eh.

Lumabas na ako ng kwarto.

“Talagang sinilip mo pa, ha. Parang wala kang tiwala sa akin.” Aniya at inirapan pa ako.

Natawa na lang ako.

“Hindi naman sa ganun. Sinilip ko lang. Anyway, thank you. Wala na rin kasi akong time para magligpit. Lagi akong busy sa hardware at auto repair shop.”

“I understand. Pero thank you lang?” Nakataas ang kilay na turan nya sabay pout.

“Ano bang gusto mo?” Tanong ko naman at lumapit na sa kanya sabay yakap. Sinubsob ko ang mukha sa dibdib nya at inamoy amoy sya. Kahit pawisan sya ang bango pa rin nya.

“Alam mo na yun kung ano ang gusto ko.” Aniya sa malambing na boses at niyakap din ako.

Nag angat naman ako ng mukha at tumingin sa kanya. “Ano nga yun?”

Ngumuso sya at nagtaas ng isang kilay. “Kailangan ko pa bang sabihin? Alam mo na kung ano ang gusto ko.”

Ngumisi naman ako.

“Oo na. Mamaya bj kita.”

Suminghap sya at namilog ang mata. “Gaga, hindi yun!”

Tumaas ang isang kilay ko. “Weh? Hindi yun?”

“Oo nga. Masahe ang gusto ko, no.” Aniya sabay irap pa sa akin.

“Ah.. masahe pala. Ayaw mo ng bj?” Nanghihibong tanong ko.

Nagpout naman sya at inikot ang mata. “Of course.. gusto ko.” Mahinang sabi nya pero malinaw ko namang narinig.

Kinagat ko ang labi at ngumiti. Pabebe pa eh gusto rin pala ng bj.

“Pero kailangan mong mamili. Masahe o bj?”

Nagsalubong ang kilay nya. “Bakit kailangan pang mamili?”

“Syempre, hindi naman pwedeng parehas kong gawin ang masahe at bj. Mapapagod ako. Kaya mamili ka. Masahe o bj?”

Sinamaan nya ako ng tingin at inirapan.

Pinigilan ko namang lalong mapangiti dahil baka maasar sya.

“Fine.”

Tumaas ang isang kilay ko. “Ano? Nakapili ka na?”

Umikot ang mata nya at nag pout sya. “I want bj.” Mahinang sabi nya at namula ang pisngi nya.

“Tsk! Sabi na eh.”

Sinamaan nya ako ng tingin. Tumawa lang ako at kinabig ang batok nya sabay siil ng halik sa kanyang labi.

“Maya na kita i-bj. Di pa ako nakakapag toothbrush saka nagugutom na ako.” Nakangusong sabi ko sabay himas sa tiyan ko.

“May pagkain akong dala. Iinitin ko na lang.” Sambit ni Ric at pumasok sa kwarto.

Sumunod naman ako sa kanya. Pero napatingin ako sa kanyang bilugan at malamang pwetan na hakab sa suot nyang jeans. Parang ang sarap dakutin at pisilin.

Napangisi na lang ako sa kapilyahan at nagtimpla na ng kape. Mamaya ko na lang yun pipisilin.


Chapter 32

Grace POV

“SERIOUSLY, Grace. Ganito ang lahat ng panty mo?”

Nilingon ko si Ric habang nagpapatuyo ako ng buhok. Hawak hawak nya ang mga panty ko na nililigpit nya. Kunot noong tinitingnan nya yun isa isa.

“Anong problema sa mga panty ko? Soen yan at avon.” Pagmamalaki ko.

Umawang ang labi nya. “Sobrang outdated na nitong mga panty mo at halatang lumang luma na.”

“Luma na talaga ang mga yan. Pero matitibay yan. Yang hawak mo ten years ko nang ginagamit yan. High school pa yata ako nyan.”

“Ten years? Seriously?” Namimilog ang mga matang bulalas nya at niladlad pa ang panty ko.

“Oo nga.” Natatawang sabi ko.

“Eh mas antigo pa pala ’to kesa sa panty ng lola ko.”

“Grabe ka naman sa panty ko.” Nakangusong sabi ko.

“My ghad, Gracey. Lahat ng panty mo puro ganito. Wala ka bang balak magpalit?”

“Wala. Matitibay kasi ang mga yan. Pang matagalan talaga. Saka komportable ako sa mga yan.” Nakangising turan ko pa.

Inikot naman nya ang mga mata. “Ibibili kita ng mga bagong panty. Yung mga updated pero komportable.”

“Bakit pa?” Kunot noong tanong ko.

“Eh kasi nga, mga luma na halos ang mga panty mo.”

“Meron akong mga bago dyan. Yun na lang ang isusuot ko.”

“Tapos ganito rin ang style at cut?”

“Oo.”

“Oh no.” Aniya sabay ikot ng mga mata. “Ako na ang bibili ng mga panty mo.”

Ngumuso ako. “Nakakahiya naman. Ibibili mo pa ako ng panty. May pambili naman ako.”

“Alam kong may pambili ka. Pero ibibili na rin kita. Treat ko na yun sayo.”

“Okay, thank you.”

“Tapos kapag nabilhan na kita idispatsa mo na ang mga ’to, ha. Ayoko nang isusuot mo ang mga ito.”

“Paladesisyon yarn?” Nang aasar na sabi ko.

“Of course. I’m your boyfriend. Gusto ko maganda naman ang panty mo saka sexy tingnan.” Naka pout na sabi nya.

“Ah.. yun naman pala.” Nakangising sabi ko.

“Pati bra mo magpalit ka rin. Halos puro sports bra ang mga sinusuot mo.”

“Eh mas komportable ako sa sports bra.”

“Ibibili din kita ng bra.”

“Oo na po. Ikaw na ang bahala.”

Nagbihis na ako ng damit. At kahit narito pa sa loob ng kwarto si Ric ay walang inhisbisyon akong nagbihis kahit nakikita nya ang hubad kong katawan. Bakit pa ba ako mahihiya eh maraming beses na nyang nakita ang katawan ko, nahawakan at natikman.

Pagkatapos kong magbihis ay tinulungan ko na si Ric na magligpit ng mga damit ko. Pagkatapos nyang magligpit at maglinis sa ibaba ay itong kwarto ko naman ang nililigpit nya. Hindi naman magulo ang kwarto ko. Marami nga lang akong damit.

Hindi pumasok ngayon sa office si Ric. Ang sabi nya ay nag leave sya ng one week dahil nabu-burn na out sya. At ang balak nya ay dito sya maglalagi sa bahay ko. Syempre ayos na ayos yun sa akin. Ako naman ay nilambingan nya na huwag ng pumasok ngayong hapon sa shop para magkasama kami dito sa bahay. Pinagbigyan ko naman sya. Tinext ko na lang si Rosana.

Simula ng maging kami ni Ric ay hindi lang boyfriend ang nagkaroon ako kundi best friend din. Nanay din kung minsan. Sya ang nasasabihan ko nang mga hinaing ko sa buhay at tagapayo ko rin. Maasikaso din sya sa akin. Madalas nya akong ipagluto ng masasarap. Tapos ngayon ay nililinis nya ang bahay ko. Dati ay walang nagsasabi sa akin kung pwede ng palitan ang panty ko o hindi. Ngayon ay may nagsasabi na. May nagsasabi na rin sa akin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin bukod kanila Tiyong Poldo at Tiyang Cess. Masarap din palang magkaroon ng boyfriend na talagang concern sayo.

Nag vibrate ang cellphone ko na nasa kama. Dinampot ko yun at nakita ko ang text ni Bok. Nasa labas sya at dala na ang ibang pyesa para sa shop.

“Ric, bababa muna ako saglit. May kakausapin lang ako.” Paalam ko kay Ric na inaayos ang cabinet ko.

“Okay, bumalik ka agad ha.”

“Oo, saglit lang ako.”

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para harapin ang kaibigan.

Naabutan ko si Bok na nilalaro si Milo at Kopiko sa labas ng pinto. Lumapit ako sa kanila.

“Boss G, nasa L3 na yung mga in-order nating pyesa.” Ani Bok.

Tiningnan ko naman sa labas ang L3. “Bakit hindi mo pa diniretso sa shop?”

“Nagugutom na kasi ako, eh. Kaya nag stop over muna ako dito. Makikikain muna ako. May pagkain ka ba?” Tanong nya sabay himas sa tiyan.

“May tira pa akong pagkain sa kusina.” Sabi ko.

“Talagang tira ang ipapakain mo sa akin? Ano ko, aso?” Reklamo nya.

“Hindi. Mukhang aso lang.” Nakangising sabi ko.

Ngumuso naman sya at tinuro ako.

“Ang arte mo. Malinis yun.”

“Baka pagkain ni Milo at Kopiko yun?”

“Kumain na sila, no. Sige na, kumain ka na sa loob.”

“Talagang kakain ako.” Aniya sabay hubad ng sapatos at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay.

“Parang nag iba ang bahay mo Boss G, ah! Ang linis at ang luwag. Bahay mo ba ’to?” Manghang tanong ni Bok.

Ngumisi naman ako. “Dami mong napapansin. Kumain ka na nga.”

Pumasok na sa kusina si Bok at tinanggal ang malaking takip sa mesa. Tumambad ang tirang pagkain namin ni Ric.

“Wow! Ang sosyal ng pagkain mo Boss G, ah. Kainin ko na to, ha.”

“Oo. Ubusin mo na yan. May coke din sa ref.”

“Yown! Buti na lang talaga dito muna ako dumiretso.” Agad nang kumuha ng plato at kutsara si Bok. Binitbit din nya sa mesa ang kalderong may kanin pa.

Napailing at napangisi na lang ako dahil halatang gutom na gutom na ang kaibigan.

“Boss G, may nakita akong mamahaling sasakyan sa labas. Kanino yun? May bisita kayo?” Tanong ni Bok habang nagsasandok ng kanin.

Akmang sasagot ako nang marinig ko ang boses ni Tiyang Cess sa labas na tinatawag ako.

“Sandali lang. Puntahan ko lang si tiyang.” Paalam ko.

Tumango naman sya at nagsimula ng sumubo.

Lumabas naman ako ng bahay at nakita ko si Tiyang Cess sa kabilang bakod.

“Bakit po, tiyang?”

“Pakikabit nga muna nitong lpg, anak. Naubusan na kasi ng laman. Nakabalik na ang tiyong mo sa auto shop. Ang mga pinsan mo naman ay mamaya pa uuwi. Eh kung hihintayin ko pang dumating sila hindi ako makakaluto ng meryenda. Pasuyo nga muna, anak.”

“Sige po, tiyang.”

Lumabas ako ng bahay at tumungo sa bahay nila Tiyang Cess. Kinabit ko ang lpg at siniguro ko munang walang singaw yun bago ipagamit kay tiyang.

“Okay na po, tiyang.” Sabi ko.

“Salamat, anak. Magluluto kasi ako ng okoy at camote cue. Paborito yun ni Ric.”

“Oo nga po.”

“Sige mamaya, kapag nakaluto ako dadalhan ko kayo sa kabila.”

“Sige po, tiyang. Salamat po. Balik po muna ako sa bahay. Nandun po kasi si Bok. Nakikain.”

“Ganun ba. O sige. Okay na ako dito. Salamat.”

Lumabas na ako ng bahay ni Tiyang Cess at bumalik sa bahay ko. Pero nagulat ako sa dinatnan ko sa kusina. Ipit ipit ni Ric ang ulo ni Bok sa braso nya.

“Ric! Anong ginagawa mo?” Tarantang tanong ko sa nobyo at lumapit.

“B-Boss G, t-tulong — uhuk!” Nauutal na hinging saklolo ni Bok at tinaas ang isang kamay sa akin.

“Ric, bitiwan mo sya. Kaibigan ko sya.” Saway ko na sa nobyo.

Binitiwan naman ni Ric si Bok na nauubo na.

“Kaibigan mo pala sya. Akala ko masamang loob, eh.” Wika ni Ric sabay halukipkip at mataray na tiningnan si Bok.

“Masamang loob ka dyan. Kaibigan at kababata ako ni Boss G. Ikaw sino ka ba?” Bumaling sa akin si Bok. “Boss G, sino ba tong baklang to?”

“Ah bakla pala, ah.” Sabay pukpok ng kutsara ni Ric sa noo ni Bok.

Akmang papatol si Bok pero dinaan sya sa laki ni Ric. Kahit gay si Ric ay di hamak na mas malaki pa rin ang pangangatawan nya kay Bok. Hanggang tenga nga lang nya si Bok.

“Tama na yan, Ric. Huwag mo nang masyadong panggigilan yang si Bok.” Natatawang sabi ko.

Lumingon sa akin si Ric. “Sya yung nasa video call na umakbay sayo, di ba?”

Kumunot ang noo ko. Pero naalala ko yung one time na ka-video call ko sya at lumapit sa akin si Bok at inakbayan ako. Nakita yun ni Ric at pinagselosan pa nya ito.

“Oo, sya nga yun.”

Inambaan ng sampal ni Ric si Bok. Pinagkrus naman ng kaibigan ko ang braso nya at pumormang susuntok.

“Sige, papatulan na talaga kita. Di imporke’t malaki ka at magandang lalaki ka di kita papatulan.”

“Huwag mo nang aakbayan si Gracey, ha. Kundi bubunutin ko isa isa yang kilay.” Banta ni Ric.

“Eh ano naman sayo kung akbayan ko si Grace? Best friend kami, no. Nagtatabi pa nga kami sa pagtulog at magkasabay pa kaming naliligo sa poso ng walang damit. Naka-panty at brief lang kami.”

“The hell??” Bulalas ni Ric at lumingon sa akin. Yung tingin nya ay parang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Patay. Umatake na naman ang pagiging selosa nya.

“Ano.. bata pa kami nun, Ric. Grade one pa lang kami. Saka kasabay din namin nun sila Jopet at iba pa naming kaibigan.” Paliwanag ko pa.

“Bakit nagpapaliwanag ka sa kanya, Boss G?” Tanong ni Bok.

“Dahil boyfriend nya ako.” Si Ric ang sumagot.

“Boyfriend??”


Chapter 33

Grace POV

PALIPAT lipat ang tingin ni Bok sa aming dalawa ni Ric. Halatang di makapaniwala na may relasyon kami.

“Totoo, Boss G? B-Boyfriend mo sya?” Tanong pa ni Bok at tinuro si Ric.

“Oo nga.” Mataray na sagot pa ni Ric.

Pero si Bok ay sa akin tumingin at tila hinihintay ang sagot ko.

“Oo, totoo yun. Boyfriend ko sya.” Sagot ko.

Napasandal si Bok sa lababo at tila nanghina sa sagot ko.

“P-Paano nangyari yun, Boss G? Di ba tomboy ka? Paano na si Krizette?” Sunod sunod na tanong pa nya.

Sinamaan sya ng tingin ni Ric.

Napabuntong hininga naman ako at kumamot sa ulo. “Sino bang may sabing tomboy ako? Kayo lang naman nagpipilit na tomboy ako.” Medyo inis ng sabi ko.

Nagdududang hinagod ako ng tingin ni Bok.  “Hindi ka talaga tomboy, Boss G?”

“Hindi nga! Paulit ulit na lang.”

“At hindi nya gusto ang Krizette na yun dahil ako ang gusto nya. Gets mo?” Pagtataray pa ni Ric kay Bok.

“Hindi ko pa rin gets. Bakit ikaw pa ang pinatulan ni Boss G?”

“Aba-t — Ako ang pinatulan nya dahil mas maganda ako sa Krizette na yun. Milya milya ang lamang ko sa kanya.”

“Maganda? Saan banda?” Sarkastikong turan pa ni Bok.

Halata sa mukha ni Ric na gusto na naman nyang saktan ang kaibigan ko. Lumapit na ako at inakbayan si Ric.

“Oy, maganda tong barbielat ko no. Gwapo pa.” Nakangising sabi ko pa.

“Indeed.” Nakataas noong segunda ni Ric.

“Kung ganun ay totoo nga yung tsinismis sa akin ni Jopet. Akala ko gumagawa lang sya ng kwento eh.” Sabi ni Bok.

“O ngayon alam mo na?” Natatawang wika ko.

“Siguradong magugulat din ang ibang tropa natin, Boss G.”

“Alam ko.”

Lumingon sa akin si Ric at tumaas ang kilay. “Gusto kong makilala ang lahat ng tropa mo.”

Ako naman ang napataas ng kilay. “Bakit?”

“Of course, para ipaalam sa kanilang lahat na may boyfriend kang maganda.”

Ngumuso ako. “Sure ka?”

“Sure na sure.”

“Okay.”

Muli namang binalingan ni Ric si Bok. “Anyway, nice to meet you — what’s your name again?”

“Bok.”

“Bok? Ang bantot naman! Real name mo ba yan?”

“Hindi no! Bogart ang totoong pangalan ko.”

“Ah, okay. Nice to meet you, Bogart.” Ani Ric sabay lahad ng kamay kay Bok.

Nakasimangot na tinanggap naman yun ni Bok.

“My name is Ric.”

Ngumisi si Bok. “Hulaan ko, Ricardo ang real name mo?”

Umikot ang mata ni Ric. “Yeah.”

“Barakong barako ah! Ricardo sa umaga, Rica sa gabiiihh!” Sabi ni Bok sa pinabaklang boses.

“Inaasar mo ba ako?” Tanong ni Ric sa nagbabantang boses.

“O, sabihin mong hinde?”

“Well.. that’s true.”

“O di ba? Parang ako, Bok sa araw, Becky naman sa gabiihh!”

Tumaas ang isang kilay ni Ric. “Ang pangit mong beki.”

Ngumuso si Bok at tumingin sa akin sabay turo kay Ric. “Sama talaga ng ugali nitong girlfriend mo — este boyfriend mo, Boss G. Palitan mo na nga yan. Mas bet ko pa si Krizette eh.”

“Anong sinabi mo?” Inis na turan ni Ric at akmang sasabunutan si Bok pero mabilis itong nakatakbo paikot sa mesa.

“Tama na nga yan.” Saway ko sa kanila.

Tumigil naman si Ric pero inirapan pa ang kaibigan ko na ikinatawa ko. Pati si Bok ay natawa na rin.

Sa huli ay naging okay naman ang dalawa. Nagkukwentuhan na sila habang pinagpatuloy na ni Bok ang pagkain nya.

Pagalis ni Bok ay bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na kami lumabas ni Ric at nanatili na lang sa loob ng bahay — partikular sa kwarto ko.

Nakahiga ako sa kama habang tutok ang mata ko flat screen tv. Si Ric naman ay nasa tabi ko at nakayakap sa akin habang nakapatong pa ang isang hita sa hita ko.

“Babe..” Malambing na untag sa akin ni Ric.

“Hmm?” Nilingon ko sya.

Nakapout sya. “Ang lamig..”

“Patayin natin ang aircon.” Sabi ko.

“Hindii..”

Kumunot ang noo ko. “Sabi mo malamig.”

Malakas pa rin kasi ang ulan sa labas na may kasama pang malakas na hangin.

“Oo nga.. Pag ganitong malamig masarap magpainit.” Turan nya.

“Oo nga no. Masarap ang mainit na sopas. Kaso camote cue at okoy lang ang nilutong meryenda ni tiyang eh.”

Umikot ang mata nya. “Hindi yun.”

“Ano ba kasi?”

“Ang hina mo naman eh..”

Napataas ang kilay ko. “Ano nga kasi yun?”

Nagpout sya at bumulong sa akin.

Nag init naman ang mukha ko sabay ngisi. Yun pala ang nais nya.

“Ano? Gets mo na?” Aniya.

“Gets na gets!” Sabi ko sabay balikwas ng bangon at upo sa tiyan nya. Hinubad ko rin ang t-shirt ko at hinagis sa sahig.

Kinabig naman nya ako padapa sa kanyang katawan sabay siil sa akin ng halik na agad ko namang tinugon. Pumihit sya at ako naman ang nasa ilalim at sya ang nasa ibabaw. Ilang sandali pa ay parehas na kaming walang saplot sa katawan..

.

.

Kinagabihan ay bumalik sa bahay si Bok kasama na si Jampol, Wekwek at Ar-Ar. Ang gago ay tsinismis na ako at si Ric sa gc namin. Kaya heto sila ngayon at sumugod dito sa bahay ko para makilala si Ric. Gaya ni Bok hindi sila makapaniwala noong una at manghang mangha pa na akala mo ay gumawa ako ng himala. Pinakiharapan naman sila ng maayos ni Ric at pinakilala rin ang sarili. Ang mga tropa ko naman ay lalo pang namangha ng malaman nila na galing sa mayamang pamilya si Ric at nagmamayari ng mga mall. At para mas masarap ang kwentuhan ay bumili pa ng alak ang mga tropa ko. Naki-join din sa amin ang mga pinsan ko.

“Bata pa lang kami magkakaibigan na kaming lahat. Hindi pa yata kami nag aaral nun eh. Sabay sabay na rin kaming lumaki. Dito lang naman kasi kami nakatirang lahat.” Pagkukwento ni Wekwek habang sinasalinan ng alak ang baso ni Ric.

Tumaas naman ang kilay ni Ric at dinampot ang baso nya. “Kung matagal na pala kayong magkakaibigan eh bakit tomboy ang pagkakakilala nyo kay Grace?”

“Eh kasi yun ang buong akala namin eh. Noong mga bata pa kami lagi namin syang kasama sa larong baril barilan. Sya pa nga ang laging leader namin dahil sya pinakamagaling bumaril. Tapos yung mga laruang baril nya ang aangas pa. Kumbaga sa tunay na baril mga high caliber.” Saad namin ni Ar-Ar.

Tumimgin sa akin si Ric. “Saan naman galing ang mga baril mo?”

Tinungga ko muna ang lamang alak ng baso ko. “Eh di sa papa ko. Lagi nya akong binibilhan ng laruang baril. Spoiled ako dun eh.” Natatawang sabi ko.

“Laruang baril talaga? Hindi man lang manika na barbie?” Bulalas ni Ric.

“Actually binibilhan sya dati ni tiyong ng mga barbie doll. Kaya lang ayaw nya at tinatapon nya lang. Mas gusto nya ng baril barilan.” Nakangising turan ni Jopet sabay tawanan ng mga tropa ko.

“At ito pa, si Boss G din ang pinakamagaling sa aming umakyat ng puno. Shooter din naman sa basketball yan.” Dagdag ni Jampol at nakipag cheers sa akin.

Umawang naman ang labi ni Ric at muling lumingon sa akin. Nginisihan ko naman sya.

“Si Grace lang din kasi ang batang babae noon dito sa lugar namin at kaedad pa namin kaya kami na ang laging nakakasama hanggang sa paglaki.” Wika ni Tope.

“Ah.. kaya naman pala.” Turan ni Ric.

“At sya din ang pinakapogi sa amin. Habulin pa ng chicks. Pinasok pa nga sya sa banyo ni Krizette, eh.” Pagkukwento pa ni Lonard.

“Pinasok ka sa banyo ni Krizette?” Salubong ang kilay na baling sa akin ni Ric.

“Oo, pero lasing sya nun.” Paliwanag ko naman at binigyan ng warning na tingin ang pinsan.

Kumamot naman sya sa ulo.

Umikot ang mata ni Ric. “Pero ngayon dapat malaman ng mga chicks na humahabol sayo na may boyfriend ka na. Lalo na yang Krizette na yan.”

“Uy, mabait si Krizette. Makakasundo mo rin sya.” Sabi ko.

Pero umingos lang sya at nilapag ang baso nyang wala ng laman. Agad naman yung sinalinan ni Wekwek.


Chapter 34

Grace POV

NAPAAWANG ang labi ko nang makita si Ric na pababa ng hagdan. Naka suot na sya ng all black. Black shirt, black leather jacket, black jeans at black sneakers. Pucha! Ang gwapo ng barbielat ko. Parang ang sarap ihiga sa sahig at gawing bigbike.

Ipinilig ko ang ulo. Ang aga aga kapilyahan na agad ang pumapasok sa utak ko.

“Babe, ayos lang ba ang hitsura ko?” Tanong ni Ric sa akin nang makababa na. Bahagya pang salubong ang kanyang kilay.

“Oo naman!” Agad kong sagot.

“Are you sure? Hindi ba ako mukhang action star sa batang quiapo?”

Tumawa ako. “Mas gwapo ka pa kesa sa mga action star doon. Pang hollywood nga ang peg mo eh.”

Tumaas ang isang kilay nya. “Talaga lang ha? At sino namang hollywood action star ang peg ko?”

“Chuck Norris.”

Sinamaan nya ako ng tingin.

Tumawa naman ako. “Uy, magaling na action star yun nung kapanahunan nya. Paborito nga yun ni papa eh.”

Inikutan nya ako ng mata. “Ewan ko sayo.”

Lalo akong natawa sa reaksyon nya. Pikunin talaga sya.

“Joke lang. ’To naman. Henry Cavill ang peg  mo. Soft version lang.”

“Yan! May sinabi ka ring maganda. Crush ko yun eh.” Aniya na nangiti na.

“Talaga? Crush ko din yun eh.” Sabi ko rin.

Sabay kaming tumawa na kinikilig at nag apir. Parehas pala kami ng crush. At least, may bagay din kaming napagkasunduan.

Lumabas na kami ng bahay dala ang tig isang helmet. Mag ra-ride kami ngayong weekend at sa Bulacan ang destinasyon namin para mag nature tripping. Napapadaan lang daw sya sa Bulacan minsan pero hindi pa sya nakakapasyal doon. Kaya naman doon ko sya dadalhin.

“Milo, Kopiko, guard the house, okay.” Kausap ni Ric sa dalawa kong aso.

Pero tiningnan lang sya ng mga ito.

“Hindi yan nakakaintindi ng english. Tagalugin mo kasi.” Nakangising sabi ko at sumakay na sa bigbike para ilabas sa maliit na gate.

“Hindi mo kasi sila pinapanood ng peppa pig kaya di nakakaintindi.”

Natawa na lang ako sa sinabi nya at inatras na palabas ng gate ang bigbike. Sumunod naman sya at sya na ang nagsarado ng maliit na gate.

“Ngayon na ba ang alis nyo?” Tanong ni Tiyong Poldo na nasa labas ng bahay nila habang may hawak syang tasa na umuusok pa. Maaga syang nagigising dahil nagpapakain sya ng mga manok nya na nasa likod ng bahay.

“Opo, tiyong.” Sabi ko.

“Saan ba ang destinasyon nyo?”

“Bulacan lang po.”

“O sya, mag iingat kayo.” Ani Tiyong Poldo.

“Yes tiyong.” Si Ric ang sumagot.

Inayos ko ang gloves at zinipper na ang leather jacket. Sinuot ko na rin ang helmet at nilingon si Ric. Nakasuot na rin sya ng helmet. Half face lang yun dahil ayaw nya ng full helmet. Pinalapit ko sya sa akin at tinulungan syang ikabit ang strap. Nang matapos ay sumakay na sya sa likuran ng bigbike. Binomba ko muna ito bago kami nagpaalam na kay Tiyong Poldo. Tumango naman ito.

Pinasibad ko na ang ducati ko at yumakap naman sa bewang ko si Ric.

Alas kwarto pa lang ng umaga at madilim pa. Inagahan talaga namin para marami pa kaming mapasyalan.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa mainroad na kami. Maluwang pa ang kalsada pero may mangilan ngilan na ring sasakyang dumaraan. Bahagya ko namang tinulinan pa ang takbo.

“This feels really nice!” Sambit ni Ric sa likuran ko.

Ngumisi naman ako. “Talaga?”

“Oo. Wala na bang ibibilis?”

“Meron pa, syempre. Yakap kang mabuti.” Sabi ko at biglang tinulinan pa ang patakbo.

Napatili sya at humigpit ang yakap sa akin.

Natawa naman ako.

“Gaga ka! Ginulat mo naman ako!” Reklamo nya sa likuran ko.

“Sabi mo bilisan.”

“Oo nga! Pero pabigla bigla ka.”

Muli lang akong tumawa at dinagdagan pa ang tulin ng patakbo ng bigbike.

Ang sabi ni Ric ay marunong naman syang magdrive ng motor pero yung maliliit lang. Natatakot din syang magmotor sa mainroad dahil kadalasan daw naaksidente ang mga nakamotor. Well, totoo naman. Lalo na kung kamote ang rider.

Makalipas ang isang oras ay nasa isang bayan na kami ng Bulacan na nasa dulo na ng mapa. Huminto kami sa isang sikat na kapehan na mayroong magandang view para panoorin ang pagsikat ng araw sa umaga.

“A feast for the eyes.” Turan ni Ric habang kinukunan ng picture ang papasikat na araw.

Sobrang ganda naman talaga ng view. Lalo pa at narito kami sa mataas na burol. Tahimik at sariwa ang malamig na hangin. Hindi lang kami ang naritong dalawa kundi meron din kaming ibang mga turistang nakasabayan. Ang iba ay couple din gaya namin at meron ding magbabarkada.

“Let’s taka a selfie, Gracey.”

Lumapit ako kay Ric. Inakbayan naman nya ako at nagdikit ang pisngi namin sabay ngiti naming dalawa. Ilang shot pa ang ginawa nya at iba’t ibang expression din ng mukha ang ginawa namin. Ipo-post daw nya yun sa IG. Ang sabi ko naman ay i-tag nya ako.

Isang oras kaming nagtagal sa kapehan para e-enjoy-in ang view at makapagpahinga din.

“Nagustuhan mo ba dito?” Tanong ko kay Ric.

“Yes. I’m grateful you brought me here, babe. Super thank you.” Aniya sabay halik sa pisngi ko.

“Wala yun. Maliit na bagay.” Nakangising turan ko.

Nag inat si Ric. “Bukod sa magandang view, ang sarap pa ng hangin dito. Malamig at sariwang sariwa. Walang bakas na polusyon.”

“Malayo kasi sa maraming tao at mga sasakyan.”

“Madalas ka ba rito?”

“Hindi naman. Paminsan minsan lang. Siguro sa isang taon mga limang beses akong pumupunta dito. Isa ito sa paborito kong lugar dito sa Bulacan.”

Tumaas ang kilay nya. “Sino naman ang kasama mo?”

“Mga ka-motoclub ko. O kaya minsan ang mga tropa ko at mga pinsan.”

“Oh I see.. You know, I’m a city gay. Sanay ako sa syudad na maingay gaya ng Manila at New York. Kapag bet kong mapag isa para mag unwind at mamasyal, pumupunta ako sa mga sikat na beach o sa kahit saang sikat na tourist spot worldwide na maiingay at maraming tao. Di ko bet ang mga nature trip because I find it boring. But now, nagbago na ang pananaw ko. Ang saya pala. Enjoy at nakakarelax. Nagkakaroon ka ng peace of mind specially kapag kasama mo ang special someone mo.” Aniya at ngumiti sa akin.

Kinilig naman ako sa sinabi nya. “Ako ba ang special someone mo?”

“Ay hinde! Si manong magtataho ang special someone ko.” Pilosopong turan nya sabay ikot ng mata.

Ngumisi naman ako. Mataray talaga itong barbielat ko.

“Tatanong pa kasi. Syempre matic ikaw yun.”

“Malay ko ba kung may iba ka pang special someone.” Nakangusong sabi ko.

“Meron naman. Yung pamilya ko. Si mommy, si lola at lolo.”

“At yung pinsan mong si Kester.”

Umikot ang mata nya. “Oh yeah.. include na natin sya. Kawawa naman.”

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Maldita talaga. Pero obvious naman na close silang magpinsan.

Nang medyo tumataas na ang araw ay umalis na kami ni Ric para magtungo sa susunod na destinasyon namin.

“Sandali lang. Pa-gas muna tayo.” Sabi ko kay Ric nang makita ang isang kilalang gas station.

“Okay.” Aniya.

Pumasok kami sa gas station at huminto sa isang pump kung saan agad kaming in-assist ng pump attendant.

Bumaba muna kami ni Ric.

“Full tank.” Sabi ko sa pump attendant pagbukas ko ng tangke.

Agad namang tumalima ang attendant at nilagay ang nguso ng nozzle sa bukas na tangke.

Lumayo naman kami ng kaunti ni Ric para hindi masyadong malanghap ang gasolina.

Meron ding isang bigbike ang pumasok sa gas station at huminto sa kabilang pump. Mukhang couple din ang sakay nun. Unang bumaba ang nasa likuran na inalalayan pa lalaki at sunod ay bumaba din ito. Matangkad ang lalaki at may malapad na pangangatawan. Hinubad nila ang suot na helmet.

“Full tank.” Sabi ng lalaki na malaki at malalim ang boses. Medyo pamilyar sa akin ang boses nya.

Humarap ang mag couple sa gawi namin at nakilala ko ang lalaki. Si Pierre at ang kasama nya ay isang magandang babae na asawa nya yata.

“Ric!” Turan ni Pierre at gumawi sa akin ang tingin. “Oh, you’re here too, Grace. What a surprise.” Aniya na may malapad nang ngisi sa labi.


Chapter 35

Grace POV

“HINDI ko ine-expect na dito pa tayo magkikita kita.” Nakangising saad ni Pierre habang palipat lipat pa rin ang makahulugan nyang tingin sa aming dalawa ni Ric.

Narito kami sa katabing coffee shop ng gas station para magkamustahan. Nakilala ko ang kasama nyang magandang babae na asawa pala nya. Bonding pala nilang mag asawa ang mag ride every weekend. Parang date na rin daw nila.

“Oo nga, babe. Nakakatuwa. Matagal ko nang hindi nakikita si Ric tapos dito ko pa pala sya makikita.” Nakangiting wika ni Nika

“Pasensya ka na, Nika. Naging super busy lang ako sa company namin simula nang magkaanak si Kester.” Paliwanag ni Ric.

“Naiintindihan ko, Ric.”

“At ganun talaga kapag may pamilya na, Ric. Mas priority na nila ang pamilya nila.” Dugtong pa ni Pierre.

“I know, Pierre.”

“Anyway, mukhang mas naging close kayo ni Grace sa isa’t isa, ah.” Pag iiba ng topic ni Pierre at bumalik na naman ang malisyosong ngiti sa kanyang labi.

Nagkatinginan naman kami sa isa’t isa ni Ric. Kita ko sa mukha nya na nag aalangan sya na magsalita tungkol sa aming dalawa. Hindi ko alam kung natatakot ba sya o nahihiya.

“Ano.. kami ni Grace.. uhmm..”

Hinawakan ko ang kamay ni Ric na nakapatong sa coffee table.

“Magkasintahan kami ni Ric. Girlfriend nya ako.” Tahasang sabi ko.

Naibuga ni Pierre ang kape nya at napaubo sya. Si Nika naman ay nasamid.

Muli kaming nagtinginan ni Ric. Napakamot ako sa ulo at sya naman ay napaikot ng mata. Inaasahan ko nang mabibigla sila.

“Seriously? Magkasintahan kayong dalawa?” Tanong ni Pierre habang pinupunasan ng tissue ang coffee table na natalsikan nya ng kape.

“Yeah..” Sagot ni Ric.

“Akala ko.. akala ko..” Hindi maituloy ni Nika ang sasabihin at tila nag aalangan.

“That I’m gay? Yes, I’m gay. Pero hindi naman hadlang yun para magkagusto ako sa isang babae. And Grace is the woman I like.” Ani Ric at tumingin sa akin sabay ngiti.

Napangiti na rin ako. Dama kong proud sya sa akin.

“Oh wow! Medyo na-shock ako but congratulations. Actually, hindi naman na bago ang gay x tomboy relationship.” Turan ni Nika.

Tumikhim ako. “Ah, hindi ako tomboy. Boyish lang akong magsalita at kumilos.” Depensa ko sa sarili. Wala namang mali sa tomboy. Pero gusto ko lang itama ang maling akala sa akin ng iba.

“Oh, I’m sorry, Grace.” Hinging paumanhin ni Nika.

Tinaas ko ang kamay at ngumiti. “Ayos lang. Sanay na akong napagkakamalang tomboy.”

“But you’re nice and cool. Bagay kayo ni Ric.” Dugtong pa ni Nika.

“Thank you.” Sabi ko naman at tumingin kay Ric sabay ngiti.

Mahina namang tumawa si Pierre. “Sa totoo lang nabigla din ako. Pero may chemistry kayong dalawa. Balak ko pa lang kayong i-ship dahil bagay kayo.” Nakangising turan pa ni Pierre.

“Ang corny mo Pierre, ha. May pa-chemistry at ship ka pang nalalaman. Para kang faney ng kpop, ah.” Buyo ni Ric.

Tumawa naman si Nika. “Eh kasi, nahawa na yan kay Nicolette. Alam mo naman ang batang yun, adik sa kpop at mga kdrama. Hinawaan itong ama nya.”

Ako naman ang napangisi. Parang di bagay kay Pierre dahil malaking tao sya at brusko pa tapos nahilig sa kpop at kdrama.

“Kaya naman pala.” Saad ni Ric.

Nagtagal pa kami sa coffee shop ng almost one hour bago kami umalis. Nag convoy na lang kami nila Pierre dahil sa kaparehas na lugar lang din pala ang susunod na destinasyon namin.

.

.

Third POV

UMAALINGAWNGAW sa shooting range ang sunod sunod na putok ng baril mula kay Luigi at Sebastian. Sila ngayon ang nakasalang at nagpapaligsahan.

“Wohoo! Nice shots, pare.” Nakangising wika ni Sebastian pagkatanggal ng earmuff. Sinabit nya yun sa hook na nasa gilid ng stall.

“Maliit na bagay, pare.” Nakangising turan naman ni Luigi na tinanggal na rin ang earmuff.

Tumawa lang si Sebastian at bumalik sa mesa kung nasaan ang ibang kaibigan. Tumayo naman si Atlas at Lex na silang susunod na magtutunggali. Lumapit na rin sila sa stall na pinagpwestuhan ng dalawa.

“Habang tumatagal lalo ka pang humuhusay, Federova “ Saad ni Sebastian kay Luigi.

“Praktisado lang, Albano.” Pa-humble na sabi ni Luigi at tinungga ang bote ng tubig nya.

“Pero no match sya kay Matias. Sayang lang at hindi makakarating ang isang yun kay solo ni Luigi ang limelight.” Hirit ni Kester.

“Hey, ina-under estimate mo yata ako, pare. Kaya kong makipag sabayan sa nonchalant na yun.” Bwelta ni Luigi.

“Nasaan na nga pala si Matias? Hindi ba sya makakarating?” Tanong ni Austin.

“May sakit ang asawa nya kaya hindi sya makakarating. Nurse for today’s video muna si Daddy Matias.” Malokong sagot ni Kester at sabay tawa nilang lahat.

“So paano ba yan, ako ang bida ngayon.” Nakangising sambit ni Luigi na nawala ang pagka-humble. Sya kasi ang nakakuha ng highest score na expected naman.

“Nakalimutan mo yatang nandito pa kami ni Jeiz, pare.” Singit ni Lorenzo.

Natuon ang tingin ng lahat kay Lorenzo na isang dating pulis na kareretiro lang at kay Jeiz na dating sundalo. May ngisi sa mga labi ng dalawa.

“Bring it on mga, par. Baka nakakalimutan nyo, mga retired na kayo. Baka kinakalawang na kayo.” Nakangising hamon at pagyayabang ni Luigi.

“Malalaman natin yan. Kami ni Lorenzo ang susunod sa dalawa.” Nakangising hayag ni Jeiz.

Agad namang sumang ayon ang lahat.

“Wala pa ba si Pierre? Akala ko ay pupunta sya.” Tanong ni Kester.

“On the way na sya. Di sya pwedeng hindi sumipot. Sya lang ang pambato ng grupo namin.” Tugon ni Danon sabay ngisi.

Lahat naman silang magkakaibigan ay marunong humawak ng baril. Sadyang may mas magagaling lang at wala namang kompetisyon sa kanila at kung meron man ay katuwaan lang kagaya ngayon.

Si Lex ang nakakuha ng mas mataas na score. Sumunod naman na sumalang ay si Alonzo at Jeiz. Natuon ang atensyon ng lahat sa kanila nang magsimula na. Parehas matatag ang pulso ng dalawa at nakafocus ang mga mata sa target. Sa bandang huli ay tie ang dalawa at kaparehas ang score na nakuha ni Luigi.

“Husay!” Wika ni Kester at pumalakpak. Sumunod na pumalakpak ang iba.

“That was intense, man! Sayang talaga at wala si Matias. Kayang kaya nya kayong puksaing tatlo ni Luigi.” Komento ni Altas na ikinatawa uli ng lahat.

“Bilib na bilib ka namang masyado sa bayaw mo.” Wika ni Luigi.

“Of course! Ibig sabihin lang nun ay kaya nyang protektahan ang kapatid ko at pamangkin ko.”

Nagngisihan ang lahat sa sinabi ni Atlas. Naalala nila na dati ay ayaw nito kay Matias para sa kapatid. Pero ngayon at bilib na bilib na sya rito.

“Nahuli na ba ako?”

Napalingon ang lahat sa bagong dating na si Pierre. May ngisi ito sa labi ng lumapit sa kanila at nakipag daupang palad.

“You’re late, pare.” Turan ni Lex.

“Sorry. Nagtan-trums kasi ang bunso ko. Inuto uto ko muna.” Paliwanag ni Pierre.

“It’s okay, pare. Nakakarelate kami. Ako nga, tumakas lang kay Adi. Pero yari ako doon pag uwi ko. Parang si Mika din ang bibig nun.” Saad ni Austin na ikinatawa ng lahat dahil relate din sila.

At nagpatuloy na nga ang munting dwelo ng magkakaibigan. Si Kester at si Danon ang sumunod na sumalang. Pero sa bandang huli ay si Danon ang nagwagi. Ang sumunod ay si Pierre at si Austin. Pero gaya ng inaasahan ay si Pierre ang nanaig na kapantay ang score ng score ng tatlo. Sa huling pagtutuos ay ang apat na may matataas na score ang nagharap. Focus sa kanila ang atensyon ng lahat. Parehas magagaling bumitaw ng bala at hindi natitinag sa kinatatayuan. At gaya ng lahat ng kompetisyon ay isa lang ang pwedeng mag wagi.

“Congratulations, par! Ang tinde mo!” Nakangising bati ni Kester kay Luigi na syang nanalo.

“Thanks!” Natatawang turan ni Luigi at umupo.

“Sayang.. dumaplis pa yung isa.” Nakangising wika ni Pierre.

“There’s a next time, pare. Bawi ka na lang.” Ani Atlas at tinapik sa balikat si Pierre.

“Yeah..”

Si Lorenzo at Jeiz naman ay chill lang na bumalik sa upuan nila. Maganda rin ang score nila sadyang lumamang lang ng kaunti ang kaibigan sa kanila.

Matapos makapag relax sa shooting range ay nagtungo naman ang magkakaibigan sa katabing coffee shop kung saan suking customer na sila doon. Sila din ang pinaka maingay dahil sa malalaki nilang boses.

“Sya nga pala Kester, pare. Nakasabayan namin ni misis si Ric nung saturday sa Bulacan.”

Kumunot ang noo ni Kester. “Sa Bulacan? Anong ginagawa nya doon?”

“Nag jo-joyride kasama ang girlfriend nya.”

Kamuntikan nang maibuga ni Kester ang kapeng ininom nya. Ang iba naman ay natigilan at tumingin kay Pierre na para bang may sinabi itong isang himala.

“Uhuk! W-What did you say? G-Girlfriend? May girlfriend ang pinsan ko?” Nauubong tanong ni Kester.

Si Pierre naman ang napakunot noo. “Yes. Hindi mo alam?”

“No. Wala akong alam.” Ani Kester.

“Oh..” Tiningnan isa isa ni Pierre ang mga kaibigan. “Walang nakakaalam ni isa sa inyo?”

“Wala. Hindi nga alam ni Kester kami pa kaya.” Nakangising saad ni Luigi.

“Oh I see.. Kung ganun ay ako pala ang unang nakaalam.” Natatawang turan ni Pierre.

“Pero pare, sigurado ka ba sa sinabi mo? May girlfriend ang pinsan ko?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Kester.

“Oo. Hindi ako gumagawa ng kwento. Itanong nyo pa sa asawa ko.”

“But that’s impossible. May cousin si gay.”

“Oh well.. sabi ng pinsan mo hindi porke’t gay sya ay hindi na sya magkakagusto sa isang babae.”

Nag ungulan ang lahat at nagsipulan. Si Kester naman ay napaawang lang ang labi dahil hindi pa rin sya makapaniwala. Lalo pa at kilala nya ang pinsan na diring diri makipag relasyon sa babae.

“Humihina na yata ang radar mo, Pareng Kester. Naunahan ka pa ni Pierre.” Nakangising saad ni Lorenzo.

“Hindi pa rin ako makapaniwala mga par. Wait Pierre, sino naman ang girlfriend nya? Kilala ba natin?” Tanong pa ni Kester.

“Ako, kilala ko. Ewan ko sa inyo.”

“Who is she?” Curious na muling tanong ni Kester.

“Her name is Mary Grace Bartolome. Yung nakadisgrasya sa kotse ng pinsan mo.”

Muling umawang ang labi ni Luigi.


Chapter 36

Third POV

“HELLO my dear handsome grandpa and my dear gorgeous and sexy lola.” Magiliw na bati ni Kester sa kanyang lolo at lola at hinalikan ang mga ito sa pisngi. Kagagaling lang nya sa opisina at dito sya dumiretso sa bahay ng mga grandparents.

“Hmm, ano naman yang dala mong tsismis?” Nakataas ang kilay na tanong ni Lola Constancia sa kanya habang may hawak syang ipad.

Tumawa naman si Kester at ang kanyang Lolo Ramon.

“Ikaw talaga, honey. Kilala mo talaga ang apo natin.”

“Aba’y syempre. Tayo na ang nagpalaki sa damuhong yan. Laging may baong tsismis yan kapag nagpupunta dito.”

Kumamot sa ulo si Kester at napangisi sabay salampak ng upo sa couch. Wala talagang filter ang bibig ng lola nya. Parang ang kaibigan nyang si Luigi.

“Naparito ako ’la dahil may sasabihin ako sa inyo ni lolo.”

“Ano ba yun? Hindi mo man lang sinama ang mag iina mo. Namimiss ko na ang kambal.”

Natawa si Kester. Kung makamiss ang lola nya ay parang matagal na nitong hindi nakikita ang mag ina nya samantalang nagpunta sila rito noong sabado.

“Galing ho akong opisina, ’la. Next week na sila ulit pupunta rito. Anyway, nagpunta na ho ba rito si Ric?”

Kumunot ang noo ni Lola Constancia. “Hindi pa. Dalawang buwan na nga yung hindi nagpupunta rito. Masyado yatang busy. Tumatawag lang sya paminsan minsan.”

“Oh really? Pero nag leave sya ng one week sa office.”

“Bakit sya nagleave?” Tanong ni Lolo Ramon.

Nagkibit balikat si Kester. “Ang sabi nya ho ay nabu-burned out sya at gusto nyang mag unwind.”

“Yun naman pala. Kailangan din nya ng pahinga.” Turan ni Lolo Ramon.

“Pero ni hindi man lang sya pumunta dito sa bahay. Saan naman kay naglamyerda ang haliparot na yan? Kuh! Makukurot ko talaga sya sa bayag kapag pumunta sya rito.”

Ngumisi si Kester. Mukhang wala ring kaalam alam ang kanyang lolo at lalo sa latest update ng buhay ng isa pa nilang apo.

“Tungkol nga ho riyan ang sasabihin ko.” Pagsisimula ni Kester.

“Ano ba ang tungkol sa pinsan mo?”

Malapad na ngumisi si Kester. Alam nyang mabibigla ang mga ito sa sasabihin nya.

“May girlfriend na ho ang apo nyo.”

“Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo Kester?” Tila nabibinging tanong ni Lola Constancia.

“May girlfriend na ho si Ric.” Ulit ni Kester.

Umawang ang labi ng kanyang Lolo Ramon at si Lola Constancia ay napasapo sa dibdib.

“Totoo ba yang sinasabi mo, apo?” Nalilitong tanong ni Lolo Ramon.

“Oho, lo. Totoo ang sinasabi ko. May girlfriend na si Ric at yun ang pinagkakaabahalan nya kaya hindi na sya nadadalaw dito sa inyo.”

“Mahabaging Panginoon!” Bulalas ni Lola Constancia na napa-sign of the cross pa. “Kay buti nyo panginoon ko at dininig nyo ang aking panalangin. Naku! Totoo talaga na may himala.”

Natawa si Kester at si Lolo Ramon sa itinuran ni Lola Constancia. Matagal na kasi nitong pinagdadasal na maging straight ang binabaeng apo.

“Sandali, paano mo pala nalaman na may girlfriend na ang pinsan mo? Sinabi nya ba sayo?” Tanong pa ni Lola Constancia.

“Hindi ho. Nakita ho sya ni Pierre sa Bulacan na may kasamang babae at nag ri-ride sila. Pinakilala ni Ric na girlfriend nya yung babae.”

“Kung ganun ay totoo ngang naging lalaki na ang Ricardo ko! Naku, nakakaiyak naman.” Wika ni Lola Constancia na parang maiiyak na nga.

“Sabi ko naman sayo, honey. Tutuwid din ang apo natin.” Natatawang turan ni Lolo Ramon.

“And guess what, la and lo. Ang girlfriend ni Ric ay yung babaeng nakadisgrasya ng kotse nya.” Dagdag pa ni Kester.

“Talaga?”

“Oho.”

“Aba’y gusto kong makilala agad agad ang babaeng yan. Teka at tatawagan ko muna ang Tita Rich mo para sabihin ang magandang balita.”

Kaagad ngang tinawagan ni Lola Constancia si Tita Rich na ina ng kanyang pinsan.

Grace POV

“LET’S eat na.” Magiliw na turan ni Ric nang ilapag na sa mesa ang ulam namin ngayong dinner na syang nagluto.

Natakam ako nang maamoy ang baked liempo. Bukod sa liempo ay nagluto din sya ng gulay na hindi ko alam kung ano ang tawag. Pero samu’t saring gulay sya. Pang balanse sa masarap na liempo. Kapag sya talaga ang nagluluto, ang sosyal. Para akong kumakain sa mamahaling restaurant at ang sarap pa.

“Sya nga pala, babe. May sasabihin ako sayo.” Untag sa akin ni Ric sa gitna ng pagkain namin.

Nag angat ako ng tingin habang ngumunguya. “Ano yun?”

“I want you to meet my family. Ayos lang ba sayo?”

“Oo naman. Kelan mo ba ako ipapakilala?”

“This coming sunday sana kung okay lang sayo at wala kang lakad.”

Saglit akong nag isip kung may iba pa ba akong gagawin sa darating na linggo.

“Free ako. Go ako dyan.”

“Okay. Then sa sunday na kita ipapakilala sa family ko.”

“Hindi naman sila siguro masungit, no.”

Tumaas ang kilay ni Ric. “Bakit? Kung masungit ba sila ayaw mo na silang ma-meet?”

“Gusto ko pa rin. Ire-ready ko lang ang sarili ko.”

Tumawa sya. “Don’t worry, hindi masungit ang lolo at lola ko. Pero si lola may pagka strict pero mabait pa rin sya. Si mommy naman, parang si lola din.”

Humugot ako nang malalim na hininga. “Pero parang kinakabahan ako, Ric.” Sambit ko sabay dampot ng baso at inom ng juice.

Mayayamang tao ang pamilya nya at nabibilang sa alta sosyedad. Kaya normal lang na kabahan ako dahil makakaharap ko sila.

“Huwag kang kabahan, babe. I’m telling you, mababait sila.”

Ngumisi ako. “Eh paano kung hindi, break na tayo.” Biro ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. “Are you serious?”

“Syempre hindi. Joke lang yun.”

Inikutan nya ako ng mata. “Your joke isn’t funny.”

Ngumuso ako at napasubo na lang ng pagkain. Pero sa loob loob ko ay may tuwa akong nararamdaman dahil parang ayaw nyang mag break kami kahit biro lang.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Hindi naman nya ako iniwan sa kusina at nagkwento tungkol sa pamilya nya na makikilala ko na soon. Sana matanggap din ako ng pamilya nya gaya ng pagtanggap ng pamilya ko sa kanya.

.

.

Ricardo POV

PUMASOK ako sa kwarto at hindi ko nakita si Grace. Tumuon ang tingin ko sa banyo. Mukhang nag shower na sya at hindi man lang ako hinintay. Sumaglit lang ako sa study room para tingnan ang email ko tapos pag akyat ko dito sa kwarto ay nauna na syang mag shower.

Napaka unfair talaga nitong merlat na ’to. Hindi man lang ako hinintay. Humanda sya sa akin mamaya. Limang round kami ngayong gabi.

Pilya akong ngumiti at sinarado na ang pinto ng kwarto. Tumunog naman ang cellphone na hawak ko. Tiningnan ko yun at nakitang si Lola Constancia ang tumatawag. Sinagot ko naman yun.

“Hello, grandama dear.” Malambing na bati ko kay lola.

Namimiss ko na sila ni Lolo dahil two months na rin akong hindi nakakapunta sa kanila. But this coming sunday ay pupunta ako at kasama si Grace para ipakilala sa kanila.

“How are you, apo? Namimiss ka na ng lola.”

Napataas ang kilay ko sa malambing na boses ni Lola Constancia. Parang hindi sya ang kausap ko. Tiningnan ko ang screen ng cellphone. Pangalan ni lola at number nga nya ang naroon. Muli kong binalik ang cellphone sa tenga.

“Are you okay, ’la?” Medyo nag aalalang tanong ko.

Ang weird na ganito kalambing ang boses ni lola. Karaniwan na makipag usap sya sa amin ni Kester ay sa istriktang boses. Nagiging malambing lang sya kapag may ginawa kaming maganda na ikinatuwa nya.

“Yes apo. I’m okay..” Ani Lola Constancia sa kabilang linya sa malambing pa ring boses.

Napataas lalo ang kilay ko.

“Are you sure ’la? You sound like mamamaalam na.”

“Gaga! Anong mamamaalam? Gusto mo na ba akong patayin Ricardo?”

Napangiwi ako at bahagyang nilayo ang cellphone sa tenga. Back to normal na ang lola ko na may lahing hathor.

“I’m sorry ’la. You sound weird kasi eh.”

“Naglalambing lang weird na. Naku, makukurot talaga kita kung narito ka lang sa tabi ko.”

Napangiwi akong muli. Buti na lang at wala ako sa tabi ni grandmother dear dahil mashaket talaga syang mangurot.

“Namimiss na kasi kita kaya kita tinawagan. Aba’y dalawang buwan na nang huli kang pumunta dito sa bahay.”

Na-touch naman ako sa sinabi ni Lola Constancia.

“Awe.. I miss you too grandmother dear. Pasensya na po kung hindi ako nakakapunta dyan these past two months. Na-busy lang po eh.”

“It’s okay, apo. Naiintindihan ko naman lalo pa ay may iba kang pinagkakaabalahan ngayon bukod sa kumpanya.”

Tumaas muli ang kilay ko. “Pinagkakaabalahan? What do you mean, ’la?” Nalilito kong tanong.

“Kuh! Kunwari ka pa, apo. Akala mo di ko malalaman.” Naging mapanukso ang tono ng boses ni lola sa kabilang linya.

“Ang alin ho?”

“Na may girlfriend ka na. Congratulations, apo. Naku! Sobra mo akong pinasaya. Parang gusto ko ngang magpapyesta.”

Umawang ang labi ko. “P-Paano nyo ho nalaman?”

“Eh di sa pinsan mo.”

“Kay Kester?”

“Oo. Sino pa ba ang pinsan mo? Eh sya lang naman ang pinsan mo?”

“Eh paano naman ho nalaman ni Kester?” Takang tanong ko. Paano malalaman ng pinsan ko na may nobya na ako eh hindi ko naman sinasabi sa kanya.

“Eh di sa kaibigan nyang si Pierre.”

Napapikit ako at napahilot sa sentido. Marites ka ng taon Pierre.


Chapter 37

Grace POV

PINASADAHAN ko ng palad ang suot kong fitted black dress na above the knee ang haba. Square ang neckline at mahaba ang sleeve nito. Ang sabi ko kay Ric ay simpleng dress lang ang ipasuot sa akin. Baka kasi ang ipasuot sa akin ay pang met gala. Gusto ko ay simple lang ako pero desenteng haharap sa pamilya nya.

“You look so gorgeous in black dress, babe.” Sambit ni Ric habang inaayos ang hibla ng buhok kong nakalawit sa gilid ng aking pisngi. Naka-bun kasi pataas ang buhok ko na sya ang nag ayos.

Ang swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng boyfriend na all in one. Kapag merong ganitong ganap ay sya na ang bahala sa lahat.

Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa vanity mirror. Manipis na make up lang ang nilagay ni Ric sa mukha ko. Ang sabi nya ay thai make up daw ito. Nagustuhan ko naman dahil ang fresh kong tingnan.

“Are you nervous, babe? Kanina ka pa panay buntong hininga.” Puna ni Ric habang nag aayos na rin ng sarili.

“Hindi ko maiwasan, Ric. First time kong ma-me-meet ang family mo.” Sabi ko at humarap na sa boyfriend.

Nakasuot sya ng puting long sleeve shirt na pinatungan nya ng baby blue na coat na kaparehas din ng kulay ng pants nya. Ang linis linis nyang tingnan at ang bango bango.

Tumingin sa akin si Ric. “I told you, huwag kang kabahan.”

Ngumuso ako. “Eh paano kung hindi nila ako magustuhan?”

“Kung hindi ka nila magustuhan, it’s fine. Importante gusto kita.” Kaswal lang na sabi nya.

Ngumisi naman ako at tumayo na sa vanity mirror at lumapit sa kanya sabay yakap sa bewang nya.

“Masyado ka namang patay na patay sa akin.” Turan ko.

Tumaas ang isang kilay nya at tumingin sa akin. “Ganda ka teh?”

“Oo, kasasabi mo lang kanina.” Nakangising sabi ko.

Nag pout naman sya sabay ikot ng mata habang inaayos nya ang suot na mamahaling relo.

Mahina naman akong tumawa. “Kung makapag taray ka parang hindi mo nilapang kanina ang pepe ko, ah.”

Namula ang pisngi nya sa sinabi ko na lalo ko namang ikinatawa. Yumakap ako sa batok nya at hinalikan sya sa labi.

.

.

Pagbaba ko ng kotse ni Ric ay manghang mangha ako sa bahay ng grandparents nya. Modern classic mansion ang style. Yari sa bato at salamin ang bahay na nagliliwanag pa dahil sa mga bukas na ilaw. Tahanan talaga ng mga mayayaman.

“Ang ganda ng bahay ng grandparents mo, Ric.” Manghang turan ko.

“Thanks, babe.”

“Pero napansin ko ang daming sasakyan at puro mga luxury car pa. Sa mga grandparents mo ’to?” Manghang tanong ko pa habang tinitingnan ang mga nakapark na sasakyan sa harapan ng malaking bahay.

“No, hindi ang mga yan sa grandparents ko.”

Tumaas ang kilay ko. “Kung ganun ay may mga bisita sila? Akala ko ba tayo tayo lang?”

Lalo akong kinabahan na makaharap ang grandparents nya.

Kinamot ni Ric ang likod ng kanyang tenga. “Yeah, sinabi ko sa grandparents ko na gusto ko ay intimate family dinner. Pero baka saglit lang ang mga bisita na yan. Let’s go inside na.”

Hinawakan na ako ni Ric sa kamay at giniya na ako paakyat sa steps. Nagsimula namang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

“Good evening po, Ser Ric.” Nakangiting bati ng isang babae na sumalubong sa amin. Tumingin pa sya sa akin at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa at lalong lumapad ang kanyang ngiti.

“Good evening din, Gina.”

“Sya na po ba ang girlfriend nyo, ser? Ang ganda naman po nya. Hello po, ma’am. Ako po si Gina. Kasambahay po ako dito sa mansion.” Pagpapakilala sa akin ng babae sabay lahad ng kamay.

Akamang hahawakan ko ang kamay nya pero pinigilan ako ni Ric.

“Baka amoy sibuyas ang kamay mo, Gina”  Ani Ric na ikinataas ng kilay ko.

Inamoy naman ni Gina ang kamay nya. “Hindi po, ser. Kakahugas ko lang po ng kamay. Nag sanitizer pa po ako.” Turan ni Gina.

“Ayos lang, Ric.” Sabi ko at hinawakan na ang kamay ni Gina.

“Nice to meet you, Gina. Ako naman si Grace.” Pagpapakilala ko rin sa sarili.

“Nasaan si lolo at lola?” Tanong ni Ric.

“Nasa dining area na po silang lahat at hinihintay kayo.” Tugon ni Gina.

Tumaas naman ang kilay ni Ric. “Okay, thanks. Let’s go, babe.”

Naglakad na kami ni Ric patungo sa dining area. Naroon pa rin ang kaba sa dibdib ko at nanlalamig na rin ang mga kamay ko.

Pero pagpasok namin sa dining area ay sinalubong kami ng maraming tao na may mga ngiti sa labi.

“What on earth are y’all doing here?” Bulalas ni Ric at nilibot ang mata sa mga bisita na nakaupo na sa mahabang dining table.

“What’s taking you two so long? Kanina pa kami naghihintay.” Nakangising sambit ni Kester.

Umikot naman ang mata ni Ric pero namilog din ito. “Mom! You’re here too? Kelan ka pa umuwi?”

“Yes anak! Kakarating ko lang kaninang umaga. Umuwi agad ako dito nang sabihin sa akin ni mama ang magandang balita.” Nakangiting turan ng isang may edad na babae na tumayo at lumapit sa amin. Kahit may edad na ay bakas pa rin ang ganda sa kanyang mukha. Mestisa din sya at kamukha ni Ric.

“I’m so proud of you, darling.” Malambing na turan ng mommy ni Ric at niyakap sya.

Tumingin pa sya sa akin at ngumiti. Agad din syang kumalas ng yakap kay Ric at bumaling sa akin sabay hawak sa kamay ko.

“You must be my son’s girlfriend.” Anang mama ni Ric.

Lumunok muna ako at pinilit na ngumiti kahit kinakabahan sabay tango.

“Y-Yes ma’am.. I’m Mary Grace Bartolome po.” Nauutal na pagpapakilala ko pa sa sarili.

“Oh, don’t be nervous, iha. I’m Rich. Ricardo’s mom.” Malambing na pagpapakilala ng mommy ni Ric.

Medyo nabawasan naman ang kaba ko.

“Nice to meet you po, ma’am.” Magaling na sabi ko.

“Not ma’am, iha. It’s mom. Call me mom or mommy. And welcome to our family.” Magiliw na turan ng mommy ni Ric at niyakap ako.

Napaawang naman ang labi ko at lumingon kay Ric. Nakangiti lang sya sa akin kaya napangiti na rin ako.

“Bitiwan mo na sya, Rich. Ako naman ang magpapakilala.” Wika ng isang matandang babae na sopistakada ang ayos at mestisa din. Nasa likod naman nya ang isa ring matandang lalaki na matangkad at mestisuhin. May pagkakahawig sila ni Ric. Mukhang sila ang grandparents ng boyfriend ko.

“Oh sorry, ma.” Bumitaw na ng yakap sa akin si Mommy Rich.

“Hello, iha. Welcome to Belleza residence. I’m Constancia, Ricardo’s grandmother. I’m so pleased to meet you, sweetheart. Call me grandma or lola, okay.” Malambing na pagpapakilala ng lola ni Ric at niyakap din ako na may kasama pang paghagod sa likod ko.

Napatingin na naman ako kay Ric habang alanganing ngumiti. Ang sabi nya ay istrikta at may pagka masungit ang lola nya. Pero sobrang lambing naman pala.

Kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Lola Constancia.

“Mary Grace Bartolome po, ma’am —”

“Lola Constancia, iha. Don’t forget that.”

“Opo, Lola Constancia.”

“I already know your name. Mary Grace Bartolome. But can I call you Gracey, sweetheart?” Malambing na request pa ni Lola Constancia.

“Oo naman po, lola.” Nakangiting sabi ko.

“I also call her Gracey, ’la.” Singit ni Ric.

“Oh that’s so sweet, apo.” Saad ni Lola Constancia at muling bumaling sa akin. “Welcome to our family, Gracey.” Muli nya akong niyakap at bineso pa.

“Thank you po, lola.”

Sumunod namang nagpakilala sa akin ang lolo ni Ric na si Lolo Ramon. Mabait din sya, malambing at cool.

“I’m so happy because Ricardo finally has a girlfriend. Welcome to my family, iha. And call me lolo.” Turan ni Lolo Ramon.

“Salamat po, lolo.” Nakangiting saad ko.

Pagkatapos magpakilala ni Lolo Ramon ay isa isa namang lumapit sa akin ang limang matatangkad na lalaki na mga matitipuno at mga gwapo rin. Pamilyar pa sa akin ang isang lalaki na may nakakalokong ngisi sa labi.

“O, bakit pati kayo?” Mataray na tanong ni Ric at dumikit sa akin.

“Of course, we are your friends, Ric. Kaya may karapatan din kaming makilala ang girlfriend mo. Yun nga ang dahilan kaya kami nandito.” Nakangising turan ng isang gwapong lalaki at bumaling na sa akin.

“Hi, I’m Lorenzo. Nice to meet you Mary Grace.” Pagpapakilala ng lalaki sabay lahad ng malaking kamay sa akin.

Tinanggap ko naman yun. “Nice to meet you too.”

“I’m Jeiz.” Pagpapakilala din ng sumunod na lalaki at kinamayan din ako.

“Atlas. Nice to meet you, Miss Grace.” Anang isa pang lalaki.

“Matias.” Matipid naman na pagpapakilala ng lalaking gwapo na mukhang arabo pero stoic ang mukha.

“And I’m Luigi.” Nakangising pagpapakilala din ng lalaking pamilyar sa akin. Sya ang lalaking nakita kong umakbay kay Ric sa basement parking ng condo. So, kaibigan nga talaga sya ni Ric.

Kahit medyo banas pa rin sa lalaki ay tinanggap ko ang kamay nya.

“Kilala mo na ako at ang misis ko kaya hindi na namin kailangang magpakilala. Welcome to our family, Grace.” Ngiting ngiti na turan ni Kester.

Ngumiti din ako sa kanilang mag asawa.

Nagulat ako ng pagkaguluhan na ng magkakaibigan si Ric. Halos lamugin na nila ito ng yakap at pabirong suntok. Napapatili naman si Ric at pinagmumura sila.

“Mga funyeta kayo! Lubayan nyo nga ako!” Tili ni Ric.

Pero in-arm lock pa sya ni Luigi.

“At last! You’ve released the kraken, man!” Nakangising sambit ni Luigi na ikinatawa ng lahat.


Chapter 38

Grace POV

“SO how old are you, Gracey?” Tanong ni Mommy Rich.

Tumikhim naman ako at nilapag ang baso sa tabi ng plato.

“Twenty five po.” Magalang na sagot ko.

Nasa gitna kami ng dinner habang tinatanong nila ako tungkol sa sarili ko. Kahit medyo kinakabahan ay sinasagot ko sila ng diretso para mas makilala pa nila ako.

“Oh, ten years pala ang agwat ng edad nyo ng Ricardo ko.”

Ngumiti ako at lumingon kay Ric na nasa tabi ko. Umasim ang mukha nya dahil binanggit ng mommy nya ang buong pangalan nya.

“What have you been up to?” Tanong pa ulit ni Mommy Rich.

Akmang sasagot ako pero inunahan akong magsalita ni Lola Constancia.

“She owns a hardware shop and an auto repair shop, Rich.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Lola Constancia at lumingon kay Ric na nakakunot ang noo.

“How did you know, ’la?” Tanong ni Ric.

“I hired a private investigator to check her background.”

Mas lalong napaawang ang labi ko sa sinabi ni Lola Constancia. Pinaimbestigahan na pala nya ako at marami na pala syang alam sa akin bago pa ako pumunta rito para makaharap sila.

“Oh my ghad! You really did that, grandma?” Bulalas ni Ric.

“Yes, dahil first girlfriend mo sya. Of course, gusto kong malaman ang lahat lahat tungkol sa kanya.”

Natawa ang mga kaibigan ni Ric. Ako naman ay hindi ko alam kung tatawa o mapapakamot sa batok.

Napasapo si Ric sa noo at nahihiyang tumingin sa akin. “I’m sorry, babe..” Aniya.

“Narinig nyo yun? Babe daw o!” Singit ni Atlas.

“Yiheee!” Panunukso ng mga kaibigan ni Ric.

Natawa naman si Lolo Ramon at Tita Rich habang nangingiti si Lola Constancia. At ako ay nag iinit ang pisngi.

“Shut up!” Saway ni Ric sa mga kaibigan nya.

Nagsitahimik naman ang mga ito at tinuloy ang pagkain pero nasa mga labi pa rin ang nanunuksong ngiti.

“This is so embarrassing, ’la.” Sambit ni Ric.

“Why? Masama ba ang ginawa ko?”

“Medyo, honey. Pinanghimasukan mo ang privacy ni Grace. I told you, hayaan mong ipakilala ng bata ang sarili nya sa atin.” Wika ni Lolo Ramon.

“I’m sorry, hon. Na-excite lang kasi akong malaman ang background ni Gracey.” Saad ni Lola Constancia at nahihiyang tumingin sa akin.

“I’m really sorry, iha. Huwag mo sanang mamasamain ang ginawa ko. Na-excite lang talaga ako na makilala ka dahil ikaw ang kauna-unahang girlfriend ni Ric. Kay tagal kong hinintay na magka-girlfriend sya.”

Ngumiti ako at bumuntong hininga. “Ayos lang po, lola. Naiintindihan ko po.” Sabi ko.

Hinawakan ni Ric ang kamay ko at pinisil. Bumulong sya sa akin.

“I’m really sorry..”

“Wala yun.. Malinis naman ang background ko.” Bulong ko.

“Pero gusto ko pa ring marinig mismo kay Grace ang tungkol sa sarili nya.” Turan ni Mommy Rich.

Bumaling naman ako sa kanya. “Sige po, Mommy Rich. Tanong lang po kayo sa akin. Kahit i-fast talk nyo pa po ako game ako dyan.” Sabi ko na muli nilang ikinatawa.

“I like your attitude, iha. Palaban!” Wika ni Mommy Rich.

“Anyway, it’s very rare sa isang babae na hardware shop at auto repair shop ang ipatayong negosyo. Karaniwan ay mga beauty products o apparel ang tinatayong negosyo.”

“Ang totoo po, hindi naman po talaga ako ang nagpatayo ng hardware shop at auto repair shop. Ang papa ko po ang ang nagpatayo nun. Dati po syang ofw at nakaipon. Nang mamatay po ang mama ko bata pa lang ako ay hindi na po sya nag renew ng contract at hindi na bumalik sa ibang bansa dahil wala pong mag aalaga sa akin. Yung naipon po nyang pera ay yun po ang pinampatayo nya ng hardware shop at yung repair shop naman po ay sosyo sila ng tiyong ko. Pero nang mamatay po si papa pagka-graduate ko ng college ay ako na po ang nagpatuloy sa pagpapatakbo ng hardware shop at auto repair shop.”

“At maganda ang takbo ng hardware shop nya, Rich. Actually dalawa na ang hardware shop nya.” Dugtong ni Lola Constancia.

“And Gracey is so dedicated sa hardware shop at auto repair shop nya. Kahit sya ang may ari nun ay nag o-overtime pa rin sya.” Dagdag naman ni Ric.

“Impressive. Nakakatuwa ka naman, iha. Yan ang isa sa mga gusto kong katangian ng isang babae na maging nobya ng Ricardo ko. Masipag at dedicated. Magkakasundo tayo, iha.” Nakangiting turan ni Mommy Rich.

“Salamat po.” Nakangiting saad ko rin. Masaya ako na natutuwa sila sa akin.

Unti unting nawawala ang pagkailang ko at nagiging komportable na ako sa pamilya at mga kaibigan ni Ric. Lahat ng mga tanong nila ay confident akong sumagot ng totoo at walang halong pagkukunwari.

“How long have you two been together?” Tanong ni Lorenzo.

“Two months na.” Ako ang sumagot.

“Kaya naman pala hindi namin nakikita lately si Ric at hindi sumisipot sa bonding time namin dahil may iba na palang ka-bonding.” Nakangising turan ni Kester at nagngisihan din ang iba pa nilang kaibigan.

“So, how does it feel to have a girlfriend, Ric?” Usiserong tanong ni Luigi.

“Amazing.” Nakataas ang kilay ni tugon ni Ric.

Nagsipulan ang magkakaibigan at tinukso na naman si Ric. Natatawa na lang ako dahil asar na asar si Ric sa mga kaibigan nya. Ako naman ay sanay na sa asaran dahil malalakas din mang asar ang mga tropa ko.

.

.

“I’m sorry sa mga friends ko kanina, babe. Masyado silang magugulo at malalakas mang asar.” Hinging paumanhin ni Ric habang naglalakad lakad kami dito sa gilid ng pool.

“Ayos lang. Sanay na ako sa asaran. Malalakas din mang asar ang mga tropa ko. Mas malala pa nga ang mga yun eh, lalo na si Bok.” Natatawang sabi ko.

“Well, sanay na rin naman ako sa mga pang aasar nila. Pero minsan napipikon din ako.”

Ngumisi ako at lumingon sa kanya. “Pero di ko ine-expect na puro mga barako ang kaibigan mo. Akala ko, mga gay din.”

“May mga friends din akong gay. Pero sila Lorenzo ay matagal ko nang friends since college days. Naging schoolmate din kami. Pero si Kester talaga ang pinaka friend nila. Napasama lang ako sa circle of friends nila.”

“Mukha naman silang mababait kahit malakas mang asar. Saka ang gagwapo pa at macho. Lalo na yung Matias. May lahi ba yung arabo? Ang lakas ng appeal eh kahit stoic ang mukha. Actually lahat naman sila malakas ang appeal. Iba lang talaga yung Matias.” Turan ko at tumingin kay Ric.

Pero sumalubong sa akin ang mataray na bukas ng mukha nya. Ang pagkakataas ng isang kilay nya ay halos umabot na sa hairline nya.

“Mas malakas ang appeal ni Matias kesa sa akin?” Tanong nya sa tonong tila nagbabanta.

Napanguso naman ako. Activated na naman ang pagiging selosa nya.

“Syempre iba ang appeal mo — “

“Ayusin mo ang sagot mo, Mary Grace Bartolome.” Putol nya sa sasabihin ko.

Kumamot ako sa likod ng ulo at ngumisi. “Ito naman, selos agad.. Syempre ikaw ang pinaka malakas ang appeal para sa akin. Ikaw rin ang pinaka gwapo.”

Humalukipkip sya at inikutan ako ng mata. “Inuuto mo ’ko.”

“Oy, hindi ah. Totoo ang sinasabi ko. Dahil kung hindi malakas ang appeal mo hindi ako magkakagusto sayo. Na-a-appreciate ko lang ang kagwapuhan ng mga kaibigan mo.”

Bumuntong hininga sya. “Yeah yeah.. alam kong mga gwapo sila. Pero may mga asawa’t anak na sila gaya ni Kester, okay.”

“Talaga? May mga asawa’t anak na sila?” Namimilog ang matang tanong ko.

“Yes.”

“Mga daddy na pala sila.” Sambit ko.

Tumaas ang kilay nya at matiim na tumingin sa akin. “Bakit? Gusto mo silang maging daddy?”

Ngumisi ako at yumakap sa kanyang bewang. “Hindi. Dahil ikaw ang gusto kong maging daddy.”

“Well said.” Aniya at niyakap din ako sabay kabig sa batok ko at siil sa akin ng halik.

Tumugon din ako sa halik nya.

.

.

Third POV

“MAMA! Mama! Come here!” Impit na tawag ni Rich sa kanyang ina habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang anak na kahalikan ang nobya nito.

“Anong problema, Rich?” Kunot noong tanong ni Constancia na nasa couch at nagbabasa ng paboritong libro.

“Basta, ma. Lumapit kayo rito. Bilis!”

“Ano ba kasi yan?” Tumayo na si Constacia mula sa couch at lumapit sa anak na nasa glass wall at nakasilip sa labas.

“Ano bang meron?”

“Look, mama! Ric and Grace are kissing!” Kinikilig na turan ni Rich.

“Talaga? Nasaan? Nasaan?” Excited na wika ni Constancia at sumilip na rin sa glass wall. Namilog ang mata nya at tinuptop ang bibig.

“Aba’y oo nga! Naghahalikan sila. Susmarsyosep! Lalaki na nga talaga si Ricardo. Marunong nang humalik ng babae.” Tuwang bulalas ni Constancia.

“Yes mama! May pag asa na akong magkaroon ng apo kay Ricardo. Ihh! I’m so exited!”

“Ako din! Sana mabuntis nya si Gracey agad agad! Ipagdadasal ko yan gabi gabi at  uumpisahan ko na mamaya.”

At pasimpleng pinanood ng mag ina ang magkasintahan na wala pa ring puknat na naghahalikan sa gilid ng pool. Naglabas pa ng cellphone si Rich at kinuhanan yun ng video para gawing remembrance.


Chapter 39

Ricardo POV

PUMASOK ako sa kusina at naabutan kong naroon na si mommy, lola at lolo. Kasalukuyan na silang nag bi-breakfast.

“Morning mom, lo, la..” Bati ko sa kanila at bumeso.

“Morning, anak. Have a seat. Sabayan mo na kami.” Nakangiting turan ni mommy.

Hinila ko ang upuan sa tabi nya at umupo na. Lumapit sa akin ang isang kasambahay at inutusan ko syang ipagtimpla ako ng kape.

Binalingan ko ang mga kasama ko sa mesa. Maaliwalas ang mukha ni mommy at ni Lola Constancia while Lolo Ramon ay lagi namang maaliwalas ang kanyang mukha kaya looking young pa rin sya kahit nasa 70 plus na ang edad.

“Ric apo, hinatid mo pala pauwi si Gracey kagabi?” Tanong sa akin ni Lola Constancia.

“Yes ho, ’la. Pasensya na ho kung hindi na sya nakapag paalam. Nasa kwarto na ho kasi kayo.” Sabi ko at dumampot ng tinapay.

Lumabi si Lola Constancia. “Akala ko ay dito mo sya patutulugin. Nalaman ko na lang kay Gina kanina na hinatid mo pala sya kagabi pauwi. Bakit naman pinauwi mo pa sya at hindi dito pinatulog?”

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni lola. Bakit parang ang tono nya ay gusto na nyang ampunin si Grace.

“May pasok ho kasi sya ngayon sa hardware shop, ’la. Maaga ang pasok nya dahil may delivery sila ngayon.” Paliwanag ko at dinampot ang tasa ng kape na kalalapag lang ng kasambahay.

“Ganun ba. Eh kelan mo naman sya ulit dadalhin dito?”

“Hmm.. depende ho kung hindi masyadong busy.” Sabi ko.

Tumingin sa akin si Lola Constancia at tumaas ang kilay. Naging mataray ang bukas ng kanyang mukha.

“Dalhin mo ulit sya dito as soon as possible. Hindi pa kami nakakapag bonding.”

“Ay wow! Ang demanding naman ng grandmother dear ko.” Sarkastikong sabi ko.

Tumawa naman si Lolo Ramon at mommy.

“Sa kanya ka nagmana, apo.” Sabi ni Lolo Ramon.

Napaingos si Lola Constancia. But what lolo said is true. Kay lola nga ako nagmana ng pagiging demanding at mataray.

“Oo nga naman, anak. Dalas dalasan mo ang pagdala kay Grace dito sa bahay para naman mas makilala pa namin sya ng lubos.” Wika ni mommy.

“Sure, mom. Kapag hindi masyadong busy.” Sabi ko na lang at kumagat ng tinapay.

“Anyway, napansin ko medyo boyish kumilos at magsalita si Grace.” Puna pa ni mommy.

“Well, ganun talaga sya, mom. And cool din sya dahil marunong syang mag drive ng bigbike. Sumasali pa sya sa competition at nananalo sya.” Pagbibida ko sa girlfriend ko.

“Talaga, apo? Sumasali sya ng race?” Tanong ni Lolo Ramon.

“Yes, lo.”

“What kind of big bike does she have?” Curious na tanong pa ni Lolo Ramon.

“Ducati, ’lo.”

“Wow! That’s cool. Sabihin mo apo baka pwedeng mag bonding din kami.”

“Sure, ’lo.” Saad ko.

Like Grace ay mahilig din mag-motor si Lolo Ramon lalo na nung kabataan pa nya. Meron din syang Harley Davidson na nasa garahe. Ginagamit nya yun paminsan minsan at nag ra-ride paikot sa village.

“I like Gracey, Ricardo. Huwag mo syang hihiwalayan.” Turan pa ni Lola Constancia sa seryosong mukha at boses.

Tumaas ang kilay ko. Mukhang attached na ang lola ko sa nobya ko. Or siguro masyado lang syang excited dahil ito ang unang nobya ko.

Sa two months relationship namin ni Grace ay enjoy pa rin ako. Actually, mas lumalalim pa nga ang nararamdaman ko sa kanya. And yes I admit, mahal ko na sya. Mahal ko na ang merlat na yun na may masarap na bilat.

.

.

Grace POV

NAG angat ako ng tingin mula sa laptop nang makarinig ng katok sa pinto ng maliit kong opisina. Nakasilip si Rosana na may hawak na styro.

“Ma’am, gusto nyo ng tapsilog?” Nakangiting alok nya sa akin.

Ngumisi ako. “Libre mo?”

“Opo ma’am. Birthday ko kasi ngayon. Pa-treat ko.”

Namilog ang mata ko. “Talaga? Birthday mo?”

“Opo ma’am.” Aniya at pumasok sabay lapag sa harapan ko ng styro.

“Salamat. At happy birthday.”

“Thank you, ma’am. Saka baka pwede pong mag under time mamaya.” Paalam nya.

“Bakit? May date ka?”

Nahihiya syang ngumiti at kumamot sa batok. “Eh.. parang ganun na nga, ma’am.”

“Naku, magseselos si Bok nyan.” Nakangising turan ko.

“Sya nga ma’am ang ka-date ko, eh.”

“Ha? Si Bok ang ka-date mo?” Gulat na tanong ko.

Naging ngiwi ang ngiti nya. “Opo ma’am, sya ngang tunay.”

Lalong lumapad ang ngisi ko. “Kayo na pala wala man lang akong kaalam alam.”

“Naku, hindi pa kami, ma’am. Nanliligaw pa lang sya sa akin.”

“Ah, pero mag de-date na kayo.”

“Nangungulit po sya ma’am, eh. Saka iti-treat daw nya ako ngayong birthday ko.”

Matiim akong tumingin sa secretary ko. “Rosana, magtapat ka sa akin. Gusto mo na ba si Bok?”

Kumagat labi sya at namula ang pisngi sabay kamot sa leeg.

“Opo ma’am.. Pero huwag nyo po muna sanang sabihin sa kanya. Baka lumaki ang nun eh. Gusto kong mas makilala pa sya ng lubos bago sagutin.”

Ngumiti ako. “Okay, walang problema. Kaya pala nagpaalam din sya kanina na mag u-undertime dahil may date kayo. Enjoy kayo sa date nyo.”

“Salamat, ma’am. Balik na po ako sa labas.”

Tumango ako. “Salamat din dito sa tapsi.” Sabi ko.

“You’re welcome po.” Aniya at lumabas na ng opisina ko.

Naiiling na napangisi ako. Masaya ako para sa kaibigan dahil malapit na syang mag ka-love life. Magbubunga na ang itinanim nyang damdamin para kay Rosana.

Pinatay ko muna ang laptop at itinabi. Kakainin ko muna itong tapsilog habang mainit init pa. Tamang tama na gutom ako dahil hindi ako nakapag almusal kanina sa bahay dahil sa pagmamadali ko. Nagkape lang ako saglit at naligo at lumarga na dito. Maaga ako pumasok dahil maagang dumating ang delivery ng mga bagong items na in-order ko. Kailangan ang presensya ko para ma-check ko mismo.

Binuksan ko ang styro at sumalubong sa ilong ko ang mabango at nakakatakam na amoy ng sinangag na maraming bawang, tapang baboy at itlog. Tumayo muna ako at pumasok sa banyo para maghugas ng kamay. Pagbalik ko sa table ko ay agad ko nang nilantakan ang tapsilog. Sarap na sarap ako kaya sunod sunod ang subo ko. Pero nang mangalahati na ako ay parang biglang nag iba ang amoy ng pagkain lalo na ang sinangag. Parang ang baho ng bawang.

Tinakpan ko ang bibig at mabilis akong tumayo sabay takbo pabalik sa banyo. Tumapat ako sa bowl at sinuka ko ang kinain ko.


Short update po muna

Chapter 40

Grace POV

PAGBUKAS ng pinto ay bumungad sa akin si Ric na nakasuot ng itim na maluwang na sando at pink na maiksing short. May suot din syang puting apron na bulaklakin. Mukhang nagluluto na sya.

Ngumiti ako sa kanya at pumasok na. Hinapit naman nya ako sa bewang sabay dampi ng halik sa labi ko.

“Bakit parang matamlay ka?” Puna nya at sinalat ang noo at leeg ko.

“Sa pagod lang ’to. Ang dami kasi naming ginawa sa hardware shop tapos ang init pa kanina.” Sabi ko.

“Okay, rest ka muna. Nag pe-prepare na ako ng dinner natin. Then later mag bababad tayo sa tub with warm water para ma-relax ang katawan mo.”

Tumango ako sa sinabi nya. “Thanks, babe..” Malamyang turan ko.

“Sige na, doon ka muna sa living area.”

Dumiretso muna ako sa living area at humiga sa couch sabay labas ng cellphone. Si Ric naman ay bumalik sa kusina para ituloy ang paghahanda ng hapunan.

Ang totoo nyan ay kaninang umaga pa hindi maganda ang pakiramdam ko simula nung sumuka ako. Buong araw na parang mabigat ang pakiramdam ko. Hindi nga ako kumain ng lunch kanina dahil wala akong gana. Itlog na nilaga lang ang kinain ko na muntik ko pang isuka. Hindi ko na yun sasabihin kay Ric dahil ayoko syang mag alaala. Siguradong bukas naman ay magiging okay na ang pakiramdam ko.

“Babe, I will cook pork in shrimp paste. Do you like super maanghang ba or mild lang?”

Mahina akong napatawa sa sinambit ni Ric sa kusina. Binagoongang baboy lang ang lulutuin nya pero parang napaka-espesyal. Well, lahat naman ng niluluto nyang ulam nagiging espesyal.

“Kung ano ang gusto mo.” Sabi ko.

“Ikaw ang tinatanong ko.”

Ngumisi ako. “Sige, yung mild lang.” Sabi ko na lang.

“Okay, rest ka lang dyan, ha. I’ll call you na lang kapag okay na ang food.”

“Okay.”

Tinuon ko na lang ang atensyon sa cellphone ko at nag reply sa mga chat ng mga tropa. Nakipag kulitan din ako sa kanila sa gc. Ang topic namin ay si Bok na malapit ng magka jowa. Kung noong nakaraan ay ako ang pulutan nila sa gc ngayon ay si Bok naman.

Bigla namang pumasok ang chat ni Krizette. Tinatanong nya kung totoo ang narinig nyang chika na may jowa na raw ako. Wala pa syang alam dahil hindi pa kami nagkikita at nakakapag usap dahil busy din sya sa bago nyang trabaho. Malamang ay nalaman nya yun sa mga jowa ng tropa ko.

Nagtype naman ako ng reply at sinabi ko ang totoo.

Krizette: Talaga? Sino? Kilala ko?

Ako: Oo, kilala mo

Krizette: Sino? Isa sa mga friend mo

Ako: Oo

“Bakit hindi mo pa sabihing ako ang jowa mo para hindi na sya magtanong.”

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Ric na nasa likuran ko pala. Nakikita nya ang pakikipag chat ko kay Krizette.

“Ginulat mo naman ako.”

Umingos sya. “Paanong hindi ka magugulat, eh focus na focus ka sa pakikipag chat dyan sa Krizette na yan. Hindi mo napansin na nakalapit na ako sayo.”

Ngumuso ako. “Sorry naman.”

Umirap sya. “O, reply-an mo na yang babaitang yan. Sabihin mo ako ang boyfriend mo para hindi na sya tanong ng tanong.”

Kumamot naman ako sa batok. “Oo na, re-reply-an ko na.”

Tumaas ang kilay nya at humalukipkip sya. “I-type mo na.”

“Ito na nga.”

Nag type na ako ng reply kay Krizette at sinabi ko ang pangalan ni Ric.

“O, sinend ko na.”

Ngumisi sya. “Alam mo, feel ko talaga na may gusto sayo ang babaeng yun. Ngayong alam na nya na ako ang boyfriend mo wala na syang pag asa.”

Ngumuso ako. Umariba na naman ang pagiging selosa nya. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi ako tomboy pero nagseselos pa rin sya sa kapwa ko babae. Kahit ilang beses ng may nangyari sa amin nagseselos pa rin sya.

“Halika na nga. Nakaluto na ako. Kakain na tayo.” Yaya nya sa akin.

Bumangon na ako at sumama na sa kanya sa dining area. Nakahain na ang pagkain doon. Dalawang klase pala ng ulam ang niluto nya. Binagoongang baboy at butter garlic shrimp na may hipon. Meron ding vegetable salad na hindi nawawala sa tuwing kakain kami.

Umupo na kami sa mesa. Mas lalo kong naamoy ang masarap na ulam namin. Pero nang maamoy ko ang buttered garlic shrimp ay napatuptop ako ng bibig at naduwal. Naglikha ng ingay ang upuan sa marmol ng sahig ng bigla akong tumayo at patakbong lumapit sa lababo. Doon ako dumuwal at sumuka. Nailabas ko ang kapeng nainom ko kanina bago ako pumunta dito sa condo ni Ric. Pero bukod dun ay wala na. Puro laway na lang ang nilalabas ko.

Nasa tabi ko naman si Ric na hinahagod hagod ang likod ko habang nagsasalita sya ng malumanay at nagtatanong. Bakas sa kanyang boses ang pag aalala. Hindi ko naman sya masagot dahil wala pa rin akong tigil sa pagsusuka na puro laway lang namin ang aking nilalabas.

Makalipas ang halos sampung minuto ay kumalma na ang sikmura ko. Pero hinang hina ang pakiramdam ko at nanginginig ang mga tuhod ko na parang bibigay na.

Pinunasan naman ni Ric ng tissue ang gilid ng labi ko pati na ang malamig na pawis ko sa noo at leeg. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pag aalala.

“Omg.. namumutla ka babe at nanlalamig ka. What’s happening to you ba? Bakit ka nagsusuka? May sakit ka ba?” Magkakasunod na tanong nya.

Nanghihinang umiling ako. “H-Hindi ko alam.. kaninang umaga sumuka din ako. T-Tapos buong araw mabigat ang pakiramdam ko..” Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya.

Medyo nag aalala na rin kasi ako para sa sarili ko. Ngayon ko lang naramdaman ito.

“What? May nararamdaman ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin.” Pasermon na sabi nya.

“S-Sorry.. ayoko lang na mag alala ka.”

Lumambot lalo ang bukas ng kanyang mukha. “Dadalhin kita sa hospital.”

Muli akong umiling. “H-Hindi na.. magiging okay din ako.”

“Anong hindi na? Namumutla ka, o. Baka kung ano na yan kaya dadalhin kita sa hospital.” Giit nya at hinawakan ako sa bewang.

Inalalayan nya ako pabalik sa living area at pinaupo sa couch. Nanghihina pa rin ang pakiramdam ko dahil sa pagsusuka.

Bumalik naman si Ric sa dining area para siguro takpan ang mga pagkain. Mabilis ang kilos nya. Umakyat sya sa kwarto at pagbaba ay nakabihis na sya ng sweatpants at t-shirt na puti.

“Let’s go. Pupunta na tayo ng hospital.” Yaya nya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Kailangan pa ba?” Nagdadalawang isip na tanong ko. Ayaw na ayaw kong pumupunta ng hospital.

“Yes, kailangan na kailangan para matingnan ka. Baka mamaya kung ano na yan eh. Kaya let’s go.” Aniya sa maawtoridad na boses na para bang boss ko sya.

“Oo na..” Wala na akong nagawa kundi ang tumayo na. Dinampot ko na lang ang bodybag ko at sumama na sa kanya.

Sa isang private at kilalang hospital kami pumunta. Agad naman akong inasikaso ng mga nurse at ng doctor na ngayon ay ini-interview na ako.

“Kelan pa po nagsimula ang pagsusuka nyo?”

“Kaninang umaga lang po, doc. Kumain po ako ng tapsilog tapos bigla po akong nasuka. Naging mabigat na po ang pakiramdam ko buong maghapon. Tapos kani-kanina lang po nasuka ako ulit. Naisuka ko po yung kapeng ininom ko tapos puro laway na po.”

Ngumiti ang mabait na doctor na lalaki na medyo may edad na. “Normal naman po ang temperature nyo at wala kayong lagnat. Normal din ang bp nyo pero kukunahan po namin kayo ng dugo at urine para ma-test.”

“Sige po, doc.”

“Kelan po ba ang huling menstruation nyo?” Tanong pa ng doctor.

Nag bilang naman ako sa isip. Doon ko na-realize na mag to-two months na pala akong hindi nagkakaroon. Actually, two months na nga.

“Two months na po, doc.” Sabi ko sa doctor.

Sinulat naman yun ng doctor sa clipboard nya.

“Sige po, maiwan ko muna kayo saglit. Kukunan po kayo ng dugo.”

Tumango naman ako at ngumiti sa doctor.

“Two months ka ng hindi nagkakaroon ng period?”

Nilingon ko si Ric. “Oo, hindi kasi normal ang mens ko. Minsan lumalaktaw, minsan naman delay.”

Umawang ang labi nya. “Oh I see..”

Umupo na sya sa upuan na nasa tabi ng kama ko at hinawakan ang kamay ko. “Kamusta na ang pakiramdam mo?”

“Medyo okay na ako. Sabi ko naman sayo eh.”

“Pero kailangan ka pa ring masuri, no. Para makasiguro.”

Bumukas ang kurtina at pumasok ang babaeng medtech. Nagpaalam sya sa akin na kukuhanan nya ako ng dugo. Tinanguan ko naman sya.

“Pa-wait na lang po ng result, ma’am.” Anang medtech nang matapos at inabutan ako ng cup na maliit na may takip na lalagyan ko ng ihi. Sinamahan naman ako ni Ric sa banyo at ng matapos ay sya ang naghatid ng ihi ko sa laboratory.

Bumalik kami sa emergency room at doon naghintay ng resulta.

Kumulo ang tiyan ko na ikinangisi ko.

“Nagugutom na ako.” Turan ko.

“Hintayin muna nating lumabas ang resulta. Isang oras lang naman yun. Then kakain tayo sa restaurant na nadaanan natin kanina.”

“Ayoko sa restaurant kumain. Gusto ko yung niluto mong binagoongang baboy. Ayoko lang nung buttered garlic shrimp. Ang baho eh.”

Tumaas ang kilay nya. “Paanong mabaho? Eh ang sarap sarap nun dahil maraming bawang.”

“Yun na nga. Ang baho ng bawang.”

Lalong tumaas ang kilay nya. “You’re so weird. Samantalang dati naman ay sarap na sarap ka kapag maraming bawang. Tapos ngayon bahong baho ko at ayaw mo na. Ano ka aswang?”

Ngumuso ako. “Basta ayoko ng buttered garlic shrimp.”

“Okay, fine.”

Naghintay pa kami ng isang oras ni Ric sa emergency room. Hindi ko naman kinontak sila tiyong dahil ayokong mag alala sila sa akin. Sa tingin ko naman ay okay lang ako at wala akong sakit. Magaan na nga ang pakiramdam ko ngayon matapos akong sumuka ng puro laway at nagugutom na ako.

Bumukas ang kurtina at pumasok muli ang doctor na sumuri sa akin. Hawak hawak nya ang kanyang clipboard at isang papel.

“Kamusta na po ang pakiramdam nyo?”

“Mabuti naman, doc. Magaan na po ang pakiramdam ko.”

“That’s good. Normal naman ang blood test mo. But I suggest na magpakonsulta kayo sa gynecologists as soon as possible.”

Nagtinginan kami ni Ric na parehas may pagtataka sa aming mukha.

“Bakit, doc? May problema po ba sa katawan ang nobya ko?” Si Ric ang nagtanong.

Ngumiti ang doctor. “She’s pregnant po.”

“What??” Sabay naming bulalas ni Ric at nagtinginan ulit kami sa isa’t isa. Parehas namimilog ang aming mga mata.

Tama ba ang narinig kong sinabi ng doctor? B-Buntis ako.

“U-Ulitin nyo nga ang sinabi nyo, doc. B-Buntis ang nobya ko?” Tanong ulit ni Ric.

“Yes, sir. She’s pregnant po. Buntis sya.” Ulit din ng doctor.

Napaawang muli ang labi ko at bumilis ang pintig ng puso ko.

“Oh my ghad oh my ghad! I-Is this true? A-Am I dreaming?” Bumaling sa akin si Ric na halatang shock na shock.

“B-Buntis ka, babe? I’m going to ba a.. a.. a mom — no, a dad?”

“E-Ewan ko..” Naguguluhang sabi ko. Shock na shock rin ako at hindi ko alam kung ano ang iisipin at ire-react ko.

“Oh my ghad..”

“Ric!” Tili ko ng bigla syang bumulagta sa sahig.

Agad naman akong bumaba sa kama at dinaluhan sya. Lumapit din ang doctor.


Chapter 41

Grace POV

GUMALAW si Ric at unti unting nagkakamalay habang nakahiga sa kama na hinihigaan ko kanina. Sya na ngayon ang nakahiga doon habang ako naman ay nakaupo at nagbabantay sa kanya. Nag aalala ako dahil bigla syang nahimatay nung sabihin ng doctor na buntis ako. Pero ang sabi ng doctor ay okay naman sya. Na-shock lang daw kaya hinimatay.

Dumilat si Ric at napabalikwas ng bangon.

“What happened? Bakit ako na ang nakahiga?” Gulat na tanong nya at nagpalinga linga.

“Hinimatay ka.” Sabi ko.

Namilog ang mata nya. “Me? Hinimatay? At bakit naman ako hihimatayin — oh wait! I remember.”

Lalong namilog ang mata nya at dalawang kamay na tinuptop na ang bibig.

“O, huwag kang hihimatayin ulit. Palalagyan na kita ng catheter kapag hinimatay ka.”

Suminghap sya. “Catheter agad? Hindi pwedeng swero muna.”

“Eh ikaw eh, inunahan mo pa akong himatayin. Parang ikaw ang buntis, ah.”

Kumamot sya sa pisngi. “Sorry naman.. na-shock ako. Saka.. hindi talaga ako makapaniwala na buntis ka. Like.. paano nangyari yun?”

“Ay wow. Nagka-amnesia ang ateccoh. Parang di agresibo sa bembangan ah. Five rounds pa nga ang nais mo minsan.” Nakangising sabi ko.

Nag pout sya at namula ang pisngi. “I know naman na may nangyayari sa atin Grace. B-But.. two months pa lang tayo tapos buntis ka na agad. Nakaka-shock lang talaga.”

Bumuntong hininga ako. “Oo, talagang nakaka-shock. Ako rin naman. Hindi ko naman inaasahan na mabubuntis agad ako lalo pa at medyo palyado ang mens ko.”

Bumaba na si Ric sa kama. “Sa condo na natin ito pag usapan.”

Tumango ako sa kanya. Mabuti nga na sa ibang lugar na namin pag usapan.

Nagbayad na kami ng bill sa hospital at umalis na kami.

Sa living area ay tahimik kami ni Ric at walang nagsasalita. Parehas pa kaming gulantang sa nangyayari.

“Okay! Ngayong preggy ka na. Pag usapan na natin ang susunod na gagawin.” Ani Ric na syang unang bumasag ng katahimikan.

“Anong gagawin natin?”

“Ipapaalam natin sa pamilya natin.”

“Tapos?”

“Maybe.. uhm.. magpakasal tayo?” Parang hindi siguradong turan nya.

Umawang naman ang labi ko. “Kasal? Magpapakasal tayo?”

“Yeah.. kasi may baby na tayo, eh. So dapat tayong magpakasal di ba?”

“Sure ka?”

Natigilan sya at bumuntong hininga. “Sa totoo lang hindi ko alam, babe. Pero yun naman ang tama di ba?”

Napabuntong hininga na rin ako. “Huwag muna tayong gumawa ng desisyon na hindi tayo sigurado. Pag isipan muna nating mabuti yan.”

Lumapit sa akin si Ric at umupo sa tabi ko sabay hawak sa kamay ko.

“You’re right, babe.. But.. I still can’t believe na buntis ka. I’m going to be a mom — I mean, a dad. Sobrang bilis nang pangyayari.”

Tumingin ako sa kanya. “Ako rin naman hindi makapaniwala na buntis ako. Pero.. nasa tamang edad naman na ako.”

“Yeah.. ako rin naman nasa thirty five na. Di ko i-ne-expect na magkakababy ako agad agad, magkakababy tayo ng mabilis dahil two months pa lang naman mahigit ang relationship natin.”

Ngumisi ako. “Eh papaano, unang gabi pa lang ng relasyon natin nagbembangan na tayo. Tapos ilang beses pang naulit yun. Tapos ayaw mo pang gumamit ng condom.”

Tumaas ang kilay nya at nagpout sya. “Hindi kasi masarap ang may condom, eh. Hindi ko feel.”

“O kita mo, kaya papaano akong hindi mabubuntis. Bukod sa ayaw mong may condom, nagpapaputok ka pa minsan sa loob.”

“Sabi mo kasi safe ka.”

“Akala ko rin.”

Sabay kaming bumuntong hininga.

“Alam mo naisip ko, baka sadyang binigay sa atin ni Lord si baby.” Nakangiti nang sabi nya.

“Masaya kang magkaka-anak ka na?”

“Oo naman, kahit shock pa rin ako. Alam mo dati, ang plano ko mag undergo ng ivf para magkaroon ako ng anak dahil naisip ko na walang chance na magkaanak ako in natural way. But now I’m going to have a baby. At sa natural na paraan sya nabuo. Ihh! I’m so excited, babe.” Aniya na kinikilig pa at inabot ang tiyan ko sabay himas.

Napangiti na rin ako. Parang may naalis na pangamba sa dibdib ko na makitang masaya sya na magkakababy kami. Akala ko kasi ay hindi nya matatanggap.

“Dito ka na matulog tonight.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit? Bebembangin  mo ko? Huwag muna ngayon. Wala sa mood ang katawan ko..”

“Gagi, hindi no. Alam ko namang pagod ka. Dito kita pinapatulog dahil bukas maaga tayong pupunta sa gynecologist na kilala ko. Magpapa-check up tayo.”

“Sige. Tatawagan ko na lang si tiyong para magsabi.” Napangiwi ako ng kumulo ang tiyan ko. “Nagugutom na ako.”

“Okay, iinitin ko yung food natin then kakain na tayo. Mabilis lang ’to.” Ani Ric at tumayo na.

“Huwag mo ng isama sa mesa yung buttered garlic shrimp. Ang baho ng bawang eh.”

“Okay. Copy that.”

Tumungo na si Ric sa kusina. Ako naman ay tinawagan si Tiyong Poldo..

Kinabukasan ay pumunta kami ni Ric sa clinic ng gynecologist na kilala nya. Agad namin kaming inasikaso at vip treatment pa kami. Nagulat pa nga ang doctora ng sabihin ni Ric na girlfriend nya ako at buntis ako. Akala ko nga ay hihimatayin din sya sa pagkabigla lalo pa ng sabihin ni Ric na sya ang ama ng pinagbubuntis ko.

At confirmed nga. Buntis talaga ako at ten weeks na! Ang lakas ng sperm ni barbielat.

“Omg babe! Confirmed na confirmed, buntis ka talaga. I’m going to be a daddah!” Pakanta pang sabi ni Ric sa huli habang nagmamaneho sya pauwi sa bahay ko. Hindi sya pumasok ngayon sa office nya para samahan akong harapin ang pamilya ko para ipaalam na buntis ako.

May kaba naman sa dibdib ko sa magiging reaksyon ng tiyuhin at tiyahin ko pati na rin ng mga pinsan ko. Pero alam ko namang maiintindihan nila at matatanggap ang pinagbubuntis ko. Mas kinakabahan pa nga ako sa magiging reaksyon ng pamilya ni Ric. Wala pa ngang ilang araw mula ng makilala nila ako tapos ngayon ay buntis na ako.

“Sana girl ang baby natin.”

Lumingon ako kay Ric. Hindi pa rin nawawala ng ngiti sa labi nya mula ng lumabas kami ng clinic. Halatang masaya sya at excited.

“Bakit girl ang gusto mo?” Tanong ko.

“Eh kasi walang babae sa pamilya namin. I mean, dalawa lang kaming apo ni Kester na parehas pang lalaki. Saka, gusto ko ng girl dahil masarap ayusan at bihisan.”

Ngumisi ako. Kung babae nga ang magiging anak namin ay baka gawin pa nya yung beauty queen o kaya model paglaki.

“Eh paano kung lalaki?”

“Ayos lang. Tuturuan ko syang rumampa at umawra like me.” Bumaling sya sa akin. “Ayos lang ba sayo na magkaroon ng gay na anak?”

“Ayos lang. Walang problema sa akin. Basta malusog sya at mabait na tao.”

“That’s right!”

Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna kami. Hindi rin ako pumasok ngayon sa shop dahil ang gusto ni Ric ay magpahinga na muna ako. Mamayang gabi namin haharapin ang pamilya ko para kumpleto sila.

.

.

“BUNTIS ka??” Sabay sabay na bulalas nila Tiyong Poldo at Tiyang Cess pati na rin ng mga pinsan ko.

Gulat na gulat sila at namimilog pa ang mga mata. Inaasahan ko ng ganito ang magiging reaksyon nila.

“Totoo ba ang sinasabi nyo?” Tanong ni Tiyang Cess.

“Opo tiyang. Galing po kami sa clinic kaninang umaga. Kompirmado po. Buntis ako.” Sabi ko.

“Heto po ang sonogram.” Inabot ni Ric kay Tiyang Cess ang sonogram. Kinuha naman nito yun at tiningnan. Pati ang hipag kong si  Sharie ay nakitingin din. Ganun din ang mga pinsan ko. Pinagkaguluhan na nila ang sonogram.

“Oo nga, buntis ka.” Turan ni Sharie.

“Ilang buwan ka ng buntis?” Tanong ni Tiyang Cess.

“Mga two months po.” Tugon ko.

“Ten weeks po exactly.” Dagdag pa ni Ric.

“Ang bilis naman! Di ba, two months pa lang kayong dalawa? Tapos may baby na?” Manghang sabi ni Jopet.

Nag init ang mukha ko habang si Ric naman ay ngiting ngiti na parang proud pa.

“Ibig sabihin lang nun magaling si Ric.” Nakangising komento ni Tope at nag apir pa sila ni Ric.

“Te-Teka lang. Naguguluhan ako.”

Bumaling kaming lahat kay Tiyong Poldo.

“Paano mangyayaring buntis si Grace? Eh di ba, ‘ano’ ka Ric?” Tanong ni Tiyong Poldo.

“Ano bang klaseng tanong yan, Poldo. Kahit bading si Ric, lalaki pa rin yan. Magandang lalaki pa. Kaya siguradong pogi at maganda ang apo natin sa kanila.” Wika ni Tiyang Cess na nangingiti na.

Tinaas ni Tiyong Poldo ang kamay nya. “Pasensya na Ric at Grace, nagulat lang ako. Pero ano na ang plano nyo ngayon na magkakaanak na pala kayo? Ikaw Ric, ano ang plano mo sa pamangkin ko?”

Tumingin sa akin si Ric at pinisil ang kamay ko sabay ngiti nya.

“Pananagutan ko ho si Grace, Tiyong Poldo. Pakakasalan ko ho sya.”

Umawang ang labi ko sa sinabi nya.


Hello everyone! Please follow my fb page Lhia Maya para updated kayo kung may update ba o wala :)

Chapter 42

Grace POV

NAKATINGIN ako kay Ric habang inaayos nya ang kama ko. Dito sya matutulog sa bahay ko at bukas na ng umaga uuwi sa condo nya. Pero wala sa ginagawa nya ang isip ko kundi sa sinabi kanina sa pamilya ko.

Lumingon sa akin si Ric pagkatapos ng ginagawa nya. Tumaas ang kilay nya.

“Makatitig ka naman..” Aniya.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya sa kama at umupo.

“Totoo ba yung sinabi mo kanina sa pamilya ko?” Tanong ko.

“Ang alin?” Balik tanong naman nya.

“Yung sinabi mong.. pananagutan mo ’ko at pakakasalan.”

Tumaas ang kilay nya. “Ah yun ba. Eme eme ko lang yun.”

Nagsalubong ang kilay ko.

Tumawa naman sya. “I’m just kidding, babe. Of course totoo yung sinabi ko. Kelan ba ako nagbitaw ng salita na hindi ko ginagawa.”

Muli akong bumuntong hininga at kumamot sa batok. But deep inside ay may tuwa at kilig akong nararamdaman dahil gusto nya akong panagutan.

“Sigurado ka na ba na gusto mo kong pakasalan?” Nakangising tanong ko.

“Oo naman.”

“Eh paano kung ayokong magpakasal?”

Natigilan sya at muling umarko ang kilay. “At bakit ayaw mong magpakasal?”

Ngumuso ako. “Di pa kasi ako sure sayo, eh. Baka may makilala pa akong mas hot sayo.”

Tumalim ang tingin nya sa akin. “Wala ka ng makikilalang mas hot sa akin. And don’t you dare na maghanap pa ng iba. You will be stuck with me forever.” Aniya sabay irap sa akin.

Tumawa ako at hinawakan ang braso nya. Pero iniwas nya ang braso at humalukipkip. Mukhang nainis na sya sa akin.

“Joke lang yun.” Sabi ko.

“Hindi ako natutuwa sa joke mo.” Turan nya sabay ikot ng mata.

“Ikaw nga, ine-eme eme mo ’ko kanina eh. Gumanti lang ako.” Nakangusong sabi ko.

Tumingin na sya sa akin at nagpout. “Masakit yung joke mo, ah..”

Ngumisi ako. “Sorry na. Saka di na ako hahanap ng iba kapag kinasal na tayo. Wala na akong makikitang kasing hot mo na magaling kumain ng beelat.”

Namula ang pisngi nya. “Wala ka na talagang mahahanap. Nag iisa lang ako ’no.”

Kinagat ko ang labi para pigilang matawa baka kasi mapikon na naman sya.

Tumikhim ako. “Pero back to topic tayo. Sigurado ka na ba na pakakasalan mo ’ko?”

Bumuntong hininga sya at matiim na tumingin sa akin. “Yes babe. Sure na ako.”

“Napag isipan mo na bang mabuti yan?”

“Yes. Actually hindi naman mahirap na desisyon ’to. At dapat lang na magpakasal tayo dahil magkakaroon na tayo ng baby. Ayoko ring lumabas ang baby natin na bastardo.”

May punto naman sya. Pero may gusto pa akong marinig mula sa labi nya.

“How about you? Handa ka na bang magpakasal sa akin? Handa ka na bang bumuo ng pamilya kasama ako?” Tanong pa nya.

“Gusto ko ring bigyan ng buong pamilya ang baby natin, Ric. Pero gusto kong ang bubuohin nating pamilya ay merong pagmamahal. Mahirap yung walang pagmamahal at nagpakasal lang tayo dahil yun ang tamang gawin.”

Tumaas ang kilay nya. “So you think na ang bubuohin nating pamilya ay walang pagmamahal?”

“Hindi ko alam, Ric.. Two months pa lang ang relasyon natin.”

Nagpakawala sya ng buntong hininga. “Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, Grace. Pero madali na lang para sa ating dalawa na bumuo ng pamilya na may pagmamahal. Compatible tayo sa lahat ng bagay at nagkakasundo tayo.”

“Kaya mo ba akong mahalin?”

Tumaas ang isang kilay nya. “Ano bang tanong yan? Oo naman! Binigay ko na nga sayo ang virginity ko na mahigit three decades kong inalagaan hindi pa ba kita kayang mahalin? Ilang beses ko nang minukbang ang kiffy mo hindi pa ba kita kayang mahalin? Lalo na magkakababy pa tayo ngayon, hindi pa ba kita mahalin?”

Napangiti na ako sa sinabi nya. Tama nga naman sya. Isa syang gay na diring diri noon na makipag relasyon sa babae pero ngayon isa syang gay na handang gampanan ang resposibilidad ng isang tunay na lalaki. Kung maiba-ibang lalaki sya ay baka hindi ako kayang panagutan. Pero mas lalaki pa si Ric kesa sa ibang  matitigas na lalaki na tumatakas sa responsibilidad ng pagiging isang ama sa anak nila.

“Sige na nga, magpapakasal na ako sayo.” Sabi ko.

“Parang napipilitan ka lang, ah.” Nakapout na sabi nya.

“Hindi no. Gusto ko talagang magpakasal sayo. Naniniguro lang ako sa desisyon mo.” Wika ko at yumakap sa kanya.

“Sure na ako sa desisyon ko, babe. Excited na nga akong bumuo tayo ng pamilya, eh. Ang dami ko na ring pinaplano ngayon. And of course kasama ka sa lahat ng plano ko.” Aniya at niyakap na rin ako.

Tumingala ako sa kanya. “Talaga? Ano namang mga plano mo na kasama ako.”

Dinampian nya muna ako ng halik sa labi. “Unang una sa plano ko ay syempre yung pagpapakasal natin. Kahit civil wedding muna para mabilis. Kapag church wedding kasi matagal ang preparation. Baka mauna ka pang manganak kesa makasal tayo. Tapos bibili ako ng sarili nating bahay. Or pwede yung bahay na lang namin ang tirhan natin. Pero mas gusto ko pa ring bumili ng sarili nating bahay.”

“Kahit anong bahay at kahit saan ayos lang sa akin.” Sabi ko habang nangingiti at nakatingin sa kanya. Gusto kong marinig ang mga plano nya sa aming dalawa.

“Pero mas gusto ko syempre ng magandang bahay na komportable nating matitirhan kasama ang baby natin. Tapos kapag lumabas na si baby na sana ay girl — pero okay lang kahit boy. Ibibili ko sya ng lahat ng gusto nya. Pag aaralin ko sya sa pinaka the best na school dito sa Pinas. O kahit sa ibang bansa pa nya gustong mag aral.”

“Isang anak lang ang gusto mo?”

“Syempre hindi, no. I want..” Nag isip sya saglit. “I want at least.. kahit mga six kids lang.”

Suminghap ako. “Six kids lang? Wow! Ang konti, ha.” Sarkastikong turan ko.

“Oo nga, eh. Parang konti ang six kids, no. Mga seven kaya or eight. Sige, maximum na yung eight.”

Umawang ang labi ko. Hindi ko alam kung seryoso sya o ine-eme na naman ako.

“Sige g sa eight na anak. Pero ikaw ang manganganak.” Nakangising sabi ko.

Nagpout naman sya. “Suggestion lang naman ang sa akin, babe. Syempre kung ilang anak lang ang kaya mo. Ikaw pa rin ang masusunod dahil katawan mo yan.”

Tumaas ang kilay ko at matiim syang tiningnan. “Gusto mo talaga ng maraming anak?”

“Hmm yes.. Gusto ko talaga ng maraming kids. Kasi nga only child ako di ba.”

Naiintindihan ko naman sya. Ako rin naman ay only child at malungkot din na walang kapatid. Mabuti na lang at marami akong pinsan.

“Sige, tingnan natin kung ilan ang kaya ko. Pero hindi ko maipapangako ang eight kids na gusto mo.”

Ngumiti na sya at niyakap ako ng mahigpit sabay dampi ng mariing halik sa labi ko.

“No pressure, babe. Kahit isa o dalawa lang ang baby natin masaya na ako. Basta may baby. Yung iba nga nahihirapang makabuo, eh. Basta super blessed ang feeling ko dahil binigyan tayo ng baby na walang kahirap hirap.”

“Tama ka.” Pag sangayon ko.

Nagsanib ang labi naming dalawa at nagsalo kami sa mainit at mapusok na halik hanggang sa isa isang natanggal ang mga saplot namin sa katawan. At sa gitna ng kama ay isang mainit na pagniniig ang aming pinagsaluhan.


Chapter 43

Grace POV

“MABUTI naman at dinala mo ulit dito si Grace, Ricardo. Kung hindi pa kita tinawagan mukhang wala kang balak na dalhin sya ulit dito.” Pasermon na turan ni Lola Constancia kay Ric habang nakahawak sya sa braso ko. Tuwang tuwa sila ni Mommy Rich at Lolo Ramon na makita ulit ako.

“May balak naman ho talaga akong dalhin ulit dito si Gracey kahit hindi ho kayo tumawag, ’la.” Wika ni Ric.

“Mabuti naman kung ganun.” Bumaling na sa akin si Lola Constancia at ngumiti. “Anyway Gracey dear, I missed you.”

Mahina akong tumawa. Nakakatouch talaga ang kalambingan ni Lola Constancia. Parang si Lola Josefa lang.

“Namiss ko rin po kayo, lola.” Sabi ko.

“Aww.. you’re so sweet, dear.”

“How about me, ’la? Hindi nyo rin ba ako namiss?” Singit ni Ric.

Nakataas ang isang kilay na tiningnan ni Lola Constancia si Ric. “Hindi. Sino ka ba?”

Umingos si Ric. “Nandito lang si Grace nakalimutan nyo ng may apo kayong maganda.” Himutok nya.

Natawa naman kami ni Mommy Rich at Lolo Ramon.

“Pagpasensyahan mo na ang lola mo, apo. Sabik lang yan sa apong babae.” Turan ni Lolo Ramon.

“Sa sobrang sabik ni mama sa apong babae ay ipagpapalit ka na raw nya kay Grace, anak.” Dugtong pa ni Mommy Rich.

Napangisi naman ako nang magpout si Ric. Wala syang laban sa pamilya nyang may pagka bully din.

“Anyway, nakaluto na ng dinner. Pumunta na tayo sa komedor.” Yaya ni Lola Constancia at inakay na ako papunta sa komedor.

Tumingin naman ako kay Ric na nasa tabi ko at alanganing ngumiti. Tinaasan lang nya ako ng kilay na parang sinasabing huwag akong kabahan. Hindi ko naman maiwasan dahil sasabihin na namin ngayon sa pamilya nya na buntis ako. Siguradong magugulat sila kaya hinahanda ko na ang sarili ko sa magiging reaksyon nila.

“Kamusta ka naman, iha?” Tanong ni Mommy Rich sa gitna ng hapunan namin.

“Ayos naman po, mommy. Medyo busy lang po sa munting negosyo.” Sabi ko habang sarap na sarap sa kare kareng niluto ng kasambahay nila.

“Don’t say na munting negosyo lang yun, iha. Dapat ipagmalaki mo yun.”

Ngumiti ako. “Opo, Mommy Rich.”

“Marami pang food, Gracey. Nagpaluto talaga ko ng marami para sayo kaya kain lang ng kain.” Magiliw na turan ni Lola Constancia.

“Opo.” Nangingiting sabi ko naman. Sana ganito pa rin sila kagiliw sa akin kapag nalaman na nilang buntis ako sa apo nila.

Kinalabit ako ni Ric sa ilalim ng mesa. Lumingon naman ako sa kanya. Pinandilatan nya ako ng mata at tinaasan ng kilay. Senyales na magsasalita na sya.

Napalunok naman ako at kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Pasimple akong dumikit sa kanya at bumulong.

“Pwedeng mamaya na lang pagkatapos kumain. Baka mabulunan sila sa pagkabigla, eh.” Mahinang sabi ko.

Bumuntong hininga sya. “Sige..”

“May problema ba?” Tanong ni Lola Constancia na napansin palang nagbulungan kami.

“Wala naman ho, ’la.” Sabi ni Ric at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Pagkatapos ng hapunan ay nagtipon kami sa living area habang nag te-tea. Hindi ako mahilig sa tea pero uminom na rin ako. Mukhang mamahalin pa naman ang tea.

“Sya nga pala, iha. Napag usapan namin ni mama ang tungkol sa pamilya mo.”

Tumingin ako kay Mommy Rich. Ngumiti naman sya sa akin.

“Gusto namin silang makilala.”

Umawang ang labi ko at tumingin kay Ric. Mukhang pati sya ay nagulat sa sinabi ng mommy nya.

“Agad agad, mi?” Tanong ni Ric.

“Of course. Para mas makilala pa namin ng lubos si Grace.” Wika ni Mommy Rich.

“Sige, po. Sasabihan ko po sila.” Sabi ko sabay higop sa tea.

Mukhang seryoso na nga talaga sa akin ang pamilya ni Ric dahil gusto na agad nilang makilala ang pamilya ko.

“Anyway mom, ’la and ’lo.. We have something to tell you.” Saad ni Ric.

Natigilan naman ako at tumingin sa kanya. Tumingin din sya sa akin at tinaasan lang ako ng kilay bago muling bumaling sa pamilya nya.

“Ano yun, apo?” Nakangiting tanong ni Lola Constancia at humigop ng tsaa.

Humugot ng malalim na hininga si Ric. Ako naman ay kinagat ang loob ng pisngi habang mabilis ang tibok ng puso ko.

“Mom, ’la and lo.. Gracey is.. pregnant.”

Sabay na naibuga ni Lola Constancia at Mommy Rich ang tsaang iniinom nila. Si Lolo Ramon naman ay nasamid at naubo pa.

Napayuko ako sabay kamot sa batok at si Ric naman ay napaikot ang mata.

“A-Ano kamo? Buntis si Grace?” Pabulalas na tanong ni Lola Constancia na namimilog pa ang mga mata habang dinadampian ng tissue ang bibig.

“Tama ba yung narinig namin Ricardo? Grace is pregnant?” Tanong din ni Mommy Rich.

“Totoo ba, apo?” Si Lolo Ramon.

Nagtinginan kami ni Ric. Hinawakan naman nya ang kamay ko at pinisil. Lakas loob na rin akong tumingin sa pamilya nya.

“Yes, ho. Buntis si Grace. Magkaka apo ka na, mi, at magkakaapo na rin sa tuhod sa akin si lola at lolo.” Diretsahang hayag ni Ric.

Umawang ang labi ni Lola Constancia at Mommy Ric habang si Lolo Ramon naman ay nangingisi na.

“Totoo? Magkaka anak ka na, Ricardo? Magkakaapo na ako sayo?” Tila hindi pa rin makapaniwalang tanong ulit ni Mommy Rich.

“Oo nga ho, ma. Magkakaapo na kayo sa akin.”

“Mapagpalang Panginoon! Kay buti nyo at agad nyong dininig ang gabi gabi kong panalangin!” Bulalas ni Lola Constancia at nag antanda pa.

Si Mommy Rich naman ay tinuptop ang bibig at umiyak. Yumakap pa sya kay Lola Constancia.

Nalilitong tumingin naman ako kay Ric. Tinaasan nya ako ng kilay at nginitian.

“Don’t worry, babe. They’re just happy.” Pabulong na turan nya.

“Talaga?” Bulong ko naman.

“Yes.”

Bumaling na ako sa lola at mommy nya na nag iiyakan na.

“Congratulations, apo. Sa wakas magiging isang ama ka na.” Wika ni Lolo Ramon.

“Thanks, ’lo.”

“And congratulations to you too, iha.” Baling  naman sa akin ni Lolo Ramon.

“Salamat po, lolo.” Sabi ko.

“Omg mama.. magkakaapo na rin ako sa wakas. Kay tagal kong hinintay ito. Akala ko ay hindi ako magkakaapo.” Mangiyak ngiyak na saad ni Mommy Rich habang dinadampian ng tissue ang gilid ng mata.

“Sabi ko naman sayo patuloy ka lang magdasal. Walang imposible sa dasal, Rich. Kita mo, isang linggo pa lang akong nagdarasal tuwing gabi na sana ay mabuntis ni Ricardo si Gracey pero dininig agad ng Panginoon ang panalangin ko at binigay.” Turan ni Lola Constancia.

Umawang naman muli ang labi ko at tumingin kay Ric.

“Ang lakas ni lola kay Lord, ha.” Mahinang sambit nya na ikinangisi ko.

Tumayo si Lola Constancia at Mommy Rich at lumapit sa akin. Pinaalis pa nila si Ric sa tabi ko at umupo sila sa magkabilang gilid ko sabay yakap at himas sa buhok at braso ko habang naiiyak pa. Nawala naman na ang kaba ko at pag aalala dahil tanggap nila na buntis ako at masayang masaya sila. Kulang na nga lang ay gawin nila akong poon sa bawat himas at halik nila sa buhok ko. Si Lolo Ramon nga ay natatawa na lang sa dalawa pero masaya rin sya na madadagdagan ang mga apo nya sa tuhod. At lalo pa nga silang natuwa nang ipakita pa ni Ric ang sonogram. Muli na naman ngang naiyak si Mommy Rich.

“Akala ko talaga wala ng pag asa na magkaroon ng anak ang Ricardo ko. Mabuti na lang at dumating ka sa buhay nya, Grace. Hulog ka talaga ng langit.” Sambit ni Mommy Rich at niyakap muli ako.

Habang lumalalim ang gabi ay halos ayaw na akong bitawan ni Lola Constancia at Mommy Rich. Nagtatanong pa sila sa akin kung ano ang mga nararamdaman ko ngayong buntis ko. Sinabi ko naman sa kanila ang pagduduwal ko minsan sa umaga at naging sensetibo ang pang amoy ko. Kinuwentuhan naman nila tungkol sa karanasan nila sa pagbubuntis.


Chapter 44

Grace POV

“ANO na ang plano nyo ngayong dalawa na magkakaanak na kayo?” Seryosong tanong  ni Lola Constancia.

Nagtinginan kami ni Ric habang magkahawak ng kamay.

“Plano ho namin na magpakasal ’la. Pakakasalan ko ho si Grace.” Diretsahang turan ni Ric.

Ngumiti naman si Lola Constancia, Lolo Ramon at Mommny Rich.

“Mabuti naman anak at yan ang plano nyong dalawa. At least hindi ka na namin kailangan pilitin ni mama. Right, mama?” Wika ni Mommy Rich.

“Oo. Dahil kung hindi nya pakakasalan si Grace, tatanggalan ko sya ng mana.” Nakangiting saad ni Lola Constancia na ikinasinghap ni Ric.

“’La? Are you serious?”

“Yes. I’m serious. Tatanggalan talaga kita ng mana at ibibigay ko sa anak nyo.”

Nag pout si Ric. “It’s okay. I have my own money and business naman.”

Si Lola Constancia at Mommy Rich naman ang napasinghap.

“Aba’t — tumatapang ka na Ricardo.” Bulalas ni Lola Constancia.

Tumawa si Lolo Ramon. “Ganun talaga, honey. Nakabuntis na ang apo mo kaya tatapang na talaga yan.” 

Napangisi naman ako sa sinabi ni Lolo Ramon.

“But I’m serious, ’la. Magpapakasal kami ni Grace. Bubuo na kami ng pamilya.” Ulit ni Ric at tumingin sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. Masaya ako na pinaninindigan nya na magpapakasal kami. Wala akong maramdamang pag aalinlangan sa kanya. Buo ang loob at desisyon nya.

“Masaya kami na ganyan ang desisyon mo, Ricardo. Yan naman talaga ang pangarap namin ng mama mo para sayo. Ang magkaroon ka ng sariling pamilya.”

“Anyway, alam na ba ng pamilya mo Grace na buntis ka?” Tanong sa akin ni Mommy Rich.

“Opo, Mommy Rich. Sila po ang una naming sinabihan.” Nakangiting sabi ko.

“Ano naman ang sabi nila? Ayos lang ba sa kanila na magpapakasal kayong dalawa ni Ricardo?”

“Opo, ’la. Ayos naman po sa kanila at tanggap nila.”

“Mabuti naman pala. Kelan nyo naman balak magpakasal na dalawa?” Si Mommy Rich.

Muli kaming nagtinginan ni Ric.

“As soon as possible, mi. Civil wedding muna ang ganap namin para mabilis lang ang preperetion. Kapag church wedding kasi ay matagal ang preparation. Baka maabutan pa kami ng panganganak.” Wika ni Ric na lalong ikinangiti ng lola at mommy nya.

“Kung ganun ay dapat na pala tayong mamanhikan agad sa pamilya ni Grace.” Suhestiyon ni Lolo Ramon.

“Oo naman, Ramon. Gagawin natin yan sa lalong madaling panahon.”

“I’m so excited sa kasal nyong dalawa mga anak. Oh gosh Ric, you made me happy, anak.” Emosyonal na wika ni Mommy Rich. 

Lumapit pa sya sa amin ni Ric at muli kaming niyakap. Ramdam ko ang kasiyahan nya para sa aming dalawa ng anak nya.

.

.

Ricardo POV

“HOW are you feeling now? Nagsusuka ka pa rin ba? Gusto mong pumunta ako dyan?” Nag aalalang tanong ko sa nobya sa kabilang linya. Kagigising ko lang nang tumawag sya at sinabing sumuka sya.

“Hindi na.. Ayos na ako.”

“Are you sure? Pupunta ako dyan.”

“Hindi na kailangan, Ric. Ayos na nga ako. Kanina pa ako tapos sumuka at okay na ako. Dyahe pa kung pupunta ka rito sa bahay. May pasok ka sa office mo di ba?”

“Pwede naman akong um-absent.”

“Puro ka na absent. Baka malugi na ang kumpanya nyo nyan.” Natatawang sabi pa nya sa kabilang linya.

Umikot naman ang mata ko. “Pero nag aalala ako sayo, babe.”

“Hindi mo na kailangan mag alala. Ayos lang talaga ako. Saka sabi naman ni doctora normal lang naman itong morning sickness.”

“Okay, pero didiretso ako dyan mamaya sayo after office.”

“Okay.”

“May cravings ka? May mga food kang gustong kainin?” Tanong ko pa.

“Sa ngayon wala naman..”

“Kung meron, tawagan mo ’ko. Bibilhin ko.”

“Okay. “

Ngumiti na ako at lumabas na ng kwarto habang kausap pa rin ang girlfriend soon to be wife sa kabilang linya.

“Nag breakfast ka na ba? Baka naman papasok ka ng shop na wala ka pang kain.”

“Opo. Kumain na ako. Nagluto si tiyang ng sopas kaya nakakain ako pagkatapos kong sumuka. Ang sarap nga eh. Nainitan ang sikmura ko.”

“Mabuti naman. Anyway, next day aasikasuhin na natin ang papers natin para sa wedding natin. Makikipag kita din tayo sa ninong kong judge na magkakasal sa atin.”

“Okay..”

May narinig akong mga boses sa kabilang linya. Mukhang nasa hardware shop na sya at nagbubukas na sila. May narinig pa akong tumawag sa kanya.

“Ric, ibababa ko muna ang phone. May delivery akong dumating. Tawagan na lang kita mamaya.”

“Okay, just call me kung may gusto kang ipabili. Pupuntahan kita dyan mamaya after office.”

“Sige, kita na lang tayo mamaya. Ingat ka sa pagmamaneho.” Aniya at pinutol na ang tawag.

Binaba ko na rin ang phone at pinatay. Pumasok ako sa kusina para mag asikaso ng breakfast ko.

Gusto ko sanang magkasama na kami sa iisang house ni Grace para kapag may morning sickness sya ay maasikaso ko sya. At yun ang pag uusapan namin mamaya. Para hindi na ako masyadong nag aalala kapag may morning sickness sya. Pwede namang doon muna ako sa bahay nya mag stay. Kapag sya naman ang nandito sa bahay ko ay mapapalayo naman sya sa shop nya. Ayoko rin munang nag mo-motor sya habang buntis.

Nakakaisang subo pa lang ako sa cereal ko nang tumunog ang doorbell ng sunod sunod. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita. Hindi ko na lang sana papansinin ang doorbell pero muli yung tumunog ng sunod sunod na beses pa.

Inikot ko ang mata at binaba ang kutsara. Lumabas ako ng kusina at malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto dahil panay ang tunog ng doorbell.

“Sandale!” Imbyernang sabi ko at nagmamadaling in-unlock ang pinto para tarayan ang nasa labas.

“What the — “ Natigilan ako nang makita ang mga pagmumukha ng mga kaibigan na mga may nakakalokong ngisi sa labi. Halos kumpleto sila maliban lang sa tuod na si Matias. Mga nakapang opisina pa sila maliban kay Jeiz.

“Ang tagal mo namang magbukas, brad.” Nakangising turan ni Luigi.

Tumaas ang kilay ko at humalukipkip. “At anong ginagawa nyo dito sa unit ko ng ganito kaaga?”

“We are here to congratulate you, couz.” Nakangisi ring saad ni Kester sabay sambilat sa akin.

Napatili ako ng buhatin nila ako at ginawang poon habang nagsisigawan na akala mo ay may victory’ng nangyari. Ang ingay tuloy namin sa hallway.

“Ano ba? Ibaba nyo na nga ako. Yung eggs ko naiipit! Mga punyeta kayooo!” Tili ko at pinagmumura sila dahil naiipit na nga ang eggs ko. Paano kami makakarami ng junakis ni Grace kung lamog na ang eggnog ko. Baka mabaog ako nito.

Binaba naman ako ng mga kupal kong friendship. Nakangiwing agad ko namang sinapo ang harapan ko na masakit. Pinaghahampas ko sila sa braso at pinagsasabunutan habang minumura. Pero ang mga chakaness ay tinawanan lang ako.

“Let’s go inside. Sa loob tayo mag celebrate.” Ani Luigi at binuhat na naman nila ako na ikinatili ko.

Pinasok nila ako sa loob ng unit ko habang tumatawa sila.

Hindi na ako nagulat na alam na nila na buntis si Grace at magiging soon to be mommy — este daddy na ako. Malamang chinika ni lola at ni mommy kay Kester at itong pinsan kong tolits ay chinika din sa mga kaibigan namin kaya nandito sila ngayon.

Naha-happy din naman ako na happy sila sa akin at sinadya pa talaga ako dito sa  unit ko para i-congratulate ako. Ang di ko lang nagustuhan ay biglaan ang pagpunta nila at muntik na nilang malamog ang eggnog ko. Kapag talaga hindi namin nasundan ang first baby namin ni Grace dahil nabaog ako ipapakulam ko sila.

“Masyado mo naman kaming binigla, Ric. Parang nung nakaraang linggo lang ay pinakilala mo sa amin ang girlfriend mo tapos ngayon ay buntis na pala sya.” Nangingising turan ni Jeiz.

“Ito ang pinaka malaking plot twist na nangyari sa buhay mo, Ric. And to be honest we’re genuinely happy for you.” Wika ni Lorenzo.

Na-touch naman ako sa sinabi nya. Na-feel ko naman talaga na happy sila sa akin.

“Actually napapag usapan ka namin minsan kapag magkakasama kami at absent ka sa grupo.” Ani Atlas.

Tumaas ang isang kilay ko. “So pinag tsi-tsismisan nyo pala ako.”

Tumawa sila.

“In a good way naman, couz. Napag uusapan namin minsan na sana ay mahipan ka ng magandang hangin at maisipan mong mag asawa. At nagdilang anghel kami at may pa-bonus pang baby agad.” Saad ni Kester at pinagpingki pa nila ang mga hawak nilang tasa.

“Actually we’re just concerned about you, bro. Ayaw naming tumanda ka na mag isa. But now, hindi ka na nga tatanda na mag isa dahil magkakapamilya ka na.” Dagdag pa ni Atlas.

“Anyway, ilang months na palang buntis si Grace? Parang ang bilis nyang nabuntis?” Nakangising tanong ni Luigi.

“Two months na mahigit.” Tugon ko.

“Two months? Eh di ba two months pa lang ang relasyon nyo?” Namimilog ang matang tanong ni Jeiz.

“Yes.”

Nagtinginan sila at sabay sabay na ngumisi. Lumapit pa sa akin si Luigi at tumabi ng upo sabay akbay sa akin.

“I’m so proud of you, Ric. I remember umupa pa ako ng high class call girl noon para ma-devirginized ka. Muntik ka pa ngang lagnatin noon sa pangingilo. But now, ikaw ang pinaka mabilis na nakabuntis.” Nakangising turan ni Luigi.

“That means sya ang pinakamatulis sa ating lahat.” Segunda ni Jeiz at nagtawanan silang lahat.

Humalukipkip ako at nagtaas noo sabay ngisi. “It also means, mas magaling ako sa inyo. Isang putok, baby agad. Mga weakling.”

Nag tinginan sila ulit.

Napatili ako ng bigla akong i-armlock ni Kester at nilamog na naman nila ang beauty ko.


Chapter 45

Grace POV

“SIGURADO ka? Gusto mong mag stay sa bahay ko?” Tanong ko kay Ric sa gitna ng hapunan namin.

Dito sa restaurant kami kumain para hindi na magluto.

“Yes. Para masamahan kita. Para kapag may morning sickness ka maaasikaso kita.” Aniya at eleganteng sumubo ng kapirasong karne.

Napangisi ako at kinilig sa sinabi nya.

“Naks! Ang sweet naman ng future hubby ko.” Sambit ko.

Pero inikutan lang nya ako ng mata. Mannerism na talaga nya yan kapag pinupuri ko sya.

“Pero maliit lang ang bahay ko di gaya ng condo mo. Hindi rin yun sosyal at hindi de-aircon ang buong bahay.”

Tumaas ang kilay nya. “It’s okay. Wala namang problema sa akin yun. Importante magkasama tayo.”

“Eh paano ang work mo? Mapapalayo ka sa office mo.”

“Ayos lang. May sasakyan naman ako at fourty five minutes lang naman ang ang byahe mula sa bahay mo papunta sa office ko.”

“Eh kung ako na lang kaya ang lumipat sa condo mo.” Suhestiyon ko.

“Ikaw naman ang mapapalayo sa shop mo.”

“Ayos lang. Mag mo-motor naman ako. Kayang kayang takbuhin ng wala pang twenty minutes mula sa condo mo papunta sa shop.”

“No. Hindi ako papayag. Kaya nga ako na ang nag presintang mag stay sa bahay mo kesa ikaw ang mag stay sa condo ko dahil ayokong mag motor ka.” Turan nya sa istriktong boses.

“Bakit naman ayaw mo akong mag motor?”

“Because you’re pregnant, babe. Eh paano kung madisgrasya ka? Damay din si baby natin. Kaya iwasan mo munang mag motor please.”

“Pero maingat naman ako sa pag mo-motor.” Giit ko pa.

Sinamaan nya ako ng tingin. “Delikado pa rin.”

Ngumuso ako. “Oo na, iiwas munang mag motor.”

“Good. Pero wala akong tiwala sayo. Kaya tama lang na mag stay ako sa bahay mo para mabantayan din kita. Baka mamaya sumalisi ka ng pag mo-motor eh.”

Lalong nanghaba ang nguso ko sa sinabi nya. Pero may tama din naman sya. May posibilidad na mag motor talaga ako. May katigasan din kasi ang ulo ko eh.

“Kelan ka naman mag i-start na mag stay sa bahay?”

“Ngayong gabi. Dala ko na sa car ang ibang damit ko and other personal things.”

“Ay wow! Ready ang attecoh.” Nakangising sabi ko.

“Of course. Dati akong boy scout, no. Kaya always akong ready.”

“Talaga? May picture ka nung nag boy scout ka? Patingin naman.” Excited na sabi ko.

Siguradong poging pogi sya sa suot nyang boy scout uniform.

“Nasa bahay namin sa Alabang yung mga picture. Next time dadalhin kita roon.”

“Okay.”

Nilapagan nya ako ng gulay sa plato. “Kumain ka ng gulay hindi yung puro karne. Para maging healthy si baby.”

“Oo na po.” Natatawang sabi ko at kinain na ang gulay na nilagay nya sa plato ko.

“Mary Grace.”

Napalingon kami ng sabay ni Ric sa tumawag sa pangalan ko.

Namilog naman ang mata ko at napangisi nang makita ang dalawang kasamahan sa motorcycle club na may matataas na posisyon. Ang dalawang boss kong gwapings.

Tumayo ako at nakipag fist bump sa dalawang kasamahan.

“Boss Wesson, Boss Dino, long time no see.” Nakangising turan ko.

Matagal tagal ko silang hindi nakikita at nakakasama. Almost two months din at medyo namiss ko sila.

“Oo nga, long time no see. Hindi ka na nakakasama sa mga long rides natin lately.” Nakangising turan ni Boss Wesson. Ang president ng club.

“Mukhang masyado ka na yatang busy ngayon, Mary Grace.” Saad naman ni Boss Dino na sya namang vice president ng club.

Humimas ako sa batok. “Oo nga eh. Pasensya na kung hindi ako nakakasama sa mga rides natin. Bawi na lang ako next time.”

Napalingon ako kay Ric nang tumikhim sya.  Nakatingin sya sa akin habang nakataas ang kilay. Syempre alam ko ang ibig sabihin nun.

“Oo nga pala mga boss, may kasama ako.” Nakangsing sabi ko.

“Oo nga. Nakikita naming may kasama ka.”  Ani Boss Wesson na nakatingin na rin kay Ric habang may ngisi pa rin sa labi.

Tumayo naman si Ric at nilahad ang kamay sa dalawa. “I’m Ricardo De Asis. Mary Grace’s fiance.”

Umawang ang labi ni Boss Wesson at Boss Dino sabay tingin nila sa akin.

“Fiance? Ikakasal ka na?” Halos sabay nilang bulalas. Halatang gulat na gulat.

Napangiwi ako at napakamot sa batok. “Oo, ikakasal na ako.” Sagot ko.

Muli silang bumaling kay Ric at tinanggap nila ang kamay nitong nakalahad at nagpakilala na rin. Pormal naman silang kinausap ni Ric.

“Ginulat mo naman kami Mary Grace. Ikakasal ka na pala. Kaya naman pala busy ka.” Wika ni Boss Dino.

“Kelan naman ang kasal nyo?” Tanong ni Boss Wesson.

“Aasikasuhin pa lang namin ang papers namin. Siguro next month ang kasal namin ni Grace.” Si Ric ang sumagot.

“Ang bilis naman!” Bulalas muli ni Boss Dino.

“Civil wedding lang kasi kami kaya mabilis talaga.” Sabi ko naman.

“Well, congratulations to both of you.”

“Thanks.” Halos magkasabay naming sagot ni Ric.

“Kung ganun ay talagang mag aasawa ka na. Ibig sabihin ay hindi ka na masyadong magiging active sa mga rides at ibang activities natin.” Saad ni Boss Wesson.

“Ganun na nga, Boss Wes. Pero mga isang taon lang siguro ako mag la-lie low muna.”

“We understand. Pero may long ride ang grupo next week sa norte. Baka gusto mong mag participate ng huling beses.” Aya ni Boss Dino.

Tumingin ako kay Ric. Tinaasan naman nya ako ng kilay na alam ko ang ibig sabihin.

“Sorry, Boss Dino. Hindi ako pwede eh.” Nakangiwing sabi ko.

“Bakit naman?”

“She’s pregnant kaya umiiwas muna sya sa pag mo-motor for her safety.” Tugon ni Ric.

“Buntis ka?” Sabay na bulalas muli ng dalawa at bumaling sa akin.

Ngumisi naman ako. “Oo, mag ti-three months na mga boss. Ninong kayo, ha.” Sabi ko.

Napailing iling sila at napangisi na rin.

“Sobra mo kaming ginugulat Grace. Parang kelan lang single ka at buong akala namin ay tomboy ka. Tapos ngayon ay magkakaasawa at magkakanak ka na pala. But anyway, congratulations again.” Wika ni Boss Wesson at marahan akong tinapik sa braso.

“Salamat, boss.”

Ilang minuto pang nakipag kwentuhan sa amin ni Ric si Boss Wesson at Boss Dino. Mula sa kasal namin ni Ric ay napunta sa negosyo ang usapan. Negosyante din kasi ang dalawa at mga professional din kaya naman nagkakasundo sila sa usapan ni Ric. Manghang mangha pa nga ako habang nagsasalita sya. Halatang magaling na negosyante si barbielat.

.

.

“’LA, ito po si Ric. Nobyo ko po at malapit na kaming ikasal.” Pagpapakilala ko kay Lola Josefa kay Ric.

“Kamusta ho, lola.” Bati naman ni Ric at nagmano kay Lola Josefa na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

“Mag aasawa ka na kamo, Grace?” Tanong pa ni Lola Josefa sa akin.

Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay ni lola.

“Opo ’la. Mag aasawa na po ako. At magkakaroon na rin po kayo ng apo sa tuhod sa akin.”

Namilog ang mata ni Lola Josefa. “Buntis ka rin?”

Tumango ako. “Opo.”

Ngumiti na sya at nagningning ang mga mata sabay hawak sa impis kong tiyan.

“Ilang buwan na ang tiyan mo?”

“Mag ta-tatlong buwan na po, ’la.”

“Naku, ang saya saya naman.” Sambit ko.

“Masaya po kayo, la?”

“Oo, masaya ako apo ko. Kasi magkakaroon ka na ng sariling pamilya.” Bumaling sya kay Ric. “Aalagaan mo ang apo ko, ha. Huwag mo syang pababayaan.”

“Oho, lola. Hindi ko ho pababayaan si Grace.” Nakangiting turan naman ni Ric.

“Mukha ka namang mabait at magandang lalaki pa. Siguradong maganda o kaya pogi ang magiging apo ko sa tuhod.”

“Sigurado ho yun, lola.” Segunda pa ni Ric at  niyakap sya ni Lola Josefa.

Napangiti naman ako dahil mukhang magkakasundo sila.

Pinasundo ko sa isa sa mga pinsan ko si Lola Josefa, Tita Fina at Jacky sa bahay nila. Ngayong gabi kasi ang pormal na pamamanhikan ng pamilya ni Ric. Gusto kong makilala nila ang lahat ng mga mahal ko sa buhay. Malapit na malapit na rin kaming ikasal ni Ric. May petsa at araw na yun.

“Nariyan na yata ang mga bisita natin.” Turan ni Tiyang Cess na nakatanaw sa labas ng pinto. Nagsimula namang tumahol si Milo at Kopiko senyales na may tao sa labas.

Tumayo naman kami ni Ric at sumilip din sa labas. May tatlong mamahaling sasakyan ang dumating at pumarada sa labas ng gate.

“Sila mommy at lola na yan. Mukhang kasama din nila sila Kester.” Wika ni Ric.

Lumabas na kami at sinalubong na ang pamilya nya.

Kumpleto ang pamilya ni Ric mula kay Lolo Ramon, Lola Constancia, Mommy Rich, ang pinsan nyang si Kester at ang asawa nitong si Crizel kasama ang anak na kambal. Sinalubong namin sila kasama ang pamilya ko sa pangunguna ni Tiyong Poldo.

Maging maingay at masikip ang bahay ko dahil nandito ang lahat ng pamilya ni Ric pati na rin ang pamilya ko. Bagaman masikip ay masaya naman dahil punong puno ng biruan at tawanan. Nagmistula ngang comedy bar ang bahay namin dahil parehas mabiro si Lolo Ramon at Tiyong Poldo na sinabayan pa ni Kester na maloko din pala at ng mga pinsan kong talagang luko-luko.

“Ubod pala ng yaman ang pamilya ng mapapangasawa mo, Grace. Ang sabi ni Jacky kilala daw sa business world ang pamilya nya at may mga pag aari silang mall.” Wika ni Tita Fina na syang nagpresintang maghugas ng mga plato. Katulong nya si Ate Sharie at Jacky.

“Pero mababait naman po sila, tita. Yung lola ni Ric mukha lang mataray pero mabait po yun.” Sabi ko habang nilalagay sa sink ang mga basong pinaggamitan.

Katatapos lang namin maghapunan at nasa sala ang iba para ituloy ang chikahan. Nangingibabaw ang boses ng mga lalaki. Si Lola Constancia at Mommy Rich ay kachikahan naman si Lola Josefa at Tiyang Cess.

“Pero may napapansin ako sa nobyo mo, Grace. Parang malambot syang gumalaw.” Pabulong na sabi ni Tita Fina at tumingin pa kay Ric na nasa mesa pa at kadaldalan si Lonard at Jopet.

Ngumisi ako habang si Sharie naman ay natawa.

“Opo tita. Malambot po talaga yang boyfriend ko pero matigas po yan sa loob.” Sabi ko.

“Yan din ang pansin ko, insan. Pero infairness naman, super gwapo nya at matangkad pa. Naamoy ko pa nga sya kanina eh. Super bango. Parang mas mabango pa sa akin.” Turan ni Jacky.

“Mabango talaga yang si Ric. Kahit kelan di ko naamoy na mabaho yan.”

“Sanaol. Kung hindi mo lang sya boyfriend at fiance, dinambahan ko na sya kanina pa kahit lelembot lembot sya. Ganyan ang mga type na type ko eh.” Dagdag pa ni Jacky.

Ngumisi ako. “Sorry ka na lang, insan. Nauna na ako sa kanya. Hanap ka na lang ng sayo.” Sabi ko.

“Saan ba makakahanap ng gaya nya? Baka may friend syang ka-federasyon din nya. Basta yung gaya nya, ha. Yung gwapo at super hot na acla may malaking tarub — aww!”

Tumawa kami ni Sharie nang bigla syang kurutin ni Tita Fina sa tagiliran. Nasermonan pa sya ng very light.

.

.

“Plantsado na ang lahat. May petsa at araw na tayo ng kasal natin sa ninong mong judge. Pormal na ring nakapamanhikan ang pamilya mo.”

“Yes. Maayos na ang lahat at ikakasal na lang tayo.”

“Ang huling tanong? Sure ka na bang magpapakasal sa akin?” Tanong ko kay Ric at nilingon sya sa tabi ko. Parehas na kami ngayong nakahiga sa kama ko.

Tumaas ang kilay nya. “Ano bang klaseng taong yan? Of course sure na ako, no.”

Ngumuso ako. “Kapag kinasal na tayo nakatali ka na sa akin habang buhay. Hindi ka na pwedeng tumingin sa ibang lalaki o kaya sa ibang babae.”

“I know that, babe. What do you think of me? Cheater?”

“Hindi. Pinapaalalahanan lang kita. Kasi nga, ikakasal na tayo. Magiging mag asawa na tayo. Lahat ng gagawin natin ay dapat may consent ng isa’t isa. Okay ka ba dun?”

“Oo naman. And don’t worry, hindi ako magiging pasaway na asawa sayo, no.”

Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya sabay dantay ng binti sa sa kanya at yakap sa kanya. Tinawid ko ang maiksing pagitan ng mukha namin at hinalikan sya ng mariin sa labi. Niyakap rin nya ako at gumanti ng halik.


Chapter 46

Warning 🔞

Grace POV

“UGHH yess, babe! Just like that! Oh my ghad! So good so gooddd! Ughhh — Uhmp!”

Tinakpan ko ang bibig ni Ric habang patuloy ako sa paggiling sa kandungan nya.

“Huwag kang masyadong maingay. Baka marinig ka ng mga pinsan ko sa kabila. Hindi soundproof ’tong kwarto ko.” Saway ko sa kanya.

Tinanggal naman nya ang kamay ko sa kanyang bibig.

“Bakit kasi hindi mo pa pina-soundproof — ughh shet ang sarap!” Paungol na bulalas nya ng diinan ko ang paggiling sa kanyang pagkalalaki.

Napangisi naman ako dahil tirik na tirik ang mata nya at napapakagat labi pa. Sarap na sarap ang barbielat ko.

Yumuko ako at siniil sya ng halik sa labi habang patuloy sa paggalaw ang balakang ko. Niyakap naman nya ako at tumugon sa aking halik.

“Masarap ba?” Pilyang tanong ko sa kanya.

“Ughh yess babe.. sobrang sarap.. but.. ah n-need na nating ipa-soundproof itong kwarto mo dahil ang hirap magpigil ng ungol.. shett..” Aniya sa pagitan ng pag ungol.

Natawa naman ako. “Oo na.. ipapa-soundproof na natin ’to para kahit magsisigaw ka, ayos lang..”

“Fuck.. bakit kasi ang sarap mo, babe..” Anas nya sabay kagat labi at ikot ng mata.

Muli akong natawa sa sinabi nya at umayos na nang upo sa kanyang kandungan. Nagbago ako ng pacing ng galaw. Tinukod ko ang dalawang tuhod sa kama at mabilis na nagtaas baba sa kanyang pagkalalaki. Hinawakan naman nya ang bewang ko at umalpas na naman ang impit na ungol sa kanyang labi. Ilang sandali pa ay nauna na akong nilabasan kesa sa kanya. Nanginig at nanigas ang aking katawan.

Bumangon sya at niyakap ako sabay siil ng halik sa aking labi. Yumakap naman ako sa batok nya at gumanti ng halik. Mayamaya ay humiga sya habang nasa ibabaw nya ako. Pumihit sya at binaliktad ang posisyon namin. Ako na ngayon ang nasa ilalim at sya naman ang nasa ibabaw.

“Now, it’s my turn to shine.” Nakangising sabi nya at bumangon.

Binuka nya ang dalawa kong hita at hinawakan ang likod ng tuhod sabay buka at taas nito. Tinutok nya ang kanyang pagkalalaki sa aking lagusan at sinulong ito papasok.

“Oh my gosh, babe.. it feels so good inside you.. uhngg..” Ungol nya at nag umpisa nang gumalaw.

Kinagat ko naman ang labi at napapikit. Nilasap ko ang sarap ng bawat hugot at baon ng kanyang pagkalalaki sa aking lagusan.

“Ohh shit, babe! Ahh!” Ungol ko nang bumilis ang galaw nya at mas lumalim ang bawat baon nya.

Kung masarap na ako ang nagmamando sa kanyang ibabaw, mas masarap naman kapag sya na ang nagdo-domina. Mas damang damang ko ang sarap at kiliti.

“Oh my ghad oh my ghad babe! I’m cumming I’m cumming — ahh! Malapit na ako..” Paungol na saad nya at halos dumoble na ang bilis ng kanyang galaw.

Ramdam ko nga rin na muli na naman akong lalabasan.

“Ughh shit, Ric! Hayan na rin ako — ahh ahh ughhh!”

Malakas na umungol si Ric sabay dapa sa ibabaw ko at diin ng kanyang pagkalalaki sa lagusan ko. Nanginig namang muli ang buo kong katawan at nilabasan na naman ako. Kasabay din nun ay naramdaman ko ang mainit nyang katas na kanyang ipinunla sa aking loob. Kay sarap nun sa pakiramdam. At dahil buntis naman na ako ay unlimited na ang pagpapaputok nya.

.

.

“PARANG kelan lang ang sabi mo boyfriend mo si Ric tapos ilang araw lang nalaman ko, buntis ka na at ikakasal na.” Nakalabing sabi ni Krizette.

Humimas ako sa batok at pangiwing ngumiti. “Eh.. ganun talaga. Masyado kaming inlove sa isa’t isa.”

“Pero gay si Ric, di ba?”

“Oo, pero may pusong lalaki pa rin sya. Kita mo naman, pananagutan nya ako. Mas lalaki pa nga sya sa ibabang lalaki na mas gustong takbuhan ang resposibilidad kesa panagutan.” Pagmamalaki ko kay Ric.

“Kunsabagay..” Sambit nya at bumuntong hininga.

Nababakas ko ang kalungkutan at panghihinayang sa mga mata ni Krizette. Day off nya ngayong araw at sinadya nya ako dito sa auto repair shop para chikahin. Matagal tagal din kaming hindi nagkita dahil busy sya sa bago nyang trabaho.

“You know what, G.. Aamin na ako sayo. Gusto talaga kita.” Pagtatapat ni Krizette.

Hindi naman ako agad nakakibo at nakatingin lang sa kanya. Kahit hindi nya aminin ay nahalata ko naman na may gusto sya sa akin. Hindi ko lang binigyan ng pansin para hindi ako mailang dahil kaibigan ang turing ko sa kanya.

“Pero Krizette.. kaibigan lang ang turing ko sayo. At imposibleng magustuhan din kita.. I’m sorry.”

Bumuntong hininga sya. “Alam ko na yun ngayon, G. Pero sa totoo lang humopia talaga ako na magugustuhan mo rin ako. Kaya lang mas bet mo yang si Rica.” Nakangusong sabi nya.

Ngumisi ako. “Pasensya na. Sa kanya talaga ako tinamaan eh.”

“Now I know, hindi ka nga talaga shiboli.”

“Hindi naman talaga, eh. Ilang beses ko nang sinabi yun. Ayaw nyo lang maniwala.”

“Sorry na. Akala ko indenial ka lang, eh.”

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Sa totoo lang ay tinatawanan ko na lang ang mga taong nakakakilala sa akin na ang buong akala ay tomboy ako at gulat na gulat nang malamang buntis at ikakasal na ako. Sila kasi eh. Maling hinala.

“Ninang ka nitong baby ko, ha.” Nakangising sabi ko kay Krizette.

Tumaas ang kilay nya. “Ang sadista mo, ha. Heartbroken na nga ako sayo gagawin mo pa akong ninang ng baby nyo ni Rica.”

Muli akong tumawa. “Kalimutan mo na yang pagsintang pururot mo sa akin. Makakahanap ka pa ng mas karapat dapat sayong tao. Yung magiging forever mo na boylet.”

Umikot ang mata nya. “Oo na. Ninang na ako nyang baby mo.”

“Salamat. Huwag ka ng magtampo, ha.”

“Hindi, no. Nanghihinayang lang ako. Pero ayos lang ako. At least naman di mo ko pinaasa. Nag assume at humopia lang talaga ako.”

Napangiti ako sa sinabi nya. At least rin ay hindi sya close minded.

“Gusto mo ba ng boylet? May mga tropa pa akong single. Ay, si Wekwek na lang pala ang single.” Alok ko sa kanya.

Sumimangot sya. “Di ko sya bet, no.”

Tumawa na lang ako sa sinabi nya.

Pero hiling ko ay makahanap din sya ng lalaking para sa kanya. Yung lalaking deserve nya.

.

.

“SURE ka, Boss G? Ikaw ang sasama sa akin?” Tanong ni Bok.

“Oo nga. Maraming ginagawa si Ana kaya ako na lang ang sasama.” Tukoy ko sa secretary namin sa auto shop.

“O sige, ikaw ang bahala.”

“Halika na.”

Sabay na kaming lumapit sa L300 na syang gagamitin namin para pick-up in ang inorder naming mga gulong. Si Bok ang nasa driver seat at ako naman ang nasa passenger seat. Binuhay na rin nya ang makina at minaniobra na.

“Hindi ba maselan ang pagbubuntis mo, Boss G? Baka makasama sayo ang pagbyahe byahe.” Untag sa akin ni Bok nang nasa gitna na kami ng malawak na kalsada.

“Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko. Saka walang sinasabi ang doctor ko na bawal akong mag byahe.”

Lumingon sa akin si Bok at ngumisi. “Magiging nanay ka na talaga, Boss G. Parang di ko ma-imagine.”

Napangisi na rin ako at pabirong sinuntok sya sa braso. “Kung makasalita ka naman para akong alien na magdadalang tao. Tomboy man ako o hindi, babae pa rin ako, no. Mabubuntis pa rin ako.”

“Oo nga. Pero di ko lang akalain na ganun kabilis. Mabagsik pala yang si Ric kahit bading eh.”

“Mabagsik talaga yun. Mahina nga sa kanya ang limang round, eh.” Nakangising sabi ko. 

Suminghap sya at namilog ang mata. “Limang round?”

“Oo, limang round.”

“At kinaya mo yun?”

“Oo naman! Ako pa ba?”

“Kaya naman pala nabuntis ka agad, eh. Ang tindee nyo!” Bulalas nya at umiling iling.

Natawa naman ako sa reaksyon nya.


Chapter 47

Grace POV

“OKAY na ba? Nasalansan na ng maayos lahat?” Tanong ko kay Bok na syang katuwang ng dalawang lalaking nagsakay ng mga gulong sa loob ng L300.

“Yes, Boss G.”

Sinilip ko ang loob. Maayos naman ang pagkakalansan.

Inabutan ko ng tip ang dalawang tauhan ng  shop na tumulong sa amin at nagpasalamat.

“Boss G, kain muna tayo bago bumalik sa shop. Nagugutom na ako eh.” Hirit ni Bok.

Tiningnan ko ang suot na relo. Alas onse na ng umaga. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom.

“Sige, tara. Kain muna tayo.” Yaya ko sa kanya at sumakay na sa passenger seat. Sumunod naman si Bok na ngiting ngiti na dahil kakain na kami.

Sa isang filipino restaurant kami pumasok. Tuwang tuwa naman si Bok dahil marami syang masasarap na ulam na pagpipilian. Hinayaan ko syang umorder ng kahit na anong gusto nya dahil deserve nya naman dahil sa kasipagan nya.

Sa gitna ng pagkain ay bigla kong naalala si Ric. Ang sabi nya ay nagpapa-order lang sya ng pagkain nya sa restaurant tuwing lunch.

Dalawin ko kaya sya sa opisina at dalhan ng pagkain. Tutal naman ay malapit lapit lang dito ang opisina nya.

Dinampot ko ang cellphone at tinawagan ang nobyo. Naka isang ring lang bago sya sumagot.

“Hello babe..”

Napangisi ako sa lambing ng boses ni Ric sa kabilang linya. Lalaking lalaki pa nga ang boses nya na medyo paos.

“Hello Ric, pupuntahan kita sa opisina mo ayos lang?” Sabi ko.

Sumulyap sa akin si Bok na sunod sunod ang subo ng pagkain.

“Bakit? Nasaan ka ba?”

“Nandito kami sa restaurant kumakain.”

“Kami? Sinong kasama mo?”

Ngumisi ako. Natonohan ko ang selos sa boses nya. Buntis na nga ako at ikakasal seloso pa rin sya.

“Si Bok ang kasama ko. Nag pick up kami ng mga gulong na in-order namin dito sa malaking tindahan ng mga gulong. Malapit lapit lang ’to sa office mo. Puntahan kita?”

“Okay — wait, anong gamit nyo? Baka nag motor ka na naman.”

Tumawa ako. “Hindi, no. L300 ang gamit namin.”

“Good.”

“So ano, puntahan kita dyan? Dalhan na rin kita ng lunch. Ipag te-take out kita.”

“Okay, ano ba ang nasa menu nila dyan?”

Binanggit ko sa kanya ang mga ulam sa menu list. Agad naman syang nakapili. Kaya naman tinawag ko agad ang waiter at nagpadagdag ng order para i-take out.

Pagkatapos naming kumain ni Bok ay lumabas na kami ng restaurant bitbit ang tinake-out kong pagkain para kay Ric. Sumakay kami ng L300 at binaybay ang kalsada patungo sa office ni Ric.

“Dito ba nag o-opisina si Ric?” Tanong ni Bok habang manghang nakatingala sa mataas na building na halos puro salamin. Dalawang building yun na magkatabi at parehas ng taas. Siguro ay mga nasa 30 floor ang taas.

“Oo, dito.” Sagot ko.

“Nakakalula naman sa taas. Grabe, ang yaman talaga ng bading na yun.”

Nginisihan ko sya. “Halika ka na.” Yaya ko sa kanya at nagpatiuna ng maglakad patungo sa entrance.

“Nakapasok ka na rito?”

“Hindi pa. First time ko lang.”

“Baka hindi tayo papasukin dyan.”

“Papapasukin tayo dahil nagbilin si Ric sa front desk.”

“Sure ka, ha.”

Bago kami pumasok ay hinarang muna kami ng dalawang security sa entrance. Tinanong kami kung ano ang sadya at hiningian ng ID. Nagbigay naman kami ng ID at sinabi ko ang pangalan ko at ang sadya. Pinayagan naman nila kaming pumasok.

Kung namangha kami sa labas ng building ay mas lalo kaming namangha sa loob na halos puro salamin din at nangingintab pa ang sahig na pwede ka nang manalamin. Malamig din sa loob at amoy mayaman. Muntik pa nga akong matawa kay Bok na parang batang naliligaw. Nakanganga sya habang nililibot ang tingin sa paligid.

Dumiretso kami sa front desk at kinausap ang receptionist. Binigay ko ang pangalan ko pati na ang ID ko.

“Ah kayo po pala ang special visitor ni Sir Ric.” Nakangiting saad ng receptionist at pasimple pa akong hinagod ng tingin.

Inayos ko lang ang suot na cap at nginitian sya. Namula naman amg pisngi nya at nag iwas ng tingin.

“Ah sige po, ma’am. Akyat na po kayo sa 30th floor. Doon po kayo sumakay sa private lift.” Turan ng receptionist.

“Sige salamat, miss.” Sabi ko at naglakad na. Pero napansin kong hindi nakasunod sa akin si Bok kaya nilingon ko sya.

Hindi nga sya nakasunod at naiwan lang na nakaupo sa couch.

“Huy, ano pang ginagawa mo dyan? Tara na.”

Ngumiwi sya. “Dito na lang ako, Boss G. Alam mo namang nahihilo ako kapag sumasakay ng elevator tapos sa 30th floor pa. Eh 2nd floor pa nga lang para na akong lasing eh. Ikaw na lang, hintayin na lang kita dito.”

Natawa ako sa sinabi nya. Pati nga ang dalawang receptionist ay natawa din sa kanya.

“O sige na, ako na lang. Kalma ka lang dito, ha.”

“Oo, palamig lang ako dito.” Aniya.

Tumalikod na ako at tinungo na ang private elevator.

.

.

Ricardo POV

NAG angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng office ko. Pumasok si Kester na may dalang folder. Lumapit sya sa table ko at nilapag ang folder sabay upo nya sa visitors chair.

“Proposal yan ni Mr. Uy. Paki-review na lang.”

Kumunot ang noo. “Hindi mo pa na-re-review?”

“Na-review ko na. Mukhang promising naman.”

“Yun naman pala, eh. Bakit kailangan ko pang i-review?”

Ngumisi ang pinsan ko. “As a future CEO kailangan ko ng review mo para sa proposal na yan. Baka may masilip kang hindi maganda na hindi ko napansin.”

Umingos ako. “Talagang desidido ka ng bumaba sa pwesto, no?”

“Because I need to focus on my own business.”

Inikot ko ang mata. “Oo na. Pero mamaya ko na yan re-review-hin. Kailangan ko pang tapusin ang mga ito.” Sabi ko at tinabi mo na ang folder na dala nya.

“Next week na pala ang kasal nyo ni Grace.”  Pag iiba nya ng topic.

“Yeah.”

“Sure ka na ba?”

Tumaas ang isang kilay ko. “Ano bang klaseng tanong yan? Syempre naman, no. Okay na nga ang lahat di ba? Ikakasal na lang kami.”

“Well, I’m happy for you, couz. Talagang seryoso ka na talaga sa pagpapakasal.”

Nginisihan ko lang ang pinsan.

“So ibig sabihin din itutuloy mo na rin ang pagpapa-sex change mo?”

Kumunot ang noo ko at natigilan sa sinabi ng pinsan.

“Hindi ba yun ang original plan mo kaya gusto mong magka-anak? Para payagan ka ni lola at ni Tita Rich na mag pa-sex change. Matagal mo nang plano yun na laging nauudlot dahil tutol si lola at tita. Binigyan ka nila ng kondisyon na papayagan ka lang kapag binigyan mo sila ng apo.” Pagpapaalala nya sa akin.

“Totoo?”

Nag angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Grace. Nasa pinto sya at may bitbit na brown paper bag.

“Grace.” Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hahalikan ko sana sya sa gilid ng pisngi pero mabilis syang umiwas.

“Babe.” Usal ko.

Pero seryoso ang kanyang mukha at matiim ang tingin sa akin. Tumingin din sya kay Kester.

“Hello, Grace.” Bati ng pinsan ko sa kanya.

Pero hindi sya umimik at muling bumaling sa akin. Medyo kinabahan ako sa kaseryosohan ng kanyang mukha.

“Narinig ko ang sinabi ni Kester kanina? Totoo ba yun?” Tanong nya sa malamig na boses.

Napaawang naman ang labi ko at tumingin sa pinsan at pinandilatan sya ng mata kahit wala naman syang kasalanan.

“I will explain what I said earlier, Grace.” Ani Kester.

Tumaas ang gilid ng labi nya. “So totoo nga ang narinig ko. Plinano mong mag anak para payagan ka ng lola at mommy mo na mag pa-sex change.”

“Y-Yes totoo yun.. pero — “ Naputol ang sasabihin ko nang tumalikod sya at lumabas ng pinto.

“Babe.” Tawag ko sa kanya at sinundan sya.

Ngunit malalaki ang hakbang nya at nilapag lang sa center table ang brown paper bag na dala at dumiretso na sa lift. Mabilis ko naman syang naabutan at hinawakan ang braso nya. Pero pumiksi sya at galit ang mukhang humarap sa akin.

“Ginamit mo lang pala ako para sa pangarap mong kipay.”


Chapter 48

Grace POV

“B-BABE, let me explain, please..” Ani Ric at hinawakan ang kamay ko.

Piniksi ko naman ang kamay at puno ng sama ng loob ang aking dibdib na tiningnan sya. Buong akala ko ay puro ang intensyon nya sa pakikipag-relasyon sa akin. Yun pala  may hidden agenda sya. Hindi sya naging totoo sa akin at ginamit lang ako.

“I will explain everything, babe. Just please.. pakinggan mo ’ko.”

Nagpakalawa ako ng malalim na hininga at tumiim bagang. Gusto ko rin namang marinig ang paliwanag nya. Gusto kong maliwanagan. Pero sa mga sandaling ito ay ayaw ko muna syang makausap. Sumasama lalo ang loob ko. Sumisikip ang dibdib ko.

“Ayoko munang makausap ka. Saka na tayo mag usap. Hayaan mo muna akong mag isa.” Malamig na turan ko.

Gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata. “B-But babe.. paano mo ’ko maiintindihan kung hindi mo pakikinggan ang paliwanag ko.”

Pumikit muna ako ng mariin at dumilat. “Pakikinggan ko ang paliwanag mo pero hindi muna ngayon. Umiinit ang ulo ko at ayokong mag away tayo dito sa opisina mo. Ayokong magbitaw ng hindi magandang salita. Kaya hayaan mo muna akong mapag isa.” Tumalikod na ako.

Pero muli akong lumingon nang maramdamang nakasunod sya.

“Huwag mo na akong sundan. Ayoko munang makita ka.” Mariing saad ko at muling tumalikod.

Malalaki ang hakbang pumasok ako sa private lift at sinarado yun. Tumingin ako kay Ric na nakatingin din sa akin. Puno ng sakit at lungkot ang kanyang mga mata. Iniwas ko ang tingin hanggang sa magsara na ang pinto ng elevator.

Naabutan ko si Bok na katawanan na ang dalawang receptionist. Bahagya pa syang nagulat nang makita ako.

“Boss G, parang ang bilis mo naman.”

“Tayo na, Bok.” Sabi ko lang at tumango sa dalawang receptionist.

Ngumiti naman sila sa akin.

Dire-diretso na akong naglakad palabas ng building. Sumunod naman sa akin si Bok.

Tahimik lang ako sa gitna ng byahe namin pabalik sa shop. Pasulyap sulyap naman sa akin si Bok.

“Boss G, may problem ba?” Hindi na nakatiis na tanong nya.

Lumingon naman ako sa kanya at bumuntong hininga.

“Wala. Sumama lang ang pakiramdam ko. Idiretso mo ko sa bahay. Magpapahinga muna ako.”

“Walang problema, Boss G.” Aniya at tinuon na ang pansin sa kalsada.

Ako naman ay humalukipkip at tumingin na lang sa labas ng bintana. Masamang masama ang loob ko ngayon at gusto kong mapag isa muna sa bahay.

.

.

“GRACE anak, dalawang araw ko na yatang hindi nakikita si Ric? Hindi ba sya umuuwi?” Tanong ni Tiyang Cess.

Bumagal ang pagnguya ko at dinampot ko ang tasa ng kape at humigop.

“Busy po sya, tiyang. Doon muna sya umuuwi sa condo nya.” Sagot ko.

“Ganun ba. Eh kamusta na ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba nasusuka?”

Tumingin ako sa tiyahin at ngumiti. “Hindi na po, tiyang. Salamat po dito sa mainit na sotanghon. Nainitan po ang sikmura ko.”

“Kuh, wala yun. Alam ko yang nararamdaman mong pagsusuka tuwing umaga. Danas na danas ko yan noong pinagbubuntis ko ang mga pinsan mo.”

Ngumisi ako. “Ang unfair po tiyang, no. Tayong mga babae na nga ang magdadala ng siyam na buwan sa mga anak natin tapos tayo pa ang nakakaranas ng morning sickness. Bakit hindi na lang yung mga lalaki? Semilya lang talaga ang ambag nila.”

“Sinabi mo pa! Parang kami ng tiyong mo. Semilya lang din ang ambag nya sa mga pinsan mo. Syam na buwan ko silang dinala. Aba’y paglabas puro mga lalaki at mga kamukha pa nya. O, nasaan ang hustisya.”

Natawa na lang ako sa paghihimutok ni Tiyang Cess.

“Pero mabait naman ang tiyong mo. Hindi naman nya ako pinabayaan habang nagbubuntis ako noon. Sinusunod nya lahat ng gusto ko. Ganun din naman si Ric sayo. Nakikita ko maalaga sya sayo. Kahit babading bading sya marunong syang magpakalalaki.”

Hindi ako umimik sa sinabi ni tiyang. Ayoko munang pag usapan si Ric. May sama pa rin ako ng loob sa kanya. Pero aaminin kong tama ang sinabi ni Tiyang Cess. Mabait at maalaga sa akin si Ric lalo na ngayong nabuntis ako. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang narinig ko sa opisina nya. Masakit isiping ginamit lang nya ako para magkaanak sya para sa pangarap nyang sex change.

Two days na kaming hindi nagkikita ni Ric. Hindi sya umuuwi sa bahay ko dahil ayoko syang makita. Pero panay naman ang tawag at text nya. Gusto nya akong makita at makausap. Ang sabi ko naman ay masama pa rin ang loob ko kaya maghintay sya kung kelan ko sya kayang harapin.

Walang nakakaalam sa pamilya ko at kahit sa mga kaibigan ko ang nangyayari sa amin ni Ric dahil wala akong pinagsasabihan. Ayoko rin kasing magbago ang tingin nila kay Ric. Kahit naman kasi masama ang loob ko sa kanya ay mahal ko pa rin sya. Naiinis lang ako at nagagalit sa isiping ginagamit lang nya ako.

.

.

Kester POV

“OH MY God, Ricardo. What’s happening to you? Bakit ka nagpapakalunod sa alak?” Bulalas ni Tita Rich nang maabutan namin si Ric sa living area ng unit nya na nakasalampak sa carpet at may hawak na baso na may lamang alak. Sa center table ay may tatlong bote doon ng alak na ang dalawa ay wala ng laman at ang isa naman ay kakaunti na lang ang laman.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang pinsan. Two days na syang hindi pumapasok sa office. Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Kaya naman pinuntahan ko sa mansion si lola at Tita Rich para ipaalam na hindi okay ang pinsan at kinuwento ko na rin sa kanila ang nangyari dito at sa nobya nito.

Lumingon sa amin si Ric. Namumungay na ang kanyang mga mata sa kalasingan.

“La, mom.. Kes.. morniinggg..” Aniya sa lasing ng boses sabay ngiti.

Lumapit si Lola Constancia at kinuha ang baso sa kamay ni Ric.

“Tama na yang inom na yan. Mukhang kagabi ka pa umiinom at ngayong umaga nag iinom ka pa rin. Balak mo bang sunugin ang bituka mo?” Sermon ni Lola Constancia.

Nagpout naman si Ric. “Hang oa ’la.. Pangatlong bote ko pa lang toh, noh..”

“At ako pa talaga ang oa. Eh kung kurutin kaya kita sa singit?”

“Go ahead, ’la.. Baka sakali makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon kapag kinurot nyo ko..” Saad ni Ric na may pait sa boses sabay dampot nya sa bote at tinungga ang laman nun.

Mabilis naman yung inagaw ni Tita Rich.

“Anak naman.. Hindi solusyon ang alak sa problema mo. Bakit hindi mo kausapin si Grace at magpaliwanag sa kanya?”

“H-How can I talk to her when she doesn’t even want to talk to me, mom.. Hindi sya sumasagot sa mga tawag ko.. H-Hindi rin sya nag re-reply sa mga text at c-chat ko..” Pumipiyok ang boses na wika ni Ric at tuluyan ng napahikbi.

“T-Two days na nya akong hindi pinapansin.. I-I really wanna see her.. I-I miss her so much.. P-Pero ayaw nya akong makita..” Humahagulhol na dagdag pa nya.

Nagtinginan kami ni Lola Constancia at Tita Rich. Bakas ang awa sa kanilang mukha para sa pinsan ko. Ganun din ako. Naaawa ako kay Ric lalo pa at ngayon ko lang syang nakitang ganito. Ngayon ko lang syang nakitang nagpakalasing at umiiyak. Kilala sya ng lahat na matapang, mataray at laging may poise. Pero ngayon ay mukha syang talunan.

Nilapitan ni Tita Rich si Ric at umupo sa tabi nito at niyakap. Yumakap naman si Ric sa mommy nya at doon humagulgol.

“M-Mom.. n-natatakot ako na baka u-umatras si Grace sa kasal namin.. I don’t want that to happen..”

“Hindi mangyayari yan, apo. Hindi ako papayag na hindi matutuloy ang kasal nyo. Kakausapin ko si Grace. Pupuntahan ko sya.” Turan ni Lola Constancia.

“Mama, paano kung ayaw na talaga ni Grace na magpakasal kay Ric dahil nasaktan sya? Wala tayong magagawa.” Saad ni Tita Rich.

Lalo namang napahagulhol si Ric.

“Eh di makikiusap ako sa kanya.”

“Mama, I think hindi tayo dapat manghimasok sa problema nilang dalawa. Lalo pa at buntis si Grace. Baka lalo lang syang ma-stress. Maapektuhan si baby.”

“Eh paano ang gagawin natin? Hahayaan na lang natin yang si Ricardo na maging ganyan?”

“Tama si tita, ’la. Hayaan natin silang dalawa ang mag ayos ng problema nila ni Grace. Hayaan natin si Ric na kumilos. Dito natin malalaman na totoo talaga ang intensyon nya at ang nararamdaman nya para kay Grace.” Sabat ko na.

Nag angat naman ng mukha si Ric at suminghot.

“I-I love Gracey.. Walang halong kasinungalingan yun. M-My intentions for her are pure and without any pretense.. W-Wala na rin akong planong ituloy ang pagpapa-sex change dahil paano pa kami makakapag sex kung wala na akong tarub? Paano pa ang goal namin na walong junakis kung magpapalagay ako ng bilat?”

“Yun naman pala. Eh di patunayan mo sa kanya na totoo ang intensyon at nararamdaman mo sa kanya. Huwag kang magmukmok ay magpakalango sa alak. Fix yourself and think of a way to win her over.” Payo ko.

Tumaas ang kilay nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Wow. Ikaw ba yan, couz? Himala may matino kang payo.” Sarkastiko nyang turan.

Ngumisi ako at humalukipkip. “Ayoko lang kasing nakikita kang ganyan. Hindi bagay sayo at medyo over acting ka.”

Tinaliman nya ako ng tingin. “Over acting ka dyan? Hindi ako over acting, no. Hindi mo kasi ako naiintindihan dahil hindi mo nararanasan ang nararanasan ko ngayon. A-Ang sakit kayang balewalain ng taong mahal mo.”

Tumawa ako. “Baka nakakalimutan mong mas matindi pa ang naranasan ko kesa sa nararanasan mo ngayon. Remember, maraming taon kong sinuyo si Crizel na abot hanggang langit ang galit sa akin. Kulang na nga lang ipakulam nya ako sa galit nya sa akin, eh. Maraming taon kong tiniis ang pangbabalewala nya. But look us now. Nagbunga naman ng maganda ang pagtitiyaga ko. Kaya kung ako sayo huwag mong sayangin ang oras mo sa alak. Magkakasakit ka lang dyan. Baka tuluyan talaga kayong hindi makasal at hindi mo na masilayan ang paglabas ng anak nyo kapag nagpakalango ka maghapon sa alak.”

Hindi sya umimik ay nakatingin lang sa akin. Pero alam kong naiintindihan nya ang mga sinasabi ko. Hindi ko naman ini-invalidate ang nararamdaman nya dahil naiintindihan ko sya. Gusto ko lang palakasin ang kanyang loob.

Umayos na ng upo si Ric at pinahid ang luha sa pisngi.

“You’re right, couz.. Masyado lang akong naging oa. Natatakot lang kasi ako na baka mawala sa akin si Grace. You know.. she’s my life now. My everything.. kaya nga gusto ko syang pakasalan eh.”

Ngumisi ako at tumango tango sa pinsan. Wala ngang duda na inlove talaga sya sa nobya nya. Kailangan lang nya yun patunayan dito.


Chapter 49

Grace POV

“MA’AM Grace may food delivery po para sa inyo.”

Nag angat ako ng tingin sa pinto at bumungad sa akin si Rosana na may hawak na brown paper bag. Nilapag nya yun sa table ko.

“Ang sweet talaga ni Sir Ric sa inyo, ma’am. Nakakainggit.” Anang secretary ko.

Ngumisi ako. “Naiinggit ka? Paluto ka rin kay Bok.”

“Naku, ma’am. Nilagang itlog at prito lang yata ang alam nun.” Nakaingos na turan ni Rosana.

“Hindi naman. Marunong din yung magluto ng pancit canton at magprito ng tuyo.” Natatawang dagdag ko pa.

“Ay, expert sya dyan, ma’am. Di ko itanggi yan. Mamaya nga makapag paluto sa kanya ng pancit canton.” Aniya at nag excuse na.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang brown paper bag. Pangatlong araw na akong pinadadalhan ni Ric ng pagkain na luto nya mismo. May kasama pa yung maiksing sweet note.

Binuksan ko ang brown paper bag at umalingasaw ang masarap na aroma ng pagkain na niluto nya. Nilabas ko isa isa ang food container para silipin kung ano ang niluto nya sa akin ngayon. Bulalo, grilled salmon belly, veggie salad at kanin plus mango graham. Natakam ako sa mga pagkain at kahit kaka-umagahan ko pa lang ay parang gusto ko uling kumain.

Nag vibrate ang cellphone ko. Nakita kong may pumasok na text galing kay Ric. Binasa ko yun.

Ric: Eat well, babe.

Kinagat ko ang labi sabay buntong hininga. Nag init ang dibdib ko sa maikling text na yun. At aamin ko, lumalambot na ang puso ko sa kanya. Namimiss ko na nga sya eh.

Nag type ako ng reply.

Ako: Thank you.

Tinabi ko muna ang laptop ko at mga resibo. Kakainin ko na ang mga pagkain habang mainit pa.

Mabilis akong magutom nitong mga nakaraang araw. Gusto ko laging may kinakain. Ang sabi ni Tiyang Cess ay ganun daw talaga dahil buntis ako. Kumbaga dalawa na kaming kumakain. Ako at ang baby ko sa tiyan.

Muling nag vibrate ang cellphone ko. May reply si Ric.

Binaba ko ang kutsara at dinampot ang cellphone.

Ric: I miss you, babe.. I wanna see you na talaga. Let’s talk na, please..

Bumagal ang pagnguya ko sabay buntong hininga. Pinakiramdaman ko ang sarili kung gusto ko na ba syang makausap at makaharap na. Mag one week na rin ang tampuhan naming dalawa — este, ako lang pala ang nagtampo. I mean, hindi simpleng tampo yun kundi sama ng loob na medyo humuhupa na. Ilang araw na lang din ay ikakasal na kami. Kung patuloy ko pa syang iiwasan ay baka di matuloy ang kasal namin. Ayoko namang mangyari yun dahil kahit masama ang loob ko sa kanya ay gusto ko pa ring ikasal kami.

Nag type ako ng reply.

Ako: Punta ka sa bahay mamaya.

Send.

Muling nag vibrate ang cellphone ko. Ang bilis ng reply nya.

Ric: Really? Pwede na akong pumunta sa bahay mo? Pwede na kitang makita?

Ako: Oo

Maiksi lang ang reply ko at tinuon ko na ang pansin sa pagkain. Muli syang nag reply pero hindi ko na nireplyan pa. Mamaya na lang kami mag uusap.

.

.

Lumabas ako ng opisina at nakita kong nagkukumpulan sa harap ng shop ang mga tauhan ko sa pangunguna ni Rosana. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanila.

“Anong meron?” Curious na tanong ko at nakisilip na rin sa labas.

“Ma’am G, may mga customer tayo. Mukhang mga bigatin dahil ang gagara ng mga sasakyan.” Saad ng isa kong tauhang lalaki.

“At ang gagwapo pa, ma’am. Parang mga model na hinugot sa magazine. Ang yu-yummy pa.” Kinikilig na dagdag ng isa kong kahera.

Lalong nangunot ang noo ko. “Sinong mga customer ba yan? Patingin nga!”

Sumingit ako sa kumpulan nila at nakita ko ang mga kaibigan ni Ric na papalapit sa shop sa pangunguna ni Kester. Ngumiti sya nang makita ako.

Umawang naman ang labi ko habang isa isa silang tinitingnan. Mga may ngisi pa sa labi ang ibang nga kaibigan ni Ric. At sa mga hitsura nila ay mukhang galing sila sa mga opisina nila. Maliban lang kay Jeiz  at Lorenzo na mga nakasibilyan.

‘Anong ginagawa nila rito?’ Tanong ko sa isip. Base sa mga hitsura nila ay mukhang hindi naman sila bibili sa hardware shop ko.

“Hi, Mary Grace.” Nakangising bati ni Kester.

Pilit naman akong ngumiti at tumango sa kanila. “Kamusta?” Sabi ko.

“We’re doing fine.” Nakangising sagot din ni Lorenzo.

“Ito pala ang hardware shop mo. Malaki din pala.” Wika ni Kester at tumingin tingin sa shop ko. Ganun din ang lima pa na ang tinitingnan naman ay ang mga naka-display  sa salaming estante at ang mga items na nakasabit.

Humimas ako sa batok. “May.. bibilhin ba kayo?” Tanong ko.

Halos sabay sabay silang tumingin sa akin at ngumiti maliban lang kay Matias na stoic ang mukha at abala sa pagtingin sa mga naka display na paso.

“Wala naman.” Tugon ni Kester.

“Ah..” Tumikhim ako. “Bakit kayo napadaan dito sa shop ko?”

“Gusto ka lang namin dalawin.” Nakangiting sagot ni Jeiz.

Kumunot muli ang noo ko. “Bakit?”

Hindi naman kami close at kakakilalala ko nga lang sa kanila kaya wala akong maiisip na dahilan para dalawin nila ako.

“Actually, we wanna talk to you about Ric.” Turan ni Luigi at sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa.

Umawang naman ang labi ko at isa isa silang tiningnan. Mukhang may alam sila sa nangyayari sa amin ni Ric.

“Can we talk to you, Mary Grace?” Tanong ni Atlas sa mahinahong boses.

Bumuntong hininga ako at tumango. Wala naman sigurong masama kung makikipag usap ako sa kanila tungkol kay Ric

“How much is this?”

Sabay sabay kaming napalingon kay Matias na may hawak ng isang paso na plastic na kulay brown at pa-square.

“15 pesos yang medium size na hawak mo.  Yung small size naman 10 pesos, tapos yung malaki 20 pesos.” Sabi ko.

“Don’t tell me bibili ka ng paso, pare?” Kunot noong tanong ni Luigi.

“Then I won’t tell you.” Sarkastikong tugon ni Matias at bumaling sa akin.

“I want 100 pieces of this. Medium size. Then 50 pieces of large size.”

Binalingan ko ang mga tauhan ko. Nag unahan pa ang tatlo kong kahera at si Rosana sa paglista.

“Nag de-deliver ba kayo?” Tanong pa ni Matias.

“Yes sir. Nag de-deliver po kami.” Ngiting ngiti na sagot ni Rosana.

“Paki deliver na lang sa bahay ko.”

Dinukot ni Matias ang wallet nya sa bulsa ng trouser nya. Nilapag nya sa ibabaw ng salaming estante ang maliit na tarheta na may naka imprentang address mula sa isang kilalang exclusive subdivision. Naglapag din sya ng tatlong libo.

“Keep the change.” Aniya at bumaling sa amin ng mga kaibigan nya. “Saan tayo mag uusap?”

“Ah.. doon na lang sa coffee shop.” Sabi ko at tinuro ang coffe shop na ilang metro lang ang layo.

Binilinan ko muna ang mga tauhan ko na mukhang hindi ako napapansin dahil busy sila sa pag uusap kung anong meryenda ang bibilhin nila sa sukling hindi na kinuha ni Matias. Kapag may mga customer kasi na galante at hindi na hinihingi ang sukli ay hinahayaan ko na sa kanila. Bibihira lang din naman kasi ang customer na galante.

Hinayaan ko na ang mga tauhan ko at lumabas na ng shop. Naglakad na kami ng mga kaibigan ni Ric papunta sa coffee shop.

“Bakit pala ang daming binili ni Matias na paso? May tindahan ba sya ng halaman?” Halos pabulong kong tanong kay Kester na syang kasabay kong maglakad.

Tumawa naman sila ng mga kaibigan nya maliban kay Matias na nauuna sa aming maglakad.

“Sa maniwala ka at hindi, plantito yang si Matias.” Nakangising sagot ni Kester.

Namilog ang mata ko. “Weh? Di nga?”

“Oo. Plantito yang kaibigan namin. Mahilig sa halaman. Kaya nga ang bahay nya mukhang gubat.” Sabi ni Jeiz.

Umawang ang labi ko. “Talaga? Hindi halata, ha.. Parang di ko ma-imagine sa hitsura nya na mahilig sya sa halaman.”

Tumawa ang magkakaibigan. Kunot noong napalingon naman si Matias sa amin.

“Are you talking about me?”

“Oo.” Nakangising sabay sabay na sagot ng lima.

Ako naman ay natameme na lang at patingin tingin sa kanila.

Nagsalubong ang kilay ni Matias. “Mga tsimoso.”

Muli na namang tumawa ang lima.

Napangisi naman ako at umiling iling. Malalakas din palang mang asar ang mga ito.

Pagpasok namin sa coffee shop ay tumuon sa amin ang tingin ng lahat ng naroon magmula sa limang customer at mga crew.  Tila din sumikip ang loob ng coffee shop dahil sa kanilang anim.


Chapter 50

Grace POV

“RIC’S loves you, Grace.”

Tumiim ang tingin ko kay Kester na seryoso ang mukha.

“Paano mo naman nasabi?”

“Dahil hindi sya papatol sa babae. He’s allergic to woman. Ikaw lang kaisa isang babaeng pinatulan nya.”

“Pinatulan nya ako dahil gusto nyang magkaanak. Para payagan na sya ng lola nyo na mag pa-sex change, di ba?”

Saglit na hindi nakaimik si Kester at nakatingin lang sa akin.

Ngumisi naman ako at umiling iling sabay dampot ng tasa ng kape at higop.

“Yes, yun nga ang naging kasunduan ni Ric at ni Lola Constancia. Papayagan sya ni lola na mag pa-sex change kung bibigyan nya ito ng apo in a natural way.” Tugon ni Kester.

Mapait akong tumawa. Kaya pala tuwang tuwa sa akin ang pamilya ni Ric.

“At ngayon matutupad na ang pangarap nyang sex change dahil buntis na ako at magkakaanak na sya.” Matabang kong turan.

“Ric said that he no longer has any plans to go through with his sex change. Hindi na sya interesado dahil mas interesado na syang bumuo ng pamilya kasama ka at ang magiging anak nyo.”

Ako naman ang hindi agad nakaimik at nakatingin lang kay Kester. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sinabi nya. Siguro maniniwala lang ako kung si Ric mismo ang nagsabi.

Bumuntong hininga ako at tiningnan isa isa ang magkakaibigan na nakaupo palibot sa dalawang coffee table na pinagdikit. Nakaharap silang lahat sa akin at seyoso ang mga mukhang nakatingin.

“Pinapunta ba kayo ni Ric dito para kausapin ako at ipaliwanag ang panig nya?” Tanong ko.

“No. Hindi nya kami pinapunta dito.” Ang sagot ni Atlas.

“Hindi rin sya nagkwento sa amin tungkol sa problema nyong dalawa. Si Kester lang ang nagkwento.” Turan naman ni Lorenzo.

Bumaling ang tingin ko kay Kester.

“Na-i-share ko lang sa kanila dahil nag aalala ako kay Ric. Alam mo bang noong umalis ka sa office nya ay umiyak sya. Kinagabihan ay naglasing sya. Dalawang araw ding hindi pumasok sa office at puro alak lang ang hinaharap nya. Kinausap lang  namin sya ni lola at Tita Rich kaya tinigilan na nya ang alak. Yun nga lang nagkasakit sya. 3 days syang nilagnat.”

Suminghap ako at nilukob ng pag aalala ang dibdib ko. “M-May sakit sya?”

“Medyo okay na sya ngayon. Don’t worry.”

Umawang ang labi ko. Kung ganun ay pinagluluto nya ako kahit may sakit sya.

“You know, Grace. Ric is really a nice gay — I mean guy, kahit minsan bitchy sya. Totoong allergic sya sa mga babae at wala syang pinatulan ni isa maliban sayo. If he doesn’t love you at anak lang talaga ang gusto nya sayo hindi ka nya pakakasalan. He is open gay. Hindi madali sa isang open gay na gaya nya na magpakasal sa isang babae unless mahal nya talaga ito.” Turan ni Luigi sa seryosong mukha at boses.

Ilang sandali naman akong hindi nakapag salita dahil may punto rin naman ang sinasabi ni Luigi. Naalala ko noong una kong nakilala si Ric. Naka-cross dress sya at gandang ganda pa ako noon sa kanya. Hanggang sa nagsalita sya at napagtanto kong gay sya. At noong second time naming pagkikita ay doon ako nakaramdam ng paghanga sa kanya dahil saksakan naman talaga sya ng gwapings kahit malambot kumilos. Crush ko na nga sya agad at hindi naging big deal sa akin ang pagiging gay nya. Tinanggap ko sya ng buong buo.

“Do you love Ric, Mary Grace?” Tanong ni Matias.

Tumingin ako sa kanya. Seryoso ang stoic nyang mukha at matiim ang mga mata nyang nakatingin sa akin na parang kaya nyang basahin ang nilalaman ng isip ko.

Bumuntong hininga ako. “Oo, mahal ko sya.”

“Do you accept him as being gay?”

“Oo naman. Wala namang problema sa akin kung gay sya. Kahit kelan ay hindi naging big deal sa akin ang pagiging gay nya. Nakilala ko syang gay at minahal ko rin sya bilang gay.”

“Ganun naman pala. Ayusin nyo na ang hindi nyo pagkakaintindihan at huwag nyo ng patagalin yan.” Dagdag pa ni Matias at hinigop ang kape nya.

“Mahal mo pala si Ric at tanggap bilang gay. Bakit kailangan mo pa syang pahirapan?” Saad naman ni Luigi.

“Hindi ko sya pinapahirapan.”

“Pinapahirapan mo sya sa hindi mo pagkausap sa kanya. Dahil ayaw mong makita sya kaya nahihirapan sya. Dalawang araw syang nagpakalango sa alak at ilang araw ding nagkasakit dahil sayo.” Ang dagdag na saad pa ni Luigi na ikinalingon sa kanya ng mga kaibigan nya.

Napaawang naman ang labi ko at parang may pumitik na ugat sa sentido ko. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nya. Alam kong may kasalanan ako pero hindi ko ginusto na magpakalango sa alak at magkasakit si Ric.

“Nanghingi lang ako ng space sa kanya dahil nasaktan ako sa nalaman ko. Pakiramdam ko ginamit lang nya ako para sa pangarap nyang sex change.” Paliwanag ko.

“Pero hindi mo sya hinayaang makapagpaliwanag at bumase ka lang sa nararamdaman mo.”

“Dahil nga ayoko muna syang makausap. Nanghingi ako ng time sa kanya.”

“Pero sinaktan mo pa rin sya. You became selfish.” Giit pa ni Luigi.

Nagpanting na ang tenga ko.

“Nasaktan din ako.” Giit ko rin. Nag uumpisa na ring mag init ang ulo ko sa kanya.

“Alam kong concern ka kay Ric dahil kaibigan mo sya. Pero wala kang karapatan na i-invalidate ang nararamdaman ko.” Mariing turan ko at sinamaan sya ng tingin. 

Sinalubong din nya ng masamang tingin ang tingin ko. Nagsukatan na kami ng tingin habang ang mga kaibigan nya ay patingin tingin lang din sa aming dalawa.

Kapag nagbitaw pa sya ng hindi magandang salita ay lilipad ang kamao ko sa mukha nya. Wala akong pakialam kahit malaking tao sya.

Tumikhim si Jeiz. “Chill lang tayo, guys.”

“Oo nga. Relax lang kayo, Grace, and Luigi pare.”

Sarkastiko akong ngumisi. “Chill lang ako. Itong kupal nyong kaibigan ang pagsabihan nyo. Masyadong mayabang magsalita. Kapag hindi ako nakapagtimpi bibigwasan ko yan.”

Nagsinghapan silang magkakaibigan. Si Luigi naman ay nagsalubong ang kilay at namula ang mukha.

“Are you threatening me?”

“Hindi kita pinagbabantaan. Talagang bibigwasan kita kapag napika mo ko.” Hamon ko pa. Mas lalo ako ngayong naiinis sa kanya. Parang uusok na nga ang ilong at tenga ko sa inis.

“What the — “ Hindi nya natuloy ang sasabihin ng hawakan sya sa balikat ni Lorenzo at Atlas.

“Chill lang kasi, pare. Babae yang kausap mo at buntis pa.” Paalala ni Lorenzo.

“Yun na nga! Kababae nyang tao parang sanggano magsalita!” Inis na turan nya.

“Ikaw naman, kalalaki mong tao ang dami mong putak. Pinakain ka ba ng puke ng baboy nung bata ka?” Nakangising sabi ko.

“What the fuck!” Bulalas nya.

Tumawa naman ang magkakaibigan.

“Hindi ari ng baboy ang pinakain dyan nung bata sya kundi tumbong ng baboy.” Segunda ni Kester na lalo nilang ikinatawa.

Halata naman sa mukha ni Luigi na napipikon na.

Gets ko naman na concern sya kay Ric dahil kaibigan nya ito. Wala lang talaga sa tamang timpla ang pananalita nya kaya naiinis ako sa kanya.

“Babe.”

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng coffee shop nang marinig ang boses ni Ric. Naroon nga sya at nakatayo. Lumapit sya sa amin habang kunot noong tiningnan isa isa ang mga kaibigan nya.

“Anong ginagawa nyo rito?” Tanong nya.

“Dinadalaw lang namin si Grace, couz.” Nakangising sagot ni Kester. Nagngisihan na rin ang iba pa nilang kaibigan.

Tumaas ang kilay ni Ric. “Wala naman siguro kayong sinabing hindi maganda sa fiancee ko.”

“Wala kaming sinabing hindi maganda. Maliban lang kay Luigi.” Saad ni Atlas na may ngisi sa labi.

Bumaling naman ang tingin ni Ric kay Luigi. “At ano namang sinabi mo kay Grace?”

Nagkibit balikat si Luigi. “Nothing — “

“Sinabi nya na kasalanan ni Grace kung bakit ka nagkasakit. Sinabi din nya na hindi mo mahal si Grace at anak lang talaga ang habol mo sa kanya.” Sabat ni Matias na ikinaawang ng labi ko.

“What?? How dare you Luisito!” Tili ni Ric at nilapitan si Luigi.

“Hey! I didn’t say — ugh!” Hindi na natuloy ni  Luigi ang sasabihin at napadaing na lang nang sabunutan sya ni Ric at hineadlock pa.


Chapter 51

Grace POV

MATAMAN akong nakatingin kay Ric habang nakaupo sya sa single sofa. Mula sa coffee shop ay dito kami dumiretso sa bahay ko para dito kami makapag usap ng masinsinan. Ang mga kaibigan naman nya na magugulo sa coffee shop ay nagsipag uwian na.

Mahigit isang linggo ko syang hindi nakita at namiss ko rin talaga sya. Pero kanpansin pansin ang bahagya nyang pangangayayat. Halatang galing sya sa sakit. Na-gi-guilty naman ako dahil hindi ko sya naalagaan.

Tumikhim ako. “Ang sabi ni Kester nagkasakit ka raw.”

“Oo, three days akong nilagnat. But I’m okay now.”

Umismid ako. “Nilagnat ka dahil dalawang araw kang nagpakalango sa alak.”

Umusli ang labi nya at tumaas ang kilay. “Si Kester ang nagsabi sayo?”

“Oo.”

Lalong umusli ang labi nya. “I was badly hurt dahil ayaw mo kong kausapin at makita. Sobra din akong natakot na baka makapag hiwalay ka na sa akin.. Kaya uminom ako ng bonggang bongga.”

Bumuntong hininga ako. “Kaya ang ending nagkasakit ka.”

“Hindi ko na uulitin yun. I promise..”

“Dapat lang.”

Tumingin sya sa akin habang naka-pout pa rin. “Are you still mad at me?”

“Ano sa tingin mo?”

“I dunno.. kaya nga tinatanong kita eh.”

Tumaas ang kilay ko. “Kung galit pa rin ako sayo hindi kita hahayaang makipagkita sa akin.”

Tumayo sya at tumabi ng upo sa akin. “Hahayaan mo na akong mag explain sayo?”

Tumango ako. “Ready na akong marinig ang paliwanag mo.”

Humugot sya ng malalim na hininga bago nagsalita.

“Believe me, babe.. Hindi ko binalak na gamitin ka para sa pangarap ko noon na magkaroon ng kiffy.”

Tumaas muli ang kilay ko. “Talaga?”

“Yes. Dahil kung gusto ko talaga ng anak madali ko namang magagawa yun. Pwede akong kumausap ng babae na pwedeng kong bayaran para anakan. At kapag nagkaanak na ako papayagan na ako ni lola at mommy na mag pa-sex change. Yun naman talaga ang original na plano ko. But everything changed when I met you.. Nag iba na ang plano ko. Nag iba na rin ang pangarap ko. Nangarap na akong magkaroon ng pamilya.. ng sariling pamilya  kasama ka. Tapos nabuntis ka agad. To be honest, nabigla talaga ako dahil sa sobrang  bilis ng pangyayari. Eh kasi naman two months pa lang tayo tapos nabuntis na kita agad. Pero unti unti ding naliwanagan ang isip at puso ko. Ito na ang umpisa ng pangarap ko. Abot kamay ko na. Magkakaanak na ako. Bubuo na ako ng sarili kong pamilya. Kaya inalok kita ng kasal.”

Ilang sandali akong hindi nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Wala akong makapang pagdududa sa dibdib ko sa kanyang sinabi. Ramdam ko kasing sincere sya.

“Hindi mo na pangarap ang magkaroon ng bilat?” Tanong ko pa.

Nagpout sya. “Hindi na. Kinalimutan ko na yung pangarap ko na yun.”

“Talaga?”

“Oo nga. Saka kapag nagpatanggal ako ng tarub, paano pa tayo makakapag sex. Paano natin matutupad ang goal nating 8 kids? Hindi naman nakakabuntis ang daliri lang.”

Ngumisi ako. “8 kids talaga ang gusto mo, ha.”

“Gusto ko ng maraming anak. Kaya nga kinalimutan ko na ang pangarap kong bilat.”

Bumuntong hininga ako. “Fine, naniniwala na ako sayo.”

Nagliwanag ang kanyang mukha at ngumiti sya. “Really?”

Tumango ako at ngumiti na sa kanya.

Impit naman syang tumili na parang kinikilig at akmang yayakapin ako pero tinaas ko ang kamay na ikinatigil nya.

“Why?”

“Anak lang ba ang gusto mo sa akin kaya gusto mo akong pakasalan?” Muli kong tanong.

“Of course not. Ikaw ang una kong dahilan kung bakit gusto kitang pakasalan. Pangalawa ang magiging mga anak natin.”

“Talaga?”

Nagpakawala sya ng malalim na hininga habang mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

“Believe me or not, Gracey. Mahal na mahal kita. Walang halong pagkukunwari o pagpapanggap yun. Sa lahat ng nakarelasyon ko ikaw lang ang minahal ko. Sayo lang kasi ako nakaramdam ng kapanatagan ng loob. Kapag kasama kita ang payapa ng pakiramdam ko. Kaya gusto kitang makasama habang buhay.”

Nag init ang dibdib ko sa sinabi nya. Bumalik sa isip ko ang mga magagandang bagay na ginawa nya sa akin gaya ng palagi nya akong pinagluluto ng masasarap. Kahit galit ako sa kanya at ayaw ko syang makita ay nag e-effort pa rin syang ipagluto ako kahit may sakit sya. Doon pa lang ay ramdam kong mahal nya ako kahit hindi nya sabihin.

“Mahal din kita, Ric. Mahal na mahal. Kaya nga labis din akong nasaktan nang marinig ang mga sinabi noon ni Kester sa office mo. Akala ko ginagamit mo lang ako.”

“Hindi kita ginagamit at never kitang ginamit.” Giit pa nya.

“Naniniwala na ako sayo.” Nakangiting sabi ko.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at nakatingin lang kami sa isa’t isa.

“Talaga? Mahal na mahal mo ko, Gracey?” Tanong nya.

“Oo. Mahal na mahal kita.” Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi nya. “At kung gusto mo pa ring ituloy ang pagpapa-sex change mo, papayagan kita. Susuportahan pa kita.”

Ngumiti sya at hinawakan ang dalawa kong kamay at dinikit sa labi nya. Nanunubig din ang kanyang mga mata at nagbabadya nang pumatak ang kanyag luha.

“Thank you, babe. But just like I said earlier..   wala na akong interes mag pa-sex change. Nakalimutan ko na nga ang bagay na yun eh. Si Kester lang ang nagpaalala nun na nagkataon namang narinig mo.”

“Basta babe, kapag may gusto ka, magsabi ka lang sa akin at pag usapan natin. Pinapangako ko rin sayo, mas lalawakan ko pa ang pang unawa ko bilang asawa mo.”

“Yes, babe. And I also promise you, mas magiging mabuting partner ako kapag kinasal tayo.”

Ngumiti kami sa isa’t isa kasabay nun ay tinawid namin ang maiksing pagitan ng aming labi. Mainit na halik na punong puno ng pananabik ang pinagsaluhan naming dalawa. Pinadama namin sa pamamagitan ng halik ang pagka-miss namin sa isa’t isa.

“Ay susmaryosep!”

Natigilan kami ni Ric at agad na naghiwalay. Sabay pa kaming lumingon at nakita namin si Tiyang Cess na tuptop ng kamay ang bibig. Nag init naman ang mukha ko sa hiya dahil may nakakita sa paghahalikan naming dalawa.

“Naku, pasensya na sa istorbo.” Nakangiwing wika ni Tiyang Cess.

“A-Ayos lang po, tiyang.” Nauutal na sambit ko sabay kamot sa batok.

Tumayo naman si Ric at lumapit kay Tiyang sabay mano dito.

“Kamusta na, Ric? Isang linggo mahigit kitang hindi nakita. Ang sabi ni Grace ay busy ka raw. Pero parang nangangayat ka. Nagkasakit ka ba?” Tanong ni Tiyang Cess.

Kunot noong tumingin naman sa akin si Ric. Siguro ay nagtataka sya dahil walang alam si tiyang sa nangyari sa aming dalawa. Wala naman kasi akong pinagsabihan sa pamilya ko.

“Opo, tiyang. Nagkasakit po sya kaya hindi po nakakapunta dito sa bahay.” Ako na ang sumagot sa tiyahin para hindi na sya malito sa isasagot nya.

“Sabi na eh. Kaya nangangayayat ka. Eh kamusta ka naman? Okay ka na ba? Ano ba ang naging sakit mo?” Sunod sunod pang tanong ni Tiyang Cess kay Ric. Nasa tono ng kanyang boses ang pag aalala.

Ngumiti naman si Ric. “Lagnat lang naman ho, tiyang. Pero mabuti na ho ang lagay ko ngayon.”

“Mabuti naman kung ganun. Pero huwag mong nila-lang lang ang lagnat. Aba’y kapag lumala yan ay pwede kang mamatay. Kaya iingatan mo na ang sarili mo.”

“Oho, tiyang. Nadala na rin ho ako.”

“O sya, maiwan ko muna kayo. Napasugod lang ako dito dahil nakita ko yung sasakyan mo. Gusto ko lang makasigurong narito ka nga. Di ko naman akalain na maaabutan ko kayong naghahalikan.”

Muling nag init ang mukha sa sinabi ni Tiyang Cess.

“Pasensya na ho, tiyang. Namiss lang ho namin ni Grace ang isa’t isa.”

“Naiintindihan ko naman. O sige na, maiwan ko muna kayo. Ituloy nyo na ang halikan nyo at ako’y mag aasikaso ng hapunan natin.” Paalam ni Tiyang Cess at lumabas na ng bahay.

Bumalik naman sa tabi ko si Ric.

“Nakakahiya! Naabutan pa tayo ni Tiyang Cess.” Turan nya.

Ngumisi naman ako at yumakap sa braso nya. “Mamayang gabi na lang natin ituloy sa kwarto para walang istorbo.” Nanghihibong sabi ko.

Tumaas ang kilay nya at ngumisi din. “Humanda ka sa akin mamaya.” Banta pa nya.

“Gew!” Palabang sabi ko naman at sabay kaming natawa.


Chapter 52

Grace POV

three months later..

“BABE! Let’s go na. Medyo late na tayo sa appointment kay doctora.” Dinig kong tawag sa akin ni Ric sa ibaba.

“Oo, bababa na!” Sabi ko sa malakas na boses at dinampot na ang tote bag.

Lumabas na ako ng kwarto at dahan dahang bumaba ng hagdan habang sapo-sapo ang may kalakihan ng tiyan. Nasa ibaba ng hagdan si Ric at inalalayan ako paglapit ko sa kanya. Kinuha din nya sa akin ang tote bag.

Kumunot ang noo ko ng hagurin nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Bakit?” Tanong ko.

“Hindi bagay sa dress mo ang flip flop mo. Ang sagwa.” Aniya.

Tiningnan ko naman ang suot ko. Nakadress ako na lampas tuhod na kulay beige. Kulay brown naman ang flip flop ko.

“Ayos lang yan.” Sabi ko.

“No. Magpalit ka ng sandals.”

“Huwag mong sabihing magtatakong pa ako.”

“Syempre, hindi no.” Nilapitan nya ang shoe rack at namili doon ng mga sandals na sya mismo ang bumili para sa akin.

Ilang sandali pa ay may hawak na syang strappy sandals na kulay puti. Flat naman yun kaya komportable sa paa.

“Sit here.” Utos nya sa akin at tinuro ang sofa.

Lumapit naman ako doon at umupo. Tumalungko sya at hinubad ang flip flop ko at sya na nagsuot ng sandals sa paa ko. Kung tutuusin ay kayang kaya ko pa namang kumilos. Pero masyado akong binibeybi ng asawa kong barbielat. Mas maselan pa nga sya sa akin eh.

“See? Mas bagay di ba.” Aniya at tinabi ang flip flop ko.

Tiningnan ko ang suot na sandalyas. Mas bagay nga sa paa ko at sa dress na suot. Magaling talagang pipili ng isusuot ang asawa ko.

Tumayo ako at humikab. Inaantok na agad ako. Naging antukin ako simula ng mabuntis ako.

Lumabas na kami ng bahay ni Ric at naabutan pa namin sa labas si Tiyang Cess.

“Saan ang punta nyong dalawa?”

“Check up ho, tiyang. Ultrasound ho nya ngayon.” Si Ric ang sumagot.

“Ganun ba. O sya, mag iingat kayo.”

“Opo, tiyang. Patingnan na lang po sandali ang bahay.” Sabi ko.

“Walang problema.”

Inalalayan ako ni Ric na sumakay ng sasakyan. Sya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko.

Mag fo-four months na kaming kasal ni Ric sa huwes. So far ay maayos naman ang pagsasama naming dalawa sa iisang bubong. Wala namang nagbago sa pakikitungo namin sa isa’t isa — ah meron pala. Mas naging sweet kami sa isa’t isa lalo na sya. Vocal na kami sa pagsabi kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Mas naging maalaga din sya sa akin lalo na ngayon na lumalaki na ang tiyan ko.

Sa ngayon ay dalawang bahay ang tinitirhan namin. Ang bahay ko at ang unit nya. May bahay na syang nabili sa isang exclusive subduvision pero pinarenovate pa nya. Marami syang pinabago. Hinayaan ko na lang sya at hindi na kinontra. Wala namang problema sa akin kahit saan pa nya ako itira. Pero kapag naayos na ang bahay na binili nya ay doon na kami titira. 20 minutes drive lang yun mula sa bahay ko at medyo malapit lapit sa office nya. Ang bahay ko naman ay maiiwan yun pero wala namang problem dahil naroon naman ang tiyuhin at tiyahin ko para tingnan yun. Pupunta puntahan ko rin yun paminsan minsan.

Tungkol naman sa pagbubuntis ko, six months na akong preggy at mabigat ang tiyan ko. Paanong di bibigat? Kambal ang dinadala ko. Ang lakas talaga ng sperm ni barbielat. Dalawa agad. Well, di na rin nakakapagtaka dahil nasa lahi daw pala nila ang kambal. Gaya ng pinsan nyang si Kester na kambal din ang anak. Good luck na lang talaga sa akin sa panganganak.

“Sya nga pala, babe. After ng check up natin sa clinic didiretso tayo sa shop ko.”

“Bakit? May kliyente ka?” Tanong ko.

Tumatanggap na rin kasi sya ng client sa shop nya na bibihisan nya. At hindi sila ordinaryong client kundi mga bigating client. Kilalang nga artista, models, socialite, mga asawa ng mga kilalang businessman kahit mga asawa ng mga politiko.

“Hindi. Kukunin ko yung mga dress mo doon.”

Kumunot ang noo ko. “Dress ko?”

“Yes. Mga maternity dress mo. Galing pang New York yun.”

Kumamot ako sa leeg. “Ang dami ko ng dress, ah. Hindi ko pa nga nagagamit yung ibang mga binili mo.”

“Ayos lang yun, babe. Mas maganda ang marami kesa kulang. Saka para mas marami kang pagpipiliang dress.”

Simula nga ng lumalaki na ang tiyan ko ay dress na madalas ang isuot ko. Di na kasi uubra ang pantalon dahil naiipit ang tiyan ko. Kawawa ang mga baby ko. Naalala ko noong unang beses akong nakita ng mga tropa kong naka-dress, pinagtawanan nila ako. Alam ko namang dahil naninibago sila. Pero kalaunan ay nasanay na rin sila.

Makalipas ang halos 30 minutes na byahe plus traffic ay nakarating na kami sa clinic. Kaagad naman kaming in-assist ng assistant ni doctora.

“I really hope na girl ang twin. I really want a daughter.” Saad ni Ric habang hinihimas ang tiyan ko.

Narito pa kami sa lobby at hinihintay na matawag ng doctora. Meron pa kasi itong pasyente sa loob.

“Paano kung mga boys?” Tanong ko.

Nagkibit balikat sya. “It’s okay. Walang problema sa akin kahit mga boys.”

“Pero mas okay sana kung kagaya kanila Kester at Crizel. Boy at girl.”

“Hmm bet ko rin yan. Para may lalaki at babae na tayong junakis. Pero let’s see later sa ultrasound. I’m so excited, babe. Sana tawagin na tayo.” Aniya na kinikilig pa.

Natawa na lang ako at napangisi. Mas excited talaga sya kesa sa akin.

Ngayon muling susubuking alamin ang gender nila baby. Nung una kasi ay hindi nakita ng malinaw dahil nakatago. Baka sakali ngayon ay makita na.

“Mommy Grace, kayo na po ang next. Pasok na po kayo.” Malambing na tawag sa akin ng assistant.

Tumayo naman si Ric at inalalayan pa ako. Pumasok na kami sa room kung nasaan si doctora.

.

.

Mataman kaming nakatingin ni Ric sa monitor habang kinikiskis ng doctora ang transducer sa aking tiyan. Nagtinginan pa kami ni Ric at napakunot ang noo. May kakaiba kasi kaming nakikita sa monitor.  

“Oh.. may pa-surpise ang matris ni mommy.” Turan ng doctora.

“What do you mean, doc?” Tanong ni Ric.

“I think hindi twin ang babies nyo.”

Lalo namang napakunot ang noo ko. “Anong ibig nyong sabihin, doc?”

Bumaling sa amin ang doctor at malapad na ngumiti.

“It’s triplets!”

“What?/Ano?” Sabay naming bulalas ni Ric at napaawang ang labi namin.

“Yes, it’s triplets!”

Muli kaming nagtinginan ni Ric at muli din naming binalik ang tingin sa monitor.

“S-Seriously, doctora? T-Triplet’s talaga ang anak namin?” Tanong pa ni Ric na tila hindi makapaniwala. Kahit ako man ay hindi makapaniwala.

“Yes. Heto si baby c. Mukhang mahiyain sya noong mga unang ultrasound at ngayon lang sya nagpakita.” Anang doctor at ginalaw galaw pa ang transducer sa aking tiyan. Ngayon ay malinaw na tatlo na nga ang nakikita namin. Tinuro pa ni doctora si baby c. Nasa pagitan yun ng dalawang baby.

Napatuptop ng bibig si Ric habang namimilog ang mga mata. Ako naman ay napaawang na lang ang labi. Di ako makapaniwala na triplets pala ang pinagbubuntis ko.

Pinaliwanag naman sa amin ng doctora kung bakit ngayon lang nagpakita ang pangatlo naming baby. Nangyayari daw talaga na hindi agad nalalaman dahil may pagkakataong nakatago ang isang baby sa isa pang baby at yun ang nangyari kay baby c. Tungkol naman sa gender ay isa sa triplet ang sure na lalaki. Ang dalawa ay hindi pa sure ang gender.

Habang nasa byahe kami pauwi panay ang daldal ni Ric tungkol sa triplets. Kung excited sya noong malaman na twin ang anak namin mas trumiple pa yata ang excitement nya ngayon nang malamang triplets ang dinadala ko. Nadagdagan na naman ang mga plano nya para sa anak namin. Ako naman, medyo natutuliro pa rin hanggang ngayon.

“Gosh! I really can’t believe na triplets agad ang magiging anak natin, babe. Siguro naman yung dalawa ay girl na. Sana naman talaga.” Hiling nya.

“Malalaman natin yan sa susunod na ultrasound. Pambihira naman kasi.. Gender reveal lang dapat ang mangyayari ngayon iba pala ang mangyayari. Magiging tatlo pala ang baby natin.” Sambit ko.

Lumingon sya sa akin habang nagmamaneho. “Aren’t you happy, babe?”

“Syempre, masaya ako. Nagulat lang at medyo natatakot.”

Tumaas ang kilay nya. “Saan ka naman natatakot?”

“Sa panganganak. Mahirap na ngang manganak sa isa lalo na sa dalawa. Tapos naging tatlo pa. Paano ko sila ilalabas? Baka di ko talaga kayanin ang normal delivery.”

Inabot nya ang kamay ko at pinisil. “Ang sabi ni doctora kung di mo kakayanin ang normal delivery isasailalim ka sa caesarian operation.”

“Oo nga. Pero nakaka-kaba pa rin.”

“I know, babe. Hindi man ako ang manganganak, may kaba at takot din sa puso ko para sayo. Kung pwede nga lang na ako ang manganak gagawin ko.”

Ngumisi ako at kinilig sa sinabi nya.

“Talaga?”

“Yes.”

“Eh di next time ikaw na lang ang mag buntis.”

“How I wish.” Nakangising sabi nya na ikinatawa ko.

Oo nga pala. Minsan din pala nyang pinangarap na magka matris sya.

“Basta, babe. Relax ka lang. Hindi naman kita pababayaan eh. Hanggang sa manganak ka, nasa tabi mo lang ako.”

“Sabi mo yan, ah!”

“I promise.” Aniya at dinala sa kanyang labi ang kamay ko.


Chapter 53

Grace POV

“IS this for real?” Bulalas ni Mommy Rich at namimilog ang kanyang mga mata habang titig na titig sa sonogram na hawak.

“Yes, mi. Real na real. Not twin but triplets ang magiging junakis namin ni Gracey.” Ngiting ngiti at kinikilig na tugon ni Ric.

“Aba’y nakakatuwa naman talaga! Tripleng blessing pa ang binigay sa atin. Naku! Salamat mahabaging Panginoon. Kay buti nyo.” Wika ni Lola Constancia na napa-antanda pa.

Si Mommy Grace ay nanunubig na ang mga mata. Naiiyak sa sobrang tuwa.

“Pangarap ko noon ng maraming anak, kahit mga lima lang. Kaso ay hindi ako nabiyayaan dahil hindi healthy ang matris ko. Pero ngayon ay bumawi naman sa apo.”

“Sinabi mo pa, anak.” Segunda ni Lola Constancia.

Napangisi naman ako at napahimas sa malaki kong tiyan. Natatawa na lang ako dahil nasurpresa na naman silang lahat. Hindi nga nila inaasahan noon na twin ang magiging anak namin tapos ngayon ay naging triplet na.

“Mahusay ka talaga, apo. Masyado mo na akong pinapabilib.” Natatawang sabi ni Lolo Ramon.

“Thanks, lo.” Nakangising turan naman ni Ric.

“Kaya pala parang ang laki masyado ng tiyan mo, Grace. Kasi noong six months pa lang ang tiyan ko sa kambal ay hindi ganyan kalaki ang tiyan ko. Yun pala ay triplets ang dinadala mo.” Wika ni Crizel.

“Oo nga, eh. Saka kaya pala ang bigat.” Natatawang sabi ko.

“Ibang klase ang sperm mo, bal, ha. Ang lakas. Tinalo mo pa ang pinsan mo.” Nakangising turan pa ni Crizel kay Ric.

Sumimangot naman si Kester. “Tsamba lang yang kay insan. Kaya ko ding gumawa ng triplets, no. Kahit quadruplets pa.”

“Talaga, apo?” Nakangising tanong ni Lolo Ramon.

“Oo naman, lo.” Bumaling si Kester kay Crizel. “Di ba, love? Kaya din natin ang triplets kahit quadruplets pa.”

Umingos si Crizel at sinamaan sya ng tingin. “Kung makaungot ka ng triplets at quadruplets parang nanghihingi ka lang ng kendi, ah.”

“Ang daya kasi.. bakit triplets ang kay Ric tapos sa atin twins lang.”

“Aba’t talagang nainggit ka pa. Akala mo naman ang daling manganak. Eh nauna ka pa ngang himatayin sa akin noon bago ko pa ilabas ang kambal eh.”

Nagtawanan kami sa sinabi ni Crizel. Si Kester naman ay napakamot sa ulo.

“So paano ba yan, couz. Lamang ako sayo ng isa.” Pagbibida ni Ric.

“Tss! Magkakaroon din kami ng triplets — aw!” Napadaing si Kester ng kurutin sya sa tagiliran ng asawa.

Napuno na naman ng tawanan ang malawak na living area..

.

.

MATULIN na nagdaan ang mga araw, linggo at buwan. Nakalipat na kami sa bago naming bahay ni Ric sa isang kilalang exclusive subdivision. Malaking bahay yun na dalawang palapag at may roof deck pa na paborito kong tambayan. May swimming pool din, lanai, garden at malawak na bakuran. Mas maganda nga ang bahay nung pinabago ito ni Ric kesa noong una. Nagustuhan ko ang disenyo. Kumpleto na rin ito sa lahat ng gamit bago kami lumipat. Meron na rin kaming limang kasambahay, dalawang driver, hardinero at dalawa ring security guard. Lahat yun ay si Ric ang nag provide at wala akong nilabas ni singkong duling. Maging sa gamit ng mga triplets na halos kumpleto na rin ay sya ang gumastos lahat. Gusto ko nga sanang mag share pero ayaw naman nya. Sya daw ang padre de pamilya kaya sya  ang bahala sa lahat.

Ang hardware shop ko naman ay ang pinsan kong si Lonard ang namamahala pansamantala. Habang ang auto repair shop ay si Tiyong Poldo. Hindi ko na rin kasi kakayanin ang pag aasikaso doon lalo pa at kabuwanan ko na. Medyo hirap na nga rin akong kumilos dahil ang laki laki ng tiyan ko. Hindi ko na nga rin makita ang mga paa ko.

Mabagal akong humakabang paikot sa malawak na bakuran habang sapo sapo ko ang malaking tiyan. Ito ang routine ko tuwing umaga, ang maglakad lakad. Mabigat ang tiyan ko at para akong may bitbit na kilo kilong bigas sa loob ng aking katawan.

“Grace, anak.”

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mommy Rich. Napangiti ako nang makita syang papalapit sa akin.

“Ma, good morning po.” Bati ko sa kanya.

Hinawakan nya ako sa braso at tumingin sa tiyan ko. “Kanina ka pa ba naglalakad lakad?”

“Mga ten minutes na po, ma.”

“Sige, sabayan na kita habang nag pe-prepare ang mga kasambahay ng breakfast.”

“Sige po.”

Narito si mama sa bahay namin dahil gusto nya raw akong alalayan. Nag aalala kasi sya dahil sobrang laki ng tiyan ko. Sobrang na-a-appreciate ko ang byenan ko lalo at turing nya sa akin ay parang anak na. Sa sobrang pag aalala nga nya sa akin minsan ay gusto nyang sa kwarto namin ni Ric matulog. Syempre hindi pumayag ang asawa ko. Minsan may pagka oa si Mommy Rich, sa kanya nga nagmana ang asawa ko. Pero hindi naman sya yung oa na nakakainis. Nakakatuwa pa nga. At feel na feel ko rin ang pag aalaga nya dahil para akong nagkaroon ng pangalawang nanay bigla.

“Alam mo, nak. Naaawa ako sayo dahil sobrang laki ng tiyan mo. Parang puputok na yan anomang oras.”

Natawa ako sa sinabi ni Mommy Rich. “Puputok talaga ’to ma anomang oras dahil malapit na akong manganak.”

“Yun na nga. At ninenerbyos ako. Nag aalala ako para sayo. Aba’y hindi nga madali ang mag anak ng isa, tatlo pa kaya.”

“Huwag po kayong mag alala. Ang sabi naman po ni doctora isasailalim ako sa caesarian operation.” Sabi ko.

Hinahanda ko na nga ang sarili ko sa panganganak ko at nilalakasan ko ang loob. Mailabas ko lang ang triplets ay makakaraos na ako.

“Babe, mom, let’s eat breakfast na.”

Sabay kaming lumingon nang marinig ang boses ni Kester. Papalapit sya sa amin. Lumabas sya kanina para bumili ng pandesal. Inalalayan na nya ako pabalik sa bahay..

“Gosh, sobrang laki na talaga ng tummy mo, babe. Parang kapag sinundot ko ng karayom puputok sya.” Manghang sambit ni Ric habang parang bolang kristal na hinimas himas ang aking malaking tiyan.

“Parang ganun na nga.” Nakangising sabi ko.

“Ano kaya ang gender ng two babies? Kasi naman, may pa-surprise pa ang mga junakis natin. Ayaw pang mag pa-gender reveal.”

“Malalaman natin yan paglabas nila.”

“Sana man lang kahit isa sa kanilang dalawa ay girl.” Hiling nya.

“Malay natin.”

Hanggang ngayon ay di pa rin namin alam ang gender ng dalawa sa triplets. Hindi kasi yun nakita sa mga nakaraang ultrasound. Kaya naman ang mga gamit na pangbaby na binili ni Ric ay puro unisex color.

.

.

NAGISING akong nananakit ang tiyan ko. Hindi lang ang tiyan ko ang sumasakit kundi maging ang balakang. Nakangiwing bumangon ako at hinawakan ang balakang. Mas matindi na ang kirot na nararamdaman ko ngayon kesa noong mga nakaraan. Hindi rin ako makatulog ng maayos dahil pasumpong sumpong ito at ngayon nga ay mas matindi.

Nag inhale at exhale ako. Pinakiramdaman ko rin ang sarili. Naroon pa rin ang matinding kirot. Kirot na nakakapanginig ng laman.

‘Manganganak na yata ako, ah.’ Sa loob loob ko.

Nilingon ko si Ric na nasa tabi ko. Mahimbing ang kanyang tulog at bahagya pang nakanganga. May nakalagay pang overnight face mask sa kanyang mukha. Halatang masarap ang tulog nya at parang nakakahiyang gisingin.

Dahan dahan akong bumaba ng kama at sapo ang tiyan na tumayo. Muli akong napangiwi nang sumigid na naman ang matinding kirot na nagpanginig ng mga tuhod ko. Hindi ko na rin napigilan ang pag alpas ng mahinang daing sa aking bibig.

‘Puta! Manganganak na yata talaga ako.’ Sambit ko sa isip at nilapitan na si Ric. Marahan ko syang tinapik sa braso. Gumalaw naman sya at dahan dahang dumilat ang mata. Nagtaka pa sya nang makitang nakatayo ako.

“Babe.. bakit gising ka?” Tanong nya sa inaantok na boses at humikab pa.

“Sobrang sakit ng tiyan ko, Ric. Manganganak na yata ako.” Kaswal lang na sabi ko sabay ngiwi.

“Ha?? Manganganak ka na??” Bulalas nya sabay balikwas ng bangon at tingin sa tiyan kong hawak hawak ko.

“Yata. Sobrang sakit na ng tiyan ko. Hindi na ako makatulog.”

“Oh my ghad oh my ghad!” Nagmamadaling umalis sya sa kama at inalis ang face mask.

“Dadalhin na kita sa hospital, babe.” Natatarantang sabi nya habang nagsusuot ng tsinelas.

“Gisingin mo muna ang mga kasambahay para may kasama tayo sa hospital. Yung mga gamit namin ng triplets.” Relax lang na sabi ko.

“O-Oo nga pala! Wait lang babe.”

Nagmamadali syang lumabas ng kwarto at dinig na dinig ko pa sa labas ang malakas nyang boses na tinatawag ang mga kasambahay. May pagka eskandalosa talaga ang barbielat.

Nangingiwing pumirmi naman ako sa kinatatayuan ko habang hawak ko ang malaking tiyan at balakang. Minsan ay napapapikit at napapakagat labi pa ako.

Ilang sandali pa ay nakabalik na sa kwarto si Ric kasama si Mommy Rich na nakapantulog pa at halatang bagong gising.

“Manganganak ka na kamo, Grace?” Tanong ni Mommy Rich.

“Parang po, ma. Sobrang sakit na po ng tiyan ko. Wala na pong tigil.”

“Ganun ba. Aba’y kailangan ka na ngang dalhin sa hospital.”

Nataranta na rin si Mommy Rich at inutusan ang mga kasambahay na bitbitin ang mga gamit ng triplets at ilagay sa sasakyan. Ang isang kasambahay pa ay inutusan nya na gisingin ang isang driver.

“Bubuhatin na kita, babe.” Sabi naman ni Ric at akmang bubuhatin ako pero pinigilan ko sya.

“Hindi na.. baka lumaki ang muscle mo.”

“I don’t care! Importante, madala kita sa hospital.” Hindi nga sya nagpapigil at binuhat na ako. Humawak naman ako sa balikat nya. Namangha pa ako dahil kayang kaya pala nya akong buhatin.

Lumabas na kami ng kwarto namin at nakaalalay sa amin si Mommy Rich. Sa ibaba muna kami nagkwarto pansamantala para hindi ako mahirapan sa pagbaba at akyat ng hagdan.

Mabilis ang kilos ng mga kasambahay at  ng driver. Nasa loob na kami ng sasakyan. Napapagitnaan ako ni Ric at ni Mommy Rich. Ako naman ay panay na ang hugot ng malalalim na hininga at pinagpapawisan na ako ng malamig sa sakit na nararamdaman ko.


Chapter 54

Ricardo POV

PALAKAD lakad ako sa harap ng delivery room na parang asong di maihi. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba at nanlalambot na rin ang tuhod ko.

“Ricardo, anak. Pumirme ka nga. Ako’y nahihilo sayo.” Saway sa akin ni mommy.

Huminto naman ako at lumapit kay mommy. “M-Mi.. I-I’m so nervous..” Nauutal pang saad ko.

“Me too, anak. Pero dapat kalma lang tayo.”

“How can I calm down? Manganganak na si Gracey.” Halos maghisterya na ako.

“Kaya nga dapat kumalma ka lang.”

“N-No. G-Gusto kong pumasok sa loob. B-Bakit kasi ayaw akong papasukin ni doctora. I made a promised to Grace na sasamahan ko syang manganak. Na.. nasa tabi nya ako while she was giving birth to our triplets. Mi.. I-I wanna go inside..” Giit ko pa.

“Hindi nga pwede, anak. Pinagbawalan ka ng doctora. Maselan ang panganganak ni Grace. Baka mamaya ma-infect pa silang mag iina kapag naroon ka sa loob.”

Sumimangot ako. “I don’t have an infection, mom.”

“Hay naku! Sumunod ka na lang sa sinabi sayo ng doctora. Para naman yun sa kapakanan ng mag iina mo. Saka sa hitsura mo ngayon anak baka mauna ka pang mawalan ng malay sa loob kesa sa asawa mo. Tingnan mo hitsura mo, o. Namumutla ka na. Kumalma ka nga. Daig mo pa ang manganganak.” Sermon na sa akin ni mommy.

Parang batang nagpapadyak naman ako at muling nagpalakad lakad. Nakakaramdam na nga ako ng panlalamig hindi dahil sa suot kong manipis na loose sando at maiksing short kundi dahil sa nerbyos. Sino ba namang hindi ninerbyusin? Manganganak na ang asawa ko at hindi lang isa o dalawa ang iluluwal nya kundi tatlo pa.

“Rich, Ric, kamusta na si Gracey? Nanganak na ba?”

Napalingon ako at nakita ko si Lola Constancia at Lolo Ramon. Kapwa pa sila nakapantulog. Si lola ay suot ang duster na pantulog nyang bulaklakin at si lolo naman ay nakapajama pants at white long sleeve kamison.

Lumapit si mommy sa kanila at humalik sa pisngi. Ako naman ay lumapit din at nagmano.

“Kapapasok pa lang ni Grace at ng doctora sa loob, mama.” Wika ni mommy.

“Ganun ba. Naku, sana ay maging maayos ang panganganak ni Grace.” Usal ni Lola Constancia at nag antanda pa.

“Ricardo apo, namumutla ka yata.” Puna sa akin ni Lolo Ramon.

“Naku papa, kanina pa yan palakad lakad na parang asong di maihi. Nagpupumilit ding pumasok sa loob at sasamahan daw sa panganganak si Grace. Pero hindi nga sya pinapayagan ng doctora.” Saad ni mama.

Tumawa si Lolo Ramon at tinapik ako ng marahan sa balikat.

“Huwag mo ng ipagpilitan ang pumasok sa loob, apo. Hindi mo kakayanin. Mauuna kang manghina.”

“Oo nga. Dito ka na lang at magdasal. Isa pa ay magiging ayos lang ang lagay ng mag iina mo.” Payo pa ni Lola Constancia.

Humugot naman ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Pero ganun pa rin. Parang may naghahabulang malalaking daga sa aking dibdib.

Nakarinig ako ng mga ingay na parang nagkakagulo. May nakita akong isang grupo na palinga linga. Pamilyar sila sa akin.

“Huwag nga kayong maingay at nandito tayo sa loob ng hospital. Baka mapalabas pa tayo.” Saway ng may edad na lalaki na kilala ko.

“Tiyong Poldo.” Tawag ko sa kanya.

Napalingon naman sila sa akin.

“O, nandito pala sila.” Turan ni Tiyong Poldo at lumapit na sila sa amin. Kasama nya si Tiyang Cess at mga anak nila pati na ang tropa ni Gracey.

Lumapit naman ako sa kanila at nagmano. Binati din nila si mommy, lola at lolo.

“Kamusta? Nasa loob pa ba si Grace?” Tanong ni Tiyang Cess.

“Oho, nasa loob pa ho sila.” Sagot ko naman.

“Maupo muna kayo, Poldo, Cess.” Alok ni mommy.

“Ayos lang kami, Rich.” Wika ni Tiyong Poldo.

Tinawagan sila ni mommy kanina habang nasa byahe kami patungo dito sa hospital kaya naman napasugod din sila. Di ko lang akalain na ang dami nilang pupunta dito kasama pa ang buong tropa ng asawa ko. Parang sumikip tuloy dito sa waiting area ng delivery room. Sana lang ay huwag kaming palabasin ng mga staff.

“Sana maging ayos lang si Boss G at ang triplets. Kinakabahan ako.” Sambit ni Bok.

“Parang ikaw ang tatay, ah.” Pang aasar naman ni Jopet.

“Syempre, tropa ko yun. Saka di madaling manganak, no.”

“Yakang yaka ni Boss G yan. Boss G pa!” Nakangising turan naman ni Ar-Ar.

“Huwag nga kayong maingay. Baka mapalabas tayong lahat dito.” Muling saway ni Tiyong Poldo sa mga ito.

Nagsitahimik naman sila at nagsisihan pa na parang mga bata.

Upo, tayo at lakad ang ginagawa ko. Kahit sinasaway ako ni mommy at lola na kumalma ay hindi ko magawa. Feeling ko ay napakatagal nila sa loob. At feeling ko rin malapit na rin akong mawalan ng ulirat dahil sa nerbyos.

“Why are they taking so long inside?” Sambit ko.

“Ano ka ba naman, anak? Hindi lang naman isa ang isisilang ng asawa mo kundi tatlo. Matatagalan talaga yun.” Wika ni mommy.

“Oh they’re here!”

Napaawang ang labi ko nang makita sila Kester. Kumpleto silang anim. Lumapit sila kay mommy, lola at lolo at nagmano isa isa. Binati din nila ang pamilya ng asawa ko. Lalo tuloy sumikip ang waiting area dahil ang dami na namin dito.

“Anong ginagawa nyong lahat dito?” Taas ang isang kilay na tanong ko.

“Susuportahan ka, couz. You know, alam namin ang nararamdaman mo ngayon.” Nakangising wika ni Kester na lumapit pa sa akin at inakbayan pa ako.

“I’m so nervous, couz.. ganito pala ang pakiramdam. Parang may bomb na anytime ay babagsak sa harapan ko.” Sambit ko.

“Exactly. Ganyan din ang nararamdaman ko noong nanganak si Crizel.” Saad pa ni Kester.

“Yeah, at hinimatay ka pa nga nun sa sobrang nerbyos mo.” Wika ni Matias at tumawa naman ang lahat. Pero agad din silang sinaway ni Lola Constanscia na huwag maingay.

Sumimangot naman si Kester. “Pinaalala pa. Parang hindi ka rin ninerbyos nung manganak si Ava, ah.”

“At least, hindi ako hinimatay.” Nakangising turan pa ni Matias.

“Eh di ikaw na.”

Lumapit din sa akin si Jeiz at Lorenzo. Tinapik tapik nila ako sa balikat.

“Magiging maayos din ang mag ina mo, pare.” Wika ni Lorenzo.

Naasiwa ako sa tawag nyang pare. Gusto ko sana syang tarayan pero wala ako mood ngayon.

“Grace is a feisty woman, kaya mani lang sa kanya yan.” Nakangisi namang pagpapalakas ng loob sa akin ni Luigi.

May tumapik naman sa likod ko. Nang lumingon ako ay si Atlas yun.

“Kalma lang, bro.” Saad nito.

Kahit papaano ay medyo kumakalma ako ng kaunti dahil ang dami na nila rito na nagpapalakas ng loob sa akin. Alam ko namang nakaka-relate ang mga kaibigan ko sa nararamdaman ko dahil pinagdaanan din nila ito.

Dahil masikip na nga ang waiting area na malapit sa delivery room ay nilapitan na kami ng mga staff at mahinahong pinakiusapan na kung maaari ay sa waiting area sa labas na lang maghihintay ang ibang kaanak dahil baka makasagabal lang sa paglabas ng pasyente. Tumalima naman ang mga kaibigan ko at ang tropa ni Gracey. Nagpaalam sila na sa labas na lang maghihintay. Ang tanging naiwan na lang dito ay ako, si mommy, lola, lolo, Kester at mag asawang Tiyong Poldo at Tiyang Cess.

Makalipas ang mahigit isang oras sa loob ay sa wakas bumukas na rin ang pinto ng delivery room. Muling kumabog ang dibdib ko nang ilabas na si Gracey na nakahiga sa hospital bed na tulak tulak ng dalawang nurse. Gising sya pero halatang groge dahil siguro sa anesthesia. Nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay na walang swero.

“B-Babe.. how are you feeling?” Nag aalalang tanong ko.

“I’m fine.. successful ang paglabas sa triplets..” Sagot nya sa inaantok na boses.

Napaluha naman ako. “Thanks God you’re okay..” Mahinang usal ko at hinalikan ang kamay nya pati na ang noo. Nakita kong napapapikit na sya.

“The triplets are here.” Narinig kong sabi ni doctora.

“Tingnan mo na ang triplets, babe..” Usal ni Grace.

Na-excite naman ako kung kaya iniwan ko muna saglit si Grace at nilapitan ang triplets na karga karga ng tatlong nurse. Nauna na ngang tumingin sila mommy.

Hindi ko na napigilang mapaiyak habang pinagmamasdan ang triplet ko. Hindi ako makapaniwala na narito na sila sa outside world. Ang liliit nila at magkakamukha talaga. Pero ang sabi ni doctora ay healthy sila. 2 boys at 1 girl ang triplets.

“Excuse me po muna, daddy. Dadalhin po muna namin sila sa delivery room para makapagpahinga.” Wika ng nurse na may buhat sa isang triplet.

Tumango tango naman ako at sumunod na kami sa kanila.

“Congratulations, anak. Finally, you’re a dad now.” Bati sa akin ni mommy na gaya ko ay naiiyak din.

“And you’re officially a grandmother now, mom.” Sabi ko naman.

“And I’m so happy. Tatlo agad ang apo ko.” Natatawang turan nya at humawak sa braso ko.

Binati din ako ni lolo at lola pati ni Kester ganun din si Tiyong Poldo at Tiyang Cess.

Napalitan ng sobrang tuwa ang nerbyos na nararamdaman ko kanina. Ligtas ang mag iina ko at ito na ang simula ng pagiging isang ina ko — I mean, ama.


Chapter 55

Grace POV

“BAKIT parang kamukha mo silang lahat, couz?” Tanong ni Kester habang pinagmamasdan ang triplet sa kanilang bassinet.

“Oo nga, parang kamukha lahat ni Ric, ah!” Nakangising saad pa ni Atlas na nakatingin din sa triplet.

“Really? Kamukha ko silang lahat?” Tila naninigurong tanong pa ni Ric na nakaupo sa tabi ng kama ko.

“Yes anak, parang kamukha mo silang lahat. Ganyan din kasi ang hitsura mo nung   pinanganak kita, kaparehas ng hulma ng mukha. Di ba, mama?” Wika ni Mama Rich.

“Oo, ganyan na ganyan din ang mukha mo nung baby ka pa, apo.” Pag sang ayon ni Lola Constancia.

“Kung ganun ay alam na kung sino ang mas gigil.” Nakangising turan ni Lorenzo na ikinangisi ng lahat.

Namula naman ang mukha ni Ric at umusli ang labi nya.

“Tsk! Ang daya. Ako ang nagdala ng siyam na buwan wala man lang akong naging kamukha.” Kunwaring nagtatampong sabi ko.

Lumingon naman sa akin si Ric at hinawakan ang kamay ko. “Don’t worry, babe. Sa next na baby natin siguradong kamukha mo na.”

“Pambihira ka naman, apo. Kapapanganak pa lang ng tatlo ng asawa mo susunod na baby na agad ang iniisip mo.” Natatawang sabi ni Lolo Ramon na ikinatawa ng lahat.

Pangatlong araw na namin ngayon sa hospital at bukas na kami lalabas. Pero ang mga kaibigan namin ni Ric ay walang humpay sa pagbisita makita lang ang triplets. Ang mga kaibigan nga nya ay pabalik balik dito na tila ba naiinggit dahil may triplets sya. Minsan kasama pa nila ang mga asawa nila at parang nagpaparinig. Patay malisya naman ang mga asawa nila. At dahil marami ngang bumibisita ay medyo maselan ang daddy barbielat. Pinag ha-hand sanitizer nya at ini-spray-an ng disinfectant ang mga bisita bago makapasok dito sa room namin. Baka daw kasi ma-infect kaming mag iina lalo na ang triplets. Hinahayaan ko na lang sya dahil nag aalala lang sya sa amin ng triplets.

And speaking of triplets, sya rin ang nagpangalan sa mga ito. Tinanong nya naman ako kung may naisip akong mga pangalan pero dahil wala sya na ang pinag isip ko. Meron na raw syang naisip bago ko pa niluwal ang triplets. Lennon at Kaizer ang dalawang boys at Graciella Marie naman ang nag iisang babae na kinuha nya sa aking pangalan. Ang gaganda ng mga pangalan ng triplets at nagustuhan ko yun..

Kinabukasan nga ay nakalabas na kami ng hospital. Inalalayan naman kami ni Mommy Rich, Lola Constacia at Lolo Ramon pati na sila Tiyong Poldo at Tiyang Cess. Habang sila ang may karga sa triplets at nagbitbit ng mga gamit namin ay alalay naman ako ni Ric. Dahan dahan lang ako sa paglalakad at kilos dahil sariwa pa ang tahi ko. Gusto pa nga akong paupuin ni Ric sa wheelchair pero sabi ko naman ay kaya kong maglakad.

Pagdating sa bahay ay doon ko nalaman na nag hire ng tatlong yaya si Ric para sa triplets. Binusisi naman daw nya ng maigi ang background ng mga ito bago hinire. Marami na tuloy kaming kasama dito sa bahay. Pero ayos lang, malaki naman ang bahay at maganda nga yun na marami kaming kasama para hindi boring.

.

.

MATULIN na lumipas ang mga araw at linggo. Unti unti nang naghihilom ang sugat ko sa tiyan. Bumabalik na rin sa normal ang aking lakas. Ang triplets naman ay malakas dumede sa bote. Formula milk ang gatas nila dahil walang lumalabas na gatas sa aking dibdib. Meron namang lumabas noong unang linggo pero kaunti lang at nawala din. Mabuti na lang at mayaman ang daddy barbielat nila kaya kahit pinaka mahal na gatas ay kayang kayang bilhin. Kung ako lang ay baka masaid ang savings ko. Lalo pa at ang mahal ng gatas tapos tatlo pa sila at lahat ay malakas dumede.

Si Ric naman ay nag leave muna sa kumpanya nila para maalagaan kami ng triplets katuwang ang tatlong yaya at mga kasambahay. Sya nga ang naglilinis ng sugat ko at nagpapaligo sa akin. Alagang alaga din nya talaga ako. Si Mommy Rich ay katuwang din namin sa pag aalaga ng triplets. Ayaw na nga nyang umalis dito sa bahay para laging kasama ang mga apo. Ayos lang naman sa amin ni Ric. Si Lola Constancia at Lolo Ramon ay madalas din ang dalaw dito sa bahay para silayan ang kanilang mga apo sa tuhod. Ganun din sila Tiyong Poldo at Tiyang Cess na every weekend ang dalaw sa amin kasama ang mga pinsan ko at tropa ko. Welcome naman silang lahat dito sa bahay.

Nangingisi ako habang pinapanood si Ric na sumasayaw sayaw sa harap ng triplets na nasa mga crib nila. May hawak pa syang rattle toy at pinapatunog yun.

“The wipers on the bus go swish, swish, swish.. Swish, swish, swish, swish, swish, swish.. The wipers on the bus go swish, swish, swish.. All through the town..”

Nakatuon lang ang mga mata ng triplets sa kanya kahit hindi pa naman sya masyadong nakikita ng mga ito. Kuntodo giling pa sya at pump ng katawan. Infairness naman parang pinakuluan ang katawan nya sa lambot nyang gumalaw. Parang mas ako pa nga ang nag e-enjoy na panoorin sya kesa sa triplets. Eh paano ba naman umaalog ang sandata nyang malaki at mahaba sa suot nyang shorts. Dalawang buwan pa lang akong nakakapanganak pero parang gusto ko ng magpaanak ulit sa kanya.

Mayamaya nga ay umiyak na ang isa sa triplets. Si Kaizer. Tila nainggit ang dalawa kaya umiyak na rin. Tumigil naman sa pagsasayaw si Ric at kinarga si Kaizer. Tumayo na rin ako at kinarga si Graciella. Si Levi naman ay kinarga ng isa sa mga yaya ng mga triplets. Nagsitahimik naman sila nang bigyan namin isa isa ng dede. Salit salitan ang karga namin ni Ric sa triplets para maramdaman nila ang init ng aming katawan. Minsan naman ang dalawa ay kinakarga ni Ric at ako naman sa isa. Mahirap ding mag alaga ng triplets kung kami lang talaga ni Ric. Mabuti na lang at nag-hire sya agad ng tatlong yaya.

“Finally, tulog na ang mga lalabs. Super cute talaga nilang tingnan, o. Ang bibilis din nilang lumaki at ang tatakaw pa.” Saad ni Ric habang pinagmamasdan ang triplets na mahimbing na ang tulog sa mga crib nila. Busog na rin kasi sila.

“Oo nga, at ngayong tulog na sila baka pwedeng ako naman ang patulugin mo.” Paglalambing ko sa kanya sabay yakap sa bewang nya.

“Ay sus, nainggit sya o.” Nangingiting sabi nya at niyakap din ako sabay halik sa buhok ko.

“Syempre naman. Ako ang original lalabs mo eh.”

“Of course. Taralets na sa bed at matulog na tayo. Medyo napagod ako sa triplets.” Aniya sabay ngiwi.

Ngumisi ako. “Ginusto mo yan, di ba? Sabi mo pa nga gusto mo ng walong anak. May lima pa.”

Nag pout sya. “Oo nga. Pero tatlo agad? Medyo nakaka-haggard, ha. But anyway, no regrets naman. Napapawi ang pagod ko kapag pinagmamasdan ko sila.”

“Ako rin. Worth it ang sakit at hirap na pinagdaanan ko sa loob ng syam na buwan kapag pinagmamasdan ko sila.” Segunda ko pa.

Muli naman nya akong hinalikan sa buhok. “And you’re a great mom, babe. Hindi biro na dinala mo silang tatlo ng siyam na buwan sa sinapupunan mo. Even mom and lola, sobrang proud sila sayo. Pero ako medyo may trauma na. Sana sa susunod nating baby isa na lang. Huwag na sana twins o kaya triplets para hindi ka masyadong mahirapan.”

Mahina akong tumawa. “Ayaw mo ba nun? Triplets ulit para anim na agad ang mga junakis natin.” Biro ko. Pero posibleng mangyari yun dahil ang tindi ng sperm nya eh.

Bumuntong hininga sya at inikot ang mata. “Nah, okay na ako sa paisa isa lang. Saka wala naman akong hinahabol. Importante hindi ka masyadong mahirapan. Isa pa ma-me-meet din natin ang goal na 8 kids ng hindi nagmamadali. Pero kung hindi kaya eh di ayos lang. Importante may mga anak tayo at mga healthy pa, di ba?”

Tumango ako. “Tama ka dyan, babe. Importante din mapalaki natin sila ng maayos.”

“At gagawin ko ang lahat para maging good provider para sa mga anak natin at para sayo na rin. And I promise too that I will be a responsible father and husband to you hindi lang good provider. Kaya kakayod ako ng bongga para hayahay kayo ng mga junakis natin.”

“Hindi naman pwedeng ikaw lang ang kakayod. Syempre tutulungan din kita. Para saan pa ang negosyo ko? Syempre para na sa pamilya natin lalo na sa mga anak natin.”

Ngumiti sya. “Okay, magtutulungan tayo para sa mga junakis natin.” Pag sang ayon na nya sabay dampi ng halik sa labi ko na aking ikinangiti.

“I love you, Ric..” Sambit ko.

“I love you more, Gracey. Tara na nga. Tulog na tayo.” Yaya na nya sa akin at lumapit na kami sa kama.

Dito sa kwarto namin natutulog ang triplets. Ang mga yaya naman nila ay sa nursery room natutulog katabi lang nitong kwarto. May connecting doors dito sa kwarto namin para kapag kailangan namin ng tulong nila sa triplets ay gigisingin na lang namin sila. Nangyayari kasi talaga sa gabi na sabay sabay silang nagigising at umiiyak kapag gutom.

Pagkahiga namin ni Ric ay agad na rin akong dinalaw ng antok. Yumakap ako sa kanya at pinikit na ang mga mata. Naramdaman ko pa nga ang pagdampi ng labi nya sa aking buhok bago ako tuluyang nilamon ng antok.


END

Grace POV

MASAYA ang lahat ng bisita ng triplets sa kanilang binyag. Kumpleto ang mga ninong at ninang nila. Mula sa mga kaibigan ni Ric at sa tropa ko, lahat sila ay mga ninong. Tangay tangay pa nga ng mga kaibigan ni Ric ang kanilang mga anak kaya naman tuwang tuwang ang triplets dahil marami silang nakikitang bata. Tuwang tuwa rin ang mga ito sa kanila lalo na ang kanilang pinsan na kambal na sila Coen at Karizza na mga dalawang taong gulang na.

“Luging luge ka talaga, Boss G. Mas lalong nagiging kamukha ng triplets si Ric habang lumalaki.” Turan ni Bok.

Ngumisi ako. “Ayos lang. Pogi naman si Ric. Di na rin luge.”

“Pero yung isa hindi naman masyadong kamukha ni Ric. Parang mas kamukha nga nya si Boss G.” Turan ni Wekwek na ang tinutukoy ay si Lennon na syang huling lumabas sa triplets.

Marami nga ang nagsasabi na mas nagiging kamukha ko sya. Habang si Kaizer at Graciella ay kamukha ni Ric.

“O, bakit nyo pinagkakaguluhan ang triplets?” Untag ni Ric sa mga tropa ko nang makalapit sya.

“Wala. Naku-kyutan lang kami sa kanila.” Nakangising sagot ni Ar-Ar.

“Mga cute talaga sila dahil kami ni Gracey ang parents nila. They got their looks from us.” Wika pa ni Ric na sinangayunan ko naman.

Inaya na ako ni Ric sa unahan kasama ng triplets na nasa stroller nila para makapag pa-picture na sa mga ninong at ninang. Sa totoo lang ay mas marami pa ang ninong kesa sa ninang lalo na sa side ko.

Nang makapwesto na kami sa unahan ng venue ay tinawag na ang mga ninong at ninang. Sunod sunod naman silang nagsilapitan at pumwesto sa gilid at likuran namin. Kinarga na lang namin ni Ric ang triplets para kita sa picture. Karga nya si Kaizer at Graciella habang ako naman ay si Lennon. Nag umpisa nang kumuha ng pictures ang photographer. Nakailang shot pa ng group picture with ninong and ninang bago nagpa-picture ang mga ito isa isa sa triplets.

Pinagkakaguluhan ng mga bata ang triplets. Kinakausap nila ito na parang sasagot ang mga ito. Ang triplets naman ay mahina lang na umuungol habang kumakawag ang kanilang kamay at mga paa. Bakas sa kanilang mga mukha ang tuwa. Gustong gusto kasi nila na kinakausap sila lalo pa at lumilinaw na ang kanilang paningin sa edad na mag aapat na buwan.

Madali naman makilala ang triplets kahit halos magkakamukha sila at magkakasing lusog. Si Lennon na syang hawig ko ay unat ang buhok at si Kaizer ay medyo alon alon ang buhok. Si Graciella naman ay unat din ang buhok at may hikaw syang maliit. Naiiba din ang mga damit nyang sinusuot sa dalawa dahil babae sya.

“They are so cute.” Turan ni Levy na anak ni Lorenzo. Poging pogi din ito mana sa ama.

“They look like toys.” Dagdag naman ng anak ni Pierre na si Nicolette na kanina pa pinipicture-an ang triplets.

“Daddy, I want triplets too.”  Ungot naman ni  Jeremy na anak ni Jeiz.

Ngumisi ang ama nya. “Sure, big boy. Gagawa kami ng mommy mo — aw!” Daing nya ng kurutin sya ng asawang si Ivy.

“Huwag kang mangako sa anak mo. Baka umasa yan.” Pinandilatan ni Ivy ng mata si Jeiz.

Ngumisi naman ito. “Ayos lang na umasa sya, babe.”

“Bakit? Kaya mo bang ibigay sa kanya ang triplets?”

“We will try.” Nakangising tugon ni Jeiz.

Umugong naman ang tuksuhan mula sa mga kaibigan nila na malapit sa kanila.

“Si Ric lang ang kayang gumawa ng triplets. Huwag na kayong umasa.” Nakangising sabi naman ni Pierre.

“Huwag mo kaming hinahamon, pare. Magulat ka next year may triplets na rin kami ni Aitana.” Turan ni Lorenzo pero nakatikim din sya ng kurot sa asawa.

“Kami rin ni Jolene. Sinusubukan na naming gumawa ng triplets.” Ani Atlas na pinandilatan naman ng mata ng asawa.

At nagkanya kanya na nga ng paangasan ang magkakaibigan na kaya din nilang gumawa ng triplets na akala mo ay ganun lang kadali. Si Matias lang ang hindi nakisali sa magkakaibigan dahil mas abala sya sa pakikinig sa sinasabi ng kanyang asawa na si Ava. Nag sipag-tayuan naman ang mga asawa ng magkakaibigan at nagsama sama sa iisang mesa.

“Babe, where are you going?” Tanong ni Luigi kay Ivona.

“Dito sa kabilang mesa. Magsama sama kayo dyan.” Masungit na wika nito.

“Oo nga. Kayo na lang ang gumawa ng triplets nyo.” Turan naman ni Jolene na ikinakamot ng ulo ni Atlas.

“Akala nyo kasi ang daling magbuntis at manganak. Labor pa nga lang para na kaming mamamatay. Tapos gusto nyo pa triplets. Buti ba kung kayo ang magbubuntis at manganganak.” Parang nanay na sermon naman ni Crizel.

Napakamot na lang sa ulo ang magkakaibigan na ikinatawa naming lahat.

“Guys, tanggapin nyo na lang na di nyo ko ma-be-beat. Nasa akin ang korona at patunay ang triplets. Better luck next life na lang.” Mapang asar na sabi pa ni Ric sa kanyang mga kaibigan.

“Sinuwerte ka lang.” Wika ni Luigi.

“Inggit ka lang.” Bira naman ni Ric at muling umugong ang tuksuhan mula sa bisita.

Ako naman ay nangingisi at natatawa na lang. Bukod sa triplets ay bidang bida din si Ric sa mga bisita. Gay sya pero nagkaroon ng anak na triplets in a natural way pa. Tinaob talaga nya ang mga kaibigan nyang inggit na inggit sa kanya.

“You know what, Grace. Bilib na bilib ako sayo. Nakaya mong dalhin ang triplets ng siyam na buwan. Ang bigat nun, ah. Isa pa nga lang ang hirap na eh.” Wika ni Aitana.

“Oo nga. Ako nga noong pinagbubuntis ko ang kambal, hirap din ako. Tapos ang bigat pa.” Segunda naman ni Ivona.

Ngumisi ako. “Kapag nasa ganun na tayong sitwasyon wala na tayong magagawa kundi ang kayanin. Buhay ang dala dala natin.” Sabi ko naman.

“May balak pa ba kayong sundan ni Ric ang triplets nyo? Tatlo na agad ang anak nyo.” Tanong ni Ava.

“Oo, susundan pa namin sila. Ang goal kasi namin ni Ric ay 8 kids.” Kaswal na sabi ko.

“8 kids??” Sabay sabay na bulalas nila na ikinatawa ko.

“Seryoso? Walong anak?” Namimilog ang mga matang wika ni Ivy.

“Oo, yun ang plano namin. Gusto namin ng maraming anak. Parehas kasi kaming only child.”

“Oh wow! Ang dami nun.” Manghang saad ni Aitana.

“Keri nyo naman ni bal yun. Nakatatlo na nga agad kayo eh.” Nakangising turan ni Crizel.

“Hindi lang halata pero malibog din pala ’tong si Ate Ric — este Kuya Ric.” Wika ni Ava na ikinangisi ko.

Sinaway naman sya ni Ivona na na-eskandalo sa bibig nya.

Nilingon ko si Ric na kaumpukan na ang mga kaibigan nya at nakikisali sa kwentuhan. Ang triplets naman ay nasa mga elders kasama ang mga yaya nila. Kaya kami ni Ric ay hayahay muna kasama ang mga bisita.

.

.

BAWAT produktong dinadampot ko ay tinitingnan ko ang expiration date. Kapag malapit na ang expiration date ay hindi ko kinukuha at binabalik sa estante.

Nandito kami ngayon sa malaking grocery store ni Ric para mamili ng mga stocks ng triplets gaya ng gatas nila na paubos na. Actually may tatlong karton pa sila ng gatas pero di na yun aabot ng isang linggo. Baka nga dalawang araw lang yun sa lakas dumede ng mga anak namin.

Tinabihan ko si Ric na nasa milk section na. Ang triplets naman na nasa stroller nila ay bantay bantay naman ng tatlong yaya nila.

Suminghap ako nang makita ang presyo ng gatas na iniinom ng triplets.

“Nagtaas ng price?” Bulalas ko.

Tumaas ang kilay ni Ric na ngayon ay nilalagay na sa malaking cart ang dalawang malaking karton ng gatas.

“Tumaas ba?” Takang tanong pa nya.

“Oo. Nagtaas ng mga isang daan.” Sabi ko.

“Oh really? Hindi ko napansin.” Aniya na abala pa rin sa paglalagay ng karton karton na gatas at may kasama pang lata.

Napangisi ako. “Paano mong mapapansin eh hindi ka naman tumitingin sa presyo.

“Kailangan ba?” Nakangising turan nya sabay ikot ng mata.

Napailing iling na lang ako. Di na nga nya kailangan tumingin tingin sa presyo dahil kahit magkano pa yun ay kayang kaya nyang bilhin. Ganun naman sya kapag namimili kami. Hindi sya tumitingin sa presyo. Perks of being mayaman.

Napuno ng puro gatas lang ang malaking cart. Para kaming magtatayo ng tindahan ng mga gatas pero hindi — stock lang yun ng triplets. Di naman obvious na takot syang magutom ang mga ito. Kahit ako man ayoko rin silang magutom. Worth it naman ang pagkamahal-mahal na gatas dahil ang lulusog ng triplets at di pa sakitin.

Sunod naman kaming tumungo sa diapers section. Marami ding kinuhang diapers si daddy barbielat. Pero ibang brand ng diaper ang pinili nya para kay Graciella. Ni-ra-rashes kasi ito sa huling diaper na ginamit kaya napagpasyahan naming palitan. Pati ang diaper ang mamahal rin. Magastos talagang magkaanak tapos triplets pa. Kung ako lang talaga ang gagastos, siguradong said ang savings ko. Buti na lang mayaman si barbielat.

Ng matapos na naming makuha ang mga kailangan namin sa bahay ay pumila na kami sa counter. Bale limang cart na malalaki ang dala namin na halos lahat ay para sa triplets.

“Parang sobrang dami ng gatas at diapers na binili natin Ric.” Untag ko sa asawa na ngayon ay karga na si Graciella dahil umingit kanina. Habang ang dalawnag boys naman ay chill lang stroller nila.

“Ayos lang yan, babe. Para hindi agad maubusan. Isa pa lumalaki na ang triplets at mas lumalakas pa ang konsumo sa gatas.”

“Kunsabagay. Grabe, no. Ang mahal at ang gastos magkaanak.” Nakangiwing sabi ko.

“Don’t worry, babe. Afford ko naman.” Aniya pa at hinalikan ang pisngi ni Graciella.

“Ikaw ang bahala. Basta kung ma-sho-short ka magsabi ka lang. Hindi man kasing laki ng savings mo ang savings ko makakatulong pa rin ako.” Wika ko.

“I know, babe. And don’t worry magsasabi ako kapag na-short ako. But imposibleng mangyari yun.” Aniya.

“Eh di ikaw na ang mayaman.”

“Hey, I’m not bragging, babe. Sinasabi ko lang ang totoo.”

Ngumisi ako. “Alam ko naman. Inaasar lang kita. Swerte ko nga eh. Hindi lang gwapo ang napangasawa ko kundi mayaman pa.”

“I’m lucky to have you as well, babe. Binuo mo ang pagkalalaki ko at binigyan mo pa ako ng super cute na triplets. Ikaw ang desisyon na hinding hindi ko pagsisisihan kailanman.” May lambing sa boses na turan nya.

Yumakap naman ako sa bewang nya. “Ako rin, babe. Ikaw ang tamang desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Ito ang dahilan kung bakit tayo pinagtagpo noong gabing yun sa kalsada.”

“Aww..” Nag pout sya sabay hapit sa bewang ko at dinampi dampian ako ng halik sa labi na akin namang tinugon.

Natigilan lang kami ng may tumikhim.

“Ser, ma’am, tayo na po ang susunod.” Untag sa amin ng isa sa tatlong yaya.

Napatingin kami sa kanya at doon lang namin napansin na nakatingin na sa amin ang halos lahat ng tao sa paligid. Ang cashier nga at bagger ay may tagong ngiti sa labi habang nakatingin sa amin ganun din ang ilang customer na nasa pila din.

“Omg, nakakahiya..” Mahinang saad ni Ric at tumalikod.

Natawa naman ako. “Ayos lang yan. Mag asawa naman tayo.” Sabi ko at tinulungan na ang mga yaya sa pagtulak ng cart sa pila palapit sa counter.

Nilingon ko si Ric na katabi na ang mga stroller ng triplets. Namumula ang kanyang mukha habang naka-pout at nakatingin sa akin. Hiyang hiya pa rin sya. Ako naman ay tumatawa lang. Tatlo na nga ang anak namin pa-virgin pa sya.


Special Chapter

Grace POV

five years later..

“GO, babe!” Pag chi-cheer ko kay Ric habang dini-dribble nya ang bola. Marunong naman syang mag basket ball yun nga lang ay malambot syang gumalaw.  Habang nag di-dribble nga sya ay nakatikwas ang isa nyang kamay at kapag tumatakbo ay parang babae. Kapag titira naman at sablay ay inis na inis sya at napapaikot pa ng mata.

“Go, daddy! Shoot that ball!” Patiling sigaw ni Graciella na may hawak pang pompoms na pink. Nakasuot pa sya ng cheerleading uniform na kulay white and pink with matching white sneakers pa. Naka pigtail ang kanyang mahabang buhok na may ribbon pang kulay pink din. Sino pa ba ang ang nag ayos sa kanya? Walang iba kundi ang daddy barbielat nya.

“Come on, daddy! Don’t let Ninong Jeiz steal the ball!” Pag chi-cheer din ni Lennon na nakasuot pa ng jersey uniform gaya ni Kaizer.

Tuluyan na ngang nalusutan ni Ric si Jeiz na syang nagbabantay sa kanya. Tuwang tuwa naman ang triplets pati na ang isang taong gulang nilang bunsong kapatid na si Radcliff na nasa stroller at pumapalakpak din.

“Yess! You did an amazing job, daddy! Now, shoot that ball!” Sigaw ni Kaizer.

At heto na nga, bumubwelo na si Ric para mag jump shot. Maganda ang tindig nya pati porma ng braso at pulso. Paglundag nya ay binitawan nya ang bola. Panay na ang sigaw ng triplets. Yun nga lang tumama lang sa ring ang bola at niluwa yun.

“Ugh! Ano ba yan? Sablay!” Reklamo pa nya.

Nginisihan naman sya ng mga kaibigan nya na kalaro nya. Pabiro pa nga syang sinuntok sa braso ni Lorenzo na isa sa kakampi nya. Tatlo silang magkakampi at ang isa ay si Matias. Ang kalabang team naman ay si Jeiz, Luigi at Kester. Dapat hindi kasali si Ric at manonood lang. Kayang lang ay kulang sila dahil si Atlas ay hindi makakalaro dahil bantay nito ang bunsong anak na mag iisang taong gulang. 

“It’s okay, daddy! You’re so galing pa den!” Ani Graciella sa ama nya.

“Thank you, baby.” Ani Ric at lumapit sa anak namin sabay halik sa pisngi nito. Ganun din ang ginawa nya sa dalawa pati na sa bunso namin.

“Daddy, ang galing mo kanina. Nilusutan mo si Ninong Jeiz.” Proud na wika ni Lennon.

“Of course! Si daddy pa ba!” Ani Ric.

“You’re still the best, daddy. Kahit di mo ni-shoot ang ball.” Dagdag pa ni Kaizer.

“Aww.. thanks, baby boy. I promise, i-sho-shoot ko na ang ball mamaya. Kapag hindi pa na-shoot ipapagiba natin itong covered court ni Ninong Mat.” Saad ni Ric na ikinatawa ng triplets.

Inabutan ko ng tubig si Ric. Kinuha naman nya yun at tinungga ang bote. Pinunasan ko naman ang pawis sa kanyang noo, leeg pati na likod.

“Thanks, babe. Gosh! Parang ubos na ang energy ko sa basketball. Bakit ba kasi pumayag pa akong makipag laro sa kanila. Kung volleyball lang yan puksa silang lahat sa akin.” Aniya at muling tinungga ang bote ng tubig.

Natawa naman ako. “Hayaan mo na. Pagbigyan mo na ang mga friendship mo. Kulang sila, eh. Isa pa, ang hot mo ngang mag laro ng basketball eh. Lalo na nung nag jump shot ka.” Sabi ko sa kanya at pilyang kumindat.

Nangiti naman sya. “Talaga?”

“Oo, kaya dapat maka-shoot ka para may shoot ka rin sa akin mamaya.” Bulong kong sabi sa kanya.

Lalo namang lumapad ang ngiti nya na tila kinilig. “Sabi mo yan, ha.”

“Oo nga, kaya dapat maka-shoot ka. Kung hindi, olats ka.”

“No way! Di ako ma-o-olats.” Sambit nya at mukhang na-activate ang pagiging competitive nya.

“Ric, c’mon!” Tawag ni Lorenzo.

“Balik na ako sa court, babe.” Paalam nya sa akin at kinintalan ako ng halik sa labi ganun din ang mga anak namin.

“Daddy, puksain mo sila.” Ani Graciella.

“I will, bebegurl.”

Bumalik na nga sa gitna ng court si Ric kasama ang mga kaibigan nya. Tapos na sila ng limang minutong break. Muli na namang nagkaingay ang mga bata at kanya kanya ng cheer para sa mga ama nila. Ang mga asawa naman gaya ko ay chill lang na na nanonood at paminsan minsan ay nakiki-cheer din.

Araw ng sabado ngayon at may usapang maglalaro ng basketball ang magkakaibigan. Kaya heto kami ngayon sa covered court ng exclusive subdivision na pag aari ni Matias. Tuwing araw ng sabado ay bonding ng magkakaibigan. Nagiging bonding na rin namin yun ng mga asawa nila na mga naging kaibigan ko na rin — may gc na nga rin kami at doon kami nag tsi-tsismisan kapag hindi nagkikita-kita. Nag bo-bonding din ang mga anak namin.

“Yess! Three points! Wohoo!” Sigaw ni Jethro ang panganay na anak ni Jeiz nang maka shoot sya ng three points. Tuwang tuwa ito pati na ang nakababata nitong kapatid na si Jeremy na nagtatalon pa.

“Ang husay mo, babe!” Sigaw pa ni Ivy.

Kumindat pa si Jeiz sa asawa at nag flying kiss pa.

Lalo pa ngang nagkaingay mula sa mga batang chini-cheer ang mga ama nila. Pero pinaka maingay yata ay ang mga anak namin ni Ric dahil apat sila. Ang anak kasi ng mga kaibigan nya ay dalawa o kaya tatlo  lang.

Napunta ang bola kay Matias. Tumili si Ava pati na rin ang kambal nila na sila Ariella at Arianna na mga dalawang taong gulang pa lang. Pero mas maingay si Ava na kulang na lang ay mag tumbling. Ang panganay naman nilang anak na si Mathaios ay stoic lang ang mukha gaya ng ama nya. Pero nakasunod ang mata nito sa galaw ng ama.

Hinagis na ni Matias ang bola sa ring at pasok na pasok yun ng walang mintis. Three points din ang score. Lalo namang naging maingay si Ava. Ang kambal nila ay tuwang tuwa na nagtatalon pa habang ang panganay ay nangingisi at halatang proud sa ama.

“Good job, daddy! May kiss sa bayag — este sabay hug ka sa akin mamaya!” Tili pa ni Ava.

Nagtawanan naman kaming mga inahin. Pasmado talaga ang bibig ni Ava. Mas pasmado pa nga ang bibig nya sa akin at sa mga tropa ko. Pero nakakaaliw din sya. Malakas din ang tama kung minsan. Mabuti na nga lang at mahaba ang pasensya ni Matias sa kanya o sadyang sanay na sa kanya.

Nagpatuloy pa ang laro. Bawian lang ang magkabilang team. Parehas magagaling maglaro ng basketball at kahit papaano ay nakakasabay naman si barbielat. Ang sabi ni Crizel ay varsity player si Kester noong college at mvp pa. Kaya pala pangmalakasan ang galaw nya at walang mintis ang mga tira. At nang maka-shoot na naman nga ay nagka ingay ang kambal nila na si Coen at Karizza isama pa ang mga anak ko na tuwang tuwa din para sa uncle nila. Natatawa na lang kami ni Crizel at naiiling.

Ng si Lorenzo na ang may hawak ng bola ay naging maingay din ang kanyang mag iina. Si Aitana nga kung makatili ay parang hindi teacher. Kunsabagay, di na nga sya teacher dahil nag resign na sya. Focus daw muna sya sa pamilya nya ngayon. Five months na rin kasi syang buntis.

“Go, babe! Kering keri mo yan!”

“Shoot that ball, daddy!” Sigaw ng panganay nilang si Levy.

“Daddy shoot shoot!” Tili din ni Averie.

At tumira na nga rin ng tres si Lorenzo. Tumama sa ring pero shoot pa rin. Lalo tuloy naging maingay ang mag iina nya. Ngayon naman ay si Luigi ang may hawak ng bola. Ang maangas na si Luigi.

“Go daddy! You can do it!”

“Give us three points, dad!”

Sigaw ng kambal ni Luigi at Ivona na sila George at Geoffrey. Ang kambal na magkamukhang magkamukha. Mayabang naman na na-i-shoot ni Luigi ang bola. Ngingisi ngisi pa syang lumapit sa mga anak nya at nakipag apir pa. Paglapit naman nya kay Ivona ay bigla nyang hinalikan ito sa labi na ikinagulat nito. Napalo tuloy sya nito sa braso. Umugong tuloy ang tuksuhan at namula ang mukha ni Ivona. Pero may isang inahin na naiinggit. Si Ava. Gusto din nya ng kiss mula kay Matias. Pinagbigyan naman sya nito.

Nag resume na ang laro at muling nagkaingay ang mga bata. Napatalon sa tuwa ang mga anak ko nang makuha muli ng daddy barbielat nila ang bola. Panay na ang sigaw ng triplets. Excited ng maka-shoot din ang daddy nila. At hindi naman sila binigo nito. Smooth na smooth na naka-jump shot Ric at pasok na pasok ang bola. Sa tuwa ng mga anak ko ay tumakbo sila palapit sa kanilang ama at niyakap nila ito. Ang bunso naman namin ay napapapalakpak at napapabungisngis sa tuwa. Tinatawag din nya ang daddy nya. Kinarga ko naman sya at nilapit sa ama nya. Hinalikan naman sya nito.

Nagpatuloy pa ang laro at dikit pa rin ang score nila. Walang gustong magpalamang at kanya kanya ng pasikat sa mga anak at asawa nila.

Mayamaya ay dumating na si Atlas kasama ang mag iina nya. Nag pa-palit na si Ric dahil di na raw nya keri. Kaya naman si Atlas na ang sumalang sa court na agad ding nagpakitang gilas para sa pamilya nya.

“Daddy, ayaw mo na magplay?” Tanong ni Graciella.

“Later, anak. Rest muna si daddy.” Ani Ric na nangingiwi habang pinupunasan ng bimpo ang pawis sa noo at leeg.

“Daddy!” Tawag ng bunso namin kay Ric. Kinuha naman nya ito at kinarga sabay halik sa pisngi nito.

Nagtagal pa ang laro ng isang oras at sino mang gustong magpahinga ay pinapalitan ni Ric. Dumami rin ang mga nanonood na mga residente din ng subdivision. Karamihan ay mga binatilyo na bakas ang pagkamangha sa mga mukha habang nanononood. 

.

.

“Ang galing galing ni daddy kanina. Ang dami nyang na-shoot.” Proud na sabi ni Lennon.

“Biniling ko nga yung shoot nya kanina, eh. Naka ten shoot sya.” Segunda pa ni Kaizer.

“Nine lang ang shoot ni daddy kasi sablay yung isa. But it’s okay. Daddy is so galing pa den. Super cool pa.” Sabi naman ni Graciella.

Nagtinginan kami ni Ric at sabay din naming sinulyapan ang triplets na nasa backseat. Pinagkukwentuhan nila kung gaano kagaling ang daddy nila maglaro ng basketball. Kung alam lang nila kung gaano ka-hate ng daddy nila ang larong basketball at mas bet nito ang volleyball at badminton. 

Nangingiti na lang si Ric at bakas din ang tuwa sa mukha dahil proud sa kanya ang mga anak namin.

Pauwi na kami ngayon sa bahay dahil alas diez na ng umaga. Mataas na ang sikat ng araw at mainit na. Umiingit na nga ang bunso namin at mukhang gutom na.

“Oh my gosh.. ang sakit ng mga binti ko, babe. Napalaban talaga ako sa basketball kanina.” Himutok ni Ric habang dinadampian ng hot compress ang binti nyang nanigas kanina.

Nakangising tumabi ako ng upo sa kanya. “Ayos lang yan. Napasaya mo naman ang mga anak natin. Proud na proud nga sila sayo, eh.”

“Yeah, at yun lang nagpapalubag ng loob ko. Anyway, di naman boring maglaro ng basketball. Nag enjoy din naman ako. Pero next time talaga hahamunin ko ang mga kupal na yun sa volleyball. Pupuksain ko talaga sila.”

Tumawa ako. Bilib na bilib din naman ako sa kanya dahil hindi umurong sa basketball at nakaka-shoot pa. Proud na proud sa kanya ang mga anak namin lalo na ang dalawa naming anak na lalaki na fan ng basketball. Walang bukambibig ang mga ito kanina sa sasakyan kundi ang galing galing nyang maglaro.

Sa ilang taon na naming pagsasama ni Ric at nakaapat na anak na kami ay wala pa ring pagbabago sa samahan namin lalo na sa kanya. Kung ano sya nung una kaming nagsasama ay ganun pa rin sya hanggang ngayon. Sweet at caring sa akin pati sa mga anak namin. Malambot pa rin syang kumilos at gay pa rin magsalita kung minsan. Gayunpaman para sa akin ay lalaking lalaki sya. Mas lalaki pa nga sya kesa sa ibang mga lalaki na maton kung kumilos pero iresponsable naman sa pamilya.

Bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok ang mga anak namin. Alalay pa ni Lennon at Kaizer si Radcliff na naglalakad ng mabagal.

“Daddy.” Nakabungisngis na tawag ni Radcliff sa ama.

Tumayo si Ric at nilapitan ang bunso namin at kinarga. Ako naman ay dinampot ang remote ng aircon at in-adjust yun para mas lumamig pa sa loob ng kwarto.

“Mommy, can we watch cartoon movie?” Tanong sa akin ni Graciella.

“No anak, nap time na.” Sabi ko.

“Your mom is right. Take a nap muna babies para mabilis lumaki. Mamaya na manood ng cartoon movie.” Paliwanag ni Ric sa mga anak namin.

Nagsitanguan naman ang mga ito na ikinangiti ko. Natutuwa rin talaga ako at proud na proud sa mga anak namin dahil mababait at masunurin. Magaling din kasing dumisiplina si Ric.

“O sige na, akyat na kayo sa kama at humiga na.” Utos ko sa triplets.

Umakyat na nga sila sa kama namin at humiga na. Kapag nap time nila sa hapon ay dito sila sa kwarto namin ni Ric natutulog. Malaki ang kama namin kaya kasyang kasya sila. Bahagya ko naman silang kinumutan para hindi ginawin at hinalik sa buhok. Ang bunso naman namin ay pinapadede na ni Ric habang inuugoy nya sa kanyang braso. Inaantok na rin ito dahil kinukusot kusot na ang mga mata.

Ilang minuto pa nga ay tulog na ang mga anak namin sa kama. Pinagmasdan namin sila ni Ric at parehas may ngiti sa labi namin.

“Parang ang bilis nilang lumaki, babe. Parang kelan lang nasa tummy mo pa sila tapos ngayon ang lalaki na nila.” Wila ni Ric.

“Ganun talaga, babe. Hindi naman habang buhay ay bata sila.” Turan ko.

Lumingon sya sa akin at ngumiti. “And thank you very much, babe. Kung hindi ka dumating sa buhay ko wala akong mga cute na junakis ngayon.”

“Sus! Likewise lang, no. Kung di ka rin dumating sa buhay ko wala rin akong mga cute na anak.” Nakangising saad ko.

“But it’s different for me, Gracey. I’m gay at sa umpisa pa lang may allergy na ako sa babae. Kung hindi ka dumating sa buhay ko malamang hindi ganito ang buhay ko. Malamang isa na akong transgender ngayon. I’m glad and I’m blessed na dumating ka sa buhay ko. Binago mo ang kapalaran ko. I’m content with my life now, with you and our children.”

Naantig naman ang puso ko sa sinabi nya. Parehas lang din naman kami ng iniisip. Kung hindi rin sya dumating sa buhay ko ay baka hindi rin ganito ang buhay ko. Siguro ay single pa rin ako ngayon at busy sa hardware shop.

“So ibig sabihin okay na sayo ang apat na anak?” Nangingiting tanong ko.

Nagpout naman sya. “Pwedeng isa pa? Isa pa lang ang girl sa mga junakis natin. Baka sa susunod girl na.” Ungot nya.

Natawa naman ako. “Oo na, sige na. Pero kapag nag three years old na si Radcliff.”

Lumapad na ang ngiti nya at niyakap ako mula sa tagiliran sabay halik ng mariin sa aking pisngi.

“Yung promise mo pala kanina, ha. Nakadami ako ng shoot..” Aniya at nanghihibong tiningnan ako.

Napangisi ako. Isa pa ito sa hindi nagbago sa kanya. Yung pagiging ma-el nya minsan.  Lagi syang init na init at sabik sa akin.

“Oo na. Mamayang gabi papa-shoot ako sayo.”

“Yiee! Can’t wait..” Bulong nya sa tenga ko at pinanggigilan na ako ng halik sa pisngi na ikinatawa ko na lang.

Kung wala lang akong proteksyon malamang taon taon ako nitong buntis. Mabuti na lang din at maingat din itong si barbielat at marunong din.



Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.