loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Thousand Feet Under

Thousand Feet Under

kaizerKKYOS · 1 chapter · 5,630 words

Thousand Feet Under

Ramdam na ramdam na ang malamig na simoy ng hangin sa pagpasok pa lamang ng unang araw ng Disyembre. Sadyang nakakagaan ng pakiramdam ang mga nagkikislapang christmas decor sa daan. They are everywhere. Kahit saan ka man tumingin sa buong paligid mo ay meron nang bakas na malapit na talaga ang pasko.

Nakakatuwa lang tingnan ang mga batang abalang mangaroling na halos malagutan na ng mga ugat sa leeg kakakanta. Halos maubos na din ata ang mga kanta nila ay hindi pa din sila inaabutan ng pamasko nila. Bigla ko tuloy namiss ang kabataan ko dahil sa mga pangyayaring yan.

Color red and green are the famous colors during Christmas. I don’t know why? Siguro naging tradisyon na rin sa paglipas ng mahabang panahon. Kahit sino naman siguro ang tanungin mo ay mahihirapan silang sagutin yun. Pero sa palagay ko ay dahil kulay pula ang suot ni Santa Claus at kulay berde naman ang mga suot ng mga elves niya. That’s just my opinion.

During Christmas Eve, ang buong pamilya ay nagtitipon-tipon para ipagdiriwang ang kapanganakan ni Hesus. I’m so happy dahil sa taon na ito ay magiging kompleto na kami. Umuwi galing States si dad para makasama kami ngayong pasko. Almost 4 years na namin siyang hindi nakakasama. Naiintidihan ko naman siya dahil ginagawa niya rin naman ang trabaho niya para rin naman mabigyan kami ng magandang buhay.

He already gave the life we want. I’m also at the right age and it’s time for me to give back the favor. What dad did is enough. Gusto ko ako naman ang magbigay ng magandang buhay sa kanila. I just graduated last year and currently working as a chef in one of the five star restaurants here in the country. Unti-unti ko nang nakakamit ang mga pangarap ko. One more step and I will achieve those dreams.

“Excuse me Mr. Teñoso. Are you listening?” napatingin ako sa taong nasa harap ko. Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Natutulala na pala ako ng hindi ko namamalayan.

“Where were we?” that’s a rude question somehow. Kung saan-saan kasi nakakarating ang isip ko imbes na sa taong kausap ko ang pinapakinggan ko. To be honest, kanina pa siya nagsasalita sa harapan ko pero kakaunti pa lang ang naiintindihan ko. Masyado kasing mahina ang boses niya.

Tumikhim siya at umayos ng pagkakaupo. I think I offended him? Mas lalo kasing sumeryoso ang mukha niya nang mapansin niyang hindi ako nakikinig.

Seryoso siyang tumingin sa akin at nginitian ko na lamang siya bilang ganti. What’s with his aura? He seems so serious. His look gave me a spining feeling. Parang ang seryoso naman ata sa buhay. Hindi ba niya alam na kailangan niyang enjoy-in ang bawat araw niya. Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay.

Bakit ba kasi siya ang napili nila dad? Sa dinami-dami ng architect sa Pilipinas. Ito pa talaga ang lalaking ’tong sobrang mysterious tingnan ang pinili niya. Does he even know na ang creepy niya kung titingnan?

He’s aura is so dark. Bawat titig niya sa mga mata ko ay parang nalulunod ako at hirap akong makahinga. Kahit ngayon pa lang kami nagkakita ay parang alam na alam ko na ang personality niya. The way he acts and the way he talks.

“Like I’ve said. We need 18 million for a starter. Kasama na doon ang materials na kakailanganin to build your preferred restaurant and the things we need to use in making its interior. We imported those furnitures directly from Italy so expect it’s expensive.”

“Are we cleared with that Mr. Teñoso?” matagal ako bago makapagsalita. Pilit na pina-process sa utak ko ang mga sinabi niya. Sobrang laki naman atang pera ang hinihingi niya? Di naman kaya iniisahan lang ako nito? Grabehan siya. Hindi lang pala siya misteryoso, mukhang scammer ata din ito.

18 million is overpriced para lang sa pagpapagawa ng restaurant ko. Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga. I just even started saving my money just for this dream. Hindi ko naman inaasahan na ganito agad ang ilalabas na pera para lang sa pagpapatayo nito.

“Wait! You said we need 18 million? Parang masyado naman atang malaking pera ang kakailanganin para lang sa pagpapagawa ng restaurant. How about my other concerns?” he’s getting into my nerves. Ano bang akala niya sa akin? Mapera. I am not that rich para biktimahin niya ng isang scam.

“You’re right Mr. Teñoso. It’s a large amount but for a great result. If you want a perfect business you need to sacrifice things for you to be a successful person someday. Malay natin, yung ganun kalaking pera ay mabawi mo agad just within six months. Let’s be business minded here.”

“I’ll be honest with you Mr. Teñoso, maraming businesses ang hindi nagwowork-out dahil sa pagiging negative minded nila but if we assured this kind of large money, mataas ang tiyansa mo na dumoble o trumiple ang capital na linabas mo. “ may point naman siya sa mga pinagsasabi niya. Kaso ang dami niya na namang sinabi at iilan lang din naman ang naintindihan ko. Okay! Para maging successful ang isang business ay kailangan mong magsakripisyo. Alam ko naman yun. Pero ang tanong ngayon, saan ko kukunin ang ganun kalaking pera? For God sake, wala pa ata sa kalahati ang naipon kong pera.

“I think I can take it as a deal? So, were done with this. It’s getting late now and I’m sure hinihintay ka na ng pamilya mo para sa paparating na Christmas Eve. Let’s just talk on another day if you have any concerns about what I’ve said. Remember! I’m just your guide here. Final decision is still on your hands. Excuse me.” wala akong nasabi sa huling katagang sinabi niya. I don’t know why? I think I just got hypnotized by him. His smile is so attracting. I can’t resist with those.

Tanging bulto niya na lamang ang nakita ko nang sundan ko siya ng tingin. Wala ako sa sariling napangiti nang mawala siya sa paningin ko. Hindi nagtagal ay napagdesisyunan ko na ring umuwi. My whole family is waiting for me. It’s 9 in evening at konting oras na lang ay Christmas Eve na. Kailangan kong makauwi bago sumapit ang pasko dahil paniguradong papagalitan ako ni mom.

Dali-dali kong tinahak ang madilim na daan ng parking area nitong restaurant. As I stepped inside the car, my phone buzzed. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot. Naoabuntong hininga na lang ako nang mabasa ko ang pangalang naka-register sa screen ng phone.

“Nas’an ka na Ken? Your kuya Kiel is waiting for you.” hay naku! Si kuya talaga kahit kailan laging nagaalala kapag inabot na ako ng dilim sa daan.

Kuya Kiel is my elder cousin.

Simula bata pa lang sobrang close na namin sa isa’t-isa. Hinding-hindi kami mapaghihiwalay. Mas close ko pa nga siya kaysa sa mga kapatid ko eh. Lagi kaming magkasundo sa lahat ng bagay maging sa kalokohan. Pero kapag nalaman niyang nasa labas ka pa na gabi na. Siguradong papagalitan ka niya. Naisip ko nga na parang ang overprotected niya sa akin but I always realize at the end that it’s kinda sweet. I treat him as my elder brother and he also treated me as his younger brother. Ang sweet lang diba?

Napatawa na lamang ako sa isip ko. “Mom! Malaki na po ako. I can take care of myself.”

“Pero para sa akin, isang bugwit ka pa rin.” I was shocked when I heard kuya Kiel’s voice on other line. Kahit kailan talaga itong lalaking ’to hindi makapaghintay na makauwi ako. Gustong-gusto akong kinakausap. Hay naku! Nasanay na lang din ako kapag ganiyo ang eksena. Sa tuwing magkausap kami sa phone ni mom ay aagawin niya na lang ito at sesermunan ako.

“Kuya Kiel. You don’t have to worry, okay? Wala naman siguro sa aking mangyayaring masama tsaka kung meron man, I can fight back to those bad guys. Ikaw kaya sa akin ang nagturo maging matapang.” sinimulan ko nang buksan ang engine ng kotse at paandarin ito. Napalingon ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa’kin. Ang weird lang sa pakiramdam.

Napailing na lang ako sa huli. Baka guni-guni lang ito. Kung ano-ano kasi ang mga iniisip ko nitong mga nagdaang araw.

“Ken? Andyan ka pa ba?”

“Yeah. Yeah.” nabalik ako sa wisyu nang magsalita muli si kuya Kiel.

“Nasa’n ka na ba?” dami talagang tanong ng lalaking ’to. Kapag nakikipagargumento talaga ako dito, hinding-hindi ako nananalo. Masyado siyang madaldal para sa isang lalaki.

“I’m on my way home.”

“Basta mag-iingat ka. Dahan-dahan lang ang pagmamaneho. Sige. Ibababa ko na ’to. Keep safe. Bye.”

“Oo na. Bye.” ibinaba ko na ang tawag at itinuon ang tingin sa daan. Medyo natagalan ako sa byahe dahil sa pagkaipit ko sa traffic. What do I expect? Ganitong oras ay madami nang nagsisiuwian para makahabol. At isa na ako doon.

Di naman nagtagal ay nakausad na ako at naging tuloy-tuloy na ang byahe. Diretso lang akong nakatingin sa daan nang biglang mawalan ako ng kontrol sa pagmamaneho. I immediately stepped on the breaker but it’s not working. Paulit-ulit ko itong inapakan pero hindi pa rin talaga gumagana. Hanggang sa napabitaw ako sa manibela at napapikit na lang nang matanaw ko ang poste sa harap ko. Tumama ang kotse ko dito dahilan para huminto ito.

Nagising ako nang maramdaman ko ang sakit na sumakop sa buong ulo ko. Napahawak ako dito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kotse ko at humakbang palabas. Mabuti na lang hindi ako masyado napuruhan. Kakasabi pa lang ni kuya na magiingat ako eh. Hindi ka talaga marunog sumunod sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at agad na dinial ang number ni mom. Di nagtagal ay sinagot niya na ito.

“Hello Ken. Where are you na? Malapit ka na ba?” I don’t know what to say. Mababakas mo sa boses ni mom ang sobrang pag-aalala. Tumingin-tingin ako sa buong paligid at nagbabasakaling may kotseng dumaan. But I think it’s impossible. Tanging mga puno lamang sa gilid ng daan, isang postlight at ang kotse kong bumangga sa poste ang tanging nakikita ko. Sobrang dilim ng buong paligid. Wala man lang katao-tao.

“Ken? Are you still there? Is there something wrong?”

“Mom. Naflatan po kasi—” hindi ko pa man natatapos ang pagsasalita ko nang sumingit na si mom. Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

“What? How did that happened? Okay ka lang ba? Wala bang nangyaring masama sayo?”

“Mom. Calm down. I’m okay. Ipasundo mo na lang ako dito kay kuya Kiel para makaabot ako. I’ll just wait here.” sinabi ko kay mom kung saan ang location ko at ibinaba ko na rin agad ang tawag. Ang masama nga lang ay hindi ako sure sa lokasyon na binigay ko. Basta sa pagkakaalala ko ay ito ang lugar na yun.

I was silently sitting on the side of the road when I suddenly heard few footsteps. Lumingon-lingon ako sa paligid ko pero wala akong makitang tao. Tumayo ako at iginala ang paningin ko sa paligid.

“Sino yan?” lumapit ako sa isang puno nang may matanaw ako ditong anino. Maingat akong lumapit dito. Sobrang tahimik ng paligid kaya rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan dahil do’n.

Napatigil ako sa paglalakad nang humangin nang malakas. Binalot nito ang balat ko para magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Yinakap ko ang sarili ko dahil biglang lumamig ang buong paligid.

Napaigtad ako nang may tumakip sa bibig ko at may tumutok sa tagiliran ko na malamig na bagay. Hindi ako makagalaw. Binalot ako nang sobrang takot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nablangko bigla ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

“Holdap ’to. Ibigay mo ang pera mo kung ayaw mong masaktan.” sobrang lalim ng boses ng taong nasa likuran ko. Naging dahilan yun para mas lalong sakupin ako ng matinding takot.

Bakit nangyayari ang lahat ng ’to sa akin? Ano bang meron?

Bahagya siyang lumayo sa akin. “Ibibigay k-ko ang gusto m-mo basta h-huwag mo lang akong s-sasaktan.” humakbang ako papalayo sa kanya papunta sa kotse ko. Kung ano man ang balak niyang gawin sa akin, kailangan kong lumaban. Kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo.

Di naman ako nahirapan na lumayo sa pwesto niya. Pero nanatili lamang siyang nakasunod sa akin. Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko sa bawat hakbang ko. Isang maling kilos ko lang ay maari akong mapahamak ngayon. Kaya bawat kilos ko dapat ay maingat at kalkulado.

Mabilis akong humarap sa kanya at nasa akto na sana akong susuntukin siya nang maramdaman ko sa noo ko ang malamig na bakal ng baril na nakatutok sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Masyado ba akong mabagal para maunahan niya. Hindi ko na kinayang makagalaw sa aking kinatatayuan. Parang ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko .

Nakasuot ito ng sumbrerong itim. Sobrang laki ng katawan niya at mas lalo pa itong bumakat sa manipis niyang puting sando. Nakakatakot ang ngisi na gumuhit sa kanya labi. Hitsura niya pa lang ay kayang-kaya niya nang pumatay ng walang hirap at wala akong laban dito.

“Ibigay mo na lang ang gusto ko para walang masaktan bata.” bawat salita na binibigkas niya ay may diin. Hindi ko makita ang mata niya dahil natatakpan ito ng sumbrero niya.

Bahala na! Malakas kong sinipa ang pagitan ng dalawa niyang hita na ikinapilipit niya. Wala na akong sinayang na oras at tumakbo na ako papalayo. Di pa man ako nakakalayo mula sa lalaki ay may naramdaman na akong malamig na bala na tumama sa likod ko. Nanghina ako ng sobra. Kumawala sa bibig ko ang malakas na daing sa natamo ko. Kasunod pa no’n ay muli akong tinamaan sa braso ko dahilan para tuluyang bumagsak ang katawan ko sa gitna ng kalsada. Hinang-hina na ako. Ni igalaw ang sarili kong mga daliri ay hindi ko magawa.

Sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan ko. Umiikot na ang buong paningin ko. Hindi ko na magalaw ang buong katawan ko. Unti-unting dumilim ang buong paligid ko hanggang sa naging itim na nga ang lahat.

Patay na ba ako?


Iginala ko ang buong paningin sa buong kwarto. Kakagising ko pa lang at ito na ang naabutan ko. Nakahiga ako sa sobrang lambot na kama na napapalibutan ng maraming pulang unan. Bumangon ako sa pagkakahiga at naglibot sa buong kwarto. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sobrang ganda ng lugar. Puro ginto ang mga gamit dito. Kahit saan ka man tumingin. Mula sa pagkakagawa sa sahig pataas sa ceiling nitong kwarto.

Sa isang iglap ay naalala ko ang nangyari kanina. Nawalan ako ng malay dahil sa tama ng baril sa katawan ko. Kinapa-kapa ko ang likod ko at braso ko pero wala akong nakitang sugat o naramdamang kirot man lang.

Panaginip lang ba ang nangyari kanina? Pero kung panaginip lang yun, paano ako napunta sa lugar na ’to? Isa pa, nasaan ako? Wala akong kaide-ideya kung sino ang nagmamay-ari nitong lugar. Paniguradong sobrang yaman niya niya base pa lang sa mga gamit dito. Walang duda.

Hahakbang na sana ako papunta sa malaking pinto ng kwarto nang biglang bumukas ito. Agad akong tumakbo papahiga sa kama at nagkunwaring tulog. Kalma ka lang, walang mangyayaring masama sayo.

Maya-maya ay may naramdaman akong matalim na bagay sa pisngi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano yun pero mainit ito. Pagkatapos ay may naramdaman akong mainit na hangin sa labi ko. Gustong-gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit natatakot ako sa pwede kong makita. Biglang lumundo ang kama kaya naman napilitan akong imulat ulit ang mata ko. Isa-isa lang. Dahan-dahan at sigurado.

“Ahhhh!!!” sigaw ko.

Agad akong napabalikwas sa kinahihigaan sa nakita ko. Naging alerto ako. Kinuha ko ang isang gold na vase sa isang maliit na mesa at itinutok ito sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin at nagtatanong ang mga mata nito.

Sino siya? Bakit— Bakit ganyan ang hitsura niya?

“Sino ka? Hindi! A-ano ka?” ano ba dapat kong itanong? Gulong-gulo na naman ang utak ko.

Bakit? Isa lang namang kakaibang nilalang ang nasa harapan ko ngayon. Kahit sinong makakakita sa kanya ay sasakupin ng sobrang takot. Balot na balot siya ng itim na usok sa buong katawan. May dalawang sungay siya sa ulo niya. Ang mga mata niya ay parang apoy dahil sa pagkakulay pula nito. Higit sa lahat ay ang kuko niyang mahaba na kung hindi ako nagkakamali ay yun ang naramdaman kong mainit sa pisngi ko kanina. Nakakatakot siyang tingnan, idagdag mo pa na nakakulay itim siya. Para siyang halimaw. Para siyang demonyo !

“Please! Huwag mo akong sasaktan. Nagmamakaawa ako sayo!” wala sa sariling dumaloy ang mga luha pababa sa pisngi ko. Nanginginig din ang pareho kong kamay habang hawak-hawak ko itong vase. Nakakatakot siya. Parang anumang oras ay pwede niya akong sunggaban. Mas maganda nang alerto!

“Hindi kita sasaktan. Tutulungan kita.” itinaas niya ang pareho niyang kamay dahilan para mas lalo akong matakot. Ang mahahaba niyang kuko na animong kasing talas ng maliliit na kutsilyo. Ito na! Susugurin niya na ako.

“Ibaba mo yang kamay mo!” wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ko. Pulang-pula ang mga mata niya.

“N-nasaan ako?! Anong ginagawa ko d-dito? Tsaka a-ano ka? Bakit ganyan ang hitsura mo?” sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko dahil sa panghihina. Ayokong ipakita sa kanya na natatakot ako. Kailangan kong maging matapang kahit magmukha lang.

Huwag ka dapat panghinaan ng loob Ken.

“S-sagutin mo ako!”

Nabalot ng mahabang katahimikan ang apat na sulok ang malaking kwarto.

Wala ba siyang balak magsalita? Nakita ko siyang yumuko at lumaki ang pagkasingkit ng mata ko nang biglang maglaho ang itim na usok na nakabalot sa buong katawan niya. Pero sa tingin ko mas naging nakakatakot siya tingnan ngayon kaysa kanina. Kitang-kita ko ang bawat parte ng katawan niya. Maging ang mga ugat niya sa braso at leeg. Ang kasing-tigas ng bato na tiyan niya. Ang malapad niyang dibdib na nagbigay sa’kin ng kakaibang pakiramdam.

“Nandito ka sa aking kaharian.” nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong kaharian? Pinagloloko ba ako nito?

“Ka-kahar-rian? Paan-nong ka-kaha-harian?” halos hindi ko na mahagilap ang boses ko dahil sa titig na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa titig niyang yun. Para yung nangungusap. May gusto siyang sabihin ngunit parang may bagay na pumigil sa kanya.

“Nasa impyerno ka.” anong sabi niya? Balak niya ba talaga akong paglaruan? Pwes! Hindi siya nakakatuwa.

“Impyerno? Nagpapatawa ka ba? Paano naman ako makakapunta dito eh hindi pa naman ako—” nanariwa sa isipan ko ang nangyari kanina. Bigla akong nanghina. Nabitawan ko na lamang ang hawak ko vase at tuluyan nang napaluhod. Napadaing ako nang maluhuran ko ang basag-basag na piraso ng vase sa sahig. Hindi ’to totoo. Hindi maaari!

Posible kaya na— posible kayang patay na ako? Kaya ako nandito? Napahagulhol na lamang ako. Napatakip ako ng mukha at umiyak ng umiyak. Hindi ko matanggap sa sarili ko na patay na ako. Ang hirap paniwalaan na wala na ako.

Paano na ang mga pamilya ko? Paano na ang pasko? Imposible na kaming makumpleto tuwing pasko dahil wala na ako. Patay na ako! Naghihintay sila sa akin. Ano na lang ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang patay na ako? Ang hirap. Ang sakit-sakit.

Napatigil ako sa pag-iyak nang may maramdaman akong bulto sa harap ko. Inangat ko ang ulo ko na sana hindi ko na ginawa. Para namang nawala ang buong dugo ko sa sobrang gulat. Itinulak ko ang sarili ko papalayo sa kanya. Sobrang lapit niya sa akin. Mas nakakatakot siya tingnan sa malapitan.

“Anong gagawin mo? Dadalhin mo na ba ako sa nagbabagang apoy? Papahirapan mo na rin ba ako tulad ng iba? Aalipinin mo na rin ba ako bilang kabayaran sa mga kasalanan ko?” iniisip ko pa lang ang lahat ng yun ay sobrang sakit na. Hindi ko alam! Ayoko dito. Sobrang nakakatakot.

“Hindi totoo ang lahat ng iyan. Hindi kami ganoong mga nilalang. Hindi kami nananakit ng mga tao.” kalmado niyang sabi. Nanatili lamang siyang nakatayo sa pwesto niya samantalang ako, gulong-gulo na ang isip sa mga nangyayari.

“Sinungaling! Ganun naman talaga kayong mga demonyo, diba? Ituturing niyo kaming laruan at ang kaya niyo lang gawin ay saktan kami. Pahirapan. Manakot. Hindi kayo marunong maawa sa mga tao. Kayo ang dahilan kung bakit maraming namamatay. Masasa—”

“Hindi totoo ang lahat ng iyan!!!” napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumigaw ng malakas. Galit na galit ito.Nagbabaga ang mapupula nitong mata. Muling bumalik ang itim na usok na bumabalot sa katawan niya. Nakayukom ang mga kamao at parang anong oras ay pwede ka nang mamatay ulit sa titig niya pa lang.

Siniksik ko ang sarili ko sa sulok nitong pader at yinakap ang sarili. Handa na akong pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hinintay ang pagsugod niya sa akin.

Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas pero wala man lang akong naramdamang kahit na ano. Kaya naman iminulat ko na lamang ang mata ko.

Nakita ko siyang nakatayo pa rin sa pwesto niya. Ngunit ibang-iba na ang presensya niya. Wala na ang galit at nakakatakot niyang presensya. Nakatayo lamang siya at tahimik na nakatingin sa akin.

“Hindi totoo ang lahat ng sinasabi mo. Malayong-malayo kami sa lahat ng alam niyo. Hindi namin kayang manakit. Hindi namin kayang pahirapan ang iba.”

“A-anong ibig mong sabihin?” wala na akong natanggap na sagot sa kanya. Tinalikuran niya na ako at humakbang papalabas ng kwarto. Huling narinig ko na lamang ay ang pagbukas-sara ng pinto.

Nabalot ng matinding katahimikan ang buong lugar. Nakaupo lang ako sa gitna ng kama at blangko ang isip. Walang pumapasok sa isip ko. Tanging iyak lamang ang kaya kong gawin ngayon. Sa totoo niyan, kanina pa ako umiiyak.

Napatingin ako sa pinto. Nakipagtitigan dito ng matagal. Sa huli namalayan ko na lang na nakatanaw na ako sa napakahabang hallway sa labas ng kwarto kung nasaan ako. Hindi ko matanaw ang dulo nito sa sobrang haba. Kulay pula ang pintura ng buong pader at may mga kadilang nakasabit sa bawat gilid nito.

Sa sobrang tahimik ng lugar ay dinig na dinig ko ang yabag ng bawat paghakbang ko. Panay ang lingon ko sa bawat pintong nadadaanan ko hanggang sa napahinto ako sa tapat ng isang malaking pinto. Kulay ginto ito kumpara mo sa ibang pinto na kulay abo. Bahagya itong nakasiwang kaya naman naakit ako nitong itulak ng dahan-dahan pabukas.

Isang malaking dining room. Walang pinagkaiba sa kulay ng mga gamit sa kwarto ko. Lahat ay kulay ginto. Isang mahabang mesa at punong-puno ng pagkain ang mga nakalagay dito. Para akong naestatwa sa sobrang mangha sa mga nakikita ko. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga.

Sobrang daming pagkain ang nakahanda sa ibabaw ng napakahabang mesa. Iba’t-ibang mga putahe na ngayon ko lang nakita. Mga prutas na kakaibang-kakaiba sa kinakain namin.

May tumikhim mula sa likuran ko na ikinatalon ko papaharap sa taong yun. Napatutop naman ako bigla sa nasaksihan ko. Seriously? Pati ba naman sa impyerno may mga ganitong ganap?

Yung nilalang— let’s be honest, he’s a demon. Okay? Kasalukuyan lang naman nakatayo sa harap ko at tanging isang itim na pangbaba ang suot nito. Kitang-kita ko ang malabato niyang katawan idagdag mo pa ang maugat niyang braso.

Bakit ako naaakit sa isang tulad niya? Isa siyang demonyo, ibig sabihin masama siya. Ginagawa niya ang bagay na yan dahil alam niya ang mga kahinaan ng isang tulad ko.

Huwag kang papaapekto sa kanya. Posibleng bitag niya yan para maging isa ako sa mga alipin niya.

“Kanina pa kita hinihintay.” nabalik naman ako sa katinuan nang magsalita siya. Humakbang siya papaalis sa harap at umupo sa pinakadulong bahagi nitong mesa. Wala akong ibang ginagawa kundi ang tumayo.

“Maupo ka.” wala ako sa sariling sumunod sa utos niya. Hindi ko mapagilan ang sarili ko. Para niya akong hinihiptonismo. Kusa na lang gumagalaw ang katawan ko.

Umupo ako sa tabi niya. Gusto kong magsalita pero parang binawian ako ng sarili kong boses. Lalo na sobrang lapit niya sa akin.

“Gusto kong humingi ng paumanhin dahil sa pagsigaw ko sayo kanina. Sadyang mali lang ang mga sinabi mo tungkol sa amin.” naging tahimik lang ako habang nagsasalita siya. Pilit na ipinapasok sa isip ko ang bawat sinasabi niya.

“A-anong ibig mong sabihin?” nakatingin kong tanong sa kanya. Ibinaling niya ang atensyon sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam titigan ng mapupula niyang mata.

“Anghel kami na inihulog mula sa langit pabagsak sa lupa. Isinumpa kaming mga anghel dahil sa nagawa naming kasalanan. Bilang parusa ay binawian kami ng pakpak at ginawang hindi kaaya-aya ang aming anyo. Nagkaroon kami ng maitim na sungay, mahahabang kuko at mapupulang mga mata.

Masakit lang isipin na kami ang sinisisi ng mga tao sa mga nagiging paghihirap nila. Na kami ang dahilan kung bakit lahat sila nagdurusa. Hindi kami masasama. Ang impyerno ay malayong-malayo sa mga iniisip niyo. Walang nagbabagang apoy at mga taong nagdurusa sa lugar na ito. Ngunit itong impyerno ay isang isinumpang lugar.“

Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa mga narinig ko sa kanya. Totoo ba ang lahat ng sinasabi niya? Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sinseridad. Walang dahilan para hindi ako maniwala sa kanya.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko.

“Naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo. Tama ka! Kayo ang sinisisi namin sa lahat ng paghihirap namin na kami naman dapat talaga ang sisihin. Ang sarili namin. Walang ibang dapat sisihin.

Ako na ang hihingi ng tawad dahil naging masama ang tingin namin sa inyo. Pinaniniwalaan yun ng lahat. Pero ngayon ko napagtanto na mali pala ang lahat. Dahil hindi pala kayo masama. Na pinarusahan lang kayo. Ikinulong sa ganyang hitsura.“ naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na ikinatingin ko dito. Nasilayan ko ang malapad niyang ngiti. Matagal na titigan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Siya na mismo ang pumutol sa pagtitinginan namin at niyaya niya na akong kumain.

Sobrang dami naman atang pagkain ang nakahanda tapos kami lang ang kakain. Ang hirap naman ubusin ang lahat ng yan.

Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos naming kumain. Pinilit niya pa akong ihatid pero tumanggi na ako. Nakatingin lang ako sa gintong kisame nitong kwarto. Gustong-gusto kong ipikit ang mga mata ko. Gusto kong magpahinga.


“Ken! Ken! Kumapit ka. Please don’t leave us. Don’t leave us.” napabalikwas ako sa pagkakahiga nang mapaginipan ko si mom na umiiyak habang hawak-hawak ang kamay ko. Duguan ako sa panaginip ko. Wala akong malay.

Sunod-sunod na pagpatak ng luha ang dumaloy pababa sa pisngi ko. Ang sakit makitang umiiyak at nasasaktan sila dahil sa pagkawala ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanilang lahat bago ako mamatay.

Ang masakit pa ay sa araw pa mismo ng pasko. Bakit ganun ang tadhana? Masyadong mapaglaro. Di ba pwedeng pagkatapos na lang ng pasko ko sila iwan? Bakit sa pinakaespesyal pang araw ng buhay ko. Makukumpleto na sana kami eh. Makakasama ko na sila lahat at buo kaming magkakasama. Pero anong nangyari? Hindi natupad ang lahat ng yun. Sa isang iglap lang ay nalayo na ako sa piling nila. Habang-buhay. Hindi na matutupad ang pinakapapangarap kong kompletong pamilya.


Matagal na akong nandito. Sa paglipas ng oras ay unti-unti nang naglalaho ang takot ko sa tuwing nandyan siya. Sa totoo niyan, lagi siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Siya ang nagbibigay saya sa akin kahit sa simpleng bagay lang.

“May pangalan ka ba?” pagbasag ko sa katahimikan. Hindi niya kasi hilig ang magsalita kaya ako lagi ang unang nagsasalita.

Nandito kami sa isang balkonahe. Wala akong nakikita sa buong paligid kundi tanging kadiliman lamang. Nagsisilbing liwanag ang mga kandila na nakapaligid sa amin. Mga kulay pulang kandila.

“Damon . Damon ang aking pangalan.”

“Damon?” tumango lamang siya at tumingin sa akin.

“Ikaw? Ano ang iyong pangalan?”

“Ako si Ken.”

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyayari sa pagitan naming dalawa. Masyado nang napapalapit ang loob ko sa kanya. At masasabi kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Ano pa ba ang magiging dahilan ko? Siya ang nagsisilbing tulay para mabaling ang atensyon ko sa kanya at makalimutan ang pamilya ko kahit papa’no.

He’s always at my side whenever I’m in the middle of grief.

“May problema ba?” matagal ako bago makasagot sa tanong niya. Nangungulila pa rin ako sa pamilya ko. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Nakalimutan na ba nila ako? Kasi ako sobrang miss na miss ko na sila.

“Gustong-gusto ko na silang makita.” kasabay ng mga katagang yun ay ang pagpatak ng luha ko. Nakatanaw lang ako sa kawalan. Iniisip ang mga masasayang oras nang kapiling ko pa sila. Hinding-hindi ko sila malilimutan.

Napatingin ako kay Damon nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko at ipinilig ang ulo ko papatong sa balikat niya. Ang init sa pakiramdam kapag nasa tabi ko lang siya.

“Ikaw ang pinakamagandang regalo na dumating sa aking buhay.” napaangat naman ako agad ng tingin.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Masakit para sa akin na ikaw ay aking makitang malungkot. Ang bawat pagpatak ng iyong luha ang nagsasabing hindi ka masaya.

Ayokong nahihirapan ka. Parang dinududurog ang aking puso.“ napahawak ako sa kamay niyang nakapatong sa pisngi ko at tumingin muli ng diretso sa kanyang mga mata.

“Gagawin ko ang lahat para ikaw ay maging masaya lamang. Mahal kita . Mahal na mahal.” unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko at di nagtagal ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

May kakaiba sa halik na yun. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at sa pagmulat kong muli ay isang napakaliwanag na ilaw na lamang ang unang bumungad sa’kin. Isang nakakasilaw na liwanag.

Ang kaninang liwanag ay napalitan ng kulay puting kisame at unti-unti kong naaninag ang nasa paligid ko.

Sumakop ang matinding sakit sa buong katawan ko. Napaungol ako ng dahil dito. Nakahiga ako sa puting kama at maraming wire ang nakakabit sa katawan ko. Pinilit kong gumalaw ngunit bumagsak lamang ang katawan ko papahiga.

Isang boses ang nagpalingon sa akin na agad naman akong niyakap. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa akin samantalang ako ay nagtataka pa rin.

Paano ako napunta dito? Ang alam ko ay kasama ko pa si Damon. Hinalikan niya ako. Tapos… Tapos?

“Ken? Ako ’to. Si Kuya Kiel mo.” nagtataka akong napatingin dito at pilit na inaalala ang mukha ng taong nasa harapan ko.

“Nasa’n ako? Nasa’n si Damon?” ang kaninang ngiti ay napalitan ng pagtataka. Umiling-iling siya at bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

“Nasa ospital ka. Tsaka, sinong Damon? Wala akong kilalang Damon na kakilala mo.”

Lumipas pa ang isang buwan bago pa ako makalabas ng ospital. Nacoma ako ng anim na buwan kaya labis ang pagaalala nila mom at dad sa akin. Nalaman ko pang laging nasa tabi ko si kuya Kiel nang hindi pa ako nagkakamalay. Kinukuwentuhan niya daw ako ng mga naging kalokohan namin dati.

Masaya ang buong pamilya nang malaman nilang nagising na ako. Naiyak pa si mommy sa sobrang tuwa. Kahit hindi natupad ang pangarap ko na makumpleto kami nang pasko, masaya na rin ako dahil nagising na ako mula sa coma. Na nakasama ko sila ulit sa ikalawang pagkakataon. Na nabigyan pa ako ng ikawalang pagkakataon.

“Sorry mom kung hindi na naman tayo nakumpleto nang pasko.” tumango-tango lamang si mom habang diretso lang na nakatingin sa akin. She has a smile on her lips.

“You don’t have to apologize. May susunod pang pasko. Marami pang pagkakataon na makumpleto tayo ulit. Diba dad?” bumaling ito kay dad na nasa tabi niya.

Hindi pa rin mawala-wala siya sa alaala ko. Nagkaroon siya ng malaking parte dito sa puso ko. Naging importante siya sa buhay ko kahit maikling panahon lang kami nagkasama. Inaamin kong mahal ko siya. Mahal na mahal.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit ko nakasama muli ang buong pamilya ko.

Mananatili ka lang dito sa puso ko hanggang sa muli nating pagkikita.

“Palagi kang nasa puso ko Damon.”

4 months ago…

I was fully recovered about what happened to me last year. Mahaba-habang panahon na rin ang nakakalipas.

I’m on my way for a meeting. Napagdesisyunan nina mommy na ipostponed na muna ang pagpapatay ng restaurant ko dahil sa nangyari sa akin. Ang dahilan nila, nasa akin ang desisyon kaya hinintay nila akong magising. Patuloy silang umaasa na magigising pa rin.

Kaya ito ako. Nagtawag ako ng meeting sa nakausap kong architect last year. I don’t know if he’s still have a plan about what we’ve talked about. Isang taon na rin kasi ang nakakalipas.

Pagkababang-pakababa ko sa kotse ay may bumungad sa aking mga kabataan na nakasuot ng santa hat. Napangiti ako.

“Namamasko po.” magiliw nilang sabi. Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang wallet ko sa bulsa at kumuha ng limang daan. Inabot ko ito sa kanila. Nagpasalamat sila at agad naman akong tumungo sa loob ng restaurant pagkatapos.

Maayos na nakadekorasyon pampasko ang restaurant na pinasukan ko. Maraming taong kumakain sa buong paligid. At isang lalaking nakatalikod mula sa pwesto ko ang umagaw ng pansin sa akin. Pamilyar siya sa akin. Siguro siya na yun.

Humakbang na ako papalapit dito.

“Sorry. I’m late.” papaupo kong paumanhin dito.

“It’s okay.” napatigil ako saglit sa narinig kong sobrang pamilyar na boses. Kahit matagal na panahon na ang nakalipas, tandang-tanda ko pa rin ang boses niya.

Dahan-dahan. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at sa ikalawang pagkakataon ay muli ko siyang nasilayan. Ang naging sandalan ko. Ang nagsabi sa akin na walang ibang sisihin sa bawat kasalanan.

Ang minsang minahal ko.

“Damon.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

This story was an official entry in the second season of Carols of Love for Christmas special. #LoveWins


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.