To have you (Del Mundo Series #1)
Yemrose · 1 chapter · 4,367 words
Simula
Kailan ko kaya matatapos ang mga assignments ko? Gusto ko na magswimming. Dito ako sa resort na pagmamay ari ng pamilya nagtitigil tuwing wala akong pasok. Bakit kasi andaming pinapagawa lagi kada magbiBiyernes. Hindi ko tuloy minsan naeenjoy ang weekend dahil ginagawa ko pa ang assignment bago makapagliwaliw.
Our family business was built and initially managed by my great grandfather. Simpleng pahingahan lang noon na napalaki at napalawak ni lolo sa paglipas ng taon. He was also the city Mayor that time kaya kasikatan ng hotel and resort namin noong kabataan nina papa.
Though as years go by madami na ding nagsulputang resort sa lugar namin. Dumami ang kakompitensya and some of them are even offering uppercut promotions kaya mas nakakahiyakat ng customers. Paradiso de Alvarado on the other hand, is a golf and beach hotel and resort reason why our rates are for the middle to high class market. Iyon nga lang, nitong nakalipas na buwan kasi ay medyo bihira ang mga dumarayong turista.
Nakatuon ang atensyon ko sa pagsasagot ng assignment dito sa office ni papa ng makarinig ako ng padarag na pagbukas ng pinto.
Tita Karina entered papa’s office, in her black Dolce and Gabbana dress, black Louboutin heels, and her black birkin hanging on her forearm. I heard she’s in Manila? Kelan pa siya umuwi?
Tatayo sana ako para bumati ng matigilan.
Natatarantang sumunod sakanya ang receptionist sa loob ng opisina ni papa. “Ma’am! Sir pasensya na po. Gusto po sana ni ma’am na-”
“Leave us.” Tita Karina commanded. She always has this air in her, medyo intimidating. Pero mabait naman at magiliw siya sakin. Marami sa kaibigan ni papa nga ang nagsasabi na para daw akong Karina liit. My tita is a transwoman, a famous international model when she was her younger and now managing her own modeling agency. I wanted to be like her.
At a young age, I knew that my heart beats differently than a normal boy. Sabi ko nga kay papa noon na kapag tumanda nako, gusto kong pasukin ang pagmomodelo kagaya ni tita and I’m happy that papa is very supportive about it. Alam din niya kung ano ako. He loves me and accepts me for who I am. Kaya ng nagteenager ay nagsimula nakong magpahaba ng buhok. Hindi din naman mahigpit sa private school na pinapasukan ko kaya malaya akong masunod ang gustong gupit. Iyon nga lang sa uniporme ay napakiusapan lang ni papa dahil hindi ako pinayagang magpambabaeng uniporme. The power that our family holds still surprise me especially for my school to bent their rules and allow me to express myself the how I want to express myself. Pinayagan nila ako sa kagustuhan.
Nakita kong umayos ng upo si papa at binaba ang mga papeles na binabasa. “It’s okay. You may leave us. Thank you.” Aniya sa receptionist. Agad itong yumuko at nagpaalam na bago sinara ang pinto ng opisina ni papa.
Papa stared at his sister who is eyeing him angrily. “You should have told me that you will come home-”
“You think I wouldn’t find out? What the hell are you doing kuya?!” Tita Karina’s voice echoed in the room. Halos mapapitlag ako sa maliit na lamesa sa malayong gilid ng opisina ni papa.
Papa sighed. Bumaling siya sa pwesto ko. Para anong nanliliit sa kinauupuan. Nagaaway ba sila? “Kaira, sa bahay mo na ituloy ang homework mo anak.”
Tita Karina turned to my direction in a snap. Bumuntong hininga bago muling bumalik ang tingin kay papa. Mabilis na humakbang si tita sa lamesa ni papa. Si papa naman ay nanatiling nakaupo sa swivel chair niya, nakatukod ang siko sa armrest at nakahawak sa baba. Hindi natitinag sa nagpupuyos na kapatid.
Agad naman akong nagligpit ng mga nakakalat kong libro at mga notebooks.
“Why did you allow that man to invest? Hah? Hindi siya-”
“We already talked about this, Karina. The sales significantly dropped for the last quarter, and with our booming competition, we need all the investors we can get to keep the business going.”
“You seriously need to stop comparing us to them! Stop comparing our business sa mga cheap at pipichuging nagsulputan na resort diyan sa tabi tabi! We have a different target market! And it’s not the peak season yet so I don’t know why you-”
“Ipapaalala ko lang sayo na hindi rin maganda ang naging takbo natin ng nakaraang taon. Kung hindi natin sosolusyunan ito ay malulugi tayo-”
“Then why him, of all people? May investor na tayo from Ilocos ah? At hindi ba may sinabi ko ng may kilala ako sa Cebu na interesadong ifeature tayo sa magazine? It will be a great marketing strategy! I told you I am working on it! I am building partnership with different brands and businessmen and women who might be interested and in no time, I can get enough investors!”
Papa laughed without humor. Mas binilisan ko ang pagsilid ng mga libro sa bag ko. Nakaluhod na ako sa tapat ng mesa dahil nalaglag pa ang lapis ko. Shit!
“At kelan pa iyan, ha Karina? Kapag lubog na ang negosyo? You stopped modeling years ago. Don’t tell me iiinvest mo dito ang sponsorship na dapat ay para sa mga modelo mo-”
“Gagawa ako ng paraan! Will you stop being paranoid? Paradiso de Alvarado has been here for generations. We will not go bankrupt just because of a few set backs na iniiyak mo!”
Papa scoffed, tila di naniniwala sa sinasabi ni tita. “Ano pa man ang hinanakit mo sa taong iyon, ay hindi ko na mababawi pa ang napagkasunduan. It’s for the best, Karina. We just signed the agreement and the investments are now being put to good use. We are now planning the renovation of the hotel. I want to add three more floors for additional rooms and expansion for another villas and leisure activities. Ang dapat nga ay magpasalamat tayo sa pagmamagandang loob-”
I saw tita Karina stepped forward while gritting her teeth as she is eyeing papa with daggers. “Hah! You think this is funny?”
“Do you see me laughing, Kara Zoreena?!” Papa’s voice thundered as he looked up to her. Tumuwid din siya ng upo at nakakuyom na ang kamao sa ibabaw ng mesa.
Bihirang bihira magalit si papa. Pero nakakatakot siya na makitang ganun. Huli siyang nagalit ng ganito noong naghiwalay sila ni mama.
Kahit na napapikit sa init ng pagtatalo ay mabilis akong napatayo dahil tapos na akong magligpit. Hindi ko na nagawang magpaalam pa at lumabas nalang ako agad ng opisina ni papa.
“Isoli mo ang pera niya. Hindi ko kailangan-” naputol na ang sinasabi ni tita dahil tuluyan ko ng nasara ang pinto ng opisina.
I heard we have a new investor from Manila pero ang sabi eh tubong Cavite din daw iyon noong kabataan niya. Dito mismo sa Naic. Mukhang kilala nina papa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit anlaki ng galit ni tita doon sa mamang naginvest.
I’ve heard different versions of stories and rumors pero hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan. Ang alam ko lang na sinabi ni tita noon.. ay hindi daw ng dapat kinakaibigan ang mga Del Mundo.
I’ve asked papa before pero ayaw niyang magkwento. Kaya mas gusto kong paniwalaan na nakaalitan nga ng pamilya namin ang pamilyang iyon.
I didn’t know that there are Del Mundos here in our hometown. Ang alam ko kasi ay tagaMaynila ang pangalang iyon. The said family are of the famous business tycoons, hilig ang pagiinvest sa ibat ibang sektor kaya mas napapalago ang yaman. I’ve read in a magazine na madalas din daw ang successful auction at events ng pamilyang iyon. Mayroon ding security agency.
That’s why I don’t understand kung paanong nakaalitan namin ang pamilyang iyon. We are from a different line of business anyway. Ewan ko ba.
Hawak hawak ko ang strap ng backpack ko at dama na ang bahagyang init sa balat ng araw ng tinanaw ko ang malaking infinity pool ng resort namin. Naeengganyo na tuloy akong lumangoy.
Muli lang akong lumingon sa pinanggalingan ng makarinig ng boses.
Si tita Karina, na lumabas na din ng opisina ni papa, ay agad sinalubong ng receptionist na pumasok kanina at isang security.
“Walang sinomang Del Mundo ang makakaapak ng resort na to. Naiintindihan mo?” Asik niya sa nalilitong security personnel.
“Naiintindihan nyo ba?” May diin sa tono ni tita. Agad namang tumango at yumuko ang dalawang empleyado sa harap niya.
“M-Masusunod po m-madame.” Nauutal pang sagot ng security.
Tita Karina then wore her aviators that she picked out of her black Hermes bag and started walking out, with her head held up high, leaving the two employees tailing her. Hindi niya ako nakita.
“Hay! Kaya ang sarap talaga ng may kaibigang tagapagmana ng resort eh. Libre ang entrance!” Himahagikgik na si Hillary na lumublob sa pool kung nasaan ako nagbababad. Nagpaalam ako kay papa na magsuswimming sa public pool area. Medyo kaunti ang tao ngayon kaya malaya kami ni Hillary dito.
I wrinkled my nose. “Hindi ah. Hindi ito kay papa Hillary. Sa tita ko talaga ito pinamana ni lolo.” It was tita Karina’s ever since. She was lolo’s favorite if I can recall. Pero dahil nga sa isyung iyon ng pamilya daw.. kaya ayaw niya dito. Gusto niya sa ibang lugar. At ibang industriya din naman ang tinahak niya.
“Pero ayaw niya diba? Kaya nga si tito ang namamahala eh. Malay mo sayo ipamana. Eh wala naman anak iyon si ma’am Karina.” Kibit balikat naman ng kaibigan ko at nagsimulang maglangoy sirena. Hilig ko talagang lumublob dito pero sa mababaw lang na parte. May kaliitan kasi ako. 5’5 lang. pero umaasa pa naman ako na lalaki pa ako lalo na pageighteen ko.
Mas gusto kong lumangoy sa swimming pool kesa sa dagat. Pero sa mga turista namin, mas mabenta ang beach dahil narin sa white sand. Isa to sa mga dinadayo sa Paradiso de Alvarado. Para tuloy kaming boracay ng Cavite. Mas naeenganyo sila sa beach front na gabi gabi may party at loud music. Ayoko ng ganon. Gusto ko dito tahimik. Tapos minsan puro mga bata ang kasama kong lumangoy na binabantayan ng mga magulang. Hindi iyong mga nagiinom doon sa may pangpang.
“Ewan.” Natatawa kong sita at ginaya din ang paraan niya ng paglangoy. Dito lang kami sa may mababaw na parte malapit sa steps. Kahit naman kasi pamilya namin ang may ari, nahihiya din naman ako minsan na makilangoy sa mga guest namin lalo na kung sobrang daming tao. Dito lang ako palagi sa may gilid kung talagang gustong lumangoy.
Ilang oras kaming lumangoy ng hapon na iyon at ng magalas singko ay umahon na kami. Nasa may sun lounger kami at kumakain ng sliced fruits. Parehong balot ng twalya sa katawan at tumutulo pa ang buhok.
“Lapit na ng birthday mo ah. Bay nagpaalam nako kay mama. Excited na nga ako eh!” Magiliw na sabi ng kaibigan. Ito naman. Siya pa mismo ang nagimbita sa sarili at dahil matagal na daw kami magkakilala at magkaklase, dapat daw kasama siya at makapagbalot ng pagkain.
Sa susunod na linggo na ang ikasixteenth birthday ko. Dito gaganapin sa resort namin. Doon na din iaanunsyo ni papa na may bago kaming investor mula sa kilalang pamilya. Dahil maimpluwensya ang pamilya namin dito at minsang pumasok ng pulitika ang lolo ko, maraming kilalang tao ang dadalo.
Natawa ako. “Syempre. Eh wala naman ako magagawa. Baka magwala ka sa labas eh. Nakakahiya sa mga bisita.” Mabilis naman akong umilag ng binato niya ako ng ubas.
“Nagtatanong nga ang mga kaklase natin. Kean kaba magiimbita?”
“Sa Lunes na. Ayoko din ng masyadong madaming pupunta. Mas madaming bisita si papa na mas mahalaga para sa expansion ng hotel.”
“Anu kaba. Di mamasamain ng papa mo ang magimbita ng kaibigan dahil kaarawan mo padin iyon. Pero ikaw bahala.” Sabi nito at humilig sa sun lounger niya. Ginaya ko siya at ganun din ang ginawa. Nakatanaw ako ngayon sa langit na maliwanag pa.
Pagsapit ng panibagong linggo ay di matahimik ang mga kaklase at nagtatanong kung pwede ba daw na sumama. Itong si Hillary ang siyang nagsabe na pwede basta ang section lang namin. At kami lang na mga magkakaklase, hindi kasama ang mga guro.
Dahil naibulalas na sa mga kaklase ang magiging birthday party ko sa resort namin ay ilang araw din pinagusapan kung ano daw ba ang susuotin nila. Nagpasya nadin akong sabihin kay papa ang mga balak kong papuntahin sa gabing iyon.
Nilunok ko muna ang pagkain buti tumingin sakanya. “P-Pa.. nagimbita ho ako.. sa kaarawan ko. Mga kaklase ko lang po.”
Binitawan ni papa ang kubyertos at saka bumaling sakin. “Walang problema anak. Nagsabi ka din ba sa mga maestra mo na maghahanda ka? Papuntahin mo Kaira.” Mungkahi ni papa.
Come to think of it, pwede nga naman iyon. Pero kasi nasa thirty na kaming estudyante sa klase, at tigiisang guro sa bawat subject.. madadagdagan ang headcount. Though we can afford to accommodate and feed them all, I just want to also give way to important guests who will be attending that party for a different agenda.
“Ahm.. kasi po diba.. ang daming pupunta galing munisipyo, eh baka lang sobra na pong dami.”
Ngumiti si papa at hinawakan ang kamay ko. “Kaarawan mo iyon, Kaira. Isinabay ko lang ang pagaanunsyo ng expansion ng resort dahil nataon na iyon din ang araw ng uwi ng investor natin. Hayaan mo sila hija. Imbitahan mo ang lahat ng gusto mong dumalo sa kaarawan mo.”
Bigla tuloy akong napaisip. “Pa.. paano po si.. tita? At si tito Lyndon? Makakapunta po ba sila ng birthday ko?” Noong araw kasi ng pagtatalo nila papa sa opisina ay siya ding balik ni tita ng Maynila. Hindi siya dumaan dito sa mansyon.
Nasa ospital kasi ngayon si lolo nakaconfine. Busy ako sa school kaya bihira kong mabisita. Hindi rin siya makakapunta ng birthday ko.
Nawala ang ngiti ni papa sa sinabi ko at napabuntong hininga. “Pasensya kana anak. Mukhang hindi makakadalo ang tito Lyndon mo lalo na at wala ang tiyahin mo. Pero di bale, pwede kayo magusap sa tablet mo diba?”
Tumango ako. Pwede nga din naman iyon. “Papa.. paano kung magaway kayo ulit ni tita.. dahil sa nakuha nating investor?”
Dinig ko ang singhap niya. Tila ayaw pagusapan ang nabanggit. “Huwag mo na iyong alalahanin anak. Magiging ayos lang kami ng tita mo. Para din naman ito sa ikabubuti.”
May punto din naman kasi si tita. May mga parokyano padin kami kahit na hindi peak season lalo na ang mga VIPs namin na dito naglalaro ng golf pero dahil matayog ang pangarap ni papa para sa negosyo ng pamilya, eh nababahala siya sa sinasabi niyang pagbaba ng kita. Hindi ko din siya masisisi kung masyado lang siguro siyang nagaalala na para bang babagsak na kami. Hindi nga ganun eh. Hindi naman ibebenta itong resort. At kahit naman wala kaming investors ay feeling ko mananatili padin kami.
Sa sumunod na araw ay nagpaabiso ako sa mga guro na kung maari silang makadalo ng kaarawan ko. Biyernes naman iyon ng gabi kaya may ibang nagsabe na makakasaglit naman sila. Sila na din nga ang nagbanggit kay principal at laking pasasalamat daw sa imbitasyon ng pamilya.
“Pikit na lang ma’am.” Dumiretso nako ng uwi pagkatapos magsimba pagkagaling ng eskwela. Minemake upan ako ngayon at nandito kami sa nireserve na suite ni papa para magamit ko sa pagaayos. Wala naman talagang program ang birthday ko dahil di ko pa naman debut pero may cocktail dress akong susuotin at nagpakuha din ako ng hair and make up artist.
Isang oras lang akong nagayos dahil ayokong pagintayin ang mga bisita. Kanina pa kasi mga kumakain ang mga kaklase ko sa baba at ang mga teachers ay nandun din na nakikihalubulo sa mga government officials. Inakyat nako dito ng receptionist dahil pinapaescort nako ni papa sa baba.
Sa hotel front kami nagset up ng tables and chairs. Dito din naglagay ng catering. May maliit ding platform at microphone stand na may unahan at sa makababa non ay rectangular table na may ibat ibang klase ng cake. Ang pinakamataas ang pinagawa ni papa. Three layers to. Ang iba naman ay regalo ng teachers ko, ni Mayor, ng hepe ng kapulisan ng lalawigan, at ilang business partners ni papa. May separate ding table sa kabila para naman sa mga nakabalot na regalo.
Nakaupo na ang mga bisita at kumakain. May iilan lang na nakatayo pa at naguusap. Natanaw ko na si papa kaya agad ko siyang pinuntahan. Iyon nga lang ay may nadinig akong tumawag sakin.
“Kaira dito! Ang ganda oh!” Luminga ako at nakita si Hillary na kumakaway sakin. Nakangiti akong dumeretso sa mesa ng mga kaklase. Katabing table nila ang mga teachers ko. They all greeted me a happy birthday.
“Thank you po. Kain lang po kayo.” Nakangiting balik ko.
“Kaira wala kaba daw isasayaw? Tinatanong ni Jake.” Kantyaw ni Richmond kaya mabilis naghiyawan ang mga kaklase ko sa mesang iyon. Agad akong pinamulahan sa hiya at pasimpleng luminga. May ibang mga bisita at ang ingay namin!
Lihim akong napatitig kay Jake na nakangisi pero hindi sakin ang tingin. Nakapolo siyang maroon. Katerno ng dress ko. Ito kasi ang theme ng birthday ko kaya gantong kulay ang suot nila. Ang mga teachers ko lang at si principal ang mga nakauniporme.
“Tumigil ka nga Richmond! Muntanga ka diyan eh!” Saway ni Hillary.
Sumegway pa ang isang kaklase.. hindi parin binibitiwan ang tanong. This time I caught Jake’s attention. Agad akong naconscious sa itsura. Ang gwapo ni Jake.
“Ahm.. kasi wala naman akong program. Baka kakanta lang ng birthday song at iboblow ko ang birthday cake. Iyon lang.” Sagot ko sa mahinhing boses. Para akong kinakabahan.
“Kain kana dali. Sa kabila ko na pinaupo si Monique kasi dito ka sa tabi ko.” Si Hillary sabay tapik ng upuan sa tabi niya.
“Sige lang. Pupuntahan ko muna si papa eh.”
Hindi pa ako nakakabalik ay natawag naman ako sa kabilang lamesa ng mga kaibigan ni papa para bumati. Nakangiti lang akong nagpapasalamat.
Ang ending tuloy, parang naikot ko ang lahat ng mesa sa kagustuhan nilang bumati sa akin. Wala namang kaso iyon.
“Kaira naku magpapaalam na kami. Happy birthday ulit.” Lapit sakin ng adviser ko.
“Ay naku sige po! Thank you ma’am sa pagpunta ah. Ingat po kayo!”
Nakatayo na ang mga teachers ko at lumapit si principal sa mesa nila. Galing siya sa grupo nina papa na kausap si Mayor.
“Happy birthday ha Kaira. Pano mauna na kami.” Si principal.
“Salamat po. Halikayo at ihahatid ko po kayo.” Saglit lang akong sumulyap kay papa pero busy parin siyang makipagusap sa mga matatandang lalaki.
Bumuntong hininga nalang ako at mabilis bumawi ng ngiti at giniya na ang mga guro palabas ng resort. Nagkakantyawan pa sila at hindi raw nakapagSharon Cuneta at nahihiya. Natawa din ako.
Pinaassist ko na sila sa security para mapahiram ng van at mahatid pauwi pero tumanggi na si principal dahil nakakahiya daw. I tried to insist and I know some of the teachers wanted it pero kasi nahihiya si principal na magpahatid at sobra na daw yun lalo na at may sundo ang iba. Pinahatid ko nalang sila sa isang security sa may pila para makasakay sila ng kanya kanyang tricycle. Ang kagandahan sa probinsya eh kahit na ganto ang antas ng hotel and resort namin ay maraming accessible na mode of transportation. Mas madalas ang tricycle o jeep. Ang mga turista namin galing Maynila at ibang lugar, kasama sa binabayaran na ihatid sundo sila ng van sa terminal.
Nang makuntento sa pagkaway ay naglakad na ako pabalik. Dumiretso ako sa public restroom namin saglit dahil naiihi nadin ako.
Palapit na ako ng female restroom ng makarinig ng mga halinghing.
“Hmmm!!! Mmmp!!” Impit na daing ang nadinig ko.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa multo o ano. Habang napapalapit ako sa pinto ay mas lumalakas iyon.
“Hmmm. Ahh! Sige pa po!”
Agad akong natakot. Maliwanag padin dito dahil may proper lighting naman at may mga dekorasyon ding ilaw ang mga puno namin. Iyon nga lang, malayo to sa security namin na nasa may entrance.
Anong nangyayari? Baka may naaksidente di kaya? Nadulas?
“Hello?” Tawag ko sa labas ng restroom. Both scared of ghost and out of concern na baka may nadulas kaming guest, sinilip ko ang restroom. Mga sarado kasi ang cubicle.
Nilingon ko ang pasilyo. Malayo pa ang post ng security. Gusto ko sanang tumawag ng saklolo.
I heard someone grunted. Not sure kung iyong babae padin ba iyon na narinig ko. “Are you okay?” Muli kong tanong.
Dahil walang nasagot at para akong nasa horror movie ay pinangunahan ako ng kaduwagan. Kaya mabilis nalang akong tumakbo hanggang sa tanaw ko ang may bandang entrance. Malas at wala ang security! Asan iyon? Bat walang nagbabantay sa may gate? May isa pa dun kanina ah?
Muli akong bumalik sa may restroom. Huminga ng malalim. I somehow feel responsible for that girl. Paano kung napano na siya? Kargo namin sila dahil nandito sila sa resort.
Paliko na ako ng restroom ng may nagkukumahog na tumakbo pasalubong sakin. Isa sa mga receptionist namin. Halos nalaglag ang panga ko. Bukas ang blouse nya at kita ang bra at cleavage. Bahagyang lihis din ang palda. May hawak na may kakapalang tigiisang libo na tinupi at sikiksik sa bra.
Bago lang ang isang to kaya diko kilala kundi lang dahil sa uniform. Nanlaki ang mata ng receptionist ng makita niya akong natigilan sa harap niya. I don’t understand what’s happening pero para siyang takot na yumuko at mabilis tumakbo palayo.
“Hey wait! Are you okay?” Tawag ko pero tuloy tuloy ang takbo niya. Siya kaya yung nasa banyo? Anong nangyari? Bakit ganun ang ayos niya?
Nilingon ko ang pintuan ng male at female restroom namin kung saan nagulat ako ng may lalaking lumabas.. sa female restroom! What the..
He zipped his black slacks and is now fixing his belt while his white dress shirt is unbuttoned, flashing his moreno upper body. Hindi sinasadyang dumako ang tingin ko sa abs niya at sa may baba ng pusod niya na nalalatagan ng buhok. May umbok sa gitna ng pantalon niya na mas humapit ng maayos ang sinturon.
Dumiretso siya palabas kung saan madadaanan niya ako. Para akong hangin na nilampasan nito habang isa isang binubutones ang puting polo.
“H-Hey! What are you doing.. in the females restroom?” Habol kong tanong. Agad natigilan ang lalaki at nilingon ako. His brows are furrowed and his eyes scanned me from head to toe. Sobrang tangkad niya at may kalakihan ang katawan. Agad akong natakot.
“So nosy. Go home, kid.” Aba’t! Ano daw?
Offended, I shouted at him. “Excuse me? Don’t you know who I am? Pano ka nakapasok dito?”
Kita kong tumingala siya at bumuntong hininga. Hinarap niya ako ulit. Agad kong tinuon ang tingin sa mukha niya dahil hindi pa siya tapos magbutones at lantad padin ang katawan.
He titled his head. “No. And I don’t plan on getting to know you. I don’t play with kids.” He gave me a boyish grin. Agad akong nairita sa pagmumukha niya.
“Pervert! Manyak! Bakit ka nagccr sa pambabae at bakit ka nakahubad? Isusumbong kita sa security!”
Tuloy tuloy ang talak ko pero agad niya akong tinalikuran at kinaway niya lang ang kamay niya sa ere. Agad ko siyang sinundan.
“Hoy! Bakit ka nandito? Sino ang nagpapasok sayo ha?”
Bastong ang mamang to. Walang manners. Paanong nagpapasok ang security namin ng ganito? Guest ba to? Isusumbong ko siya sa kaibigang pulis ni papa!
“Hey! Don’t go there! Kinakausap kita pervert!” Tuloy tuloy ang lakad niya at patungo siya sa mismong venue kung saan may mga nakaset up na table para sa party ko. What the hell!
Dinig ko ang inis niyang daing at mas binilisan ang lakad. Dahil maliit ako ay natakbo na ako para lang mahabol ang malalaki niyang hakbang.
Sisigaw pa sana ako ng nakalapit na kami sa isang mesa. Agad akong binalutan ng hiya dahil eskandalo na madinig akong tinatawag ang lalaking to.
Kita kong dere deretso parin ang lakad niya malapit sa may center platform. Kung saan nandun sina papa na may kausap padin.
Oh no! I rushed to papa pero dahil maliit ang bihas ko eh hingal na hingal na ako.
Agad tumabi ang manyak na lalaki sa isang may edad ng lalaki na nakaitim na polo shirt. Nakabuzz cut ang mama at may full sleeve tattoo sa pumuputok na braso sa manggas ng damit. Nakahalukipkip itong seryosong kausap si papa pero umayos ito ng tayo ng nilingon si manyak.
Hinawakan niya ito sa balikat at muling kinausap si papa. Mabilis naman akong lumapit kay papa at narinig ko pa ang sinabi niya sa mamang semikalbo na may tattoo.
“Ang laki na nga. Gwapings din pare.” Natatawang sabi ni papa. Natawa din ang mamang katapat niya at ngumisi naman yung lalaking manyak.
“Syempre kanino paba magmamana?”
Hinatak ko ang laylayan ng polo ni papa kaya bumaba ang tingin niya sakin. “Oh Kaira. Kanina pa kita hinahanap.” Agad itong umakbay sa akin at hinarap ako sa dalawang lalaki. Parehas silang matangkad at di nagkakalayo ang katawan. May pagkakahawig din sila.
The pervert guy is now all eyes on me with curiosity. Bwisit ang mukha. There’s a hint of his malicious smirk na lalong nagpamukhang manyak sakanya.
“Eto ba ang anak mo Karlitos?”
“Ah oo. Unico hijo este unica hija ko. Si Kaira. Birthday niya ngayon.” Natatawang sagot ni papa. The middle-aged man beside the pervert guy stared at me intently. As if he is reminiscing by checking the corners of my face. Agad akong nawirduhan.
“Kaira. I want you to formally meet our new investor. This is John Ivan Del Mundo, and his son.. Jansen hindi ba?” Pagtatanong ni papa na kinatango naman nung manyak.
Tipid na ngumiti si Mr. Del Mundo at nakatitig padin sakin. “Happy Birthday, Kaira.” Sa malalim na boses.
What the hell. They are the Del Mundos! And yung lalaking manyak is anak ni mamang semikalbo! Na investor namin! Alam ba ni papa to?
“Happy Birthday, Kaira. John Eissen Del Mundo. Please to meet you.” He offered his hand while still smirking sexually. My name rolls differently on his tongue. It sounded so sensual. Agad akong nandiri!

