loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Together Forever

Together Forever

Dex Pascual25 · 44 chapters · 94,728 words

Together Forever

Hi Dreamers!

Itong story nato ay base lamang sa malawak kong imahinasyon at kung may mga kapareho man ay hindi kopo sinasadya baka nagkataon lang.

Inspired tong story nato kala Reyster and Vinci ng Dream maker or mas kilala na ngayong HORI7ON every time na napapanood ko sila ibang kilig ang binibigay nila sakin kaya naman naisipin kong gumawa ng story about them. Sana magustuhan nyo.

Aja! Vinster Fans!

CHAPTER 1

Vinci’s Pov

“Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!”

Napasigaw ako ng sobra dahil sa nakita ko sa dinami daming araw bakit ngayon pa?? Bakit??????

“Anak ayos kalang ba? Anong nangyari????”

“Ma????? Tingnan nyo po”

Tinuro ko kay Mama yung tigwayat sa pisngi ko, Kainis alam na may pasok ako ngayon eh tapos ngayon pa tutubo.

“Ikaw talaga Vincente! Aatakihin ako sa puso dahil sa lakas ng sigaw mo eh!!”

“Ma?! Vinci po, Wag nyo na buohin ang pangalan ko lakas maka matanda eh.  Vinci nalang po.”

“Oh sya sige na Bumababa kana dyan at mag almusal kana anong oras na puro ka kasi cellphone sa gabi kaya ka napupuyat.”

“Opo Ma bababa napo.”

Si Mama talaga may pag ka alarm clock din sa umaga pero masaya ako dahil kahit sa edad kong to inaalala at inaalagan nya padin ako pero hindi naman ako ganon katanda 22 years old palang naman ako.

Siya nga pala ako si Vincente Cruz pero tawagin nyo nalang akong Vinci as in ( Vin-Chi ) .


"Siya nga pala Vinci bago ka pumasok idaan mo muna kay ate tisay mo yung bayad natin sa utang ha at baka mag dakdak naman yon at ichismis pa tayo."

"Sige Ma, Hayaan nyo Ma kapag ako nakaipon? Mag nenegosyo ako para hindi nyo na kailangan maghanap ng trabaho."

"Wow kuya ipasok mo ko dyan ha."

Napatingin ako sa kapatid na mukhang na excite sa sinabi ko.

"Ikaw Jeromy mag-aral ka ng mabuti para kapag nakatapos ka ay makahanap ka ng trabaho para matulungan mo kami ni Mama."

"Syempre naman kuya Top 1 ata to sa klase."

Proud ako sa kapatid ko dahil consistent ang pagiging Top student nya mana sa kuya Haha.

After naming kumain ay kinuha kona kay Mama yung bayad sa utang at idadaan ko muna bago ako pumasok.

“Ma pasok napo ako.”

“Sige anak ingat.”

Sa isang Convenience store pala ako nag tatrabaho bilang cashier huminto muna ako sa pag-aaral para makatulong sa mga gastusin sa bahay hindi kasi kaya ni Mama na pag-aralin kaming dalawa ng kapatid ko kaya ako na ang nag sacrifice bilang kuya mag iipon lang din ako at kapag may sapat na pera nako mag-aaral ulit ako.

“Ate Tisay eto napo ang bayad namin sa utang.”

Nakangiti kong inabot kay ate tisay yung perang binigay ni Mama.

“Hay Vinci ang gwapo mo talaga ahh.”

“Si Ate Tisay naman nag biro pa.”

“Nako totoo yon ah kung bata bata nga lang ako may kakalagyan ka sakin.”

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Ate Tisay sabay umalis nadin ako at baka may masabi pa syang hindi maganda.

Araw araw ganito ang routine ko uuwe ng pagod tapos kakain lang, Pahinga tapos pasok ulit wala eh ganito talaga ang buhay.

Pagdating ko sa store namin ay nagpalit nadin ako para makapag duty na agad 2 months nadin pala ako nagtatrabaho and so far okay naman wala masyadonh toxic.

Pag ka in ko sa may POS ( Point of Sale ) namin ay may nakita agad ako na pamilyar na customer kaya naman umupo agad ako sh*t naman oh alam na alam nya talaga ang oras ng pasok ko talagang inistalk nya ako.

“Hayyy mga baby boys!”

Malakas nyang sabi ng matapat sya sa may counter namin.

“Hi Ma’am Good Morning.” Bati ng isang katrabaho ko.

“Andyan naba si Vinci.”

Napatingin sa gawi ko si Josh pero sinenyasahan ko sya na sabihin na wala ako.

“Nako Ma’am day off po nya ngayon.”

“What????? Kinuha ko sa manager nyo ang schedule nyo ahh at may pasok ngayon si Vinci kaya panong day off nya?”

“Nako Ma’am may last minute changes po kasi kaya nabago bigla.“pag singit ni Kyler sa usapan.

Si Kyler nga pala yung morning shift at kami ni Josh ang kapalitan nya.

“Kainis naman may dala pa naman akong fruits para sa kanya.”

“Iwan nyo nalang po kami na bahala mag abot sa kanya.”

“Sige na nga pero babalik ako bukas.”

Yun kung may babalikan sya bukas eh bukas talaga ang day off ko.

Inabot nya nalang kay Josh yung dala nya sabay dismayadong umalis, tumayo nadin ako ng masilip kong wala na sya.

Siya nga pala si Ma’am Sylvia regular customer namin na may gusto sakin at balak pakong gawing sugar baby eh halos kasing edad nya lang yung Mama ko.

“Vinci ang dami nito penge kami ah.”

“Oo kahit sa inyo na lahat.”

“Bakit ba kasi dimo nalang patulan yon mukhang mayaman eh ayaw monon hindi mona kailangan mag trabaho mag bubuhay hari ka.” Pag bibiro ni Josh.

“Kilabutan ka nga para kona ngang nanay yon tsaka gusto ko lahat ng makukuha ko paghihirapan ko.”

“Ano kaba Josh hindi papatol si Vinci don dahil sakin yan may gusto.”

Umakbay sakin si Kyler at tumingin sakin ng nakakalokong tingin inalis kodin naman yung kamay nya baka kung ano pang isipin ni Josh.

“Tigilan mo nga ako Kyler. Don ka nga mag duduty pa kami dito kaya wag mo kami guluhin.”

“As you wish, Baby.”

Hinawakan muna ni Kyler yung kamay ko sabay kindat sakin ewan koba dito sa lalaking to halos araw araw akong binibiro at ang mas malala pa minsan tinatawag akong baby sa harap ng mga customer medyo nahihiya ako kasi ano nalang iisipin ng mga customer namin parehong lalaki mag jowa?

Reyster’s Pov

“Ate Nara anong nangyari?”

“Ayan ayaw magpaawat ng anak mo sinira lahat ng gamit kapag nilalapitan naman lalong nagiiyak eh halos mahimatay na kakaiyak kaya tinawagan na kita.”

Nasa trabaho ako ng tumawag si Ate Nara sya kasi ang nagbabantay sa anak ko ngayon habang wala pa kaming mahanap na bagong yaya.

Nilapitan ko agad yung anak ko at binuhat ko umiiyak padin sya kahit na karga karga kona.

“Marcus? Bakit ka umiiyak?”

“Daddy i want mommy! Where is she?? I want her.”

“Marcus diba nag usap na tayo? May pinuntahan lang si Mommy kaya si Tita Nara na muna ang mag-aalaga sayo? Hindi moba gusto ang Tita Nara mo.”

Tumingin sya sa Tita nya at tumingin ulit sakin.

“Gusto po.”

“Yon naman pala eh, Kaya dapat wag ka mag pasaway sa kanya kasi may work din si Daddy.”

“Pero kailan po babalik si Mommy?”

“Hindi sure ni Daddy, Pero don’t worry I will call her at sasabihin ko na umuwe na sya aga dahil miss na sya ng baby nya.”

“Talaga po? Promise?”

“Promise yan.”

Sa sobrang saya ni Marcus ay niyakap nya ako nang mahigpit napatingin naman ako kay ate Nara at napailing nalang sya.


Sa sobrang kakaiyak ni Marcus ay nakatulog nalang sya sa pagkakarga ko hiniga ko sya sa kama nya at kinumutan sobra akong naaawa sa anak ko pero wala akong magawa.

"Bakit hindi mo pa sinabi kay Marcus na wala na si Kim? Na hindi na sya babalik dahil sumama na sya sa kabit nya."

"Ate nakita mo naman kung gano ka mahal ni Marcus si Kim diba? Sa tingin mo anong magiging reaksyon nya kapag nalaman nya na iniwan na kami ng mommy nya. Hindi kona kakayanin ate na makitang nasasaktan ang anak ko di baleng ako nalang."

Hindi kona napigilang tumulo ang luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Hanggang kailangan ka magsisinungaling sa anak mo."

"Hanggang kaya ko ate."

"Reyster matalinong bata si Marcus alam ko na maiintindihan nya yung sitwasyon nyo ngayon."

"Ate please hayaan mo muna na makapag isip ako, Bigyan mo muna ako ng time para mag karoon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoo."

Niyakap ako ni Ate ng mahigpit at ramdam ko yung pagmamalasakit nya sakin. Sa ngayon hindi kopa kaya sabihin kay Marcus dahil bilang daddy nya hindi ko kaya na nakikita syang uumiyak at nasasaktan.

# CHAPTER 2

Vinci's Pov 

10 pm ang out ko pero mga 11 nadin ako nakakauwe dahil sa trabaho namin hindi ka talaga eksaktong oras nakakauwe dahil may mga endorsement pang nagaganap pero wala namang kaso sakin yon.

"Vinci salamat sa pa Fruits, Sana may susunod pa."

"Sige ikaw paba basta lagi nyo lang ako titimbrihan pag nandyan na si Ma'am Sylvia."

"Oo ba!"

"Sige pano una nako gabi nadin eh."

Nagpaalam muna kay Josh pati sa guard namin bago lumabas at habang nalalakad ako papuntang sakayan ay may biglang gumulat sakin.

"Hoyyyyyyyyy"

"Anak ng *****"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat si Kyler lang pala.

"Tigilan mona kasi ang kakakape kaya ka ninerbyos agad."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Diba may duty kapa bukas kaya bakit gising kapa?"

"Wala lang gusto lang kita ihatid pauwe."

"Bakit ano ako bata?"

"Oo, Baby kaya kita."

Hinawakan ako ni Kyler sa bewang at dinikit sa kanya.

"Oyy ano kaba baka may makakakita satin ano pang isipin."

"Bakit nahihiya ka? Ano kaba normal nato ngayon dimo ba alam ang tungkol sa mga BL kahit mga artista ng dito satin siniShip sa mga kapwa nila."

"BL? Ship?"

"Oo Boys Love."

"Alam mo Kyler umuwe kana kaya baka malate kapa bukas ako pa sisihin mo."

"Suplado mo naman ihahatid nalang kita sa sakayan tapos uuwe nadin ako."

Hindi nako umangal sa alok ni Kyler dahil alam na hindi rin naman nya ako titigilan kung hindi ako papayag.

Pagkasakay ko nga sa Tricycle ay nag good bye kiss pa nga si Loko mabuti nalang talaga at walang nakakita.

Boys Love? Ano bayon?

"Kuya dyan lang po sa kanto ng Molave"
Sabi ko sa driver sabay abot ng bayad.

Hayss mag hahating gabi na naman pala pagkababa ko sa Molave ay biglang tumawag yung kapatid.

"Oh Jiro napa tawag ka?"

"Kuya may dala kabang pagkain?"

"At bakit gising kapa ng ganitong oras maaga pa ang pasok mo bukas diba."

"Nagutom lang ako kuya."

"Sige check ko kung may madaanan pakong bukas 

na

 tindahan."

Pagka end ng call ay nilagay kona sa may bag yung phone ko at hindi ko napansin na may paparating pala na sasakyan sa tatawidan ko.

Reyster's Pov

"Ate salamat pala sa pagbabantay sa anak ko pasensya nadin sa abala."

"Wala yon para san pa't naging mag kapatid tayo. Sabi ko kasi sayo magpapasundo nalang ako sa kuya Ben mo baka mamaya magising si Marcus at hindi ka madatnan."

"Okay lang ate nandon naman si Mama, Mabuti na nga lang at nakapunta sya kanina."

"Basta Reyster kapag hindi mona kaya nandito lang kami nila Mama at Papa."

"Salamat ate."

"Ayan tumatawa na ang Toto namin."

"Ate naman Reyster na ang itawag mo sakin malalaki na tayo eh may mga anak na nga tayo." 

Alam na alam talaga ni ate Kung pano nya ako papangitiin.

"Reyster may tao!!!!"

Napapreno ako ng malakas dahil may nakita ang patawid. Medyo na out of focus ako dahil sa pagkukwentuhan namin ni ate kaya hindi ko napansin na may patawid pala sa harapan namin ayon nabangga ko sya.

Dahil sa pakabigla ay napatulala nalang ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tutulungan koba yung tao?

Tatawag bako ng Ambulansya?

O, aalis nalang kami ni Ate.

"Reyster?  REYSTER?!!! REYSTER!!!!!??"

Nabalik lang ako sa sarili ng alugin ako ni Ate dali dali kaming lumabas ng kotse para tingnan yung nabangga namin. Nakahandusay na yung lalaki at walang malay.

"Ate patay na ba sya? napatay ba natin sya?"

"Wag mo nga isipin yan tulungan mo nalang ako ipasok natin sya sasakyan."

Sumunod nalang ako kay Ate at pinagtulungan namin isakay sa sasakyan yung lalaki hindi ko masyado maaninag yung mukha nya sa sobrang pagkataranta kona din.

"Ate dadalhin naba natin sya sa emergency?"

"Hindi, Bumalik nalang tayo sa bahay nawalan lang sya ng malay pero hindi naman sya napuruhan."

"Ha? Pano kung may mangyaring masama dyan baka lalo pa tayong madiin."

"Reyster makinig ka nalang."

Pinaandar kona yung sasakyan pabalik sa bahay dahil yun ang sabi ni ate Nara kinakabahan talaga ako dahil sa nangyari baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon.

"Mas malapit ang bahay natin kesa sa emergency kaya sinabi ko na iuwe nalang natin sya tsaka nataranta nadin ako at natakot."

"Sana okay lang sya ate."

Pagkabalik namin ni Ate sa bahay ay dinala namin yung lalaki sa kwarto ko dahil wala ng bakante don nalang siguro ako matutulog sa tabi Marcus ngayon.
Hinayaan kona lang si ate na asikasuhin yung lalaki at nag hintay ako sa labas.

"Ate kumusta sya?"

"Nawalan lang sya ng malay kailangan nya nalang magpahinga nagamot kona din yung mga konting gasgas nya kaya wala kanang dapat ipag-alala."

"Salamat naman. Pero pano ka ate uuwe kapa ba?"

"Hindi na bukas nalang din siguro anong oras nadin. Ikaw magpahinga kana at may trabaho kapa bukas."

Tumango ako kay Ate at umalis nadin sya ako naman ay sinilip ko sa kwarto yung lalaki at mukhang hindi naman sya napuruhan bukas nalang ako hihingi ng pasensya sa kanya.

Vinci's Pov

Pagkagising ko ay napaunat ako ng katawan pakiramdam ko kasi parang may mabigat na nakapatong sakin.
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nagtaka ako parang iba ang paligid. 

Hindi namin to bahay, Asan ako.

Tumayo ako para pagmasdan yung paligid at ibang iba to sa kwarto ko.

Asan ako???

Inisip ko kung anong nangyari kagabi at ang huli kong natatandaan ay tumawag sakin ang kapatid ko tapos yon na nagblanko na lahat.

Hinanap ko agad yung bag ko dahil sigurado ako na nagaalala na sila Mama sakin dahil hindi ako nakauwe ngayon. Ano ba kasing nangyari?

20 missed calls? 
50+ text messages?

"Vinci asan kana? Uuwe kaba?"

"Vinci asan ka nag aalala nako? Text back"

"Anak"

What the??????????

Dinampot ko agad yung bag ko at nagmadaling lumabas ng kwarto hindi pamilyar sakin yung Lugar nato. 
Kainis asan ba kasi talaga ako?????

Pagkababa ko ay napapadaan ako sa dining area at nakita ko na may mga kumakain isang lalaki, Bata tapos isang babae at isang babae na medyo may edad na. Lahat kami ay nagulat ng makita namin ang isat isa. Pero mas nagulat ako ng biglang tumakbo palapit sakin yung bata at niyakap ako ng mahigpit.

"Mommy !!!!!?????"

Tumayo yung tatlo at sabay sabay na lumapit sakin habang yung bata mahigpit padin ang pagkakayakap sakin.

"You're awake, Kinabahan kami sa nangyari kagabi."
Sabi ng babae sakin.

"Nangyari po?"

"Oo hindi moba naalala? Nabangga ka namin and we're very sorry about that medyo magulo lang talaga ang utak ng kapatid ko last night."

Bigla kong naalala na patawid nga pala ako kagabi tapos hindi ko napansin na may padating na sasakyan.

"Nako pasensya napo hindi kopo kasi nakita na padaan kayo."

"Kami ang dapat mag sorry sayo. Gutom kana ba? Saluhan mona kami" 
Alok nya sakin.

"Nako hindi napo, mauna nadin po ako kasi baka nagaalala na sakin ang nanay at kapatid ko."

"Don't worry about them. Nasabi kona din sa kanila yung nangyari sayo."
Nagsalita bigla yung lalaki sa gilid.

"Po? Pano po?"

"Tumawag kasi sila sayo habang pauwe tayo kaya sinagot kona at sinabi ko kung anong nangyari."

"Ganon po ba salamat po talaga pero kailangan kona umalis."

"Mommy you're leaving again? San po kayo pupunta sasama ako"

Tiningnan ko yung cute na bata at namumugto yung mga mata nya pero hindi kopa din maintindihan kung bakit nya ako tinatawag na mommy.

"Marcus hindi sya ang mommy mo."

Kinuha nung lalaki yung bata na anak nya ata pero ayaw magpapigil ng bata at lalong hinigpitan ang yakap sakin.

"Marcus? Wag pasaway. Hindi sya ang Mommy mo."

"No!!!! You're liar!!!!"

Umiyak na ng malakas yung bata at sa awa ko ay kinarga kona sya naalala ko bigla si Jiro nung baby pa sya.

"Hi baby? Wag kana umiyak."

Tumingin yung bata sakin at pinunasan yung luha nya. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari pero sobra akong naaawa sa bata.

"Hhmmm sumabay kana samin kumain?" Pagpuputol ng babae sa usapan.

Kahit nahihiya ako ay pumunta nako sa table para sumabay sa kanila at tinabi ko sa pwesto ko yung bata para hindi na umiyak.

"Wag ka mahiya ah, kumain kalang. Kami nga ang dapat mahiya sayo dahil na perwisyo kapa namin."

"Ah eh ayos lang po yon."

"Ako nga pala si Nara, This is my Mom and my little brother Reyster."

Ngumiti lang ako sa kanila pero nakatingin lang sila sakin.

May dumi bako sa mukha?? At grabe sila makatitig na parang tinitingnan lahat ng anggolo ng mukha ko.

"Sorry nga pala sa nangyari sayo kagabi medyo stress lang ang anak ko kaya hindi nadin nila napansin na padaan ka." 

"Ayos lang po talaga may kasalanin din naman ako."

Sumabay nako sa kanila kumain at hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa lalaki sa gilid na panay din ang tingin sakin at kapag nagkakatitigan kami ay umiiwas sya.

Guilty padin ba sya sa nangyari kabagi?

Pagkatapos naming mag almusal ay nag paalam nadin ako sa kanila dahil nakakahiya na kung magsstay pako ng matagal dito pero yung bata ang iniisip ko. Inaliw muna sya ng lola nya at sinamantala ko yon para makaalis.

"Mauna napo ako salamat po ulit."

"Wala yon."

Si Ate Nara ang kanina pa salita ng salita pero yung Reyster nasa gilid lang at wala masyadong imik.

"Ihatid na kita."
Napatingin kami pareho ni Ate Nara sa kanya ng bigla syang magsalita.

"Nako sir wag na po."

"Please. Let me."

Tumango nalang ako at sumunod nako sa kanya papuntang sasakyan hindi ko alam pero kinakaban ako sa kanya.
Sinabi ko lang sa kanya kung san kami natira at gumamit sya ng waze para malaman ang daan pauwe samin.

Kahit nasa byahe ay hindi padin sya nagsasalita kaya naman kinuha ko nalang ang phone ko at nag text kay mama na pauwe nako.

# CHAPTER 3

Vinci's Pov 

"Pasensya kana pala sa anak ko, Akala nya lang talaga ikaw ang mommy nya."

Gusto sanang tanungin kung bakit ako napagkalamang mommy ni Marcus eh napaka obvious naman na hindi ako Babae kaya lang wag na masyado nang personal.

"W-wala yon."

"Pasensya nadin talaga sa nangyari kagabi."

Kanina lang ang tahimik nya tapos ngayon nagsasalita na sya siguro dahil nakakakain na kaya nagsasalita na.

"Ayos lang po yon Sir."

"Wag mona ako i Sir, Reyster nalang."

"Sige po Sir, Ayy Reyster pala."

Diko alam kung bakit pero bigla nalang ako Kinabahan ang bilis nalang tibok ng puso ko.

"Ano palang pangalan mo."

"Vinci po."

"Vinci nice name. Kapag may kailangan kapa or may nararamdaman kang kakaiba tawagan mo lang ako or i message."

May inabot sya sakin na card na may nakasulat na Reyster Sanchez pati number nya nandon din. 
Tumango lang ako at nilagay sa bag ko yung inabot nya.

Hininto nya ako sa may tapat ng bahay at nagpaalam nadin ako sa kanya.

"Vinci okay lang ba? Wala bang masakit sayo?"

Pagdating na pag dating ko pa lang ay chineck na agad ni Mama ang buo kong katawan.

"Ma okay lang po ako."

"Sigurado ka???? Ang sabi ng kausap ko kagabi nabangga kadaw nila."

"Opo Ma pero okay napo talaga ako."

"Hayysss alam moba na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil kakaisip sayo pati kapatid mo naghihintay sayo."

"Nakapasok napo ba si Jiro Ma?"

"Oo, pero diko sinabi yung nangyari dahil ayaw ko mag alala sya."

"Wag nyo nalang po sabihin Ma."

"Sige, Pero magpahinga ka muna ngayon at wag ka muna pumasok."

"Day off ko naman po ngayon kaya makakapahinga pako."

"Mabuti naman."

Pumunta nako sa kwarto ko at binagsak ko ang katawan ko sa higaan hindi padin maalis sa isip ko yung bata. Bakit kaya nya ako tinawatawag na Mommy?

Dahil sa kakaisip ay hindi rin ako nakapahinga kaya naman sinabi ko nalang na ako ang mag susundo kay Jiro dahil 4pm ang labas nya.

“Kuya akala ko si Mama ang mag susundo sakin.”

“Sabi ko kay Mama na ako nalang tutal day off ko naman ngayon.”

“Kuya san kaba nanggaling kagabi? Inantay kaya kita tapos dika naman dumating natulog nalang tuloy ako.”

Hindi pa nga pala alam ni Jiro ang nangyari sakin kagabi.

“Ang hirap kasi sumakay Kagabi kaya ayon pag dating ko sa bahay tulog kana kaya kinain ko nalang yung dala ko.”

“Kuya pwede ba tayo dumaan sa store nyo?”

“Sa store namin?”

“Opo, May ibibigay daw kasi sakin si kuya Kyler.”

“At kelan pa kayo nag uusap ni Kyler?”

“Sige na kuya. Pleaseeeeee.”

“Oo na sige na dadaanan natin sya.”

Dahil mapilit ang kapatid ko ay dumaan kami sa store dahil may ibibigay tong si Kyler.

“Baby anong ginagawa mo dito? Sinusundo mo naba ako? Nako mamaya pa out ko.” Pang-aasar sakin ni Kyler.

“Baby mo mukha mo sinamahan kolang dito ang kapatid ko dahil may ibibigay kadaw.”

“Ayyy oo nga pala wait lang.”

Pumasok sa back room si Kyler para kunin yung ibibigay nya daw kay Jiro.

“Jiro oh”

Inabot nya yung gitara sabay kuha naman agad ng kapatid ko na mukhang masayang masaya.

“Gitara? Marunong ka ba nyan?”

“Opo kuya, Pero magpapractice pa muna ako para mas gumaling ako.”

“Binata kana Jiro ahh Mukhang may haharanahin kana, Gusto moba turuan kita ng moves ko?”

Ginulo ni Kyler ang buhok ng kapatid ko na ayaw na ayaw ni Jiro.

“Wala papo kuya Kyler.”

“Oyyy Kyler kung ano ano na naman sinasabi mo sa kapatid ko ahh bata payan.”

“Ito naman si Baby nagagalit agad.”

“Baby mo mukha mo.”

“Vinci!!!!!!!!!!!!!”

Napatingin kami lahat sa Pamilyar na boses Kainis nawala sa isip ko na babalik nga pala si Ma’am Sylvia pero kahit anong iwas siguro ang gawin ko makikita at makikita nya padin ako dahil dito ako nagtatrabaho.

“Vinci ikaw ha? Tinatataguan mo ata ako eh.”

Parang lintang biglang kumapit sakin si Ma’am Sylvia .

“Ah eh Ma’am Sylvia uuwe napo kasi kami ng kapatid ko.”

“Mamaya na ililibre ko kayo ano bang gusto nyo?”

“Hindi napo.”

Sumenyas ako kay Kyler na tulungan ako para makawala dito sa parang linta nato.

“Ma’am Sylvia madami kaming promo ngayon baka gusto nyo para naman malibre nyo si Vinci.”

“Talaga asan??”

“Dito po.”

Binitawan ako ni Ma’am Sylvia at sumunod sya Kay Kyler inaya ko naman agad so Jiro na lumabas habang wala pa si ma’am.

“Kuya sino po yung kanina?”

“Yun ba? Nako Jiro wag monang isipin yon. Umuwe nalang tayo at baka inaantay na tayo ni Mama.”

Mukhang hindi talaga ako titigilan ni Ma’am Sylvia ano bang nakita nya sakin at lagi nya akong kinukulit.

Reyster Pov

“Ate Nara si Marcus?”

“Andon sa kwarto nya kasama si Mama. Pano Reyster mauna nadin ako ha? Ikaw na muna bahala sa anak mo. Babalik nalang ako bukas”

Nagpaalam na si Ate at dumiretso nako sa kwarto ni Marcus.

“Daddy!!!”

Tumakbo agad palapit sakin si Marcus ng makita nya ako.

“Asan po si Mommy??? Ba’t di nyo sya kasama.”

“Hinatid lang ni Daddy si Mommy sa work nya pero uuwe din naman sya.”

“Talaga po hindi na sya aalis ng matagal?”

“Hindi na.”

“Marcus pwede koba muna makausap ang daddy mo?” Singit ni Mama sa usapan namin.

“Sige po lola.”

Lumabas muna kami ni Mama sa kwarto para makapag usap kaming dalawa.

“Anong balak mo ngayon? Kelan mo sasabihin sa bata na hindi na babalik ang Mommy nya?”

“Ma hindi kopa alam, Naguguluhan pako ano pa kaya si Marcus?”

“Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Kim at bigla bigla nalang ay nag hiwalay kayo kung Hindi pa sakin sinabi ng Ate mo hindi ko malalaman.”

“Ang sabi nya lang sakin Sawa na daw sya sa buhay meron kami. Pinakiusapan ko naman po sya na mag stay kahit para sa anak namin pero ayaw na nya talaga. Hindi ko naman po sya pwedeng pilitin.”

“Naiintindihan kita pero lagi mong tatandaan na nandito lang kami para damayan ka.”

“Salamat Ma.”

“Pero sino yung lalaki kagabi? At bakit kamukha nya si Kim?”

“Si Vinci Ma, Kagabi habang nasa byahe kami ni ate ay nabangga namin sya sa sobrag taranta ay dinala namin sya dito at hindi kodin alam kung pano at bakit magkahawig silang dalawa kaya nga lumapit agad si Marcus sa kanya kanina.”

“Maski ako nagulat din kung Hindi lang sya lalaki iisipin kong sya si Kim hindi kaya kambal sila?”

“Imposible Ma. Walang kapatid si Kim.”

“Pero pano nangyari yon?”

“Yan ang aalamin ko Ma.”

Iniwan kami ni Kim para sumama sa lalaki nya pero ngayon biglang sumulpot si Vinci na may pagka hawig naman sa kanya.

CHAPTER 4

Vinci’s Pov

“Ma anong almusal??”

“Mommyyyyyyyyyy”

Parang nagising ang buong diwa ko ng makita ko si Marcus sa bahay namin at dali daling lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Kasama nya si Ate Nara na lumapit din sakin.

“Good morning Vinci, pasensya na kung nagulat ka namin pero ito kasing si Marcus ayaw na naman tumigil sa kakaiyak talagang hinahanap ka. Wala din ang daddy nya dahil pumasok.”

“Ayos lang ate. Pero pano nyo pala nalaman kung saan ako nakatira?”

“Kay Reyster sinabi nya sakin.”

“Mommy ba’t dika umuwe kagabi?? I was waiting for you all night pero dika dumating.”

Hayysss ano bang isasagot ko???

“Ah eh ano kasi busy sa work kaya di ako nakauwe.”

“Vinci yayain mona dito sa kusina ang mga bisita mo para sumalo na satin.” Pag singit ni Mama.

“Ate Nara sumalo na kayo samin.”

Binuhat ko si Marcus at pumunta na kami sa kusina para makapag almusal.

“Ma si Ate Nara po tapos si Marcus pamangkin nya.”

“Good morning po ulit tita.” Nahihiyang bati ni Ate Nara.

“Mommy sino po sila?”

Tinuro ni Marcus si Mama at Jiro tapos si Mama nagtataka na sa mga nangyayari na kahit hindi magsalita ay nababasa ko sa facial expression nya na ’Ano na naman tong pinasok Vincente ’

“Siya ang Mama ko at ito naman si Jiro kapatid ko.”

“Wow! My other lola Mama?? And my uncle??”

Oo ba ang isasagot ko? O hindi???

“O-oo” yan lang ang lumabas sa bibig ko.

Sabay sabay kaming kumain at hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa tuwing nakikita ko si Marcus na tumatawa.

After naming kumain ay nakipag laro muna si Marcus kay Jiro at kami naman ni Ate Nara ay nakatayo lang sa gilid nila.

“After mawala ng Mommy ni Marcus ngayon ko nalang ulit sya nakitang masaya.”

“Ate Nara kung hindi nyo mamasamain asan pala ang Mommy ni Marcus?”

“Si Kim? Yung malanding babae nayon sumama sa kabit nya at iniwan ang mag ama nya na parang mga basura.”

Grabe pala ang nangyari sa buhay nila pero ang pinaka kawawa at pinaka naapektuhan ay si Marcus dahil sa murang edad nya palang ay hiwalay na ang mommy at daddy nya.

“Kawawa naman pala sila.”

“Oo nga eh awang awa ako sa bata pati sa kapatid ko.”

“Kahit kakakilala ko palang sa inyo naawa ako at parang gusto kong tumulong kung may magagawa ba ako. Gusto sana makipag kulitan kay Marcus para maaliw sya kaya lang may pasok padin kasi ako.”

“Nako pasensya na talaga sa abala ngayon ah pati tuloy ikaw nadamay pa ang problema nalang nito baka hindi na sumama sakin pauwe si Marcus.”

“Ate kung gusto mo pwede mo naman iwan dito si Marcus nandito naman sila Mama at mababantayan sya uuwe din naman ako agad after duty.”

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nag suggest pako ng ganon.

“Hindi na Vinci nakakahiya na.”

“Okay lang ate Nara, Tapos pag uwe ni Reyster mamaya ay ipakuha mo nalang dito ang bata.”

“Sige pero kausapin ko muna si Marcus.”

Lumapit sya kay Marcus at sumunod naman din ako.

“Marcus tara na uwe na tayo baka may gagawin pa sila Mommy mo.”

“No! I want here! I want to be with my Mom.”

Napatingin naman sakin si Ate Nara sabay lapit sakin.

“Mukhang diko na talaga mapipilit tong pamangkin ko.”

“Wag kana mag-alala ate ako na ang bahala sa kanya.”

“Pasensya na talaga Vinci alam kong malaking abala to sayo pero sobrang salamat talaga.”

Bago umalis si Ate Nara ay binilinan nya muna si Marcus na wag maging pasaway at makinig sa mga sinasabi ko.

Hinatid ko din sya palabas at nagpaalam na sa kanya.

“May hindi ka sinasabi sakin.”

“Si Mama naman bigla bigla sumusulpot.”

“Sino yung babae nayon?”

“Si Ate Nara po.”

“Alam ko. Pero ang ibig kong sabihin Anong ginagawa nila dito at yung bata bakit mommy ang tawag sayo? Nagkaroon kaba ng anak ng Hindi namin nalalaman?”

“Ma wala po, Ganito po kasi ang nangyari.”

Kinuwento ko kay Mama kung pano ko sila nakilala at pero hindi kopa din alam kung bakit mommy ang tawag sakin ni Marcus dahil nahihiya ako itanong kay Ate Nara.

“Nako Vinci ano bayang napasok mo baka mamaya ikaw pa ang maipit sa kanila.”

“Hindi nama po Ma, Mamaya kakausapin kodin yung papa ng bata kasi syempre hindi naman pwede na ganito lagi. Tsaka Ma pwede ba dito muna si Marcus? Kayo muna mag-alaga?”

“Ha? Bakit wala bang ibang mag-aalaga sa kanya?”

“Meron naman Ma kaya lang iiyak at iiyak sya dahil hahanapin ako.”

“Vincente ginawa mopa talaga akong yaya.”

“Ma Vinci nga, Sige na Ma please kahit ngayon lang. I love you Ma.”

Niyakap ko si Mama at hinalikan sa pisngi.

“Ano pa ba nga ba ang magagawa ko nandito na eh. “

“Salamat Ma”

Sabay na kami pumasok sa loob ni Mama at masaya pading naglalaro si Jiro at Marcus.

“Marcus bale ano kasi.” Nakakaintidi naman siguro sya ng tagalog diba? “May pasok kasi ako mamaya kaya maiiwan ka dito”

“Can i go with you?”

“Ah eh hindi pwede pero nandito naman si mama at kuya Jiro mo pwede kayo maglaro.”

“Sige po but  promise me na babalik kayo agad at hindi nyo na ako iiwan ulit.”

Sa murang edad ni Marcus ay may hugot na agad yung mga salitang binibitawan nya.

“Oo naman basta promise modin na hindi ka iiyak.”

“Promise po.”

Mabuti nang nasabihan ko sya kasi baka mamaya habang nasa work ako ay tumawag sakin si Mama at sabihing kailangan ko umuwe dahil umiiyak ang bata.

Reyster’s Pov

Habang nasa trabaho ako ay biglang nag ring yung phone ko. Si Ate tumatawag at mukhang alam kona kung bakit.

“Hello Ate umiiyak na naman ba si Marcus?”

“Oo, Hinahanap ang mommy nya.”

“Gawan mo nalang muna ng paraan ate mamaya pa kasi ang out ko.”

“Lahat na nga sinabi ko pero ayaw padin nya

tumigil

. Si Vinci may number kaba nya?? Diba hinatid mo sya kahapon alam moba kung san sya nakatira??“

“Wala akong number nya pero alam ko kung saan sya nakatira.”

“Isend mo nalang sakin ang address nya.”

“Anong gagawin mo ate, Dadalhin mo si Marcus don? Wag na nakakahiya tsaka hindi naman nya responsibilidad si Marcus.”

“Anong gusto mo mmtay kakaiyak tong anak mo???”

“Sige na isesend kona.”

Kahit hindi ako sangayon sa sinabi ni ate ay binigay kopa din ang address nila Vinci dahil lalong hindi ako mapakali kapag alam kong umiiyak na naman si Marcus.

“Pre mag kape ka muna kanina kapa tulala eh.”

Kahit nasa trabaho nako ay si Marcus padin ang nasa isip at walang ibang laman ang isip ko kundi sya lang.

“Salamat Pre.”

“Ano na naman ba iniisip mo? Si kim bayan? Diba sabi ko naman sayo madaming babae dyan para san pa’t nabiyayaan ka ng ganyang kagwapong mukha tapos iiyak kalang sa isang babae.”

“Hindi naman sya ang nasa isip ko kundi si Marcus sobra kasing lungkot ng bata at palagi nyang hinahanap ang mommy nya.”

“Kawawa naman pala ang inaanak ko sabihin mo kapag dina busy ang ninong Jom nya pupuntahan ko sya.”

“Salamat Pre.”

“Bakit kaya Hindi ka nalang magpa leave para naman makapag focus ka sa anak mo at makapag unwind kayo.”

“Pag iisipan kopa.”

“Hay nako Reyster dati ang iniisip molang puro pag kain naalala kopa non kapag may pagkain ako sasabihin mo patikim lang ang ending naman nauubos mona. Pero ngayon nag matured kana dahil hindi nalang sarili mo ang iniisip mo.”

“Malalaman modin yan kapag nag ka anak kana.”

“Nako dina muna masarap kaya maging binata. Tsaka dipa ako ready sa mga commitment.”

Mabuti nalang talaga at ka work si Jom at may nasasabihan ako ng mga saloobin ko sa totoo lang hindi talaga ako pala salita na tao pero iba pag dating sa mga ka close. Since high school pala ay kaibigan kona sya kaya madami na kami alam sa isat isa.

CHAPTER 5

Vinci’s Pov

“Ma kayo na muna bahala kay Marcus papasok napo ako mamaya din naman susunduin na sya ng daddy nya.”

Mabuti nalang at naiintindihan ni Mama ang sitwasyon alam kong marami pasyang dapat gawin pero pinagbigyan nya padin ako.

“Marcus papasok nako ha? Wag ka pasaway kay Lola mo.”

“Okay po Mommy ingat po kayo sa work nyo.”

Hinalikan ko sa noo si Marcus at nag paalam na sa kanila.

“Pareng Vinci tagay muna!”

Sigaw sakin ng mga tambay na tanghaling tapat ay nag iinuman.

“Nako pass muna may pasok pako.”

“Wag kana pumasok inom na muna tayo.”

“Tigilan nyo nga yang si Vinci igaya nyo yan sa inyong puro alak nalang ang inaatupag.” Sabat ng isang marites naming kapitbahay.

Pasimple nako umalis baka madamay pako pag nag away ang mga yon.

Jeromy’s Pov

7 am ng umaga ang pasok ko sa school at 2 pm naman ang uwian ko gusto ni mama na ihatid sundo pako kaya lang nag presinta nako na wag na dahil kaya ko naman na.

Pagdating ko sa bahay ay naaubatan ko si Mama at kasama yung bata na anak daw ng kuya ko.

“Uncle!”

Lumapit sya sakin at niyakap ako.

“Gutom kana ba Jiro? May pagkain don sa kusina ang kuya Vinci mo pumasok na”

“Uncle do you want play with me?”

“Yes.”

Natawa sakin si Mama dahil Yes lang ang nasagot ko pano ba ako makikipag laro dito.

“Marcus marunong kaba magtagalog? Magtagalog ka nalang ha?” Natatawang sabi ko sa kanya.

“Opo uncle.”

“Yownnn! Ilang taon kana ba Marcus?”

“6 po. Ikaw po?”

“11 nako. Pano mo nga pala naging Mommy ang kuya Vinci ko?”

“Dahil asawa sya ng daddy ko.”

“Asawa???”

“Opo mag asawa sila.”

Mag-asawa? Eh lalaki ang kuya Vinci ko.

“Jiro, Marcus. Iba nalang pag-usapan nyo.” Pagsingit ni Mama sa usapan.

“Opo Ma.”

“Marcus laro nalang tayo ng online games.”

“Sige po.”

Vinci’s Pov

“Good afternoon Ma’am”

Bati ko sa Manager namin na mukhang stress dahil natambakan na naman siguro ng mga reports.

“Ako bab—–”

Tinakpan ko agad yung bibig ni Kyler sabay tingin sa Manager ko. Mabuti nalang at napigil ko ang bunganga ni Kyler.

“Gusto mo pareho tayo matanggal sa trabaho?” Mahinang sabi ko sa kanya.

“Sorry na nabigla lang ako.”

Di ko nalang pinansin si Kyler at nagpalit nako ng uniform. Mabuti nalang talaga at morning shift tong si Kyler dahil kung kasama koto sa duty baka mastress lang ako.

“Vinci alam mo ang kulit kulit ng sugar mommy mo kahapon.” Bungad sakin ni Josh

“Oyyy anong sugar mommy! Regular customer lang natin yon.”

“Ay Customer lang ba?”

“Oo palagay mo sakin naghihirap na at kailangan ko ng sugar mommy.”

“Pero grabe talaga ang kulit non kahapon sarap na nga pektusan eh, Ayy hindi pala busalan lang pala.”

Kahit kailan talaga walang preno ang bunganga ni Josh. Kakaumpisa palang ng duty namin dami na agad balita.

“Basta pag nakita mo na padating yon senyasan mona ako agad.”

“Sige ako bahala, Asan na pala si Kyler “

“Nandon sa backroom may ginagawa.”

“Nag-yayaya yon eh after duty daw don sa kanila birthday daw ng kapatid nya.”

“Hindi ako pwede ngayon eh.”

Kung pupunta ako kala Kyler baka hanapin lang ako ni Marcus.


Mabilis na natapos ang 8hrs duty ko kaya naman nagpaalam ako may Josh na mauuna ako umuwe Pero Bago yon ay pumili muna ako ng ipapasalubong kila Marcus at Jiro sigurado ako gising payong dalawa nayon.

"Bakit ang dami mo atang biniling pagkain?" Takang tanong ni Josh.

"Pasalubong lang."

"Ahhh kala ko mag mumukbang ka."

"Hindi ah."

"Sige na mauna kana umuwe ako na bahala dito."

Mabuti nalang at mabait tong si Josh at napakiusapan ko na mauuna ako umuwe at sya na lahat bahala sa gagawing endorsement.

"Salamat ahh."

~~~~~~~~~~

Pagdating ko sa bahay ay nag mano muna ako kay Mama at hinanap ko na si Marcus 

"Ma si Marcus po?"

"Nandon sa kwarto mo kasama si Jiro."

Dumiretso agad ako sa kwarto ko para tingnan kung anong ginagawa ng dalawang bata.

"Kuya/Mommy" sabay nilang tawag sakin ng makita ako.

"Oh ito para sa inyo."

"Wow salamat kuya."

Inabot ko kay Jiro yung binili kong hotdog sandwich sa kanya.

"Marcus kumakain kaba nito?"

"Opo"

Nilabas ko sa lagayan yung hotdog sandwich at ako nadin ang naglagay ng mga sauce bago ibigay sa kanya.

"Kuya grabe dugo dugo ang ilong ko dito kay Marcus panay ang English."

"Haha marunong naman yan mag tagalog, Diba Marcus?"

Tumango lang sya sakin habang kinakain na yung pasalubong ko iniwan ko muna silang dalawa para makapag palit na muna ako.

Ilang minuto lang din ay nagpaalam na si Jiro dahil may pasok pa sya bukas.

"Dika pa ba inaantok Marcus?"

Umiling lang sya sakin sanay ata sa puyatan itong si Marcus.

"Gusto mo basahan nalang kita?"

Tumango lang din sya sakin. Hindi na sya sumagot dahil alam kong inaantok nadin sya.

Nag browse ako sa internet ng mga kwentong pambata syempre English pinili ko dahil alam kong maiintindihan naman nya yon.

Niyakap ako ni Marcus at yung yakap nayon parang nagpalambot lalo na sa puso ko sana makabalik na yung mommy na para hindi na sya nangungulila dito.

Reyster's Pov 

"Magandang gabi po ako nga po pala si Reyster tatay ni Marcus gising papo ba sya?"

Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso agad ako kala Vinci at itong babae na nasa harap ko ang nagbukas ng pinto nanay nya ata.

"Nandon sya sa kwarto ni Vinci pero diko alam kung gising pa sila. Pasok ka muna"

"Salamat po. Para sa inyo din po pala."

Inabot ko sa babae yung dala kong mga prutas nanay ata ni Vinci yon. Tinuro nya sakin kung saan ang kwarto ni Vinci kaya naman pumasok nako agad.

Nakita kong pareho na silang tulog at ginawang unan ni Marcus ang isang kamay ni Vinci habang ang isa naman ay may hawak na hawak ang phone nya nakatulog din siguro sya habang binabasahan ang anak ko.

Dahan dahan akong lumapit para pagmasdan ang natutulog kong anak mababakas sa mukha nya na masaya sya at mukhang nakatulong ang pag stay nya dito para makalimutan ang mommy nya. Napatingin naman ako sa Dako ni Vinci na mahimbing din na natutulog.

Tinitigan ko ang mukha ni Vinci at totoo nga kahawig nya nga talaga si Kim kaya hindi kataka taka na mommy ang tawag ni Marcus sa kanya at kung naging babae lang siguro si Vinci ay sobrang magkamukha na sila.

Habang tinitigan ko si Vinci ay bigla itong nagising at sa sobrang taranta ko ay napaatras ako.

"Reyster? Kanina kapa ba dito??"

"H-hindi halos kakadating kolang din chineck ko lang kung nakatulog na kayo."

Inayos nya muna si Marcus ng higa bago sya tumayo.

"Nakatulog nadin pala ako habang nagbabasa."

"Pasensya na pala at naabala pa namin kayo."

"Wala yon, Nakakatuwa nga si Marcus eh. Naghapunan kana ba? Meron pagkain sa baba."

"Salamat nalang pero sa bahay na."

"Wag kana mahiya."

Biglang hinawakan ni Vinci ang kamay ko at sinama ako papunta sa kusina nila hindi nalang ako umangal at sumama na sa kanya. Pinaghain nya ako at umupo sa tapat  ko.

"Kain na."

"Ikaw hindi kaba kakain?"

"Ayos lang kumain nadin kami kanina."

"Reyster pwede mag tanong?"

Tumango lang ako at kumain na muna.

"Hindi moba sinubukang habulin ang mommy ni Marcus?"

Nagtaka ako sa tanong nya pano nya nalaman ang tungkol sa nangyari samin ni Kim?

"Nakwento kasi sakin ni Ate Nara." Dagdag pa nya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Sinubukan ko kaso ayaw nya na talaga sakin ayaw ko naman pilitin ang isang tao na ayaw na sakin."

"Kawawa naman kasi yung bata baka sana maayos nyo pa kasi sya talaga ang naapektuhan."

Dapat ba ako mag open up kay Vinci? eh halos dalawang araw palang kami nagkakakilala.

"Sige kumain kana muna papahangin lang muna ako sa labas."

Lumabas muna si Vinci at naiwan ako kumakain mag-isa.

Vinci's Pov

Ano kaba naman Vinci ang dami mong tanong kay Reyster di naman kayo close tsaka pano nya sasagutin yon eh di naman masyado nagsasalita yung tao at masyadong personal ang mga tanong mo.

After 10 minutes siguro ay natapos na si Reyster at sumunod sya sakin sa labas nakatingala lang ako sa mga bituin ng tumabi sya sakin.

"3 days ago ng iwan kami ni Kim para sumama sa lalaki nya nung una kaya kopa ipaliwanag kay Marcus kung bakit wala ang Mommy nya pero matalinong bata ang anak ko alam nya na hindi ako nagsasabi ng totoo. Bago ka namin makita ay palagi ng malungkot at iyak ng iyak si Marcus kaya nung makita ka nya akala nya ikaw ang mommy at don kolang ulit nakita ang saya sa mukha nya."

"Pero bakit Mommy ang tawag nya sakin?"

"Siguro dahil kahawig mo si Kim kaya akala nya ikaw Ang mommy nya"

"Pero pareho nating alam na hindi ako yon dahil lalaki ako."

"Alam ko naman yon pero sa tuwing nakikita kong malungkot ang anak ko parang di kona kakayanin na sabihin pa sa kanya na hindi ikaw ang mommy nya."

"Ikaw na mismo nagsabi matalinong bata ang anak mo at maiintindihan nya kung ipapaliwanag mo ng mabuti."

"Gagawin ko naman yon pero sana hayaan mo muna na kilalanin ka nya bilang mommy nya bigyan molang ako ng panahon para ihanda ang anak ko."

"Pero may personal na buhay din kasi ako."

"Please, Bigyan molang ako ng isang linggo magpanggap ka muna bilang mommy nya alam ko mahirap ang hinihingi ko pero maglalakas nako ng loob lahat gagawin ko para sa anak ko."

Alam ko na kapakanan lang naman ni Marcus ang iniisip ni Reyster pero nagdadalawang isip padin ako kung papayag ba ako lalo Pa't kasinungalingan lang ang gagawin namin. Pero dahil sa awa ko sa anak nya ay pumayag nadin ako.

"Sige pumapayag nako pero pangako mo sakin na sasabihin mo sa kanya ang totoo sa lalong madaling panahon."

"Promise."

Ngayon kolang nakita na ngumiti si Reyster at sa sobrang saya nya ay niyakap nya ako.
Hindi ako nakakilos dahil parang kinuryente ako at naparalisa ang buong katawan ko.

"Sorry nabigla lang ako."

"Iuuwe moba si Marcus ngayon?"
Pag-iiba ko sa usapan.

"Hindi na siguro baka pag-gising nya ikaw ang hanapin nya."

"Eh ikaw?? Uuwe kapa ba??"

"Oo."

"Gabi na, Dito ka nalang matulog."

"Hindi na."

"Tara na."

Halata sa kilos ni Reyster na mahiyain sya kaya naman hinili kona sya pabalik sa kwarto ko para don na sya patulugin.

"Dito kana matulog gabi nadin kasi mahirap mag byahe ng ganitong oras."

"Dito nalang siguro ako sa lapag hihiram nalang ako ng sapin tabihan mo nalang si Marcus." 

Inabutan ko ng sapin si Reyster at binigyan kodin sya ng kumot at unan nakakahiya sa kanya kasi wala syang maayos na tulugan ang lakas ng loob kong mag prisinta kahit hindi kalakihan ang kwarto ko.

Tinabihan ko si Marcus at niyakap ko sya sa pagtulog parang kahapon lang single ako tapos ngayon may anak nako napaka bilis talaga ng mga pangyayari.

# CHAPTER 6

Nagising nalang ng may maramdaman akong umaalog sakin at dahan dahan kong minulat ang mata ko si Marcus lang pala.

"Good Morning mommy"
Masayang bati sakin ni Marcus.

"Good morning din Marcus."

Pagkatapos ko syang batiin ay si Reyster naman ang pinuntahan nya.

"Daddy wake up, Daddy."

Kahit antok pa ay napatayo si Reyster at pinunasan ang mata nya.

"Bakit Marcus?"

"Mommy, Daddy kiss nyo po ako dito."

Tinuro ni Marcus yung pisngi nya at gusto nya i kiss namin sya ni Reyster sa magkabilang pisngi nya.

Dahil lang don kaya nya kami ginising pareho? Para lang i kiss sya?

"Ah eh Marcus hindi pa kasi ako nagtotooth brush." Palusot ko sa bata.

"Okay lang po Mommy kiss lang naman po."

"Marcus diba sabi ko sayo wag ka makulit?" 

Medyo nalungkot si Marcus ng sawayin sya ng daddy at bigla din ako nakonsensya kasi simpleng bagay hindi pa mapagbigyan ang bata.

"Sige Marcus ikikiss kana namin ng Daddy mo."

Nakangiting sabi ko na napagpangiti din sa kanya.

"Okay po. ,I'll count One to Three then after that ikikiss nyo napo ako ng sabay. 1, 2, 3."

Pagkatapos magbilang ni Marcus ay lumapit ako para ikiss sya sa pisngi pero biglang yumuko si Marcus kaya ang nangyari ay nag kiss kaming dalawa ni Reyster.
Sa sobrang bilis nang pangyayari ay di ako nakakilos as in nagdikit ang mga labi namin ni Reyster.

"Yehey!"

Napaatras agad ako ng biglang magsalita si Marcus.

"Marcus??? Wag mona gagawin ulit yon ah." Medyo galit na sabi ni Reyster.

"But Daddy? Ayaw moba ikiss si Mommy??"

"Ah eh Reyster wag mo nalang pagalitan yung bata, Lalabas na muna ako para makapag handa ng kakainin natin."

Lumabas agad ako at napahinto saglit, Hinawakan ko ang labi ko at muling binalikan ang nangyari. Ito ang unang pagkakataon na may humalik sa labi ko.

"Vincente ba't tulala ka dyan"

"Ma Vinci nga kasi. May iniisip lang po ako."

"Gising naba yung mag tatay?"

"Opo Ma. Ano po ba ang pwede maluto ngayon"

"Check mo sa Ref natin kung anong pwede."

"Sige Ma."

Maglalakad na sana ako ng bigla kong maalala na wala nga pala kaming ref.

"Ma???? Wala naman tayong Ref diba?"

"Ay wala ba, Bumili ka nalang sa tindahan kung ano pwedeng maalmusal."

"Sige Ma."

Ano ba ipapakain ko sa Magtatay? Diko naman alam kung anong gusto nila o ayaw nila hayss bahala na.

Naghilamos muna ako bago lumabas para bumili sa tindahan ng iaalmusal nila.

------------

"Vinci mukhang may bisita kayong mayaman ah may kotse sa labas ng bahay nyo." Sabi sakin ng mga marites kong kapitbahay

"Opo kaibigan kopo."

Lahat talaga dito sa Lugar namin napapansin kapag may kailangan ka ngang malaman magtanong kalang sa mga marites at masasagot nila. Hindi kona sila pinansin at dumiretso nako sa tindahan.

Pagbalik ko sa bahay sinimulan kona mag luto para makakain na kaming lahat si Mama  naman ang nagsaing at tumawag sa mag tatay pati nadin kay Jiro.

"Kain na"

Tumingin muna si Reyster at Marcus sa pagkain sa lamesa at mukhang hindi nila nagustuhan ang inihanda ko ayaw ata nila ng pritong Tuyo, Hotdog at Itlog.

Ano bang gusto ng mga to? Fried Chicken at Bacon?

"Marcus? Reyster ayaw nyo ba ng pagkain?"

"Pasensya na kayo ha, Yan lang kasi kaya namin eh." Nagsalita na si Mama dahil tahimik lang yung mag-ama.

"Nako Hindi po Tita ayos lang po kumakain naman po kami ni Marcus nyan." Nahihiyang sagot ni Reyster

"Opo Lola Ma and Mommy kumain po ako lahat nyan."

Natuwa naman ako sa naging sagot nila kaya naman inahinan kona sila.
Sabay sabay kaming nag salo salo sa mga niluto ko na sobrang ikina proud ko talaga. Si Marcus naman ay sinubuan kopa dahil hindi pa sya ganon kalinis kumain mag-isa

"Mommy ang sarap po ng pagkain." Masayang sabi ni Marcus

"Talaga? Baka sinasabi molang yan dahil mommy mo ang nagluto." Pabirong sagot ni Mama

"Ma, Masarap naman talaga ako magluto kahit pritong itlog lang yan."

"Opo Tita masarap." Sabi naman ni REYSTER

"Ma talo kana, Masarap nga magluto si Kuya." Natatawang sagot ni Jiro

"Nagmana lang yan sakin."

Isa isa kong niligpit yung pinagkain namin dahil baka mag away pa kami ni Mama haha. Ganito lang talaga kami ni Mama madalas mag asaran.

"Tulungan na kita." Alok sakin ni Reyster.

Tumango lang ako at dinala namin lahat ng hugasin sa lababo.

"Ilapag mo nalang dyan ako na ang maghuhugas."

"Vinci pwede kaba makausap?"

"Oo naman tungkol saan ba?"

"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa pwede bang don ka muna tumira samin? Para hindi na magpabalik balik si Marcus kahit 1 week lang hanggat diko pa nasasabi kay Marcus ang tungkol sa nangyari samin ng Mommy nya."

Talaga ngang hindi na nagpaligoy ligoy tong si Reyster at napakabilis ng mga pangyayari.

"Gustuhin ko man gawin yon para hindi na napapagod ang bata kakabalik dito pero hindi talaga pwede may trabaho din kasi akong inaalala."

"Wag kang mag-alala babayadan ko kung ano man ang mga araw na mawawala sayo basta pumayag kalang."

Napakahirap naman ng mga hinihingi ni Reyster alam ko na pwedeng pwede na tanggihan ko sya pero sa twing naiisip ko si Marcus ay lumalambot ang puso sa saglit na panahon na nakasama ko sya ay napamahal na sya sakin.

"Sige magpapaalam ako sa manager namin pero isang linggo lang."

"Salamat."

Sa sobrang tuwa ni Reyster ay napakayap sya sakin at ng maramdam nyang medyo awkward na ay kumawala nadin sya.

"May pasok kaba? Hatid kana namin." Pag-iiba nya sa usapan.

"Si-sige"

Binaling ko nalang ang atensyin ko sa paghuhugas at pinuntahan na nya si Marcus.

-----------------

"Ma pasok napo ako."

"Sige anak ingat kayo. Bye Marcus balik ka dito ha?"

Niyakap ni Mama si Marcus na parang mag lola talaga sila .

"Opo Lola Ma, Bye bye po. Kuya Jiro Bye din po."

"Tita dito napo kami." Pagpaalam ni  Reyster.

"Ingat kayo."

Ngumiti ako kay Mama at sumakay na kami sa saksakyan ni Reyster nasa harap kaming dalawa at nasa likod si Marcus naglalaro ng laruan na nakuha nya kay Jiro.

"Mommy, Daddy kelan po ulit tayo babalik kala Lola Ma?"

"Pag may Free time." Sagot ni Reyster

"Marcus pwede bang Dada nalang ang itawag mo sakin??"
Kagabi kopa talaga pinag-iisipan to dahil naiilang ako pag tinatawag nya akong Mommy kasi hindi naman ako babae.

"Po? Bakit ayaw nyo po ba ng Mommy?"

"Hindi naman, Pero mas maganda kung Dada ang itatawag mo sakin." Sagot ko sa kanya.

"Sige po Dada nalang."

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kami pareho ni Reyster pasimple akong tumitingin sa kanya at napaka seryoso nya talagang tao ibang iba si Marcus nagmana siguro sya sa Mommy nya.

Pagdating namin sa tapat ng store ay yumakap muna ako  kay Marcus bago bumaba.

Pagpasok ko sa store ay dumiretso nako sa backroom para makapag palit ng uniform.
Kinausap ko nadin yung manager namin about sa Plano kong mag pa leave ng 1 week sa trabaho dahil ang paliwanang ko ay may aasikasuhin lang na importante mabuti nalang at pumayag sya.

"Hi Baby kamusta araw mo?" Nakangiting bati ni Kyler.

"Ito medyo magulo ang daming unexpected things na nangyari."

"Tulad nang?"

"Sa sunod nalang ako magkwento medyo mahaba."

"Dada you forgot your phone!"

Narinig ko agad yung sigaw ni Marcus at napatingin sakin si Josh at Kyler.

Patay! Pano ko ipapaliwanag sa kanila ngayon to? Baka kung anong isipin nila.

"Anak mo Vinci?" Agad na tanong ni Josh.

Ano ba isasagot ko??????

"Opo" Si Marcus na ang sumagot at halatang nagulat si Josh si Kyler naman nakatingin lang at walang imik.

"Salamat Marcus sige na baka inaantay kana ng Daddy mo."

Speaking of Daddy, Biglang pumasok si Reyster at parang gusto ko nalang magpakain sa Tiles panigurado pagkukwentuhan na naman ako ng mga kasama ko.

"Vinci kinulit kana naman ba ni Marcus? Pasensya na ha sabi ko ako na ang mag abot sayo pero nagpumilit at tinakbuhan pako."

"Hindi naman." 

"Hi baby boy? Anak kaba ni Vinci?"

At hindi na nga naawat si Josh nilapitan pa talaga si Marcus para tanungin.

"Opo, Siya po ang Dada ko at siya naman po ang Daddy ko at anak po nila ako."

Kung anong kinatahimik ni Reyster ay sya namang kinadaldal ng anak nya.

"Marcus let's go home na may work pa si Dada mo."

"Bye Dada!"

Yumakap muna sakin si Marcus bago umalis at nginitian lang ako ni Reyster bago sila tuluyang lumabas.

"Ikaw ha? May anak kana pala dimo sinasabi." Pang-aasar sakin ni Josh.

Di ko sya sinagot at nagpanggap nalang ng may ginagawa. Pero hindi nya padin ako tinigilan.

"Sino yung lalaki? Gwapo din ha." Dagdag pa nya.

"Sus! Mas gwapo pako don." Biglang nagsalita si Kyler na kanina lang ay walang imik.

"Gwapo kadin naman pre pero mas gwapo yon sayo." Sagot ni Josh sa kanya.

"Oyyy kayong dalawa mag trabaho na nga kayo baka gusto nyo na naman mapagalitan." Sabi ko nalang sa kanila.

Iniwan ko nalang silang dalawa at nag ayos ako ng mga paninda wala kasi masyadong tao kaya naman tamang ayos nalang ako.
Maya-maya lang din ay biglang tumabi sakin si Kyler.

"Anak moba talaga yung bata nayon?"

Yung mukha ni Kyler ay seryoso sa pagtatanong kaya naman parang gusto ko matawa.

"Oo." Seryosong sagot ko.

"Talaga? Pano? Ba't diko alam????" 

"Naniwala ka talaga? Wala pako anak. Hindi ko anak si Marcus."

"Eh yung lalaki kanina? Sino yon? Ano moyon?"

"Ba't ba ang dami mong tanong??"

"Sino nga kasi yon?" 

"Kaibigan ko lang yon."

"Mabuti naman, Akala ko Boyfriend mo eh."

Natawa ako sa sinabi ni Kyler parang napapraning sya na ewan.

"Mukha ba akong bakla? Para pumatol sa kapwa ko lalaki?"

"Oyy Vinci wag ka magsalita ng tapos sa panahon ngayon walang imposible sabi ko nga sayo uso ngayon ang mga Boys Love, Gender doesn't matter ika nga nila."

"Alam mo Kyler may trabaho tayo ngayon tsaka mo nalang ako kausapin ng tungkol sa mga ganyan kapag off duty tayo."

Boys Love?? Na iinlove sa parehong kasarian? Pwede bayon?
Ni minsan hindi ko pa nararamdaman kung pano mainlove sa kaparehong kasarian at kung dumating man ang panahon nayon hindi ko alam kung magiging handa ako.

# CHAPTER 7

VINCI'S POV

"Reyster anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sabay tingin kay Josh na nakatingin samin.

"Napaaga ba ako? Sorry hindi ako nagsabi na susunduin kita"

"Hindi naman pero akala ko kasi bukas pa"

"Si Marcus kasi hindi ako tinigilan alam na hindi ko sya mahihindian"

"Ganon ba sige antayin molang ako saglit lang"

"Nako magagalit na naman si Pareng Kyler nito" dagdag na hirit ni Josh pero dinedma kolang sya at kinuha na ang mga gamit ko at hinawakan sa kamay si Reyster sabay alis.

"May tinataguan kaba?" Tanong nya habang nasa sasakyan kami.

"Wala" nakangiting sagot ko.

Pagdating ko sa bahay ay kinuha ko agad yung mga gamit ko mabuti nalang at naiready kona yon bago ako pumasok kanina kaya bibitbitin ko nalang.

"Ma mauna napo ako ha, Nag aantay na kasi si Reyster sa labas. Pakisabi nalang kay Jiro na aalis muna ako at kung kailan ako babalik"

"Si Vinci ingat ka"

Yumakap lang ako kay Mama at bumalik nadin sa sasakyan ni Reyster.

"Salamat"

Yan agad ang salitang binigkas ni Reyster pagkapasok ko hindi ko alam kung para san yon pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Sino pala nagbabantay kay Marcus ngayon?"

"Nandon sya sa bahay mag isa lang"

"Nako bilisan mona baka kung mapano yon" grabe iniwan ba naman mag isa ang isang 6 years old na bata??

"Natutulog naman na sya ng iwan ko at nilock ko yung bahay"

Sinabihan ko nalang si Reyster na bilisan ang pagmamaneho kasi baka biglang magising si Marcus at hanapin sya, Tapos biglang lumabas yung bata, Tapos makuha ng mga masasamang tao, Tapos ipatubos sa kanila. Wag naman sana.

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay nila ay nagmadali agad ako bumaba ng kotse tapos pinabuksan ko agad kay Reyster yung pinto medyo OA yung reaksyon ko pero natakot lang kasi ako ng iwan nya mag-isa si Marcus.

Sinamahan ako ni Reyster sa kwarto ng bata at nadatnan ko na mahimbing pa itong natutulog kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"See? Mahimbing talaga matulog yan"

"Kahit Pa, dapat dimo iniiwan ang bata na mag-isa"

"Sorry. Bago kasi matulog si Marcus ay sinabihan nya ako na puntahan kana"

"Basta sa susunod wag mona ulit gagawin yon"

"Sasamahan na pala kita sa magiging kwarto mo"

Binitbit kona yung mga gamit ko at sumunod kay Reyster huminto kami sa kwarto malapit lang din sa kwarto ni Marcus.

Pagkapasok namin don ay namangha ako kasi sobrang ganda nya pati yung kama mukhang mamahalin.

Seryso ba sya? 

Dito ako matutulog?

"Dito ako matutulog???"

"Oo, Bakit? Pangit ba?"

"Nako, Nako hindi ahhh. Maganda nga eh"

"Pano maiwan na kita para makapag pahinga ka. Goodnight "

"Goodnight den"

Iniwan nako ni Reyster at nilapag ko muna yung mga gamit ko. Una ako nagtungo sa kama at para akong bata na tumalon talon ng malaman kong malambot yon.

Grabe sa buong buhay ko ngayon lang ako nakahiga sa ganito kalambot na kama. Pero maghahating gabi nadin ay inayos kona ang mga gamit ko para makapahinga nadin ako.

~~~~~~~~~~

Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil balak ko lutuan ng pagkain ang mag-ama para naman magkaroon ng silbi ang pagtira ko dito.

"Vinci?" Takang tanong ni Reyster hindi nya ata ineexpect na makita nya ako ng ganitong oras.

"Reyster gising kana pala pasensya na at nakialam ako dito hindi lang kasi ako mapakali na walang gagawin sa pagtira ko dito. Gutom kana ba? Nagluto ako ng maalmusal mo"

"Thanks. Pero hindi mo naman kailangan gawin to."

"Wala yon okay lang sakin sige na maupo kana."

Nilapag kona sa lamesa yung niluto kong Bicol Express at mukhang natuwa si Reyster sa nakita nya dahil napangiti sya.

Siguro nagtataka kayo kung pano ko naluto to sige ikukuwento ko.

Maaga talaga ako nagising para ipagluto yung mag-ama ng makakain Pritong Itlog or hotdog lang sana ang lulutuin ko pero dahil pakialamero ako ay naghanap ako sa ref ng pwede pang iluto at ayon na nga saktong sakto nandon lahat ng ingredients na kailangan ko dahil Especialty ko ang Bicol Express.

"Marunong ka pala magluto."

"Oo tinuraan kasi ako ni Mama."

"Join me." Pagaalok nya sakin.

Pero tinanggihan ko sya dahil sabi ko sabay nalang kami ni Marcus kakain pero dahil maanghan yon ay lulutuan ko nalang si Marcus bago sya magising.

"Reyster ano bang oras nagigising si Marcus?"

"Usually mga around 7"

"Ang aga talaga nya magising."

"Oo nasanay kasi sya dahil may morning class sya."

Nag-aaral si Marcus? Bakit parang hindi? 

"Grade 1 na si Marcus kung hindi mo naiitanong But because of our family problem i've ecided na wag na muna sya papasukin ayoko kasi kapag nasa school sya ay iiyak sya dahil hinahanap nya ang Mommy nya."

"Edi ngayon nandito nako pwede na sya ulit pumasok."

"Pag-iisipan ko"

Gusto pa sana magsalita kaya lang naisip ko baka isipin nya na masyado nako nanghihimasok.

Habang kumakain kami ay namutawi na naman ang katahimikan saming dalawa wala nakong maisip na pag-usapan kaya tumahimik nalang din ako halata kasi kay Reyster na hindi talaga sya masalita katulad ko.

"Kapag may kailangan ka Message or call molang ako" pagbasag ni Reyster sa katahimikan. Oo nga pala may binigay syang contact sakin.

"Oo"

Hindi ko akalain na malakas pala kumain si Reyster dahil naka ilang sandok sya ng kanin pero kung titingnan mo yung katawan nya ay medyo payat.

Pagkatapos nyang kumain ay nagpaalam na sya dahil pupunta na daw sya sa work nya at ako na lang din daw bahala kay Marcus. Pero syempre pinabaunan ko sya ng niluto ko sayang naman dahil ako lang din kakain nito.

~~~~~~~~~~~~

Bago pa magising si Marcus ay nilutuan kona sya para pag baba nya ay kakain nalang sya at tama nga si Reyster mga around 7 bumaba si Marcus kaya lang umiiyak sya.

"Marcus bakit ka umiiyak??"

"Akala kopo kasi iniwan nyo na ako"

Nilapitan ko si Marcus at pinunasan ang luha nya.

"Tahan na, Hindi naman aalis si Dada mo. Nilutuan lang kita gusto moba kumain?"

Tumango lang sya at inalalayan ko paupo.

"Vinci? Anong ginagawa mo dito? Umiyak na naman ba si Marcus at sinundo ka ng kapatid ko?"

Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita. Si Ate Nara pala at may bitbit syang mukhang mga pagkain.

"Hindi ate, Dito muna ako titira pansamantala kinausap kasi ako ni Reyster na kung pwede ay dito muna ako hanggat hindi nya pa napapaliwanag kay Marcus ang lahat."

"Ganon ba? Maraming salamat talaga. Mabuti nalang at nakilala ka namin"

"Wala yon ate napalapit nadin naman sakin yung bata tsaka saglit lang naman to"

"Pero kahit na. Super thank you talaga Vinci dahil pumayag ka hulog ka ng langit"

Nahihiya ako sa mga sinasabi ni Ate nararamdaman ko ang sincerety sa mga salitang binibitawan nya.

"Mabuti nalang at nandito ka may magaalaga na sa pamangkin ko. Siya nga pala mga pagkain yan dinala ko kasi walang nabanggit si Toto na dito kana pansamantala titira"

"Tita asan po si Lola Mommy?"

"Nako baby nagpapahinga alam mo naman old na si Lola mommy mo she need some rest. Sige na eat your food mag uusap pa kami ni Mommy mo "

"Salamat sa pagkain ate. May niluto din ako baka gusto mo kumain muna."

"Mukhang magaling kadin magluto at Hindi kona kailangan maghatid araw araw ng pagkain ng magdaddy"

"Wala bang nagluluto para sa kanila ate?"

"Dati meron yung bruhang si Kim pero simula nang umalis yon wala na ako nalang ang naghahatid ng pagkain nila kung minsan nag oorder nalang kami. Wag na nga natin pag-usapan ang babaeng yon kumukulo lang ang dugo"

Tumango nalang ako sa kanya at nilabas ko yung dala nyang mga pagkain Adodo at Fried chicken.

"Maaga bang umalis si Toto?"

"Toto??" Takang tanong ko, Pero sa tingin ko ay si Reyster ang tinutukoy nya.

"Si Reyster. Toto kasi ang palayaw nya at alam mo ba na mahilig yon sa pusa? Kaya lang dinala nya muna samin dahil ayaw ni Marcus nagtatalo silang dalawa haha"

Ngayon alam kona kung saan nagmana si Marcus, Kay ate Nara. Kung anong kinatahimik ni Reyster syang kina daldal nya.

"Ano palang trabaho ni Reyster?"

"Isa syang Dance Guru. Nagtuturo sya ng mga sayaw sa mga aspiring dancer may sarili syang studio na napagawa dahil sa talento nya. Meron din sya Franchise ng isang fast Food kung tutuusin nga kahit hindi na sya mag trababo ay buhay na sya kaya lang ang sabi nya samin yon daw ang tawag ng damdamin nya"

Sa itsura ni Reyster ay hindi mo aakalain na isa pala syang Dance Guru at business man napaka swerto ng taon mamahalin nya dahil bukod sa mabait ay masipag pa sya.

Pagkatapos naming kumain ay nag stay muna si Ate Nara dahil makikipag kwentuhan daw muna sya sakin.

Sobrang daldal ni Ate Nara halos matanong na nya ang buong buhay ko pati love life ko natanong nya din at ang sagot ko ay wala NGSB ako. Hindi ko pa kasi nahahanap ang taong magpapatibok ng puso ko.

Mga alas dos ng hapon nadin umalis si Ate Nara at sinabi nya kapag wala ako magawa ay maglibot nalang ako sa bahay para malibang ako at ayon nga ang ginawa ko.

Habang naglilibot ako sa bahay nila Reyster ay napadaan ako sa isang table namay mga picture frame na nakapatong larawan nila Reyster at Marcus na magkasama pero may isang larawan don na pumukaw ng atensyon ko. Isang babae, Pero ang mas nakakapagtaka ay kahawig ko yung babae. 

Ito kaya yung Mommy ni Marcus? 

Siya kaya si Kim??

Pero bakit magkamukha kami?

Ang daming katanungan ang biglang gumulo sa isipin ko.  Kaya ba ako tinatawag na Mommy ni Marcus?

"Dada"

Nilapag ko agad yung picture ng marinig ko si Marcus.

"Tapos kana ba maglaro?"

"Bakit nyo po tinitingnan ang mga pictures natin?"

"Ah eh wala natuwa lang ako kasi ang dami pala nating pictures"

Parang gusto kona sabihin kay Marcus yung totoo kaya lang ayaw ko naman pangunahan si Reyster at may usapan kaming dalawa.

Iniba ko nalang atensyon ni Marcus para hindi na namin mapagusapan ang tungkol kay Kim dahil pati ako naguguluhan din sa kung anong koneksyon ang meron saming dalawa.

Reyster's Pov

Mag-iisang linggo na simula nang iwan kami ni Kim at hanggang ngayon hindi ko padin alam ang dahilan kung bakit nya kami iniwan ng anak nya.

Masaya naman kaming nagsasama pero isang araw bigla nya nalang sinabi na ayaw na nya, Na aalis na sya, Na sasama na sya sa iba.

Masakit para sakin na yung taong mahal ko iniwan ako.

Pero mas doble padin yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing umiiyak si Marcus.

Naiisip din kaya ni Kim ang nararamdaman ng anak nya?

"Pre! Tulala kana naman" binatukan ako ni Jom ng mahina at dahil don nabalik nako sa realidad "Alam mo kung Hindi lang talaga kilala iisipin ko na baliw ka bigla ka nalang kasi tumutulala" dagdag pa nya

"May iniisip lang" maikling sagot ko.

"Isip na naman? Walang mangyayari dyan sabi ko sayo mag leave ka para makapag refresh ka masyado kana nasstress"

"Pinag-iisipan kopa nga. Kumain kana ba? May pagkain ako dito"

Nilabas ko yung pinabaon sakin ni Vinci at dahil madami naman to ay maghahati nalang kami.

"Nagugutom na nga din ako, Mabuti nalang at may baon ka makakatipid ako ngayon"

"Pagdating sa pagkain wag mo titipirin ang sarili mo sa trabaho natin kailangan madaming energy"

"Salamat sa payo Pre, Pero sa mahal ng mga bilihin ngayon kailangan mag tipid. Sayo okay lang dahil kahit dika magtrabaho mayaman naman kayo"

"Kumain na tayo at baka maubos kopa to."

"Mukhang masarap ang baon mo ngayon Pre sino nagluto nyan? Si Ate Nara ba?" Tanong sakin ni Jom.

"Hindi, Si Vinci nagluto nito."

"Vinci?? Ayon ba yung nabanggit mo sakin na kahawig ni Kim? Don ba sya nakatira sa inyo ngayon?"

"Oo pinakiusapan kolang sya mabuti na lang at pumayag nahihiya nga ako sa kanya eh dahil ang laking abala ng ginawa ko."

"Mabuti nga at napapayag mo siguro ginamitan mo ng galawang Toto?" Pang-aasar nya sakin.

"Loko lalaki yon at mabait lang talaga sya."

"Yah i know Pre, Pero malay mo. Sana makilala ko din si Vinci para makita ko kung hawig ba talaga sila ni Kim"

Hindi sumagi sa isip ko ang mga bagay na ganyan pero itong si Jom masyadong malawak ang imagination.

Vinci and I are just friends.

Maaring kahawig sya ni Kim pero hanggang doon nalang yon.

Vinci's Pov

Buong maghapon ay magkasama kami ni Marcus halos ayaw na nga nya ako lubayan kasi baka daw iwanan ko sya mawala lang ako saglit hahanapin na nya agad ako.

Naglaro lang kami, Kumain, Nanood sa Tv at kung ano ano pa na halos maubusan ako ng energy dahil sa sobrang hyper ni Marcus.

Ganito pala kahirap mag bantay ng bata akala ko madali lang.

"Dada can you sleep in my room?"

"Oo naman. Bakit natatakot kaba mag-isa."

"Maybe but I'm more afraid that you might leave and I don't want that to happen again."

Ramdam ko yung takot sa mga mata ng bata na baka maiwan ulit sya. Naawa ako kay Marcus dahil sa edad nya dapat nag eenjoy pa sya pero nararanasan na nya agad masaktan.

"Wag ka mag-alala Marcus hindi nako aalis ulit. Promise."
Sa sobrang saya nya sa sinabi ko ay niyakap nya ako.

Pumunta na kami sa kwarto nya para doon na matulog dahil pasado alas dies nadin nang gabi at ang sabi ni Reyster hindi nya daw kung anong oras  sya makakauwe kaya mauna na kami matulog ni Marcus at wag na sya hintayin.

Kung pwede nga lang ako nalang ang Dada nya para di na sya malungkot pero imposible dahil pagkatapos ng pagpapanggap nato ay iiwan kona din sya.

Tinabihan ko sa paghiga si Marcus at binasahan ko sya ng paborito nyang libro hanggang sa makatulog sya.

Mabuti pa si Marcus nakatulog na pero ako hindi pa dinadalaw ng antok kahit anong pusisyon ang gawin ko dipa din ako inaantok.

Nakatulala lang ako sa kisame ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marcus natakot pa nga ako kasi baka magnanakaw pero si Reyster lang pala.

"Reyster ikaw pala"

"Tulog naba si Marcus?"

"Kakatulog lang"

"Ikaw ba't hindi kapa tulog?"

"Hindi pa kasi ako inaantok naninibago lang siguro"

Kanina kopa talaga gusto matulog kaya lang namamahay ata ako nakailang paikot ikot nako ng puwesto hindi padin ako inaantok.

"
Para sayo
."

Pasalubong?

Para sakin?

Medyo nagulat ako dahil hindi ko iniexpect na bibigyan ako ni Reyster. Kinuha kodin naman agad yung inabot nya at nagpasalamat.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya burger nalang ang binili ko but don't worry masarap naman yan."

"Salamat uli."

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko hindi ako makatingin ng diretso kay Reyster dahil baka kung anong isipin nya.

Vinci??? Ano bang nararamdam mo!! Binigyan kalang ng burger kung ano ano naman ang iniisip mo.

Sa totoo lang hindi kona maintindihan ang nararamdaman ko nitong mga nagdaang araw alam ko sa sarili ko na lalaki ako at never pako nag kagusto or nag ka crush sa kapwa ko. Pero nang bigla kong nakita si Reyster parang tinunaw nya yung yelo sa pagkatao ko kapag may pakiusap sya hindi ko sya mahindian. Tapos naalala kopa yung mga sinabi sakin ni Kyler about BL.

~~~~~~~~~FLASH BACK~~~~~~~~~~~~~

"Vinci 

posible

 

kabang

 

magkagusto

 sa isang lalaki?" Seryosong tanong sakin ni Kyler.

"Hindi. Dahil lalaki ako hindi naman ako bakla para 

magkagusto

 sa isang lalaki."

"

Pagnagkagusto

 sa kapwa lalaki bakla agad?"

"Oo bakit hindi ba."

"Alam mo Vinci hindi kapa kasi 

nagmamahal

 kaya mo nasasabi yan pero ito lang ang sasabihin ko sayo hindi 

sukatan

 ang kasarian ng isang tao sa pagmamahal at hindi mo 

masasabi

 kung sino ang 

mamahalin

 mo."

~~~~~~~~~~End of flashback ~~~~~~~~~

BAKLA NABA AKO?????? O naappreciate kolang yung Tao???

Vinci lalaki ka!

Vinci hindi ka bakla!

Si Reyster? Kaibigan molang yon. Magakaibgan lang ako.

Para akong baliw na nag coconvince sa sarili ko.

"Vinci, Are you okay?"

"O-oo"

Kainis bakit ba ako nauutal kay Reyster.

"Babalik na ako sa kwarto ko sinamahan kolang yung bata"

Maglalakad na sana ako palabas pero biglang hinawakan ni Reyster yung kamay ko na nagpatibok ng mabilis sa puso ko.

Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko??

"Dito ka nalang, Baka magising si Marcus at hanapin ka"

Huminga muna ako ng malalim bago Humarap sa kanya.

"Si-Sige"

"Maiwan kona kayo dyan. Good night"

Hindi nako nakasagot sa sinabi nya dahil parang umatras na ata yung dila ko at hindi ako makapag salita.

Kasalan lahat to ni Kyler dahil kung ano ano ang sinasabi sakin about sa mga BL nayan pati tuloy si Reyster nadadamay.

# CHAPTER 8

Vinci's Pov 

"Dada you're awake!"

Nilapitan ako ni Marcus at hinila papunta sa daddy nya at kala ate Nara.

"Gising kana pala, Dina kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo" 

"Pasensya na napasarap ata yung tulog ko" sagot ko kay Reyster. Pero pagtingin ko sa phone ko 6am palang naman ang aga ata nila lahat nagising at mukhang bihis na bihis tapos kasama pa yung mommy nila.

"Tama na ang chika tara na at para makabyahe na tayo at hindi tayo gabihin" sabat ni Ate Nara

"Let's go Dada" Hihilahin na sana ako ni Marcus pero pinigilan ko sya. Diko kasi alam kung anong meron eh.

"Sandali anong meron?"

"Ito kasing si Toto nag aya bigla mag outing mabuti nalang at may friend ako na may ari ng Resort sa boracay kaya walang naging problema."

"Ganon ba ate, Sige ingat kayo."

"Anong kayo? Kasama ka Vinci" 

"Ha? Pero Family outing nyo yan kaya dito nalang ako magbabantay sa bahay nyo"

"Ano kaba naman Vinci diba part kana ng Family namin? Asawa mo si Reyster kaya Family kana namin"
Biglang umakyat ang dugo sa mukha ko at alam kong namumula ako sa kahihiyan dahil sa sinabi ni ate si Reyster ay napayuko na lang. Natawa naman si Ate Nara sa naging reaksyon namin kaya binulungan nya ako.
"Syempre kunwari lang diba nga sabi nyo magpanggap?"

Di ako nakasagot sa sinabi nya at napatingin nalang sa dako ni Reyster na hindi padin makatingin sakin.

"Toto, Nara mauna na kami ng apo ko sa sasakyan"

"Sige Ma, Susunod nadin kami" sagot ni Ate Nara. "Tara na Guys? Ano? Galaw galaw naman dyan"

"Yung mga gamit ko kasi Ate diko pa naayos" pagdadahilan ko nalang kasi ayoko talaga sumama dahil nga Family outing yon.

"Nasa sasakyan na pinakuha ko kay Toto kanina"

"Dipa pala ako nag-aa-------"

Hind kona natapos ang sasabihin ko dahil hinila na ako palabas ni Ate Nara kaya kahit nagaalangan ako ay sumama nako. Pero sa totoo lang ay nahihiya ako kasi kagigising kolang as in wala pang hilamos at sipilyo pakiramdam mo ang dumidumi kong tao.

Magkatabi ni Reyster sa upuan habang magkatabi naman si Ate Nara at Marcus tapos si Tita Nasa harapan katabi ng driver.

"Pwede pa tayo matulog dahil mahaba haba ang byahe natin" suggest ni Ate "Ito kasing si Toto pabigla bigla di tuloy tayo naka pag book ng flight edi mas mabilis sana"

"Sorry na ate"

"Yaan mona matulog na kayo"

"Iaantok kapa ba?" Tanong sakin ni Reyster

"Medyo" maikling sagot ko 

"Ito gamitin mo"

Inabot sakin ni Reyster yung pillow neck nya at kinuha ko agad.

"Kung hindi ka komportable pwede ka maidlip sa balikat ko"

Medyo nagulat pako sa sinabi nya dahil parang ibang tao sya ngayon.

"Ayyiiieeee ang sweet ni Daddy" pang-aasar ni Marcus.

Ngumiti lang ako sa bata at pinikit ko nalang ang mata ko pero hindi nako sumandal sa balikat ni Reyster.

Jeromy's Pov

Sayang hindi kami nakasama ni Mama sa outing nila kuya Vinci gusto kopa naman sana makapunta sa beach dahil hindi pa kami nakakapunta don kaso may pasok ako kaya di pwede. Nakaalis na siguro sila.

"Jiro pagtapos mo dyan sumunod ka sa kwarto tulungan moko maglinis at itatapon natin ang mga lumang gamit para lumuwag dito sa bahay"

"Sige po, Tapusin kolang ang assignment ko"

Dahil hindi naman ganon kahirap ang ginagawa ko ay halos mga 20 minutes kolang tinapos at sumunod nako kay Mama at naabutan ko sya na nagkakalkal ng mga gamit.

"Tapos kana ba? Yang mga yan ilagay mo sa sako at ipagtatapon natin"

Sumunod naman ako kay Mama at isa-isa kong nilagay sa sako yung mga gamit na binibigay nya at habang naglalagay ako ay may nakuha ako na isang picture frame pinagmasdan ko yon at nakita ko si Mamay kargang bata tapos may katabi syang lalaki na may karga ding bata.

"Ma sino po ito?"

Pinakita ko kay Mama yung hawak ko at dali dali syang lumapit sa akin at kinuha ang picture frame.

"Itapon mona yan, Wala yan. Wag mona tanungin"

Hindi makatingin si Mama sakin ng diretso at sya na ang nagsilid ng mga kalat sa sako.

"Si Papa po ba yan?"

Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang Papa ko dahil ni isa wala syang picture sa bahay ang sabi lang ni Mama patay na daw sya pati si Kuya Vinci wala na masyadong maalala tungkol kay Papa.

"Ituloy na natin to para matapos tayo ng mabilis"

Hindi ako sinagot ni Mama ng diretso at napatuloy lang sa ginagawa nya alam ko kahit hindi nya sabihin ay si Papa talaga yon at yung batang karga ni Mama ay si Kuya Vinci pero yung karga ni Papa na babae ay hindi ko alam kung sino.

Tinulungan ko nalang si Mama sa pagliligpit at hindi nako nagtanong pa sa kanya tungkol sa nakita ko dahil sigurado ako na hindi nya din naman sasabihin.

Vinci's Pov

Totoo nga ang sabi ni Ate na mahaba haba ang byahe namin dahil inabot lang naman kami ng alas sais ng gabi bago makarating sa Hotel na pagmamay ari ng kaibigan nya.

Nakailang hinto din kasi kami para makakain tapos kinailangan pa namin bumaba sa caticlan para iwan ang Van dahil bawal daw.

So ayon sa hinaba haba ng byahe ay nakarating din kami.

"Kami ni Mama ang magkasama sa kwarto at kayo namang tatlo ang magkakasama"

Binigay ni Ate Nara kay Reyster ang susi at nagpunta na kami ni Reyster sa room namin.

Pagkadating namin sa room ay napanganga nalang ako sa sobrang ganda mas maganda pa sa bahay namin. As in lahat ng gamit alam mong mamahalin.

"Ayos kalang ba?"

"Ah eh oo, Nagandahan lang ako sa kwarto"

"Ako na ang mag-aayos ng mga gamit natin" alok ni Reyster. Pero hindi ako pumayag.

"Hindi na ako na"

"Ayos lang ako na" pagpupumilit nya. Nang akmang dadamputin kona ang mga gamit ko ay nagkahawak ang aming mga kamay dahil ayon din ang kukunin nya. Nagkakatitigan kaming dalawa ng ilang segundo.

"Ako na, Kaya kona"

Tinanggal ni Reyster ang kamay nya at hinayan ako na ayusin ang mga gamit namin.

"Nag message pala si Ate sakin na hahatidan nalang Tayo dito ng dinner"

Tumango lang ako sa kanya at pinag patuloy ang ginagawa ko si Marcus naman ay busy sa kakalaro ng iPad nya.

"Mabuti nalang talaga at may kakilala ang Ate Nara mo" 

"Oo nga eh, Nabigla nga din sya ng sinabi ko may outing tayo"

Ako din nabigla! Biruin mo kagigising kolang aalis agad? Yung itsura ko walang ayos ayos.

~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan ay maaga kami nagising para makapunta sa beach pero diko na nakita si Reyster pag gising ko at ang sabi ni Marcus ay may sinundo daw.

Kinuha ko nalang ang phone ko at tinawagan si Mama .

"

Hi Ma!" Bati ko kay Mama ng sagutin nya ang tawag ko.

"Hello Vincente!" Napalaki agad ako ng mata kay Mama Mabuti nalang at walang nakarinig naka loud speaker pa man din. 

"Kamusta ang bakasyon nyo dyan?"

"Eto Ma maganda dito, Sayang di kayo nakasama ni Jiro"

"Si Mama kasi ayaw sumama eh gusto kopa naman maligo sa dagat" kinuha ni Jiro ang phone kay Mama at kinausap ako.

"Di pwede dahil may pasok ka"

"Isang araw lang naman yan kuya" 

"Anong isang araw? Ilang araw din to noh at  diba sabi ko sayo kailangan mag focus ka sa pag-aaral mo?"

"Akin na nga yan, Wag mona pansinin yang kapatid mo" kinuha naman ni Mama ang phone at sya ang humarap sakin. 

Mas masaya sana kung nandito sila.

"Hayaan nyo pagnaka ipon ako? Magkakasama naman tayo na mag a outing"

"Sabi mo yan kuya ahhh" rinig kong sigaw ni Jiro.

"Dada sino pong kausap nyo?"

"Si Lola Mama mo" 

Binuhat ko si Marcus at dalawa kaming kumausap kay Mama 

"Lola Mama dapat sumama po kayo maganda po dito"

"May pasok kasi ang Tito Jiro mo kaya hindi kami pwede sumama"

"Next time po Lola Mama sasabihin ko kay Daddy na mag outing po ulit para makasama kayo"

Napaka sweet talaga na bata ni Marcus.

"Ma bye napo mamaya nalang ulit ako tatawag"

"Sige anak enjoy kayo dyan"

Nag end nako ng call at lumabas na kami ni Marcus para puntahan sila Ate Nara Pag dating namin ni Marcus ay Sinipat ko agad si Reyster pero wala sya.

Asan kaya sya?

"Si Totoo ba ang hinahanap mo?" Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil nahihiya akong sabihing oo. "Sinundo lang yung kaibigan nya pero babalik din naman agad yon"

Tumango lang ako sa kanya at kunwari nilalaro si Marcus.

"Vinci ayaw moba maligo"

"Mamaya nalang ate medyo mainit pa"

"Mainit? No problem may sunscreen ako. Ito oh gamitin mo"

Inabot ni ate yung sunscreen nya at ginamit kona din nakakahiya naman kung tatanggi ako.

"Dada tara napo" Wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Marcus papunta sa dagat.

"Marcus sa gilid lang ha wag ka pupunta sa malalim"

Ako ang natatakot sa kalikutan ng bata nato pero at the same time masaya ako kasi masaya din sya.

"Dada ligo na"
Bigla akong binasa ni Marcus, Kaya ang ginawa ko ay binasa kona din. Tapos naghahabulan pa kaming dalawa.

"Hi baby boy?" 
Napahinto kami ni Marcus ng may isang lalaki na matangkad ang lumapit samin. Di ko sure kung anong lahi sya.

Ako ba ang tinutukoy nya?

Baby boy??? Pero mukhang si Marcus nga.

Yumakap agad sakin si Marcus ng makita nya ang lalaki.

"Are you alone? Do you wanna join with me"

Ako ba ang kinakausap ng lalaking to? Pero hindi naman na ako baby.

"Ah eh no Sir" parang mapapasabak ata ako sa english nito ahh di pa naman ako ready.  Mabuti na nga lang at nagtatagalog na si Marcus.

"Do you want to come with me later? I'll give you my number"

Number agad? Kinuha nya yung phone nya pero sumenyas naman ako na hindi na.

"Vinci is there a problem?" Nagulat ako ng biglang dumating si Reyster at may kasama syang lalaki. "What do you need from him?" Dagdag pa nya.

"Why, Who are you?" Sagot ng lalaki

"I'm his husband"

Napakunot naman yung lalaki sa sinabi ni Reyster tapos ako eto tulala na naman dahil sa sinabi nya. Walang nagawa yung lalaki kundi ang umalis nalang.

"Tara na" Hinawakan ako ni Reyster sa kamay pero pinigilan ko sya.

"Naliligo pa kasi kami ni Marcus"

"You can do that later"

Galit ba sya??

Tumingin ako sa kasama nya na nakangiti lang sakin tapos si Marcus walang nagawa kundi ang sumunod nalang din.

"Oh Vinci tapos naba agad kayo ni Marcus? "

Di ako sumagot sa tanong ni Ate kasa ang sama ng aura ni Reyster.

"Toto ba't ganyan ang itsura mo? May nakaaway kaba?" 

Hindi rin sumagot si Reyster sa kanya.

"Ate Nara kamusta long time no see" bati ng kasama ni Reyster.

"Eto maganda padin, Ikaw may Girlfriend kana ba?"

"Wala pa ate. Ihanap mo naman ako baka may kaibigan ka"

"Nako sa iba nalang wag ang mga kaibigan ko"

"Ate balik muna ako sa kwarto magpapalit lang ako"

"Ha? Tapos kana agad?"

"Maliligo nalang siguro ulit ako mamaya"
Nagpaalam ako sa kanila at bumalik nako sa room namin. Pero hindi padin maalis sa isip ko yung naging reaksyon ni Reyster. Galit ba sya? Pero bakit sya magagalit wala naman ako ginawang masama.

REYSTER POV

"Grabe Pre parang gusto muna gulpihin yung Kano kanina"

"Tsk" 

Yan lang ang nasagot ko sa kanya dahil naiinis talaga ako sa nakita ko kanina.

"Pero mas nagulat talaga ako ng makita ko si Vinci sa personal kamukhang kamukha nya nga si Kim. Hindi kaya kambal sila?"

"Walang kambal si Kim" 

"Okay sabi mo eh pero kanina ng makita natin na may kumakausap sa kanya bakit ka nagmadali pumunta don? Tapos parang galit kapa. Nagseselos kaba??"

Hindi ako sumagot sa kanya at kumuha nalang ng pagkain.

"Ayyiiieeee si Pareng Toto nagseselos! In love na. May pa I'm his husban kapa"

"Loko ka kumain ka na nga lang"

Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar ni Jom at nag focus nalang ako sa kinakain ko. Sila Mama naman at ate Nara ay naligo na sa may dagat kasama si Marcus.

Si Vinci kaya? Ayos lang kaya na mag isasya don sa kwarto namin?

Vinci's Pov 

Dahil sa nailang ako kay Reyster ay mas minabuti ko na magmukmok nalang sa kwarto hindi ko alam kung bakit pero bigla ako nahiya sa kanya.

Tumawag nadin sakin si Ate Nara pero ang sagot ko lang ay biglang sumama ang pakiramdam ko.

Pasado alas kwarto ng hapon na ng magising ako diko namalayan nakatulog na pala ako pero wala padin sila Marcus sa room namin kaya naman nagbihis lang ako at lumabas para hanapin sila.

Papunta na sana ako kung nasan sila pero mas minabuti ko nalang mapag-isa at damhin ang simoy ng hangin ang ganda ng paligod wala masyadong tao, Malinaw ang tubig at higit sa lahat puting puti ang kulay ng buhangin. Naisipan ko na umupo muna sa buhanginan at titigan ang asul na kalangitan parang diko pa kasi kaya harapin si Reyster, Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero nahihiya ako sa kanya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Habang nagmumuni muni ako ay may pamilyar na boses ang biglang nagsalita.

Tumingin lang ako saglit kay Reyster at bumalik ako ng tingin sa kalangitan "Sabi kasi sakin ni ate sumama daw pakiramdam mo"

"Ayos nako. Nakapahinga nadin naman ako kanina"

"Pasensya na pala sa inasal ko kanina"

"Bakit ka nag sosorry?" Takang tanong ko sa kanya.

"Kasi hinila kita kahit naliligo pa kayo ni Marcus di mo tuloy masyado na enjoy"

"Yon ba? Wala naman sakin yon"

"Kumain kana ba? Di kasi lumabas pagkatapos mong bumalik sa kwarto natin, Nahihiya naman ako na puntahan ka"

"Asan pala sila Marcus?"

"Nako nandon na sa kwarto nila Mama"

"Ikaw bakit nandito kapa?"

"Di kasi ako makabalik nahihiya ako sayo baka maistorbo kita"

Nakonsensya naman ako bigla sa sinabi nya. Tumabi sakin si Reyster at sabay namin pinagmasdan ang kalangitan pero habang mag katabi kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya. Seryoso lang sya na nakatingin pero makikita mo sa mga mata nya ang lungkot.
Kaya diko na napigilan ang sarili ko na tanungin sya.

"Ayos kalang ba?"

"It's been 3 weeks simula ng iwan kami ni Kim. Pero yung sakit nandito padin, Hindi kopa din maisip kung bakit nangyari sakin lahat yon. Sinisisi kopa din ang sarili ko"

"Ganyan talaga kapag nagmahal ka masasaktan at masasaktan ka pero hindi naman ibig sabihin non puro sakit nalang darating kadin sa time na okay na hindi man ngayon pero soon"

Diko alam kung saan galing ang hugot kong yon pero kusa nalang syang lumabas sa bibig ko.

"Sana nga masyado na kasing mabigat ang dinadamdam ko parang gusto konang sumabog. Tahimik lang ako pero sa loob ko ay wasak nako"

Ang tahimik na REYSTER ay biglang naging madamdamin siguro hindi na  nya talaga kaya kimkimin ang lahat.

"Kunwari ako si Kim anong gusto mong sabihin sa kanya?"

Napatingin sakin si Reyster at tinitigan ang mukha ko.

Sana lang talaga tama ang desisyon ko.

"Kim? Bumalik kana please. Nahihirapan nako itago sa anak natin ang totoo. Mahal na mahal kita at handa akong patawidin ka basta bumalik kalang.  Magsisimula ulit tayo bilang pamilya"

Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Reyster parang hindi nya deserve masaktan ng ganito. 

Pero mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinawakan nya ako sa ulo at siniil ng halik hindi ako nakagalaw sa halik nayon dahil sa pagkabigla ko. Gusto ko syang itulak pero na estatwa nako nalalasahan kona din ang alak pero mas nararamdaman ko ang pagmamahal sa halik nayon, Pag mamahal na hindi sakin pero para kay Kim.

"Reyster? Vinci?"

Naitulak ko agad si Reyster ng marinig ko ang boses ni Ate Nara. Parang gusto ko nalang biglang maglaho dahil sa nangyari ano nalang iisipin ni Ate Nara????

"Sorry" biglang sabi ni Reyster pero hindi makatingin ng diretso sakin. Ano bang dapat isagot ko?? Okay lang? Welcome??

"Kailangan ko kausapin si Ate Nara"

Tumayo ako at dali daling hinabol si Ate Nara.

"Ate Nara sandali"

Nang maabutan ko sya ay hinawakan ko sya sa kamay.

"Ate Sandali lang, Magpapaliwanag ako. Yung kanina ano lang yon, Wala lang yon"

Humarap naman sakin si Ate Nara at tiningnan muna ako bago magsalita.

"Bakit kayo magkahalikan ng kapatid ko?"

"Ate Nara, hindi ko din alam na gagawin yon ni Reyster ang sinabi kolang na kung ako si Kim anong gusto mong sabihin sa kanya na hindi mopa nasasabi"

"Vinci kakagaling lang sa sakit ng kapatid ko ayoko lang na masaktan na naman sya ulit dahil lang sa nakikita nya sayo si Kim. Tsaka kahit sino mabibigla dahil sa ginawa nyo"

"Hindi ko talaga gusto yung nangyari"

"Ate Nara"

Biglang dumating si Reyster sa eksena kaya napahinto kami saglit.

"Vinci pwede koba muna makausap ang Ate Ko?"

Tumango lang ako at iniwan na silang dalawa. Sana lang talaga mapaliwanag ni Reyster sa ate nya ang nangyari dahil ayoko magalit sakin si Ate Nara ng dahil lang don.

REYSTER'S POV

"Ate kung ano man ang nakita mo walang kasalanan si Vinci. It was me who kissed him"

"Toto hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo, I'm still shocked hindi ko akalain na makikita kitang may kahalikan at sa lalaki pa pero it doesn't matter ang gusto kolang malaman ay kung may gusto kaba sa kanya?"

May gusto nga ba ako kay Vinci kaya ko sya hinalikan?

"Naguguluhan ako Ate, Basta pag nakikita ko sya masaya ako gusto ko syang yakapin pero natatakot ako kahit nasa work ako sya ang nasa isip ko at gusto ko nalang umuwe para makasama sya."

"You liked him?"

Napaupo nalang ako sa buhanginan at napahawak sa ulo ko dahil sobrang naguguluhan nako.

"Ewan" yan lang ang naisagot ko.

"Gusto mo ba sya dahil yun ang nararamdaman mo o Gusto mo lang sya dahil nakikita mo si Kim sa kanya?"

"Ate anong gagawin ko?"

"Reyster nong bago palang kayo ni Kim nakita ko kung gaano ka nag effort sa kanya nang magkaanak kayo nakita kodin kung gaano mo sila Kamahal at Higit sa lahat nakita ko kung paano ka nasaktan ng mag hiwalay kayong dalawa at ayon ang ayoko mangyari ulit sayo. Yung nararamdaman mo ngayon? Siguro dala lang yan ng pagmamahal mo kay Kim. Reyster ibang tao si Vinci, Hindi sya si Kim. Wala na si Kim kaya sana matanggap mona yon"

Napayakap ako kay Ate dahil  tagos sa puso ang mga sinabi nya at ramdam ko ang pag-aalala nya sakin.

Siguro nga dapat konang tanggapin na wala na kami ni Kim at hindi na mabubuo ang pamilyang pinapangarap ko.

# CHAPTER 9

Vinci's Pov

Vinci ano bang nasa isip mo at hindi mo pinigilan ang halik nayon???? 

Bakit hinayaan mopa na may makakita at si Ate Nara pa talaga.

Habang nasa kwarto ay hindi ako mapakali lakad dito at lakad doon hindi padin mawala sa isip ko yung naging reaksyon ni Ate Nara 

Pano kung nagalit sya?? 

Anong mukha ang ihaharap sa kanila?

Hayyyy Vinci! Bakit ka kasi humalik sa kapwa mo lalaki!?

Habang kinausap ko ang sarili ko biglang pumasok si Reyster at kung kanina palakad lakad ako ngayon naman ay na estatwa nako.

"Vinci Sorry"

"Anong sabi ni Ate Nara? Nasabi moba na ikaw ang unang humalik? Napaliwanag moba sa kanya na hindi ko intensyon yon????"

"yes, I explained to her that I was the one who kissed you first"

Nakahinga ako ng malalim dahil sa sinabi nya akala ko mayayare ako ng wala sa oras.

"Mabuti naman, Pero wag mona ulit uulitin yon"

"Sorry Talaga"

"Sige pero promise mo sakin na hindi na talaga mauulit yon. Pupuntahan kolang din muna si Marcus sa kabilang kwarto"

Iniwan ko si Reyster sa kwarto namin dahil hindi ako magiging komportable kung magkaka usap kami ng kami lang. dumiretso naman ako kabilang kwarto pero si Ate Nara lang ang naabutan ko.

"Ate?"

Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula nahihiya padin kasi ako sa nasaksihan nya.

"Vinci ako na ang humihingi ng sorry dahil sa ginawa ng kapatid ko, Di nya lang talaga maiwasan na isipin na ikaw si Kim. Kahit sino naman kasi ang makakakita talagang magkamukhang magkamukha kayo kung hindi ka nga lang lalaki iisipin kong ikaw sya"

"Wala naman problema sakin yon Ate Nara kaya lang ang iniisip ko yung sasabihin ng ibang tao kung iba ang nakakita sa ginawa namin"

"Pinagsabihan kona yon si Toto at nag promise sya sakin"

"Sana lang talaga ate dina nya gawin"

"Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ng kapatid ko at ginawa nya yon. Pero maiba tayo kung ikaw ang tatanungin posible kabang mainlove sa kapatid ko?"

Parang na hot seat ako bigla sa tanong ni Ate. Ako maiin love kay Reyster? Malabo ata yon.

"Siguro ate" napadilat sya bigla sa naging sagot ko "Kaso hindi ako babae kaya malabo" Never kopa kasing naranasan ma inlove sa kaparehong kasarian kaya hindi kopa talaga alam 

"Vinci kamusta na ang pakiramdam mo?" Biglang dumating ang mama nila kasama si Marcus

"Ayos napo ako Tita nanibago lang siguro ang katawan ko"

"Dada ligo papo tayo"

"Hay nako kanina payan si Marcus nasusunog na nga ang balat gusto pa magbabad" pabirong angal ni Tita.

"Dada sige napo please? Si Mommy Lola kasi masakit na ang likod" 

Makakahindi paba ako sa ka cutan ng batang to? Kahit sino mapapaamo nya talaga.

"Ate, Tita maiwan po muna namin kayo samahan kolang si Marcus"

Minsan lang naman to kaya pagbibigyan kona ang bata.

"Dada doon tayo" Tinuro ni Marcus yung medyo malalim pero di ako pumayag.

"Bawal don dito nalang tayo sa gilid"

"Daddy come here!" Sigaw ni Marcus ng makita ang daddy nya. 
Hindi kodin napansin na nandyan pala si Reyster.

"No baby it's okay, Kayo nalang ng dada mo"

Sinenyasan ako ni Marcus na itapat ang tenga ko sa kanya at may binulong sya.

Alam nyo ba kung ano??

Basain daw namin ang daddy nya.

Dahan dahan kaming lumapit sa kanya at nakangiting ginawa ang plano namin.

"Ah ganon ha? Nagkampihan pa talaga kayo"

Biglang naging agresibo si Reyster at pinagbabasa kami ng anak nya ako naman ay pinapunta si Marcus sa likudan ko baka mapasukan ng tubig ang mata nya. Akala siguro ni Reyster papatalo ako sa kanya?  No way! Competitive ata to.

Buong lakas kong binasa si Reyster at ganon din sya sakin para kaming mga batang napayagan ng nanay na maligo sa dagat.

"Ang sweet naman ng Family"

Napahinto kami ni Reyster ng biglang dumating yung kaibigan nya.

"Oh ba't kayo tumigil? Nahiya pa kayo sakin. Sige na ituloy nyo nayan" 

Diko alam kung seryoso sya o nangaasar. Lumapit naman ng konte si Reyster at ng makahanap ng pagkakataon ay pinagbabasa nya naman yung kaibigan nya.

"Oyy Pre!!! Kakabihis kolang!"

"Ninong Jom!" Lumapit naman si Marcus sa kanya at nag mano dito.

"Ang pogi pogi talaga ng inaanak ko mana sa ninong" kinurot nya sa magkabilang pisngi si Marcus at sabay tumingin sakin"Hi Vinci? Ako nga pala si Jom. Nice to meet you"

Inabot nya yung kamay nya at agad naman ako nakipag kamay. Ngayon lang kami nakapag interact ng maayos kanina kasi nahihiya ako makipag usap sa kanya.

"Ehem" napatingin kami ni Jom ng biglang mag ehem si Reyster nabitaw din ako sa kamay nya.

"Si Pareng Toto naman nakikipag kamay lang kay Vinci"

"Kala koba kakabihis molang? Gusto mopa ata mabasa" 
Akmang babasain na sya ni Reyster pero kumaripas agad ng takbo si Jom. Nahihiwagan padin ako dito kay Reyster minsan tahimik pero ngayon napaka hyper akala laruan na di charge at naka fully charged sya ngayon haha 

"Pagpasesnyahan mona si Jom mapang-asar lang talaga yon"

"Ayos lang. Ano game ulit?"

Nagbasaan ulit kami ni Reyster at para kaming mga bata sa ginagawa namin parang mas nag enjoy pa kaming dalawa kesa kay Marcus.

Habang nagbabasaan kami ay biglang tumama sa mata ko yung tubig kaya naman napahinto ako at hinawakan ang mata ko.

"Are you okay???" Alalang tanong ni Reyster sabay lapit sakin.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at saktong nagkatitigan kami. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa dibdib ko.

Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko tuwing kasama ko sa si Reyster parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag at gusto ko nalang lumayo sa kanya.

"Tara na balik na tayo, Baka ginawin si Marcus"
Iniba ko ang usapan at inaya na si Marcus pabalik sa kwarto namin pero si Reyster ay naiwan lang don mag-isa.

Anong bang nangyayari sakin?

Bakit ako natataranta pag dating kay Reyster??

"Dada sana laging ganito Happy Family tayo"

Ngumiti ako kay Marcus tapos bigla kong naalala na pansamantala lang pala ako sa buhay nilang mag Ama dahil pagkatapos kong mag panggap ay kailangan kona din umalis. Kailangan kona bumalik sa buhay ko 

"Hayaan mo next time sasabihan ko ang daddy mo at isasama na natin si Lola Mama mo at Tito Jiro mo"

"Really???!!! Yehey!!!"
Sa sobrang saya nya ay niyakap nya ako.

"Pero bago yan magbanlaw na muna tayo para makapag palit na"

Binanlawan ko muna si Marcus sa bathroom at pagkatapos ay ako naman ilang minuto lang din ay sumunod na si Reyster.

Ngayon palang parang mahihirapan na ata ako iwan si Marcus ano pa kaya kung sasabihin kona sa kanya? Kung pwede lang na anak ko nalang sya kaso hindi pwede dahil isa lang akong ni Kim.

KYLER'S POV 

Dahil sa sinabi sakin ni Josh ay naisipan kong puntahan si Vinci sa kanila nakakapag taka din kasi na bigla syang nagpa leave eh ang sabi nya sakin kailangan nya mag trabaho para makaipon dahil balak nya bumalik sa pag-aaral.

........................FLASH BACK................................

"Kyler ba't ba nagpa leave si Vinci? Kulang na nga tayo sa tao tapos nabawasan pa" angal ni Josh

"Diko din alam, Nagulat na nga lang din ako sa schedule natin"

"Pero kagabi sinundo yon nung lalaki na nagpunta din dito yung gwapong lalaki"

Natigil agad ako bigla dahil sinabi nya, Pero napatakip naman sya sa bibig nya "

"May nagsundo sa kanya?"

"No comment nalang pala ako"

Lumapit ako kay Josh tapos inakbayan sya.

"Parang hindi naman tayo tropa nyan kung hindi mo sasabihin sakin"

"Baka magalit sakin si Vinci"

"Ako bahala sa kanya, So ano nga? May nagsundo ba talaga sa kanya?"

"Basta sagot moko ah. Oo kagabi meron nagsundo sa kanya naka sasakyan pa nga eh"

.................END OF FLASH BACK......................

"Good Evening po Tita" bati ko sa mama ni Vinci pagkabukas nya ng gate nila.

"Kyler napadaan ka"

"Bibisitahin kolang po sana si Vinci, Nag leave kasi sya ng one week eh"

"Nako wala si Vinci ngayon"

"Ganon po ba? Asan po sya?" 

"Kuya Kyler!" Sigaw ni Jiro ng makita ako, Kumaway naman ako sa kanya.

"Pasok ka muna"

Tumango lang ako at sumunod nadin kay Tita Papasok pero hindi nya nasagot ang tanong ko kung nasan si Vinci.

"Maiwan na muna kita ha, May gagawin pa kasi ako"

"Sige po Tita"

Umupo muna kami ni Jiro tapos inabot ko sa kanya yung chips sa bag ko.

"Jiro san ba nagpunta si Kuya Vinci mo?"

"Si Kuya? Nag bakasyon kasama sila kuya Reyster"

"Reyster?"

"Oo yung asawa nya"

Para akong nabingi sa sinabi ni Jiro. Si Vinci may asawa?

"Asawa????"

"Si Kuya Reyster"

Wait

Pano nangyari yon? 

Bakit hindi ko alam?

I mean ba't hindi na banggit ni Vinci?

Yung Reyster ba na tinutukoy nya ay yung lalaking pumunta sa store namin?

"May asawa naba talaga ang kuya mo?"

"Nagulat nga din ako kuya Kyler eh"

Diko alam pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ng sabihin sakin ni Jiro yon.

"Ayos kalang ba kuya Kyler?"

"Oo Jiro, Pano mauna nako ha? May pasok pa kasi ako bukas pakisabi kay Vinci na dumaan ako dito"

"Salamat sa bigay mo kuya Kyler"

Bago ako lumabas ay nagpaalam muna ako kay Tita.

Kailangan ko malaman kay Vinci ang totoo kung asawa nya ba talaga ang Reyster nayon.

# CHAPTER 10

VINCI'S POV

Tatlong araw kami na malagi sa Boracay at namasyal sa iba't ibang lugar na malapit don bumili nadin kami ng ilang souvenirs at syempre binilhan kodin sila Mama at Jiro baka sabihin nila Kinalimutan ko sila pati mga katrabaho ko meron din.

Gabi na ng makabalik kami sa bahay nila Reyster sila Ate Nara at mommy nya naman ay umuwe nadin at si Marcus ay bagsak sa pagod kaya binuhat na sya ng daddy nya.

"Ako na ang magdadala ng mga gamit natin dalhin mo nalang si Marcus sa kwarto nya" alok ko kay Reyster at tumango naman sya.

Grabe nakakapagod na masaya pala ang mag outing sana next time kasama kona sila Mama.

Pagkaayos ko ng mga gamit namin ay dumiretso nako sa kwarto ko at bago pa man ako makapasok ay nakita ko si Reyster.

"Papahinga nako" sabi ko sa kanya pero hindi ako tumingin sa kanya

"Sige pahinga kana"

"Reyster pwede ba kami pumunta ni Marcus sa bahay bukas? Ibibigay kolang kasi kala Mama tong mga binili ko para sa kanila"

"Sure, May practice din naman kami bukas kaya mas maganda na doon na muna kayo sa inyo para malibang kayo"

"Salamat"

Sa ngayon hindi ko talaga mainitindihan ang nangyayari sakin dahil sa tuwing nakakaharap ko si Reyster parang nabablanko ang utak ko ang bagal mag process.

........

........

Kinabukasan ay maaga ako nagising para ipagluto ng makakain si Reyster alam ko kasi na maaga na naman sya aalis at syempre para pag gising ni Marcus ay kakain nadin kami.

Bago kami umalis ay nag-ayos muna ako sa baha nila para kahit wala kami ay maayos at presentable padin tingnan ang bahay nila baka sabihin ni Reyster makalat akong tao.

So ayon na nga around 2pm na kami nakadating sa lugar namin dahil masyadong mainit kung tanghaling tapat kami aalis.

"Vinci sino yang batang kasama mo??" Tanong ng mga marites ng mapadaan kami.

"Anak mo?" Tanong naman ng isa.

Pano koba sasagutin tong mga marites nato??

Bakit kopa kasi naisipan na ngayon dumaan kung kelan naka duty sila.

"Yes I'm his son, He is my Dada"

Patay na! Si Marcus na ang sumagot sigurado ako na pagpepyestahan na naman kami ng marites nato.

"Naks! Ba't di namin alam yan Vinci galing mo magtago ah. Nag Eenglish pa ang anak mo siguro Amerikana ang nanay nyan naka jackpot ka ah!"

Ngumiti nalang ako sa mga sinabi nila dahil baka halungkatin pa nila ang buong pagkatao ko kapag nakipag usap pako.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Jiro at mukhang excited sya sa pasalubong ko dahil bago kami umuwe ay tumawag ako sa kanila at sinabi kong may pasalubong ako.

"Kuya umitim ka" pang-aasar nya sakin 

"Ahh ganon? Sige wala kang pasalubong sakin"

"Joke lang naman kuya...... Hi Marcus anong pasalubong mo kay Tito Jiro mo?"

"Bata payan Jiro wala payang pambili pero may binili naman sayo ang kuya Reyster mo"

"Talaga kuya?"

Umupo muna ako tapos hinanap ko yung binili ni Reyster sa kanya.

"Oh ayan"

Excited naman syang kinuha sakin at binuksan ang paper bag na pinaglagyan ni Reyster.

"Kuya ang ganda! Pasabi kay Kuya Reyster salamat"

Tuwang tuwa naman sya sa natanggap nyang tshirt at cap na medyo mamahalin magkasama kami ni Reyster ng bumili non at ang akala ko para kanya yon pala para sa kapatid ko.

Parang nahiya tuloy ako ibigay yung binili ko.

"Oh eto naman ang binili ko"

Inabot ko sa kanya yung binili kong bracelet ayon lang kasi ang afford ko lalo Pa't wala akong budget.

"Wow ang ganda kuya! Salamat! You're the best kuya in the world"

Natawa naman ako sa naging reaksyon.

"Totoo bayan? Sige nga ikiss mo nga ako" Tinuro ko yung pisngi ko kung saan nya ako ikikiss

"Kuya naman di na ako bata, May bigote na nga ako oh"

"Sige na ikiss mona si kuya"

Wala din nagawa ang kapatid ko kundi ang ikiss ako dati hindi sya nahihiya na yakapin at ikiss kami ni Mama pero ngayon nahihiya na. Hayss nagbibinata na talaga ang kapatid ko.

"Vinci nandyan na pala kayo akala ko mamaya pa"

"Inagahan kona Ma wala din naman kasing gagawin sa bahay nila"

Balak ko kasi talaga pupunta kami ng bandang 6pm kaso naisip ko na dapat mas maaga para mas matagal ko sila makasama.

"Hi Apo?"
Lumapit si Mama kay Marcus at hinalikan nya sa pisngi.

"Hello po Lola Mama"

"Siya nga pala Ma eto yung binili ko sa inyo tapos nadyan nadin ang binili ni Reyster"

"Wow salamat dito"

Excited na binuksan ni Mama ang pasalubong namin mabuti nalang at binilhan din sya ni Reyster.

"Dito ba kayo maghahapunan? Para magluluto ako ngayon"

"Opo Ma, Magpapasundo nalang kami mamaya kay Reyster"

Iniwan ko muna si Marcus kay Jiro at dumiretso ako sa kwarto ko ilang araw kona din kasi hindi nalilinis to pero ang ginawa ay pasalampak ako na humiga sa higaan ko bigla kasi ako nakaramdam ng antok.

Iidlip muna siguro ako saglit tutal nandyan naman si Mama para mabantayan ang mga bata.

........

........

........

Pasado alas sais ng hapon ng magising ako diko namalayan na nakatulog ako ng ilang oras kulang kasi ako sa tulog kagabi tapos nagising pako ng maaga kanina.

Pagbaba ko galing sa kwarto ay naabutan ko si Jiro at Marcus na nanood sa TV.

"Kuya gising kana pala"

"Nakatulog nga ako ng mahaba eh nagkulit ba si Marcus?"

"No Dada. I'm a good boy po"

Napangiti naman ako sa sinabi nya at hinimas ko ang buhok nya.

"Kuya may ipapakita ako sayo kanina ko sana ipapakita kaso tulog ka eh pero wag mo sasabihin kay Mama na ako ang nagpakita sayo dahil magagalit yon sakin"

"Sige ano bayon?"

Tumakbo si Jiro at may binigay sakin pag balik isang picture frame kung saan may dalawang mag-asawa na may bitbit na mga bata.

"San mo nakuha to?"

"Sa kwarto ni Mama habang naglilinis kami kaso pinapatapon na nya sakin to eh"

Yung babae alam kong si Mama yon at ako yung karga nya pero yung katabi nya at yung hawak nitong bata sila ang hindi ko mga kilala.

Sino sila???

Biglang pumasok sa isip ko na baka ito yung tatay namin pero wala akong maalala kung sino ang batang karga karga nya.

Masyado ng matagal na panahon na hindi ko nakikita ang tatay ko kaya pati alaala nya  ay wala nadin ang sabi lang ni Mama ay iniwan daw kami nito ng bata pako at hindi pa pinapanganak si Jiro.

"Hindi ko sila kilala pero itatanong ko kay Mama"

"Kuya Wag na baka pagalitan ako ni Mama"

"Ako na ang bahala kay Mama"

Napakamot nalang ng ulo si Jiro habang ako pilit na inaalala kung sino ang kasama namin ni Mama sa picture.

Isa lang ang makakasagot nito walang iba kundi si Mama.

Agad kong pinuntahan si mama at Naabutan ko siya na nagluluto at nilakasan ko ang loob ko para tanungin ang tungkol sa hawak ko.

"Vinci gutom kana ba? Malapit nadin to maluto"

"Ma pwede magtanong sa inyo? Pero gusto ko sabihin nyo sakin ang totoo"

Napahinto si Mama sa paghahalo at humarap sakin.

"Sige ano bayon?"

"Sino po yung lalaking katabi nyo sa picture at yung batang hawak nya?"

Inabot ko kay Mama yung hawak ko at kinuha din naman nya agad. Tinitigan nya yon ng ilang segundo at nakita kong biglang tumulo ang luha sa mga mata nya.

"San mo nakuha to?" Hindi makatingin sakin ng diretso si Mama.

"Nakita kopo sa basurahan. Siya ba ang tatay namin ni Jiro???" 

Nagpunas muna sya ng luha tsaka Humarap sakin.

"Oo, Siya Si Alfredo Chua ang tatay nyo"

"Pero bakit tinago nyo to samin?"

"Dahil ayaw kona balikan ang mapait na nakaraan namin ng tatay mo"

"Pero tatay padin namin sya"
Dati sabi ko sa sarili ko okay na ako na walang tatay dahil kinaya naman ni Mama ang lahat ng responsibilidad samin pero ngayon nakita ko ang tatay ko kahit sa picture lang parang may excitement akong naramdaman.

"Gusto moba malaman ang totoo?........ Isang chinese ang tatay mo at dahil sa tradisyon nila na dapat may dugong Chinese lang ang pwede pumasok sa pamilya nila ay hinadlangan nila kami kahit ang tatay mo walang nagawa kundi ang sumunod sa magulang nya"

Hindi na napigilan ni Mama ang pag -iyak nya at maging ako ay nasaktan sa nakikita ko.

"Yung batang karga karga nya sino yon?"

"Siya si Vina ang kakambal mo"

"Kakambal???"

"Oo may kakambal ka, Fraternal twins kayo kung tawagin"

Parang lalo akong nawindang sa mga rebelasyon ni Mama sa edad ko nato ay ngayon kulang nalaman na may kakambal pala ako.

"Anak sorry dahil hindi ko nasabi sayo ayaw kolang na lumaki kang nagtatanong dahil may kulang sa pagkatao mo kaya minabuti ko na itago sayo. Itatakas ko sana kayong dalawa pero nahuli kami ng tatay mo at nakuha nya sakin si Vina at ikaw lang ang naitakas ko hindi nya din alam na buntis ako kay Jiro non"

Halo halong emosyon ang naramdaman ko pero imbes na magalit kay Mama ay niyakap ko sya ng mahigpit wala ako sa posisyon para magalit at sumbatan sya dahil ginawa nya lang ang alam nyang tama.

Naging mabuting ina si Mama samin ni Jiro kaya sobrang pasasalamat ko sa kanya at hindi mapapalitan ng galit ang lahat ng sakripisyong ginawa nya.

"Oh sya tama natong drama nato, Tawagin mona ang Kapatid mo pati si Marcus"

Nagpunas muna ako nangluha bago bumalik sa mga bata baka kung ano pang isipin nila at tanungin pako.

"Jiro, Marcus tama na muna yan kakain na tayo"

"Kuya ano natanong moba?" Tanong sakin ni Marcus pagkalapit nya.

"Hindi din sinabi sakin ni Mama"
Ayaw ko sanang magsinungaling sa kanya pero ayaw kodin naman masaktan ang kapatid ko kung ako nga nahihirapan ano pa kaya sya na bata lang.

Niyaya ko nalang silang dalawa para sabay sabay na kaming makapag hapunan masarap ang niluto ngayon ni Mama at mukhang mapapadami ako ngayon.

"Wow Ma! Ang sarap ng ulam natin" masayang sabi ni Jiro.

"Ikaw Marcus kumakain kaba nito?" Baling ko sa bata.

"I've never tried that before but it looks delicious"

Nagkatinginan nalang kami ni Mama dahil nag English na naman si Marcus. Ako na naghain sa kanila at inuna ko muna si Marcus bago sila Mama sigurado ako na magugustuhan nya to.

Nilagyan ko ng ulam si Marcus dahil ang sabi nya big boy nadaw sya at kaya na nya kumain mag-isa sinabihan ko nalang sya na magdahan dahan baka mabulunan sya.

"Dada ang sarap!"

"Sabi ko sayo eh, Si Lola Mama mo ang nagluto nyan"

"Nako Marcus pagdito ka palagi matitikman mo ang pinakamasasarap na ulam"

Si Mama nakuha pa mag biro, Minsan lang talaga kami magulam ng ganito kapag pay day lang at pagkatapos non ay back to delata na.

"Da-----da??"

Nasakalagitnaan kami ng pagkain ng bigla akong hawakan ni Marcus sa braso napalingon naman ako bigla sa kanya at bigla akong kinabahan kasi parang nahihirapan sya huminga.

"Marcus??  Ayos kalang ba???"

Lalo akong nag-alala ng makita kong hinahabol nya ang hininga nya tapos namamantal pa sya.

What the?!!! Anong nangyayari sa kanya??

"Vinci anong nangyari????" 

Sa sobrang taranta ko ay binuhat kona si Marcus parang hindi normal na nahihirapan syang huminga, Lumabas kami ng bahay at agad ako nagtawag ng tricycle.

"Ma? Pakitawagan si Reyster at Ate Nara pakisabi na dadalhin ko si Marcus sa emergency"

"Sige mag-iingat kayo"

Sinabihan ko ang driver na pakibilisan ang pagmamaneho dahil nagaalala ako sa bata at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at bigla nalang nahirapan syang huminga.

Pagdating namin sa emergency ay tumawag agad ako ng nurse mabuti nalang at wala masyadong pasyente kaya naasikaso agad kami.

Hindi kona alam ang gagawin gulong gulo na ang utak ko kanina lang nakita ko ang picture ng tatay ko at nalaman ko na may kambal pala ako tapos ngayon si Marcus biglang nandito sa emergency.

Halos kalahating oras bago makadating si Ate Nara at natataranta syang lumapit sakin.

"Vinci si Marcus?? Anong nangyari sa pamangkin ko??"

"Nandon pa sa loob ate ang sabi tatawagin nalang daw ako"

"Vinci ano ba talaga ang nangyari??" Alalang tanong ni Ate

"Kumakain lang kami kanina tapos biglang nahihirapan na huminga si Marcus" nangingig nadin ang boses ko sa sobrang pag-aalala kay Marcus.

"Ano bang kinain nyo?"

"Nagluto kasi si Mama ng sinigang na hipon tapos ayon habang kumakain kami bigla nalang sya nahirapan huminga"

"What??!!! O my gash Vinci. May allergy si Marcus sa hipon"

Pagkasabi non ni Ate ay parang gusto konang saktan ang sarili ko. Ako pala ang dahilan kung bakit nangyari yon kay Marcus.

"Ate Sorry hindi ko kasi alam"

Pilit ko nalang pinalakas ang loob ko dahil ayaw kong maging mahina.

"It's okay Vinci hindi mo naman intensyon na mangyari to and may mali din kami dahil hindi namin nasabi sayo"

Napaupo nalang ako sa sobrang panlulumo hindi ko kasi alam ang gagawin ko dahil first time mangyari sakin to.

Ilang minuto lang din ay dumating naman si Reyster at kita sa mukha nya ang labis na pag-aalala.

"Ate Nara si Marcus??" 

"Inoobserbahan pa"

"Ano ba kasing nangyari??"

Hindi ako makatingin ng diretso kay Reyster dahil ako ang may kasalanan at napansin yon ni Reyster kaya naman lumapit sya sakin  at hindi ko inasahan ang sumunod nyang ginawa.

"Anong nangyari kay Marcus???!!!"

Hawak hawak ni Reyster ang braso ko at kita sa mga mata nya ang galit.

"Sorry" yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko dahil kasalan ko kung bakit nangyari yon kay Marcus.

"Anong nangyari bakit sinugod sa Emergency ang anak ko?!!"

"Reyster could you please calm down! Walang mangyayari kung magagalit ka" awat ni Ate Nara pero hindi padin ako binibitawan ni Reyster.

"Ate pano ako kakalma kung hindi okay ang anak ko? Pano ako kakalma??!!!"

"Nakakain kasi si Marcus ng hipon pero hindi naman sinasadya yon ni Vinci"

Lalong humigpit ang pagkakawak ni Reyster sa braso ko at mas lalo syang nagalit sa nalaman nya.

"Hindi moba alam na pwedeng mamatay ang anak ko dahil sa ginawa mo!"

Hind ako makasagot kay Reyster dahil ako ang may mali, Ako ang may kasalanan kung bakit kami nandito sa sitwasyon nato.

"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko kasi alam at----" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Reyster.

"Hindi mo alam kasi hindi ka nagtanong!"

"Reyster ano ba?! Nakakahiya na! Wag kana mag eskandalo!" Pati si Ate Nara nagtaas nadin ng boses.

"Ipagdasal mo na maging okay ang anak ko. Dahil kung hindi? Hindi ko alam kung kaya pa kita makita"

Para akong sinasaksak sa mga salitang binitawan ni Reyster  galit na galit sya ibang iba sya sa tahimik na Reyster na kilala ko.

Binitawan nya ako at padabog na umalis. 
Ganito pala magalit ang isang Reyster handang manakit para sa mga taong mahal nya pero naiintindihan ko naman kung san sya nanggagaling.

"Vinci ayos kalang ba? Pagpa sensyahan mona si Toto sobrang nag-aalala lang naman yon sa anak nya"

"Ayos lang ate kahit sino namang magulang ganon ang magiging reaksyon"

"Alam mo kasi dati inatake ng asthma yan si Marcus dahil sa mga alaga ni Reyster na pusa at parang na trauma sya don syempre first time daddy eh kaya naman lahat ng pusa nya ay nasa akin na. Kakalma din yon si Reyster"
Mabuti nalang at naiintindihan ako ni Ate Nara pero si Reyster galit sya sakin.

"Ate pwede ba kita maiwan saglit? Update mo nalang ako once na okay na si Marcus"

"Bakit san ka pupunta??"

"Magpapahangin lang ako"

Tumango lang si Ate Nara at umalis nako. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Marcus at ang galit sakin ni Reyster.

"

Ipagdasal mo na maging okay ang anak ko. Dahil kung hindi? Hindi ko alam kung kaya pa kita makita

"

Hindi ko akalin na masasabi nya yon sakin.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa chapel ng Hospital kung saan namin sinugod si Marcus. Hindi ako palasimba na tao pero alam kong matutulungan nya ako sa sitwasyon nato.

Pumasok ako sa chapel at lumuhod ako at pinikit ko ang mga mata ko.

"

Lord? Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat ng gabay at biyayang binigay mo sakin at sa pamilya ko. Alam kong hindi ako pala simba at pala dasal pero sana pakinggan nyo padin ang hiling ko. Sana maging okay napo si Marcus dahil ayokong nakikitang ganon si Reyster,Promise magpapakabuti napo ako basta maging okay lang si Marcus

"

Wala akong ibang bibig sa dasal ko kundi ang maging okay si Marcus dahil hindi ko talaga kakayanin kapag mangyari hindi maganda sa kanya.

Alam ko na naririnig ako ni Lord at naniniwala ako na hindi nya papabayaan si Marcus kaya bago ako umalis ay tumingin muna ako sa kanya.

Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla kong nakasalubong si Reyster.

Iiwas bako?

O tutuloy sa paglakad??

Huminga muna ako ng malalim at mas minabuti ko na umiwas nalang dahil baka hindi pa kalmado si Reyster at mas lalong magalit kapag nakita nya ang pagmumukha ko.

"Vinci sandali" rinig kong tawag nya.

Vinci wag mo sya pansinin diretso kalang at kunwari hindi mo sya napansin.

"Vinci"
Hindi pa man ako nakakalayo ay nahawakan na ni Reyster ang kamay ko pero kinalas ko naman agad.

"Sorry sa nagawa ko kanina"
Hindi makatingin ng diretso sakin si Reyster pero alam kong kalmado na sya ngayon.

"Naiintindihan kita at humihingi talaga ako ng sorry sa nagawa ko hindi ko gusto na mangyari yon sa bata"

"Wag mona sisihin ang sarili mo"

Panong hindi ko sisisihin ang sarili ko. Ako ang nagpakain non kay Marcus kaya ako ang dahilan kaya nalagay sya sa alanganing sitwasyon.

"Resyter mauna nako, Pakisabi nalang kay Marcus na umuwe nako"

Nahihiya ako sa nagawa ko parang diko kaya makita ang bata. Kahit masakit sa dibdib ko ay tumalikod ako pero hinawakan ni Reyster ang kamay ko at niyakap ako Mula sa likod.

"Please dito kalang. Gusto ko pag nagising si Marcus katabi ka nya, Makita ka nya"

Hindi ako makakilos sa yakap nayon ni Reyster para akong kinuryente dahil diko alam na gagawin nya yon at habang nakayakap sya sakin ay rinig ko ang hikbi nya.

Umiiyak ba sya?????

"Wag mona ulit iiwan si Marcus" dagdag pa nya.

"Hindi kona ulit iiwan si Marcus at lalong hindi kona kayo iiwan"

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong hindi na galit sakin si Reyster malaking kabawasan din yon sa mga iniisip ko. Sana maging okay na si Marcus at pinapangako na mas magiging maingat nako pagdating sa kanya.

# CHAPTER 11

VINCI'S POV

Sabay namin binalikan si Marcus at ang sabi ng doctor ay okay nadaw ang bata mabuti nalang at naisugod ko agad.

"Marcus ayos naba ang pakiramdam mo?"
Niyakap ko agad si Marcus pagkapasok ko sa room nya.

"Opo Dada. Dada are you crying?"
Pinunasan ko ang mata ko at niyakap ulit si Marcus.

"Hindi Marcus napuwing lang si Dada"

"Dada uwe napo tayo ayaw kopo dito"
Napatingin naman ako kala Ate Nara dahil hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.

"Oo Marcus pauwe nadin tayo may inaantay  lang tayo" sagot ni Ate Nara.

So ayon na nga nakalabas din kami agad dahil naagapan naman si Marcus at pinayuhan kami na mag doble ingat sa ipapakain sa kanya.

Pagkauwe namin sa kanila ay nag-update agad ako kala Mama na okay na ang bata tapos dumiretso kami sa kwarto ni Marcus para patulugin sya. Si Reyster naman naka tayo lang at walang imik at hindi kodin sya magawang kausapin dahil sa nangyari.

"Samahan mona si Marcus matulog. Magpapahinga nadin ako"

Tumango lang ako at humiga na sa tabi ni Marcus.

Totoo nga talaga na kahit hindi ka pala dasal o pala simba ay didinggin padin ni Lord ang mga panalangin natin at sobra akong nagpapasalamat dahil okay na si Marcus. Magdodoble ingat nalang siguro ako sa mga ipapakain ko sa kanya.

Bago ako natulog ay humalik muna ako sa noo ng bata at pumikit nadin grabe pinag daanan ko ngayong araw.

~~~~~

~~~~~

Kinabukasan ay maaga ako magising para ipag luto ng makakain ang mag-ama kaya lang hindi kona naabutan si Reyster kaya kami lang ni Marcus ang sabay na nag-almusal.

"Dada? Kelan po ako babalik sa school?"

Oo nga pala nag-aaral nga pala itong si Marcus nawala sa isip ko.

"Tatanong muna natin sa Daddy mo"

"Okay po, Hindi po ba tayo pupunta kala Lola Mama? Gusto kopo maka laro si Tito Jiro"

Bumalik na naman sa isip ko ang nangyari kagabi baka dahil don ay hindi na payagan ni Reyster na pumunta samin si Marcus.

"Papaalam muna tayo sa Daddy mo baka magera ako non este magalit satin"

"Okay po"

Pagkatopos naming kumain dalawa ay pinaglaro ko muna si Marcus sa gadget nya para makapag hugas ako ng kinainan namin.

"Vinci?"

"Ayyyy kalabaw!"

Napangiti naman si Reyster sa naging reaksyon ko. Kahit sino naman magugulat kapag may biglang nagsalita sa likod mo.

"Sorry nagulat kita, Gusto ko sanang ibigay to sayo"

Himala ang aga nya ata umuwe ngayon.

"Wala kabang lakad ngayon?"

"Pumunta lang ako sa studio may binilin lang tapos bumalik nadin agad ako. Para Sayo nga pala"

May inabot sya saking supot at kinuha ko naman agad.

"Anong meron? Bakit moko binigyan ng ganito?"

"Peace offering ko sayo"

Natuwa naman ako sa sinabi ni Reyster alam ko naman kasi na nadala lang sya ng bugso ng damdamin syempre anak nya yon eh .

"Salamat"

"Tinanong ko pala kay Jiro kung anong gusto mong pagkain at ayan ang sinabi nya"
Talagang nag effort pa sya na tanungin ang kapatid ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin to, Wala naman sakin yon ako pa nga ang dapat humingi ng sorry kasi kasalanan ko naman talaga"

"Ahh Vinci may gagawin kaba ngayon?"

"Wala naman bakit?"

"Yayain sana kita lumabas kung okay lang naman sayo pero kung hindi okay lang din"

Nakakapagtaka tong si Reyster parang bait nya ata sakin ngayon anong meron?

"Ngayon naba?"

"Ahhhhhh .......... Kahit after mo kumain"

"San naman tayo pupunta? Kasama ba si Marcus?"

Si Reyster ang lakas makayaya pero parang ewan nakatingin pa sa taas na parang may tinitingnan talaga sya don.

Nahihiya ba sya sakin?

"Ah eh hindi tayo lang dalawa. Pupunta si Te Nara dito mamaya para sunduin sya"

"Ganon ba?"

Ano kayang nasa isip ni Reyster at niyaya nya ako lumabas.

"Basta after mo dyan ah????"

Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis nadin sya. Ako naman ay kinain ko yung spaghetti na binili nya sakin favorite ko kasi talaga ang spaghetti.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maghanap ng masusuot para  presentable at maayos akong tingnan pag magkaharap kami.

San kaya kami pupunta ni Reyster?

Nang makahanap ako ng damit na susuotin ay naligo na agad ako at wala ng sinayang oras dahil ayaw ko na may pinag-aantay ako.

.
.
.

After 20 minutes 

.
.
.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagksalubong kami ni Reyster at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya ang simple lang ng suot ni Reyster White Polo shirt and black pants pero ang lakas ng dating nya i mean bagay sa kanya yung suot nya.

"Pangit ba?" Nahihiyang tanong nya.

"Hindi ahh ang gwa--- bagay sayo"
Muntik nako madulas, Baka kung ano pa isipin nya.

"Tara na?"

Inabot nya sakin yung kamay nya at napahinto ako saglit pero imbes na abutin ko yon ay nginitian kolang sya.

"Sige"

Nauna ako bumaba sa kanya at nandon nadin si Ate Nara at Marcus.

"Dada pwede ba ako sumama?"

"Marcus, Diba may usapan tayo?"
Nakita kong kumindat si ate Nara kay Marcus at mukhang may pinag usapan sila.

"Dada i want a baby girl!" Sigaw ni Marcus.

Baby Girl? San naman ako kukuha ng ganon?

Ano bang ibig sabihin ni Marcus?

"Naks mukhang my date kayo ah" pabirong sabi ni Ate ng makababa si Reyster.

"Ate lalabas lang kami" depensa ni Reyster

"Sige na ako na ang bahala dito sa pamangkin ko. Bye! Enjoy!"

Magkaiba talaga ang personality nilang magkapatid si Ate Nara may pagka kalog si Reyster naman may pagka sabog este tahimik at lutang.

Sabay kaming lumabas ni Reyster at may binigay sya saking helmet.

"Magmomotor tayo?"

"Oo. Bakit?"

"Marunong ka??"

"Oo"

Wow sana all! Ako miski bike hindi ako marunong sa edad kong ito tinalo pako ni Jiro.

Sumukay na si Reyster sa Motor nya at sinuot paharap yung bag na bitbit nya pagkalabas namin at ako naman ay umangkas nadin.

"Kapit ka"

Kumapit ako sa hawakan sa likod pero nakita kong sumilip si Reyster sa may side mirror nya at bigla nyang hinawakan ang kamay ko at nilagay nya sa bewang nya.

"Baka hindi ka sanay umangkas mas maganda kung kakapit ka sakin"

Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko para kasing ang sweet ngayon ni Reyster. Tinanggal ko nalang ang kamay ko sa bewang nya at sa balikat nya nalang ako kumapit.

Habang nasa byahe kami ay hindi ako nagsasalita naiilang na naman kasi ako kay Reyster at pakiramdam ko basang basa ako ng pawis sa sobrang kaba.

Huminto kami sa labas ng isang restaurant kaya naisip ko na kakain siguro kami pero binigyan na nya ako kanina ng pagkain.

Balak nya ba ako patabain?

Nagpark lang sya ng motor nya at pumasok na kami sa loob at lumapit agad samin yung isang waiter at nag bigay ng Menu.

Napanganga ako sa mahal ng presyo sa menu parang 1 week na baon nato ni Jiro seryoso bato?

Seryoso ba si Reyster? Dito kami kakain?

Prank ba to?

"Don't worry about the cost ako ang bahala"

"Ah eh Reyster ang mahal kasi pwede bang sa karenderya nalang tayo? Or sa tuhog tuhog"

"Tuhog tuhog?"

"Oo yung mga fishballs, Kikiam at marami pang iba"

Halatang Rich kid tong si Reyster hindi alam yung tuhog tuhog.

"Ayaw moba dito? Alam mo dito ang paborito naming kainan ni Kim"

Pero hindi ako si Kim. Gusto ko sanang sabihin yon sa kanya kaya lang nahihiya ako.

"Ganon ba? Sige ikaw bahala"

"Pero gusto kodin itry yung sinasabi mo after natin dito"

Kahit nasisilaw ako sa presyo ng mga pagkain ay napa order nadin ako at habang nag-aantay kami ng pagkain namin ay nagkwentuhan muna kami ng mga personal na buhay namin.

"Vinci dalawa lang ba kayo ni Jiro na magkapatid?"

"Oo. Bakit?"

Hindi kopa pwede sabihin kay Reyster na may kakambal ako.

"Natanong kolang"

Mukhang alam kona kung saan papunta ang ni Reyster parang gusto nyang sabihin na magkapatid kami ng asawa nya.

"Kung sasabihin mo na related ba kami ni Kim? hindi ko din alam kung paano kami naging magkamukha. Diko padin sya nakikita in person"

"Baka nga, Kasi alam ko only daughter lang si Kim baka nataon lang na magkamukha kayo"

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon gusto kong makita si Kim at makita mismo ng dalawa kong mata kung gaano kami magkahawig.

Ilang minuto lang din ay na serve na samin yung mga pagkain na inorder namin.

"Wag ka mahiya kumain"

Signal lang talaga ni Reyster ang hinihintay ko para simulan kumain dahil first time ko kumain sa ganito ay wala akong idea kung gaano ba kasarap ang mga ganitong pagkain kaya naman titikman ko sila lahat.

"Reyster ilang taon kana pala? Parang ang bata mopa kasi tapos daddy kana"

Ilang araw nadin ako naiintriga kung ilan taon ni Reyster kasi parang ang bata nya kasi para maging daddy.

"26, I was only 20 that time nang ipanganak ni Kim si Marcus kaya wala kaming ka ide-idea kung pano maging parents"

"Ang bata nyo naman pala"

Ngayon parang alam kona kung bakit ang dali lang kay Kim na iwan si Marcus parang hind pa sya tapos sa buhay dalaga. Pero mali padin yon dapat maging responableng ina padin sya.

"Let's not talk about that. Kumain nalang tayo"

Alam ko lalaki ako pero minsan talaga hindi maiiwasan ang pagiging marites ko siguro nahawa lang.

Habang kumakain kami ay walang umiimik at napansin na ang lakas pala kumain ni Reyster kung susumahin parang doble sa nakain ko ang nakain nya.

Pagkatapos naming kumain ay nagbayad na si Reyster at binanggit nya sakin yung sinabi kong tuhog tuhog. 

Aba? Gutom pa sya? Sabi ko sa isip ko.

Pagkalabas namin ng restaurant ay may naghanap kami agad ng mga nagtitinda ng street foods at hindi naman kami na hirapan mag hanap dahil ilang lakaran lang ay may nahanap na kami.

"Oh ayan"

Tinuro ko kay Reyster yung mga paninda ni kuya na Fishball, Kikiam at kwek kwek pero yung istura nya parang hindi maipinta.

"Ayos kalang ba? Alam mo masarap to. Promise"

Tumuhog ako ng isang maliit na kwek kwek tapos sinawsaw ko sa suka at pinakita ko kay Reyster kung gaano kasarap ang kinakain ko.

"Itry mona" utos ko sa kanya.

Kumuha naman agad sya ng stick at ginaya lang din nya ang ginawa ko at nang matikman nya ay nakita kong napangiti sya.

"Diba masarap?"

Tumango lang sya sakin at kumuha pa sya ng isa. 

"Masarap nga"

"Wag mo sabihin sakin na ngayon kalang nakakain nyan?"

Tumango lang sya sakin at nanghingi sya sa kuya ng baso at nilagay nya don yung mga kikiam at Fishball. Mukhang nasarapan ata sya.

Mabuti nalang at hindi masyado madami ang nakain ko kanina kaya makakain pako dito ng madami dami pero itong si Reyster mukhang food is life.

"Resyter after ba nito uuwe na tayo?"

"May dadaanan lang tayo pagkatapos non ay uuwe nadin"

Tumango lang ako sa kanya at tinapos nalang yung kinakain ko at pagkatapos naming magbayad ay umalis nadin kami.

Dinala ako ni Reyster sa isang bakanteng lote nagtataka pa nga ako kung anong ginagawa namin dito at nag over think pako baka ipa savage nya ako dahil sa nangyari sa anak nya  tapos biglang nagsilabasan yung mga pusa.

"Pasensya kana kung sinama pa kita dito"

"Wala yon ang ganda nga dito eh ang daming pusa"

Binuksan ni Reyster yung dala nyag bag tapos nag labas sya ng apat na bowl at nilagyan nya yon ng pagkain.

Kaya pala kanina nagtataka ako may dala syang bag at bitbit nya kahit kumakain kami ayon pala laman non.

"Madalas ako pumunta dito para pakainin sila wala kasing nag-aalaga sa kanila"

"Mahilig ka pala sa pusa noh?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas nya yung isang pusa na kumakain.

"Oo. Dati may alaga ako sa bahay kaya lang may asthma si Marcus kaya binigay ko muna kay Ate Nara"

Ang mga pusa dito ay maaamo pero yung mga pusa sa Lugar namin? Ayon snatcher ng mga ulam nangangalmot pa.

Binuhat ni Reyster yung isang pusa at inabot sakin nagdalawang isip pako kung kukunin koba o hindi.

"Di naman sila nangangalmot, Mababait sila"

Ngumiti lang ako at kinarga kona yung pusa.

"Wag mo iparamdam sa kanila na natatakot ka dahil baka matakot din sila sayo at makalmot ka nila"

Luh seryoso ba sya?  Edi dapat pala masaya ako hahaha.

"Joke!" Dagdag pa nya.

Nagpipigil ako ng tawa kay Reyster kasi marunong pala sya mag joke grabe natawa ako don. 

Habang karga ko ang pusang inabot nya sakin ay masaya nya namang pinapakain ang mga pusang nagsilapitan.

......

......

Nang matapos naming pakainin ang mga pusa ay nagpaalam na kami sa mga ito nakakataba ng puso dahil may mga kagaya ni Reyster na may malasakit at pagmamahal sa mga hayop.

# CHAPTER 12

VINCI'S POV

Nagpaalam na si Reyster sa mga pusang pinakain nya tapos bigla kong naisipang kuhaan sya ng litrato ang cute kasi nila tingnan. Kinuha ko agad yung phone sa bulsa ko at kinunan ko si Reyster.

"Vinci wag"

Tinakpan ni Reyster ng dalawang kamay nya ang mukha nya at mabilis na lumapit sakin.

"Di ako sanay mag picture" nahihiyang sabi nya.

Pero imbes na tumigil ako ay kinuhaan kopadin sya pilit nya naman inaagaw ang phone ko kaya ang ginawa ko ay tinaas ko ang kamay ko para di nya makuha sakin.

"Vinci burahin mo"

"Bakit ba? Ang cute nga eh" Natatawang sabi ko.

Pilit nya padin kinukuha yung phone ko at sa  hindi inaasahan ay bigla kaming nakatitigan as in maging paghinga nya nararamdaman ko pati mga bagay sa paligid ko ay nag blurred parang si Reyster lang ang nakikita ko. Ultimo pag tibok ng puso ko bumilis din. Sh*t bakit naman ganito?

Anong ibig sabihin nito????

"Meoow"

Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko yung pusa na hawak hawak padin pala ni Reyster.

"Buburahin kona" 

Hindi ako makatingin ng diretso kay Reyster at binaling ko nalang yung atensyon ko sa phone ko.

"Tara na. Daanan na natin si Marcus kala Ate baka hinihintay na tayo non"

Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa kaya naman pati sa pagsakay sa motor nya ay dumidistansya ako.

Dumiretso na agad kami sa bahay nila Ate Nara para daanan si Marcus.

~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~

"Dada where's my little sister?"

Biglang lumapit si Ate Nara kay Marcus at tinakpan ang bibig nya.

"Wag nyo na pansinin yung sinasabi ng bata" pangiti ngiting sabi ni Ate.

"Salamat sa pag babantay kay Marcus ate" sabi naman ni Reyster.

"Nako wala yon. Syempre mahal na mahal kotong pamangkin ko nato. Hindi ba kayo papasok?"

"Hindi na ate mauuna nadin kami para makapahinga nadin kami"

"Ganon ba sige. Bye Marcus balik ka ha?"

"Opo Tita"

"Dito napo kami Ate Nara" paalam ko kay Ate.

Sumakay na kami sa Motor ni Reyster at habang nakasakay kami ay panay ang kulit sakin ni Marcus tungkol sa Baby Girl na kanina nya pa binabanggit.

"Dada? Ba't di nyo po kasama ang little sister ko?"

Kahit nakasuot ako ng helmet at maingay ang paligid ay rinig ko padin si Marcus.

"Little sister?"

"Opo, Sabi kasi sakin ni Tita kaya daw kayo umalis ni Daddy dahil gagawa daw kayo ng baby girl"

Parang gusto ko nalang tumalon mula sa kinauupuan ko ngayon dahil sa sinabi ni Marcus.

Narinig kaya yon ni Reyster????

"Marcus? Wag nalang natin yan pag-usapan"

Habang nasa byahe kami ay napansin kong nakatulog na pala si Marcus kaya naman pagkadating namin sa bahay nila ay binuhat kona si Marcus.

"Nakatulog na pala sya, Napagod siguro kakalaro sa mga pinsan nya"

"Siguro. Iaakyat kona si Marcus sa kwarto nya" sabi ko kay Reyster pero di padin ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Vinci sandali"

Lumapit sakin si Reyster at pinuwesto nya yung kamay nya sa mukha ko dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Re-Reyster anong ginagawa mo???"

"Yung helmet suot suot mopa tatanggalin kolang"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya akala ko kung ano na eh.

Siguro kailangan kona din itigil ang kakakape dahil madalas na bumibilis ang tibok ng puso ko hindi na ata to normal.

JEROMY'S POV

"Jiro sali tayo sa dance contes ha?" Paalala sakin ng classmate ko habang naglalakad kami sa hallway dahil uwian na.

"Oo ba"

"Yown! Sigurado ako tayo ang mananalo dahil pamatay ang mga moves mo eh!"
Sumayaw sayaw pa ang classmate ko habang naglalakad kami.

"Pamatay ka dyan"

"Ang ganda ng gitara mo ah bagong bili mo bayan?"

"Hindi binigay lang sakin ng kaibigan ng kuya ko"

"Pwede bang mahiram? Sosole kodin bukas"

"Nako Hindi pwede binigay lang din kasi sakin to kaya dapat doble ingat ako"

Hanggang sa makalabas kami ng school ay kinukulit nya ako pero hindi ko sya pinagbigyan dahil kilala kotong classmate kona to madalas to makasira ng mga hinihiram nya.

"Di nga pwede"

"Sige na" pangungulit nya at talagang inaagaw nya sakin yung gitara pero hindi kopa din binigay sa kanya at sa pagaagawan namin ay tumama yung gitara ko sa sasakyan at sa takot ni Renz ay bigla syang napatakbo.

"Oyyy Renz!" Sigaw ko sa classmates ko na kumaripas ng takbo. Ako naman ay naiwan at ilang saglit pa ay may lumabas na lalaki sa sasakyan at tiningnan yung parteng natamaan.

"Boyyy anong ginawa mo"

"Sir sorry po talaga hind kopo sinasadya"

"Sorry? Hindi moba alam kung magkano to?? Asan ba ang nanay mo at kakausapin ko"

"Hindi kopo kasama"

"Ahh ganon?" Bigla nyang hinawakan yung kamay ko at parang gusto na nya ako saktan.

Tapos may lumabas ulit sa sasakyan na mukhang mayaman siguro sya yung may-ari.

"Romel wag mona takutin ang bata"

"Pero boss? Ginasgasan yung sasakyan nyo"

"Sorry po talaga sir"

Kinakabahan akon sobra dahil baka tumawag sila ng pulis at ipahuli ako.

VINCI'S POV

Habang papunta ako sa school ni Jiro ay napansin ko agad yung kapatid ko at hawak hawak ng lalaki yung kamay nya na parang pinapagalitan. Napatakbo agad ako para alamin kung anong nangyayari.

Nang makalapit ako ay nakita ko yung kapatid ko na parang iiyak na.

"Sir Saglit lang po ano po bang nangyari?"
Kinuha ko si Jiro sa may lalaki dahil nakita kong natatakot na ang kapatid ko.

"Kim?" Bungad sakin ng lalaki ng makita ako.

"Po? Vinci po ang pangalan ko Sir. Ano po bang nagawa ng kapatid ko?"

"Yang kapatid mo ginasgasan lang naman ang sasakyan ng Boss ko alam nyo ba kung magkano yan?" Singit ng driver.

Napa tingin ako sasakyan na nagagasgasan ni Jiro at mukhang mamahalin nga.

"Sir? Ako napo ang humihingi ng tawad sa nagawa ng kapatid ko pero sa ngayon wala po kasi kaming pera na maibibigay sa inyo pero kung gusto nyo huhulugan nalang po namin"

Saan ako kukuha ng pera ngayon? Pano kung malaki ang singilin nya samin.

"No need ako na ang bahala"

"Po?" 

"Sige na umuwe na kayo ng kapatid mo but next time Hijo tumingin kayo sa paligid para hindi kaya nakaka abala"

Nakangiti syang lumapit kay Jiro at hinimas sa balikat.

"Sir maraming salamat po"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir mabuti nalang at hindi nya kami siningil o sinumbong sa pulis.

Niyaya kona paalis si Jiro baka bigla pa magbago ang isip ni Sir at singilin pa kami.

Pero bakit kaya nya ako tinawag na Kim? Kilala nya din ba ang Mommy ni Marcus?

"Jiro sabihin mo sakin kung paano mo nagasgasan ang sasakyan ni Sir kanina"

"Kuya hindi ko naman po talaga sinasadya, Yung classmate ko kasi gusto hiramin yung gitara na pinahiram sakin ni Kuya Kyler eh hindi ako pumayag tapos bigla nya kinuha kaya ayon po sakto nandon yung sasakyan at tumama don yung gitara ko"

"A bakit kasi nagdadala ka ng gitara sa school? Nako mabuti nalang at mabait si Sir"

"Kuya wag mo nalang sabihin kay Mama. Pleaseeeeeee"

"Okay, Madali naman ako kausap. Basta ikiss moko"

Tinuro ko yung pisngi ko at hindi na naman maipinta ang mukha ng kapatid ko.

"Kuya naman baka makita ako ng mga classmates ko baka sabihin kuya's boy ako"

"Oh ano naman? Sige sasabihin ko nalang kay Mama ang nangyari ngayon"

"Kuya wag"

Wala na namang nagawa ang kapatid ko kundi ang ikiss ako sa pisngi.

"Bakit mo nga po pala ako biglang sinundo kuya?"

"Gusto ka kasing makalaro ni Marcus kaya ang sabi ko susunduin lang kita at pupunta tayo sa bahay nila"

Habang nasa byahe kami ay hindi mawala sa isip ko yung lalaki kanina dahil parang pamilyar yung mukha nya, Parang nakita kona sya somewhere hindi kolang maalala.

~~~~~~~~~~~~

"Wow kuya ang ganda pala ng bahay nila Kuya Reyster sana ganito din ang bahay natin"

"Kaya mag-aral ka ng mabuti para kapag nagka pera kana makaipon ka at makapag pa tayo ka ng kahit anong klaseng bahay na gusto mo"

"Tito Jiro!" 
Sigaw ni Marcus ng makita nya kami at yumakap sya kay Jiro.

"Hi Marcus. Hi din po kuya Reyster" bati naman ng kapatid ko.

"Kumain kana ba Jiro? May pagkain dito"

"Nako hindi napo" nahihiyang sagot ng kapatid ko.

"Tito Jiro laro napo tayo"
Hinawakan ni Marcus ang kamay ng kapatid ko at niyaya nya sa sofa para maupo sila at mag laro ng online games. Napapangiti nalang ako kapag nakikita kong masaya si Marcus.

"Mabuti nalang at bumalik na sa dati si Marcus at lahat ng yon ay dahil sayo"

Tumabi sakin si Reyster at sabay namin pinagmasdan yung dalawang bata.

"Pero alam naman natin na matatapos din to"
Isang linggo lang ang hiningi sakin ni Reyster pero hanggang ngayon hindi nya padin nasasabi sa bata ang totoo.

"Tama ka. Kaya plano ko sanang sabihin sa anak ko bukas"

Bigla akong Nakonsensya dahil naisip ko ang posibleng maging reaksyon ng bata kapag nalaman nya ang totoo pero hindi naman pwede na lokohin lang namin sya.

"Reyster pwede ba pag sinabi mona kay Marcus ang totoo yung wala na ako dito? Baka kasi kapag nakita nya ako umiyak lang sya at mahirapan ako makaalis"

Tumango lang sya sakin at tumingin ulit sa mga bata ngayon palang gusto kona magsorry kay Marcus sa mangyayari pero ito yung totoo at ito ang dapat namang gawin.

SOMEONE'S POV

"Sir Ayos lang ba talaga na pinaalis natin ag magkapatid nayon?"

"Ayos lang yon Romel hindi naman sinasadya ng bata"

"Pero Sir napansin nyo ba yung kuya ng bata? Parang kamukha nya po si Ma'am Kim"

"Yan nga din ang napansin ko he look exactly my daughter"

"Wala naman pong kakambal si Ma'am Kim noh?"

Hindi ko nalang sinagot yung Driver ko dahil palaisipan padin sakin kung sino yung lalaki kanina at bakit kahawig nya ang anak ko.

Posible kayang sya ang anak na matagal konang hinahanap?

# CHAPTER 13

VINCI'S POV

Dahil nandito ngayon si Jiro ay naisipan ko silang lutuan ng adobong baboy para naman after nilang mag laro ay makakain sila.

"Tulungan na kita"

"Sige marunong kaba mag hiwa ng sibuyas at bawang?"

Tinitigan muna ni Reyster yung sibuyas at bawang tapos napatingin sya sakin.

"Nako sa edad mo nayan dika pa marunong maghiwa? Ano ka taga kain kalang?"

Parang hindi na kailangan sumagot ni Reyster sa tanong ko dahil obvious naman na taga kain lang talaga sya.

"Sige tuturuan kita. Ganito lang kasi yan"

"Okay na kaya kona nakikita ko naman si Mommy na nagluluto dati"

Inabot ko naman yung kutsilyo kay Reyster at pinanood sya kung anong gagawin nya.

Pero sa nakasaksihan ko parang dina dapat ako pumayag na tumulong sya sakin.

Alam nyo ba kung ano ang ginawa nya sa sibuyas? 

Imbes na hiwain ng malumanay ayon tinaga ba naman! Tumalsik tuloy yung sibuyas sa lapag.

"Reyster sibuyas lang ang hihiwain mo hindi karne. Ganito kasi ang tama"

Pinakita ko kay Reyster kung pano hiwain ang sibuyas pati yung bawang at para syang bata na aliw na aliw habang pinapanood ako.

"Ang hirap naman pala maghiwa. Mas madali talaga ang kumain"

"Mukha nga" natatawa kong sagot sa kanya.

Pinaupo ko muna sa tabi si Reyster dahil natatakot ako kung ano pang susunod nyang gawin baka mamaya imbes na toyo ang iabot sakin maging patis pa. Para tuloy akong may kasamang bata.

Adobo at Bicol Express talaga ang specialty ko dahil naturuan ako ni Mama na magluto non nung bata pako.

Nang mailagay ko na lahat ng kailangan ay hinintay kona na maluto at pagkatapos ng ilang minuto ay amoy na amoy na ang niluto ko.

"Vinci pwedeng patikim?" 

"Sige"

Tumayo si Reyster at agad na kumuha ng kutsara para tikman yung niluto ko.

"Ano masarap ba?"

Nilasahan nya muna ng ilang segundo bago sya sumagot sakin.

"Oo masarap" nakangiti nyang sagot tapos tumikim ulit.

"Baka naman di nayan umabot sa lamesa kakatikim mo"

"Haha oo nga.......... Joke....."

Joke? Joker talaga tong si Reyster kaya lang sya lang nakakaalam yung tipong kailangan mopa ipaulit sa kanya para magets mo.

Napansin ko may natirang dumi sa bibig ni Reyster kaya naman kumuha ako ng towel at pinunasan koyon.

"Alam mo para kang bata may tiratira pa sa bibig mo" natatawang sabi ko.

"Ayy sorry" 

"Ako na nga ang bahala dito puntahan muna ang mga bata"

Habang tinatawag ni Reyster ang mga bata ay ni ready kona yung ulam at kanin sa lamesa ako na din ang nag-ayos ng mga kakain nila.

"Wow kuya Adobo!"

"Dada smells good" 

"Sige umupo na kayo para makakain na tayo pero bago yan Picture muna tayo bago kumain"

Napatingin agad ako kay Reyster na palang nag aalangan pa.

Tumayo ako at sinet ang timer ng phone ko at nag picture kaming apat para kahit wala nako dito at hindi kona kasama yung mag daddy parang kasama kopadin sila.

"Okay na. Sige na kumain na tayo"

"Kuya Mukhang masarap ahh"

"Masarap talaga natikman kona eh" sagot naman ni Reyster.

"Pray po muna tayo"

Kukuha na sana si Jiro ng ulam kaso biglang nag-aya mag pray si Marcus. Pumikit naman kami at sya daw ang mag lead ng prayer.

"Jesus, thank you very much for the food that my dada cooked for us, I wish we could always eat together like this. Thank you also because uncle Jiro is here with us. I hope it happens again. Thank you"

Pagkatapos nyang mag pray ay sabay sabay kaming kumain yun nga lang sa kabilang banda nalulungkot ako kasi ito na ang huling hapunan na makakasama ko si Marcus dahil aalis na ako.

Kung pwede lang ako mag stay. Gusto kopa sana pero pano naman ang buhay ko? Pano naman yung mga gusto kopang gawin?

"Kuya bakit pag sa bahay hindi ka nagluluto ng ganito?" 

"Eh wala naman tayong Ref. Sa bahay kaya wala tayong lulutuin" natatawang sagot ko sa kapatid ko.

"Tito Jiro dito ka nalang din tumiro para may kalaro ako. Diba Dada?"

"Nako Marcus hindi pwede dahil may pasok ang kuya Jiro mo tsaka walang kasama si Lola Mama mo sa bahay"

"Pero pwede naman ako pumunta dito Marcus kapag wala akong pasok" sagot ni Jiro

"Really? Yehey!"

"Kumain na muna tayo baka lumamig ang pagkain dina yan masarap" singit ni Reyster sa usapan 

~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan pa kaming apat grabe sobrang hyper ni Marcus ngayon.

Si Reyster nadin ang pinahatid ko kay Jiro dahil kailangan nya magpahinga ng maaga dahil may pasok pa sya bukas. Ako naman ay  papatulugin ko muna si Marcus bago ako umalis hindi nya ako pwedeng makitang aalis sigurado ako iiyak yon at pipigilan ako.

Tinabihan ko si Marcus mahiga at binasahan ko muna sya ng mga paborito nyang kwento at habang nagbabasa ay napapaluha nadin ako dahil pagkatapos nito ay iiwan kona sya.

"Goodnight Dada"

"Goodnight din Marcus"

Hinalikan ko sa noo si Marcus at hinintay ko sya na makatulog.

Nang mapansin kong nakatulog na sya ay nagmadali akong pumunta sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko.

Ngayon ko naisipan umuwe para bukas paggising ni Marcus wala nako at hindi na nya ako pigilan na umalis.

"Pwede kaba makausap?"

Tumango lang ako kay Reyster at pinagpatuloy kona ang pagaayos ng mga gamit ko.

"Gusto kolang magpasalamat sa pagpayag mo sa set up na ganito wag ka mag-alala ako na ang bahala mag explain kay Marcus kung bakit wala kana"

"Sorry kasi hindi naman dapat mangyayari to kung Hindi nyo ako nakilala pero kahit ako takang taka kung pano koba naging kamukha ang Mommy nya. Siguro nataon lang"

"Hindi yon nataon lang. Talagang itinakda na makita kita para maibsan ang pangungulila ng bata sa Mommy nya"

"Reyster alam kong kaya mo yan. Kaya mong magpaka tatay kay Marcus kahit wala si Kim o kahit wala ako siguro sa umpisa mahirap pero san pa't makakayanin nyo din"

"May ibibigay nga pala ako sayo"

May inabot na papel si Reyster at binuksan ko naman agad. May naka drawing na tatlong tao don at may naka sulat na Daddy, Mommy, Dada and Marcus. Gusto kong maiyak dahil sa nakita ko napaka sweet talaga ni Marcus at pati drawing nya naisama nya pa ako.

"Siguro sa umpisa palang alam na ng bata na hindi ikaw ang Mommy nya pero dahil sa magkamukha kayo ni Kim ay naging sapat nayon sa kanya"

Nang matapos ako mag-ayos ng gamit ko ay nagpaalam ako kay Reyster na sisilipin ko muna si Marcus para makapag-alam ako kahit hindi nya man ako naririnig.

"Marcus sorry hindi ko natupad yung promise ko sayo na hindi kita iiwan, Sorry kung masasaktan ka ulit ng dahil sakin pero sana maintindihan mo kung bakit ko kailangan umalis"

Sa saglit na panahon na nakasama ko yung bata napamahal na sya sakin at tinuring na parang isang tunay na anak pero ito ang dapat kong gawin ayoko na lokohin at paasahin sya sa isang bagay na imposible.

At sa huling pagkakataon Bago ako lumabas sa kwarto ni Marcus ay niyakap ko muna sya at hinalikan sa noo. Gusto kong umiiyak pero pinipigilan ko dahil kailangan lakasan ko ang loob.

"Ihahatid na kita"

"Hindi na Reyster kaya ko naman"

Ngumiti lang ako kay Reyster at tumalikod na pero bago ako umalis ay hinawakan nya ang kamay ko at niyakap ako.

"Salamat sa lahat ng ginawa mo"

Yan lang ang salitang sinabi nya at nagpaalam nadin ako sa kanya. Hindi ako lumingon sa kanya dahil ayoko ng pakiramdam na may naiiwan.

Pagkalabas ko ng bahay nila Reyster ay may kirot saking dibdib dahil sa saglit na panahon kong pagtira dito ay naging masaya ako.

Nagtaxi nalang ako pauwe dahil wala na masyadong jeep ng ganitong oras at baka abutin ako ng hating gabi.

"Oh Vinci ba't dika nag sabi na uuwe ka ngayon? Anong meron ba't dala muna ang mga gamit mo nag-away ba kayo ni Reyster?"

Nilapag ko muna ang gamit ko at umupo sa sofa namin.

"Tapos napo yung isang linggong hiningi sakin ni Reyster bukas sasabihin na nya kay Marcus na hindi ako ang mommy nya kaya umuwe nako ngayon dahil baka kapag nakita ako ng bata ay mas lalong hindi ako makaalis"

"Mabuti naman kung ganon. Masaya ka naman ba?" Seryosong tanong ni Mama.

Masaya nga ba ako?

"Medyo nalulungkot ako Ma syempre napamahal na sakin yung bata"

"Nako kahit ako napamahal nadin sa bata parang apo kona talaga napaka cute at napagalang. Pero Vinci pwede naman dumalaw dito ang bata diba?"

"Hindi ko lang alam Ma kung papayag si Reyster "

"Oh siya sige na ayusin mona ang mga gamit mo para makatulog kana ang kapatid mo tulog na"

Tumango lang ako kay Mama at dumiretso nako sa kwarto ko halos isang linggo din na hindi ako nakatulog dito sobrang nakakapanibago tuloy dahil parang may kulang.

                          Kinabukasan

REYSTER'S POV

Maaga ako nagising dahil nakaramdam ako ng pananakit ng ulo anong oras nadin kasi ako nakatulog sa kakaisip sa mangyayari ngayon dahil hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula na sabihin sa anak ko na wala na si Vinci dahil alam ko masasaktan na naman ulit sya.

Pumunta ako sa table kung saan nakalagay ang mga pictures namin nila Kim at hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip ko na wala na yung dating saya naming magpamilya.

"Kim gagawin ko ang lahat bumalik kalang samin at mabuo lang ang pamilya natin"

Habang nagpa flash back ako ay biglang dumating si Marcus at halatang kakagising nya lang.

"Daddy where's Dada? Nakita nyo po ba sya?"

Lumapit ako kay Marcus at niyakap sya ng mahigpit.

"Wala na ang Dada mo, Umalis na sya"

"Po? San sya nagpunta?"

"Umuwe na sya sa kanila at doon na ulit sya titira for good"

"But he promised that he will never leave us again"

"Marcus may sasabihin si Daddy ha? Hindi mo Dada si Vinci. I know that He looked exactly your mom but he is different person"

"No! He is my dada!!!!!" 

Nagumpisa na sumigaw at umiyak si Marcus dahil sa sinabi ko at sobrang naaawa ako sa kanya kung pwede lang na kunin ang sakit na nararamdaman nya gagawin ko dahil masyado pa syang bata para sa mga ganito.

Paano koba ipapaliwanag sa kanya ngayon to??

"Yes he is your Dada but he is not your mommy so he can't live with us because  he also has his own life"

"Daddy  i want Dada!!!"

"Marcus just listen to me Vinci is not your real Mommy"

"Daddy, I knew from the beginning that he is not my real mommy, Pero Dada kopo sya. Please Daddy call him"

"No I won't"

Simula ngayon hindi kona guguluhin pa si Vinci at ako na ang aako sa lahat ng responsibilidad sa anak ko.

Tumakbo paakyat si Marcus at hinabol ko naman agad sya kaya lang pagpasok nya sa room nya at nilock nya agad yung pinto.

"Marcus? Open the door"

"No! I won't!"

"Marcus wag na pasaway" 

"Just Call Dada First and i will open the door!"

Akala ko magiging madali na paliwanagan si Marcus pero magiging mahirap pala.
Hindi ko nalang kinulit si Marcus dahil alam ko nalulungkot din sya sa pag-alis ni Vinci kahit ako din naman nasanay na nandito sya.

VINCI'S POV

Maaga ako nagising dahil back to work na naman ako at morning shift naman medyo nakakapanibago bigla kasi sana ako na paggising aahinan ko si Marcus o di kaya gigising nya ako.

Hayyyy Vinci!!! Pano ka makaka pag move on kung patuloy mo padin inaalala yung bata?

Para akong tangang kinakausap ang sarili ko sa salamin.

Panibahong araw.............

At panibagong simula............

Iisipin ko nalang siguro na naging parte lang sila ng buhay ko.

Pagdating ko sa store namin ay si Kyler agad ang sumalubong sakin dahil nga same schedule kami at kaming dalawa ang magkasama sa duty ngayon.

"Babe welcome back" bati sakin ni Kyler na abot tenga ang ngiti

"Babe mo mukha mo. Gusto mo upakan kita?"

"Ito naman ang aga aga ang init ng ulo grabe ka talaga sakin. Pero pag don sa Reyster nayon ang bait bait mo"

"At bakit naman nadamay dito si Reyster?"

"Galing kasi ako sa bahay nyo nung nakaraan tapos wala kadon at ang sabi ni Jiro kasama mo daw yung Reyster"

"Oo mag kasama nga kami"

"Tapos ang sabi pa ng kapatid mo magasawa daw kayong dalawa" dagdag pa nya.

May pagka marites din pala tong si Kyler.

Mapag tripan nga.

"Oo asawa ko si Reyster kaya tigilan muna ang kakatawag sakin na babe baka maupakan kanon"

Kitang kita sa mukha ni Kyler ang pagkagulat sa sinabi ko. Siguro naman titigilan na nya ako ngayon dahil sa nalaman nya.

"Talaga? Pano? Bakit hindi ko alam?? Niloloko molang ata ako eh"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Itatanong ko talaga yan sa mama mo. Baka maya pinagtitripan molang ako para di kita tawagin na babe"

"Alam mo mag duty nalang tayo mas matutuwa pako sayo"

Talagang itatanong nya pa talaga kay Mama  kung mag-asawa kami ni Reyster hindi pa ba obvious na hindi?

# CHAPTER 14

JEROMY'S POV

Pagkalabas ko sa school ay may nakita akong pamilyar na sasakyan ito yung sasakyan na nagasgasan ko.

Bakit kayanandito to? 

Sisingilin nya kaya ako?

"Magandang Hapon Hijo pauwe kana ba?" Tanong sakin ni Sir.

"Opo"

"Gusto mo sabay kana samin? Ihatid na kita"

"Hindi napo Sir"

Napaisip kasi ako bigla baka mamaya masamang tao pala to tapos dalhin ako kung saan mahigpit pa naman na bilin sakin ni Mama na wag ako sasama kung kani kanino.

"Are you scared of me? Wag ka mag-alala mabuti ang intensyon ko natutuwa lang ako kasi ako sayo at sa kapatid mo"

"Samin po?"

"Oo naalala ko kasi sa inyo yung mga anak ko kaya lang diko alam kung nasan sila ngayon"

Tiningnan ko muna sya saglit at pinag-isipan kung papayag ba ako sa alok nya.

"Ano payag kana ba?"

Tumango lang ako sa kanya at inaya na nya ako papasok sa sasakyan nya.
Mukhang mayaman talaga si Sir ang ganda ng sasakyan nya at ang lamig.

"Ano palang pangalan mo?"

"Jeromy po, Pero Jiro ang tawag nila sakin"

"Ilang taon kana pala?"

"11 napo ako"

"Yung kuya mo ano palang pangalan nya?"

"Vincente po,  Pero Vinci po ang tawag namin sa kanya"

Ang daming taong sakin ni Sir parang interesado talaga sya na malaman ang sagot.

"Pasensya kana ang dami kobang tanong?"

Ngumiti lang ako sa kanya at tinuro ko sa driver kung saan ako nakatira. Habang nasa byahe kami ay napatanong ulit sya sakin.

"Sino palang kasama mo sa bahay nyo ngayon?"

"Ang mama kolang po, may pasok po kasi ang kuya Vinci ko"

"Ang papa mo? Asan?"

"Wala napo akong Papa.  Iniwan po kami non matagal na. Nasa Tyan palang po ako ni Mama ng iwan nya kami kaya Hindi kodin po alam kung anong itsura nya"

Pagkatapos kong sagutin ang tanong nya ay hindi na sya umimik sakin hanggang sa makarating kami malapit sa tinitirhan namin.

"Sir maraming salamat po sa paghatid nyo, Gusto nyo po bang pumasok sa bahay? Para makilala nyo din po ang mama ko"

"Hindi na Jiro may appointment padin kasi ako. Pano mauna na kami ha?"

"Sige Sir.  Salamat po"

Pinagmasdan kolang na umalis yung sasakyan nya at pumasok nako sa loob ng bahay.

Mabait naman pala sya akala ko nung una masungit kaya lang hindi ko pala natanong ang pangalan nya.

REYSTER'S POV

Ilang oras na nagkulong si Marcus sa kwarto nya kaya naisipan ko na puntahan ulit sya.

"Marcus? Open the door"

Kumatok ako sa pinto pero hindi sya sumagot kaya kumatok ulit ako.

"Marcus??"

Nakailang katok nako pero hindi padin sumasagot si Marcus kaya naman kinuha kona yung susi sa kwarto ko at binuksan ang pintuan ng kwarto nya.

"Marcus??"

Nang makapasok ako ay Hinanap ko agad  sya pero wala akong nakitang tao sa loob.

Asan si Marcus?????

Sa sobrang pag-aalala ko kay Marcus ay hinaluhog ko na ang buong bahay pero wala talaga sya kaya Tinawagan kona si ate Nara para humingo ng tulong.

"Ate???"

"O Toto, Napatawag ka?"

"Ate si Marcus nawawala"

"Ha? Pano nangyari yon?? Si Vinci asan? Alam nya na ba? Hinalughog mona ba ang buong bahay?"

"Hinahanap kona sya ate pero wala."

"Sige sige antayin moko at pupunta ako dyan"

Marcus san kaba kasi nag Punta??? 

Hindi kaya pinuntahan nya si Vinci?

Point of View

Dahil sa ayaw payagan ni Reyster si Marcus na makausap ang dada nito ay naisip ng bata na tumakas sa daddy nya para puntahan si Vinci.

Pagkalabas ni Marcus sa subdivision nila ay nagpara agad sya ng tricycle.

"Oh bata san ang punta mo? Wala kabang kasama?"

"Wala po. Pupuntahan kopo kasi ang Dada ko.  Pwede nyo po ba ako ihatid sa kanya?" sagot ni Marcus.

"Eh san ba nakatira ang Dada mo?"

Napaisip si Marcus kung san nga ba nakatira ang Dada nya kaya lang hindi nya alam ang eksaktong lugar kung saan nakatira si Vinci.

"Hindi kopo alam"

"Eh pano kita maihahatid sa Dada mo?"

"Alam nyo po ba papuntang simbahan?"

"Oo, Pero may pangbayad kaba?"

Tumango si Marcus sa kanya sabay kuha ng pero sa bulsa nya.

"Okay napo bato?" 
Pinakita ni Marcus yung singkwenta pesos na dala nya at inabot sa driver.

"Oo okay nayan, Sakay kana"

Sumakay si Marcus sa tricycle at hindi sya ng driver sa simbahan na tinutukoy nya.

Naisip kasi nya na baka pag nag wish sya simbahan na makita ang Dada nya ay mangyayari yon.

VINCI'S POV

"Babe hatid na kita pauwe"

"Isa pang Babe yari kana talaga sakin" inis na sabi ko kay Kyler.

"Edi Vinci,  Hatid na kita"

"Dina"

Nag-aayos na ako ng gamit dahil tapos na ang duty namin tapos biglang ng Ring yung phone ko si Ate Nara Tumatawag.

Sasagutin kopa ba?

Baka ang sasabihin lang nya umiiyak si Marcus at hinahanap ako.

"Sino yung tumatawag sayo? Dimo ba sasagutin?"

"Hindi na"

"Sagutin mona baka mamaya importante yan"

Sa huli ay sinagot kodin dahil baka tungkol kay Marcus ang sasabihin nya.

"Hello Vinci?? Si Marcus nawawala" bungad nya sakin.

"Ano???? Nawawala si Marcus?"

"Oo. Hinanap na ni Reyster sa buong bahay pero wala talaga. Hindi ba sya nagpunta sa inyo??"

"Nasa work pako ate pero tawagan ko si Mama kung nagpunta don si Marcus"

"Sige Salamat. Balitaan mo nalang kami ha"

"Oo ate"

Pagka end ng call ay tinawagan ko agad si Mama para tanungin kung nandon si Marcus sa bahay pero ang sabi nya ay wala din daw don.

"Sino yung nawawala?"

"Si Marcus" sagot ko sa kanya

"Yung anak mo?"

"Oo, Pwede moba ako samahan? Hahanapin kolang yung bata"

San naman kaya pupunta si Marcus? 
Bakit kailangan nya pa mag layas?

Mabuti nalang at may motor si Kyler at mas mapapadali ang paghahanap namin kau Marcus sigurado ako na nasa malapit lang yon.

Una naming pinuntahan yung lugar malapit kala  Marcus at nagtanong tanong kami kung may nakakita sa kanya pero lahat ng tinanungan namin ay Hindi ang sagot.

Inabot kami ng halos kalahating oras sa pagtatanong pero ni isa walang nakakita sa bata.

"Wala kabang alam na lugar kung saan pwede pumunta yung bata?"

Nag-isip agad ako kung saan pwede pumunta si Marcus pero diko talaga alam kung saan sya pwede nagpunta

.........FLASHBACK...........

"Marcus ang cute mo dito oh" pinakita ko kay Marcus yung picture nya na nasa loob ng simbahan habang nagdadasal.

"Opo si Daddy po nagpicture sakin. Sabi nya po kasi pag may wish daw po ako tutupadin ni Jesus. Kaya pag may wish ako sinasabi ko kay Daddy na pumunta kami dito"

"Alam mo nung bata ako madalas din kami mag simba"

"Talaga Dada? Ano po ang winiwish nyo kay Jesus?"

"Ang wish ko? Sabi ko lang sana yumaman kami"

Nung bata ako yan talaga ang wish ko dahil naaawa ako kay Mama sa tuwing nahihirapan sya kapag kulang kami sa 

pinansyal

.

......END OF FLASHBACK.......

"SA SIMBAHAN" 

Di ako sigurado kung nandon si Marcus pero nandon sya pumunta ngayon.

"Simbahan?"

"Kyler samahan mo ko sa simbahan"

"Saang simbahan"

Sinabi ko kay Kyler yung simbahan na tunutukoy ko at mabuti nalang at alam nya kung paano pumunta don.

Pagdating namin sa simbahan ay madaming tao kaya sinipat ko agad kung nandon si Marcus.

"Kyler ihinto"

Kahit sa malayo ay natanaw ko si Marcus at hindi ako pwedeng magkamali sya talaga yon.

Pagkahinto ni Kyler ay kumaripas agad ako ng takbo papunta kay Marcus.

"Marcus!" Sigaw ko na ikinalingon naman nya.

"Dada!"

Tumakbo din sya palapit sakin at nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.

"Marcus bakit kaba umalis sa bahay nyo? Hindi mo ba alam na nagaalala kaming lahat sayo? Bakit moba ginawa yon??"

"Hinanap po kita Dada. Sabi mo kasi hindi moko iiwan pero bakit po kayo umalis?"

Natulo bigla yung luha ko dahil ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni Marcus ang bata nya pa pero may kirot na agad sa puso ang mga sinasabi nya.

Hindi ko alam kung pano ko sasagutin ang mga tanong nya.

"Diba sinabi naman na sayo ng Daddy mo? Marcus hindi kasi ako ang mommy mo kaya hindi pwede na tumira ako sa inyo"

"Alam kopo, Kaya nga po ikaw ang Dada ko eh"

"Wag mona ulit gagawin yong umalis ng walang paalam ha??"

"Dada doon napo ulit kayo tumira samin. Please....... Wag nyo na po ako iwan"

Gusto kong isagot sa bata na 'Oo doon nako titira sa inyo at hindi na kita iiwan' pero nagdadalawang isip padin ako.

"Marcus hindi naman ako aalis, nandon lang naman ako sa bahay namin pwede mo padin ako dalawin at pwede din kita dalawin pero yung titira ako sa inyo hindi na kasi pwede"

Yumakap lang nang mahigpit sakin si Marcus habang umiiyak at parang ayaw na nya ako pakawalan.

Tinawagan ko naman si Ate Nara at sinabi kong nahanap kona si Marcus at binigay ko sa kanya yung location kung nasan kami.

Ilang minuto lang din ay dumating si Ate Nara at kasama nya si Reyster.

"Marcus???"
Dumakpo agad si Reyster pagkababa nya sasakyan at yumakap sa anak nya.

"Tinakot moko akala ko kung napano kana"

"Hinanap kopo si Dada dahil ayaw nyo sya tawagan!" Galit na sigaw ni Marcus sa Daddy nya.

"Vinci salamat talaga ha" 

"Wala yon Ate basta para kay Marcus"

Natingin naman sakin si Reyster pati si Kyler ay tiningnan nya din.

"Iuuwe kona ang bata. Salamat" walang emosyon nyang sabi sakin.

"No! I want to stay with dada!!!" 
Hinawakan ni Reyster si Marcus sa kamay at nagpupumiglas yung bata.

"Reyster pwede naman ako muna ang magbantay kay Marcus ngayon"

"No. I'm his dad and i will take the responsibility for my son"

"Ano kasi-----" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit sya.

"Tapos na ang one week na hiningi ko sayo kaya wala kanang obligasyon pa"

Bakit parang iba ang mood ni Reyster ngayon? 

Alam mo bago ako umalis sa kanila okay kami. Tapos ngayon parang galit sya sakin.

"Vinci tara na hayaan mona sila" pagsingit ni 
Kyler sa usapan namin.

"Makinig ka sa sinabi ng kasama mo" sagot ni Reyster.

Wala na akong nagawa ng buhatin ni Reyster si Marcus at pinasok sa sasakyan nya rinig na rinig ko ang pagtawag ni Marcus sakin pero wala akong magawa dahil wala akong karapatan.

NARA'S POV

Habang nasa byahe kami ay walang tigil kakaiyak si Marcus at paulit ulit nyang tinatawag ang Dada nya.

"Marcus just shut your mouth!" Inis na sigaw ni Reyster

"I hate you! I hate you!!! Dina kita love!"

"Toto hayaan mo nalang muna ang bata"

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari hindi naba talaga matatapos ang paghihirap ng pamangkin ko???

"Toto ang kailangan ni Marcus ngayon ay pagmamahal ng isag ama sana mas habaan mopa ang pasensya mo sa bata"

"Ate mahal na mahal ko ang anak ko pero minsan nawawalan ako ng pag-asa na magiging okay pa ang lahat"

"Wag mong sabihin yan, Nandito kami ni Mama at ni Papa hindi ka namin papabayaan"

"Salamat ate"

"Pero hindi ko nagustuhan ang asal mo kay Vinci kanina. Tumulong na nga yung tao tapos parang galit kapa"

"Magulo lang talaga ang isip ko ate"

"Magulo o nagseselos ka?"

"Selos? Kanino naman"

"Doon sa kasama ni Vinci. Kilala kita Totoo ramdam ko na nagseselos ka kanina"

"Wala naman ako dapat ikaselos. Wala naman kami ni Vinci"

"Walang kayo. Pero may nararamdaman kana sa kanya?"

"Wala akong nararamdaman kay Vinci ate"

"Sana nga mali ako. Pero sana yung nararamdaman mo sa tao ay hindi lang dahil nakikita mo sa kanya yung taong mahal mopa"

"Wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganyan ate dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang anak ko"

Sana lang talaga mali ako dahil kapag nangyari yon ay kawawa si Vinci dahil minahal sya ng isang tao hindi dahil sa kung ano at sino talaga sya kundi dahil sa ala alang naka dikit sa kanya.

VINCI'S POV

Gusto kong sundan sila Reyster pero wala akong magawa. Kagaya nga ng sinabi nya wala akong karapatan.

"Vinci ayos kalang ba?" Alalang tanong ni Kyler.

"Oo, Tara na"

Umangkas nako sa motor ni Kyler at habang nasa byahe kami ay napansin kong nag iba yung way na dinadaanan namin.

"Kyler uuwe nako, San tayo pupunta?"

"Basta"

Hindi nalang ako nagtanong sa kanya dahil wala ako sa mood makipagtalo sa kanya.

Huminto kami sa isang park malapit kang din samin at madaming taong namamasyal.

May mga batang naglalaro. Na miss ko tuloy si Marcus.

"Bakit dinala moko dito?"

"Wala lang pag malungkot kasi ako dito ako nagpupunta. Nawawala ang stress ko dito kasi nakakaaliw yung mga batang nandito, Tsaka yung mga taong nakakasalubong mo ngingitian ka kahit dika kilala"

Napansin ko nga din yon parang bait nilang lahat dito. Umupo kami sa kahoy na upuan iniwan ako saglit ni Kyler pag balik nya may dala na syang inumin.

"Alam mo kung wala kalang kanina? Naupakan kona yung Reyster nayon ang yabang eh"

Bakit nga kaya ganon ang reaksyon ni Reyster kanina?

"Mabait naman yon. Na stress lang siguro"

"Asawa moba talaga yon? Parang hindi naman"

"At talagang naniwala ka na asawa koyon? Loko ka kaibigan kolang yon"

"Eh pano ba kasi kayo nagkakilala at anak moba yung bata?"

Dahil kaibigan ko naman si Kyler ay kinuwento ko sa kanya ang buong detalye kung paano kami nagkakilala ni Reyster, Kung bakit ako tinatawag na Mommy o Dada ni Marcus at bakit ako tumira sa kanila.

"Sabi ko na nga ba dapat hinatid na kita ng gabing yon edi sana hindi nag krus ang landas nyo"

May pagka lokoloko talaga tong si Kyler. Natatawa nalang talaga ako sa mga reaksyon nya.

Habang nakatambay kami ay may nagpatugtog ng isang kpop song tapos nagulat ako ng biglag tumayo si Kyler at biglang sumayaw sa harapan ko.

Napatingin ako sa paligid at pati ang mga tao don ay nakatingin sa kanya parang ako tuloy ang nahihiya sa ginagawa nya.

"Kyler tigilan mona yan nakakahiya"

"Bakit pangit ba sayaw ko"

Sa totoo lang magaling talaga sumayaw si Kyler at idagdag mopa ang visual nya kahit sinong babae magkakagusto sa kanya.

Nagsimula nadin magpalakpakan yung mga tao sa paligid yung iba nag vivideo tapos yung iba naman kilig na kilig.

# CHAPTER 15

VINCI'S POV

Grabe may kakapalan din pala ang mukha ni Kyler para sumayaw sa harap ng madaming tao kung ako yon? Di bale nalang.

"Ano in love kana naman sakin?"

"In love mo mukha mo!"

"Ito namang si Vinci laging ang init ng ulo sakin wala naman ako ginagawa sayo ha?"

"Ikaw kasi ang kulit mo ilang beses koba sasabihin sayo na hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki"

"Sus! Bakit na subukan mona ba?"

Nilapit ni Kyler ang mukha nya sa mukha ko as in magkadikit na mga ilong namin pero ilang saglit lang ay umusog ako.

"Kakanood mo yan sa sinasabi mong BL. Bakit ikaw? Nain love kana ba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko talaga alam kung totoo ba lahat ng mga sinasabi sakin ni Kyler o sadyang inaasar nya lang ako.

"Oo. Kaso yung taong yon mukhang malabong magkagusto sakin eh pero syempre hindi ako susuko hahanap lang talaga ako ng tyempo"

"Drama mo! Ihatid mona nga ako pauwe"

Tumawa lang si Kyler at sumakay na kami sa motor nya tapos hinatid na nya ako pauwe nagabot pa nga ako ng bayad sa kanya kaya lang hindi naman nya tinanggap.

REYSTER'S POV

"Marcus let's go home"

"Ayoko sayo! Dito ako kay Tita Nara!"

"Marcus wag na pasaway uuwe na tayo, Hinatid lang natin ang Tita Nara mo"

"Ayoko! Dito lang ako!"

Masakit para sakin na nagagalit ang anak ko pero ginawa kolang naman yung alam kong tama.

"Reyster hayaan mo muna si Marcus sakin"

"Ate pasensya na talaga ang laki ng utang ko sayo"

"Sshhh... Para san pa't naging ate moko? Diba nga sabi ko sayo kapag kailangan mo ng tulong nandito lang kami"

Hindi kona pinilit si Marcus na sumama sakin dahil alam kong magmamatigas lang sya hanggang sa nagpaalam ako umalis hindi nya talaga ako pinansin.

Madami ng nangyari ngayon araw siguro kailangan ko muna i relax ang sarili ko. Naisipan kong puntahan si Jom sa bahay nya at tamang tama wala syang pasok ngayon.

"Oh pareng Toto napadalaw ka?"

Tumuloy nako sa loob ng bahay nya kahit dipa nya ako pinapasok.

"Ano kasi...." Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na nya agad ako.

"Alam kona yan, Magyayaya ka iminom noh? Tamang tamang may beer ako sa ref."

"Si Tita nandyan ba?"

"Oo pero may ginagawa sya. Sandali lang kunin kolang"

Pagbalik ni Jom ay dala na syang mga bote ng beer alam na alam nya talaga ang ipinunta ko dito.

"Alam kong may problema kana naman ngayon pero wag na muna natin yan pag-usapan dahil ayoko ng madrama na kainuman"

Napangiti nalang ako sa sinabi nya sabay kuha ng bote at binuksan ko isa-isa nagdala din sya ng pulutan namin.

"Minsan nga Reyster punta tayo sa mga night club madaming babae don malay mo doon muna makita ang ipapalit mo kay Kim" dagdag pa nya.

"Di ako mahilig sa babae ikaw lang naman ang mageenjoy don"sagot ko sa kanya sabay inom ng beer.

"Ewan koba naman kasi sayo kahit dati pa mahiyain kana kung ganyan ang mukha ko sayo? Nako. Baka madami nakong naging girlfriend"

"Kaya nga di binigay sayo ni Lord tong mukha nato kasi alam nyang gagamitin mo sa kalokohan.................Joke"

"Grabe ka sakin toto palibhasa gwapo ka kaya ganyan ka. Inom na nga lang tayo"

Bukod sa pamilya ko si Jom ang natatakbuhan ko kapag may problema ako dahil matagal kona syang kaibigan at lagi syang nandyan sa tuwing kailangan ko sya.

VINCI'S POV

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para mahiga.

Grabe nakakapagod ngayong araw after duty naghanap pako kay Marcus at nagalit pa sakin si Reyster.

Habang nakahiga ako ay biglang pumasok si Jiro.

"Kuya may ginagawa ka?"

"Nakahiga lang ako, Bakit?"

"Kuya alam moba yung Sir na nagasgasan ko yung kotse nya? Hinatid ako dito sa bahay at ang bait nya kasi nakipag kwentuhan pa sya sakin"

"Talaga? Bakit nya naman gagawin yon?"

"Hindi ko nga din alam kuya, Pero ang sabi nya nakikita nya daw satin yung mga anak na hinahanap nya"

"Pero wag kapa din basta basta sasama sa kanya kasi hindi pa natin sya kilala talaga"

"Oo nga kuya eh. Siguro sa susunod sasabihin ko nalang na may mag susundo sakin"

"Jiro iidlip muna ako, Pakigising nalang ako kapag kakain na pagod kasi ako ngayon "

"Sige kuya gising nalang kita "

Pagkalabas ni Jiro sa kwarto ko ay umidlip nako kanina pa kasi papikit ang mata ko.

/////////////

////////////

"Reyster bakit mo ako dinala dito?"

Nandito kaming dalawa ni Reyster sa isang Restaurant na parang inukopa nya lang  at ang daming bulaklak sa paligid at may mga tumutogtog ng romantic na music.

Tumayo muna si Reyster at may kinuha ng makabalik sya ay may dala na syang bulaklak at binigay sakin.

"Para sayo"

Kahit litong lito ay tinanggap ko yung bulaklak at yung puso ko parang gusto kong lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Reyster naguguluhan ako, Ano ba kasing meron?"

Nagseryoso ang itsura ni Reyster at hinawakan ang kamay ko at tumitig sakin ng diretso.

"Vinci salamat at dumating ka sa buhay naming mag-ama, Salamat kasi nang dahil sayo nagkaroon ulit ng kabuluhan ang buhay ko, Salamat kasi tinuruan mo akong magmahal"

Parang hindi si Reyster ang nagsasalita ngayon dahil sa sobrang lalim ng mga katagang binibitawan nya pero naguguluhan padin talaga ako sa mga nangyayari.

"Diretsohin mo nga ako Reyster"

"Vinci Mahal kita. Dati naguguluhan pako pero ngayon sigurado nako na Mahal kita"

Parang gusto ko nalang maglaho sa mga oras nato dahil sa mga sinasabi nya.

"Joke bato? Seryoso kaba Reyster? Ako mahal mo? Pareho tayong lalaki"

"Wala akong paki kung ano pang kasarian natin diba ganon naman pag nagmahal ka? At wala din akong pakialam sa sasabihin ng iba"

Ano bang dapat kong isagot sa kanya?

Lumapit sakin si Reyster at nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Hinawakan nya ako sa mukha at hinalikan ako sa labi.

Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla at patuloy lang nya inaangkin ang aking mga labi gusto ko syang itulak pero hindi ako makagalaw.

"Kuyyyyyyaaaaaaaaaaa ano baaaaaaaaa"

Napadilat ako ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Sh*t si Jiro hinahalikan ko sa labi. Tinulak ko naman agad sya ng mahimasmasan ako.

"Kuya ba't moba ako hinahalikan?"

Shete! Panaginip lang pala! Akala ko talaga hinahalikan ako ni Reyster.

"Sorry Jiro nananaginip lang ako"

"Kuya naman eh. Ginigising lang kita tapos nagulat ako bigla mokong kiniss"

Vinci ano na naman bang ginawa mo??!!!

"Sorry na Jiro nananaginip lang talaga si Kuya"

"Luto nadaw ang hapunan at kakain na"

"Sige pakisabi kay Mama susunod nako"

Tumayo nako para maghilamos at nang mahimasmasan bakit ba kasi ganon ang panaginip ko.

Pagbaba ko ay naamoy ko agad ang amoy ng ulam namin.

"Ma anong ulam natin?" Tanong ko kay Mama ng makalapit ako sa kanya dahil naghahain na sya.

"Binagoongan" sagot ni Mama.

"Wow ang sarap naman Ma"

"Syempre dahil nag abot ka sakin ng pambili. Salamat pala sa binigay mo anak ha, Ikaw nakakaipon kapa ba?"

"Ma wag mona ako alalahanin"

Bago kasi ako umalis kay Reyster binigay nya yung bayad nya sakin ayon kasi ang usapan namin mag leleave ako sa work ko pero papalitan nya yung mga araw na hindi ko na pasok.

"Ma, Jiro. Pray muna tayo"

Sabay silang napatingin sakin at halatang nagulat diko din naman sila masisi kung bakit kasi bihira lang talaga kami magdasal bago kumain. Pero namiss ko kasi bigla si Marcus.

"Lord una po sa lahat gusto kopo magpasalamat sa pagkain na pagsasaluhan namin ngayon gabi at sana po magtuloy tuloy papo ang biyayang natatanggap namin. Sana okay lang din Sina Reyster at Marcus sana kumakain nadin sila kagaya namin"

Ang dami kopang gusto ipagpray pero mukhang nagugutom na ang kapatid ko kaya hindi kona Pinahaba.

"Ako na ang magliligpit nito Vinci magpahinga kana at may pasok kapa bukas. Ikaw din Jiro"

"Opo Ma" sagot ng kapatid.

Pero matigas ang ulo ko at tinulungan kopadin mama.

At habang tinutulungan ko nga sya ay may unknown number ang biglang tumawag sakin kaya sinagot ko agad.

"Hello sino to??"

"Si Vinci ba' to?"

"Oo bakit?"

"Si Jom to yung kaibigan ni Reyster, Nandito kasi sya sa bahay ngayon kaya lang napasobra ng inom ayon dina makalagad. Pwede moba sya puntahan ngayon?"

Bakit naman maglalasing si Reyster??

Si Marcus? Sino magbabantay sa bata?

"Ah eh sige"

Kung hindi dahil kay Marcus hindi ko pupuntahan si Reyster dahil kagaya nga ng sabi nya wala na akong obligasyon sa kanila. Pero hindi ko naman kaya na walang magbabantay kay Marcus.

"Ma aalis po muna ako"

"Bakit san ka pupunta?"

"Pupuntahan kolang po si Reyster"

Nagmadali agad ako humanap ng masasakyan ko para puntahan yung bahay ni Jom at masundo na si Reyster.

Ano kayang pumasok sa utak ni Reyster at naglasing sya? Diba nya inisip na may anak na naghihintay sa kanya.

Pagdating namin sa lugar na sinabi ni Jom ay nasa labas na sila at akay akay nya ang lasing na si Reyster.

"Kuya paantay nalang po. Saglit lang" sabi ko kay kuya driver at pumunta na sa dalawa.

"Vinci mabuti at dumating ka ito kasing si pareng Totoo na sobrahan sa kakainom"

"Ganon ba? Sige ako na bahala iuuwe ko nalang sya"

"Vinci ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ha? Ingat kayo. Diko nadin kayo mahahatid kasi nakainom din ako"

Tumango lang ako kay Jom at inalalayan na palabas si Reyster.

Tinawag ko si Kuya Diver at nagpatulong ako sa kanya isakay sa loob si Reyster. Grabe lasing talaga si Reyster.

Pagdating namin sa bahay nila ay nakasarada yung gate.

Kainis pano kami makakapasok nito?  Kung minamalas ka nga naman oh.

Dahil hindi kami makapasok ay wala akong choice kundi ang dalhin sa bahay si Reyster hindi ko naman pwede na iwan nalang sya dito basta.

"Kim bumalik kana samin" biglang sabi ni Reyster pero nakapikit ang mga mata nya.

Sa kabilang banda may kirot sa puso ng bigla nya banggitin ang pangalan ni Kim pero sinama ko padin sya pauwe.

~~~~~~~~~~~

Pagdating ko sa bahay ay diniresto kona sya sa kwarto ko at hinaga doon.

"Vinci anong nangyari kay Reyster?" Tanong sakin ni Mama ng makalabas ako.

"Nalasing Ma"

"Hayyss ano bayan, Eh yung bata asan?"

Oo nga pala si Marcus. Kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan si Ate Nara.

"Hello Ate? Si Vinci to. Nandyan ba si Marcus ngayon?"

"Oo nandito. Bakit?"

"Nandito kasi Reyster sa bahay lasing na lasing"

"Ano???? Kainis naman yang si Toto ohhh. Vinci ikaw na muna bahala sa kapatid ko ha? Wag ka mag-alala okay naman si Marcus dito pagpasesnyahan muna si Toto hayaan mo kakausapin ko yan bukas"

"Sige ate"

Nakahingako ng maluwag ng malaman kong nasa maayos na kalagayan si Marcus.

"Nakay Ate Nara si Marcus Ma"

"Kawawa naman yung bata"

Kawawa talaga si Marcus sya ang pinaka apektado sa nangyayari sa Pamilya nya wala na nga Mommy nya tapos nagkakaganito pa ang Daddy nya.

Binalikan ko si Reyster sa kwarto at mahimbing na syang natutulog dahil sa kalasingan nya kaya naman Pumunta nalang ako sa kwarto.

.........KINABUKASAN.........

REYSTER'S POV

Nagising nalang dahil sa kirot ng aking ulo at bigla kong naalala na naginunaman nga pala kami ni Jom.

Teka asan ako?

Kaninong kwarto to?

Kahit masakit ang aking ulo ay tumayo ako at lumabas ng kwarto.

"Reyster gising kana pala"

Mama ni Vinci?

Nilibot ko ang paningin ko at nandito nga ako sa bahay nila Vinci. 

Pero pano ako napunta dito? Ang huling naalala ko ay nagiinuman kami ni Jom sa bahay nila.

"Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ba ng kape?"

"Tita pano po ako napunta dito?"

"Di mo ba maalala? Dinala ka ni Vinci dito, Lasing na lasing ka nga kagabi"

Sh*t si Vinci??

Pano naman nya nalaman na nag iinom ako? Isa lang ang magsasabi non. 

Si Jom

Yari talaga sakin yon.

Nakakahiya kay Vinci naistorbo kopa sya.

"Asan po pala si Vinci?"

"Maaga sya pumasok. Pero binilin ka nya sakin ang sabi nya pag na gising kadaw ipag timpla daw kita ng kape kasi baka masakit ang ulo mo tapos bago kadaw umuwe kumain ka muna"

Sobra sobra ang naitulong ni Vinci sakin at kay Marcus hindi naman nya kami obligasyon pero inaalala nya padin kami.

"Hindi napo Tita, Ayos lang ako kailangan kodin po kasi puntahan ang anak ko"

"Nako sayang naman ang niluto kong pagkain. Walang kakain nito kasi wala din si Jiro"

Nakonsensya naman ako sa sinabi ni Tita kaya naman pumayag nalang ako sa alok nya.

Pinaupo ako ni Tita at hinainan ng pagkain tapos pinagtimplya pa nya ako ng kape.

"Ubusin mo yan Reyster wag ka mahiya"

Madalas sa labas lang ako kumakain dahil wala namang nagluluto ng pagkain para sakin kaya naman nakakatuwa na may nagluluto ng pagkain para sakin.

"Reyster may tanong ako sayo, Wag mo na sana babanggit din kay Vinci"

"Sige po ano po ba yon?"

"Diba ang tawag ni Marcus kay Vinci ay Mommy? Dahil sinasabi nyo na kamukha nya ang asawa mo"

"Opo, Bakit?"

"Ano palang pangalan nya?"

"Kim Chua po"

"Chua?"

"Opo yan po yung surname ng Daddy nya"

Tumigil muna ako sa pagkain dahil napansin ko nagiba yung timpla ng mukha ni Tita para nabigla sya sinabi ko.

"Tita may problema po ba?"

"Ah eh w-wala sige ituloy mo nalang ang pagkain mo may gagawin lang ako"

Siguro nagtataka din si Tita kung bakit mag kamukha ang Mommy ni Marcus at si Vinci pero kasi nakilala kona ang Family ni Kim at wala sya kakambal o kahit kapatid man lang.

********

Ready naba kayo sa pagkikita ni Vinci at Kim?? Malapit na.............

# CHAPTER 16

VINCI'S POV

Dahil puyat ako kagabi ay Zombie ako na nakaduty ngayon mabuti nalang din at wala masyadong tao.

"Bakit parang inaantok kapa?" Tanong sakin ni Kyler napansin nya siguro na medyo tulala ako.

"Hindi lang kasi ako nakatulog ng maayos"

"Bakit naman? Siguro ka chat mo na naman yung Reyster nayon noh?"

"Oo, Ano naman sayo?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ano ba talagang meron sa inyo ng lalaki nayon at lagi kayo magkausap"

"Diba na kwento kona sayo?"

"Eh tapos nayon bakit nag-uusap padin kayo?"

"Aba syempre magkaibigan kami atsaka mahal ko yung bata"

"Yung bata nga ba talaga? O baka naman pati yung Daddy nya?"

Si Reyster? Malabo. Magkaibiga lang kami non.

"Ano bang klaseng tanong yan?"

"Kita mo dika makasagot"

"Mag duty na nga lang tayo dami mo sinasabi"

"Vinciiiiiiiiii!!!!!!"

Ito pa ang isang zombie sa buhay ko si Ma'am Sylvia buhay pa pala sya? Joke! Tagal kona din kasi sya hindi nakikita.

"Hi Ma'am" bati ko sa kanya.

"Ikaw ha! Noong huli tayo nagkita tinakasan moko"

"Nagmamadali lang po kasi ako non" pagpapalusot ko.

"Sus. Ito breakfast mo"

May inabot sya sakin na plastic bag na mga pagkain ang laman.

"Nako ma'am Hindi napo"

"Wag kana mahiya sige na tanggapin mona"

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang binigay sakin ni ma'am Sylvia.

"Salamat po"

"Pano mauna nako sa inyo, Bye Vinci!"
Bago sya umalis ay kumindat muna sya sakin na nagpakilabot sa buo kong katawan.

"Sana all may sugar mommy" pangaasar nya sakin.

"Ikaw na kumain nyan baka mamaya may gayuma payan" biro ko.

"Gayuma? Nako talagang hindi pwede sayo to. Mamaya makuha kapa nya sakin eh"

Natatawa nalang ako sa mga sinasabi ni Kyler talaga kayang seryoso sya?

NARA'S POV 

Nakailang tawag nako kay Toto pero ni isa ay hindi nya sinagot kahit sa text wala ding reply.

Asan na kaya ang lalaki nayon?

"Tita pwede poba tayo pumunta kay Dada?"

"Nako Marcus hindi pwede baka magalit ang Daddy mo. Eto nga oh tinatawagan kona sya"

"Tita Please???"

Naaawa ako sa pamangkin ko dahil kahapon pasya nakikiusap sakin na puntahan si Vinci pero diko naman mapayagan kasi baka kami naman ang mag-away ni Toto.

"Marcus sorry, Hindi talaga pwede"

Walang nagawa ang pamangkin ko kundi ang bumalik sa kwarto nya.

Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan si Toto at sa wakas ay sumagot din sya sakin.

"Toto mabuti naman at sinagot mo. Asan kana ba?"

"Ate pasensya na nalasing ako kagabi"

"Nabanggit nga sakin ni Vinci yan ikaw talaga. Anong oras moba dadaanan ang anak mo dito?"

"Galit paba si Marcus sakin?"

"Hindi ko masabi pero gusto nya padin puntahan si Vinci"

"Ate mamaya dadaanan ko dyan si Marcus may pupuntahan lang ako"

"Sige basta puntahan mo dito"

Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa kapatid ko hindi nya deserve ang ganitong buhay noong bata kami ay napakabait ni Reyster taong bahay, Tahimik at higit sa lahat active sa church namin.

Kapag nagkita kami ni Kim hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kung Hindi sya kaya ng kapatid ko pwes ibahin nya ako dahil ipagtatanggol ko ang kapatid ko hanggat kaya ko.

VINCI'S POV

3pm na nang matapos ang duty namin ni Kyler kaya naman nag aayos nako ng gamit ko para makauwe na.

"Vinci hatid na kita"

"Hindi na Kyler kaya ko naman"

"Sige na, Ihahatid lang naman eh. Pagpumayag ka na ihatid kita hindi na kita tatawagin na babe or baby.............. Love nalang"

Medyo hindi ko narinig yung huling sinabi ni Kyler dahil biglang humina ang boses nya.

"Anong sabi mo?"

"Wala.... Ang sabi ko tara na?"

Tumango nalang kay Kyler tapos bago kami lumabas ay nagpaalam muna kami sa manager namin.

Nagpaalam din kami sa mga kapalitan namin at nang lalabas na kami ni Kyler ay biglang pumasok si Reyster na ikinagulat ko.

"Re-----Reyster?? Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako kay Kyler na ang sama ng tingin kay Reyster.

"Gusto lang sana kita makausap"

"Usap? Bakit anong meron?"

"Oo nga bakit hindi mo nalang sabihin ngayon at kailangan mopa yayain palabas si Vinci" singit ni Kyler sa usapan namin

"May sasabihin lang ako sa kanya na kami lang dalawa"

"Sige...... Kyler mauna kana umuwe"

"Pero diba ihahatid pa kita pauwe?"

Nakonsensya ako pero mukhang importante ang sasabihin ni Reyster atsaka may iba pa namang pagkakataon para maihatid ako ni Kyler.

"Sorry Kyler sa sunod nalang siguro"

Para matapos na ay pumayag nako sumama kay Reyster. Sumunod ako sa kanya palabas at pumasok sya sa kotse na nakaparada sa parking ng store namin kaya pumasok nadin ako.

Nakatingin lang ako sa ibang direksyon habang naghihintay sa kung ano man sasabihin nya.

"Vinci una gusto kong magsorry sa inasal ko kahapon imbes na mag pasalamat ay nagalit pako sayo"

"Ayos lang naiintindihan ko naman na stress kalang sa mga nangyayari"

"Oo nga. Kahit anong iwas ko, Kahit anong gawin ko parang ang hirap ibalik sa dating saya ay buhay namin ni Marcus. Tapos ito, Nadamay pa kita"

Kita sa mukha ni Reyster ang labis na pagkalungkot.

"Hindi ko alam kung pano pa kita matutulungan pero bilang kaibigan kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako"

"Salamat. Yung kagabi? Hindi kona talaga alam kung anong nangyari nalasing ako sobra hindi ko na nga din alam na sinundo mo pala ako sa bahay ni Jom"

"Oo. Kasi tumawag sya sakin naisip kodin kasi si Marcus walang magbabantay sa kanya kaya pinuntahan kita kaso yung bahay mo naka lock kaya dinala nalang kita sa bahay"

"Nakakahiya talaga, Sayo ba'tong damit na suot ko?"

Tiningnan ko yung suot na damit ni Reyster akin nga pala yon dahil binihisan ko sya kagabi

..........FLASHBACK..........

"KIM? wag moko iwan dito kalang"

Paalis na sana ako ng biglang hawakan ni Reyster yung kamay ko at hinila nya ako papunta sa kanya kaya napasubsob ako sa katawan nya.

Amoy na amoy ko ang alak sa bibig ni Reyster na parang malalasing ako. 

Tumayo naman din ako ng mapansin ko na tulog na ulit sya.

Ano bang gagawin ko dito?

Naisip ko nalang na palitan ng damit si Reyster para makasingaw ang init sa katawan nya. Kumuha ako ng basang bimpo at yung damit ko na hindi masyado ginagamit.

Umupo ako sa tabi nya at tinanggal yung suot nyang damit at pinunasan ko yung katawan nya mula sa leeg, Braso, Dibdib at pababa sa tyan.

Walang malisya to dahil pareho naman kaming lalaki pero aaminin ko mas maganda ang hubog ng katawan ni Reyster kesa sakin meron din syang abs at sa hindi ko malamang dahilan ay binilang koyon.

1..................

2..................

3.................

4..................

5..................

Hindi kona natapos ang pagbibilang ko dahil biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Ay kalabaw!"

Si Mama lang pala at mukhang nagulat din sya sa nakita nya.

"Ma nakakagulat ka naman"

"Anong ginagawa mo? Ba't walang damit si Reyster?"

"Pinupunasan kolang po ang katawan nya dahil papalitan ko yung damit nya"

"Ganon ba? Sige matutulog nadin kami ha. Pag may kailangan ka tawagin molang ako"

"Sige po"

Pakalabas ni Mama ay tinuloy kona ang pagbibilang sa abs ni Reyster.

Joke!!!!

Binihisan kona ng damit si Reyster ng matapos ko syang punasan.

Pano yung pants nya?

Wala akong choice kundi mabilis na ibaba yung pants ni Reyster at mabilis din na 

isinuot

 ang short ko sa kanya

.......END OF FLASHBACK......

"Ayos kalang Vinci? Parang namumula ata yung mukha mo?"

Kainis ba't moba kasi ginawa yon Vinci?

Mabuti nalang talaga at walang malay si Reyster kaya hindi nya alam ang mga nangyayari.

Pero ano nga ba ang dapat kong ikahiya? Binihisan kolang naman sya.

"Ah eh may naalala lang ako, Pero wag mo ng isipin yon. Yun lang ba ang sasabihin mo? Uuwe nadin kasi ako"

Bubuksan kona sana yung pinto pero hinawakan ni Reyster yung isa kopang kamay at awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Pwede kabang sumama sakin? Susunduin kolang si Marcus"

"Pero kapag nakita ako ng bata iiyak yon at maghahabol sakin"

"Okay lang sakin, Kung saan magiging masaya ang anak ko don ako. Yon ay kung okay lang din sayo"

"Basta para kay Marcus" napamahal na sakin si Marcus kaya hindi pwedeng hindi ang isagot ko.

Hindi man ako totoong Mommy o Dada ni Marcus parang anak kona din sya maging sila Mama napamahal nadin sa kanya kaya naman ayos lang sakin kung nasa akin ang bata o ako mag-alaga sa kanya.

"Para sayo nga pala"

May inabot sakin si Reyster at mukhang alam kona kung paano ako makukuha.

"Salamat, Mamaya kona to kakainin"

Ngumiti lang sya sakin at sinimulan na nya paandarin yung sasakyan nya.

REYSTER'S POV

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang si Vinci gusto ko sana syang kausapin kaya lang nauunahan ako ng hiya.

Pasimple kolang tinitingnan si Vinci at napakaamo ng  kanyang mukha para talaga syang si Kim.

"May dumi bako sa mukha?"

"Ah eh wala"

Nagfocus nalang ako sa dadrive ng mapansin ako ni Vinci na panay tingin sa kanya.

Pagdating namin sa bahay ni Ate Nara ay naabutan namin na naglalaro si Marcus pati ang mga pinsan nya.

"Marcus nadito ang Daddy mo" sabi ni Ate Nara

"I don't wanna see him!"
Hindi ako pinansin ni Marcus at nag focus ulit sya sa paglalaro.

"Marcus galit kapa ba kay Daddy?"

"Opo! Kasi ayaw moko dalhin kay Dada!"

"Pero kasama ko si Dada mo"
Napalingon naman si Marcus at tiningnan kung talagang kasama ko so Vinci at nang makita nya si Vinci ay hindi maipinta ang mukha ng anak ko sa sobrang saya.

"Dada???!!!! Dadaaaaaaaaa"

Sa sobrang tuwa ni Marcus ng makita si Vinci ay tumakbo agad sya papunta dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Dada akala ko dika na babalik eh"

"Pwed ba naman yon?" Naiiyak na sabi ni Vinci.

"Dada wag mona ako ulit iwan pleaseeeee?"

"Oo naman hindi na ako aalis promise" mabilis kong sagot sa kanya.

"Yehey!!!! Don kana po ulit samin titira????"

Napatingin si Vinci sakin at maging ako ay nagulat din dahil nawala sa isip ko na posibleng doon ulit titira ss bahay si Vinci.

"Ah eh Marcus? May bahay din kasi ako kaya hindi ako pwede tumira sa inyo. Pero, Pwede naman kita dalawin sa bahay nyo"

"Pero bakit naman po? Ayaw nyo na po ba sakin?"

"Hindi naman sa ganon  pero meron lang talaga akong trabaho at mga kailangan gawin sa bahay"

Napaisip saglit si Marcus bago sumagot.

"Hmmmm sige po. Basta lagi nyo po ako bibisitahin ha?"

"Oo Promise kung gusto mo pwede kading pumunta sa bahay para makita ang lola Mama mo at makalaro ang Tito Jiro mo"

"Yehey!!!!"

Niyakap ulit ni Marcus si Vinci ng mahigpit at talagang tuwang tuwa sya.

"Marcus wala kabang sasabihin sa Daddy mo?"

Hinarap sakin ni Vinci si Marcus at dahan dahan lumapit ang anak ko sakin.

"Daddy sorry po"

Hindi nako sumagot sa anak ko at niyakap ko sya ng mahigpit walang salita ang makakapag describe kung gaano ko ka mahal ang anak ko at lahat gagawin ko para sa kanya.

"Wag kana ulit magagalit kay Daddy ah? Kasi nasasaktan si Daddy paggalit ka sakin"

"Opo Daddy hindi napo, Sorry po"

"Toto malapit na pala ang birthday ni Marcus anong balak mo?" Tanong sakin ni Ate.

Oo nga pala malapit na ang Birthday nya nawala sa isip ko.

"Wala pa nga ako balak ate, Nawala din sa isip ko sa dami ng problema ko"

"Sige ako na ang bahala wag mona isipin yon"

Mabuti nalang at may ate ako na maasahan at hindi ako pinababayaan kaya kahit may sarili na kaming pamilya ay lagi nya padin akong inaalalayan.

# CHAPTER 17

VINCI'S POV 

"Dada doon kana po ba ulit titira samin?"tanong ni Marcus habang nakaangkas kami sa Motor ni Reyster at nasa pagitan namin sya.

"Pwede naman, Pero syempre uuwe padin ako dahil walang kasama ang Lola Mama mo at Tito Jiro mo"

"Okay lang po yon. Basta po magkakasama tayo nila Daddy" 

"Vinci san kaba matutulog ngayon?" Tanong ni Reyster habang nag dadrive.

"Dada pwede po ba kami matulog sa house nyo? Daddy don nalang po tayo" 

"Pwede naman kung okay lang Dada mo"

"Oo naman welcome naman kayo don" walang pagdadalawang isip na sagot ko.

Sa bahay na nga kami dumiretso nila Reyster at pagdating namin ay tuwang tuwa si Mama ng makita si Marcus.

"Marcus apo"

"Lola Mama"

Akala mo ang tagal nilang hindi nagkita dahil sa higpit ng yakap nila sa isat-isa.

"Vinci nandito pala si Kyler kanina kapa hinahantay"

"Si Kyler Ma?"

Anong ginagawa ng lalaki nayon dito? Sabi ko umuwe na sya eh.

"Asan sya Ma?"

"Andon sa sala tinuturuan mag gitara ang kapatid mo"

"Wow Tito Jiro knows how to play a guitar?" Manghang tanong ni Marcus

"Medyo" sagot ko sa kanya.

Iniwan ko muna sila kay Mama at pinuntahan si Kyler at Jiro.

"Babe nakauwe kana pala"

Pinandilatan ko agad sya ng mata ng sabihin nya yon.

"Diba sabi ko sayo wag mona ako tatawagin ng ganyan?"

"Diba ang sabi ko din sayo papayag lang ako kung magpapahatid ka sakin kaya lang mas pinili mo yung lalaking espasol nayon" sarkastikong sagot nya

"Oyyyyyy bunganga mo mamaya marinig kanon, tsaka maputi lang talaga si Reyster at clear skin maka espasol ka naman eh mas gwapo naman yon Sayo"

"Kuya nandyan ba sila Marcus? Parang narinig ko kasi ang boses nya"

"Oo kasama ang kuya Reyster mo"

"Nandito si Espasol? Este si Reyster?"  Sabat ni Kyler

"Oo bakit may problema?"

"Kuya pakinggan mo"

Nagsample si Jiro mag gitara sa harap ko at napabilib ako dahil ang bilis nyang matuto.

"Si kuya Kyler ang nagturo sakin nito at sabi nya kapag magaling nadaw ako mag gitara magpapatulong daw sya sakin na haranahin ka"

Wala na talaga ako masabi kay Kyler pati kapatid ko na impluwensyahan na nya sa kaka BL nya.

"Jiro wag ka maniwala sa mga sinasabi ng kuya Kyler mo at nababaliw nayan"

"Oo baliw nako. Baliw sayo. Boom Mic drop"

Tumawa pa ang loko at nakipag apir sa kapatid ko.

"Tito Jiro"

Sumunod pala sakin yung mag daddy at lumapit agad si Marcus sa kapatid ko. Si Kyler naman ay umakbay sakin at ngumiti kay Reyster na parang nang aasar.

"Kyler nga pala Pre"
Inabot nya yung kamay nya kay Reyster.

"Reyster"

Naka ngiti sila pareho pero pakiramdam ko parang pinapatay na nila ang isat-isa sa mga isip nila.

"Kyler maiwan kana muna namin dyan ha? Pupunta lang kami ni Reyster sa kwarto ko"
Kumalas nako sa pagkakaakbay nya.

"Bakit anong gagawin nyo don?"

"Dito kasi sila matutulog kaya magpapatulong lang ako mag-ayos"

"Sasama ako"

"Wag na hindi naman mall ang aayusin namin. Jiro ikaw na bahala kay Marcus"

Hinila kona papuntang kwarto si Reyster at baka mag bardagulan pa itong dalawa nato. Ewan koba naman kasi kay Kyler parang baliw seryoso ba talaga sya sa mga sinasabi sakin?

"Ano moba si Kyler?" Tanong ni Reyster na ikinatingin ko

"Si Kyler? Ka work ko kaibigan ko din yon"

"Kung makaakbay sayo akala mo Boyfriend mo sya"

"Ganon lang talaga yon kaka nood nya ng mga BL tapos nakikita nya daw sa social media yung mga same gender na shiniship ng fans nila"

"Boys love?"

"Alam mo yon?"

"Hmmm oo"

Jusko pati ba naman si Reyster alam din yon ako lang ata talaga ang hindi nakakaalam non.

Nagpatulong ako kay Reyster nag palit ng punda ng unan, kumot pati sapin ng higaan syempre ngayon aware na sya na matutulog sya dito kaya kailangan mabango.

After naming magpalit ay bumalik nadin kami kung nasan sila Jiro at nandon padin si Kyler.

"Ba-- Vinci ba't ang tagal nyo anong ginawa nyo?"

"Nagpalit ng mga punda"

"Weh? Bakit pawis ka?"

Medyo OA si Kyler magtanong.

"Mainit kasi"

"Dada ito po"

Lumapit sakin si Marcus at nagabot ng pamunas. 

Ahhhh ang sweet na naman nya.

"Salamat Marcus"

Dahil mukhang wala pang balak na umuwe si Kyler ay niyaya nadin namin sya na dito nalang maghapunan at talagang tuwang tuwa pa sya na sumalo samin.

Pasado alas otso ng gabi nadin umuwe si Kyler at kung Hindi kopa sinabing duduty pa sya bukas ay wala pa talaga syang balak umuwe kasi ang sabi nya sakin babantayan nya daw ako kay Reyster.

/////////////////

"Pasensya na kayo sa kwarto ko ha, Hindi kalakihan at walang aircon"

"It's okay Dada basta magkakatabi tayo"

"Marcus kayo nalang ng Daddy mo sa kama sa lapag nalang ako baka mamaya hindi kayo makatulog ng maayos dahil masikip"

"Okay lang Vinci tabi tabi nalang baka magkasakit kapa kapag sa labag ka matulog"

Dahil mapilit ang dalawa ay tatlo kaming hihiga sa kama ko na hindi naman kalakihan at para magkasya kami ay patagilid nalang ang higa ko na nakaharap sa bata.

"Good night Dada, Good Night Daddy"

"Good Night Marcus" sabay naming sagot ni Reyster.

Buong buhay ko hindi ko inakala na magkakaroon ako ng anak sa katauhan ni Marcus kahit hindi man sya galing sakin ay anak na talaga ang turing ko sa kanya at hindi ko pinagsisihan na pumayag ako na maging Mommy nya at ngayon ay Dada na nya.

KINABUKASAN

Maaga ako nagising para makapag handa ng maalmusal ng namin. Mahimbing pa na natutulog ang dalawa kaya dahan dahan lang ang kilos ko para di sila magising.

Around 5am  nagising nako para maka punta sa talipapa malapit samin isang tricycle lang sasakyan at nandon kana kapag tanghali kasi ako magising ay hasang at buto nalang ang maabutan ko don.

Pumunta na ako sa talipapa para bilhin ang mga kailangan ko sa pagluluto mabuti nalang at may budget pako kaya makakabili pa ako ng masarap na mauulam.

Nang matapos ako maluto ay sinalinan kona sa baunan si Reyster para may mabaon sya sabi nya kasi sakin kagabi may rehearsal daw sila kaya maaga sya aalis ngayon at maya maya nga ay lumabas na si Reyster.

"Reyster kain kana may naluto nako"

"Hindi na Vinci pero Salamat. May dance rehearsal kasi kami ngayon at uuwe pako para makapag bihis"

"Hindi ka muna ba kakain?"

"Hindi na doon nalang siguro"

"Sige. Pero dalhin mo to, Pinagbalot kita para may pananghalian ka sana" kinuha ko yung baunan na nilagyan ko ng ulam at nilagay ko sa paper bag.

"Salamat ng marami Vinci pakisabi nalang kay Marcus umalis ako"

Basta ata pagdating sa pagsasayaw ay walang makakapigil kay Reyster dahil sabi nga ni Ate Nara ay passion nya yon.

Nang makaalis si Reyster ay inaantay ko nalang magising sila Mama at yung dalawang bata para sabay sabay na kaming mag almusal.

Si Marcus naman ay nilutuan ko nalang ng hotdog at ham tocino diko ksa sure kung pwede sya sa ulam na niluto at baka maulit na naman yung nangyari dati.

"Ang aga mo naman nagising Vinci at nakapagluto ka ng ulam natin"

"Opo Ma, Kaso nauna na umalis si Reyster"

"Kuya ang galing mo talaga magluto pwede kana mag-asawa"
Nanlaki ang mata ko ng sabihin yon ni Jiro.

"Oyyy anong asawa ka dyan dipa ako magaasawa pagtatapusin pa kita ng pag-aaral"

"Sabi ni Kuya kyler sakin aasawahin kadaw nya" dagdag pa ni Jiro

"No Tito Jiro,  Asawa na nya ang Daddy ko kaya hindi na pwede. Diba Dada?"

Jusko namang mga batang 'to ako nga wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganyan tapos sila may kanya kanya nang gustong maging asawa ko.

"Tama nayan Jiro, Marcus kumain na muna tayo" sabat ni Mama

Mabuti nalang at nandyan si Mama para sawayin ang dalawa kasi ako sobrang speechless talaga ako sa mga sinasabi nila.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng mga kinainan.

"Kuya Pwede moba ako turuan sa assignment ko?"

"Sige ano bayan?"

"Drawing"

"Sus basic" pagyayabang ko sa kapatid.

"Tito Jiro can i borrow your pen? I also want to draw"

Pinahiram naman ni Jiro yung pen nya kay Marcus at hinayaan namin syang mag drawing mag isa ako naman ay tinulong ko mag drawing ang kapatid ko.

"Dada I'm done"

Tinaas ni Marcus yung papel na may drawing nya at nang makita ko yon ay kinuha ko agad sa kanya at tinupi ko.

"Pangit po ba Dada?"

"Ah eh Marcus ano ba kasi 'tong drawing mo?"

"Guitar po"

"Guitar?"

Jusko kung makikita nyo lang talaga ang drawing nya iba ang maiisip nyo. Pano ba naman kasi yung guitar nya parang ano, Basta bawal sabihin.

After kong tulungan si Jiro ay humiga muna ako sa sofa dahil nakaramdam ako ng antok.

//////////////////

"Vinci kanino 'tong nakabalot dito?" Tanong sakin ni Mama.

Tiningnan ko naman agad at ayon yung pagkain na binalot ko para kay Reyster naiwan nya.

"Kay Reyster yan Ma"

"Nako ba't naiwan nya"

"Ihatid ko nalang sa kanya Ma"

Ilang oras nadin ang lumipas ng umalis si Reyster at magtatanghalian na nga din kaya naman naisipan ko nalang tawagan si Ate Nara para tanungin kung saan ba yung studio ni Reyster.

After kong malaman kung saang lugar yon ay nagpaalam ko kay Mama at binilin ko muna si Marcus baka hanapin kasi ako non.

//////////////////

Pagdating ko sa lugar na binigay ni ate ay tiningnan ko muna kung ito ba talaga yom at may nabasa ako sa labas na RKM Dance Studio.

RKM? 

Reyster, Kim, Marcus?

Hindi ko sure kung ayan ba ang ibig sabihin nyan pero pumasok padin ako para hanapin si Reyster 

"Ah Hello po? Nandyan po ba si Reyster?"
Tanong ko sa mga nagsasayaw medyo nakakailang lang din kasi nakatingin lahat sila sakin.

"Si Mentor Reyster po? Nandon po sa kabilang Room" sagot ng isang lalaki.

"Ganon ba? Sige puntahan kolang"

Tumango lang sila sakin at lumabas nako.

Ito pala pinagkakaabalahan ni Reyster kapag wala syang ginagawa. 

Siguro ang galing nya sumayaw?

Hindi naman kalakihan itong Dance studio ni Reyster kaya madali kong nahanap yung kwarto kung nasan sya.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at bumungad agad sakin na nagsasayaw si Reyster ng isang KPOP song.

Hindi ako nakipag salita agad dahil Pinapanood kolang kung paano sya  sumayaw grabe sobrang smooth ng galawan nya ibang iba sya kapag kausap molang.

"Vinci???????"

Muntik konang mabitawan ang dala kong pagkain ng biglang may umakbay sakin, Pag lingon ko si Jom lang pala.

"Jom. Ikaw pala"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah eh ihahatid kolang sana tong pagkain ni Reyster naiwan nya kasi"

"Ganon ba? ...... Pareng Reyster! Nandito ang labidabi (Lovey Dovey) mo"

Napahinto naman si Reyster sa pagsasayaw ng marinig ang sigaw ni Jom.

"Vinci? Anong ginagawa mo dito? Si Marcus?" Takang tanong ni Reyster

"Ihahatid kolang tong pagkain mo, Naiwan mo kasi. Binabantayan naman ni Mama si Marcus kaya wag ka mag-alala"

"Hala.. Sory nailapag ko pala yan kanina tumawag kasi sakin si Mommy bago ako pumunta dito kinakamusta si Marcus , Pero salamat nag-abala kapa tuloy"

"Wala yon naisip ko kasi na baka dika makakain"

"Pano mo pala nalaman kung saan to?"

"Kay Ate Nara, Tinanong ko kasi sa kanya"

"Ehem...  Ehem.... Nandito ako guys oh? Ano dalawa lang kayo nag-uusap? Pareng toto? Ganito naba talaga pag may love life? Echapwera ang kaibigan?"  Pangungulit ni Jom.

Napangiti nalang ako sa reaksyon ni Jom dahil para syang bata na nagtatampo.

"Drama mo pre!"

"Kumain kana din ba Jom? Madami naman to hati nalang kayo ni Reyster"

"Talaga Vinci? Ang bait mo naman"
Yayakap sana sakin si Jom pero hinarang ni Reyster ang kamay nya sa mukha ni Jom kaya Hindi nakalapit sakin.

"Vinci sabay kana samin mag lunch" alok ni Reyster 

"Nako hindi na nakakahiya"

"Wag ka mahiya, Ipapakilala kita sa mga trainee ni Pareng Toto" Sabat naman ni Jom

Hindi nako nakaangal kasi inakbayan nako ni  Jom at dinala ako sa room kung saan una ako pumunta.

Oo nga pala hilig pala ni Reyster ang pagsasayaw kaya naman nagpatayo sya ng ganitong studio para sa mga mananayaw at sa mga taong gusto matuto sumayaw.

"Guys tama na muna ang pagsasayaw kumain na muna tayo" sigaw ni Jom. "Pero bago yan ipapakilala ko muna sa inyo si Vinci"

Ngumiti ako sa kanila at ganon din sila sakin hindi naman sila ganon kadami bale nasa anim lang sila at kung kasama si Jom at Reyster walo na at ako ang pang Siyam.

"Mukhang masarap to ah" nakangiting sabi ni Reyster

"Oo naman ako ata nagluto nyan" pagmamalaki ko sa kanya.

"Magaling ka pala magluto? Yayain nga kita next time" nakangiting sabi ni Jom

"Oo ba walang problema"

"Kung papayag si Pareng Toto"

"Papayag ako basta nandon din ako mamaya turuan mopa ng kalokohan si Vinci"

Sa lapag lang kami kumain kasabay yung iba pang dancers mabuti nalang at madami ang nadala kong ulam kaya nabigyan kodin ang iba.

"Vinci ang sarap ng luto mo, Kare-kare. Sabihin mo nga Jom?"

Napatingin ako kay Jom na ang sama ng tingin kay Reyster pero hindi ko magets kung bakit.

Ayaw nya ba sa kare-kare?

"Kare-kare" pag-uulit ni Reyster

"Ah talaga?" Seryosong sabi ni Jom

"Bakit ayaw moba sa kare-kare?" Takang tanong ko.

"Yung pagkain gusto nya, Pero yung word na kare-kare ang ayaw nya. Bulol kasi yan R pangalan ko nga lang nababanggit nya ng maayos eh. Kawe kawe, chichawon duwog duwog" pang-aasar ni Reyster at nagtawanan nadin yung ibang kumakai.

"Ako na naman ang Trip ni Toto, Sige pag ako nag kwento kay Vinci tapos ka"

Nakangiti lang ako habang pinag mamasdan yung dalawa sobrang close kasi nila at ngayon kolang nakitang nakikipag kulitan ng ganito si Reyster.

After naming kumain ay umupo muna kami at nagkwentuhan pa mababait lahat sila dito at talagang ginagalang nila si Jom at Reyster.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ko kay Reyster ng bigla sya tumayo makalipas lang ng ilang minuto.

"Babalik nako don sa kabila hindi kopa kasi natatapos ang choreo"

"Kakatapos molang kumain magpahinga ka muna gusto mo sumakit ang tyan mo"

"Sana all may jowang Concern" pang-aasar ni Jom.

"Hindi kami mag Jowa" sabay naming sabi ni Reyster.

"Magkaibigan lang kami" sabay ulit naming sabi.

"Sabi nyo eh" nakangiting sagot ni Jom.

Nagpahinga pa kami ng ilang minuto at nagdesisyon na ulit si Reyster na tumayo para ituloy ang ginagawa nya ako naman ay niligpit kona yung mga baunan na dinala ko at baka maiwan kopa at ako pa ang mabungangaan ni Mama.

"Reyster, Jom una nako"

"Salamat ulit sa ulam" ani ni Jom

"Ihatid na kita" alok naman ni Reyster

"Nako hindi na kaya ko naman mag commute para matapos nyo din ang ginagawa nyo"

Nagpaalam ulit ako sa kanilang dalawa pati sa iba pang taong nandon.

Paglabas ko ng studio ay kinuha ko agad yung phone sa bag ko pero pagkapa ko ay wala don.

Asan yon?????

Inalala ko kung saan ko posibleng nailapag o naiwan ang phone ko at naalala ko na nailapag ko pala yon habang kumakain kami. Nagmadali agad akong pumasok sa loob at habang papunta ako sa kwarto kung saan ko nailapag ang phone ko ay may narinig akong Pamilyar na boses. Boses ni Reyster, Sumilip ako at nakita kong may kausap sya sa phone.

"Masaya na si Marcus at kung magpapakita kapa ay baka bumalik lang ang sakit na nararamdaman ng anak ko" 

Sino kaya ang kausap nya?

"Bilang Daddy ni Marcus gagawin ko lahat para sa kanya kahit ibaba kopa ang pride ko gagawin ko mabuo lang ulit tayo" 

Posible kayang si Kim ang kausap nya?

"Hanggang ngayon Mahal padin kita"

Pagkarinig ko ng salitang yon ay nakaramdam ako ng bigat sa dibdib umalis nalang ako dahil parang hindi ko na ata kaya marinig pa ang mga susunod nyang sasabihin.

Pagkakuha ko sa phone ko ay nagmadali nako lumabas pero hindi padin mawala sa isip ko ang huling salitang narinig ko.

Bakit parang apektado ako??

Sa sobrang kakaisip ko ay hindi ko napansin na may sasakyan na palang paparating at binusinahan ako ng malakas. Kainis, suki na ata ako sa ganitong eksena.

Bumukas naman yung pinto ng sasakyan at isang pamilyar na mukha ang lumabas mula doon.

"Vinci?" Banggit nya sa pangalan ko.

"Sir?"

Siya yung lalaking mayaman na nagasgasan ni Jiro ang sasakyan.

"Are you okay?" 

Nang makalapit sya sakin ay chineck nya agad yung katawan ko medyo weird kasi hindi naman ako nadampian ng sasakyan nya.

"Okay lang po ako Sir. Pasensya napo talaga hindi ko napansin na may paparating na sasakyan"

"Wag mona isipin yon ang importante ay hindi ka nabangga. San kaba papunta ngayon"

"Pauwe napo ako Sir galing kasi ako sa kaibigan ko"

"Gusto mo ihatid kana namin?"

"Nako hindi napo"

"Please. Mag-aalala lang ako kapag hindi kita naihatid baka mamaya mangyari ulit na hindi mo mapansin na may paparating na sasakyan"

Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bait ni Sir sakin kung tutuusin nga dapat magalit pa sya dahil sa kalutangan ko.

Sa huli ay pumayag nadin ako dahil tama sya baka mamaya mabangga na talaga ako dahil wala ako sa sarili dahil naririnig ko padin sa tenga ko yung salitang "hanggang ngayon mahal padin kita"

Vinci? Bakit kaba apektado? Ano naman sayo ngayon?

Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko sa isip.

"Are you sure that you're okay? Parang ang lalim ng iniisip mo" 

"May iniisip lang po ako pero okay naman po ako"

"Good to know"

"Sir pwede kopo bang malaman ang pangalan nyo?"

Napatingin naman sya sakin at napa isip ng ilang segundo na parang nag-isip pa bago sumagot sakin.

"Alfredo. Alfredo Chua"

Alfredo Chua? Parang narinig kona ang pangalan nayan pero hindi ko maalala kung saan.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako dahil giniginaw kasi ako ang lakas kasi ng aircon. 

Joke

Hanggang sa makadating kami malapit sa bahay namin ay doon lang ako nakapagsalita.

"Sir salamat po pala sa paghahatid nyo sakin" bumaba ako ng sasakyan nya at nagpasalamat ulit sa kanya.

"It's my pleasure. Pano Vinci mauna nako see you again"

Ngumiti lang ako sa kanya at pinagmasdan kolang na umalis yung sasakyan nya napakabait naman ni Sir Alfredo ang swerte siguro ng anak nya. Sana may tatay din kami ni Jiro na maghahatid at magsusundo samin.

# CHAPTER 18

VINCI'S POV

Mabuti nalang at hinatid ako ni Sir Alfredo kaya mas mabilis akong nakabalik  ang bait bait nya dahil nag-aksaya pa talaga sya ng oras para lang maihaid ako. 

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagtutupi ng mga damit namin sa sala.

"Oh Vinci ang lalim ng iniisip mo ah, May problema ba?"

Meron Ma. Pero naguguluhan padin ako at hindi ko alam ang sagot sa mga katanungan sa isip ko.

Umupo ako sa tabi ni Mama at sinumulan na magtanong.

"Ma pwede magtanong?"

"Sige ano bayon?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin kay Mama.

"Meron po kasi akong kaibigan Ma tapos tinatanong nya sakin kung pano moba malalaman na may gusto kana sa isang tao. Kaso hindi kopa naman nararanasan yon Ma, Ikaw Ma? Ano ba ang naramdaman nyo nong na inlove na kayo kay Papa!"
Kinakabahan talaga ako sa mga tanong ko.

"Alam mo Vinci may iba-iba kasi tayong interpretasyon sa pag determine na may gusto tayo sa isang tao. Pero yung naramdaman ko sa Papa mo, Dati kapag nakikita kosya mula sa malayo? Kilig na kilig nako tapos kapag lalapit naman sya para akong kandila na nauupos. Tapos yung tibok ng puso ko parang hindi normal kapag kasama ko sya,  Nabubulol kapag kausap ko ng harapan, ultimo sa panaginip nakikita ko sya at higit sa lahat parang naseselos ako kapag may kausap syang iba"

Parang lahat ata ng sinabi ni Mama ay naramdaman ko kapag nagtatagpo kami ni Reyster.

"Ang dami mo palang mararamdaman Ma"

"Oo naman, Literal na magugulo ka talaga"

"Last na tanong na Ma, Pano kung nagkagusto ka sa kapwa mo? I mean same gender mali po bayon?"

Ang bilis ng tibok ng puso habang nagtatanong kay Mama pakiramdam ko kasi nagdududa na sya haha.

"Ang Love wala naman pinipili yan, Basta tinamaan ka wala na dimo na mapipigilan at walang mali kung magkagusto ka sa kapwa mo ang mali eh yung nanahimik ka sa nararamdaman mo dahil lang sa natatakot ka sa sasabihin sayo ng ibang tao"

"Salamat Ma sasabihin ko yan sa kaibigan ko"

"Sino ba 'yang kaibigan mo anak? Kilala ko ba?"

"Ahhh hindi Ma" mabilis na sagot ko.

"Ganon ba, Pero pakisabi sa kaibigan mo dapat umamin na sya"

Tumango lang ako kay Mama at umalis nadin mas lalo lang ata ako naguluhan dahil sa pagtatanong ko.

Ako in love kay Reyster??

Nagkagusto ako sa kapwa ko??

Karma kona ata to kakaasar kay Kyler about BL.

"Dada!!!!!!!!!"

Napatakbo ako ng mabilis ng marinig ko ang sigaw ni Marcus.

"Marcus anong nangyari?"

"Dada si Tito Jiro po ayaw ako pahiramin ng guitar"

"Eh kuya hindi nga pwede baka masira nya tsaka kung ano ano ang iniikot nya"

"Marcus? Hindi kasi laruan yan ng bata, Diba madami kang toys? Yun nalang ang laruin mo at ikaw naman Jiro pagpasesnyahan mona ang bata"

"Sorry kuya, Sorry Marcus"

"Ikaw Marcus anong sasabihin mo kay Tito Jiro?"

"Sorry po Tito Jiro"

Lumapit naman si Marcus sa kapatid at niyakap nya ito.

"Dada promise me na si Daddy lang ang asawa mo ha?"

"Ha?" Napanganga ako sa sinabi ni Marcus at san naman nya nakuha yon?

"Kuya kay kuya Kyler gwapo na mabait pa" sabi ni naman ni Jiro.

"No Dada, mas gwapo ang daddy ko at may abs pa" sagot naman ni Marcus

"May abs din si kuya Kyler"

Naguguluhan talaga sa mga sinasabi ng dalawang to akala mo nag sasabong sila at may kanya kanya silang mga manok.

"Tama nayan ano bang mga abs yang sinasabi nyo. Ikaw Jiro pumunta ka kay Mama at tulungan mo sya at ikaw naman Marcus manood ka muna sa iPod mo"

Pakiramdam ko kasi ang bigat bigat namg katawan ko at gusto kolang matulog.

"Kuya kay kuya Kyler ka!" Pahabol na sigaw ni Jiro.

"No! Kay Daddy!" Sagot naman ni Marcus.

Pinandilatan ko nalang ng mata ang kapatid ko dahil alam ko naman na inaasar nya lang si Marcus.

JEROMY'S POV

Sabi sakin ni kuya kyler mag aral daw ako mag gitara dahil sabay daw namin haharanahin ang kuya Vinci.

Pwede pala yon noh? Kahit pareho silang lalaki magkagusto sila sa isa't-isa.

"Hi Tito Jiro"
Nakangiting bati sakin ni Marcus sabay upo sa tabi ko.

"Hi Marcus" sagot ko naman.

"Ano pong ginagawa nyo?"

Sa wakas at kapag kinakausap nya ako ay nagtatagalog na sya dati kasi puro English at halos wala na akong maintindihan.

"Nagpapractice ako mag-gitara dahil haharanahin namin ni Kuya Kyler ang Dada mo"

"Kuya kyler?"

"Oo yung gwapong matangkad na lalaki dito kagabi"

"Ohhh that guy, Bakit naman nya haharanahin ang Dada ko? Hindi pwede dahil may asawa na ang Dada ko"

"Wala pang asawa ang kuya Vinci ko"

"Meron na ang Daddy ko"

"Ehhh hindi pa naman sila kasal kaya pwede pa si kuya Kyler"

"No Tito, My Dada should only belong to my Daddy!"

"Edi sabihin mo sa Daddy mo haranahin nyo din si kuya kasi kami ni Kuya Kyler haharanahin namin sya"

"Can i borrow your guitar? So that i can learn how to play that"

"Hindi pwede baka masira mo tsaka bata kapa"

"That's basic"

Inabot ko nalang kay Marcus yung gitara ko dahil basic lang daw sabi nya pero inagaw ko agad ng pihitin nya yung mga string sa gitara.

"Marcus masisira yan, Basic kapa dyan ah"

"Dada!!!!!!!"

Biglang umiyak si Marcus at maya maya lang din ay dumating si kuya patay na naman ako sabihin pumatol ako sa bata.

VINCI'S POV 

Nang dumating si Reyster sa bahay ay nag bisi bisihan ako kunwari ay hindi ko sya naririnig kahit tinatawag nya ako. Nasa isip ko padin ang mga sinabi nya sa kausap nya.

Mali 'tong nararamdaman ko kaya pipigilan ko 'to hanggat kaya ko.

Pumasok nalang ako sa kwarto at pasalampak na humiga sa kama ko at ginulo gulo ko ang buhok na parang baliw.

Hindi to pwede!

Hindi to pwede!

Wala akong gusto kay Reyster!

Mabait lang talaga sya at naaawa ako yun lang yon!

Pero HINDI KO SYA GUSTO!! 

"Ah Vinci ayos lang?"

Natigil ako sa kabaliwan ko ng bigla kong marinig ang boses ni Reyster.

Sh*t hindi koba na lock ang pinto????

"Reyster kanina kapa dyan?"

"Hindi naman. Ayos kalang ba?"

"O-oo ayos lang ako, Makati lang kasi ang ulo kaya kinakamot ko"

Tama ba ang sagot ko? Huhu baka isipin nya hindi ako naliligo kaya makati ang ulo 

"Ganon ba. Pwede ba ako pumasok?"

Tumango lang ako sa kanya at umayos nako ng upo, Tumabi naman sya ng upo sakin kaya napausog ako ng konti at napatingin sya sakin.

"Vinci may problema ba? Para kasing iniiwasan mo ko"

"Ikaw iniiwasan ko? Bakit ko naman gagawin yon?"

"Sorry akala ko kasi iniiwasan mo ako"

Nakaramdam ako ng guilty dahil sa facial expression nya sobra kasing amo ng mukha ni Reyster.

"Wala yon, Ano palang sasabihin mo?"

"Ay oo nga pala, Sasabihin ko sana sayo na kung pwede dito muna si Marcus malapit na kasi ang birthday nya at gusto sana namin ni ate na gumawa ng surprise party sa bahay. Kaya hindi pa pwede umuwe si Marcus para hindi nya malaman ang surprise namin"

"Wow talaga? Sigurado ako matutuwa sya. Wag ka mag-alala ako ang bahala sa anak mo"

"Salamat"

Sa hindi inaasahan ay bigla akong niyakap ni Reyster at naging estatwa na naman ako sa kinauupuan ko at grabe ang bilis ng tibok ng puso ko.

"R--Reyster hindi ako makahinga"

"Sorry"

Ngumiti lang ako sa kanya at namutawi na ang katahimikan saming dalawa.

"Reyster kung may maitutulong pako sa pars birthday ni Marcus sabihan mo lang ako pera pag dating sa 50/50 ako haha"
Malas naman kasi naman kasi sakin dahil natapat pa sa hindi sahod.

"Wag mo nang isipin yon ang importante nandon ka, Tayong mga importante sa buhay ni Marcus"

"Eh si Kim pupunta ba?" Walang prenong tanong ko sa kanya.

Jusko naman Vinci! Ba't mopa tinatanong???

"Ewan ko. Hindi ko alam pero hindi naman importante kung pupunta sya o hindi basta nandon ka sapat nayon kay Marcus"

Ganon ba talaga ako ka importante sa birthday ng bata?

"Sorry natanong kolang"

Ngumiti lang sya sakin at nagpaalam nadin lumabas nag bago ata yung mood nya dahil sa tanong ko.

REYSTER'S POV

  ....... FLASH BACK .......

"Hello sino to?"

"It's Me. Kim."

"Kim? Bakit ka napatawag? Pano mo nakuha ang number ko?"

"Hindi na importante kung saan ko nakuha ang number mo. Malapit na ang birthday ni Marcus at gusto kong pumunta"

"After what you've done may lakas kapa ng loob magpakita sa anak ko?"

"Anak natin" paguulit nya "Anak ko padin si Marcus at gusto ko nandon ako sa especial day nya"

"Kung kelan naka move on na si Marcus tsaka ka magpapakita ulit? Pano kapag umiyak na nam ulit sya kapag makita ka? Hindi kona ulit hahayaan pa na umiyak muli si Marcus dahil sayo"

"Again anak ko padin si Marcus. Ako ang mommy nya kaya may karapatan ako sa bata"

"Hindi ka pwede pumunta" madiing sabi ko sa kanya

"Reyster naman wag na natin to gawing komplikado pa, Please hayaan mo nalang ako kahit hindi nyo ako pakisamahan ng pamilya mo ayos lang basta makita kolang ang anak ko"

Dapat kobang hayaan si Kim na makita ulit si Marcus? Pero pano kung bumalik na naman ulit ang sakit na naramdaman ng anak ko ng umalis sya.

"Tama na Kim wag mona kami guluhin ng anak ko masaya na kami"

"Si Marcus ba talaga ang inaalala mo kaya ayaw mo akong papuntahin o baka naman hanggang ngayon hindi ka padin nakaka move on?"

"Oo Kim hanggang hindi pa ako nakaka move on sayo, Hanggang ngayon mahal padin kita pero mas mahal ko ang anak ko kaya doon ako sa kung saan mas magiging masaya sya"

Pagkatapos kong sabihin yon ay nag end call nako ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin nya dahil kahit ano pang sabihin nya nagloko padin sya at iniwan nya padin kami ni Marcus para sa lalaki nya.

....
END OF FLASHBACK
.....

Habang nagpapahinga ako sa labas ng bahay nila Vinci ay biglang dumating si Marcus at kumandong sakin.

"Daddy can you buy me a guitar?"

"Guitar?"Takang tanong ko sa anak ko.

"Yes Daddy gusto kodin po matuto mag gitara just like Tito Jiro"

"Pero bata kapa Marcus"

"Daddy please"

"Bakit bigla mo naman ata gusto magpabili ng gitara?"

"Dahil kapag marunong nako we will Court Dada"

Court?

As in ligaw?

Ba't naman namin liligawan si Vinci?

"Ba't mo naman bigla naisip na ligawan natin ang Dada mo?"

"Sabi po kasi ni Tito Jiro kapag magaling na sya mag guitar liligawan nila si Dada kasama nung guy kahapon"

Si Kyler kaya ang tinutukoy nya?

"Ayoko kopo may ibang nanliligaw kay Dada except you and I don't want him to be my second Daddy. Kaya Daddy please do something"

Totoo kaya lahat 'tong sinasabi sakin ni Marcus?

"Okay Fine bibili ako"

"Yehey!"

Sa sobrang saya ni Marcus ay niyakap nya ako ng mahigpit syempre hindi ko naman hahayaan na maging second Daddy ni Marcus yung lalaking yon.

*Salamat sa lahat ng nagbabasa ng TOGETHER FOREVER alam kong konti lang kayo pero ginagalingan ko talaga para mas madami pang makapansin sa kwentong to.

*Ang pagkikita ni Vinci at Kim magaganap na! Abangan sa CHAPTER 19 Sobrang dami pang mangyayari kaya abang abang lang dahil wala pa tayo sa exciting part haha

# CHAPTER 19

Ngayong araw ag Birthday ni Marcus at wala syang kaalam alam na may inihanda kaming surprise Birthday party sa kanya.
Wala si Reyster ngayon dahil nag peprare na sila sa bahay nila.

"Good morning Dada. Nakita nyo po ba si Daddy?"

"Pumasok sya"

"Po? Hindi nya po alam kung anong meron ngayon?"

"Bakit ano bang meron ngayon?" Kunwari wala akong alam sa sinasabi nya dahil part to ng surprise namin sa kanya.

"Wala po. It's just a normal day"

Halatang nalungkot si Marcus dahil akala nya ata walang nakakaalam na Birthday nya.

"Nagugutom kana ba? Kumain kana muna"

"Later nalang po Dada"

"Kumain kana at masama ang nalilipasan sa almusal"

Walang ka energy energy na umupo si Marcus at ako naman ay hinainan kona sya ng kakainin nya.

"Mamaya after lunch pupunta tayo sa bahay nyo"

"Anong gagawin natin sa Bahay Dada?"

"Kukuha lang tayo ng mga damit dahil wala kanang masusuot dito"

"Okay po"

Nakokonsensya talaga ako sa ginagawa ko alam kong gustong sabihin sakin ni Marcus na Birthday nya pero nahihiya lang sya.

//////////////////////

After lunch ay umalis na nga kami sa bahay at nag message na din ako kala ate Nara na papunta na kami si Mama at Jiro naman ay susunod nalang daw.

Sana maging masaya si Marcus sa Birthday surprise namin sa kanya.

Pagdating namin sa bahay nila ay tahimik ang paligid animo'y walang tao sa loob na naghihintay samin si Marcus naman ay wala pading karea-reaksyon.

"Happy Birthday Marcus!!!!!!!" 

Sabay sabay naming sigaw at kita kay Marcus ang sobrag saya at labis na pagkagulat.

Pumunta kami sa may likurang bahagi ng bahay nila Reyster dahil nandon na ang mga bisita at masasabi ko na talagang nag effort sila Ate Nara dahil maganda ang kinalabasan.

"Dada ang ganda po"

"Oo sila Daddy mo ang nag prepare nito"

"Talaga po?"

"Oo, Nagustuhan moba ang surprise namin sayo" Tanong ni Reyster sa anak nya

"Yes daddy!"

"Happy Birthday Apo" bati ni Tita Dianne ng makalapit sya.

"Thank you Lola Mommy. Lolo Daddy Hello po!"

Bigla ako nahiya dahil nandito ang daddy ni Reyster first time ko palang kasi sya ma meet.

"Dad si Vinci po" pagpapakilala ni Reyster sakin kaya ngumiti ako sa Daddy nya.

"Hello Vinci nice meeting you, Totoo nga kamukha mo si Kim kaya naman pala masaya ang Toto namin dahil nakahanap na sya ng bago" 

Hindi ko alam kung nagbibiro ba ang daddy nya pero kasi nakangiti sya habang nagsasalita.

"Ah magkaibigan lang po kami ng anak nyo" agad kong depensa baka mamaya kung ano pa isipin nila.

"No Lolo Daddy, Mag-asawa po sila" biglang singit ni Marcus sa usapan kaya naman napatawa ang mga tao na katabi namin.

"Ah eh Marcus tara na muna? Para makapa start na ang party mo"

Mabuti nalang at nagkalakas ng loob si Reyster at sya na ang nagawat sa anak nya.

Sinama nya sa gitna si Marcus dahil nandon yung host na na hire nila 7th Birthday kasi ni Marcus kaya naman hinandaan talaga nila.

Nag lead muna ng prayer si Ate Nara at pagkatapos ay nag start na yung host.

Sobrang tuwa ng mga batang nandon lalong lalo na si Marcus dahil ang daming game na ginawa.

"Okay mga bata ang next game natin ay Bring me! With a twist" sabi ng host "Excited naba kayo? At ang mananalo ay may! 100!" 

Nagtalunan yung ibang mga bata tapos nagpalakpakan yung iba.

"Pwede po ba ako sumali?" Tanong ni Marcus ng lumapit sya sa host

"Oo naman Baby"

"Bring me! Damit ni Daddy! Na suot suot nya!"

Nagtakbuhan agad yung mga bata at syempre si Marcus ay lumapit agad samin.

"Daddy i need you shirt"

"What?  Marcus hindi pwede maghuhubad ako dito?"

"Daddy sige na"

"Reyster pag bigyan muna ang bata Birthday naman nya" sabi ni ate Nara

Walang nagawa si Reyster kundi ang ibigay kay Marcus ang damit nya. Napa cross arm nalang si Reyster para macover ang katawan nya.

"Wow! Aba aba naman! Mukhang ang mamacho ng mga Daddy natin dito ah!" 

Lokong host to mukhang plano nya ata talaga tong game nato.

"Reyster suotin mo muna ang Jacket ko"

Inabot ko kay Reyster yung Jacket ko dahil alam kong nahihiya na sya pero wala naman syang dapat ikahiya maganda naman ang hubog ng katawan nya.

"Salamat"

"Next, Bring me! 1 thousand bill! Yung bagong labas!"

Malas ni Marcus dahil wala kaming cash kaya hindi sya nakasali. Nasa loob daw kasi ang mga bag nila Ate Nara at nandon ang wallet nila ako naman ay walang 1k sa wallet haha.

"Last na! Bring me! Your mommy and Daddy here!"

Tumakbo palapit samin si Marcus at hinila kaming dalawa ni Reyster wala na akong nagawa dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

"Wow! Nauna ang ating Birthday Baby Boy. Kaya lang Mommy and Daddy ang sabi ko."

Medyo nahihiya ako dahil ang awkward ng ginawa ni Marcus.

"Wala napo akong Mommy but i have my Dada he replaced my Mommy and I think there's no problem with that" depensa ni Marcus

"Tama nga naman. Love has no Gender! Kaya naman congrat sa ating Birthday Boy. Wala bang kiss sa ating couple dyan?" Biglang biro ng host

Tumingin ako sa palagid at lahat sila nakatingin samin pero wala akong disappoinment na nakikita bagkus ay nakangiti pa silang lahat na parang kinikilig.

"Dada, Daddy kiss daw po"

Gusto ko mang sabihin na walang kami ni Reyster pero maging ang dila ko ay mukhang umurong nadin.

"Kisss!! Kisss"

Sh*t anong gagawin ko?

Bakit ba kasi ganito ang host nato?

Birthday to ni Marcus pero ganito ang pinapagawa samin?

Tumingin ako kay Reyster at nakatitig lang sya sakin hindi ko mabasa ang nasa isip nya dahil seryoso lang sya.

Don't tell me na mag kikiss talaga kami?

Dahan dahan lumapit sakin si Reyster ako naman ay pumikit naman at nagready na para sa mga susunod na mangyayari. Pero biglang nag salita ang host.

"Oooppsss Daddy and Dada mamaya nalang yan sa kwarto may mga bata dito"

Nagtawanan ulit sila kami ni naman ni Reyster ay bumalik na sa pwesto namin. Parang gusto ko nalang magpakain sa sa semento dahil sa sobrang kahihiyan.

After ng laro ay isa isa ng nagbigay ng regalo ang mga bisita at nahuli na si Ate Nara ako naman nagdadalawang isip pa kung ibibigay kopa kay Marcus kasi naman parang ang mamahal ng mga regalo nila.

"Ba't dimo pa ibigay yan kay Marcus?" Tanong sakin ni Reyster ng mapansin nyang nakatayo lang ako.

"Mamaya nalang siguro"

"Nahihiya kaba? Gusto mo samahan kita?"

"Wag na. Ako nalang"

Lumapit nako kay Marcus at inabot yung regalo ko.

"HAPPY birthday Marcus"

"Thank you Dada"

Nag bigay pako ng message kay Marcus pero syempre maikli lang ayoko naman magpabida sa message hindi naman ako kapamilya dito.

Umupo muna ako sa isang tabi at nag message ako kay Mama hanggang ngayon wala pa kasi sila ni Jiro halos nasa kalahati na kami ng party.

After iabot ang lahat ng mga regalo kay Marcus ay nag start na ang kainan ako naman ay nakaupo padin dahil inaantay ko sila Mama para sabay sabay nalang kami.

Napaka swerte ni Marcus dahil madaming nagmamahal sa kanya at isa na ako don sobrang ganda at saya ng party nya may mga food cart para mga bata, Photo booth at kung ano ano pa.

"Dada kain po tayo diba Favorite nyo ang spaghetti" alok sakin ni Marcus

"Mamaya nalang inaantay kopa kasi sila Lola Mama mo"

"Asan napo ba sila?"

"Papunta nadaw. Sige na kumain kana. Gusto subuan kita?"

"Okay napo ako Dada I'm a big boy now"

"Ikaw bahala"

"Vinci hindi kapa ba kakain?" Alok sakin ng daddy ni Reyster ng mapansin nyang nakaupo lang ako.

"Mamaya nalang sir inaantay kopa po kasi ang Mama at kapatid ko"

"Wag mona ako Sir. Tito nalang, O di kaya Daddy kasi don din naman papunta yon"

May pag ka Joker din pala 'tong Daddy nila dito ata nag mana si Ate Nara.

"Okay po Sir, Este Tito"

"Basta wag ka mahiya ah. Hahanapin kolang din si Toto at pagsasabihan ko dahil iniiwan ka nya mag-isa"

Umalis na si Tito Alex ako naman ay tulala lang kasi hindi ko akalain na masasabi nya ang mga ganon bagay.

"Okay Family picture naman" tawag ng photographer at isa isang nagpuntahan sila Ate Nara, Mommy at Daddy nila pati si Marcus ay iniwan muna ang kinakain nya.

"Dada Come here" tawag ni Marcus sakin pero sumenyas ako na hindi na.

Nakakahiya naman kasi kung makikisali ako dahil hindi naman nila ako Pamilya.

Mayamaya ay lumapit sakin si Reyster at hinawakan ako sa kamay at para na naman akong nakuryente dahil sa ginawa nya.

Nasa gitna namin si Marcus pero hindi ko padin maiwasan ang hindi tumingin kay Reyster ibang iba ang awra nya ngayon. Para syang magnet na hinihila ako palapit sa kanya.

"Vinci ang Camera nasa harap wala sa mukha ng kapatid ko"
Mahinang bulong ni Ate Nara dahil magkatabi kami.

Tumingin lang ako sa kanya at sa photographer nako ako tumingin pagkatapos.

Pero habang nasa kalagitnaan kami ng picture taking ay may isang pamilyar na babae ang biglang dumating.

Ang babaeng pinakamamahal ni Reyster

Ang babaeng dahilan kung bakit nasasaktan si Reyster at Marcus ngayon

Ang babaeng nagluwal kay Marcus

Walang iba kundi si Kim

Halos lahat ng bisita ay napako ang tingin sa kanya

Unti unting lumapit si Kim sa pwesto namin pero wala padin imik ang mga kasama ko 

Totoo nga magkahawig nga talaga kami

Pero pano nangyari yon???

"Kim? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Reyster pero hindi padin sya umaalis sa tabi ko at napatingin si Kim sa gawi ko at hindi ko akalain na biglang hahawakan ni Reyster ang kamay ko.

"Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa samin"

Nagulat ako sa naging reaksyon ni Ate Nara dahil sinugod nya si Kim at pinaghihila sa buhok.

Lumapit naman ako at inawat si Ate Nara mabuti nalang at napaghiwalay ko silang dalawa.

"Ate Nara hindi ako nagpunta dito para makipag-away" mangiyak ngiyak na sabi ni Kim.

"Sa pagpapakita mo palang samin talagang naghahamon kana ng away! Akala mo ba nakalimutan kona yung ginawa mo sa kapatid at pamangkin ko"

"Ate Please wag ngayon. Saktan mona ako, Sabihin mona lahat ng masasakit na salita sakin pero wag ngayon, Wag naman sana sa Birthday ng anak ko"

"Umalis ka! Hindi ka namin kailangan!" Sigaw ni Ate 

"Ate hindi naman sa nakikialam ako pero siguro tama sya, Palipasin na muna natin ang Birthday ni Marcus wag natin sirain ang pinaghirapan nyo" hindi kona napigilan ang sarili ko at nakialam nako.

Nakatingin na kasi samin ang iba pang mga bisita at ayoko masira ang araw ni Marcus pero si Reyster naka tayo lang at walang reaksyon.

"Pasalamat ka at mas mahalaga padin sakin si Marcus pero wag mo iisipin na invited ka dito!"

Niyaya ko nalang pabalik sa gitna si Ate Nara para ituloy ang picture taking namin. Naawa ako para kay Kim pero naiintindihan kodin kung saan nang gagaling si Ate Nara.

After naming matapos ay bumalik na kami sa upuan si ate Nara naman ay pinapakalma padin ng Mommy nya dahil galit padin talaga sya at si Reyster naman ay nakatingin lang sya kung saan nakapwesto si Kim.

Ano kayang iniisip ni Reyster?

Masaya kaya sya dahil nakita nya ulit yung babaeng hanggang ngayon Mahal padin nya?

Tumayo nalang ako para kumuha ng maiinom hindi kodin kasi kaya makita na malungkot si Reyster si Marcus naman busy lang sa pakikipag laro sa mga kaibigan nya at maging ang mommy nya hindi na nya din pinansin.

"You must be Vinci"

Napalingon ako sa babaeng biglang nagsalita sa tabi ko. Si Kim pala at ngayon kitang kita kona ang mukha nya sa malapitan at masasabi kong para kaming pinagbiyak na bunga.

"O-oo ako nga" nahihiyang sagot ko.

"Tama nga sila we look exactly the same kaya hindi pala nakakapag taka at mabilis na nakapag move on si Toto at Marcus"

"Oo nga eh hindi padin ako makapaniwala na magkamukha tayo"

Ngayon mas kita kona sa malapitan ang mukha ni Kim at talagang magkamukha kami.

Pero pano nangyari yon????

"Siguro nagkataon lang, Imposible naman na blood related tayo eh only daughter lang ako"

"Baka nagkataon lang"

"Kamusta na pala si Marcus pasensya kana at sayo ko natanong alam mo naman kung gaano sila kagalit sakin"

"Ayos naman na si Marcus"

"Mabuti naman. Salamat din dahil alam ko isa ka sa mga tumulong para maging okay ang anak ko"

"Kahit sino naman gagawin yon"

"Eh kayo ni Reyster? Kayo naba?"

Muntik kona mabitawan ang hawak hawak kong baso dahil sa tanong nayon.

"Kaibigan kolang si Reyster"

"Ohhh come on.  The way Reyster hold your hand and the way he look at you ganyan na ganyan sya sakin dati kaya i know that you're special to him"

"Magkaibigan lang talaga kami" pag-uulit ko kay Kim.

"Sabi mo eh. Pero if ever man na mag enter sa isang relationship si Reyster walang maging problema sakin lalo na kung ikaw yon"

Nahihiya ako sa mga sinasabi ni Kim dahil iniisip nya siguro ay may namimigitan samin ni Reyster pero sa totoo lang ang gaan nya kausap parang matagal kona syang kakilala.

"Hindi moba lalapitan si Marcus?" Pag-iiba ko sa usapan

"Sa tingin moba Papayag si Ate Nara? Baka lalapit palang ako kay Marcus ay may nagliliparan na sa mukha ko"

Tumingin ako sa gawi ni Ate Nara at ang sama ng tingin nya sa pwesto namin ni Kim at parang binabantayan nya talaga ang mga kilos ni Kim.

Pero naawa ako kay Kim halatang gustong gusto nya mayakap si Marcus pero wala syang magawa.

"Pwede kitang matulungan" walang ano anong sabi ko sa kanya.

"Pano?"

"Hintayin mo kami sa labas gagawan ko ng paraan para maipuslit si Marcus"

"Talaga? Sobrang salamat Vinci hulog ka ng langit"

Sa sobrang tuwa nya ay niyakap nya ako ng mahigpit. Alam kong baka magalit sila Reyster sakin pero may nagsasabi talaga sa puso ko na kailangan ko tulungan si Kim.

KIM'S POV

Walang salitang makakapag explain kung gaano ko ka miss ang anak ko pero kasalanan ko naman talaga dahil iniwan ko sila.

Lumabas ako sa dati naming bahay para antayin si Vinci dahil sabi nya ay gagawan nya daw ng paraan para mailabas si Marcus at mga ilang minuto lang din ang lumipas ay dumating na si Vinci kasama ang anak ko.

"Marcus?" 
Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo at pisngi.

"What are you doing here?" Walag emosyon na tanong ni Marcus 

"Nandito ako dahil birthday mo. Look may gift si Mommy sayo" binigay ko sa kanya yung paper bag na dala dala ko pero hindi nya kinuha yon kaya naman si Vinci nalang ang humawak."Marcus Happy Birthday. Sorry kung iniwan ka ni Mommy kinailangan kolang talaga gawin yon"

"You know what i already forgive you sa kabila ng ginawa mo po samin ni Daddy co'z you're still my mother pero nandito napo ang Dada ko kaya hindi kana po namin kailangan"

Napaka sakit sakin na marinig mismo kay Marcus na hindi na nya ako kailangan.

"Marcus wag ka naman ganyan magsalita sa Mommy mo" pagsingit ni Vinci

"Dada sorry po pero papasok napo ako"

Wala na akong nagawa ng pumasok paloob si Marcus gusto ko syang habulin pero wala nakong lakas para na akong nasaksak sa mga binitawan nya sakin sa murang edad nya napakalalim na agad ng hugot nya.

"Sorry. Hayaan mo kakausapin ko nalang di Marcus"

"Salamat Vinci"

Uuwe nalang siguro ako dahil kung mag sstay lang ako dito para kolang pinatay ang sarili ko.

"Vinci mauna nako papalipasin ko muna ang galit ng anak ko tsaka ako babalik.  Maraming salamat talaga"

"Wala yon. Sige ingat sa pag-uwe"

Bago ako umuwe ay nag-abot ako ng calling card kay Vinci dahil sa sabi ko kapag may free time ako yayayain ko sya lumabas para naman ma treat ko sya dahil sa tulong nya.

VINCI'S POV

Sobrang naaawa ako kay Kim pero wala akong magawa si Marcus na mismo ang nagtaboy sa mommy nya at ayoko naman na pilitin sya.

"Nakaalis naba si Kim?"
Tanong sakin ni Reyster ng makatabi sya sakin.

"Oo. Nakaawa nga sya eh dahil gusto nya makipag celebrate sana pero hindi pwede"

"Kung ako lang baka napapayag nya pa ako pero iba si Ate Nara"

"Pero bakit hindi mo man lang kinausap si Kim?"

"Para san pa?"

"Closure"

Totoo naman diba? Pano makakapag move on si Reyster kung wala pa silang closure na dalawa .

"Hindi pa siguro ngayon"

"Kuya Vinci!!!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko kaya naman tumayo ako at nilapitan sila.

"Oh ba't ngayon lang kayo?  Patapos na ang Party ni Marcus"

"Sorry anak  inantay kopa kasi 'tong kapatid mo medyo late din sila pinalabas ng teacher nila"

"Kain na muna kayo Ma"

"Nako hindi ba nakakahiya? Parang ang daming bisita ni Marcus eh"

"Wag po kayo mahiya Tita" sabi naman ni Reyster

"Ma pakilala muna kita sa Mama ni Reyster"

Niyaya ko ang mama at kapatid ko sa pwesto nila Ate Nara at kahit nahihiya ay sumunod padin sila sakin. 

Ako din naman ay nahihiya pero mababait ang pamilya ni Reyster kaya hindi ako na awkward.

"Lola Mama! Tito Jiro!" Masayang tawag ni Marcus

"Happy Birthday Marcus"

"Happy Birthday Apo"

Bati naman ni Mama at binigay nila kay Marcus yung simpleng regalo nila na ikinatuwa naman ng bata 

"Hello po Tita Dianne at Tito Alex. Mama at kapatid ko nga po pala"

Nakangiting nakipag kamay ang Mama ko sa Mommy at Daddy ni Reyster.

"Balae kumain na muna kayo" alok ng Daddy ni Reyster.

Napatingin naman si Mama sakin na parang nagtatanong kung bakit siya tinawag na balae ni Tito Alex.

Sinamahan ko nalang sila Mama para kumuha ng pagkain at syempre kakain nadin ako.

"Kuya ang mukhang masasarap ang pagkain dito ah sana pag Birthday ko ganito din kadami ang pagkain"

"Malayo pa naman ang Birthday mo kaya mapagiipunan pa namin ni Mama"

"Ma sayang kung napaaga kayo ng dating kanina baka nakita mo si Kim"

"Si Kim? Yung kamukha mo?"

"Oo Ma para kaming pinagbiyak na bunga para nga kaming magkakambal eh"

"Asan na sya?"

"Umalis na Ma, Nag-away kasi sila ni Ate Nara"

"Babalik paba sya?" Tanong ulit ni Mama

"Ngayon Ma? Hindi na. kasi alam naman nya na hindi sya welcome"

"Kawawa naman si Kim"

Kahit si Mama ay mukhang naawa dahil sa nangyari kay Kim biruin mo Birthday ng sarili mong anak pero hindi ka pwede pumunta.

# CHAPTER 20

VINCI'S POV 

"Ma bakit parang ang lalim ng iniisip nyo?" Tanong ko kay Mama para kasing bigla syang natahimik.

"Iniisip kolang si Kim"

"Si Kim?"

"Oo. Naawa kasi ako sa kanya,  Pinagtabuyan sya dito at wala man lang syang kakampi"

Alam kong mabait ang mama ko pero medyo weird lang yung pag ka Concern nya kay Kim.

"Ma hindi naman sya literal na pinagtabuyan pero syempre galit lang talaga silang lahat dahil sa nagawa ni Kim. Tsaka Ma Birthday ni Marcus ngayon, Wag na muna natin pag-usapan ang ibang tao."

Hindi na ako masyado nag-usisa pa kay Mama dahil mukhang affected talaga sya sa nangyari kay Kim. Pero bakit?

"Ano Jiro mukhang sarap na sarap ka sa mga kinakain mo"
Natawa ako sa kapatid ko dahil puno yung plato nya ng lahat ng pagkain nandito.

"Ang sarap talaga kuya"

Masaya ako dahil masaya ang kapatid ko pero sa kabilang banda ay nalulungkot ako dahil hindi namin naranasan na magkaroon ng madaming handa kapag nag bibirthday kami.

Kung nandito kaya ang Papa namin magbabago kaya ang estado namin sa buhay?

NARA'S POV

Kung hindi lang talaga dahil kay Marcus ay hindi ko titigilan ang Kim nayon ang kapal ng mukha nya para magpakita samin pagkatapos ng mga ginawa nya.

"Nara kumalma ka at baka una kapang atakihin sa puso"

"Ma pano ako kakalma? Eh ang kapal ng mukha ng babaeng yon"

"Naiintindihan kita anak pero minsan ang galit natin dapat nilalagay natin sa lugar. Kanina gustong gusto kong sumbatan si Kim dahil sa ginawa nya gusto kong ipamukha sa kanya na mali yung ginawa nya kay Marcus at Reyster pero hindi ko ginawa"

"Sorry Ma, Alam kong pinalaki nyo kami ng maayos at marunong magpatawad pero hindi kolang kasi maatim yung ginawa nya kay Toto"

Bata palang kami sanggang dikit na kami ni Toto at bilang ate nya nag promise ako sa kanya na poprotektahan ko sya sa lahat ng mang aapi sa kanya .

"Nara lahat tayo mahal ang kapatid mo, Hayaan mo kapag tapos ng Birthday ni Marcus kakausapin natin si Kim"

Hindi ko alam kung kaya kopang kausapin ang babae nayon pero si Mama yung tipo ng tao na hanggat kayang pag-usapan , Pag-uusapan nyo talaga.

"Nara nakita moba si Toto bigla nalang naglaho" tanong sakin ni Papa

"Hindi Pa, Baka nandyan lang sa tabi tabi alam mo naman yon ayaw sa madaming tao"

"Aba syempre madaming tao Birthday ng anak nya eh talaga naman si Toto"

"Pa wag mona hanapin si Toto babalik din yon"

Si Reyster naman kasi parang may pagka ewan din minsan kahit ako na ate nya ay hindi mabasa kung anong nasa isip nya.

Hindi kaya sinundan nya si kim?

Baka hinabol nya si Kim at nagmakaawa sya na makipag balikan si Kim sa kanya?

VINCI'S POV

Patapos na ang Party ni Marcus pero biglang nawala sa paningin ko si Reyster.

Asan kaya sya?

Imposible namang umalis sya.

"Ma patingnan muna si Marcus hahanapin kolang si Reyster"

"Sige ako ng bahala sa apo ko"

"Dada sama po ako"

"Ako nalang Marcus saglit lang naman si Dada. Tsaka hindi mo dapat iwan ang mga friends mo"

"Sige po Dada"

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Reyster at umakyat papunta sa kwarto nya wala naman kasi syang ibang pupuntahan kundi doon lang.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Reyster ay nagdalawang isip ako kung kakatok paba ako o hindi pero sa huli ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nya at tama nga ako nandon sya nakahiga sa kama at nakatulala sa may kisame.

"Vinci??"

"Pwede bang pumasok?"

Tumango lang sya sakin at lumapit naman ako sa kanya umupo naman sya sa may gilid ng kama at tinabihan ko sya.

"Ayos kalang ba?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Tapos na ba ang party ni Marcus?" 

"Hindi pa, Nag-aalala lang kasi ako sayo kaya hinanap kita"

"Ayos lang naman ako salamat sa Concern"
Alam kong nagsisinungaling sya sakin dahil halatang malalim ang iniisip nya.

"Si Kim ba ang iniisip mo?"

"Oo. Akala ko kasi kapag nakaharap ko sya kaya kona syang sumbatan, Kaya konang hindi maging affected sa kanya pero mali pala ako"

"Eh baka kasi mahal po sya"

Wala naman sigurong ibang dahilan kung bakit hanggang ngayon affected padin sya kay Kim.

"Mahal?"

"Oo diba ilang years din kayo nagkasama. Hindi naman basta basta mawawala yung pagmamahal don kaya ikaw wag mong pilitin yung damdamin mo na makalimot pero mas mag focus ka sa mga taong kasama mo ngayon"

"Katulad mo?"

Natigil ako saglit sa sinabi ni Reyster.

"Katulad ko? O-Oo ako, katulad ko. Diba magkaibigan tayo? Ang ibig ko sabihin makakatulong kami para mapagaan ang loob mo"
Maging ako naguluhan din sa sinabi ko pero sana na gets nya kung ano man ang gusto kong iparating.

"Ahhhhhhhhhhhhh"

Ahhhh? Sa dami ng sinabi ko yan lang ang isasagot nya ahhhhhh????? 

"Ah Reyster matanong kolang bakit ba ang tahimik mo, Hindi ka masyado nagsasalita tapos parang lagi kang lutang?"

"Mahiyain kasi talaga akong tao, Introvert sabi nga nila. Pero nagsasalita naman ako kapag close ko ang isang tao. Katulad mo, Nakakausap mo ako ng matagal"

"Halata nga, Tara na bumaba na tayo baka hinahanap na nila tayo "

Tumango lang sya sakin at sabay kaming bumaba pero habang pababa kami sa hagdan ay may naapakan akong madulas kaya naman napaupo ako at tumama yung pwetan ko sa kanto ng hagdanan kaya napa ngiwi ako sa sakit.

"Vinciiiii"

Inalalayaan naman agad ako ni Reyster para makatayo.

"May natapakan akong basa" sagot ko sa kanya habang nakawahak sa pwetan ko grabe ang solid ng pagkabagsak ko.

"Kaya moba maglakad? O gusto mong buhatin kita?"

"Ha?" Parang biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Reyster. 

Buhatin talaga?

"I mean alalayan palabas"

Tumango lang ako at umakbay na ako sa kanya habang paika-ika pading naglalakad. Pagkabalik namin ni Reyster ay isa-isa nading nag uuwian ang mga bisita at nakaabang nadin samin sila Mama at Jiro pati ang Mommy at Daddy nya nandon din si Ate Nara at Jom.

"Dada ano pong nangyari sa inyo?"Napatingin nalang ako kay Reyster habang nag-iisip ng maisasagot.

"Nako si Pareng toto umiskor na naman!" Biglang singit ni Jom na mukhang kakadating lang ata.

"Loko! Ba't ngayon kalang?"

"Dami pa kasing ginagawa sa office pre kaya di ako agad nakapunta, Sorry naman. May regalo naman ako sa inaanak ko kaya wag kana mag tampo" sagot ni Jom

"Vinci pinilit kaba ni Toto?" Singit ni Tito Alex

"Po?"

"Nevermind.  Ano ba kasing nangyari?" Tanong nya ulit.

"Nadulas po kasi ako"

"Kawawa naman ang Dada ko"

Lumapit sakin si Marcus at niyakap ako ng mahigpit.

"Dada mawawala napo ang sakit nyan dahil niyakap kona po kayo"

"Salamat Marcus"

Napangiti nalang ako sa ginawa ng bata dahil napaka sweet nya.

"Reyster iupo mo muna si Vinci may kukunin lang ako sa bag ko" sabi ni Ate at pumasok na sa loob.

Inalalayan ako ni Reyster paupo dahil masakit padin talaga.

"Pagpasesnyahan mona  si Daddy, Ganon lang talaga yon"

"Wala yon nakakatuwa nga ang Daddy mo eh"

Maya maya ay dumating na si Ate Nara at may inabot saking patch.

"Ilagay moyan sa parteng masakit"

"Salamat ate"

Iniwan muna kami ni Reyster dahil nagpaalam na yung iba pang mga bisita.

"Ate Nara sorry nga pala sa pakikialam ko kanina"

"Nako Vinci nagpapasalamat pa nga ako dahil nakialam ka dahil kung hindi? Baka nagkagulo na at nasira na ang Birthday ng pamangkin ko"

"Yun din nga ang naisip ko ate"

"Alam mo Vinci para talaga kayong pinagbiyak na bunga ng babaeng yon. Hindi kaya kambal kayo?"

Kami ni Kim kambal? Mukhang malabo yon. Dahil ang pangalan ng kakambal ko ay Vina tsaka hindi kami mag ka edad ni Kim.

"Pero mukhang hindi naman dahil ang alam ko only daughter yon" dagdag pa ni Ate Nara.

"Magkamukha lang siguro kami"

"Baka nga"

Nawala na konti yung kirot sa likuran ko pero baka mamaya sasakit ulit to.

KIM'S POV

"Kim kamusata ang pag punta mo sa Birthday ng apo ko"

"Hindi naging maganda Daddy, Pinagtabuyan nila ako pati si Marcus sinabihan ako na hindi na nya daw ako kailangan"

"What? Ginawa nila yon? Mukhang hindi ata nila alam kung sinong Pamilya ang binabangga nila pati ang apo ko minanipula nila ang utak"

"Hindi ko naman sila masisisi Dad kasalanan ko naman siguro ito na ang consequence sa  ginawa kong pag-iwan sa anak ko. Mabuti nalang at nandon si Vinci"

"Vinci??" Takang tanong ni Daddy

"Yes Daddy, Si Vinci sya ang tumulong sakin para kahit papano ay mayakap ko si Marcus and you know what Dad magkamukha kami, Kahit ako hindi makapaniwala na sa milyong milyong tao sa mundo ay meron pala akong kamukha"

"Nagkakilala na kayo ni Vinci?"

"Hindi gaano, Umuwe na kasi ako agad dahil ayoko na magtagal sa Birthday ni Marcus baka makasira lang ako don.  Pero sana magkita pa ulit kami ang gaan kasi ng loob ko sa kanya na parang matagal ko na syang kakilala.  Ayos kalang ba Dad?"

Napansin kong parang ang lalim bigla ng iniisip ni Daddy.

"Kilala moba ang Vinci na tinutukoy ko Dad?

"Kim, I think this is the right time para malaman mona ang totoo"

"Ano pong totoo?"
Kinabahan naman ako bigla sa sasabihin nya.

"Hindi pa patay ang Mommy mo ang totoo nyan hindi ko talaga alam kung nasan sya"

"What?! Pero sinabi mo sakin na pagkapa nganak nya palang sakin ay namatay na sya" Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nya. Ang alam ko kasi ay matagal ng patay ang mommy ko.

"Sorry Kim ayoko kolang na lumaki ka na may hinahanap ka dahil wala ang mommy mo"

"All this time nagsinungaling kayo sakin?  Pinagmukha nyo akong tanga, akala ko patay na ang Mommy ko pero hindi pa pala"

Hindi kona napigilan ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi ng Daddy ko.

Buong buhay ko pinangarap ko na magkaroon ng isang Mommy na mag dadamit sakin, Magsusuklay sakin at higit sa lahat ay aalagaan ako dahil inggit na inggit ako sa mga kaibigan ko dahil kompleto ang pamilya nila habang ako hindi.

"Ginawa ko naman ang lahat para hanapin sila pero nabigo ako kaya ang sinabi ko nalang ay Patay na siya"

"Sila??"

"Oo Kim meron kapang mga kapatid at meron kang kakambal"

May mga kapatid pako?

May kakambal ako??

"Wag mong sabihin sakin na si Vinci ang kakambal ko?"
Pagkasabi palang ni Daddy na may kakambal ako ay si Vinci agad ang pumasok sa isip ko, Siya lang naman ang posibleng kambal ko dahil sa pagkakahawig namin.

"Oo, Fraternal twins kayo."

"Daddy bakit ngayon molang sakin sinasabi ang lahat ng 'to? Bakit pinaabot nyo pa ng more than 20 years?!"

"Sorry Kim natakot lang talaga ako sabihin sayo. Pero ngayon nahanap kona sila pwede na ulit tayo mabuo katulad ng pangarap mo"

"At paano kayo nakakasiguro na si Vinci ang kakambal ko?"

"A week ago na meet ko si Vinci, Unang kita ko palang sa kanya alam kona na sya ang posibleng hinahanap ko na kakambal mo dahil sa pagkakahawig nyo kaya naman kumuha ako ng sample sa kanya para makapag DNA ako at nag mag match ang DNA result namin"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga rebelasyon ni Daddy.
Pinalaki nya ako sa isang kasinungalingan kaya pala parang may kulang sa pagkatao ko habang lumalaki ako dahil buhay pa pala ang Mommy ko at may mga kapatid pako.

Kailangan ko makausap si Vinci sigurado ako kasama nya ang mommy ko.

"Kailangan ko makausap si Vinci sigurado ako hindi nya pa alam ang tungkol satin"

Gulong gulo na talaga ang isip ko dahil iniisip ko pa nga lang kung paano ako mapapalapit ulit sa anak tapos ito pa ang malalaman ko.

"Please anak hayaan mo muna na ako ang magsabi, Humahanap lang ako ng tyempo para magkita kit tayo"

"Hindi paba ito ang tamang panahon? Kelan pa Dad? Gaano mo pa ako katagal paghihintayin?"

"Just give me some time. Please"

Hindi ako sumagot sa pakiusap nya at umalis nalang ako ng bahay. Simula pagkabata mag kasama kami ni Daddy kaya sobrang close namin pero ang hindi ko alam ay pinagkait nya sakin ang katotohanan.

Hi Guys naka post din po sa FB page ko ang TOGETHER FOREVER paki like nadin po ng page para mas madami makabasa "Dex Pascual BL Story" .

Abangan din ang bagong character na papasok!

# CHAPTER 21

KIM'S POV

More than 20 years tinago sakin ni Daddy ang totoo tungkol sa pagkatao ko kaya sobrang sakit ang nararamdaman ko. Buong buhay inakala ko na wala na ang Mommy ko pero buhay pa pala sya at kasama nya ang mga kapatid ko. 

Gusto kong syang puntahan ngayon dahil sigurado ako na kasama sya ni Vinci na sinasabi ni Daddy na kambal ko pero diko magawa dahil nakiusap sakin si Daddy.

"Kim. Bakit bigla kang napatawag kanina?" Alalang tanong sakin ng boyfriend ko.

Nandito ako kami ngayon sa condo unit ko dahil wala naman akong ibang pupuntahan kund dito lang.

Oo meron na akong Boyfriend pero hindi ko sya naging Boyfriend noong kami pa ni Reyster kaya hindi totoo ang mga binibintang nila sakin na nagloko at may kabit ako.

Nakipaghiwalay ako ng maayos kay Reyster pero sadyang ayaw nya lang tanggapin. Alam ko din na mali ang iwan ko ang anak ko pero hindi ko naman sya kayang kunin kay Reyster dahil wala ng matitira sa kanya.

"Drei"
Napayak ako sa kanya pagkatapos kong banggitin ang pangalan nya. Sya lang ang masasabihan ko ngayon tungkol sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Kim ano bang nangyari? Nag away ba kayo ni Reyster? Iniway kaba ng pamilya nya? Kamusta ang anak mo?" Alalang tanong nya.

"Nakita at nayakap ko naman ang anak ko. Hindi kami nakapag usap ni Reyster"

"Pero bakit ka umiiyak?"

"May sinabi sakin ang Daddy ko" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.

"Ano?"

"Buhay pa daw ang mommy ko at meron akong mga kapatid. Pero alam moba ang mas kinagulat ko? Meron akong kakambal"

"Totoo ba 'yang mga sinasabi mo? Pero bakit ngayon lang sayo sinabi ni Tito?"

"Hindi ko alam"

Niyakap ako ng mahigpit ni Drei at naramdaman ko ang pag-aalala nya sa akin.

"Kung nasasaktan ka iiyak molang at kung may maitutulong ako sabihin molang sakin gagawin. Ko para Sayo"

Mabuti nalang at nandito si Drei kaya kahit papano ay napapagaan nya ang loob ko. Bago palang kami sa relasyon namin at hindi ko sya magawang ipakilala sa iba dahil alam ko na ang iisipin nila, Na malandi ako at kabit ko si Drei pero ang hindi nila alam ay wala na kami ni Reyster bago ko sya nakilala.

Ang hirap magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak anumang sabihin mo mali para sa kanila, pero kapag nanahimik ka sasabihi nila na kasalanan mo kaya hindi ka makapagsalita. Sumbatan na nila ako sa pagiging pabayang ina ko pero hindi sa pagiging babae ko.

     ......FLASHBACK.....

"Resyter itigil na natin 'to wag na natin lokohin ang mga sarili natin na mahal pa natin ang isat-isa"

"Ano bang sinasabi mo kim? Mahal kita kung may problema tayo baka pwede natin pag-usapan para maayos natin"

"Ako tinanong moba ako kung mahal pa kita? Hindi. Kasi ni minsan hindi ka nagtanong sakin. Pero ngayon ayoko na"

"Wala namang ganyanan Kim. Pano ang anak natin? Pano si Marcus? Dahil parin ba 'to sa gusto mo na pumunta abroad para abutin ang mga pangarap mo?  Sige pumapayag nako. Wag molang kami iwan ng anak mo"

Lumapit sakin si Reyster at niyakap ako habang umiiyak masakit din to para sakin pero ito na ata ang pinaka tamang desisyon na gagawin ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap nya at iniwan kona sya hindi kona nagawang 

magpaalam

 sa anak ko dahil 

ayokong

 makita syang umiiyak.

 .... END OF FLASHBACK.....

VINCI'S POV

"Ma pwede kaba makausap?"
Tanong ko kay Mama pagkauwe na pagkauwe palang namin, Kanina pa kasi ako hindi mapakali sa reaksyon nya at reaksyon nya kay Kim.

"Tungkol saan?"

"Tungkol po kay Kim"

Pagkasabi ko palang ng pangalan ni Kim ay parang naaligaga na si Mama.

"Bakit anong itatanong mo tungkol kay Kim?"

"Ma alam kong mabait kayo pero kanina napansin ko na iba yung pagka concern nyo ng nalaman nyo yung nangyari kay Kim nagtataka lang ako bakit parang sobrang affected kayo?"

Natigil muna si Mama ng ilang saglit bago ako sinagot.

"Wala naman naawa lang ako sa bata, Kahit sino naman diba maaawa sa ganon"

Hindi padin ako kumbinsido sa sinasabi ni Mama alam kong may iba pa syang dahilan.

"Ma alam kong may iba pang dahilan, Sabihin nyo na sakin"

"Vinci hindi kaba nagtataka na kamukha mo si Kim? Na parang pinagbiyak kayo na bunga. Kasi ako unang beses ko palang malaman na kamukha mo ang mommy ni Marcus ay kinutuban na talaga ako sa pagkatao nya"

"Ma pwede bang diretsohin nyo na ang sasabihin nyo"

"Vinci posibleng si Kim ang kakambal mo, Posibleng sya si Vina"

"Ma pano naman kayo nakakasiguro sa sinasabi nyo?"

"Malakas ang kutob ko. Alam ko na sya ang kakambal mo dahil ina ako Vinci pagdating sa mga anak ko iba ang sinasabi ng puso ko"

Gustong kong maniwala sa sinasabi ni Mama pero wala naman syang patunay na si Kim at Vina talaga ay iisa liban sa pagkakahawig namin. Ayoko lang na umasa si Mama sa wala, Dahil madaming beses kona syang nakitang umiiyak at nalulungkot at ayoko ng makita ulit yon.

Niyakap ko si Mama ng mahigpit para kahit paano ay mabawasan ang kalungkutan nya sa ganitong mga sitwasyon kami lang palagi ang nagdadamayan.

"May pakiusap lang sana ako sayo anak. Pwede kabang gumawa ng paraan para magkausap kami ni Kim? May mga itatanong lang ako sa kanya"

"Sige Ma susubukan kopa, Itatanong ko ka Reyster kung saan ko pwede makita si Kim"

"Salamat"

Sana nga talaga tama si Mama sa hinala nya dahil kung hindi panigurado malulungkot na naman sya.

Sana nga si Kim at si Vina ay iisa.

Sana nga si Kim na ang kakambal ko.

Gusto ko ng mabuo ang pamilyang pinapangarap namin ng kapatid ko.

REYSTER'S POV

Masayang natapos ang Birthday Party ni Marcus at tuwang tuwa sya naging surprise namin at sa mga regalong natanggap nya.

Noong iniwan kami ni Kim akala ko hindi kona makikitang masaya at nakangiti ang anak ko.

Nagpaalam din sakin si Vinci na doon muna matutulog sa kanila dahil may pasok pa sya bukas mabuti na nga lang at pumayag si Marcus magpaiwan.

"O pre ba't nagyaya kana naman mag inom? May problema kana naman ba?"

"Dumating dito si Kim kanina"

"Ano?!! Eh anong nangyari?" 

"Ayon pinagtabuyan sya ni Ate Nara"

"Ikaw anong ginawa mo?" Tanong ulit ni Jom.

"Wala"

"Si Vinci anong reaksyon?"

Tumagay muna ako bago sagutin ang tanong sakin ni Jom.

"Nagulat din. Kasi sa unang pagkakataon ay nagkita sila at kung hindi kolang sila kilala iisipin ko na magkapatid o magkambal sila"

"Hindi kaya kambal talaga sila? Tapos pinaglayo? Katulad sa mga teleserye?"

Posible nga kaya yung mga sinasabi ni Jom o baka nagkataon lang talaga na magkahawig sila Vinci at Kim.

"Hindi ko alam. Pero nong kami pa ni Kim wala syang nabanggit sakin tungkol dyan at kahit pumupunta ako sa kanila wala akong nakitang pamilya nya kundi ang Daddy nya dahil bata palang daw sya namatay na ang Daddy nya"

"Ngayong nandito ni si Kim ano nang balak mo? Makikipagbalikan ka sa kanya? Hahabulin mo ba sya?"

Ano nga bang gagawin ko?

Sa totoo lang hindi naman talaga nawala ang pangungulila ko sa kanya syempre ilang taon din kami nagsama at nagmahalan at higit sa lahat sya padin ang Mommy ng anak ko.

Pero ngayon? Iba na, wala ng excitement sa puso ko na makita sya ulit ni hindi na nga sumagi sa isip ko na habulin ko sya. Oo nandon nako sa part na bilang Lalaki at Tatay ay tungkulin na panatilihing buo ang pamilya ko. Kaya lang nagbago lahat ng dumating sa buhay namin si Vinci hindi ko alam kung anong ginawa nya pero sa bawat araw na nagdadaanan gusto ko syang laging nakikita, Masaya ako kapag nandito sya sa Bahay at kasama namin sya.

"Hindi na. Tanggap kona din na hanggang doon nalang talaga kami siguro mapapatawad ko sya pero para habulin pa? Hindi na siguro masaya nako na kasama ko ang anak ko at si Vinci"

Muntik na mabuga ni Jom yung iniinom nya dahil sa sinabi ko.

"Oh bakit may nasabi ba akong mali?" Tanong ko sa kanya.

"Si Vinci? Masaya ka na kasama? Nako pareng toto iba na ata yan, Tinamaan kana ata kay Pareng Vinci"

"Hindi ko alam Jom. Naguguluhan pako. Pero posible nga ba yon? Ang mag kagusto sa kapwa mo lalaki?"

"Oo naman . Ang pag-ibig walang pinipili yan basta tinamaan ka tinamaan ka. Pero ang malaking tanong dyan ay in love kana ba kay Pareng Vinci? O baka naman kaya ka nahuhulog sa kanya ay dahil kahawig nya si Kim na babaeng pinakamamahal mo. Kawawa naman yung tao kung ganon"

"Jom naguguguluhan padin ako sa nararamdaman ko First time mangyari sakin to"

"Kahit ako nagulat sa daming mga babaeng nagkakagusto sayo kay Vinci lang din pala ang bagsak mo pero sundin mo ang sinasabi ng puso mo"

Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. Pano ko sasabihin kay Vinci ang nararamdaman ko? Matatanggap nya kaya yon? 

Habang umiinom kami ni Jom ay biglang dumating si Marcus na umiiyak nilapitan ko agad sya at tinanong ko kung napano sya.

"Marcus anong nangyari? Bakit ka umiiyak"

"Daddy asan po si Dada? Iniwan nya po ba tayo?"

"Diba nagpaalam satin si Dada mo kanina na uuwe muna sya kasi may pasok sya? Tsaka hindi nya tayo iiwan. It's just dream kaya matulog kana ulit"

"No! I don't want to sleep. I want my Dada" umiyak na naman si Marcus kaya medyo nataranta ako.

"Nako pareng Toto dalhin mona ang inaanak ko kay Vinci at mukhang hindi ka titigilan nyan"

"Sorry Pre, Next time nalang siguro natin ituloy to sasamahan kolang muna si Marcus"

"Wala yon"

"Tahan na Marcus pupunta na tayo sa Dada mo dito ka muna kay Ninong Jom mo kukuha lang ako ng gamit natin"

Kahit gabi na at medyo nakainom ako ay wala akong choice kundi ang pumunta kala Vinci dahil hindi na naman ako Titigilan ni Marcus kung magkataon.

Pagkatapos kong kunin ang ilang gamit namin ay nagpaalam nadin si Jom na mauuna na mauwe at susunod nalang namin itutuloy ang inuman namin.

VINCI'S POV

Pasado alas onse na ng gabi pero hindi padin ako makatulog iniisip kopa din kasi yung sinasabi ni Mama na posibleng si Kim ang kakambal ko, Na si Vina at si Kim ay iisa.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ay may narinig akong bumusina, Hindi ko muna yon pinansin dahil inisip ko baka sa kapitbahay lang pero nagbusina pa ito ng ilang beses kaya naman tumayo nako para silipin kung dito ba talaga samin bumubusina. Pagkasilip ko sa may bintana ay nakita ko si Reyster na nakasakay sa motor nya at nasa unahan nya si Marcus.

Anong ginagawa nila dito ng ganitong oras?

May nakalimutan ba silang sabihin sakin?

Dali dali akong bumaba para puntahan ang mag-ama.

"Dada!"
Yumakap agad sakin si Marcus ng makita nya ako.

"Gabi na ah? Ba't nagpunta pa kayo dito?"

"Sorry Vinci ito kasing si Marcus nagpupumilit na pumunta dito alam mo naman yan iiyak lang yan pag diko pinagbigyan" sagot ni Reyster

"Marcus? Diba big boy kana? Kaya dapat hindi kana umiiyak" sabi ko nalang sa bata.

"Pero Dada napanaginipan kopo iniwan nyo kami"

Binuhat ko muna si Marcus bago ko sagutin ang sinasabi nya.

"Panaginip lang yon at hindi mangyayari yon. Hindi ko kayo iiwan diba nag promise na ako sayo?"

Tumango lang siya sakin at niyakap ako na parang ayaw na ako pakawalan.

"Vinci pwede bang dito na muna si Marcus? Babalikan ko nalang sya bukas. Pasensya na talaga sa abala"

"Bakit san ka pupunta?" Takang tanong ko 

"Uuwe na ako, Magpapahinga nadin ako anong oras nadin kasi"

"Nako wag na. Dito kana din matulog samin gabi na baka kung mapano kapa"

Alam kong nakainom si Reyster kaya delekado kung magbabyahe pa sya.

"Nakakahiya na sayo"

"Ngayon kapa mahihiya eh parang hindi na tayo iba sa isat-isa"

Binuksan kona yung gate namin para maipasok nya yung motor nya at niyaya kona silang mag-ama sa loob para makapahinga nadin kami.

"Dada tabi po tayo nila Daddy"

Napatingin lang ako kay Reyster at humiga na kaming tatlo sa maliit kong kama pumagitna samin si Marcus at nakatagilid kami pareho ni Reyster paharap sa kanya kaya kitang kita namin ang isat-isa.

"Good night Daddy, Good Night Dada"

"Good din Marcus" sagot ko sa bata.

"Good night Vinci" sabi naman sakin ni Reyster na ikinagulat.

"Good night den"

Napatingin ako kay Reyster at nakatitig lang sya sakin na parang may gustong sabihin pero hindi ko nalang sya pinansin at pinikit ko nalang ang mga mata.

Hanggang ngayon naguguluhan padin ako sa nararamdaman ko para kay Reyster pati Gender identity ko tuloy na kukwestyon kona din.

Habang nakayakap ang isang kamay ko kay Marcus ay naramdaman akong may humawak sa kamay ko at alam kong si Reyster pero hindi ako nagreact at umaktong natutulog na.

Malapit na tayo sa exciting part!

# CHAPTER 22

VINCI'S POV

Maaga ako nagising ngayon dahil morning shift ako at katulad padin kagabi bago ako matulog nakahawak padin sa kamay ko si Reyster. Hindi muna ako bumangon at tinitigan ko muna si Reyster.

Ano bang ginawa mo sakin at nag-iiba ang nararamdaman ko. 

May nararamdaman naba talaga ako sayo? 

O baka awa lang to?

Gusto kong komprontahen si Reyster sa nararamdaman ko kaya lang natatakot baka isipin nya na bakla ako tsaka never pako nagkagusto sa kapwa ko ngayon palang.

Dahan dahan kong inalis yung kamay nya at nagready na ako ng susuotin ko dahan dahan lang ako kumilos para hindi maistorbo ang mag-ama sa pagtulog nila.

Pagkatapos ko maligo ay bumalik ako sa kwarto para magbihis short lang kasi ang nadala ko at pagbalik ko sa kwarto ko ay nagulat ako kasi bukas na ang ilaw at nakaupo na si Reyster sa may higaan ko.

"Reyster ba't ang aga mo nagising?"

"Nagising lang ako bigla. Papasok kana ba?"

"Oo" maikling sagot ko

"Gusto mo ihatid na kita?" Alok ni Reyster sakin

"Hindi na baka mamaya biglang magising si Marcus at pareho pa tayo hanapin"

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos sa sarili ay nagpaalam nako kay Reyster at Mama sa store nalang ako mag-aalmusal at maaga pa naman.

////////////

Pagkadating ko sa store ay nandon na si kyler at hindi man man lang ako pinansin ng makita nya ako.

"Galit ka?" Tanong ko sa kanya pagkadating ko sa may counter sobrang seryoso nya kasi ngayon.

"Buti naman at pumasok kana akala ko hindi kana papasok"

Seryosong sabi sakin ni Kyler pero nagfocus padin sya sa pagkakaha. Hinintay ko muna umalis yung customer bago ko sya sinagot.

"Birthday lang kasi ni Marcus"

"Sus kahit hindi naman Birthday ng batang yon madalas kana umabsent dati naman hindi ka ganyan kawawa naman yung mga kasama natin dito lagi kang wala"

Naguilty naman ako bigla sa sinabi nya nitong mga nakaraang araw madalas akong umabsent kaya madalas straight duty sila.

"Sorry"

"Alam ko naman mahalaga sayo yung bata pero syempre may responsibilidad ka din sa trabaho mo"

Ngayon lang ako kinausap ni Kyler ng ganito parang ang cold nya.

May nagawa ba akong mali sa kanya? Para kasing hindi lang tungkol sa trabaho ang kinakagalit nya sakin.

"Kyler galit kaba?"

"Hindi naman"

"Hindi? Pero ganyan moko kausapin? Tapos dika pa makatingin ng diretso sakin"

"Oo na. Naiinis nako"

"Bakit ka naman naiinis sakin May ginawa ba akong kasalanan?"

"Pano lagi mong kasama si lalaking espasol este yung Reyster nayon kulang na nga lang mag pakasal na kayo para maging mag-asawa na talaga kayo"

Natawa nalang ako sa dahilan ni Kyler pati ba naman si Reyster kaiinisan nya?

"Kasal talaga? Kami ni Reyster magkaibigan lang wala ng hihigit don"

Pagkatapos kong sumagot sa kanya ay biglang lumawak ang ngiti nya.

"Talaga hanggang kaibigan molang sya?"

Tumango lang ako sa kanya at napatalon sya sabay yakap sakin mabuti nalang at walang customer na nakakita samin.

"Yes! May pag-asa pa ako!" 
Kanina lang mukhang di maipinta ang mukha nya tapos ngayon ngiting tagumpay na.

"Ikaw kaibigan din kita, Kayong dalawa"

"Anong kaibigan. Baka KAI BIGAN"

Binatukan ko ng mahina si Kyler dahil kung ano ano ang mga sinasabi nya at hindi ako makapag focus sa pagkakaha ko mamaya mashort pako eh.

"Vinci mamaya punta ka sa bahay" biglang sabi ni Kyler

"Anong gagawin kodon?"

"Ipapakilala kita kay Mama tsaka noong nakaraan dika pumunta sa Birthday ng kapatid ko kaya dika pwede tumanggi ngayon"

"Magpapaalam muna ako kay Reyster"

Sinabi ko talaga ang pangalan ni Reyster para asarin sya ang kulit nya kasi talagang inis na inis sya kay Reyster.

"Ano? Ba't ka magpapaalam sa espasol nayon?"

"Eh baka hanapin ako ng bata" pagdadahilan ko

"Bakit anak moba yon? Anak nyo bayon?"

"Oo"

"Di pwede tayo lang pwede magkaanak" 

Mabuti nalang at wala pang pumapasok na customer at walang nakakarinig sa mga sinasabi nya.

"Loko ka, Ba't ba espasol kasi ang tawag mo kay Reyster?"

"Eh ang puti kasi ng mukha nya"

"Sus inggit kalang makinis kasi at ang puti kasi ng mukha nya" natatawang sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi pag tinitigan mo si Reyster napakanis nya parang hindi nadadampian ng araw at walang stress sa buhay.

"Mas gwapo ako don"

Hindi ko nalang sinagot si Kyler at alam ko na hahaba lang ang usapan dahil hindi naman sya mag papatalo pagdating kay Reyster.

Mag message nalang ako mamaya kay Mama na malelate ako ng uwe dahil kailangan ko sumama kay Kyler para makabawi ako.

JEROMY'S POV

"Jiro magstart na pala ang practice natin sa sayaw ah"

"Ganon ba sige magpapaalam ako kay Mama"

"Diba sabi mo may kilala ang kuya mo na magaling na dancer? Baka naman pwede nya tayong tulungan sa choreo natin para sure win na.

"Sige itatanong kopa kung pwede sya"

Sana pumayag si Reyster na turuan kami dahil gusto ko talaga manalo sa dance contest dito sa school dahil ang sabi nila ay malaki daw ang premyo.

Maya maya pa ay dumating na yung adviser namin kaya nagsiayos kami ng upo.

"Okay Class, Natapos kona i compute ang mga grades nyo at masaya ako dahil nakapasa kayong lahat" masayang anunsyo ng Adviser namin.

Ngayong araw din pala sasabihin kung sino ang nag TOP 1 sa klase at bukas naman sasabihin kung sino pang ibang kasama sa Top kasabay sa pagkuha ng Card.

"Malamang na ikaw na naman ang TOP 1" Bulong sakin ng katabi.

"Sigurado ako na kilala nyo na kung si ang TOP 1 natin ngayong Quarter. Walang iba kundi si Jeromy"

Tumayo ako at nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Nag-aaral talaga ako ng mabuti para sa Mama at Kuya Vinci ko dahil gusto ko makatapos ng pag-aaral para matulungan ko sila. Malaki ang sakripisyo nila sakin kaya tatanawin koyon ng isang malaking utang na loob. Alam ko matutuwa sila kapag nalaman nila na TOP 1 na naman ako sa klase.

Nang matapos ang klase namin ay napagdesisyonan ko na umuwe agad dahil excited ako na sabihin kay Mama na top 1 ulit at sigurado ako na may regalo na naman ako kuya ko sakin madalas kasi may premyo ako sa kanya kapag may top ako.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko ang mga kaklase ko na sinusundo ng mga papa nila at nakaramdam ako ng inggit dahil ni minsan hindi namin naranasan ni kuya ang masundo ng papa 

"Hi Jiro long time no see" bati sakin ni Sir

"Hello po. Kayo po pala sir ano pong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ko. Bigla nalang kasi syang sumulpot sa harapan ko 

"Pauwe kana ba? Gusto mo isabay kana namin"

"Nako hindi napo nakakahiya napo"

"Wag kana mahiya. By the way kasama ko pala ang anak ko ngayon at gusto ka nya makita"

Bakit naman ako gugustuhing makita ng anak nya?  

"Bakit po?"

Napangiti muna si Sir sakin bago ako sinagot.

"Nakwento kasi kita sa kanya at ang sabi nya gusto kadaw nya mameet"

Mayamaya ay may babaeng bumaba sa sasakyan nya na at para akong nakakita ng isa pang kuya Vinci ko. Para syang si kuya na babae.

"Kuya Vinci?" Takang tanong ko

Lumapit agad sya sakin at niyakap ako ng mahigpit hindi ako makakilos sa sobrang pagkabigla. Pilit kong inaalala kung saan ko sya nakita. Para kasing nakita kona sya.

Habang nag-iisip ako ay biglang bumalik sakin yung pagpunta ko sa bahay nila Marcus at may nakita akong isang picture, Family picture nila at doon nakita ko yung isang babae na kamukha ng kuya ko.

"Ka-kayo po yung Mommy ni Marcus??"

Napabitaw sya ng yakap at humarap sakin ng maayos.

"Kilala mo ako?"

"Opo. Nakita kona po kasi kayo sa picture pagkapunta ko kala Marcus"

"Oo ako nga ang Mommy ni Marcus. I'm Kim and he is my Dad, Alfredo Chua"

"Kamukha nyo din po ang kuya ko"

"Si Vinci?"

"Opo paano nyo po nakilala ang kuya Vinci ko?"

"I met him nung birthday ni Marcus and just like you and others nagulat din ako kasi para talaga kaming kambal"

Kaya pala ganon nalang makatawag ng mommy si Marcus sa kuya ko dati dahil magkamukha nga talaga sila.

"Jiro, Kim pasok na muna tayo sa sasakyan doon nalang tayo mag-usap"

Wala din ako nagawa dahil nakakahiya naman kung tatanggi ako tsaka parang gusto ko pa makasama si Ate Kim dahil dipa din ako makapaniwala na kamukha nya ang kuya ko.

"Jiro asan pala ang Mama mo?" Biglang tanong ni ate Kim

"Nasa bahay po tapos ang kuya Vinci ko pumasok" sagot ko sa kanya

"Kamusta sya?Ayos lang ba sya? Anong mga pinagkakaabalahan nya?"

"Ayos lang naman po. Nasa bahay lang po sya madalas sabi kasi ng kuya Vinci ko doon nalang daw po sya sa bahay at wag na magtrabaho"

"Jiro ihahatid kana namin sa inyo" biglang singit ni Sir sa usapan namin.

"Sige po. Salamat"

"Lagi kaba nag jejeep pauwe? Wala bang sumusundo sayo hindi ba masyadong delekado kung mag-isa kalang"

Bakas sa mukha ni Ate Kim ang pag-alala sa mga tanong nya sakin.

"Opo mag-isa lang ako umuuwe minsan dinadaanan ako ng kuya Vinci ko o di kaya ni Mama malaki nadin po kasi ako at kaya ko napo mag-isa"

"Kumain kana ba? Gusto mo kumain na muna tayo"

Ang bait ni Ate Kim parang si Kuya Vinci mabait din ang swerte ni Marcus at may mabait syang daddy at mommy at dumagdag pa ang kuya ko.

Kung buhay pa sana ang Papa namin ni Kuya Vinci sigurado ako na mas masaya kaming pamilya.

"Hindi napo salamat nalang"

"Sure ka? Inumin gusto moba?"

Tumanggi ulit ako sa alok nya kasi nahihiya talaga ako sa kanya nakakapagtaka nga lang parang ang bait bait nya sakin.

Habang nasa byahe kami ay panay tanong lang ni Ate Kim sakin at sinasagot ko naman sya sa abot ng aking makakaya.

KIM'S POV

"Dito napo ako salamat po"

Bago bumaba si Jiro ay niyakap ko muna sya ng mahigpit ganito pala kasaya sa pakiramdam kapag may kapatid ka bigla akong naging ate sa saglit na pagsasama namin.

"Hindi po ba kayo bababa? Gusto din po kasi magpasalamat ni Mama kay Sir dahil sa paghatid nya sakin dati"

"Hindi na Jiro next time nalang may lakad din kasi kami ni Daddy" sagot ko sa kanya.

"Sayang naman po. Alam nyo poba na nasa bahay si Marcus?"

"Si Marcus?"

"Opo. Kasi minsan dito sila natutulog ni kuya Reyster madalas kasi hinahanap ni Marcus ang kuya ko"

Mukhang sobrang close na talaga si Marcus kay Vinci kung alam lang nila na mag Tito talaga sila. Bababa sana ako ng sasakyan pero pinigilan ako ni Daddy.

"Kim this is not right time"

"Dad gusto kolang makita at mayakap ang anak ko"

"Alam ko naman yon pero pano kapag nakita ka ng Mama mo? Gusto moba na makita ka ng Mama mo?"

Hindi na ako nakipag talo kay Daddy at nagpaalam na kami kay Jiro pero hindi muna kami umalis at sinilip ko muna si Jiro at may sumalubong sa kanya na isang babae na sigurado ako na Mama namin.

Mula sa loob ay tanaw na tanaw ko ang aking Mama na inakala kong patay na pero hindi pa pala dahil isang malaking kasinungalingan lang ang mga sinabi sakin ni Daddy ng bata pako. Gusto kong lumabas para makita ng malapitan at mayakap kodin ang Mama ko pero hindi pa pwede.

"Dad hanggang kailan pa ako maghihintay bago ko mayakap ang Mama ko? Hindi paba sapat yung ilang taon na nawala?"

"Kim sorry. Inaantay ko nalang ang result ng DNA namin ni Jiro para malaman ko kung anak kodin ba sya o nagkaroon ng iba ang Mama noong mga panahon na wala ako"

Umalis na kami kahit mabigat sa loob ko sayang at hindi ko nakita si Marcus Chance ko na sana to para makausapa ang anak ko at humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko.

VINCI'S POV

After ng duty namin ni Kyler ay may usapan kami na pupunta ako sa kanila hindi ko alam kung anong meron pero napa OO nalang ako kasi mapilit sya.

"Mukhang may Date kayo ni Pareng kyler ah" pan-aasar ni Josh samin

"Date mo mukha mo may kukunin lang ako sa kanila" sagot ko sa kanya

Iniwan kona si Josh at lumabas na ako sa store namin dahil paalis nadin kami ni Kyler.

"Ano naman sinabi sayo ni Josh"

"Wala. Ang sabi nya ang pogi ko daw na babakla na ata sakin haha"

"Loko yon ah! Mukhang aagawan pako! Gusto mo balikan ko?"

"Dami mong alam tara na"

Umangkas na ako sa motor ni Kyler at sinuot kona din ang helmet nya talagang planado nya ang pagpunta namin sa kanila dahil may dala syang extra helmet.

"Vinci naka kapit kana?"

"Oo" 
Sa likuran ng motor ako nakakapit pero pikit nyang kinukuha yung kamay ko at nilagay nya sa bewang nya.

"Kumapit ka sakin at baka mahulog kapa"

"Yari ka talaga kay Reyster kapag di ako nakauwe" pang-aasar ko sa kanya

"Wag mo na nga banggitin ang espasol nayon baka tupiin kopa yon sa walo"

Grabe talaga si Kyler kay Reyster wala naman ginagawa yung tao sa kanya. Umangkas nako kay Kyler at pumunga na kami sa bahay nila. First time ko palang makakapunta sa bahay nila medyo nakakakaba lang kasi ang sabi nya ipapakilala nya daw ako sa mama nya.

Halos kalahating oras lang ang binyahe namin papunta sa kanila hindi naman din kasi kalayuan.

"Kyler sino mga tao sa inyo?"

"Ang Mama at kapatid kolang, Wala ang papa ko nagtatrabaho sya abroad"

Pinarada lang ni Kyler sa labas ng bahay nila yung motor nya at niyaya na nya ako papasok.

Pagpasok namin sa bahay nila ay unang sumalubong samin ang kapatid ni Kyler.

"Vinci bunso kong kapatid si Prince"

"Hi po kuya Vinci"

Ang cute ng kapatid ni Kyler halos kasing laki lang ni Marcus magka edad lang din siguro sila.

"Hello Prince, Pasensya na at hindi ako nakapunta nung birthday mo busy lang kasi ako"

"Okay lang po"

"Vinci ilapag mo muna gamit mo" pagsingit ni Kyler sa usapan namin.

Mayamaya ay dumating nadin ang mama ni Kyler at ngumiti agad sakin.

"Ma si Vinci po, Vinci si Mama"

"Hello po Tita"

Nakipag kamay ako sa Mama ni Kyler at ganon din sya sakin nakakatuwa lang kasi ang bait nila sakin kaya yung kaba ko kanina  ay nawala na.

////////////

Dito nadin ako naghapunan sa kanila kasi ang sabi ni Tita ay wag daw muna ako umuwe kasi magluluto sya ng madami para sabay sabay kaming kakain.

"Vinci wag ka mahiya ah kumain ka ng madami"

Ngumiti lang ako kay Tita at tumayo si Kyler at sya ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko.

After naming maghapunan ay umupo muna kami nagkwentuhan kami ni Kyler maya maya ay nagpaalam sya sakin na lalabas muna.

Habang nakaupo ako ay nagulat nalang ako ng may ilapag si Kyler na mga beer sa may tapat ko at napatingin lang ako sa kanya.

"Anong meron?" Takang tanong ko 

"Tagay muna tayo konti bago ka umuwe"

"Kyler hindi nga ako umiinom"

"Wag ako Vinci. Sige na at minsan lang to sayang naman ang pinang bili ko dito kung dika iinom"

At talagang kinonsensya pa nya ako ng todo.

"Konti lang at may pasok pa tayo bukas"

"Opo boss ako ang bahala malakas ata 'to sa inuman"

Tiningnan ko yung nilapag ni Kyler yung walong beer na malilit na binili nya at malamang sa malang 'tig apat kami.

Kaya ko ba to ubusin? Lagot talaga ako kay Mama pag lasing akong umuwe ngayon.

REYSTER'S POV

Nandito padin kami sa bahay nila Vinci dahil hinihintay pa namin sya dapat kanina pang hapon nandito na sya pero pasado alas nwebe na ng gabi dipa sya nakakauwe.

Asan kaya sya?

Ba't hindi sya nagsabi sakin?

"Daddy asan napo si Dada bakit wala papo sya?"

Kanina kopa gusto tawagan si Vinci pero nagdadalawang isip ako wala naman akong karapatang manghimasok sa personal nyang buhay.

"Pauwe nadin siguro yon"

Tumayo ako para puntahan si Tita sigurado ako na alam nya kung nasan si Vinci.

"Tita pwede po magtanong?"

"Sige ano bayon?"

"Asan po pala si Vinci Bakit wala pa sya? Hinahanap napo kasi sya ni Marcus"

"Nako hindi ba nasabi ni Vinci sayo? Nandon sya kala Kyler ngayon pero ang sabi nya sakin kanina saglit lang daw sya kaya lang wala padin hindi din nagrereply sakin"

Ano namang ginagawa nya don sa mokong nayon? Parang may iba talaga sa lalaki nayon parang pinopormahan nya si Vinci.

"Reyster pwede moba puntahan si Vinci tutal may motor ka naman"

"Sige po Tita" walang pagdadalawang isip na sagot ko. Kailangan ko mapuntahan agad si Vinci baka kung ano ng ginawa ni Kyler sa kanya.

"Salamat ha, Yari talaga sakin yung bata nayon pag uwe nya. Pakitanong nalang pala kay Jiro kung saan nakatira si Kyler"

"Opo Tita, paki tingnan nalang din po si Marcus"

Pumunta agad ako kay Jiro para tanungin kung saan nakatira si Kyler at ng masabi nya sakin ay agad akong umalis para puntahan si Vinci.

VINCI'S POV

Nakatatlong bote palang ako ng maliit na beer at parang tatlong beses nadin umiikot ang paningin ko ganito pala kapag hindi ka sanay uminom.

"Ano Vinci kaya mopa? Mahina ka pala eh" natatawang sabi ni Kyler.

"Hindi na ayoko na. May pasok pa tayo bukas"

"Sus basic. Beer lang malalasing ako? Parang tubig nga lang eh"

Hindi naman talaga ako lasing na lasing parang nahihilo lang ako.
Low bat nadin ang phone ko kaya hindi ako makapag text kay Reyster na sunduin ako baka hinahanap na ako ni Reyster.

"Kyler after nitong isa uuwe nako gabi nadin kasi"

"Dito kana kaya matulog malaki naman ang kwarto ko pwede tayo magtabi"

"Hindi na baka gapangin mopa ako haha" pabirong sabi ko sa kanya.

Tinungga ko ulit yung beer para matapos na gusto kona makauwe para makapag pahinga nako.

Habang nag-uusap kami ni Kyler ay biglang dumating ang Mama nya.

"Vinci may naghahanap sayo asawa modaw"

"Asawa po?"

Napatayo ako sa kinauupon ko at kahit nahihilo ako ay napatuwid ang tayo ko sino naman ang maghahanap sakin at asawa kopa? Kelan pako nagka-asawa?

"Oo yun ang sabi nya eh"

Umalis muna saglit si Tita at mayamaya ay may kasama na sya walang iba kundi si Reyster.

Anong ginagawa ni Reyster dito?

Pano nya nalaman na nandito ako?

"Reyster anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hinahanap kana kasi Tita dahil nag-aalala na sya sayo kaya Pina sundo kana nya sakin dika din daw sumasagot sa tawag nya" seryosong sabi ni Reyster

"Na low bat kasi ang phone ko pero pauwe nadin ako"

"Espasol, Este Reyster inom ka muna mahina kasi tong si Vinci eh"

Gusto kong busalan ang bibig ni Kyler dahil sa sinabi nya mabuti nalang at kalmado lang si Reyster.

"Hindi na pre sinundo kolang ang asawa ko dito"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya at parang pati yung hilo ako ay nawala. Ano bang nasa isip ng taong 'to at sinabi nya yon.

"Asawa?" Biglang lumapit si Kyler kay Reyster na animo'y babanatan nya kaya naman pumagitna ako sa kanilang dalawa para dina sila magpangabot.

"Kyler mauna nako gabi nadin kasi salamat nalang" dali dali kong dinampot yung bag ko at hinila palabas si Reyster hindi na tuloy ako nakapag paalam kay Tita baka sabihin nya basta nalang ako umalis.

"Gising paba si Marcus?" Tanong ko kay Reyster na seryso ang mukha.

"Oo at kanina kapa nya hinihintay"

"Sorry diko namalayan ang oras"

"It's okay alam ko naman ang limitasyon naming mag-ama sa buhay mo pinasundo kalang kasi ni Tita sakin but if you still want to be with kyler wala namang problema ako ng bahala mag explain kay Tita"

"Nagpapasalamat pa nga ako sayo at sinundo mo ako baka hindi na siguro ako nakauwe kung magkataon"

Inabot sakin ni Reyster ang helmet nya at umangkas na ako kumapit naman ako sa balikat nya pero tinanggal nya yon at nilagay sa bewang nya.

"Kumapit ka ng mabuti ayoko nang mawalan ng asawa ulit"

Sh*t ba't ba ganito si Reyster ngayon? Nalasing naba talaga ako at kung ano ano ang naririnig ko? O baka naman panaginip lang lahat ng *to

"Reyster?" Kabadong tawag ko sa kanya.

"Kumapit ka ng mabuti ayoko nang ulitin ang sinabi ko kanina"

Pinatakbo na ni Reyster ang motor nya kaya naman napakapit lalo ako ng mahigpit sa kanya. Sana dala lang ng kalasingan ang mga naririnig ko.

Habang nasa byahe ay lutang padin ako imbes na tunog ng mga sasakyan ang maririnig ko ay ang boses padin ni Reyster ang naririnig na sinasabing "Ayoko nang mawalan ng asawa ulit".

# CHAPTER 23

Salamat sa lahat ng mga nagbabasa sa story nato! Sana dumami pa kayo. I love you all

----------------------

JEROMY'S POV

Kasama ko ngayon si Marcus dito sa kwarto ko dahil sinundo ni kuya Reyster ang kuya Vinci ko.

"Tito Jiro matagal papo ba sila Daddy?"

"Malapit nayon, Antayin mo nalang. Inaantok kana ba?"

"Hindi pa naman po"

"Marcus gusto moba makita ang Mommy mo?" Bigla ko kasing naalala si Ate Kim kaya naisip ko itanong kay May Marcus.

"No Tito. May Dada napo ako eh"

"Pero Mommy mo padin yon, Mabuti ka nga meron kang Mommy at Daddy at may Dada kapa samantala kami ni Kuya Vinci mama lang ang meron kami hindi namin naranasan ang buong pamilya dahil wala kaming Papa"

"Bad po ba ako kung galit ako sa mommy ko"
Mukhang inosenteng bata lang si Marcus pero alam ko matalino sya.

"Hindi naman. Pero kasi dapat marunong tayo magpatawad kahit ang Dada mo yan din ang sasabihin sayo"

"Sige po Tito Jiro next time kapag nakita ko si Mommy ihahug ko sya at mag sosorry ako sa kanya"

Pinalapit ko sakin si Marcus at niyakap ko sya ng mahigpit. Habang yakap yakap ko si Marcus ay biglang dumating si Mama at napangiti sya sa nakita nya.

"Mukhang magkasundo kayong Mag Tito ah"

"Lola Mama hug kadin po" tawag ni Marcus at lumapit naman si Mama samin at nakiyakap nadin.

"Ma may surprise po ako sa inyo ni kuya Vinci bukas" pag-iiba ko sa usapan.

"Talaga? Bakit bukas pa?"

"Eh dapat po ngayon kaso wala naman si kuya kaya bukas nalang"

"Nako ano kaya yon? Baka may Girlfriend kana ah! Sinasabi ko talaga sayo"

Natawa ako sa sinabi ni Mama.

"Ma Girlfriend talaga? Wala papo sa isip ko yan tsaka bata papo ako"

"Mabuti naman"

Excited nako sabihin kala Mama na TOP 1 na naman ako alam ko sa ganitong paraan mapapawi ang lahat ng Pagod at sakripisyo nila sakin. Lalo na sa kuya na pati pag-aaral nya ay sinantabi nya para sakin.

VINCI'S POV

Nakayakap lang ako sa bewang ni Reyster habang nasa byahe kami dahil nakakaramdam ulit ako ng pagkahilo baka mamaya malaglag ako. Kainis kasi 'tong si Kyler eh nilasing ako.

Huminto muna si Reyster at sinabihan nya ako na bumaba kaya sumunod naman ako at dahil nahihilo ako ay diretso ako upo sa gilid ng kalsada ni hindi ko na nga natingnan kung nasan kami ngayon basta ang alam kong nahihilo ako at kailangan ko umupo.

"Just wait for me here and I'll be right back"

Tumango lang ako sa kanya at yumuko ulit. Hindi na talaga ako iinom! Sinusumpa koyan! Grabe ayoko na umulit. Ilang minuto din ako nag-antay bago bumalik si Reyster gusto ko na nga sana humiga eh.

"Eto kape inumin mo para mainitan ang sikmura mo"

Napaangat agad ako ng ulo at kinuha yung inaabot na kape ni Reyster wala akong pakialam kung mainit ang kape basta dali dali akong uminom.

"Next time kasi wag ka magpapakalasing kung alam mong uuwe kapa. Pano kung wala ako? Sino ang susundo sayo?"

Concern ba sya o nagagalit sakin?

"Sorry" mahinang sabi ko sa kanya sabay lagok ulit ng kape. Tiningnan ko ang paligid at huminto pala kami sa isang coffee shop.

"It's okay. Ubusin mona yan at ng makauwe na tayo"

"Reyster salamat pala sa pagsundo mo nagpapahinga kana dapat ngayon kaso naabala pa kita"

"Satingin moba makakapahinga din ako ng wala ka sa bahay?"

"Sorry talaga" 

Nagpapasalamat talaga ako at mabait si Reyster kahit hindi naman nya ako obligasyon ay sinundo padin nya ako. Pero may isang bagay padin ang bumabagabag sakin yung pagtawag nya sa'king asawa.

"Reyster pwede magtanong?"

"Ano yon?"

"Bakit mo pala ako tinatawag na asawa?" Mabuti nalang talaga at nakainom ako ngayon at medyo malakas ang loob ko magtanong.

"Sinabi kolang yon para maisama kita pauwe. Do you really think na papayagan ka ni Kyler na sumama sakin? Pano Kung humindi sya may magagawa ba ako?"

Hindi ko alam kung bakit pero nadismaya ako sa naging sagot nya may iba akong gustong marinig pero iba ang sinabi nya.

"Ganon ba" kainit mainit pa ang kape ay napalagok ulit ako may kirot sa puso ko dahil sa naging sagot nya.

"Pero kung mabibigyan ako ng chance na maging asawa mo? I will grab that opportunity i mean mabait ka,  Matulungin sa pamilya at higit sa lahat mabuti ang puso mo kahit sino gugustuhing maging asawa ka"

Kung kanina disappointed ako ngayon ay parang gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa sinabi nya.

Vinci anong nangyayari sayo?

Nababakla kana ba????

"Asawa? Wala pa sa isip koyan, May responsibilidad pako sa Mama at kapatid ko at hanggat hindi pa maayos ang pamumuhay namin hindi ako mag-aasawa" iniba ko ang usapan kasi parang hindi kona kakayanin kung magpapatuloy pa ang ganitong usapan.

"Vinci nagka Girlfriend kana ba?" Biglang tanong sakin ni Reyster

"Wala pa. Madaming lumalapit saking mga babae pero hindi ko kasi nakikita sa kanila ang true love hindi rin ako yung klase ng lalaki na kapag may babaeng lumapit susunggab na agad"

"What if may lumapit sayo at sinabing gusto kanya kaya lang hindi sya yung taong inaasahan mo"

"Panong hindi inaasahan?"

Naubos kona yung kape ko lahat lahat pero yung usapan naming dalawa mukhang papunta palang sa exciting part.

"What if may lalaking nagkagusto sayo? Is there a chance na magustuhan modin sya?"

Sakin? May magkakagustong lalaki? Seryoso ba si Reyster sa tanong nya?

"Imposible. Pero kung meron man good luck sa kanya"

"Pano kung ligawan ka ni Kyler?"

"Si Kyler? Haha seryoso ka? Sa gwapo nyang yon sakin pa talaga sya manliligaw? Alam moba na madaming babae ang nagkakandarapa don tapos sakin pa talaga? Tsaka magkaibigan lang kami non"

"Pero iba ang pakiramdam ko sa kanya parang may gusto sya sayo"

"Ganon lang talaga yon sakin pero magkaibigan lang talaga kami non. Parang tayo magkaibigan"

Pinagdiinan ko talaga ang salitang kaibigan kasi hindi ko talaga alam kung magano kami ni Reyster nagsasama kami sa isasang bahay sabay kumain at magkatabi matulog.

"Ikaw Reyster? Ibabalik ko sayo yung tanong mo posible din ba magkagusto ka sa isang lalaki?"

Natahimik kami pareho at nagkatitigan.

"Kung dati mo tinanong sakin yan hindi ang isasagot ko pero ngayon posible na dahil wala naman pinipili ang pag-ibig diba? Kapag tinamaan ka wala kanang magagawa. Kaya oo ang sagot ko"

Dahan dahan nilapit ni Reyster ang mukha nya sakin at kahit gustuhin kong umatras ay parang nakadikit na ang pwet ko sa sahig kaya hindi ko magawang umiwas.

Wala nakong nagawa sa sumunod na nangyari nahalikan nako ni Reyster at parang may sariling utak ang mga labi ko na ginantihan ang halik nayon. Pakiramdam ko mas lalo akong nalasing dahil halik nya.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit hindi ako makakilos? Gusto koba 'to?

Si Reyster din naman ang unang tumigal sa paghalik sakin kaya tumayo ako at inayos ang aking sarili.

"Uwe na tayo baka kanina pa tayo inaantay nila Tita" sabi nya sakin

Sumakay na agad kami sa motor nya pero imbes na kumapit ako sa bewang nya ay sa balikat nya nalang ako kumapit.

Pagdating namin sa bahay ay tulog na sila Mama si Marcus ay doon na natulog sa kwarto nila Mama kaya kami nalang ni Reyster ang magkasama matulog sa kwarto.

KYLER'S POV

Kamusta kaya si Vinci?  Nakauwe kaya sya ng maayos ngayon Kainis kasi yung espasol nayon laging sumisingit sa eksana kung maka asawa akala mo naman talaga totoo.

"Oyyy pre ang aga mo ah" bati sakin ni Josh pag kadating nya sa store.

"Oh ba't ikaw ang kasama ko sa duty? Nagbago ba ang schedule" takang tanong ko si Vinci kasi dapat ang kasama ko ngayon.

"Di daw makakapasok si Vinci ngayon dahil masakit ang ulo tumawag sakin kanina buti nagising ako agad. Nilasing mo ata eh" natatawang sabi nya.

"Oo nalasing sya"

"Edi naka score ka kay pareng Vinci?"

"Siraulo!" Binatukan ko ng mahina si Josh kasi puro kalokohan ang sinasabi. "Sinundo nga sya ni Espasol kaya umuwe din sya"

"Ano? Ba't ka naman pumayag akala ko dola papatalo don?"

"Eh asawa daw sya ni Vinci dina ako nakapalag kasi sumama na agad si Vinci sa kanya"

"Yun lang.  Talo ka nga talaga asawa yon eh wala kang laban don"

"Anong asawa? Feeling lang yon ni Espasol"

"Kung ako sayo kikilos nako nakakadami na yung espasol na sinasabi mo baka mamaya maging sila talaga"

Hindi pwede yon. Hindi ko hahayaan umagaw ng eksena si Espasol kami muna ang magkakilala ni Vinci bago sya dumating.

VINCI'S POV

Maaga ako nagising para. I contact si Josh na sya na muna sumalo sa schedule ko dahil hindi ko kaya pumasok ngayon dahil sa sakit ng ulo ko at parang lalagnatin ako na ewan. Pagkatapos kong ma confirm na nagokay sya ay balik tulog ulit ako si Reyster mahimbing padin na natutulog.

Pasado alas otso nadin ng umaga ng magising ako at katabi ko padin si Reyster kaya naman pinagmasdan ko muna yung mukha nya.

Grabe ang kinis ng mukha nya parang di talaga sya na sstress sa buhay. Ano kayang sikreto nya? Kaya natatawag syang espasol ni Kyler eh.

Habang tinitigan ko ang mukha ni Reyster ay nagulat ako ng bigla syang dumilat. Sh*t naaktuhan nya akong tumutitig sa kanya!

"Good Morning" bati ko agad sa kanya.

"Good Morning den" sagot nya naman sakin.

Grabe kalabog ng dibdib ko parang sasabog na.

"Yung kagabi pala gusto kolang na-----"

"Kagabi? Sorry nalasing ako napadami kasi yung inom ko. Hilong hilo na talaga ako kagabi kaya hindi kona alam yung mga nangyari"

Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni Reyster dahil alam ko naman kung anong sasabihin nya.

"Wala kabang naalala kagabi?"

Sh*t bakit ba ang aga aga mang hot sit nitong si Reyster.

"Kagabi? Wala masyado eh bakit may nagawa ba akong mali? Sorry kung ganon wala na talaga ako masyadong maalala eh"

Diko alam kung epekto ang maangmaangan ko kay Reyster pero sana maniwala sya.

"Ano bang nagawa ko?" Tanong ko ulit sa kanya

"Ahhh wala naman wag mona isipin yon"

"Sige labas muna ako ha magtimpla lang ako ng kape ang sakit ng ulo ko eh"

Tumango lang sya sakin at kahit nahihilo pako ay bumangon nako mas lalo lang sasakit ang ulo ko kakaisip sa nangyari kagabi 

Paglabas ko sa kwarto ay nasa kusina na si Mama at Jiro nagaalmusal.

"Jiro tulog paba si Marcus"

"Opo kuya"

"Masakit ulo mo? Yan kasi inom kapa ng alak"

"Si Mama naman sinermunan pa'ko niyaya lang naman ako ni Kyler"

Hinanap ko agad yung kape para makapagtimpla nako at mabawasan din ang sakit ng ulo ko.

"Oh sya umupo ka muna at may sasabihin daw ang kapatid mo satin"

Napangiti sakin si Jiro at tumakbo papunta sa kwato nya at pagbalik nya ay may hawak sya na parang papel at medal.

"Ma, Kuya TOP 1 po ulit ako sa klase"

"Wow! Ang galing talaga ng anak ko" masayang sabi ni Mama at niyakap nya si Jiro

"Proud na proud si kuya sayo Jiro ipagpatuloy molang yan" nilapag ko muna yung iniinom ko at nakiyap nadin ako sa kanila.

Parang lahat ng pagod ko sa trabaho ay naibsan dahil sa sinabi ni Jiro talagang pinagbubuti nya ang pag-aaral nya at nakikinig sya sa mga sinasabi namin ni Mama.

"Para sa inyo po talaga ito"

Inabot ni Jiro kay Mama yung certification nya at sinuot nya naman sakin yung medal nya.

"Promise kopo sa inyo na mag-aaral ako ng mabuti at hindi ko sasayangin lahat ng sacrifices nyo sakin"

Nagyakapan ulit kaming tatlo at si Mama naman ay naluha nadin sa saya.

"Wow! Family Hug. Can we hug too?" Napalingon kaming tatlo ng marinig namin ang boses ni Marcus at kasama nya yung Daddy nya.

"Halika apo" tawag ni Mama at lumapit naman agad si Marcus.

"Kuya Reyster ikaw din po" tawag naman ni Jiro

"Okay lang" pagtanggi ni Reyster

"Nako Reyster wag kanan mahiya ganito talaga kami dito" lumapit din naman si Reyster pagkatawag ni Mama at nagyakapa kaming lima.

"Ano pong meron bakit parang emosyonal kayo?" Tanong ni Reyster

"Ito kasing si Jiro top 1 na naman kaya sobrang saya namin" sagot ni Mama.

"Matalino pala itong si Jiro bakit hindi tayo mag celebrate my treat"

"Talaga kuya?" Masayang tanong ni Jiro

"Oo ako ang bahala"

"Reyster wag na nakakahiya naman" nahihiyang sabi ko.

"Diba nga sabi nyo Family na tayo dito?  Kaya wag na kayo mahiya sakin"

Parang ang ganda ng umaga ngayon ni Reyster samantalang ako masakit padin ang ulo dahil sa alak at hindi din ako nakatulog ng maayos kakaisip dahil sa halik nayon.

"Wow Daddy kakain po tayo?"

"Oo dahil TOP 1 ang Tito Jiro mo"

So ayon na nga kakain daw kami sa labas at libre ni Reyster sana all madaming pera pero uuwe muna daw sya sa kanila para kunin yung sasakyan nya.

//////////////////

Before lunch ng makabalik samin si Reyster at umalis na agad kami para don na makapag lunch at nagugutom nadin daw ang mga bata. Sa isang Restaurant kami pumunta at mukhang mamahalin pa nahiya ako bigla kasi never kopa na lilibre sila mama sa ganito, Ibang tao pa pala ang gagawa samin.

"Ordere nyo kahit anong gusto nyo ako na ang bahala mag bayad"

Nandito pala kami ngayon sa restaurant na pagmamay-ari ni Jom at Reyster mabuti pa sila sa edad nilang yan madami na silang business at kahit sila magtrabaho mabubuhay sila.

Kinuha ko yung menu at grabe yung ibang mga pangalan na nakalagay parang ang hirap basahin pati yung price ang sakit sa bulsa. Pero dahil sagot nga ni Reyster ay pumili na kaming lahat.

"Pumili lang kayo dyan ng kahit anong vusgo nyo pupuntahan kolang si Jom"

Tumango lang ako sa kanya at umalis nadin sya para puntahan si Jom. Si Jom nga pala ang manager ng restaurant nila.

REYSTER'S POV

"Anong meron at kasama mo kumain ang pamilya ni Vinci? Ano umamin kana ba?" Natatawang tanong sakin ni Jom

"Anong umamin? Wala naman ako dapat aminin ah"

"Wag ako Pre mga tinginan mo palang kay Pareng Vinci iba na tapos kapag magkausap tayo lagi mo sinisingit si Vinci nako iba nayan! Tinamaan na ang pareng Toto ko"

Ako tinamaan kay Vinci? 

"Hindi ko nga alam Jom kung anong gagawin ko. Nitong mga nakaraang araw iba yung nararamdaman ko kay Vinci parang gusto ko syang laging nakikita at masaya ako lagi kapag kasama ko sya. Lahat ng nararamdaman dati kay--"

"Kay Kim tama ba? Lahat ng naramdaman mo dati kay Kim ay nararamdaman mo ngayon kay Vinci tama ba ako?" Pagpuputol nya sasabihin ko.

"Ano bang dapat kong gawin?"

"Alam mo pareng Toto isa lang ang dapat mong gawin. Umamin ka kay Vinci ganon lang naman kadali yon at kung iniisip mo ang sasabihin ng ibang tao ay wag mo nang isipin yon dahil ma sstress kalang talaga "

"Pero pano kung magalit sya sakin?"

"Kahit hindi kopa lubusang kilala si Vinci alam kong mabait yon kaya hindi yon magagalit sayo.  Tsaka dimo pa nga nasusubukan"

"May nagawa kasi ako sa kanya kagabi. I kissed him"

"Tapos?"

"Hinalikan din nya ako"

"As in Torrid kissed?"

Tumango lang ako sa tanong nya at napapalakpak pa sya sa sobrang saya nya.

"That's the sign Pre! May gusto din sayo si Vinci kasi hinalikan kadin nya"

"Pero tinanong ko naman sya kaninang umaga at wala daw syang maalala sa nangyari kagabi"

"At naniwala ka naman? Palusot nya yon"

Hindi nga ba talaga maalala ni Vinci yung nangyari samin kagabi o baka tama si Jom na nagpapalusot lang si Vinci.

Hayssss! Naguguluhan nako!

"Basta kapag ready kana umamin message molang ako at tutulungan kita. Para san pa't naging magkumpare tayo?"

Mabuti nalang at may kaibigan ako na tulad ni Jom na maasahan sa lahat ng oras.

Lumabas nako mula sa back room office baka kanina pako hinahantay nila Vinci medyo napatagal kasi ang pag-uusap namin ni Jom. Kailangan ko umakto nang maayos at pigilan pansamantala ang nararamdaman ko ayokong mapansin ni Vinci na iba ang mga kinikilos ko.

~~~~~~~~~~

Medyo matagal talaga ang pag update dahil busy lang at kung may Typo wag nyo nalang pansinin hahaha tsaka kona iedit pag may time. Thanks 

Malapit na umamin ang VINSTER sa nararamdaman nila para sa isat-isa ang tanong ay sino ang unang aamin?????

Malapit nadin makilala ni Vinci at Jeromy kung sino ang Daddy nila! 

Malapit na tayo sa exciting part!!!!

# CHAPTER 24

VINCI'S POV 

"Vinci iniiwasan moba ako?"

Hindi ako lumingon kay Reyster at pinagpatuloy kolang ang kunwaring paghuhugas ng kamay.

"Ba't naman kita iiwasan?" Tanong ko sa kanya, Pero sa totoo lang ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Eh ba't hindi ka makatingin ng diretso sakin ngayon?"

Kainis naman tong si Reyster ano bang problema nya at ang dami nyang tanong sakin.

"Lalabas nako baka hinahanap nako nila Mama"

Lalabas na sana ako pero biglang hinawakan ni Reyster ang kamay ko at sinandal sa pader at na pagitnaan ako ng dalawang kamay nya kaya Corner nya ako.

"Tungkol ba'to sa nangyari kagabi kaya mo ako iniiwasan?"

Nilihis ko ang mukha ko para hindi ko sya makita, Sobrang lapit kasi namin sa isat-isa.

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong maalala" 

"Alam kong naalala mo, Yung halik."

"Lasing ako kagabi Reyster wala talaga akong maalala"

"Kahit lasing ka alam mo ang ginagawa mo nakaangkas kapa nga sakin pauwe diba?"

Dapat kobang sabihin sa kanya na naalala ko yung nangyari kagabi?

"Oo na. Naalala kona. Okay na? Pwede mona ako pakawalan? Baka mamaya may bigla pang pumasok at maaktuhan tayo ng ganito"

Pag-dipa talaga to tumigil si Reyster uupakan kona talaga 'to.

Kumalas naman agad si Reyster sabay punta sa pintuan at nagulat ako ng bigla nyang ni lock ang pinto.

"Naka lock na. Tayong dalawa nalang, Pwede mona sabihin sakin ang dapat mong Sabihin"

"Nasabi kona diba. Natatandaan ko yung nangyari kagabi na naghalikan tayo"

Napangiti naman sya sa sinabi ko.

Siraulo ba sya? Anong nakakatawa don?

"So bakit mo ako hinalikan?"

"Ano bang Trip mo Reyster? Diba nga ikaw ang unang humalik sakin. Ikaw ba yung lasing kagabi?"

"Let's say, I was the one who kissed you first then why did you kissed me back?"

Bakit ko nga ba hinalikan pabalik si Reyster?

Gusto kolang ba talaga?

Na Curious?

O baka naman may nararamdaman ako para sa kanya?

"Reyster?" Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko ang pangalan nya.

"Hindi kita papakawalan hanggat dimo sinasabi sakin"

Talagang hinahamon ako ni Reyster baka hindi nya alam kung gaano ako ka Competitive.

Lumapit ako sa kanya at siniil ko sya ng halik at kita sa mukha nya ang pagkabigla sa ginawa ko. Pagkatapos non ay bahagya ko syang tinulak sabay bukas agad ng pintuan.  Ngayon sya na ang bahalang umalam ng sagot sa tanong nya.

"Vinci ba't ang tagal mo? Si Reyster asan?"

"Mahaba kasi ang pila Ma, Pabalik nadin yon "

Umupo ako sa tabi ni Mama at mayamaya pa ay dumating nadin si Reyster umakto ako na parang walang nangyari kapag nagkakatinginan kami ay nginingitian kolang sya.

"Kuya Reyster salamat po sa paglibre samin dito ah ang sasarap po ng mga pagkain dito"

"Your welcome Jiro, Deserve mo yan kasi napakatalino mong bata" sagot naman ni Reyster

"Salamat talaga sayo Reyster kung kami lang? Magluluto lang kami ng simple sa bahay tapos sabay sabay naming pagsasaluhan kahit simple masaya naman."

Tama si Mama kung kami lang nasa bahay lang kami dahil wala kaming pera para sa mga ganitong klaseng bagay.

Pagkatapos naming kumain ay akala ko uuwe na kami pero itong si Reyster may desisyon para sa sarili nya.

"Tita mauna napo kayo umuwe may dadaanan papo kasi kami ni Vinci wag po kayo mag-alala ipapahatid kopo kayo kay Jom"

"Ha? San tayo pupunta?"

Hinawakan bigla ni Reyster ang kamay ko at sinesenyasan ako na sumangayon nalang.

"Nakalimutan mo agad?"

"Daddy sama po ako"

Hindi padin binibitawan ni Reyster ang kamay ko talagang ayaw nya akong pakawalan. Lumapit kami kay Marcus at may binulong sya dito.

"Okay po Daddy! Basta promise nyo po yan" masayang sabi ni Marcus.

"Marcus sama kana samin" alok ko sa bata.

"Hindi napo Dada kayo nalang po ni Daddy"

What?!!! Ano kayang binulong ni Reyster sa kanya at napapayag nya si Marcus na magpaiwan.

"Tita una napo kami ni Vinci  babalik din naman po kami agad"

Parang gusto kong sabihin kay Mama na " Ma wag ka pumayag " pero sa huli ay sumama padin ako kay Reyster at sila Mama naman ay hinatid na ni Jom pauwe gamit ang sasakyan ni Reyster at yung motor naman ni Jom ang gamit namin.

"Pwede mona bitawan ang kamay ko hindi naman ako tatakbo"

Binitawan naman nya agad yung kamay ko at sumakay na kami pareho sa motor ni Jom.

"Resyter san ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makasakay kami pareho.

"Kahit saan. May itatanong lang naman ako sayo"

"Ano ba yon at kailangan pa natin umalis?"

"Wala kaba talagang maalala kagabi? Atsaka bakit mo ako hinalikan kanina?"

Eto na naman tayo sa walang katapusang tanungan ni Reyster.

"Diba sinabi kona na meron? Paulit ulit?"

Hindi sumagot si Reyster sa sinabi ko at nagulat ako ng bigla nyang patakbuhin ng mabilis ang motor kaya napahawak agad ako sa balikat nya.

"Reyster ibaba mona ako please gusto kopa mabuhay" takot na sabi ko sa kanya. Pano ba naman kasi sobrang bilis ng takbo nya kulang na nga lang lumipad na kami mabuti nalang at wala gaanong mga sasakyan sa dinadaanan namin.

"Ihihinto kolang 'to pag umamin kana sakin"

"Ha? Anong aaminin ko sayo?!!!" Sigaw ko sa kanya para marinig nya talaga ng malinaw

"Ahhh ayaw mo talaga umamin?"
Lalo pa nyang binilisan ang Takbo kaya mas lalo akong kinabahan kasi isang mali nya lang ay pareho kaming tatalsik kung saan.

"G*go kaba?! Ano bang aaminin ko sayo? Ikaw nag sama sakin dito tapos ako tatanungin mo? Kung galit ka sakin ihinto mo 'to suntukan nalang tayo"

Napamura tuloy ako sa sobrang galit sa kanya at gusto ko nalang sya hamunin ng suntukan para matigil na sya.

"Umamin kana kasi na may gusto ka sakin"

"Ano??!!! Ako may gusto sayo? San mo naman nakuha yan!"

Para kaming mag-asawa na nagaaway habang nagmamaneho sya ang sarap sabihin na Reyster stop the car! Kaso motor pala ang sinasakyan namin.

"Yung nasa Boracay tayo nung hinalikan kita hindi ka pumalag hinalikan modin ako, Tapos madalas nakikita kitang nakatingin sakin at yung kagabi nung lasing ka hinalikan kita at hinalikan modin ako kahit sinasabi mo na wala kang maalala alam kong alam mo ang nangyari satin at yung halik mo kanina alam ko kung anong ibig sabinin non. May gusto ka sakin diba?"

Detective ba sya at pinagtatagni tagni nya ang mga pangyayari?

"Lasing nga lang ako non! At yung kanina? Ayaw mo kasi tumigil kaya ko ginawa yon atsaka dimo ba naisip na pareho tayong lalaki kaya pano ako magkakagusto sayo?"

Pagkatapos kong sabihin yon ay binagalan ni Reyster ang Takbo nya at huminto kami sa may gilid at nauna syang bumaba.

"Alam mo Vinci ilang araw ako naguguluhan sa nararamdaman ko sayo dahil sinisigurado ko na totoo ba talaga 'to o baka kaya ko nararamdaman to ay dahil nakikita ko lang sayo si Kim pero hindi, Ngayon sigurado na'ko na mahal kita Vinci! Mahal kita hindi dahil magkamukha kayo ni Kim! Mahal kita kasi ikaw si Vinci! Mahal kita kahit pareho pa tayong lalaki!"

Ang tahimik na si Reyster ngayon ay pinagsisigawan na mahal nya ako. Pero ano nga ba ang nararamdaman ko para kanya? Mahal ko nga din ba talaga sya?

"Reyster baka naguguluhan kalang ngayon pwede mopa pag-isipan 'to" pagkukumbinsi ko sa kanya. Importante sakin si Reyster pero may pumigil sakin para sagutin sng tanong nya.

"Vinci hindi mo alam kung gaano ako nagipon ng lakas ng loob para sabihin 'to sayo. Alam mong introvert ako pero ngayon nilabanan ko yon para Sayo. Kaya tatanungin ulit kita. May nararamdaman kadin ba sakin?"

Hindi ako nagsalita sa tanong nya. Humawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. 

Naglakad naman palayo si Reyster kaya naman sumigaw ako ng malakas.

"Oo na! Mahal na kita Reyster!"

Napahinto naman sya sa paglalakad at lumingon sakin na parang nagtataka kung tama ba talaga ang narinig nya. Dahan dahan naman syang lumapit sakin at hinawakan ako sa mga kamay.

"Tama ba yung narinig ko? Mahal mo ako?"

"Hindi kona uulitin pa ang sinabi ko" 

Bigla akong niyakap ni Reyster ng mahigpit kaya niyakap ko din sya.

Totoo na 'tong nararamdaman ko walang halong biro, Walang halong curiosity. Mahal kona talaga si Reyster tama nga si Kyler "Wag ako magsasalita ng Tapos" sa dinami daming babaeng nagkakagusto sakin kay Reyster din pala ang bagsak ko. Isang Prinsepe na nahulog sa isa pang Prinsepe.

THERESA'S POV

Hinatid kami ngayon ng kaibigan ni Reyster na si Jom dahil may lakad daw ang dalawa.

"Marcus san ba pupunta ang Daddy at Dada mo?" Tanong ni Jiro habang nasa sasakyan kami.

"Secret daw po"

"Sige na sabihin mona"

"Pero Tito Jiro magagalit sakin Si Daddy pag sinabi ko"

"Jiro wag mona pilitin ang bata" saway ko sa anak ko.

Paghinto namin malapit sa bahay namin ay may napansin akong pulang sasakyan na nakaparada sa tapat din ng bahay namin.

"Ma may bisita po ba tayo?"

Tumingin lang ako sa anak ko dahil maging ako wala ding inaasahan na bisita. Pero bakit may sasakyan sa tapat ng bahay namin?

"Salamat sa paghatid samin" sabi ko sa kaibigan ni Reyster

"Wala po yon Tita.  Pano inaanak una na din si Ninong ha? Wag pasaway kay Lola"

"Opo Ninong pogi"

Yumakap lang si Marcus sa Ninong nya at bumaba na kaming tatlo ng sasakyan at pagkababa palang namin tinitigan kona agad yung sasakyan na nakapark sa tapat ng bahay namin at mayamaya ay may isang pamilyar na mukha ang lumabas.

"Alfredo?" Takang tanong ko, Halos dalawang dekada kona din syang hindi nakikita pero hinding hindi ko malilimutan ang kanyang mukha.

"Mommy?" Sabi naman ni Marcus kaya don ko napagtanto na ang kasama ni Alfredo ay ang kamukha ni Vinci nasi Kim.

Lalapit sana si Kim kay Marcus pero nagtago sa likod ko ang bata.

"Jiro, Pasok na muna kayo sa loob ni Marcus kakausapin kolang sila"

Sumunod naman agad sakin si Jiro pero nakatingin padin sya samin hanggang makapasok sya sa loob ng bahay.

"Pasok na muna kayo sa loob"

Hindi sila umimik sa alok ko pero sumunod naman agad sila sakin mabuti nalang at nakapag linis ako ng bahay bago kami umalis.

"Pasensya na kayo sa bahay namin" aligaga kong sabi sa kanila.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Theresa nandito ako para sa anak ko" madiing sabi ni Alfredo

"Bakit? Anong kailangan mo kay Vinci?"

"Matagal na panahon mong nilayo sakin si Vinci at bilang Daddy niya may karapatan din ako sa kaniya"

"Alam mo ang totoong dahilan kung bakit ko siya inilayo sayo"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at napatulo na ang luha ko bumalik kasi sakin ang panahon na kinailangan ko itakas si Vinci at naiwan ko si Vina.

"Pero hindi padin yon enough reason para paglayuin mo kaming magkakapatid kung talagang mahal mo si Daddy hindi mo sya iiwan at hindi mo hahayaan na masira ang pamilya natin" nagsalita na si Vina na kanina ay nakatayo lang at walang imik

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na muli ko syang makita at mayakap sobrang tagal akong nangulila sa kanya at walang araw na hindi ko sya naalala.

"Vina, Sorry kung nagawa ko yon. Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ayon lang"

"Hindi po ako si Vina. Ako si Kim. Alam nyo ba? Gustong gusto ko kayong sumbatan ngayon dahil sa ginawa nyo!  Pero diko magawa. Lumaki ako na walang Nanay sa tabi ko na walang nanay na nagmamahal at nag-aalaga sakin, Inggit na inggit ako non sa ibang bata na kompleto ang pamilya. Lumaki ako na ang Daddy ko lang ang kasama ko"

"Vina...... kim. Magpapaliwanag ako kaya makinig ka muna sakin please"

"That's enough Theresa kukunin ko ang anak ko dahil hindi kona kaya na mawalay pa siya sakin"

Humarap ako kay Alfredo at sinampal ko sya ng buong lakas kulang pa ang sampal nayon sa lahat ng naging sakripisyo ko at pagtitiis ko noon sa poder ng pamilya nya.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin yan. Hindi ako papayag na kunin mo sakin ang  anak ko!"

"At satingin moba may magagawa ka? I have all the powers para makuha ang mga anak ko"

Nagulat ako sa sinabi nya "Mga anak?" Pano nya nalaman ang tungkol kay Jiro? Nung umalis ako sa kanila dati Hindi nya alam na buntis ako.

"Nagulat kaba Theresa? Akala moba hindi ko malalaman ang Tungkol kay Jiro? Buntis ka ng tinakas mo sakin si Vinci"

"Wag na wag mo papakialaman ang mga anak ko. Hindi ako papayag na kunin mo sila sakin! ........ Vina makinig ka sakin please lahat ng tanong mo sasagutin ko at hindi ako magsisinungaling"
Lumapit ako sa anak ko at hinawakan ko ang dalawang kamay nya pero tinanggal nya din naman yon agad.

"Hindi nga po ako si Vina, Ako po si Kim"

"Vina, Kim. Kahit ano pang pangalan mo ikaw padin ang anak ko alam ko na madami akong pagkukulang sayo bilang Ina pero hayaan mo maiparamdam ko sayo ngayon ang pagmamahal ko"

"Sorry po pero masyado napong malaki ang sugat na nadulot nyo sa puso ko mabuti pa nga po noon na alam ko na patay na kayo sobrang mahal na mahal ko kayo at gustong gusto ko kayong makasama pero ngayon na nalaman ko ang totoo? Na ikaw ang sumira sa pamilya natin, Na ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako parang mas gugustuhin ko nalang na wala kana"

Masakit para sakin ang mga binibitiwang salita ni Vina para akong sinasaksak sa bawat salitang binibitawan nya pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Tuluyan ng nalason ni Alfredo ang utak nya kaya ako ang nagmumukhang masama ngayon sa paningin nya.

Lumapit ulit ako sa anak ko at sa pagkakataong ito ay lumuhod nako sa harapan nya kahit ano gagawin ko basta mapatawad nya lang ako.

"Ma? Anong nangyayari dito?"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Vinci agad naman syang lumapit sakin at inalalayan ako patayo.

VINCI'S POV

Masasabi ko na wala akong regret sa pag-amin ko ng tunay kong nararamdaman kay Reyster ngayon sobrang gaan ng pakiramdam ko at hindi na ako naiilang sa kanya. Tsaka kona lang sasabihin kay mama ang tungkol samin uunti-untiin ko baka kasi mabigla sya.

"Kumapit ka sa bewang ko hindi sa balikat"

"Wag na dito nalang"

"Hahawak ka o bibilisan ko ulit ang paandar?"

"Oo na eto na"

Kumapit ako sa bewang ni Reyster at bumalik na sa bahay gusto nya lang pala ako paaminin kinailangan nya pa ako takutin.

Pagdating sa tapat ng bahay namin ay may napansin akong sasakyan na nakaparada.

"Reyster diba hindi mo naman sasakyan yan?"

"Hindi eh"

Kanino kayang sasakyan yan? May bisita kaya si Mama.

Hinintay ko lang iparada ni Reyster yung motor at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay pero nagulat ako sa naaktuhan ko nandon si Kim at yung Sir na nakilala ko dati sa school ni Jiro. Anong ginagawa nila dito?

"Ma? Anong nangyayari dito?"

Lumapit agad ako sa kanya at tinulungan syang makatayo. Naguguluhan ako sa nakikita ko dahil umiiyak ang Mama ko.

"Mabuti naman at nandito kana Vinci hayaan mong magpakilala muna ako sayo. Ako si Alfredo Chua ang Daddy mo"

Napatingin agad ako kay Mama ng sabihin ni Sir ang salitang Daddy.

"Ma totoo ba ang sinasabi nya?"

Tumango lang si Mama sakin habang patuloy padin ang pag-iyak.

"Alam kong nagtataka ka kung anong ginagawa ko ngayon dito, Daddy ko si Alfredo Chua sa madaling salita magkapatid tayo  at kambal pa kaya pala magkamukha tayo dahil hindi lang yon basta coincidence dahil magkakambal tayo na pinaglayo ng sarili nating ina"

"Vina hindi totoo yan, Hindi ko kayo pinaglayo ni Vinci"

Lumapit si Mama kay Kim at doon nakita mismo ng dalawang mata ko kung pano nya itulak ang Mama ko.

"Hindi nga po ako si Vina! Ako po si Kim! Nasabi napo sakin ni Daddy ang lahat kaya wag napo kayo magsinungaling"

"Vinci kunin mona ang mga gamit nyo ni Jiro para makaalis na tayo dito hindi kona kayang tiisin ang lugar nato"

Halata sa mukha ni Sir ang pagkadismaya sa bahay namin.

"At sino po kayo para utusan ako na kunin ang mga gamit namin ng kapatid ko. Para sumama po sa inyo? at kung ayaw nyo po sa bahay namin bukas po ang pinto kaya pwede napo kayo umalis"

"Ako ang Daddy mo"

"Tatay? Ganyan po ba ang isang tatay? Imbes na yakapin ang mga anak nya lalaitin pa ang tinitirhan nito? Pati ang mama ko sasaktan nyo ng ganito? Anong klase kayong tao?"

Matagal ko nang pangarap na makita ang Papa ko para mayakap sya at maiparamdam ang pagmamahal ko sa kanya pero ngayon parang napalitan na ng galit ang lahat ng pananabik ko.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ka magsalita sakin hindi ka siguro napag-aral ng nanay mo kaya hindi ka naturuan ng magandang asal kung hindi lang sana kayo tinakas ng mama nyo Hindi sa ganito ang buhay nyo"

Hindi na'ko nakapag pigil pa at nilapitan kona si Papa at binigyan ko sya ng isang malakas na suntok. Lumapit naman agad sakin si Reyster at inawat ako.

"Wala po kayong karapatan para kwestyunin ang pagpapalaki sakin ng mama ko. Binuhay nya po kaming magkapatid ng sya lang at walang tulong nyo. Mahirap lang po kami pero hindi kami masamang tao, Tinuruan po ako ng Mama ko na rumespeto sa nakakatanda sakin pero sa mga katulad nyo? Pasensya nalang po"

"Vinci tama na wag na natin pahabain pa ang gulo"

Yumakap na sakin si Mama kaya kahit papano ay nakalma ko ang sarili ko.

"Hindi Ma! Binabastos na nya tayo sa sarili nating pamamahay! At ikaw Kim masaya ako na nalaman ko na ikaw ang kakambal ko pero hindi ko alam kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa sayo ng Papa natin pero isa lang ang masasabi ko mabuting tao si Mama at hindi nya magagawa lahat ng mga binibintang mo sa kanya at higit sa lahat mahal na mahal ka ni Mama"

"Let's go Kim"

Yan lang ang salitang sinabi ni Papa at umalis na sila ni Kim. Sa sobrang sama ng loob ko ay pader kona lang binaleng ang lahat ng sakit. Niyakap ako ulit ni Mama at napaiyak nalang din ako dahil nakikita ko syang umiiyak.

Akala ko kapag nakita kona si Papa magiging maganda ang kakalabasan pero hindi pala magkakasumbatan lang pala kami. Mahal na mahal ko ang mama ko at ayokong makita na nasasaktan sya makikipag laban ako para sa kanya kahit kalabanin kopa ang sarili kong tatay.

REYSTER'S POV

Hindi padin ako makapaniwala sa narinig ko kanina. KAMBAL si Kim at Vinci kaya pala magkamukha sila. Ngayon nasagot na ang mga katanungan sa isip ko.

"Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sayo, Pero kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako"

Nandito kami sa kwarto ni Vinci ngayon at binebendahan ko ang sugat nya sa kamay dina din kasi nya napigilan ang emosyon nya.

Hindi sumagot sakin si Vinci pero bigla nya akong niyakap ng mahigpit kaya niyakap kodin sya. Kahit di sya magsalita alam kong mabigat ang nararamdaman nya.

-------------------------

My gosh nagka aminan at nagkaalaman na!!!

# CHAPTER 25

THERESA'S POV

Sobrang bigat padin sa loob ko ang nangyari kanina Hindi man lang kami nagkausap ng maayos ni Vina dahil galit sya sakin at sinusumbatan nya ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Kung alam nya lang sana ang totoong nangyari samin ng Daddy nya .

"Ma umiiyak po ba kayo?" Tanong sakin ni Jiro ng makita nya akong umiiyak habang nagtutupi ng mga damit.

"Ako umiiyak? Puwing lang 'to Nak"

"Ganon po ba?"

Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin kay Jiro sabay ngiti kailangan ko magpanggap na masaya ako.

"Ma ano pa palang pinag usapan nyo ni Sir kanina? Bakit nyo po kami pinasok ni Marcus sa kwarto ko?"

"Yon ba? Nako wala lang yon usapang matatanda lang kaya wag mona pansinin"

"Pero rinig na rinig po kasi namin kayo para kayong nagaaway"

Hindi pwede malama ni Jiro ang tungkol sa Daddy nya ayokong mawala sakin ang anak ko pag nagkataon.

"Wala yon wag mona isipin yon"

"Okay po"

Niyakap ko nalang ng mahigpit si Jiro mahal na mahal ko ang mga anak ko kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila, Isasakripisyo ko ang lahat para sa kanila maging maayos lang sila.

"Jiro pano mo pala nakilala si Alfredo?"

"Si Sir po? Ano po kasi, Yung kotse nya po nagasgasan kopo pero hindi po ako ang may kasalanan. Tapos tamang tama po sinundo ako ni Kuya, Mabuti na nga lang po at mabait sya"

Mukhang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para magkalapit ang mag-aama.

"Jiro kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama kayong dalawa ng kuya mo"

Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari dahil alam kong hindi titigil si Alfredo hanggat hindi nya nakukuha ang mga anak namin pero ipaglalaban ko sila sa abot ng aking makakaya.

Niyakap ko ng mahigpit si Jiro at Habang magkayakap kami ni Jiro ay biglang dumating si Vinci at lumapit samin.

VINCI'S POV

"Wag ka muna pumasok bukas dahil maga payang kamay mo" 

"Hindi pwede, Kailangan ko pumasok bukas"

Mawawalan na talaga ako ng trabaho pag hindi pa ako pumasok bukas at magagalit din sakin ang mga katrabaho ko.

"Papasok ka eh maga pa'yang kamay mo?"

"Kaya ko naman ako paba?"

Pinakita ko kay Reyster na okay yung kamay ko at kaya ko pumasok pero ang totoo ay kumikirot pa talaga.

"Reyster maiwan na muna kita dito kakausapin kolang si Mama"

Tumango lang sya sakin at naglakad nako palabas ng kwarto ko. Kailangan ko makausap si Mama tungkol sa balak nya ngayong nalaman nya na si Kim pala ang nawawala kong kakambal.

Hinanap ko agad si Mama at nakita ko sya sa kwarto ni Jiro at magkayakap sila

"Ma siguro dapat na malaman ni Jiro ang totoo nasa tamang edad nadin naman sya kaya maintindihan na nya ang sitwasyon"

Alam kong hindi ko dapat pangunahan si Mama pero alam kong magsisinungaling na naman sya sa kapatid dahil ayaw nya itong madamay sa problema.

Tumayo naman agad si Mama at hinawakan ako sa kamay.

"Vinci please"

"Ma? Kuya? Ano po bang dapat kong malaman?" Takang tanong ng kapatid ko.

"Sorry Ma.... Jiro buhay pa ang Papa natin, Hindi pa sya Patay kagaya ng sinabi satin ni Mama"

"Po? Asan po si Papa?" Halata sa kapatid ko ang pagkabigla sa nalaman nya.

"Yung lalaki kanina? Si Sir? Sya ang Papa natin at si Kim sya ang kakambal ko kapatid natin sya"

Hindi nako nagpaligoy ligoy at dineretso kona sabihin sa kapatid ko ang dapat nyang malaman.

"Ma bakit di nyo sinabi sakin kanina na sya ang Papa ko bakit pinapasok nyo pa ako sa kwarto? Ayaw nyo po ba na makilala ko sya?"

"Jiro anak sorry ginawa yon ni Mama natakot lang talaga ako na makilala ka ng Papa mo"

Lumapit naman si Mama sa kapatid ko at niyakap nya ito at pareho na silang umiyak.

"Jiro wag mo sisihin si Mama ginawa nya lang kung ano ang dapat, Hayaan mo kapag kalmado na ang sitwasyon ako mismo ang magdadala sayo kay Papa"

Kahit na hindi maganda ang reunion namin ni Papa karapatan padin ni Jiro na makita ang Papa namin dahil alam ko na isa ito sa pangarap nyang mangyari.

Pero sana hindi na magsalita pa si Papa ng mga kasinungalingan at kasiraan tungkol kay Mama dahil baka hindi lang isang suntok ang magagawa ko sa kanya pag nangyari 'yon.

"Ibigsabihin po ate ko din si Ate Kim? At pamangkin kopo talaga si Marcus?"

Tumango lang ako sa tanong ng kapatid ko dahil maging ako nagulat din sa rebelasyon nayon.

Iniwan ko muna silang dalawa para mas maipaliwanag ni Mama ng maayos ang sitwasyon namin sa ngayon kasi hindi pa pwede makausap ni Papa si Jiro.

"Kamusta na ang Mama mo at si Jiro?"

"Ayon emosyonal padin si Mama, Sinabi nadin namin kay Jiro ang tungkol sa Papa namin pati kay Kim"

"Mabuti naman kung ganon, Eh yung kamay mo masakit paba?"

Tiningnan ko yung kamay ko na may benda.

"Medyo, Pero magaling kasi ang nurse ko kaya okay nako"

"Syempre ako paba? May halong pagmamahal kasi yan kaya effective"
Kinuha ni Reyster ang kamay ko tapos hinalikan nya yung nakabenda kaya dali dali kong binawi baka makita kami ni Mama.

"Anong ginagawa mo? Baka makita tayo ni Mama"

"Sorry"

Dapat sasabihin kona kay Mama ang tungkol samin ni Reyster kaya lang biglang ganito ang sitwasyon kaya naisip ko na wag na muna sumabay sa problema.

"Pero maiba tayo Vinci, Hanggang ngayon dipa din ako makapaniwala na Daddy mo si Tito Alfredo at kambal kayo ni Kim kaya pala magkamukha kayong dalawa kasi Kambal kayo"

"Oo nga eh kahit ako hindi padin makapaniwala hanggang ngayon"

"Pero sa kabilang nakaka amaze kasi tadhana na ang gumawa ng paraan para magkakilala tayo at maging daan para makilala mo ang Daddy at kambal mo"

"Tama ka. Pero sa ngayon gusto ko na muna magpahinga dahil ang daming nangyari ngayong araw"

"Dada! Daddy! Ano pong pinag uusapan nyo?" 

Patakbong lumapit samin si Marcus at kinarga sya ng Daddy nya.

"Wala anak ang sabi lang ng Dada mo ang pogi ko daw" pagmamayabang ni Reyster.

"Opo naman gwapo po talaga kayo Daddy"

"Sus nagbolohan pa ang mag Daddy" nangiting sabi ko sa kanila.

Mabuti nalang talaga at nandito sila kahit papano napapangiti ako at naiibsan amg sakit sa puso ko.

"Daddy nagawa nyo po ba yung sinabi nyo kanina sakin?" Tanong ni Marcus

"Ah anak tara na? Pasok na tayo sa kwarto gabi na oh" parang biglang naging aligaga si Reyster. Oo nga pala naalala ko bigla may binulong si Reyster sa kanya kaya napapayag nyang magpaiwan si Marcus.

"Marcus ano bang sinabi ng Daddy mo sa kanina?"

Kilaka ko si Marcus hindi sya sanay magtago ng sikreto lalo na pag dating sakin.

"Sabi po kasi ni Daddy gagawa po kayo ng Baby at bawal po ako don kasi pang adult lang yon"

Uminit bigla ang mukha ko sa sinabi ng bata kasi pangalawang beses na sinasabi yon ni Reyster.

"Siraulo ka talaga kung ano anong sinasabi mo sa bata"

Sinuntok ko ng mahina si Reyster at talagang natawa pa sya sa mga pinag sasabi nya.

"Haha wala kasi akong maisip na ibang dahilan para magpaiwan si Marcus alam mo naman 'tong bata na'to, kung hindi ko ginawa yon edi hindi kita napaamin?"

"Oo na" 

"Sus kilig ka naman?"

Minsan iniisip na introvert ba talaga si Reyster? Bakit parang ang talkative nya pag dating samin.

"Dada anong nangyari sa hand nyo?"

"Ito ba? Nasugatan lang si Dada pero okay naman na ako"

Hinawakan ni Marcus ang kamay ko at kiniss nya yon kahit lumalaki na si Marcus napaka sweet nya padin hindi man sya galing sakin, Hindi man ako ang totoong magulang nya pero masaya ako dahil anak sya ng kakambal ko kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya dahil pamangkin ko pala sya.

"Daddy kiss nyo din po ang hand ni Dada" utos ni Marcus sa Daddy nya.

"Okay na Marcus, Na kiss na ni Daddy yan kanina"

Napangiti nalang ako sa mga nangyayari sa kabilang banda sobrang nakakatulong ang mag-ama samin para mapangiti kami .

KIM'S POV

"Kamusta ang naging lakad nyo ni Tito? Naging okay ba, Nagkausap na ba kayo ng Mama mo?"

"Oo nagkausap kami, Kaya lang imbes na kausapin ko sya ng maayos nasumbatan ko sya. Hindi ko lang kasi matanggap na nagawa nya akong iwan at paghiwalayin kaming magkakapatid"

"Siguro may Dahilan sya kaya nya nagawa yon"

"May Dahilan? Ano mang dahilan nya hindi padin nya dapat kami pinag hiwalay at hinanap nya dapat ako"

Mahal ko ang mama ko pero masakit para sakin yung ginawa nya.

"Hinayaan mo man lang ba sya magpaliwanag?"

"Nagpaliwanag sya pero ibang iba sa sinabi sakin mo Daddy. Sino ba ang mas paniniwalaan ko? Syempre ang Daddy ko"

"Alam kong kayo ng Daddy mo ang nagkasama ng matagal pero Mama mo padin yon, Dapat pinakinggan ko mo sya para mas maintindihan mo ang side nya"

Gusto ko naman sana maniwala kay Mama pero para sakin mas totoo ang sinasabi ng Daddy ko.

"Do you think na nagsisinungaling sakin si Daddy?"

"Hindi naman sa ganon kaya lang isipin mo nalang ang nararamdaman ng Mama mo ngayon, Matagal kayong hindi nagkita at nagkasama tapos mag-aaway lang pala kayo. Dipa pangarap mo 'to? Ang magkaroon ng isang ina"

"Naguguluhan nako Drei, Hindi pa nga kami okay ng anak ko tapos eto pati kami ni Mama hindi magkaintindihan"

"Isipin mo nalang ang naramdaman mo ng sinabihan ka ng anak mo na hindi ka nya kailangan, Diba masakit? Ganyan din ang sakit na nararamdaman ng Mama mo ngayon"

Masama na ba akong anak dahil sa ginawa ko Mama? Hindi ko man lang sya nagawang yakapin at pinagtulukan ko pa sya.

Hindi kona alam kung anong uunahin ko. Hindi pa kami okay ni Marcus tapos ngayon si Mama at pati si Vinci galit din ata sakin dahil sa ginawa ko.

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Drei dahil totoo naman sobrang sakit na galit sayo ang anak mo.

"Kim? Bilang Boyfriend mo I'm here to support you kung kailangan mo ng kasama nandito lang ako hindi kita iiwan"

"Salamat"

Sa ngayon si Drei lang ang kakampi ko dahil kahit ang Daddy ko hindi ko nadin alam kung tama ba ang sinasabi sakin.

VINCI'S POV

Kinabukasan ay pumasok padin ako sa trabaho ko at hinatid ako ni Reyster sinai ko na ngang kaya kona mag-isa kaya lang nagpumilit padin sya.

"Bakit ka hinatid ng espasol nayon?"

Tanong sakin ni Kyler ng makapasok ako ng store nakita nya siguro na nakaangkas ako sa motor ni Reyster.

"Doon kasi sya natulog kagabi samin"

"Vinci sorry nga pala sa nangyari nung isang gabi nalasing kita kaya hindi ka nakapasok kahapon"

"Yon ba? Wala yon hindi lang talaga ako sanay uminom kaya sa susunod dina talaga ako magiinom ng madami"

"Yung kamay mo napano?"

"Nagkaproblema lang sa bahay pero okay naman na ako"

"Dapat hindi ka muna pumasok" alalang sabi ni Kyler at hinawakan pa ang kamay ko 

"Gusto mo mawalan nako ng trabaho?"

Kailangan ko ng trabaho ngayon dahil ako nag papaaral sa kapatid ko at nagiipon din ako para makabalik ako sa pag-aaral para pagnakatapos ako pipilitin kong umasenso para guminhawa ang buhay namin.

# CHAPTER 26

VINCI'S POV

After ko makapag endorse ay umupo muna ako sa backroom office namin dahil aantayin kopa si Reyster ang sabi nya kasi sakin susunduin nya daw ako at ihahatid pauwe sinabi ko naman na wag na pero pinilit nya padin ako.

"Vinci pwede kaba makausap?"

Tumango ako sa manager ko at umupo ako sa tapat nya parang kinakabahan ako sa sasabihin nya sakin.

"Alam mo naman nitong mga nakaraang linggo madalas kang wala, Yung mga kasamahan mo nagrereklamo na dahil panay OT o di kaya Straight duty sila dahil sayo unfair naman sa kanila kung ganon"

Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi nya sakin ina admit ko naman talaga ang kamalian ko sila ang suffer sa mga panahong lagi akong wala.

"Ma'am sorry po talaga, Promise hindi napo talaga mauulit yon"

"Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo pero sana intindihin modin sila at bilang manager nyo mag dedesisyon ako ng para sa ikakabuti ng lahat. Sorry Vinci pero kailangan na muna kita tanggalin sa trabaho mo"

"Po?" Halos pagtakluban ako ng langit dahil sa sinabi nya sakin. Hindi ako pwede mawalan ng trabaho ngayon.

"Ma'am bigyan nyo lang po ako ng second chance promise aayusin kona po talaga"

"Pasensya nadin Vinci pero nakapag desisyon nako"

Gusto ko pa sana umangal pero hindi kona lang ginawa nag thank you nalang ako sa opportunity at experience na binigay nila sakin.

Kinuha ko nalang yung mga gamit ko at lumabas na'ko ng back room.

"Vinci anong pinagusapan nyo ni Ma'am?" Agad na tanong ni Josh ng makalabas ako.

Pano kaya nya nalaman na nagusap kami ni Ma'am eh wala naman sya sa loob kanina? Hindi kaya isa tong mokong nato sa mga nagrereklamo?

"Tanggal na'ko."

"Ano? Bakit naman? Hindi pwede yon. Gusto mo ako kumausap sa kanya?" Suhestyon ni Kyler.

"Nako wag na. Ayaw nyo yon? Wala nako hindi na kayo mahihirapan sa duty nyo sorry nga pala kasi dahil sakin naging doble trabaho ang duty nyo"

"Vinci hindi ka naman namin sinisisi ah, sino ba umangal kay Ma'am yung iba nating katrabaho? Loko yong mga yon ah. Ikaw ba Josh?"

"Oyyy pareng Kyler hindi ako ah" baka yung iba.

"Relax Kyler wag mona palakihin ako naman may kasalanan"

"Pareng Vinci mamimiss kita, dalawin mo kami dito ahhh"

Lumapit ako kay Josh at kinutusan ko sya ng mahina ang drama nya kasi akala mo pupunta akong ibang bansa.

"Drama mo! Sige una na'ko"

"Ihatid na kita pauwe" alok ni Kyler sakin.

"Hindi na susunduin naman ako ni Reyster"

Lumabas ako ng store ng may bigat sa damdamin. Salamat nalang sa ilang buwan kong pagtatrabaho ko dito.

Nagaantay nadin sakin si Reyster sa labas gamit ang sasakyan nya pumasok naman ako at malamyang umupo parang naubos lahat ng energy ko dahil sa pagkatanggal ko sa trabaho.

"May problema ba? Ba't parang ang bigat ng pakiramdam mo at magkasalubong ang kilay mo"

"Natanggal nako sa trabaho, Hindi kodin naman sila masisisi kasi naging pabaya ako hindi ako nakapag focus sa trabaho ko ang daming naapektuhan dahil sa madalas kong pag-absent"

Iniisip ko palang ang mga gastusin sa bahay parang gusto kona lang maglaho, Nung may trabaho nga ako nagigipit padin kami ngayon pa kayang wala na? Konti lang ang ipon ko kaya hindi ko alam kung sasapat sayon samin.

"Sorry alam kong kaming dalawa ni Marcus ang dahil ng madalas mong pag-absent"

"Hindi ko naman kayo sinisisi masaya din naman ako na nakasama ko kayo yun nga lang wala na akong trabaho pero ayos lang makakahanap pa naman siguro ako ng ibang trabaho"

"I can offer you a job, Doon sa restaurant namin ni Jom pwede ka don"

"Nako hindi na nakakahiya naman"

"Ngayon kapa mahihiya? Para san pa't naging tayo?"

Nasamid naman agad ako sa sinabi ni Reyster kami talaga? Eh wala naman kami.

"Tayo ka dyan, L*l dipa nga kita sinasagot. Umamin lang ako tayo agad?"

Loko tong si Reyster paladesisyon na sa buhay.

"Ganon nadin yon , Ano gusto moba? I can call Jom para bukas na bukas makapag start kana agad alam kong kailangan mo ng pera and I'm here to help you"

"Salamat"

Niyakap ko si Reyster dahil napagaan nya na naman ang loob ko akala ko mahihirapan nako makahanap ulit ng trabaho pero mabuti nalang at nandito sya.

Umuwe muna pala sila sa bahay nila at sinadya lang talaga ako ni Reyster para sunduin sinabihan ko naman sya na kaya kona mag commute pauwe pero mapilit sya.

Pagdating sa tapat ng bahay namin ay naunang bumaba si Reyster at pinagbuksan pa ako ng pinto nakakapanibago nga ng mga kinikilos nya ngayon.

Nang makababa kami pareho ay inalok nya ang kamay nya sakin kaya napatingin agad ako sa kanya, Ano bang nasaisip ng lalaking 'to? Hindi pa nga ako ready sa mga holding hands tsaka diko pa nasasabi kay Mama.

"Reyster, Bigyan mo muna ako ng Time para makapag adjust" mahinang sabi ko sa kanya na halatang ikinalungkot nya.  

Nakonsensya naman agad ako kaya ako na ang nagpresinta hawakan ang kamay nya.

"Akala ko ba need mopang mag adjust?" Takang tanong nya sakin ng bigla kong hawakan ang kamay nya.

"Oo nga. Nakapag adjust nako"

Sabay kaming pumasok ni Reyster na magkawak pa ng kamay bahala na si Batman sa kung anong magiging reaksyon ni Mama malalaman at malalaman nya din naman ang tungkol saming dalawa.

"VINCI!!!!!!!!!!!!!????" Bungad sakin ng isang pamilyar na boses. Boses na matagal kung hindi naririnig.

"AYIIIII????? Anong Ginagawa mo dito?"

Hindi agad ako nakakilos ng makita ko si Ayi yumakap agad sya sakin ng mahigpit na mahigpit na parang gusto nakong sakalin. Si Ayi ang childhood friend ko nakapangasawa ng foreigner kaya naman hindi na kami nagkakasama at ngayon masaya ako ng makita ko ulit siya.

"Vinci namiss kita"

"Kamusta kana buti nakauwe kana"

"Eto maganda padin! Haha mabuti nga at pinayagan ako ng asawa ko kaya nakabalik ako dito sa Pinas, Ikaw kamusta na?"

"Ganon padin walang pinagbago"

"Alam mo lalo kang gumwapo! Eh sino naman 'tong poging kasama mo?"

Napalingon agad ako kay Reyster na nagaantay lang din ng isasagot ko. Pano ko ba sasabihin kay Ayi ang tungkol samin ni Reyster?

"Si Reyster nga pala kaibigan ko"

Binati naman sya ni Ayi at nagkamayan silang dalawa. Tama kaya yung sinabi ko na magkaibigan lang kami? 

Tiningnan ko agad si Reyster at parang walang kaemoemosyon ang mukha nya. Nagalit kaya sya sa sinabi ko?

Mayamaya pa ay nagpaalim nadin samin si Reyster dahil may gagawin padaw sya gusto ko man sya pigilin pero sa huli ay hinayaan ko nalang din sya.

"Kamusta love life mo?" Tanong sakin ni Ayi ng makaupo kami.

"Wala akong time para dyan nagfofocus ako sa trabaho ko"

"Sus wag ako! Yung lalaki kanina, ano bang pangalan non? ..... Yung Reyster Jowa mo yon noh?"

"Si Reyster Jowa ko? Haha kaibigan kolang yon"

"Wag ako holding hands magkaibigan lang? Tinginan nyo palang kanina ang lagkit lagkit na tsaka wag mona i  deny sakin at ramdam na ramdam ko ang spark sa inyong dalawa. Tsaka hindi naman nakakagulat yan ngayon sa panahon ngayon lahat pwedeng mahalin"

"Kaibigan ko nga lang si Reyster"

Totoo naman kasi hindi kopa Jowa si Reyster kahit pa umamin na kami na mahal namin ang isat-isa.

"Sabi mo eh. Kaya pala dati kahit patay na patay ako sayo dedma lang ako kasi pogi din pala hanap mo"

Nagtawanan nalang kaming pareho kasi nong mga bati kami ay umamin sakin si Ayi na crush nya daw ako tapos na friendzone kolang sya.

"Ang pangit mopa kasi dati" natatawang biro ko

"Loko ka talaga, Ngayon na ngalang ulit tayo nagkita ipapaalala mo pa sakin kung gaano ako kapangit dati"

"Kumain kana ba?" 

"Oo kanina Pa, Si Tita nga pala nag sundo kay Jiro kaya iniwan nya nalang ako dito"

"Ganon ba? Sige check kolang kung may nawala sa mga gamit ko"

"Loko ka! Palagay mo sakin magnanakaw? Hahaha"

Si Ayi ang pinakamatalik kong kaibigan simula ng lumipat kami dito siya lang ang naging kaibigan ko hanggang sa nag dalaga't binata kami ay hindi kami mapaghiwalay. Hanggang sa ayon umamin sya sakin na Crush nya daw ako pero hindi naman sya nag expect na mag ka crush back ako basta ang kanya ay nasabi nya. Noong mga panahon nadin kasi nayon wala pa talaga sa isip ko ang pag gigirlfriend dahil nag fofocus ako sa pag-aaral.

To make the story short sinabi nya nalang sakin bigla na may ka chat daw syang foreigner at makikipag meet daw sya dito tapos ilang months lang sinabi nya sakin na buntis nadaw sya at gusto syang dalhin ng lalaki sa ibang bansa para doon magpakasal.

"Vinci madami kanang utang sa inaanak mo ha,Sayang hindi ko sya nasama dito"

"Sayang naman. Ba't hindi moba kasi sinama?"

"Nako masstress lang ako ang likot na ng bata nayon kaya iniwan ko muna kay Mama pinuntahan lang talaga kita dito dahil sobrang namiss na kita"

"Talaga lang ha? Akala ko nga nakalimutan mona ako eh"

"Sus pwede bayon? Ang kauna unahang lalaking nagbasted sakin at nang friendzone pa"

Napaka kalog talaga ni Ayi pano kaya siya natagalan ng asawa nya haha pero sa kabilang banda ay napaka buti nya kasi kaya hindi imposibleng walang magmamahal sa kanya.

THERESA'S POV

Nandito ako ngayon sa labas ng school ni Jiro dahil natatakot ako na baka bigla syang kunin ni Alfredo ag ilayo sakin minsan na'ko nawalan ng anak ng dahil sa kanya at hindi kona hahayaan na mangyayari ulit yon.

"Ma? Ba't po kayo nandito?" Gulat na tanong ni Jiro ng makita nya akong nag-aantay sa labas ng school nya.

"Sinusundo lang kita"

"Si Mama naman malaki napo ako eh"

"Bakit nahihiya kana ba sa mga kaklase mo? Ito talagang bunso namin"

Kinurot ko sya sa pisngi at niyakap ko ng mahigpit.

"Sinundo lang kita alam mo naman yung tungkol sa Papa mo diba? Natatakot lang ako na baka kunin ka nya sakin"

"Ma, Hindi naman po kita iiwan"

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Anak pasensya kana kung feeling mo nilalayo kita sa Papa mo pero hindi pa kasi ito yung tamang panahon para kilalanin mo sya, Masyado pang mababa ang tingin nya sa'tin at higit sa lahat hindi nya pa tinatanggap ang mga pagkakamali nya. Pero pag okay na ang lahat kami mismo ng kuya mo ang magdadala sayo para makilala mo ang Papa mo"

"Opo Ma naiintindihan ko naman"

Napakaswerto ko at nagkaroon ako ng mga anak na matatalino, Maintindihin at higit sa lahat mabuting tao.  Masaya ako at naiintindihan ni Jiro ang sitwasyon namin at hindi na'ko nahirapan magpaliwanag. 

Sana ganon din si Vina ngayon, Kung alam kulang sana kung saan ko makikita si Vina ay kakausapin ko sya at ipapaliwanag ko ulit sa kanya ang totoong nangyari at kahit lumuhod pa 'ko sa harapan nya gagawin ko Basta mapatawad nya lang ako at tanggapin ulit bilang Nanay nya.

NARA'S POV

"TIta Nara matagal pa ba si Daddy?"

"Pabalik nadin yon sinundo lang ang Dada mo"

"Marcus may tanong ako"

"Ano po yon"

"Kamusta na ang Daddy at Dada mo? Anong ginagawa nyo habang nandon kayo sa bahay ng Dada mo?"

Hindi naman sa pagiging marites pero iba kasi yung saya ngayon ng kapatid ko parang may nangyayari na hindi ko alam.

"Okay naman po, Masaya po don.  Tabi po lagi kami natutulog nila Daddy ang sweet nga po nila kagabi po nag kiss pa sila bago matulog tapos naghug pa sila"

Tinakpan ko agad yung bibig ng pamangkin ko baka kung ano pang sunod na masabi .
Pero bakit nag kikiss silang dalawa? Sa harap pa mismo ng bata?

Habang hawak hawak ko ang bibig ng pamangkin ko ay biglang tumunog yung doorbell.

"Tita baka si Daddy po yon!"
Patakbong lumabas si Marcus at agad ko naman syang sinundan alam ko kasing gamit ni Reyster ang kotse nya kaya kung dadating sya dapat bubusina sya.

"Marcus saglit lang!"

Hindi na'ko pinakinggan ni Marcus at binuksan na nya yung gate.

"Mommy?"

Tama nga ako hindi si Reyster ang nagpindot ng doorbell kundi ang impaktang si Kim. Niyakap nya agad yung pamangkin ko kaya dali dali akong lumapit sa kanila at tinulak palayo si Kim.

"Ang kapal naman ng mukha mo para magpakita pa ulit samin!"

Hindi kona napigilan ang sarili ko at napataas agad ako ng boses kahit pa sinabi ni Mama na hanggat maari ay pag-usapan namin ng maayos ang problema.

"Ate Nara gusto kolang makita ang anak ko"

"Wow bakit parang biglang nag-iba ata ang ihip ng hangin pagkatapos mo silang iwan ngayon naman magkukunwari ka na gusto makita ang anak mo"

"Ate alam kong mali ang ginawa ko at pinagsisihan ko yon, Araw araw hindi ako pinapatulog ng konsensya ko sa ginawa ko. Kaya humihingi ako ng tawad"

Umiyak na harap ko si Kim pero hindi padin ako nagpadala sa paawa effect nya ibahin nya ako. Lumuhod sa harap ko si Kim at hinawakan nya ang kamay ko habang umiiyak.

"Ate Nara lahat gagawin ko mapatawad nyo lang ako, Kung gusto mo ako saktan sige saktan mo ako hindi ako gaganti"

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya pero sa loob loob ko ay unti unti na akong lumalambot.

"Tita patawarin nyo na po si Mommy, Sabi po sakin ni Dada na kapag nag sorry ang isang tao dapat po patawadin nadin"

Lumapit sakin si Marcus at dahil sa pakiusap nya ay tuluyan ng lumambot ang matigas kong puso tumulo nadin ang luha sa mga mata ko na kanina kopa pinipigilan. Lumapit naman si Marcus sa Mommy nya at inalalayan nya yon makatayo.

"Mommy apology accepted. Basta po promise nyo hindi nyo na po ako iiwan ulit"

"Oo Marcus hindi kana iiwan ni Mommy"

Niyakap ni Kim si Marcus ng mahigpit at hinayaan ko nalang sila.

"Tita Patawarin nyo napo si Mommy, Please"

Sakin naman nakiusap si Marcus para patawarin ang Mommy nya.

"Kim Maswerte ka at meron kang anak na kagaya ni Marcus kaya wag mo sanang sasaying ang chance na binigay nya sayo at wag mona sana syang sasaktan uli dahil kapag nangyari yon? Kahit anino mo hindi kona hahayaang makalapit pa sa kanya"

Dahil sa pakiusap ni Marcus sakin ay tinanggap ko ang paghingi ng tawad ni Kim wag nya lang sana sayangin ang chance na ibinigay ng anak nya dahil kahit sya pa ang Mommy ni Marcus ako mismo ang pipigil para magkita silang dalawa.

# CHAPTER 27

REYSTER'S POV

"Nasundo moba si Vinci?"

"Oo ate hinatid kona sya sa kanila"

"Ganon ba, galing pala dito kanina si Kim"

"Ano na namang kailangan nya?" Walang emosyong tanong ko kay Ate.

"Ayon nag sorry sya at pinatawad ko nakiusap kasi ang anak mo sakin. Hindi rin naman ako pusong bato para hindi ibigay ang pagtanggap sa sorry nya. Eh ikaw? Handa mona bang patawarin si Kim sa nagawa nya?"

"Hindi kopa alam Ate ni hindi ko nga din alam kung kaya koba sya makita ng harapan"

"Naapektuhan kapa ba sa kanya? May nararamdaman kapa ba sa kanya? Kasi ayon lang ang nakikitang rason i until now hindi mopa din sya kayang harapin. Hindi kita pipilitin pero i think this is the right time para kausapin mona sya para makapag move on nadin tayong lahat"

"Susubukan ko ate"

Pasalampak akong umupo sa may Sofa namin dahil ang bigat ng katawan ko at masakit ang ulo ko kanina kopa kasi iniisip yung sinabi ni Vinci sa kaibigan nya na kaibigan nya lang daw ako.

"Toto maiba nga ako, Kamusta na Kayo ni Vinci?"

Napatingin agad ako kay Ate at halatang seryoso sya tanong nya.

"Okay naman"

Naglakad palapit sakin si Ate at tinabihan ako.

"Sabay tayong lumaki, Magkasama sa lahat ng lungkot at saya hindi lang tayo basta magkapatid magkaibigan din ngayon kapa ba mag lilihim sakin?"

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni ate sa mga sinasabi nya.

"Wala naman akong nililihim sayo ate"

"Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Vinci? Ano yong sinabi sakin ni Marcus na nag kiss at nag hug na kayo gawain ba ng magkaibigan yon?"

"Wag mona pansinin si Marcus ate alam mo naman yon malawak ang imagination pagdating samin ni Vinci"

Alam kong hindi ko macoconvince si Ate sa ganong alibi ko pero susubukan kopa din hindi kolang kasi alam kung matatanggap nya na may gusto ako kay Vinci na nagkagusto ako sa kapwa ko lalaki.

"Siguro sila Mama macoconvince mo pero ako hindi alam kong nagsisinungaling ka"

Ginulo ni Ate ang buhok ko sabay tawa. Kilalang kilala talaga ako ni Ate at hindi ako makakapag lihim sa kanya.

"Oo na Ate, May gusto ako kay Vinci at umamin ako sa kanya"

"O M G!"

Napatawa si Ate at napahawak sa bibig nya halatang gulat na gulat sya sa sinabi ko.

"Totoo ba'yan? O M G! Kinikilig ako sayo Toto"

"Hindi ka galit ate?"

"Ba't naman ako magagalit? Masaya nga ako kasi in love kana ulit! Alam naba nila Mama 'to?"

"Hindi pa ate ikaw palang unang nakakaalam kahit ang mama ni Vinci hindi pa alam. Hindi kodin kasi alam kung pano ko sisimulan sabihin sa kanila syempre magugulat sila kapag nalaman nila na ang anak nila nagkagusto sa isang lalaki"

Never ko na imagine na maiinlove ako sa kapwa ko lalaki ever since sa babae lang talaga ako nagkagusto pero iba ang hatak sa kin ni Vinci eh parang ilang beses nyang pinana ang puso ko.

"Yun lang ang iniisip mo? Kilala mo sila Mama alam mong matatanggap nila 'to diba nga sabi nila satin ano mang desisyon na gawin natin basta masaya tayo at hindi nang aapak ng ibang tao suportado nila tayo"

Dahil sa sinabi ni Ate ay nabawasan ang mga iniisip ko pinalakas nya ang loob ko. Mabuti nalang at meron akong Pamilya na tulad nila.

"May isa pa pala akong sasabihin sayo ate, Diba lahat tayo nag tataka at nagtatanong kung bakit magkamukha si Vinci at Kim? Yun pala ay kambal sila"

"What?! Seryoso kaba? Baka niloloko molang ako ah"

"Totoo nga ate kambal talaga sila ate pumunta si Tito Alfredo at Kim sa bahay nila Vinci at don ko nalaman ang totoo sa pagkatao nila. Parang ayaw ko nga din maniwala eh kaya lang totoo talaga Ate"

"Nako Toto akala koba introvert ka? May pagka Marites kadin pala ah haha"

"Ate naman ehhh seryso ako"

"Joke lang ito naman hindi mabiro. Pero grabe para palang teleserye ang buhay nila magkapatid na pinaglayo. So ang ibig sabihin? Pamangkin ni Vinci si Marcus? Kaya pala ang gaan gaan ng loob ng bata sa kanya dahil may koneksyon pala talaga sila"

Tadhana na talaga ang gumaya ng dahilan para makita namin si Vinci at maging daan para makita nya din si Tito Alfredo at Kim. 

VINCI'S POV

Maggagabi ng umalis si Ayi sa bahay dahil matagal kaming hindi nagkita at parang isang buong teleserye ng buhay nya ang napagkwentuhan namin gusto pa sana nya mag stay kaya lang baka hanapin sya ng anak nya babalik nalang daw sya ulit dito pag may time sya.

"Kuya Pwede kaba makausap?"
Tanong sakin ni Jiro ng mabuksan nya ang pintuan ng kwarto ko.

"Ano yon bunso? Pasok ka"

"Ah eh kuya pwede moba sabihin kay Kuya Reyster na ready na kami ng mga classmates ko choreographer nalang kulang"nahihiyang sabi ni Jiro

"Ahhhh yung tungkol sa dance competition sa school nyo? Wait tawagan ko si Reyster ipaalala ko sa kanya"

Kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan si Reyster kaya lang cannot be reached yung number nya. Tinawagan ko ulit pero ganon padin.

Ba't hindi nya kaya sinasagot ang mga tawag ko? Galit kaya sya?

Nag text naman ako sa kanya para kung hindi nya man masagot ang tawag ko atleast marerecieve nya padin ang message ko.

"Jiro bukas nalang, Hindi ko ma contact si Kuya Reyster mo eh"

"Hindi ba sila matutulog ngayon dito kuya?"

"Hindi eh"

Pagkalabas ni Jiro sa kwarto ko ay sinubukan ko ulit tawagan at itext si Reyster ng ilang beses pero kagaya ng kanina wala talaga syang response. Galit ata sya sakin.

Kahit gabi na ay nagbibis padin ako para pumunta sa bahay nila si Reyster hindi pwedeng matapos ang gabi na'to na magkagalit kami kaya dapat naming pag-usapan kung ano naman ang dapat pag-usapan.

/////////////////////////////////////

Pagdating ko sa tapat ng bahay ni Reyster ay huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Pero Nakakailang doorbell nako sa bahay ni Reyster pero wala pading lumalabas.

 Tulog na kaya sila?

Nakailang Message and calls nadin ako sa kanya pero ni isa walang response. Asan kaya sya? Galit kaya siya sakin?

Halos 20 minutes nako sa labas ng bahay nila Reyster pero wala padin sumasagot sakin kaya naman naisipan ko nalang tawagan si Ate Nara para tanungin kung asan ba ang mag-ama.

'Vinci napatawag ka?'

'Ate wala bang tao sa bahay nila Reyster? Kanina pa kasi ako dito kaya lang walang sumasagot'

'Nako Vinci walang tao dyan umalis si Reyster kasama ni Jom. Hindi ba nasabi ng sayo ng kapatid ko?'

'Hindi nga Ate eh, Si Marcus ba nandyan sayo?'

'Oo nandito iniwan nya sakin kanina'

'Ganon ba? Sige ate salamat'

Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada dahil sa pagkadismaya wala palang tao dito kanina pa'ko sigaw ng sigaw kaya pala walang sumasagot.

Bakit kaya hindi sinabi sakin ni Reyster? I mean dapat nag reply man lang sya message ko para hindi ako mukhang tanga na nag-aantay sa wala. Galit kaya sya sakin? Hayss bahala nga sya!

Uuwe na sana ako ng bigla akong maka recieve ng Message galing kay Ate Nara nakalagay don yung exact address kung nasan si Reyster ngayon. Pupunta paba ako? Ano namang gagawin ko don? 

Sa huli ay pinuntahan ko padin yung address na ibinigay sakin ni Ate at kahit nagtitipid nako ay sumakay padin ako ng taxi para mapuntahan na si Reyster. Sa isang bar ako binaba ng Driver na ikinataka ko kasi bakit naman pupunta si Reyster sa ganitong klaseng lugar.

"Kuya dito napo yon?"

"Opo Sir"

After kong magbayad ay bumaba nadin ako kahit nagdadalawang isip ay pumasok ako sa loob at bumungad sakin ang mga taong nagsasayawan, Malakas na tugtog at mga babaeng sumasayaw. Hinanap ko agad si Reyster dahil ayon naman talaga ang purpose ko sa pagpunta ko dito.

"Vinci? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Jom habang si Reyster nakatingin lang sakin at may katabi sya na babae na akala mo ahas kung makalingkis sa kanya.

"Ah eh napadaan lang" palusot ko sa kanya.

"Pano mo nalaman na nandito kami?"

"Sinabi sakin ni Ate Nara, Galing kasi ako sa bahay nila Reyster kanina pero walang tao kaya tinawagan ko si Ate at sinabi nya nga nandito kayo kaya dumaan nadin ako"

"Sus! Napadaan lang ba talaga? O baka naman hinahanap mo si Pareng Toto ano to? Sunduan ng asawa?" Natatawang sabi ni Jom pero si Reyster tahimik lang.

"Hindi napadaan lang talaga ako"

"Since nandito kana,  Umupo kana din at tumagay kana"

"Nako Hindi na, Hindi ako umiinom" pagtanggi ko sa tagay ni Jom.

"Tsk, Pag kay Kyler okay lang pag samin hindi pwede" mahinang sabi ni Reyster pero rinig na rinig ko yon kahit malakas pa ang tugtog sa bar.

Hindi ako makatingin ng diretso kay Reyster dahil ayaw kong magtama ang mga mata namin halatang galit sya sakin dahil sa mga nasabi ko.

"Babe subuan mo naman ako" sabi ng babaeng katabi ni Reyster na mukhang bata pa. Alam kaya ng mga magulang nya na ganito ang trabaho nya? At si Reyster naman alam na pamilyadong tao nakuha pang magganyan.

"Pre palay na ang lumalapit ohhh dimo pa tutukain" sabat naman ni Jom.

Isa pa 'tong Jom nato kunsintidor masyado pag untugin ko kaya silang dalawa.  Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong hilahin palayo yung babaeng katabi ni Reyster pero nagdadalawang isip ako baka magulpi ako ng mga bouncer ng wala sa oras.

Why i am acting like this?

Nagseselos ba ako?

Sa sobrang inis ko ay tinungga ko nalang yung alak na nasa lamesa bahala na si batman kung malasing ako. Napapikit nalang ako dahil sa pakla ng lasa first time ko makatikim ng ganong klaseng alak at parang nakakita agad ako ng mga stars pag katapos kong tumagay.

"Vinci akala koba dika umiinom?" 

"Na curious lang ako sa lasa kaya sinubukan ko, Pano una nadin ako enjoy nalang kayo"
Tumayo agad ako kaya lang nahilo ako bigla at muntik nako matumba mabuti nalang at naalalayan ako ni Jom. Si Reyster dedma padin sakin at nagpapakabisi sa babaeng katabi nya.

"Ano kaya mopa ba umuwe? Ba't mo kasi tinungga yung tequila may shot glass kase oh"

Ewan kodin ba kung ba't ko tinungga yon nawala nadin ako sa focus eh.

"Kaya kopa naman"

"Gusto mo ipahatid na kita kay Pareng Toto?"

Muli akong tumingin kay Reyster pero wala syang reaksyon bigla tuloy akong nalungkot kasi parang wala lang sa kanya. 

Diba nya alam na kanina pa ako nasasaktan dahil may katabi syang iba? Diko alam kung kabaklaan 'to pero nagseselos na talaga ako sa babaeng katabi nya.

"Hindi na Jom nag eenjoy padin kasi si Reyster ayaw ko naman na makaistorbo magpapasundo nalang siguro ako kay Kyler yung kaibigan ko"

Pagkatapos kong sabihin yon ay nagpaalam nako sa kanila kahit nahihilo pa'ko ay pinilit ko maging normal bahala na si Reyster sa buhay nya magsama sila ng babaeng yon!

Pagkalabas ko ng bar ay kinuha ko agad yung phone ko wala naman talaga akong balak tawagan si Kyler pero sya lang kasi ang maasahan ko ngayon hindi naman pwede na mag commute ako dahil mas lalong mapapamahal ako at isa pa nahihilo ako baka kung saan pa ako makarating. Tatawagan ko na sana si Kyler ng biglang may humablot sa Cellphone ko kinabahan pako nung una kasi akala ko magnanakaw pero pag tingin ko si Reyster lang pala.

"At sino ang balak mong tawagan?"
Madiing sabi ni Reyster

"Si Kyler nga magpapasunod ako sa kanya" sagot ko sa kanya sabay agaw ng phone ko 

"At sino nagsabi sayo na pwede ka magpasundo sa kanya?"

Aba parang boss sya makaasta ah!

"Ako bakit? Hindi kona kaya mag commute kaya sa kanya nalang ako magpapasundo mas safe pa!"

"Ako na maghahatid sayo antayin molang ako dito kukunin ko yung sasakyan ko"

"Hindi na! Kay Kyler nalang ako, Diba busy ka sa loob? Balikan mona yung babaeng kasama mo! Pati si Marcus iniiwan para lang makapag Bar ka"

Pakiramdam ko tumatalab na sakin ang tama ng alak kasi parang ang OA na ng mga reaksyon ko. Dahan dahang lumapit sakin si Reyster at nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Are you jealous?" Nakangiting tanong nya?

"Ako magseselos? Kanino? Doon sa babae? Hahaha baka pag ako pa Tumabi sa babae nayon baka sakin pa lumapit yon"

"Oh come on Vinci obvious naman na nagseselos ka. Pero wala ka naman dapat ipag selos dahil ikaw na ang mahal ko"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkasabi nyang mahal nya ako.

"Yung babae kanina? Kinausap kolang naman sya na pagselosen ka namin at gumana nga"

"Hindi nga sabi ako nagseselos!"

"Talaga? Kahit bumalik pa'ko don?"

Tumalikod bigla si Reyster at akmang papasok ulit sa loob pero hinawakan ko sha sa kamay.

"Oo na! Nagseselos nako" napayuko nalang ako dahil sa sinabi ko.

"Sabi na eh!"

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Galit kaba sakin dahil sinabi ko sa kaibigan ko kanina na magkaibigan lang tayo?"

"Hindi naman ako galit sayo medyo nasaktan lang pero naiintindihan ko naman kung bakit mo nasabi yon at isa pa kaya kami nandito ni Jom dahil kaibigan namin ang may ari ng bar na'to and he invited us kasi matagal nadin kaming hindi nagkikita at yung babae kanina? Siya si Amara ang secretary ni Matthew yung may ari ng bar"

"Eh bakit pag dating ko nakalingkis na sya sayo?"

"Because we already expected na darating ka tumawag sakin si Ate at sinabi nya na pumunta ka daw sa bahay at hinahanap mo ako kaya binigay nya yung address kung saan mo ako makikita at si Jom ang nagplano para pagselosen ka"

"Wala naman sakin kahit isang daang babae pa ang lumingkis sayo wala namang tayo"

"Yan kana naman kasi sa walang tayo, Hindi paba sapat na umamin na tayo sa isa't isa? Kailangan talaga may label?"

"Aba syempre naman!" Mabilis na sagot ko sa kanya.

Napailing nalang si Reyster sakin at bigla syang lumuhod sa harap ko at may dinukot sa bulsa nya at isang singsing ang bumulaga sakin.

"Vinci can you be my Boyfriend?"

Shete! Parang biglang nag rally yung puso ko at parang gusong lumabas dahil sa sobrang kalabog.

Totoo ba'to? Si Reyster gusto akong maging boyfriend? 

"Reyster anong ginagawa mo baka may makakita sayo sabihin baliw ka"

"Baliw na kung baliw pero hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka pumapayag"

Mukhang plano na talaga to ni Reyster sa simula palang at wala akong ibang choice kundi ang sumagot ng OO.

"OO na, Pumapayag nako"

"Talaga?!"

Tumango lang ako sa kanya at dali dali syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

Sa buhay natin may mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag pero kailangan na'tin tanggapin.  Parang kami ni Reyster ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magkagusto o pumatol sa kapwa lalaki ko dahil simula pagkabata sa babae lang ako na aattract pero ngayon nagbago na dahil sa isang lalaking bigla nalang dumating sa buhay ko.

"Tayo na ah! Wala ng bawian yan" nakaingiting sabi ni Reyster

"Oo"

"Pano bayan? May label na tayo hindi kana mahihiya na ipakilala ako bilang Boyfriend mo"

"Oo pero bago yan pwede ba umuwe na muna tayo? Nahihilo na kasi ako"

"Sige antayin molang ako dito at kukunin ko yung sasakyan ko"

Halos madapa pa si Reyster sa sobrang kamadalian nya yung ngiti nya parang mapupunit na yung pisngi nya.

//////////////

Ayan na! My label na sila!

# CHAPTER 28

VINCI'S POV

Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong humahawak sa mukha ko at paggising ko ay pinagmamasdan nako ni Reyster.

"Kung ganitong mukha ang bubungad sa umaga ko talagang good ang morning ko"

Napangiti ako sa sinabi ni Reyster sabay hampas ng unan na nakuha ko.

"Ang corny mo! San mo natutunan ang mga banat mong ganyan? Dika naman ganyan dati"

Nakakapanibago lang si Reyster kasi nang unan ko syang makita ay tahimik lang sya at parang galit sa mundo pero ngayon? Ibang iba na nagjojoke nadin sya kahit medyo corny haha.

"Sus kinilig ka naman?"

"Hindi ah. Kanina kapa ba gising?" Pagiiba ko sa usapan.

"Mga 5 minutes ago maaga pa naman"

Kinuha ko ang phone ko at pagtingin ko ng oras ay 8:30 na ng umaga kainis napahaba ang tulog ko.

"Bumangon ka na nga lang dyan at sunduin mo si Marcus kala ate Nara baka hinahanap na tayo non"

"Opo boss" 

Sabay kaming bumangon ni Reyster pero nauna akong lumabas sa kwarto dahil balak kong magluto ng maalmusal namin.

"Vinci buti gising kana hindi kona namalayan ang pagdating mo kagabi nakatulog nadin kasi kami ng kapatid mo"

"Opo Ma ginabi nadin kasi kami ng uwe ni Reyster"

"Eh ang apo ko asan?"

"Nandon po kala ate Nara iniwan muna namin"

"Ganon ba, Wala kabang pasok ngayon?"

Natigil ako saglit sa sinabi ni Mama hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaya na natanggal na'ko sa trabaho.

"Ah eh ano kasi Ma, Natanggal nako sa trabaho"

"Ano? Bakit naman"

Sa totoo lang ayaw ko talaga sabihin kay Mama na wala na'kong trabaho kasi madaming gastusin sa bahay at ayaw kona dumagdag pa sa mga isipin nya.

"Mahabang kwento Ma pero inalok naman ako ni Reyster ng bagong trabaho kaya wag mona isipin yon Ma"

"Pasensya kana Vinci ha? Kasi ikaw na ang umatang sa responsibilidad na ako dapat ang gumagawa, Huminto ka sa pag-aaral at napilitang magtrabaho para sa pamilya natin"

"Ma wag mona isipin yon dahil gusto ko naman lahat ng ginagawa ko at pamilya tayo diba? At ang pamilya nagtutulungan"

"Salamat talaga anak"

Niyakap ako ng mahigpit ni Mama at ganon din ako sa kanya. Hindi man ako nakatapos ng pag-aaral at least ginawa ko ang masasabi ko na ginampanan ko ang pagiging anak.

"Gising naba si Reyster? Nakapagluto ng maalmusal natin"

"Opo Ma pababa nadin yon"

"Sige maiwan ko muna kayo dito kasi ang sabi ni Ate Annie mo magpapalaba daw sya sayang naman ang kikitain ko don. Yung kapatid mo maaga umalis kasi may practice daw sila sa sayaw."

"Sige Ma"

Pagkatapos non ay lumabas na si Mama at pumunta naman ako sa kusina para ihanda ang kakainin namin ni Reyster at habang nag peprare ay may biglang kumatok.

Sino naman kaya yon?

Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon eh.

Pumunta agad ako sa pintuan para malamn kung sino ang kumakatok.

"Oh Kyler ang aga mo naman pumunta dito? Anong meron?" Takang tanong ko

"Ah eh ano kasi yayayain sana kita lumabas"

"At san naman tayo pupunta?"

"Kahit saan mo gusto" nakangiting sabi ni Kyler

"Nako pasensya kana Kyler wala pa kasi akong trabaho kaya wala akong pera ngayon iba nalang ang yayain mo"

"Wag ka mag-alala libre ko naman"

Wrong timing naman ang pag dating ni Kyler dahil nandito pa si Reyster at baka magpangabot pa sila.

"Wag kana mag isip pa, Ako naman ang bahala magbihis kana aantayin kita"

Lumapit sakin si Kyler at bigla akong inakbayan sakto namang pagdating ni Reyster kaya napatingin sya samin.

"Espasol nandito ka pala?" 

Siniko ko ng mahina si Kyler kasi bigla nyang tinawag na espasol si Reyster.

"Sorry Pre, Reyster pala. Yayain kolang si Vinci lumabas"

"Ganito kaaga lalabas kayo? San mo naman dadalhin si Vinci?"

"Secret Pre diko pwede sabihin sayo" nakangiting sagot ni Kyler.

"Hindi pwedeng umalis si Vinci lalo pa kung ikaw ang kasama" mariing sabi ni Reyster

"At bakit naman hindi? Magkaibigan naman kaming dalawa tsaka hindi ko naman kailangan hingin ang permiso mo"

"Dimo ba alam na Boy ----"

"Kyler di kasi ako pwede ngayon susunduin namin si Marcus"

Nagsalita na agad ako kasi alam kong balak sabihin ni Reyster ang salitang Boyfriend at ayoko pa munang malaman ni Kyler ang tungkol samin diko pa nga nasasabi kay Mama eh.

"Edi mamaya, Aantayin kita"

Umupo si Kyler sa may upuan namin na parang inaasar pa si Reyster mukhang wala talagang balak umalis si Kyler.

"Wait lang Kyler kakausapin kolang si Reyster"

Tumango lang si Kyler at hinila ko si Reyster papuntang kusina.

"Bakit ba niyaya ka ng lalaking 'yon?"

"Hindi ko alam, Nagulat na nga lang din ako na pumunta sya dito"

"May gusto talaga sayo yon"

"Hayaan mo nalang, Kaibigan ko si Kyler mabait naman yon subukan mo kaya syang kaibiganin?"

"Pero gusto mong sumama sa kanya? Ayos lang naman sakin kung sumama ka di naman ako magagalit"

Yung sinabi ni Reyster sakin alam kong double meaning yon dahil parang mas gusto nyang sabihin "Sige sumama ka sa kanya di naman ako mahalaga sayo" huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Pati ba naman si Kyler pagseselosan mo? Kaibigan ko lang yon, Kung gusto mo pwede ka naman sumama samin"

"Ba't ako magseselos eh mas gwapo ako don"

Totoo naman mas gwapo talaga si Reyster dahil ang sexy nya tingnan. Pagkatapos naming mag-usap ay binalikan namin si Kyler.

"Kyler saglit lang ha? Kakain muna kami ni Reyster nagluto kasi si Mama sayang naman. Saluhan mona kami"

"Hindi na Vinci makita lang kitang kumakain busog nako" nakangiting banat ni Kyler.

"Eh kung pakainin kaya kita ng basahan?" Tinakpan ko agad yung bibig ni Reyster pagkatapos nyang sabihin yon.

"Anong sabi mo Pre?"

"Wala!!! Ang sabi ni Reyster kakain na muna kami kaya relax kalang dyan"

Ako na ang sumagot dahil baka kung ano pa ang masabi ni Reyster.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na muna kami ni Reyster.

Pero hindi kami sabay!!!!!

Isa isa lang haha.

Siguro mga isang oras nag-antay samin s Kyler bago kami natapos hindi ko alam pero parang sinasadya ni Reyster na magbagal para mainip lalo si Kyler.

///////////////

"Vinci dito ka nalang umangkas sakin kaya naman nya siguro mag drive mag isa" sabi ni Kyler sabay hawak sa kamay ko.

"Dito kana sasakyan ko Vinci mas hustle kung magmomotor kapa tsaka mainit ang panahon" 
Hinawakan naman Reyster ang isa kopang Kamay.

Diko alam kung tama ba ang desisyon ko na pagsamahin silang dalawa kasi hindi pa nga kami nakakaalis nagtatalo na agad sila.

"Para walang away mag commute tayong tatlo"

Wala silang nagawa sa sinabi ko at nag commute talaga kaming tatlo habang nalalakad nga kami samin ay yung mga marites naka CCTV mode na naman.

"Pareng Vinci bago mong tropa?!" Tanong sakin ng isa sa mga tambay

"Oo mga kaibigan ko" sagot ko sabay tingin kay Reyster sana naman hindi sya magalit sakin sa naging sagot ko.

Dahil linggo ngayon ay sinabi ni Kyler na mag simba daw muna kami at makinig sa misa ni Father pumayag naman ako kasi matagal tagal nadin akong hindi nakakapag simba. Hinir rin naman kalayuan ang simbahan dito sa lugar namin isang sakay lang.

Tamang tama nadin to para makapag pasalamat ako sa lahat ng blessings na dumating sa buhay ko ang pagkikita namin ni Papa pati ng kakambal ko na nahindi ko nakasama ng matagal na panahon at  lalo na ang pagdating ni Reyster at Marcus sa buhay ko

"Alam mo Vinci pagdating ng panahon gusto ko dito tayo ikakasal" nakangiting sabi ni Kyler bago kami pumasok.

"Loko ka kasal ka dyan"

Papasok na sana kaming tatlo pero biglang inawat ni Reyster si Kyler papasok.

"Pre dahan dahan baka masunog ka"

"Anong sabi mo?"

"Ibig kong sabihin mainit ang panahon baka masunog ang balat mo"

Kanina pa nagbabardagulan itong dalawa na 'to sa bahay para tuloy ako may kasamang mga bata na kailangan kong bantayan kasi baka mag-away.

Sa tagal na panahon ngayon nalang ulit ako nakapag simba dahil may pasok ako kada linggo pero kahit ganon ay diko naman nakakalimutan ang mag dasal.

Pagkapasok namin ay nagsisimula na magmisa si Father kaya humanap agad kami ng mauupuan at napagitnaan pa nila akong dalawa.

Ang gaan talaga sa pakiramdam pag nasa simbahan ka parang lahat ng bigat sa dibdib mo ay nawawala. 

Bawat pangaral na binibitawan ni Father ay isinapuso ko at nagpapasalamat ako na napaka swerte ko sa Pamilya ko.

Pagkatapos ng misa ay lumabas na kaming tatlo tapos may nakita si Kyler na magandang spot tapos niyaya nya ako mag picture.

"Pre picturan mo nga kami ni Vinci"

Kinuha ni Kyler yung phone nya sabay abot kay Reyster.

"Pre wag ka masyado ngumiti para kang baliw"

Natawa ako bigla sa sinabi ni Reyster dahil diko akalain na masasabi nya yon.

"Tapos yung kamay mo tanggalin mo sa bewang ni Vinci ang sagwa tingnan"
Di ako na inform na professional photographer pala 'tong si Reyster.

"Tapos layo kang onti kay Vinci para kang linta"

Umusog naman ng konti si Kyler pero halatang naiinis na sya kay Reyster.

"Okay 1....2.... .  Pre wag kana umakbay kay Vinci ang pangit tingnan promise tayo kalang dyan na parang poste" naka ngiting utos ni Reyster

"Ganito?"

"Oo Pre ganyan"

Pagkatapos kaming kuhaan ni Reyster ay pinakita nya samin yung kuha nya maganda naman kaso parang magkagalit kami mi Kyler magkalayo kasi kami haha.

"Kanina payan dikit ng dikit sayo ah dati bayang linta?" Bulong sakin ni Reyster

"Hayaan mo nalang" sagot ko naman sa kanya.

"Vinci kain na tayo threat ko pero di kasama si Espasol ahh kasi diko naman kasi akalain na sasama yan"

"I can pay my own food no need to worry"

"Good" nakangiting sagot ni Kyler.

Lord bigyan nyo ako ng lakas para awatin tong dalawa akala ko pagkalabas namin ng simbahan ay magiging okay na.

"Vinci mag unli wings nalang tayo masarap don at madami kapang makakain" suhestyon ni Kyler.

"Masyadong mamantika yon not good for Vinci's health" sabat naman ni Reyster

"Sa bulaluhan? Masarap ang sabaw nila"

"Tanghaling tapat mag mamainit na sabaw ka?" Kontra ulit ni Reyster

"Ako na ang mamimili....... Doon nalang"

Tinuro ko yung paborito kong Fastfood dahil alam nyo naman ang paborito ko!

 SPAGHETTI!!!!

"Eto kasing si Pareng Espa---- Este Reyster kontra lahat sa sinasabi ko"

"Shhh tama na kayo para kayong mga bata"

Nauna na'ko naglakad sa kanila at sumunod naman sila sakin pati paglalakad nag-uunahan pa sila napakamot nalang talaga ako ng ulo sa kanila.

Ako nadin ang nag order ng kakain namin kasi naisip ko bigla na baka pati pag order ay pagtalunan pa nila.

"Vinci hindi kana ba talaga babalik satin? Na mimiss na kita kasama sa duty eh wala na akong inspirasyon para magtrabaho"

"Wala na syang balak bumalik kasi binigyan kona sya ng trabaho" sagot naman ni Reyster

"Si Vinci kaba?" Inis na tanong ni Kyler

"Ah eh oo tama si Reyster may bago na kasi akong trabaho"

"Sayang naman"

Ngumiti lang ako sa kanya sabay tingin kay Reyster na nakafocus lang sa kinakain nya.

After naming kumain ay naming kumain ay nag window shopping muna kami ang sarap sana mamili kaso wala akong pera ka

THERESA'S POV

"Jiro matulog kana tama nayang kaka cellphone mo maaga kapa bukas"

"Opo Ma tatapusin kolang po 'tong nilalaro ko"

Habang nagliligpit ako ng mga kalat sa sala ay biglang may kumatok.

"Ayan na ata ang kuya mo buksan mo muna"

Tumayo naman si Jiro para pagbuksan kung sino man ang kumakatok at pagbalik nya ay nagulat ako kasi kasunod na nya si Kim at may kasama itong lalaki.

"Magandang gabi po"

"Tuloy kayo"

Magalang namang pumasok si Kim at yung kasama nyang lalaki.

"Maupo muna kayo pasensya na sa bahay namin ah medyo hindi kalakihan"

Hindi umimik si Kim pero ngumiti lang sya sakin.

"Magandang gabi po Tita, Ako po pala si Drei boyfriend po ng anak nyo"

Nakipag kamay naman sakin yung lalaki at ngumiti ako sa kanya.

"Anong gusto nyo? Tubig? Soft drink?"

"No need. We came here just to talk about what happened a long time ago because i wanted to clear everything"

Huminga muna ako ng malalim tapos umupo ako sa harap nila.

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Totoo bang pinaglayo nyo kaming magkakapatid? Totoo din bang kaya di mo ako hinanap dahil ayaw mo sakin?"

"Yan ba ang mga kasinungalingang sinabi sayo ng Daddy mo? Pinagmukha nya akong masama para malason ang utak mo at magalit ka sakin"

"Just answer me, Totoo ba lahat ng mga sinabi ni Daddy?"

"Hindi. Lahat ng yan kasinungalingan lang. Hindi ko kayo pinaglayo na magkakapatid dahil ang totoo nyan ay sabay ko kayong tinakas ni Vinci kaya lang nahuli ako ng daddy mo at nakuha ka nya sakin"

Hindi kona naman napigilan ang sarili ko at napaiyak na naman ako.

"Pero bakit gusto nyo kaming itakas? At bakit hindi nyo ako binalikan"

Sa totoo lang Ayoko na sanang balikan pa ang kaganapan na yon pero alam kong hindi matatahimik si Kim kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

"Dati akong kasambahay ng Pamilya ng Daddy mo maayos naman akong nagtrabaho sa kanila hanggang sa niligawan ako ng daddy mo, nagmahalan kaming dalawa at bumuo ng pamilya ng kaming dalawa lang ang nakakaalam dahil hindi pwedeng malamang ng Daddy at Mommy nya ang tungkol samin dahil ang gusto nila para sa daddy mo ay mayaman, Maganda at higit sa lahat Chinese din katulad nila. Naitago namin ang relasyon namin hanggang sa maipanganak ko kayo pasekretong bumibisita ang Daddy mo satin. Pero walang lihim na hindi nabubunyag nalaman nila ang tungkol samin pati nadin ang tungkol sa inyo kaya nagalit sila ng husto sakin"

"Kung mahal nyo ang isa't isa bakit mo kamo gusto itakas"

"Dahil gusto nila kayong ilayo sakin. Nang malaman nga nila ang tungkol sa inyo agad agad gusto nila kayo kunin sakin at kahit ang Daddy mo ay wala ding nagawa dahil kontrolado sya ng mga magulang nya.  Mas pinili nya ang pera kesa sakin dahil natakot sya na mawala ang lahat ng karangyaan na meron sya. Natakot ako na mawala kayo kaya naisip ko na tumakas kasama kayo pero nahuli ako ng Daddy mo at nakuha ka nya sakin sa takot na makuha nya din si Vinci ay napatakbo ako at kahit masakit ay iniwan kita"

Napaiyak nadin si Kim sa naging kwento ko si Jiro naman na nasa tabi ko ay niyakap ako panahon nadin na malaman nya kung ano talaga ang tunay na nangyari samin.

"Pero bakit di nyo ako binalikan?"

"Binalikan kita anak pero wala na kayo don halos araw araw akong bumabalik don nagbabakasakali na makita ka pero wala na talaga kayo. Pero walang araw na hindi kita inaalala, Walang araw na hindi ko iniisip ang kalagayan mo, Walang araw na hindi kita kinakamusta kahit sa larawan molang at araw araw kong pinagdarasal na sana dumating ang araw na makita kita."

"Gusto kopong maniwala sa sinasabi nyo pero ayaw ko naman isipin na nagsisinungaling sakin si Daddy"

"Daddy mo yon eh mas matagal kayong nagkasama kesa sakin kaya mas paniniwalaan mo sya pero isa lang ang masasabi ko hindi ako nagsisinungaling"

"Ate maniwala po kayo kay Mama mahal na mahal ka po nya naging mabuting ina po sya samin ni Kuya Vinci kaya alam ko kahit wala kayo samin ng matagal na panahon ay lagi kayong nasa puso nya"

Dahil sa sinabi ni Jiro ay lalo akong naiyak Maswerte ako sa mga anak ko dahil napalaki ko sila ng mabuting tao.

"Kim hindi ko sinasabi na maniwala ka agad sakin pero sana matanggap mona ako bilang Mama mo. Matagal na panahon kang nawala sakin at ayoko nang sayangin ang pagkakataon na to para mapalapit sayo. Pwede ba kitang mayakap? Anak?"

Tumango lang sya sakin at agad naman akong lumapit sa kanya. Tatrabahuin ko na maging okay kami ni Kim at tuluyan nya akong matanggap bilang Mama nya ngayong nandito na sya hindi kona sasaying ang pagkakataong mas mapalapit sa kanya.
Sayang at wala dito si Vinci para makapag usap nadin silang dalawa at maging okay na dahil ayaw ko na magkakaaway ang mga anak ko.

# CHAPTER 29

VINCI'S POV

"Vinci salamat pala sa pagsama sakin ha, Ginabi na tuloy tayo sana sa susunod wala ng kasamang asungot" nakangiting sabi sakin ni Kyler sabay tingin kay Reyster.

"Wala ng susunod dahil diko na papayagan si Vinci" sagot naman ni Reyster kaya nag salita nadin ako.

"Wala yon, Pasensya kana din ikaw lahat gumastos wala pa kasi akong pera eh" nahihiyang sagot ko.

"Sus ikaw paba? Malakas ka sakin eh! Pano una na ako. Salamat ulit"

Lumapit sakin si Kyler at bigla nya akong niyakap at sa sobrang bilis ng pangyayari ay  dina ako nakakakilos.

Pagkatapos nya akong yakapin ay umalis nadin sya sinundan ko nalang sya ng tingin hanggang sa makaalis sya.

"Talagang may pagyakap pa ang unggoy nayon ah?"

"Syempre friendly hug"

"Anong friendly hug? Di pwede sakin yon ako lang dapat ang yayakap sayo"

"At pano si Mama? Ang kapatid ko at si Marcus? Di nila ako pwede yakapin?"

"Syempre exempted sila pero kung kay Kyler bawal. Wag kana papayag makipag date sa kanya ako ang Boyfriend mo kaya dapat sakin kalang makikipag date"

Parang nakakatakot naman maging Boyfriend si Reyster ang daming bawal haha. Atsaka diko naman masasabing nag date kami ni Kyler kasi kasama naman sya eh parang ako pa nga ang epal kasi halos buong araw sila nagbabardagulan parang mga bata.

Papasok na sana kami ni Reyster sa bahay ng biglang lumabas si Mama kasunod si Kim pati ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay Boyfriend nya. Napatingin agad ako kay Reyster para makita ang reaksyon nya pero bigla syang naging seryoso at magkasalubong ang mga kilay.

Apektado kaya sya kala Kim?

"Vinci nandito na pala kayo,Sayang pauwe nadin sila Kim"

"May pinuntahan pa kasi kami nila Reyster Ma" maikling sagot ko sa kanya hindi kasi ako makapag focus dahil kahit hindi umimik si Reyster alam kong naapektuhan din sya.

"Marami pa naman pong Time para makapag usap kami ng kakambal ko pero sa ngayon po mauna na muna kami" sagot ni Kim

"Ganon ba? Ingat anak balik ka"

Lumapit si Mama kay Kim at niyakap nya ito at ganon din si Kim sa kanya mukhang nagkausap at nagkaayos na sila. Masaya ako na hindi na iiyak ang Mama ko sa kakaisip kung paano sila magkakaayos ni Kim.

"Vinci una ako ha"

Lumapit din ako kay Kim at niyakap ko sya first kong mayakap ang Kakambal ko at parang nabuo ang pagkatao ko pakiramdam ko wala ng kulang sakin.

Hindi kona din nakilala yung kasama ni Kim dahil nagmamadali na sila umuwe sayang kung napaaga sana  kami ng uwe edi sana nagkausap pa kami.

"Vinci, Reyster pasok na tayo sa loob"

"Sige Ma"

Papasok na sana ako pero biglang nagsalita si Reyster.

"Vinci, Tita mauna nadin po ako"

"Ha? Akala koba dito ka matutulog?" Takang tanong ko kasi ang alam ko talaga dito sya matutulog sa bahay.

"Naalala ko kasi bigla si Marcus kahapon pa kasi sya nandon kala Ate baka magkulit na naman yon"

"Ganon ba?"

Tumango lang sya sakin pero pinauna ko muna papasukin si Mama.

"Pasok kana"

"Ayos kalang ba?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman bakit bigla mo namang natanong yan?"

"Kanina bago tayo dumating dito masaya kapa, Tapos nakita molang si Kim pati yung Boyfriend nya biglang nagbago yung timpla mo. Apektado kapa ba kay Kim?"

Ilang saglit sya natahimik bago sumagot sakin.

"Hindi. Naalala kolang talaga bigla si Marcus"

Lumapit sakin si Resyster at niyakap ako.

"Wag mo isipin yon. Ikaw na ang mahal ko kung ano mang meron samin ni Kim matagal ng tapos yon"

Pagkatapos nyang sabihin yon ay hinalikan nya ako sa noo at nagpaalam nya sakin.

Hindi ko alam pero may bumubulong padin sakin at sinasabing apektado padin si Reyster sa dati nyang asawa.

KIM'S POV

"Ngayong narinig mona ang side ng Mama siguro naman hindi kana magtatanong pa"

Hindi ko akalain na magagawa lahat yon ni Papa simula pagkabata ay iniidolp kona sya pero isang malaking kasinungalan lang pala lahat ng mga sinabi nya sakin.

"Salamat Drei mabuti nalang at nandito ka dahil kung wala hindi ko alam kung kakayanin ko'tong lahat"

"Masaya ako na unti unti ng nabubuo ang pagkatao mo, Okay na kayo ng anak mo pati ng mama mo. Si Reyster nalang ang kulang"

Natahimik ako sa sandali sa sinabi nya ready naman na ako makausap si Reyster handa ako humingi ng tawad at tanggapin lahat ng mga sasabihin kaya lang mukhang hindi pa sya ready na kausapin ako. Ni hindi nya ako magawa tingnan kanina.

"Darating din tayo dyan"

"Maiba tayo, Grabe kanina kolang nakita sa malapitan si Vinci at masasabi ko na boy version mo sya kaya naman hindi nako magtataka kung bakit napalagay sa kanya ang loob ng anak mo at ni Reyster"

Hinatid ako ni Drei hanggang sa tapat ng bahay namin at hanggang sasakyan lang sya dahil sa ngayon hindi pa nya tanggap si Drei at hindi ko naman mapipilit si Papa dahil kilala ko sya mas matigas pa sa bato ang puso nya kapag ayaw nya sa isang tao.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako pagbukas ko ng ilaw ay nakatayo na si Daddy.

"San ka galing?" Mariing tanong nya

"Sumama lang ako sa mga kaibigan ko Dad"

"Kaibigan o don sa lalaki mo? Ilang beses kobang sasabihin sayo na layuan mo na ang lalaki nayon, Bakit kailangan mopa maghanap? Ayaw mo ba na mabuo ang pamilya mo?"

"Dad gabi napo bukas nalang po tayo mag-usap"

Aalis na sana ako pero bigla nya akong hinawakan sa braso.

"Alam mong mahal kita kim dahil ikaw lang ang kaisa isang anak ko"

Napatingin agad ako sa kanya pagkasabi nyang kaisa isang anak.

"Then how about my Twin Brother? And si Jiro? Diba anak nyo din sila"

"Oo anak kodin sila pero nalason na ni Theresa ang mga utak nila ni Hindi na nga ako ginalang ni Vinci"

"Daddy alam mo naman siguro kung bakit nagawa yon ni Vinci nasaktan si Mommy at ininsulto nyo sila kaya tama lang na magalit sila sayo"

"Bakit parang kinakampihan mo sila ngayon? Pati ba ikaw nilason nadin nila?"

"Daddy wala silang ginagawa"

"Kim tayo nalang dalawa ang mag kakampi and believe me hindi maganda ang magiging dulot nila sayo"

Naguguluhan nako kay Daddy dati parang gustong gusto nya makita sila Vinci sya pa nga ang nag Pa DNA test tapos ngayon parang itinatakwil na nya.

Hindi ako sumagot kay Daddy at dumiretso nako sa kwarto ko walang magiging saysay ang paguusap namin ni Daddy dahil sarili lang din naman nya ang pakikinggan nya.

Sana lang din ay matanggap na nya si Drei bilang Boyfriend ko dahil kahit sumbatan nya pa ako hindi na mababago non na si Drei ang mahal ko at syempre hinihiling kodin na sana magkaroon na kami ng closure ni Reyster.

VINCI'S POV

Panibagong araw, Panibagong pakikipagsapalaran na naman ngayong araw ang start ng pasok ko sa Restaurant ni  Jom at hindi dapat ako malate 10 am pa naman ang open non at opening ang schedule na binigay nya sakin.

"Vinci ang aga mo naman magising?"

"Ngayon po kasi ang Start ko sa bago kong work kaya naman dapat maaga ako"

"Sige anak galingan mo ah!"

Tumango lang ako kay Mama at dumiretso nako sa CR at syempre bitbit ko yung phone ko ewan ko ba kahit saan ako magpunta lagi kong bitbit ang phone ko eh parang asawa ko na nga to eh.

Pagpasok ko sa Cr ay pinatong ko muna ang phone ko at sinimulan kona ang pagligo at habang naliligo ay biglang nag vibrate ang phone si Pusa tumatawag. Pusa nga pala ang name ni Reyster sa contact ko dahil mahilig kasi sya sa pusa at mukha din syang kuting haha.

kinuha ko agad yung phone ko at sobrang taranta ko ay dumulas yon sa kamay ko at nahulog sa drum.

Sheeeeeeeteeeeeee!!!!!!

Sinilip ko yung phone ko na mabilis na lumubog sa pinaka ilalim.

Literal na kaka Cellphone ko to!!!!

Ilang segundo din ako natulala bago ko binuhos ang laman ng drum at nang makuha ko ang phone ko ay naka off na'to kaya sinubukan mo agad buksan kaya lang nag black out na ata sya.

Ilang beses ko padin sinubukan buksan kaso ganon padin ayaw gumana!

Kahit masama ang loob ko ay tinapos ko padin ang pagligo.

Kainis! May bago nga akong work nasira naman ang phone ko.

Lugmok akong lumabas sa Cr namin dahil halos kalahati ng pagkatao ko ang nawala halos nasa cellphone ko ang lahat ng memories ko pati yung pictures namin ni Pusa nandon din.

"Oh Vinci bakit parang namatayan ka? Ba't ganyan ang itsura mo?" 

"Ma yung cellphone ko wala na nahulog sa drum ayon dina nabuksan"

"Kaka cellphone moyan"

Dina ako sumagot kay Mama at dumiretso nako sa kwarto ko para makapag bihis wrong timing kasi ang pagtawag ni Pusa eh.

////////////////////

Pagkatapos kong magalmusal ay umalis nadin ako ng bahay ngayong wala akong cellphone pakiramdam ko may kulang sakin.

Pasado alas nuebe nako umalis sa bahay sa mga tantya ko ay 30 minutes ang magiging byahe ko kasama nadon ang traffic hindi din naman kalayuan samin yung bago kong papasukan.

Pagdating ko nga sa tapat ng papasukan ko ay sarado pa.

Hayyss kainis di kaya sobrang aga kopa?

Hindi ko tuloy malaman ang oras kaya hindi ko alam kung gaano pa ako katagal maghihintay. Naisipan kong sumilip sa may glass panel baka sakaling may makita akong orasan.

"Anong sinisilip mo dyan?"

"Ayy kalabaw!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may nagsalita sa likod sabi ko na nga kailangan kona talaga itigil ang kakainom ng kape.

"Ang gwapo ko namang kalabaw?" Natatawang sabi ni Jom. "Ano ba kasing sinisilip mo dyan?" Dagdag pa nya.

"Sinisilip kolang kung may orasan sa loob nasira kasi ang phone ko kaya diko alam kung anong oras na"

Tumingin si Jom sa may kamay at tiningnan yung oras sa may relo nya.

"9:37 na"

"Ang aga pa pala" sagot ko sa kanya

"Oo maaga talaga, Halika pasok na muna tayo sa loob doon nalang tayo mag-usap"

Binuksan ni Jom yung pintuan at sumunod naman agad ako sa kanya.

"Ah Jom pwede makitext? Itetext kolang si Reyster nasira kasi ang phone ko eh"

Kinuha nya yung phone nya at inabot agad sakin sabay ngiti.

"Jowa update Ba?"

Hindi kona lang sya pinansin tapos tinext kona si Reyster at dinelete kodin pagkatapos baka mamaya kung ano pang isipin nya.

"Good Morning Sir" 

Bati nung lalaki ng makalapit sya samin.

"Oh Winston buti nandito kana sya nga pala si Vinci bagong trainee natin"

Ngumiti lang yung Winston sakin at ganon din ako sa kanya.

"Ganon ba Sir? Akala ko babae na naman ang iha hire natin eh tapos popormahan mona naman kaya walang nag tatagal dito satin Sir eh"

"Shhh wag kana maingay, Wag mona ako siraan dito kay Vinci. Sige na magpalit kana sa loob"

"Opo Sir"

Agad namang pumasok yung Winston sa back office at hindi ko naman mapigilan ang pag ngiti ko kasi parang nahiya bigla si Jom.

"Wag mona lang pansinin ang sinasabi non loko talaga yon kaya ikaw wag ka papaloko don nako yari talaga ako kay Pareng Toto pag nagkataon sabihin hindi pa kita binantayan dito"

"Sanay din naman ako makipag biruan Sir tsaka dina man ako pikunin" natatawang sagot ko sa kanya 

"Oyyy anong Sir? Jom nalang wag mona ako i Sir"

"Ikaw ang may ari ng restaurant na'to kaya dapat Sir ang itawag ko sayo kasi empleyado molang ako"

Gusto kolang maging Fair sa lahat ng nagtatrabaho dito baka kasi sabihin nila na kaya lang ako nandito ay dahil kilala ko ang may ari.

"Sige na nga basta pag nandito si Toto, Jom ang itawag mo sakin baka masakal ako ng Boyfriend mo patay ako don"

"Boyfriend? Ano pong ibig nyo sabihin sir?" Takang tanong ko kasi wala pa naman ibang nakakaalam ng tungkol samin ni Reyster.

"Sus wag kana magmaangmaangan sinabi na sakin ni Reyster"

Loko talaga yong Pusa nayon di man lang sinabi sakin na sasabihin nya kay Jom ang tungkol samin.

"Dika makaimik noh?" Dagdag pa ni Jom na may halong pang -aasar.

"Sige Sir pasok napo ako sa loob" para malayo sa usapan ay pumasok nako sa loob para makapag ready na at naabutan ko si Winston na nag-aayos ng gamit nya.

"Pre ituro mo nalang sakin ang mga kailangan kong matutunan" sabi ko kay Winston.

"Sige Pre ang sabi kasi sakin ni Sir Jom sa cashiering kalang daw tuturuan kasi yon lang daw ang inapplyan mo dito"

Napatango lang ako sa kanya kasi ang pagkakaalam ko ay all around ang trabaho ko dito pero bakit cashier lang? Baka isipin naman ng iba ay may special treatment sakin si Jom.

After makapag ayos ni Winston ay lumabas na kami at pumunta na kami sa may counter tinuro nya sakin ang mga dapat pindutin kapag may order si Customer halos pareho lang din siya sa pinanggalingan kong trabaho na POS na yung mga item pipindutin mo nalang.

"Gaano kana pala katagal dito?" Tanong ko kay Winston wala na kasi akong magawa eh wala namang tao.

"6 months palang" sagot nya sakin

"Tagal mona din ah"

"Oo. Ikaw gaano mona katagal kakilala si Sir?"

"Ahh bago lang kaibigan kasi sya ng bo---. Kaibigan sya ng kaibigan ko common friend namin si Jom"

Shit! Muntik nako madulas don ahhhhh.

"Sige doon muna ako sa loob wala naman tao, Kapag may tanong ka tawagin molang ako"

Tumango lang ako kay Winston at naiwan nako mag-isa sa counter.

Anong gagawin ko? Walang katao tao.

Dahil weekdays at morning pa ay wala masyadong customer kaya naman naisip ko na mag punas ng mga table.

Habang nagpupunas ako ay ilang minuto lang din ay lumabas si Winston at naaktuhan nya akong nagpupunas at halatang nagulat sya sa ginagawa ko.

"Bakit ka nagpupunas?"

"Ah eh wala naman kasing tao. Wala din akong ginagawa nakakahiya naman kung tatayo lang ako tsaka wala naman problema sakin na mag all around dito"

JIRO'S POV

RKM Dance Studio

Ito na ata yung studio ni Kuya Reyster

Niyaya kona yung mga classmates ko na pumasok sa RKM dahil ngayon kasi ang sabi ni Kuya Reyster na pwede kami magpaturo sa kanila.

Ako ang unang kumatok at may lumabas na isang babae.

"Ano pong sa kanila?" Magalang na tanong nya.

"Andyan po ba si kuya Reyster?"

"Si Teacher Reyster? Nako wala pa sya ano bang kailangan nyo sa kanya?"

"Ah eh ano po kasi pinapapunta nya po kasi kami dito"

"Ikaw ba si Jiro?"

"Opo"

"Wala kasi ngayon si Teacher Reyster pero binilan nya kayo samin pasok muna kayo"

Tumango lang kami at pumasok na sa loob at napa manghangha ako sa ganda ng studio sobrang lawak at ang liwanag pa tapos ang lalaki ng mga salamin kaya makikita mo talaga ang sarili mo.

"Yung mga gamit nyo ilapag nyo muna"

"Jiro ang ganda dito sigurado ako tayo ang mananalo" masayang sabi ng classmate ko

"Bago tayo mag start mag stretching muna tayo para di mabigla ang mga katawan nyo"

Excited kaming pumunta sa gitna at kitang kita ko ang sarili ko sa salamin ang sarap sumayaw kapag ganito.

Mabuti nalang at mabait si Kuya Reyster at pumayag syang paturuan kami kahit walang bayad.

Mahalaga sakin ang Dance contest na'to dahil kapag nanalo kami ay may makukuha kaming Cash prize at sa ganon ay matutulungan ko si Kuya sa mga gastusin sa bahay.

"Ah Jiro bale nagawan na pala namin ng dance steps yung pyesang gagamitin nyo para sa contest nyo naipasa kasi samin yon ni Teacher Reyster"

"Talaga po? Salamat ate"

"Siguro bagong Jowa ni Teacher Reyster yung kapatid mo noh? Kasi pumayag sya na libre ang pagturo namin sa inyo"

"Ah eh opo. Mag-asawa na sila"

"May asawa na ulit si Sir?" 

Halatang nagulat si Ate sa sinabi ko. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang sinabi ko pero ayon kasi ang alam ko mag-asawa sila. Tsaka kapatid ko din naman si Ate Kim na dating asawa ni Kuya Reyster.

"Opo"

Hindi naman na nag-usi pa ulit si Ate at tinuran nya na kami ng mga dapat gawin bago mag start ng practice namin.

VINCI'S POV

Mabilis na lumipas ang oras hindi ako Masyado napagod dahil wala masyadong customer nag organize na nga lang ako ng kung ano ano para lang may magawa ako.

"Vinci mag lunch kana daw sabi ni Sir" sabi sakin ni Winston ng makalapit sya.

"Sige" 

Papasok na sana ako sa loob ng may marinig akong isang pamilyar na boses.

"Dada!!!!!!"

Napangiti agad ako ng makita ko si Marcus at tumakbo sya palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Dada miss napo kita"

"Ikaw din na miss din kita"

"Eh ang daddy ni Marcus dimo ba na miss?" Biglang singit ni Reyster pero di ko sya pinansin dahil mas excited ako makasama si Marcus kesa sa kanya.

"Dada kumain kana po? May dala kaming pagkain ni Daddy bigay ni Tita Nara"

"Wow tamang tama nagugutom nako"

"Doon nalang tayo kumain sa loob, Nasan ba si Jom"

"Nasa loob lang" sagot ko kay Reyster

Napansin kong nakatingin samin si Winston kaya naman nginitian kolang din sya  at sumunod nako kala Reyster.

"Tol napabisita ka? Boyfriend check ba?" Natatawang sabi ni Jom kaya naman binatukan sya ni Reyster.

"Ninong pogi"

Lumapit naman si Marcus kay Jom at nag mano sya dito.

"Kumain na tayo, May pinadalang ulam si Ate Nara" alok ni Reyster

"Tamang tama Tol nagugutom nadin ako"

Binuksan agad ni Jom yung mga dala ni Reyster kaya naman kumuha nadin ako ng pagkain dahil medyo nagugutom nadin kasi ako.

"Bakit pala naki text kapa kay Jom? Pwede mo naman ako i contact directly"

"Ah eh ano kasi, Yung phone ko nahulog sa drum kaya ayon nasira"

"Bakit moba kasi daladala yung phone mo kahit pag ligo. Siguro katawagan mo si Kyler"

"Opo nalang. Eh ikaw kaya yung tumawag sakin kaya nag vibrate yung phone ko at nahulog"

"Sinisi mo pa talaga ako?"

"Daddy, Dada are you fighting?"
Alalang tanong ni Marcus

"Marcus ganyan talaga ang mag-asawa halika kana dito at kumain nalang tayo"

Niyaya nalang ni Jom si Marcus at ako naman ay kumain nadin dahil mukhang masarap ang luto ni Ate Nara. 

"May kanin kapa sa labi"

Lumapit sakin si Reyster at tinanggal yung kanin na sinasabi nya.

"Salamat"

"Para kang bata kumain, Gusto moba subuan kita?" Alok ni Reyster

"Oyyy anong subuan? Pareng toto ahhh susubuan mo si Vinci?" Natatawang sabi ni Jom

"Mamaya pa tol pag uwe sa bahay"

Muntik kona maibuga yung kinakain ko dahil sa naging sagot ni Reyster.

Si Reyster ba talaga to? Bakit parang hindi?

Mukhang pinag kakaisahan ako ng magkaibigan na to ah...

Yari talaga sakin yan si Pusa pag uwe naman sa bahay siguraduhin nya lang gagawin nya ang sinasabi nya.

///////

Sorry sa matagal na update medyo busy lang talaga sa work and sa enrollment.

Abangan ang bagong Character ni Winston! 

Ano kayang magiging parte nya sa buhay ni Vinci at Reyster??

# CHAPTER 30

VINCI'S POV

"Pusa duduty nako ha, Ikaw na muna bahala kay Marcus"

Hindi sumagot sakin si Reyster at doon sya lumapit kay Jom .

"Jom Pwede ba mag early out si Vinci ngayon? May pupuntahan lang kami ngayon"

"Oyy pusa anong early out nakakahiya, Ah eh Sir--- este Jom wag ka maniwala dyan sa kaibigan mo"

"Oo pre basta ikaw. Vinci mag early out ka ngayon utos nang boss natin yan"

Loko talata tong pusa na'to kapapasok kopa lang papauwiin agad ako ng maaga.

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta sumama ka nalang"

"Daddy kasama din po ba ako?" Pag singit ni Marcus sa usapan

"Oo naman kasama ka"

After naming kumain ay umalis na nga kami nag paalam nadin ako sa mga kasama ko baka sabihin nila desisyon ako .

Desisyon kasi to si Pusa eh nakakahiya tuloy humanda talaga sakin to kapag dinala nya lang ako sa kung saan.

Sa isang mall kami pumunta ni Reyster at hindi ko padin alam kung ano ang gagawin namin dito dahil wala naman syang imik at ako naman pati si Marcus ay sumusunod lang din sa kanya.

Sumunod nalang ako kay Reyster at pumasok kami sa isang tindahan ng mga Cellphone.

Mukhang bibili ng bagong phone si Pusa ah.

Sana all!!!!

"Hi Sir? Good afternoon po, Ano po hanap nila?"

Bungad ng isang sales staff samin.

Ang gaganda ng mga phone nila dito kaya lang mamahalin hayss gusto ko sanang bumili pera nalang ang kulang.

Nalungkot ako bigla kasi naalala ko na naman yung phone ko na nahulog sa drum matagal na yon sakin dahil iningata ko yon ng sobra regalo kasi sakin ni Mama yon ng mag graduate ako ng Junior high.

"Anong maganda sa dalawa?"tanong sakin ni Pusa at may hawak na syang cellphone sa magkabilang kamay nya

"Kung ako ang pipiliin mo ito ang gusto ko"

Kinuha ko sa kamay ni Reyster yung kulay Gold na phone wala lang ang lakas kasi nya maka mayaman tingnan kung may pera lang talaga ako nako bibili ako nito kaya lang hindi ito yung priority ko ngayon.

"Sure ka maganda 'to?"

"Oo ako paba? Wais kaya ako mamili" nakangiting sagot ko kay Reyster habang pinagmamasdan yung phone na hawak ko.

"Then you can have it"

"Ha?" Nalilitong sagot sa kanya

"Diba nasira ang phone mo kaya naman naisipan kong bilhan ka para makapag contact kana sakin hindi yung kailangan mopang makitext sa iba"

Totoo ba'to? Bibilhan ako ni Reyster ng bagong Phone? At ganito pa kamahal?

"Nako hindi na wala akong pambayad sayo "

Inabot ko sa kanya ang phone pero tumanggi syang kunin.

"Sayo nayan ako na ang bahala magbayad"

"Pero wala akong ibabayad sayo, Kakastart kopa lang sa trabaho ko atsaka baka abutin pako ng 1 year para mabayaran kolang 'to"

"Isipan mo nalang na ayan ang bayad ko sa lahat ng mga nagawa mo samin ng anak ko"

"Pero----"

"Wag kana umangal Boyfriend mo ako diba? At ang rule number 1 ko Hindi ka tatanggi sa lahat ng bagay na ibibigay ko sayo"

Sa huli wala din ako nagawa dahil binayaran na ni Reyster ang phone grabe ito na ata ang pinakamahal na gamit ang nahawakan ko buong buhay ko.

"Pusa, Salamat pala dito" sabi ko kay Reyster ng makalabas kami sa store na binilhan namin.

"Bakit ba pusa ang tawag mo sakin? Mukha naba akong Pusa?"

"Basta pusa na ang tawag ko sayo"

"Pahiram nga"

Kinuha nya sakin yung phone na bigay nya tapos binuhat nya si Marcus at sabay sabing mag picture daw kaming tatlo.

"Ayan ang i profile mo dyan, Family Picture natin" utos sakin ni Pusa sabay abot ng cellphone

"Opo boss"

"Daddy can you buy me a toy?"

"Hindi na Marcus diba marami kanang Toys sa bahay hindi mo nga nalalaro ang mga yon itatambak molang lahat yan"

"But Daddy?"

"Uuwe na tayo, Pagod na ang Dada mo galing pang work" 

Napatingin lang sakin si Marcus at parang gusto nyang kampihan ko sya kaya lang wala naman akong karapatan tsaka tama din naman si Pusa sa mga sinabi nya. 

Sa ngayon hindi pa alam ni Marcus ang tungkol samin ng Mommy nya na kambal kami at pamangkin ko sya dahil ayokong maguluhan na naman ang bata sa mga nangyayari.

Dumiretso na nga kami sa may parking area at hindi kopa din mapigilan ang ngiti ko sa twing napapatingin ako sa dala kong bagong phone.

"Baka ipang chat mo yan sa iba ah"

"Oo alangan naman sayo, I chachat ko si Mama, Si Jiro ang Ate mo tsaka mga kaibigan ko" natatawang sagot ko sa kanya.

Jojowa jowa sya ng cute tapos mapaparanoid sya haha.

Hinatid ako nila Reyster hanggang sa may bahay pero ang gusto nya ay doon na ulit ako tumira sa kanila para magkakasama na daw kami at lagi daw ako hinahanap ni Marcus ang sagot ko naman ay kakausapin ko muna si Mama.

Nang makarating kami sa may tapat ng bahay ay Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni Reyster sa labi kahit nakatingin pa samin si Marcus at sa taranta ko ay naitulak kopa sya.

"Ba't mo ginawa yon?"

"Ang alin?" Maang maangan nyang tanong.

"Ba't moko hinalikan alam mong nandyan si Marcus"

Napangiti naman sya sa sinabi ko sabay lingon sa anak nya na nakatingin lang din samin.

"Marcus okay lang naman na ikiss ko si Dada diba?" Tanong nya sa anak nya

"Opo Daddy. Kahit madami pa'pong kiss" masayang sagot ni Marcus

"Nagkampihan pa talaga kayong mag ama? Sige bababa na'ko. Marcus wag ka pasaway sa Daddy mo ah. Pusa yung anak mo alagaan mo" bilin ko sa kanila at pagkatapos non ay bumaba nako ng sasakyan.

Inantay ko muna na makaalis sila Reyster bago ako pumasok sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama at si Kim na masayang magkausap at pareho silang napatayo ng makita ako.

"Vinci nandyan kana pala, Ba't ang aga mo"

Lumapit ako kay Mama para mag mano tapos ngumiti ako kay Kim.

"May pinuntahan po kasi kami ni Reyster kaya po maaga ako nag out"

"Ganon ba? Kasama nyo ba si Marcus"

"Opo Ma, Hinatid pa nga nila ako dito kaya lang nakaalis na sila"

"Nako sayang naman, Nandito pa naman ang Mommy nya. Pano anak maiwan kona muna sayo ang Kambal mo may gagawin lang muna ako"

Iniwan kami ni Mama at parehong namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Ilang segundo din kaming walang imikan kaya naisipan kona magsalita.

"Kumain kana ba?"

"Oo kumain nako. Thanks. San pala kayo galing nila Marcus?" Tanong sakin ni Kim

"Sa Mall may binili lang"

"Sobrang close mona sa kanila noh"

"Hmmm masasabi kong Oo hindi naman kasi sila mahirap mahalin lalo na si Marcus sobrang lambing nyang bata"

"Mabuti kapa nakakasama mo si Marcus samantalang ako kahit gusto ko hindi ko magawa kasi kasalanan ko naman, Nagloko ako at iniwan ko sila"

"Wag mona sisihin ang sarili mo. Oo nagkamali ka pero lahat tayo kailangan mag move on para makapag proceed sa buhay natin"

"Vinci sa dami ng nagawa mo para sa anak ko hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan"

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat ginawa ko naman yon dahil ginusto koyon lalo pa ngayon na nalaman ko na pamangkin ko sya"

"May hihilingin lang sana akong pabor sayo, Pwede kobang makasama ang anak ko kahit isang araw lang?"

Naisip ko bigla ang magiging reaksyon ni Reyster kapag ginawa ko ang pabor ni Kim sakin.

"Bakit kailangan mopa dumiretso sakin? Pwede mo naman hiramin ang anak mo"

"Dahil sigurado ako na hindi papayag si Reyster kaya please tulungan mo ako gusto kolang makasama ang anak ko kahit saglit lang, Kung gusto mo sumama kapa samin"

Ramdam ko sa boses ni Kim ang kagustuhan nyang makasama si Marcus pero nagdadalawang isip padin ako.

"Pag-iisipan ko muna baka kami naman ni Reyster ang mag-away"

"Sige. Salamat"

Niyakap ako ng mahigpit ni kim at niyakap kodin sya importante sakin ang kapatid ko pero importante din sakin si Reyster hayyy bahala na kung saan ako dalhin ng desisyon ko.

REYSTER'S POV

"Daddy bakit po hindi na sa'tin tumira si Dada? Diba po mag-asawa naman kayo?"

"Hindi pwede anak kasi Hindi pa kami nag-uusap ng Dada mo"

"Sige na po Daddy kausapin nyo na si Dada sige po mauunahan po kayo ni Tito Kyler"

"Si Kyler?"

"Opo yung kaibigan ni Dada. Sabi kasi ni Tito Jiro dati si Tito Kyler po ang mapapangasawa ni Dada"

Napangiti nalang ako sa sinabi ng anak ko kung alam nya lang ang totoo hindi na sya mamomroblema tungkol samin ng Dada nya dahil kami na.

"Matagal nayon kaya wag mona isipin yon"

"Pero Daddy?"

"Marcus? Wag na natin pag-usapan ang Kyler nayon basta tandaan mo hindi nya maaagawa satin si Dada mo. Okay?"

Tumango lang sakin si Marcus at bumalik na sya sa paglalaro ng mga laruan na galing kay Ate Nara. Wala ng magagawa si Kyler dahil kami ni Vinci at hindi ko hahayaan na maagaw na naman ng iba ang taong mahal ko.

"Daddy yung ipad ko po nakay Dada"

"Ha? Wala ba dyan?"

"Nailagay kopo doon sa bag ni Dada"

"Sige babalik tayo sa bahay ng Dada mo"

Bumalik nga kami papunta sa bahay nila Vinci dahil hindi na naman ako titigilan nitong si Marcus at iiyakan na naman nya yung iPad nya.

VINCI'S POV

"Si Papa kamusta na?"

Tanong ko kay Kim na halatang ikinagulat nya, Kahit naman may misunderstanding kami ni Papa still Papa kopa din yon, Mahal kopa din yon.

"Nasa bahay" maikling sagot nya

"Alam moba Kim? Dati pangarap ko na mabuo tayo, Pangarap ko na makita ang Papa ko dahil sobrang hirap lumaki ng walang Tatay sa tabi mo. Kaya lang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya dahil may halong galit na pero Maswerte ka dahil nakasama mo sya mula pagkabata"

"Vinci ako na ang mga humihingi ng tawad sa mga nasabi at nagawa ni Daddy"

Habang nag dadrama kaming dalawa ay may narinig kaming ilang katok sa labas ng bahay.

"Mukhang may bisita ka. Labasin mo muna"

"Sige"

Dali dali akong pumunta sa may gate ng bahay namin at laking gulat ko ng makita ko si Marcus at Reyster na nakatayo sa harap ng bahay.

"Re-Reyster??? Anong ginagawa nyo dito?"

"Sorry Ha, Ito kasing si Marcus naiwan nya daw yung iPad nya sa bag mo kaya bumalik kami"

Shete nandito pa si kim diko sure kung magandang pagtagpuin sila ngayon.

"Ganon ba? Sige ako na ang kukuha"

"No need Dada ako na po ang kukuha"

Biglang tumakbo papasok sa loob ng bahay si Marcus at ako naman ay dali dali syang sinundan ni hindi ko na nga napansin si Reyster sa sobrang taranta ko.

Nang makapasok ako sa bahay ay nagkita na ang mag mommy.

"Mommy?" Takang tanong ni Marcus

"Marcus anak?"

Dali daling tumayo si Kim para lapitan ang anak at niyakap nya ito ng mahigpit.

"Mommy what are you doing here?"

Nagkatinginan muna kami ni Kim bago sya sumagot kaya biglang dumating si Reyster.

"Reyster " sabay naming sabi ni Kim

"Mommy what are you doing here?" Tanong ulit ni Marcus "Magkaibigan po ba kayo ni Dada" dag dag pa ng bata

"Actually Marcus your Dada and i are----"

Hindi na natapos ni Kim ang sasabihin nya dahil biglang hinila ni Reyster si Marcus papunta sa kanya.

"Masyado ng madaming iniisip si Marcus ngayon na dapat ay nag fofocus sya sa mga bagay na para sa edad nya kaya please wag mona ulit guluhin ang isip ng anak ko" mariing sabi ni Reyster

"Reyster hindi naman sa ganon, pero katotohanan lang naman ang sasabihin ko sa anak ko" 

"Resyster wala naman ibang sinabi si Kim"
Pagsingit ko sa usapan nila.

Wala naman kasi talagang ibang nasabi si Kim eh itong si Pusa bigla bigla kumukunot ang noo.

"Marcus let's go home"

"But Daddy?"

"Marcus wag na matigas nag ulo"

Wala nang nagawa si Marcus ng hawakan siya ni Pusa sa kamay parang iiyak na nga yung bata eh.

"Reyster nasasaktan ata yung bata" 

"Hindi ko sasaktan ang anak ko kaya please just let us go"

Seryosong sabi ni Reyster. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Reyster kanina lang ang saya saya nya pa tapos ngayon bigla na naman tinopak.

Naawa ako sa bata kasi parang gusto nya pa mag stay ng makita nya ang Mommy nya kaya lang hinila na sya palabas ni Reyster.

"Pasensya kana Vinci mukhang pati ikaw nadamay na sa galit sakin ni Reyster"

"Wala yon, Si Reyster pa. Hindi yon magagalit sakin"

"Mukhang close na talaga kayo. Alam mo kung hindi kalang lalaki iisipin ko na may relasyon na kayong dalawa"

Kahit wala akong kinakain parang mabibilaukan ako sa sinabi ni Kim.

"T--talaga? Pano mo naman nasabi????"

"Syempre sobrang close nyo na sa isat-isa at ang saya nyo tingnan pag magkasama. But it's just my opinion imposible namang maging kayo" 

"Ahh oo talagang imposible. "

Ganon naba kaba kalapit sa isa't isa ni Reyster at maging si Kim ay napapansin ang closeness namin?

Mukhang kailangan kopang galingan sa acting hindi pa pwede malaman ng iba ang tungkol samin ni Reyster dahil natatakot pa ko sa sasabihin ng iba.

Pero alam ko darating din ako sa time nayon kung saan kaya kona ipagsigawan na mahal ko si Reyster at na Boyfriend ko si Reyster pero sa ngayon tama na muna na ilan lang kami ang nakakaalam.

# CHAPTER 31

VINCI'S POV

Ayokong matapos ang araw na 'to na hindi kami okay ni Reyster kaya naman kahit gabi na ay nag byahe padin ako papunta sa kanila.

Pagdating ko sa bahay nila ay si Marcus ang unang bumungad sakin.

"Asan ang daddy mo?"

"Andon po sa kwarto nya nakahiga"

Nagpasama ako kay Marcus papunta sa kwarto ni Pusa at nandon nga sya nakahiga at nakaharang yung kamay sa mukha.

"Marcus okay lang ba kausapin ko muna ang Daddy mo?  Play ka muna sa labas"

Tumango lang si Marcus at nagmamadaling lumabas. Lumipat ako kay Pusa at umupo sa tabi nya.

"Reyster galit kaba?"

Hindi sya sumagot sakin.

"Reyster sorry na hindi ko naman kasi alam na nandon si Kim tsaka wala naman syang sinabing masama sa bata"

Sa wakas ay tinanggal din ni Pusa yung kamay nya sa mukha nya at humarap sakin.

"Hindi naman ako nagagalit dahil don, Wala lang ayoko lang na makita at makasama ni Marcus si Kim, alam kong selfish ako pero ayon ang nararamdaman ko gusto ko maramdaman muna ni Kim ang naramdaman naming sakit" 

"Akala koba gusto mo mag move on? Pano ka makakapag move on kung may galit sa puso mo? Pano ka makaka pag move on kung hindi mo hinaharap ang problema mo. Siguro time nadin na makapag usap kayo ni Kim"

"Hindi kopa kaya sa ngayon" mahinang sabi nya sabay yakap sakin.

"Vinci salamat kasi nakilala kita, Binuo mo ulit ako, Binuo mo kami ng anak ko. Mahal na mahal kita Vinci"

Niyakap kodin pabalik si Reyster.

"Mahal din kita Pusa"

Nakakatuwa lang dati sinasabi ko na never ako maiinlove sa kapwa ko pero ito ako ngayon nagmahal sa isang lalaki na mahilig sa pusa.

"Pusa sabi pala ni Jiro salamat daw kasi naturuan sila kanina at sabi babalik padaw sila bukas"

"Wala yon pakisabi kay Bayaw malakas sya sakin eh"

"Bayaw mo mukha mo"

Yung mga hirit ni Reyster minsan talaga ang corny.

"Dito kana tumira samin, Ipapaalam kita kay Tita"

"Agad agad? Magpapaalam muna ako kay Mama"

"Wag na ako na magsasabi sa kanya"

Dahil gabi na nga ay hindi na ako pinauwe ni Reyster at ang sabi pa nya ay ihahatid nya nalang daw ako bukas samin at hanggang sa trabaho ko.

/////////////////////////////////

Second day kona sa trabaho ngayon araw.

At alam nyo kung anong meron????

Syempre hindi pa...........

Kasama kolang naman ngayon si Marcus sa trabaho ko dahil tinopak na naman sya ngayong umaga at ayaw magpaiwan sa lola nya.

"Marcus wag ka malikot dito ah? Mag wowork lang si Dada"

"Yes po Dada dito lang po ako sa office ni Ninong Pogi"

Binigay ko ang iPad ni Marcus para malibang sya habang nagtatrabaho ako.

"Bakit kasama mo ang anak ni Sir Reyster?"

Takang tanong sakin ni Winston. Marites din pala 'to.

"Pinasama lang sya sakin pero kukunin din naman sya ng Daddy nya mamaya"

Napatango lang sakin si Winston. Diko pa kasi masyado gamay ang pagkakaha kaya sinasamahan pa ako ni Winston iba kasi yung pos nila sa dati kong work.

"Dada i have something to ask"

Napalingon agad ako kay Winston ng marinig ko ang tawag sakin ni Marcus. Shete magtatanong na naman sakin 'to.

Nilapitan ko agad si Marcus at may tinanong lang sya tungkol sa nilalaro nya.

"Bakit Dada ang tawag sayo ng anak ni Sir Reyster?"

Sabi na eh!!!!! Magtatanong sya....

"Kasi ano-----"

"Kasi po anak nya ako,  Asawa nya po ang Daddy ko"

Naunahan na naman ako ni Marcus magsalita.

Parang gusto ko nalang magpakain sa tiles hanggat maaari kasi ayoko malaman nila ang tungkol samin ni Reyster ayokong isipin nila na kaya ako nandito sa trabaho ko ay dahil sa boyfriend ko ang may ari nito.

Hindi ko muna pinansin si Winston dahil nahihiya talaga ako mabuti nalang at may customer na lumapit sa counter.

"Ang pogi naman ng cashier dito, Bago kalang ba?"

Ngumiti ako sa kanya sabay tango.

"Kaya pala parang ngayon lang kita nakita"

"Opo kakaumpisa ko palang po kahapon"

"May asawa kana ba?"

Bigla kong naalala si Ma'am Silvia sa kanya yung customer ko dati na kinukulit ako mukhang lapitin na talaga ako ng mga matatanda haha.

"Meron napo ako po ang anak nya"

Hindi pa pala umaalis si Marcus at sumabat pa samin.

"Marcus pasok kana sa loob at nandon na ang ninong pogi mo"

Sumunod naman agad sakin si Marcus at patakbo syang bumalik sa back room para puntahan si Jom.

"May anak kana pala,  Sayang naman"

Ngumiti lang sya sakin at nagpaalam na. Si Winston ay umalis din sa counter kaya ako nalang naiwan mag-isa.

Mula kahapon kokonti lang ang customer pag umaga madalas sa hapon at gabi na.

Dahil nag Ttraining pala ako ay maaga ako pinapauwe ni Jom dapat kasi 5 pm ang normal out ko pero ginawa nya munang 3pm at by next week na nya aayusin ang schedule ko.

Nag message sakin si Reyster na hindi nya daw kami madadaanan ni Marcus kasi may kailangan pa syang tapusin kaya naman nag commute nalang kami pauwe.

/////////////////////////

Mag aalas kwatro nadin ng makauwe kami ni Marcus samin at pagdating namin ay nadatnan namin si Kim at kausap si Mama.

"Mommy!!!!!!" Tumakbo agad si Marcus at niyakap ang mommy nya.

"How's your day anak?"

"Okay naman po Mommy, Sinama po ako ni Dada sa work nya"

"Wow really? Hindi kaba nagkulit don?"

"Hindi po good boy po ako"

"Mabuti naman wag ka pasaway sa Dada mo........ Siya nga pala Vinci pwede koba mahiram si Marcus ngayon? Ipapasyal kolang sana yung bata"

"Nako Kim sasabihin ko muna kay Reyster".

Kukunin kona sana yung phone ko kaso pinigalan nya ako.

"Wag na sigurado ako na hindi papayag yon. Saglit lang naman kami kung gusto mo sumama ka samin"

Sa huli ay wala nadin nagawa dahil naisip kodin naman na ipapasyal lang naman nya ang bata tapos babalik nadin kami.

Gagabihin naman ng uwe ngayon si Reyster kaya hindi nya malalaman na ilalabas ni Kim si Marcus tsaka kasama naman ako.

Dahil limitado lang ang oras namin ay sinabi ko kay Kim na wag na kami mag aksaya ng oras dahil baka biglang dumating si Reyster yari talaga kami pareho.

Sa malapit na mall lang kami nag punta kasi gusto nya lang makasama si Marcus.

Dumiretso agad kami sa palaruan ng bata at tuwang tuwa si Marcus dahil ang dami nyang pwedeng malaro at madami ding batang nandon.

"Magkambal po kayo?"

Tanong samin ng kahera ng magbabayad ni si Kim para 1 hr playtime ni Marcus pero 30 minutes lang ang kinuha nya para mabilis lang.

"Opo Miss" sagot ko sa kanya

"Grabe ang ganda at ang gwapo nyo po" papuri nya samin.

Ngumiti lang kami sa kanya at pumasok na kaming tatlo sa may loob tumakbo agad si Marcus sa may madaming bola.

"Dada, Mommy let's play"

Napatingin agad sakin si Kim ng yayain kami ni Marcus.

"Mag laro na kayo ng anak mo, Bonding nyo tong dalawa kaya ayos lang ako dito "

"Pero gusto kang makalaro ni Marcus"

"Diba gusto mo makasama si Marcus? Sulitin mona ang ilang minuto na'to"

Hindi ako nakisali sa bonding nilang mag-ina pinanood kolang sila na masayang naglalaro , Kahit pa tinatawag ako ni Marcus ay tumatanggi ako. Moment nilang mag mommy 'to kaya dapat hindi ako makisali.

Masaya ako na masaya si Marcus dahil anak na din ang turing ko sa bata wag lang sana malaman ni Reyster ang tungkol dito baka kung ano na naman ang masabi nya.

Nagpaalam muna ako kay Kim na maglilibot muna habang inaantay ko sila kalahating oras pa kasi sila don at kung mag sstay ako don ay mababagot naman ako.

Window shopping lang naman ang gagawin ko dahil wala naman akong pera para makabili.

Habang nag lalakad ako ay may nakita akong magandang damit na naka display kaya naman huminto ako at pinagmasdan ko yon.

"Vinci?"

Napalingon agad ako ng may marinig akong tumawag sakin.

"Winston, Anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang ako dito pero pauwe nadin ako. Ikaw? Sino ang kasama mo dito?"

"Yung kapatid ko tsaka yung pamangkin ko iniwan ko muna sila don sa may palaruan para makapag bonding sila"

"Ganon ba, Akala ko kasama mo si Sir Reyster"

"Nako busy yon ngayon"

"Ah eh gusto moba kumain mona?" Alok nya sakin.

"Nako hindi na kumain naman ako sa bahay kanina" nahihiyang sagot ko sa kanya

"Sige kung ayaw mo milk tea nalang, Libre kona kaya wag kana umangal"

Parang ang bait ngayon ni Winston, Swerte ko naman at nagtagpo pa talaga kami dito.

Hindi na nga ako umangal dahil mapilit si Winston sumunod nalang ako sa kanya di narin masama dahil 1hr pa naman sila Kim don at malilibang ako kahit papano dahil may makakausap ako.

Si Winston na ang nag order samin dalawa sinabi ko kasi na siya na ang bala mamili kasi sa totoo lang first time ko sa ganito tamang shake lang ako sa tabi tabi eh.

"Masarap yan tikman mona" sabi sakin ni Winston ng makabalik sya sa pwesto namin.

"Salamat pala dito, Pag sahod na ako naman mag lilibre sayo"

"Nako Pre wag na" nakangiting sagot nya sakin. "Pre sorry nga pala kung nasusungitan kita sa duty natin kani medyo stress lang ako ngayong araw"

"Ayos lang, Natural lang na pagsabihan mo ako kasi bago palang naman ako"

"Baka kasi magalit ka sakin at isumbong moko kay Sir Reyster at Sir Jom"

Natawa naman ako sa sinabi nya sa tagal kona na nagtatrabaho never pa'ko nanira ng kasama kasi kami kami na ngalang magkakasama araw-araw mag sisiraan pa kami.

"Wala ka namang dapat ipag-alala"

"Salamat Pre. Matanong kolang Pre asawa moba si sir Reyster?"

"Hindi" mabilis na sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi Hindi ko sya asawa, Boyfriend lang haha.

"Parehas pala tayong single. Matagal nadin akong walang Girlfriend pero ayos lang mas masaya naman ang buhay single wala masyadong stress"

"Haha oo nga" nakikisakay nalang ako sa mga sinasabi ni Winston pero kung alam nya lang ang totoo.

Inabot ng halos  20 minutes ang pag-uusap namin ni Winston at ng tumingin ako sa oras ay nagpaalam na ako sa kanya. Patapos nadin kasi ang oras nila Kim at baka maghanapan pa kami.

"See you tomorrow Vinci, Bye!"

Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik nako kala Kim.

"Ano napagod kayong dalawa?" Tanong ko sa kanila ng makabalik ko at saktong kakatapos lang nila.

"Yes dada sayang po hindi kayo nag join samin" sagot ni Marcus

"Bonding nyo kasi yan ng Mommy mo kaya naglibot libot muna ako"

"Vinci salamat ahhh kahit saglit lang na 'to sobrang na enjoy ko" masayang sabi sakin ni Kim.

Noong nawala si Kim parang nawala din ang saya sa mukha ni Marcus kaya ng makilala ko ang bata napamahal na sya sakin kahit hindi kopa alam na magkadugo talaga kami.

Napaka talinong bata ni Marcus dahil napatawa na nya ang Mommy nya at hindi sya nagtanim ng sama ng loob at sana dumating ang pagkakataon na magawa din yon ni Reyster.

Ang patawarin si Kim.............

REYSTER'S POV

Sigurado ako na magugustuhan ni Vinci ang dala ko dahil paborito nya ang spaghetti bago ako pumasok sa bahay nila Vinci ay kumatok muna ako.

"Reyster??" Gulat na tanong nya sakin nagtaka pako kasi parang nakakita sya ng multo

"Reyster??? Akala ko gagabihin kapa?" Tanong ulit sakin ni Tita

"Napaaga po kasi ako ng uwe ngayon, Si Marcus at Vinci po asan??"

"Pasok ka muna"

Pagpasok ko sa bahay nila ay walang Marcus at Vinci na sumalubong sakin kaya naman nagtaka ako bigla.

"Asan po yung dalawa?"

"Ah eh ano kasi Reyster" aligaga na sa pagsagot si Tita sakin parang may ayaw sya na malaman ko.

"Asan po sila?" Tanong ko ulit sa kanya

"Ano kasi ........ Lumabas kasi Vinci pati si Marcus"

"Ganon po ba? San naman po sila pumunta?"

Walang nabanggit sakin si Vinci na aalis sila ngayon kaya ko nga sya binigyan ng phone para makapag update na sya sakin.

"Nag mall sila at kasama nila si Kim"

"Po??? Ba't hindi po sinabi sakin ni Vinci 'to??"

"Reyster huminahon ka muna ah? Naawa lang naman si Vinci sa kakambal nya tsaka gusto din naman ni Marcus makasama ang Mommy nya kaya sana wag kana magalit sa kanya"

Hindi ako sumagot kay Tita sabay kuha ng phone ko at tinawagan ko agad si Vinci kaso nakailangan missed ko calls nako hindi padin nya sinasagot.

Sh*t ano bang ginagawa ni Vinci at hindi man lang sya makasagot sakin???

VINCI'S POV

Kainis wrong timing pa ang Cellphone ko na low bat pa, Hindi ko tuloy alam kung may text or tawag sakin si Pusa.

"Vinci salamat pala sa pagpayag na isama ko si Marcus ngayon. Inabot  na tuloy tayo ng dilim"

"Wala yon, Sa totoo lang hindi mo naman talaga kailangan ng permiso ko nanay ka at may karapatan ka sa kanya. Sayang at konti lang ang oras nyo madami pa sana kayo magagawa"

After nilang maglaro ay binilhan pa ni Kim si Marcus ng laruan na lalong ikinatuwa nh bata kakain pa sana kami kaya lang baka matagalan pa kami lalo.

"Salamat padin. Pero sana mag kaayos nadin kami ni Reyster"

"Wag ka mag-alala tutulungan ko kayo na magkaayos"

Napangiti naman si Kim at niyakap ako ng mahigpit.

"Maswerte ako at nakilala ko ang kakambal ko tutulungan din kita para makapag ayos na kayo ni Daddy at mabuo ulit ang pamilya natin"

Ngumiti lang din ako sa kanya at nagpaalam na kaming dalawa ni Marcus sa kanya kapag okay na ang lahat malaya na silang magkakasamang dalawa.

Hinintay muna namin makaalis ang sasakyan ni Kim bago kami pumasok sa bahay.

"Dada next time po ulit ahhh, laro tayo ulit nila Mommy"

"Oo ba" nakangiting sagot ko.

"San kayo galing?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap namin si Reyster mukhang napaaga ang uwe nya.

"Dyan lang naggala kami. Diba Marcus?"

"Opo"

"Kanina pa ako dito, Ni text di mo man lang nagawa? Inabot talaga kayo ng dilim?"

"Sorry na low bat kasi ako"

"Na lowbat o ayaw molang sagutin dahil kasama nyo si Kim?"

Bumilis agad ang tibok ng puso ko mukhang alam na nya kung saan kami galing.

"Alam kona na kasama nyo si Kim sinabi na sakin ni Tita.  Bakit hindi kayo nagsabi sakin?!"

"Ah eh Reyster gusto lang kasi ni Kim makasama ang anak nya"

"Dapat sinabi mo man lang sakin hindi yung nagdedesisyon ka nalang basta"

"Marcus pasok ka muna sa kwarto ni Tito Jiro mo maguusap lang kami ng daddy mo"
Alam kong hindi maganda ang timpla ni Reyster at ayokong marinig ni Marcus kung ano mang paguusapan o pag aawayan namin.

"Sorry. Akala ko kasi ayos lang sayo, Wala naman kaming ginawang masama nakipag bonding lang si Marcus sa mommy nya" sabi ko kay Reyster ng makita ko si Marcus na nakaakyat na.

"Sino nagpahintulot sayo na pwede monang ipahiram si Marcus kay Kim?!"
 Galit na sabi sakin ni Reyster

"Reyster bakit ba nagagalit ka? Anak din naman ni Kim si Marcus ahh at may karapatan din sya sa bata!" Nagtaas nadin ako ng boses kasi hindi kona maintindihan ang inaasta ni Reyster.

"Pero sana hiningi mo padin ang permiso ko! Ako ang daddy ni Marcus at ikaw? Ano kaba nya?!"

Nasaktan ako sa sinabi ni Reyster kaya naman bigla ko syang nasuntok.

"Tinanong mo kung ano ako ni Marcus? Reyster pamangkin ko yung bata! Kadugo kodin sya! Hindi lang basta anak ng boyfriend ko! Ngayon kung hindi kapa makapag move on kay Kim wag mo idamay ang bata!"

Sa sobrang sama ng loob ko ay umalis nalang ako baka kung ano pa ang magawa at masabi ko kay Reyster.

Paninindigan ko na wala akong ginawang mali dahil may karapatan din si Kim sa anak nya.

REYSTER POV

Gusto kolang naman ipaalam sakin ni Vinci ang lahat ng desisyon na gagawin nya lalo pa't tungkol kay Marcus ayoko lang na masaktan ulit ang anak ko, Ayoko lang na mapamahal na naman si Marcus kay Kim tapos ano? Iiwan na naman nya uli ang anak namin?

"Reyster pwede kabang makausap?"

Umupo si Tita sa tabi ko at marahang hinimas ang likod.

"Nag-away ba kayo ni Vinci?"

"May hindi lang po kami pagkakaintindihan"

"Alam kong may maling nagawa ang anak ko at humihinga ako ng pasensya dahil don, Pero maniwala ka walang ibang gusto si Vinci kundi ang mapasaya ang apo ko "

"Pero sana po Tita nagsabi man lang po sya sakin"

"Siguro naisip ni Vinci kung magpapaalam sya sayo ay hindi ka papayag pero sana intindihin mo din kung san sya nanggagaling. Kakambal nya si Kim, Pamangkin nya din si Marcus. Alam mo ba na matagal ng pangarap ni Vinci ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya?"

Napatingin ako kay Tita pero hinayaan kulang sya magsalita.

"Alam ni Vinci na wala na kayong pag-asa na magkabalikan pa ni Kim pero ang relasyon nyo kay Marcus ay pwede pang maayos. Ayaw lang ni Vinci na lumaki si Marcus na walang kinikilalang Mommy, Ayaw nya na magkaroon ng sama ng loob ang bata lahat ng 'to ginagawa nya para sa anak mo na parang anak nya nadin. Kaya sana wag na kayong magaway"

Parang nakonsensya ako sa mga sinabi ko kay Vinci kanina alam ko nasaktan ko sya sa mga binitawan kong salita at hindi ko man lang Pinakinggan ang mga paliwanag.

"Sorry po Tita "

"Kay Vinci ka mag sorry wag sakin at may isa pa akong sasabihin. Hanggang kelan nyo itatago sakin ang tungkol sa inyo?"

"Po?"

"Matagal konang alam na may relasyon kayo ayoko lang sabihin dahil gusto mo mismo manggaling sana sa inyo"

"Pasensya napo hindi namin nasabi humahanap lang po kami ng tyempo"

"Mahalaga sakin si Vinci kaya sana mahalin mo sya at wag mo syang sasaktan. Tanggap ko ang relasyon nyo dahil alam ko na mapapalaki nyo ng maayos at tama si Marcus. Kaya sige na sundan mo na si Vinci baka mamaya puntahan non si Kyler at maunahan kapa"

Niyakap ko agad si Tita at nagpaalam ako sa kanya para sundan si Vinci hindi pwede na pumunta sya sa kyler nayon.

VINCI'S POV

Bahala na muna si Pusa sa buhay nya wala naman akong ibang hangad kundi ang mapasaya si Marcus.

Dahil wala nako sa focus ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa playground malapit samin at naisip kong sumakay sa duyan.

Diba nag isip bata ulit ako.

Ilang minuto palang ako nagkasakay sa duyan napansin ko na papalapit na sakin si Reyster pero hindi ko sya pinansin. Umupo sya sa tabi ko at sumabay sakin.

"Bakit mopa ako sinundan?"

Walang kaemoemosyong tanong ko sa kanya.

"Gusto kolang magsorry sa mga nasabi ko kanina alam ko napaka immature ko sa part nayon kaya nandito ako para mag sorry"

Huminga muna ako malalim bago sumagot kay Reyster.

"Reyster mahal mopa ba si Kim?" 

Napalingon nako sa kanya at halata sa mukha nya ang pagtataka.

"Ano bang klaseng tanong yan Vinci? Ikaw na ang mahal ko"

"Mahal moba talaga ako o kaya molang ako minahal kasi nakikita mo sakin ang babaeng unang nagpatibok sa puso mo? Kaya molang ako minahal kasi nakikita mo sakin si Kim"

"Vinci maniwala ka, Ikaw na ang mahal ko"

"Gusto kong maniwala sayo Reyster pero iba ang pinaparamdam mo sakin sa tuwing nakikita mo si Kim hindi ka makatingin ng diretso sa kanya at halata sa mga mata mo na apektado ka padin"

"Yan lang ba ang rason mo? Vinci masisisi moba ako na maapektuhan ako sa tuwing nagkikita kami? But that's not enough reason para masabi mo na mahal kopa si Kim. Oo aaminin noong ko kaya ako napalagay ng loob sayo kasi iniisip ko na ikaw si Kim pero habang tumatagal na kasama kita maniwala ka sakin minahal kita bilang ikaw, Hindi bilang anino ng kung sino lang "

Mabuti nalang at mahinahon padin si Reyster kahit nagtatalo kami ayaw din siguro nya na may makapansin na nag-aaway kaming dalawa.

"Kung talagang totoo yang sinasabi mo bakit hanggang ngayon ay hindi mo padin sya mapatawad?"

"Dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari ulit. Kapag ayos na kami ni Kim ay mapapalagay na naman ang loob ng bata sa kanya tapos ano? Bigla na naman syang mawawala? Masasaktan na naman ang anak ko? Ayon ang ayaw ko mangyari"

May point naman din ang sinasabi ni Reyster pero kung masstock sya sa ganong scenario mahihirapan talaga syang mag move on.

"Natatakot ka nga ba talaga maiwanan ulit si Marcus? O mas natatakot ka na baka mahulog ulit ang loob mo kay Kim?"

Hindi ko alam pero kahit anong sabi nya na mahal nya ako na ako na ang mahal nya ay hindi parin mawala sakin na baka mahal padin nya si Kim.

Hindi agad nakasagot sakin si Reyster kaya naman mas lalo akong nasaktan.

"Vinci nasabi kona sayo diba? Ikaw na ang mahal ko"

"Tsaka mo nalang ako kausapin kapag ready kana, Ayokong magmahal ng isang tao na hindi pa tapos magmahal sa iba"

Pagkatapos kong sabihin yon ay tumayo nako at iniwan ko si Reyster.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Ganito pala masaktan kapag pumasok ka sa isang relasyon parang unti unti kang pinapatay mas tumindi pa dahil baka kaya nya lang ako minahal kasi nga nakikita nya lang sakin si Kim 

Gusto kong maniwala sa sinasabi ng bibig ni Reyster pero iba ang nakikita ko sa mga mata nya.

# CHAPTER 32

REYSTER'S POV

"Marcus diba sabi mo sakin dati gusto mo ng guitar?"

"Yes Daddy i want a guitar!"

"Sige. Ibibili kita pero kailangan ko ng tulong mo"

"Really Daddy!??? Yehey!!"

"Oo ibibili kita but you need to promise me na tutulugan mo ako"

"Opo Daddy"

"Nag away kasi kami ng Dada mo at gusto ko sana na humingi ng sorry sa kanya at syempre gusto sana syang kantahan"

"That's nice Daddy i'm sure Dada will like it"

Napangiti naman ako sa naging reaksyon ni Marcus. Ayoko nang patagalin ang tampuhan namin ni Vinci ako naman ang may kasalanan kaya dapat ako ang mag suyo sa kanya.

"Daddy kelan po tayo bibili?" Excited na tanong ni Marcus

"Bale nautasan kona kasi ang Tita Nara mo na sya ang bumili tutal dadaan naman sya ng mall busy kasi si Daddy ngayon eh"

"Okay lang po Daddy i understand "

"Kaya mamaya mauna ka pumunta sa bahay ng Dada mo i convince mo sya na i forgive na nya ako kasi love ko naman sya "

Hindi ko pa kasi kabisado magalit si Vinci kaya diko alam kung kakayanin koba na suyuin sya kaya kinailangan kona ng tulong ng anak ko.

"Ako bahala Daddy!"

Habang nag uusap kami mag ama ay tumunog yung doorbell at alam kong si Ate nayon kaya agad akong lumabas para sunduin si Ate.

"Ate nabili mo ba?"

"Oo naman ako pa ba? Ito ohhh"

Inabot sakin ni Ate yung gitara at niyaya ko na sya papasok.

"Para san ba kasi yan? Sino bang haharanahin mo? Don't tell me may bago kana naman nililigawan nako toto sinasabi ko sayo baka kung sino lang yan"

"Ate naman hindi naman ako ganon"

"Eh paran san ba kasi yan?"

Hindi ko sinagot si Ate at pumasok nalang kami sa loob ng bahay.

"Daddy is that my guitar?"

Tumango ako kay Marcus at binuksan namin ang lagayan ng gitara.

"Toto hindi mopa ako sinasagot kanina, Para san ba kasi yan?"

"Para kay Dada po, Nag away po kasi sila and Daddy will make court kay Dada"

Napatingin sakin si Ate at ngumiti ng nakakalokong ngiti.

"Totoo bayon Toto? Haharanahin mo si Vinci?? Mukhang may hindi pa ako nalalaman ah"

"Ate sorry diko agad nasabi sayo, Ah eh ano kasi......... Kami na ni Vinci"

Humingi muna ako ng malalim bago ko sabihin kay Ate na kami na ni Vinci.

"What?!!!! My gosh toto totoo ba? Kayo na ni Vinci? Dapat malaman din to nila Mommy"

Sa lahat ng desisyon ko suportado ako ni Ate kaya malaking bagay na hindi nya ako hinusgahan dahil si Vinci ang minahal ko.

"Ate wag na muna, Di pa kasi kami okay ni Vinci kaya dapat mag kaayos muna kami at promise ako mismo ang magsasabi kala Mommy"

"Sige ikaw bahala, Paano ba ako makakatulong sayo para magkaayos na kayo ni Vinci?"

"Ipag pray mo nalang ako Ate kami nang bahala ni Marcus"

"Sige.. Pano mauna nadin ako hinatid ko lang talaga yang gitara mo"

Pagumalis si Ate ay niyakap nya muna si Marcus at nagpaalam din sya dito.

"Good luck Toto!!!!"

Nagpahabol pa si Ate ng good luck bago sya umalis.

KYLER'S POV

"Kuya Ba't ayos na ayos ka? May date kaba?"

Takang tanong sakin ng kapatid ko ng makita nya ako na nakaharap sa salamin.

"Ano bunso gwapo naba si Kuya?"

"Oo kuya ang gwapo mona parang ako"

"Sus itong kapatid ko ayaw talaga mag patalo"

Nilapitan ko sya at ginulo ko yung buhok nya.

"Kuya naman" angal nya sakin

"Alam pag gwapo ka kahit anong ayos o gulo ng buhok mo gwapo kapa din" pabirong sabi ko sa kapatid ko.

"Dyan kana nga kuya"

Lumabas na si Prince kaya kinuha ko ang phone para tawagan si Jiro.

"Hello Jiro?"

"Kuya Kyler"

"Andyan naba ang kuya mo?"

"Opo kuya Kyler nandito na, Kakadating nya lang din"

"Tamang tama, Sige papunta nadin ako dyan"

"Sige Kuya Kyler ingat"

Balak ko kasing ligawan si Vinci ngayon baka maunahan pa ako ni Espasol mabuti nang bakudan ko ang dapat na akin.

Iba kasi ang tama sakin ni Vinci wala akong pakialam kung pareho pa kaming lalaki basta ang alam ko mahal ko sya.

VINCI'S POV

"Pareng Vinci tagay"
Alok sakin ni Kuya Teban na nag iinom na naman sa daanan.

"Di ako umiinom kuay Teban"

"Sus halika muna dito kahit isang tagay lang"

Lumapit ako sakin si Kuya Teban sabay akbay sakin pinaupo muna nya ako para makipag inuman sa kanila.

"Pareng Vinci minsan lang naman parang di naman tayo naging magtotropa"

"Pasensya na kuya Teban di talaga ako umiinom"

"Wag mona pilitin Teban alam mo namang Good boy si Vinci eh" sabat ni Boss cho

"Binibiro kolang naman si Vinci" sagot ni Kuya Teban na napakamot pa sa ulo.

"Pasensya na talaga Kuya Teban, Boss Cho"

"Wala yon, Naiintindihan ka naman namin tsaka alam mo naman na ikaw ang bunso namin dito" 

Mga kaibigan ko talaga si Boss Cho at Kuya Teban sila ang naging Kuya ko at malaki ang naging tulong nila sa kung paano ako naging ako ngayon.

"Basta Vinci kapag kailangan mo ng tulong nandito lang kami na mga kuya mo sabihan mo lang kami kung may kaaway ka kami ang  reresbak"

"Salamat Kuya Teban, Boss Cho"

Lumapit ako sa kanila at niyakap ko silang dalawa kahit malaki na ako ay di padin ako naiilang na yakapin silang dalawa.

"Sige Vinci umuwe kana para makapag pahinga ka at mukhang pagod ka"

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay iniwan kona sila hindi naman ako pagod sa trabaho, pagod lang talaga ang utak ko kakaisip kay Pusa.

"Vinci kumain kana ba? May pagkain na ako na niluto" alok sakin ni Mama ng madatnan nya ako.

"Mamaya napo Ma pagod pako"

"Sige kung nagugutom ka kumain kalang"

"Opo Ma salamat"

"Si Marcus pala nasa kwarto ni Jiro inaantay ka"

"Po? Sino nag hatid sa kanya?"

"Ang daddy nya daw kaya lang hindi ko naman nakita si Reyster kasi bigla nalang kumatok si Marcus tapos sabi nya may lakad daw ang Daddy nya at dito muna sya. Hindi ba tumawag sayo si Reyster"

"Hindi Ma" 

"Baka may importanteng lakad yon kaya iniwan muna si Marcus dito"

"Di ko lang alam Ma,  Pasok muna ako sa kwarto ko Ma papuntahin nyo nalang si Marcus sa kwarto ko kapag hinanap na nya ako"

Pagdating ko sa kwarto ay pasalampak akong humiga sa kama ko kahit nasa trabaho ako ay hindi padin mawala sa isip ko ang nangyari samin ni Pusa kagabi. Ni tawag o text di nya magawa kahit sya naman ang nag-umpisa ng away namin.

Pinikit ko ang mga mata ko at diko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang din ako ng maramdaman kong may umaalog sakin.

"Dada wake up"

Nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Marcus ay napabagon agad ako.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko at pasado alas sais na pala ng hapon lagpas isang oras din pala ako nakatulog.

"Dada kamusta kapo?"

"Mabuti naman" nakangiting sagot ko sa bata.

"Dada galit kapa din po ba kay Daddy?"

"Hindi naman ako galit, Masama lang ang loob ko sa Daddy mo"

"Dada Please magbati napo kayo"

Tumingin ako kay Marcus at kita sa mukha nya na gustong gusto nya talaga kami pagbatiin ni Pusa.

"Eh kasi yung Daddy mo wala naman akong ginagawang masama nagagalit pa sakin ang gusto kolang naman ay maging okay kayo ng Mommy mo at Magkabati na silang dalawa" kay Marcus ko nalang sinabi ang mga gusto kong sabihin kay Reyster

"Pero love na love kapo ni Daddy"

Niyakap ako ni Marcus kaya niyakap ko nadin sya.

"Love ko naman ang Daddy mo pero may mga bagay kasi na ayaw nya pakinggan at dahil bata kapa mahirap pang ipaliwanag sayo"

"Dada i forgive mona po si Daddy"

"Sandali........ Siguro inutusan ka ng Daddy mo na kausapin ako para patawarin ko sya noh?"

"No Dada. Ako lang po talaga, kagabi po kasi ang lungkot ni Daddy kaya naisip ko na baka nag away kayo"

Matalinong bata talaga si Marcus at alam na alam nya ang mga nangyayari sa paligid nya.

Pero apektado nga ba talaga si Pusa sa away namin?

Kagabi lang parang galit pa sya.

"Vinci!!!!!"

Habang kausap ko si Marcus ay may narinig akong pamilyar na boses na tumatawag sakin mula sa labas. Kaya agad akong sumilip sa may bintana para kumpirmahin kung si Pusa ba talaga yon.

"Vinci gusto kolang mag sorry sa pagiging immature ko, Sorry kung hindi kita pinakinggan"

Sa lakas ng boses ni Pusa ay sigurado ako na nakisilip na naman sa mga butas ng bahay nila ang mga marites sa lugar namin at talagang nagising ang diwa ko kahit kagigising kolang.

Mayamaya pa ay pumunta nadin si Mama sa kwarto ko para tanungin ako kung anong meron.

"Vinci sino bayong sumisigaw?"

"Si Reyster Ma, Nasa labas po"

Sumilip din si Mama sa bintana at ako naman ay di mapakali kasi hindi ko alam kung anong sunod na gagawin ni Pusa.

"Oh ano pang hinihintay mo? Babain mona sya"

Bumaba na nga ako para puntahan si Pusa tssk ang sarap nya talaga kutusan kung hindi kolang sya Mahal.

"Kuya Teban? Boss Cho?" Banggit ko sa dalawang kasama ni Reyster. Parang kanina lang nagiinuman pa sila tapos ngayon nandito sila.

"Pareng Vinci pasensya na eh nasuhulan kami nitong si Pareng Reyster"

Napakamot nalang ng ulo si Kuya Teban at si Pusa naman pangiti ngiti pa.

Ano bang meron at kasama ni Pusa ang dalawang 'to?

"Vinci sana magustuhan mo"

Biglang naglabas si Reyster ng isang gitara, Kaya pala nasalikod ang mga kamay nya kanina pa ito pala ang tinatago nya.

Sila Boss Cho at kuya Teban naman ay nakatayo lang sa likod ni Pusa mukhang support lang sila.

               "Maging Sino Ka Man"

Composed by : Rey Valera

"Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't isa'y kailangan
Dati mong pag-ibig wala akong pakialam
Basta't mahal kita kailan pa man"

Sh*t ngayon kolang narinig kumanta si Reyster at ang ganda pala ng boses nya kala ko magaling lang sya sa pagsayaw 

''Wag kang mag-isip ng ano pa man
Mga paliwanag mo'y di na kailangan
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man"

Sa totoo lang matagal konang naririnig ang kanta nato pero ngayon kolang sya mas na appreciate at ngayon kolang din naintindihan ang message ng kanta.

"Mahal kita pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man"

Kapag nag mahal ka kahit sino o ano pa sya matatanggap mo sya.

Napalingon ako kay Mama kasi hindi ko padin nasasabi sa kanya ang tungkol samin ni Reyster sigurado ako na magtatanong 'to samin.

"Ma?"

Ito na siguro ang tamang pagkakataon para masabi kona kay Mama kung ano ba talaga ang meron samin ni Reyster. Pero nagulat ako ng biglang nagsalita si Mama.

"Vinci. Mama mo ako kahit mo sabihin sakin nararamdaman ko sa mga kilos mo. Oo matagal konang alam na meron espesyal sa inyo ni Reyster pero hindi kita kinompronta kasi gusto kong ikaw mismo ang magsabi sakin. Pero wag kang mag-alala tanggap ko kayo at suportado ko kayo sa lahat ng mga desisyon nyo kasi Mahal ko kayo"

Mabuti nalang at may Mama ako na katulad nya sobrang saya ko kasi hindi kona kailangan ipaintindi sa kanya ang mga desisyon ko.

"Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig sa 'yo
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man"

Sabay namin pinanood nila Mama si Reyster habang kumakanta natatawa pa nga kami kasi may mga back up dancer pa sya haha.

"Mahal kita pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man"

Nang matapos kumanta si Pusa ay lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry..... Sana bigyan mopa ako ng chance para ipakita sayo kung gaano kita kamahal na hindi kalang basta anino ng kung sino lang. Vinci mahal kita kasi ayon ang nararamdaman ko Mahal kita kasi ikaw si Vinci. Kaya sana patawarin mona ako"

Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Pusa ay tagos sa puso kaya naman alam ko na sincere sya sa mga sinasabi nya.

"Pareng Vinci patawarin mona si Pareng Reyster" sabat naman ni kuya Teban.

"Oo nga Pre. Mahal na mahal ka ng tao oh biruin mo kinausap pa talaga kami para lang tulungan sya na haranahin ka" sabat ni Boss nyo.

Natawa nalang ako sa mga sinabi nila.

"Dada patawarin mo na po si Daddy" singit ni Marcus sa usapan.

"Kaya nga anak mukhang bukal naman sa puso ni Reyster ang paghingi nya ng tawad sayo"

May choice paba ako? Eh na corner na nila akong lahat kulang na nga lang pati si Jiro i convince nya ako na patawarin ko si Reyster. Kaya lang itong kapatid ko mas gusto nya ang kuya Kyler nya pero gusto nya din naman si Pusa mas lamang nga lang si Kyler.

"Oo na pinapatawad na kita. Pero sana ngayon buksan modin ang puso mo para sa pagpapatawad"

"Promise Vinci"

Sa sobrang saya nya ay hinalikan nya ako sa labi sa harap nila Mama pero smock lang naman.

"Psst bawal yan may mga bata" saway ni Mama.

"Sorry Tita"

"Pano Pareng Reyster una na kami mukhang okay naman na kayo ni Pareng Vinci. Salamat nga pala sa binigay mo samin eh mukhang malulunod na naman kami ngayon" 

"Sige Pre salamat sa Tulong"

"Salamat kuya Teban , Boss Cho" 

Kahit di ko alam kung anong pinag usapan nila o kung ano mang suhol ang binigay ni Pusa sa kanila ay nagpasalamat padin ako sa kanila.

KYLER'S POV

"Ano Josh gwapo naba ako? Ayos lang ba ang porma ko?"

"Oo pre, Gwapo kana. Ewan ko nalang talaga kung di pa mapa OO sayo si Vinci"

Nagpasama ako kay Josh papunta sa bahay ni Vinci wala na talagang urungan 'to.
Habang nag lalakad kaming dalawa papunta kala Vinci ay sobrang ang Kaba ko pero iniisip ko nalang na kailangan ko gawin 'to.

"Josh yung gagawin mo wag mo kalimutan ah"

"Oo na Kyler halos isang daang beses mona  pinaalala sakin yan"

"Syempre gusto kolang pulido"

Nang makalapit na kami sa tapat ng bahay ni Vinci ay may narinig kaming kumakanta habang nagigitara kaya pasimple kaming nagtago ni Josh.

Hindi ako pwedeng magkamali si Espasol yon.

Pero bakit sya kumakanta?

Hinaharana nya pa si Vinci?

Inantay naming matapos kumanta si Espasol at pinagmasdan kolang ang mga sumunod na nangyari.

"Sorry..... Sana bigyan mopa ako ng chance para ipakita sayo kung gaano kita kamahal na hindi kalang basta anino ng kung sino lang. Vinci mahal kita kasi ayon ang nararamdaman ko Mahal kita kasi ikaw si Vinci. Kaya sana patawarin mona ako"

Mahal ni Espasol si Vinci? Sabi ko na nga ba may balak talaga syang sulutin sakin si Vinci.

"Pareng Vinci patawarin mona si Pareng Reyster" sabat naman ng isang lalaki 

"Oo nga Pre. Mahal na mahal ka ng tao oh biruin mo kinausap pa talaga kami para lang tulungan sya na haranahin ka"

"Dada patawarin mo na po si Daddy" singit ng bata sa usapan.

"Kaya nga anak mukhang bukal naman sa puso ni Reyster ang paghingi nya ng tawad sayo"

Pati Mama ni Vinci nakisali nadin.

"Pre pano bayan pati nanay ni Vinci mukhang gusto si Reyster?" Bulong ni Josh sa likudan ko kaya sinamaan ko syang tingin.

"Oo na pinapatawad na kita. Pero sana ngayon buksan modin ang puso mo para sa pagpapatawad"

"Promise Vinci"

Biglang hinalikan ni Espasol si Vinci at gusto kona sana sugudin si Espasol kasi sinasamantala na nya si Vinci pero bigla ako naunahan ng hiya.

"Pre ano nang balak mo?"

Hindi ko sinagot si Josh at sa sobrang inis ko ay hinagis ko na lang yung bulaklak na ibibigay ko sana kay Vinci panira talaga lagi si Espasol may araw din sya sakin.

Ngayon panalo sya pero hindi pa tapos ang laban.

# CHAPTER 33

VINCI'S POV

"Jiro may inaantay kaba?"

Kanina kopa kasi nakikitang palinga linga si Jiro parang may hinahanap sya.

"Si Kuya Kyler sabi nya kasi pupunta daw sya ngayon dito"

"Si Kyler? Bakit may usapan ba kayo?"

"Opo meron po kaso wala pa sya",

Close talaga si Jiro sa kuya Kyler nya palibhasa lagi syang pinag bibigyan ni Kyler.

"Baka naman na traffic lang " sagot ko sa kapatid ko.

"Sabi nya kasi sakin kuya Malapit na daw sya"

"Sa loob mo nalang sya antayin tara na"

Niyaya kona si Jiro papasok pero humahabol padin sya talaga ng tingin sa labas. 

Asan nga ba si Kyler?

Kung malapit na sya dapat nandito na sya.

"Kuya asawa mona ba talaga si Kuya Reyster?"

Napatingin ako ng seryoso sa kanya at halatang curious na sya sa magiging sagot ko.

Pano ko nga sasabihin o ipapaliwanag sa kapatid kung anong meron kami ni Reyster?

"Sa ngayon mahirap pang ipaintindi sayo ang sitwasyon"

"Pero kuya? Pano si Kuya Kyler? Sabi nya sakin gusto ka daw nya"

"Alam mo Jiro kami ni Kyler magkaibigan lang kami non at hanggang doon lang yon, Kaya minsan sabihan mo nga yang Kuya Kyler mo na tigilan na ang pangungulit sakin"

Ginawa ko nalang biro ang huling sinabi ko para naman hindi magtampo si Jiro sakin alam ko kasi na malapit ang loob nya sa Kuya Kyler nya.

KIM'S POV

"Daddy pwede kaba makausap?"

Lumapit ako kay daddy ng mapansin kong natapos na sya makipag usap sa phone nya.

"Yes Kim?"

"Dad, Siguro ito na yung right time para makapag patawaran na kayo nila Mommy and Vinci kahit hindi na kayo magkabalikan basta ang importante maayos tayong lahat"

Nanga ako sa kakambal ko na gagàwin ko ang part ko para makapag ayos sila ni Daddy.

"Yan ba ang inutos sayo ng Mommy mo? Na brainwash kana din ba nya katulad ng mga kapatid mo?"

"Dad please wala siyang sinasabi sakin ako lang mismo ang may desisyon nito gusto ko lang na maayos tayo"

"Wala ng maayos dahil matagal ng sira ang Pamilya natin simula ng ilayo ng mommy mo ang kakambal mo sira na"

Talagang matigas si Daddy hindi mo basta basta mababago ang desisyon nya.

"Kim sapat na sakin na kasama kita, Lumaki ka without them and we can still continue our lives without them" dag dag pa ni Daddy sabay yakap sakin.

"Pero pano sila Vinci at Jiro? Anak mo din sila at gusto kadin nila makasama gusto din nila maramdaman at maranasan ang pagmamahal ng isang ama"

"Okay Fine. Makikipag usap ako sa kanila but, Once na binastos pa nila ako? Kakalimutan ko na anak ko sila at Pamilya ko sila"

Si Daddy yung taong ma Pride but i know deep inside he really want to hug Vinci and Jiro Ama padin sya at importante sa kanya ang mga anak nya.

"Thank you Dad"

"Alam mo Dad gustong gusto kana mayakap ni Vinci at Jiro kaya lang naging komplikado bigla ang sitwasyon pero maniwala ka daddy sabi na sabik sila sayo."

"To be honest Kim gusto ko naman talaga si yakapin, Gusto ko silang makasama kaya ko nga sila hinanap diba?"

"Malapit na ang Birthday ni Lola gusto ko sana makilala nya din ang mga kapatid ko bakit kaya hindi natin sila iinvite?"

"Then invite them"

"Talaga Daddy?"

Tumango si Daddy kaya sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya ng mahigpit. Kahit pinapakita ni Daddy sa harap namin na matapang sya, istrikto, Mapagmataas at mayabang pero pag dating samin na mga anak nya lumalambot sya basta kapag nasa tama lang kami. 

Hindi ako nawawalan ng pag-asa na mabuo ang pamilya namin, Hindi ko man nagawa sa sarili ko pero sa Pamilya ko baka sakali.

"May isa papo akong ipapakiusap Daddy"

"Ano yon?" 

"About Drei, Gusto kolang na sana matanggap nyo sya" Hindi ko pa napapakilala ng maayos si Drei kay Daddy kasi simula ng malaman nya na sumama ako kay Drei at iniwan ko sila Reyster nagalit sya kay Drei.

"That man? Do you want me to accept that rude guy? Alam mo Kim sinuportahan kita sa lahat pero pag dating sa lalaking yan sorry, Ni hindi nga nya kaya humarap sakin bilang lalaki sa lalaki"

"Pero Dad humahanap lang naman sya ng tyempo para makausap ka"

"That's enough Kim sa ngayon diko pa sya kayang matanggap ano nalang ang sasabihin satin ng ibang tao? Na kumabit ka sa lalaking yon? Na iniwan mo ang Asawa't anak mo para sa kanya"

Masakit man pakinggan ang mga sinabi ni Daddy pero ayon ang katotohanan at kailangan kong matanggap yon.

VINCI'S POV

"Asan si Marcus?" Takang tanong ko kay Pusa gabi na kasi at dapat sa mga oras nato ay katabi na namin si Marcus.

"Nandon sa kwarto ng Tito Jiro nya doon ko muna pinatulog "

"Ha? Bakit naman?"

"Wala lang gusto lang kita masolo"

Dumikit sakin si Pusa at niyakap ako ng mahigpit.

"Oyyy anong ginagawa mo baka mamaya makita tayo ni Mama o di kaya ng mga bata"

Inaalis ko yung pagkakayakap nya kaya lang para talaga syang linta kung makalingkis sakin.

"Ano naman mag boyfriend naman tayo diba? Legal nako sa mama mo, Na mama kona din ngayon"

Natawa nalang ako sa sinabi ni Pusa kasi parang may napanood ako na video na katulad ng sinabi nya.

"Kahit pa"

"Pero maiba tayo nakita ko si Kyler kanina nakatanaw lang malapit sa bahay nyo"

"Si Kyler?"

Ibig sabihin pumunta talaga siya kaya lang bakit kaya hindi sya tumuloy?

"Oo napansin ko sya kanina bihis na bihis nga eh kaya lang di ko nalang siya pinansin kasi mas nag focus ako sa panghaharana sayo"

Ano kayang dahilan nya at bakit hindi sya tumuloy? Nag-aantay pa naman sa kanya si Jiro.

"Dapat tinawag mo man lang" 

"Ano sya epsesyal? Baka mamaya unahan nya pako sayo baka maupakan kolang yon"

"Alam mo Pusa minsan iniisip ko kung introvert kaba talaga kasi parang hindi naman kapag kasama kita ang daldal mo at para kang pusa sa kalikutan"

"Ganito lang talaga ako kapag komportable nako sa isang tao"

"Pusa ngayon okay na tayo, Siguro naman pwede nadin kayo mag-usap ni Kim hindi naman kita minamadali pero sana pumayag kana para sayo din naman to kaya ko pinagpipilitan na makapg usap kayo para naman makapag move on na tayong lahat "

"Sorry nga pala kung naging immature ako,  Pumapayag nako makipag usap sa kanya para matapos na'to ayoko nadin kasi na may kinikimkim ako at gusto kodin patunayan sayo na ikaw na ang mahal ko"

"Salamat"

"Bukas nga pala sumama ka sakin may ipapakita ako sayo"

"May pasok ako bukas eh"

"Edi pag out mo"

"Ano ba kasi yon?  Hindi ba pwedeng sabihin mona ngayon?" Nakakaintriga naman yung yung gustong ipakita sakin ni Reyster ngayon napapaisip tuloy ako kung ano bayon.

"Surprise yon kaya hindi pwede sabihin sayo"

"Pag ako hindi natuwa sa surprise mo" pabiro kong sabi sa kanya.

"Ako paba? Sigurado ako magugustuhan mo yon"

Hindi ko nalang sya kinulit pero sa loob loob ko sobrang excited nako sa kung ano man ang gusto nyang ipakita sakin.

"Pusa pano mo pala nakilala sila Kuya Teban?"

"Sila? Ganito kasi yon"

At Kinuwento nga sakin ni Pusa kung paano nya nakilala sila kuya Teban.

   ......FLASH BACK........

"oppopsss sandali,  diba ikaw yung laging nasa bahay nila Vinci yung may anak na poging bata?" Tanong ni kuya Teban kay Pusa

"Ako nga boss"

"Bakit lagi kang nasa kanila?"

"Ah eh wala boss bumibisita lang"

Tumayo si kuya Teban at nilapitan nya si Pusa sabay akbay.

"Alam mo Tisoy, Parang bunsong kapatid na naman yan si Vinci at lahat ng kumursunada sa kanya yari samin"

Napangiti muna si Pusa bago sumagot kay kuya Teban.

"Kaibigan ko naman si Vinci Boss" kinakabahan na sagot ni Pusa hindi ko din naman siya masisisi malalaki ang katawan ng mga kuya ko isama mo ang mga tattoo nila ewan ko nalang kung hindi ka kabahan.

"Pinopormahan moba si Vinci?" Diretsong tanong ni kuya Teban

"Ah eh --" utal na sagot ni Pusa

"Tisoy kung may balak kang pormahan si Vinci samin ka muna dadaan"

"Tsaka samin ka dapat humingi ng tulong sigurado ako na mapapa OO mo agad si Vinci, Basta ba ilibre molang kami" dagdag ni Boss Cho.

.... END OF FLASH BACK......

Habang nagkwukwento sakin si Pusa ay hindi ko mapigilan ang tawa ko sigurado ako namumutla na sya sa kaba ng mga oras nayon.

"Tawa ka dyan? Akala ko nga gugulpuhin nako nila kuya Teban" angal ni Pusa sakin.

"Nako mababait yon"

"Kaya nga sobrang mahal ka nila sabi pa nga nila sakin kapag pinaiyak daw kita bubugin daw nila ako"

"Yari ka,Kaya umayos ka at wag mo daw akong papaiyakin pero okay lang naman ako kung sakali kaya ko naman ang sarili ko"

"Wag ka nga mag salita ng ganyan, Di kita lolokohin o sasaktan lalong lalo na papaiyakin"

Yumakap ng mahigpit sakin si Pusa na akala mo linta na grabe ang dikit.

"Pero what if makipag balikan sayo si Kim? Dahil gusto nya mabuo na ang pamilya nyo papayag kaba?"

Matagal ng sumasagi sa isip ko ang tanong nyan kahit hindi kopa nalalaman na mag kambal kami .

"Syempre hindi,  Ikaw na ang mahal ko kaya wala kanang dapat ipag-alala pa" sagot naman ni Pusa.

"Ikaw papayag kaba?" Dagdag na tanong nya at napaisip ako saglit.

"Hhhmmm oo, Kasi alam ko ayon ang tama at gusto din ni Marcus yon lahat naman ng tao gusto ang masaya at buong pamilya"

"Kahit isantabi mo ang nararamdaman mo?" Pagputol ni Pusa sa sinasabi ko 

"Oo" walang pag aalinlangan kong sagot sa kanya.

"Pero promise mo na kahit anong mangyari hindi mo kami iiwan o lalayuan ni Marcus " 

"Oo naman bakit ko naman gagawin yon?" Natatawang sagot ko kay Pusa

"Sige na Matulog na tayo bukas ha susunduin kita dahil ipapakita ko sayo ang surprise ko. Goodnight "

"Goodnight den"

"I love you"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ayon ang unang beses na sinabi sakin ni Pusa ang salitang I LOVE YOU shete anong isasagot ko???

Bahala na nga!!!!!

"I love you too"

Pagkatapos kong sabihin yon ay humiga nako ng maayos at pinikit kona ang mga mata ko.

Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko kapag hiniling ni Kim na bumalik si Pusa sa kanya para buohin ang pamilya nila.

Pero anong gagawin ko?  

Ako paba ang magiging hadlang ng pagkabuo ng pamilya nila?

Hayysss.

KYLER'S POV

Nagising nalang ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at pinagmasdan ko ang paligid.

Sobrang sakit ng ulo ko, Asan kaya ako?

"Pre mabuti naman at nagising kana"

"Sorry Pre ano ba nangyari kagabi wala akong maalala eh"

"Siraulo ka, Nagpakalasing ka kagabi syempre hindi kita iniwan tapos nung di muna kaya inuwe nalang kita dito sa bahay. Ikaw kasi ayaw mo magpaawat sakin nagagalit kapa kaya hinayaan nalang kita uminom."

"Sorry Pre, Salamat nadin"

Oo nga pala niyaya ko nga pala si Josh sa isang bar matapos naming umalis sa bahay nila Vinci.

Kainis, Ano na kayang meron sa kanilang dalawa.

Kahit masakit ang ulo ko ay bumangon nako dahil naalala ko may duty pako mamaya at baka ako naman ang mawalan ng trabaho.

"Hindi kaba kakain? May niluto pa naman si Mama"

"Hindi na Pre salamat nalang"

Inayos kolang ang sarili ko bago ako nagpaalam kay Josh pati sa Mama nya uuwe nako baka hinahanap nadin kasi ako ng mga tao sa bahay.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nakapag lasing pala ako ng sobra kasalanan lahat 'to ni Espasol eh kung hindi sana sya umepal epal edi sana hindi napapalayo sakin si Vinci.

VINCI'S POV

Iniwan ko muna si Pusa sa bahay dahil may pasok pa nga ako pero sa totoo lang excited nako mag out kasi sabi nya may surprise daw sya sakin halos dina nga ako makatulog kagabi kakaisip tungkol don.

"Good morning Sir Jom"

Bati ko kay Jom ng makapasok ako sa back room.

"Mukhang maganda ang gising natin pareng Vinci ahh, Ayos ba ginawa ni Pareng Toto kahapon?"

"Alam mo?"

"Oo naman, Syempre kaibigan ko yon eh kaya sasabihin nya sakin"

"Sige na Sir, Duty nako dyan kana"

Nilapag kolang yung gamit ko tapos lumabas nako baka kung ano pa itanong nya at asarin pako.

"Good morning Winston" Nakangiting bati ko.

"Mukhang maganda ang gising natin ahh" 

"Sakto lang"

"May lakad kaba mamaya?" 

"Meron eh bakit?"

"May bagong bukas kasi na restaurant sa kabila yayain sana kita kumain. I mean wala kasi akong kasama" 

"Bakit ayaw mo dito? Ayaw moba sa menu natin haha" natatawang sagot ko sa kanya

"Hindi naman syempre iba naman yung sineserve nila don mukhang masarap lang pero kung busy ka mamaya ako nalang"

"Nako pasensya na talaga next time nalang siguro"

Syempre uunahin ko ang surprise sakin ni Pusa tsaka susunduin nya daw ako mamaya baka kung sasabihin kopa na niyayaya ako ni Winston eh kung ano pang isipin non.

"Sige next time nalang"

Mag iisang linggo nadin pala akong nagtatrabaho dito masasabi ko na kahit papano ay alam kona ang mga gagawin although marami pa akong dapat matutunan.

Hindi naman ganon kadami ang tao sa opening shift kaya naman iilan lang kami naka duty siguro mga apat lang kami pang lima si Jom. Namimiss kodin yung dati kong work kaya lang hindi kasi naging maganda yung mga nagawa ko ilang beses ako umabsent at nakuha kopa talaga mag leave.

---------------------------------

Alas sais ng hapon ako sinundo ni Pusa sakto kaka out kolang at kasama nya si Marcus.

"Dada how's your day"

"Eto medyo nakakapagod pero dahil nandito kana parang nawala ang pagod ni Dada malakas na ulit ako"

Nakakawala talaga ng pagod si Marcus kaya naman kinarga kona sya.

"Mukhang may gala ang pamilya ah san punta nyo pareng Toto?" Singit ni Jom samin

"May pupuntahan lang kami" sagot naman ni Pusa

"Una na kami Jom" paalam ko sa kanya at nginitian ko nalang ang mga katrabaho ko.

"Tara na" yaya samin ni Pusa kaya naman sumunod kami sa kanya papasok sa sasakyan.

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Surprise nga diba" sagot ni Pusa

Hindi nalang ako umimik at kunwari nakikipag laro ako kay Marcus daming pauso nitong si Pusa.

"Marcus sige na" biglang nagsalita si Pusa at napalingon ako kay Marcus.

May kinuha si Marcus sa bag nya at lumapit sya sakin tapos bigla nyang piniringan yung mata ko.

"Pusa ano ba kasi 'to?"

"Part yan ng surprise ko wag ka mag alala di ka namin ilalagay sa sako" natatawang sabi ni Pusa.

"Don't worry Dada I'll just hold your hands"

Hindi nalang ako nag reklamo sa pa surprise ni Pusa at inantay ko nalang kung saan nya ba talaga ako dadalhin. Inabot din siguro ng kalahating oras ang byahe namin bago huminto yung sasakyan.

Inalalayan ako ni Pusa pababa ng sasakyan kasi nga wala akong makita tapos naglakad pa kami ng ilang hakbang bago kami huminto.

"Ready kana ba?"

"Kagabi pa" medyo kinakabahan na excited ako sa ipapakita nya sakin.

Tinanggal ni Pusa yung piring sa mata ko at bumungad sakin yung Pangalan ng Dance Studio nya.

"
RVM
" 

Reyster, Vinci and Marcus Dance Studio 

RVM? Sa pagkakaalala ko nung huli ako nanggaling dito RKM pa ang pangalan nito.

Ito naba ang surprise nya sakin? Pinalitan na nya ang pangalan ng Dance Studio nya na dati ay RKM.

"Nagustuhan moba?"

Hindi ako nakasagot sa tanong nya pero napatingin naman ako sa kanya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

"Diba sabi ko naman sayo papalitan koyan at pangalan mo naman ang mailalagay dyan" dag dag ni Pusa

Hindi sya material na surprise pero yung effort ni Pusa sobrang nakakataba ng puso diko akalain na tototohanin nya ang sinabi nya sakin.

"Salamat Reyster" sa sobrang tuwa ko ay binanggit kona ang pangalan nya.

"Always welcome Vinci"

Dina ako nakapagpigil at niyakap kona si Pusa.

"Can i join?" Biglang singit ni Marcus kaya naman nag group hug na kaming tatlo.

"Yan ang patunay na ikaw, Ako at Si Marcus ay Pamilya na"

Diko alam kung paano sasabihin kay Reyster ang nararamdaman ko pero sobrang saya ko at masasabi ko talaga na mahal nya ako at hindi ko man masabi o maparamdam sa kanya ay mahal ko din sya.

# CHAPTER 34

JEROMY'S POV

Ilang araw nalang magaganap na ang pinakahihintay naming dance contest at sobrang excited na kaming lahat para makapag perform mabuti nalang at libre kaming natuturuan don sa dance studio nila kuya Reyster.

"Jiro the best talaga don sa studio ng kuya Reyster mo ang sosyal para tayong mga professional dancers" nakangiting sabi sakin ng kaklase ko

"Sabi ko naman sa inyo eh kaya dapat mas galingan natin para worth it ang pagod natin"

"Nako kikiligin na naman ang mga girls kapag nakita ka nilang gumiling. Parang ganito oh"

Nagulat ako ng bigla syang gumiling habang palabas kami kaya naman nagtawanan yung iba pa naming kasabay.

"Loko ka"

"Jiro"

Napatigil ako ng may pamilyar na boses ang tumawag sakin.

"Papa?"

"Jiro anak"

Napaatras ako ng biglang lumapit sakin si Papa para hawakan ako. Naalala kolang kasi kung paano nya inaway si Kuya Vinci at Mama non.

"Ano pong ginagagawa nyo dito?"

"Nandito ako para bisitahin ka, Don't worry wala naman akong gagawing masama i just wanted to see you"

"Ganon po ba?  Sige po una napo ako baka hanapin po ako nila Mama"

Aalis na sana ako pero biglang hinawakan ni Papa yung kamay ko.

"Pwede ba kitang yayaing lumabas? Anak."

Napatingin ako sa mukha ni Papa at parang gusto nya talaga na makasama ako.

"Magagalit po sakin sila Mama"

"Kahit saglit lang, Just give me a minute. Ihahatid din kita pauwe"

Simula ng magkamalay ako sa mundo hindi ko pa nakikita ang itsura ng Papa ko pero ngayon nasa harap kona sya parang di ko sya kaya makita ng diretso.

"Kasabay kodin po kasi mga kaklase ko pauwe"

Napalingon sya sa mga kaklase ko at kita sa mga mata nila ang pagtataka kahit kasi sila alam din nila na patay na ang Papa ko tapos eto ngayon bigla nalang susulpot.

"Papa mo Jiro?" Bulong ng isa kong classmate

"Mukhang mayaman ahh" bulong ng isa pa.

"Pwede kobang mahiram muna si Jiro sa inyo? By the way ako nga pala ang Daddy nya"

Ngumiti sya sa mga classmates ko at isa isa nyang nilapitan ang mga ito at kinamayan pa nya.

"Pwede kona ba hiramin ang anak ko?" Muling tanong ni Papa

"Sige po Tito pwede po. Jiro sige na sumama kana sa daddy mo kaya na namin dito" sabay sabay nilang sabi sakin at tinulak pako palapit kay Papa.

"Pano Jiro? Tara na?"

"Sige po"

Kahit nagdadalawang isip ako ay sumama padin ako kay Papa may part kasi sa puso ko na gusto ko syang makilala at makasama.

Sumunod ako papasok sa sasakyan nya pero naiilang padin ako.

"Ayos kalang ba Jiro?"

"Naiilang lang po ako P-- Sir"

Diko alam kung tatawagin ko ba syang Papa o hindi.

"Just Call me Papa, Daddy or Taytay"

"Sige po Papa"

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako pero si Papa nagkukwento sakin ng kung ano ano pero dahil kinakabahan ako ay wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya.

"Kamusta ang pag-aaral mo anak?"

"Ayos naman po"

"Jiro wag kana mailang sakin hindi naman ako ibang tao. Ako ang Papa mo"

Tumango lang ako sa kanya at humarap ako sa may bintana. Dati super excited ako makita at mayakap si Papa pero ngayong katabi kona sya nahihiya naman ako.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?"

Pagbasag ni Papa sa katahimikan namin.

"Mabuti naman po"

"Good to hear that, Mukhang napalaki ka naman ni Theresa ng maayos"

"Opo napalaki po kami ni Mama ng maayos mahirap lang po kami pero di nya po kami napabayaan"

"Jiro anak, Gusto kolang mag sorry about sa nangyari samin ng mama mo. Nadala lang ako pero i realized na mali ako."

Hindi padin ako makalingon sa kanya pero matagal kona talagang gustong sabihin sa kanya 'to simula ng malaman kong buhay pa sya.

"Pa? Bakit hindi nyo po kami hinanap? Bakit nyo po kami pinabayaan?"

"Dahil tinakas kayo sakin ng Mama nyo. Ni hindi ko nga alam na pinag bubuntis ka nya noon. Pero aaminin ko na hindi ako nagpaka tatay sa inyo, Dahil natakot ako na mawala ang lahat sakin kung pipiliin ko ang mama nyo. Pero maniwala ka mahal ko ang Mama mo at hanggang ngayon ay mahal ko padin sya. Kaya nga sa matagal na panahon ay hinahanap ko sya"

Nararamdaman ko naman na sincere talaga si Papa sa mga sinasabi nya. Sana nga talaga ay mag kaayos na sila ni Mama para naman maging buong pamilya na kami.

VINCI'S POV

"Kyler? Pano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?"

"Sinabi sakin ni Jiro"

"Ganon ba? Siya nga pala si Wintson katrabaho ko, Winston si Kyker kaibigan ko"

Nag ngitian naman silang dalawa sa isa't isa.

"Pauwe kana ba? Hatid na kita"

"Oo"

"So tara na?" Ngiting alok sakin ni Kyler at mukhang wala nadin naman akong choice kasi inabot na nya sakin yung helmet nya kaya nagpaalam nako kay Winston na mauuna nako.

"Kyler san tayo pupunta?" Tanong ko kay Kyler pero hindi padin ako sumasakay sa motor nya.

"Mamasyal lang na miss kolang kasi ang babe ko"

"Babe mo mukha mo"

"Bakit ayaw moba? Pag si Espasol kahit anong itawag sayo okay lang pag sakin hindi?"

"Kyler bakit ba ang laki ng galit mo kay Reyster? Wala namang ginawa sayo yung tao"

"Gusto mo talaga malaman?  Dahil simula ng nakilala mo sya nagbago kana hindi na ikaw ang Vinci na kilala ko at higit sa lahat nilalayo ka nya sakin"

Parang may hugot ang mga sinasabi ni Kyler at bigla tuloy akong na guilty. Nagbago nga ba talaga ako dahil kay Reyster?

"Kung ano ako dati yon padin naman ako. Walang nagbago sakin, Ako padin 'to si Vinci yung kaibigan mo"

Bumaba si Kyler sa motor nya at nilapag yung suot nyang helmet sa may upuan.

"Yun na nga eh kaibigan lang ang tingin mo sakin pero tinanong moba ako kung ayon lang tingin ko sayo? Alam mo naman yon diba? Dati palang sinabi kona sayo na espesyal ka sakin na gusto kita. Vinci manhid kaba talaga?"

Nagtaas na ng boses si Kyler mabuti nalang at nakaalis na si Winston at wala din masyadong dumadaan na mga tao.

"Sorry Kyler pero matagal ko naman na sinabi sayo na magkaibigan lang tayo"

"Dati tanggap ko yon Vinci! Kasi alam ko natatakot ka mahusgahan, Natatakot ka na madamay ang pamilya mo pero bakit kay Reyster pumayag ka? Bakit kay Reyster nakipag relasyon ka? Ano bang meron sa kanya na wala ako?"

Natahimik ako sa sinabi nya diko alam na nakakasakit na pala ako ng damdamin ng ibang tao.

Pero kahit ako hindi ko masagot ang tanong nya sakin na anong meron si Reyster na wala sya.

"Hayaan mo na nga yon, Wag mona isipin. Sorry kung naging madrama ako."

Lumapit sakin si Kyler tapos sinuot nya sakin yung helmet na hawak ko.

"Tara na?" Dag dag pa nya habang nakangiti.

Pero sa halata sa mga mata nya na malungkot sya.

"Kyler?"

"Vinci wag kana umangal, Please kahit ngayon lang pag bigyan mo ako. Pwede bayon?"

Wala nadin ako nagawa kundi ang umangkas sa motor ni Kyler wala din naman kasi ako gagawin pagkauwe ko eh.

Ewan koba kasi dito kay Kyler ang dami dami namang nagkakandarapang babae sa kanya tapos ako pa ang naisip na magustuhan?

Hindi nako nagtanong kung saan kami pupunta ni Kyler siguro naman hindi nya ako ipapahamak.

Huminto kami ni Kyler sa isang over looking madaming tao don at may mga nakapaligid pang mga kainan at inuman.

"Hi Sir! Table for two?" Bungad samin ng isang staff ata ng kainan.

"Yes po" sagot ni Kyler

At inassist agad kami sa pupwestuhan namin.

"Wag ka mag aalala kakain lang naman tayo hindi naman siguro magseselos ang Boyfriend mo diba?"

"Hindi ahh" agad na sagot ko sa kanya.

Tumingin kami sa menu at parang ayaw kona nga kumain kasi ang mahal ng presyo pancit lang 300+ na.

"Pili kalang ako na bahala" nakangiting sabi ni Kyler

"Sigurado ka?"

"Mag jowa po kayo?"

Napatingin kami pareho ni Kyler ng biglang mag tanong samin yung babae na nagpapasok samin.

"Sana, Kaso naunahan ako eh pero ayos lang po yon. Pag mahal mo ang isang tao tatanggapin mo na may mahal na syang iba"

"Aba grabe ka pala mag mahal Sir sana lahat ng lalaki ganyan" kilig na kilig na sagot nung babae.

"Ate naka order napo ako"

Pag iiba ko sa usapan at baka kung saan pa mapunta.

REYSTER'S POV

"lola Mama"

Sigaw ni Marcus at patakbong yumakap sa lola nya.

"Magandang gabi po Tita, Si Vinci po?"

"Si Vinci? Wala pa dito, Pati nga si Jiro dipa nakakauwe diko alam kung magkasama sila"

"Ganon po ba? Sige po tawagan ko muna"

Lumabas muna ako saglit para tawagan si Vinci dapat ganitong oras ay nakauwe na sya. Pero bakit kaya hanggang ngayon wala pa sya?

Nakailang calls ako sa kanya pero di nya sinasagot ang mga tawag ko.

Asan kaba Vinci????

Si Jom nalang ang tinawagan ko dahil sure ako alam nya kung nasan si Vinci.

"Hello Pre napatawag ka?"

"Pre nandyan pa ba si Vinci?"

"Ha? Kanina pa sya nakapag out dito ahh. Bakit?"

"Sigurado ka???"

"Oo nga pre"

"Sige Pre Salamat."

Asan kaba Vinci?

Dahil sa clueless ako kung nasan ba talaga sya ay bumalik nalang ako sa loob.

"Reyster ano natawagan moba?"

"Di nga po sumasagot sakin eh pero kanina pa daw sya nakapag out sabi ni Jom"

"Ano ba namang mga bata na 'to kung saan saan nagpupupunta hindi man lang nagsasabi. Si Jiro gabi na wala din, Sana lang talaga magkasama silang dalawa."

Alalang sabi ni Tita at napaupo nalang sa. Sofa nila.

"May alam po ba kayo na pwedeng puntahan nilang dalawa?"

"Wala na iilan lang naman ang mga kaibigan ni Vinci eh"

Asan kaba Vinci?

Ngayon lang hindi nag sabi sakin si Vinci kung saan ba sya pupunta kaya naman sobra akong nag-aalala kung nasan ba talaga sya, Pati si Jiro wala din.

"Tita mag aantay nalang po muna ako sa labas dirin kasi ako mapapakali kapag nakaupo lang ako dito"

"Sige Reyster ikaw bahala"

Kung may pupuntahan na iba si Vinci dapat nag sasabi sya sakin hindi ba nya alam na nag aalala nako sa kanya?

VINCI'S POV

"Kyler salamat ahh"

"Wala yon basta ikaw, Salamat pala at pumayag ka"

Masaya ako dahil nakapag usap kami ng masinsinan ni Kyler at nasabi kona ang mga dapat kong sabihin sa kanya.

Sa kabilang banda ay kinakabahan ako pag nakauwe ako sa bahay dahil sigurado ako na sandamakmak na tanong na naman ang itatanong sakin ni Pusa.

"Salamat sa pag hatid sakin"

"Wala bang yaka dyan?"

"Wag na baka makita pa tayo nila Mama"

"Sige na please, Mabilis lang"

Lumapit nalang ako sa kanya at niyakap ko sya wala naman sigurong masama yakap as a friend lang naman.

"Layuan mo ang Boyfriend ko ahh!!"

Napabitaw ako sa pagkakayap kay Kyler sabay lingon kay Pusa. Galit ang reaksyon ni Reyster sabay suntok kay Kyler. Ngayon kolang sya nakita ulit ganito kagalit at parang naging ibang tao sya.

"Pusa ano ba?! Ba't mo sinapak si Kyler?" Pag sigaw ko sa kanya.

"Pinagtatanggol mopa yan? Eh halata naman may binabalak yan!"

Hindi ko alam kung anong nasa utak ni Pusa kaya nilapitan ko nalang si Kyler at humingi ako ng sorry at pag katapos non ay pinaalis ko na din sya baka magsapakan patong dalawa.

"Vinci ano yon? Bakit mag kasama kayo?"

"Niyaya nya lang akong kumain medyo matagal na kasi kami hindi nakakalabas"

"Kaya pumayag ka naman"

"Syempre kaibigan ko si Kyler ehh" 

"At kasama don ang pagyakap nyo sa isa't isa? Vinci baka nakakalimutan mo may Boyfriend kana kaya dapat hindi kana sumasama sa iba basta basta"

"Alam ko naman yon Pusa. Sorry kung hindi ako nag sabi sayo kasi alam kong magagalit ka"

"Alam mo naman palang magagalit ako pero tinuloy mopa din" inis na sabi nya

"Kaya nga nag sosorry ako diba?"

Hindi umimik si Reyster at lumapit sya sakin tapos niyakap nya ako ng mahigpit.

"Sorry kung nagalit ako sayo Vinci,  May tiwala naman ako sayo pero don sa Kyler nayon wala."

"Hindi kita lolokohin Pusa, Ikaw paba? Mahal kita eh"

Napangiti sya sinabi ko at bigla nya akong hinalikan.

"Oyyy pusa!"

Habang magkayakap kami ay may sasakyang huminto sa harap namin nasilaw pa nga kami sa liwanag ng ilaw eh.

"Kuya Vinci! Kuya Reyster!"

"Jiro?"

Bumaba si Jiro sa sasakyan at kasama nya si Papa.

"Papa?"

"Vinci anak"

Lalapit sana sya sakin pero lumayo ako.

"Jiro, bakit mag kasama kayo ni Papa?"

"Vinci wag ka magalit sa kapatid mo ako ang humingi ng favor sa kanya na kung pwede mag kausap kami kaya kung magagalit ka sakin ka dapat magalit"

"At bakit mo naman gusto makausap ang kapatid ko?"

"Vinci gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko at nasabi ko sa inyo alam kong hindi ako nagpakatatay sa inyo pero maniwala ka gusto kong magkaayos tayong mag aama."

Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Papa pero may parte sa utak na nagsasabi na wag baka isa na naman yan sa mga kasinungalingan nya para makuha at mapalapit kami sa kanya.

"Jiro????????"

Lumabas nadin si at nagmamadaling niyakap ang kapatid ko.

"Anong ginawa mo sa anak ko!" Galit na sabi ni Mama

"Wala akong ginawang masama nag usap lang kami"

"Hindi ako naniniwala sa yo!"

"Ma, Kuya Vinci Totoo po ang sinabi ni Papa kumain at nag usap lang po kami wala po syang ibang ginawa o masamang sinabi sakin humingi lang po sya ng tawad" pag singit ni Jiro sa usapan.

"Ma, Jiro pasok napo muna kayo sa loob ako nang bahala dito"

Sumunod naman agad sila sa sinabi ko at naiwan kaming tatlo nila pusa dito.

"Sana totoong humihingi ka ng tawad dahil hindi ko gusto na makitang umiiyak ulit ang mama at kapatid ko hindi ako masamang tao pero kapag mama at kapatid kona ang nadamay ibang usapan nayon. Salamat dahil inuwe mo ng maayos ang kapatid ko hindi ka man matanggap namin sa ngayon wag po kayo mag alala dahil bukas ang pusa namin para mag patawad"

Pagkatapos kong iwan ang mga katagang yon ay pumasok na kami ni Pusa sa bahay kahit anong galit ko sa papa ko ay kaya kong isantabi dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Kahit may mga Mali syang nagawa ay Papa ko padin sya.

# CHAPTER 35

VINCI'S POV

"Kuya, Mama sorry po at pinag-alala ko kayo"

Napatingin muna kami sa isa't isa ni Mama tapos tumayo si Mama at niyakap ang kapatid ko.

"Jiro anak wag mona ulit gagawin yon ahh pinag-alala mo ako ng sobra akala ko kung napano kana"

"Sorry po talaga nalibang lang po ako kasama si papa kaya nawala po sa isip ko sorry po talaga"

"Ayos lang anak ang mahalaga nandito ka"

"Jiro wala bang sinabi sayo si Papa na hindi maganda?"

"Wala po kuya, Nag usap lang po talaga kami at nag sorry sya sakin"

Hinawakan ni Jiro ang kamay namin ni Mama at tiningnan kami ng seryoso.

"Kuya, mama baka po pwede natin bigyan ng chance si Papa? Lahat naman po ng tao deserve ng second chance diba? Lahat naman po deserve patawarin. Malay po natin nagbago na talaga sya at mabuo ulit tayo bilang isang pamilya"

Mabubuo pa kaya namin ang pamilyang matagal ng wasak?

Handa naba kami ni Mama na patawarin si Papa??

"Anak may tamang oras para dyan, Pero sa ngayon kailangan muna ipakita ng papa mo ang sinseridad sa paghingi ng tawad"

Napakabait talaga ni Mama sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya madali lang sa kanya magpatawad. Pero tama sya kailangan muna ni Papa ipakita ang sinseridad nya bago namin sya tanggapin sa pamilya namin.  Ayoko na masaktan ulit si Mama at umasa na mabubuo ang pamilya namin.

"Sana po magkaayos na tayong lahat"

Nagyakapan kaming tatlo at pagkatapos non ay pinapasok nadin ni Mama si Jiro sa kwarto nya para makapag pahinga na sya.

Si Pusa nag paalam nadin samin para puntahan si Marcus kala ate Nara.

"Anak alagaan mo ang puso mo ahh wag mo tularan ang mama na nagpaloko sa pag-ibig"

"Syempre naman Ma, Ako paba?"

"Suportado ko kayo ni Reyster alam ko na magiging mabuti kayong magulang kay Marcus"

"Salamat Ma. Kahit hindi nyo po sabihin aalagan at mamahalin kopo si Reyster at Marcus"

Ang sarap sa pakiramdam na lahat ng tao sa paligid namin ni Pusa ay suportado kami at hindi kami hinusgahan sa pagmamahalan namin.

"Boys Love"

Hindi ko akalain na isa pala ako sa makakaranas nang ganitong pag-ibig at tulad ng bahaghari napa kulay nito at masarap sa pakiramdam.

REYSTER'S POV

Bago ko hinarap si Kim ay inaalala ko muna ang bilin sakin ni Vinci.

'Pusa kapag kaharap muna si Kim hayaan mo na magpaliwanag sya sa side nya don't interrupt her kasi kapag sabay kayong nagsalita at parehong gustong sabihin ang side nyo ay maguguluhan kayo at baka mauwe lang sa sumbatan'

Umupo ako sa table namin ni Kim pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya medyo naiilang pako.

"Hindi ko alam kung paano at saan ako mag sisimula sa paghingi ng sorry sa inyo ng anak ko pero sana mapatawad mona ako"

"Noong iniwan mo kami ni Marcus sobrang nasaktan ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa anak ko halos mabaliw ako nung mawala ka samin pati si Marcus walang tigil sa kakaiyak pero nagbago lahat ng dumating samin si Vinci"

"Aaminin ko naging selfish ako at hindi ko naisip ang magiging resulta ng mga actions na nagawa ko"

"Kim, Gusto kodin mag sorry kung di kita napatawad agad hindi kolang talaga kaya pa ng mga oras nayon gusto kopang ipamukha sayo kung gaano kami nasaktan at nahirapan ni Marcus ng umalis ka"

"Reyster handa naman ako maghintay hanggang sa mapatawad mona ako hindi ko naman ipipilit ang sarili ko"

"Kim kaya ako pumayag na makipag kita sayo dahil gusto kona din matapos na kung ano mang meron tayo gusto kong malaman mo na pinapalaya na kita at wala na akong galit sayo  o kahit sa bago mo tanggap kona na wala na tayo at higit sa lahat kahit magkahiwalay man tayo ng landas ikaw padin ang mommy ni Marcus"

Napaluha si Kim sa mga sinabi ko pero napangiti din sya.

"Maraming salamat Reyster"

Tumayo si Kim sa kinauupuan nya at niyakap ako ng mahigpit.

Akala ko hindi ko kaya ng wala si Kim.

Akala ko sa kanya lang iikot ang mundo ko.

Pero lahat ng akala natin ay pwedeng mabago dahil hindi lahat ng taong kasama natin ay pwedeng mag stay yung iba nagiging parte lang ng buhay natin at nagiging daan para makilala natin kung sino ba talaga ang para satin.

"Wag ka sakin magpasalamat kundi sa kakambal mo sya ang nagkumbisi sakin na kausapin ka ilang beses pa nga namin pinagtalunan to eh"

"Maiba tayo Reyster ano na palang label nyo ng kambal ko? Wag mong subukang magsinungaling sakin at kilala kita"

Kahit magsinungaling pako kay Kim alam kong hindi sya maniniwala sakin tsaka wala nadin naman akong dapat itago.

"Kami na ni Vinci"

"Really!??? I'm so happy to both of you. Basta Reyster wag mong sasaktan si Vinci katulad ng ginawa ko sayo ahhh!  Kinikilig ako sa inyo to be honest "

"Akong bahala kay Vinci hindi ko sasaktan yon Mahal na mahal ko kaya yon" confident na sagot ko kay Kim

"Alam ko naman yon maswerte si Vinci sayo dahil di kalang mabait, Mapagmahal kapa"

"Ako ang swerte sa kanya dahil kung di namin sya nakilala siguro hanggang ngayon lugmok padin kaming mag ama at walang direksyon ang buhay"

Tama si Vinci sobrang nakakagaan sa pakiramdam kapag nailabas mona ang mga problemang matagal munang kinikimkim. Akala ko nung una hindi ko kaya pero ngayon parang long lost friend nalang kami kung makapag usap.

VINCI'S POV

Sana maging maayos ang pag uusap nila, Tiwala ako kay Reyster na maayos nya 'to.

"Grabe noh sobrang magkahawig talaga kayo ni Kim kahit ilang beses na kitang nakita diko padin maiwasan na mamangha"

Nandito kami ngayon ni Drei sa labas ng Cafe habang hinihintay na matapos ang pag-uusap ng dalawa.

"Sa tingin mo? Ano na kayang pinag uusapan nila?"

Tanong ko kay Drei habang nakatingin ako sa magandang tanawin.

"For sure they forgive each other, Alam ko nasaktan sya ni Kim pero sure ako na magkakapatawaran din sila. Gusto kodin pala mag sorry sayo kasi dahil sakin nasira ang pamilya ng kakambal mo,  Kung hindi sana ako dumating sana maaayos pa nila ang relasyon nila.  Pero maniwala ka i convinced kim to stop our relationships pero wala eh nangyari na"

Humarap ako kay Drei at kita naman sa mga mata nya na nag sisisi sya.

"Everything happens for a reason, Nandito tayo para magkapatawaran to continue our lives in a separate ways tama na siguro yung sakit na naramdaman ng bawat isa"

"Tama ka dyan bayaw"

Napangiti ako sa sinabi ni Drei mukhang seryoso na talaga sya kay kim.

"Pre, Hindi man kami matagal na nagkasama ni Kim pero mahal na mahal ko ang kambal ko kaya iingatan mo sya at wag mo syang sasaktan dahil kung hindi, Uupakan talaga kita." Natatawang paalala ko sa kanya.

"Opo bayaw, Isa nalang pala ang kailangan ko ma please. Si Tito Alfredo"

"Si Papa? Bakit hindi paba kayo nagkikita"

"Nakita kona sya twice pero hindi nya ako gusto sa anak nya, gusto nya layuan ko si Kim dahil gusto nya padin si Reyster para sa kambal mo. Gusto nya padin mabuo ang Pamilya ni kim."

"Nako mahirap nga yan. Pero syempre hindi ka dapat sumuko dapat ipag laban mo si Kim kung talagang mahal mo sya"

"Oo naman walang sukuan 'to bayaw"

Ilang minuto lang din ang lumipas lumabas nadin ang dalawa sana lang talaga ay nakapag usap sila ng maayos, Sana nagkapatawaran na sila.

"Kamusta nadin naging pag-uusap nyo pusa?"

"Okay na Vinci, Wala kanang dapat isipin pa tinapos ko ang samin ni Kim at nagkapatawaran na kami"

Napangiti ako dahil sa sinabi nya. 

"Bro, Gusto kodin mag sorry dahil ako ang naging dahilan kung bakit nasaktan kayo ng anak mo" 

Tumingin muna si Pusa sakin bago sumagot sa sinabi ni Drei.

"Okay na, Tapos na. Siguro mag focus nalang tayo sa present at future natin"

Diko alam pero bigla akong kinikilig kasi pag kasabi ni Pusa ng Present at Future ay tumingin sya sakin.

Lumapit din sakin ang kambal ko sabay yakap sakin.

"Vinci alam ko na aalagan at mamahalin mo si Marcus hindi lang bilang pamangkin mo kundi para mo nading tunay na anak.  Naging pabaya at makasarili akong nanay pero wag ka mag alala gagampanan kopadin ang pagiging nanay ko sa anak ko pero higit na mas magiging masaya ang bata sa piling nyo kaya pinapaubaya kona sya sa inyo"

Kahit hindi na ako paalalahanan ni Kim aalagan at mamahalin ko talaga si Marcus na parang anak kona.

"Ako na ang bahala sa mag tatay aalagan ko sila"

Bago kami nag hiwa hiwalay na apat at sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil alam ko na wala ng galit sa mga puso ng bawat isa. Makakapag simula na kami ng panibagong yugto ng aming buhay.

"Vinci salamat pala ahhh"

Tanong ni pusa pagka sakay namin ng sasakyan nya

"Salamat saan?"

"Salamat kasi hindi mo ako sinukuan, Salamat kasi lagi kang nandyan sa tabi ko"

"Syempre Mahal kita eh" nakangiting sabi ko kay pusa

"Anong sabi mo??? Mahal moko????"

"Secret bawal na ulitin"

"Sige na Vinci ulitin mona"

"Dina pwede nasabi kona"

"Okay" malamyang sagot nya sabay paandar sa sasakyan nya.

Nagtatampo din pala ang mga pusa? 

Kinurot ko sa tagaliran si Pusa sabay sabing.

"Si OA ka noh? Oo na Mahal kita. Happy?"

Humarap naman sya sakin na abot tenga ang ngiti.

"Mahal din kita"

////////////////

Bale papunta pala kami ngayon sa bahay ng Mommy at Daddy ni Pusa para sabihin ang tungkol samin pero ramdam ko may idea na sila about samin dahil imposibling hindi nabanggit yon ni Ate Nara sa kanila.

"Pusa kinakabahan ako"

"Ngayon pa? Kilala kana naman din nila tsaka kasama mo ako"

Hinawakan ni Pusa ang kamay ko at nag dorbell na kami. Pero ang kaba ko grabe, Ganito pala kapag pupunta ka sa bahay ng Mahal mo tapos ipapa kilala ka sa parents nila.

Si Tita Diane ang nagbukas samin at nakangiti kaming sinalubong medyo nailang pa nga ako kasi nakita pa nya na magkahawak kamay kami ni Pusa.

Dumiretso kami sa may dining area nila kasi sakto ang dating namin nag hahapunan sila.

"Magandang gabi po Tita, Tito."

"Magandang gabi naman sa inyo Vinci tamang tama mag hahapunan nadin kami sumalo na kayo"

Alok samin ni Tito kaya naman umupo na kami ni Pusa.

"Kumain ka ng madami Vinci wag ka mahiya"

Tumayo si Tita at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Salamat po" nahihiyang sabi ko.

"Toto ano bang atin at bigla kayong napadaan" tanong ni Tito.

Nagkatinginan kami ni Pusa at humawak sya sa kamay ko.

"Ma, Pa. Gusto kolang po sabihin sa inyo na kami na ni Vinci"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko shete ano kayang magiging reaksyon nila?

Matatanggap kaya nila?

Magagalit pa sila?

Ipagtatabuyan ba nila kami?

"Wow! Magandang balita yan! Sabi kona nga ba yung pa deny deny nyo samin wala yon eh!" Nakahinga ako ng maluwag sa naging tugon ni Tito.

"Welcome to our family Vinci, masaya ako at nakatagpo ulit ng bagong pag-ibig ang Toto namin at hindi na sya malulungkot"  sagot naman ni Tita na lalong nag paluwag ng pakiramdam ko.

"Salamat po sa pag tanggap" mahinang sagot ko dahil medyo nahihiya pa talaga ako.

"Aba syempre naman kapag mahal ng anak namin, Mahal nadin namin at kung iniisip mo na hindi namin matatanggap? Nagkakamali ka,  kilala namin si Toto at alam namin na kung ano man ang desisyon na ay talagang pinag-isipan nya kaya bilang magulang nya nandito lang kami para suportahan sya"

Nagkatinginan ulit kami ni Pusa at sabay na napangiti lumapit naman sya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Ayyieee ang sweet nyo naman tingnan" kinikilig na sabi ni Tita

"Ohh sya tama nayan kumain na muna tayo mamaya nyo nayan gawin sa kwarto pero just make sure na hindi kayo mag iingay ahh hindi sounds proof ang kwarto natin"

Muntik nako masamid sa sinabi ni Tito palabiro talaga sya.

"Pa naman" ani ni Pusa

"Biro lang ikaw naman anak masyadong seryoso "

Ang sarap sa pakiramdam na tanggap kami ng parents nya at hindi kami nahirapan mag convince sa kanila para tanggapin kami.

Maayos na si Kim at Pusa kami nalang nila Papa ang hindi pa. Siguro kagaya ni Pusa kailangan kona din tanggapin ang paghingi ng tawad samin ni Papa.

# CHAPTER 36

Pagkatapos naming umalis sa bahay ng Parents ni Pusa ay dumaan naman kami kala ate Nara ang sabi nya kasi ay may ibibigay daw sya sakin.

"Ate Nara salamat pala sa regalo mo ah"

"Nako Vinci wala yon, Ikaw paba? Malakas ka  sakin eh"

Sobra kong na appreciate yung ginawa ni ate, Nag-abala pa sya na mag bigay ng regalo sakin.

"Ano bang regalo mo kay Vinci pwede buksan?" Sabat ni pusa.

"Oo naman"

Na excite naman ako sa sinabi ni ate Nara kaya naman umupo ako para makita kung anong ni regalo nya sakin.

Dahan dahan kong inalis yung ribbon at inangat yung takip ng box at  parang gusto ko nalang biglang maglaho dahil sa laman ng box.

"Vinci ano bakit na tulala ka? Ano bang laman ng box"

Kinuha sakin ni pusa yung box at maging sya nagulat sa laman nito.

Literal na surprise gift talaga sya, dahil isang damakmak na mga condoms ang laman ng box.

"Oh bakit speechless kayong dalawa?  Di nyo ba nagustuhan?"

"Ate naman" angal ni pusa sabay kamot nalang sa ulo nya.

"Maganda naman ang regalo ko ah, diba Vinci?"

Napatango nalang ako kay Ate Nara pero sa totoo lang di ko talaga alam kung anong magiging reaksyon ko.

"Toto wag kanang umangal nagustuhan naman ni Vinci ayaw monon may magagamit kana sa oras ng digmaan anytime and anywhere"

"Ate naman nakakahiya kay Vinci"

"Sus Toto kunwari kapa, pero gagamitin modin naman yan alam mona para safe at hindi agad masundan si Marcus."

"Ate Nara! Hindi ako gumagamit nyan"

Gusto ko nalang maglaho sa harap ng magkapatid dahil ako talaga ang nahihiya.

"Ate Nara mauna na kami at baka kung ano pang masabi mo, tara na Vinci"

Hinawakan ni Pusa ang kamay ko at nagmamadali akong hinila palabas dina tuloy ako nakapag paalam ng maayos kay ate Nara pati sa asawa nya kaya nag sensyas nalang ako. Pero nagpahabol pa sya ng bilin samin.

"Enjoy! Gamitin nyo yan ahhh! Madami yan wag kayo mag tipid"

Pagkalabas namin ng bahay nila ate Nara ay hindi ko mapigilan ang di mapangiti pano kasi si pusa halatang naaasar na sa ate nya.

"Bakit nakangiti ka?" 

"Wala lang masaya lang" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Bakit gusto mo bayang regalo nya sayo?"

"Oo naman syempre galing sa ate mo"

"Sus, Di naman ako gumagamit ng ganyan sagabal lang"

Lalo akong napangiti sa naging sagot ni pusa kaya lumapit ako sa kanya para asarin sya .

"Sagabal? So nakagamit kana nito?" 

Hindi sya sumagot sakin kaya naman nagsalita ulit ako.

"Grabe ka pusa"

"Oo nakagamit na ako nyan but i didn't continue dahil kagaya ng sinabi ko, Sagabal sya. Wag na nga tayo mag usap ng ganyan Vinci"

Pumasok nalang ako sa sasakyan dahil baka kung asarin ko pa sya ay mapikon lalo sya sakin. Pero seryoso nakagamit na sya ng condom? 

"Pusa seryoso? Nakagamit kana talaga nyan?"

Curious talaga ako malaman but at the same time medyo may kirot sa dibdib ko.

"Oo gusto mo i try ko sayo?"

Parang guso konang lumabas ng sasakyan dahil sa sinabi nya.

"G*g* ka! Kabastusan mo! Gusto mo upakan kita?"

"Ito naman hindi mabiro" natatawang Sabi nya.

Dahil curious ako na malaman kung anong itsura ng regalo sakin ni Ate Nara ay kumuha ako ng isa at binuksan ko. Medyo madulas sya at hugis bilog pero mabango.

"Seryoso ka Vinci dito talaga tayo sa kotse?"

"Ha?" Takang tanong ko sa kanya. "Pinag sasabi mo?"

"Eh ba't mo binuksan?"

"Syempre curious ako sa itsura. Masama ba?"

"Ayy akala kopa naman"

"Akala mo na ano?"

"Wala sabi ko ang cute mo" 

Itong si Pusa may pag ka many*k din pala haha. 

"Vinci salamat ulit dahil hindi moko sinukuan dahil sayo napatawad ko si Kim at sobrang gumaan ang pakiramdam ko"
Pag-iiba ni Pusa sa usapan.

"Basta para sayo Pusa, ikaw paba? Malakas ka ata sakin"

"Vinci pwede bang wag na Pusa ang itawag mo sakin? Parang ang pangit kasi pakinggan, Boyfriend moko tapos pusa ang tawag mo sakin."

"Hindi naman pangit, Ang cute kaya. Pusa. Pero ano bang gusto mong itawag ko sayo?"

Nag isip muna si Pusa bago sya tumingin sakin.

"Asawa"

"Asawa???" Takang tanong ko sa kanya Baka kasi namali lang ako ng dinig.

"Oo. Asawa"

"Bakit di naman tayo kasal ah bakit asawa ang itatawag ko sayo?"

"Basta ayon ang gusto kong itawag mo sakin. Wag kanang umangal"

Mukhang seryoso talaga si pusa na Asawa ang itawag ko sa kanya. Dahil wala naman àkong choice ay hinalikan ko nalang sa pisngi ang asawa ko medyo nagulat pa nga sya.

Pag dating namin sa bahay ay si mama nalang ang naabutan naming gising at maaga daw nakatulog ang dalawang bata.

"Ma ba't hindi papo kayo nag papahinga?"

Nagmano kami pareho ni asawa kay mama.

"Gusto kolang kasi ibigay sayo to"

May inabot sakin si mama na sobre at agad ko namang tiningnan kung anong laman non.

Isang invitation card "Wang Jin Chua" ang pangalan ng celebrant, hindi ko kilala ang pangalang nakasulat pero kaapelyido sya ni Papa.

"Ma kanino po galing 'to?"

"Binigay yan ni Kim, Inimbitahan nya tayo sa birthday ng lola nyo"

Unang pumasok sa isip ko ang salitang 'Pupunta ba kami?'

"Ayoko sana pumunta tayo dyan anak dahil ayoko na sila makita, natatakot ako sa pwede nilang gawin. Pero hindi ko mahindian ang kambal mo at inaasahan nya tayong pumunta"

Niyakap ko si mama ng mahigpit at kahit wala pa akong pormal na sagot kung pupunta ba kami o hindi kahit sa pamamagitan man lang ng yakap ko ay maramdaman nya na hindi sya nag iisa sa laban.

"Wag kang mag-alala Ma poprotektahan po kita at walang makakapanakit sa inyo."

~~~~~~~

"Asawa pupunta ba kayo?" Tanong sakin ni Reyster ng makapasok kami sa kwarto.

"Hindi ko alam asawa, Pero kung ikaw ang tatanungin dapat ba kaming pumunta?"

"Oo naman, Lola nyo ang may birthday sigurado ako na mas magiging masaya sya kung pupunta ang mga apo nya. Kahit ako never kopang na meet ang lola nyo tanging si Tito Alfredo lang kasi ang laging kasama ni Kim"

Matutuwa kaya ang lola namin pag nakita nya kaming dalawa ni Jiro?

Mabait kaya sya?

"I love you asawa" biglang singit ni Pusa kaya naman imbis na isipin ko kung pupunta ba kami o hindi ay unahin ko muna ang pusa na katabi ko.

Ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko parang kailan lang nabangga ako tapos ng magising ako bigla ako nag karoon ng anak, Nagpanggap ako bilang dada ni Marcus at asawa ni Reyster, Tapos nalaman ko na may kambal ako at nakilala ko si papa.

"Daddy! Dada!"

Napabangon agad kami ni Asawa ng marinig namin ang tawag ni Marcus at umiiyak sya.

"Anak bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ni Reyster 

"Napanaginipan kopo kasi si Dada, He leaves us and sumama sya don sa kuya ni Tito Jiro don sa pogi"

Lumapit agad ako Marcus at niyakap ko sya  alam ko kung sino ang tinutukoy nya, Si Kyler.

"Jiro hindi kayo iiwan ni Dada okay? Love na love ko kaya kayo ni Daddy"

Tumahan naman si Marcus pag kasabi ko non at niyaya kona syang tumabi samin pagtulog.

"Kita muna asawa? Pati sa panaginip ginugulo tayo ni Kyler"

"Panaginip lang yon, May asawa nako dina ako maghahanap ng iba"

Napangiti naman si Reyster sa sinabi ko, Kinilig agad sa banat ko.

"Dapat lang. Subukan lang talaga ng Kyler nayon gugulpuhin ko talaga sya"

"Wag na nga natin pag usapan yung tao matulog nalang tayo"

Nagkiss muna kami ni Reyster bago kami natulog, Dati naiilang pako maging sweet sa kanya ngayon hindi na.

KIM'S POV

"Drei kanina kapa tulala dyan? May problema ba?"

Kanina pa kasi tulala si Drei parang ang lalim ng iniisip.

"Kim hanggang kailan ako hindi tatanggapin ng Daddy mo? I mean ginagawa ko naman ang lahat para matanggap nya ako pero hanggang ngayon si Reyster padin ang gusto nya para sayo"

Bigla ako na konsensya sa sinabi ni Drei.

"Sorry Drei, Pero ginagawa ko naman ang lahat para ma convince si Daddy na magustuhan ka"

Biglang tumayo si Drei kaya naman niyakap ko agad sya.

"Kim mahal kita, Mahal na mahal. Pero kung patuloy mong susundin ang Daddy mo walang mangyayari sa relationship natin"

"Just give me some time, After nang birthday ni Lola. Kung dika padin matanggap ni Daddy, Lalayo tayo. Kahit saan tayo pumunta basta magkasama tayo"

Ngayon naiintindihan kona si Mommy kung bakit sya lumayo kasama sila Vinci dahil mas pinili nya kung anong alam nyang tama.

"By the way Drei gusto kong pumunta ka sa party ni Mamita ipapakilala kita sa kanya"

"Kinakabahan ako Kim, Pano kung hindi nya ako magustuhan kagaya ng Daddy mo?"

"Akong bahala, Hindi ko hahayaan na ipahiya ka nila atsaka nandon din si Vinci"

Gagamitin ko ang pagkakataon nayon para mapag ayos ko sila Mommy at daddy at sure ako na matutuwa si Mamita na makilala ang iba pa nyang mga apo.

# CHAPTER 37

KIM'S POV

"Anak ang aga mo naman nag punta dito? Anong meron?"

"Good Morning Mommy"
yumakap agad ako Kay ng makita ko sya.

"Wag muna akong tawaging Mommy, Hindi naman ako mayaman Mama nalang ang itawag mo sakin"

"Sige po Mama, By the way Mama she's my Friend Katherine and susukatan nya kayo para sa susuutin nyo sa Birthday ni Mamita"

"Nako anak wala kaming pambayad meron naman akong Dress sa cabinet na hindi nagagamit yun nalang siguro ang susuutin ko"

"Tita don't worry about the payment Kim and I are good friends kaya naman gagawin ko 'to for free and I'll make sure na magiging 10 years younger ang look nyo"

"Nako nakakahiya naman" nahihiyang sabi ni Mama 

"Ma asan po pala sila Vinci?"

" Sila Vinci nandon sa kwarto nya kasama yung mag ama, tapos si Jiro nag Cr lang. Gusto moba tawagin ko sila?"

"No need Mama ako nalang po ang tatawag  sa kanila para masukatan nadin po kayo ni Kath"

Nagpaalam ako sa kanila at nagtungo nako papunta sa kwarto nila Vinci kakatok sana ako kaso naisip ko na baka tulog pa sila kaya naman sinubukan kong pihitin yung pinto at saktong hindi nala lock kaya naman dahan dahan koyong binuksan para makita kung tulog padin ba sila.

Bumungad sakin sila Vinci at Reyster na magkayakap habang nasa gitna nila si Marcus. Napangiti nalang ako sa nakita ko dahil kahit hindi ako naging perpektong nanay at asawa ay pinunuan naman ng kambal ko ang mga pagkukulang ko.

"Ate Kim?"

Agad kong sinara ang pinto ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Jiro.

"Jiro, ikaw pala"

"Tulog pa poba sila kuya Vinci? Gusto mopo gisingin ko sila?"

"Nako wag na mahimbing pa ang tulog nila. Halika papasukatan na kita para sa susuutin nyo sa birthday ni Mamita"

"Birthday po?" Takang tanong ni Jiro hindi pa siguro nabanggit ni Mama ang tungkol sa pag invite ko sa kanila.

"Oo Jiro Birthday ng Mamita natin next week, Mommy sya ng daddy natin in short Lola natin sya"

"Wow may lola pa po pala tayo"

"Syempre naman kaya halika na ng masukatan ka"

Niyaya ko si Jiro pabalik ng salas at sakto tapos nading sukatan ni Kath si Mama.

"Yan naba yung younger brother mo? Ang gwapo din ahh lahi nyo talaga ang magaganda't gwapo how about your twin brother tulog padin ba? Excited na kasi ako makita ang Boy Version ng Friend ko"

"Tulog pa sila wag nalang muna natin sila istorbohin"

Pinasukatan kona kay Kath si Jiro at kita sa mukha ng kapatid ko ang sobrang pagka excite.

"Salamat anak"

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at sabay naming pinag masdan si Jiro.

"Always welcome Ma, kahit sa ganitong paraan mapasaya ko kayo"

Gusto ko maging maganda ang susuutin nila pag punta nila sa Birthday ni Mamita dahil ayoko na may masabi pa si Mamita sa kanila.

VINCI'S POV 

Pagkagising ko ay hinanap ko agad yung phone ko para tingnan yung at napa balikwas ako ng bangon dahil pasado alas nwebe na ng umaga.

Shete napasarap ang tulog namin!!!

"Dada what's wrong?" Pati si Marcus nagising tuloy.

"Wala Marcus matulog kapa dyan"

"Asawa bakit ba nag mamadali ka? May lakad kaba?" Tanong sakin ni Reyster habang nag uunat pa.

"Anong lakad? May pasok ako ngayon ano mag teleport ako para makarating agad don?" Inis na sagot ko kay Reyster.

"Wag muna intindihin ang trabaho mo naipaalam na kita kay Jom, Sinabi ko na pagod ka kaya pumayag naman sya"

"Pusa naman!"

"Anong Pusa?"

Napangon ng wala sa oras si Reyster at lumapit sakin.

"Diba ang sabi ko sayo Asawa na ang itawag mo sakin?"

Dahan dahang nilapit ni Reyster yung mukha nya sa mukha ko Pero todo iwas ako.

"Oo na, Asawa dipa ako nag mumumog."

"Walang problema sakin"

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil ang lalim ng pagkakasabi ni Reyster at  tinapat pa sa tenga ko.

"Daddy? Dada? what are you doing? Don't you see that I'm here"

"Nako Marcus pag sabihan moyang Daddy mo ang aga aga ang Lib*g"

"Po? What is Lib*g?" Takang tanong ni Marcus. 

Gusto kong suntukin ang bibig ko dahil sa nasabi ko at narinig pa ng bata.

"Marcus anak ang ibig sabihin ng Dada mo ay Love ko sya" pagpapaliwanag ni Pusa.

Ngumiti lang ako kay Marcus at lumabas nako ng kwarto para tingnan kung may pagkain na kami anong oras nadin kasi.

"Ma may almusal napo ba? Tinanghali kami nila Reyster magising"

"Meron na anak tawagin muna yung mag ama para makakain nadin sila, Sayang dimo naabutan si Kim maaga sya nagpunta dito at sinukatan nya kami ng kapatid mo para sa isusuot namin sa Party ng Lola nyo. Alam naman daw nya yung sukat ni Marcus at Reyster kaya okay nadaw ipaparehong sukat nya nalang daw kayo ni Reyster dahil magkasing katawan lang naman kayo"

"Ganon po ba Ma, balikan kolang po yung magtatay"

Pagbalik ko sa kwarto namin ay nakahilata pa ang pusa habang yung anak nya ay hawak na yung ipod at nanonood. Kumuha ako ng unan at binato siya sa mukha kya naman napatingin sya sakin.

"Asawa naman"

"Bumangon kana at tanghali na, Ano buhay mayaman? May taga silbi kayo? Pano nalang pag nawala ako? Sino ang mag aasikaso sayo inyo? Wala diba? Mga buhay Prinsesa't Prinsepe pa naman kayo."

Pero hindi ko yon sinabi kay Pusa, Sa isip kolang sinabi.

"Kakain na tayo"

"Wow ano pong ulam??"

"Dinasaur Marcus" pabirong sagot ko sa bata.

"Really Dada? Ulam po natin ay Dinasaur?"

Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Marcus talagang naniniwala syang Dinasaur ang ulam namin.

Binuhat kona lang si Marcus at sumunod nadin samin si Reyster.

"Good morning kuya Vinci, Kuya Reyster"

"Good morning din po Tito Jiro"
Si Marcus na ang sumagot para samin.

"Kuya Next week napo pala ang competition ko manood po kayo ahh promise gagalingan ko" confident na sabi ni Jiro.

"Aba syempre naman manonood kami ni Mama"

"Me too Tito Jiro!" Masayang sabi ni Marcus.

"Ako din Jiro pupunta"

"Thank you po pala kuya Reyster sa pagtulong samin"

"Wala yon ikaw paba? Malakas ka sakin. Ako lang naman ang hindi malakas sayo eh"

"Po?"

"Sabi kasi ni Marcus sakin dati si Kyler daw ang gusto mong mapangasawa ng kuya Vinci mo"

"Joke lang po yon kuya, syempre po kung sino po ang love ng kuya ko sya din ang love ko"

"Wow tito Jiro Lib*g nyo din po pala ang Dada ko"

Tinakpan ko agad yung bibig ni Marcus dahil sa sinabi nya, syete nadatdaan nya pa pala yung sinabi ko kanina loko kasi 'tong pusa na to eh.

"Ah eh Marcus? Kain na muna tayo"

Habang kumakain kami ay hindi ako makatingin kay pusa dahil kapag napapalingon ako sa kanya ay halatang tinatawanan nya ako.

Minus points na talaga ako sa langit naturuan kona si Marcus ng bad words.

"Anak wala pala tayong tubig ngayon may nasirang tubo hindi pa inaayos kaya mag igib na muna kayo sa poso"

"Opo Ma kami ng bahala"

"Asawa what is Poso?"

"Poso hindi mo alam?"

Umiling nalang sakin si Pusa. Iba talaga pag rich kid tamang gripo gripo lang.

"Poso yan yung tagalog ng Heart. Poso"

"Asawa naman niloloko pako"

"Malalaman modin mamaya okay? Kaya kumain ka ng madami dahil kakailanganin mo ng madaming energy"

Parang bigla akong nagka evil plan. Yari ka sakin pusa tinatawanan tawanan moko kanina ahh tingnan natin ngayon. Ha ha ha.

"Dada why are you smiling?"

"Wala lang may naisip lang ako bigla"

Pagkatapos naming kumain ay ako nadin yung nag hugas habang yung mag ama ay nasa sala lang naglalaro.

////////////////

"Asaw para san 'to?"

Inabot ko kay Reyster yung dalawang timba dahil mag iigib na kami.

"Diba gusto mong malaman kung ano ang poso? Lika sumama ka sakin"

Iniwan muna namin kay mama si Marcus dahil mag iigib lang kami ni Reyster sa Posohan, Kainis kasi kung kelan mainit ang panahon tsaka pa nawalan ng tubig.

Pagdating namin sa posohan ay madaming nakapila aabutin siguro kami ng syam syam bago kami makasahod.

"Asawa mahaba ang pila, doon nalang kaya tayo muna sa bahay" alok sakin ni Reyster 

"No mag iigib tayo dito i want you to experience kung pano mag igib sa poso"

Habang nag uusap kami ni Reyster ay may biglang yumakap sakin.

"Hi Vinci! Na miss kita! Tagal na kitang hindi nakikita! Wala ka pading pinagbago nag gwapo at ang sarap mo padin!"

Si Andrew lang pala AKA Andrea sya yung baklang may crush sakin dati nga inalok pako nyan ng 150 daw hahaha.

"Andrea baka naman pwede mo kaming pasingitin may lakad pa kasi kami" sabay kindat sa kanya.

"Nako Vinci dina uubra sakin ang kindat mo,   dapat kiss" maharot nyang sabi sakin Habang nakahawak sa braso ko.

"Kiss lang ba? Sige meron akong irereto sayo"

Hinila ko palapit si Reyster sa kanya.

"Sino naman sya?"

"Wag kana mag tanong, basta papasingitin mo kami kapag kiniss ka nya?"

Tinitigan nya si Reyster ng maigi bago sa sumagot.

"Hhmnm sige, In fairness gwapo sya, maputi"

Hinila ako palayo ni Reyster para hindi marinig ni Andrea yung sasabihin nya.

"Asawa anong ginagawa mo? Para mo naman akong binebenta sa kanya "

"Sige na pumayag kana para makasingit na tayo dahil kung hindi aabutin tayo ng hapon dito"

"Ayoko asawa"

"Pumayag kana, Kapag pumayag ka ikikiss kita mamaya sa bahay"

"Talaga???"

"Oo, kiss sabay Hug pa"

"Talaga? Kiss sa bay*g? Este kiss sabay hug?"

Kinurot ko ng mahina si Reyster dahil kung ano ano na namang lumalabas sa bibig nya siguro kakasama nya yan kay Jom dati naman ang tahimik nya lang parang pusa sa isang tabi.

Wala ding nagawa si Reyster kundi ang pagbigyan ako syempre di na sya talo may kapalit naman yung pag payag nya.

Pinasingit na nga kami ni Andrea dahil kaya nakapag igib kami ni Reyster. Bale apat na timba yung dala nami tag dalawa kami.

"Asawa ayan pala yung poso"

"Oo ayan yon, Kaya simulan muna mag igib dahil baka di na tayo makauwe ng buhay"

Dahil pina singit kami ni Andrea ay ang sama ng tingin samin ng mg taong naunahan namin. Tinuturuan kopa si pusa kung pano mag igib sa poso at Pagkatapos naming mapuno yung mga timba ay umalis na agad kami.

"Ano asawa kaya mopa?"
Natatawang tanong ko kay Reyster kasi parang hirap na hirap na sya.

"Basic lang 'to asawa"

Huminto muna ako sa pagbubuhat at nilapitan ko sya.

"Asawa sobrang pawis mo"

Nakunsensya ako bigla dahil pinag buhat ko sya hindi nga pala sya sanay sa ganitong buhay.
Biglang nag hubad si Reyster ng t-shirt nya at pinunasan nya yung pawis nya. Napa titig ako sa katawan nya at maganda din pala batak sa kakasayaw at pagkakaalam ko nag gigym din sya.

"Asawa titig na titig? Parang di mo pa nakita to ahh? Ipapatikim kopa sayo" 

"Dami mong alam! Akin na nga yan"

Inagaw ko sa kanya yung damit nya tapos ako ang nagpunas ng pawis nya.

"Vinci? Reyster? What is the meaning of this?"

Napalingon kami ng sabay sa pamilyar na boses na nagsalita. Si Papa at parang hindi sya makapaniwala sa nakita nya, Hindi pa pala nya alam ang tungkol samin ni Reyster.

# CHAPTER 38 

"Vinci, Reyster? What is the meaning of this?"

Hindi ko inaasahan na makikita ko si papa ngayon at masasaktuhan pa na magkasama kami ni Reyster.

Tumingin ako kay Reyster dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Papa nabigla talaga ako. Pero lumapit padin si Reyster at nagmano sya kay Papa.

"Magandang umaga po Tito, bumisita lang po kami ni Marcus kala Vinci kasi na mimiss nya na daw po ang lola at mga Tito nya"

"Ganon ba? Pero si Kim hindi mo manlang ba bibisatahin? Hindi mo man lang ba susubukan ayusin ang relasyon nyo. Kasal kayo ng anak ko at ayokong masira ang buhay ng apo ko at lumaki na sira ang Pamilya nya"

Hindi makatingin si Reyster ng diretso kay Papa.

"Pa pwede po ba wag na natin pag-usapan ang mga bagay na ganyan okay napo sila ni Kim, Nagkapatawaran nadin po sila at pareho po nilang pinagdesisyonan na mag focus na sa kani kanilang buhay ngayon ng hindi magkasama"

"But how about may apo?"

"Pa hindi po porket hiwalay sila ay mapapabayaan na nila si Marcus pwede padin naman po sila magpaka parents sa bata kahit na hindi sila nakatira sa iisang bubong"

"Ayoko lang naman na lumaki sya katulad sa in---"

"Katulad kanino? Katulad samin ni Jiro? Na lumaki na hindi buo ang Pamilya? Mawalang galang napo kahit si Mama lang ang nagpalaki samin ay kinaya nya. Hindi man kami mayaman Pero pinalaki nya kami bilang isang mabuting tao"
Hindi kuna pinatapos magsalita si Papa kasi alam ko naman na kami ang tinutukoy nya.

"Vinci anak hindi naman sa ganon"

"Lalaki si Marcus ng isang mabuting tao, Dahil nandito ako, Si Mama at lahat ng taong nag mamahal sa kanya. Magandang umaga din po ulit Pa, mauna na kami umuwe baka inaantay na ni Mama yung tubig"

Ngumiti padin ako kay papa at umalis na kaming dalawa ni Reyster.

"Asawa what if malaman ni Tito ang tungkol satin?"

Nilapag ko muna yung timbang buhat buhat ko tapos nilingon ko si Reyster.

"Eh ano naman? Hindi na ako Bata alam kona ang tama at mali" nakangiting sagot ko kay Reyster.

Lumapit bigla sakin ag asawa ko at hinalikan ako na ikinagulat ko.

"Ba't mo ko hinalikan? Pano kung may makakita?"

Ginawa ko nalang rason yon kahit wala naman talaga ako paki alam sa sasabihin ng iba.

"Eh ano naman? Diba sabi mo alam muna ang tama at mali?"

"Dami mong sinasabi magbuhat kana para makaligo kana at medyo naaamoy kuna ang pawis mo"

"Ahhh talaga lang ha?"

Bigla akong binasa ni Reyster kaya naman gumanti din ako ng basa, para kaming mga batang nagbabasaan sa daanan mabuti nalang at walang mga dumadaan ngayon kundi pagkakamalan kaming mga isip bata haha.

Kita ko ang saya sa mukha ng Asawa ko, Ganito pala sya maging masaya kapag kumportable sya sa isang tao.

"Vinci, Reyster baka hindi na makaabot yang tubig sa bahay"

Natigil kami ng bigla naming marinig ang boses ni Mama at mukhang may lakad sya dahil bihis na bihis sya.

"Tita ang ganda nyo po ngayon ah, May lakad poba kayo?"

"Oo nga Ma san punta nyo?"

"Bibili lang ako ng ireregalo natin sa lola mo ilang araw nalang kasi Birthday nya na. Sige na mga anak mauna nako baka matraffic ako, dalhin nyo na yang tubig sa bahay para makaligo nadin ang mga bata."

"Sige po Ma, Ingat po"

Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Mama na  bibili ng regalo kasi iba ang awra nya ngayon sobrang ganda nya i mean parang nagdadalaga palang sya. Hindi kaya may ka date si Mama? 

"Asawa wag muna masyadong isipin si Tita Malay mo naman nag ayos lang talaga sya"

Kung sakali man may date si Mama wala naman na ako magagawa deserve ni mama na maging masaya din dahil sa buing buhay nya kami ang pinagtuunan nya ng pansin.

THERESA'S POV

"Wala kapa ding pinag bago Theresa you're still beautiful" 

Bati sakin ni Alfredo nang makita nya ako. Tumawag kasi sya sakin para mapag usapan namin ang tungkol sa mga bata. Pero umayos padin ako ng upo at umaktong parang wala lang yung sinabi nya.

"Ano ba ang dapat nating pag-usapan tungkol sa mga bata at gano yon ka importante at kailangan mopa makipag kita sakin"

"Hindi nako magpapaligoy ligoy pa i want you to be with me again, Gusto kong mabuo ang Pamilya natin"

Mabuti nalang at nasa mamahaling restaurant kami dahil kung hindi baka nasigawan kona sya. 

Ang lakas ng loob nya para sabihing buohin namin ang Pamilya namin pagkatapos ng mahabang panahon ngayon lang nya sasabihin yon. Anong akala nya sa isang relasayon, Isang yelo? Na kapag natunaw ay ireref nya lang tapos okay na.

"Akala koba tungkol sa mga bata nag pag-uusapan natin"

"Kaya nga para sa kanila din naman ito kaya ko gusto mabuo ang Pamilya natin ayaw moba mangyari yon?"

"Gusto ko. Pero patunayan mo muna samin ng mga anak mo na handa kanang mag paka tatay sa kanila at Asawa sakin kahit hindi naman tayo kasal"

"So you want me to marry you?"

Nung bago palang kami ni Alfredo isa yan sa pangarap ko ang magpakasal kami at bubuo kami ng sarili naming Pamilya. Mahal namin ang isat isa at akala ko wala ng makakapaghiwalay samin.

"No. Ayokong magpanggap ka sa mga ikinikilos mo dahil lang sa sinabi ko. Kung talagang desidido ka magkukusa ka at mararamdaman namin yon"

Napatigil sandali si Alfredo at uminim ng coffee na nasa harap nya.

"I'm sorry for everything I've done to you, especially to our children. Just give me a little time I promise I will show you how determined I am to get you and build our family again"

Sana nga totoo ang mga sinasabi nya at hindi na sya maging sunod sunuran sa gusto ng Parent nya.

"Can i ask you a question?" Seryosong tanong ni Alfredo 

"Ano yon?"

"Anong meron kay Vinci at Reyster i mean there's something about them that i can't explain. Kung hindi ko sila kilala iisipin kong may relasyon sila"

Wala ako sa lugar para sagutin ang tanong nya dahil gusto ko manggaling mismo sa anak ko ang mga salitang magkukumpirma tungkol sa relasyon nila. 

"Malalaman modin yon pero sa ngayon hindi ko masasagot ang tanong mo. Wala kana bang ibang sasabihin? Kasi kailangan kuna muna umuwe walang mag aasikaso sa dalawang bata sa bahay"

Tumayo nako sa kinauupuan ko pero biglang hinawakan ni Alfredo ang kamay ko  kaya agad ko naman kinalas ang pagkakahawak nya.

"Ihahatid na kita"

Hindi nako nagsalita pero sumangayon padin ako sa alok nya.

VINCI'S POV 

"Dada, Daddy. Pawis po kayo"

Lumapit agad samin si Marcus ng makita nya kami ng Daddy nya.

"Opo baby nag-igib kasi kami ng tubig para makaligo kayo"

"Wow Thank you Dada"

Nagkiss sa pisngi ko si Marcus kaya naman parang nawala bigla ang pagod ko. Napaka sweet nya kasing bata.

"Marcus magbihis muna kami ni Dada mo" 

Tumango ang bata tapos bumalik na sya sa  Tito Jiro nya.

Pagkapos namin sa kwarto ko ay bigla akong tinulak ni Reyster sa higaan.

"Oyyy anong gagawin mo?"

Dahan dahan lumapit si Reyster sakin na parang may gagawing hindi maganda. Habang umaatras ako ay lumalapit naman sya hanggang sa n corner nya ako.

"A-asawa ba-baka biglang pumasok ang mga bata" utal kong sabi sa kanya habang ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Di sila papasok dito dahil napag-usapan na namin 'to"

"Ha????...... Re-Reyster ba---"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan nako ni Reyster sa labi as in torrid kiss talaga.

"Diba sabi ko sayo Asawa ang itawag mo sakin" bulong nya sa tenga ko kaya naman napatawa ako.

"Oo na Asawa na, pero dipa ako ready"

"Ako ready na" 

Tuloy tuloy lang sya sa paghalik sakin habang ako di makaganti kasi kinakabahan ako at hindi ako marunong humalik. Hinawakan ni Reyster yung kamay ko tapos tinapat sa may ano nya! (Alam nyo nayon) Pero dahil kabado ako ay tinanggal ko agad.

"Asawa please hold it"
Parang wala sa sariling uto ni Reyster at sa hindi ko malamang dahilan at kahit nanginginig ako ay ginawa ko padin.

Lord gabayan nyo po ako!

Ang init ng katawan ni Reyster, Mukhang wala na akong magagawa kundi magubaya. Kaya naman pinikit ko nalang ang mga mata ko at naghintay sa susunod na mangyayari.

Pero naghintay ako ng ilang segundo hindi naman kumilos si Reyster kaya dumilat nako.

"Ba't ka tumigil?" Takang tanong ko.

"Bakit gusto mo naba? Asawa ireserve mo muna dahil gusto ko kapag okay na tayo sa Daddy mo tsaka natin gagawin yon"

Kinuha ko yung unan tapos binato ko kay Reyster.

"Alam mo pabitin ka!"

"Sorry asawa, Gusto mo naba?"

Hindi ko sya sinagot at bumangon nalang ako sabay titig sa kanya ng masama.

"Are you sure na lalabas kana?" Natatawang tanong nya.

"Are you sure na lalabas kana?" Pag-uulit ko sa tanong nya na may halong pang-aasar "syempre lalabas nako, Pabitin ka eh"

"Sure ka talaga?" Sabay turo sa may harapan ko. Namula naman ako sa nakita ko sabay kuha ng unan at takip dito.

"Bastos!"

"Sorry asawa nabitin ba kita?"

Hindi ko nalang sya sinagot at tinalikuran kona humanda talaga sya sakin hindi pwedeng hindi ako gumanti. Yari ka sakin Pusa ka!!!!

Binitin moko? Pwes mabibitin ka sakin antayin molang ang ganti ng isang taong nabitin!

"Kuya bakit may dala kang unan papuntang Cr?" 

"Ah eh ito ba? Nasama lang" 

Hinagis ko sa kapatid ko yung unan na dala ko sabay pasok sa loob ng cr. Nanggigil talaga ako kay Reyster!!!! Sobrang na init ng katawan ko at mukhang kinakailangan kona  gawin ang ritwal (Oppss SPG bawal sa mga bata) binuksan ko yung gripo dahil hindi magiging successful ang ritwal kung nakapatay ito.

Habang nag sasagawa ako ng ritwal ay bigla may kumatok.

"Asawa, need help? Mas maganda kung nandyan ako"

"G*g* ka! Lubayan mo muna ako please langgggggggggggggggggggggg"

Napamura ako ng wala sa oras ng biglang kumatok si Reyster lakas nya talaga mang-asar.

# CHAPTER 39

VINCI'S POV

"Asawa ang gwapo mo"
Puri sakin ni Reyster sabay yakap mula sa likod ko .

"Asawa baka makusot yung damit ko" 

Kumalas naman sya sabay talikod at akmang lalabas sa kwarto.

"Sige pag lumabas ka dyan di na ako sasama mag isa ka pumunta don" pananakot ko sa kanya. Agad naman sya tumkbo palapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Si OA kana noh? Asawa, Tampo agad. Pero ang gwapo mo sa suot mo ngayon Asawa" pag-puri ko sa kanya.

"Talaga?"

"Oo naman, pero mas gwapo ako sayo kaya nga patay na patay sakin diba?"

Niyakap ako ulit ni Reyster sabay halik sa leeg ko. Inuumpisahan na naman nya ako harutin akala nya siguro nakalimutan kona yung pambibitin nya sakin? NO! gagantin pako sa kanya.

"Dada, Daddy" tawag samin ni Marcus na nakabihis nadin at napaka cute nya sa suot nya kasama nya din si Jiro.

"Anak ang gwapo mo ahh" bati ni Reyster sa anak nya.

"Kayo din po ni Dada"

Lumapit ako kay Marcus at kinarga ko sya tapos hinalikan sa pisngi.

"Jiro binatang binata kana" bati ko sa kapatid ko.

"Kuya nasa baba napo yung sundo natin"

"Ganon ba sige mauna na kayo ni Marcus susunod kami ni Kuya Reyster mo"

"Sige po kuya"

"Bye Dada, Daddy"

Nag babye na kami kala Marcus tapos tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.

"Asawa tama nayan gwapo kana"

Hinawakan ni Reyster yung kamay ko kaya naman nilapit ko sya sakin at siniil ko sya ng halik sabay tulak sa kanya sa kama.

"Asawa anong ginagawa mo? Baka malate tayo"

Kinuha ko yung phone ko at nagpindot don pag tapos ay pinakita ko sa kanya.

"Pinauna kona sila Mama, diba may motor ka naman? Edi ayon gamitin natin"

"Pero???"

Tinakpan ko yung bibig nya sabay kinindatan ko sya.

"Wag kana pumalag pwede?"

Dahan dahan ako bumaba patungo sa kayamanan ni Reyster at dahan dahang tinanggal yung belt nya. Nakatitig lang kami sa isat isa habang abala ako sa pagtanggal ng pants nya. Hinawakan ni Reyster yung balikat ko at pilit na ibinababa ito. 

Excited yan?

Inamoy amoy ko muna yung boxer nya tapos akmang ibaba kuna yon pero binalik ko ulit.

"Asawa naman pabitin" angal ni Reyster sakin.

"Ayusin muna ang sarili mo inaantay na tayo ni Mama sa baba"

"Akala koba Pinauna muna sila?"

"Wala pala akong load kaya hindi nag send yung text ko haha"

Bumangon ako at inayos ko yung damit ko sabay tingin kay Reyster na parang nagmamakaawa na gawin na namin.
Ngayon alam na nya ang pakiramdam kung pano mabitin. Ha ha ha tagumpay ang plano.

"Asawa!!" Sigaw sakin ni Reyster 

"Mag-ayos kana, bilisan mo at iiwan ka namin talaga"

"Asawa saglitin lang natin"

Ngumiti ako kay Reyster at lumapit ako sa kanya at binulungan ko sya. Nauna nakong lumabas dahil baka inaantay na kami nila Mama siguro naman bibilisan nya kumilos dahil sa binulong ko.

"Ma ang ganda nyo po" bati ko kay Mama ng makita ko sya.

"Talaga ba anak? First time ko mag suot ng mga ganitong klaseng damit kaya naman diko alam kung bagay sakin."

"Bagay na bagay sayo Ma"

"Salamat anak, asan na pala si Reyster?"

"Palabas nadin po yon"

Sa kotse na kami nag antay at maya maya pa ay dumating nadin ang asawa ko kaya naman agad na kaming Umalis papuntang Venue. Medyo kinakabahan ako kasi mukhang mayayaman ang nandon samantalang kami para lang mga sisiw, Sa kabilang banda ay excited nadin ako na makilala ang Lola namin.

Pagdating namin sa Venue ay para kaming nasa ibang mundo dahil sobrang ganda nya at mukhang mamahalin. Labas palang 'to at hindi pa sa loob. Bago kami pumasok ay kinuha muna yung invitation card na dala namin tapos nagdirediretso na agad kami.

"Kuya ang ganda dito, sana sa Birthday ko ganito den" manghang Sabi ni Jiro

"Kapag yumaman tayo mas maganda pa dito ang gagawin ko sa birthday mo" sagot ko sa kapatid.

"Anak mukhang mayayaman ang mga nandito nakakahiya ata"

"Ma relax lang po kasama nyo naman kami"

"Opo Lola Mama kasama nyo po kami" sabat naman ni Marcus 

Luminga linga ako para hanapin ang kambal ko at sakto naman na napatingin din sya sa gawi namin kaya sinenyasan nya kami na lumapit.
Magkakatabi kami sa pwesto nila Kim at kasama nya si Drei na nag mano pa kay mama.

"Asawa ba't ang tahimik mo?" Tanong ko kay Reyster na kanina pa tahimik.

"Wala lang asawa nahihiya lang ako"

"Mahiyain talaga yang si Reyster kahit dati pa" pagsingit ni Kim sa usapan.

Habang nagkukwentuhan kami ay pumunta na yung host ng party ni Lola sa gitna at nagsalita ng kung ano ano, English kasi kaya diko masyado maintindihan tapos bigla nyang tinawag si lola para pumunta sa stage na inaalalayan naman ni Papa. Matanda na talaga si Lola pero kahit ganon ang mamahalin nya padin tingnan dahil sa damit at mga alahas na suot nya.

Binigay ng host kay papa ang mic tapos itinapat nito kay lola at nagpasalamat sya isa isa sa mga bisitang pumunta at inalala nya yung namayapa nyang asawa at pagka tapos ay umupo na sya at si papa naman ang nagsalita.

"Magandang gabi sa inyong lahat ako nga pala si Alfredo Chua at gusto kong ipakilala sa inyo ang aking nag iisang anak na si Kim Chua"

Tumayo si Kim at pagkatapos ay kumaway  sinenyasan naman sya ni Papa na lumapit kaya pumunta agad si Kim.

"Kasama nya din pala ang Kanyang asawa at anak"

Napalingon agad ako kay Reyster na sinesenyasan ni Papa na lumapit kasama si Marcus. Hinawakan ko sa kamay si Reyster at ngumiti sa kanya.

"Sige na, Pumunta kana"

Hindi ko alam Pero bigla akong nalungkot hindi dahil tinawag si Reyster biglang asawa ni Kim kundi dahil si Kim lang ang Pinakilala ni Papa na anak nya at hindi kami sinama ni Jiro.

Para akong biglang nanghina dahil narin siguro na nakita kong nalungkot ang kapatid ko kung ako lang siguro baka nakayanan kopa.

"Anak ayos kalang ba?"

Ngumiti ako kay Mama habang pinipigilan kong pumatak ang luha sa mga mata ko. Ganito pala kasakit ang pakiramdam na parang ayaw ka ipakilala ng Papa mo kasi kinakahiya ka nya.

Kinuhaan ng mga litrato silang Pamilya si Kim, si Papa si Reyster si Marcus at nasa gitna nila si Lola.

Alam kaya ni Lola nandito kami? 

Kinakahiya nya din ba kami?

Dapat bang pumunta pa kami dito?

Tanong ko sa isip ko.

"Ma uwe napo tayo"

"Kuya kakadating palang natin" angal ni Jiro.

Ngumiti lang ako sa kapatid ko Pero tumayo padin ako sa kinauupuan ko at sumunod naman sakin si Mama at Jiro.

Wala nadin namang rason para mag stay pa kami sa lugar na 'to akala ko makikilala ko si lola at magiging isang Pamilya kami Pero hindi pala. Umasa lang pala ako sa wala.

"Vinci hatid kona kayo"

Humabol din pala samin si Drei.

"Hindi ayos lang kami baka hanapin ka ni Kim"

"Imemessage ko nalang sya tsaka nakakahiya din kung mag sstay pako don eh kayo lang din naman kakilala kodon"

Ngumiti ako kay Dreid at biglang may tumawag sakin kaya naman napahinto kami.  Dahan dahan kong nilingon si Papa na unti unti nading lumalapit samin.

"Anak magpapaliwanag ako"

"Ma, Jiro una napo kayo sa labas paki antay nalang ako don saglit lang 'to promise"

Inantay kolang umalis sila Mama pagkatapos ay isang malakas na suntok ang binigay ko kay Papa. 

"Ano pang ipapaliwanag mo?! Na hindi mo kami mga anak? Na si Kim lang yung nag-iisang anak mo? Alam mo Pa umasa ako na baka ito na yung time na baka maging isang Pamilya na tayo Pero hindi pala! Mali ako!"

"Anak humahanap lang ako ng tyempo sa Lola mo"

"Kahit ano pang paliwanag mo hindi nanon magagamot ang sakit na ginawa mo dahil sa mga sinabi mo! Pati si Jiro na tanging hangad lang ay makasama ka pinaasa mo din."

"Promise babawi ako"

"Sinabi mo nadin yan Pa. Pasensya napo kung ganito ako mag salita sa inyo ahh pero sobra na kasi eh!! Hindi na tama, mga anak modin kami!"

"Alfredo? What's going on here"

Nang magawi sakin ang tingin ni Lola ay tiningnan nya ako mula ulo hanggang Paa. Na parang gusto nyang matandaan ang bawat anggulo ng katawan ko.

"You look exactly my Apo. Who are you??"

Sasabihin koba sa kanya na ako ang kambal ni Kim? Na anak din ako ni Papa, Na  Apo nya din ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang natatakot ako na hindi nya matanggap.

"Tauhan nyo lang po, Sige po una napo ako"

Hindi nako nagpakilala pa bilang apo nya dahil ayoko ng gulo at lalong inuhan kona magsalita si Papa dahil baka mas lalo lang akong masaktan kapag itanggi nya ulit ako.

Pero habang naglalakad ako parang may nakadagan sa dibdib ko na kung ano kaya hirap akong maglakad. Sobrang sakit ng ginawa ni Papa mas masakit pa sa pag-aakala ko dating patay na sya.

REYSTER'S POV

Kita ko ang pag alis nila Vinci sa kinauupan nila gusto ko man sila habulin pero nahihiya ako sa Lola ni Kim at sa Daddy nya. Nagkatingin nalang kami ni Kim dahil sa nangyari alam ko nasaktan si Vinci dahil hindi sila pinakilala ni Tito Alfredo bilang anak at nagi guilty din ako kasi pakiramdam ko nag cheat ako kay Vinci dahil sa pagpapakilala sakin ni Tito Alfredo bilang asawa ni Kim.

Mayamaya pa ay umalis si Tito Alfredo at hindi ko alam kung saan sya pupunta pagkatapos ay tinawag ng lola ni Kim ang isa sa mga alaylay nya at bumaba din ng stage baka susundan nya si Tito Alfredo.

"Ikaw Reyster tatayo kalang ba dyan? Dimo ba susundan sila Vinci?"

Tumingin ako kay Kim at parang gusto kong sabihin sa kanya na hindi ba nakakahiya sa lola mo?

"Sige na Reyster sundan muna si Vinci wag kanang mag-alala ako ng bahala mag explain kay Lola dito na muna si Marcus ihahatid ko nalang sya pagkatapos ng Party"

"Salamat"

Pagkatapos kong magpasalamat kay Kim ay nagpaalam na din ako kay Marcus at pagkatapos ay tumakbo ako para habulin sila Vinci sana lang talaga hindi pa sila nakakaalis.

"Reyster where are you going? Hindi pa tapos ang Party aalis kana agad?"
Patay na bakit dito pa kasi ako dumaan nakasalubong ko tuloy sila.

"Mom saglit lang po kakausapin kolang si Reyster"

Inakbayan ako ni Tito Alfredo at naglakad kami ng konte palayo kay Lola.

"Tito Alfredo susundan kolang po sila Vinci" 

"No, mag sstay ka dito. Hindi pa alam ni Mommy ang tungkol sa paghihiwalay nyo ni Kim and please don't ruin her Party. Gusto ko makita nya na buo kayo ni Kim"

"Pero Tito hiwalay napo kami ni Kim"

"Why? Because of Vinci?"

Natahimik ako lalo dahil sa pagbanggit nya sa pangalan ni Vinci.

"Akala moba hindi ko alam kung anong meron sa inyo ng isa kopang anak? Mag-uusap tayo after ng Party ama sa ama at lalaki sa lalaki but for now, Please mag stay ka muna"

"Tito matagal nyo na po bang alam?"

"Sasagutin ko ang lahat ng yan pagkatapos ng Party"

Kahit gusto ko sundan sila Vinci ay wala akong Choice kundi bumalik sa Party sobrang nag ooverthink nako sa pwedeng mangyari.

What if paghiwalayin nya kami ni Vinci?

What if ilayo nya sakin si Vinci?

Sana okay lang si Vinci, Sana okay lang ang asawa ko. 

VINCI'S POV 

Pagkalabas ko sa Event's place ay nakita kong nag-anatay sakin si Drei.

"Vinci ayos kalang ba? Kamusta naging pag-uusap nyo"

"Asan sila Mama?" Pag-iiba ko sa usapan 

"Nauna na sila Tita hindi na nagpahatid sakin dahil ang bilin nya ay samahan daw kita. Tara na ihahatid na kita pauwe"

"Drei pwede bang wag na muna tayo umuwe? Samahan mo muna ako"

"Saan?"

"Sa lugar kung saan pwedeng mawala yung sakit na nararamdaman ko"

Kahit diko alam kung saan ako dadalhin ni Drei ay sumama padin ako basta ang gusto kolang ay pumunta sa lugar pwede ko ilabs lahat ng hinanakit ko sa Papa ko.

"Drei anong gagawin mo kapag yung Tatay mo itanggi ka bilang anak nya? O yung tipong ayaw nyang ipaalam sa iba na anak ka nya" walang kaemo emosyong tanong ko kay Drei

"Syempre masasaktan ako"

"Kahit na magpaliwanag pa sya sayo?" Agad kong tanong sa kanya 

"Ano naman ang rason nya hindi padin tama na ikahiya nya ako o itanggi bilang anak maliban nalang siguro kung may gustong pumatay sa kanya at gusto nya lang ako protektahan kaso sa mga teleserye lang yon nangyayari" 
mahabang sagot nya sakin.

"Diko kasi akalain na hindi man lang kami ipapakilala ni Papa masyado siguro akong umasa kaya ganito kasakit ang nararamdaman ko"

"Alam katulad mo din ako, Hanggang ngayon ayaw padin kasi sakin ni Tito Alfredo para kay Kim iniisip nya na ako ang dahilan kung bakit sira ang Pamilya ni Kim. Well hindi kodin naman sya masisisi dahil bilang Ama gusto nya lang na mabuo ang Pamilya ng anak nya. Pero sana dumating yung time na matanggap nya din ako"

Kahit hindi sabihin sakin ni Drei alam ko na sobrang bigat ng pinag dadaanan nya sa relasyon nila Kim at kung may gagawa lang sana ako para makatulong kaso sarili ko nga hindi ko matulungan.

Sana maipaliwanag kodin ng maayos kay Jiro kung bakit namin kailangan umalis kanina malapit na ang Competition nila at ayaw kong maging distruction yon sa kapatid ko.

# CHAPTER 40

VINCI'S POV

"Pasensya kana Vinci diko kasi talaga alam kung saan kita pwede dalhin"

Napakamot nalang si Drei sa ulo nya at medyo nahihiya sakin. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila ni Kim.

"Ano Kaba ayos lang ako nga dapat ang humingi ng pasensya sayo kasi naabala pa kita"

"Upo ka muna dyan"

Umupo ako sa sofa nya at kinuhaan ako ni Drei ng maiinom at sobrang aligaga nya.

"Pwedeng magtanong?"

"Sige lang tanungin molang ako" nakangiting sagot nya.

"Matagal naba kayo ni Kim"

"Hindi pa kami ganon katagal, Siguro kasabay ng nakilala mo si Reyster don ko nakilala ang kambal mo. Pero wag mong isipin na inigaw ko si Kim kay Reyster na love at first sight lang ako sa kambal mo kaya diko na pinakawalan"

"Haha tapos nayon pareho nang maayos ang mga buhay nyo"

"Kayo ba ni Reyster pano kayo nagkilala" 

Mukhang interesado si Drei na malaman kung pano nag simula ang love story namin ni Pusa. Este ni Reyster 

"Ganito kasi yon.... Aksidente akong nabangga ni Resyter at Nara nung minsan ay gabi ako umuwe pagkatapos nawalan ako ng Malay at pagising ko nandon nako sa bahay nila at nakita ako ni Marcus, Inakala nya na ako ang Mommy nya"

"Grabe Tadhana na talaga ang naglapit sa inyo" manghang Sabi ni Drei

"Oo tapos ito na, nakilala kona ang Kambal ko at ang Daddy ko"

"Vinci baka hinahanap kana ni Reyster alam ba nya na magkasama tayo?"

Kinapa ko sa bulsa ko yung phone pero bigla kong naalala nailagay ko pala yon sa bag na dala ni Mama. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Reyster kasi sa mga oras nato hindi pa tapos ang birthday ni lola at mukhang hindi rin sya papaalisin ni Papa.

"Busy payon, tsaka uuwe din naman ako"

"Gusto mobang uminom?" Alok nya sakin 

"Nako hindi na baka maamuyan pako ni Reyster"

"Ayy oo nga baka magulpi pako ng asawa mo"

"Asawa ka dyan"

"Ay hindi paba?" Natatawa nyang sabi.

Sana nag eenjoy din si Reyster don kung ako lang ang tatanungin gusto ko isama paalis si Reyster pero ayoko maging selfish ayokong ipag kait kay Marcus ang isang beses na mabubuo silang tatlo.

KIM'S POV

"Reyster asan ang kapatid ko? Sila Mama asan?" Bungad ko kay Reyster ng makabalik sya at kasama nya si Daddy

"Hindi kona sila nasundan dahil pinigilan ako ng Daddy mo"

"Kim please wag mong sirain ang party ng lola mo" sabi sakin ni Daddy.

"Daddy ano yon? Ininvite molang sila para painggitin? Para saktan ang mga damdamin nila?"

"Kaya ko sila Ininvite para makita nila ang Lola mo pero hindi pa ito ang Tamang oras para magkakilala sila"

"Daddy, Ayaw Kong magalit sayo pero pamilya kodin sila kapatid ko yung kinahiya mo hindi moba alam kung gaano kasakit yon sa kanila? Sana naman magpaka Tatay kadin sa kanila"

"Sasagutin ko lahat ng mga katanungan mo pagkatapos ng party"

"No! Kailangan na malaman ni Lola at lahat ng nandito ang tungkol sa kambal ko at sa bunso kong kapatid"

Ito nalang ang magagawa ko para kay Vinci  Pati sa Mama ko na matagal kong hindi nakasama.

"Apo nagtatalo ba kayo?"

Kita sa mukha ni Daddy ang takot dahil alam nyang sasabihin ko kay lola ang katotohanan.

"Lola, May kailangan kang malaman meron akong kambal at nandito sila kanina kaya lang umalis napo sila" hindi nako nagsayang pa at sinabi kona agad kah Lola dahil alam ko kung mag babagal ay pipigilan lang ako ni Daddy.

"What?! Ano bang sinasabi mo? Matagal nang patay ang kambal mo"

"No Lola, His Alive! Nagsinungaling lang si Daddy satin dahil natatakot sya na baka mawala lahat sa kanya kapag nalaman nyo yon"

Humarap si Lola kay Papa na galit na galit at isang malakas na sampal ang tumama sa pisgi ni Papa.

"Totoo ba ang sinasabi ng anak mo?! Answer me!"

Ngayon kolang nakitang magalit si Lola kaya naman maging ako ay natatakot den. 

"Yes" yan lang ang salitang lumabas sa bibig ni Daddy at hindi sya makatingin kay Lola.

"How dare you para magsinungaling sakin!?"

Sasagot na sana si Daddy kaya lang biglang napahawak si Lola sa Dibdib nya at dahan dahang bumagsak sa sobrang taranta ko ay napasigaw ako.

"Help!!! Help!!!" Sigaw ko sa sobrang pagkabigla

Binuhat ni Daddy si Lola at napatakbo kami papunta sa parking lot.

"Reyster please call Drei and sabihin mo sa kanya sabihin nya ang tungkol sa nangyari kay Lola."

Napatango naman si Reyster at sumakay nadin ako sa kotse ni Daddy. Sobrang natatakot ako dahil hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari Kay Lola dahil sa paghahangad ko na makilala nya sila Vinci ay ganito ang naging resulta. 

Lola Please...... lumaban ka........

"Daddy kasalanan ko 'to kung hindi ko sana binigla si Lola hindi sana mangyayari 'to sinira ko ang Birthday nya" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Don't blame yourself Kim kung meron man dapat sisihin dito ako yon dahil ni minsan hindi ako nagpaka Ama sa inyo"

Habang nasa byahe kami ay iyak padin ako ng iyak at kasabay non ay nagdadasal ako na sana walang mangyaring masama kay Lola at maging okay lang sya dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko

VINCI'S POV

Siguro ang saya nila ngayon sa Party ni Lola kasi wala kami.

Ito na siguro yung sign para itigil na namin ang paglapit sa Pamilya na pilit kaming tinataboy.

Simula ngayon kakalimutan kona na may Ama ako at itatatak kona sa utak ko na Patay na sya.

"Vinci tumawag si Reyster ang Lola nyo daw"

"Bakit anong nangyari kay Lola?"

"Sinugod daw nila sa Hospital, Tara na pumunta na tayo don"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba dahil sa binalita nya sakin kaya naman nagpasama na agad ako kay Drei sa Hospital na pinagdalhan kay Lola.

Pagdating namin don ay sinalubong agad ako ni Reyster at niyakap ko naman agad sya.

"Asawa anong nangyari kay Lola? Kamusta na sya?"

"Tinitingnan na ng Doctor ang Lola mo kaya mag antay nalang tayo" sagot sakin ni Reyster.

Pagdating namin sa tapat ng room ni Lola ay nandon si Kim at si Papa pero hindi ko pinansin si Papa .

"Kim"

Lapit ko sa kanya sabay yakap.

"Magiging okay si Lola" mahinang Sabi ko kay Kim ayoko pang hinaan sya ng loob.

"Kasalanan ko 'to kung hindi ko sana binigla si Lola hindi sana sya magagalit at aatakihin sa puso, pero alam mo ba Vinci? May saya padin sa puso ko dahil nagawa kona ang dapat matagal konang ginawa. Alam na ni Lola ang tungkol sa inyo"

Pagkasabi ni Kim ng mga salitang yon ay naiyak nadin ako dahil nalaman ni Lola na may iba pa syang mga apo.

"Kamusta naba si Lola anong sabi ng Doctor???" Tanong ko sa kanya.

"Ayos nadaw si Lola, kailangan nya pa daw mag pahinga"

Umupo kami ni Kim at nakatingin lamang si Papa samin. Hindi ko sya magawang kausapin o kahit ngitian man lang.

Lumabas muna kami ni Reyster para makapag usap nadin si Kim at Drei, at makalangghap nadin ako ng sariwang hangin marami masyadong nangyari ngayong araw na dapat ay masaya sana kaming nag cecelebrate ng Birthday ni Lola.

"Asawa pasensya kana at naiwan ko kayo nila Tita kanina"

"Ayos lang yon wala naman may gusto sa nangyari "

Haysss pinaalala na naman ni Resyter napaupo nalang ako sa isang tabi at hindi kona napigilan ang hindi maiyak.

Habang umiiyak ako ay may biglang kamay na sumulpot sa mukha ko at may hawak itong cupcake.

"Kainin mo baka nagugutom kana"
Tinikman ko naman yung bigay nya kasi nagugutom nadin ako.

"Ang sarap ahh binili mo?"

"Hindi galing yan sa party ng lola mo?"

Parang gusto bigla umatras ng luha ko dahil sa naging sagot nya.

"Ano? Talagang nag sharon kapa ahh" wala sa itsura ni Reyster na mag shaharon sya haha.

"No asawa. Nilagay kasi yan ni Marcus sa coat ko dahil sabi nya kakain nya daw pag uwe"

"Itong cupcake nilagay mo sa coat mo????"
Gulat kong tanong.

"Ooooppss asawa naka balot naman yan tinanggal kolang dahil ibibigay ko sayo"

Mali lang pala ang nasa utak ko. Haha.

"Asan na si Marcus??" 

"Pinasundo kona kay Ate Nara"

"Salamat ulit dito"

"Ngumiti kana asawa di bagay sayo ang umiiyak pumapangit ka" pangaasar ni Reyster sakin

"So kapag pumangit ako ayaw muna sakin?" 

"Hindi ahhh! Kahit ano pa ang itsura mo ikaw padin ang Vinci na mahal ko at asawa ko"

"Sus"

Niyakap ko si Reyster ng maghigpit dahil alam ko hanggat katabi ko sya may karamay ako.

"Hindi masamang umiyak asawa,  hindi naman ibig sabihin ng pag-iyak natin ay mahina tayo"

"Salamat"

Sana maging okay na si Lola para mag samasama na kami excited na ako na makilala sya at alam ko ganon din si Jiro.

At si Papa? Hindi ko alam kung mag kakaayos ayos paba kami. Pero may puwang padin sa puso ko na magkakapatawaran at mabubuo ulit kami.

# CHAPTER 41

VINCI'S POV 

"Vinci anak anong balita? Tumawag sakin si Kim at ang sabi nya nasa Hospital daw sila at sinugod ang Lola nyo" 

"Opo Ma nasa Hospital po si Lola pero okay naman na sya at alam nadin nya ang tungkol samin ni Jiro"

"Talaga??" Nakangiting sabi ni Mama.

"Opo kaya lang hindi nya kinaya yung mga nalaman nya kaya ayon inatake si Lola"

"Eh ang Papa mo?"

"Hayaan na muna natin sya Ma. Asan pala si Jiro?"

"Nandon sa kwarto nya"

Nagpaalam muna ako kay Mama para puntahan ang kapatid ko. Dahil alam ko naguguluhan nadin sya sa mga nangyayari.

"Kuya tapos napo ba yung Party"
Tumango lang ako sa kapatid ko sabay tabi sa kanya.

"Kuya ayaw poba talaga satin ni Papa? Mahal nya pa po ba tayo?"

Hindi ko alam kung pano ko sasagutin ang tanong ni Jiro sakin dahil alam ko na may idea na sya sa kung anong nangyayari sa Pamilya namin. Matalinong bata ang kapatid ko at nasa tamang edad nadin sya.

"Jiro? Kung ikaw ang tatanungin ko dapat paba nating tanggapin si Papa sa buhay natin kinaya naman natin ng wala sya diba?"

"Pero kuya Papa padin po natin sya, Parte parin sya ng Pamilya natin, Parte padin sya ng pagkatao natin hanggat hindi ko mismo naririnig sa bibig nya ang salitang ayaw nya satin aasa padin po ako na mabubuo tayo"

Niyakap ko ang kapatid ko, Mabuti pa sya hindi nawawalan ng pag-asa samantalang ako na kuya parang gusto ng sumuko.

"Kuya bukas na po pala ang Dance contest namin manood kayo ahh isama mo si Kuya Reyster, si Marcus at si Ate Kim"

"Bukas naba yon?"

"Opo kuya excited nako, gagalingan talaga namin para kami ang manalo"

"Sasabihan ko si Kuya Reyster mo. Kaya magpahinga kana din para madami kang energy bukas"

"Sige po kuya. Goodnight kuya. I love you "

"Goodnight den bunso I love you too"

Nakaka tuwa lang pakinggan na kahit na Teenager na ang kapatid ko ay malambing padin sya samin ni Mama.

---------
"Ma! Okay na 'to"

Sigaw ko kay Mama ng mailagay ko sa lagayan yung mga damit na susuotin ni Jiro para sa sayaw nya.

"Sige anak"

Habang nag hihintay ako matapos sila Mama at Jiro ay narinig ko naman na ako na busina sa labas ng bahay namin at alam ko sila Asawa nayon.

Pagkabukas ko ng gate namin ay si Marcus agad ang nakita ko.

"Dada!!!!" Bungad ni Marcus sakin kaya naman kinarga ko sya agad.

"Dada pupunta napo ba tayo sa school ni Tito Jiro? Manonood po tayo ng Dance nya?"

"Yes baby papanoodin nadin si Tito Jiro mo kaya i cheer mo sya ahh"

"Opo Dada"

Lumapit naman sakin si Asawa at sabay kiss sa pisngi ko. 

"Ayiiieee ang sweet ni Dada at Daddy"pang-aasar ni Marcus samin.

"Palabas nadin ba sila Tita?"

"Oo nag dodouble check lang si Mama ng mga gamit ni Jiro"

Service pala namin ang sasakyan ni Asawa para magsabay sabay kaming lahat papunta sa school ni Jiro tsaka may mga gamit din kaming dala kaya need talaga nakasasakyan para hindi pahirapan mag bitbit.

Pag dating namin sa school ay madami na tao lahat maaga pumasok para makapag prepare sila.

"Kuya punta po muna ako sa mga kaklase"

"Sige Jiro uupo lang kami dito"

"Bye Tito Jiro!" Habol ni Marcus at napangiti naman ang kapatid ko.

"Ma ba't ang tahimik mo?" Napansin ko kasing hindi umiimik si Mama.

"Kinakabahan lang ako anak syempre excited din para sa kapatid mo"

Umupo na kami nila Mama dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na, Sabi ng kapatid ko ay One week event daw to at ngayong araw yung dance contest.

Tinawagan din namin si Kim kaya lang hindi daw sya makakapunta dahil walang magbabantay kay Lola. Pero nag goodluck padin sya sa bunso naming kapatid

"Bunso galingan mo ahhh"

"Opo kuya para sa inyo po ito!"

Umakyat na si Jiro sa stage at pumuwesto na silang magkaka grupo excited na ako makita ang performance ng kapatid.

Ang sasayawin pala nila ay Lovey Dovey ng HORIZON isang Global Pop Group na puro Pilipino artist den.

Nang mag umpisa yung tugtog ay naghiyawan natin yung mga kaklase nila at syempre si kami ni Mama ay todo cheer din.

"Dada ang galing ni Tito Jiro" puri ni Marcus sa Tito nya na hindi maalis ang tingin sa stage.

"Syempre mana sa Dada mo yan" pang aasar ni Reyster sakin sabay kindat pa.

Si Jiro mana sakin? Hahaha eh parehong kaliwa nga ang paa ko. Ni hindi ko nga alam na Performer pala itong kapatid ko. Nakakanta at nakakasayaw pa.

Todo indak si Jiro at halatang nag eenjoy sya sa performance nila sabayan pa ng mga cute na suot nila.

Maganda yung tugtog na napili nila dahil napaka jolly lang ng kanta tapos ang cute pa pakinggan para kang nakikinig ng kantang para sa mga cute na teddy bear.

"Ang galing talaga ng kapatid mo" proud na sabi ni Mama.

"Opo Ma, Parang nakay Jiro na lahat matalino, Mabait,  Magaling sumayaw at magaling pa kumanta. Swerte magiging Girlfriend nya."

"Hindi pa pwede mag Girlfriend ang kapatid mo bata payon tsaka baby padin natin sya "

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mama sabay  nood ulit sa performance ng kapatid ko. Nakaka proud lang bilang kuya na mapanood mo yung kapatid na nagpeperform sa harap ng madaming tao at sobrang galing pa.

"Salamat Asawa"

Napatingin sakin si Reyster at parang nagtataka kung bakit ako nagpasalamat sa kanya.

"Para san Asawa?"

"Para sa pagsama samin at syempre sa pagpayag na turuan ang kapatid ko pati ang mga kaklase nya"

"Wala yon, para san pa at naging bayaw ko si Jiro"

Talagang humirit pa itong PUSA nato este Asawa ko pala.

"Go Jiro!!"sigaw ko.

"Go Tito Jiro!!" Nakisali nadin si Marcus sa sigaw habang tutok na tutok sa pinapanood nya.

Nang matapos ang performance nila Jiro ay lalong umingay dito sa quadrangle ng school nila kung saan sila nag peperform.

Si Asawa naman ay lumabas muna para bilhan kami ng makakain at gutom nada si Marcus.

"Kuya maganda ba ang sayaw namin?" Agad na tanong sakin ni Jiro ng makalapit sya samin.

"Oo naman at sobrang galing nyo pa"

Nilapitan din sya ni Mama at pinunasan yung pawis nya. Si Marcus naman todo yakap sa Tito Jiro nya.

"Kuya Kyler!"

Napalingon agad ako ng sumigaw si Jiro at tumakbo sya palapit kay Kyler.

"Long Time no see Vinci" bati sakin ni Kyler habang nakangiti.

"Long Time no see din" hindi ko alam pero parang bigla akong nahiya sa pagdating na.

"Pasensya na ahh nagulat koba kayo? Pinapunta kasi ako ni Jiro ang sabi nya manood daw ako"

"Opo Kuya ako ang nag invite kay kuya Kyler na manood din" pag singit ni Jiro sa usapan.

"Ayos lang yon wala naman problema samin bakit dika lumapit samin?" Tanong ko sa kanya.

"Nahihiya lang kasi ako"

Naging kaibigan ko si Kyler at may pinagsamahan din kami bilang mag katrabaho at sobrang bait pa nya sakin.

"Dada i want balloon!"

Napalingon agad ako ng biglang tumakbo si Marcus at walang pag aalinlangan ay hinabol ko sya. May nakita syang nagtitinda ng mga balloons sa labas.

"Dada can you buy me a balloon?"

Binuhat ko si Marcus at ngitian ko sya kinabahan ako sa biglang pagtakbo ng batang to.

"Oo naman baby pero wag muna ulit uulitin yong ginawa mo"

"Sorry Dada"

"It's okay baby. Ate magkano po?"

Si Marcus na yung pinapili ko ng Balloon na gusto nya at tuwang tuwa naman sya ng mahawakan yung binili nya.

"Tatay na tatay kana talaga Vinci" nakangiting sabi ni Kyler hindi ko napansing sumunod pala sya samin.

"Oo nga eh, Bagay naba?"

"Oo naman. Sayang tayo dapat mag asawa kaya lang ang bilis ni pareng Reyster eh"

"Loko ka talaga"
Hinataw ko ng mahina si Kyler sabay tawa. Sakto namang nakita kami ni Resyter at gulat sa naabutan nya. Pero imbes na lapitan nya kami ng anak nya ay umalis sya.

"Nako mukhang galit ata si Reyster" napakamot bigla si Kyler.

"Kyler pwedeng makisuyo kay Marcus? Pakihatid naman si Marcus kala Mama hahabulin kolang si Reyster"

Inabot ko sa kanya si Marcus at hinabol ko naman agad si Reyster.

"Asawa!"

Sigaw ko kay Reyster pero hindi padin sya lumingon.

"Asawa!"

Sigaw ko ulit at talagang di nya ako pinapansin. Kaya naman binilisan ko ang takbo ko hanggang sa maabutan kita.

"Asaw sandali lang." Hingal kong sabi sa kanya.

"Umalis lang ako saglit pumuporma na agad si Kyler at sa harap pa ng anak natin" poker face padin si Asawa kaya naman hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Anong nakakatawa?" Inis na tanong nya

"Ikaw hahaha nagseselos ka noh?" Pangaasar ko sa kanya.

"Hindi. Bat naman ako mag seselos don eh mas gwapo ako don"

Niyakap ko si Reyster at hinalikan ko sya pisngi ang asawa ko nag seselos haha.

"Oo alam ko mas gwapo ka kay Kyler kaya nga ikaw asawa ko diba? Wala ka naman dapat ipag selos dahil mag kaibigan lang kami non. Ikaw, Asawa kona"

Napangiti naman si Reyster sa sinabi ko at halatang kinikilig.

"Akin nayang pagkain at bumalik na tayo baka mamaya nag aannounce na kung sinong nanalo."

"Asawa love moba ako?" Seryosong tanong ni Reyster

"Hindi" agad kong sagot sa kanya at halatang nalungkot sya.

"Hindi ka nag kakamali! Syempre love kita. Diba nga? Asawa na kita? Kaya TOGETHER FOREVER na tayo!"

KIM'S POV

"Kim Apo"

Napatayo agad sa kinauupuan ko ng marinig ko si Lola na nagsalita.

"Lola okay napo kayo? Wala na po bang masakit sa inyo? Tatawag lang po ako ng nurse" aligagang tanong ko kay Lola.

"Ayos lang ako Apo"

"Mabuti naman po"

Napatingin naman sya sa kinauupuan ni Drei dahil hindi ko pa pala naipapakilala sa kanya ang bago kong Boyfriend.

"Sino sya?"

"La, Si Drei po. Boyfriend ko" hindi na ako nagsinungaling kay Lola dahil malalaman at malalaman din naman nya ang tungkol sakin.

"What?! Are you out of your mind?? Nakipag hiwalay ka sa asawa mo??"

"Matagal napo kaming hiwalay ni Reyster"

"My god Kim, parang aatakihin na naman ako sa nalaman ko. Ano pa? May hindi paba kayo sinasabi sakin ng Daddy mo??"

Sa sobrang kagustuhan Kong sabihin kay Lola yung totoo nawala sa isip ko yung magiging reaksyon nya.

"Sorry Po." Yan lang ang salitang nasabi ko.

"Tomorrow I want to talk to all of you, Your Daddy, Your mama, Your twin and youngest brother, Reyster and you too. Call them now and tell them I want to talk to them"

May diin ang pagkakaturo ni Lola kay Drei na lalong nagpakaba sakin. Kilala ko si Lola napa strikta nya at lahat ng gusto nya yun dapat ang mangyari.

# CHAPTER 42

VINCI'S POV 

Pagbalik namin sa loob ay mag sstart na ang announcing ng mga winners nasa stage nadin ang grupo ng kapatid ko pati ng iba pa nyang mga kalaban. Kinakabahan ako sa magiging resulta pero naniniwala ako at malakas ang kutob na mananalo sila.

"Go Anchors!" Sigaw ko sa pangalan ng grupo nila bale 6 groups sila at tatlo ang pipiliin . Over all Champion, First Place at Second Place. Pero kahit ano paman ang maging resulta ay sobrang proud ako sa kapatid ko.

"Para sa Second Place!!!!" Malakas na announce ng MC "Ay ang Group! HATAW!"

YES! hindi natawag sila Jiro.

"Para sa First Place naman! Ready naba kayo!!!" Pakaba ba yung MC tapos sinasabayan pa ng intense na sounds.
"Group! Dance Crew!!!"

Ito na kinakabahan nako, Over all Champion nalang or walang placement ang pwedeng makuha nila Jiro.

Lord ibigay nyo na sa kapatid ko please!

"AND THE OVERALL CHAMPION! WALANG IBA KUNDI ANG GROUP!!!"

"GROUP!!!!!! Gutom naba kayo guys?"

Nagtawanan kaming lahat habang kinabahan ng biglang mag biro ang MC.

"CONGRATULATIONS! GROUP! ANCHORSSSSS!!"

Group nila Jiro yon!!

Nagtalunan kami nila Mama ng tanghaling overall champion ang grupo nila Jiro.

Proud kuya here!

"Dada Tito Jiro's group WON!"
Tuwang tuwa na sabi ni Marcus

"Yes Baby they won!" Masayang sagot ko.

Pagkasabi ng medal at pagkakuha ng Trophy ay tumakbo palapit samin si Jiro at proud na pinakita yung trophy na hawak nya.

"Congrats anak" bati ni Mama 

"Congrats bayaw" Sabi naman ni Resyter 

"Congrats Jiro" bati din ni Kyler

"Congrats bunso ang galing proud kaming lahat sayo!" Niyakap ko ang kapatid ko at binuhat kopa 

"Galing nyo po Tito Jiro ako din paglaki ko sasayaw din ako" nagtawan kaming lahat dahil sa sinabi ni Marcus 

Habang nag sasaya kami ay biglang tumawag si Kim kaya naman lumayo muna ako sa kanila dahil maingay pa ang paligid.

"Kim ba't napatawag ka"

"Vinci tapos naba yung contest ni bunso?"

"Oo at panalo sila"

"Wow ang galing naman pakisabi nalang kay bunso congrats at sa sunod na yung regalo ni ate sa kanya "

"Sige makakaasa ka"

"Vinci nakausap kona si Lola at gusto nyang makausap ka, Si Mama, Si Jiro pati nadin si Reyster "

Bakit kaya bigla nya agad kami gustong makausap?

"Sige Kim ako nalang magsasabi sa kanila"

"Okay salamat! Ba bye! Congrats ulit kay Bunso"

Nag end call nako at bumalik nako sa kanila sa bahay ko nalang sasabihin na gusto kami makausap ni Lola bukas.

///////////////////

Nandito kami ngayon sa malaki at magandang mansyon ni Lola talaga namang mayaman ang pamilya nila kaya hindi kataka takang  ayaw nila kay Mama.

May sumundo saming katulong at sinamahan kami papasok ng bahay pagdating namin sa dining area nila ay nandon na si Papa, Kim at Drei kaya naman naupo nadin kami agad.

"Mabuti naman at kompleto kayo ngayon" seryosong sabi ni Lola.

"Why did you gather all of  us for dinner" sagot naman ni Papa 

"Ask your questions later, Alfredo. There's time for that. For now, let's just enjoy the meal."

Wala talaga akong idea kung bakit kami pinatawag lahat ni Lola pati si Drei at Reyster nandito din.

Gusto ko mang magsalita pero inunahan na ako ng kaba para kasing ang terror ni Lola alam ko kinakabahan din sila Mama kaya Kahit masarap pa yung nakahain sa harap namin parang ang hirap lumunok kasi parang nakabantay samin si Lola.

Natapos ang pagkain namin ng wala talagang nag-uusap ni isa samin kahit ang kapatid ko tahimik lang din habang kumakain.

"So bakit mo nga kami pinatawag lahat"

Para kaming nasa huling hapunan at katapusan na naming lahat.

"Reyster totoo ba na hiwalay na kayo ng apo ko?"

Napatingin sakin si Reyster at halata ang kaba sa mga mata nya kaya mula sa ilalim ng lamesa ay hinawakan ko sya sa kamay bilang pagsuporta.

"Opo"

"At hindi mo man lang sinubukang ayusin ang Pamilya nyo? May anak kayo ano nalang iisipin ni Marcus kapag lumaki na sya" 

"Lola nasabi ko naman sa inyo diba wala na kami ni Reyster " pagsingit ni Kim sa usapan.

"Shut up Kim I'm not asking you"

Diniinan ko ang pagkakawahak sa kamay ni Asawa para hindi sya kabahan.

"I tried Pero sadyang hindi napo talaga kami para sa isat isa ni Kim at pareho po kaming masaya sa naging desisyon naming paghihiwalay at hindi po ibig sabihin na hiwalay na kami ay pababayaan na namin si Marcus"

Hindi sumagot si Lola pero nabaling bigla ang tingin nya kay Drei.

"And you? Ikaw ang bagong Boyfriend ni Kim diba?"

"O-oopo ako nga" utal na sagot ni Drei

"Alam mo ba na may asawa't anak na si Kim pero pumayag kapa din na makipag relasyon sa kanya. Hindi moba naisip yung anak nila? Hindi moba naisip na may masisira kang Pamilya?"

"Unang una po bago kopo nakilala si Kim ay wala na sila ni Reyster at hindi ko naman po inaalis kay Kim na magpaka nanay kay Marcus."

Katulad ng kay Reyster ay hindi nadin pa sumagot si Lola kay Drei.

"How about you Theresa? Bakit mo tinago matagal samin ang mga apo ko?"

"Hindi kopo balak itago ang mga apo nyo sa inyo o kahit sa Daddy nila sadyang ayaw kolang mawala sila sakin dahil pinilit nyong paglayuin kami. Masisisi nyo ba ako bilang ina na gawin yon? Masakit para sakin na hindi lumaki sa tabi ko si Kim" mangiyak ngiyak na si Mama habang nagsasalita.

"Ma tama napo ako ang punot dulo ng lahat ng ito dahil di ako nagpaka tatay sa kanila naging duwag ako, naging mahina ako sobrang laki ng pagkukulang sa mga anak ko pati nadik kay Theresa. Ngayon maninidigan nako hindi na ako matatakot kung alisin nyo man ang lahat sakin, This time sila naman ang pipiliin ko"

Hindi ko alam kung maniniwala pako kay papa dahil ilang beses nya na din kaming pinasa ng kapatid ko.

"Is that how you see me, Alfredo? Ako ang tunay may kasalanan kung bakit nagkahiwalay hiwalay, I'm the one who should be blamed . Patawid sayo Theresa dahil naging mapagmataas ako at mas pinili kong paglayuin kayo. Patawad din mga apo ko Vinci at Jeromy dahil pinagkait ko sa inyo ng mahabang panahon ang magkaroon ng kompletong pamilya"

Pano koba sasagutin si Lola?

Sisisihin koba sya?

"Wala pong may gusto sa mga nangyari ang importante po ay natututo tayo sa mga pagkakamali natin at nagawa nating humingi ng tawad" malumanay na sagot ko kay Lola.

"Tama si Vinci Lola pwede pa tayong mag simula ulit ng masaya at kompletong pamilya." Dagdag pa ni Kim 

"Lola wag nyo na po sisisihin ang sarili nyo dapat po think positive lang yan po ang turo samin ni Mama" sabat naman ni Jiro.

Napaluha nalang si Lola dahil sa mga sinabi namin kaya naman tumayo kaming tatlo at niyakap sya.

Matanda na si Lola dahil sulitin na namin ang masasayang araw na makakasama namin sya hindi na ito yung oras para mag sisihin pa dahil nangyari na ang nangyari ang importante nagkapatawaran kami.

Niyaya nadin namin sila Mama na sumama sa group hug namin dahil nag iiyakan nadin sila. Sobrang saya sa pakiramdam na yung pinapangarap ko ay unti unti ng nagkakatotoo.

"Vinci pwede kabang makausap, Pati ikaw din Reyster" pagputol ni papa sa eksena namin.

Napatingin naman ako sa Asawa ko at pumayag din naman sya kaya sumunod kami kay Papa.

"Gusto kolang mag sorry sa lahat ng ginawa ko sa Inyo, Sa lahat ng sakit na pinaranas ko alam ko kulang pa ang salitang sorry para mapatawad moko anak. Pero umaasa ako na mag kakaayos tayo, Handa akong maghintay kahit gano pa katagal"

"Alam moba Pa? Nung kinahiya mo kami gusto kitang saktan! Kasi pati si Jiro sinaktan modin eh pero kahit ganon paman yung ginawa mo mahal kapa din namin dahil tatay ka namin. Kaya hindi kapa man humihingi ng tawad ay napatawad kana namin"

Nakita kong naiyak nadin si Papa at yumakap sya sakin ng mahigpit kaya naman niyakap kodin sya pabalik.

Ngayon masasabi ko na nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang Ama.

"Reyster alagaan mo tong si Vinci at wag na kayong maghihiwalay katulad ng Kambal nya dahil ako mismo ang gugulpi sayo"

Napangiti naman kami pareho sa sinabi ni Papa.

"Hindi napo kami maghihiwalay ni Vinci. Mahal na mahal kopo ang anak nyo"

Kikiligin naba ako sa biglang banat ni Asawa?

"Suportado ako sa pagmamahalan nyong dalawa"

Ang sarap sa Feeling na suportado nadin kami ni Papa at wala na akong dapag ikatok sa sasabihin ng iba dahil opinion lang ng pamilya ko ang dapag papakinggan ko.

# FINAL CHAPTER 

VINCI'S POV 

Ang buhay ay isang malaking Perris Wheel minsan nasa taas ka minsan nasa baba, minsan tuloy tuloy ang andar at kung minsan ay hihinto.

Dahil sa mukha ko ay nakilala ko ang asawa ko walang iba kundi si Pusa ay este Reyster pala at nagkaroon din ako ng isang makulit pero sweet na anak na si Marcus.

Nagkaayos nadin ang Mama at Papa ko balak nadin nila magpakasal dahil talagang mahal nila ang isa't isa. Si Lola todo suporta din sa kanila at nalaman nadin nya ang tungkol samin ni Reyster nung una medyo nagulat sya Pero sa huli ay naging masaya na sya para samin. Sinubok man sila ng tadhana pero sa huli kahit ang mapagbirong tadhana ay hindi rin nagawang pigilin ang pagmamahalan nilang dalawa.

"Mga anak"
Kilig na tawag samin ni Mama habang kinakaway yung kamay nya na parang isang Beaty Queen pero gusto nya lang ipakita yung singsing nya.

"Wow Ma ano yan wedding ring?" Nakangiting tanong ko kay Mama at tumango naman sya sakin.

"Wow mag papakasal napo kayo ni Papa?" Tanong naman ni Jiro.

"Oo mga anak niyaya nako ng Papa nyo"

Nagyakapan kaming tatlo dahil finally mabubuo na talaga ang pamilyang pinapangarap namin.

"Congrats Ma masayo ako para sa inyo ni Papa."

"Salamat Vinci. Kayo ni Reyster kailan nyo ba balak? Para sabay nalang tayo."

"Diko po alam Ma dipa namin yan napag-uusapan ni Reyster "

Si Kyler naman tanggap na na hanggang magkaibigan lang kami at nakahanap nadin sya ng taong deserving sa pagmamahal nya at masaya ako para sa kanya.

"Hi Vinci"

"Oh Kyler bakit bigla kang napabisita" napansin kong may kasamang lalaki si Kyler.
"May kasama ka pala" dagdag kopa.

"Sya nga pala si Kim, kapangalan din ng kambal mo. Boyfriend ko"

Napangiti naman ako sa sinabi nya dahil finally nakatagpo nadin sya.

"Wow congrats sa inyo. San kayo nagkakilala" di padin maiwasan ang pagiging marites ko haha.

"Sa Dance contest kami nagkakilala, nainlove sya sa mga dance moves ko kaya ayon hinanap nyako, syempre dina din ako nagpakipot"  medyo mahngin si kyler sa part nato.

"Talaga lang ha" natatawang sagot ko sa kanya.

Si Jom naman nakatagpo ng babaeng maton haha ngayon hindi na nya magawa yung pagiging babaero nya dahil yari sya sa Girlfriend nya baka maputulan sya ng ano.

"Jom Birthday ng isa nating tropa may inuman daw" pang aasar ni Reyster sa kaibigan nya.

"Pre wag mo naman lakasan baka marinig ka ni Melissa at maging Amazona yon mabugbog pako"

"Takot ka pala eh"

"Oo Pre tsaka nagbago nako dina ako gumigimik trabaho bahay nalang ako dahil mahal kopa buhay ko"

Sa pagsasalita palang ni Jom halatang takot talaga sya sa Girlfriend nya haha.

Si Winston naman umamin na may gusto sakin pero wala naman daw sya balak manggulo dahil nirerespeto nya ang relasyon namin ni Reyster.

"Vinci pwede kaba makausap?"

"Oo naman ano bang pag-uusapan natin?"

"May aaminin ako sayo pero sana walang magbago at maging magkaibigan padin tayo"

"Oo naman ano bayon?"

"May gusto kasi ako sayo"

Nagtitrip kaya tong tao nato? Tanong ko sa utak ko.

"Sorry pero may asawa nako"

"Alam ko naman yon at wala akong balak makigulo sa inyo ni Boss Reyster gusto kolang talaga sabihin sayo na may gusto ako sayo para gumaan na ang dibdib ko."

Si Ate Nara naman masaya padin sa buhay nya at todo suporta padin sya samin ni Reyster.

"Vinci hindi naman pasaway yang si Toto?"

"Hindi naman ate Good boy naman sya"

"Very good basta sabihin mo sakin dahil madami akong alam n sikreto nung mga bata pa kami.

"Ate naman may asawa nako ohhh" nahihiyang sabat ni Asawa.

"Oh sya maiwan kona kayong mag-asawa. At ikaw Toto lakas ng loob mong tawaging asawa si Vinci eh dimo pa naman sya pinapakasalan. Magpropose ka muna boy."

Si ate Nara talaga aalis nalang inaasar pa si Reyster kawawang bata tuloy si Reyster hindi makapalag sa Ate nya.

"Vinci!"

Napalingon ako ng marinig kong sumagaw ang kambal ko at masayang lumapit sakin.

"Iwan ko muna kayong dalawa para makapag usap kayo"

"Ang ganda ng langit noh"

Turo ni Kim sa kalangitan. Ngumiti lang ako sa kanya sabay tingin din sa kalangitan.

"Vinci salamat dumating ka sa buhay ni Marcus nung mga panahong sobrang nasaktan ko sya. Sobrang selfish konon dahil iniwan ko ang anak ko para sa sarili kong kaligayaha."

"Kim? Akala koba tapos na tayo dyan. Diba okay n ang lahat"

Humarap sya sakin at pinunasan ang luha nyo.

"Oo nga, Gusto kolang mag drama haha. Pero salamat talaga. Vinci gusto kita maging masaya, kayo nila Reyster at Marcus."

May inabot saking dalawang  envelope si kim at sinabi nyang buksan ko isa isa.

"Annulment Paper?" Takang basa ko sa papel na nasa loob ng envely.

"Matagal kong inasikaso yan dahil gusto ko hindi na nakalakip ang pangalan ko bilang asawa ni Reyster dahil ayokong maramdaman mo na isang anino kalang na hanggang nandito ako hindi ka magiging asawa ni Reyster."

Binuksan mo naman yung isa pang envelope.

"Adopted paper?"

"Deserve mong maging tunay na magulang ni Marcus kaya naman legal mo nang anak si Marcus. Wag mo sanang isipin na ayoko sa anak ko na basta ko nalang sya ipinapamigay pero gusto kong ibigay sa bata kung san sya magiging masaya. Magiging masaya sya sa inyong dalawa ni Reyster."

Sobrang saya ko dahil sa mga sinabi ni Kim at hindi ko nadin napigilan ang luha sa mga mata ko.

"Kambal" yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

"Sige na Vinci puntahan muna yung mag ama mo"

Yumakap muna ako sa kambal ko bago tuluyang umalis para puntahan si Reyster. 

"Vinci anong pinag-usapan nyo ni Kim? Bakit parang umiyak ka?"

"Reyster pinapalaya kana ni Kim"

Inabot ko naman yung envelope sa kanya at agad nyang binasa pagkatapos ay napangiti sya.

"Pwede na kita pakasalan Vinci! Ngayon Valid na ang tawag ko sayo na asawa! At promise hindi na tayo magkaka hiwalay TOGETHER FOREVER!"

Ang pag-ibig walang pinipiling kasarian

Ang pagiging magulang ay walang pinipiling kasarian

Ako si Vincente Cruz AKA Vinci as in (VIN CHI) at dito na nagtatapos ang aking kwento.

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.