Tonyo Berde
erolko11 · 1 chapter · 3,852 words
Unang kabanata
Dedicated to ate xakni_allyM
PAALALA
:
Hindi po ako isang propesyonal na manunulat. Ang kwentong inyong mababasa ay base lang po sa aking imahinasyon, tinatakbo ng isipan at nilalaman ng puso.
Hindi lang po iisa ang manunulat sa mundong ito kaya hindi niyo po masisisi ang sinuman sa amin na may pagkakahawig ang kwento, foreign man o lokal.
Take note:
Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. Para lang po ito sa mga taong may malaking pang-unawa. Ang mga salita at damdaming nakapaloob sa kwentong ito ay base lang po sa sarili kong opinyon at wala pong balak na makasakit ng damdamin ng iba dahil ginawa ko lang po ito para ipahayag ang nararamdaman ko sa malayang pagsusulat.
And lastly:
Kung feeling niyo po ay hindi niyo kayang magbasa ng ganitong kwento o
hindi niyo nagustuhan ay malaya po kayong lisanin ang kwentong ito
. Uulitin ko po. Hindi po ito para sa lahat
at hindi po ako ang ideal na otor niyo. Salamat.
P
ractice
Safesex
guys
. Always use
Condom
be a responsible Top. Be a Cleaner bottom. Be educated. Wala pong masamang pag-usapan ito “
Awareness
“ sa mga kalahi natin. Love ourself and our partner.
Free to read.. Free to vote.. Free to comment. Salamat.
Ang Pagkopya Ay Mahigpit Na Ipinagbabawal!
Enjoy reading :)
Eto po ang kauna-unahang mala-fantasy na kwentong gagawin ko. Sana suportahan niyo salamat.
“Tonyo!!!!!”
“Tonyo gising!!!” Ang rinig kong sigaw mula sa labas ng aming bahay.
“Tonyo hindi ka ba babangon diyan ha. Tanghali na!” Ang muling sigaw ni nanay sa labas. Haixt. Eto na naman si nanay.
“Nay opo babangon na po”
“Bumangon kana diyang bata ka o gusto mong paluin pa kita ng walis tingting na hawak ko”
“Nay hindi na ko bata para paluin niyo. 19 years old na po ako” ang nakangusong sigaw ko.
Bago ko ituloy ang kwentong ito ay magpapakikala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Tonyo Berde, labing siyam na taong gulang. Nakatira sa isang probinsya dito sa Quezon. Dahil sa kahirapan ng buhay ay high school lang ang natapos ko. Maaga akong namulat sa kahirapan ng buhay. Sa edad na 16 ay tinutulungan ko na si nanay sa pagtitinda ng kakanin sa bayan. Buti na lang at may nag magandang loob na bigyan kami ng libreng stall sa bayan. Isa kase si nanay sa napiling mabigyan ng stall ni nanay norma yung may ari ng “Kainan sa Palayan”. Ang kainang sikat sa lugar namin dahil sa luto at magandang tanawin nito na nakakarelaks lalo na sa mga mahihilig sa Nature.
Ipapakilala ko na rin sa inyo ang napakabait kong nanay.. si Nanay Marcela. Siya yung nanay na maingay at lagi akong tinuturing na bata. Pero kahit ganyan si nanay ay hindi ako nito pinabayaan. Lahat ng pwedeng gawin ng isang ina ay ginawa niya para sa akin.. Minahal at tinanggap niya ako kung sino o ano ako. Oo proud akong sabihin na bakla ako. Eto na ako, eto ang nararamdaman ko at ayokong lokohin ang sarili ko. Gusto kong kumilos ng malaya at naayon sa tinitibok ng puso ko.
Si tatay? Namatay siya noong grade 1 pa lang ako. Ang kwento sa akin ni nanay ay nagkasakit daw ito dahil sa sobrang pagod. Wala daw kasing ginawa si tatay kundi ang maghanap buhay simula ng dumating ako sa buhay nila. Tinuturing daw nila akong isang biyaya. Masakit man isipin pero kahit ganoon ang nangyari ay nagpatuloy pa rin kami ni nanay sa buhay.. Syempre lalong lalo na ang nanay ko. Naging matatag siya at itinaguyod ako.
Nakatira lang kami dito sa paanan ng bundok malapit sa sapa. Isang simpleng bahay lang ang tinitirhan namin dito na gawa sa kahoy. May dalawang kwarto at maliit na salas. Yung tipikal na bahay na makikita niyo sa probinsya lalo na kung nakapunta na kayo ng Quezon province. Medyo malayo layo din kami sa highway. Siguro mga sampung minuto o labin limang minuto depende sayo.
“Bumangon kana diyan. Ikaw na ang magtuloy ng pagwawalis dito at maghahanda na ako para dalhin itong mga tinda natin sa stall. Yung ilalako mo nakahanda na diyan”
“Opo nay. Liligpitin ko lang po itong higaan ko” ang sabi ko kay nanay. Tumayo ako at nag unat-unat. Kumendengkendeng din ako bilang ehersisyo ko. Para nga pala sa inyong kaalaman sumasali naman ako ng mga miss gay o miss gay ng mga baranggay pero Ako yung baklang hindi nagdadamit pambabae kapag walang pageant. Yung normal na sinusuot lang ng mga lalaki lalo na at nasa bahay lang ako o nagtitinda ng mga kakanin pero mahahalata mo sa lakad at kilos ko dahil sa pagkendeng-kendeng ko. Wala naman masama kung eto yung galaw ko eh basta hindi ko sila binabastos para bastusin din nila ako. Sadyang masaya lang ako at nagpapakatotoo.
Marami ngang nanghihinayang sa akin lalo na yung mga matatanda kong customer na pinagbebentahan ko ng kakanin ng malaman nilang bakla ako. May itsura naman daw ako pero bakit daw ako naging si darna? Aba malay ko. Nakalunok ko ata ang bato ni ding. Hahaha.. Pero ng malaman ni nanay na ganito ako wala man lang akong nakitang panghihinayang sa kanya. Tanggap na tanggap niya ako.
Pagkatapos kong ayusin ang higaan namin ay lumabas na ako para ipagpatuloy ang winawalis ni nanay. Naabutan ko lang itong nagwawalis pa rin.
“Nay ako na po diyan” Tumingin lang ito sa akin at naningkit ang mata.
“Ang hirap mo talagang gisingin bata ka. May boyfriend kana ba ha?” Ha? Ano daw?
“Ano po?”
“Boyfriend. Meron kana ba?”
“Boyfriend nay? Wala. Wala po. Wala ngang magtangka eh” ang nanghihinayang na sabi ko.
“Alam mo anak wala naman masama kung magboboyfriend ka basta wag mo lang iiwan si nanay ha. Ikaw na lang ang meron ako. Baka kapag nagkaboyfriend ka bumukod na kayo ng bahay” ang kunwaring malungkot na sabi ni nanay. Bumukod agad? Echosera din itong si nanay eh.
“Nay ang drama niyo po. Wala nga po akong boyfriend gusto ko nga sana eh pero ang gusto nila ay yung may pera. Mamahalin lang daw po nila ako kung may perang ibibigay ako o regalong maibibigay sa kanila” ang nakangusong sabi ko.
“Yan! Yan ang wag na wag mong gagwin anak. Ang magbayad para mahalin ka. Hayaan mo dadating din yung para sayo na walang hinihinging kapalit” ang sabi ni nanay. Napakasupportive talaga ni mudra.
“Pwede po bang ihanap niyo na ako ngayon? Gusto ko na po kasing magkajowa” ang ngiting asong sabi ko.
“Sige sandali ihahanap kita ng dos por dos ng maipalo ko sayo yang kailusyonadahan mo” ang sabi ni nanay at ibinigay nito sa akin ang walis at nagwalk out. Naoanguso lang ako.
Habang nagwawalis ako ng paligid ay siya na namang sigaw ni nanay.
“Anak kumain kana pagkatapos mo diyan ha. Aalis na ako. Yung paninda mo nandito sa lamesa may takip naman wag kang mag-alala” ang sigaw ni nanay mula sa loob ng bahay.
“Ah sige po nay! Tatapusin ko lang po ito at kakain na rin ako para makapagtinda. Ingat po kayo. I love you nay” ang sigaw ko.
“I love you din anak” ang rinig kong sabi ni nanay. O diba napaka-vocal namin sa isa’t-isa. Mahal ko ang nanay ko at hindi ako mahihiyang sabihin kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kasaya na siya ang nanay ko.
Matapos ni nanay umalis ay pinagpatuloy ko lang ang pagwawalis ko. Siguro ay mga 9 am na ako natapos dahil sa dami ng mga dahong nagkalat sa bakuran namin. Habang nagsusunog ako ng mga tuyong dahon ay siya namang daan ng dalawang lalaking magka-angkas sa bike. Grabe! Ang gagwapo talaga nila. Hindi na naman sila bago sa paningin ko dahil madalas talaga silang pumunta dito sa sapa. Base sa pagkakarinig ko ay mine ang tawagan nila. Minsan naman ay Nathan, blue, andrei at macoy ba yun basta yun yung mga pangalan na naririnig ko. Mukhang pamilyar din sakin sila dahil kapag naubos ko na yung mga paninda ko sa paglalako ay dumidiretso naman ako sa stall namin ni nanay para tulungan siya doon magtinda. Madalas ko silang makita doong bumili lalong lalo na yung bananacue namin.
Mahilig din kaya ako sa saging. Ano kayang lasa ng saging ng lalaki? Hahaha.. Ang harot ko na. Wala pa kase akong nagiging jowa kaya wag kayon ano diyan. May mga crushes naman ako sa school noong elementary at highschool pero hanggang doon lang. Tanggap naman nila ako.. hindi ko lang alam kung dahil sa gay ako o dahil matalino ako kaya nila ako natanggap.
Hey! Kahit highschool grad lang ako magaling din naman ako. Pero aanhin mo nga ang talino mo kung wala ka namang pera. Saka yung pagiging matalino na nga lang ang pwede nating ipagmalaki bilang isang bakla para matanggap sa lipunang ito hindi ko pa ba gagalingan sa pag-aaral? Alam ko naman na may mga scholarships na inooffer ang mga schools pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakukuha. Lalo na kung mga lalaki ang nagbibigay ng scholarships. Its either may gagawin daw kami bilang pambayad ko sa tulong nila o tatanggihan ko.
Ayoko naman ibaba ang sarili ko para lang makakuha ng scholarship noh. Saka sa tingin ko hindi porket nakakuha kana ng scholarship eh ok na yun. Eh paano naman yung pangbaon ko sa araw-araw at bayarin sa miscellaneous? Libre ka nga sa tuition pero babawian ka naman dun.
Kaya sa tingin ko hindi yun ganun kadali sa tingin ko lang naman ha saka mas mabuti na lang muna na tulungan ko si nanay sa pagtitinda dahil matanda na rin ito. Hindi ko naman sinasara ang oportunidad na makapag kolehiyo ako basta ba bukal sa loob nilang ibibigay sakin at walang hihinging kapalit ay sino ba ako para tumanggi.
After kong magwalis ay pumasok na ako sa loob ng bahay nasulyapan ko pa yung dalawang lalaking pogi na sweet na sweet sa tabing sapa. Gusto ko man makipagkilala sa kanila pero saka na lang baka makasira pa ako ng moment nila. Mukha naman kasing may something sa kanila. Siguro mayaman yung isa kaya nagkaboyfriend siya. Sabi ko na nga ba eh. Tama ako pera pera na ngayon ang sukatan ng pagmamahal.
Kumain, naligo saka nagbihis. Eto ang routine ko araw-araw. Humarap muna ako sa salamin at ngumiti.
“Ang ganda ganda mo talaga tonyo” ang sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos kong purihin ang sarili ko ay kinuha ko na ang paninda ko sa bilao saka ipinatong sa ulo ko.
Maghintay kayo mga masusugid kong customer rarampa na ang diyosa ng mga kakanin. Bwahahahaha…
“Ahmm.. Excuse me?”
Ubo! Ubo! Ano ba yan nabilaukan ako. Sino ba yun? Pagtingin ko sa lalaking nagsalita ay walang iba kundi isang prinsipe.
“Yes?” Ang pupungay pungay na sabi ko. Grabe. Ang gwapo niya.. Bakit nakatopless to. Baka ma-rape siya.
“Dito ka ba nakatira?”
“Oo bakit?” ngumiti siya. Nagbukas ang langit. Diyosa ng mga bakla siya na ba ang boyfriend na hinahangad ko?
“Nakita ko kasing may dala kang bilao. Mukhang paninda ba yan?” ang tanong nito. Ang Hot naman ng boses niya.
“Ah.. Eh..” imik agad tonyo. This is it. This is your dream “Oo paninda ko to. Meron akong puto, conchinta at bibingka at kung gusto mo naman mura lang ako hehehe. Anong gusto mo pogi?” natawa lang ito.
“Pabili nga ng tigdadalawang pirasong kakanin” ang saad pa nito. Ibinaba ko naman sa lupa yung bilao at kumuha ng plastik.
“7 pesos each so bale 42 lang pogi. Ako ba hindi mo bibilhin?” ay ang harot ko na. Tumawa lang siya at kumuha ng 100 sa bulsa.
“Eto oh. Dahil napasaya mo ako. Keep the change”
“T-talaga? Wow salamat. Pero may ibang bagay akong alam para pasayahin ka” ang nakangiting sabi ko dito kahit ang totoo wala pa akong alam sa ganung bagay. Gusto ko lang makatikim ng saging. Sabee?? Hahaha..
“Ikaw talaga. You look familiar” ang sabi nito.
“Really?” oh diba marunong din naman ako mag-english noh. Di porket mahirap ka eh ganun na lang ang tingin natin noh. Very wrong. Magbago na tayo mga madlang people.
“Pero nevermind. O siya sige salamat” ang sabi nito. Salamat? Ano daw? Siya pa ang nagpasalamat? Dapat ako nga ang magpasalamat eh.
“Bili ka uli pogi ha. Salamat nga pala sa pasobra. Pogi kana mabait pa” ang nagpapacute na sabi ko. Nakarinig naman kami ng taong sumisigaw. Mukhang tinatawag na siya.
“Macoy!! Asan kana?” ang sigaw noong lalaki sa sapa.
“Babe papunta na ko diyan. Bumili lang ako ng kakanin” ang sigaw nito. Napataas naman ako ng kilay. Babe? So it means sila? Aixt! Malamang pineperahan lang nito yung lalaki. Pero parang hindi eh.. Ah basta. Ngumiti muna ito sa akin at nagpaalam.
Napasimangot lang ako. Akala ko pa naman siya na ang magiging boyfriend ko na ipapakilala kay nanay. Aixt naman.
Kumendeng kendeng na lang ako at sumigaw sigaw..
“Kakanin!”
“Kakanin!!”
“Kakanin ho kayo diyan!”
Ang paulit ulit na sigaw ko habang binabaybay ang daan palabas ng kalsada. Hindi ko pinalampas ang mga customer ko sa bayan na lagi kong inuulian.
“Kakanin! Kakanin ho kayo diyan!”
“Tonyo pabili ngang bibingka” ang sigaw ni kuya arman. Ang tricycle driver na masugid kong customer. Kumendeng naman ako papalapit sa kanya.
“Ilang bibingka kuya arman?” tanong ko dito.
“Isa lang tonyo. Masarap pa rin ba ang bibingka mo?” ang nang-aasar na tanong nito.
“Aba syempre naman. Masarap ang bibingka ko” ang natatawang saad ko. Kabiruan ko na itong si kuya arman. Actually hindi lang naman siya. Halos lahat ng mga customer ko. Tuwang tuwa sila sakin kapag naririnig na nila ang boses ko.
“Bye kuya arman. Bukas ulit” tumango lang ito sa akin.
Naglibot libot lang ako sa bayan at pinuntahan ang mga suki ko. Pinagbentahan ko si aling mercy, mang kadyo, si ate lorena at kung sino sino pa. Pero ang hinding hindi ko pwedeng kalimutang pagbentahan ay ang crush ang kong si Jameson. Siya yung crush na crush ko dahil sa sobrang gwapo at galing nito sa pagbabasketball. Kaya ko nasabing magaling yan magbasketball ay dahil lagi akong nanunuod ng liga sa plaza kapag may laro ito. Siya yung crush ng bayan. As in lagi siyang bukambibig ng mga kababaihan at kabaklaan sa bayan.
Kelangan kong ayusin muna ang buhok ko at magpacute. Binaba ko muna sa tabing kalsada ang dala kong bilao at sinuklay ang buhok ko at sumilip sa maliit na salamin kong dala. Nang makontento na ako sa sarili ko ay Kinuha ko na ulit ang bilao at naglakad papunta sa tapat ng bakuran nila jameson. Hindi naman sila kayamanan pero maganda ang bahay nila na gawa sa kahoy at ang bakod na gawa din sa kahoy tapos madaming tanim na bulaklak sa paligiran nila.
“Kakanin. Kakanin po kayo diyan!” ang malakas na sigaw ko. Nagpapapansin ako sa kanila bakuran pero walang lumalabas kay sumigaw ulit ako.
“Kakanin! Kakanin ho kayo diyan!!” sigaw kong muli. tsk! Bakit walang lumalabas huhu..
“Tonyo?” nagulat naman ako ng may biglang may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay ayun.. Wala na. Natulala na ako. Kinuha na ako ng bathala ng mga bakla. “Anong tinda mong kakain? May puto ka ba diyan?”
“Ah.. Eh.. Oo eh hehehe.. Bibili ka ba?” ang kinakabahang tanong ko. Napatingin naman ako sa hubad nitong katawan. Mukhang katatapos lang niyang magbasketball base sa pawis na dumadaloy sa kanyang abs. Nakasabit din sa balikat nito ang basa niyang jersey habang nakasuot lang ito ng short at may hawak na bola sa kaliwang kamay. Sobrang hot at gwapo niya.
“Pagbentahan mo nga ako ng sampung pirasong puto. Alam kong magugustuhan yan ni nanay” ang sabi nito. Tumango lang ako sa kanya habang hindi nawawala ang tingin sa abs niya. Nang siguro mapansin nito kung saan ako nakatingin ay natawa lang siya. “Lalo kang gumaganda tonyo. Anong sikreto mo?”
“ Ikaw “ ang mahinang sabi ko.
“Ako?” paktay. Narinig ata niya.
“Ahmm.. Jameson eto na” at binigay ko na sa kanya ang binili nito. Natatawa naman siyang nagbigay ng pera sa akin. Susuklian ko na sana siya ng bigla nitong hawakan ang kamay ko. Grabe! Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Sobrang pinagpapawisan na ako sa kaba.
“Sayo na yang sukli” ang nakangiting sabi nito. “Sige na tonyo. Ingat ka sa pagtitinda” at pumasok na ito sa kanilang bakuran. Nakatunganga lang ako sa kanya. Para niya akong nahipnotismo dahil hindi mawala wala ang tingin ko sa kanya. Natauhan na lang ako ng may tumawag sa akin para bumili.
Grabe! Ang sakit ng katawan ko. Nandito na kami sa bahay ni nanay. Matapos ko kasing maubos ang paninda ko sa paglalako ay pumunta na ako sa stall namin ni nanay para tulungan siya. Yung mga natira at hindi naubos ay tinatago namin para hindi masira o mapanis.
“Anak kain na tayo” ang sabi ni nanay tumango lang ako sa kanya habang naghahain ito ng ulam. Piniritong itlog at kamatis lang ang ulam namin ni nanay ngayong hapunan. Malaki naman ang kita namin ngayong araw pero ok na rin naman dahil sanay na kami.
Ang kagandahan lang sa negosyo namin ay sarili naming gawa ang mga ito at hindi inoorder sa iba. Pero ang mahirap lang eh yung pagod mo dahil sa paggawa at pagluluto. Kaya hindi ko rin kayang iwanang mag-isa si nanay sa ganitong negosyo dahil hindi niya kakayanin mag-isa.
Alam kong mas umangat-angat ang buhay namin ngayon kesa noon pero kahit ganoon marunong pa rin kaming magpahalaga sa mga bagay na dinanas namin noon. Sa katunayan nga ay kaya naming bumili ng karne, isda o magluto ng kahit na anong masasarap na ulam. Sadyang hindi lang kami pihikan o Mapili sa ulam. Saka hindi na rin namin magawa pang magluto ng mga pagkaing matatagal lutuin dahil sa pagod at sa paggawa ng ititinda kinabukasan.
Matapos kong maghugas ng pinggan ay dumiretso na ako sa kwarto ko saka dumungaw sa bintana at tiningnan ang mga kislap ng bituin.
“Mga stars kelan na kaya ako magkakaboyfriend?”
Aixt! Napanguso lang ako at naupo sa sahig. Hindi ko pa nararanasang magmahal at mahalin ng isang lalaki. May magmamahal pa kaya sakin? Ay Wait teka! Makuha nga yung ballpen at papel ko sa bag. Kahit matagal na kong hindi nag-aaral eh nandito pa rin yung mga notebook at ballpen kong hindi nagamit.
Hmmm.. Ano bang type ko sa isang lalaki? Ahmm.. Ok lang naman kung hindi gwapo pero mas maganda kung gwapo hahaha..
Nagsulat ako sa notebook ng ideal man ko.
- Gwapo
- Matangkad
- Magaling sa sports
- Mabait
- Matulungin
- Masipag
- Laging nasa tabi ko.
- Masiyahin
- Mapagmahal
- At higit sa lahat ako lang ang mahal niya habang buhay.
Shocks! Kinikilig ako habang sinusulat ko ang gusto ko sa magiging boyfriend ko. Waaahhhh!!
Naghanap ako ng maliit na kahon at nilagay doon ang dalawang pirasong papel kung saan nakalista ang mga katangian ng taong gusto ko at ang isa naman ay isang blangkong papel kung saan isusulat ko ang mga plano namin sa buhay. Tinalian ko ang kahon at lumabas ako ng aming bakuran. Alas dose na ng gabi nun. Sabi daw nila wala daw imposible kung maniniwala ka sa magic. Alam kong i’m in a real world pero hindi naman siguro masamang maniwala.
Naglakad lakad ako sa bakuran namin hanggang sa makakita ako ng isang malaking puno. Kelangan ko itong itago sa ilalim ng lupa para masecure at walang makaalam. Dapat daw ay walang makakaalam ng winish mo para effective. Sakto naman at may dala akong pala. Naghukay lang ako sa likod ng malaking puno at binaon doon ang maliit na kahon. Nagdasal din ako ng halos isang minuto doon na sana matupad ang mga wish ko at ang plano namin sa buhay. Tumingala ako sa langit at tumingin sa mga stars.
“Stars alam kong desperado na ako. Pero sana magkaboyfriend na ako please.. Please, please..” ang hiling ko saka pumikit. Pagmulat ko ng mata ay ngumiti ako.
Alam kong katangahan itong ginagawa ko pero ginawa ko pa rin. Hay! Naglakad na ako pabalik ng bahay at dumiretso sa kwarto. Hihiga na sana ako noon ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Sobrang lakas ng kulog. Sumabay na rin dito ang paglakas ng ulan. Teka! Ang init init kanina ah. Bakit bigla na lang umulan.
Tok! Tok! Tok!
“M-may kumakatok? Dis oras ng gabi ah?” ang bulong ko sa sarili ko. Grabe yung takot ko ng mga oras na yun. Sobrang lamig din. May bagyo ba ngayon?
Tok! Tok! Tok!
Mas lalong lumalakas ang katok. Grabe na talaga yung takot ko. Halos yakapin ko na ang sarili dahil sa takot. Gigisingin ko kaya si nanay? Ayoko! Nahihiya ako kay nanay alam kong pagod siya pero kase.. Sino ba kase yung kumakatok?
Halos ilang minuto rin akong nag-iisip ng gagawin pero hindi pa rin tumitigil yung taong kumakatok sa labas. Paano kung emergency? Alas dose ng gabi emergency? Eh bakit pag emergency ba kelangan may specific time? Oonga noh? Eh paano kung masamang tao? Eh paano kung hindi? Argh! Ano ba talaga? Para na akong tanga na nagdedebate sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at tumayo. Kelangan kong maging matapang. Kung sino ka man hindi kita uurungan.
Paglabas ko ng kwarto ay kumuha lang ako ng kutsilyo at tinago sa likuran ko. Nanginginig akong lumakad sa likod ng pintuan at hinawakan ang tarangkahan nito. Hindi pa rin tumitigil ang pagkulog at pagkidlat sa labas.
Bumilang lang ako ng tatlo at hinanda ang kutsilyo sa likod ko incase of emergency. Pagbukas ko ng pinto ay kasabay ng malakas na pagkidlat. Namataan ko ang isang lalaki na hindi ko maaninag dahil sa lakas ng liwanag na idinulot nito. Nang makapag-adjust ang mata ko ay naaninag ko sang isang matipunong lalaki. Grabe ang gwapo niya at ang tangkad pero teka? Bakit puro putik siya at.. At.. B-bakit wala siyang suot na kahit ano. As in kitang kita ko si big bird. Naoatakip naman ako ng mata.
“S-sino ka?” ang kinakabahan kong tanong. Ngumiti lang ito at pumasok sa loob. Napakunot naman ako ng noo.
“T-teka. Si-sino ka ba?” hello? Hindi ko siya kilala tapos papasok siya ng hubo’t hubad sa bahay. Eh paano kung makita siya ni nanay? Nagulat ako ng yakapin niya ako at halikan sa labi. Nanlaki naman ang mata ko Grabeng pamumula ng mukha ko.
Tinulak ko naman siya agad. Wait teka? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa maliban doon sa ano niya. Siya na ba yung nasa wish list kong maging boyfriend?
“Ikaw na ba ang boyfriend ko?” ang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito saka tumango.
Agad naman akong tumakbo sa kwarto para kumuha ng tuwalya at nagsisigaw.
“Wooohh!! Thank you mga stars!” ang tumatakbong sigaw ko pabalik doon sa lalaki at binalot sa bewang niya yung tuwalya.
“Anak?”
“Nay?” ang gulat na gulat na sabi ko.
“Narinig ko ang pagsigaw mo kaya nagising ako. May problema ba?” ang tanong nito. Napatingin naman siya sa lalaking nasa tabi ko. “Si-sino siya?”
Ngumiti lang ako at niyakap yung lalaking nasa tabi ko.
“ Nay boyfriend ko po “
Please support guys. :)
Vote and comment.
February 6, 2018

