loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Try Natin (BoyxBoy)

Try Natin (BoyxBoy)

erolko11 · 3 chapters · 10,559 words

Try 1

PAALALA

:

Hindi po ako isang propesyonal na manunulat. Ang kwentong inyong mababasa ay base lang po sa aking imahinasyon, tinatakbo ng isipan at nilalaman ng puso.

Hindi lang po iisa ang manunulat sa mundong ito kaya hindi niyo po masisisi ang sinuman sa amin na may pagkakahawig ang kwento, foreign man o lokal.

Take note:

Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. Para lang po ito sa mga taong may malaking pang-unawa. Ang mga salita at damdaming nakapaloob sa kwentong ito ay base lang po sa sarili kong opinyon at wala pong balak na makasakit ng damdamin ng iba dahil ginawa ko lang po ito para ipahayag ang nararamdaman ko sa malayang pagsusulat.

And lastly:

Kung feeling niyo po ay hindi niyo kayang magbasa ng ganitong kwento o

hindi niyo nagustuhan ay malaya po kayong lisanin ang kwentong ito

. Uulitin ko po. Hindi po ito para sa lahat

at hindi po ako ang ideal na otor niyo. Salamat.

P

ractice

Safesex

guys

. Always use

Condom

be a responsible Top. Be a Cleaner bottom. Be educated. Wala pong masamang pag-usapan ito “

Awareness

“ sa mga kalahi natin. Love ourself and our partner.

Free to read.. Free to vote.. Free to comment. Salamat.

Ang Pagkopya Ay Mahigpit Na Ipinagbabawal!

Enjoy reading :)


Hi, My name is King Adorado. “Nam” for short 17 Years old. Grade 12 student 5’6 height Gay Power Bottom In a Relationship.

Ang Taray ng pangalan ko noh. Akala mo naman lalaking lalaki. Brusko. Macho pero naku. Hahaha.. Hindi bagay sa pagiging malambot ko. Opo isa po akong dalagang pilipina yeahh.. Charot. Hahaha.. Korni ko talaga. Ok. Eto nga po. Isa po akong babaihan. Baklang nagdadamit pambabae, nagsusuot ng wig at sumasali sa mga Gay pageant. Ewan ko ba diyan kana mama at papa. Kung bakit “King” pa ang ipinangalan sa akin. Pwede namang Queen, Queenie or Magdalena anong problema char hahaha.. Nakakaakit kase kung ganyang pangalan mo. Sobra siyang fierce, makamandag. Lapitin ng boys hahaha..

But anyways, alam ko naman na talaga sa sarili ko na I’m Gay, trans o what so ever. Sa lalaki lang po talaga ako nagkakagusto ganun. Pak na pak tayo sa mga Oms diyan, mga bortakels na daks. Beke nemen char hahaha.. Pero kapag wala naman ako lakad or raket sa mga contest. Normal lang ang suotan ko. Yung simpleng damit, simpleng short pero yung short na sobrang iksi para alam niyo na, magkagulo ang mga lalaki sa akin. Ang harot ko hahaha..

Ok. Saka syempre alam niyo naman sa school diba, bawal sa lalaki ang mahaba ang buhok. Kaya pag may pasok konting pulbo at liptint bongga na hahaha.. Tuwing may contest o okasyon lang naman ako doon nagbibihis pambabae at nagsusuot ng wig but not all the time kase matrabaho siyang gawin. Kaya sa mga baklush diyan na todo awra, todo pa ganda. Salute ako sa inyo mga teh. Struggle is real magustuhan lang ng mga straight tapos peperahan ka lang. Kainis noh? hahaha…

May sasabihin nga pala ako sa inyo.

Wait! Sasabihin ko na ba?

Ahmmm.. Ano.. Aahmm.. Shege ne nge. Sheshebehin ko na. May brace lang? Hahaha.. Opo, may boyfriend na po si aketch. I’m taken. Hindi man kagandahan sa inyong paningin, ligawin din. Alam niyo ba ang tawag nila sa akin? Diyosa, isa po akong Diyosa sa sobrang ganda. Kaya sa mga lalaki diyan. Sarrey, stick to one lang ang lola niyo kahit ang sasarap niyo hahaha… Saka niyo na lang po ako ligawan kapag single na ulit si ako. Char! Bakit ba ang landi landi ko?

Ahmm.. Ok let’s be serious ng beri beri light lang. Konti lang. Ahmm.. Hindi po kami kayamanan at hindi rin naman po kahirapan. Nasa middle class lang po ang aming pamumuhay. Sakto lang para mabuhay pero kahit may kaya kami sa buhay, pinipilit ko pong maging independent in a way na sumasali nga ako sa mga contest to support my own needs. Yung napapanalunan ko doon siya yung ginagamit ko sa mga expenses ko sa school. Kaya minsan di na ako humihingi ng baon kana mama at papa. Ganern. Saka alam mo naman sa bansa natin kapag bakla ka kelangan may mapatunayan ka muna bago ka nila tanggapin diba. Hays, masakit man pero ganun dito sa atin.

Tanggap naman ako nila mama at papa. Siguro noong una hindi pero wala eh. Hindi ko kaya yung gusto nila para sa akin. Mabuti na nga lang at may kapatid akong lalaki, siya yung panganay sa akin, ayun may pamilya na at dalawang anak. Kaya siguro natanggap na rin nila mama at papa na ganito ako dahil kay kuya. Nagkaroon sila ng apo sa kanya. Pero kahit tanggap nila ako minsan sobrang higpit nila sa mga nagiging boypren ko. Gusto nila yung nakikita nila, yung tinatakot nila para malaman kung ok o hindi pero minsan pasaway talaga ako. Tinatago na lang namin ang relasyon namin dahil sa takot kay papa.

Kahit naman effem ako ligawin ang lola niyo noh. Wag kayong ano diyan Hahaha..

Naghanda na ako ng susuotin ko papasok ng school. Hays, can we just….just… You know..  Ano… Ahmm.. Basta. Yun na yun. Gusto kong magpalda eh pero ok na rin yung panlalaki. I respect the school policy/policies? Hahaha… Though hate ko man magsuot ng panlalaki sa school awra lang. Liptint at pulbo ready na ulit si meme.


Hi, My name is Akihiko Sandoval “Aki” for short 18 years old Grade 12 student 5’7 height Gay In a relationship Power bottom

Tulad po ng iba diyan. Isa rin po akong dalagang pilipina. Malambot, mayumi, mahinhin at nagdadamit pambabae. Mahilig akong sumali sa mga gay pageant, singing contest, dance contest. Lahat ng contest ay sinalihan ko na. Ganito po ako kasipag na bakla para itaguyod ang kapatid kong si Shiro. Siya po ay 12 years old at grade 7 student.

Kung mapapansin niyo po sa pangalan namin. Half japanese at half pilipino po kami ni shiro. Dalawa na lang po kami sa buhay ngayon.

Nagsimula ang kwento namin ni shiro noong magtrabaho si nanay sa japan bilang isang entertainer. Hindi pa kami noon ipinapanganak ay mahirap na po talaga kami. Inalok lang si nanay ng kaibigan niya para magtrabaho doon at maiangat din ang buhay nito sa kahirapan. Pero sa kasamaang palad, hindi pa man siya nagtatagal sa japan ay nagkaroon na ito ng kasintahang hapon at nabuntis ito. Hindi siya agad pinanagutan ng tatay namin kaya pinauwi agad ito ng pilipinas at doon itinuloy ang kanyanf pagbuntis. Which is ako yun. Labis ang hinagpis ng aking ina noon dahil sa nangyari. Hindu niya natupad ang pangarap niyang yumaman.

After niya akong ipagbuntis ay naghanap ulit ito ng trabaho kaya lang sa lugar na namin para matustusan ang pangangailangan ko. Pero sa kasamaang palad ay hindi pa rin ito sapat para buhayin ako at para makatulong sa magulang niya. Kaya ipinaampon niya kay sa tita ko, sa kapatid ni nanay at bumalik ulit ito ng japan para sumubok at makahanap ulit ng trabaho doon. Sa awa naman ng Diyos. Natanggap ulit si nanay sa bar ng kanyang pinagtatrabahuhan dahil na rin sa kakilala nito.

Buwan buwan niya akong pinapadalhan ng pera kay tita at tuwing may free time siya, tumatawag ito through video call para kamustahin ako.

Doon ko din nakilala ang tatay kong hapon. Dahil everytime na tumatawag sa amin si nanay ay may kasama itong lalaki. Yun na pala ang tatay ko. Nagkita daw ulit sila sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero ang masaklap. Makalipas lang ang anim na taon ay bumalik na ito ng pilipinas dahil nabuntis na naman ito ng tatay ko. Tuwang tuwa ako dahil makakasama ko na ulit ang nanay ko pero this time. Iba na. Tuluyan ng pinutol ng tatay kong hapon ang koneksyon niya kay nanay. Hindi na niya na kami sinuportahan at iniwang walang wala.

After ipagbuntis ni nanay ang bunso kong kapatid ay agad ulit itong naghanap ng trabaho sa probinsya namin pero wala siyang nakuhang regular na trabaho. Lahat ng naipon nito sa japan ay hindi naging sapat para yumaman kami. Nakatira lang kami sa isang maliit na kubo sa probinsyang ito. Yung naipon ni nanay ang siyang ginamit namin sa pang araw araw na gastusin sa pagpapa-aral at kakainin namin. Doon na nagsimula ulit maghirap ang buhay ng nanay ko. Minsan nga ay isa o dalawang beses na lang kami kumakain sa isang araw eh.

13 years old ako noon ng lumabas ang pagiging bakla ko which is grade 1 pa lang alam ko na naman. Mas naging lantad lang ako noong naging 13 na ako. 13 years old din ako noon ng ipakilala sa amin ni nanay ang bago nitong kasintahan pero akala ko makakaranas na kami ng tatay na magmamahal sa amin ng kapatid ko pero sapok at tadyak ang inaabot namin sakanya. Isang taon naming tiniis ang pananakit nito hanggang maisipan ng step father ko na umalis at umuwi na sa lugar nila sa visayas. Tuwang tuwa kami ng kapatid ko noon dahil makakalaya na kami sa pangmamaltrato nito sa amin. Pero nagkamali kami.

Dahil sa sobrang pagmamahal ni nanay sa kanya mas pinili nitong iwan kami at sumama sa lalaking yun. Ibinilin niya kami kay tita pero tulad ng iba. Pang mamaltrato din ang inabot namin dahil wala na siyang perang nahihita sa nanay ko.

Dahil sa awa ko sa kapatid ko at ayaw ko itong nakikitang umiiyak ay mas pinili kong bumukod na lang kami at tumira sa bahay na iniwan namin. Kaya at the age of 14. Doon ako natutong magtrabaho ng kung anu-ano para may makain at maipang baon lang kami.

Well, minsan malaki ang naiuuwi ko, minsan konti lang pero sapat na yun para sa araw araw naming gastos. Kaya kahit ganun, hindi ko pa rin pinapabayaan ang pag-aaral ko. Nagiging honor student pa rin ako. Syempre alam niyo naman kapag bakla ka dapat may mapatunayan ka. Sa ayaw at sa gusto mo dapat mag success ka para tanggapin ka sa lipunang ito.

And doon naman sa boyfriend ko. Ok naman kami. Siya yung nanligaw sa akin. Sinabi ko na mahirap kami pero ok lang daw. Ayun. Masaya naman kami kahit papaano.

Ang drama ng buhay ko noh? Bakla ka na nga madrama pa ang buhay. Hays.. Hahaha..

Madilim man ang sinapit namin ng kapatid ko hindi yun naging hadlang para maging masaya ako. Opo, malungkot lang ang buhay ko pero masayahin ang bakla.

Naghanda na kami ng kapatid ko sa pagpasok sa school at di tulad ng ibang bakla diyan ehemm.. King.. King adorado. Tsk. Ang pangit ng pangalan hahaha… Ako, Liptint at pulbo lang. Bongga na. Mga baklang twooohh..


Hi, My name is Ijun Ongkiko “Kiko or ijun” for short 17 years old Grade 12 student 5’9 height Straight In a relationship

Gwapo, matangkad, daks, mayaman. Yan ang lagi kong naririnig sa kanila especially sa mga naging ex-girlfriend ko. Biruin niyo yun guys, pangalan ko pa lang ang lakas na ng dating, pangalan pa lang mabubuntis kana kaya ano pang mahihiling mo? Subukan na. Hahaha..

Sabi nga nila lahat na nasa akin na. Actually hindi ko na mabilang ang mga babaeng dumaan sa akin at sa junior ko. Especially ang mga babaeng natikman ko. Yeah, sa mura kong edad natutunan ko na ang kapusukan sa buhay. Well di ko naman sila masisisi. Saka anong gagawin ko kung sila ang lumalapit sa akin para matikman ako. Lalaki lang ako pare at bata. Ineenjoy ko lang ang kabataan ko. Buti nga at di ko sila nabubuntis kundi, naku. Magiging batang ama ako at lahat sila puro panganay pa hahaha..

Pero kahit mapusok naman ako at mahilig sa babae alam ko pa rin naman ang responsibilidad ko bilang anak. Saka ang bata ko pa para maging tatay. Ayoko namang humawak ng responsibilidad na hindi ko pa alam at hindi ko pa kaya. Gusto ko pa ring maging malaya at ienjoy ang kabataan ko. Yung makapagtapos ng pag-aaral at makuha ang kursong gusto ko.

Ngayon ay graduating na ako at hindi makapaniwala na kasama kong gagraduate si condom hahaha.. Totoo yan. Pasalamat ako at naimbento siya. Ayoko munang matali. Hirap kayang gumimik kapag may asawa kana tapos ang bata mo pa. Kaya kay condom. Thank you sayo partner. Napapasarap mo ang buhay ko at the same time. Natitikman ko ang lahat ng magagandang babae sa lugar namin.

Oo masarap kung sa masarap pero sa sampong babaeng dumadaam sa buhay ko ilan lang diyan ang sinersyoso ko. At ngayon ok naman kami ng girlfriend ko.

Kaya this year. Bago ako grumaduate uubusin ko lahat ng magagandang babae sa school namin. Wala akong palalampasin. Titikman ko silang lahat. Sounds cheater? Oo, pero ganun talaga pre. Lalaki tayo eh.

Naghanda na ako ng susuotin ko pagpasok sa school at tinago sa bag ang ilang pakete ng condom.


Hi, My name is Eljay Gavino “Eljay” for short 27 years old PE teacher 5’6 height Gay In a relationship Bottom

At this age. Meron na akong stable na trabaho, nabibili ko na lahat ng gusto ko na walang tulong from my family. By the way. Yung family ko nga pala nasa america na. Mas pinili kong mag stay dito sa pilipinas para patunayan sa kanila at sarili ko na kahit ganito ako, na kahit na bakla ako may mararating ako sa buhay. Simula kase ng malaman ng daddy ko na bakla ako ay itinakwil na niya ako. Si mommy naman ay sunod sunuran lang kay daddy kaya kahit gusto niya akong ipagtanggol ay hindi nito magawa dahil sa takot.

Naiintindihan ko naman si mommy kahit naman ako. Mas pinili ko ring mag stay dito sa pilipinas para makasama ang longtime partner kong si Arden. High school pa lang kami noon ng maging kami at hanggang ngayon na sampong taon na kami. Kami pa rin. Pinatunayan niya sa akin na may nagtatagal sa ganitong relasyon. Lahat ng pangangailangan ko ay naibibigay niya, lahat ng pangarap ko unti-unti niyang tinutupad.

Isa na rin siyang manager sa trabaho niya sa manila. Matagal na rin niya kasing pangarap ang maging isang manager. Tuwing weekends o may okasyon umuuwi siya sa probinsya namin. Sa bahay naming dalawa.

Ang dami naming pangarap, ang dami naming pinag-ipunan. Successful na kami sa craft na gusto namin at ang tanging pangarap na lang namin ay ang makasal sa isa’t-isa at makapag-adopt ng bata para sa pamilyang gusto naming buoin.

Tumatanda na rin kami at gusto na naming magsettle.

Oo, mahirap. Maraming manghuhusga, maraming mangmamata pero kung hindi ka matatag, kung hindi ka matapang hindi ka magtatagal sa mapanghusgang mundong ito.

I love him. Arden is my life.

Lunes na naman at kelangan ko ng pumasok sa school. Kakaalis lang ng mahal ko kahapon at ngayon mag-isa na naman ako sa bahay. Isang linggo na naman akong maghihintay para bumalik siya. Pero kahit ganito na ang set-up namin. Pinipilit pa rin naming patatagin ang relasyong meron kmai. Oo, mahirap. Oo nakakalungkot pero kahit ganun lumalaban pa rin.

Hay..

Hinanda ko na lahat ng gagamitin ko sa school. Panibagong araw, panibagong pagsubok na naman.

Alam kong hindi madali at hindi pa rin kami tanggap sa lipunang ito. Yeah, I’m a teacher but sometimes I don’t get their respect. Minsan ginagawa pa rin nila kaming katawa-tawa pero mas nangingibabaw sa akin ang passion ko sa pagtuturo.

Humarap lang ako sa salamin at huminga ng malalim.

“ Arden, mahal ko. Papasok na po ako sa school ah. Ikaw din po. Ingat ka sa work mo. I love you “ message sent.

After kong matext ang mahal ko ay lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto.



Let’s Hit 50 votes po for my next update.

Hello guys, kamusta ang new story ko? Hope na hook kayo agad at nagustuhan niyo ang first preview ng story nilang apat. Sana suportahan niyo rin po ito tulad

ng

iba kong kwento.

Help me guys to spread and share my story.

Salamat :)

erolko11

June 14, 2019

Try 2

Si King

“Ganda ang aga mo ata” ang bungad sa akin ng tricycle driver na nasa kabilang kanto. Jusko. May bago ba sa ganda ko. Kelangan ba talaga nilang ipaalala sa akin araw-araw na maganda ako? Like duh! Di na bago sa akin yan hahaha…

Pero I like it.

“Alam mo kuya, nakakaloka ka. Di kana nasanay sa ganda ko. Mamaya pagkaguluhan nila ako dahil diyan sa sinabi mo. Naku.. Naku… Di pa ako handang sumikat. Duh!” irap ko dito. Hahaha..

Ganun daw dapat ang magaganda kelangan medyo masungit ka kunwari.

“Sus.. Ang sungit naman ni miss King hahaha..” sabay tawa nito.

“King? Ewww.. Ewan ko sayo kuya. Ok na ako sa ganda eh sinamahan mo pa ng king. Ewww..” simangot ko dito.

Pumasok na ako sa loob ng tricycle niya at nagpahatid sa school.

“Eto namang si ganda hindi na rin nasanay sa biro ko araw-araw. Ang seryoso mo ngayon ah”

“Hatid mo na lang ako kuya. Ang dami mong kuda diyan. Ano to? Talk show? Talk show? Duh!” sabay flip ng hair ko. As if naman may mahaba akong buhok hahaha..

“Oo eto na nga. Ihahatid na kita. Sungit sungit eh” sabay paandar nito ng sasakyan.

Wag kayong ano diyan. Ganyan talaga kami ni kuya driver tuwing umaga. Saka parang kuya ko na siya, Hello! Matanda siya sa akin ng maraing taon. Siguro mga nasa 30 plus na siya. May asawa at mga anak na rin. Ganyan lang talaga kami mag-asaran. Biruin mo ba naman mula elementary hanggang ngayon tricycle niya na ang nasasakyan ko kaya siguro ganito na kami kalapit sa isa’t-isa.

“Eto bayad kuya salamat” ang sabi ko ng makarating kami sa school.

“Wala yun. Papasundo ka ba mamaya?”

“Di na kuya baka ihatid ako ng boyfriend ko”

“Naks. Iba talaga ang ganda ni miss king”

“Ewww sa miss king na naman. Miss Ganda na lang pwede?”

“Eh wala ka namang suot na Wig ngayon eh saka mukha kang lalaki pero maganda pa rin naman hehehe..”

“Asus. Oo na, nangbola pa si kuya. Bye na. Baka masira mo pa ang araw ko di na ako sumakay sayo sige ka” biro ko dito, natawa lang siya.

Siya din kase ang naasahan ko kapag may pageant akong sinasalihan. Sasakyan niya ang inaarkila ko para maghatid sa akin. Kaya tuwing nagsusuot ako ng pambabae o pang lalaki nakikita niya lagi. Gandang ganda kase yan sa akin kapag naka pang babae akong suot. Mas maganda pa daw ako sa asawa niya hahaha.. Loko.

Sinuot ko na ang I.D ko at pumasok na ako sa gate ng school namin. Well sa mga di nakakaalam. Sikat din ako sa school na ito. Bukod sa maganda ako. Char. Maingay kase akong tao at kasali sa mga programs kaya siguro agaw atensyon ang Diyosa niyo. Saka… Hello? Di ako magpapatalo sa isa diyan niyo. Ehem.. Aki. Aki? Aki ikaw bayan? Charot. Like Eww.. Duh. Hahaha.. Ok. Ang bad ko na.

Magkakilala naman kami ni aki. Ahmm.. Magkaibigan? Ahmm.. Oo pero di ganun ka close. Magkakompetensya? Ahmm.. Oo din. Magkakompetenysa kami ng baklang yan sa lahat ng bagay. Sa grades, sa popularity, sa pageant, pagandahan at paawrahan. Di yan magpapatalo sa akin. Eh si bakla palaban din. Dapat sa akin lang ang korona noh. Tsk. Tsk. Tsk.

Nilabas ko na ang liptint ko at salamin at nagpaganda. After ng biyahe syempre kelangan fresh ka ulit. Hello! Naalikabukan kaya ako sa daan. Alam niyo naman sa school ang daming boys na pwedeng awrahan. Charet! Hahaha..

“Pak! Ang ganda ko na ulit” ang sabi ko sa sarili ko. Syempre, bago mo paniwalaan ang iba, maniwala ka muna sa sarili mo. Ganern dapat. Pak na pak! Awra!

Tinago ko na sa bag yung liptint at powder saka ako huminga ng malalim.

Maganda ako. Maganda ako. Period.

“Hi king” nagulat ako ng may lalaking bumati sa akin. Pagtingin ko isang lalaki from STEM. Hmmm.. Pogi.

“Hello?”

“May kasama ka?”

“Sorry ah. Gwapo ka sana kaso may jowa na ako eh. Bye” ang nakangiting sabi ko.

Oh di ba ang sungit ko. Like duh! Alam ko ang gusto nila noh. Hello.. Hindi pag blow ang job ko para kilalanin ako. Kahit ganito ako. Dapat stick to one tayo. Dapat pangseryosohan. Ganun dapat. Ganda gandahan lang.

Maganda ako. Maganda ako. Period.

Ayun, umalis si pogi. Hirap talaga maging maganda. Kahit alam nilang bakla ka kapag malakas ang dating mo at tag libog sila. Lalapitan at lalapitan ka para mapunan mo ang pangangailangan nila.

Jeske. Kaka stress.. Opo. Nakakastress ang ganda ko. Namamagnet lahat ang gwapong lalaki. Hahaha..

Naglalakad at kumekendeng na ako noon patungong building nang makita ko si Aki. Si akin na kakompetensya ko sa lahat ng bagay. Ang kaagaw ko lahat ng lalaki. Ang bakla ng taon.

“Hi sis” ang bati nito sa akin. Nakipag plastikan na lang ako. Beso dito beso doon.

“Hi sis. Ang aga mo ata. Kamusta ka?” ang nakangiting sabi ko sabay palihim na irap. Tsk. Feeling maganda. Well maganda rin talaga siya pero mas maganda ako.

“Ganun talaga sis. Kelangan mong agahan. Hinatid kase ako ng boyfriend ko ikaw?” ang nakangiting sabi nito.

Nang-aasar ba siya?

Shet. Hindi ako hinatid ni Ryan. Paano yan. Hindi ako makakapayag na mas maganda siya. Iisipin niya na, na babae siya.

“Ah, eh.. Hello. Mas nauna ako dito so di mo nakita na hinatid ako ni Ryan. Ang sweet kaya ng boyfie ko” irap ko dito.

“Talaga ba sis?” sabay ngiti nito ng nakakaasar.

“Oo bakit ba. Ang chismosa mo ha” kaasar. Natawa lang siya.

“Di naman sis. Ang defensive mo naman ata. Napaghahalataan ka tuloy. Naku. Sayang ang liptint at powder mo niyan mukhang kalalagay pa naman” Sige tawa pa. Baklang twooohh!

Hmmmp…

Nagtext kase sa akin si Ryan kanina na di niya ako maihahatid sa school dahil may importante daw itong gagawin. Syempre maintindihin naman akong jowa kaya push lang.

“Tara na nga sis. Baka masampal ko pa yang mukha mo sa ka chismisan mo” ang sabi ko dito.

“Ang harsh mo naman sa sakin sis parang nagtatanong lang. Ano? Sige lalaban ako ng sampalan sayo. Lets do this” paghahamon niya din.

Abat! Tapang ah.

“Next time na lang. Baka pumanget ka pa iwan ka ng boyfriend mo ako pa sisihin mo” ang sabi ko dito sabay tawa ng malakas. As in malakas Hahaha..

“Wow ha. Baka ikaw ang pumanget diyan at iwan ng boyfriend mo. Hello. Mas maganda ako sayo”

“Really? Ganda ka? Eh Umaga pa lang binati na ako ng mga tricycle driver sa amin eh ikaw?” pagyayabang ko.

“Ako? Di ko kelangan ng ibang tao para sabihing maganda ako. Sa jowa ko pa lang higit pa sa ibang tao yun. Eh ikaw?” sabay ngisi nito. Palaban si bakla.

Hays.

Kainis naman oh. Buti pa ibang tao binabati akong maganda eh, yung jowa ko. Di ako binati kanina. Hayss.. Busy na kase kami sa iba’t-ibang bagay eh.

“Syempre noh” pagsisinungalin ko na lang.

Tiningnan niya lang ako ng tinging nakakaasar.

“Wag mo nga akong tingnan ng ganyan bakla ka. Pakita ko sayo lahat ng text messages namin eh. Kakaloka ka” ang naasar na sabi ko dito.

“I do not know lang ha” ang natatawang sabi nito.

Sarap manampal sa totoo lang.

Yan, yan ang ayaw ko sa kanya. Pag nag-asaran kami may time na talo ko siya pero ngayon natalo niya ako. Magkaibigan pero magkakompetensya. Ganyan kami magturingan.

“Pumasok na nga tayo sa klase. Nagfefeeling Diyosa kana naman diyan” ang sabi ko dito.

“Ok” ang bilis kausap ah.

Naglakad na si bakla. Yung lakad na sobrang harot at landi. Papatalo ba naman ako. Lumakad din ako ng malandi at pilit nakikipag-unahan sa kanya.

Dapat laging nasa unahan ang reyna. Syempre ako ang mas maganda sa kanya kaya dapat ako ang first runner at siya hanggang second runner up lang. Hahaha..

Same building kami, same course but different room. Oo, magkaiba kami ng room pero pareho kaming nangunguna sa aming mga klase. Pinili naming maging malapit sa isa’t-isa. To Make your enemy close, closer or closing? Hahaha.. Basta ganun. Kaibiganin mo ang kalaban mo para malaman mo ang kahinaan niya bwahahaha.. Evil laugh.

Pero aaminin ko. Mabuting kaibigan si Aki. Kapag malungkot ako o nahihirapan sa klase tinutulungan niya ako. Yun lang. When it comes to contest. Pareho kaming palaban at walang kai-kaibigan.

Pagkarating namin sa room ko ay nagpaalam na ako dito. Mas una mo kasing madadaan ang room namin bago sa kanila.

“Bye sis. Kita kits na lang tayo mamayang gabi sa pageant kung mananalo ka” ang confident na sabi ko dito.

Napangisi lang siya.

“Well, see you there sis. I handa mo na ang luha mo para maging 2nd runner up ko”

“Really? Dont worry sis, noted. Lahat yan tatandaan ko. Tatandaan ko na kakainin mo yang sinabi mo bwahaha”

Nag-irapan lang kaming dalawa at umalis na ito.

Pumasok na ako sa room at naupo sa pwesto ko. Hindi pa man nag-iinit ang pwetan ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at tiningnan kung sino iyon. Si Ryan lang pala.

Nagtext ito sa akin na ililibre niya daw ako ng hapunan mamaya sa isang Fast food chain. Well ganito naman talaga kami everytime na kelangan naming bumawi sa isa’t-isa.

Buong maghapong nakipagharutan lang ako sa mga kaibigan ko. Chika dito, chika doon. Harot dito, harot doon hanggang sumapit ang uwian.

Nagtext ako kay Ryan na on the way na ako. Ang sabi niya iintayin niya daw ako. Syempre. Bilang isang bakla na may jowa. Kilig to the bones ang lola niyo hahaha..


Si Aki

After kaming ihatid ng boypren kong si Dan ay pumasok na ito sa kolehiyong pinapasukan niya. Ganito kami araw-araw. Ihahatid niya muna kaming magkapatid bago siya pumasok sa school na pinapasukan niya then after nun susunduin niya rin kami sa hapon. Sobrang saya ko sa kanya. Sa loob ng anim na buwan naming pagsasama ay maituturing kong ibang iba siya sa mga naging Ex ko. Mabait, masipag, gwapo at higit sa lahat maalaga.

Kung meron man akong mahihiling pa ay yun ay ang magtagal kami.

Naglalakad na ako noon papasok ng gate ng makita ko si King na malanding kumekendeng papasok sa building namin. Kahit kelan talaga itong baklang to hindi magpapatalo sa akin. Jusko. Siguro sa 10 na sinalihan kong contest siya ng siya lagi ang nakakalaban ko sa pagiging 1st at 2nd runner up. Lamang lang ako ng isang korona sa kanya. Kaya siguro ganyan yan ka Competitive sa akin. Ayaw na natatalo ko siya. Gusto niya siya ang mas maganda kesa sa akin. As if naman na magpapatalo rin ako eh kelangan ko ng pera para sa aming magkapatid.

Nakipag-asaran lang ako sa kanya kaninang umaga hahaha.. Ayun. Buong klase ganun pa rin naman. Explain dito, explain doon. Hanggang mag-uwian. Sinundo ko na ang kapatid kong si Shiro. Kahit binata na yan kelangan ko pa rin bantayan. Ayoko siyang mapariwara. Sobrang gwapo pa naman ng kapatid ko na yan. Singkit ang mata, ako naman namana ko kay mama ang bilugan kong mata.

“Hoy shiro. Nag-aaral ka ba naman ng maayos? Di ka ba pasaway sa teacher mo ha?” ang tanong ko dito habang nandito kami sa labas ng gate at hinihintay si Dan.

“Oo naman kuya. Ano bang tingin mo sa akin”

“Ikaw shiro ha. Sinasabi ko sayo wag ka munang mag gigirlfriend. Ang bata bata mo pa. Unahin mo muna yang pag-aaral mo. Lahat ginagawa ko para makapagtapos ka at matustusan ang pag-aaral nating dalawa. Naku! Umayos ka”

“Sus kuya. Paulit-ulit na lang yang sinasabi mo. Memorize ko na yan eh”

Ayun. Nakaltukan ko ang mokong. Sumasagot pa eh.

“Kuya naman eh. Nakakahiya oh. Pinagtitinginan ako ng mga chicks”

“Ah ganun? Sampal gusto mo?”

“Joke lang kuya. Eto naman” ang sabi nito.

Lumalaki siyang pasaway. Hays..

“Hindi naman kita pinagbabawalang mag jowa shiro pero sa estado natin. Pag-isipang mong mabuti. Tulungan mo muna akong iangat ang buhay natin ok!”

“Alam ko naman yun kuya. Relaks ka lang. Ikaw nga nagawa mong magboyfriend habang nag-aaral ka eh”

Napairap lang ako.

“Iba yung sayo shiro. Straight ka, bakla ako. Hindi ako mabubuntis ni Dan. Gets mo?”

“Tsk. Oo na”

“Siguraduhin mo lang Shiro ha. Tayo na lang dalawa ang magkatuwang sa buhay wag ka ng dumagdag pa”

“Oo nga ang kulit. Tsk!”

Napangiti lang ako. Kahit barbie ako kuya pa rin ang tawag niya sa akin. Gusto ko nga ate eh pero keri na. Nasanay na siguro saka kapatid ko naman.

Naghintay pa kami ng limang minuto hanggang dumating si Dan. Sumakay lang kami sa motor nito at hinatid na niya kami sa bahay.


Si Ijun

“ Fck! Ahhhh.. Yeaahh.. Ahh.. Fck!“ ang hinihingal na sabi ko matapos ang matindi naming halikan ng girlfriend kong si kitty.

Nandito kami sa loob ng abandonadong building ng school namin. Wala naman tao kaya dito namin naisipang dalawa na mag cuddle.

“Masarap ba ang halik ko Kitty?”

“Oo baby sobrang sarap mong humalik” ang papuri nito.

Well lahat naman sila yan ang sinasabi sa akin walang bago.

“Free ka ba mamaya?” ang tanong pa nito habang magkayakap kami. Alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Kahit girlfriend ko na siya wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng natikman ko. Gustong gusto talaga nila akong ikama especially kapag nakahubad na ako sa kama.

“Subukan ko mamaya baby. Pinapauwi ako ng maaga nila mommy at daddy eh. Kakausapin daw nila ako pero kapag nakalusot ako. Pupuntahan kita” sabay kindat ko dito at halik sa labi niya.

Bukod sa maganda si kitty. Malaki din ang hinaharap niya. Kaya tuwang tuwa ako kapag may nangyayari sa amin. Lagi akong nakahawak sa malusog nitong dibdib.

“Siguraduhin mo yan baby ha. Alam mo namang ilang araw tayong naging busy sa mga studies natin. Gusto ko ulit maranasan ang ligayang dulot ng Ijun ko” sabay hawak at pisil nito sa natutulog kong junjun. Kahit tulog to, malaki ito.

Napangisi lang ako sa kanyang ginawa. Enjoy na enjoy talaga ako kapag pinapahawak ang junjun ko sa mga babae.

“Oo. Ikaw pa ba. Ungol mo pa nga lang hindi na ako makapaghintay” ang sabi ko dito at halik ulit sa labi niya.

Oo pareho kaming malibog at ilang beses na niyang gustong buntisin ko siya para hindi na daw ako makawala sa kanya. Oo. Mahal ko si Kitty pero hindi pa ako handa sa gusto niyang mangyari. Next time na lang kami bumuo ng pamilya kapag nakapagtapos na ako ng kolehiyo. Enjoy life muna Wag patali. Hahaha..

“Tara na. Hindi na kita maihahatid sa bahay niyo ah. Uuwi na ako. Kilala mo naman si daddy sobrang seryoso nun”

“Oonga eh.. hehehe. Sige” humirit pa ako ng isang halik dito at lumabas na kami ng building.

Di na naman bago ang relasyon namin. Open na kami sa school na ito. Though marami ang naiinggit at naninira sa amin dahil sa perfect naming relasyon. Isa ba namang sobrang ganda at sobrang gwapo ang magkatuluyan sino bang hindi maiinggit diba?

After kong ihatid ang girlfriend ko sa room nila dahil may kukunin pa daw ito ay dumiretso na agad ako sa parking lot para sumakay sa motor ko. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ko ng may mapansin akong isang lalaki. Teka. Si ano yun eh.. Si..

“Pareng Mico!” ang tuwang tuwang sigaw ko dito. Mukha namang narinig niya ako kaya agad itong lumapit sa akin at nakipag high five.

“Musta pre. Anong ginagawa mo dito?” ani ko.

“Ah may sinunundo lang ako” ang sabi niya naman.

“Naks. Iba ka talaga pare. Iba kang mang chicks. Mga trip mo talaga yung mas bata sayo noh? Hahaha..”

“Ulol. Hindi babae ang sinusundo ko kundi Lalaki”

“Pppff… Dont tell me pare bakla kana ngayon? Gago. Di bagay sayong maging bakla. Yang gwapo mong yan dapat nagpapaiyak yan ng mga babae lalo na sa kama” sabay kindat ko dito.

“Ulol! Di naman ako kasing libog na tulad mo. Saka Di ko jowa yung sinusundo ko. Pinapasundo lang din ng kaibigan ko”

“Ah. Akala ko bakla kana eh. Wag ganun pare. Sa babae lang tayo”

“Oo na lang” pagsang ayon na lang ni mokong at tumahimik na ito.

Magka lugar lang kami ng lalaking yan kaya naging kaibigan ko yan. Magkalaro kami sa basketbol tuwing hapon. Di ko lang sure kung tito ba niya yung dalawang lalaki doon yung may mga anak. Ewan. Ang gugulo nila. Bahala sila sa buhay nila basta ako. Di ako tutulad sa kanila. Paano kaya nila nasisikmurang pumatol sa kapwa nila lalaki? Diba sila nandidiri? Tsk. Tsk. Di ko maisip yun.

Ang babae ginawa para lang sa mga lalaki.

Maling mali talaga ang pumatol sa kapwa mo tsk. Tsk. It’s a No No for me.

“Uy pare mauuna na ako ha. Baka pagalitan na ako nila daddy” paalam ko dito.

“Sige pare. Ingat ka”

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at aktong aalis na ako ng marinig ko ang pagtawag ni Mico sa taong hinihintay niya.

“Buti naman at dumating kana. Kanina pa ako tinetext ng asawa mong si Ivan…. . . . . .

Joren “

Yun ang huli kong narinig after kong umalis at makarating ng bahay.


Si Eljay

Nakakapagod talaga ang buong araw na klase lalo na kung PE teacher ka pero keri lang. Gusto ko to eh.

Nandito na nga pala ako sa bahay. Sobrang lungkot na naman ang nararamdaman ko ngayong dahil mag-isa na naman ako at wala si Arden. Hayss..

Alas singko pa lang naman kaya mamalengke muna ako ng uulamin ko for the whole week. Ganito ako mag budget kapag mag-isa sa bahay pero kapag nandito si arden ay pinaghahanda ko siya ng masarap na ulam.

Bumili lang ako ng isang trey na itlog, noodles at mga food preservatives. Gusto ko yung easy to cook lang para kapag nagmamadali ako sa umaga di siya consuming sa oras. Sinamahan ko na rin nang mga sabon at panlaba.

Dumaan din ako sa isang store para bumili ng favorite namin ni Arden. Ang milk tea. Hehehe.. Sobrang relaxing ito para sa akin. Nawawala ang stress ko kapag umiinom ako ng milk tea. Hayss.. Gusto ko sana siyang pasalubungan nito kaso nasa manila nga pala siya hays.. Bahala na. Bumili ako ng dalawa.

Alas sais na ako natapos sa pamamalangke. Pagdating ko sa bahay ay napakunot ako ng noo ng makita kong bukas ang pinto. Teka. Wala akong ibang pinagbibigyan ng susi maliban kay Arden ah. Saka nasa manila si Arden. Hindi kaya pinasok na kami ng magnanakaw?

Kahit takot at kinakabahan ako ay pinilit kong pinasok ang loob ng bahay namin. Bukas ang pinto at bukas lahat ng ilaw.

Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng makita ko si Arden. Nakaupo sa sala.

“Mahal?” ang masayang sabi ko.

Agad akong lumapit dito at hinalikan siya sa labi.

“A-anong ginagawa mo dito? Akala ko umalis kana kanina? Wala ka bang pasok?”

Tahimik lang ito. Nilapag ko naman yung mga dala sa lamesa at kinuha ang milk tea para ibigay dito.

“Ahmmm.. Mahal eto nga pala. Buti dinalawa ko itong milk tea. Diba paborito natin ito?” ang masayang sabi ko.

“Eljay ayoko na”

“Ha? Ayaw mo nang magtrabaho? Ok lang mahal. Kung pagod kana ako muna ang magtatrabaho para sa atin”

“Hindi yun ang ibig kong sabihin. Magbreak na tayo. Gusto ko ng bumuo ng pamilya. Yung totoong pamilya. May girlfriend na ako sa manila. Malapit na akong maging ama. Sorry di ko na matutupad ang pangarap nating dalawa”

Napahinto lang ako sa sinabi niya. Para akong sinaksak ng maraming beses pero kinalma ko ang sarili ko.

Nakatayo lang ako habang nakatitig sa kanya.

“Mahal kita Eljay. Oo matagal na tayo pero gusto ko nang bumuo ng totoong pamilya. Matanda na ako. Gusto ko namang maranasan magkaanak. Ayoko na. Salamat sa lahat. Kukunin ko na lahat ng gamit ko dito” ang sabi nito.

Nakatulala lang ako sa kanya. Di ko alam na kanina pa pala tumutulo ang luha ko.

“Ah…”

Yun lang ang nasabi ko habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko.

Mukha naman siyang naguilty. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Sorry mahal. Matagal ko ng gustong sabihin ito sayo. Anim na buwan kong itinago. Mahal kita. Sobra. Sa loob ng sampong taon. Ikaw lang ang minahal ko alam mo yan pero hindi ko na kayang tuparin ang pangarap mo”

Humiwalay lang ako sa yakapan namin at naupo sa sofa.

Malungkot na tiningnan niya lang ako.

Umiling ako at pinunasan ang luha ko sa pisnge.

“Sige na. Kunin mo na lahat ng gamit mo” ang nakangiting sabi ko dito pero deep inside ang sakit sakit sobra.

Pinagmasdan ko lang siya habang isa isang nilalagay sa bag ang damit niya. Pinagmasdan ko lang siya habang unti-unti itong umaalis sa bahay namin na pinagsaluhan ng sampong taon.

Akala ko kapag nagtagal kami. Kami na forever. Di pala lahat ng may mahabang relasyon, tumatagal hanggang dulo.


Si King

5:00 PM

Nakaupo kaming dalawa ni Ryan sa paborito naming fast food chain.

“Oh, anong pag-uusapan natin?” ang nakangiting tanong ko dito.

“King”

“Oh?” ang sabi ko.

Ngayon niya lang ulit ako tinawag sa pangalan ko. Ganda lagi ang tawag niyan sa akin.

“Oh ano yun?”

“Gusto ko ng makipaghiwalay” ang diretsang sabi nito.

“Ha? Yun lang ba?”

“Di ka magagalit?” ang gulat na sabi nito.

“Di ah. Bakit naman ako magagalit?”

“Wala lang. Ok lang ba talaga sayo?”

“Oo naman. May bago ka na ba?” ang tanong ko sa kanya. Tumango lang ito.

“Kakilala ko ba?” tanong ko ulit.

Tumango lang ulit ito.

“Si Elena?”

“Oo” ang nakatungong sabi niya.

“Ah. Congrats” ang sabi ko. Tumayo na ako. “Sige una na ako. Goodluck sa relationship niyo”

Pagtalikod ko dito ay doon na pumatak ang luha ko.

Kainis naman oh. Bakit ba ako umiiyak? May pageant pa ako mamaya eh.

Hay!!


Si Aki

Nagstreet food pa kaming tatlo sa kanto bago kami umuwi ng bahay. Pagkarating namin sa bahay ay agad na pumasok ang kapatid ko. Tiyak na manonood na naman yan.

“Ahmm.. Aki” ang sabi ni Dan ng makababa ako ng sasakyan. Nandito parin kami sa labas.

“Pwede ba tayong mag-usap? May sasabihin lang ako” ang sabi pa nito.

“Oo naman. Pero gusto mo doon na lang tayo sa loob ng bahay. Mukhang uulan eh”

“No. Di rin ako magtatagal” ang sabi niya.

“Ganun ba? Sige. Ano yun?” ang nakangiting sabi ko.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa labi at yakapin ng mahigpit.

“Aki mahal na mahal kita. Alam na alam mo yan diba?” ang umiiyak na sabi nito habang nasa balikat ko.

“Oo alam ko. May problema ba? May maitutulong ba ako?”

“Nalaman nila mama at papa ang relasyon natin. Di ka nila matanggap. Gusto nila akong makipaghiwalay sayo kundi ipadadala nila ako sa manila kasama ang mga tito ko doon. Aki ayoko” ang umiiyak na sabi nito.

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Ayaw daw nila ng kahihiyan sa pamilya namin. Aki ipinaglaban kita sa kanila kaya lang sisirain daw nila ang buhay niyo. Aki sorry. Sorry” ang humahagulgol na sabi nito.

Hindi ako nakapagsalita.

Napatulo na lang ang luha ko.

Bakit? Bakit? Siya na nga lang ang meron kami ni shiro bakit kelangan pati siya mawala sa amin.

“Aki, ayokong makipaghiwalay sayo pero di ko naman hahayaang makita kayong nahihirapan ni shiro ng dahil sa akin at sa pamilya ko..” yumakap ito sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

“Aki, break na tayo” ang umiiyak na sabi nito.

Nagpunas lang ako ng luha at tumango sa kanya.

Ang sakit. Pero wala akong magawa kundi tanggapin ito. Bakla lang kami at walang maipagmamalaki.

“Sige na Dan. Wag mo kong iyakan. You deserve someone better. Yung tanggap ng pamilya mo at maipagmamalaki mo hindi tulad ko na isang bakla lang” ang nakangiting sabi ko dito.

“Aki..”

“Sige na umalis kana”

“Aki…”

Sinampal ko siya ng malakas. Sobrang lakas.

“Gamitin mo itong sampal na ito para kamuhian ako. Para kalimutan ako. Sige na umalis kana Dan. Umalis kana sa buhay ko! Ang totoo duwag ka! Duwag! Ayoko sa taong duwag!”

Ang umiiyak na sabi ko kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Itutuloy…


30 votes for my next chapter.

Hope u like it.

Please vote at comment kayo.

Sana suportahan niyo rin po ito.

Salamat :)

Try 3

Si Aki

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay bumugad sa akin ang nag-aalalang tingin ng kapatid ko.

“Kuya ok ka lang? Basang basa ka ng ulan oh” ang sabi nito.

“Ok lang ako” ang walang ganang sagot ko naman.

“Ok pero basang basa sa ulan? Shunga ka kuya? Kung kelan pagabi saka ka doon nagpaulan. Gusto mo bang magkasakit ha!”

“Ok nga lang ako”

Napabuntong hininga lang ang kapatid ko.

“Wala na ba kayo ni kuya Dan?” ang diretsong tanong nito.

Di ako nakapagsalita.

Ilang minuto rin kaming nagpakiramdaman hanggang sa tumayo ito at kumuha ng tuwalya para ibinigay sa akin.

“Hayss… Ok lang yan kuya. Nandito naman ako. Ako muna ang boyfriend mo hanggat wala ka pang nahahanap na seseryoso sayo. Ok ba yun?” ang nakangiting sabi nito.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa gwapo kong kapatid. Nakangiti pa rin siya. Napangiti rin ako.

“Che! Wag mo nga akong matawag tawag na kuya diyan. Ang ganda ganda ko tapos tatawagin mo lang akong kuya? Kainis naman oh” simangot ko dito. Natawa lang ang kapatid ko.

“Atleast, ngumingiti kana ulit. May pagent ka pa mamaya diba. Dapat maganda ang kuya ko este ate pala hahaha” at sabay kaming tumawa.

Nakakatuwa lang kase kahit ganito ako, kahit straight siya nagagawa pa rin niya akong icomfort ng walang pag-aalinlangan. May mga kapatid kasing kapag alam na bakla ka iiwasan ka o lalayuan kana dahil ayaw nilang lokohin silang bakla. Buti iba ang kapatid ko.

“Shiro salamat ah” ang sabi ko sa kapatid ko.

“Ha? Ako nga dapat magpasalamat sayo kuya eh. Kahit iniwan tayo ni nanay, kahit hindi tayo pinanindigan ni papa ok lang basta nandyan ka, ok na ako doon” sabay kindat nito. Natawa lang ako.

“Heh! Ikaw bata ka ha. Sinasabi ko sayo magta-13 ka na. Bawal ka pang mag girlfriend naku! Naku!”

“Oo nga kuya. Ano ba yan paulit-ulit na lang tayo sa topic na yan” ok inis na po siya hahaha..

“Hoy bata sinasabi ko lang sayo. Mga kabataan pa naman ngayon ang babata pa may jowa na”

“Eh bakit ikaw? 14 ka noong nagka boyfriend ka diba?”

Abat!! Sumasagot na ah.

“Di mo kase ako naiintindihan shiro. Bakla ako ok”

“Alam ko at hindi ka babae para mabuntis ganun ba kuya?”

Hayyss..

“Oo”

“Sabi ko na nga ba eh. Memorize ko na yan eh hahaha.. Magtiwala ka kase sa akin kuya. Di pa ako magjojowa pramis” sabay taas ng kamay nito na nanunumpa.

“Hay. Buti naman. Alam mo namang kahit ganyang edad ka pa lang habulin kana ng mga babae. Tandaan mo shiro, ang babae lalapit yan sayo anytime at nasasa lalaki na yun kung magpapadala siya sa temtasyon. Kaya wag na wag mo kong madadahilan na lalaki ka lang kaya pinatulan mo. Masasapak kita” pagpapaalala at pagbabanta ko dito.

“Oo na kuya. Talo mo pa lahat ng teachers ko kung mangaral ka sakin” simangot na naman nito.

“Che!” hahahah..

“Magbihis kana nga kuya at baka magkasakit ka pa. Magbibihis na rin ako para diretso na tayo sa pagent mo” ang sabi nito.

“Naks. Sasama ka talaga?”

“Oo bakit ayaw mo ba?”

“Di naman kaya lang baka may exam ka o ano bukas”

“Wala naman at saka kung meron man kaya ko yan. Ako pa” at talagang nagyabang pa ah.

Sa totoo lang kasa-kasama ko talaga yan sa mga pageant ko noong bata bata pa siya dahil walang mag-aalaga dito pero ngayon iniiwan ko na yan mag-isa sa bahay lalo na kung may exam siya sa school pero minsan di ko pa rin maiwasang mag-alala. Natatakot ako para sa seguridad niya kaya minsan sinasama ko na lang.

“O sige magbibihis na ako. Yung mga susuotin ko nakaayos na. Ilagay mo na sa sala para aalis na lang tayo”

“Opo boss”

“Good dog” sabay tawa ko. Ayun binato lang ako ng tsinelas hahaha..

Pumasok na ako sa kwarto ko. Dalawa kase ang kwarto namin. Kwarto ni shiro at kwarto ko na kwarto dati ni nanay.

After kong magbihis ng tuyong damit ay tinawag ko na agad si shiro para dalhin yung gown at sapatos ko. Actually 11 pm pa ang simula ng Gay pageant dito sa mga probinsya kaya lang kelangan kang umagap doon dahil aayusan ka pa tapos briefing etc. Etc..

Sumakay na kami ng tricycle at nagpahatid sa baranggay na pagdadausan ng pageant. We had 30 plus baranggay’s here. Saktong monthly may ganap kaya every month di ako nawawalan ng raket para tustusan ang pangangailangan naming magkapatid. Di man ganun kalakihan pero pinagkakasya ko. Buti at matalino din itong kapatid ko kaya nabigyan siya ng full scholarship sa private school na gusto niya kaya baon na lang ang kelangan.

“Manong dito na lang po” pagpara ko kay kuyang tricycle driver. Nagbayad ako ng 100 pesos. Ganito kase sa amin kapag umarkila ka ng tricycle 100 pesos. Keri na yan pag nanalo ka.

Pagbaba namin ni shiro ay sobrang dami nang tao. Ginanap lang ang pageant sa open space dito sa bukiran pero ang ganda at talagang probinsyang probinsya siya.

Pumunta na kami ng kapatid ko sa likod ng stage para doon magbihis at mag-ayos.

“Hoy frend. Buti naman at nandito kana. Maupo kana doon at aayusan na kita. May kukunin lang ako sa bag ko” ang sabi ng kaibigan kong bakla na mag-aayos sa akin. Napatingin din siya sa kapatid ko. “Yan na ba ang kapatid mo frend? Lalong gumagwapo ah” sabay hawak nito sa balikat ng kapatid ko.

“Hep hep hep! Gumorabels kana bakla. Alam ko yang tingin mong yan. Bata pa yan” sabay tulak ko sa kanya.

“Hmmmppp.. Kainis naman” murmur nito at umalis na. Hinila ko naman ang kapatid ko sa pwesto kung saan ako aayusan.

“Ikaw shiro ha. Alam kong lapitin ka din ng mga bakla. Sabihin mo lang na kapatid mo ko” paalala ko dito.

Pagsinabi ko yun alam na niya na dapat lalayuan siya. Inaaway ko kase sila. Hello. Bata pa yang kapatid ko noh para bastusin saka straight yan.

“Opo kuya este ate. Pati ba naman dito may pangaral ka pa rin sa akin?”

“Pinapaalalahanan lang kita”

“Oo na nga hays..”

Ilang minuto rin ay narinig ko na ang boses ng baklang si King. Jusko. Siya lang naman ang pinaka madaldal na baklang nakilala ko. Attention seeker para manalo.

“Hi sis, ang aga mo ata dito. Excited manalo?” sabay beso nito sa akin. Napairap lang ako.

“Buti naman sis at alam mo. Sabagay, yung laging nalelate second best lang”

“Ang harsh mo naman sis. Tandaan mo ang pageant parang movie yan. Minsan cliche pero di mo aakalain na iba ang outcome. Malay mo nauna ka nga pero ako pala ang mananalo. Ooopss.. Bye na nga magpapa retouch na lang ako. Ang ganda ko na kase para ifull make up” sabay tawa nito. Aktong aalis na siya ng mapatingin ito sa lalaking katabi ko.

“Hi pogi” mukhang amaze na amaze ang baklang king sa kagwapuhan ng kapatid ko.

“Ehemm.. Ehemm” pagtikhim ko. “Ahmm, shiro kasasabi ko lang sayo kanina diba na maraming masasamang tao sa paligid. Ingat ka” pagpaparinig ko dito, i mean kay king.

Mukha namang alam ng baklang twoo na siya ang pinaparinggan ko. Inismiran niya lang ako.

“Duh. Makaalis na nga” ang sabi ni baklang king at kumendeng kendeng pa ito paalis.

“Kuya ang ganda talaga ni King noh”

“Maganda ka diyan. Kanino ka ba kampi. Sa kanya o sa akin?”

“Syempre sayo kuya, nagagandahan lang ako kay king”

“Tandaan mo straight ka shiro di ka pwedeng magandahan sa kanya”

“Ha? Oa mo naman. Nagagandahan lang di na ba ako pwedeng pumuri ng isang tao?”

Napairap lang ako.

Pagtingin ko kay king ay nakikipagdaldalan ito sa mga kagrupo niya. Well, Ok. Aaminin ko. Ang ganda nga niya ngayong gabi pero di ako magpapatalo noh. Ako pa rin ang maganda at second best lang siya.

Dumating ang alas dyis at malapit ng magsimula ang pageant. Sabi ko sa kapatid ko manood na lang siya doon sa audience at mag behave. Alam kong kakausapin na naman siya ng mga random people. Haixt.

“Ok. Ok. Listen to me mga beks. Mabilis lang ang isang oras before 11. Double check ulit natin ang attendance niyo. Lahat ba nandito na wala ng nagpalaboylaboy kung saan saan?” ang sabi ng organizer. Well tama naman siya. Maraming ganyan. Kung kelan pageant saka doon layas ng layas o hanap ng hanap ng gamit.

Isa isa kaming tinawag para icheck ang pagkakasunod sunod. Ang daming magaganda sa lugar na ito. Actually dayo lang kami ni king, i mean dayo lang naman talaga kami sa mga pageant pero kahit ganun nanalo parin kami.

Matapos ang pag double check sa amin ay naupo ulit ako sa upuan ko.

“Kaya mo yan frend. Ang ganda ganda mo ngayon” ang excited na sabi nito.

“Talaga frend?”

“Oo naman”

“Parang kinakabahan ako frend. Ang dami ding magaganda ngayon”

“Bakit ba. Maganda ka rin naman ah at saka hello, experienced kana kesa sa iba diyan kaya alam kong maipapanalo mo ito”

“Salamat frend ah”

“Oo naman. Ako make up artist mo. Tiyak na tiyak na ang panalo mo”

“Hahaha.. Baliw”

Bago ko kase siyang make up artist. Yung dating nagmemake-up sa akin lumipat na ng bahay sa maynila eh di pa naman ako magaling sa make up. Liptint at powder lang talaga alam ko hahaha..

Dahil may 20 minutes pa naman bago magsimula ang pageant ay naisipan kong kuhain ang cellphone ko at libangin ang sarili.

Browse dito, browse doon. Hanggang sa mapahinto ako ng makita ko ang picture naming dalawa ni Dan. Napatitig lang ako sa gwapo at maamo niyang mukha. Akala ko kami na talaga, akala ko magtatagal kami pero hindi pala.

In-off ko lang ang cellphone ko at tumingala sa langit para di bumagsak ang luha ko. Wag ngayon please.. Wag kang tutulo. Baka mabura make-up ko.

“Uy frend anong ginagawa mo. Finding bulalakaw?”

Natawa lang ako at tumingin sa kanya.

“Oo. Baka kase may falling star akong makita. Pagkakataon ko na yun para humiling”

“Kaloka ka frend. May pinagdadaanan ka ba?”

“Ha? Wala. Jusko frend sa dami na ng pinagdaanan ko sa buhay yakang yaka na sa akin ito”

“Well good to know. Alam ko namang strong independent girl kana eh hahaha”

“Truelaley ka diyan frend. I’m a strong independent gay este girl hahaha” ang proud na sabi ko.

Nagsimula na nga ang pageant namin. Isa-isa na kaming umakyat at rumampa sa stage according to our numbers para magpakilala. Pang 15 ako habang pang last si King, pang 20 siya.

“Magandang gabi po sa inyong lahat ako nga po pala si Aki. Ang aangkin sa nawasak niyong puso at naniniwala rin sa kasabihang… Magmahal kana ng lasing wag lang sa bagong gising. Baka kase magising na lang siya isang araw hindi kana niya mahal, atleast sa lasing di man sigurado sumaya ka naman panigurado and I thank you”

Rinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga manunuod. Taas noo ko naman tinungo pabalik ang pwesto ko.

Yes. Nakuha ko agad ang pulso ng mga manunood. Pasulyap ko namang tiningnan si king at nginitian ito, inirapan niya lang ako hahaha..

Sunod sunod nga ang nagpakilala hanggang sa siya na ang magpapakilala.

“Good evening ladies and gentlemen. Nasasainyong harapan ang isang baklang magpapagulo sa inyong pagkalalaki at naniniwala sa kasabihang.. Ang di lumingon sa pinanggalingan, tiyak ako ang nasa harapan. Ako nga po pala si King but in my heart I’m a Queen, can you replace me as your king? And I thank you” sabay kindat nito sa kanila. Rinig ko naman ang hiyawan ng mga lalaki.

Nakangisi itong bumalik sa pwesto niya habang nakatingin sa akin. Well, i think mahihirapan ako sa laban na ito pero hindi ako magpapatalo.

“Wow.. Ang Alive ng mga audience natin ngayong gabi ah. Palakpakan naman natin ang mga naggagandahang beks sa gabing ito” ang sabi ng emcee.

Bumaba na kaming lahat sa likod ng stage para magbreak. May pa perfomance pa kase si mayor bago tawagin ang top 8 for swimsuit competition.

Naupo lang ulit ako sa designated na upuan ko habang nireretouch ni Romina ang mukha ko.

“Frend anggaling mosa intro mo kanina ah pero di nagpatalo ang karibal mong si king. Kahit kelan talaga siya ang tinik sa mga korona mo”

“Ok lang yun frend. Ganito talaga ang kompetisyon saka di ka naman gaganahang sumali kung wala kang mabigat na kalaban diba?”

“Well tama ka pero alam mo naman na dito kayo kumukuha ng pambaon ni Shiro diba?”

“Alam ko naman frend pero ang pera di basta basta nakukuha yan. Pinaghihirapan yan. Kung saan ka dalhin ng ipinaglaban mo tanggapin mo. Sportmanship ika nga”

Napangiti lang ang kaibigan ko. Alam niya kasing kahit mahirap kami nagsusumikap akong matustusan ang pangangailangan ng kapatid ko.

“Goodluck frend. Win or lose panalo ka para sa akin”

Tinawag na kami sa stage at pinili ang walong makakapasok sa swimsuit competiton. Nakapasok kaming dalawa ni king at lalong tumetensyon ang labanan sa pagitan naming dalawa.

After naming magpalit ng bikini ay tumampa na ulit kami sa stage. Alam kong mas sexy sa akin si King pero mas maputi naman ako ng konti sa kanya dahil na rin siguro sa lahi ko.

Palitan ang hiyawan, palakpakan at sipol sa aming dalawa ni king. May iba pa nga na bumabastos sa amin at sumisigaw na kung pwede ba daw kaming i-take out na dalawa. Di ko na lang sila pinagpapansin.

After ng pagrampa namin ay pinagpalit na kami ng long gown at pagkatapos nun ay tatawagin na rin ang top 4 for Q and A.

Nakasuot lang ako ng Red long gown habang blue long gown naman si King.

“Ok. This is it pancit. Alam kong ito na ang pinakahihintay niyong lahat. Ang top 4 at Question and answer portion. Ready na ba kayong malaman kung sino ang makakapasok sa Top 4?” ang sigaw ng emcee. Nagrespond naman agad ang mga manunuod.

Kanya kanya sila ng pambato pero mostly kami ni king ang bukambibig ng audience.

Di nga ako nagkamali. Kasali kami ni king sa Top 4 at yung isa taga dito sa lugar nila habang yung isa dayo ata.

“Dahil aapat na lang kayo. Dito tayo magkakaalaman. Di pwedeng ganda lang mga beks, dapat witty din” ang sabi ng emcee. Well s/he’s right. Maganda ka nga pero alam niyo na hahaha..

Isa-isa na nga kaming tinawag. Unang tinawag yung dalawa at talagang hinuli kami ni King.

“Ok tawagin naman natin si number 15”

Confident naman akong lumakad paunahan ng stage.

“Wow. Your so beautiful tonight miss number 15”

“Thank you po. Maraming salamat po” ang pabebe kong sabi.

“Ahmm.. Kinakabahan ka ba right now or what or something?” tanong pa ng emcee. Alam kong s/he wants to break an ice.

“Slight pero keri lang” ang nakangiting sabi ko.

“Kung ganun lets start with our Question and Answer portion. Bumunot kana sa ating mahiwagang baul miss 15”

Nakangiti akong bumunot sa baul at ibinigay dito.

“Hmmm.. Ok. Maganda itong tanong na nabunot mo. Ready kana ba?”

“Ready na po”

“Here’s your question.. Can you define what is love?”

Huminga lang ako ng malalim, kinuha ang mic at tumingin sa audience.

“Love? Tatlong ‘N’ lang yan… Nanligaw, Nagkainlaban at Ngayon iniwan. Ganyan po ang love para sa akin. Magsisimula kayo ng masaya at maiiwan kang luhaan and i thank you”

Ngumiti ako at bumalik na sa pwesto ko. Sobrang tahimik ng audience. Mukhang nagulat sila sa naging sagot ko.

“Ah, eh.. Wow” ang sabi ng emcee. “Pero tama rin naman siya. May kanya kanya tayong pananaw kung paano natin idedefine ang love. For me ha. I loved it. It’s Raw and real”

Mukha namang nagets nila ang paliwanag ko with the help of emcee dahil nagpalakpakan sila. Siguro naman gets nila, na schock lang dahil di siya sugar coated. Ewan ko ba, di ko rin alam kung bakit yun din ang  nasagot ko maybe because of Dan. Sa pinagdaanan naming dalawa at sa lahat ng inibig kong di nagtatagal. Gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang lugar para magpaawa.

“Ok. Let’s go for our last candidate, can you come here number 20”

Lumakad naman si King sa unahan. Ininterview pa siya ng emcee hanggang sa pabunutin na ito ng tanong. Actually isa talaga siya sa malakas ngayong gabi.

“Miss king here’s your question… As a member of LGBTQ+ do you believe in love?”

Kinuha ni king ang mic saka ito sumagot.

“Yes. Kung ang tanong ay naniniwala ba ako sa love? Oo naman. You can find love from your family, friends or your especial someone. Pero doon tayo sa real. As a member of lgbtq+ I really do believe in love but in our case I dont believe in forever. Hanggang panandalian lang kami at yun ang katotoohan and i thank you”

For the second time around. Natahimik na naman ang buong audience.

“Wow. Thank you number 20. Sobrang raw and real din ng sagot niya. Ako lang ba o ang bibitter ng mga contestant natin ngayon? Hahaha.. Charot lang. Ok we have a final performance bago natin i announce ang nanalo” ang sabi ng emcee at bumaba na kaming lahat para magpahinga.

“Frend ok ka lang ba talaga? Bakit ganun ang sagutan niyo ni King. May pinagdadaanan”

“Wala yun frend. Sa totoo lang tayo”

“Well sabagay. Ang ganda nga ng sagot mo kaya lang parang may pinaghuhugutan”

“Para di na umasa mga kalahi nating beks. Forever is not for us”

Nagkibit balikat na lang ang kaibigan ko at bumalik na kami sa stage.

Tinawag na ang mga nanalo hanggang sa dalawa na lang kami ni king ang natira para sa korona na Miss Gay bukid.

“Ang mananalo ng Miss Gay bukid ay magkakamit ng 5 thousand pesos at beauty products habang sa 1st runner up naman ay mananalo ng 3 thousand pesos. Ready na ba kayo?” sigaw ng emcee.

“Oo!!” sagot nila.

“Maghawakan na kayo number 15 at number 20”

Naghawak kaming dalawa habang nag-iirapan sa isa’t-isa. Awkward.

“Ang Miss Gay Bukid ay walang iba kundi si…..”

Shet. Bakit kinakabahan ako?

“Si number 15. Miss Aki!!!!”

Halos mapaupo ako sa in-announce ng emcee. Rinig ko ang palakpakan ng mga manunuod.

Tinayo ako ng staff at isinuot sa akin ang korona. Kumaway kaway ako sa audience habang dinadama ang pagkapanalo ko.

After ng pagkapanalo ko ay nandito pa rin kami sa likod ng stage habang inaayos ang mga gamit ko. Kinong-gratulate ako ng kapatid ko at saka siya na rin ang tumulong para ayusin ang mga gamit ko.

Habang nagpapalit ako ng sapatos ay nilapitan ako ng emcee at kinausap.

“Aki congrats ah. Ang galing niyong dalawa ni King kanina. Sobrang dikit talaga ng laban niyo halos 1 point nga lang ang lamang mo sa kanya eh. Sabi pa ng mga judges sobrang kakaiba daw ang inasahan nilang sagot sa inyo, masakit, makatototohanan pero magaling. Actually, sa all performance si King daw ang panalo pero dahil nga sa mga “N’s” mo naging creative at makabuluhan ang sagot mo kaya yun ang nagpanalo sayo. Creativity“

Napangiti lang ako sa sinabi ng emcee.

“Thank you” ang sabi ko.

Ngumiti lang ito at umalis na.

Nakita ko naman sa di kalayuan si King habang nilalagay nito ang mga gamit niya sa tricycle.

Sa totoo lang tanggap ko na na second lang ako kase nga siya talaga ang nakahatak ng manunuod at sobrang ganda din ng sagot niya. Pero sabi ko nga this is a competition at ginawa ko lang din ang best ko para manalo.

“Frend una na ako sa inyo ni shiro ah. Sobrang gabi na. Congrats ulit” ang nito. Yumakap lang ako sa kanya at ngumiti. Inabot ko na rin ang bayad ko dito.

After umalis ni romina ay tulong kami ni shiro sa pagbuhat ng damit ko papuntang kalsada. Habang naglalakad kami ay may lumapit sa aming tatlong lalaki.

“Hi aki. Pwede bang makuha ang number mo? Ang sabi ng unang lalaki. Napatingin naman ako sa pangalawa at pangatlo mukhang yun din ang habol nila.

“Sorry mga kuya ha pero may boyfriend na ang kuya ko este.. ate ko. Kaya shu.. Shu.. Alis.. Layas” pagtataboy at pagharang agad ni shiro sa kanila. Napangiti lang ako.

“Sorry boys ha next time na lang” ang nakangiting sabi ko sa kanila.

Napakamot lang sila sa ulo saka umalis.

“Mga lalaking yun talaga. Tsk!” inis na sabi ng kapatid ko.

“Naks. Protective brother”

“Syempre. Broken hearted pa kapatid ko ngayon eh”

“Che tara na nga”

Bago kami umalis ay nakita ko pa si King na nilalapitan ng mga lalaki. Mukhang kinukuha rin ang number nito.

Tsk. Mga lalaki talaga kapag bet nila yung bakla hihingin ang number, sasabihing mahal, papaibigin at kapag na fall naman si bakla ayun after mong mapaligaya. Ilang buwan lang iiwan kana at maghahanap na ulit ng iba. Hay!

Mag-aalas tres na ng makarating kami sa bahay. Nagpasalamat kami kay manong at dinagdagan ko ng tip.

“Hay salamat nakauwi rin” ang sabi ng kapatid ko matapos niyang ilapag yung dala naming gamit.

“Sabi ko naman sayo eh wag kana sumama”

“Ok lang ako kuya. Ang galing mo nga kanina eh”

“Heh. Matulog kana at may pasok ka pa bukas”

“Maya ng konti. Ahmm.. Kuya may tanong ako”

“Ano yun?”

“Ahmm.. Nacurious lang ako sa sagot mo kanina”

“Ah yung tatlong ‘N’ ba?” ang sabi ko habang nagpapalit ng damit pambahay.

“Oo eh. Diba sabi mo magsisimula kayo sa masaya at maiiwan kang luhaan. Diba, yun ang lagi mong pinagdadaanan kuya kapag iniiwan ka ng mga boyfriend mo?”

“Oo”

“Eh kung alam niyo pa lang walang magtatagal sa inyo bakit nagmamahal pa rin kayo ng lalaki?”

Napahinto ako sa tanong ng kapatid ko.

“Shiro bata ka pa”

“Pero hindi na ako bata para maintindihan ka”

Napabuntong hininga lang ako.

“Shiro…”

“Gusto kitang maintindihan kuya kase nasasaktan ako kapag nakikita kang sinasaktan nila”

Di ko alam pero napatulo na lang ang luha ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagmamahal ng kapatid ko.

“Alam mo kuya na Tanggap kita pero gusto ko kayong maintindihan kung bakit patuloy pa rin kayong nagmamahal ng lalaki sa gayong alam niyong iiwan din kayo sa huli”

“Ang pagmamahal namin shiro sa lalaki ay parang pag-aaral. May matututunan ka, mapapagod ka, tatamarin ka, susuko ka pero kung gusto mo talagang makapagtapos magtatyaga ka at maniniwala kang makakapagtapos ka diba? Tulad naming mga bakla. Kahit ilang beses kaming masaktan, lokohin at iwan. Patuloy pa rin kaming nagmamahal para may matutunan kami at kahit alam naming iiwan kami, patuloy pa rin kaming nagtatyaga na may magmamahal sa amin ng totoo at pang matagalan. Oo Shiro bakla ako pero alam ko na may isang taong dadating sa akin after kong magtyaga at malampasan lahat ng pagsubok na ito. Ganyan kami maniwala sa pag-ibig. Walang forever pero kapag naniwala ka magiging posible ang lahat”

“Kuya..”

“Ok lang shiro. Atleast naipaliwanag ko sayo ang side ko sa about sa Love. Bata ka pa kaya wag mong madaliin ang lahat”

“Alam ko kuya. Kapag naniwala ka magiging posible ang lahat” sabay ngiti nito.

“Shiro!”

“Bakit? Inulit ko lang naman yung sinabi mo ah”

“Che. Matulog na tayo”

“Oo na!”

Itutuloy…


Sana nagustuhan niyo.

Abangan ang susunod na kabanata.

Dont forget to vote and comment.

Please

help

me spread and share my stories. Salamat :)


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.