Tukso at Temptasyon
KingBL14 · 8 chapters · 9,369 words
Blurb
BLURB:
Walong taong gulang si Denver Oligario Jr nang maghiwalay ang mga magulang niya, dahil sa pagiging babaero ng kanyang ama. Magmula noon, ay bihira at sobrang dalang nang nakarinig ng kahit na ano si Denver mula sa sariling ama.
Pero wala namang problema sa kanya iyon, lalo na at ginawa naman ng mama niya ang makakaya nito, para maitaguyod silang magkakapatid.
Bunso si Denver sa apat na magkakapatid, at puro babae ang mga nakatatanda sa kanya. Kaya rin siguro lumaki siya na may malambot na puso.
Ilang buwan pagkatapos ng 18th birthday niya, saktong nasa unang taon siya sa kolehiyo, nang inatake sa puso ang kanyang ina. Bago pa man mailibing ito, ay narinig na niyang nagtatalo ang kanyang mga ate kung sino sa mga ito ang kukupkop at tutulong sa kanya at mukhang ni-isa sa mga ito ay walang may gusto na gawin iyon.
Wala silang sariling bahay at nangungupahan lang. Swerte ang mga ate niya kasi ay may kanya-kanya nang pamilya ang mga ito. At kahit pa mag-working student siya, ay alam niyang hindi rin niya kakayanin na suprtahan ang sarili lalo na pagbabayad pa lang ng upa, at kailangan talaga niya na kahit papaano ay may tumulong sa kanya.
Kaya naman kahit pa ramdam niya na labag sa loob sa mga ate niya ang pagtulong sa kanya, ay nilunok niya ang lahat. Dito na siya nagpalipat-lipat sa tahanan ng mga ate niya, depende sa kung sino ang puwede at tatanggap. Depende kung sino sa mga ito ang may kailangan din ng tulong at serbisyo niya na titingin at mag-aalaga sa anak ng mga ito.
Dito rin niya lubusang nakilala ang mga nagguwaguwapuhan at mga barako niyang bayaw na tila pare-pareho ang problema… at iyon ay ang kakulangan sa sex.
Hindi inaakala ni Denver na darating ang araw na magagawa niyang iputan sa ulo ang sariling mga kadugo, at makipaglaro ng apoy sa asawa ng kanyang mga ate.
Habang nangyayari ang lahat ng hindi dapat, ay dito muling bumalik sa eksena ang kanyang barako rin na ama. Nais daw nitong tulungan siya na makapag-aral at makabawi sa kanya kahit na papaano.
Ayaw sana niyang pumayag dahil matagal naman na itong nawala sa buhay nila… pero sa huli, kesa patuloy na tumanggap ng labag sa loob na tulong mula sa kanyang mga ate na itinuturing lang din siyang katulong at pabigat madalas, ay pumayag na rin siya.
Kaya naman lumipat siya sa tinitirhan ng ama, kasama ang kapatid ng ama niya, ang kanyang tito, na gaya ng ama niya ay hiwalay din sa asawa kasi ay babaero rin.
Sa bawat araw na nakakasama niya ang sariling ama at tito, hindi lubos akalain ni Denver na makakaramdam siya ng kakaibang init sa mga ito. Alam niyang mali… pero hirap siyang magpigil lalo na at iminulat na siya ng kanyang mga bayaw sa makamundong gawain.
Pero hanggang kailan at saan nga ba siya dadalhin ng kalibugan?
Chapter One
CHAPTER ONE
“Nakikiramay kami,” iyan ang madalas kong marinig mula sa mga tao na naglalabas masok sa bahay namin upang makiramay nga. May mga kakilala ako, pero karamihan ay hindi ko kilala.
Mga bago ang mukha sa paningin ko... mga ngayon ko lang nakita pero halos lahat ay nagsasabing kilala si mama, at base sa mga kwento nila na aksidente kong naririnig kung minsan ay malapit talaga kay mama.
Puro papuri nga ang naririnig ko halos. Na para bang isang santo si mama para sa kanila. Kesyo mabait si mama, palakaibigan, mahaba ang pasensiya, matulungin at kung ano-ano pa. I wonder kung totoo ang mga sinasabi nila at ganito rin ang mga sinasabi nila noong buhay pa si mama... o sinasabi lang nila ito ngayon kasi nga ay wala na si mama.
Ako nga pala si Denver F. Oligario Jr. Denden ang palayaw ko, 18 years old at kasalukuyang isa ika-unang taon ko sa kolehiyo sa kursong Tourism. Bata pa lang kasi ako ay gusto ko nang maging flight attendant talaga.
Anak ako nina Denver Oligario at Vera Ferrer-Oligario. Bunso sa apat na magkakapatid. Ang panganay sa amin ay si ate Vanessa, 35 years old at may asawa na, si kuya Juancho na 40 years old naman. May dalawa silang anak na babae. Si Anica na 8 years old at si Amira na 5 years old naman.
Pangalawa ay si ate Veronica na 32 years old, may asawa na rin, si kuya Christian na 35 years old, at may isa silang anak na lalaki, si Christopher na Tope ang palayaw at 7 years old naman.
Pangatlo si ate Vivian na 30 years old, may asawa na rin, si kuya Timothy na 35 years old din, at may isa silang anak din na lalaki, si Timmy na 5 years old lang din.
Hindi ako gaanong close sa mga bayaw ko kaya hindi ko rin alam kung ano ang mga ugali nila. Pero mukhang okay naman sila, kasi ay maayos naman ang pakikitungo nila sa akin kapag nakakasama namin sila sa mga okasyon.
Kung sabagay, kahit sa mga ate ko nga ay hindi ako gaanong close kahit na noon pa. I mean, hindi naman sa minamaltrato nila ako o kung ano. Kumbaga ay civil lang. Siguro ay dahil lalaki nga ako at puro sila mga babae, at ang layo pa ng agwat ko sa kanila.
Pero dahil nga puro sila mga babae, iyon siguro ang dahilan kung bakit lumaki akong malamya at may malambot na puso. Bata pa lang kasi ako, ay sila na ang lagi kong nakikita. Ang madalas nilang mga topic ay ang mga guwapong celebrities na crush nila, makeup, dress at kung ano-ano pa. At siguro... iyon ang na-adapt ko habang lumalaki, at iyon din ang nakahiligan ko.
Hindi ako cross-dresser, ha? Just want to make that clear. Lalaki pa rin naman akong manamit at ako iyong tipo ng binabae na tahimik lang. Hindi ako nagsabi kahit na kanino na binabae ako, at wala rin naman sa kanila ang nagtanong. Pero ramdam ko naman na alam na nilang lahat...
Kahit na si mama pa. Pero hindi ko kailanman naramdaman kay mama na may iba sa akin. Bagkos ay minahal niya ako gaya rin ng kung paano niya minahal ang mga ate ko. Pantay pantay kaming lahat sa mata niya.
At dahil nga may malambot akong puso, ay naiinis ako sa pangalan ko na may Junior sa huli. Lalo na kapag tinatawag akong Junior noon ni papa at ng nag-iisa nitong kapatid, at maging ang iba na rin nilang mga kaibigan na naalala kong madalas pumasyal sa bahay namin noon para uminom kasama sila.
Pangarap na pangarap daw kasi ni papa noon na magka-anak ng lalaki, kaya noong dumating ako, hindi na ito nagdalawang isip na gawin akong Junior. Ano kaya ang naramdaman niya noong napansin niyang malamya ako kumilos? Ewan ko sa totoo lang. Hindi ko alam.
Kasi ay anim na taong gulang ako noong naghiwalay sina mama dahil nga sobrang babaero si papa. Actually, wala pa akong gaanong alam at naiintindihan sa murang edad na iyon noon. Pero base sa mga kwentong narinig ko, mula na rin sa mga ate ko, ay ilang beses nang nahuli ni mama si papa na nambababae at matagal itong nagtiis para lang mapanatiling buo ang pamilya namin.
Pero umabot sa punto na naubos na rin si mama, kaya nakipaghiwalay na ito ng tuluyan kay papa. Kaya nagpasya nga si mama na iwan na ito at issama kami sa kanya... at hindi naghabol si papa. Hinayaan lang niya kami. Pagkatapos nun, wala na halos akong naging contact kay papa. Wala na kaming natanggap na suporta mula sa kanya.
Ganun pa man, ay pinilit naman na gawin ni mama ang makakaya para matustusan nga kaming magkakapatid. Manager sa isang fastfood si mama, at suma-sideline pa sa pagtitinda at pagpapa-utang ng mga pabango, makeup at kung ano-ano pang puwedeng ibenta sa mga kakilala at katrabaho niya. Dahil doon ay nagawa niyang mapatapos sa kolehiyo ang mga ate ko.
Pero nang ikinasal at nakapag-asawa nga isa-isa ang mga ito, ay naiwan na kami ni mama na magkasamang dalawa lang sa apartment na inuupahan namin. Madalas nakikita ko kay mama na pagod na siya, pero hindi siya sumusuko sa buhay kasi nga ay gusto niya na mapatapos din ako sa pag-aaral. Kaya kahit pa 55 years old na siya ay patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.
Ang kaso katawan na rin niya ang sumuko sa kanya... apat na araw na ang nakakalipas mula nang inatake siya sa puso at nawala nga sa amin. Kaya heto, nakaburol siya ngayon sa apartment namin at last night na niya ngayon... bukas na ang magiging libing.
Sa mga oras na iyon, ay sobra akong nasasaktan at nalulungkot... at inaalala ko na agad kung paano na ako ngayong wala na siya. Nawala si mama na walang ipon... kasi nga ang buwanang sahod ay napupunta lang sa mga bills at pangangailangan namin.
Iyong konting pera na nasa bank account niya ay ginamit na dito sa burol, at pinaghati-hatian pa ng mga ate ko ang kulang. Ako ay wala namang mai-ambag kasi nga ay wala pa akong trabaho at nag-aaral pa.
Ngayong wala na si mama, iniisip ko na agad na mag-working student. Ayaw ko naman kasing tumigil sa pag-aaral. Pero alam ko na hindi magiging sapat iyon sa mga bills pa lang sa bahay. Umaasa na lang ako na tutulungan ako ng mga ate ko kahit na papaano. Kahit pa konting tulong lang. Kahit pa bubong lang siguro na matutuluyan kasi ay alam kong hindi ko na mapapanatili at mababayaran itong apartment namin ngayon.
"Paano na si Denden ngayon? Anong balak natin sa kanya?" narinig kong tanong ni ate Vanessa kina ate Veronica at ate Vivian pagkatapos kong mag-serve ng sopas sa mga bisita, nang saktong babalik sana ako sa kusina.
Agad akong natigilan at nagtago sa likod ng pinto kasi ay interesado akong marinig ang magiging pag-uusap nila tungkol dito... lalo na at tungkol ito sa akin.
"Oo nga, kanino siya tutuloy niyan? Eh tiyak hindi naman niya kayang bayaran ang upa dito. Alam niyo naman na hindi kalakihan ang bahay namin, hindi ba? Madalas naso-short din kami sa budget ng asawa ko, kaya hindi siya puwede sa amin," saad ni ate Veronica.
"Mas lalo naman sa amin, eh hindi rin naman kalakihan ang bahay namin," ani ate Vanessa. "Ikaw, Vivian?" tanong pa nito.
"Hay nako, alam niyo naman na hirap din kami. Iyong ibinakas ko nga sa inyo para dito sa burol ni mama ay inutang ko lang. Alam niyo naman na hindi rin kalakihan ang sahod namin ni Timothy," sagot ni ate Vivian kaya sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko.
"Oo nga, ang hirap masyado ng buhay. Pero hindi naman natin siya puwedeng pabayaan kasi kapatid pa rin natin siya kahit na papaano," ani ate Veronica. Mata-touch na sana ako sa sinabi niya, ang kaso ay bigla siyang natawa. "Ganito na lang, siguro every week isa sa atin ang magpapatuloy sa kanya. Ipaliwanag na lang natin na hindi natin siya kayang suportahan talaga at bigyan ng tulong na higit pa doon kasi mabibigla ang nakalaan na nating budget para sa bahay. Kung sino ang may kailangan ng tulong din niya gaya ng pag-aalaga ng bata, doon siya," wika pa nito kaya natawa rin ang dalawa ko pang ate.
"Sa akin okay lang, basta ba hindi siya permanently na titira sa amin. Eh alam niyo naman na madalas din na pumasyal at matulog sa bahay ang mga magulang ng asawa ko at sa sala nga lang sila natutulog," wika ni ate Vivian.
"Oo, ganun na lang ang gawin natin para hindi rin masyadong mabigat sa budget. Sabihan din natin na kung gusto niyang magpatuloy sa pag-aaral ay mag-working student siya, nang hindi maging pabigat," saad din ni ate Vanessa tapos ay natawa silang tatlo.
Ako naman ay mariin na napapikit sa narinig. Nakaburol pa si mama ay ganito na ang pinag-uusapan nila. Alam ko naman na walang mali na magplano, pero tumatawa pa kasi sila na para bang napakababa ko. Pero wala naman akong magagawa eh.
At alam ko rin sa sarili ko na kailangan ko ng tulong. Labag man sa loob nila na tulungan ako, gawin man nila akong katulong sa bahay nila... ay ayos lang. Konting tiis lang, hanggang sa maka-ipon siguro ako at makahanap ng kahit maliit lang na mauupahan. Kahit pa kasi hindi nila sabihin ay balak ko naman talaga na humanap ng mapapasukang trabaho kasi alam ko na wala talaga akong aasahan sa kanila.
Buhay pa nga si mama ay hindi na sila nag-aabot ng tulong eh, madalas sila pa ang nanghihingi kay mama kahit pa may mga trabaho naman na sila at may mga trabaho rin ang mga asawa nila. Kaya hindi ko naman talaga inisip na tutulungan nila ako ng bukal sa loob nila, pero may parte pa rin sa akin ang umasa kasi nga ay kapatid pa rin naman nila ako.
Chapter Two
CHAPTER TWO
Huminga naman ako ng malalim at pilit na ngumiti bago nagpasyang humakbang na papasok sa kusina, kaya natigilan at natahimik ang tatlo.
"Ano pong pinag-uusapan niyo?" nakangiti at mababa ang boses na tanong ko kunware kahit pa alam ko naman na ang sagot.
"Ikaw. Kung ano ang balak mo pagkatapos mailibing ni mama," sagot ni ate Veronica kaya marahan akong tumango.
"Balak ko pong maghanap ng trabaho para masuportahan ang pag-aaral ko. Alam ko na hindi ko na mababayaran itong apartment, kaya kinausap ko na rin ang landlord. At okay lang naman sa kanya na manatili pa ako rito hanggang katapusan ng buwan kahit pa hindi kami nakapagbayad ni mama last month. Tulong na daw po niya sa akin tutal ay matagal din tayong nangupahan sa kanya at kilala naman niya tayo. Kaya may dalawang linggo pa po ako na manatili rito..." sagot ko kaya nagkatinginan sila.
"Pagkatapos po nun, kailangan ko sana ng tulong niyo. Kahit pa matutulugan lang. Kahit sa sofa lang ako ay ayos lang, basta may matutuluyan lang ako. Kapag nakahanap na ako ng trabaho, puwede naman akong mag-share sa mga gastusin hanggang sa maka-ipon lang ako para makakuha ng sarili kong matutuluyan, kahit na bedspace lang. Ayaw ko rin naman po kasing maging pabigat sa inyo lalo na alam ko na mahirap ang buhay. At saka nasa edad naman na ako para alagaan ang sarili ko eh, kaya kahit matutuluyan lang sana ng ilang buwan hanggang sa maka-ipon ako..." dagdag ko pa.
Nakita ko ang konting gulat sa reaksiyon nila na para bang hindi sila makapaniwala sa narinig dahil nga tila planado ko na ang gagawin sa buhay ko.
"Pasensiya ka na, Den, ha? Mahirap lang talaga ang buhay. Kung mayaman lang kami, mag-uunahan pa kami sa pagtulong sa 'yo," wika ni ate Vivian na kunware ay concern. Gusto ko sana siyang sabihan na plastic, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko at pilit na lang na ngumiti.
"Ang plano namin, every week ay tutuloy ka sa mga bahay namin. Sabihin natin na kapag aalis ka na rito, sa unang linggo ay sa bahay ka namin, tapos sa susunod na linggo ay kina Vanessa naman, at sa susunod na linggo ay kina Vivian. Para lang din hindi kami mabigla sa gastos, kasi ikaw rin naman ang nagsabi na hirap din kami ngayon at hindi madali ang buhay, hindi ba? Mas mahihirapan kami kung biglaang mababago ang budget na nakasanayan na namin eh. Kahit sa pagkain pa iyan. Iyon nga lang, iniisip din namin na mahihirapan ka sa ganun lalo na at nag-aaral ka, pero siguro naman naiintindihan mo ang punto namin hindi ba?" ani ate Veronica kaya muli akong ngumiti at marahang tumango.
"Okay na po ako sa ganun, basta may matutuluyan kapag umalis na ako rito. Ilang buwan lang naman eh. Pansamantala lang hanggang sa maka-ipon po ako. Kaya wala pong kaso sa akin na magpalipat-lipat sa mga bahay niyo tuwing isang linggo," sagot ko kaya tumango sila.
"Iyon settled na pala. Ganun na lang ang gawin natin," ani ate Vanessa na ngumiti pa sa akin na para bang totoong concern siya.
"Sige po, salamat po sa inyo," wika ko.
"Ano ka ba, wala iyon! Sino pa bang magtutulungan kung hindi tayo lang din na pamilya, hindi ba?" nakangiting saad niya, kaya pilit na lang ulit akong ngumiti.
"Sige po, magsasandok lang po ako ng sopas at magse-serve ulit sa mga nakikiramay," paalam ko pa kaya tumango sila.
Graduate ng HRM si ate Veronica, at sa kasalukuyan ay isa siyang receptionist sa isang hotel sa may bayan. Ang asawa naman niyang si kuya Christian ay isang pulis.
Si ate Vanessa naman ay graduate ng business management, at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ito bilang store manager ng isang clothing line sa isang kilalang mall sa may bayan. Ang asawa naman niya na si kuya Juancho ay head of security ng kaparehong mall.
Si ate Vivian naman ay graduate ng kursong mass communication, at nagtatrabaho ito bilang recruitment staff sa isang call center company, at ang asawa niyang si kuya Timothy ay IT specialist ng kaparehong kompanya. Doon nga sila nagkakilala eh.
Lahat sila ay may magagandang trabaho. Oo hindi sila mayaman, pero alam ko na komportable at maayos lang ang buhay nila. Kung naso-short man sila sa budget madalas, iyon ay dahil wala lang disiplina ang mga ate ko sa pera. Alam ko iyon, kasi kahit na noon pang nag-aaral sila at wala pang mga asawa ay maluho na talaga sila. Madalas nga silang manghingi ng pera kay mama noon na kunware ay pambayad ng kung ano-ano sa university pero alam kong pinanggagala o shopping lang nila.
Pero wala naman akong magagawa kung gusto nilang paniwalain ako na hirap sila sa buhay. Sa ngayon, kailangan ko lang magtiis ng konti hanggang sa maka-ipon nga ako.
Sa sumunod na araw, araw ng libing ni mama ay iyak lang nang iyak ang mga ate ko habang naglalakad papunta sa sementeryo para nga maihatid na sa huling hantungan si mama. Ako ay pinipigilan ko, pero maya't maya na kusang tumutulo ang luha. Ganun pa man ay tinatagan ko ang loob ko, kasi alam ko na pagkatapos nito ay wala na akong ibang aasahan na tumulong sa akin kung hindi ang sarili ko lang. Kaya wala akong choice kung hindi ang magpakatatag at maging malakas talaga.
Mula noong nawala siya, sa ilang araw na burol at hanggang ssa libing ay hindi ni isang beses nagpakita si papa... naisip ko siya sa totoo lang, pero hindi naman ako umasa na darating siya. Ilang taon na siyang nawala sa buhay namin eh... kaya alam kong wala na talaga siyang pakialam sa amin at dapat ay ganun din ako. Na wala na dapat akong pakialam pa sa isang tao na tila ba ayaw nang magpakita pa sa amin at maging parte ng buhay namin.
Pagkatapos ng libing, kinagabihan ay sobra akong naninibago na mag-isa sa apartment at sobrang tahimik. Halos minu-minuto akong umiiyak pa rin kasi nga ay sariwa ang pa ang lahat... at ni minsan ay hindi ako t-in-ext at kinumusta man lang ng mga ate ko. Pero hinayaan ko na lang, inisip ko na lang na kahit gaano pa sila ka-plastic pagdating sa akin, o sa pagpapakitang tao sa iba, ay mahal din nila si mama at baka sa mga oras na iyon ay busy rin silang umiyak at magluksa sa sarili nilang mga paraan.
Sa mga sumunod na araw ay hindi pa ako bumalik sa pagpasok sa klase ko, at naiintindihan naman daw ng mga profs at instructor ko. Basta ay nakakulong lang ako lagi sa apartment.
Paano ako naka-survive at kumakain? Well, bukod sa may iilan na natitirang stock ng groceries sa kusina, ay may ginawa ko habang nakaburol si mama. Alam ko na mali... pero may mga pagkakataon na may nag-aabot ng abuloy sa akin, may mga pagkakataon na hindi ko inililista at ibinubulsa ko.
Oo, alam ko na mali, at tawagin niyo na akong masama lalo na at pera dapat iyon ng lamay. Pero wala akong choice kasi nga ay alam ko na kailangan ko ng pera para makapagsimula ulit. Dahil doon ay naka-ipon ako ng nasa 12,000 din na hindi ko sinabi sa mga ate ko kasi ay alam kong magagalit sila.
May sampung libo ngang natira mula sa abuloy pagkatapos mabayaran ang lahat ng kailangang bayaran sa lupa at libing ni mama, at pinaghatian iyon ng mga ate ko, tig-3,000 silang tatlo at sa akin ang 1,000 kasi ay gumastos daw sila. See? Kaya kahit pa alam kong mali, ay hindi ako nagsisisi sa desisyon ko, kasi kapag nagkataon... alam ko na mas malaki ang mapupunta sa kanila at hindi na nila ako halos bibigyan pa.
Kaya in total, ay nakaipon ako ng nahigit 13,000 kasama na iyong isang libo na hati ko nga sa natira. Ganun karami ang nakakakilala at nagmamahal kay mama. Ma kahit iyong mga sinasabi ko na noong burol ko lang nakita at hindi pamilyar sa akin, ay nag-abot din ng abuloy kahit na papaano. Mali ang ginawa ko pero hindi talaga ako nagsisisi, at alam ko na ganito rin ang gusto ni mama na gawin ko kasi nga ay wala na siya para tulungan ako.
Sa mga sumunod na araw, ay lagi lang akong nasa bahay. Nung 9 days ay nagdasal sa apartment at konting meryenda, tapos ay balik na ulit sa dati. After nun ay bumalik na ako sa pag-aaral kahit na sariwa pa rin ang lahat, habang paunti-unti na ring inaayos ang mga gamit namin ni mama.
Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang mga gamit ni mama nito, at hindi rin naman gaanong marami ang mga gamit at damit ko. Iyong mga appliances ay hindi ko na pinroblema kasi ay pinag-usapan at pinaghatian na agad ng mga ate ko. Gaya nang kung kanino mapupunta ang ref, TV, washing machine at kung ano-ano pa. Siyempre, wala sa mga iyon ang mapupunta sa akin kasi ay wala akong sariling bahay na paglalagyan... iyon ang sinabi nila na tinanggap ko na lang.
Nang huling araw ko na sa apartment, ay napagpasyahan ng mga ate ko na i-donate na lang ang mga damit at ibang gamit ni mama pagkatapos nilang pumili ng mga gusto nila. Gusto ko sanang tumutol kasi ay wala pa namang one year, sabi kasi ng matatanda dapat ay after one year pa puwedeng itapon o ipamigay ang mga iyon. Pero hinayaan ko lang sila ulit na magdesisyon kasi nga sinabi nila na wala namang paglalagyan at makakasikip lang sa mga bahay nila. Ako naman ay saktong isang maleta na 32 inches lang ang laki ang mga damit ko. Kasama na doon ang mga mahahalagang dokumento namin ni mama at mga uniform ko. Kasi gaya nang sinabi ko ay wala naman akong gaanong gamit talaga. Mayroon din akong isang backpack na naglalaman naman ng mga gamit ko sa pag-aaral at ilang mga libro.
At pagkatapos ng araw na iyon, laban man sa loob ko... ay wala akong choice kung hindi ang magpunta na nga sa bahay nina ate Veronica, kung saan mananatili ako ng isang linggo bago lumipat ulit.
Ganito na ang magiging sitwasyon ko sa mga susunod na buwan, at alam kong paulit ulit ko nang sinabi pero kailangan kong magtiis muna pansamantala.
Chapter Three
CHAPTER THREE
“Tao po!” pagtawag ko mula sa nakasarang gate ng bahay nina ate Veronica nang makarating na ako.
Pagkaraan ng ilang segundo lang, mula sa gate, ay nakita kong nagbukas ang pinto ng bahay at sumilip doon ang asawa ni ate Veronica... si kuya Christian, o kuya Chris na isa ngang pulis.
Ewan ko pero parang bigla akong napalunok nang makita siya. Naka-sando lang kasi ito na kulay white at isang black na boxer shorts. Guwapo si kuya Chris, iyon ang totoo. Kamukhang kamukha niya ang aktor na si Derrick Monasterio. Siya siguro iyong matured na version at daddy-type na Derrick.
Maganda ang bulto ng pangangatawan, pinoy na pinoy ang kulay at lalaking lalaki ang dating. Ultimo binti kita mo na halatang batak talaga sa workout. Para bang napakatibay ng tuhod at tatagal talaga sa... mabilis akong napa-iling sa naisip. Actually, lahat naman ng mga napangasawa ng mga ate ko ay puro guwapo at may magagandang mga katawan. Kasi nga ay magaganda rin naman ang mga ate ko lalo na noong mga dalaga pa sila, at mga sexy pa. Ngayon na lang na may mga asawa't anak na sila na medyo tumaba at nagkalaman na sila.
"Den, nandito ka na pala! Bakit hindi ka man lang nag-text o tumawag nang nasundo kita?" nakangiting wika ni kuya Chris, saka lang ako parang bumalik bigla sa reyalidad mula sa pag-isip kung gaano siya ka-guwapo at ka-hot. At saka ko lang din napansin na nasa harap ko na pala siya at nabuksan na ang gate.
"Ah, siyempre po kuya ayaw ko na po kayong maabala, lalo na ang laking abala na nung makikituloy po ako sa inyo," mababa ang boses na sagot ko na lang.
"Sus! Wala iyon! Ano ka ba? Eh hindi ka naman iba sa amin! Baka nakakalimutan mo na pamilya tayo rito!" nakangiting saad niya. "Alam mo iyong pamangkin mong si Christopher? Excited nga nang malaman na dito ka tutuloy sa amin. Alam mo naman na gustong gusto ka nun dahil nga sabik magkaroon ng kuya. Kasalanan mo rin kasi lagi mong ini-spoil ng candy noong bata pa," wika pa niya kaya tipid na lang akong ngumiti. "Siya, halika na! Sakto at papaluto na ang dinner na inihahanda ng ate mo. Nang makakain na tayo niyan," saad pa niya tapos ay agad niyang hinila iyong luggage ko, at siya na ang nagdala nun papasok sa loob.
Kaya naman napahinga na lang ako ng malalim bago nagpasyang sumunod na rin sa kanya.
"Tito Denden!" malawak ang ngiti at magiliw na bati sa akin ng pamangkin kong si Christopher, na ang tawag namin at palayaw sa kanya ay Tope. Nakakalito na daw kasi kung Chris din kasi nga ay iyon na ang palayaw ng papa niya.
"Hello, Tope!" nakangiting bati ko rin naman, hindi pa rin maalis sa akin ang konting hiyang nararamdaman na nahahaluan ng kaba.
"Nandito ka na pala. Wala ka na bang gamit na nakalimutan sa apartment?" tanong ni ate Veronica na nasa kusina at may hawak na sandok, kaya marahan akong umiling.
"Wala na po, ate," sagot ko naman.
Iyong mga gamit kasi ni mama ay naibigay na nila sa mga orphanage at home for the elders at iba pang charities ilang araw na ang nakakalipas. Iyong mga ibang gamit naman sa bahay ay napaghati-hatian na nila. Bale personal na gamit ko lang talaga ang natira at ilang mga mahalagang dokumento namin ni mama.
Pagkapasok mula sa pinto, ay ang sala agad ang bubungad. Tapos ay may dibisyon sa gitna, isang six step stairs papunta sa dalawang kuwarto... bago ang kusina mismo. Hindi kalakihan ang bahay nila, pero maayos at malinis naman. Naka-tiles pa.
Tapos sa kusina naman ay nandoon na rin ang dining area. Iyong dining table at may six seaters na upuan. Mukhang masikip kung ide-describe ko, pero maluwag pa rin talaga.
Sa taas, which is six steps lang naman ang taas ay may tatlong pinto. Iyong dulo ay ang master's bedroom na kuwarto nga nina ate Veronica at kuya Chris, iyong gitnang pinto ay common toilet and bath, at iyong kabilang dulo ay kuwarto ni Chris.
"Oo nga pala, doon mo na lang ayusin ang mga gamit mo sa kuwarto ni Tope. Nakausap ko na rin naman ang pamangkin mo na doon ka muna sa kuwarto niya, at tatabi na muna siya sa amin," ani kuya Chris kaya saglit akong natigilan at napatingin kay ate Veronica na ngayon ay tahimik lang, pero nabakas ko agad sa reaksiyon niya na hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng asawa niya.
"Naku kuya Chris, hindi na po! Masyado na pong abala iyong ganun. Okay na po ako rito sa sala at pansamantala lang naman ako rito. After one week, doon naman po ako kina ate Vanessa," sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"Ha? Bakit ka pa lilipat doon, eh puwede ka namang dumito na lang pansamantala? Kahit nga dito ka na lang hanggang mag-graduate ka ay wala namang problema," aniya, at wala akong nabakas na kaplastikan nang sabihin niya iyon, hindi gaya ng sarili kong ate.
Saka ko rin napagtanto na wala siyang ideya sa naging plano ng mga ate ko. Eh ang dalawa ko pa kayang bayaw, alam nila? Ewan ko. Malalaman ko siguro kapag sa kanila na ako pansamantalang tumutuloy.
"Eh, ayaw ko kasi sanang masanay kuya. I mean, balak ko lang pong mag-ipon para makakuha ng sarili kong apartment. Iyong kaya kong bayaran. Alam ko naman po na willing kayong lahat na tulungan ako, pero gusto ko rin naman po na matutong tumayo sa sarili kong mga paa lalo na at ang dami kong na-realize nang nawala si mama. At saka nasa hustong edad naman na po ako. Kaya naisip ko na... kung magpapalipat lipat ako sa bahay ng mga ate ko every week, baka mas mabilis po akong matutong tumayo sa sarili kong mga paa kung ganun..." paliwanag ko, kahit pa ako mismo ay hindi na-gets ang sarili kong paliwanag.
"Ganun ba? Pero kung sakali man na maisip mong dumito na lang muna, walang problema sa amin ha? Welcome ka dito," aniya kaya nakangiti akong tumango.
"Opo, salamat po sa inyo," sagot ko naman.
"Siya sige, kung mas gusto mo diyan sa sala, dadalhan na lang kita ng unan at kumot mamaya. Basta iyong mga gamit mo ay doon mo dalhin sa kuwarto ng pamangkin mo para hindi nakakalat diyan ha?" saad naman ni ate kunware, kahit pa alam kong siya talaga ang may gusto na sa sala ako.
Pero tumango lang ako sa kanya.
"Opo, ate," sagot ko.
"Huwag kang mahihiya sa akin ha? Alam ko na hindi tayo ganun ka-close, pero pamilya pa rin tayo. Kaya feel at home ka lang dito," aniya kaya tumango ako. "Alam mo, mas maigi nga iyong pansamantala kang tumuloy dito eh, nang mas makilala kita at maging close tayo kahit na papaano. Ang tagal ko nang asawa ang ate mo, pero pakiramdam ko ay medyo ilag ka pa rin sa akin," dagdag pa niya kaya tipid na lang akong ngumiti at hindi na sumagot pa.
Tapos ay sinamahan naman ako ng pamangkin ko sa kuwarto niya nang dalhin ko nga ang luggage ko doon. Hindi ko na inalis sa maleta ang mga gamit ko dahil nga isang linggo lang naman ako rito. Kahit na papaano ay nakakatuwa ang kadaldalan ng pamangkin ko. Pitong taon na siya pero parang sobrang bata pa rin kung magsalita. Puro laro kasi at kalokohan ang mga kwento niya. Madalas mga games naman sa ipad niya.
Nang mailagay ko na ang mga gamit ko sa isang gilid ng kuwarto, maging iyong backpack ko ay sabay na ulit kaming naglakad palabas at bumaba sa sala. Sakto rin na tapos na si ate sa pagluluto, at inaya na niya kaming kumain kaya tumulong ako agad sa paghahapag ng pagkain sa mesa.
"Anong oras nga pala ang klase mo bukas, Den? Alas nueve kasi ng umaga ang duty ko. Puwede kang sumabay na lang sa akin kung nagtutugma naman ang schedule natin, tutal ay nadadaanan ko ang university niyo. Para nakakatipid ka rin sa pamasahe. Normally naman ay alas otso ako ng umaga umaalis. One hour before duty kasi ang alis ko talaga sa bahay, kaya depende iyon sa schedule ko," ani kuya Chris habang kumakain kami.
"Hindi ako papasok bukas, kuya. Wala kasing gagawin sa uni kasi busy ang lahat para sa paparating na university meet. Pero balak ko pong magpunta sa bayan para mag-send ng mga resume sa mga puwedeng apply-an doon," sagot ko kaya tumango siya.
"Sakto at alas otso o alas nueve naman nagbubukas ang mga establishments sa bayan normally hindi ba? Sumabay ka na sa akin, idadaan na kita," aniya kaya tipid akong ngumiti bago tumango.
"Salamat po,"
"Umiinom ka ba? Inom tayo mamaya! Pampatulog lang," nakangiting pag-anyaya pa niya sa akin, kaya saglit akong napalingon kay ate.
Ewan ko ba, para akong natatakot sa bawat kilos ko kasi nga alam ko na hindi naman talaga bukal sa loob ni ate ang pagpapatuloy sa akin dito.
"Uhm, hindi po gaano kuya eh. Nasubukan ko naman na, pero mabilis akong malasing," sagot ko.
"Ayos lang iyan! Basta ba may makasama at kwentuhan ako. Alam mo kasi, pampatulog ko na talaga ang alak. Pero hindi naman ako alcoholic talaga. Saktong pampatulog lang, isa o dalawang bote ng beer lang ganun. Kapag hindi ako umiinom ng konti sa gabi, para akong sinusumpong lagi ng insomnia ko. Iyon na nga lang, nakaka-inip din uminom ng mag-isa at walang kakuwentuhan, kaya samahan mo ako mamaya ha?" nakangiting saad niya.
"Sasamahan at kukuwentuhan ko na lang po kayo kuya, pero baka hindi na po ako iinom. Gaya po kasi ng sinabi ko, mahina talaga ako sa alak eh. Baka hindi ako magising ng maaga bukas, eh sayang naman kung palalampasin ko ang araw na hindi sumusubok maghanap ng parttime," sagot ko kaya tumango siya.
"Tito Denden, puwede niyo po ba akong tulungan sa homeworks ko mamaya?" nakangiting tanong ni Tope sa akin, kaya agad akong ngumiti at tumango.
"Oo naman!" sagot ko.
"Puro ka ipad kanina, hindi mo pa pala nagagawa ang mga homeworks mo! Ikaw naman, Chris, puro ka na lang alak! Kung hirap kang makatulog, bumili ka ng melatonin! Hindi iyong idinadaan mo lagi sa alak," napapa-iling na saad ni ate.
"Eh mama nagpapatulong po kasi ako sa inyo kanina sabi niyo po mamaya na lang kasi nagce-cellphone po kayo. Ang hirap po kasi ng homeworks ko sa math eh, minus-minus po na big numbers," nakangusong sagot naman ni Tope.
Hindi na sumagot pa si ate Veronica at napa-iling na lang. Pagkatapos kumain, bago pa man magsabi si ate ay nag-volunteer na ako agad na maghuhugas ng mga pinagkainan. At hinayaan naman niya ako.
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan ay tumambay silang tatlo sa sala. Si Tope ay nakaupo sa lapag habang nasa lamesita ang mga gamit. Kamuntikan nga akong matawa nang sinabi ni ate Veronica na siya na ang tutulong dito pero tumanggi ang bata at hihintayin na lang daw ako. Pero siyempre, umakto ako na hindi narinig iyon.
Nang saktong natapos na ako ay naglakad ako papunta sa sala, at tumayo naman na si ate.
"Magpapahinga na ako at maaga pa akong babangon bukas, ha? Kung maaga kang magigising, Den, ikaw na ang magluto ng agahan. Isangag mo lang iyong natirang kanin tapos magluto ka ng itlog at hotdog na lang," aniya kaya tipid akong ngumiti bago tumango.
Alam kong inutos niya iyon para masiguro na maaga akong matutulog at hindi talaga sasamahan sa pag-inom si kuya Chris. Well, nagsinungaling lang ako kanina. Sa totoo kasi niyan, 16 pa lang ako ay marunong na akong uminom. Umiinom na ako noon kasama ang mga kaklase ko, kaya medyo sanay na ako sa alak.
Hindi sobrang lakas, pero alam ko na kaya kong sumabay. Kaya kung sasamahan ko man si kuya Chris, kahit maka-tatlong bote pa ako ng beer, ay wala pang problema sa akin iyon at alam ko na maaga pa rin akong magigising.
Hinayaan ko naman si ate na maglakad na papasok sa kuwarto nila. Mayamaya pa ay bumalik siya dala ang isang unan at kumot na ibinigay niya sa akin, at agad ko namang tinanggap at inilagay muna sa gilid ng mahabang sofa kung saan nakaupo si kuya Chris. Tapos ay naglakad na ulit si ate papasok sa kuwarto nila at isinara na ang pinto, si kuya Chris naman ay kumuha ng isang bote ng beer sa ref. Ako naman ay umupo na rin sa lapag, para nga tulungan si Tope sa paggawa ng assignment nito.
Chapter Four
CHAPTER FOUR
Dumating ang alas diez ng gabi at napansin kong nakakadalawang bote na ng beer si kuya Chris. Si Tope naman ay gising pa rin, at kahit pa halatang inaantok na ay parang ayaw pang matulog. Tapos na kami sa assignment nito at nakaupo lang siya sa tabi ko.
"Tope, ang mabuti pa matulog ka na. Anong oras na, oh? Maaga pa ang pasok mo bukas," ani kuya Chris mayamaya pa.
"Pero papa..."
"Tope, tama ang papa mo. Hindi maganda sa bata ang nagpupuyat. At saka hindi pa naman ako aalis eh. Bukas, makakapaglaro pa tayo pagkauwi mo galing school," nakangiting wika ko, kaya napanguso na lang ito bago tumango.
"Okay po..." aniya.
Pagkatapos nun ay tumayo na siya at naglakad na nga papasok sa kuwarto niya. Hindi na nito isinara ang pinto, at hinayaan ko lang siya. Nang nakapasok na siya sa kuwarto ay tumayo na ako mula sa lapag at umupo na rin sa mahabang sofa na tutulugan ko, kung saan nakaupo pa rin si kuya Chris. Pero hindi namana ko tumabi talaga sa kanya. May spacee pa rin sa pagitan naming dalawa. Nang nakaupo na ako ay bahagya akong napalingon kay kuya Chris at saglit kaming binalot ng katahimikan.
Naka-sando at boxer shorts pa rin siya. At sobrang hot talaga niyang tignan. Para bang ang sarap yakap-yakapin? Maamo tignan ang kaguwapuhan pero iyong hulma ng katawan ay parang gagawin kang hayop sa kama... ganun ang dating niya. Nakakalito ba? Basta masarap at nakakalibog!
Hindi naman na ako inosente pagdating sa usaping sex. Pero virgin pa ako. Wala pa nga akong first kiss sa edad ko na disi-otso eh. Pero may idea naman ako sa kung paano ginagawa ang lahat, kasi nga ay nanunuod din ako ng bold gaya ng ibang ka-edad ko. Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin iyon.
"Baka matunaw ako niyan..." mababa ang boses na wika ni kuya, kaya para akong bumalik bigla sa reyalidad at agad na nakaramdam ng konting hiya.
Jusko naman, ilang oras ko pa lang silang nakakasama rito pero dalawang beses na akong napatitig sa kanya.
"Sorry kuya... naisip ko lang bigla si mama, kaya minsan natutulala na lang ako bigla," dahilan ko naman kaya tumango siya.
"Nagbibiro lang ako," aniya at mahina pang natawa. "At saka normal naman iyan, lalo na at nasa grieving stage pa kayong magkakapatid. At sa inyong apat, alam ko na ikaw ang pinaka-apektado kasi nga ay ikaw ang naiwan na kasama ang mama niyo mula nang mag-asawa ang mga ate mo. Kaya ayos lang na makaramdam ng lungkot. Hindi naman iyan agad na mawawala," dagdag pa niya kaya tipid akong ngumiti at marahang tumango.
"Oo nga kuya eh," sagot ko at mahina pang napabuntong hininga. "Oo nga pala kuya, nakakadalawa ka na ah? Akala ko ba isa o dalawang bote ka lang? Saktong pampatulog?" tanong ko, iniiba na ang usapan.
"Bitin pa ako eh. Bakit di mo ako samahan? Kuha ka ng dalawang bote sa ref, tig-isa tayo. Tiyak din hindi ka makakatulog kasi ay baka mamahay ka. Kaya inom ka kahit konti, kahit di mo ubusin iyong isang bote. Ako na ang uubos kapag di mo na kaya," aniya kaya marahan akong tumango tapos ay tatayo na sana ako nang hinawakan ni kuya Chris ang braso ko. "Pagkabalik mo... patayin mo na ang ilaw dito sa sala..." pabulong na wika niya kaya bigla akong napalunok at nakaramdam ng kaba.
"Po?" pabulong pero gulat na tugon ko, kaya mahina siyang natawa.
"Masakit kasi sa mata ang liwanag. At saka nakasindi naman ang ilaw sa kusina, kaya maliwanag pa rin. Para lang din hindi sayang sa kuryente. At saka baka magising sa liwanag ang ate mo at bungangaan tayo nun," natatawa na wika niya kaya napahinga ako ng malalim bago tumango na lang.
"Ah, ganun po ba? Sige po kuya..." sagot ko na nagpangisi sa kanya.
"Bakit? Ano bang iniisip mo?" natatawang tanong niya.
"Hindi po, kuya. Wala po..." sagot ko at pilit na lang ngumiti bago tumayo na at dumiretso nga sa kusina.
Nang makakuha na ng dalawang beer ay binuksan ko na iyon iyon gamit ang bottle opener na ref magnet din na nasa ref nila. Tapos ay naglakad na ako pabalik sa sala at pinindot na ang switch ng ilaw para nga patayin iyon bago muling umupo sa sofa at inilapag sa lamesita ang dalawang bote.
Tama si kuya, hindi naman naging madilim kasi ay nagbibigay pa rin ng liwanag ang nakasinding ilaw sa may kusina. Ang kaibahan lang, ay hindi na gaanong naiilawan iyong hallway papunta sa dalawang kuwarto at tatlong pintong magkakasunod nga.
"Cheers?" wika ni kuya sa akin mayamaya pa at hinawakan ang isang bote ng beer, kinuha ko rin naman iyong para sa akin at nakipag-cheers sa kanya.
"Cheers, kuya," sagot ko.
Tapos ay sabay kaming uminom doon. Pagkatapos ay muling ibinalik ni kuya sa lamesita ang bote, kaya ganun din ang ginawa ko. Medyo nagulat pa nga ako nang medyo umusog ito palapit sa akin eh. Hindi nagdikit ang mga balat namin, pero ramdam ko pa rin ang mainit na singaw ng katawan niya.
"Iyong totoo, ang mga ate mo ba ang nagdesisyon na tuwing isang linggo ay magpapalipat-lipat ka sa amin?" mabababa ang boses at seryosong tanong niya mayamaya pa, kaya bahagya akong natigilan at napatingin sa kanya.
Patay na ang ilaw sa sala, pero gaya nang sinabi ko ay hindi naman madilim. Kaya kitang kita ko pa rin siya.
"Kasi nung sinabi ng ate mo sa akin na dito ka sa amin pansamantalang tutuloy, akala ko ay dito ka talaga ng kahit ilang buwan lang o hanggang makatapos ka siguro. At wala namang problema sa akin iyon, at kaninang kausap kita nakita ko na patingin tingin ka sa ate mo na parang pinag-aaralan mo ang mga isinasagot mo," dagdag pa niya kaya napalunok ako bago marahang tumango.
"Opo, kuya Chris. Pero naiintindihan ko naman na... gusto lang nila akong turuan na tumayo na sa sarili kong mga paa. Kasi hindi naman habang buhay dapat ay umasa ako sa kanilang tatlo. Gaya rin nang sinabi ko, nasa hustong edad na po ako para tulungan ang sarili ko," sagot ko na lang kasi ay ayaw kong magkaroon ng issue. "At saka ayaw ko rin naman na maging pabigat sa inyong lahat. Kasi alam ko na hindi madali ang buhay, na kahit pa sabihing may magaganda kayong mga trabaho lahat ay... baka masira pa rin ang budget niyo kung sakali man dahil sa akin, kasi dagdag pa ako sa pinapakain," dagdag ko pa.
"Kung pagkain lang ang pag-uusapan, wala namang kaso doon. Lalo na lagi naman kaming may extra budget para sa pagkain. Mag-isa ka lang, Den. At ang liit mo pang tao. Eh ang hina mo ngang kumain," napapa-iling na saad niya. "Kaya nga kinausap ko agad si Tope na doon muna sa kuwarto namin kasi ang akala ko ay magtagal ka rito," dagdag pa niya.
"Okay lang naman ako rito sa sala, kuya. At wala po talaga sa akin iyon. Thankful nga ako na... tinutulungan pa rin ako ng mga ate ko. Pati na rin po kayo. At isa pa... pagkatapos ng isang linggo ko rito, doon ako sa isa sa mga ate ko, tapos after one week, sa isa ulit... after nun, babalik na naman po ako rito. Mas okay rin po ang naisip nilang ganun para hindi rin kayo gaanong mabigla lahat sa gastos. Hindi lang naman kasi pagkain ang pinag-uusapan dito eh, iyong ibang bills din po sigurado madadagdagan," mababa ang boses na sagot ko.
"Noon pa lang napansin na namin nina Juancho at Timothy na parang medyo may iba sa pakikitungo sa 'yo ng mga ate mo. Hindi lang namin pinapansin gaano kasi ay ayaw naman namin ng issue," aniya na ang tinutukoy ay ang asawa nga ng dalawa ko pang ate. "Sa tuwing may okasyon na magkakasama tayong lahat, eh halos hindi ka nila pinapansin o kinakausap maliban kung importante. Pagpasensiyahan mo na lang sila ha? Lalo na ang ate mo. Kung ako ang tatanungin, wala talagang problema sa akin kung didito ka lang. Pero siyempre, ayaw rin naman kitang pangunahan kasi ay alam kong ayaw mo ring magkaroon ka ng issue sa mga ate mo. Pero kung maisip mo man na dumito na lang sa amin, sabihan mo lang ako at ako mismo ang kakausap sa ate mo," mahabang dagdag pa niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango.
"Opo, kuya. Salamat po. Pero for now, gusto ko rin pong iexplore ang mga choices. Para matuto nga rin agad sa buhay. Kaya wala po talagang kaso sa akin na magpalipat lipat every week. At saka hindi naman kalayuan ang mga bahay niyo sa isa't isa eh. Nasa iisang bayan lang naman po tayong lahat," sagot ko kaya tumango siya.
Ang bait pala talaga niya. I mean, sa tagal nilang naging mag-asawa ni ate Veronica, ito ang unang beses na nakapag-usap kami ng ganito katagal at kaseryoso... at ang bait niya pala talaga.
Nagpatuloy naman kami sa pag-inom. Pagkatapos naming maubos ang alak na kinuha ko, which is pang tatlong bote na niya at ako ay isa pa lang, ay nagpaalam na siyang matutulog na.
Kaya naman iniligpit ko na ang mga pinagkalatan sa sala at hinayaan ko na siyang pumasok sa kuwarto nila ni ate. Ako naman ay humiga na sa kama. Walang electric fan sa sala, pero may ceiling fan naman na nakabukas at malakas ding maglabas ng hangin iyon kaya ayos lang.
Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga lang sa sofa. Komportable naman ako kasi nga ay kasyang kasya ako sa mahaba nilang sofa, dahil gaya rin nang sinabi ni kuya Chris kanina ay hindi ako malaking tao.
I mean, nasa 5'5 lang ang tangkad ko, at medyo payat pa. Hindi sobrang payat, saktong may laman lang. Pero maliit talaga akong tignan. At kumpara sa mga bayaw ko na mahihigit 6 footer, ay mas lalo akong maliit tignan. May maputing balat na namana ko kay mama... halos lahat nga ata ay kay mama ko namana, kahit ang height pa.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpasya akong bumangon para umihi sa banyo. Siyempre, pinilit kong hindi makagawa ng ingay kasi nga ay tulog na ang mga tao dahil alas onse pasado na iyon ng gabi. Nang matapos ay humakbang ako palabas at babalik na sana sa sala, pero agad ding natigilan nang makarinig ng tila bulong mula sa kuwarto nina kuya Chris at ate Veronica.
Chapter Five
CHAPTER FIVE
Kung tutuusin, ay puwede kong balewalain na lang iyon at bumalik na sa sofa sa sala. Pero ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at marahan akong naglakad palapit sa pinto na bahagyang naka-awang, tapos ay sumilip ako doon.
Napalunok ako nang makita na magkatabing nakahiga sina ate Veronica at kuya Chris. Patay ang ilaw sa loob ng kuwarto, pero may liwanag mula sa mga ilaw sa labas na lumalandas sa bintana... kaya kitang kita ko pa rin sila kahit pa medyo madilim.
"Sige na naman, babe. Mabilis lang. Tang ina ilang linggo mo na akong tinitigang eh... maawa ka naman sa akin!" narinig ko ang pabulong at halos pagmamaka-awang wika ni kuya Chris, kaya napalunok ako.
Kitang kita ko rin na hubad ang suot niyang boxer shorts kanina at hawak niya patayo ang tigas na tigas niyang... kargada, na kahit pa medyo madilim ay nakita ko ang hulma. Malaki... mataba at gabakal sa tigas.
"Tigilan mo nga ako, Chris. Pagod ako at inaantok na! Hindi ka ba maka-intindi ha? Nakaka-inis ka naman eh! Sarap na ng tulog ko, aabalahin mo pa ako para sa kalibugan mo. Magsarili ka!" pabulong na singhal naman ni ate.
"Tang ina naman talagang buhay ito oh! Konting oras lang hindi pa mapagbigyan! Bwiset!" narinig kong reklamo ni kuya Chris, tapos ay nagsimula na ito sa marahang pagsalsal sa sariling kargada.
Sunod sunod na paglunok na naman ang ginawa ko nang marinig ang mahihina niyang mga ungol. At dala ng labis na kaba, ay nagpasya akong umalis na doon at bumalik sa sala.
Pagkahiga ko sa sofa ay ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa narinig at nasaksihan. Ewan ko ba, pero para akong lalagnatin sa kakaibang init na nararamdaman ko.
Naubos ko naman iyong isang bote ng beer, kung tutuusin ay saktong pampatulog iyon, pero dahil sa nasaksihan ko ay mas lalo na akong hindi nakatulog.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga lang sa sofa at nakatitig sa umiikot na ceiling fan sa kisame, pero mayamaya pa... hindi ko namalayan na nakatulog na rin naman ako.
Madaling araw na iyon, pero mag-aalas sais pa rin naman iyon ng umaga nang magising ako. Dali-dali akong bumangon at iniligpit ko na ang kumot na ginamit ko. Ramdam na ramdam ko pa ang antok dala ng kakulangan sa tulog, pero nagpasya akong maghilamos na lang ng mukha at gawin ang utos ni ate Veronica kagabi.
Nagluto ako ng itlog at hotdog at sinangag. Saktong pagkaluto nga ng sinangag ay nakita kong lumabas na sa kuwarto si ate na nakaligo na at bihis na rin ng uniporme nito sa trabaho.
"Nakapagluto ka na?" tanong niya kaya tumango ako.
"Opo, ate. Gusto mo ba ng kape?" tugon ko.
"Ako na ang gagawa at may sarili akong timpla. Ang mabuti pa gisingin mo na ang pamangkin mo nang makakain at ligo na rin. Alas siete nagsisimula ang klase nun, nang maisabay ko na sa pag-alis ko mayamaya," aniya kaya tumango ulit ako.
Tapos ay dumiretso na siya sa kusina, ako naman ay nagpasya ngang puntahan na si Tope sa kuwarto nito at gisingin. Mabilis lang namang nagising ang bata na malawak pang napangiti nang makitang ako ang gumigising sa kanya. Tapos ay naligo na ito agad. Hindi na kailangang tulungan kahit sa pagbibihis kasi nga ay pitong taong gulang na, although may mga pagkakataon na bata pa rin talaga siya kung umasta.
Saktong alas sais iyon nang matapos ito at makapagbihis, at pinuntahan na niya kami sa hapag.
"Uhm, si kuya Chris po ba hindi na natin gigisingin o hihintayin?" tanong ko nang nakaupo na kaming tatlo sa hapag at nagsisimula na ngang kumain.
"Hindi na! Mga bandang alas siete naman magigising iyon kasi nga alas otso aalis. Hayaan mo na munang matulog," ani ate kaya tumango ako. "Basta pagkagising niya, ikaw na ang maghapag ng pagkain para sa kanya, tapos gawan mo agad ng kape ha? Iyon naman kahit anong timpla ng kape, basta may kape ay ayos na sa kanya. Hindi ba't balak mo rin namang maghanap ng trabaho ngayon at sasabay ka sa kanya?" dagdag pa nito kaya tumango ako ulit.
"Opo, ate..." sagot ko.
Pagkatapos nun ay hindi na nagsalita pa si ate at nagpatuloy na lang sa pagkain. Mga 6:30 na ata iyon nang matapos kami, hindi na sila nagpahinga kasi ay baka ma-late na daw si Tope. Kaya naman umalis na sila at sinabihan niya ako na ako na daw ang maglinis ng mga pinagkainan na sinang-ayunan ko naman.
Nang wala na sila ni Tope ay maglilinis na sana ako ng mga pinagkainan, pero hindi ko na nagawa nang makitang lumabas si kuya Chris mula sa kuwarto nila ni ate. Grabe, halata sa mata na kagigising lang pero sobrang guwapo at hot pa rin tignan. Wala kasi itong suot na pang-itaas at kulay black na boxer shorts lang ang suot. Kaya naman kitang kita ko talaga ang magandang hulma ng kanyang katawan.
At bago pa ako mag-isip ng hindi maganda at labis na magnasa sa sarili kong bayaw ay mabilis na akong umiling.
"Good morning po, kuya. Maupo ka na po rito at kumain. Hindi ka na namin nahintay kasi sabi ni ate hayaan kang matulog. Gagawan po kita ng kape," wika ko kaya ngumiti siya sa akin at tumango.
"Salamat," sagot niya at humakbang na palapit sa hapag at umupo nga doon.
Dali-dali naman akong kumuha ng malinis na plato at kutsara't tinidor para sa kanya. Kaya nagsimula na rin siyang magsandok ng pagkain. Tapos ay nagtimpla na rin ako ng kape para sa kanya at inilapag ko iyon sa mesa sa harap niya pagkatapos.
"Kanina pa ba umalis sina Veronica?" tanong niya tapos ay sumimsim sa kape.
"Kaalis lang po halos, kuya Chris. Mga 5 to 10 minutes po siguro bago ka magising," sagot ko kaya tumango siya at ngumiti.
"Sarap ng pagkakatimpla mo ng kape ah?" papuri pa niya. Alam kong simpleng papuri lang iyon, pero ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng kilig. "Salamat, Den, ha? Alam mo, kapag ate mo ang naghahanda ng agahan, kanya kanyang sandok kami at sariling gawa ko ang kape ko madalas. Kapag naman siya ang gumagawa, minsan sobrang tabang o kung hindi naman ay sobrang tamis. Hindi naman ako makapagreklamo, paano ba naman may minsang beses na sinabi kong sumobra sa asukal, ayun, nagalit na at ang daming sinabi," natatawa na dagdag pa niya. "Kaya salamat sa pagsisilbi sa akin kahit pa hindi mo naman kailangang gawin iyon," napapangiting dagdag pa niya.
"Wala po iyon, kuya. Maliit na bagay lang po, kumpara sa pagpapatuloy niyo sa akin dito na sobrang laking tulong sa akin," sagot ko.
"Ano ka ba naman? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo kailangang isipin ang tungkol diyan kasi ay pamilya tayo?" aniya kaya tipid na lang akong ngumiti. "Sarap talaga ng timpla mong kape. Hindi matamis, at hindi ganun katapang. Saktong sakto. Kuhang kuha mo ang gusto kong lasa," saad pa niya. "Habang nandito ka, kung hindi naman abala sa 'yo, ikaw na ang gumawa ng kape ko tuwing umaga ha?" napapangiting dagdag pa niya.
"Sige po, kuya. Wala pong problema! At saka kung may gusto kang ulam, sabihan mo ako. Ipagluluto kita," nakangiting sagot ko, at saglit pang natigilan dahil doon. Kasi para bang pabibo na ako at... para akong asawa kung umasta dahil lang natuwa ako na nagustuhan niya ang timpla kong kape. "I mean, para medyo mabawasan din ang mga trabaho niyo ni ate dito sa bahay, kasi alam ko naman po na madalas pagod kayo mula sa trabaho," dagdag ko kaya mahina siyang natawa.
"Sarap mo namang mag-alaga. Baka naman ma-spoil ako masyado sa 'yo niyan at hanap-hanapin ko kapag wala ka na rito? Iyong ate mo kasi... ewan ko ba doon. Minsan hindi ko maintindihan, parang hindi niya ako asawa eh," napapa-iling na saad niya. Bigla kong naalala iyong nasaksihan ko kagabi kaya napalunok ako. "Alam mo, swerte ang mapapangasawa mo balang araw. Kung hindi ko nga lang asawa ang ate mo, baka inasawa na kita..." natatawa na dagdag pa niya na ikinagulat ko.
"Po?" gulat na saad ko kaya napahalakhak siya.
"Nagbibiro lang ako! Ikaw talaga, iyong mga reaksiyon mo eh," natatawa at napapa-iling na saad niya, kaya pilit na lang akong ngumiti.
"Palabiro ka pala talaga kuya," sagot ko na lang. Kahit pa para na akong aatakihin sa puso dahil doon sa sinabi niya. "Uhm, sige kuya, lilinisin ko na ang mga pinagkainan at pinaglutuan, pagkatapos mo diyan... pakihabol na lang sa lababo ang mga pinaggamitan mo ha?" wika ko pa, kaya nakangiti siyang tumango at nagpatuloy na sa pagkain.
Ako naman ay nagmamadali nang nagpunta sa lababo para nga maglinis, para lang din maibaling sa iba ang isip ko... kasi masyado ko nang iniisip iyong nasaksihan kagabi, at dumagdag pa ang biro ni kuya Chris na aasawahin niya ako.
Nakakaloka talaga. Isang araw pa lang ako rito sa bahay nila pero para na akong mababaliw dahil sa bayaw ko.
Note
Hanggang dito na lang po tayo, and this is to protect the story from being reported. Sample chapters lang po talaga ang ipo-post namin.
Kung na-hook po kayo sa story, at gustong mabasa ng buo, binebenta po namin ang soft copy in .pdf file. Kung interesado po kayong mag-avail, email niyo lang po kami:
Mahaba po ang story. 40 chapters in total, tapos mura pa kaya sobrang sulit. May discount din po kung 2 or more stories ang ia-avail. Kaya sana ay makabili na po kayo bilang suporta sa amin!
Iyon lamang, salamat po!
xx,
King
Book 2: Update
Hey guys!
The book 2 / final book of Mi Tentacion: Tukso at Temptasyon, is now finished and available for sale!
How long is the story? It has 45 chapters po with a total of 73k plus word count. 230+ pages po. So yes, sobrang haba po ng story. Mura at sulit din po ang presyo kaya sana ay maka-avail na kayo.
How to avail? Gaya po ng dati. Just send us an email: blstories02(at)gmail(dot)com.
Maraming salamat po!

