Two Daddies and Me (Completed)
vincentmanrique · 36 chapters · 43,093 words
Dedication
Two Daddies and Me is dedicated to the following persons who inspired me to write this sequel:
icenvillasanta
remarfernandez12
MichelleCorrea1
kathtagle
Alainskie
blueskie2012
AireenPueyo
shaibord
AndyVilla6
Olractipeek
timothy20
treborperez09
IamKevzBebz
JamesGabito
Two Daddies and Me
“Where happiness ends, reality begins…”
Akala nina Rob at Paulo ay puro saya na lang ang buhay sa piling ni Gab na ngayon ay apat na taong gulang na. Hindi nila inasahan na kasabay ng pagkamulat ng murang isipan ni Gab ay ang pagdating ng mga problema.
Paano nila haharapin ang tunay na ama ni Gab na nagbabantang kunin sa kanila sa ano mang paraan ang batang sobra na nilang minahal?
Prologue
SA ISANG bar napadpad si Shiela. Ang daming customers, both male and female. Umorder si Shiela ng dalawang redhorse kahit alam niyang sa isang bote pa lang ay malalasing na siya. Sa isip niya, dalawa agad para siguradong lunod ang problema.
Malapit na niyang maubos ang isang boteng redhorse nang may lalaking lumapit sa kanya.
“Alone?” tanong nito.
“Yeah, and lonely…”
“Ohhh! Would you mind if I share table with you?”
“Okay lang,” sagot ni Shiela na namumungay na ang mga mata. Tipsy na ang dalaga. Hindi nga siya nagkamali ng akalang isang bote pa lang tatamaan na siya. Ang lakas talagang sumipa ng pulang kabayo!
“By the way, I’m Marlon.” Inilahad nito ang palad kay Shiela.
“Shiela…” Nakipag-shake hands ang dalaga kay Marlon.
Kung anu-ano lang naman ang napag-usapan nila ni Marlon habang inuubos ng dalaga ang laman ng pangalawang bote ng redhorse. Maging si Marlon ay redhorse din ang tinutungga, pero ’di na malinaw kay Shiela kung nakakailang bote na ito bago pa lumapit sa kanya.
Iba na ang tama niya, nararamdaman ’yun ni Shiela. Dalawa na ang tingin niya kay Marlon. Pero bakit sa tingin niya’y parang kahawig nito si Rob? Lasing na nga yata talaga siya.
“Are you still okay?” tanong ni Marlon.
“Medyo hindi na. Lasing na ako.”
“Would you go with me? Some other place. Do’n na lang natin ituloy ang pag-inom.”
Nginitian ni Shiela ng matamis si Marlon na ang tingin nito’y kamukha talaga ni Rob. “Sure!”
“Let’s go then.” Kinawayan ni Marlon ang isang waiter at inabutan ng pera. “Bayad namin. Ikaw na’ng bahala riyan.”
Inalalayan ni Marlon ang lasing na dalaga sa paglalakad papalabas ng bar hanggang makasakay ito sa kotse niya. “Hmm… rich kid,” bulong ng utak ni Shiela.
Hindi na alam ni Shiela kung saan sila nagpunta. Ang huling natatandaan niya ay nasa isang silid sila at hinahalikan na siya ni Marlon. Hindi na rin niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising na lang siya kinaumagahan na hubo’t-hubad sa silid ng isang hotel. Mag-isa. At nananakit ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Agad siyang bumangon. May nakita siyang mantsa ng dugo sa bedsheet.
Dinampot ni Shiela ang telepono. Sumagot ang nasa reception. “Hello!”
“Nasaan ’yung kasama ko?”
“Saang room kayo, ma’am?”
Nakita ni Shiela ang room number sa keychain na nasa tabi ng telepono. “801,” sagot niya.
“Ah, lumabas na siya, ma’am. But don’t worry, he already settled the bill.”
Gusto sanang itanong ni Shiela kung alam ba ng kausap niya ang buong pangalan ni Marlon at kung saan ito nagtatrabaho, pero ’di ba dapat alam niya ’yon kasi siya ang kasama nitong nag-check in dito sa hotel?
“Sige, thanks…” Iyon na lang ang nasabi ng dalaga. Hindi na rin niya nakita si Marlon mula noon.
Akala ni Shiela ay malilimutan na niya ang nangyari. Hanggang isang umagang bigla na lang siyang nagdududuwal at biglang nangasim ang sikmura niya. Naabutan siya ni Tita Minda sa gano’ng eksena.
“Buntis ka ba?” diretsahang tanong ni Tita Minda kay Shiela.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Napailing siya. “Hindi ko po alam. Bigla lang sumama ang sikmura ko at nagdududuwal na ako.”
“Malakas ang kutob ko na buntis ka. Sino ang ama? Iyon bang naghatid sa’yo dati?” matiim na tanong ng tiyahin.
“K-kung buntis nga po ako, opo siya ang ama,” pagsisinungaling ni Shiela. “S-sorry po, tita.”
“Ano nga ulit ang pangalan ng lalaking iyon?” Hindi nawawala ang seryosong anyo nito.
“Rob po. Robert Fernandez.”
“Makabubuti kung pupuntahan mo siya at kakausapin tungkol diyan sa kalagayan mo. Kailangan niyang malaman na may responsibilidad siya sa’yo.”
“Ah, tita… wala na po kami. We’re not in good terms sa ngayon. Saka na lang po siguro ’pag medyo okay na kami, “ nadagdagan ang pagsisinungaling ni Shiela.
Nalaglag ang balikat ni Tita Minda. “Ikaw ang bahala. Pero isipin mo rin ang kapakanan ng bata. Kung magagawa n’yong magkabalikan para sa bata, mas maganda sana,” seryosong sabi ng tiyahin ni Shiela.
Tumango-tango ang dalaga. “Malabo po sa ngayon, tita. Ang alam ko may girlfriend na siya ngayon,” madaling nakasanayan ni Shiela ang pagsisinungaling. “Magpapa-check up po ako mamaya para ma-confirm kung buntis ba talaga ako.”
HINDI NAGKAMALI ng hinala si Tita Minda. Buntis nga si Shiela. Pero dahil mahal na mahal niya ang pamangkin, binigay niya rito ang lahat ng suporta at pang-unawa. Bago pa lumaki ang tiyan ni Shiela ay nagresign na ito sa trabaho. Nanatili na lang siya sa bahay pero kumikita pa rin siya sa pamamagitan ng kanyang online business kung saan nagbebenta siya ng kanyang homemade cookies and pastries. Awa ng Diyos, nalagpasan ni Shiela ang mga buwan ng kanyang pagbubuntis sa tulong na rin ni Tita Minda. Hanggang sa dumating ang araw ng kanyang panganganak via caesarian section.
Tuwang-tuwa si Shiela sa pagdating ng munting anghel sa kanyang buhay na binigyan niya ng pangalang Gabriel. Bunga man ng isang pagkakamali, buong puso niyang tinanggap si baby Gab. Maging si Tita Minda ay lubos ang excitement sa bagong miyembro ng kanilang pamilya. Sa birth certificate ng bata ay Robert Fernandez ang nakatalang ama nito. Pero Gabriel Rivera ang nakalagay na pangalan ng bata dahil walang pirma ni Rob sa dokumento. May mga pagkakataong kinukulit pa rin niya si Shiela na makipagbalikan kay Rob para sa kapakanan ng bata. Paniwalang-paniwala talaga si Tita Minda na si Rob ang ama ni baby Gab. Sabagay, botong-boto kasi si Tita Minda kay Rob. Nababaitan siya rito at ramdam niyang magiging responsable itong padre de pamilya. Patuloy lang naman si Shiela sa pagsasabing may sarili na silang buhay ni Rob at ayaw na niya itong gambalain pa. Bagay na naunawaan naman ni Tita Minda. Iginalang ng matanda ang gusto ng kanyang pamangkin.
Ilang araw lang pagkapanganak ni Shiela nang makatanggap siya ng tawag mula sa OB Gyne niya. Pinapapunta siya nito sa ospital dahil umano sa isang importanteng bagay. Nagtataka man ay pumunta pa rin si Shiela at tila gumuho ang mundo sa kanya nang sabihin ng doktor na may colon cancer siya. Diumano, nakakita ng abnormal tissues ang mga doktor nung inoperahan siya para manganak kaya nagsagawa sila ng lab test para rito at na-confirm nga ang hinala ng mga doktor na may malubha siyang sakit.
Halos tulala si Shiela nang makauwi. Ayaw mag-sink in sa utak niya ang sinabi ng doktor. Tanginang cancer ito! Bigla-bigla na lang nandyan na. Wala man lang siyang naramdamang kakaiba sa katawan niya pero nilalamon na pala ng cancer ang kanyang bituka!
Maging si Tita Minda ay hindi makapaniwala nang sabihin ni Shiela dito ang masamang balita. Umiiyak na niyakap nito ang pamangkin.
“Magpapagamot ka. Lalabanan natin ang cancer mo. Malalagpasan mo ’yan, may awa ang Diyos.”
“Stage four na, tita. Hindi na ako gagaling. Tinaningan na ako ng doktor.”
“Hindi. Magtiwala ka sa Diyos. Gagaling ka,” habag na habag si Tita Minda kay Shiela.
“Tita, ibibigay ko na lang kay Rob ang anak ko. Siya na lang ang magpapalaki kay Gabriel.
“Ayaw mo bang ako ang mag-alaga sa kanya? Tayong dalawa…”
“Tita, ang laki na ng sakripisyo mo sa akin. Ayoko nang dagdagan pa. Si Rob, aalagaan niya ang anak ko. Alam kong hindi niya pababayaan ang anak ko.”
Wala nang nagawa si Tita Minda sa kagustuhan ni Shiela. At isang madaling-araw nga ay umalis ng bahay si Shiela dala si baby Gab para ibigay kay Rob. Dinala niya ang bata sa address na natatandaan niyang nasa company ID ni Rob nung magkasama pa sila sa trabaho. Pero bago ’yun ay siniguro muna ni Shiela na doon pa rin nakatira si Rob. Nang makumpirma niya ay saka niya isinagawa ang balak. Inilagay niya ang bata sa isang kahon at iniwan ito sa labas ng pintuan ng bahay na tinitirhan ni Rob. Nagtago sa di kalayuan si Shiela at inabangan kung sino ang kukuha sa batang nasa kahon. Halos madurog ang puso niya nang marinig niya ang malakas na pag-iyak ni baby Gab hanggang sa makatulog na ito sa kaiiyak. Tulog na si baby Gab nang makita niya ang isang lalaki na tila kagigising lang ang nagbukas ng pinto, kumuha sa kahon at nagmamadaling pumasok pabalik sa loob ng bahay. Baka ito ’yung sinabi ni Rob na kinakasama nito. Napangiti ng mapait si Shiela dahil mawawala na sa kanya si baby Gab. Pero alam niya, nasa mabuting kamay na ang kanyang anak. Tiwala siyang mapapalaki nang mabuti si baby Gab ng kanyang “tatay”.
Chapter 1 - Back to School
LUNES ng umaga.
Katulad ng dati ay nagmamadali na naman si Rob sa paghahanda ng sarili para pumasok. Kailangan niyang umalis nang maaga sa bahay para ’di siya abutin ng traffic sa daan. Lalo na at sa Pasig na sila nakatira ngayon. Kumuha na kasi siya ng rent to own na bahay nang minsang pumunta siya sa Pag-ibig para mag-asikaso ng loan. Tiyempong may rent to own houses na available kaya sinunggaban na niya ang pagkakataon na makakuha ng isang bahay. Matagal na rin siyang nag-aabang ng mabibiling bahay. Madalas kasi Cavite o Bulacan ang pinakamalapit na nakikita niya kaya hindi niya masyadong inoobliga ang sarili niyang kumuha ng isa. Gusto kasi talaga niya ay within Metro Manila lang. At natupad na niya ’yon ngayon. Up and down ang bahay at may dalawang kuwarto kaya kasyang-kasya silang apat doon. Magkakasama na silang nakatira rito. Siya, si Pau, si Gab at si Imelda. Kumuha na rin siya ng kotse para hindi na siya mahirapang magbiyahe sa araw-araw na pagpunta sa trabaho at pag-uwi sa gabi.
Pagkatapos ng mga nangyari noon kung saan nanganib ang buhay nilang apat, itinuloy na rin ni Rob ang balak na pagpasok sa law school. Ngayon nga ay nasa third year na siya sa San Beda College of Law. Umaasa si Rob na mas mapoprotektahan niya ang mga taong malalapit sa kanya kung magiging abogado siya.
Pero hindi pa rin siya umaalis sa trabaho niya lalo na at nag-eenjoy naman siya doon bilang Court Interpreter III. Sapat naman sa mga pangangailangan nila ang kanyang suweldo, idagdag pang nagkakatulungan naman sila ni Pau sa mga gastusin sa bahay. At kung may mga pagkakataon mang dumarating na medyo nagigipit siya, madali naman siyang nakalalapit sa mga magulang niya na laging supportive sa mga desisyon niya sa buhay. Iyon ang isang maituturing niyang suwerte sa buhay. Tanggap ng mga magulang niya kung ano siya at all out support ang mga ito sa kanya sa lahat ng bagay.
Ganoon din naman sa kaso ni Paulo. Ni minsan ay hindi nakarinig si Pau ng pagtutol o ano mang pagkontra sa sekswalidad niya. Tanggap ng mga magulang ni Pau kung ano siya at kung ano ang kanyang gusto. Tiwala sila na hindi naman gagawa si Pau ng ano mang bagay na puwedeng ikasira ng pangalan nito.
“Pau, sasabay ka ba sa akin?” tanong ni Rob kay Pau na kalalabas lang ng banyo.
“Hindi na. Magko-commute na lang ako.”
“Sige… Mauuna na ako, ha? Gagabihin ako mamaya. May klase ako.”
“Okay.” Tumango si Pau bilang pagsang-ayon.
Lumapit si Rob kay Pau at humalik sa pisngi. “Aalis na ako. Hmm, ang bango mo!” Napapangiti pa si Rob.
“Tse! Ingat ka.”
“Ikaw rin,” sagot ni Rob at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Narinig pa ni Pau ang tunog nang i-start ni Rob ang kotse na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. Nagbihis na si Pau at pagkatapos ay pinuntahan ang kabilang silid kung saan natutulog si Imelda at si Gab. Hindi na araw-araw na umuuwi sa kanila si Imelda. Tuwing Friday night na lang. At mas kumbinyente sa kanilang lahat ang ganoong set-up. Malaki na talaga ang ipinagbago ni Imelda. At doon nila mas nakilala ang totoong ugali nito na sobrang maalaga at mapagmahal sa bata. Tama ang hinala ni Pau noon na sa ikalawang pagkakataon na naging yaya ni Gab si Imelda ay makakasundo na niya ito. Hindi naman pala totoo ang first impressions last. Dahil naburang lahat ang unang masamang impresyon ni Pau kay Imelda nang mabigyan siya nang pagkakataong mas kilalanin pa itong mabuti.
“Imelda…”
Agad namang nagising ang yaya. “Boss…”
“Papasok na ako. Ikaw na ang bahala kay Gab. Tingnan mo lagi ’yung likod niya, baka nababasa na ng pawis. Magdala ka ng extra shirt sa school para may pamalit siya.”
“Areglado, boss Paulo.”
“Nakapaghanda na ako ng almusal. Kumain na lang kayo mamaya paggising ni Gab. Ikaw na lang ang bahala kung anong babaunin ni Gab sa school.” Lumapit si Pau sa natutulog na paslit at hinalikan ito sa pisngi. Dalawa ang kama sa silid na nakapuwestong magkatapat. Isa ang inookupa ni Imelda habang ang isa naman ay higaan ni Gab.
“Sige, boss.” Tumango si Imelda. Mag-iingat ka sa biyahe.“
“Lagi naman akong nag-iingat.” Matamis ang ngiting pinakawalan ni Pau. “Salamat…” At lumabas na siya ng silid. Si Imelda naman ay bumangon na rin at inayos ang higaan niya. Pagkatapos ay lumabas na rin ito ng silid.
Alas-diyes pa ang umpisa ng klase ni Gab. Sadya nilang pinili ang oras na iyon kesa sa pang alas-siyeteng klase para na rin hindi mahirapang gumising nang maaga si Gab. Tatlong oras lang naman sa school ang bata kaya maaga pa rin silang nakakauwi. Nagbabaon na lang sila ng pagkain sa school dahil pagdating ng alas-dose ay ay sabay-sabay na nagla-lunch ang mga bata pati ang teacher nito.
Matalinong bata si Gab. Giliw na giliw dito ang mga guro sa eskuwelahan dahil bukod sa gwapo at likas na charming ay listo at bibo pa. Nung minsan nga na nagkaroon ng pagdiriwang sa school at kinailangan nila ng batang magpeperform, agad na nagprisinta si Gab. Kakanta raw siya. At napanindigan naman ng bata ang pagkanta dahil sa edad niya ngayon, totoong matatas na siyang magsalita at hindi nabubulol. Isa pa, nasa tono na siyang kumanta. Sabi nga ng teacher niya, mas gagaling pa ito paglaki niya. Proud daddies naman siyempre sina Pau at Rob. Nagtatalo pa nga ang dalawa kung kanino sa kanila nagmana ng galing sa pagkanta ang bata.
NATAPOS ang maghapon ni Rob sa opisina. Pagsapit ng alas-singko ay nagmamadali na siyang nag-time out para di siya ma-late sa law school. Ayaw pa naman niyang ma-late dahil siguradong pagpasok pa lang niya ay pauupuin na ng professor ang estudyanteng nagre-recite upang siya na ang sumagot sa mga itatanong pa ng propesor. Okay lang sana kung nakapag-aral siyang mabuti ng lesson. Eh paano kung hindi? Siguradong manliliit siya sa sermon na maririnig niya mula sa kagalang-galang niyang mga abogadong guro.
Mabuti na lang at hindi naman na-late si Rob. Napaaga pa nga siya ng thirty minutes bago mag-umpisa ang kanyang klase. Eksaktong alas-siyete ng gabi nang dumating ang kanyang propesor na agad inumpisahan ang graded recitation pagkatapos nitong mag-check ng attendance.
Binalasa ng propesor ang class cards at bumunot ng isa. Pigil ang hininga ng mga estudyante, lalo na ’yung mga hindi nakapagbasa ng mga batas na idi-discuss sa gabing iyon.
“Mr. Fernandez…” Nakahinga nang maluwag ang mga estudyante nang tawagin ng abogado si Rob.
Tumayo si Rob. “Yes, Atty. De Leon?”
“What does the law say about parental authority?”
Pilit na inalala ni Rob ang nabasa niya tungkol sa batas na iyon. Huminga pa siya nang malalim, bago siya nagsalita. “Article 313 of the Civil Code of the Philippines states that parental authority cannot be renounced or transferred, except in cases of guardianship or adoption approved by the courts, or emancipation by concession.”
“As prescribed by the law, who is allowed and not allowed to adopt?”
“The law expressly provides in Article 334 of the Civil Code that every person of age, who is in full possession of his civil rights, may adopt. The next article says that the following cannot adopt: those who have legitimate, legitimated, acknowledged natural children, or natural children by legal fiction; the guardian, with respect to the ward, before the final approval of his accounts; a married person, without the consent of the other spouse; non-resident aliens; resident aliens with whose government the Republic of the Philippines has broken diplomatic relations; and any person who has been convicted of a crime involving moral turpitude, when the penalty imposed was six months’ imprisonment or more.”
Tumango-tango ang propesor na tila sumasang-ayon sa mga sinabi ni Rob. Lumapit ito kay Rob at nang halos dalawang dangkal na lang ang distansiya nila sa isa’t-isa ay muli itong nagtanong. “Enumerate to me the benefits of adoption.”
“According to Article 341 of the Civil Code, the adoption shall give to the adopted person the same rights and duties as if he were a legitimate child of the adopter; dissolve the authority vested in the parents by nature; make the adopted person a legal heir of the adopter; and entitle the adopted person to use the adopter’s surname.” Pigil ang paghinga ni Rob habang hinihintay niyang muling magsalita ang propesor.
Lumakad pabalik sa mesa niya ang propesor. Pagkatapos ay nagsalita, “You may take your seat, Mr. Fernandez.”
Parang nabunutan ng tinik si Rob. Matagal pa bago matapos ang klase niya, mamayang alas-diyes pa. Pero alam niya, hindi na siya muling tatawagin sa recitation dahil ’yong mga kaklase naman niya ang iisa-isahin ng propesor.
Chapter 2 - Si Marlon
ILANG araw nang balisa si Marlon. Parang may hinahanap-hanap siya. Parang may isang taong gustong-gusto niyang makita. At alam niya kung sino ’yun. Isang linggo na ang nakakaraan pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang batang lalaking humahabol sa bolang gumulong sa paanan niya. Ibinigay niya sa bata ang bola at nagulat siya nang makitang kahawig niya ang bata nung nasa ganung gulang din siya. Tinanong pa nga niya kung ano ang pangalan nung bata. Gab daw. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nung oras na ’yun. Parang gusto niyang yakapin ang bata. Sayang nga lamang at tinawag na ito ng daddy niya. Manghang-mangha siya sa itsura nito na parang nakaharap lang niya ang kanyang kabataan. Parang nananalamin lang siya pero ang repleksyon sa salamin ay ang itsura niya nung siya’y mga tatlo hanggang anim na taong gulang pa lamang.
Ilang taon na kaya ang batang iyon? Kung pagbabasehan ang laki niya, siguro’y lima hanggang pitong taong gulang na ito. Kung nagkaanak lang sana kaagad sila ng asawa niya, baka sinlaki na iyon ni Gab.
Napangiti si Marlon. Ba’t ba ang gaan-gaan ng loob niya sa batang iyon? At bakit nasasabik siyang makita ulit ang batang si Gab?
MAHIGIT apat na taon nang kasal si Marlon Sandoval. Sa loob ng panahong iyon, wala silang ibang hiniling ng asawa niyang si Shane kundi ang mabiyayaan sila ng anak. Pero hindi pa siguro panahon, dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagbubunga ang kanilang pagsasama. Si Marlon ay dalawamput-siyam na taong gulang na. Nagtapos siya ng kursong BS Management at ngayon ay namamahala ng sarili niyang negosyo, ang MS Hardware. Dalawang taon pa lang ang negosyo niyang ito na itinatag niya mula sa naipon niya sa kanyang anim na taong pagtatrabaho sa isang BPO company. Hindi niya kaagad iniwan ang kanyang trabaho kahit may maliit na negosyo na siya. Para sa kanya, pandagdag ipon lang ang ano mang kikitain ng negosyo niya. Pero nang magsimulang kumita ang hardware niya at makakuha siya ng mga kontrata sa iba’t-ibang construction company ay pinili na niyang mag-resign sa trabaho upang matutukan ang kanyang negosyo.
Isa marahil iyon sa mga dahilan kung bakit hindi pa rin sila nagkakaanak ng misis niya. Masyado yata silang nagiging abala sa kani-kanilang trabaho. Siya sa negosyo niya, habang ang misis niyang si Shane ay nag-eenjoy sa pagtuturo. Pero di ba’t sinisikap naman nilang magampanan ang obligasyon nila sa isa’t-isa bilang mag-asawa? Hindi naman masasabing tinatabangan na sila sa bawat isa. Nasa kasibulan pa rin naman ang kanilang edad. At kung pisikal na anyo naman ang pag-uusapan ay hindi naman masasabing pinag-iwanan na sila ng panahon. Si Shane ay tila dalaga pa rin ang itsura. Kung hindi mo nga alam na may asawa na siya ay aakalain mong dalaga pa talaga. Balingkinitan ang kanyang katawan at ang maamong mukha niya’y papangarapin mong mapanaginipan gabi-gabi. Si Marlon naman ay alaga sa gym ang katawan. Mula nang makapagtrabaho siya pagkatapos ng pag-aaral ay naging ugali na niyang mag-gym at least thrice a week. Kaya naman mahihiya ang ibang mga binata kung ganda ng katawan ang pag-uusapan. Hindi mo rin naman matatawag na hipon si Marlon; ’yung palasak na tawag sa mga lalaking babad sa gym at halos perpekto na ang korte ng katawan pero gaya ng hipon ay itatapon mo ang ulo dahil walang pakinabang ang mukha.
Kaya nga siguro noong binata pa si Marlon ay masasabing naging pantasya rin ito ng mga kababaihan at kabekihan sa kanilang eskuwelahan. Pero merong isang babaing hindi makalimutan si Marlon sa lahat ng mga babaing dumaan sa kanyang buhay. Isang linggo noon bago siya ikasal. Naisipan niyang mag-bar pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho. Maraming tao sa bar at halos hindi magkamayaw ang pinaghalong ingay ng mga kostumer na nagkukuwentuhan at ng kantang pinatutugtog ng deejay. Bigla, sa paglingon niya sa isang bahagi ng bar ay nahagip ng mga mata niya ang isang babaing nag-iisang umiinom. Maganda ang babae na tila may tama na sa iniinom nitong redhorse . Walang pag-aalinlangan na nilapitan ni Marlon ang magandang babae at nakipagkilala siya rito. Shiela raw ang pangalan nito. Magandang pangalan na bagay lang sa napakagandang babaing ito.
Hindi na halos matandaan ni Marlon kung ano ang mga napag-usapan nila ni Shiela. Ang isang malinaw sa isip niya ay ang pag-alis nila sa bar na humantong na isang mainit at maalab na mga sandali sa loob ng isang hotel. Walang kapantay na langit ang nalasap ni Marlon sa piling ng babaing noon lang niya nakilala. Kung hindi lang siguro siya ikakasal na ilang araw mula noon, baka nasundan pa ang minsang pagkalimot na iyon. Pero dahil mahal na mahal ni Marlon si Shane, agad niyang iniwan ang babaing nakatalik habang himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Hindi na siya nag-effort pang alamin ang iba pang bagay tungkol sa pagkatao nito gaya ng hindi rin naman siya nakilala nang husto ni Shiela maliban sa kanyang pangalan.
Nairaos ang kasal nila ni Shane nang walang aberya. Masaya ang lahat. Sinagot ng mga magulang niya ang gastos para makapag-honeymoon sila sa Hongkong. Iyon ang regalo ng mga magulang niya sa kanila ni Shane. Isang linggo silang nagliwaliw at nagpakasaya sa Hongkong. Nilibot nila ang lahat ng puwedeng pasyalan at tinikman ang mga pagkaing ipinagmamalaki ng bawat lugar na kanilang pinuntahan. At sa bawat pagsapit ng gabi ay ang kani-kanilang mga katawang lupa naman ang nagpakasawa sa ligayang puwedeng ibigay nito sa bawat isa sa kanila. Kulang ang oras para tuklasin nila ang katawan ng isa’t-isa at maipadama ang kasabikan at pagnanasa nilang mapagsanib ang kanilang mga katawan upang sila’y maging isa na lamang.
Sa pagbabalik nila sa bansa ay umaasa na ang kanilang mga pamilya na hindi magtatagal ay madadagdagan na sila. Buong angkan nila ang nag-aabang sa pagdating ng isang buhay sa sinapupunan ni Shane. Natetensyon na nga si Marlon at Shane dahil pagkalipas ng tatlong buwan ay wala pa rin silang masabing magandang balita sa kani-kanilang mga kaanak. Hindi pa rin nade-delay ang buwanang bisita ni Shane at laging on time pa nga sa pagdating. Akala nila’y madali lang bumuo ng pamilya. May tatay, may nanay, at may anak. Ganun naman kasi ang pagkakaalam niya. Kahit nga sa mga pelikula, pag may eksenang kasalan siguradong kasunod na ang eksenang pagbubuntis at panganganak. Hindi akalain nina Marlon at Shane na aabot ng ilang taon ang kanilang pagsasama nang hindi pa rin sila nagkakaroon kahit isang anak man lamang.
Chapter 3 - School Boy
“GOOD morning, Teacher Shane!” masayang bati ng mga bata sa kanilang guro.
“Good morning, children. How are you?”
“We’re fine!”
“That’s good to know, kids.”
Lumakad ang guro papunta sa batang babaeng nasa unahang row bago siya muling nagsalita. “Yesterday, I asked everyone of you to bring a photo of your parents. So, do you have the photo with you? Ikaw, Janna?”
Sumagot ang batang tinawag, “Mom gave me this picture, Teacher Shane.” Ipinakita nito sa guro ang dala nitong litrato.
“That’s your mom and dad?”
“Yes, teacher!”
“Very good, Janna. That brings us to our lesson for today which is about family. Janna has her own family. I also have my family. Every one of us has our own family.”
Tahimik na nakikinig ang mga bata. Kumuha ng board marker ang guro at lumapit sa white board. Nag-drawing ito imahe ng isang buong pamilya.
“Class, look at the board. This is an example of a family.” Isa-isang itinuro ng guro ang mga miyembro ng pamilya. “This is the father, the mother, brother, sister, and we have baby or the youngest child…”
“…sino sa inyo ang may ganitong miyembro ng pamilya?” tanong ng guro sa mga bata.
May ilang mga bata na nagtaas ng kamay. Si Gab ay nanatili lang nakikinig.
“John, why are you not raising your hand?”
Tumayo ang batang tinanong at nagsalita, “Teacher, I am an only child. I don’t have brother and sister. Does it mean that we are not a family?” tila naguguluhang tanong nito.
“No, John. My drawing here as I said is just an example of a family. There are other instances of course when the family members may vary. Puwede kasing puro brothers lang. Puwede ring puro sisters lang. At katulad ng sa’yo, puwedeng ikaw lang being an only child.”
Tumango-tango si John.
“Gab?” napatingin ang guro sa tahimik na si Gabriel.
Tumayo si Gab. “Yes, teacher?”
“You also did not raise your hand. Can you tell to the class who are the members of your family?”
Matipid na ngumiti si Gab bago ito nagsalita. “Like John, I am also an only child. However, I don’t have a mother anymore. She died few months after she gave birth to me…”
“Oh, I’m sorry to hear that, Gab.”
“But I already saw my mom in pictures.”
“Did you bring a picture of your mom today?”
“No, the pictures of my mom are in the house of my Lola Minda.”
“Which picture did you bring today?”
“I have with me the picture of my yaya together with me and my two daddies.”
“Can I see the picture?” tila na-curious ang guro sa sinabi ni Gab.
“Eto po,” inabot ni Gab kay Teacher Shane ang litrato.
Seryosong tiningnan ng guro ang litratong kuha sa sementeryo nung huling beses na dinalaw nina Rob, Paulo, Gab at Imelda ang puntod ni Shiela.
“That was taken when we visited my mom’s grave. I’m with my daddy Rob, daddy Paulo and yaya Imelda,” pagpapaliwanag ni Gab.
“Bakit dalawa ang daddy mo?” biglang sumali sa usapan ang isang batang lalaki.
Hindi nakasagot si Gab. Sa isip siguro nito, bakit nga ba naging dalawa ang daddy niya?“
Si Teacher Shane ang sumagot, “Mga bata, lumaki si Gab na kasama ang dalawang daddy niya. Kaya nakasanayan na niyang tawaging daddy pareho ang dalawang daddy niya. Pero siyempre, isa lang sa kanila ang totoong daddy niya.”
Bakas sa mga mukha ng mga bata na tila lalo pang naguluhan sa sinabi ng guro.
“Sino sa inyo ang may tumatawag ng mommy or mama or nanay sa lola ninyo?” tanong ni Teacher Shane.
Isang bata ang tumaas ng kamay.
“Yes, Charlene. How do you call your grandmother?” tanong ng guro.
“I call her mama.”
“How do you call your mother?”
“Mommy…”
“Class, ’yan ang gusto kong sabihin kanina. Si Charlene, ang tawag niya sa lola niya ay mama. Ang tawag naman niya sa totoo niyang mama ay mommy. Lumalabas na parang dalawa ang mommy or mama niya, pero ang totoo isa lang talaga doon ang totoo niyang mommy dahil ’yung isa na tinatawag niyang mama ay hindi naman niya talaga mama kundi lola. Ganun din kay Gab. Dalawa ang tinatawag niyang daddy pero isa lang sa kanila ang totoong daddy ni Gab.”
“No, they are both my daddies,” protesta ni Gab.
“Hindi nga puwedeng dalawa ang daddy,” pagsabad ni John sa usapan.
“Pwede! Dalawa nga sa akin, eh.” Hindi nagpatalo sa pakikipag-argumento si Gab.
“Sabi nga ni teacher, isa lang sa kanila ang totoo mong daddy. ’Yung isa, tinatawag mo lang daddy pero hindi mo totoong daddy,” ayaw ring magpatalo ni John.
“Kids, tama na ’yan. We don’t have to argue that much kasi sa kultura nating mga Pilipino, meron din tayong tinatawag na extended family. Ito ’yung uri ng pamilya na magkakasama sa iisang bahay ang tatay, nanay, mga anak, mga lolo at lola at kahit mga tito at tita at iba pang mga kamag-anak. Kaya huwag na tayong magtalo dito dahil sino man ang itinuturing n’yong pamilya, kadugo n’yo man sila o hindi, ang mahalaga ay alam n’yong pamilya kayo at ano man ang mangyari may pamilya kayong magmamahal at mag-aalaga sa inyo sa lahat ng oras. Naiintindihan n’yo ba iyon, mga bata?”
“Opo, Teacher Shane!” sabay-sabay sa sagot ng mga estudyante.
SA WAITING area ng eskwelahan naman ay naroroon si Imelda kasama ang iba pang mga naghihintay din sa mga bata. Habang hindi pa dumadating ang lunch time ay ginagawa niyang abala ang sarili sa pagbabasa ng tabloid na regular na hinahatid ng newsboy sa bahay nina Pau at Rob. Kung minsan naman at trip niyang makipagtsikahan ay nakikipagkuwentuhan siya sa ibang mga yaya na naroon. Pero mas madalas talaga na tahimik lang siyang nagbabasa o di naman kaya ay ka-text ang biyenan niya para kumustahin ang kanyang sariling pamilya na nakakasama lang niya tuwing Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng hapon.
Nang tumunog ang bell pagsapit ng alas dose ng tanghali hudyat na kakain na ang mga bata ay binitbit na ni Imelda ang baon ni Gab patungo sa classroom ng paslit. Maganang kumain ang mga bata kasabay ang kanilang teacher. Si Imelda at ang ibang mga yaya ay nanatili lang din sa classroom para bantayan ang kani-kanilang mga alaga. Nang matapos kumain ay saglit na pinagpahinga ni Teacher Shane ang mga bata habang binabasahan niya ang mga ito ng fairy tale. Enjoy na enjoy ang mga bata sa pakikinig sa magandang kuwento ng kanilang guro.
Si Imelda ay matiyaga pa ring naghintay sa pagtatapos ng klase ni Gab. Ganun naman ang buhay yaya. Sanay na siya. At kahit kelan ay hindi niya pagsasawaang alagaan ang batang napamahal na rin sa kanya at itinuturing na rin niyang anak. Para nga kay Imelda, dalawa na ang anak niya; ang tunay niyang anak na nasa pangangalaga ng kanyang biyenan at si Gab na inaalagaan naman niya.
Chapter 4 - Teacher Shane
NASA bahay na si Shane nang dumating si Marlon galing sa trabaho. Sinalubong niya ang asawa at hinalikan ito sa pisngi.
“Hon, kumusta ang trabaho?” tanong ni Shane.
“Ayun, ayos naman. Daming kliyente. May na-close akong deal sa isang construction company kanina. Maganda naman ang naging pag-uusap namin kaya hopefully wala nang maging problema.” Maaliwalas ang mukha ni Marlon habang nagsasalita. Halata sa mukha nito ang hindi maitagong saya dahil sa dalang magandang balita sa kanyang trabaho.
“Kumain ka na ba? Maghahain na ako.”
“Ikaw, kumain ka na ba?” balik-tanong ni Marlon sa asawa.
“Hindi pa. Hinihintay kasi kita…”
“Sige, maghain ka na. Kakain tayo. Magbibihis lang ako sandali.”
“Sumunod ka agad dito. Ihahanda ko lang ang mesa.”
Masarap ang nilutong hapunan ni Shane. Beef steak at java rice. Marami ang nagsasabing masarap siyang magluto at specialty nga niya ang steak. Pati ang sarili niyang recipe ng java rice ay totoo namang mas masarap sa ibang java rice na nabibili sa ibang restaurants. Kinukulit na nga siya ng mga kaibigan niyang nakatikim na ng kanyang mga luto na magtayo na raw siya ng restaurant at sososyo ang mga ito sa kanya. Ganoon sila katiwalang papatok ang negosyong kainan kung kasinggaling ni Shane ang magluluto.
Ilang sandali lang ay dumating na si Marlon. Nakapambahay na puting t-shirt ito at shorts.
“Wow, mukhang mapaparami ang kain ko nito. Ang sarap na naman ng niluto mo.”
Nginitian ni Shane ang asawa. Ganoon naman ito lagi. Hindi pa natitikman ang luto niya ay pinupuri na nito kaagad. Minsan tuloy, binibiro itong binobola lang siya. Pero agad namang tatanggi si Marlon at ipipilit na the best talagang magluto ang misis niya.
Umupo na si Marlon sa tapat ng upuan ni Shane. Nilagyan ni Shane ng kanin at ulam ang plato ng asawa at nagsimula na silang kumain.
“Hmm, masarap nga talaga!” Hindi mapigilan ni Marlon ang sarili na purihin ang lasa ng niluto ni Shane. “Napakaswerte ko talaga sa’yo. Saan pa ba ako makakahanap ng babaeng maganda na, mabait pa, at higit sa lahat napakasarap magluto? Magugutom na ang lahat ng lalaki sa mundo pero alam kong hindi ako dahil lagi mo akong ipagluluto ng masasarap na pagkain.”
“Bolero ka talaga,” napapailing lang si Shane habang natatawa.
“Hindi kita binola kahit kailan. Totoo lang lagi ang sinasabi ko tungkol sa’yo.”
“Sige na nga, naniniwala na ako. Pero kumain ka na muna dahil alam kong napagod ka sa trabaho.”
“Ikaw rin naman, ah. Sigurado akong pagod ka rin. Ang hirap yatang magturo ng mga makukulit na bata. Iyong iba dun baka iyakin pa. Baka nga may mga naihi pa sa salawal. Kawawa naman ang misis ko, naging yaya ng mga batang malilikot,” nagpapa-cute pa si Marlon habang kausap ang asawa. Mas lalo tuloy lumitaw ang kaguwapuhan nito.
“HIndi naman. Mababait naman ang mga estudyante ko. At saka andun naman ang mga yaya nila kaya if ever na may mga di kanais-nais na pangyayari, to the rescue agad ang mga loving yaya nila.”
“Pero basta, I am always proud of you. And I will always love you, anuman ang mangyari.”
“Ba’t napunta riyan ang usapan?”
“Eh kasi nga, mahal na mahal kita. Ang sarap mo kasing magluto.” Malutong ang tawang pinakawalan ni Marlon. “Pero kidding aside, mahal na mahal kita. Alam mo naman ’yun, ’di ba?”
“Opo, alam ko… At mahal na mahal din kita.”
“Kain pa tayo, gutom pa ako. Pahingi ulit ng kanin,” makulit na sabi ni Marlon kay Shane.
Ganun silang mag-asawa kung mag-usap. Parang magkaibigan lang. Parang magsyota lang. Halatang close na close sila at nagkakaintindihan sa lahat ng mga bagay. Isa iyon sa mga pinagkasunduan nila nung bagong kasal pa lang sila. Na ang lahat ng bagay ay dapat pag-usapan. Kahit ’yung mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan, dapat pinag-uusapan din. Hindi dapat lumipas ang magdamag na may samaan sila ng loob. It is a must that they settle their differences before they go to bed. Iyon ang panuntunan nila sa kanilang pagsasama para mapanatili nilang masaya ang kanilang buhay mag-asawa.
NAGTAPOS ng BS Psychology si Shane pero kumuha pa siya ng education units after graduation para makakuha siya ng licensure exam for teachers. Ewan pero bata pa lang siya ay gusto na niyang maging isang guro. Sabi nga ng mga magulang niya, BS Education na lang dapat ang kinuha niya para diretso na sa pagtuturo. Pero gusto rin kasi ni Shane na pag-aralan ang ugali ng tao kaya naman ibang kurso ang kinuha sa college. Likas naman kasing matalino si Shane kaya agad niyang naipasa ang board exam. Hindi rin siya nahirapang makahanap ng eskuwelahang pagtuturuan. Ilang taon din siyang nagturo sa UP Diliman Prep School pero nung lumipat sila ni Marlon ng tirahan ay napalayo siya sa trabaho niya kaya napagpasyahan niyang mag-resign at humanap na lang ibang eskuwelahan. At ngayon nga ay nagtuturo siya sa Gentle Angels Montessori. Masaya naman siya sa bago niyang trabaho. Mababait ang mga estudyante niya, bagaman at malilikot ang iba. Naiintindihan naman niya iyon dahil likas sa mga bata ang pagiging makulit at malikot. Sa pamilya naman ay wala siyang problema kay Marlon. Kampante siya sa pagmamahal ng asawa niya sa kanya. Kahit minsan, hindi siya binigyan ni Marlon ng sakit ng ulo. Nananatili itong malambing at maasikaso sa kanya. Ano pa at totoong masaya ang kanyang buhay may-asawa?
Lubusan na sana ang kasiyahan nilang mag-asawa kung biniyayaan sana sila ng anak. Sa loob ng mahigit apat na taon nilang pagsasama, wala pa ring masasabing bunga ang kanilang pagmamahalan ni Marlon. Sinubukan na nga nila halos lahat ng posibleng paraan. Pati pagsasayaw sa Obando ay minsan na rin nilang ginawa. Pero wala pa rin. Ilang OB-Gyne na rin ang nilapitan nila, sa pagbabakasakaling may maitulong ang mga ito para mabuntis si Shane. Maging si Marlon ay nagpa-sperm count na rin at lumabas sa test na nasa tamang kondisyon ito para maging isang ama.
Kung ganoon, na kay Shane pala ang problema. Si Shane pala ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak. Hindi naman siya baog. Pero hindi rin nila maintindihan kung bakit hindi pa rin nabubuntis si Shane sa kabila ng mga gamot at vitamins na inirereseta ng mga OB-Gyne sa kanya. Maging ang mga magulang niyang nakabase na ngayon sa Canada matapos makakuha ng immigrant visa ay kung anu-anong vitamins na makakatulong raw upang siya ay magbuntis ang ipinadadala sa kanya, pero wala pa rin.
Kahit alam niyang nasasabik na rin si Marlon na sila ay magkaanak, hindi naman niya nararamdamang pini-pressure siya ng kanyang asawa. Lagi nang naroon ang suporta sa kanya ni Marlon kaya naman mas napapamahal ito sa kanya. Nalulungkot lang siya para sa asawa sa mga pagkakataong nakakakita ito ng mga bata sa mall man o kahit na saan pa. Minsan ay may mga pagkakataong humihinto pa ito sa paglalakad para saglit na panoorin ang nagkakatuwaang mga bata. Doon pa lang, alam na ni Shane na sabik na rin talaga si Marlon na magkaroon sila ng supling.
Bigla ang pagdating ng kaba sa dibdib ni Shane. Paano kung dumating ang panahon na mainip na nang sobra si Marlon at sumiping ito sa ibang babae para lang magkaroon siya ng anak? Matatanggap kaya niya pag nangyari iyon?
Ipinilig ni Shane ang kanyang ulo. Ayaw niyang i- entertain sa kanyang isip ang ganoong pangyayari. Hindi pa siya handa sa mga ganung sitwasyon.
Hindi pa…
Chapter 5 - Second Meeting
“DADDY…” Binuksan ni Gab ang pinto ng kuwarto nina Rob at Pau at tuluy-tuloy itong pumasok. Sumampa ito sa kamang hinihigaan ni Rob.
“O, bakit ’di ka pa natutulog? Gabi na. May pasok ka pa sa school bukas.”
“Where’s daddy Pau?”
“In the bathroom…”
“Ahhh…”
“Why?” Tiningnan ni Rob ang bata.
Umiling lang si Gab pero bigla pa itong nagsalita. “Daddy Rob, bakit dalawa kayong daddy ko?” inosenteng tanong ng paslit.
Hindi agad nakasagot si Rob. Hindi niya inaasahang nagtatanong ng ganoon ang batang itinuturing niyang tunay na anak.
“Bakit mo naman naitanong ’yan?”
“Kasi, lesson namin sa school kanina about family. My classmate told me that I should only have one daddy. That if I have two, then the other one is not my real daddy.”
Hindi na naman nakasagot si Rob. Hindi niya talaga inaasahan ang mga tanong ngayon ni Gab. Matalino ang bata. Hindi ito ang tipo na tatanggap na lang ng paliwanag. Siguradong babato ito ng mga tanong upang makakuha pa ng mas malinaw na sagot.
“Daddy?”
“Gabi na. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. At saka na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan.”
Napakamot sa ulo si Gab.
“Huwag nang makulit. It’s late. You need to sleep already.”
“Okay… Goodnight, dad.” Humalik ang bata sa pisngi ni Rob.
Noon naman lumabas ng banyo si Paulo. Naaktuhan niya ang paghalik ni Gab kay Rob. “And where’s my kiss?” agad nitong tanong sa paslit.
“Daddy Pau, are you my real dad?”
Napanganga si Paulo. Natitilihang napatingin ito kay Rob na tila humihingi ng saklolo.
“I said it’s already late. Sleeping time, Gab.” Siniguro ni Rob na may awtoridad ang kanyang boses, sapat para mapasunod si Gab.
“Kiss me na, para makatulog ka na,” mabilis na sabi ni Pau. Nilapitan ni Pau ang bata at niyakap sabay halik sa pisngi nito. Salamat na lang ang sinalo siya ni Rob. Ano’t biglang nagtanong ng ganoon si Gab?
“Go back to your room now. Baka hinahanap ka na ni yaya Imelda.”
“Goodnight, daddy Rob. Goodnight, daddy Pau.” Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na itong tumakbo papalabas ng kuwarto. Nakahinga nang maluwag sina Rob at Paulo.
“Anong nangyari dun?” tanong ni Paulo.
“Topic nila sa school kanina about family. Sabi raw ng classmate niya, dapat isa lang ang daddy niya. Kung dalawa raw, hindi tunay na daddy ’yung isa.”
“Aba, at intrimitida naman pala ang kaklase niya. Mapuntahan nga bukas sa school ’yan.”
“Huwag na. Hayaan mo na. High blood ka naman agad.” Lumabas ang natural na pagkapasensyoso ni Rob.
“Eh, dahil sa kanya nagkaka-ideya si Gab sa mga bagay na hindi pa niya dapat malaman.”
“Eh, kelan nga ba dapat malaman ni Gab? Hindi ba dapat ’pag nagtanong na siya ay sagutin na natin at ipaliwanag sa kanya ang lahat?”
“Huwag!”
“Bakit?”
“Napakabata pa niya. Hindi pa niya maiintindihan. Baka maguluhan lang siya. May tamang panahon para diyan.”
“Lola Nidora ikaw ba ’yan?” pang-aasar ni Rob kay Pau na ang tinutukoy ay ang pamosong karakter ng komedyanteng si Wally Bayola sa seryeng kinababaliwan ng marami sa Eat Bulaga sa oras ng pananghalian.
“Tse! Ang sinasabi ko lang, hindi pa ngayon ang panahon para sabihin kay Gab ang lahat. Saka na lang ’pag handa na siya mentally. Kapag sapat na ang kanyang pang-unawa at maiintindihan na niya maging ang mga kumplikadong bagay.”
“Amen… Wala na akong sinabi,” natatawang sagot ni Rob.
“Matulog na tayo. Inaantok na ako,” himok ni Pau. Naghikab pa ito tanda ng pagkaantok.
“Yeah, inaantok na nga rin ako. Tomorrow is another day. Sana maging okay ang bukas.”
“Sana nga…”
KINABUKASAN ay nakapasok na sa trabaho sina Rob at Pau nang magising si Gab. As usual, silang dalawa na naman ni yaya Imelda ang naiwan sa bahay.
“Gab, kumain ka na. Eto na ang breakfast mo.”
“Yaya…”
“O, bakit?”
“Bakit dalawa ang daddy ko?”
Muntik nang tumambling si Imelda. Ano ang isasagot niya? Oo nga’t alam niya ang istorya ng batang ito pero tama bang sa kanya manggaling ang pagpapaliwanag? Hindi ba dapat sina Rob at Pau ang magsabi sa bata ng kung ano man ang totoo?
“Ah kasi, ganito ’yan. Mas magandang kung sa mga daddy mo ikaw magtanong.”
“I already asked them but they didn’t answer my question.”
“Eh, kasi bata ka pa. Hindi mo pa maiintindihan.”
“Ang alin? Alin ang hindi ko maiintindihan, yaya?”
Nalintikan
na
!
Wala
nang
katapusan
ang
tanungan
portion
nito
. “Ah basta, ang mabuti pa’y kumain ka na muna. Kailangan mo nang maghanda kasi papasok ka pa sa school. Baka ma-late ka, magagalit ang teacher.”
“Yaya naman eh, you’re not answering my question.”
“Sumagot ako, ah. Sabi ko, dun ka magtanong sa mga daddy mo. Yaya lang ako dito. Ang trabaho ko lang ay bantayan at alagaan ka. Iyong mga ibang bagay, sa mga daddy mo na itanong. Okay?”
“Okay,” matamlay na sagot ni Gab. “Sige po, yaya kakain na ako.”
“Pagkatapos mong kumain paliliguan na kita. Tapos, pupunta na tayo sa school mo.”
Hindi naman na-late si Gab sa kanyang klase. Maaga pa nga siya ng five minutes nang dumating siya sa classroom. Naroon na si teacher Shane na naghahanda ng lesson para sa araw na iyon.
“Good morning, class!” pag-uumpisa ni Shane ng klase.
“Good morning, Teacher Shane!” sabay-sabay na sagot ng mga bata na tumayo pa para lang sumagot sa pagbati ng kanilang guro.
“Take your seats,” paalala ni Shane sa kanyang mga estudyante. “Yesterday, we talked about family. My family, your family, our families. So today, we will be talking about the good things that your family has done to you. Kasi ’di ba sabi ko kahapon, ano man ang mangyari, ang pamilya natin ang laging nariyan para suportahan tayo. It means that your family will never leave you especially during hard times. Can anyone of you share something good that his or her family has done?”
Nagtaas ng kamay si Gab.
“Yes, Gab.”
“My dads love me so much. They see to it that all my needs are provided. They send me to school. They take care of me and when they are not around, I have my yaya Imelda to look after my needs.”
“Very good, Gab! You must be very lucky to have such loving dads.”
“Yes, teacher…”
Nag-ring ang celfone ni Shane. “Class, sandali lang ha? Sasagutin ko lang itong tumatawag.”
Lumabas sandali si Shane sa classroom. “Hello? Hon, napatawag ka?”
“Na-miss kasi kita, kaya I decided na pumunta diyan to have lunch with you.”
“Pero alam mo naman na kasabay kong kumakain ang mga bata.”
“Oo nga, e ’di sabay-sabay tayong lahat! Ang saya nu’n, ’di ba? Party-party tayo,” natatawang sagot ni Marlon.
“Sige, magpapa-deliver na lang ako ng food.”
“Huwag na. Naka-order na ako,” maagap na sabi ni Marlon. “Ide-deliver ’yun diyan by twelve noon. Sakto sa lunch time n’yo.”
“Boy scout, ha?” biro ni Shane sa asawa.
“Ako pa?” natatawang sabi ni Marlon. “Kaya all you have to do is proceed with your lessons and just wait for me. Okay?”
“Okay, ikaw talaga! Puno ka ng sorpresa.”
“I love you, hon…” bakas sa tinig ni Marlon ang sinseridad.
“I love you, too. Ingat ka sa b’yahe papunta rito. Ang bilis mo pa namang magmaneho.”
“Don’t you worry. Lagi naman akong nag-iingat.”
“Okay, sige. See you… Bye!”
“Bye!”
Bumalik si Shane sa klase niya at itinuloy ang pagtuturo. Ilan pang mga estudyante ang tinawag niya para sagutin ang tanong na nauna na niyang ipinasagot kay Gab kanina. Bawat isa sa mga sumagot ay may kani-kaniyang kuwento ng kabutihang naranasan nila sa kani-kanilang pamilya. Lumipas ang oras nang hindi nila namamalayan. Hanggang biglang isang boses ang narinig nila mula sa pintuan.
“Good afternoon! Can I join the class?”
Nakangiti si Shane pagkakita sa dumating na asawa. On time talaga ang asawa niya. “Tuloy ka. Halika, ipakikilala kita sa mga estudyante ko.”
Pumasok sa loob ng classroom si Marlon.
“Class, I would like you all to meet my husband. His name is Marlon Sandoval.”
“Good afternoon, Mr. Sandoval!” sabay-sabay na pagbati ng mga bata.
Nginitian ni Marlon ang mga bata, pero ang mata niya’y napako sa isang cute na batang lalaking ang itsura’y pamilyar na pamilyar sa kanya. Ito rin ’yung batang nakilala niya sa mall. Ang batang hindi mawala-wala sa kanyang isipan.
Si Gab!
Chapter 6 - Father and Son Bonding
HINDI makapaniwala si Marlon.
Ang batang hindi mawala-wala sa isipan niya ay naririto lang pala at kasama araw-araw ng kanyang asawa!
“Masyado kang maaga. Wala pa ’yung pagkaing in-order mo,” pabirong sabi ni Shane sa asawa.
“Paparating na ’yun. Huwag kang mainip,” nakangiting sagot ni Marlon pero ang mata nito’y nanatiling malikot. Sa gilid ng mga mata niya ay hindi nawawala ang imahe ni Gab.
“Children, sasabay siyang kumain sa ating lahat ngayong tanghali. Okay ba sa inyo ’yun?”
Nagpalakpakan ang mga bata. Ang iba ay sumigaw pa tanda ng pagsang-ayon.
Ilang sandali lang ay dumating naman ang pagkaing in-order ni Marlon. Sapat iyon para sa buong klase ni Shane.
“Grabe, I never thought na para sa isang buong klase ang ipapa-deliver mong pagkain,” namamanghang bulalas ni Shane. Napakagalante talaga ng asawa niya.
“Para mas masaya, ’di ba? Everybody happy!”
“Yehey!!!” sigawan ang mga bata.
“Sige, ihahanda ko na ang pagkain at sabay-sabay na tayong manananghalian. Children, tawagin n’yo na ang mga yaya n’yo.”
Kanya-kanyang takbuhan ang mga bata papalabas ng classroom para sunduin sa waiting area ang mga yaya nila. Si Shane naman ay abalang inilatag sa isang mesa ang mga pagkaing pina-deliver ni Marlon.
Naunang nakabalik sa classroom si Gab kasama si Yaya Imelda.
Sinalubong ni Marlon si Gab.
“Have we met before?” inosenteng tanong ng paslit kay Marlon.
“Yes! Remember sa mall?”
“Magkakilala na kayo?” tanong ni Shane sa asawa.
“Oo, nakasalubong ko sila dati sa mall. Gumulong ’yung bola niya papunta sa akin so, ibinalik ko lang sa kanya.”
“Ahh…” Tumango-tango si Shane.
Si Imelda ay nakikinig lang sa mga nag-uusap.
“Yes, I remember. You told me that I look like you when you were younger,” walang malisyang sabi ni Gab.
“Ah, yeah!” sagot ni Marlon sabay tingin kay Shane.
“Hon, may resemblance nga kayo ni Gab,” pagkukumpirma ni Shane.
“Napansin ko rin iyon nang una ko siyang makita. Anyway, this is not the right time to talk about it. Nandito tayo para magsalo-salo sa isang masarap na pananghalian!”
“Kain na tayo, mga bata!” malugod na anyaya ni Shane.
Nagkanya-kanya nang kuha ng pagkain ang mga bata pati ang mga yaya.
Ang ganda nilang pagmasdan habang maganang pinagsasaluhan ang masasarap na pagkain. Asikasong-asikaso ni Shane si Marlon. Ipinagbalat pa nito ng hipon ang asawa.
Lumapit si Gab sa kanyang guro. “Teacher Shane, can I ask for some shrimp? ’Yung wala na ring balat.”
Napangiti si Shane. “Sure, eto ipagbabalat kita.”
“Ako na,” agaw ni Marlon sa hipon na hawak ni Shane. “Let me do it for this cute little boy.”
Ipinagbalat ni Marlon ng tatlong pirasong hipon si Gab at inilagay niya sa isang paper plate at pagkatapos ay iniabot sa paslit.
“Thank you, Sir Marlon.”
“You’re welcome!”
Bumalik na si Gab sa puwesto niya katabi si Yaya Imelda.
“Ang bait niya, ano?” sabi ni Gab.
“Sino?” painosenteng tanong ni Imelda.
“Si Sir Marlon. He unshelled three shrimps for me.”
“Ahh… Kain ka na. Kokonti pa lang nakakain mo.”
Agad namang sumunod ang paslit. Magana itong kumain. Paminsan-minsan ay sumusulyap ito kina Shane at Marlon. Ngumingiti naman sina Shane at Marlon sa bata kapag natitiyempuhan nilang nakatanaw ito sa kanilang mag-asawa.
Natapos ang pananghalian at dumating ang oras para umuwi na ang mga bata. Nauna nang nagpaalam si Marlon. Ang mga bata naman ay isa-isa nang sumakay sa service van na maghahatid sa kanila sa kani-kaniyang mga tahanan. Magulo ang mga bata habang bumibiyahe. Nagkukulitan at nag-aasaran sila sa loob ng sasakyan. Sanay na ang kanilang mga yaya sa ganitong eksena kaya pinababayaan na lang nilang magkatuwaan ang kanilang mga alaga.
Ilang sandali pa at bumaba na ng van sina Gab at Imelda. Maingat na ipinasok ni Imelda ang mga gamit ng bata pagkatapos ay siniguro rin niyang naka-lock ang kanilang gate.
Pagpasok nila sa loob ng bahay, isang kotse ang huminto sa tapat ng gate nila. Saglit lang na tumigil ang kotse, tila kinakabisado lang ang lugar at lokasyon ng bahay. Nang makuntento ay agad na pinaharurot ng driver nito ng kotse at nilisan ang lugar na iyon.
Habang bumibiyahe ay ibang klaseng kaligayahan ang nadarama ng lalaking nagmamaneho ng kotse.
Si Marlon.
Masayang-masaya si Marlon na alam na niya ngayon kung saan nakatira ang batang nagpapagulo sa kanyang isipan. Alam na niya kung saan ito hahanapin o pupuntahan.
Pero bakit nga ba niya ito ginagawa?
Hindi rin niya alam. Ang tanging alam niya ay hindi na nawala sa isipan niya ang batang si Gab magmula nang makilala niya ito sa mall.
Ang batang kamukhang-kamukha niya noong kanyang kabataan.
Bakit nga ba kuhang-kuha ng batang iyon ang itsura niya? May tali bang nagkokonekta sa kanilang dalawa?
Kung meron, ano iyon?
Hindi pa niya alam sa ngayon pero isa ang tiyak, desidido siyang tuklasin ano man iyon.
DADDY!!!
Sinalubong ni Gab ang pagpasok ni Rob sa loob ng bahay. Kasunod nito si Pau na dinaanan niya sa trabaho para sabay na silang umuwi. Ganoon ang set-up nilang dalawa kapag walang pasok sa law school si Rob. Bihira lang naman na walang pasok sa law school si Rob. Tiyempo lang kasing may biglaang lakad ang professor niya kaya postponed ang klase nila ngayong gabi. Pabor din naman kay Rob dahil hindi pa niya tapos basahin lahat ng in-assign na kaso na dapat nilang aralin. Kung nagkataon, baka nangamote siya sa recitation.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Rob kay Gab.
“Not yet. I am waiting for you and Daddy Pau. Para sabay-sabay tayong mag-dinner. Just like what we did this lunch time in school.”
“Bakit, ano bang ginawa n’yo sa school?”
“Teacher Shane’s husband visited her in school and he ate lunch with us. He ordered food for all of us.”
“Really? Ang bait pala ng asawa ng teacher mo.”
“Yes! And Daddy Pau knows him.”
Napaisip si Rob. “Your Daddy Pau knows him?”
Naintriga na rin si Pau. “Sino iyon?”
“Yes. He is the guy in the mall,” sagot ni Gab kay Pau. “Remember when you bought me a ball in the mall? ’Di ba gumulong ’yung bola and a man gave it back to me?”
“Oo…” sagot ni Pau.
“That man is Sir Marlon, Teacher Shane’s husband.”
“Wow! Small world,” sabi ni Rob.
“So, kaya gusto mong sabay-sabay din tayong kumain ngayong gabi?” si Pau.
“Yes!” tila nanggigigil na sagot ni Gab.
Biglang sumali sa usapan si Imelda. “Alam mo, Boss Pau sabi ni Sir Marlon kahawig daw niya si Gab noong bata pa siya. Napansin nga rin ni Teacher Shane na may hawig kay Gab ang asawa niya, eh.”
Nagkatinginan sina Rob at Pau. Tila iisa ang itinatakbo ng mga isip nila.


Maraming salamat po sa pagsuporta ninyo sa kuwento nina Rob, Paulo at Gab.
Happy reading!
Chapter 7 - Biglaang Plano
NAKAHIGA na sina Pau at Rob nang muling maungkat ang tungkol kay Marlon.
“Pareho ba tayo ng iniisip tungkol doon sa asawa ni Teacher Shane?” tanong ni Pau kay Rob.
“Iniisip mo rin ba na siya ang ama ni Gab?”
“Oo,” tumango si Pau kahit nakahiga siya. “Anong gagawin natin kung siya nga ang ama ni Gab?”
“Kung sakaling siya nga ang ama ni Gab, hindi naman niya malalaman na siya ang ama. ’Di ba isang beses lang nagkita si Shiela at ang tatay ni Gab? Kung si Marlon man ’yun, paano niya malalaman na nabuntis niya si Shiela? Sino’ng magsasabi sa kanya?” Kumpiyansa si Rob sa kanyang sinabi. Buo sa loob niya na hindi nila magiging problema si Marlon.
“Eh, paano kung gumawa siya ng paraan para malaman ang totoo?”
“Hindi naman porke magkamukha ay magkadugo na agad. Iisipin ba naman ni Marlon na anak niya si Gab eh, hindi naman niya alam na nagbunga ang isang gabing pagtataksil niya kay Teacher Shane.”
“Eh paano kung isipin niyang ganoon nga? Rob, dapat tingnan natin ’yung both sides. Para alam natin kung anong gagawin kapag nangyari ang hindi natin inaasahan.”
“Nagpa-panic ka na naman kaagad. Matulog na tayo, may pasok pa tayo bukas.”
“Rob…” Nagmaktol si Pau.“
“Ano ba’ng gusto mong gawin ko para mapanatag ka riyan?”
“Ampunin mo si Gab. I-adopt mo siya legally para walang sino mang puwedeng kumuha kay Gab sa’yo,” seryosong mungkahi ni Pau.
Napaisip si Rob. “Seryoso ka?”
“Mukha ba akong nagbibiro? Nagpapatawa ba ako?”
“Seryoso ka nga…”
“Alam mo kung gaano ko kamahal si Gab. Noon nga halos ikamatay ko ang pagliligtas sa kanya. Tingin mo ba ngayon pa ako papayag na mawala siya sa atin?”
“Sige…”
“Anong sige?”
“Aampunin ko si Gab. Para maging legal na anak ko na siya.” Bumaling ang mukha ni Rob sa gawi ni Pau at pagkatapos ay ngumiti ito nang matamis. “At para hindi ka na rin kinakabahan na mawawala sa atin si Gab.”
Niyakap nang mahigpit ni Pau si Rob. “Salamat, Rob! Maraming salamat!”
Natawa si Rob. “Ano ka ba? Maliit na bagay lang naman iyon. At matagal ko na ring pinaplano ’yan. Gusto ko kasing magamit ni Gab ang apelyido ko.”
“Mahal na mahal mo rin si Gab, ’di ba?” gusto ni Pau ng assurance.
“Oo naman. Kung gaano mo siya kamahal, ganoon din ako sa kanya. Sa dami ba naman ng problemang dinaanan natin kasama si Gab, hinding-hindi ako papayag na magkahiwalay tayong tatlo.”
Ngumiti si Pau. “Makakatulog na ako nang mahimbing.”
“Anything na makapagpapasaya sa’yo, basta kaya ko…”
“Salamat, Rob.”
“Tulog na tayo,” yaya ni Rob.
“Opo. Goodnight…”
“Goodnight,” sagot ni Rob kasabay ang isang smack sa labi ni Pau.
Payapang nakatulog ang dalawa. Tiwala at palagay ang loob na wala pang darating na problema sa buhay nila.
MAAGANG nagising si Marlon. May client meeting siya at kailangang hindi siya ma-late. Nagmamadali siyang naligo. Hindi na niya ginising si Shane dahil mamaya pa naman ang klase nito. Mas gusto niyang makapagpahingang mabuti ang asawa.
Paglabas ni Marlon ng banyo pagkatapos maligo ay gising na si Shane at abala sa paghahanda ng agahan sa kusina. Nagbihis na si Marlon at pagkatapos ay bumaba na siya at pinuntahan ang asawa.
“O, kumain ka muna. Nakaluto na ako.”
“Hindi na kita ginising kasi gusto kong makapagpahinga ka. At saka breakfast meeting naman ’yung pupuntahan ko. Pero dahil nagising ka na at naghanda ng breakfast ko, sino naman ako para tanggihan ang masarap na luto ng asawa ko.” Malawak ang pagkakangiti ni Marlon.
“Nambola ka pa. O, eto na ang kape mo.” Inilapag ni Shane ang kape sa mesa at pagkatapos ay naglagay ng pagkain sa plato ni Marlon. “Kumain ka ng marami.”
“Tataba naman ako niyan.”
“Hindi bale na. Wala namang problema sa akin kahit tumaba ka.” Lumakad si Shane patungo sa kabilang side ng mesa katapat ng puwesto ni Marlon at naupo. Naglagay na rin siya ng pagkain sa pinggan niya.
Nang matapos kumain ay humalik na si Marlon kay Shane at nagpaalam. Inihatid ni Shane ang asawa hanggang sa garahe. Binuksan niya ang gate para makadaan ang kotse ni Marlon. Kumaway pa si Marlon kay Shane bago ito tuluyang pinatakbo ang sasakyan papalayo sa kanilang bahay.
Isinara lang ni Shane ang gate pero hindi na niya ito ni-lock. Pumasok na siya sa loob ng bahay at muling bumalik sa kusina. Iniligpit niya ang mga natirang pagkain at pagkatapos ay muling umakyat ng silid.
Pagpasok ng kuwarto ay agad napansin ni Shane ang wallet ni Marlon na nasa ibabaw ng tokador.
“Naiwan ni Marlon ang wallet niya!”
Dinampot ni Shane ang wallet. Binuksan. Nagulat pa siya sa isang lumang larawan na nakasingit sa wallet ng asawa.
Pinagmasdan ni Shane ang larawan. Litrato iyon ng isang bata. Isang batang pamilyar na pamilyar sa kanya ang itsura.
Kung bago lang sana ang larawang iyon, iisipin niyang si Gab ang batang nasa larawan. Pero luma na ang larawan. Medyo kupas na nga ang kulay. At alam ni Shane na si Marlon ang batang iyon. Napansin rin naman ni Shane na may hawig si Marlon kay Gab, o si Gab kay Marlon. Pero hindi niya inisip na kamukhang-kamukha pala nila ang isa’t-isa noong si Marlon ay nasa edad pa lang ni Gab ngayon.
Kinabahan si Shane pero pilit niyang iwinaksi ang hinalang gustong mabuo sa kanyang isip.
Imposible!
Imposibleng maging anak ni Marlon si Gab. Normal lang naman na may kamukha ang isang tao kahit hindi sila magkadugo. Nagkalat nga riyan ang mga look alike ng mga sikat na artista. Na kahit saang anggulo mo tingnan ay kahawig talaga. Pero ’yun nga, look alike lang sila.
Ganoon marahil ang sitwasyon nina Marlon at Gab. Look alike.
At isa pa, ni minsan ay hindi nagloko si Marlon noong hindi pa sila mag-asawa. Wala siyang natatandaang insidente na nag-away sila o nagkaroon ng alitan na ang dahilan ay ibang babae. Marlon has always been faithful to her. Walang sinumang puwedeng kumuwestiyon doon.
Noon biglang bumukas ang pinto at pumasok si Marlon.
“Hon, nakalimutan ko ang wal…” Napahinto sa pagsasalita si Marlon nang makitang hawak ni Shane ang wallet niya, at ang litrato niya noong bata pa siya.
Chapter 8 - Petition for Adoption
“NAKU, Hon! Mabuti at bumalik ka. Eto ’yung wallet mo, nakalimutan mo.” Sinalubong na ni Shane ang asawa. Ibinalik niya ang litrato sa loob ng wallet at iniabot ito kay Marlon.
“Oo nga, eh. Buti nakapa ko ’yung bulsa ko. Napansin ko agad na wala ’yung wallet. Nandiyan pa naman ang mga card ko, pati driver’s license ko kaya no choice kundi bumalik dito.”
“O, siya sige na. Umalis ka na at baka ma-late ka pa sa meeting mo.”
“Sige… tatawagan na lang kita mamaya.” Hinalikan ni Marlon sa labi si Shane. Mabilis lang. “Ako na lang ang magbubukas ng gate. Magpahinga ka na lang diyan,” pahabol nito, tapos ay lumabas na ito ng silid.
Hindi naman nakapagpahinga si Shane. Hindi na kasi nawala sa isip niya ang litrato ni Marlon noong bata pa ito at ang pagiging look alike ni Gab dito. Kahit anong pilit niyang iwaglit sa isip niya, hindi niya magawa. Ang tanging konsolasyon na lang niya ay ang buo niyang pagtitiwala kay Marlon na kahit minsan ay hindi siya niloko nito.
“GOOD morning, Sir Rob!” bati ng janitor na si Tacio pagdaan ni Rob sa pasilyo kung saan ito nagma-mop ng sahig.
“Magandang umaga rin po, Mang Tacio,” masiglang bati rin ni Rob kasabay ang matamis na ngiti. Diretsong naglakad si Rob patungong opisina. Pagpasok ay agad niyang binuksan ang kanyang kabinet kung saan niya itinatago ang mga importanteng dokumento ng kanilang tanggapan. Dito rin inilalagay ni Rob ang iba pang mga mahahalagang papeles.
Sa bandang ilalim ng kabinet ay kinuha ni Rob ang isang brown envelope at inilabas doon ang mga dokumentong may kaugnayan kay Gab. Narito ang birth certificate ng bata at pati na rin ang liham ni Shiela kay Rob na nagsasabing inihahabilin nito si Gab kay Rob.
Napabuntong-hininga si Rob. Kailangan na niyang kumilos para maging legal ang pagiging ama niya kay Gab. Gagawin niya ito dahil mahal na mahal na rin niya ang bata katulad ng kung gaano ito kamahal ni Pau.
Tinawagan ni Rob si Paulo.
“O, kumusta? Okay na ba ’yung mga dokumento?” agad na tanong ni Paulo.
“Oo, nandito na. Mamayang after lunch break na lang ako magfa-file ng petition for adoption.”
“Rob…”
“Hmm… bakit?”
“Salamat, ha?”
“For what?”
“For doing this. For making sure that no one can take away Gab from us.”
“Hindi mo naman kailangang magpasalamat. Plano ko nang gawin ito kahit ’di mo pa sabihin sa akin. Sa lahat ng pinagdaanan natin kasama si Gab, hindi ako makapapayag na may kukuha sa atin sa kanya. Magkamatayan na…”
KARARATING lang nina Gab at Imelda galing school nang may mag-doorbell sa gate.
“Gab, ilagay mo muna sa room ’yung bag mo. Titingnan ko lang kung sino ang dumating.”
“Okay, yaya.” At tumatakbong umakyat ng hagdan si Gab papuntang ikalawang palapag ng bahay.
“O, huwag kang tumakbo baka mahulog ka sa hagdan.”
Muling tumunog ang doorbell.
“Sandali lang. Andiyan na.” Nilakihan ni Imelda ang mga hakbang para mabilis na marating niya ang gate.
Nanlaki ang mga mata ni Imelda nang buksan niya ang gate at tumambad sa kanya ang hindi inaasahang bisita.
“Sir Marlon? Napadalaw po kayo?”
“Ah, nandyan ba si Gab?”
“Paano n’yo po nalaman na dito nakatira si Gab?”
“Ah, itinanong ko kay Shane. Gusto ko lang sana kasing makausap ang parents ni Gab.”
“Wala po rito si Boss Rob at Boss Paulo. Nasa trabaho sila.”
“Ah, ganoon ba?” Tila nalungkot si Marlon pero pagkuwa’y ngumiti at muling nagtanong kay Imelda. “Eh, si Gab, nasaan?”
“Yaya, antagal mo naman!”
“Gab!” Bigla ang kabang naramdaman ni Marlon pagkakita sa ’di nakikilalang anak.
“Sir Marlon? Are you with Teacher Shane?” nagtatakang tanong ng paslit na ngayon ay naglalakad papalapit sa dalawa.
“No, she’s still in school. I just dropped by to see you.” Malapad ang pagkakangiti ni Marlon. Ewan niya, pero ’di talaga niya maipaliwanag ang sayang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang batang ito na ang itsura’y tila kalahati ng kanyang pagkatao.
“Yaya, why don’t you let him in. It’s hot outside.” Parang matandang tao kung magsalita si Gab.
“Oo nga pala. Sir, pumasok po muna kayo.” Binigyan ni Imelda ng daan si Marlon para makapasok. Pagkatapos ay isinara niya ang gate at nauna nang naglakad kasunod sina Gab at Marlon.
“Maupo muna kayo. Maghahanda lang ako ng maiinom.”
Naupo si Marlon habang ang tingin ay nakasunod kay Imelda na dumiretso sa kusina.
“Sir Marlon…”
“Ha?” Tila nagulat pa si Marlon sa pagtawag sa kanya ni Gab.
Amused na amused ang paslit sa itsura ni Marlon. “My dads are not here. Do you want to talk to them?”
“No. Not really. I just want to see you.”
“Bakit po?” nagtatakang tanong ni Gab.
“Wala naman. Natutuwa lang kasi ako sa’yo. Siguro kung nagka-baby agad kami ni Teacher Shane baka kasinglaki mo na rin.”
“Ahh, wala pa kayong baby ni Teacher Shane?”
Tumango si Marlon.
Noon dumating si Imelda dala ang isang tray na may pitsel na puno ng juice at dalawang baso.
“Uminom po muna kayo,” paanyaya ni Imelda sa asawa ng guro ni Gab.
Nagsalin ng juice sa baso si Marlon. Ibinigay nito ang isang baso ng juice kay Gab.
“Asan ang mommy ni Gab?” biglang tanong ni Marlon kay Imelda.
“Mommy is dead.” Si Gab ang sumagot sa tanong ni Marlon.
“Psst…” pagsaway ni Imelda kay Gab. “Masamang sumasali ang bata sa usapan ng matatanda. Doon ka na muna sa room mo. Mag-uusap lang kami ni Sir Marlon.”
Tahimik na sumunod si Gab. Bitbit ang baso ng juice na pumanhik ito ng hagdan patungo sa silid nito sa ikalawang palapag ng bahay.
“Patay na pala ang mommy ni Gab,” pasimpleng pagkuha ni Marlon ng kumpirmasyon.
Tumango si Imelda. “Matagal na rin. ’Di ko na nga siya naabutan.”
“Anong ikinamatay ng mommy ni Gab?”
“Hindi ko rin masyadong alam ang kuwento, eh. Hindi naman ako nagtatanong sa mga boss ko.”
“Sabagay…” pagsang-ayon ni Marlon sa sinabi ni Imelda. “Mahal na mahal siguro si Gab ng daddy niya.”
“Ah, oo naman. Sobrang mahal si Gab nina Boss Rob at Boss Pau.”
“Nag-asawa na pala ulit ang daddy ni Gab.”
“Ha? Hindi!” mabilis na sagot ng yaya.
Nagtatakang napakunot-noo si Marlon. “Anong ibig mong sabihin na hindi?”
Bago pa nakasagot si Imelda ay nagulat na silang dalawa sa malakas na sigaw ni Gab.
“Yaya!!!”
Chapter 9 - Ampon
“SI GAB!!!” Nataranta bigla si Imelda. “Sandali lang, Sir Marlon!”
“Sasama na ako!”
Magkasunod na pinanhik ng dalawa ang ikalawang palapag ng bahay patungo sa silid ni Gab.
Agad na binuksan ni Imelda ang pinto ng kuwarto at tumambad sa kanila ni Marlon si Gab na nakaupo sa sahig at nagkalat sa tabi nito ang natapong isang baso ng juice.
“Anong nangyari sa’yo?” bakas sa tinig ni Imelda ang concern sa kanyang alaga.
“Nadulas ako, yaya. Natapon tuloy ’yung juice,” humihikbing sabi ni Gab.
Tinulungan ni Marlon na tumayo si Gab. “Nasaktan ka ba?”
Umiling-iling si Gab.
“Eh, ba’t ang lakas mong makasigaw? Natakot ako, ah. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo,” sabi ni Imelda.
“Nagulat siyempre ang bata kaya siya sumigaw,” paliwanag ni Marlon. “Mabuti na lang hindi siya nasaktan.”
Tumunog ang cellphone ni Marlon. Tumatawag si Shane.
“Sandali lang,” pagpapaalam ni Marlon kay Imelda at nagmamadali itong lumabas ng silid para sagutin ang tawag ni Shane.
“Hello, hon?” Narinig ni Marlon ang boses ng asawa. “What time ka uuwi mamaya?”
Sumagot si Marlon. “Alas-singko ako aalis sa office. Why?”
“Magpapasama sana ako sa OB-Gyne. Schedule ng check-up ko, ’di ba?”
Natampal ni Marlon ang sariling noo. “Oo nga pala. Sige, susunduin na lang kita riyan sa school. Aalis ako nang maaga dito sa office.”
“Wala ka bang tatapusing importanteng trabaho? Puwede namang after office na lang.”
“No. Una ka sa lahat. Top priority kita, alam mo ’yan kaya willing akong kanselahin ang lahat ng gagawin ko dahil importante sa akin na masamahan kita sa check-up mo.”
Napangiti si Shane. Kung nakita lang sana ni Marlon kung gaano kalapad ang ngiti niya ngayon dahil sa importansiyang ipinakita nito sa kanya.
“Basta hintayin mo ako riyan. Darating agad ako,” paniniguro ni Marlon.
“Okay, sige. Ingat ka sa pagmamaneho,” paalala naman ni Shane sa asawa.
“I will,” sagot ni Marlon. “Bye!”
Noon naman ay papalabas na ng silid sina Imelda at Gab. Nakapagpalit na ng damit at shorts ang bata.
Minsan pa ay hindi napigilan ni Marlon ang mamangha sa batang ang itsura ay katulad na katulad ng itsura niya noong siya ay nasa ganoon ring edad.
“I need to go. May pupuntahan pa kami ng misis ko.”
Hindi alam ni Imelda kung siya ba ang kinakausap ni Marlon dahil kay Gab naman ito nakatingin. Pero sumagot pa rin siya. “Sige po. Mag-iingat po kayo, Sir.”
Lumakad na si Marlon patungong gate kasunod si Imelda.
“Bye! bye! Sir Marlon!” sigaw ni Gab.
Nginitian ni Marlon ang bata at kinawayan bago ito tuluyang lumabas ng gate.
Isinara ni Imelda ang gate pagkatapos ay pumasok na sila ni Gab sa loob ng bahay.
PABALIK na ng opisina si Rob. Nai-file na niya ang petisyon na korte para tuluyang maging legal ang pagkupkop niya kay Gab. Kapag nagbaba na ng desisyon ang korte, wala nang sino mang puwedeng kumuha kay Gab sa kanya, sa kanilang dalawa ni Pau. Siya na ang kikilalaning legal na ama ng bata. Magagamit na rin ni Gab ang kanyang apelyido.
Gabriel Fernandez.
Napangiti si Rob sa naisip niyang iyon. Sana nga dumating ang panahon na maging legal na niyang anak si Gab.
Tumunog ang cellphone ni Rob. Tumatawag si Paulo.
“Hello…”
“O, asan ka? Anong balita?” tanong ni Pau. Bakas sa tinig nito ang excitement.
“Pabalik na ako sa office. Nai-file ko na ang petition.”
“Haay, salamat.” Tila nabunutan ng nakabarang tinik sa lalamunan si Pau. “Sana wala nang maging problema. At sana magdesisyon kaagad ang korte para sigurado na tayong wala nang makakakuhang kahit sino kay Gab.”
“Sana nga. Iyon din naman ang gusto ko. Ang dumating ang araw na si Gab ay magiging legal na anak ko at gagamitin niya ang aking apelyido.”
“Mas excited pa yata ako kaysa sa’yo,” kinikilig na sabi ni Pau. “O, paano? What time ka uuwi mamaya?”
“Gabi na siguro. Papasok pa ako sa school mamaya, eh.”
“Ah, sige. Ingat ka.”
“Lagi naman…” sagot ni Rob kasunod ang mahinang pagtawa. “Sige na, magtrabaho ka na riyan.”
“Okay…”
“Bye!”
INIHAHANDA pa lang ni Shane ang mga gamit niya nang bumungad sa pintuan ng classroom ang kanyang asawa. Napangiti si Shane. After few years of being married, hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Marlon. Guwapong-guwapo pa rin ito. At tila binata pa rin ang tindig at pangangatawan. Kung sabagay, maalaga naman talaga sa katawan ang asawa niya. Hindi nga ba at twice a week pa rin itong pumupunta sa gym para manatiling maganda ang pangangatawan nito?
“Ang aga mo naman,” nakangiting sabi ni Shane kay Marlon.
“Sakto lang. Mabuti na’ng andito na ako, para ’di ka mainip sa kahihintay sa akin.” Lumapit si Marlon sa asawa at ginawaran ito ng isang mabilis na halik sa labi.
“Sandali na lang ito. Inaayos ko lang ang mga gamit ko.”
“Take your time. Hindi naman tayo nagmamadali.”
“Kumusta sa work mo?”
“Ayun, ayos naman. Kagagaling ko lang sa meeting with a new client.” Maging si Marlon ay nagulat sa kasinungalingang tinahi niya.
“Knowing you, I know it was a successful meeting. So, may bago ka nang kliyente?” Sa tono ni Shane ay tila siguaradong-sigurado ito na nakapag-close ng deal ang asawa niya.
“Ahm, ah-huh! New client for our company.” Hindi na nag-elaborate pa si Marlon. Ayaw niyang dagdagan pa ang kasinungalingan niya kay Shane.
“Mabuti naman kung ganoon.” Isinara ni Shane ang bag sa pamamagitan ng zipper nito pagkatapos ay binuhat iyon at tumingin kay Marlon. “Shall we go?”
Malapad ang ngiting sumagot si Marlon, “We shall go!”
At lumakad na ang dalawa papalabas ng classroom.
“GOOD news! Positive naman ang results ng fertility tests mo, Shane. You have all the chances na magkaanak. Hindi pa lang talaga siguro natitiyempuhan pero you have nothing to worry kasi wala ka namang diperensiya,” nakangiting pagbabalita ng OB-Gyne ni Shane.
“Mabuti naman kung ganoon, Doktora. Matagal na nga naming hinihintay na magka-baby. Excited na kami na magkaroon ng bata sa bahay.”
“Magkakaroon din kayo. Gagawin natin ng lahat ng puwedeng gawin para magbuntis ka na,” sambit ng doktora.
Si Marlon naman ay nakikinig lang sa pinag-uusapan ng dalawa. Iba na naman ang tumatakbo sa isip niya. Si Gab. Ang batang kamukha niya. Bakit nga ba nakuha ng batang iyon ng itsura niya noong bata pa siya? At bakit ang gaan-gaan ng loob niya sa batang ito?
Lukso ng dugo?
Pero paano?
O mas tamang tanong, kanino?
Inisip ni Marlon kung may posibilidad na anak niya si Gab at kung kanino niya ito posibleng naging anak. Ang akala ni Shane na faithful siya sa kanilang relasyon ay hindi totoo. May mga ilang pagkakataon na nakipag-one night stand siya sa ibang mga babae. Mga babaeng nakilala niya sa gym, sa mga out of town meetings, at sa mga bar. Sino sa kanila ang posibleng nabuntis niya sa isang gabi nilang pagniniig?
“Salamat, Doktora. Tutuloy na po kami,” pagpapaalam ni Shane.
“Sige, mag-iingat kayo.”
“Hon, alis na tayo…”
“H-ha!? Tila naalimpungatan si Marlon.
“Sabi ko, uuwi na tayo.”
“Ahh, oo.” Agad na nakabawi si Marlon. “Bye, Doc!” Nginitian ni Marlon ang OB-Gyne.
Tumango lang ang nakangiting doktor.
Habang nasa kotse at abala sa pagmamaneho si Marlon ay iniisip pa rin nito kung sino ang posibleng nabuntis niya. Hindi niya maisip kung sino. Pero kung anak nga niya si Gab at pagbabasehan ang edad nito, ang pupuwede lang niyang mabuntis at posibleng ina ni Gab ay ’yung babaeng nakilala niya sa gym isang buwan bago sila ikasal ni Shane.
At may isa pa!
Iyong babaeng nakilala niya sa bar na ’di na niya matandaan ang pangalan.
Pero imposible naman yatang maging anak niya si Gab. Hindi ba’t sabi nga ni Shane ay iyong Rob Fernandez ang nakalagay na father sa birth certificate ni Gab.
Ahh, nang-aangkin ako ng ’di ko anak. Ganoon na ba ako ka-desperadong maging ama ? tanong ng isip ni Marlon.
“Hon…?” Si Shane.
“Ha? Bakit?”
“Naisip ko lang. Habang naghihintay tayo na magkaroon ng anak, bakit kaya hindi tayo mag-ampon muna?
Kunot ang noong napatingin si Marlon sa asawa.
Chapter 10 - Masayang Sandali
“SERYOSO ka?”
“Oo, hon. I want a baby in our home. Gusto kong may inaalagaan tayong bata sa bahay,” sigurado sa desisyon niya si Shane.
“Kung mag-aampon tayo, you want a baby or a toddler?” tanong ni Marlon.
“Kahit ano. Basta gusto ko, may anak na tayo. It doesn’t matter to me if it would be an infant or a toddler. Though mas okay sana for me kung baby pa talaga para ma-experience natin how is it like to be first time parents. ’Yung magtitimpla ng gatas sa gabi, magpapalit ng diapers, at iba pa.”
“We’re both working, we will be needing a nanny to do that.”
“But we can still try doing it anytime, kahit may nanny to take care of the baby.”
“Saan naman tayo kukuha ng baby na aampunin?”
“Sa mga orphanage. Marami roon, ’di ba?”
“Mahabang proseso.”
“Kahit na. At the end of the day, we will still have a baby na puwede nating iuwi sa bahay at ituring na tunay nating anak. I really love to have a child, hon. Sana pumayag ka.”
“Let’s see. Hanap tayo.”
“Talaga?” Hindi maipaliwanag ang saya sa mukha ni Shane. “Payag kang mag-ampon tayo?”
“Well, if that would make you happy. Bakit ko naman hahadlangan ang kaligayahan ng babaing mahal ko?” Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Marlon sa asawa.
“Oh, I love you, hon! I really do. Thank you.” Biglang niyakap ni Shane si Marlon.
“Opps, teka baka mabangga tayo.”
Kumawala si Shane sa asawa. “I’m really happy, hon. Salamat talaga.”
“DADDY Pau!”
“O, bakit ’di ka pa natutulog?”
“Wala pa si Daddy Rob, eh. Hindi pa ako naggu-goodnight kiss sa kanya.”
Napangiti si Pau. “Ang sweet naman ng baby ko. Eh, sa akin? Wala ba akong goodnight kiss?” sabi ni Pau na inilapit pa ang pisngi niya sa mukha ni Gab.
“Siyempre, meron!” At biglang hinalikan ng bata sa pisngi si Pau. “Goodnight, Daddy Pau.”
“Goodnight, baby. Matulog ka na, ha? Huwag mo nang hintayin si Daddy Rob kasi nasa school pa siya. Mamaya pa siya uuwi and it’s already late. You need to sleep na kasi may pasok ka pa bukas.”
Tumango si Gab. “Yes, Daddy Pau.”
“O, siya. Go back to your room now and sleep.”
Agad na sumunod ang paslit. Naiwan sa silid si Pau. Katatapos lang niyang maligo at hindi pa gaanong natutuyo ang kanyang buhok. Kinuha niya sa mesitang katabi ng kama ang librong hindi pa niya tapos basahin at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nakakailang pahina pa lang siya ng nababasa nang dumating si Rob.
“O, kumusta ang klase?”
“Ayos lang. Mahirap pero kaya naman.”
“Konting panahon na lang magiging abogado ka na. Kakain ka na ba?”
“Hindi na. Kumain na ako sa school. Maliligo na lang ako para makatulog na tayo.”
“Sige…”
Hinubad lang ni Rob ang suot, kinuha ang puting tuwalya sa aparador at pumasok na sa banyo. Bumalik naman si Paulo sa pagbabasa.
Ilang sandali lang na nagtagal si Rob sa loob ng banyo. Nang lumabas ito ay nakatapis lang ng puting tuwalya. Hindi nakawala na paningin ni Pau ang kaaya-ayang kakisigan ni Rob. Sa tingin niya ay mas lalo pang gumanda ang katawan nito. Mas maganda kaysa noong una silang nagkakilala.
Napansin ni Rob ang ’di maalis na tingin sa kanya ni Pau. “Bakit ganyan ka kung makatingin?” pagpuna niya rito.
“Ha?”
“O, wala ka pa sa sarili mo. Sabi ko, bakit kung makatingin ka eh parang gusto mo akong kainin nang buhay?”
Pilyo ang ngiting pinakawalan ni Pau. “Wala naman. Napansin ko lang na gumanda pang lalo ang katawan mo. Mas naging delicioso!” sabay halakhak.
“Baliw! Ikaw talaga. Pinagtritripan mo na naman ako,” sabi nito habang nagbibihis.
“Hindi, ah. Trip ba ’yung napansin kong mas nag-improve ang body built mo? Samantalang ako, ganito pa rin.”
“At least na-maintain mo naman ang katawan mo. In four years, hindi ka tumaba. Wala ka pa ring tiyan kahit malakas kang kumain at hindi ka nag-gy-gym.”
“Well, it’s in the genes. Buti na lang talaga hindi ako tabain. Kung nagkataon, baka ipinagpalit mo na ako sa iba.”
“HIndi mangyayari ’yun. We’ve been through a lot. Ngayon pa ba tayo magkakasira? Parang ang tanga ko lang kung gagawin ko ’yun.” Nakabihis na si Rob. Blue shorts at puting sando. Ang presko-presko nitong tingnan kaya lalo nang namungay ang mga mata ni Pau habang nakatitig dito.
“O, baka kung inaano mo na ako niyan, ha?”
“Anong inaano?”
“Baka pinagnanasaan mo na naman ako,” natatawang sagot ni Rob.
“Tse! Feeling guwapo.”
“Guwapo naman talaga, ah!”
“Oo na.”
“Bakit? Totoo namang guwapo ako.” Mas lalo pang gumuwapo si Rob nang ngumiti ito nang ubod tamis kay Pau.
“Yabang mo. Hindi ka na talaga naghintay na manggaling sa akin ang papuri. Binuhat mo na agad ang sarili mong upuan.”
“I’m just telling the truth. What’s wrong with that?” argumento ni Rob.
Nagkibit-balikat si Pau. Ano pa bang isasagot niya eh tama naman si Rob? Guwapo naman talaga ito, walang duda ro’n.
“See?” panunudyo ni Rob. “You chose to remain silent. Does it mean nag-a-agree ka na sa ’kin?” Sumampa sa kama si Rob at humiga sa tabi ni Pau.
“Sige na, panalo ka na.”
Nginitian ni Rob si Pau. Matamis. “Matulog na tayo.”
“Nagbabasa pa ako. Mauna ka na,” sagot niya.
“Itabi mo na ’yang libro. It’s already late. We need to sleep, may work pa tayo bukas.”
“Mauna ka na nga, sandali na lang ’to.”
Biglang inagaw ni Rob kay Pau ang libro. “I’m not giving this to you. We’re gonna sleep.”
Pau rolled his eyes. “Okay, let’s sleep then.”
“Are you mad?”
“Of course not,” mabilis na sagot ni Pau. “Just submissive.”
“Why?”
“Anong why?”
“Why are you submissive?”
“Inaantok na ako. Matulog na tayo. Kaloka ka.”
Muling ngumiti ng matamis si Rob. At bago pa nakakilos si Pau ay nahalikan na siya nito sa labi. Akala ni Pau ay tipikal na goodnight kiss lang ’yun pero nagtagal ang labi ni Rob sa mga labi niya. May halong pananabik ang halik ni Rob. Tinutupok nito ang katinuan ni Pau hanggang tuluyan na itong madarang. Buong layang gumanti si Pau sa kapusukan ni Rob.
Malalim na ang gabi. Sa labas ay makikitang dahan-dahang natatakpan ng itim na ulap ang buwan. Sa silid nina Rob at Pau ay patay na rin ang ilaw. Pero sa madilim na silid na iyon ay hindi pa rin humuhupa ang init ng kanilang mga katawan.
Chapter 11 - Larawan
“GAB, BILISAN mo!”
“Lalakad na po ba tayo, daddy Rob?” tanong ng paslit habang papalabas ng banyo. Halata sa mukha nito ang di-matawarang excitement habang hirap na hirap sa pagsi-zipper ng kanyang pantalon.
“Oo, kanina pa tumatawag ang lola Minda mo tinatanong kung anong oras daw tayo pupunta,” mahabang sagot ni Rob. Yumuko ito para tulungan si Gab na i-zipper ang pantalon.
“Eh, asan na si daddy Pau?
“Andun na sa kotse. Kaya halika na, puntahan na natin ang daddy Pau mo. Baka mainip ’yun pagalitan pa tayo.” Lumakad na ang dalawa patungo sa kinaroroonan ni Pau.
“Sayang. Sana, yaya Imelda is here so she can go with us.”
“Eh, ’di ba umuuwi siya sa bahay nila ’pag weekends? Kasi may anak din siya na kailangan niyang alagaan.”
“Hi, daddy Pau!” Kumaway pa si Gab nang makita si Pau.
“O, sakay na kayo,” sabi ni Pau. Ang tagal n’yo, ha. Nilumot na ako rito.“
Pumuwesto na si Rob sa driver’s seat. Sa kabilang upuan naman si Pau. Si Gab ay sa gitna nila pumuwesto.
“Ang laki-laki ng likuran ng kotse, dito tayo nagsisiksikan,” natatawang sabi ni Rob.
“Siyempre! Magmumukha kang family driver kung sa likuran kami uupo,” katwiran ni Pau.
“Eh, ano naman? At least sa likod makakahiga pa si Gab ’pag inantok sa biyahe.”
“I’m not going to sleep,” sabad ni Gab sa usapan. I want to sit here in front.“
“O, nagsalita na ang hari. Kokontra ka pa ba?” tanong ni Pau kay Rob.
“Siyempre, hindi na. You’re the boss, Gab!”
Pinatakbo na ni Rob ng kotse. Pupunta sila ngayon kay tita Minda sa Malabon. Matagal na ring nagpaparamdam ang matanda na kung pwede naman silang dumalaw. Nami-miss na raw nito si Gab. Sabagay, medyo matagal na rin naman mula nung huling makita ni tita Minda ang apo sa pamangkin nitong si Shiela.
Habang daan ay nagkukulitan sina Pau at Gab habang abala naman sa pagmamaneho si Rob. Masaya silang tatlo. Minsan ay nakikisali sa kulitan si Rob pero madalas naman ang paalala dito ni Pau na asikasuhin ang pagmamaneho at laging tumingin sa daan. Sa huli ay nagkasya na lang si Rob sa pakikinig sa masasayang halakhakan ng dalawang mahal niya sa buhay.
Bandang ala-una ng hapon nang dumating ang tatlo sa tinitirhan ni tita Minda. Masayang sinalubong ng matanda ang kanyang mga bisita.
“O, na-traffic ba kayo? Kanina ko pa kayo hinihintay. Kumain na ba kayo? Pumasok na kayo at nang makapaghanda ako ng makakain.” Niyakap ng matanda si Gab. Pinupog nito ng halik ang paslit. “Ang laki-laki mo na. At ang guwapo mong bata. Manang-mana ka sa daddy mo!” tuwang-tuwang sabi ni tita Minda.
“Sino pong daddy?” maagap na tanong ni Gab. Nagkatinginan sina Rob at Pau.
“Siyempre ang daddy Rob mo. Tingnan mo o, magkamukhang-magkamukha kayo.” Ewan kung binobola lang ng matanda ang apo o sadyang ang imahe ni Rob ang nakikita nito kay Gab.
“Eh, paano naman ako?” kunwa’y nagtatampong tanong ni Pau. “Ang lagay kayo lang ang magkamukha? Naitsapuwera na ako.” Bahagyang humikbi pa si Pau habang nakatingin kay Gab.
“Huwag ka nang malungkot, daddy Pau, kahit ’di kita kamukha mahal na mahal naman kita. I love you very, very, very much!”
“Talaga? You love me?”
“Yes!” bibong sagot ni Gab. “Just like how much I love daddy Rob, lola Minda, and yaya Imelda.”
“Yehey!” Tila batang pumalakpak si Pau. Ngingiti-ngiti lang naman si Rob habang pinanonood ang pag-uusap ng dalawa.
Pumasok na sila sa loob ng bahay.
“Teka, maupo muna kayo diyan at maghahanda ako ng makakain.” At pumunta na sa kusina ang matanda. Naiwan sa salas ang tatlo.
Napansin ni Gab ang mga photo album na nagkalat sa ibabaw ng mesita sa salas. Kinuha nito ang isa at agad na binuklat. Tumambad sa kanya ang iba’t-ibang larawan ng kanyang namayapang ina.
“Look, daddy Rob. Here’s mommy Shiela.” Itinuro ng paslit ang ina sa larawang kasama nito ang mga kaopisina.
“Yes, that’s your mom. Very good!” masayang sabi ni Rob.
“Daddy Rob, you’re also here!” biglang sambit ni Gab.
“Where?” Sinilip ni Pau ang litrato.
“Here…” Itinuro ni Gab ang isang lalaking nasa bandang likuran.
“Akala ko hindi mo ako makikilala diyan, eh,” sabi ni Rob. “Matagal na ’yan.”
“But you haven’t changed. Ganyan pa rin ang itsura mo. Mas marami lang muscles ngayon.”
“Kain na kayo. Naihanda ko na ang mesa.” Hindi namalayan ng tatlo ang paglabas ni tita Minda galing sa kusina. “Sumunod na kayo sa akin.”
Kalderetang baka, pritong tilapia at kanin ang nasa mesa. Natakam bigla si Gab. Paborito nito ang pritong tilapia. Magana nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ni tita Minda. Matiyaga namang ipinaghimay ni Pau ng isda si Gab para hindi ito matinik. Naparami ang kain nilang tatlo. Masarap naman kasi talagang magluto si tita Minda. Idagdag pang gutom na rin talaga sila. Bakas naman sa mukha ng matanda ang kasiyahan habang pinanonood niyang kumain ang kanyang mga bisita.
Nang matapos kumain muli silang bumalik sa sala.
“Lola, can i have some of mommy Shiela’s pictures?” tanong ni Gab habang hawak ang isang photo album.
“Oo naman. Alin ba diyan ang gusto mo? Kunin mo lang diyan,” sagot ng matandang babae.
“This one, this one, and another one. These three pictures, lola.”
“Sige, sa’yo na ang mga larawang ’yan. Para lagi mong nakikita ang mommy mo.”
Excited na inalis ni Gab sa photo album ang tatlong litratong kanyang napili. Tapos ay iniabot iyon kay Pau. “Daddy Pau, can you please keep these pictures for me?”
“Sure,” sagot ni Pau. Kinuha nito ang mga litrato at isinilid sa bulsa ng suot nitong polo.
“Kumusta kayo rito, tita Minda? Baka po gusto n’yong doon na lang tumira sa amin para may kasama ka. At para lagi n’yo ring makita ang makulit na batang ito.” Itinuro ng mga labi ni Rob si Gab.
“Huwag na. Tama na ’yung dinadalaw n’yo ako rito paminsan-minsan. Na-miss ko lang talaga si Gab kaya ako na ang nagpumilit na pumunta kayo rito ngayon,” nakangiting sabi ng matanda.
“Pero tita Minda, anytime po na gusto n’yong tumira sa amin welcome po kayo roon,” sabad ni Pau sa usapan. “Hindi naman po kayo iba sa amin. At kayo lang ang nag-iisang lola ni Gab.”
“Maraming salamat sa inyo. Kung buhay pa sana si Shiela, mas lalo sigurong masaya si Gab dahil kumpleto ang pamilya niya. Si Shiela, si Rob at si Gab.”
Ngumiti lang si Rob. Buo pa rin ang paniniwala ni tita Minda na siya ang ama ni Gab at ayaw niyang baguhin ang paniniwala nito. Si Pau naman ay hindi na lang nagsalita. Aware naman siya sa buong kuwento ng buhay ni Gab.
Marami pang napagkuwentuhan sina Rob, Pau at tita Minda. Si Gab naman ay naging abala sa panonood ng tv at maya-maya lang ay nakatulog na ito. Alas-sais na ng gabi nang magpaalam ang tatlo sa matandang babae. Nangako si tita Minda na isang araw ay siya naman ang bibisita sa tahanan nina Rob at Pau.
Chapter 12 - Kutob
“GOOD MORNING, class!”
Sabay-sabay na sumagot ang mga batang estudyante. “Good morning, Teacher Shane!”
“So, kumusta naman ang weekend n’yo? Anong ginawa n’yo?” tanong ni Shane.
“Teacher!” Nagtaas ng kamay ang isang batang lalaki.
“Yes, Terrence.”
“I went to the mall with my mom and dad to watch a movie. After that, we ate dinner before going home.”
“That’s good. Did you enjoy the movie?”
“Yes, teacher.” Matamis ang pagkakangiti ni Terrence.
“How about you, Janna? What did you do last weekend?” nakangiting tanong ni Shane.
“I just stayed home, teacher,” matipid na sagot ng bata.
Nagtaas ng kamay si Gab. “Teacher!”
“Yes, Gabriel. Do you want to say something?”
“Last weekend, we went to the house of my Lola Minda. We visited her since I have not seen her for a long time already and I am missing her so much’” sinserong sabi ni Gab.
“Oh, that’s so sweet of you,” pagpuri ng guro sa bata.
“Then I asked Lola Minda if I can have a picture of my mommy so that I can always look at the picture whenever I want to see mommy,” pagpapatuloy ni Gab.
Tahimik na nakikinig ang mga kaklase ni Gab. Si Shane naman ay sabik ring marinig ang kuwento ng estudyante niya.
Saglit na huminto sa pagsasalita si Gab upang kunin ang isang bagay sa loob ng bag nito. “Here, Teacher Shane. Look at this. This is the picture of my mommy. Her name is Shiela,” buong pagyayabang na sabi ng bata. Lumapit pa ito sa kinaroroonan ni upang ibigay ang litrato.
Inabot ng guro ang litrato at tiningnan ang imaheng naroroon. Maganda ang mommy ni Gab at mukhang mabait. Bigla ay nakaramdam ng lungkot si Shane para sa bata. Napakaagang nawala ang mommy nito at hindi man lang naranasang matikman ang pag-aalaga ng isang ina.
“My mommy was beautiful, ’di po ba Teacher Shane?” Mas lalong naging cute si Gab sa paningin ng guro.
“Oo, your mommy was so beautiful. Wherever she is, I know that she is very proud of you because you grew up to become a very loving and sweet child.” Totoo sa loob ni Shane ang mga sinabi niya. Isa si Gab sa mga batang kilala niya na very vocal sa pagpapakita ng emosyon sa mga taong mahalaga rito. Nakakalungkot lang na si Gab ay maagang nawalan ng ina. At siya naman ay matagal nang naghihintay na magkaroon ng anak.
Nakakaloko ang tadhana kung minsan. Parang nananadya. Hindi mo alam kung sinusubukan ka lang ba o iniinis lang talaga. ’Yung iba na gustong-gustong magkaanak, hindi nagkakaroon. Samantalang ’yung iba, ang bilis makarami ng anak. Parang namumulot lang ng anak sa kalye.
“Good morning! Can I come in?” Isang tinig na galing sa may pintuan ng classroom ang kanilang narinig.
Nagulat pa si Shane nang makita kung sino ang nagsalita. “Hon? What brought you here?”
“May meeting ako malapit lang dito. Katatapos lang, so naisipan kong dumaan na rito. Miss na kita, eh.” Lalong gumuwapo si Marlon sa pagkakangiti nito sa asawa.
Maagap na binati ng mga bata ang bisitang dumating. “Good morning, Sir Marlon!”
“Good morning, kids!”
Pumasok si Marlon at ibinigay ang dala-dala nitong paper bag sa asawa. “Eto, ibinili na kita ng lunch mo. Dito na sana ako kakain kaso may meeting pa ako sa office kaya hinatid ko na lang sa’yo ito.”
“Thank you. Sana hindi ka na nag-abala. May mabibili namang lunch sa canteen.”
Hindi na nakasagot agad si Marlon dahil napako ang tingin nito kay Gab. “Hello, young man!”
“Hello, sir!” alistong sagot ng bata. “I brought a picture of my mommy so Teacher Shane can see her.”
Napatingin si Marlon kay Shane. At noon lang niya napansin ang hawak nitong litrato. Muli itong bumaling kay Gab at nagtanong, “Can I also see the picture of your mom?”
Walang pag-aalinlangang tumango ang bata. “Of course!” Nakangiti pa ito habang nagsasalita.
Iniabot ni Shane kay Marlon ang litrato.
Hindi inaasahan ni Marlon ang makikita niya sa larawan. Hindi na niya kailangang mag-isip. Hindi niya kailangang magdalawang-isip. Ang babae sa larawan ang ay babaeng naka-one night stand niya isang linggo bago sila ikasal ni Shane.
“Bakit, hon?” Napansin ni Shane na tila natigilan si Marlon.
“S-she’s beautiful…,” tanging naisagot ni Marlon.
Tumango si Shane. “I agree. Sayang, nawala siya kaagad.”
“O, paano? Mauuna na ako. May meeting pa ako sa office.” Isinoli ni Marlon kay Gab ang litrato tapos ay bumaling sa mga estudyante ng asawa. “Goodbye, kids!”
“Goodbye, Sir Marlon!” Masayang tugon ng mga bata.
“I’ll go ahead, Gab,” baling ni Marlon sa paslit.
Tumango lang ang bata kasabay ang isang matamis na ngiti. Gustong yakapin ni Marlon si Gab pero pinigilan nito ang sarili.
Inihatid ni Shane ang asawa sa labas ng classroom at bago ito tuluyang umalis ay ginawaran nito si Shane ng halik sa labi.
“You take care, hon,” bilin ni Shane.
“I will!” Lumakad na si Marlon papunta sa nakaparada nitong kotse.
Habang nagmamaneho pabalik ng opisina ay malalim ang iniisip ni Marlon. Mas lalong tumitindi ang hinala niya ngayon na si Gab ay anak niya. Una, kamukhang-kamukha niya ito noong bata pa siya. Ikalawa, anak ito ng babaeng nakatalik niya noon. Malaki ang tsansang nabuntis niya ang babae sa minsan nilang pagtatalik. Ngayon lang siya kinutuban nang ganito katindi kaya alam niya sa sariling may pinanggagalingan ang kanyang nararamdaman.
Kailangan niyang makumpirma ang matagal na niyang hinala. Kailangan niyang makausap sina Paulo at Rob upang maging maliwanag ang lahat. Hindi na siya makakapaghintay pa. Kailangang malaman niya kung anak nga ba niya talaga si Gab. Kung kinakailangang mag-request siya na ipa-DNA ang bata, gagawin niya upang lumabas lang ang katotohanan!
Kinuha ni Marlon ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang numerong matagal nang naka-save sa kanyang phone book. Numero iyon ni Rob na palihim niyang kinuha sa cellphone ni Shane. Naka-save kasi sa telepono ng asawa niya lahat ng contact numbers ng mga magulang ng mga estudyante nito. Pati numero ni Paulo ay kinuha din niya. Alam niyang isang araw ay kakailanganin niya ang mga numerong ito.
Nag-ring ang cellphone ni Rob at ilang saglit lang ay may sumagot sa tawag ni Marlon.
“Good morning! Who’s this?”
“Rob, this is Marlon. I would like to ask for an appointment with you. I would like to talk to you about Gab.” Seryoso ang boses ni Marlon nang sumagot at punong-puno ng awtoridad.
Hindi na kailangang tanungin pa ni Rob kung sinong Marlon itong tumatawag. Sa sagot pa lang nito, alam na niyang ito si Marlon na asawa ng guro ni Gab. Si Marlon na tunay na ama ng batang itinuturing niyang totoong anak.
Chapter 13 - Tuos
“SINONG MARLON?”
“I am the husband of Gab’s teacher,” direktang sagot ni Marlon.
Patuloy naman sa pagmamaang-maangan si Rob. “Bakit? What happened to Gab?”
“We need to talk seriously about Gab. He is my son!”
“What?!” Natural ang reaksyon ni Rob na bagama’t inaasahan na niyang sasabihin iyon ni Marlon ano mang oras ay hindi pa rin pala siya handang mapakinggan ang katotohanang ibubulgar nito. “Are you sick? You’re claiming my son to be yours?!”
“We’ll, wala pa akong kongkretong katibayan that’s why I would like us to talk so that we can do something to prove my claim.” Si Marlon ay tila siguradong-sigurado na mapatutunayan niya ang kanyang sinasabi.
“And who the hell told you that I will be as meek as a lamb to just give in to your whimsical caprices? Come on, Mr. Sandoval you know better than that!” Lumabas ang nakatagong katarayan ni Rob.
Hindi nakasagot si Marlon.
“No person in his right mind would just call a father of a child on the phone and claim that the child is his own. Are you listening, Mr. Sandoval? You cannot just barge in into our lives and cause confusion into my son’s mind.” Nanggigigil ang boses ni Rob. Pilit niyang pinakakalma ang sarili pero nananaig ang galit sa kanyang dibdib para sa lalaking nagsasabing anak raw nito si Gab.
“Please, let us meet and talk,” kalmado na ang boses ni Marlon. Tila na-realize nitong hindi niya makukuha sa sindakan si Rob.
“No!” matigas na pahayag ni Rob.
“If that would be your answer, then I’ll have to exercise all my rights under the law just to get my son back.”
“Anong…? Wala kang anak dito, gago!” Rob opted to end the call.
Agad na tinawagan ni Rob si Pau.
“O, ba’t napatawag ka?” tanong ni Pau.
“Dumating na ang kinatatakutan mo… ang kinatatakutan natin,” matamlay ang boses ni Rob.
Kinutuban kaagad si Pau. “Tungkol ba kay Gab? Si Marlon?”
“Oo. Tinawagan niya ako asking for an appointment. Magkita raw kami dahil kailangan daw naming pag-usapan si Gab. He directly said to me that Gab is his son!”
“Eh, baliw pala siya! Anong patunay niya na anak nga niya si Gab? Meron ba? Naku, huwag kang makikipagkita sa Marlon na ’yun. Hayaan mo siya. Huwag mo nang sasagutin ’pag tumawag siya ulit.” Ang tapang-tapang magsalita ni Pau pero ang totoo ay sobrang kaba ang nararamdaman niya ngayon. Paano na kung makuha ni Marlon si Gab?
Hindi maaari!
“He’s out to exercise his paternal rights under the law. Wala tayong magiging laban kung batas na ang magdesisyon at pumabor sa kanya,” pagkumpirma ni Rob. “Hindi natin siya puwedeng takasan. Kailangan natin siyang kausapin. Kailangan natin siyang harapin.”
“Hindi niya puwedeng makuha si Gab? Ano na ba ang balita sa petisyon mo para ampunin si Gab? Wala pa ba?”
Wala sa sariling umiling si Rob na tila ba nakikita siya ni Pau. “Wala pa.”
“Paano na ’yan? natitilihang tanong ni Pau. “Rob, ayokong makuha niya si Gab. Hindi niya puwedeng makuha si Gab sa atin.” Naitakip nito ang isang kamay sa mukha. “Sa tingin mo, siya ba kaya talaga ang totoong ama ni Gab?”
“He sounded very sure when he called me. Mukhang may matibay siyang ebidensya kaya diretso niyang sinabi sa akin na anak niya si Gab. Tingin ko, nag-imbestiga na ito noon pa.”
“Putangina niya!” Napamura si Pau. “Apat na taon, wala siya. Tapos bigla siyang lilitaw ngayon para kunin ang bata? Ano ’yan laruan? ’Pag ayaw niya sa atin muna, ’pag gusto na niya sa kanya naman? Eh, letse pala siya!” Napalakas ang boses ni Pau kaya nagtinginan sa kanya ang mga kaopisina. Pero dedma lang ito. Mas concerned siya sa pinag-uusapan nila ni Rob kesa sa sasabihin at iisipin ng kanyang mga katrabaho.
“We really need to talk to Marlon. Mas makagagawa tayo ng aksyon kung alam natin ang mga plano ng kalaban,” seryosong pahayag ni Rob.
“I-drop na kaya muna natin sa school si Gab,” biglang nasabi ni Pau. “Parang hindi ako mapapalagay kung araw-araw naroon si Gab kasama ang asawa ni Marlon. “Baka mamaya bigla na lang dumating si Marlon doon at iuwi si Gab.”
“Hindi naman siguro. Kahit sakali mang siya ang totoong ama ni Gab, kidnapping pa rin ang magiging kaso niya kung kukunin niya ang bata nang walang paalam sa atin. At saka kawawa naman si Gab kung mapuputol ang schooling niya. Mabait naman si Shane, at tingin ko wala pa siyang alam dito,” mahabang paliwanag ni Rob.
“So, ano nga ang gagawin natin? Payag ako sa kahit ano, basta hindi puwedeng kukunin sa atin si Gab.”
“Hintayin nating tumawag muli si Marlon. Sigurado akong tatawag ulit ’yun. Saka tayo magdesisyon ’pag tumawag na siya ulit.”
“Umuwi ka nang maaga mamaya. Kailangan pa nating pag-usapan ito. Hinding-hindi ako papayag na kukunin niya sa atin si Gab.”
SI MARLON ay aburido rin sa kanyang opisina. Hindi siya mapakali. Kanina pa siya nag-iisip ng mga hakbang na puwedeng gawin para mapapayag niya si Rob na makipag-usap sa kanya. Wala siyang planong manggulo. Gusto lang niyang makumpirma ang kanyang hinala na totoong anak niya si Gab.
Tumunog ang intercom sa desk ni Marlon. Nasa kabilang linya ang kanyang sekretarya.
“Sir, Joel of Ford is here. Wala po siyang appointment pero may importanteng bagay lang daw po siyang sasabihin sa’yo,” magiliw na sabi ng sekretarya.
“Yeah, I know him. Sige papasukin mo siya rito.”
Ilang saglit lang ay pumasok na si Joel. “Good morning, sir! I just want to inform you na okay na ’yung kotse na binili mo. I was about to call you later sana but since I’m around the vicinity, I decided to just drop by to personally inform you.”
Ngumiti si Marlon. “That’s good news! Tamang-tama, this will be a very big surprise to my wife. Siguradong matutuwa ang asawa ko. By the way, please take a seat.”
“Hindi na, sir. Dumaan lang talaga ako to inform you na pwede n’yo nang kunin ’yung kotse anytime today.”
“Okay, dadaan ako sa opisina n’yo mamaya bago mag-alas singko.”
“That’s great! So, hihintayin na lang namin kayo mamaya.” Lumapit ito kay Marlon at nakipagkamay. “Thank you, sir! I’ll go ahead,” pagpapaalam ng bisita.
“Salamat!”
Nang makaalis ang bisita ay nag-dial sa telepono si Marlon.
“Hello? I-Spy Investigation Agency?” Saglit siyang huminto sa pagsasalita para pakinggan ang sinasabi ng kausap. “Sino ang puwede kong kausapin para sa isang tao na gusto kong paimbestigahan? I need concrete information about a certain person as soon as possible.”
PAG-UWI NI Shane ay nagulat pa ito nang makitang nasa labas ng gate si Marlon at nakasandal sa pinto ng kotse nito. Tila sadyang hinihintay nito ang kanyang pagdating.
“Hon, ba’t andyan ka? Kararating mo lang ba? Bakit hindi mo pa ipinapasok ang kotse sa loob?” nagtatakang tanong ni Shane.
Nakangiting lumapit sa asawa si Marlon. Nang magkaharap na sila nito ay dinukot ng lalaki ang panyo sa kanyang bulsa tapos ay nagsalita, “I have a surprise for you.”
At bago pa nakasagot si Shane ay nagsimula na si Marlon na lagyan ng piring ang mga mata ng asawa gamit ang panyo.
“Teka, teka! Kailangan ba talagang may piring pa?” natatawang sabi ni Shane.
“Siyempre, surprise nga eh.” Pinagbuhol pa ni Marlon ang magkabilang dulo ng panyo para masigurong hindi ito mahuhulog sa pagkakatakip ng mga mata ni Shane.
“Wala na akong nakikita,” tila nagrereklamo si Shane pero malambing naman ang tinig nito.
“Stay ka lang diyan,” bilin ni Marlon sa asawa. “Saglit lang, bubuksan ko lang ang gate.
Nanatili lang na nakatayo sa puwesto niya si Shane. Naghihintay lang ito sa susunod na sasabihin ng asawa.
“Ayan, bukas na ang gate. Alisin mo nang dahan-dahan ang piring sa mata mo, hon.”
“Na-e-excite ako! Ano ba ’to?” tila kinikilig na sabi ni Shane habang dahan-dahan nitong inaalis ang piring sa kanyang mga mata.
Kasabay ng pagkakatanggal ng piring ni Shane ay ang masayang pagsigaw ni Marlon, “Surprise!”
Namangha si Shane nang makita ang bagong-bagong pulang 2016 Ford Edge na nasa kanyang harapan. “Kanino ’yan?” nanlalaki ang mga matang tanong nito sa asawa.
“Sa’yo! Sorpresa ko sa’yo. Para hindi ka na mahirapang mag-commute.”
“Talaga? Sa akin ’yan?” Hindi pa rin makapaniwala si Shane.
“Oo nga, sa’yo ’yan. Regalo ko sa’yo.”
“Pero wala namang okasyon.”
“Hindi naman kailangan ng okasyon para bigyan ng regalo ang taong mahal mo.”
Mabilis na niyakap ni Shane ang asawa at hinalikan sa labi. “Thank you, hon. You’re so sweet. Palit na lang tayo. Akin ’yung kotse mo, itong bago ang sa’yo.”
“No.” Umiling si Marlon. “I only want the best for my wife.” Ang lapad ng pagkakangiti ni Marlon.
“Akala mo ikaw lang ang may sorpresa, ha?”
Napakunot-noo si Marlon. “What do you mean?”
“May surprise din ako sa’yo.” Pilya ang pagkakangiti ni Shane.
“Bumili ka rin ng kotse para sa akin?” pagbibiro pa ng lalaki.
“Hindi…”
“E, ano pala? Siguruhin mong masu-surprise talaga ako, ha?”
Tinitigan ni Shane ang asawa at saka nagsalita, “Buntis ako!”
Napanganga si Marlon sa ibinalita ng asawa.
Chapter 14 - Biyaya
“HON, BUNTIS ako!”
At saka lang parang natauhan si Marlon. “Totoo? Tell me you’re not kidding me.” Parang batang pinangakuan ng isang magandang regalo ang lalaki.
“I am not kidding you.” Masayang nakangiti si Shane na tila aliw na aliw sa itsura ng kanyang asawa. “Kanina sa school, nakaramdam ako ng hilo. Pumunta ako sa school clinic. Kaso nurse lang ang naroon kanina kaya I decided na dumaan sa OB ko after work. At ayun nga, confirmed na buntis ako. Six weeks na.”
Nakarehistro ang labis na tuwa sa mukha ni Marlon. At last! Ibinigay din ng langit ang matagal na nilang ipinagdarasal.
Hindi napigilan ni Marlon ang kanyang sarili kaya bigla niyang niyakap nang mahigpit si Shane pagkatapos ay binuhat pa niya ito.
“Ayy! Teka, teka! Ibaba mo ako, hon!” tumitiling sabi ni Shane.
“No! Bubuhatin kita hanggang sa loob ng bahay. Baka matapilok ka pa diyan, mabungi pa si baby.” Dahan-dahan nang naglakad si Marlon papasok sa loob ng bahay. Buong pag-iingat niyang buhat ang asawa hanggang sa makarating sila sa salas.
“Ibaba mo na ako, hon. Okay na ako rito,” pagpupimilit ni Shane sa asawa.
“Sure?” Gustong makasiguro ni Marlon.
“Oo naman. Hindi naman ako mapapahamak dito. Nag-iingat naman ako siyempre,” buong pagmamalaking sabi ni Shane.
Ibinaba na ni Marlon ang asawa. Iba ang kasiyahan niya ngayon. Ang tagal nilang naghintay na magbunga ang pagsasama nilang mag-asawa. Ginawa na nila ang lahat. Halos mawalan na sila ng pag-asa. Akala nila, hindi na talaga sila magkakaroon ng anak.
“Thank you, hon,” maemosyonal na sabi ni Marlon habang nakatitig kay Shane. “I love you so much!” Hinagkan niya ang asawa sa labi.
Nakangiti si Shane pagkatapos ng halik na iyon. Buong lambing niyang sinabi kay Marlon, “Magiging tatay ka na…” At pagkatapos ay niyakap ni Shane ang asawa.
Natigilan si Marlon. Anong sabi ni Shane? Magiging tatay na siya?
No!
Matagal na siyang naging tatay. Si Gab! Si Gab ay anak niya at kailangang makuha niya ito sa lalong madaling panahon!
“Hon? Bakit?” Napansin ni Shane ang pagkatigalgal ni Marlon.
“Ha? Wala, sobrang masaya lang ako,” pagsisinungaling nito kay Shane. “Hindi lang ako makapaniwala na magiging tatay na ako.”
Hinawakan ni Marlon ang kamay ng asawa at inakay niya ito papunta sa sofa. “Halika, dito ka. Dito ka lang. Maupo ka lang dito habang nagluluto ako ng hapunan natin. I want to cook for you. I’ll cook for you today. You’ll be a queen for tonight.”
Natatawang tiningnan ni Shane si Marlon. “Ano ba’ng nangyayari sa’yo? Ako na lang ang magluluto ng dinner.”
“Nope! You stay there. Relax. Manood ka ng tv para ’di ka mainip. Basta doon muna ako sa kusina.” Kinuha pa niya ang remote control at binuksan ang telebisyon.
Nakangiting tumango si Shane. “Sige, ikaw ang bahala, hon.”
“Daddy!”
Sinalubong ni Rob ang tumatakbong si Gab. Kararating lang niya galing sa school kaya ngayon lang siya nakauwi. Si Pau ay nasulyapan niyang papalapit na rin sa kanya.
“O, bakit gising ka pa? Late na, ah.” tanong ni Rob sa paslit.
“I am still watching Spongebob. Daddy Pau allowed me to watch kasi Saturday naman po bukas, walang pasok sa school.”
“Ah, ganoon ba?” Hinaplos niya ang buhok ng anak.
“Kumain ka na, nakahanda na ’yung food. Halika na. Mamaya mo na iakyat ang mga gamit mo,” sabi ni Pau. “Umuwi nga pala si Imelda kasi a-attend daw siya ng PTA meeting bukas. Pinayagan ko na kasi wala naman tayong pasok bukas.” Bumaling ito kay Gab. “Gab, umakyat ka na sa room mo. Matulog ka na if you’re done watching Spongebob.”
“Opo, Daddy Pau.” Lumapit sa kanila ang bata at nag-goodnight kiss. “Goodnight, Daddy Pau. Goodnight, Daddy Rob.” Pagkatapos ay nagtatakbo na ito papaakyat sa kanyang silid.
“O, dahan-dahan lang, huwag tumakbo!” paalala ni Pau kay Gab.
Nagsimula nang kumain si Rob. Gutom na talaga siya. Hindi na siya nakapag-snack kanina dahil naging abala siya sa pagbabasa ng lessons nila. Malapit na ang final exams kaya pinipilit na nilang tapusin ang natitirang topics sa libro. Sakto nga na natawag siya sa recitation. Nakasagot naman siya nang maayos kaya okay na okay na rin ang class standing niya.
“Tumawag na ba ulit si Marlon sa’yo?” tanong ni Pau na halata sa mukha ang pag-aalala.
Umiling si Rob. “Hindi pa. Kailangan nating maghintay.”
“Paano kung pilitin niyang makuha sa atin si Gab?”
“Lalaban tayo. Hindi niya basta-basta makukuha si Gab nang basta ganoon lang.”
“Alam kaya ni teacher Shane na may anak sa pagkabinata si Marlon?” bigla ay naitanong ni Pau.
“Hindi ko alam. Siguro alam niya, asawa niya ’yun, eh.”
“Tingin mo ba ipagtatapat kaagad ni Marlon kay Shane ang totoo?” Parang may kung anong ideyang nabubuo sa utak ni Pau. “Para kasing si Shane ’yung tipo ng tao na sobrang magtiwala, kaya kapag niloko, sobrang galit din ang mararamdan niya para doon sa taong nanloko sa kanya.”
“Ano ang pinupunto mo?” tanong ni Rob.
“Blackmail!” bulalas ni Pau. “Kung ipipilit ni Marlon ang gusto niya na kunin sa atin si Gab, ibubulgar ko kay Shane ang kalokohan niya.”
“Paano kung alam naman pala ni Shane ang tungkol dito? Sa tingin mo ba, maglalakas -loob si Marlon na dalhin sa korte ang usaping ito kung hindi pa nalalaman ng asawa niya? Baka pagtawanan lang tayo ng gagong ’yun.”
“Wala namang mawawala kung susubukan natin. Paano kung tama pala ang hinala ko na wala pang kaalam-alam si Shane sa kalokohan ni Marlon? Eh, ’di pabor sa atin ang sitwasyon.”
“Pau, wala namang guarantee na hindi matatanggap ni Shane si Gab.”
“Oo, naroon na ako. Madali naman talagang matanggap si Gab. Pero ’yung panloloko ni Marlon kay Shane, iyon ang hindi katanggap-tanggap at maaari nilang pag-awayan at pag-umpisahan ng hiwalayan.”
“Jesus! Gagawin mo ’yan? Masisira ang pagsasama nila.” Parang hindi sang-ayon si Rob sa naiisip na gawin ni Pau.
“At ano ba ang tawag sa ginagawa ni Marlon sa atin? Hindi ba sinisira din niya ang pamilya natin? Ang tagal niyang wala sa eksena. Lumaki si Gab na hindi siya kilala. Tapos ngayon darating siya para kunin ito? Ngipin sa ngipin, Rob. Kung kaya niyang mangagat, kaya ko rin!”
Napabuntong-hininga na lang si Rob. Sanay na siya kay Paulo. Kapag may naisip itong gawin, gagawin talaga nito. Walang sino mang makapipigil dito. Kahit siya pa.
“Hintayin na lang muna natin kung ano ang sunod niyang gagawin. Huwag tayong magpadalus-dalos. Hindi tayo pupuwedeng magkamali ng hakbang dahil maaaring mawala sa atin si Gab sa isang iglap lang.”
Isang irap lang ang isinagot ni Pau sa sinabi ni Rob. Sa isip nito, alam na niya ang tamang gagawin para hindi sila maging sunud-sunuran sa mga gusto ni Marlon.
Chapter 15 - Anak
“THANK YOU, Doktora.” Inilahad ni Shane ang kanyang palad na agad namang inabot ng doktora. Ganun din ang ginawa ni Marlon.
“Basta ingatan n’yo ang pagbubuntis mo, Shane. Huwag mong kalimutan ’yung mga bilin ko. Hindi ka dapat ma-stress lalo na sa first quarter ng pregnancy mo. Delikado ang pagbubuntis mo kaya ibayong ingat ang dapat mong gawin, siyempre nandiyan naman ang husband mo to support you. Punta ka lang kaagad dito kung may problema or tawagan mo lang ako anytime,” mahabang bilin ng doktora.
“Thanks, Doc! Susundin ko lahat ng bilin mo,” sagot ni Shane.
“And I will always be here to remind my wife kung ano ang mga dapat at hindi niya dapat gawin,” dugtong na sagot naman ni Marlon.
“Aalis na kami, Doc.” Si Shane.
Tumango ang doktora.
“O, HUWAG mong kalilimutan ang mga bilin ng OB-Gyne mo,” malambing na sabi ni Marlon habang naglalakad na sila patungo sa kotse.
“Oo, siyempre. Don’t worry, I’ll do everything para mailabas ko si baby nang walang problema. Mag-iingat akong mabuti. Ang tagal nating hinintay na magka-baby, hon. Heto na! Maghihintay na lang tayo ng ilang buwan hanggang sa lumabas na siya,” excited na sabi ni Shane.
“Mag-file ka kaya muna ng vacation leave. Narinig mo naman ang sabi ni doktora. Bawal kang ma-stress. Eh, puro batang makukulit pa naman ang mga estudyante mo. Baka manganak ka nang wala sa oras dahil sa kakulitan nila.” Halata ang concern sa mukha ni Marlon kasabay ang excitement sa pagbubuntis ng asawa niya.
“Hindi na, hon. Mababait naman ang mga estudyante ko. Kapag sinabi ko sa kanilang keep quiet, agad silang tumatahimik. Hindi ko iniisip na magiging problema sila sa pagbubuntis ko. At saka, hon ayoko namang magmukmok lang sa bahay. Maiinip lang ako roon. Mas okay nang magtrabaho ako hanggang sa dumating ’yung time na puwede na akong mag-maternity leave,” paliwanag niya sa asawa.
“Well, if that’s what you like then approve sa akin. But the moment na i-advise ng doktor that you need to rest, you’ll have no choice but to abide. Okay ba ’yun?”
“Okay, hon.” Binigyan niya ng isang matamis na ngiti si Marlon.
DALAWANG LINGGO ang lumipas ngunit walang Marlon na kumontak kay Rob, maging kay Paulo. Si Gab ay pumapasok pa rin sa eskuwela araw-araw at mukhang wala namang problema. Nakalimutan na ba ng lalaki ang paghahabol sa diumano’y karapatan nito sa bata? Ang totoo, hindi naman hinihintay nina Rob at Pau ang pagtawag ni Marlon. Mas maganda nga kung hindi na ito magpaparamdam sa kanila habang buhay. Mas mapapanatag ang kalooban nilang dalawa kung hindi na sila guguluhin pa ni Marlon.
Si Marlon ay pansamantalang naging abala sa pag-aalaga sa buntis niyang asawa kaya nawala na rin sa isip niya ang paghahabol sa batang sigurado siyang anak niya. Nanumbalik lang sa isip niya si Gab nang minsang umuwi siya at maabutan niya si Shane na nagche-check ng papel ng mga estudyante nito.
“Hon, dapat hindi mo na dinala dito sa bahay ’yan,” sita niya sa asawa. “Puwede mo namang gawin ’yan sa school.”
“Kailangan ko na kasing mag-compute ng grades ng mga bata. Para mai-release ko na ang top ten.”
“Kinder lang naman sila…”
“Hon, obligasyon ko ito bilang guro nila. At saka, wala namang pasok bukas. Huwag kang mag-alala, hindi naman mabigat na trabaho ito. Para lang naman akong nagbabasa,” paniniguro niya sa asawa.
Bumuntong-hininga na lamang si Marlon. “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” Hinubad niya ang suot para makapagpalit ng pambahay na damit.
“Kakain ka na ba? Ipaghahain na kita.”
“Huwag na, hon. Kumain na ako sa labas. May miting kasi ako kanina sa isang kliyente. Kaya tutulungan na lang kitang mag-check niyan para matapos na kaagad.” Isinuot niya ang isang puting sando.
Huminto si Shane sa ginagawa at nilingon ang asawang ngayon ay nagsusuot ng shorts. “Sigurado ka?”
“Oo naman. Ayoko namang matulog na mag-isa habang ikaw ay andiyan at may ginagawa pa. Hatiin mo ’yan, ibigay mo sa akin ang kalahati.” Lumapit siya sa asawa, kinuha ang isang monoblock at umupo sa tabi nito.
“Eto ang key to correction,” iniabot sa kanya ni Shane ang isang pirasong papel na naglalaman ng mga tamang sagot. “At eto naman ang mga tsetsekan mong papel.”
Inabot ni Marlon ang mga papel at humanda nang mag-umpisa sa pagtsetsek nang mabasa niya ang pangalan sa papel na hawak niya.
Gabriel Rivera
Si Gab!
Ang anak niya…
Saglit na tinapunan niya ng tingin ang asawa na abala pa rin sa ginagawa nito.
“Shit! Nawala sa isip ko. Tatawagan ko nga pala si Rob para makuha ko sa kanila si Gab. Anak ko ang batang iyon kaya dapat lang na ako ang magpalaki sa kanya!” bulong niya sa sarili. Mabuti na lang at abala si Shane kaya hindi nito napansin na parang bigla siyang naging aburido. Isang plano ang agad nabuo sa isip niya. Tatawagan niya si Rob bukas na bukas din!
“HELLO? ROB? Si Marlon ito.”
“Napatawag ka?” kalmadong tanong ni Rob. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama
“Akala mo siguro nakalimutan ko na ’yung pinag-usapan natin.”
“About what?” Kunwari ay wala siyang alam sa sinasabi ng kausap.
“Stop playing games, Rob. You damn well know what I’m talking about.”
“And who do you think is playing games here, ako ba? O ikaw?”
“Alam mo kung ano ang pakay ko. I want my son to be with me.”
“He is my son!” matigas na pahayag ni Rob.
“Then prove it! Anong ikinatatakot mo kung sigurado kang anak mo si Gab?” Naghahamon ang tono ni Marlon.
“Come on, Mr. Sandoval. It is not for me to prove my paternity over Gab. The burden of proof is on you. But don’t expect us to cooperate. Hindi ko alam kung anong talangka ang pumasok sa utak mo para isiping anak mo ang anak ko. No one in his right mind would do what you just did!” Nanggagalaiti na si Rob.
Noon pumasok sa kuwarto si Pau. “Tapos na akong magluto—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang makitang may kausap sa cellphone si Rob.
“You’re sick, Mr. Sandoval. No one can just come to us and claim paternity to Gab. Not even you.” Dinig na dinig ni Pau ang sinabi ni Rob. Si Marlon. Tumawag na ulit si Marlon at nag-uumpisa na naman itong manggulo.
Sumenyas si Pau kay Rob na ibigay sa kanya ang telepono. “Pakausap. Gusto kong makausap ang gagong ’yan.”
Umiling si Rob at sinenyasan si Pau na tumahimik. Maya-maya pa ay pinindot na ni Rob ang end call at ibinulsa ang telepono.
“Anong sabi?” Si Pau.
“He is asking for a DNA test.”
“Wow, ha? Sino siya para mag-demand ng ganyan?”
“Kung hindi raw tayo papayag, magsasampa siya ng petition sa korte para iutos ng korte na ipa-DNA natin si Gab.”
“Pumayag ka ba?” nag-aalalang tanong ni Pau.
“Hindi. I don’t think papayag ang korte sa ganoong klaseng petisyon. Gawin na niya ang gusto niyang gawin pero hinding-hindi niya makukuha ng basta-basta ang mga kapritso niya. Sa korte na lang tayo magkita-kita.”
Chapter 16 - Fight
NAGKAKAGULO ANG mga estudyante ni Shane. Wala pa kasi ang guro kaya may kani-kaniyang grupo sa pag-iingay ang mga bata. Si Gab ay tahimik na nakaupo lang nang biglang lumapit sa kanya ang kaklaseng si John.
“My daddy told me that if you have two daddies, either one of them is gay or both are gays,” diretsang sabi nito kay Gab na ikinagulat niya.
“My daddies are not gay!” protesta ni Gab.
“They are! And when you grow up, you will also become gay like your dads.” Hindi nilubayan ni John ang kaklase. “That’s what my daddy told me.”
“No! You are lying. Your daddy is lying!” sumisigaw na si Gab. Tumayo pa ito at hinarap ang kaklase.
Nagtinginan na sa kanila ang iba pa nilang mga kaklase.
“I’m not lying,” depensa ni John.
“Liar!” Biglang umigkas ang maliit na kanang kamao ni Gab at tumama sa kaliwang pisngi ng kaklase. Napaurong si John na muntik nang mawalan ng balanse nang dumapo ang suntok ni Gab. Nang makabuwelo ay sinugod nito si Gab at pinagsusuntok. Si Gab naman ang tipo na hindi rin basta magpapatalo. Ginantihan niya ng suntok rin ang bawat suntok ni John na dumadapo sa kanyang katawan. Nagpambuno na sa semento ang dalawang paslit samantalang nakamasid lamang ang kanilang mga kaklase.
Ito ang eksenang dinatnan ni Shane na lubhang nagulat sa nangyayari.
Agad niyang nilapitan ang dalawang nagsusuntukan at inawat. “John! Gab! Stop it!” Kasabay niyon ay sinikap niyang paghiwalayin ang dalawang estudyante. “Magsitigil kayo!” Mas malakas na ang sigaw ni Shane na ikinagulat ng lahat.
At saka lang tila natauhan sina John at Gab. Agad silang tumayo at humarap sa kanilang guro.
“He punched me on the face, Teacher Shane,” umiiyak na sumbong ni John. Namumula ang pisngi nitong tinamaan ng suntok ni Gab.
Napako ang tingin ni Shane kay Gab na matapang na nagsalita, “Because he said that my daddies are gay. That I will also become gay when I grow up.”
Nalipat ang tingin ng guro kay John. Ano ba ang nangyayari sa mga batang ito? Muli siyang nagsalita, “I don’t want this to happen again. Tomorrow, when you come to school bring along your parents with you. I want to talk to them.” Nasapo ni Shane ang tiyan niya na naramdaman niyang biglang sumakit. Kinabahan siya. Sobra ba siyang natensyon sa nangyari kaya biglang sumakit ang tiyan niya?
“Teacher, are you okay?” tanong ni Gab. Napansin niya ang paghawak ng guro sa tiyan nito.
“Yes, I’m okay.” Nagpasya siyang maupo. Kinuha niya ang isang bote ng mineral water sa bag niya at uminom.
“Bakit n’yo po hinawakan ang tiyan n’yo kanina?” Nasa mata ng paslit ang pagtataka. “Does it hurt?”
“Sumipa lang siguro ang baby ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Gab. “There’s a baby in your tummy?”
“Yes,” sagot niya kasabay ang pagtango. Nagulat pa siya nang biglang magpalakpakan ang mga bata. Ang tensyon na nabuo kanina lang ay biglang nawala. Si John ay huminto na sa pag-iyak. “Class, please take your seat. John and Gab, mag-shake hands muna kayo bago kayo umupo.”
Nagkatinginan ang dalawang bata. Nasa mukha ni John ang pag-aalinlangan. Napaurong pa nga ito nang kumilos si Gab at mag-umpisang lumapit sa kanya.
Inilahad ni Gab ang kanyang kanang kamay tanda ng pakikipagbati. Nag-aalangan pa rin si John nang abutin iyon at tuluyan na silang nag-shake hands.
“Huwag na kayong mag-aaway ulit, okay? Hindi magandang ugali ang pakikipag-away,” paalala ng guro sa mga bata.
“Opo, Teacher Shane,” sabay na sagot nina Gab at John.
Bago umuwi ang mga bata ay kinausap ni Shane ang mga yaya nina Gab at John. Sinabi niya sa mga ito ang nangyari at ibinilin na papuntahin bukas sa school ang magulang ng dalawang paslit.
“Yaya, do you think daddy Rob and daddy Pau will get mad at me because of what happened in school?” nag-aalalang tanong ni Gab. Ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang dalawang daddies.
“Hindi naman siguro,” sagot ni Imelda. “Ipinagtanggol mo lang naman sila pati na rin ang sarili mo.”
Tumango ang bata. “Yes, yaya.”
“BOSS ROB…”
“O, bakit Imelda may problema ba?” salubong na tanong niya sa yaya ni Gab. Kararating lang nila ni Pau. “Si Gab, tulog na ba?”
“Maagang nakatulog si Gab. Eh, boss may pinasasabi ’yung teacher niya.”
“Ano raw?” Si Pau ang sumagot.
“Gusto raw kayong makausap ni Teacher Shane. Kanina kasi, nakipag-away si Gab sa kaklase niya.”
Napamulagat si Pau. Hindi rin makapaniwala si Rob sa narinig. “Anong nangyari?” sabay na tanong ng dalawa.
“Tinukso kasi siya ng isang kaklase niya. Na kaya raw dalawa ang daddy niya, kasi bakla raw ang isa o kayong dalawa.”
Napanganga si Rob. Si Pau naman ay napatakip ang kanang kamay sa bibig.
“At sabi rin nung kaklase ni Gab, magiging bakla rin siya paglaki niya.”
“Sinong kaklase ’yan?” tanong ni Pau.
“Si John,” sagot ni Imelda.
“Kilala mo?” tanong ni Rob kay Pau.
Umiling ang tinanong. “Hindi.”
“Ayun nga, pinatatawag kayo ni Teacher Shane. Pati na rin ’yung parents ni John.”
“Ako na lang ang pupunta,” pagboboluntaryo ni Pau. “Lagot sa akin ang John na ’yan.”
“Papatulan mo pa ’yung bata,” kontra ni Rob.
“Eh, ’di ’yung magulang niya. Lagot sa akin ang magulang niya.”
“Sabi nga ni Gab, sumakit pa nga ang tiyan ni Teacher Shane kanina. Na-stress yata. Bawal pa naman sa kanyang ma-stress dahil buntis,” muling pahayag ng yaya.
Nagkatinginan sina Rob at Pau. At muli, sabay silang nagsalita, “Buntis si Teacher Shane?”
“Boss, bakit ba kayo laging nagdu-duet?”
“Wala,” pagbabalewala ni Pau sa tanong ni Imelda. “Matulog ka na. Hindi na kami kakain. Inaantok na rin kami.”
“Patayin mo muna ang mga ilaw dito sa ibaba bago ka matulog,” bilin ni Rob.
NAKAHIGA NA sina Rob at Pau ay si Shane pa rin ang pinag-uusapan nila.
“Buntis na si Shane. Naiisip mo ba ang naiisip ko?” tanong ni Rob habang nakatitig sa kisame.
Tumagilid sa pagkakahiga si Pau, paharap kay Rob. “Iniisip mo ba na hindi na kukunin sa atin ni Marlon si Gab dahil magkakaanak na sila ni Shane?”
“Posible,” sagot niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kisame. “Pero, iniisip ko kasi kung si Marlon talaga ang ama ni Gab puwede pa rin niyang piliting makuha sa atin ang bata. Kaya naman nilang mag-alaga ng maraming anak.”
“So, anong gagawin natin kung kukunin pa rin ni Marlon si Gab kahit na magkakaanak na silang mag-asawa?” tanong ni Pau kahit na sa isip niya’y desidido na siyang kausapin si Shane tungkol sa pagpipilit ni Marlon na alamin kung ito nga ba talaga ang tunay na ama ni Gab.
“Kikilos tayo depende sa kung anong ikikilos niya. Tatapatan natin ang bawat galaw niya. Sabi ko nga sa’yo, hindi niya makukuha si Gab sa napakadaling paraan,” paniniguro pa ni Rob.
“Okay, sabi mo eh. O, siya matulog na tayo at kailangang maganda ako bukas sa paghaharap namin ni Shane at ng magulang ng atribidang batang ’yun.” Umayos na sa pagkakahiga niya si Pau kasabay ang isang makahulugang ngiti.
Ngiti ng tagumpay.
Chapter 17 - Confrontation
MAAGANG DUMATING sa school si Pau kasama sina Imelda at Gab. Sobrang aga pa nga dahil wala pa si Teacher Shane nang dumating sila. Dinala na ni Imelda si Gab sa classroom samantalang si Pau ay dumiretso sa principal’s office.
Kumatok siya ng tatlong beses bago sinubukang buksan ang pintuan ng opisina.
Sumilip si Pau sa loob.
“Yes? Anything I can do for you?” sabi ng matandang babaeng nasa loob ng opisina.
“Hi! Good morning, madam! I’m here because of Teacher Shane. She wanted to talk to me regarding the incident that happened yesterday involving my son, Gabriel Rivera.”
“Oh, so you are Gabriel’s father. Please come in.” Malawak ang pagkakangiti ng principal.
Pumasok si Pau.
“Take a seat. Hintayin lang natin sandali si Teacher Shane. Wala pa rin yata ’yung parents ni John, so hintayin na rin natin sila. Sana okay lang sa’yo, Mr…?”
“I’m Paulo Albano.” Inilahad niya ang palad para makipagkamay sa principal. Inabot naman kaagad ’yun ng matandang babae.
“I am Mrs. Divinagracia Banaag. Are you Gabriel’s father?” nagtatakang tanong nito.
“Yes and no,” diretsahang sagot niya.
“Paanong…?” Bakas sa mukha ng principal ang pagtataka.
“Hindi ako ang totoong tatay ni Gabriel. Pero dahil ako ang nag-aalaga sa kanya mula pa lang noong sanggol siya, itinuturing ko na siyang tunay kong anak. Kulang na lang eh sa akin siya manggaling para masabing anak ko talaga siya. Pero sa ibang aspeto, hindi matatawaran ang pagiging ama ko sa kanya,” mahabang paliwanag ni Pau kahit ang totoo ay nagtatanong siya sa sarili kung bakit ba siya nag-e-explain sa principal na ito.
“Kung ganoon, nasaan ang mga magulang ni Gabriel?” Halatang walang alam sa family background ng mga estudyante ang principal. Sabagay, sa dami ng mga mag-aaral sa eskuwelahang iyon, mukhang malabo ngang isa-isahin nitong kilalanin ang bawat estudyante.
“Patay na ang ina ni Gabriel. Ang ama naman niya ay nasa trabaho kaya ako na lang ang pumunta rito.” May sasabihin pa sana siya ngunit biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang isang babaeng siguro ay nasa 28 ang edad.
“Good morning. Hinahanap ko si Teacher Shane pero wala pa siya sa classroom kaya nag-decide akong pumunta rito. Akala ko nandito na siya. Ako si Laura, ang mother ni John.”
“Tuloy ka, misis. Umupo ka muna rito. Hinihintay nga namin dito si Teacher Shane. Baka na-traffic lang. By the way, I am Mrs. Banaag, the school principal and he is Mr. Paulo Albano, Gabriel’s guardian.”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Pau. Pakiramdam niya ay na-demote siya mula sa pagiging tatay ni Gab sa pagiging guardian na lang nito ngayon.
Muling may kumatok sa pinto at nang bumukas ay iniluwal nito si Shane na tuloy-tuloy na pumasok sa opisina ng principal. “Good morning! Sorry po, na-late ako. I am not feeling well today. Ayaw na nga sana akong papasukin ng husband ko but I insisted kasi I’ll be meeting the two of you.”
“Kaya mo ba, Shane? Kasi kung hindi, I can talk to them naman. Ako na lang ang kakausap sa kanila,” sabi ni Mrs. Banaag.
“I’m okay, ma’am.”
“Sige, mag-umpisa na tayo.”
Nagsalita si Shane, “Ipinatawag ko po kayo para mapag-usapan natin ang tungkol sa nangyari kahapon kina John at Gab. Nag-away po sila at base sa nakuha kong impormasyon, nag-umpisa ang away nang tuksuhin ni John si Gab.”
“Nag-umpisa ang away dahil sinapak ni Gab ang anak kong si John,” agad na kinontra nito ang sinabi ni Shane.
“Eh, kaya nga sinapak ni Gab ang anak mo, dahil nambu-bully ito. Ano ang gusto mo, mambu-bully ang anak mo at iiyak na lang ang kung sino mang binu-bully nito? Jackpot ang anak mo, misis. Nakahanap siya ng katapat kay Gab.”
“Nandito po tayo para mag-usap hindi po para mag-away din,” paalala ni Mrs. Banaag.
“Anong panunukso ba ang ginawa ng anak ko?” tanong ni Laura.
“Sinabihan raw kasi ni John si Gab na bakla ang tatay nito.” Alanganing napatingin si Shane kay Paulo. Tila tinatantiya ng guro ang magiging reaksyon nito. “At paglaki raw ni Gab ay magiging bakla rin.”
“Eh, totoo namang bakla ang tatay ng batang ’yun, ’di ba? Nagsasabi lang ng totoo ang anak ko.”
“Aba, may pinagmanahan naman pala ng tabas ng dila ang mahadero mong anak. No wonder!” Nagpipigil na lang si Pau pero gusto na niyang hilahin ang buhok ng atribidang babae.
“Bakla naman talaga ’di ba? At ikaw rin,” tahasang sabi ng babae.
“O, anong problema mo sa bakla, ’teh? Homophobic lang ang peg? Puwes, humanap ka ng planeta kung saan walang bakla at doon ka tumira!” mataray na pahayag ni Pau. Kahit kelan ang dali niya talagang mayamot sa mga taong parang nandidiri ’pag nakakakita ng bakla. Ano
ba
ang
puwedeng
gawin
ng
mga
tinatawag
na
heterosexual
na
’
yan
ang
hindi
kayang
gawin
ng
isang
homosexual
?
“Anong problema ko? Ang problema ko, naiistorbo ako sa trabaho para pag-usapan ang walang kuwentang bagay na ’to. Napakaliit na bagay pinalalaki n’yo. Ako nga ang dapat magreklamo dahil binugbog ng Gab na ’yun ang anak ko.”
“Ah, misis hindi naman po binugbog. Pareho lang naman po silang nagkasakitan,” pagtutuwid ni Shane sa sinabi ni Laura.
“Kahit na. Dehado ang anak ko. Mas nasaktan siya.” Ayaw patalo ni Laura.
“Kaya nga pagsabihan n’yo ang anak n’yo. Huwag siyang mag-uumpisa ng gulo tapos ’pag nasaktan siya eh akala mo siya pa ang inapi. Nakakaloka ka, ’teh!” Mas palaban si Pau.
“At pagsabihan mo rin ang anak mo na huwag basta-basta nanununtok,” siniguro ni Laura na may diin ang pagkakabigkas niya sa salitang anak.
“Naku, wala po tayong pagkakasunduan nito kung pareho kayong mainit ang ulo at ayaw magpatalo,” sumingit na muli sa usapan si Shane sa pagnanais na masawata ang iringan ng dalawa.
“Andito po tayo para pag-usapan ang nangyari at para huwag nang maulit. Eh mukha pong kayong dalawa naman ang magbabangayan dito ngayon,” susog naman ng principal.
“Mawalang galang na nga po,” sabi ni Pau. “Maari bang tapusin na natin ito at mukhang wala namang patutunguhan ang usapang ito. High blood masyado ang mga tao. Basta ako, tinuturuan namin ng tamang asal si Gab. Pero huwag naman sanang aabusuhin ang kabaitan nung bata dahil paniguradong lalaban ’yun.”
“Dahil tinuturuan n’yo ring lumaban,” asik ni Laura kay Pau.
“Nag-aral ka ba, ’teh? Ang paglaban, natural instinct ’yan ng tao. Kahit nga aso kapag sinaktan mo, mangangagat ’yun para ipagtanggol ang sarili niya. Tao pa kaya? ’Yung anak mo ang turuan mong rumespeto sa ibang tao. Kalalaking tao, tsismoso.”
“Hindi tsismoso ang anak ko!”
“Eh, sino ang tsismoso ’yung asawa mo? Hindi ba’t ’yung asawa mo ang nagsabi sa anak mo na kesyo bakla ako at ang ama ni Gab? Eh, anong problema niya roon kung bakla? Naiinggit siya? Ba’t hindi rin siya magpakabakla at sumali sa federasyon para bongga, ’di ba?”
Bago pa makasagot si Laura ay umawat na si Mrs. Banaag. “Okay, tama na. Dahil alam n’yo na ang nangyari at ang naging resulta noon, kausapin n’yo na lang ang mga bata na huwag nang uulitin ang ganung pagkakagulo sa loob ng klase. Hanggat maaari, iwasan nating nagkakaroon ng mga ganitong kaguluhan sa loob ng paaralan. Mabuti na lang at hindi na natin isinama rito ang mga bata. Kung nagkataon, nakita pa nila ang pagbabangayan n’yo. Nakakahiya! Parang mga hindi tayo nakapag-aral,” sermon ng principal sa dalawa.
“Sorry, madam,” maagap na paghingi ng paumanhin ni Pau. Si Laura naman ay nagtaas lang ng kilay sabay irap.
Si Shane ay nakatingin lang pero parang wala na sa diskusyon ang pag-iisip. Ang hindi kagandahang pakiramdam niya kanina bago pumunta sa paaralan ay tila lumala pa.
Napansin ito ng principal. “Okay ka lang ba, Shane?”
Hindi na nakasagot ang guro dahil bigla na lang itong natumba at nawalan ng malay!
Chapter 18 - DSWD
MABUTI NA lang at mabilis na naalalayan ni Pau si Shane kaya hindi naman naging delikado ang pagbagsak nito.
“Ang init niya,” nag-aalalang sabi ni Pau. Ramdam niya ang hindi normal na temperatura ng guro. “Ang taas ng lagnat niya.” Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa walang malay na guro.
“Dalhin natin siya sa clinic.”
Walang inaksayang oras si Pau. Agad nitong binuhat si Shane at inilabas ng opisina ng principal.
“Dito, sumunod ka sa akin,” pagbibigay direksyon ng principal. “Diyos ko, anong nangyari sa’yo, Shane?”
Nang makarating sa school clinic ay agad itong inasikaso ng school nurse. Pinaamoy nito si Shane ng ammonia kaya naman ilang saglit lang ay bumalik na ang malay nito.
“I’m so sorry,” paghingi nito ng paumanhin. “Naputol ang meeting dahil sa akin.”
“No, you have nothing to be sorry about. Magpahinga ka na muna rito. Tinawagan na ng nurse si Dr. Martin para pumunta rito at tingnan ka. Para maresetahan ka na rin. You’re pregnant kaya dapat maingat sa nireresetang gamot sa’yo,” paalala ng principal.
“Uuwi na rin muna ako. Kung may pag-uusapan pa tayo sa ibang araw, ipatawag n’yo na lang po ulit ako or si Rob,” sabi ni Pau sa principal.
“Okay, maraming salamat sa pagpunta n’yo rito, Mr. Albano at sa pagbuhat mo kay Shane papunta rito sa clinic,” nakangiting nitong sagot. “Pasensya na kung medyo nagkaroon ng aberya.”
“Wala pong problema. Basta anytime na ipatawag n’yo kami, asahan n’yong darating ako o si Rob.” Pagkasabi noon ay lumabas na siya ng clinic. Ang nanay ni John ay hindi na niya nakita. Siguro’y umuwi na nang magkagulo kanina sa principal’s office nang mawalan ng malay si Shane. Hindi na dumaan si Pau sa classroom ni Gab. Hindi na niya rin pinuntahan si Imelda sa waiting area ng mga yaya. Kailangan na niyang magmadali para makapasok pa rin sa trabaho kahit half day man lang.
Pagdating ni Pau sa opisina ay tinawagan niya si Rob.
“Anong nangyari?” tanong ni Rob nang sagutin ang tawag ni Pau.
“Ayun, wala rin namang napagkasunduan. Nawalan kasi ng malay si teacher Shane. Ang taas ng lagnat. Kawawa nga eh, buntis pa naman.” Totoo sa loob niya ang awang nadarama para sa guro ni Gab. “Ang putla niya kanina, parang wala na siyang dugo. Ako pa nga ang nagbuhat para dalhin siya sa clinic.”
“Kinaya mo?”
“Oo naman. Bakla lang ako, hindi inutil. Kahit sa’yo mangyari ’yon, baka makaya rin kitang buhatin,” giit niya kay Rob.
Narinig ni Pau ang mahinang paghalakhak ni Rob sa kabilang linya.
“Anong nakakatawa?” tanong niya.
“Wala. Natutuwa lang ako sa’yo. Kasi, alam kong kahit ano pa ang mangyayari, hindi mo ako pababayaan.”
“Naman! Korek na korek! Isang malaking tsek ng pink na ballpen.”
“Nagkausap nga pala kami kanina ni Atty. Jean Cervando. Siya ’yung humahawak ng adoption case ni Gab,” pagbabalita ni Rob. “May pupuntang DSWD sa bahay. Magche-check sila kung may kapasidad akong ampunin si Gab.”
“So, ’pag wala kang kapasidad mag-ampon anong gagawin nila? Kukunin nila si Gab? At kanino naman nila ibibigay ’yung bata? Ipapaampon din? Nakakaloka sila. Andami nilang proseso na wala namang katuturan.” Kahit kailan ay napakadali talagang uminit ng ulo ni Pau basta tungkol sa posibleng pagkawala ni Gab sa poder nila ang usapan.
“Hindi naman siguro aabot sa ganoon. Mula sanggol pa si Gab, tayo na ang nag-aalaga sa kanya. Gusto lang nating mas mapabuti ang bata kaya natin aampunin,” argumento pa ni Rob.
“Parang mas mabuti yata na wala ako sa bahay kapag dumating ang mga taga-DSWD. Baka dahil din sa akin, hindi ka pa maging eligible para mag-ampon.”
“Bakit naman?”
“Kasi, magka-live in tayo. Baka isipin nila, anong kaimoralan ang matututunan ni Gab sa atin kung tayo ang kasama niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos.”
“Hindi naman siguro.”
“Alam mo naman ang ibang mga tao kung mag-iisip, lahat sila nagbabanal-banalan. Mga walang bahid dungis,” litanya pa ni Pau.
“Makikita naman siguro ng mga taga-DSWD na napalaki natin nang maayos ang bata. Naalagaan natin, napakain nang tama, nabibigyan ng magandang edukasyon. Wala namang kinikilalang kasarian ang pagiging magulang, basta may kakayahan kang magmahal.” Parang hinaplos ang puso ni Pau sa sinabing iyon ni Rob. Kahit kailan ay hindi siya nagduda sa kakayahan nito na maging isang mabuting ama.
“Kelan daw pupunta ’yung mga taga-DSWD?”
“Anytime this week. Hindi nga lang alam kung anong araw,” sagot ni Rob. “Hindi naman kailangang nasa bahay tayo pagdating nila, pero mas maganda kung naroon tayo para may sasagot sakaling may itanong sila.”
“Ibig mong sabihin a-absent na naman ako para abangan ang pagdating nila?”
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Rob. “Natural!”
“Bakit ako? Ikaw ang dapat nasa bahay dahil ikaw naman ang nag-file ng petition for adoption. Kung meron silang gustong kausapin, ikaw ’yon.”
“Ikaw na lang. Please…” Kapag ganitong nagmamakaawa na si Rob ay parang yelong natutunaw na si Pau.
“May magagawa pa ba ako?”
“Wala… Sana lang maging maayos na ang lahat pagkatapos ng DSWD house visit na ’yan.” Puno ng pag-asa ang tinig ni Rob at ramdam ito ni Pau.
“Sana…”
HINDI INAASAHAN nina Rob at Pau na ang pinag-uusapan nilang DSWD kahapon ay maagang darating kinabukasan. Nagbibihis ang dalawa para pumasok sa trabaho nang tumunog ang doorbell. Kaaalis lang nina Gab at Imelda kaya si Pau ang nagmamadaling bumaba para tingnan kung sino ang dumating.
“Good morning po,” nakangiti ang babaeng bumati kay Pau pagkabukas niya ng pinto. “Ako po si Mayla, taga-DSWD kami nitong kasama ko, si Leni.”
Nakita ni Pau na ngumiti rin ang babaeng Leni ang pangalan. “Good morning din po sa inyo. Ano pong maipaglilingkod ko?” tanong niya bagama’t may ideya na siya kung bakit naroon ang mga taga-DSWD.
“Nandito po kami para sa house visit kay Mr. Robert Fernandez, kaugnay po sa petisyon niya para mag-adopt ng bata.”
“Tuloy po kayo. Mabuti po at naabutan n’yo kami. Papaalis na po sana kami papuntang trabaho.” May diin ang pagkakasabi ni Pau ng salitang trabaho para i-emphasize na may kakayahan silang buhayin nang maayos ang isang bata.
“Pasensya na po kung naabala namin kayo. Huwag po kayong mag-alala, sandali lang naman ito,” sabi ni Mayla habang naglalakad papasok sa bahay nina Pau at Rob.
“Okay lang po ’yun. Actually, na-inform naman po kami na may pupunta nga pong taga-DSWD dito any time within this week.” Pagkapasok sa loob ng bahay ay pinaupo niya ang mga bisita. “Feel at home po. Teka lang at maghahanda ako ng maiinom.” Lumakad na siya papuntang kusina.
Eksatong papababa naman si Rob at nagulat pa ito sa mga bisita. “Magandang umaga po sa inyo.”
Ngumiti si Mayla. “Magandang umaga rin, sir. Taga-DSWD po kami.”
“Ah, ako po si Robert Fernandez.” Inabot niya ang kanang kamay kay Mayla, pagkatapos ay kay Leni naman. “Nice meeting you. May mga tanong po ba kayo na kailangan kong sagutin?”
“Opo, sir. Mga basic questions lang. Ilang taon na po kayo at ano po ang pinagkakaabalahan n’yo?”
“I’m 28 years old at nagtatrabaho bilang Court Interpreter III sa Pasig RTC. Law student din ako at nasa third year na,” matapat na sagot ni Rob.
“Kanino po itong bahay?” tanong muli ni Mayla.
“Sa akin nakapangalan ito. Hindi pa fully paid pero wala namang problema dahil nababayaran ko naman ang monthly amortization on time. Pati ’yung kotse sa labas, akin din.”
“Si Gabriel Rivera po, gaano katagal na siya sa inyo?”
“Mula noong sanggol pa siya, kami na ang nag-aalaga sa kanya. Tapos nang mamatay ang mother niya, nagbilin ito na ako ang mag-alaga sa anak niya. Gumawa siya ng sulat stating her intention to give the child’s custody to me.”
“May kopya pa ba kayo ng sulat na iyon?”
“Yeah, oo meron. I can give you a copy maybe tomorrow, idadaan ko na lang sa office n’yo. Hindi ko pa kasi napa-photocopy.”
“Inom muna kayo ng juice, mga madam. Nag-prepare rin ako ng sandwich.” Bumalik na si Pau mula sa kusina at ipinatong ang dalang pagkain sa center table.
Kumuha ng juice ang dalawang babae at uminom. Tapos ay muling nagtanong si Mayla, “Hindi po ba kayo nahihirapang alagaan ang bata?”
Si Pau ang naunang sumagot, “Hindi naman. Napakabait na bata ni Gab. Kahit noong baby pa siya, never kaming nagkaroon ng problema sa kanya.” Wala sa isip niyang ikuwento ang pagkakakidnap kay Gab noong sanggol pa ito. Baka maging dahilan pa iyon para hindi ma-approve ang petisyon para ampunin ni Rob si Gab.
“Magkaano-ano po kayong dalawa?”
Nagkatinginan sina Pau at Rob. Eto na! Eto na ang pamatay na tanong.
“We’re partners,” diretsang sagot ni Rob. Wala siyang balak itago sa mga bisita ang relasyon nila ni Pau.
Nakita nilang nagkatinginan din sina Mayla at Leni. Patay na. Mukhang tapos na ang pangarap nilang gawing legal ang pag-ampon kay Gab!
Chapter 19 - Opposition
“HINDI PO ba naguguluhan ang bata sa set-up n’yo rito?” tanong ni Mayla. Alam nina Rob at Pau ang ibig sabihin ng tanong nito pero mas pinili ni Rob na magtanong din.
“Ano po ang ibig n’yong sabihin?”
“Kasi, Mr. Fernandez aware naman kayo na kakaiba ang sitwasyon n’yo rito sa bahay. Bale dalawa kayong tumatayong tatay sa bata. Baka naman nako-confuse na ang bata kung bakit dalawa ang tatay niya pero wala kahit isang nanay,” paliwanag ni Mayla.
“At saka po baka dumating sa punto na maguluhan din ang isipan ng bata at akalain niyang normal lang na magsama bilang mag-asawa ang parehong lalaki,” sundot naman ni Leni.
Kalmadong sumagot si Rob. “Aware po si Gabriel na patay na ang mommy niya kaya imposibleng ma-confuse siya na katulad ng iniisip n’yo. Maliban doon, matalino siyang bata at pinag-aaral namin siya sa magandang eskuwelahan kaya siguradong matututunan niya kung ano ang tama. Sagana si Gabriel sa pagmamahal dito sa aming bahay. Kailanman ay hindi namin siya tinuruan ng mga kamalian.”
“Hindi ganoon kadali magpalaki ng isang bata lalo na kung walang ina,” nasabi ni Mayla.
“Hindi kailanman dapat maging basehan ang kasarian para maging isang mabuting magulang. Ang pagiging magulang ay wala sa kung babae ka ba o lalaki o bakla. Kundi narito sa kakayahan ng puso na magbigay ng isang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit,” nangilid ang luha ni Pau habang nagsasalita. Bakit ba pakiramdam niya ay mawawala na sa kanila si Gab?
“Nasaan po ang ama ni Gabriel?” naitanong ni Leni.
Natigilan si Pau. Sasabihin ba nilang si Marlon ang ama ni Gab?
Si Rob ay nanatiling kalmado lang. “Hindi nakilala ng ina ni Gabriel ang nakabuntis sa kanya. Maliban sa first name, wala na siyang alam tungkol sa lalaking iyon. Pero kahit alam niya ang first name ng ama ng bata, wala siyang pinagsabihan kahit sino. Kaya noong nagkasakit siya, sa akin niya iniwan ang pangangalaga sa bata. Dati kong katrabaho at kaibigan ang ina ni Gabriel.”
“Lumalabas na hindi namin alam kung sino ang ama ng bata. Dahil mula umpisa naman ay hindi ito nagparamdam,” dugtong naman ni Pau.
“Gusto naming mas mapabuti si Gabriel kaya gusto ko siyang ampunin. Para lahat ng karapatan bilang anak ko ay makuha niya. Kasama na siyempre ang paggamit ng apelyido ko,” matapat na sabi ni Rob. Kailan man ay hindi siya nag-alinlangan sa pagmamahal niya sa paslit na inalagaan na niya mula noong sanggol pa lang ito.
“Mr. Fernandez, kakailanganin namin ang kopya ng sinasabi mong sulat ng ina ni Gabriel na nagsasabing sa’yo niya iniiwan ang pangangalaga sa anak niya,” seryosong sabi ni Mayla. Hindi mo mawari kung ano ang nasa isip nito.
“Dadalhin ko bukas sa opisina n’yo.”
Iniabot ni Mayla ang isang tarheta. “Narito ang address ng aming opisina.”
“Salamat…”
“Hindi na kami magtatagal. Maraming salamat sa pagpapatuloy n’yo sa amin dito.” Bago umalis ay kinamayan ng dalawang babae sina Rob at Pau.
“Late na tayo sa trabaho,” sabi ni Pau.
“Hindi bale. At least nakausap tayo nang personal ng mga taga-DSWD,” positibong sagot ni Rob. “Halika ka na.”
Sabay na silang sumakay sa kotse ni Rob.
“Rob, tingin mo ba papabor sa’yo ’yung report ng DSWD?”
“I’m hoping… Sana.” Hindi na nilingon ni Rob si Pau. Tuloy lang siya sa pagmamaneho.
“Paano kung hindi?”
“Shh… Huwag mong isipin ’yan. Wala tayong gusto kundi mabuting buhay para kay Gab. Siguro naman makikita ng DSWD ’yun.”
“Sana nga…” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Pau.
“GOOD MORNING, Mr. Sandoval!” bati ng lalaking sumungaw sa pintuan ng opisina ni Marlon.
“Jude! Come in. Maupo ka,” bakas sa mukha ni Marlon ang excitement. “Anong balita?” Si Jude ang private investigator na inutusan niyang manguha ng impormasyon tungkol kay Gab. Desidido siyang gawin ang lahat para mapatunayang siya ang totoong ama nito.
Umupo si Jude sa silyang nasa harapan ng mesa ni Marlon. “I don’t know if this is good news or bad news for you.”
Napakunot-noo siya. “Bakit?”
“May naka-pending na petition for adoption para kay Gabriel. Si Robert Fernandez ang nag-file. Wala pa namang desisyon ang korte pero dapat na kumilos ka kaagad para pigilan ito,” pagbibigay impormasyon ni Jude.
“Other information, meron?”
“Ang mother ni Gabriel Rivera ay si Shiela Rivera na namatay due to cancer few months after giving birth to Gabriel. Lumaki si Shiela sa Malabon sa pangangalaga ng tiyahin niyang si Erminda Rivera, isang matandang dalaga na kapatid ng namatay na ama ni Shiela. Walang naging boyfriend si Shiela dalawang taon bago ito nanganak.” Isang brown envelope ang iniabot ni Jude kay Marlon. “Nandiyan sa loob ang kopya ng birth certificate ni Shiela at Gabriel pati na rin baptismal certificate ng bata. Nariyan rin ang kopya ng petition for adoption. Kung mayroon ka pang gustong malaman sabihan mo lang ako.”
Binuksan ni Marlon ang envelope at isa-isang tiningnan ang mga dokumento. Pagkuwa’y tumango-tango ito. “Sige, okay na muna ang mga ito. Tatawagan na lang kita ulit. Ipadala mo na lang dito ang billing para sa serbisyo n’yo.” Tumayo siya at inilahad ang kamay sa kausap na agad naman nitong inabot. “Maraming salamat, Jude.”
“Walang anuman, Mr. Sandoval. Maraming salamat din.”
Aligaga siya pagkaalis ng imbestigador. Kailangan na niyang kumilos kaagad. Kung hindi, maaaring hindi na niya makuha kahit kailanman ang kanyang anak. Lahat ng circumstantial evidence ay nagtuturo na siya ang ama ni Gab. Kaya dapat lang na pigilan niya ang isinampang petisyon ni Rob. Hindi puwedeng ampunin ni Rob ang kanyang anak!
Dinukot niya ang celfone sa bulsa ng pantalon at tinawagan si Atty. Eric Alcazar, ang kaibigan niyang abogado. “Pare, kailangan ko ang tulong mo.”
“Anong problema, pare?” tanong ng abogado.
“Kailangan kong pigilan ang isang petition for adoption.”
“Ah, petition to oppose adoption. Kaninong anak?”
“Mahabang istorya, pare. Busy ka ba ngayon? Puwede ba tayong magkita ngayon na? Mas maganda yatang mag-usap tayo ng personal para maikuwento ko sa’yo ang buong detalye.” Bakas ang pagkabalisa sa boses niya. Bakit hindi? Anak niya ang nanganganib na mawala sa kanya nang tuluyan.
“Sige, pare. Puwede ka bang pumunta dito sa opisina ngayon? Hihintayin kita.”
“Okay, pupunta na ako.”
KAUSAP NI Rob sa telepono ang kanyang abogado.
“Atty., nagpunta na sa bahay kaninang umaga ang mga taga-DSWD. Nagtanong ng mga ilang impormasyon at sinagot ko naman base sa alam kong katotohanan.”
“That’s good. Let’s hope that they will decide and make the report in your favor. Most of the time, sa report ng DSWD nagbabase ang korte kung iga-grant ba nila ang petition for adoption. Hopefully, pumabor sa’yo ang desisyon.”
“Sana nga, Atty.”
“Tatawagan kita once na makuha ko ang schedule ng initial hearing. As soon as makapag-submit ng report ang DSWD, the court will immediately schedule the initial hearing.”
“Okay. Maraming salamat, Atty.”
Nagpaalam na ang abogado at bumalik na sa trabaho si Rob. Pinilit niyang maging abala upang kahit sandali ay makalimutan ang tensyong nararamdaman kaugnay sa petisyon niyang ampunin si Gab.
Chapter 20 - Truth
“GAB, KUMUSTA ang teacher mo?” naitanong ni Pau sa paslit habang pinatutulog niya ito.
“Absent po si teacher. May nag-substitute lang po sa kanya. Baka raw po matagal pa siyang papasok kasi iniingatan ’yung baby,” inosenteng sagot ng bata.
Nakaramdam ng awa si Pau kay Shane. Delikado pala ang ipinagbubuntis nito. Kailangang ingatang mabuti para masigurong mailalabas ang bata nang ligtas pagkatapos ng siyam na buwan.
“Oh, sige na matulog ka na. May pasok ka pa bukas.”
“Opo, Daddy Pau.”
“Kiss na ako…” Hinalikan niya sa pisngi ang bata. “Close your eyes.” Nakita niyang pumikit ito at tila mahimbing nang natutulog.
Ilang sandali pa niya itong binantayan at nang siguradong tulog na nga ito ay saka siya lumabas ng silid nito. Nakasalubong niya si Imelda na papunta sana sa kuwarto ni Gab.
“Tulog na siya. Magpahinga ka na rin.” Nginitian ni Pau ang yaya.
“Sige, boss. Matutulog na rin ako. Salamat.” Sinundan pa ng tingin ni Pau si Imelda hanggang makapasok ito sa kuwarto.
Pagpasok niya sa silid nila ni Rob ay nakita niyang tulog na rin ito. Sobrang busy itong nagdaang araw. Lahat ay pagod at kailangan nang magpahinga.
SI SHANE ay nasa bahay pa rin dahil sa payo ng doktor na mag-bed rest ito. Pansamantalang hiniram ni Marlon ang kasambahay ng kanyang mga magulang para may magbantay kay Shane habang nasa trabaho siya.
Maagang gumising si Marlon ngayong araw. Makikipagkita siya kay Atty. Alcazar para mai-file ang petition to oppose adoption at mapigilan ang ongoing adoption process ni Rob para kay Gab. Hindi na inabalang gisingin ni Marlon si Shane. Siya na lang ang naghanda ng almusal nila at nang matapos ay agad na rin siyang naligo.
Paglabas niya ng banyo ay gising na si Shane.
“Bakit ang aga mo?” tanong nito.
“Ha? May early meeting kasi ako,” palusot ni Marlon sa asawa. At saka ’di ba ganito naman usually ako umaalis?“
“Kumain ka na ba?”
“Oo, nag-prepare ako ng breakfast. Gusto mo na bang kumain? Gigisingin ko na si Karing bago ako umalis.” Si Karing ang kasambahay na hiniram niya sa kanyang magulang.
“Mamaya na lang. Don’t worry, kaya ko naman.” Tumayo si Shane at tinulungang ayusin ang suot na long sleeves ng asawa.
“Ingat ka rito, ha? Huwag mong pababayaan si baby,” bilin ni Marlon sa asawa. “Tawagan mo ako kaagad kung may problema.”
“Oo.”
“Humalik si Marlon sa asawa. “I love you.”
“I love you too.”
Sumabay na si Shane sa paglabas ni Marlon at inihatid niya ito hanggang garahe. Kumaway pa siya nang umandar na papalayo ang kotse ng kanyang asawa.
Mabilis na narating ni Marlon ang RTC kung saan siya magfa-file ng petisyon. Wala pa si Atty. Alcazar, though nag-text na itong nasa byahe na. Minabuti ni Marlon na pumunta muna sa canteen at magkape habang hinihintay niya ang kaibigang abogado. Nang magkita sila nito kahapon, nakita niya ang gulat sa mukha nito matapos niyang ikuwento nang buo ang tungkol kay Gab. Hindi makapaniwala ang abogado na may itinatago rin pala siyang kalokohan sa katawan. Pero naging supportive naman sa kanya ang kaibigan at sinabing gagawin nila ang lahat para mapasakanya ang bata. Isa na lang ang pinoproblema niya. Isang napakalaking problema. Si Shane!
Paano na lang kung malaman ni Shane ang tungkol dito? Buntis pa naman ang asawa niya at delikado ang ipinagbubuntis nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa baby nila oras na malaman ni Shane ang totoo tungkol kay Gab.
Alam naman ni Marlon na kasalanan pa rin kay Shane ang ginawa niya. Kahit na ba hindi pa sila kasal noong mangyari ang one night stand nila ni Shiela, mali pa rin. Isang linggo na lang bago sila ikasal ni Shane at saka pa siya nakipagtalik sa ibang babae. Ano ’yon, nagpapalam lang siya sa pagiging binata?
Huminga nang malalim si Marlon bago muling humigop ng kape.
BUSY SA paghahanda ng hapunan ni Shane katulong ang kasambahay na Karing. Naisipan niyang bigyan ng sorpresa ang asawa. Pakiramdam niya ay napapabayaan na niya ito dahil sa kasalukuyang kalagayan niya. Kaya noong hapong iyon ay nagpasya siyang maghanda ng mga paboritong pagkain ni Marlon. Selebrasyon na rin sa pagdating ng baby nila. Ang tagal nilang hinintay na magkaanak. Ilang buwan na lang ang hihintayin niya bago lumabas ang sanggol na kukumpleto sa kanilang pamilya. Ang sanggol na mas magbibigkis sa pagsasama nila ni Marlon.
Mag-a-alas siyete ng gabi nang dumating si Marlon. Nagtaka pa ito kung bakit walang ilaw sa kanilang bahay. Wala bang tao sa loob? Bakit madilim?
Diretsong pumasok si Marlon bitbit ang kanyang attache case at laking gulat pa niya nang pagkapasok niya ay biglang sumindi ang ilaw at nalantad sa kanyang harapan si Shane na ang ganda-ganda sa suot nitong maternity dress. Hindi pa naman halata ang tiyan nito pero sinubukan na nitong magsuot ng damit pambuntis.
Magkahalo ang saya at pagkamangha sa mukha ni Marlon. “Anong meron?” Nilapitan niya ang asawa at hinalikan.
“Naghanda ako ng espesyal na dinner para sa’yo. Hindi kasi tayo makalalabas dahil sa kondisyon ko kaya dito na lang tayo mag-celebrate sa bahay. Para sa pagdating ng baby sa buhay natin. At para sa pagkakaroon ko ng isang mapagmahal at mabuting asawa,” ramdam na ramdam ang sinseridad sa tinig ni Shane. Medyo naluluha pa nga ito habang nagsasalita. Ganoon yata talaga kapag buntis, nagiging emosyonal.
Niyakap ni Marlon si Shane. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.
Maya-maya ay kumawala siya sa pagkakayakap sa asawa. “Teka, magbibihis lang muna ako sandali.”
“Huwag na,” pigil sa kanya ni Shane. “Okay na ’yang suot mo.” Kinuha niya ang attache case ni Marlon at iniabot sa kasambahay. “Karing, pakidala naman ito sa kuwarto namin.”
“Opo, ma’am.” Kinuha nito ang portfolio ni Marlon at umakyat para dalhin sa kuwarto. Naiwan sa salas ang mag-asawa.
Hinawakan ni Shane sa kamay si Marlon at hinila ito papuntang kusina. “Halika, kakain na tayo.”
Napapangiti namang sumunod lang si Marlon. Na-touch siya nang sobra sa gesture na ito ni Shane. Lalo tuloy siyang nagi-guilty. Kanina lang ay nag-file siya ng petisyon para pigilan si Rob na ampunin si Gab, pero kahit minsan ay hindi man lang niya nababanggit kay Shane ang tungkol dito. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Shane.
Paano nga ba?
Umupo silang mag-asawa nang magkatapat sa mesang may tatlong masasarap na putahe at wine para kay Marlon. Itsura pa lang ng mga pagkain ay natatakam na si Marlon. Alam niya kung gaano kasarap magluto si Shane.
Nilagyan ni Shane ng pagkain ang plato ni Marlon. Pagkatapos ay naglagay din siya sa plato niya. “Kain na tayo…” Hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya.
“Sige,” pagsang-ayon ni Marlon kasabay ang marahang pagtango.
Pinagsaluhan nilang dalawa ang mga pagkaing inihanda ni Shane. Busog na busog si Marlon pagkatapos. “Ang sarap mo talagang magluto, grabe!” Hindi niya napigilang purihin ang inihandang pagkain ng asawa.
“My way of saying thank you for being the good husband that you are… and for our coming baby.”
Hindi alam ni Marlon kung paano sasagutin ang sinabi ni Shane. He is never the good husband na katulad ng inaakala ng asawa niya. Sobrang guilt na ang nararamdaman niya. Hindi deserve ni Shane ang paglihiman.
“How much do you love me?” Hindi alam ni Marlon kung bakit iyon lumabas sa bibig niya. Dala ba ng guilt na nadarama niya ngayon? Gusto niya ng assurance mula kay Shane?
“I love you this much!” Idinipa ni Shane ang dalawang kamay. “At sobra pa. I will continue loving you until my last breath.”
“Ganoon din naman ako sa’yo. Please don’t forget that I love you each day of my life. At sana, hindi magbago ang pagmamahal mo sa akin ano man ang mangyari. Dahil ako, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa’yo.” Parang sasabog na ang puso niya sa halo-halong emosyong nararamdaman.
“Akyat na tayo, hon. Para makapagpahinga ka na,” maya-maya ay sabi ni Shane. Tinawag nito ang kasambahay, “Karing, pakiligpit naman ito at kumain ka na rin.”
Tumayo na ang mag-asawa at magkahawak-kamay na pumunta sa kanilang silid sa ikalawang palapag ng bahay. Agad na naghubad ng damit si Marlon at pumasok sa banyo upang mag-shower. Si Shane naman ay dinampot ang attache case ni Marlon na ipinatong lang ni Karing sa kama. Napansin ni Shane ang piraso ng papel na nakaipit sa attache case. Hindi naisilid nang mayos kaya naipit sa gilid.
Binuksan ni Shane ang attache case para ayusin ang naipit na papel. Akala niya ay kontrata ito dahil madalas namang mga bagong kontrata ang laman ng portfolio ni Marlon ngunit agad tinamaan ng mata niya ang nakasulat sa unang pahina: PETITION TO OPPOSE ADOPTION. Dala ng kuryosidad ay binasa ni Shane ang dokumento at tila naguluhan siya nang makitang si Marlon ang nag-file ng petisyon. Ngunit mas nagpagulo sa isip niya nang mabasang si Gabriel Rivera na estudyante niya ang batang paksa ng adoption. Bakit pipigilan ng asawa niya ang pag-ampon ni Rob kay Gab?
Lumabas ng banyo si Marlon na nakatapis lang ng tuwalya at tila natuka ito ng ahas ng makitang bukas ang attache case niya at hawak ni Shane ang dokumentong galing sa RTC kanina pagkatapos niyang mag-file ng petisyon sa korte.
“Bakit ka nag-file ng ganitong petisyon?” naguguluhang tanong ni Shane.
Hindi makasagot si Marlon. Dumating na ang kinatatakutan niya. Ang bilis ng karma. Kanina lang ay masaya silang dalawa.
“Anong kaugnayan mo kay Rob na tumatayong ama ni Gab?” muling nagtanong si Shane.
“W-wala…” sagot niya sa mahinang boses.
“Eh, bakit may ganito?” Itinaas pa ni Shane ang kopya ng petisyon.
“Kay Rob, wala. Pero kay Gab… meron.” Napayuko si Marlon. Halos hindi na marinig ang boses niya sa sobrang hina ng pagkakasabi pero tila bomba itong sumabog sa pandinig ni Shane.
“Anak mo si Gab?” Gusto niyang marinig mismo sa asawa ang kumpirmasyon.
Marahang tumango ang lalaki.
“Anong—? Bakit—? Paano?” Hindi alam ni Shane kung ano ang tamang itanong para masagot ang lahat ng gumugulo sa kanyang isip.
“Hon, matagal na ’yun.”
“Kelan ’yung matagal? Ibig sabihin matagal mo na rin akong niloloko?”
“Hindi! Hindi ganoon, hon. Magpapaliwanag ako… Pakiusap pakinggan mo ang paliwanag ko.” Lumapit siya kay Shane para sana yakapin ito pero sinalubong siya nito ng isang malakas na sampal.
“All our married life, itinago mo sa akin ito? And I thought you are a good husband? Ang sama mo!” histerikal na si Shane at ngayon ay nanginginig na sa pag-iyak.
“Hon, huwag kang ganyan. Makakasama sa baby. Please, kontrolin mo ang sarili mo. Magalit ka sa akin, okay lang pero kontrolin mo ang sarili mo dahil baka madamay ang baby natin.
“Napakasama mo! I trusted you. I never thought na magagawa mo sa akin ito,” walang tigil sa pag-iyak ang babae.
Hindi alam ni Marlon kung paano pakakalmahin si Shane. Natatakot na siya sa puwedeng kahantungan nito kung hindi mapipigilan ang sobrang galit at depresyon ng asawa niya.
Chapter 21 - Subpoena
PATULOY LANG sa pag-iyak si Shane. Nagsisikip ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob at depresyon. Hindi niya matanggap na ang lalaking pinakasalan niya ay isa palang manloloko. Almost five years na siya nitong niloloko at wala man lang siyang kaalam-alam.
“I’m sorry…” Hindi malaman ni Marlon kung paano pakakalmahin ang asawa. Inaalala niya hindi lang ito kundi pati ang sanggol na dinadala nito.
“Get lost! I want you out of this room! Out!” Histerikal pa rin si Shane.
“Please kumalma ka, hon. Lalabas ako kung iyon ang gusto mo. Basta kumalma ka lang. Isipin mo ang baby natin. Baka mapaano ang baby natin.” Mabilis siyang kumuha ng shirt at shorts sa closet at nagbihis.
“I want you out…” Nanginginig pa rin si Shane habang umiiyak.
“Oo, huwag ka nang umiyak. Lalabas na ako…” Paurong na naglakad siya papunta sa pinto at lumabas ng silid. Pagkasara ng pinto ay bahagyang idinikit niya rito ang kanyang tenga. Pinakikiramdaman niya ang asawang nasa loob.
Wala namang siyang marinig na ano mang ingay mula sa loob ng kuwarto. Huminto na ba sa pag-iyak si Shane? Sana…
Naapaka-wrong timing naman ng nangyaring ito. Katatapos lang nilang mag-celebrate ni Shane, ganito lang pala ang kasunod na mangyayari.
Ang tanga ko kasi. Sana hindi ko na lang dinala rito sa bahay ang dokumentong iyon. Kung tutuusin nga, isang dokumento lang ang nakita ni Shane. Hindi nito nakita ang isa pa na naroon din sa attache case.
Tahimik na bumaba at nagtungo sa salas si Marlon. Sa sofa siya matutulog ngayong gabi, o baka sa mga susunod pang mga gabi. Sana naman ay humupa kaagad ang galit ni Shane. Mahal na mahal niya ito. Kahit minsan, hindi niya inisip na aabot sila sa ganito.
Humiga si Marlon sa sofa. He felt very sorry for what happened. Kasalanan naman niya talaga. Sana sinabi na niya ito kay Shane noon pa. Sana napag-usapan na nila ito dati pa. Hindi sana umabot sa ganito. Natiyempo pang buntis si Shane at maselan ang kalagayan nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may mangyaring masama kay Shane at sa baby nila.
“Sir…”
Nagulat pa si Marlon nang biglang magsalita si Karing. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. “Bakit?”
“Ako na lang po ang matutulog dito sa salas. Doon na po kayo sa kuwarto kung saan ako natutulog. Para makapagpahinga po kayo nang maayos. Kasi may trabaho pa kayo bukas,” sabi nito.
Mapait na ngumiti si Marlon. “Hindi na. Okay lang ako rito.”
“Ah, sige po. Ikukuha ko na lang po kayo ng unan at kumot para may magamit kayo.”
“Salamat, Karing.”
“Wala pong anuman.” Lumakad na ang babae at nang bumalik ay dala na ito ang kumot at unan para kay Marlon.
Ngunit tila hindi sapat ang kumot at unan na bigay ni Karing para mawala ang lungkot at pag-aalala niya. Hindi pa rin nakatulog si Marlon dahil hindi mawaglit sa isip niya ang kasalukuyan niyang sitwasyon.
Nang sumapit ang ikaanim ng umaga ay bumangon na si Marlon at naghanda ng almusal. Nagluto siya ng egg omelette at hotdog at saka niya sinangag ang natirang kanin kagabi.
Nang matapos magluto ay dahan-dahan siyang pumasok sa silid nilang mag-asawa. Hindi naman naka-lock ang pinto. Pero kung nagkataong ni-lock iyon ni Shane, may duplicate key naman siya na puwedeng gamitin.
Payapang natutulog si Shane at hindi man lang nito namalayan ang pagpasok ni Marlon. Tahimik na pinagmasdan ni Marlon ang asawa. Gusto niya sana itong halikan at yakapin ngunit natakot siya na muli itong maghisterya sakaling magising. Nakuntento na lang siyang pagmasdan ang magandang mukha ng kanyang asawa.
Maya-maya pa ay pumasok na siya sa banyo at naligo. Maingat pa rin ang kilos niya habang nagbibihis. Bago siya lumabas ng silid ay muli niyang pinagmasdang mabuti ang asawang natutulog. Hindi niya napigilan ang sarili. Lumapit siya rito at ginawaran ito ng isang halik sa noo. Nakumpirma niya sa sariling mahal na mahal niya si Shane at ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ipinangako niya sa sariling gagawin ang lahat para bumalik ang dati nilang samahan.
Katatapos lang mag-lunch ni Rob nang makatanggap ito ng tawag sa telepono.
“Rob, sa lunes na ang hearing para sa petisyong isinampa mo sa korte. Malaki ang pag-asang pumabor sa atin ang desisyon ng korte,” pagbabalita ni Atty. Jean Cervando.
“Mabuti naman kung ganoon, Atty. Iyon lang naman ang gusto ko, ang maging legal ko nang ampon si Gab para mas mapabuti ang sitwasyon niya sa amin,” matapat niyang sabi. “Maraming salamat, Atty.”
“Okay, sige babalitaan na lang kita ulit. Basta huwag mong kalilimutang pumunta sa sala ni judge sa lunes.”
“Maaasahan mo, Atty.”
Kabababa lang ni Rob ng telepono nang mag-text sa kanya si Imelda.
Boss
,
may
dumating
na
sulat
para
sa’yo
rito
.
Parang
galing
sa
judge
.
Hindi na nag-reply si Rob. Agad niyang tinawagan ang yaya ni Gab.
“Hello, Imelda. Anong sabi sa’yo ng taong nagdala ng sulat?” Kalmado ang boses niya at walang mababakas kahit konting pag-aalala.
“Boss, hinahanap ka kasi. Sabi ko, nasa trabaho ka. Sabi niya, ako na lang daw ang tumanggap nitong subpoena,” diretsong pahayag ng yaya.
“Subpoena?”
“Iyon ang sabi nung nagdala nitong sulat, boss,” tanging nasabi ni Imelda.
“Sige, itabi mo muna ’yan,” bilin niya rito. “Kukunin ko na lang sa’yo mamaya. Kumusta si Gab?”
“Okay naman si Gab, boss. Kararating lang namin ng bahay. Halos magkasunod nga lang kami nung nagdala nitong subpoena.”
“Patulugin mo si Gab tapos paggising niya magmeryenda kayo.”
“Ako na ang bahala, boss. Huwag kang mag-alala rito,” paniniguro ni Imelda kay Rob.
Nagpasya si Rob na huwag nang pumasok sa klase nang gabing iyon. Pagpatak ng alas singko ng hapon, imbes na bumiyahe patungong law school ay agad na siyang umuwi ng bahay.
Iniwan ni Gab ang pinanonood sa telebisyon at agad na sumalubong nang makita nitong papasok ng garahe ang kotse ng kinikilalang ama. Nang mai-park ang sasakyan ay bumaba na si Rob..
“Daddy Rob, why are you so early? Don’t you have school tonight?” usisa ni Gab sa kinikilalang ama.
“Wala,” sagot ni Rob sabay halik sa pisngi ng paslit. “Asan ang Yaya Imelda mo?”
“Nasa kitchen po, nagluluto.”
Hinawakan ni Rob ang kanang kamay ng bata at sabay silang naglakad papasok sa loob ng bahay. Dumiretso agad siya sa kusina samantalang si Gab ay nagpaiwan sa salas at itinuloy ang panonood ng palabas sa telebisyon.
“Imelda, nasaan ’yung sulat?” tanong niya agad sa yaya.
“Teka lang, boss kukunin ko.” Mabilis itong nagtungo sa kanyang silid at paglabas ay iniabot kay Rob ang isang legal size na puting sobre.
Agad na binasa ni Rob ang subpoena at hindi siya makapaniwala sa sinasaad nito.
PETITION FOR CUSTODY OF MINOR AND WRIT OF HABEAS CORPUS FOR ACCESS TO CHILD
PETITION FOR JUDICIAL DECLARATION OF FILIATION TO MINOR GABRIEL RIVERA
Nagpetisyon na sa korte si Marlon para makuha nito ang pangangalaga kay Gab!
Chapter 22 - Banta
“HELLO, ATTORNEY?”
“Rob, napatawag ka. Gabi na, ah. May problema ba?”
“Nakatanggap ako ng subpoena, Atty. May nag-file ng petition for custody para kay Gab,” pagbabalita niya sa abogado.
“Sino? Kilala mo?”
“Marlon Sandoval. Asawa ng teacher ni Gab. Naikuwento ko na siya sa’yo noong nag-file ako ng petition for adoption.”
“Yeah, natatandaan ko,” kalmadong sagot ng abogado. “Dumaan ka sa opisina ko bukas. Dalhin mo iyang subpoena at pag-usapan natin ’yan.”
“Salamat, Atty.”
Pagkatapos kausapin ang abogado ay sinubukan namang tawagan ni Rob si Tita Minda pero hindi pa rin niya makontak ito. Kahapon ay ilang beses niya ring sinubukang kontakin ang matanda para ipaalam ang mga nangyayari subalit hindi rin niya ito nakontak. Hindi naman siya makapunta sa bahay nito sa Malabon dahil sobrang busy pa niya.
“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Pau na gulat na gulat nang malaman ang tungkol sa subpoena kaninang pagdating nito galing opisina.
“Ewan ko, naguguluhan ako,” tulirong sagot ni Rob. Bilang isang law student at nagtatrabaho pa sa Regional Trial Court, parang alam na niya kung ano ang kahihinatnan ng subpoenang ito.
“Ba’t hindi mo alam? Law student ka, dapat alam mo ’yan. Makukuha na ba sa atin ni Marlon si Gab?”
“Sana hindi.” Pinalalakas ni Rob ang loob niya. “Pero malakas ang laban niya.” Parang bomba iyon sa pandinig ni Pau.
“Hindi puwede, Rob. Mula baby pa si Gab nasa atin na siya. Tayo ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Ikaw ang pinagkatiwalaan ni Shiela para mag-alaga at tumayong ama ni Gab. Hindi puwedeng basta na lang siya kukunin sa’yo ng kung sino lang,” natitilihang sabi ni Pau. Ang isipin pa lang na mawawala sa kanila si Gab ay hindi na niya matanggap. Paano pa kung totohanan na?
“Hindi lang basta kung sino si Marlon. Kahit wala tayong kongkretong katibayan, malakas ang kutob natin na siya nga ang tunay na ama ni Gab. Alam mo ’yan.”
“Hindi puwede!” sigaw ni Pau. Hindi niya puwedeng kunin sa atin si Gab! Hindi puwede, Rob. Gumawa ka ng paraan. Sa atin dapat si Gab.“ Hindi na napigilan ni Pau ang pagpatak ng kanyang luha.
“Huwag ka ngang iyakin. Hindi naman makakatulong ang pag-iyak mo. Mag-uusap kami ni Atty. Cervando bukas. Titingnan niya kung ano ang tsansa natin sa petisyong isinampa ni Marlon.” Sinubukan niyang palakasin ang loob ni Pau. Alam niyang hindi ito hihinto sa kaiiyak kahit buong magdamag pa ang lumipas kung hindi niya ito mabibigyan ang assurance na malaki ang tsansang manatili sa pangangalaga nila si Gab.
“Pabayaan mo akong umiyak. Kung makapagsalita ka, parang tuta lang ang mawawala sa’yo. Ikaw nga ang mas dapat maapektuhan kasi ikaw ang tumatayong ama ni Gab. Pero parang balewala lang sa’yo ang nangyayari.” Hindi napigilan ni Pau na sumbatan si Rob.
“Balewala? Balewala sa akin ang nangyayari?” balik tanong ni Rob. “Kaya pala dis-oras ng gabi ay kinalampag ko pa si attorney, kasi wala akong pakialam kay Gab. Kasi balewala lang sa akin kung makuha man siya ni Marlon. Ganoon ba ang pagkakaintindi mo sa akin? Ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin?” Masamang-masama ang loob niya. Ang taong inaasahan niyang kakampi sa kanya, ay susumbatan pa siya.
“Rob, I’m sorry. Nabigla lang ako…” biglang bawi ni Pau.
“Kahit nasa trabaho ako, si Gab ang iniisip ko. Sa bawat ginagawa ko, kasama ka at si Gab sa mga plano. Para kanino ba ang lahat ng pagsisikap ko, para sa akin lang ba?” Kung makakapaso lang ang tingin ay kanina pa sana nasunog si Pau sa init ng tingin ni Rob. “Kung makapagsalita ka, parang ikaw lang ang nag-aalala sa bata. Akala mo, ikaw lang ang tama. Akala mo, ikaw lang ang marunong magmahal.”
“I’m sorry, Rob. Pasensya ka na sa akin…”
“Buwisit!” Lumabas ng silid si Rob at tuluy-tuloy na bumaba.
Humabol si Pau. “Rob, saan ka pupunta?”
“Sa impiyerno! At hindi ka puwedeng sumama!” Bago tuluyang lumabas ng bahay ay ibinalibag nito ang pinto na nag-iwan ng isang malakas na kalabog.
Nakita ni Pau si Imelda na biglang lumabas ng kuwarto. Napatingin sa kanya ang yaya.
“Wala iyon. Tulog na ba si Gab?” tanong ni Pau.
“Kanina pa natutulog, boss,” sagot nito.
“Sige, matulog ka na rin.”
Napakamot na lang sa ulo si Imelda at pumasok na ulit ito sa silid ni Gab.
HINDI ALAM ni Rob kung saan siya pupunta. Basta pinatakbo na lang niya ang kotse nang walang tiyak na patutunguhan. Kung saan siya mapadpad sa kamamaneho niya, bahala na. Kailangan lang na makaalis siya ng bahay at makapagpalipas ng sama ng loob. Kahit saan.
Namataan niya ang isang bar na katabi ng isang motel. Naghanap siya ng mapaparadahan at nang makakita ay nag-park siya roon. Pumasok siya sa loob ng bar at umorder ng apat na boteng beer.
Nang ihatid ng waiter ang beer na in-order niya ay agad niya itong inumpisahang tunggain. Siguro naman, kahit paano ay makakalimutan niya ang problema kapag naubos niya ang apat na bote.
Sa isang bahagi ng bar ay matiim na pinagmamasdan ng isang lalaki si Rob. Kanina pa siya rito at medyo tipsy na rin. Ngunit malinaw niyang nakilala si Rob sa pagpasok pa lang nito sa bar kanina. Hindi siya maaaring magkamali kahit sa litrato pa lang niya ito dati nakikita. Bahagya na siyang nagtaka kung ano ang ginagawa ni Rob sa lugar na ito. Katulad niya, alam niyang may malaki rin itong problema na gustong lunurin sa pamamagitan ng inuming nakalalasing.
Tumayo ang lalaki at naglakad patungo kay Rob.
Si Rob ay nasa pangalawang bote na ng beer.
“Dinadapuan ka rin pala ng problema,” sabi ng lalaki kay Rob.
Nag-angat ng mukha si Rob at tiningnan niya ang nagsalita. “Sino ka?”
“Hindi mo ba nakikilala ang boses ko? parang nakakalokong tanong nito. “Madalas tayong mag-usap sa telepono tungkol sa anak ko.”
Isa lang ang pangalang pumasok sa isip ni Rob. “Marlon? Ikaw si Marlon? Anong ginagawa mo rito?”
Ngumisi si Marlon. “Bawal ba na pumunta ako rito?”
Hindi umumik si Rob. Tinungga nito ang laman ng hawak na bote.
“Sabihin nating nagse-celebrate ako. Ipinagdiriwang ko ang nalalapit na pagtira ng anak ko sa bahay namin.” Ngumisi ulit si Marlon na parang nakakalalaki.
“Gago ka, ah!” Iyong biglang tayo ni Rob ay kasabay na umigkas ang kanyang kamao na sumapol sa mukha ni Marlon na nawalan ng panimbang at humagis sa kalapit na mesa bago tuluyang natumba sa sahig.
Nagkagulo ang mga kostumer sa loob ng bar. Nilapitan ni Rob si Marlon upang muling suntukin ngunit maagap siyang sinipa nito. Tumilapon si Rob. Ngunit bago pa muling magkasakitan ang dalawa ay umawat na ang bouncer at security guard ng bar. Pinaghiwalay ng mga ito sina Rob at Marlon.
“Tarantado ka! Hindi mo makukuha ang anak ko!” sigaw ni Rob.
“Hindi pa tayo tapos! Sa susunod na magkita tayo, iuuwi ko na ang anak ko!” sagot naman ni Marlon. Ang mga kostumer ng bar ay walang naiintindihan sa pinag-aawayan ng dalawa.
MADALING ARAW NA nang makauwi si Rob. Hindi naman sila ipinapulis ng bar owner dahil sa gulong ginawa nila ni Marlon sa bar pero binayaran nila lahat ng nabasag na kagamitan doon. Si Marlon ay pumutok ang labi dahil sa suntok niya. Nauna na itong umuwi pagkabigay ng share nito sa babayaran nilang damage sa bar. Saglit na pinaghintay ng bouncer sa club si Rob. Nang masigurong nakaalis na si Marlon ay saka lang pinayagan ng bouncer ng bar na makaalis na rin siya. Siniguro ng bouncer na hindi na sila magpapang-abot muli ni Marlon sa labas ng bar.
Mahimbing ang tulog ni Pau pagpasok ni Rob sa silid. Nagpalit lang siya ng damit at pagkatapos ay patalikod na humiga sa kama katabi ni Pau. Dala ng matinding antok, pagod at ininom na beer ay agad siyang nakatulog. Nang magising siya ay wala na sa tabi niya si Pau. Pagtingin niya sa wall clock ay agad siyang napabalikwas. Alas-otso na ng umaga. Late na siya sa trabaho!
Agad siyang nag-text sa opisina para ipaalam na hindi siya makakapasok. Pupunta na lang siya sa opisina ni Atty. Cervando para mapag-usapan nila ang tungkol sa subpoena.“
Mabilis na kumilos si Rob. Agad siyang naligo, nagbihis at bumiyahe papunta sa opisina ng abogada. Hindi naman siya na-traffic kaya narating niya kaagad ang pakay.
“Maupo ka, Rob.” Maaliwalas ang mukha ng abogada. “Dala mo ba ang kopya ng subpoena?”
Umupo si Rob sa silyang nasa harap ng mesa ni Atty. Cervando. Inilabas niya ang subpoena at iniabot sa abogada.
Binasa ng abogada ang subpoena at masusing pinag-aralan. Pagkatapos ay seryoso itong nagsalita. “Rob, I am thinking that Mr. Fernandez has also filed a petition to oppose adoption. Isang malaking posibilidad iyon. Kapag hindi pumabor sa atin ang desisyon ng korte sa lunes, malamang dahil iyon sa petisyong isinampa ni Marlon. I’ll check on this today. Dapat magpadala sa akin ang korte ng copy ng petition. Nagtataka ako kung bakit wala pa,” sabi ng abogada.
“Paano kung hindi pumabor sa atin ang desisyon ng korte? Ibig bang sabihin na makukuha ni Marlon ang custody kay Gabriel?” kinakabahang tanong ni Rob. Kung pagbabasehan ang napag-aralan niya sa law school, alam na rin niya ang posibleng sagot sa kanyang tanong.
Diretsong sinagot ni Atty. Jean Cervando si Rob. “If the court finds merit to the petition, Marlon will definitely have custody to Gabriel because he is the father and he has all the parental rights to his child, custody included.”
Chapter 23 - Court Decision
“HINDI PUWEDE, Atty. Hindi puwedeng mapunta kay Marlon si Gab.” Rob insisted but he knows that he can’t do anything about it. Nasa korte pa rin ang huling desisyon.
“Let’s just hope that the court decides on our favor. For now, I can say that we only have thirty percent chances because we are against the real father,” matapat sa pahayag ng abogada.
Pakiramdam ni Rob ay gumuho ang mundo. Paano na lang iyon tatanggapin ni Pau kung ganoon nga ang mangyayari?
Hanggang sa makauwi ng bahay ay dala ni Rob ang alalahaning iyon.
“Daddy Rob!” Tumatakbong sinalubong siya ni Gab pagkababa niya ng kotse. “Why are you here? You didn’t go to the office.”
“No. I need to attend to some important matters so I decided not to report to work today.” Kinarga ni Rob ang bata. “I’m here and we can play for the rest of the day. Don’t I deserve a kiss from you?”
Hinalikan ni Gab ang kinikilalang ama.
Pagdating sa salas ay ibinaba ni Rob ang bata. “Where’s yaya?”
“She’s ironing the clothes,” sagot ng paslit. “Daddy, yaya cooked a delicious food. Would you like to try?”
“Maybe later.”
“Okay…”
“Gab…”
“Yes, Daddy Rob?”
Biglang hindi napigilan ni Rob ang kanyang emosyon. Niyakap niya nang mahigpit ang paslit at kasabay noon ang pagtulo ng kanyang luha. “I love you, Gab. Don’t you ever forget that.”
“I love you too, Daddy Rob.” Kumawala sa pagkakayakap ang bata at nakita nito ang pagluha ng ama. “You’re crying?” nagtatakang tanong nito. “Why are you crying, Daddy Rob?”
“Nothing. I am just happy because you came to our lives. Kami ng Daddy Pau mo, we love you so much. You are our source of happiness. You are our inspiration. You make this house a home,” punong-puno ng emosyong bulalas ni Rob.
“Ha?” Napakunot ang noo ng paslit. “I don’t understand, Daddy Rob.”
“Basta, huwag mong kalilimutan na mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka ng Daddy Pau mo. Mahal na mahal ka namin.” Muling niyang niyakap ang paslit. “Kahit ano pang mangyari, anak kita…”
Napatango na lang si Gab sa kabila ng kanyang pagtataka.
NASA KUSINA si Shane at tinutulungang magluto si Karing nang dumating si Marlon galing sa trabaho. Hanggang ngayon ay matamlay pa rin ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Sinubukan niyang lumapit kay Shane at humalik pero umiwas ito. Walang nagawa si Marlon kundi tumahimik na lang. Ayaw niyang mas lalo pang magalit ang asawa at baka makaapekto pa sa ipinagbubuntis nito. Minabuti niyang manood na lang ng telebisyon sa loob ng kuwarto.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nang pagbuksan niya ay nabungaran niya si Karing. “Sir, kumain na po kayo. Naghain na po ako.”
“Ang ma’am Shane mo?”
“Nasa ibaba po. Tapos na po siyang kumain.”
Nanlumo si Marlon. Kumain ang asawa niya nang hindi man lang siya inaalala. Ano na ba ang nangyayari sa kanilang dalawa? Hindi sila ganito dati.
“Sige, bababa na ako,” tanging nasabi niya. Umalis na si Karing at naiwan siyang nakatayo pa rin sa may pintuan na tila napakalalim ng iniisip.
KAUSAP NI Rob sa cellfone ang kanyang abogado.
“Tama ang hinala ko na nag-file nga ng petition to oppose si Marlon. Natanggap ko na kanina ang kopya ng petisyon,” pagbabalita ni Atty. Cervando.
Nanlumo si Rob. Malamang na hindi na nga pumabor sa kanya ang desisyon ng korte.
“Do we still have any remedy if the court will not decide on our favor?” Gusto ni Rob na makarinig kahit konting assurance lang mula sa abogada.
“You know the answer, Rob.” Ang matamlay na boses ni Atty. Cervando ay sapat nang kumpirmasyon na ang desisyon ng korte ay pinal na.
“Sige, attorney. Salamat.” Tahimik na ibinaba niya ang telepono.
“Rob… Anong sabi ni attorney?” nag-aalangang tanong ni Pau na kanina pa nakaabang.
Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya si Pau at tuluy-tuloy na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay papunta sa kanilang silid.
NANG SUMAPIT ang takdang araw ng hearing sa petisyon ni Rob ay magkasabay sila ni Pau na pumunta sa RTC. Kasama rin nila si Imelda at Gab. Wala pa rin silang imikan habang nasa kotse. Si Pau ang bumasag ng katahimikan.
“Hanggang ngayon ba naman ay galit ka pa rin sa akin? Ilang araw mo na akong hindi kinakausap.”
Sinulyapan lang ni Rob ang katabi pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.
“Sana bumalik na iyong dating Rob ma kilala ko. Hindi ako sanay na ganyan ka katahimik,” muling sabi ni Pau.
Hindi pa rin umimik si Rob.
Pagdating sa RTC ay naroon na si Atty. Jean Cervando. May isa pang abogado na naroon sa korte, si Atty. Eric Alcazar ang abogado ni Marlon.
Nang dumating na ang judge ay nagsimula na ang hearing. At sa hudyat nito ay tumayo ang clerk of court at binasa ang desisyon ng korte kaugnay sa isinampang petisyon para legal na maging ampon ni Rob si Gab.
Hindi na naintindihan nina Rob at Pau kung ano ang sinasabi ng clerk of court. Ngunit isang bahagi ng desisyon ang malinaw nilang naintindihan.
…
the
court
hereby
denies
the
petition
of
petitioner
Robert
Fernandez
to
adopt
minor
Gabriel
Rivera
due
to
the
opposition
of
the
child’s
biological
father
,
Marlon
Sandoval
.
Parang bombang sumabog sa pandinig ni Pau ang sinabi ng clerk of court. Tahimik na lang itong lumuha. Si Rob ay nanatiling kalmado. Marahil ay inaasahan na niya ang magiging desisyon ng korte. Si Imelda ay nangilid rin ang luha samantalang si Gab ay tila naguguluhan sa mga kaganapan sa loob ng korte.
“GOOD NEWS, Marlon! The court denied the petition of Robert Fernandez to adopt your child,” pagbabalita rito ni Atty. Alcazar. Kausap niya ngayon sa telepono ang kliyente. “I told you, the court will decide on your favor. Ikaw ang biological father, kaya mas papanigan ka ng korte. The court will always think of the child’s welfare lalo na at capable ka naman to support the child.”
“Thank you, attorney!” Ramdam na ramdam sa boses ni Marlon ang sobrang kasiyahan. Malapit na niyang makuha ang anak niya. Malapit na niyang makasama ito. Kahit na hindi pa rin sila nagkakasundo ni Shane, ipagpapatuloy niya ang laban para makuha ang kanyang anak kay Shiela. “Now, we only need to get a favorable decision para sa petition for custody na isinampa ko.”
“That’s correct. But don’t worry, I’m pretty confident na mananalo rin tayo sa isang iyon. Kung hindi pinayagan ng korte na ampunin ng iba ang bata dahil sa’yo, bakit hindi ibibigay ng korte ang karapatan mong maalagaan ang sarili mong anak?”
Masayang ngiti ang rumehistro sa mukha ni Marlon. “Konting-konti na lang, attorney. Makukuha ko na rin si Gabriel. Makukuha ko na rin ang anak ko.”
Chapter 24 - Custody
“ANONG SABI ng abogado mo? Aapela ba kayo?” Si Pau ang lubhang natetensyon dahil sa desisyon ng korte.
Hindi sumagot si Rob.
“Ano ba? Kausapin mo naman ako,” giit ni Pau. “Hindi puwedeng habang buhay tayong magdededmahan.”
“Anong gusto mong sabihin ko? Iyong gusto mong marinig? O kung ano ang posibleng mangyari?”
“Makukuha sa atin ni Marlon si Gab?” nahihintakutang tanong ni Pau.
“May magagawa ba tayo kapag korte na ang nagdesisyon?”
“Wala ka bang gagawing paraan? Pababayaan mo na lang makuha si Gab?”
“Kung makapagsalita ka naman parang nakatunganga lang ako rito. Akala mo ikaw lang ang nagmamahal kay Gab. Ikaw lang ang tama. Ikaw lang ang magaling.” Buhos na buhos ang sama ng loob ni Rob kay Pau.
“Daddy Rob, nag-aaway po ba kayo ni Daddy Pau?” Hindi nila namalayan na nakalabas na ng silid ang bata at nakita ang kanilang pagbabangayan. Nasa likod nito si Imelda.
“You go back to your room,” utos dito ni Rob.
“Gab, halika ka. Balik na tayo sa room mo,” yaya ni Imelda sa alaga.
Pero hindi sumunod ang bata. “Bakit kayo nag-aaway?”
“I said go back to your room.” Pinipigil ni Rob na huwag lakasan ang kanyang boses.
“Daddy…”
“To your room now!” Tinaasan na niya ang boses na ikinagulat ni Gab.
“Huwag mo namang sigawan ang bata!” Si Pau ang mas nainis na ginawa ni Rob. “Ang init-init ng ulo mo. Pati bata dinadamay mo!” Hinawakan niya si Gab. “Halika na. Let’s go to your room and sleep.” Hinila na niya si Gab para hindi na ito makapagtanong pa.
Sumunod si Imelda sa dalawa.
“Why is Daddy Rob mad at me?”
“Pagod lang ang Daddy Rob mo. Tomorrow, hindi na siya galit. Kaya matulog ka na para paggising mo bukas, okay na ulit ang Daddy Rob mo,” paliwanag ni Pau sa paslit.
Pinahiga ni Pau si Gab at kinumutan. “Imelda, patulugin mo na siya.”
“Sige, boss.”
Paglabas ni Pau ng silid ay wala na roon si Rob. Pumasok siya sa kuwarto nila at nakita niya roon si Rob na nakahiga na at nakapikit. Nagkukunwaring
tulog
. Imposible
namang
nakatulog
kaagad
ito
.
Hindi na lang kinausap ni Pau si Rob. Baka mas lalo lang silang mag-away kung hindi hihinto ang kanilang diskusyon.
SI MARLON ay hindi pa rin kinakausap ni Shane. Ilang araw na silang ganoon. Nag-e-effort naman siyang amuin ang asawa pero patuloy pa rin ito sa pagmamatigas at sa hindi pagpansin sa kanya. Ang kaibahan nga lang, hindi na siya sa salas natutulog ngayon. Hindi na siya ipinagtatabuyan papalabas ng kuwarto kaya malaya siyang matulog sa kama katabi nito. Katulad ngayon. Nakahiga na silang mag-asawa. Magkatabi pero si Shane ay nakatalikod sa kanya.
Mas malala pala iyong magkasama nga kayo sa iisang silid pero parang hindi nag-e-exist ang isa’t-isa. Walang katapusang dedmahan. Para ano pa at naging mag-asawa sila kung ganito rin pala ang sitwasyon nila? Para ano pa at magkasama sila kung isinusuka na siya ng asawa niya?
Pinakiramdaman ni Marlon ang asawa. Alam niyang gising pa ito. “Ganito na lang ba tayo palagi? Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? Ano ba ang gusto mo? Ang lumayas ako sa bahay na ito? Gusto mo bang maghiwalay na tayo?” Puno ng hinanakit ang tinig niya.
Walang sagot mula kay Shane.
“Shane, kausapin mo ako. Sabihin mo kahit ano. Gawin mo kahit ano. Huwag iyong ganito na parang hangin lang ako sa bahay na ito. Sa buhay mo. Mahal kita, Shane. Ako pa rin ito, iyong dating Marlon na nakilala mo. Nakagawa lang ako ng kasalanan sa’yo pero hindi ako nagbago. Don’t I deserve a second chance?”
Wala pa ring sagot. Maya-maya ay nakarinig siya ng mahihinang pagsinok at impit na pag-iyak.
Sinubukang yakapin ni Marlon ang kabiyak. Hindi nagpakita ng pagtanggi si Shane. Nakatulog sila nang nakayakap si Marlon sa asawa.
SA HEARING para sa petisyong isinampa ni Marlon ay ipinag-utos ng korte na sumailalim sa DNA test sina Marlon at Gab para patunayan ang filiation ni Marlon sa bata. Ayaw man ng kampo ni Rob ay wala na silang nagawa kung hindi sundin ang ipinag-uutos ng korte.
Halos hindi maipaliwanag ang kaligayahan ni Marlon nang lumabas ang resulta ng DNA test. Pinatunayan nito na siya nga ang tunay na ama ni Gab.
“Paano na tayo ngayon, Atty.?” tanong ni Rob sa abogado.
“I need to be honest with you, Rob.” umpisang pahayag ni Atty. Cervando. “Napakalaki ng tsansang pumabor kay Marlon ang desisyon ng korte. We can only hope for the best. Pero alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ng batas sa mga ganitong sitwasyon.”
MARAMING TAO ang dumalo sa pagbaba ng hatol sa petition for custody na isinampa ni Marlon. Naroon din sina Rob at Pau kasama si Gab at ang yaya nitong si Imelda. Kasama ni Marlon ang asawang si Shane at ang abogadong si Atty. Eric Alcazar. Kasama rin ni Rob ang abogado niyang si Atty. Jean Cervando. Puno ng tensyon sa korte. Pero si Pau yata ang pinakatensyonado sa lahat. Kung anu-anong senaryo na ang naglalaro sa utak niya. Paano kung pumanig kay Marlon ang korte? Ngayon na ba ang huling araw na makakasama nila si Gab? Uuwi ba sila ngayon na hindi na kasama ang batang mahal na mahal niya?
Nang pumasok sa loob ng korte ang judge at ibinigay ang hudyat ng pagbabasa ng hatol ay halos pigil ni Pau ang paghinga.
Tumayo ang clerk of court para basahin ang hatol. Umpisa ay inilahad nito ang facts of the case hanggang sa dumating na ito sa parte ng hatol ng korte sa petition.
…this honorable
court grants the petition of Marlon Sandoval to full custody to minor Gabriel Rivera, Mr. Sandoval being the biological father of the child
as
supported
by
the
result
of
the
DNA
test
conducted
between
the
petitioner
Marlon
Sandoval
and
the child
Gabriel
Rivera. This
court
enunciates
Republic
Act
8552
Section
(i)
which
states
that
the
State
shall
ensure
that
every
child
remains
under
the
care
and
custody
of
his
parents
and
is
provided
with
love
,
care
,
understanding
and
security
for
the
full
and
harmonious
development
of
his
personality
.
Only
when
such
efforts
proved
insufficient
and
no
appropriate
placement
or
adoption
within
the
child’s
extended
family
is
available
shall
adoption
by
an
unrelated
person
be
considered
.
So
ordered
.
Binalot ng pinaghalong hilakbot at lungkot ang mukha ni Pau. Kitang-kita niya na halos mapalundag sa tuwa si Marlon pagkatapos basahin ang hatol ng korte. Lumapit kina Rob at Pau si Marlon kasama ang abogado nito para kunin na si Gab.
“We need to get the child from you now,” sabi ni Atty. Alcazar kay Atty. Cervando.
Bumaling si Atty. Cervando sa kanyang kliyente. “Rob, aapela tayo but for now kailangan nating sundin ang desisyon ng korte.”
Binuhat ni Rob si Gab at ibinigay kay Marlon.
“Why?” nagtatakang tanong ng bata.
“From now on, you will live in Sir Marlon’s house. He is your real father.” Pilit pinauunawa ni Rob kay Gab ang sitwasyon.
“No, he is the husband of Teacher Shane. He is not my father. You are my father. You are my daddy, not Sir Marlon,” giit ng paslit. Sa kanyang murang kaiisipan ay nakatatak ang alam niyang katotohanan na si Rob ang kanyang ama.
“I am your true daddy. You have to go with me. Aalagaan kita, give you love and all your needs.” Niyakap ni Marlon ang anak.
Nagpilit kumawala si Gab. “No! Put me down. Ayoko sa’yo!” Napilitan si Marlon na ibaba ang bata.
“Aalis na kami,” paalam ni Marlon. Hinigpitan niya ang hawak kay Gab at nag-umpisang maglakad.
“Daddy Rob! Daddy Pau! Ayoko sumama sa kanya. Dito lang ako. Huwag n’yo akong ibigay sa kanya. I don’t want to leave you. Daddy Rob! Daddy Pau!” Walang tigil sa pagpalahaw si Gab. Nagpupumiglas ito mula sa pagkakahawak ni Marlon kaya minabuti na nitong buhatin na lang ang anak.
Walang magawa sina Rob at Pau kundi pagmasdan ang unti-unting paglayo sa kanila ng batang halos limang taon ding naging bahagi ng kanilang buhay.
Hindi napigilan ni Pau ang pagbuhos ng kanyang luha. Sobrang mahal niya si Gab. Kung meron man sigurong tao sa mundo na sobra-sobra ang pagmamahal kay Gab, siya iyon. Wala siyang hinangad kundi mabigyan ito ng magandang bukas. Puro ikabubuti lang ni Gab ang iniisip niya. Kahit minsan, hindi sumagi sa isip niyang mawawalay sa kanya ang batang minahal niya nang higit pa sa sarili niyang buhay.
Hanggang sa makalabas ng korte sina Marlon, Shane, Atty. Alcazar at Gab ay umaalingawngaw pa rin sa pandinig ni Pau ang pag-iyak ni Gab.
Si Rob ay nagpakita ng katatagan. Si Imelda ay tahimik na lumuluha. Si Pau ay halos malunod na sa dami ng luhang umagos sa kanyang mga mata.
Chapter 25 - New Home
MASINSINAN ANG pag-uusap nina Rob at Atty. Cervando.
“Ano na ang susunod nating hakbang, atorni? Wala na sa akin si Gab. Paano natin mababawi amg anak ko?” Ayaw mang ipakita ni Rob ang nararamdamang tensyon ay halata naman sa kanyang tinig.
“We will be filing a motion for reconsideration. We have slim chances but we’ll still try just the same. We will exert all possible legal remedies available,” paniniguro ng abogada.
“Salamat, atorni. Nalulungkot lang talaga ako sa naging desisyon ng korte. Although inaasahan ko na iyon, hindi pa rin pala ako handa kapag nangyari na.”
“Iuwi mo na po ako, Sir Marlon. I don’t want to stay here. Ibalik mo na ako sa Daddy Rob ko,” umiiyak na sabi ni Gab. “Hinihintay na ako ni Daddy Pau. Teacher Shane, iuwi mo na po ako.” Mula pa kanina pagdating nila sa bahay ni Marlon ay hindi pa ito humihinto sa pag-iyak. Naghalo na ang pawis at luha ng bata at sobrang nakakaawa na ang itsura nito. Sinubukan na rin itong pakalmahin ni Shane pero wala itong ibang bukambibig kundi ang pagnanais na makabalik na sa kanyang Daddy Rob at Daddy Pau.
“Ano na ang gagawin natin? Mukhang walang balak huminto sa pag-iyak si Gab,” kinausap ni Shane ang asawa.
“We can’t give him back to them. Korte na ang nagdesisyon na ako ang may full custody sa bata kaya dapat lang na dito siya tumira. Paano niya ako matatanggap bilang ama niya kung hindi siya titira rito?”
“Then we need to at least do something that will make him agree to stay here,” giit ni Shane.
“Do you have any suggestion?”
“Why don’t we get his yaya to stay here as well?” suhestiyon niya. Kilala niya si Imelda at alam niya kung gaano rin ka-close si Gab dito.
“Tama ka. Tutal, ikukuha ko rin naman siya ng yaya. Mas mabuti nga siguro na iyong dati niyang yaya ang kunin natin. Salamat, hon.” Hinalikan ni Marlon sa noo ang kabiyak.
“Ako na ang tatawag kay Rob,” saad ni Shane.
“That would be better.”
Kinontak ni Shane si Rob sa celfone nito.
“Hello…”
“Rob, si Shane ito…”
“Yes, I have your number.”
“Tumawag ako to ask for the contact number of Imelda, Gab’s nanny. We are planning to get her para siya na rin ang mag-alaga kay Gab. We don’t want to add insult to the injury pero iyon kasi ang nakikita naming paraan para ma-comfort si Gab. He has been crying kanina pa. Ayaw niyang huminto. Naaawa na ako sa bata,” mahabang paliwanag niya kay Rob.
“Kakausapin ko si Imelda. Tatawagan kita pagkatapos naming mag-usap,” pangako ni Rob.
“Salamat, Rob. Let us not take this case as a personal battle. Sana kahit napunta kay Marlon si Gab, ay maging maayos pa rin ang samahan natin. Kakausapin ko si Marlon para pupuwede ninyong dalawin si Gab sa bahay anytime. Kukumbinsihin ko siya na huwag ilayo sa inyo ang bata. I think that is fair enough para na rin sa ikabubuti ni Gab.”
“Ikaw ang bahala. But the court battle is not yet over,” sagot ni Rob.
“Yes, aware naman kami roon. But for now, habang nasa amin si Gab sana let’s work together para hindi maging mahirap sa bata ang bago niyang sitwasyon at environment sa ngayon.”
Bumuntong-hininga si Rob. “Sige, Shane… Tingnan natin.”
NANG MAKAUWI ay hinanap ni Rob si Imelda.
“Bakit, boss?”
“Papakiusapan sana kita kung puwedeng ikaw na rin ang mag-alaga kay Gab doon sa bahay ni Marlon.”
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Pau.
“Tumawag sa akin si Shane. Hindi raw tumitigil sa kaiiyak si Gab kaya napagdesisyunan nilang si Imelda ang kuning yaya.”
“Hindi talaga hihinto sa pag-iyak iyon. Siyempre, hindi naman sanay sa kanila iyong bata. Bigla-bigla iba na ang bahay niya. Iba ang mga kasama niya. Kahit sinong bata mabibigla kapag ganoon,” argumento ni Pau.
“Kaya nga ginagawan nila ng paraan na mabigyan si Gab ng kasama na kilala at kasundo na niya,” deklara ni Rob. “Ano, Imelda payag ka ba?”
“Okay lang sa akin, boss. Kailangan ko rin naman talaga ng trabaho, eh. Mabuti na rin na si Gab pa rin ang aalagaan ko,” sabi ng yaya. “Pero mami-miss ko kayong dalawa.”
“Puwede ka namang dumalaw rito anytime,” sambit ni Pau. “Alam mo namang pamilya na ang turing namin sa’yo.”
“Tatawagan ko muna si Shane para sabihing pumayag ka na.” Dinukot ni Rob ang celfone sa bulsa at kinontak ang asawa ni Marlon. Ilang beses din niyang narinig na nag-ring ang telepono bago may sumagot.
“Rob?”
“Yes, si Rob ’to. Nakausap ko na si Imelda at pumayag na siyang alagaan si Gab.”
“Salamat, Rob. Ipapasundo ko siya kay Marlon ngayon. Okay lang ba?”
“Sige, okay lang naman.”
Sumenyas si Pau kay Rob na gusto niyang kausapin si Shane.
“Kakausapin ka raw ni Paulo,” abiso ni Rob sa kausap. “Ibibigay ko sa kanya ang telepono.”
“Go ahead…”
Ipinasa niya kay Pau ang celfone.
“Hello, Shane… Kumusta na si Gab? Umiiyak pa ba siya?”
“Nakatulog na siya kaiiyak. Sobrang naaawa ako sa kanya. Sana paggising niya hindi na siya iiyak muli, which I doubt. Kabisado ko ang ugali ng mga bata.”
“Ipasundo mo na lang kaagad si Imelda rito para paggising ni Gab ay nandyan na siya. Kabisado ni Imelda ang lahat ng gusto at ayaw ni Gab. At magkasundong-magkasundo sila,” gumaralgal ang tinig ni Pau. “Shane, huwag n’yong pababayaan si Gab, ha? Mahal na mahal namin siya. Alam kong alam mo iyon.” Muli ay napaiyak na naman siya. Madali talaga siyang maging emosyonal kapag tungkol kay Gab ang usapan.
“Maaasahan mo, Pau. Ituturing ko siyang tunay na anak. Ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na katulad ng ibinigay ninyo.” Naramdaman naman ni Pau ang sinseridad sa boses ng kausap.
“Salamat Shane. Ibabalik ko na kay Rob ang telepono.”
“Hello, Shane… Hihintayin na lang namin si Marlon rito para sunduin si Imelda.”
“Salamat, Rob…” Pinuntahan ni Shane ang asawa na nasa kabilang silid. “Nakausap ko na si Rob. Puwede mo nang sunduin ang yaya ngayon. Pumunta ka na habang tulog pa si Gab. Baka mag-iiyak na naman iyon paggising.”
“Oo, magpapalit lang ako ng t-shirt,” sagot ni Marlon na nagmamadaling nagtungo sa kanilang silid para magpalit ng damit.
Pinagmasdan ni Shane ang natutulog na paslit. Tila ito isang munting anghel na nakapikit. Isang munting anghel na sa isang iglap ay nagbago ang kapalaran at napalitan ang kinikilala nitong mga magulang.
Chapter 26 - Motion for Reconsideration
DUMATING SI Marlon sa bahay nina Rob at Pau. Nag-doorbell siya at ilang sandali lang ay may nagbukas ng gate.
“Ay, si Sir Marlon pala. Pumasok po kayo. Hinihintay kayo ng mga boss ko,” sabi ni Imelda na nilakihan pa ang pagkakabukas ng gate para makapasok ang bisita.
Pumasok si Marlon.
“Sumunod kayo sa akin.” Nagpatiuna na sa paglalakad ang yaya. Naabutan nila sa salas sina Rob at Pau.
“Susunduin ko lang sana ang yaya ni Gabriel,” paunang sabi ni Marlon sa dalawa. Kaswal na kaswal ito. Walang mababakas na ano mang awkwardness sa anyo nito.
“Imelda, kunin mo na ang mga gamit mo. Sasama ka na sa kanya ngayon,” utos ni Rob. Si Pau naman ay tahimik na nagmamasid lang.
“Teka muna, boss. Magkano ba ang magiging sweldo ko roon?”
“Kung ano ang suweldo mo rito per month, dadagdagan ko pa ng isang libo,” kaswal pa ring sabi ni Marlon.
“Ayos naman pala, eh. Sige, kukunin ko lang sandali ang mga gamit ko.” Lumakad na ang yaya papasok sa kuwarto. Paglabas nito ay bitbit na ang isang malaking backpack.
“Iyan na ba lahat ang mga gamit mo?” tanong ni Rob.
“Oo, boss.”
“Aalis na kami,” pagpapaalam ni Marlon. “Salamat.” Tapos ay bumaling ito sa yaya. “Halika na.”
“Imelda, ikaw na ang bahala kay Gab, ha? Huwag mo siyang pababayaan.” Hindi na natiis ni Pau na hindi magsalita. Ayaw sana niyang sumali pa sa usapan dahil siguradong maiiyak na naman siya pero gusto pa rin niyang paalalahanan si Imelda para maalagaang mabuti si Gab.
“Ako na ang bahala kay Gab, boss. Huwag ka nang mag-alala,” paniniguro ng yaya. “Aalis na kami, boss. Salamat sa inyong dalawa.” Lumakad na ito papalabas ng bahay.
Nasa labas na si Marlon at hinihintay si Imelda.
“Doon ka sumakay sa unahan. Ilagay mo na lang sa back seat ang gamit mo,” utos niya sa yaya.
Nang makasakay na silang dalawa ay pinatakbo na ni Marlon ang sasakyan. Hindi nagtagal at nakarating sila sa bahay nina Marlon at Shane. Pagpasok nila ng bahay ay narinig agad nila ang iyak ni Gab. Sinalubong sila ni Shane.
“Mabuti at dumating na kayo. Gising na si Gab, at nag-iiyak na naman. Inuubo na nga sa kaiiyak.” Sa itsura ay mukhang hindi na alam ni Shane ang gagawin para patahanin ang bata.
“Nasaan si Gab, Teacher Shane? Pupuntahan ko siya.”
“Naroon sa kuwarto. Halika, sumunod ka sa akin.”
Nasa kuwarto si Gab at kasalukuyang inaalo ni Karing. Ngunit ayaw pa ring huminto ng bata sa pag-atungal.
“Iuwi n’yo na po ako. Miss ko na ang daddy Rob ko. Miss ko na ang daddy Pau ko. Iuwi n’yo na po ako,” pagmamakaawa ng paslit sa kasambahay.
Awang-awa si Imelda sa nadatnang itsura ni Gab. Magulo ang buhok nito at basang-basa ng pawis. Naghalo na sa mukha nito ang luha, pawis at uhog. Ang mga mata nito ay namumula na tanda na matagal na rin itong umiiyak.
“Yaya!” Tila nakakita ng kakampi si Gab pagkakita nito kay Imelda. Agad itong tumayo at nagtatakbo palapit sa yaya.
Ibinaba ni Imelda ang dalang backpack at niyakap ang alagang musmos. Si Karing ay sinenyasan ni Shane na lumabas na. Naiwan sa silid sina Shane at Marlon.
“Yaya, uuwi na ba tayo? Asan si daddy Rob? Si daddy Pau, kasama mo ba?” Humihingal si Gab habang nagsasalita.
“Stop crying na, ha? Ayaw ng daddy Rob at daddy Pau mo na umiiyak ka. Bakit ka ba kasi umiiyak?” Kumuha ng face towel si Imelda sa kanyang backpack at pinunasan ang pawisang likod ng paslit. Pati ang luhaang mukha ay pinunasan na rin.
“Gusto ko na kasing umuwi. Ayoko rito. Doon na lang tayo sa bahay natin. Iuwi mo na ako, yaya.” Hindi pa rin humihinto sa pag-iyak si Gab bagaman at hindi na kasinglakas ng iyak nito kanina.
Napatingin si Imelda kina Marlon at Shane. “Ah, eh kasi… Gab, kasi hindi tayo puwedeng umuwi. Dito ka na titira. Dito na tayo titira.” Malumanay na kinausap niya si Gab.
“Bakit, yaya? Wala na ba tayong bahay? Dito rin ba titira si daddy Rob? Eh, si daddy Pau?” inosenteng tanong ni Gab. Hindi pa rin malinaw sa isip niya kung ano ba talaga ang nangyayari.
Hindi,“ pailing-iling na sagot ni Imelda. “Ikaw at ako lang ang titira rito.”
“Eh, bakit nga?” Parang mas naguluhan pa ito sa sagot ni Imelda. “Ayokong tumira rito. Gusto ko kasama sina daddy Pau at daddy Rob.”
“Gab, huwag kang makulit. Hindi sila puwedeng tumira rito. Ikaw lang,” giit ni Imelda. “At saka ako, para may mag-alaga sa’yo. Hindi naman kita pababayaan, eh. At saka dadalawin ka naman dito ng mga daddy mo.”
“Magulo, yaya. I don’t understand. Why will I be staying here?” Umiral na naman ang pagka-inglisero ni Gab.
“Ganito… Ipapaliwanag ko sa’yo pero huwag ka nang mangungulit, ha?” Muling sinulyapan ni Imelda ang mag-asawa, tila hinihingi niya ang permiso ng mga ito sa kanyang sasabihing impormasyon sa bata.
Seryosong nakikinig si Gab. Pahikbi-hikbi na lang ito pero wala nang luhang umaagos sa mga mata. Naghihintay ito sa susunod na sasabihin ng yaya niya.
“Dito ka na titira kasi si Sir Marlon ang totoo mong daddy.”
Umiling-iling si Gab. “No, yaya. Asawa siya ni teacher Shane, ’di ba?”
“Oo, pero…”
“Ako ang daddy mo, Gab. Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan kahit ipaliwanag ko sa’yo. Pero iyon ang totoo, ako ang daddy mo. Hindi si Rob, hindi rin si Paulo.” Sinalo ni Marlon ang sasabihin sana ni Imelda. Kahit hindi pa maiintindihan ng anak niya. Ang mahalaga ay nasabi na niya rito ang katotohanan.
“I want my daddy Rob. I want my daddy Pau. Ayoko sa’yo!” Umiiyak na nagtatakbo papalabas ng kuwarto ang bata at nagsumiksik sa isang sulok ng salas. Doon nito itinuloy ang pag-iyak.
Sinundan ni Imelda ang alaga. Naiwan sa silid sina Shane at Marlon.
“Kailangan lang nating maghintay na matanggap niya ang bagong sitwasyon. Maaaring mabilis ang maging pagtanggap niya. Pwede ring matagal. Kaya, dapat tayong maging matiyaga,” mahabang paliwanag ni Shane. “Mahirap ang sitwasyon ni Gab. Sa edad niya, hindi siya kikilala sa kung ano ang tama, kundi sa kung ano ang gusto niya at makapagpapasaya sa kanya.”
Hindi na sumagot si Marlon. Niyakap na lang nito nang mahigpit ang asawa.
KINABUKASAN AY bagong buhay para kina Rob at Pau. Katulad ng nakasanayan ay maaga silang pumasok sa trabaho. Nalulungkot man sila sa pagkawala ni Gab sa poder nila ay kailangang ituloy ang buhay.
Abala si Rob sa trabaho ng mag-ring ang teleponong nasa mesa niya.
“RTC, good morning!”
“Rob, si Atty. Cervando ito. Gusto ko lang ipaalam sa’yo na nai-file ko na ang motion for reconsideration. Maghihintay na lang tayo ng desisyon ng korte.”
“Maraming salamat, atorni. Sana nga, pumabor naman sa atin ang desisyon ng korte.”
Chapter 27 - Moving On
“DADDY PAU!” Hindi maipaliwanag ang saya sa mukha ni Gab nang makita si Paulo sa gate ng eskuwelahang kanyang pinapasukan. Kanina lang ay halos ayaw nitong bumangon para pumasok. Kung hindi pa kinumbinsi at inuto ni Imelda ay baka buong araw na naman itong mag-iiyak. Sinabi ni Imelda kay Gab na baka magpunta sa school si Rob o si Pau. Nagdilang-anghel siya dahil heto nga at nabungaran kaagad nila sa gate si Pau. Mabuti na lang talaga at maagang pumasok sa trabaho si Marlon. Plano pa naman nito na ihatid sana si Gab. Pero nangako naman ito na ihahatid sa eskuwelahan ang anak sa ibang araw.
“Gab!” Agad na binuhat ni Pau ang musmos at niyakap. Isang araw pa lang niyang hindi nakikita ang bata ay sobrang na-miss na niya ito.
“Daddy Pau!” Mahigpit ang pagkakayakap ni Gab na parang ayaw nang kumawala kay Pau. “Isasama mo na ako sa pag-uwi, ’di ba? Uuwi na tayo?”
“Hindi… May pasok ka pa sa school. Kailangan mong mag-aral para lumaki kang matalino,” sagot ni Pau sa paslit. “Si Yaya Imelda ang kasama mo mamaya sa pag-uwi.”
“Pero, Daddy Pau hindi naman sa bahay natin uuwi si yaya. Doon siya uuwi sa bahay ni Teacher Shane at Sir Marlon.” Bakas sa mukha ni Gab ang pag-aalinlangan. Alam niyang hindi na naman siya makakauwi sa bahay na gusto niyang uwian.
“Gab, ganito kasi… Doon ka muna titira sa bahay ni Teacher Shane. Pero huwag kang mag-alala, gumagawa ng paraan si Daddy Rob mo para makuha ka ulit namin.”
“Bakit po? I don’t understand,” naguguluhang sabi nito.
“Kasi nga, si Marlon ang totoo mong daddy. Ako, at si Daddy Rob mo ang nag-alaga sa’yo mula noong baby ka pa kasi sa amin ka iniwan ng mommy mo. Pero ngayong dumating na ang totoong daddy mo, doon ka muna sa kanya.” Hindi alam ni Pau kung tama bang ipaalam na niya sa bata ang totoong sitwasyon. Baka mas lalong maguluhan ang murang isipan nito.
“Kelan po ako babalik sa bahay natin?” naluluhang tanong ng paslit.
Hindi agad nakasagot si Pau. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Imelda.
“Iyak nga ng iyak ’yan, boss. Ayaw huminto. Gusto talagang umuwi sa inyo,” pagbabalita ng yaya.
“Gumagawa na ng paraan ang Daddy Rob mo. Basta, huwag ka nang iiyak, ha? Kahit nasaan ka mang bahay, alam mo na laging bukas ang bahay natin para sa’yo. Puwede mong sabihin kay Teacher Shane o sa Daddy Marlon mo na gusto mong dumalaw sa amin. O kaya naman, kami na lang ang laging dadalaw sa’yo. Basta, huwag ka nang iiyak. Ayaw mo ba niyan, mas marami na ang nagmamahal sa’yo ngayon. Tatlo na ang daddy mo. May mommy Shane ka pa,” mahabang paliwanag ni Pau kasabay ang dasal na sana ay makumbinsi niya ang bata.
Tumunog ang bell.
“Umpisa na ng klase n’yo,” Mula sa pagkakabuhat ay ibinaba niya si Gab. “Imelda, ihatid mo na siya sa classroom.”
“Gab, halika na…”
Muli munang yumakap kay Pau ang musmos at humalik sa pisngi nito. “Tell Daddy Rob that I miss him so much…”
Nalaglag ang luha ni Pau sa sinabi ni Gab. Paano mong hindi mamahalin ang napaka-sweet na batang ito?
“I will…” Tumang-tango si Pau. “I’ll tell your Daddy Rob that you miss him so much…” Bumaling siya sa yaya. “Imelda, huwag mo siyang pababayaan.”
“Areglado, boss.”
“Bye, Daddy Pau!” Nag-wave pa ito ng kamay bago tuluyang pumasok sa loob ng paaralan.
Nang mawala na sa paningin niya ang bata ay saka lang umalis si Pau para pumasok sa trabaho. Half-day na lang ang maipapasok niya, pero ano naman kung ang kapalit ay ang kaligayahang makita at mayakap ang batang mahal na mahal at itinuring niyang tunay na anak.
ANG DATING masayang tahanan nina Rob at Gab ay nabalot ng kalungkutan. Sa tuwing uuwi sila mula sa trabaho ay wala na ang munting tinig na bumabati at sumasalubong sa kanila. Wala na ang batang naglalambing at laging makulit. Ang masayahing si Gab ay wala na sa buhay nila at dapat na nila iyong tanggapin. Sana lang talaga na katigan ng korte ang motion for reconsideration na isinampa ng abogado ni Rob. Iyon na lang ang natitirang paraan para makuha nila si Gab kay Marlon. Kapag nabigo sila sa isinampang mosyon, mawawala na ang kaisa-isa nilang pag-asa na makasamang muli ang batang nagpasaya ng bahay at buhay nila sa loob ng mahigit apat na taon.
“Rob…” tawag ni Pau sa katabi. Nakahiga na sila noon at matutulog na. Patay na rin ang ilaw sa kuwarto at tanging sinag ng buwan na naglalagos sa bintana ang nagbibigay ng liwanag sa silid.
“Hmn…”
“Inabangan ko sa school si Gab kanina. Nag-half day ako sa trabaho para makita ko lang siya.”
Bumuntong-hininga si Rob. Malalim.
Nagpatuloy si Pau. “Umiyak siya. Gusto niyang umuwi rito. Akala nga niya, iuuwi ko na siya rito kaya ako nandoon sa school.” Suminghot si Pau. “Ang higpit ng yakap niya sa akin.”
“Dapat hindi mo na muna siya pinuntahan.”
“Miss na miss ko na siya.” Naulit ang pagsinghot.
“Paano siya masasanay kina Marlon kung lagi ka niyang makikita? Paano mo siya malilimutan kung lagi mo siyang pupuntahan?”
“Hindi ko siya puwedeng kalimutan,” gumaralgal na ang boses ni Pau. “Tayo ang magulang niya. Dito ang bahay niya. Gusto kong bumalik na siya rito.”
“Alam mong hindi puwede.”
“Pinasasabi niya sayo, miss na miss ka na raw niya.”
Hindi nakasagot si Rob. Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kanyang mga mata. Paano pa siya sasagot kung tahimik na siyang lumuluha?
“Rob… Gising ka pa ba?”
Nanatiling hindi kumikibo si Rob. Nagtulug-tulugan na siya para hindi na magkuwento si Pau. At para hindi rin nito mahalatang naapektuhan na siya ng kuwento nito tungkol kay Gab.
SA BAHAY nina Marlon ay mahimbing nang natutulog si Gab. Kasama niya sa silid sina Imelda at Karing. Sa bandang ulunan sa kanang bahagi ng higaan ni Gab ay bukas ang isang lamp shade.
Bigla na lang umiyak at nagsisisigaw si Gab. Tinatawag nito si Rob.
“Daddy Rob!” Sa lakas ng sigaw nito ay napabalikwas ng bangon sina Imelda at Karing. Agad na dinaluhan ni Imelda ang alaga.
“Gab, nananaginip ka.”
“Si Daddy Rob. Gusto kong makita si Daddy Rob…” Umiiyak na naman ang bata.
Si Karing ay agad na lumabas at nang pumasok ay may dalang isang basong tubig. “Painumin mo muna siya.”
Ibinangon ni Imelda si Gab at pinaupo. Iniabot niya rito ang tubig na dala ni Karing at ipinainom.
Noon naman pumasok sa kuwarto sina Shane at Marlon.
“Anong nangyari?” tanong ni Marlon.
“Nananaginip lang si Gab, sir. Tinatawag niya si boss Rob,” sagot ni Imelda.
“Tingnan mo ang likod niya, Imelda baka may pawis,” utos ni Shane. “Punasan mo tapos palitan mo na lang siya ng damit.
Agad na tumalima ang yaya.
Si Marlon ay tahimik na nagmamasid kasabay ang malalim na pag-iisip.
Sa malas ay mukhang malayo pang makalimutan ng kanyang anak ang kinagisnan nitong mga ama.
Chapter 28 - Graduation
SA LOOB ng dalawang linggo ay laging ganoon si Gab. Lagi itong nag-iiiyak at gustong umuwi kina Rob. Madalas nitong hinahanap ang nakagisnang mga ama. Ngunit sa katagalan ay parang unti-unti na ring natanggap ni Gab ang kanyang bagong tahanan. Oo nga at may mga oras na nagtatanong pa rin ito kung kailan niya makikita sina Rob at Pau, pero hindi na kagaya ng dati na halos maglupasay ito sa kaiiyak.
Sina Rob at Pau naman ay minabuting huwag na munang makitang muli si Gab. Tiniis nila ang kanilang sarili na iwasang magtagpo ang landas ng batang napamahal na sa kanila nang lubos.
Dumating ang araw ng pagtatapos ni Gab. Sina Marlon at Imelda lang ang kasama niya sa eskuwelahan. Si Shane ay gusto rin sanang sumama pero mas minabuti ni Marlon na huwag na lang dahil malaki na ang tiyan nito at baka ma-stress lang ito sa biyahe at oras na gugugulin sa okasyon. Lahat ng klase ng pag-iingat ay ginagawa nilang mag-asawa para sa ikabubuti ng ipinagbubuntis ni Shane. Masaya si Shane na ilang buwan na lang ay lalabas na ang baby nila ni Marlon. Pero labis din ang nadaramang kasiyahan ni Marlon. Ang tagal rin nilang naghintay ni Shane na magkaanak. Oo nga at nariyan na si Gab, pero iba pa rin siyempre iyong anak na sa kanilang dalawa ni Shane nanggaling.
Pupunta ba tayo sa school?“ tanong ni Pau kay Rob. “Graduation ni Gab ngayon. Gusto ko sanang makita siya na nasa stage.” Nasa salas sila noon at nanonood ng pang-umagang programa sa telebisyon.
“Invited ka ba?” sagot na tanong naman ni Rob.
“Hindi. Pero hindi naman bawal na pumunta sa school, ah. Papapasukin naman tayo roon kahit walang imbitasyon.”
“Ikaw na lang ang pumunta. Balitaan mo na lang ako mamaya.”
“Seryoso?” Hindi makapaniwalang tanong ni Pau. “Graduation ng anak mo, ayaw mong pumunta.”
“Hindi ko anak iyon,” matamlay na sagot ni Rob. “Kelan mo ba matatanggap sa sarili mo na naroon na siya sa tunay niyang ama? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Dapat, pag-aralan mo nang kalimutan si Gab.”
“Bakit? Lumabas na ba ang desisyon ng korte sa isinampa mong mosyon? Hindi pa naman, ’di ba? Bakit ganyan ka nang magsalita? Ang dali kong sumuko. Nag-aral ka pa ng abogasya kung ganyan lang pala kahina ang dibdib mo.”
“Huwag mong isinasali ang pag-aaral ko sa usapan,” napipikong sabi ni Rob.
“At bakit hindi? Naturingan kang law student, imbes na ikaw ang magpalakas sa loob ko ikaw pa ang unang-unang pinanghihinaan ng loob.”
“Kasi alam ko ang mga posibleng mangyari,” napataas ang boses niya. “Dahil may alam ako sa pasikot-sikot ng batas, alam ko kung gaano kaliit ang tsansa nating mabawi pa si Gab. Masisisi mo ba ako kung ngayon pa lang ay sanayin ko na ang sarili kong walang Gab na babalik sa bahay na ito?”
Hindi nakapagsalita si Pau.
“Huwag kang magsasalita na parang ikaw lang ang nagmahal kay Gab dahil hindi mo alam ang mga nararamdaman ko. Hindi mo alam ang mga naiisip ko. At lalong hindi mo alam kung gaano kahirap ang ginagawa kong pagtatago ng emosyon ko para lang ipakitang okay na ako kahit ang totoo naman ay hindi.” Iniwan ni Rob si Pau at hindi na hinintay na sumagot. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa kuwarto upang doon magmukmok.
“Yaya?” Palinga-linga si Gab habang papalabas sila ng auditorium kung saan ginanap ang graduation. Tila may hinahanap ang bata.
“Bakit?” tanong ni Imelda.
“Daddy Rob and Daddy Pau did not attend my graduation,” malungkot na sabi ni Gab. Umasa siyang makikita niyang muli ang kinagisnang mga ama.
“Maybe, they are busy,” sagot ni Marlon. “Don’t worry, we will have a celebration at home. Your mommy Shane prepared some foods.”
“Can you invite Daddy Rob and Daddy Pau so they can celebrate with us?” pakiusap ni Gab sa ama. “Please? I really miss them.”
“Okay, I’ll call them later.”
Hindi na nangulit si Gab. Kahit paano ay may pag-aalinlangan pa rin ito pagdating sa pakikitungo sa ama.
Sumakay na sa kotse ang tatlo. Hindi nila napansin na nasa isang bahagi ng eskuwelahan si Pau at nakatanaw lang sa kanila. Kanina pa siya nagmamasid. Naumpisahan at natapos niya ang programa ng pagtatapos ni Gab. Gustong-gusto man niyang lapitan si Gab ay hindi niya ginawa. Sapat na sa kanya ang makita si Gab sa stage. Pero kahit malayo siya kay Gab, kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito. Alam niyang may hinahanap si Gab. May mga taong gustong makita ng bata at makasama sa mahalagang okasyong iyon ng kanyang buhay.
Nang makaalis na sa eskuwelahan ang kotse ni Marlon ay minabuti ni Pau na umuwi na rin.
Pagdating sa bahay ay sinalubong siya ni Rob ng isang balita.
“Tumawag si Shane.”
Kinabahan si Pau. “Bakit daw? Anong sabi?”
“Nag-imbita. May konting salu-salo raw sa bahay nila, selebrasyon sa graduation ni Gab.”
Biglang sumigla si Pau. Nawala ang kabang kanina ay naramdaman niya. “Punta tayo.”
Umiling si Rob. “Ikaw na lang ang pumunta. Hindi naman kailangang nandoon tayong dalawa.”
Sumimangot si Pau. “Bahala ka kung ayaw mo. Basta, pupunta ako. Anong address nila?”
Iniabot ni Rob ang kapirasong papel na pinagsulatan niya ng address ni Shane.
“Malapit lang pala. Magta-taxi na lang ako.”
“Bakit hindi mo na lang dalhin ang kotse?” tanong ni Rob.
“Baliw! Marunong ba akong mag-drive? Eh, kung sumasama ka na kasi para makita mo naman si Gab.”
“Mag-taxi ka na lang,” umiiling na sabi ni Rob.
“Diyan ka na nga!” Mabilis na siyang naglakad papalabas ng bahay.
Mabilis naman niyang narating ang bahay nina Shane at Marlon. Swerteng pamilyar sa address ang driver ng nasakyan niyqng taksi. Huminga muna siya nang malalim bago niya pinindot ang doorbell.
Isang babae ang nagbukas ng gate.
“Ahh, magandang hapon. Inimbita ako ni Shane para sa graduation celebration ni Gab.”
“Pumasok po kayo. Hinihintay na po kayo sa loob,” magalang na sagot ni Karing.
Pagpasok ni Pau sa loob ng bahay ay agad siyang nakita ni Gab na kasalukuyang nagbubukas ng regalong galing kay Marlon. Walang pagdadalawang-isip na binitiwan ng bata ang regalo at nagtatakbo papunta kay Pau.
“Daddy Pau!” Hindi maikubli ang saya sa mukha ng paslit. Agad nitong niyakap si Pau na bahagyang yumuko para salubungin ang yakap ng bata.
“Congratulations!”
“Where’s Daddy Rob?”
“Kain ka muna rito, Paulo,” paanyaya ni Shane. “Nasaan si Rob?”
“Ah, masama ang pakiramdam niya,” pagsisinungaling ni Pau. “Kaya sabi niya ako na lang daw ang pumunta.”
“Ganoon ba? Kumain ka na muna.” Bumaling ito kay Karing. “Kumuha ka ng plato para kay Paulo.”
“Gab, your visitor will eat. Dito ka na muna and continue opening your gifts,” tawag ni Marlon sa anak.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Pau ang sinabi ni Marlon na visitor siya ni Gab. Sabagay, ano nga ba siya rito sa bahay ni Marlon? Ibinaba niya ang kargang bata. “Mag-open ka na muna ng gifts.”
“Don’t go home yet, Daddy Pau.”
“Oo,” tumatangong sagot niya kay Gab.
ALAS KUWATRO na ng hapon nang makauwi si Pau. Sinulit niya ang bihirang pagkakataong makasama si Gab. Ayaw pa nga siyang pauwiin ng bata pero ayaw rin niyang may masabi sa kanya si Marlon. Hindi nga ito umalis sa tabi ng anak na para bang itatakas niya ito ano mang oras. Hindi rin ito nakipag-usap sa kanya na labis niyang ipinagpasalamat dahil ayaw rin naman niya itong makausap. Si Shane ang bumangka sa usapan habang walang patid ang pangungulit sa kanya ni Gab. Kahit sa maikling oras na iyon ay sobrang kasiyahan ang naramdaman ni Pau nang muli niyang makasama ang batang miss na miss na niya.
Chapter 29 - Final Decision
Today is April 1, 2017.
It’s April Fools Day!
Yehey!!!!
I got you!
Sorry naman.
I’m still working with the update.
Chapter 29 - Final Decision
HINDI INAASAHAN ni Marlon ang pagdating ng isang bisita.
“Tita Minda!” Nanlaki ang mga mata ni Imelda nang buksan niya ang gate at bumungad sa kanya ang tiyahin ng ina ni Gab.
“Nandiyan ba si Gab? Gusto ko lang sana siyang bisitahin,” sabi ng matandang babae sa kanyang nakasanayan nang malambing na tinig.
“Opo, nandito siya. Pumasok po kayo. Sumunod kayo sa akin.”
Tumuloy si Tita Minda at naglakad kasunod ni Imelda.
“Ma’am Shane, nandito po si Tita Minda, lola ni Gab.”
“Magandang umaga…” bati ng matandang babae kay Shane.
“Magandang umaga rin po. Maupo po kayo,” magalang na sagot niya. “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Ako si Minda. Tiyahin ako ni Shiela, ang ina ni Gab. Ako ang nagpalaki kay Shiela mula noong mamatay ang mga magulang niya. Ako ang tumayong ama at ina sa kanya. Nami-miss ko ang apo kong si Gab. Noong nandun pa siya kina Rob at Pau, madalas nila akong dalawin. Maaari bang payagan ninyo akong dumalaw sa bata kahit paminsan-minsan?”
“Hon, may bisita ba tayo?” tanong ni Marlon na kabababa lang mula sa kuwarto nila sa ikalawang palapag ng bahay.
“Andito ang lola ni Gab, hon. Dinadalaw niya ang bata.”
Saglit na tiningnan ni Marlon ang matandang babae. Kung hindi siya nagkakamali, ito si Erminda Rivera, ang tiya ni Shiela. “Magandang umaga po. Ano pong pangalan n’yo?” Inabot niya ang kamay sa matanda.
“Minda… Erminda Rivera. Tiyahin ako ni Shiela na ina ni Gab.” Nakipagkamay ito kay Marlon.
“Gusto niya sanang dalawin si Gab,” sabi ni Shiela.
Napatango si Marlon. “Sige po, walang problema. Bukas po ang bahay namin para sa’yo anumang oras,” sabi niya kasabay ang isang ngiti.
“Maraming salamat sa inyo.”
“Imelda, tawagin mo si Gab. Karing, maglabas ka ng maiinom para kay Tita Minda.” Si Shane.
Agad na nagtungo sa kuwarto si Imelda. Pagbaba nito ay kasama na si Gab na hindi maipaliwanang ang saya nang makita ang lola.
“Lola Minda!” Sinugod niya ang matanda at niyakap nang mahigpit.
“Apo, kumusta ka na?” Mahigpit na yakap din ang ibinigay ni Tita Minda sa paslit.
“Are you staying here?” inosenteng tanong ni Gab.
“Hindi,” umiiling na sagot ng matanda. “Dinalaw lang kita kasi miss na miss na kita. Eto, may pasalubong ako sa’yo.” Kinuha nito sa bag ang isang pirasong tsokolate.
“Wow, chocolate!” Namilog ang mga mata ni Gab. “Salamat, Lola Minda.”
Nakatingin lang sa maglola sina Marlon at Shane. Si Imelda ay ganoon din.
“Uminom po muna kayo nitong juice,” sabi ni Karing na dala ang isang baso ng orange juice.
“Salamat. Ilagay mo na lang muna riyan,” sagot ni Tita Minda.
“Sige po, may aasikasuhin lang muna ako sa itaas,” paalam ni Marlon at umakyat na ito papunta sa kuwarto.
“Tita Minda, bakit ngayon lang po kayo pumunta rito?” tanong ni Shane.
“Umuwi kasi ako ng probinsiya. Kababalik ko lang kahapon,” sagot ni Tita Minda. “Nang tawagan ko si Rob, at saka ko lang nalaman ang mga nangyari. Ipinagbubuntis pa lang ng pamangkin ko si Gab, akala ko talaga ay si Rob ang ama niya dahil iyon din ang sabi sa akin ni Shiela, ang ina ni Gab. Kaya nagulat ako sa biglang pagbabago ng lahat.”
“Lola, dito ka na lang tumira,” naglalambing na sabi ni Gab.
Ginulo ng matanda ang buhok ng paslit. “Hindi puwede. Walang magbabantay ng bahay sa Malabon. Dadalawin na lang kita rito nang madalas.”
“Promise?”
“Promise, apo…”
“ANYTIME THIS week ay ilalabas na ang desisyon ng court of appeals, Rob. We’ve done our part. Let’s just hope that the court favors with us,” prankang sabi ni Atty. Cervando.
“Atty., sa tingin mo ba ay makakatulong ang sulat na gawa ni Shiela na nagsasabing sa akin niya ibinibigay ang kustodiya kay Gab?” tanong ni Rob.
“Sana makatulong. Pero alam mo naman na hindi ari-arian ang bata. Iba ang batas tungkol sa mga ari-ariang naiwan ng isang namayapa. Iba rin pagdating sa mga tao. Kung ina ang namatay at andiyan pa ang ama, siyempre sa ama dapat mapunta ang bata. Aware ka naman doon, ’di ba?”
Tumango si Rob. Alam naman niya amg sinasabi ng batas. Para saan pa at naging law student siya. Hindi lang talaga niya matanggap na pagkatapos ng halos limang taon ay mababalewala lang ang lahat ng pag-aaruga nila ni Pau kay Gab.
“NAKAUSAP KO si Eric kanina. Lalabas na raw ’yung court decision sa appeal ni Rob,” seryosong sabi ni Marlon kay Shane habang nakahiga na sila sa kama. “I’m wishing na pumabor sa atin ang korte.”
“Sana matapos na ang labanan n’yo ni Rob sa korte,” sagot ni Shane. “Wala namang pupuntahan ito, eh. Nagugulo lang ang utak ni Gab. Alam n’yo ba kung ano ang pwedeng maging epekto nito sa isip niya?”
“Hindi naman namin intensyon na magtanim ng confusion sa utak ni Gab. Pero bilang ama niya, gusto ko naman siyempre na ipaglaban ang karapatan ko sa kanya,” katwiran ni Marlon. “Matagal ko siyang hindi nakasama. Gusto kong bumawi sa mga panahong nawala sa aming mag-ama.” Bumuntonghininga siya. “Salamat nga pala sa pagtanggap mo sa anak ko. Mas lumalakas ang loob ko dahil alam kong sinusuportahan mo ako. Hindi ko kakayanin itong mag-isa.” Niyakap ni Marlon ang buntis na asawa. “Ang laki na ng tummy mo. Malapit na kasing lumabas si baby. Magiging kuya na si Gab.”
“Oo nga, ilang weeks na lang lalabas na si baby. Sana paglabas niya, tapos na ang mga problema para we can be a happy family.”
“Sayang nga, ayaw mong magpa-ultrasound para malaman natin ang gender ng baby. Mas gusto mong surprise.”
“Few weeks na lang naman. Mas exciting maghintay sa pagdating ng baby dahil ’di pa natin alam kung lalaki siya o babae.”
“Basta, kahit ano pa ang gender niya okay lang. Ang importante, healthy siya,” pahayag ni Marlon at saka hinalikan sa buhok ang asawa.
HINDI HANDA si Rob sa balitang dala ni Atty. Cervando nang tawagan siya nito sa trabaho.
“Rob, the court affirmed the decision of the lower court. Marlon still has full custody over Gab.”
Pakiramdam ni Rob ay lumobo ang kanyang ulo at biglang huminto sa pag-ikot ang mundo. Ito na ang sandaling ayaw niyang dumating pero alam niyang darating at hindi niya maiiwasan.
“Ipapadala ko riyan ang kopya ng desisyon,” sabi ng abogada.
“Sige, atorni.”
“Puwede pa tayong dumiretso sa supreme court…”
“Huwag na, atorni. Ganoon pa rin naman ang magiging resulta. Kay Marlon pa rin mapupunta si Gab. Alam naman natin na ganoon ang mangyayari. Aasa lang tayo sa wala.”
“Ikaw ang bahala. So, final na ang desisyon mo na sumang-ayon na lang sa desisyon ng court of appeals?”
“Oo. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para tanggapin namin na hindi talaga para sa amin si Gab,” malungkot niyang sabi.
“I respect your decision, Rob.”
“ROB! Ganoon na lang iyon?” malakas ang boses na tanong ni Pau. Hindi niya maintindihan na tatanggapin na lang ni Rob ang desisyon ng court of appeals.
“Puwede ba, Pau intindihin mo naman ang sinasabi ko. Kahit saan pa tayo umapela, anak ni Marlon si Gab. Kailan man ay hindi ibibigay ng korte si Gab sa ibang tao kung mayroon pa naman itong magulang. Maliban na lang kung mapapatunayan natin na unfit si Marlon para maging magulang sa anak niya.”
“Eh, ’di humanap tayo ng ebidensiya na unfit siya.”
“Alam mong wala tayong makikitang ebidensiya. Kahit galit tayo kay Marlon, hindi natin puwedeng itanggi na matino siyang tao. Kaya niyang bigyan ng magandang buhay si Gab,” deklara ni Rob. “Tanggapin na natin, Pau na hindi para sa atin si Gab. Pinahiram lang siya sa atin. At kailangan na nating isoli. Huwag lang sarili natin ang isipin natin, Pau. Mas isipin natin ang kapakanan ni Gab.”
Napasabunot si Pau sa sariling buhok. Sa kanilang dalawa, si Rob lang ang puwedeng makipaglaban kay Marlon sa korte. Siya hindi.
Ano ba siya? Oo, siya ang nakapulot kay Gab sa labas ng pinto. Eh, ba’t niya inangkin ang bata? Dapat ipinagbigay alam niya sa mga awtoridad.
Dapat nga siguro ipinagbigay alam nila agad sa awtoridad. Tapos, sinabi niyang aampunin na lang niya ang bata. Kung noon pa nila inampon si Gab, wala na sanang habol ang Marlon na iyon.
“Galit ka ba sa naging desisyon ko?” halos bulong na tanong ni Rob.
“Hindi,” umiiling na sagot ni Pau. Dapat ba niyang sisihin si Rob sa naging desisyon nito? Hindi ba dapat ay suportahan niya ito? Lalo na ngayon. Kailangan ni Rob ng karamay.
“Wala ba akong kuwentang ama kay Gab? Nag-fail ba ako as a father to him?” nanginginig ang boses na tanong niya. Halatang naiiyak na siya.
“Hindi, Rob. Ginawa mo ang lahat. Nagawa mo na ang lahat para kay Gab. Blood doesn’t always make the man a daddy. Being a daddy comes from the heart and not from that skinny stick between the man’s legs,” paliwanag ni Pau. “Higit pa sa pagmamahal ng tunay na ama ang ibinigay mo kay Gab. Any crazy, stupid man can make a baby, but it takes a responsible man like you to raise a child.”
Hindi na napigilan ni Rob ang pag-agos ng kanyang luha. Umiiyak siyang yumakap kay Pau. Sa mga sandaling katulad nito, si Pau lang ang puwedeng dumamay kay Rob. Siya lang ang makauunawa sa totoong nararamdaman nito, dahil pareho lang sila ng pinagdaanan. Pareho lang silang nagbigay ng todong pagmamahal kay Gab.
Chapter 30 - Mishap
“HON, panalo tayo! Sa atin pa rin si Gab.” Hindi mailarawan ang saya sa mukha ni Marlon habang ibinabalita kay Shane ang desisyon ng court of appeals.
“Sana matapos na dito ang lahat ng gulo. Nakakapagod din ang mag-isip kung anong legal battle naman ang kasunod ng bawat desisyon ng korte. Nakakasakit ng ulo.” pahayag ni Shane. “Sa bandang huli naman, si Gab pa rin ang mahihirapan. Hindi naman ikaw, o si Rob, o si Paulo ang magsa-suffer talaga. Si Gab. Siya iyong mas apektado sa inyong lahat. Naaawa na ako sa bata.”
“Hon, alam mong ipaglalaban ko ang karapatan ko sa anak ko kahit saan pa kami makarating. Hindi talaga maiiwasang maapektuhan si Gab dito. Pero, I’ll make sure na nandito ako lagi para protektahan pa rin siya. Kapag natapos na ang lahat ng gusot, babawi ako sa anak ko.”
“Nagpapaalala lang naman ako.”
“Sila lang naman iyong apela nang apela. Hindi nila matanggap na talo na sila.”
“Paano ngayon? Dadalhin na ba ni Rob sa supreme court ang kaso?” tanong ni Shane.
“Hindi ko alam. Sana tumigil na sila. Sana tanggapin na nilang wala naman talaga silang karapatan kay Gab.”
“Can’t you just allow them to visit Gab anytime they want? Para everybody happy,” suhestiyon ni Shane. “Noong graduation ni Gab, alam kong ayaw mong pumunta sila rito. Hindi ka man lang nga nakipag-usap kay Paulo. I know you don’t want them around.”
“Dahil hindi ako lubusang matatanggap ni Gab kung lagi niyang makikita ang mga pekeng daddy niya,” argumento ni Marlon. “Hon, gusto kong mabawi ang nawalang panahon ko sa aking anak. Paano ko magagawa iyon kung laging nakabuntot si Rob at Paulo?”
“But seeing them around will make your son happy. Ayaw mo bang maging totoong masaya si Gab?”
“I can make him happy in my own way. After all, ako ang totoong tatay niya.” Sa malas ay mukhang walang balak magpatalo si Marlon. Buo sa loob niya ang desisyong tuluyang mawala sa sistema ni Gab sina Pau at Rob.
“TITA MINDA…”
“Hello, Rob! Napatawag ka?”
“Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na bumaba na po ang desisyon ng Court of Appeals,” simulang sabi ni Rob sa malungkot na tinig. “Pinanigan po ng korte ang desisyon ng lower court kaya kay Marlon pa rin ang full custody kay Gab. Hindi na po ako aapela pa dahil alam ko naman na kahit saan pa kami makarating, si Marlon pa rin ang papanigan ng korte dahil siya ang totoong ama. Mabigat man sa loob ko, kailangan ko nang tanggapin na wala na sa amin si Gab.”
“Kahit ba visiting rights wala?”
“Hindi na po kami humingi. Kung magmamagandang loob si Marlon, bakit hindi. Pero tingin ko, hindi niya gagawin na bigyan kami ng visiting rights. Kayo po ang dapat na magkaroon noon dahil apo n’yo si Gab.”
“Nakausap ko na siya noong minsang dinalaw ko si Gab. Sinabi naman niya na puwede akong dumalaw doon anytime.”
“Mabuti po kung ganoon.” Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Rob. “Tita Minda, kahit wala na po sa amin si Gab, sana po dalawin n’yo pa rin kami rito paminsan-minsan. At kung may problema po kayo na puwede kaming tumulong, huwag po kayong mahihiyang magsabi.”
“Maraming salamat, Rob. Napakabuti mo talaga. Maging noong buhay pa si Shiela, lagi ka nang handang tumulong sa amin.”
“DADDY MARLON, can I visit Daddy Rob and Daddy Pau? I am terribly missing them.” Nagulat si Marlon sa sinabi ni Gab. Akala niya ay unti-unti nang nalilimutan nito ang mga ama-amahan.
“No,” direktang sagot niya pagkatapos ay matiim na tiningnan ang anak. “We’re all busy. We cannot bring you to their house.”
“Yaya Imelda will come with me. She knows our house.” Hindi nakaligtas sa pandinig ni Marlon ang sinabi ng bata. Our
house
. Hindi pa nga talaga nawawala sa isipan nito ang dating buhay kasama sina Rob at Pau.
“Kapag sinabi kong hindi puwede, hindi puwede. Huwag kang makulit.” Pinandilatan na niya si Gab.
Akala niya ay matatakot ang anak pero hindi. At mas ikinagulat pa niya ang sunod na ginawa nito.
“I’ll still go! You’re bad!” Bigla itong tumakbo papalabas ng pinto at dire-diretsong lumabas ng gate.
Napahabol si Marlon sa anak. “Gabriel, come back here!”
Sinundan ni Imelda ang mag-ama.
“What’s happening?” Napalabas ng silid si Shane.
“Ma’am, si Gab po tumakbo papalabas. Pupunta raw siya sa bahay ng mga daddy niya,” sabi ni Karing.
“Ha?” natatarantang sabi ni Shane. “Halika, sundan natin sila.”
Si Gab ay tuluy-tuloy lang sa pagtakbo. Nakarating na ito sa kalye kung saan medyo marami na ang dumadaan na mga sasakyan.
“Gabriel, bumalik ka rito!” Mas binilisan pa ni Marlon ang pagtakbo. Konti na lang at maaabutan na niya ang paslit.
Napahinto si Gab sa pagtakbo. Lilipat siya sa kabilang bahagi ng kalsada pero nakita niya ang sunod-sunod na pagdaan ng mga sasakyan. Nilingon niya ang amang humahabol sa kanya. Malapit na ito. Maabutan siya nito! Hindi puwede. Kailangang makatawid na siya sa kabilang bahagi ng kalye.
“Gabriel, huwag kang tatawid!”
Hayan na ang Daddy Marlon niya!
Pikit-matang tumawid sa kalye si Gab. Hindi na niya inalintana ang paparating na jeep na matulin ang pagtakbo.
“Gabriel, huwag!” Tinalon ni Marlon ang anak sapat para mahawakan niya ito sa balikat at maitulak pabalik sa gilid ng kalsada.
Napasubsob si Gab sa semento dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Marlon. Dumugo ang noo nito at nawalan ng malay. Si Marlon naman ang naging sentro ng paparating na sasakyan!
Bago pa nakaiwas si Marlon ay nahagip na siya ng jeep. Tumilapon siya sa kalsada at ilang ulit na nagpagulong-gulong.
Natakot ang driver ng jeep. Mas lalo pa nitong binilisan ang pagharurot ng sasakyan para takasan ang kanyang naaksidente.
“Boss!!!” Napasigaw si Imelda. Agad nitong dinaluhan si Marlon. “Tulong! Tulungan n’yo kami!” Hindi siya magkandaugaga kung sino ang uunahing tulungan, si Marlon ba o si Gab.
Hilakbot na hilakbot si Shane sa tagpong dinatnan. Walang malay na nakahandusay sa kalye sina Marlon at Gab. Parehong duguan!
“Taxi!” Pinara ni Shane ang unang taksing dumaan. May pasahero ang taksi pero huminto pa rin ito at ibinaba ng driver ang bintana.
“Ma’am, sakay na raw kayo sabi ng pasahero ko. Bababa na lang daw siya.” Pagkasabi noon ay iginilid ng driver ang sasakyan. Bumaba ang lalaking pasahero, maging ang driver.
Agad na binuhat ng lalaking pasahero si Gab at isinakay sa taksi. Si Marlon naman ay pinagtulungang buhatin ni Imelda at ng driver. Tumulong na rin sa pagbuhat kay Marlon ang lalaking pasahero.
“Karing, bumalik ka na sa bahay. Tawagan mo ang mga magulang ni Marlon,” bilin ni Shane sa kasambahay. “Imelda, sumama ka sa ospital.”
“Opo, ma’am.” Agad na sumakay sa taksi si Imelda sa tabi ng driver.
Bago isara ang pinto ng taksi ay nagawa pa ni Shane na magpasalamat sa lalaking pasahero na tumulong sa kanila. Pagkatapos ay agad nang pinaharurot ng driver ang sasakayan patungo sa pinakamalapit na ospital.
“Manong, pakibilisan lang. Maraming dugo na ang nawawala sa asawa at anak ko.” Pinipilit ni Shane na pakalmahin ang sarili niya pero ang naghalo-halong kaba, tensyon, at takot sa nangyaring aksidente ay mas lalong naging dahilan para mag-panic siya. Lalo na’t heto at katabi niya ang duguang sina Marlon at Gab.
“Ma’am, kumalma lang kayo,” paalala ni Imelda sa amo.
Nagulat si Imelda at ang driver nang biglang sumigaw si Shane.
“Aaahhhh!!!”
“Ma’am, napaano kayo?” Nilingon ni Imelda ang amo at nakita niyang tila namimilipit ito sa sakit na nararamdaman.
“Imelda, manganganak na yata ako!”
“Ma’am!” Nataranta si Imelda. Binalingan nito ang driver. “Manong, saang ospital ba tayo pupunta? Malapit na ba tayo? Manganganak na ang amo ko!”
“Hindi ko na kaya! Lalabas na ang baby!!!”
“Ma’am, pigilin n’yo muna. Malapit na tayo sa ospital,” sabi ng driver na halatang pinipilit lang maging kalmado.
“Ang sakit, Imelda!!!”
“Ma’am Shane!”
“Nandito na po tayo.” Inihinto ng driver ang sasakyan sa labas ng emergency room ng ospital. Pagkatapos ay bumaba siya at tumakbo sa loob ng ER para humingi ng tulong.
Bumaba kaagad sa taksi si Imelda at inalalayang makalabas ng sasakyan si Shane.
Agad na naglabas ng stretcher ang mga hospital attendant at kinuha sa loob ng taxi sina Gab at Marlon. Inalalayan ni Imelda si Shane hanggang makapasok sila sa emergency room.
Biglang naging abala ang mga doktor at nurses sa ER sa pagdating ng tatlong pasyente.
“Manong!” Tinawag ni Imelda ang driver ng taksi. Dinukot niya ang coin purse sa bulsa at kumuha ng pera. Nilapitan niya ang driver. “Magkano inabot ang metro?”
“Huwag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga ay natulungan ko silang madala rito sa ospital. Sana lang makaligtas ang mag-ama.”
“Salamat, manong. Napakabuti mo.” Parang gustong umiyak ni Imelda. Sa kabila ng kaliwa’t kanang balita sa radyo at telebisyon tungkol sa kasamaan ng mundo, heto at may isang taong bukas pa rin ang loob sa pagtulong sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit. “Anong pangalan mo, manong?”
“Emmanuel Salvador,” sagot ng driver. “Sige, aalis na muna ako. Kailangan kong umuwi para makapagpalit ng damit.”
“Maraming salamat.” Tinanguan lang ng driver si Imelda at lumakad na ito papalabas ng ospital.
“Sinong kasama noong dalawang naaksidente?” tanong ng isang nurse.
“Ako po,” sagot ni Imelda na itinaas pa ang kanang kamay.
“Kailangan po natin ng dugo. Type B positive, para maisalin sa pasyente.”
“Nasaan na iyong buntis?”
“Nasa delivery room na siya,” sagot ng nurse. “Iyong dugo, kailangan namin kaagad.”
“Oo, hahanap na ako.” Lumabas siya sa emergency room. Kinuha niya ang celfone sa bulsa at tinawagan ang unang taong naisip niyang makakatulong sa kanya.
Si Rob.
“HELLO, IMELDA!
“Boss! Tulungan mo ako. Nandito ako sa ospital. Naaksidente si Boss Marlon at si Gab. Si Ma’am Shane naman, napaanak nang wala sa oras.”
“Ano?! Kumusta si Gab? Anong nangyari?”
“Nasagasaan ng jeep, boss. Kailangan ng dugo. Hindi ko alam kung saan kukuha.”
“Nasagasaan si Gab?!”
“Si boss Marlon… Kasi iniligtas niya si Gab. Pero naospital din si Gab kasi nabagok ang ulo at dumugo,” paliwanag ni Imelda.
“Anong type ng dugo ang kailangan? Saang ospital ’yan?”
“Type B positive raw. Dito sa Dr. Edmundo Ruiz Medical Center, sakop pa rin ito ng Pasig.”
“Oo, alam ko ’yan. Sige, papunta na kami.”
Nagmamadaling pumunta sa kusina si Rob. “Pau! Halika, pupunta tayo na ospital.”
“Ha? Sinong naospital?” natitilihang tanong ni Pau habang hawak pa ang sandok.
“Naaksidente si Gab at si Marlon. Kailangan nating pumunta kaagad sa ospital. Kailangan tayo ni Gab!”
Wala nang inaksayang sandali sina Rob at Pau. Mabilis nilang narating ang ospital. Agad nilang nakita si Imelda na naghihintay sa lobby.
“Imelda!”
“Boss Rob! May nahanap na bang dugo? Nakadalawang follow-up na sa akin iyong nurse. Kailangan na raw maisalin ang dugo.”
“Dalhin mo ako sa nurse na sinasabi mo.”
“Dito, boss.” Dinala niya sina Rob at Pau sa nurse’s station.
“May nahanap na po ba kayong dugo?” agad na tanong ng nurse nang mamukhaan si Imelda.
“Ako,” sagot ni Rob. “Type B positive ang dugo ko. Kuhaan n’yo na ako ng dugo para maisalin sa pasyente.”
“Halikayo, sir. Sumunod po kayo sa akin.”
Naiwan sa nurse’s station sina Pau at Imelda.
“Ano bang nangyari? Bakit sila naaksidente?”
“Boss Pau, gusto kasing dumalaw ni Gab sa inyo. Kaso hindi pumayag si boss Marlon. Kaya nagalit si Gab at nagtatakbo papalabas ng gate. Hinabol namin siya ni boss Marlon. Tumawid si Gab ng kalsada habang paparating ang jeep. Iniligtas ni boss Marlon si Gab para hindi siya masagasaan kaya si boss ang nahagip.”
“Anong nangyari kay Gab?”
“Tumilapon si Gab sa semento at nabagok ang ulo. Dumugo.”
Awang-awa si Pau kay Gab. “Diyos ko!”
Nagpatuloy si Imelda. “Tapos habang dinadala namin sila rito sa ospital, sumakit naman ang tiyan ni Ma’am Shane. Kaya ayun, nasa delivery room na siya. Kinakabahan nga ako dahil ang alam ko, 34 weeks pa lang ang ipinagbubuntis niya.”
Napausal ng panalangin si Pau, “Diyos ko, iligtas Mo silang lahat…”
The Final Chapter (1)
ANG LAKAS ng kabog ng dibdib ni Imelda nang makita niyang lumabas ng delivery room ang doktor.
“Kumusta na po ang pasyente? Nanganak na siya? How’s the baby, doc?” sunod-sunod ang tanong ni Pau. Maging siya ay kinakabahan rin sa ano mang sasabihin ng doktor.
“The mother is okay; she gave birth to a baby girl. But the baby needs to undergo endotracheal intubation because of Respiratory Distress Syndrome. She is also currently on a respirator. Usually, ganito ang nangyayari sa mga premature birth. We are monitoring the baby’s progress, hopefully she survives,” mahabang paliwanag ng doktor.
“Maraming salamat, doc.”
“Ililipat na sa private room ang mother. Puwede n’yo siyang puntahan doon,” sabi ng manggagamot bago ito nagpaalam kay Pau.
“Si Gab, kumusta na kaya siya? Si Rob, hindi pa ba tapos kunan ng dugo?”
“Wala pang lumalabas na doktor sa operating room, boss.”
“Sinong naiwan sa bahay nina Marlon?”
“Si Karing lang. Nag-text na ako sa kanya para ipaalam kung saang ospital dinala ang mga amo namin. Binilinan kasi siya ni Ma’am Shane na tawagan ang mga magulang ni boss Marlon.”
“Eh, bakit wala pa ang mga magulang ni Marlon? Anong oras ka ba nag-text? Nakaka-stress magbantay dito at mag-abang sa sasabihin ng doktor. Aba, kahit hindi ko naman kamag-anak ’yang si Marlon, ayoko naman na ako ang makakatanggap ng hindi magandang balita sakali mang may mangyaring hindi maganda sa kanya,” litanya ni Pau.
“Magiging ayos naman siguro si boss Marlon. Nagbigay na nga ng dugo si boss Rob,” positibong pananaw ni Imelda.
“Eh, iyong mga magulang ni Shane?”
“Hindi ko alam, boss. Wala yata rito sa Pilipinas.”
Maya-maya ay dumating na nga ang mga magulang ni Marlon. Nakita nina Imelda at Pau na dumiretso ang mga ito sa reception at ilang saglit lang ay papalapit na ang mga ito sa kanila.
“Kami ang mga magulang nina Marlon at Shane? Kumusta na sila?” nag-aalalang tanong ng matandang babaeng siguro’y mga limamput-limang taong gulang na. Ang lalaking kasama nito na mukhang mas may edad ay kalmado lang.
Si Pau ang sumagot. “Nanganak na po si Shane at okay naman siya, pero sabi ng doktor kailangang i-monitor ang baby dahil premature. Si Marlon po, nasa operating room pa, pati si Gab.”
“Sino ka?” tanong ng ama ni Marlon.
Ay
kaloka
!
Feeling
close
na
ako
hindi
pala
ako
kilala
. “Ako po si Paulo,” pagpapakilala niya. “Ako po iyong isa sa mga tumayong ama sa apo ninyo, si Gabriel. Kilala n’yo naman si Gabriel, ’di ba? Huwag n’yong sabihing hindi. Ilang buwan na ring nasa poder ni Marlon ang bata.”
“Ahh, ikaw pala iyon,” tumatangong sagot nito.
“Boss, lumabas na iyong doktor sa operating room,” bulalas ni Imelda.
“Doktor, kumusta ang anak ko?” agad na tanong ng ama ni Marlon.
“Maraming nawalang dugo sa kanya. Mabuti na lang at nakahanap kaagad kayo ng taong magbibigay ng dugo sa kanya. Naibalik kaagad ang dugong nawala, pero kailangan pa rin nating makita ang resulta ng mga lab test na isinagawa sa kanya para masigurong walang ibang bahagi ng katawan niya ang napinsala. Nabali rin ang isang rib niya at tumusok sa kanyang atay kaya kinailangan siyang operahan.”
“Doc, ’yung bata… Kumusta ’yung bata?” Si Pau.
“He is still under observation. Malakas ang pagkakabagok ng ulo niya kaya nagkaroon siya ng subdural haematoma. Ito ay blood clot sa pagitan ng bungo at ng surface ng utak. Kailangan pa naming magsagawa ng additional tests para makita kung gaano kalaki ang blood clot. Doon lamang tayo makakapag-decide kung anong treatment ang dapat gawin sa bata,” pahayag ng manggagamot.
“Maooperahan siya, doc?” Hindi maitago ang pag-aalala ni Pau.
“Kung maliit lang ang blood clot, puwede nating obserbahan na lang at i-monitor dahil gagaling iyon nang kusa. Pero kung malaki ang blood clot, kailangang maoperahan siya kaagad sa ulo. Maglalagay tayo ng butas sa ulo niya para makuha ang namuong dugo sa loob.”
“Diyos ko! Napakabata pa niya para dumaan sa ganoong kadelikadong operasyon,” gusto nang maghisterikal ni Pau. “Doc, maglilimang taon pa lang siya.”
“We have no choice if that’s the way to cure him and save his life,” matatag na sagot ng doktor. “If you have no more question, maiwan ko muna kayo.” Lumakad na papalayo ang manggagamot.
Pakiramdam ni Pau ay tila mauupos siya. Ano ba naman at hindi na natapos ang mga problema?
Ang mga magulang ni Marlon ay wala ring masabi. Kung apektado ba ang mga ito dahil sa nangyari sa kanilang apo ay hindi matantiya ni Pau.
Si Imelda ang halatang naapektuhan nang husto sa sinapit ng alaga dahil tahimik na itong lumuluha.
MATAPOS MAKAPAGPAHINGA ay okay na muli si Rob. Marami rin ang dugong kinuha sa kanya pero balewala lang iyon. Ang mahalaga ay nakapagligtas siya ng buhay ng tao.
Kasabay niya si Pau nang pumasok sa silid kung saan naroon si Shane. Naroon rin si Imelda. Ang mga magulang ni Marlon ay nasa ibang kuwarto at kinakausap ang doktor. Nailipat na rin sa isang silid si Marlon. Si Gab naman ay ganoon din.
“Gusto ka naming i-congrats dahil sa pagdating baby mo, pero alam nating hindi pa siya okay,” umpisang sabi ni Rob. “Tapos, nasa hindi rin magandang sitwasyon sina Marlon at Gab. Pero Shane, kung ano man ang maitutulong namin sabihin mo lang.”
“Malaking tulong na iyong pagbibigay mo ng dugo kay Marlon. Maraming salamat.”
“Kahit sino basta may kakayahang tumulong, gagawin din ’yung ginawa ko. Magpalakas ka. Kailangang-kailangan ka ngayon ng asawa at mga anak mo.” Inabot ni Rob ang kamay ni Shane at hinawakan.
Pagkatapos makausap si Shane ay sunod na pinuntahan nina Rob at Pau si Gab. Awang-awa sila sa itsura ng bata. May benda ito sa ulo at wala pa ring malay. Naisip ni Rob, kung nasa poder nila si Gab siguro ay hindi ito mangyayari. Lahat ng klaseng pag-iingat ay ginagawa nila para protektahan ang bata. Maaaring hindi nga sila ang tunay na ama nito, pero ang pagmamahal at pag-aarugang ibinigay nila rito ay katumbas kung hindi man ay higit pa sa puwedeng ibigay ng totoong ama.
Si Pau ay seryosong nakatitig kay Gab. Hindi niya lubos maisip ang posibleng mangyayari sa batang itinuring na niyang anak. Paano na lang kung ooperahan ito sa ulo? Diyos
ko
,
napakabata
pa
niya
.
May napansin si Pau sa mukha ni Gab. Agad siyang dumukot sa bulsa at kinuha ang kanyang panyo. Pinahid niya ang namuong luha sa gilid ng mata ni Gab. Mas lalo siyang nakadama ng habag para sa paslit.
Hindi napigilan ni Pau ang sarili. Inilapit niya ang sariling mukha sa mukha ni Gab at hinalikan ito sa pisngi. Kung puwede nga lang sana niya itong yakapin nang mahigpit na mahigpit.
The Final Chapter (2)
SA WAKAS ay nagkamalay na si Marlon. Nakita niya ang kanyang mga magulang na naroon din sa loob ng silid.
“Anak, kumusta ang pakiramdam mo?” ang nag-aalalang tanong ng mama niya. Mula kanina pagdating nila ng ospital ay hindi nawala ang takot sa kanyang dibdib dahil hindi pa rin nagkakamalay ang kanyang anak. Sa pagmulat ng mga mata ni Marlon ngayon, kahit paano ay nabawasan na ang kanyang kaba.
“Nasaan si Gab… Kumusta ang anak ko?” Kahit nahihirapan ay pinilit niyang magsalita.
“He is still under observation. Don’t worry too much son, everything will be okay,” kalmadong sagot ng kanyang ama. He tried to sound that there is nothing to be worried about.
“Si Shane?” muling tanong ni Marlon. “Nagpunta na ba rito si Shane?”
“Nasa kabilang room si Shane. Nanganak na siya. Babae ang anak ninyo,” pagbabalita ng kanyang ina.
“Ha?” gulat na reaksyon ni Marlon. “Nanganak na siya? Hindi pa siya due this week.”
“Dala siguro ng stress, ayun napaanak nang wala sa oras ang asawa mo. Under observation din ang baby n’yo dahil premature.”
Nanlumo si Marlon. Hindi mag-sink in sa utak niya ang mga nangyari.“
“Huwag ka munang mag-isip, anak. Hayaan mong ang mga doktor ang kumilos para mapabuti ang kalagayan ng mga anak mo. Okay naman si Shane. Baka mamaya lang, pupuntahan ka niya rito.” Ang ina niya ay hindi nagkulang sa pagpapaalala sa kanya.
Sinubukang kumilos ni Marlon pero nakaramdam siya ng sakit.
“Huwag ka munang magkikikos. Sariwa pa ang sugat ng pagkakaopera sa’yo. At maraming tinamong bugbog ang buong katawan mo. Kinailangan ka pa ngang salinan ng dugo dahil sa dami ng dugong nawala sa katawan mo. Mabuti na lang at magkatipo kayo ng dugo ni Rob,” paliwanag ng kanyang ina.
“Rob?” nagtatakang tanong ni Marlon.
“Si Rob. Iyong daddy ng anak mo.”
“Bakit siya?”
“Eh, sino ba dapat? Walang stock ng dugo itong ospital. Si Rob, nandito siya kanina. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na magbigay sa’yo ng dugo.”
Hindi nakapagsalita si Marlon.
“Magpasalamat ka sa kanya, anak. Parang siya na rin ang nagdugtong ng buhay mo.”
“Good morning!” bati sa kanila ng doktor na pumasok sa loob ng kuwarto. “Gising na pala ang pasyente ko.” Lumapit ito kay Marlon at muling nagtanong, “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Medyo nananakit lang ang katawan ko, doc. Itong opera ko, medyo kumikirot. Pero tolerable naman.”
“Normal lang ’yan. Lipas na kasi ang epekto ng anaesthesia. Iyong pananakit ng katawan mo ay epekto ng pagkakabundol sa’yo ng jeep. But you’ll be okay in a few days,” paniniguro ng doktor. “May pupuntang nurse dito mamaya to check your vital signs at para ibigay rin ’yung reseta ng additional medicines na kailangan mong inumin. Pahinga ka na lang muna para sa mabilis mong paggaling. Don’t stress yourself too much,” payo ng doktor.
“DADDY… DADDY…”
Halos sabay na napamulat ng mga mata sina Pau at Rob. Silang dalawa ang nagbabantay kay Gab at nakaidlip na sila sa paghihintay na magising ang bata.
“Gab… are you okay?” Agad na lumapit si Pau sa paslit. Si Rob naman ay napasunod na rin.
“How are you feeling?” Nasa tono ni Rob ang pag-aalala.
“My head is aching,” reklamo ni Gab.
“Lalabas ako, tatawagin ko ang doktor.” Agad na lumabas ng silid si Pau. Nang bumalik ito ay kasunod na ang doktor na nagmo-monitor sa kondisyon ni Gab.
Sinuri ng doktor si Gab. Tiningnan ang sugat nito sa ulo. Maya-maya ay kinausap sina Rob at Pau. “Normal reaction lang ng bata kapag may nararamdamang masakit sa kanyang katawan. Nothing to worry. The fact na nagising na siya is a good sign. It’s possible na hindi ganoon kalaki ang blood clot sa ulo niya. We’ll see his real condition tomorrow ’pag lumabas na ang result ng mga tests na ginawa namin sa kanya. In the meantime, let’s all hope that everything will turn out right for the boy.”
“Salamat, doc.” Si Rob.
Ngumiti ang doktor. “Nandoon lang ako sa opisina ko. Just call me for any emergency.”
Kaaalis lang ng doktor nang pumasok si Shane sa kuwarto ni Gab. Kasama nito si Imelda.
“Shane! Bakit bumangon ka na?” nag-aalalang sabi ni Paulo.
“Gusto kong makita si Gab. I want to know kung okay ba siya.”
“Eto, gising na siya,” sabi naman ni Rob. “Sabi ng doktor, good sign daw na gising na siya. Possible daw na hindi malaki ang blood clot sa ulo niya. Sana nga tama ang assessment ng doktor, para hindi na operahan si Gab.”
Lumapit sina Shane at Imelda kay Gab. “How are you, brave boy?” Hinawakan niya ang kamay ng bata. Doon man lang ay maiparamdam niya rito ang kanyang pag-aalala.
“Mommy Shane…”
“May masakit ba sa’yo?”
“My head…”
“Don’t you worry, mawawala rin kaagad ang sakit niyan because the doctor is doing everything to heal your wounds,” pagpapalakas niya sa loob nito. “Magpagaling ka agad, so you can play with your baby sister.”
“I have a baby sister?” Nanlaki ang mga mata ni Gab. Pero agad din nitong binawi ang pagkagulat dahil sa naramdamang kirot ng sugat niya sa ulo.
“Yes, her name is Alisha.”
“Why Alisha? Why not Nicole or Shane, just like you.”
“Because Alisha means protected by God. She is protected by God and I want it to remain that way.” Nginitian niya si Gab. Likas na talaga ang kakulitan nito. Kakulitang mamahalin ng kahit na sino.
“I will protect her, too. I’m her big brother…”
Tumango-tango si Shane. “Yes, Gab. You are her big brother.”
Nagkatinginan sina Rob at Pau. Hindi na kailangang sabihin, pero masaya sila na itinuturing ni Shane na anak si Gab, at si Gab naman ay tila tanggap na ang kanyang bagong pamilya.
Bumaling si Shane sa kanilang dalawa. “Gising na rin si Marlon. Dumaan ako saglit doon kanina bago ako pumunta rito. Gusto n’yo bang pumunta sa kuwarto niya?”
“Sige… Kanina pa nga namin gustong pumunta doon. Wala lang kasing kasama si Gab dito kaya hindi pa kami nakakapunta,” paliwanag ni Pau.
“Gab, dito ka muna, ha? We’ll just visit your Daddy Marlon in the other room,” sabi ni Shane.
“Babalik kami kaagad,” segunda naman ni Rob.
“Imelda, samahan mo muna rito si Gab, ha?” bilin ni Pau sa yaya.
“Sige, boss. Ako na ang bahala kay Gab.”
“Can I go with you? I want to see Daddy Marlon and say sorry to him.” Nanginig ang boses ni Gab na tila maiiyak.
“No, Gab. You need to rest kasi may sugat ka pa. Kapag okay ka na, makikita mo rin ang Daddy Marlon mo. O kaya naman, siya ang papupuntahin ko rito.” Maayos na pinaliwanagan ni Shane ang bata.
“Okay, but please tell Daddy Marlon that I’m really sorry…”
“I will. So, you take a rest na para gumaling ka kaagad.” Hinalikan ni Shane sa pisngi si Gab.
Walang kasama si Marlon sa silid nang pumasok sila roon.
“Nasaan sina papa at mama?” tanong ni Shane sa asawa.
“Umuwi muna. Hindi na nga nakapagpaalam sa’yo. Wala ka raw kasi sa kuwarto mo. Babalik na lang daw sila bukas. Ayaw matulog ni papa rito. Hindi raw siya makakatulog.”
“Babalik na rin ako sa room ko. Baka hinahanap na ako ng mga nurse doon,” sabi ni Shane. “Sinamahan ko lang sina Rob at Pau dito. You want to talk to them, ’di ba?”
“Ha?”
“I’ll go to my room now, hon. Ikaw na ang bahala sa mga bisita mo.” Hinalikan ni Shane sa labi ang asawa at lumabas na siya ng silid.
“Maupo kayo…” Inumpisahan ni Marlon ang usapan sa pagitan nilang tatlo.
“Hindi na. Okay lang naman kung nakatayo,” sagot ni Rob.
“Nabalitaan kong sa’yo pala galing ang dugong isinalin sa akin, Rob. Gusto ko sanang magpasalamat sa’yo, sa inyong dalawa.”
“Wala iyon. Nangailangan ka ng tulong at capable naman akong tumulong kaya ba’t naman ako magdadamot?”
“Hindi ko lang inaasahan na after ng mga nangyari, ikaw pa ang magdudugtong ng buhay ko. Hindi ko makakalimutan iyon at tatanawin kong malaking utang na loob sa’yo. I’m sorry kung kinailangang umabot tayo sa korte. Ginawa ko lang ang alam kong tama para maipaglaban ang karapatan ko bilang ama ni Gabriel. Kung ikaw ang nalagay sa sitwasyon ko, siguro ganoon din ang gagawin mo.”
Tumango-tango si Rob. “Tama ka. Alam kong ginawa mo lang ang dapat para sa amang katulad mo. At naiintindihan kita sa ipinaglalaban mo. Kaya siguro hindi ko na rin dinala sa korte suprema ang kaso ay dahil aminado naman ako na sa ating dalawa, ikaw talaga ang may karapatan kay Gab.”
“Sana kalimutan na natin ang mga nangyaring hindi maganda. Sana maging magkakaibigan tayong tatlo.” Inilahad ni Marlon ang kanyang palad.
“Friends!” Inabot iyon ni Rob at nakipagkamay kay Marlon. Si Pau ay nakipagkamay na rin sa lalaking dati ay kinaiinisan niya nang sobra.
KINABUKASAN AY isang magandang balita ang dala ng doktor ni Gab. Naroon silang lahat sa kuwarto ni Marlon.
“The patient no longer needs to undergo a surgery. The blood clot is too small that we can just give him medicines to take and monitor it through constant lab tests every two weeks. Wala rin naman kaming nakitang iba pang possible damage caused by the child’s head injury,” masayang pahayag ng doktor.
Bakas ang sobrang kaligayahan sa mukha ni Pau. “Salamat sa Diyos!”
“Salamat, doc! We are so relieved by this development,” umiiyak na sabi ni Shane.
Si Imelda ay hindi rin maitago ang kasiyahan.
“Thank, God!” naibulalas ni Marlon.
Si Rob naman ay tahimik na nagpasalamat din sa Diyos.
SI SHANE ay puwede nang lumabas ng ospital pagkalipas ng dalawang araw pero pinili nitong mamalagi na lang doon para mabantayan ang asawa at mga anak. Nag-request na lang siya ng isang bed sa kuwarto ni Marlon para may mahigaan siya roon. Ni-request din niyang mailipat si Gab sa silid ni Marlon para hindi na niya kailangang magpalipat-lipat ng kuwarto para mabantayan ang mag-ama. Makalipas ang isang linggo ay nakalabas na rin ng ospital sina Gab at Marlon. Si baby Alisha naman ay naiwan pa sa ospital. Dinadalaw na lang ito ni Shane araw-araw para kumustahin ang kondisyon nito.
AFTER THREE weeks ay nailabas na rin ng ospital si baby Alisha. Masayang-masaya si Shane pero higit ang kasiyahan ni Marlon. Kumpleto na ang kanyang pamilya. Siya, si Shane, si Gab, at ang bagong baby nila. Ang ama ni Marlon ang nagmaneho ng kotseng ginamit nila. Pagdating sa bahay ay naroon naman ang ina niya na abala sa paghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan nila. Katulong ng matandang babae sa pagluluto si Karing at Imelda. Ipagdiriwang nila ang pagdating ni Alisha sa kanilang pamilya.
MABILIS NA lumipas ang tatlong buwan. Halos mapuno ng mga tao ang bahay nina Marlon at Shane. Binyag ngayon ng anak nilang si baby Alisha at pinili nilang sa bahay na lang ganapin ang reception. Nagpa-cater na lang si Marlon para masigurong hindi magugutom ang mga bisita.
Naroon sa okasyon sina Rob at Pau na tumayong mga ninong ni baby Alisha. Naroon din si Imelda kasama ang anak niyang si Shamira na halos kasing-edad din ni Gab. Naging magkasundo agad ang dalawang bata. Naglaro silang dalawa na tila ba matagal na silang magkakilala.
Si Shane ang abala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Mabuti na lang at nakatulog kaagad si Alisha.
Sina Rob at Pau naman ay nakipag-bonding sa bago nilang kumpare. Sino ba naman kasi ang mag-iisip na ang dating nagkabanggaan sa korte ay magiging magkaibigan sa bandang huli? Kung titingnan silang tatlo, parang walang ano mang gusot na dumaan sa pagitan nila. Masayang-masaya silang nagkukuwentuhan habang umiinom ng serbesa.
Nilapitan ni Gab ang kanyang ama. “Daddy Marlon…” Halata ang pag-aalangan ng bata. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi.
“Bakit, Gabriel?” tanong ni Marlon.
“Can I stay at Daddy Rob’s place next weekend? Promise, I’ll be back on Sunday afternoon.”
Tiningnan ni Marlon si Rob. “Paano ba ’yan, pare. Gusto raw pumasyal sa inyo. Okay lang ba?”
Bumaling si Gab kay Rob na ang mga kamay ay tila ba nagdadasal na sana ay pumayag ang Daddy Rob niya. “Please, Daddy Rob…”
“You are always welcome sa bahay natin. Bahay mo rin ’yon, eh. Puwede kang pumunta anytime. Basta, magpapaalam ka muna sa Daddy Marlon mo.” Si Rob ay masayang-masaya habang kausap ang batang itinuring na niyang tunay na anak.
“Yehey!!!” Agad na niyakap ni Gab si Rob. Mahigpit. “Thank you, Daddy Rob!”
Hinalikan ito ni Rob sa noo.
Kumawala ang bata at sunod na niyakap si Marlon. “Thank you, Daddy Marlon. Promise, I’ll behave while I’m at Daddy Rob’s house.”
Ginulo ni Marlon ang buhok ng anak. “Basta, bumalik ka rito sa Sunday. Kasi pupunta tayo sa ospital sa Monday for your check up. We want to make sure na tuloy-tuloy na ang paggaling mo. Ipagpapaalam ko na lang sa teacher mo na ’di ka makakapasok.”
Tumango si Gab. Tapos ay kumawala ito sa pagkakayakap kay Marlon at nagtatakbo papunta kay Imelda at sa anak nitong si Shamira.
Tanaw ni Marlon ang masayang pakikipaglaro ni Gab sa bagong kakilala.
“Inom pa tayo!” Itinaas ni Marlon ang baso niyang may lamang serbesa. “Masaya ako na nakilala ko kayong dalawa. Gusto kong magpasalamat sa ginawa ninyong pagpapalaki sa anak ko. Sana, tulungan n’yo pa rin ako sa paggabay kay Gabriel hanggang sa lumaki siya at magbinata. Kampante ako kapag nariyan kayo dahil alam kong hindi n’yo pababayaan si Gabriel kailanman.”
“Maaasahan mo kami riyan,” matapat na sabi ni Rob.
“Let’s drink to that!” sigaw ni Pau. “Cheers!”
“Cheers!” segunda ni Rob.
Ang tunog na nilikha ng nagdikit na mga baso ang magpapatunay sa nabuong pagkakaibigan sa kanilang tatlo. Hindi na mahalaga kung sino ang tunay na ama ni Gab. Hindi na importante kung kaninong bahay ito nakatira. Mas nakikita ang katotohanang pare-pareho lang silang naghahangad na mabigyan ng proteksyon at pagmamahal si Gab hanggang…
Wakas

