loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Two Daddies (Completed)

Two Daddies (Completed)

vincentmanrique · 41 chapters · 58,670 words

Two Daddies

Isang baby…

Dalawang beki…

Walang mommy.

Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo?

Acknowledgment

The author would like to acknowledge Jerry James Bragais for the cover of this book.

All rights reserved

© 2015

manrvinm

Chapter 1 - Hulog ng Langit

“O, ’wag ka nang umiyak. Promise, ’di ko na ’yun uulitin. Hindi ko lang kasi matanggihan ang boss ko nung nagyaya siyang uminom. Kasama namin ’yung ibang kaopisina. Huwag ka nang magalit, ha? Alam mo naman na ayaw kong nagagalit ka sa akin. Nalulungkot ako ’pag nagagalit ka sa akin,” pilit akong inaamo ni Rob. Nakahiga akong patalikod sa kanya habang siya naman ay nasa tabi ko at pilit akong niyayakap pero patuloy ko namang tinatanggal ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko maintindihan kung bakit sa araw pa ng monthsary namin ni Rob ay saka pa siya nakipag-inuman sa mga katrabaho niya. Andami namang ibang araw. Bakit ngayon pa sa araw na dapat ay kaming dalawa ang magkasama? Nakakasama talaga ng loob. Masisisi n’yo ba ako kung ngumawa ako ng ngumawa dito?

Patuloy lang si Rob sa pag-amo sa akin. Pinatatahan na rin niya ako. Pero puro hikbi at mahinang pag-iyak lang ang isinasagot ko sa kanya. Kahit ano pang gawin ng kumag na ito, hinding-hindi niya ako maaamo. Madaling tanggihan ang mga katrabaho niya kung talagang ayaw niya. Eh, baka naman kasi nakalimutan niya talaga na monthsary namin ngayon kaya todo inom lang siya kasama ang mga kaopisina niya.

Maya-maya’y narinig kong bumuntong-hininga si Rob. Pagkuwa’y nagsalita ito. “Bahala ka kung ayaw mong tumigil. Bahala ka rin kung galit ka talaga sa akin. Basta, nag-sorry na ako sa’yo. Wala na akong magagawa kung ayaw mong tanggapin.”

Dedma lang ako. Ang mokong na ito, at siya pa ang magmamalaki sa akin eh siya nga itong may atraso!

“Matutulog na ako,” si Rob ulit. “May pasok pa ako bukas.”

E ’di matulog ka! Bakit, ako ba walang pasok bukas? Kung makapagsalita siya parang siya lang ang kumakayod ah. Hoy, mula no’ng pumayag akong mag-live in tayo ni minsan hindi ako umasa sa suweldo mo. Kaya kong kumita ng sarili kong pera. Nagmamarakulyo talaga ang utak ko. Hindi matanggap ng isip ko na gano’n yata ang gustong palabasin ng Rob na ’to.

AKO SI PAULO ALBANO. Twenty-four years old na ako, CPA, at nagtatrabaho sa isang accounting firm sa Taguig. Oo, gay ako. Pero malalaman mo lang ’yon ’pag nagsalita na ako. Iyon ay dahil may tendency ako na i-exaggerate ang pagsasalita ko. Pati sa gestures ko habang nagsasalita, mababakas ang kalambutan ko. Kung itsura ang pagbabasehan, ’di mo iisipin na bading ako. Matangkad ako, 5’9“. Katamtaman lang ang pangangatawan pero hindi ako nag-gy-gym. Ayokong gumaya sa ibang mga tagong bading na ginawa ng bisyo ang pagbubuhat sa gym at paputukin ng bongga ang muscles nila. Tama na sa akin ang katawan ko ngayon. Ang importante, wala akong bilbil. Maputi ako. Namana ko yata sa kutis ng nanay ko na may dugong intsik. Kaya rin siguro medyo chinito ako.

Labing-isang buwan na ang nakararaan nang pumayag akong makipag-live in kay Rob. Sino ba ang hindi papayag? Napakaguwapo ni Rob. Lalaking-lalaki ang itsura, pati sa boses ’di mo paghihinalaang bakla siya. Mas matangkad siya sa akin, 5’11“ ang height niya. Maganda ang katawan niya dahil mahilig siyang mag-gym. Naglalaro rin siya ng basketball kaya muscle kung muscle at abs kung abs ang labanan. Sabi nga nila, napakasuwerte ko dahil ako ang nagustuhan ni Rob. Court interpreter si Rob sa RTC Branch 48 ng Quezon City. Matagal na rin siyang nagtatrabaho roon. Pangarap niyang maging abogado pero hanggang ngayon ay hindi pa niya naiisipang mag-enrol sa law school. Graduate si Rob ng Legal Management kaya sakto sana kung itutuloy niya ang planong pagkuha ng abogasya.

Apat na buwan pa lang kaming magkakilala nang maisipan naming magsama. Wala namang tutol ang aming mga pamilya. Matagal na nilang tanggap ang tunay naming pagkatao.

Nakilala ko si Rob sa mall. No, hindi ako namimik-ap sa mall. Nasa grocery ako noon. Hinahanap ko kung saan nakalagay ang mga kape nang mabunggo ng grocery cart ko si Rob. Akala ko nga nung una ay magagalit siya. Pero buong tamis lang siyang ngumiti sa akin.

Nginitian ko rin siya. At dun na nag-umpisa. Nagkakilala kami, nagpalitan ng number hanggang naging magkaibigan.

’Wag n’yo nang itanong kung paanong nangyaring nagtanungan kami ng aming mga pangalan. Madiskarte ang mga bakla, alam n’yo ’yan. Isang pitik lang ng malantik naming daliri, aura na. Kaya hindi kataka-taka na nakilala namin ni Rob ang isa’t-isa. At kung madali kaming nagkakilala, mas madali kaming nagkapalagayan ng loob hanggang mapagkasunduan na nga namin na magsasama na kami sa isang bahay.

KAHIT LATE na akong natulog, maaga pa rin akong nagigising. Kaya naman eto at naunahan ko pang magising ang mokong na Rob na ’to. Ang sarap ng tulog ng kumag. Parang wala siyang ginawang atraso nitong nagdaang gabi lang.

Pinabayaan kong matulog pa si Rob. Maya-maya lang sigurado namang magigising din siya. Ganun naman palagi ang set-up namin. Nagigising siya usually ’pag tapos na akong maligo. Alas-singko pa lang naman, pwede pa akong mag-almusal kaya nagprito ako ng itlog. Pagkatapos ay nagpasya akong lumabas para bumili ng pandesal sa panaderya sa kanto.

Nagulat na lang ako nung pagbukas ko ng pinto ay may isang kahon na nakaharang dito. Bukas ang kahon kaya naman kitang-kita ko agad ang laman nito.

Sanggol!

Isang cute na cute na sanggol na himbing na himbing pa sa kanyang pagkakatulog. Para itong anghel na nahulog sa lupa mula sa langit.

Dyusko! Anong ginagawa ng sanggol na ito sa labas ng pintuan? Bakit ito naririto? Kaninong anak ito?

At bakit iniwan ng walang pusong magulang ang munting anghel na ito? Nagpalinga-linga ako para tingnan ang paligid. Baka andito pa ang kung sino mang nag-iwan sa sanggol at nagmamasid lang para siguruhing may nakakuha nga sa sanggol na iniwan niya.

Pero wala namang tao sa paligid. Baka meron pero nagtatago lang.

Agad kong binuhat ang kahon. Nataranta na ako. Imbes na ’yung sanggol lang ang kunin, isinama ko pa talaga ang kahon.

Agad akong pumasok sa silid, dala pa rin ang kahon na may sanggol.

“Rob!!! Bumangon ka bilis!”

Tila naalimpungatan si Rob sa sigaw ko.

“Bakit ba? Ang ingay-ingay mo naman.” Nagkukusot pa ng mata niya ang mokong na ito.

“Tingnan mo ito! May beybi!”

“Ha? Anong beybi?”

“May nag-iwan ng beybi sa labas ng pinto natin.”

Napabalikwas ng bangon si Rob at nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa sanggol.

Chapter 2 - Anak ko o Anak mo?

“Kaninong anak ’yan?” tanong ni Rob.

“Aba, malay ko. Baka naman sa’yo?”

Natigilan si Rob.

“Kitam! Biglang ’di ka na nakapagsalita diyan. Magsabi ka ng totoo, anak mo ito, ’di ba?”

“Sira! Paano akong magkakaanak eh hindi naman ako nag-asawa?”

“Pero nagka-girlfriend ka. ’Di ba kinuwento mo dati sa akin na may naging girlfriend ka. Hindi lang isa kundi dalawa pa. Malay ko ba kung nagkaroon ka ng anak sa isa sa mga naging girlfriend mo.”

“Imposible ’yun.”

“Bakit imposible? Wala bang nangyari sa inyo ng mga naging girlfriend mo?”

Hindi sumagot ang loko.

“Pero matagal na yun. Imposibleng nabuntis ko kahit isa man lang sa kanila.”

“O, eh ’di sa’yo na rin nanggaling na may nangyari nga.” Pinipilit ko talaga ang hinala ko na anak ni Rob ang batang ito.

Napakamot sa ulo si Rob.

“’Yung last girlfriend mo, ’di ba isang taon pa lang ang nakakalipas mula nung naghiwalay kayo? Kaya posible talaga na anak mo ito dun sa last girlfriend mo.”

“Ano ba ’yang utak mo? Ipagpipilitan mo talaga na sa akin ’yan.”

“Kasi may posibilidad.” Ayaw ko talagang magpaawat.

“Kung may posibilidad na anak ko yan, eh ’di may posibilidad din na anak mo ’yan.”

“Huh?! Paanong mangyayari ’yun eh wala naman akong naging girlfriend kahit minsan?”

“Iyon ang sinasabi mo. Eh, malay ko ba kung anong totoo?”

“So, sinungaling pa ako ngayon?”

“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.”

Biglang umiyak ang sanggol na nagising yata dahil sa pagtatalo namin ni Rob.

Agad kong binuhat ang baby mula sa kahon.

“Ay, basa naman pala. Kaya nagising at umiyak.”

“Palitan mo ng lampin.”

“At saan naman ako kukuha ng lampin?”

“Bumili ka ng diapers sa 7-Eleven sa kanto.”

Dyusko, bibili nga rin pala ako ng pandesal, naalala ko bigla. “O, bantayan mo itong baby at lalabas ako sandali para bumili ng diapers.”

“Ihiga mo d’yan sa kama,” sabi ni Rob.

Maingat kong inilapag sa kama ang baby. “Huwag mong iiwanan ’yan, baka mahulog.”

“Hmp! Concerned kang masyado, ah. Palibhasa anak mo ’to.”

“Tado!” Lumabas na ako ng kuwarto at tumuloy nang lumabas ng bahay para pumunta sa kanto kung saan may maliit na bakery na sari-sari store na rin.

Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang tanong kung kaninong anak ang sanggol na yun. Tingin ko, mga tatlong buwan na siguro ’yun. Kawawa naman. Ang cute na bata pero iniwan lang ng magulang. Mga tao talaga, ang hilig magpasarap pero kapag andyan na ang responsibilidad tatakasan na lang. ’Di man lang nila iniisip na may madadamay sa mga walang kuwentang desisyong ginagawa nila.

Pero hindi nga kaya anak ito ni Rob sa ex niya? Posible kasi talaga.

Pero bakit naman itatanggi ni Rob ang bata kung kanya nga? Eh ako nga, gusto ko ring magkaanak.

“Sir, ano pong bibilhin n’yo?”

“Ha?” Hindi ko napansin na nasa tindahan na pala ako at tinatanong na nung tindera kung anong bibilhin ko.

“Twenty-pesos na pandesal. May diapers ba kayo dito?” Sana meron para di na ako pumuntang 7-Eleven.

“Meron po.”

“Sige bigyan mo ako ng isang small.” Buti na lang, meron.

Pagkabayad sa mga binili ko ay agad akong bumalik sa bahay. Nasa labas pa lang ako ng pinto ay dinig ko nang umiiyak ang sanggol. Anong nangyari? Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto. Nadatnan kong karga ni Rob ang baby at isinasayaw. Pilit nitong pinatatahan ang sanggol.

“Bakit umiiyak?”

“Ewan ko, kanina ko pa nga pinatatahan ito. Eh ayaw namang tumahan.”

“Baka naman kinukurot mo?”

Ba’t ko naman gagawin ’yun? Sira ka talaga.“

“Ihiga mo nga at malagyan ng diaper ’yan.”

Aktong inihihiga ni Rob ang baby sa kama nang bigla na naman itong umihi kaya sapul sa mukha si Rob.

Natawa ako nang malakas. “Buti nga sa’yo. Ginantihan ka ni baby dahil pinaiyak mo siya.”

“Lagyan mo na ng salawal ’yan, maghihilamos lang ako.”

“Arte mo, para ihi lang ng baby.”

Hindi na sumagot si Rob. Diretso na siyang lumabas ng silid.

Agad ko namang nilagyan ng pulbos ang baby at sinuotan ng diaper. Tila himalang kumalma ito at huminto sa pag-iyak.

“O, kita mo napahinto ko siya sa pag-iyak,” sabi ko kay Rob pagbalik nito sa silid. “Ikaw lang eh, naramdaman siguro ng baby na ayaw mo sa kanya.”

“Anong ayaw? May sinabi ba akong ganoon?”

“Wala nga, pero ramdam ko na ’di mo gusto ang baby.”

“Akala mo lang iyon? Kahit sino, matutuwa sa batang ’yan. Kita mo naman siguro, napaka-cute niya.”

“Napansin mo rin?”

“Oo naman. Pero hindi ko anak ’yan, kaya ’wag mo nang ipagpilitan.”

“Eh ’di hindi. Hindi ko rin anak ’yan kaya huwag mo ring ipagpipilitan.”

“Maliligo na ako. Baka ma-late ako sa trabaho.”

“Ako muna, nauna akong magising sa’yo ah.”

“Mamaya ka na lang maligo, ’di ka naman papasok.”

“At bakit hindi ako papasok?” Nagtataka kong tanong.

“Eh sinong magbabantay sa baby mo kung papasok ka?” Binigyang diin ni Rob ang pagsasabi ng “baby mo”.

Hindi ako nakapagsalita. Oo nga! Sinong mag-aalaga sa baby eh, may trabaho kaming dalawa ni Rob. Alangan namang iwan namin dito sa bahay ang sanggol at pagbilinang, O, dito ka lang, ’wag kang maglilikot. Kapag nagutom ka, may pagkain sa kaldero, may ulam sa ref, initin mo na lang. O kaya naman magtimpla ka na lang ng gatas mo.

Gatas?!

Syet na malagkit! Wala pa nga palang gatas ang batang ito. Haay!

Napabuntung-hininga na lang ako. Si Rob kasi, ayun at naliligo na nga.

Paano ba ’to? Aabsent ako sa trabaho ngayon. Sige, okay lang. Pero paano bukas? At sa isang araw? At sa mga susunod pang mga araw?

Hala, saan ako makakahanap ng mag-aalaga sa baby? ’Yun ngang officemate ko, lagi na lang absent sa work dahil umalis na raw ang yaya ng anak niya. Ewan ko ba dun, lagi na lang iniiwan ng yaya. Ang mga yaya naman kasi, feeling students. Kapag semestral break ng mga estudyante, gusto nila bakasyon din sila. Haay, ba’t ba ako apektado? Eh, kasi nga mukhang mararanasan ko na ngayon ang nararanasan ng officemate ko. Anak ng tokwa!

Tiningnan ko ang baby na nakahiga sa kama. Gising ito pero tahimik lang. Parang pinapakiramdaman ang bagong paligid niya.

Ang cute talaga ng batang ito. Paglaki nito, siguradong gwapo. Walang kuwenta talaga ang mga magulang nito. Hindi man lang nila inisip na ano man ang mangyari, mas maganda pa rin na lumaki ang bata sa piling ng tunay nilang magulang. Kawawa naman ang baby.

Pero sa isang banda, parang gusto ko ring magpasalamat na sa amin iniwan ang sanggol na ito. At least, hindi ko naman siguro pababayaan ang batang ito. Oo, bakla ako. Pero alam kong mabuti akong tao. Kahit hindi ko kadugo ang batang ito, sisiguruhin kong maaalagaan siya nang tama.

Chapter 3 - Baby Gabriel

“O, anong plano mo sa baby?” tanong ni Rob habang nagbibihis.

“Ano ba ang dapat kong gawin dito?”

“Eh, kung i-report kaya natin sa DSWD? Iyon ang tamang gawin.”

“Umandar na naman ang pagkaabogado mo. Oo, ’yun nga ang tama. Tapos ano, ibibigay nila sa ampunan ang baby? Pagkatapos, ihahanap ng ampunan ng mag-aampon sa baby? Eh, paikot-ikot lang. Bakit hindi na lang tayo ang mag-ampon sa kanya?”

“Ano bang pangalan ng baby?”

“Oo nga ano?”

“Tingnan mo nga ’yung kahon, baka may iniwang sulat diyan ’yung magulang ng baby. Baka kahit pangalan man lang eh nilagay nila diyan.”

Kinalkal ko ang kahon. Pero ang naroon lang ay ang maliit na unan na may burdang star at isang pangalan.

Pangalan!

Binasa ko ang nakasulat sa unan. “Baby Gabriel.”

Ang gandang pangalan. Pangalan ng anghel.

Muli ay bumalik ang inis ko sa mga magulang ni baby Gabriel. Bakit nila iniwan na lang sa ibang tao ang munting anghel na ito?

 “Baby Gabriel lang? Walang apelyido?” tanong ni Rob.

“Wala eh.”

“Hindi man lang tayo magkakaroon ng idea kung kaninong anak ’yan.”

“Eh, ’di iparehistro natin. Ipalalagay kong anak ko.”

“Sira ka ba? Gusto mong makasuhan?”

“Bakit krimen bang arugain ang anak na inabandona ng magulang?”

“Hindi ’yun krimen. Ang krimen ay ’yung mamemeke ka ng dokumento.”

“Hay naku, kesa naman lumaki itong bata nang walang identity. Paano kung mag-aaral na siya, anong ipalalagay nating pangalan niya? Baby Gabriel? Basta ganun na lang?” talagang nakipag-argumento ako kay Rob.

“Kaya nga dapat ilagay natin sa tama. I-report natin ito sa DSWD para sila na ang bahala kung anong gagawin sa bata. Ngayon kung gusto mo siyang ampunin, e ’di sabihin mo rin sa DSWD para maasikaso ang adoption papers at legal na mapasa’yo ang custody ng bata,” ang haba ng paliwanag ni Rob pero wala dun ang atensiyon ko kundi sa baby na nakatulog yata sa pagkainip sa pagtatalo naming dalawa.

“Tingnan mo ’yung baby, ang amo ng mukha niya. Ang bait-bait niya. Ang sama mo naman na basta mo na lang siya ipamimigay sa DSWD.”

“Eh kasi nga, ’yun ang tama at dapat nating gawin,” giit ni Rob.

“Ayoko! Basta ayoko. Dito lang ang baby. Kung ayaw mong alagaan, puwes ako ang mag-aalaga sa kanya. At saka, sa tingin mo ba hindi pa ito napaparehistro ng mga magulang niya? Eh, parang three months old na si baby Gabriel. Sigurado rehistrado na ito. Kaya saka na lang natin problemahin kung ano ang buo niyang pangalan.”

Napakamot na lang sa ulo si Rob.

“At huwag kang makapag-report-report sa DSWD kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa,” pagbabanta ko pa.

“Bahala ka na nga. Papasok na ako.”

“Mag-uwi ka ng gatas ng baby mamaya.”

“Sige, pero bumili ka na muna diyan sa kanto ng gagamitin niya ngayon. Sigurado mamaya paggising niyan, maghahanap ’yan ng dede.”

“Buti naman kahit paano may concern ka sa baby.”

“Siyempre meron. Akala mo lang kasi wala. Eh kung tutuusin, mas mapapabuti ang bata sa suggestion ko sa’yo na ayaw mo namang gawin.”

“Sige na, pumasok ka na. Andami mo pang sinasabi. Basta umuwi ka agad mamaya. Tatawagan ko si ate, baka may mairerekomenda siyang yaya. Hindi pwedeng lagi akong aabsent sa trabaho.”

“Bahala ka. Sige alis na ako.” Humalik sa pisngi ko si Rob bago siya lumabas ng bahay.

Naalala kong hindi pa nga pala siya nag-aalmusal. Hinabol ko si Rob.

“Kumain ka muna!”

“Sa opisina na lang. Late na ako.” Pinara ni Rob ang unang tricycle na dumaan. Ihahatid siya nun sa terminal ng jeep na maghahatid sa kanya sa trabaho.

Tulog naman ang baby kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Dali-dali akong lumabas at pumunta sa tindahan para bumili ng gatas para sa baby. Naisip ko, buti na lang walang ibang taong nakakita sa akin nung kunin ko ang baby sa pintuan. Kung nagkataon, malaking issue pa ito at baka tuluyan nang makuha ng DSWD ang bata.

Pero sino nga kaya ang mga magulang ng baby?

Ah, ewan! Basta mula ngayon, si baby Gabriel ay akin na muna. Kung may mag-aangkin na anak nila ang baby, kailangang magpakita muna sila ng balidong ebidensiya bago nila ako mapapayag na kunin nila si baby Gabriel sa akin.

Magkamatayan na, pero walang makakakuha kay baby Gabriel nang basta-basta lang!


“Hello, ate…”

“Paulo, napatawag ka?”

“Ate, may alam ka bang gustong pumasok na yaya? Kailangan ko kasi ng yaya ngayon na. As in ngayon na.”

“Ha? Bakit?”

“Mahabang istorya, ate. Saka ko na lang ikukuwento pagpunta ko diyan. Basta tulungan mo muna akong maghanap ng yaya.”

“Sige at tatanungin ko itong kasama namin sa bahay. Baka may kakilala siya. Tawagan na lang kita mamaya.”

“Sige, ate. Salamat, ha?”

“Ano na naman ba ang pinasok mong ’yan?”

“Wala, ate. Basta. Usap na lang tayo sa ibang araw.”

“Okay. Balitaan kita mamaya about sa yaya, ha?”

Doon natapos ang pag-uusap namin ng kapatid ko.

Sumilip ako sa kuwarto. Tulog pa rin si baby Gabriel. Nagtext ako sa office para ipaalam na hindi ako makakapasok. Buti na lang madaling kausap ang boss ko at pumayag agad. Sabagay, wala naman akong naiwang trabaho. Kahit umabsent ako ng tatlong araw, hindi pa rin ako matatambakan ng trabaho pagbalik ko sa opisina. Sana lang may makuhang yaya si ate para naman makapasok na ako bukas.

Bandang tanghali nang makatanggap ako ng tawag kay Rob.

“Kumusta ka na? Kumusta ang baby?” si Rob.

“Okay naman, andito kami sa sala. Naglatag ako dito, nakahiga siya. Ako naman nanonood ng tv.”

“Kumain ka na ba?”

“Oo, katatapos lang. Iyong baby, napadede ko na. Hindi naman siya mahirap alagaan. Hindi siya iyakin. Kaya lang siguro siya umiyak kanina dahil nga basa siya at ’di agad napalitan ng diaper. Pero mula kanina pag-alis mo, hindi pa siya umiyak ulit.”

“Ang galing mo palang mag-alaga ng baby. Pwede ka nang maging nanay,” biro ni Rob sa akin.

“Tse! Akala mo yata nakalimutan ko na ang atraso mo kagabi, ha?”

“Nag-sorry na naman ako, ah. Hindi mo pa ba ako napapatawad?” Parang nakikita ko na ang maamong mukha ni Rob na nagpapa-cute habang nagmamakaawa. “Sorry na, please. Promise, babawi ako sa’yo.”

Nagliwanag ang mukha ko. “Sige, basta tutulungan mo ako sa pag-aalaga sa baby, ha?”

“Oo naman. Tayong dalawa ang magiging daddy ni baby Gabriel. Mula ngayon, ikaw at ako ang kikilalanin niyang magulang.”

“Pwede bang walang nanay?” sabi ko.

“E, ’di ikaw ang nanay niya. Ayaw mo ba?”

“Sira! Alam mo namang hindi ako pwedeng nanay. Hindi naman ako babae.”

“Kung ganoon, okay lang na walang nanay si baby Gabriel. Dalawa naman tayong daddy niya. Quits lang.” Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rob sa kabilang linya.

“Kaya naman nating gampanan ang role ng nanay, ’di ba?” tila gusto kong kumbinsihin si Rob na kaya nga namin. Gusto ko ng assurance mula sa kanya.

“Siyempre! Maibibigay natin lahat ng pangangailangan niya. May trabaho naman tayong pareho kaya pagtutulungan natin ang pagpapalaki kay baby Gabriel,” sincere ang pagkakasabi ni Rob, ramdam ko ’yun.

Nang mga sandaling iyon, mas lalo kong minahal si Rob dahil nakita ko sa kanya ang isang taong kayang magmahal at magbigay ng atensiyon sa isang batang hindi naman niya kaanu-ano.

Chapter 4 - Yayo Paulo

“Hello, ate?” Tinawagan ko na ang kapatid ko para i-follow up kung may nahanap siyang yaya para kay baby Gabriel dahil mag-aalas-ocho na ng gabi pero hindi pa rin niya ako kinokontak.

“Paulo, pasensya ka na. Nakausap ko ’yong kasambahay namin. Sabi niya, may nakakuha na roon sa kakilala niyang naghahanap ng mapapasukang yaya.”

“Ate, paano kaya ito? A-absent na naman ako bukas ’pag wala akong nakuhang yaya para sa baby.”

“Ano ba kasi ang nangyari? Sinong baby ba ’yan?” Curious na curious ang ate ko.

“May nag-iwan kasi ng baby sa labas ng pintuan namin. Ayun, andito siya sa bahay ngayon at ako ang nag-aalaga. Um-absent ako sa trabaho kasi ’di ko naman puwedeng iwan mag-isa dito ’yung baby,” paliwanag ko. “Tulungan mo naman ako.”

“Kailangan bang ikaw ang mag-alaga? I mean, bakit hindi mo ibigay sa DSWD? Hindi mo naman kailangang akuin ang responsibilidad sa kanya.” Itong kapatid ko talaga, parang si Rob din kung mag-isip.

“Ate, ayokong ibigay sa DSWD ang bata. Gusto ko nga ampunin na lang siya,” tanggi ko sa suggestion niya. “Kapag nakita mo ’yong baby, siguradong gugustuhin mo ring ikaw na lang ang mag-alaga sa kanya. Ang cute-cute niya, ate!”

“Asan si Rob?”

“Ayun, pumasok. Kaya ako na lang muna ang naiwan dito para may tumingin sa baby,” Napabuntung-hininga ako.

“Sige, susubukan ko ulit maghanap. Balitaan na lang kita ’pag meron.”

“May magagawa pa ba ako? Sige, ’te. Salamat.”

Eto na nga ang sinasabi ko. Absent ulit ako bukas at baka hanggang Biyernes. Actually, hindi naman talaga problema sa akin kung umabsent ako. Sabi ko nga, wala naman akong naiwang trabaho sa opisina. Pero hindi ko rin naman pinangarap na maging fulltime housewife! Mas gusto ko pa rin siyempre na maging career woman. Ang sarap kayang magtrabaho at kumita ng sarili mong pera. Kaya nga nagtataka ako sa mga mag-asawa na iyong babae ay nasa bahay lang at hindi nagtatrabaho. Hindi ba nila naisip na mas mapapaganda nila ang buhay nila kung magtutulungan sila sa pagkita ng pera? Sa hirap ng panahon ngayon, tama na ang kaplastikang lalaki dapat ang bumubuhay sa pamilya. Praktikalidad ang dapat pairalin. Kaya nga mag-asawa, magsasama sa hirap at ginhawa. Ibig sabihin, dapat magkaagapay sila sa lahat ng bagay.

Nagtutulungan.

Nagdadamayan.

Eh, bakit nga ba ako nag-e-emote ng ganito? Itsura ng Miss Universe candidate na umabot sa question and answer portion ang peg ko.

Haay…

Sino ba ang mag-aalaga kay baby Gabriel?

Nagulat pa ako nang biglang may kumatok sa pinto.

Agad kong tinungo iyon at binuksan.

“O, Rob! Bakit ka pa kumatok? Wala ka bang susi?”

“Nakalimutan ko yata kanina sa pagmamadali.” Tuloy-tuloy na pumasok si Rob sa bahay. Dumiretso sa kuwarto at inilapag sa kama ang mga dalang gamit at isang grocery bag.

Hinubad niya ang suot na sapatos at medyas at nagpalit ng damit.

Nakita niyang mahimbing ang tulog ng baby.

“Sshhh… ’wag kang maingay. Baka magising siya,” sabi ko.

“Kanina pa ba siya tulog?”

“Katutulog lang niya. Napagod siguro kalalaro sa sala kanina. Alam mo, sobrang nagugustuhan ko na si baby Gabriel. Sana, huwag nang bumalik kung sino man ang nag-iwan sa kanya sa labas ng pinto natin. Para tayo na lang ang magpapalaki sa kanya.”

“Posible namang mangyari iyon. Pero posible ring hindi. Kaya mas mabuti na ’wag kang masyadong umasa. Para hindi ka malungkot ’pag dumating ’yong time na mawawala na sa’yo si baby Gabriel.

Nalungkot ako. Isang araw ko pa lang kasama si baby Gabriel pero ang lapit-lapit na ang loob ko sa kanya. Ang gaan-gaan ng dugo ko sa kanya. Kahit namomroblema ako ngayon kung saan hahanap ng yaya na mag-aalaga sa kanya, hindi ko maitatangging masaya ako na may munting anghel sa bahay namin ngayon.

“Nagluto ka ba?” tanong sa akin ni Rob.

“Oo, kakain ka na ba?”

“Sige kain na tayo.”

Pumunta ako sa kusina at naghain ng hapunan. Buti na lang at marunong akong magluto. Sakto lang ang pagkakasaing ko, hindi malambot at hindi rin matigas. Tamang-tama sa ulam na pritong bangus at tinola.

Maganang kumain si Rob. Hindi na ako nagtaka. Basta ako ang nagluto, laging napaparami ang kain niya. Sabi niya, masarap daw akong magluto. Ewan ko kung totoo o binobola lang niya ako. Pero totoo siguro dahil kita namang nag-e-enjoy siya sa mga niluto ko.

“Wala nga palang nahanap na yaya si ate,” sabi ko kay Rob.

Tumigil sa pagsubo si Rob at tumingin sa akin. “Paano ’yan?”

“Ako na lang muna ang yayo ni baby Gabriel. Aabsent na lang ulit ako bukas. Pati sa Friday. Tapos sa Sabado na lang ako maghahanap ng yaya.”

“Saan ka maghahanap? Para namang may nabibiling yaya sa palengke.”

Natawa ako. “Bahala na. Basta dapat bago mag-Linggo ay makahanap na tayo ng mag-aalaga kay baby Gabriel.”

“Sige, titingnan ko sa mga katrabaho ko kung may kakilala sila.” Nginitian ako ni Rob. Muli ay nakita ko ang kaguwapuhan niya na mas lumilitaw ’pag nakangiti siya.

“Asan nga pala ’yung pinabibili ko sa’yong gatas ng baby?”

“Andoon sa loob, sa grocery bag.”

“Buti nakabili ka. Akala ko malilimutan mo. Ikaw pa naman, napakamalilimutin mo.”

“Hindi, ah. Pagdating naman sa mga importanteng bagay, hindi ako nakakalimot. Makakalimutan ko ba ang gatas ng baby eh, alam kong importante ’yon para kay baby Gabriel?”

“Ang sweet mo namang daddy!” panunudyo ko sa kanya.

“Ganoon talaga! Mai-in-love ka ba sa akin kung hindi ako sweet? Eh, kaya nga mahal na mahal mo ako kasi ang sweet-sweet ko, ’di ba?”

“Baliw! Kapal ng mukha mo. Eh. ikaw nga itong naghahabol sa akin.”

“Weh? Kelan naman kita hinabol? Itong itsurang ito, maghahabol sa’yo? Imposible iyon.” Ngingiti-ngiti lang si Rob. Ganoon kami mag-asaran. Akala mo seryoso. Pero natural na sa amin ang mga gano’ng biruan.

Maya-maya ay tumayo si Rob at lumapit sa akin. Pagkatapos ay walang paalam na hinalikan ako sa labi. Pero bahagya kong kinagat ang labi niya at bahagya siyang napasigaw na akala mo ay nasaktan sa ginawa ko. At saka niya ako niyakap nang mahigpit na mahigpit habang ibinubulong sa akin na mahal na mahal niya ako.

Hindi ako nagpakamanhid. Sinagot ko rin siya at sinabing, “Mahal na mahal rin kita, Rob.”

Natapos ang hapunan na puno ng asaran at tawanan. Sinamahan pa namin ng kaunting lambingan. Si baby Gabriel, ayun at mahimbing pa ring natutulog sa silid. Kampante siya na sa bahay na ito, may dalawa siyang daddy na aalagaan siya at hinding-hindi pababayaan.

Chapter 5 - Yaya Maldita

HUWEBES

Pangalawang araw ngayon na absent ako sa trabaho dahil ako pa rin ang magbabantay kay Baby Gabriel. Maaga pa lang ay pinaliguan ko na ang baby. Pagkatapos ay pinadede ko ito hanggang makatulog.

Ganoon naman talaga ang mga baby. Ang takaw sa gatas, ang takaw rin sa tulog. Sabagay, ano pa ba ang inaasahan nating gagawin ng baby? Maglilinis ng bahay?

Sinamantala kong tulog pa si Baby Gabriel. Mabilis akong sumaglit sa talipapa. Malapit lang dito iyon kaya makakabalik ako agad. Gusto ko lang magluto ng pakbet. Iyon na lang ang uulamin ko ngayong pananghalian. Iyong tira ay para mamayang gabi. Paborito rin ni Rob ang pakbet na luto ko.

Mga gulay pangpakbet lang ang binili ko. May karne ng baboy naman sa ref. Iyon na lang ang isasahog ko at ang matitira ay ipiprito ko na lang.

Dahil mabilis lang naman lutuin ang gulay ay agad akong natapos sa pagluluto. Lalo na at habang niluluto ko ang pakbet ay nakasalang na sa rice cooker ang sinaing. Nang maluto ang pakbet ay nagprito na ako ng karneng baboy. Sakto na itong kapartner ng pakbet although mas gusto ko talaga ang pritong isda bilang the best na partner ng pakbet.

Tulog pa rin si Baby Gabriel kaya naisipan ko munang manood ng tv sa salas. Maaga pa naman para mananghalian. Alas onse y medya pa lang ng umaga. Noon ako napatingin sa bintana at kitang-kita ko ang isang lalaki na tila sumisilip o may kung anong gustong makita dito sa loob ng aming bahay.

Agad akong lumabas pero nakatakbo na ang lalaki.

Sino kaya ’yon? At bakit biglang tumakbo? Hindi naman siguro magnanakaw iyon dahil ang aga-aga at maraming tao sa paligid. Nagkibit-balikat na lang ako. Dedma!

Binuksan ko ang tv at nanood ng palabas. Biglang nakarinig ako ng iyak ng baby.

Naku, gising na si Baby Gabriel!

Patakbo akong pumasok sa silid at naabutan kong humihikbi na ang munting anghel. Agad ko siyang binuhat at ipinaghele para tumahan na. Dinala ko siya sa salas kung saan nakahanda na ang paglalagyan ko sa kanya. Nilatag ko na ito umaga pa lang dahil dito ko sana siya ilalagay kung hindi lang siya nakatulog habang dumedede.

Inihiga ko muna si Baby Gabriel sa latag na ginawa ko at saka mabilis akong pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas niya. Siguradong gutom na naman ang baby ko.

Hindi nga ako nagkamali. Ilang minuto lang ay naubos agad ni Baby Gabriel ang gatas na tinimpla ko. ’Di na siya nakatulog kaya hinayaan ko siyang maglaro sa kinahihigaan niya. Ginawa niyang laruan ang bote ng gatas niya. Naroong kagatin niya ito at pagtangkaang ngasabin. Kung minsan ay nabibitawan niya ang bote at inaabot ko na lang ulit sa kanya.

Haay, may nakita na kayang yaya si ate? Eh, si Rob kaya, may nahanap na?


ROB’S POV

Pagdating ko pa lamang sa opisina kaninang umaga ay nilapitan ko ang isang kaopisinang alam kong may anak na. Baka sakaling may alam siya kung saan madaling makakakuha ng yaya. Sakto naman, kinausap pala siya kagabi ng yaya ang anak niya at nagtanong kung may kakilalang naghahanap ng yaya dahil umalis daw sa pinagseserbisyuhang pamilya ang isang kaibigan nito na nagtatrabaho rin bilang tagapag-alaga ng bata.

Suwerte! Solb na ang problema namin ni Paulo.

Nang malaman ng kaopisina ko na urgent ang pangangailangan ko ng yaya, tinawagan agad nito ang yaya ng anak niya at sinabihang papuntahin dito mamayang bago mag-alas singko ang kaibigang naghahanap ng mapapasukan. At bago nga pumatak ang alas singko ng hapon, dumating ang yayang sasalba sa problema ni Paulo.

Pagkatapos ng trabaho ay pinuntahan ko ang nag-aapply na yaya sa reception area kung saan siya naghihintay.

“Anong pangalan mo?” tanong ko sa babaeng papasok na yaya ni Baby Gabriel. Tingin ko sa kanya ay mga edad 23 lang. Maliit na babae lang ito, morena at may kapayatan.

“Imelda po,” sagot niya sa akin.

“Ilang taon ka na, Imelda?”

“Beinte.”

Ahh… So, matured ba ang itsura niya kaya akala ko’y 23 na siya? “Tagasaan ka?”

“Sa Novaliches lang.” Isang tanong, isang sagot yata ang babaeng ito. Mauubos ang oras ko kung magtatanong pa ako sa kanya kaya sinabi ko na ang mga dapat niyang malaman.

“Bale kailangan namin ng yaya. Isang baby ang aalagaan, mga tatlong buwang sanggol na lalaki. Hindi mo kailangang gumawa ng ibang gawaing bahay. Basta ’yong baby lang ang aasikasuhin mo. Gusto ko, ’wag mong pababayaan ang baby,” mahabang paliwanag ko kay Imelda. “Susuweldo ka ng P3500 isang buwan. Payag ka na ba do’n?” dugtong ko pa.

“Opo, okay na po sa akin iyon. Pero meron po sana akong request.”

Kumunot ang noo ko. “Ano iyon?”

“Puwede po bang uwian ako?”

Hindi ko agad na-gets ang gusto niyang sabihin. “Anong uwian?”

“Iyong pupunta ako sa bahay n’yo nang maaga, tapos pagdating n’yo sa bahay galing trabaho, uuwi naman ako sa amin sa Novaliches.”

“Hindi ba ang laking pagod sa’yo ’yon? Puwede ka namang matulog do’n sa amin. May isang maliit na extrang kuwarto do’n na puwede mong gamitin.”

“Mas gusto ko sana kasi nang uwian.”

“Pero lugi ka sa pamasahe pa lang. Ang layo ng Novaliches.”

“Gawin n’yo na lang P3000 ang suweldo ko, basta sagot n’yo ang pamasahe ko araw-araw.”

Wow, ha! Ibang klase ang yayang ito.

“Eh, magkano ba ang pamasahe mo araw-araw?” tanong ko.

“Kasya na ’yong P100,” kumpiyansang sabi ni Imelda.

“Ha?! Eh, di tatlong libo din yun sa isang buwan.”

“Hindi ba wala naman kayong pasok ’pag Sabado at Linggo? Eh, ’di hindi na lang ako pupunta sa inyo ’pag weekend para tipid. Pamasahe na lang para sa twenty days ang ibibigay mo sa akin.”

“Nakatipid pa ako ng lagay na ’yon, ha?” Gustong-gusto ko na siyang sakalin. “Eh, kung humanap na lang kaya ako ng ibang yaya. Sigurado mas makakatipid ako do’n.”

“Ikaw ang bahala. Marami pa naman akong mapapasukan.”

Aba, at nagmalaki pa ang lukaret na ito. “O, sige. Para hindi na tayo tumagal sa diskusyon. Gagawin ko na lang limang libo ang pera mo, pero sagot mo na ang pamasahe mo araw-araw kung gusto mong mag-uwian. At, hindi ka puwedeng umuwi hanggang wala kami sa bahay. So kung gabihin kami, may choice ka kung uuwi ka pa o sa amin ka na lang matutulog. Pero hinding-hindi ka puwedeng umuwi habang ’di pa kami dumadating ng bahay. Nagkakaintindihan ba tayo?” Pinakita ko sa kanya na seryoso na ako.

“Okay sa akin ’yon. Sige, ako na ang yaya ng anak mo mula ngayon.”

Pasalamat ang babaeng ito at kailangang-kailangan namin ng mag-aalaga kay Baby Gabriel. Kung hindi, never kong papatusin ang serbisyo niya sa halagang limang libong piso!

“Sasama ka na sa akin ngayon. Asan ang gamit mo?”

“Wala akong dala. Hindi ko naman alam na ngayon din mag-uumpisa. At saka, gabi na. ’Di ba uuwian nga ako?” pangangatwiran ni Imeldla.

“Sige, uuwi ka. Pero kailangan mo munang sumama sa akin sa bahay para alam mo kung saan ka pupunta bukas. At kailangang agahan mo ng pagpunta sa amin bukas dahil maaga kaming pumapasok sa trabaho.

“Walang kaso sa akin ’yon. Sige, dadating ako nang maaga. No problem. Basta bigyan mo ako ng pamasahe pauwi ngayon, ha? Kulang ang pera ko, eh.” Humirit na naman ang babaeng ito. Parang bawat pagbuka yata ng bibig nito ay nanganganib ang pitaka at bulsa ko.

Napabuntunghininga na lang ako. Bakit ba may mga taong makapal ang mukha?!

Lumabas na ako ng reception area ng aming opisina kasunod si Imelda. Agad akong pumara ng taxi at sumakay na kami pauwi ng bahay.

  ![](https://img.wattpad.com/558339bc67bd37acd8a813622f7c640941bc4803/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5f44644b73667a684337305475413d3d2d39353830323534342e313535353764366632393463343636343633383033383737383339302e6a7067)

Chapter 6 - Abusada

PARANG gusto kong maglulundag sa tuwa nang umuwi si Rob na bitbit ang yayang si Imelda. Although iba ang dating sa akin ng maliit na babaeng ’yon, wala na akong time para magpaka-choosy pa.

Ipinakilala ako ni Rob sa yaya na umpisa pa lang ay feel ko na agad ang pagka-maldita.

Sabi niya kay Rob, “Ay, akala ko babae ang asawa mo. Paano kayo nagkaanak?” Tsismosa pa ang hitad. Kabago-bago gusto na agad makasagap ng tsismis!

Pinandilatan siya ni Rob kaya di na nasundan ang tanong niya.

“Uwian ang magiging set up niya. Andito siya sa umaga para alagaan si baby. Pagdating natin galing office, uuwi naman siya sa kanila. Babalik na lang siya kinabukasan,” paliwanag ni Rob. “Pumunta lang siya tonight para alam niya itong bahay at para makilala ka niya pati na rin si baby.”

“Tulog na si baby kaya di ko na siya maipapakita sa’yo,” sabi ko. “Bukas ng umaga na lang.”

“Okay, mga boss. Uuwi na ako. Babalik na lang ako bukas,” paalam ni Imelda.

“Agahan mo ng punta dito. Dapat alas-sais nandito ka na,” paalala ni Rob sa kanya.

“Okay, walang problema. Sige mauna na ako.”

Tumango si Rob.

Pero hindi pa rin umalis si Imelda. Parang may hinihintay itong kung ano.

Nang hindi pa rin kumilos si Rob ay si Imelda na ang nagsabi. “Yung pamasahe ko, boss.”

Napatingin ako kay Rob, nagtataka.

Dumukot sa bulsa si Rob at naglabas sa wallet ng isandaang piso. Iniabot iyon kay Imelda.

Pagkakuha ng pera ay mabilis na umalis ang yaya. Walang lingon-lingon itong lumabas ng pinto at sa isang iglap ay wala na siya sa aming paningin.

“Saan mo nakuha ’yon?” tanong ko kay Rob.

“Kaibigan yata ’yon ng yaya ng officemate ko.”

“Parang ’di ko siya feel, ha?”

“Ako man. Pero kailangan na natin ng yaya para kay Baby Gabriel. Pagtiyagaan na lang muna natin.”

“Magkano’ng sweldo niya?” tanong ko.

“Five thousand per month?”

“Five thousand?! My God!” sobrang nagulat ako sa sinabi ni Rob. Okay, exaggerated na naman siguro ako. May mga yaya naman talaga na sumusuweldo ng gano’n or mas mataas pa do’n, pero usually mga mayayaman ang amo ng mga ’yon. Pero sa katulad namin ni Rob na hindi naman rich, malaking pasuweldo para sa yaya ang 5K, ha? “Tapos uwian pa siya?”

“Oo, ’yon ang gusto eh.”

“Ba’t ka pumayag?”

“Kasi nga wala na tayong panahon para maghanap ng yaya. ’Di ba nga sabi mo, ’di puwedeng aabsent ka na lang araw-araw para mag-alaga kay Baby Gabriel. At saka, para hindi ka na rin mahirapan sa pag-aalaga sa baby.”

“Actually, hindi naman siya mahirap alagaan. Napakabait nga niya eh. Bihirang umiyak. Laro lang ng laro. Basta, masarap siyang alagaan.”

“Mukha lang naman sigurong maangas si Imelda, pero mabait naman, di ba?”

Nagkibit-balikat lang ako. “Malay ko.”

Ngumiti si Rob. Hinawakan ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. “Kain na tayo, gutom na ako.”

“Ay, teka at maghahain na ako.” Agad akong nagtungo sa kusina at inihanda ang aking kanina pa ipinagmamalaking pakbet na siguradong magugustuhan ng mahal ko.

Nang gabing iyon, payapa kaming natulog. Solve na ang problema.

Iyon ang akala ko.

NAGLULUTO ako ng almusal kinaumagahan nang makarinig ako ng katok. Nang pagbuksan ko, si Imelda pala na mukhang napagod sa paglalakad. May bitbit itong isang bag. Buti na lang at maagang dumating ang lokang ito. Pinapasok ko siya.

“Puwedeng magkape?” sabi niya. “Humihilab na kasi ang tiyan ko. Ang aga kong nagising.”

“Ah, sige sandali lang. Tatapusin ko lang itong niluluto ko at sabay-sabay na tayong mag-almusal,” sagot ko naman sa kanya. “Upo ka muna diyan.”

Binilisan ko na ang pagluluto. Pritong itlog lang naman ito at luncheon meat. Sinangag ko na rin ang natirang kanin kagabi kaya medyo heavy ang breakfast namin ngayon.

Nang matapos ang ginagawa ko sa kusina ay ginising ko na si Rob para sabay na kaming kumain.

“Bangon na,” bahagya kong tinapik ang balikat ni Rob para gisingin ito. “Andyan na si Imelda.”

Agad namang nagising ito at bumangon. Paglabas ng silid ay naabutan namin si Imelda na sumasandok ng sinangag sa kawali.

“Oy boss, nakialam na ako sa kusina n’yo, ha? Naghain na ako ng almusal para makakain na tayo.”

Tinanguan lang ni Rob ang yaya. Ako naman ay kumuha ng plato at kubyertos at inilagay na rin iyon sa mesa.

“Kain na tayo,” inaya ko na sila.

Habang kumakain ay nagbilin si Rob kay Imelda. “Huwag mong ilalabas si baby. Dito lang kayo sa bahay. ’Wag mo siyang pababayaang basa. Dapat lagi mong titingnan kung umihi ba siya o dumumi para mapalitan mo agad ang diaper niya.”

“Oo, boss. Alam ko na’yan. Dati naman akong yaya kaya sanay na sanay na ako sa mga ganyan,” buong pagmamalaking sabi ni Imelda.

Ako naman ay in-enjoy lang ang almusal. ’Di na ako sumali sa usapan nila. Tutal, nasabi na naman ni Rob ang mga gusto kong sabihin. Ang sa akin, basta maalagaan nang mabuti si Baby Gabriel walang magighing problema sa akin ang yayang ito.

NANG UMALIS kami ng bahay para pumasok ay tulog pa rin si Baby Gabriel. Todo bilin pa rin si Rob kay Imelda kahit no’ng papalabas na kami ng pinto.

“Huwag kang magpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Baka mapagnakawan tayo. ’Wag masyadong tiwala sa ibang tao. At si baby, alagaan mong mabuti.” paalalang sabi ni Rob.

“Teka, may cellphone ka ba?” naalala kong itanong kay Imelda.

“Meron, boss.”

“Ibigay mo sa akin ang number mo para matawagan kita.”

Ibinigay ng yaya ang number niya at ilang saglit lang ay naka-save na iyon sa cellphone ko.

“Sagutin mo agad pag tumawag ako. Itetext kita para alam mo ang number ko. I-save mo.”

“Sige…”

“Magluto ka na lang ng kakainin mo. Meron diyan sa ref.”

Iyon lang at tuluyan na kaming umalis ni Rob. Bitbit namin ang tiwalang maaalagan ni Imelda nang maayos si Baby Gabriel.

HABANG nasa office ay tutok ako sa trabaho. Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras. Nagulat pa nga ako nang magsimulang mag-uwian ang mga katrabaho ko. Alas-singko na pala. Ang bilis ng oras.

’yong sinabi kong tatawagan ko si Imelda ay hindi ko naman nagawa. Masyado akong naging busy sa trabaho. Pero nakaramdam ako ng excitement dahil uwian na. Makikita ko na ulit si Baby Gabriel.

Tinawagan ko si Rob para sabihing uuwi na ako. Siya naman ay alas-siyete pa raw mag-a-out sa trabaho.

Hindi na ako nagtagal pa sa opisina. Sabik na sabik na akong umuwi at makita si Baby Gabriel.

SA BAHAY ay busy si Imelda. Tulog naman si Baby Gabriel kaya malaya siyang kumilos sa loob ng bahay. Tinungo niya ang kusina at kinuha ang lata ng gatas ni Baby Gabriel. Pagkatapos ay isinalin ang kalahati ng laman nito sa isang mas maliit na lata ng gatas na kinuha niya sa bag na dala niya kaninang umaga.

Muling ibinalik ni Imelda ang lata ng gatas sa lalagyan at ang kinuha niyang gatas na nasa mas maliit na lata ay agad niyang isinilid sa kanyang bag.

Hindi pa nakuntento, binuksan niya ang ref at sinilip kung ano ang puwede niyang iuwi at pakinabangan. Nakita niya ang isang bote ng sandwich spread na hindi pa nabubuksan. Kinuha niya iyon at isinilid din sa kanyang bag.

Kaninang tanghali ay nagluto siya ng pritong tilapia. Tatlong malaking tilapia ang kinuha niya sa ref pero isa lang ang nakain niya. Binalot niya ang natirang dalawang pritong isda. Siniguro niyang maayos ang pagkakabalot nito kaya dinoble pa niya ang plastic nito at saka niya ibinalot sa dyaryo at pagkatapos ay isinilid din sa kanyang bag.

Wala sa hinagap nina Pau at Rob na kawatan pala ang hinayupak na babaeng ito!

PAU’S POV

DUMATING ako sa bahay na nasa salas si Imelda at Baby Gabriel. Karga ni Imelda ang baby ko at mukhang magkasundo naman sila. Naaliw ako nang makita kong ngumiti si Baby Gabriel pagkakita sa akin. Aba, at parang kilala na ako ng batang ito. Ang bilis niyang maka-acknowledge sa taong nag-aaruga sa kanya.

Kinuha ko si Baby Gabriel kay Imelda. Sabik na sabik talaga ako sa batang ito. Ang yaya naman ay mabilis na nagtungo sa silid, kinuha ang kanyang bag at paglabas ay nagpaalam na sa akin.

“Uuwi na ako,” sabi nito.

“Sige…”

“Ahh… Puwede po bang bumale ng isang libo?”

Napatanga ako. Isang araw pa lang sa amin ang yayang ito babale na agad. At isang libo pa!

Mukhang natunugan naman ng babae ang pagtataka ko, kaya nagsalita ito.

“Wala po kasi akong pamasahe bukas, at sa mga susunod na araw. Kaya po bumabale ako.”

“Eh, paano kung maubos agad ang sweldo mo kababale? E ’di walang katapusang bale na lang ang mangyayari sa atin?” Naiinis na talaga ako sa babaeng ito.

“Sasahod naman po sa Martes ang asawa ko. Pagsahod niya may pamasahe na ako papunta rito.”

Para matapos na ang usapan, dumukot na ako ng isanglibo sa pitaka ko at iniabot kay Imelda.

“Ayan, para sa buwang ito apat na libo na lang ang balanse namin sa’yo.”

“Areglado!” Nagliwanag ang mukha ng loka pagkabigay ko ng pera. “Aalis na ako, babalik na lang ako sa Lunes.”

“Sige, mag-iingat ka,” ang plastik ko talaga!

Pagkaalis ni Imelda ay ni-lock ko ang pinto at dinala ko sa kuwarto si Baby Gabriel. Magbibihis lang ako at magluluto na ng hapunan tutal naman ay mamaya pa uuwi si Rob.

  ![](https://img.wattpad.com/1a673a59bdaac18bbe463847be40ca4a997e8a70/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f783176753367326d585f6a7a59413d3d2d39363933343131382e313535353764373961363033336163373738303534323233383230382e6a7067)

Chapter 7 - Bonding Time

DAHIL Sabado kinabukasan at walang pasok ay nagplano akong lumabas at sinabi ko agad ito kay Rob. Tulog na si Baby Gab noon pagkatapos siyang mabusog sa gatas na tinimpla ko para sa kanya.

“Ipasyal natin si Baby Gab,” sabi ko. Mas prefer kong iyon ang itawag kay baby kaysa buo niyang pangalan. Alam mo naman tayong mga pinoy, lahat na lang may nickname.

“Saan naman?” tanong ni Rob, mukhang hindi siya agree sa idea.

“Sa mall. Mag-grocery lang tayo tapos isama natin siya.”

“Ang liit-liit pa niya. Hindi naman niya maa-appreciate ’yon,” pangangatwiran ni Rob.

“Sabagay,” pagsang-ayon ko sa sinabi niya. “Pero puwede rin naman natin siyang ilabas para hindi naman puro dingding nitong bahay ang nakikita niya.”

“Pau, puwede naman nating gawin ’yan ’pag medyo malaki na si Baby Gab. Sa ngayon, okay na iyong nandito siya at inaalagaan natin.”

Ewan ko kung excited lang talaga ako sa bago kong role bilang daddy ni Baby Gab. Pero naiintindihan ko naman ang pinupunto ni Rob.

“Huwag ka nang magtampo. Puwede namang mag-bonding tayong tatlo kahit nandito lang tayo sa bahay. Isipin mo, weekends lang ang araw para mas maalagaan natin si Baby Gab. Kaya wala namang problema kung andito lang tayo sa bahay buong maghapon.”

Hindi na ako nakipag-argumento. May punto naman talaga ang mokong na ito.

“Baka isipin mo na naman na wala akong concern sa baby,” biglang sabi ni Rob.

“Hindi naman,” sagot ko.

“Mas convenient lang kasi na andito tayo sa bahay kaysa dalhin natin sa labas ang baby.”

Tumango na lang ako tanda ng pagsang-ayon.

KINABUKASAN ay nagulat ako na wala si Rob sa tabi ko paggising ko. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko siyang nasa kusina at abala sa pagluluto ng almusal.

Iyon ang mas nakapagpagulat sa akin. Mula nang magsama kami ni Rob, hindi pa siya nagluto kahit kailan. Ngayon lang.

“O, gising ka na pala. Good morning!” bati ni Rob sa akin.

“Ba’t ang aga mong nagising?”

“Sinadya ko talagang bumangon nang maaga para ako naman ang mag-prepare ng almusal natin.”

“Eh, bakit nga? Sawa ka na ba sa luto ko?”

Ngumiti si Rob at nakita ko na naman ang kaguwapuhang taglay niya lalo na kung siya’y nakangiti. “Hindi, ah! Gusto ko lang na pagsilbihan ka ngayon. You’ve been always there para asikasuhin ako, alagaan ako. This is my own little way to show that I appreciate all your efforts.”

Parang hinaplos ang puso ko. Ba’t biglang ang sweet-sweet ng lokong ito?

“Pasensya ka na, ha? Hindi ko man madalas maipakita, pero I’m really thankful and blessed na kasama kita.”

Cheesy man ang eksena namin so early in the morning ay wala akong pakialam. Basta sobrang saya kong malaman na appreciated naman pala ni Rob ang mga ginagawa ko para sa kanya.

NANG matapos magluto ay kumain na kami ni Rob. Tulog pa rin si Baby Gab. Mamaya paggising niya, siguradong maghahanap agad iyon ng dede.

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa silid at naabutan naming gising na pala ang munting anghel. Akala lang namin na natutulog pa siya, pero ayun at tahimik lang pala siyang nakahiga sa kama. Napakabait na baby.

Tiningnan ko kung basa ang diapers niya at hindi ako nagkamali kaya agad akong kumuha ng pamalit upang ’di mangati at ma-irritate ang balat ni baby. Pagkatapos ay tila nakakaintinding kinausap ko siya.

“Kumusta ka na, baby? Masarap ba ang tulog mo?”

Parang naiintindihan ni Baby Gab ang sinabi ko dahil ngumiti ito at ibinuka ang bibig na tila may gustong sabihin. Tapos ay ngumiti at biglang tumawa na parang kinikiliti.

“Gusto mo na bang dumede? Gutom na ba ang baby?”

Mas lalong lumakas ang tawa ng baby. Tuwang-tuwa yata siya na kinakausap ko siya kahit hindi naman kami nagkakaintindihan. Si Rob ay aliw na aliw naman sa panonood sa aming dalawa ni Baby Gab.

“In fairness ha, naiintindihan ka ng baby. Nagre-response siya sa mga sinasabi mo, eh.”

“Halika, kausapin mo rin siya,” yaya ko kay Rob.

Tumawa ito. “Mamaya na lang. Kayo na lang muna ang mag-bonding diyan. Magtitimpla lang muna ako ng gatas niya para makadede na siya.”

“Hmm, tatay na tatay. Love na love ang baby,” pambubuska ko kay Rob.

Hindi na pinansin ni Rob ang sinabi ko. Lumabas na ito ng silid para ipagtimpla ng gatas si Baby Gab.

Ilang sandali lang naman at bumalik na si Rob dala ang bote ng gatas. Iniabot niya iyon sa akin at ipinadede ko kay Baby Gab.

“Pau?”

Nilingon ko si Rob. “Bakit?”

“Malakas bang dumede si Baby Gab?”

“Oo, tingnan mo. Mabilis lang niyang mauubos itong gatas na tinimpla mo.”

Tumango-tango si Rob pero tila nag-iisip.

“Pero tingin mo kaya niyang umubos ng kalahating lata ng gatas sa isang araw?”

Kunot-noo akong tumingin kay Rob. “Aling lata, ’yong gano’n kalaki sa binili mo?”

“Oo.”

“Hindi naman. Masyadong malaki iyon para maubos niya ang kalahating latang gatas in just one day. Bakit ba?”

Nagkibit-balikat si Rob. “Wala naman. Baka napasarap lang ang pagdede ni Baby Gab.”

“Tapos?” tanong ko na hindi pa rin nakukuha kung ano bang tinutumbok ng sinasabi ni Rob.

“Wala nagtataka lang ako na ’yong gatas ni baby, half na lang ang laman ng lata. Kaya nga tinanong kita kung kaya niyang ubusin ang kalahating lata ng isang araw lang kasi ’di ba the other night ko lang binili iyon?”

Bigla kong naalala no’ng nagtimpla ako ng gatas ni Baby Gab kagabi. Napansin ko rin iyon na kalahati na lang ang laman ng lata ng gatas. Pero inisip ko lang na baka madali lang talagang maubos ang gatas ng baby. Malay ko ba kung ilang bote ng gatas ang nainom ni Baby Gab buong maghapon. Kaya ’di ko na masyadong pinansin ang laman ng lata ng gatas.

“Anyway, okay lang naman. Basta para sa baby, kahit ilang lata ng gatas pa ang kaya niyang ubusin sa isang araw,” deklara ni Rob.

“Tama!” pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Basta ang importante ay lumaking malusog at walang sakit si baby. Okay lang na maging matakaw siya sa gatas.“

Ang buong maghapon ay inubos lang namin sa loob ng bahay. Magkatuwang kami ni Rob sa pag-aalaga kay Baby Gab. Si Rob pa rin ang nagluto ng pananghalian namin, dahil nag-insist siya na pagsilbihan ako sa araw na iyon. In fairness, masarap naman palang magluto ang mahal ko. Si Baby Gab ay mabait pa rin at minsan lang umiyak no’ng nagulat ito habang nilalaro ni Rob. Napalakas kasi ang boses ni Rob at akala siguro ng baby ay sinisigawan siya kaya bigla itong nagpalahaw ng iyak. Pero saglit lang din dahil agad naman itong tumigil nang kargahin ko at isayaw-sayaw. Nang mapagod ay nakatulog si Baby Gab.

Tama nga si Rob, naisip ko. Mas mabuting do’n na lang kami nag-bonding sa bahay. Dahil mas na-enjoy namin ang isa’t-isa at mas nabigyan namin ng atensiyon si Baby Gab. Sa dalas ng pagtulog ni Baby Gab, hindi rin talaga nito maa-appreciate ang mall dahil matutulog lang ito habang nasa mall kami.

Haay, kumbinsido na yata ako na pagdating sa pag-aanalisa ng mga bagay-bagay, mas magaling talaga itong si Rob. Mas utak kasi ang ginagamit niya madalas. Pero hindi pa rin niya tuluyang isinasaisantabi ang puso. At pruweba ang ka-switan na ipinakita niya sa akin at kay Baby Gab sa buong maghapong iyon.

  ![](https://img.wattpad.com/fc49660ba89219cb94643e14b357b9eed27513a8/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f345f74354d6c47695751395562773d3d2d39373332343436362e313535353764383031653734326264613730373133343937353437362e6a7067)

Chapter 8 - Si Imelda

IMELDA’S POV

AKO si Imelda, yaya ni Baby Gabriel. Maangas ako kung titingnan. Wala naman akong magagawa. Ganoon talaga siguro ang natural na reaksyon at kilos ng mga taong may mabigat na problema. Kumikilos na akala mo eh, ang tapang-tapang upang hindi mahalata ng kausap nila na mahina talaga sila at malapit nang sumuko sa mga problema sa buhay. Narinig ko, ang tawag daw doon ay defense mechanism. Pero ’di ko alam kung anong ibig sabihin no’n kaya ’wag na nating pahabain ang usapan.

Nabuntis ako sa edad na disinuwebe. Kaya ngayong bente na ako, may isang sanggol na rin akong binubuhay. Hindi kami kasal ng tatay ng anak ko, pero nagsasama kami. Construction worker siya at lingguhan ang sweldo, tuwing Martes. Dahil sa hirap ng buhay, hindi puwedeng siya lang ang magtatrabaho para sa amin. Kaya naman namamasukan akong yaya. Sayang din kasi ang kikitain ko. Malaking tulong din ’yon sa amin, lalo na sa mga pangangailangan ng anak ko.

Natuwa ako no’ng tinanggap akong yaya ni Boss Rob. Sino ang hindi matutuwa sa limang libong sweldo kada buwan? Uwian pa ako. Kung wala lang akong anak, mas gugustuhin ko nang mag-stay in. Ang hirap kayang bumiyahe araw-araw. Pero mas mahirap gumising nang madaling araw para makarating ako sa bahay nina Boss Rob nang napakaaga.

Gaya ngayon, lunes na naman. Nagkukumahog na ako sa paghahanda. Siniguro ko munang maayos ang anak ko bago ako nagpaalam sa asawa ko. Buti na lang pumayag ang nanay ko na siya muna ang mag-alaga sa anak ko habang wala ako.

Mabilis naman ang naging biyahe ko kaya alas-singko pa lang ng umaga ay kumakatok na ako sa pintuan ng bahay ng mga amo ko.

Si Boss Paulo na naman ang nagbukas ng pinto. Mukha namang mabait ang amo kong ito, pero ramdam ko ang disgusto niya sa akin. Iniisip ko nga, kung ’di lang nila siguro kailangan agad-agad ng yaya ay hindi naman talaga nila ako kukunin.

“Buti maaga kang dumating. Kailangan kong pumasok nang mas maaga ngayon dahil naka-vacation leave ’yong isang kasamahan ko. Sa akin napunta muna ang trabaho niya. Handa na ang almusal. Mag-almusal ka na kung gusto mo. Maliligo na muna ako,” sabi niya sa akin.

Eto lang ang maganda kay Boss Paulo. Kahit alam kong naiinis sa akin, lagi naman akong inaalok mag-almusal. “Mamaya na lang ako kakain. Maaga pa naman masyado.”

“Ikaw ang bahala.” At dumiretso na siya sa banyo para maligo.

Ako naman ay nagwalis sa sala. Kahit paano ayokong masabi nila na parang donya ako dito sa bahay. Kahit na ba sabi sa akin ni Boss Rob na pag-aalaga lang ng baby ang trabaho ko, ipapakita ko sa kanila na masinop ako sa loob ng bahay, kahit paano.

Maya-maya’y nagising na rin si Boss Rob at ako ang agad niyang nakita paglabas ng silid. Nasa banyo pa rin si Boss Paulo.

“O, good morning!” bati niya sa akin.

“Good morning, boss!” ganting bati ko sa kanya.

“Halika, kain tayo.”

“Sige, boss. Mauna na kayo.” Itinuloy ko lang ang pagwawalis.

Paglabas ni Boss Paulo sa banyo ay sabay na silang nag-almusal ni Boss Rob. Mabilis lang din naman silang natapos at si Boss Rob naman ang naligo.

Hindi naman nagtagal si Boss Rob sa banyo. Kung anong bilis niyang natapos sa paliligo ay ganoon din siya kabilis na nakapagbihis. Ilang sandali lang at paalis na ang dalawa kong amo.

“Si Baby Gab, ’wag mong pababayaan,” sabi ni Boss Paulo.

“Huwag mong hahayaang matuyuan siya ng pawis sa likod. Tingnan mo lagi kung basa ang diaper niya at palitan mo kaagad. ’Wag mo siyang ilalabas ng bahay dahil napakainit.” Mas maraming bilin si Boss Rob.

“Tatandaan ko ’yan, mga boss,” sagot ko sa kanilang dalawa.

Iyon lang at umalis na sila para pumasok sa trabaho.

Naiwan ako sa bahay. Ako at si Baby Gabriel, na no’ng silipin ko sa kuwarto ay tulog na tulog pa rin. Kaya naman naisipan kong mag-almusal na.

Marami pa ang natirang pagkain. Sinangag at hotdog. Meron ding tasty bread at tuna spread. At kape.

Nagtimpla muna ako ng kape tapos ay nilantakan ko ang sinangag at hotdog. Mas gusto kong kumain ng kanin sa almusal kaysa tinapay.

ALAS-SIETE na nang magising si Baby Gabriel. Kinarga ko siya at dinala sa salas kung saan nailatag ko na ang higaan niya. Nilagay ko muna siya do’n habang nagtitimpla ako ng gatas. Mukhang hindi naman napansin ng mga amo ko na masyadong marami kaagad ang nabawas sa isang latang gatas na kabibili lang nila. Kung napansin nila ito, dapat nagtanong na sila sa akin kanina. Pero hindi.

Maging ’yong palaman sa tinapay na kinuha ko, mukhang hindi rin nila napansin. Okay! Ligtas ako.

Pinadede ko si Baby Gabriel at habang dumedede siya ay pinalitan ko na ng diaper. Tama ako na basa na siya kaya nagising. Buti na lang at hindi bugnutin ang baby na ’to. Iyong ibang inalagaan ko, talagang aalagaan mo dahil wala nang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Ang dali pa namang uminit ng ulo ko ’pag iyakin ang bata. Nakakarindi kasi. Samantalang si Baby Gabriel, kalmado lang lagi at walang imik. Napakabait at hindi iyakin.

Bandang alas-nuwebe ay tulog na ulit si Baby Gabriel. Lumabas ako sandali ng bahay. Hindi naman ako lumayo. Tumambay lang ako sa labas.

“Hi, miss!”

Nilingon ko kung sino ang tumawag. Nakita ko ang isang lalaking di ko alam kung binata pa, pero tingin ko’y nasa edad beinte-singko hanggang beinte-otso lang ang edad.

“Ako ba ang tinatawag mo?” tanong ko sa kanya.

“Oo, wala namang ibang miss dito,” sabi niya. “Anong pangalan mo?”

Pucha! Natipuhan pa yata ako ng lokong ito.

“Imelda.” sagot ko sa kanya.

“Matagal ka na bang nakatira dito?”

“Ah, hindi. Hindi ako tagarito. Inaalagan ko lang ’yong baby dito. Umuuwi rin ako sa amin tuwing gabi.”

“Ganoon ba? Puwede ba akong makipagkaibigan sa’yo? Ako nga pala si Rico.” Inilahad pa niya ang kamay niya sa akin, na inabot ko naman.

“Ilang taon na ’yong inaalagaan mo?”

“Baby pa ’yon, eh. Wala pang isang taon ’yon. Gusto mong makita? Andyan lang siya sa salas natutulog. Puwede mo siyang silipin.”

“Sige nga, patingin.”

Pinapasok ko si Rico at itinuro ang lugar sa salas kung saan nakahiga si Baby Gabriel.

“Ah, maliit pa nga. Wala pa ngang isang taon,” sang-ayon niya sa sinabi ko kanina.

“Tagasaan ka ba?” tanong ko naman sa kanya.

“Ha? A-e diyan lang sa kabilang barangay. May pinuntahan lang akong kaibigan do’n sa banda roon. Pauwi na ako no’ng nadaanan kita at ’yon nga, nakipagkilala ako sa’yo. Puwede ba kitang dalawin dito paminsan-minsan?”

“Type mo ba ako?” dineretso ko na siya. “Kasi kung type mo ako, hindi na puwede. May asawa na ako.”

Parang hindi naman nabigla si Rico. “Ah gano’n ba? Eh kahit kaibigan lang. Puwede ba kitang maging kaibigan?”

Ano ba itong lalaking ito. Sinabi na ngang may asawa na ako makikipagkaibigan pa rin.

“O, siya.” sabi ko. “Kaibigan lang pala, eh.”

“Ibig sabihin puwede kitang puntahan dito paminsan-minsan?” nagliwanag ang mukha ni Rico.

“Basta magdala ka ng makakain.”

“Oo, ’yon lang pala eh. Sige sa sunod na punta ko rito magdadala ako.”

“Tatandaan ko ’yan.”

Tumango si Rico at nagpaalam na. “Sige, sa susunod na lang. ’Di ko kalilimutang magdala ng makakain. Uuwi na ako, ha?”

“Sige.”

Umalis na nga si Rico. Ano ba ang nakain ng lokong lalaking iyon at interesadong makipagkaibigan sa akin kahit sinabi ko nang may asawa na ako?

  ![](https://img.wattpad.com/fb92472974296e8f426220e144b53b5aa9c92331/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3279556a335a484d7145613149673d3d2d39373637313235312e313535353764383637663766393730353536313633353739343337352e6a7067)

Chapter 9 - Bantay Salakay

ROB’S POV

MAAGA akong nakauwi nang gabing iyon. Wala pa nga si Paulo pagdating ko ng bahay. Naabutan ko si Imelda na pinatutulog si Baby Gab. Karga niya ito at isinasayaw para makatulog kaagad. Pasado alas-sais na no’n ng gabi. Mukha namang responsable ang yaya ng baby namin ni Paulo. In fact, hinintay niya talagang makatulog muna ito bago siya nagpaalam sa akin na uuwi na siya.

“Boss, uuwi na ako. Gumagabi na, eh. Malayo pa ang sa amin,” sabi nito.

“O, sige. Agahan mo ulit bukas, ha. Teka, kumusta naman si Baby Gab?”

“Maayos naman, boss. Hindi naman siya iyakin. Kaya ’di mahirap alagaan.”

“Eh, kumusta ka naman dito? Ayaw mo ba talagang mag-stay in na lang para ’di ka na nahihirapan sa biyahe araw-araw?”

“Hindi na, boss. Okay na ako sa uwian,” sabi ni Imelda. “Ayos lang din naman ako dito. May naging kaibigan nga ako kanina.”

“Kaibigan?” Puno ng curiosity ang tanong ko.

“May nakipagkilalang lalaki sa akin kanina diyan sa tapat. May pinuntahan daw siya sa gawi roon. Pauwi na siya sa kabilang barangay no’ng napadaan dito. Nakita ako, ayun nagpakilala.”

Napangiti ako. Hindi ko alam kung single ba itong si Imelda pero mukhang kinikilig sa bago niyang kakilala. “Anong pangalan? Anong sabi sa’yo?”

“Rico daw. Nagpapaalam kung puwede raw siyang pumunta dito paminsan-minsan.”

“Ah, hindi puwede ’yan. Bawal kang makipagligawan sa oras ng trabaho.”

“Hindi naman ako makikipagligawan, boss. May asawa na ako,” depensa nito sa akin. “Hindi ba sinabi sa’yo ni Boss Paulo na may asawa na ako?”

Umiling ako. Wala namang nabanggit sa akin si Paulo tungkol sa civil status ng yaya ni Baby Gab.

“Basta, ’wag kayong mag-alala. Hindi naman ako makikipaglandian sa Ricong iyon. At hindi ko pababayaan si Baby Gabriel.”

“Aasahan ko ’yan.”

“Sige, boss aalis na ako.”

“Mag-iingat ka sa daan.”

Bitbit ang kanyang bag na lumisan si Imelda. Naiwan ako sa bahay kaya naman sinimulan ko nang maghanda ng hapunan.

Binuksan ko ang ref para kumuha ng isda. Kahapon ay bumili ako ng dalawang malaking bangus at pagkatapos linisan ay inilagay ko sa isang maayos na lalagyan at inilagay ko sa freezer.

Asan na? Bakit wala dito kahit isang pirasong isda? Hindi naman kami nag-ulam ng isda kagabi o kaninang umaga.

Baka naman niluto ni Imelda kaninang tanghali para sa pananghalian niya.

Pero imposibleng maubos niya sa isang kainan lang lahat ng isdang iyon? Nasaan na ’yon?

Dahil sa nawawalang isda, nilaga ko na lang ang natitirang karne ng baboy na nasa freezer. Mabuti na lang at may mga gulay pang pansahog dito sa ref. Hindi ko na kailangang lumabas para bumili.

Nagsaing na rin ako habang niluluto ang nilaga. Para halos magkasabay na itong maluto at makatipid ako sa oras. Kanina ko pa gustong humiga at makapagpahinga. Andaming trabaho kanina sa korte. Tatlong hearing din ’yon buong maghapon kaya pagod na pagod talaga ako. Ang hirap kayang maging court interpreter. Imagine, itra-translate ko sa english ang mga sagot na tagalog at itra-translate ko sa tagalog ang mga tanong na english and vice versa. Nosebleed kung sa nosebleed talaga.

Ilang sandali pa at naluto na ang nilagang baboy at sinaing. Wala pa rin si Paulo.

Noon biglang bumuhos ang ulan. Malakas!

Hala! Paano ito? Wala pa si Pau, tanong ko sa sarili.

Patuloy na lumakas ang ulan at hindi pa rin dumarating si Paulo. Nag-text na ako sa kanya kanina pero hindi naman siya nag-reply. Sinubukan kong tawagan pero nagri-ring lang, hindi naman sinasagot.

Asan na kaya ang mokong na ’yon?

Nang mag-eight-thirty na ng gabi at wala pa si Pau, nagpasya na akong mauna nang kumain. Gutom na ako at pagod pa kaya gusto ko nang matulog sana nang maaga.

Katatapos ko lang kumain at kasalukuyang naghuhugas ng pinggan nang dumating si Paulo na bang-basa.

“O, saan ka inabutan ng ulan? Ba’t sumugod ka? Sana nag-taxi ka na lang pauwi para ’di ka naulanan. Baka magkasakit ka pa niyan,” totoong nag-aalala ako no’ng sinabi ko ’yon.

“Ang hirap naman kasing sumakay ng taxi ’pag umuulan. Halos lahat may sakay, ’pag minalas makakatiyempo ka pa ng madugas na driver.”

“Eh, kaysa naman ganyan,” sabi ko. “Bilisan mo. Maligo ka na agad at nang makapagpalit ka ng damit. Nauna na akong kumain kasi akala ko gagabihin ka pang masyado dahil nga umuulan.”

“Abutan mo ako ng tuwalya dito, ha?” tumuloy na sa banyo si Pau para maligo.

Pumasok ako sa kuwarto para kunin ang tuwalya. Nakita kong mahimbing ang tulog ni Baby Gab.

Lumabas din ako agad ng silid. Tinungo ko ang banyo at kinatok para maiabot kay Pau ang tuwalya.

Ilang sandali lang ay natapos nang maligo si Pau at lumabas ng banyo. Itinapis lang nito sa bewang ang tuwalya para matakpan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tumuloy ito sa kuwarto para magbihis.

“Bilisan mo diyan at ipaghahain na kita.” Muli akong nagsandok ng kanin at naglagay sa mangkok ng ulam para makakain na rin si Pau.

Nang dumulog si Pau sa mesa para kumain ay napahatsing pa ito.

“Iyan na nga ang sinasabi ko. Diyan nag-uumpisa ang sipon at ubo,” sabi ko. Gano’n kasi ako. Basta humatsing ako, lalo na kung sunod-sunod, asahan mong bukas sinisipon na ako at kasunod na rin ang ubo. Kung mamalasin, lalagnatin pa. Ewan kung bakit ako ganoon. Hindi ko naman kinokonsulta sa doktor.

Habang kumakain ay nagtanong si Pau. “Anong oras umuwi si Imelda?”

“Mag-a-alas-siete na siguro ’yon. Pinatulog niya muna kasi si Baby Gab bago siya umuwi.”

“Ahh, mabuti naman kung ganoon.”

“Mukha namang masipag si Imelda. Maangas lang talaga. Nagkuwento nga, may nakipagkilala raw sa kanya.”

Nakita kong tumaas ang kilay ni Paulo. “Sino naman?”

“Rico raw ang pangalan. Taga-kabilang barangay yata.”

“Eh, may asawa na siya, makikipagharutan pa siya sa ibang lalaki?”

“Ito naman, nakikipagkaibigan lang kay Imelda ’yong lalaki. Sinabi nga rin sa akin ni Imelda na may asawa na siya at wala siyang balak makipaglandian sa bago niyang kakilala.”

“Mabuti kung ganoon. Kasi baka unahin pa niya ang pakikipagharutan sa Rico na iyon kaysa mag-alaga kay Baby Gab.”

“Huwag kang mag-alala, nangako naman si Imelda na ’di niya pababayaan si Baby Gab.”

“Baka may gagawin ka pa, ako na lang ang bahalang magligpit nito,” si Paulo.

“Teka naalala ko, niluto mo na ba ’yong bangus sa ref?”

“Hindi pa. Wala pa akong nilulutong bangus. Bakit?”

“Iyon kasi sana ang iluluto ko. Kaso pagtingin ko sa freezer, wala na do’n iyong bangus na binili ko. May tilapia din sa freezer no’ng Friday.”

“Eh, saan napunta? Bakit hindi mo itinanong kay Imelda? Baka niluto niya at inulam kaninang tanghali.”

Pero dalawang malaking bangus ’yon. Naubos niya?“

Nagkatinginan kami ni Paulo. Mukhang sa pagkakataong iyon ay magkapareho kami ng iniisip.

“Iyong gatas ni Baby Gab na nangalahati agad kahit isang araw pa lang pagkabili, hindi kaya may koneksiyon yun sa nawawalang bangus?” tanong ni Pau.

“Ayaw kong pag-isipan ng masama si Imelda pero mukhang gano’n na nga.”

“May baby ba si Imelda?”

“Hindi natin sigurado. Pero may asawa siya, ’di ba? Kaya posibleng may baby din siya.”

“Bukas na bukas kokomprontahin ko ang Imeldang iyan!” pagdedeklara ni Paulo.

  ![](https://img.wattpad.com/ebb140026128b43d231acfd43b3f2f1aa6339cba/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6f613232796a75526943524237413d3d2d39383131363137302e313535353764386432643936656662613137373538373232353535342e6a7067)

Chapter 10 - Mga Palusot

“IMELDA…”

“Bakit, Boss Paulo?”

“Magluto ka na lang ng kakainin mo mamayang tanghalian. Kumuha ka na lang sa ref.”

“Sige, boss.”

“Siyanga pala. Ano’ng niluto mo kahapon?”

“Nagprito ako ng bangus.”

“Naubos mo lahat?”

Biglang parang natigilan si Imelda.

“Dalawang malaking bangus ’yong nasa ref kahapon,” sabi ko sa kanya.

“Ahh, boss iluluto ko lahat ’yong dalawang bangus, para sana may maiulam na kayo pag-uwi n’yo dito. Kaso, medyo nakalimutan ko dito sa ibabaw ng mesa. Nasalisihan ako ng pusa. Kaya ayun, naubos. Pasensya na. Nakalimutan kong sabihin kahapon,” pagpapaliwanag ni Imelda.

“Pusa? Bakit may pusa eh, wala naman tayong pusa dito?”

“Nakapasok nang ’di ko namamalayan. Nakasara naman ’yong pinto. ’Di ko alam kung saan siya dumaan. Pasensya na talaga.”

Hindi na ako sumagot. Pinakawalan ko na lang ang isang malalim na buntunghininga.

“Sige boss, magwawalis lang muna ako dito sa sala,” pagpaaalam ng yaya at akmang tatalikod na ito sa akin.

“Teka, sandali.”

Lumingon si Imelda. “Bakit, boss?”

“Kumusta naman si Baby Gabriel?” tanong ko.

“Okay naman siya. Mabait na bata.”

Tumango-tango ako. “Magana ba siyang dumede? Inabangan ko talaga kung ano ang magiging reaksiyon ni Imelda.

“Oo, boss. Ang bilis niyang maubos ’yong mga tinitimpla kong gatas para sa kanya. Eh, mukhang kulang ang isang bote kaya tinitimplahan ko ulit.”

Wala naman akong kakaibang napansin sa reaksiyon niya.

“Huwag mong masyadong binubusog si baby. Tama na ang isang bote. Iiyak naman iyan ’pag gutom. Doon ka na lang ulit magtimpla ng gatas, ’pag gutom na siya.”

“Oo sige,” tumango si Imelda.

“May asawa ka na, ’di ba?” muli akong nagtanong. Hindi ko alam kung nagtataka na siya kung bakit andami kong tanong noong araw na iyon. Kararating lang niya at ako naman ay kagigising lang. Actually, ’yong pagkatok niya sa pinto ang gumising sa akin. Ewan ko, hindi ko narinig ang alarm ng cellphone ko kanina. Samantalang araw-araw naman ay ang tunog niyon ang gumigising sa akin.

“Oo boss, meron na.”

“May anak na ba kayo?” Nakita kong parang bigla siyang natigilan. Pagkatapos ay marahan siyang tumango.

“Dalawang taon na ’yong anak ko.”

“Ahh…” Kung dalawang taon na ang anak niya, hindi na iyon dumedede ng gatas na pang baby. Siyempre iba naman ang gatas ng tatlong buwang sanggol sa dalawang taong bata. “Sige, maliligo na muna ako at baka magising na si Rob. Kung gusto mo nang mag-almusal, kumain ka na lang diyan.”

“Salamat, boss.”

So, malinaw na sa akin. Kinain ng pusa ang isda at malakas lang talagang dumede si Baby Gabriel. Mali ang hinala namin ni Rob tungkol kay Imelda.

Naligo na ako. Mabilis lang dahil baka ma-late na ako sa trabaho. Gising na si Rob paglabas ko ng banyo kaya siya naman ang naligo. Si Imelda ay nakita kong naghahanda ng almusal para sa aming tatlo.

Magana kaming kumain ng almusal. Ang misteryo ng nawawalang bangus at gatas na mabilis maubos ay nalutas na.

IMELDA’S POV

Nang pumasok na sa trabaho ang dalawa kong boss ay naiwan na naman kami ni Baby Gabriel sa bahay. Katulad ng dati, tulog pa si Baby Gabriel ng ganitong oras. Wala pa namang alas-siyete kaya pinabayaan ko lang siyang matulog.

Bigla akong nakarinig ng mga katok sa pinto.

Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin si Rico.

“O, anong ginagawa mo rito?” Parang nagulat pa ako na pumunta siya rito ng ganito kaaga.

“Hindi ba sabi ko sa’yo na dadalawin kita rito?” sagot niya. “Eto o, nagdala ako ng kakanin.” Iniabot niya sa akin ang dalang plastic bag.

“Ano ito?”

“Biko at puto. Binili ko lang diyan sa kanto.”

“Ang aga mo namang pumunta rito. Kaaalis lang ng mga amo ko.”

“Nami-miss na kasi kita,” parang tingin ko’y pinapungay pa ni Rico ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon.

“Haay, Rico! ’Di ba sinabi ko nang may asawa na ako?”

“Wala namang masama sa nami-miss,” depensa niya. “Natural lang naman sa magkaibigan na ma-miss ang isa’t-isa, ’di ba?”

“At pinanindigan mo na talaga na magkaibigan tayo?”

“Hindi pa ba?”

“Kahapon lang tayo nagkakilala.”

“Eh, ano naman. Nakukuha ba ’yon sa patagalan ng pagkakakilala?”

Hindi ako umimik.

“Kumusta ka na?” muli siyang nagsalita.

“Ayos lang ako.”

“Tikman mo itong dala kong kakanin. Masarap ’yan.”

Tumayo ako dala ang plastic bag at tinungo ang kusina para ilagay sa plato ang dala niyang biko at puto. Pagbalik ko sa sala ay prenteng nakaupo si Rico sa sofa.

“Okay itong bahay ng mga amo mo, ah. Simple pero maayos at maaliwalas. Ang sarap sigurong tumira dito.”

“Bakit, saan ka ba nakatira?

“Squatters area kami, eh. Alam mo naman siguro ang sitwasyon ng mga tao sa gano’ng lugar.”

Alam na alam ko talaga dahil sa squatters area sa Novaliches din kami nakatira. Pero ’di ko na iyon sinabi kay Rico. Tumango na lang ako sa kanya. “Pero ang importante naman ay may matitirhan at matutulugan pagsapit ng gabi.”

“Sabagay,” tila pagsang-ayon naman niya sa sinabi ko. “Tulog pa yata ang alaga mo.”

“Ah, oo. Mamayang konti pa ang gising no’n. Kapag gutom na siya.”

“Sarap ng buhay mo, ha. Yaya pero walang inaalagaan.”

“Anong wala? Tulog pa nga kasi. Mamaya maghapon ko na siyang aalagaan. Ipagtitimpla ng gatas, ipaghehele, papalitan ng diaper. Hindi madali ang maging yaya, ano!”

Tumawa si Rico. “Hindi ko naman sinasabing madali. Mahirap talagang mag-alaga ng bata.”

“Ba’t mo naman nasabi ’yan? Nag-alaga ka na ba ng bata.”

“Ha?” Ngumiti si Rico. “Hindi pa naman. Pero kahit naman sino alam na mahirap talagang mag-alaga ng bata. Lalo na at baby pa. Kasi ’pag umiyak, hindi mo alam kung bakit umiiyak. Kasi nga hindi pa nagsasalita. Akala natin, gutom lang. Iyon pala may sakit na.”

“Ang dami mong alam, ha.”

Biglang nakarinig kami ng iyak mula sa silid. Gising na si Baby Gabriel.

“Saglit lang, ha. Kukunin ko lang si baby. Maiwan muna kita dito.”

“Sige lang.”

Pumasok ako sa silid. Tiningnan ko kung basa na ang baby at nakumpirma kong kailangan ko na siyang palitan ng diaper. Tumayo ako at kumuha ng diaper at pulbos sa ibabaw ng tokador na nasa gilid ng kama. Pagkatapos ay pinalitan ko na ng diaper si Baby Gabriel.

Binuhat ko ang baby at dinala sa labas. Dinaanan ko sa mesa sa kusina ang gatas na tinimpla ko kani-kanina lang at pinalalamig ko lang habang natutulog pa si baby.

Dinala ko si Baby Gabriel sa salas.

“Ang cute pala ng alaga mo,” pansin ni Rico. “Kaninong anak ’yan? Hindi ba dalawang lalaki iyong nakatira rito?”

“Kay Boss Rob yata.”

“Ahh… Asan ang nanay?”

“Aba malay ko? Hindi na ako nagtanong. Bahala na sila kung nasaan ang nanay. Ang mahalaga sa akin, may trabaho ako at suswelduhan nila ako para alagaan ang baby. Mabait naman ito at hindi iyakin kaya okay na ako sa trabaho ko rito. Mabait rin naman si Boss Rob at Paulo.”

“Sarap siguro ng may baby, ano?”

“Masarap talaga. Pang-alis pagod pag-uwi galing trabaho.”

“May baby ka na?” biglang tanong ni Rico.

“Oo, two years old.” Pinanindigan ko na talagang two years old ang anak ko, kahit ang totoo’y halos kasing edad lang ito ni Baby Gabriel.

“Tingnan mo siya. Tahimik lang habang dumedede, o. Ang bait.”

“Eh, ba’t hindi ka pa mag-asawa para may aalagaan ka na ring anak. Mukha namang mahilig ka sa bata.”

Tumingin sa akin si Rico. Tingin na parang may pinahihiwatig na kung ano pero hindi ko naman maunawaan.

  ![](https://img.wattpad.com/cc34132055121471587bbc9976a0512994eebd83/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f446250396c7554396a38727257513d3d2d3130303031303935322e313535353764393435386430313935383532393535303933353734322e6a7067)

Chapter 11 - Akyat-bahay

“PAU…”

Bahagya ko nang narinig ang pagtawag ni Rob. Kanina pa ako nakahiga rito sa kama dahil sa sobrang pagod sa maghapong pagtatrabaho. Nakapagluto na ako ng hapunan. Nakauwi na rin si Imelda. Si baby Gab naman ay payapa na ring natutulog sa crib niya. Ibinili siya ni Rob ng crib para may sarili na siyang higaan. Dati kasi ay sa gitna namin ni Rob siya natutulog. At least ngayon, puwede na siyang maglikot sa pagtulog nang hindi kami kinakabahan na baka siya mahulog.

“Pau, gising ka pa ba?”

“Amoy alak ka na naman. Kaya ginabi ka na naman dahil nakipag-inuman ka pa.” Isa ito sa madalas pagsimulan ng pagtatalo namin ni Rob. Ayaw na ayaw kong umiinom siya ng alak o kahit ano pa mang inuming nakalalasing. Pinagbabawalan ko rin siyang manigarilyo. Basta! ’Di ko maintindihan ang lohika na kailangan mong pagkagastusan ang isang bagay na alam mong puwedeng makasama sa iyong kalusugan. Ang dami namang puwedeng gawin sa pera. Bakit mo ito gagamitin sa mga bisyong wala namang kuwenta?

“Konti lang naman, Pau. Nagkayayaan lang sa opisina. Nakikisama lang naman ako, kaya ’di ko sila mapahindian.” Kabisado ko na ang ganyang dayalog ni Rob. Lagi namang ganyan. Nakikisama. Pero hanggang kailan ba dapat makisama? Hanggang magkasakit siya dahil sa bisyo? Nakakaloka!

“Kumain ka na ba?” tanong ko kay Rob. Kahit naman pasaway ang mokong na ito, hindi ko pa rin inaalis na laging isipin ang kapakanan niya. Siyempre mahal ko naman ito, kahit pa nga lagi kaming parang aso’t pusang nagbabangayan.

“Oo, kanina. Inaantok na ako,” walang gana niyang sagot.

“Matulog ka na. Pero magpalit ka muna ng damit at saka maglinis ka do’n sa banyo. Amoy lasing ka. Ambaho!”

“OA ka naman! Konti lang naman ang nainom ko,” kontra ni Rob sa sinabi ko.

“Kahit na. Basta, maglinis ka muna ng katawan o kahit maghilamos lang.”

“Sige na nga. Inaantok na ang tao, eh.” Tumayo si Rob at lumabas ng silid.

Dedma lang ako. Sanay na talaga ako kay Rob. Mahilig lang itong kumontra sa mga sinasabi ko pero sa bandang huli, susunod rin naman.

Ilang sandali lang ang lumipas at bumalik na si Rob sa kuwarto. Hinubad niya ang suot na t-shirt at pantalon. Nagsuot siya ng sando at humiga sa kama katabi ko. Ganito ang usual sleeping attire ni Rob, sando at boxers , minsan naman sando at brief .

Si baby Gab ay mahimbing pa rin ang tulog. Napakabait talaga ng batang ito. Hindi naging mahirap sa amin ang alagaan siya. Hindi siya katulad ng ibang mga sanggol na pinupuyat ang magulang sa kababantay tuwing gabi.

Hindi ko na narinig magsalita si Rob pagkahiga niya. Mabilis siyang nakatulog. Nang tingnan ko siya ay mahimbing na nga ang tulog niya at nagsisimula na siyang maghilik. Ako naman ay sadyang inaantok na rin kaya naman hindi ko na pinigilan ang antok na kanina pa ako kinukulit. Pagkalipas ng ilang sandali, lahat kami ay mahimbing nang natutulog at wala nang alam sa iba pang nangyayari sa buong magdamag.

ALAS DOS ng madaling araw ng isang anino ang makikitang nagpipilit pumasok sa aming bahay. Hindi namin alam kung anong ginawa niya para mabuksan ang pintong naka-lock naman. Basta walang anuman siyang nakapasok sa loob ng bahay at palinga-linga pa siya sa loob ng salas. Kapansin-pansing parang sanay na sanay ang aninong ito sa loob ng aming bahay. Tila kabisado nito ang bawat parte ng bahay.

Maya-maya pa’y lumakad ang anino papunta sa silid namin ni Pau. Hindi kami nagla-lock ng kuwarto kaya malayang nakapasok ang anino. Tulad ng kung paano tila kabisado niya ang salas, ganoon din siya sa pagpasok sa aming silid. Alam na alam niya kung saan kukunin ang kanyang pakay.

Dumiretso siya sa crib kung saan mahimbing na natutulog ang aming munting anghel na si baby Gab. Seryosong pinagmasdan ng anino ang sanggol sa kuna. Pagkatapos ay maingat itong yumuko at binuhat ang natutulog na sanggol. Nanatiling tulog si baby Gab. Walang kamalay-malay sa posibleng panganib na paparating sa kanya.

Kalong pa rin si baby Gab, nagsimulang kumilos ang anino at naglakad papalabas ng kuwarto. Tila si baby Gab lang talaga ang pakay ng anino. Tuloy-tuloy itong lumabas ng silid dala ang aming sanggol.

Nakalabas na ng silid ang anino nang biglang magising si baby Gab at umiyak. Sapat na ang lakas ng iyak ng sanggol para mataranta ang anino at agad na ibinaba si baby Gab sa sahig. Dali-dali itong lumabas ng bahay at tumakbo papalayo hanggang mawala na ito sa kadiliman ng gabi.

Si baby Gab ay patuloy sa pag-iyak. Noong una ay tila nananaginip lang ako. Tila sa malayo kasi nanggagaling ang munting boses na umiiyak. Hanggang tuluyan na akong maalimpungatan at patuloy ko pa ring naririnig ang sanggol na umiiyak.

Hindi ako maaaring magkamali. Si baby Gab talaga ang umiiyak na ’yon!

Agad akong bumangon. Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa crib .

Anong panghihilakbot ko nang makita kong wala sa crib si baby Gab.

Pero naririnig ko pa rin ang iyak ng sanggol! Nasaan si baby Gab?!

Sa labas! Tila sa labas ng silid nagmumula ang iyak.

Agad kong niyugyog si Rob para magising ito. “Bangon, Rob! Nawawala si baby Gab!”

’Ha?!“ tila wala pa sa sariling katinuan si Rob.

“Si baby Gab, wala sa crib !”

“Ano?! Nasaan siya?!” Bumalikwas mula sa pagkakahiga si Rob.

Agad kaming lumabas ng silid. Binuksan ko ang ilaw sa salas at agad na bumulaga sa amin ang baby na nakahiga sa sahig na patuloy pa rin sa pag-iyak

“Bakit siya nariyan? Paano siyang napunta riyan?” nagtatakang tanong ni Rob.

“Hindi ko alam. Baka pinasok tayo ng magnanakaw. Baka may nag-akyat-bahay,” naguguluhan kong sagot.

Binuhat ko si baby Gab at inalo para tumigil sa pag-iyak.

Si Rob naman ay isa-isang ininspeksyon ang mga gamit namin sa bahay.

TV. Check!

Ref. Check!

Sofa. Check!

Furnitures. Check!

DVD player. Check!

’Yung ibang gamit namin ay nasa loob ng silid katulad ng computer at laptop . Wala namang nawala. Andoon lahat ng gamit. Pero bakit si baby Gab ay nasa sahig gayong ’di ba dapat ay nasa crib ito?

Nagkatinginan kami ni Rob. Pareho ba kami ng iniisip?

“Pau…”

“Rob?”

“Si baby Gab ang pakay ng magnanakaw!” Halos sabay pa kaming nagsalita ni Rob ng aming hinala.

“Oh my God!”

“Pau, si baby Gab nga ang gustong kunin ng magnanakaw. Walang nawalang gamit. Si baby Gab lang ang napunta sa salas mula sa silid.”

“Sino ang puwedeng gumawa nito?”

Ayaw namin ni Rob na malaman ang sagot. Dahil natatakot kami sa itinatakbo ng aming mga isip. Dalawa lang naman kasi ang posibleng mangyari.

Kidnapin si baby Gab.

O bawiin sa amin ng tunay niyang magulang, sa anumang paraan.

Chapter 12 - Takot at Pangamba

“PAREHO ba tayo ng iniisip, Rob?” Sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari. At natatakot rin na baka anumang oras ay may biglang kumuha sa amin kay baby Gab. Napamahal na nang lubos sa akin ang sanggol at ayoko siyang ibigay kahit na kanino pa. Ayoko nang mawala pa si baby Gab sa akin, sa amin ni Rob.

“Iniisip mo bang ’yung magulang ni baby Gab ang nagtangkang nakawin siya sa atin?” tanong ni Rob.

“Pwedeng oo, pero pwede rin namang hindi. Baka kidnapper talaga ’yun. At si baby Gab ang target niya.” Gusto ko na talagang mag-panic. “Anong gagawin natin, Rob?”

“Gusto mo bang i-report natin sa barangay?”

“Huwag! Ayoko. Baka mas malaking gulo pa pag nakarating sa ibang tao ang nangyari. Baka magkaroon pa ng maraming tanong tungkol kay baby Gab. Baka mas maging magulo pa ang kuwento ’pag nalaman sa barangay na hindi naman natin talaga kaanu-ano ang bata.”

Natutop ni Rob ang kanyang noo sa sinabi ko. Knowing Rob, siya yung tipong gusto’y laging nasa tama ang lahat. Siya ’yung law-abiding citizen sa aming dalawa. Ako naman yung medyo pasaway at padalos-dalos sa lahat ng bagay, pati sa pagdedesisyon.

“Paano kung bumalik ’yung nag-akyat-bahay sa atin?” tanong sa akin ni Rob.

“Hindi naman siguro,” sagot ko. Pero ang totoo’y ganun din ang naglalaro sa isip ko. Paano kung sa susunod ay magtagumpay na siyang makuha si baby Gab at hindi na namin alam kung saan siya hahanapin? Ah, mababaliw siguro ako ’pag nangyari iyon.

“Eh, paano nga kung bumalik? Anong gagawin natin?”

“Hindi niya makukuha si baby Gab. Gago siya! Subukan niyang bumalik dito at ’pag nahuli ko siya, sisiguruhin kong may paglalagyan siya!”

“’Yan! Ang tapang-tapang mo. Hindi dapat dinadaan lagi sa tapang. Dapat kumikilos tayo ng tama. Dapat ginagawa natin ang tama para hindi mas nagiging kumplikado ang sitwasyon. Kung ba naman pumayag ka na sa sinabi ko dati na ipaalam natin sa DSWD na may nag-iwan ng baby sa pintuan natin, eh ’di sana nasa DSWD na si baby Gab ngayon at mas secure siya doon. Hindi tulad ngayon, ni hindi natin alam kung kidnapper ba o kaanak niya ang nagtangkang kumuha sa kanya.”

“So, sinasabi mo na kasalanan ko kaya muntik nang mawala sa atin si baby Gab? Ganun ang gusto mong palabasin, Rob?”

“Ang sinasabi ko, hindi natin pwedeng basta aakuin si baby Gab dahil lang gusto natin siya. Hindi natin siya pwedeng ariin dahil lang ayaw natin siyang mawala sa piling natin. Dapat, idaan natin sa tamang proseso para maging sa atin siya ng legal. Para kung may magtangka mang kunin siya sa atin, may karapatan tayong tumanggi. May karapatan tayong ipaglaban siya. Naiintindihan mo ba ako?”

“Hindi! Hindi kita maiintindihan kahit kelan dahil kahit minsan naman hindi mo rin inintindi ang mga sinasabi ko. At ’wag kang magtatangkang isumbong sa barangay o kahit na kanino ang nangyaring ito, sinasabi ko sa’yo Rob!” At buong ningning akong nag-walkout dala si baby Gab. Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Inihiga ko sa kama si baby Gab at humiga na rin ako sa tabi niya. Hindi ko siya inihiga sa crib dahil baka may demonyo na namang makapasok sa bahay namin at magtangkang kunin ulit ang baby ko.

Naiwan sa labas si Rob. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa labas dahil hindi pa rin siya bumabalik dito sa aming kuwarto. Maya-maya’y may narinig akong tila nagpupukpok sa labas. Pero di ko na lang pinansin. Niyakap ko na lang si baby Gab na noon ay tulog na at sinikap kong ibalik rin ang naputol kong pagtulog.

Tirik na ang araw nang magising ako. Sabado naman kaya okay lang, walang pasok sa opisina. Gising na rin si baby Gab pero tahimik lang itong nakahiga. Sa tabi niya ay naroon ang bote ng gatas niya na wala nang laman. Si Rob naman ay wala rin dito sa kuwarto.

Bumangon ako at binuhat si baby Gab para ilipat sa crib . Pagkatapos ay lumabas ako ng silid diretso sa kusina. Andun si Rob at naghahanda ng makakain.

“O, gising ka na pala,” bati ni Rob sa akin. “Halika, tapos na akong magluto. Kain na tayo.”

Pumasok ako sa banyo nang ’di pinapansin si Rob. Umihi ako at naghilamos. Paglabas ko ng banyo ay nakapaghain na si Rob at handa nang kumain.

“Halika na rito, kain na tayo.”

“Mauna ka na. Hindi pa ako gutom.”

“Imposibleng ’di ka pa gutom. Anong petsa na, o? Kagabi pa ’yung huling kain mo. Halika ka na rito, ’wag ka nang magtampo.”

Lumapit na ako sa hapag at umupo. Nilagyan ni Rob ng pagkain ang plato ko.

“Kumain ka na,” sabi ni Rob. “Pasensya ka na kagabi.”

“Tapos na ’yun, ’wag na nating pag-usapan.” Nag-umpisa na akong kumain.

“Nilagyan ko ng bisagra ’yung pinto natin para di tayo basta-basta napapasok ng magnanakaw. Mag-ingat na lang tayong mabuti.”

Hindi ako umiimik. Tuloy lang ako sa pagkain.

Diretso lang sa pagsasalita si Rob. “Sasabihan ko rin si Imelda na mag-ingat. Hindi siya dapat nagpapapasok ng ibang tao rito. Lalo na kung wala tayo. Mahirap na ang masalisihan. Buti sana kung mga gamit lang natin ang puntirya. Eh, mukhang si baby Gab talaga ang target na kunin. Kailangan talaga nating mag-ingat. Dobleng pag-iingat.” Nakatitig sa akin si Rob, alam ko ’yun kahit hindi ako tumitingin sa kanya.

Natapos akong kumain. Tumayo na ako dala ang platong ginamit ko at dinala sa lababo para hugasan. Naiwan sa mesa si Rob, tahimik lang. Pero alam ko na pinagmamasdan niya ako.

“Papasok na muna ako sa kuwarto, walang kasama dun si baby Gab,” matabang kong sabi pagkatapos maghugas ng plato. Walang lingon-lingon na lumakad ako papasok sa silid.

Kinuha ko sa crib si baby Gab para paliguan. Napakabait talaga ng batang ito. Pwedeng iwanan mag-isa at ’di man lang umiiyak. Kung sa ibang sanggol lang iyon, siguradong nagpalahaw na ng iyak ’pag napansing nag-iisa siya. Paanong ’di mo mamahalin ang ganito kabait na sanggol? Huwag na nating sabihing sobrang cute din niya. Mahal na mahal ko na ang batang ito. Kaya mag-iingat sa akin ang sino mang magtatangkang kunin si baby Gab. Kung si Rob nga inaaway ko dahil kay baby Gab, e di mas lalo na ’yung hinayupak na nagtangkang nakawin si baby Gab sa amin. I swear , lalabas ang pagka-amasona ko oras na malaman ko kung sino ang walanghiyang nagtangkang kumuha kay baby Gab!

Chapter 13 - Buking

“Huwag na huwag kang magpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Na-akyat-bahay kami nung sabado ng madaling-araw. Mabuti na lang at nagising kami kaya walang nakuha. Kaya ’wag kang masyadong nagtitiwala sa mga nakikilala mo d’yan sa labas. ’Di natin alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino ang hindi,” mahabang bilin ko kay Imelda bago ako umalis ng bahay. Nauna nang pumasok si Rob. Ako naman ay papaalis pa lang pero kailangan ko munang pagbilinan si Imelda para ’di na maulit pa ang nangyari.

“E, boss wala naman akong pinapapasok dito. ’Yung kakilala kong si Rico, hindi naman pumapasok sa loob. D’yan lang naman kami nag-uusap sa labas. At saka mabait naman ’yun. ’Di rin siya nagtatagal dito. Saglit lang tapos umaalis siya kaagad,” may bahid ng konting pagsisinungaling ang sagot ni Imelda. “Hayaan mo, boss babantayan kong mabuti itong bahay. Walang masasamang loob na makakapasok dito.”

“O, siya sige ikaw na ang bahala rito. Si baby Gab ’wag mong pababayaan. Lagi mong titingnan kung basa na ang diaper niya. At ’wag mong gugutumin pero ’wag din namang sobrang padededein.”

“Areglado, boss. Huwag kang mag-alala, aalagaan kong mabuti si baby .”

“Eto nga pala ang suweldo mo para sa nakaraang dalawang linggo mo rito,” iniabot ko sa kanya ang dalawang libong piso. “Dalawang libo na lang kulang ko sa’yo dahil dun sa isang libo na binale mo.”

Tinanggap ni Imelda ang pera. “Akala ko po pag nakaisang buwan na at saka ako susweldo?”

“Buwanan ba ang gusto mo? Puwede rin naman.”

“Hindi. Okay ’yung ganito, boss. At

least , hindi ako magigipit sa pera kasi susuweldo ako kada dalawang linggo. Salamat.“

“Sige, papasok na ako. Magluto ka na lng ng pananghalian mo. ’Pag may emergency , mag-text ka agad para matawagan kita.” Lumabas na ako ng bahay at agad na sumakay ng tricycle.

Nasa biyahe na ako ay ’di pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Paano kung bumalik ’yung nagtangkang magnakaw kay baby Gab ngayong wala kami ni Rob sa bahay at si Imelda lang ang naroon? Mapoprotektahan ba ni Imelda si baby Gab? Sa liit na ’yun ni Imelda ay kayang-kaya siyang ibalibag ng kung sino mang kawatan na iyon. At paniguradong makukuha nito si baby Gab nang walang kahirap-hirap. Pero pwede namang tumili si Imelda. Pwede siyang sumigaw at humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Ah basta, nangako naman si Imelda na di niya pababayaan si baby Gab. Siguro naman ay sapat na iyon para makampante ako.

IMELDA’S

POV

Gaya ng dati, naiwan na naman kami ni baby Gab dito sa bahay. Maghapon na namang kaming dalawa lang ang naririto sa bahay. Ang totoo, hindi sana ako pupunta rito ngayon. May sakit kasi ang anak ko. Nilalagnat. Mahirap pala talaga ’yung ganitong sitwasyon. ’Yung nag-aalaga ako ng ibang bata tapos ’yung sarili kong anak na may sakit pa, hindi ko maalagaan. Buti na lang andoon ang biyenan ko. Siya na muna ang bahala sa anak ko. Babawi na lang ako mamaya pag-uwi ko. Mabuti na lang din at pinasuweldo ako ni boss Paulo kanina. Tamang-tama, mabibili ko ng gamot at vitamins ang anak ko. Ang hirap kasi ng maging mahirap. Gaano ko man kagustong ibigay ang mga pangangailangan ng anak ko, hindi ko magawa. Wala kasi akong kakayahang ibigay ang lahat sa kanya.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may biglang kumatok sa pinto. Agad akong lumabas ng silid at pinagbuksan ang kumakatok.

“Magandang umaga!” masiglang bati ni Rico.

“O, napadalaw ka? Ano’ng atin?”

“Wala naman. Na-miss lang kita. ’Di ba pwedeng ma-miss kita?”

“Buang!”

“Hindi mo ba ako papapasukin?”

“Ha? Naku, bilin ng amo ko ’wag akong magpapapasok ng kahit sino. May nagtangka kasing magnakaw sa kanila noong madaling araw ng sabado.”

“Ganoon ba? E ano raw nakuha sa kanila?”

“Wala, nagising daw kasi ’yung mga amo ko.”

“E ’di hindi pala tayo makakapag-usap?”

“D’yan na lang tayo sa labas, okay lang ba sa’yo? Dumedede pa naman ’yung alaga ko.”

Nagliwanag ang mukha ni Rico. “Sige, okay lang. Dito na lang tayo sa labas. ’Di naman ako magtatagal, eh. Gusto lang kitang kumustahin. Dalawang araw rin kasing ’di kita nakita. Na-miss kita talaga.”

“Gago. Sinabi na ngang may asawa na ako.”

“Eh ano naman? ’Di ba pwedeng ma-miss kita bilang kaibigan?”

“Ewan ko sa’yo! Ang kulit mo.”

Ngumisi lang si Rico.

“May mga ibang nabiktima na ba ng akyat-bahay dito?” tanong ko.

“Aba, malay ko? Hindi naman ako tagarito. Sa kabilang barangay ako, ’di ba?”

“Sa barangay n’yo ba, wala?”

“Wala. Tahimik sa lugar namin. Bawal ang loko roon,” pagmamalaki pa ni Rico. “Eh ’di ba wala naman palang nakuha ’yung akyat-bahay? Kaya kalimutan mo na ’yon. Hayaan mo na lang iyong mga amo mo na kumilos kung anong gagawin nila.”

“Siyempre kahit paano concerned naman ako. Mga amo ko ’yon. Sila ang nagpapasuweldo sa akin. Kaya ’pag may masamang mangyayari sa kanila, apektado pati ako.

“Sabagay,” nagkibit-balikat si Rico.

“Teka lang, pupuntahan ko lang si baby. Baka basa na ang diaper no’n. Dito ka muna, ha?”

Tumango lang si Rico. Ewan ko ba sa taong ito. Ang aga-aga eh, inuna pa ang makipaghuntahan. Wala ba itong trabaho? Kasi kung meron, eh ’di dapat nasa trabaho na ito at hindi pakalat-kalat dito.

Hindi naman basa ang diaper ni baby Gab kaya binuhat ko na lang siya at dinala sa labas. Maganda naman para sa katawan ang init ng araw. Alas-otso pa lang naman kaya saktong-sakto lang ang init.

“O, ang bait naman ang alaga mo. Hindi ko pa narinig umiyak ’yan, ah.”

“Mabait talaga ito. Kaya nga hindi ako nahihirapan sa trabaho ko rito kasi walang problema sa pag-aalaga ko kay baby. Napakabait na bata.”

“Puwedeng pakarga?”

“Sige, eto o buhatin mo.” Iniabot ko kay Rico si baby Gab. Parang tuwang-tuwa ito habang karga si baby Gab. Ewan ko pero parang sabik na sabik sa bata ang lalaking ito.

Biglang tumunog ang cellphone ni Rico.

“Eto na si baby o, kunin mo na muna. May tumatawag lang sa akin.”

Kinuha ko si baby . Si Rico naman ay nagmamadaling hinugot mula sa bulsa ng pantalon niya ang cellfone.

“Sasagutin ko lang ito, ha?” Bahagyang lumakad palayo sa akin si Rico sa lugar na hindi ko na maririnig ang pinag-uusapan nila ng kung sino mang tumawag sa kanya.

Ilang sandali ring kausap ni Rico ang tumawag sa kanya. May mga pagkakataong parang biglang tumataas ang boses nito bagaman hindi ko pa rin maintindihan kung anong pinag-uusapan nila.

Maya-maya’y eto na si Rico at papalapit sa akin.

“Uuwi na muna ako, may emergency lang sa bahay,” sabi nito.

“Bakit, anong nangyari?”

“Wala, may konting problema lang. Babalik na lang ako sa ibang araw.”

“Ah, sige,” iyon lang ang nasabi ko. At nagmamadali nang umalis si Rico. Pumasok na kami ni baby Gab sa loob ng bahay. Siya namang pagtunog ng cellfone ko, may nag-text.

Kinuha ko sa bulsa ang cellfone at binasa ang mensaheng galing sa biyenan ko.

Dang, si baby nagkombulsyon. Andito kami ngayon sa ospital sa bayan.

Para akong napako sa pagkakatayo. Kahit ganito ako na tila walang modo, malambot ang puso ko pagdating sa anak ko. Kahit kelan hindi ko itinuring na sagabal o problema sa buhay ko ang pagkakaroon ko ng anak sa murang edad. Mahal na mahal ko ang anak ko, sukdulang gumawa ako ng hindi maganda para sa kanya.

Tinawagan ko ang aking biyenan.

“ Hello , ’nay?“ Hinintay kong sumagot ang biyenan ko. “Anong nangyari? Kumusta ang anak ko?” Nagsalita ang kausap ko, umiiyak siya. Mas lalo akong kinabahan. “Sino’ng kasama n’yo dyan? Anong sabi ng doktor?” Sumagot ang kausap ko. Halos wala naman akong naintindihan sa mga sinasabi niya. Ang malinaw lang, nasa ospital ang anak ko, under

observation dahil sa posibleng mas malalang sakit na hindi lang basta lagnat. Naiiyak na ako. Ang baby ko. Ang kawawang baby ko. Hindi ko man lang siya maalagaan kung kelan kailangang-kailangan niya ako. “Nay, dideretso ako dyan mamaya. Kayo na muna ang bahala sa anak ko. I-text n’yo ako lagi kung ano na’ng balita d’yan. Basta, ’nay wag n’yong pababayaan ang anak ko.” Tuluyan nang nahulog sa mga mata ko ang masaganang luha.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Inihanda ko na ang pampaligo ni baby Gab pagkatapos ay mabilis ko siyang pinaliguan. Tamang-tama, pagkatapos maligo ay muling nakatulog si baby Gab. Pinilit kong maging abala upang hindi laging pumapasok sa isip ko ang anak ko, pero hindi iyon naging madali para sa akin. Kahit ano pa ang gawin ko, laging sumisiksik sa isip ko na ang anak ko ay nasa ospital ngayon. Kung pwede ko lang hilahin ang oras para gumabi na, sana’y ginawa ko na para mapuntahan ko na agad sa ospital ang anak ko. Gustong-gusto ko nang itext ang mga amo ko at magpaalam na aalis muna ako, pero alam kong hindi sila papayag dahil walang kasama si baby Gab. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nang magtanghali ay nagsaing ako at nagluto ako ng ulam. Naghanap ako ng mailuluto sa ref at nakita ko ang pork

chop . Iyon na lang ang kinuha ko para madaling iluto. Noon naman nagising si baby Gab kaya ipinagtimpla ko siya ng gatas at pinadede.

Alas kuwatro na ng hapon ng makatanggap ako ng text galing sa biyenan ko na ang sabi’y medyo okay na ang anak ko. Isa pang text ang natanggap ko ang ang mensahe’y ’wag ko raw kalimutang bumili ng gatas ni baby. Tiningnan ko ang lalagyan ng gatas ni baby Gab. Ayos, marami pang laman. Hindi mahahalata kung bawasan ko man. Kumuha ako ng isang microwavable

plastic

container at pinuno ko iyon ng gatas. Pagkatapos ay maingat kong isinilid sa bag ko para hindi matanggal ang takip at kumalat ang gatas.

Pasado alas-sais na ng dumating si boss Paulo. Tuwang-tuwa ako. Sa wakas, makakaalis na ako para mapuntahan sa ospital ang anak ko.

O, kumusta si baby Gab?“ tanong ng boss ko.

“Maayos naman siya, boss. Andun sa kuna niya, nakahiga lang,” sagot ko habang hinahanda ang bag ko para makapagpaalam na ako.

“Ba’t parang nagmamadali ka yata?”

“Oo nga, boss. Kailangan ko nang makaalis agad. Pupunta pa kasi ako ng ospital, naka-confine ang anak ko. Nilalagnat kasi siya kaninang umaga nung papunta na ako dito. Tapos dinala na ng biyenan ko sa ospital dahil nagkombulsyon daw. Kanina pa nga ako hindi mapakali dito. Gustong-gusto ko ng puntahan ang anak ko.”

“O, sige. Mag-iingat ka. Paano bukas, makakapunta ka ba rito?”

“Hindi ko po sigurado. Pero kung okay na po ang anak ko, pupunta po ako rito.”

“Mag-text ka lang agad kung hindi ka makakapunta rito, para makapag-paalam ako sa opisina na hindi ako makakapasok.”

“Opo. Salamat, boss.” Dinampot ko ang bag ko para umalis na nang biglang mapatid ang hawakan nito at agad bumagsak sa sahig ang bag pero nahulog mula rito ang lalagyang may lamang gatas ni baby Gab. Kumalat sa sahig ang gatas.

“Ano ’yan?!”

“Wala, boss. Lilinisin ko na lang,” sinubukan ko pa ring magpalusot. Dali-dali kong kinuha ang walis at nilinis ang kumalat na gatas sa sahig.

“Gatas ’yan, ah. Saan galing ’yan?” seryosong tanong sa akin ni boss Paulo. Tapos ay bigla itong pumunta sa kusina at kinuha ang lalagyan ng gatas ni baby Gab. Binuksan niya ang lalagyan at nakitang halos kalahati na lang ang laman nito.

“Halos puno pa ito kaninang umaga. Bakit ganito na lang ang laman nito? Imposibleng naubos ni baby Gab ang kalahating latang gatas sa isang araw lang.” Nang-uusig ang mga titig ni boss Paulo sa akin. “Magsalita ka.”

Sukol na ako. Walang silbi na ang mag-alibi. “Sorry, boss. Kailangan kasi ng gatas ng anak ko. Kaya kumuha muna ako sa gatas ni baby Gab. Pasensya ka na, gagamitin ko kasi sa ospital itong perang binigay mo sa akin kaninang umaga.”

“Pero sabi mo hindi na sanggol ang anak mo, ’di ba?”

“Sanggol pa rin po.” Hindi ako makatingin kay boss Paulo.

“Hindi ito ang unang beses na ginawa mo ito, hindi ba?”

Marahan akong tumango. “Pangalawang beses na po ito. Sorry…” Naluha na ako sa sobrang kahihiyan. “Nagsinungaling po ako sa inyo para hindi n’yo isiping kinukuha ko ang gatas ni baby Gab.”

“Sana nagsabi ka nang maayos. Sana nagpaalam ka.” Ramdam ko na gustong unawain ni boss Paulo ang ginawa ko. Kahit naman halata kong ’di ako gusto nitong boss ko, alam kong mabuti itong tao.

“Babalik pa po ba ako bukas.” Nag-aalangan man ay nagtanong na rin ako. Baka kasi bumalik ako bukas nang wala na pala akong babalikang trabaho.

“Kung maipapangako mong hindi na ito mauulit, sige bumalik ka bukas. Kalilimutan ko ito. Palalampasin. Basta ayoko nang mangyari ulit ang mga ganitong kalokohan.”

“Makakaasa ka, boss. Salamat.” Nahihiya akong tumingin kay boss Paulo. “Sige boss, aalis na ako.” At walang lingon-lingon kong nilisan ang bahay ng aking mga amo.

Chapter 14 - Yayo Paulo Again

Author’s Note: Credits to the owner of the photo.

“O, KUMUSTA?” bati sa akin ni Rob pagkarating niya ng bahay galing sa trabaho.

“Haay, araw-araw na lang may mga eksena sa bahay na ito. ’Di na naubos, ha, in fairness. Every day is a surprise day!”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Si Imelda. Siya ang susi sa milagrosang gatas ni baby Gab. Naalala mo nung napansin natin na kalahati na lang agad ang gatas ni baby Gab kahit kabibili lang natin? Si Imelda pala ang kumukuha. Iniuuwi niya sa bahay para gawing gatas ng anak niya. Nagsinungaling siya sa atin nang sabihin niyang two years old na ang anak niya. Baby pa rin pala. Kaya ayun, tirador ng gatas ang peg niya para makatipid.”

“Paano mong nalaman ’yan?”

“E ’di nabuking ko siya. Napatid ang handle ng bag niya at nahulog ’yung pinaglagyan niya ng gatas. Ayun, sumabog sa sahig ang naghuhumiyaw na ebidensya. Ampota! Pasalamat siya at kalmado lang ako kanina dahil naawa ako sa kanya no’ng sinabi niyang nasa ospital ang anak niya. Kung nagkataon, pekpek lang niya ang walang latay.”

“Ano’ng nangyari sa anak niya?”

“Nasa ospital nga! ’Di ka nakikinig sa sinasabi ko. Siyempre may sakit, mataas yata ang lagnat.”

“Kawawa naman ’yung anak niya,” sabi ni Rob. Kahit kailan, sadyang malambot ang puso nito. Madali itong maawa sa tao sa kahit na pinakasimpleng sitwasyon.

“Naalala mo ba ’yung parang mabilis maubos ang mga stock ng ulam natin sa ref dati? Baka iniuuwi rin niya ang mga isda kaya nawawala lang sa freezer .

Nagkibit-balikat lang si Rob. “Hayaan na lang natin ’yun. Ang sigurado, napakinabangan nila ’yun kung totoong inuwi nga niya. At least , nakatulong tayo kahit paano. Ulam lang naman ’yun. Pagkain, dapat talagang ibahagi sa kapwa.”

“Tama ka naman do’n, Rob. Pero siyempre, hindi naman laging bigay lang tayo ng bigay. Kasi isipin mo, kailangan din nating kumain at mabuhay. Nagpapakahirap tayong kumayod araw-araw kaya dapat kung tutulong man tayo, eh sana tayo ang magde-decide. Hindi ’yung basta na lang mawawala ang mga pagkain sa ref tapos okay lang tayo. Puwede namang magpaalam sa atin bago kumuha, ’di ba?” mahabang paliwanag ko.

“So, anong naging desisyon mo sa nalaman mo kay Imelda? Pinababalik mo pa ba siya bukas?”

“Alam mo, napakaswerte talaga ng babaing ’yan. Dahil kailangan talaga natin ng mag-aalaga kay baby Gab, sinabihan ko siyang okay lang na bumalik siya bukas basta ipangako niyang hindi na mauulit ang mga kagagahan niya.”

Nakatingin lang sa akin si Rob, naghihintay pa ng karagdagang sasabihin ko.

“Sabi naman niya, hindi na niya uulitin. Kaya babalik siya bukas. Alam mo naman ako, matalas lang magsalita, walang preno kung dumaldal pero pagdating sa pang-unawa sa kalagayan ng ibang tao eh marunong naman akong makisimpatya.”

“Mabuti naman kung ganoon. Lalo na sabi mo, nasa ospital ang anak niya. Mas kailangan niya ngayon ng pagkakakitaan.”

“Binigay ko na kanina ’yung half

month na sweldo niya. Kahit paano makakatulong ’yun sa kanila. Pandagdag sa panggastos.“

“ So , si baby Gab kumusta naman?“

“Nasa crib lang siya, natutulog kanina kaya nakapagluto na ako ng hapunan. Magbihis ka na at sabihan mo lang ako kung gusto mo ng kumain para makapaghain na ako.”

“Sige, kain na tayo. Magbibihis lang ako sandali,” at dumiretso na sa silid si Rob.

NANG gabing iyon ay maaga kaming nakatulog. Si baby Gab man ay ganoon din. Bago pa maubos ang lamang gatas ng bote niya ay mahimbing na siya sa kanyang crib . Ang mga pagod na katawan at isipan ay totoong nangangailangan rin ng sapat na pahinga.

Tunog ng cellphone ang gumising sa akin. Akala ko ay nag-alarm na ang cellphone ko, pero may dumating lang palang text message .

Galing kay Imelda.

Boss,

sobrang

nahihiya

ako

sa

mga

nagawa

ko

sa

inyo

ni

boss Rob,

kaya

napagpasyahan

ko at ng

pamilya

ko

na

hindi

na

ituloy

ang

paninilbihan

sa

inyo

.

Pasensya

na

po

sana kayo

sa

mga

kalokohan

ko. Sorry

talaga

Parang biglang nawala lahat ng antok ko. Bigla ang dating sa akin ng panibagong problema. Sino ang magbabantay kay baby Gab ngayon? Ngayon as in today . Aabsent ulit ako? Parang gusto kong sumigaw nang pagkalakas-lakas nang mga oras na iyon.

“Rob! Rob, gising!” Niyugyog ko si Rob para magising siya kaagad.

Napabalikwas si Rob. “Anong nangyari?!” Parang wala pa ito sa katinuan.

“Si Imelda.” Inabot ko sa kanya ang cellphone at ipinabasa ang mensahe.

“Kailangan mong umabsent sa trabaho ngayon,” matamlay niyang sabi.

“Pwede bang ikaw na lang muna ang umabsent? Bukas na lang ako.”

“Hindi ako pwedeng umabsent ngayon eh. May hearing mamaya sa sala ni judge . Hayaan mo, hahanap na lang ako agad ng kapalit ni Imelda.”

“Sige na nga. Wala naman akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng pabayaang mag-isa dito sa bahay si baby Gab.”

“Mahal na mahal mo talaga si baby Gab,” nakita kong nakatitig sa akin si Rob.

“Oo naman, alam mo ’yan. Kahit nga ikaw inaaway ko dahil sa kanya.”

Napangiti si Rob. “Lagi nga, eh. Nasasanay ka nang awayin ako for

any

reasons .“

“Buang ka. May valid reasons naman ako pag nag-aaway tayo. At I make

sure naman na hindi ako ang nag-uumpisa ng away.“

Nanlaki ang mga mata ni Rob. “Weh?! Hindi nga? So, ako pala lagi ang nagsisimula ng away?”

“Ano pa nga ba? Ang bait-bait ko kaya.”

“Tse. Saang banda?”

“Matulog na nga tayo ulit. Tutal hindi ako papasok, ikaw na lang ang maghanda ng breakfast mo, ha,” sabi ko kay Rob.

“Sige, ako na’ng bahala. Mag-reply ka na muna kay Imelda. Baka kamo gusto niyang magbago ng isip, pwede pa kamo. At saka magsabi ka na rin sa office n’yo na hindi ka makakapasok today .”

“Sige, eto nagtetext na ako. Basta, humanap ka agad ng kapalit ni Imelda, ha? Hindi ako pwedeng fulltime housewife . Mas prefer kong maging career woman .”

“Baliw!” Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Rob. Aliw na aliw siya sa kagagahan ko at isa iyon sa mga dahilan kung bakit kami magkasundo.

Hindi ko na namalayan ang pag-alis ni Rob para pumasok sa trabaho. ’Di na niya ako ginising. Nakita ko na lang ang isang note na nakadikit sa ref na ang sabi: Pumasok na ako. ’Di na kita ginising. Ready na ang breakfast , kain na kayo ni baby Gab paggising n’yo. I love you .

Na-touch naman ako sa message. Kahit madalas kaming magbangayan nitong si Rob, hindi ko itatangging may nakatagong kaswitan ang lokong iyon. At lagi siyang nag-eeffort na magkabati kami every time na meron kaming konting ’di napagkakasunduan. Mas siya ’yung nag-a-adjust sa ugali ko kesa ’yung ako ang nag-aadjust sa kanya. At mahal na mahal ko rin iyon kahit aminado ako na madalas ko siyang awayin.

Kinuha ko ang cellfone ko at nag-text ako kay Rob.

Thanks sa breakfast. I love you, too.

’Di ko na hinintay na magreply siya. Agad kong tiningnan kung anong agahan ang inihanda ni Rob. Fried

rice , hotdog at scrambled

egg . Bigla akong ginutom kaya nilantakan ko na ang pagkaing alam kong niluto nang may kasamang pagmamahal.

Matapos kumain ay naglinis na muna ako ng bahay tutal naman ay tulog pa si baby Gab. Tamang-tama, tapos na akong maglinis nang marinig ko ang bahagyang pag-iyak ng baby. Agad akong pumasok sa silid at kinarga ko siya. Tapos ay nagtimpla ako ng gatas at ibinalik ko siya sa crib para dumede. Gutom na gutom ang bata. Kaya pala umiyak agad pagkagising pa lang.

Habang dumedede si baby Gab ay inihahanda ko na ang pampaligo niya. Umaga pa lang busy na ang lola n’yo. Nang matapos dumede ang baby ay pinaliguan ko na siya. Tuwang-tuwa siya habang pinapaliguan ko. Gustong-gusto niyang maligo. Hindi siya katulad ng ibang baby na umiiyak kapag pinaliliguan.

Nag-ring ang cellphone ko. Si Rob, tumatawag. Bakit kaya?

“Hello, bakit ka tumawag?” tanong ko kay Rob.

“Wala, gusto lang kitang kumustahin. Nag-breakfast ka na ba?”

“Ah, oo. Tapos na. Pinaliguan ko na rin si baby. Eto nga, binibihisan ko siya nung tumawag ka.”

“Good. Ah, baka pala gabihin ako ng uwi mamaya. Birthday ni judge . Ini-invite kami sa bahay nila.”

“Haay, sabi ko na nga ba at may ibang motibo ang pagtawag mo. Kunwari ka pa na kukumustahin mo lang ako. O siya, sige. Basta humanap ka agad ng yaya para kay baby Gab. Alam mo namang ’di ako pwedeng mag-absent ng matagal.”

“Oo, ’wag kang mag-alala kinausap ko na ’yung isang officemate ko. May irerekomenda raw siya,” paniniguro ni Rob.

“Sana ’yung matinong yaya naman.”

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rob. “Parang nadala ka na yata kay Imelda, ah.”

“Ganoon na nga. Meron naman sigurong mapagkakatiwalaang yaya. Kailangan lang maghanap talaga.”

“ Don’t

worry , naghahanap naman ako.“

“Okay, ingat ka pag-uwi. Basta ’wag kang masyadong iinom,” paalala ko sa kanya.

“Yup. Alagaan mong mabuti si baby. Ang baby natin.”

“Of course naman. Kahit hindi mo sabihin talagang aalagaan kong mabuti si baby Gab.”

“ I love you , Pau.“

“Ano ba’ng nakain mo? Ba’t ang hilig mong mag-i love you ngayon?”

“Wala naman. Masama ba?”

“Hindi. Naninibago lang ako. Masyado kang cheesy ngayon.”

“Basta, tandaan mo anumang problema ang dumating sa ating pagsasama ’wag tayong bibitiw kaagad. Tayong dalawa ang hahanap ng solusyon para maresolba ang anumang problema. Huwag na tayong mag-aaway, tayong dalawa ang magkakampi sa lahat ng laban.”

“Ha? Ano ba’ng pinagsasasabi mo?”

“Wala, basta tandaan mo ’yung mga sinabi ko.”

“Oo, sige,” pagsang-ayon ko na lang kay Rob.

“ I love you , Pau.“

“ Again ?“

“E, hindi mo naman sinagot nung sinabi ko kanina.”

“ I love you, too , Rob.“

“Ayan, quits na tayo.”

“May pagka-buang ka talaga.”

“Nabubuang na ako sa’yo.”

“Haay…”

“O siya, babay na. Magtatrabaho pa ako.”

“Bye, Rob.”

Itong si Rob talaga, may mga araw na nakakainis. Pero may mga araw na kikiligin ka sa kaswitan niya. Sa totoo lang, mahal ko talaga ’yun. Kahit hobby ko na ang awayin siya, ’di ko ’yun ipagpapalit sa kahit sino pa.

BANDANG alas-dos ng hapon, habang tulog si baby Gab ay nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng drama sa telebisyon. Medyo na-miss ko rin ang mga ganitong palabas. Paano ba naman ako makakapanood eh maghapon akong nasa opisina?

Biglang nakarinig ako ng mga katok sa pinto. Sunod-sunod.

Agad akong tumayo para pagbuksan ang kung sino mang bisita ko. “Saglit lang, andyan na.”

Dalawang babae ang nabungaran ko nang buksan ko ang pinto. May suot silang ID. Kinabahan ako sa aking nabasa.

DSWD!

“Magandang hapon po. Ako si Mayeth. Mga social

worker kami,“ sabi ng mas may edad na babae.

“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?”

“May nakarating po kasing balita sa amin na may nag-iwan ng sanggol dito sa pintuan ng bahay n’yo. Gusto naming malaman kung kamag-anak mo ba ang sanggol.”

Hindi agad ako nakasagot. Biglang di ko alam ang sasabihin ko. Aaminin ko ba ang totoo? O ikakaila ko? Pag umamin ako, baka kunin nila si baby Gab.

“May baby nga po dito, inaalagaan ko… namin,” ’di ko alam kung ano ang sinabi ko. Awtomatiko iyong lumabas sa bibig ko.

“Anak mo ba ang baby ?” tanong ni Mayeth. Umiling ako. “Hindi po.”

“Kamag-anak? Anak ng kapatid mo? Malayong pinsan?”

“Hindi rin po.”

“Ibig sabihin, totoong iniwan lang ang baby sa labas ng pintuan n’yo. Hindi mo siya kaano-ano.”

Hindi ako sumagot. Pero alam ko, ang katahimikan ko ay tanda ng pag-amin.

“Kung hindi mo po kadugo ang baby, at wala kayong maipapakitang legal

documents na nagsasabing kayo ang guardian niya, kailangan po naming kunin sa pangangalaga n’yo ang bata.“

Nanlaki ang singkit kong mga mata. “Hindi! Hindi n’yo naman siya kailangang kunin. Inaalagaan naman namin siya nang maayos dito. Kaya namin siyang palakihin nang tama. Pag-aaralin ko siya, bibigyan ng magandang kinabukasan. Hindi n’yo siya kailangang ilayo sa amin. Anong dokumento ang kailangan n’yo? Kukuha ako. Adoption

papers ba? Sige, aampunin ko siya. ’Wag n’yo na siyang kunin. Mapapabuti ang buhay niya dito sa amin.“ Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko para kumbinsihin ang mga social worker na ibigay na sa akin ang pangangalaga kay baby Gab.

“Pwede mo siyang ampunin, bakit ba hindi? Pero kailangan mong dumaan sa tamang proseso, sa legal na paraan ng pag-aampon. At habang ’di pa tapos ang adoption

process , kailangang manatili muna sa pangangalaga ng DSWD ang baby.“

“Hindi na kailangan! Nagbalik na ako. Kukunin ko na ang anak ko!” Sabay na napalingon ang dalawang social

workers sa pinanggalingan ng boses. Ako naman ay napanganga at tila binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ang lalaking nagsabing anak niya si baby Gab.

Chapter 15 - Ang Daddy ni Baby Gab

NAGULAT ako nang makita ko kung sino ang nagsalita. Para akong natuka ng ahas.

“Rico?” Talagang sobra-sobra ang gulat ko at pagtataka. Bakit napasok sa eksena si Rico? Sobrang coincidence naman ito. Si Rico, ang ex kong si Rico ang ama ni baby Gab?! Hindi ito totoo.

“Ako nga. Kumusta ka na?”

“Ikaw ang tatay ni baby Gab? Paano? May maipapakita ka bang ebidensya na anak mo nga si baby Gab?” sunod-sunod ang tanong ko.

“Eto ang birth certificate niya. Suriin mo pa kung gusto mo. Ipa-authenticate mo pa sa NSO. At eto rin ang ID ko.” Kinuha ng isa sa mga social worker ang birth certificate. Mabusising sinuri at binasa ang nakasulat na detalye roon. Ikinumpara ang pangalan ng ama na nakasulat sa birth

certificate at sa ID ni Rico.

“Totoo nga ito. Siya nga ang ama ni baby Gab,” deklara ng social worker na si Cita, base sa nabasa kong pangalan sa ID niya.

Parang bigla akong nanlumo. Ano ba naman ang mga kaganapan nitong nagdaang mga araw? Sunod-sunod na ’di magagandang pangyayari. Pero ito na yata ang pinakamasama. Worst

ever ! Mga social

worker na ’to. Bigla na lang dadating dito para kunin si baby Gab. Tapos dadating pa ang Rico na ’to at sasabihing siya ang ama ni baby Gab. Ano ito? Rob, help !!! Maloloka na ako sa mga nangyayari dito.

“Gaya nga ng sabi ko kanina, naparito kami para alamin kung totoong may nag-iwan ng baby sa pintuan ng bahay n’yo. Kasi kung totoo, kailangang ibigay n’yo sa pangangalaga ng DSWD ang baby . Pero dahil narito na ang ama, hindi na namin kukunin ang baby kung mapupunta ito sa pangangalaga niya.

“Teka muna, naguguluhan ako sa inyo. Mas mabuti siguro eh, dito tayo mag-usap sa loob.” Ang haba na ng usapan. Hindi ba dapat kanina ko pa sila pinapasok sa loob ng bahay?

“Maupo muna kayo,” sabi ko pagkapasok ng tatlo sa loob ng bahay.

“Maaari mo bang ilabas dito ang bata?” Hindi ako sigurado kung nagtatanong ba ang social

worker na si Cita o nag-uutos.

“Natutulog pa siya. Kawawa naman kung gigisingin pa natin.”

“Gusto kong makita ang anak ko,” singit naman ni Rico.

Palihim kong pinandilatan si Rico. Ang gagong ito, bigla-bigla na lang lilitaw para kunin si baby Gab. Iiwan niya sa pintuan ng bahay tapos kukunin niya kung kelan niya gusto? Ano siya nagpahiram ng laruan tapos babawiin n’ya pag gusto na niyang maglaro ulit? Kapag ako ’di nakapagpigil, makakatikim sa akin ang mokong na ito. Hindi porke ex ko siya eh, palalampasin ko na lang basta ang kagaguhan niya. Kung noon ngang boyfriend ko pa siya hindi niya ako napapasunod sa mga gusto niya, ngayon pa ba ako yuyuko sa kanya? Kailangan niyang ipaliwanag nang mabuti sa akin kung paanong naging anak niya si baby Gab. Hindi ako basta-basta naniniwala sa dala niyang birth

certificate . Andaming gumagawa ng ganyan sa Recto. Pero bakit alam niyang andito si baby Gab?

“Kunin mo na ang bata at ilabas dito,” sabi naman ni Mayeth. “Tapos, pag-usapan natin kung anong gagawin sa kanya.”

“ Willing akong ampunin ng legal ang bata,“ giit ko sa kanilang tatlo.

“Nandito na ang tatay at kinukuha na ang anak niya. Mas dapat na nasa magulang ang sanggol kesa sa ibang tao.”

“Hindi na ako ibang tao kay baby Gab. Kahit mahigit dalawang linggo pa lang siya sa amin, inalagaan namin siyang mabuti at itinuring na totoong anak.”

“May asawa po ba kayo, mister?” tanong ni Mayeth.

“W-wala. Hindi ko naman kailangan ng asawa para maalagaan ng tama ang isang baby .”

“Sino ’yung sinasabi mong katuwang mo sa pag-aalaga sa baby ?”

“Si Rob, partner ko.”

Tila naeskandalo ang dalawang social

workers . “May ka-live in kang lalaki rin?”

“Hindi po ako o ang buhay ko ang pinag-uusapan natin dito. Si baby Gab po. Maka-react naman kayo, parang ngayon lang kayo nakakita ng dalawang lalaking magka-live in. Wala bang mga bakla sa lugar n’yo?” Malapit na talaga akong mapikon sa mga social worker na ito.

“Mas lalong dapat mapunta sa ama ng baby ang custody . Hindi magandang lumaki ang bata na nakikita ang isang hindi normal na relasyon.” Pinaikot ko ang mga mata ko sa hindi ko mapaniwalaang reaksiyon ni Cita.

“ Social

worker ba talaga kayo o mga moralista? Kaloka kayo, ha. Nandito kayo sa pamamahay ko kaya umayos kayo. Hindi porke tauhan kayo ng gobyerno eh, hahayaan ko na lang kayo na tapakan ang pagkatao ko. Para sabihin ko sa inyo, hindi sa sekswalidad nasusukat ang kabutihan ng isang tao. Kilala n’yo ba itong Rico na ’to? Alam n’yo ba ang totoong pagkatao niya? Oo, siya nga ang ama. Pero anong garantiya na mapapalaki niya nang maayos ang bata? Eh, baka nga kahit sarili niya ’di niya kayang buhayin.“ Bumaling ako kay Rico. “O, anong trabaho mo ngayon, kung meron man? Nagtutulak pa rin ng droga?”

“Huh?! Hindi ko gawain ’yan, ha? Huwag kang nambibintang,” todo tanggi si Rico. Pero kahit ano pang pagtanggi ang gawin niya, hindi niya ako maloloko. Halos isang taon din tumagal ang relasyon naming dalawa at ’yung pagiging tulak niya ng ipinagbabawal na gamot ang unang rason kung bakit ako nakipag-break sa kanya. Nililinaw ko lang, ako ang nakipag-break.

“Matagal na ’yun. Oo, inaamin ko minsan na akong naligaw ng landas. Pero nagbago na ako. At pinagsisisihan ko nang lubos na iniwan ko dito ang anak ko. Walang araw at gabi na iniisip ko siya. Siya lang ang nag-iisang alaala sa akin ng namayapa kong asawa.” Mangiyak-ngiyak si Rico habang nagsasalita. “Kaya nagpasya akong bumalik dito para bawiin ang anak ko. Ako ang dapat magpalaki sa kanya. Ako ang tatay niya. Ayokong lumaki siya na hindi ako kilala.”

Noon biglang umiyak si baby Gab. Gising na siya. At wala na akong pwedeng idahilan para hindi siya ilabas at ipakita sa tatay niya.

“Sandali lang, kukunin ko si baby.” Pumasok ako sa silid at kinuha si baby Gab sa crib . Tumigil ito sa pag-iyak nang maramdaman niyang siya’y nasa akin ng mga bisig. Gusto kong maluha. Ngayon na ba ang huling araw na makakarga ko si baby Gab? Iuuwi na ba talaga siya ng tatay niya? Diyos ko! Hindi ko kakayanin na mawala si baby Gab sa buhay ko. Anong paraan ang pwede kong gawin para manatili si baby Gab dito sa piling namin ni Rob?

Chapter 16 - Dalawang Kondisyon

Author’s Note: Please see Rico’s picture.

“ANG ANAK KO!” agad na salubong ni Rico paglabas ko ng silid na karga-karga si baby Gab. “Gusto ko siyang kargahin.”

Lumapit sa akin si Rico at kinuha si baby Gab. Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang sanggol.

Tuwang-tuwa naman si baby Gab habang karga siya ni Rico. Parang kilalang-kilala na ng sanggol ang lalaking kumakarga sa kanya ngayon. Sabagay, mag-ama sila. May tila anong hiwaga ang mga baby na sa kanilang kawalang-malay ay tila kilala nila kung sino ang taong pinagkakautangan nila ng buhay. Kaya ’di na nakapagtatakang palagay agad ang loob nito kay Rico.

Maging si Rico ay bakas ang kasiyahan sa mukha. Masayang-masaya siya na hawak na niyang muli ang nawalay niyang anak.

Pero bakit ba nawalay? ’Di ba kasalanan din niya? Siya itong nag-iwan sa sanggol sa labas ng pintuan. Anong naisipan niya at nagawa niyang itapon ang kanyang anak? At anong nakain niya’t biglang gusto na niya itong bawiin?

At ano ang karapatan ko para tumangging ibalik si baby Gab sa tatay niya?

“Nabanggit mo kanina na si baby Gab lang ang naiwang alaala ng namayapa mong asawa. Ano ang ikinamatay ng nanay ni baby Gab?” biglang naitanong ko kay Rico. Nakamasid lang ang dalawang social

workers at nakikinig.

Malungkot ang tinig na sumagot si Rico. “Namatay siya sa panganganak kay baby. Kaya naging magulo ang isip ko. Hindi ko matanggap na patay na ang asawa ko. Sinisisi ko si baby Gab sa pagkamatay niya. Kaya sa sobrang kalituhan ng utak ko, nagawa kong iwanan siya diyan sa labas ng pintuan n’yo.”

Seryoso kong pinakikinggan ang sinasabi ni Rico. Naghahanap ako kahit konting butas sa kuwento niya. Ewan ko, gusto ko lang sigurong malaman kung siya nga talaga ang tatay ni baby Gab. ’Di lang siguro matanggap ng konsensya ko na mawawala na si baby Gab sa buhay namin ni Rob.

“Pero naliwanagan na ako,” patuloy ni Rico. “Kaya bumalik ako rito para kunin si baby. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Gusto ko nang bawiin ang anak ko at palakihin siya nang maayos.”

Lihim akong napaismid. Paanong lalaki nang maayos si baby Gab kung do’n ito ititira ni Rico sa iskwater? Laking iskwater ang Rico na ’to, alam ko dahil ilang beses na rin akong nagawi sa lugar nila. Although hindi ko naman narating ang mismong tinitirhan nila dun. Hanggang doon lang ako sa kanto dahil natatakot akong dumaan sa mga eskenita sa lugar nila. Kaya nga hindi ko rin nakilala kahit minsan ang nanay at kapatid nitong babae.

Nagsalita si Mayeth. “Mukhang sincere naman siya at gusto na niyang ituwid ang maling nagawa niya sa kanyang anak. Sino tayo para ’di siya bigyan ng pagkakataong patunayan ang pagiging ama niya kay baby?”

“Salamat at naunawaan n’yo ako, “ sabi ni Rico kay Mayeth.

“Hindi na kami makikisali sa usapan n’yo. Kayong dalawa na lang ang mag-usap. Mukha namang matagal na kayong magkakilala. Basta Rico, ikaw ang ama. Dapat na sa’yo ang custody ng bata. Pero kung mapagkakasunduan n’yong dalawa na pansamantalang ibigay sa kanya ang pangangalaga sa anak mo, ikaw pa rin ang magdedesisyon do’n. Kung magkaproblema ka sa kanya sa pagbawi sa anak mo, at saka mo na lang kami puntahan sa DSWD.”

Gusto kong sumagot pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Naisip ko kasi, mas magiging madali ang pag-uusap namin ni Rico kung wala na sa eksena ang mga social worker na ’to.

“Aalis na kami,” sabi ni Mayeth.

“Sige ho,” walang emosyong sagot ko. Binuksan ko ang pinto para makalabas na ang dalawang babae.

Naiwan kaming dalawa ni Rico. Karga pa rin niya si baby Gab.

“Bakit d’yan mo iniwan si baby Gab sa labas ng pintuan namin?” agad kong tanong kay Rico matapos kong muling isara ang pinto.

“Kasi alam kong dito ka nakatira.”

“At paano mo nalaman?” Matagal na kaming wala ng gagong ito kaya nakapagtatakang alam niyang dito ako nakatira.

“Aksidente lang. May pinuntahan lang akong barkada sa banda roon at nakita kitang bumaba ng tricycle at pumasok sa bahay na ’to. Dito ko iniwan si baby dahil kilala kita, alam kong ’di mo pababayaan ang isang inosenteng sanggol.”

Parang gusto kong maniwala na sa sinasabi ni Rico, pero tila may kung anong pumipigil sa akin. “Anong trabaho mo ngayon? Paano mo bubuhayin ang anak mo?”

“Wala, pero gagawan ko ng paraan para buhayin siya.”

“Sinasabi ko na nga ba. Patapon pa rin ang buhay mo. Pati bata madadamay sa miserableng buhay mo.”

“Anak ko siya. Kahit saan tayo makarating, ako ang may karapatan sa kanya.”

“Kung mapatutunayan kong isa kang unfit

father , mawawala ang sinasabi mong karapatan. Rico, ’wag mong idamay ang bata. Hayaan mo na siyang dito sa akin lumaki. Aalagaan ko siya, pag-aaralin. Puwede mo naman siyang puntahan dito at dalawin ano mang oras. Hindi kita pagbabawalan. Basta hayaan mo lang na ako ang magpalaki sa kanya. Mas mapapalaki ko siya nang maayos kesa sa’yo.“

“Hindi puwede. Gusto kong lumaki ang anak ko na kasama ako.”

Nalaglag ang balikat ko. Napakahirap naman kausapin ng taong ito. Wala naman siyang kakayahang buhayin ang bata.

“Ano bang gusto mo para pumayag ka lang na manatili si baby Gab sa poder ko? Wala kang trabaho, paano mo bubuhayin ang bata?”

“Puwede naman nating pag-usapan kung talagang gusto mong ’di mawala sa’yo ang anak ko.” Gustong-gusto ko nang sapakin ang Rico na ’to. Tila may nasi-sense akong ’di maganda sa tinatakbo ng usapan namin. Kilalang-kilala ko ang gagong ito. Siya ’yung tipo na manlalamang sa kapwa hanggang kaya niyang manlamang. ’Di nga lang siya umubra sa akin noon dahil mas pinili kong makipag-break sa kanya kesa magpakagago ako sa tulad niyang wala namang kuwenta. ’Di ko nga alam kung bakit ako nakipagrelasyon sa adik na ’to. Mabuti na lang at nauntog ako habang maaga.

“Ano ang gusto mong mangyari?” tanong ko kay Rico.

“Simple lang naman. Meron lang akong dalawang kondisyon. Una, gusto kong mayroon siyang yaya. Para siguradong maalagaan siyang mabuti.”

“Meron. Nag-resign lang ’yung yaya niya. Pero naghahanap na kami ng kapalit.”

“Ikalawa, gusto mong narito si baby, ’di ba? Gusto ko rin naman na lumaki siyang kasama ako,” pinutol ni Rico ang sasabihin. “Ano ang ikalawang kondisyon?”

“Kung narito si baby, dapat narito rin ako.”

Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”

“Habang dito nakatira ang anak ko, dito rin ako titira.”

“Ha!!!?”

Chapter 17 - Problema

“IMPOSIBLE ANG GUSTO MO!” napasigaw ako. Anong pumasok sa kukote ng gagong ito at gustong tumira dito? Kapal ng mukha. Pati siya bubuhayin ko? The nerve talaga!

“Kung ganun, imposible ring manatili rito ang anak ko,” kalmadong tugon ni Rico.

Hayup! Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang tinatakbo ng usapan namin. Ramdam ko na agad umpisa pa lang.

“Kukunin ko na ang anak ko. Iuuwi ko na siya ngayon.”

“Teka…” Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Paano ba ’to?

Naghihintay si Rico na magsalita ako. “Ano na?”

“Bakit ba kasi kailangang dito ka rin titira? Eh, pwede ka ngang dumalaw kahit anong oras mo gustong dumalaw.”

“Para makasama ko ang anak ko araw at gabi.”

“Napakaimposible mo! Pinagugulo mo lang ang sitwasyon.”

“Ikaw ang nagpapagulo ng sitwasyon. Ibigay mo sa akin ang anak ko, tapos ang usapan.”

“Iiwan-iwan mo tapos kukunin mo uli? Ano ka sinuswerte?” Nakipagbangayan talaga ako kay Rico. Pero mukhang wala ring balak na magpatalo ang kumag na ’to.

“Nagkamali ako nang iniwan ko siya. Kaya nga nandito ako para itama ang pagkakamaling iyon. Hindi kita pinipilit na pumayag na tumira ako dito. Basta ’wag mo rin akong piliting ibigay sa’yo ang pangangalaga sa anak ko,” litanya ni Rico. Desidido talaga siyang bawiin si baby Gab. Ramdam na ramdam ko ’yun. At malapit na akong pumayag sa gusto niya huwag lang tuluyang mawala sa akin si baby Gab.

Pero paano si Rob? Siguradong hindi papayag ’yon na dito titira si Rico. Lalo na ’pag nalaman niyang ex ko ang gagong ito, naku tiyak na malaking gulo.

“Ano na? Naiinip na ako!”

“Ahhh!” napasigaw ako habang sinasabunutan ko ang sarili ko sa pinaghalong inis at pangamba. Naiinis ako kay Rico dahil sobrang ginigipit niya ako porke hawak niya ang sitwasyon. Takot dahil alam kong kayang-kaya niyang kunin at ilayo sa akin si baby Gab.

Biglang umiyak si baby Gab dahil nagulat siguro sa sigaw ko.

“Ayan, pati bata tinatakot mo,” singhal sa akin ni Rico.

“Akina nga ang bata,” kinuha ko si baby Gab na agad din namang huminto sa pag-iyak. Mas lalo akong nakadama ng lungkot nang pagmasdan ko ang maamong mukha ni baby Gab. Paano ko isusuko ang batang ito na sobrang napamahal na sa akin? This house will never be the same again if baby Gab will not be

around.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko at dumaloy sa aking pisngi. Matiim kong tiningnan si Rico at sa mahinang tinig ay sinabing, “Sige, pwede kang tumira rito kasama si baby Gab.”

Nagliwanag ang mukha ni Rico at sumilay ang isang malapad na ngiti. “Good! Madali ka naman palang kausap, eh. Magkakasundo tayo kung ganyan ka lagi. Sige, uuwi na ako. Pero maaga akong babalik bukas dala ko na ang mga damit ko.”

Hindi na ako sumagot. Parang bigla akong nakadama ng sobrang pagod.

“Bye! See you tomorrow, baby.” Ngising-aso si Rico habang lumalakad patungong pinto. Huminto ito saglit para buksan ang pinto pero bago ito tuluyang lumabas ay nilingon ako. “Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang Paulo na kilala ko.”

“Lumabas ka na,” madiin kong sabi habang tinataasan ko siya ng kilay. Ampota, gusto pa yatang magpa-cute sa akin ng gagong ito. Sorry , pero hindi ko na siya type !

Na.

Ibig sabihin, type ko siya dati. Noon.

Oo naman. Aminado naman ako roon. Ex ko nga siya, ’di ba? Ibig sabihin, naging kami. Hindi naman magiging kami kung hindi ko siya type .

Nakahinga ako nang matiwasay nang tuluyan ng lumabas ng bahay si Rico. Nakita ko siyang pumara ng tricycle at sumakay.

Pero saglit lang ang pagkawala ng problema ko dahil ang totoong mabigat na problema ay paparating pa lang. Bukas. ’Pag bumalik na si Rico, sigurado na ang malaking gulo.

Haay, paano ko ito ipaliliwanag kay Rob?

At saka ko napansin, nakatulog na pala si baby Gab habang karga ko. Ipinasok ko siya sa kuwarto at inihiga sa crib niya. Pagkatapos ay humiga rin ako sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Sobrang pagod na di ko namalayang nakatulog na rin pala ako.

ROB’S

POV

Pagkatapos ng trabaho ay tumuloy na kami sa bahay ni judge . Ganito talaga ang boss ko, tuwing birthday niya imbitado kaming lahat sa salo-salo sa bahay nila. Madalas ipagmalaki ni judge ang masasarap na luto ng kanyang maybahay na isa ring batikang huwes. Bilib nga ako sa mag-asawang ito, kahit parehong busy sa kanilang propesyon ay sinisiguro nilang hindi sila nawawalan ng panahon para sa isa’t-isa.

“O, kain lang kayo d’yan. Pwedeng bumalik, ’wag kayong mahihiya,” sabi ni judge sa amin habang abala ang lahat sa pagkain. Kami pa lang ang bisita pero sigurado may dadating pa mamaya. Andaming pagkain eh. Hindi naman siguro sila maghahanda ng ganito karami kung iilang tao lang ang ini-expect nilang darating.

“Mas masaya sana kung andito si Shiela, ’no?” sabi ni Mario, katrabaho ko.

“Palibhasa, crush mo si Shiela. Kaso, panis ka. Si Rob ang mahal n’un.”

Tawanan ang iba naming kasamahan. “Asan na nga kaya si Shiela? Mula nung nag-resign siya wala na tayong balita sa kanya. Ang kulit n’un. Sobrang masayahin. Kaya kung andito ’yun, mas buhay ang party,” sabi naman si Ico na court

stenographer namin.

“Ikaw, Rob may balita ka ba sa kanya?” tanong ni Mario.

Umiling ako. “Wala. ’Di rin nagpaparamdam sa akin ’yun.”

Nambuska si Ico. “Binasted mo kasi. Ayan tuloy, nag-resign at di na nagpakita pa.”

Ngumiti lang ako. Pero iniisip ko kung nasaan na nga kaya si Shiela. Medyo emosyonal ang mga eksena ilang araw bago siya mag-submit ng resignation

letter sa office . Dun niya ipinagtapat sa akin na mahal daw niya akong talaga. Siyempre, nagulat ako. Although binibiro siya ng mga office

mate namin, akala ko biruan lang talaga. Di ko inakala na totoong na-in love na siya sa akin.

Nung araw na iyon na nag-usap kami, umiyak siya nang sabihin kong hanggang friendship lang talaga ang kaya kong ibigay. Sobrang pag-iyak ang ginawa niya na sobrang nagbigay ng guilt sa akin kaya para di siya masyadong manghinayang sa akin, inamin ko sa kanya na lalaki rin ang gusto ko. Ewan ko kung naniwala siya sa sinabi ko kasi malungkot pa rin siya hanggang nung ihatid ko na siya sa inuuwian niyang apartment sa Malabon. Pagkatapos nung araw na ’yun hindi ko na siya nakita dahil naka-vacation leave na ako until her

last

day sa trabaho. Hinihintay kong mag-text siya pero di na niya ginawa. Sinubukan kong i-text siya pero hindi na siya nag-reply. Hanggang nung minsang mag-attempt akong tawagan siya, cannot be

reached na ang number niya. Nagpalit na siguro siya ng cellfone

number . Naisip ko nga, siguro kung magkakagusto ako ulit sa babae, baka si Shiela na ’yung naging girlfriend ko. May naging girlfriend naman ako before, dalawa. Pero mula nung naging kami na ni Paulo, hindi na ako nagkagusto pa sa babae. Kahit paano faithful naman ako kay Paulo. Kahit lagi kaming may di pinagkakasunduan, never pumasok sa isip ko na lokohin siya. Pero kung nagkataon talaga na di ko nakilala si Paulo, baka si Shiela ang karelasyon ko ngayon. Nasaan na nga kaya ang babaing ’yun? Totoong masarap siyang kasama. Kalog, makulit, at magaling kumanta. Ilang beses din namin siyang nakasamang mag-videoke at enjoy na enjoy akong pakinggan ang pagkanta niya.

“O, Rob para kang namatanda d’yan. Siguro iniisip mo si Shiela. Huwag mong isipin iyon, mahal na mahal ka n’un,” pang-aasar sa akin ni Ico.

Napahalakhak na lang ako dahil tumbok na tumbok niya ang laman ng isip ko.

’Di namin namalayan ang oras. Sa sarap ng pagkain at pagbaha ng inumin, ’di pa malalim ang gabi ay lasing na ang iba sa amin. Hindi alintana na may pasok pa kinabukasan. Talagang sinulit namin ang handa sa kaarawan ni judge .

Chapter 18 - Three Is A Crowd

ALAS-DIEZ na ng gabi nang makauwi si Rob. Medyo naparami siya ng inom kaya medyo hindi na tuwid ang kanyang paglalakad. Naabutan pa niya akong gising at naghihintay sa kanya pagpasok niya ng silid.

“Lasing ka,” sabi ko. Pinagbabawalan ko siyang uminom pero ’di ko magawang magalit sa kanya ngayon dahil nagpaalam naman siya sa akin at pumayag ako. Isa pa, hindi ngayon ang tamang panahon para mag-away kami.

“Hinde, nakainom lang ng konti.”

“Pwede ba tayong mag-usap? Importante lang,” gusto ko na talagang sabihin kay Rob ang nangyari kaninang hapon.

“Bukas na lang, inaantok na ako.” At natumba na si Rob pahiga sa kama. Tulog!

“OMG! Rob, bumangon ka muna. May pag-uusapan tayong importante!” Niyugyog ko siya nang niyugyog para magising pero talagang tulog na tulog na ito.

Hay naku, paano na ito?

Hinubad ko ang suot na sapatos at medyas si Rob. Pagkatapos ay hinubad ko rin ang pantalon at polo niya para makatulog siya nang maayos. Sando at boxers na lang ang suot niya kaya kinumutan ko siya. Maya-maya pa’y naririnig ko na ang mahinang paghilik ni Rob. Wala na talagang chance na magkausap kami ngayong gabi.

Humiga na rin ako sa tabi ni Rob at nagpasyang matulog. Bukas ko na lang siya kakausapin bago siya pumasok sa trabaho.

Hindi na namin namalayan ang pagdaan ng mga oras. Nagising na lang ako sa malalakas na katok sa pinto.

Agad akong bumalikwas ng bangon at hinagilap ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Dyusko! Alas-nueve na ng umaga.

Nakita ko si Rob na tulog na tulog pa rin. “Rob! Tanghali na, hindi ka na nakapasok!” Niyugyog ko ang balikat nito para magising. Tuloy-tuloy naman ang pagkatok sa pinto. “Teka lang, andyan na!”

Kumilos si Rob. Nagmulat ito ng mga mata at nag-inat. “Anong oras na?”

“Alas-nueve na. Sobrang late ka na sa trabaho.”

“Ha?! Shit ! Ba’t ’di mo ako ginising?” Agad bumangon si Rob, hinagilap ang tuwalya para pumunta sa banyo at maligo tulad ng araw-araw niyang ginagawa pagkagising.

“Ano’ng ba’t ’di ginising, eh kagigising ko nga lang din.”

“May kumakatok, buksan mo. Kanina pa yata ’yon. Sino ba ’yon, kaaga-agang mangapitbahay?”

Tumayo ako at agad na tinungo ang pinto. Kahit expected ko na kung sino ang kumakatok, nagulat pa rin ako pagkakita ko kay Rico. May dala itong dalawang bag na puno ng laman. Mga damit niya marahil.

“Nandito na ako,” ang lapad ng pagkakangiti ni Rico.

Noon naman lumabas ng kuwarto si Rob na nakatapis lang ng tuwalya. Nakita niya si Rico. “Sino’ng bisita mo?” Naglakad papalapit sa amin si Rob.

“Rob…,” hindi ko alam kung paano uumpisahang magsabi kay Rob.

“Hi, pare. Ako si Rico, tatay ni baby Gab.” Hindi ko inaasahan ang biglang pagsasalita ni Rico. Nakita ko si Rob na napanganga at biglang natigilan.

“Seriously?” tanging nasabi ni Rob.

“Rob, nagpunta siya rito kahapon few

minutes pagkatapos nating mag-usap sa cellphone . Nagpakilala siyang ama ni baby Gab and he has his birth certificate to prove his claim. “

Hindi nagsalita si Rob, nakikinig lang ito sa mga sinasabi ko.

“Kinukuha na niya sa atin si baby Gab. Hindi ako pumayag.”

Hinihintay kong sumagot si Rob pero nakita kong tila nagtatanong lang ang kanyang mga mata.

“ Ex-boyfriend din ako ni Paulo,“ biglang sumali na naman si Rico sa usapan.

“Will you first shut up!” binulyawan ko si Rico. Wala sa lugar ang pagsasabi niyang ex ko siya. So what kung ex ko siya? Tiningnan ko si Rob at kitang-kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

“Rico. Ex mo. Is he

the Rico you

told

me na ex mo na adik at pusher kaya hiniwalayan mo?“

“Wow, ha! Grabe naman ang description mo sa akin, Paulo. Adik na pusher pa. Hindi naman totoo ’yun,” depensa ni Rico. Kahit kailan naman, ’di niya inamin sa akin na adik at pusher siya. Kahit dalawang beses ko siyang nahulihan ng sachet ng shabu sa bulsa ng pantalon niya.

“Anong ginagawa niya rito? At bakit may dala siyang bag? Ngayon niya ba kukunin si baby Gab? Akala ko ba hindi ka pumayag?” tanong ni Rob.

“A-e, iyun nga. Hindi ako pumayag. Kaso ayaw rin niyang pumayag na hindi niya makasamang muli si baby Gab.” Hindi ko talaga masabi ng diretsahan kay Rob kung anong napagkasunduan namin ni Rico.

“ Don’t tell

me na dito na rin siya titira para magkasama sila ni baby Gab,“ seryosong pahayag ni Rob.

“Eksakto! Nadale mo, pare! Ang galing mo!” overacting talaga kahit kelan itong si Rico.

“ NO ! Hindi puwede! Hindi ampunan itong bahay na puwedeng tumira kahit sino! Makakaalis ka na.“

“Paulo, hindi n’yo pa ba napag-uusapan ’to? Ako, okay lang naman sa akin na ’wag tumira dito. Basta, kailangang dala ko ang anak ko pag-alis ko,” deklara ni Rico.

“Rob, teka muna. Pag-usapan natin ito. Naalala mo kagabi, sabi ko mag-usap tayo kasi may sasabihin akong importante. Ito ’yon. Kaso tinulugan mo naman ako.”

“Wala akong natatandaan.”

“Eh, kasi nga lasing ka.”

“Lasing man ako o hindi, hindi pa rin ako papayag na tumira dito ’yang ex mo.”

“ Look , hindi siya titira rito bilang ex ko. Andito siya bilang tatay ni baby Gab. Totoong tatay ni baby Gab.“ Dyusko, paano ko ba makukumbinse ang Rob na ’to?

“Literal o hindi literal, masikip para sa ating tatlo itong bahay, okay? Kaya no

way na papayag akong dito siya titira.“

“Hindi ba may isang maliit na kuwarto naman na walang umookupa. Pwede na siya do’n,” mapilit talaga ako.

“Ano, ang tagal n’yo namang mag-usap. ’Di n’yo pa ba ako papapasukin?” si Rico.

“Huwag ka munang sumali sa usapan, puwede?” Nuno talaga ng kakulitan ang Ricong ito. Nakikita na ngang nagtatalo pa kami ni Rob dahil sa kanya, makikisali pa.

Nagkibit-balikat lang ito. Dedma sa paninigaw ko sa kanya. Bumaling ako kay Rob. “Rob, please. Pumayag ka na. Hindi ko talaga kasi kaya na mawala sa atin si baby Gab. Sobrang napamahal na sa akin ang baby . Sana mapagbigyan mo naman ako ngayon. Kahit ngayon lang, please.”

“Si baby Gab ba talaga ang ’di mo kayang mawala, o ’yung tatay?”

Nanlaki ang singkit kong mga mata. “Rob?! Nagseselos ka sa adik na ’yan? Dyusko, ha?”

“Alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon? Na baka all

the

while eh alam mo na siya ang tatay ni baby Gab. Na baka alam mo rin na iiwan niya si baby Gab dito at kunwari eh makikita mo sa pintuan.“ Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinasabi ni Rob ngayon. Iniisip ba niyang nakipagsabwatan ako kay Rico? For

what

purpose ? Para in

the

end magkasama-sama kaming tatlo sa isang bahay? Ano ako magtatayo ng harem ng mga naging lalaki ko? Kakaloka!

Hinarap ko si Rob. “Eh, ’di kausapin mo itong si Rico. Kayong dalawa ang mag-usap para malaman mo na wala akong kaalam-alam nang iwanan niya si baby Gab d’yan sa labas ng pinto. Ang hirap sa atin, eh. Nambibintang agad.”

“Totoo iyon, pare. Sarili kong desisyon na iwan si baby Gab d’yan sa labas ng pinto. Hindi ko kasabwat o ano man si Paulo. Kahit siya nga, ayaw na ayaw niyang tumira ako rito. No

choice lang siya dahil kukunin ko talaga ang anak ko,“ paliwanag ni Rico.

“Sino ang nagbigay ng option na dito ka titira?” tanong ni Rob kay Rico.

Maagap akong sumagot. “Siya!” sabay turo ko kay Rico. “Iyon ang ibinigay niyang kondisyon sa akin. Hindi niya kukunin si baby Gab pero kailangang dito rin siya titira. Kung nasaan si baby Gab, dapat andun din daw siya.”

Seryosong tiningnan ni Rob si Rico. Matiim. “Pumasok ka. Mag-uusap tayo.”

Chapter 19 - Desisyon

“MAUPO KA,” sabi ni Rob pagkapasok ni Rico. Bitbit pa rin nito ang dalawang bag.

“Anong pag-uusapan natin?”

“Ano ang totoong intensyon mo at ginawa mong kondisyon ang pagtira rito kapalit ng pagpayag mong dumito sa pangangalaga namin si baby Gab?” deretsahang tanong ni Rob.

Tumingin sa akin si Rico.

“Papasok lang ako sandali sa kuwarto. Titingnan ko lang si baby Gab,” sabi ko sabay talikod para pumunta sa aming silid.

“Tinatanong kita at gusto ko sumagot ka nang maayos.” Parang pulis si Rob na pinapaamin ang nahuling kriminal.

“Dapat kasi nag-usap na lang muna kayo ni Paulo. Nasabi ko na lahat sa kanya, eh. Halos imbestigahan din niya ako kahapon. Paulit-ulit naman,” tila naiinis na si Rico.

“Gusto kong marinig sa bibig mo mismo.”

“Okay, ’yun ang sinabi kong kondisyon dahil una, gusto kong makasama ang anak ko. Ikalawa, akala ko ’pag sinabi ko ’yun ay hindi siya papayag at ibibigay na lang niya sa akin ang anak ko. Eh kaso, pumayag. ’Di panindigan ko na. Ano, okay na ba ’yung sagot ko?”

“Iyon lang ba ang dahilan?” Nanunukat ang tingin ni Rob.

“Ano pa ba?” Sinalubong ni Rico ang tingin ng kausap.

“No’ng iniwan mo ang bata sa labas ng pinto, alam mo bang kami ni Paulo ang nakatira rito?”

“Oo.”

“Sinadya mong dito iiwan ang baby dahil alam mong si Paulo ang makakakuha at ’yun ang magiging dahilan para magkabalikan kayo, ’di ba?”

“Hindi. Dito ko iniwan ang baby dahil alam kong maaalagaan siyang mabuti ni Paulo. Tinanong na rin ’yan sa akin ni Paulo kahapon. Kayo kasi ang dapat mag-usap.”

Poker-faced si Rob. Walang nakakaalam kung ano ang iniisip nito.

“Ano, okay na ba? Puwede ko na bang ilagay sa kuwarto ang mga gamit ko? Saan ba ang kuwarto ko?”

“Hindi mo ba iniisip ’yung komplikasyon ng pagtira mo rito?”

“Eh, madali naman akong kausap. Kung ayaw n’yo na narito ako, ibigay n’yo na sa akin ang anak ko. Gano’n kasimple. Puwede ko namang kunin sa legal na paraan ang bata. Pero si Paulo ’yung nakiusap na siya na lang ang mag-alaga sa baby . Siguro napamahal na sa kanya ng sobra.”

Lumabas ako ng kuwarto, dala si baby Gab. “Rob, sana pumayag ka nang dumito muna siya. Please… “

“Tayong tatlo rito sa bahay? Tayong tatlo ng ex mo? Ano ba? Ano itong ginagawa natin, bahay-bahayan?”

“ Please … Para sa baby , Rob.“ Parang gusto ko ng umiyak nang mga sandaling iyon. Ang hindi pagpayag ni Rob ay kasingkahulugan ng pagkawala ni baby Gab sa poder namin.

“Ano na? Magdesisyon na kayo,” sabi ni Rico na halatang naiinip na.

Tumingin sa akin si Rob, tapos ay tumingin siya kay Rico.

“Papayag akong tumira ka rito pero ipangako mong hindi ka magdadala ng kahit anong gulo sa pamamahay na ito.”

“Sige, ’yun lang pala eh.”

“Kailangan mo ring maghanap ng trabaho. Hindi kami obligadong buhayin ka.”

Ngumisi si Rico. “Raraket ako, ’wag kang mag-alala.”

“Siguruhin mong legal ang raket mo, Rico!” sabi ko. Kabisado ko ang taong ito na pag sinabi niyang raket, puro ’yun katarantaduhang paraan para kumita ng pera.

“Andami n’yo naman kasing sinasabi. Ako ba ang nanghihingi ng pabor sa inyo? Parang hindi, ’di ba?”

“Tandaan mong ikaw pa rin ang makikitira dito sa amin kaya ikaw ang dapat na makisama.” Hindi talaga patatalo si Rob.

“At ’wag n’yo ring kalilimutan na anak ko ang sanggol na gusto n’yong angkinin.” Sa akin nakatitig si Rico.

“Rob… Payagan mo na siyang dito tumira.”

Matalim ang tinging ibinigay sa akin ni Rob.

“Please…” Nagsusumamo ang tinig ko. At alam kong pati itsura ko ay nagmamakaawa rin.

“Kausapin mo ’yan nang maayos! Ipaalam mo sa kanya kung paano siya dapat kumilos habang nandito siya sa bahay na ito!” At nagmartsa na papuntang banyo ang nakatapis lang na si Rob.

Ngingisi-ngisi lang si Rico kaya lalong nakakainit ng ulo.

“O, saan ang kuwarto ko?” tanong nito na feel

at

home talaga.

“Sumunod ka sa akin. May isang maliit na kuwarto sa tabi ng kuwarto namin. Iyon ang magiging tulugan mo. Umayos ka habang narito ka. Huwag mong pinapainit ang ulo ni Rob para ’di kayo nagkakabanggaan.” Karga-karga ko si baby Gab habang binibigyan ko ng instructions si Rico.

“Eh, ’yung jowa mo lang naman ang maraming sinasabi eh. Akala siguro aagawin kita sa kanya.”

“Maghanap ka ng trabaho. Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Rob, hindi namin obligasyon na buhayin ka.” Pumasok kami sa magiging kuwarto ni Rico. “Eto ang magiging silid mo.”

“Raraket nga ako, ’di ba?” Ibinaba ni Rico ang dalawang bag sa ibabaw ng kama.

“Siguruhin mong legal ang raket na sinasabi mo. Kabisado kita, Rico. Baka pagtutulak na naman ng droga ang raket na ’yan.”

Hindi sumagot si Rico.

“Huwag na huwag kang magdadala ng problema sa bahay na ito. Sinasabi ko, ako mismo ang magpapakulong sa’yo!”

Nagkunwaring humihikab si Rico. “Tapos na ang sermon? Pwede bang matulog muna ako?” At walang pasintabi itong naghubad ng t-shirt at pantalon at pabukakang nahiga sa kama.

Bahagya akong napalunok pagkakita sa halos hubad na katawan ni Rico. Mas maganda ang katawan nito ngayon kesa noong kami pang dalawa. Mas yummy !

Pinagpag ko ang tila namumuong kalaswaan sa utak ko. Nakita ko si Rico na pangisi-ngisi sa akin. Tila nanunudyo. Ewan, ’di ko alam kung ano ang nasa isip ng gagong ito.

“Ba’t titig na titig ka sa katawan ko? Nanghihinayang ka siguro dahil ’di mo na ’to matitikman.” Mas lalo pa nitong ibinukaka ang mga hita kaya mas nalantad ang singit at kuyukot ni Rico.

“Ulol! Assuming ka naman. ’Di ako kumakain ng pagkaing iniluwa ko na.”

“Okay, sabi mo eh.” Bahagya nitong hinimas ang maumbok na harapan. “Pero ’pag nagbago ang isip mo, magsabi ka lang.” At ngumisi itong muli na parang nang-aakit.

“Matulog ka na kung gusto mo. Basta bukas, maghanap ka na ng trabaho,” sabay talikod ko upang lumabas ng silid.

Dire-diretso ako sa silid namin ni Rob. Naabutan ko si Rob na nagbibihis. Naka-brief lang si Rob at ’di maiwasang napagkumpara ko ang katawan niya sa katawan ni Rico.

Mas maganda ang katawan ni Rob, kung katawan ang pag-uusapan. Produkto ng pagbababad sa gym ang magandang katawan ni Rob. Idagdag pang panalo ang itsura nito. Guwapo kung guwapo!

Pero ’di naman pahuhuli ang nakita kong katawan ni Rico. Hindi ko alam kung suki rin siya ng gym , pero no’ng kami pa ay madalas itong maglaro ng basketball. May itsura rin naman si Rico. ’Di iilang beses na sinabi ko ritong kahawig niya si Dennis Trillo.

“Ba’t mo ako tinititigan? Parang ngayon mo lang ako nakitang naka-brief.”

“Ha? A-e, wala naman. Nagandahan lang ako sa katawan mo.”

“Ikaw kasi, noon pa kita niyayayang mag-gym pero ayaw mo.” Nagsuot si Rob ng pantalon. Tapos ay isinunod ang polo.

“Kuntento na ako sa katawan ko. ’Di naman ako mataba, ah. At wala akong tiyan.”

“Anong ginagawa no’ng bisita mo?” sabi ni Rob habang nagsisintas ng sapatos.

“Ayun, matutulog daw siya. Hindi ko bisita ’yun. Ayoko ngang naririto ’yun, eh. ’Di lang talaga maiwasan.”

“Pensiyonado, ah. Buhay hari.”

“Hayaan mo na. Mas mabuting tulog ’yun para wala tayong konsumisyon,” sabi ko. “Sa trabaho ka na lang kumain. Wala pa tayong almusal, eh.”

“Oo. Bantayan mong mabuti itong bahay. Baka nakaligtas tayo do’n sa akyat-bahay pero maubos ang mga gamit natin dahil d’yan sa bisita mo. Alam mo naman ang karakas n’yan.”

“Hindi ko nga bisita ’yun. Ang kulit naman! Puwede bang ’wag na natin siyang pagtalunan?”

“Sige, lalakad na ako. Ingat ka rito.”

“Yung yaya, ha. Pilitin mong makahanap kaagad. Dumadami ang absent ko sa office .”

“Oo, i-follow up ko sa kaopisina ko.” Humalik sa labi ko si Rob. Smack lang. Hinalikan rin niya si baby Gab. “Babay, baby . Papasok na sa office ang daddy…” Bahagya nitong ginulo ang buhok ni baby Gab. Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Mula sa pinto ay tinanaw ko si Rob hanggang makasakay ito ng tricycle .

Isinara ko ang pinto. Pabalik na kami ni baby Gab sa silid nang biglang lumabas ng kuwarto niya ang naka-brief lang na si Rico.

“O, akala ko ba matutulog ka?”

“Maliligo muna ako bago matulog. Para presko!” Muli nitong hinimas ang bahaging natatakpan ng suot nitong brief. Pagkatapos ay ngumiti sa akin at kumindat. “Halika, sabayan mo akong maligo.”

Napanganga ako.

Inulit pa niya, “Sige na, sabay tayong maligo…”

Chapter 20 - Tease

“MALIGO KANG MAG-ISA MO!” pambabara ko kay Rico. Anong problema nito at kailangan pang yayain akong maligo? Obvious naman that he is just teasing me . Pati paghawak-hawak niya sa harapan niya, akala yata niya maaakit ako sa kanya ’pag ginawa niya ang ganun.

Pero aaminin ko na ang laki ng improvement ng katawan niya mula dun sa totoy na totoy na nakarelasyon ko noon sa hunky

yummy

guy na kaharap ko ngayon.

“Sigurado ka, ayaw mong sumabay maligo?”

Pinagsalubungan ko siya ng kilay at tinalikuran. Pumasok ako sa kuwarto at nagkulong. Hindi yata kakayanin ng powers ko na makipagharutan sa kanya buong maghapon dito. Kailangang makahanap na si Rob ng yaya para kay baby Gab. Mahirap na andito ako sa bahay tapos nandito rin ang kumag na si Rico.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakaidlip ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang pag-iyak ni baby Gab.

“Naku, gutom na ba ang baby ko?” Sinilip ko si baby Gab na nakahiga sa crib . “Teka lang baby , ha. Magtitimpla lang ako ng gatas mo.” At nagmamadali akong lumabas ng silid at pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas ng baby ko.

Pabalik na ako sa kuwarto nang mapansin kong bukas ang silid ni Rico. Pagsilip ko, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita!

Si Rico, natutulog. At hubad!

Hubo’t-hubad ang loko at ’di man lang nag-abalang isara ang pinto ng kuwarto! Anong feeling ng gagong ito, solo niya ang bahay?

Papasok sana ako sa silid para gisingin si Rico at sitahin pero naalala ko ang hawak kong bote ng gatas, sumabay pang narinig ko ang iyak ni baby Gab kaya agad akong bumalik sa aming silid at pinadede ko ang baby.

Kawawa naman si baby Gab, gutom na gutom nga. Agad itong tumahan nang malasahan ang gatas sa bote. Tila hindi kumain nang isang linggo ang baby . Agad na naging abala ito sa pagdede at kinalimutan na ang pag-iyak.

Pero hindi ko pa nalilimutan ang balahurang si Rico. Hindi puwedeng ipinangangalandakan niya sa bahay na ito ang hubad niyang katawan. Buti na lang at wala si Rob. Eh, kung nandito, paano na? Baka biglang magka-world war three! Si Rob pa naman ’yung tipo na ayaw nang nababastos siya.

Binalikan ko si Rico sa kanyang silid at ginising. “Rico! Gumising ka nga!” Inuga-uga ko siya sa balikat.

Nagmulat ng mata si Rico. “Bakit ba? Natutulog ang tao, eh.”

“Natutulog? Natutulog nang nakatiwangwang ang hubad mong katawan?”

“Anong masama? Eh, mas kumportable akong matulog nang nakahubad.” Bumangon si Rico at umupo sa gilid ng kama.

“Oo nga, walang masama. Pero sana marunong kang magsara ng pinto… at mag-lock!”

“Pare-pareho naman tayong mga lalaki rito. Ano’ng masama kung makita n’yo akong nakahubad?” Tumayo si Rico at muling nalantad ang kanyang kahubaran.

“Mahalay!”

Napabunghalit ng tawa si Rico. “Anong mahalay dun? Wala naman, ah. Tingnan mo ako. Anong mahalay sa katawan ko? Meron ba? Parang wala naman. Maliban na lang kung may pagnanasa ka pa sa akin.”

“Ang kapal mo, ha?!” Gustong-gusto kong tirisin si Rico. Ako nga ang nakipag-break sa kanya. Ako pa ang may pagnanasa? Yuck!!!

“Ba’t ’di mo na lang aminin na natatakam ka sa katawan ko? Pwede mo namang isara na lang ang pinto, pero pumasok ka pa talaga rito at ginising ako para lang sabihin na magsara ako ng pinto. Sabagay, mas maganda nga naman ang view sa malapitan. Kitang-kita ang gustong tingnan,” sabi ni Rico sabay ang nakakalokong ngiti.

“Isipin mo ang gusto mong isipin, basta matuto kang magsara at mag-lock ng pinto hubad ka man o hindi! Tapos ang usapan!” Hindi ko na hinintay na makasagot si Rico. Iniwan ko siyang nakaburles pa rin.

“Isara mo ang pinto!” sigaw ni Rico.

Pabalibag kong isinara ang pinto. Unang araw pa lang. Unang araw pa lang pero nakikita ko na ang gulong pwedeng dalhin ni Rico sa tahimik naming buhay ni Rob. Ayokong isipin kung saan hahantong ang pagtira ni Rico sa bahay na ito.

May narinig akong katok mula sa pinto ng aming silid. Lumapit ako at binuksan ang pinto. Laking gulat ko nang makita si Rico. Hubo’t-hubad pa rin.

“Magluto ka na. Nagugutom na ako.”

“Sana naman matuto kang magbihis bago ka lumabas ng silid mo! ’Wag kang pakalat-kalat dito sa bahay nang wala kang suot. Nakakahiya! Baka makita ka ng kapitbahay.”

“Wala akong pakialam sa kanila.”

“Bumalik ka na nga sa kuwarto mo. Magdamit ka!”

“Magluto ka na, gutom na ako,” sabay talikod ni Rico at pumasok sa kuwarto niya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang matambok na puwet ni Rico. Kahit laki sa hirap ang mokong na ito, napakaganda at napakakinis ng puwet nito. Hindi gaya ng ibang maraming mantsa ng peklat o ’yung parang stretch

marks . Si Rico ’yung tipo na hindi na kakailanganin ang serbisyo ng mga dermatologist para pagandahin at pakinisin ang kanyang puwet.

Ipinilig-pilig ko ang aking ulo para mabura ang iniisip ko. As

if naman mabubura talaga. Bakit ba kasi puro puwet ni Rico ang napagdiskitahan ko? Puwede namang ’yung ibang parte. Chos!

Tahimik naman si baby Gab kaya puwede na akong magluto. Nagsaing ako habang inihahanda ko ang lulutuing ulam. May nakita akong chicken

meat , sayote at dahon ng sili sa ref kaya naisipan kong magluto ng tinola. Mabilis lang ’yun lutuin, hindi pa matrabaho.

Malapit nang maluto ang tinola nang lumabas muli ng silid si Rico. Naka-brief lang ito ngayon. Mahalay pa rin pero at least, nag-brief. Kesa naman kanina na kitang-kita ang kaluluwa niya, itsura ng jingle

bells !

“Ang bango ng niluluto mo, ah. Mukhang masarap.”

Hindi ako sumagot. Kunwari’y busy ako sa pagluluto.

Lumapit si Rico sa tabi ko at sumilip pa sa nakasalang na kaserola. “Wow, luto na! Mapaparami ang kain ko nito.”

Dedma pa rin ako.

Pumunta si Rico sa gawing likuran ko at nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Dahil sa pagyakap niyang iyon ay lumapat ang harapan niyang bahagi sa aking likuran. Ramdam ko ang tila matigas na bagay na bumundol-bundol sa likod ko.

“Huwag ka ngang bastos!” saway ko kay Rico. “Kung gusto mong maging maayos ang samahan natin dito, lumagay ka sa tamang lugar. Makisama ka naman. Hindi puwedeng kami lang ang makikibagay sa’yo!” In-off ko ang stove . “O senyor, luto na ’yan. Kumain ka na!” At iniwan kong mag-isa si Rico sa kusina. Mas gugustuhin ko pa talagang magkulong sa kuwarto buong maghapon kesa paulit-ulit akong mainis sa mga kagaguhan ng lalaking iyon.

Haay, Rob! Mag-uwi ka na ng yaya rito. Makakalbo ako sa konsumisyon kay Rico.

Chapter 21 - Ulan

ROB’S

POV

UMUULAN nang lumabas ako ng opisina pagkatapos ng trabaho. Mabuti na lamang at nakasakay agad ako ng jeep biyaheng SM. Balak ko kasing mag-grocery bago umuwi. Kabababa ko lang ng jeep nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Rob!”

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa akin. Laking gulat ko pa nang makilala ko ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

“Shiela? Ikaw nga ba ’yan?” Ang totoo, muntik ko na siyang hindi makilala. Ang laki ng ipinayat niya. Parang hindi siya iyong Shiela na naging katrabaho ko dati. ’Yung Shiela na pilit ipinapares sa akin ng mga kaopisina ko. ’Yung Shiela na napakagandang babae pero sa akin pa nagkagusto.

“Kumusta ka na?” Matipid ang ngiti ni Shiela pero ramdam ko ang sinseridad ng kanyang pangungumusta?

“Eto, kagagaling ko lang sa trabaho. Pauwi pa lang. Dadaan lang muna sana ako sa grocery para bumili ng mga kailangan sa bahay. Ikaw, kumusta ka?”

“Eto, okay naman. Pauwi na rin ako. May pinuntahan lang ako diyan,” sagot ni Shiela sabay turo sa isang direksyon na hindi ko naman gaanong pinansin kung saan.

“Parang pumayat ka?” Sinabi ko na ang unang napansin ko sa kanya.

“Ahh, diet lang.”

“Naku, mas maganda ka ’pag may laman. Kaya itigil mo na ang pagda-diet na ’yan.” Totoo ang sinabi ko. Nung magkatrabaho pa kami, maraming nagkakagusto sa kanya. Mga empleyado sa ibang RTC branches. Pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Ang buong atensyon ni Shiela ay nakatuon lang sa trabaho… at sa akin.

Sayang nga lamang at hindi talaga babae ang gusto ko. Kaka-break ko nga lang no’n sa huling naging girlfriend ko, pero ’di ko na sinubukang mag-girlfriend ulit dahil nakilala ko na noon si Pau. Kaya nang minsang aminin sa akin ni Shiela na gusto niya ako, alam kong nasaktan ko siya nang aminin ko rin sa kanya nang harapan na bakla ako… na lalaki rin ang gusto ko. Umiyak si Shiela noon. Naawa ako sa kanya, pero hindi ko kayang turuan ang puso ko. Sayang nga at sa lalaki pa ako nagkagusto. Napakaganda at napakabuting babae ni Shiela. Napakasuwerte ng lalaking mapapangasawa niya.

“May asawa ka na ba?” biglang naitanong ko.

Napahalakhak nang mahina si Shiela. “Wala pa. Walang magkagusto, eh. Ikaw kasi, binasted mo ako.”

Boom sapul!

Kung alam ko lang na tatalbog pabalik sa akin iyong naging tanong ko, hindi ko na lang sana itinanong.

“Sorry naman,” tanging nasabi ko. “Alam mo naman kung bakit, ’di ba? At sa’yo ko lang inamin ’yun kasi napakalaki ng tiwala ko sa’yo.”

“Wala na ’yun. Okay lang. Past is past. Kinalimutan ko na ’yun.”

“Dalaw ka naman sa office minsan. Nami-miss ka na ng mga kasamahan natin. Nung birthday nga ni judge , naisip namin na mas masaya kung andoon ka rin.”

Hindi sumagot si Shiela pero nakita ko sa mukha niya ang isang mapait na ngiti. Pero ’di na ako nagkalakas ng loob na magtanong pa.

“O paano, Rob? Sasakay na ako. Ikumusta mo na lang ako sa kanilang lahat.”

Tumango ako at ngumiti. “Ingat ka…”

Kumaway si Shiela at tumalikod na sa akin. Tinanaw ko pa siya hanggang makarating siya sa bus

stop at nakita kong sumakay siya sa unang bus na dumaan.

Sayang, nakalimutan kong hingin ang number niya. Mula no’ng mag-resign siya, alam ko nagpalit na rin siya ng number dahil ilang beses din akong nag-attempt na tawagan siya para kumustahin pero nabigo ako.

Malabo ang dahilan ng biglaan niyang pagre-resign. Biglaan dahil pagkatapos niyang mag-submit ng resignation

letter , three

days na lang siyang pumasok imbes na isang buwan pa sana. Nagulat kaming lahat sa opisina. Noong una, inakala ng mga kasamahan namin na nagkagalit kaming dalawa. Inakala ko rin na ako ang dahilan ng pag-alis niya sa trabaho. Kaya nga siguro nag-effort ako na makontak siya noon dahil gusto ko ring masiguro na hindi ako ang reason ng pagre-resign niya. Hindi na kasi kami nagkausap pagkatapos kong aminin sa kanya na bakla ako. Nakaka-guilty kaya ’yung mag-isip kang may taong nawalan ng trabaho dahil sa’yo. Kahit pa ba kusang-loob naman niya ang pag-alis.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Ico, kaopisina ko.

“ Hello ? May balita na ba kung available pa ’yung sinasabi mong yaya? Kailangang-kailangan na kasi namin.“

“Iyon nga ang rason kaya ako tumawag. Nag-back out ’yung kausap ko dahil uuwi raw muna siya ng probinsiya. Sorry , Rob.”

“Ganun ba? Wala ka na bang ibang mairerekomenda?”

“Titingnan ko, pero hindi ako nangangako, ha?”

“Sige… Salamat, pare.”

“Okay lang ’yun, Rob.”

PASADO alas-otso na ako nakarating ng bahay. Lagi namang ganoon basta umuulan. Mahirap na ngang sumakay, trapik pa. Sinalubong ako ni Pau at kinuha niya ang bitbit kong grocery

bag laman ang mga pinamili ko kanina pagkatapos naming mag-usap ni Ico.

“Kumusta?” sabi ni Pau.

“Ako ba ang kinukumusta mo o gusto mong malaman kung may yaya na si baby Gab?”

“Pareho…”

Bumuntong-hininga ako. Sapat na ’yun para malaman ni Pau kung ano ang sagot ko. Pero sinabi ko pa rin. “Wala pang yaya. Nag-back out kasi ’yung nirekomenda no’ng kaopisina ko.”

“Paano ’yan, aabsent ulit ako bukas?”

“Baka naman puwedeng ’yung bisita natin ang mag-alaga kay baby Gab pansamantala. Habang wala pa tayong nahahanap na yaya. Tutal, wala naman siyang trabaho. Para may pakinabang naman siya rito sa bahay.”

“Eh, ’di ba nga, isa sa kondisyon niya na dapat may yaya si baby Gab?”

“Oo nga, kaso wala pa tayong mahanap. Kaya kesa naman mag-absent ka, e ’di siya na muna ang magbantay sa bata,” giit ko. “Nasaan nga pala ang lokong ’yun?”

“Umalis kanina pagkatapos kumain ng pananghalian. ’Di ko na tinanong kung saan siya pupunta.”

“Talo pa natin ang may bakasyunista dito sa bahay. Sana naman hindi siya laging ganyan. Sana talaga maisipan niyang humanap ng trabaho.”

Hindi nakasagot si Pau. Alam niya naman kasi na kung pumayag na lang siyang isama ni Rico si baby Gab ay hindi kami aabot sa ganitong sitwasyon.

Muli akong nagsalita. “Iniisip ko lang, hanggang kailan tayo ganito? Hanggang kailan natin kasama sa bahay si Rico? Hanggang sa lumaki ba at magbinata si baby Gab eh, ganito pa rin ang set

up natin? Hindi ko kasi ma-imagine na makakasama ko si Rico sa isang bahay buong buhay ko. Ikaw, naiisip mo ba ’yung pinupunto ko?“

Marahang tumango si Pau. “Alam ko naman ’yun. Darating din siguro ’yung time na maluwag na sa dibdib ko na mawalay sa akin si baby Gab. Pagdating ng oras na iyon, ako na mismo ang magsasabi kay Rico na pwede na siyang umalis kasama si baby Gab. Pagbigyan mo lang muna ako ngayon. Hayaan mo lang muna akong i-enjoy ang mga sandaling kasama ko pa si baby Gab.”

Nakita kong tiningnan ako ni Pau diretso sa mga mata.

“ Sorry , ha?“

“Huh? Bakit?” nagtatakang tanong ko.

“Kung hindi kasi ako nagpumilit na ’wag ibigay si baby Gab, e ’di sana wala tayong problema ngayon. Hindi sana tayo naghahanap ng yaya. Hindi sana natin pinoproblema si Rico,” malungkot na sabi ni Pau.

“Napamahal na kasi sa akin ng sobra si baby Gab. Ayokong mawala siya sa akin. Sa ngayon…”

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Pau.

“Mahal ko rin naman si baby Gab. Kaya nga ako pumayag sa gusto ng Rico na ’yun kahit labag sa kalooban ko. At saka para mapagbigyan rin kita. Gusto ko kasi lagi kang masaya. Kasi ’yung Pau na mahal ko ay isang masayahing tao. Masaya ako pag nakikita kitang masaya.”

Tuluyan nang nahulog ang mga luha ni Pau. Niyakap niya ako nang mahigpit habang patuloy siya sa tahimik niyang pagluha. Mahigpit ko ring niyakap si Pau para ipadamang hindi siya nag-iisa.

Sa labas ay pumapatak pa rin ang ulan at tila nakikiiyak ang langit sa pinagdadaanan naming mga problema. Tila nagbabadya rin ito na may paparating pang mga unos sa aming pagsasama.

Chapter 22 - Flashback

NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Si Rico marahil iyon. Ngayon lang siya umuwi? Anong oras na ba?

Dinampot ko ang cellphone ko at tiningnan ng oras. Alas-tres ng madaling araw. Uwi ba ’to ng matinong tao?!

Lumabas ako ng silid at binuksan ko ang pinto. Si Rico nga. Lasing.

“O, ba’t gising ka pa? Hinihintay mo ’ko? Na-miss mo siguro ako, ’no?” sabi ni Rico na namumungay na ang mata sa kalasingan.

“Asa ka naman. Sino ang hindi magigising sa pagkatok mo? Nakakaistorbo ka, alam mo ba ’yun?” Pinipigil kong lakasan ang boses ko dahil baka magising si Rob.

“Shhh… ’wag ka nang magalit. Halika na sa kuwarto, matulog na tayo.”

“Ulol! Matulog kang mag-isa.” At tatalikuran ko na sana si Rico pero bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya napaharap ako sa kanya.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinalikan sa labi. Mariin. Langhap na langhap ko ang amoy ng beer sa kanyang hininga.

Nagpumiglas ako pero hawak niya ang magkabilang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya at nasasaktan ako.

“O, sige mag-ingay ka para mahuli tayo ng jowa mo. Mas maganda ’yun, ’di ba?”

Pinunasan ko ng kamay ko ang aking bibig. Pilit kong tinuyo ang laway ni Rico na pakiramdam ko ay dumikit sa aking mga labi.

Napaismid si Rico. “Ang arte mo. Dati nga ikaw pa ’tong nanghahalik sa akin. Nandidiri ka sa laway ko? Eh, dati nga hindi lang laway ko ang nilulunok mo.”

“Bastos!” Mahina lang pero madiin nang sinabi ko ’yun kay Rico.

Ngumisi lang si Rico, tapos ay hinubad nito ang suot na t-shirt at pumasok na silid niya.

“Bantayan mo si baby Gab mamaya. Papasok kami ni Rob sa trabaho. Ikaw muna ang mag-alaga sa anak mo habang wala pa kaming nakukuhang yaya.”

“Ha?” Napatigil sa pagpasok sa silid si Rico. Tumingin ito sa akin.

“Gusto mong makasama ang anak mo, ’di ba? Puwes, ikaw muna ang mag-yaya sa kanya. At ’wag ka nang tumanggi dahil wala ka rin namang magagawa kundi alagaan siya pag-alis namin ni Rob para pumasok sa trabaho.” Iyon lang at iniwan ko na si Rico. Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya at makapagprotesta. Pumasok na ako sa kuwarto namin ni Rob.

Tulog na tulog pa rin si Rob at baby Gab. Buti na lang at hindi nagising si Rob. Sigurado, malaking gulo kung nakita niyang hinahalikan ako ni Rico.

Bigla kong naisip, tama bang iwan ko si baby Gab kay Rico? Oo nga at mag-ama sila, pero paano kung topakin bigla si Rico at iuwi sa kanila si baby Gab at hindi na ibalik sa amin?

Hindi puwede!

Muli akong lumabas ng kuwarto at pumunta sa silid ni Rico. Bukas ang silid, at nagulat na naman ako pagkakita kay Rico na nakahiga sa kama na hubo’t-hubad na naman.

“Hindi ba sabi ko mag-lock ka ng pinto? Ano ba’ng akala mo, mag-isa ka lang na nakatira rito?” Medyo napalakas ang boses ko.

“Boses mo, malakas masyado. Gusto mo yatang magising ang jowa mo at makita kang pinasok ako sa kuwarto.” Kalmadong-kalmado si Rico. “Ikaw rin, ’wag mo akong sisisihin ’pag nag-away kayo ng jowa mo.”

“Pumasok lang ako rito para sabihin sa’yong ako na lang ang mag-aalaga kay baby Gab. Hindi na lang muna ako papasok ulit.” Naiinis ako sa sarili ko. Padalos-dalos magdesisyon, tapos babawiin.

“Eh, ’di okay. Gusto ko ’yan, para magkasama tayo rito sa bahay buong maghapon.”

“Gago!” Nilayasan ko na si Rico. Isinara ko ang pinto ng silid niya paglabas ko.

SHIELA’S

POV

MADALING-ARAW na pero ’di pa rin ako dinadalaw ng antok. Ibang enerhiya ang dulot sa akin ng pagkikita namin ni Rob kanina. Masaya ako na muli kong nakita si Rob, ang kaisa-isang lalaking nagpatibok sa pihikan kong puso. Hindi ko naman siya napapansin dati kahit pa lutang ang kaguwapuhan niya sa ibang mga lalaki sa opisina, pero nagsimula akong magkagusto sa kanya nang minsang magkayayaan kaming mag-videoke pagkatapos ng trabaho. Una kong nakita ang pagkamaginoo ni Rob. Inaalalayan niya ako ’pag naglalakad kami. Ipinagbubukas niya ako ng pinto ng taxi. Basta, ramdam kong babae ako ’pag kasama ko si Rob.

Noong minsang magkakuwentuhan kami, nadagdagan pa ang paghanga ko sa kanya. We

talked

about

any

topic

under

the

sun at lahat ng iyon ay may opinyon siya at kaalaman. Napakalawak ng kaalaman niya. Matino siyang kausap, may sense ang sinasabi at kung magkaminsan ay may pagka-komedyante rin. Nasa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki.

Pero sa pagdaan ng mga araw, wala naman akong nakikitang palatandaan na special din ako kay Rob. Kahit nga tinutukso na kami ng mga katrabaho namin, parang dedma lang si Rob. Pangiti-ngiti lang siya, maliban doon ay wala na siyang ibang aksyon na ginagawa para maging totohanan na ang mga biruan. Kaya isang araw, nagbaon ako ng santambak na lakas ng loob at ako na mismo ang nagtapat ng pag-ibig kay Rob.

“Anong sinabi mo?” Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rob. Hindi niya siguro ini-expect na magtatapat ako sa kanya.

“Totoo ’yon. Mahal kita, matagal na.” Nahihiya akong tumingin kay Rob pero tuloy lang ako sa pagsasalita. inumpisahan ko na eh, kailangang tapusin ko rin. “Iyong mga biro sa atin ng mga katrabaho, siguro biro lang talaga iyon para sa’yo. Pero para sa akin, totoo iyon. Napakasaya ko tuwing binibiro nila tayo. Gustong-gusto ko na gusto rin nilang maging tayo.”

“Pero… kaibigan lang ang turing ko sa’yo.”

“Ayaw mo ba sa akin, Rob? Hindi mo ba ako gusto?”

“Eh, hindi naman sa ganoon, Shiela. Napakaganda mo, alam mo ’yan. Suwerte ang kahit na sinong lalaking magiging boyfriend mo.”

“Bakit ayaw mong maging masuwerte?”

“Shiela, kasi…”

“Ano?”

“Kasi ano, Shiela…”

“Ano nga ’yon, Rob? Sabihin mo sa akin kung bakit ayaw mo sa akin.”

Nakita kong huminga nang malalim si Rob bago nagsalita. “Shiela, bakla ako. Lalaki rin ang gusto ko. At may kinakasama ako ngayon.”

Para akong nakarinig ng isang malakas na pagsabog.

“Hindi ’yan totoo. Sabihin mong hindi ’yan totoo.” Agad naglandas sa pisngi ko ang masaganang luha. Paano nangyaring ang lalaking gustong-gusto ko ay bakla pala pero wala man lang akong nakitang traces ng kabaklaan? Ano ba ang nagyayari sa mundo? Bakit ang mga guwapo ay guwapo na rin ang hanap?

“Sorry…” Iyon lang ang nasabi ni Rob.

“Na-experience mo na bang mag-girlfriend? Baka naman bisexual ka and not totally gay.” Iniisip kong may pag-asa pa. Pag-asang ituwid si Rob at pag-asa para sa pagmamahal ko sa kanya.

“Oo, twice. Pero sa break up din napunta. Kasi, I’m gay. At ayokong patuloy na lokohin sila at ang sarili ko.”

“Don’t you see yourself building a

family ? Masaya ang may pamilya. Hindi ka tatandang mag-isa. May mag-aalaga sa’yo sa pagtanda mo,“ pangungumbinse ko kay Rob. Ayokong basta na lang isuko ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako naglakas-loob magtapat kay Rob para lang mabasted.

“ Honestly , naiisip ko rin ’yan. Sino ba ang ayaw magkapamilya? Pero alam mo more

than a

complete

family , ’yung may asawa, may anak… mas prefer ko na magkaanak na lang. Mas gusto ko ang anak, kaysa asawa.“

Mas lalo akong naluha sa huling pangungusap na sinabi ni Rob. Tanga lang ang hindi makakaintindi na iyon ay diretsahang pagsasabi na hindi pwedeng maging kami. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nasa office dahil umattend ng hearing ni judge ’yung iba naming kasamahan. Kung nagkataon, kahiya-hiya ako sa buong opisina dahil sa pag-iyak ko.

“ Sorry , Shiela.“

Hindi na ako sumagot. Hanggang sa mag-uwian na ay hindi na ulit kami nag-usap ni Rob. Nagkahiyaan? Siguro. Kaya nagulat ako nang paglabas ko ng RTC ay hinabol ako ni Rob habang tinatawag ang pangalan ko.

“Shiela, wait! “

“Bakit?” matamlay kong tanong.

“Hatid na kita sa inyo.”

Bahagya akong ngumiti, matamlay pa rin. “Huwag na. Bakit mo ako ihahatid, magsyota ba tayo?”

“Please… Sana kahit hindi tayo magsyota, ’wag masira ’yung friendship natin. Isa ka sa pinaka-close sa akin sa office . Isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ko…”

“Huwag kang mag-alala, ’di ko naman ikakalat ’yung secret mo.”

“Hindi naman ’yun, eh. Wala naman akong pakialam kahit malaman nila. Hindi ko naman ’yun tinatago. Tanggap naman ako ng pamilya ko. So , wala akong ikinatatakot kahit malaman ng buong mundo.”

Wala na akong nagawa dahil hindi pumayag si Rob na hindi ako ihatid sa tinitirhan kong apartment sa Malabon. Kasama ko roon ang tiyahin ko, si Tita Minda na isang matandang dalaga. Siya ang nagpalaki sa akin at tumayong magulang ko mula nang mamatay sa isang aksidente ang mga magulang ko kasama ang nag-iisa kong kapatid.

Nadatnan namin si Tita Minda na abala sa pagluluto ng hapunan. Ipinakilala ko si Rob kay Tita Minda. Akala nga ng tita ko na boyfriend ko si Rob… kung alam niya lang.

Nagpaalam din kaagad si Rob para umuwi. Hindi na niya napaunlakan ang pag-anyaya ni Tita Minda na roon na siya maghapunan. Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam ako kay Tita Minda na lalabas lang ako sandali kasama ang kaibigan ko no’ng college. Iyon lang ang sinabi kong dahilan para payagan niya akong lumabas ng bahay kahit gabi na. Ang totoo, gusto ko lang gumimik sandali para makalimutan ko ang pagkabasted ko kay Rob. Bakit ba kasi sa bakla pa ako nagkagusto?

Sa isang bar ako napadpad. Ang daming customers,

both

male

and

female . Umorder ako ng dalawang redhorse kahit alam kong sa isa pa lang ay malalasing na ako. Dalawa agad para siguradong lunod ang problema.

Malapit ko nang maubos ang isang boteng redhorse nang may lalaking lumapit sa akin.

“ Alone ?“ tanong nito.

“Yeah, and lonely…”

“Ohhh! Would you mind if I share table with you?”

“Okay lang,” sagot ko. Tipsy na ako. Sabi ko na nga isang bote pa lang tatamaan na ako. Ang lakas talagang sumipa ng pulang kabayo.

“By the way, I’m Marlon.” Inilahad nito ang palad sa akin.

“Shiela…” Nakipag-shake hands ako sa kanya.

Kung anu-ano lang naman ang napag-usapan namin ni Marlon habang inuubos ko ang laman ng pangalawang bote ng redhorse. Maging si Marlon ay redhorse rin ang tinutungga, pero ’di ko alam kung nakakailang bote na siya bago lumapit sa akin.

Iba na ang tama ko, nararamdaman ko ’yun. Dalawa na ang tingin ko kay Marlon. Pero bakit parang kahawig niya si Rob? Lasing na talaga ako.

“Are you still okay?” tanong ni Marlon.

“Medyo hindi na. Lasing na ako.”

“ Would you go with me? Some other place. Doon na lang natin ituloy ang pag-inom.“

Nginitian ko nang matamis si Marlon na ang tingin ko’y kamukha talaga ni Rob. “Sure!”

“Let’s go

then.“ Kinawayan ni Marlon ang isang waiter at inabutan ng pera. “Bayad namin. Ikaw na’ng bahala riyan.”

Inalalayan ako ni Marlon sa paglalakad papalabas ng bar hanggang makasakay ako sa kotse niya. Hmm… rich kid .

Hindi ko na alam kung saan kami nagpunta. Ang huling natatandaan ko ay nasa isang silid kami at hinahalikan ako ni Marlon. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising na lang ako kinaumagahan na hubo’t-hubad sa silid ng isang hotel. Mag-isa. At nananakit ang pribadong bahagi ng aking katawan.

Agad akong bumangon. May nakita akong mantsa ng dugo sa bedsheet .

Dinampot ko ang telepono. Sumagot ang nasa reception. “Hello!”

“Nasaan ’yung kasama ko?”

“Saang room kayo, ma’am?”

Nakita ko ang room

number sa keychain na nasa tabi ng telepono. “801,” sagot ko.

“Ah, lumabas na siya, ma’am. But don’t worry, he already settled the

bill.“

Gusto ko sanang itanong kung alam ba niya ang buong pangalan ni Marlon at kung saan ito nagtatrabaho, pero ’di ba dapat alam ko ’yun kasi ako ang kasama niyang nag-check in dito?

“Sige, thanks …” Iyon na lang ang nasabi ko. ’Di ko na rin nakita si Marlon mula noon.

Doon naputol ang pagbabalik-tanaw ko. Marami na ang nangyari mula noon. Iyong iba’y ayaw ko nang balikan pa.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya bumangon ako at tumayo para kumuha ng maiinom sa ref. Noon biglang umikot ang paningin ko at naramdaman kong para akong puno na unti-unting nabubuwal!

Chapter 23 - Mga Hinala

ROB’S POV

MAAGA akong nagising nang umagang iyon. Alas-singko pa lang, ’yun ang oras na nakarehistro sa cellphone ko. Napansin ko ang pitong missed calls mula sa isang hindi ko kilalang numero. Alas-kuwatro y medya ’yung oras nang tumawag ang kung sino mang iyon. Sinong taong walang magawa ang tatawag ng ganung oras? Ako pa naman ’yung tipo na hindi nagrereply sa text message o sa tawag kung hindi naka-save sa phone

book ko ’yung numero ng tumatawag o nagte-text. Sabi nga ng mga kakilala ko, siguro raw ay may iniiwasan ako kaya hindi ko sinasagot ang mga ganoon. Bakit ba? Siguro naman I deserve

to

know

the

persons

first

before

I chat

or

talk

to

them. Puwede namang mag-text muna at magpakilala, then saka niya ako tawagan. Sabihin mo nang maarte ako, pero that’s

my

basic

rule to

protect

my

privacy na rin. So,

since walang text

message itong nag-miss call ng pitong beses sorry na lang siya dahil di ako mag-a-attempt to call back. If

the

call

is

really

important, siguradong gagawa siya ng paraan na makontak ako.

Mahimbing pa ring natutulog si Pau. Hindi ko na siya ginising. Hinayaan ko na lang siyang matulog dahil alam kong nakakapagod din ang mag-alaga ng baby. Ako na lang ang maghahanda ang almusal mamaya pagkatapos kong maligo.

Bumangon na ako. Sinilip ko sa crib si baby Gab, ayun at tulog na tulog rin. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at itinapis sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan na natatakpan lang ng suot kong brief . Tapos ay diretso na akong lumabas ng silid at tuloy-tuloy na tinungo ang banyo para maligo.

Laking gulat ko nang pagpasok ko sa banyo ay nakita ko si Rico sa loob na umiihi. No , hindi ako nagulat na andoon siya at umiihi. Nagulat ako dahil hubo’t hubad siya habang umiihi. Ano ’tong lalaking ito, pakalat-kalat sa bahay namin nang nakahubad?

Parang wala lang naman kay Rico na nakita ko siya sa gano’ng ayos. Itinuloy lang niya ang pag-ihi at nang matapos ay tila hindi ako nakita na diretso lang na lumabas ng banyo para bumalik sa kanyang silid.

“Sa susunod, sana matuto kang magsuot ng damit bago ka lumabas ng silid. Hindi lang ikaw ang tao rito sa bahay.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na punahin ang nakita ko.

Napatigil sa paglalakad si Rico at humarap sa akin. “Ano ba ang problema kung hubad ako? Maganda naman ang katawan ko, ah. Guwapo naman ako. Hindi ka ba natatakam sa katawan ko? Suwerte ka pa nga, nakita mo ang alaga ko nang walang kahirap-hirap.”

Jesus! Ba’t ganito mag-isip ang taong ito? Okay, alam kong laking iskwater ito. Alam kong ’di siya nakatapos ng pag-aaral. Sabi ni Pau, high

school

graduate lang ang mokong na ’to. Pero kahit naman siguro sino ay may konting decency sa katawan at alam na hindi natural ’yung magpalakad-lakad kang walang suot na kahit ano. Kahit sabihin pang nasa loob lang naman ng bahay, still hindi pa rin maganda. Hindi tama!

“Matuto kang ilagay ang sarili mo sa dapat mong kalagyan. Matuto kang makisama,” Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad kong isinara ang pinto ng banyo.

Habang naliligo ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Si Pau at ang Rico na ’yun ang laging magkasama rito sa bahay. Kapag wala ba ako rito ay pakalat-kalat din ba nang nakahubad ang Ricong ’yun? Ano’ng nangyayari sa buong maghapon na magkasama sila rito sa bahay? Nakita na rin kaya ni Pau si Rico na gano’ng hubo’t-hubad? Ang daming naglalaro sa isip ko. Mga bagay na ayaw kong isipin. Mga bagay na kung mangyayari ay siguradong ’di ko kakayanin at baka maging dahilan pa ng pagkasira ng relasyon namin ni Pau. Sana mali ang mga naiisip ko. Sana hindi totoo ang mga hinala ko dahil hindi ko alam kung paano iha-handle ang sitwasyon kapag nangyari ang mga naiisip ko.

Pagkatapos maligo ay naghanda ako ng almusal. Pritong itlog at hotdog lang para madaling iluto. May tinapay naman. May kanin din na natira kagabi.

Habang nagpiprito ay bumabalik sa isip ko ang hubad na katawan ni Rico.

Itlog. Hotdog.

Hotdog. Itlog.

Bastos!

Ang dumi ng isip ko. Pati pagkain ay ina-associate ko sa hubad na katawan ni Rico!

Tinapos ko ang pagluluto at nagtimpla ako ng kape para makapag-agahan na. Tulog pa rin si Pau. In-enjoy kong mag-isa ang inihanda kong almusal.

Tapos na akong magbihis nang gisingin ko saglit si Pau para magpaalam. Marahan ko siyang tinapik-tapik sa balikat. “Pau, papasok na ako…”

Bahagyang nagmulat ng mga mata si Pau. Umungol.

“May pagkain na sa mesa. Mag-almusal ka mamaya. Si baby Gab, ’wag mong pababayaan. Iyong boarder natin, bantayan mo rin. Baka gumagawa na ’yun ng kalokohan nang wala tayong kaalam-alam.”

Umungol lang ulit si Pau habang tumatango.

“O, siya lalakad na ako.” Yumuko ako para halikan sa labi si Pau. Smack lang.

“I-lock mo’ng mga pinto,” sabi ni Pau sa inaantok pa ring boses.

Paglabas ko ng silid namin ay nakita ko si Rico na nasa may pintuan ng kuwarto niya. Naka-brief na ito ngayon. Nakakainis ang ngiti ni Rico. Ngiting-aso!

“O, hindi na ako nakahubad. Baka naman may masabi ka pa,” sabi nito pagdaan ko sa tapat niya.

Saglit akong huminto. Tiningnan ko sa mata si Rico sabay sabing, “Mag-almusal ka na. May pagkain do’n sa mesa. Hotdog at itlog.”

Diretso kong tinungo ang pinto, walang lingon-lingon. Paglabas ay agad kong pinara ang unang tricycle na dumaan at sumakay na ako.

Habang bumibiyahe ang tricycle ay may nag-text sa akin. Binasa ko ang mensahe.

Rob, ito si Tita Minda ni Shiela. Pakiusap, pumunta ka rito sa MCU Hospital kaagad.

Tila hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang mensahe. Pero isa lang ang Shiela na kilala ko at isa lang din ang Tita Minda. Diyos ko! Anong nangyari?

Hindi na ako nagtaka kung paanong alam ni Tita Minda ang cellphone

number ko. Matagal ko nang number ito, at alam ni Shiela ang number kong ito.

Pagbaba ng tricycle , imbes na sumakay ako ng jeep papuntang city hall ay sumakay ako ng bus papuntang Monumento. Habang nasa bus ay nag-text ako kay judge na hindi muna ako makakapasok ngayon dahil sa isang emergency . Pagpasok ko na lang ikukuwento kung anong nangyari dahil ako mismo ay walang alam.

Nag-reply din ako sa text

message ni Tita Minda. Sinabi kong papunta na ako ng ospital. Hindi na siya sumagot kaya sinubukan ko siyang tawagan.

Nagri-ring naman pero walang sumasagot. Mas lalo akong kinabahan at ipinagdasal kong sana ay okay naman ang lahat. At sana, makarating kaagad ako ng ospital.

Pesteng trapik! Ang aga-aga pa pero trapik na agad. Kung kailan nagmamadali!

Hindi ako mapakali sa bus. Gusto kong hilahin ang oras. Sinubukan ko ulit tawagan si Tita Minda. Nag-ring ulit ang telepono, pero tulad kanina ay wala pa ring sumagot sa tawag ko.

Para akong pinapatay sa kaba. Oh my God! Sana makarating na ako kaagad sa ospital.

Pagkatapos ng mahabang sandali ng pakikipagbuno sa masikip na daloy ng trapiko ay nakarating din ang bus na sinasakyan ko sa Monumento. Bumaba ako sa mismong tapat ng ospital.

Halos liparin ko ang daan papasok sa ospital hanggang sa makarating ako sa reception

area .

Saglit akong natigilan. Sinong pasyente ang hahanapin ko? Si Tita Minda ba o si Shiela? Shunga lang, malamang si Shiela ang pasyente. Si Tita Minda nga ang nag-text sa akin, ’di ba?

“Ah, miss… I’m looking for the room of patient Shiela Rivera,” confident kong sabi sa receptionist.

Saglit na may tiningnan sa computer ang babae tapos ay matipid na ngumiti sa akin. “Sa room 631, sir.”

“Thank you.” Room 631,

sixth

floor siyempre kaya agad kong tinungo ang elevator .

Agad kong nakita ang kuwarto pagdating sa ikaanim na palapag. Marahan akong kumatok sa pinto ng tatlong ulit bago ko iyon sinubukang buksan.

Bakante ang kama sa silid. Walang nakahigang pasyente. Pero may isang may edad nang babae ang naroon at abalang inaayos ang bedsheet sa bakanteng kama.

“Tita Minda?”

“Rob…” Alam kong pinipigilan lang niyang huwag maiyak.

“Ano pong nangyari? Napaano si Shiela? Asan po siya?” sunod-sunod ang tanong ko.

Hindi na napigilan ni Tita Minda ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. Halos hindi na niya magawang magsalita dahil sa kanyang paghikbi at pag-iyak.

Agad akong lumapit sa matanda upang pakalmahin siya. Nang medyo okay na siya sa tingin ko ay muli akong nagtanong. “Ano pong nangyari?”

“Sana maabutan mo si Shiela. Sana may oras pa para makausap mo siya.”

“Nasaan po siya?”

“Nasa operating room. Natumba siya kaninang madaling araw nang bigla siyang mahilo dala ng sakit niya. Napasama ang pagbagsak niya. Nabagok ang ulo niya at nagkaroon siya ng internal hemorrhage.”

“Ano pong sakit niya?”

“Colon cancer. Stage four.”

Napanganga ako sa gulat sa sinabi ni Tita Minda. Pakiramdam ko’y umakyat lahat sa ulo ko ang dugo ko. I

knew it!

I knew

that

something

was

wrong kay Shiela nang magkita kami kahapon. Iba ang pagkapayat niya. Sinabi lang niya sa akin na nagda-diet siya pero iba talaga ang kutob ko and I was

right!

“Sana makaligtas sa operasyon si Shiela. Kawawa naman ang pamangkin ko,” naiiyak na sabi ni Tita Minda.

“Makakaligtas po siya. May awa ang Diyos.”

Noon bumukas ang pinto at pumasok ang isang tingin ko’y doktor base sa kanyang suot.

“Dok, kumusta po ang pamangkin ko?”

“Tapos na po ang operasyon. Naroon po siya sa ICU. Under

observation pa siya. We

need

more

prayers

for

her ,“ malungkot na sabi ng doktor.

Tahimik na lumuha si Tita Minda. Ako naman ay tila napipi at di alam ang sasabihin. Masyadong mabigat para sa akin ang ganitong pangyayari. “Sige po, mauuna na ako,” paalam ng doktor at lumabas na ito ng silid.

“Punta po tayo sa ICU. Gusto kong silipin si Shiela.”

Tumango-tango lang si Tita Minda.

Halos madurog ang puso ko pagkakita ko kay Shiela. Ang ulo niya ay nababalutan ng benda. Wala siyang malay. Tulog? Ewan ko, pero sana ay okay siya. Tingin ko’y mas payat siya ngayon kesa kahapon. At maputla. Pero ’di maikakailang naroon pa rin ang natural niyang ganda.

Bumulong ako ng maikling panalangin para sa ikagagaling niya pagkatapos ay bumaling ako kay Tita Minda. “Aalis na po muna ako. Babalik na lang ako ulit. I-text n’yo po ako o tawagan anytime .” Dinukot ko ang wallet sa bulsa at naglabas ng pera. Iniabot ko ’yun kay Tita Minda. “Idagdag n’yo po sa pambili ng gamot ni Shiela.”

Kinuha ni Tita Minda ang pera. “Maraming salamat, Rob. Pasensya ka na kung naabala kita. Wala kasi akong alam na ibang tatawagan. Ikaw lang ang alam kong kaibigan ni Shiela.”

“Wala po ’yun. Mabuti nga po at kinontak n’yo ako.” Niyakap ko ang matandang babae. “Sige po, aalis na ako.”

Nakakailang hakbang na ako ng bigla akong tawagin ni Tita Minda.

“Rob…”

Napahinto ako at lumingon. “Bakit po?”

Tila may gustong sabihin ang matandang babae pero hindi niya masabi. Hinintay ko siyang magsalitang muli.

“Tita Minda?”

“Ha? A, eh… mag-iingat ka.”

“Ahh,” napatango ako. “Opo, salamat.” Tiningnan ko sa huling pagkakataon si Tita Minda bago ako tuluyang umalis.

Pwede pa sana akong pumasok sa trabaho pero nagpasya na lang akong umuwi. Tutal naman ay nagpaalam na ako sa opisina na hindi ako makakapasok ngayong araw kaya minabuti ko na lang na samahan sa bahay si Pau. Instant

bonding

time naming dalawa kasama si baby Gab.

Dumaan muna ako sa Red Ribbon at bumili ng paboritong cake ni Pau na black

forest . Matutuwa sigurado iyon at masu-surprise. Baka umiyak na naman iyon sa sobrang tuwa. Madali lang talagang pasayahin si Pau, kaya nga mahal na mahal ko iyon kahit para kaming aso’t pusa na laging nag-aaway.

Habang nasa biyahe ay iniisip ko na kung paano uubusin ang maghapon kasama ang dalawang taong importante sa buhay ko. Waaah! Excited na ako.

Halos tumakbo na ako papuntang bahay pagkababa ko ng tricycle . Gusto kong makita ang reaksyon ni Pau ’pag nakita niyang bigla akong umuwi. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto. Gusto ko siyang gulatin. Hindi ko akalaing ako pala ang magugulat sa aking madadatnan.

Si Pau at si Rico…

Naghahalikan!

Chapter 24 - Si Rico o Ako

PAU’S

POV

NAKATULOG akong muli pagkaalis ni Rob. Naalala kong ginising pa niya ako bago siya umalis para magpaalam. Pero bumangon ako kanina bandang alas-siyete nang umiyak si baby Gab. Gutom na siya kaya ipinagtimpla ko ng gatas. Tapos, nakatulog ulit kami.

Medyo tanghali na nang ako ay magising. Bumangon na ako. Una kong tiningnan si baby Gab. Gising na ang bata at cute na cute pa rin. Hindi man lang umiyak. Pinalitan ko siya ng diaper at pagkatapos ay agad akong lumabas para ipagtimpla siya ng gatas.

Naabutan ko sa kusina si Rico na nag-aalmusal.

“Kumain na ako. Antagal mong magising, eh.”

’Di ako sumagot. Nagtimpla lang ako ng gatas at bumalik na sa kuwarto. Halatang gutom na ulit si baby Gab. Tuwang-tuwa ito nang isubo ko sa kanya ang tsupon. Sasamantalahin kong abala sa pagdede si baby Gab. Maliligo muna ako.

Kinuha ko ang tuwalya at muli akong lumabas ng silid papuntang banyo. Muli kong nadaanan sa kusina si Rico. Alam kong sinundan niya ako ng tingin nang makita niyang papunta ako sa banyo para maligo.

“Pwedeng pasabay maligo?” tanong niya.

Alam kong nang-iinis lang si Rico kaya ’di ko na lang pinatulan. Agad kong isinara ang pinto ng banyo pagkapasok ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paliligo nang kumatok si Rico sa pinto.

“Matagal ka pa ba? Naiihi na ako!”

“Ano ba? Kauumpisa ko lang!” Naiinis ako. Ayoko ng kinakatok ako ’pag ako’y nasa banyo.

“Paihi na lang sandali. Buksan mo muna ang pinto.”

Nanggigigil ako. Gusto kong buksan ang pinto at hambalusin ng kahit ano ang Rico na ’to. Hindi ko alam kung totoong naiihi ito o gusto na naman nitong magpa-cute sa akin.

Magpa-cute? So all the while pala iniisip kong nagpapa-cute sa akin si Rico?

Erase. Erase.

Hindi ’yun pagpapa-cute. Iyon ay maliwanag na pang-aasar na kung sinasadya man niya o hindi ay matagumpay nitong nagagawa dahil mula nung lumipat ito dito sa bahay ay walang araw na hindi ako naiinis at naasar sa mga pinaggagagawa ng gagong si Rico.

“Ano na? Buksan mo’ng pinto, maiihi na ako.” Kinalampag na ni Rico ang pinto ng banyo.

Nagtapis muna ako ng tuwalya at saka ko binuksan ang pinto.

“Paihi lang.” Agad na pumasok si Rico at walang hiya-hiyang dinukot palabas sa brief ang ari niya at umihi. Tumingin pa ito sa akin na tila ipinagyayabang ang hawak niya habang tila nakakalokong ngumingiti.

“Bilisan mo!”

“Teka, marami pa ’to.” At saka ngumiti ulit nang nakakaloko.

Nagkunwari akong humihikab para ipakitang naiinip na ako. Pero dedma ito.

Nang matapos itong umihi ay muling nagsalita. “Pakipagpag naman.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ulol! Lumabas ka na nga!”

Tatawa-tawa si Rico habang lumalabas ng banyo.

Agad kong isinara ang pinto at itinuloy ang paliligo. Nang matapos ay nagtapis lang ako ng tuwalya at lumabas ng banyo diretso sa kuwarto para magbihis. Buti, wala sa labas si Rico. Nakita kong nakasara ang pinto ng kuwarto niya.

Matapos magbihis ay kinuha ko sa crib si baby Gab para siya naman ang paliliguan ko. Aliw na aliw ang bata habang naliligo. ’Yung ibang baby, umiiyak pag pinaliliguan. Bakit si baby Gab, tuwang-tuwa pa ’pag nababasa ng tubig?

Mabilis lang naman ang paliligo ni baby Gab. Nang matapos ay binihisan ko siya, sinuklay ang kokonti pang mga buhok at pinulbusan ang katawan. Ang bango-bango na ng baby ko. Ang gwapo-gwapo pa!

Gusto ko sanang ilabas at dalhin sa sala si baby Gab pero ayokong nakikita si Rico kaya minabuti ko na lang na manatili kami sa loob ng silid. Binuksan ko na lang ang laptop ko at inaliw ko ang sarili ko sa pagba-browse sa internet. Si baby Gab naman ay nakahiga lang sa crib at abala rin sa pagkagat sa tsupon niyang wala nang laman.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. Sino pa ba ang pwedeng kumatok kundi si Rico lang. Ano na naman kaya ang kailangan ng mokong na ’to?

Tumayo ako at tinungo ang pinto. Andun sa labas si Rico. Lumabas ako ng silid at isinara ko ang pinto. Naglakad ako papuntang sala. Sumunod sa akin si Rico.

“Bakit?” obvious sa boses ko ang tono ng pagtataray.

“May nahanap akong yaya para sa anak ko,” seryoso nitong sabi.

“Sino? Saan mo nahanap?”

“Yung kapatid ko. Sinabihan ko siyang magbantay muna kay baby Gab.”

“Oww? May kapatid ka nga palang babae. Mabuti naman para makapasok na ako sa trabaho.”

“Magkano ang sweldo niya?”

Tumaas ang kilay ko. Tiningnan ko ng seryoso si Rico.

“Oo, dapat may sweldo siya. Yaya kasi talaga ’yun. Pinag-resign ko muna sa amo niya para may yaya na ang anak ko. Kaya dapat susuwelduhan n’yo siya. Kasi ’di ’yun papayag na umalis sa amo niya kung wala siyang suswelduhin dito.”

“Three thousand. Alaga lang naman sa baby ang gagawin niya. At hindi naman mahirap alagaan si baby Gab.”

“Sasabihin ko sa kapatid ko.”

“Kung hindi siya papayag sa three thousand, ’wag na lang kamo. Hahanap na lang kami ni Rob ng ibang yaya. Hirap kasi sa mga tao, kadugo naman, magprepresyo pa.”

“Iyon kasi talaga ang pinagkakakitaan niya. Paano naman siya mabubuhay kung magtatrabaho siya ng wala namang sweldo?” pangangatwiran ni Rico.

“Kung wala ka nang sasabihin, babalik na ako sa kuwarto,” sabay talikod ko na kay Rico.

Hindi ko inaasahan ang biglang ginawa ni Rico. Hinawakan niya ako sa braso at hinila paharap sa kanya. Saktong nagkalapit ang aming mga mukha at bago pa ako nakapalag ay nasiil na niya ako ng mariin na halik sa labi. Hindi agad ako nakakilos sa sobrang pagkabigla at bago ko pa siya naitulak para kumawala sa kanya ay isang pamilyar na boses ang narinig ko.

“Anong ibig sabihin nito?” Alam ko boses ’yun ni Rob.

Napahinto sa paghalik sa akin si Rico at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Hindi ako nakapagsalita. Nasa harapan namin ngayon si Rob na galit na galit ang itsura. Bitbit nito ang isang kahon. Kahon ng cake ba ’yun?

“Kelan n’yo pa ako niloloko?”

“Rob… walang ganun,” iyon lang ang nasabi ko. Si Rico ay nanatiling kalmado lang.

“Anong wala? Hindi ako bulag. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung ano ang ginagawa n’yo, tapos sasabihin mong wala?”

“Rob, hindi ganun ’yun. Mali ’yung nakita mo.”

“Mali talaga! Akala n’yo siguro kampante akong nagtatrabaho sa opisina kaya libre kayong magpasarap dito.”

“Rob, hindi nga ganun ’yun. Mali ang iniisip mo.” Tumingin ako kay Rico. “Sabihin mo kung anong nangyari, Rico!”

“Ano pang sasabihin ko, eh huli na tayo?” painosenteng tanong ni Rico.

Nalaglag ang panga ko. Ano ’to? Ba’t gumagawa ng istorya ang gagong Rico na ’to? “Sabihin mo ’yung totoo. Na hindi ako nakikipaghalikan sa’yo. Na ikaw ang biglang humalik sa akin.”

“Anong ako? Kung ako, ba’t di ka pumalag?”

Hayup ang Rico na ’to. Ako ang palalabasin niyang masama dito. Obvious na gusto niya kaming pag-awayin ni Rob.

“Let me explain, Rob. Makinig ka sa akin.”

“You don’t need to explain. Sapat na ang nakita ko.”

“Rob!”

“Bakit mo ginawa sa akin ito? Akala ko kagabi nagkaintindihan na tayo. Na dalawa tayong haharap sa problemang ito. Bakit mo ako inilaglag para sa kanya?”

“Rob, hindi. Wala akong ginawang kasalanan sa’yo. Si Rico, bigla lang niya akong hinila at hinalikan.”

“Nagustuhan mo naman kaya ’di ka pumalag,” pagsabat ni Rico sa usapan.

“Shut up!” sigaw ko sa lalaking gustong magdulot ng gulo sa pagsasama namin ni Rob.

“Kung talagang wala kang ginagawang masama, palayasin mo rito ang lalaking ’yan.”

“Ha?”

“Masikip sa ating tatlo itong bahay. Hindi puwedeng magkasama tayo dito.”

“Okay lang, basta dadalhin ko ang anak ko.”

“Rob, ’wag naman ’yan. Alam mong ayokong mawalay sa atin si baby Gab.”

“Si baby Gab ba talaga? O ginagamit n’yo lang ang bata para magkasama kayong dalawa?”

“Hindi…” umiiling-iling ako. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ewan ko pero sobrang maemosyon ako pagdating kay baby Gab. Isipin ko na lang na mawawala siya sa akin ay para na akong mamamatay.

“Si Rico o ako. Mamili ka. Isa sa amin ang kailangang umalis dito.”

“Rob naman…”

“Isa lang. Hindi puwedeng kaming dalawa.”

“Mag-usap tayo, Rob. Hayaan mo akong magpaliwanag. Walang ibig sabihin ’yung nakita mo. Bigla na lang niya akong hinalikan. Nakita mo kami sa ganung sitwasyon bago pa ako nakapalag sa ginawa niya. Iyon lang ’yun, Rob. Wala akong ginawang kasalanan sa’yo.”

“Then prove it. Dump that shit!”

“Pero…”

“Nagdadalawang isip ka. Dahil ayaw mo siyang mawala.”

“Hindi! Si baby Gab ang inaalala ko.”

“Akin ang anak ko. Hindi ako aalis dito nang hindi ko dala ang anak ko,” seryosong sabi ni Rico.

Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung paano kukumbinsihin si Rob at paniwalaan ako. Ayokong mawala si baby Gab. Ayoko. Hindi ako papayag na kunin sa akin si baby Gab!

“Palayasin mo na siya,” madiin amg pagkakasabi ni Rob.

“Rob, please…”

“Kung hindi mo siya palalayasin dito, ako ang aalis.”

Halos nanlabo na ang paningin ko dahil sa luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Sa ganito lang ba kami matatapos ni Rob? Napakawalang-kuwenta naman na sa ganito lang hahantong ang relasyong iningatan namin ng lagpas isang taon na rin.

Humakbang si Rob papunta sa aming silid. Sumunod ako. Nakita ko siyang inilagay sa kama ang dalang kahon tapos ay kinuha ang maleta niya at nag-umpisang ilagay doon ang mga damit niya.

“Rob… ’wag mo namang gawin ito.”

“I’m giving you chances na mag-isip. Para malaman mo kung ano talaga ang gusto mo, kung sino talaga ang importante sa’yo.”

“Rob, malinaw sa akin kung ano ang gusto ko. Kung sino ang importante sa akin. Ikaw ’yun. Pero intindihin mo naman sana ang sitwayon ko. Naiipit ako sa’yo at kay baby Gab. Hindi ko mapalayas si Rico dahil ayokong mawala sa atin si baby Gab. Unawain mo naman ako, please. Kahit dito lang, kahit ngayon lang. Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan dito,” tuloy-tuloy ang pagluha ko habang nakikiusap kay Rob.

“Bakit ’di mo na lang tanggapin na hindi para sa atin si baby Gab. May sarili siyang pamilya. Pamilya na dapat niyang makasama hanggang sa lumaki siya.”

“Rob, wala siyang magiging kinabukasan sa pamilyang sinasabi mo. Ano ang magiging buhay niya kasama si Rico? Baka lumaking patapon din ang bata.”

Natapos mag-empake si Rob. Binuhat nito ang maleta.

“Aalis na ako. Dun na muna ako sa bahay ng parents ko.” At lumakad na si Rob papalabas ng kuwarto. Pero bigla itong pumihit pabalik sa kama at kinuha ang kahong dala niya kanina.

Iniabot sa akin ni Rob ang kahon. “Para sa’yo. Ibinili kita ng cake. Alam kong paborito mo ’yan.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko nang mahigpit na mahigpit si Rob kasabay ang aking iyak ng panghihinayang. Panghihinayang sa relasyong binuo naming dalawa ni Rob. Panghihinayang sa mga masasayang alaalang pinagsamahan naming dalawa. Mahal na mahal ko si Rob. Hanggang sa huli, pinakita niya sa akin kung gaano siya ka-sweet.

Pagtingin ko sa mukha ni Rob, nakita ko siyang tahimik na lumuluha. Basag ang tinig niya nang muli siyang magsalita. “Mag-iingat ka rito. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita… Pero ayaw ko ng magulong relasyon.”

Iyon na ang huling salitang narinig ko kay Rob. Tuluyan na siyang lumabas ng silid bitbit ang maletang naglalaman ng kanyang mga damit. Bigla namang pumalahaw ng iyak si baby Gab. Tila naramdaman ng paslit ang paglisan ng isa sa kinikilala niyang daddy. Kinuha ko sa crib si baby Gab. Kinarga ko ito at lumabas kami ng silid. Naabutan ko pa sa salas si Rob. Nasa harap nito si Rico na hindi nakakilos nang bigla na lang suntukin ni Rob sa mukha. Buti na lang at hindi na gumanti si Rico. Pinalagpas na lang nito ang suntok ni Rob. Kung nagkataon, mas malaking gulo pa ’pag nagbugbugan dito ang dalawang ’yun.

Paglabas ni Rob ng bahay ay nakita kong napangiti si Rico habang hinihimas ang nasaktang mukha. Kung ano man ang nasa isip niya ay siya lang ang nakakaalam. Pero sa loob ko, hindi ko hahayaang tuluyan kaming magkasira ni Rob nang dahil lang sa Rico na ito. Tama nang ginulo niya ang pagsasama namin ni Rob. Gagawa ako ng paraan para muli kaming mabuo ni Rob. Kaming dalawa kasama si baby Gab.

Chapter 25 - Bagong Yaya

HINDI agad ako nakatulog nang gabing iyon. First time kong matutulog na mag-isa mula nung magsama kami ni Rob. Mahirap pala. Hindi pala madaling isipin na alam mong ’yung taong dati-rati ay katabi mong matulog, ngayon ay wala na sa tabi mo at hindi mo alam kung babalik pa ba.

“Asan na kaya si Rob?” bulong ko sa sarili. “Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na ba siya?” Napatingin ako sa kahon ng cake na ibinigay niya sa akin kanina bago siya umalis. Bigla ay parang gusto ko na namang umiyak. Number one talaga si Rob sa pagiging sweet. Kahit madalas ko siyang awayin, hindi siya nagbago ng pagtingin sa akin. At kahit umalis na siya dito sa bahay, alam kong hindi pa rin ako tuluyang nawala sa buhay niya dahil mahal na mahal niya ako, ’di ba? Iyon ang sinabi niya bago siya umalis. Mahal na mahal niya raw ako, pero ayaw niya ng magulong relasyon.

Sino ba ang nagpapagulo? Si Rico lang naman. Mula nang dito na siya tumira totoong nagulo na ang pagsasama namin ni Rob. Alam ko naman umpisa pa lang na magdadala sigurado ng gulo si Rico sa buhay namin pero paano ang gagawin ko kung wala akong choice? Ang hirap kasing mag-decide kung alam mong ano man ang piliin mo eh ikaw pa rin ang lalabas na talo.

Rob, bumalik ka na rito. Mas makakaya kong harapin ang ano mang gulo at problema kung kasama kita, sabi ng isip ko.

Sana maintindihan mo na sobrang mahal ko na si baby Gab. Oo, sandaling panahon pa lang siya sa piling natin pero anong magagawa ko kung sobrang attached na ako sa kanya. Eto nga at isang linggo na akong absent sa trabaho para lang may magbantay sa kanya. Baby ito, eh. Kung walang magmamalasakit sa kanya, paano na? Sino ba ang tunay na magmamahal sa batang ito? May ama nga siya pero anong klaseng ama naman? Kung hindi ko siguro kilala ang tunay na ugali ni Rico, baka pumayag na ako na dalhin na lang niya si baby Gab. Bahala na silang mamuhay nang sarili nila. Mag-ama naman sila, eh. Kaso, alam ko ang likaw ng bituka ni Rico. Patapon ang buhay niya. Anong klaseng pag-aalaga at pagmamahal ang maibibigay niya kay baby Gab kung mismong pagkatao niya ay ’di niya kayang pahalagahan?

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Nakatulog akong baon ang mga pag-aalala sa mga mangyayari pa ngayong wala na si Rob dito sa bahay.

Nagising ako bandang alas-singko. Tila sasabog na kasi ang pantog ko. Bumangon ako at lumabas ng silid para magbanyo. Marami rin ang naiihi ko. Punong-puno ng laman ang pantog ko. Pabalik na ako sa silid nang mapansin kong bukas ang kuwarto ni Rico. Bahagya akong sumilip at nakita kong wala roon ang tatay ni baby Gab. Oo nga pala, natulog ako kagabi na hindi pa ito umuuwi. Pagkatapos kasi ng kaguluhan namin dito sa bahay ay umalis din si Rico. Hindi pa ito umuuwi hanggang ngayon? Hmp, buti naman. At sana, huwag na siyang babalik dito para bumalik na sa ayos ang buhay ko.

Pumasok ako sa loob ng silid. Wala namang nagbago maliban sa may gumagamit na ng kama at may dalawang bag na naglalaman ng gamit ni Rico. Napansin kong bukas ang isang bag. Hindi na naisara pagkatapos kumuha ng damit. Halata kasing tila hinalungkat ang laman ng bag dahil hindi maayos ang mga damit na nasa ibabaw nito.

Burara talaga itong si Rico. Obvious naman eh. Dito na nga lang sa bahay, walang pakialam kung ibalandra ang hubad niyang katawan. Ano pa ba ang aasahan ko? Kung burara sa sariling katawan, e ’di siguradong mas burara sa mga gamit.

Ano ’yun? May napansin akong tila ibang bagay na bahagyang natatakpan ng damit ni Rico. Bahagya lang, dahil may parte ng gamit na nakalantad. Bakal?

Inalis ko ang nakapatong na damit at lumantad sa akin ang isang baril!

Baril?

Bakit may baril si Rico? Oo, adik itong gagong ’to. At siguro ay pusher din paminsan-minsan. Pero bakit siya may baril? Anong ilegal na gawain na naman ang pinasok ng gagong ito?

Kinabahan ako. Kung pumalag ba ito sa pagsuntok sa kanya ni Rob ay hindi malayong humantong sa barilan ang nangyari kahapon? Kung ganitong may baril pala si Rico, kayang-kaya niyang gamitin ito para ipanakot sa akin o maging kay Rob.

Ipinatong kong muli ang damit para takpan ang baril at agad na akong lumabas ng silid. Natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring mangyari lalo na at wala na si Rob dito sa bahay.

Pagpasok ko ng kuwarto namin ni baby Gab ay siniguro kong naka-lock ang pinto. Paranoid na yata ako. Wala naman dito sa bahay si Rico pero sobra ang takot ko.

Humiga na akong muli sa kama at pinilit kong makatulog. Maaga pa. Mamaya pa magigising si baby Gab.

Mga katok sa pinto ang muling gumising sa akin. Malalakas ang pagkatok. Agad akong bumangon dahil parang sisirain na yata ang pinto ng kung sino mang kumakatok na ’yun.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Rico kasama ang isang babaeng tingin ko’y nasa edad bente-dos. Maganda ang mukha nito na binagayan ng morenang balat.

“O, hindi mo ba kami papapasukin?” biglang sabi ni Rico.

Para akong naalimpungatan mula sa isang mahimbing na pagtulog. Umalis ako sa pagkakaharang ko sa pinto para makapasok si Rico at ang kasama nito.

Habang papasok ang dalawa ay muling nagsalita si Rico. “Eto si Ailene, kapatid ko. Siya ’yung sinasabi ko sa’yong magyayaya kay baby Gab. Mag-uumpisa na siya ngayon kaya dala na namin ang mga gamit niya.”

“Nasabi mo na ba sa kanya ’yung tungkol sa suweldo?”

“Oo, payag siya sa tatlong libo. Basta stay in siya rito.”

“Kuya, saan ko ilalagay ang mga gamit ko?” tanong ni Ailene na hindi ko sigurado kung ako ba ang tinatanong o ang kuya niyang si Rico.

“Ipasok mo na sa kuwarto mo ang mga gamit niya,” sabi ko kay Rico.

“O, dalhin mo ’yan dun,” sabi ni Rico kay Ailene sabay turo ang kanyang silid. Walang imik na sumunod lang ang babae. “Mamaya ko na lang ililipat ’yung gamit ko sa kuwarto mo.”

“Ha?! Bakit?” Gulat na gulat ako. Ano na naman ang nasa utak ng gagong ito?

“Ang liit-liit ng kuwarto ko. Pang-isahang tao lang. Tapos babae itong kapatid ko. Hindi magandang tingnan na magkasama kami sa kuwarto. Wala siyang privacy. Kaya dun na lang ako makikitulog sa kuwarto mo. Para lagi ko ring nakikita si baby Gab.”

“Pwede mo naman siyang makita araw-araw. Pwede namang diyan ka matulog sa salas. Bibili na lang ako ng higaan mo.”

“Hindi pwede. Alam mo naman ang suot ko ’pag natutulog. Hindi puwedeng pakalat-kalat ’pag hubad, ’di ba?”

Gusto kong kilabutan sa isiping magkakasama kami ni Rico sa iisang kuwarto at hubad itong matutulog sa tabi ko.

Sa tabi ko?

Assuming ka! Protesta ng utak ko. O baka naman unconsciously ay ’yun talaga ang gusto mong mangyari, tili ng aking konsensya.

No, hindi puwede! Hindi puwedeng sa silid ko matutulog ang gagong Ricong ito!

“Diyan ka sa salas matutulog,” seryosong pagdedeklara ko. “Huwag ka nang magpumilit dahil kahit ano pang gawin mo, hindi ako papayag na dun ka matutulog sa kuwarto ko!”

“Ano bang ikinatatakot mo? Hindi naman ako tatabi sa’yo. Pwede naman ako sa sahig. Basta dapat kuwarto, hindi salas na open na open at walang privacy.”

“Ang kapal ng mukha mo. May privacy ka pang nalalaman eh kung rumampa ka nga ng hubo’t-hubad dito sa bahay eh parang wala kang pakialam kahit mabosohan ka ng buong barangay.”

“Kuya, hindi pa ba tayo mag-aalmusal? Nagugutom na ako,” biglang singit ni Ailene sa usapan.

Napalingon ako kay Ailene.

“May pagkain na ba?” tanong ni Rico.

“Wala! Kita mong kagigising ko lang. Dapat bago kayo pumunta rito, nag-almusal na kayo. Anong oras na? Tanghali na para sa almusal!”

Dumukot ng pera sa bulsa si Rico at ibinigay sa kapatid. “O, bumili ka na lang dun sa kanto. May carinderia dun.”

Agad na kinuha ni Ailene ang pera at lumabas ng bahay. Nang medyo malayo na si Ailene ay muling nagsalita si Rico. “Huwag kang masyadong matapang, mapapadali ang buhay mo.”

Malinaw ko ’yung narinig pero gusto kong makasiguro kung tama ba ang narinig ko. “Anong sinabi mo?”

“Iyang katapangan mo na wala sa lugar, ’yan ang magpapahamak sa’yo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Ngumisi lang si Rico. Ngising-aso na naman. Nakakainis itong lalaking ito. Nakakalalaki kung makangisi!

Sabagay, hindi naman ako purong lalaki.

Pero iba talaga. Iba na ang pinupunto ng mga salita ni Rico. Hindi naman ako bobo para hindi iyon mahalata.

“Wala na rito si Rob. Wala ka nang tagapagtanggol. Kaya pakisamahan mo ako nang maayos.”

“At paano kung hindi?” matapang kong tanong.

“Hindi ako magdadalawang-isip na ilayo sa’yo ang bata.”

“Iyan lang ang kaya mong ipanakot? Eh, kung magmatigas ako at hindi ko ibigay sa’yo si baby Gab?”

“Alam kong hindi mo ’yan kayang gawin, kabisado kita.”

“Mas alam ko ang likaw ng bituka mo. Kaya alam kong wala kang kapasidad na bigyan ng maayos na buhay ang anak mo. Tapos ang lakas ng loob mong kunin siya? Magkakamatayan tayo bago mo makuha sa akin si baby Gab.”

Napahalakhak si Rico. “Seryoso? Baka hindi mo kayang panindigan ang sinasabi mo?”

Hindi ako sumagot. Ewan pero bakit parang demonyo ang nakikita ko sa itsura ni Rico.

ROB’S

POV

Pinipilit kong libangin ang sarili ko sa panonood ng tv. Nami-miss ko si Pau, aaminin ko. Isang gabi ko pa lang siyang hindi nakakasama pero parang ang tagal-tagal na. Ano ba itong nangyayari sa amin? I didn’t see this coming. Ang akala ko, lagi lang kaming masaya. Akala ko, kahit may mga problema malalampasan namin lahat iyon nang magkasama. Pero bakit mag-isa na lang ako ngayon? Kasalanan ko ba dahil ako ’yung bumitiw kaagad? Sisisihin n’yo ba ako kung agad akong sumuko?

Masakit kasi. ’Yung makita mong may kahalikang iba ang taong mahal na mahal mo, ang laking insulto nun sa akin. Lalo na alam kong ex niya ’yung lalaking iyon.

Pero tama ba na basta ko na lang siya iniwan kahit nagpaliwanag siyang wala siyang kasalanan? Tama bang kung kelan dapat kaming magtulungan ay saka ko siya parang biglang iniwan sa ere?

Masakit talaga kasi. Mahal ko naman talaga si Pau. Pero hindi ko talaga kinaya ’yung naabutan kong eksena sa bahay kahapon.

Napatingin ako sa cellphone ko. Mas lalo akong nalungkot. Mula kahapon, hindi man lang nagtext si Pau kahit isang beses. Parang okay lang sa kanya ang nangyari.

Okay lang ba sa kanya ang nangyari? Okay lang ba sa kanya na umalis ako at iniwan siyang mag-isa kasama ang tarantadong Rico na ’yun? Nakakainis lang. Sana binugbog ko na ang lalaking ’yun. Ang kapal ng mukha niya! Oportunista! Manggagamit! Gago!

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong dinampot. Tumatawag si Tita Minda.

Awww! Sa dami ng problema nakalimutan ko nang bumalik ng ospital.

“Tita Minda?”

Nakarinig ako ng mahinang hagulgol.

“Rob… Si Shiela…”

“Ano pong nangyari kay Shiela?” Bigla akong kinabahan. Ibang kaba. ’Yung kabang nakakatakot.

“Pakiusap, pumunta ka rito. Pasensya na, wala kasi akong ibang matawagan…” tuloy-tuloy sa pag-iyak ang tiyahin ni Shiela.

“Opo, darating ako. Huwag po kayong mag-alala.”

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong nagbihis at bumiyahe patungong ospital kung saan naka-confine si Shiela. Diyos ko, sana naman ay walang masamang nangyari. Sana naman ay okay pa rin si Shiela. Huwag mo muna siyang kukunin, Diyos ko.

Samu’t-sari ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong pakiramdam. Ganito pala kapag patong-patong ang iniisip. Para lang akong nakalutang sa ulap. Hindi ko alam kung ano eksakto ang tinatakbo ng utak ko. Kaya siguro may mga taong nasisiran ng ulo. Dahil ang hirap palang dalhin sa isipan iyong halo-halong problema, iba’t-ibang emotional baggages.

Narating ko ang ospital nang hindi namamalayan ang oras. Agad akong nagtungo sa ICU. Wala pa ring malay si Shiela, pero napansin kong tila nadagdagan ang mga aparatong nakakabit dito. Naroon si Tita Minda, umiiyak pa rin. Mas lalo itong naging emosyonal pagkakita sa akin.

“Rob…”

Chapter 26 - Like Brother, Like Sister

“ROB, Salamat at dumating ka!” Bakas sa mukha ng matanda ang sobrang pag-aalala.

“Tita Minda, anong nangyari?”

“Nagkagulo ang mga doktor dito kanina. Nag-seizure kasi si Shiela tapos biglang huminto ang pagtibok ng puso niya. Buti na lang na-revive siya ng mga doktor. Pero hindi pa rin siya ligtas.”

Napakunot-noo ako. “Ano pong sabi ng doktor?”

“72 hours. Binigyan siya ng doktor ng tatlong araw para bumuti ang kondisyon niya. Kung wala pa ring pagbabago…” hindi na naituloy ni Tita Minda ang kanyang sinasabi dahil muling nilamon ng pag-iyak ang kanyang boses.

Niyakap ko ang matandang babae. Ako man ay halos madurog ang puso sa nalaman ko. Bakit si Shiela pa? Napakabata pa niya. Puno ng buhay. Mali siguro ang kuwestiyunin ko ang ganitong bagay pero ’di ko maiaalis sa sarili ko ang makisimpatya sa nangyari sa babaing itinuturing kong malapit na kaibigan.

“Tita Minda, baka wala pa kayong tulog. Magpahinga na po muna kayo. Ako na lang muna ang magbabantay dito. Sabado naman, walang pasok sa opisina.”

Umiling-iling si Tita Minda. “Ayoko. Gusto kong bantayan si Shiela. Dito lang ako sa tabi niya para maalagaan ko siya sa lahat ng oras.”

“Kayo po ang bahala. Basta dito lang din muna ako. Dalawa po tayong magbabantay kay Shiela.”

Mapait na ngiti ang isinagot ni Tita Minda. “Napakabait mo. Ang swerte ni Shiela sa’yo. Sayang at hindi kayo nagkatuluyan…”

Bahagya akong nagulat sa huling sinabi ni Tita Minda pero hindi ko na ’yun binigyan ng ibang kahulugan. Siguro iniisip nito na naging kami ni Shiela dahil minsan ko na itong naihatid sa bahay nila.

Muli kong sinulyapan ang nakaratay na si Shiela. At muli’y bumalot sa buong katawan ko ang isang matinding awa kasabay ang panalangin na sana’y malampasan niya ang malaking pagsubok na ito sa kanyang buhay.

PAU’S

POV

Natutulog na si Ailene sa silid niya. Si Rico, ewan kung saang lupalop na naman pumunta. Mula nang lumabas ito ng bahay kaninang tanghali ay hindi pa ito bumabalik. Pero okay nga iyon. Mas gusto kong nasa galaan siya at wala rito sa loob ng bahay. Mas panatag ang loob ko ’pag wala siya rito. Nagbilin naman ako kay Ailene na siya na lang ang magbukas ng pinto sakaling umuwi ang kuya niya.

Ni-lock ko na ang pinto. Kung uuwi si Rico at pagbubuksan ng pinto ng kapatid niya, siniguro kong hindi ito makakapasok dito sa kuwarto. Masyado na siyang masuwerte kung dito pa siya matutulog sa kuwarto ko. Bahala siya kung saan siya matutulog. Malawak ang salas kung ayaw niyang maki-share sa kapatid niya. Puwede rin naman siya sa kusina, maglatag siya dun! Basta, hindi siya puwede rito sa kuwarto ko!

Bigla’y naisip ko si Rob. Kumusta na kaya siya?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.

Kumusta?

Naghintay ako ng sagot. Pero wala.

Galit pa rin siguro sa akin si Rob. Kaya dinedma lang niya ang text message ko.

Sinubukan ko siyang tawagan. Dinayal ko ang numero ni Rob at narinig kong nagri-ring ang cellphone niya. Hinintay kong sagutin ni Rob ang tawag ko. Pero pagkatapos ng maraming ring, wala pa ring sumagot. Imposible namang tulog na si Rob. ’Di naman ’yun maagang matulog. Haay, ano kayang ginagawa niya? Miss na miss ko na siya.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nakatulog akong naghihintay sa reply ni Rob sa text message ko.

UMAGA na nang ako ay magising. Kung hindi pa siguro umiyak si baby Gab ay hindi pa ako magigising. Napasarap ang tulog ko. Tirik na ang araw. Agad akong bumangon at kinuha sa crib si baby Gab. Basa pala kaya umatungal ng iyak. Kumuha ako ng pulbo at bagong diaper at pinalitan ko si baby Gab. Asan kaya ang yaya nito? Hindi man lang ba nito naririnig ang iyak ng baby kaya hindi man lang ito nag-attempt na gisingin ako?

Pagkatapos palitan ang diaper ng baby ay binuhat ko ito at inilabas ng kuwarto. Agad kong napansin ang bukas na silid ni Rico at ng bagong yaya ni baby Gab. Walang tao.

Nasaan kaya ang Ailene na ’yun? Si Rico, ’di pa ba umuuwi? Magkapatid nga talaga ang dalawang ito? Pareho yata konsumisyon ang dadalhin sa akin!

Ipinagtimpla ko na lang ng gatas si baby Gab pagkatapos ay naghanda na rin ako ng makakain. Kumakain na ako nang may kumatok sa pinto.

Ine-expect ko nang isa kina Rico at Ailene ang dumating at hindi nga ako nagkamali dahil tumambad sa akin si Rico pagbukas ko ng pinto.

Magulo ang buhok ni Rico, napansin ko. Namumula rin ang mata. Parang bangag.

Hindi ako pinansin ni Rico. Diretso itong pumasok sa kuwarto nila ni Ailene at nahiga sa kama. Bumalik ako sa kusina at itinuloy ko ang pagkain.

Nang matapos ay hinugasan ko ang mga plato at pumasok na ako sa kuwarto ko. Andun si baby Gab. Gising at nilalaro ang bote niyang wala nang laman.

Mag-aalas-diez na ng umaga. Wala pa rin si Ailene. Nasaan kaya ang babaing ’yun?

Naalala ko si Rob. Di man lang ito nagreply sa mga text message ko. Wala ring tawag. Ah, galit pa rin talaga siya akin. Hindi pa rin niya maintindihan na ginawa ko ito para sa kapakanan ni baby Gab.

Nang makatulog si baby Gab ay nagpasya akong maglaba. Madali lang naman ito, isasalang lang sa washing machine. Bukas ay balik opisina na ako pagkatapos ng isang buong linggo ng pagyayaya kay baby Gab. Haay, na-miss ko ang trabaho. Pero aaminin ko, mas nami-miss ko si Rob.

Matatapos na akong maglaba nang dumating si Ailene. Mag-aalas-dose na no’n.

“Saan ka galing?” tanong ko sa kanya nang buksan ko ang pinto.

“Diyan lang sa kapitbahay, naglaro ng bingo,” kaswal na sagot nito.

“Umaga pa lang wala ka na rito, nag-bingo ka lang pala.”

“Tulog pa kasi kayo. Eh, naiinip ako kaya lumabas muna ako. At saka linggo naman. ’Di ba day off ko ang linggo?”

“Sinong nagsabi sa’yong day off mo ang linggo?”

“Si kuya.”

“Okay ah, ’di ka pa nag-uumpisa ng trabaho day off na kaagad.”

“Eh, Sabado kasi ako pinapunta ni kuya rito. Sabi ko nga sa kanya Lunes na lang para umpisa na agad ng trabaho. Makulit siya, eh. Kasalanan ko ba na day off ko ngayon?”

“Andyan sa kuwarto ang kuya mo. Gisingin mo at kumain na kayo. May pagkain na sa kusina.” Iyon lang at tinalikuran ko na si Ailene. Bumalik na ako sa binabanlawang labada ko bago pa ako tuluyang makunsumi sa ugali ng Ailene na ’to.

Nang matapos ay isinampay ko ang mga nilabhang damit. Hindi ko nakitang kumain si Ailene. Nagkulong lang din ito sa kuwarto. Marahil tulog pa rin si Rico.

Papasok na ako sa kuwarto ng lumabas ng silid si Ailene.

“Kakain na ako,” sabi nito.

Diretso na akong pumasok sa silid.

ROB’S

POV

SA OSPITAL ako nagpalipas ng buong magdamag. Sinabihan ko si Tita Minda na umuwi muna para makapagpahinga at kahit ayaw niyang pumayag noong una ay nakumbinse ko rin siya. Nakatanggap ako ng text message mula kay Pau kagabi na sinundan ng tawag na hindi ko rin sinagot. Ewan ko, hindi ko pa alam kung kelan ang tamang panahon para magkausap kami. Habang hindi niya pinalalayas si Rico sa bahay, malabong bumalik ako roon. Kahit sinabi ko sa kanyang mahal na mahal ko siya, malinaw na sinabi ko ring ayoko ng magulong relasyon. Si Rico ang nagpapagulo ng relasyon namin kaya dapat siyang umalis sa bahay. Pero dahil nga ayaw niyang i-give up si baby Gab, ako na lang muna ang magpaparaya.

Nakakatawa. Nung hindi nagtetext si Pau, hinahanap ko ang text niya. Pero nung nagtext naman siya, hindi naman ako nag-reply. Nagtitikisan ba kami? O nasaktan lang ba talaga ako dahil sa mga nangyari.

Bandang alas-dose ng tanghali nang bumalik ng ospital si Tita Minda.

“Eto, o ipinagluto kita ng pananghalian. Kumain ka na muna bago ka umuwi,” sabi ni Tita Minda habang inilalabas sa dala niyang bag ang mga pagkain.

“Hmm, mukhang masarap po ’yan ah.”

“May tinola at pritong tilapia. At saka kanin siyempre.”

Tinikman ko ang sabaw ng tinola. “Masarap nga! Mapaparami ang kain ko nito.”

“Sige lang, ubusin mo. Para sa’yo lahat ’yan.”

Nginitian ko si Tita Minda. Ngiti ng pasasalamat.

“Kung gising sana si Shiela, sabay na sana kayong kumain.”

Nawala ang ngiti sa labi ko. Napalitan ng lungkot. “Paggaling ni Shiela, ipagluto n’yo po ulit ako para sabay kaming kakain ni Shiela.”

“Sana nga gumaling na ang pamangkin ko. Sana malampasan niya ang pagsubok na ito.”

“May awa ang Diyos, Tita Minda. Gagaling si Shiela.”

Sa ICU, wala pa ring malay si Shiela. Ang mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan ang sumusuporta para siya mabuhay. Patuloy pa ring nakikipaglaban si Shiela sa kaway ng kamatayan. Pero tiwala ako sa Diyos na hindi niya pababayaan si Shiela at muli itong gigising upang tuluyan nang gumaling.

LUNES

Maaga akong pumasok sa opisina. Tinawagan ko na si Tita Minda upang sabihing mamayang hapon na lang ako pupunta ng ospital pagkatapos ng trabaho. Isasama ko na rin ang mga kasamahan namin sa trabaho na naging mga kaibigan na rin ni Shiela. Maayos naman ang umpisa ng linggo. Ganun naman kami sa RTC, ’pag walang hearing si judge hindi kami masyadong busy. Inayos ko na lang ang mga dokumentong hindi ko nagawa nung biyernes dahil sa biglaang pag-absent ko sa trabaho.

Ala-una ng hapon ng mag-ring ang cellphone ko. Si Tita Minda, tumatawag.

Sinagot ko ang telepono. Umiiyak si Tita Minda. Kinabahan ako. “Tita Minda, anong nangyari?” Natatakot ako sa pwedeng ibalita ni Tita Minda.

Sa pagitan ng mga hikbi at pag-iyak ay nagsalita si Tita Minda. “Rob, wala na si Shiela. Iniwan na niya tayo…”

Pakiramdam ko ay biglang nanlaki ang ulo ko. At ’di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi na ako nakasagot. Hindi na ako nakapagsalita.

“Rob… andyan ka pa ba?”

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pinahid ko ang luhang umagos sa pisngi ko. “O-opo, andito pa ako. Pupunta na po ako diyan.”

Napansin pala ni Ico ang pagpahid ko ng luha. “P’re, anong nangyari. Ba’t ka umiiyak?”

“Si Shiela, ’yung katrabaho natin dati dito, patay na…”

PAU’S

POV

SOBRANG BUSY ako ngayong araw. Sa dami ba naman ng nakatambak na trabaho dahil sa isang linggo kong pag-absent, expected nang subsob ako sa trabaho ngayon. Kahit na maaga pa akong pumasok, hindi ko pa rin ito kaagad matatapos. Maaga nga akong gumising kanina. Naghanda ng almusal at nagbilin ng katakot-takot kay Ailene. Si Rico, as usual hindi na naman umuwi kagabi. Kumain lang pagkagising, naligo at lumayas na naman. Wala pa rin siya sa bahay kanina bago ako umalis para pumasok sa opisina.

Katatapos ko lang mag-lunch nung may magtext sa akin. Numero lng ang rumehistro sa cellphone ko.

This is barangay kagawad Teresita Apacible. Your househelp is here in our barangay hall after being involved in a fight with another resident. We hope you can come here to settle the matter.

Nagtext back ako. Baka kasi nagkamali lang ng pag-send ’yung nagtext. Although aware ako na may barangay kagawad nga na Teresita Apacible sa lugar namin.

 Si Ailene po ba 'yung tinutukoy n'yong househelp

?

Sagot sa akin: “Opo, andito rin po ’yung baby na inaalagaan niya.”

Hindi na ako nagreply sa text. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagpaalam ako sa boss ko na magha-half day na lang ako. Ipinaliwanag ko sa kanya nang mabilisan kung ano ang nangyari. Mabuti na lang at masyadong mabait ang boss ko at naunawaan niya ang sitwasyon ko.

Bumiyahe ako pauwi. Kulang na lang ay hatakin ko ang oras para makarating agad sa lugar namin. Ano ba ang mga problemang ito? Hindi na ba ito matatapos? Bakit mula nang dumating si Rico sa eksena ay nagsunod-sunod na ang mga problema sa buhay ko? Senyales ba ito na dapat ko nang tanggalin si Rico sa buhay ko kahit kasingkahulugan ito ng pagkawala rin ni baby Gab sa akin?

Pagbaba ko ng bus ay sumakay ako ng tricycle.

Halos liparin ko ang daan patungong barangay hall pagkababa ko ng tricycle. Agad kong nakita si Ailene na nakaupo sa isang sulok karga si baby Gab na umiiyak at tila ayaw tumahan. Kinuha ko kay Ailene si baby Gab.

“Anong ginawa mo? Bakit ka nasabak sa pakikipag-away? Isinama mo pa talaga itong bata? Anong klase kang yaya? Anong klase kang tita? Naturingang pamangkin mo ito pero dinamay mo pa sa gulong dinala mo?”

Isang tauhan ng barangay ang lumapit sa akin. “Ako po ’yung nagtext sa’yo kanina. Kayo po ba ang amo ni Ailene?”

“Opo.”

“Nasa clinic pa ’yung nakaaway niya. Nagpapahinga. Dumugo kasi ang ulo matapos mauntog sa kanto ng dingding nung magpang-abot silang dalawa ni Ailene. Nagkapikunan kasi sa bingohan. Ayun, nauwi sa away.”

“Bingo na naman? Huwag mong ikatwiran sa akin na day off mo pa rin ngayon!” Pinandilatan ko si Ailene. Aba, sumusobra naman yata ang kapatid na ito ni Rico. Manang-mana sa kanya. Magkapatid nga sila.

“Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. Ang lagay, papayag ba akong kakaya-kayanin niya lang ako porke bago lang ako dito sa lugar n’yo? Hindi puwede iyon!” matigas na pahayag ni Ailene.

“Bakit kasi nag-bingo ka e alam mong may inaalagaan kang baby? Kung pumirmi ka na lang ba sa bahay e ’di hindi ka sana nasangkot sa gulo.” Napapataas ang boses ko. Wala na akong pakialam kung nasa barangay hall man kami. High blood talaga ako ’pag ganitong mga eksena na. Nakakainis naman kasi ’yung mga taong pinagkakatiwalaan mo para gawin ang isang bagay, pero iba naman pala ang ginagawa.

Kinausap ko ang kagawad. “Ano po ba ang kailangan kong gawin?”

“Gusto nung nakaaway ni Ailene na sagutin n’yo ang mga gamot na kailangan niyang bilhin dahil sa sugat na tinamo niya. At sana, huwag nang uulitin ni Ailene na masangkot muli sa ano mang kaguluhan dito sa barangay.”

“Sige po, ako na ang bahala sa mga gamot.” Tiningnan ko si Ailene. “Narinig mo ’yung sinabi, ha? Huwag ka nang uulit?”

“Talagang hindi na dahil lalayas na ako sa’yo! Ikaw na lang ang mag-alaga sa ampon mo!” sabay talikod ni Ailene at lumakad papalabas ng barangay hall.

“Tingnan mo ’tong gagang ito… Hoy!” Sinigawan ko si Ailene pero hindi man lang ito lumingon. Tuloy-tuloy itong naglakad papunta sa kung saan.

“Babalik na lang po ako. I-text n’yo na lang po ako kung kelan kami mag-uusap nung nakaaway ni Ailene. Pasensya na po…”

“Sige po…”

Mabilis akong lumabas ng barangay hall karga si baby Gab na ’di ko napansing nakatulog na pala. Pinara ko ang unang tricycle na dumaan at nagpahatid ako sa aming bahay.

Naabutan ko si Ailene na nag-iimpake ng nga gamit niya. Akala yata ng babaing ito ay pipigilan ko siya. Kung bibigyan lang niya ako ng problema araw-araw, mas mabuti pa ngang ngayon pa lang ay magbalot-balot na siya. Hindi ko kailangan ng yayang hindi marunong tumupad sa responsibilidad niya at inuuna pa ang pagbibingo at pakikipag-away sa kapitbahay.

Kumuha ako ng limandaan sa wallet. Iniabot ko ’yun kay Ailene. “O, sobra pa ’yan sa isang araw na pagtatrabaho mo. Wala ka man lang amor sa pamangkin mo!”

“Talagang wala! Peste ang batang ’yan!” Hinablot nito sa akin ang limandang piso.

“Gagang ito! Ikaw ang mas peste! Lumayas ka na rito!”

“Magsama kayo ng ampon mo! Bakla!” Umalis ng bahay si Ailene bitbit ang bag na dala niya nung araw na hinatid siya rito ni Rico.

Medyo nakahinga na ako nang maluwag nung makita ko si Ailene na sumakay ng tricycle. Salamat at wala na ang bruha.

Pumasok ako sa loob ng silid. Tulog pa rin si baby Gab. Napagod yata sa bingohan. Hinaplos ko ang noo niya. Mainit yata. Hinaplos ko ulit. Pinakiramdaman. Mainit talaga. Hindi normal na init.

Nilalagnat si baby Gab at alam kong hindi ito basta sinat lang dahil iba ang temperatura ng kanyang katawan!

Chapter 27 - Emergency Room

ANG LAKAS ng kaba ko! Hindi ako sanay na may baby na nagkakasakit sa bahay. Siyempre, wala naman kasing baby sa pamilya namin. Iyong anak ng ate ko, hindi ko naman nakasama sa bahay kaya kung nagkakasakit man ay hindi ako ang nag-aalala kung ano ang gagawin. Ngayon lang talaga ako naka-encounter na may baby sa bahay at may sakit. To think na ang liit-liit pa niya. Paano kakayanin ng mura niyang katawan ang sakit?

Eh, ba’t kasi hindi mo pa dalhin sa ospital kesa nag-eemote ka diyan, tila bulong sa akin ng isip ko.

Oo nga, kailangang madala ko agad si baby sa ospital. Wala akong inaksayang oras. Ibinalot kong mabuti si baby Gab at pagkatapos ay kumuha ako ng isang bag at nilagay doon ang ilang piraso ng damit niya, pati na rin gatas at bote ng gatas niya. Mabuti na ’yung handa ako. Kung mako-confine man si baby, at least handa na ang gamit niya. Sa sitwasyon ko ngayon na mag-isa na lang, mahihirapan ako sigurado kung kikilos ako ng bara-bara lang. Dapat everything is still under control. At pinag-isipan!

Nang handa na ang lahat ay kinarga ko si baby Gab at lumabas na kami ng bahay. Sukbit ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ng baby ko.

Sumakay kami sa tricycle at nagpahatid ako sa pinakamalapit na ospital.

Pagbaba ng tricycle ay agad kong ipinasok sa emergency room si baby Gab. Naramdaman yata nito na nasa ibang lugar siya kaya bigla na lang itong umiyak.

“Ano pong nangyari kay baby?” tanong sa akin ng sumalubong na tila nurse base sa suot niyang uniporme.

“Nilalagnat. Ang taas ng lagnat niya. Tahan na, baby. Huwag ka nang umiyak.”

“Maupo po muna kayo. Kukunin ko lang po muna ang information ng patient. Ano pong name ng baby?”

“Gabriel…” sabi ko. Hinintay ko ang susunod na itatanong ng nurse. Pagtingin ko sa nurse, tila naghihintay ito sa susunod na sasabihin ko.

“Ano pong apelyido?”

“Carreon,” apelyido ni Rico ang sinabi ko. Dapat lang naman. Siya ang tatay. Hindi ko ipagkakait kay baby Gab na gamitin ang pangalan ng magulang niya.

“Ilang buwan na siya?”

“Mag-aapat na buwan.”

“Birthday niya?”

“Ha?” Kelan nga ba? Hindi ko nabasa ang birth certificate na pinakita ni Rico. Naku, bahala na. “Miss, puwede bang ako na lang ang magsagot ng form na ’yan? Asikasuhin n’yo na ang baby kasi baka nararamdaman na niya ’yung sakit niya kaya siya nag-iiiyak. Makakapaghintay naman siguro ang information sheet na ’yan.”

Tumayo ang nurse at lumapit sa isang bakanteng hospital bed. “Ihiga mo po si baby dito.”

Pagkahiga ko kay baby Gab ay nilagyan ng nurse ng thermometer ang kili-kili nito.

Maya-maya’y isang doktor ang lumapit sa nurse. “Anong nangyari?”

“High fever, doc. Forty degree celsius temperature.”

“Check the vital signs,” sabi ng doktor. Agad namang sumunod ang nurse sa ipinag-utos ng doktor.

Ako naman ay nakamasid lang at nakikinig sa pag-uusap ng doktor at nurse. Abot-abot pa rin ang aking kaba.

“Vital signs are okay, doc. Pero may nakapa akong bukol sa bandang ulo ng baby,” sabi ng nurse.

Bukol? Ba’t nagkabukol si baby Gab? Hindi ko napansin ’yun kanina, ah.“

Tiningnan ng doktor ang sinasabing bukol.

“Napaano ang baby? Bakit may bukol siya?” biglang tanong ng doktor sa akin.

“Ha? Ganito kasi doc, hindi ko rin sigurado dahil nasa trabaho ako kanina. Pero iyong yaya niya kasi, dinala siya sa bingohan tapos napaaway. Tingin ko dun nakuha ng baby ko ang bukol. Hindi ko lang alam kung paano. Buti na lang lumayas na ang yaya niya. Napakairesponsable. Binukulan pa ang baby ko.” Naiinis ako ng mga sandaling iyon. Inis sa sitwasyon, at inis kay Ailene dahil sa ginawa nitong kagagahan.

“Iko-confine na lang muna natin si baby. Pabababain lang muna natin ang lagnat niya. At magsasagawa na rin kami ng ilang lab tests para makasiguro.”

“Sige po, doc. Kung iyon ang makakabuti sa baby ko.”

“Sir, pakisagutan na po ang forms na ito pati ’yung info sheet kanina, para maikuha na kayo ng room para kay baby.”

Tumango-tango ako. “Salamat, miss.”

Sinuklian ako ng nurse ng isang matamis na ngiti.

Pagkatapos kong sagutan ang forms ay saka ko naalala si Rob. Kailangang malaman niyang narito sa ospital si baby Gab.

Kinuha ko ang celfone ko at sinubukan kong tawagan si Rob.

Nag-ring ang cellphone ni Rob. Maraming beses. Pero walang sumagot sa tawag ko. Nagpasya akong mag-send na lang ng text message para maipaalam sa kanya ang nangyari.

Wala akong natanggap na reply mula kay Rob.

ROB’S POV

KATATAPOS lang namin ayusin ni Tita Minda ang hospital bills ni Shiela. Naghanap pa kasi kami ng pera. May nakausap na rin akong punerarya na kukuha at mag-aayos sa bangkay nito. Nagpasya si Tita Minda na dun na lang iburol si Shiela sa chapel na malapit sa apartment nila sa Malabon. Malungkot pero kailangang tanggapin na nilisan na ni Shiela ang mundo.

Tumunog ang cellphone ko. May nag-text. Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ang cellphone at nakita kong may missed calls ako at may limang text messages na hindi ko pa nababasa. Ang apat ay galing sa mga katrabaho ko, nagtatanong kung saan ibuburol si Shiela dahil pupunta raw sila. Ang isang text naman ay galing kay Pau. Binasa ko ang mensahe.

     Andito ako sa ospital, naka-confine si baby Gab.

Nagulat ako. Anong nangyari kay baby Gab?

Tiningnan ko ang oras ng text ni Pau. 4:45pm.

Tiningnan ko kung anong oras na. Alas-sais ng gabi. Mahigit isang oras na ang nakalilipas nang mag-text si Pau. At alam kong hinihintay niyang mag-reply ako sa text niya.

Tinawagan ko si Pau.

Nakakadalawang ring pa lang ay may sumagot na sa tawag ko.

“Hello…”

“Pau…”

“Rob…”

“Saang ospital ’yan?”

“Dito sa Children’s Medical Center. Ang taas kasi ng lagnat ni baby Gab kaya pina-confine na ng doktor. Kinuhaan na rin siya ng blood sample para sa lab test.”

“Bantayan mong mabuti si baby Gab. Huwag mo siyang iiwan…”

“Sorry, ha? Pati ikaw naistorbo ko. Ikaw lang kasi ang naisip kong puwedeng dumamay sa akin ngayon.”

“Asan ’yung magaling na tatay ni baby Gab?”

“Hindi ko alam. Di pa umuuwi. Pupunta ka ba rito?” biglang naitanong ni Pau.

“May inaasikaso lang ako dito pero pipilitin kong pumunta mamaya,” sagot ko.

“Sige, salamat.”

Natapos ang pag-uusap namin ni Pau.

Hindi ako nakapunta ng ospital nung gabing iyon. Hinintay ko pa kasi ang pagdating ng bangkay ni Shiela sa chapel kung saan siya ibuburol. Gabi na rin masyado kaya nagpasya akong kinabukasan na lang ako pupunta sa ospital kung saan naka-confine si baby Gab. Nag-text na lang ako kay Pau para alam niya at hindi siya maghintay.

Konti lang ang tao sa unang gabi ng lamay para kay Shiela. Ilang kapitbahay ang pumunta para sumilip at nagpaabot ng pakikiramay. Kami ni Tita Minda ang magkausap para manatiling gising buong magdamag. Sinabihan ko si Tita Minda na umuwi muna at matulog kahit saglit pero ayaw mg matanda. Dito na lang daw siya para maasikaso niya ang mga nakikiramay. Humanga ako sa ipinakitang pagmamahal ni Tita Minda sa kanyang pamangkin. Hanggang sa huli, siya ang naging karamay ni Shiela.

Napaidlip si Tita Minda mula sa pagkakaupo bandang alas-tres ng madaling araw. Pinahiga ko siya sa mahabang upuan para maayos siyang makatulog. Hinayaan ko siyang makapagpahinga. Alas-sais na nang siya ay magising.

“Tita, uuwi muna ako sandali. Babalik na lang po ako mamaya,” pagpapaalam ko kay Tita Minda.

“Sige, ako na ang bahala rito. Pumasok ka na muna sa trabaho.”

“Hindi po ako papasok. Babalik din po ako mamaya.”

“Ganun ba? Ikaw ang bahala. Maraming salamat sa tulong mo sa amin ng pamangkin ko.”

Nginitian ko si Tita Minda. “Wala po ’yun. Maliit na bagay.”

Bago ako umuwi ay nagpasya na akong dumaan muna kay Pau sa ospital. Nadatnan ko siyang matiyagang nagbabantay sa natutulog na si baby Gab.

“Ang aga mo,” salubong sa akin ni Pau. “Saan ka galing? Mukhang wala ka pang tulog.”

“Yup, wala pa nga. Mahabang kuwento, saka na lang natin pag-usapan. Kumusta si baby Gab?”

“Medyo bumaba na ang lagnat niya. Normal din ang result ng lab tests.”

“Ikaw, kumusta ka?” tanong ko.

“Okay lang din, nakaka-survive kahit mahirap.”

Nginitian ko si Pau. “Alam ko kaya mo ’yan. Basta tatandaan mo, kahit ’di na tayo magkasama sa bahay andito pa rin ako para sa’yo.”

“Bumalik ka na sa bahay…”

“Habang andun si Rico, malabo.”

Nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha ni Pau. Gusto ko sana siyang yakapin ng oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Hindi ka ba uuwi para maligo, magpalit ng damit or anything?” pag-iiba ko sa usapan.

“Balak ko ngang umuwi sana kaso walang magbabantay kay baby Gab.

“Ako. Sige dito muna ako. Umuwi ka na. Ako muna ang bahala dito.”

“Pero ’di ba may pasok ka? At wala ka pa ring tulog, sabi mo kanina.”

“Hindi ako papasok today. Kaya umuwi ka na muna. Mamaya na lang ako uuwi pagbalik mo.”

“Salamat, Rob. Don’t worry, babalik agad ako.”

“Take your time.”

PAU’S

POV

Abot-abot ang pasasalamat ko kay Rob sa pag-volunteer niyang magbantay muna kay baby Gab sa ospital para makauwi muna ako. Binilisan ko ang pagkilos. Kailangang makabalik agad ako sa ospital. Nakakahiya kay Rob.

Pagbaba ko ng tricycle ay nakita ko agad si Rico na naghihintay sa labas ng bahay. Naka-lock ang pinto kaya obvious na hindi siya makapasok. Wala siyang sariling susi.

“Saan ka galing? Saan mo dinala ang anak ko?” madiin ang pagsasalita ni Rico.

“Nasa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat niya kahapon kasalanan ng kapatid mo. By the way, lumayas na ang kapatid mo. Napakairesponsable niyang yaya. Siguro naman nasabi na niya sa’yo kung anong kagagahan ang ginawa niya.” Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob kasunod si Rico. Agad itong pumasok sa kuwarto niya at paglipas ng ilang sandali’y lumabas din agad.

“Ba’t mo pinalayas si Ailene. Sana pinagpasensyahan mo na lang.”

“Siya ang kusang umalis. Hindi ko lang pinigilan. Hindi ko puwedeng pagpasensyahan ang ganung ugali ng kapatid mo. Ano, susuwelduhan ko siya para magdala ng konsumisyon dito sa bahay?”

Hinawakan ako ni Rico sa braso, mahigpit. “Mas panatag ako kung alam kong kapatid ko ang nag-aalaga sa anak ko!”

“Mabuti sana kung inaalagaan niya. Eh, hindi naman!”

Mas hinigpitan ni Rico ang hawak sa braso ko. “Pabalikin mo rito ang kapatid ko!”

“Aray! Putang-ina, nasasaktan ako!” Hinila ko ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak dito. “Maghahanap ako ng ibang yaya pero hinding-hindi ko pababalikin dito ang kapatid mo. At ’wag mo akong sinisindak sa pagsigaw-sigaw mo dahil hindi ako takot sa’yo!”

“Hindi ka takot sa ’kin?” Nakita ko ang panlilisik ng mga mata ni Rico.

Kinakabahan na ako pero hindi iyon dapat mahalata ni Rico.

“Eh dito…” Hinugot ni Rico ang baril na nakasukbit sa bewang niya. Itinutok nito ang baril sa akin.

Iyon ang baril na nakita ko sa bag niya.

“BANG!!!” biglang sigaw ni Rico.

Nagulat ako sa ginawa niyang iyon.

Napahalakhak si Rico. “O, akala ko ba hindi ka takot sa akin. Eh, ba’t parang naiihi ka na d’yan?” Nakatutok pa rin sa akin ang baril.

Bangag ba itong si Rico? May bala ba ang baril nito? Baka bigla niyang makalabit ang gatilyo at pumutok. Sigurado, dalawa lang ang pwedeng destinasyon ko. Ospital o sementeryo. Muling nagsalita si Rico. “Nagtatapang-tapangan ka eh bahag din pala ang buntot mo.”

“Matapang ka lang kasi may baril ka! Bitiwan mo ang baril mo at magsuntukan tayo, hindi kita uurungan.”

Muli kong narinig ang tila nanlilibak na halakhak ni Rico. “Suntukan? Marunong ka bang sumuntok eh, lalambot-lambot ka? Bakla ka lang! Wala kang kalaban-laban sa akin sa suntukan.”

“Iyon ang akala mo. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kung sa katulad mong adik din lang.”

Mas hinigpitan ni Rico ang hawak sa baril. Itinutok niya iyon sa ulo ko. Halos mapapikit ako nang maramdaman kong dumampi ang dulo ng baril sa noo ko. “Habang dito ako nakatira, hawak ko ang buhay mo. Wala kang ibang gagawin kundi sundin lahat ng gusto ko!”

Chapter 28 - Ang Katotohanan

PAKIRAMDAM ko ay pinagpapawisan ako ng malamig. Totoo ang sinabi ko na hindi ako takot kay Rico.  Kung mano-mano lang na labanan,  kahit paano naman siguro ay makakalaban ako.  Pero ’pag ganitong nakatutok na sa noo mo ang baril,  mawawala lahat ng tapang mo.

“Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong ni Rico.  Hindi pa rin nawawala ang panlilisik ng mga mata nito.

Gusto kong sumagot ng pabalang. Gusto ko siyang supalpalin at ipamukha sa kanya na hindi lahat ng tao ay kaya niyang pasunurin.  Pero iniisip kong wala ako sa posisyon ngayon para magtapang-tapangan pa.

“Ano?!  Sumagot ka!”

Saka ko na-realize na hindi ko talaga kayang magpagago sa hayup na ito.

“Patayin mo na lang ako kesa sumunod ako sa lahat ng gusto mo…” Hinihintay kong ipukpok niya sa mukha ko ang baril na hawak niya. Or worst,  iputok niya iyon sa noo ko.  Pero tingin ko hindi iyon gagawin ni Rico.  Siguradong may makakarinig ng putok oras na gamitin niya ang baril.

Nakita kong ngumisi si Rico.  Iyong ngising nakakainis.  Ngising-aso.  Ngising-tarantado!

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago,” pagkuwa’y sinabi nito.  “Ikaw pa rin ’yung Paulo na mayabang at matigas ang ulo na nakilala ko.”

“Buti alam mo! At hinding-hindi mo ako mapapasunod kahit ano pa ang gawin mo.  Hindi mo ako matatakot ng baril mo.  Iputok mo ’yan,  tingnan natin kung ilang taon ang bubunuin mo sa kulungan!” Pinilit kong maging reyalistiko ang pagdedeliver ko ng dialogue.  Hindi niya dapat mahalata na natatakot ako at nire-reverse psychology ko lang siya.  Sabagay,  ano ba ang alam ng gagong ito sa reverse psychology? Droga lang naman ang laman ng utak nito.

“Kung hindi pwede ang putok,  ito puwede!” At biglang hinampas ni Rico ang ulo ko gamit ang baril na hawak niya.  Naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa ulo ko.  Biglang nagdilim ang mundo ko at wala na akong namalayan sa mga sumunod na nangyari.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay.  Pagmulat ng mata ko ay nakita kong nakahiga ako sa sahig at nagdurugo ang ulo ko. Naalala kong hinampas ako ni Rico sa ulo gamit ang baril niya.  Agad akong bumangon para kumuha ng damit o kahit anong telang magpapaampat sa pagdurugo ng ulo ko.  Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay,  sumakay ng tricycle at agad nagpahatid sa klinika ng barangay para magamot ang sugat ko.

Buti na lang at maliit lang ang sugat na tinamo ko sa ulo kaya napahinto agad ang pagdurugo. Hindi na rin kinailangang tahiin ang sugat. Ginamot na lang ito at tinakpan ng gasa para hindi maimpeksyon.

Anong oras na ba?  Bigla kong naalala na kailangan ko nang bumalik sa ospital. Siguradong niinip na dun si Rob.

ROB’S POV

Pagkaalis ni Pau ay hindi ko na napigilan ang antok ko at nakatulog na rin ako. Ginawa kong higaan ang sofa na naroon sa silid.  Nagising lang ako nang pumasok ang isang nurse para i-check ang temperature ni baby Gab.

“Nurse,  kumusta si baby?”

“Normal na po ang temperature niya,  sir. ’Pag nagtuloy-tuloy na ito hanggang mamaya,  baka puwede na siyang i-discharge bukas. Ipapaalam ko kay doc ang progress ni baby.”

“Salamat…”

“Sige,  sir.  Babalik na lang po ako mamaya.”

Tinanguan ko ang nurse.

“Asan na kaya si Pau.  Ba’t wala pa siya,” tanong ng isip ko.

Sinubukan kong tawagan si Pau.  Hindi nagri-ring ang cellphone niya. Baka lowbatt.  Nag-text ako sa kanya.

Walang reply.  Lowbatt nga siguro. Hihintayin ko na lang na bumalik siya rito.  Baka nasa daan na ’yun.

Pinagmasdan ko si baby Gab na payapang natutulog. Masaya ako na wala na siyang lagnat.  Kahit galit ako sa ama ng batang ito,  kailan man ay hindi ko siya idadamay sa ano mang sama ng loob meron ako sa tatay niya. I must admit, napamahal na rin sa akin ng sobra si baby Gab. Mas matindi nga lang siguro ang pagmamahal na ibinibigay rito ni Pau.

“Haay,  asan na kaya ang Pau na ’yun?”

RICO’S POV

AKALA ko’y mahina lang ang hampas sa ulo na ibinigay ko kay Pau.  Ang intensyon ko lang ay saktan siya ng konti para malaman niyang hindi ako nagbibiro at gagawin ko talaga pag sinabi ko. Kaya nagulat rin ako nang makita kong dumugo ang ulo niya at bigla siyang natumba at nawalan ng malay. Pero, eh ano ba?  Mas mabuti ngang ganun ang nangyari.  Siguro magtatanda na ang baklang ’yun. Akala siguro niya,  kayang-kaya niya ako.  Eh, di nakatikim siya ng sakit.  Ginusto niya ’yun. Mabuti nga sa kanya!

Pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang isang bag ko na may lamang damit at isinuksok ko sa parteng gitna ang baril. Binuhat ko ang bag at parang walang anumang nangyari na lumabas ako ng bahay. Mukha namang walang narinig na komosyon ang mga kapitbahay.  Normal lang ang eksena sa paligid kaya walang anuman akong nakasakay ng tricycle at nakalayo sa bahay na iyon.

Pagbaba ng tricycle ay sumakay naman ako ng jeep pauwi sa bahay namin. Dun ko muna iiwan itong bag dahil may transaksyon pa akong kailangang tapusin.

Naglalakad na ako patungo sa bahay namin ng marinig ko ang isang boses ng babae na tumatawag sa akin.

“Rico!”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Nakita ko si Cita.

“O,  Cita. Anong sa ’tin?” kaswal kong tanong.

“Anak ng tupa naman,  Rico!  Nasaan na ’yung pinag-usapan natin?”

“Hindi ba sabi ko,  ’pag tapos na ’yung transaksyon at nakuha ko ’yung pera,  babayaran ko kayo?”

“Eh, kelan pa ’yun?  Hinahanap ka na rin ni Mayeth. Ang sabi mo sa amin,  magpapanggap kaming DSWD para makuha mo ’yung bata.  Nagawa naman namin nang maayos ’yung trabaho namin.  Napaniwala natin ’yung bakla na ikaw talaga ang ama nung baby. Kaso anong ginawa mo?  Hindi mo naman kinuha ’yung bata.  Nakitira ka pa sa kanila.  Ano bang plano mo at ginawa mo ’yun?”

“Basta,  huwag kayong mainip.  Babayaran ko rin kayo.”

“Kelan nga?  Rico,  kumakain din kami araw-araw.  Kailangan din namin ng panggastos. Gawin mo na ang pinag-usapan natin bago pa kumanta si Mayeth.”

“Anong sabi mo?”

“Oo,  nagbabalak ng umamin si Mayeth dun sa bakla.  Kung hindi raw siya makakakuha ng pera sa’yo dun sa bakla niya kukunin,  kapalit ng ibibigay niyang impormasyon.”

“Gago pala ’yung Mayeth na ’yun,  eh.  Akala mo tatakasan.”

“Kaya nga kumilos ka na.  Gawin mo na ’yung orihinal na plano. Puta,  Rico!  In love ka yata dun sa baklang ’yun kaya hindi mo pa maiwan-iwan.”

“Gago!  Tumitiyempo lang ako.”

“Ano pa bang tiyempo ang hinihintay mo?  Puwedeng-puwede mong kunin ’yung bata ng walang problema.  Wala silang magagawa kung gusto mo nang kunin ang bata dahil buo ang paniniwala nila na ikaw talaga ang ama. Kaya huwag mo nang hintayin na mabuko ka pa.  Kunin mo na ang bata habang may oras pa. Dapat kasi tinangay mo na ’yung bata nung inakyat-bahay mo sila.  Hawak mo na nga ’yung bata, nailabas mo na ng kuwarto iniwan mo pa sa salas.”

“O,  siya!  ’Di ko kailangan ang sermon mo.  Kausapin mo ’yang si Mayeth.  Subukan lang niyang sirain ang plano ko,  may kalalagyan siya sa akin. Hindi ko panghihinayangan ang buhay niya.” Iyon lang at tinalikuran ko na si Cita at itinuloy ang paglalakad pauwi.

Nadatnan ko sa bahay ang nanay kong singkuwenta y kuwatro anyos na. Mabait ang nanay ko.  Maalalahanin pa.  Ewan ko ba kung bakit lumaki kaming magkapatid na tarantado.  Nagmana siguro kami sa tatay namin na dating preso.  Nakulong siya dahil nahuling nagtutulak ng droga.  Namatay siya sa kulungan nang masaksak siya nung minsang magkaroon ng rambol doon.

“Asan si Ailene?”

“Nasa galaan. Kumain ka na ba, anak?”

“Hindi ako gutom. Iyang gagang anak n’yo,  ipinasok ko ng trabaho pero inuna pang magbingo. Gumulo tuloy ang sitwasyon.”

“Wala namang naikukwento sa akin si Ailene.”

“Natural!  Hindi naman talaga nagkukuwento ’yun sa’yo.”

“Ba’t may dala kang bag?  Dito ka na ba ulit uuwi?”

“Iiwan ko lang ito dito.  May pupuntahan lang ako.  Babalikan ko rin ito.”

“Anak, ano na naman ba ang pinapasok mo?  Baka gulo na naman ’yan,  itigil mo na.  Ayokong mapahamak ka,” ramdam ko sa boses ng inay ang sinserong pag-aalala.

“Ang drama mo naman.  Huwag mo ngang pinapakelaman ang diskarte ko. Kaya nabubulilyaso ang mga plano ko e.  Ang daming kontra!”

“Nagpapaalala lang naman ako,  anak.”

“Eto ang bag ko.  Itago mo muna ’yan dito.  Kukunin ko pagbalik ko.  Huwag n’yong papakelaman ’yan.”

“Saan ka na naman ba pupunta?”

“Aalis muna ako,  hahanap ng pagkakaperahan.” Lumakad na ako paalis ng bahay.

“Anak,  mag-iingat ka!” sigaw ng nanay ko pero di ko na ’yun pinansin.  Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

PAU’S POV

MATAPOS mabendahan ang sugat ko sa ulo ay bumalik ako ng bahay. Nagpalit lang ako ng damit at nagtungo na ako ng ospital.

Nakasalubong ko sa pasilyo ng ospital si Rob.

“Rob,  saan ka pupunta?”

“Diyan sana sa nurse station.  Ihahabilin ko muna sana si baby Gab dahil susundan na kita sa bahay.  Nag-aalala na kasi ako dahil ang tagal mong bumalik.  ’Di naman kita makontak sa cellphone.”

“Pasensya na,  lowbatt ang cellphone ko.”

Napansin ni Rob ang gasa sa ulo ko.  “Anong nangyari sa’yo?  Ba’t may sugat ka sa ulo?”

“Si Rico…”

“Anong ginawa sa’yo ng hayup na ’yun?”

“Nadatnan ko siya sa bahay kanina.  Galit na galit siya.  Akala niya itinakas ko si baby Gab.  Nadagdag pa sa galit niya na lumayas ’yung kapatid niyang nirekomenda niyang yaya ni baby Gab.  Pinipilit niya ako na pabalikin ko ’yung kapatid niya.  Nung tumanggi ako,  nagtalo kami.  Naglabas siya ng baril at tinutok sa ulo ko. Hanggang bigla niyang hinampas ako sa ulo gamit ang baril niya.  Nawalan ako ng malay kaya di agad ako nakabalik dito.”

“Gago ’yun,  ah! Ni-report mo na ba sa barangay?”

“Hindi pa.”

“Ba’t di mo pa ni-report? Kasuhan mo ang gagong ’yan para hindi na bumalik sa bahay.”

“Magulo na kasi ang isip ko.  Ang nasa isip ko lang kanina ay maipagamot itong sugat ko para makabalik na ako rito.”

“Pag-uwi mo,  i-report mo sa barangay ang gagong ’yan.  Kung gusto mo,  sasamahan kita.”

“Salamat…  Kumusta na si baby Gab?”

“Wala na siyang lagnat,  sabi ng nurse kanina. ’Pag di na bumalik ang lagnat niya hanggang mamaya,  baka puwede mo na siyang ilabas bukas. Halika,  punta na tayo sa room niya.”

“Thank,  God.  Okay na ang baby ko.”

RICO’S

POV

ISANG BAHAY sa Pasig ang pinuntahan ko. Sa labas,  tila isang normal na bahay lang ito pero pagpasok sa loob ay malalaman mong ginagamit ang bahay na ito bilang tambayan ng mga babaeng kumikita sa pamamagitan ng cybersex.

Hinati-hati sa maliliit na kuwarto ang bahay at bawat kuwarto ay may computer kung saan ginaganap ang transaksyon ng mga babae at kliyente nilang madalas ay mga foreigner.  Nagsasagawa ng sexual act ang babae sa harap ng computer habang nakatutok sa kanya ang video upang mapanood siya ng nagbayad na customer.  Madalas,  nagre-request ang customer kung ano ang gusto niyang ipagawa sa babae.  Buong ningning naman itong gagawin ng babae kapalit ang tamang halaga.

Pero hindi lang cybersex ang raket dito.  Dito rin ang tambayan ng mga katulad kong nakikipag-transaksyon sa iba’t-ibang parukyano gamit ang computer.

“May bakanteng room ba?” tanong ko sa lalaking nagbabantay doon.

“Sa dulo.  Huwag mong kalimutang pagbayarin muna ang kliyente mo bago mo umpisahang makipag-transaksyon sa kanila.”

“Oo na.”

Pumasok ako sa kuwartong maliit at binuksan ko ang computer.

Nag-type ako sa search bar ng link ng site na papasukin ko upang maghanap ng kostumer.  Ilang sandali pa at ready na ang lahat.

Hindi ako nainip.  May mga chat na pumasok,  nagpapahiwatig na gusto nilang makipag-usap sa akin.

@whiteguy: hi!  interested with your offer.

@singlemom: hello there…  i would love to have a child.

@habibi: do you have pictures of the baby?  i’m interested.

Nag-reply ako sa kanila.

@QueRico: please click my username and fill up the form with the complete details of your credit card then click submit so we can start the transaction.

Hindi sa akin direkta galing ang reply na ’yan.  Iyan ang pinapagamit na reply sa amin bago kami mag-umpisang makipag-transaksyon sa mga customer.

Naghintay ako kung may sasagot sa kanilang tatlo.

@habibi: done.  can we chat now?

@whiteguy: you now have my card details.  let’s chat!

Sumagot ako.

@QueRico: i don’t have pictures of the baby. but the baby is very cute…  very handsome.

Maagap sa pagsagot si white guy.  “How much would you ask of me to have that baby?”

Chapter 29 - Baby For Sale

“Aba, agresibo ang puting ito, ah. Walang paligoy-ligoy.” Nagsimula akong mag-type ng sagot ko kay white guy.

@QueRico: two hundred thousand pesos. i give you the baby if you give me that money.

Sumali ulit sa usapan ang iba pang naunang magpakita ng interes sa baby.

@habibi: can you lower down the price?

@singlemom: i’m also interested. is the price negotiable?

“Negotiable? Tang-ina, ano ba’ng ibig sabihin ng negotiable? Hirap makipag-usap sa mga ito. Nosebleed. Kokonti ang baon kong ingles!” sabi ko sa sarili ko.

@whiteguy: i’ll get the baby for one hundred thousand pesos.

“Ang barat naman nito. Kalahati agad ang ibinawas sa presyo ko.”

@QueRico: no, only two hundred thousand pesos.

@whiteguy: lower, please.

@habibi: one hundred twenty-five thousand pesos.

@singlemom: i give up. i can only pay a hundred thousand pesos.

“Hayup, ah! Parang tumatawad lang sa palengke ang mga gagong ’to.”

@QueRico: i will give the baby to anyone of you who can pay higher.

Di ko alam kung tama ba ang ingles ko. Bahala sila kung hindi nila maintindihan.

@whiteguy: a hundred and fifty thousand pesos plus the fact that i’m already here in the philippines.

@QueRico: habibi, can you pay higher than one hundred fifty thousand pesos?

@habibi: one hundred sixty thousand pesos.

@whiteguy: i’ll have the baby at one hundred sixty-five thousand pesos. if you are okay with that then let’s chat in private.

@QueRico: any higher price?

@habibi: one hundred sixty thousand pesos is my last price. i won’t buy a baby higher than that amount.

@whiteguy: give the baby to me then and we’re done with this.

@QueRico: okay, i’ll give you the baby in exchange of the amount you said . let us talk about the details.

ROB’S POV

MAS MARAMING tao ngayon sa lamay para kay Shiela kumpara kagabi. Ngayong gabi rin dumating ang mga kasamahan namin sa trabaho. Maging ang boss naming judge ay dumating din upang mag-abot ng pakikiramay. Lahat ay hindi makapaniwala na wala na nga ang maganda at masayahin naming dating katrabaho. Inabot ni Ico kay Tita Minda ang isang sobre na naglalaman ng konting halaga mula sa pinagsama-samang kontribusyon ng mga kasamahan namin sa opisina. Bago umuwi si judge ay nakita ko rin itong nag-abot ng sobre sa tiyahin ni Shiela. Abot-abot ang pasasalamat ni Tita Minda sa mga taong nakiramay sa pagkawala ng kanyang pamangkin. Sa huwebes ang takdang araw ng paghahatid kay Shiela sa huling hantungan.

Andaming nangyari nitong nakaraang mga araw. Mabibigat. Sunod-sunod. Puro malulungkot. Ang buhay talaga ay hindi isang hardin ng mga rosas. Lagi nang may kakambal na problema ang mabuhay sa mundo. At kung magkakatotoo mang maging hardin ito ng mga rosas, naroon pa rin ang mga tinik nito na magbibigay sa’yo ng sakit sa sandaling hindi ka maging maingat. Sakit na magiging dahilan upang mas maging matatag ka at hubugin ng mga karanasan.

Kanina sa ospital bago ako umuwi ay nakausap na namin ni Pau ang doktor. Kinumpirma nito na puwede nang lumabas bukas si baby Gab. Iba ang sayang nakita ko sa mukha ni Pau. Iyong kasiyahang makikita mo lamang sa isang taong sobra-sobra ang pagmamahal sa isang taong nagkasakit at ngayon ay gumaling na. Iba talaga ang pagmamahal ni Pau kay baby Gab. Iniisip ko nga, may ibang tao pa kaya na magmamahal kay baby Gab na katulad ng pagmamahal na ibinibigay ni Pau? Napakaswerte ni baby Gab na napunta siya kay Pau. Alam kong ano man ang mangyari, hinding-hindi papayag si Pau na mapahamak ang kanyang baby.

“Rob…”

Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Tita Minda.

“O, Tita Minda bakit po?”

“Kumain ka muna. Alam kong hindi ka pa naghahapunan.”

Nginitian ko ang matanda. “Mamaya na lang po. Hindi pa naman po ako nagugutom.”

“Napansin kong malalim ang iniisip mo.”

“Ah, naiisip ko lang po kasi iyong mga nangyari nitong nagdaang mga araw. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Sunod-sunod. Una itong kay Shiela. Tapos, sa inaalagaan naming baby. Tapos iba pa…” Hindi ko na idinetalye ang nangyari kay Pau.

“Anong nangyari sa baby?” Ewan ko kung tama ang pagkakarinig ko pero nasa tinig ni Tita Minda ang sobrang pag-aalala.

“Nasa ospital po. Nilagnat. Pero okay na siya ngayon. Lalabas na po sila ng ospital bukas. Kaninang umaga po pagkagaling ko dito, dun ako dumiretso. Andun ako nung sinabi ng doktor na okay na si baby at puwede na nga raw lumabas ng ospital bukas.”

Tila nakahinga nang maluwag si Tita Minda dahil sa aking sinabi. “Mabuti naman at magaling na siya. Alaagaan n’yo siyang mabuti. Huwag n’yo siyang pababayaan…”

Takang napatingin ako kay Tita Minda. Umiiyak ba ito?

“Umiiyak po ba kayo?”

“Ha? Hindi, wala ito. Nag-alala lang ako para sa baby. ’Pag naririnig ko ang ospital ngayon, nag-aalala ako. Nagka-phobia na yata ako sa ospital dahil sa nangyari kay Shiela.

“Huwag po kayong masyadong nag-iisip ng kung anu-ano. Ano man ang mangyari, ano man ang problemang dumating sa ating buhay dapat lagi pa rin tayong positibong mag-isip. Pagkatapos ng mga unos, sisikat ulit ang araw. Dapat ganun po ang pananaw natin sa buhay.”

“Sang-ayon naman ako sa’yo dun. Hindi ko nga lang maalis sa sarili ko ang mag-alala sa ganung mga pagkakataon.”

“Basta huwag lang po tayong mawawalan ng tiwala sa Diyos. Siya ang nakakaalam kung ano ang mas makabubuti sa atin. At ’wag rin tayong makakalimot sa Kanya dahil sa mga panahon ng problema, Diyos lang ang tangi nating makakapitan at masasandalan. ’Di po ba?” Gusto kong pangitiin si Tita Minda. Sa ilang araw na nakasama ko siya, bumilib ako ng todo sa pagmamahal na kaya niyang ibigay kay Shiela. Kung kaya niyang mahalin ng ganoon katindi ang kanyang pamangkin, kaya rin niyang ibigay ang ganung level ng pagmamahal sa ibang tao. Hanga talaga ako kay Tita Minda, at sa edad niya ngayon gusto kong makita na lagi siyang masaya. Ayoko siyang makitang nalulungkot o namomroblema.

“Salamat sa iyo, Rob. Sa mga tulong mo, sa pagdamay mo. Ang laking abala nito sa’yo pero hindi ka nagdamot ng oras mo. Pag nailibing na si Shiela, pumunta ka sa bahay. May pag-uusapan tayo. May ibibigay ako sa’yo.”

“Ano po ’yun?” nagtataka kong tanong.

“Malalaman mo rin iyon, Rob. Malalaman mo rin…”

“Pinapakaba n’yo naman ako, eh. Ano nga po ’yun, Tita Minda?”

“Isang importanteng bagay… Sige, maiwan muna kita rito. Aasikasuhin ko lang ’yung mga bagong dating na makikiramay.” At iniwan na ako ni Tita Minda na naguguluhan at nag-iisip sa kung anong importanteng bagay ’yung pag-uusapan raw namin kapag nailibing na ni Shiela.

PAU’S POV

MASAYA ako na okay na si baby Gab. Magaling na siya, wala nang lagnat. Sabi nga ng doktor, pwede ko na siyang ilabas ng ospital bukas. Excited na ako. Basta, ang saya-saya ko! Hindi na ako nag-aalala sa kalagayan ni baby Gab.

Isa na lang ang iniisip ko ngayon. Si Rico. Paano kung bumalik muli ito sa bahay? Paano kung kunin na niya si baby Gab? Ano ba ang laban ko eh siya ang tunay na ama? Ang magagawa ko lang ay kasuhan siya dahil sa panunutok niya sa akin ng baril at paghampas na rin na siyang ikinasugat ng ulo ko.

Tama! Kakasuhan ko siya. Dapat ko siyang kasuhan. Kailangang maipakulong ko siya. Kung makukulong si Rico, hindi na siya makakapunta sa bahay at lalong hindi na niya makukuha sa akin si baby Gab. Bukas na bukas din ay ipapa-blotter ko sa barangay ang nangyari at magsasampa na rin ako ng kaso. Akala siguro ng Rico na ’yun na basta-bastang bakla lang ako. Puwes, nagkakamali siya ng pagkakakilala sa akin. Marunong akong lumaban para ipagtanggol ang sarili ko at kung minsan, para makuha ang gusto ko!

Bigla kong naalala na kailangan ko na naman ng yaya para kay baby Gab. Ang hirap humanap ng yaya. Kung mamalasin, baka katulad na naman ni Ailene ang makuha ko. Buti pa nga si Imelda, kahit inuuwi sa kanila ang gatas ni baby Gab kasama ang mga ulam inaalagaan naman nito nang mabuti si baby Gab.

Tama! Si Imelda. Baka mapakiusapan ko siyang bumalik na at maging yaya ulit ni baby Gab.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Imelda. Narinig kong nagri-ring ang celphone nito. Sana sagutin niya ang tawag ko.

“Hello?”

“Imelda, si Pau ito.”

“Boss Pau? Ba’t napatawag po kayo?”

“May bagong trabaho ka na ba?”

“Wala pa po. Andito lang ako sa bahay, nag-aalaga ng anak ko.”

“Puwede ka bang bumalik dito sa amin? Alagaan mo ulit si baby Gab. Urgent ito. Pumunta ka bukas sa bahay.”

“Hindi po ba nakakahiya? Pagkatapos ng mga kagagahang ginawa ko sa inyo?”

“Huwag mo nang isipin ’yun. Kalimutan mo na iyon. ’Di ba nangako ka naman na hindi mo na gagawin ulit? Basta pumunta ka sa bahay bukas ng hapon para siguradong nakalabas na kami ng ospital.”

“Bakit, boss? Sinong naospital?”

“Si baby Gab. Nilagnat kasi siya pero lalabas na kami bukas. Magaling na siya. O, paano maaasahan ba kita bukas?”

“Eh kasi boss…”

“Please, Imelda. Kailangang-kailangan ko ng yaya para kay baby Gab. Pumayag ka na, pakiusap.”

“Boss, kakausapin ko muna ang asawa ko. Ite-text na lang kita mamaya.”

“Salamat, Imelda. Kausapin mong mabuti ang asawa mo para pumayag siya. Hihintayin ko ang text mo mamaya.”

“Sige, boss,” pagtatapos ni Imelda sa usapan namin.

Haay, sana naman ay pumayag ang asawa niya na magyaya siya ulit kay baby Gab para di ko na problemahin ang paghahanap ng yaya.

Tiningnan ko si baby Gab na payapang natutulog sa hospital bed. Pagkatapos ng gabing ito, sana’y bumalik na sa normal ang buhay namin. At sana’y bumalik na rin sa bahay si Rob para mas masaya at kumpleto na ang pamilya.

RICO’S POV

TAPOS na kaming mag-usap ni white guy. Okay na. Nagkasundo na kami tungkol sa bentahan. One hundred sixty-five thousand pesos. Hindi na masama. Next week ang usapan namin kung kelan ko ibibigay sa kanya ang bata. Gusto ni white guy na sa Sabado na sana. Kaso nasa ospital pa ang bata at hindi ko alam kung kelan lalabas. Kaya kinumbinse ko siyang next week na lang. Kung anong eksaktong araw, ite-text ko na lang sa kanya ’pag hawak ko na ang bata.

Kailangan ko ng isang magandang diskarte. Kailangang makuha ko na kay Paulo si baby Gab. Sabagay, madali ko lang namang magagawa ’yun. Paniwalang-paniwala ang baklang ’yun na ako talaga ang ama ng bata. Kaya ano mang oras na kunin ko si baby Gab, wala siyang magagawa. Umiyak na lang siya hanggang gusto niya pero hindi niya ako mapipigilang kunin ang bata.

Naalala ko ang sinabi ni Cita kanina. “Puta, Rico! In love ka yata dun sa baklang ’yun kaya hindi mo pa maiwan-iwan.”

Naisip ko, ganun nga kaya? Siguro nga mahal ko pa ang gagong baklang iyon kaya sinadya kong baguhin ang orihinal na plano. Para magkaroon ako ng tsansa na makasama siya sa bahay, baka sakaling magustuhan niya akong muli. Aaminin ko, naging okay naman si Paulo sa akin nung kami pa. Ako naman talaga ang gago. Kaya natural lang na hiwalayan ako ni Paulo.

Usapan namin nina Cita at Mayeth na ’pag napaniwala namin si Paulo na ako ang tunay na ama ni baby Gab, kukunin ko ang bata upang ibenta. Ang kaso ayaw pumayag ni Paulo na kunin ko ang bata kaya sinadya kong gawing kondisyon na dun din ako titira kasama ng baby. Sinabi ko ’yun dahil iniisip kong hindi siya papayag sa kondisyon kong iyon. Kaya laking gulat ko na pumayag siya. At pati ’yung ka-live in niya, napapayag niya rin. ’Pag sinuswerte ka nga naman! Kaya ayun, pinanindigan ko na ang sitwasyon at ginawa ko ang lahat para akitin si Paulo sa pag-asang mababaling sa akin ang pagtingin niya.

Ang totoo, kung nagtagumpay lang sana ang plano ko at naging kami ulit ni Paulo, e ’di hindi ko na ibebenta ang bata. Ang dami naman diyang ibang bata na puwedeng nakawin para maibenta ko. Kaso nga lang, wala eh. Palpak ang diskarte ko. Hindi na umepekto kay Paulo ang gandang lalaki ko. Pati kargada ko ipinakita ko na, wala pa rin. Eh, kung ganun ang gusto niya, pasensyahan na lang kaming dalawa. Back to the original plan na lang ako. Ibebenta ko na lang si baby Gab para kumita naman ako. Kailangang makuha ko si baby Gab sa lalong madaling panahon. Pera na ito. Malaking pera! Kaya kailangang kumilos ako ng mabilis at maingat.

Wala na akong aaksayahing panahon ngayon!

Chapter 30 - Ang Liham Ni Shiela

PAU’S

POV

HINDI ko na namalayan na nag-text sa akin si Imelda.  Nakatulugan ko na kasi ang paghihintay sa text niya.  Nagising ako nung pumasok ang nurse sa room para kunin ang temperature ni baby Gab. Madaling-araw na iyon,  mag-aalas tres ng madaling araw.

“Tuloy na ang paglabas n’yo mamaya,  sir.  Okay na okay na si baby,” masayang sabi ng nurse.

“Salamat.” Isang sinserong ngiti ang ibinigay ko sa nurse.

“Ipapaayos ko po kaagad ang papers n’yo para makalabas kayo bago mag-alas-onse.  Para ’di na kayo ma-charge for additional day sa room.”

“Sige…”

“Kapag may kailangan po kayo,  andun lang kami sa nurse station.” Lumabas na ng silid ang nurse.

Kinuha ko ang celfone ko at noon ko nakita na may dalawang unread messages ako.

Binasa ko ’yung unang message,  galing kay Imelda.

     Boss,  pumayag ang asawa ko.  Anong oras ako pupunta sa inyo?

Natuwa ako.  Solve na ang problema ko sa yaya.  Nag-reply ako kay Imelda.

     Punta ka sa bahay,  ala-una ng hapon. Before twelve siguro kami makakalabas ng ospital.

Sunod kong binasa ang text na galing naman kay Rob.

     Sorry,  hindi na ako makakapunta diyan later.  Makikipaglibing kasi kami sa namatay na dating officemate.  Pero I’ll try to drop by sa bahay pagkatapos. Pasensya na,  ha?

Napangiti ako. Alam kong masaya rin ang puso ko.  Dahil okay na kami ni Rob.  Ang pagpunta niya sa bahay ay magandang senyales na hindi mahirap para sa kanya na muling tumapak sa bahay na naging tirahan din niya ng maraming mga buwan.

Nagreply ako sa text ni Rob.

     Okay lang,  Rob.  Mag-iingat ka lagi. 

Pagkatapos nun ay pinilit kong muling makatulog upang gumising sa isang mas magandang umaga… Sana…

ROB’S POV

Marami rin ang pumunta sa libing ni Shiela.  Pati ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho ay piniling ihatid sa huling hantungan ang isang katrabaho at kaibigan. Malas lang talaga dahil si Tita Minda lang ang kaanak niyang naroon.  Pero ang mahalaga ay ang pakikiramay na ipinakita ng mga taong nakasamuha ni Shiela noong siya’y nabubuhay pa.

Pagkatapos ng libing ay isa-isa nang nagpaalam kay Tita Minda ang mga nakipaglibing.  Nagpaiwan pa sa sementeryo ang matanda upang sa huling sandali ay samahan pa ang kanyang namayapang pamangkin.  Ako naman ay nanatili na rin muna sa sementeryo.  Ayokong iwanang mag-isa dun ang tiyahin ni Shiela.

Maya-maya pa’y nagpasya na ring umuwi si Tita Minda.

“Huwag mo na akong ihatid sa bahay.  Kaya ko nang umuwi,” masayang sabi ni Tita Minda sa akin.  “Hihintayin na lang kita bukas para sa sinasabi kong importanteng bagay na dapat nating pag-usapan. Sana makapunta ka.”

“Opo,  darating po ako bukas. Hindi po ba puwedeng ngayon na lang?” biglang hirit ko.

“Bukas na lang.  Alam ko pagod at puyat ka rin.  Magpahinga ka na muna.”

“Ah,  sige po.  Kayo ang bahala.”

“Salamat,  Rob.  Mag-iingat ka sa pag-uwi.”

“Kayo rin po,  tita.  Mag-iingat po kayo lagi.”

Biglang tumunog ang cellphone ko.  May nagtext. Nang tingnan ko,  galing kay Pau.  Nakalabas na raw sila ng ospital at kararating lang nila sa bahay.

Nag-type ako ng mensaheng sagot sa text ni Pau.

PAU’S POV

SA WAKAS,  nakauwi na rin kami ni baby Gab.  Kararating lang namin ng bahay kaya inihiga ko muna si baby sa crib niya.  Pagkatapos ay kinuha ko ang celfone at tinext ko si Imelda.

     Andito na kami sa bahay.  Papunta ka na ba rito?

Tinext ko rin si Rob.

     Rob,  nakalabas na ng ospital si baby Gab.  Eto, nakauwi na kami.  Kararating lang ng bahay.

Ilang sandali lang ay may reply kaagad si Rob.

     Good to know that.  Pahinga ka muna.  Pauwi pa lang ako,  galing sa funeral ni Shiela ’yung dating office mate ko.

Shiela?  Iyon ba ’yung may crush kay Rob sa office noon? May natatandaan akong kinuwento sa akin dati si Rob about sa katrabaho niyang may gusto sa kanya. As in umamin mismo sa kanya na gusto siya nito.  Shiela nga yata ang name nun.

Nagreply ako kay Rob.

      Ingat ka… 

Lumabas ako ng kuwarto at nagtimpla ng gatas ni baby Gab. Pabalik na ako sa silid nang mapansin ko ang bukas na kuwarto ni Rico. Sumilip ako.  Napansin kong isang bag na lang ang naroon.  ’Di ba dalawa ’yun? Kinuha na niya ang isa,  pero iniwan niya ang isa pa.  Ibig lang sabihin na babalik pa si Rico dito sa bahay.  At ’yun ang dapat kong paghandaan.  Noon biglang may kumatok sa pinto.

Bigla akong kinabahan.  Dumating na si Rico?

Lumapit ako sa pinto.

“Sino ’yan?” tanong ko.

“Boss,  si Imelda ’to.”

Agad kong binuksan ang pinto.

“Pasok ka.” Agad ko rin iyong isinara pagkapasok ni Imelda.  “Salamat at dumating ka.  Kailangang-kailangan talaga ni baby Gab ng mag-aalaga sa kanya.”

“Walang problema,  boss.  Gusto ko naman talaga ang trabaho ko rito.  Huwag kang mag-alala,  hindi na mauulit ’yung mga ginawa ko dati.  Pangako!” Itinaas pa ni Imelda ang kanan niyang kamay na parang sumusumpa.

Ngumiti ako. “Aasahan ko ’yan. O, kumain ka na ba? Hindi pa ako nakakapagluto, eh. Kararating lang din namin.”

“Tapos na ako. Kumain na ako sa bahay bago ako pumunta rito.”

“Okay, maiwan muna kita rito. Pupunta lang ako saglit sa barangay, may aasikasuhin lang ako. Ikaw na muna ang bahala kay baby Gab, ha? Eto ang gatas niya, andun siya sa kuwarto.” Iniabot ko kay Imelda ang boteng may lamang gatas.

“Sige, boss. Ako na’ng bahala rito.”

Saglit kong iniwan sa bahay sina baby Gab at Imelda. Kailangang maipa-blotter ko na si Rico bago pa makagawa ng panibagong problema sa buhay ko ang gagong ’yun.

Hindi naman nagtagal at natapos ko ang sadya ko sa barangay hall. Madali lang naman palang magpa-blotter. Buti na lang walang masyadong tao. Sabagay, hindi naman araw-araw na may gulo dito sa lugar namin. Iyong nangyari nga sa amin ni Rico, hindi naman malalaman sa barangay kung hindi pa ako pumunta para ipa-blotter ang nangyari. magagamit ko ang blotter sa barangay para sa isasampa kong kaso kay Rico. Desidido na akong kasuhan ang tarantadong ’yun. Kung akala niya’y masisindak ako sa kanya, nagkakamali siya.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko si Imelda na karga ang tulog na si baby Gab.

“Nakatulog na agad, boss. Ibababa ko pa lang sa crib. Kinarga ko na siya at ipinaghele para makatulog siya agad. Na-miss ko ang cute na beybing ito,” sabi ni Imelda. Ramdam ko ang totoong pagkagiliw niya kay baby Gab. Iba ito kesa sa naramdaman ko nung una siyang dumating dito kasama ni Rob. Mabigat ang dugo ko sa kanya noon, pero ngayon ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. At iba akong kutuban. Kung ganito kapositibo ang pakiramdam ko kay Imelda ngayon, alam ko makakasundo ko na ang babaing ito.

“Sige, ibaba mo na siya sa crib. Maliligo lang muna ako. Magpahinga ka na muna dun sa kabilang kuwarto. Ilagay mo na lang muna sa isang tabi ’yung bag na nandun.”

“Kaninong bag ’yun, boss?”

“Haay, sa tatay ni baby Gab.”

“Ha?!”

“Saka ko na lang ikukuwento sa’yo. Huwag kang mag-alala hindi ’yun pupunta dito kaya dun ka na muna sa kuwarto. Maliligo na muna ako.”

Tumango-tango lang si Imelda tapos ay nagsalita. “Boss, uuwi din ako mamaya, ha. Babalik na lang ako bukas ng maaga.”

“Sige, walang problema.”

Nang gabing iyon, umasa akong sana ay tahimik na lumipas ang magdamag. Sana nga ay huwag nang magpakita ang Rico na ’yun kahit kelan. Lalo na ngayon na kaming dalawa lang ni baby Gab ang nandito sa bahay. Tinext ko na kanina si Rob. Sinabi ko sa kanya na magpapasama ako sa pag-file ng kaso laban kay Rico. Agad namang pumayag si Rob. Alam ko, hindi naman niya ako tatanggihan. ’Di ba siya pa nga ang nag-push sa akin na kasuhan ko si Rico? 

Pinilit kong kalimutan lahat ng problema nang gabing iyon. Gusto kong matulog nang mahimbing at bumawi sa lahat ng pagod at tensyong naranasan ko nung mga nakaraang araw. Bukas ko na lang ulit haharapin ang mga problema.

ROB’S POV

BIYERNES

Maaga akong bumiyahe papunta sa bahay ni Tita Minda. Curious na talaga ako kung ano ba talaga ’yung sinasabi niyang importanteng bagay na sasabihin niya sa akin. Nakapag-inform na ako sa opisina na magha-half day ako ngayong araw. Inuna ko nang puntahan si Tita Minda kesa sa suggestion niya na pumunta ako dun mamaya pagkatapos ng trabaho. Hindi na talaga ako makapaghintay.

Pagdating sa bahay na tinitirhan ni Tita Minda ay marahan kong kinatok ang pinto. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pinto. Nagulat pa si Tita Minda pagkakita sa akin. Alam kong hindi niya inaasahan na ganitong kaaga ako pupunta sa kanya.

“Rob! Akala ko mamayang hapon ka pa pupunta.”

Matamis ang ngiti ko sa tiyahin ni Shiela. “Good morning po, tita. Hindi na po ako makapaghintay, eh. Excited lang malaman kung ano po ’yung sasabihin mo sa akin.”

“Nakapag-almusal ka na ba?”

“Opo, tapos na po ako…”

“Halika, pumasok ka at maupo… May kukunin lang ako sa kuwarto.” Lumakad ang matanda papasok sa silid niya marahil. Hindi naman nagtagal at lumabas din ito dala ang isang brown envelope na iniabot nito sa akin.

“Ano po ito?” nagtataka kong tanong.

“Buksan mo… at basahin.”

Naka-tape ang envelope kaya tinanggal ko muna ang pagkaka-sealed nito.

“Binigay sa akin ni Shiela ’yan ilang linggo na ang nakakaraan. Bilin niya, ibigay ko raw iyan sa’yo sa oras na pumanaw na siya.”

Tatlong pirasong papel ang laman ng envelope, ang isa ay nakatupi na tila isang liham. Medyo makapal ang nakatuping papel, kung liham iyon, mahaba siguro at aabot ng ilang pahina. Iyon ang una kong kinuha at tiningnan ko ano ang laman. Liham nga. Galing kay Shiela.

Puno ng pagtataka ang isip ko nang simulan kong basahin ang liham ni Shiela.

Dear Rob,

Mahaba ang liham kong ito. Marami kasi akong gustong sabihin sa’yo. Mga bagay na gusto ko nang ipaalam sa’yo noon pa man, pero natakot ako at nahiya na rin siguro. Basta, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya nakapagdesisyon ako ng mga bagay-bagay na tila padalos-dalos at hindi na pinag-isipan.

Sa oras na binabasa mo na ito, alam kong nasa mabuti na akong kalagayan. Sa lugar kung saan wala nang problema, wala nang sakit at ano mang karamdaman. Mahirap para sa akin itong mga nakalipas na buwan sa buhay ko. Ito ’yung panahon na lagi akong nag-iisip na mamamatay na ba ako? Paano na ako? Paano ang taong maiiwan ko? Paano na ang anak ko?

Oo, Rob. May anak ako. Naalala mo ba ’yung una at huling beses na hinatid mo ako sa bahay? Pagkaalis mo, umalis din ako. Nagpaalam ako kay Tita Minda na makikipagkita lang ako sa isang kaibigan. Pero ang totoo, nagwala ako nung gabing iyon. Isang pagwawala at paglimot sa sarili at sa moralidad. Uminom ako at may nakilala sa bar. Sumama ako sa kanya, may nangyari sa aming dalawa… at nagbunga ang isang beses na pagkalimot na iyon.

Natakot ako, at nahiya. Anong mukha ang ihaharap ko sa mga tao? Buntis ako at wala akong maipakilalang ama ng magiging anak ko.

Pero lahat ng takot at pangamba ko ay nawala nung isilang ko ang baby ko. Napakaguwapo niyang bata. Mukhang anghel na napakabait. Sinabi ko sa sarili ko na magiging mabuting ina ako sa kanya.

Pero ilang araw lang pagkatapos ko siyang isilang ay isang bangungot ang dumating sa akin. May cancer daw ako sabi ng doktor. Buntis pa lang ako ay narito na sa katawan ko ang cancer at nakita lang nung ma-caesarian ako. Naghinala ang mga doktor sa mga abnormal na tissues at tila mga bukol na nakikita sa ultrasound ko kaya ginawan nila ako ng iba’t-ibang lab tests at nakumpirma na nga ang kinatatakutan ko.

Oo, takot na takot ako. Hindi sa kamatayan kundi sa isiping sino ang mag-aalaga sa anak ko. Kasisilang lang niya. Paano na siya kung mawawala ako?

Awang-awa sa akin si Tita Minda. Alam ko ang mga pag-iyak niya sa mga panahong umiiyak din ako. Siya lang ang nag-iisang taong karamay ko. Lagi niyang sinasabi na huwag ko nang isipin ang anak ko dahil siya na lang ang bahala rito, pero si Tita Minda ay matanda na. Inako na niya ang responsibilidad ng pag-aalaga sa akin. Ayokong pati ang anak ko ay maging pabigat sa kanya.

May isa akong kasalanan kay Tita Minda, at higit sa’yo.  Nagawa kong maglihim sa kanya. Sinabi ko kay Tita Minda na ikaw ang ama ng anak ko. Ginawa ko iyon dahil botong-boto siya sa’yo at buong akala niya talaga na naging tayo. Nung hindi ka na bumalik ulit sa bahay, sinita ako ni Tita Minda. Tinanong niya kung break na raw ba tayo. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya pero alam ko, inakala niyang ang pananahimik ko ay pag-amin sa hinala niya.

Laging sinasabi sa akin ni Tita Minda na kausapin raw kita at makipagbalikan ako sa’yo alang-alang sa bata.  Sinabi ko na lang sa kanya na ayaw ko na,  at ayaw mo na rin para lang hindi na niya ako kulitin na puntahan ka at kausapin.

Iyong tatay ng anak ko,  hindi ko alam kung nasaan siya.  Pangalan lang niya ang alam ko.  Hindi ko nga alam kahit apelyido. Pero hindi ako nangamba kung anong pangalan ng ama ang ilalagay ko sa birth certificate ng anak ko.  Dahil nung sinabi ko kay Tita Minda na ikaw ang nakabuntis sa akin,  buo na rin sa loob ko na pangalan mo ang ilagay na tatay ng anak ko sa birth certificate.

Oo,  mali ’yun.  Falsification of public document. Pero eh ano ba?  Mamamatay naman na ako. Mas inisip ko na may kikilalaning tatay ang anak ko kesa ano pa mang legalidad.

Pasensya ka na,  ha? Sorry,  Rob kung ginamit kita para sa anak ko.  Sorry sa napakalaking kasinungalingang ito.

Isa pang kasalanan ko sa’yo ay ang ipaako sa inyo ang buong responsibilidad ng pag-aalaga sa anak ko…

Bahagya akong huminto sa pagbabasa ng liham ni Shiela. Anong ibig niyang sabihin?

Itinuloy ko ang pagbabasa.

…Kinausap ko si Tita Minda.  Sinabi ko sa kanya na dahil ikaw naman ang ama ng anak ko,  dapat ikaw ang mag-alaga sa kanya kapag namatay na ako.  Kaya hindi na niya ako pinigilan nung magpaalam ako sa kanya at sinabing pupuntahan kita para ibigay sa’yo ang bata. Maaga akong umalis ng bahay.  Madaling araw pa lang ay bumiyahe na ako papunta sa inyo.  Pinlano kong mabuti ang lahat.  Inalam ko muna kung saan ka nakatira. Buti na lang natatandaan ko pa ang

address na nabasa ko dati sa company ID mo. Siniguro ko munang dun ka pa rin nakatira at saka ako pumunta dun para iwan ang bata sa labas ng pintuan n’yo. Gusto ko kasing masiguro na sa’yo mapupunta ang bata dahil alam kong hindi mo ito pababayaan. Natatandaan ko pa kasi ’yung sinabi mo sa akin dati na more than a wife,  mas gusto mo ng anak…

Natigilan ako. Si baby Gab.  Anak ni Shiela si baby Gab?!

… Napakasakit sa loob ko nang iwan ko ang anak ko sa labas ng pintuan n’yo. Hindi ako agad umalis nun, andun lang ako sa paligid naghihintay na kunin mo ang bata. Narinig ko ang pag-iyak niya habang andun siya sa labas ng pinto at nakasilid sa isang kahon. Nakita ko rin nang may lumabas at kinuha ang baby. Hindi ikaw ang lumabas kaya kinabahan ako. Pero naisip kong baka iyon ’yung sinabi mo sa aking kinakasama mo. Malungkot na nawalay sa akin ang anak ko sa mga panahong binibilang ko na lang ang araw ng pananatili ko rito sa mundo. Gusto ko sanang makapiling siya hanggang sa mawala na ako, pero mas inisip ko ang magiging kinabukasan niya pag iniwan ko na siyang mag-isa sa mundo.

Mahal ko ang anak ko, kahit bunga siya ng isang gabing pagkalimot ko. At ayokong lumaki siyang walang kasama.

Pasensya ka na, Rob kung ikaw ang naperhuwisyo nang dahil sa ginawa kong desisyon. Alam ko kasi na mabuti kang tao at hindi mo tatalikuran ang isang sanggol, kahit na hindi mo ito kadugo…

Na-guilty ako. Hindi ba’t gustong-gusto kong ibigay sa DSWD ang bata nung araw na makuha ito ni Pau sa labas ng pintuan namin?

Pero gusto ko lang naman na idaan sa legal ang lahat, biglang-bawi ko. Hindi ko naman gustong ipamigay rin si baby Gab. Gusto ko lang na kung mapunta siya sa amin, dumaan sa legal na proseso para walang maging problema pagdating ng araw.

… Hindi ko matiis na hindi makita ang anak ko, kaya isang araw bumalik ako sa bahay n’yo. Gusto ko lang masilip ang anak ko, makita ang kalagayan niya. Tuwang-tuwa ako nang makita ko siyang inalagaan nung lalaking kumuha sa kanya sa pintuan. Nagulat nga lang ako at napatakbo paalis ng bahay nung napansin kong nakita ako nung lalaki. Napansin niya kasing sumisilip ako mula sa labas ng bahay n’yo.

Iyon na ang huli kong balita sa anak ko. Sana sa araw na binabasa mo ito ay nasa ’yo pa rin ang anak ko at nasa mabuting kalagayan. Sa iyo ko siya inihahabilin, Rob. Sana ay alagaan mong mabuti ang anak ko at palakihin siyang isang mabuting bata. Kasama ng liham kong ito ang birth certifcate niya at mababasa mo doon na ikaw ang nakalagay na ama niya. Nandito rin ang baptismal certificate ng baby ko at ilang pictures niya.

Huwag mong pababayaan ang anak ko, Rob…

Huwag mong pababayaan ang anak mo…

Mahal kita,

Shiela

Napanganga ako. Hindi ko mapaniwalaan ang nabasa ko. Kinuha ko ang birth certificate at binusisi.

Robert Fernandez.

Ako nga ang nakalagay na ama ni baby Gab, pero Rivera na apelyido ni Shiela ang gamit ng bata dahil wala akong pirma sa birth certificate. Binasa ko rin ang baptismal certificate. Bininyagan si baby Gab isang linggo bago namin siya natagpuan sa labas ng pinto.

Nakakalito. Pero lahat ng kalituhan ay tila nakalimutan ko nang may maalala ako.

Hindi ba’t si Rico ay may ipinakita ring birth certicate na katibayang siya ang ama ni baby Gab. Kung ganoon, peke ang birth certificate na ipinakita ni Rico.

Peke si Rico!

Ano ang motibo niya sa pagpapanggap na ama ni baby Gab?

Bigla ang pagdating ng hindi maipaliwananag na kaba sa dibdib ko. Parang nakadama ako ng panganib.

Panganib para kanino? Kay Paulo? Kay baby Gab?

“Rob?” napansin yata ni Tita Minda ang pagkakatigalgal ko.

“Tita Minda, andito lahat sa sulat ang mga dapat kong malaman. Maraming salamat po dito. Pero kailangan ko nang umalis. Masama ang kutob ko. May pakiramdam akong may mangyayaring masama.”

“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Tita Minda.

“Saka ko na po ipaliliwanag. Babalik na lang po ako dito. May kailangan lang po akong puntahan kaagad.”

“S-sige, mag-iingat ka, Rob.”

Mabilis kong nilisan ang bahay. Habang nasa daan ay sinubukan kong kontakin si Pau. Kailangan niyang malaman agad ang katotohanan!

RICO’S POV

Kanina pa ako nakatambay dito sa kanto malapit sa bahay ni Paulo. Tama ang kutob ko na nakalabas na ng ospital ang bata. Magagawa ko na ang plano ko. Kukunin ko na si baby Gab, sa ayaw at sa gusto ni Paulo!

Chapter 31 - Kidnapped

PAU’S POV

MABUTI na lang at maagang dumating si Imelda sa bahay kaya naman maaga rin akong nakaalis para pumasok sa trabaho. Dumadami na ang absences ko. Good thing napaka-understanding ng boss ko. Alam naman kasi niya kung paano ako magtrabaho at hindi naman din ako uma-absent kung hindi rin lang kailangang-kailangan.

“Welcome back, Pau,” bati ng isang katrabaho ko pagdating ko sa opisina.

“Thank you. Good morning sa’yo,” tuloy-tuloy lang ako kung nasaan ang table ko. Nakaka-miss din magtrabaho. Sigurado, magiging busy ako ngayon. Kailangang matapos ko agad ang natenggang trabaho para next week back to normal na ulit dito sa office.

Nag-ring ang cellphone ko at agad kong sinagot ang tawag. Si Rob.

“Hello, Rob! Bakit ka napatawag?”

“Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Si Baby Gab, asan?” sunod-sunod ang tanong ni Rob.

“Nasa office ako. Bakit ano bang nangyari? Parang natataranta ka.”

“Sinong nagbabantay kay Baby Gab?”

“Si Imelda. Pinabalik ko siya sa bahay para may mag-alaga kay Baby Gab. Bakit ka ba natataranta? Ano ba’ng nangyari?”

“Tawagan mo agad si Imelda. Sabihin mo sa kanya na huwag papapasukin si Rico kung sakaling dadating ang hayup na iyon. Nagpapanggap lang siya. Hindi siya ang totoong ama ni Baby Gab!”

“Ha? Anong sinasabi mo?”

“Mahabang kuwento. Saka ko na ipaliliwanag sa’yo. Basta kailangang masabihan agad si Imelda para di na makapasok sa bahay si Rico. May kutob akong may masama siyang balak kaya siya nagpanggap na tatay ni Baby Gab.”

Nakaramdam na rin ako ng kaba. Hindi matataranta si Rob ng gano’n na lang kung wala itong pinanghahawakang matibay na dahilan.

“Basta tawagan mo na agad si Imelda,” giit ni Rob. “Tatawag na lang ako ulit sa’yo.”

IMELDA’S POV

KATATAPOS ko lang maghugas ng mga plato. Si Baby Gab ay nasa crib niya, dumedede. Papunta na sana ako sa kuwarto nang makarinig ako ng mga katok.

“Sino kaya ’yon?” bulong ko sa sarili. “May inaasahan bang bisita si Boss Pau? Sigurado namang hindi ako ang pakay ng kung sino mang kumakatok na ’yan.”

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko iyon.

“Ano’ng ginagawa mo rito!?” halos magkasabay naming tanong. Kung anong pagkagulat ko nang makita ko si Rico ay katulad din ng pagkagulat ni Rico nang nakita niya ako. Anong ginagawa ni Rico dito? ’Di naman niya alam na nandito na ulit ako.

“Bakit ka nandito? Asan si Paulo?” tanong sa akin ni Rico.

“Nasa trabaho. Kilala mo si Boss Paulo?”

“Asan ang bata? Kukunin ko na ang anak ko!”

Bigla ang pagrehistro sa utak ko ng sinabi ni Boss Paulo kagabi na ’yong bag sa silid ay pag-aari ng tunay na ama ni Baby Gab.

“Anak mo si Baby Gab?”

“Oo. Kaya ilabas mo ang bata dahil iuuwi ko na siya.”

“Hindi ako naniniwala. Ilang araw rin tayong nagkausap noon pero kahit minsan wala kang binanggit na anak mo si Baby Gab. Tapos ngayon anak mo na siya? Sinong niloloko mo?”

“E ’di tanungin mo ang amo mo para maniwala ka. Basta kukunin ko na ang bata sa ayaw at sa gusto mo!”

“Hindi puwede! Sira ulo ka ba? Kung gusto mo siyang kunin, bumalik ka mamaya. Hintayin mong dumating ang amo ko. Sa akin ipinagkatiwala ang bata kaya hindi mo siya puwedeng kunin nang hindi nalalaman ni boss Pau,” pagmamatigas ko sa gustong mangyari ni Rico.

“Padaan!” marahas na itinulak ako ni Rico para makapasok siya sa loob ng bahay.

“Teka! Hindi ka puwedeng pumasok.”

“Kukunin ko ang anak ko, at wala kang magagawa!”

“Hindi nga puwede!” Hinablot ko ang likod ni Rico at nahawakan ko ang damit niya.

Huminto sa paglalakad si Rico at nanlilisik ang mga matang hinarap ako. “Ano’ng problema mo!?”

Napaatras ako. Ibang Rico itong nasa harapan ko. Hindi siya ang Rico na dati kong nakilala. Nakakatakot siya. Para siyang papatay ng tao!

“Ilabas mo ang bata…,” mabagal pero madiin niyang sabi.

“R-rico, hindi puwede. Ako ang mananagot kay Boss Pau kapag dumating siyang wala rito ang bata. Intindihin mo naman ang sitwasyon ko. Yaya ako ni Baby Gab. Obligasyon ko ang pangalagaan siya. Sa akin siya iniwan ng amo ko, kaya dapat na nasa akin pa rin ang bata pagbalik niya.”

“Ilalabas mo ang bata o bangkay kang ilalabas sa bahay na ito?” sabay bunot ni Rico sa baril na nakasiksik lang pala sa bewang ng pantalon niya. Itinutok sa akin ni Rico ang baril. Parang gusto ko nang mahimatay sa takot. Ngayon lang nangyari sa akin na makakita ng totoong baril. At hawak pa ng isang taong tila hindi takot pumatay… at sa akin pa nakatutok!

“Rico, baka pumutok ’yan. Ibaba mo na ang baril, baka pumutok ’yan,” dinig ko ang panginginig ng boses ko. Hindi pa ako puwedeng mamatay. Kawawa naman ang anak ko.

“Talagang ipuputok ko ito sa mukha mo kung hindi mo susundin ang gusto ko.” Tingin ko’y mas dumiin ang pagkakahawak ni Rico sa baril.

“Rico, maawa ka…”

“Kunin mo ang bata at ibigay mo sa akin…”

“Hindi puwede, Rico… Hintayin mo na lang si boss Pau. Kayong dalawa ang mag-usap.”

“Makulit ka talaga, eh. Sinabi ko na sa’yo na alam ni Paulo na anak ko ang batang inaalagaan mo. Kaya wala siyang magagawa kung gusto ko nang kunin ang anak ko!”

Ikinasa ni Rico ang baril.

Halos panawan na ako ng ulirat. Hindi ako takot mamatay pero huwag naman sana ngayon.

“Kunin mo ang bata…”

“Rico…” alam kong nakakaawa na ang itsura ko.

“Isa!”

“Pakiusap naman, Rico…,” maluha-luhang sabi ko.

“Huwag mo nang hintaying umabot sa tatlo ang pagbibilang ko. Dahil sasabog na ang mukha mo pagdating ng tatlo.”

“Maawa ka, Rico…”

“Dalawa!”

“Rico…”

“Tat…”

“Kukunin ko na… Ibaba mo na ang baril. Kukunin ko na ang bata.”

“Huwag kang magkakamaling gumawa ng hindi maganda. Sinasabi ko sa’yo may kalalagyan ka.”

Dali-dali akong pumasok sa loob ng silid. Kinuha ko sa crib si Baby Gab. Tuwang-tuwa pa ang bata nang Kargahin ko ito. Wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari.

Inilabas ko ng silid si Baby Gab.

“Akin na ang bata!” Pahablot na inagaw sa akin ni Rico si Baby Gab. Mabuti na lang at hindi naman nasaktan ang bata.

“Rico… tawagan mo muna si boss Pau. Kausapin mo muna siya. Ako ang mapapahamak nito, eh. Ako ang masisisi pagdating niya at wala na rito si Baby Gab.”

“Ilagay mo sa bag ang gatas at bote niya. Maglagay ka rin ng ilang piraso ng damit niya. Tapos, ibigay mo sa akin,” utos ni Rico. Hindi man lang nito pinansin ang sinabi ko.

“Rico…”

“Bilisan mo! Andami mong satsat!”

Bumalik ako sa kuwarto. Kinuha ko ang bag, nilagyan ng damit ni Baby Gab at lumabas. Kinuha ko sa kusina ang gatas at ekstrang bote at inilagay ko rin sa bag. Pagkatapos ay bumalik ako kay Rico sa sala.

“Akin na ’yan!”

Ibinigay ko ang bag kay Rico.

Biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag!

“Tingnan mo kung sino,” utos ni Rico.

Kinuha ko sa bulsa ng suot kong pantalon ang cellphone. Si Boss Pau ang tumatawag.

“Si Boss Pau…”

“Ako’ng kakausap.”

Iniabot ko kay Rico ang cellphone. Sinagot niya ang tawag. “Gusto ko lang ipaalam sa’yo na kinuha ko na ang anak ko!” Hindi na nito hinintay na makasagaot si Boss Pau. Agad nitong pinutol ang tawag. “O, cellphone mo!” Inihagis ni Rico ang cellphone na muntik ko pang hindi masalo.

“Kunin mo ’yong bag ko doon sa loob,” muling nag-utos si Rico. Hayup talaga ang lalaking ito. Maamo lang ang mukha pero demonyo naman pala.

Hindi ko na hinintay na ulitin niya ang utos. Agad akong pumasok sa maliit na silid at dinampot ang bag niya.

Nakangisi si Rico nang iabot ko sa kanya ang bag.

“Ngayon… Ikaw naman…”

“Anong ibig mong sabihin?” nahihintakutan kong tanong.

Mala-demonyong ngisi ang isinagot ni Rico na lalong nagpanginig sa nangangatal kong kalamnan.

PAU’S POV

PAGKATAPOS naming mag-usap ni Rob ay agad kong tinawagan si Imelda. Narinig kong nag-ring ang cellphone niya.

Isa.

Dalawa.

Alam kong may sumagot na pagkatapos ng ikatlong ring.

“Hello, Imelda…”

“Gusto ko lang ipaalam sa’yo na kinuha ko na ang anak ko!”

Iyon lang at naputol na ang linya. Potek! Si Rico ’yon. Nasa bahay ang gagong si Rico. At ano ang sabi?

Hindi! Hindi niya puwedeng kunin si Baby Gab.

Sinubukan kong tumawag ulit pero nagri-ring lang ang cellphone ni Imelda. Wala nang sumasagot.

Agad kong kinuha ang bag ko at mabilis na kumilos papalabas ng opisina.

“Pau, saan ka pupunta?” sabi ng clerk na si Kathleen.

“Kath, pakisabi na lang kay boss na umuwi ako. Emergency lang, please…”

“Kapapasok mo lang, ah.”

“Oo nga eh. Kaso emergency talaga. Explain ko na lang pagbalik ko. Sige…”

Paglabas ko ng office ay agad kong tinawagan si Rob.

“Rob!”

“O, nakausap mo na ba si Imelda?”

“Rob, si Rico. Nasa bahay si Rico at sabi niya, kukunin na niya si Baby Gab!”

“Hindi puwede! Hindi niya anak si Baby Gab! Asan ka? Pupunta ako sa bahay ngayon din.”

“Papunta na rin ako. Magkita na lang tayo do’n.”

Parang sasabog ang dibdib ko sa hindi maintindihang kaba. Diyos ko! Huwag sanang mapahamak si Baby Gab. Huwag sana…

RICO’S POV

MABILIS akong nakalayo sa bahay ni Paulo dala si Baby Gab. Gusto kong humalakhak ng malakas. Sa wakas, nasa akin na rin ang bata at magkakapera na ako. Malaking pera!

Nag-text sa akin si Cita.

Rico, nandito na ako sa hideout. Dito ka na dumiretso. Safe ka rito.

Maaasahan talaga itong si Cita. Lahat gagawin, para sa pera.

Narating ko ang sinasabing hideout. Isa itong abandonadong gusali sa parteng Novaliches. Walang mag-aakalang dito ko dadalhin ang bata. Wala ring mag-aakala na dito ako magtatago. Tama si Cita. Safe na safe nga ako rito.

“O, nandito ka na pala,” bungad sa akin ni Cita. “Akin na ang bata.”

Ibinigay ko kay Cita si Baby Gab. “Ipagtimpla mo ’yan ng gatas para ’di umiyak.”

“Aba, napakaguwapo palang bata nito. Magkano mo ito ibebenta? Tiba-tiba ka rito.”

“Sakto lang. Barat kasi mga naka-chat ko. Kaya pumayag na rin ako kaysa wala.”

“Basta, huwag mong kalilimutan ang parte ko, ha?”

“Areglado! Matino naman akong kausap.”

“Eh, kailan mo ito ide-deliver? Siguruhin mong kaliwaan kayo no’ng kausap mo. Mahirap nang maisahan. Pera na ang pinag-uusapan dito kaya dapat mas mautak ka kaysa sa kausap mo.”

“Kokontakin ko pa ’yong bibili sa bata. Siya ang magsasabi kung kailan niya kukunin.”

“Sana agad-agad. Para magkapera na tayo.”

PAU’S POV

MAS NAUNA akong makarating sa bahay kaysa kay Rob. Naka-lock ang pinto.

“Imelda!” sigaw ko habang kinukuha ko ang susi sa bag na dala ko.

Agad kong nabuksan ang pinto at tuloy-tuloy akong pumasok. “Imelda, asan ka?” Binuksan ko ang kuwartong dating inookupa ni Rico at doon tumambad sa akin si Imelda na nakagapos ang mga kamay at paa at may busal sa bibig. “Imelda! Diyos ko! Anong nangyari?”

Dinaluhan ko si Imelda at inalis ang busal sa kanyang bibig. “Boss Pau! Si Rico, kinuha si Baby Gab. Anak daw niya si Baby Gab!”

Inumpisahan kong kalagin ang tali sa mga kamay ni Imelda. Nang ganap na makalaya ang kanyang mga kamay ay nagtulong na kami upang tanggalin ang pagkakagapos ng kanyang mga paa.

Noon dumating si Rob. “Ano’ng nangyari? Nasaan si Baby Gab?”

“Wala na. Nakuha na siya ni Rico,” malungkot na sagot ko.

“Hindi puwede! Hindi niya anak si Baby Gab. Wala siyang karapatang kunin ang bata.”

“Sorry, boss. Wala akong nagawa. May baril siya at binantaan akong papatayin ’pag tumatanggi ako sa mga inuutos niya,” maluha-luhang sabi ni Imelda. “Sabi ko nga sa kanya na hintayin ka na lang para kayo ang mag-usap. Kasi siguradong sa akin mo hahanapin si Baby Gab. Pero hindi siya nakinig.”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kilala ko si Rico. Gagawin niya talaga kahit ano, makuha lang ang gusto niya.”

“Saan nakatira si Rico? Puntahan natin siya sa kanila,” giit ni Rob.

“Hindi ko gaanong kabisado, pero maaari naman tayong magtanong pagdating natin doon sa area nila. Pero sa tingin ko, hindi do’n dadalhin ni Rico ang bata. Maaaring sa ibang lugar, doon sa hindi natin alam. Doon sa hindi natin siya masusundan.” Magulo ang isip ko pero nagagawa ko pa ring mag-isip ng lohikal.

“Tama ka. Pero puwede naman siguro tayong makakuha ng impormasyon sa kanila.” Hindi nawawalan ng pag-asa si Rob.

“Sana nga, Rob. Kailangang mabawi natin si Baby Gab sa hayup na Ricong ’yan!”

RICO’S POV

“HELLO…” Tinawagan ko ang kano na interesadong bumili kay Baby Gab.

“Hey! What’s up?”

“When are you going to get the baby? He is already with me,” aral na aral ang pagsasalita ko ng ingles. Malaki ang naitulong sa akin ng google translator. Mabuti na lang at naisipan kong i-translate sa ingles lahat ng gusto kong sabihin sa kanong ito. Hindi na ako mahihirapang makipag-usap sa kanya.

“Let’s meet tomorrow then, 7pm. Greenhills area.”

“Deal! Be ready with the money and don’t tell anyone about this transaction.” Sino ang mag-iisip na hindi ako marunong magsalita ng tuwid na ingles?

“Of course, I am not bringing this up to anyone. I got the money. We have a deal. See you then!”

“Okay…”

Konti na lang. Konting-konti na lang. Mapapakinabangan ko na rin ang lahat ng hirap ko sa batang ito. Maibebenta ko na rin siya sa wakas. Magiging pera ka na bukas, Baby Gab!

  ![](https://img.wattpad.com/acffeb34ae869a2399d90ab5d4050fc05b9dd51b/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4b6d5f756e3079375343575176773d3d2d3133363236393633372e313534663364313137363761633234383830323733353139343137392e6a7067)

Chapter 32 - The Ransom

PAU’S POV

PARANG kaytagal ng oras. Kanina pa kami naghihintay ng text message o tawag mula kay Rico pero wala. Ano ba ang gustong mangyari ng gagong ’yon? Alam niya na hindi siya ang ama ni Baby Gab. Anong dahilan at gustong-gusto niyang makuha ang bata?

Si Rob ay kanina pa rin hindi mapakali. Hapon na pero ni katiting na paramdam mula kay Rico ay wala man lang. Ipapa-ransom ba niya sa amin ang bata? Bakit hindi niya kami kinokontak?

Teka, alam ba ni Rico ang number ko o ni Rob? May number ako sa kapatid niyang si Ailene. Madali lang gumawa ng paraan kung talagang gusto niya kaming kontakin. Pero bakit wala talaga? Plano ba niyang ilayo talaga sa amin si Baby Gab?

Putangina!

Nanggigigil ako sa hayup na Ricong ’yan. Hindi niya puwedeng ilayo sa amin si Baby Gab. Naireport na namin sa barangay ang nangyari. Naireport na rin namin sa pinakamalapit na police station. Sana naman may gawin silang aksyon para mahanap si Rico at maibalik sa amin si Baby Gab.

“Pau?” bahagya pa akong nagulat sa boses ni Rob.

“Bakit, Rob?”

“Kumusta na kaya si Baby Gab?”

Umiling-iling lang ako. “Ewan ko, Rob. Hindi ko alam. Pero sana maayos ang lagay niya. Kagagaling lang niya sa sakit. Putang Rico ’yan!”

“Boss, hindi muna ako uuwi sa bahay ngayong gabi. Dito lang muna ako. Baka kahit paano makatulong ako sa inyo…” biglang sabi ni Imelda. Agad kong naramdaman ang sinseridad sa mga sinabi ng yaya ni Baby Gab.

“Salamat, Imelda…”

“Nagpaalam na ako sa asawa ko. Pumayag na siya… basta mag-iingat daw tayo.”

Gusto kong umiyak. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para magdrama. Aksyon ang kailangan dito ngayon. Kailangang gumawa kami ng paraan para mabawi kay Rico si Baby Gab.

“Ibigay mo nga sa akin ang number ni Ailene,” maya-maya’y sabi ni Rob.

Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay kay Rob.

Gamit ang cellphone niya ay tinawagan ni Rob ang number ni Ailene. Tinawagan na rin namin kanina ang hitad na kapatid ni Rico gamit ang cellphone ko pero dinedma lang nito ang tawag ko. Ngayong si Rob na ang tumatawag, baka sakaling sagutin na nito ang tawag namin.

“Hello?” narinig kong sabi ni Rob. “Si Ailene ba ito?”

Saglit na huminto sa pagsasalita si Rob, tila pinakikinggan ang sinasabi ng kausap.

“Asan si Rico? Asan ang kapatid mo?”

Patlang.

“May atraso sa akin ang kapatid mo. Kinidnap niya ang anak ko! Sabihin mo sa akin kung nasaan siya!”

Patlang ulit.

“Kapag dumating diyan si Rico, sabihin mo sa kanya na ibalik na niya sa amin ang bata kung ayaw niyang mabulok sa kulungan.”

“Anong sabi?” tanong ko.

“Wala raw doon si Rico. Hindi raw ’yon doon umuuwi.”

“Paano ’yan? Si Baby Gab. Baka mapahamak si Baby Gab.”

“Wala tayong magagawa kundi maghintay. Maghintay sa aksyon ng mga pulis. At maghintay na kontakin tayo ni Rico. Hindi tayo puwedeng kumilos. Hindi natin alam kung saan mag-uumpisa.”

Biglang sumali sa usapan si Imelda. “Mga boss, naalala n’yo ba ’yong sinabi ko dati na may nakipagkilala sa akin dati at nakikipagkuwentuhan? Ang akala ko pa nga eh may gusto siya sa akin… Si Rico ’yon. Hindi ko alam na kaya pala siya nakikipaglapit sa akin dahil si Baby Gab pala ang puntirya niya.”

“Napagplanuhan niya pala ang lahat,” konklusyon ni Rob.

Nang gabing iyon, nagtiyaga kaming maghintay na kontakin kami ni Rico pero hanggang sa makatulog na kaming tatlo ay wala pa ring paramdam mula sa taong kumidnap kay Baby Gab.

RICO’S POV

GREENHILLS

“Hello! I am already here in Greenhills. Where are you?” Tinawagan ko agad ang kanong bibili kay Baby Gab pagdating ko ng Greenhills. Karga ko si Baby Gab at tahimik lang ito. Buti na lang at hindi ito nag-iiyak ngayon. Kagabi, todo iyak ito. Nanibago siguro sa lugar. Mainit. Madilim at walang electric fan kasi sa hideout namin ni Cita. Nagtiyaga lang kami sa gaserang dala ni Cita kaya kahit paano’y may konting liwanag sa abandonadong gusaling iyon. Pero hindi komportable ang bata kaya nag-iiyak talaga ito kagabi. Natigil lang nang mapagod siguro at antukin.

“I am just somewhere around the area,” sagot ng kano.

“Did you bring the money?” paniniguro ko.

“Of course!”

“Good! Where do we meet?”

“I’m in the parking area. Come bring the baby here.”

“Okay, pupunta na ako diyan.”

“What did you say?”

“I said, I’m going there already. Wait for me.”

Agad kong tinungo ang parking area. Kaswal lang akong naglakad patungo roon. Kunwari’y pupuntahan ko lang ang isa sa mga kotseng nakaparada roon.

Malayo pa ako ay natanaw ko na ang isang foreigner na nakatayo sa tabi ng isang pulang honda civic. Ito na marahil ang kausap ko. May dala itong attache case. Doon siguro nakalagay ang pera. Tiba-tiba ako nito. Ito pala ang magandang negosyo. Kailangan ko lang maghanap ng iba pang mga sanggol na maibebenta ko sa mga dayuhan.

Diretso lang ako sa paglalakad. Nakita kong ngumiti ang dayuhan. Alam ko nakita na niya ako.

Ilang metro na lang ang layo ko sa kanong bibili kay Baby Gab nang may marinig akong sigaw.

“Freeze! You’re under arrest!”

Pagkatapos noon ay agad na dinakma ng apat na pulis ang kano at pinosasan. Kinuha rin ng isang pulis ang attache case na dala no’ng kano.

Napaurong ako.

Agad akong tumalikod at mabilis na naglakad papalayo sa lugar na iyon.

“Puta! Pera na naging bato pa!”

PAU’S POV

“Wala pa ring tawag hanggang ngayon si Rico. Rob, baka kung ano na ang ginawa ni Rico kay Baby Gab. Baka ilalayo lang niya talaga sa atin ang bata.”

“Eh, ba’t nga niya ilalayo? Sa anong dahilan at gusto niyang ilayo sa atin ang bata kung hindi naman niya talaga anak si Baby Gab? Malakas ang kutob ko, Pau. May masamang binabalak si Rico kay Baby Gab. Hindi ko lang alam kung ano, pero malakas talaga ang kutob ko na may gagawin si Rico na pagkakakitaan niya. Oo, pagkakakitaan niya si Baby Gab!”

“Paano?” tanong ko. “Naguguluhan na rin ako. At sobrang kinakabahan. Kailangang mabawi natin si Baby Gab kay Rico sa lalong madaling panahon.”

“Eh, paano nga natin gagawin? Hindi naman siya kumokontak sa atin. Iyong mga pulis naman, wala pa ring lead hanggang ngayon. Hindi nila matukoy kung saan naroon si Rico. Hayup na Rico ’yan, napakahusay magtago.”

“Anong gagawin natin ngayon, Rob?”

“Ewan ko. Hindi ko rin alam, Pau.”

RICO’S POV

Mabilis akong bumalik sa hideout namin ni Cita. Mahirap na. Baka isabit pa ako ng kanong ’yon sa kung ano mang atraso niya.

“O, anong nangyari? Bakit bitbit mo pa rin ang batang ’yan? salubong na tanong sa akin ni Cita.

“Bulilyaso ang plano! Papunta na ako sa kausap ko. Malapit na, eh. Bigla ba namang may dumating na mga pulis at hinuli ’yong gagong kanong ka-deal ko. Puta! Mas hustler pa yata sa akin ang gagong ’yon. Ayun, pinosasan kaagad ng mga pulis. Umeskapo na ako at baka pati ako eh madamay pa sa asunto ng kanong iyon.”

“Ano kayang atraso no’ng kano?”

“Bumibili siya ng mga bata, ’di ba? Baka ’yon ang kaso niya.”

“Sabagay, may punto ka.”

“Kaya nga umalis na ako kaagad. Mahirap nang masabit pa ako sa kanya. Buti nga wala pa kami sa aktong nagbabayaran no’ng dumating ’yong mga pulis. Kung nagkataon, huli rin ako sa akto.”

“Sinusuwerte ka pa rin, Rico. Mag-iingat kang mabuti. Baka maubos kaagad ang suwerte mo. Ano na ngayon ang plano mo sa bata? Hahanap ka ulit ng bagong buyer?”

“Hindi na.”

“Aalagaan mo na lang ’yan?”

“Ano ako, tanga? Ba’t ko aalagaan ito, hindi ko naman ito kadugo?”

“Eh, ano ngang gagawin mo d’yan?”

“Hindi ba gustong-gusto naman ni Paulo na sa kanya na lang ang bata? Puwes, sasabihin ko sa kanya na ibibigay ko na sa kanya ang bata, kapalit ng singkwenta mil.”

“Singkwenta mil? Ang baba naman. Papartehan mo pa ako do’n. Gawin mong isandaang libong piso. Para malaki naman ang kaparte ko.”

“Hindi ko kasi alam kung may gano’ng kalaking pera ba ’yong baklang ’yon. Baka humingi tayo ng malaki tapos wala ring maibigay, e anong gagawin natin dito sa bata? Ibenta sa intsik at gawing sahog sa sopas?”

“Basta, isandaang libong piso ang hingin mong kapalit ni Baby Gab. Bahala na siya kung saan siya kukuha ng pera. Gagawa ng paraan ’yon kung gusto niya talagang makuha ang bata.”

“Sabagay. Tama ka naman do’n. May utak ka pala.”

“Nang-insulto ka pa. Gusto ko lang naman proteksyunan ang parte ko.”

“Sige, kokontakin ko ang baklang Paulong ’yon. Ibibigay ko sa kanya ang bata kapalit ng isandaang libong piso.”

“May number ka ba niya?”

“Madali lang humanap ng number niya. Siguradong meron ang kapatid ko.”

PAU’S POV

KUMAKAIN kami ng hapunan nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Si Rico! Tumatawag si Rico!

Nagmamadali kong sinagot ang tawag ni Rico. “Hello? Rico, ibalik mo sa amin si Baby Gab! Walanghiya ka. Napakakapal ng mukha mo!”

“Kumalma ka nga! Anong pinagpupuputak mo dyan? Anak ko si Baby Gab kaya wala kang pakialam kahit saan ko pa siya dalhin,” hindi nagpasindak si Rico.

“Ulol! Utot mo! Alam na namin kung sino ang totoong magulang ni Baby Gab at hindi ikaw ’yon kaya huwag ka nang magpanggap dahil buko ka na!”

Saglit na parang nawala sa linya si Rico. Hindi siya nakasagot.

“Ano, e di natauhan ka? Kaya ibalik mo na sa amin si Baby Gab bago ka pa damputin ng mga pulis sa kasong kidnapping.”

Narinig kong humalakhak si Rico. Ang hayup, pati tawa parang sa demonyo. “Akala n’yo ba gano’n lang kadali ’yon? Sa tingin mo ibabalik ko si Baby Gab nang basta-basta lang? Sige ipapulis n’yo ako. Maipakukulong n’yo ako pero sisiguruhin kong patay n’yong makukuha ang bata.”

“Hayup ka! Napakasama mo, Rico!”

“Alam na alam mo ’yan, Paulo.” At muli itong humalakhak na tila nang-aasar.

Biglang inagaw sa akin ni Rob ng cellphone. “Ano bang kailangan mo?”

Patlang. Nakikinig si Rob sa sinasabi ni Rico.

“Suntukan na lang tayo para magkaalaman na kung sino ang mas bakla sa ating dalawa,” narinig kong hamon ni Rob kay Rico.

Patlang ulit.

“Di kita papatulan. Alam mong wala kang binatbat sa akin kung suntukan ang labanan. Tumawag lang ako para sabihing ibibigay ko na sa inyo si Baby Gab, kapalit ng isandaang libong piso.”

“Nasisiraan ka ng ulo kung iniisip mong magbibigay kami ng isandaang libong piso sa’yo!” gigil na gigil na sabi ni Rob.

Isandaang libong piso? Humihingi ng gano’n kalaking halaga si Rico? Iyon na ba ang ransom na hihingin niya kapalit ni Baby Gab.

“Rob, akin na ang cellphone.”

Iniabot sa akin ni Rob ang cellphone. “Anong akala mo sa amin, mayaman? Wala kaming gano’n kalaking halaga. Putang ina mo!”

“Putang ina mo rin! Hindi ko na problema kung may pera kayo o wala. Basta ’yon ang kailangan n’yong ibigay sa akin kapalit ng letseng batang ito.” Bigla’y nakarinig ako ng iyak ng sanggol. Si Baby Gab! Umiiyak si Baby Gab!

“Anong ginagawa mo sa bata? Bakit siya umiiyak?”

“Kailangan ko ang pera bukas. Ite-text ko na lamang kung saan at anong oras n’yo dadalhin ang pera. At huwag na huwag n’yong ipapaalam ito sa mga pulis kung ayaw n’yong iuwi nang bangkay ang pinakamamahal mong Baby Gab…”

“Demonyo ka, Rico!”

“Pwe!” At pinutol na ni Rico ang koneksyon.

RICO’S POV

TINAWAGAN ko si Paulo pagkatapos kong makuha kay Ailene ang numero nito.

“Hello? Rico, ibalik mo sa amin si Baby Gab! Walanghiya ka. Napakakapal ng mukha mo!” Ramdam na ramdam ko ang sulak ng dugo ni Paulo. Ang laki ng galit sa akin ng gagong ito.

“Kumalma ka nga! Anong pinagpupuputak mo dyan? Anak ko si Baby Gab kaya wala kang pakialam kahit saan ko pa siya dalhin,” buwelta ko sa kanya

“Ulol! Utot mo! Alam na namin kung sino ang totoong magulang ni Baby Gab at hindi ikaw ’yon kaya huwag ka nang magpanggap dahil buko ka na!”

Puta! Buko na pala ako. Paano nila natunton ang totoong magulang ng batang ito?

“Ano, e di natauhan ka? Kaya ibalik mo na sa amin si Baby Gab bago ka pa damputin ng mga pulis sa kasong kidnapping.”

Humalakhak ako na tila nag-iinis na demonyo. “Akala n’yo ba ganoon lang kadali ’yon? Sa tingin mo ibabalik ko si Baby Gab nang basta-basta lang? Sige ipapulis n’yo ako. Maipakukulong n’yo ako pero sisiguruhin kong patay n’yong makukuha ang bata.” Tangina n’yo! Kung wala akong mapapala sa inyo, hindi n’yo rin mapapakinabangan ang batang ito.

“Hayup ka! Napakasama mo, Rico!”

“Alam na alam mo ’yan, Paulo.” At muli ko siyang inasar sa pamamagitan ng nakakainis kong halakhak.

“Ano bang kailangan mo?” narinig kong tanong na mula sa ibang boses. Si Rob?

“O, sumali pa sa eksena ang isa pang bakla. Ayaw pakabog!” pang-aasar ko kay Rob. Masarap asarin ang gagong ito, eh.

“Suntukan na lang tayo para magkaalaman na kung sino ang mas bakla sa ating dalawa,” hamon sa akin ni Rob.

“Hindi kita papatulan. Alam mong wala kang binatbat sa akin kung suntukan ang labanan. Tumawag lang ako para sabihing ibibigay ko na sa inyo si Baby Gab, kapalit ng isandaang libong piso.”

“Nasisiraan ka ng ulo kung iniisip mong magbibigay kami ng isandaang libong piso sa’yo!” gigil na gigil na sabi ni Rob

“Anong akala mo sa amin, mayaman? Wala kaming gano’n kalaking halaga. Putang ina mo!” Si Paulo na naman ang kausap ko.

“Putang ina mo rin! Hindi ko na problema kung may pera kayo o wala. Basta ’yon ang kailangan n’yong ibigay sa akin kapalit ng letseng batang ito.” Biglang umiyak si Baby Gab. Marahil ay nagulat ito sa bigla kong pagsigaw.

“Anong ginagawa mo sa bata? Bakit siya umiiyak?”

“Kailangan ko ang pera bukas. Itetext ko na lamang kung saan at anong oras n’yo dadalhin ang pera. At huwag na huwag n’yong ipapaalam ito sa mga pulis kung ayaw n’yong iuwi na bangkay ang pinakamamahal mong Baby Gab…”

“Demonyo ka, Rico!”

“Pwe!” Tinapos ko na ang usapan. Tapos na akong makipaglaro sa kanila.

  ![](https://img.wattpad.com/a2c0eb207029908f443256c2cb98da20ad6e310e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f63364d704e7731394430786162413d3d2d3133363236393730322e313534663364343963633435303836623237383032343738303836382e6a7067)

Chapter 33 - God, Save the Baby!

ROB’S POV

“ANONG gagawin natin,” tanong sa akin ni Pau. Ang hitsura niya’y tila nawawalan na ng pag-asa. “Wala akong isandaang libong piso. The last time I checked fifty-five thousand lang ang savings ko.”

“Kailangan ba talaga nating ibigay ang hinihingi niya? Hindi ba dapat, i-report natin siya sa pulis para mahuli siya at mapagbayaran niya ang ginawa niyang pagkidnap kay Baby Gab?” Inilabas ko ang hindi pagsang-ayon sa gustong mangyari ni Pau.

“Rob, papatayin niya si Baby Gab pag nalaman ito ng mga pulis. Nagbanta siya, Rob at siguradong gagawin niya ’yon ’pag nalaman niyang mapapahamak siya. Kilala ko si Rico. Hahanap at hahanap iyan ng damay.”

“Pero parang tayo pa ang kumukunsinti sa katarantaduhan niya kung susunod tayo sa gusto niya. Krimen ang ginawa niya. ’Pag naligtasan niya ito, uulit at uulit pa siya. Naiintindihan mo ba ako, Pau?”

“Oo, naiintindihan kita. Pero paano si Baby Gab? Ayokong itaya ang buhay niya. Isandaang libong piso lang ’yon, Rob. Pera lang. Kikitain pa natin ’yon. Pero kapag si Baby Gab ang nawala, di na siya maibabalik sa atin. Naiintindihan mo rin ba ako?”

Hindi ako nakasagot. Mas tamang sabihing hindi ako sumagot. Alam kong nasa panganib ang buhay ni Baby Gab. Pero mas maraming buhay pa ang malalagay sa peligro habang malayang pakalat-kalat sa paligid si Rico.

Muling nagsalita si Pau. “Sabi mo, nalaman mong hindi si Rico ang totoong ama ni Baby Gab. Kung ganoon, sino ang totoo niyang magulang?”

“Iyong dating office mate ko, si Shiela. ’yong kamamatay lang.”

“Siya ba ’yong kinuwento mo dati sa akin na sabi mo’y may gusto sa’yo?”

“Oo…”

“Bakit niya iniwan dito ang bata?”

“Dahil alam niyang mamamatay na siya at hindi niya alam kung sinong mag-aalaga sa anak niya ’pag nawala na siya.”

“Paano mo nalaman na siya nga ang ina?”

“May iniwan siyang sulat para sa akin at mga litrato ni Baby Gab kasama rin ang birth certificate at baptismal.” Kinuha ko ang bag ko at mula roon ay dinukot ko ang envelope na binigay ni Tita Minda. “Eto o, basahin mo.”

Binasa ni Pau ang sulat, pati birth certificate. Inisa-isa rin niyang tingnan ang mga larawan. “Oo nga, si Baby Gab nga ito!”

Tumango ako. “Walang duda.”

Tumitig sa akin si Pau bago muling nagsalita. “Rob, sa’yo hinabilin ni Shiela si Baby Gab. Ikaw ang nakalagay na ama ni Baby Gab dito sa birth certificate. Matitiis mo bang mapahamak ang anak mo? Kung ayaw mong maglabas ng pera, pautangin mo na lang ako ng forty-five thousand pesos. Ako na ang magbibigay ng ransom money mailigtas ko lang si Baby Gab. Huwag kang mag-alala, babayaran kita.”

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga. “Huwag mo nang problemahin ’yon. Pumapayag na ako. Paghatian na lang natin ’yong perang hinihingi ni Rico.”

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Pau. “Salamat, Rob. Maraming salamat… Di mo lang alam kung gaano ko kamahal ang batang ’yon. Mas mahal ko pa siya kaysa sa buhay ko. Gagawin ko lahat mailigtas ko lang siya kay Rico. Gusto ko kasi siyang alagaan. Gusto ko siyang proteksyunan. Gusto kong makita ang kanyang paglaki. Gusto kong ipadama sa kanya na kahit hindi ako ang tunay niyang magulang, tunay naman ang pagmamahal ko sa kanya.” Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ni Pau.

Niyakap ko si Pau. Napakasuwerte ni Baby Gab. Napakalaki ng puso ni Pau at masuwerte rin ako dahil alam kong mahal din ako ng taong ito. “Tahan na, huwag ka nang umiyak. Malalampasan din natin ito.” Hinagod ko ang likod ni Pau.

“Huwag ka nang umiyak, Boss Paulo. Kasi naiiyak na rin ako,” biglang sumali sa usapan si Imelda. “Eto nga, hindi ko na natapos itong kinakain ko.”

Natawa ako kaya natawa na rin si Pau. Para lang siyang baliw na umiiyak pero tumatawa.

NASA kuwarto na kami nang may maalala si Pau.

“Paano tayo magwi-withdraw? Linggo bukas, sarado ang bangko. May limit naman ang puwedeng i-withdraw sa ATM.”

“Huwag kang mag-alala. May naitabi ako diyan.”

“Ha?”

Tumayo ako at binuksan ang kabinet na pinaglalagyan namin ng mga damit. Wala na rito ang mga damit ko dahil dinala ko lahat nang magkagulo kami dahil kay Rico. Sa pinakailalim ng mga damit ni Pau ay hinugot ko ang isang kahita. Nakatingin lang si Pau at namangha nang buksan ko ang munting kahon.

“May pera kang nakatago diyan? Hindi ko alam.”

“Alam mo naman na regular akong nagtatabi mula sa sweldo ko. Hindi ko pa lang ’yan naidedeposito sa bangko.”

“Bakit iniwan mo ’yan diyan? Bakit hindi mo dinala no’ng araw na umalis ka dito sa bahay?”

“Sinadya kong iwan ’yan… para may dahilan akong bumalik dito. Para may dahilan akong bumisita dito.”

Nakita kong napangiti si Pau. “Mahal mo ako, ’no?”

“Alam mo naman ’yon, ’di ba? Dati pa…”

Tumunog ang cellphone ni Pau, may nag-text. Kinuha ni Pau ang cellphone at binasa ang mensaheng galing kay Rico.

Novaliches, ala-una ng hapon

Muling tumunog ang cellphone. Tumatawag si Rico.

Ako ang sumagot. “Hello!” Dinig na dinig ko sa background ang boses ng umiiyak sa sanggol. Si Baby Gab ’yon, sigurado.

“Aasahan ko kayo bukas. Ala-una ng hapon, sa abandonadong gusali sa Novaliches malapit sa likod ng simbahan. Huwag na huwag n’yong ipapaalam sa mga pulis ang tungkol dito kung gusto n’yong makuha ng buhay ang bata.”

Iyon lang at nawala na sa linya si Rico.

“Ano’ng sabi?”

“Binigay lang ’yong lugar kung saan tayo pupunta. Abandonadong gusali sa Novaliches malapit sa likod ng simbahan.”

“Anong simbahan? Andami-daming simbahan.”

“Novaliches ang sabi niya, malamang sa town proper. Hanapin na lang natin.”

PAU’S POV

KINABUKASAN ay maaga kaming bumangon para maghanda sa pagpunta sa lugar na sinabi ni Rico. Hindi namin alam ang eksaktong lugar kaya kailangan naming pumunta nang maaga para may oras pa kami para maghanap sa abandonadong gusaling iyon.

“Mga boss, sasama ako,” sabi ni Imelda.

“Huwag na. Dito ka na lang. ’Pag hindi kami nakabalik sa bago gumabi, magreport ka na sa pulis. Ite-text ko na lang sa’yo mamaya kung nasaan kami,” sagot ko.

“Pero boss, baka sakaling makatulong ako sa inyo do’n. Taga-Novaliches ako, ’di ba? Sige na, pumayag ka na. Isama n’yo na ako. Hindi ako magpapasaway. Isama n’yo lang ako.”

“Mapanganib do’n. Puwede tayong mapahamak,” paalala ni Rob.

“Okay lang. Hinanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari. Boss, sige na isama n’yo na ako.”

Nagkatinginan kami ni Rob. Si Rob ang nagsalita. “Sige, sumama ka na. Pero magpaalam ka sa asawa mo.”

“Nagpaalam na ako kagabi. Pumayag siya, basta mag-iingat daw tayo.”

ALAS-DOSE na kami nakarating sa bayan ng Novaliches. Sobrang trapik pala papunta sa lugar na ito. Isang oras na lang bago ang tinakdang oras ni Rico. Kailangang makita kaagad namin ang abandonadong gusali.

“Boss, mula rito kailangan nating sumakay ng jeep byaheng simbahan. Bababa tayo sa tapat mismo ng simbahan. ’yon ang alam ko, pero nagtanong-tanong na rin ako para sigurado.” Bumilib ako kay Imelda. Ang bilis kumuha ng impormasyon.

Sumakay na nga kami ng jeep. Mabilis naming narating ang simbahan. Ngayon naman ay ang abandonadong gusali malapit sa likod ng simbahan ang pupuntahan namin.

Pagdating namin sa likurang bahagi ng simbahan ay may natanaw nga kaming gusali. Hindi iyon mukhang abandonado. Pero nang lumapit na kami ay kumbinsido na kaming abandonado nga ang gusaling iyon.

Tumunog ang cellphone ko. Nag-text si Rico.

Dito sa ika-walong palapag.

Diyos ko! Nakita na kami ni Rico. Alam niyang nandito na kami.

“Kalma ka lang,” bulong sa akin ni Rob. “Huwag kang magpahalatang kinakabahan ka.”

Pumasok kami sa loob ng gusali. Halos hindi ako humihinga habang paakyat kami papuntang 8th floor.

Pagdating namin sa ika-walong palapag ay agad naming nakita sa kabilang dulo ng palapag si Rico, katabi ang isang babaing parang pamilyar sa akin. Karga ng babae si Baby Gab na walang kamalay-malay sa panganib na nakaamba sa buhay naming lahat. Sa bandang gilid ng babae ay may hagdanan din. Saan ko ba nakita ang babaing ito?

“Kumusta!” sigaw ni Rico. “Mabuti naman at hindi ako nainip sa paghihintay sa inyo.”

“Huwag na nating patagalin ito, Rico! Ibigay mo na sa amin si Baby Gab! Eto ang pera!” Itinaas ni Rob ang envelope na naglalaman ng pera.

“Dalhin n’yo rito. Lumapit kayo!”

Nagkatinginan kami ni Rob. Biglang tumakbo pababa ng hagdan si Imelda.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Dito lang, boss.”

Dahan-dahan kaming lumakad ni Rob papalapit kay Rico.

“Bilisan n’yo! Dito sa harap ko!”

ROB’S POV

NAGPUPUYOS ang loob ko habang naglalakad kami ni Pau papalapit kay Rico. Gustong-gusto kong baldahin ang gagong ito. Napakalaki na ng perwisyong ginawa niya sa amin. Gusto kong pagbayaran niya lahat ng problemang dinala niya sa buhay namin ni Pau.

Dama ko ang kaba ni Pau habang naglalakad kami. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang mahigpit din ang hawak ko sa envelope na naglalaman ng perang pang-ransom kay Baby Gab.

Nang sa wakas ay nasa harapan na kami ni Rico ay biglang tinangkang agawin ni Rico ang envelope na hawak ko. Mabilis kong naiiwas ang kamay ko kaya hindi niya nakuha ang pera pero mabilis ding kumilos ang isa pang kamay ni Rico at dumapo sa mukha ko ang kanyang suntok.

Napasigaw si Pau nang tumilapon ako sanhi ng pagkakasuntok ni Rico. Nakita kong papalapit sa akin si Rico. Mabilis akong bumangon at sinalubong ko siya ng suntok pero nailagan niya ito.

Nakita ko siyang natatawa na parang nakakaloko. Muli siyang sumugod patungo sa akin at bago pa ako nakaporma ay sunod-sunod na suntok ang dumapo sa katawan ko.

Nakita ko si Pau na pasugod kay Rico at tinadyakan niya ito sa balakang. Natumba si Rico pero agad itong nakabangon at pinagbalingan si Pau. Isang suntok sa panga ang natikman ni Pau mula sa lalaking dumukot kay Baby Gab.

Kinuha ni Rico si Baby Gab sa babaing may karga dito. Tapos ay nakita ko ang babaing tumakbo at bumaba sa hagdanan.

Binunot ni Rico ang baril na nakasuksok sa kanyang bewang at itinutok iyon kay Baby Gab. “Mga gago kayo! Tinatarantado n’yo ako!”

Nanghilakbot ako. Sinakmal rin ng takot ang itsura ni Pau.

IMELDA’S POV

MABILIS akong bumaba mula sa ika-walong palapag at tinakbo ko ang kabilang parte ng gusali patungo sa kabilang hagdan patungo sa gawi nina Rico. Napahinto ako sa hagdan nang marinig ko ang sigaw ni boss Pau. Tila nagkakagulo na sila sa itaas. Sumilip ako at nakita kong binubugbog ni Rico si Boss Rob. Pagkatapos ay si Boss Pau naman ang pinagbalingan nito. Nang hindi na makabangon ang dalawa kong amo ay kinuha ni Rico sa babae si Baby Gab. Tapos ay tumakbo na ang babae pababa kaya napaurong ako at mabilis sanang bababa pero huli na dahil nakita na ako ng babae at agad nitong nahablot ang aking buhok.

Nagpambuno kami ng babae. Kahit maliit lang ako, batak ako sa trabaho at sanay sa kalye kaya buong lakas akong nakipaglaban sa kanya. Kung babae rin lang naman ang kalaban, hindi ako magpapatalo. Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal at isang pamatay na suntok na nagpatulog sa kanya.

Agad akong umakyat pabalik ng 8th floor. Saktong nakita kong itinutok ni Rico ang baril kay Boss Rob.

“Patay ka!!!” sigaw ni Rico na tila sinapian na ng demonyo.

Mabilis na tumakbo si Boss Pau at niyakap si Boss Rob. Noon pumutok ang baril at kitang-kita ko ang unti-unting pagbaksak ng duguang katawan ni Boss Pau.

ROB’S POV

TATAYO pa lang ako nang makita kong itinutok ni Rico ang baril sa gawi ko.

“Patay ka!!!” sigaw ni Rico. Tingin ko sa kanya ay tila halimaw. Para siyang nasisiraan na ng bait.

Nakita ko ang mabilis na pagtakbo ni Pau patungo sa akin.

Niyakap ako ni Pau kaya ang balang dapat ay para sa akin ay tuloy-tuloy na bumaon sa kanyang katawan.

Duguang bumagsak si Pau.

Muling ikinasa ni Rico ang baril para siguruhing ako na ang tatamaan. Pero bago niya ito naiputok ay isang putok ang umalingawngaw at tumama sa kanyang dibdib.

“Huwaag!” Napasigaw ako para pigilan ang muling pagpapaputok ng baril na galing sa dumating na mga pulis.

Nabitiwan ni Rico si Baby Gab at tumilapon ito sa ere.

Mabilis ang naging pagkilos ni Imelda. Agad siyang tumakbo patungo kay Rico at saktong-saktong nasalo niya si Baby Gab bago pa ito bumagsak sa sahig na semento. Umiiyak na niyakap ni Imelda si Baby Gab.

Halos hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Naghalo-halo na ang galit, takot, at kaba. Salamat na lang at nasalo ni Imelda si Baby Gab na ngayon ay pumapalahaw ng iyak marahil dahil sa gulat sa putok ng baril at sa pagkakahagis nito sa ere.

“Men, search the area!” utos ng isang pulis sa kanyang mga kasama.

“Tulungan n’yo ako! Dalhin natin sa ospital ang kasama ko!” sigaw ko.

Dalawa sa mga pulis ang tumulong sa akin para buhatin si Pau at isakay sa mobile nila. Sumakay na rin sa mobile si Imelda, kasama si Baby Gab. Agad naming isinugod sa pinakamalapit na ospital si Pau.

Halos paliparin ng pulis ang sasakyan para makarating agad kami sa ospital. Habang nasa daan ay lito pa rin ang isip ko. Ayokong mag-isip ng masama pero paano kung mangyari nga ang kinatatakutan ko? Paano kung hindi malagpasan ni Pau ang trahedyang ito? Paano kung mamatay siya?!

“Malapit na tayo sa ospital,” sabi ng isang pulis.

Pigil ang pagluha ko kasabay ang dasal na sana ay makaligtas sa kamatayan si Paulo.

  ![](https://img.wattpad.com/9264e8cea58669cb8619a19da6d877c52a450dd6/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f636b566362736a332d74745457673d3d2d3133363237333036372e313534663364363435393039323061323837333331353434353833332e6a7067)

Chapter 34 - Life & Death

ROB’S POV

NAGKAGULO ang mga nurse at doktor pagdating namin sa emergency room ng ospital. Halos wala nang buhay si Pau. Pakiramdam ko’y hindi na siya humihinga. Hindi ko alintana ang dugong nagkalat sa aking kamay, braso at damit. Wala akong pakialam sa itsura ko. Ang tanging nasa isip ko ay mailigtas si Pau.

Ilang minuto lang ang lumipas at nagmamadali nilang dinala sa operating room si Pau. Tinangka kong sumama hanggang sa loob pero pinigilan ako ng attendant. Wala akong nagawa kundi tumayo sa labas ng pinto ng operating room. Magkahalo ang pawis at luha sa aking mukha. Doon ay tahimik akong lumuha.

Nakita ko sa isang gilid ng pasilyo si Imelda, lumuluha rin ito habang kalong si Baby Gab.

“Sir…” Narinig ko ang tawag kaya lumingon ako. Nakita ko ang isang staff ng ospital.

“Bakit?” Pinahid ko ang luha ko gamit ang braso ko.

“Kailangan po namin kayo sa admission para kunin ang info ng pasyente. At para kumuha na rin ng room para sa kanya.”

“Sige, susunod ako.”

Lumapit ako kay Imelda. “Umuwi na muna kayo ni Baby Gab para makapagpahinga kayo. Ako na lang ang bahala rito. Mag-taxi na lang kayo.” Dinukot ko ang wallet sa bulsa sa likod ng pantalon ko at kumuha ako ng dalawang limandaang piso at ibinigay ko ’yon kay Imelda. “Bumili ka na rin ng makakain mo. Ikaw na ang bahala kay Baby Gab. Pagkatapos ng mga nangyari, sigurado akong hindi mo siya pababayaan.”

Tumango si Imelda sa pagitan ng mga paghikbi. “Sige, boss. Lalakad na kami.”

Nakakailang hakbang pa lang si Imelda nang tawagin ko siya. “Imelda.”

Lumingon ang yaya. “Bakit, boss?”

“Ang tapang mo pala. Salamat… Maraming salamat…”

Nakita kong umagos ang luha ni Imelda sa kanyang pisngi. Pero nagawa nitong ngumiti sa akin. Tapos ay ipinagpatuloy na nito ang paglalakad.

“Mag-iingat kayo,” pahabol kong bilin.

Papunta na ako sa admission nang masalubong ko ang dalawang pulis na nagdala sa amin sa ospital.

“Sir, babalik na kami sa opisina. Kokontakin na lang namin kayo.”

“Salamat, officer. Mabuti at dumating kayo kanina. Paano n’yo nalaman na nando’n kami?” tanong ko.

“May nag-tip sa amin. Isa sa mga police assets namin ang nakarinig kagabi na may umiiyak na bata do’n sa lumang abandonadong gusali. Nagtaka siya kaya pinuntahan niya at sinilip. Doon niya nakita at narinig ang plano nila sa bata kaya agad niyang itinimbre sa amin. Kaya pagtawag niya sa amin kanina, agad kaming pumunta do’n sa lugar.”

“Gumawa ang Diyos ng paraan para mailigtas si Baby Gab. Saktong-sakto ang dating n’yo. Maaaring patay na kaming lahat ngayon kung hindi kayo dumating. Maraming salamat, officer.”

“Walang anuman… trabaho talaga namin ang proteksyunan ang taong bayan. Aalis na kami.”

Tumango ako at ngumiti. Sinundan ko sila ng tingin habang papalabas ng ospital. Nang tuluyang mawala ang mga pulis sa paningin ko ay tumuloy na ako sa admission para ikuha ng kuwarto si Paulo. Nang matapos ay natagpuan ko ang sarili kong nasa chapel, nakaluhod at nakikiusap sa Diyos para sa kaligtasan ni Paulo.

“Diyos ko… alam kong marami akong kasalanan Sa’yo. May mga pagkakataong nakakalimot ako. Naaalala lang Kita kapag may kailangan ako. Andito ako ngayon… humihingi ng konting awa para kay Paulo. Marami na kaming problemang pinagdaanan pero lahat pinipilit naming solusyunan at lagpasan. Pero ’yong dinaranas naming sitwasyon ngayon, hindi ko alam kung paano ko kakayanin dahil nakataya ang buhay ni Paulo. Diyos ko, maaaring kasalanan sa tao at Sa’yo ang relasyon namin ni Paulo pero hindi ako mahihiyang humingi ng tulong Sa’yo. Dugtungan mo pa ang buhay ng taong mahal na mahal ko. Huwag Mo muna siyang kukunin sa akin. Huwag mo munang kunin ang isa sa mga taong nagpadama ng tunay na pagmamahal sa batang dumating sa buhay namin, kay Baby Gab. Iligtas mo si Paulo, Diyos ko! Nakikiusap ako…” Ramdam ko ang pag-agos ng masaganang luha sa pisngi ko. Luhang nagpalabo sa aking paningin. Hindi ko na nadugtungan ang dasal ko. Para na akong batang umiyak nang umiyak habang nakaluhod sa chapel ng ospital.

PAU’S POV

MADILIM.

Puro kadiliman ang nakikita ko. Parang ang gaan-gaan rin ng pakiramdam ko. Para akong hangin. Para lang akong magaan na bagay na palutang-lutang sa kawalan. Nakadama ako ng kakaibang ginaw. Pagkatapos noon ay nakakita ako ng ’di ko maipaliwanag na liwanag na nasa malayo. Nagkaroon ako ng interes na puntahan ang pinagmumulan ng liwanag. At naramdaman ko na lang na tila may batubalaning humihigop sa akin patungo roon.

Pinabayaan kong tangayin ako ng kung anong magnetong humahatak sa akin. Para lang akong nananaginip. Hindi ko alam pero kalmado ang aking pakiramdam. Wala akong inaalalang kung ano man.

Malapit na ako sa bukana ng liwanag nang makarinig ako ng mga mumunting tawanan. Nagpalinga-linga ako upang hanapin kung saan nanggagaling ang maliliit na tinig na iyon na tila nagkakatuwaan sa paglalaro. Namangha ako nang makita kong mula sa bukana ng pinanggagalingan ng liwanag ay isa-isang lumabas ang mga tila sanggol na may maliliit na pakpak. Mga kerubin!!! At sa bawat kerubin na lumalabas ay nagkakaroon ng tila hardin ng mga magagandang bulaklak sa paligid. Hanggang sa magmistulang paraisong puno ng mga bulaklak ang buong kapaligiran.

Naghabulan ang mga kerubin at aliw na aliw ang mga ito sa kanilang paglalaro. Tila hindi nila ako napapansin. Nagpatuloy sila sa pagtatawanan habang naghahabulan hanggang sa madapa ang isa sa kanila. Umiyak ang munting kerubin at nakadama ako ng habag sa kanya.

Nakita ako ng kerubin at biglang huminto ito sa pag-iyak bagama’t humihikbi pa rin ito. Nakamasid lang ang iba pang mga kerubin na na ang iba’y ngumiti na sa akin.

Tumayo ang nadapang kerubin at magiliw na nginitian ako. Sinuklian ko siya ng sinserong ngiti.

“Nasaktan ka ba?” sabi ko sa munting kerubin.

Ngiti lang ang isinagot ng batang anghel.

“Bakit may mga anghel sa paligid ko?” bigla kong naisip kasabay ang takot. “Patay na ba ako?”

Nakita kong inilahad ng kerubin ang kanyang palad na tila nag-aanyayang abutin ko iyon.

Medyo nagdalawang-isip ako.

Ang ibang mga kerubin ay isa-isa nang bumabalik sa lagusan ng liwanag kung saan sila lumabas. Naiwan ang nadapang kerubin. Nakalahad pa rin ang kamay nito. Hinihintay na abutin ko ang kamay niya.

Unti-unti kong iniangat ang kamay ko para abutin ang kamay ng munting anghel. Mababakas sa mukha ng kerubin ang sobrang kasiyahan habang dahan-dahang lumalapit sa kamay niya ang kamay ko. Isang pulgadang layo na lang at mahahawakan ko na ang kamay ng kerubin. Konting paggalaw pa ng aking kamay at nahawakan ko ang daliri ng munting anghel. Biglang nakarinig ako ng iyak ng sanggol sa aking likuran.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng iyak at tumambad sa akin si Baby Gab, ang kaibahan nga lang ay nakatayo ito na tila isang taong gulang na.

Itinaas ni Baby Gab ang isa niyang kamay. Nais niyang abutin ko ito at hawakan. Sobrang pananabik kay Baby Gab ang naging dahilan kaya nabitiwan ko ang kerubin. Ginusto kong lumapit kay Baby Gab at kargahin ito pero tila paralisado ang aking katawan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko maliban sa aking dalawang mga kamay at braso.

“Anong nangyayari? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Bakit di ako makatakbo papunta kay Baby Gab. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang kargahin. Na-miss ko ng sobra ang baby kong ito.

Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero nabigo lang ako. Para lang akong napako sa kinatatayuan ko. Sadyang mga kamay lang at braso ang naigagalaw ko.

Nataranta ako. Parang maiiyak na ako. Bakit ganito?

Patuloy na umiyak si Baby Gab pero wala akong magawa para lapitan siya!

ROB’S POV

PAGKAGALING sa chapel ay bumalik ako sa operating room. Hindi pa tapos ang operasyon. Bakit napakatagal naman yata? Gusto kong hilahin ang oras para matapos na ang bangungot na ito at bumalik na sa normal ang mga buhay namin. Pero hindi naman ito isang bangungot. Totoong nangyayari ito at ang mangyayari pa ay maaaring mas lalong hindi ko magustuhan.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong naghintay sa sofa sa labas ng operating room. Namalayan ko na lang na lumabas ang doktor sa operating room.

“Kumusta po si Paulo?” agad kong tanong sa doktor.

“Hindi maganda ang lagay niya. Doon muna siya sa ICU,” sagot ng doktor. Nahagip ng bala ang isang bahagi ng baga niya kaya kritikal ang kondisyon niya ngayon.

Nanlumo ako sa sinabi ng doktor. At labis ding nag-alala sa kalagayan ngayon ni Pau. Si Pau na nagligtas ng buhay ko. Para sa akin dapat ang balang iyon kung hindi niya iniharang ang katawan niya. Kung hindi niya ako niyakap, ako sana ang nakaratay sa ospital ngayon.

Ganoon ako kamahal ni Pau. Ibibigay niya kahit buhay niya para sa akin.

Sobra talaga siyang magmahal. Kahit kay Baby Gab, ibang klaseng pagmamahal din ang ipinakita niya sa batang napulot lang naman niya sa labas ng pinto.

DALAWANG ARAW na ang nakalipas ngunit wala pa ring pagbabago sa kondisyon ni Pau. Hindi pa rin siya nagigising mula nang dalhin siya dito sa ospital.

Kani-kanina lang ay dumating si Imelda kasama si Baby Gab. May dalang pagkain si Imelda pero hindi naman ako kumain. Mamaya na lang siguro. Inaliw ko ang sarili ko sa pakikipagkulitan kay Baby Gab na tawa naman ng tawa sa tuwing nagme-make face ako sa kanya. Kung titingnan, parang hindi kami dumaan sa napakalaking trahedya maliban kay Pau na siyang patunay na nangyari nga talaga ang bangungot na iyon sa aming buhay.

Kagabi ay bumalik dito ang mga pulis. May pinapirmahan sa aking kung anu-anong mga dokumento. Ibinalita rin nila na namatay na kahapon si Rico sa ibang ospital dahil sa tama ng baril na tinamo nito. Ang babaing kasama naman ni Rico ay nakakulong ngayon at hinihintay na pormal akong magsampa ng kaso.

Kahit paano ay nakadama ako ng lungkot sa pagkamatay ni Rico. Kahit nagawan ako ng masama ng isang tao, hindi ko gagawing ipanalangin ang kamatayan niya.

Maging si Imelda ay nagulat din nang ibalita ko sa kanya na wala na si Rico. “Pero gano’n talaga ang buhay,” tanging nasabi ni Imelda.

Bandang alas-kuwatro ng hapon, kababalik lang namin galing sa chapel nang mapatingin ako sa mga aparatong nakakabit kay Pau. Marami na rin ang dugong naisalin sa kanya. “Gumising ka na, Pau,” nasambit ko. “Andito si Baby Gab, dinadalaw ka, o.”

“Boss Paulo, magpagaling ka na. Nami-miss ko na ang boses mo,” sabi naman ni Imelda.

Nataranta ako nang makita kong ang aandap-andap at patalon-talong linya mula sa aparatong nagmo-monitor ng pagtibok ng puso ni Pau ay naging isang tuwid na guhit na lamang tanda na huminto na sa paghinga si Pau.

“Doc! Doc! Tulungan n’yo ako dito!” Agad akong lumabas ng silid para tawagin ang doktor. Maging si Imelda ay nataranta na rin at di malaman ang gagawin. Patakbo itong sumunod sa akin papalabas ng ICU, karga-karga si Baby Gab.

Mabilis namang pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse at dalawang lalaking attendant. Agad nilang inilabas ang aparatong tila plantsa na may maliliit na boltahe ng kuryente para i-electric shock si Paulo. Ayoko ng ganitong mga eksena. Nadudurog ang puso ko sa mga ganitong tanawin, pero kailangan kong maging matatag. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko. Naririnig ko ang mga impit kong paghikbi. Dinig na dinig ko rin ang mga salitang kusang lumalabas sa aking bibig habang pilit na nire-revive ng doktor si Paulo.

“Lumaban ka, Pau. Lumaban ka. Huwag mo akong iiwan, huwag naman, please… Mahal kita. Mahal na mahal kita. Lumaban ka naman. Kahit hindi para sa akin. Lumaban ka, para kay Baby Gab. ’Di ba gusto mong makita ang kanyang paglaki? Magagawa na natin ’yon. Tayo na ang kikilalaning magulang ni Baby Gab. Kaya ’wag ka munang susuko. Huwag kang bibitaw sa laban. Huwag mo naman akong iwanan, Pau…”

Nakita kong huminto ang doktor sa kanyang ginagawa pero hindi pa rin nagbabago ang tuwid na linyang nakarehistro sa aparatong nagsasabing hindi pa rin humihinga si Paulo.

“Doc, iligtas mo siya. Pakiusap…” Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Wala na akong pakialam na bumunghalit ng iyak. “Iligtas n’yo si Paulo…”

  ![](https://img.wattpad.com/672257ec39e96840ee0c6516148831357d99eeb5/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f323151786a6d55535753334437773d3d2d3133363237333037332e313534663364373935306236636432613639383132393737343638332e6a7067)

Chapter 35 - Finale

After four years…

ROB’S POV

MAAGA kaming naghanda nang umagang iyon. Pupunta kasi kami ni Gab sa sementeryo. Apat na taon na si Gab. Nag-aaral na siya, nursery. Malakas at maliksing bata si Gab, at lumalaking guwapo katulad ko.

“Daddy, I’m ready! Aalis na po ba tayo?” tanong sa akin ni Gab. Matatas na itong magsalita. Malinaw at hindi bulol kung bigkasin nito ang mga salita.

“Tawagin mo na ang yaya Imelda mo para makalakad na tayo.”

“Yaya, bilisan mo! Hinahanap ka na ni daddy.”

“Eto na ako, Baby Gab.” Tumatakbo na si Imelda pababa ng hagdan. Oo, iba na ang bahay namin. Kumuha na ako ng rent to own na bahay mula nang ma-promote ako sa trabaho. At natuloy na rin ang pangarap kong mag-enrol sa law school. Katunayan, third year na ako ngayon. Konting panahon na lang ga-graduate na ako. At ’pag sinuwerte, magiging abogado rin ako.

“Don’t call me Baby Gab. I’m no longer a baby. Just call me Gab because I am a big boy now,” deklara ni Gab.

“Okay, sabi mo, eh.” Hindi na nakipagdebate si Imelda sa bata.

“Mauuna na ako sa kotse. Sumunod na kayo kaagad. Bibili pa tayo ng bulaklak.”

Kapapasok ko lang sa kotse. Eto na at kasunod ko na rin sina Gab at Imelda.

Nang nasa loob na rin ng kotse ang dalawa ay pinaandar ko ang makina nito at inumpisahang patakbuhin ang sasakyan. Mabilis ang naging biyahe namin dahil hindi naman matrapik. Dumaan kami sa isang flower shop para bumili ng bulaklak.

Pagdating namin sa sementeryo ay inilagay ko ang bulaklak sa tabi ng lapida. Nag-alay ako ng maikling panalangin at nagpasalamat sa taong nakalibing doon sa pagiging bahagi niya ng aking buhay. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya dahil patuloy kong inaalagaan si Gab.

Abala sa pagtitirik ng kandila si Imelda at Gab.

Maya-maya’y isang taksi ang dumating at huminto sa tapat ng kinaroroonan namin sa parteng iyon ng sementeryo. Bumaba ang pasahero ng taksi… si Paulo.

“O, late ka ha?” sabi ko kay Pau nang makarating siya sa puntod ni Shiela.

“Sorry naman. Nagpaalam naman ako sa’yo na ihahatid ko muna sa airport ang ate ko bago ako pupunta dito sa sementeryo. Si Tita Minda, wala pa ba?”

“Mamayang hapon na lang daw siya pupunta, inaatake daw kasi siya ng rayuma. Pero alam mo naman ’yon, pupunta at pupunta ’yon dito dahil fourth death anniversary ni Shiela. Sabi ko nga, huwag niyang pilitin kung di niya kaya. Maiintindihan naman siya ni Shiela.”

“Kumbinsihin mo na kasi siya na sa atin na lang tumira.”

“Ginagawa ko naman, di ba? Kaso, ayaw niya. Nahihiya siguro. Pero makukumbinsi ko rin ’yon.”

“Hi, Daddy Pau…” Ang tamis ng pagkakangiti ni Gab kay Paulo.

“Hmp! Tampo ako sa’yo. Kanina pa ako dito ngayon ka lang nag-greet.”

“Nagtirik po kasi kami ni yaya ng candles para kay Mama Shiela,” pangangatwiran ni Gab. “Huwag ka nang magtampo, Daddy Pau. You know that I love you very, very much!”

“Ows, talaga?”

“Opo!”

“Sus, I love you too, Gab. Pa-embrace nga…”

Lumapit si Gab kay Pau at niyakap ito nang buong higpit. Pagkatapos ay kumawala si Gab at niyaya nito si Imelda na mag-ikot sila sa paligid ng sementeryo.

Umupo naman kami ni Pau sa damuhan sa tabi ng puntod ni Shiela. Parang kailan lang, kamamatay lang noon ni Shiela nang maganap ang pinakamasamang panaginip sa aming buhay. Kinidnap ni Rico si Gab at nabaril nito si Pau. Nanganib ang buhay ni Pau. Akala ko hindi na siya makaliligtas sa kamatayan.

Hindi pa rin naaalis sa alaala ko iyong araw na wala akong ginawa kundi umiyak habang sinusubukang i-revive ng doktor si Pau na huminto na sa paghinga.

“Doc, iligtas n’yo si Paulo!” Walang patid ang pagtulo ng luha ko.

“We’ll try again.”

At muling ginawa ng doktor at hospital staff ang dapat gawin para ibalik ang paghinga ni Pau. Muli siyang pinadaanan ng maliliit na boltahe ng kuryente gamit ang tila plantsang aparato.

Paulit-ulit.

Hindi sila nawawalan ng pag-asang maililigtas nila sa kamatayan si Paulo.

PAU’S POV

APAT na taon na pala ang nakalilipas mula nang malagay sa panganib ang buhay ko. Sabi ni Rob, ilang araw rin daw na wala akong malay sa ospital. Ako man ay walang ibang natatandaan maliban sa araw na bumaon sa katawan ko ang balang nagmula sa baril ni Rico nang yakapin ko si Rob para protektahan siya. Pagkatapos noon, nakita ko na lang ang sarili ko na tila nasa kawalan, puno ng kadiliman. Hanggang makakita ako ng isang liwanag na humigop sa akin. Hanggang sa makita kong may mga kerubin na lumalabas sa liwanag. Naghahabulan ang mga kerubin. Naglalaro. Nagtatawanan. Hanggang isa sa kanila ang nadapa at umiyak. Tinanong ko ang kerubin kung nasaktan na siya pero ngumiti lang ito at muling tumayo. Iniabot niya sa akin ang kamay niya at nang tuluyan kong mahawakan ang daliri niya ay narinig kong umiiyak ang isang bata sa aking likuran. Nang tingnan ko kung sino ang batang umiiyak, nakita ko si Baby Gab na nakatayo sa likuran ko. Parang isang taong gulang na si Baby Gab dahil nakakatayo na siyang mag-isa. Nabitiwan ko ang daliri ng kerubin dahil ginusto kong lapitan si Baby Gab at yakapin pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Tanging mga kamay at braso lang ang naigagalaw ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nawawalan na ako ng pag-asang malapitan at mayakap muli ang batang mahal na mahal ko.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw ano mang pilit ang gawin ko. Sinubukan kong abutin si Baby Gab pero hindi ko siya maabot.

Nagulat na lang ako nang biglang parang magic na nawala si Baby Gab sa harapan ko. Maging ang liwanag na pinanggalingan ng mga kerubin ay nawala na rin, pati ang isang kerubin na naiwan kanina ay wala na.

Bumalik ang lahat sa kadiliman at naiwan ako roon na nag-iisa.

Maya-maya’y tila may kung anong puwersa ang humila sa akin patungo sa kung saan. At namalayan ko na lang na naroon ako sa loob ng silid ng ospital at kitang-kita ko si Rob at Imelda na umiiyak habang ang doktor at ilang tauhan ng ospital ay aligaga sa kanilang ginagawa sa nakahiga kong katawan.

ROB’S POV

Nakarinig ako ng isang pamilyar na tunog na sa ospital ko lang madalas marinig.

Agad kong nilingon ang aparatong pinanggalingan ng tunog. Nakita kong ang dating tuwid na linya na nagsasabing hindi na humihinga si Pau ay unti-unti nang nagiging tila mumunting pag-alon.

“He’s alive!” Narinig kong sabi ng doktor.

Nagpalakpakan ang mga tauhan ng ospital. Tuwang-tuwa rin sila na na-revive nila ang kanilang pasyente.

Maging si Imelda ay sobra ang kagalakan. Ako naman ay nagmistulang baliw na nakangiti habang umiiyak. Basta, masaya ako na buhay si Pau.

PAU’S POV

SI ROB, Imelda, Baby Gab at isang doktor ang una kong nakita nang magmulat ako ng mga mata sa kuwarto ng ospital kung saan ako naka-confine.

Nakangiti sa akin ang doktor. “You’re okay now. Kailangan mo na lang magpalakas para bumalik sa dati ng sigla ng pangangatawan mo. So, you still need to rest. But you are perfectly fine now,” masayang sabi ng doktor. “Sige, maiwan ko muna kayo rito. Papupuntahin ko na lang dito ang nurse for further instructions.” At lumabas na ng silid ang manggagamot.

“Salamat at gumising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?” Dama ko ang pag-aalala sa boses ni Rob.

“Medyo masakit lang itong parteng dibdib ko. Maliban do’n ay wala na.”

“Alam mo bang apat na araw kang walang malay? Sobrang nag-alala kami sa’yo.”

“Ganoon katagal? Akala ko ay kahapon lang ako nabaril.”

“Naku, boss Pau! Antagal mo kayang tulog. Siguro ang haba ng panaginip mo,” sumali sa usapan si Imelda.

“Oo, napakahaba nga ng panaginip ko. At napakaganda…”

“Ang importante ay gising ka na. Masaya ako dahil alam kong ligtas ka na.” Si Rob. Hindi nawawala ang matamis niyang ngiti. “Magpalakas ka agad para makalabas na tayo ng ospital. Umuwi lang sandali ang ate mo pero babalik din siya mamaya. Palitan kami sa pagbabantay sa’yo.”

“Si Baby Gab. Ihiga mo nga sa tabi ko si Baby Gab…”

“O, baby. Higa ka muna sa tabi ni Daddy Pau, ha. Huwag ka lang malikot kasi may sugat pa ang daddy mo,” kinakusap pa ni Imelda si Baby Gab bago maingat na inihiga ito sa tabi ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Baby Gab. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako pumasok sa liwanag kasama no’ng kerubin.

ROB’S POV

“O, BAKIT natutulala ka riyan? Aalis na ba tayo?” tanong ko kay Pau nang mapansin kong tila nakatingin ito sa kawalan.

“Wala, may naisip lang ako.”

“Ano ’yon?”

“Naalala ko lang ulit ’yong parang panaginip ko habang walang malay ako sa ospital. Iyong kinuwento ko sa’yo dati.”

“Ahh, it’s a near death experience. Kung hindi umiyak si Baby Gab, sumama ka na siguro ro’n sa kerubin.”

“Ewan ko, hindi ko alam,” sagot ni Pau.

“Alis na tayo. Pero kumain muna tayo sa mall bago umuwi.”

“Gab! Imelda! Aalis na tayo, bumalik na kayo rito.” Si Pau.

Nag-unahan pa sa pagtakbo sina Gab at Imelda papunta sa kinaroroonan namin ni Pau.

Nilisan na namin ang sementeryo. Dumiretso kami sa isang mall para kumain.

“Rob, mauna na kayo. May bibilhin lang ako sandali dito. I-text mo na lang ako kung nasaan kayo.”

Tumango ako.

“Sama ako, Daddy Pau,” lambing ni Gab.

“Sige, halika.” Hawak kamay kaming naglakad ni Gab. Sina Rob at Imelda naman ay naghanap na ng makakainan.

“Daddy Pau, I want that ball.” Itinuro ni Gab ang bolang nagustuhan.

Maraming bola ang sama-samang nakatambak sa isang lalagyan. Kinuha ni Gab ang isa at nilaro. Nag-dribble siya pero hindi niya naagapan ang bola kaya gumulong ito.

“Get the ball so we can pay it.”

Hinabol ni Gab ang bola na huminto sa paanan ng isang lalaki.

GAB’S POV

HINABOL ko ang gumugulong na bola. Mabuti na lang at bumangga ito sa paa no’ng isang lalaki kaya huminto ito sa paggulong.

Nakita kong dinampot no’ng lalaki ’yong bola tapos ay humarap siya sa akin.

“Is this yours?” tanong sa akin no’ng lalaki habang titig na titig siya sa akin.

“Yes. My dad will buy that for me.”

“Here, take it.” Inabot sa akin no’ng lalaki ang bola.

“Thank you,” sabi ko pagkakuha ko ng bola sa kanya.

“What’s your name young man?”

“Gab…”

Bahagyang umupo ang lalaki. Nakatitig pa rin siya sa akin.

“You know what? You look exactly like me when I was your age. Kamukhang-kamukha kita…”

“What’s your name?”

“I’m Marlon…”

“Gab, come here!” Tinatawag na ako ni Daddy Pau.

“Dad is calling me. Alis na po ako. Bye!”

“Bye, Gab!”

Tumakbo na ako pabalik kay Daddy Pau.

Binayaran ni daddy ang bola at ’yong isa pang binili naman niya tapos ay pinuntahan na namin si Daddy Rob at yaya Imelda.

Habang naglalakad ay lumingon ako upang tingnan kung ando’n pa si Marlon at naroon pa nga siya, nakatingin pa rin sa akin. Kumaway pa siya sa akin.

PAU’S POV

“ANG TAGAL n’yo naman. Nagugutom na kami dito,” kunwari’y reklamo ni Rob.

“Eto kasing si Gab, nakipagkuwentuhan pa ro’n sa lalaki.”

“Lalaki?”

“Gab dropped his ball at pinulot no’ng lalaki at inabot sa kanya,” pagkukuwento ko kay Rob.

“He just gave me the ball and asked for my name.”

“Ahh, nakipagkilala lang naman pala. O, siya kumain na tayo. Andami pa namang inorder ni Imelda. Ubusin natin lahat ito.”

“Boss Rob, ha. Ikaw ang umorder niyan hindi ako,” protesta ni Imelda.

Magana naming pinagsaluhan ang mga pagkain sa mesa. Nagutom kami kaya naubos namin lahat ng inorder ni Rob.

Sa daan pauwi ay nagkakantahan pa kami habang bumibiyahe. Masaya ang lahat. Wala nang problema. Tapos na ang mga araw na nababalot kami ng mga takot at pangamba. Lipas na ang panahon ng mga problema. Sama-sama naming ine-enjoy ngayon ang isang masayang araw.

Ako, si Rob, si Gab at si Imelda. Lahat kami ay dumaan sa isang pagsubok na akala namin ay hindi kayang lagpasan, pero nagawa namin.

Kung may dumating mang mga bagong pagsubok, buong puwersa pa rin naming haharapin iyon. Pero ngayon, tama nang masaya kami at magkakasama.

Dahil ang mga darating na bagong problema ay ibang istorya na.

THE END

  ![](https://img.wattpad.com/28e0f3d3314871d18056aedaeee676bc64fad9fa/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f365150692d547335502d504a4e513d3d2d3134323132303832332e313534663364386165303930626664653937343139353733373232332e6a7067)

Notable Comments from the Readers of Two Daddies

I really appreciate your comments sa stories ko. Nakakatuwa kasing malaman ang bawat opinion n’yo. Masarap sa pakiramdam pag nababasa kong nagugustuhan ninyo ang gawa ko. Iyon naman kasi ang isa sa mga purpose ng writer kung bakit siya nagsusulat— mapasaya niya ang readers sa pamamagitan ng likha niyang mga kuwento.

Kaya bilang pasasalamat sa inyo, ginawa ko itong part na ito para i-acknowledge ang mga komentong nagpasaya at tumatak sa aking puso at isipan… Maraming salamat!

AireenPueyo: nice story

alainskie: this is gonna be exciting

Kyle8_malik: it’s wow! it’s soooo awesome!

Kuya Thata: wow… Unique na story

erwin14324: nakaka-excite naman ang story na ’to!

timothy20: wow! pretty interesting…

DyosaLord11: ang ganda ng story mo, fan mo na ako. Promise…

AndyVilla6: hahaha! dami kong tawa. Umpisa pa lang, panalo na.

MichelleCorrea1: cute ng characters!! Kakaaliw.

chem20chem: Go writer! THIS IS INTERESTING.

WennielynWingsing: love love love ko na ’tong story… simula pa lang maganda na. walang masyadong paliko-liko. straight kaagad sa story.

skyandrew18: grabe sana in reality may ganitong happy family sa same sex.

treborperez09: super ganda ;)

kathtagle: I really love this story!

AndyVilla6: nice, author! ang ganda ng story. i-publish na ’to. bibili ako ng copy ng book. promise!

MichelleCorrea1: hahaha!! taray ng kondisyon… hindi ko expected ’yun. akala ko pera… nice twist!!!!

skyandrew18: otor bitin. hahaha… ’pag si Rico ang kasama mo sa bahay tapos ganyan, naku magkakasala ako hahaha (landi)

kreiydh_angelo: hayyyy… sa lahat talaga ng relasyon at pagsasama, hindi puro ligaya… laging may dadating na magiging dahilan ng pag-aaway at problema.

SerenaOohlala: Hay Rob, you’re too good to be true.

AireenPueyo: namumuro na ’tong Rico na ito ah… author, patalsikin mo na nga ’yan. Nakaka-high blood.

SerenaOohlala: Pau, kaunting kaartehan na lang, masasapak na rin kita.

dhayne_sellado: sorry kuya writer pero nakakagigil na story mo… nakakainis na ’yung kaartehan ni Pau… Hay Pau!!! naloloka ako sa character mo!!! nakakainis!!!!

timothy20: sinabi ko na nga na ako talaga ang ama ng bata, eh… hayup na Rico ito, ibebenta pa ang anak ko… haist! #killricoNOW

Alainskie: …i’m enjoying this story and your idea about this story is brilliant, loving it… thank you, Mr. author. (sent thru private message)

MichelleCorrea1: nerve rocking :/ gaNda..

IamKevzBebz: Hay…. eto lang ang tunog ng dibdib ko. dugdug, dugdug, dugdug… grabe ang suspense :-)

Alainskie: Grabe talaga story mo author,  nakaka-sad.

Jhayvee04: Nung nakaraan action,  ngayon drama.  Intense talaga.  Ano na susunod.  Kapit lang Pau…

Shaibord: galing mo otor hihihihi

JishinCruz: Intense ’yung mga pangyayari… Ganda ng pagkakagawa ng story, parang hango sa totoong buhay. (sent thru facebook private message)

Alainskie: I will miss Rob and Pau plus Imelda and Gab but your story is simply amazing and thank you… God bless u author.

JamesGabito: Nice story sir! Medyo bitin lang. Part 2 please! Hahaha

raphjoseph: clap clap… binasa ko talaga ito magdamag ;)

Olractipeek: What a twist sa ending. Very touching ang story. Good Job Author. I’m wondering? magkakaroon kaya ’to ng book 2? Haha anyway, Congrats Author. Good Job. :)) Thumbs Up.

Refresh2015: Ang ganda ng istorya… masarap basahin, gusto ko ang character ni Imelda may puso. Galing mo, author :)

rosmar7026: I love the story. 2 thumbs up. Worth to read. I’m looking forward for more interesting stories from you.

MaveKonanSilva: One of the best stories na nabasa ko. Very good Plot twist and Ending, though may cliffhanger, sobrang ganda pa din. Something new talaga. Great job!

trisha0728: Napaiyak ako ng bongga sa story na ’to. Naghalo ang sipon at luha ko. Hahahaha! Nice one:)

magbmara: Nakakaiyak na nakakatawa na nakakakaba yung mga eksena. Actually, naiimagine ko siya habang binabasa ko.

xxxnaughtyguyxxx: Good afternoon Author. Thanks for writing Two Daddies. I finished the 1st book. It’s light, funny, sensible, a rollercoaster ride leading me to a break-neck pace finale. The revelation/twist was good though I had a hunch beforehand, still it was awesomely crafted. Napaiyak mo ’ko sa “muntik ng kamatayan ni Pau” lintek!! Great job. I’ll continue with the sequel. More inspiration. Thanks for the gift of good storytelling.

CovertSolace: Exquisitely made and very realistic. Worth the read!

Announcement

Kung nagustuhan ninyo ang kuwento nina Paulo, Rob, at Baby Gab, siguradong mamahalin din ninyo si Guillermo “Emong” Flores.

Basahin ninyo ang kanyang kuwento.

Emong Alembong

Hindi siya nagdadalaga…

Hindi siya nagbibinata…

Nagbibinakla!

Pasasalamat

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat ng readers na nagbigay ng kanilang oras at panahon para basahin at subaybayan ang kuwento nina Paulo, Rob at Baby Gab.

Maraming salamat sa inyong lahat!

Sa mga hindi nagdamot ng kanilang mga boto, at sa mga mambabasa na nagbigay ng kanilang mga pananaw at komento tungkol sa kuwentong kanilang binasa, doble ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang inspirasyon ko sa bawat kuwentong sinusulat ko.

Muli, maraming salamat…

Two Daddies and Me

“Where happiness ends, reality begins…”

Akala nina Rob at Pau ay puro saya na ang buhay kasama si Gab na ngayon ay apat na taong gulang na. Hindi nila inaasahan na kasabay sa pagkamulat ng murang isipan ni Gab ay ang pagdating ng mga problema.

Paano nila haharapin ang totoong ama ni Gab na handang gawin ang ano mang paraan makuha lang sa kanila ang batang minahal na nila ng sobra?

Read it now!!!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.