Txtmate (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 24 chapters · 7,443 words
BABALA
SHORT STYLE WRITTING
CHAPTER 1
George POV
Hi, ako nga pala si George, 18 years old, Grade 12, single at virgin… walang kokontra!!! Kasi virgin talaga ako! Hmmmp!
Nag-aaral ako sa Candon National High School. Medyo may kalayuan yung school ko mula sa bahay namin, pero kaya namang lakarin kasi flat highway lang naman ang dinadaanan ko.
“Tita Gladies!! Bespren!” sigaw ng isang higad, at alam ko na agad kung sino yun.
“Bespren!!!” sigaw niya ulit, kaya binuksan ko na ang bintana at nilabas ang ulo ko. Tama nga, si Edgar ang nasa harapan ng pintuan namin.
“Wait lang! Di makapaghintay?” bara ko sa kanya.
“Whatever! Halika na, malelate na tayo,” sabi niya sa akin.
Siya si Edgar, ang nag-iisa kong baklang kaibigan. Same barangay din kami…
Buti na lang at nakaligo na ako at nakakain, kaya lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa akin si mama na naglilinis sa sala.
“Dalian mo d’yan, nasa labas na si Edgar,” sabi niya sa akin. Tumango naman ako at nagpaalam.
“Tara na, so bagal mo!” sabi niya sa akin.
“Duh! Ikaw kaya ’tong mabagal! Sabi mo 6:30, tignan mo oras, 8 na!” bara ko naman sa kanya.
“Ah ganun ba? Hehe, sorry naman bespren, namali yata orasan namin sa bahay,” biro niya.
Napaikot na lang ako ng mata… Naglakad na kami palabas ng aming barangay nang biglang sumigaw si Edgar.
“Wait!!!!” sigaw niya.
“Ano na naman ba?” gulat kong tanong sa kanya.
“Good morning, good evening, good night sa mga readers! Ako nga pala si Edgarda Droga, representing Barangay MATA, na nag-iiwan ng isang kataga: Wag mo akong tignan, poging kabataan, baka ikaw ay aking matikman… at pagsawaan! “ sabi niya na parang candidate sa pageant. Natatawa na lang akong binatukan siya, at nagbunganga na lang si bakla, hahahaha.
Tama ang sinabi ni Edgar: Barangay MATA ang pangalan ng barangay namin.
“Dalian mo ngang maglakad, kebagal-bagal mo,” biglang sabi ni Edgar. Sinawalang bahala ko na lang kasi papansin lang siya.
CHAPTER 2
George POV
Naglalakad kaming dalawa papunta sa school nang biglang may bumusina malapit sa amin, na siyang ikinagulat naming dalawa ni Edgar.
Beeppppppp!!!
Tumigil ang isang motor sa harapan namin at tinaas ng rider ang salamin ng kanyang helmet.
“O mga bakla, lakad na naman ba?” tanong ng lalaki sa amin. Siya si Jonele, ang dakilang bully sa section namin.
“So ano ngayon? Jonele supot!” taas-kilay na sabi ni Edgar sa kanya.
“Ano sabi mo?!” medyo galit na sabi ni Jonele. Hinawakan ko na ang kamay ni Edgar para awatin siya, pero si bakla, pinairal pa rin ang pagkamanyak.
“Pikon si supot, akin na at machupa ko, kawawa ka naman,” nang-aasar na sabi ni Edgar, at may patakip-takip pa ng bunganga na parang Maria Clara na tumatawa.
“Gago!” sabi ni Jonele at pinaarangkada na ang motor palayo sa amin.
“Pikonin as always si Jonele, hahahaha!” tawang-tawa na sabi ni Edgar.
“Ikaw talaga, ang bastos ng bunganga mo,” sita ko sa kanya.
“Malay mo, totoo palang supot… shet, sayang kagwapuhan niya pag ganon,” natatawang sabi ni Edgar. Natawa na rin ako dahil sa style ng pagtawa niya—para kasing kambing na 50% na horse.
“Tatanggapin ko ang pagiging supot ni Jonele, pero ’di ko tatanggapin ang panlalait mo sakin sa mga readers!” biglang sabi ni Edgar.
“Hahaha, tara na nga!” sabi ko at hinila siya papasok sa gate ng school.
CHAPTER 3
George POV
Nakapasok na kami sa aming classroom at kitang-kita ko yung mga kaklase namin. Merong nagma-make up, meron namang nanonood ng bold? Ang lakas kasi ng ungol eh, tangina naman ’tong mga boys na ’to, ’di pa hinaan yung volume! Kaimbyerna!
Umupo na lang kami ni Edgar sa aming row at nag-usap ng kung ano-ano. Ito namang si Edgar, tinatanong ba naman ako kung anong kulay ng brief ko, gaga talaga ’tong baklang ’to, parang baliw basta lang may mapag-usapan.
Napansin ko naman na lumapit si Jonele sa pwesto namin ni Edgar. Napaikot ang mata ni Edgar tapos tumitig sa palapit na si Jonele.
“Hinay-hinay lang, Edgar, sa pagtitig… baka ma-inlove ka sakin nyan,” mahanging sabi ni Jonele sa harapan naming dalawa.
Napaikot na lang ng mata si Edgar sa sinabi ni Jonele.
“Hay nako, Jonele, Jonele, Jonele… kung supot ka, manahimik ka na lang,” nang-aasar na sabi ni Edgar.
Hahayaan ko na sana sila, nang biglang kinuha ni Jonele ang kamay ni Edgar at pinahawak sa bandang titi niya. Napasigaw si Edgar habang si Jonele ay tumatawa.
“Diba daks?” tanong ni Jonele habang humahalakhak.
“Oo, daks! Pero supot naman, che!” sagot ni Edgar.
Umalis na si Edgar sa harapan namin, habang si Jonele ay tumatawa pa rin sa akin.
“Ang ingay mo na naman, Jonele,” sabi ng isang boses na syang ikinatigas ng… katawan ko (ay este, katawan talaga!), kasi kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ’yon.
“Oh, andiyan ka na pala, brad,” sabi ni Jonele, sabay lapit doon sa nagsalita. Unti-unti akong lumingon, at nakita ko ang nakangiting si Steven, my one and only crush!!!!!!!!!!!
CHAPTER 4
GEORGE POV
At tumigil ang ikot ng ulo ko nung nakita ko si Steven, my labs…
Oh ’di ba! Hindi tumigil ang mundo ko, kundi tumigil ang ikot ng ulo ko.
Ang gwapo-gwapo niya talaga, napaka-fresh niyang tignan! Hindi ko alam, pero feeling ko pati laway niya masarap hahaha, eme!
“Oh brad, andiyan ka na pala,” sabi ni Jonele kay Steven.
“Duh! Malamang, nandiyan na siya sa harapan mo!” bara ni Edgar.
Natawa na lang si Steven sa bara ni Edgar kay Jonele.
“Tama na yan, nararamdaman ko na parang kayo yung magkakatuluyan sa pinaggagawa ninyo,” nakangising sabi ni Steven sa kanilang dalawa.
“No way!” sabay na sabi ng dalawa.
Biglang tumingin si Steven sa gawi ko, saka ngumiti, at tinawag si Jonele para pumunta na sila sa kanilang row at umupo kasi malapit na ang time.
Hindi ko alam pero biglang nag-wet ang kepyas ko, mga bakla!
Umupo na nga si Edgar sa tabi ko.
“Sheeett, nag-we-wet na si bakla,” pang-aasar niya sa akin.
“Ang sarap niya kasi talaga…” nasambit ko na lang, at nang mahimasmasan ako, doon ko lang napagtanto na ganun pala ang nasabi ko.
“Pokpok ka din, noh? Hahaha!” natatawa niyang sabi sa akin. Kaya kinurot ko na lang siya sa tagiliran para tumigil sana, pero ang bakla sumigaw ng pagkalakas-lakas na “aray!” Ayun tuloy, naabutan ni sir, napagalitan. Hahaha, dsurv!!!
CHAPTER 5
George POV
Natapos na rin ang dalawa naming subjects at recess na, sa wakas!
“Tara, merienda muna tayo,” sabi ko kay Edgar sabay ayos ng laman ng bag ko. Tumayo ako at tumingin sa gawi ni Edgar na nag-aayos din ng gamit niya.
“Lezzgoo, I’m hunger!” sabi niya.
“Hunger o hungry?” natatawang tanong ko.
“Wala ka nang pake, bakla! Basta pareho lang yun, nagugutom yung gustong ipahiwatig nun,” sabi niya at inirapan ako.
“Tara na, libre mo ko,” sabi ko nung nakatayo na siya.
“Wow! Ang galing mo sa part na yan ah, bespren! Inaabuso mo na pagkakaibigan nating dalawa. Hindi pwede! Lalaban ako! Lalaban tayo!” sabi niya sa akin, at umakting pa talaga ang bakla ng may pataas-taas na kamay na may letrang L pa sa dalawang daliri.
“Yucks, maka-Leni,” sabi naman ni Jonele.
“Yucks, supot!” balik naman ni Edgar sa kanya. Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng classroom. Si bading naman, kung makahila parang wala nang bukas, wagas kung wagas.
“Aray!” daing ko.
“Wag kang mag-inarte, ililibre na nga kita,” sabi niya habang hinihila pa rin ako.
Kaya nabuhayan bigla ang kaluluwa ko at ako na ang naunang naglakad.
“Ay teh! Balik ka dito! Ang eksena natin, hinihila kita, hindi yung nauuna kang maglakad dyan! Sige ka, wala kang libre sa’kin,” sabi niya. Kaya bumalik na lang ako sa likuran niya at nagpahila ulit. Sayang naman yung libre eh, hahahaha!
CHAPTER 6
George POV
Andito na kami sa canteen ni Edgar, kumakain ng libre niya, nang biglang pumasok si Steven kasama ang barkada niya. Nasabi ko na ba sa inyo na matagal ko na siyang crush? Simula pa nung elementary pa lang kami.
Magkakalapit kasi dito ang elementary, high school, at college na paaralan kaya palagi ko siyang nakikita. At habang tumatagal, lalo siyang gumagwapo, eh sino bang hindi mai-in love sa kanya?
Habang tinititigan ko si Steven na papasok sa canteen, buti na lang at hindi niya ako napapansin kasi marami din namang nakatitig sa kanya. Pero biglang nawala yung ngiti ko sa labi kasi may babaeng lumapit sa kanya tapos yumakap. Yun pala ang girlfriend niya. Dun ko lang napagtanto na taken na pala si Steven naging sila lang daw nung last week.
Usap-usapan nga na sinagot agad siya nung babae. Eh ano pa nga ba? Sa pogi ni Steven, magpapa-hard to get pa ba yung babae? Aba, jackpot na yun!
Kaya iniba ko na lang ang tingin ko at kitang-kita sa sarili kong mata yung lungkot. Ang sakit lang isipin na mahirap palang mahalin si Steven. Baklang-bakla na ako sa kanya, hulog na hulog na talaga puso ko sayo, hayop ka, Steve! Ansakit!
CHAPTER 7
George POV
Natapos na ang klase namin ngayong araw at makakauwi na rin sa wakas! Uuwi na sana ako nang biglang nag-text si Edgar na hintayin ko raw siya sa waiting area sa labas ng school, kasi may kukunin lang siya sa classroom.
Kaya no choice ako kundi hintayin siya sa waiting area. Habang naghihintay, at dahil na rin sa sobrang naboboring na ako, naisipan kong ilabas yung ballpen ko at isulat ang number ko sa pinakagilid na parte ng waiting area. Sinulat ko pa: “txt mo’ko amboring eh #LalakeSanangGwapoAtNagkakagustoSaBakla” oo, ganyan kahaba yung hashtag ko!
Diba!? Ang demanding ko, pero eme-eme lang yun, malay mo lang talaga may makakita. Hahahaha!
“Ginagawa mo dyan?” tanong bigla ng isang boses sa likuran ko, si Edgar pala yun, nakatayo at nakatitig.
“Ano yan?” tanong niya pa ulit, at lalapit na sana siya sa pwesto ko para makita yung sinulat ko, pero pinigilan ko na siya kasi nakakahiya! Kaya naglakad na lang kami pauwi.
Mahirap na, baka ipagkalat pa ni Edgar na naghahanap ako ng katxt. Eh sa chismosa pa naman yung baklang yun! Hahahaha!
Nandito na ako sa kwarto, nakaligo at nakakain na. Matutulog na sana ako nang biglang may nag-message sa akin:
“hi cute”
Yun ang sabi sa text. Natulala ako nung nabasa ko yun. Syempre nireplyan ko agad:
“hello, sino ka?”
CHAPTER 8
George POV
Nandito ako ngayon sa classroom, nakatulala, kasi hindi ko pa rin makalimutan yung palitan namin ng text kagabi nung nag-text sa akin yung misteryosong number.
Flashback…
hello sino ka? – reply ko
secret – text niya
Secret pala, ah? edi block ka sakin – text ko naman, pa-hard to get kunwari
oy oy oy ito naman di mabiro 😉 – reply niya, at may pakindat-kindat pang sticker. Ewan ko ba, pero parang kinilig ako dun.
Mukha ba akong nagbibiro? – text ko, kunwari deadma, pero to be honest, kinilig talaga ako.
nakita kasi kita kanina na may sinusulat ka sa waiting area sa labas ng university, kaya hinintay kong makaalis kayo bago ko tignan yung sinulat mo. Ayun, nakita ko number mo. – mahaba niyang reply.
Dun ka din nag-aaral? – text back ko.
omsim – sabi niya.
Eh paano yan, hindi mo ba nakita yung nakasulat sa tabi ng number ko? – tanong ko sa kanya.
nakita ko. Eh anong pake ko naman kung bakla ka 😊 – reply niya.
Hindi na ako nakapag-reply agad, tapos nag-text ulit siya:
eh paano ngayon nyan, gwapo ako, may gusto din ako sayo, so tayo na? 🥰 – yan ang text niya, at may smiley sticker pa talaga. Sa moment na yun, parang tumigil ang pintig ng puso ko!
Hindi ko alam ang sasabihin kasi na-overwhelm ako sa sinabi niya.
Edi ligawan mo muna ako, ano ka, sineswerte? – reply ko rin sa kanya.
oo naman, my cutie – sabi niya.
Flashback end…
Kaya tulala ako ngayon.
Sino ka ba talaga?
CHAPTER 9
George POV
One month na pala kaming nagti-text ni babs . Ayaw niya sabihin yung pangalan niya nung first week pa lang kaming nagte-text kasi tinototoo niya talaga yung panliligaw sa akin. Kaya nag-suggest na lang siya na dapat daw may call sign kami at yun na nga, babs ang naisip niyang tawagan namin sa isa’t isa.
Kahit hindi pa kami officially noong first two weeks, kinikilig na talaga ako sa mga sinasabi niya. Kesyo ang cute ko raw, tapos matagal na raw niya akong gusto pero wala pa siyang lakas ng loob na i-chat ako sa Messenger o i-add man lang sa Facebook. Nahihiya rin daw siyang magtanong sa mga classmates ko para kunin yung number ko, at mas lalo siyang nahihiyang lumapit sa akin. Kaya buti na lang daw at sinulat ko yung number ko sa waiting area.
Like, matagal na raw talaga niya akong gusto pero nagmamasid lang siya palagi sa gilid-gilid.
Tinanong ko siya kung anong year siya, pero ayaw pa rin niyang sabihin kasi nahihiya pa raw siya.
Ting…
Biglang may nag-text kaya excited kong tinignan ang phone ko.
“Sino yan, si babs mo na naman?” tanong ni Edgar. Nasabi ko na kasi kay Edgar na may katext akong nanliligaw sa akin. Sa una, hindi siya naniwala, pero nung pinakita ko yung palitan namin ng text ni babs , si bakla kinikilig pa habang binabasa yung mga messages.
“Oo,” sagot ko. At nung tinignan ko kung ano yung text, ang nakalagay lang ay:
I miss you.
Ayun, nag-blush ang lola nyo!
Nireplyan ko naman siya ng:
I miss YOU too.
CHAPTER 10
George POV
August na ngayon and this is my birth month. Mahigit isang buwan na rin akong nililigawan ni babs , at ang ipinagpapasalamat ko ay hindi siya nagsawa at hindi rin nagbago yung pagte-text niya sa akin. Parang habang tumatagal, mas lalong lumalalim yung nararamdaman namin para sa isa’t isa at ramdam na ramdam mo yun sa palitan namin ng text.
At bukas na yung August 15, birthday ko na, at dun ko balak siyang sagutin sa panliligaw niya. Gusto ko sana siyang tawagan, pero nahihiya daw siya sa boses niya kaya hindi ko na siya pinilit, baka kasi minus points pa ’yon sa kanya pag ipinilit ko.
Ting…
Birthday mo na pala bukas, babs. Gusto ko sanang pumunta pero nahihiya pa ako. Pero may surprise ako. — text niya sa akin.
Okay lang babs, anong surprise yan? — nakangiti kong tinype at sinend ko sa kanya.
Surprise nga, diba babs? — sagot niya.
Hindi na ako nagtanong pa, at masaya kaming nagpalitan ng text hanggang sa makatulog ako.
Nakaligo na ako and everything. Buti na lang at Sabado yung 15, kaya walang pasok at hindi hassle. Time check, 10 AM, at feel ko nakaluto na sina mama ng mga ihahanda.
“Bespren! Happy birthday!” sigaw ng malakas na boses at pumasok sa kwarto ko si Edgar.
“Lakas ng bunganga mo, bahay mo?” pero ngumiti ako. “Pero thank you,” sabi ko sa kanya.
“Binara pa talaga ako? Well, it’s your birthday kaya ’di kita babarain ngayon. Labas ka na dyan, bespren! Marami nang nakaamoy na kapitbahay ng handa nyo, ikaw na lang hinihintay. Wag kang feeling prinsesa kasi panget ka. Tara na!” mahaba niyang sabi.
“Akala ko ba walang baraan?” tanong ko.
“That is not bara, bespren. That’s a fact,” sagot niya.
Pinandilatan ko na lang siya sabay pektus, at lumabas na kaming dalawa ni Edgar ng kwarto.
FINAL CHAPTER - SEASON 1
George POV
20 minutes later…
Natapos na ang awitan ng happy birthday at everything—kainan na!
Kumakain kaming lahat nang biglang nagsalita si Edgar sa harapan ng nakabukas na pintuan.
“Bes, Food Panda daw!” tawag niya at nilapitan ko ito.
“To sir George po,” sabi ni manong delivery rider.
“Ako nga po,” sabi ko at na-receive yung order.
Nilapag ko sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at binuksan. Nagulat ako kasi cake pala iyon! At hindi lang yun, may nakasulat pa:
“Can you be my girlfriend, babs ko?”
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, naiiyak na masaya, pero syempre hindi ko pinakita. Panget ko kaya pag umiiyak, hahahaha!
“May pa-ganito pala manliligaw mo, anak,” sabi ni mama na nasa likod ko.
“O, may letter pa pala para sa akin,” dagdag pa ni mama at kinuha ang papel na ang nakasulat to mama babs.
Syempre si mama yun! Alam na pala ni mama na may manliligaw ako sa text, at ang cute kasi tinatawag siya ni babs na mama babs.
“Ano sabi ng letter, Ma?” tanong ko.
“To mama babs, gusto ko po sanang humingi ng permiso na opisyal ko pong tatanungin sa inyo gamit ang letter na ito, na gusto ko pong maging girlfriend ang anak n’yong lalake na si George. Please naman mama babs, pag di niya ako sinagot ngayon, pagalitan n’yo po siya ng sobra. Hehe. Sorry babs, love you.”
basa ni mama.
“Yiiiieeee!” hiyawan ng mga kapitbahay naming palamunin hahaha, dejoke lang!
“O pano yan bespren, sagutin mo na s’ya! Text him!” sabi ni Edgar.
“Sagutin mo na, anak. Pansin ko naman na masaya ka sa kanya. Blooming na blooming ka eh! Kahit stress na stress na kayo sa school, tignan mo si Edgar—stress!” natatawang sabi ni mama.
“Ay si tita, binabara ako!” sabi ni Edgar.
Nakangiti akong nagpaalam muna sa kanilang lahat at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung phone ko at nakita ko ang text ni babs:
“So anong sagot mo?”
Yes, sinasagot na kita, babs ko — reply ko habang nakangiti.
“Yes!!!! Hooo!!!! Wala nang bawian, babs ko ah!” — text niya.
“I love you, babs ko.” — text pa niya.
I love you too, babs ko — reply ko.
Nagpalitan pa kami ng I love you sa text, at maya-maya bumalik na ako sa kainan. Sinabi ko sa kanila na sinagot ko na si babs—and grabe, ang saya ko lang!
SEASON 2
OUT NOW
CHAPTER 1
George POV
Can we meet na, babs? — yan ang text ko sa boyfriend ko, kasi gusto ko na talaga siyang makita.
Alam mo ’yun? Yung gusto mo na siyang mahagkan, mayakap, makapagkwentuhan ng harap-harapan at kung ano-ano pa. Syempre, hindi ko rin itatanggi na curious akong makita kung may itsura siya. Pero kahit ano pa man ang itsura niya, mamahalin ko pa rin siya.
Maybe it’s time for us to meet personally na, babs.
Yan din ang reply niya sa akin.
Bigla naman akong na-excite sa reply niya. Ito na ba ang inaasam-asam kong pagtatagpo naming dalawa? Mayayakap ko na ba siya? Mahahalikan ko na ba siya?
So can we meet mamayang hapon, pagkatapos ng lahat ng klase? — tanong kong text sa kanya.
Oo naman, babs ko! 4 PM will do.
Mabilis na reply ni babs.
Kaya naligo na ako kasi late na rin ako. Nagtext kasi sa akin si Edgar na di muna daw siya papasok ngayon. Napuyat daw kasi siya kagabi kasi may sinalihan siyang pageant at nanalo naman si bakla. Kaya bukas na lang daw niya ako ililibre.
Nandito na ako sa harap ng gate ng school, pero hindi muna ako pumasok kasi nagfa-flag raising ceremony pa sila. Dito kasi sa school namin, every Monday lang ito ginagawa.
Akala ko late na ako, pero naabutan ko pa yung City Hymn namin.
Nag-announce lang ng konti si madam principal, at pagkatapos nun, natapos na rin. Nagsi-alisan na ang mga estudyante at nagsipasukan na sa kani-kanilang mga classroom. Ako naman, dali-dali akong sumunod sa mga kaklase ko para magmukha namang nakiflag-raising din ako, diba?
“Asan si Edgar?”
Takang tanong ni Jonele.
Napansin ko na medyo nag-iba na talaga ang kilos ng dalawa nitong mga nakaraang buwan. Parang hindi na masyadong binabara ni Edgar si Jonele, at hindi na rin masyadong kinukulit ni Jonele si Edgar.
Hmmm… something’s fishy going on…
Baka nagkakamabutihan na sila… Or baka sila na…?
Ay!!!! Mali!!! Imposible!!! Kung makatanggi nga yung baklang yun nung tinanong ko kung type niya si Jonele — Diyos ko! Kulang na lang igudngud ako ni bading sa pader! Kaya napaka-imposible ng second guess ko.
Natapos na lahat ng klase namin ngayong araw at hapon na. Kaya dali-dali kong niligpit ang gamit ko at pumunta sa pinakamalaking akasya sa likod ng school namin, kasi dito daw kami magkikita ni babs.
20 minutes na ang nakalipas at wala pa rin siya. Nagtext na rin ako pero wala siyang reply.
5 PM na at wala pa rin. Bigla na lang pumatak ang luha ko. Napaisip ako:
Nakita niya ba ako tapos napangitan kaya ’di na nagtuloy?
Yan yung tumatakbo sa isip ko kaya pinunasan ko na lang yung luha ko at aalis na sana sa ilalim ng akasya… ng biglang may lumabas na lalaki.
Baka si babs na ’to.
Biglang sumilay ang ngiti ko at tumakbo akong lumapit sa kanya. Pero paglapit ko, nagulat ako. Hindi ko in-expect na… well, panget siya. Okay lang sana yun, kaso ang itim, ang taba, at ’di pa marunong pumorma. No offense huh! May standards din naman ako.
Well, sinabi ko naman kanina na kahit ano itsura niya, mamahalin ko pa rin siya. Kaya pinilit kong ngumiti sa harap niya.
“Babs?”
Mahina kong sabi.
Napakunot ang noo niya.
“Huh? Sino si babs?”
Takang tanong ng lalaki.
And I was so relieved. Bigla kong naalala na hindi nga ako sinipot ni babs dito sa akasya.
“Ay, wala. Sige, bye.”
Sabi ko at dali-dali akong umalis sa harap niya.
CHAPTER 2
Someone’s POV
Ito na ang araw na magkikita na kami ni babs. Kaya sa paghihintay ko na matapos ang klase, parang ang tagal ng oras. Ganito ba talaga pag excited ka sa mangyayari? Tinitignan ko siya sa kanyang upuan at napapangiti rin ako.
Natapos na nga lahat ng klase, at nauna nang nagligpit ng gamit si babs. Hindi ko na matandaan kung nasabi ko ba sa kanya na kaklase niya ako pero kung hindi man, edi surprise!
Maya-maya lang, nag-text siya sa akin na nasa ilalim na siya ng akasya. Kaya dali-dali akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng classroom, pero biglang nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman, kasi hindi nakasave sa contacts ko yung number.
“Babe, asan ka? Nasa ospital ako,” sabi ng boses sa telepono, si Angela lang pala.
“Babe? Diba sabi ko wag mo akong tawaging babe? Kasi wala namang tayo. Ikaw lang naman ang nagpupumilit sa sarili mo sa akin, eh!” inis kong sagot sa kanya.
“Kung di mo ako pupuntahan dito, itutusok ko tong karayom na nakatusok sa kamay ko sa leeg ko!” banta ni Angela at doon ako natakot. Hayst!
Teka lang, babs! Babalikan kita, promise!
Dali-dali akong sumakay sa motor at pinuntahan ang ospital kung nasaan si Angela.
Pagdating ko, nakita ko siyang nakahiga sa kama, at ang mama niya nakaupo sa tabi. Nang makita niya ako, bigla siyang tumayo at niyakap ako. Akala ko ba may dextrose siya? Napansin ko rin na nakatingin ang mama niya kaya dali-dali akong kumalas.
“Mom, boyfriend ko nga pala,” sabi ni Angela.
Agad naman akong nag-react sa sinabi niya.
“Nagbibiro lang po ang anak niyo, ma’am. Hindi niya po ako boyfriend. May jowa po ako, at hindi po si Angela. Nakita ko naman pong okay na ang anak niyo kaya aalis na po ako.” Mahaba at diretso kong paliwanag.
“Boyfriend kita!!! Anong may jowa ka na!!!??? Sino?!!!” at bigla na lang nagwala si Angela.
The reason na pinapayagan ko siyang lumapit sa akin ay dahil nararamdaman ko na parang may sakit siya sa pag-iisip and I don’t want to trigger that. Pero naubos na ang pasensya ko nung ipinakilala niya akong boyfriend sa mama niya, kasi naalala ko si babs. Kaya dali-dali akong lumabas kahit na nagwawala na si Angela, at pinipigilan naman siya ng kanyang ina.
Lumapit ako sa isang nurse at sinabi kong nagwawala na ang pasyente sa Room 23.
Hindi ko namalayan na sa pamamalagi ko doon, halos kumagat na pala ang dilim. Sumakay ako agad sa motor, bumalik sa school, at nakita ko na wala na si babs sa ilalim ng akasya.
Kaya nag-text ako sa kanya:
(Pasensya na, babs. Biglang nagka-emergency. Sana makilala mo na ako bukas. Sorry… I love you.)
CHAPTER 3
George POV
(Pasensya na babs, biglang nagka-emergency, sana makilala mo na ako bukas, sorry I love you)
Yan ang txt sa akin ni babs. Ako kasi yung tipo ng tao na madaling magpatawad pag ramdam at kita ko namang totoo ang dahilan at emergency naman daw. Kaya may pag-asa pa rin sa pagkikita namin bukas, at sana nga matuloy na ito.
Excited na talaga ako, kasi sya lang naman ang nakakakilala sa akin, pero ako, wala man lang akong clue kung sino siya.
Nandito na ako ngayon sa classroom at recess na.
“Tara na bespren, nagugutom na ako. Hindi kasi ako kumain kanina,” sabi ni Edgar sa akin.
“Pass, diet ako,” sagot ko.
“Libre ko,” sabi ni Edgar.
“Cheat day ko pala ngayon,” bigla kong sagot.
“Alam ko na yang galawan mo! Kunwari diet pero wala palang pera,” bara ni Edgar. Napaikot mata ko.
“You have me, bespren. Ano pa at I’m rich!” sabi ni Edgar, at natawa na lang kami kasi yung style ng pagkakasabi niya, may pa-pose-pose pa na parang kandidata sa pageant.
Nagpahatak na ako kay Edgar at dumiretso na kami sa canteen.
Nakabili na kami ng merienda, at grabe si bakla dalawang spaghetti, dalawang pancit, dalawang malalaking hotdog, apat na shanghai, tapos dalawang basong palamig.
“Shemmsss ang dami pala nating nabili,” nasabi ko.
“Kumain ka na lang, daming talak. Libre naman yan! Eat well bespren, sana mabilaukan ka,” biro-barang sabi ni Edgar.
“Same to you, bespren,” balik ko naman, sabay ngisi naming dalawa.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may tumayo sa gilid ko — matangkad at may dala pang tray ng pagkain. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Steven, my love , na nakangiti.
“Ahh… ano… ano yun?” medyo nautal kong tanong.
“Pwedeng tumabi sayo… babs?” sabi niya, sabay ngiti yung ngiti na nawala ang singkit nyang mata.
Pero ang nagpagulat sa akin ay yung sinabi niya na…
HUH!!! Babs???
Nagkatinginan kami ni Edgar at sabay naming nasabi:
“Babs?” sabay tingin ulit kay Steven.
“Ako nga, babs,” nakangiti niyang sabi.
Parang nag-slow motion ang mundo. Yung taong crush ko mula pa elementary hanggang ngayon, sya pala yung katxt ko. Siya si babs! Sa wakas, nakita ko na siya ng harapan. Yung crush ko at yung babs na minahal ko sa txt, iisa lang pala.
Hindi ko akalaing darating yung panahon na yung taong gusto ko… gusto din pala ako. At ang the best part? Boyfriend ko siya! Kaya di ko namalayan, pumatak na lang ang luha ko.
Biglang nilapag ni Steven ang tray, tumabi sa akin, at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang panyo. Tapos niyakap niya ako.
“Wag ka nang umiyak, babs. Nasasaktan ako,” sabi ni Steven. Humiwalay siya sa yakap, hinawakan ang pisngi ko, at tinitigan ako sa mata.
“Totoo lahat ng nangyayari, babs. Si Steven na crush mo at si babs ay iisa.” nakangiti nyang sabi.
“So let me get this straight… ikaw yung nagpadala ng cake nung birthday ni George?” tanong ni Edgar.
“Yup,” sagot ni Steven.
“Ikaw yung babs na matagal nyang katxt?” tanong ulit ni Edgar.
“Yes,” nakangiti pa rin si Steven.
“Eh akala ko ba GF mo si Angela?” tanong ni Edgar, at napatingin na rin ako kay Steven.
“Yung totoo nyan… si Angela lang ang nagpapalabas na GF ko siya. Pero ang totoo, wala talagang namamagitan sa amin. At may babs kaya ako,” sabi niya, sabay tingin sa akin.
“Last question: so matagal mo nang alam na crush ka ni George?” tanong ni Edgar.
“Yes. Well in fact… ako ang unang nagka-crush sa kanya,” sagot ni Steven at doon na lang kami parehong napatulala ni Edgar sa sobrang gulat at kilig.
CHAPTER 4
George POV
“Yes, well in fact ako ang unang nagka-crush sa kanya,” sabi ni Steven, na ikinagulat naming dalawa ni Edgar.
“Ano ang ibig mong sabihin?” doon na ako naglakas ng loob na magsalita at tumingin sa kanya.
“Hindi mo man maalala, pero sa akin naaalala ko pa kasi doon nagsimula na magkagusto ako sayo…” panimula niya.
“Nung Grade 2, recess, may mga batang umaway sa akin at kukunin na sana yung pera ko. Bigla mong binato ng tinapay yung parang leader nila, tapos hinila mo ako para makalayo. Tinanong mo ako kung okay lang ako… at pagtingin ko sa’yo, napakacute mo noon! Araw-araw na akong nakatingin at sinusubaybayan kita. Tapos, nung Grade 4, narinig ko yung usapan nyo ni Edgar na crush mo pala ako… hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon — na yung taong gusto ko, gusto din pala ako. Simula noon, sinikap kong magmukhang cool sa harap mo, kasi gusto ko ako lang ang gusto mo,” mahaba niyang kwento, at napayakap na lang ako sa kanya.
Mas lalo pa akong napamahal kay babs dahil sa kwento niya, hindi lang pala ako ang unang nahulog, siya pala talaga ang naunang nagkagusto sa akin.
“Wow, sana all! At dahil sa kwento mo, may naalala na ako, ikaw pala yung binubully noon Grade 2, kasi ang linis mo tignan… ano ka, diamond?!” biro naman ni Edgar, at natawa na lang kami.
“Kain na tayo, napahaba na yung kwentuhan natin,” sabi ni babs, at nagngitian kami.
“Tama na yang ngitian, kainan pinunta natin dito,” biro ulit ni Edgar, kaya tinuloy na lang namin ang pagkain.
Habang kumakain, kwentuhan lang kaming tatlo na para bang matagal nang close.
“Ay oo nga pala Steven, asan si Jonele?” tanong ni Edgar kay babs.
“Hindi ko rin alam, sabi niya may pupuntahan daw siya,” sagot ni babs.
Pero napansin ko yung tingin ni Edgar kaya napakunot ako ng noo.
“Magtapat ka nga sakin,” sabi ko bigla.
“Ang alin?” takang tanong ni Edgar.
“May namamagitan ba sa inyo ni Jonele?” tanong ko, at bigla siyang nabulunan. Buti na lang, agad siyang inabutan ni babs ng tubig.
“So tama nga ako! Kailan pa?” taas kilay kong sabi.
“Ah… eh… nung pageant ko pa, bespren,” nahihiya niyang sagot.
“Congrats! Dimo kasi sinasabi!” sabi ko naman.
“Nahihiya kasi ako,” sabi ni Edgar.
Biglang may boses na sumabat:
“Anong nakakahiya doon?” sabi ng boses na nasa harapan na pala namin — si Jonele.
“Flowers for you,” sabi ni Jonele, sabay abot ng bulaklak kay Edgar. Si bakla naman biglang naging pabebe girl :
“Ehe! Ene be, Jonele…” sabi niya, may pahampas-hampas pa na parang bulate.
“Pre, si Edgar jowa ko nga pala,” nakangiting sabi ni Jonele kay babs.
Biglang inakbayan ako ni babs at sabi niya:
“Pre, si George jowa ko din, siya si babs, yung kinikwento ko sayo,” nakangiti si babs kay Jonele.
“Owww shii… ikaw pala yun?!” gulat na may ngiti ni Jonele sa akin.
CHAPTER 5
Steven POV
It’s been a week mula nung pagtatagpo naming apat, at hindi ko maiwasang mapangiti. Kami-kami din pala ang magkakatuluyan sa huli.
“At sino naman ang taong nagpapangiti sa anak ko?” biglang tanong ni Mom. Hindi ko napansin na nakatayo na pala siya sa may kusina habang nakangiti akong parang ewan.
“Babae ba yan?” tanong naman ni Dad. Napailing ako.
“Omy gosh! Don’t tell me… lalake?!” gulat na tanong ni Mom.
“Honey, relax,” singit ni Dad. “So ano, babae ba o lalake?” seryoso niyang tanong habang nakatitig sa akin.
“Lalake, Dad,” seryoso kong sagot, nakipagtitigan ako kay Dad… tapos bigla siyang napangiti. Tumingin ako kay Mom, at nakangiti rin siya, parang kinikilig pa.
“Yes honey! May BL na tayo sa pamilyang ito!” excited na sabi ni Mom. Napakunot ako sa sinabi niya.
“BL?” tanong ko.
“BL, boys’ love, love story ng dalawang lalake, bromance, ganun!” paliwanag ni Mom na parang fangirl ang energy.
“Hindi kayo galit? Na ganito ako? Na lalake yung mahal ko?” tanong ko, medyo nanginginig pa ang boses ko.
“Of course no , son,” mabilis na sagot ni Dad. “Tatlo kayong lalake na anak namin, yung isa college student may girlfriend, yung isa, businessman na, may asawa at anak, at yung panganay niyo na babae, may sarili nang pamilya at sikat na restaurant. Ikaw, bunso namin… kahit sino ang mahalin mo, tatanggapin ka namin. Love is love, anak.”
“Tama ang Dad mo,” sabat ni Mom. “At nasabay pa na naadik kami ng Dad mo sa mga BL drama ng Thailand… kaya minsan iniisip ko, paano kaya kung lalake ang jowa ng anak ko, fulfillment yun bilang fan, tapos bunso pa kita!” natawa siya, pati si Dad natawa rin.
“Kaya, ipakilala mo naman samin yang tao na nagpapangiti sayo, son,” nakangiti si Dad.
“Makakaasa kayo Mom, Dad,” nakangiti kong sagot.
Kumain na kami habang kinukuwento ko paano kami nagkakilala ni George — my babs — mula sa pagtetext, hanggang sa pagkikita namin sa akasya.
“How romantic, isn’t it honey?” sabi ni Mom, kinikilig pa.
“I know, honey… ibang level pala ang love story mo, son,” nakangiting sabi ni Dad.
“I know, right Dad,” nakangiti ko ring sagot.
Biglang binitawan ni Mom:
“So… ikaw ang top?”
Nabilaukan ako sa tubig!
Si Dad naman, tawang-tawa.
“Of course, Mom! Shessshhh!” nahihiya kong sabi.
“Relax son, papayag ako na lalake jowa mo… pero ’di ako papayag na ikaw yung bottom!” biro ni Dad na mas lalo kong ikinabilaukan.
Gosh! Itong dalawang oldies sa harap ko, kabisado na ang top at bottom ?!
Binilisan ko na lang ang pagkain ko baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Mahirap na!
“Bye Mom, bye Dad,” sabi ko sabay tayo.
“Already? Ingat ka, son! Basta ipakilala mo siya ha,” pahabol ni Mom.
“Yup!” sagot ko, at dali-dali na akong umalis sa kusina… …na may ngiti pa rin sa labi, kasi alam kong tanggap nila ako at tanggap nila si babs ko . ❤️
CHAPTER 6
George POV
Nandito kami ngayon sa classroom, magkatabi kami ni Steven. Sa harapan naman namin, nakaupo si Edgar at Jonele. Alam na ng mga kaklase namin ang tungkol sa amin kaya todo suporta sila. Si Angela lang ang hindi masaya, as in ang sama ng tingin niya sakin! Pero sabi ni babs, hayaan ko na lang siya.
Pero syempre… kahit babae ka, pag ikaw ang nagsimula ng gulo, lalabanan talaga kita! Hmmpp!
“Oo nga pala babs… guys,” pagkuha ni Steven ng atensyon namin.
“Ano yun?” tanong ni Edgar habang ngumunguya pa.
“Birthday pala ni ate sa Sabado… gusto daw kayong makilala,” sabi ni Steven, nakatingin sa aming tatlo.
“As in? Totoo? Bakit daw?” sunod-sunod na tanong ni Edgar. Oo nga naman, bakit kailangan pa kaming pumunta?
“Gustong makilala ni ate si babs, tapos kine-kwento ko din kasi kayo kina mama at papa. Si Jonele, para na rin naming kapatid kasi bata pa lang, lagi na siyang nandoon. Nung nalaman naman ni mama na bespren ng babs ko yung jowa ni Jonele, sabi niya na gusto din kayong makilala, Edgar,” mahabang paliwanag ni Steven.
Naalala ko yung sinabi niya dati, addict sa BL dramas yung parents niya! Pero kahit alam kong tanggap nila kami… parang may kaba pa rin sa dibdib ko. Alam mo yun? Yung takot na baka hindi nila ako magustuhan.
“Ano, okay lang ba?” tanong ni Steven, nakatitig sakin.
“Oo naman. Birthday ng ate mo yun eh,” sagot ni Jonele, nakangiti.
“Of course! Madaming pagkain yun for sure!” pabirong sagot naman ni Edgar, sabay tawa.
“Okay lang ba? Parang nakakahiya,” alanganin kong sabi.
“Ano ka ba bespren! Ngayon ka pa nawalan ng kapal ng mukha?” biro ni Edgar.
“Mahilig na sa BL ang parents ni Steven, I’M SURE they will like you.”
“Tama si Edgar, babs,” nakangiting sabi ni Steven. “Nandun naman ako, di kita pababayaan.”
Napangiti na lang ako. Ang sweet talaga ng babs ko.
“Saba ikaw di, Jonele… dimoko pababayaan?” biro ni Edgar kay Jonele.
“Oo naman babe,” sagot ni Jonele sabay akbay kay Edgar.
Sus! Itong dalawa talaga, kung mang-asar wagas!
✧ ✧ ✧
Saturday.
Sinundo ako ni Steven sa bahay, kasi ngayon na yung birthday ng ate niya.
“Ma! Punta na po kami,” paalam ko kay mama.
“Alis na po kami, tita,” nakangiting sabi ni Steven.
Hindi ko pala nasabi dito… Naipakilala ko na si Steven kay mama nung araw na nagkaaminan kami sa canteen. Kinabukasan, pinilit niya na ipakilala na siya kesyo daw baka iwan ko raw siya, kaya ayun, napapayag ako. Todo pa-impress si babs: nagdala pa ng maraming meryenda! Kaya nagustuhan agad siya ni mama.
“Sige, ingat kayo mga anak,” sabi ni mama, may ngiti sa labi.
Lumabas na kami, dumiretso sa motor ni babs.
“Yakapin mo ko, babs,” sabi niya, nakangiti.
Kaya niyakap ko siya mula sa likuran. Ramdam ko yung tibok ng puso ko, halo ng kaba at kilig… Pero mas nangingibabaw yung saya, kasi alam kong kasama ko si babs at ipapakilala niya na ako sa pamilya niya. ❤️
CHAPTER 7
George POV
Nakita ko sina Jonele at Edgar doon sa harap ng gate nila Steven, nakatayo at parang hinihintay talaga kami. Bumaba na ako sa motor, sabay biglang bumukas yung gate. Sina Steven at Jonele, diretso na sa loob sakay ng motor. Kami naman ni Edgar, naglakad na lang papasok.
Habang naglalakad, nililibot ko ng tingin yung paligid. Ganito ba talaga pag mayaman?
Mala-mansyon ang bahay, parang nasa isang resort o malaking villa sa TV.
“Grabe… malaki na bahay namin pero iba pa rin pala talaga pag ubod ng yaman,” bulong ni Edgar, na halatang namangha rin. Oo nga naman — malaki na bahay nila Edgar pero dito… parang palasyo na may garden at driveway.
Pagdating namin sa main house, mga 50 hakbang mula sa gate, nakapark na sina Steven at Jonele. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.
Biglang may malakas na boses na narinig ko mula sa hagdanan:
“Is that George?!”
Napatingin kami at nakita ko ang isang ginang — ang ganda niya, parang artista! Siguro siya na yung mama ni babs.
“Yes mom, siya na nga,” nakangiting sagot ni Steven sa kanya. Ngayon ko lang din napansin ang isang lalake na nakatayo sa likuran ng mama niya, siguro siya yung papa ni babs.
“Hello po,” nahihiya pero nakangiti kong bati. Dali-dali namang lumapit sa amin ang mag-asawa at kabang-kaba ako, promise!
Bigla akong niyakap ng mama ni babs.
“Glad to meet you!” sabi niya habang nakayakap. Tumingin naman ako sa papa niya at nakangiti lang siya sakin.
“I’m glad at pinakilala ka na rin sa amin ni Steven,” sabi ni Mr. Puerto.
“Nice to meet you po,” nakangiti kong sagot.
“Jonele, ito na ba ang jowa mo?” tanong ni Mrs. Puerto, sabay tingin kay Edgar.
“Hehe, opo,” nahihiyang sagot ni Jonele. At niyakap din ni Mrs. Puerto si Edgar, tapos ngumiti.
“Alam mo, parang anak na rin ang turing ko kay Jonele. Stay strong kayong dalawa ha, lalo na kayo, George at Steven,” sabi niya. Kami naman, sabay sagot ng “Opo” habang nakangiti.
“Halina kayo, nasa likod ang garden area. Doon ang handaan —nandoon na rin ang mga kapatid at mga apo namin,” sabi naman ni Mr. Puerto.
Nauna nang naglakad yung mag-asawa, sumunod na kaming apat.
“Grabe… ibang experience ’to, bespren,” bulong ni Edgar habang lumalapit siya sakin.
“Kaya nga eh… parang teleserye,” bulong ko rin, sabay kaming natawa.
Pagdating namin sa garden area, ang ganda! May mga mesa, lamesa ng pagkain, balloons, at kiddie pool pa para sa mga bata.
Biglang nagsalita si Mrs. Puerto:
“We’re here!” sabi niya, kaya napatingin sa amin yung ibang guests.
Tumingin sa akin yung ate ni babs, ang ganda niya parang model.
“You’re cute… diba mahal?” sabi niya sa asawa niya. At sumang-ayon naman yung asawa niya na nakangiti. Ramdam ko na namula talaga ako sa hiya.
“Alam kong parang awkward kasi ngayon lang tayo nagkita,” sabi ni ate ni babs, sabay naglakad palapit.
“Well, let me introduce myself: ako si ate Romina, ito asawa ko si kuya nyo Willy. Yung batang naka-red dun sa kiddie pool, anak namin — si Andre. This is Kester and his wife Karla, at yung batang kasama ni Andre, anak nila — si Kervy. At sya naman si Kevin,” mahabang pakilala ni ate Romina.
Grabe! Ang gaganda’t gagwapo nilang lahat. Pati mga kids, artistahin!
“Ako naman, I’m Mrs. Jona Puerto, and this is my husband, Mr. JR Puerto,” sabi ni mama ni babs. Nakangiti lang kami ni Steven, at pati sina Edgar at Jonele.
Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain, tumingin ako kay Steven, ang gwapo niya talaga, lalo na pag nakangiti. At sa loob-loob ko, naisip ko lang…
Hindi pala nakakailang kung tanggap ka ng pamilya. Ang sarap sa pakiramdam — yung mahal mo, proud na ipakilala ka sa lahat. ❤️
FINAL CHAPTER - SEASON 2
Edgar POV
Habang nagche-cheer kami, nagpipigil talaga ako ng tawa. Kasi si bespren ko, akala mo iiyak ng tahimik pero nagmistulang fountain yung luha niya!
Pero masaya ako para sa kanya. Nakita ko sa mga mata nila ni Steven kung gaano sila kasaya at gaano sila nagmamahalan.
“Hoy, videohan mo!” bulong ko kay jonele.
“Oo na labs, chill ka lang,” sabi naman ni jonele, pero kita ko rin na napapangiti siya.
Tapos bigla na lang kaming nag-slow clap, at sinundan ng mga classmates namin. Parang ang ganda ng eksena parang scene sa movie.
Steven POV
Pagkasabi ko ng “I LOVE YOU BABS KO and happy 2nd monthsarry to us,” nakita ko talaga sa mukha ni George na surprise siya pero punong-puno ng saya. At nung hinalikan niya ako, ang lambot pa rin ng labi niya para kaming nag-stop ang mundo, kahit na ang ingay ng paligid.
Pagkatapos ng halik, nagkatinginan kami at natawa kasi pareho kaming naiiyak. Grabe talaga. Hindi ko in-expect na magiging ganito kasaya ang monthsarry celebration namin.
Tumingin ako kina Edgar at Jonele at nag-thumbs up ako sa kanila. Buti na lang game na game sila sa plano ko.
George POV
Sobrang saya ko, as in! Hindi ko alam na kaya pala akong pasayahin ng ganito. Kanina akala ko nakalimutan na ni babs, pero grabe pala yung effort niya.
Napalingon ako sa paligid at andun lahat ng kaklase namin, pati yung ibang taon, sumisigaw ng “kilig!” at may mga nagvivideo pa. Pero wala na akong pakialam, kasi ang importante, kami ni babs.
“Thank you babs… sobra sobra,” mahina kong sabi sa kanya habang nakayakap kami.
“Ikaw lang babs, ikaw lang talaga,” sabi ni Steven, sabay haplos sa buhok ko.
Edgar POV
Nagtinginan kami ni jonele at natawa na lang kami.
“Tingnan mo labs, parang teleserye, diba?” bulong ko.
“Oo nga labs, pero bagay naman sila,” sabi ni jonele, sabay hawak sa kamay ko.
George POV
Kanina, akala ko ordinaryong araw lang… pero naging isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko.
At habang nakatitig ako kay babs na nakangiti sa harap ko, isa lang ang nasa isip ko:
“Salamat Lord… kasi hindi lang siya ang minahal ko — minahal din niya ako.” ❤️
EPILOGUE
(1 year later…)
George POV
Isang taon na ang lumipas mula noong second monthsarry surprise ni babs sa gymnasium. Ang dami nang nangyari, pero isang bagay lang ang hindi nagbago, kami pa rin ni babs, mas matatag, mas masaya, at mas nagmamahalan.
Nandito kami ngayon sa likod ng campus, sa ilalim ng akasyang puno kung saan dapat sana kami unang magkikita noon. Ngayon, hindi na luha ang dala ko dito kundi ngiti.
“Naalala mo ba, babs?” tanong ko habang nakasandal ako sa kanya.
“Oo naman… dito ka naghintay, akala mo hindi ako dadating,” nakangiti niyang sagot, sabay haplos sa buhok ko.
Huminga ako ng malalim.
“Pero dumating ka rin. At simula noon… hindi ka na nawala.”
“At hinding-hindi na mawawala, babs ko,” sagot niya, sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.
Steven POV
Sino ba ang mag-aakalang mangyayari ito? Yung dating crush lang, naging txtmate, tapos naging babs ko at ngayon, partner ko na sa lahat ng bagay. Minsan iniisip ko, baka panaginip lang to. Pero sa bawat umaga na kasama kita, alam kong totoo.
“I love you babs ko… at sa darating pang taon, mas mamahalin pa kita,” bulong ko sa kanya.
“I love you more babs ko,” sabi niya, sabay ngiti na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Edgar POV
At kami ni jonele? Ayun, kami pa rin! Kahit madalas akong tinutukso ng bespren ko, masaya kami ni jonele. At proud ako sa kanila ni steven, kasi kahit maraming dumaan na pagsubok, napatunayan nila na ang totoong pagmamahal, hindi lang puro kilig at dapat may tiwala, sakripisyo, at respeto.
George POV (closing)
Minsan, naaalala ko yung unang txt ko kay babs:
“Pwede ba tayo magkita?”
At ngayon, araw-araw ko siyang nakikita. Hindi lang bilang crush, hindi lang bilang txtmate kundi bilang taong mahal ko… at mahal ako.
Sa dulo, natutunan ko na ang pag-ibig, hindi lang basta hinahanap. Minsan, dumarating ito sa oras na di mo inaasahan at sa taong hindi mo sukat akalain.
At kapag dumating, hawakan mo. Alagaan mo. Dahil ang tunay na pag-ibig… iyon ang pinaka magandang surpresa ng buhay. ❤️
✨ The End ✨
Author’s Note
Thank You very much kasi natapos ninyo ang kwentong ito.
Don’t forget to follow me to all my Social Media Accounts.
My Social Media Accounts
Wattpad: Chakasalsal
FB: George Rosewell Lapitan
Instagram: georgerosewelllapitan
Youtube: Jojo Brillantes

