UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
Brictorique · 26 chapters · 41,406 words
UNDER THEIR INFLUENCE (BL)
UNDER THEIR INFLUENCE
written by BRICTORIQUE.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the product of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to person living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.
‐–––––––––––––––––––––––––
ABOUT THE STORY:
So, ang kwentong ito ay tungkol sa isang anghel at demonyo. Obvious naman siguro sa dahil sa cover at hindi ko alam bakit ito ang naisip kong titulo, siguro dahil ito sa kanta ni Tove Lo na Influence at duon ko nakuha ang sense na bilang tao, maaaring kaya tayo nakakagawa ng mabuti o masama ay dahil sa impluwensya ng ating anghel at demonyo.
BL themed ito kaya kung homophobe ka ay maaari mo ng lisanin ang kwentong ito bago ka pa man makita ng iyong anghel de la guardia at mapailing samantalang magbunyi sa saya ang iyong demonyo.
Ngunit, kung hilig mo naman ang ganitong tema ay mangyari lamang na i-add ito sa iyong reading list para sa iyong masubaybayan. Kahit hindi ninyo na ako i-follow, okay lang. Irespeto ninyo lang sana ang aking likha.
Actually, gaya ng naunang mga kwento ng Luna Series hindi ko alam kung gagawin ko bang novel o short story ito pero sana inyong magustahan gaya ng pagtangkilik ninyo sa Fangs of an Alpha (FOA) at A Clocks Blood (ACB) dahil napagpasyahan kong ito ang magiging ikatlong libro para sa aking Luna Series. Kung bakit Luna Series ay hindi ko rin alam ngunit subukan ninyo nalang intindihin.
Wala akong specific character in real life na maaaring ihalintulad sa mga tauhan dito sa kwento na mas gusto ko rin dahil gusto kong lumikha kayo ng imahe sa inyong isipan na aayon sa panlasa ninyo. Iyon lang.
Isang palaisipan pa sa akin kung kailan ko officially ipa-publish ang unang bahagi ng kwento ag kung gaano ko ito kabilis matatapos.
Date Created: December 17, 2021
UNDER THEIR INFLUENCE 1: PRAISE
“I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well. Psalm 139:14.” pagbasa ng matandang babae sa bibliyang kanyang hawak, habang nakatayo sa harapan ng mga mananampalataya.
Araw ng linggo. Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng simbahan. Maraming tao ang nasa luob ngunit karamihan ay hindi para magpasalamat sa biyayang natanggap sa buong linggo kundi ang humiling ng kung anu-ano na kanilang gustong makuha para sa kanilang sarili, mga nanduon upang masabing sila ay may takot sa diyos at relihiyoso, at syempre mawawala ba naman ang gusto lang ipakita sa kanilang mga kasabayan sa pagsisimba na may mga bagay silang wala ang iba tulad ng bagong damit, pera, o hindi naman kaya ay naghahanap ng magandang mukha na maaaring gawing dahilan upang tuwing linggo ay makapunta sila sa misa.
Matapos magbasa ng nasa harapan ay nagsitayo ang lahat upang magbigay pugay sa magsesermon na pari sa harapan ng altar.
Ang dalawa sa apat na sakristan na nasa gilid ng altar ay lumapit sa pari upang alalayan ito sa pagpunta sa mahaba nitong lamesa kung saan naghihintay maipatong ang hawak nitong sagradong bibliya. Nagkatinginan ang dalawang sakristan at bahagyang yumuko sa isa’t-isa bago tuluyang makarating sa kanilang destinasyon. Ang isa ay napatingin sa nakaupo sa harapan na hilera ng mga matatandang lalaking nakasuot ng puti. Napalunok ito ng mapansin na nakatingin sa kanya ang isa sa mga iyon.
Matapos ang halos isang oras na misa ay sa wakas makakauwi na rin ang dalawang sakristan na nagkatinginan kanina. Dali-dali silang nag asikaso at lumabas sa likod ng simbahan dala ang kanilang mga gamit at ang isa ay agad na naglakad patungo sa mga nakahilerang street foods.
“Moi! Anong ginagawa mo? Halika ka na, mamaya may makakita pa sa atin dito isumbong pa tayo kila Lolo. Mayari pa tayo pag uwi.” inis na sabi ng isa sa dalawa.
“Kalma ka lang, Lex. Take out na nga lang ito oh. Masyado ka namang kabado. Pwede namang sabihin na nagutom tayo kaya kumain muna tayo.” tugon ng isa habanb tumutusok ng fishball at nilalagay sa hawak nitong plastic cup.
“Eh alam mo naman ’yung mga iyon. Sasabihin nila sa atin na kagagaling lang natin sa simbahan tapos imbis na iuwi natin sa bahay ang grasyang natanggap natin, dito sa kanto na ito dumidiretso.”
“Aish, sige na nga. Ito na, ito na. Manong, ito po bayad ko.” pagka abot nito ng bayad ay lumakad na ito sa direksyon ng kasama niya at inalok ng binili niya, “Bakit naman kasi ang OA ng mga matatandang palasimba ’no? Akala mo talaga sa langit diretsyo nila eh ang judgmental naman sa karamihan.”
“Loko! Tumigil ka nga. Mamaya may makarinig sa iyo. Saka hoy, akala mo hindi kita napansin kanina ah.”
“Huh?”
“Anong huh? Tigilan mo ako sa ganyan mo. Halata kita kanina ’no. Tinitignan mo ’yung pogi duon malapit sa may nagku-choir. Umayos ka ah, mamaya may makabisto sa iyo bukod sa akin. Ay naku, sinasabi ko sa iyo. Yari kang bata ka. Araw-araw ka talaga sa bible study sinasabi ko sa iyo.”
“Gaga! As if namang mapapa diretso ng bible at sermon nila ’yung pagiging baliko ko.” natatawang sabi ng isa.
“Pssh, bibig mo.” inis na sita ng kasama nito.
“Ay sorry po, nasa prisensya pala ako ng napabuting nilalang at ako ’yung hindi.”
“Alam mo, ang sa akin lang naman, mag iingat ka na walang ibang makaalam ng sikreto mo. Ayaw kong itakwil ka nila dahil lang sa ganyan ka. Ewan ko nga rin ba kung bakit napakalaking kasalanan na magkagusto ka sa kapwa mo kasarian kesa sa pakiki apid na halos tinatanggap nalang ng karamihan.”
“Wala eh. Nasa mundo tayo ng mapanghusga, kung saan ang siyang mga nagpapakalat ng salita ng diyos ang siya pang nangunguna. Tao nga naman, hindi perpekto pero ang diyos oo kahit na ang ilan sa mga nagawa niyang desisyon eh hindi rin naman karapat-dapat na sambahin.”
Habang naghihintay ng masasakyan ang dalawa pauwi ay biglang umihip ang isang napakalakas na hangin. Maaraw ngunit hindi nakakasilaw.
Sa hindi kalayuan ay isang matangkad at guwapong lalaki ang nakasandal sa matandang puno malapit sa simbahan. Nakangisi ito. Hindi siya alintana ng mga nagdadaang tao sa paligid dahil hindi siya dapat makita ng mga mortal gaya nalamang ng isa pang gaya niya na nakatayo sa harapan niya na nagliliwanag at may dalang libro. Hindi tulad niya na nakasuot ng itim na suit at may itim na pagpak at pulang halo, ang isa ay puti na mala dress robe ang kasuotan na may gintong halo at puting pakpak.
“Anghel ko, mukhang ako ang mananalo dito sa bata natin.” nakangising sigaw nito.
“Masyado pang maaga para mang husga, demonyo ko.” isang pilit na sabi ng isa sabay irap at tingin sa batang kanyang dapat bantayan.
Isang malakas na busina ang narinig sa paligid at ang dalawang sakristan ay sumakay na sa nakahintong jeep. Ngunit bago ito tuluyang umandar paalis ay napatingin ang isa sa dalawang sakristan sa labas kung saan nakita niya ang anghel at demonyo na nakatingin sa kanya.
Napakusot siya ng kanyang mga mata sa pagaakalang namamalik-mata siya.
“Shit.” bulong nito ng hindi pa rin ito nawala sa kanyang paningin at dinadaanan lang sila ng kapwa niya tao at hindi napapansin ang hindi maitatangging pang out of this world nilang hitsura at awra na tanging siya lang ang nakakakita.
“Huy, anong nangyayari sa iyo?” tanong ng kasama niya ng mapansin nitong parang may nakikita ito na kakaiba.
“Nakikita mo ba iyon?” sabay turo sa anghel at demonyo na ngayon ay nagbabangayan na sa kani-kanilang mga pwesto.
“Ang alin?” kunut-nuong tanong ng kanyang kasama.
“A-Angel! Saka Devil!” natatarantang sabi niya kaya ang ilan sa mga nakasakay sa jeep ay naweirduhan sa kanya at napatingin din sa tinuturo niya.
“Sira ulo!” hinampas ng lalaki ang kasama niya ng wala siyang makita na gaya ng sinasabi ng kasama niya, “Simba pa more! Tsk, tsk.”
“Hindi, meron–!” magsasalita pa sana siya kaso sa isang kisap mata ay nasa mismong harapan niya na ang kaninang tinitignan niya sa hindi kalayuan.
“Sshh, quiet ka lang, boy. Sige ka kapag pinilit mo na nakikita mo kami, isipin nila baliw ka.” nakangising sabi ng demonyo na prenteng nakaupo sa hagdan nf jeep, “Tama ako, ’di ba, Anghel ko?”
“Gusto ko sanang sabihing hindi pero mali ang magsinungaling kaya oo, tama siya, Lex. Huwag kang matakot sa amin este sa akin. Ako ang guardian angel mo. Ang pangalan ko ay si—!”
“Rome, pare.” nakalahad kamay na sabi ng demonyo samantalang nakatitig ng masama sa kanya ang angel na napabuntung-hininga na lamang at inayos ang upo sa harapan ng nakakakita sa kanila.
“Ang pangalan ko ay si Gabriel pero Gabi for short. Nice to meet you, Lexel.” masayang sabi ng anghel at sa saya niya at agad niyang niyakap ang nasabing lalaki.
“Woah, grabe! Bakit biglang lumamig?!” tanong ng kasama niya habang kinukuskos ang mga palad sa kanyang braso.
Natulala naman ang nasabing lalaki at parang nabigla sa mga pangyayari kaya hindi na nakakagulat na mawalan ito ng malay.
“Uy, Lex! Lexel!” natatarantang sabi ng kasama habang niyuyugyog ang kasama kaya pati ang ibang nakasakay ay nakisawsaw na rin sa biglaang pagkahimatay ng binata.
“Tsk, tsk. Hala ka, anghel ko. Tinakot mo! Sa sobrang liwanag mo akala white lady ka!” mamatay-matay sa katatawang sabi ng demonyo.
“Umalis ka sa harapan ko baka ano pang magawa ko sa iyo! Kanina ka pa naiinis na ako! Hay! Mga demonyo nga naman!” naiinis na sabi nito at muling umirap. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito na siyang lalong nagpatawa sa demonyo.
A/N:
Date Published: December 25, 2021 at 12:00 AM
Hello, night readers! Nagbabalik ang inyong weirdong manunulat para sa panibagong fantasy/supernatural bxb story. Yehey! May aabangan na ulit sila gabi-gabi, char!
So, ayun. Gusto ko lang sabihin na December special ito. Kung bakit? Malalaman ninyo kapag nakarating na tayo sa ending ng kwento. Biglaan ko lang ito naisip habang nakasakay ako sa mrt at papasok sa trabaho habang may pinapakinggang kanta.
Anyway, stay lunatic and weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 2: GUARDIANS
“Lexel! Gising na, male-late ka na!” halos pasigaw na at ramdam ko na sa tono ng tumatawag sa akin ang inis niya.
Kumunot ang nuo ko habang lalong siniksik ang sarili ko sa kama. Ugh, ayaw ko pa bumangon! Ayaw ko pa pumasok!
“Uy, bata! Bumangon ka na d’yan! Unti nalang tutubuan na ito ng sungay oh!” natatawang sabi sa akin ng isa pa na kabaligtaran ng kasama niya.
“Ugh! Ito na! Ito na! Babangon na! Ang ingay ninyong dalawa hindi na ako makatulog pa.” inis kong sabi pag upo ko sa kama habang ginugulo ang buhok ko.
“Yehey! Gumising ka na rin! Rise and shine, Lexel!” masayang sabi ng naunang tumawag sa akin na umupo sa dulo ng kama ko.
Napabuntung-hininga na lamang ako. Kung may iba lang na nakakakita ngayon sa akin, iisipin nilang baliw ako dahil wala naman silang nakikitang kausap ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang sinumpa este pinagpala na makita ang gaya nila.
I mean, normal ba na makita mo ang guardian angel at devil mo sa pang araw-araw na pamumuhay sa earth? Nagsimula ito after ng 16th Birthday ko, pagka galing ko sa misa, na nakikita ko sila.
“Ayun, gumising ka na rin! Bilisan mo na mag asikaso kundi mapipilitan akong hubaran ka.” sabi ng nakaupo sa study table ko at kinakalikot kung ano mang meron sa ngipin niya. Eww, the fuck.
“Ang bastos mo talaga!” nandidiring sabi ko at tuluyan ng umalis ng kama at kinuha ang twalya ko para dumiretso na sa pagligo.
“Umagang kay makasalanan ka talagang demonyo ka! Tinuturuan mo agad ng hindi magandang asal ang alaga ko.” masungit na tugon ng isa.
“Bakit? Inggit ka? Halika dito, ikaw nalang ang huhubaran ko.” natatawang tugon nito at nailing nalang ako habang palabas ng kwarto ko.
Hindi ba sila nagsasawang magbangayan na dalawa? Sabagay, parang aso’t pusa ang anghel at demonyo. Hindi na dapat ako nagtataka at umasa na magkakasundo pa ang dalawang ito.
Pagpasok ko ng banyo eh sinimulan ko na ang ritwal ko — ang pagligo. Oh, anong kalokohan ang pumasok d’yan sa mga utak ninyo ha?
Dahil simula ngayon ay kasama ninyo na ako sa mga mangyayari sa buhay ko, aba dapat lang na ipakilala ko sa inyo ang sarili ko.
I’m Lexel Gomez. 17 and a half. Going 18 years old. Yes, halos matagal ko na rin nakikita at nakakasama ang guardian angel at devil ko. Anyway, back to me. Matangkad ako, 5’11. Tanned skin. Slim. Tantalizing brown eyes, bushy eyebrows, thin lips at may salt and pepper hair color. Second year college student. Nakatira ako sa puder ng lola at lolo ko kasama ang tito ko at pinsan kong closet gay.
Strict household dahil kay Lolo pero kapag wala siya, hayahay ang buhay namin. Religious kasi sobra ang lolo ko. Nagseserve sa simbahan eh samantalang ’yung Tito ko naman pari at ’yung lola ko ang siyang nagbabasa ng mga kasulatan sa bibliya. At kami ng pinsan ko na halos isang taon lang ang pagitan? Sakristan.
Siguro ito ang dahilan kung bakit nakikita ko ang guardians ko. Siguro dahil nagtatrabaho ako sa simbahan. Iyon lang ang isa ko pang naiisip maliban sa nababaliw na ako.
“Lumabas muna kayo. Magbibihis ako.” utos ko sa dalawa na pagbalik ko ay nagbabalak ng magbatuhan ng unan. Hay naku, itong mga ito.
“Ay teka lang, hindi ko pa naaayos pinaghigaan mo.” nakangiting sabi ng isa sa akin.
“Weh? Hindi ka nga marunong. Wala naman kayong higaan sa langit. Puro ulap nanduon.” ismid ng isa.
“Pwede ba, kayong dalawa tumigil muna kayo. Labas!” inis kong sabi at tinignan sila ng masama.
“Ito na na po. Sorry.” ipit na boses na paumanhin samantalang yung isa naman wala lang. Nag motion pa ng mahalay pero nakakatawa.
Matapos kong magbihis suot ang uniform ko ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ng kusina kung saan nadaanan ko pa ang dalawa kong bantay na magkatapatang nakaupo at may kanya-kanyang pinagkaka abalahan.
“Good morning, Lex.” bati sa akin ng Tito ko.
“Good morning.” bati ko pero halatang inaantok pa ako at umupo sa tabi ng pinsan ko na abala na sa pagkain niya.
“Natagalan ka yata ngayon. Alam mo namang hindi dapat pinaghihintay ang grasya.” sabi ng Lolo ko na seryosong nakatitig sa akin pagbaba niya ng binabasa niyang dyaryo.
“Sorry po.” nakatungo kong hingi ng paumanhin. Narinig ko namang tumikhim ang pinsan ko kaya pasimple akong tumingin sa kanya. Malamang sa malamang may say na naman ito sa Lolo namin na hindi niya lang ma voice out.
“Ay naku, huwag mo ng pagalitan si Lex. Papasok pa sa school iyan. O’sya, iho, kumain ka na oh.” sabi ng Lola ko at nakangiting inasiko ang agahan ko.
“Thank you po, La.” tugon ko.
Matapos ang agahan ay inaya na kami ng Tito ko na sumabay sa kanya paalis ng bahay para maihatid niya kami sa pinapasukan naming eskwelahan ng pinsan ko.
Nasa likuran kami nakaupo ng pinsan ko habang abala si Tito mag drive.
Nililibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga nadadaan namin sa labas habang pinapakinggan ang pagkanta ng guardian angel ko na si Gabi. Sinasabayan niya kasi ’yung tumutugtog ngayon sa radyo na Through the fire ni Chaka Khan. In fairness naman maganda talaga ang boses ng mga anghel. Kaso nasa kalagitnaan na ng pagbirit si Gabi ng biglang umepal din sa pagkanta si Rome. Kumanta ba naman ng We didn’t start the fire ni Billy Joel kaya hindi ko napigilan na hindj matawa.
Syempre, sinamaan ako agad ng tingin ni Gabi. Sunod namang napatingin sa akin ang pinsan kong si Moi or Moses Gomez at ang Tito ko na nagda-drive.
“Okay ka lang, Lex? Bakit bigla kang tumatawa d’yan?”
“Nababaliw na naman yata siya Tito.”
“Moi!”
“Ah wala, Tito! May nakita lang kasi ako na nakakatawa sa nadaanan natin.” pagsisinungaling ko at kasabat nu’n ay ang pagsigaw ni Rome sa saya.
“Another five points para sa akin, anghel ko! Woohoo! Galing mo talaga bata!” saad ni Rome sabay kuha sa maliit niyang kulay itim na notebook sa suot niyang suit at sulat duon ng nakuha niyang puntos mula sa pagsisinungaling ko.
Napalingon ako sa anghel kong nailing nalang at napa buntung-hininga. Sorry, Gabi.
“Babye, Tito. Ingat po kayo.” paalam namin ng pinsan ko bago tuluyang makalayo ang kotse nito sa tapat ng eskwelahan namin.
“Alright, time to rampa!” maarteng sabi ng pinsan ko bago ako bineso, “Bye, insan! See you later!” at tuluyan na siyang lumakad palayo sa akin samantalang nanatili akong nakatayo sa pwesto lo at napabuntung-hininga.
“Isang araw na naman na hindi ako matutulungan ng kahit na sino, kahit pa ang guardian angel at devil ko sa mga bully sa classroom.”
Napalingon ako sa magkabilaang gilid ko para tignan kung nasaan ang nasabing mga bantay ko pero ayun, nasa di kalayuan at abala sa paglalaway sa mga pagkain sa canteen na hindi naman nila makakain. Napangisi ako sa hitsura nila.
Ipapakilala ko ba sila sa inyo? Saka nalang siguro. Sa ngayon, ako muna dahil ako ang pangunahing bida dito.
Date Posted: December 26, 2021
Time check, 12:13 AM. How are you all? Sino sa tingin ninyo ang nakarami ng puntos ngayong araw sa dalawa ninyong bantay? Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 3: THE BULLIES
Pagdating ko ng classroom, hindi na ako nagtaka na nawawala ang upuan ko. Ganuon naman every morning. Ngayon, kailangan kong maghanap ng upuan na walang magagalit na ‘may-ari’. Syempre hindi na rin ako magtataka kung sino ang kumuha kasi obvious naman. Nandito na si Ryan at ’yung mga kinakaya-kaya niyang alalay niya kaya lang naman sinusunod siya eh kasi takot sila na mabugbog nito. Ang laki kaya ng katawan niya! Feeling ko nga nagiisteroids siya eh.
Akala ko nga dati pag pumasok ako ng college eh wala ng mga bully pero nagkamali ako.
Napabuntung-hininga nalang ako ng marealized ko na ’yung dapat na upuan ko ay ’yung siyang pinapatungan niya ng paa niya ngayon. Sa harapan kasi siya nakapwesto at ang lakas ng boses niya. Halatang nagpapapansin sa kahit na kanino na nandito sa room. Palibhasa kasi may hitsura kaya alam niyang makukuha niya talaga atensyon ng kahit na sinong mapatingin sa kanya. Tsk, tsk.
Alam kong nakita niya na ako kaya ngumi-ngisi na siya na parang aso. Ngumingisi din naman ang demonyo at hindi ako magsisinungaling na sabihing tolerable ang kanila and to be honest, sobrang hot! But oops! I’m not gay, okay? Just to be clear lang.
Mahirap na kapag dalawa na kami ni Moi ang closet gay sa pamilyang Gomez.
Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng room ng mapansin kong papunta siya sa kinaruruonan ko. Ang lakas ng kalabog ng puso ko ng makalabas ako at sinimulan ko ng isa-isahin ang bawat room na nasa floor namin para maghanap ng upuang bakante na pwedeng dalhin sa classroom pero lahat ng sinilip kong room, lahat may nagka klase. Nakakahiya naman kung patigilin ko ’yung Prof sa pagdidiscuss para lang sa upuan. Pfft. I guess, sa lapag ako uupo today.
Pagbukas ko ng pintuan sa likuran ng room namin ay muntik na akong mahimatay sa gulat sa biglang pagsulpot ni Ryan.
“Uy, Lex! Saan ka galing? Hindi mo yata ako binati?” tanong nito sabay hawak sa balikat ko ng sobrang higpit.
Shit. Ang sakit! Parang mababali ’yung balikat ko.
“Bata, kung ako sa iyo, patulan mo na iyang Ryan na iyan! Mas malakas ka pa sa gagong iyan eh! Suntukin mo na nga! Suntukin mo na!” saad ni Rome na ngayon ay nakasandal na sa pader at nakatingin sa amin.
“Huy, sinong tinitignan mo d’yan? Wala naman ako d’yan eh, nandito ako sa harap mo.” sabat ni Ryan at hinawakan ang panga ko para iharap sa kanya, “Baliw ka talaga yata kasi kung saan-saan ka nalang biglang napapatingin.”
Alam kong halos lahat ng classmate namin sa amin nakatingin. ’Yung iba nagaabang sa susunod na mangyayari at ’yung iba pang natitira walang pakialam.
Nanduon ako sa pakiramdam na gusto ko ng sundin ang sinasabi ni Rome kaso kapag ginawa ko iyon, obvious namang pag gumanti ito pabalik sa clinic ang diretso ko. Hay, ano bang dapat kong gawin? Sawa na ako dito!
“Lex, huwag na huwag kang papatol! Masama ang makipag away! Isipin mo ang mga kasama mo sa bahay! Ang Lolo’t Lola mo, ang Tito mo! Ano nalang mararamdaman nila kapag nalaman nilang nakipag away ka at nasaktan ka?” nagaalalang sabi ni Gabi.
Oo nga pala. Ano nalang sasabihin ng mga kasama ko sa bahay kapag nalaman nila ang tungkol dito.
Hindi nga pala ako dapat pumapatol dahil masama iyon. Walang maidudulot na magada. Gawaing masama. Ano na nga lang ba ang iisipin nila? Isang sakristan na tulad ko, basag ulo? Tsk.
For sure kapag nakarating kay Lolo na nakipag away ko, yari na naman ako sa isang iyon. Ewan ko ba duon napaka strict lalo na pag dating sa akin. Para bang lahat nalang ng gawin ko, nakabantay siya para punahin ang pwedeng punahin. Sa sobrang strict niya, hindi niya alam meron na siyang apong closet gay at lahing nabu-bully sa school.
“Oh ano? Nalunok mo na ba dila mo at hindi ka makasagot sa tanong ko o nasa ibang lugar na ang isip mo? Adik ka ba o baliw lang talaga?” tanong ni Ryan habang hinihigpitan ang hawak sa panga ko.
“Aga-aga nakaharang kayo d’yan sa pinto. Lumayas nga kayong dalawa.” inis na sabi ng isang pamilyar na boses.
Napatingin si Ryan sa taong nasa likuran ko at napangisi.
“Uy, hello, Miss Nerd. Kamusta ang mata natin apat na ba?”
“Oo, apat na. Sapat na para makabasa ng mga dapat basahin para lalo akong tumalino. Eh ikaw? Kamusta? Dumating na ba ang pinadeliver kong utak para sa iyo?”
Tension. Iyon ang meron ang dalawang ito. At ako? Wala ako dito. Isipin ninyong hangin lang ako.
Meet Bellinda Aguilar or Bel for short. Nerd iyan, oo. Pero worth it dahil kabilang siya sa President’s Lister at higit sa lahat may hitsura na, palaban pa. Pero oops, hindi ko siya crush. May pagka bully din kasi ito in a panglalait way. ’Yung crush ko? Ayun, hindi ako crush. Crush niya si Ryan na para talagang aso kasi tahol ng tahol tapos angil ng angil kahit kanino pero hindi gaya ng aso, gaya ng sinabi ni Bel, wala siyang utak. Bopols.
“I-Ikaw! Kung hindi ka lang. .” nagpipigil sa galit na sabi ni Ryan habang ’yung panga ko ang nagsa-suffer.
“Oo, alam ko. Matalino ako kaya hindi mo na kailangang ulit-ulitin. Baka lumaki ko. Now, kung gusto mong magawa ang assignment mo at pumasa ka, I suggest bitiwan mo na iyang si Lex para magawa niya assignment mo.”
Tumingin sa akin si Ryan at pabalik kay Bel. Bumuntung-hininga ito at walang sabi-sabing binitawan ako. Sa pagka out of balance ko muntik na akong mapayakap kay Bel.
“Oh ano pang tinatayo mo? Tara na.” sabi sa akin ni Bel kaya agad naman akong sumunod habang hawak ang panga ko, to check kung talaga bang meron pa ako.
Sa lahat ng nangbully sa akin, si Bel ang tolerable. Ewan ko ba kasi pero wala sa luob niya talaga na mangbully sa tingin ko. Siguro dala ng mga tao sa bahay nila kaya mapang mata siya sa nakararami pero never sa akin na naging harsh siya kaya nga ang tingin ko sa kanya ‘Ate’. Sobrang grade conscious niya kasi kaya may time na mainit ang ulo niya sa mga tatanga-tanga.
Pero paano ko siya nasabing bully? Pinapagawa niya sa akin ’yung ibang assignments or projects niya na nagrerequire ng hand work at hindi utak. Gaya nalang ng. .
“Oh, hasain mo ito duon sa cr. Nakalimutan ko iyan kagabi.” utos niya sabay abot sa akin ng scalpel niya at kuha ng yellow pad ko para gawin ang assignment ni Ryan sa una naming subject.
Oo, tama kayo ng nababasa. Siya ang gagawa ng assignment ni Ryan. Sinasabi lang niya dito na ako ang gagawa perk ang totoo, hindi. Iba ang pinapagawa niya sa akin at madalas pa nga pinapa kopya niya ako pero kaakibat din nu’n ay ang mga litanyahan niya na mahirap maging tamad o bobo dahil sa oras na wala na kami sa eskwelahan, hindi niya na kami matutulungan at magiging kaawa-awa at katawa-tawa kami sa mata ng karamihan. Well, makes sense pero hindi naman ako lagi nangongopya sa kanya.
Sinunod ko ang sinabi niya at ngayon nandito na ako sa cr at hinahasa ang scalpel niya.
“Kung ako sa iyo, hasain mo ng mabuti iyan tapos ipangsaksak mo kay Ryan. Siguraduhin mong matutuluyan siya. Tignan natin kung hindi iyan tumino pagdating n’yan sa impyerno.” maangas na sabi ni Rome na nakaupo sa gilid ng sink.
“Hoy, demonyo ko! Huwag mo ngang gawing mamamatay tao itong bata ko!” sita ni Gabi sa kanya sabay sandal ng ulo nito sa balikat ko, “I’m so proud of you, Lex. Hindi ka nakinig sa demonyong iyan kanina kaya tignan mo ngayon. Maayos ka. Pero naku, sinasabi ko sa iyo huwag kang masyadong maglalalapit duon sa classmate mong babae. Mamaya maging mapanglait ka sa kapwa gaya niya.” sabi niya sabay layo ng ulo niya sa balikat ko para umiling.
“Naku, napaka judgmental naman ng anghel ko. Tinulungan na nga siya ng taong iyon eh. Tsk, tsk.”
“Bahala kayo d’yan dalawa. Babalik na ako sa classroom kaya kung pwede huwag ninyo muna akong guluhin. Mamaya masabihan na naman akong baliw dahil sa inyo.” saad ko habang pinupunasan ng tissue ang scalpe na hawak ko.
“Ay hindi ako ang may kasalanan nu’n! Itong demonyong ito iyon!”
“Ay naku naman anghel ko, tayong dalawa anv tinutukoy niya. Masyado ka namang nagmamalinis at ako lang lagi ang tinuturo mo dito.”
Nailing nalang ako at hinayaan sila sa bangayan nila at bumalik ng classroom dala ang scalpel ni Bel na bagong hasa sabay nakita ko ulit si Ryan na nakikipagharutan sa crush ko na tuwang-tuwa naman sa nangyayari. Tsk, tsk.
Eh kung gawin ko kaya ’yung sinuggest ni Rome?
Nah, napatawa ako sa isip ko. Hindi pa ako nakakapag decide sa kung alin sa dalawa ang gusto kong desisyon kapag namatay ako.
—————————————————–‐—––
Date Posted: December 27, 2021
Time check, it’s 3:00 AM. So again, hindi ulit naipakilala sa inyo ni Lex ’yung dalawang guardian niya. Pero ayun din, ano kaya pakiramdam kung nakakakita mo ang angel at devil mo? Malamang sa malamang mapagkakamalan ka din ng mga hindi nakakakita sa kanila na baliw ka. Tsk, tsk. Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 4: ROME AND GABI
Sa wakas, natapos din ang isang buong araw na kaparehas lang ng kahapon. Makakauwi na din ako sa bahay! Sa kwart ko. Ugh, miss ko na ang kama ko.
“Ang tagal ah.” pauna kong sabi ng dumating si Moi na todo kendeng pa sa lakad niya. Napailing nalang ako.
“Syempre, fini-feel ko pa yung nalalabing oras ko dito sa school. Alam mo naman, kapag bumalik na tayo sa bahay, isang mapagpanggap na tao na naman ako. Tayo.” makahulugan niyang sabi. Alam kasi nito na nabu-bully ako. Tinangka niya na ngang magsumbong sa guidance pero pinigilan ko siya.
Paglabas namin ng gate ay agad kaming pumara ng masasakyang jeep pauwi. Hindi pa rin nawawala sa akin ’yung nangyari before. ’Yung unang beses ko makita sina Rome at Gabi. Grabe talaga, hinimatay pa ako nu’n sa sobrang gulat.
Inayos ko nalang ang pagkakasandal ng ulo ni Moi akin ng mapansin kong nakatulog na siya sa biyahe.
After 30 minutes, nakauwi na din kaming dalawa. Syempre pagdating namin, mano agad sa dalawang matanda.
Mamaya pa kasi si Tito makakauwi. As usual, gabi na kasi marami daw gawain sa simbahan. Thou may business naman din siya kapag wala siya sa role ng pagiging pari niya. Kung ano man ’yung business niya, wala akong alam este kami.
Pagtapos naming sabay kumain ni Moi ng hapunan kasabay sila Lola na si Lolo ang nag lead ng pasasalamat ay agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko para makapag bihis kaso hindi ko inaasahan na magulat sa nakita ko.
Paano ba naman, nakita ko si Gabi na natutulog sa kama ko samantalang nakaupo naman malapit sa kanya si Rome at hinahaplos ang pakpak nito.
Oh my gahd! Did I missed a few chapters?! Kakasimula palang ng kwento!
“Hoy, anong ginagawa mo?” tanong ko na kinagulat ni Rome kaya ang ending napahablot siya ng isang pirasong balahibo sa pakpak ni Gabi na kinagising nito.
“Aray! Ano iyon?” react ni Gabi at agad inikot ang tingin niya sa paligid. Naningkit at mata nito ng makita ang hawak ni Rome, “Balahibo ko ba iyan?”
“Uhm, hindi ah. Sa manok ito.”
Tinaasan siya ni Gabi ng kilay, “At kailan pa nagkaruon ng manok dito? Walang manok sila Lexel.”
“Ngayon lang. Ayan nga oh. Nasa harapan ko, tumitilaok. Ukruok-ok!” tugon nito at nag ala manok pa na tumitilaok.
Swear, pinipigilan kong matawa sa sinabi ni Rome at sa namumula sa galit na hitsura ni Gabi.
“I-Ikaw! Halika dito!” sabay galit na sinubukang hablutin siya ni Gabi kaso mabilis ang loko at pumunta sa direksyon ko at nagtago sa likuran ko.
Tsk, tsk. Talaga nga naman.
“Huwag kang duwag! Huwag ka magtago sa likuran ni Lexel!” sabi ni Gabi na sinusubukan pa rin siyang abutin mula sa likuran ko.
“At ano? Anong gagawin mo? Yiiee, type mo siguro ako ’no? Tignan mo, sobrang desperado mong mahawakan ako. Hay, iba talaga ang mga ganya naming demonyo nakakabihag ng mga anghel. Okay na sana kaso masyado na kaming marami sa impyerno huwag ka ng dumagdag pa, anghel ko.”
“Talaga! Halata namang mas maganda ang accomodation namin sa langit kasi hindi namin kailangan magsiksikan gaya ninyo.”
“Aba, nanglalait ka. Naku, masama iyan anghel ko.”
Napailing nalang ako at yumuko para makaalis sa gitna nilang dalawa. Bahala sila d’yan. Tsk, tsk. Maliligo na ako.
“Hoy, bata! Saan ka? Bakit ka naman umalis!”
Pero hindi ko ito pinansin at nagtuluy-tuloy palabas ng kwarto ko para pumunta sa banyo para maligo.
Anyway, ito na siguro ang oras para ipakilala sila sa inyo — ang mga bantay ko. Ang aking anghel at demonyo na sina Rome at Gabi.
So, kanino ako magsisimula? Hmm. .
Sige, unahin natin ang anghel na si Gabi o Gabriel. Magandang lalaki si Gabi. Matangkad, artistahin ang mukha, halatang good boy kaya naging anghel at may mala pang shampoo commercial na buhok. Kumikinang ang balat na akala mo may glitters. Mabango din siya tignan thou mabango naman talaga siya. Amoy bulaklak. May pagka maarte sa pananamit or siguro kasi iyon ang dress code sa langit. ’Yung suot niya kasi mapagkakamalan mong dress. Feeling ko nga walang binatbat ’yung mga artista sa maamo niyang mukha kaya hindi na ako magtataka kung crush siya ni Rome. Hahaha. Sshh, quiet lang kayo duon sa last part.
Okay, move na tayo sa pangalawa at wala ng iba at kasunod pa na bantay ko na si Rome. Obviously, siya ang demonyo. Naku, naku, paano ko ba siya idedescribe sa inyo? Hmm, kung si Gabi artistahin ang mukha, si Rome makasalanan ang mukha pati ang hubog ng katawan. What I mean is, kung icocompare siya sa mga bad boys mafia lord, naku walang binatbat ang mga iyon. Tindig palang at mata, pamatay na. Lalo na kapag nagsalita ito. Ang lalim ng boses napaka sensual. Mas matangkad siya ng kaunti kay Gabi at laging naka itim na suit. Ayos na ayos, at ’yung buhok clean cut at amoy palang, jusko on your knees na agad. And again, hindi ako bakla, okay? Dinedescribe ko lang para alam ninyo na bagay talaga sa kanya ang maging demonyo.
Ewan ko nga ba at nakikita ko sila dahil hindi naman ako nakakakita ng gaya nila sa iba like ’yung kila Lola or kay Tito or Moi. Bakit ako lang?
Anyway, iyang sina Gabi at Rome, parang aso’t pusa. Laging nangbabangayan. Malapit ko na nga isipin na magkaka developan sila sa huli gaya ng ilang genre na nabasa ko sa internet tungkol sa forbidden love ng angel at demon kaso malabo iyon sa kanilang dalawa dahil may mga batas sila na sinusunod talaga sa langit at impyerno.
Pero kasi, like, what the effin pudding? Angel ko at Demonyo ko ang tawagan nila, like hello? Ikaw ba hindi mo iisipin na there’s something going on between them?
Ten na ng gabi ng mapagpasyahan kong humiga na para matulog tutal wala na ’yung dalawa kaya may katahimikan na.
Papikit na ako after kkng manalangin ng may kalabog akong marinig sa kabilang kwarto. Ano iyon? Silipin ko ba?
Nah, maaga pa ako bukas.
And off I go to dream land.
Date Posted: December 27, 2021
Henlo, another update. Time check, it’s 3:10 AM. So, I just want to make things clear, alright? Ano man ang mababasa ninyo dito should not be taken seriously however not all are not happening in reality kaya please, huwag sana kayo ma trigger. Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 5: BREAD
Kinabukasan, kami lang dalawa ni Moi ang sabay na umalis ng bahay. Hindi kami hinatid ni Tito kasi maaga siyang umalis.
“Oh antok na antok ka?” tanong ko habang nag aabang kami ng masasakyang jeep.
“Oo nga eh.” matamlay niyang sagot, “Pero ayos lang ako.” ngiti niya at humawak sa braso ko.
“Tulog ka nalang habang nasa biyahe tayo.” sabi ko at wala pang ilang minuto at nakasakay na kami sa jeep at natutulog na siya sa balikat ko. May mga times talaga na ganito si Moi. Paano kasi ang bigat ng course na kinuha - Law. Samantalang ako, Medicine. I mean, mabigat din naman ’yung akin pero mas mabigat pa rin ’yung kanya. Hindi ko nga alam bakit iyon ang napili niyang course pero ako kasi, hindi ko din alam bakit itong course na ito ang pinili ko. Para bang may attachment lang ako sa course na ito.
Pagdating namin sa school ay inalalayan ko pa si Moi papunta sa room niya dahil antok na antok talaga siya. Malamang napuyat ito kaka aral kagabi. Ako kasi natulog agad sa pagod. Hindi ko rin naman kasi pwedeng pilitin ang sarili ko mag aral kapag pagod ako, walang papasok sa utak ko na kahit ano.
Napakamot ako sa ulo ko ng makita ang naka paskil sa bulletin board namin. Ball Dance? Ano bang tumatakbo sa isip ng Director namin at may pa attendance is a must pa? Psh, as if namang mapapayagan ako at kung mapayagan man, wala naman akong kilala na pwede kong isayaw o mag aya sa akin na isayaw ko siya.
Pagpasok ko ng room ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong Ryan na nakita. Buti naman pero nasaan kaya siya?
“Nakita mo na ’yung nakapaskil sa bulletin?” tanong ko kay Bel. Oo, seatmates kami, unfortunate and fortunately. As in, sa lahat ng klase magkatabi kami kahit hindi alphabetical order ang arrangement.
“Inaaya mo ba ako maging partner mo?” tanong nito na abala sa binabasa niyang libro.
“Wala naman akong sinabi.”
“Pwes, ako aayain kita.” saad niya sabay harap sa akin, “In?”
Napalunok ako. Grabe, ang straight forward talaga ng babae na ito. Pero seryoso ba siya? Ako gusto niya maka partner? Eh kasi, ang ganda niya saka I mean, maganda din naman ’yung crush ko pero for sure kasi may mga mag aaya din sa kanya sa nasabing pa event ng school.
“Uh. .”
“Strict parents?”
“H-Hindi. Grandparents.” paglilinaw ko. Oo, wala kasi akong magulang. Like, sa pamilyang kinabibilagan ako, ampon ako dahil naawa sila sa akin ng iwan ako sa tapat ng simbahan kaya si Moi hindi ko siya tunay na pinsan thou wala iyon sa kanya dahil may preferred niya na maging mag pinsan kami, iyon din siguro ang dahilan kung bakit mas strict sa akin si Lolo kasi hindi naman nila ako kadugo.
About naman kay Moi, ulilang lubos na rin siya kasi sa pagkakaalam namin, namatay sa sunog ’yung parents niya. Kaya ayun, parehas kaming wala ng magulang. Hay, sad life.
“I see, well, if payagan ka ikaw na ang date ko. Maliwanag?”
Napatango nalang ako sa sinabi niya dahil baka mamaya kapag humindi ako saksakin ako nito ng scalpel.
“Naka nuks naman itong bata ko, siya pa ang inaaya sa date! Witwew!” pangaasar sa akin ni Rome sa likuran ko.
Nand’yan na pala sila.
“Ano namang masama duon? Pero Lexel, sinasabi ko sa iyo, mag iingat ka sa isang iyan. Baka mahawa ka sa ugali niya.” dagdag ni Gabi.
Nailing nalang ako at napatingin sa pwesto ng crush ko. Hay, ang ganda talaga niya.
“Huwag ka na umasa. Si Ryan ang ide-date niyang si Rona.”
Mabilisan kong nilingon si Bel sa sinabi niya.
“Huh? Pakialam ko?” pagmamanga-mangaan ko pero hindi umeffect sa kanya dahil tumawa lang siya.
“Huwag ako, boy! Halatang-halata na may gusto ka kay Rona. Minamayat-maya mo yung tingin eh.” nakangising sabi ni Bel at napanguso ako.
“Eh sa ang ganda niya eh!”
“Kung sabagay tama ka.” tugon nito at sinara ang binabasa niyang libro para pumalumbaba at titigan si Rona na siyang crush ko, “Kung talagang crush mo siya, pumunta ka ng ball tapos mag ayos ka at duon ka magtapat ng feelings mo sa kanya. Malay mo may chance ka pa sa kanya.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Pwede kaya iyon? I mean, hindi ba ako assuming kapag ginawa ko iyon na mapapansin niya ako?
Pagdating ng uwian, dumaan muna ako sa isang bakery na malapit sa school habang hinihintay dumating si Moi para sabay kaming umuwi.
“Hello, Lex! Buti napadaan ka. May kakaluto lang na pande coco.”
Agad na nagningning ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Aling Maria. Favorite ko kasi itong pande coco na gawa niya.
“Sige po, pabili ako ng sampu.”
“O’sya sige. Maupo ka muna d’yan habang inaayos ko itong tinapay mo.” masaya niyang sabi.
Ilang minuto din ako naghintay at inabot niya na sa akin ’yung binili kong tinapay na may kasamang royal. Si Aling Maria talaga.
“Naku, malulugi po kayo sa akin kapag araw-araw akong bumili dito. Lagi kayong may pa royal.”
“Ayos lang, royal lang naman ’yung libre ko.” at nagkatawanan kaming dalawa. Pag abot ko ng bayad ko ay nagpaalam na din ako para umalis dahil nakita ko na sa may gate si Moi.
“Sige po, una na ako.”
“Sige, mag iingat ka iho.” sabi nito at hinaplos ang buhok ko habang nakangiti.
Kung nagtataka kayo bakit ganuon si Aling Maria sa akin, eh kasi, ang kwento nito sa akin, naaalala niya ’yung namatay niyang anak na mahilig din sa pande coco.
“Aba, may palibre si Mayor ah.” biro sa akin ni Moi ng alukin ko siya ng binili ko.
“Kumain ka na nga lang.”
Nakasakay na kami sa jeep pauwi at tulad ng nakagawian, natutulog si Moi sa balikat ko habang ako, excited makauwi ng bahay para mai-share ko ito kina Rome at Gabi. Malamang matutuwa ’yung mga iyon.
Pero ang ending pagdating ng bahay, kinuha agad ni Lola ang dala kong pande coco at inihain sa lamesa. Apat pa man din ’yung natira tig dalawa sana sina Rome at Gabi.
“Kumain ka na ba, ’di ba?” tanong ni Lolo ng mapansin niyang kumuha ako ng isa. Isa palang, guys! Isa palang.
“Uh, hindi pa po.” pagsisinungaling ko. Ay naku, malamang nagbubunyi na si Rome kasi nakapuntos na naman siya sa pagsisinungaling ko.
Hindi umimik si Lolo kaya tahimik nalang akong umakyat ng kwarto ko dala ang isanv pirasong pande coco. Hay, kung alam ko lang sana sineparate ko na ’yung kanila. Pfft.
“Uy, bata!” nakangising bungad sa akin ni Rome at alam ko na kung bakit.
“Oh.” tugon ko pagkahati ko ng pande coco at binigay iyon sa kanila, “Pagtiyagaan ninyo nalang iyan. Iyan lang nakuha ko eh. Apat sana iyan para tig dalawa kayo.”
Nagningning naman ang mga mata ni Gabi, “Salamat, Lexel. Abswelto ka ngayon sa pagsisinungaling mo.”
“Kanino napunta ’yung tatlo?” tanong ni Rome.
“Kila Lolo.”
Napangisi nalang ako ng makitang nag ikot ito ng mata sa naging tugon ko.
Date Posted: December 27, 2021
Time check, it’s 3:20 AM. So far, what do you think of our side characters? Any thoughts? Comment down below. Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 6: INVITATION
Araw na naman ng linggo. Ibig sabihin, araw na naman kung kailan kailangan naming magsuot ng mahabang puting kasuotan at maglinkod sa simbahan.
Napabuntung-hininga ako.
“Tuwing suot mo talaga iyan, naaalala ko ’yung unang kita namin sa iyo sa simbahan, ’di ba, anghel ko?” saad ni Rome na nakaupo sa study table ko.
“Bagay na bagay ka talaga maging anghel, Lexel. Panigurado akong matutuwa ang ‘Ama’ na mapabilang ka sa amin.” nakapalumbaba na sabi ni Gabi na nakatitig sa akin.
“Alam ninyo palaisipan pa rin sa akin kung bakit ko kayo nakikita at ’yung ibang gaya ninyo ay hindi.” sabi ko habang inaayos ang suot ko.
“Malay mo, ikaw pala kasi ang tunay na anak ng, ehem, the one who must not be praised.” sabi ni Rome at umakto pa na parang nasusuka. Sinamaan naman siya ng tingin ni Gabi dahil duon.
“Impossible iyon! Kailanman hindi magagawang magsinungaling ni ‘Ama’ tungkol sa ganuong bagay. Sadyang pinagpala lang talaga si Lexel kaya maswerte ka at nakikita mo ako except sa demonyong iyan.” nakagiting sabi niya at lumapit pa sa akin para ayusin ang suot kong damit.
Nagkatinginan pa kaming dalawa sa salamin.
“Kadiri, hindi ka bagay maging nanay kung iyon ang pinapangarap mo maliban sa maging anghel.”
“W-Wala naman akong sinabing ganyan!” namumula sa inis na sabi ni Gabriel, “Isa pa, kung sa akin hindi bagay ay mas lalong sa iyo hindi din. Kung naging tatay ka malamang kasing luko-loko mo ang anak mo!”
“Malamang kung naging tatay ko, kung sino man ’yung makaka sipping ka, papayag magpabuntis sa akin ng ilang beses.” sabi ni Rome na nilabas pa ang dila niya in a sensual way.
“Ugh! Makasalanan!” sabi ni Gabi at umuusok-usok pa ang bumbunan na lumabas ng kwarto ko. Napailing nalang ako.
“Alam mo, kung hindi lang kayo anghel at demonyo, magki-click kayo eh.”
“Mas okay ng naging demonyo ako. Ayaw ko rin sa anghel. Boring iyan kapag. .” bigla siyang umakto ng kakaiba na nagpainit ng mukha ko.
“Labas!” sigaw ko.
Jusko, stress talaga ako sa dalawang ito lalo na dito kay Rome. Bagay na bagay talaga siya maging demonyo puro kalokohan ang naiisip.
“Okay ka lang, Lex?” biglang sulpot ng pinsan kong Moi sa kwarto ko. Nakita ko namang lumabas na ng kwarto ko si Rome pero rinig ko pa rin ang pagtawa niya. Tsk, tsk.
“Ah, eh. . Oo. May nakita lang kasi akong ipis.” pagsisinungaling ko. Tsk.
“Akala ko kung ano na eh. Tara na, baba na tayo. Naghihintay na sila sa atin sa baba.” aya ni Moi kaya sinundan ko na siya palabas ng kwarto ko.
Isang oras ang nakalipas at nandito na kami sa simbahan. Ang dami talagang taong nagpupunta kapag linggo pero syempre karamihan sa mga tao sa mall naman ang punta pagtapos o kaya gagawa agad ng kasalanan kasi sa tingin nila ay bawas na ang nagawa nilang kasalanan sa buong linggo sa ginawa nilang pagsimba. Tsk, tsk.
“Bata!” tawag sa akin ni Rome na nakangisi pa at nakapwesto sa dulong upuan ng simbahan.
Pagtingin ko sa harap, ayun. Opposite ni Gabi si Rome. Nasa unahan ito katabi ang mga kapwa ni Lolo na mga matatandang nakasuot ng puting damit.
Tinanguan ko lang sila at nagsimula na ang paglakad naming mga sakristan patungo sa altar hawak ang stante ng kandila.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nakapasok si Rome dito sa luob ng simbahan. Well, ako din naman ng una pero sabi niya nuon sa akin ng magtanong ako tungkol dito, ang sabi niya, walang sagradong lugar gaya ng pinaniniwalaan naming mga mortal. Kahit saan may bahid ng kasalanan. Kaya ang ending, kahit saan pwede siyang pumunta at makapasok dito sa ibabaw ng lupa. I mean, hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi pero siguro dahil na rin sa mga nagpupunta ditong ‘mananampalataya’ tuwing linggo.
Ang alam ko kasi sagradong lugar ang simbahan kung saan nalilinis ang mga pagkakamali hindi bilang isang lugar na may imbitasyon sa nino man para sa makasalanang gawain.
Nasa kalagitnaan ako ng misa pero ang isip ko lumilipad sa ibang bagay.
Iniisip ko pa rin kung pupunta ba ako duon sa Ball Dance ng school at kung paano ako magpapaalam na papayagan ako. Panigurado kaso kapag narinig ni Lolo ang tungkol dito automatic ‘no’ agad. Akala mo babae ako na kapag ala sais na hindi na dapat nagpapa gala-gala sa labas eh.
Napalingon ako kay Moi ng mapansin kong parang may iniinda ito.
“Ayos ka lang?”
“Oo, ayos lang. Ang sakit lang ng tiyan ko kaso hindi pa tayo pwede umalis eh.” sabi nito at nakahawak sa tiyan niya. Nagalala naman ako dahil duon.
“Kumain ka naman bago tayo umalis, di ba?”
“Oo, pero ang sakit talaga.” parang maiiyak na sabi nito at napatingin sa may altar.
“Idasal mo nalang muna kay ‘Ama’.” ang tangi kong sabi.
Isang impit na ngiti naman ang pinakawalan niya at muling yumuko na animo’y nagdadasal.
Nilibot ko ang tingin ko sa luob ng simbahan para libangin ang sarili ko habang pinapakinggan ang binabasa verse ng nasa harapan.
Hinanap ng paningin ko sina Rome at Gabi at napangiti ako ng makita ko si Gabi na nanduon pa rin sa pwesto niya samantalang si Rome. .
Ayun. May pinagtripan na bata na pinutok ’yung hawak na laba kaya ngayon iyak ng iyak. Loko talaga. Natawa pa siya sa ginawa niya.
Muli kong binalik ang tingin ko kay Gabi at pagtingin ko ay wala na siya sa pwesto niya at ng muli kong ibalik ang tingin ko kay Rome ay nanduon na si Gabi at pinukpok siya ng hawak nitong libro sa ulo.
Malamang nalaman ni Gabi ang ginawa nito. Lakas ba naman ng iyak ng bata.
Kinagat ko ang luob ng pisngi ko para pigilan ang sarili ko na matawa sa nakita ko at bago ko pa man maibalik ang tingin ko sa harapan ay nakita ko ang seryosong titig sa akin ng Lolo ko na animo’y kakainin ako nito ng buhay. Yikes!
Napalunok ako at agad inayos ang upo. Muling nagpanggap na normal lang ang lahat at wala akong nakikitang anghel o demonyo sa paligid na nagbabangayan na naman.
Date Posted: December 27, 2021
Alright, time check 03:30 AM and this is going to be my last update for today. Bukas na ulit. Nakarami na kayo sa akin. Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 7: NOTICE
Naglalakad ako papunta sa locker area para ilagay ang ilan sa mga gamit ko bago pumunta sa sunod kong subject ng biglang sumulpot si Rona sa tabi ko.
Muntik na akong mapasigaw sa gulat at buti nalang din ay wala ngayon sina Rome at Gabi kundi naku baka isipin talaga nitong si Rona nababaliw ako at kinakausap ko ang sarili ko.
“H-Hello?”
“Hi, Lexel.” bati niya sa akin na may matamis na ngiti. Aww, para akong nginitian ng anghel sa ngiti niyang iyon. Kung nandito lang si Rome malamang inaasar na ako nu’n dahil natatameme ako sa harap ng babae.
Hindi kasi pare-parehas lahat ng lalaki na makapal ang mukha ’no. Isa pa, hindi ako ganuon ka lapit sa kahit na kanino sa takot ko nalang na ma-judge ng Lolo ko. Alam ninyo naman.
“B-Bakit? M-May kailangan ka?” shit, bakit ba ako nauutal. Relax, Lexel. Tao din iyan katulad mo hindi alien.
“Aayain sana kita sa bahay ko. Birthday ko na kasi nect week eh.”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit, inaaya ako ng crush ko sa bahay niya dahil birthday niya. I mean, big deal na iyon sa akin kasi birthday niya iyon eh it means its her special day at isa ako sa napili niyang iinvite. Napalunok ako.
“Uhm, t-tignan ko ha? Magpapaalam pa kasi ako kung papayagan ako.”
Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
“Nagpapaalam ka pa? Ilang taon ka na ba?”
“Uh, kasi. .”
Biglang nalipat ang tingin ko sa likuran niya ng makita ko ang prisensya ng dalawa kong bantay. Tinitignan nila si Rona.
“Hindi ko gusto ang isang ito, bata.” diretsong sabi ni Rome.
“Huwag kang pupunta sa birthday ng isang iyan. Nilalait ka na agad niya ng pasimple dahil lang sa nagpapaalam ka pa. Ayaw ko sa kanya.“dagdag ni Gabi.
Woah, isa ito sa mga pambihirang sandali na nagkakasundo silang dalawa.
“Kasi?” bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang tanong niya at lumingon sa likuran niya.
“Kasi kailangan eh. Lolo’t Lola ko sila. Ayaw kong magalala sila pag bigla akong umalis ng walang paalam.”
Ngumisi siya at umiling.
“Okay, well, I expect na makakapunta. See you on my birthday.” kumindat ito at bago tuluyang makalayo at nag flying kiss pa kaya ako itong si marupok, parang hihimatayin na sa nangyari.
“Mas okay pa si Bel mo eh.” salita ni Rome kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Bully pa rin si Bel, okay? Tolerable nga lang.” tugon ko at isinara na ang pintuan ng locker ko.
“So, chances are pupunta ka pa rin sa birthday niya? Magpapaalam ka naman siguro ’di ba?” nagaalalang tanong ni Gabi.
Tumango ako, “Syempre magpapaalam ako. Wala naman ako magagawa eh, ayaw ko pang mapalayas sa bahay ng wala sa oras.”
Nanduon din kaya si Ryan sa party niya? Sana naman wala kahit na obvious namang maaaring ininvite din siya ni Rona dahil crush siya nito.
Pagdating ko sa sunod kong subject ay nakita ko si Bel na abala sa pagta type sa kanyang laptop kaya dahil seatmate ko siya at tolerable type naman siya ng bully ay tumabi ako sa kanya at agad siyang binati.
“Aba, mukhang busy tayo ah? Eh sa pagkakaalala ko wala naman tayong assignment.”
“Wala nga pero may sasalihan tayong contest. Ang deadline ay sa December 20. Five days before christmas.”
“Tayo? Contest? Ang section natin?” taka kong tanong.
“Hindi, tayo lang, Lex. Wala akong kilala sa section na ito na pwede kong maka collab na sureball akong may laban maliban sa iyo so you should be honored na ikaw ang napili ko. Anyway, ako ang magsusulat at ikaw ang magi-illustrate, alright?”
Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!
“Wait, what? Teka lang naman! Hindi pa ako pumapayag dito ah!”
“You have no choice, Lex. Inilista ko na ang pangalan mo kanina at hindi na pwede mag backout. So either tutulungan mo ako o hindi kita hahatian sa monetary prize.” kibit-balikat na tugon nito sa akin.
Napasalampak nalang ako ng ulo ko sa table ko. Tsk, tsk.
I guess, I really have no choice na talaga. But wait, did she say. .?
“Magkano ang prize?”
“Five thousand.”
“Okay, I’m in!” saad ko at nag thumbs up na kinatawa lang niya.
“Anyway, anong nangyari sa iyo at ang saya mo kanina pagpasok dito? Don’t tell me nag decide ka na magsabi kay Rona na crush mo siya?”
Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa takot na baka may makarinig sa sinabi niya. Inis niyang tinanggal ang kamay ko at hinampas iyon ng malakas. Duon palang nagtinginan ang iilan sa amin.
“Ang sakit ha!” saad ko habang hinihimas ang kamay kong pinalo niya. Namumula na tuloy! Lakas naman nito manghampas, “Hindi pa, pero niyaya niya ako sa birthday niya.”
“Huh? Nagbi-birthday pala si Rona?” gulat na tanong nito na para bang ang weird na may birthday ’yung crush ko.
“Malamang! Ano tingin mo duon, alien?” inis kong tugon, “Ininvite ka ba niya?”
Nagkibit balikat ito. Hindi ko naman napigilan na hindi mapahagikhik.
“Kaya naman pala. Hindi ka pala na-invite.”
“Kahit naman iinvite pa ako, hindi pa rin naman ako pupunta.”
“Bakit naman?” kunot-nuo kong tanong.
“Slow ka, bata! Nagseselos iyang si Bel kay Rona!” dinig kong sabi ni Rome. Sira ulo talaga itong isang ito.
“Hindi niya kasi vibes si Rona gaya ko.” dagdag ni Gabi.
Muli lang siyang nag kibit balikat sa akin at tinignan ako sa mga mata ko.
“Ingat ka nalang at enjoy ka. Kung kailangan mo ng backup kung sakali, tawagan mo nalang ako.” saad niya at bumalik sa pagta-type sa harap ng laptop niya.
Ewan ko ba pero parang may something sa akin na hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng sabihin niya iyon.
Pagdating ng uwian, ay ako lang mag isa ang nagaabang ngayon sa sakayan ng jeep. Maaga kasi ang uwian ngayon nila Moi at sinabi nito sa akin na dadaan siya ng simbahan dahil tutulungan niya si Tito sa gawain nito.
Nag offer naman ako na tumulong pero sabi nito na siya nalang ang bahala at umuwi ako ng maaga dahil wala kasama sina Lola kaya syempre dahil masunurin ako eh sinunod ko ang inutos nito sa akin.
Hanggang sa makauwi ako at ngayon naghihintay nalang ako makatulog ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ’yung sinabi sa akin ni Bel.
“Sa tingin mo, may gusto nga talaga sa akin si Rona?” tanong ko kay Gabi na nakaupo sa upuan habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.
“Bakit hindi siya mismo tanungin mo?”
“Baka kasi assuming lang ako. Baka dala lang ito ng mga sinasabi ni Rome.”
“Kung may gusto man siya sa iyo o wala, sa kanilang dalawa ng crush mo, si Bel ang mas gusto ko para sa iyo.” nakangiting sabi nito.
Ten pm na at kakatapos ko lang magdasal. Ako nalang ang nasa kwarto at wala na ang mga bantay ko ng marinig ko ang pagdating ng kotse sa labas ng bahay namin. Buti nalang pala hindi ako sumama sa kanila.
Date Posted: December 28, 2021
Tadaa! Time check, it’s 03:00 AM. Kamusta ang lahat? Kamusta kayo sa updates ko kahapon? Enjoy ba tayong lahat? By the way, ano palang handa ninyo ng christmas? Meron pa ba? Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 8: SLEEPY
“Hanggang anong oras ba ang klase mo ngayon?” tanong ko habang nagaabang kami ni Moi ng masasakyang jeep.
Paano kasi inaantok naman.
“Hanggang 2 lang pero sabay tayo uuwi. Ayaw ko mauna. Hindi na nga tayo sabay kahapon.” tugon nito habang pumipikit-pikit sa pagod.
“Sure ka? Hanggang 4 pa ako.”
“Oo nga. Sure na sure.”
“Okay, sige. Sabi mo eh. Nagaalala lang naman ako kasi tignan mo oh. Kulang ka sa tulog. Anong oras na kasi kayo nakauwi yata kagabi.”
“Dami lang ginawa sa simbahan.” siniksik nito ang mukha niya sa braso na para bang unan ito.
“Naku, delikado iyan. Tumutuwid na daan ka na ba? Don’t tell me gusto mo sumunod sa yapak ni Tito at mag pari?”
“Gago!” tugon nito na may pag irap. Hala siya. Nagalit?
“Joke lang! Ito naman.” saad ko at ginulu-gulo ang buhok niya.
Pagdating namin ng school ay hindi pa rin mawala ang pagaalala ko kay Moi. Kung bakit naman kasi Law pa ang kinuha niyang course eh balita ko terror ang mga Prof nila sa course na iyon unlike sa Med na medyo ma bait pa kahit papaano.
Pagdating ko ng classroom eh laking pagtataka ko ng walang Ryan na sumalubong sa akin. Bagkus ang nakangiting si Rona. Mukhang ang saya niya ah? Bagay naman sa kanya. Para siyang anghel kapag ngumiti.
“G-Good morning.” bati ko.
“Hello, Lexel! Ano? Nakapagpaalam ka na ba?”
“H-Hindi pa eh. Try ko mamaya. Nakalimutan ko magpaalam kahapon. May mga ginawa pa kasi ako pag uwi.”
“Okay basta ah, pupunta ka.”
At lumabas na siya ng classroom kasama ang mga kaibigan niya. Lumakad ako papunta sa pwesto ko at nakita kong nanduon na si Bel at abala sa pagta-type niya. Malamang para ito duon sa sasalihan naming contest. Bigla ko na naman din tuloy naalala ’yung kahapon. Agad akong umiling-iling.
“Good morning.” bati ko.
“What’s good in the morning?” masungit na tugon nito. Hala, may period ba siya today? Ang taray ah.
“Nagkausap kami ni Rona just now.” tugon ko. Tignan ko nga kung maiinis siya para malaman ko kung may gusto siya sa akin.
“Good for you. Anyway, may naisip na akong genre ng kwentong isusulat ko. Kapag nagawa ko na ’yung kalahati ng kwento, ipapabasa ko sa iyo para magkaruon ka na ng idea na magandang gawing cover para sa story, okay?”
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Kitams? Hindi ako type nito? Walang bahid.
“S’ya nga pala, pinsan mo si Moses Gomez duon sa Law building, ’di ba?”
Automatic akong napalingon sa tanong niya.
“Oo, bakit?”
“Wala sa tuwing nakikita ko kasi siya parang lagi siyang pagod. May sakit ba iyon?”
“Sakit?” wala naman akong maalala na sinasabi niyang iniinda niya sa akin, “Wala ah. Pagod lang talaga iyon. Sa dami ba naman ng ginagawa nila sa course niya eh.”
Tumango lang siya at magsasalita pa sana ako kaso dumating na ’yung Prof namin.
As usual after ng klase sabay kaming umuwi ni Moi ng bahay. Dumiretso ako agad sa kwarto ko para mag aral. May parating kasi kami na long quiz sa susunod na araw at kailangan kong ma-maintain ang good grades ko kung gusto kong hindi ma evict sa bahay.
“Aba, nag aaral ka pa bata? Bakit? Matalino ka naman eh! Magpahinga ka na. Huwag mong masyadong dibdibin ang pag aaral. Hindi naman lahat iyan magagamit mo kapag nagtrabaho ka.” sabi ni Rome na komportableng nakahiga sa kama ko.
“Hay naku, huwag kang makikinig sa kanya, Lexel. Mag aral ka lang d’yan. Kailangan mo iyan para hindi ka bumagsak, okay?” saad naman ni Gabi na nakaupo sa tabi ni Rome.
Saglit akong tumingin sa kanila. Himala. Bihira ko silang nakikitang magkatabi ng hindi nagsusungitan sa isa’t-isa. Aware kaya sila sa sitwasyon nila ngayon?
“Hay, KJ mo naman anghel ko. Sigurado kung naguming mortal ka, ikaw ’yung tipo ng kaklase na masyadong lulong sa pagaaral. Talo pa ’yung adik sa pula ng mata kakabasa ng libro.” nakangising sabi nito.
“Alam mo demonyo ko, hindi bale ng kagaya ng sa adik ang mata ko kesa hawig sa itlog o palakol ang makukuha kong grado sa bawat gawain sa school.”
“Pero alam mo. .”
“Ano?”
“Hindi lang sa grado pwedeng makakita ng itlog.”
Sabay kaming nag kunot nuo ni Gabi.
“Eh saan pa ba? Sa palengke?” inosenteng sagot ni Gabi sa kanya.
“Hindi,” ngisi nito sabay turo sa ibabang parte ng katawan niya na agad kinapula ng pisngi ni Gabi samantalang ako napatampal nalang sa nuo ko.
“Napaka mo talaga!” inis na sabi ni Gabi sabay hagis ng unan sa mukha ni Rome bago nag walkout palabas ng kwarto ko.
Ilang oras din ang lumipas bago ko namalayan na masyado ng malalim ang gabi at kailangan ko na matulog kaya naman ng saka ko palang naramdaman ang antok ay agad na akong nagligpit ng gamit ko.
Nakahiga na ako at iniisip ang maaaring maging katanungan sa magiging long quiz namin ng gaya sa nakaraang gabi ay nakarinig ako muli ng malakas na kung ano galing sa labas ng kwarto ko. Ano iyon?
Lalabas ba ako?
At wala pang limang minuto ang nakalipas ay lumabas na ako ng kwarto ko at sumipat sa hallway kung nasaan ang mga kanya-kanya naming mga kwarto. Nothing unusual.
Napabuntung-hininga ako.
Wala naman sigurong multo ’di ba? I mean, nakikita ko sina Gabi at Rome na siyang anghel at demonyo ko at kung nakikita ko sila di ba dapat nakikita ko rin yung mga multo?
Napalunok ako at nilakasan ang luob ko. Wala naman sigurong biglang hahatak sa akin sa kung saan kapag bumaba ako ng second floor di ba?
At iyon nga ang ginawa ko. Marahan akong bumaba. Dinig ko pa ang bawat lakad ko pababa ng hagdan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang kakaiba kaya pinatay ko na ang ilaw at muling umakyat sa kwarto ko ng may marinig akong muling malaglag na gamit mula sa ibaba. Sa takot ko ay kumaripas ako ng pasok sa kwarto ko, not minding na malakas ang pagkakasara ko sa pinto. Shit.
May multo nga yata kami dito sa bahay! Kailangan ma confirm ko ito kina Rome at Gabi.
Date Posted: January 02, 2022
Tadaa! Time check, it’s 12:00 AM. Kamusta ang new year? New life, who this na ba? So far, I hope you’re liking this new story. Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 9: TIME
Bukas na ’yung birthday ni Rona at syempre dahil ininvite niya ako eh pupunta ako. Kung pinayagan ako o hindi ng nagpaalam ako eh sabihin nalang nating pinayagan ako kasi hindi ako nagpaalam.
Syempre nagbubunyi na naman si Rome dahil siya ang pinakinggan ko pero ganuon pa man, parehas sila ni Gabi na may agam-agam sa party. Hindi ko alam kung bakit pero for sure masaya iyon lalo pa at birthday iyon ni Rona na siyang crush ko.
Ang kailangan lang, gagandahan ko bukas ang magiging palusot ko kung bakit ginabi ako ng uwi plus hindi ako mangamoy alak o sigarilyo. Not that I am doing those pero syempre alam ninyo naman, sarado ang utak ng Lolo ko na siyang sinabayan pa ni Tito at Lola. Hay naku.
Hindi ko alam kung anong gustong regalo ang matanggap ni Rona kaya bumili nalang ako ng alam kong lagi niyang magagamit at iyon ay walang iba kundi planner.
“Mukhang tuloy na tuloy na talaga tayo bukas ah.” bati ni Rome na siyang nakasandal ngayon sa shelf ng pinasukan kong bookstore.
Tinanguan ko siya bilang sagot dahil mamaya may makakita pa sa akin na nagsasalita ako mag isa sabihin baliw ako dahil wala naman silang nakikitang kausap ko.
“Nagtataka lang ako, kaya ninyo bang mag transform bilang tao? Alam ninyo na? Kahit isang beses lang para naman mahawakan ko kayo physically at saka makita ko anong hitsura ninyo kapag naging tao kayo. Alam ninyo kasi ang awkward talaga kung kakausapin ko kayo na nasa public place ako.” pabulong kong sabi habang may hawak na libro. Kunwari may binabasa akong part duon sa hawak ko na libro para lang walang mag isip sa akin na sira ulo ako.
“Wala namang magbabago sa hitsura namin. Ganito pa rin. Minus lang ’yung pakpak saka ’yung nasa ibabaw ng mga ulo namin, ’di ba, anghel ko?”
Tumango si Gabi, “Oo. Ganito pa rin naman. Bakit mo natanong? Gusto mo kaming mag transform?” nagtaas-baba ito ng kilay na may impit na ngiti sa kanyang mga labi, “Kaya naming gawin iyon, ’yun nga lang medyo matatagalan ulit kaming makapag anyong tao sa susunod. Malakas kasi kumuha ng lakas namin ang pag aanyong tao.”
“Ganuon ba? Sige huwag nalang.” nakanguso kong sabi at nakatungong pumunta sa kasunod na shelf. Masaya akong malaman na maaari nilang gawin ang naisip ko pero ang kapalit nu’n sa kanila ay malaki kaya huwag nalang. Hindi naman talaga nila kailangan na mag anyong tao para sa akin. Sino ba ako para gawin nila iyon? Binabantayan lang naman nila ako. Hindi naman ako anak ng Diyos lalo na ni Satanas ’no.
Ilang minuto din o halos isang oras na yata akong nagtagal sa luob ng bookstore ng maalala kong kasama ko pala ’yung dalawa. Lumingon ako para hanapin sila pero hindi ko sila nakita. Nasaan na ’yung mga iyon? Don’t tell me pinatawag sila ng mga ‘Bossing’ nila or umuwi na sila ng bahay at iniwan nila ako dito? Hay naku naman oh.
Paglabas ko ng bookstore dala ang binili kong planner na pinabalot ko na rin sa cashier ay nagtaka ako ng may pinagkakaguluhan ang mga kababaihan. Anong meron? Artista?
[ Now Playing: We Are Legends by Valley of Wolves ]
Syempre dahil may lahing pagka usisero ako, naki silip ako sa bulto ng mga babaeng naguumpukan at ramdam kong bumagsak ang panga ko sa gulat sa nakita kong dalawang lalaki na bumababa sa gitna ng hagdan na siyang nagpaluwa ng mata ko. What the. . hell?
Sila ba talaga iyan? Hindi ba ako namamalik-mata?
Ilang kusot din ng mata ang ginawa ko pero hindi, hindi ako namamalik-mata. Sila nga talaga.
My angel and demon in their human form.
Si Rome, sa malayo palang ramdam mo na ang lakas ng dating niya. Literal na ‘Daddy’ material.
Naka suit siya na midnight blue na pinatungan ng itim na trench coat. Napalunok ako. Shit. Ang gwapo, grabe. Parang nanunuyo ang lalamunan ko tumingin sa kanya. Ang init, bakit ganuon?
I mean, naka tali din ang buhok niya at nakasuot siya ng itim na gloves at may hawak na itim na baston. Hapit din ang pang itaas niya na suot kaya bakat na bakat ’yung ehem, abs niya. Grabe, bakit ko naiimagine na any second pwedeng lumitaw ’yung pakpak niya sa likuran niya?
And then, there’s Gabi. Rome’s complete opposite.
Don’t get me wrong, malakas din ang dati niya. Perfect ang contrast nila ni Rome.
I mean, complete opposite ng kulay ng suot ni Rome ang suot ni Gabi. Puti naman ang kanya na siyang pinarisan din ng midnight blue na pang itaas. Nakabagsak naman ang buhok ni Gabi at naka salamin na may dalang white na suitcase. I bet, iyon ’yung libro niya.
Napatingin ako sa mga tao sa paligid and believe it or not, lahat ng tao nakatingin sa kanila at parang slow motion ang paglakad nila pababa sa hagdan. And did they just look like two powerful men that could take over humanity?
Nakita kong naka akbay si Rome kay Gabi samantalang para wala lang ito kay Gabi. Tsk, tsk. Kailan pa sila nagkasundo ng ganyan? Napangisi ako.
Anong kalokohan ang naisip nila at naisipan nilang mag anyong tao?
Agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko bago pa nila ako makita at pinicturean sila.
Grabe, ang contrasting pero ang perfect nila magkasamang tignan. Damn.
Pero teka, saan nila kinuha iyang mga suot nila?
“Ehem.”
Pag angat ko ng tingin ko ay nasa harapan ko na ang dalawa.
Grabe, para akong nasisilaw sa kanilang dalawa.
Napapagitnaan ako ng dalawang gwapo. Shit. Nababakla na ba ako?
“H-Hoy, bakit. . Nagjo-joke lang naman ako. Sineryoso ninyo naman ’yung sinabi ko.” naiilang kong sabi ng akbayan ako ni Rome samantalang hawakan naman ni Gabi ang bewang ko. Napalunok ako sa kaba. Teka, ako? Kinakabahan? Bakit? Ah siguro kasi ang daming mga matang nakatingin sa amin.
“Walang masama magsabi ng totoo, Lexel. Papuntusin mo naman ako. Puro itong si demonyo ko nalang lagi eh.” nakangusong sabi ni Gabi.
Shit. Ang ganda niya este ang pogi.
“Minsan ka lang humiling bata kaya syempre, pagbibigyan kita lalo pa lagi mo akong pinapasaya.” nakangising sabi naman ni Rome, “So, saan ninyo gustong pumunta?”
“Pumunta?” takang tanong ko.
“Ako alam ko saan magandang pumunta.” excited na sabi ni Gabi at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko. Lumingon din siya kay Rome kaya sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ramdam ko ang paghinga niya sa tenga ko. Shit.
“Saan anghel ko?”
“Sa amusement park.”
“Alright, then off we go.”
“W-wait.” pero bago pa ako maka alma ay nahila na nila ako palabas ng mall at muli na namang bumagsak ang panga ko ng may makinang na itim na mamahaling sasakyan ang bumungad sa entrance ng mall.
Dahan-dahan akong lumingon kay Rome.
“Relax, bata. Hindi namin ilalabas ang pakpak namin para ilipad ka papuntang amusement park.” nakangising sabi nito.
Sunod akong lumingon kay Gabi.
“Huwag ka ng magtanong kung paano, ang mahalaga may masasakyan tayo.” kindat nito at hinila ako papasok ng kotse.
’Yung totoo? Saan at paano nila nakuha itong mga ito?
Date Posted: January 03, 2022
Tadaa! Time check, it’s 03:00 AM. Kamusta ang new year? New life, who this na ba? Anong masasabi ninyo sa dalawang bantay ni Lexel? Saan nga kaya at paano nila nakuha ’yung mga pang rich kids na damitan at sasakyan nila? Hmm, suspicious. Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 10: AMUSE
Believe it or not, kung anong kina angas ng kotseng sinasakyan naming tatlo siyang sobrang oldies naman ng tugtugan ng dalawa. Napapailing nalang ako dito sa back seat. Nasa harapan kasi nakaupo sina Rome at Gabi. Si Rome ang nagmamaneho habang si Gabi nasa shotgun seat. I am surprised na pumayag si Gabi na si Rome ang magmamaneho ng sinasakyan namin ngayon. Kasi alam ninyo na? I’m not being judgmental, okay? I’m just saying.
Ganuon pa man, natutuwa akong pagmasdan silang dalawa na nagkakasundo.
Si Gabi parang bata na kung anu-ano ang tinuturo na makita niya sa labas na dapat involve kaming dalawa ni Rome habang si Rome naiiling nalang habang nagmamaneho and did I mention na ang hot tignan ni Rome magmaneho like, if you could only see paano niya hawakan ’yung manibela.
But again, I’m not gay, okay? I think. . I mean, basta hindi. Straight ako.
Magsasalita sana ako para tanungin kung alam ba nila ang daan papuntang amusement park dahil kanina pa kami nasa biyahe pero agad pinutol ng dalawa ang balak kong sabihin ng isang pamilyar na tugtot ang umalingawngaw sa luob ng sasakyan.
Oh wait, don’t tell me ito ang jam song nila? Hindi ako informed na may jam song din pala ang anghel at demonyo? Tsk, tsk. Nakakatuwa naman ito. Para silang mag jowang may themesong.
Oh my love
My darling
I’ve hunger for your touch
A long, lonely time
And time goes by, so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
Halos lumaglag ang panga ko ng in perfect sync ang boses nilang dalawa ng sabayan nila ’yung kanta at ng magkatinginan sila sabay pa silang ngumiti kaya naman ng matapos ’yung kanta, it was the perfect opportunity para asarin ko sila.
“Aba, mukha kayong mag jowa ah. Tsk, tsk. Gagawa na ba ako ng pangalan ng loveteam ninyo?” nakangising asar ko at sabay silang tumingin sa akin. I mean, si Rome tinignan ako sa rearview mirror samantalang si Gabi nilingon ako kaya hindi ko napigilan na hindi matawa.
But why is that I felt weird ng biniro ko silang dalawa ng ganuon? Hindi naman siguro ako nagseselos sa isa sa kanila ’di ba? Ehem.
At sa wakas, matapos ang ilang oras na biyahe para sa akin ay sa wakas nakarating din kami sa amusement park.
“Woah.” iyon ang una kong nasabi ng mapansin kong walang gaanong tao. Anong araw ba ngayon? I mean, usually kapag weekend at malapit na ang holidays dapat marami ang tao but, nevermind. At least, hindi ganuon kasikip. Mage enjoy ako nito for sure. Sana nga lang kasama din namin si Moi. Maybe, next time. For sure matutuwa iyon sa ganito.
Nang lingunin ko si Rome ay normal na poker face lang siya samantalang si Gabi, ayun. Nagniningning ang mga mata. Don’t tell me gusto niya ’yung mga ganito? Iba din pala trip ng mga anghel. Tsk, tsk.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at 1 pm palang. Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang maeenjoy at masasakyan namin ang lahat ng rides na nanditoat makakauwi kami ng maaga.
“Oh kayong dalawa, dikit kayo sa akin. Mag picture tayo.” sabi ko sa kanila. Nang una ayaw pa ni Rome pero in the end wala din naman siyang nagawa ng sapilitan siyang hatakin ni Gabi.
Naglalakad kami papunta sa unang ride na sasakyan namin ng mauna si Gabi sa amin at parang batang excited na excited. Ang hindi niya alam ’yung unang ride na gusto niyang sakyan ay literal na extreme mula sa pangalan palang kung saan ito hinango. Hindi ko maiwasang titigan ’yung picture naming tatlo. Ang cute kasi. Parang kuya ko sila tapos ako ’yung bunso.
“Gwapung-gwapo ka na ba sa amin? Lalo na sa akin?” nakangising biro ni Rome at inakbayan ako.
“Sus, asa. Mas gwapo pa rin ako.” nakangising tugon ko sa kanya at nag apir kami. Not minding ’yung mga nakatingin sa amin na for sure, 99% of them is attracted either kay Gabi or Rome.
“Kuya, papicture kami bago ninyo paandarin.” sabi ko sa lalaking nag ayos ng safety belt namin.
Heh, picture bago ang sakuna.
At wala pang ilang minuto, unti-unti ng umaangat ’yung sinakyan naming ride papunta sa ituktok.
“Ganito lang pala ito? Magsa-sight seeing lang pala tayo dito?” sabi ni Gabi sa amin.
“Oo, sight seeing muna bago ang–”
“AAAHHHH.” sigaw ni Gabi na tingin ko dinig sa buong amusement park ng biglang walang pasabing bumagsak ang sinakyan naming ride pabalik sa ibaba.
Kasabay niyang nagsigawan ang ibang kasakayan namin pero iba talaga ’yung kanya. Sobrang lakas.
Kaya ang nangyari, pagbaba namin sa ride halos hindi na makaalis si Gabi sa kinauupuan niya at halatang namutla samantalang si Rome mamatay-matay sa kakatawa at agad na kinuha sa lalaking nagpicture sa amin kanina ang iniwan kong cellphone dito para picturean si Gabi. Maski ako rin naman natatawa sa lagay ni Gabi pero pinipigilan ko lang kasi mas lamang ’yung pagaalala ko.
“Ano? Suko ka na ba anghel ko? Isa palang iyang nasasakyan natin.” nakangising sabi ni Rome na naka akbay kay Gabi at sa akin.
“Ano tingin mo sa akin? Weak? Hello no.” protesta nito at kumalas sa pagkaka akbay ni Rome.
“Did you just say ‘Hell’, anghel ko? Shouldn’t it be ‘Heaven’s no’?” nakangising pang aasar nito.
“Whatever. I don’t have my halo on top of my head.” saad nito at nag eye roll.
Sunod naming sinakyan is ’yung parang carousel pero naka angat sa ere at imbis na horses eh pang swing na upuan ’yung inupuan namin at iniikut-ikot lang kami kaya nakaka antok, not to mention pa na ang lakas ng hangin kaya nakaka antok. Muntik na nga ako makatulog eh.
Pangatlo ay yung malaking barko na para kaming tinatapon paharap at pabalik. Halos tawagin na ni Gabi ang mga santo at santa sa kaba niya sa ride na iyon kaya ayun si Rome, mamatay-matay ulit sa katatawa. Mas lalo pa ng nag roller coaster kami kung saan dalawahan lang ’yung upuan at walang tatluhan. Nasa harapan namin si Rome na solong umupo sa pinaka unahan samantalang nasa likuran naman niya kami ni Gabi. Halos lumuwa ang mata ko ng muntikan ng magmura si Gabi sa takot niya lalo na ng umatras pabalik ’yung roller coaster ng huminta ito sa pinaka taas.
“Ayaw ko na. Duon nalang tayo sa may swan.” nakangusong sabi ni Gabi sa amin ni Rome habang nakapila kami sa ride kung saan disenyong helicopter ito na bumabaligtad.
“Mamaya. Kapag pauwi na tayo saka tayo sasakay ng mga normal ride saka last na ito. After nito, kakain na tayo tapos papahinga saglit.” saad ni Rome na lalong kinanguso ni Gabi.
“Eh. Sige na, demonyo ko. Duon na tayo sa may swan.” pangungulit nito at talagang niyakap pa ang braso ni Rome.
“Anghel ko, last na it–.”
“Next po.” tawag sa amin ng bantay kaya wala ng nagawa si Gabi at hinila namin siya ni Rome.
Ilang minuto after naming masakayan, masayang nagsisisigaw si Rome.
“Woo. May ganito din kami duon sa ibaba pero syempre mas masaya duon. Bawat iikutan mo may apoy.” kwento niya habang si Gabi kapit na kapit sa kanya at nagdadasal ng malakas.
Halos mailing nalang ako ng after namin sa ride na iyon eh naghihimutok na sa inis si Gabi.
Should I still be surprise na hindi tumupad si Rome sa sinabi niya?
“Sabi mo last na iyon.”
“Oo nga pero hindi ko sinabing anong ride ang huli bago tayo kakain.” tugon nito at kumindat pa.
Naglalabas pa rin ng himutok niya si Gabi hanggang sa makasakay kami sa malaking rubber na gulong kasama ang ilang gaya naming nandito para sa amusement park.
Tsk, tsk. Duda talaga akong hindi kami mababasa dito. Wala pa man ding binigay na vest.
At ilang sandali pa ay nagsisigawan na kami lahat sa tuwing babangga kami sa mabatong kanto at matatalamsikan kami ng tubig. Pero ang talagang sumigaw sa amin ng todo ay hindi si Gabi kundi si Rome at ang kaninang patawa-tawang si Rome ay pinalitan ni Gabi ng mapunta kami sa ‘falls’ part at si Rome ang nabuhusan ng tubig sa buong katawan.
Nang matapos ang ride ay halos naghihimutok sa inis ri Rome at siya namang turn ngayon ni Gabi na kuhaan siya. Again, nagpipigil ako ng tawa. Mahirap na ’no.
“Nag enjoy ako duon ah? Ano? Isa pa, tara.” pang aasar ni Gabi.
“Tumigil ka d’yan, anghel ko. Hindi nakakatuwa.” pananakot ni Rome kaso hindi tumalab dahil lalo lang natawa si Gabi.
Pumasok kami sa cr na hindi kalayuan sa sinakyan naming ride at halos walang tao sa luob. Napatingin tuloy ako sa hitsura ko sa salamin. Mukha akong bagong ligo.
“Picture.” tawag ko sa kanila at game naman silang nakipag mirror selfie sa akin.
Kukuha na sana ako ng tissue para ipang punas sa katawan ko ng tawagin ako ni Rome.
Hinawakan niya ako at si Gabi at ilang minuto pa ay tuyo na ang mga damit namin.
“Devil priveleges.” kibit-balikat niyang sabi at pinatuyo ang sarili niya.
Pagkatapos nu’n ay dumiretso na kami sa food court. Naiwan kami ni Rome dahil nag volunteer si Gabi na siya na ang bibili na ang pagkain namin.
Napatingin ako kay Rome ng mapansin kong nakatulala siya at ng tignan ko ang direksyon kung nasaan ang mata niya ay napangiti ako. Nakatingin kasi siya duon sa merry go round.
Siniko ko siya, “Gusto mo sumakay d’yan?”
Ngumisi siya, “Bakit hindi? Mukhang masaya nga eh.”
Sabay kaming napalingon ng maglapag si Gabi ng napakaraming pagkain sa lamesa namin. Shit. Mauubos ba naming lahat iyan?
“Paano mo?” tanong ko habang naglilipat-lipat ang tingin ko sa mga stalls na nanduon, kay Gabi at kay Rome na nagtaka rin.
“Angel priveleges.” kibit-balikat niyang tugon at ngumiti sa amin ng may kindat.
Pagkatapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga at naglibut-libot bago nagpasyang sakyan ang ilan pang rides na hindi namin nasasakyan hanggang sa masakyan namin ang merry go round bilang pang finale. Palubog na ang araw kaya ang ganda ng scenery lalo pa at nandito kami sa taas.
Napatingin ako sa dalawang guardian ko na nasa harapan ko.
Tahimik lang sila at walang ni isang nagsasalita. Kapwa parang may malalim na iniisip at nakita ko ito bilang isang magandang opportunidad para kuhaan sila. Huehue. Ang cute kaya nila tignan.
Pagod akong nakauwi ng bahay na mag isa dahil bumalik na sa pagiging anghel at demonyo sina Rome at Gabi kaya natural, ako nalang ulit ang nakakakita sa kanila. Sayang. Ang saya pa naman nila kasama. Kung sana pwede lang silang mas matagal mag anyong tao.
“Saan ka galing at ginabi ka ng uwi?” bungad sa akin ni Lolo ng bumukas ang pinto ng bahay.
Napabuntung-hininga ako. Oo nga pala. Nakalimutan kong sa bahay niya ako nakatira.
Date Posted: January 09, 2022
Tadaa! Time check, it’s 12:00 AM. So, I just want to say na nageenjoy akong isulat itong story na ito lalo na ’yung chapter na ito because author is a fan of amusement park lalo na extreme rides and I just want to go back sa time na super enjoy pang pumunta sa ganito without the hassle of wearing a mask and also, fave song ko ’yung unchained melody. Share ko lang. Anyways, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 11: OFF
Pagmulat ng mga mata ko, agad akong napabuntung-hininga. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko ngayong araw. Nakatitig lang ako sa kisame, naghihintay na baka makita ko ang sagot sa katanungan sa isip ko ngunit wala. Wala akong nakita.
Bumangon ako at agad na napatingin sa dalawang bultong magkadikit at kapwa natutulog. Napangiti ako sa nakita ko and somehow, I felt a strange tingle in my heart. Ewan ko ba.
Pagtapak ng paa ko sa sahig, agad na nagising yung dalawa. Agad silang naglayo at naiilang na nagkatitigan at tumingin sa akin na parang akala mo may bagay akong nalaman na tinatago nila mula sa akin.
“H-Himala! Hindi ako nasunog sa balikat mo.” out of nowhere na sabi ni Gabi.
“Naku, anghel ko, ineexpect mo ba na susunugin ko iyang maganda mong mukha? Aba, nakakasakit ka naman ng feelings.” saad ni Rome na animo’y babaeng nagtatampo sabay ngisi.
“Umagang-umaga ah, nagsisimula na naman kayo.” sita ko sa kanila bago ako lumabas ng kwarto para maligo.
Nagkasalubong pa kami ni Moi sa cr, mukhang katatapos niya lang maligo pero ang weird ng way ng paglalakad niya. Napano siya?
“Uy, bakit ganyan ka maglakad?” usisa ko.
Para naman siyang nagulat sa prisensya ko at impit na napangiti.
“Nadulas kasi ako sa luob ng cr. Pero okay lang. Keribels lang.” tugon niya.
“Sumayaw-sayaw ka siguro kaya ka nadulas. Tsk, tsk. H’wag ganuon.” pabiro kong sabi at inalalayan siya pabalik sa kwarto niya at saka bumalik sa cr para maligo.
Napangiti ako habang naliligo ng maalalang ngayon ’yung birthday ni Rona. Ano kayang suot niya mamaya? Siguro ang ganda-ganda niya. Well, lagi naman siyang maganda kaya nga nagustuhan ko siya eh.
Bigla ko ding naalala si Bel. Ayain ko kaya siya na sumama? Thou kasi sa pagkakaalala ko hindi yata siya inimbitahan ni Rona. Hindi ko alam kung bakit pero obviously mukhang wala ding balak pumunta yung isang iyon kung sakali mang ininvite siya. Parang hindi niya fortè ang mga ganuong pagtitipon.
Sinu-sino kaya kaming mga nanduon?
Nagbibihis na ako ng maramdaman kong nasa likuran ko sina Rome at Gabi at ’yung titig nila sa likuran ko parang nangbubutas na. Napabuntung-hininga ako at hinarap sila.
“May gusto ba kayong sabihin?” tanong ko.
“Sigurado ka ba talagang pupunta ka duon sa party ng babae na iyon?” tanong ni Gabi.
“Oo. Bakit naman hindi? Ininvite ako at saka nakabili na ako ng regalo, di ba? Kasama ko pa kayong bumili nu’n.”
“Sure ka bang magsisinungaling ka duon sa mga matatanda na nasa labas at kumakain ngayon ng almusal?” tanong ni Rome.
Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi niyang iyon. I mean, kung si Gabi mapapalampas ko pa dahil anghel siya pero si Rome? Si Rome ba talaga ito? Ang laging natutuwa kapag nakakagawa ako ng makasalanang bagay? Kailan pa siya nagkaruon ng konsensya mung magsinungaling ako?
“Teka nga, ikaw ba iyan Rome? O, ibang demonyo ka na nagpapanggap lang na si Rome?” tanong ko at napasandal sa malaking cabinet ko.
Nagkatinginan sila sa isa’t-isa at napabuntung-hininga.
“Nagaalala lang kami sa iyo, bata.”
“Oo nga. Paano kung may biglang mangyari at hindi ka namin matulungan? Hindi naman kami agad-agad makakapag anyong tao. Nasabi na naman sa iyo nuon na matagal na panahon ulit ang gugugulin para lang magawa naman ulit ang nagawa namin ng nakaraan.” nakangusong paliwanag ni Gabi.
Napabuntung-hininga ako at nailing sa dalawa kong bantay. Lumapit ako sa kanila at umupo sa pagitan nila.
“Wala kayong dapat ipag alala, okay? Birthday party lang iyon. Maraming tao sa mga birthday party at isa pa, hindi ba kayo natutuwa para sa akin? ’Yung crush ko ’yung nag invite sa akin! ’Yung crush ko mismo! Okay? Walang dapat ipag alala. Ganito nalang, hindi ako magtatagal duon. Isang oras lang. Pagkatapos nu’n aalis na ako. Deal?”
Nagkatinginan sila sa isa’t-isa at napabuntung-hininga.
“Deal.” tugon nila kahit halatang nagaalangan sila sa pagpayag samantalang ako naman ay napangiti nalamang pero bakit ganuon? Parang nagaalala din tuloy ako sa pwedeng mangyari mamaya? Hayaan na nga. Pinagsawalang bahala ko nalang ang weird kong pakiramdam at tinuloy ang pag aasikaso ko.
Paglabas ko ng kwarto ay kinatok ko ang kwarto ni Moi para malaman kung nasa luob pa siya at hindi nga ako nagkamali, nasa luob pa siya.
“Uy.” bati ko at marahang pumasok sa kwarto niya. Syempre, hindi ko nalang napansin yung tingin niya ng pumasok ako na para bang nabunutan siya ng tinik sa ngala-ngala ng ako ’yung niluwa ng pinto ng kwarto niya.
Ano kaya ginagawa ng isang ito? Hindi kaya nanunuod siya ng. . .?!
“Okay na ba ’yung paa mo?” tanong ko ng makaupo ako sa gilid ng kama niya.
“U-Uh, oo.”
“Sure?”
“Sure. A-Alis ka?” nagaalalang tanong niya. Sabihin ko ba sa kanya?
“Oo. May pupuntahan akong. .”
“Birthday party? Kay Bel ba iyan?” pangunguna niya sa akin ng may ngiti sa labi niya. Pero hindi ’yung tipong mapang asar na ngiti.
“Kilala mo si Bel?” gulat kong tanong sa kanya.
Tumango siya, “Oo. Nakilala ko lang siya dahil lagi niya ako tinititigan kapag nagkakasalubong kami sa hallway. Isang beses lang yata niya ako kinausap. Actually, tinanong pala. Tinanong niya ako kung okay lang ako.”
Bigla kong naalala ’yung naging paguusap namin ni Bel ng nakaraang araw. Napangiti ako dahil mukhang concern talaga siya dito kay Moi. Hindi kaya type niya itong pinsan ko?
“Crush ka siguro nu’n. Tinanong ka rin niya sa akin ng nakaraan kung okay ka lang daw ba.”
Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Malabo iyon. Mukhang iba ang dahilan bakit niya ako kinakamusta.”
“Paano mo naman nasabi?”
Napakibit-balikat lang siya.
“So, alam ba nila Lola iyang alis mo ngayon?”
Umiling ako, “Ikaw lang nakakaalam kaya huwag kang maingay ah.”
Nagtaka naman ako kung bakit biglang nag iba yung eskpresyon niya.
“O-Oo. Hindi ako magiingay. Uhm, gusto mo na bang bumaba? Breakfast na tayo baka tapos ng kumain ’yung mga nasa baba at saka baka ma-late ka pa sa party. Ikaw din. Uhm, sino nga pala ’yung may birthday kung hindi kay Bel ’yung pupuntahan mo?”
“Kay Rona. ’Yung crush ko.” nakangiti kong sabi.
Agad namang kumunot ang nuo niya.
“Birthday niya? Ngayon ang birthday niya?” tanong nito.
“Oo? Duon nga ako pupunta, ’di ba? Bakit?” taka kong tanong.
“Uh, wala. Baka mali lang ako ng naiisip.” tugon niya kalakip ang isang impit na ngiti, “Hindi ka naman siguro gagabihin, di ba?”
“Hindi. Isang oras nga lang ako duon. Kain saka abot lang ng regalo kay Rona ang gagawin ko.”
“Buti naman.” halos pabulong niyang sagot.
“Bakit? Aalis ba sila Lola?”
“Oo daw eh. Ako at si Tito lang maiwan dito. Baka nga sumama nalang din ako pag alis mo maya-maya. Okay lang ba? Tatambay lang ako sa mall.”
“Bakit? Takot ka baka may multo dito ’no? O baka ayaw mong ipag bible study ka ni Tito?” natatawang biro ko.
“Siguro nga.”
Nag decide na kaming bumaba at si Tito nalang ang naabutan namin sa Sala at abalang nakikinig ng word of god sa tv. Napatingin ako kay Moi ng mapansin kong napailing siya. Grabe naman kasi itong si Tito sobrang devoted talaga parehas ni Lolo.
“Saan ka punta, ’Lex?” usisa ni Tito ng matapos ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin ni Moi.
“Sa school po. Gagawa kami ng project ng mga ka-grupo ko. Kasama ko din si Moi, may tatapusin din siya sa school ng mga kaklase niya.”
“Hindi siya nagpaalam sa akin.”
“Uh, nakalimutan po niya siguro pero sabay kaming pupunta sa school.” confident kong pagsisinungaling para sa amin ni Moi.
“Tawagin mo nga iyang si Moi.” utos ni Tito na mukhang galit kasi ngayon lang magpapaalam si Moi na may lakad siya. Ewan ko ba kasi, kapag may gagawin kami or lalakarin kailangan magsabi na kami agad 2-3 days before.
Papanhik na sana ako ng hagdan para tawagin si Moi kaso pinigilan ako ni Tito. Siya nalang daw ang tatawag dito pero bago din siya makapanhik ay pababa na si Moi. Napatingin siya sa akin at kay Tito at pabalik sa akin.
“Aalis ka daw?”
“O-Opo. M-May project kasi kami sa school na dapat kong tapusin. Pasahan na next week po.”
Napa imaginary high five ako kay Moi dahil nagtugma ang sinabi ko kay Tito at ang sinabi niya.
Tinitigan siya ng matagal ni Tito bago lumingon sa akin.
“Sige na. Magtext nalang kayo kapag pauwi na kayo para makapag handa ako.”
“Aalis din po ba kayo?” usisa ko.
“Hindi.” tugon nito na kinanuot ko ng nuo. Bago pa ako makapagtanong ay hinatak na ako ni Moi palabas ng bahay. Hindi ko nalang ito pinansin at agad na pumara ng masasakyan naming jeep.
Date Posted: February 01, 2022
Tadaa! Time check, it’s 03:00 AM. Kamusta? Anong masasabi ninyo sa istoryang ito? Boring ba? Kasi ako nageenjoy akong sulatin ito. And to be honest, pakiramdam ko magbibigay ako ng hint dito sa susunod kong isusulat na kwento. Not sure nga lang kung kabilang siya sa Luna Series. Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 12: TERRIFIED
Napakamot ako sa nuo ko ng pagdating ko sa bahay na sinabi sa akin ni Rona ay wala man lang akong makitang mga birthday decoration sa labas o ingay na nagsasabing may nagaganap na pagdiriwang ngayong araw.
Hindi kaya maling bahay ang napuntahan ko? Luminga ako sa paligid at halos lahat ng bahay dito parang may kanya-kanyang boundary sa mga katabi nilang bahay.
Kung sabagay, subdivision itong pinasukan. Thou sa subdivision din naman kami nakatira pero hindi ganito katahimil ’yung amin. Kinakabahan tuloy ako. Hindi ko alam kung magdo-doorbell na ba ako o hindi nalang. Eh kung hintayin ko nalang na may lumabas at makita ako at tanungin ako kung sino ako at anong kailangan ko? Siguro nga. Mas okay ’yung naisip kong iyon.
Kaya ayun ang ginawa ko at halos isang oras na akong nasa labas pero wala pa rin akong naiispotan na taong lumalabas kaya wala na akong nagawa kundi i-text na si Rona at sabihing nandito na ako sa labas. Nakatanggap din ako ng text mula kay Bel at nangangamusta kung nasa party na ba ako at kung comfortable ba ako sa mga bisitang nanduon. Napangiti naman ako at agad siyang nireplyan na mukhang maaga ako sa napag usapan na oras ng party at kung balak ba niyang pumunta tutal nandito naman ako pero gaya ng naging sagot niya ng nakaraan ay ayaw niya. Pinaalalahan niya rin ako na kung kailangan ko ng sundo ay okay sa kanyang sunduin ako.
Maya-maya pa ay narinig kong may lumabas at pagtingin ko ay si Rona na ito na nakapang bahay lang at agad akong ngumiti sa kanya ng makita ko siya. Okay lang ba siya? Bakit parang malungkot siya?
“Hi! Pasensya na ah. Hindi ako agad nag doorbell. Nahihiya kasi ako baka marami kang inaasikasong bisita.” naiilang ngunit naka ngiti kong sabi.
Napansin ko naman na mukha siyang stress siya kaya hindi na muna ako nagsalita hanggang sa makapasok kami sa luob. Aaminin ko namangha ako sa ganda ng bahay niya. I mean, maganda na ’yung labas pero mas maganda ’yung luob. Naglalaban ’yung dark and light na theme.
Pero syempre hindi nakawala sa paningin ko na wala pang ibang nanduon maliban sa amin ni Rona. Yari, mukhang ang aga ko nga talaga sa usapan pero 11 am na eh. Anong oras ba magsisimula ’yung party? Nangako pa naman ako duon sa dalawa saka kay Moi na isang oras lang ako dito.
“Ang aga ko pala.” sabi ko pagka upo ko sa upuan sa dining area.
“H-Hindi. Ayos lang. Gusto mong kumain muna?” aya nito sa akin.
“S-Sige, kung ayos lang. Ano bang handa natin? Unti lang ah baka kasi kulangin ’yung pagkain sa bisita.” biro ko at tumango lang ito at nilapag sa harap ko ang isang platito ng fruit salad, lasagna at iced tea.
“Thank you.” tugon ko at napansin kong nakatitig siya sa akin pero ng mapansin niyang napansin ko ito ay siya namang abala niya sa sarili niya sa kanyang cellphone. Cute.
“Thank you din pala sa pag invite sa akin sa birthday mo. Nagulat nga ako ininvite mo ako.” saad ko habang kumakain.
“Wala iyon. Ako nga dapat magpasalamat sa iyo kasi pumayag ka. Dahil sa iyo matutupad ang wish ko.” saad niya sabay kindat at hinaplos ang mukha ko. Napalunok naman ako sa ginawa niyang iyon. Awkward.
Inintindi ko nalang ang pagubos sa pagkain ko dahil ewan ko. Imbis na kiligin ako eh nailang ako sa ginawa niya. Whew. Siguro kasi dahil kaming dalawa lang ang nandito at hindi ako comfortable sa biglaang hawak.
“Ikaw lang ba nakatira dito?”
“Uhm, yeah. Why?”
“Eh nasaan ang parents mo?”
“Do they matter?” tanong niya at biglang huminto sa paglalakad papunta sa sa sink ng kitchen kung saan din ako papunta para hugasan ang pinagkainan ko. Sa gulat ko ay nabunggo ko siya. Agad kong binitawan ang hawak ko at humingi ng tawad. Hindi alam ang gagawin dahil nalagyan ng mantsa ng lasagna na nasa platito ang suot niyang damit.
“T-Teka! Anong ginagawa mo?!” taranta kong tanong sabay takip agad sa mata ko ng bigla nalang niyang hubarin ang suot niyang tee shirt.
“Ay, hindi ba ito ang dahilan kung bakit mo tinatanong kung ako lang ang nakatira dito?”
“H-Hindi! Jusko! Magdamit ka! Isuot mo ulit iyang tee shirt mo lalabahan ko nalang kung gusto mo!” saad ko na halos pasigaw dahil hindi ko talaga alam ang gagawin at hindi ko rin naman alam kung bakit niya ito ginawa. Jusko, nasaan ba sina Rome at Gabi? Jusko!
Nagtaka ako ng marinig ko siyang tumawa. Ewan ko ba. Parang hindi ito ’yung Rona na crush ko ang nasa harapan ko. Natatakot akong isipin na ito ang tunag na ugali ng Rona na na-crushan ko. Impossible. Nananaginip lang yata ako. Hindi ito totoong nangyayari ngayon.
“Oh shit! Rona!” sigaw ko ng maramdaman kong pinahawak niya sa akin ’yung dibdib niya. I mean, well, malaki pero shit lang! Hindi sa hindi ako ready pero para akong nandidiri. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sagrado ang mga ganitong bagay para sa akin. Dapat nirerespeto ng tao ang katawan nila hindi dahil ito ang ihaharap natin sa diyos kundi dahil iyon ang dapat bilang isang tao. Kahit na tattooan ko pero may respesto ka sa sarili at katawan mo, iyon ang mahalaga hindi ’yung ganito.
Ginawa ko nalang ang naisip kong makakatulong sa akin at iyon ay walang iba kundi ang tumakbo palayo sa kanya. Kaso nga lang, sa kamalas-malasan, natisod ako kaya ayun, sa bilis ng pangyayari, nakapaibabaw na siya sa akin at hawak niya ang magkabilang kamay ko. Nakangisi ito.
“Tama nga ang hinala namin ni Ryan sa iyo. Virgin ka pa nga.”
“H-Huh?” nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong lumabas na mga salita sa bibig niya, “A-Anong ibig momg sabihin?”
Nilapit niya sa mukha ko ang dibdib niya at tinitigan na parang ako ’yung hapunan niya.
“Nagkaruon kami ng deal ni Ryan. Magpapanggap akong birthday ko at aayain kita na pumunta sa party ko pero ang totoo, hindi naman talaga ngayon ang birthday ko. Ang deal namin is papuntahin ka dito sa bahay niya, kapag nagawa ko iyon, kanya ka na samantalang solo ko na si Bel.”
“A-Anong sinasabi mo? Ibig sabihin nagsinungaling ka sa akin?” para akong maiiyak sa sinabi niya. Niloko niya ako? Pinlano nila ito ni Ryan? Ano bang kasalanan ko sa isang iyon at dito kay Rona para gawin nila sa akin ito?
“Oo. Alam mo kasi, naiinis ako na laging nakatabi sa iyo si Bel. Tsk, alam mo ba kung gaano ako naiirita kapag nakikita ko kung gaano kayo ka-close? Oo, bago mo pa mapagtanto ang sinasabi ko, gusto ko si Bel. I like girls, ’Lex ang Bel is the one that I want not you or Ryan or ant fucking boys at school.”
“So, hanggang kailan mo balak patungan iyang akin?” napatingin kami sa biglang nagsalita at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Ryan. Ngumisi ito sa akin.
“O’ nandyan ka na pala. Ikaw ng bahala dito. Solo mo na siya. Aalis na ako.” saad ni Rona at umalis sa pagkaka patong sa akin.
Agad din akong tumayo ng marealized kong nasa pintuan na si Rona pero bago pa ako makasunod sa kanya ay hinila ako ni Ryan at hinagis sa couch at agad na hinawakan ang balikat ko para pigilan ako makatayo.
“Ngayon tayo nalang.” nakangisi nitong sabi at duon ko lang narealized na sana. . sana sinunod ko nalang ’yung pinayo sa akin nina Rome at Gabi at pati na rin si Bel.
Dapat hindi ako pumunta dito.
Ngayon huli na ang lahat.
Date Posted: February 01, 2022
Time check, it’s 03:30 AM. So, gaya nga ng sinabi ko sa last update, nandito sa chapter na ito ang hint sa susunod kong gagawin na istorya. Kung naguguluhan kayo sa kung ano iyon or hindi ninyo napansin, punta lang kayo sa profile ko. Sinabi ko na rin duon ang gusto ko na isulat na genre for a change. Lol. Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 13: SIMILARITY
“Get the fuck off me!” sigaw ko sa galit ng pumaibabaw sa akin si Ryan at hawak ang magkabilang kamay ko sa itaas ng ulo ko.
I feel humiliated, disgusting, angry to him and at myself but most of all, I felt like crying.
If I only knew things would turn out like this. . .
Sana pala nakinig nalang ako sa sinabi ni Bel, nina Rome at Gabi, at pinagkatiwalaan ang hindi magandang pakiramdam ko sa inakto kanina ni Moi sana hindi ito nangyayari ngayon sa akin.
I feel helpless.
“And why would I? Ang tagal kong hinintay mangyari ito. At saka tumigil ka na nga sa pagpapakipot. Huwag ka ng magkunwari na hindi ka tulad ng pinsan mo.” nakangising sabi nito.
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong natauhan. Bago niya pa mailapit ang mukha niya sa leeg ko at madampian iyon ng nakakadiri niyang labi at malanghap ng ilong ko ang nakakasuka niyang amoy ay inipon ko ang buo kong lakas para hatakin ko ang kamay ko paalis sa pagkakahawak niya at itulak siya palayo sa akin sabay tadyak sa kung ano mang parte ng katawan niya na hindi ko na inintindi kung alin man iyon.
Ang kapal ng mukha niyang ikumpara ang sarili ko kay Moi!
At ang sama ng ugali niya na maliitin ang gaya ni Moi porket bakla ito!
Ano naman kung bakla ang pinsan ko? Hindi ito desperado gaya niya. Oo, nagkakagusto siya sa kapwa naming lalaki pero ni minsan hindi ko narinigan ang pinsan ko na iyon na pagnasaan ang iba ng dahil sa kasariang meron siya. At ano kung bakla ang pinsan ko? Ibig sabihin ba nu’n ay gaya na rin niya ako? Hindi. Magkaiba kaming dalawa. At dapat nirerespeto ng kahit na sinong tao ang ano mang meron at kung sino kami.
“Putangina mo! Huwag na huwag mong mabastos ang pinsan ko. Hindi siya gaya mo. Malayung-malayo siya sa tulad mong. . . bakla. At hindi gaya mo, marunong siyang rumespeto at hindi magaassume na dahil lang sa pinsan ko siya ay gaya na rin niya ako.”
Ngumisi siya at pinunasan ang baba niya na wala namang sugat.
“I like it. Pumapalag ka rin pala.” saad niya at walang pasabing bigla nalang tumayo sa pagkakasalampak niya at hablot sa akin.
Nagpupumiglas ako hanggang sa kaya ko, hanggang sa unti-unti ng nanghina ang mga katawan ko dahil kumpara sa katawan na meron ako ay mas malaki ang built ng katawan niya sa akin kaya hindi na nakakatakang nagawa niyang sapilitan akong mahalikan habang mahigpit ang pagkakasabunot niya sa labi ko. Naramdaman ko ding bumaba ang isa niyang kamay sa pang upo ko. Pinipilit kong hindi mag respond sa mga halik niya ngunit dahil masyado siyang marahas ay hindi ko magawa ang gusto kong gawin. Halos kilabutan ako ng marinig ko ang ungol niya sa pagitan ng paghalik niya sa akin at ang matigas niyang alaga na tumatama sa pagitan ng hita ko.
“Shit, ang sarap mo!” gigil niyang bulong tenga ko bago pagdiskitahan ng labi niya niya ang kaliwang leeg ko. Nagsisimula na akong mawalan ng pag asa dahil sa nangyayari ngayon, na tuluyan na akong hindi makakaalis at mabababoy na ni Ryan ang pagkatao ko pero hindi.
May pag-asa pa lalo na ng makita ko ang oras na naka rehistro sa wall clock. Bigla kong naalala si Moi. Nangako akong sabay kaming uuwi. Hindi ako papayag na siya lang lahat sasalo ng galit ng mga tao sa bahay kapag nalaman nilang nagsinungaling kaming parehas sa kanila kaya naman ng mapahiga na kami ni Ryan sa couch ay hindi na ako nag atubili pang abutin ang vase na nasa malapit at ihampas iyon ng malakas sa ulo niya. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makatakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa ang malakas niyang pagmumura at pagtawag sa akin na bumalik ako kung hindi pagsisisihan ko ang ginawa ko sa kanya pero hindi. Hindi ako lumingon o huminto. Dire-diretso lang akong tumakbo hanggang sa makalabas ako sa bahay at makarating sa highway. Pinara ko agad ang unang jeep na nakita ko at hindi ko nalang pinansin ang kakaibang tingin sa akin ng ibang mga pasahero. Buti nalang at may pera ako sa bulsa kaya nakapagbayad ako ng pamasahe pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong kalamnan ko sa nangyari kani-kanina lang. Parang gusto ngangmaiyak ulit pero hindi. Hindi ko magawa.
Nang makababa ako sa school namin ay agad akong dumiretso sa napag usapan naming lugar ni Moi kung saan kami magkikita at iyon ay sa tindahan ni Aling Maria.
“Oh, ikaw pa–!. . Ayos ka lang ba, iho? Jusko, bakit ganyan hitsura mo?” nagaalalang tanong niya sa akin at lumabas sa kanyang bakery para salubungin ako at yakapin.
“O-Okay lang po ako.” tugon ko pero halata sa boses ko na hindi talaga ako okay. Bumabalik sa akin yung nangyari kanina na para bang any moment pagluminga ako o lumingon ako makikita ko si Ryan.
“Anong okay? Hindi ka okay! Tara dito sa luob.” saad ni Aling Maria at dinala ako sa luob ng bahay niya at saglit na naglagay ng karatulang ‘BREAK TIME’ sa kanyang bakery. Nahiya naman ako dahil duon. Sayang ’yung kikitain niya.
“Okay lang po talaga.” pilit kong sinasabi pero hindi iyon pinapansin ni Aling Maria bagkus ay inasikasuhan pa ako ng makakain.
“Kumain ka muna. Ito oh, gatas para kumalma ka. Jusko! Ano bang nangyari sa iyo na bata ka?” nagaalalang sabi niya at marahang hinaplos ang buhok ko, “Teka, maiwan kita saglit. Ikukuha kita ng masusuot mong damit. Gusot na iyang suot mo at may kumalas pang butones. Hindi ka naman siguro nakipag basag ulo, ’di ba?”
Napangisi nga ako ng marinig ang huli niyang sinabi. Sana nga ganuon nalang ang nangyari pero hindi.
Tumalikod na siya at saglit akong iniwan sa pwesto ko. Tinitigan ko ang pagkaing nakahain at marahang kumuha ng isang pande coco at unang kagat palang, naramdam kong naluha na naman ako. Nakakainis! Hindi ako pwedeng makita ni Moi ng ganito.
Teka, si Moi!
Agad kong kinapa ang pantalon at nakahinga ng maluwag ng malamang nasa bulsa ko ang cellphone ko at dali-daling tinignan ang inbox ko kung may text na si Moi, ng makitang wala pa ay isasara ko na sana ang cellphone ko ng makita ko ang wallpaper ko at impit na napangiti. Yari ako nito kapag nalaman nila ang nangyari sa akin. Alam na kaya nila? Ipapamukha ba nila sa akin na kung sana nakinig lang ako sa kanila?
“Jusmiyo, iho! Bakit ka umiiyak ha?” bumalik ako sa wisyo ng lumapit sa akin si Aling Maria at punasan ang luha ko at wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
“Tao po? Aling Maria?” tawag ng isang pamilyar na boses mula sa bakery. Nanlaki ang mga mata ko ng marealized na boses ni Moi iyon kaya dali-dali akong nagpaalam na pupunta ng cr habang si Aling Maria naman ay papunta sa kinaruruonan ni Moi.
Pagpasok ko sa luob ng cr ay agad kong hinubad ang suot kong damit at naligo. Hindi ako pwedeng makita ni Moi na parang may nangyari sa akin na hindi maganda. Hindi niya pwedeng maamoy sa akin ang amoy ng walang hiyang Ryan na iyon kaya kinuskos ko ng kinuskos ang balat ko ng sabon hanggang sa mamula ito pero bakit pakiramdam ko, kumapit sa akin abg amoy niya? Bakit nararamdaman ko pa rin ang hawak niya sa akin?
Napaupo ako sa cr habang tumatakbo ang tubig mula sa gripo sa nakasahod na balde. Nilakasan ko ang bukas nito para hindi nila marinig sa paglabas ang pag iyak ko.
Paglabas ko ng cr ay suot ko na ang damit na pinahiram sa akin ni Aling Maria. Ngayon ko lang nalaman na may anak pala siyang lalaki. Nakakatuwa naman. Hindi ko kasi alam ang tungkol dito at parang never ko pa siyang nakita.
Agad akong tumango ng makabalik ako sa sala at makita ko ang nagaalalang tingin sa akin ni Moi samantalang si Aling Maria naman parang may gustong sabihin na kung ano sa akin.
“Sorry, nakiligo po ako. N-Nangangati po kasi ako. Allergy.” pagsisinungaling ko kasabay ang isang impit na ngiti.
“O-Okay lang, iho. A-Ano. .” inabot niya sa akin ang cellphone ko, “U-Umilaw bigla. Malo-lowbat ka na yata.”
Tumango ako at binuksan ang cellphone ko. Tama siya. Malo-lowbat na nga ako.
“S-Sino pala ’yung nasa wallpaper mo? Ang gu-gwapo kasi. O-Okay lang kung hindi mo sabihin kung sino, ano kasi. . K-Ka. .”
“Kaibigan ko po. Sina Rome at Gabi.”
Nagkatinginan kami ni Moi sa isa’t-isa ng makita namin ang gulat at pagtataka sa mukha ni Aling Maria.
“Ayos lang po kayo?” tanong ni Moi.
“A-E. . Oo! Akyat muna ako sa taas.” paalam nito at iniwan kami ni Moi kaya naiwan kaming dalawa na nagtititigan sa isa’t-isa. Nagtatansyahan kung sino ang unang magsasalita.
“So. .? Gusto mo bang pag usapan ang nangyari?” tanong nito na may pagaalala sa kanyang mukha at impit na ngiti.
“H-Ha? Anong sinasabi mo d’yan? N-Nasa party ako, ’di ba? O-Okay lang naman.” tugon ko na hindi kapani-paniwala sa kung sino man ang makakarinig.
Napabuntung-hininga siya.
“Sinabi sa akin ni Aling Maria ang nakita niya, Lex. Kung ayaw mong pag usapan, sige, ayos lang pero mas okay na pag usapan natin kesa nagkaka ganyan ka. Hindi naman kita huhusgahan. Pinsan mo ako.”
Yumuko at umiling. Sa bawat iling ko ay ang luha kong nagbabadya na namang tumulo.
“Lex.”
“M-Moi, please.”
Isang buntung-hininga ang pinakawalan niya at marahang lumapit sa akin para yakapin ang ulo ko at dampian iyon ng halik, “Sorry. Wala ako. Hindi kita napagtanggol. Uwi na tayo?”
Tumango ako at in a few hours, nasa bahay na kami ni Moi. Napagalitan kami dahil ginabi na kami ng uwi pero hindi ko iyon inintindi. Sa halip, pagka pasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong dumapa sa kama ko at muling umiyak.
Duon ko naramdaman ang pagyakap sa akin nina Rome at Gabi.
“Sshhh. Tahan na, Lex.” marahang sabi ni Gabi at hinalikan ang nuo ko pero ramdam ko ang mabigat niyang paghinga ng malaman niya ang nangyari sa akin.
“Nandito lang kami, bata. Iiyak mo lang sa amin lahat.” dinig kong sabi ni Rome at maging siya mabigat din ang paghinga at ang paghaplos sa buhok ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kahit papaano kasi, ang comforting lang isipin na ganito sa akin ang guardian angel at guardian devil ko.
It’s like, I have my place between them.
Date Posted: February 06, 2022
Time check, it’s 12:00 AM. So, ayun na nga. Bumigat din at the same time feels ko habang ginagawa ko itong chapter na ito but at the same time kind of warm and fuzzy to think and even imagine ’yung yakap ka ng guardians mo ’no? Like, aww! Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 14: FIGHT
Napabuntung-hininga ako ng pagmulat ko agad akong niyakap ng realidad na may pasok ako ngayon. Ibig sabihin makikita ko sina Ryan at Rona.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko nalang lamunin ako ng buhay ng kama ko kaso paglingon ko nasa magkabilaan ko sina Rome at Gabi. Impit akong napangiti. Hindi nila ako iniwan.
Pabangon palang ako pero agad akong hinila pahiga ulit ni Rome na nakapikit pa rin, “Huwag ka munang pumasok kung hindi mo pa kaya. Huwag mong pilitin, bata.”
Matagal kong pinag isipan ang sinabi niya hanggang sa magising na din si Gabi at agad na hinalikan ang nuo ko at hinaplos ang mukha ko.
“Nakatulog ka ba ng mahimbing, Lex?”
Marahan akong tumango sa tanong niya at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ring ginaya siya ni Rome. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kakaibang contentment sa luob ko.
“Uy! Papasok pa ako! Pakawalan ninyo ako!” natatawa kong sabi ng para silang octopus na dalawa kung kumapit sa akin.
“Huwag ka na muna pumasok!” nakangusong sabi ni Gabi, “Dito ka lang sa gitna namin. Safe ka dito.”
“Sabihin mo nalang duon sa mga matatanda na masama pakiramdam mo.”
Papayag na sana ako sa gusto nila kaso naalala ko walang kasama si Moi pumasok ng school kaya ayun. Kasing lakas at bilis ni superman ang ginawa kong pagbangon at humingi ng pasensya sa dalawa at nagmamadaling pumunta ng cr para maligo. Halos matanggal na yung ulo ko kakailing para lang mawala sa ala-ala ko yung ginawa ni Ryan sa akin kahapon.
Nang matapos ako maligo, bago ako lumabas ng cr ay napatingin ako sa salamin at napabuntung-hininga.
Halatang-halata na umiyak ako. Ano tuloy sasabihin ko kapag tinanong nila ako bakit ganito itong mga mata ko?
Gustuhin ko man kasi sabihin, alam kong once na sinabi ko iyon, imbis na kay Ryan sila magalit for sure, ako pa ang lalabas na may kasalanan at nakakadiri sa mata nila kaya ’di bale nalang. Kikimkimin ko nalang sa sarili ko ito. Tama ng ako lang ang nakakaalam sa tunay na nangyari at wala pa ring ideya si Moi sa nangyari sa akin kahapon maliban sa siguro iniisip nito na napagtripan na naman ako ng kung sinong bully. Whew.
Nang matapos ako sa pagbibihis ng school uniform ko ay napatingin ako sa repleksyon nina Rome at Gabi sa salamin na magkatabing nakaupo sa dulo ng kama ko at nagaalalang nakatingin sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanila.
“Papasok ka ba talaga, Lex?”
“Bata, kahapon hindi mo kami pinakinggan. Ngayon, sumunod ka na sa amin. Makakalbo kami sa iyo nitong anghel ko.”
“Walang kasama si Moi pumasok. Ayaw kong pumasok iyon mag isa. Baka mamaya kung mapano iyon kapag siya lang. Antukin pa naman iyon.” saad ko at lumapit sa kanila para haplusin ang mga ulo nila, “Maraming tao sa school kaya huwag na kayong magalala.”
“Bata, ilang beses kang nabully ng Ryan na iyan sa school ninyo. Oo nga at maraming tao pero may tumulong ba sa iyo maliban duon sa kaibigan mong babae ka? ’Di ba wala?”
“Lex. . “
Bago pa magbago ang isip ko ay tumalikod na ako at agad na lumabas ng kwarto. Kinatok ko ang kwarto ni Moi at ng walang tumugon mula sa luob ay sumilip na ako. Agad na kumunot ang nuo ko ng wala akong Moi na nakita. Nasaan na siya?
Pagbaba ko sa dining ay wala akong Moi na naabutan.
Nakaalis na ba siya? Ang aga naman niya yata at hindi niya ako ginising para nagsabay kami ng pasok?
Duon ko lang din napansin na walang ibang tao sa bahay maliban sa akin. Saan nagpunta ang mga tao dito?
Kumuha nalang ako ng dalawang pandesal at pinalamanan ito ng cheese at saka nagmamadaling umalis ng bahay. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa luob ng jeep na sinasakyan ko ngayon.
Una, siguro dahil makikita ko sina Rona at Ryan at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko mamaya.
Pangalawa ay dahil maagang umalis si Moi ng bahay ng hindi man lang ako hinihintay.
Pangatlo, dahil hindi ko maalala sa sobrang pagiisip ko mula ng umalis ako ng bahay kung naiabot ko na ba ang bayad ko sa jeep.
Pang apat ay ngayon palang nag sink in sa akin yung biglaang pagiiba sa kilos ni Aling Maria ng makita niya yung picture namin nila Rome.
Panglima ay si Bel. Malamang magtatanong din ito sa kung anong nangyari kahapon pero baka may ideya na din siya dahil kay Rona.
Pang anim ay ’yung naging kakaibang pagkilos nina Gabi at Rome. Parang may gagawin silang kung ano. Hindi naman kasi ako manhid o bulag para hindi makita kung anong reaksyon nila sa nangyari sa akin.
“Manong, bayad po saka para na rin sa tabi.” saad ko sabay abot ng bayad ko.
Natawa naman ang driver at inabot sa akin pabalik ang binayad ko.
“Naku, iho ang dami mo yatang iniisip. Sabagay ganyan talaga kapag college. Nagbayad ka na kanina pagkasakay na pagkasakay mo.” nakangiting sabi nito at nakangiting tumugon nalang ako at agad na bumaba sa jeep.
Naglalakad ako papasok ng university gate namin ng may bumangga sa balikat ko. Agad akong kinabahan at unti-unting lumingon hanggang sa marinig ko ang boses ng nakabangga sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi si Ryan iyon.
“Uy, pre sorry. Hindi ko sinasadya.”
“H-Hindi, okay la–!” hindi ko natapos ang sasabihin ko sana ng biglang sabay kaming mapalingon sa nag ‘hoy!’.
“Pre, bilisan mo! May UFC na nagaganap duon sa building ng mga Med! Dalian mo!” sabi nito sa kasama niya na halatang excited pa at pinagmasdan sila na tumakbo palayo sa hallway samantalang ako naiwang mag isa sa classroom kaya napagpasyahan kong dumiretso nalang sa classroom at i-enjoy ang natitirang freedom ko ng wala pang Rona at Ryan na sumusulpot para masira ang araw ko.
Nagtaka ako ng pagpasok ko ng classroom wala akong naabutan na mga kaklase ko. Hala, nasaan sila? Wala ba kaming klase? Pero impossible. Wala namang nabanggit. O baka naman lumipat sila ng room? Oh shit. Agad kong dinukot sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko para i-check ang group chat ng Dash namin kaso wala akong nakita maliban sa picture na sinend ng isa sa mga classmates ko at pagkakita ko nu’n, halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Holy shit!
Wala akong sinayang pang segundo at agad na tumakbo na daig pa si The Flash at halos maubusan ako ng hangin sa katawan ng makarating ako sa location kung saan nangyayari ang kaguluhan.
Hinahatak na ng iilang matatapang na estudyante sina Bel at Moi at ganuon din sina Rona at Ryan sa isa’t-isa pero ang pinsan at kaibigan ko ayaw magpaawat. Halos magpantig ang tenga ko sa lutong ng mura ng dalawa.
“Tangina mo! Anong klaseng babae ka at nagawa mo iyon sa kanya? Gago! Halika dito at sasakalin kitang hayop ka!” sigaw ni Bel, halos lumitaw na ang ugat nito sa leeg at mapaos kakasigaw.
“Ina mong hayop ka! Lakas ng luob mong gawin iyon sa pinsan ko! Nakakadiri ka! Fuck you!” dagdag ni Moi na gaya ni Bel ay nagsisisigaw din at dinuduro si Ryan.
Halos mag igting naman ang mga panga nina Rona at Ryan sa galit at hiya sa mga pinagsasasabi ng pinsan at kaibigan ko.
Magsasalita na sana ako kaso biglang isang pamilyar na boses ang dumagundong sa paligid at dumaan sa pagitan ng mga nagtipun-tipon na kapwa ko estudyante sa gitna para panuorin ang naging away ng apat na taong may koneksyon sa akin.
“In my office, now!”
Date Posted: April 02, 2022
Time check, it’s 04:25 AM. Ayun, currently on rest mode muna yung two other on-going stories ko. Dito muna ako maguupdate tutal halos two months din akong hindi nakapag update dito.
Funny thing was habang ginagawa ko itong update na ito on my way home, would you believe na may nakasakay akong madre sa harapan ko and beside me, on my leftt is a man watching porn (pfft! effin brave shit!) and on my right was a woman listening to ‘Hindi ko na Mapipigilan Remix’ in youtube. Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 15: PROTECTORS
To say that I’m scared is an understatement lalo pa at nasa harap kami ngayon ng Dean. Kaming anim lang ang nandito sa luob ng malawak na office pero pakiramdam ko maliit at masikip ang lugar at para akong hindi makahinga at nanduon din ’yung feeling sa akin na parang wala akong suot dahil lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin.
Tama sina Rome at Gabi. Dapat sinunod ko nalang sila at hindi na pumasok eh.
“Ano? Walang magsasalita sa inyo kung bakit kayo nagsimula ng gulo sa labas kanina? Dito ninyo ngayon ilabas ang tapang ninyo, sige!” galit na sabi ng Dean na hinampas pa ang kanyang table.
Napa igik naman ako sa lakas nu’n.
“Ang tatanda ninyo na, wala na kayo sa elementary o highschool at mas lalong wala kayo sa public school para umasta kayo na parang mga basagulero sa labas. Ano? Sabihin ninyo sa akin kung bakit kayo gumawa ng eksena duon ng maintindihan ko at hindi ko maisip na ipatawag ang mga magulang ninyo.”
Tinignan muna ako ni Moi bago nagsalita. ’Yung tingin na parang humihingi ng tawad. Bakit? Teka, bakit biglang parang iba ang pakiramdam ko sa balak niyang gawin? Bago ko pa siya mapigilan ay nagsalita na siya.
“Because he,” sabay turo kay Ryan, “assaulted my cousin and she,” sunod niyang turo kay Rona, “helped him para maisakatuparan nitong lalaking ito ang plano niya sa pinsan ko! Mga gago kayo!”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nakaramdam ng hiya.
“M-Moi! Anong sinasabi mo?” paano niya nalaman? Wala naman akong sinabi sa kanya o kahit kay Bel kaya paano?
“Lex, insan, stop denying because that will only help them para pagtakpan ang ginawa nila sa iyo. I may be gay and only your cousin at wala ako dapat pakialam sa sarili mong buhay o sa nangyayari sa iyo but what they did is beyond reasonable. You almost got raped! Tingin mo ba hindi ko napansin iyon o palalagpasin ko lang iyon na halos mag breakdown ka sa ginawa sa iyo ng mga hayop na ito? No! No, Lex!” sigaw sa galit ni Moi at para akong tuta na nakayuko lamang sa harap niya, nilang lahat at pinipigilan ang sarili ko na maramdaman ang pamilyar na pandidiri, takot at panliliit na naramdaman ko ng mga sandaling nangyari ang bagay na iyon sa akin.
“I-Is that true?” hindi makapaniwalang tanong ng Dean kina Ryan at Rona.
“N-No, Sir!” pagtatanggi ni Rona, “Why would I do something absurd like what this gay is saying? Wala ka namang pruweba sa mga sinasabi mo! Stop making false accusations!”
“Stop lying, Rona.” sabat ni Bel, “Lying to Lex telling it was your birthday yesterday and that you have a party sa bahay ninyo na siya lang ang ininvite mo knowing how popular you are na alam nating makakaalam at pupunta is already a strong evidence and the fact na inuupdate ako ni Lex before yesterday at ng makarating siya sa bahay ninyo is already enough. Si Lex lang ang nanduon sa sinabi mong birthday party mo.”
Napahawak ang Dean sa sentido nito dahil sa mga narinig niya mula sa tatlo samantalang ako at si Ryan ay hindi makaimik sa mga pwesto namin.
“This is really a huge accusation you have here so I might have to call your parents.” saad nito na kinabigla naming lahat. We begged to the Dean not to do it however, it was no use.
Napayuko nalang ako sa kinauupuan ko. I know na nagaalala at nagmamalasakit lang sina Bel at Moi sa nangyari sa akin pero hindi na sana nila pinalala ng ganito. Ano nalang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila ang tungkol dito? Paano kapag nalaman nila Lola’t Lolo ag ni Uncle? Shit.
“Lex, wag ka na magalit. Ako ng bahala sumalo ng galit nila sa iyo. Wala kang kasalanan sa nangyari. Kung meron man dapat makaramdam ng nararamdaman mong takot at hiya ngayon, hindi ikaw iyon kundi sina Rona at Ryan.” saad ni Moi sa akin habang marahang hinahaplos ang likod ko para pakalmahin ako pero hindi ko magawa.
Kalahating minuto ang nagtagal nasa harapan na namin ang mga magulang nina Rona at Ryan at syempre gaya ng inaasahan ay kami ang pinapalabas nilang masama, na ako ang may kasalanan kung totoo ngang nangyari ang sinasabi ni Moi sa kanila.
Nasa verge na ako ng pagsigaw at pag iyak at makaalis nalang sa sandaling iyon ng buhay ko ng biglang bumukas ang pinto at laking gulat ko ng hindi sila Lolo at Lola o maging si Uncle ang nakita ko kundi sina Gabi at Rome. Napalunok ako sa prisensya nila. In human form sila at ’yung dating nila untouchable. Teka, anong nangyayari? Bakit sila nandito?
Pero ganuon pa man, I feel overwhelmed and calm ng makita ko sila lalo ng ngumiti sila sa akin pero halos patayin nila sa tingin ang mga hunuhusga sa aming tatlo nila Bel at Moi.
“And you guys are?” takang tanong ng Dean na agad tumayo sa pagkakaupo niya para kamayan silang dalawa. Parang fan na nakita ang idol niya ang asta ng Dean ngayon.
“Gabi.”
“Rome.”
“We’re their guardians.” sabay nilang tugon sabay tingin sa amin ni Moi.
Nagtatakang tumingin sa akin ang pinsan ko at nagkibit balikat lang ako. Mas okay na ito kesa sila Lolo nag nandito.
“And Bel’s parents won’t be able to join us. Nasa meeting sila with some foreign investors so, what’s going on, Dean?” prenteng tanong ni Rome na umupo sa tabi naming tatlo.
Napansin ko naman ’yung nanay nina Rona at Ryan na titig na titig kay Rome. I know, I know. Gwapo si Rome pero sana naman huwag dito. Tsk, tsk.
Muling pinaliwanag ni Dean ang sitwasyon at kita ko kung paano huminga ng malalim si Rome samantalang nagaalalang hinawakan naman ni Gabi ang mga kamay ko.
“So, you’re telling us na baka nagsisinungaling itong si Moi sa pinaparatang niya sa mga ito? C’mon, Dean. We both know how big of a deal is to be assaulted and to assault someone that it shouldn’t be a joke or a false accusations.” saad ni Rome.
“Rome’s right, Dean. To be honest, we raised the two of them especially Lex to only tell the truth and truth should only be coming from his mouth. And shouldn’t you guys not do victim blaming? C’mon, how would you feel na ikaw na nga ang binastos ikaw pa ang sasabihin na may kasalanan when yet, it was the assaultors fault, hmm? Ganito nalang, since we are aware sa araw na nangyari ang hindi dapat kay Lex, why don’t we just review cctv’s sa subdivision kung saan kayo nakatira and then let’s also conduct interviews to people and hear what they have to say, you know para fair sa both parties but if you guys don’t want to, well, is there something you are scared for everyone to find out?” dagdag ni Gabi at ngumisi ng nakakaloko kina Rona at Ryan and I kid you not, namutla silang dalawa pati ang mga magulang ay halatang kinabahan sa dare ni Gabi.
Umalma ang mga magulang dahil biglang bumaliktad ang sitwasyon mula ng dumating sila. Siniko ako ni Moi at ngumisi ng makita ang reaksyon ng dalawa samantalang umiiling lang si Bel kina Rome at Gabi, probably because naa-amaze siya sa dalawa.
“Sino ba kayo ha para gawin ito sa mga anak namin?” maangas na tanong ng tatay ni Rona.
Nagkatinginan sina Rome at Gabi.
“Didn’t we already told you? We’re their guardians but if you want to know specifics, well, I’m Gabi and I’m a lawyer.” tugon nito na tumayo at pumunta sa likuran ko para hawakan ang magkabilang balikat ko.
“And I’m Rome, I work as an architect.” dagdag ni Rome na tumayo naman sa tabi ni Gabi at hinawakan ang balikat ni Moi at ngumiti dito. Kita ko kung paano napalunok at mamula ang pisngi niya.
Ako naman ay nagpipigil ng tawa. Saan naman nakuha ng dalawang ito iyang mga linyahan nila? Lawyer? Architect?
Nagulat nalang ako ng biglang lumuhod sa harap namin sina Rona at Ryan. Shit.
Anong nangyayari?
Duon ko na narealise na umaamin na silang dalawa sa ginawa nilang kasalanan at nagmamakaawa na huwag silang patawan ng nararapat na parusa at iyon ay ang ipakulong sila. Nasa wastong edad na kasi sila gaya namin kaya siguro ng marinig nila na Lawyer si Gabi ay natakot na sila ng sobra.
Well, effective ang white lie, I guess.
Matapos ang eksena namin sa Dean’s office ay nagpaalam sina Rome at Gabi na mauuna na silang umalis and of course, alam ko kung bakit. Nagpaalam naman na iihi si Bel kaya ngayon, kaming dalawa ni Moi ang magkasama ngayon na nakatambay sa garden ng school.
“Sino ’yung mga iyon, Lex? Bakit mukhang pamilyar sila sa akin.”
“Huh? Anong sinasabi mo? Kaibigan ko ang mga iyon kaya nga nagtaka ako bakit sila ang dumating kung ang tinawagan din ay sila Lolo.” tugon ko na bahagyanh may katotohanan, “Isa pa, baka akala mo lang. Maraming taong magkakamukha.”
“Siguro nga pero salamat sa kanila at lumabas din ang katotohanan. Tama lang sa kanila iyon. Ang sasama kasi ng ugali nila.” isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Moi.
Nabigla naman ako ng yakapin niya ako pero agad din naman akong tumugon.
“Wag ka mahihiyang magsabi sa akin ng mga bagay-bagay, Lex. Pinsan mo ako. Lagi akong nandito para bantayan at protektahan ka na parang kapatid, okay?”
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
“Huwag ka din magalala, Moi kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong ko, asahan mo, ipagtatanggol din kita.”
Ngumiti siya sa akin ng makahulugan.
“Aasahan ko iyan.”
Date Posted: May 16, 2022
Time check, it’s 03:20 AM. Finally, nakapag update din ako ulit dito. Actually, sira na ’yung timeline ko for this story. Dapat talaga christmas special ito but anyway, whatever. Kaunting chapters nalang naman at matatapos ko na rin ito. Sana hanggang dulo ay kasama ko pa rin kayo sa pagtapos ng kwentong ito. Anyway, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 16: BALL DANCE
“Malapit na ’yung pa event ng school. Hoy, Lex huwag mong kalimutan ah! Tayo nag mag partner. Pupunta din si Moi, di ba?” tanong ni Bel habang abala sa pagtitipa sa laptop niya ng ginagawa niyang kwento. Hindi ko nga alam bakit hindi niya pa rin pinapa illustrate iyon sa akin para magawaan ko na ng sketch.
“Oo. Hindi naman ako umaayaw kasi wala din naman ako choice kasi pupunta si Moi eh. Ayaw ko namang siya lang mag isa ang pumunta mamaya kung anong mangyari sa kanya na wala ako.” makahulugan kong sabi.
Naalala ko na naman ’yung nangyari a month ago. Buti nga at inilipat sila ng Dean sa ibang section without the need na lumipat sila ng school at malagyan sila ng bad record sa good moral nila.
Takot na rin lumapit ’yung sina Rona at Ryan sa akin buti nga at ganuon pero minsan nakakapanghinayang din si Rona pero wala eh, hindi ako ang gusto at nangyari na. Tinanong ko si Bel kung alam nito ang tungkol sa pagkakagusto sa kanya ni Rona pero kibit-balikat lang ito.
“So, kamusta na pala sina Rome at Gabi?”
Nagulat naman ako sa tinanong niya at tinitigan siya. Ang out of nowhere kasi.
“O-Okay naman sila.” tugon ko thou kahit ako hindi ko alam kung ayos lang ba sila. After kasi ng naganap duon sa Dean’s office hindi ko pa ulit sila nakikita. Gaya nalang ng una silang mag human form ganito din ang nangyari. Napa isip tuloy ako kung nalalaman ba ng heaven or hell nag tungkol sa ginagawa nila at napaparusahan din ba sila. Nagaalala tuloy ako para sa kanila.
Paano kung palitan sila ng ibang guardian? Makikita ko pa rin ba yung bago? Magugustuhan ko din ba sila gaya nina Rome at Gabi? Mami miss kaya ako ng dalawang iyon kapag iba na ang binabantayan nila?
“Hey, are you alright?” tanong ni Bel ng makita ko ang nagaalalang mukha niya sa akin.
Tumango lang ako at isang impit na ngiti ang ginawad.
“Kapag na contact mo na ulit sila, ayain mo naman. Pwede naman tayong magsama ng taga labas eh. I want to know them more. I think ang cool na meron kayong guardians ni Moi na gaya nila. Pero teka, akala ko, nakatira kayo sa grandparents ninyo?”
Shit. Nasabi ko ba iyon sa kanya before?
“Ah, oo pero malayong kamag anak kasi namin sila kaya ayun, hindi ko naikwento sa iyo before.” pagsisinungaling ko. Malamang sa malamang kung nandito lang ngayon ’yung dalawang iyon, nagbubunyi na si Rome sa nagawa ko at inaasar si Gabi.
“Hmm, understandable.” tumatangong tugon ni Bel.
Pagtapos ng klase namin ay inaya ako ni Bel na mag mall para samahan siya na maghanap ng susuotin niya sa pa event ng school syempre pumayag na din ako at sinama si Moi na tuwang-tuwa naman.
“Oo nga sama mo sina Rome at Gabi!” pag sang ayon ni Moi habang naglalakad kami hindi kalayuan kung saan nagtitingin si Bel ng mga damit.
“Pati ikaw din?”
“Oo. Feeling ko kasi ang sarap nilang kasama na dalawa sa kwentuhan plus ewan ko kung ako lang, ang cute nila tignan. Parang may something sila.”
“Weh?” natatawang tugon ko, “Eh sa pagkakaalala ko parang may crush ka yata kay Rome?”
Agad naman siyang namula.
“Crush lang naman! Pero ayun nga, parang may something sa kanila ni Gabi. Cute nga nila eh.”
“Naku, impossibleng mangyari iyang iniisip mo sa dalawang iyon.”
“Bakit naman?”
Umiling nalang ako bilang tugon pero deep inside impossible talaga kasi langit at impyerno ang dalawang iyon. Hindi pwedeng magsama.
Pag uwi namin ng bahay, himalang walang tao kaya na-enjoy namin ni Moi ang bahay ng kami lang. Pero mas lalo ko itong na enjoy ng makita ko ang dalawang guardians ko na na-miss kong makita at makausap.
Kapwa silang nasa kama ko pero hep, wala silang ginagawang kababalaghan.
Si Rome ay nakadapa at abala sa pagbabasa ng libro ko samantalang si Gabi nakasandal sa headboard at nakatitig kay Rome. Ehem.
“Ehem.” pagpaparinig ko ng makapasok ako sa kwarto ko.
Agad naman na bumaling sa akin ang dalawa at patakbong lumapit sa akin si Gabi para yakapin ako.
“Lex!”
“Oi, bata! Saan ka galing at ang late mo umuwi?” tanong ni Rome.
“Nag mall kami nina Moi at Bel after school. May pa event kasi ang school na ball dance at pupunta kaming tatlo.”
Excited naman na pumalakpak si Gabi.
“Hala! Date mo si Bel?” nagniningning ang mga matang tanong ni Gabi.
“O-Oo! Pero walang something duon, okay? Pupunta lang ako as a friend niya.”
Napangisi naman si Rome.
“As a friend daw. Sus.” pangaasar niya.
“Bahala kayo anong gusto ninyong isipin basta as a friend lang ni Bel ako pupunta. Siya nga pala, may itatanong ako.”
“Ano iyon, Lex?” tanong ni Gabi ng makaupo siya pabalik sa pwesto niya.
Kinuha ko naman ang upuan na nasa study table ko at duon umupo.
“May consequences ba ang pagta-transform ninyo into human?” seryoso kong tanong.
Nagkatinginan silang dalawa.
“Kasi ng una kayong mag transform, ang tagal ninyo hindi nagparamdam gaya ng nangyari nitong huli lang.” dagdag ko.
“Naalala mo pa ba ’yung sinabi namin sa iyo dati, bata? Malakas kumuha ng enerhiya namin ang pagaanyong tao kaya nagpapahinga kami ng naaayon sa nawala naming lakas.” paliwanag ni Rome.
Tumango si Gabi.
“At saka, oo nga pala. Naalala ko lang din, paanong kayo ang pumunta ng araw na iyon sa Dean’s office? Sila Lola dapat ang nanduon ng mga panahon na iyon kaya paanong kaya ang nakaalam?”
“Mahirap ipaliwanag eh pero ayun. Gumawa ako ng paraan para i-block out ang tungkol sa nangyayari ng mga panahon na iyon sa inyo ng pinsan mo sa Lolo’t Lola mo kaya ayun, medyo napagalitan ako sa itaas. Hehehe.” naka peace sign na saad ni Gabi.
Nagalala naman ako dahil duon sa sinabi niya at alalang tumingin sa kanilang dalawa ni Rome.
“Bakit? Hindi ninyo naman kailangang gawin iyon. Ayaw ko namang gawin ninyo ang mga bagay-bagay para sa akin tapos mapapahamak kayo.” malungkot na sermon ko sa kanila.
Napakamot naman si Gabi sa ulo niya samantalang naglayo naman ng tingin si Rome.
“Ginawa lang naman namin iyon kasi kami ang guardian mo, huwag mo sanang masamain.” bulong ni Rome pero dinig naming dalawa ni Gabi.
Napa buntung-hininga naman ako.
“Naiintindihan ko naman pero ayaw ko lang din kasi na mapahamak kayo. Hindi ako tulad ninyo na anghel o demonyo na kaya kong ipagtanggol. Isang hamak na tao lang ako.” paalala ko sa kanila.
“Sorry, Lex.” nakangusong sabi ni Gabi at agad akong niyakap na maya-maya ay nakiyakap na rin si Rome matapos siyang tadyakan ni Gabi dahil sa pagiinarte niya na kinatawa ko naman.
“Uhm, mapapahamak ba kayo kapag nag wish ako na sumama kayo sa amin nina Moi at Bel sa gaganapin na event sa school? Kasi ano eh. . Gusto nila na makasama namin kayo.” bulong ko.
“Aba, kaya mo ba tinanong kanina kung may consequencea ba ang pagaanyong tao namin? Tsk, tsk.” ngisi ni Rome.
“Yiiee, gusto mong makasama kami sa happy-happy.” dagdag ni Gabi.
“Gusto lang kayo makita ulit ng dalawa kasi shini-ship nila kayo.”
Agad namang nagsalubong ang kilay nilang dalawa.
“Shini-ship?”
“Sa madaling salita, natutuwa sina Bel at Moi sa inyo kasi bagay daw kayo.” ako naman ang nangasar sa kanila at nag heart sign na agad na kinapula ng mga mukha nila.
“Oh my god, no!” pagtanggi ni Gabi.
“Ang arte mo naman, anghel ko. Ikaw pa talaga ang tumatanggi ah. Sa hitsura kong ito? Tsk, huwag ganuon.” saad ni Rome at dinutdot ang tagiliran ni Gabi.
Natawa naman ako dahil para silang mag in a relationship sa pagbabangayan nila.
Excited na tuloy ako sa magaganap na ball dance kasi makakasama ko ang mga taong kumportable at masayang kasama.
Date Posted: May 16, 2022
Time check, it’s 04:00 AM. And hey, two chapter updates for this book. Eight more chapters to go. Marereveal ko na rin ’yung song na nagbigay sa akin ng ideya para isulat nag kwentong ito. Actually, apat lahat ang kantang naka laan for this story pero yung dalawa duon ang talagang roots for this story. Anyway, ’til next update.
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 17: SWEET DANCE
“Ay wow, ang kabog ng pa-event ng school ah?! Hindi halatang pinagkagastusan. Siguro dito napunta yung binayad natin na tuition ngayong sem.” biro ni Moi pagdating namin sa venue ng ball dance.
Black and Gold with a hint of red kasi ang touch ng theme ng party. Very classic and high-end kumbaga sa paningin.
“Oo nga ’no? Magkano kaya binayad nila sa nag organize nito? Lakas maka mayaman ng theme eh. Kahiya sa semi-formal attire natin. Teka, nasaan na ba si Bel?” usal ko habang hinahanap siya sa luob ng venue. Ang dami kasing estudyante na nagkukumpulan at hindi ko alam kung saan siya banda naka pwesto kasi hindi naman siya nag notify sa amin ni Moi kung nandito na siya o wala pa.
Maya-maya ay tinapik ako ni Moi at napatingin ako sa gawi na tinuro niya at duon, nakita namin si Bel na abalang-abala sa pagtatype sa cellphone niya kaya naman wala na kaming sinayang pa na oras at nilapitan siya.
“Uy! Nandito na pala kayo.” bungad niya sa amin ng makaupo kami sa table.
“Hindi ka nagsabi nandito ka na pala.” usal ko.
Napangisi naman si Bel.
“Sorry nawala sa isip ko. Teka, nasaan sina Gabi at Rome?” tanong niya at agad na tumingin sa likuran namin ni Moi.
“Maya-maya nand’yan na sila. Hintayin mo lang. Dumarating iyan kung kailan hindi mo sila hinahanap eh.” tugon ko.
Tumango naman sila ni Moi at wala pang kalahating oras ay napuno na ang buong venue. Hindi nga nakaligtas sa paningin ko ang pagdating nina Rona at Ryan. Nakasukbit ang kamay ni Rona kay Ryan.
“Tsk, birds of the same feather flocks together talaga.” dinig kong sabi ni Bel kaya agad ko siyang nilingon.
“Tama na iyan. Baka mamaya may makarinig pa sa iyo magsimula na naman ito ng away. Nandito tayo para mag enjoy kahit na hindi naman talaga tayo dapat nandito ngayon.” saad ko.
“Okay.” mataray at sabay na tugon nina Bel at Moi kaya napailing nalang ako.
Tumayo ang Dean sa gitna ng stage, hudyat na opisyonal ng sisimulan ang ball dance dahil magiispeech na ito na aminin man natin o hindi, wala naman talaga ang may paki.
Karamihan sa mga nandito, nandito para pumarty with friends, ipagyabang ang suot nila, uminom, at gumawa ng kalokohan pag uwi. Anong klaseng kalokohan naman iyon? Aba’y sila lang ang nakakaalam nu’n.
After ng speech ng Dean at ng iilang members ng university ay umingay na ang dance floor, meaning oras na para pumarty. Magwalwal.
“Tara! Huwag kang KJ d’yan, Lex!” excited na saad ni Moi at hinatak ako mula sa kinauupuan ko papunta sa dancefloor. Nailing nalamang ako dahil walang nagawa ang pagtanggi ko sa kanya. Tsk, tsk.
“Dapat si Bel nalang sinama mo dito. Alam mo namang hindi ako sumasayaw.” saad ko na halos pasigaw malapit sa tenga niya dahil baka hindi niya ako marinig dahil sa pinaghalong ingay ng ibang estudyante at ng kumakalampag na tugtog. Pakiramdam ko nga umuuga ang sahig.
“Okay lang iyan! Ano bang kinakatakot mo? Sina Ryan?” tugon niya habang gumigiling katabi ang ilang mananayaw na tinatamaan ako dahil sa moves nila pero tolerable naman. Wala pang naiinom na alak ang mga ito pero high energy na sila. Nakakatakot. Ano bang vitamins ininom nila for today’s event?
“H-Hindi ah. What made you think that way?”
Nagkibit-balikat lang siya at tuloy pa rin sa kanyang pagsasayaw samantalang ako, napunta na kung saan-saan ang mata ko hanggang sa makarating sa pwesto nina Ryan at Rona na naghaharutan. Nakaramdam ako ng kaunting kirot dahil well, alam ninyo naman kung gaano ko ka-crush si Rona pero kapag naaalala ko ’yung nangyari sa pagitan namin at nila ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kasiyahan na naputol ang koneksyon na meron ako sa kanila. They’re not good for me. They’re the kind of influence I don’t want myself to associate with.
“Bel! Halika dito. Ikaw na nga lang sumama sa akin duon. Kainis itong si Lex eh. Lahat ng nanduon sumasayaw, siya lang itong nagpapanggap na poste. Sinasayawan na siya ng iba duon pero parang wala lang sa kanya.” sumbong ni Moi kay Bel ng makabalik kami sa table namin. Napangisi naman si Bel.
“What? Hindi lang talaga ako into dancing.” depensa ko sa sarili ko.
“Eh into ano ka? Wala naman tayo sa simbahan, Lex. Loosen up, insan!” nakangusong usal nito at pumalakpak sa saya ng mapatayo niya si Bel sa pwesto nito, hudyat na sasayaw din ito sa dancefloor gaya niya.
“Para hindi ka ma-bored.” inabot niya sa akin ang isang piraso ng papel at ballpen.
“Anong gagawin ko dito?” takang tanong ko.
“I don’t know. Write or draw or. . yeah! Mag drawing ka nalang habang hinihintay mo kami bumalik dito ni Moi. Here, read just the prologue and try to illustrate what you can think of base sa nabasa mo na pwedeng gawing cover for this story I’m finishing.” inabot niya sa akin ang cellphone niya at kinindatan ako bago tuluyang umalis kasama si Moi.
Tumango ako at dinutdot ang cellphone ni Bel. Natawa ako kasi hindi man lang siya naglalagay ng security sa phone niya. Malakas ang luob na walang kalokohan na ano man ang pwedeng ipang blackmail sa kanya ng makakakuha kung sakali mang manakaw ang cellphone niya sa kanya.
At gaya ng instructions niya, prologue lang ang binasa ko at hindi ko alam kung bakit sina Rome at Gabi ang pumasok sa isip ko. Well, not to mention na boy love ang genre ng kwento niya which surprisingly hindi ako naa-awkwardan at its somehow I think a love against heaven and earth.
Wala akong inaksayang panahon at nagsimulang mag sketch, not realising na mismong sina Gabi at Rome ang ginuguhit ko kung hindi lang iyon napuna ng tumabi sa akin sa magkabilaan ko. Napalunok ako sa kaba.
“Aba, kuhang-kuha mo ang features namin, bata!” masayang puri ni Rome na hinahampas-hampas pa ang balikat ko.
“Woah! Ang ganda mo mag drawing, Lex! Kanino ka kaya nagmana?” nagniningning ang mga matang tanong ni Gabi habang nakatitig pa rin sa dino-drawing kong mukha nilang dalawa ni Rome.
Buti na nga lang at walang weird sa way ng kung paano ko sila ginuhit. Magkatalikuran sila at nakasandal ang mga ulo nila sa balikat ng isa’t-isa.
“Malamang hindi sa iyo. Balita ko panget daw mag drawing ang mga kagaya mo.” pangaasar ni Rome.
“Wow! Nagsalita ang maganda mag drawing.” panguuyam ni Gabi.
Hay, ito na naman po sila. Wala talagang araw na hindi sila magbabangayan ’no?
“Aba syempre, I’m Rome. I’m an architect.” pagpapa-alala niya sa sinabi ng nuong nasa Dean’s office kami.
Inikutan naman siya ng mata ni Gabi.
“And I’m a lawyer. I can sue you for lying.” bawi sa kanya ni Gabi.
Napailing nalang ako at pasimpleng pinagmasdan ang suot nilang dalawa.
Simpleng semi formal attire pero very classic at complimenting sa suot nila parehas. Napangiti ako dahil duon.
“Sabay ba kayo nag wardrobe fitting?” tanong ko at binatawan ang hawak kong pen para gugulin ang oras ko sa pakikipag usap sa kanilang dalawa.
“H-Hindi ah!” namumulang sagot ni Gabi na agad yumakap sa akin at isiniksik ang mukha niya sa braso ko. Napalunok naman ako. Shit, cute.
Napangisi naman si Rome, “Aba, did you just commit a sin, anghel ko?”
Nilingon ko si Gabi na nakanguso.
“Did you?” pangaasar kong tanong at mas lalo niyang siniksik ang mukha niya sa braso ko na kinatawa namin ni Rome.
“Hala, anghel ko. Nakakahiya sa bata. Tinuturuan mo gumawa ng kasalanan.”
“E-Ewan ko sa iyo! Hmmp! Kaya lang naman ako pumayag samahan ka kasi sabi mo hindi mo alam anong isusuot sa ganitong okasyon. Malay ko bang gagayahin mo ’yung style ko.” mataray na sagot ni Gabi at sinabunutan si Rome.
Syempre nag react si Rome dahil duon at para pigilan sila sa kung ano mang balak nila bago pa lumala ang lahat ay sinaway ko na sila at inaya nalang na mag picture at kumuha ng pagkain. Baka kasi gutom lang silang dalawa. And magically, it did work. Napangiti ako sa picture naming tatlo habang naglalakad kami papunta sa hilera ng mga pagkain.
“Ang dami naman n’yan, demonyo ko. Kaya mo bang ubusin lahat iyan? Huwag kang takaw tingin. Sasayangin mo lang ang grasya kapag hindj mo naubos iyan.” paalala ni Gabi na kasunod si Rome na bawat tray yata ng pagkain kinukuhaan niya samantalang si Gabi, puro sweets.
Pagbalik namin sa table dala ang mga pagkain namin ay nagulat ako ng unti-unting punuin nina Rome at Gabi ang plato ko ng ilan sa mga kinuha nilang pagkain. Kung nagtatako kayo anong kinuha kong pagkain, well, carbonarra lang naman saka isang pirasong friend chicken.
“Iyan, Lex. Kumain ka ng marami. Huwag kang papagutom.” saad ni Gabi pagkahaplos niya sa buhok ko habang may kagat-kagat ng brownies sa bibig.
“Oo nga, bata. At ikaw din, kumain ka ng maayos, anghel ko. Hindi ka mabubusog sa puro dessert.” saad ni Rome na naghihimay ng hipon at isinubo iyon kay Gabi na nagaalangan man ay kinain niya at parang batang bungisngis kasi ang lawak ng ngiti niya.
“Oh.” nagpipigil ako ng ngiti ng turn naman ni Gabi na subuan si Rome ng dessert na meron siya at parang normal lang sa kanila ang ginagawa nila. Like, sinong magaakalang angehl at demonyong tunay ang dalawang ito?
“Say aah!” excited na sabi ni Gabi kaya napatingin ako sa kamy niya at ni Rome na malapit sa bibig ko. Kapwa iyon may pagkain at kahit anong tanggi ko ay wala din akong nagawa sa huli kundi isubo iyon parehas. Pakiramdam ko tuloy para akong hamster sa laki ng pisngi ko at panlasa ko sa dalawang magkaibang putahe ang nginunguya ko sa mga oras na ito. Ang hirap naman kasi tunanggi sa kanilang dalawa.
“Ay wow! I have never felt a first hand third wheel feeling in my whole life until now dahil sa inyong tatlo.” madramang saad ni Moi na kakabalik lang sa table namin kasama si Bel na nakatingib sa aming tatlo nina Rome at Gabi.
“Sira! Kumuha na kayo duon ng pagkain ninyo. For sure, naubos energy ninyo kakasayaw ninyo duon sa dance floor.”
Aalis na sana ang dalawa ng pigilan sila ni Rome at ito ang mag offer na kukuha ng pagkain nila. Syempre tuwang-tuwa naman ang pinsan kong si Moi samantalang si Bel hindi pumayag at sinamahan si Rome sa hilera ng mga pagkain. Napalingon naman ako kay Gabi at nakita ko ang pag nguso nito at paniningkit ng mga mata niya sa direksyon nila Rome.
“Okay ka lang?”
Halata namang nagulat siya sa tanong ko ngunit tumango bilang tugon.
Pagbalik nila Rome at Bel dala ang pagkain nila ni Moi ay napansin ko ang kakaibang tension sa paligid. Teka, ako lang ba or. .? Hayaan na nga.
“Busy na ang lahat kumain. Wala ng sumasayaw sa gitna oh.” out of nowhere kong sabi.
“Sayaw tayo?” alok ni Rome.
“Nah, hard pass!” pagtanggi ko.
“Alright, paano ba iyan, anghel ko, nag pass siya kaya dahil ikaw ang kasunod niya, hindi ka na pwedeng tumanggi na hindi sumayaw kasama ko.” nakangising sabi ni Rome at ikinairap naman ni Gabi.
“Sumayaw ka mag isa mo!”
“Ito naman. Tara na.” tumayo si Rome at pilit pinapatayo si Gabu sa pwesto niya na siya namang ayaw gawin ng isa.
“Ayaw ko nga sabi.”
“Bahala ka. Hahanap nalang ako ng ibang kasayaw. Sino kaya pwe–” hindi pa natatapos magsalita si Rome na nakatingin sa gawi nina Moi ay mabilis pa sa alas kwatrong tumayo si Gabi at hinila si Rome papunta sa dancefloor.
“Ano nangyari duon?” tanong ko na may kalakasan at napatingin kina Moi.
Nagkibit balikat si Bel samantalang si Moi kapansin-pansin ang pagiiba ng ekspresyon ng mukha niya habang dinudutdot ang hawak niyang cellphone.
“Moi, ayos ka lang?” usisa ko.
“Oo, ayos lang ako. Washroom lang.” paalam niya at agad na tumayo para umalis papunta sa pinaalam niya.
Nagaalala man at balak ko pa sana siyang sundan kaso napatigil ako sa balak ko ng biglang tumugtog ang isang pamilyar na tugtugin at pagtingin ko sa dancefloor ay sinalubong ang mga mata ko ng magka sweet dance na sina Rome at Gabi sa tugtuging Unchained Melody.
Hindi ko maintindihan pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag. Parang may mali.
Date Posted: May 30, 2022
Time check, it’s 03:40 AM. Yes po, a long chapter update for my reader friends. And yeah, next following chapters will be this long din kasi like what I have said, ang length ng kwentong ito is similar with the first two installment of Luna Series. Anyway ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 18: KEEP SAFE
Pagbalik nina Rome at Gabi sa table namin ay kapansin-pansin na okay na si Gabi hindi kagaya ng kanina. Ano kaya ang nangyari sa kanila at bigla nalang niyang sinungitan si Rome?
“Nasaan si Moi?” tanong ni Gabi na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.
“Nagpunta sa washroom.” tugon ni Bel sa kanya sabay tumingin ito sa akin, “Pero kanina pa siya nagpaalam hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Tapos na ’yung isang buong kanta wala pa rin siya.”
Tatayo na sana ako para i-check si Moi kaso pinigilan ako ni Bel at sinabing siya nalang ang bahalang mag check sa kanya dahil naiihi na rin siya kaya pumayag ako at nanatiling kasama nina Rome at Gabi.
Habang hinihintay kong bumalik ang dalawa ay nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagsabay sa kantang tumutugtog kaya ayun, hindi na ako nakatanggi pa ng mismong si Gabi na ang humatak sa akin papunta sa dancefloor kasunod si Rome sa likod namin.
Sinimulan ni Gabi ang kakatuwang sayaw na siyang sinundan ko na siya namang sinundan din ni Rome. Sa saya ay panandalian kong nakalimutan na nasa ball dance kami at may mga tao sa paligid dahil ang mga mata ko ay tanging ang anghel at demonyo ko lang ang nakikita.
Sana hindi muna matapos ang gabing ito kasama sila.
We don’t fit in well
’Cause we are just ourselves
I could use some help
Gettin’ out of this conversation, yeah
You look stunning, dear
So don’t ask that question here
This is my only fear, that we become
Beautiful people
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng matapos ang kanta at nakagitna akong yakap nila.
Is it wrong for me to feel safe on their arms? I mean, I don’t know pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nand’yan sila kasama ko.
Hindi pa kami nakakabalik sa pwesto namin after namin sa dancefloor at tumatakbong lumapit sa akin si Bel. Kita ko ang pagaalala sa mga mata niya. Biglang bumalik ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam kanina.
“Sabi ng guard na nakausap ko, umalis na daw si Moi at ang sabi sa kanila ay uuwi na siya sa inyo.” hinihingal na sabi ni Bel habang pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.
Nagkatinginan kami nila Rome.
“Huh? Bakit naman niya gagawin iyon? Nagpaalam naman kami kila Lolo at okay naman siya kanina ah?” tugon ko.
“Hindi ko alam eh. So, ano na? Tatapusin pa ba natin ito o uuwi na tayo?”
Muli akong tumingin kina Rome at Gabi at sabay silang tumango sa akin.
“Umuwi na tayo. Kailangan kong malaman bakit biglang umuwi si Moi sa amin. Baka nagkaproblema sa bahay at ayaw niya lang ipaalam sa akin.”
At iyon nga ang nangyari. Naghiwalay na kami ng daan paglabas namin ng venue at sina Gabi naman ay bumalik na sa tunay nilang mga anyo samantalang ako naman ay kinakabahan na tinignan ang messages ko at nanigurado kung may importanteng text message ako na hindi ko nakita kanina na siyang dahilan bakit umuwi bigla si Moi ng walang pasabi.
Dahil gabi na ay mabilis lang naman ang naging biyahe ko pauwi sa amin. Pagdating ko sa tapat ng bahay namin ay kataka-takang patay ang mga ilaw. Huh? Mukha namang walang weird na nangyari dito sa bahay habang wala kami lalo pa at alam kong nasa simbahan pa ang mga iyon para sa gathering nila kasama ang mga kaibigan nila na kapwa taga simbahan kaya bakit bigla nalang uuwi ng random si Moi?
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ng marahan akong makapasok ng bahay ng hindi gumagawa ng kung ano mang ingay at nasa ibaba palang ako ng hagdan paakyat sa kwarto namin ni Moi ng marinig ko ang boses niya na pinahalong ungol at makaawa sa kung sino man ang kasama niya sa luob ng kwarto niya.
“T-Tama na po! Ta-Aaahh!”
Nanlamig at halos nangingnig ang mga kamay kong nakakapit sa pader habang pumapanhik ako paitaas. Gusto kong malaman kung sino ang kasama ng pinsan ko sa kwarto niya pero at the same time bakit natatakot ako at parang ayaw kong malaman?
Halos umikot ang sikmura ko ng makarinig ako ng ungol na hindi mula kay Moi. Mukhang ligayang-ligaya ang taong iyon samantalang pinsan ko dinig na dinig ko ang hikbi.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan mo bago ko walang pasabing buksan ang kwarto ni Moi at duon, tumambad sa akin na ni sa hinagap hindi ko inakalang pwedeng mangyari ang nakahubong sina Moi at Tito ko na may ginagawang hindi dapat sa kama bilang kadugo namin siya at isa siyang pari. Kita ko ang gulat sa mga mata nila at ang takot sa mga ni Moi. Biglang nandilim ang mga paningin ko at walang pasabing sinugod ang Tito ko at walang pagaalinlangan na sinapak siya sa mukha. Nagulat at natakot si Moi sa ginawa ko dahil binalak niya pa akong pigilan pero marahan ko lang siyang inilayo sa akin at tinakpan ng kumot ang katawan niya bago ko muling pinaulanan ng sapak at tadyak ang Tito ko na pilit na inaawat ako sa ginagawa ko sa kanya pero hindi, alam kong hindi pa sapat itong ginagawa ko sa kanya sa kawalang hiyaan na ginawa kay Moi.
Ang pinsan ko na siyang nag protekta sa akin at laging sinusiguradong okay ako, hindi ko inakalang may ganito palang nangyayari sa kanya kaya galit na galit ako na malamang pinagtanggol niya ako sa balak na gumawa ng kagaya ng nangyayari sa kanya ngayon na ginawa ni Ryan sa akin when all along hindi niya maprotektahan ang sarili niya sa Tito namin. Puta!
“Putangina ka! Hayop! Demonyo ka! Hindi ka nararapat na maging pari at magbigay ng homiliya tuwing linggo kung ganito ka kababoy, sarili mong kadugo dinungisan mo ang pagkatao!” sigaw ko sa galit, not minding kung litaw na ang ugat ko sa leeg o dinig kami ng mga kapit bahay namin dahil hayop siya, pinagkatiwalaan namin siya, siya ni Moi tapos ganito ang gagawin niya sa kanya. Puta talaga!
I can only see red infront of me and nothing else, not until may malakas na humatak sa akin mula sa kanya at duon ko lang namalayan na nakauwi na sina Lolo’t Lola.
“Ano bang kademonyohan ang pumasok sa kokote mong bata ka ha? Bakit mo pingabubuhatan ng kamay ang Tito mo? Sinapian ka ba ng masamang espirito ha?” galit na usal ni Lolo habang si Lola nakita kong nanginginig na nakatingin sa amin habang tinutulungan si Tito bumangon. Tsk.
Napangisi ako. Hindi makapaniwala sa aking narinig. Kung sabagay hindi pa kasi nila alam. Tumingin ako kay Moi na ngayon ay nakabihis na at kinakabahang umiiling sa akin. Halata pa ang pamumugto ng mga mata niya.
“Mawalang galang na ’Lo pero anong sabi ninyo? Bakit ko pingabubuhatan si Tito? Dahil dapat iyon sa kanya. Alam ninyo ba na iyang magaling ninyong anak na pari is fucking my cousin?! Yes, he’s fucking Moi without his consent!” naggigigil na sabi ko habang matalas ang mga matang nakatingin kay Tito.
Halata ang gulat sa kanila sa narinig nilang sinabi ko at halos maestatwa si Moi sa kinatatayuan niya. I’m not going to backout. I’m going to be Moi’s protector like what I promise him.
“A-Anong. .? Ikaw. .? Demonyo ka!” galit na usal ni Lolo. Buong akala ko kay Tito niya ibubunton ang galit niya pero hindi nagulat ako ng bigla niyang sinugod si Moi at binigwasan. Nataranta si Lola at napasigaw sa kaba. Si Tito? Iniinda pa rin ang ginawa kong pagsuntok sa kanya.
“Kalalaki mong tao, inakit mo ang Tito mong pari! Walang hiya ka! Nagsisilbi ka pa naman sa simbahan? Ano ka ba? Bakla? Makasalanan ka! Ginagawa mong makasalanan ang Tito mo!” galit na galit na saad ni Lolo habang walang humpay na sinasaktan si Moi na siyang uniiyak lang at nagmamakaawang tumigil na siya.
Nakita kong tumingin sa akin ang Lola ko at halata sa mukha niya ang galit at nilapitan ako upang sampalin.
“Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kayong dalawa ng makasalanan mong pinsan! Mga demonyo!” sigaw niya na may namumuong luha sa mga mata niya.
Napangisi ako. Hindi ko inakalang hahantong ang lahat sa ganito. So, kasalanan pa namin imbis na sisihin nila ang anak nila sa nagawa nitong kasalanan? Wow! Napaka galing!
Kinuha ko ang nakatagong baseball bat na nasa luob ng cabinet ni Moi na binigay sa kanya as remembrance ng naging crush nito ng highschool kami at walang pakundangan hinampas ito ng malakas sa cabinet para gumawa ng ingay na siyang nagpatigil sa ginagawa ng Lolo ko sa pinsan ko.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para itulak siya paalis kay Moi. Dahil dito, nagalit ang Lolo ko na siyang inalalayan ng Lola ko at ni Tito.
“Kung gaya lang rin naman sa inyo ang kahahantungan ng paguugali namin ni Moi na kahit kitang-kita na ang kasalanan ng anak ninyo ay pinagtatakpan ninyo pa rin at tinuturo ninyong ako lalo na si Moi ang may kasalanan eh di sige, kami na ang masama, kayo ang banal! Sa sobrang banal mukhang hindi kayo tatanggapin sa langit at sa impyerno ang diretso ninyo!”
“Aba’t put—!”
“Tangina ninyo rin! Hindi ginusto ni Moi na pagsamantalahan siya ng hayok sa laman ninyong anak! Huwag ninyong isisi sa kanya ang nangyari.”
Nanlaki ang mga mata nilang tatlo at ganuon na din si Moi ng marinig niya akong magmura.
“Lex!” dinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses at pagtingin ko sa pinanggalingan ng boses nito ay nakita ko ang nagaalalang mukha nina Rome at Gabi na sinesenyasan akong tumakbo na paalos and sure enough, dapat ko silang sundin dahil nakita ko ang Lolo ko na bumunot na baril sa suot niyang pantalon.
Anak ng tokwa! Saan galing iyon?
“Bilis!” sigaw ni Gabi. Hudyat para hilahin ko si Moi na siyang humawak naman agad sa akin at tumakbo kami palabas ng kwarto. Kahit iika-ika pa siya ay pinilit niyang tumakbo kasama ko, paalis sa bahay na iyon.
Narinig ko pa ang sigaw ng Lolo na tinatawag kami at ang alingawngaw ng baril pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Maya-maya bigla nalamang bumuhos ang ulan habang patuloy pa rin kaming tumatakbo at hinahabol ni Lolo at Tito.
“Bumalik kayo ditong mga anak ng demonyo kayo!” sigaw ng Lolo ko.
“Tanga lang ang babalik sa puder mo!” sigaw ko pabalik at nilingon siya para bigyan ng middle finger.
“Lex!“sita sa akin ni Moi. Napangisi naman ako dahil duon. Ang sarap pala sa pakiramdam na maging expressive.
Pero hindi ko namalayan na paglingon ko pabalik ay nasa gitna na pala kami ng kalsada ni Moi at huli na ng may marinig akong malakas na bumusina kaya ang ginawa ko nalang ay yakapin ang pinsan ko para hindi siya masyadong masaktan sa magiging pagbangga ng sasakyan.
“Lex!”
“Bata!”
Dinig kong sigaw nina Rome at Gabi at nagaabang na ako na makaramdam ng sakit, nakarinig ng nabaling buto at ang sarili kong sigaw at ni Moi pero wala.
Sa halip, nakaramdam ako ng kakaibang warmth, calmness at belongingness. Teka, patay na ako? Ganuon ba ang pakiramdam kapag humiwalay na ang katawang tao mo sa kaluluwa mo?
Bahagya kong inangat ang tingin ko at nakita ko ang nakatulalang si Moi at nilingon ko ang tinitignan niya and to my surprise, we were surronded by Gabi and Rome’s feathers.
Date Posted: June 05, 2022
Time check, it’s 01:20 AM. And I just want to be clear to everyone for this update, hindi ko sinasabing banal ang mga pari at hindi sila dapat gawaan ng ganitong klase ng pag dungis sa kanilang reputasyon ngunit, subalit, datapwa’t hindi maiaalis ang katotohanang nangyayari ito sa tunay na buhay, maging ano pa man ang iyong relihiyon dahil kapag isa kang predator/power obssess, pakiramdam mo lahat ay maaari mo ng gawin sa kahit na sino and for me that is obviously a no-no thing. Anyway ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 19: HOW THEY FELL
“Aling Maria! Aling Maria!” natatarantang sigaw ni Moi.
Teka, ano bang nangyayari? Ang huli ko lang naaalala nasa kalsada kami hinahabol nina Tito at Lolo at pagkatapos biglang sumulpot sina Rome at Gabi na nakabukadkad ang mga pakpak nila sa amin ni pinsan at. . at. .
“Jusko po! Anong nangyari?“dinig ko sa boses ni Aling Maria ang pagaalala bago ko naramdaman ang katawan ko na pinagtutulungang buhatin ng dalawang tao papunta sa kumportableng higaan. Teka, ano bang nangyayari?
“Moi, ano bang nangyari sa inyo ni Lex? Tignan mo may sugat ka sa mukha. Teka lang, kukuha lang ako ng gamot sa ibaba. Gagamutin natin iyang mga sugat ninyong dalawa. Jusko po.”
Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang malalim na buntung-hininga ni Moi. Maya-maya ay narinig ko siyang magsalita.
“Totoo ba ’yung nakita ko kanina? May pakpak sina Gabi at Rome? Paano nangyari iyon? Saka paanong nanduon din sila kanina? Nakita din ba iyon ni Lex bago siya nawalan ng malay? Eh ’yung sina Tito at Lolo kaya? Nakita din kaya nila? Hindi naman siguro ako nananaginip o nagha-hallucinate, di ba?” tanong niya sa kanyang sarili.
Kung ganuon, nakita nga talaga ni pinsan sina Moi at Gabi in their angel and devil form pero paanong nangyari iyon? At nasaan na kaya silang dalawa ngayon? Sana ayos lang sila.
Muling bumukas ang pinto at nadinig ko ang boses ni Aling Maria. Narinig ko silang nag usap ni Moi bago ako ulit mawalan ng malay. Well, technically mukhang wala pa rin akong malay sa paningin nila.
Pagbalik ng ulirat ko, narinig ko si Aling Maria na humihikbi sa tabi ko. Madilim pa rin at tanging ang sinag lang ng buwan na tumatama sa kwartong kinalalagyan namin ngayon ang source of light. Pero teka nga, bakit siya umiiyak? Ano na naman ba ang nangyayari? Nasaan si Moi?
“Kung alam ko lang ganito ang mangyayari, sana hindi ako pumayag. . Sana hindi ako nagpatinag sa pananakot nila. . Hindi sana ito mangyayari sa iyo, Apo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Aling Maria. Ano daw? Apo?
“Hayop talaga iyang matandang iyan. Pinu-protektahan niya ang anak niyang kampon ng demonyo samantalang ang anak niyang walang ginawa kundi mahalin ang anak ko ay halos ipagtabuyan at ikahiya niya.” dinig ko ang muhi sa boses niya at ang mahigpit niyang pagpisil sa kamay ko, “Sana mapatawad ako ng mga magulang mo sa nagawa kong pagkukulang sa iyo. Hayaan mo, Apo, hindi ako papayag na makuha ka pa nila ulit. Kayong dalawa ng pinsan mo.”
Siguro dahil sa pagkabigla at madaming katanungan na tumatakbo ngayon sa isip ko ay nagsimula akong mahilo at dahilan duon, muli na naman akong nawalan ng malay.
Sa muli kong paggising ay nakita ko ang isang pamilyar na pigura na nakaupo malapit sa kama kung nasaan ako at may hawak na makapal na libro na kulay brown at parang may naka ukit na design na hindi ko mawari ngunit maganda. Ngumiti ito ng mapansing nakatingin ako sa kanya.
“Buti naman at gising ka na.” bati nito at saka tumayo sa kinauupuan niya.
Nanlaki ang mga mata ko at napalunok sa kaba ng mapansin ang suot niya. Mahabang kulay dirty brown ito na cloak. Kumbaga maihahalintulad ko sa kulay ng papel na nasusunog ang kulay nito lalo pa at parang tattered ang ibaba ng suot nitong damit. May mala kulay abo ding usok na nakapalibot sa kanya samantalang ang balat nito ay halos magkulay gray na at ang mga mata niya ay kulay itim na parang naka sclera pero ang mukha nito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino. . .
“B-Bel. .?”
Yumuko ito sa akin na parang nagbibigay pugay.
“Ang tagal kitang hinanap, ang siyang hinirang ng purgatoryo.” bati niya.
Hindi ko pa halos nasasabi ang tugon ko ng umupo siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko at makaramdam ako ng hindi mawaring pakiramdam. Masyadong mabigat. Nahihirapan ako huminga. Muli siyang ngumiti sa akin.
“Ipapakita ko nalang sa iyo para maintindihan mo kung paanong ikaw ang naging hinirang, na siyang makapangyarihan gaya ng pinuno ng langit at impyerno.”
Ipinatong niya sa dibdib ko ang hawak niyang makapal na libro at ipinatong ang kanyang kamay. Wala pang ilang segundo ay nakaramdam ako ng samu’t-saring emosyon. Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw sa sakit at pighati. Malamang sa lakas ng sigaw ko ay pupunta dito sina Aling Maria at Moi. Wala pang ilang minuto ay biglang nawala ang samu’t-saring emosyon na naramdaman ko kanina at para na akong nakalutang sa alapaap. Biglang umingay, ’yung tipo ng ingay kapag papasok ka sa eskwelahan o trabaho. Pagdilat ng mga mata ko ay agad kong kinapa ang sarili ko at nilibot ang tingin ko sa mga taong dumadaan pero para bang hindi nila ako nakikita. Maya-maya ay nakita ko si Bel na suot pa rin ang suot niya kanina ngunit wala na ang libro sa kamay niya kundi, nasa akin na at gaya ko rin ang suot niya.
“Bel.” malakas kong tawag sa kanya pero parang wala itong naririnig at patuloy lang na naglakad hanggang sa hindi ko na siya nasundan pa sa dami ng mga taong dumadaan sa kaliwa’t-kanan ko. Napabuntung-hininga ako. Ano bang nangyayari? Nasaan ako?
Maya-maya ay agad akong napalingon ng may marinig akong pamilyar na boses.
Rome?
At paglingon ko ay hindi nga ako nagkamali, si Rome nga ito. Naka business suit at nakikipagtawanan sa isang lalaki na sa tingin ko ay kung hindi niya kaibigan ay katrabaho niya. May pinaguusapan sila about sa designs and drafts.
Hmm, designs and drafts?
Habang busy sila naguusap ng kaibigan niya ay biglang nag red light at mukhang hindi nila ito napansin dahil abala pa rin sila sa paguusap nila kaya sa kaba ko ay napasigaw ako ng, “Hinto.”
Kaso hindi nila ito narinig dahil sumabay sa pagsigaw ko ang malakas na pagbusina ng kotse. Hindi ko alam kung bakit napatakip ako sa mga mata ko samantalang yung mga taong nakakita nakanganga lang. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil at least, hindi sila nabangga na dalawa. Daldalan kasi ng daldalan. Pero halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng ang lumabas sa pulang sasakyan ay walang iba kundi si Gabi na naka business suit din at nakashades pa na siyang tinanggal niya at lumapit kina Rome. Akala ko magagalit siya o sisigawan ang mga ito ngunit hindi. Nagaalalang chineck niya pa ang dalawa.
“Ayos lang ba kayo?”
Ngumisi naman si Rome, “Mukhang ayos naman kami kung hindi mo lang kami binalak sagasaan.” tumingin ito sa kasama niya na siyang siniko naman siya. Aish, pilosopo talaga.
Agad namang napataas ng kilay si Gabi, “Excuse me?” sabay turo sa stop light na naka red.
Napa ‘O’ naman si Rome at napa cross arms naman si Gabi, “First, you cross the pedestrian lane when clearly it shows a red light and second, you accuse me of attempt murder when clearly, I don’t personally know you at all and had no means for doing it. Alam mo bang pwede kitang kasuhan?”
Woah, that escalated real quick.
Nagulat naman ako sa ginawa ni Rome na pag pat sa ulo ni Gabi na halatang kinainis ng isa kasi napanguso ito.
“Well, I mean, please do. Thou, the catch is, pwede ka ding kasuhan. You’re causing a scene plus look at those cars na nagagambala mo just because hininto mo ’yung kotse mo in the middle of green light for those of you na naka kotse.”
Sasagot pa sana si Gabi kaso nag green light na, hudyat para ang mga tao na kaninang nakahinto ay makatawid na habang ang mga kotse naman ngayon ang naka hinto.
“You, devil.” nanggagalaiti na bulong nito habang nakatitig sa papalayong si Rome at ang kasama nito na halatang kinakabahan na sa tensyon na meron ang dalawa.
“Fucking angel.” nakangising tugon ni Rome na binasa pa ang kanyang labi na lalong kinainis ni Gabi dahil nagpapadyak ito sa kinatatayuan niya.
The hell did I just saw?
And in the corner, there I saw Bel na nakasandal sa stoplight so here I am, calling her again kaso parang hindi niya ako naririnig kaya nagpasya na akong lapitan siya kaso papalapit palang ako ay nagsimula na siyang maglakad ulit na siya namang sinundan ko hanggang sa mawala ulit siya sa paningin ko at mapahinto ako sa isang malaking building na gawa sa salamin. Woah.
“Oh mukhang ang init ng ulo natin ngayon, Sir Gabi?” dinig kong sabi ng isang babae kaya agad akong lumingon and there I saw, Gabi. Halatang wala nga ito sa mood. Probably dahil sa nangyari kanina.
“Not now, Grace. Humihingi pa ako ng paumanhiin sa nakatataas. I almost lost my shi–, I mean cool earlier.”
“Don’t tell me nagdadasal ka habang naglalakad?” hindi makapaniwalang tugon ng babae habang nakasunod ako sa kanila papasok ng building. Syempre hindi nga ako nagkamali, hindi ako nakikita ng mga tao. I’m invincible. How? I don’t know basta ang importante nakasunod lang ako either kila Gabi, Rome or Bel.
“Yes, I am. My father said to always talk to Him as he always listens and understand.” tugon nito at itinaas ang kaliwang kamay niya na may nakapulupot na pink na rosary.
“Uhm yeah, sure. But does he knows and agrees for you to have a pink rosary for a man?”
Umirap naman si Gabi, “Shut up. And no, he don’t. He shouldn’t or he will make me kneel on a pile of salt while I repent for my sins while asking for forgiveness.”
Napangisi nalang ang babae at agad na tinulungan si Gabi sa pagaayos ng mga documents pagpasok nila sa isang malinis at maaliwalas na office.
“By the way, ngayon darating ’yung Archi na magrere-design ng office mo.”
“Really? I thought bukas pa?”
“Well, di ba ikaw nagsabi na ‘the sooner, the better’ kung mapapalitan yung ambiance ng office mo, plus hindi naman regular Archi yung gagawa nitong office mo. Siya kaya ang pinaka sikat at pinagaagawan na Archi ngayon in the industry. Balita ko, gwapo din kasi.” saad nito sabay kindat kay Gabi na siyang tumikhim lang at nagpaka busy sa ano man ang gagawin niya.
Wala pang kalahating oras ay may kumatok sa pinto ng office ni Gabi at excited na pumalakpak ’yung babae na nagngangalang Grace. Malamang siya ang sekretarya nito kasi kanina pa siya gaya ko na nandito sa office niya at abala sa pagtatype sa kanyang laptop.
Lumingon ako sa pinto na naka awang at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakangiting si Rome kay Grace. Agad tuloy bumalik ang tingin ko kay Gabi na abala pa rin sa ginagawa niya.
Uh-Oh.
“Sir Gabi, nandito na po ’yung Archi na magrere-design ng office mo.”
Nag angat ng tingin si Gabi and agad siyang sinalubong ng nakangiting si Rome na napalitan ng ngisi ng makita ang mukha niyang halatang nagulat.
“Devil.” may kalakasang bulong nito.
“Angel.” saad nito in his sweetest voice.
Napansin kong parehas kami ng reaksyon ni Grace na nagpipigil ng ngiti lalo pa ng magkamay ang dalawa.
“Let go of my hand.” sita ni Gabi.
“You go first.” pangaasar na tugon ni Rome.
After almost an hour ay in their business mode na silang dalawa at naguusap ng abot sa gagawin at request sa magiging hitsura ng office. Habang naguusap sila ay panaka-naka ang simpleng pagmasid nila sa mukha ng isa’t-isa.
“I’ll see you by Monday then.” saad ni Rome habang inaayos ang mga gamit niya pabalik sa luob ng dala niyang bag.
“But you still owe me.”
“Hmm?”
“From earlier. Hindi pa rin kita napapatawad personally. I want someone na gagawa ng office ko na magaan ang luob sa akin not just because of business reasons. Mamaya magka bad omen pa itong office dahil lang sa away natin.”
Napangisi naman si Rome, “So nag away pala tayo ng wala akong kaalam-alam? And bad omen? Wow. You believe in Feng shui?”
“Really? Do I look like one?” taas kilay nitong tanong at pinakita ang rosary niya na pink.
“Oh, I see. What an angel.” sarkastikong tugon ni Rome.
“You don’t believe on Heaven and Hell, do you?”
“ I don’t, but I now believe in angels. I’m now standing right in front of one.“ at hinaplos ang pisngi na Gabi na kinagulat nito na siyang dahilan ng pagpula ng buong mukha niya.
Natawa naman si Rome sa naging reaksyon nito at kinawayan silang dalawa ni Grace bago tuluyang lumabas ng office.
“Naku, Sir Gabi. Delikado ka sa isang iyon.” nakangiting saad ni Grace.
“I know.” tugon niya bago sinalampak ang sarili sa kanyang recliner at hinawakan ang kanyang pisngi na may impit na ngiti sa kanyang labi.
So, is this something from Rome and Gabi’s past? Bakit pinapakita ito sa akin?
And for some reason, parang nagkaruon ng time lapse sa office ni Gabi dahil nakita kong ginagawa na ito under Rome’s supervision and design at ang palagiang pagiging magkausap nila ni Rome kung saan lagi siya nitong iniinis pero sa likod nu’n ay ang mga lihim na ngiti ni Gabi sa kanya.
“May gagawin ka ba next saturday?” tanong ni Gabi.
“Inaaya mo ba ako mag date?” nakangising tugon ni Rome na siya namang agad kinapula ng mukha ng isa. Napangiti din tuloy ako. Talaga nga naman Rome.
“A-Ang kapal ng mukha mo. Ininvite ka lang, date agad na sa isip mo saka anong tingin mo sa akin, babae? No way. Lalaki ako ’no.”
“Wala naman akong sinabing hindi ka lalaki kaya nga hindi ako nagulat na inaaya mo makipag date sa iyo kasi nga naman ‘Lalaki’ ang naka toka mag aya ng date.”
“Ikaw.” inis na sabi ni Gabi bago kinwelyuhan si Rome na siyang nagpatianod lang at malamlam na tinitigan si Gabi na may ngiti sa kanyang mga labi. Kinabigla naman ito ng isa at agad nailang.
“For someone whose a religion fanatic person, you don’t look like it. Bakit kasi hindi ka nalang magpakatotoo sa sarili mo? Religion shouldn’t hinder what you want to become. It should make you feel have freedom, happy and content not restrict.”
“Y-You don’t know what you’re talking about.” bulong ni Gabi at bumitaw sa pagkaka kwelyo niya kay Rome at naglayo ng tingin sa kanya.
“Yes, I do. We share the same religion but unlike you I don’t let that rule over me. There are things that are also questionable in the so-called religion of humans. I rather not tolerate what every word or phrase the bible says especially if its unjustifiable to human law. I don’t want to become a monster and hurt other people.”
Napangiti si Gabi, “You don’t always go to church, don’t you?”
“Only if I feel like it. I rather pray on my own. That’s the closest times I could talk to Him rather than be a hypocrite and go to church, pretend that I listen and understand what the priest says even when they add unrelevant things to their preachings.”
“Why not join me instead in a mass rather than to that party on saturday? Sounds good? I’ll make you change your mind about religion.”
“And this are the times when going to church shouldn’t be use as a date excuse but since you’re the one who asks, sure. I’ll go just because I don’t want my angel to be sad.”
“Stop that, my devil. It’s not a date.”
“Well, if you say so.”
And again, a time lapse happened and we’re now in the church where I saw my grandparents and my Tito with of course, Gabi and Rome and a whole other people participating in a church event. Hindi nakaligtas sa paningin ko at ni Lolo at Tito ang pagiging malapit nina Rome at Gabi sa isa’t-isa kaya syempre, hindi na ako nagulat ng paghiwalayin sila ni Lolo. Kausap ni Lolo si Rome samantalang kasama naman ni Tito si Gabi.
“Lumayo ka sa anak ko. Mabuting bata ang anak ko.”
“Hmm? Bakit naman po? Wala naman akong tinuturong hindi maganda sa kanya.”
“Hindi ko gusto ang tinginan ninyong dalawa. Lalaki ang anak ko. Huwag mo siyang gawing makasalanan. Ayusin mo din ang buhay mo. Hindi pupunta ang tulad mo sa langit kapag pinagpatuloy mo ang magiging makasalanan mo.”
Napangisi naman si Rome kaya napalingon sa kanya si Lolo.
“Hindi na ako magtataka kung bakit ganuon nalang ang asal ng anak ninyo ng una kaming magkakilala. Mawalang galang na po, wag ninyong masyadong ilagay sa ulo ninyo ang relihiyon ninyo. Nakaka apekto iyon sa pagtrato ninyo sa ibang tao. Sa sinabi ninyo palang ngayon sa akin, binigyan ninyo ako ng dahilan para hindi kayo respetuhin pero syempre para sa pagkakaibigan namin ng anak ninyo, isasantabi ko ang pinakita ninyong ugali sa akin sa unang pagkikita natin. Huwag kayong magalala, lalayuan ko ang anak ninyong si Gabi dahil alam kong iyon ang sunod ninyong sasabihin sa akin at gagawaan ninyo ako ng issue at sasabihin iyon sa anak ninyo para layuan din ako kaya tignan nalang po natin kung hanggang saan kayo dadalhin ng ganyang pananaw ninyo sa buhay. Mauna na po ako. Hinihintay na po ako sa amin.” tumayo na si Rome at nagmano kay Lolo na napatulala lang sa sinabi nito sa kanya na for sure, natapakan ang ego niya at tumingin sa gawi nila Gabi at kumaway sa mga ito bago lumabas ng simbahan.
Kumunot ang nuo ni Gabi at balak sanang habulin si Rome kaso pinigilan siya ni Tito at nilingkis ang kamay nito sa kanyang bewang na siyang sinamaan niya ng tingin kaya agad itong napabitaw at lumapit kay Lolo para tanungin kung anong nangyari. Hindi nga nagkamali si Rome sa sinabi niya kay Lolo dahil iyon nga ang ginawa nito. Nagulat man si Gabi sa narinig ay halatang hindi ito tunay na naniniwala sa kasinungaliangang sinabi ni Lolo sa kanya.
Another time lapse happened at mukhang ilang buwan ding hindi nagkita sina Rome at Gabi hanggang sa magkita ulit sila sa isang amusement park. Biglang bumalik sa akin ’yung time na nasa amusement park kaming tatlo. Ang saya-saya ng moment na iyon.
“Rome.”
“Gabi.”
Pero imbis na huminto ay nagpatuloy sa paglalakad si Rome kaya naman agad siyang hinabol ni Gabi at hinawakan sa kaliwang kamay dahil para mapahinto ito at lingunin siyang muli.
“You shouldn’t be talking to me. Baka may makakita sa atin at isumbong ka sa parents mo.”
“I-I don’t care.” buong luob na sabi ni Gabi bago niyakap si Rome na halatang nagulat sa ginawa nito, “I miss you, my devil.”
Napangisi naman si Rome, “Is my angel being naughty?”
“F-Fuck you.” inis na tugon ni Gabi at inirapan siya.
“Sshh, don’t say that.” sita ni Rome.
“And why is that? Because it doesn’t suit me because I’m an angel?”
“No, because I might do it.”
Agad pinamulahan ng mukha si Gabi at pinaghahampas ang dibdib ni Rome samantalang mamatay-matay lang sa katatawa ’yung isa.
Night came and the amusement park was filled with colorful lights with people waiting for the fireworks to happen samantalang inuubos naman ni Gabi ang ice cream niya at pinagmamasdan naman ni Rome ang mga performers sa hindi kalayuan sa pwesto nila sa may fountain when a familiar tune suddenly played.
“W-Woah, anong meron? Anong gagawin natin?” gulat na tanong ni Gabi ng bigla siyang hilain patayo ni Rome saktong pagkaubos ng ice cream niya.
“Asking you to a dance. Kung alam ko lang ganuon ang mangyayari ng araw na iyon, sana sa party nalang tayo na niyaya mo pumunta.” saad nito habang pinoposisyon ang mga paa at kamay nila sa pagsayaw na gagawin nila.
“Hayaan mo na iyon, magkasama naman na tayo ngayon eh. Huwag ka na ulit biglang mawawala ah kundi hindi na talaga kita papansinin kapag nagkita tayo ulit.”
“Pangako, anghel ko.”
Pinagmasdan ko ang pagtititigan nila Rome at Gabi sa isa’t-isa na parang walang tao sa paligid nila habang marahang sumasayaw sa saliw ng tugtuging Unchained Melody in a violin version. Everyone stood in awe while looking at them getting lost in their own world. It’s like the both of them already found their peace at each other’s side despite their differences and I couldn’t ask for more but to be in that place starting at both of them lovingly.
Date Posted: July 04, 2022
Time check, it’s 04:00 AM. And I’m back after almost a month of no update. We’re nearing the end so I hope you guys stay and oh by the way, I’ll take a break in writing Luna Series siguro for a month and I’ll come back stronger. Charot. Anyways, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 20: HOW IT WENT
Sa sumunod na mga time lapse ay nakita ko ang magkasamang sina Gabi at Rome na parang magkasintahan. Kita ko sa mga mata nila ang purity of love kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti sa ka-sweetan nila. Akalain mo nga naman may ganitong side pala sila nuon. Pero anong nangyari? Bakit hindi ko na makita ang ganitong kilos nila? Dahil ba sa literal na silang angel at demon? Ganuon ba talaga iyon? Hindi pwedeng magsama ang anghel at demonyo?
Halos lumuwa mata ko sa sunod kong nakita. Nasa kwarto ko sila este sa kwarto kung nasaan ako kanina sa bahay ni Aling Maria at naghahalikan. I mean, nakita ko naman silang nagkiss ng makailang besea pero smack sa pisngi at mabilisan sa labi lang kung minsan pero ito. . Iba ito. Para akong nanuod ng commercial ng Close Up. Napatakip ako ng dalawang palad ko sa mga mata ko pero parang tanga lang din kasi sumisilip-silip ako. Awkward.
“Rome. .” pabulong na tawag ni Gabi habang nakatitig sa mga mata ng isa na siya namang nakatitig din sa kanya at hinahaplos ang pisngi niya.
“Hmm?” tugon nito at muling siyang hinalikan sa kanyang mga labi pababa sa kanyang leeg kaya napa ungol ’yung isa.
Napalunok ako. Shit. Parang alam ko kung saan papunta at hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin nila kaya bago pa mahuli ang lahat at lumabas na ako ng kwarto at napasandal sa pintuan hawal-hawak ang dibdib ko na ang lakas ng tibok lalo pa ng marinig ko ang mga makakasalanang ingay sa kabilang parte nitong pinto. Whew. Aba, ibang klase din si Rome ah. Dito pa talaga sa bahay ni Aling Maria. Teka. . Bahay ni Aling Maria? Nanlaki ang mga mata ko at agad bumaba patungong sala at duon halos lumaglag ang panga ko ng makita ang mga nakahilerang picture frame ni Aling Maria at Rome. Duon nag flashback sa akin ’yung sinabi nuon ni Aling Maria tungkol sa anak niyang mahilig sa pande coco at ’yung naging reaksyon niya ng ipakita ko sa kanya ’yung picture naming tatlo nila Gabi at Rome sa amusement park at ’yung sinabi niya habang umiiyak siya sa tabi ko, so that means. . Si Rome ang anak na sinasabi ni Aling Maria?
Bago ko pa maprocess lahat ng naaalala ko, bigla ulit naiba ang set up. Nasa office na ako ni Rome at gabi na ng biglang pumasok si Gabi na umiiyak at halatang nagpa-panic. Teka, anong nangyayari?
“Hey, what happened to you, my angel?” agad siyang inalo ni Rome at pinaupo sa couch habang nakayakap dito at hinalikan sa ulo.
Umiiling lang si Gabi at parang hindi kayang sabihin ang gusto niyang sabihin. Mahigpit lang siyang nakayakap kay Rome na parang duon niya na gustong tumira. Kitang-kita ko ang pag vibrate ng balikat niya dahil sa todong pag iyak niya. Ano ba kasing nangyayari?
“R-Rome. .”
“Yes, anghel ko?”
“Rome. .”
“Hmm? Ano bang nangyayari? Sab–”
“Buntis ako, Rome!”
“W-What?!” parehas kami ni Rome ng naging tugon.
Siya medyo chill pa ang facial expression niya, ak? No chill! Ang daming tumatakbo sa isip ko like, paano nangyari iyon? May nalagpasan ba ako na time lapse o sa sobrang bilis ay hindi ko napansin? Like, shit. Holy shit!
“Naka dru–” biro sana ni Rome.
“Rome! Rome naman eh!” lalong pumalahaw ng iyak si Gabi, “Hindi ako naka drugs at mas lalong hindi ito prank! Buntis ako! Hindi ko alam paano nangyari like, alam ko babae lang ang pwede mabuntis according sa science kaya nga hindi ako makapaniwala, kaso dahil sa mga symptoms nag try ako ng pregnancy test kit na binili ko kanina tapos akala ko, may mali lang sa ginawa ko pero Rome! Sa sampung binili ko, lahat iyon positive!”
“W-Woah. .”
“Ano bang meron d’yan sa. . Sa ano mo. . N-Nabuntis mo ako! Paano na? Ano ng gagawin ko? Itatakwil ako ng pamilya ko sigurado kao duon! Paano ako haharap sa mga tao? Anong sasabihin nila? Hindi nila maiintindihan! Pagtatawa–”
Biglang sumeryeso ang mukha ni Rome sa balak sanang sabihin ni Gabi na hindi niya pinatapos.
“Huwag ka magalala, Gabi. Huwag mong alalahanin ang iisipin ng ibang tao. Isipin mo, ikaw at iyang batang nasa sinapupunan mo. Ako ng bahala sumalo ng ano mang balak nilang sabihin sa iyo. Ako ang may kasalanan kaya nangyari nag milagro na iyan na dinadala mo kaya paninindigan ko kayo ng anak natin.”
Naantig naman ang puso ko sa sinseridad ng sinabi ni Rome at dahil duon napakalma niya ang nangangambang Gabi.
Another time lapse happened at nakita ko si Gabi na napaupo sa sahig at takut na takot at umiiyak. Nang tignan ko ang dahilan kung bakit ay halos mag igting ang panga ko sa galit. Si Tito. Nakangisi ito at parang wala sa katinuan.
“Gabi, of all people, hindi ko aakalaing pumapatol ka pala sa kapwa mo lalaki. Ano nalang ang sasabihin sa iyo ni Ama? Tsk, tsk.” lumakad ito palapit kay Gabi.
“H-Huwag kang lalapit!” pakiusap nito at niyakap ang tiyan na.
“At bakit naman? Wala naman akong gagawing masama sa iyo. In fact, tutulungan pa nga kita itago ang sikreto mo sa isang kondisyon. .” may binulong ito kay Gabi ng tuluyan itong makalapit at paglayo nito sa kanya ay nakangisi ito samantalang halos mamutla si Gabi.
“Layuan mo ako! P-Paano mo nagawang sabihin iyan sa akin?! Nakakadiri ka! Hindi ka man lang nadala sa kahihiyan na ginawa mo na nakabuntis ka ng inosenteng babae na ngayon ay pinabayaan mo mag dalang tao na mag isa tapos sasabihin mo iyang ganyan sa akin? Hibang ka na! Magkapatid tayo!” halos lumabas ang ugat ni Gabi sa galit.
Kung ano man nag binulong ni Tito sa kanya ay sugurado akong halintulad nito ang ginawa niya kay Moi na lalong nagpagalit sa akin. Hayop talaga!
“Hah, ako pa talaga ang nakakadiri? Sino kaya itong lalaki na pumapatol sa kapwa niya lalaki? Malamang sa malamang ikaw ang tinira ng tinatawag mong kaibigan mo. Tsk, kung sabagay mas bagay nga naman iyo ’yung ikaw ’yung unuungol habang tinitira!” saad ni Tito sabay hila kay Gabi at pilit siya nitong hinahalikan at pinapahiga sa kama kung saan halos magpumiglas at magmakaawa si Gabi na tumigil siya sa kanyang ginagawa. Sinubukan kong pigilan si Tito pero dahil nga hindi nila alam na nandito ang prisensya ko ay walang nagawa ang pagtulong ko kay Gabi.
Magagawa na sana ni Tito ang balak niya ng biglang dumating si Rome. Nakahinga ako ng maluwag dahil duon. Walang anu-anong sinapak ni Rome si Tito. Nag suntukan ang dalawa at halos dinig ko ang iyak ni Gabi at ang galit na galit na si Rome habang pinapaulanan ng suntok si Tito and that’s suddenly when I got shivers down my spine ng dumating sina Lolo at Lola sa eksena. Nagkaruon ng sigawan at pinapahiya ni Lolo sina Rome at Gabi, pero more on si Gabi lalo na ng makita nito ang tinatago nitong sikreto. Ang umbok niya sa tiyan na siyang nagpapaalam sa lahat na nagdadalang tao siya. Binalak siyang saktan ni Lolo pero lahat ng iyon, sinalo ni Rome. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang kumuha ng baril si Lolo at agad na hinatak ni Rome si Gabi palabas ng bahay. Shit, why is this familiar?
Napahawak ako sa dibdib ko because I suddenly felt uneasy. Sigaw ng sigaw si Lolo at si Tito habang hinahabol sina Rome at Gabi na magkahawak kamay sa kalagitnaan ng gabi when all of a sudden, a truck suddenly came into picture.
“Hindi!” buong lakas ko na sigaw pero huli na ang lahat. Tinamaan sila ng paparating na truck and there I saw Rome shielding Gabi and their baby kaya siya halos ang sumalo ng impact. Hindi ko napigilang mapaluhod sa harap nila na may hindi ko namamalayang tumutulong luha na pala mula sa mga mata ko. Hindi. Hindi! Bakit kailangan mauwi sa ganito ang lahat? Nagmahalan lang naman sila? Anong masama duon?
“R-Rome. . ’Yung baby natin. .” nanghihina at umiiyak na bulong ni Gabi habang hawak nito ang kanyang tiyan.
Duon ko unang nakitang umiyak si Rome habang wala itong magawa at tinitignan si Gabi at ang tiyan nito. Those eyes were full of regret and anger. He looked at the dark sky and called a familiar name.
“P-Please. . Iligtas ninyo ang anak namin at si Gabi. Angels don’t deserve to die. I love my angels so much. Kahit hindi na ako, kahit ako nalang ang kunin at ipatapon sa impyerno. Please. .Save them.” pakiusap niya habang umiiyak.
“R-Rome. .” pinagsalikop ni Gabi ang kamay nila. Lalo akong naiyak dahil kahit mamamatay na sila parehas, grabe pa rin ang pagmamahalan nila para sa isa’t-isa, “. . You can’t die too. Kapag namatay ka, hindi ko kakayanin. Dapat parehas tayong mabubuhay para sa anak natin. Malakas ang anak natin. I can feel the baby battling for life kaya dapat tayo rin. Kaya natin ito.”
Both of them smiled and stared lovingly at each others eyes like they aren’t dying when suddenly. .
“G-Gabi. . A-Anghel ko. .Hey. .”
. . Gabi is no longer responding and this made Rome cursed in anger. Hindi dininig ng langit ang kanyang hiling. Just then a black smoke appeared beside him. Napatigil ako sa pag iyak para tignan ang unknown black ball entity na nakalutang sa ere ng biglang may malalim na boses na magsalita. He insulted the so-called lead of Heaven first before offering help to Rome on saving the baby that for some reason is now in his arms and the next thing I knew, nasa harapan na kami ng bahay nila ni Aling Maria and she was horrified to see his son’s state.
“I-I can’t. . Hindi ko na kayang tumagal pa, Nay. . Sorry. .” naghihinalo niyang saad at inabot ang sanggol kay Aling Maria, “Apo ninyo iyan, ’Nay. . Anak namin iyan ni Gabi. . Alagaan ninyo po siya para sa amin ni Gabi, ’Nay. Sabihin ninyo sa kanya kapag malaki na siya na. . Na. . Kahit hindi man niya kami nakikita, lagi lang kaming nakabantay sa kanya.”
Sumigaw sa gulat si Aling Maria ng bumagsak ang wala ng buhay na si Rome. Sinabayan iyon ng pag iyak ng sanggol na biglang nagpa kulog sa kalangitan at nagpalindol ng kalupaan.
“Siguro naman, naiintindihan mo na kung bakit nakikita mo ang dalawa mong bantay? Espesyal ka, Lexel dahil ikaw ang hinirang. Nabuo ka dahil sa pinagbabawal na pagmamahalan na siyang tunay at puro. Ang anghel at demonyong bantay mo ay ang siyang mga magulang mo ng sila ay tao pa.” saad ni Bel na ngayon ay nasa tabi ko na at nakabalik na kami sa kwarto kung nasaan ako at siya kanina at sa orihinal naming posisyon.
Binaling ko ang tingin ko sa kisame at hinayaan ang luha ko na tumulo ng tumulo dahil sa unang pagkakataon, nakaramdaman ako ng pinaghalong kalungkutan at kaginhawaan.
Date Posted: July 04, 2022
Time check, it’s 04:30 AM. This is the second part of my update. Believe it or not, I feel sad but at ease habang sinusulat ko itong chapter na ito like I don’t know. Anyways, ’til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 21: PURGATORY’S LEAD
Umaga na ng magising ako sa unfamiliar but familiar na kwarto. Oo nga pala, nasa bahay ako ni Aling Maria or should I say. . Lola? Marahan akong umupo at nilibot ang tingin ko sa paligid. Wala na si Bel. Wala din si Moi o si Aling Maria. Napabuntung-hininga ako hanggang sa dumapo ang mata ko sa isang notebook, nope. Diary na mukhang scrapbook ang tema na may nakalagay na: Spread your wings and fly, at may magandang guhit na pinagdugtong na white and black wings. White ang black wings. .
Sina Gabi at Rome!
Nasaan na kaya ang dalawang iyon? Ang dami kong gustong itanong sa kanila after ng mga pinakita sa akin ni Bel.
Aware ba sila na a-a-anak nila. . ako?
Kaya ba ganuon nalang ang pagiging guardian nila sa akin? Kasi aware sila na anak nila ako? Pero hindi nila sinabi sa akin? Kaya ba nakikita ko sila? Kasi all along sila ang parents ko? Pero hindi ko maintindihan. . bakit? Bakit hindi nila sinabi sa akin? Dahil ba baka hindi ko sila paniwalaan. . well, it makes sense pero kahit na! Whew. Hindi ko tuloy alam kung handa na akong makita sila after ng mga nalaman ko pero hindi rin naman ako sure kung may ideya na din silang alam ko na ang tunay nila identity sa buhay ko. Pero hindi ko rin maiwasanh hindi magalala para sa kanila. Niligtas nila ako. Nakita sila ni Moi. Hindi ko alam kung may parusa ba sa ginawa nilang iyon. Hindi ko alam kung nanghina ba sila sa ginawa nila o baka tuluyan silang nawa–! Hindi. Impossible. Impossible! Hindi pwede!
Napahinto ang utak ko sa pagiisip ng kung anu-ano ng marinig ko ang boses ni Moi at ang agaran niyang paglapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Namalayan ko nalang na naginginig ang buong katawan niya at ang pamamasa ng pang itaas ko na damit. Hindi ko na ininda pa ang mga sugat kong hindi na ganuon kasakit.
“Sshh, tahan na, Moi.” bulong ko habang nakayakap din sa kanya at hinahaplos ang buhok niya na parang sinasabing matatapos din ang kabanatang ito ng buhay namin.
“A-Akala ko mamamatay na tayo. . Buti nalang. . Buti nalang. .”
“Buti nalang ano?”
Huminto siya sa pag iyak at saglit na tumitig sa akin na para bang may hinahanap siya sa mga mata ko bago bahagyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“Buti nalang nanduon sina Gabi at Rome.”
“Gabi at Rome?” napalunok ako, “A-Ano. . I mean, paano naman sila napunta duon?”
“Iyon din ang gusto kong malaman. Kahit ako nalilito pa rin hindi ko alam kung totoo ba ang mga nakita ko pero alam ko, ano mang pilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi iyon totoo, totoo iyon, Lex. Para nga silang guardian angel mo kasi sa iyo talaga sila naka protekta. Hinarang nila ang katawan nila kasi ikaw ang mapupuruhan sa ating dalawa habang ikaw nakayakap ka sa akin at nakabalot sa ating dalawa yung pakpak nila. Like, an angel and demon protecting their child. I mean, yung inatas sa kanila na bantayan nila.”
“A-Anong nangyari after nu’n? Wala akong maalala.” tugon ko dahil totoo naman. Nawalan ako ng malay sa sobrang adrenaline at gulat na nakita sila ni Moi in their natural form.
“Hindi na nakakilos pa si Rome after ng naging pag protekta niya sa atin, para bang nanghihina na may iniinda siya kaya inutusan niya si Gabi na ito ang magpatuloy sa ginagawa nating pagtakas kina Lolo. Para nga akong nananaginip ng mga oras na iyon dahil nagaalangan man si Gabi na iwan si Rome ay sinunod niya ang utos nito kahit na nanghihina din siya. Insan! Binuhat tayo ni Gabi sa magkabilang kamay niya tapos for all I know, nakalutang na tayo sa ere kasi lumilipad tayo gamit ang pakpak niya! Kaso lang dahil siguro sa sobrang panghihina eh hindi rin ganuon katagal ang naging paglipad natin dahil muntikan na tayong malaglag buti nalang hindi iyon nangyari. Nagaalangan pa nga si Gabi na iwan tayong dalawa lalo pa at wala kang malay kaso sabi niya, hindi na daw niya kaya pero kailangan nating makatakas. Kailangan kitang dalhin sa ligtas na lugar tapos bago siya tuluyang mawala ang utos niya ay kay Aling Maria tayo pumunta. Nagulat nga ako bakit duon niya naisip na papuntahin tayo at bakit niya siya kilala pero syempre okay na rin iyon kesa maabutan tayo nina Lolo at Tito.”
“N-Nawala. .?” bigla akong kinabahan.
“Oo. Siguro kailangan nilang bumalik sa Heaven and Hell para pagalingin ang sarili nila. Malakas siguro kinuhang energy sa kanila ng pagliligtas sa atin.”
Tumango ako bikang tugon pero hindi pa rin nawawala ang pagaalala sa akin.
“Si Aling Maria?”
“Nasa baba. Nagluluto ng tanghalian natin. Naku, sayang hindi mo naabutan ’yung almusal kanjna, bagal mo kasi magising.”
“Huh? Ano bang niluto niya?”
“Pansit. Ang sarap kaya! Nga pala, pinagtabihan ka niya ng pansit saka ng pan de coco. Balita ko nga parehas kayo ng favorite ng anak niya.”
“N-Nakita mo na kung sino ’yung anak na sinasabi niya?” tanong ko kahit na may ideya na ako kung sino iyon. Malamang kapag nalaman niya kung sino iyon baka mahimatay ito sa gulat.
Umiling siya, “Hindi pa. Tina-try ko nga maghanap ng pictures kaso wala akong makita. S’ya nga pala, papasok ba tayo ngayon sa school? Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Bel kanina na hindi daw siya papasok at didiretso siya dito kay Aling Maria para tumambay. Astig nga eh parang na-sense niya na nandito tayo kahit wala naman akong sinabi kung nasaan tayo at among lagay natin.”
“Huwag na muna siguro. Magpahinga muna tayo. Isa pa, wala tayong uniform pang pasok. Hindi ko pa alam paano natin makukuha ang mga gamit natin kila Lolo o kung nanduon pa ang mga iyon. Tsk.” inis kong tugon.
Isang buntung-hininga ang pinakawalan ni Moi bago ako yakapin.
“Salamat, insan.”
“Sorry kung hindi ko agad napansin ang ginagawa sa iyo ni Tito. Kung alam ko lang bakit ganuon nalang ang galit mo sa ginawa sa akin ni Ryan, malamang mas maaga kitang naprotektahan sa kanya.” tugon ko habang nakayakap sa kanya at hinalikan siya sa kanyang nuo, “Huwag kang magalala, simula ngayon hindi na ako papayag na mahawakan ka pa ng ibang tao against your will. Makakabawi din tayo sa ginawa sa iyo ni Tito.”
Kinuyom ko ang kamao ko sa namumuong galit at muhi sa akin laban sa Tito ko. If Moi only knew. It will break him more than he already is by now. Now I understand what Bel had tried to show me. She showed me the truth that my grandparents and my Tito hide from us. That I wasn’t adopted at all. That Gabi and my Tito were brothers and how fucked up my grandparents beliefs are with their religion especially Lolo na mas inuna niya pang panigan ang Tito ko kesa kay Gabi na ang tanging mali at tamang ginawa lang ay magmahal ngunit sa hindi nila inexpect na gender unlike my Tito who pretends to be a saint but tried to rape Gabi even thou he already had impregnated someone who for what I think is sapilitan niya ring ginawa na hindi ko alam kung ilang beses niya ng ginawa sa iba pang tao juat because he can and has the authority to and scare people if they go against him and then, the nerve to do it with his own son na ang pinaalam nila sa amin ay anak siya ni Gabi samantalang ako ang ampon. Tsk.
“Nandito ka lang pala Moi at. . Lex, gising ka na.” agad na lumapit sa amin si Aling Maria at niyakap kami ng mahigpit. Pinagmasdan ako niya maigi ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko, “Alam kong gutom na kayo kaya tara na sa baba. Kumain na tayo.”
Nagkatinginan kami ni Moi at sabay na ngumiti kay Aling Maria at sinundan siya pababa ng dining area.
“Ubusin mo iyan, Lex. Ikaw Moi kumain ka pa. Kailangan ninyong kumain ng marami para bumalik agad ang lakas ninyo para makapasok kayo bukas. Alam kong gaano kaimportante sa inyo ang makapagtapos. Kaunti nalang naman at makaka graduate na kayo kaya unting tiyaga pa, okay?” saad niya habang hinahainan kami ni Moi na para bang matagal na niyang hinihintay na mangyari iyon.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin ng muling magsalita si Aling Maria.
“Alam kong biglaan itong sasabihin ko sa inyong dalawa kaya sana huwag kayong mabibigla ha?”
Nagkatinginan kami ni Moi.
“Ano po iyon?” sabay naming tanong.
“Dumito nalang kayong dalawa para may kasama ako. Huwag kayong magalala. Wala kayong babayaran o kung ano, sa katunayan, kung ayos lang sa inyo, ako nalang ang sasagot sa pangangailangan ninyo sa eskwelahan basta huwag lang kayo bumalik sa pamamahay na iyon. Alam kong hindi kayo masaya sa bahay na iyon at baka kung ano pang gawin sa inyo ng mga nanduduon.”
“Aling Maria. .” nakangusong saad ni Moi na parang maiiyak habang nililipat-lipat ang tingin sa akin at kay Aling Maria.
Ngumiti si Aling Maria na may ningning sa kanyang mga mata, “Lola nalang, apo.”
Hindi na nakapagpigil si Moi at agad na sinunggaban si Aling Maria este Lola Maria. Ehem. Hindi pa ako sanay pero soon masasanay din.
“Tahan na, Moi. Baka pumanget ka n’yan.” biro ni Lola kaya lalong naiyak si Moi samantalang ako nakatingin lang sa kanila peri ng magtama ang mga mata namin ni Lola at ng tumango siya sa akin, hindi ko na din napigilan na yakapin silang dalawa.
Habang into the moment kaming tatlo ay bigla naming narinig ang boses ni Bel mula sa bakery ni Lola kaya ako na ang nag volunteer na magpapasok sa kanya.
“Bel.”
“Mamaya tayo mag usap kapag aware na din si Moi sa sitwasyon at hindi lang ikaw.” tugon nito at tinitigan ang nuo ko, “Unti-unti ng lumalabas ang simbolo sa iyo. Unting oras nalang ang meron tayo kaya dapat maunahan ko ang dalawang iyon na tanggapin mo ang tungkulin mo bago pa mahuli ang lahat.”
“Tungkulin?”
“Ang itinakda na mamuno sa purgatoryo. Nakalimutan mo na ba? Hindi ko pinakita ang bagay na iyon para sa wala. Isa pa, kung gusto mo iligtas sina Rome at Gabi, kakailanganin mong tanggapin ang role mo sa mundong ito.”
“Iligtas? Bakit anong nangyari sa kanila?” kinakabahan at nagaalala kong tanong habang nakasunod sa kanya.
“Mamaya malalaman mo.” tugon nito, “Magandang tanghali po, Aling Maria.” bati nito kay Lola at nagmano pa, “Hello, Moi.” at nag thumbs up silang dalawa sa isa’t-isa. Napailing nalang ako.
Nang makaupo na kami ni Bel sa hapag kainan ay bumuntung-hininga si Lola at tumingin muna sa amin bago nagpaalam na may kukunin sa kwarto niya at pagbalik niya ay may inabot siya sa akin na photo album. Nagtataka man ay kinuha ko iyon at binuksan. Napa singhap ako ng bumungad sa akin ang picture ni Rome at Gabi. Duon din nagsimula si Lola Maria na magkwento at alam ko na kung saan ang tungo nuon.
Napanganga si Moi at halatang nagninginig sa galit ng mag follow up sa kwento ni Lola Maria si Bel. Syempre nagtaka si Moi bakit alam nito ang tungkol duon at ganuon din si Lola but not until she offered to show her real self. Nag panic pa ako dahil hindi ako sure kung makikita nila siya at baka mapahiya lang siya. Like you know, baka mga chosen people lang ang pwedeng makakita sa gaya nila o siya mismo.
“Bel, you don’t have to.” pilit ko dito.
“Lex, huwag kang makulit. Kakailanganin kong patunayan sa kanila dahil kailangan mo ding sumama sa akin maya-maya. Kulang na tayo sa oras.”
Tumingin siya kila Lola Maria at Moi na halatang naguguluhan sa nangyayari pero inaabangan din ang ipapakita niya sa kanila.
“Takpan ninyo ang mga mata ninyo. Baka mabulag kayo sa usok kapag nagsimula na akong magpalit ng anyo.” paalala nito.
Tumango sina Lola at Moi at agad na ginawa ang sinabi niya samantalang ako nakatayo lang at pinagmasdan siya na magpalit anyo. Napanganga ako ng muli kong makita ang tunay niyang anyo. Bahagya siyang lumayo sa amin dahil baka may something yung usok na nakapalibot sa katawan niya pero unlike kanina hindi na iyon kalala na halos sakop yung buong kwarto kung nasaan kami. Pumwesto siya sa ibaba ng hagdan.
“Pwede ninyo ng buksan ang mga mata ninyong dalawa.”
Kapwa napanganga sina Moi at Lola ng makita ang tunay na anyo ni Bel. Si Lola halatang naa-amaze sa nakikita niya samantalang si Moi? Ayun. Nahimatay sa sobrang pagkabigla. Hahaha. Ako naman nakahinga ng maluwag dahil nakita nila siya dahil kung hindi. . tsk, tsk.
“Pero paanong nangyaring naging anak ng anghel at demonyo ang apo ko kung tao pa sila nuon ng, ehem, binuo siya.”
“Lahat ng ginagawa ng tao sa mundo ay itinatala ng kanilang mga bantay at unfortunately fortunately, itinakda na si Gabi na maging anghel habang ang anak ninyo naman ang well, demonyo at kamatay nalang nila ang hinihintay na siyang nakatala na rin na mangyayari sa eksaktong araw, oras at lokasyon ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagmahalan ang dalawa at dahil duon, isang propesiya ang naganap na hindi nakatala mapa langit o impyerno kaya ngayon, maraming nagbabalak na pigilan ang apo ninyo na maging kagaya ng dalawang pinuno ng langit at impyerno dahil kapag nangyari iyon. . well, sabihin nalang natin na mas magkakaruon ng pagkakataon ang mga nilalang na nabuo din sa kasalanan ang maaaring makapunta sa langit at ang iba na gumawa ng mabuti ay maaaring mapunta sa impyerno dahil meron ng taong magiging taga hatol sa mga kaluluwang maaaring mapunta sa itaas o sa ibaba hindi kagaya nuon na pinipili na agad kung saan sila mapupunta bago pa man sila mamatay sa mundong ibabaw.”
Tumingin sa akin si Lola.
“Mahihirapan ba ang apo ko sa responsibilidad na aakuin niya? Maaari ba siyang mapahamak? May pagkakataon bang makasama pa rin niya ang mga magulang niya?”
“Depende kay Lex kung titignan niya ang pagiging pinuno ng purgatoryo bilang isang mabigat na responsibilidad. Kung sa mapapahamak naman, sa simula lang. Kung may pagkakataon na makasama niya sina Rome at Gabi? Depende iyon kung hindi pa kami huli sa pagdating namin sa impyerno at langit. Mabigat na kaparusahan ang ginawa nilang pagligtas kay Lex kaya nga, kung hindi man nakaka abala sa inyo, hihiramin ko muna sina Lex at Moi.”
“N-Ngayon na ba?”
Tumango si Bel kaya agad na niyugyog ni Lola si Moi na siyang nagising at muli na naman sanang mahihimatay ngunit pinigilan ni Lola at kinuha ang dalawang shawl niya at isuot sa amin. Hinaplos niya ang pisngi namin at niyakap.
“Magiingat kayong tatlo.” paalala niya, “Lex, ikaw na ang bahala sa mga magulang mo.”
Hinalikan niya kaming dalawa ni Moi sa nuo namin at bago ko pa mamalayan ay nasa train station na kami. Hinila ni Moi ang dulo ng suot ko at nginuso si Bel.
“Si Bel ba talaga iyan? Baka sugo iyan ng kalaban!” bulong niya. Napangisi naman ako. Cute ni Moi.
“Si Bel iyan.” tugon ko at tumingin kay Bel, “So anong gagawin natin dito?”
“Dito gaganapin ang seremonyas sa pagtanggap mo sa pagiging pinuno ng purgatoryo.” sagot nito na may ngiti sa kanyang mga labi. Paakyat na kami ng hagdan ng biglang magtanong si Moi.
“Bakit hindi nalang tayo mag escalator?”
Napatingin ako sa magkabilang dulo na escalator. Oo nga no? Bakit dito kami sa engrandeng hagdan na may pataas at pababa dadaan?
“Dahil dito ang daan papuntang purgatoryo kaya tara na. Oras na para kilalanin ang pinuno ng purgatoryo.”
Pagtapak palang namin sa hagdan ay nakaramdaman na ako ng kakaiba. Bigla ding nawala ang ingay ng train station. Pag angat ko ng tingin, puro usok na ang paligid at pa-sunset na ang ulap samantalang pagtingin ko sa ibaba ay kulay abo ang apo. Nilingon ko si Moi na kapwa ko ay gulat din sa biglang pagbabago ng lugar ng biglang. . .
“Hindi namin kayo hahayaan na koronahan ang isang tagalupa na nabuo sa isang malaking kasalanan!”
Paglingon ko ay halos masilaw ako sa liwanag ng isang grupo ng mga angel na handang umatake ano mang oras sa amin.
“Hindi rin namin hahayaan ang mga gaya ninyong mga anghel na agawin sa amin ang spotlight sa pagpigil sa taga lupang iyan.” sabat ng isang demonyo kasama ang mga kapwa niya na nasa likuran niya.
Bago pa ako makapag isip ng gagawin namin ay naramdaman kong hila-hila na ako nina Moi at Bel.
“Bilis! Kailangan mo ng maging pinuno bago ka pa nila makuha at mapatay!”
“Insan, buhay kitang sinamahan dito kaya dapat buhay din tayong uuwi kay Lola Maria!”
Nang mga oras na iyon, ramdam ko ng hindi magiging madali ang pagliligtas ko kina Rome at Gabi pero para sa kanila, kakayanin ko maging pinuno ng purgatoryo. Hintayin ninyo sana ako!
Date Posted: July 11, 2022
Time check, it’s 04:30 AM. A very long update because why not? Also, how are you guys doing? I hope you are all safe and happy. If not, you can talk to me. I’m up for listening to your queries and thoughts that you can’t tell your friends or family. Anyway, until next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 22: ENTHRONEMENT
“Nandito na tayo.” saad ni Bel. Hudyat para mapahinto kami sa pagtakbo namin.
“Huh? Saan dito?” takang tanong ni Moi kaya inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Duon ko lang naramdaman ang mabigat na pakiramdam sa kinatatayuan namin.
Patay ang mga puno. Tanging tangkay lang ang meron at walang mga dahon o bunga. Tuyot at nagtataasan. Madilim ang kalangitan. Animo’y may nagbabadyang malakas na bagyo pero ang hangin ay kalmado, may bahid lamang ng masangsang na amoy - dugo. Nagbabaga ang kalupaan ngunit imbis na kulay apoy na gaya ng sa lava ay kulang puti ito na nakakasilaw. Isang malakas na kulog ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Nasundan ito ng ingay ng mga nagsisigawan - distress voices na samu’t-sari - iyak ng bata, sumisigaw sa galit, sigaw ng pagmamakaawa at marami pang iba sapat para mapaluhod ako at takpan ang tenga ko. Anong nangyayari? Hindi ko namalayan na napaluhod ako at napahawak sa puting likidong mala lava at imbis na init ay lamog, napaka lamig na para bang higit pa sa lamig ng freezer ang pakiramdam at duon nakita ko ang nakaka awang imahe na ni sa hinagap ko ay hindi ko inakalang makikita ko gamit ang sarili kong mga mata. Nakakapanghina ngunit nakakagalit. Bakit wala? Walang tumtulong sa kanila? Bakit? Bakit nila iyon nagawa? Sa isang inosente? Teka, hindi. Hindi pala. Pero bakit?
“Bel! Anong nangyayari sa pinsan ko? Tulungan mo siya! Patigilin mo! Please!” dinig ko ang boses ni Moi pero para itong nakahinang volume dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ang alam ko lang natataranta siya at natatakot. Kita ko din ang awa sa kanyang mukha. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ba nila nakikita o naririnig ang naririnig ko? Ang sakit! Para nitong sinasagad ang pakiramdam na meron ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Bakit wala siyang ginagawa para tulungan ako? Bakit panay lang sila paguusap?
“B-Bel! Ang mga mata ni Lex!”
“Oras na para ilipat sa kanya ang pamumuno. Ang siyang tunay na itinakda bg purgatoryo at hindi ako.”
“Itutuloy mo pa rin? Bel naman! Tignan mo si Lex! Para na siyang sinasaniban! Halos wala ng puti sa mata niya! At. . At ’yung ugat niya! Bakit nagkukulay itim? ’Yug buhok niya unti-unting pumuputi!”
“Moi! Makinig ka sa akin. Kapag hindi natin itinuloy ang pagkorona sa kanya, mamamatay ang katawang tao at kaluluwa niya. Nagsisimula na ang seremoñas. Kapag naabutan tayo ng mga demonyo o ng mga anghel at hindi pa rin siya nakokoronahan, mamatay siya. Gusto mo bang mamatay ang pinsan mo?”
“H-Hindi! Pero ayaw ko ring makitang nahihirapan siya!”
“Parte iyon ng pagtanggap niya bilang hinirang. Ngayon, basahin mo lahat ng nakasulat sa librong iyon. Kahit anong mangyari, sa atin, sa iyo at lalo ba kay Lex habang binabasa mo ang librong iyan, huwag na huwag kang titigil.”
“B-Bakit?”
“Huwag kang titigil.”
Nakita kong lumuhod si Bel sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat ko. Napasigaw ako ng unti-unti nagiiba ang anyo niya hanggang sa naging si Ryan ito. Nakangisi siya sa akin at laking gulat ko ng nasa luob na ako ng bahay nila. Paano ako napunta dito? Hindi! Hindi ito totoo! Kailangan kong makaalis dito! Pinilit kong gumalaw pero hindi ko makagawa. Para ang nakakadena. Tinignan ko ang katawan ko at nakita kong napapalibutan ako ng mga ahas. Sa takot ko ay nagsisisigaw ako ngunit nakangisi lang si Ryan at sinimulang halik-halikan ang leeg ko. Nagpupumiglas ako hanggang sa magawa ko itong sipain na nagpatigil sa ginagawa niya ngunit halos manlamig ang sistema ko ng naging si Tito iyan.
Sisigaw sana ako ngunit naramdaman ko ang labi ni Tito na siyang nagpatigil sa akin sa pagsigaw. I feel so violated! Naluluha ako habang nararamdaman ko ang paggalaw niya sa akin and in the corner of my eye, I saw nakita ko si Lolo na nasa gilid at nakatingin lang sa amin na may ngisi sa kanyang labi and for some reason hindi ko alam bakit nakikita ko si Moi na nasa kwarto ko at nakahiga, nakatitig sa kisame habang si Lola nasa ibaba at naka upo lamang habang si Aling Maria ay kasamang naglalakad palayo ng bahay sina Gabi at Rome.
Teka, anong nangyayari? Wala man lang ba sa kanila ang aakyat dito para tulungan ako? Alam ba nila na nangyayari ito? Bakit wala silang ginagawa? Bakit hindi ako tinutulungan ni Moi? O di kaya nina Gabi at Rome? Akala ko ba nand’yan sila para sa akin kapag kailangan ko sila?
Ng sa wakas nagawa ko ng makasigaw, naramdaman ko ang malakas na pagyanig ng paligid. Gumuguho ang bahay at bigla akong natauhan at nangamba. Ayaw ko pang mamatay! Kailangan ko silang iligtas! Sila Lolo, Tito, Moi, Lola! Pati na rin sina Gabi, Rome at Aling Maria! Ngunit laking gulat ko ng pagbangon ko mula sa pagkakahiga ay nasa ibang lugar na ako at narinig ko ang pag iyak ng mga bata at ang magulang nila na yakap sila ng mahigpit. Nang mapagtanto ko, nasa isang gera ako. Muli akong namuhi sa sitwasyon ngunit bago pa ako lukubin ng sama ng luob, muling nagbago ang senaryo at napunta naman ako sa isang bahay ampunan.
Makailang ulit na nagbago ang senaryo na nakikita at ganuon din ang emosyon ko hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang tama o mali sa mga nakikita ko na kung saan naramdaman kong unti-unti akong nagiging manhid. Ni hindi ko na nga namalayan na natuyo na ang luha ko at pakiramdam ko nakakainis ang mga mortal. Sila ang may kasalanan ng mga bagay na nangyayari sa kanila at kasalanan din nila kung bakit hindi sila lumalaban para sa sarili nila. Kung gumawa lang sila ng paran para pigilan iyon ngunit sa kalagitnaan ng pagkamuhi ko, bigla kong naalala si Moi. ’Yung iyak ni Moi ng gabing natuklasan ko ang matagal niya ng tinatagong paghihinagpis. ’Yung magkahalong kalungkutan at pananabik sa mga mata ni Aling Maria at ang naging pag iibigan nina Rome at Gabi.
Napangiti ako. Tama. Hindi nila kasalanan. Wala silang kasalanan dahil may kanya-kanya silang rason kaya nila nagawa ang mga bagay na iyon. Mabuti man o hindi ang epekto, parte iyon ng kanilang pagiging tao na hindi ng kahit na sino man agad na husgahan.
Sa kalagitnaan ng pagtanto ko sa mga bagay-bagay ay bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit na parang hinuhugot ang buto ko sa likod kaya napasigaw ako at napaluhod. Napakapit sa ano mang pwedeng kapitan. Para akong pinepenetensya bago mamatay.
Akala ko mamamatay ako na nakararamdam ng matinding sakit ng biglang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa akin ng mahigpit at bigla akong bumalik sa kasalukuyan. Nakita ko si Moi na tuluy-tuloy lang sa pagbasa kahit maging siya may pinagdadaanan habang ginagawa niya iyon.
Sunod akong napatingin kay Bel na parang unti-unting nanghihina at nakahawak sa balikat ko. Sa eksaktong pwesto kung nasaan siya kanina bago ko nakita ang mga bagay-bagay, ngunit ang isang kamay niya ay nakataas na animo may pinapanatili siyang harang sa palibot namin. Harang?
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mala usok na harang ang nakapalibot sa aming tatlo na siyang pumipigil sa pinagsamang mga anghel at demonyo na nagpupumilit makapunta sa kinaruruonan namin. Napalunok ako.
Takot at galit ang nararamdaman ko. Takot hindi para sa akin kundi para kina Bel at Moi sa kung ano mang maaaring mangyari sa kanila at galit para sa mga anghel at demonyo para sa binabalak nilang gawin. But then again, naalala ko, gaya lang din sila naming tao, may mga emosyon pa rin at kanya-kanyang dahilan para sa kanilang ginagawa at ganuon din ako. Hindi ako papayag na masaktan sina Moi at Bel kaya ano pa man ang isipin nila, gagawin ko ang sa tingin ko ay tama kahit kapalit man nu’n ay magmukha akong masama
Duon ko nasabi sa sarili ko at sa lahat na, Handa na ako sa tungkulin ko.
Isang huling sigaw ang ginawa ko ng maramdaman kong may kung anong nagpayanig sa ulo ko at bumali sa likuran ko and for all I know, ganap na akong itinakda ng purgatoryo.
Date Posted: October 9, 2022
Time check, it’s 12:10 AM. Hi, I’m back since my last update last July. That only means bumalik na ’yung wisyo ko for this story. Two more chapters to go guys since ayaw ko ng paabutin pa ito ng December which marks one year for this story and I hope I’ll give justice sa ending. Anyway, until next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 23: FORGIVENESS
“Apo.” pabulong na sabi ni Aling Maria sa akin pagdating ko sa bahay dala sina Bel at Moi. Tumango lang ako sa kanya at tinitigan siya gamit ang mga mata kong nangungusap. Nagpipigil siya ng iyak niya at ngumiti sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at nagsabing, “Magiingat ka. Hihintayin kita. Hihintayin ko kayong tatlo kasama sina Moi at Bel. Babalik ka ha? Babalik ka sa amin.”
Ngumiti ako sa kanya bago dumukwang upang magmano at agad na umalis. Halos bumabagsak-bagsak at gewang pa ako dahil sa panghihina at hindi kasanayan sa pag gamit ng aking na-acquire na pakpak. Who would have thought right? Pero imbis na magkasungay ako, nagkaruon ako ng simbolo sa nuo ko. Probably some sort od identification that i’m not an ordinary angel or demon.
Pagdating ko sa train station, walang pagdadalawang isip kong unang tinungo ang daan papuntang impyerno. Puno ako ng kaba ng pagbaba ko ng escalator ay sinalubong ako ng mga kagaya ni Rome ngunit hindi gaya niya, mukhang masama talaga ang mga ito lalo na ng makita ang pagdating ko ngunit wala silang ginagawa na kahit ano para masaktan ako. Nakatitig lang sila at isa-isang gumigilid para bigyan ako ng daan patungo sa pinuno nilang naka upo sa trono niya at hinihintay ang pagdating ko. Ngumisi ito ng tuluyan na akong tumayo ilang dipa lang ang layo mula sa kinauupuan niya.
“Satan.” bulong ko.
Ngumiti ito at pumalakpak. Para bang nagagalak sa aking pagdating.
“Ang itinakda ng purgatoryo! Akala ko ay hindi ka totoo! Isang huwad gaya ni. .” sabay turo sa itaas at alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
“May pangalan ako at hindi itinakda ng purgatoryo. Tawagin mo akong Lexel. Paumanhin kung nageexist man ang salitang iyon dito, pwede ko bang malaman nasaan ang bantay ko?”
Kita ko kung paano magulat si Satanas ngunit bumawi sa kanyang pagtawa. Masiyahin pala siya? Bakit sa mga nababasa at napapanuod ko parati siyang galit sa mundo?
“Masyado ka namang nagmamadali. Nagpahanda pa man din ako ng pagdiriwang sa pagdgaing mo.”
“Pasensya na ngunit may hinahabol akong oras at ngayon ay oras para magmadali. Kailangan kong iligtas ang bantay ko.”
Bumuntung-hininga ito bago sumeryoso ang kanyang awra at tumayo sa kanyang kinauupuan para lumakad papunta sa kinatatayuan ko. Napalunok ako.
“At bakit mo ililigtas ang iyong bantay? Hindi naman mabuting bagay ang itinuturo ng mga bata ko sa mga tulad ninyong mortal?” tanong nito habang iniikutan ko. Sinisipat ang kabuuan ko.
“Dahil hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa nagbabantay sa akin gaya ng ginagawa pagbabantay sa akin ni Rome.”
Napakuyom ako ng kamao ko at ilang segundong pinigilan ang aking paghinga sa gulat ng biglang yumanig ang impyerno at binalot ng malakas at mas init na apoy ang lahat ng nanduduon. Umalingawngaw ang hiyaw ng mga demonyo dahil kahit demonyo na sila, ramdam nila ang lakas ni Satanas.
“Kung ganuon nabigo sa tungkulin ang isa sa mga bata ko kung nagawa niyang protektahan ka. Hindi siya karapat-dapat na maging ka-isa ng impyerno! Ang dapat sa kanya ay mama-!”
Bago niya pa gawin ang kanyang balak ay agad kong hinawakan ang kaliwang kamay niya na may kung anong itim na usok, marahil ay mahika ang palabas na.
“Subukan mong gawin ang nais mo, Satanas ako mismo ang papatay sa iyo gamit ang mga kamay ko na hindi nagawa ni Hesus.” nag iigting ang mga panga kong sabi at muling yumanig ang impyerno. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng kakayahan ko o dahil binanggit ko ang pangalan ni Hesus na siyang kinamumuhian ni Satanas.
Dinig ko ang malalim at nanginginig na paghinga ni Satanas. Malamang dahil tinitimpi nito ang kanyang sarili.
“Hindi dito nagtatapos ito, Lexel.” saad nito but more like a warning ngunit hindi ko na ito pinansin pa sa saya ng ituro nito kung nasaan si Rome. Of course, napangiti din ako dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.
“Rome!” malakas kong tawag dito ng makita ko ito na nasa luob ng isang bolang apoy at mukhang nanghihina na. Marahil dito siya pinarusahan ni Satanas dahil sa kanyang nagawa. Winasak ko ito gamit ang mga kamay ko at agad siyang sinalo bago pa siya matumba.
“Bata.” nakuha pa rin nitong ngumiti kahit na nanghihina siya at guluhin ang buhok ko, “Anong ginagawa mo dito? Patay ka na ba? Bakit naman dito ka napunta? Bakit hindi duon kay anghel ko? Hindi ka ba niya kinuha? Aish! Iyon talagang isang iyon! Kukutusan ko iyon sa oras na maki—!” hindi ko na hinayaan pang ituloy ni Rome ang mga gusto niyang sabihin dahil mahigpit ko siyang niyakap bago ako tuluyang umiyak sa kanya na parang bata. Duon niya lang din napagtanto na may pakpak na ako ngunit hindi gaya ng kanya o ng kay Gabi.
“Tama na. . Huwag mo na akong tawaging bata. . Alam ko kung gaano kasakit sa iyo at gaano ka nalulungkot para tawagin ako sa palayaw na iyon kahit ang totoo ang ibig sabihin ng pagtawag mo sa akin ng bata ay anak . Huwag ka ng magpanggap na hindi mo alam, na wala kang ala-ala dahil ang totoo, pinilit mong hindi kami kalimutan kahit na naging demonyo ka, Papa! “
Oo, nakita ko ang katotohanan iyon ngayun-ngayon lang ng sirain ko ang harang na apoy na gawa ni Satanas. Hindi ko alam kung bakit at para saan iyon, kung parte iyon ng parusa para sa demonyong nasa luob pero anu’t-ano pa man, magulang ko si Rome. Alam kong ginawa lang niya ang kung anong sa tingin niya ay tama at ikabubuti namin kahit na magsinungaling siya at masaktan sa sarili niyang desisyon.
Dama ko ang pag ngiti niya ng yakapin niya ako pabalik at ang pagtulo ng luha niya.
“Akalain mo nga naman, akala ko hindi ako mabibisto iyon pala sariling anak ko ang makakahuli sa kalokohan ko. Minus ten para sa akin.” natatawang sabi nito.
“Minus ten pero pwede kong bawiin kung tatayo na tayo para babawiin si Papa kay. .” ginaya ko yung pagsenyas na ginawa ni Satanas kanina kaya natawa sa akin si Rome.
Kumalas kami sa pagyayakapan namin at segundo lang ang lumipas at umayos na agad ang kalagayan ni Rome at ibinuka nito ang kanyang pakpak. Napangiti ako. This demon, my father, never fails to amaze me and I’m grateful I’m his son.
Pag ascend namin pabalik sa train station ni Rome ay nag aya pa ito na kumain muna kami dahil mukha na daw akong batang walang laban kaya ayun sinamaan ko ng tingin at walang pakundangan hinatak pa-escalator pa itaas kaya na panay ang bulong nito na gutom na daw siya. Tsk, seriously? Buti nakayanan ni Gabi itong si Rome nuong mga mortal pa sila sa pagiging isip bata niya? Tsk, tsk.
“Rome.” bulong ko ng agad kaming harangin ng mga anghel sa langit. Taliwas sa ginawa ng mga demonyo sa akin kanina ng nasa impyerno ako ngunit ang mga emosyon nila ay kagaya lang ng kanina. Hindi ako o si Rome welcome dito.
“Akong bahala sa iyo, bata. Subukan lang nila hawakan ano mang parte ng balat mo, susunugin ko sila.” banta nito habang nauunang maglakad sa akin na siyang sinusundan ko naman. Kumbaga para ko siyang shield sa mga anghel.
“Umalis kayo dito! Hindi kayo nararapat sa lugar na ito!” sigaw ng isa sa mga anghel sa hindi kalayuan.
Napabuntung-hininga na lamang ako habang sinusundan sa paglalakad si Rome kaso nagulat ako ng biglang napasinghap ang mga anghel at pagtingin ko, ayun. Naka middle finger pala siya duon sa direksyon ng sumigaw na anghel kanina. Napailing ako at agad na hinatak pababa ang kamay niyang nakataas.
“Rome!” inis kong sita sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Pasaway talaga. Buti nalang hindi ako nagmana sa kanya, or so I thought?
“Ah! Maligayang pagdating, itinakda ng purgatoryo!” masayang bati sa amin ni Hesus.
Yumuko ako at dinamay ko sa pagyuko ko si Rome kahit na labag sa kanyang kaluoban ang ginawa namin.
“Tawagin mo nalang akong Lexel, Hesus.” tugon ko.
“Lexel.” nakangiting sabi nito bago nalipat ang tingin niya kay Rome at umiba ang ekspresyon nito, “At bakit kasama mo ang demonyong ito? Hindi pinapatuloy ang gaya niya sa aking kaharian.”
Napabuntung-hininga ako. Heto na naman po tayo.
“Bantay ko siya kaya respetuhin ninyo ang pagsama niya sa akin bilang aking bantay at hindi bilang isang demonyo. Hindi naman siguro maituturing na kasalanan ang maging bukas ang isipan, hindi ba, Hesus?”
Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga anghel na nanduduon ngunit hindi ko iyon pinansin dahil valid naman ang argument ko. Kahit sino pa ang nasa harap ko, kung hindi nito rerespetuhin ang kasama ko ay handa akong mag asal demonyo maipakita ko lang ang point ko.
“Kung ganuon, maiintindihan mo rin kung kasama kitang papaalisin ng langit ng iyong bantay.” saad nito at ikinumpas ang kamay papunta sa direksyon namin, “Hindi ko tinatanggap ang mga makasalaban sa lugar na banal.”
Isang malakas na hangin, na para bang sa ipu-ipo ang tumama sa amin ni Rome. Agad na napaluhod si Rome at halos kapusin sa kanyang paghinha habang nagbabadya ng matangay palabas ng tarangkahan ngunit hindi ako papayag.
Iniharang ko ang sarili ko sa kanya at ibinuka ang aking mga pakpak habang diretsong nakatingin kay Hesus.
“Kung ganuon, wala ka din palang pinagkaiba kay Satanas. Mataas din pala ang baitang sa iyong hagdan. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinailangan ng gaya ko.” napangisi ako ng marinig ko ang malakas na pagkulog. Isa lang ang ibig sabihin nito, galit ito at ayaw ding naikukumpara siya sa isa.
“Kailangan mong maintindihan na hindi lahat ng tama ay tama. Hindi lagi. Hindi din sa mga oras na ito!”
Ipinagaspas ko ang aking pakpak upang ibalik sa kanila ang ipu-ipong tumama sa amin ni Rome na siyang unti-unti ng tumatayo ngayon.
“Hiling kong hindi pagkakamali ang naging pag silang sa iyo.” dinig kong sabi nito ng nilagpasan ko siya para puntahan ang kinaruruonan ni Gabi na siyang nakahiga sa isa sa mga ulap at tulog.
“Kailan man, hindi pagkakamali ang pagmamahal sa kapwa mong nilikha. Ang naging pagkakamali lang ay gumawa ng batas ang mga tao tungkol dito na siyang pinanindigan na ring tama kahit na alam naman nating. . alam mo na. .” kibit-balikat kong sabi at tinitigan siya gamit ang mga nangungusao kong mata.
“Anghel ko!”
Tumatakbo akong sumunod sa kinaruruonan nina Gabi at Rome at kita ko ang pag aalala ko sa mga mata ni Rome habang hinahaplos nito ang mukha ng natutulog na si Gabi.
“Rome?” kinakabahan kong tanong.
Luha ang nakuha kong tugon mula sa kanya at halos maestatwa ako at manlamig ang katawan ko ng marealize ko kung bakit siya umiiyak. Hindi! Hindi!
“G-Gabi? Gabi! Gabi!” tawag ko habang pisil-pisil ang kaliwang kamay niya ngunit wala. Hindi ito tumutugon kaya inilapat ko ang daliri ko sa kanyang leeg at ganuon din sa pulsuhan. Merong heart beat pero bakit hindi siya tumutugon?
Agad kong nilingon si Hesus.
“Anong ginawa mo sa bantay ko? Kay Gabi? Anong ginawa mo sa kanya?” sigaw ko, hindi ko na pinansin pa ang naging pagyanig ng kalangitan.
“Siya ang may kagustuhan na gawin iyan upang pagsisihan ang kanyang nagawang kasalanan kesa maipatapon sa impyerno.”
Nahigit ko ang aking pahinga. Pinigilan ako ni Rome sa nais ko ngunit inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin at lumakad palapit kay Hesus ngunit agad siyang hinarangan ng mga anghel at para makalapit ako sa nais ko ay itinaas ko ang kamay ko at pagbaba ko nito, napaluhod ang mga anghel.
“Kagustuhan o pinagdiinan? Anong kasalanan ang sinasabi mo? Galing sa iyo? Sa bibig mo mismo? Kung talaga ngang mabuti ang lahat ng nandito, bakit hindi sila maaaring maging malaya sa kanilang nais gawin? Gaano ka nakasisiguro na lahat ng gagawin nila o mo ay mabuti? Pinaniwalaan ka ni Gabi ng siya ay mortal pa na ikaw ay nakakaintindi at handang magpatawad ano mang kamalian ang nagawa ngunit ano ito? Kamalian ang magmahal? Ang iligtas ang minamahal? Kailangang unahin ng mga anghel ang kapakanan nila bago ang sa binabantayan nila? Para sa akin kasalanan ang maging sakim, maging manipula at higit sa lahat, mamamatay ng kaluluwa.” nag iigting ang panga kong sabi, mabigat ang bawat paghinga habang umiiyak dahil hindi ko nailigtas ang dalawa sa bantay ko.
Kita ko kung paano mag iba ang emosyon sa mga mata nito at bago pa ako muli o si Hesus makapagsalita ay narinig namin si Rome na kumakanta.
Kumakanta siya ng Happy Birthday.
Anong. .? Anong kalokohan ang pumasok sa isip niya para kantahin iyan sa kalagitnaan ng. .?!
“Anghel ko, gumising ka na. . Malapit ng mag birthday ’yung bata natin. . Naalala mo ba? Sabi mo nuon sa akin kapag naisilang mo na siya, tuwing birthday niya, iyon ang pinaka magiging masayang araw mo, natin, dahil binigyan tayo ng isang himala. . Di ba? Gusto mo siyang kantahan nu’n? Naalala mo ’yung birthday niya last year? Hindi ka kumanta nu’n kahit na gustung-gusto mo na kasi umiiyak ka sa hindi mo malaman na dahilan. . Alam ko masakit sa iyo ng iwan natin siya kaya pinaalis mo ang mga ala-ala mo, pero alam ko, unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala mo habang tumatagal na nakakasama natin ’yung bata natin. . Kaya sige na. . Gumising ka na para makantahan mo siya ng happy birthday. . Di ba? Hiling mo iyon. Hiling ko din iyon eh. . Sige na. .” umiiyak na pagsusumamo ni Rome habang nakaluhod at yakap-yakap ang natutulog na si Gabi.
Hindi ko namalayan na napaluhod na rin ako at humahagulhol sa pwesto ko.
I feel like a lost child habang wala akong magawa sa sitwasyon ng magulang ko na siyang mga bantay ko.
“Mukhang tama ka, Lexel. Minsan may mga desisyon na mali kahit na sa tingin ko ay iyon ang tama. Nararapat ngang ikaw ang tinakda ng purgatoryo.” dinig kong saad ni Hesus at tinapik ako sa balikat.
Lumakad siya sa kinaruruonan nina Gabi at Rome at pipigilan ko na sana siya kaso ng makita kong tinapik din nito ang balikat ni Rome at hinaplos ang nuo ni Gabi at nakahinga ako ng maluwag lalo pa ng muli itong humarap sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.
“Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, bata.” makahulugan nitong sabi bago lumakad paalis kasama ang mga angel.
Duon lang ako natauhan ng marinig ko ang masayang pagtawag ni Rome kay Gabi. Pagtingin ko umiiyak si Gabi na nakayakap kay Rome at humihingi ng sorry habang ’yung isa patawa-tawa lang at sinisimulan ng asarin si Gabi.
Sabay silang napatingin sa akin.
“Bata.”
“Lexel.”
Napangiti ako habang umiiyak.
“Na-miss ko kayo, Gabi! Rome! Huwag ninyo na akong iwan ulit!” saad ko habang tumatakbo papunta sa direksyon nila at walang pagdadalawang isip na sinalubong sila ng mahigpit na yakap.
It feels nice to be between them again.
Masaya na sana kaso muling naudlot ng may maramdaman akong hindi maganda at maalala ko sila Aling Maria.
“Sila Moi!” sigaw ko dahilan para dali-dali kaming umalis ng langit para puntahan sila Moi. Paglabas ng train station ay laking pasalamat ko ng anyong tao na ako. Binilisan ko ang pagtakbo ko not minding kung nauuna ako kina Rome at Gabi dahil alam kong either mauuna sila dahil may mga pakpak sila or sadyang naiintindihan nila ako kung bakit ganito ako ngayon.
“Aling Maria! Moi! Bel!” sigaw ko ng makita kong nagkakagulo sila dahil nanduon sila Lolo, Tito, Lola at mga pulis, “Anong nangyayari?”
May mga usisero na rin sa labas ng bahay dahil sa nangyayari.
“Iuuwi na namin kayo. Alam naming bine-brainwash lang kayo ng matandang iyan! Ano man ang sinabi niya sa inyo ay hindi totoo! Apo, umuwi na kayo sa amin! Masamang tao iyang sinasamahan ninyo ng pinsan mo!” pekeng pagda-drama ni Lolo habang hinahatak si Moi papunta sa panig nila na siyang hindi hinahayaang mangyari nina Aling Maria at Bel. Umiiyak at nanginginig na rin sa takot si Moi dahil mukhang nasa panig nila ang mga pulis.
“Hindi kami uuwi! Walang babalik na apo sa bahay ninyo! Huwag kayong magpanggap na apo ang turing ninyo sa amin dahil kahit kailan, hindi ko o ni Moi naramdaman iyon sa inyo! Hindi! Pinalaki ninyo kami sa kasinungalingan!” sigaw ko habang matalim at palipat-lipat na tinitignan sina Lolo at Tito.
“A-Apo. . Ano bang sinasabi mo?” nagaalalang tanong ni Lola.
Napangiti ako ng mapait, “Alam ninyo ang sinabi ko. Alam ninyo kaya huwag kayong magpanggap at huwag ninyong pagtakpan! Si Tito. .”
Pasimula palang ako sa balak kong sabihin ng makita kong aambahan na ako agad ni Lolo kung hindi lang siya pinigil ni Lola samantalang si Tito sumigaw agad na walang katotohanan ang mga sasabihin ko at na brainwash lang ako at nasaniban ng masamang espirito. Napangisi ako.
“Nakakahiya ka sa anak mo, Tito! Nakakasuka! Hindi ka ba nahihiya na ganyan ang lumalabas sa bibig mo bilang isang pari na may dalawang anak at nasa harapan mo ngayon?”
“D-Dalawa?” dinig kong tanong ni Moi.
Sinulyapan ko sina Bel at Moi at nagkatinginan din silang dalawa bago nanlaki ang mga mata ni Bel.
“P-Paano mo. .”
“Hindi na mahalaga paano ko nalaman, ang importante, hindi ka na mag-isa dahil kasama mo na ang kapatid mo sa ama.” saad ko at tumingin muli kay Moi at duon napagtanto ng pinsan ko ang tinutukoy ko at halata ang pagkabigla sa kanya dahilan para sa sobrang galit at nagwawala siyang sinugod si Tito at saktan ito.
“Hayop ka! Napaka sama mo! Hindi kita mapapatawad! Hindi! Paano mo iyon nagawa sa akin?!” humahagulhol na tanong ni Moi habang si Tito nakatulala nalang sa kinatatayuan.
At oo, magkapatid sa ama sina Bel at Moi. Nakita ko iyo. bilang parte ng mga senaryong pinapakita sa akin sa pagtanggap ko ng tungkulin ko bilang pinuno ng purgatoryo. Kaya nga lang si Bel, namatay siya habang nasa sinapupunan siya ng kanyang ina na nagpakamatay dahil sa labis na sakit na hindi siya kayang panagutan ni Tito.
“Ikaw! Demonyo ka talagang bata ka!” susugurin na sana ako ni Lolo ng biglang may humarang sa kanya. Nakita ko nalang na napa atras ito sa gulat at takot.
“G-Ga. . Anak. .” usal ni Lola na naluha sa saya na makita ulit ang anak niya.
“Hi, Ma. Hi, Pa. Kamusta?” ang tanging naging tugon ni Gabi sa kanila habang nasa tabi nito si Rome at naka akbay sa kanya.
Nilingon kami nito at kita ko kung paano naiyak sa pananabik si Aling Maria.
“Pa, tama na. Masyado ng maraming nasasaktan. Huwag kayong mag alala. Napatawad ko na kayo, lalo ka na Pa.”
“Tumigil na po kayo habang hindi pa huli ang lahat. Makinig sana kayo sa anak ninyo.” dagdag ni Rome.
At duon, tuluyan ng napaluhod si Lolo at napahagulhol. Marahil ay napagtanto niya na ang mga kamalian na nagawa niya kagaya ni Tito samantalang si Lola, kita sa kanya ang walang hanggang pasasalamat na sa kabila ng lahat ay nagawa pa rin silang patawarin nina Rome at Gabi.
Pero ako? Ni Moi? Hindi namin alam kailan namin sila mapapatawad. Siguro hindi pa ngayon pero darating din ang araw, mapapatawad namin sila gaya ng anghel at demonyong bantay ko.
Date Posted: October 9, 2022
Time check, it’s 01:45 AM. And yes, there you have it. Another update. Nag enjoy ba kayo sa plot twist or ako lang? Any thoughts? Anyway, until next update!
Stay lunatic! Stay weird!
UNDER THEIR INFLUENCE 24: ACCEPTANCE
“I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well. Psalm 139:14.” pagbasa ni Bel sa hawak niyang bibliya. Pasimple akong ngumiti sa pwesto ko at nilibot ang tingin ko sa luob ng simbahan.
Akalain mo nga naman, ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay isa ako sa mga sakristan na nakaupo sa gilid nitong simbahan ngayon isa na akong pari. Hinanap ng mga mata ko ang mga mukhang kanina ko pa gustong makita. Paano ba naman, ngayon ang huling gabi ng simbang gabi kaya naman dagsa ang mga tao suot ang mga damit nilang magaganda para ipa bless sa simbahan pero karamihan sa mga nandito na kabataan ay nandito lang para irampa ang sarili at suot nila at hindi para makinig sa homiliya dahil abala sila sa chismisan nila o pagpapapansin sa mga crush nila. Hay, mga kabataan talaga.
Napangiti ako ng sa wakas nakita ko ang kanina ko pa hinanap. Duon nakaupo sa bandang likod ang mga magulang ko kasama si Lola Maria at Moi na isa ng ganap na lawyer. Pinagdasal ko talaga na makapasa siya at masaya akong dininig ng langit ang aking panalangin.
Siguro palaisipan sa inyo ngayon kung naka anyong anghel at demonyo ba sina Rome at Gabi, kaya ako na ang magsasabing hindi. Naka anyong tao sila at nakikinig sa homiliya. Well, more like si Gabi, paano ba naman si Rome nakalimutan yatang naka anyong tao siya at may inaasar na bata dahilan para. .
. . Umalingawngaw ang isang malakas na iyak ng bata mula sa likuran kaya ang karamihan ay napatingin sa pinagmulan ng ingay. Agad na napatingin sa akin si Bel at bakit parang kasalanan ko kung makatingin siya sa akin? Ang layo ko kaya kila Rome! Nagkibit balikat nalang ako samantalang pasimple siyang nag eye roll sa akin at bumalik sa pagbabasa ng bibliya na siyang tinutugon ng mga nandito ngayon sa simbahan.
Muli kong binalik ang tingin ko sa likuran at nakita ko ang nakangiwing ekspresyon ni Rome dahil pinipingot lang naman ni Gabi ang tenga niya samantalang si Lola Maria naman, ayun sinesermunan siya habang si Moi naka thumbs up sa akin na nagpipigil ng tawa.
Sa ngayon masasabi kong mas okay na ang buhay ko mula ng lumipat kami ni Moi sa puder ni Lola Maria at umalis sa City para ipagpatuloy ang buhay dito sa Gray Stone. Itinuring niya si Moi na parang tunay niyang apo at tinulungan namin siya sa kanyang bakery hanggang sa makapagtapos kami parehas ng college. Nakakatuwa nga dahil himalang naitawid namin pare-parehas ang pagaaral namin sa kolehiyo siguro dahil na rin sa nagtutulungan kami at nand’yan yung paminsan na pag raket nina Rome at Gabu kapag naka anyong tao sila. Opisyal ding naging pinsan ko na si Bel dahil technically magkapatid sina Bel at Moi sa ama and sobrang okay din ng bond na meron sila gaya ng sa amin ni Moi ng kami palang nuon na dalawa. Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong hindi na tinuloy ni Bel ang pagaaral sa kolehiyo dahil technically speaking hindi naman niya kailangan nu’n dahil bukod sa wala naman talaga sa registry ng mga mortal ay may source of income naman siya at hindi lang simpleng raket, sumusulat siya ng mga fictional stories na siyang pinagkakakitaan niya dahil nakalathala iyon online.
Nag alangan pa nga ng una sina Rome at Gabi ng sabihin ko sa kanila ang kagustuhan kong maging pari at ganuon din si Bel dahil syempre, nagaalala sila na baka mahirapan ako sa mga responsibilidad na naka atas sa akin bilang syempre ako ang namumuno sa purgatoryo katumbas ng posisyon nina Hesus at Satanas na syempre wala naman silang nagawa ng boto sina Moi at Lola Maria sa naging desisyon ko. Malakas yata ang powers ng dalawang iyon. Kaya heto ako at nakaupo ngayon sa harap ng maraming mananampalataya bilang isang pari.
Maniwala man kayo o hindi, ang lugar ng Gray Stone ay hindi lang para sa mga mortal na hindi ‘fit’ sa normal na buhay o sa city kundi pati na rin sa mga ligaw na kaluluwa, napatalsik na anghel sa langit at demonyong nag tuwid ng landas kaya napaalis ng impyerno.
Napangiti ako subalit hindi rin mawawala sa akin ang lungkot. Naalala ko kasi bigla ang kinalakihan kong pamilya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam bakit ko naisipang mag pari o baka alam ko ngunit ayaw ko lang aminin. Naalala ko pa nuon tuwing makikita ko si Tito na nagsusuot ng damit niya bilang pari ay manghang-mangha ako at sobrang taas ng respetong meron ako para sa kanya hanggang sa mangyari ang hindi dapat.
Sa ngayon, nakakulong pa rin sina Tito at Lolo samantalang si Lola naman ay nasa home for the aged. Huli kong balita ay makakalabas na si Lolo sa kulungan dahil sa katandaan nito at ganuon din si Tito dahil sa pagkakaruon nito ng good conduct. Nalaman ko ito mula kay Lola ng minsan namin siyang bisitahin ni Moi matapos ang mga nangyari at umiiyak siyang humingi sa amin ng tawad. Well, napatawad naman na namin sila lalo na si Moi kay Tito, syempre nangyari na eh thou may mga times na bumabalik sa amin ang takot ng nakaraan pero we’re hoping na sana this time ay tuluyan ng napagsisihan nina Lolo at Tito ang mga nagawa nila. Inalok pa nga namin si Lola na sa amin nalang tumuloy kaso tumanggi siya at sinabing oras naman namin para maranasan ang tahimik at masayang buhay para sa ikapapayapa namin mula sa nakaraan.
Si Moi, well, pasado na siya ng bar exam gaya nga ng nasabi ko kanina at balak niyang magtrabaho sa private firm sa City pagkatapos kapag nakaipon na siya balak niyang pagandahin ang bahay namin dito sa Gray Stone at magsponsor din dito sa simbahan. Wala kasi siyang balak na bumuo ng sarili niyang pamilya o mag asawa. Ayos na daw siya sa fling-fling lang at maging single, successful gay. Minsan biniro ko siya na baka gusto niyang sumunod sa yapak ko kaso natawa lang siya at nagbiro na baka pagsuot palang niya sa holy dress ng mga pari ay masunog na agad siya at mapunta sa impyerno.
At si Bel? Ewan ko dito at anong trip at kahit saan ako naruon sinusundan ako. Takot na takot yatang bigla kong lisanin ang posisyon ko at ibalik iyon sa kanya. As if naman eh baka sermunan ako ng walang humpay ni Moi kapag ginawa ko iyon. Iniisip ko pa nga lang, natatakot na akong gawin.
Narinig ko na ang hudyat na kailangan ko ng tumayo at magbigay homiliya kaya agad akong tumalima at ginawa ang aking responsibilidad bilang pari.
Ang tagal ko din nagtalk at medyo napagod ako duon. Sana naman nakinig yung mga nasa likuran lalo na si Rome baka mamaya nagbabalak na naman magpaiyak ng kung sinong batang malapit sa pwesto nila.
Bumaba na ako ng stage para magpakain ng ostya sa mga mananampalataya at hindi ko maitago ang gulat sa aking mukha ng makita ko si Rona at Ryan na may kargang baby at magkasunod sa pila. Napangiti ako. Aba, akalain mo nga naman, sila ang nagkatuluyan. Sana naman tumino na ang dalawang ito.
“Lex!” nakangiting bati sa akin ni Rona.
“Father Lex po.” nakangiti kong tugon at kumuha ng isang ostya sa lagayan, “Katawan ni Kristo.”
“Amen.” tugon nito at isinubo ko ang ostya sa bibig niya.
“Kamusta?” nakangiti namang tanong sa akin ni Ryan.
“Ito ayos lang, good boy pa rin. Sana ikaw din lalo pa’t may anak ka na.” saad ko at muling kumuha ng ostya sa lagayan, “Katawan ni Kristo.”
“Amen.” tugon nito at isinubo ko ang ostya sa bibig niya, “Kailan lang kami lumipat dito pero mukhang mapapadalas ang simba namin ni Rona nito dahil ikaw pala ang pari dito sa simbahan.”
“Aba, magandang balita iyan.”
Pagkaalis nila ay itinuloy ko ang pamamahagi ng ostya sa mga nakapila hanggang sa nasa harapan ko na sila Moi. Seryoso sila Moi at Lola Maria samantalang ’yung sumunod sa kanila, hay. Ano pa nga ba?
“Bata, dagdagan mo ng isa. Nagugutom na ako eh. Itong si anghel ko ayaw pa ako payagan na kumain saglit sa labas.” bulong nito sa akin habang nakalahad ang dalawa niyang kamay. Hay naku, napaka pilyo talaga.
Napatingin si Gabi sa akin at pasimpleng kinurot si Rome.
“Ano na naman iyang kalokohang pinapagawa mo kay Lex? Hala, bilisan mo na d’yan! Madami pang naghihintay sa likuran natin.” bulong nitong sita kaya napanguso si Rome at nag puppy eyes sa akin. Napabuntung-hininga ako.
“Katawan ni Kristo.” inayos ko ang patong ng dalawang ostya at inabot iyon sa nakalahad na palad ni Rome. Halos magbunyi naman ’yung isa at muntikan pang makalimutan ang tugon niya dahil agad niya itong sinubo.
“Rome!” pinanlakihan siya ng mata ni Gabi at kahit ngumunguya pa ay tumugon din siya.
“Amen!”
Nailing nalang si Gabi ng makalayo sa amin si Rome.
“Katawan ni Kristo.” at kunuha ng ostya sa lalagyan.
“Nakita ko ’yung kalokohan ninyong dalawa ha! Amen!” sermon niya bago tumugon at nag sign of the cross bago muling bumalik sa pwesto nila sa likod.
Matapos ang misa ay lumapit ang pamilya ko sa harapan. Nagkukumahog ang karamihan na makalabas na ng simbahan para mag celebrate ng Noche Buena at ’yung iba naman para kumain ng street foods na naka abang malapit sa simbahan, at yung iba heto, nagmamano sa akin. Nakakatuwa lang para akong matanda na talaga na minamanuhan.
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na tugtog malapit sa simbahan.
That she wrote, Speech to the Young: Speech to the Progress Toward
Say to them, say to the down-keepers, the sun-slappers
The self-soilers, the harmony-hushers
Even if you are not ready for the day, it cannot always be nigh t
“Ay jusko po.” nailing nalang na sabi ni Lola Maria habang si Moi napakamot sa ulo niya at nabanggit na narinig niya na ang kantang iyon sa isang media app.
“Hay, kung ako lang ang anghel ng luko-loko na iyan auto minus points na iyan sa langit.” nakangusong saad ni Gabi samantalang si Rome naman, ayun. Fine-feel ang beat ng tugtog.
“Tara na?” aya ni Rome.
“Tara na.” tugon ko.
Serve, flex, I do work (work), six, I’m like Mike
He’s out of sight, woo, you done got me piped
Two-man like Ike, six out the spot (uh, uh)
Into the night
“Woah!” dinig kong saad ng isang batang namimilog ang mga mata sa amin ng pamilya ko na naglalakad palabas ng simbahan. Napatingin tuloy ako sa ibang nanduduon pero parang hindi nila makita ang gaya sa nakikita ng batang ito kaya agad kong nilingon ang tinitignan niya and there, I saw the invisible wings of Rome and Gabi spreading widely and proudly kaya syempre, papatalo ba ako.
I spread my glorious silver wings and I know the crescent symbol on my forehead is shining proudly as it should.
Yeah, I’m shaking the drop (drop)
I’m still up on top (aight)
I been had the bop (ooh-ooh)
The devil my opp, can’t pay me to stop (It’s lit)
My God at the top (La Flame)
Napangisi ako ng marinig ko ang sita ni Gabi.
“Mana ka talaga kay Rome. Ang hilig magpasikat.”
“Of course, Like father, like son.”
“Excuse me, like Us , like son.” pagco-correct ni Gabi and the three of us shared a knowing smile.
I couldn’t ask for more.
Date Ended: October 9, 2022 at 02:00 AM
Surprise! Ito na po ang ending ng #UTI. I hope you find the ending warm and just right. And sorry but not sorry that Praise God was the ending song for the last chapter because I already envisioned long ago kung gaano ka-cool iimagine na tumutugtog ang kantang ito habang palabas silang pamilya sa simbahan with their wings spread open because why not? Also, kung napansin ninyo at kung palasimba kayo, hindi dapat iyan ’yung verse na binasa lalo pa at noche buena but I feel like putting it again just because that verse is really for Lexel.
Anyway, stay weird and lunatic my dear readers! ILYA! Awoo!
UNDER THEIR INFLUENCE (BL)
UNDER THEIR INFLUENCE
written by BRICTORIQUE.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.
FROM THE AUTHOR:
Taos puso ang aking pasasalamat sa mga taong sumubaybay sa kwento nila Rome, Gabi at Lexel. Akalain ninyong inabot ako ng sampung buwan bago ko natapos ang kwentong ito na originally ay Christmas special.
Hindi ko alam pero if the third installment of my Luna Series might have bore you, then I won’t argue. Out of nowhere lang kasi nabuo ang kwentong ito sa isip ko. Tanda ko pa nu’n, nakasakay ako sa MRT papasok sa trabaho ko at nakikinig ako sa saliw ng kantang Circles ni Post Malone then duon na nagspark ’yung idea about sa angels and demons na nasundan pa ng Unchained Melody, Beautiful People at Praise God na siyang isinali ko rin sa kwentong ito dahil ang mga kantang ito ang nagbigay buhay sa kwentong ito.
Kung pakiramdam ninyo naman ay bitin, well, nagsabi naman na ako nuon pa na kasing haba lang ng kwentong ito ang mga naunang installment ng Luna Series pero sana ay kahit papaano nagawa ninyog maappreciate ang kwentong aking nilikha. Ang goal ko lang naman dito ay ilahad ang pantay na pagmamahalan ano man ang kasarian at syempre ang walang katumbas na pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak kaya nga, “Under Their Influence” ang title dahil bawat kilos natin ay impluwensya din ng ating mga magulang sa kung paano nila tayo pinalaki bilang isang tao.
May mga susunod pa akong BXB na ipa-publish this year 2022 so stay tuned.
Fantasy related? Supernatural? Ewan. Basta, love wins! Hahaha!
Hanggang sa muli.
Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.

