loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Unfortunate Hearts Series: Summer

Unfortunate Hearts Series: Summer

misterdisguise · 2 chapters · 2,333 words

Summer

Katapat ko ngayon ang taong matagal ko ng minamahal. May sasabihin kasi siyang importante sa akin. Hindi ko tuloy maitago ang kaba na bumabalot sa aking dibdib. May pakiramdam ako na sasabihin na niya ang tunay niyang nararamdaman.

Sa akin. Sana.

“Summer, may sasabihin sana ako sa ‘yo,” malumanay niyang sabi na lalo pang dumagdag sa tensyon na nararamdaman ko. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko at kapansin-pansin ang sensiridad nito.

Kahit na nasa parke kami, pakiramdam ko ay kami lang ang taong naroroon. Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya. Bilisan mo na. Sabihin mo na ang tatlong salitang iyon na babago sa pananaw ko sa pag-ibig. Please, sabihin mo na, kasama ang pangalan ko. Dahil kung magkataon na alukin mo ako, ‘Oo’ kaagad ang isasagot ko.

“May gusto ako…” Lumunok muna siya bago ulit magsalita.

Napapangiti na kaagad ako kahit hindi ko pa alam ang sasabihin niya. May parte kasi ng utak ko na umaasa na mahal niya ako. Hindi ako assuming , siguro ay may dahilan rin naman kung bakit pwede niya akong mahalin. Matagal-tagal na rin ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan at sana sapat na iyon para tumbasan niya ang pagmamahal ko.

“Kinakabahan ako,” nakangiti niyang sabi pero halata pa rin ang kaba niya.

“Sige lang, sabihin mo na,” nakangiti ko ring sabi.

Hindi na makapaghintay ang puso ko sa tatlong salitang iyon. Gusto kong tumalon, gusto kong magpakasaya kapag nagkataon.

“May gusto ako…”

Sabihin mo na at hindi ako mag-aatubiling sabihin na mahal kita. Hinding-hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo. Mamahalin kita ng sobra-sobra. Matagal kitang hinintay at sana maging worth it ang paghihintay na iyon.

“May gusto ako kay Alice…”

Napayuko ako habang unti-unti ay nadudurog ang puso ko. Tila sinaksak ng ilang beses, paulit-ulit at walang sawa.  Hindi ko magawang magsalita dahil sa sakit. Limang salita pero mas higit pa ang sakit na mararamdaman ng paso sa apoy. Gusto kong magwala, gusto kong tumakbo pero ayaw kong makita niya na mahina ako.

Napawi lahat ng pananabik at ngiti ko. Akala ko ito na ang matagal kong hinihintay na pagkakataon pero ito pala ang papatay sa akin nang dahan-dahan hanggang sa mamanhid na ako sa sakit. Akala ko mananalo na ako sa lotto pero nakalimutan ko, swertihan nga lang pala at iilan lang ang pinapalad na maging masaya.

Napayukom ako ng kamay habang tila gripong umaagos ang mata ko ng luha. “Summer, bakit ka umiiyak?” tanong niya na puno ng pag-aalala.

Pinahid ko ang luha sa mukha ko bago ko muli binalik ang tingin sa kanya. “Wala ito. Masaya lang ako para sa ‘yo dahil tamang babae ang napili mo.” Ngumiti ako para itago ang sakit na nararamdaman ko pero tila traydor ang mga luha ko dahil pinapakita nito na nasasaktan na ako.

“Maraming salamat, Summer. Ang totoo n’yan ay gusto ko sanang magpatulong sa ‘yo na manligaw kay Alice kung ayos lang.”

Kapag napagtripan ka nga naman ng pagkakataon, ako pa ang ginawang tulay. Ito na ‘ata ang pinakamasakit na pagpapakamatay, ang makita na masaya ang taong mahal mo sa iba nang dahil sa ‘yo.

Gusto ko kaagad maka-move on. Gusto ko bumalik sa dating ako, nang wala pa si Mayo. Kung alam ko lang na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat, ‘edi sana may natira pa ako para sa sarili ko. ‘Edi sana okay pa rin ang lahat.

Kaso tumaya ako sa lotto ng pag-ibig at isinugal ko ang lahat, ang buong buhay ko.

Love means happiness. You won’t achieve true happiness if you haven’t experienced pain. Masakit magmahal at mahal magkasakit.

“Ano, tutulungan mo ba ako?”

“O-o,” sagot ko. Hindi na ako nakatanggi. Kung hindi ako makakamove on, kailangan ko na lang siguro maging manhid para at least, bawas ang sakit.

Summer

Lumipas ang isang taon, nagkatuluyan si Mayo at Alice dahil sa tulong ko. Ilang buwan na rin sila nagsasama at mukhang masaya sila.

Sana ako rin, masaya.

Nasa park ako ngayon kung saan una kaming nagkita ni Mayo, nag-aabang na darating siya para samahan ako. Ito rin ang lugar kung saan una ko siyang minahal.

That was three years ago, two months and 3 days to be exact. Nagkataon kasi na nag-iisa ako sa park nang mga panahong iyon at siya naman, hilig niya ang magtambay dito.

Nasa swing ako no’n then he approached me with a smile. Nang una, akala ko may gagawin siyang masama sa akin pero nabigla ako nang pumunta siya sa likod ng swing at sinabing…

“Gusto mong itulak ko ‘yong swing mo?”

I didn’t reply pero ginawa pa rin niya. Tahimik lang ako at nangingiti habang patuloy lang siya sa pagtulak. Ang sarap sa pakiramdam na kahit hindi niya ako kilala, naglaan pa rin siya ng oras para mapasaya ako. Hindi na ako tumanggi dahil nararamdaman kong masaya ako.

And that day, I believed in fairytales. I fell in love unexpectedly.

Dumaan ang mga araw, lagi na akong tumatambay sa park, inaabangan na dumating siya. Hindi naman ako nabibigo dahil lagi ko siyang nakikita at lagi siyang lumalapit sa akin para makipagkwentuhan. Naging habit ko na siya, ang makausap siya.

Hanggang sa isang araw…

“Hindi pa pala kita kilala. Nag-uusap tayo pero hindi pa natin kilala ang isa’t-isa,” aniya habang tila isang batang naguguluhan at nangangamot pa ng ulo.

“Oo nga,” natatawa kong sabi saka nilahad ang aking kamay. “By the way, I’m Summer Andres. Ikaw?”

“Mayo Bonifacio,” pakilala niya saka inabot ang kamay ko para makipag-shakehands.

“Seriously? Are you kidding me? Andres at Bonifacio? Summer at Mayo?” natatawa kong sabi nang malaman ko ang pangalan niya.

“Hahahaha. It’s like we are destined. Summer Andres-Bonifacio. Cool name, hah?” aniya. Bahagya akong namula nang mga sandaling iyon. Tila may anong bagay ang kumakabog sa dibdib ko. Unti-unti ko ring nararamdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.

His surname perfectly fitted mine. So, I assumed that he’s the one. Pero hindi pala. I was dreaming for a man who could effortlessly make me smile, before. Naniniwala ako dati sa fairytales. Minsan iniisip ko na prinsesa ako at may prinsipeng sasagip sa akin mula sa kalungkutan.

But fairytales aren’t true. No romantic scenes, no prince charming, no happy ending.

Umupo ako sa swing at saka itinulak ang sarili ko dahil alam kong wala na ang taong gagawa no’n para sa akin. Dahil ako na lang ulit mag-isa, dahil ako lang talaga mag-isa.

Doon ko lang napagtanto ang lahat, na three years pala ako naghintay sa bato na akala ko ay magiging ginto. I’ve realized that I am loser; I’ve been a loser for many years. Kung sa simula palang ay tinanong ko na siya, hindi sana ako naging kawawa. Hindi sana ako umiiyak dito at nagmumukmok. Masaya sana ako sa mga oras na ito at hindi pinoproblema ng lintik na pag-ibig.

“Ikaw swing, nami-miss mo ba si Mayo?” Para na akong tanga na kinakausap ang swing. Pero kung nakapagsasalita lang ‘to baka sinabi na nitong ang tanga-tanga ko.

“It’s been one year simula nang tulungan ko si Mayo sa panliligaw. Dapat immune na ako nito at hindi na nasasaktan pa. Pero bakit gano’n? Parang ang fresh pa rin ng sugat at ramdam na ramdam ko pa rin ang pananakit?” saad ko sa sarili habang pinipiga ko ang dibdib ko.

Tumingala ako at pinagmasdan ang langit sa pag-aakalang umuulan. Pinunasan ko ang bahagi ng mukha ko na nabasa.

“Luha,” mahina kong sambit.

Kung mamamatay man ako, siguro ay dahil sa dehydration. Naubusan na ako siguro ng tubig sa katawan dahil sa pag-iyak araw-araw. Kahit ilang pag-iyak pa ang gawin ko, hindi ko kayang baliktarin ang mundo para mahalin ako ni Mayo.

“Mahal ko pero mahal ba ako?” Napabuntong-hininga ako. “Haayy. Gusto ko makamove on! Gusto ko makamove on! Ayaw ko ng masaktan!” sigaw ko na parang baliw. Wala naman akong pakialam kung may makarinig sa akin.

Hindi pala ganoon kadali makalimutan ang taong mahal mo lalo na kung dito umikot ang mundo mo. Mahirap pala kalimutan ang bagay na nakasanayan mo na. Pero mas masakit pala na ibalik ang dati mong sarili kung nabasag na. Dahil sa tuwing susubukan mo pang ayusin, nasusugatan ka lang at nadadagdagan pa ang sakit.

Tumayo na ako sa swing at nagsimula ng maglakad pabalik ng bahay. Sisimulan ko na lang siguro ulit buuin ang buhay ko nang wala siya. I was fragile but he didn’t handle me with care. I broke into pieces.

Wala ako sa sarili habang naglalakad. Para akong lutang na nakadroga. Mas maigi pa nga siguro kung nakadroga ako para laging high.

Tumingala muna ako para tingnan kung naka-stop sign ang traffic light. Wala ring gaanong sasakyan ang nag-aabang kaya nang makita kong pula ang nasa traffic light ay dumiretso na kaagad ako sa pagtawid.

Hindi ko namalayan na may humaharurot na palang sasakyan. Siguro ay dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang malakas na alingawngaw ng busina nito. Gusto ko sanang tumakbo kaso para akong naging bato nang mga sandaling iyon. Hindi ko maikilos ang mga paa ko para makaiwas sa rumaragasang sasakyan.

Pero nang mga sandaling iyon, tila naging slowmo ang lahat. Lahat ng bagay ay naging mabagal maging ang sigaw ng mga tao at ang papalapit na sasakyan. Bigla ring nagkaroon ng flashback sa utak ko. Nakita ko ang mukha ni Mayo habang nakangiti sa akin.

Nakita ko ang masasaya naming pinagsamahan bilang magkaibigan, kung paano kami nagsimula at natapos. Nakita ko rin ang mga panahon na down na down kami at kaming dalawa lang ang nagdadamayan.

Pero huli na ang lahat. Nasa harap ko na si Kamatayan. Hindi ko na masasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung paano niya binago ang buhay ko. I want to see him for the last time.

Napapikit na lang ako habang dumidikit na sa katawan ko ang bumper ng sasakyan. Halos tumilapon ako sa kabilang bahagi ng kalsada dahil sa lakas ng impact. Ramdam ko ang sakit ng tama sa katawan ko na nagdulot para hindi ko maigalaw ang ilang bahagi ng katawan ko.

Naninilim na ang buo kong paningin. Sana sa pagkakataon na ‘to, si Mayo ang huli kong makita kaso napapalibutan na ako ng mga usisero. Lahat sila ay kinaawaan ako dahil sa sinapit ko.

“Summer!” sigaw ng isang lalaki out of nowhere. Hindi gaanong malinaw ang sigaw na iyon dahil na rin siguro pati ang pandinig ko ay napuruhan. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko para malaman kung kanino galing ang sigaw na iyon.

“Summer! Summer!” sigaw ulit nito.

Pero parang nagiging malinaw na sa ’king pandinig ang boses na iyon. Awtomatikong gumuguhit ng muli ang ngiti sa aking mga labi. Mas mabilis pa sa shooting star na tinupad ang wish ko.

Lumuhod kaagad siya at tumabi sa akin. Inalalayan niya ang ulo ko para mailapit sa mukha niya. Halata ko sa mukha niya ang pag-aalala. Ramdam ko rin ang panginginig ng kamay niya.

“Mayo…” mahina kong sabi dahil sa panghihina.

“Huwag ka ng magsalita. Ipunin mo ang lakas mo,” saad niya sa akin habang nanginginig ang boses. Lubos-lubos siguro ang pag-aalala niya dahil sa sinapit ko. Bakas sa mata niya ang pananabik na mailigtas ako.

“Tumawag na kayo ng ambulansya! Huwag na kayong tumunganga,” maawtoridad niyang sabi sa mga usisero na nakatingin lang sa amin. Sumunod naman ang ilan at mabilis na tumawag ng ambulansya.

Naramdaman ko na may biglang tumulo sa mukha ko. Hindi naman siguro naulan dahil napakaaliwalas ng langit.

“Summer, please mabuhay ka. Ayaw kong mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita. Ang tanga-tanga ko dahil huli ko na nalaman,” aniya habang patuloy sa pagluha.

Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako? Gusto kong matuwa pero parang huli na ‘ata para maging kami. Dahil sa kasamaang palad, hindi na ako magtatagal sa mundo.

Buong lakas kong itinaas ang kamay ko para mahaplos ang mukha niya sa huling pagkakataon. “Ang gwapo mo pala kapag naiyak,” pagbibiro ko.

“Please, huwag kang mamamatay. Hindi mo na makikita ang gwapong mukhang ito kapag nagkataon,” pagbibiro niya habang naiyak pa rin.

Ganoon ba talaga kapag nasasaktan na kahit ngumiti ka ay hindi maikukubli nito ang sakit? Minsan talaga ang traydor ng luha natin. Ipinapaalam lagi nito na nasasaktan at mahina tayo. Pero minsan, simbolo ang pag-iyak kung gaano ka kahalaga sa isang tao dahil tanging tunay na nagmamahal lang sa ‘yo ang iiyak para sa ‘yo.

“Mahal na mahal kita, Mayo. Sana nasabi ko nang mas maaga. Pinanghinaan kasi ako ng loob dahil baka mas masaktan ako.” Napaubo ako bigla matapos sabihin ang mga salitang iyon.

“Huwag mo ng pilitin ang sarili mo. Darating din ang ambulansya. Maghintay ka lang. Okay ng malaman kong mahal mo ako. Sapat na iyon para sa akin,” saad niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ang init sa pakiramdam.

“I-promise mo sa akin na kapag nawala ako, magpapakabait ka, ah,” bilin ko.

Mas hinigpitan niya ang pagkapit sa akin. “Tumigil ka na! Hindi ka mamamatay, okay?! Mabubuhay ka! Magpapakasal pa tayo! Hindi mo ako pwedeng iwan!”

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. Napakasarap sa pakiramdam na malaman mong may nagmamahal sa ‘yo. Bakit kasi nahuli pang ibigay sa akin? Hindi ko man lang nasulit.

“Mayo, mahal na mahal kita.” Buong lakas kong iniangat ang mga kamay ko para hawakan ang mukha ni Mayo at ilapit sa akin. Nagtama ang mga labi namin nang mga sandaling iyon. Parang tumigil ang oras at kaming dalawa lang ang naroroon. Hindi ko rin nararamdaman ang sakit ng pagkakabangga.

Gusto ko na nasa ganito lang kaming posisyon. Ang gaan sa pakiramdam. Siguro sa ganitong paraan, magiging matiwasay ako.

“Gisingin mo na lang ako kapag nand’yan na ang ambulansya. Maging matatag ka sana. Mahal na mahal kita, Mayo,” huli kong sabi.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at sinigurado kong mukha ni Mayo ang huli kong makikita. Ang saya sa pakiramdam na kahit sa huling sandali ng buhay ko, nalaman kong may isang Mayo na nagmamahal sa akin.

Even though life is unfair, you must live fairly.

NEXT: Mayo’s Story


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.