Unobtainable Muse (ONGOING)
deuceiv · 3 chapters · 7,066 words
UNOBTAINABLE MUSE
UNOBTAINABLE MUSE: Blurb
ㅤㅤㅤㅤCassandra Corales once had a massive crush on Leon Eleazar.
Her high school life was a blur of stolen glances, bad decisions, and one very awkward rivalry with Leon’s best friend, Zachariel Chastain —the very same guy who secretly had a crush on Leon, too.
Pero tapos na iyon. Grown-ups na sila. Cassandra is done with love triangles, crushes, and anything that reminds her of her teenage humiliation.
Until she gets hired at a restaurant as an internal designer.
The very same restaurant owned by Zachariel Chastain.
“I–ikaw?!” Halos mahulog ang panga nya nang makita nya ito.
Zachariel just smiled—confident, irritating, and way too attractive for someone she’s supposed to hate.
“Yep,” sabi nito. “Me. Looking forward to working with you, Cassie.”
What did he mean by working with him?!
The human embodiment of her past embarrassment.
The man who was supposed to be rotting in Canada?! Unbelievable!
As sparks fly and tempers flare, Cassandra must survive working for her previous love rival— without falling for him .
**
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.
Simula
SIMULA
ㅤㅤㅤㅤ‘The more you hate, the more you love’ —this old and overused belief often made Cassandra cringe.
Sa t’wing maririnig nya kasi iyon, iisang tao lang ang pumapasok sa isipan nya: Zachariel Chastain , the man she despised most. To hell with him.
To most, it didn’t make sense because they all loved his bubbly and friendly personality.
So, how could he be everyone’s favorite… but not hers?
Wala lang. Naiinis lang si Cassandra sa isang iyon. Period. Padlock, tinapon na nya ang susi sa inidoro at iflinush.
Ewan ba nya! Huminga lang ito, kumikibot kaagad ang kilay nya. Marinig lang nya ang boses nito, nasisira na kaagad ang araw nya. Isang kibot lang nito, mabilis na kumukulo ang dugo nya! Parang buong pagkatao nito, isang malaking kamalian. Ang buong existence nito, isang sumpa at kasalanan!
How she wished she knew the reason why she strongly disliked Zachariel, but it was inexplicable . She couldn’t put it into neat words or attach any logic to it.
It was just sharp, instant, and annoyingly intense.
But she could… explain how it started.
Cassandra began to notice Zachariel when they were in first year high school.
Nasanay kasi siya na palaging nasusungkit ang pagiging rank one sa klase. In fact, when she graduated in elementary, she was one of the top honors. Kaya naman noong tumuntong na siya ng high school, ganoon din ang expectation nya sa sarili nya.
It was almost instinctive. Automatic. She knew rank one belonged to her.
So how come…?
How come she was only ranked two?!
“Si—sino itong Zachariel Chastain?!” nanggagalaiti nyang tanong kay Inah, habang matalim ang tinging ibinabato sa pangalang nakalista sa itaas ng kanya. “Pa’nong siya ang rank one?!”
Habang tumatagal ang titig nya roon, parang personal siyang inaatake at iniinsulto ng chalk sa blackboard.
“Zachari—ah! Si Zach.” Tumango-tango si Inah, tila ba pinag-iisipan kung saan hahanapin si Zachariel.
Inilibot nito ang tingin sa buong classroom hanggang sa wakas ay natuon ang hinahanap. Noong makita na nito ang Zachariel na itinatankng nya, kinalabit siya nito ‘tsaka itinuro ang direksyon kung nasaan ang binata.
“Ayun oh, iyong gwapong nakikipagtawanan sa likod,” anito na para bang simpleng impormasyon lang ang ibinigay.
Na para bang hindi iyon bomba at hindi mas lalong nanggalaiti sa inis si Cassandra noong mga sandaling iyon?
When Cassandra tore her gaze away from the list of ranks, her eyes immediately landed on a ridiculously attractive classmate of hers.
Maputi, matangkad, gwapo—kung paanong tipikal na i-describe ang mga male lead sa romance books. Ganoong-ganoon ang itsura ng binata. Effortless ang ngiti, relaxed ang postura, parang wala lang dito na nasungkit nito ang pagiging rank one habang siya naman ay kinakain na ng inis.
The second Cassandra saw Zachariel, something had settled in her chest. She knew it was unfair, utterly ridiculous, and completely unreasonable but it was a feeling out of her control. She knew she disliked him to the point that she didn’t even want to spend another second to put more details into how attractive he looked.
For some reason she couldn’t explain, alam nya ring dito pa lamang magsisimula ang pagpapahirap ng buong existence nito sa kanya.
ㅤㅤㅤㅤEVER since then, parang naging survival instinct na ni Cassandra ang makipagkumpitensya kay Zachariel. Kahit hindi nya aminin, naging routine nya iyon—sa mga quiz, recitation, exams—lagi nyang sinisilip kung nasaan si Zachariel at laging sinisigurong mas gagalingan pa nya nang matalo na ito at maagaw ang pagiging rank one.
Pero sa bawat pagtatangka nya, lagi siyang natatalo.
Zachariel relentlessly slapped her with the fact that he was a difficult opponent.
This went on for the whole year, hanggang sa maging second year na sila and—
Zachariel just… stopped trying .
Noong una, masaya si Cassandra noong makita na siya na ulit ang rank one. As she should!
Parang bumalik na sa ayos ang mundo nya pero hindi rin nagtagal, muli na namang nagulo noong matanto nya kung paano sinasadya ni Zachariel na ibagsak ang sarili. Mula sa pagiging untouchable na rank one, bigla na lang itong nauwi sa rank four.
Pero hindi ba dapat, masaya siya?!
Nakukuha na nya ang gusto nya at ang binata na mismo ang sumuko.
Pero bakit mas lalong tumindi ang pagkainis nya rito?!
In the end, Cassandra decided to confront him.
She slammed her hands onto his arm desk out of sheer frustration. Sila na lang ang natira sa classroom noon kaya tahimik, maluwag, malaya siyang ilabas lahat ng siphayong nararamdaman, at mabilis ding napuno ng tensyon ang atmospera pero siya lang yata ang may pakialam.
“Nakakainis ka!” naiiritang singhal nya. “Ano ba ‘yang pumasok sa kokote mo at bigla-bigla mo na lang binabagsak ‘yang grades mo, ha?! O baka naman bigla ka na lang naka-realize na ‘di ka naman pala ganoon kagaling? O baka naman nauntog ka?!”
Mataman siyang pinagmasdan ni Zachariel, tila ba inaaral ang bawat galaw ng mukha nya. Hindi ito kaagad na nagsalita na siyang ikinapangilabot nya. Para kasi siya nitong ginagawang quiz at hindi ito sumasagot.
“O, ba’t ganyan reaksyon mo? ‘Kala ko pa naman e magiging masaya ka samantalang ‘yan naman ang gusto mo,” panimula nito.
She knew he was right. Ito naman talaga ang gusto nya e. Ang makitang bumabagsak si Zachariel pero hindi nya makuhang matuwa noong mapagtanto nyang nasa sa kanya ang rank one hindi dahil pinaghirapan nya, kung hindi dahil sinasadya nitong ibagsak ang sarili.
She almost wavered, but she was full of pride so she also refused to back down.
Pero pinanatili nyang kunot ang noo at mas tumalim pa ang titig nya.
Hindi nagtagal, umismid ang binata. “Okay, para sa peace of mind mo na lang—magaling ako.” Sabay nagkibit-balikat. “Mas magaling pa nga ako sa ‘yo, ‘di ba?”
Ayan na nga. Nagyabang pa.
Cassandra rolled her eyes heavenwards. She was ready to throw hurtful and insulting words, but she froze when Zachariel casually twirled his fingers around a strand of her hair—and
kissed
it.
Her breath hitched.
“Pero mas bagay mo kasi maging rank one,” dagdag pa nito na para bang wala lang dito ang inis at galit nya. “Isa pa, ‘di ko rin naman madadala sa hukay ‘yang grades na ‘yan e. Laklakin nyo na lang.”
She was completely taken aback by how nonchalant he sounded.
Cassandra stood her and bursted out in anger, all of her frustration, yet this was how he chose to fight her?
Hindi nya namalayang natulala na pala siya habang si Zachariel, tumayo na mula sa kinauupuan at isinukbit ang bag sa balikat. She wanted to say something, just anything, but the words got stuck in her throat.
Pero bago tuluyang lumabas, dumaan ito sa tabi nya at pahabol na sinabi:
“Sinasadya kong bumagsak kasi gusto kong malipat ng section. Mas masaya kasi kung kasama ko crush ko, ‘di ba?”
What the hell was with that reasoning?!
At the same time, what a flirt?!
Anong ibig sabihin nitong kaya nito ibinabagsak ang sarili ay dahil mas importante ang crush nito kaysa sa kinabukasan nito?! Isa ba itong malaking tanga?!
Martyr ba siya? Bobo siya!
ㅤㅤㅤㅤSA t’wing naaalala ni Cassandra ang isinagot sa kanya ni Zachariel, mas lalo lang kumukulo ang dugo nya. Parang kahit simpleng memorya lang, may kakayahan pa ring sirain ang mood nya. But of course, she didn’t want her world to revolve around whatever nonsense Zachariel had said—so she did the most reasonable thing.
Forget and move on.
Act like that conversation never happened. At all.
Ang nakakatawa lang, noong tumuntong na sila ng third year, hindi rin naman pala malilipat ng section ang binata. All that talk and confidence, pero pareho pa rin silang nag-a-attendance sa iisang classroom, parehong under sa iisang adviser.
Sayang din dahil ang buong akala nya, makakalaya na siya rito.
But nope, fate had other plans. Tila ba nananadya ito at ipinapaalalang hindi pa tapos ang kwento nilang dalawa.
Anyway, she could only care less. At least, iyon ang ipinililit nyang paniwalaan.
Nagkaroon na rin kasi siya ng ibang pagtutuunan ng pansin noon at iyon ay si Leon Eleazar .
He was like… a miracle .
A fallen angel who decided to roam Earth to guide those who were lost. Or maybe a mischievous fairy with an unfairly charming smile? Basta ang malinaw kay Cassandra, love at first sight ang nangyari. Noong unang makita nya ang binata, alam nya at sigurado na siyang ito ang gusto nyang makasama hanggang pagtanda.
Simple, clear, direct.
…But Zachariel just wouldn’t leave the picture, huh.
Dahil sa mismong araw na na-realize ni Cassandra ang napakalaking crush nya kay Leon, may isa pa siyang nalaman:
Leon’s best friend was none other than the annoying Zachariel Chastain.
And just like that, it felt like the universe laughed at her.
Cassandra often denied that Leon and Zachariel were close. Madalas, pinipilit nyang isipin na coincidence lang ang lahat, na hindi ibig sabihin noon ay automatic nang magkasama ang dalawa—pero madalas nga iyon!
But when times got tough and reality slapped her hard across the face, she decided to do her plan B: Blur Zachariel out of her vision . Especially if he’s with her darling Leon.
Like an NPC who didn’t deserve even an ounce of the main character’s attention. Na para bang extra lang. Background character, easily ignorable.
Except the universe clearly didn’t get the memo.
Because it kept reminding her— over and over again —that Zachariel Chastain was no ordinary NPC.
Noong dumating ang araw ng election para sa class officers, kampante si Cassandra. She was even borderline smug.
She was confident because she had a good leadership record, fame, and experience. Alam nyang iboboto siya at magiging effortless ang pagkapanalo nya. Another step up para sa goal nyang maging parte ng student council.
That way, she’d have a valid excuse to roam around the school. Probably even pass by Leon’s classroom and steal a glimpse of his strikingly handsome face.
Everything was perfectly planned and her friends knew the drill.
But apparently, she was the joke and fate was the clown.
Zachariel won as class president. She ended up as his vice-president.
Parang bumalik sa square one ang lahat. Nag-flashback sa utak nya ang mga nangyari noong first year high school pa lamang silang dalawa.
At ang mas nakakairita pa? He wasn’t even supposed to be a candidate! Absent pa nga noon ang binata dahil may sakit pero somehow—somehow—sa kanya pa rin ipinasa ang responsibilidad, all because of this absurd reasoning:
“Magaling nga mag-lead ng basketball team si Zach, e. Paano pa kung klase na lang natin? Yakang-yaka na nya ‘yon!”
Everyone agreed, then voted him.
What the hell was wrong with her classmates? Gaano ba kaluluwang ang turnilyo ng mga ito? Nahawaan ba sila ni Zachariel?
At kahit parang suntok sa pride ni Cassandra iyong pagkatalo nya, it turned out to be the best decision. Zachariel was annoyingly good at leading. Effortless ang charisma, natural ang authority, parang isinilang na para sundin ng mga tao.
And that realization didn’t make things better. Hindi siya naalo. Instead, it only infuriated her more.
Because now, she wasn’t just stuck seeing him every day and every meeting. She was stuck working under him, too.
E mas malala pa ito noong nag-aagawan pa sila ng ranking!
ㅤㅤㅤㅤTHERE came a time when Leon dropped by their classroom. Hindi na maalala ni Cassandra kung bakit pero nag-short circuit ang utak nya noong oras na makasalubong nya si Leon sa may pintuan.
Literal na goodbye, braincells .
Tila ba abong tinangay ng hangin ang atake.
She immediately became a blushing mess, to the point na halos hindi na siya tantanan ng tukso ng mga kaibigan nya.
Si Leon? Binati lamang siya at nginitian bago tuluyang pumasok sa classroom nila. And just like that, her eyes were glued to him—admiring his ethereal beauty, listening to his voice as if it sang melodies meant only for her. At syempre, noong tumabi ito sa epal nilang class president ay awtomatiko nyang iblinur ang binata sa paningin at tina-tag bilang NPC.
“W-w-wow…!”
She cupped her cheeks and turned to Inah. Para siyang tipikal na high school maiden na nakasalubong ang apple of the eye nya. Ang ‘male lead’ ng kwento nya.
“‘Di ko alam na mas gwapo siya close-up! Inah, anong gagawin ko? Gusto kong agawin atensyon nya kay Chastain!” she almost sounded like she was begging.
Mahinang napahalakhak si Inah bago siya nito pinaikutan ng mga mata. “Edi lumapit ka ro’n ‘tsaka mo siya kausapin. Pa’no mo ba maaagaw atensyon ni Leon kung ‘di mo sila pupuntahan?”
Diyos ko. Parang pinangilabutan kaagad siya sa ideya na iyon. Hindi pala parang dahil nanindig ang mga balahibo nya.
“Lalapit ako? Edi parang nilapitan ko rin si Chastain?” nakabusangot nyang sagot.
“Beh.” Bumuntong hininga si Inah. “Malamang lalapit ka dahil magkasama sila. Mag-best friends kaya sila, ‘di mo talaga mapaghihiwalay ‘yang dalawang ‘yan kung diyan ka lang.”
Wala na bang ibang paraan para agawin si Leon bukod sa lumapit doon at mapilitang isama sa safe space nya si Zachariel?!
Syempre, wala. Alam nyang tama si Inah.
Nanggagalaiti man, nilingon ni Cassandra ang dalawa. Nakabusangot, halos hindi maipinta ang mukha dahil muli na namang isinasampal sa kanya ng mundo ang katotohanang hindi basta-bastang NPC si Zachariel.
Kainis. Kung pupwede lang talaga itong burahin sa mundo, baka matagal na nyang ginawa.
Saktong pagtingin nya sa mga ito, nakatingin din pala sa kanya si Leon.
She swallowed.
No. She would not acknowledge how Zachariel was also looking at her before he gestured at her to come over.
But… wait.
Wasn’t that just the perfect timing?
Bagamat labag sa loob, kinalakadkad ni Cassandra ang mga paa nya patungo sa napakagaling nilang class president. She forced a smile, lalo na’t nandoon din si Leon, but of course… Zachariel wouldn’t miss the chance to get into her nerves.
“Ngiting-ngiti. Mabuti naisip mong plastikin kami?” bungad nito.
Her smile almost wavered. Gusto na nyang sigawan si Zachariel dahil ang bilis nitong sirain ang imahe nya sa harap ni Leon!
But no, she would hold it in. For now.
Medyo inirapan nya ito. “Pinagsasasabi mo? Mabait naman talaga ako.”
“Kapag tulog?”
“I—ikaw!” Bago pa man nya masinghalan ang binata ay naeinig nya ang pagtawa ni Leon.
And oh my god. Music to her ears.
Kaya kahit inis na inis na siya sa class president nila ay tumikhim siya at pilit pinakalma ang sarili.
Of course, Zachariel wasn’t stipid enough not to notice her change in behavior. Ang tanging hiling lang naman nya ay huwag na sana nitong i-point out dahil ang epal naman nito kung sakali? Inunahan pa siya?
Zachariel didn’t. So the gods slightly heard her prayers.
But at the same time, they didn’t seem to be in her favor.
Pilyong ngimisi ang binata at tila ba kinutuban din si Cassandra. Umusog ito palapit kay Leon at inakbayan pa ang binata. At dahil doon, muntik na talagang magsalubong ang mga kilay nya’t muntik siyang sumabog.
“Anyway,” kaswal na panimula ulit ni Zachariel. “I had something to ask. Iyong sa report na pinapagawa ni Mama A, alam ko kasi grupo ninyo ang next na reporter. Nagawa nyo na ba? Bukas daw ‘yon. ‘Tsaka may meeting nga pala tayo mamaya sa student council.”
Kailangan ba talagang nakadikit ito kay Leon habang tinatadtad siya nito ng tanong?
Zachariel really was getting into her nerves.
Ano ba ang gusto nitong ipunto habang nakaakbay ito kay Leon at dikit na dikit? Bwisit, a.
ㅤㅤㅤㅤBACK then, Cassandra was too stupid to notice.
Sa t’wing sinusubukan nyang mapalapit kay Leon, lagi na lang naroon si Zachariel. Present, epal, nakikiagaw ng spotlight. Ni minsan, hindi ito nagmintis na makuha ang pika nya.
Na para bang full-time job nito ang manggulo.
Lagi nitong hinihila palayo si Leon o hindi naman kaya ay biglang sumisingit sa usapan nila. Minsan, literal pNg pumapagitna sa pagitan nilang dalawa. And of course, Zachariel’s gestures sparked the interest of others. Hanggang sa…
Dumating ang puntong kumalat ang isang malaking misunderstanding. Iyong tipo ng gulo na sisira rin pala sa lovelife nya: Na may gusto raw sa kanya si Zachariel.
The thought alone made her cringe. Hard pass.
Kung may magkakagusto sa kanya, sana ay si Leon na lang.
Yet, the rumor had lingered longer than it should have. It was like a plague. Sobrang laki na rin ng cause and effect na nangyari dahil nagulo ang buhay nya, hindi pa iyon nakatulong noong sa wakas ay maglakas-loob na siyang mag-confess kay Leon.
“Sa akin ka may gusto?” Hindi makapaniwalang itinuro ni Leon ang sarili.
Nag-aalangan man, inipon ni Cassandra ang natitirang tindig nang sa ganoon ay lakas-loob na tumango para kumpirmahin ang nararamdaman nya para sa binata.
“A—ano?” Kumunot ang noo ni Leon bago ito nag-iwas ng tingin. “W-wow, nakakatuwang malaman pero… pasensya ka na.”
The last three words made her world crumble.
Tila ba nakikita nya nang harap-harapan kung paano gumuho ang mga pangarap nya. Piece-by-piece, parang puzzle na biglang itinaob noong hindi mag-work out.
Kinamot ng binata ang ulo. “Ayaw ko kasi sa babaeng gusto ni Zach, e. ‘Tsaka, akala ko ba sa kanya ka rin may gusto?”
Her jaw dropped.
Iyong panghihina at pagkadismaya nya, bigla na lang napalitan ng galit at inis noong mapagkamalan siyang mayroong gusto kay Zachariel.
She stared at him ludicrously, parang nagloko ang utak nya at hindi kayang iproseso ang sinabi nito. Rejection was one thing—but being mistaken as Zachariel’s apple of the eye and vice-versa? That was another kind of humiliation.
“What?!” hindi nya napigilang sigaw.
“Ba—bakit? Mali ba ‘ko?” pag-uusisa ni Leon. “Ang napansin ko kasi, madalas kang nakatingin kay Zach ta’s kahit anong gawin nya, napapansin mo agad. Parang… ang attentive mo sa kaibigan ko.”
Iyon ay dahil isang malaking Jollibee si Zachariel!
He always interrupted her supposed quality time with Leon. He was always there—too close and too present for their own good!
“Paanong hindi ko siya mapapansin e papansin naman talaga iyong kaibigan mo?” singhal nya. “Pero I promise, ikaw lang talaga ang gusto ko!”
Nag-iwas ng tingin si Leon, halatang nao-awkward-an na sa mga nangyayari. “Bale, one-sided pala iyong feelings ng best friend ko sa ‘yo?”
“Wala nga akong pakialam kung may gusto ba sa ‘kin iyong epal mong kaibigan!” dipensa nya.
Natawa si Leon, halatang nahihiya. “Pasensya ka na talaga Cassie, pero hard pass talaga sa ‘yo. Type na sana kita kaso ayaw ko ring ma-offend si Zach. Nauna siya sa ‘yo e.”
Just like that, her high school dream was crushed by the man of her daydreams himself.
Sinong sinisisi nya? Malamang, si Zachariel Chastain!
Things would’ve gone her way if it wasn’t for him and for Zachariel’s supposedly stupid feelings for her.
But then, why did the thought and realization make her heart flutter? It was annoying. It was as if her chest reacted before her brain could stop it.
Ah, basta! Zachariel would never get his way into her heart the way Leon easily did.
Sa sobrang inis lalo na’t habang tumatagal, madalas na siyang kantyawan tungkol kay Zachariel, dumating na sa puntong kinumpronta nya ang binata. Pero imbes na seryosohin siya, tinawanan lamang siya nito nang malakas.
Na para bang narinig na nito ang pinakakorning joke sa buong mundo.
“Ako?!” Itinuro nito ang sarili bago ulit natawa. “Ba’t naman ako magkakagusto sa ‘yo e sobrang taray mo? Joke time ba ‘to? Nasa Wow Mali ba tayo? Nasaan na ang camera?”
May nalalaman pa itong palingon-lingon, kunwari’y naghahanap ng secret camera na hindi naman nag-eexist. Pero sa gitna ng pagtawa niro, napansin din ni Cassandra ang sandali nitong paghinto.
Tila ba mayroong napagtanto.
Nang medyo kumalma, ‘tsaka lamang ito humarap ulit sa kanya.
“Ba’t naman ako magkakagusto sa ‘yo?” pag-uulit nito, mas mahinahon na ngayon. “Cassie, ‘di ikaw ang tipo ko.”
Hindi nya alam kung bakit… but hearing him say that stung more than Leon’s rejection. Pero hindi nya iyon inalintana.
Bumusangot siya. Wow, ha. After nitong sirain ang lovelife nya, ganito pa ang maririnig nya? Isa pa, sa ganda nyang ito, hindi nya nakuha ang atensyon ng epal na si Zachariel? Samantalang si Leon mismo, umaming type na sana siya kung hindi lang dahil dito!
“Malay ko! Iyon ang tsismis kasi madalas mo kaming epalan ni Leon!” singhal nya rito.
“Aba e, may sayad pala sila sa utak! Mga sira ulo!” Umarte pa itong tila ba nasusuka. “Yuck! ‘Di naman ikaw ang type ko!”
“E kung gano’n—”
“Si Leon din ang gusto ko, tanga!” agap nito, ni hindi man lang nahiya nang aminin iyon sa harap nya. “Iyong dahilan ba’t ko gustong magpalipat ng section? Para mas madalas kong kasama si Leon!”
…
What?
Napakurap-kurap siya.
So all along, Zachariel wasn’t there because he liked her. He was there because he was stopping her from getting Leon.
Because he liked Leon too.
“You’re gay?!”
1: Chaos, Courtesy of Zachariel
KABANATA 1
Chaos, Courtesy of Zachariel
ㅤㅤㅤㅤHINDI na maalala ni Cassandra kung paano siya nakauwi.
Hindi dahil malayo ang bahay nya—kabisado nya pa nga ang bawat lubak sa daan—kung hindi dahil may isang lalaki na paulit-ulit na naglalakad sa loob ng utak nya kahit hindi naman nya ito in-invite.
Hindi na nga invited, wala pang dalang pasalubong! Puro trauma lang.
“Si Leon din ang gusto ko, tanga.” His words sounded sharp yet the way he delivered it made him seem desperate. Now, those words kept looping in her mind like a broken tape. Zachariel’s voice haunted him like a ghost seeking for the justice it thought it deserved.
Tanga. Wow! Salamat, ha? Pupwede ba nyang balikan ang binata sa eskwelahan nang masampal kahit one-time lang? Grabe ito mang-insulto! Kahit isang sampal lang, promise.
“Gago siya!” hindi nya napigilang isigaw habang tumatawid ng kalsada. Muntik pa siyang mabangga ng tricycle na napasigaw din kasabay ng pagbusina. Napaangat siya ng mga kamay at nagi-guilty na tumawa. “Sorry po, emotionally distressed.”
Grabe. Emotionally distresssed?
Napailing siya. Kailan pa siya nagkaroon ng ganito? At talagang dahil pa kay Zachariel? All because the universe wouldn’t stop pulling these pranks na para bang nasa Wattpad siya? Wow, parang invested pa sa kanya ang stars! Ginawang personal project ang buhay nya at ginawan ng alternative universe minus sobrang humiliated na nya.
“Grabe ka talaga, universe,” bulong nya sa sarili. “Pupwede namang ranking na lang ulit pag-agawan namin ni Zach. Talagang lalaki pa? Si Leon pa talaga?!”
Habang naglalakad, hindi nya maiwasang i-replay ang eksena kanina. She just couldn’t help but replay Zachariel’s face when he admitted that he too, liked Leon. Walang drama o arte. Parang sinabi lang na ubos na ang kape nito, walang asukal sa canteen, o hindi kaya ay sarado iyong tindahan ni Mang Boy.
Kung tutuusin, dapat nga galit siya e.
May karapatan naman siya dahil hindi siya mari-reject kung hindi dahil sa malaking misunderstanding na ginawa ng publiko sa pagitan nya at ni Zachariel. Kung hindi nag-assume ang lahat na may gusto sa kanya ang binata, lalong-lalo na si Leon na tila ba paniwalang-paniwala sa tsismis, hindi sana siya mari-reject!
Nasabotahe na nga siya, nagulo rin ang puso nya, tapos ang ending… Iisang lalaki lang pala ang gusto nila?
‘Sandali, e bakit parang disappointed ako?! Erase!’ sigaw nya sa isipan at umiling-iling. “Tigil-tigilan mo iyan, Cassie. Kalaban si Zach, remember?!”
Hindi nya gusto si Zachariel. Diyos ko, imposible. Hindi lang siguro nya in-expect ang twist ng events na iyon.
If Zachariel did like her, iri-reject nya lang din naman ang binata at patitigilin dahil mas gusto nya si Leon. It just so happened that Zachariel wasn’t the villain because he was into her – he was a rival because they were targeting the heart of the same man!
“Ang malas ko talaga…” sabi nya sa sarili bago nya pinunasan ang noo. “Grabe naman kasi iyong plot twist ni Zach!”
When she mentioned his name loudly, she suddenly remembered Zachariel’s face… again . For the nth time in six minutes.
Hindi maangas, hindi smug, hindi nanlalait. Mukha itong desperado.
She slowed her steps as reality sank deeper.
Unti-unti na namang nagsi-sink in sa kanya ang mga pagkakataong hinaharangan siya nito kay Leon. Noong una, akala nya e power trip lang dahil nga mag-best friend ang dalawa. Noong una, iniisip nyang epal lang ito at pinaglalaruan siya. Na baka totoo ang tsismis at siya naman pala talaga ang gusto ni Zachariel.
Pero ngayon, nagbago na ang opinyon nya sa binata.
Hindi pala siya nito inaasar o iniinsulto. Pinuprotektahan lang din nito ang sarili dahil alam nitong mas may tsansa siya kay Leon kaysa rito. Kaya ganoon na lamang ito umepal at hinayaan ang tsismis na kumalat nang sa ganoon, wala ni isa sa kanilang dalawa ang manalo sa puso ni Leon.
Talagang dinamay pa siya!
Teka, bakla ba ito? Bisexual? O baka naman si Leon lang talaga ang exception?
“Bakit ba ako nag-ooverthink dito?!” She stomped her feet and walked angrily this time.
There was also this feeling that she kept ignoring after Zachariel admitted the truth in front of her—“Okay, fine. Masakit,” pag-amin nya sa sarili. “Ba’t mas masakit pa ‘yon kaysa noong ni-reject ako ni Leon?!”
She groaned loudly.
Perhaps it was because Leon rejected her politely while Zachariel rejected her accidentally before dropping a bomb in front of her face? Yeah, that’s the most logical reason.
She remembered how confident she was before when she thought that Zachariel might’ve liked her. She was so smug at the idea na iyong epal sa buhay nya ay secretly obsessed sa kanya. She thought she had the upper hand, that it would’ve been so easy to reject his confession. Ngayon, nabaliktad ang lahat.
She was someone whom he used so that no one could win Leon over.
Hindi rin pala siya ang main character sa kwento nito. Extra lang din siya, isang variable na mapipigilan nito kung gagawa ito ng malaking gulo o misuderstanding—just like how she initially treated him as an NPC, pero magkaiba sila dahil sinubukan nya talagang burahin out of the picture ang binata.
She heaved a deep breath. ‘Tsaka nya sinipa iyong maliit na bato sa daan.
Hindi siya nito patatahimikin. Alam nyang hanggang sa pagtulog nya, ha-haunting-in siya noong katotohang ang rason sa bawat pag-epal, pang-aasar, at pakikisiksik ni Zachariel sa pagitan nila ni Leon e dahil hindi ito nagsiselos sa binata kung hindi sa kanya. Ginagawa nito ang lahat dahil tulad nya, takot itong mawala si Leon.
Takot itong maagaw si Leon, takot na mauna si Cassandra, takot na matalo ito.
Napahinto siya sa tapat ng bahay nila bago siya pagak na tumawa. Hindi siya sigurado kung nagagalit ba siya o naawa sa binata. “Ang galing mong magpakakontrabida, Chastain.”
Pero sana talaga, sinabi na lang nito sa ibang pagkakataon ang katotohanan hindi iyong nagkaka-identity crisis siya tapos lutang maglakad sa daan dahil sobrang emotionally distressed nya!
ㅤㅤㅤㅤDURING the recent meeting they had with the student council—kung saan parte rin naman si Cassandra—in-announce na malapit na ang Intrams. They were encouraged to persuade more students to join, and since karamihan sa kanila ay third year na, Zamiel made sure to remind everyone of one thing: Sila ang pinakamalakas na batch.
So, winning trophies left and right? Expected. Inanunsyo pa nya iyon habang may kasama silang ibang batch, tila ba kinukuha nya ang pika ng mga ito at parang mayroong pinapatunayan.
‘Zamiel, kapag talaga nabati iyong pagkapanalo natin!’ hiyaw nya sa isipan habang imaginary na binabatukan ang student council president nila.
Matapos ang announcement tungkol sa Intrams, nagkaroon na ng pangmasang meeting—iyong tipong sabay-sabay na ang iba’t ibang org at team sa iisang lugar. And as usual, the cheerleading squad worked with the basketball team. Iisang araw kasi kadalasan ang patimpalak para sa basketball at cheerleading kaya magkasabay din ang mga meeting nila. Pinagshi-share-an na rin nila ang covered court.
Isa ito sa mga panahong hindi talaga sila napaghihiwalay ng landas ni Zachariel.
It always made her eyes roll. Kahit kailan na lang kasi talaga. Parang sinasadya na ito ng tadhana, talagang ito na mismo ang gumagawa ng paraan na maipagdikit silang dalawa.
“Ang ganda ni Cassie ‘no?” narinig nyang usapan noong mga kasama nilang mga lalaki sa cheerleading squad.
Wow, what a sudden ego boost.
Si Cassandra, bilang muse ng cheerleading squad, sanay na sanay sa atensyon at madalas ay ikinapa-proud pa nya iyon. In fact, she never got tired of casually boasting how pretty she was. Deserve naman.
She has fair skin and an average height, the kind that blends in with her peers but still somehow stands out. She’s slim yet also curvy, so it was easy to carry herself with confidence. Also, she has a small oval face, slightly thin brows, and narrow brown eyes.
Chinita , ganoon.
Her beauty wasn’t flashy. It was soft, subtle, and gentle. Iyong tipong habang mas matagal na tinititigan, mas lalong naa-appreciate ng lahat. Although, Cassandra also had her fair share of people who turned their heads to look at her, but she was told she becomes more beautiful in their eyes after watching her.
Kaya hindi nya ma-gets na ni-reject siya ni Leon sa kabila ng baseless rumor tungkol sa kanila ni Zachariel!
She heaved a sigh and composed herself. Dahil kumakain siya ng tinapay, naramdaman nyang may bread crumbs sa gilid ng labi nya kaya pinunasan nya gamit ang panyo.
Going back to Zachariel… Oh god, how she wished she didn’t need to speak about him.
He’s the captain of the basketball team. Tapos, period. Common knowledge na ito. Okay, next.
“Alam mo, Cassie…” biglang sambit ni Inah habang break nila. “Na-realize ko lang talaga na bagay nga kayo ni Zach.”
Parang siyang nabuhusan ng tubig na may yelo. Nanindig ang mga balahibo nya.
Awtomatiko ang pagtigil nya kaka-scroll sa news feed nya para tapunan ng masamang tingin ang dalaga. “Inah naman. Iba na ‘yang trip mo, ha? Bad trip. ‘Di kami talo ng isang ‘yan!”
“Ba’t naman hindi? Single naman kayo pareho,” walang anu-ano’y sagot ni Inah. “Ikaw muse ng squad natin tapos siya captain ng basketball team. O ‘di ba? Power couple. Feel ko nga, match-made in heaven ang atake nyo. ‘Di pa kayo mapaghiwalay.”
Hindi rin naman nila ginustong palagi silang magkasama!
Mutual din sila ng nararamdaman doon dahil alam nyang kahit si Zachariel, gustung-gusto nang mahiwalay sa kanya. Pareho na nga silang competitive, pati ba naman iisang lalaki e pinagtatalunan pa nila?
Sandali. The realization hit her hard again, she almost face palmed.
Tila ba tinakasan din siya ng kulay sa mukha nang maalalang may gusto rin si Zachariel kay Leon.
Bukod sa hindi straight ang binata kaya hindi sila talo, naiinis siya dahil hindi halata. Ang dali nitong dalhin ang sarili na parang wala lang, parang normal lang ang lahat. Though, she was convinced na baka bisexual ito, lalo na at may mga tsismis din naman na nagkaroon ng girlfriend ang isang iyon.
Teka, bakit ba siya biglang invested sa lovelife ng epal na iyon? Yuck.
Hindi nagtagal ay napangiwi siya’t pilit pinigilan ang sariling batukan si Inah. Kasalanan ito nitong kaibigan nyang hindi rin mabusalan ang bibig. Ang luwag ng turnilyo sa bibig, nasaan ba ang screwdriver nang maayos nya?!
“Actually, ‘di ko talaga gets na ‘di siya iyong naging crush mo.” Bumuntong hininga ito. Dreamy, parang admirer na matagal nang nagyi-yearn kay Zachariel. “Gwapo naman kasi si Zach. Like, hello ? Itim na buhok na parang laging hindi dinadatnan ng bed hair, matangos na ilong na hindi nakakainis tignan, tapos ang sharp ng jawline nya parang nag-take time si Lord sa kanya. ‘Di rin siya singkit pero ‘di rin bilog iyong mga mata nya—saks lang. Syempre, mukha pa rin siyang foreigner pero ‘di halata kasi mas dominant iyong Filipino features nya kaysa sa kakambal nya.”
Nangja-judge na tinitigan ni Cassandra ang kaibigan. “Grabe ka, parang brochure. Magkano binayad ni Zach sa ‘yo para ibenta mo siya sa harap ko?”
“Libre ‘to kasi totoo naman!” dipensa ni Inah. “Half-Canadian pa siya, kaya dumagdag sa charisma nya beh. May pagka-foreign pa rin naman.”
Nakakainis kasi walang mali sa sinabi nito.
Labag man sa loob niyang aminin, gwapo nga naman talaga si Zachariel.
Kung nagkakilala lang sila sa ibang pagkakataon— ibang sitwasyon at hindi nag-agawan ng ranking —malamang nahulog na rin siya. Pero hindi nya talaga makuha ang amor para rito. Siguro dahil sa dami ng inis na naipon. Siguro dahil sa lahat ng maling timing.
Inirapan niya lang si Inah at ibinalik ang atensyon sa court.
Nagpa-practice pa rin ang basketball team.
Then, her eyes landed onto Zachariel.
Her breathing hitched. Iba ang awra nito sa loob ng court. Mas tahimik, mas seryoso, mas focused—walang bahid ng kaepalan sa aura. The jet-black hair that Inah kept hyping earlier was now slightly messed up, damp with sweat. His brows were furrowed, lips pressed in a thin line and possibly out of concentration, his side profile even highlighted his tall nose. Cassandra didn’t intend to pay more attention but she noticed the way his shoulders tensed as he anticipated his opponent’s next move.
Then, in one swift motion, Zachariel snatched the ball and immediately shot it to the rink.
Three-pointer.
Napakurap-kurap si Cassandra. Had he always been like that?
Sa isip nya kasi, malaking epal si Zachariel. Maingay, annoying, isang cartoonish gremlin. In fact, sa imagination nya ay mukha itong hindi nauubusan ng kalokohan sa katawan.
Pero iyong nasa court ngayon?
She almost forgot that Zachariel was a gremlin. Sino iyang nasa court?
Natigilan siya noong biglang mapalingon si Zachariel at magtagpo ang mga mata nila. Sandali lang—ilang segundo—pero sapat na para manigas si Cassandra sa kinauupuan.
Zachariel didn’t greet her with a smile, his expression remained blank and nonchalant—but she did catch a hint of confusion through his eyes. Parang nagulat din ito noong mahuling nakatingin din siya rito.
Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. She inwardly panicked, alright! Balak sana nya itong irapan o hindi kaya pakyuhan dahil bigla na naman siyang nainis pero hindi na nya nagawa. Nagkunwari na lang siyang inaayos ang buhok nya, tapos ang bag, tapos bigla nyang naalala na may hawak pa siyang tinapay.
Syempre, napansin ni Inah ang nangyari. “Wow, nagkatinginan pa kayo.”
“No way, tusukin ko pa mga mata nya,” mabilis nyang sagot.
Pinilit ni Cassandra na huminga nang normal para muling maipon ang nakawalang tindig. Kalma. Eye contact lang ’yon , kaya pang bumawi next time at tusukin ang mga mata ni Zachariel.
“Cassie, Cassie!” tila ba natatarantang pag-agaw ni Inah ng atensyon nya.
Hindi nya alam kung maiirita siya o matatawa, dahil ito nga siya oh, pilit pang ibinabalik ang sarili sa katinuan matapos ang mabilis at nakakabiglang eye contact sa dakilang epal sa buhay nya. Pero nang hawakan na ng kaibigan ang braso nya’t alugin iyon, napilitan siyang bumaling dito.
“Ano ba—”
The words were caught in her throat after she realized what Inah meant. Mabilis na naputol ang reklamo nya dahil pagtingin nya sa direksyong tinitignan nito, parang nag-slow motion ang paligid.
It was Leon—kasama ang barkada nito, nakatambay sa classroom na malapit sa covered court. Relaxed, nakikipagtawanan sa mga kasama. At tila ba nag-sparkle at lumiwanag kaagad ang buong kapaligiran dahil sa presensya nito.
“Inah!” naiinis nyang sigaw sabay agaw sa braso. Dali-dali nya ring kinuha ang make-up kit nya. “Mukha ba ‘kong oily? Haggard? Pangit na ba ‘tong ponytail ko? Shet ka, ‘di mo na lang agad sinabing nandiyan pala si Leon!”
“Sinusubukan ko kaso parang sobrang immersed mo mag-move on sa eye contact ninyo ni—”
Hindi na nya pinatapos pa si Inah dahil tinapakan nya agad ang sapatos ng dalaga. Kung anuman ang sasabihin nito na related kay Zachariel, ayaw nyang marinig.
“Aray naman!” daing nito pero wala siyang pakialam.
Mas abala siya sa mabilisang retouch—dab dito, ayos ng buhok doon, kaunting ipon ng dignidad at tapang para i-approach si Leon. Basta, para mapa-impress nya ang binata!
“Dalian mo beh,” bulong ni Inah bago ito tumawa. “Ang tagal mo, baka umalis!”
“Gaga!” Pinaikutan nya ito ng mga mata. “‘Di naman ‘yan aalis kasi kasama barkada, oh.”
Pagkatapos ng ilang minutong paghahanda, tumayo na si Cassandra, handa nang lumapit kina Leon na noo’y nakasilong pa rin sa malapit na classroom.
As she was about to approach him…
Biglang may dumaan sa harap nya.
Parang nag-swish lang sa sobrang bilis. Halatang walang balak na mag-slow down o mag-give way sa kahit na sino.
Si Zachariel.
“Bebe boi!” sigaw nito habang kumakaripas ng takbo papunta sa grupo.
Tumalon pa talaga para salubungin ng yakap ang kakambal.
“Fuck you!” sigaw kaagad ni Zamiel habang umiiwas. “Darn it, Zach! Layuan mo ‘ko! Mukha kang malagkit!”
Natigilan naman noon si Zachariel sabay sapo sa dibdib nito. Hindi nagtagal ay dumiretso na ito kay Leon at yumakap, tila ba pilit na nagpapa-baby sa kaibigan-slash-crush nito.
“Lele! Ang sungit ng kakambal ko! King ina nya, parang ‘di kami nagsama sa iisang matres kung umasta!” malakas nitong reklamo, animo’y nakalunok ng mikropono at speaker.
Nanigas si Cassandra.
Parang sa isang iglap, kaagad na nabakuran ni Zachariel si Leon at tahimik nitong sinasabi na huwag na siyang lumapit dahil hindi kailangan ang presensya nya. Ang kapal ng apog kung iyon man ang ipinapahiwatig nito!
She clenched her fists. Game over, naunahan na naman siya.
Muling napaupo si Cassandra sa bleachers, parang na-disconnect lahat ng plano nya sa utak dahil sa muli na namang pag-epal ni Zachariel.
“O ano na, ‘di ka lalapit?” tanong ni Inah habang nakataas ang isang kilay. “That’s so not like you.”
“E paano kasi—” Humigop siya ng malalim na hininga bago muling tumayo. “Tama ka naman.”
Hindi siya ganito. Hindi siya ’yong tipong uurong dahil lang may kalaban. E ano kung may gusto rin si Zachariel kay Leon? Hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang laban. Straight si Leon, mas may tsansa siya kahit gaano pa bakuranin ni Zachariel ang binata.
Hindi siya papatalo.
If this was Zachariel’s way of declaring war… Then, he’s on.
Dahan-dahang nilapitan ni Cassandra sina Leon at ang mga kaibigan nito. Hindi nya ininda ang presensya ni Zachariel. Katulad ng dati, awtomatiko na naman nyang blinur ang mukha nito mula sa field of vision nya at muling tinag sa utak bilang NPC—irrelevant at nariyan lang for the background noise.
Bakas din sa mukha ng binata ang pagkagulat nang mapansing papalapit siya.
“Hi, Leon!” matamis ang ngiting bati nya rito.
Inilagay nya ang mga kamay sa likod at bahagyang yumuko para magmukha siyang mas maliit, mas cute, mas approachable—a classic move to get someone’s attention.
Naguguluhan man, ngumiti si Leon at kumaway. “Hi! Nandito ka rin pala, Cassie. Praktis nyo rin ba sa cheerleading?”
“Wow…” Ipinilig nya ang ulo, medyo namamangha. “Mabuti alam mo na kasama ako sa cheerleading squad?”
Itinuro nito si Zachariel. “Sinabi nitong isang ‘to.”
“Ba’t parang kasalanan ko?” sabad naman ng isa pero inignora lang ni Cassandra dahil background noise lang naman ito.
“Anyway…” Tumikhim siya at mas lumapit pa kay Leon, palibhasa ay nakuha na nya ang momentum na gusto nya.
She inwardly snorted when she saw Zachariel shift. Bigla na lamang mas humigpit ang pagkakaakbay nito kay Leon, tila ba nagbabanta at pinuprotektahan ito sa kung anumang sasabihin nya. Mas hinila nito palapit dito ang binata kaya awtomatiko siyang sumimangot.
‘Talaga bang ngayon ka gaganahan niyang pagiging territorial mo? It’s all useless!’ she told herself while she threw a quick glare toward Zachariel.
Bago pa man makapagsalita si Cassandra at bago pa kumilos itong si Zachariel para ilayo sa kanya si Leon, mukhang may sariling trip ang universe.
Bigla na lang inalis ni Leon ang braso ni Zachariel sa balikat nito at sa halip na umatras, itinulak nito ang kaibigan palapit sa kanya.
“Hoy—!”
Nagkagulatan silang dalawa ni Zachariel. Muntik pa itong matumba sa harap niya, halos masalo na sana niya—kaso mabilis nitong nabawi ang balanse. Kaagad nitong nilingon ang kabarkada.
“King ina mo, Le—” hindi naituloy ni Zachariel nang agad itong pigilan ni Leon.
“Ayan na par,” tawang-tawang biro ni Leon. “Kung magselos ka naman, parang aagawin e!”
Natigilan silang dalawa. Kasabay noon ay ang pag-ismid ni Ridge.
“Possessive kasi ’yan si Zach,” dagdag ni Ridge habang nakangisi at aliw silang pinanonood. “Parang ’tong kakambal.”
Hindi nag-react si Zamiel at nag-iwas lamang ng tingin. It was as if he wanted no part in whatever circus this was turning into.
Sandali.
Sandali lang.
Huwag nilang sabihin na naniniwala pa rin ang mga ito sa baseless rumor na may gusto raw si Zachariel sa kanya?!
Lumingon si Cassandra kay Zachariel. Doon nya napansing maging ito e naguguluhang nakatingin itsa kanya, parang naputulan ng linya ang utak, halatang hindi rin expected ang direksyon ng pangyayari.
Alam niyang hindi iyon ang intensyon nito.
“Ikaw—” sisinghal na sana siya, pero bago pa man niya matapos ang sinasabi, biglang lumapit si Zachariel sa kanya.
It was as if he made up his mind about something.
Noong makalapit na, bahagya itong yumuko hanggang magkaharap na sila at halos magka-level na ang mga mata.
Napaatras si Cassandra, nagulat.
Samantalang si Zachariel, ngumiti lang. The way he smiled was way too boyish and annoyingly mesmerizing, it almost made her knees weak.
“Ang cute mong mainis,” anito na dahilan para suminghap siya.
She let out a dramatic gasp.
Ginatungan pa talaga!

