VENDETTA (BOOK 2) [COMPLETED]
MajorSin · 64 chapters · 254,211 words
PROLOGUE
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Akala nila tapos na ang laban…
Hindi nila alam na kakasimula palang ng totoong laro..
Laro na kung saan mapipilitan kang makipagpatentero sa kamatayan.
Laro na susubukin kung hanggang saan ka dadalhin ng emosyon mo.
Isang laro na maglalabas ng tunay na pagkatao mo.
At higit sa lahat, isang Laro na unti unting babalot sayo ng puot at galit hanggang magbunga ito sa pagkitil ng buhay.
Ilang tao pa ba ang kailangang masawi bago ka tawagin ng salitang “Paghihiganti” ?
At isa pa,
Paano nga ba maghiganti?
Genre : Action, Humor, Fantasy, Romance
Language: Tagalog
VTYMB Season 2: Call of Vengeance
Written by: KasalanaN
All Rights Reserved © June 1, 2016
Episode 1 : The Vendetta
Episode 1 : The Vendetta
[ Virgel’s PoV ]
“N-natatakot kaba?”
…
……
…………..
Mahigit limang na buwan narin ang nakalipas.
Pero napakasariwa pa rin sa isipan ko ang pangyayaring yun.
“ Pakiusap pilitin mo ang mabuhay..k-kahit para sakin lang. “
“ H-habang buhay kitang poprotektahan…Virgel. T-tungkulin ko yan bilang k-kuya mo. “
..
……..
Mapatos kong ilagay ang bulaklak na hawak ko sa puntod ni kuya ay napatingin nalang ako sa maasul na kalangitan. Napakapayapa ng panahon ngayon.
Ngumiti ako ng bahagya. “Maligayang kaarawan sa’yo, kuya.” Mahinang bulong ko. Naramdaman ko namang umihip ng mahinahon ang hangin. Napapikit nalang ako habang pinapakiramdaman ito ng hindi natatanggal ang ngiti sa mga labi ko.
“Boss.” Tsaka lang ako napadilat ng bigla kong napansin ang presensya ni Kael. “Kailangan na nating umalis. Baka ma late pa tayo.”
“Oo nga pala.” Nakalimutan kong papasok pa pala kami. Napadaan lang kasi kami rito sa pinaglibingan ni kuya Argo bago kami papuntang school. Di ko namalayan ang oras. “Pasensya na sa paghihintay” Pakamot ulo kong sabi.
“Wala yun Boss” tatawa tawa lang kaming bumalik sa kotse. Pero bago pa ako pumasok ay tumingin ulit ako sa puntod niya. At sa di inaasahan ay nakita ko siyang nakaupo dun sa may puntod niya habang nakatingin rin sa kalangitan.
Parang gustong tumulo ng mga luha ko sa mga oras na ’to nung makita ko siya. Lalo na nung lumingon siya sakin saglit at tsaka ngumiti.
Pagkatapos nun ay unting unting naglaho ang imahe niya.
Napangiti nalang ako.
Alam kong andyan ka lang palagi sa tabi ko para protektahan ako kuya..
“Boss?”
Agad na rin akong pumasok pagkatapos.
“ROBERTOOOOO!!”
Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Kael sa gate nitong school ay sinalubong na agad kami ni Agnes habang sumisigaw pa. Pinagtitinginan tuloy siya ng ibang studyante.
“Roberto. Pfft.” Narinig ko pang nagpipigil ng tawa si Kael. -__-
Pagkalapit ni Agnes samin ay agad niyang hinarap samin ang isang notebook. Puro numero ang nakalagay dun kaya wala akong maintidihan. “Patulong naman ooh~”
Sumabay na rin siya samin, at habang naglalakad kaming tatlo ay tinitignan ko rin ang notebook niya, at sa tingin ko mga math problems nga tong mga ’to.
“Bukas na namin yan ipapass at di pa ako nakakapagsimula T___T” Malungkot pa na saad niya. Gusto ko man siyang tulungan pero…
Mahina ako sa Math T___T
“Di ko alam pano ’to gawin, Agnes. RIP ako pagdating sa math.”
“Ikaw rin? Huhuhu apir tayo Bert” Bert amp -__-
Natawa naman si Kael at kinuha yung notebook ni Agnes. “Patingin.” Tinignan niya ito saglit at tsaka isinuli kay Agnes. “Mamayang lunch break nasa rooftop lang kami ni Boss. Punta ka nalang dun para matulungan kita”
Agad namang lumiwanag ang mukha niya “TALAGAA? THANK YOU, KAEL! “ Patalon talon pa siyang umuna samin sa sobrang tuwa. “Sige kita nalang tayo maya ah. Bye Kael, bye Bert! “ At agad na nga siyang umuna sa’min.
“ Ba’t hindi niya matandaan pangalan mo, Boss?“ Natatawang tanong ni Kael.
“ Ewan ko dun. Halata namang pinagtitripan lang niya pangalan ko. Bert amp.“ Nakapoker face kong sagot. Okay lang sana kung tawagin niya ako sa kahit anong pangalan eh . Basta mga astig na pangalan lang. Eh kaso ang babantot ng mga tinatawag niya sa’kin -__-
“Cute naman ang Bert ah. Hahahaha”
“Isa ka pa eh T__T “
“ Hahahaha joke lang, Boss “
Pagkarating naming dalawa ni Kael sa room ay halos andito na lahat ng classmates namin. Malapit na din kasi mag bell.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay binati agad ako ng seatmate ko “ Hi, Virgel.“ Nakangiting bati niya. Ang ganda talaga ng mga ngiti niya. Tsaka yung boses niya ang sobrang hinhin. Ang sarap pakinggan sa tenga.
“ Hi Claire.“ Nakangiti ring ganti ko. Buti pa siya tinatawag niya ako sa sarili kong pangalan ^___^ ( A/N: Remember Claire? Kung hindi punta kayo sa chapter 36, may scene siya dun :) )
“May assignment ka na ba?” Tila nabato naman ako saglit sa tanong niya. Assignment? May assignment ba kami? O__O
Nakita ko naman siyang natawa. “Sabi na nga ba eh.” Agad naman siyang may kinuha na papel sa bag niya at tsaka binigay niya sa’kin. Ang akala ko pakokopyahin niya ako pero..
“Ginawan na kita kagabi. Lagyan mo nalang yan ng pangalan mo.” Nakangiting sabi niya na ikanatulala ko. G-ginawan niya ako? Ginawan nya ako ng sobrang habang assignment na’to?
“N-naku, ba’t mo ako ginawan, Claire? Nakakahiya. Nagsayang ka pa ng pagod. Sobrang haba pa naman nito.” May sulat yung buong 1 whole paper eh. Back to back pa. Sobrang hahaba talaga ng pinapagawa sa’min ng History teacher namin. Pero grabe, ginawan niya talaga ako?
“Masasayang lang yung pagod ko kapag di mo tinanggap yan” Nakangiti lang siya.
“Ha-hahah nako s-salamat ng marami, Claire. Marami na akong utang sayo. Pangako babawi ako “ Nung dati may assignment kami pinakopya rin nya ako nun. 50 points pa yun. Ang dami ko ng utang sakanya.
“ Wag mo ng isipin yun. Lagyan mo na ng pangalan yan.“
“ S-sige.“
Sobrang bait niya talagaaa. Ako na ata ang pinakamaswerte dito sa room kasi siya ang naging seatmate ko ^____^
“ Hmm..ganun lang pala gagawin?“
“Oo. Madali lang diba?”
“Hindi ko padin gets eh nyahaha sorry na. Mahina talaga ako sa math eh.”
“Ays lang yan. Matututunan mo rin ’to.”
Habang abala sina Kael at Agnes sa ginagawa nila ay with feelings ko namang nginunguya tong pagkain ko. Ang sarap eh. Napapapikit pa nga ako sa sarap oh. Hmm.
“Nakahithit ka ba, Ysi?” Bigla akong napamulat nung marinig ko si Agnes na tinitignan na pala ako. Ysi -___-
Tinatanong niyo ba kung ano yang Ysi? Shortcut lang naman yan sa pangalang YSIDRO! -___-
Kanina Bert ngayon naman Ysi. Lakas talaga ng trip nito.
Imbes na sagutin siya ay tumayo nalang ako sa pagkakaupo at tsaka tinignan ang mga tao sa baba. May mga nakikita akong mga grupo ng studyante na masayang nagkwkwentuhan habang naglalakad, mga nakaupo sa may bench, mga nagmamadali. Lunch ngayon kaya madami kang makikitang studyante sa baba. At sa mga nakikita ko mula rito, sa isang direksyon lang napako ang tingin ko.
Nakita ko si Claire na pinalibutan ng limang lalaki. Ang akala ko kakilala lang nya ang mga yun pero nung mataman kong tignan ang mga mata niya at nakita ko ang kaba at takot nito, di na ako nagdalawang isip pa na puntahan siya.
“Teka san ka Boss?”
“Babalik ako” Tipid na sagot ko at tsaka agad na binuksan ang pintuan at mabilis na bumaba sa building na’to para puntahan sila. Kailangan kong iligtas si Claire. Ito na ang oras ko para bumawi sakanya.
Pagkalabas ko ay nadatnan kong hinahawakan na nung isang lalaki ang kamay ni Claire ng marahas. At kita mo sa expresyon ng mukha niya na nasasaktan siya.
May isang lalaki namang medyo payat ang biglang sumugod dun sa lalaki at tsaka sinuntok ito. Pero di tinablan yung lalaking may hawak kay Claire. Agad namang sinipa at sinuntok ng malakas nung lalaki yung sumugod sakanya. At dahil medyo payat siya, mabilis itong natumba at nawalan ng malay.
Nakakuha na sila ng atensyon sa mga dumadaan. Di na ako nag atubili pa na puntahan sila.
Bago pa man ako napansin nung lalaking nakahawak sa kamay ni Claire ay mabilis kong tinapik ang kamay niya dahilan para maalis niya ito sa pagkakahawak.
Mabilis siyang napaatras dahil sa ginawa ko. Agad kong hinarap si Claire. “Ayos ka lang ba?” Yung reaksyon niya parang sobrang nabigla sa pag sulpot ko.
“Wag kang mag alala. Nandito na ako. Ako na bahala dito.” Seryoso kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko kasama ang apat pa niyang kasama. Yung mukha nila parang sobrang nabigla rin.
Susuguod palang sana ako sakanila para turuan sila ng leksyon ng bigla akong may narinig na sumigaw
“CUUUUUUUT!!!! Oh my God! Sino ba ’tong isang ’to?!!”
Naparalisa ako sa posisyon ko. Yung tipong susuntok palang. Ganun lang ang posisyon ko habang dahan dahang inikot ang tingin ko.
O-kay…may mga camera at nagrerecord.
O-kay…
“Anong ginagawa mo dito, Virgel?” Nilingon ko si Claire. Nakangiti lang ito.
Pilit akong tumawa at napakamot na naman sa ulo. “ Ah ha-haha ah..eh..kasi ano..nakita ko kasi..h-haha..akala ko ano..ha-hahah“
“Nag shoshooting lang kami para sa movie presentation para sa darating na event next week, Virgel.” Tumawa ito ng sobrang hinhin. “ Ui pero thank you sa pag aalala ha.“
“h-hahahaaha w-wala yuuun” Humarap ako dun sa parang director nila na studyante lang rin na ang sama sama ng tingin sa’kin. “Pa-pasensya na sa disturbo.” Yumuko ako ng onti bago naglakad paalis habang nagkakamot sa ulo. Ang daming nakatingin. Di ko alam kung matutuwa ako ano dahil kahit papano ay naappreciate niya pa rin yung pagtulong ko…
Pero ang epic peyl parin talaga! Nakakahiya T___T
–
Pagkaakyat kong rooftop ay nadatnan ko agad yung dalawa na natatawa.
“ Instant actor Boss ah. Pfft.“
“Pang Romeo and Juliet yung talent mo, Ysi. HAHAHA “
T____T
“Nakita niyo din?”
“Napanuod namin mula rito yung pagtanggol mo kay Claire–na isa lang palang shooting hahahah epic.”
Magsasalita palang sana ako ng biglang nag Bell. Time na pala.
“ HALAA! Di pa tayo tapos sa assignment koo T___T “
“Kung gusto mo sa mansyon nalang natin ipagpatuloy yan mamaya.” Kael.
Tumingin naman siya saming dalawa. “Okay lang ba?”
“ Okay lang sayo, Boss?“
“ Oo naman.“ Mabilis kong sagot. Wala naman akong nakikitang problema. Minsan na rin namang nakapunta si Agnes dun sa mansyon.
Kumaway naman agad si Agnes bago unang buksan ang pintuan. “Sige kita nalang tayo mamaya pag uwian ha. Sasabay nalang ako sa inyo. Byee~”
“Sige.”
[ Ish’s PoV ]
“Vendetta?” Ulit ko sa sinabi nitong katabi ko. Matamlay naman siyang tumango.
Sinubukan kong iresearch ang tungkol sa Vendetta. Baka makahanap ako ng impormasyon nitong dating grupo ni Benz.
Ginagawa ko to ngayon hindi dahil sa gusto ko. Ito kasing abnoy eh, magmula nung mangyari ang pagkagising ng dating siya nung digmaan ay parang tumamlay na ito ng onti. Hindi na gaano nagkikilos. Nang aasar pa rin naman pero madalas nalang. Minsan nahuhuli ko pang tulala to at parang ang lalim ng iniisip.
Kaya naman kinausap ko agad siya tungkol sa kinikilos niya. Sakin lang naman kasi to naglalabas ng problema niya. At yun nga, sabi niya na pilit na bumabalik lahat ng mga alaala ng nakaraan niya at ginugulo siya.
At dahil sa medyo curious rin ako sa nakaraan niya ay heto na nga ang ginagawa ko, naghahanap ng impormasyon.
Lumabas ang mga data at impormasyon na naresearch ko at sinabi na ang Vendetta ay isang grupo ng mga vigilante na binuo noon ng isang doctor na si Manuel Guanzon at binubuo ito ng pitong inampon lang niya.
“ Inampon lang kayo ni Manuel?“ Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa laptop. Isang litrato lang ang lumitaw sa naresearch ko at medyo malabo pa. Halatang matagal na tong kinuha. Tapos nakatalikod pa ang mga ito. Limang lalaki at dalawang babae. Pero kahit likod lang ang nakikita ko ay nakilala ko pa rin si Benz. Siya itong nasa pinakaliwa sa larawan habang may samurai sa likuran.
“Oo. Sanggol palang kaming pito nasa orphanage na kami ni Dr. Manuel nakatira. Lahat kami ay ampon lang niya. Siya rin ang nagbigay samin ng pangalan o alyas dahil pangalan lang meron kami at walang apelyido.”
Ang astig ng pagkakakuha ng larawang ito sa tatoo lang kahit medyo malabo. Nakatalikod silang pito habang hawak hawak ang sarili nilang sandata habang nakatingin sa isang bayan sa harapan nila.
Tinignan ko pa uli ang mga impormasyong nahalungkat ko gamit itong laptop. At dun ko nakita ang pangalan ng pitong myembro ng Vendetta.
“ Ito pala ang mga alyas niyo.“
-Morpheus
-Devi
-Quincy
-Ermac
-Ross
-Loda
-Jill
Tinignan niya saglit ang laptop ko pagkatapos ay inalis rin niya ang tingin dito. “Meron kaming palatandaan o simbolo ng pagiging myembro namin sa Vendetta.”
“ Ano? Tattoo ng barbie sa likuran niyo? Barbie ring? Ben10 watch?“
“ Ish naman eh “
Pout
Natawa ako ng onte. “Ang seryoso mo kasi masyado! Di bagay sayo. Oh ano ba yung simbolo na sinasabi mo?”
“Hmm, tatlong silver na hikaw sa kanang tenga.” Tama, napansin ko nga dati yun nung dinala siya nila Felix sa kwarto ni Boss Vlad kung saan nandon rin ako.
Tinignan ko saglit ang kanang tenga niya. Walang ng butas ito. Simula kasi nung opisyal syang naging myembro ng Virgo ay di na siya nagsuot ng hikaw pa.
“Pero si Morpheus
( Mor-fe-yus )
iba. Nasa kaliwa ang mga hikaw niya. Tanda ng pagiging lider niya sa Vendetta.“ Nagsalita ulit si Benz kaya tinignan ko siya. At medyo nagulat ako nung nakakuyom ang mga kamao niya.
“ Anong meron sa Morpheus na yan?“ Mukhang isa siya sa rason kung baket ayaw niyang maalala ang nakaraan niya.
“ Isang halimaw ang taong yun. Napaka angas. Napaka bayolente. Napakabaliw mag isip. Pumapatay ng kahit sino.“ Nagbabagang na ang panga niya habang nagsasalita “ At pati matalik kong kaibigan hindi niya pinalampas.“ . Halatang nagtitimpi na ito sa galit.
Huminga ako ng malalim at napapikit. At bago pa man to magwala ay kinuha ko yung unan sa may gilid ko at tsaka mahinang binato sakanya.
At dun, tila nabalik naman agad siya sa wisyo niya “Aray naman Ish. Ang bad mo talaga :c “
“Wag kang mag alala. Hahanapin natin yang Morpheus na yan at ipaghihiganti natin yang kaibigan mo.” Sabi ko sakanya habang nakatingin sa laptop ko. Pansin ko naman ang pag ngiti niya ng sobrang lapad. “ Talaga Ish?! WAAAAA PA HUUG! “ Lumundag pa ang gago bago ako pilit na yakapin.
“ Quingena, Hoy! Magtigil ka ngang gunggong ka! Pta, Ano ba?! “ Pilit na yumayakap ang hayop habang ako naman ay pilit na sinisipa siya palayo. Kadiri amp.
At sa ganung sitwasyon kami nadatnan nina Helena, Lily, Elsa at Hell.
Fvck..
Yung itsura nila hindi maipinta.
“ Iba pala kayo maglambingan ha.“ Elsa
“ Nakakadiri kayo.“ Hell
“ K-kuya Ish? kailan pa? “ Lily na maluha luha pa yung mga mata niya. Ena? Anong kailan pa ang sinasabi niya?
“ Ah…ahm..nadisturbo ata namin kayo. P-pasensya na“ Helena na sobrang pula ng mukha.
What the Hell? Ano bang iniisip ng mga to?! Anak ng!
[ Elrien’s PoV ]
“Akin na nga muna. Tuturuan kita pano to laruin.” Habang abala sina Asher at Gavin sa bago nitong laruan ay napatingin lang ako sakanya. Andito kami sa sala sa mansyon ng Fuego ngayon. At kung titignan mo, walang masyadong ginagawa ang mga tao dito. Sina Veronica at Stephan ay magkatabi lang habang nakatingin sa laptop ni Steph. Si Helena naman ay wala dahil bumisita ito sa pugad ng Virgo.
Sina Sebastian at Felix naman ay nakatayo lang sa may tabi habang nag uusap. Minsan nahuhuli kong tumitingin si Seb sa’kin pero di ko nalang pinapansin. Si Trace naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang couch habang pinapanuod rin sina Asher.
Binalik ko ang tingin ko kay Asher na tuwang tuwa sa pag control sa laruang kotse ni Gavin. “ Uy Kuya Asher ako naman!“ Habang si Gavin naman ay inggit na inggit na.
“Hahahaha teka nag eenjoy pa ako, Gavin. Ako na muna magdadala nito ah. Susuli ko ’to next week, okay lang ba?” Di pa nakasagot si Gavin ay agad ulit itong nagsalita “Nicee! GG! Goodboy Gavin!”
“Eeeh! Di pa nga ako pumayag Kuya! Pasubok na! T____T”
“ Hahahahaha shet wag kang magulo mababangga tayo!“ Feel na feel pa niya ang pag gamit nung remote control. Pfft. Parang gago.
“Baka matunaw yang unggoy na yan kakatitig mo.” Tsaka ko lang napansin si Kuya Elfred sa tabi ko nung magsalita ito. “Kuya.” Nasabi ko nalang. “Ganyan ba talaga ka isip bata yang kasamahan mo?”
Ngumiti lang siya tapos ay ibinalik niya ang tingin kay Asher. “Hayaan mo na yan. Alam ko naghahanap lang yan ng mapaglilibangan dahil sa tuwing wala siyang ginagawa, naaalala niya lang si Argo. Alam ko hindi madali para sakanya ang pagkawala ng pinakamatalik na kaibigan niya.” Di ako kumibo sa sinabi niya. Sa halip ay tinignan ko lang ulit si Asher. Di mo talaga malalaman sa inaakto niya na may pinagdadaanan siya. Bilib din ako sa pag papanggap niya.
Sa hagdanan naman dito sa may sala ay biglang bumaba ang Boss ng Fuego–ang bagong Boss namin ni Gavin. Kung tatanungin ako kung saan magkaparehas silang dalawa ni King Casper, yun ay ang pagiging tahimik at kalmado nila.
“Asher.” Biglang tawag ni Boss kaya napatigil si Asher sa paglalaro at mabilis na tumayo at humarap kay Boss Vlad. Agad namang inagaw ni Gavin ang remote control. “ Boss“
“Pwede bang ikaw ang kumuha kila Virgel ngayon?” Tanong nito. Hindi rin siya Bossy masyado tulad kay King. Isa siyang halimbawa ng magandang lider sa totoo lang.
“Oo naman po. Pero bakit parang biglaan ata? May problema ba, Boss?” Tanong naman pabalik ni Asher. Kahit may pagka baliw to, alam niya pa ring rumespeto. Kahit noon pa sa Elfame, makikita mong may respeto talaga siya kay King. Kaya nga di ako makapaniwala nung una na nagsisilbi pala to sa ibang organisasyon.
“Masama lang ang kutob ko.” Tinignan saglit ni Boss ang relos na suot nya. “Patapos na sila ngayon. Puntahan mo na sila.”
Mabilis namang yumuko si Asher “ Masusunod, Boss“ si Boss naman ay umakyat na ulit sa hagdanan.
“Kung susukatin mo ang kutob ni Boss, mga 98% siguro nun ay tama. Napaka accurate ng kutob niya. Talo pa kayong mga babae.” Medyo natatawang komento ni Kuya sa tabi ko. “Kaya kung may sasabihin siya, sumunod ka nalang kung ayaw mong mapahamak.”
So sa mga sinabi ni Boss Vlad kanina, ibig sabihin ba nito ay nasa panganib si Boss Virgel?
[3rd Person’s PoV ]
“Uy ayos lang ba talagaa? Baka mamaya napilitan lang kayo ah” Pang limang ulit ng tanong yan ni Agnes habang naghihintay silang tatlo sa sundo nila dito sa may labas ng school.
“Oo nga, Agnes T__T” Pagod na pagod na na sagot ni Virgel. Kanina pa rin kasi nila ineexplain kay Agnes na wala namang masama kung sakanila siya matutulog ngayon. Kailangan kasi nilang matapos yung assignment ni Agnes ngayong gabi dahil bukas na ito ipapass. Medyo mahaba haba pa yun kaya baka gabihin na silang matapos. At baka mapano pa si Agnes pag umuwi pa siya kaya napagpasyahan nila Virgel na dun nalang siya matulog.
“Oh tamo, galit ka Pat eh T__T”
“ Pat amp“ -___- Bulong ni Virgel. Kaya ganyan inaakto niya ay dahil ang Pat ay shortcut lang naman ng Patricio. Bale ngayong araw tatlong pangalan ang naitawag ni Agnes sakanya.
Roberto, Ysidro at Patricio. Pfft fvck HAHA!
“Hindi ako galit, Solidad” Ganti na rin ni Virgel kay Agnes. Si Kael naman ay palihim na natatawa sa pag uusap ng dalawa.
Mga eksaktong 5:40 ay dumating na ang sundo nila Virgel. Palubog na ang araw. Medyo nagulat naman sila nung si Asher ang nakita nilang nagdadrive
“Asher?”
“ Gulat kayo? Sideline ko ’to Boss. Naghihirap ako ngayon eh.“ Tatawa tawang sagot nito. “Sakay na.” Napansin naman niya ang kasama nila Virgel na babae. “Abaaa, kaninong girlfriend yang
kasama niyo? Sayo Boss?“
Di napaghandaan ni Virgel ang ganung tanong kaya nabulol ito “A-anong girlfriend?”
“Ay hindi ba? Pasensya na. May nakita kasi akong sparks sa inyong dalawa eh nyehaaa.” Natatawang sabi ni Asher. Habang medyo namumula si Virgel dahil sa pinagsasabi nitong mokong ay agad umiksena si Agnes
“ Hi Manoong! Pasakay ah “ Masiglang sabi nito at mabilis na pumasok sa kotse. Si Asher naman ay tila nabato dahil sa pagtawag ni Agnes sakanya ng Manong.
“Pfft. Pasakay rin ho Manong.” Natatawang pang aasar na sabi ni Kael bago pumasok sa kotse.
“Grabe kayo T___T” Asher.
“Pat sakay na!” Biglang sabi ni Agnes na ipinagtaka ng onti ni Asher.
“Pat? May kasama pa ba kayo?”
“Wala na po. Hoy Patricio!”
“Oo na! “ Biglang sigaw rin ni Virgel habang pulang pula na sa sobrang kahihiyan.
“Patricio?” - Asher
Papasok palang sana siya ng bigla niyang nakitang lumabas si Claire sa Gate ng school. Tila parang bumagal naman sa pagkilos ang lahat nung makita niya ito.
Dali dali naman niya itong tinawag.
“Claire!” Mabilis naman itong lumingon sa direksyon niya at tsaka kumaway ng nakangiti. Lumapit si Virgel sakanya bitbit ang masiglang ngiti. Parang kanina lang badtrip siya pero napawi lahat ng yun ng makita niya ang ngiti ni Claire. “Pauwi ka naba? Sumabay kana sa’min.” Nakangiting aya nito.
“ Nako. Pasensya na, Virgel. May hinihintay pa kasi ako eh.“
“ Eh pagabi na. Baka mapano ka rito.“
“ De, okay lang. Sabay rin naman kaming uuwi.“ Nakangiting sagot nito. Habang si Virgel naman ay mabilis na napalitan ng kaba yung sayang naramdaman niya kanina.
“ S-sino bang hinihintay mo, C-claire? Boypren mo ba?“
Boypren ba?
May boypren kana?
Meron na?
Natawa naman ng mahinhin ang dalaga. “Hindi no, papa ko.”
Tila nabunutan naman ng 143 na tinik ang puso ni Virgel sa narinig niya.
Thank you Lord!
“ A-ah hahaha ganun ba. Sige mauna na ako ha? “ Paalam na nito habang ngisi ng ngisi. “Mag iingat ka Claire ah.” Pahabol pa nito.
Ngumiti naman si Claire. “Napaka maalalahanin mo talaga.” Bulong nito kaya di na nagawang marinig iyon ng binata dahil pumunta na ito sa kotse nila.
Pagkapasok na pagkapasok naman ni Virgel sa passenger seat ay agad siyang sinalubong ng tanong ni Asher “ Chix mo ba yun……Patricio?“
At dun, mabilis na bumalik sa pagkabadtrip si Virgel habang natatawa naman yung tatlo.
Madilim na nung nasa kalagitnaan na sila ng pagbabyahe pauwi.
“Ba’t nga pala ikaw ang sumundo sa’min, Asher?” Napatanong si Virgel “Yung seryoso.” Pahabol nito dahil alam niyang kalokohan lang ang isasagot nito.
Natawa naman si Asher. “Utos ng papa mo.”
“Bakit daw?” Tanong nito.
Sasagot palang sana si Asher ng mabilis niyang napabreak ang sasakyan dahil may napansin siyang dalawang pigura ng tao ang nakaharang sa daan sa may unahan.
“Anong problema?” Takhang tanong ni Kael. Seryoso lang na nakatingin si Asher sa dalawang pigura.
Di maganda ang kutob niya kaya lumabas na ito sa kotse. Mukhang tama ang kutob ni Vlad
Lumabas na rin sina Virgel at Kael habang si Agnes ay pinaiwan sa loob ng kotse.
Katapat naman nila Virgel ay isang lalaki at babaeng pigura. Madilim ang parte ng kinatatayuan nilang dalawa, pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan ay napansin agad nila Virgel ang tatlong hikaw na kumikinang sa kanang tenga ng dalawang nilalang.
“Anong kailangan niyo?” Tanong ni Asher.
At ang sagot ng lalaki ang nagpagulo ng utak nila
“Ibalik niyo sa’min si Devi.”
-To be continued..
( A/N : HELLOOO~ HAHAHAHA Kumusta kayo? Heto na nga pala yung pinangako kong season2 sa inyo hahaha sorry kung medyo sabaw pa, kakabalik ko lang sa pagsusulat eh hahaha sana suportahan niyo rin to gaya ng pagsuporta niyo sa season 1 :)) So ayun lang :) Sana d kayo magsawa hahahaha kitakits nalang let tayo sa susunod na episode~ Adios~ xD )
-Sin
Episode 2 : The Vendetta ( Part 2 )
Episode 2 : The Vendetta ( Part 2 )
Short update lang po ito :) Wag mag expect, masasaktan ka lang hahaha
Nirepost ko lang kasi nagloloko yung wattpad kagabi nung pinublish ko to hahahaa
[ 3rd
Person’s PoV ]
-Flashback-
“Ito pala ang bayan ng Abyss.”
Nasa pinakaibabaw ngayon ng isang gusali ang Pitong alaga ni Dr. Guanzon habang tinitignan ang bayang target nila.
“Medyo malaki pala ito.” Komento ni Ross habang nilalabas ang dalawang blade nito sa likuran.

(Ross)
Ang
Vendetta
ay tawag sa isang grupo noon na kinatatakutan ng karamihan sa labas ng mundo ng Mafia. Kilala sila bilang tagawasak ng bayan at nagsisilbing matinding kalaban ng Gobyerno. Lahat ng mga bayang nilulusob nila ay nauuwing ubos,wasak, at hirap ng makabangon pa. Kaya lahat ng bayang nawasak nila ay nagiging isang abandonadong bayan nalang.

Hindi rin kasi mga ordinaryong tao ang pitong myembro ng grupong ito. Lahat sila ay may angking kakayahan sa pakikipaglaban dahil bata palang silang pito ay sangkap na sila sa experimento ni Dr. Guanzon. Sa tatlumpong taong ginamit niya sa experimento niya, pito lang ang naging perpekto. At sila yun.
“ Ipaubaya niyo na sa amin ni Ross ang parteng timog“ Nakangising tugon ni Quincy habang akay akay ang mahabang pole axe sa balikat niya.

(Quincy)
“Kami naman ni Loda sa bandang hilaga” Presenta ni Ermac habang nilalaro ang hawak niyang sandata na Sai. Si Loda naman ay unti unti na ring hinahanda ang kadena niya na may maliit na karit sa dulo. (Sinong nakakita na ng ninja turtles?
yung
weapon
ni
Rafael,
tawag
nun
ay
Sai
.)

(Ermac)

(Loda)
“Devi, kaya mo bang mag isa sa silangan? Ako na bahala sa kanluran at si Morpheus naman ang bahala sa centro ng bayan.” Tanong ni Jill sa katabi niyang bata sa may kanan niya. Hindi kumibo si Devi na parang walang naririnig at mukhang ang lalim pa ng iniisip. Nakatingin lang ito sa bayan gamit ang blankong mga mata. Di pa rin maalis sa isipan niya ang sinapit ng pinakamatalik niyang kaibigan.
“Devi?”
Habang inaalala ni Devi ang nangyari sa kaibigan nya ay unti unting nanginig ang buong katawan ng dahil sa galit. Pero laking gulat nalang ng lahat ng biglang lumapit si Morpheus kay Devi at tsaka kwinelyuhan siya at walang kahirap hirap na itinaas.
Ngumisi ng malademonyo si Morpheus habang tinitignan ang batang si Devi. “Baka gusto mong isunod kita sa mangmang mong kaibigan?”
Biglang tuluyang uminit ang ulo ni Devi sa narinig niya. Sobrang bilis niyang nabunot ang isang samurai niya sa likuran nya at mabilis na inatake ang kamay ni Morpheus na nakakwelyo sa kanya.
Pero napansin agad yun Morpheus kaya nailagan niya yun.
“Pumapalag kana.” Nakangising usal ni Morpheus habang dahan dahang kinuha ang sandata niyang mahabang karit sa likuran niya.
“HALIMAW KA!!” Susugod palang sana si Devi kay Morpheus ng may humarang sakanya at tsaka itinuro ang pamaypay nito na may matutulis na kutsilyo sakanya. Habang yung isang pamaypay naman nya ang nakatutok rin kay Morpheus. “Ano ba kayo? Magkakampe tayo, at ang target natin ay ang bayang nasa harapan natin!” Sigaw ni Jill sa dalawa. Nagbabagang naman ang panga ni Devi habang tinitignan si Morpheus na nakangisi lang ng mapang asar.
“Hayaan mo siya Jill, ipapatikim ko sakanya ang hinahanap niya.”
“Eus ano ba?!”
Nawala naman ang ngisi sa mukha ni Morpheus nung sinigawan siya ni Jill. “Kilala mo ba kung sino ang sinisigawan mo, ha? “ May irita ng makikita mo sa mukha niya.
“Wag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sayo.” Usal ni Jill at sa isang kisapmata lang ay nakabwelo na agad si Morpheus sa karit niya at handang handa ng atakihin si Jill..pero nung tatama na ito sa mukha ni Jill ay mabilis rin niya itong hininto.
Alam ni Jill na hindi ito kayang gawin ni Morpheus sakanya. “Ano?” Paghahamon nito. Ngumisi lang si Morpheus at agad binaba ang sandata niya.

(Morpheus and Jill)
Humarap nalang ulit ito sa bayan ng Abyss at tsaka inakay ang karit niya. “Kumilos na kayo.” Tugon ng lider ng Vendetta bago umunang lumundag sa gusaling kinatatayuan nila.
“Katayan naa” Agad na ring sumunod sina Ross at Quincy. Maya maya pa ay tumalon na rin sina Loda at Ermac.
Sa ngayon ay si Jill at Devi nalang ang naiwan. Lumingon si Jill kay Devi at marahang ginulo nito ang buhok. “Mag iingat ka, Devi.” Ngumiti ito sakanya.
Tumango naman ng mahinahon si Devi “Mag iingat ka rin, Jill.” Pagkatapos ay sabay na silang tumalong dalawa na pagkababa rin ay agad naglihis ng landas. Si Jill ay tinahak ang kaliwang daan habang si Devi naman ay sa kanan.
“ARGHHH!!
“Wag maawa kayo!”
“WAAAG!!”
“ITAY!”
“TULOOONG!”
Sobrang ingay na sa kinatatayuan ngayon ni Devi habang isa isa na nyang tinatapos ang mga nakikita niya. Habang ginagawa niya ang kabrutalan sa mga tao ay iba naman ang tumatakbo sa utak niya ngayon.
Ang imahe ng kaibigan nyang wala ng buhay. Ang nasaksihang pagpaslang ni Morpheus sa kaibigan niya. Ang paghingi nito ng tulong pero wala siyang nagawa. Ang pag iyak nito habang naghihingalo sa braso niya.
Lahat ng yun ay naglalaro sa utak niya. Tumutulo ang mga luha niya habang inaatake ang mga mamamayang nasasalubong niya.
Habang nagkakagulo ang mga tao sa pagtakbo ay may isang batang may edad lima ang nadapa sa harapan niya. Umiiyak ito. “Mama! Mama!” Sigaw ng batang lalaki. Hinigpitan ni Devi ang paghawak niya sa samurai para sana tapusin ang bata pero bigla niyang nakita ang kaibigan niya sa katauhan ng batang yun kaya mas lalong gumulo ang isipan niya. Nabitawan nalang niya ang samurai niya at napahawak siya sa ulo niya at tuluyan ng napaluhod “ ARRRRRGHHHHHH!! “ Di na niya kayang pigilan ang emosyon na nararamdaman niya.
At bago pa man siya nawalan ng kontrol sa sarili ay napansin pa niya ang apat na parang assassin ang sumulpot sa harapan niya
End of Flashback-
Napahawak nalang sa ulo si Benz dahil sa mga ala-alang pumasok na naman sa isipan niya. Ilang buwan na siyang ganito. Hindi makapag isip ng maayos. Pilitin man niyang ibaling ang atensyon niya sa iba’t ibang bagay pero kusa pa rin nyang naaalala ang nakaraang matagal na niyang kinalimutan.
Mahina nalang niyang sinwing ang inuupuan niya ngayon. Gabi na pero nandito parin siya sa garden ng mansyon, nag iisa.
Habang tinitignan niya ang anino niya sa harapan niya ay may isa pang anino ang parang dumikit dito–dahilan para mabilis siyang mapalingon sa likuran niya. At medyo nagulat siya sa tumambad sakanya. “H-helena..ikaw pala.”
Ngumiti lang ito sakanya at tsaka umupo sa isang swing katabi ng inuupuan niya. “Ang lalim na naman ata ng iniisip mo para magulat ka ng ganun.” Tumawa ito ng onte. Napakamot naman ng ulo si Benz habang pilit na tumatawa.
“Pasensya na.”
Matapos nun ay sobrang naging tahimik na ng paligid. Walang nag imik ni isa. Kung dati si Benz ang unang bumabanat sa tuwing nag uusap sila, ngayon ay ibang iba na. Nakatungo lang si Benz habang tinitignan ang anino niya habang si Helena naman ay tahimik lang na nakatingin sa kalangitan.
Pero maya maya pa ay di na mapigilan ni Helena ang nararamdaman niya.
Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ni Benz. Ito ang unang beses na ginawa niya ito kaya medyo nagulat si Benz at agad napatingin sa kamay ni Helena na nakapatong sa kamay niya. Pagkatapos ay tinignan niya ang mukha ng babaeng nasa gilid niya.
At tila nabato siya sa kinauupuan niya nung makita niyang naluluha ang mga mata nito. Gusto man niyang magsalita pero ayaw bumukas ng bibig niya.
“Nag aalala na ako sayo.” Limang kataga lang pero ang lalim ng tama na yun sa puso ni Benz. Parang kailan lang nung pinangako niya sa sarili niya na hinding hindi niya paiiyakin itong babaeng pinakamamahal niya,
pero heto ngayon..
Umiiyak ito dahil sakanya.
“Pakiusap wag mong akuin lahat ng problema mo, Benz. Pakiusap hayaan mo akong tulungan kang buhatin yan.” Tuluyan ng tumayo si Helena sa harapan niya pagkatapos ay marahan nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
Dahan dahan siyang yumuko pagkatapos ay kalmado niyang hinalikan ang noo ng lalaking minamahal niya.
Pagkatapos ay nilapit niya ang ulo nito para yakapin ng mahinahon.
Si Benz naman ay halo halong emosyon ang nararamdamam niya ngayon. Galit sa sarili dahil pinag alala niya ang taong mahal niya, lungkot. Ewan pero matinding kalungkutan ang nararamdaman niya sa mga oras nato kaya wala na siyang maga kundi yakapin ang beywang ni Helena.
At ang mga sumunod na sinabi ni Helena ang talagang nagpantig sa puso niya.
“Andito lang ako. Iwan ka man ng lahat, pinapangako ko sayong mananatili ako sa tabi mo. Kahit na anong mangyari.”
Napahigpit nalang ng yakap si Benz sakanya dahil may kung anong tumulo sa mga mata niya.
[ Virgel’s PoV ]
“Sinong Devi?” Pabalik na tanong ni Asher.
Dahan dahan namang umabante ang dalawang nilalang na kaharap namin hanggang sa maaninag sila sa ilaw ng buwan. Tsaka lang namin napansin na may hawak pala silang mga sandata. Yung babae may hawak na pamaypay na matutulis habang yung lalaki naman ay kadenang nakapulupot sa katawan niya.
“Alam naming ang organisasyon niyo ang kumuha kay Devi.” Tugon pa nung babae.
“Sino ba yang Devi ang sinasabi niyo? Wala kaming kasamahan na ang pangalan ay Devi. Baka nagkakamali lang kayo sa impormasyon niyo.” Agad namang sumabat si Kael sa usapan.
Teka..d-dapat may sabihin rin ako para may silbe rin ako dito.
Ah..ano ba sasabihin ko.. “T-tama.”
Amp. Nice. Nabulol pa ako T__T Isang salita na nga lang ang sasabihin ko mabubulol pa. Tinignan tuloy ako nung dalawa.
Agad kung tinuro si Kael. “S-siya..tama siya. T-tama yung sinabi niya.” Umayos ka Virgel! T___T Di ka talaga marunong magpaka cool kahit kailan!
Habang inaaway ko ang sarili ko ay parang ang bilis bigla ng pangyayari. Sa isang kisapmata ko lang ay papalapit na sa direksyon ko ang kadena nung lalaki na may karit pala sa parteng dulo nito.
Kung di ko lang agad napansin yun ay siguradong nahiwa na ang mukha ko.
Mabilis kung inilag ang ulo ko pakanan at tsaka agad hinawakan ang kadena niya. Hinigpitan ko ang pagkapit nito para di niya agad makuha.
Nung makita nila Kael na inatake ako ay susugod palang sana sila dun sa dalawa pero pinigilan ko sila. “Ayos lang ako.” Sabi ko nalang habang hawak hawak padin ang kadena nitong lalaking ’to.
Sinubukang hilahin nung lalaki ang kadena niya pero pinigilan ko ’to. Kita ko pa sa mukha niya ang medyo pagkagulat dahil hindi niya ito mahila mula sa pagkakahawak ko.
“Kung may pinaplano kayong hindi maganda sa pamilya ko, dadaan muna kayo sa’kin” Seryosong saad ko bago bitawan ang kadena nung lalaki.
“Kung ganun ikaw ang Boss niya.” Sabi naman nung babae. Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya. “Sa oras na makauwi na si Morpheus dito sa bansa, sisiguraduhin naming mababawi na namin kung ano ang kinuha niyo.” Dugtong niya at tsaka tinago ang sandata niya sa likuran at tuluyan ng tumalikod.
“Tayo na, Loda.” Pagkatapos ay mabilis na silang tumalon at tuluyan ng naglaho.
“Seryoso, wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila” Nasabi nalang ni Kael
“Ako rin.” Baka nga nagkakamali lang yun ng bintang.
“Minsan ko ng narinig ang pangalang Morpheus noon. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Biglang sabi ni Asher habang nakatingin pa rin sa harapan namin. Pero maya maya lang rin ay humarap na ito samin “Balik na tayo sa kotse.” Nakangising sabi niya.
Sino nga kaya yung mga yun.
[ Ish’s PoV ]
“Wala pa ba sina Boss? Mag aalas siete na ah.”
“Sabi nung tagasundo sakanila na tumawag daw si Asher sakanya at sinabing siya na daw ang susundo kila Boss” Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa hawak kong laptop. Napansin ko namang umupo si Elsa sa kabilang couch.
“Napapadalas na ata yang pagbabad mo sa laptop mo, Ish. May hinahanap ka ba?” Pansin na rin pala niya ang pagiging busy ko. Hindi naman ako inutusan o ano pero sa ngayon kasi naghahanap ako ng mga kaunting impormasyon tungkol sa Alibara at Martin Family–ang natitirang ka kompetensya ng Virgo sa mundo ng Mafia.
Mas mabuti ng may alam kami kahit konte tungkol sa kanila
“Si Benz kumusta na?” Tanong pa niya. Bigla tuloy akong napahinto saglit sa pagtatype.
“Ganun pa rin. Kahit anong gawin ko wala pa rin epekto.” Sagot ko. Ano na bang nangyayari sa abnormal na yun.
Tinab ko saglit ang nireresearch ko at saglit na tinignan ang larawan ng pitong myembro ng Vendetta sa kabilang tab.
-Flashback-
“Diba sabi nung nakalaban mo dati tatlo na sa myembro ng grupo mo ay napatay na niya?” Sabi ko habang nagreresearch pa tungkol sa Vendetta.
“Oo pero hindi ako naniniwala.” Sagot niya. “Masyadong mahina ang kakayahan niya para makatapos ng buhay ng isang Vendetta.”
Sobrang lalakas ba talaga ng mga Vendetta na’to para masabi niya yun ng kampante.
Kunsabagay, si Benz na ang magpapatunay na hindi nga sila mga ordinaryong nilalang lang.
“Eh ano lang pala yun? Imbento lang niya para matakot ka?”
“Sa tingin ko gumamit lang sila ng double para palabasing napatay na sila. Ang double Isang uri ng pagpapanggap na kung saan gagayahin ang mukha mo para may duplicate ka. Ginagamit lang ’to ng mga most wanted na kriminal na mayayaman o ng mga taong maraming nagbabanta sa buhay nila. Naghihire sila ng tao ng magsisilbing duplicate nila. Yung duplicate ang magpapakita sa publiko para kung sakaling may huhuli o mag aassasinate sakanila, sila yung mahuhuli o mapapatay at hindi yung tunay na kriminal.”
“Nagagawa nila ang ganun? Hanep ah.”
“Hindi, iba ang gumawa nun. Sa tingin ko nasa pugad pa rin silang anim ni Dr. Guanzon. Siya lang ang kayang gumawa ng ganoong kadilikadong operasyon.”
-End of Flashback-
Kung totoo ang sinabi niya, malamang buhay pa nga tong anim na mga kasamahan niya dati.
Pero ang tanong..
Nasan na kaya ’tong mga ’to?
Narinig ko ang tunog ng gate na bumukas kaya naputol ako sa pag iisip.
“Andyan na sila.”
Maya maya lang rin ay bumukas na ang pintuan nitong mansyon at isa isang pumasok sina Boss, Kael at Asher…at…
Agad nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung sino ang huling pumasok.
Bigla kong naalala yung ID niya na binigay ni Benz sakin dati.
Agnes Martin
Ang successor ng Martin Family at posibleng anak ni Marcelo kay Queen Almira–ang ina ni Virgel at dating asawa ni Boss Vlad.
Bakit siya nandito? Buti nalang wala si–
At mas lalo akong kinabahan sa binalita ni Asher sa mga maid.
“Tumawag si Boss Vlad, dito daw siya maghahapunan. Papunta na siya ngayon dito.”
Naloko na..
-To be continued..
(A/N: Sorry ang short lang nito, babawi nalang ako next time hahaha. Maraming salamat pala dun sa mga readers ko na hanggang dito eh sinusuportahan pa rin yung story na to :) Sana kumapit uli kayo hanggang sa matapos ko tong book2 hahaha Thank you ng marami. Debest talaga kayo :)) Kitakits nalang po tayo sa next episode :)) Adios~ )
-Sin
Episode 3 : The Agreement
Episode 3 : The Agreement
( Hello! Sorry sobrang tagal ng Update hahaha may pinagkakaabalahan lang :)) Anyways ito na po ang pambawi ko hahah sana magustuhan niyo.
( Pakitingin po sa media, yan po si Daniel Monroe ng Gangsta, ang portrayer ni Marcelo Martin. At guys kung sino yung gustong makakita sa portrayer ng Vendetta, basahin niyo ulit yung first part ng Episode 2, may inattached akong mga pictures nila dun :) )
Sorry sa typos and errors :)
[ Virgel’s PoV ]
“Tumawag si Boss Vlad, dito daw siya maghahapunan. Papunta na siya ngayon dito.”
Tumawag nga si papa kanina at sinabi nyang dito daw sya maghahapunan. Medyo matagal na rin nung huling bisita nya dito kaya masaya ako nung marinig ko yun. Tsaka isa pa, sakto din dahil nandito si Agnes, may bagong kaibigan na rin akong maipapakilala sakanya.
“S-si Boss Vlad? Dito kakain?” Napatingin kami bigla kay Ish nung magtanong ’to na parang nagulat ata sa narinig niya.
“Bingi lang? Ha? Bingi?” Pagbibiro namang sagot ni Asher kaya nagtawanan kami. Si Ish nakitawa pero halatang pilit lang. May problema ba silang dalawa ni papa?
Nabaling naman ang atensyon naming lahat sa papasok na sina Benz at Helena. Agad nawala ang ngiti sa labi ko nung tignan ko si Benz na ang tamlay ng mukha.
Parang dati lang sya yung nagbibigay palagi ng saya dito sa mansyon. Siya yung nagsisilbing clown ng pamilya. Pero ngayon tila nag iba na ang takbo ng panahon. Sa tuwing nakikita namin syang ganito eh wala kaming magawa kundi ang tignan lang sya. Kahit anong gawin naming tulong sakanya hindi na namin kayang ibalik ang dating Benz…
ang masiyahin na Benz.
Napansin sIguro nya na natahimik kami kaya ngumisi ito. “Oh itsura niyo jan? Lagi nalang talaga kayong natutulala sa kagwapuhan ko” Tumawa pa ito. Nagkatinginan naman kami nila Ish dahil iisa lang ang nasa isip namin.
Di mo naman kailangang epeke ang sarili mo para palabasin lang na maayos ka..
Lahat kami gustong sabihin yan sakanya pero pinipili lang naming hayaan siya at palabasin narin na hindi namin sya nahahalata.
“Ulol. Asa ka. Para kang kulugo na tinubuan ng mukha” Agad basag ni Ish sa katahimikan na agad sinundan ng malakas na tawa ni Asher “HAHAHAHAHAHard.” Pati kami ay nakitawa na rin.
“Bad mo talaga”
pout
Nilingon ko si Agnes na nakikitawa rin. Buti naman at hindi sya masyadong nalalayo sa kaengotan namin.
“Oy Helena, ba’t ang tamlay nyang si Benz? San ba kayo nagpunta? Ano bang ginawa niyo, ha? Ilang beses mo ba yang tinira?” Dagdag pa ni Asher ng kinatawa ng husto ng lahat maliban kay Hell… at sakin.
Teka anong tinira? Takte, mukha ako na ata ang di nakakasabay o.O
Tinignan ko si Helena na sobrang pula “P-pinagsasabi mo?”
Tawang tawa silang lahat tas ako loading pa din. Tinira? Amp. Tinitira ba tayo?
“Yung inosente hindi nakagets HAHAHAHA!” Halakhak na sabi ni Asher sabay turo sakin na mas nagpatawa lalo sakanila.
“Ano ba yung tinira?” Kamot ulo kong tanong pero sana di ko nalang ginawa. Tinawanan lang nila ako lalo.
Nanyu :(
**
Sa ilang minuto naming asaran sa may sala ay nakarinig na kami ng tunog ng paparating na sasakyan kaya agad na kaming tumigil at isa isang tumayo. Pumunta silang lahat sa bawat gilid ng pintuan kasama si Agnes na inalalayan ni Elsa habang ako naman ay nasa gitna.
Maya maya pa ay lumabas na sa sasakyan si Papa at naglakad palapit sakin habang nasa likod niya yung sina Felix, Trace, Elred at Sebastian. Kasama rin pala sila.
Isa isa namang yumuko sina Ish para magbigay ng respeto. Lagi na nilang ginagwa yan basta pupunta si Papa dito. Napakalaki ng respeto nila sakanya.
Ngumiti naman si Papa habang naglalakad. “Kumusta kayo?”
“Maayos naman po. Sagot ni Elsa pagkatapos yumuko. Lumapit si papa sakin at niyakap ako. “Anak.”
Gumanti rin ako “Buti napadalaw kayo Papa.” Pagkahiwalay namin ay agad akong tumingin kay Agnes “Ah sya nga pala Pa, kaibigan ko.” Pakilala ko kaya tumingin si Papa kay Agnes. Si Agnes naman ay mabilis na ngumisi. Confidence nya level 69 -_- “Hello Po!” With kaway pang bati niya.
Saglit namang tinitigan ni Papa si Agnes pero kalaunan ay gumanti na rin ito ng ngiti. “Anong pangalan mo Hija?” Tanong nya. Sasagot palang si Agnes pero “AGNES!” Biglang sumingit si Ish na pinagtaka namin. Lumapit pa siya kay Agnes at inakbayan “S-siya si Agnes, Boss. Kaibigan ni Virgel. H-hahaha Oh! Yung hapunan natin handa na pala. Tara na’t kumain!” Masiglang dugtong nya at agad na siyang umuna kasama si Agnes.
Ang weirdo ni Ish ngayon. o.O
Nasa kalagitnaan na kami ng hapunan ngayon. Madaming niluto sila Manang Teresa kaya takam na takam yung iba, lalo na sina Asher at Agnes. Pfft. Di pa nga nilulunok yung nginunguya nila may sinusubo na agad hahahah. Si Ish naman panay tingin kay Papa at Agnes habang kumakain na parang hindi mapakali. Magkatabi kasi sina Papa at Agnes ngayon. Ano ba talagang problema nito ni Ish? Sina Kael,Hell at Elsa naman ay tahimik lang na kumakain tulad ng apat na Assassin ni Papa.
Agad na namang nahinto yung tingin ko kay Benz. Tahimik lang itong kumakain habang sa plato nya lang nakatingin. Si Helena naman ay tingin ng tingin sa katapat nya. Halata sa mga mata nya ang pag aalala.
“ ~Alriiight! I’m Benjamin Delgado A.K.A Gwapong Samurai. 3rd rank sa Growpu. Pinaka gwapong nilalang ng Virgo Family! Nice to meet yah Bossing! You can call me Benz by the way “
Napangiti nalang ako ng mapait nung maalala ko yung unang pakilala ni Benz sa sarili niya sakin.
Habang kumakain kami ay may bigla nalang akong tanong na naalala kanina.
Tamang ngayon ko nalang itanong dahil andito si Papa. Baka alam niya ’to.
“ Ah papa, may itatanong lang sana ako.“ Sabi ko na nagpakuha ng atensyon nilang lahat.
“Ano yun anak?” Tanong ni papa habang kinukuha ang baso niya at tsaka ito ininom.
“Pano ba tayo tinitira?”
Biglang napabulwak si Papa sa iniinom nya habang si Asher naman ay napabulwak rin sa kinakain nya. Yung ibang kanin lumusot pa sa ilong nya. “Tangna..” Mabilis na umalis si Asher habang bumubulong ng “Wala akong kinalaman jan”
Anong meron?
Binigyan ko ng tissue si Papa para punasan ang bibig niya “May mali po ba sa tanong ko?” Tanong ko pa. Tinignan ko sina Ish. Ba’t parang nagpipigil sila ng tawa.
“Ba’t mo biglang natanong yang klaseng bagay na yan?” Tanong rin niya.
“Ah kasi tinanong ni Asher si Helena kanina kung ilang beses nyang tinira si Be–”
“WALA AKONG ALAM JAAN! INOSENTE AKO!” Biglang sigaw ni Asher sa may kusina kaya nagtawanan yung iba.
“Asher mag usap tayo mamaya.” Tugon ni Papa pagkatapos ay pinagpatuloy na nya ang pagkain niya. Eh? Asan na sagot ni Papa?
“SI ELFRED TALAGA NAGTANONG NUN BOSS” Sigaw na naman nya kaya si Elfred muntik ring mabulunan dahil sa pagsali ni Asher sakanya sa usapan.
“Gunggong” Napailing nalang niyang bulong.
Maya maya lang rin ay bumalik na si Asher sa upuan niya at nakayukong pinagpatuloy ang pagkain.
Sa gitna ng katahimikan ay biglang nagsalita si Papa “Buti at naisipan mo ang bumisita dito Hija.” Tugon nya kay Agnes na nasa tabi niya lang.
“Opo. Mabuting mabuti talaga. Ang sasarap ng pagkain niyo dito eh” Nagawa nya pang sabihn lahat yun habang punong puno yung bibig niya.
“Halatang nageenjoy ka nga sa Pagkain” Singit ko. Lamon kasi ng lamon. Pagnabulunan talaga to..
“Naman!”
“San ka ba nakatira ngayon Hija?” Muling tanong ni Papa.
“Nag boboard lang ho ako hehehe”
“Na’san ba mga magulang mo?” Nakita ko ang pagdadalawang isip ni Agnes na sumagot kaya nag imbento nalang agad ako “Nag abroad yung mga magulang nya. Nag iisa lang syang anak kaya wala syang choice kundi ang mag board nalang malapit sa school namin.” Nakangiting singit ko kaya tumingin si Agnes sakin ng may pagtataka.Minsan ko na kasing natanong yan sakanya dati pero iniba niya lang ang topic at hindi niya yun sinagot. Baka may problema to sa pamilya kaya hirap siyang sagutin yung mga ganyang tanong.
Nakita ko namang tipid na ngumiti si Papa. “Ganun ba.” Pagkatapos nun ay muli na naming pinagpatuloy ang pagkain.
[3rd Person’s PoV]
“60 Million Pesos.” Ininom nya ang hawak nyang baso bago ngumiti sa kaharap nya. Base sa reaksyon na nakita nya sa mukha nito ay alam na niya ang resulta sa pakikipagsosyo nito.
“Panglimang beses mo ng punta dito sa teritoryo ko para lang sa hinihingi mo, Celo. At palaki rin ng palaki ang alok mo sakin.” Ngumiti rin ang doktor “Kung sakali bang tatanggi ako ngayon, babalik ka pa ba at dadagdagan yang anim napu’t milyong alok mo?”
Sarkastiko namang tumawa ang matanda “Wag kang abusado, Dr. Guanzon. Huling alok ko na ’to.”
Inaasahan na yun ng doktor kaya di na ito nakipagtalo pa. Ang totoo nyan ay nakumbinse na ito sa alok nyang 60 Million. Malaking halaga na din yun kahit papano.
“Matanong ko lang, Mr. Martin. Ba’t sa mga bata ko ka interesado? Wala ka bang tiwala sa mga sakop mo?”
“Ayokong mawalan ng mga tao.” Mabilis at pabirong sagot nito. “Yang mga bata mo, alam kong bihasang bihasa na yan. At malaki ang tiwala kong matutumba nila ang matagal ko ng gustong itumba. Bayan nga napapatumba nila, isang tao pa kaya?” Napahigpit ang hawak nya sa baso ng maalala nito ang pagmumukha ng taong ’yun.
“Ang totoo nyan ay matagal ko na ding gustong dispatsahin ang matandang ’yun matapos kong malaman nitong kailan lang na siya pala ang kumuha sa isa sa mga bata ko noon.”
Habang mainit na ang pag uusap ng dalawa ay tahimik lang na nakikinig ang dalawang mga tauhan nila na sina Ikram, Dylan at sina Ermac at Ross.
“Kung ganun huling pag uusap na ba ’to?” Inilahad ni Marcelo ang kamay nito bilang senyales ng tagumpay na kasunduan
“Uumpisahan agad namin yan sa oras na makauwi na dito ang isa sa mga bata ko” Kinuha ni Manuel ang kamay nito bitbit ang isang matipid na ngiti.
Tumayo na pagkatapos si Marcelo at tsaka isinuot ang sumbrero nito “Aasahan ko yan, Doktor.” Tumalikod na ito at nag umpisa ng maglakad palabas ng silid na yun kasama ang dalawang tauhan niya “ Hanggang sa muli“
Nang makaalis na ng tuluyan si Marcelo ay di na mapigilan ni Ermac ang magsalita “Sigurado ba kayo sa decisyon niyo, Doktor?”
Inayos naman ng doktor ang salamin nya bago sumagot “Ang mga taong nangunguha ng mga bagay na walang paalam ay dapat pinaparusahan.”
Tumayo na rin ito pagkatapos at tsaka tinahak ang daan palabas ng silid. “Maghanda kayo. Malaking ulo ang didispatsahin niyo sa oras na makauwi na si Morpheus dito.”
“Masusunod doktor”
Sa kabilang banda naman ay habang nakasakay na ang mga Martin sa kotse ay nagtanong si Ikram na tila masama ang loob.
“Ba’t kailangan niyo pang mag aksaya ng pera, Boss? Andito naman kami. Kaya naming tapusin ang buhay ni Mr. Acosta na walang bayad.” Pakiramdam kasi niya minamaliit ng Boss niya ang kakayahan nilang mga alagad nya. At mukhang tama nga ang nasa isip nya.
“Huwag kang hangal, Ikram. Masyado pa kayong mahina.” Nakaramdam ng inis ang dalawa pero di nila ito pinakita. “Gaya nga ng sabi ko kanina, Ayokong mawalan ng myembro. Dahil kailangan ko kayo para sa isang matinding labanan.” Kinuha ni Marcelo ang pendant sa may ilalim ng tuxedo nya pagkatapos ay binuksan nya ito.
Isang larawan ng nag iisang anak nya ang nakalagay doon.
“Magsanay kayo ng mabuti.”
Sa mansyon ng Virgo, tapos ng kumain ang lahat. Nagtitipon tipon ang mga myembro nito sa may sala kasama si Vlademir at Agnes. Masayang nagkkwentuhan ang mga ito. Habang sa labas naman ng mansyon tumatambay ang limang assassin. Si Felix naninigarilyo lang habang yung iba nagmamatyag. Ayaw man nilang sabihin, ramdam nilang may kulang.
May kulang sakanila. Kahit nakakatakot ang presensya nito dati ay di nila maiwasang hanap hanapin ang presensyang yun. Siguro ay dahil nasanay na rin sila.
“Medyo masakit pala malagasan ng kakampi.” Simpleng tanong ni Felix pero ramdam mo pa rin kahit papano yung lungkot sa mga salitang ’yun.
“ Kaya bilib ako sa mga Fuego.“ Dugtong rin ni Elfred. “Nakakaya pa rin nilang tumayo kahit halos maubos na ang mga kasama nila.”
“Ang dadrama niyo pota. Di bagay” Nawala bigla ang malungkot na background music nung biglang umeksena si Asher. Pati si Sebastian at Trace ay natawa sa sinabi niya
“Panira ka talagang gunggong ka”
“Nawala lang ako ng ilang taon marunong na agad kayo sa mga ganyan ganyan” natatawang dagdag nito. “How to be you guys? HAHAHAHA!”
“Pakyu” Felix
“Pag ako nawala din, magluluksa din siguro kayo. Tas mga 69 years pa bago kayo makamove on sa pagkamatay ko. Noh? Noh?”
“Asa ka. Walang dadalo sa burol mo” -Elfred
“ Bubuhatin mo mag isa yung kabaong mo papunta sa libingan mo“ Natatawang singit ni Sebastian. Pati ang iba ay natawa rin.
“Ang mimean niyo :(”
Kahit mga Assassin sila at kilala bilang brutal at nakakatakot na nilalang, meron pa rin silang moment na ganito. Yung nag uusap sila ng mga walang kwentang bagay.
Nang matapos ang walang kwentang usapan nila ay biglang sumagi sa isipan ni Asher ang nangyari kanina.
“Siya nga pala, may kilala ba kayong Devi ang pangalan dito sa Virgo?” Tanong nito.
“Parang pamilyar.” -Trace
“Yun” Lahat ay napatingin kay Felix nung magsalita ito. Nakatingin ito sa loob ng mansyon kaya napatingin din sila. Ang tanging nakita lang sa bintana ng sala ay si Benz na nakadungo at tila di sumasali sa usapan nila sa loob.
“Si Benz???” Medyo nagulat si Asher sa nalaman niya.
“Ah oo. Si Benjamin. Devi ang tawag sakanya dati nung di pa sya myembro ng Virgo.” Usal ni Trace.
“Bakit mo biglang natanong yan?” Elfred
“Kanina nung pauwi kami may humarang samin at hinahanap nila samin yung Devi daw. Tangna si Benz si Devi? Ba’t may naghahanap sakanya? Kriminal ba yan dati?”
Nagkatinginan pa saglit ang apat. Si Asher lang ang walang alam kay Devi dahil wala na ito sa Virgo nung mangyari ang pagkuha nila kay Benz.
“Myembro ng isa grupo ng mga Vigilante yang si Benz dati. At sapilitan lang namin syang kinuha at dinala sa mansyon para gawing myembro ng Virgo.” Paliwanag ni Felix
“Ba’t sapilitan?”
“Di nga namin alam dati kung baket interesadong interesado si Boss sakanya eh napakabata pa niya palang nun. Pero nung nakalaban namin yan, nalaman agad namin yung sagot.” Dugtong ni Elfred
“Napakalakas ng batang yan.” Sebastian
Bigla tuloy naalala ni Asher nung sa digmaan dun sa palasyo ng Elfame. Nung sinuntok ito ng napakalakas ni Argo pero parang hindi man lang ito nasaktan.
May bigla ulit syang naalala na isang pangalan kaya sinagad na nya ang pagkakataon.
“Morpheus.” Usal ng bibig niya “Narinig niyo na ba ang pangalang Morpheus”
“Siya ang leader ng grupong kinabibilangan ni Benz dati. Ang kinatatakutang Vigilante sa labas ng Mafia noon. Halimaw din yung isang yun”
“Sa kitunayan silang lahat halimaw. Ang pitong myembro ng Vendetta.” Trace
“Balak nilang bawiin si Benz satin. At gagawin daw nila yun sa oras na makauwi na ang lider
nila.“ Babala ni Asher
Humithit lang ulit si Felix sa sigarilyo niya at kampanteng sumagot. “Hindi nila mababawi si Benz satin.”
Mahigit dalawang oras na ang nakalipas ng umuwi si Vlademir at mga alaga nya. Sobrang tahimik na rin ng sala dahil yung iba ay natutulog na. Medyo late na din kasi.
Sina Virgel, Kael at Agnes ay nasa balkonahe ng mansyon dahil tinatapos pa nila yung assignment ni Agnes. Bukod sa kanilang tatlo ay meron pang isang tao ang gising na gising pa. Nagdala ito ng isang bangko sa labas ng mansyon para umupo at magpahangin, at para makapag isip isip na rin.
“Ano bang nangyayari sayong hayop ka.” Mahinang bulong nito. Kahit ayaw nya mang ipakita, sobra na itong nag aalala sa kinikilos ng pinakamalapit sakanya. Naaapektuhn na sya sa mga kinikilos nito.
“Mahal mo talaga si Benz kuya no?” Biglang napabalikwas si Ish mula sa pagkakasandal dahil may biglng nagsalita sa may likuran nya na may bitbit rin na bangko. “Anak ng! Ba’t gising ka pa?” Bumalik ito sa pagsandal ng malaman nyang si Lily lang pala. Kala nya multo. phew.
“Mahal mo si Benz, kuya no?” Imbis na sumagot ay tinanong nya lang ulit yung tanong na yan.
“Wag ka ngang magtanong ng mga nakakadiring bagay bata.” Nakapikit na sabi ni Ish. “Mahalin kita jan eh” Bulong nito
“Ano yun kuya?” Tanong ng bata habang nilalagay yung bangko sa tabi ni Ish.
“Wala. Sabi ko matulog kana. Gabi na.”
“Alam mo kuya. Minsan kailangan talaga nating ilabas yung mga nararamdaman natin sa mga problema sa buhay para di gumulo lalo yung pag iisip natin.” Umpisa ni Lily “At para mailabas mo yun, kailangan may isang tao kang pwedeng masabihan ng mga problema.”
“Pfft. Pinagsasabi mo jan? Wala naman akong problema.”
“Wala?”
“Wala.”
“Pero ba’t di yan yung nakikita ko?” Dahil sa sinabi ni Lily ay napamulat ng mata ng wala sa oras si Ish at tinignan ang katabi nya “Punong puno ng problema yung mga mata mo.” Dagdag pa nito ng nagpatameme lalo kay Ish.
Isang batang babae ang nagpatameme sakanya sa ganitong usapan..
Walang nagawa si Ish kundi ang pumikit ulit at ngumiti ng mapait.
“Wala naman talaga akong problema. Siguro takot pwede pa.”
“Takot? San ka ba natatakot kuya?”
Biglang napaisip si Ish sa tanong nito sakanya.
San nga ba siya natatakot.
“Natatakot lang ako na baka isang araw maisipan nyang bumalik sa mundong kinabibilangan niya noon.” Lalo pat nalaman ni Ish na buhay pa ang mga myembro ng dating grupo niya.
“Natatakot ako. Natatakot akong iiwan nya tayo balang araw.”
Natawa ito ng konti “Tangna hindi ko alam kung ba’t ako natatakot” Alam naman nyang hindi gagawin yun ni Benz. Kaya hindi niya din naiintindihan yung sarili niya kung bat siya natatakot.
Bigla nalang naramdaman ni Ish ang dalawang maiinit na palad ni Lily na nakahawak sa braso nya. Binuka ni Ish ang isang mata niya para tignan ang bata. Nakangiti lang ito..pero yung ngiting yun…tumagos ito papunta sa puso niya. At di niya alam pero bigla nalang kumalma ang nararamdaman niya.
“Hindi niya tayo iiwan, kuya. Sinisigurado ko yan sayo.”
[Virgel’s PoV]
Habang abala sina Agnes at Kael sa pagsosolve ay saglit kong tinignan ang ibaba mula dito sa balkonahe dahil parang may naririnig akong nag uusap. Pagkatingin ko, nakita ko sina Ish at Lily na nakaupo at mukhng nag uusap nga.
Ano kayang pinag uusapan nila. Tsaka gabi na masyado ah.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko nila Kael dahil mukhang medyo malapit na sila. Dami kong naitulong T_T
“Sorry ah. Hanggang moral support lang talaga kaya kong gawin ngayon.” Malungkot na sabi ko. Eh kasi namaaan. Si Kael na halos nagsosolve lahat. Tas ako dito lang, walang ginagawa. Di ko naman kasi talaga alam pano gawin yung assignment ni Agnes T__T
“Wag mo ng intindihin yun Boss.” Nakangiting sabi ni Kael habang nagsusulat.
“Oo nga, Tasyo. Be happy be budoy ka lang jan” Amp. Napatingin ako saglit kay Agnes. Suot suot nya nga pala ang pantulog ni Elsa ngayon dahil wala syang ibang dalang damit. Saktong sakto niya lang yung suot nya.
Sa di inaasahan ay biglang napababa ng onte yung tingin ko sakanya at napunta ito sa…ngayon ko lang napagtanto..medyo may..medyo may kalakihan p-pala ang..ah..
Nabalik ako bigla sa wisyo ko nung bigla nyang tinakpan ang dibdib nya kung saan ako nakatingin gamit ang braso niya. Pagtingin ko sa mukha nya, sobrang pula nito. A-aw
“Manyak ka talaga tasyo! Mukha kang rapist habang nakatingin ka sakin kanina! Huhuhuhhu Kael oh! Binabastos ako ni Tasyo T___T”
E-ena?
“H-hoy ano manyak ka jan! Di naman ako nakatingin sayo ah!” Sobrang init ng mukha ko sa mga oras na’to. Takte, bat ba kasi nawala ako sa katinuan ko knina.
“M-maka alis na nga!” Agad nalang akong umalis para di na mapahiya pa. A-anak ng talaga. Ba’t ba kasi kung saan saan to tumitingin tong mga mata ko.
Pero bago pa ako makaalis ay narinig ko pa syang sumigaw “Manyak! Pervert! Hentai!”
T_____T Di ko naman sinasadya eh.
[3rd Person’s PoV]
Kinaumagahan, sabay ng pumasok ang tatlo sa skwelahan. Si Kael at Agnes panay hikab dahil sobrang late na silang natapos kagabi. Si Virgel medyo inaantok rin dahil kahit maaga siyang pumasok sa kwarto dun sa dalawa, sobrang tagal rin nyang nakatulog dahil sa kahihiyan niya sa nangyari kagabi. Sa tuwing naaalala nya yun ay nag iinit ang mukha nya at nagsisitayuan ang mga balahibo nito. Ni minsan hindi pa siya tinawag na Manyak sa buong buhay niya. Kagabi lang.
“Oy Kaaael, maaaraming salamaaat talagaaa sa paaagtulong mooo sa assignmeeents kooo kaaagabi aaah.”
“Nakooo walaa yuuun”
Para ng mga zombie yung dalawa habang nag uusap. Tatlong oras lang ata talaga yung tulog nila eh dahil after nilang matapos yung assignment ay nireview pa nila ito kung tama ba lahat.
Lumingon naman si Agnes kay Virgel sa gilid nya habang naglalakad “ Saaayo din Viii–ay, Liiito palaaa. Salamaaat diiin“
“Sinasabi na nga ba’t sinasadya mo lang talaga akong tawagin sa ibang pangalan eh” pabulong namang sabi ni Virgel kaya di na ito nagawang marinig ni Agnes.
“Wala yun.” Sagot nalang niya at hindi na nag abalang tignan ang katabi niya at baka sa ibang direksyon na naman mapunta ang tingin niya at mapagkamalan na naman syang manyak.
Pagkarating nila sa building ay agad ng naghiwalay ang tatlo, mamayang lunch nalang sila magkikita ulit sa may rooftop.
Nung makapasok na sina Virgel at Kael sa room nila ay mejo madaming classmates na nila ang nandun. Malapit na din kasing mag bell.
Isa sa mga nakarating na ay ang katabi ni Virgel na si Claire na agad sumalubong ng napakagandang ngiti sakanya “Good morning Virgel” ang kaninang wala sa katinuan ay biglang natauhan nung binati siya ng isang magandang anghel.
“G-good morning din Claire.” Nahihiyang bati din nito bago umupo sa upuan nya.
Habang tahimik na nakaupo si Virgel ay narinig niya ang dalawang classmates nya na babae na nag uusap sa harapan nila.
“Alam mo ba yung bali-balita ngayon?”
“Balita?”
“Oo. Sabi kasi nila may transferee daw dito sa school natin.”
“Transferee? Eh 2 months nalang matatapos na tayo ah. Pwede pa pala yun?”
“Ewan ko nga eh. At ang sabi dito sa section natin siya nilagay ng principal. At sabi sa mga nakakita sakanya, sobrang gwapo daw nito! Ohmyged naeexcite akong makita sya!” Tumili pa yung dalawa kaya medyo narindi si Virgel. Nilingon nalang niya yung katabi niya na alam niyang nakikinig rin dun sa dalawa.
“Totoo bang may transferee pang lilipat dito, Claire?”
Ngumiti lang ito at nagkibit balikat “Yun din ang narinig ko eh”
Maya maya pa ay nag bell na kaya isa isa ng nagsibalikan sa mga upuan nila yung iba. Bigla pumasok ang teacher nila na agad sinalubong ng mga tanong mga babaeng studyante.
“Ma’am dito ba talaga sa section natin ilalagay yung transferee?”
“Nandyan na ba sya ma’am?”
“Ma’aaam! Syet sobrang gwapo niya ba talaga???”
“Ma’am! Asan na ang Prince Charaming namin? Ba’t di niyo kasama??”
Pinatahimik ng teacher ang mga ito bago magsalita. “Ano ba kayo?!” Mula sa galit na tono ay biglang pumula ang pisngi ng matandang teacher nila na parang nagpapabebe “Nakakahiya sa bagong classmate niyo oh” Pabebeng dugtong nito bago tumingin sa labas ng pinto. Yung lalaking mga studyante naman ay napangiwi sa inakto ng teacher nila. Ang tanda tanda na may pa ganyan ganyan pa ding nalalaman. Walanju hahahaha.
“Pasok kana Hijo hihihi” Sabi pa nito. Enang hihihi yan.
“Tanginuh?” Di makapaniwalang reaksyon ni Baron sa inaakto ng teacher nila, isa ’to sa mga lalaking studyante dito sa room.
Maya maya pa ay may pumasok na nga na isang..di mo alam kung studyante ba o prinsipe ng isang kaharian dahil sa sobrang perpekto ng mukha nito. May pula ito na buhok at mapupungay na mga mata, maninipis na labi at matangos na ilong. Parang isang banyaga ang lahi ng isang ’to.
Agad nagtilian ang mga babae nung pumasok ang bago nilang classmate. Yung iba naglalagan na yung mga panty dahil sa mala Adonis na nakikita nila.
Yung mga lalaki naman sobrang sasama ng tingin sa pumasok dahil natalbugan ng lalaking yun ang kapogian nilang wala dito wala doon. Meron rin namang mga lalaki na sa tingin nilay nahanap na nila ang kasagutan sa tunay na pagkatao nila nung makita nila yung pumasok.
“Syet ang pogi niya.” Biglang bulong nung bruskong lalaki.
“Pogi? May sinasabi ka tol?”
“Ha? W-wala tol. Sabi ko mas pogi pa ako jan ha-hahaha” Pero sa isip isip niya ay nasagot na rin ang tanong na matagal na niyang gustong masagot noon.
“Kaya pala si Darna and idol ko dati at hindi si Captain Barbel.”
Tanging si Virgel at Kael lang ata ang walang reaksyon. Si Virgel normal lang na nakatingin habang si Kael ay kinuha na agad ang pagkakataon na umidlip saglit. Wais din.
Si Claire ganun lang rin. Walang reaksyon. Di tulad ng ibang babaeng classmate nila.
“Okay, maari mo ng ipakilala ang sarili mo Mr.” Mahinhin na utos ng teacher sa transferee. Ngumiti naman sakanya ang binata na tila nagparamdam ng kakaiba sa matanda. Pakiramdam na hindi niya inaasahang mararamdaman pa niya dahil sa katandaan niya.
Bumasa..
Humarap ang lalaking yun sa mga classmates niya at yumuko ng konti “Ang pangalan ko ay Damian Seraphin. Kinagagala ko ang makilala kayo” At nagtilian na naman ang mga babae.
“Ohmygod ang hot ng name niya!”
“Bagay na bagay sa pangalan ko yung surname nya ghaad”
“Hi pogi! Notice me! Buntisin mo me!”
Habang gulong gulo ang buong room dahil sa mga babae ay napansin ni Virgel ang pagtingin ng transferee sakanya ng seryoso. Si Virgel naman na walang muwang ay lumingon pa sa likuran nya at baka hindi pala siya ang tinitignan nito.
Ako ba ang tinitignan niya
Pagbalik niya ng tingin kay Damian ay naghanap na ito ng upuan.
Namamalik mata lang siguro ako..
Nag mag lunch na ay nagkita kita ulit silang tatlo sa rooftop para sabay kumain.
“Hoy Lito!” Habang kumakain ang tatlo ay parang wala sa katinuan si Virgel. Sobrang tahimik nito na parang ang lalim ng iniisip “LITOO!” Sa pangalawang sigaw ni Agnes lang bumalik ang wisyo niya
“O-oh bakit?”
“Parang ikaw pa tong mas puyat sa’ting tatlo Boss ah” Natatawang sabi ni Kael “Ano ba yang iniisip mo at nalulutang ka jan?” Tanong nito.
Di alam ni Virgel kung sasabihin ba niya pero..bahala na. “Eh kasi yung bago nating classmate natin, Kael”
“Ano meron dun? Nagagwapuhan ka din? Boss naman.” Natatawang biro nito
“Hindi. Baliktad.” Seryosong saad ni Virgel
“Baliktad?”
“Siya ata yung nagagwapuhan sakin, Kael” Biglang nasamid si Agnes sa sinabi ni Virgel. Buti nalang at may dala silang tubig.
“Papatayin mo ba kami Lito??” Ubo ubong usal ni Agnes.
“Seryoso naman ako eh T_T”
“Ba’t mo naman nasabi yan Boss?” Natatawang tanong ni Kael
“Eh kasi kanina, ilang beses ko syang nahuhuling tumitingin sakin. Mga sampung beses ata.”
“Wow. May admirer kana Boss. Congrats!” Tawa lang ng tawa yung dalawa habang si Virgel naman sising sisi dahil sinabi niya pa ito sakanila.
“Sino ba yang transferee na yan? Bali balita dito na sobrang gwapo daw?” Tanong ni Agnes habang kumakain.
“Sino nga yun, Kael? Da..Damian Seraphin? Oo yun ata yun.” Agad namang napatigil sa pagsubo si Agnes sa narinig niya ang pangalan na sinabi ni Virgel.
“Damian? Seraphin?” Medyo tulalang ulit ni Agnes. Wag mong sabihing..
“Oo.” Napansin ni Virgel na may dumi sa gilid ng bibig ni Agnes “Teka may dumi” Kukunin niya palang sana ito pero nung dadapo na yung kamay nya sa mukha ni Agnes ay may malakas na tumapik dito. Dahil sa nangyari ay nalingat lang saglit sina Virgel at Kael. Pagtingin nila sa harapan nila ay wala na si Agnes.
Pagtingin nilang dalawa sa may pintuan ay may nakatayong lalaki doon habang bitbit si Agnes na parang naka bridal ang dating. Dahil rin sa pagkabigla ay napahawak si Agnes sa leeg ng lalaki.
Di mapaniwala ang dalawa sa sobrang bilis ng pangyayari. Pero mas nagulat sila sa lalaking may hawak kay Agnes.
Agad ring nanlaki ang mga ni Agnes nung mapagtanto niya kung sino ang umaakay sakanya
“Damdam?” Ang kababata niya..anong ginagawa nito dito.
Tsaka..pano niya nahanap ang pinagtataguan niya?
“Kinagagalak ko ang makita kang muli, Lady Agnes.” Ngumiti ito sakanya pagkatapos ay tumingin ito sa dalawang Virgo na tila gulat pa sa nangyari.
“Simula sa araw na’to, hinding hindi na kayo makakalapit kay Lady kahit isang sintemetro…”
Tumalikod ito bago nagpatuloy “Virgos” pagkatapos ay lumabas na ito sa may pinto bitbit pa rin si Agnes.
“Alam niya ang pamilya natin..” -Kael
“ Magka anu ano sila ni Agnes?“ -Virgel
-To be continued
( A/N: Ilang months din bago ako nakapag ud ulit. Sorry sa mga naghihintay :( tatry ko pong mag update ng madalas ngayon since may mga idea ng pumapasok sa utak ko hahaha sana
wag kayo magsawa dito :)) Oh siya, See sa next episode nalang guys. Adios~ )
-Sin
Episode 4 : The Martins
Episode 4 : The Martins
Sorry medyo antagal ng update hahaha anyways heto na :)
( PAKITINGIN SA MEDIA. SILA ANG PORTRAYER NINA VIRGEL, AGNES AT DAMIAN :)) ( Liberta, Chitoge Kirisaki at Karma Akabane )
( Sorry sa typos and errors :) )
[3rd Person’s PoV]
Habang tahimik na nakatingin si Vlademir sa may bintana dito sa loob ng opisina niya ay narinig niya ang tatlong katok sa may pintuan.
“Pasok.”
Iniluwa naman doon si Veronica na may bitbit na isang papeles. “Magandang umaga, Head Boss” Bati nito bago Inilapag ang hawak niya sa may lamesa “Ito na po ang pinapa research niyo samin ni Stephan.”
“Maraming salamat.” Yumuko si Nica matapos magpasalamat ni Vlad. Tatalikod na sana ito para umalis ng may bigla syang maalala.
“Ah siya po pala Head Boss.”
“…”
“Diba sa susunod na linggo ang kaarawan niyo?”
Humarap ang Boss sakanya tsaka ito nginitian. Hindi alam ni Nica pero sa tuwing kaharap niya ang Head Boss ng Fuego at Virgo ay napaka kumportable ng pakiramdam niya. Yun bang hindi siya nakakaramdam ng kahit konting takot na baka palagitan siya nito pag magkausap sila. Masyadong itong mabait para maging isang Mafia Boss. Malayong malayo siya dun sa dating Boss niya na sobrang angas at mayabang. “Madadagdagan na naman ang edad ko.”
Pasimpleng tumawa naman si Nica sa sinabi ni Vlad “Kahit anong pilit natin, tatanda at tatanda pa rin talaga tayo.”
“Sa tingin mo, maaagapan ba natin ang pagtanda?” Tanong ni Vlad sakanya dahilan para mapaisip siya saglit. Maaagapan? Imposible naman ata yun.
“Ah..hindi?” Di siguradong sagot niya.
“Mali.”
“Po? Wala naman atang gamot ang magpapapigil sa pagtanda natin—”
“Kamatayan.” Natigilan si Nica sa sinabi niya sa narinig niya mula kay Vlad.
“Yun lang ang kayang pumigil sa pagtanda mo.” Dagdag pa nito. Tinignan ni Nica ang mukha ng Boss niya pero wala siyang mahanap ng expresyon. Bat parang nakaramdam ata siya ng kakaiba sa sinabi ni Vlad. Pero kung iisipin mo tama rin naman ang sinabi niya.
“Tungkol sa kaarawan ko, ibibigay ko nalang ang mga listahan ng mga iimbitahin natin mamaya.” Ngumiti muna ito bago ibinalik ang tingin nito sa bintana.
“M-masusunod Head Boss.” Yumuko ulit ito bago nilisan ang kwarto. Nang marinig ni Vlademir ang pagsarado ng pinto ay kinuha na niya ang papeles na binigay ni Nica, at nang makita niya ito ay di nga siya nagkamali.
Isang Martin ang batang yun.
“Oh tulala ka ata jan. May nangyari ba?” Tanong ni Stephan sa parang wala sa sariling papalapit na si Nica.
Umupo ito sa tabi niya na hindi umiimik. Hindi niya alam pero hindi maalis sa utak niya ang sinabi ni Vlademir sakanya kanina.
“Ah..Steph.”
“Hm?”
“Pano ba maaagapan ang pagtanda?” Wala sa sariling tanong nito. Napahinto naman si Stephan sa pagtatype niya at dahan dahang tumingin kay Nica. “Pft. Anong kaengotang tanong yan?” Natatawang sabi nito.
“Haay.” Napabuntong hininga nalang si Nica. Mukhang sineryoso niya lang ata masyado yung sinabi ni Vlad sakanya. “Ano na naman ba yang nireresearch mo jan?” Pag iiba niya nalang sa usapan sabay tingin sa laptop ni Stephan.
“Tignan mo.” Pinakita ni Stefan ang isang napakalaking Arena na malapit ng matapos. Siguro mga 95% na itong buo.
“Aanhin ko yan?” Zinoom ng onte ni Stephan ang larawan para makita ni Nica ang Nakaukit sa may ibabaw ng Arena.
“Martins Battle Arena?” Kunot noong basa ni Nica. “Battle Arena?”
“Tama.”
“Pag aari yan ng mga Martin?”
“ Walang duda.“
“Ba’t niya naman naisipang gumawa ng Battle Arena?”
Nakatingin lang si Stephan sa larawan habang nag iisip “Malamang, may pinaplano sila.”
[Virgel’s PoV]
Uwian na namin pero nanatili muna kami ni Kael sa loob ng classroom. Palagi na kaming ganito. Kami yung huling lumalabas. Ayoko ko rin kasing makipagsiksikan sa iba pababa nitong building hehe.
“Pasensya na” Napansin namin sa may pintuan ang pagkabangga nung classmate namin na si Dexter dun sa kila Baron at sa mga kasama niya.
Pinalo naman ng malakas sa ulo ni Baron si Dexter “Wag ka ngang haharang harang jan!” Napahawak si Dexter sa ulo niya dahil sa sakit. Habang sila Baron naman ay umuna ng lumabas pero bago yun ay binangga bangga pa nila si Dexter.
Nakadungo lang si Dexter na parang paiyak na. Pero nung mapansin niya kami ni Kael na nakatingin sakanya ay agad rin itong umalis.
Yung mga mata niya kanina. Parang gustong lumaban pero nangingibabaw pa rin yung takot. Nakikita ko yung sarili ko sakanya dati.
“Di ko talaga gusto ugali nitong Baron na’to.” Rinig kong sabi ni Kael. Maangas kasi yun dito sa classroom.
“Pupuntahan ba natin si Agnes sa room niya Boss?”
“De, wag na. Baka andun na yung si Damian.” Sagot ko na biglang nagpatawa kay Kael. Eh?
“Ang lungkot ata ng pagkakasabi mo nun Boss?” Anong lungkot sinasabi niya? Eh baka naman kasi talaga andun na si Damian para sabayan si Agnes pauwi.
“Kung anu ano na yang iniisip mo. Tara na nga. Mukhang wala ng masyadong tao sa
building.“
“Hahaha”
Nung makababa kami sa building ay lalabas na sana kami para hintayin yung sundo namin pero nahagip ng mga mata ko si Claire na may dala dalang sobrang daming libro.
Pinuntahan agad namin siya para tulungan. Medyo nagulat pa siya sa pagsulpot namin sa harapan niya. “Claire. Tulungan na kita” Nakangiting aya ko.
“Oh kayo pala. Nako wag na Virgel, pauwi na kayo diba?” Agad kong tinignan si Kael at binigyan ito ng sobrang pekeng ngiti “Ah Kael..d-diba may pupuntahan ka pa? No? Ha-haha..dun sa ano..sa kuan..sa..oo tama dun.” Nginitian ko ng malapad si Claire para maniwala. “ May pupuntahan pa siya hehehe“
Si Kael parang hindi agad ako nagets. Amp namaaan. “Ah..eh oo, tama, may pupuntahan pa pala ako. H-hahah..kita nalang tayo Boss ah? Alis na ako.” Haays. Buti naman.
“Sige Kael h-hahaha..”
“Bye Kael ^_^ Ingat ka” Hayyss. Ang ganda talaga ng mga ngiti niya. Agad na ngang umalis si Kael kaya masosolo ko na si–a-ah este matutulungan ko na si Claire. “Akin na yung iba, Claire”
“Sige salamat” Binigay naman niya sakin yung limang libro. Sus ang gaan lang ^__^ Kahit benteng libro pa yakang yaka ko to eh. Basta ba anjan lang si Claire hohoho.
“San ba to dadalhin?”
“Dun sa may library lang” nakangiting sagot niya.
“Okies~” Ganting ngiti ko rin. Yung ngiti niya nakakahawa.
Habang naglalakad kami ay may bigla nalang akong naramdamang tumatakbo sa likuran namin at papalapit ito samin, at bago pa ako makalingon ay may sumunggab na sakin “LITOOO!!” At dahil may mga dala akong mga libro ay di ko nabalanse ng maayos ang katawaan at sa kasamaang palad ay natumba kami pareho.
A-aray.
“Lady Agnes!” Biglang lumapit si Damian kay Agnes at tsaka inalalayan itong tumayo. “Ayos lang ba kayo?” Tanong pa nito.
“Araaay..ang puwet koo huhuhu! Kasalanan mo to Lito!”
Biglang umusok yung ulo ko sa sinabi niya. “Anong ako? Ikaw nga yung biglang sumulpot jan!”
“Hmp! Makiki piggyback lang naman ako eh! Ang hina ng mga tuhod mo! Araay huhuhu T^T”
“Ayos ka lang Virgel?” Tanong ni Claire sakin. Tumayo naman agad ako at kinuha isa isa ang mga libro.
“Oo heheh. Di naman ako gaanong napasubsub.”
Ngayon ay magkaharap na kaming apat. Katabi ko si Claire habang magkatabi naman sila Agnes at Damian. Magsasalita pa sana si Agnes nung biglang hinawakan ni Damian ang kamay niya at agad na silang tumalikod at naglakad palayo “Teka ka lang Damdaaam.” Lumingon nalang si Agnes samin at kumaway “Byeee~ bukas nalang ulit Litooo”
-__-
Napailing nalang ako. “Tayo na Claire. Pasensya kana sa nangyari hehehe”
“Diba yung babae kasama niyo yun palagi ni Kael?”
Pinagpatuloy nalang agad namin ang paglalakad. “Ah oo hehehe”
“Ba’t magkasama sila nung transferee? Magkakilala ba silang dalawa?”
“Ah siguro..damdam pa nga tawag niya kay Damian eh.” Di nga ako nagkamali. Magkasama nga sila ngayon.
“Simula sa araw na’to, hinding hindi na kayo makakalapit kay Lady kahit isang sintemetro…”
Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina. Eh ano naman kung lumapit kami kay Agnes? Kaibigan niya kami kaya may karapatan kaming lumapit sakanya.
“Virgel..”
Tsaka sino ba siya para pagbawalan kami? Porket may itsura siya kesa samin eh gaganunin niya nalang kami. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganun…
“Virgel.”
Nabalik lang ako sa ulirat nung marinig ko yung boses ni Claire. Pagtingin ko sa gilid ko eh wala na siya dun. Eh? Asan na yun?
Paglingon ko sa likuran ko andun lang siya at mejo natatawa pa. “Lagpas kana. Dito na tayo.”
“Ay..ha-hahaha pasensya na.”
“Nakita mo lang si Agnes nawawala kana sa sarili mo” Natatawa nyang dagdag. “Yiee nagseselos ka no?” Sabi pa nito na ikinapunta lahat ng dugo ko sa mukha ko.
“A-anong nagseselos. Ba’t naman ako magseselos dun h-hahaha..” !k/\w lH4N6 sX4pH/+ nNuH x4|
“Hahaha bi lang. Pero de ah, may sparks kayo nun.” Pang aasar pa niya. Pfft. Kami may sparks pero di mo lang alam na tayo may christmas lights na :> hohohoh
Nung makapasok kami sa library ay isa isa na naming nilagay yung mga libro dun sa bookshelves. “Salamat sa pagtulong Virgel ah.”
“H-hahaha wala yun.” Basta ikaw :> hohoho. Nagmumukha na akong si santa nito.
“At dahil tinulungan mo ko, ililibre kita ng ice cream sa canteen” Sabi niya. Tinignan ko saglit yung labas sa may bintana dito. Medyo pagabi na kaya nag aalin alangan ako.
Pero..saglit lang naman siguro kami. Tsaka minsan lang ’to :>
“T-talaga? Sige ba!”
“Ano tara?” Lumabas na agad kami sa library para pumunta sa canteen.
Hindi naman siguro kami gagabihin.
[3rd Person’s PoV]
Palalim na ang gabi at ngayon palang sila nakalabas ng school. Masyado nilang na enjoy ang pagkkwentuhan at pagkain ng ice cream kaya di nila namalayan ang oras. Pagtingin nilang dalawa sa may gate ay may sasakyan na dun na nakaparada. Tapos sa labas nito ay may isang lalaki ang nakatayo at parang may hinahanap.
“Nako andyan na pala sila.” Sabi ni Claire at medyo binilisan na ng konti ang paglalakad niya. Napaisip si Virgel na baka siya yung hinahanap nung lalaki na lingon ng lingon kung saan. Mataba ang lalaking yun at medyo matanda ata sakanya ng mga isa o dalawang taon. Unang tingin mo palang sa lalaki alam mo ng parang may kapansanan ito.
Pero medyo nagtaka si Virgel dahil nung makalapit na si Claire dun sa lalaki ay hindi pa rin ito tumitigil sa paghahanap. Parang balewala lang sakanya ang paglapit ni Claire. “Kuya andito na ako. Kanina pa ba kayo?” Tanong ni Claire pero di ito pinansin nung lalaki, sa halip ay tumingin ito sa driver’s seat at parang gustong umiyak “Daddy! Di ko siya mahanaap, wala siya. Na’san siya daddy?!” Parang nagwawala ito dahil hinampas hampas niya yung kotse na parang baliw. Walang duda nga, may kapansanan ito sa pag iisip.
“Kuya huminahon ka.” Hahawakan pa sana ni Claire ang kuya niya pero napaatras lang siya dahil sa sobrang likot nito habang hinahampas ang kotse “Wala siya Daddy!! Hanapin natin siya!”
Nakarinig si Virgel ng boses matanda sa loob ng kotse “Wag kang mag alala anak, hahanapin ko siya para sayo. Tumahan kana.” Pagkasabi nung matanda ay dahan dahang huminahon ang kuya ni Claire “Tapos magpapakasal kami Daddy?”
“Oo anak. Pumasok kana dito. Andyan na ang kapatid mo.”
“Talaga Daddy? Promise mo yan ah.”
“Pinapangako ko yan anak. Sige na at malalim na ang gabi.”
“Yeheeey!” Pumasok na sa passenger seat yung lalaki, at tila nagbago naman bigla ang tono ng pananalita nung matanda nung tinawag niya si Claire “Ba’t ngayon ka lang? Pasok” Hindi pagalit pero punong puno ng otoridad na sabi ng papa niya.
Si Virgel ay tahimik lang na nakatingin sa kanila, at bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaibang lungkot nung makita niya ang malungkot na mukha ni Claire. Tumingin ito sakanya at tsaka ngumiti ng bahagya “Bye Virgel. Kita nalang tayo bukas.”
Gumanti rin ng ngiti si Virgel sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya. “Sige ingat kayo, Claire.” Pumasok na nga si Claire sa kotse nila at kalaunan ay umalis na rin.
Sa loob ng kotse naman ay habang nilampasan nila si Virgel ay di mapigilang mapatingin ng Matanda sa batang lalaki. “Sino ang lalaking yun?” Tanong nito sa anak niya.
“Kaibigan ko Daddy.”
“Pangalan?”
“Virgel po.”
“Virgel..?”
“Acosta”
Napamura naman sa isipan ang matanda sa narinig niya.
Acosta…
–
Tuluyan na ngang gumabi at dumilim na ang paligid. Wala na ang sundo ni Virgel kaya maglalakad nalang muna siya papunta dun sa may crossing para maka para siya ng taxi.
Ilang hakbang palang ang nagagawa niya ng may mapansin siyang presensya na nakatingin sakanya. Paglingon niya sa may gilid niya ay may naaninag siyang isang lalaking nakasandal sa isa sa mga puno. Sa tindig palang nito ay nakilala niya na agad ito.
“Hindi mo ba alam na di dapat nagpapagabi ang mga Boss lalo na pag wala itong kasama? “ Usal nito bago umalis sa pagkakasandal. Ngumiti ito habang nakapikit at nakapamulsa.
“Di rin dapat nagpapagabi ang mga bagong lipat palang dito.” Sabi ko rin. Kasi alam mo na, baga mapagtripan siya ng mga siga dito sa school. Kawawa siya pag ganun.
“Hinintay ko talaga ang paglabas mo kaya ako ginabi.” Napalunok si Virgel sa sarili nitong laway sa sinabi ng bagong kaklase niya.
“Wow Congrats Boss! May admirer kana”
“Lagi ko kasi siyang nahuhuling tumitingin sakin. Mga sampung beses ata.”
“B-bakit mo ako hinintay? M-may sasabihin ka ba?”
Aamin ba siya sa feelings niya para sakin? Pero..
Ito ang unang beses na may magcoconfess sakin. P-pero…
bat sa isang lalaki? T__T
“Oo kaya makini–”
“Sorry!” Agad pinutol ni Virgel ang sasabihin niya. Di niya kaya. “P-pasensya na pero babae ang gusto ko!” Dugtong pa nito habang nakayuko at nakapikit na mas lalong nagpakunot sa noo ni Damian.
“Pinagsasabi mo?” Tanong nito. “Gusto ko lang sabihin sayo na habang maaga pa ay umiwas na kayo kay Lady Agnes, lalong lalo kana.” Sabi nito kaya napaangat ng tingin si Virgel. Ewan pero nakaramdam siya ng konting inis dun.
“Hindi ko alam kung ka ano-ano mo siya. Pero sa tingin ko mali naman ata na pagbawalan mo kaming lumapit sakanya. Kaibigan ko rin si Agnes, kaibigan rin namin siya ni Kael.” Kontra niya habang seryoso ng nakatingin sa kaharap niya.
“Kung lalapit kayo sakanya. Kayo lang rin ang masasaktan sa huli.” Makabuluhang sagot ni Damian
“Anong ibig mong sabihin?”
Mula sa bulsa ni Damian ay may kinuha siya dun na isang coin at sa di inaasahan ay agad niya itong winitik gamit ang hinlalaki niya ng sobrang lakas papunta kay Virgel. Di napaghandaan yun ni Virgel kaya di agad nakagalaw ang katawan niya.
Tatamaan siya..
Pero nagulat nalang sila pareho nung may sumalo dito. “Kael?”
“Boss..”
“Akala ko..”
“Mapapatay ako kila Ish pag hinayaan kitang umuwi ng mag isa.” Sagot nito habang ibinaba ang kamay niyang sumangga dun sa coin na kasalakuyang nakakuyom pa rin.
Ngumiti si Damian sa dalawa “Tinatanong mo kung anong ibig kong sabihin kanina?” Tumingin ito sa kamay ni Kael na nakakuyom parin na sumalo dun sa coin, at nakita niyang may mga dugong umagos doon. Pati si Virgel ay napansin din yun.
“Yung kamay mo Kael.” Sa sobrang lakas ng pagkakahagis ni Damian sa coin ay tumagos ito ng konti sa balat ni Kael. “Ayos lang ako Boss”
“Yan ang dadanak sa pamilya mo sa oras na humadlang kayo sa plano namin.” Pagtuturo ni Damian sa dugong umaagos sa kamay ni Kael tapos ay agad na itong tumalikod. “Di magtatagal ay iuuwi ko rin si Lady Agnes sa lugar kung saan siya nababagay.” at onti onti na itong naglaho sa dilim.
Sa ikalawang beses ay naiwan na naman silang dalawa na sobrang daming tanong.
Bukod sa pangalan ni Agnes ay wala na silang alam tungkol sa personal na impormasyon niya.
Ngayon isang tanong lang ang bumabagabag sakanilang dalawa.
Sino nga ba talaga si Agnes?
[MARTIN’S MANSION]
“Ganito ba talaga dito?” Naiiritang tanong ni Jin sa mga kasama niya sa loob nitong silid na palaging pinag memeetingan nila. Kapag wala kasi si Marcelo ay parang pipi tong ibang myembro ng mga Martin, sobrang tahimik. Kanya kanya ng ginagawa. Ibang iba sa dating grupo niya na palagi niyang nadadatnang nag uusap usap.
Si Vonzo naman ay tahimik lang rin dahil wala rin naman siyang makausap. Sa huli ay pinili nalang ni Jin ang mag tanong. “Kailan ba natin lulusubin ang mga pisteng Virgo na yan?” Nagbabagang panga na tanong niya. Sobra sobra na talaga ang galit nito sa mga Virgo lalo na kay Vlademir dahil tuluyan na nga talaga nitong naagaw ang organisasyon niya. “Hindi na ako makapaghintay na durugin sila!” Galit pa na dagdag nito. “Magbabayad sakin ang Vlademir na yun!” Patagal ng patagal ay palakas rin ng palakas ang boses niya dahilan para magambala na yung ibang nandun.
“PAPATAYIN KO–” Naramdaman niya ang pagdaplis ng isang matulis na bagay sa pisngi niya dahilan para matigilan siya. Unti unti ay tumagas ng dahan dahan ang dugo sa pisngi niya. Mabilis niyang tinignan ang kaharap niya na kasalukuyang nagbabasa. “Isang ingay pa tanda.” pagbabanta nito.
“A-abat! Sino ka para bantaan ako?!” Sigaw pa ni Jin. “Hindi mo ba alam na ako ang dating Boss ng Fuego?! Ang pinaka malakas na organisasyon dati!” Pagwawala nito. Mula sa librong binabasa nung lalaki ay agad siya nitong tinignan sa mga mata . “Baka nakakalimutan mong nasa puder ka namin? Kaya kitang patayin dito kung gugustuhin ko tanda. Kaya kung ako sayo, tatahimik nalang ako.”
Ngumisi si Jin ng mapang asar. “Makapagsalita ka parang parte ka talaga dito ah. Galing ka ba talaga dito sa grupong ’to?” tanong nito. “Diba kakaagnas lang nung dating grupo mo? Ang Elfame Mafia? Masy—” Isang malakas na suntok ang pinakawala nung lalaki sa lamesang nasa harap nila dahilan para mapatigil ang lahat sa ginagawa. Nagkatipak ang fiber glass ng lamesa dahil sa suntok nito. Ang kaninang kalmado lang ay parang sasabog na sa sobrang galit. “Wag na wag mong babanggitin ang salitang yan. NAINTINDIHAN MO?!!” Nanlilisik na ang mga mata nito habang si Jin naman ay parang naparalisa sa kinauupuan niya.
“Kalma Sin.” Usal ni Ikram na nasa tabi lang habang naka dekwatro ng upo.
“ Si Sin Altair ay matagal ng tiwalag sa grupong yun. Matagal ng wala ang Aero ng Elfame Mafia. Kaya pakiusap, iwasan niyo na sanang banggitin ang grupong yan dito para maiwasan natin ang gulo .“ Mahinahon na sabi ni Dylan. Kasalanan din nila kasi hindi nila nabalaan ang dalawang bagong myembro ng Martin na sina Jin at Vonzo tungkol sa bagay na yun.
Natahimik naman si Jin sa gilid na parang basang sisiw at hindi man lang humingi ng tawad.
“Anjan na si Boss.” Sabi nung isang myembro. Agad namang bumukas ang pintuan at niluwa si Marcelo na hawak hawak ang paboritong gintong tungkod niya.
“Ohh. May hindi ata ako naabutan.” Bungad nito nung makita niya ang nagkabitak bitak na lamesa nila.
“Medyo nagkainitan lang Boss, pasensya na sa nangyari.” Paumanhin ni Dylan. Ngumisi lang naman ang Boss nila. Mukhang nasa mood ito kaya di masyadong nakaramdam ng kaba ang mga nandun. “Hmm, tampuhan.” Sabi pa nito.
“Dante, palitan mo ’to bukas.”
“Masusunod Boss.” Sagot nito. Ito yung nagsalita kanina.
“Ikram?” Tawag ni Celo, alam na yun ni Ikram kaya agad rin itong nagsalita.
“Mga isang buwan nalang siguro Boss at matatapos na nila ang proyekto mo.” -Ikram
“Isang buwan..” Napaisip saglit ang Boss. “Dapat bago matapos yun ay mauwi na ni Damian dito ang anak ko.” Sabi nito sa sarili.
“Dylan..” tawag ng Boss.
“Maayos po ang takbo ng tatlong bagong kompanya niyo Boss. Nakahakot agad tayo ng madaming investors.” Balita ni Dylan. Ngumiti naman si Celo na mas lalong naging good mood. “Good” Halatang halang ang matanda sa pera kaya kung anu ano nalang mga tinatayo nito. At ngayon ay patapos na rin ang bago niyang proyekto. Proyekto na kung saan alam niyang milyon milyon ang makukuha niya dito.
“Sin, sabihin mo kay Damian na tatlong linggo lang ang oras na ibibigay ko sakanya para mauwi dito ang anak ko. Kung di niya ito makukumbense ay sapilitan na natin siyang dadalhin dito.”
“Maliwanag Boss” -Sin
Umaayon na ang lahat sa mga plano niya.
“Don Celo.” Napatingin naman si Marcelo nung tinawag ito ni Vonzo. “Baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin. Binigay ko na ang impormasyon kung saan matatagpuan ang anak mo…”
“Kailan ba natin itutumba ang Virgo?” Seryosong tanong nito.
“Ang kasunduan ay kasunduan bata.” Sagot naman ng Boss “Gumagawa na ako ng hakbang tungkol jan. Kaya kalma lang tayo.” Nakangising dagdag nito. Ngumisi rin naman si Vonzo. Mukhang mapagkakatiwalaan nga talaga tong grupong sinalihan niya.
Habang ang lahat ay nagkasundo sundo na, si Jin ay naman ay parang hindi kasali sa grupo, parang inutil lang ito sa gilid habang nakaupo. Napansin iyon ni Marcelo kaya siya naman ang kinausap nito.
“Jin..” Nakangising bati nito. “Nagmumukha kang inutil jan.” Hindi umimik si Jin. Wala siyang kapangyarihan sa pugad ng mga Martin. Ang saklap isipin na ang isang Boss ng dating pinakamalakas na organisasyon ay isa nalang utusan ngayon, na tinawag pang inutil.
Agad namang kinuha ni Celo ang isang litrato sa ilalim ng toxedo niya at tsaka tinapon ito sa tapat ni Jin “Oh ayan para may silbi ka naman.” Busangot na kinuha ng matanda ang litrato at tsaka tinignan ito. Nung makita niya ito ay agad niyang ibinalik ang tingin kay Celo.
“Yan ang target mo. Gawin mo ang lahat mapatay mo lang yan.” Sabi nito. Tinignan ulit ni Jin ang litrato. Kilala niya ito. May takip ang kanang mata. Kilala sa Virgo na bihasa sa pag gamit ng samurai.
“Pag nagawa mo yan, itataas ko ang ranko mo bilang kanang kamay ko.”
Napaisip si Jin sa narinig niya. Kung sakaling magtagumpay siya dito, maaring bumalik ulit ang lahat ng respeto at reputasyon na nawala sakanya. Oportunidad na to. “Sige gagawin ko.”
“Good.”
-To be continued
(A/N: Kita niyo naman na pinalitan ko na ng title yung story hahaha pero di pa to final talaga. Parang di pa din ako kumbisido sa title eh hahah tignan nalang natin xD. May ipopost po pala akong special chapter after ng ud nato :) maikli lang yun hahaha tungkol sa past ni Benz. Siya nga pala, pinalitan ko na din ng Emnacinn yung name ko dito hahaha ang jeje na para sakin nung KasalanaN HAHA pero pwede niyo parin naman akong tawaging Sin/Kuya Sin :)) Kitakits nalang tayo sa next episode :) Adios~ )
-Emnacinn
Episode 5 : His Past (Special Episode)
Episode 5 : His Past
(Special Episode)
( Heto na po ang Maikling update sa kwento ni Benz noon :) )
(Sorry sa typo and errors :) )
(This episode is Dedicated to MsJeonie :)Thank you sa walang sawang suporta hahahaha)
“Oy si Conan naman ang taya!”
“Habulin mo kamiiiii~”
“Ang dayaa! Hindi naman ako nahuli ni Anjing ehh”
“Wag kang madaya. Nakita namin, nahawakan niya noo mo. Kaya ikaw na taya ngayon”
“ Bleeeh~ Habulin mo kamiiii~“
Kumurba ng onte yung ngiti sa mga labi ni Devi habang tinitignan niya ang mga batang naglalaro mula dito sa ibabaw ng isang bahay. Pero maya maya lang rin ay agad itong napalitan ng lungkot at sakit. “Pasensya na kayo.” Alam niyang huling araw na ng mga batang nakikita niya ngayon kaya nasasaktan siya habang tinitignan ang mga masasayang mukha at ngiti ng mga bata habang naglalaro.
Naramdaman ni Devi ang presensya ni Jill sa likuran niya kaya agad niyang pinahiran ang mga luhang pabagsak na sana sa mga mata niya. Bukas na nila lulusubin ang bayang ito base sa utos ng amo nila. Sumilip lang siya dito saglit para tignan ang mga tao. “Kailangan ba talaga natin gawin ’to..” Tanong ni Devi sa babaeng nasa likuran niya. Silang dalawa lang ang nandito ngayon habang yung lima na kasama nila ay nandun sa pugad nila.
“Utos eh.” Tipid na sagot ni Jill.
“Di ba talaga tayo pwedeng makisalamuha sa kanila?” Pagtutukoy ni Devi sa mga normal na tao. Ni minsan ay di niya pa naranasan ang makipaglaro sa mga ibang bata. Bukod sa mga piling bata sa ampunan na hindi natatakot sa kanila ay wala ng ibang tao pa ang lumalapit sakanila.
“Kakaiba tayo sa kanila, Devi. Sila lang rin ang mapapahamak pag lumapit tayo sakanila, o kung lalapit sila satin.” Sagot ni Jill. Sa sinabi nito ay isang tao lang ang unang tumatak sa isipan ni Devi sa mga oras na’to. Yun ay ang matalik niyang kaibigan na si Yohan, isang normal na bata sa ampunan. “Yung kaibigan mo, habang maaga pa ay payuhan mo na siyang dumistansya satin. Hindi natin alam kung anong iniisip ng ibang kasamahan natin. Lalo na si Morpheus.” Nakaramdam siya ng kaba sa sinabi ni Jill. Si Yohan lang ang nag iisang kaibigan niya, at di niya kayang may mangyari masama dito.
“Gusto mong sumali?” Napalingon naman sa gilid si Devi ng itanong ito ni Jill na umupo sa tabi niya. Nakatingin lang rin ito sa mga batang naglalaro. “Diba matagal mo ng gustong maranasang maglaro kasama ng mga normal?” Nakangiting tanong ni Jill tapos ay tumingin ito sakanya. “Kunin mo na ang pagkakataon ngayon.”
Unti unti ring ngumiti si Devi sa narinig niya. Makakapaglaro na rin siya kasama ng ibang mga bata. Tumayo na siya at tatalon na sana ng marinig niya ulit si Jill “Pero ipapaalala ko lang sayo, parte ka sa pagtapos ng mga buhay nila bukas.” Normal na sabi nito na dahilan ng pagdadalawang isip niya. Pero sa huli ay pinili niya pa rin ang makipaglaro. Bahala na.
Tumalon si Devi mula dun sa kinatatayuan niya. Nang makababa siya ay agad niyang nilapitan ang mga batang naglalaro. Napahinto naman ang mga ito at tumingin sa isang taong di nila kilala. “Ah..ano.” Medyo nahihiya pa si Devi dahil unang beses niya palang ang makihalubilo sa mga normal. “Pwede ba akong sumali?” Nakayukong tanong nito. Meron naman isang bata na nagngangalang Conan ang lumapit sakanya. Tumingin ito sa mukha niya na nakakunot ang noo. “Sasali ka samin Kuya?” Kuya ang tawag nito dahil ang totoo ay matanda ng ilang taon si Devi sa mga batang naglalaro. Bale siya mga trese habang yung mga bata ay mga nasa edad anim o pito.
“O-oo sana..” Nakatungong sagot pa rin nito. Di niya alam kung anong irereact niya sa mga oras na’to. Napaisip siya na mukhang hindi nga bagay sakanya ang makisalamuha sa mga normal. Nakaramdam siya ng lungkot dun. Tatalikod na palang sana siya para bumalik nalang ng biglang may tumapik sa noo na “Taya!” Napahawak si Devi sa noo niya at agad inangat ang tingin at tinignan ang mga bata. Tatawa tawa itong lumayo sakanya habang nagsisigaw “Habulin mo kamiiii~”
“Ikaw na ang taya kuya! nahawakan ko ang noo mo! bleeeh” Nakabelat na sabi ni Conan. Hinahampas hampas pa niya ang puwit niya na parang hinahanom si Devi na habulin ito.
Pumayag sila…
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam si Devi ng sobrang saya sa puso niya. Ngumisi ito ng sobrang lapad at agad dahan dahang tumakbo “Anjan na akooo!”
“Takboooo~”
Sobrang saya ng mga bata kasama si Devi, ganun rin naman si Devi. Pero wala ni isa sa mga bata ang nakakaalam na ang kalaro pala nila ang isa sa mga taong wawasak sa bayan at buhay nila.
Sa ibabaw naman ng gusali kung saan nakaupo si Jill ay may isang myembro pa pala ang sumunod sakanila. Umupo ito katabi ni Jill at tinignan rin ang mga batang naglalaro kasama si Devi. “Nahihibang kana, Jill” Sabi nito. Ngumiti lang ang babae. “Hindi mo ba naisip na mas mahihirapan si Devi bukas dahil jan.”
“Gusto ko lang maramdaman ni Devi kung pano maging bata.” Sagot nito. “ At isa pa, gusto ko lang rin ipatatak sa isipan niya na hindi dapat tayo nakikipaghalubilo sa mga
normal..kahit kailan. Dahil sa huli magdudulot lang ito ng sakit sakanila at sa atin.“
Nakuha naman agad nito ang punto ni Jill kaya tumayo na rin ito at tumalikod. Ang punto lang ni Jill ay ipamukha kay Devi na sakit lang mararamdaman niya sa oras na makipaghalubilo ka sa mga normal. “Siya nga pala, Loda.”
Huminto ito at hinintay ang sasabihin ni Jill. “Wag mo ’tong ipapaalam kay Eus.”
“Sige.”
Palubog na ang araw ng matapos sa paglalaro ang mga bata at si Devi. Parehong nakaupo ang mga ito sa damuhan habang tinitignan ang palubog na araw. “Grabeeee, ang saya ngayong araw.” Nakaunat na sabi ni Conan. Kitang kita sa mukha ng lahat ng bata na kahit sobrang napagod sila sa nilaro nila, ay sobrang saya parin nila. Siguro dahil na rin sa bago nilang kalaro.
“Kuya Devi, laro ulit tayo bukas ah.” Narinig niyang sabi nung isang batang babae. Tinignan niya ito, at sa mga mata ng batang babae naalala niya ang sinabi ni Jill kanina
“Pero ipapaalala ko lang sayo, parte ka sa pagtapos ng mga buhay nila bukas.”
Di makapagsalita si Devi. Habang tinitignan niya ang mga ngiti ng mga batang nakapalibot sakanya ay di niya maiwasang madurog. Iniisip niya palang na isa siya sa mga tatapos sa mga buhay nito ay nanlalambot na ang mga paa niya. Di niya kaya.
“Babalik ka pa ba bukas kuya?” Nilingon niya si Conan. Yung expresyon ng mukha nito ay parang nalulungkot. “Babalik ka pa diba?”
“Babalik pa yan si Kuya Devi.”
“Tama! Babalik pa si Kuya tapos siya ulit ang taya!” Nagtawanan ang mga ito. Pero si Conan nanatiling nakatingin kay Devi.
“Devi.” Natigil sa pagtawa ang mga bata nung may marinig silang boses ng babae. Lumingon si Devi sa tumawag sakanya. “Umuwi na tayo” Nakangiting sabi nito.
“Ate mo ba siya Kuya? Ang ganda naman ng ate mo.” Sabi nung isang bata. Dahan dahan namang tumayo si Devi at pinagpagan ang likod ng pantalon niya. Nginitian niya ang mga bata “Pano, aalis na ako. Masaya ako at kayo ang naging unang kalaro ko.” Nakangiting dugtong nito.
“Babye Kuyaaa~ Bukas ulit ah.”
Ayaw man niyang sagutin ito pero ayaw rin niyang malungkot ang mga bata “S-sige” Tapos ay naglakad na ito papunta kay Jill. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa niya ng may humawak sa laylayan ng damit niya. Pagtingin niya dito ay tumambad sakanya ang nakangiting si Conan. “Aasahan ka namin bukas Kuya Devi.” Parang gustong tumulo ng mga luha niya sa mga sinabi ni Conan. Yung ngiti nito, punong puno ng tiwala. Sobrang inosente ng isipan nila.
Oo. Babalik siya bukas, pero hindi para makipaglaro, kundi para tapusin ang mga buhay nila.
Habang pauwi sina Jill at Devi ay sobrang tahimik ni Devi na parang wala sa sarili. Inaasahan na yun ni Jill. Alam niya kung anong iniisip nito ngayon. Nagtatalo ang utak at puso niya sa mangyayari bukas. “Binalaan na kita bago ka nakipaglaro sakanila kanina, Devi.” Biglang sabi ni Jill. “Wag mo sana silang gawing rason para sa hindi mo pagsama bukas.” Dugtong pa nito.
Masakit man sa loob niya, wala na siyang magagawa. Decisyon niyang makihalubilo sa mga normal, kaya nababagay lang sakanya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. “Alam ko.”
Kinabukasan ay handang handa na ang Vendetta para sa misyon nila. Walang ititira. Iyan ang utos sakanila ni Doktor Manuel.
“Uulan na naman ngayon.” Nakangising tugon ni Quincy habang nakatingin sa bayan na lulusubin nila.
“Napakatirik ng araw tas uulan? Umaandar na naman yang katangahan mo.” Pang aalaska ni Ross.
“Ang ibig kong sabihin ehh..uulan na naman ng dugo ngayon hihihi” Parang baliw na ganti ni Quincy.
“Quincy, Ross. Kayo na ang bahala sa matatanda. Loda at Ermac, kayo sa mga magulang, ako at si Jill naman ang bahala sa mga pulis.” Utos ng lider nila habang nakangisi.
“Oks.” Ross.
“Pano si Devi?” Tanong ni Ermac. Ngumisi namang tumingin si Morpheus kay Devi na halatang hindi na mapakali.
“Devi..” Tawag ni Eus. Dahan dahan namang tumingin si Devi sakanya at mas lalong nakaramdam ng kaba ang bata sa ngisi na nakikita niya
“Ikaw na ang bahala sa mga bata.” Agad nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bakit sakanya pa..magsasalita pa sana siya ng isa isa ng tumalon ang mga kasamahan niya.
Hinde..
Habang naglalaro si Conan at ang mga kasama niya ay napahinto siya ng may maaninag siya na isang lalaking naglalakad papunta sa kinaroroonan nila. Tinignan pa niya ito ng husto at kinilala kung sino ito. At nung mapagtanto niya kung sino ito, agad kumurba ang malaking ngiti sa mukha niya. “KUYA DEVI!” Sigaw niya na nagpaagaw ng atensyon ng ibang kasama niya.
“Si Kuya nga!” Mabilis na tumakbo ang mga ito para salubungin ang kuya nila. Nung makalapit sila ay agad nila itong pinuno ng yakap. Nakangiti naman ang kuya nila, pero di nila alam bakit may tumutulong mga luha sa mga mata niya.
“Umiiyak ka ba Kuya?” -Conan
“Napuwing lang ako.” Naiiyak na sabi nito. Napansin naman ng ibang bata ang suot ni Devi.
“Ano yang nasa likuran mo kuya? Totoo ba yan?” Hinawakan ng iba yung espada niya. Ayos lang naman kasi may takip naman iyon kaya hindi sila masusugatan. “Wooow ang ganda naman.”
Habang abala ang ibang bata sa espada ni Devi ay di maiwasan ni Conan ang magtaka. “Bat may dala dala kang ganyan kuya?”
Sa halip na sagutin ito ni Devi ay iniba nalang niya ang usapan. “ Ang init pa ah. Ba’t naglalaro na kayo? Masama sa balat niyo ang sobrang pagbibilad.“ Sabi nito. Pero di rin ito pinansin ng mga bata. “Tara na kuya! Kanina ka pa namin hinihintay. Maglaro na tayo.” Sabi nung si Anjing.
Tatapikin pa lang sana nila si Devi para sana maging taya pero agad silang natigilan ng may marinig silang malaking pagsabog sa kabilang banda ng kinatatayuan nila. “A-ano yun?” Kinakabahang tanong ni Conan. Sunod naman nilang narinig ay sigawan ng mga tao na mas lalong nagpakaba ng husto sa mga bata. “Mamaaaa!” Naiiyak na yung iba dahil nagkakagulo na sa paligid nila. Agad nagsidatingan ang mga magulang ng mga bata at agad silang dinala palayo.
Habang hinihila naman paalis si Conan ng mga magulang niya ay pilit niyang tinignan ang kuya niya “Teka si Kuya Devi!” Tinignan niya itong nakatayo lang. “KUYA! UMALIS KANA! MAG IINGAT KA!” Sigaw pa nito at kalaunan ay nadala na nga siya ng mga magulang niya. Habang si Devi naman ay naiwang tulala, tumutulo ang mga luha nito habang dahan dahang kinukuha ang espada niya.
Patawarin niyo ako..
Nakita niya ang tumatakbong bata palapit sakanya at sa isang witik lang ng espada niya ay agad itong bumulagta. Mas lalong nagkagulo ang mga taong nandun matapos nila masaksihan ang kabrutalang ginawa ni Devi. “AAAAHHHHHH!!”
Sinugod lahat ni Devi ang lahat ng makita niyang bata at tinatapos niya ito. Habang sa kabila naman ay enjoy na enjoy rin sina Ross at Quincy sa pagtapos ng mga matatandang nakakasalubong nila. Sina Ermac at Loda naman ay seryoso namang tinatapos ang magulang na makita nila. Nakakaawang tignan ang mga normal na namamatay ng walang kalaban laban.
Dun sa may plaza naman sa bayan ay pinapalibutan na ng mga pulis sina Morpheus at Jill. Pati mga sasakyan ng mga pulis ay nakapalibot rin. “Itaas niyo ang mga kamay niyo!” Utos nung isang Chief. Nakangisi namang itinaas ni Eus ang kamay niya. Pero hakbang lang pala yun para makuha niya ang sandata niya sa likuran niya. Nung makuha niya ito ay agad niyang inatake yung nagsisigaw kanina at itinusok sa mukha nito ang hawak niyang karit. Nagulat ang lahat sa nangyari kaya di agad sila nakareact. Mabilis na Inagaw ni Jill ang baril ng isang pulis malapit sakanya at tsaka ito pinutukan. Sunod niyang pinutukan ay ang makena ng isa sa kotse ng mga pulis, at nung makita niyang tumagas ang gasolina nito, agad niyang kinuha ang isang lighter sa bulsa niya at tsaka ito pinaslide papunta dun sa tumatagas na gasolina, pagkatapos ay walang mintis niyang binaril ang lighter na iyon at sa isang iglap ay sumabog ito ng napakalakas. Lahat ng pulis ay tumilapon dahil sa nangyari.
Dahil sa mga usok na nagmula sa mga nasusunog na bahay ay umambon na ng tuluyan ang kalangitan at isa isang pumapatak ang ulan hanggang sa tuluyan na itong lumakas.
Patapos na sila, konting tao nalang makikitang mong tumatakbo sa bayang yun. Hindi na alam ni Devi kung saan parte ng bayan na siya napadpad kakapaslang ng mga bata. Habang wala sa sarili siyang naglalakad ay may narinig siya na mga sumisigaw. Pamilyar ang mga boses na ito kaya napantig ang tenga niya.
Hanggang sa di niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang dalawang umiiyak na bata habang sinusubukang gisingin ang mga magulang nila.
“Mama! gumising kayo!” Ngumunguwa na sigaw nito habang niyuyugyog ang ina niya. Di makagalaw si Devi sa nakikita niya. Ang mga batang nakita nyang sobrang sigla pa ng mga ngiti kanina ay heto ngayon, punong puno ng mga luha at lungkot ang mga mata nila.
Nanginig ang mga kamay niyang may hawak ng espada, hanggang sa tuluyan na niyang naibagsak ito. Napansin iyon ng mga bata kaya napatingin ito sakanya.
“K-kuya Devi..” Naiiyak na tawag ni Conan. Agad tumakbo ang mga ito sa kuya nila. Pero ng palapit ang mga ito sakanya ay may biglang sumulpot na dalawang nilalang at walang pagdadalawang isip nilang pinaslang ang dalawang bata.
Nanlaki ang mga mata ni Devi sa nakita niya. Tila parang tumigil ang mundo sa pag galaw at ang tanging nakikita niya ay ang dalawang bata na dahan dahang bumagsak. Kinuha ni Ross ang espadang nabitawan ni Devi at tsaka ito pinahawak sakanya. “Umayos ka Devi. Sabihin mo lang kung hindi mo kaya.”
“Mga bata lang yan Devi ano kaba”
Nakangising sabi ni Quincy at pagkatapos ay umalis na ang dalawa. Si Devi naman ay hindi makapagsalita. Nakatingin lang siya dun sa dalawang bata. Yung isa ay pinutulan pa talaga ng leeg. Nang makita niyang gumalaw si Conan ay dali dali siyang lumapit dito at inalalayan ang ulo
“C-conan..”
Bumuhos na ng tuluyan ang mga luha niya habang tinignan ang bata. Sumusuka ito ng dugo at halata sa hininga niya na nahihirapan na siya.
“P-patawad..patawad Conan…”
Dahan dahan naman inangat ni Conan ang kamay niya para punasan ang mga luha ni Devi. “U-umalis kana dito kuya.. M-may masasamang tao…Mga masasamang tao sila..” Naghihingalong sabi nito. Ang sakit tignan na sa murang edad pa lamang nila ay makakaranas na sila ng ganitong klaseng sakit.
Dahan dahang bumaba ang kamay ni Conan at kalaunan ay tumigil na ito sa paghinga.
Agad nalang niyakap ni Devi ang ulo ng bata ito dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. “ARRRGHHHHHHH!!!” Sana pinili nalang niya ang manitili sa bubong na yun at hindi na sana nakipaglaro sakanila, hindi na sana siya nasasaktan ng ganito. Sobrang sakit mawalan ng kaibigan.
Habang nagluluksa siya ay lumapit sakanya si Jill at tsaka hinawakan ang balikat. Dahan dahan nitong nilapit ang mukha nito sa tenga niya at tsaka mahinang bumulong.
“Hindi talaga tayo dapat nakikipaghalubilo sa mga normal, Devi. Dahil sa huli, pareho niyo lang masasaktan ang sarili niyo.”
Biglang napamulat si Benz sa bangungot na iyon. Basang basa ang unan niya. Pawis na pawis ang katawan niya at ang lalalim ng hininga niya. Hinawakan niya saglit yung dibdib niya, damang dama pa din niya yung sakit kahit panaginip lang yun.
At sa pag iisip niya, bigla niyang naalala ang sinabi ng batang yun.
M-may masasamang tao…Mga masasamang tao sila..
Mula sa pagkakahiga ay itanaas ni Benz ang kamay niya at tinignan ito.
“Masamang tao….Ganun nga ata talaga ako.”
( Ena, nakakamiss isulat mga kaengotan ni Benz hahaha hindi ako sanay ng mga ganitong scenes pagdating kay Benz :( Pero no choice hahah kitakits nalang tayo sa next episode :)) Adios~ )
-Emnacinn
Episode 6 : Changes
Episode 6 : Changes
( Sorry sa typo and errors :)) Sorry at pinalitan ko na naman ang title hahaha )
[
Ish’s PoV]
Araw ng sabado, at Isang salita lang ang ibig sabihin nun. Training. Kaya naman sinadya ko talaga ang gumising ng ganito kaaga para may oras pa akong makapag pakundisyon ng katawan.
Pagkababa ko sa may hagdan ay nadatnan ko si Helena sa may sala na mag isang umiinom ng kape. Imbes na nandun ito sa mansyon ng Fuego para samahan ang pamilya niya, mas pinili niya ang manatili dito kahit wala siyang gaanong nakaausap. At alam niyo na kung sino ang dahilan niya. Swerte ng mokong na yun at may Helena siyang nanjan palagi sa tabi niya.
“Ang aga mo ah”
Ngumiti siya sa sinabi ko. “Hindi na ako makatulog ulit eh. Kaya bumaba nalang ako para mag kape.”
“Ganun ba.” Sobra sobra na siguro ang pag aalala nito kay Benz kaya di na rin ito nakakatulog ng maayos.
Pagkababa ko mula sa hagdan ay tsaka ko lang napansin ang mahinang tunog na nanggagaling sa training area. “May nagttraining na ba sa training room?” Tanong ko sakanya.
“Siguro?”
“Di mo sinilip?”
“Ayokong makadisturbo” Sagot niya bago hinigop ang kapeng hawak niya. Si Boss kaya ang nandun? Kadalasan kasi pag sabado maaga yung gumigising para mag training para bumawi eh.
“Halika samahan mo ko, tignan natin kung sino nandun.” Aya ko. Tumango naman siya bago nilagay ang kape sa may mesa niya.
Habang naglalakad kami papunta dun ay di ko maiwasang magtanong sakanya.
“Kumusta na pala kayo ni Benz?” Casual na tanong ko. Tinignan ko siya saglit pero yumuko lang ito at parang walang balak sumagot. Nauunawan ko naman siya kaya di ko na pinilit pa na magtanong ulit. Habang palapit kami ng palapit ay palakas rin ng palakas ang ingay na naririnig namin. Tunog ito na isang makina na kung di ako nagkakamali ay yung tennis ball machine.
Pagkarating namin ay agad kong pinihit ang doorknob nito at tsaka dahan dahang binuksan. At unang tumambad samin ay tunog ng winawasiwas na samurai. Tumambad samin ang walang suot na pantaas at pawis na pawis na na si Benz na walang tigil na hinihiwa ang mga tennis ball na nanggagaling dun sa makIna. At base sa bilis ng mga pagbato nito ay mukhang naka full speed ito. Ang makinang yun ay may 1000 na binabato na tennis ball kada isang round, at makikita mo kung ilan nalang ang natitirang ibabato nito sa may harapan nito. At nung tinignan ko ito, nasa 100 nalang ang ibabato nito. Grabe, 900 na bola na ang nahihiwa niya at alam kong walang tigil ito, pero ang bilis parin ng mga kilos niya. At di lang yun, isang samurai lang ang gamit niya.
Teka..ba’t isang samurai lang ang gamit niya? Tinignan ko ang mukha ni Benz pero di ko mahagip dahil bagsak ang mga buhok nito dahil sa sobrang basa. Pero ramdam ko sa bawat hampas niya ng samurai niya ang galit. Parang galit na galit ito habang hinihiwa ang mga tennis ball. Ako lang ba..o baka nadadala lang siya? “Ba’t parang galit na galit ata siya.” Rinig kong tanong ng katabi ko. So di lang pala ako ang nakahalata.
Tinignan ko ang natitirang bola na mababato nito, nung tumungtong ito sa bente, bigla nalang bumwelo si Benz at tsaka ito umikot ng sobrang bilis na nagmimistula na siyang umiikot na blade, at lahat ng bolang papunta sakanya ay nauuwi sa pinung pino. Napanganga nalang ako sa pinapakita niya. Tangna mo talaga.
Nung huminto na sa pagbato ang makina ay tsaka rin siya tumigil, at sa pagtigil niya ay mabilis siyang tumingin sa direksyon namin ni Helena. At halos sabay kaming mapaatras na dalawa dahil sa nakakakilabot na titig ni Benz. Mabilis na nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Biglang bumalik sa alaala ko yung panahon ng digmaan na kung saan kaharap ko ang isang halimaw na Benz habang sobrang talim na nakatingin sakin.
Pero agad rin namang nawala ang masamang titig na yun at mukhang pati siya ay nagulat din sa inakto niya. “K-kayo pala.”
Tinignan ko saglit si Helena, at halata sa mga mata niya na natakot ang takot. Di pa pala niya nakikita yung isang katauhan ni Benz. Saglit kong tinignan ang isang kamay ko. Pta nanginginig na naman.
“Kanina pa ba kayo?” Muli kong ibinalik ang tingin kay Benz nung nagsalita ito. Itinaas na nito ang basang buhok niya gamit ang dalawang kamay niya. Yan. Tama yan. Wag mo ng itumba yang buhok mo at tinatamaan ako ng nerbyos hayop ka. -__-
“H-hindi naman.” -Helena.
“Kakarating lang namin.” Sagot ko. Di ko alam kung matutuwa ba ako ngayon dahil kahit papano ay hindi na siya matamlay tignan, o mangamba dahil mukhang nagiging agresibo bigla ang mga kilos niya. Kitang kita palang sa training niya kanina na buhay na buhay ang dugo nito. At yun ang ikinatatakot ko. Baka di niya ma kontrol ulit ang sarili niya sa mga bagay bagay.
Baka magising na naman ang halimaw na yun.
Di ko malilimutan ang pangyayaring yun. Habang buhay ko na atang dadalhin ang takot na yun. Ang mga mata nito, ang matalim na mga tingin, ang nakakakilabot na ngisi.
Wala nga talaga siyang pinagkaiba ng mag amang Acosta .
Kung maaari ay wag na sana pang maulit ang nangyaring yun.
Sa kalagitnaan ng aking pag iisip ay may bigla nalang humawak sa may braso ko dahilan para muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko. “Anak ng!” Paglingon ko sa gilid ko ay andun si Lily na nakahawak sa braso ko. Nakasuot pa ito ng pantulog at mukhang antok na antok pa. May hawak pang unan na bunny ang isang kamay niya. “Anong tinitignan niyo?” Antok na tanong nito habang tinitignan rin ang nasa loob. “Si kuya Benz pala” Usal nito bago tumalikod at naglakad ng pagewang gewang pabalik sa sala.
“Training na natin maya maya bata. Matatagalan ka na ng gising kung matutulog ka ulit. Maligo ka nalang.” Sabi ko sakanya. Itinaas naman niya ang kamay niya na may hawak na bunny “Okeh kuyaa.”
May naririnig na akong mga boses sa sala. Mukhang gising na rin yung iba. Ibinalik ko ang tingin sa silid at nadatnan ko lang si Benz na nag bebench press na. Ganado talaga ang mokong. Ano kayang nakain nito.
Malamang isang kaban ng cheese siguro.
[3rd Person’s PoV]
Pasikat palang ang araw pero gising na gising na si Agnes. Andito siya ngayon sa may beranda nitong inuupahan niyang boarding house katapat ng isang puno habang hinihintay ang paglabas ng araw. Lagi na niya itong ginagawa tuwing araw ng sabado dahil para sakanya, ang sunrise ng sabado ang pinaka maganda sa lahat.
Nakatanaw lang siya sa may puno ng may mapansin siya sa may ibaba nito. Pagtingin niya ay isang nakangiting lalaki ang nakita niya. “Magandang umaga, Lady Agnes.” Bati nito.
Gumanti rin ng ngiti ang babae. “Ui Damdam. Ang aga mo ahh. San ka ba tumutuloy ngayon?” Nakangising tanong nito.
Sa isang iglap ay nakaakyat na si Damian dun sa puno at mabilis na umupo sa malaking sanga na katapat ni Agnes. “Hindi ako natulog, Lady. Misyon ko ang protektahan ka.”
“Agnes nalang sabi. Masyado ka talagang pormal”
Ngumiti si Damian “Anak kayo ng Boss ko. Nararapat lang na tawagin ko kayo ng Lady..o baka naman gusto mo ng ma’am?” Natatawang tanong nito.
“Sabay naman tayong lumaki eh. Lumaki ka rin naman kasama namin kaya para na din kitang kapatid. Kaya Agnes nalang talaga hehehe” Medyo nahilaw ng konti ang ngiti ni Damian sa narinig niya. Pero di na niya iyon pinahalata pa.
“Kahit na, Lady. Kayo ang papalit sa ama mo pagdating ng panahon. Ayokong dumating yun na sanay na akong walang respeto sa pagtawag sayo.”
“Pinaglalaban mo talaga yan eh no?” Natatawa na rin si Agnes. Sa tinagal tagal niyang pag alis sa kanila, di niya maipagkakailang namiss niya itong kababata niya.
Matapos ang konting tawanan nila ay di na nagpaligoy ligoy si Agnes na itanong ang gusto niyang itanong dito kahapon pa. “Ba’t ka nga pala sumunod, Damdam? Pano niyo ako nahanap dito?” Masyado kasing malayo ang lugar ng mga Martin dito sa pinagtataguan niya kaya nagtaka ito kung pano siya nahanap.
Inaasahan na ni Damian na itatanong yan ni Agnes sakanya. Kaya di na rin siya nagpaligoy ligoy pa. “Pinadala ako ng ama mo para pauwiin ka, Lady.”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Agnes sa narinig niya. Hindi niya tipo yung magdrama pero sa tuwing tungkol na sa pamilya ang usapan, di niya magawang hindi maging emosyonal. “Pinapauwi niya lang naman ako para gamitin sa sarili niyang interest diba?” Sa gitna ng pag uusap nila ay unti unti na nilang natatanaw pareho ang pagsikat ng araw. Pareho silang napalingon sa ganda ng sikat na iyon.
“Hindi totoo yan, Lady.” Sagot ni Damian habang nakatingin parin sa pagsikat ng araw. “Miss na miss ka na ng pamilya mo. Ni Don Celo, ni..” Nagdalawang isip saglit si Damian sa sasabihin niya “ni..Ma’am..Almira..” dugtong nito. At gaya ng inaasahan, agad nag iba ang timpla ang mukha ni Agnes habang nakatingin rin sa pasikat na araw.
Tumalikod na si Agnes bago pa siya may masabing masama. “Pakisabi nalang kay Dad na masaya na ako dito. Huwag na sana nila akong gambalain pa.” Huling habilin nito sa kababata bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi niya na enjoy masyado ang pagsikat ng araw ngayon. Di bale, may susunod pa naman.
[VIRGO’S MANSION]
Mag aalas otso na ng umaga at halos tapos na ang lahat sa almusal nila. Habang ang iba ay papunta na sa training room para magsanay, yung iba naman ay nagpalit na rin para makasunod.
Nang makarating na ang lahat sa room ay nagkanya kanya na ito ng pagsasanay. Sa may shooting area ay nandun si Hell habang tinuturuan bumaril ng tama at asintado si Elsa. Habang tinitignan ni Hell si Elsa na hawak hawak ang baril ay mainam niya itong sinuri. Sunod sunod namang kinulbit ni Elsa ang gatilyo na parang sanay na sanay na ito. Nang matapos niya ang isang round ng magazine ay kinuha niya ang binocular at tsaka tinignan yung target. Nabugnot ang mukha nito ng makita niyang tatlo lang ang tama niya sa ulo at yung iba ay sa katawan na.
“Ang weak mo talaga. Puro ka lang pacool sa pagkalabit mo.” Usal ni Hell na ikinakunot ng noo ni Elsa
“ Heh! Di mo pa nga natitignan yung target ko eh. Tignan mo, nakatama naman ako sa ulo!“ Pag aabot nito sa binocular. Pero di ito tinanggap ni Hell. Sa halip ay nag load lang ulit ito ng magazine.
“Tabi.” Pumalit si Hell sa pwesto ni Elsa at tsaka dahan dahang inasinta ang target. “Kulang ka sa konsentrasyon. Importante yung paghinga mo ng tama habang nakaasinta ka sa target.”
Si Elsa naman ay nakanganga lang na nakikinig “Sa pag aasinta, kailangan mong tignan yung rear sight, front sight at syempre ang target. Pero imposible sa mga mata natin na makafocus dun sa tatlo ng sabay. Kaya naman ang gawin mo, magfocus ka lang sa sights ng baril mo lalo na sa front sight, huwag sa target. Titignan mo pa rin naman yung target, pero gawin mo lang parang blurry at ifocus mo lahat ng tingin mo sa front sight, yan ang mag gguide sayo kung saan tatama ang tira mo. At pag ganun…” Mabilis na pinaulanan ni Hell ang target, di umabot ng limang segundo at ubos na kaagad ang isang round ng magazine niya.
Mabilis namang tinignan ulit ni Elsa ang target at halos mapanganga siya dahil sirang sira na yung noo sa ulo ng target dahil sa ginawa ni Hell. “Huwaw.”
“Nakuha mo lahat ng sinabi ko? “
“Aye aye. Captain.”
“Tss. Abnoy.”
Sa kabilang banda naman ay kamot ulong nakatingin si Ish kila Virgel at Kael na parang lutang na lutang na nakaupo sa gilid habang nakatingin sa kawalan.
Anyare
dito
sa
dalawang
’to? - Ish
“Boss? Ayos lang ba kayo? Parang hindi ata kayo nakatulog ng maayos kagabi ah.” Sabi ni Ish. Wala itong kaalam alam na napapaisip na rin yung dalawang bata kung sino nga ba talaga si Agnes. Hindi nakatulog ng maayos si Virgel kakaisip sa tanong na yun. Ano nga bang ibig sabihin ni Damian kagabi at pilit silang pinapalayo kay Agnes.
“Ah oo. Hehe.” Wala sa katinuang sagot ni Virgel habang nakatingin parin sa kawalan.
“Ikaw Kael?” SI Kael naman ay hindi rin nakatulog ng maayos kagabi dahil bukod dun sa isyu kay Agnes, sumasakit rin yung sugat niya sa palad niya kaya nahirapan siyang makatulog. Kaya heto, tulad ni Virgel, parang bangag rin.
Wala sa sarili naman niyang tinaas ang naka bandage na palad niya. “Injured.” Tulalang sagot nito.
“Ano ba nangyari jan? Nakikipag away ba kayo sa school?”
“Nuuu. Nakahawak lang ng bubog heheee” Wala sa sarili pa ring sagot ni Kael. Napaface palm nalang si Ish sa inaakto ng dalawa. Si Helena naman ay natatawa lang sa may gilid ng pinto habang tinitignan yung dalawa.
Inilipat nalang ni Ish ang tingin niya kay Lily na kasalukuyang naglalakad palapit kay Benz na kasalukuyan ring nag ttraining mag isa gamit ang isang samurai niya. Nakita niyang kinausap ni Lily si Benz at maya maya pa’y nakita niya sa mukha ni Benz ang pagkunot ng noo nito. Pero kalaunan ay tumango rin ito at pagkatapos ay sabay silang pumunta sa fighting area. Anong iniisip nitong dalawa?
“Hoy anong ginagawa niyo?” Tanong ni Ish sa dalawa.
“Mag isparring lang kuya. Hehehe.”
Takang tinignan ni Ish si Benz. “Mapilit eh.” Sabi lang ni Benz.
Di mapigilan ni Ish ang mag alala kay Lily. “Hoy, huwag mong masyadong seryosohin ang laban Benz. Bata yang kalaban mo baka makalimutan mo.”
Napayuko naman si Benz dun na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Ish. “Ganyan na ba ako kasama sa paningin mo para pagsabihan mo ko sa gagawin ko, Ish?” Nagulat ang lahat sa binitawang tanong ni Benz. Pati sina Virgel ay nabalik sa ulirat matapos nilang marinig yun sa bibig ni Benz. Ba’t parang ang seryoso at ng pagkakatanong niya nun. Si Benz ba talaga tong kaharap nila.
Si Ish naman ay parang nabato sa kinatatayuan niya. “H-hindi naman sa ganun gago. Nagpapaalala lang ako.”
“Ako bahala kuya.” Nakangiting singit ni Lily.
Tumigil muna sina Hell sa ginagawa nila para tignan ang sparring na magaganap sa pagitan nina Benz at Lily.
Balot na balot ng tensyon ang buong room. Kinuha na ni Lily ang dalawang sandata niyang warglaives, at sa isang kisapmata lang ay agad napalitan ng blankong expresyon ang mga mata nito. Pero gayunpaman, medyo nakokontrol na ito ni Lily, nasa katinuan parin siya, at yung kakayahan niyang lumaban lang ang nagbabago. Dahan dahan na ring kinuha ni Benz ang isang samurai niya sa likuran. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin talaga si ish kung bakit isang samurai lang ang ginagamit nito kanina pa.
Maya maya pa ay sumugod na ang dalawa sa isa’t isa. Unang naka atake si Benz gamit ang samurai niya kaya panay sangga lang muna si Lily gamit ang sandata niya. Mabilis rin ang kilos ni Lily kahit papano. Nagbunga rin ang araw araw na training niya kasama sila.
Nung makakita ng tsempo si Lily ay mabilis itong gumulong palayo at agad bumwelo at walang pag dadalawang isip na hinagis ang isang warglaive niya sa direksyon ni Benz. Sa halip naman na iwasan iyon ni Benz ay sinangga niya ito gamit ang samurai niya dahil alam niyang babalik lang yun sa direksyon niya pag iniwasan niya lang yun. Sinangga niya yun hanggang sa huminto ito sa pagikot, at medyo nadistract ang tingin ni Benz sa warglaive na yun na pabagsak sa harapan niya kaya di niya namalayang papalit na pala si Lily sakanya. Susugod rin sana siya para salubungin ang bata ng bigla nalang yumuko si Lily at nakaslide itong palapit sakanya, tinamaan ni Lily ang kanang paa ni Benz kaya na out balance ito at tuluyang natumba. Susubukan niya pa sanang tumayo pero nakaturo na sa leeg niya ang warglaive ni Lily.
Natahimik ang lahat sa maikli pero napakabilis na pangyayaring yun “Akin ang round 1” Sabi ng bata pagkatapos ay lumakad ito at bumalik sa pwesto niya para sa panibagong round. Namangha naman ang lahat dahil sa pinakitang husay at bilis ng kilos na ginawa ni Lily. Walang nag aakalang matatalo niya si Benz ng ganun lang kadali.
Tumayo naman ng dahan dahan si Benz at pinipilit na kalmahin ang isipan niya.
“Di na ako magiging kampante sa susunod.” Sabi nito bago nag stance para sa next round. Seryoso na rin ang mukha nito.
Sa pagkakataong ito ay si Lily naman ang unang nakasugod. Walang humpay sa pag atake ang bata at ganun rin naman sa pag sangga si Benz. Kahit isang samurai lang ang hawak nito ay nakakaya niya pa ring sanggain ang dalawang sandata ng sabay sabay.
Dahil kaka focus ni Benz sa dalawang warglaive ni Lily ay tila nakalimutan ata niyang may mga paa si Lily. Di niya napansin ang isang sipa sa may tagiliran niya kaya tinamaan siya dun. Pero tuloy pa din siya sa pagsangga. “Ba’t di mo gamitin ang isang samurai mo?” Tanong ng bata sa gitna ng mga atake niya. Medyo nahihirapan rin kasi si Benz dahil sobrang tagal na nung panahon na kung saan isang samurai lang gamit niya. Nasanay siyang dalawa ang gamit niya.
Habang nakatingin si Ish sa labanan ay di niya maiwasang magtaka sa kinikilos ni Benz. Nasabi na nito sakanya minsan na ang isang samurai, dapat kalmado lang makipaglaban. Pero di niya alam ba’t kunot na kunot ang noo nito habang sangga ng sangga sa atake ni Lily na para bang naiinis na. Di naman to madaling mapikon eh.
Sa gitna ng labanan nila ay bigla nalang nairita si Benz sa tunog na nagagawa ng mga sandata nila kaya bigla niyang hinigpitan ng husto ang samurai niya at malakas niyang sinangga na may kasamang malakas na pwersa ang atake ni Lily dahilan para si Lily mismo ang tumilapon.
Bumangon si Lily at tsaka tinignan ang hawak niyang sandata, nagkatipak ito dahil sa lakas ng impact ng pagtama nito sa samurai ni Benz. Ibinalik niya ang tingin sa kalaban niya at agad nanlaki ang mga mata niya nung mag iba na ito ng aura. Biglang sumugod ang kalaban niya kaya di na niya napaghandaan ang gagawin niya. Itinaas niya ng walang lakas ang isang warglaive niya para sana dumepensa pero mabilis itong nabasag nung hinampas ito ni Benz gamit ang samurai niya. Mabilis ulit na natumba si Lily dahil sa nangyari. “S-sayo na ang round 2.” Kinakabahang tanong nito, pero mas lalo lang itong nangamba nung nakatayo pa rin si Benz sa harapan niya habang mahigpit na nakahawak sa samurai niya.
Yung titig nito sakanya ibang iba. Parang bumabalik sa pakiramdam niya yung araw na naglaban sila ni Virgel dun sa pugad ng Remesis Syndicate. Yung takot sa mga mata nito halos magkaparehas lang.
Maya maya pa ay bigla nalang bumwelo si Benz at mabilis na inatake si Lily. Dahil dun ay napapikit na si Lily ng tuluyan dahil sa takot.
“TAMA NA YAN BENZ!!” Isang malakas na boses ang narinig ni Benz dahilan ng pagkabalik niya sa wisyo. Gulat na gulat ito sa nangyari, lalo na nung tignan niya ang kamay niyang may hawak na samurai na nasa kalagitnaan ngayon ng pag atake at papunta ito sa mukha ni Lily.
Mabilis na nanlaki ang mata niya..
Hindi niya kayang pigilan ang atake niya. Masyado itong mabilis at malabo na niya itong mahinto pa.
Hindi..
Natahimik ang buong paligid matapos ang pangyayari.
Tanging ang tumutulong dugo lang mula sa samurai ni Benz ang maririnig mo sa mga oras na to. Sobrang lakas ng pintig ng puso ni Benz sa nanyari. Kinakabahan itong nakatingin sa harapan niya.
Nakayakap si Virgel kay Lily..
At ang braso nito..
“B-Boss..” Di makapaniwalang tinignan ni Benz ang duguang braso ni Virgel. Inilipat niya ang tingin sa samurai niya na may gawa nito. “P-pasensya na. H-hindi ko..” Isang malakas na suntok ang nagpahinto sa sasabihin niya. Natumba si Benz sa sobrang lakas ng suntok na yun. Pagkatapos ay mabilis na hiniwakan ni Ish ang sando niya at tsaka siya inangat. “ANONG BANG GINAGAWA MO?!!” Sobrang galit na galit na usal ni Ish. “ANO NA BANG NANGYAYARI SAYO?!! HA?!!” Halos pumutok na ang ugat sa noo ni Ish sa sobrang galit. Di na niya kaya ang nangyayari kay Benz.
Tungo lang ang naisagot ni Benz. Kasalanan niya ang nangyari. Masyado na naman siyang nagpadala sa emosyon niya. Mabilis siyang tinulak ni Ish at tska ito pumunta kay Virgel para tulungan ito.
“Boss. Ayos lang kayo?” Nag aalalang tanong ni Ish. Yung iba ay lumapit na rin sakanila para tignan ang kalagayan ng braso ni Virgel.
“Ayos lang ako.”
Habang tinitignan ni Benz ang pamilya nito na nagkakagulo dahil sa ginawa niya ay di niya maiwasang mainis sa sarili niya. Napakagat nalang ito sa labi niya dahil sa inis. Lumapit naman si Kael sakanya para kumustahin. “Benz? Ayos ka lang? Ano bang nangyari?” Tanong nito. Pero di na iyon pinansin ni Benz at mabilis na naglakad para lumabas sa training room.
Palabas na sana ito ng mapansin niya si Helena na nakatayo malapit sa pintuan. Puno ng takot ang mga mata nito habang nakatingin sakanya. Alam ni Benz kung anong iniisip ni Helena ngayon. Masamang tao siya . Kaya pinili niyang wag nalang itongpansinin.
Nung magkalapit ang dalawa ay susubukan pa sanang hawakan ni Helena si Benz pero tinabig lang siya nito, at di alam ni Benz na malakas pala yung pagkakatabig niya kaya natumba si Helena. Tinignan siya ni Benz na parang nagulat sa ginawa niya. “P-pasensya na.” Sabi nalang nito at tsaka mabilis na lumabas sa room. “B-benz sandali.”
Naiwang naiiyak si Helena doon habang hawak hawak ang kamay nitong tinabig kanina. Oo masakit ang kamay niya sa mga oras na’to, pero mas naiiyak siya sa sakit na nararamdaman niya para kay Benz.
Agad namang inilalayan ni Kael si Helena na tumayo. “Ayos ka lang Helena?”
Tumayo si Ish at tsaka tinignan ang daang tinahak ni Benz palabas.
“Hindi na maganda ang nangyayari. Kailangan ng malaman ni Boss Vlad ang problemang to.”
“Ba’t si Boss Vlad?”
“Siya lang ang mas nakakaintindi kay Benz pagdating sa ganito.”
-To be continued
( A/N: May gusto bang palabasin si Ish sa sinabi niya? Abangaan hahaha may ibubulgar sa susunod na episode kaya kitakits nalang dun :)) Adios~ xD )
-Emnacinn
Episode 7 : Behind this Curse (Part 1 )
Episode 7 : Behind this Curse ( Part 1 )
( A/N Pakitingin po sa media. Sila ang portrayer nina Steph at Nica :) Sina Reisi Munakata at Seri Awashima ng anime na K Project. Ang sexy ng portrayer ni Nica hahahah ena, search niyo xD )
( Again pasensya na at pinalitan ko na naman ang title at cover hahahaha promise last na ’to. Final na ang title na ’to xD Btw short update lang to :) Sorry sa typo and errors )
[ 3rd Person’s PoV ]
Matapos gamutin ni Elsa ang braso ni Virgel ay agad na niya itong nilagyan ng bandage para matakpan ang sugat nito. “Okay ka na Boss?” Tanong ni Ish. Lahat sila ay nasa harapan ni Virgel ngayon at bakas sa mga mukha nila ang pag aalala dahil medyo malaki ang sugat na natamo niya kanina.
“Pasensya kana Boss, dahil sakin kaya nasugatan kayo.” Malungkot na singit ni Lily. Ngumiti naman si Virgel at saka mahinang pinat nito ang ulo niya. “Okay lang yun, Lily. Ang importante ay walang masamang nangyari sayo.”
“Ayos ka lang ba talaga, Boss? Baka mamaya nagpapanggap ka lang na hindi ka nasasaktan jan.” Panigurado ni Kael. Hinawakan naman ni Virgel ang braso niyang nakabandage at tsaka mabilis na nawala ang ngiti nito.
“Alam niyo, hindi dapat ako ang iniintindi niyo ngayon eh.” Sagot niya habang nakadungo. “Yung sakit ng sugat ko, walang wala lang ’to sa nararamdaman ni Benz ngayon. Siya yung mas may kailangan ng tulong samin ngayon.” Malungkot na dagdag nito. Napahawak nalang siya sa noo niya habang nakadungo dahil sa disappointment nito sa sarili. “ At wala man lang akong magawa bilang Boss niya para tulungan siya.“ Alam niya yung nararamdaman ni Benz ngayon. Yung tipong natatakot na baka makasakit ng iba. Alam niyang gulong gulo na ang pag iisip nito ngayon dahil sa nangyari. Pero heto, di man lang niya ito kinausap. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin niya. Natatakot siya, natatakot siya na baka imbes na mapagaan ang loob nito eh mas lalo pa niyang mapalala ang sitwasyon.
Mahina namang tinapik ni Ish ang balikat ni Virgel. “Wag kang mag alala, Boss. Tinawagan ko na ang ama mo para sa problema natin ngayon. Magiging okay din ang lahat.” Sabi nito. Pupunta si Vlademir sa mansyon kaya kailangan nilang paghandaan ang pagdating nito.
Tinignan naman saglit ni Virgel si Helena na nasa gilid ng couch na tahimik at parang wala sa sarili na nakaupo. Kalaunan ay lumapit sina Elsa at Lily dito para pagaanin ang loob dahil alam nilang pati ito ay nahihirapan na rin sa sitwasyon ngayon.
Sana nga maging maayos na ang lahat.
FUEGO’S MANSION
“Aalis kayo, Head Boss?” Tanong ni Veronica nung makita niya itong pababa na naka bihis ng suit. “Bibisita lang ako saglit
sa kabila.
“ Sagot nito. Nakasunod naman sa likod niya si Asher na mukhang sasama sa pag alis nito. Ngayong wala na si Argo, si Asher na mismo ang nagmistulang kanang kamay ngayon ni Vlademir.
“Mag iingat kayo, Head Boss.” Paalala ni Stephan.
“Bantayan niyo ’tong mansyon. Babalik ako agad.” Sagot ni Vlad. Bakas sa bawat salita niya na mukhang hindi maganda ang timpla niya ngayon. Napaisip tuloy ang dalawa kung may problema ba ang Virgo ngayon.
Nung makalabas na ng pintuan sina Vlad at Asher ay sumunod na bumaba ang ibang Assassin galing sa taas na mukhang galing sa isang pag uusap.
“Hindi kayo sasama?” Tanong rin ni Elrien nung makita niya ang kuya niya at yung iba na umupo sa may sala at mukhang walang planong sumunod. “Si Asher lang daw ang sasama. Saglit lang naman sila. May aasikasuhing problema lang si Boss.” Sagot ni Elfred.
“Ano bang problema dun at mukhang biglaan ata yung pagpunta ng Head Boss dun?” Takhang tanong naman ni Nica. Ngayon niya lang rin kasi nakita si Vlad na ganun ang timpla ng mukha niya. Salubong ang dalawang kilay at mukhang galit. Parang may mali.
“Tungkol sa isang myembro dun na hindi na makontrol ang sarili.” -Felix
“Nasugatan pa daw sa braso yung anak ni Boss sa training nila dahil sa ginawa nito. Kaya ganun nalang kasama ang aura ni Boss matapos niyang marinig yun. Pft.” Sabat ni Sebastian. Bakas naman sa mukha nung tatlo ang gulat sa narinig nila.
“Sino naman ang gagawa nun?” Tanong ni Steph
“Si Benjamin.” Sagot ni Trace na mas lalong ikinagulat nila.
“Si Kuyang Sword?!” Singit ni Gavin at mukhang siya lang ang natuwa sa balita. “Ang lakas talaga ni Kuyang Sword! Hindi ko pa din siya nakakalaban hanggang ngayon”
Pout
Dugtong nito bago pinagpatuloy ang paglalaro nung remote control niyang kotse.
“Kung si Hell ang sinabi mo baka maniwala pa ako.” Usal ni Nica na halatang hindi makapaniwala sa narinig. Napaka imposible para kay Benz na saktan niya si Virgel.
“Ba’t naman yun nagawa ni Benz? At ano yung sinabi mong hindi niya makontrol ang sarili niya?” Tanong ni Steph.
Natahimik naman saglit ang paligid matapos marinig ang tanong na yun. Nagkatitigan muna ang mga Assassin kung sino sa kanila ang sasagot. Tila para bang isang sekreto ang sagot na yun para magpakiramdaman pa ito kung sino ang magsasalita.
Sa huli ay si Felix na ang sumagot. “Si Benz ay may sakit na katulad sa mag amang Acosta.”
Nangunot naman ang noo ng tatlo. “Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ni Elrien.
“Ibig sabihin nun, mapanganib ang taong yun. Mapa kalaban ka man o kakampi.” Nakangising sagot ni Sebastian na nagpalaki ng mga mata nina Nica at Stephan. Sa ngayon ay isang tao lang ang unang tumatak sa utak nila matapos nilang marinig yun.
“Si Helena..” Mahinang bulong ni Nica. “Tawagan mo si Lena, Steph. Kailangan na niyang umuwi dito. Baka mapahamak pa siya pag nanatili siya sa tabi ng lalaking yun.” Kinakabahang utos ni Nica. Kinuha naman agad ni Steph ang cellphone niya para sana tawagan si Helena pero natigil ito sa pag dial nung magsalita si Felix.
“Huwag niyong gagawin yan.”
“Anong wag gawin? Baka mapano si Helena pag..”
“ Kailangan ng lalaking yun ang presensya niya ngayon. Kung mahal talaga ng lalaking yun ang kasamahan niyo, walang mangyayaring masama sakanya. Hayaan niyong matulungan ni Helena si Benz na malagpasan ’tong kinakaharap niyang problema ngayon.“ Nakapikit na sagot nito. “Pero kung wala kayong pakialam sa Virgo, gawin niyo ang gusto niyo.” Dagdag nito.
Nagkatinginan naman sina Steph at Nica sa narinig nila. Sa huli ay ibinalik nalang ulit ni Steph ang cellphone niya sa bulsa.
[ VIRGO’S MANSION ]
Mga ilang oras ang nakalipas ay narinig na nila Virgel ang sasakyan ng ama niya na papasok sa gate ng mansyon nila. “Andyan na si Boss Vlad.”
Dali daling tumayo ang mga ito at poposisyon palang sana sa gilid ng pintuan para salubungin si Vlademir pero nahuli na sila dahil nakapasok na ito. Nahuli nga ba o masyado lang mabilis ang paglalakad ni Vlad. Bagay na hindi gaanong ginagawa nito. Pagkapasok nito ay mabilis na hinanap ng mga mata niya ang anak niya at si Benz.
“M-magandang umaga, Boss Vlad.” Kinakabahang bati ng ilan. Bihira lang kasi nilang makitang salubong ang kilay ng Boss nila kaya kakaibang tensyon ang nararamdaman nila sa mga oras na to. Pati si Virgel ay kinakabahan narin dahil unang beses niyang makita ang ama niya na sobrang seryoso ng mukha.
Walang imik na lumapit si Vlad kay Virgel at tsaka hinawakan nito ang braso niyang may bandage. Sa likod naman ay kakapasok lang ni Asher na tinignan nila Ish. “Galit.” Nakangising bulong nito pero halata ring kinakabahan.
Magsasalita pa sana si Virgel para batiin ang ama niya pero lumakad na ito papunta ng hagdan. “Papuntahin niyo si Benz sa kwarto ko.” Punong puno ng otoridad na sabi ni Vlademir. Sobrang seryoso ng boses nito. Nakakatakot pakinggan.
“Sandali papa.”
Paakyat na sana si Vlademir sa hagdan ng mapatigil ito dahil sa tawag ni Virgel. Pati ang iba ay nagulat rin. Hindi lumingon si Vlademir pero alam ni Virgel na naghihintay ito sa sasabihin niya.
“Pakiusap. Walang kasalanan si Benz. Hindi niya sinasadya ang nangyari.” Pagmamakaawa nito. “Huwag niyong pagalitan si Benz. Nakikiusap ako.” Yumuko na ito para madala sa pakiusap ang ama niya. Pero..
“Alam ko ang ginagawa ko. Magpahinga ka na.” Walang emosyon na sagot ni Vlademir bago pinagpatuloy ang pag akyat nito papunta sa kwarto niya.
“Patay kang bata ka.” -Asher.
Tuluyan ng nakaakyat si Vlad pero nanatili pa ring nakayuko si Virgel. Wala na naman siyang nagawa sa pagkakataong ’to. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Tumapik naman sa balikat niya si Kael para pagaanin ang loob nito. “Wag mo ng isipin yun, Boss. Hindi yun gagawin ng ama mo.” Nakangiting sabi ni Kael. Alam naman niyang hindi yun gagawin ng ama niya. Pero sa tono ng boses nito kanina ay tila nagdadalawang isip pa rin siya.
“Tawagin ko lang si Benz.” Presenta sana ni Elsa pero pinigilan ito ni Virgel. “Ako na. Ako na ang tatawag.” Sabi nito.
“Boss..”
Agad ng tinahak ni Virgel ang daan papunta sa kwarto ni Benz para tawagin ito. Habang sa loob ng kwarto naman ni Benz ay andun lang ito, nakahiga. Nakatingin sa kawalan. Pilit na kinakalimutan ang nangyari kanina.
Pero sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya ay tila bumabalik lang yung eksenang yun sa isipan niya. Ang pag atake niya, ang paghiwa ng samurai niya sa braso ni Virgel, ang duguang braso nito, ang mga mata ni Lily na sobrang natakot sa nangyari, ang suntok ni Ish na punong puno ng galit, ang pag alala ng iba dahil sa katarantaduhang ginawa niya, ang mga mata ni Helena na punong puno ng tanong…
Lahat ng yun ay sabay-sabay na bumabalik sa isipan niya kaya para na itong mababaliw kakaisip.
“U-umalis kana dito kuya.. M-may masasamang tao…Mga masasamang tao sila..”
Bigla na naman niyang naalala ang katagang ’yun na mas lalong nagpagulo ng utak niya. Para na siyang masisiraan ng bait.
“Maling mundo ba talaga tong napasukan ko..” Natanong nalang nito sa sarili habang tumutulo ang isa butil ng luha sa kanang mata niya.
“Hindi ba talaga nababagay sa isang tulad ko ang makihalubilo sa iba.”
Bakit kahit anong pilit niya ay may nasasaktan pa rin sa huli..
Kailangan ko na ba talagang bumalik sa dating mundo ko..
Tatlong katok ang narinig niya sa may pintuan dahilan ng pagkabalik niya sa ulirat. Balak niya sanang buksan ang pintuan pero..
“Benz..” Nung marinig niya ang boses ni Virgel ay napaurong lang ito. “Benz buksan mo saglit ang pinto.”
Hindi nagsalita si Benz. Hindi pa siya handang humarap sa Boss niyang sinaktan niya kanina. Hindi niya kayang tignan ang sugat na ginawa niya mismo sa braso ni Virgel.
Narinig nalang bigla ni Benz ang pag bukas ng pinto kaya gulat itong napatingin sa niluwa nito. “Alam kong wala kang balak buksan ang pinto kaya kinuha ko na yung duplicate key nitong kwarto mo bago ako pumunta dito.” Nakangiting sabi nito bago pumasok. Tulala lang na nakatingin si Benz sakanya, hindi niya inexpect na ganung reaksyon ang makikita niya sa mukha ni Virgel. Walang bahid ng galit ang mga mata nito na para bang walang nangyari. Dahil dun ay mas lalong na guilty si Benz sa ginawa niya.
“B-Boss..” Nakakaramdam na naman siya ng kirot sa puso niya habang inaalala ang nangyari kanina. “Pasensya na sa nagawa ko. Hindi ko sina—”
“Alam ko.” Putol ni Virgel. “Alam ko yun. Alam namin yun. Hindi mo na kailangan depensahan ang sarili mo sa nangyari.” Dugtong nito pagkatapos ay tuluyan na siyang lumapit kay Benz na kasalukuyang nakaupo sa higaan niya.
“Kung iniisip mo na masama na ang tingin namin sayo, nagkakamali ka. Ikaw pa din ang Benz na kilala namin na mahilig sa cheese.” Nakangising sabi ni Virgel habang si Benz naman ay nagtutubig na ang mga mata nito.
“Ikaw pa din yung Benz na idol na idol si Jerry, yung Benz na isang daang beses na nag popout sa isang araw, yung Benz na pinaka cool na samurai sa Virgo ika mo nga nung unang pakilala mo palang sakin.” Habang pinapakinggan iyon ni Benz ay di niya mapigilan ang maluha. Sobrang miserable niya nitong mga nagdaang mga araw, ilang beses na niyang pinag alala ang pamilya niya dahil sa kinikilos niya. At kanina lang, nilagay niya sa kapahamakan ang Boss nila. Pero sa lahat ng mga nangyari, heto ngayon ang Boss niya, ni hindi nagpakita ng kahit konting inis o galit sa gitna ng mga perwisyong ginagawa niya.
“Ikaw pa din ang makwelang Benz na kilala namin.” Agad tinapik ni Virgel ang balikat ni Benz na kasalukuyang nakayuko habang humihikbi. “Kaya wag mong iisiping hindi ka namin tanggap dahil lang sa nakaraan mo…”
“ Kahit maging ano ka pa, sobra sa buo ka pa naming tanggap, Benz.“
“B-Boss..” Bumuhos na ng tuluyan ang mga luha nito sa huling narinig niya. Tila ang mga tanong nito sa sarili kanina ay nasagot lahat. “Patawad..P-patawad..”
“Wala kang dapat ihingi ng tawad, Benz.” Sagot nito. “Tahan na, kakausapin ka pa ni Papa ngayon.” Napaangat naman ng tingin si Benz sa narinig niya. “Nandun siya sa kwarto niya ngayon, hinihintay ka.” Nakaramdam naman bigla ng kaba si Benz. Nandito si Boss Vlademir.
Hindi kaya papatayin siya nito dahil sa ginawa niya sa anak niya?
Medyo natawa lang si Virgel sa reaksyon niya. “Huwag kang mag alala. Walang gagawin si papa sayo.”
Matapos ang ilang minutong paghihintay ni Vlademir ay sa wakas ay tuluyan na ring bumukas ang pintuan. Nakaharap ngayon si Vlademir sa bintana nitong silid kaya di makita ni Benz kung galit ba ito o ano.
Yuko yuko itong lumapit kay Vlademir bitbit ang sobrang kabang nararamdaman. “B-Boss Vlad..” Unang bati nito. “P-pinatawag niyo daw ako.” Walang sagot na narinig si Benz kay Vlad kaya mas lalo itong kinabahan. Kilalang kalmado na tao si Vlademir pero pag nagalit ito, nakakatakot pa sa isang leon ang presensya nito.
Sa kabilang banda naman sa may sala ay di maiwasan ng iba na matakot dahil sa nasaksihan nilang presensya ni Vlademir. “ Tangna, ilang taon na ba nung huli nating makitang galit na galit si Boss Vlad?“ Tanong ni Ish sa mga kasamahan nito.
“Sobrang tagal na.” Sagot ni Elsa.
Habang busy sila sa pagkwkwentuhan sa nangyari, sumingit naman bigla si Asher bitbit ang seryosong mukha. “Habang nasa kotse kami kanina, may napansin akong baril na nilagay si Boss sa ilalim ng suot niya.” Agad nakaramdam ng kaba ang iba sa narinig nila.
“Babarilin niya si Benz?!” Ish
“Galit si Boss, hindi mo gugustuhin ang ugali niya pag nagalit yun.” Singit rin ni Hell na mas lalong nagpangamba sakanila. Tama si Hell. Di malayong mangyari yun dahil minsan ng nalagasan ng tauhan ang Virgo dati dahil binaril ito ni Vlad sa harapan nila. Sobrang galit na galit si Vlad nung mga panahong yun.
“Tangna. Sana hindi ko nalang pinaalam kay Boss Vlad ang nangyari.”
“Diba wala ka ng problema pagdating jan sa pagkontrol sa sarili mo?” Kaswal na tanong ni Vlad. Walang emosyon kang maririnig sa tono ng boses niya. “Ba’t ngayon parang nahihirapan kana naman?” Dugtong nito. Hindi nakaimik si Benz sa kinatatayuan niya. Grabe yung kabang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya makapag isip ng isasagot.
“Mali ang ginawa mo, Benz.” Dahan dahan namang humarap si Vlad sakanya at kitang kita mo sa mukha nito na sobra itong seryoso. “Alam mo ba kung pano binabaril ang kalaban ng hindi sila nasasaktan?” Tanong pa nito dahilan para manginig ang mga tuhod niya sa takot. Lalo na nung biglang may dinukot ito sa ilalim ng suot niya.
Maya maya pa ay nilabas na ito ni Vlad at mabilis na itinutok sakanya at walang pagdadalawang isip itong pinihit ang gatilyo dahilan para mapapikit ng wala sa oras si Benz.
pssssst
Napamulat ng dahan dahan si Benz nung maramdaman niyang bumasa ang suot niya sa may bandang dibdib niya kung saan siya tinamaan. Pagtingin niya dito, walang pulang likido ang nakikita niya. Purong basa lang. Kunot noo siyang napatingin dito. Tapos ay agad niyang tinignan ang hawak ni Vlademir.
Isang water gun na may desenyong bibe ang hawak ni Vlad.
“May nadaanan kaming nagbebenta nito kanina kaya bumili ako ng isa.” Sabi pa nito. Nakanganga lang si Benz habang tinignan ang Boss niyang may hawak ng water gun. WATER GUN.
“Ang ganda ng desenyo eh.” Natatawang dagdag nito. “Maupo ka.” Utos nito sakanya. Wala sa sarili namang umupo si Benz habang sinisink in parin sa utak niya ang nangyayari. Akala niya babarilin na talaga siya ni Vlad dahil sa ginawa nito sa anak niya.
Oo binaril nga siya…ng isang water gun. Potahamnida hahahaha
“H-hindi ho ba kayo galit sa ginawa ko?” Nagtatakang tanong ni Benz. Umupo rin si Vlad sa swivel chair niya para magkaharap silang dalawa.
“Gaya nga ng sabi ko, mali ang ginawa mo.” Umpisa nito. “Pero hindi naman ako ganun kababaw para magalit.”
“Pero sabi ni Boss kanina, galit na galit daw kayo habang paakyat dito sa kwarto niyo?”
Agad namang natawa ng konti ang matanda. “Ang galing ko talaga.”
“K-kung ganon, hindi kayo pumunta dito para parusahan ako?” Tanong ni Benz. Mula sa pagtawa ay ngumiti ang matanda ng bahagya. “Pumunta ako dito dahil may sasabihin ako sayong importanteng bagay.”
Napalunok sa sariling laway si Benz sa sinabi ni Vlad. “A-anong importante bagay ang tinutukoy niyo, Boss?”
Mataman siyang tinignan ng kaharap niya bago sumagot.
“Tungkol sa pamilya ng Guanzon, sa nakaraan mo, at nakaraan ko.”
-To be Continued
( A/N : Sa next episode pa pala marereveal yung sekreto hahahaha pero nakita niyo ba ang hint sa sekretong yun dito sa episode na’to? :)) Alam niyo na ba kung ano yun? Hahaha abangan nalang natin sa susunod na episode. Ba’t nga pala wala na masyadong nagcocomment sa ud? :( Panget na ba ng kwento? Amboring na ba? T.T Pasensya naaa bawi nalang ako next time hahahaha hanggang dito nalang muna. See you sa next episdoe :) Adios~ )
-Emnacinn
Episode 8 : Behind this Curse (Part 2)
Episode 8 : Behind this Curse : Behind this Curse (Part 2)
( Ena ang sipag ko ngayon HAHA Sorry sa typo and errors :)) )
[3rd Person’s PoV]
“Unang araw mo sa kolehiyo ngayon hijo.” Natutuwang sabi ni Manang Flora sa alaga niya na kasalukuyan niyang inaayusan ng necktie. “Oo nga ho eh.” Nang matapos ang matanda ay agad niyang tinignan ang buong postura ng alaga niya.
“Abaaa, bagay na bagay sayo ang suot mo.” Puri nito. “Parang kailan lang nung unang pagsisilbi ko dito sa mansyon niyo. Napaka bata mo pa noon at ako pa ang nagliligo sayo. Pero ngayon tignan mo, binatang binata na ang alaga ko.” Dagdag nito. Napahawak naman sa batok ang alaga niya na medyo nahihiya pa “Manang naman.” Natawa ang matanda sa inakto ng alaga niya.
Sa ganung sitwasyon naman sila naabutan ng ama ng binata. Medyo nagulat ang dalawa nung makita nila itong nakatingin sakanila.
“A-ama.” Bati ng anak.
“Nakauwi na pala kayo Sir. Vicenze
(Vee-sen–zeh)
.“ Bati rin ni Flora habang yumuyuko. Mabilis namang lumapit si Vicenze sa anak nito bitbit ang napakaseryosong mukha.
“Totoo ba yung narinig ko sa mga tauhan ko?” Seryosong tanong nito kaya agad kinabahan ang anak nito. “Sumagot ka, Vlad.”
“A-anong narinig niyo, ama?” Kinakabahang tanong nito kahit alam na niya ang ibig sabihin ng ama niya. Malamang tungkol ito sa nangyari nung isang araw.
“ Na Ikaw ang unang tumakas nung may naka engkwentro kayo sa daan nung isang araw?“ Patanong na sabi ng ama. Sasagot palang sana si Vlad ng mabilis na kinwelyuhan ni Vicenze ang anak niya. “NA PINALABAS MO ANG TATLONG KASAMA MO SA KOTSE MO AT INIWAN MO SILANG NAKIKIPAGBARILAN PARA MAKATAKAS KA!!” Sigaw nito. Kitang kita mong nagbabagang na ang panga nito sa sobrang galit. “TOTOO BA YUN?! HA?!”
Halos araw araw namang pinapagalitan si Vlademir ng ama niya pero hindi pa din na iimmune ang utak nito sa takot. Kahit nanlalambot na ang mga tuhod nito ay agad sumagot si Vlad. “P-pasensya na ama. Natakot lang ako nung mga oras na yun..at..hindi ko sinasadya ang nangyari.”
Agad na bumagsak sa sahig si Vlad nung makatanggap ito ng malakas na suntok galing sa ama niya. “NATAKOT?!” Singhal nito. Gusot na gusot na ang uniporme ni Vlad. Gusto mang tumulong ni Flora sa alaga niya pero baka siya pa ang mapatay pag nakialam siya.
“Habang buhay ka nalang bang magiging duwag kang hayop ka?” Pagtitimpi ni Vicenze. Napapakagat na ito sa sariling labi sa sobrang galit. “Hindi ko na alam ang gaggawin ko sayong bata ka.” Dagdag pa nito, at bago pa siya may magawang masama sa anak niya ay pinili na nito ang tumalikod nalang. Pero bago ito umalis ay may binitawan pa itong salita na dumurog ng husto sa puso ni Vlad.
“Hindi ko alam kung anong plano ng diyos at ang kapatid mo pa ang kinuha niya at hindi ikaw.”
Naiwang tulala si Vlad sa narinig niya. Hindi niya alam na sunod sunod na ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali para makaranas siya ng ganito sa kamay ng ama niya. Masyadong masakit. Tumagos ng husto sa pagkatao niya ang mga narinig niya mula mismo sa sarili niyang ama.
Mabilis namang lumapit si Flora para tulungan ang alaga niya. “Hijo, ayos ka lang ba?” Bakas sa mukha at boses nito ang pag aalala. Hindi sumagot si Vlad.
Kailan ba siya huling naging maayos?
Ah tama. Nung buhay pa ang kuya niya.
Wala sa sariling naglalakad ngayon si Vlad dito sa loob nitong unibersidad. Unang araw niya dito bilang isang kolehiyo. Dapat ay tuwang tuwa siya sa mga oras na ’to. Madaming kaibigan ang makikilala niya. Pero ayaw matanggal sa utak niya yung sinabi ng ama niya sakanya. Ba’t nga ba hindi nalang siya ang nawala? Ba’t ang kuya niya pa na tinitingala ng buong pamilya nila? Ba’t hindi nalang siya na walang kwenta at duwag na anak ang nawala?
Habang wala sa sarili siyang naglalakad ay may napansin siyang limang lalaki na may inaakbayan na isang studyante na parang isang weirdo. Napansin pa niya na sinusuntok suntok nila ito ng palihim sa may tiyan habang naglalakad sila.
Alam niyang may pinaplano yung mga lalaki kaya palihim niya itong sinundan. Hindi niya alam kung anong nag udyok sakanya na sundan sila. Nakasunod lang siya hanggang sa mapunta sila sa likod ng isang building dito na walang taong dumadaan.
“Habang buhay ka nalang bang magiging duwag kang hayop ka?”
Bigla nalang niyang naalala ang kataga na yun “ Kailangan bang maging matapang ako ama para mahalin mo rin ako gaya ng pinaparamdam mo kay Kuya?“
“Ano? hindi mo pa ibibigay yang wallet mo? Gutom na gutom na kami bwesit!” Pinaulanan ng limang lalaki ng tadyak at suntok ang weirdong lalaking yun na pilit niyayakap ang hawak nitong bag.
“AKIN NA SABI EH!” Sigaw nung parang lider nila. Tatadyakan niya na sana sa ulo yung weirdo ng may bumato sakanya ng isang piraso ng sanga sa mga ulo niya. Mahina lang yun pero napatigil sila sa ginagawa nila.
Dahan dahan naman lumingon ang limang lalaki sa likuran nila. At isang first year student ang tumambad sakanila. “Tigilan niyo na yan.” Kunwaring maangas na sabi nito. Pero sa kaloob looban niya ay parang sasabog na ang dibdib nito sa kaba. Unang beses niyang ginawa ang suicidal act na ’to kaya kinakabahan siya. At isa pa..
Hindi siya marunong makipag away.
“At sino ka naman??” Usal nung matabang lalaki.
Pilit inistraight ni Vlad ang postura niya para magmukhang hindi ito natatakot. “Ah..a-ako si Vlad. Pag hindi kayo tumigil jan, p-paparusahan ko kayo.” Utal utal na pananakot nito.
“Parusahan daw pare.” Natatawang sabi nung isang lalaking maitim at nakipag apir dun sa isa na may baba na pwede ng pang butas ng donut sa sobrang tulis.
Nag stance pa si Vlad ng fighting pose, pero halatang nanginginig ang mga braso’t kamao nito. “ A-ano?..Champion ako ng Judo nung highschool ako at—“
“Sugod!”
Halos malaglag ang panga at lumuwa ang mga mata ni Vlad nung makita niyang papalapit ang mga ito sakanya “T-teka biro lang yun!” Mabilis na rin siyang tumakbo para tumakas. Tangna, anong kagaguhan ba tong ginagawa niya. Unang araw niya palang dito pero gulo na agad ang sasalubong sakanya.
Sobrang bilis nitong tumakbo na parang hinahabol ng isang turo. Buhay na niya ang nakataya dito. Di siya pwedeng magpahuli.
Walang humpay na takbuhan ang nangyari. Buong buhay ng tumatakbo si Vlad para takasan ang mga nakakaengkwentro niya kaya medyo nasanay na siya ng ganito. Na hinahabol siya.
“Hahahah habol mga unggoy.” Nakabelat pa na sabi nito sa mga sumusunod sakanya.
“PAG NAHULI KITA DUDURUGIN KO LAHAT NG MGA BUTO MO!” Sigaw nung lider nila na ugat ugat na ang noo sa sobrang galit.
“Hindi niyo ako mahahabol. Ako ata ang tinaguriang dilaw na kidlat ng konoha.” Sagot naman niya. Anime pa ._.
“PINAGSASABI MO?! LAGOT KA TALAGA SAKIN!”
Ilang minuto din ang takbuhang naganap. Masaya lang at kampanteng tumatakbo si Vlad ng bigla nalang magbago ang takbo ng habulan nila nung lumiko siya sa may kanan niya.
Pagliko niya, halos malugmok siya sa nakaharap sakanya.
Pta dead end. T__T
“Patay.”
Napalingon siya sa likuran niya nung may marinig na siyang nagtatawanan. “Malamang bago ka palang dito para lumiko ka sa daan ng kamatayan.” Sabi ng lider nila habang patawa tawa pa.
“Korni nung daan ng kamatayan.” Bulong ni Vlad pero narinig pala ito ng lider
“MAS KORNI YUNG DILAW NA KIDLAT NA SINASABI MO!” Singhal din nito.
“Cool kaya.”
“Cool pala ah.” Dahan dahan ng lumalapit yung lima habang si Vlad naman ay paatras ng paatras hanggang sa mapasandal na siya sa pader . “Gusto mong maging cool? Yung habang buhay ng cool na bangkay ang katawan mo? Pagbibigyan ka namin”
“T-teka..baka pwede natin tong pag usapan. Hehehe.” Nakataas kamay na pakiusap ni Vlad. Pero ang tuhod nito pabagsak na dahil sa panginginig.
“Tinawag mo pa kaming mga unggoy kanina.” Usal nung mataba na umuusok na ang ilong sa sobrang galit.
“K-kesa naman baboy diba? Mas masakit yun sa parte mo. Hehehe” Sagot ni Vlad pero sana di nalang niya ginawa.
“HAHAHAHAHAHA” Yung ibang kasamahan nung mataba ay natawa sa sinabi ni Vlad.
“Anong sabi mo?!!” Parang puputok na ang butchi nito sa sobrang inis. “Durugin na ang bwesit na’to!” Agad sumugod ang mga ito papalapit sakanya kaya tuluyan nalang napapikit si Vlad.
Katapusan na niya .
Naramdaman naman nila ang malakas na ihip ng hangin dahilan para mapatigil sa pagtakbo ang lima at mapadilat si Vlad.
Maya maya pa ay may bigla nalang tumalon mula sa likod ng pader na sinasandalan ni Vlad at tsaka ito naglanding sa gitna nila. “Hoy hoy hoy. Baka pwedeng sumali?” Maangas na sabi nito habang nakaharap dun sa lima.
Mga ilang segundo lang ay may isa pang tumalon mula dun at tsaka naglanding katabi nung unang tumalon. Hindi ito nagsalita.
Magsasalita pa sana yung lider nung limang unggoy nung may bigla silang narinig na sigaw mula dun sa likod ng pader “HOY ANDITO PA AKO!” At maya maya pa ay may isa na namang tumalon na isang lalaki mula dun, at habang nasa ere ito ay binigyan niya pa yung lima ng isang nakakalokong ngisi. Pero nung palanding na ito, sumablay yung isang paa niya sa may pader at umuna ang ulo nitong bumagsak.
Epic landing. “A-araay. Tulong.”
“Nubayan Celo. Nasisira yung intro natin dahil sayo eh.” Napatampal nalang sa noo yung unang tumalon.
“Palpak talaga kahit kailan.” Usal nung isang tahimik.
Mabilis na tumayo si Celo at nagkunwaring hindi nasaktan. May papikit pikit pang nalalaman ang loko habang ngumingisi ng maangas. “Ayos lang ako. Hindi ako nasaktan sa nangyari.” Pacool na sabi nito. Pero yung dugo panay tulo na sa gilid ng mukha niya. Okay lang talaga siya.
“Ayos mo mukha mo.”
“Sino ba kayo?” Takhang tanongi ni Vlad sa tatlong nasa harapan niya.
“ A-anjeel
(An - Jill)
, M-maximo..Cilyo..A-anong ginagawa niyo–“
“CELOOO!! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA INYO NA HINDI AKO SI CILYO KUNDI CELO! MARCELO MARTIN! ITATAK NIYO SA MGA BULOK NIYONG UTAK YAN!” Pagwawala nung natumba kanina.
“Cilyo. Pfft.”
“ HUWAG KANG TUMAWA JAN MAXIMO!“
“A-anong ginagawa niyo dito? Diba may pasok pa kayo?” Kinakabahang tanong nung lider nung lima. Ngumisi naman yung unang tumalon kanina habang nakapamulsa pa. Kung titignan mo ito, may awra ito ng isang lider.
“Akala mo ba makakatakas sa paningin namin yang ginagawa niyong kagaguhan sa mga first year?” Nakangising tanong nito habang dahan dahang lumalapit dun sa lima. Agad rin namang sumunod yung dalawa na sina Maximo at Marcelo. “ Ang tagal ko ng hindi nakakabasag ng mukha.“ Usal ni Celo habang pinapatunog pa ang mga kamay nito.
“T-teka..nakita niyo naman diba? W-wala pa kaming ginagawa sakanya? Baka pwede niyo kaming pagbigyan ngayon? H-hehehe.”
“ Pagbigyan? Wala yan sa bokabularyo namin.“ Kalmadong sagot ni Maximo.
“Pano ba yan?” Nakangisi parin si Anjeel na parang kating kati ng lampasuhin ang limang unggoy na nandito.
“T-TAKBOOO!!”
“HABULIN NIYO!”
“Siya pala ang nagsabi na hinahabol ako nung lima.” Pagtutukoy ni Vlad dun sa binugbog nung limang unggoy kanina. Kasalakuyang nasa rooftop ng isang building ngayon ang apat habang nag uusap.
“Oo. Buti at umabot kami. Wag kang mag alala, simula ngayon, kasali kana sa grupo ko. At wala ng pwedeng manakit sayo sa skwelahang ito.” Nakangising sabi ni Anjeel habang itinaas ang kamao nito sa harap niya. Medyo may pagka maangas ang isang ’to pero hindi arogante.
Finist bump naman ito ni Vlad pero nagtataka parin siya. “Ba’t mo ko sinasali sa grupo mo? Hindi mo pa nga ako kilala. At tsaka..” Napayuko si Vlad na parang nahihiya. “Hindi ako marunong makipag laban tulad nung ginawa niyo kanina dun sa lima.”
“Walang problema samin yun. Yung lakas ng loob mong pagtulong mo palang dun sa isang 1st year ay napabilib na ako. Sapat na sakin yun para isali ka sa grupo ko.” Napangiti ng bahagya si Vlad sa sinabi ni Anjeel. Unang pasok niya palang pero nakahanap na agad siya ng mga kaibigan.
“Ano palang pangalan mo?” Tanong ni Maximo.
“Ah..Vlademir Acosta. Pero okay na sakin yung Vlad. Hehe.”
“Anjeel Silvero nga pala.” Naglahad ng kamay si Anjeel na mabilis rin namang tinaggap ni Vlad.
Agad namang tinuro ni Anjeel ang dalawang kasamahan niya “Ito naman sina Maximo Yusen at Marcilyo Martin. Mga alagad ko.” Natatawang pakilala niya
“Yow” -Maximo.
“ALAGAD MO MUKHA MO! AT TSAKA MARCELO NGA SABI EH!”
“Kumusta Maximo, Cilyo.” Yukong bati Vlad pero di na niya nagawang iangat ang ulo niya pabalik dahil mabilis na itong sinakal ni Celo gamit ang braso niya ng pabiro. “Isa ka pa eh haaa. Celo nga sabi eh!”
“A-arayyy. Oo na Celoy.”
Nagtawanan ang mga ito habang si Celo ay pikon na pikon na. “CELO! CELO SABI!”
Habang nag aasaran ang apat ay may isang babae ang biglang dumating sa harapan nila. Dahan dahan namang napaangat ng tingin si Vlad para tignan ang babaeng yun.
At nung tinignan niya ito, tila naging magnet na ang mga mata niya. Ayaw ng maalis ng tingin niya sa babaeng yun. Lalo na nung ngumiti ito. Pakiramdam ni Vlad parang naging puti lahat ng paligid at silang dalawa lang ang nandun. Sobrang ganda ng mga ngiti nito.
Teka..Ito na ba ang tinatawag nilang love at first sight?
“Hoy! Patay ka naba?” Tinapik tapik ni Celo ang mukha ni Vlad dahil parang natulala ito.
“Mukhang may bago kayong kaibigan ah.” Sabi nung babae.
Umayos naman agad ng upo ang dalawa lalo na si Celo na mabilis na inayos ang buhok niya na parang nagpapacute. “Hi Mira. Anjan kana pala.” Abot tengang ngisi nito at may kasama pang kindat. Gumanti naman ito ng ngiti sakanya kaya parang sasabog na ang puso niya sa pagkabog. “Sheeet”
“Siya nga pala Vlad, ang nag iisang babae sa grupo natin, siya si Almira. Ang nakababata kong kapatid.” Pakilala ni Anjeel sa kapatid nito. “Mira, ito si Vlad, bagong myembro natin.”
Ngumiti naman si Mira sakanya kaya mas lalong bumilis sa pagtibok ang puso niya. Walang duda. Tinamaan na agad ito sa babaeng nasa harapan niya.
Napansin ni Anjeel na natutulala si Vlad kaya sinita na agad niya ito “Hoy hoy hooyy..Ligawan niyo na lahat ng babae dito wag lang tong kapatid ko. Bata pa to.” Babala niya na nagpabalik sa wisyo ni Vlad.
“Oo tama. Kaya ikaw boy bago, wag kang didiskarte dito kay Mira ko ha.” Mabilis namang nakatanggap ng lumilipad na sapatos si Celo dahil sa sinabi niya. “Gago kasali ka sa sinasabi ko.”
“Anjeel naman. wat pwends are for are for are for? :(”
“Are forin ko mukha mo eh.”
Nagtawanan lang sila pagkatapos nun. Akala ni Vlad magiging boring ang pagtungtong niya ng kolehiyo. Pero di mo nga talaga malalaman ang pinaplano ng tadhana. Siguro kaya may kung nag udyok sakanya na sundan ang mga lalaking yun kanina para maging dahilan ito para makilala niya ang mga ito.
Nung araw na yun..dun na nabuo ang pagkakaibigan na isang grupo na hindi mo kailan man matitibag.
Nung makauwi si Vlad nung araw na yun sa mansyon nila ay nadatnan niya sa may sala ang ama niya at isang bisita na nag uusap. At base sa suot ng bisita niya, mukhang doctor ang isang to.
“Ito na ba ang bunso mo, Mr. Acosta?” Nakangiting tanong ng doctor nung mapadaan si Vlad sa sala. “Nakapa bata mo pa nung huli kitang makita. Magkasing tangkad na siguro kayo ng anak kong si Manuel ngayon.” Natatawang dagdag nito.
“Ituloy mo na ang sinasabi mo kanina, doktor.” Singit ni Vicenze na para bang wala itong pake sa presensya ng anak niya.
“Ah sige. Yun nga ang sabi ko kanina, bukod sa nagbibigay ito ng kakaibang lakas sa gagamit nito, meron ding mga..” Di na pinakinggan pa ni Vlad ang mga sinasabi nung doktor at tumuloy na ito sa hagdan para makapunta sa kwarto niya. Masyado siyang napagod ngayong araw.
Makalipas ang ilang buwan na panantili ni Vlad sa unibersidad na yun ay unti unti na niyang nararamdaman yung saya na akala niya ay hindi na niya mararamdaman pa. Habang tumatagal ang pagsasamahan ng lima ay mas lalong naging malapit ang mga ito. At sa mga nakalipas din na buwan na yun, di mo mapagkakailang mas naging magkalapit ang loob nina Vlad at Mira sa isa’t isa. Bagay na ikinababahala ni Anjeel at Celo. Si Maximo chill lang.
Pero kahit ganun, mas pinahalagahan nila ang pagkakaibigan nila kesa sa bagay na yun. Ayaw nilang masira ang pagsasamahan ng bawat isa dahil lang sa isang bagay. Maski sa parte ni Celo ay naiinis at nasasaktan ito sa nakikita niya, mas pinili niya ang manahimik nalang at pabayaan ang dalawa. Mas importante sakanya ang samahan nila. Sa parte naman ni Anjeel, kahit tutol man siya sa nakikita niya, nakikita niya namang masaya si Mira sa piling ni Vlad. Kaya wala na din itong magawa kundi ang hindi nalang makialam. At isa pa, napalapit na rin sakanya ng husto si Vlad. Mabait na tao ito at mapagkakatiwalaan. Yun ang pananaw nito sakanya kaya wala naman sigurong problema kung hayaan niya nalang ang dalawa. At si Maximo naman, wala. Chill lang.
Akala nila na mananatiling matibay ang pagsasamahan ng grupo nila. Akala nila hindi sila matitibag sa mga problemang pagdadaanan nila. Pero medyo malupit nga ata ang pagkakataon at walang pinipiling tao ang tinatamaan nito. Dumating nalang ang isang araw na hindi na sumasama sa kanila si Marcelo sa tuwing nagtitipon sila. Napakalamig na ng pakikitungo nito sakanila. At nagsimula ang lahat ng yun nung umamin si Vlad tungkol sa pagiging Mafia ng pamilya niya. Walang nakakaalam sa grupo na isang Mafia rin ang kinabibilangang pamilya ni Celo. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na rason niya kung bakit ito nagbago ng tuluyan. Si Maximo ganun lang. Chill pa din kahit parte rin ng isang Mafia ang pamilya niya. Walang problema ang taong ’to. Napakadali lang sakanya ang sumabay sa agos ng buhay.
Ang akala ng lahat yun lang ang matinding problema na madadaanan nila, hanggang sa isang gabi, isang masamang balita ang dumating kay Vlad. Tumawag si Mira sakanya at ipinaalam ang nangyari sa kuya niya. Kahit dis oras ng gabi ay agad na nagbihis si Vlad para puntahan ang kaibigan niya.
Lalabas palang sana siya ng pinto ng maabutan ito ng ama niya. “San ka pupunta?”
“May pupuntahan lang ako ama.”
“Gabi na. Ipagbukas mo nalang yan.”
“Pero importante ’to ama. Nasa–”
“Umakyat kana!” Maotoridad na sigaw nito.
Di napigilan ni Vlad ang mapataas ang boses niya. “May nangyari sa kaibigan ko ngayon! At kailangan niya ng tulong!” Sigaw nito–bagay na ikinagulat niya mismo. Pati si Vicenze ay medyo nagulat rin sa inakto ng anak niya.
“Madaming nagbabanta sa buhay natin ngayon. Hindi mo naiisip yun?!” Sigaw na rin ng matanda. Masyadong delikado kung lalabas pa siya ng ganitong oras.
Sarkastiko namang ngumiti si Vlad matapos niyang marinig yun. “Kung plano man ng diyos na kunin ako, alam ko namang ikasasaya niyo yun.” Sabi nito bago tumalikod at umalis at di na hinintay pa ang sasabihin ng ama niya. Sa pagkakataong ’to ay si Vicenze naman ang naiwang tulala sa narinig niya.
Nang makarating si Vlad sa isang police station ay agad niyang nakita si MIra na nakaupo at halatang galing lang ito sa pag iyak. “Mira. Nasan si Anjeel?” Tanong nito habang nililibot ang tingin sa station.
“Vlaad..” Muli ay naiyak na naman ang dalaga at mabilis siya nitong niyakap.
May nakakita kay Anjeel kanina na nagnanakaw sa isang jewelry shop, at sa kasamaang palad ay nadakip ito ng mga pulis. Walang kaalam alam si Vlad na mahirap lang ang buhay ni Anjeel at Mira kumpara sa kanila. Wala na ang mga magulang nila at tanging si Anjeel nalang ang bumubuhay sakanila ngayon sa pamamagitan ng pag papart time. Pero sa pagkakataong ito ay wala na talagang kapera pera si Anjeel pantustus sa mga gastusin nilang magkakapatid lalo pa’t malapit na ang exam nila at wala siyang maipambayad sa tuition nilang dalawa. Kaya naisipan nalang niya ang magnakaw. Ayaw niyang humingi ng tulong sa mga kaibigan niya kahit alam niyang sobrang yayaman ng mga ito. Kaibigan niya ang mga ito at hindi ATM. Kaya ayun, ginawa niya ang isang bagay na hindi naman niya ginagawa. Pero minalas siya sa unang subok niya at nahuli siya
“Kuyaa..” Tawag ni Mira sa kuya niya. Magkasamang naglalakad ngayon silang tatlo. Pinyansahan siya ni Vlad kaya nakalabas rin ito. “Ba’t mo yun nagawa?” Nag aalalang tanong nito. Pinili nalang muna nila ang maglakad lakad bago umuwi para makapag usap at maayos ang sitwasyon.
Nakayuko lang si Anjeel at halatang nahihiyang humarap sa kapatid niya. “Patawad Mira. Ayoko lang na magutom ka. Ayokong makaramdam ka ng hirap habang nasa puder kita. Gusto ko maging maginhawa ang buhay mo. Kahit anong trabaho pa ang pasukin ko gagawin ko. Pasensya na at wala akong kwentang kapatid. “ Habang pinapakinggan ni Vlad ang sinasabi niya ay unti unti na niya itong nauunawaan kung bakit ganun nalang siya ka protektado kay Mira. Siya nalang ang natatanging pamilya nito. At ayaw niyang mawala ito sakanya.
“Kuya.” Napatigil sila sa paglalakad nung yakapin ni Mira ang kuya niya. “Hindi mo naman kailangan akuin lahat eh. Sobra sobra na ang ginagawa mo para sakin. Hayaan mo akong tulungan kita. Magtulungan tayo. Makakaya naman nating tong lagpasan kuya eh” Naiiyak na sambit nito habang nakayakap sa kuya niya.
“Mira..”
Habang tinitignan ni Vlad silang dalawa ay nakaramdam siya ng presensya malapit sa kinatatayuan nila kaya agad itong naalarma. Nakakarinig siya ng mga kaluskos sa may damuhan. Masyado ng malalim ang gabi. Imposibleng may ibang tao pa ang nandito.
Sa harapan naman nila ay anim na armadong lalaki ang sumulpot doon. Agad napabitaw si Anjeel kay Mira ng mapansin niya ito. “Dyan ka lang sa likod Mira.”
“Mga bata. Malalim na ang gabi ah. Anong ginagawa niyo dito?” Nakangising tanong nung lalaking sobrang dami ng gintong kwentas na suot. Meron rin itong dalawang gintong ngipin at nakasalamin pa kahit gabi. “Ganda ng kasama niyo ah.” Dagdag pa nito na agad nagpainit ng ulo ni Anjeel. Si Vlad ay nagumpisa ng kabahan sa nangyayari.
“Pahiram naman kami.” Natatawang sabi pa nito. At dun umabante na si Anjeel
“Umalis na kayo Vlad. Ikaw na ang bahala sa kapatid ko.” Sabi nito. Nagdadalawang isip pa si Vlad kung susunod ba siya o hindi “ALIS NA!” Sigaw na ulit ni Anjeel kaya wala ng nagawa si Vlad at agad nalang niyang hinila si Mira para makaalis. “Teka si kuya!”
Habang tumatakbo palayo si Vlad ay di niya maiwasang mainis sa sarili niya. Habang buhay nalang ba talaga siyang ganito? ang tumakbo? ang tumakas? Ganito ba talaga siya kaduwag para ipagpalit niya ang buhay ng ibang tao para sa kaligtasan niya?
“Habang buhay ka nalang bang magiging duwag kang hayop ka?”
Mabilis na pumasok ang dalawa sa kotse ni Vlad para magtago. At habang nandun sila sa loob ay panay sigaw naman si Mira na tulungan ang kuya niya. Si Vlad naman ay nagugulan na. Nagtatalo ang takot at kagustuhang tumulong sa utak niya. Gusto niyang tumulong pero natatakot siya. Napapikit nalang ito at napasandal sa manibela sa sobrang gulo ng utak niya.
Anong gagawin ko?
Sa gitna ng magulong pag iisip niya ay biglang sumagi sa isipan niya ang katagang nagpapukaw sakanya.
“Hindi ko alam kung anong plano ng diyos at ang kapatid mo pa ang kinuha niya at hindi ikaw.”
Natigilan siya matapos niyang maalala yun.
Ba’t pa nga ba siya natatakot mamatay? Ni mismong ama niya nga hiniling na sana mawala na siya.
Unti unting kumalma ang isipan niya. Kailangan ng tulong ni Anjeel ngayon. At wala na siyang pakialam kung anong mangyari sakanya.
“Dito ka lang, tutulungan ko ang kuya mo.” Sabi nito kay Mira bago lumabas ng kotse at mabilis na tinahak yung daan kung saan niya iniwan si Anjeel.
Habang tumatakbo siya pabalik dun ay natanaw niya sa may unahan si Anjeel na naglalakad mag isa.
Ligtas ito…
Pero may mali sa paglalakd niya.
“Anjeel!” Mabilis niyang pinuntahan ang kaibigan niya para tulungan ito. Pero bago pa man siya makalapit ay natumba na ito.
“Anjeel!” Nadatnan niyang naghihingalo ito. Mabilis niya itong hinarap para kausapin. “Anjeel! K-kumapit ka lang! Dadalhin kita sa ospital.” Nanginginig na sambit nito habang inalalayan si Anjeel. Tinignan niya saglit ang tagiliran nito. Napamura nalang siya sa laki ng saksak nito at ayaw pa tumigil sa pag agos ng dugo.
“H-hindi na ako aabot.”
Natigilan si Vlad sa sinabi ng kaibigan niya.
“Asar h-haha..naunahan pa ako ng mokong” Pilit na sabi nito habang naghihingalo na. Pabagsak na rin ang mga mata nito.
“W-wag ka ng magsalita. Kumapit ka lang. P-Pakiusap. Kumapit ka.” Naiiyak na na pakiusap ni Vlad. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Minsan na siyang nawalan ng importanteng tao sa buhay niya. At Isa sa napaka mahalaga at natatanging kaibigan si Anjeel sakanya. Ayaw na niyang mawalan pa.
Pakiusap..
“S-si Mira..”
“Ligtas si Mira. Nandun siya sa kotse hinihintay ka. Kaya pakiusap..” Walang humpay na sa pagtulo ang mga luha nito. “Pakiusap…-w-wag kang bibitaw Anjeel.” Pilit na tinatakpan ni Vlad ang sugat nito para tumigil sa pag agos ang dugo. Pero wala, dumadanak parin ito. “Tumigil ka..tumigil ka..TUMIGIL KA! ARGHH!” Naiiyak na ito sa inis dahil walang humpay parin sa pagdanak ang dugo ni Anjeel.
Ngumiti lang ito ng bahagya sakanya. “ Ikaw na ang bahala sa kapatid ko. H-huwag mo siyang pababaya–“ Napahinto ito sa pagsasalita nung magsuka na ito ng dugo. “Hindi..hindi..hindi..huwag, Anjeel.” Napayuko nalang si Vlad habang naiiyak sa sinapit ng kaibigan niya.
“ Tama na yan. M-magiging maayos din ang lahat..“
“Huwag..P-pakiusap..”
“Patawad..”
Naramdaman nalang ni Vlad ang pagbagsak ng kamay nito kaya mabilis siyang napaangat ng tingin at tinignan ang mukha ng kaibigan niya. “H-hindi..” At nasaksihan nalang niya ang unti unting pagpikit ng mga mata nito.
“ANJEEEEEEEEEL!!!!”
-To be Continued
( A/N: May part 3 pa ’to xD sobrang haba na eh kaya pinutol ko nalang. Sorry puro ako flashbak xD Kailangan din kasi to hahaha. Guys nasa 168 na yung rank nito sa action! xD kaya nakakaganang mag ud hahahaha. Nakailang ud na ba ako this month? hahahaha sana tamaan pa ako lalo ng sipag. At sana makaabot man lang to kahit 100 hahahaha. Thank you sa mga votes at comments niyo :) Thank you sa mga hindi nagsasawang sumuporta sa story kahit medyo boring na hahaha Oh siya, kitakits nalang tayo sa next episode :) Adios~)
-Emnacinn
Episode 9 : Behind this Curse (Part 3 )
Episode 9 : Behind this Curse (Part 3)
( Ito na yung Part 3 :) Sorry sa Typos and Errors :))
[ 3rd Person’s PoV ]
Oras ng madaling araw ng magising si Vicenze dahil nakaramdam ito ng uhaw. Bumaba ito ng hagdan para sana kumuha ng maiinom pero nung pagbaba niya ay napansin niyang nakapatay ang ilaw sa may sala. Tinignan niya ang mga upuan nito at dun, may nakita siyang nakaupo habang nakadungo.
Tinitigan niya muna ito saglit, at nung makumpirma niyang si Vlademir ito ay agad na siyang bumaba. Para itong wala sa sarili habang nakadungo. Patay ang mga ilaw kaya di niya makita kung tulog ba ito o ano.
“Wala ka bang sariling kwarto para dito matulog?” Tanong ng ama. Hindi sumagot ang anak. Sa halip ay narinig niya lang itong suminghot. At maya maya lang ay naramdaman niya ang panginginig ng balikat nito. Kahit di niya makita ang mukha nito ay alam niyang umiiyak ito. “P-pinatay siya..” usal nito.
Nanatiling tahimik ang ama. Hindi niya alam kung anong nangyari.
“N-napatay siya dahil iniwan ko siya, n-napatay siya dahil sa kaduwagan ko.” Parang di makahinga ng normal si Vlad dahil sa sakit na nararamdaman niya. Habang inaalala niya ang dahan dahang pagpikit ng mga mata ng pinakamalapit na kaibigan niya ay parang sinasaksak ang puso niya ng paulit ulit.
Minsan naman na siyang namatayan ng malapit sa buhay niya, pero ansakit pa rin sa pakiramdam. Mas dumuble pa yung sakit.
Isang salita lang ang tumatakbo sa utak niya ngayon.
Paghihiganti
“Mas malala pa ang mararamdaman mo jan pag pinagpatuloy mo pa yang kaduwagan mo.” Imbes na pagaanin ang loob ng anak ay pinagalitan niya pa ito. Pero may punto rin naman siya.
“Ang pang iiwan at pagiging duwag ay mas malala pa sa isang traydor, tandaan mo yan. Hindi ang kalaban mismo ang pumatay sa iniwan mo. Alam mo kung sino? Ikaw. Ikaw at ang kaduwagan mo.”
“Pinatay mo ang kasamahan mo.” Patuloy lang ito sa pagsasalita habang si Vlad ay mas lalong sinisisi ang sarili dahil sa mga naririnig niya. Kung hindi lang sana siya umalis nun at tinulungan niya si Anjeel, malamang ay buhay pa ’to ngayon.
“Ngayon sabihin mo.” Hinawakan nito ang buhok ng anak niya at marahas na inangat. “Masaya ba maging duwag?” Nagbabagang panga na tanong nito. Pero imbes na magsalita ay iyak lang ang tanging nasagot ni Vlad. Hindi niya kayang makipagtalo sa pagkakataong ito. Lalo pa’t lahat ng sinasabi ng ama niya ay tama.
Siya ang totoong pumatay kay Anjeel. Siya at ang kaduwagan niya.
Nang walang marinig na sagot si Vicenze mula dito ay binitawan rin niya ang buhok nito pagkatapos ay umupo siya sa tabi nito.
Isang nakakabinging katahimikan muna ang bumalot sa paligid bago nagsalita ang ama. “Ikaw ang papalit sakin pagdating ng panahon, Vlad, at ayokong pamunuan mo ang pamilya natin na puno ng takot.” Pagsisimula niya. Ngayon ay medyo kalmado na siyang nagsasalita sa tabi nito. “ Ang gusto ko pagdating ng panahon na yun ay may sapat kana na lakas at tapang para ipaglaban ang pamilya natin.“
Tahimik lang na nakikinig ang anak at pilit na tinatatak sa isipan niya lahat ng naririnig niya.
“Sa tingin mo, pano mo poprotektahan ang mga mahal mo sa buhay kung takot kang humarap sa kamatayan? Kung lagi ka lang tatakbo para iwasan ang mga bagay?” Tanong nito. Kahit masasabi mong isang masamang ama ito pagdating kay Vlad, may punto rin naman siya sa mga sinasabi at ginagawa niya. Gusto niya lang sanayin ang anak niya sa pisikal o sa mental man na aspeto. Gusto niyang maging matatag ito.
Kahit pa kapalit nito ay ang pagkamuhi nito sakanya, gagawin niya ang lahat maging matapang at matatag lang ito.
Yan na ata talaga ang pag iisip ng mga Acosta, lahat gagawin para sa kapakanan ng mahal nila sa buhay. Kahit pa kapalit nito ay mismong pagkamuhi nito sakanila.
“Ayoko ng mawalan ulit ng anak.” Sa gitna ng katahimikan na yun ay napantig ang tenga ni Vlad sa narinig niya. “Kaya lumaban ka, Vlad. Lumaban ka para sa sarili mo. Hindi ko kayang manatili buong buhay sa tabi mo para protektahan ka. Kaya lumaban ka. Pilitin mo ang mabuhay.” Nilingon niya ang ama niya. Takhang takha ito sa mga naririnig niya ngayon. Hindi niya akalain na maririnig niya iyon mula mismo sa bibig ng ama niya.
“A-ama..” Halo halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na’to. Lungkot dahil sa pagkawala sa kaibigan niya, at saya…saya dahil sa mga naririnig niya ngayon.
“Pakiusap, tulungan mo akong maghiganti, ama.” Pakiusap nito. Gusto niyang maging matapang. Kahit sa pagkakataon lang na ito. Gusto niyang lumaban para sa kaibigan niya. Gusto niyang ipaghiganti ito. Gusto niya ring ipakita sa ama niya kaya niya..na kaya niya ang maging matapang.
“ Ikaw lang ang pwedeng gumawa sa bagay na yan.“ Sagot lang nito na ipinagtaka ni Vlad. Akala niya ba gusto niya itong maging matapang?
“P-pero..hindi ko pa kaya. Hindi ako marunong makipaglaban. Wala akong sapat na kaalaman para maipaghinganti ang kaibigan ko.” Sa ngayon at tanging galit lang kayang gawin niya. Hindi niya pa kayang gumawa ng aksyon. “Kaya tulungan niyo ako.”
Tumingin naman sakanya ang ama niya at mataman lang siya nitong tinignan “Gusto mo ba talagang ipaghiganti ang kaibigan mo?”
Bigla na namang naalala ni Vlad ang nangyari kanina kaya mas lalong nadagdagan ang galit nito sa loob niya. Lalong lalo na nung makita niya kung pano bumuhos ang mga luha ni Mira dahil sa nangyari. Kung pano siya umiyak ng umiyak habang niyayakap ang katawan ni Anjeel.
Lahat gagawin niya para lang maipaghiganti ang kaibigan niya. Wala na siyang pakialam kahit ano pa ang maging kapalit nito.
“Gagawin ko ang lahat para makapaghiganti. Kaya pakiusap, tulungan niyo ako, ama.” Giit nito habang nakakuyom na ang mga kamao at nakayuko sa harapan ni Vicenze.
Nung makita ni Vicenze ang determinasyon nitong maipaghiganti ang kaibigan niya ay tuluyan na itong tumayo. Napaangat naman si Vlad dahil sa pagtayo nito. Naglakad paalis na ipinagtaka niya. “Ama!”
“Gawin mo akong malakas at matapang!” Sigaw nito na ikinahinto ng ama niya.
“Sumama ka sakin bukas.” Sagot lang nito.
“S-san tayo pupunta?”
“Kay Doktor Guanzon.”
End of Flashback
Matapos marinig ni Benz ang kwento ni Vlad ay napanganga nalang ito. “Kung ganun Boss..”
Ngumiti naman ng bahagya si Vlad sakanya “Oo tama. Parehas lang tayo ng dinanas sa kamay ng mga Guanzon.”
“Ang ama ng amo mo dati na si Manuel Guanzon ay kakilala ng ama ko noon. At inalok siya nito dun sa bagong droga na inimbento niya. Ang
Ethereal Drug (Eh-Thir-Yal)
. Inalok nito ang ama ko kung lahat ng mga kasamahan ng Acosta Mafia noon ay maeexpirementuhan at matuturukan ng droga na yun, magiging malakas ang pamilya namin at hindi na kailan pa matatalo ng kahit sino man.“
“At dahil sa kagustuhan kong ipaghiganti si Anjeel noon, ako ang pinaka unang naging pasyente ng experimento at ng imbento niya.” Patuloy nito
“Pumayag kayo na ma-experimentuhan?”
“Puno ang utak ko noon ng paghihiganti kaya di ko na iniisip ang mga bagay na posibleng mangyari sa experemento na yun. Ang akin lang, maging malakas at matapang ako para maipaghiganti si Anjeel”
Flashback
“Andito na tayo.” Pumasok sina Vlad, Vicenze at si Doctor Gleo Guanzon sa isang Lab dito sa malaking private building ng mga Guanzon. May mga matataas na antas na teknolohiya ang makikita mo sa loob ng lab. Meron ring mga doctor ang nandun, at kasama sa mga ito ay ang anak ni Gleo na nagsisilbing assistant niya sa mga operasyon niya.
“Vlad, ito nga pala ang anak ko. Si Manuel” Nakangising pakilala ni Gleo sa anak niya. Inayos lang ni Manuel ang salamin niya at tumango. Tumango lang rin ng bahagya si Vlad.
“Hubarin mo na ang damit mo at ng makapag umpisa tayo.” Sabi nung isang doctor.
“Sigurado ka bang hindi to papalpak, doktor?” Seryosong tanong ni Vicenze. Si Vlad ang magiging kauna unahang susubok sa bagong imbento niyang droga na Ethereal Drug.
“Sinisigurado kong magiging okay ang lahat, Mr. Acosta.” Nakangising sagot ng doctor. “Dun na muna tayo sa labas para maumpisahan na nila ang operasyon.”
Nasa harapan lang ng Lab ngayon ang dalawa at kitang kita nila ang mga nangyayari sa loob. Pinahiga na ng ibang doctor si Vlad sa isang high tech na higaan at tsaka nilock ang dalawang kamay at paa nito. Tapos may kinabit din sila sa may ulo niya.
“Pag may nangyaring masama sa anak ko, uubusin ko lahat ng pamilya mo doctor, tandaan mo yan.” Malamig na lintanya ni Vicenze. Di man lang natakot ang doctor at nakuha pa nitong tumawa. “At pag nagtagumpay ang operasyon? Makukumbinse na ba kitang bilhin ang gawa ko?” Nakangising tanong nito. Hindi sumagot si Vicenze at seryoso lang itong nakatingin sa loob.
Nakita niyang may ikinabit na ang mga doctor ng kuno anu ano sa katawan ni Vlad. Habang yung iba ay nag ooperate sa mga computer. “Alam ba nila ang ginagawa nila?” Tanong ni Vicenze.
“Oo naman. Matatalino ang mga kasamahan ko kaya wag ka ng mag alala jan.” Nakangisi pa ring sagot ng doctor.
Maya maya pa ay nakita ni Vicenze ang isang injection na kulay berde ang itinaas nung isang doctor at pinitik ang karayom nito. Pagkatapos ay itinurok ito sa may braso ni Vlad.
Matapos maitusok sa katawan ni Vlad ang injection na yun ay nakaramdam agad siya ng sobrang init sa katawan niya. Parang nasusunog ang nasa loob ng katawan niya. “ hhhaaa“ Biglang humina ang pagpitik ng pulso niya kaya nahirapan itong huminga. Pilit na nitong hinahabol ang hininga niya. Unti unti na itong nawawalan ng ulirat.
Napansin ni Vicenze sa labas na parang nahihirapang huminga ang anak niya kaya inis niyang kinwelyuhan si Gleo “Anong nangyayari?!” Ngumisi lang ang doktor “Relax lang, tignan mo.”
Papikit na sana ang mga mata ni Vlad ng bigla namang bumilis ang pitik ng pulso niya–dahilan para maging abnormal bigla ang reaksyon ng katawan niya. Pilit itong kumakawala sa kinalalagyan niya pero di niya iyon magawa dahil nakatali siya. Para na itong nasasapian dahil nagwawala na ito sa hinihigaan niya “Arrghh!”
“Nagiging abnormal ang pulse rate ng pasyente. Bumababa at bigla nalang tumataas.” Usal nung isang doctor habang nakaharap sa isang computer.
“Parang may mali.” May pinipindot ng kung ano yung isang doctor dun sa isang high tech na gamit nila at parang natataranta. “Hindi makakayanan ng katawan ng pasyente pag nagtagal pa ’to.” Nilingon ng doctor na yun ang nasa labas na si Gleo at sininyasan ito na papasukin, at bakas sa mukha nito na parang may mali. Dun na nawala ang ang ngisi sa labi ni Gleo.
“Teka.” Bubuksan palang sana ni Gleo ang pintuan ng Lab ng biglang nagwala ang pasyente nila. Ang matigas na nakalock sa mga braso nito ay biglang nabasag. Sunod naman ang mga lock nito sa paa. Agad nagkagulo ang mga nasa loob. Lalo na nung sinakal ni Vlad yung isang doktor na malapit sakanya at mabilis na hinampas ang ulo sa hinigaan niya ng paulit ulit.
Natulala ang dalawang nasa labas habang pinapanood ang nangyayari sa loob. Lalo na si Vicenze.
Mabilis namang nakalabas ang anak ni Gleo para makaligtas.
Habang walang tigil na hinahampas ni Vlad yung doktor dun sa hinihigaan niya ay bigla itong napatingin sa direksyon nila Gleo. At bakas sa mukha nito ang pagbabago. Nakakakilabot na ng mga tingin nito, sobrang pula ng mga mata nito. Bigla itong ngumisi at naglakad papunta sa pintuan na yun. Nataranta si Gleo sa nangyayari kaya mabilis niyang pinindot yung lock button ng pinto kahit yung ibang doctor ay nasa loob pa.
May mga doktor ang nakarating sa pintuan at pilit ni binubuksan ang pinto at makikita mo sa mga mukha nila ang pagmamakaawang buksan ito.
Pero huli na ang lahat. Napaatras nalang ang tatlo sa labas nung makita nila itong hinila ni Vlad isa isa at binagsak sa sahig at walang tigil na sinusuntok at tinatadyakan ang mukha. Tumatawa pa ito habang ginagawa ’yun.
Tinignan saglit ni Gleo yung doktor na hinahampas ni Vlad kanina. Hindi na maitsura ang mukha nito sa sobrang wasak.
“Anong nangyayari..” Pati ang doktor ay wala ng kaalam alam sa sitwasyon. “Ba’t ganito kalala ang epekto ng Ethereal Drug ko.” Natutulala na dugtong nito.
“Na overdose. Sobrang Ethereal ang nilagay natin sa injection.” Sagot ng anak nito. Ang akala ni Manuel ay hindi gusto ng ama niya ang nangyayari pero nagulat nalang siya ng bigla itong ngumisi ng sobrang lapad at binuka pa ang dalawang kamay nito na parang manghang mangha sa nakikita niya.
“Ibang klasee. Lumagpas ito sa inaakala ko.” Nakangising sabi nito habang tinitignan ang epekto ng inimbento niya. “Anong masasabi mo, Mr. Acosta.?” Nilingon niya si Mr. Acosta pero mabilis na napawi ang ngisi niya nung makita niyang nakatutok ang baril nito sakanya. “Anong ginawa mo?” Sobrang talim na na ng mga mata nito habang nakatingin sakanya.
Pumikit lang ang doktor at natawa na naman “Hindi mo ba nagustuhan ang obra maestra ng Ethereal Drug ko? Hmm?” Tanong pa nito na parang nang aasar. Itinapat naman ni Vicenze ang dulo ng baril niya sa noo ni Gleo dahilan para mawala ang ngiti nito.
“Dahan dahan sa pagkalabit.” Sabi nito. Maya maya pa ay biglang nagsidatingan ang mga sa tingin ni Vicenze ay mga alagad ni Gleo. Nakasuot ito ng mga high tech na pang sundalo na armor habang nakatuon lahat ng baril nila sakanya “Nasa puder kita ngayon.” Asar na ngumisi ang doktor habang si Vicenze ay walang magawa dahil sa dami ng nakapalibot sakanila.
Agad namang naagaw ang pansin nilang dalawa sa harapan nila. Nakatayo si Vlad sa loob ng Lab na yun habang nakatingin sakanila at may hawak hawak na katawan ng isang doktor na naliligo sa sariling dugo ang dalawang kamay niya. Sobrang pula at tatalim ng mga mata nito. Seryoso lang itong nakatingin sakanila ng bigla nalang itong ngumisi ng nakakakilabot. Nasisiraan na ito ng bait.
Maya maya pa ay biglang sinuntok ni Vlad ang pader ng Lab na yun. Sa sobrang lakas ay nagkatipak ang pader na yun at saglit na lumindol yung loob ng lab.
“Tignan mo kung gano na kalakas ang anak mo, Mr. Acosta.” Usal ni Gleo. “Diba gusto niyang lumakas? Pinagbigyan ko lang siya. Sobra sobra pa nga eh.”
“Pero hindi sa ganitong paraan! Taliwas lahat ng mga sinasabi mo sakin ang nangyayari ngayon sa anak ko! Para na itong baliw dahil sa palpak mong imbento!” Inis na sigaw ni Vicenze. Paliwanag nito sakanya dati ay walang side effect na mangyayari kapag gagamit ka nito pero sa nakikita niya ay para ng wala sa katinuan ang anak niya.
“Well.” May pinindot na isang button si Gleo na tila nagpakawala ng sobrang lakas na tunog sa loob ng Lab dahilan para mapahawak si Vlad sa dalawang tenga niya habang sumisigaw.
Maya maya pa ay nakita nalang nila ang pagbagsak nito. Pagkatapos ng nangyari ay binuksan na ni Gleo ang pintuan ng Lab na yun at tsaka pumasok. Agad namang pinuntahan ni Vicenze ang anak niya. “Wag kang mag alala, nawalan lang yan ng malay.” Sabi ni Gleo pagkatapos ay ngumisi.
“So ano, Mr. Acosta? Bibilhin mo na ba ang obra maestra ko?”
End of Flashback
“Naituro na ni Gleo kay Manuel kung pano gawin ang Ethereal bago pa man siya napatay. At yun rin ang ginamit niya sa inyo.”
“Pinatay ba siya ng ama mo Boss?”
“Hindi. Ibang grupo ang pumaslang sakanya. Kumalat sa maraming lugar ang nangyari sa akin dahil sa droga na yun kaya ang daming naalarma. Masyado daw delikado. Kaya naman ang daming nagbanta ng buhay niya. Ang daming grupo ang nag hire ng iba’t ibang Assassin para lang dispatsahin si Gleo. Nagawa nila yun pero huli na sila dahil naipasa na sa anak niya ang proseso kung pano ito gawin.”
“B-bakit niyo pala kinikwento ito sakin ngayon Boss?” Takhang tanong ni Benz habang seryosong nakatingin kay Vlad. Hindi niya alam kung anong punto ni Vlad kung bakit ito nagkkwento tungkol sa mga bagay na ’to.
Nakipagtitigan naman saglit ang matanda bago sumagot
“Wala lang. Gusto ko lang mag kwento.”
Muntik ng malaglag sa kinauupuan si Benz sa sinagot ni Vlad. Natawa naman ng konti ang matanda “Kaya ko ’to kinkwento sayo para malaman mong kahit may ganito tayong sakit o kakayahan, pwede pa din tayong mamuhay ng normal kasama ang mga mahal natin sa buhay. At ako ang proweba sa bagay na yun.” Sabi nito. Natameme naman si Benz sa narinig niya.
“Hindi mo kailangang mamuhay na malayo sa mga taong mahalaga sayo..na malayo sa mga normal. Kung mahal mo sila, makokontrol at makokontrol mo ang sarili mo kahit na anong mangyari.” Alam ni Vlad na kasinungalingan ang sinasabi niya ngayon pero ito lang ang tanging paraan para mawala na ng tuluyan ang gulo sa utak ni Benz.
“Kung mahal mo sila, makokontrol at makokontrol mo ang sarili mo kahit na anong mangyari.” Napangiti si Vlad ng mapait sa isipan niya nung sinabi niya ang kalokohang yan.
Biglang sumagi sa utak niya ang tatlong bagay na pilit niyang binabaon sa limot dati pa.
Mga armadong lalaki..
Nakabulagtang babae..
Duguan niyang mga kamay..
Agad niyang inalis sa isipan yun at tsaka binalik ang atensyon kay Benz. “Eh dun po kay Boss Virgel? Parehas lang din ba siya satin?”
“Namamana ang kakayahan na’to, Benz. Pati si Argo ay meron rin nito.”
“Pero bakit sa tingin ko mas malakas pa ang kakayahan niyong mga Acosta kesa sa amin eh parehas lang naman tayo na taglay ang epekto ng Ethereal Drug?”
“Siguro baka hindi pa napeperpekto ng husto ni Manuel ang proseso sa pag gawa ng Ethereal Drug gaya ng pagkakagawa ni Gleo noon.”
Pagsagot nun ni Vlad ay bigla nalang natahimik ang paligid. Napayuko nalang si Benz na medyo nag aalala parin. “Sa tingin mo Boss, magiging maayos lang ba ang lahat?” Biglang tanong nito na ikagulat ng konte ni Vlad.
Bigla rin nitong naalala ang huling sinabi ni Anjeel sakanya.
“Tama na yan. M-magiging maayos din ang lahat..”
Ngumiti naman si Vlad at walang pagdadalawang isip na sumagot “Sinisiguro ko yan sayo, Benz.” Kumurba ng dahan dahan ang ngiti sa mga labi ni Benz.
“Ito ang nag iisang pamilya ko.” Sabi nito habang nakangisi. Parang tuluyan ng bumalik sa dati ang lahat matapos makausap ni Benz ang mag amang Acosta.
Tuluyan na itong tumayo para magpaalam “Aalis na ako Boss. Patawad sa nagawa ko sa anak niyo. Hindi na to mauulit pa. Maraming salamat. Napaka laki ng naitulong niyo para malinawan ako.” Yumuko si Benz bilang respeto at tsaka ngumiti “Kayo ang pinaka mabuting Boss na kilala ko. At wala na akong ibang pagsisilbihan pa kundi kayo lang at ang anak niyo.” Dagdag pa nito bago tumalikod at lumabas sa silid na yun.
“Natutuwa akong marinig yan.” Napangiti naman ng bahagya ang matanda dahil sa wakas ay tapos na rin ang problema.
Sa kabilang banda naman ay napakatahimik lang ng sala. Wala ni isa ang gustong magsalita. Malungkot nalang nilang hinihintay ang tunog ng putok ng baril. Masakit man sa parte nila ang mawalan ng myembro pero wala na silang magagawa.
Si Ish naman ay panay kagat sa labi dahil sising sisi ito sa ginawa niyang pagsuntok kay Benz niya kanina. Hindi niya alam na huling beses na niya pala itong makikitang buhay.
Habang ang iba ay advance na nagluluksa, si Asher parang puputok na ang pisngi sa pagpipigil ng tawa.
“Pfft. Tangna mo Boss. Ba’t dinamay mo pa ako dito sa kalokohan mo. Di ko na kayang tignan ang mga itsura nila. Pfffft.” Nasabi nalang nito sa sarili habang nagpipigil. Sa oras na malaman nitong mga ’to na pinagttripan lang pala nilang dalawa ang Virgo ay tsak magwawala ang mga ito.
“Ba’t ang tahimik niyo?” Takhang tanong ni Virgel nung dumating ito sa sala. Para kasing namatayan ang mga ito.
“Nagluluksa kami para kay Benz, Boss.” Naluluha pang sabi ni Elsa.
“Haa?”
Maya maya pa ay nakita nila si Benz na nasa ibabaw na naglalakad habang nakahawak sa may dibdib niya. Tapos ay tinignan niya pa yung kamay niyang nakahawak sa dibdib na parang may tinitignan itong dugo.
Mabilis namang nanlaki ang mata ni Ish nung makita niya ito “BENZ!!” Sigaw nito tsaka mabilis na pinuntahan ang kaibigan niya. “BENZ!!” Nung makaakyat na ito ay agad itong lumapit kay Benz na parang naluluha pa–bagay na ipinagtaka ng husto ni Benz.
“Benz, alam ko naging napakasama kong kaibigan sayo. Palagi kitang binabatukan, palagi kitang sinisita, palagi kitang pinagbubuntungan ng galit ko, at kanina…kanina..Patawad sa nagawa kong pagsuntok sayo..Benz..Patawad sa lahat..” Nakanganga lang si Benz na nakatingin kay Ish na parang abnormal na nagsasalita. Yung mga luha nito patulo na. “Hindi kita malilimutan, Benz. Ikaw ang pinaka matalik kong naging kaibigan..” Humawak pa ito sa dalawang balikat niya tsaka yumuko “ Shiit..Ba’t kailangang mangyari to..asar.“ Pagdadrama nito
“Ano nakain mo Ish?” Biglang tanong ni Benz–bagay na ikinatigil ni Ish sa pagmumura. Tapos ay dahan dahan itong inangat ang tingin niya at tinignan si Benz. Nang makita nito na buhay na buhay ito at parang wala man lang dinaramdam na sakit ay mabilis niyang tinignan ang kanang dibdib nito kung saan ito nakahawak kanina.
At nung makita niyang walang dugo ito ay tila na statwa na ito sa kinatatayuan niya. Hinawakan niya pa ito kung may tama ba ito ng baril o wala.
“H-hindi ka ba binaril ni Boss?”
“Binasa niya ako ng water gun.” Natatawang sagot ni Benz habang si Ish naman ay napalunok sa sarili nitong laway. “W-water gun..”
“Oo HAHAH ena akala ko mamamatay na ako” Pout
Napabulong nalang si Ish dahil naalala nito ang mga pinagsasabi nito kanina. “Tupang ina..”
Dahan dahan naman niyang tinignan si Benz para tignan ang reaksyon nito..at di nga siya nagkamali..
“Hihihihi..ikaw Ish ah..May Hiding Desire ka pala sakin.” Pabebeng sabi nito habang nagkukunwari pa na kinikilig. “Sobra akong natouching sa mga sinabi mo kanina hihihhi enebe!” Hinampas pa siya nito ng mahina.
Hindi man lang naramdaman ni Ish na bumalik na ito sa dati dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman niya. “GAGO! BAT HINDI KA NALANG MAMATAY!” Inis na bulyaw nito pero si Benz parang kinikilig pa din “ Hihihi denying ka pa eh. May Hiding Desire ka lang sakin eh :>“
“Tigilan mo na yang mali maling pag eenglish mo gunggong!” Asar niyang tinignan sa baba yung nagsabi sakanila kanina na may dalang baril si Vlad at dun niya nahuli si Asher na halos napapaluhod na sobrang pagtawa “Pota hindi ko na kayaaa HAHAHAHAHA.” Naluluha ng sabi nito habang hawak hawak ang tiyan. “Help HAHAHAHAHA”
“HOY GAGO! ANG SABI MO MAY DALA SI BOSS NA BARIL?!”
“Bakit? Baril naman ang water gun ah? Di niyo naman tinanong kung anong klase ng baril yung dala niya eh HAHAHAHAHAH” Walang humpay na naman sa pagtawa ang mokong habang inaalala ang nasaksihan niyang bromance kanina “Tangna nakakadiri HAHAHAHAHAH”
Yung ibang myembro ay natawa na rin dahil sa epic peyl na nangyari. Si Ish parang kamatis na sa sobrang pula. Hiyang hiya na ito sa pinagsasabi nito kanina. “HUMANDA KA SAKIN!” Mabilis na tumalon si Ish mula sa kinatatayuan niya para i chokeslam si Asher. Mabilis namang tumakbo si Asher para makatakas. “HAHAHAH Tangna bat sakin ka galit?” Natatawa pa rin ito habang tumatakbo. Napaka memorable para sakanya ang nasaksihan niya. “ HAYOP KA WAG KANG PAPAHULI SAKIN!“
“ HAHAHAHAHA “
Habang nakikipag habulan ang dalawa sa labas ay bumaba naman si Benz sa may hagdanan para puntahan ang tunay na pamilya niya. “Eh yow mah homie” Nakangising bati nito sakanila.
Yung iba hindi makapaniwala sa nakikita nila ngayon.
Ang dating Benz na kilala nila…
Nagbalik na.
Di mapigilan ng iba ang matuwa. Sa wakas..
“Maligayang pagbabalik, Benz.” Nakangiti ring bati Virgel.
“Maraming salamat Boss” Sincerong ngumiti si Benz bago yumuko sa harapan ni Virgel. Tinignan niya ang mga ito na may malapad na ngisi sa mukha.
“Alright~ I want..Group Huuuuggg~” Binuka pa ni Benz ang dalawang kamay niya para sana yakapin ang pamilya niya pero may isang babae ang biglang tumakbo papalapit sakanya at mabilis siya nitong niyakap–bagay na ikinagulat niya ng konte.
Umiiyak ito habang mahigpit ang pagkakayakap sakanya. Di niya mapigilan ang ngumiti habang tinitignan ang nakayakap sakanya. “Maraming salamat..Helena.” Walang sinabi na dahilan si Benz kung bakit ito nagpapasalamat pero alam na ni Helena ang tinutukoy nito, hindi na niya kailangang sabihin pa iyon.
“Namiss kita.” Sagot lang ng dalaga habang nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya.
Niyakap lang ito pabalik ni Benz ng sobrang higpit. “Ang gwapo ko talaga. Haha tahan na.”
“Hindi talaga tayo dapat nakikipaghalubilo sa mga normal, Devi. Dahil sa huli, pareho niyo lang masasaktan ang sarili niyo.”
Habang isa isa nyang tinitignan ang pamilya niya ay kasalukuyan rin itong nangako at nanumpa sa sarili.
“Hindi na ako ulit mawawalan pa ng mahal sa buhay. Pinapangako ko yan. Puputulin ko mismo sa sarili kong mga kamay ang sumpa na tinataglay nitong pagiging halimaw ko. Poprotektahan ko silang lahat kahit na anong mangyari.”
“ Masasawi muna ako bago sila.“
-To be Continued
( A/N: Ano nga kaya yung tatlong bagay na naalala ni Vlad nung nag uusap sila ni Benz? Tuluyan na nga kayang babalik sa dati ang lahat? Tignan nalang natin sa mga susunod na episode Hahaha Pansin kong ang daming umabandona sa story. Siguro dahil bukod sa ang tagal kong mag UD dati at takot mabitin, eh pinatay ko kasi si Argo :( hahahah sorna ho. Oh siya, gang dito nalang muna :)) Kitakits sa next episode. Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 10 : Calm Warning
Episode 10 : Calm Warning
*Guys Vir-Hel po yung pronunciation ng Virgel ah? Hindi po Vir-jil :)
*Pakitingin pala sa media :)
*Sa mga nag aakalang babae ako. LALAKI ho ako. Hahaha
*Sorry sa typos and errors :)
[3rd Person’s PoV]
“Damdam” Bugnot na ang mukha ni Agnes dahil iritang irita na ito sa katabi niya ngayon na pinipilit na naman siya sa dapat gawin niya.
“Pero Lady Agnes, dalawang linggo nalang ang natitira kong oras.” Nasabi nalang ni Damian na pagod ng kakapilit dito. Isang linggo na siyang nagmamakaawa sa harapan ni Agnes para lang umuwi na ito pero ayaw talaga nitong patinag. Masyadong buo yung pasya niya na manatili para mapilit siya. “Pakiusap umuwi na kayo.”
Hinawakan naman ni Agnes ang dalawang tenga ni Damian at tsaka mabilis na piningot “Ayoko sabi ehhh”
“A-araayyy”
Binitawan naman agad yun ng dalaga. Nilipat nalang niya ang atensyon niya sa tanawin dito sa baba ng rooftop na kinatatayuan nila at tsaka napabuntong hininga.
“Haay. Buo na sabi ang pasya ko, Damdam. Hinding hindi na ako babalik sa lugar na yun kahit kailan.” Sabi nito gamit ang matamlay na boses. Pagod na pagod na rin ito sa kakapilit ni Damian sakanya. Gusto man niyang magalit dito pero alam naman niyang ginagawa lang ’to ni Damian dahil inutusan ’to ng ama niya.
“Dahil ba sa mga Virgo na yun kaya ayaw niyong umalis?” Biglang umiba at parang naging seryoso ang boses ni Damian sa tanong na yun kaya nilingon ito saglit ni Agnes para tignan. Hindi galit ang mukha nito pero ramdam mong seryoso ito sa tanong niya.
“Ilang buwan ko lang silang nakilala ano ka ba. May personal akong rason kaya ayaw kong bumalik dun.”
“Di mo pa rin ba matanggap na isang Mafia ang pamilya mo?”
Napapikit naman si Agnes dahil sa tanong na yun. “Hindi yun.”
“Kung hindi, ano?”
Ibubuka palang sana ni Agnes ang bibig niya para sumagot pero napatigil ang pag uusap nila ng biglang bumukas ang pintuan sa rooftop na yun. “AGNES!” Masayang bungad ni Virgel nung makita niya ito. Nandun lang din sa likod niya si Kael habang kumakaway kay Agnes.
“Kael! Fortunato!” Sa isang ihip lang ay nag iba agad ang templa ni Agnes. Naging masigla ito at tsaka mabilis na kumaway rin sa dalawa. Lalapit palang sana sina Virgel pero agad pumagitna si Damian sakanila habang matalim na nakatingin dun sa dalawa.
“Diba sabi ko na sa inyo na hindi na kayo makakalapit pa kay Lady Agnes?” Walang emosyong usal nito.
“Isang linggo mo na kaming di pinapalapit kay Anges, Damian. Hayaan mo naman kami sa pagkakataong ’to. May ibibigay lang kami sakanya.” Matamlay na sabi ni Virgel. Hindi niya alam pero miss na niyang kausap ang babaeng yun kahit ang babantot ng mga pangalang tinatawag nito sakanya.
Naglahad naman ng kamay si Damian sa harap ng dalawa “Akin na. Ako na ang magbibiga–Aww!” Mabilis na napahawak si Damian at napagulong sa sakit nung mabatukan ito ni Agnes–bagay na nagpanganga kila Virgel. “Ba’t di muna kayo maupo? Namiss ko kayo!” Nakangising sabi nito sa dalawa.
Ngayon ay nakaupo na yung apat na magkakatapat. Si Agnes nakangisi, si Damian bugnot ang mukha habang hinihimas ang bukol niya, at yung dalawa naman ay parang tulala parin.
“So ano nga pala yung ibibigay niyo? Chocolates ba?? Pagkain?? Ice kwem??” Excited pa na tanong ng dalaga. Saktong sakto rin dahil gutom na gutom na siya. Break time lang kasi nila ngayon at mamaya pa yung lunch nila.
“Ah hindi.” Agad namang inabot ni Virgel ang isang card na kanina pa niya hawak hawak. “Heto” Kukunin palang sana yun ni Agnes pero masyadong mabilis ang kamay ni Damian.
“Ako na Lady. Baka mamaya patibong lang ’to.” Seryosong sabi nito. Napatampal nalang sa noo si Agnes. “Tigil tigilan mo na nga yang panunood mo ng action movies, Damdam -.-”
Binuksan iyon ni Damian, at sa mga nabasa niya, halatang invitation card ang isang ’to. Habang binabasa ito ni Damian ay mabilis naman itong naagaw pabalik ni Agnes. Gulat tuloy na napatingin si Damian sakanya. Isang malaking belat lang ibinigay ng dalaga sakanya. “Bleeh”
Binasa ito ni Agnes at mejo ikinagulat niya ang mga nababasa niya “Birthday ng Papa mo sa makalawa??”
“Oo. At gusto ka sana naming imbitahin.” Nakangiting sagot ni Virgel. Tumatango tango naman si Agnes pagkatapos “Sige sige sige! Madaming pagkain dun hohoho”
“Hindi pwede.” Matutuwa na sana ang lahat kung di lang sumingit si Damian. “Masyadong delikado.” Dagdag pa nito na ikinatamlay ng mukha ni Virgel.
“P-pero..celebrasyon lang naman yun, Dam–”
“Kahit na.” Pikit mata pang sabi nito habang nakahalukipkip. “Hindi pwe—A-araaay!” Pero napasigaw na naman siya sa sakit nung pingutin ulit ni Agnes ang dalawang tenga niya.
“Kelan ka pa naging si Daddy haaa? Hmm?” Sabi nito habang si Damian ay parang mamamatay na sa lakas ng pingot ni Agnes. “Utos lang sakin ni Boss na ilayo ka sa paha—araaay! Tama na Lady Agnes!”
Kalaunan ay binitawan rin ito ng dalaga. Yung tenga ni Damian parang kumulay na dun sa buhok niyang kulay pula. Gustong matawa nila Virgel pero baka magwala pa ’to pagnakataon.
“Pupunta ako.”
“P-pero..”
“Buo na ang pasya ko.” Putol nito. Napayuko nalang si Damian dahil wala na naman siyang magawa. Kahit anong gawin niyang paghihigpit dito ay nababalewala pa rin talaga ’to sa huli.
Ngumiti naman si Virgel at tsaka inabot kay Damian ang isang Invitation Card. “Kung gusto mo pumunta ka rin, Damian.” Sabi nito sabay abot. Tinignan naman ito saglit ni Damian, at maya maya lang kinuha niya ito at pinunit sa harapan ni Virgel. “Hinding hindi ko kailanman masisikmura ang pumunta sa mansyon ng mga Virgo.” Seryosong sabi nito.
Nagkibit balikat lang din si Virgel dahil inaasahan na niya yun. “Kung yun ang gusto mo.” Sabi nalang nito bago tumayo “Aalis na kami. Aasahan ko ang pagpunta mo Agnes” Ngiting paalam ni Virgel kay Agnes na ikinasalubong ng dalawang kilay ni Damian.
“Bye Agnes” Paalam rin ni Kael bago sumunod kay Virgel.
“Bye Fortunato! Bye Kael!”
**
Nung makaalis na ang dalawa ay tinanong muli ni Damian si Agnes sa decisyon niya. “Lady..delikado dun. Isang celebrasyon yun at marami ang imbitado, at dahil maraming bisita, hihina ang seguridad ng mansyon nila at kayang pumasok ng mga kalaban nila sa mansyon kung gugustuhin nila.” Babala nito pero ngumiti lang ang dalaga. “Wag kang mag alala. Nandun naman si Fortunato eh. Hindi niya ako pababayaan dun.” Sagot nito. Tila parang tumamlay si Damian sa mga narinig niya. Parang may kumirot sa loob ng katawan niya pero di na niya yun binigyan pansin pa.
“ Pansin ko lang na hindi mo tinatawag sa sariling pangalan si Virgel, Lady.“ Iniba nalang nito ang pag uusap nila. “Dahil ba..”
Agad pinutol ni Agnes si Damian na may kasamang mapait na ngiti
“Alam mo namang naiinis ako sa pangalang yan.”
[Virgel’s PoV]
“Ano Boss? Tatayo nalang ba tayo dito?” Tanong ni Kael na mas lalong nagpagulo ng utak ko. Hindi ko alam kung ibibigay ko ba ’to kay Claire o hindi. Uwian na pero hindi ko pa din nabibigay sakanya ’tong invitation card para sa kaarawan ni Papa.
Eh kasi namaaan
“ Ayan na si Claire, Boss. Pagkakataon mo na.“ Nakita naming pababa si Claire at pansin kong parang palingon lingon ito habang medyo nagmamadaling maglakad. Okay lang ba talaga siya?
Madali namang i-approach si Claire eh. Sa katunayan walang wala lang sakin ang imbitahin siya sa kaarawan ni Papa. Pero kasi..nitong nakaraang mga araw napapansin kong iniiwasan na niya ako. Kinakausap pa rin naman niya ako pero sobrang dalang at tipid lang–bagay na ipinagtataka ko. Nagsimula to pagkatapos nung araw na hinatid ko siya sa may library at sabay kaming lumabas sa school.
Pagkatapos nun ay parang dumidistansya na siya sakin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para maging ganun siya sakin. Kaya heto, nahihiya na ako lalo na lumapit sakanya. Nung isang araw ko pa sana balak bigyan siya nito pero di ko magawa. Pag uwian kasi nawawala agad siya sa paningin ko.
“Kung bukas mo pa siya iimbitahin, baka hindi na yan makapaghanda o makapag paalam ng maayos sa mga magulang niya.” Pagtutulak ni Kael sakin. Nakikita kong palabas na ng gate si Claire kaya napapikit nalang ako. Gusto ko siyang imbitahin pero hindi ko kaya!
“Pano nalang yung plano mong isayaw siya sa araw na yun Boss.” A-amp? Mabilis kong hinarap si Kael na natatawa “Wala akong plinanong ganun!”
“Hahaha pero seryoso Boss, huling pagkakataon mo na ngayon.”
Asar.
B-bahala na. “HIntayin mo’ko dito” Mabilis akong tumakbo palabas ng school para habulin si Claire. Baka maabutan ko pa yun. Bahala na kung tatanggi siya o hindi. Basta ang importante inimbita ko siya…
Pero sana naman pumayag siya T_T
Pagkalabas ko ng gate ay agad kong hinanap si Claire, at dun sa may unahan, nakita kong papasok na siya ng kotse kaya mabilis ko siyang pinuntahan “SANDALI CLAIRE!” Sigaw ko na ikinahinto niya. Binalik naman niya palabas ang ulo niya para tignan ang tumatawag sakanya. At nung makita niya ako, bakas sa mukha niya ang sobrang gulat.
“V-virgel.”
Hingal hingal akong nakalapit sakanya. Phew. Buti nakaabot ako. “B-bat ka sumunod? H-hindi ka na dapat..” Nung tignan ko siya ay parang takot na takot ito. Tumingin ito saglit sa loob ng kotse tsaka binalik ang tinign sakin. “U-umalis kana..”
“P-pero..heto.” Inabot ko sakanya ang invitation card “Baka pwede ka sa susunod na araw. Kaarawan kasi ng Papa ko heheh at..” May sasabihin pa sana ako pero napahinto ako sa pagsasalita nung narinig ko ang pagbukas ng kotse nila sa may driver’s seat.
Nung nilingon ko ’to ay isang matanda ang nakatayo dun at nakatingin sakin ng sobrang seryoso. “D-dad.. “ Ramdam mo sa boses ni Claire ang takot. Parang may hindi tama dito.
“M-magandang hapon, Sir.” Yumuko ako bilang respeto. Nandito na ang papa niya. Siguro dito nalang rin ako magpapaalam ng permiso sa anak niya na pumunta.
Tinignan nung matanda saglit si Claire na parang sininyasan na pumasok kaya dali dali itong sinunod ni Claire.
Magsasalita pa sana ako para ipagpaalam si Claire pero inunahan na niya ako. “Layuan mo ang anak ko, batang Acosta.” Punong puno ng otoridad ang Boses niya katulad ng kay papa pag nagagalit siya. Ang aura niya.. kakaiba ito sa isang ordinaryong matanda lang.
“Umalis kana.” Huling utos nito bago pumasok sa kotse niya. Nasa tapat lang ako ng passenger seat nakatayo. At habang pinipilit ko pang i sink sa utak ko ang sinabi ng matanda ay biglang bumukas ang bintana sa may passenger seat at sa di inaasahan ay may bigla nalang lumabas na dalawang kamay dun at mabilis itong tumama sa katawan ko, at di ko inaasahan na may kasamang pwersa yun kaya tumilapon ako at nabangga sa may pader ng sobrang lakas.
Biglang dumuble saglit ang paningin ko dahil sa pagkakabangga ko. Parang mahina lang naman yung pagdikit nung kamay niya sa katawan ko at mukhang hindi pa nga niya ata yun sinasadya dahil mukhang nasagi lang niya ako.
Pero ang lakas ng pwersa na napakawala niya.
Tinignan ko ang may gawa nun. “Nakita mo ba siya?? Nakita mo ba siya?? Nakita mo ba siya??” Tanong nito habang nagtutulo pa ang laway. Siya yung kuya ni Claire na may kapansanan.
“DADDY! GUSTO KO NA SIYANG MAKITA!” Tila nagwawala na naman ito sa loob. Sino ba ang palagi niyang hinahanap sa skwelahang ito? “Huminahon ka anak. Malapit mo na siyang makasama.” Yun lang ang huling narinig ko galing sa matanda bago niya sinara yung bintana at tsaka umalis na ng tuluyan.
Anong pamilya ba meron si Claire?
*******
Madilim na ang paligid pero ngayon palang nakarating si Vlademir at ang mga Assassins niya dito sa lugar na gusto niyang puntahan.
“Boss, gabi na, hindi ba pwedeng ipagbukas niyo nalang ang pagbisita sakanila?” Tanong ni Felix pero hindi sumagot si Vlad. May dala itong dalawang bouquet ng bulaklak. Walang magawa sina Felix kaya sumunod nalang ito sa Boss nila.
“Ang creepy talaga ng sementeryo pag gabi huhuhu” Himas himas pa ni Asher ang dalawang braso niya dahil sobrang lamig na lamig ito sa lugar. Tumatayo ang balahibo niya sa mga ganitong klase ng lugar. Lalo pa’t klarong klaro sa kalangitan ang kabilugan ng buwan ngayon.
Habang dahan dahang naglalakad si Asher ay may biglang kumulbit sa likuran niya kaya napatingin siya dito.
At pag tingin niya..
“Waaaaa” Mukha ni Sebastian na nakaflashlight ang tumambad sakanya.
O_____O
“AAAAHHHHHHH!” Halos mahimatay naman ito sa sobrang gulat niya. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya.
Si Seb naman ay di mapigilang matawa. “Tangnang itsura yan Hahahaha.”
“ENANG TO!”
“Mga gago di ba kayo titigil?” Inis na tanong ni Felix. Kahit kailan talaga tong dalawa.
Nung makarating sina Vlad sa dalawang puntod na yun ay agad niyang nilagay ang mga bulaklak dito isa isa.
Tahimik lang ang lima na nagmamasid sa paligid habang si Vlad naman ay nakatingin lang sa dalawang puntod.
At habang tinignan niya ito ay inaalala niya ang mga nangyari nung mga panahong pilit niyang binabaon sa limot. Isang kasalanang habang buhay na ata niyang dadalhin hanggang kamatayan niya. Isang kasinungalingan na kailanman ay hindi na ata mapapatawad pa.
Argo Diamante Renietta Diamante
Nasa kalagitnaan lamang ng pagluluksa at pagsisisi si Vlad ng mapansin niya si Asher na lumapit rin sa puntod ng matalik niyang kaibigan at tsaka niluhod ang isang tuhod nito. Ngumisi ito ng bahagya sa kaibigan niya. “Kumusta kana jan fafa Argo? Wala kang matitikman na special pasta na gawa ko jan kaya bumalik kana rito.” Pagbibiro nito pero pansin mo pa rin yung lungkot sa bawat salitang binitawan niya. Pilit kinakalimuatn ni Asher ang mga pangyayaring yun sa pamamagitan ng pag aaliw nito sa sarili, pero sa tuwing nakikita niya ang puntod ng pinakamatalik niyang kaibigan ay kusa nalang talagang bumabalik yung sakit at alaala na yun.
Yung pag uusap nila bago sila pumasok sa pintuang yun, Yung pag ngiti nito ng makabuluhan sakanya, yung paglusot ng bala sa ulo niya, ang nakahandusay na katawan niya na punong puno ng tama ng likuran niya. Lahat yun bumabalik sa isipan niya.
“Di ko mahanap yung pampitong dragonball pta. Wet ka lang ah. Matatawag ko rin si chunchunron para buhayin ka.” At heto na naman, inaaliw na naman nito ang sarili niya para hindi maging emosyonal–kahit sa kaloob looban niya ay nadudurog na naman siya.
“Gunggong talaga.” Iling iling nalang na sabi ni Elfred sa mga pinagsasabi nito sa harapan ng puntod ni Argo.
“Huwag kang mag alala fafa Argo. Protektado sina Boss at Virgel sa mga kamay ko.”
“Talaga?”
Isang boses ang narinig nilang lahat kaya natigil si Asher sa ginagawa niya at alisto agad ang limang Assassin na palibutan si Vlad para protektahan. Mabilis nilang pinakiramdaman ang paligid.
At sa isang madilim na parte ng sementeryo, magkahiwalay rin na naglalakad ang limang pigura ng tao. Pinalibutan rin sila ng mga ito. At ang tanging mapapansin mo sakanila ay ang tatlong kumikinang na hikaw sa kanang tenga nila dahil sa liwanag ng buwan.
“Sila na naman.” Usal ni Asher.
“Ang Vendetta.” -Trace
Nasa malayong distansya lang ang mga ito at parang wala namang planong makigpaglaban dahil nakalagay sa likuran nila yung mga sandata nila.
“Mr. Acosta.” Wika nung isang babae na may sandata na pamaypay sa may bewang niya.
“Ibalik mo na sa amin si Devi habang may oras ka pa.” Dugtong nito habang kaharap si Vlad at Asher.
Nasa harapan ngayon ni Sebastian ang isang babae na may hawak na mahabang pole Axe. Habang si Felix naman ay kaharap ang isang lalaking may hawak na kadenang may karit sa dulo. Sa harap naman ni Elfred ay isang lalaking may hawak na dalawang Sai sa mga kamay nito. Kay Trace naman ay ang maliit na lalaki na may hawak na dalawang blade sa dalawang kamay nito.
“Wala kaming dapat ibalik sa inyo.” Suway ni Felix.
“Hindi niyo pag aari si Devi.” Sagot rin nung babae. Bawat segundo ay unti unting nababalot ng matinding tensyon ang paligid.
“Tamaaa” Singit nung babaeng may hawak ng pole axe habang nakangising nakatingin kay Sebastian.
“Tss. Nakakarindi yang ngiti mo.” Inis na sabi ni Seb. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga taong palangisi at maiingay.
“Hmm? Talaga?” Sagot pa nito habang nakangisi, at nagulat nalang ang lahat ng bigla itong umatake sa harap ni Seb habang nilalabas ang pole axe niya. “Weee”
Kahit mejo nagulat si Seb ay mabilis niya parin namang naiwasan ang hampas nung babae. Naglabas ito ng mga kunai sa kamay niya at tsaka mabilis na binato dun sa babae. Inikot naman nito ang pole axe niya para sanggain lahat ng yun. Pero di nito alam na ang huling binato ni Seb ay may bomba palang kasama.
Ngingiti pa sana si Seb sa pag aakalang masasabugan yung babae ng may biglang karit ang tumama sa kunai na yun at sa ibang diresyon ito tumilapon at sumabog. Tinignan niya naman agad ang may hawak na may kaderang karit na yun. “Magaling.” Ngising usal ni Seb. Tingin lang ang iginanti ng lalaki.
Muli namang naagaw ang atensyon ng lahat nung magsalita ang Boss ng Virgo “Pasensya na pero matagal ko ng pag aari si Benz.” Nakangiting sabi nito. “Sabihin niyo yan kay Manuel.” Dagdag nito. Nagkatitigan lang ang mga ito na tumagal ng ilang segundo matapos sabihin yun ni Vlad.
“Mukhang wala na kaming magagawa.” Biglan nagsalita ang babaeng kaharap nila bago tumalikod.
“Ingat ingat ka, Mr. Acosta.” Huling habilin nito bago naglakad palayo–na agad sinundan nung apat na natitira.
“Di pa tayo tapos pretty boy.” Ngising usal nung babaeng may pole axe kay Seb bago umalis.
Nung makaalis na ng tuluyan ang limang vigilante ay nagsalita na agad si Felix “Masyado ng delikado dito, Boss. Kailangan na nating umalis.” Sabi nito na halatang di mapalagay sa kaligtasan ng Boss nila.
“Sige. Pasensya na sa abala.”
“Lima lang ang nagpakita. Pang anim si Devi.” Biglang sabi ni Asher kaya nilingon siya ng mga ito “Mukhang hindi pa nakakauwi ang lider nila..si Morpheus.”
“Lahat sila ay may droga sa katawan na may pagkaparehas sakin kaya mag iingat kayo sakanila. Alam niyo na yun. “ Babala ng Boss sa mga alaga niya. “Hindi magandang ideya ang harapin sila ng sabay sabay. Iilan lang kami na nagtataglay ng ganung klaseng kakayahan sa mundo. Hindi sila basta bastang mga nilalang lang.”
“Masusunod Boss”
Nilingon naman ni Vlad sa huling pagkakataon ang dalawang puntod na yun at makabuluhang ngumiti. “ Masaya ba jan sa kinalalagyan niyo ngayon?“ Natanong nalang nito.
“Tayo na”
[VENDETTA’S HIDEOUT]
10:30 PM
“ Hindi pa ba nakakabalik sina Loda? Diba sabay lang tayong bumalik dito kanina? “
“ Kita mong wala pa dito diba? “
“Bwesit ka!”
Matatagpuan sa pinakasulok ng mga kakahuyan sa likod ng bahay ampunan ng mga Guanzon ang pugad ng tinatawag na Vendetta noon. Isa itong abandonadong factory ni Manuel Guanzon noon.
“Naghahanap pa yun ng impormasyon kung pano nila makakausap si Devi.” Tugod ng isang lalaki habang nakaupo sa isang malaking wooden box “Desidido talaga si Jill na mabuo ulit tayo.” Dagdag pa nya habang nilalaro ng sandata nyang Sai.
“Kelan ba kasi ang uwi ni Eus?” Tanong nung lalaking nagtanong kanina. Nakaupo lang din ito sa may hagdanan. Halatang bored na yung tatlo dito sa gusaling ’to.
“Bat di mo yan itanong sakanya?”
Walang pagdadalawang isip namang kinuha nung lalaki ang isang blade niya at malakas itong hinagis papunta dun sa babaeng kanina pa siya pinipikon
Hindi umiwas yung babae. Hindi man lang niya ginamit ang pole axe sa may likuran niya. Sa halip ay ngumisi lang ’to. Agad namang hinagis nung isang lalaki ang isang Sai nya para tamaan yung blade na papunta sa babae at malihis ito ng direksyon.
“Awts namaaan. Ba’t mo pinigilan Ermac. Sayaaang. Matagal na akong di nakakalasap ng sakit eh hihihi.” Usal nung babae habang nakangisi.
“Nag iisip ba talaga kayong dalawa? Puro away nalang ang laman ng utak niyo.” Pagalit na tonong usal ni Ermac.
“Abnormal kasi ’tong isa. Nagtatanong ako ng maayos!” Usal din nung lalaki.
“Pikon ka lang Ross. Huehuehue.” Medyo may pagkasaltik talaga sa utak tong babaeng myembro nila. Parang may pagka Psycho ang isang ’to.
“Tama na yan, Quincy. Isa ka pa.”
“Mga wala talaga kayong kwenta kahit kailan.”
Sa kalagitnaan nag pagtatalo ng tatlo ay may isang boses ang narinig nila mula sa labas ng pintuan ng silid na kinalalagyan nila ngayon.
Dahan dahan namang bumukas ang pintuang yun.
Tulala lang ang tatlo habang hinihintay ang taong iluluwa nung pintuan. Yung boses na yun..
Parang pamilyar. Hindi sila pwedeng magkamali..
Pero gusto pa rin nilang makasigurado.
Nung tuluyan itong niluwa ng pintuan ay punong puno ng iba’t ibang emosyon ang naramdaman ng tatlo.
Isang lalaking may suot na pormal na damit. Tila sa loob ng mahabang panahon ay ang daming nagbago sa itsura niya. Ang dating medyo mahabang buhok ay ngayon ay medyo maikli na. Pero kulay abo pa din ito. Pati postura ng katawan niya ang sobrang laki ng pinagbago. Parang galing ito sa napakahirap na pagsasanay. Kahit mejo tumanda siya ng konte ay di pa rin nagbabago ang mga tingin nito. Masyado pa ding nakakasindak titigan.
Ang ibang bagay na tanging di nagbago sakanya ay ang tatlong hikaw nya sa kaliwang tenga niya. Suot suot niya pa rin ’to sa loob ng mahabang panahon na napalayo sya sa Vendetta.
“Morpheus..” Gulat na bulong ni Ermac. Wala silang kaalam alam na ngayon na ang uwi nito.
“EUUUS!” Agad nagtatalon si Quincy at sinalubong ang lider nila. “Bat ngayon ka lang nakabalik?”
pout
“ Ang dami kong inasikaso sa Russia.“ Sagot nito habang nakangisi. Yung ngisi nya. Hindi rin nagbabago. Sobrang nakakaasar pa rin tignan. “Patay na ba yung dalawa?” Tanong nito nung napansin nyang tatlo lang ang nadatnan nya.
“Nag aasikaso lang para sa pagkuha namin kay Devi.” Sagot ni Ross.
“Mga hangal.” Mahinang sabi ni Eus bago ngumisi. “Gustong gusto talaga ng Jill na yun na bumalik ang bansot na yun.” Agad namang tumalikod si Morpheus at binuksan ulit ang pintuan.
“Teka saan ka pupunta? Kakauwi mo palang.” Takhang tanong ni Ermac na ikahinto ni Eus.
“Pupuntahan ko lang ang Doktor. Pag uusapan lang namin ang misyong gagawin natin.” Bago sya umalis ay meron pa syang huling binilin.
“Sabihin niyo dun sa dalawa na nagbalik na ako.”
Ang kinatatakutang Vigilante noon at ang halimaw na lider ng Vendetta ay nakabalik na.
-To be continued
(A/N: Handa na ba kayo sa panibagong bakbakan? Hahahaha thank you sa mga votes at comments niyo :) Sana mag leave kayo ng kaonting comment para malaman ko kung ano tumatakbo sa utak niyo sa mga nangyayari :) See you sa next episode~ Please motivate meh hahaha. Adios~ xD)
-Emnacinn
Episode 11 : The Unknown Girl of Alibara Mafia
Episode 11 : The Unknown Girl of Alibara Mafia
Sorry mejo natagalan :) Sana magustuhan niyo hahaha
Sorry sa typos and errors :)
*Pa plug hehe. May bago akong story na ginawa. Title nito ay PERCIVAL: Her Perfect Servant :) Check niyo nalang yung prologue at chapter 1, baka magustuhan ninyo :)
[3rd Person’s PoV]
“Papa, dito na ba tayo titira?” Tanong ng isang batang Damian sa papa nito matapos makita ang napakalaking mansyon na nasa harapan nila ngayon. Ginulo naman agad ang buhok niya at tsaka nginitian. “Oo anak.”
“Mayaman na ba tayo, papa? Ang laki ng bahay natin” Manghang dagdag ng anak. Ngumiti lang ang ama nito at tsaka nilipat ang atensyon sa pabukas na gate na nasa harapan nila.
Pagkabukas nito ay sumalubong agad sakanila ang isang mejo may katandaan na lalaki na may kasamang mga bodyguard. “Denzel” Bati agad nito.
“Don Celo.” Yumuko ang ama ng bata bilang respeto . “Maraming salamat sa alok niyong tumira dito sa mansyon niyo. Pasensya na at nakakaabala kami sainyo.” Sabi pa nito. Tumawa lang si Celo at tsaka tinapik ang balikat ni Denzel
“Isa ka sa pinakatapat kong tauhan, Denzel. Ipagkakait ko pa ba ang tirahan ko para sayo?” Nakangiting tanong nito. Si Denzel Seraphin ay matagal ng nagtatrabaho kay Celo bilang matinik na Hitman ng grupo niya. Dalawampu’t taon ng nagtatrabaho si Denzel sa kamay nya kaya para na rin itong kapatid ni Celo dahil di naman malayo ang agwat ng edad nila.
Biglang inatake ang pamamahay ni Denzel ng isang di kilalang mga tauhan at sinunog ito kaya wala na silang mapaglapitan ngayon. Buti nalang at pumayag ang Boss niya na tumira sa mansyon nito. Utang nito sakanya ang lahat.
Habang nakikinig ang walang muwang na si Damian ay napansin niya sa may likuran ni Celo ang isang batang babaeng nagtatago habang nakahawak sa laylayan ng suot ni Celo. Ngumiti si Damian sa batang babae at tsaka kinawayan ito. Pero di gumanti ang batang babae, sa halip ay nagtago pa ito lalo sa likuran ni Celo.
“Anak mo?” Tanong ni Celo nung mapansin niya si Damian na hawak hawak ni Denzel “Ah..opo. Si Damian.”
“Kumusta ka, batang Damian?” Ngiting tanong ni Celo sa bata. Gumanti naman agad si Damian “Mabuti lang po. Kayo po?” Ngiting tanong rin nito na ikinatawa ni Celo.
“Masigla tong bata mo, Denzel. Ah siya nga pala. Tamang tama.” Tumingin naman si Celo sa likuran niya tapos ay pinapunta niya sa harapan ang batang babaeng kanina pa nagtatago sa likuran niya. “May makakalaro na tong anak ko.” Agad naman nitong pinakilala ang isa’t isa. “Damian, ito si Agnes. Anak ko. Anak, si Damian, bagong kalaro mo.”
Tahimik lang ang batang agnes na parang nahihiya. Habang si Damian naman ay agad naglahad ng kamay sa batang babae. “Kumusta ka?”
Tinignan naman saglit ni Agnes ang kamay ni Damian. Hindi pa siya nagkaroon ng kaibigan o kalaro kaya di niya alam ang gagawin niya. Nakatitig lang ito sa kamay ni Damian. Pero nagulat nalang siya ng biglang kinuha ni Damian ang isang kamay niya at tsaka ikinamay sa kamay nito.
Takha namang tumingin si Agnes kay Damian. Isang masayang ngisi lang ang nakita nito sa mukha niya “Hehe”
Habang mag isang naglalaro si Agnes sa may sala ng hawak niyang dalawang manika ay lumapit si Damian sakanya at tsaka umupo sa may sahig katapat niya. “Ano yang nilalaro mo?” Nakangiting tanong nito.
“Barbie.” Tipid na sagot ng bata.
“Pwede bang sumali?” Inosenteng tanong ulit ni Damian. Mejo natawa naman ng onte si Agnes sa tinanong nito.
“Naglalaro ka ng barbie?” Tanong nito na ipinagtaka naman ni Damian
“Hindi ba ako pwedeng maglaro nyang barbie?” Sa tanong nito ay parang wala talaga itong kaaalam alam sa laruan na yun.
“Pambabae tong barbie, nilalaro mo dapat ay mga robot robot.” Sagot ni Agnes tapos ay pinagpatuloy na ulit nito ang paglalaro. Ngumiti naman si Damian habang nagkakamot sa ulo niya
“Hehe ganun ba. Pasensya na. Di pa kasi ako nagkaron ng laruan eh. Kaya di ko alam kung dapat kong laruin hehe.” Sagot nito na ikinatigil ni Agnes sa paglalaro. Ewan pero nakaramdam siya ng kaonting awa nung sinabi ni Damian yun. Isang mahirap lang na pamilya sina Damian. Kaya di pa nito nasubukang magkaron ng laruan. At isa pa, di rin naman siya nagpapabili sa tatay niya dahil alam nito ang sitwasyon nila. Ang sweldo ni Denzel bilang hitman ni Celo ay sapat lang sa pang isang buwan nilang pamumuhay, minsan ay kinukulang pa nga. Di rin naman kasi consistent ang trabaho niya. Isang beses sa isang buwan lang rin siya nakakapagtrabaho kay Celo. Swerte na kung maging dalawa ang target niya sa isang buwan.
Tatayo na sana si Damian para sana umalis nalang dahil halata namang ayaw makipaglaro ng batang babae sakanya pero nagulat nalang siya nung inabot nito ang isang hawak niyang laruan na lalaking manika sakanya.
“Sige, ikaw si Kenken.” Sabi nito sakanya habang nakangiti na. Sa unang pagkakataon ay nakita na rin nito ang ngiti ni Agnes. Ang ganda nito pagmasdan.
“S-sige.”
Habang naglalaro sila ay biglang napatanong si Agnes “Ano nga ulit yung pangalan mo?”
“Damian. Hehe.”
“Ang hirap. Damdam nalang.” Natatawang sabi ng batang babae “Damdam nalang itatawag ko sayo ha”
“Ayos lang sakin.”
“Nasan pala mama mo?” Biglang tanong ni Agnes na ikinawala saglit ng ngiti ni Damian. Pero kalaunan ay ngumiti ulit ito
“Wala na si mama.” Halatang peke lang ang ngiti nito. At pansin yun ni Agnes.
“Parehas pala tayo.”
“Wala na din ang mama mo?” Takhang tanong ni Damian.
“Sanggol palang daw ako nung namatay ang mommy ko.” Matamlay na sagot ni Agnes “Pero may step mom naman ako. Pero ayaw ko sakanya.”
“Bakit naman?”
Sa ngayon ay si Agnes naman itong ngumiti ng peke sa harap ni Damian “Basta.” Tumayo ito sa pagkakaupo “Halika, ipapakita ko sayo ang ibang laruan ko.” Sabi nito bago tumakbo. Agad namang sumunod si Damian sakanya.
Simula nun ay naging matalik na na magkaibigan sina Damian at Agnes. Di mo na mapaghiwalay yung dalawa. Palagi itong naglalaro saan man sila magpunta. Para ng magkapatid ang turingan nito sa isa’t isa.
Sa ilang taon na magkasama sila ay mas nakilala pa nila ang isa’t isa. Nalaman ni Damian na tahimik na Agnes na kilala niya ay mejo may pagka praning rin pala. Nakakatuwa ito kasama–bagay na nagustuhan ni Damian ng husto sa pagkatao niya.
Makapalipas ang limang taong pananatili nina Damian sa mansyong yun, isang balita nalang ang nagpagulo ng sitwasyon nila. Napatay ang ama ni Damian sa isang engkwentro ng isang di pa kilalang grupo. Sobrang nawasak ang pagkatao Damian dahil sa nangyari. Nag iisa na nga lang ito sa buhay niya, pinatay pa.
“Damdam, ayos ka lang?” Kasalukuyang nasa burol ni Denzel ang dalawa. Ramdam ni Agnes ang sakit na nararamdaman ni Damian sa pagtingin palang nito sa mga mata niya. Wala siyang ibang maitulong kaya h inamplos nalang niya ang likuran nito para pagaanin ang loob. Di ito nagsasalita. Parang kinakain na ito ng sariling emosyon niya sa mga oras na’to. Hindi ito umiiyak pero kitang kita mo sa mga mata nito ang paghahanap ng kalinga. Gusto nitong humingi ng tulong pero walang salita ang maririnig mo sa bibig niya. Gusto nitong magwala pero nanatili lang nakakuyom ang mga kamay niya habang nakaupo.
Simula nung araw na yun ay sinanay na si Damian ng mga tauhan ni Celo para maging magaling na tauhan. Balak ni Celo na gawin itong personal na bodyguard ni Agnes dahil nakikita niyang minana nito ang kakayahan ng ama niya. Gawa rin ng paghihiganti na gusto ni Damian, pinag igihan niya ng mabuti ang mga pagsasanay na yun para lumakas. Para maipaghiganti niya ang pagkamatay ng ama niya balang araw.
Di nagtagal ay naging mahusay na nga ito sa pakikipag laban at naging tagapag bantay ni Agnes. Di nagkamali si Celo sakanya. Sa murang edad palang nito ay nakakaya na nito ang mga mabibigat na misyong binibigay sakanya. Napoprotektahan niya ng tama si Agnes sa mga kalabang nakakasalamuha nila.
Ang laki na ng pinagbago nito simula nung mawala ang ama niya.
Simula din nun ay nawala narin yung palangiting Damdam na kilala ni Agnes. Madalang nalang nitong makita ang ngiti ng kababata niya. Pero gayunpaman, ramdam mo pa ring pinapahalagahan siya nito. Lagi itong nasa tabi niya para bantayan at protektahan siya.
Ilang taon ng nagsisibli si Damian sa kamay ng mga Martin, lalo na kay Agnes, at sa loob ng mga taon na yun, di niya aakalaing mag iiba bigla ang pagtingin niya sa kababata niya. Bawat kilos nito ay nabibigyan na niya ng kahulugan. Konteng akbay at yakap lang nito sakanya ay nakakaramdam na siya ng kakaiba. Bagay na ikinabahala niya ng husto,
Hindi pwede.
Ang akala niya ay mawawala lang yun pag pinabayaan niya, pero habang tumatagal ay lumalala lang ang sitwasyon. Lalo na nung dumating ang araw na yun..
Isang celebrasyon ang pinuntahan ng mga Martin nung gabing yun. At sa celebrasyon na ’yun, imbetado rin ang Elfame Mafia. Nagkasalubong ang dalawang grupo at sabay kumain sa isang mahabang dining table nung gabing yun. Dun nakilala ni Agnes ang unang nagpatibok ng puso niya, Si Victor Casero. Isa sa tauhan ni Maximo.
“Ang ganda ng mga ngiti niya, Damdam.” Bulong pa nito na parang kinikilig habang kumakain sila. Si Damian naman ay nag iiba na ang timpla. Hindi niya alam pero gustong gusto na niyang sapakin ang lalaking nasa harapan nila na ngiti ng ngiti kay Agnes.
At dun niya nalang nakumpirma ang isang bagay.
Mas higit na bilang isang kaibigan ang nararamdaman nito sa kababata niya.
-Present-
Naramdaman ni Damian ang init ng araw sa pisngi niya kaya unti unti itong nagising. Tsaka lang niya napagtanto na napasarap pala ang tulog niya. Mabilis naman siyang bumangon dahil baka mahuli siya pero..
“Sarap ng tulog natin ah” kamuntik na siyang mahulog sa sangang hinihigaan niya nung may marinig siyang boses.
Agad niyang tinignan ang babaeng nasa harapan niya “L-lady Agnes.”
“Jan ka ba natutulog tuwing gabi, Damdam?” Nasa may balkonahe si Agnes ngayon habang nakatingin kay Damian na nakaupo na sa may malaking sanga dito sa puno na nasa tapat nya.
“Hindi. Naano lang..”
“Palusot pa” Natatawang putol ng dalag a “Hindi mo naman kailangang bantayan ako buong gabi. Di magiging maayos yung tulog sa sangang yan.” Dugtong nito. “Gusto man kitang patuluyin dito pero bawal lalaki dito eh”
“Ayos lang sakin kahit saan matulog, Lady. Ang importante ay maprotektahan kita.” Yumuko pa ito ng bahagya matapos sabihin yun.
“Achecheee” Napangiti ng konti si Agnes sa sinabi nito “Maligo ka na nga. Tas magbihis kana rin. Samahan mo ako may biblhin lang ako hehehe” Sabi nito bago tumalikod at pumasok sa loob.
Di naman maalis ang ngiti ng binata habang naglalakad ito pabalik sa tinitirhan niya. Di naman date ang mangyayari pero ewan, masaya ang pakiramdam niya ngayon.
[Virgel’s PoV]
Bukas na ang kaarawan ni Papa. At di mo mapagkakailang sobrang busy ng mga taong nandito ngayon sa mansyon. Lahat ng mga katulong ng Fuego ay nandito para tumulong sa pagpapaganda ng Mansyon. Pati sina Stephan ay nandito rin. Actually para kaming nagtitipon ngayon. Kumpleto lahat. Ngayon lang ulit naging ganito kaingay at magulo sa mansyon simula nung araw na dineklara ako ni Papa na maging Boss ng mga Virgo.
Nakita ko si Helena na nakasandal sa balikat ni Benz habang nanunood ng Tom and Jerry sa may sala kasama sina Gavin at Lily. Mukhang ang saya saya nila habang nanunood..
ay wait, nila nga ba? o si Benz lang?
“ Wag kayong mag alala, mahahabol ni Tom si Jerry jan. Yan yaaan. Pero makakatakas pa rin sI Jerry kasi may hawak siya na Martilyo! HAHAHA pupukpukin niya ulo ni Tom! Tignan niyo..jan jan..malapit..tignan niyo.“ Tawang tawa na nag eexplain si Benz sa mga mangyayari habang sina Gavin at Lily ay bugnot ang mukha.
“Patayin mo nalang kaya yung TV kuya tas ikwento mo nalang yung mangyayari?” Inis na sabi ni Lily. Di nito magawang maenjoy yung pinapanood nila kasi ang ingay ni Benz, tas spoiler pa.
“Ikaw lang nag eenjoy jan kuyang sword eh!”
“Wag kang spoiler kasi.” Natatawang sabi ni Helena
“Maganda yan! Tignan niyo. Nakikita niyo yung lubid? Yan ang gagamitin ni Jerry para matapilok si Tom.” Tuloy parin to sa pang sspoil, Si Helena tawang tawa na sa reaksyon ng dalawang bata.
“KUYA!” Inis na sigaw ni Lily.
Zinip naman agad ni Benz ang bibig niya. “Okeh. Di na meh magsasalita”
Ngayon ay tahimik na silang nanunood. Unti unti ng naeenjoy nung mga bata ang pinapanood nila dahil ang intense na nung habulan nina Tom at Jerry.
“Sige habulin mo Tom!” Nadadala na rin si Gavin sa scene. Sa gitna ng habulan nung dalawa ay biglang dumating yung uncle ni Jerry na malaki ang katawan. At dun, di na napigilan ulit ni Benz ang magsalita.
“Nakikita niyo yan? Uncle yan ni Jerry! Sobrang lakas nyan! HAHAHA Tignan niyo, ibabalibag niya si Tom jan tapos hihingi ng tulong si Tom sa mga barkada niya tapos–”
“KUYAAAA!”
“Ay. Sabi ko nga” Zinip pa ulit nito kunwari ang bibig niya.
Natawa nalang ako sa nakikita ko. Kahit kailan talaga to si Benz.
“Saya natin ah” Nilingon ko si Kael na kakarating lang sa kinatatayuan ko. “Sina Benz kasi hahaha”
“Kala ko yung dalawa ang tinitignan mo.” Turo ni Benz dun sa dalawa na nandun sa kabilang couch. Nakahiga si Hell sa may hita ni Elsa at tila nag uusap. Parang may sarili tong mundo ang dalawa pag magkasama. Buti naman at hindi na naglilihiman ’tong mga to sa nararamdaman nila.
Nakita naman naming dumaan si Madel na may dalang isang malaking box na karton at halatang nahihirapan sa pagkarga. Tutulungan ko pa sana siya pero nakalapit na pala si Kael sakanya.
“Tulungan na kita.”
“Ay. Salamat, Sir.”
Benz at Helenaa..
Hell at Elsa..
Kael at Madel..
Ako kaya?
Bigla kong naalala ang ngiti ni Claire kaya napangiti ako na parang timang habang nakapikit pa. Naimagine ko bigla na nagsasayaw kami tas nakahawak yung mga kamay niya sa balikat at kamay ko.
Gaano kaya kalambot ang kamay niya. Hohoho.
Hays, pero sayang. Di siya makakapunta bukas.
“Boss.” Mabilis akong napamulat nung bigla akong tinawag ni Ish.
“Oh Ish.”
“Nakita mo ba papa mo?”
“Nandun sa kwarto niya. Bakit?”
“May sasabihin lang ako. “ Sabi nito at tsaka mabilis na umalis at umakyat sa hagdan. Pansin kong hawak hawak niya ang listahan ng mga imbitado para bukas.
May problema ba?
“Mukhang abala ata ang lahat ah” Narinig kong nagsalita sa may likuran ko si Manang Choleng kaya nilingon ko siya. May hawak hawak rin itong papel.
“Bakit ho manang? May kailangan ba kayo?”
“Abala kasi masyado lahat ng mga ibang katulong. Wala akong mautusan na bilhin tong mga kulang na kagamitan para bukas.” Sabi nito. Kinuha ko yung papel na hawak niya. Mga listahan pala to ng mga bibilhin.
“Sige ako na dito Manang” Presenta ko. Mukhang mabibili lang naman to lahat sa isang mall lang.
“Nako wag na hijo. Baka mapano ka pa. Maghahanap nalang ako ng ibang mauutusan.”
“Hindi na ho. Kaya ko na to”
“Sigurado ka?”
“Opo.”
“Sige mang iingat ka ha?”
Tumango ako bago umalis at lumabas. Pagkalabas ko, nadadnan ko ang mga Fuego na nakaupo sa may labas nitong mansyon. Nagdala ito ng lamesa at mga upuan sa labas para tumambay. Maganda naman ang panahon at mahangin kaya okay lang sakanila.
“Oy Virgeeel. San ka pupunta?” Biglang tanong ni Asher dahilan para mapatingin silang lahat sakin.
“Ah may bibilhin lang sa sentro.” Sagot ko tsaka itinaas tong listahan na dala ko.
“Samahan na kita.” Sabi nito at tsaka mabilis na lumapit sakin.
“Hindi na. Kaya ko na–”
“Aishaishaishaish. Ayokong multuhin” Putol nito na ikinakunot ng noo ko. Multuhin?
Sa huli ay pumayag nalang ako. Mabuti na rin kasi may kotse siya. Mas mapapadali yung pagbili namin.
Nung makasakay kami ay tsaka ko lang naitanong ang sinabi niya kanina. “Anong ibig mong sabihin na ayaw mong multuhin?”
“May pinangako akong binitawan sa kuya mo. Poprotektahan kita gaya ng pagprotekta niya sayo dati.” Sagot nito habang nakangiti ng onte habang nagddrive. “Pag nalagay ka sa pahamak, baka ako pa multuhin nun aba.” Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
“Ikaw naman ang mumultuhin ni Kuya eh. Hindi ako.”
“Abaa. Wala namang ganyanan.” Minsan ng nasabi ni papa sakin na si Asher ang naging pinakamatalik na kaibigan ni Kuya. Anlayo ng ugali nila sa isa’t isa kaya di ko naisip ang bagay na yun.
“Punta muna tayo sa saglit sa apartment ko ah. Ayos lang ba?” Sabi nito. Umuo lang ako. Mamaya pa naman siguro to gagamitin tong bibilhin namin. Tsaka saglit lang naman daw.
Nung makarating kami ay sumunod nalang ako sakanya dahil wala naman akong gagawin sa kotse. Nung makapasok kami ay pinaupo niya muna ako sa may sala nitong apartment niya at binigyan ako ng pasta na galing pa sa fridge. “Paboritong paborito ni Argo ang mga gawa kong pasta kaya alam kong magugustuhan mo din yan.” Mabilis kong sinuri ang mukha niya
“Ba’t pakiramdam ko nagsisinungaling ka?”
“Abaaa. Pag natikman mo yan baka mapapakanta ka nalang jan ng ♫ Ikaw pa rin pala ang hanap hanap parapap~♫” Agad na itong umalis pero kumakanta pa rin ang loko “♫Na kahit magpanggap di matatago na ang iyong pasta ang hanap hanap parapapap~♫”
Natawa nalang ako. Second Benz din tong isang to eh.
Tinignan ko nalang uli ang pastang hinanda niya. Kakainin ko na sana ito pero parang may masamang awra ang bumabalot sa pastang ’to. Tas yung awra na yun ay parang humuhulma at nagiging mga letra. Nung natapos ito sa paghulma ay agad kong binasa ang mga nabuong salita.
W A G M O N G K A I N I N P O T A A N G S A M A N G L A S A N I Y A N P R A M I S
Sht!
Napatingin ako sa taas at agad nagpasalamat “Nilalayo mo talaga ako sa kapahamakan kuya. Dabest ka.” Sabi ko tsaka itinabi ang pasta na yun.
Inikot ko nalang tingin ko para maghanap ng mapaglilibangan habang hinihintay si Asher. At sa paghahanap ko, bigla may nasagi ang paa ko sa ilalim nitong lamesa kaya napatingin ako dito. Nakita ko ang mga album na nakahalata dun. Yung isa nakabukas na kaya yun ang kinuha ko para tignan.
Ang akala ko mga babae ni Asher ang laman nun pero nung tignan ko ang litrato kung saan nakabukas ang album ay agad akong natigilan.
Isang batang argo na may karga kargang sanggol ang kuha ng litratong ’to. Nakangiti si Argo sa harap ng camera. Napakaamo ng ngiti nito. Tugmang tugma dun sa panaginip ko.
“Sa tuwing pumupunta siya dito ay lagi niya nalang naiiwan ang album na yan na nakabukas jan sa litratong yan.” Narinig kong nagsalita si Asher pero di matanggal ang tingin ko sa litrato. “Halatang yan ang laging huling tinitignan niya bago siya umaalis.” Sinubukan kong hawakan ang litrato. Bigla akong napapikit at nakita ang imahe ni Argo na nakatingin sa litratong to habang hinihimas ng nakangiti.
Kuya..
Binuklat ko nalang ang album na yun bago pa ako maging emosyonal. Picture nina Kuya Argo, Asher at ibang assassin ang kuha ng isang ’to.
“Diba matalik kayong magkaibigan ng kuya ko, Asher?”
“Yizz. Why?”
“Pwede mo bang ikwento sakin kung bakit siya nagbago?” Habang nakikita ko ang ngiti niya sa litrato ’to ay bigla akong nacurious kung ano ba talagang nangyari noon at bigla nalang daw siyang nagbago.
“Dati isang masiyahing bata yan si Argo, katulad mo. Walang galit ang makikita mo sa mukha niya. Para sakin, siya ang pinaka mabuting tao na nakilala ko. Pero sabi nga nila, nababago ang isang tao pag nilamon ito ng galit.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Pinaslang ang ina ni Argo. Binalot siya ng galit sa pangyayaring yun. At yun, yun ang simula ng pagbabago niya.”
“Sino ang pumaslang sa ina niya?” Napatigil naman saglit si Asher sa tanong ko na parang nagdadalawang isip na sumagot. “Sino Asher?”
“Ang ina mo, Virgel. Si Ms Almira Silvero na ngayon ay asawa na ni Marcelo Martin, ang Boss ng Martin Family.”
“Nasabi ni Hugo sakin dati na tumakas ang aking ina sa kamay ng Virgo at tsaka ako ibinilin sa mag asawang Martinez. Yun ba ang rason niya kaya siya tumakas?” Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ’to. Ang ina ko ang pumatay sa ina ni Kuya Argo?
“ Baka. Ewan. Yun lang din ang sabi ng mga nakasaksi sa pangyayari. Wala namang proweba na siya talaga ang pumatay, pero sakto rin kasi nung gabing tumakas siya kasama ka ay ang gabi rin na napaslang ang ina ni Argo. So ano pa bang iisipin nila? Lalo pa’t kabit ni Boss Vlad si Ma’am Renietta. Posible talagang mangyari yun.“ Biglang napakunot ang noo ni Asher sa mga sinasabi niya. “Pero hindi eh. Maski ako ay di makapaniwala na magagawa yun ni Ma’am Almira. Napaka bait niyang tao. Napakabuti nito sa lahat ng mga nakapalibot sakanya. Maski kay Argo na anak na kabit ng asawa niya ay napakabait nito. Kaya hindi ko alam kung bakit..kung bakit niya yun nagawa sa ina ni Argo.”
Napakamot nalang ito sa buhok niya na parang naguguluhan. “Ang gulo diba? Ang gulo ng mga pinagsasabi ko pero di mo pa rin ginagalaw yang Special Pasta ko.” Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Ang seryoso na ng sinasabi niya pero nagawa niya pa ring ipagyabang ang pasta niya? Amp . “Pati ba naman sa taste magkaparehas kayo ni Argo? Masarap naman to eh.”
Kumuha siya ng onte at tsaka ito tinikman. “Oh diba? Sabi ko naman sayong masa..masa..masar..” Yung mukha nito parang masusuka na. Why da fak u lying? Pfft. “Tara na nga. Baka mapingotan pa tayo ni Manang Choleng sa sobrang tagal natin.”
Sa pag alis namin ay bigla sumagi sa utak ko lahat ng sinabi niya sakin tungkol sa ina ko.
Hindi kaya naset up lang siya kaya siya ang napagbintangan?
Pero gaya ng sabi ni Asher kanina, nababago ang isang tao pag nilamon ito ng galit.
Baka dahil sa galit ng ina ko kaya nagawa niya yun?
Pero..ewan..
Dii ko din alam kung anong totoong nangyari nung gabing yun.
[3rd Person’s PoV]
“Boss hindi na niya kaya.” Habang tinitignan ni Baron ang gulping gulpi na na ka sparring nilang babae ay di nito mapigilang mainis sa Boss niya.
“Kaya niya pa. Tumayo kana jan. “ Utos ni Mr. Saquin sa babaeng halos hindi na makatayo dahil sa mga natamo nitong atake galing kay Baron at sa dalawang kasamahan nito na sina Vincent del Varya at Giovanni Belicoff.
“Baka pwede sa susunod na araw na nating ’to ipagpatuloy, Boss. Di na niya kaya.” Pakiusap rin ni Giovanni pero parang walang naririnig ang Boss nila.
“Bakit ba ganito nalang ang trato ni Boss sakanya. Asaar!” Naibulong nalang ni Baron sa sarili dahil sa sobrang inis. Di na niya kayang tignan ang babaeng nasa harap nila na ang dami ng pasa.
Nung makatayo ang babae ay tsaka ulit pinagpatuloy ang laban nila.
“Sugod” -Mr. Saquin
Walang magawa ang tatlo kaya sumugod nalang ito ulit sa babaeng kalaban nila. Nagagawa pa rin naman nitong lumaban, umaatake pa rin ’to pabalik sakanila pero halatang hinang hina na ’to.
Isang sipa ang di nailagan ng babae at malakas itong tumama sa katawan niya dahilan para tumilapon siya papunta sa paanan ni Mr. Saquin na nakaupo lang sa may gilid habang nanunood.
“Tumayo ka.” Utos nito sa babae.
“Ano ka ba Vincent! Masyadong malakas ang sipa mo na yun!” Sigaw ni Baron sa kasamahan niya.
“Haa? Ang hina lang nun.” Kalmadong sagot ni Vincent.
“D-dad..hindi ko na–”
“Diba sabi ko na sayong wag mo akong tawagin nyan pag wala tayo sa publiko?” Putol ni Gideon. “Ginagawa ko to para mahasa ang kakayahan mo. Para magising yang drogang itinurok ko sayo. Limang buwan na ang lumipas pero di pa din umi epekto ang Ethereal Drug jan sa katawan mo. Wag mong hintaying mapuno ako sayo.” Dugtong pa nito na may halong pagbabanta. “Kumilos kana jan at lumaban!”
Sa gitna ng kanilang pag uusap ay biglang dumating ang isang babaeng myembro ng Alibara Mafia na si Akasha dala dala ang isang balita. “Boss. Nakita ng isa sa tauhan ko ang target natin sa may sentro ng syudad. May kasama itong lalaki.” Umpisa nito. “Anong gagawin namin?”
“Gamitin mo lahat ng pwersa mo na nandun para mahuli ang babaeng yun.” Utos nito.
“Pano pag nanlaban yung kasama niya?”
“Patayin niyo. Ang importante ay ang babaeng yun. Iuwi niyo siya dito ng buhay, maliwanag?”
Agad yumuko si Akasha bago umalis “Masusunod Boss”
“Maghintay ka lang anak, makukuha rin natin ang gusto mo.”
-To be continued
(A/N: Sino kaya yang di pinakilalang myembrong babae ng Alibara Mafia? Ano nga kaya ang tunay na nangyari nung gabing pinaslang ang ina ni Argo? At magagawa nga kayang patumbahin ng mga barkada ni Tom ang uncle ni Jerry? Abangan nalang natin yan sa susunod na episode hahahaha thank you sa mga votes at comments niyo :> I encourage you guys na mag comment, kahit comment lang hahaha Gusto kong malaman yung reaction niyo, yung iniisip niyo, yung mga hula niyo, at kung anu ano pa hahaha pero di ko kayo pinipilit. Yung lang muna sa ngayon :) Kitakits nalang tayo sa susunod na episode. Adios~)
-Emnacinn
Episode 12 : Chasing Target
Episode 12 : Chasing Target
*Guys pakitingin sa media, perfect photo para sa Virgo Mafia Hahaha ang astig (ctto)
( Sorry sa typos and errors )
[3rd Person’s PoV]
Flashback
Sa isang maulang gabi, habang mahimbing na natutulog si Almira katabi ang sanggol nyang anak na si Virgel ay marahas nalang na bumukas ang pintuan ng kwarto–dahilan para magising ang mag ina.
Sa sobrang kaba ay mabilis na binuksan ni Almira ang ilaw para tignan ang lalaking nasa gitna ng pintuan na parang hinihingal pa. Nung mabuksan niya ito ay takhang taka ito sa nakita niya. Basang basa ang damit at katawan ng asawa niya at puno ng putik ang dalawang binti nito na para bang galing sa pag aararo.
“Vlad? Anong nangyari sayo? Ba’t basang basa ka?” Takhang tanong ni Mira. “Saan ka ba galing?” Pahabol pa nito. Pero sa halip na sagutin, ay pumunta lang si Vlad sa may cabinet nilang mag asawa at kumuha ng luggage at mga damit.
“Teka anong ginagawa mo??” Tila naguguluhan na si Mira sa inaakto ni Vlademir. Base kasi sa mukha nito ay parang tarantang taranta ito.
“Umalis na kayo.” Tipid na sagot ni Vlad habang kinukuha ang mga damit ni Mira at tsaka mabilis na tinatambak sa luggage.
“ A-ano? Ano bang nangyayari sayo?!“ Nagtaas na ito ng boses dahil hindi na niya alam ang nangyayari. Biglang umiyak si Virgel kaya kinarga niya ito. “Huminahon ka nga jan.”
“Dalhin mo si Virgel.” Matapos ipasok ang iilang damit ni Mira sa luggage ay tumayo na si Vlad at tsaka hinarap ang asawa nito at tinignan sa mga mata.
Pansin naman ni Mira na punong puno ng takot ang mga mata ni Vlademir kaya mas lalo itong kinakabahan. “A-ano bang problema?”
“P-pakiusap, Mira. Umalis na kayo.” Tanging sambit lang nito. Di na mapigilan ni Mira ang mapaiyak. Napansin naman niya ang kaonting pulang mansta sa puting polo ni Vlad.
“Bat ba ayaw mong sabihin sakin kung anong problema?!!” Di na mapigilan ni Mira ang nararamdaman niya. Bakit siya pinapaalis sa sarili nilang bahay ng ganito lang?
Yayakapin sana ni Vlad ang asawa niya pero tinulak lang siya palayo. “Sabihin mo sakin!!”
“Di ko kayo kayang protektahan ngayon..” Mahinang sagot ni Vlad habang nakadungo. Hinawakan ni Vlad ang magkabilang balikat ni Mira at tsaka tinignan ulit sa mga mata “Hindi ko kayo kayang protektahan laban sa sarili ko ngayon!” Sigaw nito na nagpatigil kay Almira sa paghagulhol.
“Pakiusap..” Niyakap ni Vlad ang asawa niya at sa pagkakataong ’to ay di na ito pumalag. “Ayokong may mangyari masama sa inyo, kaya pakiusap, umalis na kayo.” Humiwalay sa pagkakayakap si Vlad at tinignan ulit ang asawa, at halos manginig lahat ng katawan ni Mira nung makita nito ang mga mata ng asawa niya. Tila nag iiba na naman ito.
Tila bumabalik na naman ang sakit niya..
Ngayon ay madaling inalalayan ni Vlad kasama ang isang malapit na kaibigan at mapagkakatiwalan niyang kanang kamay si Mira at ang mga dala nito para isakay na sa kotse.
Nung makapasok na ng tuluyan sina Mira ay sinilip saglit ni Vlad ang mag ina niya sa may bintana ng kotse para kausapin “Si Celo, Si Celo lang ang pwede mong lapitan sa mga oras na’to. Kaya ka nyang protektahan sa puder niya.” Sabi nito. Nag umpisa na namang maiyak si Mira dahil sa paglayo nito sa asawa niya. “Bakit kailangang mangyari ’to?”
“Mira, pagod na akong mawalan.” Makabuluhang sagot ni Vlad. Naalala na naman niya ang aksidenteng nagawa niya. “Tama na’to. Lahat ng napapalapit sakin ay nawawala, at ayokong mangyari yun sa inyo. Hindi ko kaya.” Niyakap ulit ni Vlad ang asawa sa may bintana ng kotse.
“Bakit kailangan ko pang pumunta kay Celo? Kaya kong buhayin si Virgel ng sarili ko.”
“Manganganib ang buhay mo sa oras na umalis ka sa mansyong ’to. Kaya pakiusap. Kilala ko si Celo, mahalaga ka sakanya kaya alam kong poprotektahan ka nya.” Napatingin naman saglit si Vlad kay Virgel “Pero wag mong isasama si Virgel dun.”
“Ano?? Ayoko! Hindi ko iiwan ang anak ko!”
“Makinig ka, anak ko si Virgel, at malaki ang galit ni Celo sakin. Ayaw kong manganib ang buhay ng anak natin sa kamay ng mga Martin.” Paliwanag nito. “Kung gusto mong maging ligtas si Virgel, ilayo mo siya sa mundo natin, sa mundo ng mga mafia. Maghanap ka ng mga magulang na pwedeng kumupkop sakanya.” Dugtong nito.
“A-ayoko..” Naiiyak na usal ni Mira habang tinitignan ang anak nito sa bisig niya. Saglit palang niyang nakasama ang kaisa isang anak niya, tapos ngayon sasabihing ilalayo ito sakanya? Hindi. Hindi pwede.
“Wala na tayong oras, Mira.”
“Isasama ko ang anak na–”
“PAPATAYIN NI CELO ANG ANAK NATIN!!” Tumaas na naman ang boses ni Vlad at tila nagbabago na naman ang mga mata nito. Pero pilit pa rin nitong kino kontrol ang sarili.
“Kung mahal mo ang anak natin, hayaan mo siyang mamuhay ng normal, na malayo sa panganib” Tinignan saglit ni Vlad ang mahimbing na anak nito na natutulog tapos ay hinalikan niya ito sa noo “Kukunin ko rin naman siya pagdating ng tamang panahon. Pangako ko yan sayo.” Nung makita ni Vlad na hindi na umangal ang asawa ay hinalikan niya ito sa noo sa huling pagkakataon
“Mahal na mahal ko kayo, tandaan niyo yan.”
Agad kinausap ni Vlad ang maghahatid sa mag ina niya.
“Greco, ikaw na ang bahala sa mag ina ko. Ikaw lang ang maasahan ko sa mga oras na’to”
Agad namang tinapik ni Greco ang kaibigan na Boss niya “Magpahinga kana. Ako na ang bahala sakanila.”
Sa huling pagkakataon ay tinignan ni Vlad ang mag ina niya habang dahan dahan sinasarado ang bintana ng kotse.
Nung tuluyan ng makaalis ang kotse ay bigla na namang nanginig ang mga kamay niyang may kaonting mantsa pa ng dugo kaya agad niya itong tinignan.
Renietta..
End of Flashback
Tsaka lang namalayan ni Vlad na pawis na pawis na ang mukha nito nung tumulo ang pawis niya sa may lamesa niya. Mejo malamig naman ang panahon pero di niya alam kung bakit pinapawisan siya ng husto.
Pilit na naman kasing bumabalik sa alaala niya ang gabing yun..
Pinunasan ni Vlad saglit ang mukha niya gamit ang panyo niya, pero pagkaalis ng panyo niya sa mukha niya ay may napansin siyang dalawang tao sa may gilid niya kaya agad itong natigilan.
Sa di malamang dahilan ay bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Dahan dahan siyang napalingon dito.
At halos manlaki ang mga mata niya nung makita niya si Anjeel na nakaupo sa may couch sa gilid niya na punong puno ng dugo ang suot nitong damit habang si Argo naman ay nasa likuran nito na nakadungo habang punong puno ng tama ang likuran nito.
Muling tumagaktak ang pawis ni Vlad sa nakita niya, lalo na sa itsura ni Anjeel na nakahawak ang isa nitong kamay sa may tagiliran nitong punong puno ng dugo. Alam niyang namamalik mata lang siya pero parang totoo ang mga nakikita niya.
Biglang tumingin ang dalawa sa gawi niya kaya mas lalong nakaramdam ng takot si Vlad, lalo na nung itinaas ng dalawa ang kanang kamay nila at nakaturo ito sa direksyon niya.
“Vlaad” Bigla namang may parang malamig na boses ang bumulong sa may harapan niya kaya mabilis siyang napalingon dito.
At halos mapaatras siya sa kinauupuan niya sa sobrang pagkagulat nung makita niya ang mukha ni Renietta na punong puno ng dugo ng malapitan.
“Boss Vlad! Boss Vlad!”
Ilang kisapmata naman ang ginawa niya bago siya nabalik sa ulirat at napansin si Ish na nagsisigaw sa harapan niya.
Parang hinahabol nito ang hininga niya dahil sa pangyayari.
“Ayos lang ba kayo Boss?”
Kinuha namang muli ni Vlad ang panyo niya tsaka pinunasan ang mukha niya “A-ah oo.”
“Kanina pa kayo tulala jan, Boss.”
“Pasensya na, may iniisip lang ako.” Sabi nito habang nagpupunas pa rin sa mukha niya. “Ba’t ka pala narito?”
“Eh kasi.” Pinakita ni Ish ang hawak nitong listahan ng imbitado para sa celebrasyon bukas. Kinuha naman ni Vlad ang salamin niya para tignan ito. “May nakalimutan ba akong imbihatin?” Tanong nito.
“Ah hindi po yun, Boss. Eh kasi…sigurado ba kayo jan sa listahan ng inimbita niyo?” Sa boses palang ramdam mo ng nag aalala si Ish sa isang bagay.
“Oo naman.”
“Sinali niyo ang mga Martin at ang grupo ni Mr. Saquin na Alibara?” Takhang tanong ni Ish. “Yung Alibara okay lang siguro pero…” Nakatingin lang si Vlad sakanya kaya di na nito magawang ituloy ang sasabihin niya.
“Baka magkagulo lang, Boss.” Sabi nalang nito. Lalo pa’t alam ng lahat na ang dating asawa ni Vlad ay asawa na ngayon ng Boss ng Martin. Pano pag nagkita kita ang tatlo bukas?
Ngumiti lang ng bahagya si Vlademir. “Gusto ko ng matapos ’to. Gusto ko ng magkasundo sundo lahat ng panig para maiwasan na natin ang mga madudugong labanan katulad ng nangyari sa pagitan natin at sa grupo ni Maximo nitong kailan lang.” Sabi nito. “Kaya naman nating gawin yun pag nagkaisa tayo.” Naramdaman naman ni Ish na biglang pag lungkot ng boses nito “Sapat na ang sakripisyong ginawa ng anak ko at ng iba para alisin ang galit na nararamdaman nating lahat.”
Namangha si Ish sa mga sinasabi ni Vlad ngayon sa totoo lang. Kaya ganito nalang kamahal ng mga Virgo ang Boss nila dahil sa sobrang kabaitan nito. Yung kabaitan niya ang nagtutulak sa mga myembro na irespeto pa siya lalo. Pero gayunpaman, “Yan lang ba talaga ang rason niyo, Boss?” Di kumbinsidong tanong ni Ish. Alam niyang may iba pang rason kung bakit niya inimbita ang mga Martin.
“Di pa ako nakakapagpasalamat ng personal kay Celo.”
“Pasalamat saan?” Tumingin naman sakanya si Vlad tsaka ngumiti
“Kailangan ko pa bang sagutin yan, Ish?” Nakangiting tanong nito kaya biglang nahilaw si Ish. Alam na kasi nito na alam na ni Ish ang ibig nitong sabihin.
“Ay ha-haha. Pasesensya na. Nadala lang sa usapan h-hahaha.” Kakamot kamot batok na sabi nito “Sige bababa na ako Boss.” Tumango naman ang Boss tsaka ngumiti kaya tuluyan ng umalis si Ish sa silid na yun.
“Lady, Gutom na ako.” Halos mag aalas dose na ng tanghali pero di pa din natatapos kakaikot si Agnes sa may sentro. Si Damian naman ay halatang wala ng lakas dahil kanina pa ito nakasunod kay Agnes, isama mo pa yung hindi siya nakapag umagahan dahil sa sobrang excitement kanina.
“Magsuggest kana kasi kung anong pwedeng regalo sa mga matatanda para matapos na tayo ditooo. Wala talaga akong maisip eh T.T” Pagod na rin na sabi ni Agnes. Nakabili na ito sa damit na susuotin niya para bukas pero sa regalo para kay Vlad naman siya namumroblema.
“Sabi ko namang hindi na niya kailangan ng regalo. Mayaman na yun. Kayang bilhin nun lahat ng gusto niya. “ Sagot ni Damian. Lumingon siya saglit sa likuran nila dahil kanina pa siya nakakaramdam na parang may nakasunod sakanila, at dun may isang lalaki ang nahagip ng paningin niya na mabilis na nagtago sa isang poste. Sinusundan nga sila. Pero di niya alam kung may kasama pa ba ’to.
“Pero mas maganda pa din na may iregalo tayo.”
Masama ang kutob ni Damian pero nanatili lang siyang kalmado dahil baka nagkakamali lang siya. Nagpanggap lang ito na walang nakita at mainam na nagmamasid sa paligid nila habang naglalakad sila. Pati yung mga normal na tao ay wala siyang pinapalagpas.
Sa pagmamasid niya ay may tatlong armadong lalaki ang napansin niyang kakaiba ang mga kinikilos. Kaya naman agad niyang tinawag si Agnes. “Lady, may coins ka ba jan? Pahiram ako saglit.” Sabi nito. Kunot noo namang napatingin si Agnes sakanya. “May bibilhin kang candy?”
“Basta. Papalitan ko nalang mamaya.” Sagot nito na hindi nakatingin sakanya kaya mas lalong nangunot ang noo niya. Pero gayunpaman ay kinuha niya pa rin yung wallet niya at naghanap ng coins. “Tatlong coins, Lady.” Pahabol ni Damian.
Kumuha si Agnes ng tatlong piso at tsaka binigay kay Damian. “Ba’t di mo sinabing namumulubi kana pala Damdam, sasamahan naman kitang manlimos kung gusto mo eh.” Sabi ni Agnes pero di na iyon pinansin ni Damian.
Matapos ibigay ni Agnes ang coins ay tinuloy na ulit nila ang paglalakad.
Isang lalaki sa may kanan na nagpapanggap na may katawag sa hawak nitong cellphone at panay ang tingin sakanila..
Isang lalaki sa likuran nila na may kalayuan na panay tago sa mga bagay na pwedeng pagtaguan..
At isang lalaking malapit lang sa likuran nila na kanina pa nakasunod sakanila.
Lahat ng ’to ay nakasuot ng suit at nakashades pa.
Habang naglalakad silang dalawa ay kinalkulado muna ni Damian kung ano ang mga dapat niyang gawin. Tinitignan ngayon ni Damian ang isang traffic light na kakakulay berde lang.
“Kakain na nga lang muna tayo, nagugutom na rin talaga ako. Saan mo gustong kumain, Damdam?” Tanong ng walang kamuwang muwang na si Agnes pero di ito binigyan pansin ni Damian, sa halip ay nakatingin lang ito sa traffic light. “Oy Damdam”
4..
3..
2..
Ngayon na..
Mabilis na humarap si Damian dun sa lalaking malapit sa likuran nila kaya agad itong naalarma, sinubukan pa nitong bumunot ng baril pero mabilis itong sinipa ni Damian dahilan para mapaatras ito, at dun, kumuha ng isang coin si Damian at mabilis na may kasamang malakas na pwersa niya itong pinitik gamit ang hinlalaki niya.
Sa sobrang bilis nito ay di ito nakita nung lalaki, at sa sobrang lakas ng pagkakahagis nito ay bumaon ang kalahating parte nito sa noo ng lalaki.
Nakita niyang umaksyon agad yung dalawang lalaking kasama nito dahil sa nangyari kaya bago pa man makabunot ng baril yung dalawa ay magkabilang kamay na pinosisyon ni Damian ang dalawa nitong coins, pagkatapos ay mabilis na binato sa direksyon ng dalawa. Kalkulado ni Damian ang bawat anggulo sa tuwing ginagawa niya yun kaya kahit saang direksyon ka pa nakatayo, basta’t abot ka ng pwersa ng bawat bato niya, siguradong tatamaan ka.
Mabilis na natumba ang dalawa matapos bumaon sa noo nila ang coins na bintao ni Damian. Agad nagkagulo at nagsitakbuhan ang mga taong nandun dahil sa nangyari kaya agad naring hinila ni Damian si Agnes patakbo. At bago pa man pumula ang traffic light ay nagawa na nilang makatawid sa kabila.
“Ano bang ginagawa mo, Damdam?” Hinihingal na tanong ni Agnes matapos nilang makatawid.
Sasagot palang sana si Damian ng may napansin siyang napakaraming armadong lalaki ang papalapit sa kinatatayuan nila. Akala niya ligtas na sila pero mukhang hindi magiging madali ang pagtakas nila sa mga ’to.
Agad ulit hinila ni Damian ang kamay ni Agnes tsaka mabilis na tumakbo “Teka ano bang nangyayari Damdam?”
“Tumakbo ka nalang, Lady! Bilisan mo!”
Sa kabilang banda naman ay tapos na sina Virgel at Asher sa mga bilihin nila at pagod na pagod na itong nakalabas sa mall “Tangna, sana di nalang ako sumama” Reklamo ni Asher habang bitbit ang ibang mga pinamili nila.
“ Sana hindi nalang rin ako nagpresenta na bumili -___- “ Reklamo rin ni Virgel na halatang pabagsak na sa sobrang pagod kakaikot nila sa malaking mall na yun para lang mabili lahat ng bilihin.
“Gutom na gutom na ako–” Napatigil bigla sa pagsasalita si Asher nung mapansin niyang nagkagulo ang mga tao sa kinatatayuan nila at panay ang takbuhan.
“Anong nangyayari?” Takhang tanong ni Virgel. At habang palingon lingon siya sa mga taong nagtatakbuhan, may dalawang tao ang napansin niyang pamilyar na tumatakbo sa may unahan.
“Teka diba si..” Pati si Asher ay napansin rin sila.
“Sina Agnes at Damian..” Napalingon si Virgel sa mga armadong lalaki na sama samang nagtatakbuhan na parang may hinahabol. Sinubukang bumunot ng baril nung isang armado pero agad nabatukan ito ng kasama niya “ Huwag kang gumamit ng baril! Baka matamaan mo yung babae!“
“Sila ata yung hinahabol..” -Asher
Anak ng..
“D-di ko na kaya, Damdam” Hingal na hingal na na usal ni Agnes habang tumatakbo sila. Di ito sanay sa takbuhan na ganito kaya ambilis niyang napagod, tsaka kanina pa ubos ang lakas niya kakalakad kaya ganun. Napamura naman si Damian ng mapansin niya na may mga armadong lalaki ang pasalubong sakanila. Mabilis sila lumiko pakanan para iwasan ang mga ito.
Kakatakbo nila ay napunta na sila sa mejo masikip na lugar kung saan wala na gaanong mga tao. Di na nila alam kung saan sila papunta. Pasikot sikot na sila sa gitna ng matataas na mga pader. Parang isang malaking maze itong napasukan nila “Kailangan nating makaalis dito.” Usal ni Damian.
“Sino ba sila? Ba’t hinahabol nila tayo?”
“Hindi ko din alam.”
Sa gitna ng pagtakbo nila ay tuluyan ng nadapa si Agnes sa sobrang pagod–dahilan para mabitawan siya ni Damian. “Lady!” Agad binalikan ni Damian si Agnes para sana alalayan sa pagtayo pero kamuntik ng maputol ang kamay niya dahil may axe ang humampas at pumagitna sakanilang dalawa.
“Shit!”
“San kayo pupunta?” Agad humarang yung malaking lalaki na may dalang axe sakanilang dalawa kaya di magawang makalapit ni Damian kay Agnes. Nung makita ni Damian na papalapit na ang ibang kasamahan nito ay agad na nitong pinatakbo si Agnes “TUMAKBO KANA LADY!” Sigaw nito pagkatapos ay tsaka hinarap ang malaking lalaki kasama ang iba nitong kasamahan.
Nagkandarapa namang tumakbo si Agnes para tumakas kahit sobrang pagod na pagod na ang mga paa niya kakatakbo. May mga ilang armado ang sumunod kay Agnes para hulihin ito.
“Ano bang kailangan niyo?!” Sigaw ni Damian sa mga ito. “Yung babae ang kailangan namin.” Sagot nung malaking lalaki na ikinalaki ng mga mata niya. “At dahil nakialam ka pa, kailangan kana din naming iligpit.” Dugtong niya bago binwelo ang hawak nitong axe. Pero bago pa man niya maihampas ang axe na hawak niya ay mabilis na na lumipad si Damian sa harapan niya at agad tinuhod ang panga niya ng napakalakas dahilan para matumba siya.
Nung matumba ito ay mabilis na kinuha ni Damian ang axe nito at tsaka malakas na inapakan ang dibdib nito. Napasigaw sa sobrang sakit yung lalaki. Sobrang nanlilisik ang mga mata ni Damian sa sobrang galit habang nakatingin dun sa natumba . “Huwag na huwag niyong gagalawin si Lady, Agnes.” Yung ibang armado ay naparalisa at hindi nakaimik dahil sa nasaksihan nilang pagtumba sa lider nila.
Nung mahimasmasan naman ay naglabas na ng baril ang ilang armado at agad itinutok kay Damian. Wala ng nagawa si Damian kundi ang tumakas nalang at tumakbo palayo.
Kailangan kong hanapin si Lady Agnes.
“Asar!” Bulyaw nito sa sarili dahil sa sobrang inis. Ba’t nagawa niyang mabitawan ang kamay ni Agnes kanina?
Sa kabila banda naman ay di na alam ni Agnes ang tinatahak niyang daan. Masyadong mahaba ang mga pader sa gilid niya kaya di niya makita kung saan ang labasan ng parang maze na daan na’to.
Sobra na itong natatakot dahil ang daming nakasunod sakanya. Sinubukan niyang tignan ulit ang likuran niya kung may humahabol pa ba sakanya pero mejo nagulat ito na wala itong makitang nakasunod sakanya.
Nakahinga na sana siya ng maluwag nang may bigla nalang humila sakanya sa may kaliwa niya kaya napasigaw siya sa sobrang gulat.
Mabilis namang tinakpan ang bibig niya kaya di nito magawang makagawa ng ingay.
“Shhh” Patahimik nito sakanya. Dahan dahan namang huminahon ang dalaga nung makita niya kung sino ang nasa harapan niya. “Ligtas kana bebe girl.”
Patuloy lang sa pagtakbo si Damian habang pinapaulanan siya ng putok ng baril sa likuran niya. Di niya magawang harapin ang mga ’to dahil may hawak silang armas.
Wala na siyang tatakbuan sa harapan niya dahil malaking pader na ang nakaharang dito. Pero meron namang palikuan sa may kanan at kaliwa niya kaya ayos lang. Hinigpitan muna ni Damian ang hawak niyang axe at tsaka hinarap ang mga armado at tsaka mabilis na binato ang axe na yun. Mabilis iyong tumama sa ulo ng isa sa mga armado kaya napahinto saglit ang mga ito sa pagbaril.
Agad naman iyong sinamantala ni Damian para tumakbo at lumiko sa kanan niya..
Pero kung mamalasin ka nga naman.
May nakaabang na na mga armado doon habang palapit sakanya. “Pta” Agad bumalik si Damian sa dinaanan niya para sana pumunta dun sa kaliwang daan pero pagpunta niya dun ay may mga armado rin ang nakaabang doon.
Nacorner na ng tuluyan si Damian at wala na itong makitang daan na pwede niyang daanan. Unti unti na itong napapaatras dahil palapit rin ng palapit yung mga armado sa kinatatayuan niya.
“Pinahirapan mo pa kaming bata ka.”
Naloko na..
-To be Continued
( Minsan kailangan talaga ng flashback para makasunod tayo sa kwento hahaha kaya pasensya na kung puro ako flashback. Don’t worry, may silbe lahat ng flashbacks na ginagawa ko xD Thank you sa votes at comments niyo :) Kitakits nalang tayo sa next episode. Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 13 : Thoughts
Episode 13 : Thoughts
( Sorry sa typos and errors :) Edit ko nalang )
Pakitingin sa media :) Yukari Mishakuji of K Project as Aero/Sin Altair of Martin Family
[3rd Person’s PoV]
Nang tuluyan na nilang maligaw ang mga humahabol sa kanila ay saglit na muna silang nagpahinga. “Sino ba yung mga humahabol sa inyo?” Tanong ni Asher kay Agnes.
“Hindi ko alam.” Agad naman nitong hinawakan ang magkabilang balikat ni Asher “Si
Damdam nasa panganib!“ Pag aalala nito habang niyuyugyog ang balikat ni Asher.
“Oh oh, relax laang.” Natatawang ganti nito.
“Hinahabol si Damdam ng mga yun! Tulungan natin siya!” Parang naiiyak na ito habang nagmamakaawa kay Asher. Hindi niya kayang may mangyaring masama sa kababata niya.
“Wag kang mag alala. Magiging ligtas din yung kaibigan mo.” Nakangisi lang na sagot ni Asher. Agad naman silang nakarinig ng mga yabag ng paa na papalapit sakanila kaya agad ulit hinawakan ni Asher ang kamay ni Agnes at tsaka ulit sila tumakbo at nagtago.
“Pinapahirapan mo pa kaming bata ka.” Ngayon ay tuluyan nang nakalapit lahat ng armado sa kinatatayuan ni Damian. Wala na itong takas pa. Di na rin nito magawang gumalaw dahil lahat ng baril ay nakatutok na sakanya.
May kinuha namang selpon yung nagsalita kanina at tsaka nagdial na parang may tinatawagan.
“Ma’am, nahuli na namin yung kasama niyang lalaki…ah.. hinahanap na po ng ibang kasamaha–opo…wag kayong mag alala ma’am.” Saglit namang tumingin yung lalaki kay Damian “Anong gagawin namin dito sa batang—…sige, masusunod ma’am.” Matapos binaba nung lalaki ang selpon ay agad itong lumapit kay Damian tapos ay malakas nitong sinikmura gamit ang hawakan ng armas niya. Napayuko si Damian dahil dun.
“Ilabas niyo yan dito sa lugar na ’to.” Agad tumalikod ang mga ito para sana bumalik sa dinaanan nila pero pagtalikod nilang lahat ay laking gulat nalang nila nung may isa pang bata dun ang nakatayo at normal na nakatingin sakanila.
Sinilip saglit ni Damian yung nasa harapan nila dahil napahinto ang mga ’to. Mas nagulat ito sa nakita niya.
Virgel?
“At sino ka naman?” Lalapit palang sana yung lalaki para tutukan ito sa noo nang bigla itong magsalita “Ah ano..hinahanap ko kasi yung kaibigan ko. Nakita niyo ba siya?” Inosenteng tanong nito.
Pinakita naman saglit ng mga ito ang nasa likuran nila. “Siya ba ang kaibigan mo?” Tanong nung lalaki. Nagkatitigan naman saglit ang dalawa. Bakas sa mukha ni Damian ang pagtataka kung bakit nandito tong taong to.
“Oo! tsaka yung babaeng kasama niya. Heheh” Nakangisi at walang kamuwang muwang na sabi nito. Gumanti lang ng malapad na ngisi yung lalaki
Fast Forward
Ngayong nalaman ng mga armado na may alam si Virgel sa hinahanap nilang babae ay pareho na silang nakatali ni Damian ngayon habang nasa gitna nitong mga armado. Kasalukuyan silang naglalakad ngayon papuntang labasan nitong masikip na lugar.
“Ano bang ginagawa mo dito?” Mahinang tanong ni Damian.
“Hinahanap kayo ni Agnes.” Nakangiting sagot nito. Nakukuha pa rin nitong ngumiti sa sitwasyon nila. Hindi alam ni Damian kung may topak ba to o ano.
“Ang engot mo!” Galit na bulong nito. Bakit sinabi pa kasi nitong kaibigan niya si Agnes. Nadamay pa tuloy ito. At ang akala niya kanina ay lalabanan ni Virgel yung mga armado pero nagpahuli lang din pala ito.
“Hehehe”
Nang makalabas sila sa lugar na yun ay naghanap agad yung parang leader nila ng dalawang poste at tsaka tinali ang dalawa.
“Ba’t di nalang natin tapusin tong mga to?” Tanong nung isang armado.
“Ang sabi ni ma’am Akasha pahirapan daw natin tong mga to hanggang sa umamin kung saan natin pwedeng mahanap yung babae.”
Nang maitali na ang mga ito ay agad lumapit yung lider ng mga armado bitbit ang AK na armas nito.
“Simple lang ang mangyayari. Sabihin niyo sakin kung saan namin mahahanap yung babaeng kaibigan niyo at walang dadanak na dugo dito.” Sabi nito habang pabalik balik ng lakad sa pagitan ng tinaliang poste nina Damian at Virgel
“Asa ka pang sasabihin namin!” Sigaw ni Damian kaya huminto yung lalaki sa harapan niya. Pagkatapos ay malakas na naman itong sinikmura gamit ang hawakan ng armas niya. “Minsan nakakasama ang sobrang pagmamatigas bata” Hinampas ulit si Damian sa may mukha niya mabilis na dumugo ang gilid ng ulo nito. “Ano?!” Hahampasin pa sana ulit nung lalaki si Damian ng biglang sumingit si Virgel
“SANDALI! ALAM KO!” Sigaw nito na nag agaw ng atensyon dun sa lalaki. Pumunta naman agad ito sa harapan niya at masamang tumingin sakanya. “Sabihin mo sakin kung–”
“Bleh.” Pero nagulat ang lahat nung biglang binelatan ni Virgel yung laalki. Agad tumaas ang bp nung lalaki dahil sa ginawa ni Virgel. Sinigaw niya lang naman yun para maagaw niya ang atensyon nung lalaki at hindi na pag interisan pa si Damian.
Sa sobrang galit nung lalaki ay hinampas nito ang hawakan ng baril niya sa ulo ni Virgel at ngayon ay dumugo na din ito. Saglit na nahilo si Virgel sa tinamo niya. “Yung ayaw ko sa lahat yung pinaglalaruan ako!” Sigaw nung lalaki. Nilapag niya sa sahig ang hawak niyang baril at tsaka mabilis na binugbog si Virgel gamit ang dalawang kamay nito. “ANO?!” Walang humpay ito sa pagsuntok sa sikmura at mukha ni Virgel, at habang iniinda ni Virgel ang sakit sa bawat suntok nung lalaki ay saglit nyang tinignan ang ibang kasamahan nito. Nakalagay na sa mga likuran nila yung mga baril nila.
“Sa wakas..”
Ngayon ay bugbog sarado na si Virgel dahil sa mga suntok na natatanggap niya. “SABIHIN MO SAKIN KUNG SAAN NAMIN MAHAHANAP YUNG BABAE!” Ulit na sigaw nito. Nakadungo na si Virgel ngayon at mukhang nawalan na ng malay.
Mabilis namang hinawakan nung lalaki ang panga ni Virgel para sana iangat ito mula sa pagkakadungo, pero sa pag angat niya, agad niya ring nabitawan ang panga ni Virgel ng makita niya ang mga mata nito na sobrang talim na nakatingin sakanya. Ibang iba na ang mga titig nito kumpara kanina. Di niya alam pero kusa nalang nanlambot ang mga tuhod niya at nahirapan ng makatayo ng matuwid. tumataas ang mga balahibo niya habang tinitignan siya ng kaharap niya. Lalong lalo na kung pano ito ngumisi na parang demonyo sakanya.
Sa sobrang takot na naramdaman niya ay mabilis niyang kinuha ang baril niya at tsaka itinutok kay Virgel. Pero bago pa man niya ito maiputok ay nakita niyang nakakalas na ang mga kamay nito mula sa pagkakatali. Kakalabitin niya pa sana ang baril pero mabilis na nakalapit ang mukha ni Virgel sakanya. At hindi alam ng lalaking yun pero simula nung magkaisip siya hanggang sa puntong ito ay ang ngising ng batang kaharap niya ang pinaka nakakatakot na nasaksihan niya sa buong buhay niya.
Mabilis na tumilapon yung lalaki matapos itong tamaan ng malakas na suntok ni Virgel.
Agad namang kinuha ni Virgel ang baril na nabitawan nung lalaki at tsaka pinunterya ang mga kasamahan nito na ngayon ay pakuha palang ng baril nila sa likuran nila.
Masyadong mabagal ang mga kilos nila.
Pinaulanan ni Virgel ng mga ito ng bala. Walang nagawa ang mga ito. Lahat bulagta na may tama sa noo.
Si Damian naman na nanunood ay nakaramdam ng kakaibang takot habang tinitignan ang mga armadong na isa isang bumulagta.
Ngayon ay ang lalaking leader nalang ang nag iisang buhay. Gumagapang ito ngayon para tumakas sana pero napansin iyon ni Virgel. Mabilis namang nilapitan ni Virgel ang lalaking yun at tsaka hinarap.
“W-wag..maawa ka. Wag mo akong papatayin..” Pagmamakaawa nito habang naiiyak pa. Ang kaninang sobrang angas ay parang isang tuta nalang ngayon na nagmamakaawa sa buhay niya. “P-pakiusap..may dalawang anak ako at asawa..paki–arrkkk” Di na nito nagawang tapusin pa ang sabihin niya dahil mabilis itong sinakal ni Virgel.
Agad hinawakan nung lalaki ang kamay ni Virgel na nakasakal sakanya para pigilan. Kitang kita sa mukha nito na nahihirapan na ito sa paghinga. Yung mata nito halos palabas na. Habang yung katawan nito ay pilit na kumakalas at kumawala. Samantalang si Virgel naman ay nakangisi lang, tila tuwang tuwa pa habang tinitignan ang sinasakal niya na naghihingalo na.
Napahigpit na ang hawak nung lalaki sa kamay ni Virgel dahil di na nito kaya. Nauubusan na siya ng hangin. “Arkkkk..ark” Hanggang sa unti unti na itong nanghina at napabitaw sa kamay ni Virgel.
Isang kabrutalan ang nangyaring pagkamatay niya.
Di alam ni Damian pero nanginig nalang bigla ang buong katawan niya habang nakatingin kay Virgel. Parang ibang iba ito sa Virgel na kasama lang niya kanina.
Ang ngisi nito, hindi nababagay sa isang bata na magkaron ng ganyang ngisi, parang hindi pantao.
Nakakakilabot.
“Ito ba ang rason kung bakit naging Boss siya sa ganyang edad palang?” Napaisip nalang si Damian.
“VIRGEL!” Nabaling naman agad ang atensoyn niya nung marinig niya ang boses ni Agnes. Pati si Virgel ay parang nabalik sa ulirat matapos niyang marinig ang sigaw na yun.
Nang makita ni Damian si Agnes sa may kalayuan na tumatakbo papalapit sakanila ay agad niyang kinalasan ang sarili niya. Nang magawa niya iyon ay mahina itong naglakad para sana salubungin si Agnes. Pero nung makalapit na ito sakanila..
“Lady Agnes, buti lig–” Napahinto nalang sa pagsasalita si Damian nang lampasan lang siya ni Agnes at dumiretso ito kay Virgel at yumakap.
“Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?” Nag alalang tanong nito dahil may dugo sa mukha si Virgel at parang ang tindi ng tinamo nito. “Ah h-haha oo, wag kang mag alala, malayo lang to sa bituka.” Sagot ni Virgel. Agad namang hinanap ni Agnes si Damian at tsaka mabilis na lumapit. Mukhang di nga nito napansin ang presensya ni Damian kanina na mismong sumalubong sakanya. Para bang ang lahat ng atensyon nito kanina ay na kay Virgel lang. “Damdam..ayos ka lang ba? Buti ligtas ka.”
Di agad nakasagot si Damian. “A-ah..”
“Buti niligtas nila tayo.” Tuwang tuwang sabi ni Agnes.
Walang nagawa si Damian kundi ang mapayuko nalang. “Tama. Si Virgel ang nagligtas samin. Habang ako, walang nagawa, nilagay ko pa sa kapahamakan si Lady Agnes. Ano bang klaseng bantay ako?” Di nya maiwasang mainis sa sarili niya.
“Pumunta muna tayo sa sa ospital saglit para gamutin yang mga sugat niyo.” Tugon ni Asher. “Tayo na at sigurado akong papunta na ang mga pulis dito. Baka mahuli pa tayo.”
[VIRGO’S MANSYON]
“Luluwag ang seguridad ng mansyon bukas dahil sa dami ng taong dadalo, dapat ay mas maging alerto pa tayong lahat sa mga pwedeng mangyari.” Kasalukuyang nag memeeting ang mga Fuego kasama ang mga Assassins at si Ish sa labas nitong mansyon para sa magaganap na celebrasyon bukas.
“Di natin alam ang kinikilos ng ibang grupo.” Sabi ni Ish na halatang nag aalala sa kaligtasan ng Boss nila. “Lalo pa’t imbitado ang mga Martin at ang Alibara bukas.”
“Sa tingin ko hindi sakanila dapat tayo mabahala.” Biglang singit ni Felix na ikinakuha ng atensyon nilang lahat.
“Nung isang araw nakaengkwentro namin ang Vendetta.” Pagkarinig ni Ish sa grupong yun ay mas lalong napantig ang tenga niya.
Ang dating grupo ni Benz..
At mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya sa mga sumunod na narinig niya
“Binantaan nila si Boss na mag ingat.” - Elfred
“At plano rin nilang bawiin si Benz satin.” -Trace
Ang Vendetta..kumikilos na..
Ito na ang kinatatakutan ni Ish na mangyari.
“Babantayan naming apat ang bawat anggulo ng mansyon bukas.” Sali ni Sebastian sa usapan. “Kaya ang tangi niyo nalang gawin ay wag ialis ang tingin niyo kay Boss Vlad at kay Benz.”
“Ganyan ba kadelikado ang Vendetta na yan para mabahala kayo ng ganyan?” Walang muwang na tanong ni Elrien.“
“Isipin niyo nalang, apat kaming humuli sa batang Benz dati at muntik pa kaming di magtagumpay.” Sagot ni Felix. “Pano pa yung iba niyang kasamahang mas matanda pa sakanya?”
“Hindi mga normal ang myembro ng grupo na yan.”
Natahimik ang lahat sa sinabi ni Felix. Halatang napaisip rin kung gano kadelikadong harapin ang grupong yan.
“Masama ang kutob ko sa grupong yan” -Stephan
“Haaays. Natapos rin.” Sabay na lumabas sina Virgel sa ospital matapos magamot ang mga sugat nila. Ngayon ay palihis na ng landas yung apat.
“Oh pano, kailangan na naming umalis.” Tugon ni Asher nina Agnes at Damian.
“Babye Asher! Bye Feliciano~” Kumaway si Agnes bilang paalam sa dalawa habang nakangiti.
“Sige. Kita nalang tayo bukas, Agnes. Punta ka ah.” Ngiting sabi rin ni Virgel. Tatalikod na sana yung dalawa ng biglang nagsalita si Damian.
“Teka..” Pansin naman ng dalawa na parang nagdadalawa pa itong magsalita at di makatingin sakanila. “Hindi ko to gawain..pero..” Kalaunan ay bumuntong hininga ito at tsaka bahagyang yumuko sa harapan nila. “Salamat sa pagligtas niyo kay Lady Agnes.” Yukong sabi nito pagkatapos ay mabilis itong tumalikod at umalis at di na hinintay pa ang sasabihin nila Virgel.
“Sige aalis na kami!” Paalam ni Agnes bago sumunod kay Damdam.
Napangiti nalang ang dalawang naiwan habang tinitignan sila. Pagkatapos ay naglakad na rin ito papunta sa kotse ni Asher.
“Bat hinayaan mo pang hulihin kayo ng mga armado kanina, Virgel? Pwede mo naman silang ubusin sa umpisa palang. Nagkasugat pa tuloy kayong dalawa.”
“Ang sikip nung lugar eh. Tsaka may hawak lahat ng baril. Di ko maiiwasan lahat ng yun sa ganun kasikip na lugar. Kaya nagpahuli nalang rin ako at hinintay na ibaba ang mga armas nila para makabwelo ako. hehehe”
“Nag iisip ka rin pala ah.” Natatawang sabi ni Asher.
“Anong akala mo sakin?”
“Hahahahahaha wala akong sinabi.”
Sa kabilang banda naman ay sabay na naglalakad ngayon sina Damian at Agnes.
Ibubuka palang sana ni Damian ang bibig niya dahil may sasabihin ito pero nung tignan niya ang mukha ni Agnes ay di na niya nagawang magsalita pa. Punong puno ng saya yung ngiti nito na parang walang mapaglagyan. Di naman to ganito kasaya nung magkasama sila kanina bago pa man mangyari ang habulan. Naging ganito nalang ito kasaya simula kanina pa sa ospital. At hindi naman siya ganun ka tanga para di malaman ang dahilan ng ngiti na yan.
Nakaramdam na naman ng kirot si Damian. At hindi ito galing sa sugat niya sa ulo kundi dun sa parte kung saan hindi natin kayang gamutin yung sakit.
Nakikita mo ba talaga ako, Agnes?
Natanong nalang nito sa sarili habang napangiti ng mapait.
[MARTIN’S MANSION]
“Hmm..” Kasalukuyang nasa swivel chair si Marcelo dito sa may silid niya kasama ang mga natatanging alagad niya. Hawak hawak nito ngayon ang invitation card na pinadala ni Vlad sakanila.
“Isa ba yang imbitasyon, Boss?” Tanong ni Ikram. Ngumiti naman si Celo habang hindi inaalis ang tingin nito sa card.
“Gusto ata ng hayop na yun na masaksihan ko ang pagkamatay niya.” Bigla itong natawa. “Hangal.”
“Sin, ano ng balita kay Damian at sa anak ko?” Tanong ni Celo dito.
“Hindi pa din niya napipilit si Lady Agnes, Boss. Buo na daw ang dicisyon nitong hindi bumalik sa mansyon.” Sagot nito na ikinawala ng ngiti ni Celo. Nilagay niya sa lamesa ang invitation card at tsaka mahinang hinilot ang sintido nito.
Tahimik lang ang silid na yun nang biglang bumukas ang pintuan kaya lahat napatingin dito. Niluwa nito si Almira kaya agad umayos ng upo si Celo. “Mahal.” Ngumiti si Celo pero agad din itong nawala nung makita ang malungkot at nag aalinlangan na mukha ng asawa niya.
“Kailangan nating mag usap saglit.” Tugon nito habang papalapit kay Celo. Inaasahan na niya ang bagay na’to kaya di na siya nagtaka pa. Tinignan naman niya sina Ikram at sininyasan na palabasin muna saglit.
Nang makalabas ang lahat ay agad nagsalita si Celo. “Tungkol ba’ to sa imbitasyon?” Kahit nakakaramdam ng sakit at galit si Celo ay pinili nito ang maging kalmado para sa asawa niya.
At base sa sinabi ng asawa niya, di nga siya nagkamali.
“Gusto ko sanang sumama.”
[FUEGO’S MANSION]
7 PM
Nakauwi na lahat ng taga Fuego ngayon. Maayos na ang lahat dun sa mansyon ng Virgo kaya pinili nila na umuwi nalang muna. Habang ang iba ay may kani kanilang ginagawa, andito lang sa labas ngayon si Elrien at pinili ang mapag isa.
Habang nakatingin lang siya sa kawalan ay napaisip siya sa mga sinabi ng mga Assassin kanina tungkol sa Vendetta na yan. Hindi niya alam pero sa mga narinig niya, sa tuwing naririnig na niya ang pangalan ng grupo na yan ay nakakaramdam na ito ng takot. Hindi pa naman niya iyon nakikita pero ewan. Tumatak sakanya lahat ng mga sinabi ni Felix sa grupong yun. at gaya ng iba, hindi maganda ang kutob niya sa mga vigilanteng ’to.
“Huhulaan ko..” Biglang nawala sa pag iisip si Elrien ng may marinig siyang boses na papalapit sakanya. “Ang iniisip mo ngayon ay kung anong pagkain ang babanatan mo bukas.” Dugtong nito habang natatawa na papalapit sakanya.
“Siraulo.” Nasabi nalang ni Elrien pero halatang natawa rin ito.
“Ang sungit mo.” Sabi nito bago tumabi sakanya at sinamahang tignan ang kalangitan.
“Alam ko. Di mo na kailangang sabihin yan.”
“Kung nag aalala ka man sa mga pwedeng mangyarI, mas mabuti pang enjoyin mo nalang ang celebrasyon bukas.” Biglang sabi nito kaya napatingin saglit si Elrien sakanya.
“Diba sabi mo kanina kayo ang magbabantay bukas?” Tanong ni Elrien. “ Di ka man lang ba kinakabahan?“
Natawa naman ng onte ang katabi niya. “Matagal ng patay ang emosyon naming matakot. Madami na kaming pinagdadaanan, ilang beses na kaming nakipaglaro kay kamatayan.” Ngumiti ito habang nakatingin sa kalangitan. “At sa awas ng diyos napagtatagumpayan namin yun lahat.”
“Basta’t marunong ka lang mahalin ang trabaho mo, lahat kaya mong ipagpalit, maski sariling mong buhay magawa lang ang trabaho na yan.” Pahabol pa nito
“Ganyan ba talaga kayo katapat kay Boss Vlad?”
Bigla itong napaisip. “Dumating rin naman ako sa puntong nawalan na ako ng ganang serbisyuhan si Boss. Inaamin ko yun. Pero sa panahon din na yun, pinaramdam sakin ni Boss kung ano yung halaga ko. Kung gano niya ako kailangan. Alam mo yung pakiramdam na may nagtitiwala sa kakayahan mo?” Ngayon lang nakausap ni Elrien ang taong ’to ng masinsinan kaya di niya akalain na may pagka malalim rin pala ’to. Di kasi halata sa mga kilos niya. “Simula nun ay mas tumaas lalo yung respeto ko kay Boss” Tumingin naman ito kay Elrien at tsaka ngumiti “Ganun tayo dapat. Kung malaki ang respeto mo sa isang tao, makikipagpatayan ka maligtas lang yang taong yan.” Sabi nito bago tumalikod at naglakad.
“T-teka Seb.” Huminto saglit si Sebastian at hinintay ang sasabihin ni Elrien.
“Mag iingat kayo bukas.”
Itinaas lang ni Seb ang kamay niya na hindi lumilingon “Oo naman” Sagot nito bago tuluyan umalis.
Lahat ay naghahanda na para sa isang spesyal na celebrasyon bukas.
Anu-ano nga kaya ang mga nasa isip ng bawat grupo para sa darating na okasyon?
-To be continued
( A/N : Sorry kung antagal ng update. Enang ngipin to mag t-two weeks ng sumasakit. Until now masakit padin. Di ako makasulat ng maayos :( Anyways, watch out sa mga susunod na episode, expect the unexpected hahaha Thank you sa votes at comments niyo :) Kita nalang tayo sa next episode. Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 14 : Premonition
Episode 14: Premonition
( Sorry sa typos and errors :) )
( May nakakamiss ba kay Hugo dito? Hahahaa see niyo yung picture.
Ash of Arcana Famiglia
as Sebastian Lorbek )
[3rd Person’s PoV]
“Damdam, ayaw mo ba talagang sumama?” Nasa may balkonahe ngayon si Damian sa boarding house ni Agnes, nakaupo at nakatingin lang sa puno na tinutulugan niya minsan. Habang si Agnes naman ay nag aayos na sa loob pero rinig pa rin naman sa kinauupuan ni Damian ang boses nito.
“Pasensya na pero di ko kayo masasamahan dun, Lady.” Sagot nito habang nakatingin lang sa kawalan.
“Bakit naman? Madaming pagkain dun. Natatakam na nga ako eh.” Rinig pa ni Damian ang tawa nito kaya napangiti rin siya. Napaka totoo talaga nito sa sarili at hindi marunong mahiya. Bagay na nagustuhan niya ng husto sa pagkatao nito.
“Busog ako.”
“Weeh? Rinig ko nga dito yang tunog ng tiyan mo eh. Ansabi pa nga ‘Pumunta kana Damiaaan’ “ Iniba pa nito ang boses na parang tunog halimaw kaya mas lalong natawa si Damian. “
’Masarap ang pagkain dun raaawrr-
-cough
ansakit sa lalamunan.“
Napansin naman ni Damian ang isang sasakyan na huminto sa may tapat nitong boarding house. Malamang ito na yung service na susundo kay Agnes “Di ka pa tapos, Lady?”
“Tapos na.” Sagot nito pagkatapos ay narinig ni Damian ang pagbukas ng pintuan dun sa may balkonahe kaya saglit siyang napatingin rito.
“Okay lang ba yung suot ko?” Tanong nito habang pabirong nagpopose pa (
Pakitingin
ng photo
sa
baba) Si Damian naman ay parang natulala sa nakita niya. “Wooyy”

Bago pa mapansin ni Agnes ang pamumula niya ay agad na nitong inalis ang tingin niya sa dalaga “Bagay sayo ang suot niyo, Lady.” Sagot nalang nito.
Nakita naman ni Damian si Asher na lumabas sa kotse at tumingala sa gawi nila.
“Uy bataaa. Anjan ba si Agnes?” Sigaw nito. Dumungaw naman agad si Agnes nung marinig niya ang boses ni Asher. “Oh tapos ka na ba? Tara naaa” Sigaw ulit nito nung makita si Agnes na kumakaway. “Bababa na akoo” Sigaw din nito tapos ay tumingin siya kay Damian. “Bye Damdam. Dadalhan nalang kita ng pagkain. Baka makadekwat ako mamaya.” Lumapit pa ito ng onte sakanya at tila may binulong kaya mas lalong naging abnormal ang tibok ng puso niya.

“May dala akong maliit na tupperware dito sa purse ko. Dito ko nalang ilalagay yung pagkain hehe” Bulong nito. Amoy na amoy pa ni Damian ang perfume na gamit ni Agnes dahil sa sobrang lapit nito–kaya mas pumula lalo ang pisngi niya. Buti nalang mejo madilim sa kinatatayuan nila ngayon. “Byeee~”
“M-mag iingat ka, Lady Agnes.” Paalam din niya at tinignan niya ito sa huling pagkakataon. Gumanti naman ito ng ngiti sakanya at kumaway. “Ikaw din~”
Napaisip nalang ito pagkatapos.
Sino bang
hindi
mahuhulog
sa
ngiti na yan
?
[Virgel’s PoV]
Mag aalas siete na ng gabi, at sa bawat oras na dumaraan, parami na rin ng parami ang mga nandito sa mansyon. Mga kasapi ng Virgo, ng Fuego. Pati mga ibang tanyag at kilalang pamilya ng bansa ay nandito rin. Isama mo pa ang mga iilang politikong tao.
“Kael, di pa ba bumababa si Papa?” Tanong ko kay Kael nung makita ko itong palakad lakad lang at nagmamasid sa paligid.
“Hindi ko pa nakikita Boss eh. Baka andun pa sa kwarto niya.” Sagot niya. Ba’t di pa bumababa si Papa? “Siya nga pala, si Agnes?” Tanong naman ni Kael
“Kinuha na yun ni Asher. Teka ah, pupuntahan ko lang si Papa.”
“Sige Boss.”
Habang naglalakad ako papunta sa may hagdanan ay may iilang mga myembro ng Virgo ang nakakasalubong ko at panay ang bati nila. Di ako sanay ng ganito karaming atensyon kaya pilit nalang akong tumango at ngumiti sakanila dahil nahihiya ako.
“Bossing..”
“Boss!”
“Boss Virgel”
Papunta na sana ako sa may hagdan para umakyat nang may mapansin akong kasing edad ko lang ata na nasa harapan ko at mataman na nakatingin sakin. Napahinto tuloy ako. Lumingon ako sa likuran ko dahil baka di ako ang tinitignan nito. (Pakitingin ng photo sa baba v)

Dahan dahan itong lumapit sakin bitbit pa rin ang seryosong tingin. Pagkalapit niya ay agad niyang hinawakan ang dalawang balikat ko at sa isang iglap lang ay agad nagbago ang expresyon ng mukha niya na parang manghang mangha

“Oh myyy! Nakita ko na rin ang nag iisang pinakamalakas na Boss namin!” Parang nagiging ewan pa yung mata niya habang sinasabi niya. Pilit na naman tuloy akong napangiti. Sino ba to?
“Ay oo nga pala.” Mabilis siyang lumuhod sa harapan ko at tsaka yumuko . “Maki Puma, ang iyong lingkod.” Malumanay na sabi nito. Tas bigla na namang tumayo at hinawakan ang dalawa kong balikat bitbit ang excited niyang expresyon. “Pakiusap! Kunin niyo akong kasamahan niyo dito sa Mansyon, Boss! Sawang sawa na ako dun sa kuta natin!” Pamimilit nito. Napapaatras na ako sa ulo ko kasi lapit ng lapit ang mukha niya.
“Ah..ano..-h-hehehe.”
“Alam na alam ko lahat tungkol sayo! Idol na idol kita Boss! Kaya sige naaa. Kunin mo na ako pliiithh :c” Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito kaya mas lalo na akong nakakaramdam ng hiya. Amp.
Patuloy lang siya sa pagmamakaawa hanggang sa may isang mejo matanda ang humila sa tenga niya palayo sakin. “Tarantado mo talaga!” Singhal nito tapos ay tumingin ito sakin at ngumiti “He-hehee pasensya na kayo sa abala, Boss.” Kakamot kamot na sabi nito tapos ay binatukan na naman yung si Maki. “Di ka ba marunong mahiya?!”
“Bitawan moko tanda! BOSS! KUNIN NIYO NA AKOOO! MAAWA KAYOOOHUHUHU”
Sigaw pa rin nito habang paalis sila. Napailing nalang ako.
Nang maakyat ko ang hagdanan ay tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Papa, at pagkarating ko ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pintuan.
Pagkapasok ko, nadatnan ko lang si Papa na nakatingin sa may bintana–na lagi nyang ginagawa sa tuwing may iniisip siya.
“Papa..” Tawag ko pero di man lang siya lumingon. Patuloy pa din itong nakatingin sa bintana.
“Bakit nandito pa kayo? Madami ng tao sa baba.” Usal ko na tila nag agaw ng atensyn niya.
Dahan dahan naman itong lumingon sakin tapos ay ngumiti. “Maari ba kitang makausap saglit, anak?” Nakangiting tanong niya.
Gustuhin ko man pero “ Mamaya nalang po. Unahin niyo na muna yung mga bisita niyo sa baba. Kanina pa kayo gustong makita nung mga kakilala niyo eh.“ Nakangiti kong sagot, at ewan ko ba, parang napawi nalang bigla yung ngiti ni papa kanina lang.
“Ganun ba.” Matamlay na sagot nito. Lumapit nalang ako sakanya at niyakap siya. “Maligayang kaarawan sayo Pa. Wag ka ng magmukmok dito. Araw mo ngayon, dapat magsaya kayo. Tatanda kayo agad niyan.” Natatawang sabi ko habang nakayakap sakanya. Pero wala akong marinig na sagot niya. Sa halip ay niyakap niya lang ako ng mahigpit. Ilang segundo din yun bago siya umalis sa pagkakayakap. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag aalala “Ayos lang po ba kayo?” Tanong ko pero ngumiti lang ito at tinapik ang balikat ko
“Tayo na.”
**
Nung makalabas kami ay sakto namang dumating si Kael “Boss, anjan na si Agnes sa baba.” Sabi niya kaya napatingin ako saglit kay papa, at mukhang nakuha niya naman yun dahil ngumiti ito “Ayos lang po ba?”
Tumango lang siya “Sige lang anak. Hinahanap kana nun.” Ngumiti ako sakanya bago mag paalam. “Sige po.” Sa pagtakbo ko ay napahinto ako saglit, at di ko alam kung bakit. Para bang gusto pang lumingon ng katawan ko.
Lumingon nalang uli ako sa gawi nila Papa at Kael bago tuluyang magpaalam at pumunta sa baba.
[Felix Sy’s PoV]
Tinignan ko saglit ang loob ng mansyon mula dito sa kinatatayuan namin sa labas at pansin kong dumadami na ang mga bisita.
Tahimik lang ang tatlo ditong kasama ko na tila nag iisip. “Tama ba talaga tong plano natin?” Basag ni Elfred sa katahimikan.
“Mas mabuti ata kung ipaubaya na natin ang seguridad sa mga bodyguards at dumikit nalang tayo kay Boss dun sa loob.” Opinyon naman ni Trace.
“Ses takot lang kayo eh” Singit rin ni Sebastian habang natatawa.
“Gago” Elfred.
“Mas mabuti ng tayo ang magbantay sa seguridad sa mansyon” Sagot ko. Hindi naman sa pinapabayaan namin si Boss pero andun naman ang anak niya at grupo nito para protektahan siya sa loob. At tsaka..
“Eh yow mah homie.” Napalingon kami sa may likuran namin nung marinig namin tong kanina pa namin hinihintay.
“Tagal mo.” Sebastian.
“Namo anlayo ng pinuntahan ko.” Nung makalapit si Asher samin ay agad ng tumayo ang iba para maghanda. Isa isa na rin naming sinuot ang earpiece namin para kahit papano ay may koneksyon kaming apat. “Wag kang aalis sa tabi ni Boss, Asher. Maliwanag?” Si Asher ang pinaka malakas samin kaya mejo kampante akong iwan si Boss sa puder niya.
“Aye ayee, kafitan.” Asher.
Tumalikod na kami sa isa’t isa para maghiwalay. “Mag iingat kayo.” Huling bilin ko sakanila.
“Ang mga nagbabalak ang dapat mag ingat.” Rinig ko pang pahabol ni Sebastian habang natatawang naglalakad palayo.
**
Pagkarating ko sa parte ng mansyon kung saan ako magbabantay ay agad kong tinignan ang bawat paligid. Nasa may likuran ako ng mansyon ngayon kaya sobrang tahimik ng lugar.
“Felix..”
“Boss?”
“Maiwan ka muna saglit. May sasabihin lang ako”
Habang paalis na kaming apat kanina sa kwarto ni Boss ay saglit niya ako tinawag at may sinabi sakin..
Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito maalis alis sa isipan ko hanggang ngayon..
Sana walang mangyaring masama ngayong gabi..
[3rd Person’s Pov]
Nang makababa si Virgel ay agad niyang hinanap si Agnes. Habang naghahanap siya ay nakita niya yung lalaki kaninang humarang sakanya na parang may hinahanap–at sa tingin niya ay siya ang hinahanap nito. Kaya naman agad itong tumahak sa ibang daan para magtago.
Di niya mahagip si Agnes sa dami ng tao.
“Bossing. May hinahanap ka ata.” Nakasalubong naman niya sina Benz at Helena na magkasama “Si Agnes hehehe. Nakita niyo ba siya? Sabi ni Kael andito na daw siya eh.” Tanong nito habang palingon lingon sa paligid. “Asan na ba yun”
“Nakita ko yun kaninang pumasok. Baka anjan lang yun, Boss.” Nakangiti namang sagot ni Helena. Tsaka lang napansin ni Virgel na sobrang ganda ni Helena sa suot niya ngayon.
“Swerte talaga nito ni Benz.” Isip isip niya
“Sige. Hanapin ko lang ah.” Aalis na sana si Virgel ng may naalala ito. “Ah siya nga pala Benz. Pakitingin nalang ako kay Papa ah.” Nagsalute naman si Benz kaya nagpatuloy na ito sa paghahanap. “Salamat.”
Di niya mahagilap si Agnes dahil sa dami ng tao. Pupunta na sana siya may entrance para tignan ang labas baka dahil nandun ito pero pagpunta niya ay dun niya ito mismo nakita sa may gilid ng pintuan na parang may hinahanap.
Napangiti si Virgel dahil nagawang makapunta ni Agnes ngayong gabi. Mabilis niya itong pinuntahan. Pagkalapit niya ay tsaka lang niya napagtanto kung gano ito kaganda ngayon. Lalo na nung lumingon ito sakanya at ngumiti. Kumaway pa ito habang papalapit siya, at di niya alam pero parang kumikinang ang paligid ni Agnes ngayon habang tinitignan niya ito.
“DAGUHOOY!”
-____-
Pero mabilis nawala ang lahat ng yun nung tinawag siya sa isang mabantot na naman na pangalan.
“Buti nakapunta ka.” Bati agad ni Virgel sabay ngiti.
“Naman! Sinadya ko talagang di mananghalian kanina para dito!” Masiglang sabi nito habang takam na takam na yung mukha–na ikinatawa ni Virgel.
Habang nag uusap yung dalawa ay sakto namang papasok si Asher sa loob at nadatnan niya ang mga ito sa gilid ng pintuan na nag uusap. Napangisi naman ang mokong at nakaisip ng gagawin.
Mabilis niyang inisquare ang ang hinlalaki’t hintuturo niya at tsaka itinapat sa dalawa na parang pinipicturan. Napansin yun nina Agnes kaya sabay na napatingin ang dalawa kay Asher.
Imagin namang clinik ni Asher ang camera niya sabay ngisi. “Naks, perfect shot para sa magjowa.” Napalakas ata ang pagkakasabi niya nun kaya napatingin ang ibang bisita kila Virgel.
Mabilis namang nagbulungan ang iba habang nakangiting nakatingin sa dalawa. Yung dalawa naman ay mabilis na nakaramdam ng hiya sa sinabi ni Asher na ngayon ay natatawa na sa itsura ng mga ito.
“Nice one Boss.”
“Jackpot Boss!”
“Yan na ba icing sa ibabaw ng cupcake mo Boss?” Biro nung ibang myembro ng Virgo dahilan para matawa yung iba. Sina Hell at Elsa ay nakatingin lang din sakanila sa kabilang banda.
“Bagay talaga sila.” Nakangiting sabi ni Elsa.
“Mas bagay tayo.” Singit agad ni Hell boy, at mukhang hindi napaghandaan yun ni Elsa kaya naging katamis sa sobrang pula na naman bigla ang mukha nito.
“Namo Asher” Inis nalang na bulong ni Virgel dahil sa atensyon na nakukuha nila ngayon.
“Oh siya. Enjoy the night lovers. Wag pupunta sa dilim ah, nakakalobo ng tiyan yan. Puntahan ko lang si Boss.” Paalam ni Asher sa dalawa habang natatawa.
Naging awkward na tuloy bigla ang dalawa sa isa’t isa. “Pasensya na” Paumanhin ni Virgel kay Agnes habang pilit na tumatawa.
“O-okay lang h-hahaha.”
“Si Boss Vlad anjan na.” May biglang sumigaw nun kaya napatingin ang lahat sa balkonahe kung saan nakatayo si Vlademir habang nasa gilid si Benz, at kalaunan ay dumating na rin si Asher at tumayo sa kabilang gilid nito.
Natahimik ang lahat at tsaka hinintay na magsalita ang celebrante ng gabing ’to.
“Ikinagagalak ko ang makita kayong lahat. Mabuti at naisingit niyo saglit ang pagpunta dito sa kabila ng pagiging abala niyo sa mga bagay.” Umpisa nito. Yung mga myembro ng organisasyon, mga kaibigan ni Vlad, mga nakasama nito nung nasa politiko palang siya, ay heto sa baba, masayang nakikinig sa kakilala nila na hindi nagpakita sakanila ng halos dalawang taon.
“Maraming salamat at pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko.” Yumuko naman ito ng bahagya sa tapat ng mga bisita niya at ngumiti. “Pakiusap magsaya kayo sa gabing ito.” Huling sabi nito bago nagpalakpalakan ang mga bisita. Kahit isa isahin mo pa, lahat ng nandito ay halatang halata sa mga ngiti at tingin nila ang napakalaking respeto at paghanga nila kay Vlademir.
Mahal na mahal talaga siya ng lahat ng mga nakikilala niya dahil sa kabaitan nito.
Bumaba naman si Vlad para kumustahin isa isa ang mga bisita niyang matagal na niyang hindi nakikita. Habang sina Benz at Asher naman ay nakasunod lang sakanya.
Habang abala si Vlad kakausap sa mga bisita niya ay tinawag naman ni Asher tong kasama niya sa likuran dahil nabobored ito. “Oy.”
Ito palang ang unang beses na magkausap tong dalawang kulokoy.
“Oyy” Sagot rin ni Benz.
“Balita ko Idol mo si Jerry ah.” Umpisa ni Asher na agad nagpakuha ng interest ni Benz.
“Idol mo din siya??” Tuwang tuwa agad na tanong nito.
“Naah, mas idol ko si Tom.”
“Ngeee, vovo naman ng idol mo wahahaha”
“Hindi mo kasi to napapansin eh.” Biglang sumeryoso ang mukha ni Asher kaya natigil sa pagtawa si Benz.
“Anong di napapansin?”
“Kung gano kabait si Tom.”
Biglang lumungkot ang boses nito habang nakadungo lang at nakatingin sa daang tinatahak nila. Si Benz naman na engot, mukhang nadala agad sa pagdadrama ni Asher.
“Isipin mo, halos lahat ng episode, si Jerry ang nag uumpisa ng gulo. Si tom na nakakaawa ay lagi nalang pinagtitripan. Laging nabubukol, laging nahuhulog sa bitag. Oo bobo nga siguro talaga siya, pero di mo ba napansin kung gaano kabait na pusa si Tom?” Tumingin ito kay Benz with teary eyes pa kaya mas lalong nadala si Benz. “A-asher..”
Kunwari pang napakagat ng labi si Asher para iwasang maluha. “Alam mo kung ano yung pinakamasakit na parte sa palabas na yan? Yung kapag nakikipag bati si Jerry ay tinatanggap agad yun ni Tom ng walang pagdadalawang isip. Naiisip mo ba yun? Hindi. Kasi ang iniisip mo lang ay si Jerry.” Si Benz ay halatang paiyak na sa mga naririnig kay Asher. Tila nagfflashback sa utak niya lahat ng scenes kung pano napagtitripan si Tom ni Jerry.
Hahawakan sana ni Benz ang balikat ni Asher pero mabilis siya nitong tinabig. “A-asher..”
“At hindi lang yun, naisip mo ba na..” Lumingon si Asher saglit sa gawi ni Vlad para sana icheck ito. “Na..kuwan” Pero napahinto nalang ito sa pagsasalita nung makita niyang nakatingin na pala si Vlad sakanilang dalawa kasama yung kausap nito na nakakunot na ang noo dahil sa mga naririnig niya.
“Ahh..” Di na alam ni Asher ang gagawin niya kaya inakbayan nalang niya si Benz habang kunwaring natatawa. “Boss. Hehehe nagpapraktis lang kami. May ano kasi kaming sasalihan eh..audition hahahahahaha diba?”
Mga abnoy talaga tong mga to kahit kailan.
“Ang sikat pala talaga ng Papa mo ano?” Manghang mangha na sabi ni Agnes. Kasalukuyang naglalakad ngayon ang dalawa kasama ng ibang mga tao. Buti nawala na ang atensyon ng mga ito sa dalawa.
“Siguro nga.” Di siguradong sagot naman ni Virgel dahil di naman talaga niya alam. Ilang buwan palang niyang nakakasama ang papa niya, at wala ito gaanong alam sa kung ano ito dati dahil madalang lang rin naman silang magkaron ng oras sa isa’t isa para magkwentuhan.
“Ah..Daguhoy..”
“Hmm?”
“Di mo ba hinahanap si Almira Martin?” Biglang tanong nito kaya mabilis na napatingin si Virgel sakanya habang nakakunot ang noo.
“Kilala mo ang ina ko?”
Magsasalita palang sana si Agnes nang may bigla siyang narinig na nagsalita.
“Anjan na si Mr. Martin.”
Mabilis na napalingon si Agnes sa may entrance at laking gulat nito nung makita niya ang ama niya na papasok sa loob ng mansyon.
Mabilis na hinawakan ni Agnes ang kamay ni Virgel at tsaka hinila ito patakbo at paakyat ng hagdan. “Teka anong problems, Agnes?” Takhang tanong ni Virgel habang hila hila siya nito.
Di ito nagsalita at tuloy lang ito sa pagtakbo.
Nang marinig ni Vlad na nandito na ang mga Martin ay agad na muna itong nagpaalam sa kausap niya.
Sinalubong niya agad ito kasama sina Benz at Asher habang umaasa sa isang bagay.
Pero pagkakita niya dito ay tila nawala lahat ang pag asa na nararamdaman nito kanina lang.
Sinubukan niyang tignan ng pasimple ang nasa likuran ni Celo pero di niya ito mahagilap. Napangisi naman si Celo nung mahuli niya ito. “ Mukhang ibang tao ata ang inaasahan mo, Vlad.“ Usal ni Celo.
“Hindi naman. Masaya ako’t nakarating kayo.” Ngumiti si Vlad at agad naglahad ng kamay kay Celo. Tinaggap naman niya iyon.
“Alam kong inaasahan mong makakasama siya sa pagpunta ko rito. Pasensya na at nabigo kita.” Kumindat pa ito na parang nang aasar. Alam na ng dalawa kung sino ang tinutukoy ni Celo. Ngumiti lang si Vlad at hindi nagpaapekto. Tatlo lamang silang Martin ang nandito ngayon. Si Celo at ang dalawa nitong alaga na sina Dylan at Ikram.
Agad namang pumunta ang dalawa sa bakanteng lamesa at tsaka dun umupo para makapag usap.
[Virgel’s PoV]
Ngayon ay nasa may balkonahe na kami sa likuran ng mansyon ni Agnes kung saan walang tao. Hinihingal pa ito ngayon dahil sa pagtakbo na ginawa namin. “Bat ka ba kasi tumakbo? May problema ba?” Bigla kong naalala ang huling sinabi niya bago kami tumakbo kanina kaya tinanong ko ito ulit.
“Teka, bat nga pala kilala mo si Almira Martin?” Naguguluhan kong tanong. Ba’t alam niya ang pangalan ng Ina ko? Nung mawala naman ang hingal niya ay may kinuha siya sa purse na dala niya na isang wallet at binuksan ito.
Nakita ko pa kung pano niya tinitigan ang laman ng wallet na yun bago siya tumingin sakin na tila kinakabahan.
Pagkatapos ay inabot niya sakin ang wallet na yun. Pagtingin ko rito ay isang family picture ang nakaipit. Mag asawa at isang batang babae.
“Family picture mo to?” Tanong ko. Nakita ko naman siyang napatungo bago sumagot.
“Oo.” Magsasalita pa sana ako pero may mga sumunod pa itong sinabi na ikinagulat ko ng husto.
“At yang babae jan ay si Almira Martin, ang ina mo.”
Gulat akong napatingin sakanya. Inangat naman niya ng dahan dahan ang ulo niya at kita ko sa mukha niya ang pag aalala. “Isa akong Martin, Virgel.”
“A-anak ka ni Marcelo Martin?” Sa sobrang pagkabigla ko ay di na ako makapag isip ng maayos. “At..” Muli kong binalik ang tinign ko sa larawan sa sobrang pagtataka. Hinimas ko ang mukha ng babae sa larawan na yun. Si mama to?
Kung ganun..
“M-magkapatid tayo?”
[3rd Person’s PoV]
Sa kasagsagan ng kabilugan ng buwan, sa isang malaking gusali na mejo may kalayuan sa mansyon ng Virgo ay nakatayo ang Anim na nilalang at mataman lamang nakatingin sa harapan ng Mansyon na yun.
Anim na pares ng mapupulang mga mata na halang sa dugo at nagkikintabang mga hikaw ang maaninag mo mula sa gusali na yun, habang nasa likuran naman nila ang napaka liwanag na buwan.
Nandito na sila..
“Sundin niyo lang ang plano.”
“ Ang tagal ko ng hindi nakakaamoy ng dugo. Ghaaad.“
Agad namang umabante ang lider nila habang nakangisi lang na nakapamulsa. “Masyado ng mahaba ang pagsasaya nila.” Usal nito bago umunang tumalon sa gusalong yun. “Tayo na” Na mabilis namang sinundan ng limang kasamahan nito.
-To be continued
( Bitin? Hahaha 30 votes and 10 comments, ippublish ko agad yung kasunod nito hahaha)
(A/N: Ano nga kaya ang mangyayari sa gabing ’to? Abangan nalang natin sa mga susunod pang episode. Asar hahah nawala na sa ranking yung story. Masyado lang sigurong brutal yung ginagamit kong words kaya nagiging mature na ’to. Same issue na nangyari sa season 1 nito. Kaya ang konti lang ng reads at votes nun dahil hindi ito makita sa hotlist. At sa tingin ko ganito rin ang mangyayari sa story na’to. Kaiyak hahah. See you sa next episode :) Adios~)
-Emnacinn
Episode 15 : The Ambush
Episode 15 : The Ambush
Sorry sa typos and errors.
Pakitingin sa media.
Sig
of
Destroyers
as
Quincy of
Vendetta
Heto na yung ud na pinangako ko sa quota na sinabi ko :)
[Ish’s PoV]
“Sir, drinks?” Huminto ang isang waiter sa harapan ko at nilahad ang hawak niyang tray kaya kumuha ako ng isa. “Salamat”
Nung makaalis ito ay ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa dalawang Boss na kasalukuyang nag uusap ngayon sa iisang table. Nasa may gilid lang ako ngayon at kanina pa nagmamanman sa mga Martin na’to. Hindi talaga maganda ang kutob ko sakanila eh.
Iinumin ko na sana ang hawak kong baso nang bigla nalang may nanghila sa braso pababa kaya muntikan ko na itong mabitawan. Anak ng!
“Patikim kuya.” Agad niyang kinuha ang basong hawak ko at tsaka ininom. Kanina pa din to sa tabi ko. Ewan ko ba’t kanina pa to sunod ng sunod sakin, at ewan ko rin ba kung bakit titig na titig ako sa labi niya habang nilalagok yung baso. Ena.
“Ang sarap” Mabilis ko nalang nilipat ang tingin ko kila Boss dahil bigla akong nakaramdam ng ano.
Enamo Ish, bata yan.
Habang patuloy lang ako na nagmamasid sa lamesa nila Boss ay bigla kong napansin ang isang lalaking palingon lingon sa paligid na parang may hinahanap habang naglalakad. At sa kakalingon niya, bigla siyang napatingin sa direksyon namin ni Lily. Agad kumunot ang noo ko nung ngumisi ito ng malapad samin. Kakilala ba namin t o?
Mabilis siyang lumapit samin na parang kumikintab pa yung mga mata niya. “Oh my! Ish Valderama! Lily Valdez!” Sigaw nito
“Hello~” Bati rin ni Lily dito sa batang lalaki na tingin ko ay ka edad lang ni Boss. Sino ba to?
“Idol na idol ko kayo! Alam niyo ba sikat na sikat yung mga pangalan niyo sa kuta natin? Fan na fan niyo ako!”
“Kuta natin? Ibig sabihin kasapi ka ng Virgo?”
“Opo! At hinintay ko talaga tong pagkakataon na to na makita kayong lahat sa personal!” Tuwang tuwa ulit na sabi nito.
Hindi ko alam ang irereact ko kaya ngumiti nalang ako pilit.
“Ay siya nga pala, Maki Puma ang pangalan ko.” Yumuko pa ito saglit. “At gusto kong maging kasapi niyo! Gusto kong dito na tumira kesa dun sa kuta natin. Ang boring na dun Master Ish.” Gusto niyang tumira dito? Sino ba talaga to? Di ko alam na may batang myembro dun sa kuta ng mga Virgo. Sa pagkakaalam ko kasi mga ka edad ko lang ang mga kasapi dun.
“May hinahanap ka ata kanina bago ka pumunta dito?” Iniba ko nalang ang usapan. Tungkol sa kagustuhan niyang sumali, wala ako sa posisyon para mag decisyon sa bagay na yan.
“Hinahanap ko si Boss Virgel. Nakita niyo ba siya?”
“Nakita ko lang yun kanina eh.”
“Sige ah.” Kinamayan niya pa kaming dalawa ni Lily bago magpaalam “Hahanapin ko lang si Boss. Kukumbinsihin ko pa yun na isali na niya ako sa grupo niyo hehehee. Byeee” Sabi nito at inituloy na nito ang paghahanap kay Boss.
Ano bang nakain nun.
[3rd Person’s PoV]
Kasalukuyan lamang na naninigarilyo si Sebastian dito sa kaliwang parte ng mansyon kung saan siya nagbabantay. Para sakanya, mga ganitong klaseng lugar talaga nagiging payapa ang utak niya. Paborito niya ang ganito katahimik na lugar dahil sa ugali nitong ayaw na ayaw sa maiingay.
“Wala ba kayong napapansin jan?”
Rinig nito sa earpiece na suot niya.
“Wala.” Bored na sagot nito bago humithit ulit.
Habang nagmamasid ito sa bawat sa paligid ay may napansin siyang presensya ng tao na nakatayo sa may madilim na parte ng kinatatayuan niya. Naglakad ito palapit sakanya hanggang sa tuluyan na niyang maaninag ang mukha nito dahil sa ilaw. “Naparito ka.” Takhang tanong ni Seb.
“Ang ingay sa loob” Sagot lang ng dalaga “Akala ko si kuya Elfred yung nandito. Ikaw pala” Mejo tumabi ito sa kinatatayuan ni Sebastian pagkatapos ay napatingala lang sa kalangitan. “Ang ganda ng kalangitan ngayon.” Usal nito at tsaka bahagyang ngumiti.
Tumingin naman saglit si Seb sakanya bago tumingala “Maganda nga.” Kahit nakatingala ito ay sumimple ulit ito ng tingin sa dalaga. “Sobrang ganda. “
“Sino bang kausap mo jan Seb? Nagbabantay ka ba talaga ngayon?”
Rinig ulit ni Seb sa earpiece. “Chix.” Natatawang sagot nito na ikinatakha naman ni Elrien “Ano?”
“Wala.”
“Umayos ka jan Seb!”
Kinuha naman agad niya ang earpiece at nilagay sa bulsa nung may marinig na naman siya. Ayaw talaga niya sa maiingay. Ayaw nitong makipag usap ng mahabaan dahil napapagod lang ang panga niya.
Ayaw niya nun–maliban nalang kung itong babaeng ’to ang kausap niya. Di niya alam pero siya pa mismo yung nagiging madaldal.
“Ayaw mo din ba sa maiingay na lugar?” Tanong nito sa dalaga.
“Sumasakit ang ulo ko sa mga ganyan.”
“Mismo.”
“Nakaka suffocate yung mga binubuga nila pag nagsasalita sila.” Natawa bigla si Seb sa sinabi nito dahil parehong pareho sila mag isip.
“Tas sabay sabay pa. RIP us hahahah” Sagot rin ni Seb na ikinatawa rin ni Elrien.
Sa munting minuto na pag uusap nila ay tila ba nagkasundo na agad yung dalawa. Hindi nila alam pero pakiramdam nila parang matagal na silang magkakilala, kahit ang totoo ay kahapon palang nangyari ang unang pag uusap nila.
Kalaunan ay nagpasya na si Elrien na bumalik. Gusto man niyang manatili pero iniwan niya lang saglit si Gavin sa table nila dun sa loob kaya wala itong magawa kundi balikan yung bata. Baka mawala pa yun.
“Galingan mo ang pagbabantay” Paalam ni Elrien at tsaka nginitian ng tipid si Seb.
“Goodluck sa ingay” Natatawa ring ganti nito
“Sira.” Tumalikod na si Elrien at tsaka naglakad palayo “Mag iingat ka.” Pahabol pa nito bago ito nawala sa paningin ni Seb.
Nakangti nalang ito ng tipid at tsaka kumuha ng stick at sinindihan pagkatapos ay binalik na din ulit nito ang earpiece niya.
Sa lamesa naman nila Vlad, bawat minutong lumilipas sa pag uusap na dating magkaibigan ay pataas na rin ng pataas ang tensyon sa paligid nila. Ayaw man ipakita ng apat na nagbabantay sa dalawang boss, nahahalata na nila yun.
“Kilala mo si Jin del Fuego hindi ba?” Tanong ni Celo na nakangisi ng mapang asar “Yung inagawan mo ng Organisasyon. Nasa puder ko na siya ngayon. Nagsusumbong.” Nanatili lang na kalmado si Vlad habang pinapakinggan si Celo. “Nag susumbong na may plano ka raw na itumba ang grupo ng dating mga kaibigan mo.” Uminom ito saglit bago nagpatuloy “Nabagsak mo na yung isa.” Agad naman nitong pinatong ang baba nito sa dalawang kamay niya at tsaka nginitian si Vlad “Sa tingin mo kaibigan, kaya mo rin ba akong patumbahin?” Nakangiti ito pero halatang nagbabagang ang panga nito sa galit.
“Celo..inimbita ko kayo ngayon para makipag ayos. Matanda na tayo para sa bagay na yan.” Kalmadong sagot ni Vlad habang straight na nakatingin kay Celo. “ Ba’t di nalang natin gawing payapa ang isa’t isa? Nakita niyo naman ang sinapit ni Maximo at ng grupo niya. Masyadong magiging madugong labanan ang mangyayari kapag nagkasalubong ang mga grupo natin.“
“Kung makapag salita ka parang hindi ang pamilya mo ang umubos sa grupo ni Maximo ah. Wag kang magmalinis Acosta. Yang ugali mo na yan ang nagpapakulo ng dugo ko.” Patindi na ng patindi ang awra sa pagitan yung dalawa. At walang kamalay malay ang mga taong nandun sa nangyayari.
“Dinukot nila ang Anak ko, Isa isa nilang inuubos ang mga myembro ng Fuego.” Halata na ring nagtitimpi si Vlad dahil tumataas na rin ng konte ang boses nito. “Sa tingin mo tutunganga nalang ako? May pakialam ako sa mga nasasakupan ko, Celo. Lalong lao na sa mga anak ko.” Humigpit naman bigla ang pagkakawak ni Vlad sa baso. “Di pa ba sapat ang mga buhay na sinakripisyo ng anak ko at ni Maximo para tapusin na ’to?” Tumingin ito kay Celo at agad nitong napansin ang pagmamakaawa sa mga mata ni Vlad.
“ Para sa kaligtasan ng bawat grupo, pakiusap itigil na natin to.“
Matagal na hindi nakasagot si Celo. Tila ba natameme ito saglit. Pero sa huli ay pinairal pa din nito ang pagiging walang hiya. “ Malabong mangyari yan, Acosta. Walang lugar ang salitang payapa sa mundo ng Mafia. Itatak mo sa utak mo yan.“ Saglit naman nitong nabaling ang atensyon kay Benz na tahimik lang na nakikinig sa likod ni Vlad.
“Abaaa. Ang pinakabatang myembro ng Vendetta noon.” Nakangising usal ng matanda at sa isang iglap, biglang nanlaki ang mga mata ni Devi nung marinig niya ang pangalan ng grupo na yun..
Tila bumabalik na naman sa alaala nito ang nangyari noon. “Anong klaseng reaksyon yan bata?” Natatawa pang tanong ni Celo nung makita niya si Benz na parang nabigla ng sobra sa narinig nito.
“Alam mo Vlad, aaminin ko ah, naunahan mo ako eh. Interesadong interesado ako sa batang ’to dati. Gustong gusto ko itong alagaan. Sayang at naunahan mo ko.” Nagawa pa rin nitong tumawa tawa lang sa gitna ng mga sinabi nito sa dalawa.
Bigla namang nag ring ang cellphone ni Celo kaya nahinto ito sa pang aasar kila Vlad. Pero bago pa man niya yun sinagot, tinuturo turo niya pa si Benz “Bumalik ka na kung san ka nabibilang bata.” Tila hindi seryosong usal nito bago sinagot ang tawag.
Para kay Celo nasabi niya lang yun na wala sa pag iisip pero para kay Benz ay mukhang naseryoso niya ata ito husto
“Bumalik ka na kung san ka nabibilang bata.”
Tila nag eecho ngayon sa tenga nito ang huling sinabi ni Celo.
“Wag mo ng isipin yun, Benz” Biglang sabi ni Vlad na ikinagulat ni Benz. Alam pala nito kung anong nararamdaman niya ngayon.
“Mahal” Bati ni Celo sa katawag niya. Si Vlad naman ay tila nagbago ang expresyon ng mukha sa narinig niya. Para itong naeexcite na ewan habang nakatingin kay Celo, at hindi tanga si Celo para di malaman na dahil yun sa katawag niya.
Habang nakikipag usap si Celo ay tila natigilan ito bigla na para bang may narinig na hindi nito inaasahan. “Kailangan pa ba yun?” Tanong nito, at sa naging expresyon ng mukha nito. Parang nasaktan ito sa sinagot nung katawag niya.
Tumingin naman si Celo sa gawi ni Vlad. Tapos ay ibinigay ni Celo ang cellpone niya kay Dylan at sininyasan na ibigay kay Vlad. “May gustong kumausap sa’yo.” Walang emosyong ani nito.
Mabilis namang kinuha ni Vlad ang cp na yun at agad idinikit sa tenga niya.
Ilang segundo pang naging tahimik ang linya ng dalawa. Tila mga hininga lang nila ang nagkakasagutan.
[Vlad?] At sa unang boses palang na narinig ni Vlad ay mabilis na na gumuho ang nararamdaman nito.
Ilang taon na ba?
Ilang taon na ba nung huli niyang narinig ang boses ng dating asawa niya na tinatawag ang pangalan niya?
Ang dating pinakamamahal na asawa niya..
[Vlad?]
Sa pagtawag ulit nito sa pangalan niya ay di na nito nagawang itago ang emosyon niya. Tumulo nalang ng kusa ang isang butil ng luha sa kaliwang mata nito.
“M-mira..” Ang dami nitong gustong sabihin pero yun lang kayang ibigkas ng bibig niya sa ngayon.
[K-kumusta kana?] Narinig ni Vlad ang pagpiyok ng boses ni Mira sa kabilang linya kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam niya.
“Heto…matanda na.” Pinilit nitong ngumiti pero umuulan parin ng kusa ang mga mata niya.
[Gusto lang kitang batiin kaya nakiusap ako kay Celo na ibigay sayo saglit.]
Di magawang makasagot ni Vlad. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano na niya kamiss ang asawa niya.
[Nahanap mo na ba si Virgel?] Parang ayaw ng matapos ni Vlad ang oras na’to.
“Ah..oo. Nahanap ko na.”
[Na’san siya? Pwede ko ba syang makausap saglit?]
“Wala siya ngayon dito.”
[Ganun ba.]
“P-pero wag kang mag alala. Nasa mabuting lagay ang anak natin at–” Agad namang nagulat si Vlad nung bigla itong kunin ni Dylan at tsaka ibinigay kay Celo. “Time’s up”
Gusto pa ni Vlad na humingi pa ng konting oras. Pero di ito nakapagsalita. Naiintindihan rin naman niya si Celo dahil asawa na niya si Almira ngayon, at may karapatan siya sa ginawa niya.
“Masyado naman atang bastos ang ginawa niyo, Mr. Martin.” Tila di nagustuhan ni Asher ang ginawa ni Celo kaya sumingit na ito sa kanilang usapan.
Di naman makapaniwala si Celo sa narinig niya “Ako pa ang bastos? Harap harapan sa mukha ko sila nag uusap? Tapos ako pa yung bastos? Aba, ba’t di nalang kayo magpasalamat na kahit papano’y–”
“Ang higpit mo masyado kang ena ka.” Putol ni Asher na naiinis na sa pinagsasabi ni Celo. Di naman yun nagustuhin ni Ikram at Dylan kaya mabilis itong naglabas ng baril at itinutok kay Asher–dahilan para maagaw ang atensyon ng lahat ng bisitang nandun.
“Gago iputok niyo!” Walang bahid na takot na utos ni Asher. Kanina pa ito napipikon sa totoo lang at konti nalay puputok na ang ugat nito sa sobrang galit. “Hayop kayo! Kayo na nga ang tinatrato ng tama dito tapos ganyan pa kayo kabastos kay Boss?!” Galit na sigaw nito. Ito ata ang unang beses na makita ng lahat na nagalit ito. “Isa ka pang gurang ka! Bastusin mo pa ng isang beses si Boss!–”
“ASHER!” Natahimik naman ang lahat pati si Asher nung sumigaw na si Vlad. “Tama na.” Pakiusap nito. Wala nang nagawa si Asher kundi ang asar na manahimik nalang.
Yumuko naman ng bahagya si Vlad sa harapan ng mga Martin at humingi ng paumanhin sa inasal ni Asher. “Pasensya na kayo.”
Ngisi namang tumayo si Celo na parang hindi man lang naapektuhan sa nangyari “Sa tingin ko ay kailangan na naming umalis.”
“Masaya ako’t nakapunta kayo. Salamat kanina, Celo.”
“Isipin mo nalang na munting regalo ko na yun sayo.” Bago ito tumalikod ay narinig niya pang may sinabi ito.
“Siya nga pala, Ikumusta mo nalang ako kay Maximo at Anjeel.” At hindi nakatakas sa mga mata ni Vlad ang kakaibang ngiti nito bago tuluyang nakatalikod at umalis.
[Virgel’s PoV]
“Stepmom?” Tumango lang si Agnes nung inulit ko ang sinabi niya tapos ay ibinaling niya ang tingin sa tanawin sa baba nitong kinatatayuan naming balkonahe.
“Sanggol palang ako nung mawala ang mommy ko.” Bigla itong nagsalita kaya tumahimik nalang ako at nakinig sakanya. “At nalaman ko ang bagay na yun nung anim na taong gulang palang ako.”
“Pano mo nalaman?”
“Sinabi mismo sakin yun ni Tita Almira.” Napansin kong ngumiti siya ng pilit matapos nyang sabihn yun. “Yung tanong ko sayo kanina, hindi mo ba siya hinahanap?”
Sasagot palang sana ako pero nagsalita ulit siya “Kasi siya, ikaw lang palagi ang bukambibig niya.”
“Kung gano ka daw ka cute na sanggol dati, kung gano ka daw kalapit sa kapatid mo, kung gano ka kadaling umiyak pero cute pa din daw. Puro nalang pangalan mo ang naririnig ko sa tuwing magpapakwento ako sakanya para makatulog ako dati.” Naramdaman kong nanginginig na ang balikat niya, at alam ko na kung saan to papunta. “Ni hindi man lang niya iniintindi kung ano yung mararamdaman ko. Ang mahalaga sakanya ay mailabas niya yung pagkamiss niya sayo sa pamamagitan ng pagkkwento niya tungkol sayo. Alam mo yung pakiramdam na..a-ako yung nasa tabi niya pero ibang bata ang laman ng isip niya?”
Kinuha ko ang panyo ko at tsaka inabot sakanya. Ewan pero ang sakit sa pakiramdam pakinggan ang mga hikbi niya.
“Alam ko namang hindi siya ang totoo kong ina. Pero sana maisip man lang niya na sakanya ako lumaki at nagkaisip. Kailangan ko din ng pagmamahal at atensyon niya na di na kayang ibigay pa ng totoo kong ina.”
“Virgel..Virgel…Virgel..walang araw na dumaraan noon na hindi niya nababanggit ang pangalan na yan. Nakakairita na.” Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Kaya ba..
“Kaya ba hindi mo ako tinatawag sa sarili kong pangalan?”
“Nung una nating pagkikita, diba tinawag kita ng ibat ibang pangalan nun? Kasi di ko pa talaga alam yung pangalan mo. Pero nung nagpakilala ka, nabigla ako nun. At dun na agad ako nagpasya na tawagin ka nalang parati sa iba’t ibang pangalan para di ka madamay sa pagkainis ko sa pangalang yan.”
Napahawak nalang ako sa batok ko dahil sa lahat ng mga oras na tinatawag niya ako ng iba’t ibang pangalan, mali pala yung pag aakala ko. “Akala ko panttrip mo lang lahat ng yun. “ Bulong ko pero mukhang narinig niya yun dahil napangiti siya ng tipid.
“Akala ko kapangalan mo lang ang batang palaging binabanggit ni Tita noon. Hanggang sa dumating yung araw na niligtas mo ako sa kamay ni Victor at inuwi dito sa mansyon na’to.”
“Dun mo nalaman na anak niya ako?” Tumango naman siya sa tanong ko. “Pano mo nalaman?”
“Nung lumaki ako ay niresearch ko ang background ni tita. At dun ko nalaman na asawa siya ng isang Boss ng Virgo Mafia dati–kung saang pamilya ka nabibilang ngayon.”
“May alam ka sa mga Mafia?”
“Oo dahil isang Mafia rin pamilya ko.” Napaisip naman ako saglit sa sinagot nito.
“Kaya pala nung makarating ka dito sa mansyon, parang normal lang sayo ang lahat. Na para bang sanay na sanay kana na nakakakita ng mga taong may hawak ng baril.” Ba’t di ko agad naisip ang bagay na yun?
“So yun, dun ko nalaman na ikaw pala ang anak ni Tita.”
Napalunok naman agad ako dahil base sa kinwento niya, mukhang kinamumuhian na ako nito simula pa bata. “G-galit ka ba sa’kin Agnes?” Kinakabahang tanong ko, at mas dumoble pa lalo yun nung makita kong seryoso ang mukha niya.
“Naiinis ako sa pangalan mo..” sagot nito tapos ay dahan dahan itong lumingon sakin. Pero kalaunan ay ngumiti rin naman ito “Pero wag kang mag alala, pangalan mo lang ang ayaw ko sayo” Nakangiting dugtng niya, tapos ay parang namula bigla ang pisngi niya.
“Pangalan mo lang..”
Napansin kong dahan dahan nagkakalapit ang pagitan namin kaya napalunok ulit ako sa sarili kong laway.
Ako lang ba? O parang uminit bigla ang paligid? Amp
Nung makalapit na siya ng tuluyan ay tsaka ulit niya ako tinitigan sa mata.
Pta ang lakas ng pintig ng puso ko sa mga oras na to, at hindi ko alam kung bakit..
“Sa katunayan…” Pulang pula na ang pisngi niya kaya pakiramdam ko tuloy pumunta na rin lahat ng dugo ko sa mukha ko.
“S-sa katunayan..pangalan mo lang ang ayaw ko sayo..at..at..–
Sabay kaming napatigil sa pag uusap namin ng may bigla kaming marinig na malakas na pagsabog dito sa mismong mansyon.
“Ano yun?!”
Sunod sunod na pagsabog ang mga narinig ko hanggang sa maramdaman kong papalapit na ito sa direksyon namin kaya mabilis kong pinayuko si Agnes “DAPA!”
At sa isang iglap, Isang malakas na pagsabog ang huling narinig ko..
at di ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari.
[3rd Person’s PoV]
Mabilis na nagkagulo ang loob ng mansyon dahil sa mga pagsabog ng mga iba’t ibang parte dito. May mga bisita na ang nakahandusay sa sahig dahil sa nangyari.
“Anong nangyayari?!” Sigaw ni Asher habang pinoprotektahan si Vlad sa mga tipak tipak na bagay na nahuhulog,
“Tuloongg!!”
“Arrgghhhhh!
“Yung binti koo!!”
May mga sigaw ka ng naririnig sa paligid, mga taong duguan, naiipit, nadaganan, mga usok at nasusunog na parte. Isa lang ang mga yan sa makikita mo dito sa loob.
Tila ang kanina lang na napakagandamg mansyon ay sa isang iglap lang ay naging ganito na kawasak.
Mabilis namang tumulong ang mga ibang myembro ng Virgo sa mga bisita para makalabas ang mga ito. Yung iba ay agad nilang binuhat para maisalba pa.
“Kael! Hanapin mo si Boss!” Sigaw ni Ish kay Kael habang karga karga ang isang sugatan. “Wag kang aalis sa tabi ko Lily.” Bilin nito sa katabi niya na parang tulala pa dahil sa nangyari.
Pati ang mga taga Fuego ay tumulong na rin sa mga taong naiipit.
“Arrgghhhh! Yung binti ko!”
“Nawawala ang anak ko!”
“Pakiusap huminahon kayo! Dito kayo dumaan.” Inalalayan naman nila Elsa at Hell ang mga nakaligtas para makadaan ng maayos palabas. Rinig mo pa rin ang mga sigaw nila dahil sa sobrang takot.
“Tangina sino bang may pakana nito?” Inis na bulyaw ni Hell.
Sa kaliwang parte naman ng mansyon sa labas, nasa may pader na ngayon si Sebastian dahil tumilapon ito matapos mangyari ang pagsabog.
“Argh..” Mabilis nitong hinilot ang leeg niya dahil mejo malakas ang pagkakatama niya sa pader na yun. “ Ano bang mangyari?!“ Bulyaw nito.
“Ambush! “
“Naloko na.”
Narinig ni Seb ang mahinang bulong ni Felix kaya agad itong naalarma “Anong nangyayari jan?”
“Nandito na sila..” Tila natigilan saglit si Seb ng marinig niya yun. At sa may harapan niya, bigla nalang sumulpot ang isang babaeng may hawak hawak na Pole Axe habang nakangisi sakanya. “Hi there, pretty boy.”
“Pta.” Napamura nalang ito habang pilit na tumatayo. Mejo nahihilo pa din kasi ito dahil sa lakas ng impact ng pagkakatilapon niya kanina.
**
Sa kanang parte naman ng Mansyon ay napapalunok na rin ng sariling laway si Elfred habang nakatingin sa kaharap niyang lalaki na may hawak hawak na dalawang Sai.
“Nagkita ulit tayo..” Usal nito kaya mas napamura pa lalo si Elfred. “Masama ’to.”
**
Dahan dahan naman binubunot ni Trace ngayon ang baril niya sa likuran habang nakatuon sa lalaking nasa harap niya na may dalawang blade naman na dala. “Pano nakapasok ang mga ’to sa loob?” Tanong nito sa sarili.
“Dahan dahan sa pagbunot” Babala pa nito kay Trace kaya mas lalo itong pinagpawisan.
**
Sa likurang bahagi naman ng Mansyon ay mataman lang na nakatingin si Felix ngayon sa lalaking dahan dahang nagpakita at kalmado lang rin na nakatingin sakanya bitbit ang kadenang may karit na nakapulupot sa kanang braso nito.
Lahat ng Assassin ngayon ay magkahiwalay na kaharap ang apat na myembro ng Vendetta.
At ang rason kung bakit mas kinakabahan sila ngayon kesa dun sa unang pagkikita nila sa sementeryo, ay yun ay dahil sa mga mata nito ngayon.
Lahat ng kaharap nila ay may mga mata na na tulad kila Argo at Vlad. Bagay na hindi nila nakita sa unang pagkikita nila.
At alam nilang masamang senyales yun.
Mas nakakakilabot na ang mga awra nito kumpara dun sa sementeryo.
“Anong ginagawa niyo dito?” Pilit na kinalma ni Felix ang sarili niya at nagtanong sa kaharap niya.
“Pasensya na pero kailangan na naming pugutan ng ulo ang organisasyon na’to.” Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Felix dahil sa narinig. Isang tao lang ang ibig sabihin nitong kaharap niya.
“Si Boss Vlad!”
“Ngayon, pag nakialam pa kayong mga galamay niya, di na rin kami magdadalawang isip na idamay kayo.” Kalmadong babala ni Loda.
“Ayos ka lang, Boss?” Tanong ni Asher habang inalalayan si Vlad na tumayo. Buti hindi sila natamaan ng mga bagay sa pagsabog. “Benz..” Saglit na nilingon ni Asher ang kasama nito na parang kanina pa tulala.
Hindi alam ni Benz pero ang lakas ng lukso ng dugo niya sa mga oras na’to. Bumibilis ang paghinga niya at hindi na nito alam ang nangyayari sa paligid niya. Nagsibalikan nalang lahat sa isipan niya ang mga nangyari sakanya dati kaya pawis na pawis na ito ngayon.
Kinuha naman ni Asher ang earpiece sa bulsa niya para makakonekta sa apat na Assassin. Pagkasuot niya dito ay agad itong nagtanong. “Ayos lang ba kayo jan?”
“Nandito na sila.”
Rinig nitong sabi ni Trace sa linya.
“Ha? Anong nandito? Sino?”
“Itakas mo na si Boss Vlad jan!”
Isang malakas na sigaw ang narinig ni Asher kay Felix kaya mas lalo itong naguguluhan.
“Teka! Ang gulo niyo! Ano bang nangyayari jan??”
“Nandito na ang Vendetta! At target nila si Boss!” Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Asher sa narinig . “KAYA UMALIS NA KAYO JAN!”
“Tangina” Mabilis nalang na inakay ni Asher si Vlad dahil hindi ito makalakad ng maayos dahil sa pagkakatumba nila kanina.
“Kailangan na nating makaalis dito.” Paalis palang sana sila nang mapansin ni Asher na hindi sumunod si Benz sakanila “BENZ!” Sigaw niya dito pero nanatili lang itong nakatingin sa harapan ng entrance at tulalang tulala. “Ano bang tinutungana mo jan?!”
“Jill..”
Mahina lang na bulong nito kaya naman tinignan saglit ni Asher ang entrance ng mansyon.
At dun,
May isang babae ang nakatayo roon, mag isa at mataman na nakatingin sakanila bitbit ang mga mata na tinataglay rin ng mga Acosta.
“Naloko na..”
“Kumusta, Devi?”
-To be continued
(A/N: Bitin ulit? HAHAHA Yan lang naman role ko eh, and bitinin kayo Hahahahaha. Ayokong mag kota ngayon kasi ang ikli palang ng naisusulat ko sa next ud. Baka mabigo ko kayo hahaha. Kitakits nalang sa next episode~ Thank you pala sa mga votes at comments niyo hahaha kailangan lang pala mag kota para lumabas kayo hahaha. Abang abang nalang sa susunod :) Adios~ :))
-Emnacinn
Episode 16 : The Vendetta vs Vlad’s Assassins
Episode 16 : The Vendetta vs Vlad’s Assassins
(Pakitingin po sa media :) Tyki Mikk of Noah Family as Trace Jenkins
(Sa limang assassin na buhay pa, sino ang gusto niyo? :) )
[Felix Sy’s Pov]
Flashback
“Bakit Boss? May problema ba?” Ngumiti lang si Boss sa tanong ko habang papalapit sakanya. Pinaupo naman niya ako sa kama katabi niya para makapag usap kami. Bihira lang nakikipag usap si Boss sa amin ng personal kaya mejo nakakaramdam ako ng kakaiba.
“Alam kong nagsisilbe lang kayo sa akin.” Umpisa niya kaya tumahimik na ako para makinig. “Sa akin lang.”
“Anong ibig niyong sabihin Boss?”
“Alam ko na kung sakaling umalis man ako sa organisasyon na’to, alam kong pati kayo ay aalis rin.” Di ako nakasagot sa sinabi niya. Oo, siguro nga ay aalis rin kami pag ginawa niya yun dahil siya lang naman ang pinagsisilbihan namin, labas na ang Virgo samin. Kaya nga nung pumunta siya sa Fuego ay lahat kami sumama.
Pero ba’t naman niya naisip ang bagay na’to?
“Gusto ko lang sanang makiusap sainyo.”
“Kahit ano, Boss.”
“Huwag niyong lisanin tong pamilyang ’to.” Tumingin siya sakin saglit at tsaka ngumiti ng bahagya. “Kahit pa lisanin ko pa ang organisasyon na’to.”
“Ba’t mo naman naisip ang bagay na yan Boss? May plano ba kayong umalis?”
“Di natin hawak panahon.” Makabuluhang sagot niya bago tinapik ang balikat ko. “Aasahan
ko kayo sa bagay na yun, Felix.“ Tapos ay tumayo siya sa pagkakaupo. “Kayo ang pinaka matapat kong mga alagad. Hindi mapapantayan ng kahit ano mang halaga ang katapatan niyo sakin.
“Masaya ako at kayo ang mga naging galamay ko sa haba ng panahon na itinagal ko sa pamilyang to.”
Ito ang dahilan kung bakit namin hindi maiwan iwan si Boss. Pinapahalagahan niya kami ng higit sa lahat. Tinatrato niya kami ng maayos. Pinaparamdam niya samin palagi na importante kami sakanya, na hindi lang basta basta na tauhan niya.
Kung papipiliin man kami ng bagong seserbisyuhan namin, si Boss at si Boss lang ang isasagot namin.
Mahigit pa siya sa isang Boss lang, para na rin namin siyang ikalawang ama dahil bata pa lang kami ay nasa puder na niya kami.
Lumuhod ako sa tapat ni Boss at tsaka yumuko. Di na ata mapapantayan pa ang respeto ko sa taong to. “Makakaasa kayong gagawin namin yun, Boss”
“Maraming salamat.”
End of Flashback
Napakuyom na ang mga kamay ko dahil sa nararamdaman ko. Galawin na nila lahat wag lang ang Boss namin!
Asar! Sana nga ay binantayan nalang namin si Boss! Ang tanga ng decisyon ko!
“Magtititigan nalang ba tayo dito?” Narinig ko ulit na nagsalita tong lalaki na to kaya nakaramdam ako lalo ng inis. “Kung wala kang plano lumaban, pakiusap umalis ka sa daraanan–
Bago pa siya matapos sa pagsasalita ay mabilis na akong kumuha ng iilang shuriken sa likuran ko at tsaka mabilis na ibinato sakanya.
Agad naman niyang ginamit ang armas niyang kadena para sanggain yun lahat.
Bago pa siya makabwelo ay ako na mismo ang lumapit sakanya. Alam kong dehado ako pag malayuan dahil sa kadena niya kaya susugurin ko nalang siya ng sugurin para di siya makabwelo sa armas niya.
Bitbit ang isang kunai sa kanang kamay ko ay agad kong tinarget ang mukha niya pero mabilis niya yung naiwasan, at habang nasa kalagitnaan siya ng pag iwas ay binwelo ko agad ang tuhod ko para tamaan ang sikmura niya–pero mabilis niya paring napaikot ang katawan niya para iwasan yun.
Susubukan niya pa sanang umatras pero sumugod ulit ako. Di siya pwedeng makagawa ng distansya dahil baka di na ako makalapit sakanya
Patuloy lang ako sa mga atakeng ginagawa ko habang siya ay patuloy lang rin sa pag iiwas kasabay ng pagpulupot niya ng kadena niya sa kanang braso.
Isang malakas na kanan ang pinakawala ko sakanya pero nagulat nalang ako ng sinalo niya yun gamit ang kaliwang kamay niya. Hinigpitan niya ang paghawak nito at tinwist kaya napatingkayad ako. Susuntukin na sana niya ang sikmura ko gamit ang kanang kamao niya na may nakapulupot na kadena nang bigla akong tumalon at inipit ang kamay niya na yun gamit ang dalawng hita ko at tsaka siya binagsak sa sahig na nakauna ang ulo.
Nagtagumpay ako sa bagay na yun kaya mabilis muna akong umatras at bumangon matapos kong gawin yun.
Agad naman siyang tumayo na parang hindi man lang nasaktan sa nangyari.
Kumuha ako ng dalawang kunai pagkatapos ay hinagis ko agad yung isa sakanya sa harapan niya, at dahil alam kong masasangga niya lang yun, gamit ang isa ko pang kunai ay mabilis kong tinarget ang naunang kunai para maiba ito ng direksyon.
Huli
ka
ngayon
!
Pero laking gulat ko nalang na hindi siya umilag sa naunang kunai. Kaya nung tamaan yun dun sa ikalawa, lumihis ito ng landas at di na tuloy siya tinamaan.
Nabasa ba niya ang atake ko na yun?!
Sa pagkabigla ko, di agad ako nakareact nung hinagis niya sakin ang kadena na may karit papunta sakin.
Buti nailagan ko aga— “argh!”
Mabilis akong napahawak sa binti ko nung nadaplisan ito ng karit na yun. Parang nakocontrol niya yung karit sa pamamagitan ng kadenang nakakonekta sa kamay niya.
“Di mo ako kaya.”
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya kaya mabilis akong umatake ulit palapit sakanya. Pero sa paglapit ko, binato na naman niya yung karit palapit sakin at kinokontrol ito saang direksyon man ako tumakbo.
Mabilis nalang akong tumalon para iwasan yun. Pero laking gulat ko nalang nung itinaas niya rin ang kamay niya kasabay ng pagtaas rin ng kadena papunta sakin, at dahil nasa ere ako, di ko na naiwasan ang karit na papunta sakin at tinamaan na naman ako sa braso. “Argh!”
Pero bago pa man ako bumagask, mabilis akong kumapit sa kadena at dun ako mismo kumuha ng pwersa para makalapit sakanya, At mukhang hindi niya iyon inaasahan dahil bago pa man siya makaatras, mabilis ko ng tinamaan ang mukha niya gamit ang sipa ko–dahilan para mapaatras siya.
Ngayon ay muli kaming nagkatitigan matapos ang nangyari.
“Wag mo akong maliitin.” Usal ko sakanya habang nakaluhod at hawak hawak ang braso kong tinamaan.
Pinahiran naman niya gamit ang hinlalaki ang gilid ng labi niya at agad tinignan yung dugo nito bago siya nag smirk.
“Di na masama.”
[Sebastian’s PoV]
Kasalukuyan lang kaming magkaharap ngayon nitong babaeng nakaharap ko dun sa sementeryo, at katulad nung gabi na yun, nakakairita pa rin tignan ng mga ngiti niya
Pero tama ba yung narinig ko kanina?
Si Boss Vlad ang target nila?
“Ang pogi mo talaga.” Naputol ako sa pag iisip nung magsalita ito. “Akin ka nalang baby hihihi” At sa kalagitnaan ng pag ngisi niya ay bigla nalang niyang hinanda ang hawak niyang pole axe. “Akin nalang yang katawan moooo!” Pagkatapos ay mabilis itong sumugod sakin kaya nabigla ako.
Pta!
Sobrang bilis ng bawat hampas niya kaya hirap akong ilagan ang mga ito. Parang itong nasisiraan ng bait habang ang lapad ng ngisi. Parang wala itong pakialam kung ano man ang matamaan ng mga hampas niya.
“Gusto ko ng tikman ang dugo mooo. ugh!”
Habang paatras ako ng paatras sa pag ilag, tinignan ko saglit ang likuran ko, at nung makakita ako ng puno, dun ako pumunta at tsaka sumandal.
Baka sakaling tumalab tong plano ko.
Pagkasandal ko, mabilis ulit niyang hinampas ang axe niya papunta sakin kaya yumuko ako.
Ganyan nga—
ano?!
Sa pag aakala kong mai-stuck lang yung axe na hawak niya pag sa puno ito tatama, nagkamali ako.
Tangina naputol talaga ng buo yung nasa likuran ko dahil sa isang hampas lang niya. Anong klase ng pwersa ba meron ito?
Tumakbo nalang ulit ako para maiwasang macorner dun.
“Mas gusto ko talaga yung ako yung naghahabol hihihi” Tss. Psycho.
“Sino bang nag utos sainyo nito?” Tanong ko. Baka sakaling umamin to.
“Sasabihin ko lang yun sa isang kundisyon.” Nakangiting sabi nito. Di ako sumagot kaya nagpatuloy ito.
“Sasabihin ko lang kung sino ang nag utos samin pag napatay na kita hihihi.” Dugtong nito ng mas malapad pa na ngiti. “Okay na ba yun?”
“Gago!” Mabilis nalang akong sumugod dahil kanina pa talaga ako naiirita sa ngiti niya. “Ikaw yung mamamatay dito!!” Kumuha ako ng kunai na may bomba at tsaka tinarget ang paanan niya. Pero nakatalon ito kaya sa lupa ito bumaon at sumabog.
At dahil mausok, dun ko na kinuha ang pagkakataon. Tumalon ako at lumusot dun sa usok papunta dun sa babae. Di niya ata agad ako napansin kaya di siya nakagalaw. “Argghh!!” Agad ko itong inatake mula sa ibabaw gamit ang kunai ko. Sa lakas ng pagkakalanding ko sakanya ay natumba siya.
Umuusok pa ng konte sa paligid namin kaya di ko pa masyado makita kung saan tumama yung hawak kong kunai.
Nung dahan dahan itong nawala, nagulat nalang ako nung makita ko kung saan ito tumama.
Sa hawakan ng axe niya.
“Muntik na pretty boy.” Nakangisi usal nito. At dahil sa nabigla ako, di ko namalayan ang malakas at mabilis na pagbangon niya at sinadyang eh headbutt ako.
Sa lakas ng pagkakabangga ay parang umikot ang paningin ko habang natutumba.
Papikit pikit lang ako dahil sa pagkahilo nang may biglang humawak sa kamay ko at inangat ito kaya mabilis akong napamulat..
at nakita ko nalang ang malademonyong ngisi at mata ng kaharap ko habang nakabwelo sa hawak niya..
Shit..
[Elfred’s PoV]
“AAAARRRGHHHHHH”
Napahinto ako saglit sa pakikipaglaban ng marinig ko ang boses ni Sebastian sa earpiece ko
“HOY SEB?! ANONG NANGYAYARI?” Sa lakas ng sigaw niya ay parang malaking tama ang tinamo nito. Puro hiyaw lang ang naririnig ko kaya napamura nalang ako.
Pagtingin ko sa harapan, nanlaki ang mata ko ng biglang nawala yung kalaban ko.
“Wag na wag mong aalisin ang tingin mo sakin.” Narinig ko ang malamig na boses nito sa likuran ko kaya agad akong yumuko para iwasan ang atake niya.
Gumulong ako paabante bago ulit ako humarap sakanya at sumugod.
Ang tatalim ng hawak niyang sai, at sigurado akong kapag bumaon ito sa katawan ko ay katapusan ko na.

Mabilis kong binunot ang katana sa likuran ko at tsaka siya sinugod. Bawat hampas ko ay nasasangga niya lang gamit ang sai niya–at dehado ako dahil dalawa ang hawak niya. Sa tuwing sinasangga niya ang isang sai niya ay inaatake niya naman sakin yung isa. Buti ay naiilagan ko rin.
Sa kalagitnaan ng pag atake ko, bigla niyang inipit ang katana ko gamit ang sai niya at tsaka iyon hinila palapit sakanya kaya pati ako ay nadala. Agad naman niyang sinalubong ang isa niyang sai sa mukha ko pero nailagan ko pa rin it— “Agh!”
Mabilis akong tumilapon matapos tamaan ng sipa niya sa sikmura. Tangna, nakalimutan kong may paa rin pala tong kalaban ko.
Habang tinitignan ko siya ay napailing nalang ako sa isipan ko.
Ilang beses na naming napagdaanan ang mga matitinding laban.
At ayaw ko mang aminin, pero sa mga titig palang nila,
Ang layo ng agwat ng lakas namin sakanila..
[3rd Person’s PoV]
Sa pagitan naman nina Trace at Ross, walang humpay lang sa pag baril si Trace sa kalaban nito pero di nito magawang makatama, sobraag liksi ng kaharap niya. At nasasangga lang nito ng walang kahirap hirap ang ibang bala gamit lang ang dalawang blade niya.
“Ano na?” Natatawa pang usal ni Ross habang patuloy lang sa pag iwas.
Nang makita ni Ross na naubos na ang bala nito at kumukuha palang ng magazine, bigla siyang sumugod palapit dito para kunin ang pagkakataon.
Pero sa paglapit niya, biglang binitawan ni Trace ang magazine at baril niya at tsaka mabilis na kinuha ang swiss knife sa likuran niya. Nagpapalabas lang ito na nagloload ng magazine para lumapit si Ross sakanya, at tama nga ang nasa isip niya.
Nabigla naman ng konti si Ross dun pero tinuloy niya pa din ang pagsugod niya. Mabilis itong umatake sa harapn ni Trace pero naiiwasan niya ang mga ito. Nung makabwelo si Trace ay agad nitong winasiwas ang hawak niyang kutsilyo sa katawan ni Ross. Napansin naman yun ni Ross kaya napatingin siya sa kutsilyo habang napaatras para umiwas, pero dahil sa kutsilyo ito nakatuon, di nito namalayan ang lumilipad na sipa ni Trace papunta sa mukha niya.
Tsaka lang niya napansin nung sobrang lapit na nito. Pilit niyang iniwas ang ulo niya paatras pero mabilis pa ding dumaplis ang atake na yun sa may baba niya kaya bigla itong nahilo at natumba.
Saglit naman siyang napatingala nung nasa harapan na niya si Trace.
Nakita niya ang isang bagay sa mukha nito kaya mabilis itong gumulong paatras.
Nakita naman ni Trace si Ross na ngumiti “Nung sa sementeryo ko pa to gustong tanungin eh.”
Seryoso lang na nakatingin si Trace sakanya. Bigla nalang nag iba ang kilos nito simula nung sinigaw ni Felix ang bagay na yun.
Parang may biglang nagising sa katauhan nito.
“Bat ka nagsisilbi sa Virgo?”
Nilaro laro naman ni Trace ang hawak niyang kutsilyo habang mataman lang na nakatingin kay Ross. “Kung ganun kilala mo ako.”
Alam ng dalawa kung sinong ‘ako’ ang tinutukoy ni Trace.
“Kokonti nalang ang nakakakilala sakin ng buhay kaya pakiusap, mag ingat ka.”
Ngumisi naman si Ross at tila di nasindak “Laos kana.”
“Baka.”
“Kumusta, Devi?”
Sa loob naman ng mansyon ay tumataas na ang tensyon sa pagitan ng dalawang magka grupo dati.
Parang nanlamig bigla ang buong katawan ni Benz nung marinig niya ang boses ng babaeng yun..na nakasama niya ng ilang taon noon.
Di nito magawang makapagsalita. Di na nito alam ang gagawin niya, parang naging blangko bigla ang pag iisip niya maliban sa mga alaalang nagawa niya kasama ang dating grupo niya..ang dating brutal na grupo niya.
“Bumalik kana samin.” Usal pa nito kaya mas lalong nakaramdam ng kaba si Benz. Lalo na nung tinitigan niya ang mga mata nito na tinataglay ng mga kauri nila.
“Bumalik ka na kung san ka nabibilang bata”
Bigla na naman niyang naalala ang sinabi ni Celo kanina..
Nanginginig ngayon ang kamay niya habang nakahawak sa samurai niya sa balakang. Di niya alam kung aatake ba siya o ano. Walang siyang matinong maisip sa mga oras na ’to.
“Wag kang magpadala, Benz.” Bigla niyang narinig ang Boss niya sa likuran niya kaya nanginginig siyang napalingon dito. At nung nakita niya itong nakangiti, ay parang nakaramdam siya ng kakaiba. Parang unting unti nawawala ang nararamdaman niya. Tila ba ang ngiti na yun ay nagpagaan bigla sa loob niya at nagsasabi na wala siyang dapat na ikabahala.
Pero gayunpaman, di pa rin nawawala ang mga alaala sa isipan niya.
Wala nang natitirang tao sa mansyon na’to bukod sakanila dahil yung ibang myembro ay andun sa labas para tulungan ang mga tao.
“Benz.” Napalingon naman si Benz kay Asher nung tinawag siya nito. At pansin mo sa mukha nito ang napaka seryosong expresyon.
“Hawakan mo saglit si Boss.” Sabi nito kaya lumapit si Benz sakanya tsaka kinuha ang braso ni Vlad para alalayan. Habang si Asher naman ay dahan dahan ng umabante para harapin si Jill.
Pero iilang hakbang palang ang nagagawa niya ng magsalita si Vlad. “Asher, ako ang kailangan nila. Umalis na kayo.”
“Pasensya na Boss pero sa oras na’to ay susuwayin ko muna kayo.” Seryosong sagot nito. “Nawalan na ako ng napakalapit na tao sa buhay ko” Naramdaman ni Vlad ang mahigpit na nakakuyom na kamay nito. “At sobra akong nagsisisi dahil wala man lang akong nagawa para iligtas siya nung mga oras na yun. Ayoko na ulit mangyari yun. Ayoko ng mawalan, ayoko na pati kayo ay mawala rin sakin.”
Nakaramdam ng kaonting kirot sa puso si Vlad matapos sabihin ni Asher ang mga salitang yun. Magkaibang magkaiba man ang pag uugali nina Argo at Asher, pareho naman itong gagawin ang lahat para lang maligtas ang mga minamahal nila sa buhay.
Muling umabante si Asher na walang kahit anong armas na dala.
Nang palapit na ito ay agad nilabas ni Jill ang dalawang pamaypay niya na may mga kutsilyo sa dulo. “Di mo ako kaya, normal na nilalang.”

“Normal-normal, enamong abnormal ka. Hinding hindi ka makakalapit kay Boss hanggat nandito ako.” Usal din nito. Napangisi naman si Jill at mahinang bumulong.
“At sinong maysabing lalapit ako?”
Di na nag aksaya pa ng panahon si Asher at mabilis na itong sumugod bitbit ang mga kamao niya.
Nung makalapit ito kay Jill ay agad niya itong pinaulanan ng atake. Todo iwas naman si Jill sa mga ito habang sumisimple rin ng mga atake gamit ang pamaypay niya.
Sa isang kaliwang suntok ni Asher, umiwas pakanan ang ulo ni Jill at sa kalagitnaan nun, sinarado ni Jill ang kanan niyang pamaypay at tsaka kinagat ito. At nung wala ng hawak ang kamay niya, mabilis nitong naabot ang mukha ni Asher at mahigpit na hinawakan pagkatapos ay buong pwersa niya itong binagsak sa sahig gamit lamang ang isang kamay nito.
Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ni Jill ay nagkatipak pa yung tiles na binagsakan ng ulo ni Asher.
Nabigla ang dalawa sa gilid sa nasaksihan nila.
“ASHER!”
Parang malabo ka ng makaligtas sa lakas ng hampas na yun.
TIngin ni Jill ay nawalan na ito ng ulirat kaya tatanggalin na sana niya ang kamay niya ng biglang hinawakan ito ni asher gamit ang dalawang kamay niya tapos ay siya naman itong hinila pababa na kung saan pasalubong naman ang tuhod ni Asher at nasikmura siya nito ng sobrang lakas.
Mabilis na ginamit ni Jill ang isa nitong pamaypay at tsaka itinusok sa kamay ni Asher na nakahawak sa kamay niya kaya napilitan nitong mapabitaw.
Napaatras naman si Jill dahil sa lakas ng pagkakasikmura niya. Kinuha niyang muli ang pamaypay niya sa bibig niya at tsaka ulit tumayo.
Si Asher naman ay unti unti na ring bumabangon habang dumudugo na ang ulo nito at kamay dahil sa nangyari. Pero kahit ganun, parang hindi man lang ito nasasaktan dahil matalim pa din itong nakatingin kay Jill.
“Matibay ka.”
“Isa ako sa Assassin ni Boss Vlad kaya wag na wag mo akong mamaliitin.”
Nag smirk naman si Jill sa narinig niya. “Pipitsuging Assassi–” Pero bago pa man niya ito natapos ay nagulat nalang siya na nasa harapan na niya ang mukha ni Asher na parang papatay na ng tao yung mga tingin nito habang nakabwelo na yung kamay.
Agad ginamit ni Jill ang pamaypay niya pang depensa sa mukha niya, at nalaman na yun ni Asher kaya iniba agad nito ang atake niya, mabilis niyang binwelo ang paa nito para sana tagilirin si Jill pero nanlaki ang mga mata ni Asher nung nakita niyang ngumisi si Jill.
Nung palapit na yung sipa niya sa tagiliran ni Jill ay mabilis siya nitong tinusok sa binti gamit ang dalawang pamaypay nito.
Tumama pa din naman ang binti niya sa tagiliran ni Jill pero matindi din ang tinamo ng binti niya. Sampung kutsilyo lahat ang meron sa dalawang pamaypay ni Jill kaya sampu rin ang naitusok nito sa binti niya
Sa ulo, kamay, ngayon ay binti naman ang tinamaan sakanya.
Habang umiinda sa sakit, saglit naman niyang tinignan si Jill na tumilapon at tumama sa pader. Malakas din ang sipa ni Asher na yun kaya nahirapan ring tumayo si Jill.
Pero sa pagsalubong na yun, halatang dehado si Asher sa sitwasyon.
Sinubukang umabante ni Benz para sana tumulong pero agad itong pinigilan ni Asher “JAN KA LANG!”
“P-pero.”
“Umalis na kayo..” Usal nito habang gumagapang at pilit na tumatayo. Nung makita niyang papalapit na si Jill ay agad nya ulit nilingon sina Benz “UMALIS NA KAYO!!” Sigaw nito kaya wala ng nagawa si Benz kundi ang tumakas kasama si Vlad.
Nagkatitigan naman muna si Vlad at Asher sa huling pagkakataon bago ito inalalayan ni Benz para umalis.
Nung tuluyan nang nakaalis sila ay nilingon niya ulit ang kalaban niya.
Nakangisi lang itong papalapit sakanya bitbit ang mga pamaypay nito at nakakakilabot na mga mata.
Maaga ata tayong magkikita jan, Argo..
-To be continued
(A/N: Edit nalang kulang nung next episode :) Hinga muna kayo ng malalim hahahaa pupublish ko din yun ASAP :) Thank you sa votes and comments niyo :) Intense na ba? HAHA kitakits nalang tayo sa susunod na episode :) Adios~ )
-Emnacinn
Episode 17 : Saddest Nightmare
Episode 17 : Saddest Nightmare
(Sa mga nakakamiss na kay Argo, pakitingin sa media :) Shogo Makishima as Argo Diamante )
(Please wag niyo muna tong basahin kung may ginagawa kayo or may kasama/kausap para di kayo nadidistract :) )
[3rd Person’s PoV]
“Boss!” Patuloy pa ring hinahanap ni Kael si Virgel sa mga sulok sulok ng mansyon pero wala siyang makita. Dahil na rin sa mga usok na dahilan ng pagsabog kaya nahihirapan siya.
“Asar!” Nagsimula na itong mag alala. Sinubukan niyang silipin ang balkonahe sa likuran nitong mansyon pero pagpunta niya dun, mga semento lang ang nakita niya.
Aalis na sana siya nang mapansin niyang gumalaw ang mga yun. “Boss?” Agad niya yung pinuntahan at isa isang inalis.
Nung maalis niya yun lahat ay dun niya nakita si Virgel na nakayuko na parang may tinatabunan.
“Boss!” Agad niya itong tinuwid ng upo at isinandal. Tsaka lang niya nalaman na si Agnes pala yung tinabunan ni Virgel. Malamang ay pinrotektahan niya ito
Walang malay yung dalawa. Malamang ay malakas ang impact ng pagsabaog sa bandang ’to.
“Boss?” Mahinang tinapik tapik ni Kael ang mukha nito kaya dahan dahan itong nagising
Nung naalimpungutan ito ay mabilis nitong tinignan ang paligid nila, sobrang wasak na nito. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kanina, at nung maalala niya ang mga pagsabog na nangyari, mabilis nanlaki ang mga mata niya dahil may isang tao itong inaalala “Si Papa!”
Sinubukang niyang tumayo pero napadaing lang siya dahil sa sobrang sakit nito sa likuran. Pinrotektahan niya si Agnes sa mga sementong bumagsak sakanila kaya ang likod yung tinamaan niya.
“B-Boss magpahinga muna kayo.”
“Si Papa..”
Nang tuluyan namang makalapit si Jill kay Asher ay niluhod nito ang isang paa niya para magpantay sila ni Asher na ngayon ay nakadapa pa rin at iniinda yung mga sugat niya sa paa.
“Di ka makakalapit kay Boss!” Bulyaw ni Asher na ikinangiti naman ni Jill
Sa kabilang banda naman ay patuloy lang sa pagtakas sina Benz at Vlad. Di nila magawang tumakbo dahil di ito kaya ni Vlad sa mga oras na to. “Makakaalis din tayo dito Boss” Sabi ni Benz. Nasa ikalawang palapag na silang dalawa ngayon. Di nila magawang dumaan dun sa entrance dahil nandun si Jill.
Habang tumatakbo sila ay nakakaramdam na naman si Benz ng sobrang pagkabog ng dibdib, at hindi nito alam kung saan ito kinakabahan.
Pinilit ni Virgel ang tumayo kahit sobrang sakit na ng likuran niyo.
“Boss di mo pa kaya.” Pag aalala ni Kael dahil kitang kita niya kung pano nahihirapan si Virgel sa pagtayo.
“Ikaw na muna ang bahala kay Agnes.” Usal nito bago tumayo at pilit na tumakbo. “Kailangan kong puntahan si Papa.”
Sa banda naman nila Asher, itinuon na ni Jill ang kutsilyo ng pamaypay niya sa may leeg ni Asher kaya di na nito magawang manlaban pa. Nakangiti lang ang babae habang si Asher naman ay inis na inis na dahil wala man lang siyang laban sa kaharap niya.
“Bat mo naman naisip na lalapit ako sakanya?” Nakangiting tanong ni Jill na mismong ikinalaki ng mga mata niya.
“May magandang balita ako sayo..” Sabi pa nito..
***
Sa labas naman sa pagitan ni Sebastian at Quincy, hingal na hingal na si Seb dahil sa mga atakeng natatamo niya, di na nito magawang makalaban ng maayos dahil hawak hawak nito ngayon ang kanang braso niya na wala ng kamay.
Sa ngayon ay kasalukuyang dinidilaan ni Quincy ang Axe niyang may bahid na ng dugo ng kalaban. Ginagawa niya yun habang hinahaplos pa nito sa leeg niya ang hawak niyang kamay ni Seb “Aaahh..sarap.”
Hinubad ni Seb ang suot niyang damit at tsaka mabilis na binenda sa putol niyang braso para maagapan ang dugo nito sa pag agos. “Sheeet” Usal naman ni Quincy nung makita nito ang katawan ng kalaban niya.
Nung matapos si Seb ay tsaka ulit ito sumugod kay Quincy. Bahala na kung anong mangyari.
“Ang daldal moo!” Sigaw nito bago pinaulanan ng sipa ang kalaban–na ngayon ay nakangisi lang habang umiiwas sa mga atake niya. “Natatakam ako lalo sa galit mong mukha pretty booy hihihi” Usal pa nito, at nung makabwelo siya, agad niyang winasiwas ang pole axe niya sa harapan ni Seb. Tumalon naman si Seb at gamit ang hawakan ng Pole Axe, dun siya tumapak habang nasa ere tapos ay mabilis itong bumwelo at malakas na tinamaan ng malakas na sipa ang mukha ni Quincy kaya tumilapon ito at nabangga sa pader.
Hingal hingal namang napaluhod si Seb pagkatapos dahil hindi pa din humihinto sa pag agos ang dugo niya kapag gumagamit siya ng pwersa–dahilan para manlabo na ang paningin niya at parang nahihilo na.
Sa direksyon naman ni Quincy ay dahan dahan itong tumatayo mula sa pagkakabangga. Nakadungo lang ito, at nung inangat nito ang ulo niya, nakita ni Seb na nagdudugo na ang ilong nito–patunay na sobrang lakas ng pagkakatama ng sipa niya na yun. Pero ang pinagtataka niya ay bakit nakangisi pa rin ito.
At hindi lang yun
“Ako lang ba? O bigla talagang nag iba ang ihip ng hangin?” Tanong nito sa sarili habang nakatingin kay Quincy na ngayon ay kasalukuyang dinidilaan ang sarili nitong dugo.
“Ghaad, ito yung sakit na matagal ko ng gustong maramdaman..” Para itong nababaliw habang sinasabi yan . “Ikaw lang ang nakagawa sakin ng ganito..ahh.” Para bang imbes na masaktan eh mas nakaramdam pa ito ng kakaibang kasiyahan sa katawan niya. “Saktan mo ako..”
“Saktan mo ako..”
Habang dahan dahan itong lumalapit ay patuloy pa rin ito sa pagsasalita, hanggang sa mabilis itong nakalapit kay Seb, tila mas naging triple pa ang bilis nito kaya di agad nakagalaw si Seb,
Nahuli siya sa pag ilag–dahilan para tamaan siya sa katawan ng axe ng kalaban..
Mabilis na dumanak ang dugo sa katawan ni Seb dahil sa laki ng hiwa. “Aarrkk!”
Patumba palang sana siya ng mabilis itong hinila ni Quincy at malakas na sinandal sa puno at halang humpay siya nitong kinalmot “SAKTAN MO AKO! SAKTAN MO AKO!HAHAHAHA” Nasisiraan na talaga ito ng bait.
Wala ng pag asa pa si Sebastian sa laban na ’to..
Sa kabilang banda naman, habang tumatakas sina Benz at Vlad, napunta sila sa mahabang pasilyo. At sa dulo nun, nakita nila si Virgel na mahinang tumatakbo..
“Pa!” Sigaw nito at agad pinuntahan ang dalawa.
“May magandang balita ako sayo..” Nung sinabi naman yun ni Jill ay dahan dahan itong lumapit sa tenga ni Asher at tsaka bumulong
“Nagbalik na si Morpheus..”
Nakangising usal nito na mas lalong ikinalaki ng mga mata ni Asher
Hindi..
Habang tumatakbo sina Benz para salubungin sana si Virgel, may isang tao nalang ang biglang sumulpot sa harapan nila.
Tila bumagal bigla sa pag galaw ang lahat, dahan dahan tinignan ni Benz ang taong yun, at nung tumayo ito at makita ang mga ngising yun,
Nabato na naman siya sa kinatatayuan niya,
Si Virgel naman ay masyado pang malayo para makatulong. Nung makita niyang bumwelo yung lalaki sa harapan ni Vlad ay agad na itong napasigaw “HINDEEEEEEEEEE!!”
Tsaka lang natauhan si Benz sa sigaw na yun, kukunin niya pa lang sana ang samurai niya para atakihin ang nasa harapan nila..
pero masyadong mabilis ang pangyayari
Nahuli nalang ni Benz ang sarili niya na nakatingin sa kamay ni Morpheus na lumusot na sa dibdib ni Vlad.
…..
………
…………………
………………………………
Dahan dahang nanlaki ang mga mata ni Benz sa nasaksihan niya.
“Paalam tanda.” Usal pa ni Morpheus bago hinatak ang kamay nito paalis sa katawan ni Vlad–na kalaunan ay bumagsak rin agad sa sahig. Saglit naman itong napalingon sa katabi ni Vlad na tulalang nakatayo “Devi..”

Tumingin rin muna si Morpheus sa likuran niya para tignan ang palapit na si Virgel bago ngumisi.
“PAPAAAAAAAAAA!!!”
Di na nagawang makagalaw ni Benz. Sobrang natulala ito sa pangyayari, sobra itong nagulat sa nasaksihan niya.
Mabilis namang tumakas si Morpheus, pero bago ito umalis, nagsalita muna ito sa harapan ni Benz “Lahat ng napapalapit sayo, nawawala. Alam mo na dapat ang bagay na yan kaya wag mo kong bigyan ng ganyang reaksyon na parang gulat na gulat ka.” Ngising usal nito bago tuluyang umalis at tumalon sa bintana.
At habang nasa ere ito, may sinindihan itong parang paputok at tsaka itinuro sa itaas
Napansin naman ni Jill ang isang pulang paputok na sumabog sa kalangitan kaya napangiti ito.
“ Di ka man lang pormal na nakapag paalam sa Boss mo.“ Sabi nito bago umatras at umalis. Habang si Asher ay naiwang tulala at di makapaniwala sa narinig niya.
Napansin rin ng tatlong Vendetta na sina Loda, Ross, at Ermac ang pulang paputok na yun kaya pinili narin ng tatlo ang huminto sa paglalaban.
“Tapos na ang misyon.” Usal ni Loda na ikinalaki ng mata ni Felix.
“Anong–” Magsasalita palang sana ito ng bigla itong umatras at mabilis na tumakas. “TEKAA!!”
“Tumakas na sila” Rinig naman niyang usal ni Elfred sa linya.
“Di pa ito ang huling pagtatago natin, Mabus. “ Usal naman ni Ross sa kalaban niya bago rin ito tuluyang umatras at umalis sa lugar na yun.
Sa kaliwang gawi naman ng Mansyon, naliligo na sa sariling dugo si Sebastian dahil sa malaking hiwa nito sa katawan at mga matutulis na kalmot ni Quincy. Isang ka brutalan ang nararanasan niya sa kamay ng kalaban niya.
Huminto naman saglit si Quincy nung makita niya ang pulang ilaw na yun na senyales na tapos na ang misyon nila–at base sa plano, ay senyales rin na aalis na agad sila.
Tinignan naman niya si Seb na halos wala ng ulirat na naksandal sa Puno.
“Ohh, patay na ang Boss niyo. Sad.”
Sa narinig ni Sebastian ay biglang bumigat ang nararamdaman niya. Tila yung sakit na nararamdaman niya ngayon ay mas dumoble pa sa narinig niya.
“Boss.”
Gusto nitong magsalita pero wala na, wala na itong lakas pa na magsalita.
“Patawad at sa huling pagkakataon ay di ko man lang kayo nagawang protektahan..”
Tila nawalan na rin ito ng pag asang mabuhay dahil sa narinig niya. Plano niya pa sanang patatagin ang loob niya pero, ano pang silbe.
Ngumisi sa harapan niya si Quincy bago yumuko para magkalapit ang mukha ng dalawa. Dinilaan muna nito ang dugo sa may labi niya bago ito nagsalita “Naalala mo pa ba yung kasunduan natin kanina, Pretty boy?”
**
Nagulat naman ang tatlong Assassin nung may marinig silang babaeng nagsasalita sa linya ni Seb.
“Sasabihin ko muna sayo kung sino ang nag utos samin.”
Rinig nila.
Naging tahimik bigla ang linya kaya kinakabahan na nakikinig yung tatlo.
“Si Marcelo Martin.”
Gulat ang lahat sa narinig nila sa linyang yun. Bakas sa mukha nilang tatlo ang pagkabigla.
Si Marcelo ang may pakana ng lahat ng to?
“Ano nga yung kapalit nun, Pretty boy?”
Para itong baliw na nagsasalita mag isa, dun na naalarma ang tatlo dahil di nila naririnig ang boses ni Sebastian.
“At dahil alam mo na ang sagot, oras na rin para magpaalam kana hihihi.”
“Shit!”
Mabilis na tumakbo ang tatlo para puntahan ang kaliwang mansyon kung saan nandun si Seb para iligtas ito.
“Say byebye now..”
Rinig pa nila sa linya kaya mas lalo nilang binilisan ang takbo nila.
“HINDIII!!” Sigaw ni Felix na kinakabahan na.
Hindee..
Hindi na nila kaya pang mawalan ng isa pang kababata..
Hindee..wag naman sana..
Sabay naman na nakarating ang tatlong Assaassin sa lugar ni Sebastian, pero sobrang tahimik na dito.
At habang papunta sila sa gitna ng lugar na yun..
Tila sumikip nalang ang dibdib ng tatlo sa naabutan nila..
Napapikit nalang si Elfred at napamura. Habang si Trace ay napaiwas na ng tingin dahil di nito kaya ang nakikita niya.
“Tangina…
“ Di makapaniwala si Felix sa nakikita niya ngayon.
Ang naabutan nalang nila ay ang wala ng buhay na katawan ni Seb na nakabulgta habang naliligo sa sarili nitong dugo kasama ang hiwalay na ulo at braso nito.
Pagkatapos ng nangyari kay Argo..
Isang galamay na naman ang nalagas..
[Vlad’s PoV]
Di ko alam kung ba’t ako nakatingala sa mga oras na’to..
Kung bakit..
Kung bakit nakikita ko ngayon ang anak ko na umiiyak sa gilid ko habang nakatingin sakin. “Pa! Kumapit kayo!” Bumubuhos ang mga luha nito ngayon.
Ba’t ka umiiyak anak?
Tsaka ko lang naramdaman ang sobrang sakit ng katawan ko nung di ko magawang magsalita. Bigla akong napaubo at sumuka ng dugo.
Naalala ko na ang nangyari.
“W-wag kayong bibitaw, pakiusap..”
Habang nakatingin ako sa anak ko ngayon ay parang nakikita ko ang sarili ko sakanya..
Nung panahon kung saan ganito rin ang sitwasyon naming dalawa ni Anjeel.
Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya para kahit papano ay maibsan man lang ang sakit na nararamdaman niya. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon dahil ganyan na ganyan din ako nung panahong nasa harapan ko si Anjeel na nag aagaw buhay. “T-tahan na anak..m-magiging maayos din..ang lah–” Biglang sumikip ang dibdib ko kaya nahirapan na akong huminga at magsalita..
“Hinde..hinde..Panaginip lang to..Panaginip lang to! Pa..W-wag mo akong iiwan! Di ko na kayang mawalan pa!” Patuloy pa rin ang pag iyak ng anak ko kaya naramdaman ko nalang bigla ang sobrang awa. “K-kumapit kayo pakiusap..wag niyo akong iiwan.” Yumuko ito at yumakap na sa katawan ko habang huma hagulhol.
“P-pasensya n–.” Di ko na kaya..
Pakiusap..bumuka ka muna.
“Pasensya na kung di na kita kayang alagaan simula sa puntong to..”
Bulong ko pero wala..
Ayaw ng gumawa ng ingay ng bibig ko.
Naririnig mo ba ako anak..
Pasensya na at di na kita kayang bantayan..
Anak..
Nakakaramdam na ako ng antok pero ayaw ko pang ipikit ang mga mata ko..
“Paa, mahal na mahal ko kayo. P-pakiusap.”
Mahal na mahal rin kita anak..
naririnig mo ba ako?
anak..
Di ko na kaya..
“PAAA!!!”
Napansin ko sa harapan ko ang tatlong tao na napakaimportante sakin..
Yung nagpakita sakin dun sa kwarto ko..
Nandito na naman sila..
Pero sa pagkakataong ito ay nakangiti na ang mga ito habang naglalahad ng kamay sa harapan ko.
Anjeel, Renietta, Argo anak..
Hinang hina kong tinignan sa gilid ko ang anak kong saglit ko lang na nakasama
Sayang
“Gusto ka pa sanang makasama ni papa ng matagal..”
“Plano pa sana kitang kausapin..”
“Marami pa akong gustong gawin kasama ka anak..pero..”
Pero siguro..
Sa susunod nalang..
Sa susunod nalang anak..
Anak..
May susunod na pagkakataon pa ba?
Naramadaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko sa huling pagkakataon dahil mukhang hindi ko na magagawa pa ang mga bagay na yun..
Sana narinig mo lahat ng sinasabi ko ngayon anak….k
ahit alam kong malabo..
Giniginaw na ako
Di ko na kaya..
“PAAAA!!!”
“Paalam anak.”
Di alam ni Benz na bumubuhos na ang mga luha nito habang tinitignan ang mag ama.
Tulala lang ito. Gusto nitong sumigaw pero wala, ang mga luha lang nito ang sumisigaw dahil sa nararamdaman nitong sakit, pighati, galit.
Habang tinitignan niya ang mukha ni Vlad na tuluyan ng nakapikit, biglang nakaramdam ng sobrang galit si Benz.
Nanginginig na ang kamay nito at parang gusto ng magwala..
“B-boss..”
Biglang nag iba ang mga mata nito at mabilis itong tumakbo at lumundang sa bintana para habulin ang dating ka grupo niya
“ARRRGGHHHHHHHH!!!!”
“San ka ba galing?” Inis na tanong ni Jill sa kakarating palang na si Quincy na duguan. Siya nalang ang hinihintay ng lima dito sa gusaling to para makaalis na.
“Nagkatuwaan lang kami ni Pretty Boy.” Nakangising usal nito habang dinidila dilaan pa ang kamay niyang duguan.
“Nakakadiri ka talaga.” Usal ni Ross.
“Napatay mo ba talaga si Vlad, Eus?” Tanong naman ni Ermac.
“Malabo ng mabuhay yun.” Nakangisi lang na sagot nito.
“Tayo na..” Sabi naman ni Loda.
Tumalikod na yung ilan para sana umalis pero si Morpheus ay nakatingin pa din sa harapan na ipinagtaka naman ni Jill, “May problema ba?”
“Hinde, wala.” Tumalikod na rin ito at susunod na sana sakanila ng mabilis itong napaharap ulit ng maramdaman niyang may mabilis na papalapit na samurai sa direksyon nila.
Mabilis yung nakita ni Eus kaya naiwasan niya yun, pero sa pag iwas niya, mabilis ring nakalapit sakanya ang isang tao na hindi nila inaasahan na sobrang pula ang mga mata at galit na galit
“ARGGGHHH!!!” Pinakawala nito ang isang matinding suntok na agad namang sinangga ni Morpheus, pero sa sobrang lakas nito ay tumilapon siya–pero nakabalanse pa din naman ito at hindi natumba.
Bigla namang lumakas ang ihip ng hangin matapos ang bagay na yun.
Kaharap ngayon ni Benz ang anim na kasamahan niya dati na mataman lang na nakatingin sakanya. Tila ba parang unexpected reunion ang nangyari.
“Oh my God! Devi? Ang laki mo na!” Agad namang singit ni Quincy
“Ikaw na ba yan, Devi?” Usal ni Ermac.
Nagbabagang lang panga ni Benz sa sobrang galit habang nakatingin sakanila
“Nandito ka ba para bumalik samin?” Nakangising tanong ni Morpheus. “Sabagay, patay naman na si Vlad. Wala ka ng Boss na pagsisilbihan dun.” Agad itong tumawa sa idinugtong niya kaya mas lalong nagwala si Benz
Mabilis itong sumugod kay Morpheus at tsaka pinakawala ang napakalakas na suntok niya.
Sumeryoso naman bigla ang mukha ni Eus at walang kahirap hirap niya lang itong sinalo gamit ang isang kamay niya.
Sa sobrang lakas ng suntok ni Benz na yun ay isang malakas na hampas ng hangin ang tumama sakanila. Pero gayunpaman, para lang sumalo ng isang bola ng tennis ball si Morpheus at hindi man lang ito natibag.
Nagulat naman si Benz dahil dun, mabilis siyang sinakal ni Morpheus at tsaka itinaas “Hindi lang ikaw ang lumakas bata.” Ngising sabi nito bago ito tumakbo bitbit ang mukha ni Benz at tsaka mabilis na hinampas sa isang pader. Mabilis nagkatipak ang sementong yun dahil sa lakas ng pagkakahampas ni Eus. Pagkatapos ay isang malakas na tuhod pa ang pinakawala sa sikmura nito kaya napabulwak ito ng dugo habang namimilipit sa sakit.
“Bumalik ka nalang kasi samin.” Lintanya nito bago tumalikod, ang akala ay tapos na ito pero humarap ulit ito na parang di pa kuntento at malakas na sinipa ang mukha ni Benz kaya malakas na namang bumangga sa pader ang ulo niya.
“Tama na, Eus!” Awat ni Jill dahil baka ikamatay pa to Benz pag di ito tumigil.
Yumuko naman si Morpheus at hinawakan ang panga ni Benz at marahas na hinarap sa mukha niya. “Kaya kung tapusin ang mga mahal mo sa buhay kung gugustuhin ko. Alam mo yan.” Umpisa nito. Gusto mang gumanti ni Benz pero wala na itong lakas dahil lang sa tatlo atake na yun.
“At kilala ko lahat ang mga taong yun. Kasama na dun yung babaeng taga Fuego hindi ba?” Nang marinig ito ni Benz ay mabilis itong kumawala sa galit. Pero natigil parin ito ng hinampas ulit ang ulo niya sa pader. “Sumali ka ulit samin, at walang mapapahamak sakanila.”

Tumayo na ito pagkatapos ay tumalikod. “Bibigyan ka namin ng oras na mag isip. Sa hating gabi sa araw ng libing ni Vlad, pupunta ako ulit dito sa lugar na to, at pag hindi ka nagpakita.. “ Lumingon saglit si Morpheus kay Benz bitbit ang nakakakilabot na mga mata

“Uubusin ko kayong lahat.”
Huling sabi nito bago tuluyan naglakad at umunang umalis.
Yung lima naman ay nagpaiwan muna saglit para tignan ang batang kasamahan nila noon.
Lumapit sa Jill kay Benz at tsaka pinaayos ng upo. Inayos nito ang buhok niya na natatakpan ang mukha niya. Tapos ay pinahiran ang dugo niya sa labi. “Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Eus, Devi.” Sabi nito pagkatapos ay hinawakan siya nito sa balikat.
“Matagal kana naming gustong makasama ulit. Bumalik kana sa amin, Devi.”
“Hindi nababagay sayo ang mundong ’to. May sariling tayong mundo hindi ba? Nakalimutan mo na ba yun? Hindi tayo mga normal Devi. Bawal tayong makisalamuha sa mga normal.”
“Alam mo naman siguro ang kapalit nun diba? Tignan mo ang nangyari sa Boss mo. Di na natin maiaalis tong sumpa na ’to Devi. Lahat ng napapalapit sa atin ay nawawala. Kaya pakiusap.” Hinalikan ni Jill ang noo ni Benz bago nagpatuloy “Bumalik kana samin.”
Tumayo na rin ito pagkatapos. “Aasahan ka namin sa araw na yun, Devi.” Huling habilin nito bago tumalikod at umalis
Huli namang nagpaiwan si Loda. Pumunta ito sa harapan ni Devi at hinagis nito ang tatlong hikaw. “Kung gusto mong bumalik, isuot mo ang bagay na yan.” Bilin rin nito bago tumalikod “Tandaan mong handa ka pa rin naming tanggapin sa kabila ng mga nangyari.” Dugtong nito bago tuluyan umalis.
At heto si Benz, naiwan habang hawak hawak ang tatlong hikaw at tulalang nakatingin dito..
Tapos ay napatingala nalang ito habang tumutulo ang mga luha.
“B-boss Vlad.”
-To be continued
(A/N: Iyak hahaha. Ano na kaya ang mga susunod na mangyayari sa buong Virgo matapos ang gabing ’to? Abangan nalang natin :) Nakakalungkot din pumatay ng character sa totoo lang hahah pero wala eh, part of the story :) And yeah I know ang useless ni Virgel hahaha pero wag niyo muna husgahan :) Thank you sa votes at comments niyo :) Kitakits nalang sa susunod na episode. Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 18 : Traitors
Episode 18 : Traitors
Pakitingin sa media :) Claude Faustus as Ikram and Sebastian Michaelis as Dylan
Guys may tanong ba kayo tungkol sa takbo ng story? Lapag niyo lang at susubukan nating sagutin yan :)
[Felix Sy’s PoV]
Ilang tao pa ba ang kailangang masawi?
Ilang mahal sa buhay pa ba ang kailangang magsakripisyo?
Ang sakit malagasan..
-FLASHBACK-
Pano nga ba kami nagkakilalang lima?
Naging magkababata kami dahil ang ama naming apat ay nagtatrabaho dito sa isang malaking mansyon. Minsan may meeting silang gagawin kaya dinadala nila kami sa mansyon nato at iniiwan sa may sala para maglaro.
At heto na naman. Kaming lima na naman ang niwan dito sa sala kasama yung anak ng may ari nitong mansyon dahil nag memeeting silang lahat.
“Asher hehehe ang gwapo ko no? Anong pangalan mo?” Nakita ko yung isang bata na nakikipag usap dun sa anak nitong may ari ng mansyon. At mukhang masayahing bata ito dahil lagi lang itong nakangisi.
“Argo h-hahah” Tumango naman siya sa sagot nito
Sunod naman niyang pinuntahan ay yung isang bata na naglalaro ng laruan na train na kulay gray yung buhok. “Kumusta ka? Ako nga pala si Asher hehehh ano pangalan mo?” Sabi na naman nung Argo. Tumingin naman saglit yung batang naglalaro sakanya pero kalaunan ay binalik rin ang tingin sa train.
“Shebashtian” Narinig kong sumagot yung bata habang naglalaro “Chuchu~brrrrrmmm”
“Argo..Sebastian..” Tango ni Asher tapos ay pumunta na naman ito dun sa batang dilaw ang buhok at tahimik lang na nakaupo sa may couch habang nakatingin lang rin kay Asher.
“Kumustaa. Ako pala si Asher hehehe ikaw?”
“Ah..Elfred. Hehehe” Nakangiti ring sagot nung bata.
“Argo..Sebastian..Elfred..” Parang pilit nitong tinatandaan ang mga pangalan nila tapos ay huli itong tumingin sakin at lumapit.
“Ang liit ng mata mo.” Unang pansin niya sakin. “Papa mo ba si Jackie Chan? Hehehe”
“Hindi” Tipid na sagot ko.
“Aaahh. Ako pala si Asher heheh ikaw?”
“Felix.” Tumango tumango naman siya. “Hmm”
“Argo, Sebastian, Elfred, Felix.” Tawag niya samin kaya lahat kami ay napatingin sakanya. “Gusto niyo bang maglaro?” Masayang aya nito pero tahimik lang kami at mukhang walang balak sumagot.
Lulungkot na sana ang mukha niya dahil mukhang walang may interesado sakanya ng may marinig kaming boses mula kay Argo “Sige tara.” Nakangiting sabi nito kaya parang nabuhayan si Asher dun. Lalo na nung pumayag rin si Elfred.
“Ano lalaruin natin?” Tanong ni Sebastian habang hindi inaalis ang tingin sa train.
“Kahit ano!” Lumingon naman si Asher sakin “Ikaw? Tara! Masaya to hehehe” Sabi niya kaya tumango nalang rin ako. Mukhang hindi naman siguro masama ang makipaglaro sa ibang bata.
Nasa kalagitnaan palang kami sa pag uusap nang biglang nagsidatingan sa sala sina Papa para puntahan kami.
“Mukhang nagkakatuwaan kayo jan ah.” Nakangising bungad dun sa papa ni Efred.
Nagulat naman kami nung bigla kaming kinuha ng mga papa namin at tsaka pinagtabi. Tapos ay nakita ko yung papa ni Argo na pumunta sa harapan namin at ngumiti. Inisa isa niyang ginulo ang buhok naming lima bago magsalita.
“May nakikita akong potential sa mga batang ’to”
Nagkatinginan naman kaming lima dahil sa sinabi niya
Lumipas ang ilang taon, at heto na kami.
Hindi ko akalain na dun na pala magsisimula ang kwento naming lima nag magkakasama–bilang magkababata.
“Woaaah. Totoo? Lalaki ang kapatid mo Argo?” Di kami makapaniwala habang nagkkwentuhan kaming lima ngayon sa ilalim ng puno habang nagpapahinga. Nakakapagod maglaro.
Ngumiti naman si Argo at bakas mo talaga sa mukha niya ang sobrang saya “Oo. At Virgel ang pangalan niya. Ang ganda diba?” Ilang taon na ang lumipas simula nung magkakilala kaming Lima. At heto, sa edad na katorse, sobrang saya niya at nagkaron na rin siya ng kapatid. Mejo may pagka tahimik to si Argo pero ngayon parang sobrang daldal niya habang nagkkwento tungkol sa kakasilang palang na kapatid niya. At bilang mga kaibigan niya, masaya din kami para sakanya.
“Pwede ba namin siyang makita?” Tanong ni Elfred. Agad namang sumingit si Asher at pinatahimik si Elfred.
“Hephep! Ako ang bespren ni Argo kaya ako lang daw muna ang pwedeng makaki–” Pero natigil lang ito sa pagsasalita nung nilayatan ito ni Seb sa likuran habang natatawa dahilan para matumba sila “Kaibigan din kami ni Argo ooyy hahahah” Gumulong ang dalawa habang pilit kumawala ni Asher kaya nagtawanan nalang kami. “Oy bitawan moko!”
Di ko akalain na dun sa araw na yun pala, dun ko makikilala tong ikalawang pamilya ko.
Ang saya talaga sa pakiramdam kapag nagsasama kaming lima at naglalaro. Di ko na ata pa kailangan ng mga bagong kaibigan dahil sakanila palang, buong buo na lagi ang araw ko.
Alam kong sobrang bata pa pero sa edad rin na katorse, naging ganap na kaming Assassin ni Boss Vlad. Kami na ang pumalit sa mga ama namin para magsilbe sa Pamilya Acosta. Ang babata pa namin para sa ganitong trabaho pero gaya ng laging sinasabi ni Boss Vlad samin,
“ wala sa edad ang kakayahan mong lumaban, kundi nasa determinasyon mong matuto.“
Sampung taon kami nung sinimulan naming magsanay sa kamay ng Virgo. At sa loob ng apat na taon na yun, ang daming nagbago sa pagkatao namin. Naging mas matured ang pag iisip namin sa mga bagay, pero minsan di pa rin talaga maiiwasan ang pagiging bata namin at lumalabas nalang yun ng kusa gaya ng mag asaran at kung ano pa.
“Ba yan Asher, di bagay sayo yang suot natin.” Pang aasar ni Seb nung makita naming papalapit si Asher samin habang suot suot na rin ang uniporme niya–ang uniporme namin bilang Assassin. Ito ang unang misyon namin kaya mejo nakaka kaba.
Iligpit si Mr. Akabane. Yan ang unang misyon namin bilang ganap na Assassin ni Boss Vlad. (Tignan niyo yung episode 45 ng season 1, nandun ang scene na to dun :))
“Ang astig ko naman masyado sa suot ko. Gumagwapo ako lalo” Natatawang puri ni Asher sa sarili habang inaayos ang lagayan ng spada nito sa likuran.
“Asa kana naman.” Suway ni Elfred kaya natawa si Sebastian.
“Hayaan mo na. Walang masama kung mangangarap ka ng malabo Efred. Libre naman yun eh.” SIngit ni Seb kaya mabilis na napikon si Asher at hinabol ito. Mabilis namang tumakbo si Sebastian para di maabutan . “Hahahaha habol unggoy!”
“Lagot ka sakin!”
Habang enjoy na enjoy ang tatlo dito sa kinatatayuan namin, saglit kong tinignan si Argo ngayon na kasalukuyang nakikipag usap sa nanay niya. Siya nalang talaga ang hinihintay namin para makaalis na kami dito.
Makikita mo talaga kung gaano kamahal ni Argo ang ina niya sa mga kilos palang niya. Kung pano niya ito kinakausap, nginingitian, ginagalang. Masasabi ko talagang isang mabuting anak to si Argo.
Nakita kong yumakap si Argo sa ina niya kaya agad ko ng sinita yung tatlo na magtigil na.
Lumapit na si Argo at nakangiting nakatingin samin. Kung meron man samin dito ang bagay na bagay ang Assassin suit na to, walang iba kundi si Argo yun. Ewan ko ba pero ang awra niya, parang pang Assassin talaga. Para bang nabuhay siya sa mundong to para sa trabahong to.
“Okay na? Lezzgo!” - Asher.
Tila ba naging sumpa sa amin ang misyon na yun.
Simula nung matapos ang misyon na yun, parang ang laki na agad ng pinagbago ng samahan namin.
Nung gabing yun, namatay ang ina ni Argo. Kinabukasan nalaman niyang dinukot ang kapatid niya sa sarili nitong ina. Dahil sa nangyari ay biglang nagbago ang ugali niya, at naapektuhan ng husto ang pagsasamahan namin nun. Akala ko yun lang, pero makalipas pa ang ilang taon, may misyon namang binigay si Boss Vlad kay Asher at kinailangan niyang lisanin ang pagiging Assassin niya para dito.
Ang pilit na nagbubuo ng samahan namin nun ay tuluyan na ring umalis.
Simula nun ay parang yung samahan namin dati ay tila patay na na kailangan nalang ibaon sa limot dahil kailanman ay mukhang di na ito maibabalik pa.
At mukhang di nga ata talaga..
Kasalukuyan kaming nasa isang ibabaw ng building nina Sebastian at Elfred ngayon at malayang tinitignan ang mga tao at sasakyan sa baba.
“Alam niyo na ba yung balita?” Biglang basag ni Elfred sa katahimikan namin
“Yung alin?” Tanong ko
“May irerecruit daw si Boss na bagong kasamahan natin. Papalit daw kay Asher.”
“Ganun ba”
Natahimik kami saglit matapos ang pag uusap na yun, at katulad ni Seb, pinapakiramdaman nalang rin namin ang malamig na hangin na dumadampi samin ngayon.
Ang lamig..
Sing lamig na ng samahang nabuo naming lima..
“Tahimik mo ata jan Seb?” Tanong ni Elfred kaya napatingin siya saglit sa gawi nito.
“Nakakapagod magsalita.” Napailing nalang kami. Simula nung nangyari ang mga bagay na yun sa samahan namin, parang nawalan na rin ng gana si Seb. Oo kadalasan sumasabay pa rin to samin pero di tulad ng dati, di na ito masyadong nag iingay. Ayaw na nito sa mga maiingay na lugar–o mga tao.
Madami na talagang nagbago.
At ayaw man naming aminin, alam naming lahat na yung pagsisilbi nalang ni Boss Vlad ang kumakapit sa samahan namin ngayon.
Bale yung pagsasama nalang namin ngayon ay para sa trabaho nalang, at wala ng halong samahan ng pagkakaibigan pa.
-End of Flashback-
Ang tinuturing kong ikalawang pamilya ko ay naging miserable na ang kinahantungan.
Bumalik nga si Asher, pero si Argo naman ang nawala.
Mahigpit akong napahawak sa isang larawan naming lima kasama si Boss Vlad habang inaalala ang mga nangyari.
Tapos ngayon..
Ganito ba talaga kapait ang buhay?
Lagi nalang nababawasan..
Lagi nalang nalalagasan..
Lagi nalang may umaalis..
Lagi nalang may namamatay..
Mabilis kong pinahiran ang mata ko at tinago ang litrato nung maramdaman kong may paparating sa kinauupuan ko ngayon.
“Felix..”
Nakita ko si Elfred na sobrang tamlay ng mukha. “Nasa loob na sila ng chapel.” Sabi niya kaya mahina akong tumango tapos ay tumayo na para pumasok sa loob ng chapel.
Pagkapasok ko palang dalawang kabaong na agad ang nakita ko kaya parang naurong bigla ang katawan ko sa paglalakad.
Nandito ngayon lahat ng myembro ng Virgo at Fuego para makiramay sa pagkawala ni Boss Vlad at Sebastian. Wala kang nakikita ni isang tao na nakangiti dito sa loob. Lahat ng mukha nila ay nagluluksa. Yung ibang Virgo ay nakikita ko pang umiiyak.
Pero si Virgel..
Matapos ang gabing yun ay di ko pa siya nakikitang umiiyak. Tulala lang ito at parang wala sa sariling pag iisip na nakatingin sa kawalan
Nakita ko sa harapan ng dalawang kabaong na yun si Asher na nakatayo. Hindi ito gumagalaw.
Nung makalapit ako sakanya at tumabi, dun ko lang napansin na basang basa na pala yung mukha niya habang tulalang nakatingin sa dalawang kabaong.
**
-Flashback-
Pagkarating namin sa ikalawang palapag kung saan andun silang lahat, nadatnan namin silang pinapalibutan na si Boss Vlad habang yung iba ay umiiyak na. Dun palang nakumpirma ko na.
Wala na si Boss..
Sobrang tamlay naming tatlo habang papalapit sakanila.
Nakita ko si Asher na tulalang tulala na galing dun at napatingin samin.
“Nasan si Seb?” Wala sa sarili nitong tanong.
Di agad kami nakasagot dahil ang sakit sabihin.
Sa reaksyon palang namin ay nalaman na ni Asher ang nangyari kaya tuluyan na itong napayuko at napasandal sa pader dahil na rin sa mga tinamo nyang sugat. “PUTANGINA!”
Ngayon ko lang nakitang umiyak si Asher ng ganito sa buong buhay ko.
Sa mga nangyari samin..
Ngayon ko lang napagtanto ang isang bagay.
Ganito pala ang pakiramdam ng matalo.
Ang sakit matalo sa labanan..
Sobrang sakit.
-End of Flashback
Tulad ko, mukhang di parin matanggap ni Asher ang nangyari. “Di ko alam kung pano ko pa to ibabaon sa limot ang lahat.” Rinig kong salita niya. “Di ko pa nga natatanggap ang pagkawala ni Argo, tapos ngayon..”
“Habang buhay na ata akong hahabulin ng konsensya ko nito.” Gusto ko mang sabihin na hindi niya kasalanan ang mga nangyari, di nalang ako nagsalita dahil alam kong naglalabas lang to ng sama ng loob sa sarili niya ngayon.
“Ilang tao pa ba ang kailangan mag sakripisyo bago matapos to?” Tinapik ko nalang ang balikat niya dahil panay tulo na ang luha niya. Ang dami niyang sugat sa katawan at halos hindi na siya makalakad, pero alam kong mas masakit pa ang nararamdaman ng puso niya ngayon.
“Masaklap man sabihin pero ganito na talaga umikot ang mundo, Asher. May darating, may mawawala.” Tinignan ko saglit sina Trace at Elfred sa may pintuan na nakayuko at mukhang di rin nila kayang tignan ang kinalalagyan nila Boss at Seb ngayon.
Kung meron man dito ang pinaka nasaktan sa mga nangyari,
Kami yun.
[Ish’s PoV]
Wala na atang mapaglalagyan pa ang sakit na nararamdaman naming lahat ngayon. Parang kahapon lang kitang kita ko pang buhay na buhay si Boss Vlad..parang nung isang araw lang, kasali pa namin sa usapan si Sebastian..
tapos makikita ko nalang sila ngayon sa loob ng kabaong.
Para kaming naputulan ng isang ulo at galamay na kailangan na kailangan namin. Di ko pa matanggap ang mga pangyayari.
Ang sakit tanggapin.
At heto na naman ang mas masakit, bumabalik na naman si Boss Virgel sa pagiging tahimik niya. Tulad nung pagkawala ni Hugo dati, nagiging kakaiba na naman ang kinikilos niya. Nakakatakot. Sobrang tahimik at di mo mabasa kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Una si Hugo, sunod ang kuya niya. Tapos ngayon ang ama niya.
Hindi ko alam kung kakayanin ba ng isang bata ang mga sunod sunod na pangyayaring to. Natatakot ako na baka magising nalang kami isang araw at makita naming unti unti na siyang kinakain ng puot at galit niya.
Nabalitaan ko na yun din ang nangyari kay Argo nung mawala ang ina niya.
Natatakot akong matulad siya sa taong yun.
Natatakot akong magbago na talaga ng tuluyan si Boss..
Wag naman sana..
[VENDETTA’S HIDEOUT]
[3rd Person’s PoV]
“Di pa ba sila tapos?” Tanong ni Loda sa kakapasok palang na sina Ross at Ermac dito sa silid ng hideout nila. Galing sila sa pag uusap kila Manuel at Marcelo dun sa opisina ng doktor.
“Kakatapos lang. Nabigay na ni Marcelo ang cheke. Tatawagin nalang daw tayo ni Doktor para sa porsyento natin.” Sagot naman ni Ermac.
“Peraa. Madaming pera.” Nakangising usal naman ni Quincy
Habang ang iba ay nag uusap, tahimik pa rin si Jill dito sa may hagdanan na nakaupo at nag iisip habang katabi si Morpheus.
Di tuloy maiwasan ni Eus na mapansin ’to. “Si Devi na naman ba ang iniisip mo?” Tanong nito kaya nabalik sa ulirat si Jill.
Di ito sumagot kaya napangisi nalang si Morpheus. “Mukhang masyado mo na atang iniisip ang batang yan.”
Niyakap naman ni Jill ang kanang braso ni Morpheus at tsaka sumandal sa balikat nito. “Hindi naman. Iniisip ko lang na kailangang maibalik na natin si Devi sa grupo natin.”
“Ano bang meron sa batang yun at habol kayo ng habol dun?”
“Hmm.” Hinawakan naman ni Jill ang kamay nito. “Napaka laki ng potential ang nakikita ko kay Devi. Alam kong hindi niyo yun nakikita sakanya, pero maniwala kayo, spesyal na tao si Devi.”
Muli namang ngumisi si Eus sa sinabi ng kasintahan niya. “Babalik din satin ang batang yun.”
[ALIBARA’S MANSION]
“Ano kamo?” Takhang tanong ni Gideon sa narinig niyang balita ng kanang kamay niya na si Akasha.
“Patay na si Vlademir Acosta, Boss. Nasa isang chapel ngayon ang lamay niya.” Sagot naman nito. Pati yung ibang myembro na nandito sa silid ay nabigla rin sa narinig nila.
Ang kinikilalang pinaka malakas na Boss nung nagdaang taon, ay ngayon ay patay na.
“May detalye ka bang alam kung anong nangyari?” Tanong ulit ni Gideon.
“Pasensya na pero wala pa akong makalap na impormasyon Boss” Yukong usal ni Akasha.
“Ang ama ni Virgel.” Mahinang bulong naman ni Baron.
“Kilala mo ang anak niya?” Takhang tanong ni Vincent.
“Kaklase ko siya.” Tipid na sagot nito bago ibinaling ang tingin sa babaeng katabi niya na tahimik lang na nakikinig.
“Maghihiganti yang mga Virgo na yan panigurado.” Komento naman ni Giovanni na agad sinundan ni Vincent.
“Malaking digmaan na naman ang mangyayari.”
[MARTIN’S MANSION]
Sa loob ng malaking opisina ni Marcelo, nakatambay na naman ang mga myembro nito na sina Sin at Dante kasama sina Vonzo at Jin.
Habang tahimik ang mga ito at kanya kanya ng ginagawa, kasalukuyan namang nakaupo si Vonzo sa may gilid habang nakatingin sa isang litrato.
Larawan nilang dalawa ni Elsa nung mga bata palang sila.
Hinimas niya saglit ang mukha ng batang Elsa sa larawang yun at tsaka mapait na ngumiti.
“Malapit na kitang makuha sa magulong grupo na kinabibilangan mo ngayon mahal kong kapatid.” Usal nito sa sarili. “Jan sa grupong kumuha sayo at naglayo sa atin.”
Nagbabagang pa rin ang panga nito sa galit habang inaalala nito ang nangyari nung gabing yun. “Hinding hindi ko titigilan yang grupo na yan hanggang sa maubos silang lahat. Di ka nila dapat nilayo sakin. Di na dapat nila ginambala ang normal na pamumuhay natin.”
Malapit ka ng kunin ni Kuya..
Maghintay ka lang..
Kukunin rin kita at mamumuhay tayo ng normal at masaya tulad ng dati.
Bigla namang napatigil sa pag iisip si Vonzo nung biglang pumasok si Marcelo kasama sina Ikram at Dylan.
“Kayong lahat, sumunod kayo sakin.” Utos nito kaya nagsitayuan na sila. “Maliban sayo, Jin.” Pahabol nito kaya umupo nalang ulit ito.
Ikinagulat naman yun ng konti ni Vonzo. Pero di na niya pa inisip yun at sumunod nalang.
Tinahak nila ang isang pasilyo ng mansyon at nakarating sila sa isang silid na malawak at parang abandunado na dahil wala kang makikitang kagamitan dito.
Pumwesto naman agad ang Lima sa harapan ni Marcelo at naghihintay sa sasabihin nito.
Pansin naman ni Vonzo na may dala dalang sandata ang kasamahan niya at siya lang yung wala.
Ano bang gagawin namin?
“Vonzo” Usal ni Celo kaya napatingin ito sakanya.
“Patay na si Vlad.” Nakangising usal nito.
“Kagabi pa diba? Alam ko na yun.” Walang modong sagot nito na ikinatawa ng matanda
“Alam mo na pala.” Natatawang sabi nito na pinagtaka lalo ni Vonzo.
“Alam mo ba ang ibig sabihin nun?” Tanong pa nito. Di sumagot si Vonzo kaya nagsalita ulit ito. “Wala na akong utang sayo.”
Tumalikod ito bigla at naglakad papuntang pintuan habang nagsasalita. “At alam mo rin ba ang ibig sabihin nun?” Nagulat naman si Vonzo nung biglang pumwesto ang apat na kasamahan niya at mabilis siyang pinalibutan. “T-teka anong ibig sabihin nito?!” Sigaw nito pero di ito pinansin ni Celo.
Nung nasa tapat na ito ng pinto ay huminto ito saglit at lumingon sakanya bitbit ang isang nakakaasar na ngisi “Wala ka na ding pakinabang sakin, bata.” Usal nito bago lumabas sa pintuan.
Napamura naman ng malakas si Vonzo sa sitawasyon niya. Nakita niyang dahan dahan ng bumubunot ng sandata ang apat na nakapalibot sakanya.
“Pasensya na pero utos ito ng Boss.” Lintanya ni Dylan
“Kung naging mas maayos lang sana ang pakikitungo mo kay Boss, baka nagbago pa ang dicisyon niya.” Singit rin ni Dante.
“Kung ganun matagal niyo itong pinaplano?!”
“Ayaw ni Boss na magkaron ng utang sa isang tao, kaya naman ginawa niya muna ang gusto mong itumba ang Virgo kapalit ng pagbibigay mo ng impormasyon kung saan makikita si Lady Agnes.” Usal rin ni Ikram. “At ngayong bayad na siya sayo, oras na para iligpit ka namin”
“Hindi pa tuluyang bumabagsak ang Virgo!”
“Wala na ang ulo nila. Tingin mo ba kaya pang lumaban ng gagamba pag pugot na ang ulo nito?” Sagot naman ni Dante.
“ Mga walang hiya kayo! MGA TRAYDOR!“ Sigaw ni Vonzo sa sobrang galit. Di siyang makapaniwalang nahuli siya sa patibong ng mga hayop na to.
Sa ngayon ay isang tao lang ang inaalala niya..
Elsa…
Nakangiti namang gumanti si Sin sakanya.
“Maling grupo ang sinalihan mo, Vonzo.”
Asar!
-To be continued
(A/N :Di mo talaga alam kung sino ang kalaban at biktima sa storyang to hahaha. Spoil sa next ud? Story of Vonzo Monte :) Thank you sa mga votes at comments niyo guys :) Pasensya na at ang tagal ng UD hahaha ang hirap dugtungan ng kadramahan na nangyari last episode eh hahahaha. Anyways, kitakits nalang tayo sa next ud :) Naumpisahan ko na yun, i uud ko nalang ASAP :)) Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 19 : The Fall of the Rebel Angel (Vonzo’s Side Story)
Episode 19 : The Fall of the Rebel Angel (Vonzo’s Side Story)
( Pakitingin po sa media. Byakuran as Vonzo Monte )
( Sorry kung isang side story na naman ang insert hahaha. Please wag niyo madaliin ang pagbabasa para madama niyo yung bawat scene ng kwento :)) )
This episode is dedicated to you S
angerosQuill.
Thank you sa maikling kwentuhan kagabi :))
[3rd Person’s PoV]
Flashback
Mabilis na nasalampak sa may pader si Elsa ng balibagin ito ng isang 4th year highschool na lalaki. “Papalag ka pa ah.”
“Ano ba?!” Pinalibutan agad siya nung lalaki kasama ang apat pa nitong kasamahan.
“ Kilala ko kayo! Kaklase kayo ni kuya Vonzo diba?! Isusumbong ko kayo!“ Sigaw ni Elsa pero nagtawanan lang ang mga ito.
“Wala kaming pakialam. Gusto ka lang naming tikman miss. Kaya sige naa.” Hihipuan pa sana nung isang lalaki ang hita niya pero malakas niya itong tinabig. Wala siyang mahingan ng tulong sa kinatatayuan nila ngayon dahil nasa may likuran sila ng school.
“Abaaa. Pumapalag talaga.” Ngising usal nung isa habang hawak hawak ang kamay niyang natabig . “Ang cute niyo talagang tignang mga first year. Napaka sariwa.” Dugtong nito tapos ay nagtawanan pa.
“Mga bastos kayo! Humanda talaga kayo sa kuya ko!”
Sunod namang lumapit yung isa tapos ay hahawakan rin sana nito ang dibdib ni Elsa pero tinabig niya lang ulit ito. Medjo malakas ang pagkakatabig ni Elsa dun kaya biglang napikon yung lalaki at mabilis na sinampal ang mukha niya. “Pakipot ka pa!” Mabilis namang napahawak sa pisngi ang dalaga dahil sa sobrang sakit.
Agad namang hinawakan nung isa ang buhok ni Elsa at tsaka hinila pataas para maangat ang ulo nito. Sasampalin niya pa sana ulit ito ng meron sila marinig na boses sa likuran nila.
“Elsa?”
Lahat sila ay napalingon dito. At nung mapagtanto ni Elsa kung sino ito, mabilis niyang inalis ang kamay nung lalaki sa buhok niya at tsaka mabilis na pumunta sa kuya niya “Kuya!”
“May problema ba?” Normal na tanong ni Vonzo na tila di nakita kung pano ito sinabunutan nung isa ang kapatid niya. “Ang babastos nila!”
Masama namang tinitigan nung lima si Vonzo. Habang si Vonzo ay walang ginagawa at nakatingin lang rin sakanila.
“Tss. Storbo.” Usal nung isa tapos ay tumalikod na ito at naglakad “Tayo na”
Nakaalis ang mga ito na parang wala man lang nangyari. At di makapaniwala si Elsa dahil wala man lang ginawa ang kuya niya “Kuyaa! :3”
Tumingin naman ito sakanya “Hmm?”
“Dapat binugbog mo sila :3” Nakangusong sabi nito “Binastos nila ako! Huhuhuhu muntik na akong ma rape” Mangiyak ngiyak pa na sabi nito. Pero imbes na kampihan, ang natanggap lang nya ay pisil sa ilong mula sa kuya niya.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” Mabilis naman yung inalis ni Elsa at nagtatampong tumitig ito sakanya “Heh! Di mo talaga ako kayang ipagtanggol! Ayoko sayo!” Sigaw nito tapos ay mabilis na tumakbo paalis.
2 Days later
Pauwi na ngayon ang magkapatid na Monte kasama ang mga kaibigan nito na sina Hell at Elon.
Masayang nagkkwentuhan sina Elon at Elsa habang si Hell naman ay bugnot ang mukha si gilid. Si Vonzo naman ay tahimik lang na nakasunod sa tatlo sa likuran nila habang nakapamulsa.
“Buti nga talaga sakanila. Ang mamanyak nila. Bagay lang sakanila ang mabugbog.” Kwento ni Elsa.
“Bali bali daw yung buto nila? Sino kaya ang may gawa nun sakanila?” Elon
“Bagay lang yun sakanila! Bwesit! Ba’t di mo ako tinawagan nung ginawa nila sayo yun?!” Inis na bulyaw ni Hell kay Elsa na ikinatawa naman ni Elon.
“At bakit? Ililigtas mo ako? Lima sila abnoy! Yung isa nga jan di ako kayang ipagtanggol eh.” Parinig ni Elsa sa kapatid niya sa likuran. Palihim niyang tinignan ito saglit, pero gaya ng inaasahan, parang wala itong pake sa pinag uusapan nila dahil tahimik lang ito. “Hmmp!”
“Ayaw lang ng gulo ni Kuya Vonzo, Elsa hahaha. Kasalanan mo din yun at pumunta ka sa likuran nung school.” Natatawang sabi ni Elon.
“Hinahanap ko kayo nun kaya napunta ako dun! Kinakampihan mo pa yang si kuya! Hmmp!”
“Hahaha oo na oo na.”
“Hmmp!”
Habang naglalakad ang mga ito ay napadaan sila sa may jewelry store at napansin agad ng mata ni Elsa yung isang cute na kwentas na nakadisplay na makikita mo lang sa labas. Silver ito na may maliit na pendant na kulay ruby. “Waaaaaw ang ganda.” Dumikit pa talaga ang mukha ni Elsa dun sa salamin para tignan ng mabuti yung kwentas.
“Hell! Ibili mo nga ako nito pleaaaase!”
“Tss. Asa. Wala akong pera.”
“Mayaman naman kayo! Sige naaa :3 Ang ganda oh..”
“Tignan mo nga yung presyo. Tss” Mabilis itong tinulak ng mahina ni Hell para makaalis na “Tara naaa” Mangiyak ngiyak namang tinignan ni Elsa yung kwentas sa huling pagkakataon.
“Nuuuu T__T”
2 days later-
Habang tahimik na kumakain sina Vonzo, Hell at Elon sa may canteen ay bigla nalang nabulabog ang lahat sa loob nung bumukas yung pintuan nito at nagsisigaw na lumapit si Elsa sakanila. “Waaaaaaa!” Tapos ay mabilis nyang niyakap si Hell “Ang bait mo talaga Heeeeell!” Sigaw nito habang si Hell naman ay walang kamuwang muwang sa nangyayari.
“H-hoy! Ano ba! Bitawan mo nga ako!”
Bumitaw naman agad si Elsa tapos ay malapad na ngumisi sa harapan ni Hell sabay taas nung kwentas na gustong gusto niyang bilhin nung isang araw. “Ikaw yung naglagay nito sa locker ko diba? Salamat talagaaa” Tapos ay yumakap ulit ito.
Si Elon naman ay di maiwasang matawa sa nakikita niya. Habang si Vonzo naman ay tahimik lang na kumakain.
“Di ako ang naglagay niyan!” Sigaw ni Hell.
“Ehhh :3 Wag kana mahiya hehehe.”
Umupo na ito sa bakanteng upuan katabi ni Vonzo.
“ Hindi nga -_- Bat ko naman bibilhin yan?“
“Para sakin hehehe”
“Asa.”
“Eh kung hindi ikaw, eh sino? Kayo lang naman ang nakakaalam na gusto kong bilhin to “
“Baka si Elon.”
Tumingin naman si Elsa kay Elon habang nakangiti “Ikaw bumili nito Elon? Hehehe”
“Hahahah burger nga nahihirapan akong bumili.” Natatawang sagot nito kaya bumalik ulit ang tingin nito kay Hell “Hindi daw eh :3”
“Baka si Vonzo.” Usal ni Hell kaya napatingin saglit si Elsa sa katabi niya, at nakita niyang parang wala itong pake sa paligid niya maliban sa kinakain niya, kaya naman tumingin nalang ulit ito kay Hell at tsaka ngumiti.
“Imposibleng siya ang bumili.”
“Ah basta thank you talaga dito Hell” Ngising pasalamat nito. Di niya inexpect na bibilhin talaga yun ni Hell kaya ganun nalang siya kasaya ngayon.
“Abnoy di nga ako bumili nyan -__-”
“Bleeh”
Uwian na nila ngayon at si Elsa nalang ang hinihintay nilang tatlo sa may gate para makauwi na sila. Habang naghihintay sila ay saglit may pinuntahan si Elon kaya sina Hell at Vonzo nalang ang naiwan.
“Ikaw yun diba?” Biglang tanong ni Hell.
“Anong ako?” Normal na tanong rin pabalik nito.
“Yung bumili nung kwentas.”
Ngumiti naman si Vonzo sa narinig. “Di mo ba narinig si Elsa kanina?”
“Pero hindi nga ako yun.” Mabilis na sagot nito. “Ikaw yung bumili diba?” Di sumagot si Vonzo kaya alam na agad nito ang sagot.
“Tignan mo nga yung presyo. Tss” Mabilis itong tinulak ng mahina ni Hell para makaalis na “Tara naaa” Mangiyak ngiyak namang tinignan ni Elsa yung kwentas sa huling pagkakataon.
“Nuuuu T__T”
Paalis na rin sana si Vonzo para sumunod sakanila nang saglit siyang tumigil at tinignan yung tinutukoy na kwentas ni Elsa at tsaka ang presyo nito. Pagkatapos ay sumunod na rin ito sakanila
“Ba’t di mo sinasabi sakanya? Yung bumugbog dun sa nangbastos kay Elsa, alam kong ikaw din ang may gawa nun.” Usal pa ulit ni Hell pero nanatili lang na tahimik si Vonzo habang inaalala ang ginawa niya sa magbarkada na yun.
Nung palalim na ang gabi, naisipan na ni Gary at mga barkada niya na umuwi na.
Habang naglalakad ang mga ito ay di nila maiwasang pag usapan yung nangyari kanina.
“Ba yan! Nakialam pa yung bwesit na Vonzo na yun!”
“Tangna pre ang sexy nung kapatid niya no? First year palang pero uughh. Sayang talaga yung kanina.”
“Dabest talaga tong mga sariwa pa pre.”
Inis namang sinipa ni Gary yung lata na nakahalata sa daraanan nila “Matitikman ko rin yun!” Sigaw pa nito.
Pero napahinto bigla yung lima nung tumama yung lata na yun sa mga paa nung lalaking nasa harapan nila na mejo may kalayuan sakanila. Di nila ito maaninag kasi mejo madilim na. Pero gayunpaman, sa tindig palang nito habang nakapamulsa ay mukha kilala nila ito. “Vonzo?”
Umabante naman ng kaonte si Vonzo para maaninag ng onte yung mukha niya. At dun, dun nakita nila Gary ang nakakakilabot na titig ni Vonzo
“Akala niyo ba palalampasin ko nalang ang ginawa niyo sa kapatid ko?” Dahan dahan itong lumapit sakanila, at di tulad kanina, sobrang lapad ng ngisi nito ngayon habang nakatingin sakanila.
Parang ibang Vonzo ang kaharap nila sa mga oras na’to.
“Kailangan pa bang malaman niya?” Tumalikod ito bigla kaya napalingon si Hell dito “Ang akin lang ay maging masaya ang kapatid ko. Yun lang” Dugtong nito tapos ay naglakad na palayo at umuna ng umuwi.
Habang naglalakad si Vonzo ay di nito maiwasang mapaisip sa pag uusap nila ni Hell kanina.
“Ba’t di mo sinasabi sakanya? Yung bumugbog dun sa nangbastos kay Elsa, alam kong ikaw ang may gawa nun.”
Mahal na mahal niya ang kapatid niya sa totoo lang. Lahat gagawin niya para maging masaya lang ito. Kaya lang di niya alam kung paano ito ipapakita o ipaparamdam sa kapatid niya.
Isa rin sa rason kung bakit wala siyang ginawa nung araw na yun ay ayaw niyang makita siya ng kapatid niya na gumagawa ng bayolente. Sa harap ni Elsa, isang tahimik, at parang walang pake na kapatid si Vonzo. Yun na ang nakatatak sa utak ni Elsa tungkol sa kuya niya. At mas gugustuhin nalang niyang ganun nalang ang maging tingin nito sakanya kesa sa malaman pa nito ang tunay niyang pagkatao,kung pano siya nasasarapan tuwing makakarinig siya ng mga nababaling buto, kung paano siya natutuwa tuwing may nakikita siyang tao na nahihirapan.
Napahinto naman sa paglalakad si Vonzo nung mapansin niya ang maiingay na tunog ng motor sa may unahan niya. Pagtingin niya dun, sobrang daming barumbado ang nakatingin sakanya. Mukhang isang pipitsuging gangster ang mga ito.
Tinuloy ni Vonzo ang paglalakad niya kahit nakaharang ang mga ito sa daraanan. Nakapikit habang nakapamulsa lang itong naglalakad palapit sa mga gangster na sobrang sasama ng mukha.
Nung malapit na siya ay may isang membro ang biglang nagpa andar ng motor at mabilis na pinaharurot sa harapan niya. Plano nitong sagasaan siya.
Nung sobrang lapit na ng motor, biglang tumagilid si Vonzo at bumwelo ng sobrang bilis at malakas na sinalubong ng sipa ang nakasakay nito.
Sa sobrang lakas ng pagkakatama, mabilis na nahiwalay yung nakasakay sa motor na yun. Sa lakas ng pagkakasipa ay nabalik ito sa kinatatayuan ng mga ka gang niya.
“Ang lakas mong bugbugin ang ka myembro namin bata.” Maangas na usal nung parang leader nila na may singsing sa ilong. Sobrang brusko ng katawan nito. Malamang si Gary ang tinutukoy nitong ka myembro nila.
Imbes na sumagot ay ngumisi lang ang binata kaya nakaramdam ng sobrang inis ang mga ito. “Ang yabang mo!”
Agad sumugod ang mga ito ng sabay, habang si Vonzo naman ay di na rin nagpahuli. Ngising demonyo niya rin itong sinalubong bitbit lang ang kamao niya.
**
Habang isa isang pinapatumba ni Vonzo ang mga kalaban ay may isang kaedaran na lalaki ang nakasakay sa nakaparadang kotse sa may di kalayuan habang pinagmamasdan sila.
**
Nang huling mapagbagsak ni Vonzo ang natitirang kalaban ay hingal hingal itong napasandal sa may puno. Nagkasugat rin ang katawan niya dahil halos lahat ng nakalaban niya ay may mga dala na matatalim na bagay
Kasalukuyan niyang hinahabol ang hininga niya nang may biglang kotse ang huminto sa may harapan niya.
Bumukas yung tinted glass sa driver’s seat at tumambad kay Vonzo ang isang mejo matanda na lalaki. “Magaling kang makipaglaban bata.” Usal nito habang nasa loob. May hinagis naman na isang calling card ang lalaki sa harapan niya “Baka sakaling gamitin mo.” Huling sabi nito bago sinarado ang kotse at tsaka umalis
Kahit nagtataka ay pilit na kinuha ni Vonzo yung card at tsaka tinignan.
Isang pangalan na Greco Octavo ang nakita niya at isang contact number. Kahit wala itong balak gamitin, nilagay niya pa rin ito sa bulsa niya.
“Kuya!” Narinig naman niya bigla ang boses ni Elsa sa may unahan kaya napalingon siya dito. Nagdadali itong pumunta sa kinaroroonan niya kasama sina Hell at Elon kaya pinilit nito ang tumayo kahit mejo nahihirapan siya dahil sa mga tama niya sa katawan.
Di siya pwedeng makita ng kapatid niya na ganito.
“KUYA!” Napansin naman niya ang pag aalala sa mukha nito habang palapit sakanya
“SA LIKOD MO VONZO!” Biglang sigaw ni Hell at huli na nang mapansin niya yung bat na humampas sa may ulo niya. Sa lakas ng pagkakahampas ay agad siyang nawalan ng malay
“KUYAA!”
Agad naman umaksyon sina Hell para itumba yung natitirang kalaban.
Few days later-
Dahan dahang napamulat si Vonzo mula sa mahabang pagkatulog at isang puting kisame ang tumambad sakanya. Saglit niyang nilibot ang paningin niya at napagtanto niyang wala pala siya sa kanyang kwarto ngayon.
Ospital?
Pilit nitong inaalala ang mga nangyari, at ang huling naalala niya ay ang mukha ni Elsa na nag aalala habang palapit sakanya.
Napatingin naman siya sa may gilid niya nung may mapansin siyang tao na natutulog sa tabi niya. Nakaupo ito habang yung ulo ay nasa gilid niya. Sobrang himbing ng tulog nito.
Napangiti ng bahagya si Vonzo habang pinagmamasdan niya ang kapatid niya. Binabantayan siya nito. Di niya maitago ang sayang nararamdaman niya sa mga oras na to. Dahan dahan niyang nilapit ang kamay niya sa ulo ng dalaga para sana hawakan pero mabilis rin itong napahinto nung mapansin niyang gumalaw ito at mukhang nagising na rin.
“Hmm” Antok itong tumingin sakanya kaya mabilis niyang inalis ang ngiti niya. “Kuya gising kana.”
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ulit nito pero tango lang ang isinagot ni Vonzo. Mabilis namang bumangon si Elsa at tsaka kumuha ng prutas para balatan.
“Buti naman at di masyadong malubha yung nangyari sayo kuya.” Sabi pa nito. Nanatili lang na tahimik si Vonzo habang pinagmamasdan ang kapatid niyang nagbabalat. “Ikaw kuya haa. Ang lakas mong makipag away. Samantalang nung binastos ako nung mga classmates mo wala kang ginawa :3 Hmmp” Kunwaring tampo nito. Pero kalaunan ay ngumiti rin ito. “Joke laaang” Tawang dugtong nito.
Wala ng ibang nagawa si Vonzo kundi ang mapangiti nalang.
Yung ngiti talaga ng kapatid niya ang nagbibigay sakanya ng ganung klaseng kasiyahan.
Mga ilang araw ang lumipas, unti unti ng gumagaling ang mga sugat ni Vonzo at nakakalakad na rin ito ng maayos. Bukas ay aalis na rin sila dito sa ospital
Pero sa araw na to, isang balita ang bumulabog sakanila.
Kasalukuyang tinitignan ngayon ni Vonzo ang isang invitation card na pinadala ng Virgo Mafia kaharap ang mga magulang niya.
Di ito nagsasalita. Malamang puno ng tanong ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Ang mga magulang nito ay panay tingin lang rin sa isa’t isa dahil di nila alam kung anong sasabihin nila sa kanilang anak.
“Bakit ka pinadalhan nila nyan anak?” Tanong ng ina niya. Sa ngayon isang tao lang ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Vonzo.
Yung matandang nagbigay sakanya ng calling card. Si Greco Octavo
“Kasapi ba yun ng Virgo Mafia?”
Kilalang kilala sa bayan nila ang Virgo Mafia kaya alam ng mga magulang niya na isang delikadong sitwasyon ang haharapin ni Vonzo sa oras na tanggapin niya ang alok ng grupo.
Saglit naman niyang tinignan ang kapatid niya sa may kabilang bakanteng higaan na nagbabasa ng libro at walang kaalam alam sa pinag uusapan nila.
“Huwag kayong mag alala. Di ako papayag sa gusto nila.” Alam niyang ang imbitasyon na’to ay patungo na para gawin kang myembro ng organisasyon nila. At sa ngalan ng nag iisang kapatid niya, hindi niya ito tatanggapin.
Ayaw niyang makisali sa gulo. Ayaw niyang masangkot sa gulo at madamay pa pati kapatid niya.
Ayaw niya ng magulong buhay.
“P-pero hindi kaya pag initan ka nila dahil tinaggihan mo ang alok nila, anak?” Kinakabahang tanong ng ama nito. Karamihan kasi ganun ang nangyayari sa mundo ng Mafia, kung di mo masali sa grupo mo yung taong nakitaan mo ng potential, papatayin mo yun para di na maging banta pa balang araw.
Napaisip si Vonzo sa sinabi ng ama niya. Baka nga hahanapin siya sa oras na tumanggi siya.
Kahit saan man sa dalawa ang pipiliin niya, siguradong manganganib pa rin ang buhay niya at pamilya niya, lalong lalo na ang kapatid niya.
Makalipas ang ilang araw, napag desisyunan niya na pupunta na muna sa malayong lugar para magtago. Isang Mafia ang nagrerecruit sakanya, at di niya alam kung anong mga pwede nitong gawin pag tinanggihan niya ang alok nito. Kaya naman lalayo na muna siya para di mapahamak ang pamilya niya. Taliwas man sa gusto niya, pero kailangan. Alang alang sa kaligtasan ng kapatid niya, gagawin niya ito. Kahit pa sariling kaligayahan niya mismo ang kapalit.
Malalim na ang gabi at mahimbing na natutulog ngayon si Elsa. Binuksan ni Vonzo ang kwarto nito para tignan saglit ang kapatid niya. Bitbit ang bag niya, lumapit siya rito para mapag masdan niya ito ng malapitan.
“Babalik ako.” Sa unang beses ay nakakuha ng pagkakataon si Vonzo na gawin ang bagay na gusto na niyang gawin dati pa. Yumuko siya at tsaka saglit na hinalikan ang buhok ng kapatid. “Babalikan ka ni Kuya, pangako yan.” Huling paalam nito bago umalis sa silid na yun.
Pagkababa niya ay nadatnan niya ang mga magulang niya na nasa tapat na ng pinto at hinihintay siya. “Sana ay mapabilis niyo pa ang paghahanap ng malilipatan.” Sabi nito sakanila.
“Alagaan niyo sanang mabuti ang kapatid ko. At yung sinabi ko, pakiusap wag niyong sabihin sakanya ang rason ko sa pag alis ko.” Pakiusap nito. Nalulungkot namang ngumiti ang mga magulang nito tsaka tumango.
“Mag iingat ka anak.”
Dahil sa Virgo Mafia, napilitan si Vonzo na lumayo sa kapatid niya para sa kapakanan nito. Dahil sa mga Virgo na yan, matagal pa bago niya masisilayang muli ang mga ngiti ng pinaka mamahal niyang kapatid.
Kasabay ng paglabas niya sa pintuang yun ay isang kaonting galit na rin ang unting unti namumuo sa puso ni Vonzo sa Organisasyon na yun.
At pinapangako nito balang araw, na pag nakabalik na siya, kukunin niya ang kapatid niya at isasama niya ito palayo para mamuhay ng tahimik.
Lumipas ang maraming taon, nakauwi na rin ng pilipinas si Vonzo at di na ito makapag hintay pa na makita ulit ang pamilya niya,
Lalong lalo na ang kapatid niya.
Pero sa pag uwi niya, isang malagim na balita lang ang naabutan niya.
“Ano?!” Di makapaniwalang singhal nito sa mga magulang niya dahil sa sinabi nito. “Pano niyo nagawang payagan si Elsa na mapasali sa criminal na grupo na yun?!” Galit na galit na sigaw nito na para bang hindi niya mga magulang ang kausap niya.
“Huminahon ka ana–”
“Magpaliwanag kayo! Ang sabi niyo sakin babantayan niyo ang kapatid ko!”
“W-wala rin kaming kaalam alam sa nangyari anak. Nagulat nalang kami nung sinabi niyang inimbita siya ng organisasyon na yun. Gusto niyang tanggapin ang trabaho kaya sinubukan namin siyang pigilan. Pero matigas ang ulo niya. Ayaw niyang papigil.”
“Kasama niya yung isang kaibigan niya na sumali. Yung si Hell.”
Napakagat naman si Vonzo sa nakakuyom na kamao niya sa sobrang pagpipigil ng galit. Siguradong sumali lang ito sa grupo na yun dahil andun rin si Hell.
“Nasan siya?” Pagpipigil na tanong nito.
“A-anak..kung may plano kang makipag kita sa kapatid mo..” Napalingon naman ang ama nito sa asawa para ituloy ang sasabihin niya.
“Galit na galit sayo ang kapatid mo nung umalis ka. Ayaw na ayaw na niyang pinag uusapan ka namin. Marinig niya lang ang pangalan mo ay mabilis itong nagagalit. Gusto man naming sabihin yung rason mo sa pag alis pero sabi mo di namin gagawin yun. Kaya lumaki siyang may galit sayo anak. Pero ngayon nandito kana. Pwede mo ng sabihin sakanya ang rason mo.”
Natigilan naman saglit si Vonzo sa mga narinig niya.
Galit sakanya ang pinaka mamahal na kapatid niya.
Kinamumuhian na siya nito dahil sa ginawa niyang sakripisyo para sa kaligtasan nito.
Sa mga narinig niya ay di na niya alam pa ang nangyayari sakanya. Mabilis niyang kinuha ang vase malapit sakanya at tsaka malakas na hinampas sa sahig.
“NAGSAKRIPISYO AKONG LUMAYO! PARA SA KALIGTASAN NG KAPATID KO! PERO ANONG GINAWA NIYO?! NGAYON KASALI NA SIYA SA ISANG DELIKADONG GRUPO!” Biglang nagdilim ang paningin niya sa sobrang galit kaya di na niya alam pa ang mga sumunod na nangyari.
Nahuli nalang niya ang sarili niya na nakaharap sa nakahandusay na na katawan ng mga magulang niya. Habang yung kamay niya ay punong puno ng dugo.
Tulala itong tinignan ang mga kamay niya. Napatay niya ang sarili niyang mga magulang dahil sa galit.
Nagkandarapa itong lumabas sa bahay na yun para tumakas.
Napatay niya ang sarili niyang magulang dahil sa balitang sumapi si Elsa sa Virgo.
Virgo..
Virgo na naman..
Winasak na nang Virgo na yan ang buong buhay niya. Wala na ang mga magulang niya, tapos ngayon sobrang layo na ng kapatid niya sakanya dahil sakanila, at kinamumuhian pa siya nito.
Pumunta si Vonzo sa may rooftop ng isang building at tsaka malakas na sinigaw ang sobrang galit na nararamdaman niya “PAGBABAYARIN NIYO LAHAT NG GINAWA NIYO SA BUHAY KO!! AARRGHHHH!!” Simula sa araw na yun ay sinusumpa na niya ang Virgo at nangangakong patutumbahin niya rin sa sarili niyang mga kamay ang pamilya na to balang araw.
“Kukunin kita sa walanghiyang grupo na yan, Elsa. Pinapangako ko yan.” Pangako nito sa sarili habang unti unting kinukuyom ang mga kamao.
At para magawa niya ang mga pinaplano niya, kailangan niya ring sumali sa isang Mafia para makakuha ng lakas na kayang patumbahin ang oraginisasyon na yun.
Napansin naman ni Vonzo ang isang pigura ng matandang lalaki ang nakatayo sa likuran niya. May hawak itong tungkod at nakangiti lang itong na nakatingin sakanya.
Namumukhaan niya ito. Ang kilalang isa sa pinaka mayamang businessman sa asya at yung Founder ng bagong tayong mafia sa pilipinas na Hirvana Group.
Si Frederick Lincoln.
“Hey there, kid.”
End of Flashback
Elsa..
Pilit na gumapang ni Vonzo para tumakas sa kamay ng apat na traydor na to pero di na niya ito magawa.
Masyado ng maraming tama na ang tinamo niya.
Pulang pula na rin ang suot nitong polo na kanina lang ay sobrang puti pa.
“Wala ng ibubuga yan.” Usal ni Dante pagkatapos ay malakas pa na sinipa ang mukha ni Vonzo kaya mabilis itong nabangga sa pader. Dahil dun ay tuluyan ng napahinto sa pag gapang si Vonzo.
Mabilis namang hinila ni Dante ang buhok nito para iupo at isandal sa pader. Yumuko pa ito para magpantay sila ni Vonzo at tsaka ngising nagsalita
“Ano? Lalaban ka pa?”
Pero sa halip na sumagot, dinuraan lang siya nito ng laway na may kasamang dugo. Napaatras si Dante at mabilis na napapunas sa mukha niya dahil sa ginawa nito. “Tangina”
Mas lalong nag init si Dante kaya walang habas niyang pinagtatadyakan ang mukha at katawan nito hanggang sa matumba na naman ito. “Ang lakas mong duraan ako!” Singhal nito sa gitna ng mga tadyak nyia.
Kalaunan ay huminto na rin ito dahil sa pagod.
“Ikumusta mo nalang kami kay Acosta.” Huling sabi pa nito bago tumalikod at umunang umalis.
Tahimik lang naman na tinitignan nina Ikram, Dylan at Sin ang duguang si Vonzo. Pagkatapos ay umalis na rin ang mga ito sa silid na yun.
Nang wala ng tao sa loob, mahinang gumalaw si Vonzo at pilit ulit na umupo at sumandal.
Naghahabol na ito ng hininga. Napapatingala na ito dahil wala na itong masagap na hangin habang kinakausap ang sarili..
Hindi..
Hindi pa ako pwedeng mamatay..
Wag muna..
Gusto ko pang mabuhay.
Gusto ko pang masilayan ulit ang kapatid ko..
Iaalis ko pa siya sa magulong buhay niya ngayon..
Nangako ako..
Nangako pa ako sa sariling ibabalik kita sa normal mong buhay..
Elsa..
Mahina niyang kinuha ulit ang litrato sa bulsa niya at nanghihina niya itong pinagmamasdan
Hinaplos niya pang muli ang mukha ni Elsa sa larawan na yun habang mapait na napangiti..
Kapatid ko..
Gusto pa kitang masilayan sa huling pagkakataon man lang..
Napapikit nalang ito habang tumutulo ang luha.
Pakiusap buhayin niyo pa ako..
Sa unang pagkakataon ay humiling na ito sa diyos sa pagka desperado niyang mabuhay pa.
“A-ayoko pa..” Bulong nito. Pero kalaunan ay napabulwak na ito ng dugo at nanikip bigla ang dibdib.
“P-pakiusap..”
Ayoko ko pang mamatay..
Hiling nito pero wala, unti unti na siyang nakakaramdam ng antok..
Parang gusto ng bumigay ng katawan niya..
Sa huling pagkakataon ay muli niyang tinignan ang ngiti ni Elsa sa larawang yun..
“Elsa..” Huling bigkas nito bago tuluyang huminto sa pagpitik ang pulso nito at tuluyan ng nabitawan ang larawan na yun.
Mabilis namang napalingon si Elsa sa likuran niya dahil pakiramdam niya ay may tumatawag sa pangalan niya.
Pero paglingon niya ay wala naman
“Ayos ka lang?” Tanong ni Hell. Agad naman niya itong tinignan “Oo.” Pagkatapos ay sumandal ulit sa balikat nito habang dinadama pa rin ang pagkamatay ng Boss niya.
Ni wala man lang itong kaalam alam na ang nagpapahalaga sakanya ng husto higit pa sa buhay nito..
ay wala na..
-To be continued
(Lahat talaga may nakaraan. So wag basta basta mag judge ng tao :) Di mo alam meron lang yang pinagdaanang sakit dati kay nagkakaganyan yan ngayon. Alamin mo muna yung side ng isang tao bago mo sila huhusgahan. Ayt? :) Thank you sa mga votes at comments niyo :)) Malayo layo pa ang tatahakin ng Book 2 na to kaya tiis tiis lang muna :) Alam kong lagi ko kayong nabibitn pero sana naman maintindihan niyo na On going to :3 Mabibitin talaga kayo hahah wag naman kayong mainis. Sinisingit ko naman palagi yung pagsusulat ko para maka UD ASAP. Minsan natatagalan lang talaga kasi di naman ako nakatira sa Wattpad World. May sarili rin akong buhay hahaha. At di ko field ang pagsusulat kaya di ko talaga kaya magsulat buong araw. Nakakaumay. So yun, sana maintindihan niyo :) So yun lang muna heheh See you sa next episode~ Adios~ :)) )
-Emnacinn
Episode 20 : Anger and Sorrow
Episode 20 : Anger and Sorrow
(Plano kong palitang yung portrayer ni Argo hahaha gusto kong ipalit si Itachi since kay Itachi talaga inspired yung kwento niya hahaha Okay lang ba yun sainyo? :) )
(Sorry mejo antagal ng update :))
[Ish’s PoV]
Bukas na ililibing sina Boss Vlad at Sebastian. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang pag atake ng mansyon, at ngayon lang ulit namin nakita ang pinsala nito. Sa mansyon ng Fuego kasi kami tumutuloy nitong mga nakaraang gabi.
Habang tinitignan ko kung gano kawasak ang mansyon ay di ko maiwasang di magluksa pa lalo.
“Di ko akalaing ganito pala kalaki ang pinsala ng mansyon” Sabi ni Elsa sa tabi ko. Kaming tatlo lang ni Hell ang pumunta dito dahil yung iba ay nasa Chapel. “Matatagalan pa bago maayos ang mansyon na’to.” Patuloy niya. Tama siya, siguradong aabutin pa to ng buwan bago mabalik sa dati ang ganda nito.
“Sa mansyon ng Fuego ba muna tayo maninirahan pansamantala?” Tanong ko na sinagot agad ni Hell.
“May sariling myembro ang mansyon na yun. Di tayo pwedeng sumawsaw”
“Eh ka alyansa naman na natin sila eh” Sabat naman ni Elsa.
“Di pa rin pwede.”
“Eh saan tayo titira ngayon?”
Napaisip ako saglit sa tanong ni Elsa. Nagkatitigan kami saglit ni Hell at mukhang parehas kami ng iniisip sa mga oras na’to.
Mukhang kailangan na naming bumalik sa mismong pugad naming lahat.
“Si Boss kumusta na? Di pa rin ba nagsasalita?” Biglang pag iiba ni Elsa nung mapansin niyang di kami sumagot sa tanong niya. Bigla akong natigilan sa pag iisip ko sa tanong na yun.
Tatlong araw na ang lumipas pero wala pa din sa katinuan si Boss. Hindi sumasagot kapag kinakausap o pag tinatanong. Lagi nalang namin siyang nahuhuling tulala. Bumabalik na naman ang lahat.
“Bigyan lang natin siya ng panahon para tanggapin ang nangyari sa ama niya.” Sagot ko nalang. Masakit man ang katotohanan pero kailangan na naming tanggapin ang mga nangyari.
“Si Virgel lang ba ang napapansin niyong parang wala sa katinuan?” Biglang tanong ni Hell kaya napalingon kami ni Elsa sakanya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“May isang kasamahan pa tayong gulong gulo ang pag iisip ngayon.” Sa mga sinabi niya ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko.
Dahil sa nangyari ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang taong yun. Dahil sa sobrang dami ng mga pangyayari ay nawala na sa isip ko ang bagay na yun.
“Pinatay si Boss
sa harapan niya
ng dating ka myembro niya at wala man lang siyang nagawa“ Usal pa nito. “Siguradong sinisisi na niya ng husto ang sarili niya sa nangyari.”
Benz..
[3rd Person’s PoV]
Di pa rin matanggal sa utak ni Benz ang mga nangyari nung gabing yun. Napaka sariwa pa din sa isip niya kung pano niya lang pinagmasdan ang pagkamatay ng Boss niya sa kamay ng kagrupo niya dati.
“Patawad Boss” Yan nalang ang tanging nasambit nya habang tinitignan si Vlad na tahimik na natutulog. Sobra niyang sinisisi ang sarili niya sa nangyari. Kung di lang sana siya natulala sa pagsulpot ni Morpheus nun, baka naagapan pa niya ang atake na yun at maligtas si Vlad.
Pero wala, huli na. Nagpadala siya sa takot niya kaya isang buhay na naman na malapit sakanya ang nawala.
“Lahat ng napapalapit sayo, nawawala. Alam mo na dapat ang bagay na yan kaya wag mo kong bigyan ng ganyang reaksyon na parang gulat na gulat ka.”
Ang nag iisang tao na kayang magpalinaw kapag naguguluhan siya ay hinayaan niyang mapaslang sa harapan niya.
Ang nag iisang tao na naglayo sakanya sa mapait na nakaraan at nagtrato sakanya ng mabuti ay di niya nagawang maipagtanggol.
Napaisip nalang siya kung gano kalaki ang kasalanan niya sa buong Virgo ngayon.
Lalo na kay Virgel
Nilingon niya saglit si Virgel na kasalukuyang nakaupo at nakatingin lang sa kawalan. Lumapit siya dito para kausapin kahit saglit. Simula nung gabing yun ay hindi niya pa nakakausap si Virgel kahit isang beses. Natatakot siya. Natatakot sa siya sa sasabihin nito. Pero ngayon, kahit sa pagkakataon lang na ito, itatabi niya muna lahat ng takot niya at harapin ang anak ng taong di niya nagawang protektahan.
Pero pagkarating niya sa harapan nito ay di na niya magawang ibuka ang bibig niya dahil dahan dahan siya nitong tinignan.
At yung titig niya, tulala pero kitang kita mo sa mga mata niya ang magkahalong lungkot at galit. Pero wala kang mapapansing ekspresyon sa mukha niya. Normal lang itong nakatitig sakanya pero parang pinapatay na siya nito sa mga titig niya.
Mabilis ng umiwas ng tingin si Benz dahil hindi nya maatim na tignan ang mga mata ng kaharap niya.
“Boss..pa–” Sinubukang magsalita ni Benz pero pinutol lang ito ng batang Boss.
“Nagdidilim yung paningin ko sayo.”
Bakas sa mukha nag pagkagulat ni Benz sa sinabi ng bata. Hindi niya inaasahang lalabas ang mga katagang yun sa bibig nito. Punong puno ng lungkot ang mga mata nito pero nakangiti ng bahagya sakanya. “Pakiusap umalis ka muna sa harapan ko.” Nakangiti ang mukha, napakalungkot ng mga mata, pero bawat salitang sinasabi nito ay ramdam na ramdam mo yung galit.
Magkahalong takot at lungkot ang naramdaman ni Benz sa mga oras na’to. Ngayon ay galit na galit na ang isang Boss niya na laging nagpapagaan sa loob niya. Sigurado siyang sinusumpa na siya ngayon nito dahil nandun din ito nung mangyari yun. At sigurado siyang nakita siya nito sa gilid ni Vlad na walang nagawa kahit konte para iligtas ang ama niya.
Napaisip ulit siya kung may lugar pa ba siya dito sa pamilya matapos ang nangyari..
Wala na siyang nagawa kundi umalis nalang sa harapan ni Virgel. Matamlay lang siyang naglalakad ng salubungin siya ni Helena, tinignan niya ito saglit sa mga mata at kitang kita niya dito ang lungkot at pag alala.
Lumapit ito sakanya at walang pagdadalawang isip siya nitong niyakap. “Nandito lang ako.” Mahinang bulong nito. Mukhang nakita niya ata ang eksena nila ni Virgel. Nakaramdam naman ng kirot sa dibdib si Benz sa sinabi nito kaya dahan dahan din siyang gumanti ng yakap sa kasintahan niya.
“Kaya kung tapusin ang mga mahal mo sa buhay kung gugustuhin ko. Alam mo yan.
At kilala ko lahat ang mga taong yun. Kasama na dun yung babaeng taga Fuego hindi ba?“
Bigla niyang naalala ang sinabi sakanya ni Morpheus nung gabing yun kaya mas lalong napahigpit ang yakap niya kay Helena.
Hindi..
Hindi niya kayang pati ang babaeng minamahal niya ay mawala rin sa buhay niya..
Hapon na ng magtipon tipon ang lahat sa chapel. Pamilya ni Virgel, myembro ng Fuego at ang mga Assassin ni Vlad.
“Sigurado ba kayo? Bukas naman lagi sa inyo ang Mansyon eh.” Tanong ni Stephan sa mga Virgo. Pero mukhang hindi na sila mapipigilan pa sa decisyon nila dahil may dala dala na itong mga sariling bagahe.
“Salamat Steph pero napag usapan na namin to kanina. Dun na muna kami pansamantala habang inaayos pa ang mga pinsala ng mansyon.” Sagot naman ni Ish kaya tumango nalang si Steph bilang respeto sa decisyon nito.
“Ikaw Len? Sigurado ka ba?” Tanong rin ni Veronica sa kaibigan nito dahil sabi nito kanina ay sasama siya sa mga Virgo. Wala namang problema yun kila Ish dahil alam naman nilang makakatulong rin ito sa pagbabantay kay Benz.
Tumango naman ang dalaga at tipid na ngumiti kaya wala na siyang magawa pa.
Agad namang nilingon ni Elsa sina Asher sa gilid nila na sobrang tahimik. “Hindi ba talaga kayo sasama samin?” Tanong nito sakanila.
“Kaya naming matulog kahit saan. Kami na muna ang magbabantay dito habang wala kayo.” Sagot naman ni Felix. Namamangha talaga yung iba sa katapatan ng mga alagad nato kay Vlad. Kahit sa huling sandali ay di nila iniiwan ang amo nila.
Sa ilang minutong paghihintay nila, dumating na rin ang may kalakihang Van na susundo sakanila. “Nanjan na.” Usal ni Kael kaya naghanda na ang mga ito.
pagkarating ng Van ay agad bumukas ang passenger’s seat at lumabas ang isang tauhan ng Virgo para tulungan sila sa mga bagahe.
“Pasensya na po sa paghihintay.” Kamot ulong sabi nito.
“Ayos lang. Pasensya na rin sa biglaang pagtawag.” Ish.
“Walang problema ho yun Sir Ish hehe.”
Inisa isa na nilang nilagay ang bagahe nila sa likod ng Van habang sina Lily at Elsa ay umuna ng pumasok sa loob–na agad ring sinundan nila Helena, Benz, Hell at Kael.
“Boss?” Tawag ni Ish dahil tulala lang itong nakatayo at parang di alam ang mga nangyayari sa paligid niya. Dahan dahan namang tumingin ito sa mga mata ni Ish dahilan para matigilan siya saglit. “A-aalis na tayo.” Utal na sabi nito. Ewan niya pero tumaas nalang bigla ang balahibo niya sa mga titig nito.
Naglakad naman agad ito papunta sa Van. Pero bago pa man siya makarating dun ay nadaanan niya sila Steph sa Nica kaya tumingin rin ito saglit sakanila. Pati ang dalawa ay nakaramdam ng iba sa mga tingin nito.
Parang nakita na nila ito dati pa.
Nang tuluyan ng makapasok ang lahat ay muli nagpaalam si Ish sa mga Fuego at kila Felix. “Kita nalang tayo dito bukas.” Tumango naman ang mga ito kaya agad na niyang sinara ang pinto–at kalaunan ay umalis na rin ang sasakyan.
Nang makaalis ito ay di maiwasan nina Steph at Nica na pag usapan ang nakita nila.
“Ako lang ba, o magkasing tulad na sila ng awra ni Argo?” Tanong ni Nica habang tinitignan ang dinaanan ng Van. “At ang mga tingin niya..”
“Punong puno ng galit.” Dugtong ni Steph. Ang kilala nilang batang napaka inosente at kalmado sa lahat ng bagay ay nakikita nilang ganun ngayon. Bagay na hindi nila inaasahan na makikita nila
“Ang batang yun..” Nabaling ang atensyon ng dalawa sa nagsalita sa gilid nila . “Ganun na ganun rin ang kinikilos ni Argo matapos ang nangyari sa ina niya.” Dugtong pa ni Felix.
“Di malabong maging katulad siya ni Argo matapos ang mga nangyari.” Singit rin ni Elfred. “Pero nakakatakot lang na baka maging mas malala pa siya sa kapatid niya.”
“Pag nilamon na ng tuluyan ng galit ang batang yun, sigurado akong mahihirapan ang Virgo sa mga susunod na mangyayari.”
Habang nasa byahe ang buong Virgo sa loob ng Van, sobrang tahimik ng mga ito. Wala ni isa ang may planong bumasag sa katahimikan sa loob. Lahat ngayon ay may kanya kanyang ginagawa, yung iba natutulog, yung iba tahimik na pinagmamasdan ang Boss nila na nasa unahan habang nakasandal sa may bintana at tulalang nakatitig sa nadadaanan nila.
Napansin naman yun ng driver nila kaya gumawa ito ng paraan para kahit papano ay di maging boring ang byahe nila.
“Kailan ba yung huling punta niyo sa bayan ng Dagon?” Tanong nito. Ang Dagon City ay ang tawag sa lugar kung saan mahahanap ang totoong himlayan ng Virgo. Ang totoong palasyo nito.
“Halos dalawang taon na ata.” Sagot rin Ish.
“Ano bang itsura ng totoong mansyon niyo, Ish?” Walang muwang na tanong ni Kael. Sa mga narito sa Van, sina Virgel, Kael, Lily at Helena palang ang hindi nakakapunta dun.
“Makikita mo rin pagdating natin dun.”
Sa isang tahimik na silid naman ay nandun si Agnes, nakahiga, nag iisip ng mga bagay bagay.
Yung mga nangyari sa mansyon bago ang pagsabog,
yung mga sinabi niyang sekreto kay Virgel,
at yung kamuntikan na niyang pag amin sa nararamdaman niya sa binata.
Oo
May lihim na pagtingin si Agnes kay Virgel, at matagal na niya itong kinikimkim. Matagal na itong nagpapanggap, matagal na niya itong tinatago, sa tuwing magkausap sila ay wala ni isa ang nakakaalam kung gano ito naapektuhan sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti ng binata. Kung pano siya kinikilig at nakikiliti ang tiyan niya sa tuwing magkaharap sila.
Walang nakakaalam kung gano na siya nahuhulog sa binata sa bawat araw na dumaraan.
Biglang kumurba ang lungkot sa mukha ng dalaga nung maalala niya si Virgel. Ewan pero nasasaktan siya habang iniisip kung ano ang nararamdaman nito sa pagkawala ng ama niya. Siguradong sobra itong nagluluksa sa mga oras na to. At ang masakit ay wala man lang siyang magawa para tulungan ito.
Pero sa kabila ng mga ito, ayaw man niyang aminin, isa sa rason kung bakit ito nalulungkot ngayon ay tatlong araw na..
Tatlo araw na pero di man lang siya nito binisita kahit saglit..
Hindi man lang ito napadaan para kumustahin rin siya. Alam naman niyang malabo yun dahil sa sitwasyon niya pero ewan, pilit pa rin itong umaasa na bisitahin siya nito. Kahit saglit lang.
Gusto niyang makita ang binata.
Bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga nung marinig niya ang pagbukas ng pintuan “Virgel?” Usal agad ng bibig niya dahil akala niya ay binisita na siya nito.
Pero ibang tao ang bumungad sakanya.
“Damdam..” Sa loob ng tatlong araw na nasa ospital si Agnes ay si Damian lang ang laging bumibisita sakanya. Halos buong araw itong nandito para lang bantayan siya.
“May dala akong pagkain Lady.” Bungad nito pagkatapos ay nilapag ito sa may gilid para palamigin. Tapos ay kumuha ito ng upuan at nilagay sa gilid ng hinihigaan niya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Pag aalalang tanong nito.
Ngumiti naman ng bahagya si Agnes “Mejo mabuti na heheh salamat sa pagkain, nag abala ka pa”
“Hindi nakakaabala sakin ang bantayan ka, trabaho ko yun.” Sagot naman nito. Napangiti naman si Agnes sa sinabi nito. Ang akala niya yun lang ang sasabihin nito pero may dinugtong pa ito. “Pero kahit hindi ko man trabaho to, buong puso pa rin kitang babantayan, Agnes.” Hindi ito nakatingin sakanya pero ramdam ng dalaga yung sincero sa bawat salitang sinasabi niya.
“Napakabait mong kaibigan, Damian.” Nasabi nalang nito. Ngayon lang ata niya natawag si Damian sa pangalan nito. At di yun inaasahan ng binata.
Pero ewan niya ba, kumurot ng konte yung dibdib niya sa sinabi nito sakanya. “ Tungkulin yan ng isang kaibigan diba?“ Pilit ngiting tanong nito na itinango naman ni Agnes.
“Siya nga pala.” Biglang iba ng usapan ni Agnes “Ahh..ano..may balita ka na ba kila Virgel?” Tanong nito
Virgel..
Virgel na naman.
Tatlong araw na niya itong binabantayan. Siya palagi yung nandito para sakanya, para alagaan, pero kahit anong gawin niya..
Ibang tao pa rin talaga ang hanap hanap ng puso’t isipan nito.
Masakit mang isipin, pero wala siya magagawa sa bagay na yun.
“Bukas na ang libing ng ama niya.” Sagot nalang nito.
“Gusto kong pumunta”
“Hindi pwede.” Suway agad ni Damian. “Hindi ka pa magaling.”
“Pero gusto kong makiramay. Hindi pa ako nagpakita sakanila matapos ang nangyari. Baka isipin nilang wala akong pakialam.” Malungkot na sabi nito tapos ay tinignan niya sa mga mata si Damian. “Gusto kong pumunta, Damdam.” Napabuntong hininga naman ito sa pagmamakaawa sakanya.
“Pupunta ako bukas. Ako na ang magsasabi sa kanila na nakikiramay ka.” Sagot nito na ipinagtaka naman niya.
“P-pero diba ayaw na ayaw mo kila Virgel? sa Virgo?” Tanong niya, at ang sinagot ng binata ang nagpatigil sakanya.
“Kahit ayaw ko, basta ikaliligaya niyo Lady Agnes, gagawin ko.”
-DAGON CITY-
[Virgo’s Palace]
“Hoy bansot, bat ang lapad ng ngisi mo jan?” Di maiwasang magtanong ni Gordon sa kaharap niyang si Maki. Kasalukuyan silang nasa gate ngayon habang hinihintay ang pagdating ng Van na kumuha sa grupo ni Virgel
“Akalain mo yun tanda? Makakasama na natin sila dito sa palasyo! Hindi na ako makapaghintay na makasama sila! Deym deym deeeyym!” Halata sa kinikilos nito ang sobrang excitement. Matagal na niyang gustong makita ang buong pamilya ni Virgel at mukhang sobra sobra pa atang natupad ang pangarap niya dahil masisilayan na niya araw araw ang mga iniidulo niya. “Ang tagal nilaaaaa”
“Ikaw wag kang pasaway pag nandito na silang bansot ka. Wag kang masyadong makulit at baka mapaalis ka.”
“Mabait naman sila eh. Lalong lalo na si Boss Virgel! Nung nakausap ko siya, grabeee sobrang bait niya!” Ang nagkikintabang mga mata nito ay mabilis na tumalim at galit na tinignan ang matanda “Pero nakialam ka pa nun at hinila ako eh! Sobrang ikli lang tuloy ng oras na nakausap ko–” Natigil naman bigla sa pagmamaktol si Maki ng may maaninag itong ilaw ng sasakyan sa may unahan. “Nandito na sila..” Agad itong napatayo sa kinauupuan niya at tinawag ang ibang tauhan na nandun.
“NANDITO NA SILAAAAAAAAA!” Abot tenga yung ngisi nito habang sumisigaw. Mabilis naman na nagsidatingan ang maraming tauhan sa kinatatayuan nila Maki. “Andyan na sila?”
“Sila na yan kaya umayos kayo! Bilis!” Sigaw nito sa mga kasamahan niya pero isang hampas sa batok lang ang natanggap niya kay Gordon.
“At kailan mo pa sila naging utusan?! Ha?!” Singhal nito. Napakamot naman si Maki sa batok niya. “To naman! Nadala lang!”
Mabilis namang pumwesto ang mga ito sa may gilid ng gate kasama sina Maki at Gordon para salubungin yung Van.
Pagkarating nung van, agad bumukas ang malaking gate ng palasyo at tuluyan na itong nakapasok habang yung mga tauhan naman ay nasa gilid lang ng daan at unipormeng nakatuwid lahat.
Nang huminto ito ay agad ulit nagtipon ang mga tauhan sa harapan ng Van para salubungin ang Boss nila at pamilya nito.
Pagkabukas na pagkabukas ng sasakyan ay mabilis yumuko ang mga tauhan sa harapan at tsaka sabay sabay na bumati “Maligayang Pagdating!”
Yung mga nasa loob naman ng Van na hindi pa nakapunta dito ay namangha ng onte sa nakikita nila. “Ganito ba talaga dito?” Tanong ni Kael.
Isa isang nagsilabasan ang mga top members ng Virgo at bakas sa mga nandun ang sobrang pagkamangha nila sa mga nakikita nila. Para bang mga artista ang kaharap nila ngayon.
Todo ngisi naman si Maki at ang tanging kumakaway kila Ish “KUMUSTA! KUMUSTA KAYO! MALIGAYANG PAGDATING PALA!” Sobrang sayang bati nito. Siya lang ang nag iisang napaka impormal kumilos sakanila. Siguro dahil ay bata pa ito.
Mas namangha naman lalo ang mga tauhan sa mga bagong mukha na nakikita nila. Mabilis na nagmistulang puso ang mga mata nito nung nakita nilang bumaba si Helena kasama si Benz.
“Ang ganda niyaa.”
“Syet inlab na ata ako”
“Ang sexy nung babaeng kasama ni Sir Benz.” Mahihinang bulong ng iilang nandun.
“May mga bata rin silang kasapi.”
“Ang cute nung batang babae!” Usal naman nung iilan nung mapansin nila sila Kael at Lily.
Huling inaabangan ng lahat ay ang pagbaba ng kanilang Boss.
Sobrang naeexcite ang mga ito dahil makikita nilang muli ang bagong Boss nila.
Nung makita nilang bumaba si Virgel ay ang mga kaninang nakangiti ay mabilis na nawala nung makita nila ang itsura nito.
Nakatingin lang ito sa malayo at halata ito na wala sa matinong pag iisip. Para itong walang nakikita sa paligid niya dahil mukhang hindi sila napapansin nito.
Lahat ay nawala ang ngiti, maliban kay Maki na mabilis pumunta sa harapan ni Virgel para kausapin ito “BOSS!” Nakangising bungad nito. “Natatandaan mo pa ako?? Ako to! Si Mak
i Puma. Yung nakilala mo hehehe“ Kamot ulo na sabi nito habang nakangisi, habang si Virgel naman ay nakatingin pa rin sa kawalan.
“Maki, tama na yan. Wala pa sa kundisyon si Boss para makipag usap.” Awat ni Ish pero mapilit ito. Dahil hindi siya nito pinansin, hinawakan niya sa balikat si Virgel at tsaka kinausap ulit “Boss! Hehehe Si Maki to.”
Dahan dahan namang napatingin si Virgel sakanya. At nung magtama ang mga mata nila, mabilis na nabura ang ngisi ni Maki sa muhka niya. Natigilan ito at di magawang makapagsalita.
Yung mga titig nito. Ibang iba sa titig na nakita niya nung araw na magkita sila. Nanigas ito sa kinatatayuan niya at kusang bumitaw ang kamay niya sa balikat ni Virgel.
Dahil dun ay tuluyan ng pumasok sila Virgel sa loob habang si Maki naman ay naiwang tulala pa rin.
Si Boss ba talaga yun?
Natanong nalang nito sa sarili dahil ang iba eh, naiintindihan niyang nagluluksa ito sa pagkamatay ng ama niya..
Pero hindi lungkot yung nakikita niya sa mga mata nito.
Kundi galit..
Punong puno ng galit.
Ngayon lang siya natakot ng ganito dahil lang sa titig..
**
“Grabe, sobrang laki ng mansyon na’to.” Manghang usal ni Kael habang nililibot ang tingin sa paligid. Kung susukatin ito, parang titriplihin pa ata ang laki ng mansyon ng Virgo sa laki ng palasyo na to. Napakaliwanag sa loob at sobrang daming kagamitan ang makikita mo. Sobrang lawak ng sala. Napaka ganda ng desenyo ng bawat sulok ng palasyo na to.
Bawat tingin mo sa palibot nito ay may makikita kang mga tauhan na nagbabantay at naglalakad. Pati sa labas ay sobrang dami ang nakabantay. Halos kabaliktaran ito dun sa isang Mansyon na sobrang tahimik.
“Ish.” Tawag bigla ni Kael kaya napatingin ito sakanya. “Hmm?”
“Sila Madel..”
“Isasama natin sila dito bukas pagkatapos ng libing.” Sagot nito.
May mga maid naman agad ang umasikaso sakanila pagkapasok. Halos tag iisa pa talaga sila. Hinatid sila isa isa sa sarili nilang mga kwarto para makapag pahinga na.
May aasikaso na sanang isang maid kay Virgel pero nagpresenta si Ish na siya na ang gagawa. Yumuko naman yung maid at tsaka umalis. Kinuha ni Ish ang luggage ni Virgel at tsaka pinasunod si Virgel. “Boss, punta na tayo sa kwarto mo para makapag pahinga ka na.”
Tahimik lang naman na sumunod si Virgel kay Ish papunta sa kwarto nito. Pagkapasok nila dun ay nilagay ni Ish ang luggage ng aparador. “Bukas na natin to asikasuhin. Magpahinga ka na Boss.” Sabi nito pero gaya ng inaasahan, wala itong natanggap na sagot sa bata.
Umupo ito sa kama at nanatili lang na ganun habang nakatingin sa bintana. Napabuntong hininga nalang si Ish habang pinagmamasdan ng ganito ang Boss niya.
Nasasaktan ito sa sitwasyon ni Virgel ngayon sa totoo lang, pero wala siyang magawa para tulungan ito. Ang tangi nalang magagawa nila ay manatili sa tabi nito para damayan.
Matapos ang ilang segundo pagtitig sa likuran ni Virgel, umalis na si Ish dun para pumunta sa sarili niyang kwarto.
Bukas na ang huling paalam nila kay Vlademir at Sebastian..
Kailangan nilang irelax ang pag iisip nila sa mga oras na to.
Kahit sa mga sandli lang na to.
Dahil panigurado, halo halong emosyon na naman ang mararamdaman nila bukas.
Lagpas hating gabi na pero di pa din makatulog si Virgel. Kaya naman pinili niyang lumabas muna sa kwarto niya at pumunta sa may balkonahe ng mansyon na to.
Pagkarating niya dun, isang malamig na hangin agad ang dumampi sa balat niya–dahilan para mapapikit siya. Saglit niyang pinagmasdan ang baba ng mansyon, di tulad kanina, sobrang tahimik na ng paligid.
Ang kaninang punong puno ng galit na mga mata niya ay unti unting napapalitan ng sobrang lungkot kasabay ng pagyakap ng hangin sakanya. Ngayong wala ng nakatingin sakanya, pwede na niyang ilabas lahat ng sakit na dinaramdam niya.
“Maari ba kitang makausap saglit, anak?”
“ Mamaya nalang po. Unahin niyo na muna yung mga bisita niyo sa baba. Kanina pa kayo gustong makita nung mga kakilala niyo eh.“
Bigla niyang naalala ang huling hiling ng ama niya na tinanggihan niya bago ito mawala.
Di ko man lang kayo napagbigyan sa huling hiling niyo..
Kung alam ko lang sana na huling beses na yun na magkausap tayo..
Kung alam ko lang sana ang lahat..
Di ko na sana tinapos pa ang pag uusap na yun..
Patawad
Patawad papa..
“P-patawad…”
At dun, di na niya napigilan ang sarili niya. Isang mainit na butil ng luha nalang ang mabilis na dumaloy sa pisngi niya. Napakagat nalang ito sa bibig para pigilan ang sarili niya.
Habang mag isang umiiyak si Virgel sa gitna ng malamig na hangin, ay may isang tao ang palihim na nakikinig sakanya, may isang tao pa ang gising at tahimik na nakatayo sa likuran ng pintuan habang pinapakinggan ang mahinang hikbi ng Boss niya.
At sa bawat hikbing naririnig niya ay siya namang pakirot ng pakirot ng puso niya, dahil alam niya na isa siya sa dahilan kung bat ito nagluluksa ngayon.
Sobra sobrang pasakit na ang nagawa ko sa pamilyang to.
Nasabi nalang nito sa sarili.
At ayoko na tong dagdagan pa..
-To be continued
(A/N: Tingin mo ano na kaya ang mangyayari? Tuluyan na nga kayang lamunin si Virgel ng galit niya at magbago rin siya tulad ng nangyari sa katapid niya? Abangan nalang natin sa mga susunod na kabanata hahaha. Naumpisahan ko na yung episode 21 and hopefully matapos ko agad yun hahaha thank you sa votes at commens niyo heheh sana subaybayan niyo to hanggang sa huli :)) Kitakits nalang tayo sa next episode. Adios~ :))
-Emnacinn
Episode 21 : Leave or Stay?
Episode 21 : Leave or Stay?
(Pambawi sa matagal kong pag update hahaha)
(
Pakitngin sa media, mas maangas talaga tignan si Benz pag nakatumba yung buhok niya hahaha )
[3rd Person’s PoV]
Walang permanente sa mundo. Isang mapait na katotohanan.
Lahat may hangganan, lahat may katapusan..
at masakit man tanggapin, pero sa tingin nila ay dito na nga lang ata talaga ang hangganan ng pinakamamahal nilang Boss at kasamahan.
Taimtim lamang na nakikinig ang lahat ng nandito sa pari na nasa harap ng dalawang mahal nila sa buhay. Di maiwasan ng iilang nandun ang maiyak dahil mahirap pa rin talagang tanggapin ang nangyari. Hindi nila inaasahan na matatapos ng ganito ang buhay ng dalawang taong nagbigay ng kahulugan sa mga buhay nila.
Habang tinitignan ni Veronica ang kabaong ni Vlad ay di nito maiwasang maalala ang huling pag uusap nila sa kwarto nito noon tungkol sa edad ng tao.
Tinanong siya nito dati kung ano ang pwede mong gawin para maagapan mo ang pagtanda, at ang sagot niya dun ay kamatayan. Dun nakaramdam siya ng kakaiba sa sinagot nito at sa paraan ng pag ngiti nito sakanya.
Akala niya wala lang yun. Pero mukhang may kahulugan nga ata lahat ng sinabi niya nung araw na yun. Isa sa kakayahan ni Vlad ang magkaron ng napaka talas na kutob. At sa tingin niya mukhang may kutob na talaga si Vlad nung mga oras na yun sa mangyayari sakanya dahil ganun nalang ang mga sinasabi niya.
Sa tabi naman ni Nica ay si Elrien na ang lalalim na ng paglunok ng sarili nitong laway dahil sa pagpigil sa mga nagbabadyang mga luha. Habang tinitignan niya ang himlayan ni Sebastian ay napaisip nalang siya.
Parang kailan lang nung lagi pa niyang nahuhuling tumitingin si Sebastian sakanya tuwing wala itong ginagawa. Parang kailan lang nung unang beses siya nitong kinausap.
Parang kailan lang..
parang kailan lang nung nagkausap pa yung dalawa at sinabi pa niyang lagi nilang natatakasan ang kamatayan, na lagi nilang nililinlang ang tadhana para maiwasan ang masawi sa mga labanan.
“Bat di mo nadaya ang tadhana?” Tanong nito sa isipan para sa lalaking hindi na niya masisilayan pa kahit kailan. “Bakit?”
Naramdaman niya ang panyong inalok ni Asher sakanya at dun lang niya nalaman na umiiyak na pala siya. Kinuha niya yun at tsaka pinunas sa mga luha niya. “Masaya na sila sa kung saan man sila naroroon ngayon.” Imik ni Asher sa tabi nito. “Yun nalang ang isipin natin sa ngayon.” Dugtong nito na mas lalong nagpaiyak sa babae.
“Nakakainis..” Saglit lang niyang nakasama ang dalawang nawala pero ba’t ganito kasakit para sakanya ang mga nangyari? Di niya maiwasang tanungin ang sarili dahil para siyang namatayan ng totoong pamilya sa nangyari.
Hinaplos nalang ni Asher ang likuran ni Elrien para pagaanin ang loob nito. “Magiging maayos din ang lahat.” Malungkot na sabi nito.
Ang mga Virgo naman ay sobrang tahimik lang habang nakikinig sa pari. Tanging singhot lang nina Elsa at Lily dahil sa pag iyak ang maririnig mo sa gawi nila. Habang yung mga lalaking myembro naman ay tahimik lang, pero kahit wala man itong pinapakita, ramdam mo yung bigat na dinadala nila kung titignan mo sila..lalong lalo na ang batang nasa harapan nila.
Yung mukha nito ay parang binagsakan ng pait ng tadhana at anghang ng paghihiganti.
Wala ni isa ang nakakaalam kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon.
Pero sa gitna ng katahimikan, biglang binalot ng takot at kaba si Ish sa mga mahihinang salitang narinig niya kay Virgel habang pinagmamasdan ang dalawang kabaong.
“Uubusin ko lahat ng may gawa nito sainyo”
Kalmado lang ang pagkakabanggit nito pero bawat salita ay ramdam mong may kasama itong matinding puot at galit.
Nang tuluyan ng mailibing ang dalawang kabaong at maglagay ng mga bulakbulak dito, nagkanya kanya na ng uwi yung iilang dumalo. Nakiramay muna ang mga ito kay Virgel at sa iba pa bago umalis. Yung iba naman ay di parin maiwasan ang mapaiyak sa nangyari. Isa na dun ay ang mga ilang tagapag silbi ng mansyon na sina Manang Teresa at Manang Choleng.
“Hinding hindi ko makakalimutan si Ser Vlad at ang mga kabutihang ginawa niya sa pamilya ko” Hagulhol ni Teresa na kasalukuyang pinapatahan naman ni Madel–na naiiyak na rin.
“Ang sayang nung Sebastian, siya lang yung di nakaligtas sa mga Assassin ni Boss Vlad.” Usal nung isang tauhan ng Virgo na nakatira dun sa Palasyo.
“Oo nga eh. Isa pa naman siya sa pinaka malakas at matapat na alaga ni Boss. Sayang lang talaga.” Sagot nung kausap nito.
Habang kani kanila na ng ginagawa yung iba, nandito pa rin si Virgel sa tapat ng dalawang puntod ngayon. Katabi na ito ng dalawang puntod ng pinaka importanteng tao sa buhay niya.
Argo Diamante, Hugo Arsenal, Vlademir Acosta, Sebastian Lorbek. Habang sa gilid naman ng puntod ni Argo ay ang puntod ng ina niya na si Renietta.
Ilang tao pa ba ang kailangang masawi bago ka tawagin ng salitang paghihiganti?
“Ipaghihiganti ko kayo.” Mahinang usal nito. Yan lang ang tumatakbo sa isipan ni Virgel sa mga oras na to–ang ubusin lahat ng may pakana ng pangyayaring to.
Balot na balot na ang puot at galit ang puso niya sa puntong to–dahilan ng unti-unting pagkurba ng nakakakilabot na ngisi ng bata. “Papatayin ko silang lahat.” Bulong nito sa sarili.
“ Ang henerasyon mo ang magiging pinaka nakakatakot na henerasyon na mararanasan sa mundo ng Mafia, Virgel. Alam kong isang napakalakas na katauhan ang natutulog jan sa katawan mo. Mas triple pa sa kung anong meron ang kapatid at ama mo.“
Naalala niya ang mga sinabi ni Maximo sakanya nung huling pagtatagpo nila. Mukhang nakuha na ng bata ang gusto iparating nito noon.
Naramdaman naman niya bigla ang presensya ng apat na natitirang Assassin ng ama niya sa likuran niya kaya tumigil ito sa pag ngisi at bahagyang tinignan ang mga ito.
“Sino ang may pakana ng lahat ng to, Felix?” Walang emosyong tanong niya kay Felix na saglit na nagulat dahil sa tono ng pagtatanong nito.
“Ang Vendetta, Vi–Boss.” Sagot nito. Nanatiling tahimik ang bata ng ilang segundo at mukhang alam nilang naghihintay pa to ng ilang sagot sa tanong niya. “At ang nag utos sakanila ay ang Boss ng Martin Family, si Marcelo Martin.” Dugtong nito. Di ngayon makita ng apat ang reaksyon ni Virgel dahil hindi ito nakatingin sakanila. Inaasahan nilang magugulat to dahil alam nilang isang Martin yung babaeng kaibigan niya.
Pero ni wala silang nakitang bakas na nabigla ito. “Proweba.” Usal lang nito.
“Isa sa mga Vendetta ang nagsabing si Marcelo Martin ang nag utos sakanila na atakihin tayo. Rinig na rinig namin ang pangalang yun sa earpiece na suot namin nung araw na yun.” Sagot naman ni Elfred.
Muling binalot ng katahimikan ang kinatatayuan nila. Hanggang sa maagaw ang atensyon ng mga Assassin sa may unahan ng makarinig sila ng konting kaguluhan. Pagtingin nila ron ay nakita nila ang iilang tauhan ng Virgo na parang may pinapalibutan at tinututukan ng baril.
“Anong nangyayari?” Tanong ni Trace sa isang tauhang papunta sa kinaroroonan nila.
“Gusto niyang makita si Boss at sinabi niyang myembro siya ng pamilya Martin.” Hingal hingal na sagot nito. Muli naman tumingin sila Felix kay Virgel na nakatalikod pa rin sa kanila.
“Si Damian ata yun.” Biglang usal ni Asher na nagpaagaw ng konti ng atensyon ng bata.
Maya maya pa ay humarap ito sakanila bitbit ang napakaseryosong mukha at nakapamulsa lang itong naglalakad papunta sa mga nakapalibot na tauhan. Agad namang sumunod ang apat sa likuran niya.
Nakita ng iilang myembro ang paglapit ng Boss nila kaya dali daling hinawanan ng mga ito ang daan papunta sa taong pinalibutan nila.
Nakatayo lang rin ito habang straight na nakatingin sa batang Boss. Di ito nagpakita ng kahit konting bahid ng takot habang tinitignan niya si Virgel. Pansin nitong kakaiba na ang mga titig nito kumpara sa titig nung huling pagkikita nila.
Parang ibang Virgel ang kaharap niya sa mga oras na to.
“Damian.” Bati nito, at di nakatakas sa paningin ni Damian ang tipid na ngisi ng kaharap niya. Sa likod naman ng batang Boss ay ang apat na Assassin na sobrang tatalim ng tingin sakanya, maliban kay Asher.
Napaisip tuloy ito kung bakit ganito nalang ang trato ng mga ito sakanya na para bang ang laki ng kasalanan niya ng pagiging Martin niya.
“Hindi ako pumunta rito para makiramay.” Umpisa ni Damian na nagpainit ng dugo ng iilang naroon.
“Di ka na dapat pa pumunta rito bata.” Seryosong sabi rin ni Asher hindi dahil sa galit ito, kundi baka di makapagtimpi tong mga katabi niya at tapusin nalang siya bigla dito.
Isang Martin si Damian at pwedeng pwede nila itong tapusin ngayon ora mismo para makaganti sa mga Martin.
“Ayaw ko man pero kailangan.” Sagot rin nito na parang hindi man lang nakakaramdam ng kahit konting sindak. Magpapatuloy pa sana ito sa pagsasalita nang biglang lumaki ang mga mata niya sa mabilis ng paglapit ni Virgel sakanya na nakabwelo na.
Nakita niya ang pagbwelo ng kanang kamay ni Virgel kaya mabilis niyang tinakpan ang mukha niya gamit ang braso niya para makasangga, pero mabilis siyang napabulwak ng sariling laway ng tamaan siya ng sobrang lakas ng tuhod sa may sikmura niya.
Paluhod na sana siya dahil sa sobrang sakit pero mabilis na hinawakan ni Virgel ang buhok nito at inangat ang ulo niya at mabilis na nakatanggap ng dalawang mabibilis na suntok mula rito. Tuluyang natumba si Damian dahil sa tatlong atake lang na yun. Tumagas ang pulang likido sa ilong niya, proweba kung gano kalakas ang mga suntok na yun. “Ano bang problema mo?!” Sigaw nito pero di sumagot ang batang Boss. Mabilis niyang sinipa ang ulo ni Damian dahilan para tuluyan na itong mapahiga sa sahig. Pagkatapos ay kinwelyuhan pa siya nito at walang kahirap hirap na pinatayo.
Mabilis namang nakuha ni Virgel ang isang kutsilyo sa balakang ng isa sa tauhang nandun at tsaka ibinwelo sa harapan ni Damian. Tinignan niya saglit si Virgel at kitang kita niya ang sobrang galit na galit na mga mata nito.
Isasaksak na sana ni Virgel ang hawak niyang patalim sa kinwelyuhan niyang si Damian pero mabilis siyang napahinto ng hawakan ni Asher ang braso niya. “Tama na, Virgel.” Seryosong awat nito.
Napahinto naman sa panggigigil si Virgel at mabilis na tinignan ang nasa likuran niya na may hawak ng braso niya. “Bitawan mo ako.” Sobrang lamig ng boses nito. Nakakapanlambot ng tuhod.
“Tingin ko ay wala siyang alam sa ginagawa ni Marcelo.” Muling sabi ni Asher habang tinitignan si Damian na pilit inaalis ang pagkakahawak ni Virgel sa kwelyo niya. Malamig na titig lang ni Virgel ang natanggap ni Asher sa sinabi niya.
Maya maya pa ay umeksena na rin ang ibang Virgo at inalis ang pagkakahawak ni Virgel kay Damian. Di nila kayang nakikitang nagkakaganito ang Boss nila.
“Boss huminahon ka.” Alalang sabi ni Elsa.
Tinignan saglit ni Virgel sina Elsa na pumapagitna na sakanilang dalawa ni Damian ngayon. Maya maya pa ay nginisihan niya ang mga ito pagkatapos ay pwersahan niyang inalis ang braso niya sa kamay ni Asher.
Tumalikod ito na walang binilin na salita habang naglalakad palayo. Lahat ngayon ay nakatingin sa Boss nila. Ngayon lang nasaksihan ng iilang tauhan nila kung pano magalit ang Boss nila.
Sa gitna ng napaka inosente nitong mukha, ngayon lang nila napagtanto kung gano ito nakakatakot galitin.
Habang pinagmamasdan nila Elsa si Virgel palayo ay napailing nalang ito sa sitwasyon nila. “Hindi maganda to.” Usal ni Ish na alam na ang kahahantungan ng lahat ng to.
“Kinalulungkot ko pero patay na ang Virgel na kilala niyo.” Lintanya ni Felix na nakatingin rin sa batang Boss na naglalakad palayo.
“Yang nakikita niyong naglalakad ngayon, ibang tao na yan.” Dagdag nito. Alam na ng iba ang gustong iparating ni Felix kaya labis na lungkot nalang ang nararamdaman nila.
“Hindi..” Di makapaniwalang sabi ni Elsa. “Babalik pa siya sa dati! Tulad nung nangyari kay Hugo. Naging ganyan rin siya noon. Pero ilang panahon lang ay bumalik ulit siya sa sarili niya. Hindi pa patay ang Boss na kilala namin. Hindi pwede.” Nalulungkot na sambit niya. Di niya kayang tignan ang Boss niya na ganun. Masakit para sakanila na nagkakaganun si Virgel.
“Iba na ang sitwasyon niya ngayon. Sunod sunod na mahahalagang tao na ang nawala sakanya sa loob lang ng maikling panahon. Di ko siya masisisi” Sagot rin ni Felix. “Kalimutan niyo na ang inosente at mabait na Virgel na kilala niyo. Dahil simula ngayon, ibang Virgel na ang pagsisilbihan niyo.”
Naging tahimik lahat ng nandun sa mga narinig nila. Masakit man tanggapin, pero mukhang tuluyan ng nabalot ng puot at galit ang Boss nila at mukhang tuluyan na rin nga itong nagbago base sa mga nasaksihan nila kanina.
Lahat naman ay naagaw ang atensyon nung umubo si Damian habang pinapahiran ang dugo sa mukha niya.
“Bat mo pinigilan si Virgel kanina Asher?” Tanong ni Elfred habang seryosong nakatingin kay Damian. “Isang Martin ang isang ’to.”
“Kinamumuhian ko talaga kayong mga Virgo kahit kailan.” Usal din ni Damian habang seryosong nakatingin sakanilang lahat. Kung titignan mo ang sitwayon niya ay para siyang usa na napapaligiran ng sandamakmak na leon na anong oras man ay aatakihin siya.
“ May alam ka ba sa ginagawa ng Boss mo?“ Normal lang na tanong ni Asher.
“At bat ko naman sasabihin sainyo? Mas mabuti pang tapusin niyo na ako dito dahil wala kayong makukuha sakin!”
“Ang Boss mo ang may pakana sa lahat ng nangyari.” Ganti ni Asher at bakas sa mukha ni Damian ang pagkabigla. Sa reaksyon palang nito ay mukhang wala nga itong kaalam alam sa nangyayari.
“B-bat niyo dinadamay si Boss? Alam kong ang Vendetta ang lumusob sainyo at tumapos sa Boss at kasamahan niyo.” Kontra pa rin nito at pilit na pinagtatanggol ang Boss niya.
“Siya ang nag utos sa Vendetta.” Napaiwas naman ng tingin si Damian dahil hindi ito makapaniwala sa naririnig niya. Paanong hindi niya alam ang tungkol sa bagay na’to?
Kaya pala ganun ganun nalang siya inatake ni Virgel.
“Pasensya na pero wala akong alam sa bagay na’to.”
“Bat wala kang alam?” Tanong rin ni Trace.
“Malayo ako sa mansyon ngayon at nasa galagitnaan ako ng isang utos” Hindi niya alam na ang dami na palang nangyayari ngayon sa mansyon at hindi man lang siya binalitaan ng mga ito na para bang hindi siya parte ng pamilya.
“Anong utos.”
“Wala yung kinalaman sainyo.” Diretsong sagot niya. Di niya pwedeng sabihin ang tungkol kay Agnes. Ang akala niya ay walang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Agnes pero nagulat nalang ito sa sinabi ni Ish.
“Ang bantayan ba si Agnes?” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
Kung ganun alam na nilang isang Martin si Agnes? Pano malayang nakakapunta si Agnes sa mansyon nila gayung alam na nilang isang Mafia din ang pamilya niya?
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya nung may mapagtanto siya. “Kung balak niyong gamitin si Agnes para makapag higanti, di kayo makakalapit sakanya.” Banta nito. Kahit pa dehado siya sa mga ito, alang alang kay Agnes, kailangan niyang tibayan ang loob niya para maprotektahan ito.
“Ang Boss mo lang ang kailangang patayin namin.” Seryosong sagot ni Asher. Bakas talaga ng bawat ng nandito ang kagustuhang ipaghiganti ang Boss nila. Tila ang sagot na yun ay nagpagaan ng loob ni Damian. Di niya kayang mapahamak si Agnes.
“Umalis kana.” Utos nito. Dahil dun ay isa isa na ring nagsialisan ang iilang tauhang nandun. Hanggang sa ang natira nalang ay sina Asher, Ish at Kael.
“Bat ka nga pala narito? Ang sabi mo hindi ka nandito para makiramay?” Tanong ni Kael. Dahil dun ay nabalik sa isipan ni Damian ang totoong pakay niya. Sa dami ng nangyari ay muntik na niya itong makalimutan.
“Gusto ko lang ipaabot sainyo at kay Virgel ang pakikiramay ni Agnes sa pamilya niyo.”
“Salamat.” Sagot naman ni Ish.
Tumalikod na ito pagkatapos dahil nasabi na niya ang dapat sabihin niya. “Pakiusap ipaabot niyo yan sa Boss niyo.” Dugtong nito bago naglakad. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa niya ay tumigil ulit ito na parang may nakalimutang sabihin.
“Tungkol pala sa plano niyong patayin si Boss, wala kayong laban sa pamilya namin.” Nagawa pa nitong sabihin ang bagay na yun sa gitna ng mga nangyari. Narinig naman niyang napatawa ng konte si Kael.
“Hindi mo kilala si Boss Virgel.”
Napa smirk naman si Damian sa sinabi nito “Hindi niyo rin kilala si Don Celo.”
“Magtutuos-tuos rin tayong lahat balang araw.”
Tumingin ng bahagya si Damian sa likuran niya sa sinabi ni Ish.
“Maghihintay kami sa araw na yan.” Huling sabi nito bago tuluyang umalis sa sementeryo.
Nang matapos ang pakikipag usap nina Ish kay Damian ay bumalik na rin ito kung saan nandun sina Elsa. Kanya kanya ng mga kinakausap ang mga ito. At ang tanging nag iisa lang na nakikita ni Ish ay si Benz na kaharap yung puntod nina Vlad.
Lumapit siya dito para kausapin ito. “ Hoy“ Bati niya. Pakiramdam ni Ish ang tagal na niyang hindi nakakausap ang kaibigan niya kaya parang nakakailang batiin ito. Tumabi siya rito para samahang tignan ang puntod.
Hindi umimik si Benz, at alam ni Ish kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon. “Hindi mo kasalanan ang nangyari.” Sabi niya pero hindi pa rin nagsasalita si Benz. “Hoy. Pipi ka na ba?”
Dahan dahan namang tumingin si Benz sakanya at tsaka ngumiti ng bahagya–bagay na pinagtaka niya. At kalaunan ay nagulat nalang siya ng bigla siyang tapikin nito sa balikat. “Salamat Ish.”
“Anong salamat pinagsasabi mo?” Takhang tanong nito.
“Sa lahat.”
“Ugok to.” Ginantihan rin niya ng tapik si Benz. “Wag mo ng isipin ang mga nangyari.” Sabi niya. Tumango naman si Benz at tsaka tumalikod kay Ish at naglakad paalis.
Ewan pero sa pagtalikod ni Benz ay naramdaman na naman niya bigla ang takot na naramdaman niya dati..
Bigla nalang parang pumuti yung buong paligid at sila ni Benz nalang ang nandun at tinitignan niya itong naglalakad paalis..
palayo..
“Benz..” Sabi nito pero masyadong mahina ang pagkakatawag niya kaya di na ito nagawang marinig pa.
9:00 PM
Alas nwebe palang ng gabi pero nagpapahinga na sila Ish dahil sa sobrang pagod. Nasa kani-kanilang kwarto na ang mga ito ngayon. Tahimik ng nagpapahinga ang mga ito habang si Benz ay nasa kwarto niya lang, tulalang nakatitig sa kisame.
Bigla nalang kumurba ang malungkot na ngiti sa labi niya nang mapagtanto niya kung gano kalupit ang buhay.
“Hindi ba pwedeng masaya nalang palagi?” Natanong nalang nito sa sarili. “Bakit pa kailangang umiksena yung sakit?”
Ilang taon siyang nanatili sa pugad ng Virgo. At sa loob ng mahabang panahon na yun, punong puno ng kasiyahan ang mga pangyayari sa buhay niya. Mga nakakatawang alaala kasama ang pamilya niya, akala niya habangbuhay na siyang magiging ganun, na saya lang palagi ang mararamdaman. Pero may katapusan nga ata lahat ng bagay, sa huli ay sakit pa rin ang mangingibabaw.
Pinili niyang takasan ang pait at sakit ng nakaraan pero sa huli ay mukhang dito pa rin talaga siya babagsak.
Tinanggap ako ng buo ng pamilyang to, pero pasakit lang ang dinadala ko. Dinala ko ang sumpang taglay ko at nadamay pa ang taong pinapahalagahan nila ng husto–ang pinapahalagahan ko ng husto.
Wala na akong karapatang maging masaya pa.
Napatigil naman siya sa pag iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Napaisip siya kung sino ito dahil ang alam niya ay nagpapahinga na ang lahat.
Baka isang maid lang..
Bumangon si Benz at agad pinuntahan ang pintuan para buksan. At pagbukas niya, mejo nagulat siya nung makita niya si Helena na naka suot ng pampatulog habang may dala dalang unan. “Helena..”
“Hindi ako makatulog.” Sagot lang nito habang nakatingin sa mga mata niya.
**
Ngayon ay magkatabi na ang dalawa sa kama ni Benz.
Nakatagilid si Benz sa kanan para makatulog ng maayos si Helena.
“Bat nakaharap ka jan?” Biglang tanong ng babae. “Humarap ka sakin.” Dugtong pa nito kaya dahan dahang humarap si Benz sakanya. Sa pagharap niya ay agad yumakap si Helena sakanya at dinikit ng husto ang sarili nito sa dibdib niya.
Nakaramdam ng kung anong init si Benz dahil sa ginawa nito. Nasa may leeg niya ang mukha ng babae kaya ramdam na ramdam niya ang bawat paghinga nito.
“Huwag mo akong iiwan.” Isang katahimikan ang bumalot sa paligid matapos sabihin yun ni Helena. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Benz sa sinabi nito. Halata sa boses nito ang pagmamakaawa. Hindi siya sumagot, sa halip ay niyakap niya lang ng husto pabalik ang babae at hinagkan ang buhok nito.
“Di kita kayang mawala.” Sagot lang niya na nagpaangat ng tingin kay Helena. Nagkatinginan ang dalawa habang naghahanap ng sagot sa mga mata nila.
“Mahal na mahal kita, Helena.”
Dahan dahang nilapit ni Benz ang mukha niya sa mukha ng babae hanggang sa tuluyan ng maglapat ang kanilang mga labi.
Isang mabagal na paghalik ang ginagawa nito sakanya kaya ramdam na ramdam ng husto ni Helena ang pagmamahal nito sakanya. Gumanti rin ito ng halik hanggang sa pabilis ng pabilis ang galaw ng kanilang mga labi. Parang itong uhaw na uhaw sa isa’t isa.
Tumigil ang dalawa ng kapusin ito ng hininga. Pumaibabaw si Benz sa babaeng mahal niya at tsaka muling tinignan ito. Madilim na ang parte ng kwarto at tanging ang bilog na buwan lang sa labas ng bintana ang nagsisilbing ilaw ng dalawa. Napangiti nalang ng bahagya si Benz dahil napaisip ito kung gano kaganda ang pinagmamasdan niya ngayon.

Hinawakan naman ng dalaga ang mukha ng nasa harap niya habang mahinahong hinihimas. “Mahal na mahal din kita, Benz.” Ngiting sabi nito pagkatapos ay ginamit niya ang kamay niya para ilapit ulit ang mukha ng binata sakanya. Dumiretso ang mukha ni Benz sa may leeg ng babae at dun siya nito hinalikan.
Napasinghap naman ang babae sa kakaibang sarap na nadarama niya sa bawat halik ng lalaking iniibig niya. Nakakagawa na ng kaonting ungol ang bibig niya dahil sa sensasyon ng bawat halik na natatanggap niya. “Hmm” Napahigpit ng yakap si Helena sa leeg ni Benz habang ninanamnam ang pagmamahal nito.
“Angkinin mo ako.” Isang nakakaakit na boses ang pinakawala ng dalaga na tila nagtulak pa ng husto sa ginagawa ni Benz.
At sa gabing yun, tuluyan na ngang naganap ang isa sa di malilimutang pangyayari sa dalawa sa buhay nila.
Mag aalas onse na at tahimik na na natutulog ang babae sa bisig ni Benz. Habang si Benz ay gising na gising pa at pinagmamasdan na naman ang kisame.
Hinalikan nyang muli ang buhok ni Helena at tsaka bumulong “Salamat sa gabing to.” Pagkatapos ay maingat niyang inalis ang braso niya at hiniga ng maayos si Helena. Pagtapos kay umupo muna ito habang nakatingin sa sahig.
Kung pwede lang manatili..
“Kaya kung tapusin ang mga mahal mo sa buhay kung gugustuhin ko. Alam mo yan.”
Kaso hindi pwede..
Tumayo na ito pagkatapos ay kumuha ng damit at tsaka nagbihis. Tinanggal niya ang eye-patch niya tsaka ginulo ang buhok niya para matabunan ang kanang mata nito.
Kasalukuyan itong nakatingin sa salamin ng kwartong to habang pinagmamasdan niya ang sarili habang suot ang polo niyang hindi pa nababatones. Tapos ay muli niyang tinignan ang hawak hawak niya.
Tatlong hikaw na bigay sakanya ni Loda nung gabing yun..
Saglit niya iyong pinagmamasdan habang inaalala ang masasayang nangyari sa buhay niya sa puder ng Virgo.
Sa oras na suotin niya ang bagay na’to, yun na rin senyales na titiwalag na siya sa grupo.
Isa isang nagsilabasan ang mga imahe ng mga kasamahan niya sa isipan niya na mas lalong nagtulak sakanya na wag gawin ang bagay na’to..
Gustuhin man niyang manatili..
Pero kapalit naman nun ay ang mga buhay nila.
Kilala niya si Morpheus. At alam nitong hindi ito nagbibiro nung sinabi niyang kaya niyang ubusin ang mga kasamahan niya kapag di siya babalik sakanila.
Kinuha niya ang tatlong hikaw na yun at tsaka isa isa niyang tinusok at kinabit. Kahit walang butas ang tenga niya ay mabilis niya parin iyong napasok dahil sa pwersa ng pagtusok niya.
Nang tuluyan na niyang masuot ang tatlong hikaw ay muli niyang tinignan ang sarili sa salamin.
Parang nakikita na niya ang sarili niyang nakatayo kasama ang anim nitong kasama na may parehong hikaw na suot suot. Nakangisi ang mga ito sa salamin habang tinitignan siya.
Sunod niyang kinuha ay ang isang samurai niya. Isang espada lang ang gamit ni Benz nung nasa puder pa siya ng Vendetta kaya naisip niyang iwan nalang yung dalawa.
Nung matapos na ito sa pag aayos ay saglit niyang munang nilapitan si Helena at hinalikan ang noo nito at tsaka huling pinagmasdan ang maganda at maamo nitong mukha.
“Ayaw kitang iwan, pero ayoko ring mawala ka. Pasensya na.”
Huling paalam nito bago tinahak ang pintuan at tsaka lumabas.
Kumuha ito ng isang susi ng isa sa mga motor ng Mansyong ito bago bumaba sa sala.
Tahimik na ang buong paligid dahil mag aalas onse na.
Palabas na sana siya ng pintuan ng marinig niyang may nagsalita sa may gilid habang nakahalukipkip pa “Sigurado ka na ba jan?” Malamig na tanong nito matapos binuga ang usok na galing sa hawak niyang sigarilyo.
Di nagpakita ng pagkabigla si Benz. Sa halip ay ngumisi ito ng konte at tsaka tinignan ang nagsalita. “Ayoko ng makasama ang mahihinang tulad niyo. Nagsasayang lang ako ng panahon rito.”
“So babalik ka na sa pinaggalingan mo?” Tanong pa nito. Di magawang sumagot ni Benz. Gusto niyang ibuka ang bibig niya pero may pumipigil dito. Parang may nagtutulak pa rin sakanya na bumalik nalang sa kwarto niya at matulog nalang ulit.
Pero hindi. Buo na ang pasya niya. Di sumagot ni Benz, sa halip ay naglakad lang ulit ito paabante.
“Sa oras na lumabas ka sa pintuang yan, Ituturing kana naming kalaban, tandaan mo yan.” Huling banta nito. Yung paraan niya talaga ng pagsasalita ay nakakapag pagulo palagi ng utak mo. Mapapaisip ka nalang palagi sa mga decisyong gagawin mo.
Ngumiti si Benz ng sobrang lungkot pero di na yun magawang makita ng kausap niya.
“
Pakiusap kalimutan niyo na ako..“
Gusto niya iyong sabihin pero ibang sagot ang pinili niyang bigkasin . “Wala akong pakialam.” Sagot nito at diretso na ulit na naglakad hanggang sa makalabas na nga ito.
Pagkalabas niya ay kumuha agad ito ng motor para sakyan niya. May isang oras nalang siya para puntahan ang lugar kung saan sila magkikita ni Morpheus.
Sa huling pagkakataon ay muli niyang tinignan ang kabuo-an ng mansyon.
“Patawad..” Huling usal nito bago sinuot ang helmet at tsaka pinaharurot ang sasakyan.
12:30 AM
VENDETTA’S HIDEOUT
Tahamik lamang na nakaupo ang limang Vendetta sa iba’t ibang sulok ng silid na’to habang hinihintay nila ang pagbalik ni Morpheus.
At inaasahan ng bawat isa na kasama na nito pauwi ang dating naging kasamahan nila.
“Papayag kaya yun si Devi?” Di maiwasang itanong ni Ross ang bagay na yan. “Ilang taon siyang namalagi sa pamilyang yun. Tingin ko malabo ng bumalik pa yun satin.” Dugtong nito.
“Hindi pwedeng hindi siya bumalik, binantaan na siya ni Eus nung gabing yun.” Komento naman ni Loda.
“Hmmm, kung ganun makukumpleto na ulit tayo? Hihihih ghaaad. Sigurado akong may isa dito magdidiwang ng husto.” Biglang usal ni Quincy na agad ring nakatanggap ng isang malamig na titig mula kay Jill.
Sabay sabay naman na napalingon ang lahat sa may pintuan nung marinig nila ang pagpihit nito.
“Nanjan na.” - Ermac
Niluwa dun sa Morpheus at agad silang tinignan.
Wala kang makikitang expresyon sa mukha niya.
“Nasan si Devi?” Mabilis na tanong ni Jill dahil mag isa lang itong niluwa ng pinto.
At kasabay ng pag ngisi ng lider nila, ay ang dahan dahan ring pagpasok ng isang myembrong ilang taon na nilang hinanap..
Ang myembrong matagal na nilang gustong makasama ulit.
Ang pinaka batang myembro ng Vendetta noon..
Nagbalik na..
Bitbit ang pulang mata at tatlong nagkikintabang hikaw habang hawak hawak ang isang espada niya ay agad niyang tinignan ang limang kasamahan niya dati–mali, ang limang kasamahan niyang makakasama niya muli.
Unti unting kumurba ang ngiti ng bawat isa..
Sawakas..
“Maligayang pagbabalik, Devi.”
Sa araw na ’to..
Muli ng nabuo ang ang pinaka kinatatakutang grupo ng mga Vigilante..
Muli ng nabuo ang totoong anyo ng Vendetta
-To be Continued
(A/N: Thank you sa lahat ng mga votes at nakakatuwang comments niyo last episode :) Actually na motivate ako nun kaya natapos ko agad yung UD na to hahaha. May mga naiisip ba kayong posibleng mangyari sa mga susunod na episode? Lapag na yaan hahaha oh siya, kitakits nalang tayo sa next episode :)) Adios~ )
-Emnacinn
Episode 22: Serendipity
Episode 22: Serendipity
Tinamaan ng kidat yung pc namin kaya nasira at di ako nakapag ud hahaha sorry ngayon lang nakagawa.
[3rd Person’s PoV]
Umaga palang naisipan na ni Ish ang gumising at bumaba sa sala. Di siya masyadong nakatulog kagabi at di niya malaman kung bakit. Pagkababa niya, si Hell agad ang nadatnan niya sa may pintuan ng Palasyo habang nakatingin sa labas.
Lumapit siya dito at tsaka sinilip kung anong tinitignan nito ngayon. “Aga aga sigarilyo agad. Di kana aabot ng 69 years niyan.”
“Kelan ka pa naging doktor?” Sagot lang nito habang di binabaling yung atensyon sakanya.
“Ano ba yang tinitignan mo?” Sabi nalang ni Ish habang tinatanaw yung mga bodyguard ng mansyon na pakalat kalat sa labas. “Kaya minsan ayaw ko talagang manatili sa palasyong to. Masyadong madaming tao.” Dugtong niya.
“Bakit jan sa labas nag eensayo yang isa na yan?” Tukoy ni Hell dun sa batang myembro ng palasyong to na kaharap ang isang parang dummy na katawan ng tao. Nung mahagip naman ni Ish na palihim na tumitingin yung bata sakanilang direksyon ay mabilis itong napa poker face. “Magpapa kitang gilas. -_-”
Di naman matanggal ang excitement sa mukha ni Maki habang palihim niyang tinitignan ang dalawa sa mga iniidolo niya na nakatingin sakanya.
Nice one! nandito rin si master Ish. Oras na para magpakitang gilas ako para pumayag na silang sumali ako sakanila heheheheeee.
Mula sa nakangising mukha ay mabilis pa sa alas kwatro itong sumeryoso nung hinarap niya ang isang dummy na katawan ng tao.
Bigla itong dumukot ng kung ano sa isa may bulsa niya at tsaka hinawakan ito at maya maya pa, bigla niya itong hinagis sa ere, at dun lang napansin nina Ish na mga karayom pala ito.
Sobrang liksi ng kilos ng bata habang inisa isang kinukuha at tinutusok ang mga karayom dun sa dummy. Halos lagpas sampu naman ang naitusok niya sa katawan nito bago bumagsak lahat ng karayom sa lupa.
Pagtapos ng ginawa niya ngumiti ito ng maangas sa direksyon nina Ish at pataas taas pa ito ng kilay—pero mabilis din itong napalitan ng bugnot na mukha nung makita niyang wala man lang reaksyon yung dalawa.
Di ba sila namangha sa ginawa ko? pout
Nakarinig naman siya ng isang mapang asar na tawa sa likuran niya dahilan para ibaling niya ang atensyon dito. Isa to sa mga bodyguard ng Palasyo.
“Anong bang makukuha mo jan sa pag eensayo mo sa ganyan, Maki boy?” Tatawa tawang usal nito. “Mabuti pa ay baril nalang ang pag ensayuhan mo.”
Masama namang tinignan ni Maki ang lalaking iyon. “Wag mo nga tong maliitin, kaya kong talunin ang kalaban ko sa pamamagitan ng mga karayom ko.”
“Karayom? Pft. Sige ilagay natin, may karayom ka, madami. Pero yung kalaban mo may baril. Oh ano ka ngayon? Baka di ka pa nakakalapit sa kalaban mo bulagta ka na” Pang aasar nito habang natatawa. At di yun nagustuhan ni Maki.
“Bat di natin subukan?” Mejo nagulat naman yung lalaki at napahinto sa pagtawa sa narinig niya. Pero nung makabawi ay ngumisi ulit ito. “Sa tingin mo papatulan kita? Bata ka lang. Madami ka pang kakainin para maging magaling na tauhan ng Virgo Mafia.”
Ngumisi naman si Maki at di rin nagpahuli “Daming dada, takot ka lang eh.” At dun, mabilis na sumalubong ang mga kilay nung lalaki sa narinig niya. “Anong sabi mo?”
Kinuha ni Maki ang baril niya sa likuran at tsaka hinagis sa lalaking kausap niya. Tapos ay hinubad niya ang blazer niya at sapatos.
Tumalon talon ito na para bang pinapa kondisyon niya ang katawan niya.
Maya maya pa ay kinuha ni Maki isa isa ang mga karayom niya at muli niyang hinawakan. Tapos ay pumwesto ito na parang susugod sa kaharap niya. Tinignan niya muli ang gawi nina Ish at nakita niyang nanunood pa rin ang mga ito kaya ngisi niyang ibinalik ang tingin niya sa kaharap niya.
“Seryoso ka ba talaga dito?” Inis na tanong nito.
“Oo. Barilin mo ako.” Ngising usal ni Maki.
“Baliw ka na” Ni load naman agad nung lalaki ang baril na hawak niya “Pero kung yan ang gusto mo..” Agad nitong tinutok ang baril niya kay Maki at tsaka kinalabit ang gatilyo—pero nanlaki ang mga mata niya nung mawala ito sa paningin niya at nakita niyang nagkalat sa ere sa kinatatayuan niya ang mga karayom na malamang hinagis ni Maki.
Nakaramdam siya ng presensya sa likuran niya kaya mabilis siyang lumingon dito at dun niya naabutan si Maki na papalapit sakanya.
Ulit niyang kinalabit ang gatilyo sa harap ni Maki pero gaya kanina, nawala na naman ito,
Hanggang sa naramdaman nalang niya ang kagat ng langgam sa may kanang balikat niya kung saan hawak hawak ang baril niya.
Pagtingin niya dito ay may nakatusok ng karayom dito. Plano niya sanang igalaw ang braso niyang naturukan pero namanhid ito bigla at kahit anong gawin niya ay wala itong lakas na gumalaw.
Nakita niya sa harapan niya si Maki na papalapit na naman kaya mabilis niyang ginamit ang paa niya para sipain ito, pero mabilis itong naiwasan ng bata. Sobrang liksi at bilis ng kilos nito–bagay na di inaasahan ng lalaking kaharap niya.
Nakita niyang kumuha ng isa karayom si Maki at mabilis itong hinagis sa kaliwang balikat niya at bumaon–dahilan para mamanhid na naman ito.
“Ano bang nangyayari?!” Inis na sabi nito habang naguguluhan kung anong ginawa ng bata para mamanhid ang dalawang braso niya dahil lang sa pagtusok ng karayom.
Sunod niyang naramdaman ang karayom ay sa may dalawang tuhod niya dahilan para mamanhid rin ang mga parte nito.
Nung tinignan niya ulit si Maki sa harapan niya ay nawala na naman ito at naramdaman nalang niya ang pagtusok ng karayom sa may batok niya.
At dun, buong katawan na niya ay naparalisa.
Bago pa man magsibagsakan lahat ng karayom sa lupa na hinagis ni Maki, nagawa na niya ang mga ito sa loob lang ng maikling panahon.
Bumalik naman si Maki sa harapan nung lalaki at nginisihan ito.
“Mas mabilis pa ang kilos ko kesa sa bala ng baril mo.” Pagmamayabang nito.
Nakangisi lang itong nakatingin sa lalaki nang isang malakas na batok nalang bigla ang natanggap niya. “Arayyy!”
“Ano na namang ginawa mong bansot ka.” Nakita niya si Gordon na lumapit dun sa lalaki at isa isang tinatanggal ang mga karayom na nakadikit dito. “Diba sabi ko wag na wag mong gagawin yang kakayahan mo sa mga kasamahan natin dito? Binilhan na kita ng dummy para yun ang pag praktisan mo.”
“Eehhhh..kasi siya nauna eh. Minaliit niya ako. Ang isang tulad ko na magiging myembro na ng pamilya ni Boss Virgel.” Sagot nito habang himas himas ang batok niya dahil sa sakit.
“Nangangarap kana naman jan.”
“Mangyayari yun! Ngayong nakita na nila Master Ish ang..” Tinignan niya saglit ang direksyon nila Ish kanina pero pagtingin niya dun ay wala na itong mahagip na nakatingin sakanya.
Parang binagsakan ng langit at lupa si Maki dahil di nasaksihan nina Ish ang ginawa niyang masterpiece sa pakikipaglaban.
“Bayaaaaaan. Akala ko nanunood sila!!” Napaluhod nalang ito dahil sa pagka dismaya. Niyuko pa nito ang ulo at hinahampas sa damuhang kinatatayuan nila. “Waaaaaaah T_____T”
“Magkaparehas kayo ng stilo.” Usal ni Hell nung papasok ang dalawa sa loob ng palasyo.
“Oo. Yung paraan niya palang sa pagtusok ng karayom dun sa dummy, alam ko ng mga pressure point ang pinupunterya niya kaya alam ko ng ganun ang kakayahan niya.” Sagot din ni Ish. “ Gustong gusto pala nun na sumali sa pamilya natin. Gusto niyang maging parte ng pamilya ni Boss bilang tagabantay niya.“
“Di na masama ang kakayahan niya para sumali siya.”
“Masyado na tayong marami para isali pa siya.” Sagot ni Ish
At ang sinagot ni Hell ang nagpakunot sa noo niya. “Siya nalang ang ipapalit natin.”
“Ano? Anong ipapalit? Kanino ipapalit?” Gulong tanong nito. At bago pa man makasagot si Hell, naramdaman nila ang pagtakbo ni Helena sa may hagdanan habang hindi mapakali ang ekspresyon ng mukha.
“Oh Helena, anong problema?” Takhang tanong ni Ish dahil sa kinikilos nito.
“Si Benz? N-nakita niyo ba siya?” Tarantang tanong nito. Sasagot pa sana si Ish na baka nasa kwarto lang niya pero naunahan na ito ni Hell.
“Umalis na siya.”
Tatlong salita lang pero parang gumuho yung mundo ng dalawa sa narinig nila. “A-anong pinagsasabi mo Hell?” Di makapaniwalang tanong ni Ish.
“Tumiwalag na siya sa grupo.” Humithit muna ito ng sigarilyo bago nagpatuloy. “Bumalik na siya sa dating mga kasamahan niya.” Parang walang pake na tuloy ni Hell. Habang yung dalawa ay di pa rin ma sink in sa utak nila ang mga sinabi nito.
“Hindi..” Nag umpisa ng maiyak si Helena sa mga narinig niya. “Hindi, hindi..hindiii… hindi aalis si Benz..”
“Kailangan natin tong pag usapan.” Seryosong saad ni Ish. “Kailangan natin tong pag usapan lahat.” Dugtong nito bago umalis sa kinatatayuan nila.
Isang malutong na mura naman ang narinig na sigaw ng dalawa kay Ish na halatang di matanggap ang mga narinig niya.
Dali dali niyang pinuntahan ang kwarto ni Benz at tsaka binuksan ito. Pagpasok niya, umaasa siyang isang natutulog na Benz habang tulo ang laway ang madadatnan niya sa loob.
Pero hindi, isang tahimik na kwarto lang ang bumungad sakanya.
Nilibot niya ang loob nito at ang tanging nakita lang niya ay ang eyepatch ni Benz, tapos yung dalawang samurai. Kulang ng isa.
Habang nasa kamay niya ang eyepatch ay mahigpit niya itong hinawakan at napakagat nalang sa labi sa sobrang inis. “Benz..”
Mag aalas siete palang ng umaga pero isang seryosong awra na agad ang bumabalot sa paligid ng sala. Lahat ng myembro ng Virgo ay nandun para pag usapan ang napakahalagang bagay–ang biglaang pagtiwalag ng isang myembro nila–ng isang pinaka importanteng myembro nila.
Wala ni isa ang nakangiti, lahat ay tahimik pwera kay Helena na kanina pa umiiyak.
“Tahan na, Helena.” Pagpapakalma ni Elsa habang hinahaplos ang likuran nito.
“Nasan na ba si Boss??” Tila naiinip na na tanong ni Ish. Si Virgel nalang ang hinihintay nila dito sa sala para masimulan na ang kanilang pag uusap. Pero ilang minuto na ang nakakalipas di pa din ito bumababa.
“Pinuntahan mo ba talaga siya sa kwarto niya, Kael?” Inip na tanong ni Ish kay Kael na ngayon ay naka uniform na. Meron pa kasi silang pasok maya maya. Ngayon lang nila nakikita si Ish na ganito ang kinikilos.
“Oo. Alam kong narinig niya ako kanina kahit hindi siya sumagot” Sagot naman nito.
Agad namang naagaw ang atensyon ng lahat sa yabag ng mga paang pababa sa isang malaking hagdanan ng palasyo. At dun nila nakita ang kanilang Boss na nakasuot na rin ng uniform habang bitbit ang bag niya.
Ang akala ng lahat na sa pagbaba nito ay didiretso ito sa direksyon nila, pero nagulat nalang sila ng sa may pintuan ito papunta na tila hindi sila nakita.
Inis namang napatayo si Ish dahil sa inakto ni Virgel.
“Boss!” Sigaw nito na nagpahinto sa paglalakad ni Virgel. Tumigil ito pero di na ito nag abalang tignan ang tumawag sakanya.
“Wag mong sabihing hindi ka sasali sa pag uusap na’to?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ish. Di sumagot si Virgel. Nanatili lang itong tahimik na parang hinihintay kung ano pa ang sasabihin ni Ish.
“Boss..tumiwalag si Be–”
“Wala akong pakialam.” Tila ang kataga na yun ang nagpalaki sa mga mata ni Ish. Di makapaniwala ang iba sa narinig nila na galing mismo sa bibig ng Boss nila.
“Nagbibiro ka lang diba?” Halos matawa si Ish sa narinig niya, at kalaunan ay unti unting namuo ang galit nito sa dibdib. “Pamilya natin si Benz! Kaya wag na wag mong sasabihin na wala kang pakialam!” Di na mapigilan ni Ish ang nararamdaman niya. Hindi na niya naisip pa na Boss niya ang kausap niya dahil sa galit.
Agad namang tumayo si Kael para pakalmahin si Ish. “Tama na Ish.”
Si Virgel naman ay di pa rin lumilingon sa direksyon nila na mukhang hindi man lang natinag sa sinabi ni Ish.
“Respeto man lang sana Boss.” Nagbabagang panga na pahabol ni Ish.
“Bat di mo yan sabihin sa sarili mo?” Malamig na ganti ni Virgel na nagpatigil sakanya. Dahil sa galit na nararamdaman niya ay di na niya naisip na respituhin ang Boss niya at nagawa nalang niya itong sigawan ng ganun ganun nalang.
Sa huli ay humarap na rin ang Boss nila sa direksyon nila. At isang malamig at walang ka emo-emosyong mga mata ang nakita nila.
“Kung may gusto pa sainyo ang umalis, malayang malaya kayong gawin ang bagay na yun.” Walang kabuhay buhay na umpisa nito “Wala akong pakialam” Dugtong nito bago tumalikod at naglakad muli papalabas ng pinto.
“Wala na akong pakialam.” Mahinang bulong nito at di na yun nagawang marinig nila Ish.
Sa paglabas naman ni Virgel ay nakasalubong niya si Maki na halatang gulat na gulat sa pagsalubong nilang dalawa. Kung dati ay tuwang tuwa ito sa tuwing makikita niya si Virgel, ngayon ay di na nito magawang magbuka ng bibig para batiin ang Boss niya.
Ramdam niya pa rin ang takot na naramdaman niya nung gabing yun dahil lang sa titig ni Virgel.
Nakalampas na si Virgel sakanya pero wala parin itong nasabi kahit konte.
Ngayon lang talaga siya napipipi sa harap ng isang tao.
Nung tuluyan ng makaalis si Virgel ay bumalik si Ish sa pagkakaupo at inis na inalis ang kamay ni Kael sa balikat niya. “Nakakawala ng respeto!” Usal nito.
“Kumalma ka nga jan.” Tipid na usal ni Hell sa kabilang upuan. “Walang mapapala yang pag iinit ng ulo mo.”
“Pano niya nagagawang sabihin yun??” Di pa rin makapaniwala si Ish sa mga narinig niya. “ Palibhasa kase ang ikli palang ng panahon na itinagal niya satin kaya ganun ganun nalang niya nasasabi ang bagay na yun.“ Dugtong nito habang salubong pa din ang kilay niya sa inis.
“Intindihin nalang natin siya, Ish. Alam naman natin kung anong pinagdadaanan niya ngayon–”
“Intindihin??!” Putol nito sa sinabi ni Elsa. “Iintindihin na naman?! Lagi na natin yang ginagawa ah? Tapos ngayon iintindihin na naman?? Bat hindi naman tayo ang intindihin niya? Akala ba niya siya lang ang nawalan? Kung tutuusin mas masakit pa sa parte natin ang nangyari kay Boss Vlad kesa sakanya dahil mas mahabang panahon nating nakasama ang ama niya kumpara sakanya! Bakit sa pinapakita niya parang siya pa yu—”
“KUYA!!” Isang malakas na boses ang nagpatigil sa lahat–lalo na kay Ish. Saglit tinignan ni Ish ang batang yun at nung makita niyang seryosong seryoso itong nakatingin sakaya habang nagtutubig ang mga mata ay dun nalang siya nabalik sa wisyo niya.
“Kinakain kana ng galit mo.” Pumiyok pa yung boses ng bata kaya mas lalong nakaramdam ng pagsisisi si Ish sa mga sinabi niya.
Nang tumigil na sa pagsasalita si Ish ay tinanguan na ni Elsa si Hell para sabihin ang mga nalaman niya kagabi.
“Sinubukan ko siyang pigilan kagabi.” Umpisa ni Hell. “Pero ang sinagot lang niya ay wala siyang panahon para sa katulad nating mahihina.” Dugtong nito na agad namang kinontra ng kasintahan ni Benz.
“Hindi yan totoo! Hindi yan kayang sabihin ni Benz!” Umiiyak na bulyaw nito. Napahilot naman sa sintido si Hell dahil sa mga naririnig niya kanina pa.
“Gusto mo pag umpugin ko kayong dalawa nito?!” Inis na tanong nito habang tinuturo si Ish. “Kanina pa kayo eh. Hindi niyo ba naiintindihan??” Tanong pa nito. At ang mga sumunod na sinabi ni Hell ang nagpatigil sakanila.
“Mas pinili niya ang dating grupo niya kesa satin”
Para silang tinusok lahat sa puso ng ilang beses dahil sa mga sinasabi ni Hell.
Biglang binalot ng katahimikan ang paligid pagkatapos nun.
Pero ilang segundo lang rin ay binasag ito ni Ish “Pero bakit?” Napatingin ang lahat sakanya na ngayon ay nakadungo na at parang wala ng lakas para sumigaw at magalit.
“Bat naman niya magagawa yun? Hindi niya ba tayo tinuring na pamilya sa umpisa palang?” Di niya mapigilang itanong ang bagay na yan dahil sa disesyong ginawa ng pinaka matalik niyang kaibigan.
“Hindi natin alam.” Sagot pang muli ni Hell na tila nagbigay dagdag sa kalungkutan nila.
“Sigurado akong may rason siya kung bakit niya yun ginawa. Kung bakit pinili niyang tumiwalag satin at sumaping muli sa dating grupo niya.” Singit ni Kael sa usapan. “Lahat ng bagay ay nangyayari ng may rason.” Dugtong nito na pilit pinapalakas ang loob ng mga kasamahan niya. Lalong lalo na sina Ish at Helena na naapektuhan ng husto.
“Ibabalik ko dito si Benz.” Seryosong usal ni Ish.
“Anong gagawin mo? Kakalabanin mo ang Vendetta?” Tanong ni Hell
“Wala ng ibang paraan bukod sa bagay na yan.”
“Nahihibang kana. Wala ka sa kalingkingan ng lakas nila.” Tila nakaramdaman na naman ng galit si Ish kaya inis niyang tinignan si Hell
“At ano sa tingin mo ang gagawin natin?! Magmukmok dito??” Inis na usal nito.
“Mag isip.” Mabilis na sagot ni Hell pagkatapos ay sumandal ito sa couch at tsaka pinikit ang mga mata.
“Diba ikaw ang utak ng Virgo? Alam mo dapat ang bagay na yan.” At sa isang libong beses, natigilan na naman siya dahil sa mga salita ni Hell.
Pero gayunpaman, inis parin itong tumayo at umalis sa sala na yun.
Napailing nalang si Hell dahil sa mga kinikilos ng mga kasamahan niya. “Sakit niyo sa ulo.”
“Kael, pumasok kana.” Sabi nalang ni Elsa. “Bantayan mo nalang si Boss dun at baka kung ano pang gawin niya.” Tumayo naman agad si Kael at tsaka tumango.
“Sige. Aalis na ako.”
“Ingat ka.”
Pagkarating na pagkarating ni Kael sa classroom nila ay agad niyang hinanap si Virgel. Pero pinagtaka niya dahil di niya ito mahagilap sa loob.
Agad naman siyang nausog at muntik ng mapasubsob dahil may biglang bumangga sa may likuran niya.
“Wag ka ngang haharang harang jan.” Mabilis niyang tinignan ang nag mamay ari ng boses na yun at ang bumangga sakanya. Inis niyang tinapunan ng titig si Baron at ang mga barkada nito dahil sa ginawa nila.
“Ano? Papalag ka?” Maangas rin na titig ang ipinukol ng binatilyo. Sa huli ay pinili nalang ni Kael ang umiwas sa gulo at pumunta sa inuupuan niya. Pero bago pa man siya makarating dun ay nadaanan niya muna ang inuupuan ni Claire kaya agad niya itong tinanong.
“ Ah Clare, dumating na ba dito si Virgel?“ Takha namang tuminign si Clare sakanya. “Nako hindi eh. Hindi ba kayo magkasamang pumunta dito?”
“Hindi eh. Sige salamat” Ngiting sagot nito bago pumunta sa upuan niya at tsaka umupo.
Pagkatapos ay bigla itong napaisip.
“San ba pumunta si Boss?”
Tulala lamang na nakatingin si Virgel sa pangalan ng sementeryong pinuntahan niya habang nakapamulsa. Tinatamad siyang pumasok kaya naisipan nalang niyang dalawin ang Puntod ni Argo at ng ama niya.
Papasok palang sana siya sa loob ng may mapansin siyang kotse na naparada sa gilid. Saglit niya iyong tinignan bago tuluyang pumasok at tinahak ang daan papunta sa puntod ng papa niya.
Nasa malayo pa lamang siya ay tanaw na niya mula sa kinatatayuan niya ang puntod ni Vlad. At mejo nagtaka ito ng may isang pigura ng tao ang nakaharap dun na nakatabon ng isang bandana ang ulo nito kaya di niya ito matukoy kung babae ba o lalaki.
Habang palapit ng palapit si Virgel ay unti unti na niyang naaninag ang pigura ng taong nandun. Titig na titig lang ito sa puntod ng ama niya kaya napaisip siya na baka kakilala nito ang papa niya.
Nang tuluyan ng makalapit si Virgel ay tsaka lang siya nito napansin at napatingin sakanya. At dun niya napagtantong babae pala ito. Nakasuot ng bandana sa ulo at shades ang mga mata kaya di niya masyado makita ang itsura nito.
Ilang segundo itong nakatingin sakanya hanggang sa tuluyan itong ngumiti at ibinalik ang tingin sa puntod.
“Nandito ka rin ba para dalawin ang lalaking to?” Tanong bigla ng babae. Hindi sumagot si Virgel. Sa halip ay nagtanong rin ito pabalik sa babae “Sino ka?”
Saglit rin na tumahimik ang babae bago sumagot “Kaibigan ako ni Vlad. Di ako nakapunta sa libing niya kaya naisipan ko nalang na bumisita ngayon.”
Tuminging muli sakanya ang babae at ngumiti “Ikaw? Kaano ano mo si Vlad?” Tanong nito.
Gaya ng babae, matagal rin bago sumagot si Virgel “Anak niya.”
“Kaya pala magkamukha kayo.” Wika ng babae. “Kinalulungkot ko ang pagkawala ng ama mo.” Pahabol nito pero wala itong nakuhang sagot sa binata. Kaya naman binalik nalang ulit niya ang tingin sa puntod.
“Mabait na tao ang ama mo. Kaya di ko alam kung bakit siya agad kinuha ng Diyos.” Umpisa nito. Si Virgel naman ay tahimik lang na nakikinig.
“Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari sakanya.” Kumuha ito ng tissue sa may bag niya at tsaka saglit na niluwagan ang shades at pinahiram ang mga mata niya. “Sayang ang buhay niya.”
Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod sa mga salitang yun. Tanging mga hampas ng puno lang ang maririnig mo sa kinatatayuan ng dalawa.
Di nagtagal ay humarap na ang babae kay Virgel para magpaalam. Parang wala rin kasing planong makipag usap sakanya yung binata dahil sobrang tahimik nito.
“Oh pano aalis na ako.” ngiting sabi nito bago humakbang paalis.
Pero bago pa man niya nalampasan si Virgel ay saglit niya itong hinawakan sa may balikat nito
“Tibayan mo lang ang loob mo. Magiging maayos din ang lahat.” Huling habilin nito bago tuluyang umalis sa lugar na yun.
Nang mag isa nalang si Virgel sa lugar na yun ay dahan dahan niyang hinawakan ang balikat niya na hawak hawak lang kanina nung babae.
Ewan pero yung mga huling sinabi nung babae kanina ay nagpagaan ng kaonti ng loob niya.
Pero ang lubos na pinagtataka niya lang eh yung naramdaman niya.
Hanggang ngayon ramdam na ramdam pa din niya ang panginginig ng kamay ng babae…
Sa loob naman ng kotse kung saan nandun ang babae ay mabilis niyang tinanggal ang bandana at shades na suot niya at napasandal nalang niya ang ulo niya sa manibela dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman niya.
Lungkot, saya, pananabik…
Halo halong pakiramdam.
Habang walang tigil sa paghagulhol ang babae, ay mahina niyang sinasambit ang mga salitang gustong gusto niyang sabihin kanina pa sa harap ng batang nakaharap niya.
Virgel anak..
-To be continued
(A/N: Belated Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat :)) Kaway kaway sa mga hindi nabigyan ng ninong at ninang nila ng kahit piso hahahah ena )
-Emnacinn
Episode 23 : New Villain
Episode 23 : New Villain
The Major of Hellsing as
Doctor Manuel Guanzon
( Sorry sa typos and errors :) )
[3rd Person’s PoV]
[VENDETTA’S HIDEOUT]
Tahimik lamang na nakaupo sa iba’t ibang sulok ang pitong myembro ng Vendetta habang hinihintay ang amo nila. Tanging si Benz at Jill lang ang magkatabi at mahinang nag uusap sa silid na to.
Hinawi saglit ni Jill ang buhok ni Benz na nakatakip sa kanang mata nito at tsaka iyon tinignan. Mejo nagulat naman siya ng makita niya na nakapikit ito at mukhang hindi na magagamit pa.
“Anong nangyari dito, Devi?”
“Nahiwa.” Tipid at walang ganang sagot naman nito. Kanina pa tanong ng tanong si Jill sa mga bagay bagay pero mukhang hindi talaga interesado ang kausap niya dahil tipid lang itong sumasagot at hindi man lang nagtatanong pabalik sakanya.
Isa isa namang napatingin ang lahat sa may pintuan nung mahinahon itong bumukas. Agad na tumayo ang mga Vendetta at tsaka nagtipon para salubungin ang amo nila.
Pagkapasok na pagpasok naman nito ay mukhang napansin agad nito na may isa pang myembro ang nandito sa loob. “Devi.” Ngising usal nito nung makumperma niya kung sino ito. “Nagbalik ka na nga.” Nakangisi lang itong pumunta sa harapan ni Benz at tsaka malapitang tinignan. “Halos di na kita nakilala sa sobrang tagal mong nawala sa paningin ko.” Wika nito habang inaayos ayos pa ang salamin niya para tignang mabuti ang mukha ng pinaka batang alaga niya noon.
“Ang laki laki mo na.” Tumingin pa ito sa mga ibang ilaga niya
“Ang laki na niya diba?” Natatawang ulit nito.
Napansin rin ng doktor ang matang nakatakip sa buhok ni Benz kaya hinawi niya ito at tinignan. “Inaabuso ka ba ng mga Virgo na yun, Devi?” Tanong nito. Hinimas himas niya pa gamit ang hinlalaki niya ang matang iyon. “Di ka ba nila inaalagaan ng tama para mangyari sayo ang bagay na to?” Pahabol pa nito. Nakakailang tanong na ang doktor pero wala pa rin itong marinig na sagot sa kinakausap niya.
“Hayaan mong gamutin ko to.” Ngiting sabi nito bago inalis ang kamay niya sa mata ni Benz at tsaka niya ito tinapik sa balikat. “Maligayang pagbabalik, Devi.” Huling lintanya nito bago tumalikod at naglakad.
“Siya nga pala.” Huminto sa paglalakad si Doktor Manuel, at kasabay nun ay ang pagpasok ng pito ring mga tauhan niya na may bitbit na tig iisang mga kahon.
Pumunta ang mga ito sa may harapan ng pitong Vendetta at isa isa agad binuksan ang mga kahon na yun.
“Munting regalo ko sainyo para sa malaking ulo na napugot niyo.” Lintanya ni Manuel. Agad namang napakuyom si Benz dahil sa sinabi nito. Planado pala talaga lahat ang pagpaslang kay Vlademir.
Kinuha nila isa-isa ang dog tag na kwentas na nakapaloob sa kahon na yun. Meron itong dalawang parisukat na pendant. Ang isang pendant ay may desenyo ng simbolo ng grupo nila habang yung isa naman ay kakaibang desenyo ng mga unang letra ng mga alyas nila.
“Ang ganda nito doktor. Maraming salamat.” Pasasalamat naman ni Jill. Isa isa naman nila itong sinuot habang si Devi ay tinitignan parin ang kwentas na yun. Tinignan niya ang letra na nakaukit sa isang pendant na hawak niya na letrang ’ D ’
“Kalimutan mo na ang pangalang Benjamin Delgado, Devi. Patay na ang nagbigay sayo ng pangalan na yan.” Mukhang napansin iyon ng doktor kaya agad niya itong pinagsabihan–bagay na ikinatalim lalo ng tingin niya sa pendant dahil sa galit.
Gusto man niyang tapusin lahat ng mga taong nandito, pero wala siyang magagawa. Alam niyang hindi niya kaya ang lakas ng mga kasamahan niya ng sabay sabay. Sa huli ay sinuot nalang niya ang dog tag na yun–senyales na kailangan na niyang ibaon sa limot ang pangalang Benjamin Delgado kasama ang mga alaalang nabuo niya gamit ang pangalan na yan.
“At isa pa nga pala, may bago na namang cliyente ang humingi ng tulong satin.” Lahat ay napantig ang tenga at sabay sabay na napalingon kay Manuel.
“Bagong cliyente?” -Ross
“Malaking halaga ang inalok niya kaya di na ako nakatanggi.” Nakangising usal ng doktor. “Sa makalawa papasukin niyo ang teretoryo ng mga pulis.”
“Anong gagawin namin don doktor?” Tanong naman ni Loda.
“Ghad dugo na namaaan” -Quincy
“Kilala niyo naman siguro ang most wanted na grupo sa bansa dati hindi ba?” Tanong ng doktor sa mga ito.
“Wala kaming ideya, doktor” Sagot naman ni Ermac. Saglit namang napatingin si Manuel kay Ross na nahuli niyang nag iisip.
“Ross? Sa tingin ko may alam ka. Ikaw lang dito ang mahilig manood at mag basa ng mga nangyayari sa bansa natin.”
“Ardanos.” Mahinang sagot ni Ross.
“Dati may tinatawag na grupong ’ Ardanos’ sa bansa. Sila ang most wanted na grupo nung panahon na yun. At ang tatlong magkakapatid na mga kriminal na yun ay tinatawag na sina Loron, Hister at Mabus.”
“Magaling.” Tango tangong papuri ni Manuel. “Ngayon dalawa sa tatlo na yun ay nakakulong ngayon sa isa sa mga malalaking bilibid sa bansa. Mahirap itong pasukin dahil sa seguridad ng bilibid na yun. Spesyal ang kulungan na ginawa para sa dalawang yun kaya mejo mahihirapan kayong itakas sila.” Paliwanag pa nito.
“Eh yung Mabus? Patay na ba yun?” Tanong naman ni Loda.
“Hindi.” Mabilis na sagot ni Ross.
“Nasa puder ngayon ng Virgo ang pangatlong myembro ng grupo na yun. Ang isa sa Assassin ni Vlademir, si Trace Jenkins.” Mejo nagulantang naman ng konti yung iba sa narinig nila–lalo na si Benz. Hindi niya akalain na ang tahimik na Assassin na yun ay kasapi pala ng isang most wanted na grupo sa bansa noon.
“Kung ganun ang misyon namin ay itakas ang dalawang yun?”
“Oo, Jill. Mahirap pero alam kong walang mahirap sainyo.” Sumilip pa ito saglit kay Benz at Morpheus. “Lalo pa’t buo na ulit kayo–ang perpektong anyo ng Vendetta.” Ngising pahabol nito.
“Sinong cliyente ba ang gustong magpatakas sa mga yun, doktor?” Di maiwasang tanong ni Morpheus.
“Ayaw niyang ipakilala ang sarili niya. Sa isang tawag ng telepono lang kami nag usap at nagkasundo. Basta ang sabi niya, isa siyang anak ng Mafia Boss. Yun lang ang detalyeng ibinigay niya.”
“Anak ng Mafia Boss?”
[MARTIN’S MANSION]
Pagkababa na pagkaababa ni Almira sa sinasakyan niyang kotse ay agad itong sinalubong nina Dylan at Ikram at tsaka yumuko. “Queen Almira, kanina pa po kayo hinahanap ni Boss.” Yukong lintanya ni Dylan na para bang pinapadali niya itong puntahan si Celo.
“Sige salamat.” Tugon rin ni Mira at tsaka dumiretso sa kwarto nila ni Marcelo. Pagkabukas niya ng pintuan ay nakita niya ang asawa niyang tumutungga ng isang baso ng alak.
“Celo, bat mag isa kang umiinom jan? Masama na sayo ang uminom.” Mabilis na pinuntahan ni Mira ang kinalalagyan ni Celo at tsaka akmang kukunin ang basong hawak nito pero nahawakan lang nito ang kamay niya at tsaka siya tinignan.
“San ka galing? Bat nagagawa mo ng umalis na hindi nagpapaalam sakin?” Walang tonong tanong nito.
“M-may pinuntahan lang ako saglit. Saglit lang naman.” Yukong sagot ni Mira. Di pa din niya nahuhubad ang suot niyang shades kaya kinuha ito ni Celo.
At nung makita niyang namamaga ang mga mata nito ay mabilis niyang binitawan ang kamay ng asawa niya.
“Galing ka nga dun.” Usal nito. Hindi naman agad nakasagot si Mira. Alam na niya kung anong tinutukoy nito.
Nagsalak ulit ng alak si Celo sa hawak niyang baso
“Ilang taon na tayong magkasama, mahal.” Tumingin ito sakanya saglit at kitang kita mo sa mga mata nito na naghahanap ng tamang sagot “Siya pa rin ba hanggang ngayon?”
“Celo naman. Masyado na tayong matanda para sa bagay na’to–” Mabilis na naputol ang pagsasalita niya nung mabilis na binato ni Celo ang hawak niyang baso sa sahig at malakas na nabasag.
“WALA AKONG PAKIALAM!” Singhal nito sa asawa niya habang nanlilisik ang mga mata sa galit. Nung mapansin niyang nagulat si Mira sa ginawa niya ay mabilis siyang napayuko.
“Tinanggap kita ng buo nung kinailangan mo ako, Mira. Inalagaan kita ng husto, pinaramdam ko sayo ang pagmamahal na hindi ko naipadama sayo sa nakaraan dahil naunahan ako. Ginawa ko lahat para mawala ang lungkot jan sa puso mo nung tinaboy ka ni Vlademir.” Muli niyang tinignan ang asawa niya, at sa pagkakataon ito ay isang malungkot na expresyon na ang nahagip ni Mira sa mga mata ni Celo. “Di pa ba sapat yun? Kulang pa ba lahat? Ano pa bang gusto mo, mahal?” Biglang nakaramdam ng kirot sa puso si Mira sa mga sinasabi ng asawa niya ngayon. Palagi na niya itong nasasaktan dahil di niya magawang umalis sa nakaraan. Na kahit anong pilit na isiksik ni Marcelo ang sarili na pumasok sa puso ni Mira ay wala na talaga itong mapaglagyan dahil sakop na ito ng dati niyang asawa.
Hinawakan ni Celo ang kamay ni Mira at tska ito tinignan sa mga mata. “Sabihin mo mahal, gagawin ko. Gagawin ko lahat para sayo.” Napapikit nalang si Mira dahil pakiramdam niya ay sobrang pasakit na ang nagawa niya sa taong walang ibang ginawa kundi ang alagaan at mahalin siya.
Lumapit si Mira sa asawa niya at marahan niya iyong niyakap.
“Wala na mahal. Sobra sobra na ang ginawa mo. Pasensya na.” Gumanti rin agad ng yakap si Celo
“Gagawin ko ang lahat para makatakas sa nakaraan. Para gumawa ng panibagong masasayang alaala kasama ka. Bigyan mo lang ako ng panahon mahal.”
“Maghihintay ako sa bagay na ya. Hindi pa huli ang lahat.” Malungkot na ganti nito–pero maya maya lang ay unti unting kumurba ang ngisi sa mga labi nito. Ang napakabait na si Mira na walang kamuwang muwang na ang taong kayakap niya ngayon ay ang nagpapatay sa dati niyang asawa.
“Konti nalang Vlad, mapapasakin na rin ng buo si Mira. Hayop ka, kailangan ka lang palang mamatay para mangyari ang matagal ko ng inaasam.” Isip isip ni Celo habang hindi maalis ang malademonyong ngisi sa mukha niya habang kayakap ang asawa niya.
“Hanggang anong oras ka ba magmumukmok jan Lady Agnes?” Di mapigilang mag alala ni Damian sa inaakto ni Agnes ngayong araw na to. Nasa may balkonahe lang ito ng Boarding House nila at nakasubsob ang mukha sa may hawakan. Ilang oras na itong pinagmamasdan ni Damian dito sa may sanga na laging tinatambayan niya.
“Bakit hindi siya pumasok kaninaaa?” Paulit ulit na yang tinatanong ng dalaga habang nakasubsob.
“Hindi ko nga alam Lady Agnes. Siguro baka wala pa yung ganang pumasok. Alam mo naman ang nangyari diba?” Paulit ulit na ring pinapaintindi ni Damian ang sitwasyon ni Virgel sakanya pero ayaw talaga nitong makinig.
“Iihhhh~ gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap, Damdam.” Sa sinabi nito ay biglang sumagi sa isipan ni Damian ang nangyari nung araw na yun. Posibleng galit na galit ngayon si Virgel sa buong pamilya ng mga Martin, at kasama na dun si Agnes.
Kailangan niya itong protektahan bente kwatro oras para masiguro ang kaligtasan nito. Di nila alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Virgel ngayon.
Napansin naman ni Agnes ang pag tahimik ni Damian kaya agad niyang inangat ang tingin para tignan ito. “Oy bat natahimik ka jan?”
Nabalik naman sa ulirat Damian nung tinawag siya nito “W-wala Lady.”
[ VIRGO’S PALACE ]
Habang ang lahat ay nag aalala na sakanilang Boss dahil mag aalas ocho na ay hindi pa rin umuuwi, biglang bumukas yung pintuan ng mansyon at dun niluwa ang kanina pa nila hinihintay.
“Boss!” Agad tawag ni Elsa at tsaka isa isa silang lumapit dito.
“San ka ba galing? Kanina pa kami nag aalala sayo. Sabi ni Kael hindi ka raw pumasok.” Sunod sunod na dugtong nito. Pero imbes na sumagot, titig lang ang iginanti ng Boss nila.
Isang walang emosyon na titig.
Walang nagawa si Elsa kundi yumuko nalang. Kanina pa sila nag aalala pero ganito lang ang reaksyon na matatanggap nila.
Nang lumipas ang katahimikan sa pagitan nila at ni Virgel ay biglang umabante si Virgel para sana umakyat nalang pero may boses pa ang humabol–dahilan ng pahinto niya.
“Sandali” Biglang umabante si Ish bitbit ang seryosong mukha.
“Ganyan mo nalang ba talaga kami itatrato?” Seryosong tanong nito.
“Nag aalala pa rin kami sayo sa kabila ng pagiging ganyan mo. Inintindi ka namin dahil–”
“Bakit?” Biglang naputol si Ish sa pagsasalita ng marinig nila ang sobrang lamig na na boses ng Boss nila. Lumingon ito pabalik sakanila bago nagpatuloy.
“Sino maysabing mag alala kayo?” Walang emosyong tanong nito.
“Inutos ko bang intindihin niyo ako?” Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Ish sa mga narinig nila.
Iba to.
Iba tong Virgel na nasa harap nila ngayon kumpara nung mga oras na mawala si Hugo.
Ibang iba.
“Ano na bang nangyayari sayo, Boss?” Di na makapaniwalang tanong ni Elsa. At gaya ng inaasahan, hindi ito nagsalita at muling tumalikod para umakyat.
“Alam ko wala ka ng pake..” Sa huling pagkakataon ay muling nagsalita si Ish. Di na nag abala pa na lumingon ulit si Virgel sakanya at naghihintay nalang sa idudugtong niya.
Nabigla nalang ang lahat sa ginawang pagluhod ni Ish. Di nila aakalaing magagawa niya ito sa kabila ng naging trato ni Virgel sakanya–sakanila.
Yumuko si Ish kasabay ang pagbitaw ng mga salitang gusto niyang sabihin kanina pa
“Pero pakiusap kahit ito lang, kahit itong huling kahilingan lang namin Boss.” Ramdam na ramdam mo sa boses nito ang pagiging desperado.
“Ibalik natin si Benz sa pamilyang ’to.” Punong puno ng pagmamakaawa ang bawat salitang binibigkas niya. Di na makaimik ang lahat dahil sa ginawa niya. Di ito marunong makiusap ng husto sa isang bagay pero..pero ano tong nakikita nila.
“Nakikiusap ako Boss” Napapikit nalang si Ish dahil sa nararamdaman niya. Gustong gusto niyang ibalik si Benz sa puder nila kahit na anong mangyari.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila matapos magsalita ni Ish. Lahat ngayon ay nakatingin kay Virgel na nakatalikod sakanila. Iniisip kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon.
Ilang segundo pang tahimik si Virgel kaya ulit itong tinawag ni Ish.
“Boss, pakiusap tulungan mo kami.”
Ang akala ng lahat ay makukumbinse na nila si Virgel pero.
“Ibalik” Nanatili pa din ang napaka lamig na boses niya sa kabila ng mga narinig niya.
“Ba’t pa natin ibabalik kung siya mismo ang kusang umalis?”
“Sigurado akong may rason yun para gawin niya ang bagay na’to!” Kontra naman agad ni Ish “Kilala ko si Benz, alam kong mahal na mahal niya ang Virgo higit kanino man..higit pa sa dating grupo niya.”
“Kung mahalaga sakanya ang pamilyang ’to, kahit anong rason man yan, mas pipiliin niya ang manitili para sa kapakanan ng mga iniisip niyo. Hindi niyo maintindihan? Mahirap bang intindihin na wala siyang pakialaman sainyo at sa nararamdaman niyo?” Nanginginig na ang katawan ni Ish sa mga naririnig niya. konti nalang at sasabog na talaga siya..
Konting Konti nalang..
“Ituring niyo ng patay ang taong yun. Hindi kailangan ng Virgo ng isang duwag at walang kwentang katulad niya.”
At dun, parang may isang pisi na naputol sa pag iisip ni Ish at kusa nalang niyang nasuntok ng malakas ang sahig dahil sa sobrang galit.
Tumayo si Ish mula sa pagkakaluhod at akmang susugudin na sana niya si Virgel dahil di na niya kaya ang mga pinagsasabi nito ng biglang may humawak sa kamay niya–dahilan para mabalik siya sa wisyo at mapahinto. At kasabay ng pagtingin niya sa kung sino yung humawak sakanya, ay siya namang pag abante ng isang tao na nandun papunta kay Virgel.
Napansin ni Virgel na may presensya na papalapit sakanya kaya pilit itong napaharap kila Ish.
At saktong saktong pagharap niya ay sumalubong sa mukha niya ang isang napakalakas na sampal.
Umalingawngaw ang tunog ng sampal na yun sa kinatatayuan nilang lahat.
Lahat ay di makapaniwala sa nasaksihan nila. Gulat na gulat ang expresyon nila habang nakatingin sa pagitan ni Virgel at..
“Helena..” -Elsa
“Kung meron man sa Virgo ang duwag at walang kwenta, IKAW YUN!!” Naiiyak na sigaw ni Helena dahil sa nag uumapaw na galit na nararamdaman niya. Hinihingal na ito sa pag iyak at sa sobrang galit habang nakatingin kay Virgel. Habang si Virgel ay nakayuko lang na parang walang pakialam sa sampal na natamo niya. “Akala ko isa kang mabait at mapagmahal ng Boss katulad ng ama mo. Sobrang nagkamali ako ng pagkakakilala sayo.” Di maiwasang sabihin ni Helena ang mga bagay na yan sa harapan mismo ni Virgel. Pagkatapos ay agad itong tumakbo palabas sa pintuan.
“Helena sandali..” Na mabilis namang sinundan ni Elsa dahil baka may iba pa itong gawin sa sarili niya.
“Halika muna kuya.” Agad namang hinila ni Lily si Ish palayo sa kinatatayuan nila para pakalmahin muna ito.
Habang si Hell ay agad na ring tumalikod matapos ang eksena at bumalik sa couch para maupo.
Ang akala ni Virgel ay nakaalis na ang lahat sa paligid niya kaya dahan dahan nitong inangat ang tingin niya–at mejo nagulat siya ng makita niya si Kael na mataman lang na nakatingin sakanya. Hindi mo alam kung galit ba ito o ano dahil wala kang makitang emosyon sa mukha niya.
Taimtim lang itong nakatingin kay Virgel. Walang salitang binibigkas, isang walang kahulugan na tingin lang.
Sa huli ay si Virgel na ang sumuko sa titigan na yun at umakyat na ng hagdan para pumunta sa kwarto niya.
“Sigurado akong gulong gulo na ang Virgo ngayon.” Sinindihan ni Elfred saglit ang hawak niyang sigarilyo at tsaka hinithit.
“Bukas pupunta na tayo dun.” Usal rin ni Felix na nakatayo lang habang nakapamulsa. Nandito ang mga Assassin ngayon ni Vlad sa tuktok ng isang building habang nakasilip sa ibaba at pinapakiramdam ang malamig na hangin sa paligid nila.
“Magsisilbi pa rin ba tayo sa Virgo? si Boss lang naman ang pagsisilbihan ko.” Sagot rin agad ni Elfred matapos hithitin ang sigarilyo niya.
“Bago mawala si Boss, isang bagay ang pinakiusap niya sakin.”
“Ano yun?”
“Kung sakaling mawala man siya, mananatili pa rin tayo sa Virgo para mag silbe. Para bantayan ang mga taong yun..lalo na ang anak niya.”
“At pumayag ka?”
“Utang ko kay Boss ang buhay ko. Kahit anong ihiling niya, gagawin ko para sakanya.” Mabilis na sagot ni Felix.
“Ganun ba.” Napatingin naman si Elfred kay Asher na tahimik lang na nakasandal sa gilid habang nakahalukipkip. “Ikaw Asher? Anong plano mo?”
“May pinangako rin ako kay Argo bago siya mawala. Mananatili ako sa Virgo.” Simpleng sagot nito. Matapos ang nangyari kay Vlad at Sebastian ay di pa nila nakitang ngumiti at tumawa ang palabirong kasamahan nila. Halatang sobra ng naging epekto sakanya ang mga nangyari.
“Oh eh di sige. Sasama na rin kami ni Trace.” Usal naman Elfred–pero agad rin yung nasundan ng boses ni Trace.
“Pasensya na.” Napatingin naman bigla ang tatlo sa may likuran nila nung magsalita ang pinaka tahimik na kasamahan nila.
Tinignan lang siya ng tatlo na para bang tinatanong siya kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya.
“Magkaiba tayo ng rason. Nanatili lang ako sa grupong ’to dahil kay Boss Vlad.” Umpisa nito. “kay Boss Vlad lang.”
“Titiwalag ka?” Di makapaniwalang tanong ni Felix.
“Wala na ang pinagsisilbihan ko, at nandito na rin ang Assassin na pinalitan ko.” Sagot nito at saglit na tumingin kay Asher “Kaya sa tingin ko wala na akong rason pa para manatili kasama kayo.”
“Pero bakit?” -Elfred
“Madami pa akong gagawin. May mga misyon pa akong nahinto dahil sa pagsali ko sa inyo.” Napangiti naman ng bahagya si Trace sa mga sinabi niya. “Wag niyong masamain ang sinabi ko, inaamin kong naging masaya rin naman ako sa panahong nakasama ko kayo hanggang sa puntong to, at nagpapasalamat ako sa bagay na yun.” Dugtong nito.
Pumikit naman si Felix at yumuko ng bahagya kay Trace
“Kung yan ang gusto mo, irerespeto namin yun.”
“Maraming salamat rin sa tapat na pagsisilbi at pakikisama mo samin at kay Boss Vlad.” Wika rin Elfred at bahagyang ngumiti.
“ Kung sakali mang dumating ang araw na maghaharap ulit tayo ng magkalaban na, wag niyo sanang masamain ang pag alis ko ngayon.“ Huling sabi ni Trace bago tumalikod at naglakad palayo.
At habang nasa kalagitnaan ito ng paglalakad ay saglit itong tumingin ng bahagya sa direksyon ni Asher.
At mejo pinagtaka ni Asher ang nakita niya sa mukha ni Trace bago ito tumalon sa building na yun.
Bigla siyang napaisip sa nakita niya.
Namamalikmata lang ba ako?
Hindi..
Sigurado ako sa nakita ko. .
Pero papano?
Habang nakaupo si Ross sa isa sa malalaking box ng hideout nila ay saglit niyang hinubad ang kwentas niya at tinignan ang pendant nito. Nakita niya ang sarili niya sa replika ng pendant na yun, at nung matitigan niya ang mga mata niya, kusang bumalik sa alaala niya ang paglalaban nilang dalawa ni Trace sa mansyon na yun.
Flashback
Nabigla naman ng konti si Ross dun pero tinuloy niya pa din ang pagsugod niya. Mabilis itong umatake sa harapan ni Trace pero naiiwasan niya ang mga ito. Nung makabwelo si Trace ay agad nitong winasiwas ang hawak niyang kutsilyo sa katawan ni Ross. Napansin naman yun ni Ross kaya napatingin siya sa kutsilyo habang napaatras para umiwas, pero dahil sa kutsilyo ito nakatuon, di nito namalayan ang lumilipad na sipa ni Trace papunta sa mukha niya.
Tsaka lang niya napansin nung sobrang lapit na nito. Pilit niyang iniwas ang ulo niya paatras pero mabilis pa ding dumaplis ang atake na yun sa may baba niya kaya bigla itong nahilo at natumba.
Saglit naman siyang napatingala nung nasa harapan na niya si Trace.
Nakita niya ang isang bagay sa mukha nito kaya mabilis itong gumulong paatras.
Nakita naman ni Trace si Ross na ngumiti “Nung sa sementeryo ko pa to gustong tanungin eh.”
Seryoso lang na nakatingin si Trace sakanya. Bigla nalang nag iba ang kilos nito simula nung sinigaw ni Felix ang bagay na yun.
Parang may biglang nagising sa katauhan nito.
“Bat ka nagsisilbi sa Virgo?”
End of Flashback
Hindi ako pwedeng magkamali..
May mata rin na katulad ng samin ang Mabus na yun..
At possible kayang nagtataglay rin yung dalawang kapatid niya na itatakas namin sa makalawa?
Sinong anak ng Boss ba ang gustong magtakas sa dalawa na yun?
Sa isang madilim na Master’s Bedroom kung saan nakaupo ang isang di kilalang tao sa isang swivel chair ay pinaikot ikot nito ang hawak niyang dart pin sa kamay niya habang mainam na tinitignan ang larawan ni Virgel na nakadikit sa may pader.
Habang matalim niya itong tinitignan ay unti unting namuo ang galit at puot sa loob niya. Kaya naman tumayo ito sa pagkakaupo at mabilis na hinagis ang dart pin at malakas itong tumama sa ulo ng larawan ni Virgel.
Nagbabagang ang panga nito sa galit habang nanlilisik na ang mga mata sa nararamdaman.
“Mapapatay rin kitang hayop ka!”
-To be continued
(A/N : Sobrang sorry sa sobrang tagal ng mga update ko, mejo busy lang kasi heheh :) Babawi nalang ako pag nagka oras ako :) Happy 18k reads! <3 Thank you sa mga walang sawang nag aabang sa story na to :) Thank you sa lahat ng votes, comments and compliments niyo :) Sobrang naappreciate ko lahat yan maniwala kayo :) See you nalang sa next episode~ Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 24 : Ardanos (Side Story)
Episod 24 : Ardanos (Side Story)
( Check niyo yung nasa media :) Ang totoong anyo ng Vendetta :) Sorry wala masyadong pic yung ibang vendetta, di kasi masyadong sikat yung mga portrayer nila hahaha )
Emilio Benedetto as Ermac
Sig as Quincy
Debito as Devi
Striker as Morpheus
Beretta as Jill
Marco Adriano as Loda
Colt as Ross
[3rd Person’s PoV]
-Flashback-
Habang naglalakad ang isang may kalakihan at bruskong katawan na lalaki na nakasuot ng hoodie bitbit ang isang briefcase ay saglit itong napahinto sa may tapat ng isang poste. Nilingon nito ang isang nakadikit na papel na may larawan ng tatlong lalaki.
Kinuha niya ito at tsaka malapitang tinignan. Bahagya naman itong napangiti sa nakita niyang pabuya sa ibaba ng mga litrato ng tatlong lalaki. Sampung Milyong piso . Ito na ata ang pinaka malaking pabuya na inalok ng Gobyerno para sa isang grupo ng kriminal dito sa bansa.
Matapos niya itong tinignan ay agad niya itong tinapon at tsaka muling naglakad.
Nang lumiko ang lalaking yun sa kaliwang daan ay saka naman dahan dahang tumingin ang isa pang lalaki na nakasunod sakanya kanina pa.
Dahan dahan itong naglakad at agad ring lumiko doon sa dinaanan nung sinusundan niya. Pero sa pagliko niya, mabilis na lumaki ang dalawang mata niya nung makita niyang nasa harap na niya ito na sobrang laki ng ngisi ng labi.
Susubukan pa sana niyang bumunot ng baril pero mabilis itong nasalampak sa pader nung suntukin ang mukha niya at mabilis pa na nilock ang leeg niya at tsaka hinigpitan ng husto. “Akala mo di ko alam na kanina mo pa ako sinusundan?” Nakangising usal nito habang siya naman ay panay kapit na sa braso nito dahil nasasakal na siya. “Arrrkkk” Kung saan saan na napupunta ang kamay niya dahil sa kagustuhang kumawala.
“Pang limangpu’t dalawa kana sa mga espiya na pinapadala ng mga pulis para lang maligpit kami.” Usal pa nito. “Pero sa kasamaang palad wala ni isa ang nagtatagumpay sainyo.” Tumawa pa ito ng mapang asar habang walang humpay na hinihigpitan ang paglock nito sa leeg ng lalaki.
“S-sumpain kayo!!” Buong pwersang sigaw ng espiya na ikinawala ng pagtawa ng sumasakal sakanya.
Sa isang iglap ay bumaliktad ang ulo nito dahil sa malakas na pagpilipit ng lalaking yun. Nung matumba ito ay kinuha pa nung lalaki ang baril na tumilapon kanina at tsaka binaril ito ng tatlong beses sa ulo para makasiguro.
**
Habang pinapakinggan naman ng isang Heneral ang earpiece niya na naka konekta dun sa espiya na pinadala nila ay napapikit nalang ito nung marinig niya ang tatlong putok ng baril sa linyang yun.
“Siguraduhin niyong sa pagkakataong ito hindi na masasayang ang sakripisyong ginawa ng kasamahan natin.” Utos ng Heneral nila na halos mga nasa edad bente singko lang.
“Opo Heneral Grande.” Nasa pinaka unahan si Heneral Grande habang sa likuran naman niya ay ang sandamakmak na mga pulis at mga sundalo kasama ang isang tanke.
“Ngayong gabi na matatapos ang masasayang araw niyo, Ardanos.” Bulong nito habang hawak hawak ang isang bagay na mainam niyang tinitignan.
Pagkarating na pagkarating ng lalaking naka hoodie sa isang tagong apartment sa isang di kilalang lugar ay naabutan niya ang dalawang kapatid niya na tahimik lang na nakaupo sa may sala nila.
“San ka ba galing, Loron? Hindi ka man lang nagpaalam.” Inis na tanong ng napaka mainiting ulo niyang kapatid na si Hister.
“Pasensya na, nakipagkita lang ako sa isang importanteng tao.” Ngising sagot nito bago pumunta sa maliit na sala bitbit ang briefcase na kanina niya pa hawak hawak.
“Ano yan, kuya?” Tipid naman na tanong ng tahimik nilang bunso na si Mabus nung mapansin ang hawak hawak ni Loron.
Nilapag naman agad iyon ng nakakatandang kapatid nila at tsaka binuksan.
Tumambad sakanila ang tatlong injection na may kulay berde na laman maayos ang pagkakalagay. “Ano na naman to?” Kumuha ng isa si Hister at tsaka malapitang tinignan ang bagay na yun.
“Tekaa.” Biglang sumagi sa isipan ni Hister ang isang bagay habang tinitignan ito. Bigla niyang naalala ang isang balita noon na gumambala ng husto sa bansa.
“Tama ka ng iniisip, Hister.” Ngising ngisi na wika ni Loron.
“Ang Ethereal.. “ Di makapaniwalang sambit ni Hister. “Diba ito yung droga na ginamit ng anak ni Vizence dati?”
“Oo.”
Pabaling baling lamang ng tingin ang bunso nila dahil wala itong alam sa mga sinasabi nila.
“Masyado tong delikado, Loron. Ba’t mo ba naisipang bumili ng ganito? Tsaka magkano ang bili mo dito?” Tanong pa nito habang sinusuri ang bawat parte ng injection.
“Limang milyong piso.” Mabilis namang napatingin si Hister sakanya na kunot ang noo. “Ano?!! Limang milyon?!!” Di makapaniwalang sambit nito.
“Madami tayong pera, Hister. Kalma ka lang jan.” Ngising sagot ni Loron.
“Kahit na! Ang laking halaga ng limang milyon para lang dito!”
“Hindi basta basta yan, Hister. Pag naturukan tayo ng droga na yan, wala ng kalaban laban pa ang mga pulis at gobyerno na yan para patumbahin tayo. Tignan mo ang Vendetta, ang grupong binuo nitong may ari ng droga na to. Lahat ng myembro ng mga vigilante na yun ay nananalaytay sakanila ang droga na to, at tignan mo? Di na ginagambala ng gobyerno ang grupo nila dahil alam nilang imposible na nilang madakip pa o mapatay pa ang mga katulad nila.” Paliwanag naman nito na agad nagpaisip sa kapatid niya.
“Vendetta? Yung taga wasak ng mga bayan?” Natawa bigla si Hister “Tanginang grupo yan. Tayo tao lang ang target, tas yung kanila bayan? Hahahaha! at plano mo na matulad tayo sakanila? HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Humalagapak nalang ito bigla ng tawa nung maintindihan niya ang gustong iparating ng kapatid niya. “Nag iisip ka pala talaga HAHAHAHAHA” Tumawa ng malakas ang dalawa tsaka nag apir pa. “Syempre! HAHAHAHAA”
Habang yung bunsong kapatid naman nila ay naiiling nalang pero mejo natatawa na rin dahil sa mga nakakatawang tawa ng dalawang kuya niya.
Nang mahimas masan ang dalawa sa pagtawa ay binaling nilang muli ang atensyon sa tatlong injection sa harap nila.
“Gamit to, mas magiging kilala pa ang pangalan ng grupo natin hindi lang dito sa bansa, kundi pati na sa buong mundo.” Ngising usal ni Loron habang hawak hawak na rin ang isang injection.
“Malalampasan natin ang Vendetta na yun at itatalaga sa kasaysayan ng bansa ang mga pangalan natin at ang ‘Ardanos’ bilang pinaka kilalang kriminal sa panahon natin!” Ngisi ngisi na ring wika ni Hister at sobrang dami pa ng naiisip niya na magagandang bagay sa oras na maturukan na nila ang sarili nila ng Ethereal Drug na ’to.
“Naka drugs ba kayo?” Tanong nalang ni Mabus dahil sa inaakto ng dalawang kapatid niya. Nakangisi lang kasi ito pareho na parang demonyo habang nakatingin sa hawak nilang injection.
“Di pa nga naiturok.” -Loron.
“Excited ka eh.” Sabi rin ni Hister pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Loron at sabay na ngumisi “Excited yung bunso natin” Ngising sabi ni Loron. Sabay naman na lumingon ang dalawa kay Mabus na ngayon ay napapalunok na dahil mukhang alam na niya ang iniisip ng dalawang kuya niya.
Aalis pa sana si Mabus sa kinauupuan niya pero mabilis na nakapunta si Hister sa likuran niya at tsaka ginapos ang mga paa at braso niya para di siya makagalaw. “Wooy ano ba kuyaa”
Dahan dahan naman lumapit si Loron sakanila bitbit ang injection habang ang lapad ng ngisi “At dahil excited ka, ikaw na ang maunang gumamit nito.”
“Pero sandali, Loron. Hindi kaya nakakasama yan? Ano ba daw magiging epekto nyan pag naturukan na tayo niyan? Baka mapano pa tong bunso natin jan ah” Pag aalala ni Hister habang ginugulo ang buhok ni Mabus.
“Makakaramdam ka lang daw ng konting pagkahilo ng ilang oras, yun lang. Matutulog nalang tayo pagtapos nating maturukan ang sarili natin.” Paliwanag ni Loron. Yun kasi ang sabi sakanya ni Dr. Guanzon sa pag uusap nila.
“Sigurado ka jan kuya? Yan lang? Baka pinagloloko ka lang ng doktor na yun.” Kinakabahan ring tanong ni Mabus. Ngumisi naman si Loron “Oo yan laaang. Magtiwala ka sa kuya mo.”
“Umalis kana jan, kuya Hister. Di ako tatakas.” Utos naman ni Mabus kaya agad itong pinakawalan ni Hister at umupo sa may tapat nila Loron at Mabus para panoorin ang pagtusok.
Kinuha naman ni Loron ang isang kamay ni Mabus at tsaka pinatuwid. “ Parang kagat lang ng langgam to, Mabus.“ Napapalunok na ng sariling laway si Mabus habang tinitignan ang injection na palapit na sa may braso niya.
Hanggang sa..
Naramdaman niya ang unti unting pagdaloy ng laman ng injection na yun sa loob ng katawan niya kaya tuluyan na itong napapikit.
Habang tinitignan naman ni Hister si Loron na nagtuturok ay may napansin itong parang kumikinang na bagay sa suot nitong jacket sa may braso nito.
“Ano yang nasa may jacket mo, Loron?” Takhang tanong nito.
“Teka.” Nang matapos ito sa pagtusok kay Mabus ay saglit niyang tinignan ang jacket niya sa may braso niya at nakita niyang may nakadikit na parang isang maliit na bilog dito.
Kinuha niya ito at tsaka mainam na tinignan. “Ano to?”
Mabilis namang nanlaki ang mata ni Hister nung makumpirma niya ito “Tracker yan!” Sigaw nito pagkatapos ay mabilis itong tumingin sa may bintana sa labas ng apartment nila at tinignan ang baba.
“Tangina!” Mabilis itong tumakbo nung makita niya ang isang tangke na nakaturo sa kinatatayuan nila. “DAPA!!”
At sa isang iglap ay biglang sumabog ang kinatatayuan nila kanina at ang buong kwarto nila.
Nang humupa ay mabilis na pumasok ang mga sundalo at pulis sa loob nito at ang tanging nag agaw lang ng pansin nila ay ang isang parisukat na butas sa sahig. “Nakatakas sila!” Sigaw ng isang sundalo
“Habulin niyo!!” Agad namang lumusot ang iilang sundalo sa butas na yun habang yung iba ay lumabas at pumunta sa ibang daan para i corner ang mga ito. Siguradong hindi pa nakakalayo ang mga kriminal na yun.
May isa namang sundalo ang nakapansin sa isang briefcase na nakahalata sa sahig habang nasusunog na yung ibang parte. May nakita itong isang injection na nakalagay dun kaya agad niya iyong kinuha dahil baka magagamit niya ito para matugis ang hinuhuli nila.
Niluwa naman ang mga sundalong lumusot sa butas na yun sa likuran ng apartment. At pagtingin nila sa paligid, di nila mahagilap ang mga kriminal. Napakatahimik dito sa kinatatayuan nila. Aabante pa sana ang mga sundalong yun para hanapin ang mga kriminal pero sa pagtakbo nila ay may naapakan na isang land mine ang isang sundalo kaya sumabog ang mga ito.
Gabing gabi na kaya rinig na rinig na sa lugar na yun ang wangwang ng sasakyan ng mga pulis.
Sa kabilang banda naman ay mabilis na tumatakbo ang tatlong kriminal para tumakas “Bilisan niyo!” Napalingon naman si Loron ng makita niya si Mabus na biglang natumba sa gitna ng pagtakbo nila. “Mabus!” Mabilis niya iyong binalikan at tinignan ang kapatid niya. Napapapikit na ito at halatang tumatalab na ang naiturok nilang droga kanina. “Bwesit bat ngayon pa!”
“Anjan na ang mga pulis tangina bilisan niyo!”
Kinarga naman patayo ni Loron ang kapatid niya at tsaka inalalayang tumakbo. Di niya ito pwedeng iwan nalang. “Pilitin mong tumakbo Mabus!” Sigaw ni Loron pero nanghihina talaga ito.
“Ang sakit!” Bigla itong napahawak sa dibdib niya dahil parang nasusunog ito sa loob. “Arrghhh!!” Napapikit na ito sa sobrang sakit sa buong katawan niya.
“Ayun sila!!” Narinig ni Loron ang isang pulis na nasa likuran nila na hinahabol sila kaya mas binilisan pa niyang tumakbo karga karga si Mabus.
“Hister!!” Tawag nito. Mabilis namang bumalik si Hister at tsaka tinapunan ng granada ang mga pulis na nakasunod sakanila.
Agad na tumulong si Hister para alalayan ang bunso nila at tsaka mabilis na lumiko sa isang makipot na daan para makatago.
**
Isang sundalo ang lumapit kay Heneral Grande at tsaka nagreport “Nakatakas ang Ardanos sa atake ng tangke natin, Heneral. Pero kasalukuyan na silang hinahabol ngayon ng ibang kasamahan natin.” Sabi nito habang ang Heneral naman ay tahimik lang na nakatingin sa nasusunog na apartment.
May inabot naman ang sundalong yun sakanya ng isang bagay na nag agaw sa atensyon niya. “Ah Heneral, nakita ko nga pala dun sa pinagtataguan ng mga kriminal. May alam po ba kayo kung ano ito?” Tanong nito.
Dahan dahan naman itong kinuha ng Heneral at mainam na tinignan. At nung makumpirma niya kung ano ito, nagpatay malisya ito at nilagay sa bulsa niya. “Aalamin ko kung ano ang bagay na ’to. Kumilos ka na.”
“Masusunod Heneral!” Salute nito bago umalis para tumulong sa paghahanap.
Sunod namang lumapit sakanya ang isang lalaking hinire pa niya galing sa Japan para lang matulungan silang mahuli ang tatlong kriminal na yun. Tinanguan niya ito at senyales yun na sumama na rin ito sa paghahanap. Yumuko naman ang Hapon na yun at tsaka sobrang bilis na tumakbo para sumali sa paghahanap. Nagtulong tulong na talaga ang mga sundalo at mga pulis para lang mahuli nila ang ‘Ardanos’ na to.
Nang tuluyang makahanap ng mapagtataguan ang tatlo ay agad silang umupo para magpahinga, pero yung bunso nila ay panay gulong pa rin habang niyayakap ang sarili niya “Arrgghhhh!”
“Ano bang nangyayari?!! Sabi mo mahihilo lang?!” Kinwelyuhan ni Hister si Loron ng mapansin niya ang nangyayari kay Mabus.
“Hindi ko alam! Yun ang sinabi ni Guanzon nung nag usap kami!” Kontra rin ni Loron at mabilis na inalis ang pagkakakwelyo nito.
“Eh ano to?! Tangina!” Lumapit nalang ito kay Mabus at tsaka inalalayan.
“Hoy ayos ka lang ba? Tangina talaga.” Inis na usal nito pagkatapos ay kinuha niya ang isang Injection ng Ethereal Drug sa bulsa niya. Pagkatapos ay mabilis niya itong binasag gamit ang paa niya. “Bwesit na droga yan! Pahamak!” Inis na bulyaw nito.
Bigla bigla naman siyang tinulak padapa ni Loron nung mapansin nito ang mga pulis. “DAPA!!” Sunod sunod na putok ng baril ang narinig nila matapos yun. “Nakita nila tayo!”
Mabilis ulit na tumakbo ang mga ito para tumakas. Pero pansin ni Hister na habang tumatakbo sila na may mga pulis at sundalo na din sa ibabaw ng tinatakbuhan nila ngayon.
Biglang huminto si Hister sa pagtakbo
“Teka ano to? Bat ka huminto? Tara na at baka mahuli pa tayo!” Takhang tanong ni Loron. Agad namang tumalikod si Hister sakanila “Malabo na tayong makatakas sa oras na to pag walang lumiligaw sakanila.” Magsasalita pa sana sina Loron pero “Tumakas na kayo. Ililigaw ko sila” Usal nito bago tumakbo ng mabilis pabalik sa dinaanan nila at nakita ni Loron na isa isang inaatake ni Hister ang mga pulis at sundalo habang tumatakbo sa ibang daan.
“Kaasar!” Mabilis naman niyang tinignan ang bunso niya. “Makinig ka, pilitin mong tumakbo. Tumakas kana dito. Kami na ang bahala sa mga pulis na yan.”
“K-kuya..hindi.” Kontra nito habang iniinda pa rin ang sakit sa katawan niya. Kung di lang sana nangyayari sakanya ang bagay na to, mas mapapabilis pa sana ang pagtakas nila.
“Tumakbo ka na! Pilitin mo ang makatakas kahit na anong mangyari!” Singhal nito kaya wala ng magawa si Mabus kundi ang paika ika nalang tumakbo habang hawak hawak ang tiyan niya.
Nilingon niya saglit si Loron at nakita niyang bumalik rin ito sa dinaanan nila para tulungan si Hister.
“B-babalikan ko kayo..” Sabi nalang nito bago binalik ang tingin sa dinaanan niya at tsaka tumakas.
Makalipas ang ilang oras, biglang bumalik ang mga sundalo at pulis kasama na rin yung Hapon dun sa apartment kung saan nandun ang Heneral nila.
Bitbit na nito ang dalawang kriminal na nakaposas na at punong puno ng dugo ang mukha.
“Heneral, nadakip na namin ang dalawang myembro ng Ardanos. Salamat dito sa kinuha mo sa Japan, napaka galing niyang makipag laban.” Puri nung isang sundalo dun sa hapon.
Agad namang sinipa ang dalawang kriminal at pinaluhod sa harapan ng Heneral.
Agad bumunot ng baril ang limang sundalo at tinutok sa dalawang nakaluhod. Ipuputok na sana nila ito ng makita nilang sumensyas ang Heneral nila na huminto. “Heneral?”
“Sa pagkakaalam ko tatlo ang myembro ng ‘Ardanos’” Wika nito habang mataman na nakatingin sa dalawang nahuli nila.
“O-opo. Pero di na namin mahagilap kahit saan ang isa Heneral. Patawad at nakatakas ang isang yun.” Sagot nung isang sundalo habang yumuyuko.
“Ikulong niyo muna sila.”
“Pero Heneral, di na dapat mabuhay pa ang mga ito.”
“Gusto kong sabay na maparusahan ng kamatayan ang tatlong myembro ng Ardanos.” Usal ng Heneral na ikinangisi ni Hister
“Asa ka namang mahahanap mo pa yung isa.” Walang modong sabi nito. Mabilis naman itong natumba nung hampasin ito ng baril ng isa sa mga sundalong nakapalibot sakanila. “Magbigay respeto ka!”
Sinenyasan naman ni Grande ang isa pang sundalo. Inangat nito ang baril na hawak nito at tsaka hinampas rin si Loron. Nang mawalan ng malay yung dalawa ay agad ng tumalikod ang Heneral “Tayo na.” Utos nito bago nila ipasok ang dalawa sa isang sasakyan at tsaka isa isang nagsialisan.
Habang nakasakay na sila, saglit ulit kinuha ni Grande ang injection na nakita ng isa sa mga sundalo niya.
Hindi siya pwedeng magkamali..
Ito ang pinaka binagbabawal na droga sa bansa..
“Ang Ethereal Drug..” Usal nito sa isipan bago tinago ulit ang droga na yun.
Sa kabilang banda naman ay gumagapang na sa sobrang sakit si Mabus. Nanghihina na ang buong katawan nito at di na magawang makatayo pa. Bumibilis ng kusa ang pagtibok ng pulso at puso niya, tapos ay bigla bigla nalang itong hihina. Di na niya alam kung anong nangyayari sa katawan niya.
Nang matanaw niya ang dulo ng daan na tinatahak niya na maraming dumadaan na sasakyan, bigla itong nabuhayan ng konti at pursige pa ito sa pag gapang, baka sakaling may makatulong sakanya pag nakalabas na siya sa madilim at makipot na daanan na to.
Nang malapit na siya sa dulo ay may biglang isang sasakyan ang huminto sa daanan na yun–dahilan para mahinto rin siya sa pag gapang.
Bumukas ang sasakyan na yun at niluwa nito ang isang mejo may katandaan na lalaki at isang parang kaedad lang niya. Nakatayo lang ang dalawa habang nakatingin sakanya.
“S-sino kayo?” Mahinang tanong nito habang hawak hawak pa rin ang katawan dahil sa sakit.
“ Ikaw si Mabus ng Ardanos tama ba, bata?“ Tanong pabalik ng matanda sakanya dahilan para makaramdam ito ng takot. Kilala siya nito.
“H-hindi..wag niyo akong hulihin…arrkkk”
“Pwede kitang ipahuli kung gusto ko, pero di ko gagawin yun..sa isang kundisyon.” Rinig niyang usal sa matanda, pilit namang napatingin si Mabus sa dalawa at mejo nanlambot lalo ang mga tuhod niya nang makita niya ang dalawang pares na mapupulang mata na nakatingin sakanya. Madilim ang kinatatayuan ng dalawa kaya ang tanging naaninag lang ni Mabus ay ang mga mata nito.
“A-anong kondisyon?”
“Ang maging alagad ko.”
Napaisip naman saglit si Mabus sa alok nito. Ayaw man niyang maging alagad ng kahit kanino pero mukhang wala na siyang matatakbuhan ngayon. Wala na siyang ibang pagpipilian, Kailangan niyang makatakas dito para sa mga kapatid niya kahit na anong mangyari.
“S-sige..arkk..” Payag nito pero sa kalagitnaan ng pagsagot niya ay bigla na namang bumilis ang pagtibok ng pulso at puso niya kaya parang nahirapan na naman itong huminga. Muli itong napayuko habang yakap yakap ang katawan niya dahil sa hapdi sa loob ng katawan niya. “ARRGHHH!!!”
Maya maya pa ay biglang itong tumingin sa kinatatayuan nung dalawa na pula na rin ang mga mata katulad nila at sobrang bilis itong tumakbo palapit sakanila.
Bumwelo si Mabus para sana atakihin ang matanda pero di pa man nakakalapit ang kamao niya sa mukha nito ay mabilis na itong nahawakan ng kasama nito ng walang kahirap hirap para pigilan.
Gulat na napatingin si Mabus sa nilalang ng sumangga sa atake niya, pagtingin niya dito ay sobrang talim ng mga tingin nito sakanya. Mas nakakatakot pa pala itong titigan ng malapitan.
Ibebwelo pa sana niya ang isang kamay niya para atakehin ang nilalang na yun pero di pa man siya nakakabwelo ay mabilis ng nahawakan ang ulo niya at malakas itong hinampas sa may pader sa gilid nila. Sa sobrang lakas na pagkakahampas ay nagkatipak pa ang sementong pader na yun.
Nung makita nung lalaki na may malay pa siya ay walang pagdadalawag isip siya nitong sinuntok ng malakas sa sikmura–dahilan para tumirik ang mata niya sa sobrang sakit na agad ikinawala niya ng malay.
“Ipasok mo na yan sa kotse, Argo.” Utos ni Vlad sa anak niya bago unang pumasok sa sasakyan nila.
Matapos mangyari ang bagay na yun ay hindi na muna ipinaalam ni Vlad sa iba pa nyang Assassin ang bagong makakasama nila. Kinulong muna niya ito sa isang malaking silid ng ilang buwan para sanayin pa lalo sa pakikipaglaban at para na rin matutunan niyang kontrolin ang epekto ng Ethereal Drug sa katawan niya sa tulong nina Vlad at Argo.
Di naman nahirapan ang mag ama na turuan ito kung pano kontrolin dahil base sa ugali niya, isang kalmado at tahimik ito kaya di nito masyado nalalabas ang galit niya. Di ito basta basta nawawala sa sarili niya dahil marunong na itong mag kontrol sa emosyon niya. Pero minsan sa tuwing nag sasanay sila ay di talaga maiwasang mailabas iyon ni Mabus kaya tinuturuan pa rin nila kung pano ito kontrolin ng tama.
Makalipas ang mahigit pitong buwan na pagsasanay, nagpasya na rin si Vlad na ipaalam kila Felix na may isa-substitute siyang Assassin kay Asher.
Hanggang sa dumating ang araw na ipapakilala na niya ito sakanila.
Kasalukuyang nasa loob sina Argo, Vlad at Mabus sa loob ng silid ng biglang bumukas ang pinto at niluwa doon ang tatlong Assassin niyang sina Elfred, Felix, at Sebastian.
“Magandang umaga Boss Vlad.” Agad na bati ng tatlo habang palapit sakanila, di naman maiwasang mapatingin ang tatlo sa isang taong di nila kilala na nasa gilid ng Boss nila.
“Siya na ba ang sinasabi mo, Boss?” Tanong ni Sebastian.
“Simula sa araw na to, makakasama niyo na si Trace Jenkins sa lahat ng magiging misyon niyo bilang isa sa mga Assassin ko. Siya na muna ang papalit kay Asher pansamantala habang nasa gitna pa yun ng kanyang misyon.” Napag decisyunan ni Vlad na ibahin nalang muna niya ang pangalan ni Mabus hangga’t nasa puder niya pa ito para maiwasan ang mga kumplikasyon.
At dun na muling naging lima ang tagabantay at Assassin ni Vlademir.
End of Flashback
Tahimik lang na nakatayo si Trace ngayon sa isang malaking building sa ilalim ng napakagandang kalangitan–tahimik lang itong nakatingin sa isang palad niya habang inaalala ang nangyari labing tatlong taon na ang nakakalipas. Pilit niyang inaalala ang buhay niya bilang isang kriminal kasama ang dalawang kapatid niya. Ang buhay nila bilang mga bayaran ng mga sindikato para kumitil, ang buhay nila na puno ng takasan, takbuhan, patayan. Lahat ng mga bagay na yun ay isa-isang sumiksik sa utak niya.
Ngayong tapos na siya sa pagsisilbi sa taong pinag utangan niya ng loob nung araw na yun at nanumpa na magsisilbi dito habang nabubuhay ito, oras na para ituloy na niya ang misyong gusto na niyang tapusin noon pa.
Ang itakas ang mga kapatid niya..
Sinakripisyo ng dalawang yun ang buhay nila na makulong para lang makatakas siya.
At bilang pagbayad sa ginawa nila, itatakas niya ang mga ito sa kulungan..
Bukas niya pagpaplanuhan ang gagawin niyang pagpasok.
At agad niya itong gagawin at uumpisahan sa makalawa ..
–ARALITH PRISON–
Sa isang madilim at mahabang pasilyo na matatagpuan sa pinakasulok ng Aralith ay naglalakad ang apat na sundalo kasama ang isang mga nasa kwarenta anyos na Heneral sa gitna nila.
“Kumusta ang dalawang preso?” Normal na tanong nito habang diretso lang na nakatingin sa daan.
“Maayos naman po Heneral.” Sagot naman agad ng isang sundalo. Ang Aralith Prison ay isa sa limang pinaka malaking bilibid sa bansa. Pinamumugaran ito ng mga sundalo imbes na pulis dahil mga high profile at mga di basta bastang mga kriminal ang nakakulong sa bilibid na to. May mga pulis rin naman ang nagbabantay pero di ito kumakalahati sa bilang ng mga sundalo ng lugar na’to. Napakahirap tumakas o pasukin ang bilibid nato dahil buong palibot ng lugar ay puno ng bantay bente kwatro oras.
Itong pasilyo naman na tinatahak nila ngayon ay patungo ito sa isang napaka sirado at binabantayan ng husto na kulungan–ang kulungan ng dalawa sa pinaka wanted na kriminal sa bansa halos lagpas sampung taon na ang nakakalipas.
Pagkarating ng Heneral sa kulungan na yun ay sinalubong agad sila ng sampung elite na sundalo na nakabantay sa kulungan. Mabilis na nag salute ng sabay ang mga ito bilang respeto sa Heneral nila.
“Heneral Grande, napabisita po kayo?” Tanong ng isang sundalo dito.
“Gusto ko lang kumustahin ang mga bihag. Papasukin niyo ako.” Utos nito. Sobrang tagal na kasi nung huling bumisita ito dito kaya nagtataka yung ibang sundalo.
Agad namang inactivate ng isang sundalo ang high tech na lock ng kulungang yun. Matapos ang ilang segundong pagpipindot, bumukas ng dahan dahan ang isang napaka kapal na pinto papasok sa kulungang yun.
Balak pa sanang sumunod ng ibang sundalo nung umabante ang Heneral pero sininyasan na niya ito na wag siyang sundan.
Matapos siya makapasok ay agad tumambad sa Heneral ang dalawang kriminal na nakatali ang dalawang kamay at mga paa ng malalaking posas sa inuupuan nilang bangko.
“Napadalaw ka? Nahanap mo na ba ang bunso namin?” Sarkastikong tanong agad ni Hister. Di sumagot ang Heneral, bagkus ay lumapit ito sa harapan ni Hister at tsaka tinitigan.
“Nawawalan na ako ng pag asang mahanap pa ang ikatlong myembro ng Ardanos.” Umpisa nito na ikinatawa ng dalawa. “Sabi ko naman sayo eh, asa ka pang mahahanap mo siya.” Usal ni Hister.
“Isa kang palpak na Heneral, Grande.” Insulto naman agad ni Loron at mukhang hindi yun nagustuhan ng Heneral. Lumipat ito ng pwesto sa harapan ni Loron at tsaka yumuko para magpantay sila.
Pumikit bigla ang Heneral at tsaka bahagyang ngumiti–bagay na ipinagtaka ni Loron.
“Sa makawala..” Usal nito. Dahan dahan namang bumukas ang mga mata ng Heneral kasabay ng pag ngisi ng nakakalibot sa harapan ni Loron. Mabilis namang nanlaki ang mga mata ng dalawa sa nasaksihan nila. “Mararanasan niyo na ang husga ng kamatayan.” Patuloy nito at tsaka pumikit ulit.
Sa pagbukas muli ng kanyang mga mata ay agad ring nawala ang nakakakilabot na nasaksihan ng dalawa.
Tumalikod ito sakanila na hindi nagsasalita hanggang sa tuluyan itong makalabas ng kulungan.
Nang tuluyan itong sumara ay mabilis na nagkatitigan ang dalawang magkapatid.
“Taglay ng Heneral ang droga na yun?”
-To be continued.
(A/N: Anu-ano nga ba ang mangyayari sa makalawa? Mag kkrus nga ba ang landas ng bawat isa at isang matinding bakbakan na naman ba ang mangyayari? Abangan nalang natin sa mga susunod pa na episode! Hahahaha watch nalang sa mga mangyayari :) Thank you sa walang humpay na pag support niyo at pagtangkilik sa story :) Malapit ko ng matapos yung episode 25 so kitakits nalang dun :) Adios~ )
-Emnacinn
Episode 25 : Initiation
Episode 25 : Initiation
Pakitingin sa media :) Yato God of Noragami as Maki Puma
Random Question : Sino sa tingin niyo ang mananalo kung maglalaban sina Kael at Ish sa isang labanan at bakit? :)
Sorry sa typos and errors :)
[3rd Person’s PoV]
-THE NEXT DAY-
VIRGO’S PALACE
“Ngayon darating ang mga Assassin ni Boss Vlad???!!” Di makapaniwalang ulit ni Maki sa sinabi ni Gordon sakanila.
“Oo.”
“NGAYON?!” Ulit na naman nito kaya mabilis itong nabatukan. “Aray tanda!”
“Ang bata bata mo pa ang bingi mo na? Oo nga sabi!” Pikon namang sagot ng matanda. Mag aalas siete na ng umaga ng pinatawag sina Maki at ng iba pang tauhan ng palasyo ni Gordon para ipaalam ang balitang iyon. Mabilis naman agad silang sumunod na salubungin ang mga Assassin sa pagdating nila maya maya.
Si Gordon ang pinaka matanda at pinaka matagal na na naging tauhan ng Virgo. Umabot pa ito sa panahon ni Vicenze kaya naman mejo malaki ang posisyon niya sa pamilya at may karapatan siyang utusan ang mga ibang sakop ng Mafia.
“Dito na rin pala sila titiraaa.” Manghang wika ni Maki. “Ang coooool! Makakasama natin ang magagaling na Assassin ni Vlad dito sa palasyo. Sugoiiiii” Dugtong pa nito at tila excited na sa pagdating ng hinihintay nila.
Inaasahan ng mga tauhang nandun na isang sasakyan ang gagamitin ng mga Assassin sa pagpunta nila dito pero nakita nalang bigla ang mabilis na pagsulpot ng tatlong Assassin sa harapan ng napakalaking gate ng palasyo. Sa sobrang bilis talaga ng mga ito ay di mo na mapapansin kung saan ito nagmumula sa tuwing susulpot sila.
Agad namang umabante si Gordon para salubungin ang tatlo.
Nang tuluyang nabukas ang gate ay saglit na yumuko ang tatlo sa matanda. “Kumusta, Gordon.” Bati ni Felix. Malaki ang respeto ng mga Assassin ni Vlad sa matandang ’to dahil kasama na nila ito sa mansyon simula bata palang sila. Siya ang nilalapitan nila pag wala si Vlad sa tuwing may mga bagay silang itatanong tungkol sa Mafia.
“Oh ba’t tatlo lang kayo? Diba may kasama kayong isa pa?” Tanong naman nito.
“Umalis na ho. May mga bagay pa daw siyang gagawin sa buhay niya.” Sagot naman ni Elfred habang naglalakad ang apat papasok sa gate. “Ganun ba.”
Agad namang yumuko ang mga tauhang sumalubong kasali si Maki sakanila nang tuluyan silang makapasok. Di maalis ang tingin ni Maki sa tatlo habang manghang mangha sa Assassin suit na suot nila. Kung pano sila maglakad, kung gano napaka angas ng awra nila kahit wala silang ginagawa.
“Magiging malakas din ako katulad nila balang araw heheeee. Tapos mag susuot din ako ng pang Assassin para ang cool ko tignan heheeee. Tapos paluluhudin ko lahat ng mga tao dito kasama na si tanda para halikan ang mga paa ko heheeeeeee.” Usal nito sa sarili habang di matanggal tanggal ang ngisi niya dahil sa mga naiisip niya.
“Libre lang mangarap~” Agad naman niyang sinamaan ang katabi niyang tauhan din–yung tauhang nakalaban niya at na exampolan niya ng technique niya. “Oopps” Tatawang usal nito nung makita niyang napatingin si Maki sakanya.
“Tusuk tusukin kita jan eh” Bulong nalang nito sa inis bago nilipat ulit ang tingin kila Asher.
“Ano nangyari dito, Gordon? Bat parang iba ata ang awra ng palasyo na to? May nangyari ba?” Di maiwasang itanong ni Asher ang bagay na yun dahil nararamdaman niyang may hindi magandang nangyari sa lugar na to. “Kumusta si Virgel at ang iba pa?” Tanong pa ulit nito.
Nagdalawang isip naman saglit ang matanda kung sasabihin ba niya ang mga nangyari. Pero sa huli ay sinabi na rin niya ito. “Umalis ang isang tagabantay ni Boss Virgel.” Paliwanag ni Gordon na halatang nalungkot na rin sa nangyari.
“Sinong umalis?” Felix.
“Si Benz.”
“Si Benz?”
“Oo. At umalis ito nang hindi nagpapaalam sakanila. At yun ang pinag aawayan nila ngayon dahil gusto ni Ish na ibalik dito si Benz, samantalang ayaw naman iyon ni Boss dahil kusa daw itong umalis, at sa tingin ko tinuturin na niyang kalaban si Benz dahil sa ginawa nito. Yun rin ang isa sa problema ngayon ng Virgo. Si Boss Virgel.
Nagkakagulo na sila dahil ibang iba na ang kinikilos nito simula nung tumungtong sila dito sa palasyong to.
Lagi ng may sagutan na nangyayari.
“ Laging nakikinig si Gordon sa tuwing nagkakagulo sila Virgel pero pinipili lang talaga niyang manahimik dahil wala rin naman siyang maitutulong.
“Ganito na pala kalala ang nangyayari dito.” Usal ni Asher.
“Sabi na sainyo eh.” Agad namang singit ni Elfred. “Nagkakagulo na ang Virgo ngayon dahil sa batang yun.”
Malapit na sana sila sa pintuan ng palasyo nang bumukas iyon at niluwa si Helena at Elsa. At base sa pananamit ni Helena, mukhang aalis ito.
“Helena, aalis ka?” Tanong agad ni Felix.
Halata namang mejo nagulat ang dalawa nang makita nila sina Asher. Pero ng makabawi ay yumuko si Helena at tsaka tumango.
“Babalik na daw muna siya sa mansyon ng Fuego para makapag isip.” Si Elsa na mismo ang nagpaliwanag dahil sobrang tamlay talaga ni Helena kung titignan mo ito ngayon.
“Ganun ba.” Agad namang lumapit si Felix kay Helena “Nabalitaan namin ang ginawa ng kasintahan mo.” Umpisa nito bago hawakan ang dalawang balikat ng dalaga. “Mababalik din natin si Benz dito.” Pag papagaan ng loob na sabi nito. “Pangako yan, Helena. Kaya wag kana masyadong mag alala.” Dugtong nito. Mahina namang tumango si Helena at halatang nagpipigil na namang umiyak.
Matapos nun ay ginulo nalang ng bahagya ni Felix ang buhok nito bago sila nilampasan at pinagpatuloy ang pagpasok nila sa loob para makita ang ibang myembro ng Virgo at makapag pahinga na rin. “Mag iingat ka sa byahe.” Huling habilin nito bago sila tuluyang nakapasok.
Isang busangot na pagmumukha naman ni Ish ang unang nadatnan nila Asher pagkapasok nila. Mag isa lang itong nakaupo dun habang nakasandal at nakatingin sa sahig at parang tulala.
“ Nako, mga ganyang mukha, pustahan galing to sa break up eh.“ Pagbibiro agad ni Elfred tapos ay isa isang umupo ang mga ito sa sofa para samahan si Ish. “Nung iniwan ako ni Savanna dati ganyan na ganyan rin ako eh, diba? Tulala, wala sa wisyo, parang kinain na ng sistema pero nakaya ko naman. Naka move on naman na ako–”
“Si Katrina yun, Elfred.” Pagtatama naman ni Felix.
“Katrina? Diba siya yung naka one night stand ko lang?”
“Hindi. Si Dianne yun. Yang Savanna babae mo lang yan nung nakaraang buwan. Nalilito kana sa sobrang dami ng babae mo. Ang cute mo.” Sarkastikong sagot naman ni Felix na nagpabato ni Elfred sa kinauupuan niya.
“Dont us, El. Hindi ka pa naka move on kay Katrina.” Usal rin ni Asher kaya tuluyan ng nalugmok si Elfred sa gilid.
“ Enanyu. Ginalingan niyo masyado eh. OO NA!“
“Gaano ba kalakas ang Vendetta?” Nabaling naman ang atensyon ng tatlo nang tuluyan ng magsalita si Ish sa harapan nila. At base sa tanong nito, mukhang may pinaplano itong gawin.
“Ano?” Tanong ni Elfred dahil baka nagkamali lang sila ng rinig.
“Yung Vendetta, nakalaban niyo na sila hindi ba? Gaano sila kalakas?” Matamlay na ulit ni Ish.
“Kung plano mong labanan sila para lang mabawi yung kaibigan mo, wag mo ng gawin. Ikamamatay mo lang yan.” Pandidiretso agad ni Felix dahil alam na niya ang binabalak nito. Nanahimik naman si Ish dun pagkatapos. Parang napaisip sa sinabi ni Felix.
Pero maya maya pa ay umalis nalang ito sa harap nila na walang sinasabi.
“ Tama nga si Gordon, pati utak nila ang gulo gulo na rin.“ Nasabi nalang ni Elfred na agad namang sinundan ni Asher
“May number ako ni Katrina, El. Gusto mo manghingi?”
“NAMO KA!!”
“Hahahaha.” -Felix.
“Pfft.” -Asher
Kahit tirik ang araw, napakadilim pa rin ng silid ng Master’s Bedroom kung saan nandito ang lalaki na nakaupo sa dating paboritong swivel chair ng ama niya. Sarado kasi ang lahat ng bintana ng isang makapal na kurtina kaya di makapasok ang liwanag sa loob.
Habang tahimik lang itong nakaupo ay saglit pumasok ang isang may katandaan na na lalaki na kanang kamay ng ama niya dati.
“Anong ginagawa mo dito?” Malamig na tanong ng lalaking nakaupo.
“Tumawag si Guanzon kanina lang at pinapasabi niya na bukas na nila gagawin ang operasyon.” Sagot nito. Mabilis namang kumurba ang ngisi sa labi ng lalaki sa narinig niya.
“Nalalapit na ang katapusan niyong mga Virgo. Lalong lalo kana Virgel Acosta.” Biglang nagbago ang expresyon ng mukha nito ng mabanggit niya ang pangalang iyon. Kinuyom niya ng mahigpit ang kanyang kamao sa sobrang galit. “MAKAKAGANTI RIN AKO SAINYONG MGA HAYOP KAYO!” Sigaw niya ng sobrang lakas dahil sa pagtitimpi. Napayuko nalang ang kasama niya sa silid na to dahil nakaramdam ito ng takot ng tignan niya ang mga mata ng magiging bagong Boss niya.
Punong puno ito ng paghihiganti..
Sobrang laki na nang pinagbago nito simula nung huli niya itong makita. Nasa edad siete palang ito nang magpasya ang kanyang ama na sa labas ng bansa ito pag aaralin dahil baka madamay pa ito sa mga gulong makakaharap ng pamilya niya gaya ng sinapit ng kanyang ina.
Halos dalawang dekada na ang nakakalipas nang muli itong umuwi galing Italy. Sobrang laki na ng pinagbago nito, ang dating inosenteng bata na kasa-kasama niya noon ay heto na ngayon sa harap niya, punong puno na ng puot at galit ang buong pagkatao.
7:30 PM
“Ish naman, sigurado ka ba dito?” Nag aalalang tanong ni Elsa habang nasa tapat na ng pinto si Ish bitbit ang isang bag na naglalaman ng mga kaonting kailangan niya sa gagawin niya.
Di naman lumingon si Ish kay Elsa dahil buong buo na ang pasya nito. Kaninang umaga pa talaga ito nag iisip tungkol dito, at sa puntong ’to, desidido na talaga siya sa gagawin niya. “Kung di kayo gagawa ng paraan para maibalik si Benz dito, ako mismo ang maghahanap sakanya para ibalik siya dito.”
“Tanga ka rin eh no? Para ka lang magpapakamatay sa gagawin mo.” Saglit namang napaisip si Ish sa sinabi ni Hell. Dalawa na ang nagsabi sakanya ng bagay na yan. Malamang tama nga sila, isang kabaliwan ang gagawin niya dahil alam niya mismo sa sarili niya na wala siyang kalaban laban sa mga Vendetta na yun, pero..
“Mas mabuti ng may gawin at mamatay kesa tumunganga nalang dito at hahayaan ang isang myembro natin na makuha nalang ng mga kalaban ng basta basta nalang!” Pagmamatigas nito.
“Nawawala na ba sa utak mo ang mag isip, ha?” Kontra ulit ni Hell na mabilis na hinarap ni ish “Wala na tayong oras na mag isip!!” Inis na ganti nito. Kitang kita mo talaga sa mga mata nito ang desididong maibalik ang pinaka matalik niyang kaibigan sa pamilyang to. Hindi niya hahayaang mawala nalang ng ganun basta basta ang mga pinagsamahan nila.
“Alam ko sa mga oras na to hindi pa yun sigurado sa ginawa niyang disesyong paglipat ng ibang grupo. Pano pag nag isip pa tayo?? Pano kung bago pa man tayo makapag isip ng plano eh tuluyan ng mabalik ang loob niya sa Vendetta na yun? Hindi ako papayag! HINDI!” Biglang tumahimik ang buong paligid matapos nilabas ni Ish ang inis at galit na nararamdaman niya.
Walang nagawa ang mga taong nandun kundi ang yumuko at tumahimik nalang. Wala naman ang tatlong Assassin sa sala para kumontra sakanya dahil nagpapahinga ang mga ito.
“Ibabalik ko si Benz dito makikita niyo!” Sigaw nito pagkatapos ay tinignan niya ang hagdanan kung saan tahimik lang na nakamasid ang Boss nila sa eksenang ginagawa nila. “Makikita mo!” Turo nito kay Virgel gamit ang buong buo na boses nito tapos ay tumalikod na ulit ito para umalis na.
Pero ilang hakbang palang ang nagagawa niya ay may humawak bigla sa braso niya. Pagtingin niya dito ay nakita niya si Lily na nakayuko “Sasama ako.” Mahinang sabi nito na agad namang sinuway ni Ish.
“Delikado, Lily.” Aalisin na sana niya ang braso niya sa mga kapit nito pero hinigpitan lang lalo ni Lily ang hawak niya. “Sasamahan kita kuya.” Nakayuko pa ring sabi nito.
“Hindi nga pwede!” Tumaas na naman ulit ang boses nito dahil sa pangungulit ni Lily.
“Pano kung mamatay ka sa pagsama sakin?!”
Agad naman iyon sinundan ng sigaw ni Lily. “Pano rin kung may mangyaring masama sayo dun?!” Lahat natahimik dahil sa pagtaas na rin ng boses nito. “Mamamatay ako sa pag aalala kung nandito lang ako at hahayaan kang manganib ang buhay mo dun.” Patuloy nito habang ang hawak na ginagawa niya kanina ay unti unti ng napapalitan ng yakap. Niyayakap na nito ngayon ang braso ni Ish na para bang ayaw na niyang bitawan pa ito.
“Lily..” -Elsa.
“Pakiusap, gusto ko ring mabawi si Kuya Benz. Gusto kong sumaya uli ang pamilyang to, ayoko ng nagkakagulo pa tayo. Kaya pakiusap kuya. Hayaan mo akong samahan ka.” Ang mga huling salita na yun ng bata ang nagpakalma ng dahan dahan kay Ish. Nang mapansin niya sa kinikilos nito ang pag aalala sakanya, di niya maiwasang matuwa kahit papano. Ewan pero kakaibang saya ang naramdam niya sa puntong ’to.
“Oo na” Mahinang sagot nalang ni Ish na agad nagpaangat ng tingin kay Lily. Nang makita niya ang napakatamis na ngiti ng bata ay kusa nalang rin kumurba ang ngiti sa labi niya. “Talaga kuya?!” Masayang ulit nito.
Hinawakan naman saglit ni Ish ang buhok nito at tsaka ginulo. “Pero wag kang pasaway sinasabi ko sayo.”
“Oo pramis!” Masayang sagot nito bago mabilis na yumakap kay Ish. Gumanti naman agad ng yakap si Ish dito.
Oo isang bata lang si Lily..
Ang layo ng agwat nito sa edad na meron siya..
Pero ewan, siya lang ang kayang magparamdam sakanya ng mga nararamdaman niya sa mga oras na’to. Nagiging kalmado agad siya pag naririnig niya ang boses nito, gumagaan nalang bigla ang pakiramdam niya kapag niyayakap siya nito. Kakaibang saya ang nadudulot sakanya ng mga ngiti ng batang kayakap niya.
“Mali to..
pero di ko maiwasan, ang sarap sa pakiramdam.“
Nasabi nalang nito sa sarili.
“Sweet.” Biglang natatawang sabi ni Kael kaya agad na napabitaw ng yakap ang dalawa at awkward na nagkatinginan. Pagkatapos ay pareho itong tumalikod kila Hell para umalis na
“A-aalis na kami.” Pormal kunwari na usal ni Ish.
“Mag iingat kayong dalawa pakiusap.” Paalala ni Elsa sakanila. “Pakiusap pilitin niyo agad ang tumakas pag nagka aberya. Wag niyo silang labanan, patago niyong itakas si Benz kung maaari. Ha?” Sunod sunod na pakiusap nito.
“Wag kayong mag alala, magiging maayos lang kami. Sa oras na makauwi na kami dito, kasama na namin si Benz.” Huling sabi nito bago tuluyang naglakad paalis, pero bago pa man sila makalabas ng tuluyan, saglit ulit tumingin si Ish sa hagdanang yun at matalim niyang tinignan si Virgel. Wala rin itong emosyon na nakatingin sakanya. Hindi pa rin talaga mawala yung galit niya sa Boss niya matapos nung mangyari kagabi, yung mga narinig niya mula sa bibig nito. Kumukulo pa rin yung dugo niya sa tuwing maaalala niya ito.
**
Pinili ng dalawa ang maglakad nalang, mas mapapadali ang paghahanap nila kung magtatanong sila isa isa sa mga tao sa bayan bukas kesa sa mag sasakyan pa sila, maraming tao ang pwede nilang malampasan. Base sa research ni Ish, nasa isang tagong lugar malapit sa Orphanage ni Dr. Manuel Guanzon nagtatago ang kuta ng mga Vendetta. Posibleng nandun sila ngayon at dun nila matatagpuan si Benz.
Ang kailangan nalang nila ngayon ay magtanong kung saan mahahanap ang Orphanage na yun dahil di niya ito mahanap sa pagreresearch niya. Malamang isang sekreto at tagong bahay ampunan rin ang lugar na yun.
“Sa syudad nitong Dagon City nalang tayo muna maghanap ng matutulugan Lily.” Suhitasyon nito. Tumango naman agad si Lily sa sinabi nito.
Medjo malayo layo na ang nalalakad nila mula sa palasyong yun nang makapansin si Ish na parang may sumusunod sakanila. Saglit siyang lumingon sa likuran nila at ang huling napansin niya ay ang gumalaw na damo sa may gilid ng daan
Binalik ulit ni Ish ang tingin niya sa daan at pinagpatuloy ang paglalakad. Baka guni-guni niya lang yu–pero maya maya ay parang nararamdaman talaga niya na may sumusunod sakanila kaya lumingon ulit siya ng mabilis sa likuran niya. At dun, may isang pigura ng tao ang napansin niyang mabilis na nagtago sa isang poste.
Hingal hingal namang napasandal si Maki sa poste na pinagtataguan niya “Whoo, muntik na yun.” Usal nito sa sarili. Maya maya pa ay plano niya na sanang sundan ulit sina Ish pero paglingon na paglingon niya dito ay tumambad sakanya ang sobrang lapit na na mukha ni Ish sa mukha niya “AAAAAAHHHH!!” Malakas itong napasigaw at mabilis na napaatras at natumba dahil sa sobrang pagkagulat.
“Anong ginagawa mo dito? Bat mo kami sinusundan?” Kunot noong tanong ni Ish sakanya.
Napakamot naman sa buhok si Maki habang tumatayo “Ah heheh ano kasi.. ganito kasi ang nanyari.”
Flashback
Nang tuluyan ng makaalis nina Ish at Lily ay bumalik na rin sa loob sina Elsa at Kael. Pabalik palang sana si Hell ng makita niya si Maki na patagong nakikinig sa pinag uusapan nila kanina.
Biglang naalala ni Hell yung pag uusap nila ni Ish nung nakaraan tungkol sa batang to na gustong gustong sumali bilang tagabantay ni Virgel at maging isa sakanila.
“Hoy ikaw.” Tawag nito na agad ikinagulat ni Maki. Nahuli pala siya nito. Yuko yuko namang lumapit ito sakanya habang nagkakamot sa ulo niya. “Ah..hehe..hello~”
“Gusto mo bang tumaas ang ranggo mo at maging kasapi namin?” Tanong ni Hell na agad na nagpaangat ng tingin ni Maki “Po?! OPO!! Gusto ko pooo!” Tila kumislap naman agad ang mga mata nito ng ganun kabilis dahil sa narinig niya.
“Pwes, may hamon akong ipapagawa sayo.” Sabi ni Hell
“Ano poo? Anoo poo??? ANO POOO??” Excited na excited na tanong nito.
“Sundan mo sina Ish, tulungan mo sina Lily na iuwi si Benz dito. Pag nagtagumpay kayo sa bagay na yun, pasado kana sakin na maging isang taga bantay ni Virgel.” Usal nito. Napalunok naman sa sariling laway si Maki sa narinig niya. Alam niya ang gagawin nina Ish dahil narinig niya ito kanina. At Isa lang ang ibig sabihin nito
“K-kung ganun k-kakalabanin ko rin ang V-Ve-Vendetta??” Kinakabahan at utal utal na na tanong nito. Sila ang tumapos sa buhay ni Vlad at sa isa sa malalakas na Assassin nito, ang wumasak sa mansyon ng Virgo.
Tapos kakalabanin niya..
“Oo. Bakit takot ka?” Tanong naman ni Hell sa nakitang expresyon nito. Tapos ay tumalikod na nalang ito sabay sabing. “Kalimutan mo na ang alok ko–”
“Teka! Teka namaaan Teka naman poo.” Pigil ni Maki kaya humarap ulit ito sakanya.
“Ano? Tatanggapin mo?”
Seryoso namang napaisip si Maki sa alok nito. Ito na ang pagkakataon niya. Sobrang tagal na niyang pinangarap na makasali sa totoong pamilya ng Virgo, gusto na niyang pagsilbihan at protektahan ang Boss Virgel niya.
Opotunidad na ito para sakanya..
Hindi na dapat niya sayangin ang pagkakataong ito.
Matapos niyang makapag decisyon ay seryoso itong binalik ang tingin niya kay Hell.
End of Flashback
“Tas ayun, sabi ko..” Sineryoso pa ni Maki ang mukha niya habang nagkkwento na para bang ginagaya niya ang mukha niya kanina “ ‘Sige payag ako’ Hahahah diba ang cool ko nun?“ Tanong niya sa dalawang kausap niya.
“Brrrrrrrr~”
At tsaka lang niya napansin na nagtutulo na pala ang laway ng dalawa niyang kausap habang nakapikit ang mga mata at naghihilik ng nakatayo.
“Nakikinig ba kayooo?!” Inis niyang sigaw sa mga ito at tsaka lang nagising ang dalawa.
“Enang kwento yan. Pang bed time.” Sabi nalang ni Ish habang kinukusot kusot ang mata niya habang humihikab.
“So yun ngaaa, sasama ako sainyo para sugpuin ang Vendetta!” Nakakuyom pa na sabi nito habang nakatingin sa kalangitan na parang determinadong determinado. “Itatalaga ang pangalan ko na isa sa mga makakatapos sa kasamaan ng Ve–”
Pagtingin niyang muli sa kinatatayuan nila Ish ay nawala na ito. Nasa unahan na pala sila, naglalakad. “Hoy tekaaaa. Naman eh!”
Napatampal naman ng noo si Ish habang naglalakad. “Ba yaaan, dalawang bubwet ang babantayan ko sa misyon ko.” Tinignan ni Ish ang dalawang bata na katabi niya. Nag aapoy ang mga katawan nito at mga mata habang nakatingin sakanya ng sobrang sama.
“Hindi kami bubwet!” Sabay pa na sigaw ng dalawa.
Napabuntong hininga tuloy ng malalim si Ish. “Haaaaaay”
“Osige” Huminto muna sila at tinaas ni Ish ang kamay niya habang nakakuyom “Gawin niyo din to dali!” Utos nito sa dalawa na agad rin namang ginawa.
“Isusumpa nating ibabalik si Benz kahit na anong mangyari!” Sigaw ni Ish sa gitna ng sobrang tahimik na daan na kinatatayuan nila.
“OO!!” Sigaw rin ng dalawang kasamahan niya. Determinadong determinado ang tatlo na nanumpa sa isa’t isa.
“IBABALIK NATIN SI BENZ KAHIT NA ANONG MANGYARI!!”
“OO!!”
“SIGAW PA!!”
“OO!!!!”
“I CANT HEAR YOUUUU~”
“ SPONGEBOB SQUAREPA–E-ESTE OOOOO!!!!“
“RRRAWARRFFF!!!” Mabilis namang natahimik ang tatlo ng may marinig silang mga kahol ng aso.
Pagtingin nila sa likuran nila ay may nakita silang limang malalaking pitbull na tumatakbo palapit sakanila na parang gustong gusto na silang kainin “RRRAAWWARRRRFFF!!”
“AAAAAAAAAHHHHHHH!!” Mabilis na napasigaw ang tatlo bago mabilis na nagsitakbuhan at nagunahan.
“TAENANYO ANG INGAY NIYO KASI!” Sigaw ni Ish sa mga ito habang pilit na inuuna yung sarili sa dalawang kasama niya. “IKAW KAYA YUNG NAGPASIMUNO!!” Sigaw rin ni Maki habang binibilisan pa lalo ang takbo.
“RRAAAWWARRRFFF!!!”
“MALAPIT NA SILA ENAAAAA!! “ -Ish
“AAAAHHHHHHH” -Lily
“MAMA HEEEEEELPPPPPP!!!” -Maki
-To be continued
(A/N: Magtatagumpay kaya ang tatlo na maiuwi si Benz pabalik sakanila? At sino nga ba talaga ang sinasabing anak ng isang Mafia Boss na sobrang tindi ng galit sa Virgo lalo na kay Virgel? Alamin nalang ang mga bagay na yan sa mga susunod pa na episodes :)) Thank you sa Votes and Comments niyo :) Sana di kayo magsasawang sumubaybay sa story kahit mejo matagal ang update :) Kitakits nalang tayo sa next episode, adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 26 : The Vendetta’s Comeback
Episode 26 : The Vendetta’s Comeback
(Sorry sa typos and errors)
(King bradley of FMA as General Arthur Grande )
[3rd Person’s PoV]
M alalim na ang gabi pero mulat parin ang mga mata ng mga Vendetta. Kanya kanya ng upo sa iba’t ibang parte ng silid na para bang hindi interesado ang isa’t isa na makipag usap.
Kasalukuyang naghihintay ngayon ang anim na myembro sa pagbalik ni Jill galing sa pag uusap nila ni Doktor Manuel.
Nasa may gilid naman ng isang malaking wooden box si Devi nakaupo habang nakasandal sa pader at kasalukuyang tinitignan ang kwentas na suot niya.
Hanggang ngayon ay di parin lubos akalain ni Devi ang kinahantungan niya sa puntong ’to. Ang akala niya ay tuloy tuloy na kasiyahan na ang mararamdaman niya kasama ang iniingatan niyang pamilya. Pero tila ba sa isang kisapmata lang ay nabaliktad at bumalik lang sa lahat ang takbo ng buhay niya–kasama ulit ang grupong pilit niyang binabaon sa limot.
Hinimas himas niya ang isang pendant na may letrang ‘D’ habang unti unting nababalot ng panghihinayang ang puso niya. Balik tagawasak na naman siya ng bayan bitbit ang alyas na simbolo ng isang mamamaslang
Napatingin naman ang lahat sa iniluwang si Jill sa pintuan na may bitbit na isang bagay na nakarolyo.
Nilapag niya ito sa isang mesa at tsaka binuksan. Isa isa namang lumapit ang ibang myembro kasama si Devi doon para tignan ang nilapag ni Jill.
Kita ngayon sa lahat ang mapa ng isang lugar, at unang napansin ni Devi ang malalaking letra sa ibabaw ng mapa na yun na nagpalaki mismo sa mga mata niya.
“Mapa ng Dagon City?” Takhang tanong ni Ross
Saglit na tinignan ni Jill ang reaksyon ni Devi, at di nga siya nagkamali, halatang gulat na gulat ang mukha nito. Hinayaan niya nalang ito at tsaka inumpisahang sabihin ang mga sinabi sakanya ng doktor sa pag uusap nila.
“Sa Bayan ng Dagon matatagpuan ang isa sa mga malalaking prisinto dito sa bansa na Aralith Prison.” Umpisa nito. “Dito natin kukunin ang dalawang myembro ng Ardanos na yun.”
“Mejo malayo to mula dito.” Wika naman ni Loda habang tinitignan ang iba’t ibang lugar na nakalagay sa mapa. “Nasa may centro pa talaga ito ng bayan nakatayo.” Dugtong nito nung makita niya ang kinatatayuan ng bilibid.
“Sabi ng doktor sakin, wala pang tanghali dapat nandun na tayo.”
“Bakit? Hindi ba sa gabi natin lulusubin ang prisintong to?” Tanong naman ni Ermac
“Nalaman ng doktor ang isang magandang balita. Umaayon sa atin ang pagkakataon. Bukas na rin ng tanghali isasagawa ang public execution ng dalawang yun. Dapat malusob na natin sila bago paman nila maisagawa ang pagbitay. Misyon natin na kunin sila ng buhay.” Sagot naman ni Jill.
“Public execution? Kung ganun may mga sibilyan ang manunood sa pagbitay?”
“Oo, at pabor satin yun dahil di basta basta makakapag paputok ang mga sundalo nyan dahil baka may mga inosenteng madamay.”
“Sheeet madaming tao, madaming dugoo ughhh~” Napakagat pa ng labi si Quincy dahil sa nalaman.
“Masisilayan na naman natin ang pagmumukha ng Heneral na yun” Ngising usal ni Morpheus sa tabi habang nakahalukipkip lang sa gilid at nakasandal.
Nang mapansin ni Jill na wala ng nagsalita, agad na niya ulit ni rolyo ang mapa. “Kailangan na nating magpahinga.” Usal niya sa mga kasamahan tsaka nagsi alisan ang mga ito para pumunta sa kani kanilang pwesto.
Bukas na ulit magaganap ang isang misyon na kung saan kumpleto ng muli ang Vendetta.
Sa loob ng mahabang panahon na pananahimik, muli na naman silang magpapakita at gagambalain ang bansa.
“Ano tinitignan mo jan, Lily?” Saglit na lumapit si Maki sa higaan ni Lily nung makita niyang panay tingin lang ito sa bintana kanina pa. Naka renta na sila ng matutulugan ngayong gabi. Iisang room lang sila matutulog pero tatlo naman yung higaan. Isang double deck at isa pang kama.
“Ang liwanag.” Tipid lang ng sagot ng bata. Tinignan naman ni Maki kung anong tinutukoy nito, at ang tangi mo lang makikita na sobrang liwanag sa kinatatayuan nila ay ang napakalaking bilibid ng lugar na ’to.
Kitang kita mula rito kung gano ito kaliwanag na para bang isa itong maliit na bayan. “Ahh, yung Aralith pala yung tinitignan mo.” Ngiting sabi ni Maki. Saglit naman na tumingin si Lily sakanya. “Aralith?”
“Aralith Prison, isa sa mga pinamumugaran ng mga high profile at most wanted na mga kriminal sa bansa. Grabe yung seguridad jan, di ka basta basta makakapasok sa sobrang dami ng nagbabantay at mga hightech na kagamitan jan.” Paliwanag nito, binalik naman ulit ang tingin ni Lily dito
“Ganyan ba talaga kaliwanag ang lugar na yan?”
“Sa totoo lang minsan lang yan nangyayari. Tradisyon na ng bilibid na yan na pailawin lahat ng ilaw nila sa tuwing may public execution silang gagawin, na para bang paraan na nila yan para ipaalam sa lahat ng naninirahn sa Dagon City na may gaganapin na namang pagbitay kinabukasan.” Mejo nagulat naman si Lily sa mga nalaman niya.
“Public execution..nakakatakot.” wika nalang ng bata habang mataman paring nakatingin sa maliwanag na lugar na yun.
“So ano? Magkwentuhan nalang tayo magdamag oh.” Biglang sumingit sa usapan si Ish na parang naiirita na sa dalawa kaya parehong napalingon ang mga ito sakanya. “Heheee pasensya na Sir Ish.” Pakamot kamot nalang na bumalik si Maki sa higaan niya. Umakyat ito sa isang deck sa hinihigaan ni Ish.
“Magpahinga ka na jan. Buong araw tayong magtatanong bukas.” Utos naman ni Ish sa batang babae kaya sinarado na agad nito ang bintana at tuluyan ng humiga sa kama niya.
“Grabeee, buong araw talaga?” Pagmamaktol naman ni Maki sa ibabaw.
“Gagu, umuwi ka kung ayaw m–”
“Di ba pwedeng isang linggo? Grabe di pa nga ako tapoos, to naman highblood.”
“Aba’t!”
Natawa naman si Lily sa pag uusap ng dalawa. “Goodnight Maki, Goodnight Kuya.” Natatawa nalang na sabi nito bago tumalikod sakanila at humarap sa pader bago pinikit ang mga mata.
Patay na ang mga ilaw, ang lalim na ng gabi, sobrang tahimik na ng paligid–pero heto parin si Maki, mulat na mulat pa ang mga mata, di mapakali, iniisip ang mga pwedeng mangyari sa susunod na mga araw. Papalit palit ito ng posisyon kanina pa para makatulog pero ayaw makisama ng mga mata at utak niya.
“Papatulugin mo ba ako o hindi?” Narinig niya bigla si Ish sa ilalim nito kaya napatigil ito sa pag galaw.
“Gising ka pa Sir Ish?”
“Hindi, tulog na.”
“Aww. Kala ko. Nagsasalit-” Bigla namang napahinto sa pagsasalita si Maki ng sipain ni Ish ang hinihigaan nito. “Halaaa, naninipa pa. Tulog ba talaga to?” Bulong nito pero sapat na para marinig ni Ish.
“Namo ah. Gising pa ako gago.”
“Ba’t gising ka pa Sir Ish?” Takhang tanong nito.
“Pano ako makakatulog eh galaw ka ng galaw jan buset. Ang ingay ng kama.”
“Awww. Sornamaan.”
“Enamo.”
Matapos ang pag uusap ay muli na ulit tumahimik ang paligid. Pinilit na rin ni Maki ang hindi magpalit ng posisyon para di madisturbo si Ish sa baba.
Pero maya maya lang..
“Ano bang bumabagabag sayo jan?” Narinig na naman nyang nagsalita si Ish.
“Ako ba kausap mo Sir. Ish?”
“Hindi, sarili ko.”
“Aww. Kala ko ak–” Muli na namang sinipa ni Ish ang kama niya sa may ulo kaya napahinto ito. “Namo malamang ikaw.”
“Ah hehe wala naman, di lang ako makatulog” Sagot naman ni Maki na ikinatawa ng mahina ni Ish
“Ses. Pa strong. Ano nga?”
Saglit naman na natahimik si Maki. Napaisip kung ano nga ba ang bumabagabag sa isipan niya at di niya magawang makatulog.
“ Hmm. Siguro dahil sa pagkakataon na to.“ Seryosong sagot ng bata.
“Pagkakataon saan?”
“Pagkakataong maipakita sa lahat na pwedeng mangyari yung pangarap kong mapasali sa inyo.” Sagot nito. Ilang segundong katahimikan pa ang bumalot sa dalawa bago ulit nagsalita si Ish.
“Gustong gusto mo ba talagang mapasali samin? Di pa ba sapat sayo ang maging myembro na ng Virgo? Delikado maging tagabantay ng Boss, Maki sinasabi ko sayo.”
“Ewan, parang masarap kasi sa pakiramdam na isa ka sa inaasahan. Gusto kong maramdaman yung meron nagtitiwala sakin para sa isang mahalagang bagay. Inaamin ko matinding takot ang nararamdaman ko ngayon, dahil pwedeng ikasawi ko ng buhay tong misyon natin. Pero pagkakataon ko na to e. Kailangan nating mabawi si Benz, at para narin magtagumpay ako at tuluyan ng maging isa sa inyo.” Napangiti naman ng bahagya si Ish habang nakikinig sa batang ’to. Napabilib siya sa determinasyon nitong matupad ang mga bagay bagay.
“Pag nagtagumpay tayong maibalik si Benz, magiging isa ka na sa taga bantay ng Boss natin, pangako yan.” Isang malapad na ngiti naman ang kumurba sa mukha ni Maki sa narinig niya.
“Wag kayong mag alala sir Ish, gagawin ko lahat ng makakaya ko kung sakaling magka aberya man.”
“Hmm, tulog na.” Usal nalang nito kaya nakangiti nalang na pinikit ni Maki ang mga mata niya.
“Konteng tulak nalang, Maki. Matutupad na rin ang matagal mo ng pinapangarap.”
Nasabi pa nito sa sarili bago tumalukbong sa kumot at natulog.
Sa isang kagubatan naman, kasalukuyang nakahiga si Trace sa isang malaking sanga ng puno habang tahimik na pinagmamasdan ang mga bituwin sa kalangitan. Bukas na magaganap ang pagbitay sa dalawang importanteng tao sa buhay niya. Dapat niyang iligtas ang mga ito kahit na anong mangyari.
Kailangan niyang bumawi sa mga ito nung araw na sinakripisyo nila ang sarili na makulong alang alang lang sakanya.
“Ililigtas ko kayo kuya. Isinusumpa ko yan” Mahinang usal nito tapos ay dahan dahan na rin nitong pinikit nag mga mata para magpahinga na.
NEXT DAY
-VIRGO’S PALACE-
Isang nakakabinging katahimikan naman ang bumabalot sa loob ng kusina ngayon. Handa na ang pagkain para sa almusal, pero tanging si Hell at Elsa lamang ang dalawang nakaupo sa lamesa.
Parang nung isang araw lang kumpleto at buo pa ang Virgo at masayang kumakain. Ba’t naging ganito nalang bigla ang sitwasyon nila?
“Di ka pa ba kakain? Lalamig na yang pagkain mo.” Ani Hell kay Elsa na mejo tulala pa at wala sa sarili. Malamang ay sobrang dami na nitong iniisip ngayon dahil sa sunod sunod na mga nangyari sa pamilya nila.
“Sana ligtas lang sila Ish ngayon. Ayoko ng mawalan.” Wala sa sariling bulong ni Elsa na ikinahinto ni Hell sa pagkain.
“Adik ka ba?” Tanong nalang nito sa kasintahan habang umiiling “Makakauwi yun ng ligtas. Masasamang damo ang mga yun.”
“Sana lang.” Tamlay naman na sagot nito. Kita naman nilang bumaba na si Kael na naka uniform na at pumunta sa direksyon nila.
“Si Boss? Di pa ba bababa?” Tanong ni Elsa dito.
“Wala si Boss sa kwarto niya.” Sagot naman ni Kael na ipinagtaka nila.
“Ha?”
“Wala siya sa kwarto niya.”
“Kung ganun asan siya?” May konteng kaba na sa boses ni Elsa.
“Baka maaga lang pumasok.” Singit naman ni Hell
Umupo naman si Kael at parang sang ayon kay Hell “Baka nga.”
“Bahay ampunan ba kamo?” Ulit na naman nito.
“Oo nga poooo, may alam ba kayong malapit na bahay ampunan dito?” Ulit na rin namang tanong ni Ish sa isang matanda pero nakanganga lang itong nakatingin sakanya.
“Bahay ampunan ba kamo?” Ulit na naman nito kaya nagsilabasan na lahat ng ugat niya sa noo dahil ubos na ang pasensya niya. “Abayga!” Susulungin niya pa sana yung matanda dahil sa inis pero buti nalang mabilis siyang nahila nina Maki at Lily palayo. “Kuya ano ka ba? Kalma ka lang” Natatawang sabi ni Lily habang hila hila si Ish
“Eh si manong eh! Pang sampung beses ko ng inulit yung tanong puro ganun lang sinasagot amp!”
Kaninang alas siete palang ng umaga andito na sa may centro ng syudad silang tatlo para umpisahan na ang pagtatanong, kaso oras na ang lumilipas pero wala parin silang mahanap na sagot. Mukhang wala talagang nakakaalam kung saan matatagpuan ang bahay ampunan ni Manuel.
“Tototo ba talaga yang bahay ampunan na yan, Sir Ish?” Tanong nalang ni Maki dahil mejo napapagod na rin itong magtanong na wala man lang nakukuhang sagot.
“Si Benz mismo ang nagsabi sakin na meron. Magtanong lang tayo, siguradong makakahanap rin tayo ng sagot.” Seryosong tugon ni Ish kaya agad namang sumaludo ang dalawang batang kasama nito “Aye aye!”
Pansin naman nila ang mga iilang reporter at taga medya dala dala ang mga camera nila at kung anu anong kagamitan na dumaan sa harapan nila.
“Sa Aralith papunta tong mga to.” Wika ni Maki habang sinusundan ito ng tingin.
“Di ba muna tayo pupunta para manood din kuya?” Tanong naman ni Lily dahil kagabi pa ito na ku-curious sa mangyayaring public execution.
“Di na, ipapalabas naman yan, maghanap nalang tayo ng tv dito at tsaka manood mamaya.”
“Pati sa media ipapakita ang gagawing pagbitay?” Takhang tanong ng bata.
“Oo. Paraan na rin ng Aralith yan para takutin ang mga tao na gagawa ng
krimen.
Epektibo naman ito kasi bihira lang talaga nagkakaron ng krimen sa Dagon City“
“Tama na ang daldal, ituloy na natin ang pagtatanong” Putol ni Ish sa dalawa at tuluyan na ngang pinagpatuloy ang ginagawa nila.
-ARALITH PRISON-
“Ang Heneral wala pa ba?”
“Parating na daw sila.”
“Seguraduhin niyong secured ang bawat lugar naiintindan niyo?”
“Masusunod Lieutenant!”
“Anong oras na ba?”
Abalang abala ang lahat ng mga opisyales na nandito ngayon sa loob ng Aralith Prison. Kanya kanya ng mga ginagawa ang mga ito para sa paghahanda sa gaganapin mamaya. Punong puno na rin ng mga tao sa labas ng malaking pintuan ng bilibid at hinihintay nalang ang oras ng pagbubukas nito.
“Ang tagal naman buksan!”
“Hoy naiinip na kami dito! Ang sikip sikip na namin!”
“Buksan niyo na yan!”
Sobrang ingay ng mga ito at kating kati ng pumasok sa loob kaya mas lalong uminit sa kinatatayuan nila.
Habang inip na inip na ang karamihan, nakayuko at tahimik lamang na nakatayo at nakisiksik ang pitong Vendetta sa mga sibilyan. Magkahiwalay ang mga ito pero pare parehong may suot suot na puting kapute na nakatakip sa mga armas nila sa likod at ulo nilang pito. Bawal silang makilala ng mga sundalo at pulis.
Isang malupit na tyempo lamang ang hihintayin nila bago gawin ang misyon nila.
Saglit namang napatigil sa pagsasalita ang mga taong nandun nung mapansin nilang mabagal na gumalaw ang malaking pintuan ng Aralith pabukas.
Isang nakakabingig sigawan naman agad ang pinakawala ng mga ito na para bang isang magandang palabas ang nag aabang sakanila sa loob. Halos isang taon narin simula nung huling Public Execution na ginawa ng Aralith kaya mejo naeexcite ang mga ito manood.
Kasabay namang pumasok sa mga sibiliyan ang pitong vigilante. Nang tuluyan ng makapasok ang lahat ay marahan ring sumarado pabalik ang malaking pintuan ng Aralith.
May ibang mga manunood ang nakahanap ng mga mauupuan nila pero karamihan ay nasa harap lang ng isang maliit na bigtihan na may dalawang palapag. Dito gaganapin ang pagbitay ng mga kriminal kaya may iilan na kahit nakatayo ay pipiliing pumwesto doon para makita ng malapitan ang gagawin sakanila–at kasali na ang pitong Vendetta doon.
“Heneral Grande” Mabilis na nag salute ang isang lieutenant at ang ibang kasamahan nitong sundalo nung niluwa ang Heneral sa isang entrance ng Headquarters nila kasama si ‘Kratos’, ang Japanese na tumulong at humuli dati sa dalawang kriminal na sina Loron at Hister.
“Handa na ba ang lahat?” Mahinahong tanong ng Heneral.
“Handa na Heneral. Tuluyan ng nakapasok ang mga taong gustong manood, nakapwesto na rin ang iilang mga sundalo sa iba’t ibang parte ng bilibid para sa seguridad.”
“Ang mga kriminal nalang ba ang kulang?”
“Opo Heneral.”
Agad namang tinahak ng Heneral ang lugar kung saan nakakulong ang dalawa kasama sina Kratos, ang Lieutenant at iilang sundalo. Nang tuluyan nilang matahak ang lugar na yun ay mabilis na pumasok ang Heneral para kausapin ang dalawa.
Nadatnan niya ang mga ito na nakagapos parin sa sariling upuan habang walang emosyong nakatingin sakanya.
Ngumisi nang bahagya ang Heneral dahil sa nakikitang sitwasyon ng mga ito. “Humingi na ba kayo ng tawad sa Diyos?” Tanong nito sa dalawa.
“Ikinumpisal niyo na ba lahat ng kawalang hiyaang ginawa niyo sa buhay niyo?” Dagdag pa nito pero malamig na titig lang ang naisagot ng dalawa.
“Dalhin na ’tong dalawa sa labas.” Utos ni Grande sa iilang sundalong kasama nito. Agad namang umaksyon ang mga ito at kinalas ang mga kriminal sa bangko. Tinali nilang muli ang katawan ng mga ito at pinosas ang isang malaking posas sa kamay nila. Tinakpan rin ng metal na bagay ang bibig ng dalawa para makasigurong wala itong magagawa.
Ngayon ay palabas na ang mga ito papunta sa bigtihan na yun kung saan gaganapin ang public execution.
“Ano ba ang pakiramdam na alam niyo sa sarili niyo na ngayon na matatapos ang buhay niyo?” Di parin tumitigil sa pagtanong ang Heneral sa dalawa na tila ba nang aasar na. “Nakakatakot ba? Nakakakilabot ba isipin?” Tuloy pa nito hanggang sa makarating na nga sila sa labasan ng Headquarters.
At dun, sumalubong sakanila ang liwanag at init ng araw at hiyawan ng mga taong nakatingin sakanila.
“Bitayin na yaan!!”
“Wag niyo nang patagalin pa!”
“Pahirapan niyo muna!”
“Bagay sa mga kriminal na yan sinusunog ng buhay!”
Sobrang ingay ng mga taong nandun habang naglalabas ng mga hinaing nila.
Dahan dahan namang umakyat ang Heneral at ang dalawang kriminal kasama ang iilang sundalong gumagabay sakanila.
Nang tuluyan na nilang maakyat ang bigtihan ay tanaw na tanaw ni Grande sa kinatatayuan niya ang mga sibilyang halang ng mapanood ang gagawin nila.
Agad namang kinuha ng Heneral ang mic para magsalita sa mga nanunood.
“Sa araw na’to, masasaksihan niyong muli kung ano ang mga ginagawa sa mga taong lumalabag sa batas at gumagawa ng mga karumaldumal na bagay.” Umpisa nito. “Gusto mong maging kriminal? Saksihan mo kung ano ang ginagawa namin sa gusto mong maging.” Tumingin naman si Grande sa isang camera na hawak hawak ng isang camera man at muling nagsalita
“Pagmasdan niyong mabuti ang mga mangyayari, at pagkatapos, mag isip ka ulit at itanong sa sarili mo..” Pagbabanta ng Heneral sa mga kumakalaban sakanila “Gusto ko pa bang maging kriminal?” Huling tanong nito.
Ang kaninang maingay na mga nanunood ay tila napipi at natahimik dahil sa pananakot na ginawa ng Heneral ng Aralith Prison na’to.
***
Sa kasiksikan naman sa mga taong nasa harapan, dahan dahan na ring umusog ang mga Vigilante papunta sa pinaka harap ng maraming tao matapos nilang magawa ang plano nila.
Hanggang sa tuluyan ng nagkadikitan ang pito at napunta na nga sila sa pinaka harap.
“Nakakatakot.” Isang boses at salita ang gumimbal sa lahat–lalong lalo na ang Heneral dahil pamilyar sakanya ang boses na yun.
Mabilis nitong hinanap ng paningin niya ang nagsalita na yun hanggang sa madapo ang tingin niya sa pitong nakasuot ng puting kapute na nakatakip sa katawan at ulo ng mga ito sa harapan niya. “Nakakatakot na pagbabanta, Heneral” Isang mapang asar na ngisi ang kumawala matapos ang mga salitang ’yun.
At dun na nakumpirma ng Heneral ang boses na yun..
“Wala talaga ale?”
“Wala hijo, baka naman nagkamali ka lang ng lugar na pinuntahan? Ilang taon na kaming nandito pero di ko pa naririnig ang bahay ampunan na yan.” Paliwanag ng aleng nagtitinda ng mga prutas kay Ish pagkatapos ay binalik ulit nito ang tingin sa maliit na tv nila.
llang oras na silang pasikot sikot sa lugar. Halos lahat na ata ng tao napagtanungan na nila. Pero wala talaga. Wala silang makuhang sagot.
“Pagod na ako kuya.” Saglit naman tinignan ni ish ang mga batang kasama niya na halatang hinihingal at napapagod na rin kakatanong. Muntik na nyang makalimutang mga bata tong kasama niya.
“Sige magpahinga na muna tayo dito saglit. Ah ale, pabili nga kami ng fruit salad”
“Gusto mong maging kriminal? Saksihan mo kung ano ang ginagawa namin sa gusto mong maging.”
Pansin naman agad ni Ish ang nagsalita sa tv kaya saglit siyang nakinood. “Nakoo, jusko, may papatayin na naman sila sa harap ng maraming tao. Nakakatakot talaga itong si Heneral Grande.” Pag aalala nung tindera tapos ay nagsalak narin ng fruit salad para sa tatlo.
Di na naalis ni Ish ang tingin niya sa tv kasi bigla siyang kinutuban. Pakiramdaman niya kailangan niyang panuorin ito.
Kitang kita niya sa tv ang paglingon ng Heneral sa camera habang nagsasalita
“Pagmasdan niyong mabuti ang mga mangyayari, at pagkatapos, mag isip ka ulit at itanong sa sarili mo, gusto ko pa bang maging kriminal?”
“Jusko ayoko ng panuorin yan.” Papatayin na sana nung ale yung tv pero “Saglit ale!” Mabilis itong pinigilan ni Ish. Parang may parating pa eh, parang may kaabang abang pa na mangyayari.
Nakita nilang inilipat ang camera dun sa reporter na ngayon ay nagsasalita na. “Kasalukuyan po ngayong nagaganap ang pang tatlongpu’t dalawang public execution na ginaganap dito sa Aralith Prison. Iilang sandali nalang at sisimulan na rin ang nasabing pagbitay sa dalawang pinaka most wanted na kriminal sa bansa sampung taon na ang nakaklipas. Para sa mga magulang na may kasamang anak na nunonood jan, mas mabuti ng ilayo niyo na muna yang mga anak niyo dahil mas masilan ang masasaksihan niyo sa mga susunod na mangyayari. At–” Kita nila Ish sa tv na natigilan bigla ang reporter nung at saglit itong mapalingon sa likuran niya ng mapansin nitong may biglang nagsalita.
Agad namang nilipat ng camera sa lugar kung saan nakatingin si Heneral Grande, at ang tanging nakuhanan lamang doon ay ang pitong nakasuot ng puting kapute sa harapan na nakatabon ang mga ulo.
Nung mabilang ni Ish na pito ang mga ito ay mabilis itong napalunok ng laway.
Kita naman sa tv kung pano dahan dahang tinanggal ng nasa gitna nila ang nakatabon sa ulo nito. Saglit na ni zoom ng camera ang itsura ng lalaking nagtanggal ng takip sa ulo niya kaya napansin ni Ish ang tatlong hikaw na kumikinang sa kaliwang tenga nito.
“Tangina..”
“M-morpheus..” Saglit na natulala ang Heneral nung makumpirma niya kung sino ang nagsalita.
Ilang taon na ba nung huli niyang makita ang mala demonyong mga titig at ngisi ng halimaw na ’to?
Agad namang tumalon bigla ng napaka taas si Morpheus kasama ang anim nitong kasama na naka kapute rin. Pumatong ang mga ito sa ibabaw ng pader na nakapalibot sa buong aralith.
Ngayon ay pinagtitinginan na sila ng lahat kasama ng Heneral.
“Sino yang mga yan?”
“Bat natalon nila yang ganyan kataas?”
“Anong ginagawa nila?”
Punong puno na ng tanong ang mga taong nandun habang tinitignan ang mga ito.
“Parang namumukhaan ko yang nasa gitna nila.” Usal nung isang mejo may katandaan na.
Yung isang tatay naman ay unti unting namuo ang takot sa mukha nung maalala na niya kung sino ito. “H-hindii…s-sila ang..”
Sabay sabay namang winalis ng pito ang suot nilang kapute at dun tumambad sa lahat ang itsura ng mga ito na may mga nagkikintabang mga hikaw at dog tag na suot–kasama ang mga sarili nilang sandata at mapupulang mga mata.
“A-ang..”
“ANG VENDETTAAAA!!”
“Morpheus?” Tanong ni Ish sa sarili. Minsan ng nabanggit sakanya ni Benz na nag iisa lamang si Morpheus sakanila na sa kaliwang tenga nakalagay ang mga hikaw–tanda daw ng pagiging lider niya sa grupo.
Biglang kinabahan at nanlamig ang mga kamay nito sa mga nasasaksihan. “Wag mong sabihing..”
Nakita sa tv kung pano tumalon ang pitong nilalang na naka kapute at pumatong sa mataaas na pader ng aralith.
At nung tuluyan na ng hinubad ng mga ito ang mga suot nila, saglit na napahinto sa paghinga si Ish–lalo na nung inisa isang zinoom sa camera ang mga itsura ng mga ito.
At dun..
ang huling mukha na pinakita sa camera..
“T-teka, si Kuya Benz!” Sigaw rin ni Lily nung makita niya ang mukha nito.
“Sa Aralith tayo dali!” Mabilis na tumakbo si Ish na parang di man lang nakaramdam ng pagod kanina. Agad rin namang sinundan iyon ng dalawang batang kasama niya.
“Anjan na ako Benz. Hintayin mo ko!” Pagwawala na nito sa isipan habang binibilisan pa lalo ang pagtakbo.
-To be continued
(A/N: Sorry na hahaha inamag na to dahil sa tagal ko nag update hahaha wag niyo ko bash :( Sorry may pinagkakaabalahan lang ako ngayon kaya di ko na magawang madalaw yung wattpad. Promise babawi ako, bukas na bukas or sa susunod na araw ipopost ko agad ang kasunod nito, 2k words na yun, konteng tulak pa matatapos ko rin yun. So yun, sana di niyo pa nakakalimutan tong story, sana naaalala niyo pa yung flow hahaha. Watch out sa next episode :) Isang bakbakan ang magaganap. Magtatagumpay kaya ang Vendetta sa pagtakas sa dalawang kriminal na Ardanos? O mapoprotektahan ito ng mga sundalo kasama ang Heneral nila. Maaabutan pa kaya ni Ish ang mga ito at makaharap muli ang ang matalik niyang kaibigan? Abangan niyo nalang sa next episode hahaha so ayun lang, kitakits nalang dun :) Adios~)
-Emnacinn
Episode 27 : The War in Aralith Prison
Episode 27 : The war in Aralith Prison
(Sorry sa errors)
(Please pakinood ng video na nasa media after niyong mabasa yung update para maimagine niyo yung mga scene hahaha ctto sa video na yan. Amv yan ng Destroyers, yung portrayers ng Vendetta. Pramis maganda yan :))
[3rd Person’s PoV]
“ANG KINATATAKUTANG MGA VIGILANTE NOON NAGBALIK NAA!”
“HINID MAARI!”
Nagwawala na ang iba dahil sa takot nang makumpirma nilang ito yung grupo noon na sobrang kilala bilang tagawasak ng bayan.
“BUKSAN NIYO ANG PINTO LALABAS NA AKO!”
“BUKSAN NIYO GUSTO KO PANG MABUHAAAY!!”
“GUSTO KO NG LUMABAS!”
“AAAAHHHHHHHH”
Nagkakagulo na ang mga sibilyan kaya napilitang magpaputok ang Heneral ng baril para patahimikin ang mga ito. “HUMINAHON KAYO!” Sigaw ni Grande. Tila mas natakot naman ang mga ito sa boses niya kaya pinilit ng mga ito na kumalma at tumahimik. “Nasa puder namin kayo. Hindi nila kayo magagalaw. Pangako namin yan.” Usal pa ng Heneral.
“Talagaaaa?” Sumingit na naman sa eksena si Morpheus kaya nabalik muli sakanilang pito ang atensyon ng lahat.
Kitang kita mo mula sa baba ang nakakatakot na expresyon na mukha ng mga Vigilante. Parang halang na halang na ang mga ito na lusubin silang lahat.
Agad namang tinutukan ng maraming sundalo ang kinatatayuan ng Vendetta.
“Dahan dahan lang.” Nilabas ni Morpheus ang isang bagay na parang may pindutan. “Isang putok niyo lang, sabog lahat ng mga sibilyan.” Pagbabanta nito kaya mabilis na sinenyasan ng Heneral ang mga sundalo na walang magpapaputok.
“Ganyaaan.”
Inis namang tinignan ng matanda ang lider ng mga Vigilanteng kahit kailan ay hindi man lang nila nahuli dati. “Ano bang kailangan niyo at muli na naman kayong nanggambala?”
“Ganito lang ang mangyayari tanda. Ibibigay niyo samin ang dalawang hawak niyo, at aalis kami ng matiwasay.” Usal ni Eus. “Oh diba? Walang dadanak na dugo.” Pahabol pa nito habang di matanggal tanggal ang ngisi sa labi nito.
“Walang ibang mangyayari ngayon kundi ang mahuli namin kayong pito at ibubulok sa bilangguan.” Matigas na lintanya ng Heneral.
“Mamili ka Heneral, katigasan ng ulo mo o kapakanan ng mga taong nandito? Kasi alam mooo..” Lalo lang lumawak ang ngisi ni Morpheus “Hindi kami nagdadalawang isip na mandamay.”
“Punyeta ka talagang halimaw ka.” Inis na lintanya nalang nito dahil di niya na alam ang gagawin niya.
“Tanggapin mo nalang kasi na isa kang palpak na Heneral, Grande. Hindi ka nababagay sa posisyon mo.”
Habang nag uusap ang dalawang lider ay may isang sniper sa isang tower ng Aralith ang pasikreto na nag aasinta sa ulo ni Morpheus ngayon. Halos handa na lahat, isang kalabit nalang nito tyak sabog ang utak nitong halimaw na to.
“Senyales niyo nalang ang hinihintay ko, Heneral.” Rinig ni Grande sa suot nitong earpieace dun sa sniper. Sasabihan niya pa sanang wag niya itong ituloy pero narinig niya bigla ang pagsigaw ng isang lieutenant sa kabilang linya “Iputok mo na!”
“Roger.” Mabilis na nanlaki ang mga mata ng Heneral sa mga narinig niya “PUNYETA WAG!” Sigaw nito pero huli na dahil tuluyan ng nakalabit ng sniper ang gatilyo ng sniper na hawak niya.
Mabilis namang lumipad ang balang yun papunta sa ulo ni Morpheus. Napansin yun ni Eus pero napapikit lang ito at ngumiti.
Bago pa man tumama sa ulo niya ang bala na yun ay nahiwa na ito ng spada ni Devi at lumihis sa kabilang direksyon ang dalawang piraso nito.
“Oops.” Tinaas ni Morpheus ang hawak niya at ngumisi sa mga tao sa baba “Maling decisyon ang ginawa mo, Grande. Sisihin niyo ang Heneral niyo.”
Agad namang napasigaw ng malakas ang matanda sa harapan niya “UMALIS NA KAYO!” Tila bumagal naman sa pag galaw ang lahat at kitang kita ng Heneral ang mukha ng mga tao kung pano ito tumingin sakanya bitbit ang punong puno ng takot at kaba ng mga mata nila.
…
……
………
…………………
Hindi..
Sa isang iglap lang ay mabilis na sumabog ng malakas ang kinatatayuan ng mga sibilyan na yun at tumilapon ang katawan ng mga ito na pira piraso na.
“Tara” Utos naman agad ni Morpheus kaya tumalong muli ang pitong Vendetta papunta dun sa kinatatayuan ni Grande. “Ang plano wag niyong kalimutan!” Sigaw rin ni Jill habang pabagsak na sila sa baba.
Galit namang inutusan ni Grande ang mga sundalong nakahawak sa dalawang kriminal “Bitayan niyo na yan dali!” Sigaw nito kaya mabilis na pinosisyon ng mga ito ang dalawa at tsaka tinalian sa leeg. Umuna namang bumaba si Grande para pumasok sa Headquarters. “WAG PADALOS DALOS NG PUTOK! MAY MGA SIBILYAN PANG NANDITO! ANG PITO LANG NA YUN ANG ASINTAHIN NIYO!” Sigaw nito sa earpiece na suot niya na nagkokontekta sa lahat ng mga sundalo bago pumasok sa loob.
Pagbagsak nilang pito ay mabilis na naghiwa hiwalay ang mga ito ng direksyon. Mabilis na sinundan nina Morpheus at Devi si Grande na papasok sa loob habang sina Ermac, Ross at Quincy naman ang inatasang ubusin ang mga sundalong makikita nila.
Sila Jill at Loda naman ay straight lang na tinungo ang kinatatayuan nila Loron.
Tuluyan naman ng naposisyon ng mga sundalo ang dalawang kriminal at kailangan nalang nilang pindutin ang bagay na bubukas sa kinatatayuan ng dalawa at tuluyan itong mahulog habang may nakakabit na lubid sa leeg nila.
Mejo malayo pa ang dalawa kaya mukhang mahuhuli silang pigilan ang sundalo sa pagpindot nun. “Naloko na.” Usal ni Loda kasi di na talaga sila aabot.
Pero bago pa man mapindot ng mga sundalong yun ang pindutan ay mabilis na humiwalay ang ulo ng mga ito sa isang iglap lang. Mejo nagulat pa sila Jill sa nasaksihan nila.
Napahinto sila saglit sa pagtakbo nang makita nila ang katabi ng dalawang target nila na tumapos mismo sa dalawang sundalo.
“Yung isa sa Assassin ni Vlad.” -Loda.
“Trace, o kilala dati na Mabus. Ang pangatlong myembro ng Ardanos.” Matalim itong nakatingin sakanila bitbit ang mga matang tinataglay nilang dalawa.
“Ang mga mata niya.” Takhang wika ni Loda nung mapansin niya ito.
Gamit naman ang hawak ni Trace na blade ay mabilis niyang kinalasan ang dalawang kuya niya pati ang mga kadenang nakatali sa mga ito.
Gulat namang napatingin ang dalawa sa nagligtas sakanila. “M-mabus?!” Utal pang wika ni Loron.
“Ikaw na ba yan? A-ang laki mo na ah!” Gulat na gulat ring usal ni Hister.
“Mamaya na tayo mag usap, kuya.” Sabi nalang ng bunso nila tapos ay matalim ulit na tinignan ang dalawang Vendetta. Base sa narinig niya kanina na sinabi ni Eus, ang dalawang kuya niya ang target ng grupo. “Kailangan na nating makaalis dito.”
Agad namang kumiripas agad ng takbo ang magkapatid sa kabilang daan para takasan yung dalawa.
“Dali! Di sila pwedeng makatakas!” Mabilis ring sinundan nina Jill ang mga ito para kunin ang target.
Habang patuloy sa pagtakbo sila Ish palapit sa Aralith ay saglit silang napahinto nung makarinig sila ng pagsabog. “Tangina ano yun?!”
“Mukhang nagkakagulo na sa loob” Usal rin ni Maki.
“Asar! Di tayo pwedeng mahuli! Baka tuluyan na sila makaalis. Pagkakataon na natin to!” Muli ay tumakbo ulit sila ng mabilis, si Maki naman ay mejo napapagod na dahil karga karga nito ang bag na lalagyan nung sandata ni Lily.
Natatanaw na nila ang malaking pader ng Aralith kaya mas binilisan pa ni Ish lalo.
**
Sa isang parte naman ng bilibid kung saan madaming sundalo ang nagbabantay ay mabilis itong sinugod mag isa ni Quincy bitbit ang ngisi at hawak nitong pole axe.
Mabilis namang inasinta ng mga sundalo ang isa sa mga vigilante para barilin ito. Pero sa sobrang liksi ng kilos nito ay nahihirapan itong sundan ng mga mata nila. “Ang bilis niya!”
Hanggang sa napansin nalang nila na nasa ibabaw na nila ito habang nakabwelo sa hawak nito. “Dugooooo!” Tili pa nito bago binagsak ang sandata niya at tinaga ang isa sa mga sundalong nandun. Sunod sunod niya lang itong ginagawa sa mga sundalo habang yung iba ay tila nababato na sa kinatatayuan nila dahil sa kabrutalang nasasaksihan nila.
May isang sundalo naman ang mabilis na niyakap ni Quincy sa likod at tsaka tinutukan ang leeg nito ng matalim niyang axe. Ngising tinignan ng babae ang mga sundalong nasa harap niya na nakaasinta ang mga baril sa harap nilang dalawa. “Iputok niyo please.” Ngising utos ng babae.
“H-huwaag!” Pagmamakaawa naman nung sundalong yakap yakap nito dahil baka madamay siya.
“Ayaw niyo?” Unti unti namang idinikit ni Quincy ang talim ng axe sa leeg ng sundalong yun at tsaka dahan dahang hiniwa ito.
“Arrkkk” Nagpumiglas namang umalis ang sundalong yun dahil sa ginawa ng babae. Biglang napangiwi ang mga sundalong nasa harap nila dahil kitang kita nila kung pano dahan dahang hinihiwa ni Quincy ang leeg ng isa sa kasamahan nila.
Pagkatapos ay agad namang dinilaan ng babae ang dugo nito sa leeg habang di inaalis ang tingin sa mga sundalo “Uhhh..hmm”
“H-HALIMAW KAAA!!” Biglang nabalik sa wisyo ang mga sundalong yun nung makita nila ang pagbagsak ng kasamahan nila na wala ng buhay. Mabilis na nirakrakan ng mga ito ang kinatatayuan ni Quincy. Pero kahit bala ng baril ay walang wala sa bilis na taglay ng Vendetta na ’to. Habang walang tigil nilang pinapaputukan si Quincy na todo iwas lang ay may isa pang vigilante ang bigla nalang sumulpot sa likuran nila at inisa isa silang pinag tataga ng hawak nito na Sai.
Mabilis namang nabaling ang atensyon ng mga sundalo sa may gawa nito, at agad kinuha ni Quincy ang pagkakataong yun para atakihin ang mga ito. Kung hindi ulo, katawan talaga mismo ang hinihiwa ng babae. Sobrang lakas ng bawat wasiwas nito sa sandata niya.
Di nagtagal ay nalinis narin ng dalawa ang lugar na ’yun.
“Sa kabila naman, Quincy.” Seryosong usal ni Ermac bago ulit sila mabilis na tumakbo “Dugoooo ughh!”
Kasalukuyan namang pinapalibutan ngayon ng mag isa si Ross ng isang dosenang mga sundalo habang nakatutok ang mga baril nito sakanya.
“TAAS ANG KAMAY!” Singhal ng isang sundalo kay Ross. Utos ng Heneral na kung kaya naman nila itong hulihin ng hindi pinapatay, ay gawin nila. Gusto ng Heneral ng maghirap muna ang mga ito bago bitayin. Kaya naman di parin nila binabaril tong isang myembro ng Vendetta.
Ngisi namang itinaas ni Ross ang mga kamay niya “Okay, suko na”
“Posasan niyo dali” Utos nung isa kaya may dalawang sundalo ang dahan dahang lumapit kay Ross habang nakatutok parin ang mga baril nito.
Nung mejo nakalapit na ang isa ay napansin nito ang sandatang nakalagay sa likuran ng vigilante. “Ano yang nasa likod mo? Ibaba mo yan” Utos muli nung sundalong poposas sakanya. “IBABA MO!” Singhal nitong muli.
Dahan dahan namang kinuha ni Ross ang dalawang blade nito sa likuran at tsaka hinawakan at iniharap sa dalawang sundalo. “Oh ayan.” Kalmadong pag aabot nito.
“IBABA MO!”
“Sigee.” Sabay namang binitawan ni Ross ang dalawang blade niya–pero nung pabagsak na ang mga ito, sinalo nito ang isang blade niya gamit ang paa niya at tsaka ito pinatalbog pataas. Ngumisi pa ito ng nakakaloko pagkatapos ay mabilis na sinipa ang puluan nito kaya agad itong tumilapon at lumusot sa mukha ng isang sundalo sa harapan niya.
Bago pa makapag react ang mga sundalo na tila nabigla sa nangyari ay mabilis itong yumuko at kinuha pa ang isa niyang blade at walang kalaban labang pinagtataga ang dalawang sundalong poposas sana sakanya.
“BARILIN NIYO DALI!” Sumbat nung isang sundalo pagkatapos ay mabilis nilang pinaulanan ng bala ang kinatatayuan ni Ross. Pero gamit ang bangkay ng dalawang sundalo, ginamit niya itong pangsangga habang paabante hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa mga ito.
May isang sundalo ang naubusan ng magazine kaya mabilis itong nagpalit ng pistol at tinutok muli kay Ross, pero bago pa man niya ito maiputok, nakalapit na si Ross sakanya at sa isang iglap lang ay nagkapira-piraso na ang kamay nito na kanina lang ay matuwid palang na nakahawak ng baril. Sinunod naman agad ni Ross ang leeg nito.
May ibang sundalo na ang mga nagsitakbuhan dahil sa takot. May iba ang nagpaiwan kaya sila mismo ang sunod na inatake at pinaghihiwa gamit ang matulis na blade ni Ross.
May isa pa sana ang gustong tumakas pero mabilis na tumaob ang blade na binato ni Ross sa ulo nito.
Nang tuluyan na niyang mapatumba lahat ng mga sundalo sa kinatatayuan niya ay saglit niyang nahagip ng tingin niya ang pamilyar na mukha kaya mabilis niya itong tinignan.
“Mabus?” Gulat na usal nito. Tsaka lang niya napansin na kasabay pala nitong tumatakbo ang mga kapatid nito. Sunod niyang napansin sa likuran nila ay sina Jill at Loda na siguradong hinahabol sila.
Agad namang kinuha ni Ross ang isang blade niya bago sinundan ang mga ito para tulungan.
Nang tuluyan ng makalabas sa malaking bilibid na yun sina Mabus at ang dalawang kapatid niya ay agad nilang tinahak ang daan papasok sa malaking kagubatan na nasa unahan lang. “Bilisan niyo!”
“T-teka! Pagod na kami..” Hingal hingal na reklamo ni Loron. May katandaan narin ang mga katawan nila at tsaka halos sampung taon na rin na nakaupo lang sila sa silid nayun. Hindi na sanay ang katawan nila sa ganitong takbuhan.
Saglit namang tinignan ni Mabus ang mga kapatid niya sa likuran habang tumatakbo “Maabutan tayo ng mga yun!—”
“MABUS SA HARAP MO!” Sigaw ni Hister kaya mabilis pa sa alas kwatro na binalik ni Mabus ang tingin niya sa harap at sobrang lapit na ng patalim ng pamaypay sa mukha niya bago siya makaiwas–pero sa pag iwas niya ay sumalubong lang sakanya ang malakas na sipa ng isang lalaki sa leeg niya kaya tumalapon siya pabalik kila Loron. Sa sobrang lakas nito ay tumilapon rin kasama ang dalawa palayo.
“Ibigay mo na ang pakay namin, Mabus.” Wika ni Jill. Tahimik lang rin namang hinahanda ni Loda ang armas nito sa tabi niya.
Dahan dahan namang tumayo si Mabus at saglit na hinilot ang leeg nitong natamaan kanina habang nakapikit, at nung tuluyan ng maibsan yung sakit, seryosong tinignang muli ni Mabus ang dalawang Vendetta bitbit ang mga mata na sila lang ang nagtataglay.
“Hindi ko alam kung pano mo nakuha ang mga matang tulad samin pero sinasabi ko sayo, masasawi ka lang pag sinubukan mo pang kalabanin kami.” Pagbabanta ni Loda pero mukhang hindi man lang nasindak ang kaharap nila kahit konte.
“Dadaan muna kayo sakin bago niyo makuha ang gusto niyo.” Walang bahid na takot na ganti nito.
Dalawa laban sa isa. Dehadong dehado, alam na yun ni Mabus dahil di rin bibihira ang mga kaharap niya ngayon. Pero wala na siyang ibang mapagpipilian pa. Dalawa lang ang mangyayari, matatalo niya tong dalawa at tuluyan na silang makakatakas, o mamamatay siyang nililigtas ang mga kapatid niya.
Saan man sa dalawa, alam niya sa sarili nyang wala siyang pagsisisihan sa decisyong gagawin niya.
Sa kabilang banda naman, habang papasok si Grande sa loob ng Headquarters ay agad namang sumugod ang mga sundalo para harangan sina Morpheus na naghahabol sa Heneral nila.
Sabay sabay na nagsilabasan ang mga ito para sugurin ang papalapit palang na dalawang Vigilante. Nung tinutok ng mga ito ang mga baril na hawak nila ay ngisi lang ang nasilayan nila sa mukha ni Morpheus. Hinigpitan nito ang hawak niyang karit bago bumwelo.
Sa gitna naman ng pagbwelo niya ay may biglang tumalon sa taas mula sa likuran niya kaya saglit na napatingin ang ibang sundalo dito. Isang may hawak ng samurai ang nakita nila na pa bagsak sa gitna nila. Dahil na distract yung iba, madali lang para kay Morpheus ang lumapit sa mga sundalong yun. Mabilis niyang inatake ang mga ito gamit ang sandata niya. Samantalang si Devi naman ay isang sundalo ang pinunterya nito gamit ang samurai niya pag pagsak niya.
Pagkababa niya ay inisa isa agad niyang pugutan ng mga ulo ang mga ito. Di maka paputok ang mga sundalo dahil nakapalibot sila kay Devi. Pwede nilang matamaan ang isa’t isa pag ginawa nila yun. Sinadya na talaga ni Devi na sa gitna umatake para mapawalang bisa sakanila ang mga hawak nila.
Habang si Morpheus naman sa unahan ay di na natutukan ng pansin kaya mabilis lang niyang naaatake ang mga ito.
May mga reserbang sundalo pa ang nag back up sa mga nasawing kasamahan. Pero nilagay lang ni Morpheus ang sandata niya sa likuran niya at kumuha ng dalawang baril at tsaka nirakrakan ang mga ito at tsaka inubos.
Nang tuluyan ng maubos ang mga humaharang kay Morphues at Devi ay tinuloy na ulit nila ang pagpasok sa loob.
“Wala ka pa rin palang kupas bata” Mapang asar na ngising usal ni Eus sa kasama nito. Tahimik lang si Devi at mukhang walang balak sumagot.
Saglit naman nilang inikot ang tingin sa buong headquarters pagkapasok nila. Wala ka ng makikitang tao sa loob. Wasak na ang ibang parte ng lugar at sobrang tahimik na rin dito kumpara sa labas na nagpuputukan pa. “Nandito lang yung matanda na yun.” Wika ng lider.
Sa gitna naman ng paglalakad nila ay may biglang sumulpot sa gilid ni Morpheus ng sobrang liksi.
Tatamaan na sana siya sa mukha nang mabilis siyang mapalingon sa direksyon nito at mabilis na nahawakan ang paang papalapit sa mukha niya. Nagulat naman ang lalaki dahil sa bilis ng kilos nito.
Ngumisi pa si Eus sa lalaking yun bago binagsak sa sahig. Kinuha ni Eus ang karit niya at tsaka sana sasaksakin ang lalaki pero bigla itong gumulong paatras sabay back flip ng ilang beses.
“Aba..” Saglit namang nabigla ang dalawang Vigilante ng makita nila ang mga mata nito. Kahit mejo singkit ang mata nito ay halata parin dito ang kulay nito. “Mukhang di normal ang isang ’to.”
“Ako si Kratos, at di ko kayo hahayaang makalapit kay Heneral. Huhulihin ko kayong dalawa at mabubulok kayo sa bilangguan.” Lintanya nito. Napatawa naman ng mahina ang lider na halatang di nasindak sa sinabi nito.
Di ata ito naka move on sa narinig niya kaya tumawa pa ito ng mas malakas. “HAHAHAHA Bwesit. Patawa ka.” Nasabi nalang nito habang umiiling pa.
“Devi, ikaw na ang bahala sa isang ’to. Ako na ang maghahanap sa Heneral na yun.” Di sumagot si Devi kaya ibig sabihin ay pumayag ito. Agad namang tumakbo si Morpheus sa direksyon ni Kratos na sobrang lawak ng ngisi. Bigla namang bumunot ng baril si Kratos at agad inasinta ang papalapit sakanya.
Pero bago pa man niya iyon maiputok, nahati na sa dalawa ang baril na yun, at laking gulat nalang niya ang pagsulpot ni Devi sa harapan niya.
Tuluyan nang nakaalis si Eus dahil sa pag pigil ni Devi sa ginawa nito. Ngayon ay silang dalawa nalang ang naiwan sa lugar na ’to.
Ilang segundo pa ang ginawang pagtititigan ng dalawa bago binasag ni Devi ang katahimikan.
“Ba’t may mga mata kang tulad samin?” Mahinahong tanong nito. Bibihira lang ang nagtataglay ng tulad ng mga mata nila kaya mejo nakakagulat na may makatagpo silang ganito–na hindi normal.
“Tutal dito nalang rin matatapos ang lahat, sasabihin ko sayo.” Umpisa nito na parang kampanteng kampante lang sa kaharap niya. Tingin kasi niya ay hindi ganun kalakas ang isang ’to dahil bukod sa mejo bata pa to, isang mata lang gamit nito. Napansin niya iyon kanina ng malapitan nung mahawi ng konte ang buhok na nagtatakip sa kaliwang mata nito.
“Hinati ni Heneral ang nakita niyang Ethereal Drug noong panahon na nahuli namin ang Ardanos. Ginamit niya ang kalahati nun dahil gusto niyang mas maging malakas pa at mapamunuan ng maayos ang bayan ng Dagon.”
“Ba’t niya hinati?”
“Dahil base sa mga naririnig niyang balita noon, nawawalan ka ng control sa droga na’to. Kaya para makasiguro, kalahati lang ang tinurok niya sa katawan niya.” Ngumisi naman ito bago nagpatuloy “At dahil isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya para sa seguridad ng buhay niya, ginamit niya ang kalahati sa katawan ko. Gusto niya pa akong palakasin para kung sakaling dumating man ang pagkakataong ’to, may ipanlalaban siya sa inyo.” Matapos magsalita ni Kratos ay saglit niyang tinignan ang reaksyon ng kaharap niya. Mejo nakaramdam ito ng inis nang wala itong makitang expresyon rito.
“At ikaw yun?” Tanong ni Devi. Nag stance naman agad si Kratos sabay ngisi kay Devi. “Gaya nga ng sabi ko, ako mismo ang huhuli sa inyong mga Vendetta. Ako mismo ang magpapabulok sa inyo sa kulungan tulad ng ginawa ko sa Ardanos noon.” Sagot pa nito, at maya maya pa ay mabilis itong umatake sa harap ni Devi na wala man lang kahit anong armas na dala.
Bumwelo naman agad si Devi at mabilis na pinunterya ang ulo ni Kratos. Nang tuluyan itong makalapit sakanya ay agad niyang winasiwas ang samurai niya–kaso mabilis na nakayuko ang kalaban at mabilis na sinunggaban ang katawan niya dahilan para matumba silang dalawa. Napaibabaw si Kratos kaya walang tigil niya agad pinagsusuntok ang mukha ni Devi. “ARGHH!!” Sigaw pa nito dahil sa lakas ng pwersa ng bawat suntok na pinapakawala niya.
Walang tigil lang ito sa pagsuntok nang biglang masalo ni Devi ang isa sa mga kamao nito. Pagtingin niya sa mga mata nito ay sobrang talim ng tingin nito sakanya. Pero di ito nagpadala, gamit ang isa pa nyang kamao, sinuntok niya ulit ang pagmumukha ng Vigilante.
Winasiwas namang muli ni Devi ang hawak niyang samurai kaya napilitan mapagulong paatras si Kratos para makaiwas.
“Ang hina mo.”
Dahan dahan namang tumayo si Devi at tila nasaktan ito sa mga suntok na tinamo niya. Halatang ang suntok ng isang ’to ay hindi normal. Nagtataglay rin ito ng malakas na pwersa, siguro ay dahil taglay niya ang droga na yun kahit papano.
Patayo palang sana siya nang isang malakas na tuhod na naman ang natamo ng sikmura niya–dahilan para mapayuko siyang muli. Pumunta naman agad sa likod si Kratos at pinunterya ang batok nito gamit ang siko niya. At di pa siya tapos, humarap ulit ito kay Devi at sinalubong ang mukha nito gamit ang suntok niya. Sa lakas ng impact ay tumilapon si Devi at tumama sa isang pader.
“Ano na? Napaka bastos para sakin na ikaw ang binilin ng hayop na yun para kalabanin ako. Minamaliit niya ba ako?” Usal pa nito habang ngisi ngising tinignan ang nahihirapang tumayo na si Devi.
“Kailangan na kitang tapusin. Di niya dapat magalaw ang Heneral.” Mabilis na umatake si Kratos papunta kay Devi–at mejo nagulat naman ito ng biglang hinagis sa ere ni Devi ang samurai nito. Pero di na siya nagpa distract dito, ang tangi lang niyang gawin ay mapatulog ang isang ’to para mahuli at makulong na.
“ARRGHHH!” Papalapit palang sana siya nang biglang binunot ni Devi ang lalagyan ng samurai nito at mabilis na pinunterya ang leeg sa may lalamunan niya banda. Dahil sa pagkabigla ay di niya naiwasan ang atake na yun.
Para namang malagutan ng hininga si Kratos dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa leeg niya. Naubo ito ng todo habang hawak hawak ang leeg niya.
“Tama na kakadampi ng suntok mo sa mukha ko.” Rinig niyang usal sa kaharap niya, at saglit na nanglaki ang mga mata niya nung makita niya ang mata nito. Ibang iba ’to kumpara kanina na halos wala kang makitang emosyon. Parang nanlilisik na ito sa galit ngayon.
Mabilis naman itong tumakbo papunta sakanya kaya napaatras siya sa di malamang dahilan. Parang biglang nasindak ang katawan nito sa mga mata na taglay ng kalaban niya.
At saktong paglapit naman ni Devi sakanya, tinaas nito ang kamay nito at nakita niya ang paglaglag ng samurai mismo sa kamay nito.
Di naman ito nagpahuli, mabilis rin niyang binunot sa likuran niya ang swiss knife at tsaka mabilis na inatake ang mukha ni Devi–pero sa isang iglap, nahuli nalang niya ang sarili niya na wala ng braso. Natulala ito sa nangyari. Di ito nakaramdam agad ng sakit.
Sinubukan niyang gamitin ang isa pa niyang kamay para atakehin si Devi pero gaya ng naunang nangyari, mabilis na humiwalay ang braso niya sa katawan niya.
“TANG!–” Bago pa man siya makapag salita, agad na tumalon si Devi at tsaka pumunta sa ulo-han niya at mabilis na hinawakan ang ulo niya.
Hinigpitan ito ng husto ni Devi kaya napasigaw sa sobrang sakit si Kratos. Isama mo pa ang dalawang naputol na braso niya. “AAAAAARRGHHHHH!! W-WAAAGG!!” Pagmamakaawa nito dahil mukhang alam na niya ang susunod na mangyayari.
Isang ngisi lang ang ginanti ni Devi na tila lumalabas na naman ang pagiging demonyo niya. Binwelo niya ang hawak niyang samurai “WAAAAAGGG!!” at isang iglap..
mabilis na nahulog ang ulo nito pahiwalay sa katawan niya.
Hingal hingal namang tinignan ni Devi ang katawang tinapos niya.
Unang taong tinapos niya bilang pagbabalik niya sa grupo ng Vendetta. Tinignan nya saglit ang kamay niyang may mantsa ng dugo. Napakagat nalang ito sa labi niya sa inis na nararamdaman. “Asar”
Habang naglalakad naman si Morpheus ay rinig na rinig padin niya ang ingay sa labas. Malamang hindi pa naliligpit lahat nina Quincy ang mga sundalo sa buong bilibid. Sobrang dami pala talaga nila.
Isang silid naman ang pinasok niya para tignan ang Heneral na yun, at pagkapasok niya, nakita niya ang isang matanda na nakaupo sa harapan niya na para bang kanina pa siya hinihintay.
Ngumisi naman si Morhpeus sa nakita niya. “Ang akala ko ay tatakbo kana naman.”
“Pagod na akong tumakbo.” Ganti nito bago dahan dahang tumayo. “Matanda na ako.”
“Kailangan mo na atang magpahinga Heneral.” Sagot naman nito habang pinapatunog ang mga daliri nito na tila sabik na sabik ng tapusin ang kaharap niya. “Magpahinga sa libingan mo.”
“Tapusin na natin ang dapat tapusin, Morpheus.”
“Sang ayon ako jan Heneral.”
Dahan dahan namang naglakad ang Heneral habang unti unting hinubad ang pang itaas niyang uniporme. Wala itong hawak na kahit ano. Tinapon naman ni Eus ang sandata niya sa tabi para maging patas ang labanan nila.
Ngayon ay tuluyan na ngang nagkaharap ang dalawa.
“Di na masama.” Nakangising usal ni Eus nang makita ang Heneral na sobrang seryoso ng mukha bitbit ang mapupulang mga mata nito.
Sino nga kaya ang mananalo sa pagitan ng Heneral ng Aralith at Lider ng Vendetta?
-To be continued
(A/N: Sino nga kaya ang magtatagumpay sa labanan ng dalawang lider? At ano nga kaya ang mangyayari sa labanan sa pagitan nina Mabus, Loda at Jill? Alamin nalang natin sa next episode hahahaha thank you sa mga hindi nakalimot sa story :) Sa votes and comments niyo :) Guys kung gusto niyong gumawa ng gc about sa story add niyo lang ako sa fb Ephraim Corsica tas add niyo ko sa gc niyo :) Kung gusto niyo lang naman hahahahah kitakits nalang tayo sa next episode :) Adios~)
-Emnacinn
Episode 28: Back with Vengeance
Episode 28: Back with Vengeance
( Sorry sa typos and errors )
(Puro action scenes nasa episode na ’to. Wag madaliin ang pagbabasa pakiusap.)
[3rd Person’s PoV]
“Isang pagkakataon pa Presidente. Pangako, mahuhuli na namin sa pagkakataong to ang mga vigilante na yun.” Determinadong pakiusap ni Grande kaharap ang presidente ng pilipinas na ngayon ay mataman lang na nakatingin sakanya.
“Ipagpaumanhin mo Heneral Grande pero sawa na ako sa mga pangako mo.” Diretsang sagot naman nito–bagay na ikanalaki ng mga mata ng Heneral. At ang mga sumunod pa niyang narinig ang tila bumasag ng tiwala at kumpyansa niya sa sarili. “Hindi ka marunong mamuno. Ilang beses mo na kaming binigo. Masyado ng madaming buhay nga mga sundalo ang sinayang mo para jan sa pangarap mong madakip ang mga nilalang na ’yan.”
“Tama na Heneral. Tanggapin mo nalang na kahit ang isang henyong tulad mo ay natatalo rin minsan.”
“Sa buong buhay ko, ni isang beses hindi pa ako nabigo sa mga misyong binibigay sakin.” Biglang wika ni Grande sa gitna ng katahimikan na nababalot sa buong silid. “Hanggang sa dumating kayo.” Dugtong nito habang unti unti ng kinukuyom ang mga kamao.
“Oh?” Nakangising usal rin ng kaharap niya.
“Ang pitong vigilanteng hindi ko mahuli huli kahit sa anong gawin ko. Kahit anong stratehiya pa ang gagawin ko, sa huli ay nakakatakas parin kayo sa mga kamay ko at sa gobyerno.”
“Teka, para bang intro mo yang sinasabi mo bago tayo maglaban? Nauurat na ako” Pang aasar pa ng kaharap niya habang pinapatunog na ang mga daliri nito. Di na mapakali ang kalamnan nitong makipaglaban.
“Inaamin ko, kayo ang dahilan kung bakit naging palpak akong mamumuno. Pagdating sa iba nangingibabaw ako. Pero pagdating sainyo, pag kayo na ang pinag uusapan, nagiging walang kwentang Heneral ako.”
“Kung sa tingin mo kakaawaan kita dahil jan sa pinagsasabi mo, tandaan mong hindi ako nag aksayang habulin ka para lang sa wala Heneral.” Biglang tumalim ang tingin ng kaharap niya. Kahit hindi pa ito namumula ay nakakasindak na ang bawat titig nito.
“Sa loob ng mahabang panahon ginawa ko ang lahat para mas lumakas pa. Para maging perpektong Heneral ng bansa. Para kung sakaling magparamdam man kayo ulit, may lakas na akong hulihin kayo. May lakas na akong ipagtanggol ang mga tao laban sa inyo.” Bigla itong naglabas ng pwersa at pinakita sa kaharap niya na kahit matanda na siya, batak na batak parin ang katawan niya. “At heto na nga, dumating na nga ang pinakahihintay ko. Kaya sa pagkakataong ito..” Bigla itong tumahimik–at maya maya pa ay mabilis itong umatake sa harap ni Morpheus
“IBUBULOK KO NA KAYO SA BILANGGUAN!!” Malakas na sigaw nito bago pinakawala ang napakalakas na suntok niya sa mukha ni Morpheus.
Mabilis namang iniwas ni Eus ang ulo niya, pero kahit naiwasan niya ito, mejo napapikit siya dahil parang nadaplisan ang pisngi niya ng isang kutsilyo. Sa lakas ng pwersa na pinakawala ni Grande ay parang tumatalim na yung hanging sumasama sa bawat atake niya.
“Di na masama.” Ngising pang aasar nito. Kaya namang muli umatake si Grande gamit parin ang malalakas na suntok niya. “ARGGH!!”
Gamit naman ang mabilis na reflexes ni Eus ay madali niya lang iyong naiiwasan. Pero gaya nga ng kanina, bawat bitaw ng Heneral ng suntok niya ay may iniiwan itong hiwa sa katawan ni Eus.
Mabagal lang ang mga kilos ni Grande dahil sa katandaan niya, pero yung lakas niya, parang triple pa sa isang ordinaryong sundalo lang.
Di naman nagpahuli si Eus at siya naman ang umatake papunta sa Heneral. “Ako namaaaan!” Ngising sigaw niya bago pinakawala ang suntok niya.
Sumugod naman paharap si Grande na parang sinalubong pa mismo nito ang suntok ng kalaban–bagay na ipinagtaka ni Eus.
Pero nung makalapit na ito sa mukha ni Grande ay mabilis siyang umiwas pakaliwa at agad na nilock ang kamay ni Eus gamit ang buong pwersa nito.
Agad siyang pumunta sa likuran ni Eus habang nakalock ang kamay nito gamit ang isang kamay niya. Habang ang isang kamay naman ay nakalock sa leeg ni Morpheus. At dahil may angking lakas ang Heneral gawa na rin ng drogang nakaturok rin sakanya, hindi makagalaw si Eus sa kinatatayuan niya.
“Sumuko kana, Morpheus!” Singhal nito habang buong pwersa niyang nilolock ang kamay ng kalaban sa likod at ang leeg nito.
Pilit na kumawala ni Eus pero masyadong mahigpit ang pagkakalock. Hindi lang rin ito basta bastang paglock lang. Natutunan niya lang ito mismo sa military training. Isang uri ng paglock na kung saan kahit gano ka kalakas, kahit magpumiglas ka ay di ka makakawala.
“Bwesit!” Mura ni Eus habang patuloy sa pagpupumiglas sa sarili.
Dahan dahan pinilipit pa ng Heneral ang kamay ni Eus sa likuran nito. “Gusto mo atang mabalian.” Banta pa nito. Unti unti ng nararamdaman ni Eus ang pagka crack ng buto niya sa kamay niya.
“SUMUKO KANA!!” Huling sigaw ni Heneral–pero parang walang naririnig ang kalaban niya dahil pilit parin itong kumakawala.
Wala na siyang magawa pa kundi ang tuluyang pilipitin ang kamay ni Eus. Hanggang sa..
Crackkk
Rinig na rinig ng dalawa kung pano tumunog ang mga nabaling buto sa kamay ni Eus.
Pero ipinagtaka ng Heneral na imbes na sumigaw sa sakit, biglang tumigil sa pagpupumiglas si Eus at tsaka napayuko. Napalakas din ata ang paglock nito sa leeg niya.
Sa tingin ng Heneral ay tuluyan na niya itong natapos kaya saglit niyang naluwagan ang paghawak niya..
pero nagulat nalang siya nang mabilis na nakawala si Eus at humarap sakanya. Sobrang lapad ng ngisi nito. Sa sobrang pagkatulala ay tila nabato na ang Heneral kaya di na niya naiwasan ang sobrang lakas ng sipa ni Eus sa sikmura nito.
Agad na napabulwak ng dugo ang matanda sa lakas ng atake na yun. Kakabangga palang niya sa pader ay sumunod na agad ang isang malakas na tuhod ulit sa sikmura niya kaya tumirik ang mga mata nito sa sobrang sakit.
Napaluhod ito at napasuka pa. Malamang di kinaya ng tiyan niya yung impact ng dalawang sunod sunod na atake ni Eus.
Habang walang humpay ito sa pagsusuka ay sinamantala na ito ni Eus at mabilis na inatake ang batok nito. Tumalon ito at inuna ang siko nito pabagsak. “ARGGHH!!” Sa lakas ng pagkakabagsak ni Eus sa batok ni Grande ay nabasag pa yung parte ng pinagsubsuban ng mukha nito.
“HAHAHAHA Ang sarap!” Parang itong demonyong tumatawa sa harapan ng nakahigang katawan ni Grande. “Ang sarap sa pakiramdam!” Tumingin itong muli sa nakahigang kalaban at walang kahirap hirap na inangat gamit ang isang kamay niyang di nabalian.
Sinakal niya ito ng sobrang lakas na parang gigil na gigil na. “Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng sakit tangina.” Ngising usal nito habang tinitignan ang halos wala ng malay na Heneral.
Halos wala naman ng marinig si Grande sa paligid niya. Tanging ang naghihingalo nalang na paghinga niya ang tanging naririnig niya.
Ubos na ang oras ko..
Masyado na akong matanda para makaramdam pa ng ganitong klaseng pagkabigo..
Saglit niyan tinignan ang taong nasa harap niya na nakangisi lang habang unti unting hinigpitan ang pagsakal sakanya. “Rrrkkk”
Ikaw ang dahilan ng lahat ng sakit na dinadala ko sa loob ng mahabang panahon..
Akalain mo namang ikaw rin pala ang tatapos ng lahat ng ’to..
Napangiti ng bahagya ang Heneral sa mga naiisip niya.
Naalala ko pa kanina..
“Ano ba ang pakiramdam na alam niyo sa sarili niyo na ngayon na matatapos ang buhay niyo?
Nakakatakot ba? Nakakakilabot ba isipin?“
Tinanong ko ang dalawang bibitayin kanina kung ano nga ba ang pakiramdam na alam mo ng dito na matatapos ang buhay mo..
…
……..
Ganito pala..
Dahan dahan naman siyang binaba ni Morpheus. Para nalang siyang walang buhay na katawan pero nakatayo parin.
Ganito pala ang pakiramdam..
Kahit anong gawin mo palang isip na handa kana..
Dahan dahan naman binwelo ni Eus ang kamay niya..
Biglang nangatal ang bibig niya.
Nakakatakot pala..
Nakakatakot..
Napatingala nalang si Grande habang unti unting tumulo ang mga luha niya sa takot. Nanginginig na rin ang buong kalamamnan niya. Biglang sumagi sa isipan niya lahat ng mga taong mahal niya sa buhay.
Ganito ba talaga ang sasagi sa utak mo pag alam mong oras mo na?
Ang pamilya niya, ang asawa niya..ang mga anak niya. Ang mga taong naniniwala sa kakayahan niya. Mga alaala kung saan masaya lang ang lahat..
May nagawa ba akong tama sa mundong ’to?
Huling tanong niya sa sarili bago sinuko ang sarili at dahan dahang pumikit..
Hanggang sa isang iglap lang ay mabilis na lumusot ang kamay ni Eus sa dibdib ng Heneral.
Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagkurba ng mapait na ngiti sa mga labi niya.
“Hanggang sa huling serbisyo ko binigo ko na naman kayo….
..patawad bayan ko,“
Habang walang humpay sa pagtakbo sina Ish, Maki at Lily ay unti unti na nilang natatanaw ang malaking gate ng Aralith Prison.
“SARADO!” Bulyaw ni Ish ng makita itong nakasarado. “BAKIT SARADO?!” Nang tuluyan silang makarating sa mismong tapat ng gate ay rinig na rinig na nila ang sigawan at putukan sa loob.
Napalingon sa iba’t ibang direksyon si Ish para sana maghanap ng paraan kung pano sila makakapasok dahil sobrang haba ng pader para maakyat nila ito.
Pero sa kakalingon niya, nadapo niya ang tingin niya sa may gilid ng Aralith sa may daan papasok sa kagubatan. At may mga nakita siyang mga tao. Hindi niya ito namumukhaan..
Pwera sa isa..
Pwera sa lalaking halos naliligo na sa sarili nitong dugo.
“T-trace?” Gulat na usal nito.
Anong ginagawa niya dito? At tsaka sino ang..
Nang tuluyan niyang matignan ng mabuti ang dalawang kaharap nito ay tsaka lang niya napagtanto kung sino ang mga ito.
“K-kasapi ng Vendetta.” Tulalang bulong niya.
“MABUS!” Halos malugmok na ang dalawang kapatid ni Trace sa gilid na wala man lang magawa o maitulong para protektahan ang bunso nilang kapatid. “TAMA NA PAKIUSAP!”
“SASAMA NA KAMI! PAKIUSAP ITIGIL NIYO NA YAN!”
Saglit namang huminto sina Jill at Loda sa pag atake sa kaharap nilang halos hindi na makatayo sa dami ng sugat sa katawan niya.
“Kung iniisip mong dahil taglay mo na ang mga matang tulad ng samin ay makakaya mo na kami, mag isip ka ulit.” Walang emosyong usal ni Loda.
“Kung hindi ka lang sana nagmatigas, hindi sana ganyan ang aabutin mo ngayon.” Dagdag pa ni Jill sabay tingin sa dalawang pakay nila na nasa likuran lang ni Mabus. Nakuha naman ng dalawa ang ibig sabihin ng mga titig na yun kaya umabante na ang mga ito para pumunta sa kila Jill. Pero hinarangan lang ito ng kamay ni Mabus habang nakatingin parin sa dalawa.
“Hindi. Walang aalis. Kaya ko kayong ipagtanggol dito.” Hinang utos nito sa mga kapatid niya.
“MABUS! IKAMAMATAY MO ANG PAGLIGTAS SAMIN!” Bulyaw ni Loron. Di na niya kayang tignan ang sitwasyon ng bunsong kapatid niya. Masyado ng brutal.
“Hayaan mo na kami. Patapon na ang buhay namin. Wag mo ng idamay ang sayo, Mabus. Pakiusap.” Pagmamakaawa naman ni Hister habang si Mabus naman ay napapakagat na sa labi niya sa sobrang inis sa sarili.
“Hindi. Niligtas niyo na ako dati pa. Hayaan niyo akong bumawi ngayon. Pakiusap, Kuya Loron, Kuya Hister.” Pagmamatigas ng bunso kahit wala na itong lakas pa na lumaban.
Hindi ko akalain na mas may ilalakas pa pala sila kumpara dun sa pagsalakay nila sa mansyon..
Napaka halimaw talaga ng mga ’to..
“Umalis na kayo. Pumunta kayo sa ibang daan. Pipigilan ko sila hanggang sa abot ng makakaya ko.” Usal ni Mabus. Kung kailangan niyang isakripisyo ang sarili niya para sa kaligtasan ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya, gagawin niya.
“Narinig niyo ba ako?” Ulit niya dahil walang sumagot. Pero naramdaman nalang niya ang mga katawang bumagsak sa damuhan sa likuran niya kaya agad siyang napalingon dito.
At dun nakita niya ang Vendetta na may hawak hawak na blade, ang nakalaban niya sa mansyon nung gabing yun. Sunod ay ang dalawang kapatid niyang wala ng mga malay.
“Wag kang mag alala. Pinatulog ko lang sila.” Usal ni Ross. “Ba’t sa’min ka nakatiningin?” Nakita niya ang kaunting pag ngisi nito kaya agad na nanlaki ang mga mata niya ng may mapagtanto siya.
Mabilis siyang lumingon sa harapan nila Jill pero eksaktong pagharap niya ay nakabwelo na ang dalawa gamit ang mga sandata nila sa harapan niya habang sobrang pupula ng mga mata.
“Tangina..katapusan ko na..”
…
……….
………………..
Isang warglaive ang biglang pumagitna sa pagitan nina Jill, Loda at Mabus kaya napahinto sa pag atake ang dalawa at napilitang mapaatras.
Bumaon ang warglaive na yun sa isang puno.
Agad namang tinignan ng dalawang Vigilante kung sino ang may nag mamay ari sa warglaive na yun.
Mabilis na binuhat ni Ross ang dalawang katawan ng pakay nila at tsaka pumunta sa pwesto nina Jill. Agad ring pumunta ang mga bagong dating sa kinatatayuan ni Mabus para tulungan ito.
“Sir Trace. Ayos lang po kayo?” Tanong ni Maki habang inalalayaan itong pumunta sa may puno para sumandal. Habang sina Ish at Lily naman ay kaharap ang tatlong Vendetta.
“Kayo..” Pagtitimping usal ni Ish. Ngayong kaharap na nga niya ang grupong naglason sa utak ng kaibigan niya ay sobra sobrang galit bigla ang naramdaman niya. Ni di na ito nakaramdam pa ng sindak sa mga mata nila.
“Nasan si Benz?” Kaswal na tanong nito pero halata talaga sa boses nito ang pagtitimpi.
Biglang umihip ng malakas ang hangin sa pagitan nila na tanging nagbigay ingay sa paligid. Nang humupa ang hangin at wala pa ring sumagot sa tanong ni Ish ay galit na galit itong sumugod sakanila.
“SAGUTIN NIYO AKO!!” Sigaw nito ng malakas bago binwelo ang kamao niyang punong puno na ng chi energy at tsaka mabilis na pinakawala sa harapan ni Jill. “ARRGGHH!!” Pero sa isang iglap lang, mabilis na napawi lahat ng pwersa na yun at walang kahirap hirap lang itong tinabig ni Ross para protektahan si Jill.
Nanlaki ang mga mata ni Ish sa ginawa ng nasa harap niya. Para lang itong nagtabig ng normal na paghawak.
“Ako na dito. Umalis na kayo at dalhin ang pakay natin.” Walang emosyong wika ni Ross sa dalawa habang mataman lang na nakatingin kila Ish.
“H-hindi..” Gustong tumayo ni Mabus para pigilan ang mga ito pero wala na talaga ito lakas.
“ Huwag kang gumalaw Sir Trace. Hindi titigil ang pag agos ng dugo pag gagamit ka ng pwersa.“ Ani naman ni Maki na kasalukuyang tinatalian ang mga malalaking sugat sa katawan ni Trace gamit ang mga damit niya sa bag na suot niya. “Mababawi rin natin sila.”
“Sige. Pasunurin mo nalang sina Eus pag napadaan sila dito.” Bilin na rin ni Jill. Binitbit naman ni Loda ang katawan nina Loron at Hister at agad ng tumalikod at naglakad papasok sa gubat.
“S-sandali! NASAN SI BENZ?!” Sigaw ulit ni Ish na ikinahinto ni Jill.
Dahan dahan naman sila nitong nilingon bago nagsalita.
“Hinding hindi na babalik si Devi sa puder niyo.” Wika nito bago tuluyang sumunod kay Loda. Habang si Ish naman ay naiwang tulala sa mga narinig niya.
“H-hindi..”
“Uuwi si Benz sa mansyon. Iuuwi namin siya ngayon..” Wala na sa sariling bulong nito. Tapos ay dahan dahan itong napatingin sa makakaharap nilang Vendetta ngayon.
Ang pinaka pandak sa grupo pero napaka bihasa sa pag gamit ng blade. Saglit na napatingin si Ish sa suot nitong dog tag na may simbolo ng Vendetta at nakaukit na letrang R
R..
Bumalik sa alaala niya ang mga pangalan ng Pitong Vendetta na naresearch niya
Loda, Jill, Ross, Ermac, Quincy, Morpheus, Devi.
Kung ganun ito si Ross
Napa ngisi naman ng bahagya si Ross nung makita niyang umabante na rin yung nag alalay kay Trace.
“Tatlo laban sa isa.” Umpisang wika nito. “Malaking ang tsansa niyong manalo sakin.” Dugtong nito. Base sa mga expresyon ng mukha ng nasa harap niya ngayon, alam niya mismong despirado ang mga itong tapusin ang buhay niya.
Agad nitong hinanda ang hawak niyang blade para umatake. “Malaki nga ba?” Biglang tanong nito.
Saglit na tumahimik ang paligid. Hanggang sa bigla nalang nawala si Ross sa kinatatayuan niya–na agad ring sumulpot sa likuran ni Ish habang nasa ere at nakabwelo na.
Winasiwas ito ng mabilis ni Ross para hiwain ang batok ni Ish pero sumuporta agad si Lily na nasa gilid lang ni Ish. Siya mismo ang sumangga ng blade gamit ang isang warglaive niya. Dahil dun ay nagkaron ng pagkakataong humarap si Ish at bumwelo tsaka nag ipon ng chi sa kamay. “Arrrrghhh!!” Tapos ay mabilis niya itong pinakawala sa sikmura ng kalaban.
Sasanggain sana ni Ross ito gamit ang isang paa niyang nasa ere pa pero laking gulat niya nalang ng hindi niya ito magalaw na tila parang namanhid.
Pagtingin niya dito may nakatusok ng karayom ni Maki dito.
“ARGHHH!” Sobrang lapit na sana ng kamao ni Ish sa sikmura ni Ross pero may isang paa pa itong magagamit kaya ito agad ang sinalubong niya sa suntok. Kahit sa sobrang ikli ng panahon lang ay nagawa niya pa ring makahanap ng paraan para sanggain ito.
Sa lakas ng pagkakatama ng suntok ni Ish sa paa niya ay parehong tumilapon ang dalawa.
“May pagkakaisa ang mga kilos niyo. Mejo namangha ako.” Wika ng Vigilante habang dahan dahang tumayo. Kinuha naman niya ang dalawang karayom na nakatusok sa isang paa niya. “Iba’t ibang paraan sa pakikipaglaban. Di na masama.”
“Pero..” Nag stance ito hawak ang blade niya bago tinignan ang tatlo. Habang sila naman ay sabay sabay na sumugod kay Ross. “Di niyo ako kaya.”
“IBALIK NIYO SA’MIN SI BEEENZ! “ Galit na bulyaw ni Ish habang papalapit ito. Bubunot na rin sana si Maki ng karayom ng bigla nalang nawala sa harapan nila si Ross. At mabilis nalang na nanlaki ang mga mata ni Maki nung maramdaman niya ang presensya nito sa likuran niya.
“Ikaw ang uunahin ko..” Gulat pero mabilis na humarap si Maki dito tapos ay binalot niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay para protektahan ’to sa nakabwelo ng si Ross.
Ihahampas na sana ni Ross ang blade niya sa direksyon ni Maki pero mabilis itong napigilan gamit ang warglaive na hinagis ni Lily.
“Magaling Lily!” -Ish.
Ngumisi naman ng bahagya si Ross bago binwelo ang isa pang blade.
“Hindi…MAKI!!”
Mabilis na tumilapon si Maki sa lakas ng atake ni Ross. Tumagas rin ang napakaraming dugo nito sa braso na ginamit niyang pang sangga. Di nito magawang makatayo agad dahil natulala ito habang nakatingin sa sugat na nahiwa sa braso niya. Nangibabaw ang sobrang takot na naramdaman nito kumpara sa sakit na dulot ng sugat. Ito ang una niyang sabak sa matinding labanan kaya di niya maiwasang makaramdam ng ganito.
“MAKI!!” Dahil nakatingin si Lily kay Maki, di na niya namalayan pa ang paglapit ni Ross sa harapan niya habang nakabwelo na.
“Ikaw ang isusun–” Pero bigla namang napahinto sa pagsasalita si Ross nang dahan dahan itong mapalingon sa gilid niya. At isang malakas at mabilis na suntok nalang ang sumalubong sa mukha niya dahilan para tumilapon ito at bumagsak.
“Huwag na huwag mo kaming mamaliitin!”
Nung patayo naman si Ross mula sa pagkakabagsak ay gamit ang chi ni Ish sa paa, mabilis itong nakalapit sa harapan ng kalaban. Pagkatapos ay mabilis niyang nilipat ang chi sa dalawang kamao niya tapos ay walang humpay niyang pinagsusuntok ang kalaban “AAARGGHH!!” Di na magawang makaiwas ni Ross dahil sa bilis ng mga atake ni Ish. “HAYOP KAYO!!” Bumwelo ito gamit ang paa niya at tsaka nag ipon ng maraming chi doon. Tapos ay mabilis niyang pinakawala ito sa sikmura ni Ross kaya tumilapon ulit ’to.
Pero gayunpaman, natusok ni Ross ang dalawang blade niya sa lupa para agapan ang pagtumba niya. Sa dami ng tinamo nyang atake, nagawa parin niyang pigilan ang pagkakabagsak niya.
“Maki! Malayo yan sa bituka! Bumangon ka!” Singhal ni Ish kaya agad nabalik sa ulirat si Maki.
“P-pasensya na.”
Habang tinitignan ng tatlo ang nakayukong si Ross ay muli ulit na umihip ang malamig at malakas na hangin.
“Kailangan ng matapos ’to.” Seryosong usal ni Ish. Despirado na talaga ’tong mapatumba ’tong isa para mahabol pa nila yung dalawa. Siguradong hindi pa nakakalayo yun dahil may dala dala sila.
“Gagawin na ba natin?” Tanong ni Maki kay Ish. Kinuyom naman niya ang mga kamao niya sabay umunang sumugod sa kalaban “Sige!” Sigaw nito kaya agad na sumunod sa likuran ni Ish si Lily habang hawak hawak na ang dalawang sandata niya. Sa likuran naman niya ay si Maki.
Nang mejo malapit na sila sa kinatatayuan ni Ross ay biglang tumalon si Lily ng sobrang taas. Dahil dun, mejo naguluhan ng konte ang kalaban kung saan ito magtutuon. Sa harap ba niya o dun sa nasa ibabaw niya.
Mula naman sa ere ay mabilis na hinagis ni Lily ang isang warglaive niya papunta kay Ross. Dahil dun ay napilitan siyang ibaling ang atensyon dito at mabilis niya iyong iniwasan.
Nang tuluyan niya itong maiwasan ay agad niyang tinignan ang nasa harap niya. Pero pagtingin niya, si Maki na ang nandun habang may hawak hawak na mga bagay at tsaka biglang hinagis sa ere.
Mga karayom..
Nadistract si Ross sa mga ito kaya di na niya napansin ang pagpunta ni Ish sa likuran niya. Agad naman itong bumwelo at di na nag aksaya pa ng oras. Mabilis niyang inatake ang pressure point ni Ross sa likuran niya para mamanhid ang katawan nito.
Una niyang tinamaan ang kaliwa at ibabang parte sa may spinal banda ng kalaban. Dahil dun namanhid ang buong kaliwang paa nito. Mabilis itong nilingon ni Ross para sana atakihin siya pero agad ring nakakuha ng dalawang karayom si Maki at mabilis na tinusok sa may kanang balikat at pulso ng kalaban dahilan para mamanhid rin ang buong kanang kamay nito.
Sunod ulit na inatake si Ish ang kanang tagiliran ni Ross para mamanhid ang kanang paa nito. Parang pinaglalaruan lang ng dalawa ang katawan ng kalaban nila ngayon. Tila umaayon sa lahat ang plano nila.
Sunod ang kaliwang balikat naman ang pinunterya ni Maki. Di na makagalaw ang katawan ni Ross sa pagkakataong ito dahil sa mga pressure pionts na pinatamaan at tinusukan ng dalawa.
“NGAYON NA LILY!” Sabay na sigaw nina Ish kaya naman mabilis na bumwelo si Lily mula sa taas at umikot pa ng malakas bago pinakawala ang huling warglaive niya papunta sa mukha ni Ross. “Katapusan mo na!” Huling bitaw nito.
Mabilis namang lumipad ito papunta sa mukha ni Ross.
At sa paglapit nito..
….
…………..
nagulat nalang ang tatlo ng walang kahirap hirap lang niya itong naiwasan gamit ang pag galaw ng leeg niya.
Sobrang bilis na nun ah? Ba’t nakareak pa din ng ganun kabilis ang utak niya sa ganung klaseng sitwasyon?
Gulat na gulat ang tatlo sa pagka palpak ng plano nila.
“
Sa susunod pag nagplano kayo, dapat yung walang butas na. Kasi kahit gano pa man yan kaliit, kayang malusutan yan kapag despirado ang kalaban niyong mabuhay.“ Biglang nagsalita ang nag iisang kalaban nila.
Hanggang sa parang bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin. Tila may kakaibang aura ang naramdaman nina Ish kaya mabilis itong umatras at muling nagtipon at pumunta sa harapan ni Ross.
Dun, dahan dahan itong tumingin sakanila, pero sa pagkakataong ito, presko at sariwang mapupulang mga mata na ang nakatitig sakanila.
At laking gulat nalang nila ng dahan dahang gumalaw ang dalawang braso nito at isa isang tinatanggal ang mga karayom.
“Paanong!”
“Kung pati sana ulo ko minanhid niyo, baka di na ako nakaiwas sa malakas na atake na yun. Sinayang niyo lang ang pagkakataon.” Ngumisi ito ng bahagya habang unti unting hinigpitan ang paghawak sa dalawang blade niya. “At ngayong ako naman ang binigyan ng pagkakataon..” Dahan dahan itong naglakad papalapit sakanila kaya nakaramdam na ang tatlo ng kaba. “Hindi hindi ko na to sasayangin pa.” Dugtong nito bago mabilis na umatake sakanila.
Naging mas triple pa ang bilis ng mga galaw nito kumpara kanina. Halos di na nila makita kung saang direksyon ito papunta.
Hanggang sa nahuli nalang ni Ish ang sarili niya na kaharap ang blade ni Ross. Mabilis niyang iniwas ang ulo niya pero mas mabilis ang atake ni Ross. Nadaplisan ang pisngi niya ng blade kaya napadaing ito. Sumunod naman ang malakas na tuhod sa sikmura niya dahilan para mapayuko siya sa sakit–at dun naman sinalubong ng mukha niya ang isa pang tuhod ng kalaban. Sa lakas ng pagkakatama nito ay halos mawalan siya ng ulirat at mabilis na bumagsak.
Tatapusin na sana ni Ross ang buhay nito gamit ang blade niya ng biglang umatake mula sa ibabaw si Lily na galit na galit!
“ARGHHH!!” Mabilis naman yung naiwasan ni Ross. Gamit ang dalawang sandata ni Lily ay walang tigil niya itong inatake. Si Ross naman ay walang kahirap hirap lang na iniiwasan ang mga ’to.
Nang mainip ito sa kakaiwas ay mabilis itong pumunta sa likuran ni Lily at tsaka binwelo ang hawak nitong blade.
“LILY!!” -Maki
Mabilis na bumagsak ang bata matapos matamaan ng atake ni Ross. Sobrang laki ng hiwa ang tinamo nito sa likuran niya.
Di na alam ni Maki ang gagawin niya habang tinitignan ang dalawang kasamahan niyang bagsak na. Nanginginig na ang mga tuhod nito. Lalo na nung tignan niya ang may gawa nito na nakatingin na rin pala sakanya.
A-ako na ba ang susunod?
Dahil sa kaba ay nabitawan na niya ang mga karayom niya. Dahan dahan itong napapaatras. Bumibilis na ang paghinga niya dahil sa takot.
M-mamamatay na ba ako? K-katapusan ko na ba?
Napansin naman bigla ng dalawa ang unti unting pagbangon ni Ish kaya saglit na naputol ang pagtitigan nila. Pilit nitong bumangon at dahan dahan napatingin sa direksyon ni Lily. At nung makita niyang bagsak na ito habang may hiwa sa likuran, agad na nanlaki ang mga mata niya.
Lily…
Mejo nagulat naman si Ross ng mapansin niya ang kakaibang presensya sa paligid niya.
Tulalang nakatingin si Ish sa lupa ng ng kinatatayuan niya.
Hindi..hindi..
Biglang nanginig ang buong kalamnan niya sa galit.
Lily..
Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa sarili
“ARRGGHHHH!!!” Bumangon ito ng mabilis at tsaka sinugod si Ross–
pero pagkatayo na pagkatayo niya, nakita na niya si Ross na nakalapit na mismo agad sa kinatatayuan niya habang nakabwelo niya.
Sobrang talim ng mga mata nito..
Nakakakilabot..
A-ang bilis..
“Hindi ka man lang ba gagawa ng hakbang para iligtas ang kasamahan mo…” biglang usal ni Ross na ipinagtaka nina Maki at Ish.
Pumikit pa ito at tsaka dahan dahang binaba ang blade at tinignan ang malaking sanga ng isang malaking puno sabay ngumisi.
Lumingon rin naman sina Ish para tignan kung sino ang kausap ng kalaban nila…
at halos hindi sila makapaniwala sa tumambad sakanila.
Nakapamulsa lang ito habang walang emosyong nakatingin sakanila.
“Ikaw ang unang makakatikim ng paghihiganti ko.” Malamig na ganti nito bitbit ang nag aapoy sa galit na expresyon ng mga mata nito.
“Boss Virgel.”
-To be continued
( Ano nga kaya ang mangyayari sa pagitan ng Batang Boss at ng isang myembro ng Vendetta? Sapat na nga ba ang lakas ni Virgel para matalo ang kalaban? Abangan nalang sa susunod na episode~ hahahah sorry ang tagal ng update. Nahihirapan ako sa scenes hahaha basta fight scenes na talaga nakakapiga ng utak amp. Btw sa mga di pa nakaka alam may story po akong PERCIVAL: His Perfect Servant sa profile ko. Pwede niyo po yung basahin kung malungkot ka hahaha try niyo lang hahah baka magustuhan niyo :) Gang dito nalang muna. Thank you sa walang sawang pagbabasa niyo dito ah tsaka pasensya na talaga sa plot :) Alam ko ang boring na hahah hanggang sa muli~ Adios~ )
-Emnacinn
Episode 29 - Ross the 7th Vendetta (Side Story)
Episode 29 - Ross the 7th Vendetta (Side Story)
(Ippublish ko na muna yung side story ni Ross. Inisplit ko na sa dalawa yung nagawa ko kasi mejo mahaba. Pramis tapos na yung labanan, edit nalang kulang. Ippublish ko nalang yun mamaya pagkauwi ko hahaha sa ngayon alamin niyo muna ang nakaraan ng isa sa mga Vendetta :) )
[3rd Person’s PoV]
“Ayos lang ba na iwan natin si Ross dun?” Di ito maiwasang itanong ni Loda habang naglalakad sila ni Jill bitbit ang dalawang target na nakuha na nila.
“Malakas yun si Ross. Kaya na niya ang mga batang ’yun.” Walang pag aalinlangang sagot ng katabi niya.
“Baka may back up ang mga yun.”
“Hindi yan.”
“Basta ba ipangako mo rin sakin na mabubuhay ka kahit anong mangyari, okay?”
“N-naman!”
Saglit na natahimik si Jill matapos niyang sabihin ang bagay na yun dahil may kung anong alaala ang biglang sumagi sa isipan niya.
Tuluyan itong napaangat ng tingin at napatitig nalang sa nagsasayawang mga sanga at dahon sa ibabaw ng nilalakaran nila.
“Kung sino man satin ang pinaka despiradong mabuhay, si Ross yun.” Dugtong nalang nito habang napangiti ng bahagya.
–Flashback–
“Ang liit liit mo naman! Mas matanda ka samin pero ang liit liit mo!” Heto na naman sila. Tinutulak tulak ng isang damulag ang pinapalibutan nilang isang bata na napaka liit at sobrang payat pa.
“Oh ano ha? Bat ganyan ka makatingin? Lalaban ka? ha? lalaban ka? “ Tuloy lang ito sa pagtulak sa bata. Kaya sobrang lakas ng loob nito ay dahil bukod sa mas malaki pa siya dito sa batang inaano niya, may mga kasama rin itong mga kaibigan niya na pumalibot rin sa batang payat.
Walang ibang magawa ang bata kundi ang patayin nalang sa tingin ang tabachoy na ’to dahil di niya iyon magawa ng totohanan. Sobrang salubong ng mga kilay niya. Gustong gusto niyang gumanti sa mga ito pero di niya ito magawa dahil wala namang laban ang katawan niya.
Hanggang sa..
“Mga bata ano na naman yan?” Biglang napahinto ang damulag nang may biglang tumawag sakanila. Paglingon nila sa likuran nila..
“A-ate Heidel.” Gulat na usal ng mataba at mejo kinabahan pa.
“Diba sabi ko naman sainyo na masama ang makipag away?” Sobrang amo ng mukha nito. Lahat siguro ng bata dito sa bahay ampunan ay gustong gusto siya. Si Heidel ang nagmimistulang ate sa mga batang ampon kaya naman lagi siyang sinusunod ng mga ito.
“P-pasensya na po.” Sabi nung mataba na agad ring nakatanggap ng isang matamis na ngiti ng dalaga.
“Hindi mo dapat sakin sinasabi yan, Timo. Mag sorry kana kay Ross” Sabi naman ng ate nila kaya kahit labag man sa loob ni Timo, pilit itong lumingon kay Ross at tsaka mahiyang niyuko ang ulo. “S-sorry sa pang aaway namin, Ross.” Usal nito. Tinalikuran lang ito ni Ross tsaka galit at dali daling tumakbo palabas ng bahay ampunan.
Habang mag isang naka upo si Ross sa may isang duyan dito sa labas ng bahay, ay saglit niyang tinignan ang kamay niya. Di niya maiwasang mainis sa sarili niya.
Ba’t ba sobrang liit ng katawan ko?
Bakit di ako maging katulad nila Timo? Malaki, matangkad.
Napakuyom nalang siya sa sobrang inis sa sarili. Kung sana ganun lang siya, di sana siya ang laging napag didiskitahan ni Timo at ng mga kasama nito.
“Ross.” Dahil sa mga iniisip niya, di na niya namalayan ang taong umupo sa isa pang duyan katabi niya. Gulat siyang napatingin dito, at isang matamis na ngiti lang ang nakita niya. Napaka inosente ng mukha. Para itong anghel kung ngumiti. Nakakasilaw.
Bago pa man siya mahuling nakatitig na pala ay mabilis siyang lumingon sa ibang diresyon. “Ba’t ka sumunod dito?” Bugnot na tanong nito. Tanging si Ross nalang talaga sa lahat ng mga bata ang hindi pa nakakasundo ni Heidel.
Ewan, naiinis siya. Naiinis siya dahil madaming kaibigan si Heidel samantalang siya wala. Sobrang bait ng mga ibang bata kay Heidel samantalang siya laging inaapi at inaasar.
“Gusto ko laaang.” Masiglang sagot nito.
“Tss. Lumayo ka na nga.” Inis na ganti ni Ross. Pero imbes na mainis sa sinabi niya, narinig niya lang itong tumawa ng konte. “Ayoko. Bleeh” Masama niyang binalik ang tingin niya sa dalaga dahil sa pang aasar nito pero pagkatingin niya, isang masayang ngiti na naman ang nasilayan niya–dahilan para mawala lahat ng kunot sa noo niya.
Di niya maiwasang gumaan ang loob dahil sa mga ngiting yan.
Sa huli ay hinayaan niya nalang ito at inabala nalang ang sarili sa pag galaw ng duyan niya.
“Naiinis ka ba kay Timo?” Tanong bigla ng katabi niya kaya kumunot muli ang kily nito sa inis at tsaka sinipa ang bato malapit sa paa niya.
“Masama ang magtanim ng galit sa kapwa.” Dugtong pa nito. Di man niya tinitignan ang mukha nito ngayon, alam ni Ross na nakangiti ito habang nakatingin sakanya.
“Naiinis ka din ba dahil di ka makalaban sakanya dahil sa katawan mo?” Tanong na naman nito. Parang nababasa na ng babaeng ’to ang isipan niya dahil lahat ng tanong nito ay natatamaan siya.
“Alam mo, di sa lahat ng bagay, kayang talunin ng mas malaki ang maliliit.” Dito parang napantig ang tenga ni Ross sa mga narinig kaya muli itong napatingin kay Heidel.
“Talaga?” Mejo dama sa boses nito na interesado ito sa narinig niya.
“Oo naman. Kaya ikaw, wag ka ng malungkot dahil pinanganak kang ganyan, okay?” Ngiting ganti nito.
“T-tingin mo kaya ko din maging malakas tulad nila? Nila Timo?” Nakayukong tanong ni Ross habang nakanguso na. Ewan pero nahihiya siyang tignan ito sa mata.
“Sigurado ako jan! Ikaw pa!” Pampalakas loob nito. Sa puntong yon, dun na napagtanto ni Ross kung bakit ganun nalang ’to kamahal ng mga bata dito sa bahay ampunan.
Sobrang bait nito. Nadadala ka talaga sa paraan niya ng pagsasalita. Parang kayang paamuhin ng boses at ngiti niya kahit mabangis na lion eh.
Unti unting kumurba ang ngiti sa mga labi ni Ross pagkatapos nun. Ito ang unang beses na may isang taong naniwala sakanya. Na may kumampi sakanya sa kabila ng pagiging ganito niya. Parang bigla nalang lumambot ang puso niya matapos siyang kausapin ni Heidel.
“Uy nangiti siyaaaa.” Natatawang tukso ni Heidel sakanya dahilan para mas lalo pa siyang nahiya. Pero di niya din mapigilan ang sarili niya na matawa.
Binago nalang siya nito ng ganun kadali. Napaisip tuloy siya kung totoo nga bang anghel si Heidel na binaba para bantayan silang mga bata dito sa ampunan.
Masaya lamang silang nagkukulitan nang may dumaan sa harapan nila na mga sundalo galing dun sa laboratory ng may ari ng ampunan na’to. May mga bagay itong pinagtutulungang buhatin na nakatakip. Napatingin ang dalawa sa buhat buhat ng mga sundalo. Bali mga limang bagay yun na binubuhat nila.
Wala pang muwang si Ross kung ano ang mga bagay na yun kaya naman mabilis na tumayo si Heidel at tsaka inalok si Ross na umalis na. “Tara na sa loob, Ross” Ngiting aya nito. Pansin ni Ross na parang may kakaiba sa mga ngiti niya kaya di ito agad nakasagot.
Mejo nagalaw naman ng konte ang binubuhat ng mga sundalong yun kaya aksidenteng lumabas sa takip na yun ang isang kamay ng bata kaya gulat na gulat na napatingin si Ross dito.
Bago pa man siya makapag salita ay hinila na siya ni Heidel papunta sa loob.
“A-ano yun? B-bat may kamay ng bata?” Takha pa ring tanong ni Ross.
“Wala yun. Kalimutan mo na ang nakita mo, Ross.” Ngumiting muli si Heidel sakanya kaya tumahimik nalang siya. Pero di padin maalis sa utak niya kung bakit may buhat buhat ang mga sundalong yun na kung di siya nagkakamali, ay mga bangkay.
Simula nung araw na yun, mejo naging masiyahin ng bata si Ross. Dahil lang sa maikli at simpleng pag uusap na yun ay tuluyan ng nabago ang tingin niya sa sarili niya. Sumasali na ito sa mga ibang bata pag naglalaro sila. Nakikipag usap na rin ito sa kahit sino man na kakausap sakanya.
Isa lang ang napagtanto niya nung mga panahong yun..
Masaya..
Masaya ang mabuhay. At di niya yun malalaman kung di dahil sa tinuturing na niyang ate na tila nagbago sa buhay niya.
“Ate Heidel! Tignan mo ako!” Tawag niya dito. Nandito ang dalawa ngayon kasama ang ibang mga bata sa labas ng bahay habang naglalaro.
Nung makita niyang tumingin sakanya ang ate niya ay agad itong nagpakitang gilas. Tumakbo ito ng mabilis at tsaka nag backflip ng ilang beses.
“Woooahhh!” Manghang mangha naman ang ibang bata sa nakikita nila. Kahit bata palang si Ross ay nagagawa na niya ang ganung bagay.
Nang matapos siya ay mabilis na nagpalakpakan ang mga bata–kasama ang ate niya na nakangiti lang sakanya.
“Ang galing mo naman Ross!”
“Pano mo nagawa yun? Turuan mo naman ako sige na!”
“Ako rin ako rin!”
“Kami rin!”
“Isa pa Ross! Gusto ulit namin makita!”
“Oo nga! Isa pa! isa pa!”
Tila pinag kakaguluhan na ang batang dati ay inaapi lang at di pinapansin ng iba.
Sobrang laki talaga ng pasasalamat niya sa pinaka mamahal niyang ate.
“Osige ba!” Masayang sagot ni Ross. Nakangiti lang na nakatingin si Heidel kay Ross nang masagi ng tingin niya ang dalawang sundalo na nasa may di kalayuan ng kinatatayuan nila na nakatingin kay Ross habang nag uusap.
Dahil dun ay biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Heidel tapos ay agad nagsalita. “A-ahh tama na muna yan. Balik na tayo sa loob. Malapit na tayong kumain. Maghugas na kayo ng kamay.” Ngiting utos nito sa mga bata na agad rin namang sinunod nila–pwera kay Ross na nagtataka na naman sa ngiti nito.
“Ross? Halika na. “ Ngiting aya nito dahil siya nalang ang naiwan.
“May problema ba ate Heidel?” Pag aalalang tanong nito. Pero gaya ng inaasahan, tinago lang nito ang takot na nararamdaman at tsaka matamis na ngumiti sa harap niya.
“Wala hahaha halika na.” Hinawakan siya nito sa balikat at tsaka dinala na papasok sa loob. Habang siya naman ay di parin maiwasang mag alala.
Isang araw ay hinahanap ni Ross si Heidel sa loob ng bahay pero di niya ito mahagilap. Kaya naman nagtanong siya sa iilang kasamang bata nito sa bahay.
“Ermac, nakita mo si Ate Heidel?” Tanong niya sa isang bata.
“Di eh. Bakit?”
“Ah wala. Sige.” Tapos ay nagtanong ulit ito sa isa pa.
“Ahh, Quincy? Nakita mo ba si Ate Heidel?” Tanong niya dito. Agad namang nagturo ito sa isang direksyon. “Dun oh.” Sabay sabi nito. Nilingon naman yun ni Ross pero pagtingin niya, wala siyang makita. “Wala nam–” Pagbalik niya ng tingin kay Quincy ay sumalubong lang ang hintuturo nito sa pisngi niya.
“Bleeeh hahahah di ko alam kung nasan siya. Kanina ko pa nga siya di nakikita ihh.” Sagot nito kaya mas kinabahan lang siya lalo.
Asan ka ba ate Heidel?
“Nakita ko siya..” Napalingon sa likuran si Ross ng magsalita ang isang mas bata pa sakanya ng mga tatlong taong gulang.
“Saan mo siya nakita, Devi?” Tanong nito.
“Nakita ko siya kanina pumunta sa may bakuran nitong bahay.” Sagot nito bago tinawag ang kaibigan niyang nakita niyang dumaan. “Oy Yohaaan. Laro tayo dali.”
Mabilis namang lumabas si Ross sa bahay para puntahan ang sinasabi ni Devi.
Papalapit palang siya sa bakuran na yun ay may naririnig na siyang parang nag uusap. Kaya naman tumigil ito sa pagtakbo at tsaka dahan dahang lumapit sa mga nag uusap.
“Bata pa si Ross.”
Unang kataga na narinig niya kaya nanlaki ang mga mata niya. Dahil bukod sa narinig niya ang pangalan niya, boses ni Heidel ang nagsasalita.
“Pero nakitaan namin siya ng potential. Interesado rin ang doktor sa batang yun. Posibleng isa siya sa makakaya ng experimento.” Rinig niyang nagsalita ang kausap nitong sundalo.
“Maawa naman kayo pakiusap. Hayaan niyo ng mabuhay yung mga bata. Itigil niyo na yang pangunguha niyo para lang jan sa experimento niyo. Hindi sila mga bagay, mga tao sila na may sariling mga buhay.” Narinig niyang pumiyok ang boses ng ate niya kaya biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Bigla siyang kinabahan sa mga naririnig niya.
Anong pinag uusapaan nila? Ito ba ang rason kung bakit napapansin kong parang nababawasan kami lagi?
“Wag ka samin mag reklamo. Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Kaya kung ako sayo, wag ka nalang makialam. Malay mo rin makakaya niya. Edi mabubuhay siya.”
“Ako nalang. Pakiusap ako nalang ang ipalit niyo sakanya. Bigyan niyo pa siya ng konting panahon. Di pa kaya ng katawan niya ang ganun kadelikadong operasyon.”
“Nahihibang ka na ba? Babae ka at halata sa katawan mong hindi mo makakayanan ang experimento.”
“Si Jill, babae siya, isang taon lang ang agwat ko sakanya. Alam kong nakaya niya ang experimento kasama si Morpheus na kaedad niya lang rin. Importante ang tanda ng isang tao para makayanan ang operasyon, diba? At alam kong mas malaki ang tsansang magtagumpay ang experimento niyo kung ako ang kukunin niyo at hindi ang batang yun.”
Tulala lamang na nakikinig si Ross sa tagong lugar. Hindi ito makahinga ng maayos. Wala siyang maindihan pero pakiramdam niya pinagtatakpan siya ng ate Heidel niya sa isang bagay.
Napaisip naman saglit ang mga sundalo sa narinig nila. “Kakausapin namin ang Doktor sa alok mo na yan.”
“Aalis na kami.”
“Maraming salamat.”
Narinig nalang ni Ross ang mga yabag ng dalawang sundalo na papaalis. Pero di padin niya magawang makagalaw sa pinagtataguan niya.
Susubukan niya pa sanang umalis ng palihim pero saktong sakto namang pagtayo niya ay nahuli siya ng mga tingin ni Heidel na ngayon ay gulat na gulat rin.
“R-ross?”
*********
Madilim na kalangitan pero punong puno ng mga nagtitingkarang mga bituin.
Sa dalawang duyan kung saan nagsimula ang lahat, ngayon ay tahimik lamang na nakaupo ang dalawa.
Di alam ni Heidel kung pano niya uumpisahan ang pag uusap nila matapos niyang ikwento kay Ross kanina lahat ng tungkol sa pinag usapan niya at ng dalawang sundalong yun. Matapos malaman yun ni Ross ay sobrang tamlay na ng mukha nito. Di ito nagsasalita simula pa kanina.
“Tignan mo ang kalangitan Ross oh. Napakaganda.” Masiglang usal niya pero di man lang nag abalang lumingon si Ross. Napangiti nalang siya ng bahagya at dahan dahang ginalaw ang duyan niya.
“Nalulungkot ka ba?” Ngiting tanong ng ate niya. Napahigpit tuloy siya ng hawak sa lubig ng duyang inuupuan niya, at napansin yun ni Heidel. “Huwag ka ng malungkot.”
“Pero bakit?” Di maiwasang itanong ng naguguluhang utak niya. “Bakit kailangan mo pa akong sagipin? Ako ang gusto nila diba?” Inis na tanong nito kahit nangangatal na ang bibig nito.
“Bata ka pa. Di dapat sinasayang yung buhay natin” Tumingin ito sakanya at ngumiti ng bahagya. “Kaya naman dapat mo tong pag ingatan kahit na anong mangyari.”
“P-pero..”
“Tsaka diba narinig mo ako kanina, mas malaki ang tsansa magtagumpay ang experiminto pag ako yung kinuha nila. Malay natin diba?” Inabot ng kamay nito ang ulo niya tsaka ginulo ang buhok niya “Kaya wag ka ng mag alala.” Ngiting dugtong nito.
Biglang sumagi sa utak ni Ross ang kamay na nakita niya nung araw na yun. Ang walang buhay na kamay. Dito mismo sa inuupuan niya.
“Dapat mabuhay ka ate.” Nanginginig na ang boses niya. Di niya maiwasang maiyak sa mga naiisip niyang posibleng mangyari. Di ito pwedeng mawala sa buhay niya. Matapos lahat ng ginawa nito para baguhin ang buhay niya…
di siya makakapayag. Di niya kaya. “Mabubuhay ka diba? Matatagumpayan mo yun diba, ate?”
“Oo naman. Ako pa! “ Kahit buhay na niya ang nakasalalay, nakuha parin talaga nitong palakasin ang loob ng bata.
Tumayo na si Heidel para sana ayain na si Ross na pumasok na sa loob dahil malalim na ang gabi pero nagulat nalang siya nung bigla siyang niyakap nito pagkatayo niya.
Sobrang higpit ng yakap. “Di mo kami dapat iwan. Ikaw lang ang nag iisang ate ko–namin.”
“Gusto ko pang makita mo akong lumaki ate. Kung pano ako lumakas para protetaktahan ka balang araw.” Hinigpitan pa lalo ang yakap nito “Kaya pakiusap. Kayanin mo.” Napatakip nalang si Heidel sa bibig niya para pigilan ang sarili. Ayaw niyang ipakita sa bata na sa kaloob looban niya, wala ng mapag lalagyan ang takot na nararamdaman niya. Natatakot siya sa kung anong resulta man ang kahahantungan. Ayaw niyang iwan ang mga bata. Lalong lalo na si Ross na sobra ng napalapit sakanya.
“Basta ba ipangako mo rin sakin na mabubuhay ka kahit anong mangyari, okay?”
“N-namaan!”
Tuluyan ng niyakap ni Heidel ang ulo nito “Tuparin mo yan.” Huling bulong nito bago sila kinain ng katahimikan ng paligid.
Di nila alam na may babae pala sa likuran ng puno na tahimik lamang na nakikinig sakanila.
Tahimik lamang na nagyayakapan ang dalawa..
at wala ni isa ang nakakaalam na ang yakap pala na yun..
ang yakap pala na yun ang magiging huling yakap na maipaparamdam ni Heidel sakanya..
Isang araw matapos ang experimentong ginawa sa pagitan nina Loda, Heidel at ng tatlo pang bata..
Wala ng Heidel pa ang nakabalik. Tanging si Loda lang ang nagtagumpay sa operasyon..
–End of Flashback–
-To be continued
(A/N: Lahat ng myembro ng Vendetta ay may kanya kanyang storya kaya wag niyo sanang isipin na ginagawa ko to para lang mapahaba yung story kasi sa totoo lang gusto ko na ring tapusin yung kwento. Kaso ayokong madaliin, gusto ko rin malaman niyo side ng iba’t ibang karakter sa kwentong ’to bago man lang matapos ang lahat kaya may mga ganito akong ginagawa hahaha pasensya. Kitakits nalang mamaya :) Comment nalang kayo kung ano mga hinaing niyo jan :) Thank you sa walang sawang suporta niyo. Adios~ :) )
-Emnacinn
Episode 30 : Ross vs Virgel
Episode 30 : Ross vs Virgel
(Sorry sa typos and errors :) )
(Pakitingin sa media, pic nina Ross at Quincy :) )
(Dahan dahan sa pagbabasa hahaha)
[3rd Person’s PoV]
“Boss Virgel..” Halata kila Maki at Ish ang pagkagulat sa pagsulpot bigla ng Boss nila. Di nila inaasahang masusundan sila nito dito.
Agad naman itong bumaba sa malaking puno habang nakapamulsa lang. Wala kang makikitang bahid ng emosyon sa mukha nito habang papalapit sakanila.
Mabilis namang sinipa ni Ross si Ish papunta sa direksyon ni Maki “Arkkk!” Buti nalang at nasalo ito ni Maki kaya di gaano kalakas ang pagkakatilapon ni Ish.
Pagkatapos ay tinignang muli ni Ross ang batang boss na papalapit sakanya.
“Nandito ka ba para ipaghiganti ang pagkamatay ng ama mo?” Tanong niya pero wala siyang narinig na sagot mula sa taong palapit sakanya. Nakita lang niya ang dahan dahang pagkuyom ng mga kamay nito kaya naman hinanda na rin niya ang sarili sa biglaang pag atake nito.
at di nga siya nagkamali, mabilis itong sumulpot sa harapan niya. Kaya naman agad niyang winasiwas ang isang blade niya sa harapan ni Virgel, pero mabilis itong nagdukot ng kunai at tsaka sinangga sa atake niya.
Gamit naman ang isa pa niyang blade, winasiwas niya rin ito, pero sa pagkakataong ’to ay umikot sa harapan niya si Virgel sabay yuko para iwasan ang isang atake niya. At nung makabwelo ito, gamit ang siko ay mabilis na inatake ni Virgel ang sikmura ni Ross.
Humarap pa itong muli bago pinakawala ang isa pang malakas na suntok si sikmura.
Tumilapon si Ross sa dalawang atake na yun, at habang patilapon pa ito, nakita nalang niya si Virgel na nasa ibabaw niya na nakabwelong muli at pabagsak sakanya.
Sinubukan niyang sanggain ang atake nito pero nahuli ito ng isang segundo. Malakas na tumama ang suntok nito sa mukha niya dahilan para bumaon ang katawan niya sa lupang pinagbagsakan nila. Nabitawan rin niya ang isang blade dahil sa impact ng pagkakabagsak nila.
Pagkabagsak nila, di na nag aksaya ng panahon si Virgel, tumayo ito sa harapan ni Ross at tsaka ulit kumuha ng kunai sa likuran niya. Sinubukan pang gumalaw ni Ross pero tinapakan lang ni Virgel ang kanang kamay niyang may blade. “Argkk!!”
Tinignan niya ang mga mata ng kaharap niya, Sobrang lamig ng mga titig nito sakanya pero nanginginig na ang kamay nitong may hawak ng kunai na parang gigil na gigil ng tapusin ang buhay niya.
Saglit na natulala si Ross sa mga tingin nito.
bumwelo naman agad si Virgel bago mabilis na pinunterya ang mukha ni Ross.
“Basta ba ipangako mo rin sakin na mabubuhay ka kahit anong mangyari, okay?”
Sa maikling segundong yun, biglang sumagi sa utak ni Ross ang mga katagang patuloy na bumubuhay sakanya hanggang ngayon.
Hindi ako pwedeng masawi..
HINDI!!
Bago pa man tumama ang kunai ay sinangga niya ito gamit ang kamay niya mismo.
Gulat na gulat naman sina Ish sa ginawang pag sangga ni Ross.
Sa kamay niya mismo bumaon ang kunai na hawak ni Virgel ng buo. At gamit ang lakas niya, napahinto niya ang atake na yun. Sobrang lapit na sa mukha niya ang kunai.
Agad naman niyang inatake ang likod ni Virgel gamit ang paa niya–dahilan para mapaalis ito sa harapan niya. Tapos ay di na nag alinlangang tumayo ulit.
“Hindi ako pwedeng masawi..” bulong nito habang tinitignan ang palad nitong nabutas na dahil sa kunai na sinangga niya. Di na ito makakahawak pa ng blade. Namamanhid na ito dahil sa laki ng sugat.
Pero gayunpaman, agad niyang hinubad ang damit niya at tsaka mabilis na kinuha yung isang blade niyang tumilapon. Pilit niyang ginamit ang kamay niyang may sugat para hawakan ito, at para di niya ito mabitawan, tinali niya ang mismong sariling damit para manatiling nakakapit ang kamay niya sa blade niya.
Matapos niya itong magawa ay tumingin itong muli sa kaharap niya bitbit ang pulang pula na naman niyang mga mata. “Walang ibang masasawi sa labanang ’to kundi ikaw..” usal pa nito habang pagewang gewang na naglakad palapit kay Virgel.
Hanggang sa unti unti itong tumuwid at bumilis. “AARGHHHH!!” Walang kasing bilis itong umatake papalapit kay Virgel. Parang sumasabay na ito sa hangin sa sobrang gaan ng katawan niya.
Walang tigil niyang winawasiwas ang dalawang blade niya sa kalaban habang si Virgel naman ay todo iwas at pilit na binabasa ang mga atake nito. Di niya mapag kakailang sobrang bilis ng kalaban niya. Mahirap sundan ang mga atake nito. Gamit naman ang kunai niya ay sinasangga niya iyong ibang atake na imposible ng maiwasan.
Para itong sumasayaw sa hangin dahil sa mabilis niyang mga atake. Tumatalon ito at pumupunta sa iba’t ibang direksyon habang pinapanatili ang walang tigil nitong mga atake.
Sinubukang sanggain ni Virgel ang isang blade nito pero nung sasanggain niya na ’to, bigla itong bumaba at mabilis na natamaan ang katawan niya. “Arghh!” napayuko siya dahil dun. Pero sumalubong lang sa mukha niya ang tuhod ni Ross dahilan para mapaangat muli ang mukha niya. Biglang dumoble ang paningin niya sa lakas ng pagkakatama ng tuhod nito, at saktong pagkabalik ng ulirat niya ay nakita niya nalang ang isang blade na sobrang lapit na sa mukha niya.
“KATAPUSAN MO NA!!” Sigaw nito bago buong pwersang pinakawala ang blade niya..
Pero sa isang iglap lang..
nahuli nalang niya ang sarili na nawalan ng balanse..
gulat itong napatingin sa gilid niya. May isang tao ang nagtulak sakanya para mapahinto siya sa pag atake.
“I-ikaw..” Di makapaniwalang usal ni Ross. Kukuha pa sana ito ng karayom sa likuran nito ng mabilis niyang binalanse ang sarili at tsaka niya ito sinakal. “Istorbo!” Singhal nito bago binwelo ang hawak niyang blade at tsaka mabilis na binaon sa dibdib nito.
“MAKIIIII!!!” Sigaw ni Ish nung makita niya kung pano bumaon ang blade nito sa katawan ni Maki.
Sinipa naman ito palayo ni Ross papunta sa direksyon kung saan bumagsak si Lily matapos niyang hugutin ang blade niya sa katawan nito.
Dali daling kumaripas si Ish papunta sa mga ito para tulungan.
“Maki!” Mabilis niya itong hinarap. Naghihingalo na ’to habang hawak hawak ang dibdib nitong natamaan. Hinarap rin niya ang nakakulob na katawan ni Lily na ngayon ay wala ng malay pero humihinga pa naman. “Tangina kumapit kayo!” Sigaw nito habang di mapigilan ang sarili na mag alala.
“S-si Boss..kailangan niya ng tulong.” Pilit na salita ni Maki.
Napasuntok nalang si Ish sa lupa dahil sa sobrang inis sa sarili.
Kung di ko lang sana sila pinayagan na sumama..
Kung di ko lang sana sila dinamay sa katarantaduhan ko..
Kainis!!
**
Sa kabilang banda naman ay muling inatake ni Ross si Virgel gamit ang buong bilis niya na para bang despirado ng manalo sa labanan. Kung di lang sana siya napigilan ng batang yun kanina, baka panalo na siya sa puntong ’to. “ARRGGHH!!” Gamit ang buong pwersa niya ay mabilis siyang umikot kasama ang dalawang blade niya sabay lapit kay Virgel. Nagmistulang ipo-ipo na ito sa bilis na parang konting daplis lang ay tsak sugat sugat na ang buong katawan mo.
Mabilis namang umatras si Virgel para iwasan ’to. Sinubukan niyang hagisan ito ng kunai pero tumilapon lang ito sa kabilang direksyon sa bilis ng pag ikot ng kalaban. Patuloy lamang sa pag atras si Virgel para umiwas pero laking gulat nalang niya ang pag bangga ng likod niya sa isang puno–dahilan para mapalingon siya saglit dito.
At nung binalik na niya ang tingin niya sa harapan, huli na para iwasan niya ang atake ni Ross..
Mabalis na bumaon sa kaliwang braso niya ang isang blade ni Ross. Nakita niya pa ang pag ngisi nito. “Huli ka.” Usal nito bago binwelo ang isang blade at pinuterya ang mukha niya.
“MAMATAY KANAAA!!” Bulyaw nito bago ito mabilis na pinakawala. Sobrang bilis na ng atake niya kaya malabo nang mailagan yun ng kalaban. Kung kanina sinwerte lang ito dahil may nagligtas sakanya, ngayon ay di na nito matatakasan pa ang kamatayan.
“AAARRRRGGHH!!”
Pero sa kasamaang palad, agad nagalaw ni Virgel ang ulo niya pakanan–dahilan para sa puno bumaon ng husto yung blade.
Gulat na gulat si Ross dahil sa kakaibang reflexes ng katawan ni Virgel “Paanong..” Imposible, sa sobrang bilis na atake na yun imposibleng maiwasan pa yun ng ganun lang.
Tinignan niya ang mukha ni Virgel–at dun, tumambad sakanya ang matalim na tingin na ipinukol sakanya. Sobrang lamig ng mga titig nito pero nanlilisik rin. Dahil dun ay di agad nakagalaw si Ross.
Nakita niya kung pano hawakan ni Virgel ang blade na nakatusok sa braso niya at tsaka hinigpitan ang kapit nito. Kitang kita pa niya kung pano dumugo ang palad nito, tapos ay agad niya itong pinutol.
At dahil sa pagkabigla, di niya inaasahan ang atakeng ginawa ni Virgel gamit ang piraso ng blade na naputol niya. Winasiwas niya ito sa harapan ni Ross kaya mabilis na natamaan ang gilid ng leeg nito. Tapos ay malakas niya itong sinipa sa sikmura kaya tumilapon ito at naiwan ang isang blade na madiing nakabaon sa puno.
Mula sa pagkakabagsak ay agad namang tumayo si Ross habang hawak hawak na ang leeg niyang natamaan. Mejo may kalakihan ang hiwa nito kaya tuloy tuloy sa pag agos ang dugo nito. Habang si Virgel naman ay dahan dahang kinukuha ang blade ni Ross na nakabaon sa puno.
Matapos niya itong makuha ay agad niyang pinahiran ang buong talim ng blade gamit ang dugo ng kaliwang palad niya.
Napangisi ng bahagya si Ross “Huwag mong sabihing gagamitin mo yan? Alam kong hindi mo alam gamitin ang sandata na yan.”
Di ito pinakinggan ni Virgel. Sa halip ay dahan dahan niya itong itinuon sa harapan ni Ross bitbit ang mga mata niya.
Hinanda naman ni Ross ang isang blade niyang putol na na nakabalot sa isang kamay niya.
Kung lalabanan niya ako gamit ang sandatang ’to, kahit putol ’to ay tiyak mananalo parin ako. Ilang taon na akong bihasa sa pag gamit ng sandatang ’to
“SIGE LAPIT!” Paghahamon niya kaya naman mabilis na sumugod si Virgel palapit sakanya.
Nang makalapit naman si Virgel ay agad niyang binwelo ang hawak niyang blade gamit ang kanang kamay niya kaya naman mabilis na naghanda si Ross para sanggain to.
“Napakadali mong basahin!” usal pa nito bago tinaas ang hawak niyang blade sa may kanan para sanggain ang atake ni Virgel.
Pero nung pinakawala na ito ni Virgel, nagulat nalang si Ross ng biglang binitawan ni Virgel ang blade. Kitang kita niya pa kung pano ito bumagsak sa kaliwang kamay nito na nakaabang na sa may baba.
“Bwe–” Bago paman siya makagawa ng aksyon ay mabilis ng nahiwa ang tiyan niya sa atake ni Virgel. “Arkkkk!!” Paano niya nagagawa ang ganung klaseng atake?
Dahil dun ay nawalan na siya ng depensa at pabagsak na.
Nilipat namang muli ni Virgel sa kanang kamay ang blade at tsaka bumwelong muli para tapusin na ang kalaban na pabagsak na sa harap niya.
Pinakawala niya ng malakas ang atake niya sa may ulo nito para sana putulin na pero biglang naka balanse si Ross at mabilis na umatake mula sa baba gamit ang putol na blade niya. Di yun inaasahan ni Virgel kaya huli na siya para makailag. Nadaplisan ng may kalakihan ang pisngi niya kaya napapikit siya at napadaing dahil sa sakit.
“Huwag mo akong mamaliitin!” Sigaw nito bago tumayo ng tuwid at susugod pa sanang muli.
Pero agad rin siyan napahinto sa gagawin niya nang makita niya si Virgel na ni reverse ang paghawak niya ng blade at tsaka mabilis na umikot papunta sakanya..
“Ang atake na yan..” Gulat na bulong nito .
“Paano niya nagaya ang atake ko na yan ng ganun kabilis? Ano bang klaseng kakayahan meron ang batang ’to??”
Sobrang bilis ng ikot nito. Parang kopyang kopya talaga ang atakeng ginawa niya kanina kahit isang blade lang ang gamit nito.
Mabilis namang nag backflip si Ross para sana umiwas, pero sa pagtayo niya, sobrang lapit parin ni Virgel kaya napilitan siyang mapaatras ng ilang hakbang. Kaso sa kakaatras niya, siya naman ang natrap at napasandal sa may puno.
Naloko na!
Sinubukan niyang pigilan ang pag ikot ni Virgel gamit ang putol niyang blade..
kaso maling decisyon ang naisip niya..
nahuli nalang niya ang kamay niyang nahiwalay.
Parang bumagal bigla sa pag galaw ang lahat. Sa sobrang pagkabigla ni Ross sa mabilis na pangyayari ay sinundan niya pa ng tingin ang nakahiwalay na niyang kamay na tumilapon at dumaan pa mismo sa harap niya..
Umikot naman ng isang beses si Virgel tsaka buong pwersa na niyang pinakawala ang huling atake niya.
Habang tinitignan ni Ross ang blade na papalapit sakanya ay tila pumuti ang buong paligid..
at isang tao lang ang biglang sumagi sa isipan niya..
“
Basta ba ipangako mo sakin na mabubuhay ka kahit anong mangyari, okay?“
Ate Heidel. .
At sa isang iglap, mabilis bumaon ang kalahati ng blade sa dibdib niya at eksaktong tumama ito sa may puso niya banda.
nanlaki ang mga mata ni Ross sa nangyari.
…..
………..
…………………….
Bigla namang lumakas ang hangin sa paligid nila matapos ang huling atake na yun..
Tumingin pa si Ross kay Virgel na tila di pa masink in sa utak niya ang mga nangyari. Ito ang unang beses na nangyari sakanya ang ganito.
Dahan dahan siyang napatingin sa blade na nakatusok sa dibdib niya na bumaon pa mismo sa puno sa likod niya. Sunod ay ang braso niyang wala ng kamay.
Unti unting tumagas sa bibig niya ang dugo at dun na niya napagtantong nanganganib na ang buhay niya.
“H-hindi..hindi pwede.” Hingal hingal niyang sinubukang hawakan ang puluan ng blade para sana hilahin pero umikot muli si Virgel sa harapan niya at tsaka sinipa ang puluan ng blade ng malakas–dahilan para bumaon pa ito lalo. “Arrkkk!!” Dahil dun ay napabulwak pa ng maraming dugo si Ross. Puluan nalang ang makikita mo sa dibdib niya sa sobrang pagkabaon ng blade.
“Di dapat sinasayang yung buhay natin.”
“Kaya naman dapat mo tong pag ingatan kahit na anong mangyari.”
Nanatili lang na nakayuko ang katawan ni Ross na tila wala ng buhay pa. Sumasabay nalang sa hangin ang buhok nito na parang pinapahiwatig na tapos na ang laban.
Mula umpisa hanggang sa matapos ang laban, malamig paring nakatitig si Virgel sa kalaban. Ni hindi man lang ito nakaramdam ng awa sa ginawa niyang kabrutalan sa kalaban niya.
Tatalikod na sana siya nang mapansin niyang bigla muling gumalaw ang isang kamay ni Ross na tila pilit na inaabot ang puluan ng blade nito sa dibdib.
“Hindi..hindi ako pwedeng masawi dito. Di pa tapos..d-di pa tapos ang laban..” Kita pa ni Virgel kung pano walang habas na tumutulo ang mga luha nito kahit nakayuko.
Nang mahawakan ito ni Ross ay tsaka niya buong pwersang hinila ang puluan. “Arghhh!” Kaso sa bawat pwersang pinapakawala niya ay siya namang pag danak lalo ng dugo sa may gilid ng leeg niya.
“Basta ba ipangako mo sakin na mabubuhay ka kahit anong mangyari, okay?”
“Tuparin mo yan”
“Hindi..” Dahil sa panghihina ay tuluyan na niyang hininto ang pagtatangka niya at binitawan ang puluan. Nahihirapan na rin itong huminga..
Ate..
Di ko na ata matutupad pa ang gusto mo..
“Tanggapin mo ng Ikaw ang masasawi dito at hindi ako.” Malamig na lintanya ng kaharap niya bago kinuha ang dog tag na suot suot niya. Tinignan ito saglit ni Virgel bago nilagay sa bulsa niya. “Dahil tulad mo, despirado din akong mabuhay.” Dugtong nito.
“May isang tao din bang pinangakuan mo na mabubuhay ka kahit anong mangyari?” Sobrang hina na ng boses ni Ross. Parang ano mang oras ay bibitaw na ito.
Dahil sa tanong na yun ay biglang sumagi sa utak ni Virgel ang mga katagang di na niya ata malilimutan pa, mula mismo sa taong importante sakanya.
Di ito sinagot ni Virgel, sa halip ay muli itong tumalikod at naglakad.
…..
…………
…………………….
“Abaaa.”
Isang boses bigla ang narinig sa buong paligid na tila nagpukaw sakanilang lahat. Pati sina Ish na nasa gilid ay nagtaka rin.
Pagtingala ni Virgel sa malaking puno na kaharap niya..
Dun..
Isang lalaking nakatingin sa direksyon niya habang nakahalukipkip bitbit ang nakakalokong ngisi ang nakita niya.
Ang kaninang malamig na mga tingin ay tila napalitan bigla ng matalim dahil sa nakita niya. Kumunot ang noo nito at napakuyom ng sobrang higpit.
Ang malagim na pangyayari ng gabing yun ay isa isang nagsibalikan sa isipan niya.
“Muli tayong nagkita bata.” Ngising usal nito tapos ay bumaba ito sa punong yun. “Pasensya na at di ako nakapunta sa burol ng ama mo. Babawi nalang ako sa susunod HAHAHAHA.” Humagalpak pa ito ng tawa kaya mas lalong nag init ang dugo ni Virgel at tila pawala na ito sa sarili.
“Ikaw…” Sobrang lalim na ng hininga nito. Nanginginig na ang dalawang kamay nito sa sobrang pagtitimpi. Yung kalamnan nito, parang kumukulo na sa sobrang galit.
“Nasan si Benz?!” Biglang sumingit si Ish na galit na galit narin at tumabi kay Virgel–dahilan para bumalik sa katinuan si Virgel.
“Benz? Sinong Benz? Gago ka ba?” Ganti lang nito bago tumawa ulit ng malakas.
“Ibalik mo si Benz gago ka!!” Bulyaw rin ni Ish na timping timpi na.
“Ahhh..si Devi? Siya ang kumbinsihin niyo. Pero..hmm tingin ko di narin yun babalik sa walang kwentang pamilya niyo e. “ Ngising sagot nito.
Tila mas una atang kinain ng galit si Ish kaya mabilis niyang sinugod ang kaharap nila dahil sa mga narinig nito.
“IBALIK MO SABI SI BEEEENZ!!!!” Pagwawala nito bago binwelo ang mga kamaong gigil ng iputok sa mukha ng kaharap niya.
At nung malapit na ito sa kalaban, nagulat nalang siya nang mabilis siyang hilahin ni Virgel pabalik.. “Anong!”
at wala pang isang segundo, bigla nalang sumulpot sa harapan nila ang pakay nila sa misyong to na parang kakabitaw lang ng atake niya gamit ang samurai.
Kung di pa hinila si Ish malamang nahiwa na ang katawan niya sa lakas ng pagkakabagsak ng samurai nito sa lupa.
Kahit natumba na, di maalis ni Ish ang tingin niya sa lalaking sumulpot. Nakayuko lang ito habang bitbit ang samurai niya.
“B-benz..” Dahan dahan itong lumingon sa direksyon nila. At ganun nalang ang pagka gulat ni Ish sa mga titig na ipinukol sakanya. Sobrang lamig. Patay na patay sa emosyon.
“Sayang!” Tatawa tawang usal ni Morpheus sabay lingon sa likuran nila Ish. “Dalhin niyo yan dito.” Usal nito na parang may kinakausap sa likuran. Paglingon ni Ish, nandun na ang dalawang Vendetta. Ang isa ay kinarga si Trace na wala ng malay habang yung isa naman ay binunot na ang blade sa katawan ni Ross at tsaka rin binuhat.
Tumalon ang dalawa at tsaka pumunta sa gawi nina Morpheus. Tapos ay sabay ulit tumalon ang mga ito pabalik sa mataas na puno kasama si Devi. Hiniga naman ni Quincy ang katawan ni Ross at sinubukang gisingin. “ROSS! Hindi na siya humihinga Eus!” Tarantang sigaw niya. Hinawakan niya ang pulso nito sa may leeg at halos malugmok siya nung maramdaman niyang hindi na ito pumipitik pa. “H-hindee..”
Si Ross na ang nagsisilbi niyang mejo kasundo sa grupo kaya parang di niya matanggap ang kinahantungan ng kasamahan niya. Yumuko siya sa may dibdib nito. Ang tila baliw na Quincy ng Vendetta ay naging emosyonal nalang bigla matapos ang nangyari.
Kahit saksakan man sila ng sama, tao padin sila. Nasasaktan pag nawawalan.
Tumayong muli si Quincy at sa pagkakataong ’to, sobrang pula na ng mga mata nito habang nakatingin sa baba–lalo na kay Virgel. “Magbabayad kayo..” Bulong nito habang unti unting kinukuha ang pole axe niya sa likuran niya.
Pero bago pa man ito tuluyang makuha..
“Tama na yan, Quincy.” Bigla itong pinigilan ni Morpheus kaya galit itong napatingin sakanya. “Pero bakit?! Pinatay nila ang kasamahan natin! Pinatay nila si Ross!” Bulyaw nito sa sobrang galit. Di niya kayang tanggapin na wala silang gagawin matapos ang nangyari.
“May magagalit.” Nakangising bulong ni Eus. Sinadya niyang ibulong yun para di ito marinig sa baba. Pagkasabi naman nun ni Eus ay lumingon si Quincy sa gawi ni Devi. At kitang kita niya kung pano nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sakanya na para bang nagsasabing ‘subukan mo lang’
“Ang kasunduan ay kasunduan.” Bulong muli ni Eus.
“BEEEENZ!!!” Naputol nalang ang pag uusap nila nang marinig nila ang pag sigaw ni Ish sa baba. “UMUWI NA TAYO! HINDI KA NABABAGAY JAN!” Dugtong nito.
“Masyado kayong mahihina para pag aksayahan ko ng panahon. Bumalik na kayo.” Malamig na ganti nito na ikinabigla ni Ish.
“N-nagbibiro ka lang diba? Gago ka ba?! BUMALIK KANA! NAGSAKRIPISYO SILA LILY AT MAKI PARA LANG MAIBALIK KA NAMIN!”
“At tingin mo may pakialam ako?” Diretsang tanong nito. Napanganga nalang si Ish sa mga naririnig niya mula sa matalik niyang kaibigan sa loob ng mahabang panahon. Hindi ganitong Benz ang kilala niya.
Napangiti ng hilaw si Ish at pilit pa ding pinapaniwala ang sarili na hindi to totoo. Na sisigaw lang to mamaya si Benz ng “Juk laaang”.
“H-hahaha. T-tama na yan, Benz. Bumaba kana dito. Madami naghihintay sayo sa mansyon. Sila Kael, Elsa, Hell, si Helena–”
“TAMA NA!” Napahinto na lang sa pagsasalita si Ish nung galit na galit siyang sinigawan ng matalik nyang kaibigan. “Hinding hindi na ako babalik sainyo kahit anong sabihin o gawin niyo.”
“Kaya pwede ba, itigil niyo na yang kalokohan niyo.” Dugtong nito na tila bumasag sa loob ni Ish. Ni wala itong maisagot sa mga sinasabi ni Benz. Tila na blanko nalang ang utak nito sa mga narinig niya.
Hindi niya inaasahan ’to.
Na si Benz pa mismo ang tatanggi para bumalik sakanila.
Nakakabigla..
Nakakapanlumo..
“Oh? tapos na drama niyo? Aalis na kami.” Singit ni Morpheus na halatang naririndi na sa pag uusap ng dalawa.
“Kayo..” Muling nagsalita ang batang boss kaya sakanya muling nabaling ang atensyon ng lahat ng Vendetta.
“Uubusin ko kayong lahat.” Galit na galit na lintanya nito habang tinatapunan sila lahat ng nanlilisik na titig ni Virgel. “ Iisa-isahin ko kayo tandaan niyo yan.“
“Palakas ka muna totoy.” Ngising ganti rin ni Eus habang nakapamulsa bago tumalikod “Tara na.” Utos nito sa mga kasamahan bago tumalon sa kabilang puno at umalis na palayo.
Tumalikod na rin si Benz para sana sundan na sina Eus pero muli itong tinawag ni Ish.
“Benz..”
di ito humarap. Pero alam ni Ish na nakikinig ito.
“Ganun nalang ba ’yun? Totoo ba talagang tatalikuran mo na kami? Paano na yung ilang taon? Ilang taon na pagsasama? Wala lang ba yun sayo? Yung samahan na nabuo nating lahat?” Hindi na iniisip ni Ish ngayon na nagmumukha na siyang despiradong maibalik si Benz. Kaibigan niya ito. Lahat gagawin niya kahit na..
Unti unting lumuhod si Ish. Pero di parin ito nag abalang tignan ni Benz.
“Wag ka magpadala Benz. Kami ang totoong pamilya mo. Umuwi kana..”
“Pakiusap..” Hiling nito bago niyuko ang ulo.
Pero ang tanging narinig niya lang na ganti.
“Sa oras na magtagpo pa tayong muli, ako na mismo ang tatapos sa mga buhay niyo.” At yun na ang huling narinig ni Ish sa kaibigan niya bago ito tuluyan umalis at nawala.
Di magawang mai angat ni Ish ang ulo niya. Tulala lang ang mga mata nito habang nakatingin sa lupang pinagyukuan niya.
Tama ba ako ng pagkakarinig?
“Kung nakinig ka lang sana sakin sa una palang, di ka magluluksa ng ganyan.”
“Tanggapin mo na, patay na ang kaibigan mo. At yung nakausap mo,
isa na sa mga kalaban natin na dapat tapusin simula ngayon.“
………
…………..
………………….
Isa na sa mga kalaban
na dapat tapusin simula ngayon…
Sa dami ng bumabagabag sa isip niya, isang tanong lang talaga ang naglalaro sa utak ni Ish ngayon.
“Benz bakit?”
-To be continued
( A/N: Isang Vendetta na ang nalagas. Makakaya kayang tapusin ni Virgel ang natitirang mga myembro nito? Abangan nalang natin sa mga susunod pang kabanata hahahaha ena talaga yang fight scenes na yan. Nakakaubos ng salita, nakakapiga ng utak amp. Anyways kitakits nalang po tayo sa susunod na episode :) Thank you sa mga patuloy parin na nagbabasa ng story kahit sobrang
tatagal ng updates hahaha Adios~ )
Emnacinn
VTYMB Season 1&2 Characters (Guide)
Guide lang ho. Baka makalimutan niyo na kasi yung ibang characters xD
NOTE: Please please, kung di niyo pa nababasa ang Season 1 wag na wag niyo tong babasahin. Ma sspoil lang kayo ng sobra pramis. AGAIN, WAG BASAHIN TO KUNG DI NIYO PA NABABASA ANG SEASON 1 :)
*Nag uupdate to every 10 episodes para sa mga bagong characters :)
VIRGO MAFIA
Virgel Acosta
Hugo Arsenal
Ishmael/Ish Valderama
Hell Tan
Elsa Monte
Lily Valdez
Kael Zacanta
FUEGO CLAN
Vlademir Acosta/ Miguel Singson
Elon Fuentes
Primo Fuentes
Nero Guzman
Stephan Milvar
Veronica Arson
Helena Madrigal
Dorothy/Elrien Artizan
Gavin Liurent
VLADEMIR’S TOP ASSASSINS
Argo Diamante Acosta
Felix Sy
Sebastian Lorbek
Elfred Artizan
Asher Bedrijo
ELFAME MAFIA
The Chess Pieces
King Casper/ Maximo Yusen
Queen Venus/ Allyria Yusen
(Bishop) Target/Aiden Belfour
(Bishop) Bullet/ Abel Belfour
(Knight) Spot/ Eric Fortalejo
(Knight) Frost
(Rook) Ace
(Rook) Akron
(Pawn) Chase
(Pawn) Rain
(Pawn) Cast
(Pawn) Clone
(Pawn) Hex
Other recruited members
(Pawn) Cyrus Redrick (Hirvana)
(Pawn) Valentine Crawford (Hirvana)
(Pawn) Hiro Yushira (Hirvana) (Dead)
Akira Seijou (Ex-member of Crosser)
William Nostrad (Ex-member of Crosser)
ALIBARA MAFIA
Gideon Saquin
Giovanni Belicoff
Vincent del Varya
Baron (Unknown Surname)
Akasha (Unknown Surname)
Unknown Girl
MARTIN FAMILY
Marcelo/Celo Martin
Almira Martin
Agnes Martin
Damian Seraphin
Ikram (Unknown Surname)
Dylan (Unknown Surname)
Dante (Unknown Surname)
Sin Altair/ Aero (Ex-member of Elfame Mafia)
Vonzo Monte (Ex-member of Hirvana and Elfame Mafia)
Jin del Fuego (Ex-Boss of Fuego Clan)
VENDETTA
Doctor Manuel Guanzon
Morpheus
Loda
Jill
Ross
Quincy
Ermac
Devi
El Satans Gang (Season 1 Episodes 15-17)
Victor Casero/ Rave (Ex-member of Elfame Mafia)
Jack
Tron
Remesis Syndicate (Season 1 Episode 46)
Steve Clement
Ed
Ian
Hirvana Group
Frederick Lincoln
Unknown other members
Emnacin Family
Theodore Emnacin
Ardanos Group
Mabus
Loron
Hister
Other Characters
Renietta Diamante
Claire (Unknown Surname)
Alfe (Unknown Surname)
Dexter (Unknown Surname)
Mary (Unknown Surname)
Madel/Miranda
Manang Choleng
Manang Teresa
Yohan
Conan
Anjing
Doctor Gleo Guanzon
Anjeel Silvero
Vicenze Acosta
Denzel Seraphin
Maki Puma
Gordon
Greco Octavo
Heneral Arthur Grande
Kratos
Heidel
( Halos 70+ na pala ang characters ng VTYMB (Season 1 & 2 ) hahahaha at halos kalahati rin nito ay napatay ko na WAHAHAHA daming deadzxc eh. Madadagdagan pa yan…at baka mabawasan rin at the same time :> Kaya ingat ingaat, wag masyadong ma attach sa mga characters, baka masawi na naman kayo :> hahahahahah kung may nakalimutan akong ilagay sabihin niyo lang hoho yun lang muna. Pasensya na at umasa kayong UD na to hahaha kaka ud ko lang aba HAHA )
-Emnacinn
Episode 31 - Revealed
Episode 31 - Revealed
Pakitingin sa media. Hibari Kyoya as Baron of Alibara Mafia
( Sorry sa errors :) Dami tong mali for sure hahah bukas ko na to i edit :) antok na ako. )
[3rd Person’s PoV]
“Anong nangyari?” Bakas sa mukha ni Jill ang pagkagulat nang makita niya sina Morpheus na kakapasok lang ng hideout nila. Lalo na sa karga karga ni Quincy.
Mabilis na hiniga ni Quincy ang katawan ni Ross pagkapasok nila. “Nasan ang doctor?!” Tanong agad nito kila Jill.
“Umalis..” Tulalang sagot naman ni Jill habang nakatingin sa katawan ni Ross. Naliligo ito sa sariling dugo habang may saksak ito sa may dibdib. At wala na itong malay pa. “Anong nangyari kay Ross?”
Sinubukan itong isalba ni Quincy gamit ang pag pump nito sa dibdib pero di na ito gumagalaw pa. “Gumising ka Ross!”
“Tama na yan, hindi na yan mabubuhay pa.” Normal lang ng usal ng lider nila. Para bang hindi man lang ito naapektuhan sa nangyari.
“Hayop na mga Virgo yan.” Hininto nalang ni Quincy ang ginagawa niya dahil imposible na talaga. Nakasandal lang ang ulo nito sa dibddib ni Ross habang nangangatal ang bibig sa sobrang galit. “Magbabayad sila..” Mahinang bulong nito dahil baka marinig pa ito ng ibang kasamahan niya at pigilan siya.
Malakas namang bumukas ulit ang pintuan at iniluwa dun si Devi na galit na galit. “Akala ko ba malinaw na sa atin ang kasunduan?!” Galit na bungad nito. “Na hindi niyo na gagalawin ang Virgo kapag sasama ako sainyo?!”
“Sila mismo ang umatake samin, Devi.” Mahinahong sagot naman ni Jill. “Sinubukan nila kaming pigilan kaya nagpaiwan na si Ross dun para makaalis kami.”
“May lakas ka pang magalit.” Rinig nilang singit ni Quincy na dahan dahang tumayo habang nakayuko. “Tayo ang nawalan tapos samin ka pa galit?” Mabilis nitong kinuha ang pole axe niya tsaka sumugod papalapit kay Devi “ARGGHH!!” Sobrang galit na galit ang expresyon ng mukha nito habang pulang pula ang mga mata.
Bubunutin na sana ni Devi ang samurai niya para dumipensa pero mabilis na pinigilan ni Loda si Quincy gamit ang pagpulupot ng kadena niya sa kamay nito na may hawak na sandata.
“Pakawalan mo ko Loda!!” SInghal nito habang pilit na nagpupumiglas.
“Di makakatulong satin yang pag iinit ng mga ulo niyo.” Kalmadong wika ni Loda.
“Huminahon nga kayo.” Usal naman ni Ermac sa dalawa bago binagsak ang karga karga rin nito na wala ring malay.
“Ba’t niyo pa dinala yan? Yung dalawa lang ang inatas sating dukutin.” Tanong ni Jill ng mapagtanto niya kung sino ito.
“Kasapi to ng dalawang yun. Naisipan kong isama nalang natin to. Tutal magkapatid naman yang tatlo.” Sagot ni Morpheus. “Alam kong di tatanggi yung nagpautos satin sa bagay na yan. Tataasan nalang natin ang pabuya.” Dugtong nito.
Nang makita ni Loda na mejo kumalma na si Quincy ay agad niya iyong kinalasan. Tapos ay lumapit ito sa katawan ni Ross at tsaka niluhod ang isang tuhod nito.
Tinignan niya ang mukha nito. “Magpahinga kana, Ross.” mahinang sabi nito bago kinuha sa tenga nito ang tatlong hikaw. “Nasan ang kwentas niya?” Tanong nito nung di niya mahagilap ang dog tag sa leeg ni Ross.
“Hindi namin alam.” Sagot naman ni Ermac. Nilagay nalang sa bulsa ni Loda ang tatlong hikaw ni Ross at tsaka tumayo. “Dalhin nalang natin tong katawan ni Ross sa laboratoryo ng doktor.” Sabi nito bago kinarga si Ross. Agad namang sumunod sina Quincy at Ermac.
Sinamaan pa ng tinign ni Quincy si Devi nung nilampasan nila ito.
Habang mag isang nakaupo si Devi sa may tabi ay saglit niyang naalala ang mga nangyari kanina lang.
Hinanap nila ako..
Mahina itong napakagat sa labi nang maalala niya kung pano niya makitang lumuhod si Ish para lang bumalik siya.
“Ganun nalang ba ’yun? Totoo ba talagang tatalikuran mo na kami? Paano na yung ilang taon? Ilang taon na pagsasama? Wala lang ba yun sayo? Yung samahan na nabuo nating lahat?”
“Wag ka magpadala Benz. Kami ang totoong pamilya mo. Umuwi kana..p
akiusap.“
“Sa oras na magtagpo pa tayong muli, ako na mismo ang tatapos sa mga buhay niyo.”
Ngayon lang bumaon ng husto sa puso niya yung sakit ng mga salitang binitawan niya sa harapan ng Virgo.
Napangiti nalang ito ng sobrang pait.
“Siguradong kamumuhian niyo na ako simula ngayon.” Nasambit nalang nito sa kawalan. Yun naman ang gusto niya e, ang kalimutan na siya ng pamilyang nagmahal sakanya ng totoo.
Pero ba’t ganun..
bat nasasaktan siya lalo.
“H-hahaha. T-tama na yan, Benz. Bumaba kana dito. Madami naghihintay sayo sa mansyon. Sila Kael, Elsa, Hell, si Helena–”
Bigla naman niyang naalala ang pangalang nabanggit ni Ish kanina kaya mas lalo kumirot ang puso niya.
“Helena..”
Napayuko nalang siya at napasandal sa pader sa gilid niya.
2 DAYS LATER
“Dalawang araw matapos ang nangyari, ang tinaguriang isa sa pinaka malaking bilibid sa bansa na tinatawag na Aralith Prison, ay ngayon ay hindi na ma itsura pa. Sinasabing lahat ng mga preso ng bilibid ay kung hindi napatay sa nangyaring insidente, ay nakatakas naman. Base na rin sa mga sibilyan na nakatakas sa pangyayaring yun ay sinasabing pitong vigilante lang daw ang tanging lumusob sa napakalaking bilibid para wasakin ito. Pamilyar? Tama, ang pitong vigilante na halos laman palagi sa balita nung nakaraang dekada ay nagbalik na. Ito na nga ba ang unang hakbang na tinatawag nilang Vendetta para ipaalam sa lahat na nagbalik na sila? Ano pa nga ba ang mangyayari sa bansa gayun nagparamdam na ulit ang grupong kinatatakutan ng laha–”
Pinatay ni Virgel ang TV gamit ang remote tsaka ulit hiniga ang katawan sa malambot na higaan.
Kasalukuyang nasa ospital siya ngayon kasama sa kabila sina Lily at Maki na ngayon ay nagpapagaling pa.
Mag isa lamang siya ngayon sa loob ng silid. Kasalukuyang nasa silid nina Maki sina Ish at iba pang myembro ng Virgo para alamin ang kalagayan ng dalawang bata.
Habang tahimik lang na nakatingin si Virgel sa labas ng bintana ay saglit na may kumatok sa pintuan. Nilingon niya ito at niluwa doon si Asher. Di ito pumasok, bagkus ay sumandal lang ito sa may pintuan habang nakahalukipkip.
“Kumusta, batang boss?” Ngising tanong nito. Di ito sinagot ni Virgel. Binalik lang nitong muli ang tingin sa bintana.
“Totoo ba yung balita ni Ish na ikaw ang mag isang tumapos sa buhay ng isa sa mga Vendetta?” Tanong pa nito.
“Wala ng kinalaman yun sayo.” Malamig na sagot ng bata.
“Kung totoo man yun, ang lakas mo pala talaga no? How to be you fo?” Natatawang usal nito.
“Umalis ka na.”
“Gusto ko lang makipag usap ano ka ba? Hahaha tsaka sabi ni Ish nandun din si Trace. At kasama nila itong dinala. Totoo ba yun?” Tanong pa ulit nito. Pero lumingon lang si Virgel sakanya at tsaka binigyan siya ng malamig na titig–ng ilang segundong titig.
Sa huli ay sumuko na rin si Asher at tsaka ngumiti ng bahagya sa trato nito sakanya, tapos ay umayos ito ng tayo at tsaka namulsa. “Itigil mo na nga yan, Virgel. Naaalala ko lang ang taong yun sayo.” Huling usal nito bago lumabas muli sa silid na yun. Ramdam ni Virgel ang lungkot sa boses na yun pero hindi na niya ito pa binigyan ng pake.
Matapos sumara ang pinto, makalipas ang mga limang segundo ay muli itong bumukas. Ang akala ni Virgel ay may nakalimutan lang si Asher pero pagtingin niya sa pinto ay ibang tao ang bumungad sakanya.
Isang taong di niya inaasahang bibisita sakanya.
Ngiti palang nito halos matanggal na lahat ng kumikirot sa katawan niya.
Yumuko naman ito ng bahagya bago tuluyang pumasok sa silid. “Kumusta kana, Virgel?” Isang maamong ngiti ang nasilayan nito sa napakagandang mukha niya.
“Claire.” Tanging nasagot niya lang.
“Nabalitaan ko ang nangyari sayo kay Kael. Naaksidente ka daw.” Umupo ito malapit sakanya “Kaya pala di kana nakakapasok sa school.”
“Ah oo. Di kana sana nag abala pang dumaan dito.” Normal na sagot nito. Mejo pinagtaka naman iyon ni Claire dahil di naman ganito umakto si Virgel nung huling kita nila. Pero di na niya iyon pinansin pa. Sa halip ay ngumiti lang ulit ito.
“Hindi, okay lang. May dala din akong mga prutas para mas mapabilis ang pag galing mo.” Ngiting ganti nito.
“Salamat.”
Kumuha naman ng kutsilyo si Claire para hiwain ang mga mansanas na dala niya. “Simula dun sa nangyari sa papa mo hindi na kita nakita pa. Hindi kana pumasok. Ikinalulungkot ko ang nangyari, Virgel.”
“Ayos lang, Claire. Wag mo na isipin yun.” Sagot naman nito habang palihim lang na tinitignan ang mukha ng kasama niya na kasalukuyang nagbabalat.
Nung napatingin naman ito sakanya ay mabilis niyang nilipat ang tingin sa mansanas na hawak hawak ng dalaga.
“Hindi ka ba hahanapin ng papa mo? Baka malaman niyang nandito ka. Pagagalitan ka ulit nun.” Pag iiba nalang na tanong nito.
“Hindi yan. May kasama naman ako e. Nandun lang siya sa labas.” Ngiting sagot nito. “Tapos naa.” Inabot naman sakanya ang bowl na may piraso ng mansanas kaya akma niya sana itong kukunin, kaso napadaing lang siya sa sakit dahil sa sugat sa may dibdib niya. “Aghh”
“Halaaa, pasensya na.” Si Claire nalang mismo ang kumuha ng isang piraso at tsaka iniabot sa bibig niya “Susubuan nalang kita.” Ngiting aya nito kaya nailang ng konte si Virgel. “Hindi na–”
“Okay lang. Dali naa hahah aaahh.” Natatawang sabi nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang ngumanga at kainin nalang ang mansanas. “Yaaan.”
Nilagay naman saglit ni Claire ang bowl at tsaka binuksan ang dalang bag nito. May kinuha itong mga notebook. Alam ni Virgel na mga bago ang mga ito dahil di naman yun ang mga notebook na na nakikita niyang ginagamit ni Claire pag nagsusulat sila.
“Ano yan?” Tanong ni Virgel.
“Mga notes to sa mga namiss mo sa lahat ng subjects.” Ngiting sagot nito bago nilagay sa lamesa ang mga ito. “Dito ko nalang ilalagay ah. Basahin mo nalang pag may oras ka at hindi na masakit yang kamay mo.”
“Sige, ibabalik ko nalang pag nakabalik na ako. Salamat ulit, Claire.”
“Wag na. Para sayo yan. Meron akong sariling notes. Sinulat ko nalang sa ibang notebook yung notes kasi kailangan ko din mag aral mamaya eh. May quiz kasi bukas heheh.”
“Sinulat mo lahat ng yan? Para sakin?” Takhang tanong nito.
“Hmm-mm” Tango tangong sagot nito habang nakangiti.
“Ba’t ang bait mo sakin?” Di maiwasang itanong ito ni Virgel. Matagal na niyang gustong malaman kung bat ganun nalang to kabait sakanya kaso nahihiya siya. Pero ngayon ay gusto na talaga niyang malaman.
Kita naman ang mejo pagkabigla sa mukha ni Claire sa tanong na yun. Pero nung makabawi ay ngumiti lang ito ng bahagya. “Syempre classmate kita.”
“Sila Kael, classmate mo din naman. Bakit sakin lang naiiba yung pakikitungo mo? Sobrang bait mo sakin.”
“Di ko din alam e.” Diretsang sagot nito. Bumaba ito ng tingin at tsaka ngumiti ng bahagya. “Ewan pero nakikita ko yung sarili ko sayo.” Dugtong nito na ikinalito ng utak ni Virgel.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Na tingin ko parehas lang tayo ng pinagdadaanan.”
“Hindi kita maintindihan, Claire.” Gulong usal niya. Ngumiti naman itong muli sakanya.
“Maiintindihan mo rin yung sinabi ko balang araw.” Makabuluhang sabi nito bago tumayo at tsaka yumuko. “Aalis na ako Virgel ah. Malapit na klase natin eh.” Paalam nito.
“Pagaling ka agad para makahabol kana sa klase. Tsaka ubusin mo lahat ng prutas na dinala ko ah. Heheh babyee.” Ngiting habilin nito habang kumakaway ng bahagya, si Virgel naman ay hindi padin nakabawi sa sinabi ni Claire sakanya.
“Sige. Ingat ka, Claire.” Sabi nalang niya kaya tuluyan ng lumabas ng silid si Claire. Habang siya naman ay di parin matanggal sa isipan ang sinabi nito.
Habang nakayukong naglalakad naman si Claire sa hallway ng hospital palabas ay saglit niyang nahagip ang nakasalubong niya na tumatakbo. Di na siya napansin nito dahil mukhang nagmamadali ito. “Agnes?” Nasabi nalang nito.
**
[Damian’s PoV]
Kakababa palang namin ng sasakyan ay nagkandarapa na agad tumakbo si Lady Agnes papasok sa ospital kung saan naka confined si Virgel. Napailing nalang ako.
Sinubukang ko siyang pigilan kanina dahil bilin sakin ng mga Virgo na wag ng palipitin pa si Agnes kay Virgel dahil baka may mangyari pang masama, pero nagpumilit ito ng husto. Umiyak pa ito sa harap ko. Kahit saglit lang daw. Kaya wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya.
Tatakbo narin sana ako para sundan si Agnes ng mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking parehas ng uniporme sakin na nakatambay sa labas ng ospital.
Tinignan ko siya para kilalanin kung sino ito at nung tumingin ito sakin, namukhaan ko agad ang pagmumukha nito.
“Anong tini tingin tingin mo?” Maangas na tanong nito. Ang sobrang angas at mayabang na kaklase namin. Si Baron.
Itatanong ko pa sana kung anong ginagawa niya dito pero agad kong naalala si Agnes. “Tangna.” Kailangan ko agad sundan yun at baka ano pang mangyari sakanya dun.
Tinakbo ko agad ang loob ng ospital. Pero sa pagkapasok na pagka pasok ko, nadatnan ko naman si Claire na naglalakad palabas. Ano ring ginagawa niya dito? Binisita ba niya si Virgel?
Ngumiti ito ng bahagya sakin ng magkasalubong kami bago binalik ang tingin sa dinadaanan niya. At ewan kung bakit ako huminto at sinundan siya ng tingin.
Pagkalabas niya ng ospital, nakita ko ang paglapit niya kay Baron. Nag usap pa ang dalawa saglit bago sabay na umalis.
Kung di ako nagkakamali, wala akong natatandaang nagpapansinan silang dalawa sa loob ng room.
Ano tong nakikita ko?
[3rd Person’s PoV]
Tahimik lamang na nakatingin si Virgel sa mga notebook na binigay sakanya ni Claire nang mabilis ulit na bumukas ang pintuan.
Pagtingin niya dun, isang babaeng hinihingal ang niluwa don. At nung tumingin ito sakanya, mabilis na nanlaki ang mga mata niya.
Tila bumalik ulit lahat sa alaala niya ang lahat ng nangyari nung gabing yun. Ang pagkikita nila, ang paghila nito sa hindi mataong lugar, at ang kasunod na mga pagsabog nito, ang pagkawasak ng mansyon, ang pagkasawi ng ama niya..
Tila nag rewind sa utak niya lahat ng pangyayaring yun nung makita niya ang pagmumukha ng anak ng may kagagawan ng lahat ng aksidenteng yun.
“VIRGEL!” Masiglang sigaw nito. Tatakbo na sana ito palapit sakanya nang kusang gumalaw ang kamay ni Virgel para abutin yung kutsilyo sa lamesa. Kusang napahinto ang mga paa ni Agnes nang makita niya kung pano siya tignan ng mga mata ni Virgel.
Nakadilat ito at parang wala sa katinuang nakatingin sakanya. “Anong ginagawa mo dito?” Mahinang tanong nito.
“Binisita ka heheh” Pilit na ngumiti ni Agnes kahit ang totoo ay nasisindak na ito sa mga tingin na ipinupukol sakanya ni Virgel. “M-may problema ba?” Di maiwasang itanong ito ng dalaga.
“Wala naman.” Ngumiti ito ng sobrang nakakakilabot. “Bat nanjan ka lang? Lumapit ka.” Utos nito habang nakangisi at sobrang dilat ng mga mata. Kita pa ni Agnes na ginalaaw galaw yung kutsilyong hawak nito.
Nung hindi sumunod si Agnes sa sinabi ni Virgel ay biglang napalitan ng sobrang galit na expresyon ang mukha nito “LUMAPIT KA SABI!!” Sigaw nito bago binwelo ang hawak niyang kutsilyo at tsaka mabilis na hinagis sa harapan ni Agnes.
Mabilis namang napatakip ng mata si Agnes dahil sa takot.
Pagtingin niyang muli, nandun na ang kamay ni Damian na nakasalo sa kutsilyo na sobrang lapit na sakanya. Kita niya pa kung pano tumulo yung dugo sa kamay ni Damian dahil sa sugat.
Tulala lang na nakatinign si Agnes sa kutsilyo. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya sa takot kaya tuluyan itong bumagsak.
Mabilis namang dumating sina Ish kasama sina Kael at iba pa dahil na narinig nilang sigaw. “Anong nangyayari dito?!” Takhang tanong ni Ish.
Mabilis namang lumuhod si Damian para tignan ang kalagayan ni Agnes “Ayos ka lang Lady Agnes?” Tanong nito pero yung tingin ni Agnes nandun kay Virgel na parang hindi makapaniwala sa nangyari.
“Ba’t nandito kayo? Anong bang sinabi ko sayo?” Tanong ni Asher kay Damian. “Diba sabi ko wag na kayong lumapit pa samin lalo na kay Virgel?”
“B-bakit?” Nagtutubig na ang mga mata ni Agnes “A-ano bang problema? Ano bang kasalanan ko? G-gusto ko lang naman bisitahin si Virgel. A-anong nangyayari?..” Tulalang tanong ni Agnes hanggang sa unti unti na ngang tumulo ang mga luha nito dahil sa bigat ng nararamdaman.
“Pagkatapos ko sa grupong yun, kayo ang isusunod ko.” Ngising usal ni Virgel habang straight lang na nakatingin kay Agnes. “Tatapusin ko kayo lahat. Isa isa. Wala akong ititira.” Lumawak pa ang ngiti nito na parang nasisiraan na kaya agad ng umaksyon sina Asher.
Tinayo niya si Agnes at tsaka pinagsabihan na ang dalawa. “Umalis na kayo. Bago pa tuluyang magwala tong isa.” Nang makita ni Asher ang patuloy na pag iyak ni Agnes ay mabilis niya itong hinarap sakanya at tsaka pinunasan ang mga luha nito.
“Wala kang kasalanan, Agnes.” Ngumiti ng bahagya si Asher sakanya. “Pero kailangang lumayo kana kay Virgel simula sa araw na ’to. Para sa kaligtasan mo, naintindihan mo?” Pinat niya ang ulo nito tapos ay tinignan si Damian at sininyasan na umalis na sila.
“Tayo na, Lady.” Inabot niya ang kamay ng dalaga at tsaka hinila paalis ng silid na yun.
Sa huling beses ay tinignan ni Agnes ang mukha ni Virgel at halos madurong nalang ang puso niya nung makita niya sa mga mata nito kung gano siya nito kagustong tapusin.
**
Nang tuluyan ng makaalis ang dalawa ay dahan dahan bumalik sa sarili si Virgel. Nakatingin lang ang lahat ng myembro sakanya. Hindi nila alam kung maaawa ba sila sa sitwasyon ng Boss nila ngayon o ano.
Dahan dahan tumingin sakanila si Virgel at bumalik na naman sa pagiging walang emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay humiga itong muli at tumagilid tsaka tinakpan ang sarili ng kumot.
Gusto man nilang kausapin ang Boss nila pero alam nilang hindi ito makakatulong sa ngayon. Kaya naman isa isa na ring nagsialisan ang mga ito at lumipat muli sa silid nila Maki para bigyan ng oras ang Boss nila.
“Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka, Boss. Nasa kabila lang kami.” Sabi pa ni Elsa bago umalis.
**
Nang tumahimik na ang silid, inalis ni Virgel ang kumot na nakatabon at tsaka tuminigng muli sa pintuan.
Pero laking gulat nalang niya nang makita niyang nagpaiwan ang isang myembro at mataman lang itong nakatingin sakanya.
Lagi nalang niya itong ginagawa. Sa tuwing nag aalisan ang iba, siya lang yung nagpapaiwan at pagkatapos ay titignan siya nito ng mataman.
“Wag mo sanang paabutin yung puntong wala ng papanig sayo, Virgel.” Sobrang tagal na nung huli siyang tinawag sa sarili nitong pangalan.
“Wala akong pakialam.” Sagot lang ng Boss bago tumagilid ulit ng posisyon. “Hindi ko kayo kailangan.” Dugtong pa nito.
“Pero wag kang mag alala, ewan ka man nilang lahat, mananatili akong papanig sayo. Kahit ipagtabuyan mo pa ako. Hindi sa dahil Boss kita..” Tumahimik pa ito saglit at hinintay lang ni Virgel ang idudugtong nito.
“Kundi dahil matalik kitang kaibigan.” Dugtong nito bago tuluyang umalis at sinara ang pinto.
Ngayon ay sobrang tahimik na ng silid, pero tila nag eecho parin sa tenga niya yung mga katagang huling narinig niya–dahilan para mapakagat siya sa sariling labi sa sobrang inis.
VENDETTA’S HIDEOUT
“Diba kami lang ang kailangan niyo? Bakit niyo pa sinama ang kapatid namin?”
“Ehh, wag kana magalit. Magpasalamat ka pa nga dahil magkakasama na kayong muli hindi ba?”
Dalawang boses na nagtatalo ang gumising kay Mabus. Dahan dahan nitong binukas ang mga mata at ang una niyang nasilayan ay isang doctor na may katabaaan na nakangising nakatingin sakanya. “Oh gising na siyaaa. Tamang tama.” Masayang usal nito.
Hina hina niyang tinignan ang sarili niya. Nakagapos siya sa isang upuan ngayon. “Mabus! Ayos ka lang?!” Nilingon niya ang nasa kaliwa niya.
“K-kuya Loron.” Tapos ay sa kanan naman “Kuya Hister.” Pilit nitong inalala kung ano ang huling nangyari pero sumakit lang ang ulo niya. “Arghh”!
“Wag kang mag alala, doctor ako. Ginamot ko na ang mga sugat niya kaya magaling na ulit siya. Isa yan sa dapat mong ipagpasalamat sakin.” Ngising sagot ni Doctor Manuel.
“Anong nangyayari?” Hinang hina na sambit ni Mabus.
“Tsaka na natin yan pag usapan pag dumating na ang taong interasong interasado sainyo. Ang taong nag alok sakin ng milyones para lang sainyo.” Inayos ng doctor ang suot nitong salamin at tsaka napatingin sa pintuang kakabukas lang. “Oh anjan na pala e.”
Pati ang anim na Vendetta na nasa gilid lang na nakatayo ay di narin makapag hintay sa taong nasa ilalim ng pagdukot na ginawa nila.
“Magaling talaga yang mga alaga mo Doctor Manuel. Dalawa lang ang pinadukot ko pero may sinama pa silang tingin ko ay mapapakinabangan ko rin ng husto.” Bungad nito habang naglalakad palapit sa doctor.
“Naman!”
Dilaw ang buhok, may suot na shades, matangos na ilong, may katangkaran at sobrang puti ng kutis. Kung iisipin mo para itong may lahing banyaga dahil sa mistisong itsura nito. Nasa may mid 20’s na ang edad nito. At may isang hikaw na itim sa kanang tenga.
Lumapit ito sa tatlong nakaupo at nakagapos bago tinanggal ang shades at isa isang tinignan ang mga ito.
“Alam kong walang nakakakilala sakin dito.” Panimula nito. “Ako si Uranus Emnacin . At oo, sa mga nakakakilala sa ama ko, ako nga ang anak ni Theodore Emnacin. At ako na ngayon ang bagong namumuno sa Emnacin Family.” Pakilala nito sa lahat.
Kung ganun ang Emnacin Mafia pala ang nag utos ng lahat ng ’to. Isip isip ni Jill
Bakas sa iba ang pagkagulat, lalo na kay Mabus. Walang nakakaalam bukod sakanya na isa siya sa inutusan ni Virgel na tapusin ang buhay ng ama nito. “At kaya ko kayo pinadukot dahil plano kung pabagsakin ang Virgo Mafia, na pamumuno ng hayop na Virgel na yun. Tama, andito ako para ipaghiganti ang pagkamatay ng ama ko. At sinusumpa ko, babagsak ang pamilya Virgo na yan sa kamay ko mismo.”
“Simula sa araw na ’to, muli kong bubuhayin ang grupo niyong Ardanos. Bigyan niyo lang ako ng panahon, ako na mismo ang magpapalakas sainyo.”
-To be continued.
(A/N: Tuluyan na nga bang kamumuhian ni Virgel habang buhay si Agnes matapos ang nangyari sa ama niya? Ano bang ibig sabihin ni Claire dun sa mga sinabi niya? At anong hakbang na nga ba ang gagawin ng Emnacin Family gayung nakuha na ni Uranus ang gusto niya? Abangan nalang natin sa mga susunod pang episodes. Thank you sa mga compliments niyo guys hahaha seryoso nakaka motivate magsulat pag nababasa ko yung mga message niyo. Thank you~ kitakits nalang tayo sa susunod ah? Adios~ :)
-Emnacinn
Episode 32 : Her Last Request
Episode 32 : Her Last Request
(A/N Mga 20 episodes nalang siguro ang natitira at matatapos ko na tong season 2 hahaha at oo, may season 3 pa nito. At mahahanap niyo sa episode na’to yung magiging plot ng buong season na yun hahahah alamin niyo nalang)
(Sorry sa typos, di ko pa to na double check. Hahaha edit ko nalang maya)
(ENA GSW OH! PUSTAHAN NA DALI! HAHAHAHA)
4 Days Later
[Maki Puma’s PoV]
“Ayan pagising na ata.”
Bigla akong naalimpungutan dahil parang naiinitan yung katawan ko. Tapos parang lumiliwanag pa sa harap ko. Isama mo pa yung mga boses na nagsasalita sa paligid ko.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang una kong nasilayan ay isang babae na nakatingin sakin. Nagliliwanag ng husto yung paligid niya. Sobrang aliwalas ng mukha ng nasa harap ko na para bang–
anghel ba tong nakikita ko?
“Nasa langit na ba ako?” Naibulong ko nalang sa sarili. At dun narinig ko ang mahinang tawa ng mga pamilyar na boses.
Nang tuluyan akong mahimasmasan, tsaka ko lang napagtanto kung sino tong nasa harapan ko.
“Ma’am E-elsa?” Utal kong tanong. Pagtingin ko sa likuran niya ay andun si Sir. Hell. Sobrang talim ng tingin sakin.
P-patay..T__T
“Kumusta na pakiramdam mo, Maki?” Ngiting tanong ni ma’am Elsa sakin. Tsaka lang nag sink in sa utak ko kung nasan ako ngayon.
Ba’t nasa ospital ako?
Saglit akong napaisip sa huling natatandaan ko. At ang unang pumasok sa utak ko ay ang pagkikipaglaban namin dun isang Vendetta tapos..dumating si…
“Si Boss?!” Napalakas ata ang pagkakatanong ko kaya kumirot bigla yung kanang dibdib ko. Tsaka ko lang napagtantong may sugat pala ako dito.
“Easy lang. Ligtas si Boss.” Sagot naman ni Ish na nasa gilid nakaupo malapit sa isa pang higaan. Pagtingin ko sa nakaupo sa higaan na yun ay nandun si Lily, nakasuot din ng pang ospital habang nakangiti sakin.
Kung ganun ligtas lang ang lahat?
Gumaan bigla ang pakiramdam ko nang makita ko silang buhay. Buti nalang.
“Kung ganun panalo tayo?” Tanong ko kila Ish. Tumango naman ito kaya unti unting kumurba yung ngiti ko.
Nanalo kami..
Natalo namin ang–
Bigla akong natigilan nang may isang bagay akong maalala.
Tinignan ko saglit si Ish. Tumatawa ito ng bahagya habang kausap si Lily.
“May problema ba, Maki?” Tanong naman ni Elsa. Napansin niya atang natigilan ako.
Hindi ito yung totoong misyon namin..
“Sundan mo sina Ish, tulungan mo sina Lily na iuwi si Benz dito.
“S-si Sir. Benz..” Mahina kong bulong sabay tingin sakanila. “Naiuwi na ba natin si Sir. Benz?” Tanong ko na naging dahilan ng biglang pagtigil ng tawa ni Ish.
“Kinalulungkot ko pero pinili ni Benz na hindi sumama sainyo pabalik.” Pati si Elsa ay biglang lumungkot yung mukha.
N-nabigo kami sa misyon namin?
Hindi namin naibalik si Sir. Benz..
at isa pa..
“Pag nagtagumpay tayong maibalik si Benz, magiging isa ka na sa taga bantay ng Boss natin, pangako yan.”
yung pangarap ko..
sinayang ko yung pagkakataon.
Tulala lang akong nakatingin sa kawalan nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Niluwa dun sina Sir. Asher, Elfred at Felix na may dala dalang mga pagkain at prutas. “Tahimik ah? Para kayong namatayan jan.” Wika ni Sir Asher habang nilalapag yung mga dala niya.
“Pero wag kang mag alala, Maki.” Narinig kong nagsalitang muli si Sir Ish kaya napalingon kami sakanya. Tumayo ito sa pagkakaupo at tsaka lumapit sakin. At nagulat nalang ako nang maglahad ito ng kamay sakin.
Pagtingin ko sa mukha niya ay nakangiti ito sakin. “Pasado kana. Isasali kana namin bilang bagong kasapi ng tagabantay ni Boss.”
…..
……
………….
Hindi ko alam kung ilang segundo akong napanganga dahil sa sinabi ni Ish. A-ano daw??
“Naaaks, congrats Makiboy.” Dagdag pa ni Sir Asher na nagpabalik sa ulirat ko.
“S-sigurado ba kayo sa sinasabi niyo Sir. Ish?” Di makapaniwalang tanong ko.
“Nakita ko sa labanan kung pano ka kadesididong protektahan ang Boss natin. Na kahit maski sarili mong buhay ay di mo na pinag isipang isakrapisyo para lang sa kaligtasan niya. Hindi man tayo nagtagumpay sa misyon natin, inaamin kong napahanga mo ako sa pagiging determinado mo.” Kinuha ni Ish ang kamay ko at tsaka ikinamay sa kamay niya. Di ko alam pero bigla nalang parang humapdi yung mga mata ko. “Kaya napag decisyon namin, hindi lang ako kundi pati sakanila na gawin kana naming bagong myembro ng tagapag bantay ni Boss.”
Tinignan ko sila isa isa, nakangiti silang lahat sakin pwera kay Sir Hell
P-pasado ako?
Nananaginip lang ba ako?
“Hala iiyak na yaaan hahahahaha” Pang aasar pa ni Asher kaya di ko na tuloy napigilan ang sarili ko maiyak. “HAHAHAHAHA huta umiyak nga.”
“Gago ikaw kasi.” -Elfred
Wala na akong pake sa pang aasar nila, napahagulhol nalang ako dito sa kinauupuan ko dahil sa sobrang saya.
“S-salamat po..” Tanging nasambit ko nalang habang pinupunasan yung sipon at pisngi ko. Nakakahiya sakanila. P-pero..Pero ang saya ko lang kasiii T_____T
“Simula ngayon ikaw na ang papalit sa pwesto ni Benz.” Sabi pa ni Ish kaya napatigil ako sa pagdadrama at napatingin ulit kami sakanya. Kahit nakangiti man siya ay ramdam mo parin na parang may mali.
Tumalikod nalang ito bigla “Haaaay ang init dito. Magpapahangin lang ako sa labas.” Natatawang sabi nito bago binuksan ang pintuan at tsaka lumabas.
“Ayos lang ba yun?” -Asher
Sir Ish..
[3rd Person’s PoV]
–School–
“Virgel, buti nakabalik kana.”
“Ui Virgel, kumusta kana? Magaling na ba mga sugat mo?”
Pagkapasok na pagpasok palang nina Kael at Virgel sa kanilang room ay sinalubong na agad sila ng mga classmates nila ng mga pagbati at tanong. Kaso ni isa ay wala man lang pinansin si Virgel at dire diretso lang itong pumunta sa upuan niya.
“Ay ba’t hindi na namamansin?”
“Bakit parang ang sungit sungit na niya?”
“Ewan, baka epekto ng pagka bangga niya. Nabagok ata yung ulo.”
Nilingon naman ni Virgel ang tatlong babaeng kaklase niya na narinig niyang nagbubulungan. Tinignan niya ang mga ito dahilan para dali daling magsibalikan sa upuan ang mga ito.
“Ang lakas kasi ng boses mo!”
“Hi, Virgel.” Isang mahinhing bati naman agad ang natanggap ni Virgel sa seatmate niya habang nakangiti pa.
“Di mo na ba talaga kailangan yung mga notebook?” Tanong nalang niya dahil di niya kayang bumati pabalik. Umiling naman ito. “Di na, pag aralan mo nalang yun.” Ngiting sagot nito.
“Sige, salamat.”
“Kumusta kana? Nagagalaw mo na ba yang mga kamay mo?” Tanong ng dalaga. Saglit namang ginalaw galaw ni Virgel ang kaliwang kamay niya.
“Siguro.” Sagot niya dahil mejo di na ito kumikirot pag ginagalaw tulad nung huling pagkikita nila.
“Mabuti naman.”
Di nagtagal ay nag ring na rin ang bell. Dumating nalang ang teacher nila pero di padin mahagilap ni Virgel si Damian. Malamang ay absent ito ngayon.
At tuluyan na ngang nagsimula ang klase pagkatapos..
“Siguro mga nasa 98% na ng stadium ay tapos na, Don. Konting konti nalang.” Kasalukuyang nasa harapan ngayon si Marcelo kasama sina Ikram at Dylan sa isang napakalaking stadium na malapit ng matapos.
“Hmm.” Tinignan saglit ni Celo ang harapan ng Stadium kung saan nakaukit na dun ang mga salitang ‘Martins Battle Arena’
“Pangit no? Tingin niyo?” Tanong nito sa dalawang alagad niya.
“Okay lang naman, Don.” Sagot ni Dylan.
“Hinde e. Parang gusto kong palitan.” Napahawak ito sa baba niya para mag isip ng magandang ipapalit.
“Ba’t di nalang Celo Battle Arena? o pwede ring Powerful Marcelo Battle Arena? Tingin niyo?”
“Pasensya na pero kumorny lang lalo, Don.” Natatawang sagot ni Dylan.
“Ganun ba? Hmm” Muli itong napatingin sa pangalan ng arena. “Pag iisipan ko nalang muna kung anong ipapalit ko jan”
“Tingin mo papatok kaya tong plano mo, Don?” Biglang tanong ni Ikram na nakatingin rin sa malaking stadium.
“Limpak limpak na pera ang makukuha ko sa plano kong to.” Ngising sagot ng matanda. “Malaki ang parte niyo sa plano ko kaya magpalakas kayo ng husto. Gusto kong tayo mismo ang manalo sa sarili nating palaro.”
“Hindi namin kayo bibiguin, Don.” -Dylan
“Gooood. Tara na.”
Tanghalian na kaya tinanong ni Kael si Virgel pagkalabas na pagkalabas nila sa room kung anong gusto nitong bilhin dahil siya nalang ang pupunta sa canteen.
“Boss anong gusto mo? Sa rooftop ka nalang maghintay, ako na ang bibi–”
“Di na.” Putol nito habang tuloy lang na sumunod sakanya pababa.
“Osige sabay na tayo.”
Nakapamulsa lamang na naglalakad si Virgel kasunod ni Kael nang may di sinasadyang nasagi ang paa niya na isa pang paa at tuluyang natapilok ang may ari nito.
“Tang!” Mejo siksikan na kasi ang mga studyante kaya aksidente itong nasagi ni Virgel. Isang malaking damulag na taga last section ang may ari ng paa na yun. Muntik na itong masubsub sa lupa kaya galit na galit itong napalingon sa may gawa ng pagkatapilok niya. “SINO YUN?!!” Singhal pa nito habang nag aalburuto na yung ilong sa galit. Lalo pa’t pinagtatawanan ito ng ibang studyante.
Nangwelyo naman ito ng isang lalaking studyante na nahuli niyang tumatawa at tsaka ito itinaas. “PINAGTATAWANAN MO AKO?! KILALA MO BA KUNG SINO AKO?!”
“H-hindi Gaston..I-ibaba mo na ako.” Pagmamakaawa nito.
“ITURO MO SAKIN ANG SUMAGI SA PAA KO!!” Singhal nitong muli kaya dali daling tinuro nung lalaki si Virgel na ngayon ay tuluyan nang nakapasok sa canteen.
Binagsak ng malakas ni Gaston ang lalaking yun at tsaka galit na galit na nakatingin kay Virgel. “Magbabayad ka sa ginawa mo.” Galit na galit na usal nito bago dali daling naglakad papunta sa canteen.
**
Habang kasalukuyan namang lumilinya sina Virgel sa may counter ay malakas na bumukas ang pintuan–dahilan para magulat at mapatili yung mga studyante sa loob.
“HOY IKAW!!” Sobrang laki ng boses nito kaya rinig na rinig ito sa buong canteen. Narinig iyon nila Kael pero di na sila nag abalang lumingon pa. “AYAW MO MAKINIG AH..” Tumakbo ito palapit kay Virgel kaya yung mga nakalinyang kasunod niya ay nagsialisan dahil sa takot.
“TIKMAN MO ANG KAMAO KOO!!” Umatake ito ng suntok mula sa likuran. Naramdaman naman yun ni Virgel kaya bago pa man ito tumama sakanya ay nakaiwas na ang ulo niya. “PAANONG!” at dahil nakapamulsa ang dalawang kamay ni Virgel, gamit nalang ang paa niya ay mabilis niyang sinipa ang paanan ni Gaston dahilan para ma out balance ito at matumbang muli.
Humarap si Virgel sakanya at tsaka malakas na inapakan ang tiyan nito “ARRGH!!” At tsaka diniinan pa lalo. Napatingin naman saglit si Gaston sa harapan niya. Sobrang angas nito tignan dahil nakaapak ito sakanya habang nakapamulsa lang. Tapos sobrang talim pa itong nakatingin sakanya.
Para itong nakakita ng halimaw na nakaapak sa buong kaluluwa niya. “M-mama..” Nasambit nalang niya sa sobrang takot.
Agad naman rumisponde yung ibang kakilala ni Gaston at umatake rin sa likuran ni Virgel “Arrghhhh!” Bago pa man dumampi ang kamao nung isa ay inalis ni Virgel ang isang kamay nito na naka pamulsa tapos ay kinuha yung isang tray sa may lamesa at tsaka umikot at hinampas ito sa ulo nung umatake. Nahati pa sa dalawa yung tray sa lakas ng pagkaka hampas nito.
Mabilis na napagulong sa sahig yung isa habang malakas na napahawak sa ulo nyang natamaan.
Meron pang dalawa ang nagtangkang sumugod kay Virgel sa harapan, nakita ni Virgel ang isang bangko sa gilid niya kaya gamit ang paa niya, inangat niya ito at tsaka hinawakan pagkatapos ay umikot ng isang beses bago malakas na tinapon sa dalawang papalapit sakanya. Nabasag ang upuan na yun sa lakas ng pagkakatama sa katawan ng dalawa.
Saglit namang napadaing si Virgel nung biglang kumirot ang sugat nito sa kaliwang dibdib niya. Marahil ay napagamit siya ng kaonteng lakas kaya kumirot.
“Napatumba niya si Gaston at ang mga kasama nito gamit ang isang kamay lang?!”
“Ang lakas niya!”
“Sino ba yan? OMG Ang cool niyaaa!”
“Siya ata yung Virgel na kaklase ni Baby Damian. Gosh wag mo ako agawan! Akin rin yan!”
“Crush ko na siya beess!”
“Yung panty ko nalaglag beees! shet!”
Sobrang ingay ng ibang studyante ngayon sa loob habang tinitignan ang nakatayong si Virgel na pinagitnaan ng apat na mga dambuhalang taga last section na nakabulagta. Yung iba ay napaptili na sa kilig habang yung ibang lalaki ay manghang mangha sa nakita nila.
Hanggang sa..
PPRRTTT!!
Mabilis na pumasok ang dalawang guard ng skwelahan at ang principal na galit na galit. “Anong kaguluhan to?!!”
“Kelan pa kayo tinuruan sa school na makipag basag ulo?!” Nasa detention room na ngayon sina Virgel, ang principal at ang apat na dambuhala para pag usapan ang nangyari.
“Eehh ma’am! Siya lang poo! W-wala po kaming kinalaman! Bigla nalang niya kaming binugbog! Oh tignan niyo mga sugat namin oh” Mabilis namang pinakita ng iba yung mga sugat sugat sa katawan nila. Lalo na yung dalawang tinamaan ng kahoy na bangko.
“Maraming nakakita! Ikaw daw ang unang nagwala sa canteen, Gaston! Ikaw bata ka hindi kana talaga nagtitino eh!”
“E-eh ma’am! P-pero!”
“Tahimik! Dito kayo sa detention room hanggang uwian mamayang hapon.”
“Pero ma’am wala pa kaming kain–
kkrrrrrrr
gutom na gutom na kami oh“
“Do I look like I care?” Mataray na ganti ng principal habang nakataas pa ang kilay.
Nang walang umimik ay tuluyan na itong umalis at iniwan sila sa loob.
Magkahiwalay silang nakaupo ngayon. Nasa kanan si Virgel habang ang apat naman ay nasa kaliwa. At ang mas masaklap pa, magkaharap pa ang mga ito.
Naka de kwatro lang ng upo si Virgel habang walang emosyong nakatingin sa apat–bagay na ikinataas lalo ng bp ni Gaston “Yabang yabang talaga nito! Upakan niyo nga!” Utos niya sa mga kasama nito–pero mabilis rin nakatanggap ng batok sa mga ito. “Di ka pa nagtino eh ah. Lakas mo magwala kanina tapos wala ka pala. Nadamay pa kami sayong hayop ka. Ikaw yung bugbugin namin dito eh.”
Nalugmok naman si Gaston sa pagbabanta ng mga kasamahan niya. “To amern. Di na mabiro :<”
Gumalaw bigla ang upuan ni Virgel dahil humarap ito sa direksyon kaya halos atakihin naman sa puso ang apat dahil sa takot “AAHHH!! Ay..” Nagyayakapan pa ang mga ito sa takot e. “Shet, trauma na ata me.” Nasabi nalang nung isa habang hinihingal dahil sa kaba.
5pm
Nang mag ring ang bell para uwian, nagkandarapa agad ng takbo ang apat na lalaki palabas ng detention room “WAAAAHHH! FINALLY!”
Habang si Virgel ay mahinahon lang na tumayo at tsaka lumabas sa room.
Pagkalabas naman niya ay nakita niya si Kael na nag aabang na sakanya.
“Boss.” Tawag nito. “Gusto makipag usap ni Agnes sayo.” Nang marinig niya ang pangalang yun ay tinuloy na ulit niya ang paglalakad at nilampasan si Kael.
“Boss sandali, kahit ngayon lang daw, pagbigyan mo siya.” Pakiusap nito pero parang walang naririnig si Virgel.
“Aalis na ata siya.”
at dun, saglit siyang napahinto.
“Pagbigyan mo na, simula nung nangyari sa ospital, hindi na siya ulit pumasok pa. Ngayon lang ulit siya nagpakita sa loob ng apat na araw. Sige na Boss. Ako na ang nakikiusap. Pagbigyan mo na siya kahit sa huling pakiusap niya lang.” Pagmamakaawa nito
**
Tahimik lamang na nakatingin sa baba si Virgel nitong rooftop. Pinagmamasdan nito ang mga iilang studyante na papalabas na ng skwelahan. Malapit ng gumabi, nagkukulay kahel na ang kalangitan. Palubog na ang araw, palamig na ang simoy ng hangin.
Dalawang apak ng mga paa..
tatlo..apat..hanggang sa tuluyan itong huminto.
Lilingon na sana si Virgel pero–
“Huwag kana lumingon.” Rinig niyang pigil nito. “Huwag ka ng mag abala pang tignan ako.” Narinig niya pa itong mejo natawa “Baka magwala kana naman eh.”
Matapos yun ay saglit na tumahimik ang buong paligid.
Walang planong magsalita ni Virgel kaya si Agnes na mismo ang bumasag “Alam ko na ang lahat. Nasabi na sakin ni Damdam. Kaya pala ganun ka nalang kagalit sakin.” Kahit mejo malayo ito sa kinatatayuan niya, ramdam niya ang bawat malalalalim na paghinga nito.
“Patawad. Patawad nung gabing yun. Oo ama ko nga ang may pakana ng nangyari..p-pero..pero maniwala ka, hindi ko alam. Wala akong kinalaman. Hindi yun set up na ilayo kita sa ama mo nung gabing yun gaya ng iniisip mo. Wala akong alam, Virgel. “ Narinig pa niya ang pagpiyok ng boses nito. Pero di padin ito nagpakita ng emosyon.
“Maniwala ka sana sakin. Hindi ko ginusto ang nangyari. Nilayo kita nung gabing yun kasi may gusto akong sabihin sayo. May gusto akong aminin bukod sa kung sino ako at ang pamilya ko.” Di man niya ito tinitignan, alam niyang umiiyak na ito sa puntong ’to. “Gusto ko lang sabihin sayo nung gabi yun na..na gusto kita. Na gusto kita, Virgel.”
“Nag uumpisa ng manginig ang kalamnan ko.” Sa lahat ng sinabi ni Agnes, isang malamig na boses lang ang narinig niyang ganti mula sa binata. “Kung gusto mo pang mabuhay,
umalis kana.“ Dugtong pa nito.
Napapikit nalang si Agnes dahil pakiramdam niya parang ilang beses sinaksak ang puso niya sa mga sinabi ng taong gusto niya..ng taong mahal niya.
“Oo. Aalis na ako, at pangako..” Dahan dahan itong tumalikod kasabay ng pagtulo ng huling butil ng luha niya. “Di na ako babalik pa sa buhay mo.”
“Paalam, Virgel.” Napatakip nalang ito sa bibig niya at tsaka dali dali tumakbo pababa ng hagdan.
Tumahimik muli ang paligid matapos ang pag uusap na yun.
“Nicolaas! Kyaaah tulungan mo ako!”
“Oo ikaw nga Nicolas! Anung klaseng boyfriend ka? Tulungan mo na ako dali!”
–
“HAHAHAHA!! Parang kang baliw jan sa ginagawa mo Andres HAHAHAHA!”
“Tigilan mo nanga ako jan sa pagtawag sa’kin ng iba’t ibang lumang pangalan na’yan Miss! Hindi ako si Nicolas, Simon at Andres!”
“HAHAHAHA oo na Tiborcio.”
“ROBERTOOOOO!!”
“Patulong naman ooh~ Bukas na namin yan ipapass at di pa ako nakakapagsimula T___T”
—
“Oh tamo, galit ka Pat eh T__T”
“Hindi ako galit, Solidad”
Napatingala nalang si Virgel at matamlay na napatingin sa kalangitan.
“Ba’t kailangan mo akong parusahan ng ganito?” Naitanong nalang niya.
-Martin’s Mansion-
“Jiiiin” Kumurba ang ngiti sa labi ni Don ng makita niya ang matanda na nakaupo lang sa gilid dito sa tinatambayan nila Ikram at iba pang mga tauhan niya. “Baka iniisip mong nakakalimutan ko na yung usapan natin.”
“E-eh..h-humahanap palang ako ng tsempo.” Depensa naman nito.
“Ilang linggo ka ng naghahanap ah, sige ka baka mainip ako.”
“Sabihin mo lang, Don.” Ngumisi pa si Dante sa gilid habang tinitignan si Jin na halatang natatakot na. Nung malaman niyang namatay na si Vonzo sa kamay ng mga taong nakapaligid sakanya ay nakakaramdam na siya ng takot sa mga presensya ng mga ’to.
“T-tatlong araw. Bigyan niyo ako ng tatlong araw. M-maliligpit ko din ang Benjamin na yun.”
“Hmmm. Tatlong araw lang ah? At kapag lumagpas kaa” Tinuro pa ni Celo ang hintuturo nito kay Jin at tsaka kunwaring ipinutok “Bang!”
“Ah Don, si Damian tumatawag. Gusto daw kayong makausap.” Usal ni Sin sabay lahad kay Celo ng cellphone niya.
Kinuha naman niya ito at tsaka tinapat sa tenga. At ang mga narinig niya ang unti unting kumurba ulit ng mga ngisi niya.
“Don, sasama na si Lady Agnes sakin pauwi jan sa Mansyon.”
-To be continued
-Emnacinn
Episode 33 : Nightmares
Episode 33 : Nightmares
Patingin po sa media. Young version of Loda, Morpheus and Jill
[3rd Person’s PoV]
Matapos ang ilang araw na pamamalagi nina Maki at Lily sa ospital, sawakas ay makakalabas na rin ang mga ito. Pero gayunpaman, di padin sila masyado magaling kaya kailangan parin nila ng mahabang pahinga.
At ngayon ay pauwi na nga ang mga ito sa Palasyo ng Virgo–kung saan iilang mga myembro na ang naka abang sa pagbalik nila.
“Totoo ba yung balita? Taga protekta na din daw si Maki ngayon ng Boss!”
“Yung batang sastre?”
“Di naman nag nagtatahi yun gago.”
“Daming karayom na dala e hahahaha kulang nalang bigyan mo ng sinulid at tela.”
Rinig ni Gordon sa gilid niya ang usapan ng mga ibang myembro. Napabuntong hininga nalang siya. Pati siya ay di rin makapaniwala sa balitang nalaman nila. Binata palang siya yun na ang pangarap niyang posisyon, ang maging isa sa tagapag bantay ng isang Boss ng Virgo. Sa panahon ni Vlad hindi siya nabigyan ng pagkakataon, pati sa panahon ng anak nito ay wala na rin talagang pag asa. Lumilipas na ang panahon, tumatanda na siya, at mukhang hanggang pangarap nalang ata talaga para sa kanya ang bagay na yun.
Tapos ngayon maririnig niya nalang na ang malapit sakanya na pinakabatang kasamahan nila ay nagawa ang pangarap niya.
“Swerteng bata.” Naibulong nalang nito habang nakangiti.
Maya maya pa ay dumating na nga ang sinasakyan nina Maki at huminto sa tapat nila Gordon.
Nang bumukas naman ang pintuan nito ay nagulat nalang ang lahat nang may biglang tumalon don at tsaka nag superhero landing pa kahit may benda yung isang balikat niya.
“Wooaahhh” Manghang reaksyon ng iilang myembro.
Ngumiti ito at tsaka tumayo sa harap nila at tsaka tinaas ang kamay at kinuyom pa. “EEYYOOOWWW!” Sigaw nito with feelings sabay pikit pa ng mga mata. “Meron akong ibabalita sainyo mga mahal kong kasama.” Umpisa nito. Tapos ay unti unti itong nag smirk kasi feeling niya ang cool niya talaga sa mga oras na ’to.
Tinuro niya ang sarili niya at tsaka angas na binukas ang mga mata “TAGAPAG BANTAY NA AKO NG BOSS!! HAHAHAHAHHAHAH! ANO KAYO AHH?? ANG GALING KO DIBA? HAHAHAHAHAHA!!” Pagmamayabang nito habang sobrang lakas pa ng halakhak. Di niya alam na may nakatayo na pala sa likuran nya na parang papatayin na siya sa sobrang sama ng tingin.
“SIGURO NAIINGGIT NA KAYO SAKIN NOOH?? BELAT NIYO! HAHAHAHAHAHA” Patuloy lang ito sa pagtawa nang biglang may humawak sa may balikat niya at….
CRAAAKK!!
“AA—ARRAAAAAAAAYYYYYYY!!!!” Napahiga si Maki sa sobrang sakit ng pagkakapisil sa balikat niyang may benda pa. “ARAAAAY T_____T”
“Ingay mo eh haaa. Gusto mo bawiin ko yung sinabi ko?” Usal ni Ish habang nakatingin kay Maki at ugat ugat na yung noo.
“Di naaaa :< nag aano lang naman ako iihhhh :< Nag share lang ng balita :<” Maiyak iyak pa na sagot nito habang hawak hawak padin ang balikat niya. Parang may nabali pa ata na buto niya e.
Kasunod namang bumaba si Lily na inalalayan ni Ish tapos ay sina Hell at Elsa.
“Di niyo ba kasama sina Asher, Ish?” Tanong ni Gordon.
“Ah pasunod na ho yun. Nasa isang sasakyan yung tatlo.” Sagot nito bago tuluyang pumasok.
“Sina Virgel at Kael po, Manong Gordon?” Tanong naman ni Elsa.
“Nasa paaralan nila.” Ngiting sagot nito.
“Wala bang kakaibang ginawa si Boss dito habang wala kami?”
“Wala naman bukod sa hindi kami pinapansin lahat.” Napakamot sa ulo ang matanda habang natatawa.
“Mabuti naman kung ganun. Sige ho papasok na kami.” Ngiting usal ni Elsa. Tinignan naman saglit ni Hell si Maki na nakadapa pa dahil sa sakit.
“Hoy, kunin mo yung mga gamit dun sa sasakyan.” Utos ni Hell kaya halos maiyak na talaga si Maki. “H-haaaa?? Bat ako? T__T Kita mo na nga oohhh~ Injured ako Sir Hell. Di ko kay–”
“Nagrereklamo ka?” Galit na tanong nito. Ilang araw na ang makalipas pero di padin mawala sa isip ni Hell yung tingin na ipinukol ni Maki kay Elsa nung magising ito. Napaka seloso talaga.
Agad namang napatayo si Maki dahil sa tingin ni Hell. “H-hindeee~ S-sabi ko nga kukunin ko na eh hehehehe.” Hilaw na ngising sagot nito.
Tuluyan namang sumunod si Hell sa loob pagkatapos.
Nang sila nalang ang maiwan, agad tinuro ni Maki ang mga kasamahan nito. “KAYO! TAGA BANTAY NA AKO KAYA AKO NA ANG MASUSUNOD DITO! KAYA NAMAN INUUTUSAN KO KAYONG KU–H-HOOY! SAN KAYO PUPUNTA?!” Pano, nagsialisan na din kasi ang mga ito na para bang wala lang sakanila ang mga sinasabi ni Maki
“Ulok mo, bilisan mo munang lumaki bago mo kami utusan.”
“Hahahahaha hampasin kita ng tela jan e.”
Rinig lang niya sa mga ito. “ABAAAA?!! HOOOOY Balik kayo :<” Nalugmok nalang ito at napayuko kasi iniwan na siya ng mga ito.
“Masaya ba?” Ang akala niya umalis na lahat pero nagpaiwan pa pala ang pinaka malapit sakanyang kasamahan dito. Ang nagsisilbe na nitong tatay tatayan niya.
“OO NAMAN!” Masiglang sagot nito. Kahit kailan itong matanda lang talaga ang nakakaintindi sakanya. “Kasi alam mo yun?? Matagal ko na tong pangarap eh. Alam mo naman yun diba? Lagi naman kitang sinasabihan tungkol dito diba? Na maging taga bantay ng Boss ang isa sa pangarap ko sa buhay! At nangyari na nga! Nagbunga na rin lahat ng paghihirap ko! Happy mats ako tandaa :<”
Ngumiti naman si Gordon sa mga narinig niya dito “Masaya ako at natupad mo narin yang gusto mo.” Usal nito. Ngumisi rin naman si Maki sakanya ng nakakaloko.
“KAYA IKAAAW!” Tapos ay tinuro niya agad ito. “INUUTUSAN KITANG KUNIN ANG MGA GAMIT SA SASAKYAN AT DALHIN SA LOOB!” Ngising utos nito. Lumapit naman si Gordon sakanya ng nakangiti–yung ngiting di mo alam kung masaya ba o galit. Tapos ay hinawakan ang balikat niya at tsaka tinapik tapik.
“T-teka bat jan ka nakahawak sa..wooy..w-wag…waaagg tanda”
^_________^
- Gordon
“TANDAAAAAAA!!”
CRAAKK!!*
*AAARRRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYH!!!
Habang tahimik naman na nakasakay sina Asher, Felix at Elfred dito sa isang sasakyan, binasag saglit ito ni Asher kasi nabobored na ito sa byahe.
“So pati si Trace kinuha narin nila.” Umpisa niya.
“Wala na tayong kinalaman dun. Tumiwalag siya satin bago nangyari ang pagdukot kaya labas na tayo jan.” Nakapikit na sagot ni Felix sa isang upuan.
“Adik to, syempre may pake parin tayo kasi ilang taon nating naging kasama yun.” Singit naman ni Elfred. “Ano naman kaya ang rason ng Vendetta na yun at dinukot pati si Trace?” Pahabol pang tanong nito.
“Di ko rin alam.” -Felix.
“Nung gabing umalis siya..” Napantig ang tenga ng dalawa nung magsalita si Asher. “May nakita ako. Tinignan niya ako bago siya tumalon nung mga oras na yun, at di ako pwedeng magkamali. May mga mata siya na tulad ng sa mga Vendetta at kila Boss.”
“Ano? Bat di mo agad sinabi?” Napamulat na tuloy si Felix dahil sa mga narinig niya.
“Tanungin niyo muna sarili niyo kung nagtanong ba kayo.” Natatawang sagot naman ni Asher.
“Gago.” Usal nalang ni Felix bago binalik ang sarili sa pagkakasandal at pagpikit ng mga mata.
“Pero seryoso, yun yung nakita ko. At posibleng may kinalaman yun kung bat siya dinukot ng mga hayop na Vendetta na yan.” -Asher.
Sumandal na rin si Elfred at napatingala. “Haaay. Ngayon lang tayo tinatalo ng ganito sa buong buhay natin. Ang akala ko sapat na ang lakas natin para maging pinaka malakas sa lahat.” Nasabi nalang nito. At dahil dun, biglang sumagi sa tatlo ang nangyari nung gabing yun.
“Alam niyo ba kung sinong Vendetta ang pumatay kay Seb?” Seryosong tanong ni Asher. Nawawala na naman ang pagiging makwela nito dahil sa mga alaalang bumabalik.
“Base sa narinig namin sa earpiece bago siya tapusin, babae ang may gawa nun. Natatandaan mo pa nung nasa sementeryo tayo at pinalibutan nila? Yung umatake sakanyang babae na may dala dalang mahabang axe. Tingin ko yun ang pumaslang kay Seb.” Sagot ni Felix. At dun, biglang pumasok sa utak niya at ni Elfred yung katawang naabutan nila nung gabing yun. Kaya naman umiwas na ang mga ito sa usapan. “Yoko na pag usapan yan. Gisingin niyo nalang ako pag nakarating na tayo.” Usal nalang ni Felix bago naisipang matulog muna.
Habang si Asher naman ay tila malalim ang iniisip sa mga narinig niya. “Makakabawi rin tayo sa mga yun.” Seryosong lintanya nito.
“Sige na anak. Mas mabilis ka gagaling pag kakain ka. Kaya sige na.” Pero imbes na sumagot, nagtalukbong lang ang batang Kael sa kumot nito. “Ayoko. Ayokoooo!” Sagot nito.
Nilagay nalang ng nanay niya ang hawak nitong bowl ng lugaw at tsaka tumayo. “ Anak makinig ka naman samin ng papa mo.“ Malungkot na sabi nito habang hinahaplos haplos siya. Di sumagot si Kael.
Kalaunan ay biglang bumukas ang pintuan. “Ma? Nandito na po ako.” Lumapit ang isang nasa trese anyos na babae na naka uniporme pa sa nanay nito at tsaka nagmano. “Ako na ho ang bahala dito, Ma” Ngiting sabi nito.
“Osige. Pilitin mong kumain yang kapatid mo. Ikaw na ang bahala.”
“Opo.”
Matapos sumara ang pintuan, mabilis na inalis ni Kael ang nakatabon na kumot sa katawan niya at tsaka masayang humarap sa ate niya. “Ateeee.” Mabilis siyang yumakap dito. “Ang tagal mo umuwi.” Malungkot pa na pahabol nito kaya mejo napangiti ang ate niya.
“Oh, dito na ako hahaha. Kakain kana ngayon, okay?” Pakiramdam talaga ni Kael sa tuwing ngingiti ang ate niya sakanya ay para siyang nakakakita ng anghel. Sobrang amo at sobrang aliwalas ng mukha. Parang nakakagaan ng husto ang mga ngiti nito.
“Subuan mo koooo :(”
“Hahaha ikaw talaga.” Ginulo pa nito ang buhok ng bunso niya at tsaka kinuha ang lugaw. “ Damihan mo ahh“
“Opooo~”
“Ate anong nangyayari?!” Nagkakaputukan na sa baba ng bahay nila habang sila Kael at ng ate niya ay nasa kwarto nila habang magkayakap. “A-ate? Sila mama..” Naiiyak na ang batang Kael habang sobrang kinakabahan. Di na niya alam ang nangyayari.
“W-wag kang mag alala. W-wala lang yan, Kael.” Pilit na ngumiti ang ate niya sakanya kahit halata na rin sa mukha nito na pinagpapawisan na.
Nang maramdaman ng ate niya ang mga yabag ng mga paa na papalapit sa kwarto nila ay agad niyang kinausap ang kapatid niya. “Kael? G-gusto mo ba maglaro tayo ng tagu taguan?”
“ P-po? A-anong..sila mama sa baba ate…anong nangyaya–“
“Dali naa. Sige ah. Pipikit ako tapos magtago ka kahit saan dito sa loob, okay? Yung di ka mahahanap. Tapos wag kang gagawa ng ingay kahit na anong marinig mo ah? Dapat hindi kita mahanap, nakuha mo ba? “ Ngiting paliwanag ng ate niya. Magtatanong pa sana si Kael pero agad tumalikod ang ate niya at tsaka pumikit at nagbilang. “Isa..dalawa…tatlo..”
Kaya naman wala nang nagawa si Kael. Kahit nalilito na sa mga nangyayari ay nagtago nalang ito sa ilalim ng kama.
“Apat…lima..anim…pi–” Natigil sa pagbibilang ang ate niya nang biglang bumukas ang pinto.
“Nandito!” Narinig ni Kael ang malalaking boses na pumasok. Nakita niya ang mga paa nito na naglalakad papalapit sa ate niya.
“Ughhh!” Isang impit na ungol ang narinig ni Kael bago niya nakita ang ate niya na humandusay sa sahig. Napatakip pa siya ng bibig dahil nasa harapan niya mismo ang mukha nito nakatingin na wala nang malay.
“Tapos wag kang gagawa ng ingay kahit na anong marinig mo ah?”
“Dalhin niyo na yan. Wag niyo yang papatayin. Malalagot tayo kay Doktor. Nag iisa nalang ang pamilya nila kaya hindi na dapat to aksayahin pa.” Yan ang huling narinig ni Kael bago nagsialisan ang mga ito dala dala ang ate niya.
Naiiyak na ito sa mga nasasaksihan pero panay hawak padin ito sa bibig niya para di makagawa ng ingay.
….
…………
Ang akala niya nakaalis na lahat kasi tumahimik na pero laking gulat nalang niya nang may biglang ulo ang tumingin sakanya sa ilalim ng kama
“HULI KA!!”
Sa sobrang pagkagulat ay napagalaw si Kael at mabilis na napabangon.
Pagtingin niya sa harap niya ay nandun ang Boss niya na nakaupo lang sa isang lamesa sa harap niya habang nakapamulsa at malamig na nakatingin sakanya.
Panaginip…
Di niya alam na nakatulog pala siya dito sa loob ng classroom nila. Buti nalang at lunch time na.
Nagtaka naman siya nang hinagisan siya ni Virgel ng isang bagay. Pagtingin niya dito, isang gamot. Tsaka lang niya naramdaman ang sobrang pagkahilo nang yumuko siya para tignan ang gamot. Biglang dumalawa ang paningin niya kaya napahawak siya bigla sa ulo niya.
“Ah, Kael. May tubig ako oh.” Lumapit naman si Claire sakanila at nilagay ang mineral water sa mesa niya.
“Bat ka pumasok eh masama pala yang pakiramdam mo?” Tanong pa nito.
“H-hindi ko alam. Okay naman ako kanina nung pumasok ako eh.” Matamlay na sagot ni Kael. Tapos ay binuksan niya ang gamot at tsaka ininom. Ngayon niya lang rin napansin na sobrang init pala ng katawan niya.
Ano bang nangyayari? Hindi naman ako ganito kanina ah.
Napayuko nalang ulit ito sa lamesa dahil sa sobrang panghihina. Ipipikit na sana niya ang mga mata niya nang biglang sumagi sa utak niya ang huling nangyari sa panaginip niya kaya muli itong napaangat na parang gulat na gulat.
“Ayos ka lang ba? Namumutla kana, Kael. Umuwi ka nalang. Baka mapano ka pa dito.” Pag aalala ni Claire. Habang si Virgel ay di man lang nagsasalita sa harap niya.
“Ilang taon ko ng hindi napapanaginipan ang pangyayaring yun. Bat bigla na namang bumalik ngayon?” Napaisip nalang ito.
Hanggang sa bumukas na ang pintuan at pumasok doon ang driver nila Virgel. “Bo–este, Sir Virgel? Nandito na po ako. May nangyari po bang masama?” Pag aalala nito kasi pinapapasok pa talaga siya ni Virgel dito sa room mismo.
“Iuwi mo na to.” Tipid na sagot nito habang nakatingin sa wala sa sariling si Kael.
“Nako..” Lumapit ang driver kay Kael at tsaka hinawakan ang noo. “Taas ng lagnat mo ah. Halika, hijo. Aalalayan kita.” Wala naman sa sariling nagpa alalay si Kael sa driver. Parang may iba itong malalim na iniisip bukod sa nasa paligid niya na pinag titinginan na sila. “Mauna na kami Sir ah.” Paalam ng driver kay Virgel bago sila tuluyang umalis.
“Ikaw ang nagtawag dun sa driver niyo, Virgel?” Tanong ni Claire. Di sumagot si Virgel at umupo nalang ulit sa upuan niya. Pero di maiwasan ni Claire na mapangiti. “Ang bait bait mo talaga.” Bulong nalang nito.
Fuego’s Mansion
9PM
Habang natutulog si Helena sa sarili niyang kwarto ay saglit niyang naramdaman ang isang malamig na hangin na nanggagaling sa malaking bintana na sa tingin niya ay naka sarado naman kanina bago siya matulog.
Dahil dun ay saglit niyang minulat ang mga mata niya, at pag tingin niya dun, nakabukas na ito at nagsasayawan na ang mga kurtina sa lakas ng hangin sa labas.
“Helena..” Isang mahinang boses naman ang narinig nya at tsaka lang niya napansin ang isang tao na nasa madilim na parte ng kwarto niya.
“S-sino ka?” Dahan dahan naman itong naglakad hanggang sa masinagan ng liwanag na nanggagaling sa buwan ang mukha niya. At nung mapagtanto niya kung sino ito, agarang bumuhos ang luha niya dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman. “B-benz.”
Lumapit ito sakanya at tsaka umupo sa gilid ng higaan niya. Tapos ay hinaplos ang basa niyang pisngi pagkatapos ay hinalikan ang noo niya. Napapikit nalang siya sa sobrang sayang nararamdaman.
“Nagbalik ka..” Halos mapiyok na ang boses niya dahil sa hikbing kumakawala sa bibig niya.
Mabilis na niyakap ni Helena ang taong pinaka mamahal niya ng sobrang higpit. Ngingiti na sana siya sa pag aakalang magiging masaya na ulit ang lahat pero pagkatingin na pagkatingin niya mismo sa harapan niya habang nakayakap kay Benz, ay may mga taong may hawak ng mga baril ang nakita niya na nakatutok sakanila.
At bago pa man manlaki ang mga mata niya sa pagkabigla, sunod sunod na putok nalang ng baril ang narinig niya..
**
“BEENZ!!” Mabilis siyang napa bangon dahil sa sobrang kabang naramdaman. Hinihingal pa siya habang tulalang nakatingin sa paligid niya.
Tahimik ang buong kwarto niya..
Panaginip..
Bangungot..
Muling humiga si Helena matapos itong makabawi mula sa masamang panaginip.
“Panaginip?” Natanong nalang nito sa sarili. “Pero ba’t parang totoong totoo?” Hinawakan niya pa ang pisngi niyang hinawakan ni Benz. “Ba’t parang ramdam na ramdam ko yung haplos niya?”
Naramdaman naman niya na parang namamasa ang noo niya kaya saglit niya rin iyong hinawakan. “Bakit parang totoo ang lahat?” At tsaka bumalik sa alaala niya ang mga lalaking nagpaputok sa harap nila. Dahil dun ay tuluyan na naman itong naiyak.
“B-benz..” Mahinang tawag nito habang yakap yakap ang unan.
“Sana maayos ka lang ngayon..pakiusap..”
Ni hindi na nito napansin ang bintanang nakabukas ng konte.
…
……..
Sa bubong naman ng mansyon ay may isang tao doon ang tulalang nakatingala sa buwan..
“Babalik rin ako pangako. Babalikan kita, Helena.”
*VENDETTA’
S HIDEOUT*
“Di pa ba umuuwi si Devi?” Tanong ni Jill nung di niya ito makita sa loob ng hideout nila.
“May pupuntahan lang daw e. Babalik din yun.” Sagot naman ni Ermac.
Gaya ng nakagawian, kanya kanya ng pwesto ang mga ito sa loob–magkakahiwalay.
Habang nakasandal naman si Morpheus sa gilid ay pansin niya sa harapan niya si Quincy na nakaupo lang sa hagdanan at sobrang tahimik habang salubong yung kilay na nakatingin sa sahig.
“Di mo parin ba matanggap ang pagkawala ni Ross?” Ngising tanong nito.
Inis naman itong tumingin sakanya. “Gusto kong maghiganti, Eus!” Matigas na lintanya nito. Parang gigil na gigil ang mukha nito na tumapos ng buhay. “Gusto kong patayin ang lahat ng Virgo! Lalong lalo na ang tumapos sa buhay ni Ross!” Mahina lang ang boses nito pero ramdam mo yung galit at pagpipigil sa sarili. “Di ba talaga tayo babawi sakanila?!”
Pinikit naman ni Eus ang mga mata niya na para bang hindi man lang nasindak. “Inuulit ko,
may kasunduan tayong sinusunod, Quincy. Matuto kang mag isip.“
“Pero pinatay nila si Ross!”
“At pinatay natin ang ulo at isang galamay nila. Ano pa bang aasahan mo?”
“At wala tayong gagawin para pigilan sila?!”
“Nasa sainyo na yun kung pano niyo dedepensahan ang sarili niyo. Kasunduan lang natin na wag silang gambalain, na wag atakihin. Pero pag sila na ang unang gagawa ng hakbang, dun lang tayo lalaban. Naintindihan mo? Maghintay ka lang kung kailan sila ulit susugod satin.” Dahil sa sinabi ni Eus ay mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Quincy. Di na siya makapaghintay pa. Kating kati na ang kamay nitong tumapos.
“Itigil niyo na yan.” Kalmadong singit naman ni Loda na nakahalukipkip lang sa isang gilid.
Ilang segundo pa silang nagtitigan ng lider niya bago ito nagpasyang tumayo. “Bwesit” Mura nalang nito tapos ay naglakad ito papuntang pintuan.
“Binabalaan kita, wag mo akong susubukan.” Banta ni Eus kaya saglit siyang napahinto. Seryoso ang boses nito kaya saglit siyang nakaramdam ng takot. Pero gayunpaman, nagpatuloy padin ito sa paglalakad.
Sakto namang bumukas ang pintuan at niluwa si Devi nang makalapit si Quincy dito. Nagkatitigan pa saglit ang dalawa bago binangga ni Quincy ang balikat nito kay Devi sabay labas ng Hideout.
…..
…………
Habang naglalakad si Quincy sa labas, dahan dahang kumurba ang ngisi sa labi nito habang unti unting nagiging pula ang mga mata.
“Gusto ko ng malasahan ang dugo mo, batang Boss ng Virgo.”
-To be continued..
-Emnacinn
Episode 34: Avenge
Episode 34: Avenge
Hi Guys! hahaha sorry ngayon lang nagparamdam. Na busy lang sa work. Ngayon lang ulit ako nagka oras haha. Ewan kung tanda niyo pa ba yung plot ng story hahah anyways, eto na yung update ko. Sorry sa typos at kasabawan.
Ito nalang pinili kong portrayer ni Asher hahaha Pakitingin sa media. Mikoto Suoh of K Project as Asher Bedrijo

[3rd Person’s PoV]
Mag aala sais na ng umaga nang maisipan ni Hell na puntahan saglit ang kwarto ni Kael.
Pagka akyat niya, naabutan niya si Madel na kakalabas lang sa kwarto ni Kael na may dala dalang tray na may mga gamot at tubig.
“Kumusta ang lagay niya, Madel?” Tanong ni Hell.
“Sobrang tamlay niya po Sir Hell. Di niya nga nainom tong gamot e. Ni kahit pagbangon hirap na hirap siya. Tingin ko di na yan lagnat lang e.” Kitang kita sa mukha ng dalaga ang pag aalala. Binuksan naman saglit ni Hell ang pinto at tinignan si Kael sa loob. Natutulog lang ito habang naka kumot ang buong katawan.
“Bakit ba nagkaka sakit to ng walang dahilan?”
“Di ko rin alam, Sir. Ang lakas lakas pa naman niya kahapon ng umaga nung pumasok sila ni Sir Virgel eh.” Malungkot na ganti ni Madel habang nakatingin rin kay Kael.
Natahimik naman saglit si Hell. Ayaw man niyang ipakita, pero nag aalala rin ito kahit papano kay Kael. Dahil bukod sa mejo napalapit na sakanila yung bata, di niya makakalimutan ang utang niya dito. Si Kael ang nagsalba sakanya nung kamuntik na siyang mamatay dahil sa kawalan ng maraming dugo.
“Pakitingin nalang ako sakanya. Hayaan mo na ang ibang maid na gumawa ng ibang gawain. Sa ngayon personal mo nalang munang bantayan si Kael. Tapos balitaan mo nalang kami kung lumalala ba ang kalagayan niya.” Bilin ni Hell. Yumuko naman ng bahagya ang dalaga at ngumiti ng onte.
“Masusunod, Sir Hell.” Sagot nito
Tumalikod naman si Hell pagkatapos at tsaka nakapamulsang naglakad papunta sa kwarto ni Elsa. Binuksan niya ito at saglit na sinilip.
Nang makita niyang natutulog pa ang nobya ay pinili nalang niyang isara ang pinto at tsaka bumaba sa sala.
Pababa palang siya ng hagdan pansin na agad niya si Ish na mag isang nakaupo sa sala habang may katapat na kape sa lamesa.
Pumunta sa may isang sofa si Hell katapat ni Ish at tsaka umupo. At tama nga siya, tulala nga ito habang nakatingin sa tasa. Ni hindi nga siya napansin nito na umupo sa tapat niya.
“Mahirap ba talagang tanggapin?” Mabilis namang napatingin sa harap si Ish ng may marinig siyang boses– at tsaka lang niya napansin si Hell sa tapat niya.
“H-hell..” Gulat na usal nito, at nung makabawi, tumawa ito ng bahagya at tsaka kinuha ang tasa ng kape. “Anong mahirap ang sinasabi mo?” Tanong nito bago hinigop ang kape.
Di na nakipaglaro pa si Hell. “Tulad mo, nawalan na rin ako ng kaibigan. Yung sakin nga malala dahil namatay talaga.” Bigla niyang naalala ang huling pag uusap nila ni Elon sa ospital na yun bago siya pinatay, ang ngiti nito habang nakikipag usap sakanila ni Elsa. Kaya naman kumuha ito ng sigarilyo sa bulsa niya at tsaka sinindihan at hinithit. “Alam mo kung anong ginawa ko matapos yung nangyari?” Tinignan niya ng mataman si Ish. “Tinanggap ko.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Tinanggap ko ang pagkamatay niya. Inisip ko nalang na mas makakabuti na yun sakanya kesa mamuhay siya sa ganitong mundo.” Sagot nito “Dito sa mundong walang kasiguraduhan ang buhay.”
“Walang kasiguraduhan ang buhay..” Napangiti ng mapait si Ish nang maalala ang mga nalagas nitong pamilya. Vlad, Sebastian, Hugo..
“Sabi nga nila, kung san ka nabubuhay, yun din ang papatay sayo. Pinili natin ang ganitong landas. Maging handa nalang tayo at harapin kung ano ang magiging kahahantungan.” Napatingin sa bintana si Hell at minamasdan ang mga ibang tauhan ng Palasyo na kanya kanya ng ginagawa sa labas. “Sa sitwasyon ni Benz, hayaan mo nalang siya. Kung totoong kaibigan ka niya, respituhin mo ang desisyon niyang tumiwalag.” Tinignan niyang muli si Ish. Nakayuko pa din ito. Inaalala ang nangyari nung araw na yun.
“Kung di pa ako hinila ni Boss nung mga oras na yun, malamang patay na ako sa lakas ng pagkakahampas ni Benz sa samurai niya.” Di nito maiwasang madismaya “Hindi ko akalaing magagawa niya yun. Nakiusap ako sakanya, lumuhod. Ginawa lahat, pero pagbabanta lang ang narinig kong sagot.”
“Lahat tayo marunong makalimot, at ang unang hakbang para jan ay ang pag tanggap.” Napatingala naman si Ish sa sinabi nito. Pag kausap mo talaga tong taong ’to iba e. Oo maangas to, laging galit, pero pag nagseryoso at nagsalita na sa mga bagay bagay, tiyak maliliwanagan ka.
Ngumiti ng bahagya si Ish at tsaka uminom ng kape. “Ibang klase ka talaga.” Sabi nito.
“Bilib kana naman tss”
Natawa naman si Ish sa pagmamayabang nito “Gago yung kape kinakausap ko. Ang sarap e. Ibang klase.” Kita niya naman kung pano kumunot ang noo ni Hell sa pambabara niya. “Feeling ka e.” Dugtong pa ni Ish habang natatawang tumayo at umalis sa sala na yun.
“Tado.” -Hell.
“Heto.” Zinoom-in ni Ish ang larawan sa laptop niya para mas lalo itong makita ng mga taong nasa likod niya . “Eto lang ang kaisa isang larawan ng Vendetta na magkakasama sila. Halos labing limang taong gulang na ang larawan na ’to.” Kasalukuyang nagbibigay ng mga kaonteng impormasyon ngayon si Ish kela Asher tungkol sa Vendetta. Wala kasi masyadong alam ang mga ito sa grupong yun. Maski mga pangalan nga ng bawat myembro di nila masaulo.
“Kaya pala ang babata pa nila tignan jan.” Nilapit pa ng onte ni Elfred ang mukha niya para tignang mabuti ang litrato. “Yan.” Tinuro niya yung lalaking may hawak hawak na sai sa litrato. “Yan yung nakalaban ko dun sa mansyon.”
Saglit namang napatingin si Asher sa gawi nung isang babaeng nasa gilid ni Morpheus. Hindi siya pwedeng magkamali, yung muntik nang tumapos sa buhay niya nung gabing yun, siya yan.
“Anu-ano nga ulit ang mga pangalan nila?” Tanong rin ni Felix.
“Morpheus, tinaguriang lider nila. Para madali niyong malaman, nasa kaliwang tenga ang tatlong hikaw niya. Jill, Loda, Ermac, Quincy, Ross, D..D-devi..” Sagot ni Ish. “Sa ngayon si Ross palang ang nalalagas sa grupo nila.” Dugtong niya.
“Pano mo nalaman ang pangalan niya?”
“Lahat sila ay may suot suot na dog tag, ang isang pendant ay may nakaukit na simbolo ng grupo nila, at ang isa ay kung di ako nagkakamali, unang letra ng mga pangalan nila. Sa kwentas nalang kayo mag base sa pangalan kung may makakaharap man kayo.” Paliwanag nito. Tila nakuha naman iyon nila Asher kaya isa isa na itong umalis para lumabas.
“Yosi muna kami, Ish.”
“Sige.”
School*
Nasa hallway palang si Virgel kanina agaw pansin na agad siya sa mga ibang studyante doon. Mag isa lang itong naglalakad habang nakapamulsa. Simula nung nangyari sa canteen ay mejo nakilala na siya ng ibang mga studyante dun. Yung iba ay namamangha sa presensya niya pero di rin maiwasan na may mga naiinggit at naaangasan sakanya.
Halos lahat ng tingin sakanya nakapukol hanggang sa umakyat ito para pumunta na sa room niya. Habang si Virgel naman ay parang wala lang sakanya ang mga ’to. Nang tuluyan siyang makapasok sa room nila, agad natahimik ang buong classroom, yung ibang mga nag uusap pa ay napatigil at napalingon sakanya.
Pumikit lang si Virgel at tsaka tinahak yung daan papunta sa upuan niya. Nakita niyang ngimiti yung seatmate niya at tsaka bumati “Hi Virgel.” Isang maamong bati nito, kung dati halos malusaw siya sa mga ngiti ng dalaga, ngayon ay parang wala na talaga. Sobrang lamig padin ng expresyon niya.
Di gumanti si Virgel, sa halip ay dumaan lang ito sa upuan ni Claire para umupo sa upuan niya. Pero sa pagdaan niya, aksidente niyang nasagi ng mahina ang balikat ni Claire. Sobrang hina lang naman, pero ang pinagtaka niya ay parang napadaing ito ng mahina.
Huminto si Virgel sa harapan ni Claire at tsaka siya nito tinignan. Si Claire naman ay parang nahilaw ng onte. At dun, di na nagpaalam si Virgel, hinawakan niya ang kamay nito at tsaka inangat ng konte yung uniform nito sa may braso at dun,
“Anong nangyari dito?” Agad na tanong ni Virgel sa nakita. Mga pasa.
“A-ah..nahulog ako kahapon sa hagdan namin H-heheh. Pero ayos lang naman. Wala namang nabaling buto, Virgel.” Pilit na ngumiti si Claire. Sa reaksyon naman ni Virgel ay parang hindi ito naniniwala, kaya yumuko nalang si Claire. “Sinong may gawa nito sayo?” Ulit pa na tanong nito.
Kita sa mukha ni Claire ang pagdadalawang isip na sumagot kaya muling nagsalita si Virgel “Sino, Claire?”
“Hoy” Napalingon naman si Virgel sa gilid niya nang makita ang isa niyang kaklase na maangas na nakatingin sakanya.
“Maka asta ka jan parang ang angas angas mo ah.” Lintanya nito sabay ngisi. “Porket na guidance ka lang ng isang beses dahil sa pakitang gilas mo sa canteen gumaganyan kana?” Patuloy na pang aasar nito kaya naman pinigilan agad ito ni Claire.
“Baron, ano ba?”
Pero imbes na makinig, kumuha lang siya ng libro at binato kay Virgel, at sapul itong tumama sa ulo nito. “Boom! Ba yan! Umiwas ka naman.” Sa lakas ng pagkakabato ay nagulo pa yung ayos ng buhok ni Virgel.
Imbes naman na gumanti, muli lang itong tumingin kay Claire. “Sino?” Tanong na naman nito. Dahil dun ay biglang nainis si Baron dahil sa pambabaliwala nito sakanya. “Aba’y gago ’to.” Bigla siyng tumayo sa lamesang inuupuan niya at tsaka mabilis na lumapit kay Virgel habang nakabwelo pa yung kamay. “Ang lakas mong baliwalain ako ah!” Bibitawan na sana niya ang suntok niya nang mabilis na kinuha ni Virgel ang ballpen na nakalagay sa desk ni Claire at tsaka mabilis na umikot at itinutok sa leeg ni Baron.
Kung hindi pa nakapag react ang katawan ni Baron na huminto ay tiyak baon yung ballpen sa leeg niya. Yung point ng ballpen sumagi na talaga mismo sa balat ng leeg niya. Halos manlambot naman ang mga paa ni Baron nang tignan niya ito sa mga mata. “Isang ingay pa.” Malaming na pagbabanta nito. Walang magawa si Baron kundi magpalamon sa mga titig ng kaharap niya. Literal na hindi ito makapagsalita dahil sa nangyari. Yung mga kaklase nila ay halatang nagulat rin dahil sa mabilis na pangyayari.
Maya maya pa ay binaba na ni Virgel ang ballpen at binalik sa desk ni Claire. Tapos ay hinawakan niyang muli ang kamay ni Claire tapos ay hinila niya ito patayo.
“Teka Virgel.” Gusto mang umayaw ni Claire pero wala narin itong nagawa at nagpadala nalang kay Virgel palabas ng room.
Pagkalabas naman nilang dalawa ay tsaka pa umaksyon yung mga katropa ni Baron para tulungan “Uy pre ayos ka lang?”
“Namumutla ka pre, natamaan ka ba ng ballpen?”
Pati mga ibang babae ay di narin maiwasang pag usapan ang dalawa . “Yabang yabang kasi. Nakita na niya makakatapat niya.” Bulong nung isa.
“Buti nga sakanya. Ang galing talaga ni Virgel ko :>”
“Landi ah.”
**
“Teka Virgel san mo ko dadalhin?” Tanong ni Claire habang hila hila parin siya. Maya maya pa ay huminto sila sa clinic. Pumasok sila dun at tsaka hinanap yung nurse na naka assign dun.
“Oh? Ba’t nandito kayo? Masama ba pakiramdam niyo?” Bungad ng maganda nurse sakanila.
“Ah w-wala po nur–”
“Pakigamot lahat ng sugat niya. Salamat” Putol ni Virgel. Tapos ay pinaupo niya si Claire tapos ay muli niyang tinignan. Di naman makatingin sakanya si Claire. “Magpagaling ka.” Malamig man ang boses nito, mejo ramdam ni Claire ang pag aala sa bawat bigkas nito kaya napaangat siya ng tingin para tignan si Virgel. Pero huli na dahil nakatalikod na ito at agad na lumabas sa clinic.
Virgel..
[VENDETTA’s HIDEOUT]
Palubog na ang araw pero di parin nakukumpleto ang grupo nila sa loob.
Habang naglalakad si Jill ay napansin niya ang kasintahan na tahimik na nakatingin sa gilid ng bintana ng silid. Pansin niya ang panay hawak nito sa kanang braso nito kaya saglit niya itong pinuntahan.
“Eus.” Tawag niya dito. Tumingin ito saglit sakanya bago binitawan ang kanang braso nito. “Anong nangyari jan?” Akma sana itong hahawakan ni Jill pero agad nagsalita si Morpheus.
“Wala ’to.”
Alam ni Jill na malubha ang tinamo nito pero pinili niya ang manahimik nalang. Alam niyang pag sinabi nitong ’wala ‘to’, ibig sabihin lang nun ay wag na siyang pakialaman pa.
“May alam ka ba kung nasan si Quincy?” Pag iiba nalang nito ng usapan. Dun ay nakita niya ang mas lalong pag seryoso ng mukha ni Morpheus. Mukhang may alam ito kung nasan ito.
“Subukan niya lang akong suwayin. Makikita niya ang hinahanap niya.” Seryosong lintanya nito habang nakatingin sa labas ng bintana.
Sa ilang segundong katahimikan, biglang bumukas ang pintuan ng silid at niluwa doon ang tatlong sundalo kasunod ang doktor.
“Oh, ang tahimik niyo ata dito.” Bungad nito sa mga alaga niya.
“Doktor, napadalaw kayo.” Wika ni Loda.
“Anjan ba si Devi?” Nakangising tanong nito. Bumangon naman ang hinahanap niya mula sa pagkakasandal sa gilid. “Ayun! Deviii. Halika.” Utos nito kaya tahimik rin namang bumaba si Devi papunta sa Doktor.
Nang makalapit si Devi ay agad hinawakan ng doktor ang mukha niya at tsaka ito hinaplos haplos, lalo na sa bandang kanang mata niya. Inangat ng doktor ang buhok na nakatakip sa mata niya para tignan ito. “Diba nangako akong gagamutin ko to.” Usal nito. “Sumama ka sakin sa labolatoryo ko.” Dugtong nito habang di matanggal ang ngisi sa mga labi na para bang may pinaplano itong gawin.
Lahat ng atensyon ng Vendetta ay nasa kanila. Kilala ni Jill ang doktor, kapag ganyan ang mga ngiti niya, halatang may pinaplano itong kakaiba bukod sa pag ayos ng mata ni Devi. Mukhang may iba pa itong gagawin bukod dito.
Di naman tumutol si Devi at umuna pang maglakad palabas ng pinto–na agad ring sinundan ng tatlong sundalo.
Nang aalis na rin sana ang doktor, di mapigilan ni Jill na magtanong. “Anong pinaplano niyo, Doktor?” Seryosong tanong niya. Dahan dahan naman itong humarap sakanya at tsaka ngumisi ng sobrang lapad.
“Plano? Gusto ko lang makakita ng maayos muli ang batang yun. Yun lang.” Sagot nito bago tuluyang lumabas ng pintuan.
“Mag eexperimento na naman ata.” Usal agad ni Ermac pagkasara ng pinto–bagay na iniisip rin ni Jill.
“Tss.”
**
Pagkarating nina Manuel sa laboratoryo ay agad napalibot ng tingin si Devi sa loob nito. Ang daming malalaking container para sa mga experimento, mga hightech na mga kagamitan, mga ibang scientest na may kanya kanya ng ginagawa. Mukhang abala ang mga ito sa pagreresearch.
Habang naglilibot ng tingin si Devi, isang container ang nag agaw ng pansin sakanya. Sa loob ng malaking container na yun ay isang babaeng nakahubad habang may takip ang bibig at may tusok ng maraming tube ang buong katawan nito. Para nasa kalagitnaan ito ng experimento.
At habang tinitignan niya ang mukha nito, parang namumukhaan niya kung sino ito. Parang nakita na niya ito dati pa. Di niya lang matandaan sa sobrang tagal na.
Bago pa man siya makapag isip kung sino ito ay mabilis na agad tinakpan ng ibang scientist ang container na yun.
Saan ko na nga ba nakita ang babaeng yun?
9PM
Mag aalas nwebe na ng gabi pero nasa labas padin ng palasyo ang tatlong assassin ni Vlad na kanya kanya ng hithit ng sigarilyo, kasama sina Maki at Gordon.
“Akala ko nga mamamatay na ako nun eh hahaha buti nalang dumating si Boss Virgel para iligtas kami. Grabe sobrang galing talaga niya! Akalain mo yun? Tatlo kaming nagtulong tulong nina Sir Ish at Lily pero wala kaming binatbat nung kay Ross. Tapos si Boss nakaya niya lang mag isa? Grabeee.” Kahit sugatan na di parin nababawasan ang kadaldalan ni Maki. Kanina pa ito kwento ng kwento tungkol sa naging unang misyon niya na sa tingin niya ay pinaka mahirap at nakakatakot na nangyari sa buhay niya.
“Hindi talaga basta basta ang bawat myembro ng Vendetta na yan. Kung lalabanan mo silang mag isa, malabo ang tsansang manalo ka.” Singit rin ni Elfred habang humihithit.
“Pwera kay Virgel.” Dugtong rin ni Felix.
“Nakikita ko sa batang yun ang nakakatandang kapatid niya. Ganyan na ganyan rin kalakas si Argo dati.” Bigla naman silang natahimik nung sumabat si Gordon. “Naalala ko tuloy bigla nung panahong mga bata palang kayong tatlo.” Napangiti ito ng bahagya sa harapan nila. “Ang bilis ng panahon. Ni hindi ko man lang kayo nakitang limang magkababata na nagkasamang muli.”
“Kung pwede palang ibalik e, bakit hindi diba.” Elfred.
“Kaso di na.” Napatingin sa kalangitan si Asher sabay buga ng usok sa bibig niya. “Di na kami makukumpleto pa kahit kailan.” Natahimik ang lahat sa huling sinabi ni Asher. Inalala ang mga nalagas nilang kababata. Mejo di padin talaga nila matanggap ang sinapit ng samahan nila.
“Bat jan pa kayo?” Nabaling naman ang atensyon nilang lahat sa papalapit na si Hell kasama ang nobya nitong akbay akbay niya. “Malalim na ang gabi.” Sabi nito bago tinignan si Gordon. “Gordon, paki sarado nalang ang gate. Papasukin mo na rin yung ibang tauhan para makapag pahinga na lahat.”
“Masusunod Sir Hell.” Yoko ni Gordon bago naglakad papuntang gate.
Habang tinitignan ng lahat si Gordon ay di maiwasan ni Elsa ang mapangiti “Napaka tapat talaga ni Manong Gordon sa pamilyang ’to.” Nasabi nalang nito. “Siya lang ata ang kaisa isang myembro ng Virgo na nakaabot pa sa pamumuno ni Don Vicenze. Hanggang ngayon ay nagsisilbi parin siya sa pamilyang to. Pinili ang di mag asawa para matuon lahat ng atensyon niya sa Mafia.”
“Para ko na yang tatay si Tanda eh.” Ganti rin ni Maki. “Siya ang unang taong naging malapit ko sa pamilyang ’to. Siya ang nagturo sakin sa mga bagay bagay tungkol sa Virgo. Siya ang nagkkwento sakin kung gano kayo kagagaling lahat na taga bantay ng Boss. Dahil sakanya kaya nangarap akong maging tagapag bantay rin tulad niyo.” Di niya maiwasan ang mapangiti at unti unting nagtutubig ang mga mata. “Di niya to alam pero…sakanya ko inaalay tong pagiging ganap na tagapag bantay ko kay Boss Virgel ngayon.”
Kita nilang lahat kung pano sininyasan ni Gordon ang mga tauhan sa labas na pumasok na sa loob. Hanggang sa pumunta ito sa malaking gate at tsaka dahan dahan itong sinara.
Tumalikod na sila Asher para pumasok na rin sa loob ng palasyo para makapag pahinga. Pero agad rin silang napahinto ng makaramdam sila ng kakaibang aura sa paligid.
Tinignan muli nila Asher ang kinatatayuan ni Gordon at nakita nilang nanatili lang itong nakatayo sa harap ng gate.
Hanggang sa humarap ito ng dahan dahan ng pagewang gewang..
Mabilis na nanlaki nilang lahat ng makita nilang may nakabaon ng axe sa dibdib ni Gordon pagkaharap nito sakanila.
Nakalakad pa ito ng ilang hakbang bago ito tumingin sakanila at tuluyang bumagsak.
Sobrang nabigla ang lahat sa nakita nila.
“TANDAAA!!!”
Tatakbo na sana si Maki para puntahan si Gordon pero agad siyang pinigilan ni Felix. “TANDAA!!” Sigaw nito habang nagpupugmiglas sa kamay ni Felix.
At dun, nakita nila ang dahan dahang pagbukas ng gate–unti unting naaninag ang pigura ng isang babae na naglalakad papasok sa loob.
“Ughh, ang laki ng palasyo niyo.” Isang malanding boses ang narinig nila bago nila tuluyang makita ang itsura ng may ari ng boses na yun.
Pumunta ito sa pinagbagsakan ni Gordon at tsaka agarang kinuha ang pole axe na nakabaon sa katawan nito. Tapos ay dinilaan niya pa ang dugo ng sandata niya habang nakangisi sa harap nilang lahat.
“Ikaw..” Biglang napakuyom ng kamay si Felix nang mapagtanto niya kung sino ito.
Ang isa sa pitong Vendetta..
Saglit na napatingin si Asher sa suot suot nitong kwentas–at nakita niya sa isang pendant ang letrang Q na nakaukit dito.
“Q..” Pilit niyang inalala ang mga pangalan ng Vendetta na sinabi ni Ish kanina.
“Morpheus, tinaguriang lider nila. Para madali niyong malaman, nasa kaliwang tenga ang tatlong hikaw niya. Jill, Loda, Ermac, Quincy, Ross, D..D-devi..”
“Quincy..” Mahinang bulong ni Asher tapos ay bigla niyang naalala yung usapan nila ni Felix nung isang araw.
“Alam niyo ba kung sinong Vendetta ang pumatay kay Seb?”
“Base sa narinig namin sa earpiece bago siya tapusin, babae ang may gawa nun. Natatandaan mo pa nung nasa sementeryo tayo at pinalibutan nila? Yung umatake sakanyang babae na may dala dalang mahabang axe. Tingin ko yun ang pumaslang kay Seb.”
“Kung ganun ikaw yun..” Ngumiti ng mataman si Asher habang nakayuko.
Biglang pumalibot ang lahat ng tauhan ng palasyong yun habang tinutukan ng baril ang vigilante sa harap nila. Magpapaputok na sana ang mga ito nang bigla silang pinigilan ni Asher “Wag kayong magpapaputok” Utos nito.
“Oh~ kayo yung nakaharap namin sa sementeryo diba?” Ngising tanong ni Quincy nung makita niya ang tatlong Assassin ni Vlad. “Diba lima kayo nun? Oh wait, kinuha pala namin yung isang kasama niyo hihihi” Humaghik pa ito bago ulit dumila ng dugo sa hawak niyang axe. “At yung isa…hmm..oh! naalala ko na.” Biglang lumapad ang ngisi ng kalaban bago inubos ang natitirang mantsa ng dugo sa armas niya. “Si pretty boy..kakapugot ko nga lang pala ng ulo niya nung nakaraan. Ang sarap ng dugo niya.” Dugtong nito bago tumawa ng sobrang lakas na parang inaasar ng husto ang kaharap niya.
Dahil dun mas lalong tumalim ang tingin ng tatlong assassin sakanya.
“Hep, hindi ako nandito para sainyo.” Tumigil ito sa pagtawa bago pumikit. At sa pagdilat niya, ang pupula na ng mga mata niya. “Ilabas niyo sakin ang pumatay kay Ross.” Biglang napalitan ng sobrang galit ang expresyon ng mukha niya na parang gigil na gigil nang tapusin ang buhay ng tumapos sa buhay ng kasamahan niya.
At dun, may biglang naglakad sa balconahe sa harap ng palasyo, at kitang kita ni Quincy ang paglabas ng Boss ng Virgo habang tinitignan siya mula sa baba. Sobrang lamig ng titig nito sakanya habang nakapamulsa.
“Ang batang Boss ng Virgo.” Ngising usal ni Quincy at napadila pa na parang takam na takam ng sugurin ang pakay niya.
“Hoy..” Nabaling naman ng tingin si Quincy sa harap niya nung may biglang nagsalita, at kita niya sa harap ang tatlong Assassin na nakatayo na parang wala siyang planong padaanin. “May utang ka pang buhay samin.”
“Oh~ tatlo sa isa. Gangbang pala nais niyo.” Kagat labing sabi nito. “Isa isa lang pwede ba?” Malanding wika nito bago sinipa ang walang buhay ng katawan ni Gordon palayo para maalis ang sagabal
Lahat ay tumabi nalang para panoorin ang labanang mangyayari. Pati si Maki ay hinila na ni Hell palayo dahil pilit itong kumakawala para puntahan si Gordon
“Sabay ka naming pag pipira pirasuhin pwede ba?” Ganti ni Felix.
“Ugh shet gusto ko yan.” Agad namang naghanda si Quincy at nginisihan ang tatlo.
“Ano? Simulan na natin.”
-To be continued.
( May Assassin na naman ba ang malalagas sa labanang mangyayari? O isang Vendetta na naman ang makakatikim ng paghihiganti ng mga Virgo? Abangan nalang sa susunod na episode hahaha sa mga di nakakalimot sa plot saludo ako sainyo. Sa mga gustong gumawa ng GC gumawa kayo tas add niyo nalang ako. Julius Emnacin name ko :) Dun tayo mag usap usap about sa kwentong to hahaha kung gusto niyo lang naman :) )
-Emnacinn
Episode 35 - Quincy vs Vlad’s Assassins
Episode 35 - Quincy vs Vlad’s Assassins
[ Pakitngin sa media, ang limang original Assassins ni Vlademir ]
[Mahaba to kaya dahan dahan sa pagbabasa hahah wag magmadali]
[Ish’s PoV]
“Anong nangyayari dito?!” Bulalas ko agad pagka labas na pagkalabas ko ng mansyon.
“S-si..Gordon..” Nanginginig ang isang tauhan habang nakatingin sa may kalayuan kaya agad ko rin yung tinignan.
At halos di ako makapagsalita nang makita kong nakabulagta ang katawan ni Gordon sa gilid habang naliligo sa sarili nitong dugo. “G-gordon..sinong may–” Tsaka ko lang rin napansin sina Asher na nasa gitna na kasama sina Felix at Elfred na parang may kinakaharap.
At nung tignan ko ng maigi kung sino ang kaharap nila, mas lalo akong natulala nung makita ang pagmumukha nito.
Isang myembro ng Vendetta…
Paanong…
Anong ginagawa nito dito??
“Bakit nakatunganga lang kayo??!” Singhal ko sa mga tauhan na nakababa ang mga armas.
“Utos ni Sir Asher na wag makialam eh.” Sagot nung isa.
“Anong wag–”
“Wag na tayong makialam.” Nakita ko ang paglapit ni Hell sa kinatatayuan ko habang naninigarilyo na parang ang kalma kalma lang.
“Bakit? Mas mapapadali ang pagtapos natin jan kung pagtutulungan natin yan lahat. Maling palasyo ang pinasok niya.” Inis kong ganti. Bakit kailangan pang magpaka hero nitong tatlo? Eh pwede namang–
“Yan ang tumapos kay Sebastian.” Natigilan ako sa siningit ni Hell na ngayon ay nakatingin na sa likod nitong tatlo. “Hayaan niyo silang ipaghiganti ang kababata nilang brutal na tinapos ng babae na yan.”
Napabuntong hininga nalang ako matapos niyang sabihin yun pagkatapos ay tumingin na rin sa kanilang tatlo.
“Magtiwala nalang tayong mapapabagsak nila ang halimaw na yan.”
[Asher’s PoV]
Kanina pa ako bwesit na bwesit sa ngisi nitong nasa harap namin. Lalo akong nanggigigil. “Ano? Simulan na.” Paghahamon niya kaya di na ako nag atubiling sumugod. Binilisan ko ang paglapit sakanya at tsaka bumwelo. Kita ko pa ang pag ngisi niya sakin kaya ngumisi rin ako pabalik.
Mabilis akong yumuko–at di nga ako nagkamali, sinundan niya ako ng tingin kaya di na niya napaghandaan ang pagsulpot ni Felix sa likuran ko kaya mabilis siyang tinamaan ng malakas na sipa sa mukha.
Agad niyang binaon sa lupa ang axe niya para makabalanse.
Hinagisan ko ng dalawang kunai ang kinatatayuan niya, agad niya naman iyong sinangga gamit ang axe niya. Pero sa paglapat ng kunai sa axe niya, agad itong sumabog at nagkalat ang usok sa paligid niya. Ayos!
Mula naman sa taas, agad pina ulanan ni Elfred ng kutsilyo ang direksyon ni Quincy.
Huli ka na!
Nang matapos si Elfred ay muli kaming nagtipon tipon habang hinihintay na humupa ang usok.
“Di na makakaligtas yun.” Usal ni Elfred.
Nang kumonti ang usok, naaninag na namin ang katawan ni Quincy. Nakatayo parin ito.
Di na ako nagtaka. Di sila mga ordinaryong tao para mapatumba ng ordinaryong atake lang na yun.
Nang tuluyan nang mawala ang usok ay nanlaki ang mga mata namin lahat ng makita na hindi nga niya nailagan halos lahat ng kutsilyong binato ni Elfred. Madaming kutsilyo ang nakabaon sa katawan niya maliban sa ulo. May tama ito sa balikat, sa braso, sa hita.
Pero ang pinagtataka namin..
Ay nakangisi parin ito na tila hindi man lang nasaktan sa mga natamo niya.
“Masyado niyo namang sinarapan ang atake niyo.” Nagiging malandi na naman ang boses nito. Napaka weirdo talaga ng babae na to. Masokista ata to e. Gustong gusto ng nasasaktan.
Kita pa namin ang pamumula ng pisngi niya habang napapakagat.
Dahan dahan nitong kinuha ang kutsilyong nakabaon sa braso niya. “A-ahhh..ang sarap.”
“Tangina..” Bulalas pa ni Elfred. Naiintindihan ko siya. Mapapamura ka nalang talaga dahil nakakarindi talagang pakinggan ang bose– “Naaano ako sa ungol niya”
Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway “UMAYOS KA ELFRED PAPASLANGIN KITA!” Bulyaw ko. Bwesit to! Inuna pa kalibugan.
“Lalaki lang, Asher. Natatamaan rin” Pormal pang sagot ng gago.
“Alisto kayo.” Rinig naming babala ni Felix kaya binalik ko nalang tingin ko sa kaharap namin. Dinilaan lahat ni Quincy ang mga kutsilyong binubunot niya. Nang matapos ay kumuha siya ng isa at tsaka naglakad papalapit sa direksyon namin.
Maghahanda na sana kami pero sa isang kisapmata ay bigla nalang itong nawala sa harap namin.
Hinanap namin kung nasan ito pumunta pero huli na nung malaman naming nakatalon na ito habang papunta sa balconahe.
Si Virgel talaga ang habol niya!
[3rd Person’s PoV]
“BOSS!” Sigaw nila Ish dahil agad bumwelo si Quincy at tsaka tinira ng mabilis sa direksyon ni Virgel.
Mabilis naman yung nailagan ni Virgel habang nakapamulsa lang. Ni hindi man lang nagbago ang expresyon nito nang papalapit sakanya si Quincy.
Aapak na sana ito sa balconahe nang mabilis na nakatalon si Felix at siya mismo ang sumalubong kay Quincy sa ere.
“Masakit baliwalain alam mo ba yun?” Seryosong usal ni Felix kay Quincy na ngayon ay naiinis na dahil umepal pa ito sa plano niya.
Mabilis siyang niyakap ni Felix ng mahigpit kasali ang mga kamay niya kaya di niya magawang makagalaw.
Alam na ata ni Quincy ang plano nito kaya nagpumiglas siya para makatakas.
Nang pabagsak na silang dalawa sa lupa ay iniba ni Felix ang posisyon nila at inuna niya mismo ang ulo nilang dalawa. “Gusto ko ng marinig ang mga buto sa leeg mong magkabali bali.”
“BWESIT KA!” Sigaw ni Quincy. Siguradong wasak ang bungo niya pag di siya nakaalis sa yakap nito..
……
………………
Pumikit ito saglit at sa maikling segundo, mabilis na pumula ang mga mata ni Quincy at dumoble ang lakas nito.
Bago pa man sila bumagsak na dalawa ay nakawala si Quincy sa yakap ni Felix at sabay niyang sinipa ang katawan nito para may maapakan siya at makaikot pa at di tuluyang bumagsak.
Tumilapon si Felix sa direksyon nina Asher sa lakas ng sipa habang si Quincy ay nakaikot pa ng isang beses sa ere bago binaon ang axe nito sa lupa at tsaka dun tumayo sa puluan ng axe niya.
“FELIX!” Agad inalalayan ni Elfred si Felix na mukhang masama ang pagkakabagsak. Habang si Asher naman ay nakatingin lang kay Quincy.
Binuka ni Quincy ang dalawang kamay niya at tsaka tumingin sa kalangitan. “Inuubos niyo ang pasensya ko.” Ngising bulong nito bago nilipat ulit ang tingin sa tatlong Assassin. “Kung gusto niyo talagang sumunod kay Pretty Boy..” Bumaba ito kinatatayuan niyang puluan bago niya ito muling hinawakan “Sige, kayo ang uunahin ko.”
Tumakbo ito muli sa direksyon nila para umatake
“AARRGHHHHHH!!”
Pagbabayarin nilang lahat ang ginawa nila sayo..
[Flashback]
[Quincy’s PoV]
Pumasok ang dalawang sundalo sa loob ng bahay ampunan kasama si Loda.
Sa limang kinuha nila kagabi, isa lang ang binalik nila.
“Loda..” Pansin kong tila parang may nagbago sa expresyon niya. Parang ang blanko na hindi mo alam kung ano ang iniisip niya. Ano ba talagang ginagawa nila sa mga kasamang bata namin dito sa tuwing kinukuha sila.
Tsaka bakit..
“San si Ate Heidel?” Agad bulalas ni Ross nung makita niyang si Loda lang ang binalik ng mga sundalo. Kasali kasi si Ate Heidel sa limang kinuha nila kagabi “Nasan si Ate??!” Ulit nito pero di nagsalita ang mga Sundalo. Ewan pero mukhang may alam si Ross sa nangyayari kaya galit na galit itong tumayo at tumakbo sa dalawa at tsaka pinagsusuntok ang mga ito “Ibalik niyo dito si Ate Heidel!” Naiiyak ng sigaw nito.
“Ibalik niyo siya!” Dahil sa kakasuntok ay tila napikon na yung isa kaya sinipa si Ross dahilan para tumilapon ito at nabangga sa pader. Agad akong tumakbo palapit sakanya para tulungan siya “Ross!” Inalalayan ko siyang bumangon pero mukhang masyadong malakas ang pagkakasipa kaya panay hawak ito sa sikmura niya.
“Magpasalamat ka nalang sa ate mo. Dahil kung di dahil sakanya, baka ikaw na ang walang buhay ngayon.” Sa sinabi nung isang sundalong sumipa sakanya ay nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? Na..
na wala na si Ate Heidel??
Nakita ko si Ross na panay iyak lang habang nakayuko. “Ate..”
“Ang ingay mo talaga!” Suway nung isang sundalo sa kasamahan niya. “Sabi ng bawal yang ipaalam sa mga bata eh.” Bulong pa nito pero sakto lang para marinig ko.
Ngayon ay umiiyak na rin ang iilan dahil sa narinig nilang balita. “Ate Heidel” Panay lang ang iyak ng mga ito. Napatingin naman ako sa gawi nina Morpheus at Jill na ngayon ay kasama na si Loda. Nakahalukipkip lang ang mga ito na parang walang pakialam sa balita. Sa lahat ng mga batang kinukuha ng mga sundalo sa simula palang, silang tatlo palang ang tanging naiuuwi ng buhay
Tumingin pa ang tatlo sa direksyon namin ni Ross kaya biglang nangatal ang tuhod ko sa takot dahil sa mga titig nila.
Di na talaga sila yung mga dating nakakalaro ko bago pa man sila kinuha ng mga sundalo. Sobrang laki ng mga pinagbago ng ugali nila.
Makalipas ang ilang araw matapos ng nangyari, bumalik na ulit sa pagiging mapag isa si Ross. Sobrang dalang nalang nitong magsalita. Sa aming lahat, siya ang pinaka naapektuhan sa pagkawala ng nag iisang ate naming lahat.
“Quincy!” Dahil sa kakalingon ko kay Ross, nakalimutan ko nang may kalaro pala ako. Huli na nung tinawag ni Ermac ang pangalan ko dahil natamaan na ako ng bola sa mukha.
At mejo napalakas ata yun dahil natumba ako sa sobrang hilo ng naramdaman ko.
Nakahiga lang ako sa lupa kaya mabilis akong pinuntahan ni Ermac “Ayos ka lang ba? Kung saan saan ka kasi tumitingin.” Usal pa niya. Pero ewan, di ako makarinig ng maayos, yung tingin ko na kay Ross parin.
Sobrang lungkot ng mga mata niya.
Gusto ko siyang makitang masaya ulit..
“Ross.”
Sa ilang araw na pag iisip, gusto ko ng malaman kung ano ba talagang nangyayari sa likod ng pangunguha ng mga sundalo ng mga batang ampon. Nakita kong mag isa si Ross sa duyan kaya kinuha ko na agad ang pagkakataon para tanungin siya tungkol sa mga nalalaman niya.
“May alam ka ba kung ano tong mga nangyayari sakanila?” Di na ako nagpaligoy ligoy pa. Inexpect ko na na hindi niya ako kakausapin pero..
“Experimento..” Mahinang sagot niya. “Experimento kung saan yung mga paa mo nasa hukay na. Experimentong buhay ang nakasalalay.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“May experimento ang doktor ngayon at tayo ang pangunahing mga sangkap niya. DI siya titigil hangga’t di niya napeperpekto ang experimento niya. Kaya asahan mo nalang na may kukunin na naman satin para gawing muli ang experimento niya. Posibleng ako, ikaw..sila.” Matamlay niyang paliwanag. Para bang sa nangyari sa ate namin ay nawalan na siyang ganang mabuhay.
Sa mga narinig ko ay nakaramdam ako ng takot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pano kung ako ang mapili? o si Ross?
Pano kung di namin kayanin?
Pano kung di kami makaligtas?
“Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Ate Heidel.” Mahinang wika niya kaya nabalik ang atensyon ko sakanya. “Kung di lang sana ako pumayag na siya ang pumalit sakin, edi sana..” Parang nagbabadya na namang tumulo ang luha niya kaya nakaramdam na naman ako ng lungkot. “Edi sana ako ang nawala ngayon. Hindi siya. Hindi ang ate ko.” Tuluyan na nga siyang naiyak at panay ang hikbi.
Gustuhin ko man siyang yakapin pero tapik sa balikat lang ang tanging nagawa ko. “Ingatan mo nalang yang buhay mo. Pinagpalit niya ang buhay niya para sayo kaya wag na wag mo yang sasayangin. Pilitin mo nalang ang mabuhay para sakanya. Dahil alam ko…alam ko yun ang gusto niya.” Sa mga sinabi ko ay mas lang siyang naiyak.
“Hangga’t nandito tayo, walang kasiguraduhan ang buhay natin.” Tanging sagot niya.
At ewan ko ba..
ewan ko ba kung bat ko nasabi ang mga katagang to sakanya.
“Tutulungan kita. Sabay nating iingatan yang buhay mo. Para kay Ate Heidel.”
Kung di niya kayang ingatan ito,
ako ang mag sisilbing taga protekta niya.
***
Isang gabi habang mahimbing kaming natutulog, ay gaya ng dati, bigla na namang pumasok ang iilang sundalo sa bahay namin. At sa pagkakataong ito, takot na ang lahat ng mga batang nandito–kasama ako dahil alam na namin ang plano nila kung bakit sila nangunguha.
Kaming lahat ay iisa lang ang hinihigaan sa sala kaya yung iba ay nagyayakapan na nang makita ang mga sundalo.
Binuksan nila ang mga ilaw at nanghila nalang ng kung sino.
“Ikaw sumama ka samin.” Nakita namin ang paghila ng mga sundalo kay Timo. Pati narin si Ermac ay dinala na rin. “W-wag poo! Wag maawa kayo!” Pakiusap nila pero sa huli ay wala rin silang nagawa dahil malalakas ang mga sundalo.
Nung makita kong kinuha pati si Ross ay dun na nanlaki ang mga mata ko. Lalo pa nung tignan ko ang expresyon niyang parang wala ng pakialam.
“Isa nalang, bilisan niyo ang pagpili!” Usal nung isang sundalo. Nakita kong naghahanap yung isa at nadapo ang tingin kay Yohan. Lalapit na sana ito nang bigla akong tumayo para mag presenta. “Ako!” Napahinto ang sundalo dahil sa sigaw ko tapos ay lumingon sa direksyon ko.
Kahit sobrang natatakot ako ay pinilit ko ang sarili na ulitin ang sinabi ko. “Ako ang piliin niyo.” Tinignan ko saglit si Ross. Nakatingin ito sakin na may kasamang pagtataka.
Ngumiti ako ng bahagya bago binalik ang tingin sa mga sundalo.
“Oh siya tara.” Sabi nung isa bago ako hinila paalis ng bahay na yun.
**
“Ba’t ka nag presenta? Alam mo namang hindi biro ang–”
“Diba sabi ko na sayo.” Pinutol ko siya at binigyan ng mahinahon na ngiti. “Kasama akong iingatan yang buhay mo. Susundan kita kahit saan ka pumunta.” Muli siyang natulala sa sinabi ko. Bago pa man siya makapag salita ay narating na namin ang pintuan ng isang silid nakung di ako nagkakamali ay laboratoryo ni Doktor Manuel.
Nagkatinginan pa kaming limang mga bata. Bakas sa lahat ng mga mata namin ang kaba at takot..
takot na baka maging isa kami sa mga di makakauwi sa bahay namin.
Pati si Timo ay naiiyak na sa takot.
Kalaunan ay bumukas na rin ang pintuan at bumungad samin ang iba’t ibang mga nakapang doktor na suot at mga kagamitan. At ang nag agaw ng pansin namin ay ang limang higaan na tila nakahanda na para saming lima.
Nakita naming papalapit ang taong kumupkop samin.
Ang taong akala namin ay magsasalba samin sa kakulangan ng mga magulang. Ang taong akala namin ay magiging ama namin at kukupkop hanggang sa lumaki kami.
Huli na para malaman naming parte lang pala kami ng mga experimento niya. Na tila ba mga hayop lang kami na kinukuha sa daan para gawing sangkap sa plano niya.
“Ilagay niyo na yan dun.” Utos nito sa mga nasa likod namin.
Ni hindi man lang kami tinignan sa mata.
Pinalakad kami ng mga sundalo papunta sa mga higaan na yun at tsaka kami pinahiga isa isa. May mga lumapit naman na ibang mga doktor samin isa isa at tsaka kinabitan ang mga katawan namin ng kung anu ano.
“Maawa kayoo!”
“Wag poo! Wag niyo po kaming sasaktan!”
Ayaw ko mang aminin pero sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Isang mali lang, buhay na agad namin ang kapalit.
Napaisip ako kung ano kaya ang iniisip ng mga kasama ko ngayon. Takot din ba sila sa posibleng magiging resulta?
Tinignan ko saglit ang katabi ko, nakatingin na ito sa akin. Naghahanap ng kasiguraduhan..kasiguraduhang mapagtatagumpayan namin to ng sabay.
Tanging mapait na ngiti lang ang naiganti ko.
Kasi di ko alam..
Di ko alam kung kaya ko..
Hanggang sa isa isa na kaming tinakpan ng oxygen mask.
Bahala na..
Unti unti kong naramdaman ang pagbaon ng karayon sa braso ko kaya tuluyan ko nalang pinikit ang mga mata ko.
Pakiusap…
Buhayin niyo si Ross..
Matapos ang operasyon na nangyari, nahuli ko nalang ang sarili kong gising na at nakaupo sa pinaghigaan namin kanina.
Pagtingin ko sa gilid ko nakita ko si Ross at Ermac na nakaupo rin at tila blanko ang expresyon.
Buhay kami..
Buhay pero wala akong maramdaman na kahit anong pakiramdam. Sobrang blanko ng utak ko. Parang di ko alam kung anong rason ng lahat ng to.
Sa pagtapos ng experimento, ay kasabay rin ng pagkawala ng lahat ng mga nararamdaman ko. Pati ang pangako ko kay Ross nung araw na yun ay tila nawala na sa utak ko.
Pinapunta kaming tatlo sa isang silid kung saan nandun ang tatlong naunang nakaligtas sa experimento. Nakahalukipkip, ang pupula at napaka blanko ng mga mata nila . Pero sa pagkakataong to, di na ako makaramdam ng takot. O ng kahit ano.
Maya maya ay dumating sa silid na yun si Doktor Manuel.
“Anim na. Di na masama.” Ngumisi ito sa harap namin na tila isa kaming tagumpay para sakanya.
“Siguro kulang pa ng isa.” Muling wika nito. “Kulang pa ng isa para maging ganap na grupo na kayo. Pero sa oras na’to, bubuuin ko na ang grupo niyo.” Inayos nito ang salamin niya at tsaka muling ngumisi
“Tatagurian kayong pinaka delikadong vigilante sa bansa, ang anim na alaga ni Doctor
Guanzon,
tatawagin kayo ng lahat na ‘Vendetta’ “
Vendetta..
Makalipas ang ilang buwan, natutunan na naming controlin tong binigay ng Doktor samin. Ang lakas na kayang wumasak ng isang buong bayan. Ilang buwan lang ay naging kilala na nga kami sa buong bansa bilang pinaka delikadong grupo. Kalat na kalat na sa lahat ng lugar ang pangalang ng grupong Vendetta dahil sa ilang bayang nawasak na namin.
Pag uugali namin ay nag iiba narin. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang kusa nalang itong nagsasalita at nakikipaglaban. Ibang Quincy na ang nagkokontrol sa katawan kong to. Mga personal naming emosyon sa isa’t isa ay naglaho na.
At sa araw na ’to, balita ng doktor ay madadagdagan na kami ng isa.
At sa lahat ng ampon na naisip ko,
hindi ko inakalang ang napaka batang si Devi pala ang tinutukoy ng Doktor na magiging bagong kasamahan namin.
Hindi ko alam kung pano niya nakayanan, pero sobrang mura palang ng edad niya. Siya ang pinaka batang myembro ng Vendetta.
“Perpektong obra ko ng masasabi si Devi. Siya na ang huling subject ko. Kuntento na ako sa kinalabasan ng experimento ko.” Sa sinabi ng doktor ay parang sinabi niya na rin na mas malakas pa si Devi saming mga nauna at nakakatanda dahil siya lang ang naging perpektong orbra ng doktor.
Hindi nagustuhan ni Morpheus ang narinig niya sa doktor. Parang nagalaw ang ego niya bilang lider sa grupo sa mga narinig niya.
Isang gabi makalipas ang ilang buwan ng pagsali ni Devi sa grupo, tinapos mismo ni Morpheus sa harap ni Devi ang kaisa isang kaibigan niyang si Yohan. Para lamang subukan ang kakayahan ni Devi kung kaya niya ba talagang talunin si Eus.
Pero nabigo siya sa plano niya dahil di lumaban si Devi.
**
“Kung ako sainyo, wag na wag kayong maging kampante kay Morpheus.” Babala ni Jill saming lima habang nakatayo dito sa may ibabaw ng gusali habang hinihintay si Morpheus. “Kilala ko siya, hindi yan kumikilala ng kasamahan sa oras na magalit yan. Kaya kung ako sa inyo, sumunod nalang kayo sa sasabihin yan. At ito ang tatandaan niyo, ang ayaw na ayaw niya sa lahat, yung sinusuway siya.”
Lahat ng sinabi ni Jill samin ay tumatak sa utak namin. Alam narin namin lahat nung una pa kung gano kadelikadong tao si Morpheus. Dahil siya mismo ang unang nagtagumpay sa experimento. Sa kabila ng daming kapalpakan ng experminto ng doktor, nakaya parin ng katawan niya at nakaligtas siya. Kaya siya ang pinili ng doktor na maging lider namin e.
Nang sumulpot si Eus sa kinatatayuan namin ay nagpatay malisya nalang kami sa usapan namin kanina.
“Ito pala ang bayan ng Abyss”
“Mejo malaki pala”
(Scene na to sa episode 2. Tignan niyo nalang ulit haha)
“Ipaubaya niyo na samin ni Ross ang parteng timog” Unang presenta ko. Kailangan naming maubos lahat ng tao dito sa Abyss.
“Kami naman ni Loda sa bandang hilaga.” Presenta rin ni Ermac
“Devi, kaya mo bang mag isa sa silangan? Ako na bahala sa kanluran at si Morpheus naman ang bahala sa centro ng bayan.” Biglang tanong ni Jill kay Devi kaya lahat kami ay napatingin sakanya. Tulala ito at parang wala sa wisyo. Halatang iniisip nito ang nangyari sa kaibigan niya ilang araw na ang nakakalipas.
“Devi?”
“Baka gusto mong isunod kita sa mangmang mong kaibigan?” Biglang usal ni Eus kaya biglang tumalim ang tingin ni Devi at mabilis na nakabunot ng sandata at inatake si Eus–pero nailagan rin naman niya ito.
“Pumapalag kana.” Ngising usal ni Eus habang kinukuha na rin ang sandata niya.
Muling sumugod si Devi–kitang kita sa mukha niya ang galit “HALIMAW KA!” Bubwelo na sana ito nang biglang humarang si Jill sa dalawa “Ano ba kayo? Magkakampe tayo, at ang target natin ay ang bayang nasa harapan natin!”
“Hayaan mo siya Jill, ipapatikim ko sakanya ang hinahanap niya.”
“Eus ano ba?!”
“Kilala mo ba kung sino ang sinisigawan mo, ha? “
“Wag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sayo.” Sa aming lahat, si Jill lang talaga ang kayang makipag sagutan kay Eus. Ewan pero pagdating kay Jill, nauurong ito.
Sa huli ay binalik nalang ni Eus ang tingin sa harap namin bago tuluyang umunang bumaba “Kumilos na kayo.”
[End of Flashback]
[3rd Person’s PoV]
Dahil sa nangyaring experimento, nawala na sa utak ko ang pangakong binitawan ko kay Ross
noon.
Ang samahan siyang protektahan ang buhay na utang niya sa pinaka mamahal niyang ate.
Pero ngayon..
Nabigo akong tuparin ang pangakong yun.
Hinayaan kong matapos ang buhay niya sa kamay ng mga hayop na ’to.
Kaya ngayon..
Pagbabayarin niyo lahat ng ginawa niyo.
“UUBUSIN KO KAYO LAHAT!!”
Mabilis na binato ni Quincy ang sandata niya kay Asher. Pero agad nakatalon si Asher para iwasan ito, pero sa pagtalon niya, sobrang lapit na ng mukha ni Quincy sa mukha niya habang nakangisi.
Bago pa man makasangga si Asher ay malakas ng natamaan ang mukha niya ng suntok ng kalaban kaya bumagsak ito ng malakas.
Muling kinuha ni Quincy ang sandata niyang nakabaon sa puno dahil sa paghagis kanina at tsaka muling umatake–pero ngayon ay kila Felix naman. “Patikim ng dugo niyooo” Pagkalapit niya ay agad niyang winasiwas ang pole axe niya kaya todo iwas sina Elfred sa mga atake niya.
Napansin ni Quincy ang bagay na papalapit sakanya kaya tumigil ito sa pag atake at sinangga ang kunai na yun. Pagkatapos ay muli niyang hinarap sila Elfred, pero sa muling paglipat niya ng tingin sakanila, nakabwelo na agad ang dalawa sa blade na hawak nila. Nakareact naman agad ang katawan ni Quincy kaya nasangga niya ang atake ni Felix–
pero huli na para masangga pa niya ang blade ni Elfred.
At..
…..
…….
Mabilis na bumaon ang blade nito sa sikmura ni Quincy.
“Huli ka.” Ngiting tugon pa ni Elfred–pero agad rin yung nawala nung tignan niya ang mukha nito. Nakangisi parin ito at parang di man lang nasaktan sa pagbaon ng blade niya. At laking gulat nalang niya nang hinawakan ang kamay niyang may hawak ng blade.
At pagtingin niya sa isang kamay ni Quincy, nakabwelo na itong muli at parang balak atakihin ang kamay niya kaya ito hinawakan para di makawala.
Naloko na!
“Ang braso mo ang uunahin ko!” Sigaw ni Quincy bago pinakawalan ang atake niya.
Tatama na sana ang axe nito sa braso ni Elfred pero agad nakasuporta si Felix at napigilan ang atake na yun gamit ang pagsangga sa blade niya.
Inis na nilipat ni Quincy ang tingin sa sumangga sa atake niya. “Binaliwala mo na naman ako.” Pang aasar na naman ni Felix–pero distraction lang pala yun para di mapansin ni Quincy ang pagpunta ni Asher sa likuran niya na ngayon ay nakabwelo na rin.
At sa isang iglap, isang blade na naman ang bumaon sa katawan ni Quincy mula sa likuran. “Arkk!” Sa pagkakataong ito ay nakita na nilang napadaing ang kalaban.
Dalawang nakabaon na blade habang ang isa naman ay nakasangga sa axe niya. Pinalibutan siya ng tatlong Assassin ngayon na tila na trap na siya sa bitag ng tatlo.
“Masarap bang ma gangbang?”
Tuluyan ng nabitawan ni Quincy ang sandata niya dahil sa tinamo. Mukhang nakikita na ng nanunood kung sino ang panalo.
Pero nung pabagsak na ang axe ni Quincy sa lupa, naging kampante ata ng konte ang mga Assassin..
o masyado lang mabilis ang pagkakakuhang muli ng kalaban sa sandata niya at mabilis na nakawasiwas pataas..
……..
……………
Bumagal sa pag galaw ang paligid.
Tulala lamang na nakatingin si Elfred sa braso niyang hiwalay na sa kamay niyang hawak hawak pa ang blade na nakabaon sa sikmura ni Quincy.
“ELFRED!”
Hinigpitan ni Quincy ang paghawak sa axe at tsaka mabilis na umikot “DI NIYO AKO KAYA!!” Dahil dun ay napilitang bitawan ni Asher ang blade na nakabaon sa katawan ni Quincy at si Felix ay agad hinila si Elfred palayo para di matamaan.
“Tangina.” Agad humablot ng piraso ng damit si Felix at mabilis na itinali sa braso ni Elfred. “Nakagawa parin ng counter ang hayop sa sitwasyon na yun.”
“Konting iglap mo lang, baka nasa kabaong kana. Kaya maging alerto tayo.” Seryosong saad ni Asher na ngayon ay tinignan si Quincy na isa isang binubunot ang mga blade na bumaon sa katawan niya. “Ang kunat ng halimaw na to.”
“Iniisip niyo ba talaga na makakaya niyo ang isang tulad ko? Ahhh sht” Nagsasalita pa ito habang hinihila ang mga blade. “Mga normal lang kayo.” Napansin ng lahat ang panginginig ng katawan ni Quincy. “Shet, di ko na makontrol.” Tumatawa ito na parang nasisiraan “Ughh ghaad.” Humawak ito sa mukha niya habang nakangisi ng sobrang lapad.
Tapos maya maya pa ay sumugod na naman itong muli kila Asher.
Agad sinalubong ni Asher ang kalaban ng mag isa ng walang takot. Pero sa paglapit niya, nagulat nalang siya nang bigla itong mawala sa harapan niya.
At pagtingin ni Felix sa likod niya na kasalukuyang inalalayan si Elfred ay mga paa ni Quincy ang tumambad sakanya.
“Tang–”
“Kanina pa ako naiirita sayo!” Sobrang lakas ng pagkakatilapon ni Felix sa napakalakas na sipa ni Quincy na yun. Bumangga ito sa puno at sa lakas ng impact ay ramdam ni Felix ang bagka bali ng mga buto niya sa likuran. “Arrkk!!” Bali ang ilong at punong puno ng dugo ang bibig nito.
“FELIX!!” Agad na sanang magpapaputok ang iilang tauhan na nanunood dahil mukhang dehado na ang tatlo pero pinigilan ito ni Hell. “Magtiwala lang kayo.”
“Pero Hell! Baka sila pa ang mamamatay sa labanan na yan!” Pag aalala ni Ish. Pero si Hell kalmado lang. “Di yan.”
Matapos tignan ni Quincy ang pinag banggaan ni Felix ay muling nabaling ang atensyon niya kay Elfred na ngayon ay nasa harap niya lang, nakaupo, akay akay ang naputol nitong braso habang nakatingin sakanya at bakas na sa mga mata nito ang kaonting sindak.
“Hmmm.” Bumwelo si Quincy gamit ang axe niya para sana tapusin na si Elfred pero agad hinagis ni Elfred ang huling blade niya sa harapan ni Quincy. At nagulat nalang siya nang may biglang kumuha dito at agad hiniwa sa katawan ni Quincy. “Arrrk!” Dahil dun ay saglit na napaluhod si Quincy ng isang tuhod. Agad rin namang yung kinuha ni Asher ang pagkakataon at mabilis na inapakan ang tuhod nito at tsaka sinipa ng malakas sa mukha si Quincy kaya mabilis itong tumilapon.
Nakabalanse naman agad si Quincy sa pamamagitan ng pagbaon ng axe niya sa lupa. Pero sa pagtingin niyang muli sa harapan, sobrang lapit na ng mukha ni Asher sa mukha niya habang seryosong seryosong nakabwelo sa blade na hawak niya. “Pagpipira pirasuhin kitang hayop ka!!” Sigaw niya bago pinakawala ang blade niya–pero nasangga parin iyun ni Quincy gamit ang axe niya.
…
…..
Matapos ang pagsangga ay nakakuha pa ng pagkakataon ang dalawa na magtitigan. Ni hindi man lang nasisindak si Asher sa sariwang pulang mga mata ni Quincy.
“Sanay na akong matitigan ng mga ganyang mata kaya di na tatalab sakin yang pananakot mo na yan.” Lintanya ni Asher “Kung tutuusin di nakakalahati yang sindak na nabibigay ng mga mata mo sa mga mata nun.” Ngumisi ito at muling nagsalita “Kung buhay lang yun, baka ubos na kayong anim ngayon dahil sa pagtapos niyo sa buhay ng ama niya.”
Gumanti ng ngisi si Quincy na tila walang pakialam sa sinasabi ni Asher “Kaso ang problema patay na silang dalawa.”
“At alam ko…” Lumapad lalo ang ngisi nito nang hinawakan ng isa niyang kamay ang dulo ng puluan ng axe niya at tsaka inikot ng isang beses.
Hinila niya ito at nahati sa dalawa ang pole axe niya. At ang masama, may nakatagong talim ang puluan na hinila niya. “Alam kong gusto mo ng sumunod sakanila!” Sigaw nito bago inatake si Asher gamit ang isang sandata nito.
Malabo na itong maiwasan ni Asher kaya binuhos na rin nito lahat ng lakas niya. “ISASAMA KITA!!” Buong pwersa rin niyang inatake ang blade niya hanggang sa tuluyang mabasag ang axe na nakasangga dito.
At…
Isang palitan ang naganap..
Mabilis na bumaon ang sandata ni Quincy sa tiyan ni Asher habang ang blade naman ni Asher ay bumaon sa dibdib ni Quincy.
…
……
……………..
Naramdaman ni Asher ang pagtagas ng dugo niya sa bibig at unti unting panlalabo ng mga mata niya.
Nakatingin lang siya kay Quincy na ngayon ay nakangisi parin kahit may saksak na ito dibdib. “B-bwesit.” Napahawak si Asher sa bibig niya dahil ayaw tumigil ng dugo. Hanggang sa tuluyan itong napaluhod.
“Gaya ng sabi ko. Hindi niyo ako kaya.” Yan ang huling narinig ni Asher bago unti unting dumilim ang paningin niya at tuluyang bumagsak.
“ASHEEEER!!” Lahat ay nabigla sa nangyari. Pati sina Hell ay nagulat sa pangyayari. Pati ang Boss na nanunood sa taas ng balconahe ay nakaramdam ng pagkabigla sa nasaksihan.
Di maipaliwanag ni Quincy ang nararamdaman niya. Sobrang tuwang tuwa ito nung mapabagsak niya ang tatlo. Sa lahat ng mga naging nakalaban niya, sa tatlong to lang siya napuruhan ng husto. Ayaw niya mang ipahalata, nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa dami ng dugo nawala sakanya kanina pa.
Ross..
Kahit papano, naipaghiganti ko na ang buhay na iningatan natin sa loob ng mahabang panahon.
Ang buhay nating iningatan pero kinuha lang ng hayop na pamilyang to..
Sa wakas..
Ross..
Nakabawi na tayo..
Nabalik naman si Quincy sa wisyo niya nang may mapansin siyang mga yapak na papalapit sa likuran niya.
Hinarap niya ito saglit para sana tignan pero..
……
…………..
……………………..
Nahuli nalang niya ang kamay ng nasa harap niya na nakabaon sa dibdib niya.
Sobrang natulala ito sa nangyari, nanlaki ang mga mata sa bilis na pangyayari.
“A-anong..” Tinignan niya ng dahan dahan ang pagmumukha ng taong may ari ng kamay na yun.
At dun, sa harap niya..
Isang nakangising nilalang ang nasilayan niya.
“E-eus..”
Napabulwak ito ng dugo dahil sa tinamo ng dibdib niya. “B-bakit?”
Sa titig na nakikita niya, isang babala lang ang naalala niyang narinig niya dati pa
“Kilala ko siya, hindi yan kumikilala ng kasamahan sa oras na magalit yan. Kaya kung ako sa inyo, sumunod nalang kayo sa sasabihin yan. At ito ang tatandaan niyo..”
“Yung ayoko sa lahat, yung sinusuway ako.”
Unting naninikip ang dibdib ni Quincy kaya tuluyan itong napaluhod pagkatanggal ni Morpheus ng kamay niya. Pilit niyang takpan ang bibig niya pero panay bulwak lang ito ng dugo. “ H-hayop kaa…“
“HAYOP KAAA!!!”
Gamit ang matatalim na kuko ni Morpheus, mabilis niyang ginitilan ng leeg ang nasa harap niya kaya tuluyan na itong natumba at naligo sa sariling dugo.
……..
…………………..
Lahat ay gulat na gulat sa pangyayari. Pero isang tao lang ang hindi pagkagulat ang nararamdaman ngayon.
Kundi nag uumapaw na puot at galit.
Tinignan ni Morpheus ang nasa ibabaw ng balconahe at dun sa ikatlong pagkakataon, muling nagtama ang mga mata ng dalawa.
Sabay na naging pula ang mga mata nila. Nakangisi lamang si Morpheus habang si Virgel naman ay sobrang talim at seryoso ng mukha.
“Muli tayong nagkita, bata.”
-To be continued
(A/N: Sa mga gustong sumali sa gc, add niyo lang ako tas pm kayo hahaha Julius Emnacin name ko sa fb. Dun nalang tayo mag usap usap hahaha. Sana nakakasunod pa kayo sa plot kahit papano. Pasensya na talaga sobrang tagal ko mag update hahah Kitakits nalang sa next episode~ Adios~)
-Emnacinn
Episode 36: Take care of them, Boss
Episode 36 : Take care of them, Boss
Bukas ko na to i edit. Sorry kung madaming errors hahah antok na ako. Tamo title ko ang weird na HAHAHA wala na akong maisip hays
[3rd Person’s PoV]
“M-morpheus..”
Saglit na tinignan ni Hell ang katabi niya na ngayon ay tulalang tulala habang tinitignan ang panibagong Vigilanteng nakapasok sa loob ng gate ng mansyon nila, tapos ay binalik ulit ang tingin sa nasa harap nila.
“Siya pala ang Morpheus na laging naririnig ko sa bukambibig nito” Pagtutukoy nito kay Ish
Pati mga tauhan ay di rin nakaimik matapos nilang masaksihan kung pano tapusin ng taong ’to ng ganun kadali ang babaeng pinagtulungang patumbahin ng tatlong Assassin ng Virgo. Ewan pero nakakalambot ng tuhod ang presensya ng taong ’to. Lalong lalo na ang titig at ngisi na pinupukol ngayon sa Boss nila na ngayon ay nakipag titigan rin sa may balconahe.
Kinuha ni Morpheus ang sandata niyang Karit (Scythe) at tsaka inakay sa balikat niya. Isang tao lang talaga ang pinag uukulan niya ng pansin ngayon–ang Boss ng Virgo.
“Isang lahi nalang ang natitira sa pamilyang pinagmanahan ng matandang yun.” Wika ni Eus habang nakangisi. “Kailan ko lang rin nalaman na ang pinaka pinag uusapang may malademonyong mga mata sa mundo niyo noon ay patay na.” Dugtong nito.
“Ang saklap. Matagal ko ng pinangarap na makaharap ang taong yun. Pero di kami pinagtatagpo ng tadhana.” Nanatili lang na tahimik si Virgel pero halata na sa mga titig nito ang pagtitimpi. Lalo pa’t pinapaalala pa sakanya ang mga taong importante sakanya.
“Argo Diamante, Vlademir Acosta, ang mag amang bumalot ng takot sa mundong kinabibilangan niyo sa loob ng mahabang panahon.” Lumapad lalo ang ngisi ni Morpheus nang mapansin niyang nanlilisik na ang mga mata ng tinitignan niya.
“At ngayon akalain mong may isa pa. May isa pa palang Acosta ang susubukang pamunuan ulit tong mundo ng Mafia.”
“Alam mo ba kung anong isa sa pinaka ayaw ko?” Tila sila Ish at ang iba pa ay walang magawa kundi ang makinig nalang sa kaharap nila dahil pilitin man nilang sumingit, bibig na mismo nila ang umuurong sa takot ng presensya nito.
“Pinaka ayoko yung nauunahan ako. Lalo na pagdating sa lakas.” Pinakiramdaman saglit ni Eus ang kaliwang braso niya na kasalukuyang nakapamulsa. Kumikirot parin talaga. “At para di mangyari yung ayoko, lahat ng nagtatangkang higitan ako binabaon ko sa hukay ng buhay.”
“Kaya kung ako sayo bata, di na ako magtatangka.” Nilagay muli ni Eus ang karit niya sa likod at tsaka agad tumalikod. Wala siyang planong makipag laban sa mga oras na ’to dahil sa sitwasyon ng kaliwang kamay niya. Tinaas pa nito ang kanang kamay habang kalmado sa paglalakad. “Yun lang. Pakabait kayo kung ayaw niyong matulad sa nasaksihan niyo kanina.” Nagagawa pa nitong magbiro habang natatawa palabas ng gate.
Nang makalabas si Morpheus ay agad na rin nitong tinahak ang daan papasok sa loob ng gubat na nasa tapat lang ng mansyon ng Virgo.
Nang mahimasmasan, agad kumilos ang iilang tauhan para sagipin ang tatlong Assassin na sobrang sama ng lagay, pati na rin ang walang buhay na na katawan ni Gordon.
Mabilis na tumakbo sila Ish sa direksyon ni Asher na tanging nawalan ng malay sakanilang tatlo. “Tangina Asher!” Hinarap ni Ish ang katawan nito at agad inagapan ang dugong dumadaloy sa tinamong saksak nito sa sikmura. “Ihanda niyo ang sasakyan dali!” Utos ni Ish sa mga tauhan kaya agad na ring nagkagulo sa buong mansyon. “Hayop kumapit kayo!” Nakita pa ni Ish na nakatunganga pa yung iba kaya mas lalong nag init ang ulo nito “ANO BA! KUMILOS NA KAYO!”
“O-opo!”
Saglit tinignan ni Ish ang gawi ng katawan ni Gordon na ngayon ay mahigpit ng niyayakap ni Maki “TANDA!! Gumising ka! GUMISING KA!”
Napakagat nalang sa labi si Ish sa sobrang inis. Pati sa gawi nina Felix at Elfred ay may mga umaalalay na para isakay sila sa sasakyan at maihatid agad sa ospital. Sobrang sama ng lagay nila ngayon. “Kaasar!”
Nilipat niya ang tingin sa gawi ng balconahe para sana tignan si Virgel kung ano ng ginagawa nito pero laking gulat nalang niya nung wala na siyang makitang nakatayo doon.
“Teka nasan si–”
Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, at nahinto lang ito nang makita niya ang taong naglalakad at parang pagewang gewang na tuluyan nang nakalabas ng gate. “Boss?…hindi..BOSS!!! San ka–” Ni wala man lang nakapansin na ibang nandun sa paglabas ni Virgel. Tanging si Ish lang ata ang nakapansin dahil tinitignan niya ang mga tauhan eh parang wala itong mga kamalay malay, pati si Elsa.
Tinignan niya naman si Hell na ngayon ay nakatingin rin sa gate “Nakita mo?” Tanong niya dito dahil baka nakita niya rin yung nakita niya.
“Sino?” Tanong nito pabalik kaya mas lalong gumulo utak niya. Mukhang hindi rin napansin ni Hell ang nakita ni Ish.
“Icheck niyo nga si Boss sa loob ng mansyon kung nandun ba siya” Utos nalang niya sa iilang tauhan.
“ Opo Sir.“
“Guni guni ko lang ba yun?” Natanong nalang niya sa sarili.
Naalimpungutan naman si Kael dahil sa ingay sa labas ng mansyon. Kahit sobrang bigat ng katawan niya dahil sa lagnat, pilit itong bumangon saglit at sinilip ang bintana sa gilid ng higaan niya.
Nakita niyang nagkakagulo na sa baba at di nakatakas sa paningin niya ang mga sugatang mga Assassin na ngayon ay inaalalayan na.
“Anong..”
Nahagip naman niya saglit ang gate ng mansyon kung saan may nakita siyang tao na kakalabas lang ng gate. At kung di siya nagkakamali, “B-Boss?” Takhang tanong niya. Dahil bukod sa mukhang walang nakapansin nito sa baba, pansin niyang parang wala ito sa sariling naglalakad.
Boss..
Sa kabilang banda naman, huminto saglit sa paglalakad si Morpheus matapos niyang marating ang gitna ng kagubatan na isang parang malawak na bilog na ispasyo. Kitang kita niya ang buwan at mga bituin sa kalangitan dahil wala ng mga punong nakatayo dito. Pero kaalunan ay unti unti rin itong natatakpan ng mga ulap. Maya maya pay kasunod na humaplos ang malamig na hangin sa paligid niya.
Yumuko siya at napangiti ng bahagya na parang may inaasahan na itong mangyayari. Tumingin ito sa likuran niya kung saan siya dumaan kanina.
Mapupulang pares ng mga mata ang tanging naaninag niya sa loob ng kagubatan na yun na papalapit sa kinatatayuan niya.
“Tinutulak ka ba ng paghihiganti mo para sundan ako?” Ngising tanong nito. Humarap ito at hinintay na makaapak sa bilog na ispasyo ang kinakausap niya.
At eksakto namang lumitaw ulit ang maliwanag na buwan ay siyang paglabas nito at pag apak niya sa bilog na ispasyo. Ngayon ay nasa magkabilang dulo ang dalawa at muling nagtitigan.
Pansin ni Eus na parang tulala ang mga mata nito habang nakatingin sakanya. Para itong wala sa sarili.
Tanging ang buwan lamang ang makakasaksi sa mga susunod na mangyayari ngayon. Tila ang mga puno ay tensyon narin sa pagsayaw ng mga sanga nito dahil sa mukhang hindi maganda ang mangyayari.
“Oo, at yung paghihiganti ko mismo ang tatapos sayo ngayon” Sa wakas ay nagsalita na rin ang Batang Boss.
“Matalas ang dila mo.” Dahan dahang naglakad ang dalawa papalapit sa gitna hanggang sa unti unting bumibilis ang lakad nila. “Pero di sapat yan para makaya mo ko!”
Sa isang iglap lang ay mabilis na nagkalapit ang dalawa habang sabay na nakabwelo ng suntok. “PAGBABAYARIN MO ANG PAGPATAY SA AMA KO!” Buong pwersang pinakawala ni Virgel ang suntok niya habang si Morpheus ay ganun rin.
“ARRGGHHHHH!!”
“ARRRGHHHH!!”
Tumama ng sabay ang suntok ng dalawa sa mga mukha nila–pero tila malakas ang pwersang napakawala ni Morpheus dahil si Virgel ang tumilapon. Habang si Eus naman ay natinag lang ng ilang hakbang.
Wala pang segundong pagkakabangga ni Virgel sa puno ay muli itong sumugod na parang di na iniinda ang sakit ng suntok ni Morpheus. Nanlilisik na ng sobra ang mga mata nito na parang halang na halang ng tapusin ang kaharap niya
“Matibay ka!” Agad sinalubong ni Eus si Virgel bitbit na ang sandata niyang karit.
Nang magkalapit muli ang dalawa ay agad umatake si Eus at winawasiwas ng walang humpay ang sandata niya. Mabilis naman yung naiiwasan ni Virgel–bagay na mejo ikinabigla ni Eus. Di niya akalaing mabilis ang reflexes nito.
Paiba iba ng direksyon sa pag iwas si Virgel, at habang tumatagal, parang pabilis ng pabilis lalo ang pag iwas–hindi, hindi na isang pag iwas pa ang ginagawa niya. Dahil nang huminto si Eus sa pag atake, patuloy parin itong palipat lipat ng direksyon. Mula sa kaliwa, sa kanan–papunta sa likuran–pabalik sa harapan. Di na mahagip ni Eus ang mga kilos ni Virgel kaya nalilito na ito kung saan titingin.
Hanggang sa nawala nalang bigla si Virgel at tsaka lang niya nalaman na nakabwelo na ito ng sipa sa ere sa likuran niya.
Dahil mabilis rin ang reflexes ni Eus kahit brusko ang katawan, agad siyang nakaharap at tsaka ginamit ang hawakan ng karit niya para pang sangga. Tumama ang sobrang lakas na sipa ni Virgel dun sa hawakan na ikinatipak nito.
“Paanong!”
Napaatras ng husto si Eus sa lakas ng impact ng sipa ni Virgel. Kung mukha pa ang tinamaan niya dun ay baka napuruhan pa siya ng husto.
Hindi niya akalain na ang bakal na hawakan ng karit niya ay muntik ng bumigay sa lakas ng pwersa ng sipa ng batang kaharap niya.
“Walang dudang isa ka ngang Acosta.” Imbes na matakot, mas lalo lang lumapad ang ngisi ni Morpheus. Isang malakas na kalaban na naman ang kaharap niya ngayon. “Yung pagnanasa kong makalaban ang kapatid mo ay tila nalipat na sayo.”
“Maling lahi ang pinili mong pangaraping makalaban.”
“Talaga?” Muling naghanda si Eus sa ataking gagawin ni Virgel, at gaya ng inaasahan, muli na naman itong sumugod “PATUNAYAN MO!” Kahit wala sa kundisyon, nilabas ni Eus ang kaliwang kamay niya sa bulsa para gamitin sa laban. Binitawan niya ang karit at tsaka sumugod rin.
Kamao sa kamao
Lakas sa lakas.
Bubuwelo pa sanang muli si Virgel–pero ang bilis ng pangyayari. Di man lang niya naramdamang nasa harapan na niya si Morpheus. Nahuli nalang niya ang sariling sinasakal ni Morpheus gamit ang kaliwang kamay nito. Narinig niya pa itong natawa. “Kung iniisip mong sapat na ang lakas mo para matumba ako..” Hinigpitan lalo ni Eus ang pagsakal kaya hirap na hirap si Virgel na makahinga at gumawa ng aksyon. “Arkkk”
“mag isip ka ulit.” pilit na inaalis ni Virgel gamit ang dalawang kamay niya ang pagsakal sakanya pero masyadong malakas si Morpheus. Di niya ito maialis.
Di siya makakaligtas..
Dito na ba matatapos ang lahat?
Unti unti nang lumalabo ang paningin ni Virgel at parang pawala na sa ulirat nang biglang–
“Di mo na ba kaya?”
Isang boses bigla ang narinig niyal na tila nagpukaw sa diwa niya.
Ang boses na yun…
Tumawa ito ng malademonyo at dun na niya nakumpirma kung sino ito..
Matagal na rin nung huli niyang narinig ang nakakairitang tawa na yun.
Ikaw…
“Pahirap saglit ng katawan mo..”
Yun lang ang huling narinig ni Virgel bago unti unting bumitaw ang mga kamay niya .
Ngumisi si Morpheus sa pag aakalang nalagutan na ito ng hininga sa pagsakal niya.
Pero..
“Ha..haha..hahaha..”
Nangunot ang mga mata ni Eus nang marinig niya itong natawa
At bago pa man siya makareak, hinawakang muli ni Virgel ang kamay na nakasakal sa leeg niya at tsaka ito tumalon at sinakyan ang braso ni Morpheus.
“HAHAHAHA!” At isang iglap, mabilis na nabaliktad ang sitwasyon, yakap yakap na ngayon ni Virgel ang buong braso ni Morpheus.
Lumapad ang ngisi ng batang Boss kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa braso nito at walang paalam siyang umikot kasama ang braso ni Eus kaya rinig na rinig nila ang mga butong nagkabali bali “ARGHH!”
Pagkatapos nun ay lumayo saglit si Virgel para tignan ang sitwasyon ng kalaban niya.
“Ang sarap pakinggan ng mga buto mo.” Ngising usal nito habang titig na titig kay Morpheus na ngayon ay tila wala ng silbi ang kaliwang kamay nito dahil sa ginawa ni Virgel.
“Matagal na rin akong di nakakawala.” Sa pagkakataong ito ay ang isang katauhan na naman ni Virgel ngayon ang dumadaldal habang si Eus ay tahimik lang matapos ng nangyari sa braso niya. “Matagal na akong di nakakatapos ng buhay!” Tumawa ito ng malademonyo na parang nasisiraan na. Tinuro niya pa si Morpheus at agad nagsalita
“Durog ka sakin.”
“Ako? Dudurugin mo?” Ganting usal ng isa. Simula kanina hindi pa ginagamit ni Eus ang mapupulang mga mata niya. At sa pagkakataong ’to, dahan dahan nitong inangat ang tingin niya at tsaka tinignan si Virgel bitbit ang sariwang mga mata. “Nagpapatawa ka lang diba?”
Tumawa pa ng malakas si Virgel sa narinig na tanong nito. Tapos ay mabilis ulit na sumugod. Tripling bilis na ang mga kilos nito kumpara kanina . “PAG SINABI KONG DUROG KA, DUROK KA SAKIN!” Pagkalapit niya ay agad nagpaulan ng atake si Virgel sa harapan ni Eus.
Mabilis si Eus pero di niya mailagan yung ibang mga atake dahil sunod sunod ang mga ito at di mo alam kung saan tatama. Sinubukang sumuntok ni Morpheus pero yumuko lang si Virgel at gamit ang siko, ito ang ginamit niyang counter na malakas na tumama sa mukha ng kalaban. Sunod ay isang suntok sa sikmura.
Ilang suntok at sipa rin ang tumama sa katawan ni Eus bago ito tuluyang napikon. “Tama na to.” Mejo nabigla si Virgel dahil mas nanlisik ang mga mata ng kaharap niya. At ewan, aatake pa sana siya nang mahuli ng kamay ni Eus ang mukha ni Virgel. Tapos ay mabilis na tumakbo si Eus bitbit ang mukha at katawan ni Virgel.
At nung malapit na sila sa puno, buong pwersang hinampas ni Eus ang ulo niya sa puno “AAARGHHHHHH!!”
Sa lakas ng pagkakahampas ay gumalaw pa talaga yung puno dahil sa impact. Halos mawalan ng ulirat si Virgel dahil sa pagkakabangga ng ulo niya. Babagsak na sana ito nang sinalubong pa nito ang suntok ni Eus mula sa ilalim. Isang kamay lang ang gamit nito pero sapat na yun para tumapos ng buhay. Napabulwak ng dugo na may kasamang laway si Virgel dahil sa malakas na atake ng kalaban.
Di pa nakuntento si Eus, bumwelo ito at ngayon ay ang binti naman ni Virgel ang pinunterya niya. Ngumisi pa ito ng malademonyo bago pinakawala ang atake niya.
“ARGGGGGHHHHHH!!!!” Isang malakas na sigaw ang pinakawala ni Virgel matapos mag crack ang buto nito sa binti dahil sa atake ng kalaban.
Tuluyang napaluhod si Virgel dahil sa tinamo. Pero di pa yun, dahil tila pawala na siya ng malay, sinalo ito ni Morpheus at muli tinaas at sinakal at sinandal sa puno.
“Walang makakatalo sakin. Wala kahit isa!” Unti unting hinigpitan ni Eus ang pagsakal at plano na niyang tapusin pa ang labanang ito. Halos tumirik na ang mga mata ni Virgel dahil sa higpit ng pagkakasakal
Tumutulo na ang laway niya “Arrkk!” Pilit nang kumakawala ang katawan niya. Panay galaw ang mga paa niya dahil sa hirap ng paghinga. Tila ano mang oras ay bibigay na ang hininga niya.
Napatingin na ito sa kalangitan at parang malapit na siyang malagutan ng hininga “arkk”
“Paalam, Batang Boss.”
Kanina pa di makapakali si Ish dito sa sala ng mansion.
Wala si Virgel dito sa loob.
So siya nga yung nakita kong lumabas??
Nag aalala na siya dahil sigurado siyang sinundan nito si Morpheus. “Kainis! Bat sumunod pa siya!” Inis na bulyaw nito. Alam nila kung anong nilalang ang halimaw na yun. Hindi naman sa minamaliit niya si Virgel ito pero sa mga oras na ’to, malabo pa niyang matalo si Morpheus.
Tumayo si Ish dahil hahanapin nalang niya si Virgel kesa ang tumunganga dito sa sala. Baka di na nahabol nun si Morpheus.
Aalis na sana siya nang bigla siyang tinawag ni Elsa na hinihingal. “Ish.”
“Oh bakit? Bat hinihingal ka?”
“Kanina ko pa siya hindi mahanap.”
“Sino?”
“Arkkk” Papikit na sana ang mga mata ni Virgel dahil hindi na talaga niya kayang huminga nang dalawang putok ng baril ang nagpatigil kay Morpheus at napilitan itong mapaatras dahil sa direksyon niya papunta ang mga balang yun.
Tuluyang bumagsak si Virgel habang hinahabol ang hininga at tumutulo ang laway. Sobrang nanghina ang katawan niya sa ginawa ni Morpheus. Isama mo pa ang nabaling binti niya.
Pilit niyang nilibot ang tingin sa paligid para tignan kung sinong may pakana nung mga putok na yun.
At sa isang madilim na parte ng kagubatan, may isang lalaki ang dahan dahang lumitaw at unti unting naliwanagan sa buwan pag apak niya sa bilog na ispasyo.
Mejo ikinagulat ni Virgel ang lalaking naaninag niya.
Nakita niya pang nilagay sa bibig nito ang sigarilyong hawak niya na parang ang kalma kalma lang.
“H-hell..”
“At sino ka naman?”
“ Mukhang sakto lang ang pagdating ko.“ Wika nito habang sinisindihan ang sigarilyo niya. Tapos ay tinignan niya ang gawi ni Virgel. “Buhay ka pa ba?” Tanong nito. Di magawang makasagot ni Virgel. Pero nakumpirma naman yun ni Hell dahil nakatitig rin ito sakanya kahit hinang hina na ito.
Nilipat naman niya ang tingin kay Morpheus na ngayon ay nakatingin narin sakanya . “Sino ako?” Agad nitong kinuha ang isa pang baril sa likuran niya at agad tinutok ang dalawang baril kay Eus. “Tanungin mo ang mga bala ko.” Usal nito bago mabilis na pinaputukan si Eus.
Mabilis namang umiwas si Eus sa pamamagitan ng pagtakbo. Kinuha niya ang sandata niyang karit at tsaka yun ang pinanggamit niyang pangsangga sa ibang mga bala.
“Paano? Diba magkasama pa kayo kanina?” Gulat na gulat na usal ni Ish sa sinabi ni Elsa.
“Oo. Pero nalingat lang ako sandali tapos bigla nalang siyang nawala.” Ramdam mo na sa boses nito ang pag aalala. Naiiyak na ito dahil iba ang pakiramdam niya. “Ish..masama ang kutob ko.” Dugtong pa nito habang nangangatal ang bibig.
Bigla niyang naalala kung saan nakatingin si Hell kanina nung tinanong niya ito.
So nakita niya rin pala.
Isa lang ang hinala niya ngayon
“Tara. Hanapin natin silang dalawa.” Agad tumakbo ang mga ito palabas ng mansyon para hanapin sina Virgel at Hell.
Sana ayos lang sila.
[Flashback]
“Sige lang, Boss. Malapit mo ng makuha.” Napangiti ng malapad si Virgel dahil sa puri ni Hugo. Kasalukuyan silang nagttraining ngayon sa pag gamit ng baril.
“Abaaa, kahit papano nakakatama kana sa target, Bossing! Galing galing galing galing mo talaga. Pag may oras ka Bossing ituturo ko naman sayo kung pano magshoot kahit madilim hihi expert ako jaaaan Nyahahahaha kahit gano pa kaliit ang bu—” Di pa natatapos si Benz ay nakatanggap agad siya ng batok ni Ish “Iba na yan gago!” Singhal ni Ish kaya natawa na ng tuluyan si Virgel. Hindi dahil sa pinag uusapan nila–masaya lang siya dahil may nakikita na siyang resulta sa pagttraining nila.
Ni reload namang muli ni Virgel ang hawak niyang baril at tsaka inasinta ang target. Hinigpitan nito ang hawakan at ng maka focus, sunod sunod na niya itong pinutok.
“Yun oh! Muntik mo ng tamaan yung gitna Bossing!”
Napangiti ulit si Virgel sa nagawa niya. Di siya makapaniwalang magagawa niya ang ganung bagay.
Nabigla naman silang lahat nang lumapit si Hell sa kanila. Kinuha ang baril ni Virgel sa kamay, nireload at tsaka inasinta yung target tapos ay tatlong segundo lang, ubos agad ang isang magazine. At halos mabutas na yung gitna ng target dahil dun tumama lahat ng tira ni Hell.
“ Woaaah. Kaya ayaw ko talagang makipagtalo sayo, Hell Boy e.“ Manghang usal ni Benz.
Nilagay ni Hell ang baril at tsaka tinignan si Virgel. “Masyado kang tensyon, Virgel. Iniisip mo na focus ka pero ang yung katawan mo ayaw makisama. Kulang ang focus lang sa utak. Isama mo pati galaw ng katawan mo.”
“ Pero nakatayo lang naman si Boss jan. Di naman niya kailangang gumalaw.“
“Ang paghawak mo sa baril. Masyadong mahigpit.” Sagot nito
“Hoy Hell, pansin kong sa pangalan mo lang tinatawag si Boss. Marunong ka bang rumispeto? Di yan tinuro ni Boss Vlad satin.” Singit ni Hugo na ikinatawa ng mahina ni Hell.
“Batang di marunong sa pag gamit ng baril tatawagin kong Boss? Nagpapatawa ka ba? Hinding hindi ko tatawaging Boss yan kapag di yan napatunayan na karapat dapat nga siyang mamuno sa pamilyang ’to.” Sagot nito bago tumalikod at naglakad palayo.
“Di na talaga magbabago yang ugali na yan ni Hell.”
“Tama naman siya e.” Singit ni Virgel. “Di nga ako karapat dapat na tawaging Boss niyo dahil wala pa akong nagagawang tama sa pamilyang ’to. Ni pag gamit sa baril nahihirapan pa.”
“Boss. Wag mo ng intindihin ang sinabi niya. Ganun lang talaga yun–”
“Di okay lang.” Ngumiti ito sa harap nila “Balang araw mapapatunayan ko ring karapat dapat ako at tuluyan ko ng mapapatawag ng Boss sakin si Hell.” Ngiting dugtong nito kaya napangiti narin sina Ish.
[End of Flashback]
Habang tinignan ni Virgel na nakikipaglaban si Hell kay Morpheus ay biglang sumagi sa utak niya ang mga panahong yun. Di parin talaga nagbabago ang lahat. Simula palang hanggang sa puntong ’to, kahit anong gawing pagpapalakas niya, siya parin sa huli ang nililigtas.
Siya parin ang sa huli ang pinagtatanggol.
“Alam mong wala kang laban jan..” Bulong ni Virgel habang pinipilit ang sariling makatayo. “Pero bakit nanjan ka..”
“Bakit lumalaban ka…” Napakagat nalang si Virgel dahil bumabalik na naman sakanya ang pakiramdam na ’to.
Tatlong beses na niyang nasaksihan ang pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. Ayaw na niyang madagdagan yun.
“U-umalis kana..”
“TUMAKAS KANAAAAAA!!!” Sigaw ni Virgel pero di man lang yun pinakinggan ni Hell.
Nang maubusan siya nang magazine ay agad yung kinuha ni Morpheus ang pagkakataong maka atake ng malapitan.
Tumalon ito habang nakabwelo sa sandata niya “SAGABAL KA!” Gumulong naman agad si Hell para makaiwas dito. Tumakbo itong muli para magreload. Dehado siya pag malapitan kaya kahit mejo duwag tignan, kailangan niyang dumistansya para makalamang.
Eksakstong pasulong muli si Morpheus sakanya ay nakareload na ang dalawang baril niya. Muli niyang pinaulanan ng bala ang kalaban. Kaya panay iwas at sangga ito gamit ang karit niya.
Huminga naman ng malalim si Hell at tsaka ginamit ang pamatay niyang teknik niyang sobrang hirap iwasan.
Pinutok niya ang isang baril at tsaka ito sinundan ng isa pa para tamaan ang bala at malihis ng direksyon. Gaya ng inaasahan, di ito napaghandaan ni Eus kaya tumama ang dalawang bala na yun sa binti at braso niya. “Arghh! Bwesit!”
Sinundan niya pa ito ng isang ganung atake at di talaga ito mahuli ni Eus. Tumama ang isa sa balikat at isa sa binti niya.
Apat na bala na ang bumaon sa katawan nito–pero nakatayo parin ito. “Matibay ka.”
Ngumisi naman si Eus “Sanay na ako sa mga bala. Matatapos niyo lang ang buhay ko..” Agad nitong tinuro ang leeg niya “Pag napugot niyo to.”
Aasintahin pa sanang muli ni Hell si Eus nang biglang lumaki ang mga mata niya dahil sobrang lapit na agad ng mukha ni Eus sa mukha niya “Ang bagal mo” Isang buong pwersang suntok ang pinakawala ni Eus at sa kasamaang palad ay di nito nagawang iwasan ni Hell.
Mahina talaga siya pagdating sa combat.
Agad natumba si Hell nang mabangga ito sa puno. Pinuntahan ito ni Eus at tsaka walang kahirap hirap na sinakal gamit ang kanang kamay niya.
“Sabi kong magpaka bait kayo diba? Malas mo sumunod ka pa dito.” Hinigpitan ni Eus ang pagsakal niya sa leeg nito . “Dalawa ko na kayong tatapus–”
…
………
………………….
Napahinto naman sa pagsasalita si Eus nang makarinig ito ng isang putok ng baril.
Dahan dahan niyang binaba ang tingin niya papunta sa sikmura niya. Tinamaan ito at dahan dahang tumagas ang dugo. Isa sa malambot na parte ng katawan ay ang tiyan kaya naman tinablan ito at napuruhan.
“Sino ka para baliwalain ang mga bala ko?”
Tinignan niya ang pagmumukha ng may gawa nun sakanya at galit na galit niya itong tinuhod sa sikmura.
Napabulwak ng dugo si Hell sa lakas ng tama nito. Sinundan pa ito ng suntok ni Eus sa sikmura, sa mukha tapos sa sikmura ulit. Sunod niyang ginawa ay malakas niyang hinampas ang ulo nito sa punong pinagsandalan niya
“TAMA NAA!!” Di na kaya ni Virgel ang nakikita niya. Pinilit niyang bumangon para tumulong pero di siya makatayo dahil sa tinamo ng binti niya. Pagtingin niyang muli sa gawi ni Hell, nakatingala na ito at parang wala na sa ulirat.
Punong puno na rin ng dugo ang bibig nito dahil sa malalakas na suntok at hampas na ginawa ni Eus.
“ARRGGHHHH!” Bumwelo si Eus gamit ang sipa niya at buong pwersa niya itong pinakawala at malakas itong tumama sa leeg ni Hell.
Malakas na tumilapon si Hell at sa malapit ni Virgel ito bumagsak.
Parehas na nakahiga ang mga ito.
Walang ibang magawa si Virgel kundi ang tignan ang kasamahan niya. Di nito kayang magsalita.
Nanghihina ang katawan niya, ang isip niya. Biglang bumalik sa alaala niya ang mga taong natapos ang buhay sa harap niya mismo.
Wag na to..
Wag na pakiusap..
Tama na yun..
Di ko na kayang mawalan pa..
Wag na..
Nakita niyang pilit na bumangon si Hell kahit puro pasa na ang katawan nito.
Ang patay at walang pakialam na pakiramdam ni Virgel ay muling lumambot at ngayon ay nadudurog na naman dahil sa nakikita niya.
Ayaw na niyang maramdaman ulit ang pakiramdam na ’to..
Pagod na pagod na siyang masaksihan ang mga kasamahan niyang nahihirapan..
“Pakiusap..” Bulong nalang nito. Nakita niya itong nakabangon kahit papano. Nakaluhod na ito sa harap niya ngayon habang hinihingal.
Dahan dahan itong tumingin sa mga mata niya.
“Hoy..” Nang magtago ang mga mata nila ay di na niya napansin ang sunod sunod na pag agos ng mga luha niya habang tinitignan si Hell. “Ingatan mo silang lahat, lalo na si Elsa, naintindihan mo?” Muling nagsalita si Hell at pinipilit nalang ang sarili na maging matibay
“H-hell…”
“Wag mo silang pababayaan……
At isang matipid na ngiti nalang ang nasilayan ni Virgel bago nito binanggit ang isang salitang gusto na niyang marinig sa bibig nito dati pa
“..Boss.”
At dun, bigla nalang pumuti at bumagal ang buong paligid. At sa isang iglap, mabilis na bumaon sa dibdib nito ang kamay ni Morpheus mula sa likuran nito.
Nanlaki ang mga mata ni Virgel sa nasaksihan.
Tulalang tulala lang ito habang sinusundan ang katawan ni Hell na tuluyan bumagsak.
Natameme ito. Nakanganga lang at hindi alam kung anong gagawin. Tanging malalalim na paghinga lang ang nagagawa niya.
Sa ikaapat na pagkakataon..
Sa ikaapat na masaklap na pangyayari..
Hinayaan na naman niyang matapos ang buhay ng mahal niya sa buhay sa harapan niya.
……
……………
…………………
Si Morpheus naman ay nakayukong tumalikod at dahan dahang naglakad papalayo. Masyado siyang napuruhan sa labanan kaya sa susunod nalang niya tatapusin ang batang yun.
Di pa man nakakalayo si Morpheus sa paglalakad ay napansin niya na ang pagsugod ni Virgel sa likuran “ARRRRGHHHHHH!!!!”
Gamit ang huling pwersa, hinarap ito ni Morpheus at sinalubong ang mukha nito malakas na tinapon kaya nabanggang muli sa puno si Virgel. Dun na naubos ang lakas ni Virgel, sobrang bigat na nang katawan niya kaya wala nalang siyang magawa kundi pagmasdan si Eus.
“Minsan, paghihiganti ang magdadala sayo sa kamatayan.” Usal pa ni Eus bago hinihingal na tumalikod “Di pa ito ang huling paghaharap natin. Mag ensayo ka, ipaghiganti mo lahat ng gusto mong ipaghiganti. Maghihintay ako sa araw na yan.” Huling sabi nito bago tuluyang naglakad palayo.
Habang si Virgel naman ay hinang hina na nakatingin sa katawan ni Hell na ngayon ay nakakulob na.
“H-hell..” Yun lang ang tanging nabanggit niya bago niya tuluyang naipikit ang mga mata niya.
Makalipas ang ilang minuto, isang mejo may katandaan na lalaki ang lumapit kay Virgel at agad itong kinarga palayo sa lugar na yun.
-To be continued.
Hehe. Sorry na agad.
-Emnacinn
Episode 37: The Generals
Episode 37 : The Generals
So ayon po ano, nagpalit na naman ako ng pangalan hahahaha ako na ulit ngayon si Sin, pero this time, MajorSin na HAHAHA Sorry ang tagal ng UD, sobrang busy lang talaga sa trabaho. Hirap maging sorter sa Cargo King pre.
At siya nga pala, actually on-hold na dapat ’to kasi aayusin ko pa yung Book 1. At sa mga di pa nakakaalam, hindi na Virgel: The Youngest Mafia Boss title nun. The Son of Vlademir na. Major Editing yung mangyayari dun kaya mejo magulo pa. So yun lang, baka nga talaga On-Hold na muna to after ng episode na ’to. Ang jejemon ng mga naunang chapters sa Book 1 e jusko hahahaha kailangan na talagang ayusin. So yun lang, sana mag enjoy kayo sa episode na ’to :)
[3rd Person’s PoV]
“Ilang tao pa ba ang kailangang mawala bago ka kainin ng sarili mong puot at galit?”
Isang boses ang narinig ni Virgel na ikinamulat ng mga mata niya.
Takha itong nilibot ang paligid niya dahil nasa isang madilim na lugar siya nakatayo ngayon–at ang tanging nagpukaw ng pansin sakanya ay ang mga nakahandusay na mga katawan sa harap niya na nagkapatong patong pa.
Tinignan niya itong maigi at dahan dahan nalang nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niya kung sinu–sino ang mga ito.
Kael..Hell, Ish, Elsa..
Halos lahat ng myembro ng pamilya niya ay nandito sa harap niya na naliligo sa mga sarili nitong dugo habang wala ng mga buhay pa.
Mabilis na pinag pawisan si Virgel dahil di ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Gusto niyang magsalita pero ayaw bumuka ng bibig niya dahil sa sobrang pagkabigla.
Narinig naman niya ang mga yapak ng mga paang naglalakad kaya kinabahan siyang napatingin sa may unahan niya.
Naglalakad lamang ang mga ito hanggang sa maaninag niya ang mga mukha nito.
Theodore, Maximo..at isang naka pang doktor na suot
Tatlong nilalang ang tumambad kay Vigel na ngayon ay tahimik na nakatingin sakanya.
“Nag iisa ka nalang ngayon.” Meron ulit nagsalita, pero hindi ang tatlong nasa harap niya. Hahanapin niya pa sana ang may ari ng boses na yun pero may isang may katandaang lalaki ang isa pang lumitaw sa kinatatayuan nung tatlo.
Agad namang napalitan ng galit ang kabang nararamdaman ni Virgel sa nakita niya.
Ang nilalang na ’to..
ang may pakana ng lahat ng kaguluhang ’to..
“Marcelo.”
“Tapos na ang panahon niyong mga Acosta.” Humithit pa ito ng hawak niyang sigarilyo at tsaka binuga ang usok. “Tapos na ang pamumuno niyo.” Lumawak ang ngisi ng matanda at dahan dahang tumawa–palakas ng palakas.
Hanggang sa naramdaman nalang ni Virgel na parang may nasusunog sa likuran niya kaya dahan dahan siyang tumalikod para tignan ito.
Pero sa pagtalikod niya, nahuli nalang niya ang sariling sinasakal–pataas.
Tinignan niya ang may gawa nito, at di nga siya nagkamali. Parang pamilyar na sakanya ang malakas na sakal na ’to.
Narinig niya pang tumawa sina Theo at ang iba pa kasama ang nilalang na sumasakal sakanya.
Mga tawang nagsasabi ng tagumpay nila.
Habang si Virgel ay nakatingala, tumulo nalang ang isang butil ng luha sa mga mata niya nang makita niya kung ano yung nasusunog.
Nangangatal ang bibig at hinang hina nalang niyang pinagmamasdan ang buong mansyon ng Virgo na tinutupok ng apoy.
Katapusan na nga ata ng Virgo..
Tuluyan na nga ata nilang napabagsak ang pamilya niya.
Unti unti nalang niyang pinikit ang mga mata niya bilang senyales ng pagsuko.
Para san pa at lalaban siya kung ang mga taong nagbibigay ng lakas sakanya ay naubos na.
Nakakapagod na..
Mas mabuti pang sumuko nalang.
Mas mabuti pang manahimik nalang..
Muling binuksan ni VIrgel ang mga mata niya.
At sa pagbukas nito, isang mukha ng bata ang tumambad sakanya. Sobrang lapit ng mukha nito habang nakatingin sakanya na para bang inaabangan na nito ang pag gising niya.
Tapos ay bigla nalang itong ngumisi at tsaka tumayo at tumakbo palabas ng kwarto “PAPAAAA! GISING NA PO SIYAA!” Rinig niyang sigaw nito. Tsaka lang niya napagtantong nasa ibang silid siya.
Tinignan niya ang kisame at haligi ng silid. Hindi niya kwarto to.
Nasan ako?
Kung titignan niya, parang isang silid ito ng isang pang japanese na bahay. Yung pinto ini-slide lang para bumukas. Walang higaan. Nasa sahig lang siya nakahiga ngayon pero may banig naman at kumot.
Pilit niyang inalala kung ano ang huling natatandaan niya at ang unang pumasok sa utak niya ay..
Muling natulala si Virgel ng maalala ang nangyari kay Hell sa harap niya
Ang mga huling sinabi nito sakanya..
Ang paglusot ng kamay ni Morpheus sa dibdib niya..
Ang pagbagsak ng katawan niya..
Nabalik naman siya sa ulirat ng biglang bumukas ang pintuan. Bumalik yung batang nakabantay sakanya kanina na may kasama ng isang mejo may katandaang lalaki.
“Gising kana pala.” Usal nito. Di niya ito kilala.
“Sino ka? Sino kayo?” Naguguluhang tanong ni Virgel. Pano siya napunta sa bahay na ’to?
Masaya namang lumapit sakanya yung batang babae at tsaka lumuhod sa gilid niya at tsaka ngumisi ng malawak “MINAAA” Masiglang sagot nito.
Tumingin namang muli si Virgel sa matanda para hintayin ang sagot nito. Pero..
“Mamaya na ako magpapakilala. Bumangon ka muna jan at kumain na. Isang linggo ka ng nakahalata jan.” Tanging sagot lang nito
Isang linggo na ang lumipas?
Tsaka lang niya naramdaman ang sobrang gutom matapos itong sabihin ng matanda. Agad niyang inalis ang kumot para sana bumangon na pero pag alis niya, muli itong nagulat sa nakita niya.
Nakabenda ang kaliwang binti niya. Tsaka lang niya naalala ang sinapit niya nung gabing yun.
“Mina, ibigay mo sakanya ang saklay.” Utos ng matanda kaya dali daling kinuha ni Mina ang saklay sa gilid at ibinigay kay Virgel. “Heto po!”
Ang dami pang gustong itanong ni Virgel, pero kinuha nalang niya iyon para makalakad na at makakain. Sobrang nagugutom na talaga ang sikmura niya.
Kinuha niya ito at tsaka dahan dahang tumayo.
“Papa oohh! Di nag thank you!” Sumbong ni Mina kaya natawa ng konte yung matanda. “Hayaan mo na, Mina. Halika na.”
Tuluyan na ngang lumabas ang tatlo at pumunta sa kusina ng bahay na to–na kasunod lang pala sa kwartong tinulugan ni Virgel.
Paglabas nila, di nga siya nagkamali, para ngang japanese style yung bahay na to. Yung lamesa nilang ang baba. Tapos yung mga dekorasyon sa bahay. Yung straktura. Pang hapon talaga.
Nakahanda ang pagkain nilang lahat kaya maingat na umupo sa Virgel sa may mesa kasama sina Mina at ang matanda. Pansin niyang sakanya lang yung may kutsara’t tinidor. Sakanilang dalawa ay chopstick. Pero ang mas pinagtaka niya pa, may isang bowl ng kanin pa sa tabi niya na parang may kasama pa silang kakain.
Itatanong niya pa sana kung may hihintayin pa ba sila nang biglang bumukas ang isa pang pintuan na nasa likod lang niya.
“Haaay, gutom na akooo.” Base sa narinig niya, boses ng babae. Nilingon niya saglit ang likuran niya para sana tignan ito pero sa pagharap niya,
isang puting tela ang nakita niya na may desenyo ni Patrick na kaibigan ni Spongebob.
Nakatitig lang kay patrick ng ganun ng ilang segundo bago siya mapaangat ng tingin. Mukha ng babae na sobrang pula ng mukha habang nakatingin sakanya ang nakita niya..
Kung ganun..
Muli niyang binalik ang tingin niya sa puting tela na may desenyong patrick.
Pta
“AAAAHHHHHHHH BASTOS!!”
Agad tinakpan ng babae ang panty niya at Isang malakas na sampal ang natanggap ni Virgel bago ito muling pumasok ulit sa kwarto.
“Diba sinabi ko ng magsuot ka ng damit kahit nasa loob ka ng bahay.”
“EHHHH!! BAKIT DI NIYO KASI SINABING GISING NA PALA YAN!” Sigaw nito sa loob ng kwarto pero naririnig naman nila.
“Hahahaha ewww ate. Nakita ni kuya panty mooo.”
“ISA KA PA! LAGOT KAYO SAKIN!”
Habang nag uusap ang tatlo, si Virgel tulala parin, parang nawalan ng ulirat sa natamo. Parang mas malakas pa ata sa suntok ni Morpheus ang sampal na yun. Ang bigat ng kamay ng babaeng yun.
Maya maya pa ay lumabas muli yung babae na ngayon ay may suot suot ng shorts.
Inis itong umupo sa tabi ni Virgel dahil nandun nakalagay ang pagkain niya at tsaka tinignan si Virgel ng sobrang sama “RRGHHHHH!” Para itong tigreng nagtitimping sunggaban si Virgel.
“Sakanya mo pa sinisisi yang pagiging burara mo. Kumain kana jan.”
“HEEE!” Inis nalang na kinuha ng babae ang bowl ng kanin at tsaka asar na kinain.
“Virgel, kumain kana rin.” Dun lang nabalik sa wisyo si Virgel at tsaka tinignan ang babaeng nasa gilid niya. Pagtingin niya, nakatingin parin ito sakanya ng sobrang sama habang lumalamon.
Di nalang ito pinansin ni Virgel at kumain na rin.
Habang tahimik silang kumakain na apat, bigla nalang nagsalita si Mina.
“Kuya alam mo ba lahat ng panty ni Ate Ginger may patrick? Mweheheh :3”
Sabay namang nabilaukan ang dalawa sa kinakain nila dahil sa sinabi nito. Buti nalang may tubig sa tabi nila.
“MINAAAA!!” Inis na bulyaw ni Ginger pero tumawa lang nakababatang kapatid niya.
Sa sobrang asar ay mabilis nalang niyang tinapos ang pagkain niya at tsaka tumayo at agad pumasok sa kwarto niya.
“Pagpasensyahan mo na ang ugali niyang si Ginger, Virgel.”
Di sumagot si Virgel, sa halip ay kumain lang ito ng kumain. Ang sasarap ng mga ulam e.
“Mina, dalhin mo na yung pinagkainan ng ate mo at hugasan mo na rin.”
“Opooo” Matapos kumain ni MIna ay kinuha niya nga ang pinagkainan ni Ginger at tsaka pumunta sa bakuran nila. Dun kasi sila naghuhugas dahil may poso sila dun.
Ngayon ay si Virgel at ang matanda nalang ang naiwan sa mesa.
Habang tinitignan ng matanda si Virgel na abala sa pagkain, di niya maiwasang alalahanin ang nakaraan.
“Kuhang kuha mo talaga ang mukha ni Vlademir.” Dahil sa sinabi nito ay napahinto sa pagkain si Virgel.
“Kilala mo ko, kilala mo rin si Papa.” Wika rin nito bago tumingin sakanya “Sino ka ba?”
Huminga naman ng malalim ang matanda at tsaka tumingin sakanya.
“Ako si Greco Octavo, ang dating kanang kamay ni Vlad.”
(ALAM KO LIMOT NIYO NA PANGALAN NYA SA SOBRANG TAGAL KO MAG UD HAHAHAHAHA PERO NABANGGIT KO NA YAN SA MGA FLASHBACK NI VLAD AT VONZO DATI. HANAPIN NIYO NALANG)
[Virgel’s PoV]
Di ko akalaing may naging kanang kamay pala si Papa dati.
“Ikaw ba ang nagdala sakin dito?” Tanong ko pero saglit rin akong natigilan ng muli kong maalala yung nangyari nung gabing yun.
“Oo.”
Napahigpit nalang ako sa paghawak ng kutsara.
“May kasama ako nung gabing yun. Alam mo ba ku–”
“Hindi. Ikaw lang ang pinulot ko nung gabing yun.”
“Bakit? Bakit di mo sinama–”
“Dahil ikaw lang ang nakikitang kong may tsansa pang mabuhay.” Sa sinagot niya ay mas lalo akong nakaramdam ng galit sa sarili.
“Anong gusto mong palabasin?”
“Alam mo na ang ibig kong sabihin.” Sagot lang niya kaya nilagay ko nalang sa mesa ang kutsara at mahinang tumayo gamit ang saklay–tumalikod at tsaka pumasok sa kwartong pinaghigaan ko kanina.
Nakakapagod.
Pagod na pagod na akong makaramdam ng sakit.
Ayoko na..
[3rd Person’s PoV]
Nilagay ng isang Lieutenant ang isang larawan sa gitna ng mahabang lamesa na pinapalibutan ng mga matataas na tao sa Pilipinas.
Tinignan lang nila ito hanggang sa binasag ng isang Heneral ang tahimik na silid. “Dr. Manuel Guanzon, ang anak ng dating abnormal na scientist na nag imbento ng Etherial Drug na si Gleo Guanzon.” Pagtuturo nito sa larawan.
“Ang mga sakop niya ang wumasak sa Aralith at tumapos sa buhay ni Heneral Grande.” Dugtong ni Heneral Tresler, ang tinaguriang pinaka matanda sa limang Heneral sa bansa. Ang pilipinas ay binubuo ng limang malalaking bilibid na pinamumunuan ng tig iisang Heneral, at ngayon sa pagtitipong ito, nandito ang apat na Heneral para pag usapan ang malaking insidenting nangyari sa Aralith.
Bihira lang magkita kita kita ang mga Heneral sa iisang silid kaya puno ng tensyon ang buong paligid na halatang nararamdaman ng mga taong nandun dahil sa presensya nilang apat.
“Pitong vigilante, tama?” Singit ng isang Heneral mula sa Mialen Prison sa Mindanao, si Heneral Simeon. Ang tahimik lang pero sobrang tinik na Heneral pagdating sa pagtutugis ng mga lumalabag sa batas, lalo na sa nasasakupan niyang lugar.
“Akala ko kasama ng nawala ang Etherial Drug na inimbento ni Gleo nung panahong pinatay namin siya. Sinama na sana namin ang anak niya nun kung alam lang naming siya pala ang magtutuloy sa pagkawala ng balanse sa pilipinas dahil lang sa druga na yan.” Seryosong saad naman ng isa pang Heneral ng Morbid Prison ng Silangan, si Heneral Puma. Siya ang nagsisilbing pinaka matapang sa lahat ng Heneral. Sa limang Heneral, siya ang may pinaka mataas na bilang na nabitay na kriminal dahil sa dami nitong nahuhuling hukbo ng mga terorista at iba pa. Siya rin ang nanguna sa misyon dati na patumbahin si Gleo Guanzon at ang hukbo nito.
“Kung nagawa niyo dati, magagawa natin ulit yun sa anak niya ng sama sama, diba?” Huling sumingit ang pinaka batang Heneral sa kanilang lima, si Heneral Ibarra.
“Di na ganun magiging kadali ang gusto natin ngayon. Tanging hukbo ng sundalo lang ang meron si Gleo dati. Samantalang si Manuel ay may pitong alaga na halos isang batalyon naman ang lakas dahil sa druga na yun. Di na sila ganun kadaling patumbahin ngayon tulad ng iniisip mo.” Sagot ni Tresler.
“Walang nakakaligtas ng buhay sa kamay nating lima mahal kong mga Heneral.” Pabirong tugon ni Ibarra na agad ikinakunot ng noo ni Heneral Puma.
“Baka nakakalimutan mong ang isa sa atin ang mismong di nakaligtas ng buhay sa kamay nila?” Matigas na pambabara ni Puma. Ang hirap talagang pagsunduin tong dalawa dati pa, dahil na rin sa kani kanilang mga ugali. Masyadong magkasalungat.
“Oo nga pala no? Hahahah” Natatawang ganti nalang ni Ibarra. Bukod sa masyado pang bata ang edad nitong bente siete na maging Heneral na, eh napaka immature pa nito minsan mag isip.
Pero di naman magiging Heneral to ng walang dahilan. Sa oras ng labanan, dun lang lumalabas ang pagiging utak Heneral niya.
“Di kana talaga nagbago, Heneral Ibarra. Napaka walang silbe mo parin pagdating sa pagpaplano.” Wika pang dagdag ni Puma.
“Wala eh. Di ako tulad mong di ko alam kung pinagsukluban ka ba ng problema para maging ganyan kaseryoso. Kaya mabilis tayong tumatanda nyan eh.” Tatawa tawang ganti naman nito dahilan para mas lalong uminit ang ulo ni Puma.
Pero bago pa man ito makasagot pabalik, napansin na nila ang pagpasok ng Presidente sa silid kasama ng iilang tauhang nakapaligid sakanya dahilan para mahinto ang dalawa sa pagtatalo.
“Presidente.” Tumayo ang apat na Heneral kabilang ang iilang nandun para salubungin ang Presidente. Pati ang namumuno sa pilipinas ay sasali na rin sa pagtitipong ito para matapos na ang problemang pilit na nilang tinatapos ilang taon na ang nakakaraan
Nag salute naman ang Presidente sa harap ng mga Heneral kaya gumanti rin ang mga ito. Pagkatapos ay umupo sa gitna ng pinakadulo ng lamesa. “Maupo kayo.” Utos niya sa mga ito. Mejo matanda na ang Presidente kaya sobrang hina nalang ng boses nito–sakto lang para marinig nila.
Matapos makaupo ang lahat ay muling tumahimik ang buong paligid. Nag iisip kung ano ang unang sasabihin.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa isa nating Heneral.” Tinignan saglit ng Presidente ang bakanteng upuan na dapat sana ay upuan ni Grande. Inalala niya saglit ang mga panahon kung pano niya ito pini pressure na itumba ang Vendetta. Kung pano niya ito laitin sa harap niya dahil sa ilang beses na pagiging palpak nito sa mga misyon.
Napapikit nalang ang Presidente dahil pakiramdam niya ay bumigat saglit ang dibdib niya sa mga ala alang bumabalik. “Ikinalulungkot ko ang nangyari.” Dugtong nito bago huminga ng malalim at tumingin sa natitirang apat niyang Heneral.
“May plano ba kayo, Presidente?” Tanong ni Heneral Simeon.
“Bago ako pumasok sa silid na ’to, nakapag decisyon na ako.” Sagot naman nito at halatang gustong malaman yun ng lahat ng nandito.
“Panahon na para itumba ang may kagagawan ng lahat ng ’to.”
“Madali lang patumbahin ang doktor na yun at ang mga hukbo niya. Kaso ang problema yung pitong nagbabantay sakanya. Mahirap silang kalabanin.” Paliwanag naman ni Tresler.
“Naisip ko na din yan. Ni minsan di ko pinag walang bahala ang pitong alaga niyang ilang bayan na rin ang winasak simula nung unang termino ko palang hanggang ngayon. At sa bagay na yan, naisipan ko na ring humingi ng tulong. Para masigurong tagumpay ang mangyayari sa huling misyon na ’to laban sakanila.” Sagot ng Presidente na ikinagulat ng iilan
“Kanino, Presidente?” Tanong ng isang politikong nandun.
“Sa Pamilya Martin, Fuego, Saquin at Acosta.”
“Ang mga Mafia?” Takhang tanong naman ni Heneral Tresler.
“Pagsasama samahin mo ang apat na pamilyang yan? Kalaban ng Gobyerno ang Mafia.” Sali pa ni Heneral Puma habang di maiwasang maikuyom ang mga kamay dahil biglang sumagi sa utak niya ang pagsali ng mga anak nito sa mga Mafia na yan.
“Masamang decisyon yan, Presidente.” Sang ayon rin ni Heneral Simeon.
Pumikit naman ang Presidente habang ninanamnam ang mga opinyon ng mga Heneral niya.
Pero..
“Buo na ang decisyon ko. Malaki ang maitutulong nila sa labanan na ’to.”
“Siguradong hindi yan papayag ng walang kapalit.”
“Ibigay natin ang gusto nila, pera, armas..kapalit lang ng kapayapaan ng Pilipinas.”
“Ang tagal na ng problema na ’to. Alam niyo kung ano ang kulang satin? Pagkakaisa. Pagkakaisa lang ang tanging solusyon sa lahat ng ’to.” Ngising usal ni Heneral Ibarra.
At sa pagtahimik ng tatlong Heneral, mukhang sang ayon na ang lahat para sa napakalaking misyon na magaganap sa pagitan ng mga Sundalo ng Bansa at Myembro ng mga Mafia laban sa Hukbo ni Manuel Guanzon at pitong Alaga nito–ang Vendetta.
[Virgel’s PoV]
“Yah! Yah! Yaaah!”
Naalimpungutan ako dahil sa boses na naririnig ko sa labas nitong hinihigaan ko. Napatingin ako sa may orasan, alas siete na pala ng gabi. Sobrang haba pala ng tinulog ko.
Bumangon ako bitbit ang saklay at tsaka dahan dahang naglakad palabas ng kwarto.
Pagbukas ko, mas narinig ko lalo ang ingay na nanggagaling sa labas ng bahay na ’to. Wala akong makitang tao sa sala kaya baka nandun sila. Binuksan ko ang pintuan palabas ng bahay na ’to at maingat na bumaba.
Dumiretso ako sa likod kung saan malapit sa kwarto ko dahil dun ko naririnig yung ingay.
Pagkapunta ko dun, mejo nagulat ako sa nakita ko. Nakasuot ng parang uniporme ng karate yung babaeng sumampal sakin at si Mina. Kung titignan mo ay parang tinuturuan niya si Mina dahil sunod lang ng sunod si Mina sa galaw niya.
“Yah! Yah! Y–Kuyaaa!” Napahinto sa pagsunod si Mina nang makita niya ako na nanunood sakanila tapos ay nakangiting kumaway. Pati si Ginger ay nahinto rin at napatingin sa gawi ko, at si Greco na nasa gilid lang na nakaupo habang nanunood rin sa dalawa.
“Gising kana pala, Virgel. Halika, samahan mo ako.” Tugon ni Greco kaya dahan dahan akong lumapit sa gawi niya. “Maupo ka.” Sabi niya kaya maingat akong umupo sa tabi niya tapos ay tinignang muli sina Mina at Ginger na ngayon ay parang tigre na naman kung makatingin sakin.
“Ituloy niyo na, Ginger, Mina.”
“Tssss”
“Opooo!”
“Sige balik sa simula, Mina!” -Ginger
“Haay!”
Muling nag stance si Ginger na agad ring ginaya ni Mina.
“Ha!”
“Ha!”
“Yah!”
“Yaaah!”
“Anong ginagawa nila?” Tanong ko kay Greco.
“Nag eensayo. Di ba halata?” Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.
“Masyado pang bata si Mina para jan. Tsaka, alam ba ng babaeng yan ang tinuturo niya?”
“Oo naman. Ako mismo ang nagsasanay kay Ginger dati. Sa edad na lima araw araw ko na yang iniinsayo.” Mukhang proud pang sabi niya.
“Kaya pala ang bigat ng kamay.” Naalala ko tuloy yung sampal niya kanina kaya pakiramdam ko bumabalik yung sakit sa pisngi ko. “Parang di kamay ng babae e.” Pahabol kong bulong.
Pero mukhang narinig ata niya yun kasi nagliliyab na naman yung mga mata niyang tumingin sa gawi ko. “ANONG SABI MO?!”
“Narinig niya pa yun?” Takha kong tanong sa katabi ko.
Natatawa lang itong sumagot. “Anak ko yaan hahahaha” Napailing nalang ako at muling tumingin kay Ginger na ngayon ay seryoso na ulit sa pagtuturo kay Mina.
Ngayon ko lang natignan ng husto ang mukha niya, dahil na rin nakatali ang buhok niya sa likod. Matangos pala ang ilong niya. Ang ganda rin pala ng mga mata niya kapag hindi nakatingin sakin.
Tsaka, ang napansin ko talaga sakanya kanina pa..
Ang pagtalbog talbog..
Ang laki ng hinaharap niya..
Dalawang beses ata yung laki sa kay Claire.
Napatigil naman ako sa pag iisip nang biglang huminto si Ginger at pulang pula ang mukha na tumingin sakin.
Ano na naman?
Wag mong sabihing..
“BASTOS KA TALAGAAAAA!!” Kinuha niya ang isang tsinelas niya at tsaka malakas na binato sakin. Buti naka sangga ako.
Amp.
Ano bang klaseng babae to??
“Ano bang problema mo?” Inis kong ganti sakanya na ngayon ay galit na galit na naman. Sobrang init ng ulo.
“Isang spesyal na babae si Ginger. Nababasa niya yung mga iniisip ng mga taong nakapaligid sakanya.” Paliwanag ni Greco. “Pero hindi naman lahat. Yung mga tao lang na nagpaparamdam sakanya ng galit, inis, saya at kung anu ano pang pakiramdam. Yung mga taong hindi niya kilala o walang kinalaman sa nararamdaman niya, di niya mababasa ang mga iniisip nun.”
Eh malay ko ba? Di ko naman sinasadyang–
“DIYAN NA NGA KAYO! BWESIT!” Singhal niya tapos ay nag walk out na naman at pumasok sa loob.
“Bat ba galit na galit yang anak mo sakin?” Di ko maiwasang itanong dahil simula pa pag gising ko kanina ang sama sama na ng tImpla sakin e. Parang ang laki laki ng kasalanan ko eh aksidente lang naman yun nangyari kanina.
“Ayaw na ayaw niya sa mga lalaki.” Sagot naman ni Greco. Itatanong ko pa sana kung bakit pero agad sumingit si Mina.
“Eh kasi dami ng manliligaw nyan ni ateeee. Pero lahat basted niya kasi alam niya iniisip nila lahat mweheheh :3 Kaya ayaw na niya sainyo kasi pare parehas lang kayo ng iniisip sakanyaaa”
“Mina, tama na yan. Puntahan mo nalang si ate mo dun.”
“Okie pooo” Sagot ni Mina habang patalon talong naglakad papasok ng bahay “Ateeeeee!”
“Haay” Napailing nalang ako.
Anong klaseng pamilya ba tong kasama ko ngayon.
“Kumusta na nga pala yang paa mo?” Napatingin ako saglit kay Greco ng magtanong ito bago tinignan ang nakabendang paa ko.
“Di ko maigalaw.” Tanging sagot ko. Di ko nga rin alam kung makakalakad pa ba akong muli. Mukhang nagkabali bali talaga yung buto ko sa paa dahil sa Morpheus na yun.
Napakuyom ako ng wala sa oras matapos kong mabanggit sa isip ko ang pangalang yun.
“Napanood ko ang labanan niyong dalawa.” Muling usal niya. “Sa na obserbahan ko, mukhang walang mapaglalagyan yung galit mo sakanya nung gabing yun.”
Yung kalmadong utak ko ay unti unti na namang nakaramdam ng puot.
“Pinatay niya si Papa.” Nagbagang ang panga ko bigla sa galit “pati si Hell..”
Pati si Hell..
Bwesit..
Lumalalim na naman ang paghinga ko kaya pilit akong pumikit para kumalma. Napaka sariwa parin sa utak ko ang mga nangyari.
“Isang bagay lang ang nagpatalo sayo sa laban niyo.” Napamulat ako sa sinabi niya at tumingin sakanya.
“Ano?”
“Yan.”
“Anong ‘yan’?”
“Hindi ka marunong mag kontrol sa nararamdaman mo. Kinakain ka ng galit at puot mo kaya nawawala ka sa katinuan kapag lumalaban.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Isipin mo nga, saan ang mas dehado sa may katinuan at sa wala?”
Di ako nakasagot. Mukhang nakukuha ko na ang gusto niyang sabihin. “Magkapareho lang kayo ng lakas ni Morpheus kung tutuusin. Ang problema lang, nakokontrol niya ang lakas niya. May wisyo siya kahit gisingin niya ang isang katauhan niya. Samantalang ikaw, nilalamon ng isang katauhan mo ang utak mo kaya di ito makapag isip ng tama at puro atake lang ang ginagawa. Dun ka nadidehado.”
Natahimik nalang ako. Ano nga bang laban ko sa taong kayang kontrolin ang lakas niya kumpara sakin, na hanggang salita lang.
Pinangako ko sakanilang poprotektahan ko sila pero sa huli..
Ako ang naglalagay sakanila sa kapahamakan.
At ang mas malala, ako pa ang dahilan ng lahat kung bakit sila nawala.
Kaasar..
“Pero pwede natin yang solusyunan. Pwede kitang tulungang kontrolin yang isang katauhan mo tulad ng pagtulong ko kay Vlademir noon.”
Napangiti nalang ako ng mapait. “Ayoko na.” matamlay kong sagot.
Pagod na pagod na ako.
“Sana isipin nalang nilang lahat na patay na ako. Ayoko ng bumalik. Ayoko ng dumating pa sa puntong maubos pa silang lahat dahil lang sakin” Muli kong naalala ang panaginip ko kanina kaya kinuha ko nalang ang saklay ko at tsaka dahan dahang tumayo.
Napatingin ako sa kalangitan na ngayon ay nag umpisa ng umiyak.
Ramdam mo ba ako ngayon kaya ka umiiyak?
Bawat patak ng ulan na dumadampi sa pisngi ko ay siyang tuluyang pagbitaw ko sa mga pangakong sa tingin ko ay di ko na ata talaga magagawa pa.
“Nabigo akong maging Boss niyo.”
Patawad..
Yumuko nalang akong muli at tsaka naglakad papasok sa loob.
Tangina ang sarap ibaon lahat ng sakit sa limot.
-To be Continued…
-MajorSin
Episode 38 : Ally in Disguise
Episode 38: Ally in Disguise
Hi. Di ko nalang i o on-hold to. Tatapusin ko nalang talaga muna to bago ako babalik sa Book 1 para mag ayos hahah tutal lapit na rin namang matapos to. Siguro Mga 6 to 10 Episodes nalang hahah kapit lang, malapit na tayo :)
( Pakitingin sa media. Uranos Corsica of Gangsta as Gideon Saquin )
[3rd Person’s PoV]
–Fuego’s Mansion–
“Nakita mo ba sila Veronica?” Kanina pa hinahanap ni Elrien sina Veronica at Stephan bitbit ang isang sulat.
“Baka nandun lang ulit sila sa basement, Ma’am.” Sagot ng isang tauhan na nakasalubong niya.
“Nandun na naman sila? Tambayan ba talaga nila ang lugar na yun?” Curious na tanong nito. Kasi halos araw araw, simula nung mawala si Vlad ay palagi nalang namamalagi yung dalawa dun sa basement para magpalipas ng oras.
“Opo Ma’am eh.”
“Sige.” Tinahak nalang ni Elrien ang daan papuntang basement. Di naman na sana siya mag aaksaya ng lakas para maglakad pero kailangang malaman ng dalawa tong sulat na hawak hawak niya ngayon.
Pagkapasok niya, as usual, sobrang tahimik parin, tanging ingay ng nagbabanggaang mga bola ng billiard lang ang maririnig mo na kasalukuyang nilalaro ni Nica. Di niya talaga maintindihan ba’t nila nagagawang tumambay sa lugar na ’to e napaka boring ng awra.
“Napadaan ka.” Wika ni Nica ng hindi siya tinitignan.
“Dumating na ba?” Tanong naman ni Stephan na kasalukuyan ring naka laptop lang sa gilid ng upuan. Mejo nagulat naman si Elrien sa tanong nito. “Alam mo na?”
“Naman.”
“Laptop ba naman kasama buong araw.” Singit ni NIca kaya natawa ng konti si Steph. “Ano ba yang pinag uusapan niyo?” Pahabol pa nito.
“Eto.” Inabot ito ni Elrien at kinuha ni Nica para tignan.
At nang mabasa niya ang mga nakasulat dito, kunot noo itong tumingin kay Steph. “Totoo ba to?”
“Oo. Ang presidente mismo ang gumawa ng liham na yan para ipadala satin.”
“Ba’t naman tayo iniimbitahan ng Presidente sa isang meeting bukas? May problema ba?”
Nagkibit balikat lang si Steph habang nakatingin lang sa laptop. “Di ko rin alam.”
“Tayo bang lahat ang pupunta?” Singit naman ni Elrien.
“Tayo lang sigurong tatlo.” Sagot ni Nica.
“Eh si Helena? Di ba natin–”
“Hayaan na muna natin siya. Wag na muna natin siyang storbohin.” Pumikit naman si Elrien sa sagot ni NIca bilang pagintindi.
“Matanong ko lang, ba’t lagi kayong namamalagi sa basement na ’to e wala namang katao tao. May ginagawa ba kayong milagro dito?” Tanong ni Elrien
“Gago/Tado.” Sabay namang sagot nina Steph at Nica kaya natawa ito ng konti.
“Pero di nga, ano bang meron at parang spesyal sainyo ’tong tambayan niyo na ’to?” Di maiwasan ni Elrien ang kuryusidad niya. Mejo matagal tagal na niyang nakasama ang mga myembro ng Fuego pero sa totoo lang ay wala pa talaga ’tong gaanong alam sa mga buhay o nakaraan nila.
Huminga naman ng malalim si Nica at di maiwasang pumikit. “Pakiramdam ko parang kahapon lang madami pa kaming tumatambay dito.”
At sa pagmulat ng mga mata niya, nakita nalang niya ang imahe ng mga lahat na naging kasamahan niya kasama ang mga namayapa na at nakapwesto sa kani kanilang pwesto dati. Si Elon na kasama si Primo na nag uusap, si Nero na nakahalukipkip lang sa gilid habang nakapikit. Si Argo na nakaupo lang sa isang lamesa sa tabi habang umiinom mag isa. at sila Kael at Helena na masayang nag dadart sa tabi.
“Pero ngayon halos wala ka ng marinig na ingay sa silid na to sa sobrang tahimik.” Naramdaman ni Elrien ang lungkot sa boses nito. Wala siyang alam sa mga ibang myembro ng Fuego pero makikita mo sa mga mata ni Nica kung gano niya pinapahalagahan ang bawat isa nito.
Nakaramdam ng simpatya si Elrien, pero sa halip na makipagdramahan sakanya, umabante nalang ito at kinuha ang isang tako ng billiard at tsaka inasinta ang puting bola. “Paingayin natin ulit ’to kung gusto mo. Nandito lang kami ni Gavin.” Sabi nito bago tumira. Muli niyang tinignan si Nica, pero sa pagkakataong ’to, nakangiti na ito sakanya.
“Ikaw na.” Nakangiti rin niyang wika kaya agad ng pumusisyon si Nica. “Di kana makakatira ulit.”
“Asa pa.”
Napailing nalang si Steph sa dalawa sa gilid ng nakangiti narin habang nakaharap parin sa laptop niya.
–Alibara’s Mansion–
“Claire.”
Napaangat ng tingin si Claire at hininto ang ginagawa niyang pagtatahi ng maliliit na damit. Libangan na talaga niya ang pagtatahi pag wala silang ginagawa.
Kahit kunot ang noo ng taong tumawag sakanya, malambing parin itong ngumiti “Ikaw pala, Baron.”
Umupo sa tabi niya si Baron at tsaka hinawakan ang braso niya at tinitignan ang mga pasang nakatago sa damit niya. “Hanggang kailan ka ba niya gaganituhin.” Di maiwasang makaramdam ng galit ni Baron sa Boss niya dahil sa pagpapahirap nito lagi kay Claire.
“Hayaan mo na–” Babawiin pa sana ni Claire ang kamay niya pero nagulat nalang siya ng di ito binitawan ni Baron. Pagtingin niya rito, seryoso itong nakatingin sakanya. “Baron..”
“Bakit ka ba pumapayag lang na maltratuhin niya ng ganyan?” Inis na tanong nito. Isa pa sa kinagagalit niya ay isa pa siya sa dahilan ng mga pasa sa katawna ni Claire. Gusto man niyang tumanggi pero wala siyang magagawa dahil hawak sila sa leeg ni Gideon. “Masyado na ang pasakit na nagagawa namin sayo.” Tumingin si Baron sa mata si Claire, at ang kaninang galit na galit ay unti unting nanlulumo dahil sa konsensya.
Yumuko ito at marahang hinimas ang halos nangingitim na na pasa sa braso ni Claire “Patawad at wala akong magawa sa oras na pinapahirapan ka namin.”
“Wala kang dapat ihingi ng tawad, Baron.” Sa kabila ng sakit, nagagawa pa ring ngumiti ng sobrang lambing ni Claire–bagay na laging nagpapakalma sa mainit na ulo ni Baron sa tuwing nakikita niya ito.
Magsasalita palang sana si Baron nang mapansin niyang paparating si Gideon sa sala. Mabilis naman niyang inalis ang kamaya niya sa braso ni Claire.
“Jan lang pala kayo.” Bungad agad ni Gideon sa dalawa pagkarating niya sa sala kasama sina Vincent, Giovanni at Akasha sa likuran niya . “Maghanda na kayo para sa pagsasanay.” Utos nito sa dalawa.
“Opo.” Tatayo palang sana si Claire nang hawakan ni Baron ang kamay niya at si Baron mismo ang tumayo at seryosong tinignan ang Boss niya.
“Anong ibig sabihin ng mga titig na yan, Baron?” Walang kabuhay buhay na tanong ni Gideon.
“Tama na ang pagpapahirap niyo kay Claire, Boss. Hirap na hirap na ang katawan niya. Baka ikasawi pa niya kung patuloy natin ’tong gagawin sakanya.” Kahit naiinis na, pinipilit parin niyang lumugar at respituhin ang nasa harap niya hangga’t maaari.
Pero..
“Tingin mo may pakialam ako kung mamatay yan? Kung hindi niya magamit ang drogang itinurok ko sakanya, aba’y mas mabuti na ngang mamatay nalang yan.” Walang hiyang sagot nito dahilan para mapakuyom ng kamao si Baron.
Habang si Claire naman ay di maiwasang tumamlay ang mukha matapos marinig ang masakit na sinabi nito.
Ang gusto niya lang naman ay maging mabuting anak kay Gideon na kumupkop sakanya. Pero mukhang kahit anong gawin niya ay di ito makita ng matanda. Kahit anong sakripisyo ang ialay niya, hindi parin niya makuha ang pagmamahal nito bilang isang ama.
“Sumusobra na kayo..” Bagang pangang bulong ni Baron. Aabante pa sana siya para kwelyuhan ang sarili nitong Boss pero di na niya ito natuloy dahil may biglang lumapit na isang tauhan sa gawi nila. “Boss, may pinapaabot na sulat.” Tugon nito sabay bigay ng sulat kay Gideon.
Agad naman itong binuksan ni Saquin at binasa ang laman.
Kalaunan ay natawa ito ng bahagya bago binalik ang sulat sa sobre. “May dadaluhan tayong pagpupulong bukas. Sa susunod na araw nalang natin gawin ang pagsasanay.” Usal nito
“Anong meeting, Boss?” Tanong ni Akasha.
“Pagpupulong kasama ang Presidente.”
“Ang Presidente? Woah.” Manghang wika naman ni Vincent sa gilid.
Ngumisi naman ang matanda “Mukhang nararamdaman kong may kakaibang mangyayari sa mga susunod.”
[Martin’s Mansion]
“Kumusta na ang pinapatignan ko sayo, Sin?” Kasalukuyang kumakain ngayon ang Pamilya Martin kasama ang iilang myembro at si Jin.
“Halos patapos na, Don Celo.” Sagot naman nito.
“Goood.” Hinawakan ni Celo ang kamay ni Almira na nasa gilid lang niya habang kumakain. Napatingin naman sakanya ang asawa.
“Malaking pera ang makukuha natin sa pagtatayo nun, Mahal.” Tugon ni Celo. “Ano bang gagawin mo sa arena na yun?” Tanong naman ni Mira.
BInitawan ni Celo ang kamay nito at tsaka sumandal at pumikit habang nakangiti. “Basta, bubuksan ko ang arena na yun tatlong buwan mula ngayon.” sagot nito.
Wala ni isa sakanilang lahat ang nakakaalam kung anong pinaplano ng Don nila. Basta ang alam nila, pera, limpak limpak na pera ang tanging iniisip ni Marcelo ngayon. Yun lang naman lagi ang nasa utak niya maliban sa pamilya niya e. Ang magpayaman pa lalo.
“Damian, di pa rin bumababa ang anak ko. Puntahan mo nga sa kwarto niya.” Agad namang tumayo si Damian sa inutos nito. “Opo, Don.”
Pagkaalis naman ni Damian ay kasabay rin ng isang tauhan ang lumapot kay Celo at tsaka bumulong saglit bago binigay ang hawak nitong sulat.
Napahinto saglit ang lahat sa pagkain pati si Mira nang kunin iyon ni Celo at binuksan tsaka binasa.
Habang nagbabasa ito ay pakurba ng pakurba ang ngiti sa labi nito–bagay na nagpapataka sa mga kasama nito sa lamesa.
“Anong meron, Don?” Tanong ni Dante. Matapos naman iyong mabasa ni Celo ay muli niyang tinupi ang sulat at tsaka makabuluhang ngumiti sa harap nilang lahat.
“Mukhang may kailangan ang Pilipinas satin.”
[Virgel’s PoV]
Mejo malalim na ang gabi, pero heto parin ako, nasa labas habang katabi na naman si Greco na nanunood sa dalawang anak niyang nagsasanay. Mukhang gabi gabi nga ata silang nagsasanay ng ganitong oras.
Gustuhin ko mang magmukmok nalang sa kwarto pero di rin ako makapag isip ng tama dahil ang iingay ng dalawang ’to habang nag eensayo.
“Bakit mo sila sinasanay ng ganyan? Hindi ba dapat pag aaral ang ginagawa nila imbes sa mag ensayo ng ganitong oras?” Tumingin sakin saglit si Greco sa tanong ko at tipid na ngumiti.
“Matanda na ako, Virgel. Wala na rin ang ina nila. Bago man lang ako umalis sa mundong ’to, mabuti ng wala akong pag sisisihan dahil maiiwan ko silang kaya ng protektahan ang mga sarili nila.”
Tumingin akong muli kila Ginger na seryosong nagsasanay. “Nasan ba ang ina nila?”
“Matagal ng namahinga.”
“Anong nangyari?”
“Ginahasa.”
……
…………
………………..
Bigla akong napalingon sakanya sa sinagot niya. Nakangiti parin itong nakatingin sa mga anak niya. “Ginahasa ng limang lalaki. Ni rape ang asawa ko at pinatay ng walang kalaban laban.” Napayuko ako at napatingin nalang sa sahig na pinag upuan namin. Ewan pero di ko magawang tignan ang nakangiti niyang mukha.
“Kaya ko rin sinasanay ang mga anak ko ngayon dahil ayoko ng maulit pa ang nangyari.” Tumahimik nalang ako at di na muling nagsalita pa. Di ko alam na may mapait pala tong pinagdaanan dahil di naman halata sa mukha niyang palangiti.
Binaling ko nalang ulit ang atensyon ko kila Ginger.
Habang nanunood kami, nakita naming kumuha ng dalawang bamboo si Ginger at ibinaon sa lupa na isang kamay lang gamit–
bagay na ikinalaki saglit ng mga mata ko.
Pano niya nabaon–anong…
Ibinaon niya ang dalawa at tsaka hinarap nilang dalawa ni Mina.
“Panoorin mo akong mabuti, Mina.”
“Sigiiiii~”
Bigla nalang parang tumahimik ang paligid kasabay ng paghaplos ng malamig na hangin sa amin.
Habang kami ni Greco ay tahimik na nag aabang, nag stance na si Ginger sa tapat ng isang bamboo at tsaka pumikit.
“Anong gagawin niya?” Mahina kong tanong kay Greco.
“Panoorin mo nalang.”
Sagot nito kaya tumingin ako ulit kay Ginger–Inaabangan kung anong susunod niyang gagawin.
Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa mabilis niyang minulat ang mga mata niya at agad inatake ang bamboo gamit lamang ang mga palad niya ng mahina.
Gumalaw lang ng konti yung bamboo matapos ang ginawa niya. Parang walang spesyal na nangyari.
“Yun na yun?” Tanong ko kay Greco, pero ngumiti lang ito. Hanggang sa napansin ko nalang na unti unting nagkatipak yung bamboo at nawasak.
Napanganga ako ng konte sa nangyari.
Paanong..
“Waaaaa! Galing galing mo talaga ateee~”
“Yun na yun pa ah.” Tatawang asar pa ni Greco.
“Kalokohan.” Komento ko nalang. Paano nangyari yun. Eh parang ang hina lang ng pagkakadampi ng palad niya sa bamboo tas naging ganun bigla yung kinalabasan.
“Gamit ang Kai, nakakagawa si Ginger ng isang atake na sa loob ang punterya. Kaya hindi natin nakikita.”
“Kai?”
“Oo. Isang uri ng enerhiya na tanging nakakapagpalabas lang ay yung mga taong bihasang bihasa na sa pagsasanay. Yung sanay na sanay na ang katawan sa pag gamit ng pwersa. Aabutin ka minsan niyan ng ilang taon bago mo matutunang gamitin at ipalabas ang kai sa katawan mo, depende narin sa tao kung pursigido ito sa pagpapalakas.” Habang pinapaliwanag niya ito, nakatingin lang ako kay Ginger dahil hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala sa nangyari.
“Pinagloloko niyo lang ako. Hindi siya ang may gawa ng pagkawasak ng kawayan na yan.” Kontra ko parin. Hindi nila ako mauuto. Hindi ’to Naruto. Kitang kita sa mga mata ko ang nangyari, mahina lang niyang tinapat ang palad niya tas ganun agad yung nangyari? Tsaka wala talaga sa itsura niya na kaya niyang gawin yun–
Agad akong natigilan sa pag iisip nang tumingin ito sa gawi ko na sobrang sama.
Oo nga pala. Nababasa niya pala iniisip ko.
“Sinasabi mo bang mahina ako???” Inis na singhal niya habang nag uusok pa yung ilong.
“Wala akong sinasa–”
“ULUL”
Amp..
“Kung iniisip mong inuuto kita, sasampolan kita.” Biglang sabi niya “TAYO!”
“Walang tayo.” Walang ganang sagot ko bago kinuha ang saklay ko at dahan dahang tumayo.
“S-siraulo! Tumayo ka sabi para makita mo!”
“Jan na.” Umabante ako at paika ikang naglakad sa harap niya. Tignan nalang natin kung hanggang saan aabot ang pang uuto nito.
“Wag mo sanang sayangin yung pagligtas ko sa buhay mo, Virgel.” Biglang usal ni Greco sa gilid habang nag sign of the cross pa.
Asa. Akala naman mapupuruhan talaga ako dito. Kahit isang binti lang gamit ko ngayon, di ako mapapatumba nito. Di uubra tong babaeng ’to.
“Talaga lang ha..” Sabi ni Ginger na mukhang nabasa na naman ang iniisip ko.
“Sige, umatake ka lang. DI ako gagalaw.” Hamon ko kaya agad itong nag stance sa harap ko. Habang ako nakatayo lang habang nakagabay yung saklay sakin.
Sige lang, buhos mo lahat ng lakas mo para di ka mapahiya sa harap ng ama m–
Napatigil nalang ako sa pag iisip dahil nahuli ko nalang ang sarili kong nakatingin sa talampakan niya na sobrang lapit na sa mukha ko.
Hindi ito tumama na para bang tinatakot lang ako.
Akala mo naman madadaan mo ako sa—
Nagulat nalang ako ng biglang dumoble ang paningin ko.
Teka..a-anong nangyayari..
Tapos biglang nalang sumakit ng husto yung ulo ko at naramdaman kong may dumadaloy na likido sa ilong ko.
Paanong..
Hindi naman tumama yung sipa niya sa mukha ko pero ano to..
Ba’t parang..
Di ko na alam ang sumunod na nangyari dahil mabilis nalang akong natumba sa sobrang sakit ng ulo ko at sobrang pagkahilo.
Nang bumagsak ako ay dahan dahan kong inangat ang tinign ko kay Ginger na ngayon ay nakatingin lang sakin.
“Masarap ba yung pang uuto ko? “ Tanong niya at dahan dahan nalang akong napapikit.
Tangna, anong klaseng atake yun?
[NEXT DAY]
[3rd Person’s PoV]
“Dito ba?” Kasalukuyan ngayong nasa palasyo ng Presidente sina Marcelo kasama ang mga piling sakop niya.
“Opo Sir.” Naglahad ng kamay ang isang tauhan na nasa gilid ng pintuan. Agad naman itong binigay ni Celo. Matapos basahin saglit ng tauhan ang sulat na gawa ng presidente ay marahan niyang binukas ang pintuang yun. Yumuko ito habang binibigyan ng daan si Celo at ang sakop nito.
Pagkapasok nila, agad namangha ang iilan sa malaking silid na tumambad sakanila. Napaka ginaw at punong puno ng mga tauhang may hawak hawak na armas sa bawat corner ng silid.
Sa gitna naman ng silid ay isang napakahabang lamesa na ngayon ay inuupuan na ng iilang mga taong imbitado rin sa pagpupulong na ito.
Nasa dulo ng lamesa nakaupo ang apat na Heneral na kasali rin sa meeting. Tapos sa kabilang dulo ay ang Presidente ng bansa na ngayon ay tinitignan ang pagdating nila Celo. “Buti pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko.” Tumayo ang presidente at agad naglahad ng kamay ni Celo na mabilis rin naman tinanggap.
“Alang alang sa inyo, Presidente.” Hilaw na ngiting ganti ni Celo. Tapos ay umupo narin ang mga ito sa bakanteng upuan.
Nilibot saglit ni Celo ang tingin sa mga naunang dumating sakanya, at unang napansin niya ay Si Gideon Saquin na may apat ring kasama.
“Mukhang hindi lang pala kami ang imbitado dito.” Ngising usal nito
“Muli tayong nagkita, Marcelo.” Wika rin ni Gideon.
Nilipat naman ni Celo ang tingin sa pwesto ng Fuego. “Oh? Bat tatlo lang kayo? Asan ang Boss niyo?” Kunwaring tanong pa nito habang natatawa. Habang yung tatlo ay kalmado lang na nakatingin sa tapat nila.
“Oo nga pala, wala na nga pala si Vlad, ang mabait at matalik kong kaibigan.” Umiling uling pang dugtong nito at kunwaring nasasaktan sa sinabi. “Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang pagkawala niya. Sana nasa mabuting lugar na siya ngayon at mapayapang namamahinga.”
“Mananahimik lang yun kung pati ikaw sasama sa lugar na pinag papahingahan niya ngayon.” Bara naman ni Steph na ikinatigil ng pagdadrama ni Celo.
Sinundan pa ito Veronica. “Impyerno ang bagsak nito Steph baka nakakalimutan mo. Malabo silang magkita ni Boss pag ganun.”
“Oo nga pala.”
Bumusangot naman ang mukha ng Don sa pambabara ng dalawa, pero gayunpaman, nakabawi rin ito agad at ngumiti “Matabas ang dila niyong dalawa.”
Bago pa man magkainitan ang dalawang panig, muling bumukas ang pintuan. At dun, niluwa ang hinihintay nalang ng pagpupulong para magsimula na.
Dalawang tao lang ang naglalakad ngayon papunta sa kinauupuan ng lahat. Bakas sa lahat ang pagkabigla, dahil ibang tao ang inaasahan nilang dadalo.
Inaasahan nilang ang anak ni Vlademir ang pupunta.
Pero.
“Ish? Bakit kayo lang ang dumalo? Nasan si Virgel?” Takhang tanong ni Nica. Tumingin lang ito sakanya ng sobrang tamlay at hindi sumagot.
“Maki.” Napaangat naman ang batang kasama ni Ish nang may biglang tumawag sa pangalan niya. Pagtingin niya sa harap niya, laking gulat nalang niya kung sinong tao ang tumawag sakanya.
“K-kuya Dante? Nandito ka rin?” Takhang tanong ni Maki. Ngumisi naman ang kuya niya bago samagot “Mukhang family reunion ang nangyayari ngayon ah.” Sagot nito kaya nilibot pang muli ni Maki ang tingin niya sa mga dumalo.
At di nga siya nagkamali,
Titig na titig ngayon sakanilang dalawa ang ama nilang si Heneral Puma na tumakwil na sakanila dahil sa pagsali ng dalawa sa Mafia imbes na sa gobyerno para sumunod sa posisyon niya. “P-papa..”
Napatigil naman sa pag iisip si Maki nang bigla nalang may humagalpak ng tawa sa loob ng silid. Lahat ng atensyon ay na sakanya na dahil ang lakas lakas ng tawa niya.
“Anong nangyari, Virgo?” Natatawang pang aasar ni Celo kila Ish. “Bakit kayong dalawa nalang ang nakadalo? Nasan na yung iba? Ubos na ba? Nasan na si Virgel?” Patuloy lang ito sa pagtawa at pang aasar pero di man lang ito binigyang pansin ni Ish. Pati sina Stephan ay blanko rin sa nakikita nila ngayon. Nasan sina Hell at Elsa? Si Lily, sina Asher? Si Virgel? Bakit itong dalawa lang ang nakadalo? Wala silang kaalam alam sa nangyari sa Virgo nitong mga nakaraang araw.
Ang akala ng Fuego ay tahimik nalang na naninirahan ang lahat sa Dagon City kaya di na sila nakakasagap ng balita o problema sa Virgo.
O Baka naman nasa mansyon lang si Virgel at di sumama?
Pero sa kinikilos ni Ish parang iba e. Para itong namatayan ng buong pamilya sa sobrang tamlay ng mukha. Ni ayaw nitong magsalita.
Nang makaupo sina Maki at Ish ay saglit na nagtanong ng mahina si Steph. “Anong nangyari, Ish?”
Tumingin lang rin ito sakanya at ngumiti ng sobrang pait.
……
……………..
……………………..
Nang makumpleto na ang lahat para sa pagpupulong, may isang tao ang palihim na ngumiti habang tinitignan ang mga taong kasama niya ngayon.
ngiting magpapaisip sayo kung ano bang iniisip nito ngayon.
-To be continued.
-MajorSin
Episode 39 : Tha Doctor’s Plan
Episode 39: The Doctor’s Plan
[Sorry sa errors. Tsaka ko nalang i edit hahha.]
[Pakitingin sa media, Roy Mustang of FMA as Heneral Ibarra ]
[Alam ko mejo limot niyo na yung mga naunang episodes. Pero anong favorite o di niyo malilimutan na scene/s sa book 2 so far? :) )
[3rd Person’s PoV]
Nang makumpleto na ang mga inimbita ng Presidente sa pagpupulong ay marahan itong tumayo sa kinauupuan niya.
“Masaya ako at nakadalo kayong lahat sa pagpupulong na ’to.” Umpisa nito. “Alam kong wala kayong ideya kung bakti ako nagpatawag ng biglaan sainyo, at ito ang unang beses na inimbitahan ko kayo dito sa palasyo ko.”
“Tama, Presidente. Dahil bukod sa kalaban kami ng Pilipinas, alam ko ring ayaw niyo sa mga tulad naming klaseng pamilya.”
“Kaya nagtaka nalang ako at nakatanggap kami ng imbitasyon galing sa inyo.” Dugtong rin ni Celo sa sinabi ni Gideon.
“Sa tingin ko may kinalaman to sa nangyari sa Aralith, tama ba, Preisdente?” Sali rin ni Stephan sa usapan na ngayon ay nakatingin sa apat na Heneral.
“Tama.” Sagot nito. “Ayoko nang magpaligoy ligoy pa.” Tinignan niya isa isa ang panig ng Apat na pamilya bago nagpatuloy. “Kailangan ko ang lakas niyo.”
“Para saan?”
“Para patumbahin ang hukbo ni Manuel Guanzon kasama ang Pitong alaga nitong Vendetta” Diing sagot nito na agad ikinatahimik ng silid.
Hanggang sa sumabat ang pinaka batang nandito sa silid na ’to “Ah, ano..lima nalang po ang
Vendetta ngayon, Presidente.“ Singit ni Maki.
“Anong ibig mong sabihin?” Kunot noo namang tanong ng Presidente.
“Patay na ang dalawa nilang kasamahan.”
“Paano ka nakakasiguro?”
“Ang Boss namin ang tumapos sa isang myembro. At yung isa, tinapos ng kasamahan niya sa harap namin.” Tila gulat ang naramdaman ng lahat sa sinabi nito. Lalo na ang apat na Heneral.
“Imposible, tinapos lang ng isang tao ang isang myembro ng Vendetta?” Kontra ni Heneral Puma na umagaw sa atensyon nilang lahat.
“Ang totoo niyan apat kaming lumaban dun sa isang myembro na nagngangalang Ross. Pero si Boss lang ang kayang makipag sabayan sa nilalang na yun at nagawa niya itong tapusin.” Siguradong sagot naman ni Maki.
May bigla namang natawa sa gawi ni Marcelo. “Ikaw? lumaban sa isang Vendetta? Yang pagiging pala kwento mo umaatake na naman, Maki. Di kana nagbago.” Sabat ng kuya niyang si Dante na tawang tawa.
“Totoo naman ang sinasabi ko.” Kunot noong sagot naman ng bunso.
“Ulul. Di mo kayang makipaglaban. Masyado kang lampa para humarap sa mga tulad nila.” Pang aasar pa nito.
“Hindi na ako lampa tulad iniisip mo”
“Talaga ba? Patunayan mo sak–”
Isang malakas na hampas naman sa mesa ang nagpatahimik sa dalawa
“Tama na yan!” Awat ni Heneral Puma na ngayon ay inis ng nakatingin sa dalawang anak niya. “Nasa harap kayo ng Presidente mga hayop.”
Muling tumahimik ang silid matapos ang pag awat ni Puma kaya nagsalita ulit ang Presidente. “Kung totoo mang lima nalang ang alaga ni Guanzon, mas malaki ang tsansa nating manalo.” Wika nito bago tumingin ulit kay Maki.
“Nasan ang sinasabi mong Boss niyo na tumalo sa isang myembro ng Vendetta, bata?” Tanong niya. Kita naman sa mukha nito ang pag aalinlangang sumagot habang patingin tingin sa gawi ni Ish. “Nasan ang anak ni Vlademir Acosta?” Ulit niya.
Ibubuka palang sana ni Maki ang bibig niya nang may biglang sumagot sa tanong nito.
“Malubha ang tinamo niya sa labanan ng Vendetta na yun, Presidente. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa Mansyon ngayon at malabong makasali sa sinasabi mong labanan.” Sagot bigla ni Ish na ikinabigla ni Maki. HIndi niya inaasahan na yun ang isasagot nito.
“Ganun ba.” Tuminging muli ang Presidente sa lahat “Pero sa tingin ko sapat na ang lakas niyong lahat kasama ang ilang batalyong militar na isasali ko para mapa bagsak si Guanzon”
“ May mga iilang tauhang rin akong pwedeng sumali, Presidente.“ Ngising alok ni Celo.
“Mas marami mas mabuti.”
“Pero syempre, alam naman natin ang panahon ngayon…wala ng libre.” Lumawak ang ngisi nito habang tinitignan ang Presidente.
“Inaasahan ko na yan, Mr. Martin. Wag kang mag alala, lahat ng ’to ay may bayad na naaayon sa gusto niyo.” Ganti rin nito. “Wag lang kayong abusado.” Sa tunog ng boses nito ay para itong nagbabanta sakanila kaya pumikit nalang si Celo. “Oo naman.”
“Ngayong alam niyo na ang dahilan kung bakit kayo nandito, may gusto bang umatras at tanggihan ang paghingi ng tulong ko alang alang sa bansa?” Huling tanong ng Presidente sa lahat. Pero mukhang walang may balak umatras dahil hindi umimik ang mga ito.
“Maraming salamat.” Huminga ng malalim ang Presidente bago muling nagsalita “Ngayong ayos na ang lahat, ganito ang plano. Ang apat na pamilya ay makikipag ugnayan sa apat na Heneral. Magpalitan kayo ng Ideya kung paano kayo gagalaw sa oras ng digmaan, Mag isip kayo ng
stratehiya para mas malamangan natin ang utak ng doktor na yun.“
“Masusunod, Presidente” -Heneral Simeon
“Si Heneral Tresler ang magiging kasama ng Pamilya Fuego.” Nagkatinginan ang dalawang panig sa narinig nila. Pero di naman ito kumontra. “Si Heneral Puma naman ang bahalang gumabay sa pamilya Acosta” Tumaas naman bigla ang balahibo ni Maki nang marinig niyang ang kanyang ama ang makakasama nito sa labanan.
“Si Heneral Ibarra ang papanig sa kampo ni Celo. At–”
“Hep hep heeep.” Naputol sa pagsasalita ang Presidente ng sumabat bigla si Ibarra na tila di sang ayon sa sinabi nito. “Ayoko sa mga mabungangang tao, mahal na Presidente. Di lang kami magkakasundo niyan.” Ngising usal nito habang nakatingin kay Celo na ngayon ay nakangisi na rin sakanya.
“May punto tong batang Heneral mo, Presidente .”
“Dito nalang ako sa isa, mukhang tahimik to at may chemistry akong nakikita.” Pagtuturo nito sa Pamilya Saquin pero hindi ito kay Gideon nakatingin, kundi sa kasama nitong nag iisang babae sakanila, kay Akasha na tinaasan lang siya ng kilay
“Sige. Kay Heneral Ibarra ko ipapaubaya ang pamilya Saquin, at kay Heneral Simeon naman ang Pamilya Martin.”
“Yaaan.” -Heneral Ibarra
“Heneral Simeon, maaari mo na bang ipaalam samin ang nalalaman at mga plano mo?” Utos ng Presidente kaya marahang tumango ang Heneral at tumayo bago nagsalita.
“Sa mga hindi nakakaalam. Nasa gitna ng isang malaking bayan ang lungga ni Guanzon. Hindi mo ito makikita sa mapa kaya mahirap itong matunton. Dahil bukod sa isang napaka pribadong lugar ang kinatatayuan nito, napapalibutan rin ito ng malalaking pader at tanging mga piling tao lang ang pinapapasok ng doktor dito. Sa loob ng mga pader na yun makikita ang laboratoryo niya kung saan siya nakatira, isang bahay ampunan at isang abandunadong bahay.” Paliwanag nito.
“Pano mo nalaman ang mga impormasyon na yan kung napaka pribado ng lugar na yan?” Biglang tanong ni Stephan na ikinatahimik ng Heneral. At nang makabawi ay tsaka nito sinagot ang tanong.
“Isang sundalo ko ang nagbuwis ng kanyang buhay para sa impormasyon na binibigay ko sainyo ngayon. Pinasok niyang mag isa ang teritoryo ni Guanzon, at eksaktong pagbigay niya ng impormasyon sa amin kung anong mga nandun sa loob ng malalaking pader na yun ay nahuli siya ng mga tauhan ni Guanzon at di na muling nakalabas pa.” Sagot ng Heneral. Mejo di kumbinsido sa sagot si Stephan pero pinili nalang niyang tumango para makapag patuloy na ito.
“So anong maitutulong ng impormasyon na yan sa gagawin natin?” Tanong naman ni Gideon.
“Gaya ng sabi ko, may bahay ampunan ang teritoryo niya. Di ko alam kung para saan. Baka ginagawa niya ata itong pang depensa para di agad makaatake ang mga nagbabalak patumbahin siya.
“Di natin pwedeng idamay ang mga bata.” Komento ni Elrien.
“Yun na nga. Kaya ang gagawin natin, kailangan muna nating mailabas ang mga bata sa warzone bago natin sila pasukin.” -Simeon
“Papaano?” Tanong ni Akasha
“Sa impormasyon na natanggap namin, nasa likuran ng laboratoryo matatagpuan ang Bahay ampunan. Kaya ang gagawin natin, since nahahati na tayo ngayon sa apat na hukbo, bawat hukbo ay pupwesto sa apat na direksyon. Papalibutan natin ang teritoryo niya.”
“At?”
“At ang ma aatasan sa harap, sila ang unang magpapakita. Pag ganun, dun na mag fofocus ang mga tauhan ni Guanzon. At sekreto natin silang papasukin sa likuran para maitakas ang mga bata.”
“At ang mga na atasang naman sa kaliwa at kanan ang susuporta sa harap.” Singit ng Presidente.
“Aaaat dahil mahilig ako sa taguan, kami ng Pamilya Saquin sa likuran at magtatakas sa mga bata.” Presenta naman ni Heneral Ibarra.
“Sa harap naman, papangunahan mo Heneral Puma ang pag atake dahil bihasa ka sa mga takteka ng pag atake” Sabi ng Presidente habang nakatingin sa gawi nila Ish at Maki. “Ikaw na ang bahalang makipag ugnayan sa mga Acosta kung ano ang maitutulong nila.”
“Naiintindihan ko, Presidente.” Seryosong payag naman ni Puma habang nakatingin ng mataman sa bunso niyang anak na ngayon ay takot na sumusulyap sa gawi niya.
“Ang Hukbo ko naman at kay Heneral Tresler ang susuporta sa hukbo ni Heneral Puma pag nagka aberya. Pero pag kaya naman, di na muna tayo magpaparamdam para di masyadong maalarma ang kampo ni Guanzon.” Wika ni Simeon.
“Papano pag nakapalibot ring nagbabantay ang mga tauhan ni Guanzon?” Tanong naman ni Tresler na kanina pa tahimik at di nakikisali sa usapan.
“Mas maraming snipers ang ipapadala natin sa likuran para kung sakaling may magbabantay nga, palihim natin silang uubusin.” Sagot ni Simeon. Si Heneral Simeon ang tinaguriang pinaka mautak sa limang Heneral ng Presidente sa kabila ng pagiging tahimik nito. Nagiging maingay lang talaga ’to sa oras ng pagpaplano.
Nang maintindihan na ng lahat ang mga gagawin nila, muling nagtanong si Stephan
“Eh yung sinasabing abandunadong bahay? Anong meron sa bahay na yun?”
“Kung di ako nagkakamali, baka dun ang pinamumugaran ng mga alaga ni Guanzon na Vendetta.”
“Saang parte makikita ang bahay na yun?”
“Sa likuran parin. Pero nasa pinakalikod ang bahay ampunan. Bale napapagitnaan ng laboratoryo at bahay ampunan ang bahay na yun.”
“Kaya sa oras na makuha nila Heneral Puma ang atensyon nila, tiyak didiretso agad ang mga ito sa harap para tumulong. At malaki ang tsansa nating maitakas yung mga bata sa likod ng hindi nila namamalayan.” Paliwanag ni Simeon. Di mapagkakaila ni Stephan na alam na alam ng Heneral na ’to ang mga sinasabi niya. Bawat plano niya ay mapino. May mga sagot na agad siya sa bawat tinatanong sakanya. Para bang pinaghahandaan niya talaga ang mga sinasabi niya ngayon.
“Kailan ba mangyayari ang patayan na ’to?” Ngising tanong ni Marcelo.
Seryoso namang tumingin ang Presidente sa lahat
“Isang buwan mula ngayon. At sa loob ng isang buwan na yan kailangan natin ng matinding pagsasanay at pag paplano para masiguro natin tong laban na ’to.”
[Virgel’s PoV]
Sobrang bigat..
Sobrang bigat ng ulo ko nung magising ako. Pakiramdam ko ang haba ng oras ng tinulog ko. Pagtinign ko sa bintana, ang init na ng sikat ng araw. Mukhang tinanghali na ako ng gising.
Ano bang..
Bigla kong naalala ang huling nangyari kagabi bago ako nawalan ng malay kaya saglit akong natigilan.
Ang atake na yun…
Saglit akong napahawak sa ilong ko..
Tumulo nalang ang dugo sa ilong ko kagabi sa atake niya na hindi man lang tumama sa mukha ko.
Pano nangyari yun?
Napaka imposible..
Sumakit lang ulit ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko kaya minabuti ko nalang ang tumayo at kinuha ang saklay bago lumabas sa kwarto.
Pagkalabas ko, si Greco lang ang nadatnan ko. “Gising kana pala.” Tinignan niya ang napilayang paa ko bago ulit tumingin sakin “Di mo pa ba kayang ihakbang yang paa mo?” Tanong niya
“Di na ’to makakalakad pa.” Walang emosyon kong sagot. Wala na rin akong pakialam kung malumpo man ako habang buhay.
Lumpo man o hindi, pareho lang naman ang resulta, napaka walang kwenta na ng buhay ko ngayon.
“Makakalakad pa yan. Kailangan mo lang sanayin yan araw araw. Tapos masahiin.” Wika niya pero
“Di na. Ayos na sakin ang ganito.”
“Na maging baldado? Pano ka makakabalik sa pamilya mo kung di mo pagagalingin yang sarili mo?”
Sa tinanong niya ay natahimik ako.
Pamilya ko..
“Wala na akong babalikan. Ayoko ng bumalik.”
“Bakit? Kailangan ka ng pamilya m–”
“Hindi nila ako kailangan.” Putol ko. Ayoko man isipin pero “Mas magiging maganda ang buhay nila pag wala ako.”
“Ganyan ba tingin mo sa sarili mo?”
“Kasi pag kasama nila ako, unti unti lang silang mauubos.” Naalala ko na naman ang masamang panaginip na yun kaya napakuyom ako ng wala sa oras. “Unti unti lang silang malalagas kaka protekta sakin.”
“Kaya tama na. Ayoko ng makaramdam ulit ng sakit. Ayoko ng mawalan. Sawang sawa na ako sa pakiramdam na yan.”
Nakita kong napapikit si Greco bago nagbuntong hininga. “Ganyan mo ba kamahal ang pamilya mo? Na mas pipiliin mo nalang lumayo sakanila kesa ang manatili alang alang sa mga buhay nila?”
Di ako nakasagot sa tanong niya.
Mahal ko parin ang buong pamilya ko. Walang nagbago dun. Ang problema ko lang, di ko na ito maipakita at maiparamdam sakanila ngayon.
“Kung sakali mang makagawa ng malaking pagkakamali ang isa mga myembro ng pamilya mo, handa mo bang silang tapusin para pagbayarin ang kasalanan nila?” Takha akong napatingin kay Greco sa isang tanong niya. Pero sumagot parin ako.
“Hindi. Ano bang klaseng tanong yan.” Usal ko. Ngumiti lang ito sa sinabi ko. Ewan pero parang may kakaiba sa ngiti niyang yun.
Binuksan naman niya ang pagkain ko “Kumain kana, lumalamig na yang kanin.” Pag iiba nalang niya ng usapan.
Umupo ako sa tapat niya at tsaka kinuha ang bowl ng kanin.
Habang kumakain ako, muli siyang nagtanong.
“Kumusta ang pakiramdam mo? Mabigat ba ang ulo mo?”
“Oo e.” Tipid kong sagot
“Hindi ordinaryong atake ang ginawa ni Ginger kagabi. Mukhang nainis ata sayo.” Natatawang wika niya.
“Dahil ba dun sa Kai Kai ba yun?”
“Oo. Maswerte ka at hindi niya pinatama ang atake niya sa mukha mo nung mga oras na yun. Kundi baka nasayang lang talaga yung pagligtas ko sayo.” Paliwanag niya.
“Alien ba yung anak mo?” Natanong ko nalang. Wala talaga sa itsura niya na kaya niyang gumawa ng ganung atake. Isama mo pa yung kakayahan niyang bumasa ng isip ng tao.
“Gusto mo bang matutunan kung pano gumamit nun? Pwede kitang tulungan.” Alok niya kaya napatingin ako saglit sakanya at napaisip.
Siguro pag natutunan ko yun, baka mas lumakas pa ako lalo.
Baka malaki ang tsansa kong maipaghiganti lahat ng kinuha sakin. Baka matalo ko na si Morpheus pag nagharap ulit kami.
Pag kaya ko ng gawin yun,
Siguro..
Baka..
Baka mas ma protektahan ko pa ang pamilya ko.
….
………..
Pero..
“Di na.”
Baka sampalin na naman ako ng realidad at ipamukha sakin kung gano ako kawalang kwentang tao.
Gusto ko nalang manirahan at manihimik dito.
[3rd Person’s PoV]
“Kumusta yang kamay mo, Eus?”
“Ayos lang.” Saglit tinignan ni Eus ang kanang kamay nito na nakabenda pa. Kung di pa sa tulong ng doktor baka tuluyan na tong nabaldado habang buhay. Isang linggo na halos ang nakakalipas pero naaalala niya parin kung pano ito sinakyan ni Virgel sa labanan nila at tsaka mabilis na pinilipit. Sa tuwing naalala niya yon ay tila ramdam pa din niya yung sakit at tunog ng pagkabali bali ng mga buto niya sa braso.
Buti nalang may tinurok ang doktor sa braso niya para mas mapadali ang pag galing nito.
Tumabi si Jill sa gilid niya habang nakatingin lang ang dalawa sa bintana. Kitang kita nila sa labas ang mga iilang tauhan na nagbabantay sa laboratoryo na palakad lakad sa paligid.
“Ermac, nakita mo ba si Loda?” Tanong ni Jill kay Ermac na ngayon ay mag isang nakasandal sa gilid habang nagpapahinga. Simula nang mawala sina Ross at Quincy ay mejo tumahimik pa lalo tong lungga nila.
“Pumunta ata sa bahay ampunan. Tinitignan ang mga bata.” Sagot nito.
“Mukhang napapansin ko na ang madalas niyang pamamalagi dun nitong mga nakaraang araw. Gusto ba niyang mapalapit sa mga bata?” Normal na tanong naman ni Eus. Natawa lang si Ermac.
“Kilala ko yun. Di naman sa gusto niyang mapalapit, mas pipiliin pa kasi nun na tumambay dun at panoorin ang mga batang naglalaro kesa mag mukmok nalang dito.” Sagot nito.
“Siguraduhin niya lang. Baka ako mismo ang uubos sa mga bata dun para sakanya.” Pagbabanta ni Eus.
Nang matahimik, napansin nina Jill sa bintana ang mga iilang tauhan na papunta sa lugar kasama ang doktor at si Devi.
Napansin ni Eus ang ngiti na kumurba sa mga labi ni Jill sa nakita nila. “Tapos na ata ang operasyon.” Sa loob ng halos isang linggong hindi nakabalik si Devi sakanila, inakala nilang nasa masamang lagay na si Devi sa kamay ng Doktor. Pero ngayon ay nakabalik na ito ng buo.
Sinalubong ng tatlong Vendetta ang pagpasok ni Manuel at Devi kasama ang iilang tauhan sa loob.
Pansin naman agad ni Jill ang bendang nakatakip sa kaliwang mata nito. “Kumusta ang operasyon, Doktor? Makakakita na bang muli ang kaliwang mata ni Devi?” Di maiwasang tanong ni Jill.
Ngumisi naman ang doktor sa narinig. “Aabutin pa ng mga isang buwan bago natin makita ang resulta. Pero ngayon masasabi ko ng tagumpay ang operasyon. Kailangan nalang nating hintaying humilom ang mga sugat para matanggal na natin ang benda.”
“Mabuti naman.” Nakahinga ng maluwag si Jill sa narinig niya.
“Bat kulang ata kayo? Nasan si Loda?” Takhang tanong ng Doktor.
“Nasa bahay ampunan, Doktor.” Sagot ni Jill. Tumango naman ito bago magpaalam.
“Di na rin ako magtatagal. Hinatid ko lang tong alaga ko.” Sabi nito bago tumalikod. “Pagpahingahin niyo yan. Pagod yan.” Dagdag nito bago tuluyang naglakad palabas.
“Opo Doktor.” -Jill
Nang makalabas si Manuel, unti unting kumorba ang ngiti sa mga labi nito.
Bumalik ito sa laboratoryo na agad ring sinalubong ng iilang scientist.
“Tama lang bang pinalabas na agad natin yun?” Tanong ng isang scientist kay Manuel.
“Mas mabuti ng ibinalik natin siya ng maaga para hindi na sila maghinala na may kakaiba tayong ginawa kay Devi.” Ngising sagot nito.
“Di ka talaga nakukontento, Manuel. Lahat nalang ginagawan mo ng experimento.” Sabat rin ng isang scientist na kasama ni Manuel sa operasyon sa mata ni Devi.
Ngayon ay parehong nakatingin ang tatlong doktor sa isang malaking container kung saan nasa loob ang babaeng matagal na nilang tinatago sa mata ng mga Vendetta. “Mata niya ang pinalit natin sa kaliwang mata ni Devi. At sa tingin ko magandang kumbinasyon ang Etherial Drug sa mga mata ng babaeng ’to.”
“Maganda nga kaya. Baka kabaliktaran lang ang mangyayari.” Komento ng isa.
“Isang buwan mula ngayon, makikita rin natin ang resulta.”
“Matagal mo na ba tong plano, Manuel? Kaya ba nilagay mo siya sa container na yan na bumubuhay nalang sakanya ng sobrang tagal na para magamit mo sa tamang panahon?”
“Hindi naman. Parte lang. Ang totoong plano ko ay nakasalalay sa babaeng ’to. Ang perpektong plano para makabuo ako ng isang experimentong babago sa pananaw niyo sa galing ko.”
“Tuluyan ka na ngang kinain ng pangarap mo, Guanzon.”
“Gagawa ako ng sarili kong pangalan. Itong babaeng ’to. Ito ang babago sa buhay ko. Makikita niyo HAHAHAHAHA” Tulad ng kanyang ama, isa ring doktor si Manuel na sobrang taas ng pangarap sa sarili. Gusto niyang lampasan kung ano mang nagawang impact ng kanyang ama dati sa buong bansa. Gusto niyang makilala siya ng lahat. Makilala ang pangalan at obra maestra niya. Bukod sa Perpektong experimento niya na tinatawag ngayon na Vendetta, hindi parin nito magawang makontento. Gusto pa niyang makilala. Gusto pa niyang tangkilikin ng lahat. At itong babaeng tinitignan nila ngayon, sakanya magsisimula ang pangarap na yun ni Guanzon.
Nasa kalagitnaan lamang ng pagtawa ang doktor ng tumunog ang cellphone nito.
Kinuha niya iyon at napawi nalang ang tawa niya nang makita niya ang panglaan ng tumatawag sakanya.
Sinagot niya ito
“Anong balita?”
[Kumpirmado, isang buwan mula ngayon aatakihin namin yang lungga mo. Kasama ang apat na Mafia.]
Natawa ang doktor sa narinig na balita. “ Ganyan na ba ka despirado ang Presidente na patumbahin ako?“
[Mukhang ganun na nga. Sasabihin ko nalang sayo ang pinagplanuhan namin kanina pag nagkita tayo. May gagawin pa ako ngayon.]
“Sige.” Pinutol nito ang linya sa tawag.
Inayos ng doktor ang salamin niya habang lumalawak na naman ang ngisi. Di pa nga niya nasisimulan ang panibagong plano niya, tinatangkilik na siya. Ilang taon rin ang hinintay niya para mapansin siya ng Presidente, at heto na nga, nangyayari na.
Di magtatagal ay kakalat rin ang balita sa ibat ibang parte ng mga banyagang bansa at dun na magsisimula ang pag usbong ng pangalan niya sa buong mundo.
“Kung gusto nila ng digmaan. Hinding hindi ko sila aatrasan.
-To be continued..
( A/N: Tingin niyo. sino kaya ang sekretong ka alyansa ni Manuel sa pagpupulong na yun? Hahaha libre hula )
-MajorSin
Episode 40: Saint or Sinner
Episode 40: Saint or Sinner
[Pakitingin sa media, young Morpheus and young Loda]
May mga kaonting tanong lang ulit ako sa inyo hahah up to you kung sasagutin mo or hindi
[May favorite na ba kayong Member ng Vendetta so far? Or gusto niyo silang pagtatapusin isa isa hahaha]
[Sinong character ang gusto niyo pa mabigyan ng spotlight sa kwento?]
[Anong pinaka cool na scene na nabasa niyo sa season 2 so far?]
-Sorry sa halos isang buwang walang ud. Sobrang busy lang talaga sa work. Hope mag enjoy kayo :)
[3rd Person’s PoV]
Sa isang silid kung saan madalas na tambayan nina Greco at Vlad ay nagtatago ngayon si Greco kasama ang anak niyang anim na taong gulang pa lamang.
“P-papa..” Simula kanina ay tanging ‘Papa’ lang bukambibig ng anak niya. Parang na trauma ito sa nasaksihan kanina. Gusto mang magpaliwanag ni Greco kay Ginger pero di magandang oras ngayon para mag usap. Baka marinig sila at mahuli. Sinenyasan niya nalang si Ginger na tumahimik. “Shhh”
Mga yabag ng paa ang nagpalingon kay Greco sa pintuan nitong silid. Kitang kita niya sa baba ng pintuan na may isang anino ang huminto sa tapat nito. Dahil dun ay mas lalong kinabahan si Greco.
Hindi dahil sa natatakot siya, kundi baka ikadamay ng anak niya pag nahanap sila dito.
Dahan dahan itong bumukas at wala na nga silang nagawa pa–nakita na sila.
Nagtama ang mga mata ng dalawang magkaibigan.
“Vlad..” Tanging sambit nalang ni Greco nang mapansin niyang pula na naman ang mga mata nito.
t ang mga sumunod na nangyari ay binalot nalang ng dilim..
Dahan dahan binukas ni Greco ang mga mata niya.
Bangungot.
Ilang taon na ang lumipas, pero ang sariwa parin sa utak niya, lagi niya parin itong napapanaginipan.
Tumayo siya at napatingin saglit sa salamin na kaharap niya. Nakita niya ang kaonting marka ng nakaraan sa may dibdib niya kaya marahan niya iyong hinawakan at hinimas.
“Hanggang ngayon di parin ako maka paniwalang magagawa mo yun, Vlad.”
Sa salamin ay hindi na sarili ang nakikita niya, kundi ang Boss niyang nakapamulsa at mataman na nakatingin sakanya.
Bago pa man niya maalala ang iba pang nangyari, yumuko nalang si Greco at nagbihis bago lumabas sa kwarto niya.
Paglabas niya, kita na niyang bukas ang kwarto ni Virgel at wala ng tao dun. Wala rin ito sa sala. Sina Mina at Ginger naman ay nakaalis na rin para pumasok.
Lumabas siya at tinahak ang likuran ng bahay nila, at dun niya nakita si Virgel na nakaupo habang may bowl ng bigas sa gilid. Sa harap naman niya ay mga manok na mukhang enjoy na enjoy sa libreng pagkain.
“Mahal na ang kilo ng bigas ngayon.” Biro nito habang papalapit sa binata.
“Ilang sako ng bigas ang nakita ko sa pinagkuhanan ko nito.” Sagot ni Virgel na ikinatawa ng mahina ng matanda. “May malaking palayan pala kayo.” Dugtong nito.
“Si Mina ba ang nagsabi sayo?”
“Ewan ko nalang kung si Ginger.” Wika ni Virgel habang patuloy lang ng pagpapakain sa mga manok.
“Mahigit dalawang linggo ka ng nandito. Di parin ba kayo magkasundo ng anak ko?” Natatawang tanong ng matanda. Hanggang ngayon ay di parin siya kinakausap ni Ginger ng maayos. Lagi itong galit kahit wala naman itong ginagawa. Walang araw ang dumadaan na hindi sila nagpapalitan ng masamang tingin o magsasagutan.
“Wala sakin yung problema. Adik ata yang anak mo.” At dun mas lalong natawa si Greco.
“Mabait namang bata yang si Ginger. Kausapin mo lang kasi.”
“Asa. Wala akong plano.” Poker face lang ang mukha ni Virgel kanina pa. Napabuntong hininga nalang si Greco at lihim na napangiti ng mapait.
Sa halip na makipagtalo at may masabi pa siya, iniba nalang niya ang usapan. “Kumusta na yang mga paa mo?” Napahinto si Virgel sa tanong nito tapos ay saglit na tinignan ang naka benda nyang paa.
Ginalaw niya ito ng dahan dahan at nakita yun ng matanda
“Oh diba, konting panahon pa. Makakalakad rin ulit yan.” Ngiting usal nito. Di na sumagot si Virgel.
Ewan pero wala man lang siyang sayang naramdaman sa sinabi nito.
Sa isang puno kung saan nakasandal si Loda, tahimik lang itong nakatingin sa mga bata na naglalaro sa bakuran ng bahay ampunan. Kitang kita niya ang saya sa mga mukha nito. Tuwing wala siyang magawa ay pumupunta ito dito sa kinatatayuan niya para pagmasdan ang mga ito. Di siya lumalapit sa mga bata para kausapin o kumustahin sila. Ang tignan lang sila na naglalaro ay sapat na sakanya para mawala ang pagkabagot sa loob ng apat na sulok ng gusaling tirahan nila.
Pero sa halos tatlong beses sa isang linggo nitong pagtatambay dito sa may puno, lagi na siyang napapansin ng mga bata. Pero gayunpaman, wala ang naglalakas ng loob na lumapit sakanya. Takot ang mga bata sa tulad nila.
Pero sa araw na ito, habang tahimik siyang nanunood, may napansin siyang batang babae ang panay ang tingin sakanya at di na sumasali sa mga kasama niyang naglalaro. Siguro mga nasa edad siete eto.
Di nagtagal, lumapit sakanya ang batang babae na ngiti ng ngiti. Kahit mejo nabigla si Loda sa paglapit nito sakanya, di ito nagpakita ng expresyon at mataman lang na tinignan ang batang babae.
Nang makalapit ito sakanya ay hiningal pa ito dahil sa pagtakbo. At nung makabawi ito, ngumiti itong muli sa harapan niya at tsaka may inabot na bulaklak ng sampaguita. Di ito nagsasalita
Takhang tinignan ni Loda ang bulaklak, tapos ay muling tumingin sa mukha ng bata. Ang lapad ng ngisi nito sakanya habang nag aabot. Hindi niya alam kung bakit siya binibigyan ng isang bulaklak.
Aabutin na sana ni Loda ang bulaklak pero nung maaabot na niya ito, biglang nanlaki ng konti ang mata niya at dali daling tinabig ang kamay ng bata–dahilan para tumilapon ang sampaguita.
Dahil sa ginawa niya ay mabilis na nawala ang ngiti ng bata at napalitan ito ng pagkabigla. Di na ito nagsalita agad nalang itong tumakbo pabalik sa dinaanan niya kanina habang umiiyak.
Ilang segundo palang ay may sumulpot sa likuran niya “Akala ko tatanggapin mo.” Mejo natawang usal nito.
“Minamatyagan mo na rin ba ako?” Kalmadong ganti rin ni Loda. Alam niyang bawal ang makisalamuha, at alam niyang minamatyagan na siya ng sarili niyang grupo dahil sa madalas niyang pamamalagi dito, bukod sa taong nandito.
“Hindi naman.” Sagot nito. “Nandito lang ako para ipaalala sayong kasama na natin si Morpheus ngayon. Di mo na magagawa ang mga bagay na nagagawa mo dati nung wala pa siya.”
Tahimik lang na nakikinig si Loda.
“Napapansin na to ni Eus, Loda. Mabuti pang itigil mo na tong pamamalagi mo dito.”
“Wala kang dapat ipag alala, Ermac. Alam ko ang ginagawa ko.” Nakatingin si Ermac sakanya pero ang tingin niya ay nakapukol parin sa mga bata, lalo na sa batang babae kanina na ngayon ay nakaupo na sa gilid at umiiyak mag isa.
Wala nga bang dapat ipag alala..
“Ayokong dumating pa sa puntong magkaubusan tayo sa sarili nating mga kamay. Kilala mo si Eus.” Tumalikod na si Ermac pagkasabi niya nun. “Tara na, may saglit na pagpupulong ang doktor, baka magtaka na naman sila pag wala ka dun.”
Sa tuwing may bayan silang nilulusob, sila palaging dalawa ang magkasama, di naman sila matatawag na magkaibigan, pero kahit papano may pakialam parin ang mga ito sa isa’t isa.
Umunang naglakad si Ermac pabalik sa gusali, susunod pa sana si Loda nang mahagip niya ang puting sampaguita nakahalata sa damuhan.
Kinuha niya iyon at muling tinignan ang batang babae.
At sa loob ng mahabang panahon,
muli itong nakaramdam ng emosyong akala niya ay hindi na niya mararamdaman pa kahit kailan.
Saya.
Ngumiti ito ng bahagya bago ito tumalikod at sumunod kay Ermac.
Tanghaling tapat palang pero wala kanang makikitang liwanag ng araw sa silid na to bukod sa lamparang nakalagay sa gitna ng bilog na lamesa.
Sa lamesa naman na yun nakapalibot ang natitirang Vendetta kasama si Doktor Guanzon. Nakapalibot rin sakanila ang anim pang mga sundalo sa likuran nila na nagsisilbing bantay sa silid na yun.
“Nagpatawag ata kayo ng biglaang pagpupulong, Doktor.” Umpisa ni Jill.
“Tungkol ba to kila Quincy at Ross?” Sunod ring tanong ni Ermac. Ngumisi ang doktor sa tanong ni Ermac.
“Ang patay ay patay na. Di na kailangan pa pag usapan ang mga taong nadurog na.” Walang hiyang sagot nito.
“Kung ganun ano to, doktor?” Tanong rin ni Loda. Sina Devi at Morpheus naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan.
“Saglit lang ako dito. Hindi naman ’to bago sainyo, pero napag isip isip kong dapat niyo parin sigurong malaman ang mga mangyayari.” Umpisa ng doktor. Muling tumahimik ang buong silid at hinihintay ng mga alaga niya ang mga sasabihin pa nito. “Ilang linggo mula ngayon, magiging kalaban natin ang buong bansa.”
Sa sinabi ng doktor eh wala man lang siyang makitang reaksyon sa mga alaga niya–bagay na inaasahan na niya. Buong bansa na ang pinag uusapan pero tila di man lang nasindak ang mga ito.
“Pano mo naman nasabi yan?” Normal na tanong ni Morpheus.
“Di na mahalaga kung saan ko nalaman, ang importante may alam tayo.” Ngising sagot nito–bagay na medyo pinagtaka nila Jill. Di naman to naglilihim sakanila. Pero wala silang magagawa.
“Kaya ko to sinasabi sainyo ngayon dahil gusto ko maging handa kayo. Di natin alam ang plano nila, lalo pa’t sinabwat rin ng Presidente ang mga Mafia. Pati ang apat sa limang Heneral ng Bansa ay mamumuno rin sa gagawing pag atake.” Paliwanag ni Manuel na ikinatawa ng mahina ni Morpheus.
“Minamaliit mo na ba kami, Doktor?” Ngising tanong nito.
Inayos ng doktor ang salamin niya bago tumingin sa pinaka malakas niyang alaga. “Hindi naman. Alam kong higit pa sa daan daang batalyon ang lakas niyo, pero syempre, wala namang masama kung mag iingat, hindi ba?”
Sumandal si Eus sa kinauupuan niya at tsaka pumikit “Sabagay. Hindi rin basta basta ang mga Mafia na yan.” Usal nito habang inaalala ang muntik na nyang pagkamatay sa kamay ng dalawang taong myembro ng isang Mafia.
Nang matahimik ang paligid, muling nagsalita si Manuel “May mga tanong pa ba kayo?”
“Nga pala.” Sabat ni Eus habang unti unting binubuksan ang mga mata at dahan dahang tumingin sa gawi ni Loda at tsaka ngumiti. “Tutal nandito narin naman lahat, may gusto lang akong klaruhin.” Dugtong nito. Si Loda naman ay normal lang ring nakipag titigan kay Eus.
“May isang myembro tayo ditong nakitaan ko ng kahinaan e. Di ko lang alam kung tama ba ang hinala ko.” Umpisa nito.
“Anong ibig mong sabihin, Eus? Sino ang tinutukoy mo?” Tanong naman ni Manuel.
“Tingin ko may unti unti ng lumalambot ang puso dito.” Tumayo si Eus pagkasabi niya nun at tsaka tumabi sa isa sa mga sundalong nakapalibot sakanila.
Inakbayan niya iyon at tsaka nagsalita “Boi, pahiram saglit ng buhay mo ah? May gusto lang akong patunayan.” Sa narinig ng sundalo ay agad nanlambot ang mga tuhod nito “S-sir..anong pong..”
“Sshhhh” Tinapat pa niya ang hintuturo niya sa bibig ng sundalo “Easy ka lang.” Lumapit ito sa tenga ng sundalo bago ngumisi “Saglit lang to.” Ayaw man ng sundalo, wala itong nagawa kundi ang magpatulak kay Eus.
Tinulak siya sa gawi ni Loda at tsaka pinaluhod sa tabi nito at pinayuko.
“Anong kalokohan na naman yang iniisip mo, Eus.” Kalmadong tanong ni Loda. Nakahalukipkip lang ito habang naka de kwatro.
“Alam mo na ang gusto kong ipagawa sayo, Loda.” Ngising sagot nito. “Wag mong hintayin na madagdagan ang hinala ko. Baka may sumunod kay Quincy sinasabi ko sayo.”
Tumingin saglit si Loda kay Eus na nakangisi sakanya bago pumikit at tumayo.
“Heto.” May binigay si Eus na isang matalim na itak kay Loda. Kinuha niya iyon at tsaka tinignan ang sundalong nakaluhod at nakayuko sa harap niya.
Inangat saglit ng kawawang sundalo ang tingin niya at umiiyak na tumingin kay Loda. Tila ba nagmamakaawa ang mga mata nitong wag gawin ang ipapagawa ni Morpheus.
Wala kang makikitang expresyon sa mukha ni Loda habang nakatingin sa sundalo. Di mo mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon.
“Bilisan mo, Loda.”
Humigpit ang hawak ni Loda sa itak at tsaka inangat.
“Maawa kayo sir..” Iyak na sambit ng sundalo.
Pero sa isang iglap, bumulagta nalang ito na wala ng buhay habang hiwalay na ang ulo.
Habang ang ibang nandun sa silid naman ay parang wala lang sakanila ang nangyari. Tila normal na sakanila ang mga nakikita nila. Pati ang limang sundalo na kasamahan ng pinaslang, di nalang nagpakita ng reaksyon.
Sininyasan ng doktor ang dalawang sundalo na ilabas ang katawan at ulo ng kasama nila sa silid na yun.
“Magaling.” Ngising usal ni Eus bago bumalik sa kinauupuan niya. “Mabuti sinunod mo ako. Pasensya na sa paghihinala.”
Bumalik narin sa pagkakaupo si Loda at tsaka nilagay ang duguang itak sa gitna ng lamesa. “Ginawa ko yun hindi dahil sa takot ako sayo.” Sagot ni Loda na tila nag iba na ang templa. “Ayoko lang ng gulo.”
“At anong ibig mong sabihin?” Tila napantig ang tenga ni Eus sa inasta ni Loda sakanya.
Tumingin si Loda kay Eus at unti unting pumula ang mga mata nito. “Kaya kong protektahan ang sarili ko laban sayo.” Ang pinaka kalmado sa pitong Vendetta ay ngayon lang naging ganito. Ngayon lang nila ito narinig na nagsalita ng ganito.
Lumawak ang ngisi ni Morpheus sa narinig niya. Wala talagang pinipili ang isang ’to. Mapa kalaban ka man o kakampi, basta pakiramdam niya minamaliit o sinusuway siya, kumukulo ang dugo niyang tumapos.
Pero bago pa man mauwi sa madugong labanan ang pagpupulong na ’to, binasag na ni Manuel ang tensyon na bumabalot sa dalawa.
“Di ko kayo binuo para magpatayan, mga mahal kong alaga.” Inayos muli nito ang salamin bago nagpatuloy “Sapat na yung dalawa. Tama na yun. Ayoko ng mawalan pa ulit ng alaga, nagkakaintindihan ba tayo?” Nakangiti lang pero di mo alam kung masaya ba ’to o ano.
Tumayo ito sa kinauupuan at tsaka naglakad palabas ng silid. “Magpatayan pa uli kayo, ako na mismo ang uubos sa inyong lahat.” Matigas na pagbabanta ng doktor sakanilang lima. Di pa nila nakikitang nagalit ang doktor. Di pa nila alam kung saan ang kaya nitong gawin, o kung gano kalawak ang kaalaman nito. Kaya hangga’t maari, di nila dapat galitin ang mismong nagpalakas sakanila.
[Virgel’s PoV]
Dalawang linggo na akong nandito sa bahay na ’to, di pa kasali yung isang linggo na wala akong malay, at di ko mapagkakailang hinahanap hanap ko na ang presensya ng mansyon–ang presensya nila.
Nakatingin lang ako sa kisame ngayon habang nakahiga dito sa kwarto. Buong maghapon na naman akong walang ginagawa. Laging ganito nalang umiikot ang araw ko sa loob ng dalawang linggo.
Saglit kong tinignan ang saklay na nakasandal sa pader sa may uluhan ko. Muli kong naalala ang sinabi ni Greco kanina na di talaga malabong makakalakad pa ako ulit.
“Makakalakad pa yan, kailangan mo lang sanayin yan araw araw, tapos masahiin.” “
Ewan pero nagpasya nalang ang katawan ko na bumangon at kinuha ang saklay.
Pagkabukas ko sa pintuan, nadatnan ko agad si Greco na nagluluto. Hapon narin kasi at mukhang pauwi palang sila Ginger kaya siya nalang ang nagluluto.
“Oh, napalabas ka.” Kaswal na tanong niya.
“Gusto kong lumabas.” Sagot ko. Ewan, parang gusto kong maglakad lakad muna.
“Nabuhayan ka ba sa binalita ko kanina?” Tatawa tawa pang asar niya. Di ko na siya pinansin at binuksan nalang ang pinto para makalabas na. “Mag iingat ka ah. Wag masyadong lalayo. Hindi mo pa kabisado ang daan sa lugar na ’to” Pahabol pa niya.
“Sige.”
Habang paika ika akong naglalakad, naisip ko bigla si Greco. Sa loob ng dalawang linggong pakikisawsaw ko sa bahay nila, ni minsan di ko pa siya narinig na nagreklamo o napagsabihan ako na pabigat o kung ano pa yan, o nainis dahil sa perwisyong binibigay ko sakanila.
Ang kalmado niyang tao. Kahit ang lamig ng trato ko sakanya hindi na niya yun pinapansin pa.
Bigla ko tuloy naalala si Papa kaya agad ko nalang inalis sa utak ko ang mga iniisip ko.
Nang mabalik ako sa wisyo, tumalikod ako saglit, mejo malayo-layo na pala ang nalakad ko. Nasa gilid na ako ngayon ng kalsada na dinadaanan ng mga studyanteng sa tingin ko ay kakauwi palang.
Mukhang may malapit lang na paaralan sa lugar na to.
Di maiwasan ng ibang studyanteng nakakasalubong ko ang mapatingin sakin. Sino ba namang di mapapatingin sa isang pilay. Tinitignan ko rin sila pero mukhang natatakot kaya mabilis na pumupunta sa kabilang daan.
Di ko na sila binigyan ng pake at patuloy lang ako sa paglalakad, bahala na kung saan ako dalhin ng pilay kong paa. Ang akin ngayon ay malalakad ako.
Nakadungo lang akong naglalakad nang may marinig akong nagtatawanan na lalaki.
“Uy hahaha pre tulungan mo. Kawawa naman.”
“Sino? yang pilay?”
“Hindi, yung saklay niya. Gago ka ba?”
“Hahahahahah!”
“Pakyu”
Inangat ko ang tingin ko para tignan ang mga lalaking nagtatawanan. Pero sa pag angat ko, akala ko mga lalaki lang ang makikita ko,
pero mukha ni Ginger agad ang tumambad sakin.
Nasa gitna siya ng limang lalaking nagtatawanan. Yung isa ay naka akbay pa sakanya. Yung mukha niya parang gulat na gulat na makita ako.
Mataman lang akong nakatingin sakanya. Akala ko ba ayaw na ayaw nito sa mga lalaki kaya ganun turing niya sakin sa bahay?
Bakit lalaki lahat kasama nito ngayon?
Hindi siya nakapagsalita. Kaya ako naman ay tinuloy nalang ang paglalakad para lampasan sila. Pake ko ba.
Nakadungo ako pero alam kong nakatingin parin sakin si Ginger habang papalapit ako sakanila–hanggang sa lampasan ko sila.
Sa paglampas ko, aksidente kong nasagi ang balikat sa isa sa limang lalaki na kasama niya. “Aba’t!” Bigla akong tinulak sa likuran ko kaya agad akong natumba dahil di ako nakabalanse “May pabangga bangga ka pa ng balikat kang pilay ka ah” Sumbat pa niya.
“Tama na yan! Ano ka ba Jasper!” Rinig ko ring sigaw ni Ginger.
Dahan dahan akong tumayo. Pta, kumirot bigla ang pilay kong paa. Mukhang ito ata ang unang natukod ko pagkabagsak ko.
“Eh gago eh. Lakas ng loob banggain ako sa balikat”
“Gago ba?” Mahina kong wika.
“Hoy anong ginagawa mo dito? Ba’t ka lumabas?” Rinig ko pang tanong sakin ni Ginger.
“Kilala mo yan?”
Nang makatayo ako ay dahan dahan kong tinignan silang lahat.
“Alam mo naman di ka pa makakala–” Nahinto sa panenermon si Ginger na matitigan ko silang lahat ng sobrang seryoso.
At ewan pero habang nanlilisik ang tingin ko sakanila, nakita ko nalang ang biglang panginginig ng katawan ni Ginger na para bang nakakita ito ng multo. Nanlalaki ang mga mata niya habang nangangatal ang bibig. Hindi to ordinaryong takot lang, para siyang nakakita ng isang bagay na nakita na niya dati na ikinatakot niya ng husto.
Napaluhod siya sa kinatatayuan niya habang gulat na gulat parin na nakatitig sakin. “Oy Ginger! Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang?” Tanong ng iilang kasama niya. Dahil dun ay nawala ang seryosong tingin ko sakanila at napalitan ito ng kaonting pagtataka.
“Mama…” Mahinang bulong pa niya na ipinagtaka ko lalo. Ano ba tong kinikilos niya?
“Gago anong ginawa mo!” Huli na nang mapansin ko ang isang lalaking umatake papunta sakin. Malakas na dumampi ang kamao niya sa mukha ko kaya muli akong natumba. “Bugbugin niyo yan!” Rinig ko pang sigaw nung isa kaya mabilis akong pinalibutan ng lima at pinag susuntok at tinadyak tadyakan sa sikmura habang nakahalata.
Ni wala man lang umaawat samin.
At bago pa man ako mawalan ng malay, kitang kita ko kung pano tumulo ang mga luha ni Ginger sa harap namin habang gulat na gulat parin ang mga mata niya.
Ano bang problema mo?
Kanina pa naglilibot ang batang Ginger sa labas ng Mansyon ng mga Acosta. Kahit umuulan ay patuloy lang ito sa paghahanap sa kanyang pinaka mamahal na Mama. May payong naman siya kaya ayos lang kahit umuulan.
“Nasan na kaya si Mama?” Naka pout pang tanong nito sa sarili.
At habang naglalakad siya, saglit siyang napahinto nang may mapansin siyang nakatayo sa likod ng Mansyon. Nakasuot ito ng puting toxido habang nakatalikod sa gawi niya.
Dahan dahang lumapit si Ginger para tignan ang lalaking yun. Baka papa niya yun o isa sa mga uncle niya.
“Papa? Uncle Morgan? Unc–” Mabilis na bumagsak ang payong hawak ni Ginger nang tuluyan siyang makalapit sa kinatatayuan nung lalaking nakatalikod.
Tulala lang ang batang nakatingin sa tatlong tito niyang nakahalata habang naliligo sa mga sarili nitong dugo.
At ang huli niyang nakita..
na nasa tapat ng lalaking nakatayo..
ang kanyang ina..
Ang kanyang pinakamamahal na ina na halos di na maitsura ang suot at nakahalata rin at wala ng buhay pa.
Sa sobrang gulat ay di agad nakapagsalita ang bata. Sobra sobra ang nakikita niya ngayon. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang umiyak, gusto niyang isigaw ang salitang mama, pero di makagapag salita ang bibig niya, sobra itong nablangko sa nasaksihan niya.
Hanggang sa dahan dahan niyang tinignan ang lalaking nakatayo..
Dahan dahan rin itong tumingin sakanya. At dun niya nakita ang sariwang sariwa na mapupulang mga mata nito na mataman na nakatingin sakanya.
Di na niya alam pa ang nangyari, nahuli nalang niya ang sarili na karga karga ng papa niya habang papasok sila sa Mansyon.
“Papa…” Unang banggit niya. At dun, dun na bumuhos ng husto ang mga luha ng batang babae. “Si mama..”
“S-si mama…”
Napamulat si Virgel nang maramdaman niya ang basang bimpo na pumapahid sa mukha niya.
Pagkamulat niya, nakita niya si Ginger na nakaupo sa gilid niya habang pinapahiran ng malamig na bimpo ang bugbog nitong mukha. “Buti gising kana.” Malamig na sabi nito tapos ay nilagay na niya sa palanggana ang bimpo . “Inutusan lang ako ni papa baka kung ano isipin mo.” Habol nito bago tumayo at tumalikod.
Bubuksan na sana nito ang pintuan ng kwarto pero “Sandali.” Pigil ni Virgel.
“Mag usap muna tayo saglit.” Wika nito. Alam niyang may mali. Hindi lang isang ordinaryong inis tong pinapakita ni Ginger sakanya. Alam niyang may nakatagong kwento sa lahat ng ’to.
“Walang dapat pag usapan.” Lalabas na sana ito nang muling nagsalita si Virgel
“Gawa gawa niyo lang yung sinabi niyo kay Mina tungkol sayo diba?” Napahinto si Ginger at napayuko.
“Pinapalabas niyo lang na ayaw mo sa mga lalaki para di ko paghinalaan yung pagkainis mo sakin.”
Di sumagot si Ginger habang nakapikit.
“Tama ako diba? Kaya gulat na gulat ka kanina nang makita kita na may kasamang mga lalaki. Kasi hindi talaga totoo na ayaw mo sa mga lalaki, kundi sa akin lang.” Napakagat ng labi si Ginger sa mga sinasabi ni Virgel dahil bumabalik na naman sa alaala niya ang napaka pait at nakakakilabot na gabing yun.
“Tama na..tama na..” Bulong nito.
“Tapos nung makita mong pumula ang mga mata ko kanina, hindi normal na reaksyon yung reaksyon mo. Binanggit mo pa ang salitang ’mama.” Napamulat ng mga mata si Ginger sa sinabi ni Virgel dahil muli niyang naalala ang mga mata ni Virgel kanina sa kung pano rin siya tignan dati ng mga matang yun.
Bumilis bigla ang paghinga ni Ginger.
“Sabihin mo, anong nangyari? Kinwento sakin ni Greco na ginahasa ang mama mo bago pinatay. May kinalaman ba a–”
“TAMA NA!!”
“TAMA NAA!!” Humarap si Ginger kay Virgel at naiiyak na sa sobrang galit. “GUSTO MONG MALAMAN ANG LAHAT?!!” Singhal nito. Di na makapag pigil si Ginger.
At ikinagulat nalang ng husto ni Virgel ang mga katagang sinigaw ni Ginger sa harap niya
“ANG PAPA MO ANG GUMAHASA AT PUMATAY KAY MAMA!!”
-To be continued..
[A/N: Next UD, Greco Octavo’s Past. Thank you sa mga patuloy na kumakapit sa story :) Lapit na tayo hahaha konti nalang]
-MajorSin
Chapter 41 : Greco Octavo’s Past
Chapter 41: Greco Octavo’s Past
HIIIII Hahahahaha. Almost 5 months na rin simula nung huling update ko hahahaha pasensya na sa mga tinatamad na maghintay. Pakiramdam ko kasi wala na talaga tong pag asang gumanda pa ulit e. Sobrang ginulo ko yung plot hays. Sobrang predictable na ng mga nagaganap. Plano ko sana talagang itigil nalang to pero naisip kong sayang rin naman. Umabot na ako sa episode 40 tas tsaka ko pa titigilan hahaha gago lang. Pero di bale, I’ll do my best na mapadali ’to. Sobrang lapit na nitong matapos e. Push ko nalang hanggang dulo.
So heto na, Sorry sa kasabawan hahahaha
Pakitingin sa media.
Mikasa Ackerman of AOT as Ginger Octavo
Sorry sa errors. Mejo mahaba ’to.
[3rd Person’s PoV]
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” Halos di makapaniwala si Virgel sa sininghal sakanya ng kaharap niya ngayon. Umiiyak ito na tila punong puno ng galit ang nararamdaman niya.
“Oo! Ang mahal mong ama ang pumatay sa mama ko! Ngayon naiintindihan mo na?! Naiintindihan mo na kung bakit kinasusuklaman ko ang presensya mo?!”
“Hindi ganyan si Papa…” Kontra ni Virgel. Hindi siya naniniwala sa mga pinagbibintang ng babaeng to. Ang kanyang papa? Kayang gumahasa at pumatay? Hindi, hindi yun magagawa ng papa niya.
Marahas na lumapit si Ginger sakanya at tsaka walang hirap siya nitong inangat habang hawak hawak ang kwenlyo ng damit niya at tsaka siya malakas na sinandal sa pader. “Kitang kita ko kung anong nangyari ng gabing yun. Pati ang tatlong tito ko, pinaslang ng walanghiyang ama mo!” Walang ibang nagawa si Virgel kundi tignan lang si Ginger na halos wala ng mapaglalagyan ang galit niya. Nanginginig na ang kamay nito na nakahawak sa damit ni Virgel. Parang gustong gusto na siya nitong pagsasampalin sa mukha.
“Hindi..” Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ni Virgel. Gulat parin ang utak nito sa mga narinig niya. Wala rin siyang masabing proweba na hindi totoo ang mga sinasabi nito dahil wala rin siya nung mga panahon na yun.
Habang ganun ang eksena nilang dalawa, nadatnan sila ni Greco na kakapasok lang sa silid. Parehong napatingin ang dalawa sa gawi ng matanda na halatang nagulat–lalo na si Ginger.
“Tama na yan, Ginger.” Awat ni Greco.
Dahan dahan namang binaba ni Ginger ang mga kamay niya at maya maya pa ay napaluhod nalang ito at walang humpay sa pag iyak. Naalala na naman niya ang mahal niyang mama. Kung paano niya ito tignan na wala ng buhay noon katabi ang mga tito niyang napamahal na rin sakanya.
“Alam kong nangungulila kana naman sa mama mo.” Lumapit si Greco sa anak niya at tsaka marahang tinapik ang balikat. “Pero kailangan mo ng malaman ang mga dapat mong malaman dati pa.” Dugtong nito. Si Virgel naman ay napabalik sa pag upo sa sahig dahil di nito hawak ang saklay niya.
Napaangat naman ng tingin ang dalaga sa ama niya at tinignan ito na may halong pagtataka.
“Ikkwento ko sainyo kung ano nga ba ang buhay ko noon sa kamay ng ni Vlad..at ang totoong nangyari nung gabing yun.”
[Flashback]
[Greco’s PoV]
“Virgel? Ang gandang pangalan ah.” Nakita ko namang napangiti si Vlad. Di mo talaga maitatago sakanyang masaya siya sa mga oras na ’to. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa silid ni Almira. Nagpapahinga ito ngayon kasama si Virgel at balak namin itong bisitahin.
“Si Natalya? Kumusta?” Tanong naman niya.
“Okay naman na siya. Tulog rin si Ginger kaya nagka oras akong makapunta dito. “ Sagot ko. Limang araw na rin ang nakalipas nang nanganak rin ang asawa ko sa panganay namin.
“Akala ko sabay rin na manganganak ang dalawa. Sabay rin natin yung nalamang buntis silang dalawa, diba?” Natawa ako sa sinabi niya. Ang weird man pero oo, sabay naming nalaman ni Vlad noon na buntis ang mga asawa namin.
“Akala ko nga rin e.” Tawang usal ko. Huminto kami sa silid kong saan nagpapahinga si Almira. “Nandito na tayo.”
Pagkabukas ng pinto ni Vlad, bumungad agad samin si Argo na karga karga na ang bunso niya. Pati ang tatlo kong pinsan na kasapi rin ng Mafia na sina Gerad, Lucas at Morgan ay napadalaw rin. “Nandito rin pala kayo. Buti napadalaw kayo.” Ngiting bati ni Vlad sakanila.
“Naman Boss! Palalampasin ba namin to.” Masayang sagot ni Gerad.
“Onga Boss. Sa mga ganitong sitwasyon lang namin nakikita yang mga ngiti niyo kaya di na namin to pinapalampas ang mga ganitong pagkakataon.” Biro rin ni Lucas na ikinatawa namin.
Tumingin sa gawi ko si Morgan at tsaka tumango. “Kumusta si Natalya, Grec?” Tanong nito. “Ayos lang naman.” Nahuli ko pa itong napangiti ng palihim bago ako tinanguan ulit. “Mabuti naman.” Pinagwalang bahala ko nalang iyon at binalik ang atensyon kay Virgel na karga ni Argo.
“Virgel..” Lumapit ako at tsaka hinaplos ang ulo nito.
“Masaya ka ba na may kapatid kana, Argo?” Tanong ko naman sa kumakarga kay Virgel na kanina pa hindi maalis ang ngiti habang nakatingin sa karga niya.
“Walang mapaglalagyan yung saya ko ngayon, Greco.” Sagot nito. Kung pano niya palang ito tignan, alam kong pahahalagahan niya ng husto tong kapatid niya hanggang sa lumaki ito.
“Ah siya nga pala, mauna na ako ha? May pupuntahan pa ako e.” Biglang paalam ni Morgan samin. “Boss, mauna na ako ah? Congrats nalang ulit sa bagong baby niyo.” Ngiting paalam nito. Tumango naman si Vlad at ngumiti. “Sige, salamat sa pagdalaw, Morgan.”
Tinignan ko si Morgan hanggang sa makalabas ito dito sa silid.
Makalipas ang ilang oras, natapos rin ang pag uusap namin ni Vlad. Nauna na ring umuwi ang dalawa ko pang pinsan kanina. Nagpaiwan ako dito kasi may pinag usapan pa kami ni Boss tungkol sa iilang negosyo niya. Plano niyang ako daw ang mamalakad ng ilan rito.
Gusto ko man pero pag iisipan ko pa yun. Tsaka di pwede yun ngayon kasi bagong panganak palang si Natalya. Kailangan niya pa ako sa pang araw araw para makagalaw siya.
Naglalakad ako ngayon sa ospital at papunta sa silid kung saan naka confined ang asawa ko. CS kasi niyang pinanganak si Ginger kaya gang ngayon di parin ito nakakalabas. Pero okay naman na daw siya sabi ng doktor.
Nasa labas palang ako ng pinto, rinig ko na ang pamilyar na tawa na nagmumula sa loob. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Morgan na nasa gilid ng hinihigaan ni Natalya habang masayang nagkkwento.
Pansin ko ang pagkagulat sa mukha niya pagkapasok ko, pero agad rin naman siyang nakabawi. “Greco, andito kana pala. Napadaan lang ako para magbigay na kaonting prutas para sa asawa mo.” Agad depensa nito kahit wala pa akong sinasabi.
Pero imbes magpakita ng walang modo, tumango nalang ako at nagpasalamat. “Nag abala ka pa, Morgan. Salamat.”
“Naman. Magpinsan e.” Tumayo na rin ito at tsaka nilagay ang di pa natatapos mabalatan na mansanas at kutsilyo sa lamesa. “Oh siya, mauna na ako sainyo ha? Wag mo basta bastang iwan to mag isa tong asawa at anak mo, Grec.”
“Natagalan lang naman ako dahil may pinag usapan pa kami ni Boss.” Sagot ko dahil di ko nagustuhan ang sinabi niya. Ngumiti naman ito ng mapang asar. “Ganun ba.” Sabi nito bago maglakad at lampasan ako. “Una na ako sainyo. Magandang gabi.”
Pagkalabas ni Morgan, tsaka ko lang napansin ang asawa ko na nakangiti sakin. “Salubong na naman yang kilay mo. Sabi ko naman na pumapangit ka pag nagsasalubong yan, diba?” Sabi pa nito. Dun lang nawala ang inis ko at tsaka lumapit sa gawi niya. Hinalikan ko muna ang noo niya bago umupo sa gilid niya. “Kumusta pakiramdam mo?”
“Mabuti na dahil nandito kana.” Simpleng tao lang naman ako. Pero ewan ko ba, di ko alam kung bakit ako biniyayaan ng isang anghel na katulad nitong asawa ko.
“Kaya maraming sumusubok jan na agawin ka mula sakin e, dahil bukod sa sobrang ganda mo na, ganyan pa yang ugali mo. Masyadong mabait, masyadong malambing.” Natawa naman siya sa inasta ko.
“May anak na tayo, Greco. Hindi pa tayo kasal pero sayong sayo na ako, okay?” Hinawakan niya pa ang kamay ko at tsaka tumingin sakin. “Nagseselos ka ba kay Morgan? Totoong napadaan lang siya kanina, ilang minuto lang ang pagitan niyo sa pagpasok dito.”
“Hindi naman ako nagseselos. Ayoko lang na lapit ng lapit sayo ang mga yun. Kilala ko sila, mga gago yung tatlong yun.” Hindi ako ganun katanga para di mahalata yung tatlo kung pano nila pagnasaan ang asawa ko sa tuwing nagtitipon kami sa mansyon ni Boss na kasama siya. Kung pano sila tumitig, masyado silang halata. Di ko lang pinapakialaman dahil may respeto rin ako sakanila dahil mga pinsan ko sila.
“Nanjan ka naman diba?” Ngumiting muli ang asawa ko na para bang pinaparamdam niya sakin kung gano siya ka ligtas sa piling ko. Dinampi niya ang pisngi niya sa palad ko at tsaka pumikit. “Panatag lang palagi ang loob ko pag nasa tabi kita, Greco.”
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya habang binubulong sakanya ang mga katagang inuulit ulit kong sabihin sakanya. “Hindi mo lang alam kung gano ako ka swerte sayo.”
****
Ilang linggo ang nakalipas at tuluyan na ngang nakalabas si Natalya sa ospital. Nasa bahay na ang dalawa kong mag ina kaya balik serbisyo na rin ako kay Boss Vlad.
“Kinakabahan ka ba?” Tanong ko sa kasama kong naglalakad papunta sa bahay nila.
“Hindi naman. Tingin ko matatagumpayan naman namin yung unang misyon kasi kasama ko naman sila Asher.” Nakangiting sagot nito. Napag decisyunan ni Vlad na ang mga trese anyos niyang sinasanay maging Assassin ay bibigyan na niya ng kauna unahang misyon. At itong anak niya, parang ang natural lang. Di man lang nakakaramdam ng takot o ano. Yung kasama niyang sila Asher tinanong ko rin nung nakita ko sila kanina sa mansyon kung kinakabahan ba sila, si Asher halos mangiyak ngiyak pa sa kaba hahaha.
“Acosta ka nga.” Natatawang sagot ko. Papunta kami sa bahay nila ngayon para iabot tong pinapadala ni Vlad kay Renietta–ang ina ni Argo.
Ilang sigundo lang ay narating na namin ang munting tahanan ng mag ina. Simple lang ito para sa dalawang tao. Naabutan naming nagsasampay si Renietta.
“Ma..” Agad tawag ni Argo. Napalingon naman si Rietta samin at ngumiti kay Argo.
“Argo anak..” Lumapit si Argo sakanya at tsaka niyakap ito ng mahigpit. Medjo madalang lang na nakakauwi si Argo dito sa bahay dahil sa pagsasanay na ginagawa nila sa loob ng mansyon. Kaya ganito nalang kasabik yakapin ni Argo ang ina niya. “Kumusta ka?”
“Ayos lang naman po. Kayo? Di niyo ba pinapabayaan sarili niyo?”
“Hindi naman anak. Maayos lang ako dito sa bahay.”
Matapos magbatian ang mag ina, tsaka lang ako hinarap ni Rietta at umunang namang pumasok si Argo sa loob. “Pasok ka muna, Greco. Ipagtitimpla kita ng maiinom.”
Ngiti kong binaba ang sumbrero ko at tsaka kinuha sa bulsa ang isang sobre na naglalaman ng pera. “Salamat Rietta pero hindi na rin ako magtatagal dito. Nandito lang ako dahil may pinapabigay si Vlad sayo.” Sabi ko sabay abot sakanya ng sobre. Kita ko pa ang pag aalinlangan niyang kunin ito kaya inunahan ko na siya. “Tanggapin mo na, ako yung matitigok pag di ko to naibigay sayo.” Natatawang pilit ko.
Sa huli ay kinuha na rin to ni Rietta at tsaka binuksan. “Ang laking halaga naman nito Greco. Hindi ko to matatanggap lahat–”
“Hayaan mo na.” Di ko na siya pinatapos. Tumalikod na rin ako. “May pake parin si Vlad sainyo dahil mag ina niya parin kayo.” Sabi ko bago naglakad at tsaka tinaas ang kanang kamay “Oh siya, mauna na ako.”
“Pasabi nalang sakanya na maraming salamat, Greco.”
“Personal mo na siyang pasalamatan mamaya.” Sagot ko na siguradong nagpabigla sakanya.
“A-anong..”
“Dadalaw si Vlad dito mamayang gabi kasama ako. Dun ka nalang magpasalamat.” Dugtong ko.
“Sige, mag iingat ka nalang.”
“Sigurado ka ba jan sa plano mo, Boss? Tingin ko di pa wasto yung edad nila para bigyan mo sila ng ganun kadelikadong misyon.” Tanong ni Reggie Artizan–ang ama ni Elfred. Kasalukuyan kaming nasa silid ng opisina ni Vlad ngayon dahil sa munting pagpupulong. Pati ang mga ama nila Asher ay nandito rin.
“Malawak ang palasyo ni Mr. Akabane. Tingin mo makakaya kaya nung lima na makapasok dun? Baka ikapahamak pa yan ng anak ko, Boss.” Kontra rin ni Darius Lorbek–ang ama ni Sebastian. Silang apat ay isa rin sa mga tapat na tauhan ni Vlad sa pamilyang ’to. Tahimik lang akong nakikinig sa mga reklamo nila habang nakatingin ako kay Vlad
“Halos tatlong taon palang nating sinasanay ang mga yun. Tingin ko masyado tayong nagmamadali, Boss. Baka masayang lang lahat ng naituro natin sakanila kung sakaling di sila magtagumpay sa ipapagawa mo sakanila.” Pati ang ama ni Asher na si Sal Bedrijo ay mukhang di rin sang ayon. Tingin ko nga halos lahat ng nandito sa silid ay di sang ayon e, maliban sakin.
Kailanman hindi ko pa nagawang kwestyunin lahat ng sinasabi at pinaplano ni Vlad para sa pamilyang ’to. Taglay niya ang talino ni Sir Vicenze kaya patuloy paring umuusbong tong Pamilya Acosta hanggang ngayon.
Nakita naman naming napasandal si Vlad sa inuupuan niya habang mataman kaming tinitignan lahat na nasa harap lang niya.
“Nung una ko palang makita yung mga anak niyo, alam ko ng isa sila sa titingalain ng lahat dahil sa kakayahan nila.” Paliwanag ni Vlad. Pero hindi parin nagpatinag ang iilang kasama ko rito–lalong lalo na ang mga ama nung apat. Hindi ko naman sila masisisi, anak na nila yung pinag uusapan. Isang mali lang at baka di na nila ito makapiling pa.
“Pero mga bata parin sila, Boss. Hayaan muna natin silang lumaki kahit ilang taon lang. Masyado pang bata ang trese para sa ganito.” Kontra naman ni Gary Sy–ama ni Felix. “Wag mo sanang masamain pero wag mo namang itulad ang mga anak namin sa anak mong si Argo, alam nating malayo ang agwat ng lahi niyo sa lahi namin. Kung si Argo kaya na ang mga ganitong misyon sa ganyang edad palang, wag mo namang itulad ang mga anak namin sakanya, Boss. Walang spesyal na kakayahan ang meron sila bukod sa mga kaalaman ng pagsasanay na galing satin.” Pahabol pa nito. May punto naman siya. Pero di kasi nila naiintindihan ang gustong mangyari ni Vlad.
“Naiintindihan ko kayo. At nirerespeto ko ang mga hinaing ninyo. Pero buo na ang pasya ko.” Di nagpatinag si Vlad. At isa lang ang ibig sabihin nun, may maganda talaga itong maidudulot tong pinaplano niya.
“Para maging matimbang sa parte ninyo, kung sakaling may masawi kahit isa sakanila sa gagawin nila mamayang gabi, ako mismo ang magbibigay sainyo ng baril para iputok sa ulo ko.” Pahabol ni Vlad na ikinabigla namin.
“Boss, di mo na kailangang gawin yan.” Singit ko sa usapan. Ano bang iniisip niya? Pano kung may masawi nga? Ngumiti lang si siya sa gawi ko at tsaka muling tumingin sa apat na ama ng mga kasama ni Argo sa misyon. “Ama rin ako. Anak ko rin ang isa sa mga pupunta, at ni minsan di ko tinuring na spesyal na bata si Argo. Pantay lang ang tingin ko sakanilang lima. Kung ano mang kakayahan meron si Argo ngayon, dahil yun sa pagsasanay na ginawa niya kasama ng mga anak niyo. Labas na dito ang lahi namin. Natatablan kami ng bala baka di niyo alam.” Ngumiti siya sa mga ito na nagpangiti rin sakin. Kakaiba talaga to mamuno si Vlad sa mga nasasakupan niya. Lagi niyang inaalala ang mga nararamdaman ng bawat isa. Wala siyang pinapalagpas na magkasamaan ng loob ang buong pamilya sa tuwing nagdedecisyon siya.
“Ang kailangan ko lang sainyo ngayon ay magtiwala sakin, at sa limang bata.” Huling wika ni Boss. Kita ko namang parang nakukumbinsi na rin sa huli ang mga ito. Nagtatanguan ang mga ito pagkatapos ay sabay yumuko sa harap ni Vlad.
“Pasensya na, Boss. Natakot lang kami. Pero dahil sa sinabi mo, Sige. Naniniwala kami sa decisyon niyo.”
Ngumiti naman si Vlad tapos ay yumuko rin ng bahagya “Maraming salamat. Dito na muna magtatapos ang usapan na ’to.” Pagtatapos ni Vlad sa usapan. Yumuko rin muli ang mga ito at tsaka isa isang umalis sa silid.
Ang tanging naiwan nalang ay ako at ang tatlong pinsan ko. “Buti nakumbinse mo ang mga yun, Boss. Titigas pa naman ng utak ng mga yun.” Agad usal ni Morgan habang nakaupo dito sa isang sofa at naka de kwatro pa.
“Naiintindihan ko naman sila. Mga ama rin sila gaya ko.” Sagot nman ni Vlad na ikinatawa ni Morgan.
Tss. Di ba talaga to titigil sa bisyo niya?
“Ang sabihin mo Boss, mga duwag lang ang mga yun!” Sagot nito habang singhot ng singhot kahit hindi naman sinisipon. Dahil sa sagot ni Morgan ay tila nagbago ang expresyon ni Vlad.
“Diba sinasabi ko na sayong itigil mo na yang pag dodroga mo, Morgan?” Pati si Boss ay napansin na rin ang kinikilos ni Morgan. Ganito talaga ’to pag nakakatikim ng droga, tumatawa sa mga maliliit na bagay at parang ang angas magsalita.
“Ha? Anong droga, Boss? Hindi na nga ako nagdodroga eh.” Tatatawa tawa pang sagot nito “Diba? Diba?” Tinignan pa niya sina Gerad at Lucas na katabi niya na parang pinapa komperma niya na hindi nga siya nag dodroga. “Ano sagot!” Nagulat nalang kami nang biglang paluin sa ulo ni Morgan si Gerad.
“Tanginamo ah!” Gaganti rin sana si Gerad pero pinigilan ito ni Lucas. “Tama na yan! Ano ba kayo?!” Awat nito. Habang si Morgan ay tumatawa lang.
“Lucas, Gerad. Alam kong pati kayo ay naimpluwensyahan na rin kay Morgan at gumagamit na rin ng droga, tama ba?” Ramdam mo ng hindi na maganda ang timpla ng boses ni Vlad kaya mejo nakakaramdam na ako ng kaba. Kinakabahan talaga ako sa tuwing di maganda ang modo niya dahil baka bumalik na naman tong ugali niyang pilit na niyang kinokontrol simula nung binata pa siya.
“Pasensya na, Boss. Konti lang naman yung naa–”
“Umalis na kayo sa harap ko.” Putol ni Vlad. Naloko na. “Yung ayoko sa lahat yung gumagamit kayo ng droga sa puder ko.” Kahit na kwarenta na ang edad ni Vlad ay nakakasindak parin talaga ang mga tingin at boses nito pag nag seryoso na ’to “Huling beses na ’to. Pag nabalik sa saktong pag iisip yang pinsan niyo, sabihin niyong ako mismo ang magpapa talsik sainyo kapag inulit niyo pa ito.” Babala niya.
“Haaaa? Nagsisilbi kami ng sakto sayo ahhh, Tapos anoo? Didispatsyahin mo kami?” Agad tumayo si Morgan at kita ko pang binunot nito ang baril sa likuran niya at agad tinutok kay Vlad. “Gago ka ba?”
Bago pa man niya ito makalabit ay mabilis na agad akong lumapit sakanya at tsaka tinaas ang kamay niya bago ko ito pinilipit hanggang sa mabitawan niya ang baril sa sakit. Agad kong tinapat ang palad ko sa dibdib at pinakawala ang katamtamang lakas ng kai kaya mabilis itong tumilapon at nawalan ng malay.
“Morgan!” Agad tumulong sila Lucas kay Morgan. “Ilabas niyo na yan dito.” Utos ko sa dalawang pinsan ko. Kanang kamay ako ni Vlad kaya may karapatan akong utusan sila kahit anong gusto ko.
Dali dali namang kinarga ng dalawa si Morgan palabas ng silid na to.
“Kaya pala kanina pa sila tahimik sa pagpupulong. Natatakot mahalata.” Sabi ko bago bumalik sa pagkakaupo. Tinignan ko si Vlad at nakita ko itong napahilot sa sintido niya.
“Ayos ka lang, Boss?” Pag aalala ko.
“Bakit di naging tulad mo ang mga pinsan mong yun, Greco? Yung hindi sakit sa ulo, sumusunod, nag iisip…” Nasabi nalang nito na nagpatawa sakin ng mahina.
“Bata palang bulakbol na talaga yung tatlong yun, Boss. Ako na humihingi ng dispensa sa mga pinsan ko.” Sagot ko
“Kung di lang dahil kay Jino, wala akong ipapasok na Octavo sa pamilyang ’to.” Ang tinutukoy niya ay si Uncle Jino Octavo, tito naming apat na naging parte ng Acosta sa panahon ni Sir Vicenze. Siya ang nagpapasok sa amin apat na mga pamangkin niya para magsilbe sa mga Acosta.
“Pero mabuti na rin yun. Dahil sa pamilya Octavo ko lang pala matatagpuan ang taong kayang kumontrol sakin.” Kontrol. Alam ko ang ibig sabiihn niya kaya napangiti ako.
“Siguro nakatadhana nga ata talagang maging parte ako ng Acosta, Boss.” Sa loob ng halos labinlimang taong paninilbihan ko sa mga Acosta, sobra ko ng nakakasundo si Vlad. Ako lagi ang kasama nito kahit saan man siya magpunta. Kaya kung wala lang tong estado ng isang Boss at tauhan? Maituturing na kaming dalawang matalik na magkaibigan. Pero alam ko ang limitasyon ko. Kahit ganito na ang relasyon namin, di ko parin inaalis ang respito at galang ko sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi ko. Buti naman at kumalma na ulit ito. “Siya nga pala Boss, nasabi ko na kay Renietta na pupunta ka sakanila mamayang gabi. Alam na ba ’to ni Almira?” Pag iiba ko ng usapan–na agad nagpawi sa ngiti niya.
“Hindi. Hindi ko nalang ipapaalam sakanya.” Sagot nito.
“Bakit mo nga ba pupuntahan si Rietta? Ang tagal na nung huli niyong kita hindi ba?” Di ko maiwasang itanong. Di ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip niya minsan e. Nakita ko naman siyang bumuntong ng hininga bago sumagot.
“Hindi maganda ang kutob ko.” Dahil dun ay pati ako ay nakaramdam ng kaba.
Hindi maganda ’to.
Alas otso na ng gabi at kasalukuyan akong nasa pinagkitaan nila Argo at ng mga kasama niya ngayon para sa gaganaping misyon nila. Nasa may gilid lang akong nakasandal sa pader habang naninigarilyo. Sa may kalayuan ko naman ay sina Argo at Rietta na nag uusap habang sila Asher naman ay nasa kabila na nagkukulitan at hinihintay nalang rin si Argo na matapos ang pag uusap nila ni Rietta.
Nang matapos sila sa pag uusap ay agad na ring lumapit si Argo kila Asher. Kita ko sa mga mukha nila ang excitement na may halong kaba.
Alam kong hindi nagkamali si Boss sainyo. Alam kong sa mga susunod na panahon, kayo na ang papalit samin bilang taga bantay kay Boss.
Lumapit ako kay Rietta habang nakapamulsa. “Ihahatid na kita pauwi.” Tumingin ako saglit kila Argo at tsaka nagsalute bilang goodluck sakanila. Natawa nalang ako nang isang flying kiss ang ginanti ni Asher. To talagang batang to ang pinaka makulit sakanila.
Hinatid ko muna saglit si Rietta bago dumiretso sa mansyon. Sinabi ko kay Rietta na maghintay siya saglit dahil susunduin ko lang si Boss sakanila para bumalik dun. Di na ako pumasok sa loob ng mansyon. Nasa labas lang ako ng mansyon dito sa kotse ko dahil baka kuwestyunin pa kami ni Almira kung saan kami pupunta.
Tatawagan ko muna sana si Natalya para kumustahin pero nakita kong lumabas si Boss kaya di ko nalang tinuloy at pinaandar nalang ang sasakyan. Mamaya ko nalang siya tatawagan.
Habang nasa byahe kami, saglit kong kinausap si Vlad. “Anong pinalusot mo kay Almira para makalabas ka, Boss?” Tanong ko pero di ito sumagot. Kaya naman tinignan ko saglit ang gawi niya, at tsaka ko lang napansin na para itong tulala habang nakatingin sa daan. Pansin ko pa ang kaonting butil ng pawis sa mukha niya.
Mukhang kailangan ko ng bilisan ang pagmamaneho.
Pagkarating namin sa bahay ni Rietta, tahimik ito. Bababa na sana ako para pagbuksan si Boss pero pinatigil ako nito. “Ako na ang bababa, Greco. Dito ka nalang muna.” Utos nito.
“Pero Boss. Baka–”
“Masyadong personal ang uusapan namin. Dito ka nalang sa kotse magbantay.” Putol niya kaya wala na akong nagawa.
“Sige Boss. Mag iingat kayo.”
Pagkababa niya, agad itong dumiretso sa bahay ni Rietta. Habang ako naman ay lumabas saglit sa kotse para manigarilyo.
Nagsindi ako at sumandal sa kotse tapos ay tsaka nagmanman sa paligid. Ang tahimik talaga ng lugar na ’to pag gabi.
Naisipan kong tawagan si Natalya kaya kinuha ko ang celpon ko. Pagtingin ko, mejo nagtaka ako dahil may lima na itong missed call galing sakanya at isang text. Agad kong binasa ang text niya.
[Nandito si Morgan, Greco. Lasing. Hinahanap ka. Na’san ka ngayon? Pwedeng bang umuwi ka muna? ]
Mabilis nanlaki ang mga mata ko at napamura sa nabasa.
Tangina! Anong ginagawa ni Morgan dun?!
Kokontakin ko na sana ang number niya para tawagan nang makarinig ako bigla ng putukan sa loob ng bahay ni RIetta . “Ano yun?!” Sa mga oras na ’to ay sobrang gumulo ang utak ko. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.
“Bwesit!” Sa huli ay pinili ko nalang ang puntahan si Vlad. Mabilis kong tinapon ang sigarilyo at tsaka binulsa ang celpon bago dali daling puntahan ang bahay ni Rietta. “Boss!!” Sigaw ko habang kinakasa na ang baril na hawak ko. Sinasabi ko na nga ba e!
“Boss!” Di na ako nagdalawang isip na sipain ang pintuan para makapasok sa loob.
Pagkabukas ko, agad kong tinutok ang baril ko. Pero halos di ako makagalaw sa tumambad sakin. Tulala lang ako habang nakatingin kay Vlad na nakatayo habang sa sahig naman ay mga di ko kilalang tauhan na nakahandusay sa sahig––kasama si Rietta.
Kasama si Rietta na duguan ang sikmura at wala ng buhay.
Nakatalikod si Boss sa gawi ko kaya di ko makita ang expresyon niya. Ang lalalim ng hininga niya. Duguan rin ang mga kamay nito. Pati ang suot nitong puting polo ay mantsado na rin ng dugo.
“B-boss..” Sa loob ng mahabang panahon, ngayon na lang ulit nangyari. Dahan dahan itong lumingon sakin, at di nga ako nagkamli, sobrang pupula ng mga mata nito at halatang wala na naman to sa katinuan.
Tinignan kong muli ang tama sa sikmura ni Rietta at kamay ni Boss.
Wag mong sabihing…
“B-boss..huminahon k–” Di pa ako natatapos sa sasabihin ko ay bigla nalang itong sumugod ng napakabilis.
Sa sobrang bilis ay di agad nakapag handa ang katawan ko na umiwas.
Nakaatras ako pero tumama parin ang matatalim niyang kuko sa dibdib ko kaya napadaing ako sa sakit. “Arghhhh!”
Bago pa man niya ako mapatay rin dito, pinagdikit ko na agad ang palad ko bago inipon ang maraming kai sa palad ko. Nang muli itong umatake sakin, pinunterya ko na agad ang sikmura niya. Nilapat ko ang palad ko rito. “ARGHHHH!” At dun, pinakawala ko ang naipon kong kai. Napaangat pa ang katawan niya sa lakas ng impact sa ginawa ko bago ito napaluhod at natumba.
Ito ang tinutukoy niyang kontrol na sinasabi niya kanina. Ako lang ang kayang kumontrol pag nawawalan siya ng kontrol sa sarili niya.
“B-boss!” Agad kong inalalayan si Vlad na mapaupo. May malay naman siya. Pero nanghihina parin dahil sa ginawa ko.
“Ano bang nangyari Boss! Sino tong mga taong ’to? Bat nandito sila?” Agad kong tanong sakanya. “At tsaka..” Saglit kong tinignan si Rietta.
Isang tao lang ang naiisip ko sa mga oras na ’to habang tinitignan si Rietta..
Si Argo..
Alam ko kung gano niya kamahal ang ina niya. At di ko maisip kong anong mararamdaman niya pag nalaman niya ’to…
na wala na ang kaisa isang ina niya.
“Di ko sinasadya..” Mahinang bulong ni Vlad habang napayuko. “Di ko sinasadya..” Paulit ulit lang ito sa mga katagang yan tapos ay napahiga nalang dahil sa bigat na nararamdaman niya.
“Boss, kailangan na nating umalis dito. Baka maabutan pa tayo dito. Halika na!” Pilit ko siyang tinatayo pero parang wala itong balak umalis.
Habang abala ako sa pagtayo sa katawna niya, nakita kong bigla niyang hinugot ang baril ko sa likuran ko at tsaka tinutok sa ulo niya.
Buti nakapag reak agad ako at natabig ko ng malakas ang kamay niya kaya tumilapon yung baril ko.
“Nababaliw ka na ba?!” Sa pagkakataong ’to ay nangibabaw na ang pagiging kaibigan ko sa pagiging tauhan lang. Mabilis ko siyang kinwelyuhan “Plano mo bang tapusin ang buhay mo?!” Singhal ko.
“Ilang tao pa bang dapat mawala dahil sakin, Greco?” Nakatingala lang ito habang kinikwelyuhan ko. At kita ko kung pano tumulo ang mga luha nito sa mga mata niya. “Gusto ko ng tapusin ’to..tong sumpang bumabalot sa pagkatao ko..”
“Tama na to…sobra na ’to..” Walang humpay sa pagtulo ang luha nito kaya pati ako ay nakakaramdam na rin ng sakit dahil sa pinagdadaanan niya. Di biro ang mawalan ng mga mahal sa buhay. Di ko ata kaya ang mawalan tulad nito.
“Ayokong umabot pa sa puntong pati sila Almira ay madamay pa..kayo..ang mga anak ko. Sobra na ’to. Pagod na ako.”
“Oo alam kong pagod kana. Pero kailanman di naging solusyon ang kamatayan sa lahat ng pasakit natin sa buhay.” Kalaunan ko ring binitawan ang kwelyo niya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tsaka siya tinignan sa mga mata. “Magagawan natin to ng paraan. Kaya sige na, tumayo kana jan. Sa loob ng kotse na nating pag usapan ang plano natin sa nangyari.”
Ako ang bumuo ng plano na ’to. Ang alisin si Almira at Virgel sa mansyon at ipunta sa mga Martin. Ako ang nagplano na ipalabas nalang na si Almira ang pumatay kay Renietta. Isinakay ko sa kotse ko ang mga katawan ng mga taong kasama ni Rietta na napatay ni Vlad at tsaka inilibing ang mga ito sa tagong lugar. Ayokong masira si Boss dahil lang sa aksidenteng hindi niya sinasadya. Ayokong kamuhian siya ni Argo. Ayokong gumulo ang sitwasyon ng pamilya Acosta. Sa una ay sobrang tutol si Vlad sa sinabi ko. Naiintindihan ko dahil malalayo sakanya sina Almira at ang anak niya. Pero pinaliwanag ko sakanya ang mga posibleng mangyari kapag hindi sila aalis sa mansyon. Una baka mangyari ang kinatatakutan niyang madamay pa sila Almira sa sakit niya. Pangalawa, taglay ni Argo ang dugo ng mga Acosta at alam kong may sakit rin itong katulad kay Vlad. Baka mapatay pa ni Argo ang mag ina niya. Kung ipapalabas naman naming may pumatay lang kay Rietta at labas ang pamilya Acosta don, naiwan ko ang baril ko dun sa bahay ni Rietta dahil tumilapon yun nung tinabig ko ang kamay ni Vlad, at may simbolo yun ng Acosta dahil pagmamay ari nila ang baril na yun. Siguradong gagamitin yung ibidensya ng mga pulis at baka mapaghinalaan pa si Boss. Mas mabuti ng meron ng suspek para wala ng imbestigasyon na mangyayari.
Eto nalang talaga ang naisip kong plano para maging ligtas ang buong pamilya Acosta sa posibleng paghihiganti na gagawin ni Argo. Sigurado akong maghahanap yun ng hustisya kahit na anong mangyari dahil alam kong mahal na mahal niya ang ina niya. Hindi niya hahayaang mauuwi lang sa wala ang pagkamatay ni Rietta.
At least sa pamilya Martin, ligtas na ligtas ang buhay ni Almira. Plano rin naming ihiwalay nalang si Virgel at ipamigay sa isang normal na pamilya para mamuhay ito ng malayo sa gulo, malayo sa mundo ng Mafia.
Kasalukuyan akong nagdadrive ngayon habang katabi na si Almira na iyak ng iyak habang kayakap si Virgel. “Patawad anak. Saglit muna tayong maghihiwalay ha? Babalikan ka ni mama, pangako yan.” Habang naririnig ko ang mga katagang binibitawan ni Almira, di ko maiwasang isipin na pano pag ganito ang mangyari sa pamilya ko. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko. Baka di na ako makapg isip ng tama pag nangyari ang ganito sa pamilya ko.
“Mabubuo rin kayo ulit, Mira. Pangako yan.” Pinilit ko nalang pagaanin ang loob niya. Alam kong mahirap sa isang ina na mawalay sa nag iisang anak niya, pati sa mahal na asawa niya. Pero wala ng ibang paraan pa para mabuhay silang tatlo.
Sakripisyo lang muna pansamantala.
Matapos kong mahatid sina Almira ay mabilis kong pinaharurot ang kotse pauwi sa bahay. Kanina pa di mawala sa utak ko yung text ng asawa ko. Sinusubakan kong kontakin si Natalya habang nagmamaneho pero ayaw na nitong sumagot.
Tangina, wag ka lang talagang magkamaling saktan ang asawa ko, Morgan.
Baka makalimutan ko pang pinsan kita.
-To be continued
(Bukas ko nalang ipupublish tong kadungtong nito. Tapos na yun. I edit ko nalang hahaha thank yousa pagbabasa guys <3 :) )
-MajorSin
Episode 42: Greco Octavo’s Past (Part 2)
Episode 42: Greco Ocatavo’s Past (Part 2)
Sino kaya sa tingin niyo ang mananalo kung maglalaban sina Argo at Morpheus? at bakit?
Sorry sa errors. Di ko na to dinouble check hahaha
[Greco’s PoV]
Nang makarating ako ay dali dali akong bumaba at pumunta agad sa bahay. “Natalya!” Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko lang siya na hinihele si Ginger. Di ko na mahagilap si Morgan.
“A-anong nangyari?! Ayos ka lang ba?!” Agad akong lumapit sakanya at hinawakan ang mukha niya.
“Hinaan mo ang boses mo, magigising ang anak natin.” Sagot niya lang habang nakatingin sa bata.
“Ano yung text mo? Nandito si Morgan kanina na lasing? Anong ginawa niya sayo? Sabihin mo” Sunod sunod kong tanong na para bang napaparanoid na. Lalo pa’t alam kong nakatira yun ng droga kanina.
“Hinahanap ka lang. Kaya sinubukan kitang pauwiin kanina. Pero di ka sumasagot kaya umalis rin naman siya.” Sagot niya pero di parin ako kumbinsido, imposibleng ganun nalang yun.
“Sigurado ka ba jan?” Tinignan niya ako sa mga mata sabay ngiti ng tipid. Nang mahimbing na ang tulog ni Ginger ay pinahiga na niya ito sa kama.
“Kung anu ano na naman yang iniisip mo.” Tapos ay lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit..sobrang higpit.
Gusto ko pa sanang magtanong pa pero pinili ko nalang ang gantihan ang yakap niya.
Limang taon na ang lumipas at ang daming nagbago sa pamilya Acosta. Unang una sa lahat ay ang pagbabago ni Argo, di nga ako nagkamali. Hanggang ngayon hinahanap niya parin ang hustisya ng pagkamatay ni Rietta. At dahil pinalabas namin na si Almira ang gumawa nun, alam kong naghahanap yun ng paraan hanggang ngayon kung pano niya ito mapapatay. Tama lang rin ang decisyon kong sa Martin namin siya pinapunta. Malawak ang seguridad sa mansyon ni Marcelo kaya di basta basta makakapasok si Argo don. Pangalawa, binago na ang pangalan ng Pamilya. Ginawa itong Virgo ni Vlad na pinangalan sa dalawang anak niya. Kasalukuyan ng tinatawag ang pamilya namin na Virgo Mafia. Binago ito ni Vlad para na rin kay Virgel. Gusto niyang kahit ito rito, may parte parin ito sa pamilya.
Dito na rin pala kami naninirahan sa mansyon ng asawa at anak ko. Nakiusap ako kay Vlad na dito nalang kami para mabantayan ko siya at ang pamilya ko ng sabay. Wala naman siyang problema dun dahil madami namang bakanteng silid tong mansyon niya.
“Papa! San sila Tito Morgan?” Tanong ng anak ko. Limang taon na pala si Ginger kaya nakakapag salita na siya. Kinarga ko naman siya at tsaka nginitian. “Wala dito eh.” Sagot ko na ikinanguso niya. “Gusto ko laro kami ihhh”
“Di na pwede, anak. Gabi na oh, tsaka umuulan pa. Bukas nalang, okay?” Ngiting tugon ko. Napanguso lang siya lalo “Ehhhhh :3”
Tungkol naman sa tatlo kong pinsan, sa loob ng limang taon, di na namin napapansin ang kakaibang kilos nila. Tingin ko huli na nilang gamit ng droga nung panahong nahuli sila ni Vlad at binalaan.
Yun ang pagkakaalam ko..
“Teka lang, anak. Hahanapin ko lang si Tito mo, ah? May pag uusapan lang kami. Dito ka muna kay Mama mo.” Lumapit ako kay Natalya na nakangiti lang na nakatingin samin.
“Anong nginingit ngiti ng asawa ko?” Nakangiti ko ring tanong.
“Nakakatuwa lang kayo tignan.” Sagot naman niya. Inabot ko na muna sakanya si Ginger para puntahan sila Morgan.
“Ano bang pag uusapan niyo?”
“Tungkol sa transaksyon na gagawin namin bukas.” Sagot ko.
“Sige, dito lang kami sa sala.”
“Sige.” Nginitian ko ng pabiro si Ginger na agad naman nitong ikinatawa. Habang tinitignan ko silang dalawa napagtanto ko nalang kung gano na ako ka swerte sa puntong ’to. Ang biyayaan ng napakaganda at mabait na asawa, at isang anak na manag mana sa mama niya. Wala na talaga akong hihilingin pa sa pamilya ko.
Tinahak ko agad ang pasilyo papunta sa silid na laging tambayan namin pag wala kaming ginagawa. Mejo sulok na parte ito ng mansyon kaya di ito basta basta matutunton ng ibang myembro dito sa Mansyon.
Papasok palang sana ako sa loob nang mapansin kong nakabukas na ang pinto. Ewan pero saglit kong sinilip sila sa loob kung anong ginagawa nila.
Pero sana di ko nalang ginawa..
Di na talaga sila nagtino
Sa loob ng limang taon, buong akala namin nagbago na tong mga hayop na ’to. Magaling lang pala magtago. Kitang kita ng mga mata ko ngayon ang tatlong pinsang kong may sinisindihan at sinisinghot na usok.
“Bilisan niyo jan, baka maabutan pa tayo ni Boss dito.” Usal pa ni Lucas.
“Barilin ko sa ulo yun e.” Sagot naman ni Morgan. Sa kanilang tatlo, si Morgan talaga ang mabilis tamaan ng droga.
Saglit namang napalingon si Morgan sa gawi ko pero agad akong nakatago.
Tangina. Nakita kaya ako?
Mabilis nalang akong bumalik sa dinaanan ko bago pa ako mahuli dito. Kailangan tong malaman ni Vlad.
Takha namang napatingin sakin si Natalya nung bumalik agad ako. Di na ako nagpaliwanag. Dali dali nalang akong umakyat para puntahan si Vlad sa silid niya.
Pagkarating ko, kumatok muna ako bago pinihit ang pintuan. “Boss.”
Pagkapasok ko, nahuli ko lang siyang nakaupo sa upuan habang hawak hawak ang isang larawan. Nung tinignan ko ito, larawan ito nila Almira at ni Virgel kasama siya at si Argo.
“Boss..” Ulit kong tawag dahil mukhang hindi niya ako narinig. Napatingin naman siya sakin nung pumunta ako sa harap niya. “Greco.”
“Boss. May kailangan kang dapat malaman.” Usal ko. Pansin ata niyang seryoso ang tingin ko kaya saglit niyang itnabi ang hawak niyang larawan.
“Ano yun?”
“Sila Morgan, gumagamit parin ng droga hanggang ngayon. Nahuli ko sila ngayon lang.” Sagot ko. Napapikit naman si Vlad sa narinig niya. Alam kong may personal siyang dinadamdam ngayon, pero kailangan niya tong malaman. Di na namin pwedeng hintaying pang may gawin yung mga yun na makakasira sa pamilya.
Napahilot naman si Vlad sa sintido niya. “Sigurado ka ba jan, Greco? Wala naman na akong nakikitang problema sakanila simula nung araw na nahuli natin sila.” Di kumbinsidong tanong nito.
“Yun rin ang akala ko, Boss. Pero kitang kita ko ang aktwal na pag gamit nila bago ako pumunta rito. Muntik ka ng mapatay ni Morgan nung araw na yun. Wag na nating paabuting lumala pa ’to. Kailangan nilang mapatalsik sa pamilya para maiwasan ulit na mangyari yun.” Sa mga narinig ko palang kanina kay Morgan, alam kong hindi na niya nirerespeto si Vlad. Masyado na niyang inaabuso ang kabaitan nito.
“Sige, bukas nalang natin to pag usapan. Kailangan ko na munang magpahinga ngayon.” Sagot niya habang nakahawak parin sa sintido niya, mukhang nadagdagan ko lang ang problema niya.
Yumuko nalang ako bilang paumanhin . “Pasensya na sa abala, Boss. Magpahinga nalang muna kayo ngayon. Aalis na ako.” Paalam ko bago naglakad papunta sa pintuan.
“Sige. Salamat, Greco.” Sagot niya. Tinignan ko pa siya saglit, parang nahihilong pumunta siya sa higaan niya. Ang sama ng timing ko. Sana bukas ko nalang to pinaalam.
Habang pababa ako ng hagdan, di parin mawala sa utak ko ang kahayupang ginagawa ng tatlong hayop na yun dito sa mansyon. Nakakahiya dahil isa rin akong Octavo tulad nila. At ayokong mapahamak o madungisan tong pamilyang ’to dahil lang sa mga pinsan ko. Kung ako lang ang masusunod, nung araw palang na nahuli namin silang gumagamit ng droga, pinatalsik ko na sila sa pamilyang ’to. Pero masyadong malambot ang puso ni Vlad. Minura, tinutukan na siya ng baril’t lahat lahat, tinanggap niya parin ito. Kaya siya naaabuso e.
Nung pababa na ako, saglit kong tinignan ang sala kung saan nakaupo sila Natalya kanina. At mejo nagtaka ako dahil si Ginger nalang ang naabutan ko.
“Anak, asan si Mama mo?” Agad kong tanong, busy ito sa paglalaro ng isang manika. “Dun poo”
“Saan?”
“Doon ooohh.” Tinuro niya yung daan papasok sa pasilyo “Kasama niya si Tito Morgan eh. Tignan mo papa ohh, ang ganda ng binigay ni tito na doll hehehe”
Tangina. Napamura nalang ako sa isipan ko. Bat sumama si Natalya sa gagong yun??
“Kanina pa ba, anak?”
“Opoo. Nung umakyat kayo.” Hayop yan.
“Jan ka lang, anak ha? Puntahan ko lang si mama mo. Jan ka lang.”
“Oki poo. Maglalaro lang kami ni doll ko”
Dali dali kong tinahak ang pasilyo papunta doon. Tangina, wag na wag talaga silang magkakamali.
Natalya..
Nang marating ko ang silid, agad kong binuksan ang pintuan ng malakas “Natalya!” Pagkabukas ko, parang binuhusan nalang ang buong katawan ko ng malamig na tubig sa tumambad sakin. Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatayo habang nakatingin sakin na parang wala sa sarili habang nasa likod niya si Morgan–kasalukuyang dinidilaan ang leeg niya
“P-putang..” Bago pa ako magwala sa sobrang galit, isang hampas sa ulo nalang ang biglang tumama na agad nagpatumba sakin. Sinubukan ko pang tignan si Natalya pero sobrang pagkahilo ang tinamo ko sa hampas na yun.
Bago pa man ako nawalan ng malay, kitang kita ko pa kung pano ngumisi si Morgan sakin “Ang sarap talaga ng asawa mo, Greco.”
Dahan dahan akong nagising nang may marinig akong mahihinang ungol sa harap ko. At nang tignan ko ang nasa harap ko, nandun sa Natalya–nakatingin na naman sakin at wala kang makitang emosyon sa mga mata niya. Habang sa likod naman niya ay si Morgan na tila sarap na sarap sa ginagawa niya.
Sinubukan kong tumayo para patayin tong hayop na ’to pero tsaka ko lang napansing nakagapos pala ako sa isang bangko. “Natalya..” Tanging sambit ko nalang.
Tulala lang ako na nakaupo sa isang upuan–habang tinitignan ang asawa kong ginagahasa ng iba.
Di na napigilan ng mga mata ko ang luha sa sobrang sakit at galit na nararamdam ko sa puntong ’to. Ito na ata ang pinakasakit na nasaksihan ko sa buong buhay ko. Ang angkinin ng pinsan mo ang kaisa isang asawa mo
“Wala pa ring pinagbago. Gaya nung una kitang matikman, ang sarap mo parin hanggang ngayon, Natalya.” Usal pa ni Morgan sa gitna ng mga ungol nito na sobrang ikinalaki ng mga mata ko–at mukhang napansin niya ang reaksyon ko dahil ngumisi ito sakin.
“Oh? Ba’t parang gulat na gulat ka? Di ba sinabi sayo ni Natalya na natikman ko siya nung gabing dumalaw ako sainyo pero wala ka?” Ngisi pang usal nito habang nakatingin sakin. Biglang nangatal ang bibig ko sa mga narinig ko.
“B-bakit? Bakit di mo sinabi sakin?!” Nakatingin lang si Natalya sakin habang ako ay parang kakainin ng puot dahil sa nararamdaman ko.. “KUNG SINABI MO LANG SANA SAKIN! MATAGAL NA SANANG PATAY TONG HAYOP NA ’TO! “ Bulyaw ko. Pero walang inimik si Natalya. Napayoko nalang ako dahil pakiramdam ko unti unti akong nanghihina sa sitwasyon na ’to. Dinroga pa talaga nila ang asawa ko.
“Masyado ka lang mahal ng asawa mo, Greco. Binalaan ko siya nung gabing yun na sa oras na magsumbong siya, kami ang papatay sayo at sa anak niyo. Buti masunurin ’tong asawa mo.”
“Hayop ka..” Di ko kayang tignan ang asawa ko na binababoy sa harap ko habang ako ay walang magawa. Ako ang dapat magtatanggol sakanya. Pero ano ’to? Bakit parang wala akong silbeng asawa?
“Alam ko nahuli mo kami dito kanina at sigurado akong sinumbong mo na agad kami kay Boss, di ba? Dahil pagpunta ko sa sala kanina, nasa taas ka daw. Kaya ito, mas mabuti ng patas tayo dito. Mapapatalsik kami pero kapalit nun..” Dinilaan niya pa ang pisngi ni Natalya habang nakatingin sakin. “Matitikman muna namin tong asawa mo.”
“TAMA NA!!” Sinubukan kong kumawala sa mahigpit na tali pero tatlong sunod sunod na suntok lang ang inabot ko kila Lucas at Gerad na nasa gilid ko lang. “Pakiusap..tama na, Morgan.” Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang at magmakaawa sa harapan ng asawa ko. “Patawad, Natalya..”
“Hindi naman ako nagseselos. Ayoko lang na lapit ng lapit sayo ang mga yun. Kilala ko sila, mga gago yung tatlong yun.”
“Nanjan ka naman diba? Panatag lang palagi ang loob ko pag nasa tabi kita.”
Wala akong ibang masisisi sa mga oras na ’to kundi ang sarili ko. Hindi ko nagawang protektahan ka. Nung gabing mangyari ang unang panggagahasa ni Morgan sayo, kaya ba niyakap mo ako nun ng mahigpit? Dahil may gusto kang sabihin nun, Natalya? Napaka gago ko at hindi ko agad nahalata yun.
“Patawad…”
“Di ka pa ba tapos, Morgan? Ako naman”
- Lucas
“Bilisan mo ah, tigang na tigang na ako kay Natalya.”
- Gerad.
Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi ng mga sarili ko pang pinsan, di ko maiwasang madurong. Pano nila nagagawa ang ganito? Sa sariling kadugo pa nila?
“Bugbugin niyo muna yan.” Natatawa pang utos ni Morgan kaya agad akong pinagsusuntok at tadyak nila Gerad.
Di ko na magawang umiwas pa. Nagpabugbog nalang ako. Wala na akong pake kung mamatay man ako dito. Parang nawalan na ako ng ganang mabuhay pa. Nababagay lang sakin to. Hindi ko nagawang protektahan ang pinakamamahal ko. Nararapat lang sakin ang ganitong sakit.
Habang walang humpay sa pagbugbog ang mga pinsan ko sakin, napatingin ako saglit sa pintuan at napabuhos nalang lalo ang luha ko ng makita ko si Vlad na nakatingin sa amin. Sobrang gulat na gulat. “B-boss..”
Napatigil ang dalawa sa pagbugbog ganun na rin si Morgan sa ginagawa niya nang makita nila si Boss na gulat na gulat ring nakatingin sakanila. “Ano to?” Parang wala sa sariling tanong nito.
Agad namang bumunot ng baril si Morgan habang itinutok sa ulo ni Natalya. Nagayos ito ng suot niya at tsaka maangas na tumingin kay Vlad. “Sige! Gumawa ka ng isang hakbang! Sabog ang ulo nitong asawa ng kaibigan mo!” Singhal pa nito. “Gerad! Lucas! Tara na!” Dahan dahang lumabas ang mga ito sa pintuan habang nakatingin lang kay Boss. Si Boss naman ay tulala lang na nakatingin sakanila, tila di parin makapaniwala sa nasaksihan niya. Hanggang sa tuluyang nakatakas ang mga ito kasama ang asawa ko.
Tumingin si Boss sakin na gulat na gulat parin. Lumalalim na naman ang paghinga niya.
“B-boss…”
Di ko na mapigilang magmakaawa. Desperado na akong maligtas ang asawa ko.
“Pakiusap, iligtas mo ang asawa ko”
Pakiusap ko. Ayokong may mangyaring masama sa asawa ko. Hindi pwede. Ayoko. Di ko kayang mawalan ng asawa. Di ko kayang mawala siya sa buhay ko. Di ko kaya.
“Pakiusap…”
Wala akong narinig na sagot ni Boss, tumingin lang ito sa dinaanan nila Morgan at tsaka parang wala sa sariling naglakad.
Natalya…
[3rd Person’s PoV]
Tinahak nilang tatlo ang sekretong daan palabas sa likod ng mansyon hanggang sa makalabas sila. “Tangina naabutan pa tayo!” Singhal ni Morgan habang hawak hawak parin si Natalya.
“Pahamak talaga yang Greco na yan kahit kailan.” Usal naman ni Lucas. Kasalukuyan silang nababasa ngayon sa lakas ng ulan sa labas. Dahan dahan ang mga ito sa paglalakad para di mahalata ng ibang tauhan na nasa harap ng Mansyon. Mejo may kadiliman naman sa likod ng mansyon kaya di sila gaano mahahalata kung mag iingat lang sila.
“M-Morgan..” Habang nagmamasid si Morgan sa mga tauhan sa labasan nitong mansyon, bigla siyang tinawag ni Gerad.
“Ano?!” Tanong nito ng hindi ito tinitignan.
“S-si Boss. Nasundan tayo.” Napabalikwas agad si Morgan sa narinig niya. Napatingin siya sa likuran nila, at dun, nasa harap nila si Vlad na nakatayo lang at matamang nakatingin sakanila bitbit ang namumula na nitong mga mata.
Mabilis namang tinutok muli ni Morgan ang baril sa ulo ni Natalya “Sige! Subukan mong lumapit! Papatayin ko talaga ’to!” Pananakot pa nito. Pero sa pagkakataong ’to, mukhang di na ito umuubra dahil imbes na umurong, nagsimula lang itong maglakad papunta sa kinatatayuan nila. Dahil dun ay nakaramdam na ng kaba ang tatlo. “S-sige! Akala mo nagbibiro ako? Ipuputok ko talaga to!” Pananakot ulit ni Morgan. At napatigil nalang sila sa paghinga ng isang malapad na ngisi ang iginanti ng matanda sakanila.
“N-naloko na..”
Sa kabilang banda naman ay nagawan ng paraan ni Greco na kumawala sa pagkakatali at sundan ang mga ito. Pagkalabas niya sa mansyon, ang naabutan nalang niya na eksena ay nakatutok na ng baril si Morgan sa ulo ni Natalya habang si Vlad ay dahan dahang lumalapit sakanila.
“H-hindi..” Sisigaw palang sana siya para patigilin ang mga ’to pero huli na dahil nakita na niyang tumakbo ng sobrang bilis si Vlad papalapit kila Morgan…
At ang mga sumunod na nangyari ang nagpatigil sa mundo niya..
Saksing saksi niya kung pano pinihit ni Morgan ang gatilyo at lumusot ang bala sa ulo ni Natalya bago makalapit si Vlad sakanila at isa isang tinapos ang mga buhay ng tatlo.
Napatigil nalang siya sa kinatatayuan niya at dahan dahang napaluhod. Nakatingin lang siya sa damuhan habang walang humpay na tumulo ang mga luha niya sa sobrang sakit. Parang di siya makahinga ng maayos. Parang unti unti siyang pinapatay sa mga nasaksihan niya. “H-hindi…hindi…Natalya..” Napapikit nalang siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. “HINDDEEEE!!”
Nang muli niyang tignan ang kinatatayuan nila Vlad, si Vlad nalang ang tanging nakatayo roon, habang ang tatlo niyang pinsan at ang asawa niya ay nakahandusay nalang at wala ng mga buhay pa.
Sa gilid naman, napansin niyang may naglalakad na bata na nagpapayong at tila papalapit ito sa kinatatayuan ni Vlad. Gulat na gulat si Greco nang makita niyang si Ginger pala yun.
Nakita niyang lumapit ito sa gawi nila Vlad kaya kahit sobrang ng katawan niya, dali dali itong tumakbo at tsaka kinuha ang bata. “P-papa..si M-mama..si mama.” Naiiyak na tinakbo ni Greco ang anak niya pabalik sa loob ng mansyon.
Nagtago sila sa isang silid na madalas tambayan nila Vlad. Agad niyang pinatahimik ang anak niya para hindi sila mahuli.
“P-papa..” Simula kanina ay tanging ‘Papa’ lang bukambibig ng anak niya. Parang na trauma ito sa nasaksihan kanina. Gusto mang magpaliwanag ni Greco kay Ginger pero di magandang oras ngayon para mag usap. Baka marinig sila at mahuli. Sinenyasan niya nalang si Ginger na tumahimik. “Shhh”
Mga yabag ng paa ang nagpalingon kay Greco sa pintuan nitong silid. Kitang kita niya sa baba ng pintuan na may isang anino ang huminto sa tapat nito. Dahil dun ay mas lalong kinabahan si Greco.
Hindi dahil sa natatakot siya, kundi baka ikadamay ng anak niya pag nahanap sila dito.
Dahan dahan itong bumukas at wala na nga silang nagawa pa–nakita na sila.
Nagtama ang mga mata ng dalawang magkaibigan.
“Vlad..” Tanging sambit nalang ni Greco nang mapansin niyang pula parin ang mga mata nito.
Pero sa bawat segundo ng pagtitigan nila, unti unti nalang itong bumalik sa normal na kulay ang mga mata nito. Dahil don ay lumapit si Greco sakanya. “Boss..” Sambit ulit ni Greco.
Napaluhod sa harapan niya ang Boss niya at parang nakakaawang nakatingin sakanya. “D-di ko sinasadya…” Heto na naman ang mga kataga niya. Nung mapatay niya si Rietta, ito lang rin ang bukambibig nito. “Di ko sinasadya, Greco. Patawad..” Mas lalong nakaramdam ng sakit si Greco nang makitang umiiyak na nagmakaawa sakanya ang kaibigan niya. “Patawad..”
Walang mapaglalagyan ang sakit na nararamdaman ni Greco sa mga oras na ’to. Pero sa lahat ng nangyari, nagawa pang lumuhod ni Greco at marahang niyakap ang kaibigan.
“ Wala kang kasalanan, Vlad. Wala kang kasalanan sa nangyari.“
End of Flashback
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid matapos magkwento si Greco. Di alam ng dalawa kong anong irereact nila. Halo halong emosyon ang nararamdaman nila ngayon. Lungkot, gulat, sakit, pait. awa. Di nila alam.
“Oo, ang Tito Morgan mo ang pumatay sa mama mo, at hindi ang ama ni Virgel” Sa kinwento ni Greco ay halos di makapagsalita si Ginger sa sobrang pagkabigla, pati si Virgel ay napatungo lang rin dahil sa mga narinig niya. Hindi niya alam na ganun nalang kasaklap ang nangyari sa pagitan ng ama niya at ng lalaking kaharap niya ngayon.
“B-bakit mo nilihim sakin lahat to, Papa?” Di maipaliwanag ni Ginger ang nararamdamn niya ngayon. So lahat ng galit na nabuo sa puso niya para kay Vlad ay naloko lang pala ng kasinungalingan?
“Ayokong sabihin sayo na ang pinakasundo mong Tito ang pumatay sa mama mo. Ayokong bumigat lalo ang loob mo. Alam ko kung gano mo kasundo si Morgan dati nung bata ka pa. Kaya pasensya na kung pinalabas kong si Vlad ang gumahasa sa mama mo.” Sagot ni Greco. Hanggang ngayon ay naalala niya parin kung pano nagmakaawa si Vlad sa harap niyang ipalabas na siya ang pumatay kay Natalya. Alang alang nalang sa mararamdaman ni Ginger.
“Yun din ang araw ang huling pagkikita namin ni Vlad. Napagdecisyonan niyang alisin nalang ako sa posisyon ko para malayo ako sakanya. Umayaw ako dahil nangako akong magsisilbi ako sakanya hanggang sa huli. Kasama yun sa panata ko bago ako mahalal bilang kanang kamay niya. Pero ayaw niya na daw na pati ako ay madamay at ikaw.” Nalungkot bigla ang boses ni Greco matapos niya iyong sabihin. “ Lahat tinulak niya palayo dahil sa sakit na meron siya. Lahat sinakripisyo niya kahit na mismong kaligayahan niya, para lang sa kaligtasan ng lahat.“ Napangiti nalang ng mapait si Greco sa mga sinabi niya.
“Sayang lang at yun na pala talaga ang huli naming pagkikita, ni hindi ko man lang siya nadalaw sa huling hantungan niya.” Pahabol nito. Nagbabadya na sanang tumulo ang mga luha nito nang pinili nitong tignan ang dalawang kaharap niya na nakatingin lang sakanya at ngumiti. “Oh siya, maghahanda lang ako ng hapunan natin. Mag ayos na kayo. Kahit para nalang samin ni Vlad.” Habilin nito bago tumayo at tsaka lumabas sa pintuan.
Ngayon ay sina Virgel at Ginger nalang ang naiwan. Tumahimik ulit ang silid, di sila makapagsalita sa isa’t isa matapos nilang marinig ang kwento ni Greco.
Hanggang sa tuluyan na itong binasag ni Virgel. “Sabi ko naman sayong hindi ganun ang papa ko,”
Di siya nito kayang tignan pero sumagot parin si Ginger. “Malay ko ba?” Matipid na sagot nito at tsaka dali daling tumayo at lumabas sa pintuan.
Napailing nalang si Virgel.
Mukhang wala na nga ata talagang tsansang magkasundo tong dalawa.
[
10:05 PM]
Sa kailaliman ng gabi, malayang naglalakad ngayon si Loda at naglilibot sa labas ng hideout nila. Ewan pero di kasi siya makatulog. Matapos ang meeting na nangyari nila kanina, kamuntikan na siyang mahuli ni Morpheus. Hanggang ngayon ay di parin niya alam kung bakit ganito ang nangyayari sakanya. Siguro ito yung bumabagabag sa utak niya kaya hirap siyang makatulog.
Nakakaramdam na siya ng emosyon–ng awa, ng saya sa tuwing nakikita niya ang mga bata sa bahay ampunan na masayang naglalaro.
Di naman siya ganito dati, nagsimula lang ata ’to nung mapadalas ang pagtambay niya malapit sa bahay ampunan. Di niya ginustong mangyari ’to, kaya sa abot ng makakaya niya, hindi niya ito ipinapahalata sa mga kasama niya–lalo na kay Morpheus. Alam niyang di ito magugustuhan ni Eus pag nalaman niyang may emosyon na siya. Kaya ganun lang siya nito sinubok kanina–kumuha pa ng isang walang kalaban laban na tauhan para patayin niya para lang mapatunayan niyang walang nagbabago sakanya
Habang naglalakad si Loda, bigla siyang napahinto sa lugar na kinatatayuan niya, dito siya madalas tumambay habang nanunood sa mga bata. Dito nagsimula ang lahat. At dito rin nangyari ang ginawa niyang pagtabig ng sampaguita na binigay sakanya ng isang batang babae. Kung di lang dumating si Ermac, kukunin niya iyon. Napapikit nalang siya at pilit na inalis yung nararamdaman niya sa mga oras na ’to.
Hahakbang palang sana siya para ituloy ang paglalakad nang may mapansin siyang kumakaluskos sa may tabi ng puno kung saan siya nakatayo kanina. Dahil dun ay napilitan siyang lumapit ron para tignan ang bagay na kumakaluskos don.
Pagkarating niya, mejo takha siyang napatingin sa nakita niya. “Ikaw?” Yung batang babae kanina. Abala at parang may hinahanap ito kahit sobrang dilim na. “Bakit gising ka pa?” Tanong nito pero di siya nito pinakinggan.
Naglakad muli siya para sana lapitan ang bata pero agad itong napatingin sakanya at sobrang nagulat nung makita siya nito. “Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” Tanong ulit ni Loda pero di parin sumasagot ang batang babae. Nakatungo lang ito
Habang tinitignan niya ang batang babae, bigla siyang may naalala. May kinuha ito sa bulsa niya at tsaka pinakita sa bata. “Ito ba ang hinahanap mo?” Tanong nito habang nakalahad ang hawak niyang sampaguita.
Nakita niya kung pano paunti unting ngumiti ang batang babae at tumingin sakanya. Tapos ay ginalaw nito ang kanyang mga kamay na para bang nagsesenyas sakanya. Dun niya lang napagtanto na pipe pala ito. Kaya pala di siya nito pinansin kanina nung nagtanong siya. Kaya pala ngisi lang ang ginawa nito kanina habang inaabot sakanya yung sampaguita.
Dahil sa nalaman niya ay nakaramdam siyang kaonting awa para sa bata. Ang bata pa niya para bigyan ng ganitong kapansanan.
Ngumiti nalang siya ng matipid para itago ang awa “Heto, kunin mo. Mukhang kanina mo pa yan hinahanap.” Sabi niya tapos ay inaabot niya yung sampaguita. Pero umiling yung bata at may sinenyas na naman sakanya gamit ang mga kamay nito. Di man niya maintindihan, pero mukhang alam niya gustong sabihin nito. “Sakin nalang to?” Tanong ni Loda na agad ring iknatango ng bata habang ang lapad ng ngiti.
Lumuhod si Loda sa harap ng bata at tsaka hinawakan ang ulo nito tsaka ngumiti “Maraming salamat.”
.
.
.
.
.
“Ang saya naman.”
Isang boses ang narinig ni Loda na nagpawala ng ngiti sa mga labi at ikinalaki ng mga mata niya dahil pamilyar sakanya ang boses na yun.
“Hindi talaga ako nakumbinse kanina sa pinagawa ko sayo e.” Usal pa nito.
Napalunok ng palihim si Loda at tsaka dahan dahang tumayo.
“Pero kung sakaling patayin mo yang batang nasa harap mo, baka dun, maniniwala na akong walang pagbabagong nangyari sayo.”
Unti unting nilingon ni Loda ang nagmamay ari ng boses na yun at isang malapad na ngisi agad nito ang nakita niya.
“Magagawa mo naman siguro yun diba, Loda?”
“Morpheus.”
-To be continued.
[ Susundin kaya ni Loda ang ipapagawa nito sakanya? Or sa pagkakataong ’to ay susuway na siya? May bakbakan na naman bang mangyayari sa pagitang ng mga myembro ng Vendetta? At ano na nga ba ang mangyayari sa pagitan ni Virgel at Ginger matapos nilang marinig ang kwento ni Greco? Kasalukuyan na bang naghahanda ang mga Heneral para sa nalalapit na Digmaan sa pagitan nila at hukbo ni Doktor Manuel Guanzon? Watch out sa mga susunod na episode. Thank you for waiting :) tho hindi ganun ka worth the wait yung kwento hahahaa ]
-MajorSin
Episode 43: The rise of Armada
Episode 43: The rise of Armada
Sorry sa errros :) Habang sinisipag pa, hala sige update hahaha
[ 3rd Person’s PoV ]
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong nito habang dahan dahang tinatago ang bata sa likuran niya.
“Diba ako dapat ang magtatanong niyan? Anong ginagawa mo dito..” Saglit na tinignan ni Morpheus ang bata at tsaka ngising binalik ang tingin kay Loda “Kasama ang isang..bata?”
Di makasagot si Loda kaya mas lalong natawa si Morpheus. “Ano na? Naghihintay ako, Loda.” Usal pa nito habang nginingisihan ang batang tila natatakot na dahil mahigpit na ang kapit nito sa damit ni Loda.
“Eus, hayaan mo nala–”
“Oh baka naman gusto mo na ako pa ang tumapos niyan sa harap mo? Gusto mo yun?” Putol nito. “Madali akong kausap, Loda. Sabihin mo lang.”
Sa gitna ng pagtatalo nila, unti unting pumula ang mga ni Loda at seryosong tinignan ang kaharap niya. “Umalis kana.” Utos nito na ikinawala ng ngisi ni Morpheus. Ni hindi man lang ito nasindak sa pananakot niya. Unti unti ring sumeryoso ang awra niya dahil sa pangtataboy ni Loda sakanya.
“Naririnig mo ba ang sarili mo? Ako? Pinapaalis mo?” Umiling pa ito na parang nadismaya “Dahil lang sa isang bata nawawala na ang respeto mo sa’kin.” Dugtong nito.
“Pabayaan mo na ’tong bata.”
“Sige, magiging mabait ako ngayon. Uulitin ko ang kondisyon para sayo. Papatayin mo yang bata sa harap ko? O papatayin ko kayong dalawa ngayon mismo? Pili ka lang.” Dahil sa sinabi ni Eus ay mas lalong uminit ang tensyon sa pagitan ng dalawang Vendetta.
“Nahihibang kana, Morpheus.” Sagot lang nito–at senyales na yun ni Eus na yung pangalawang kondisyon ang pinipili ni Loda.
Kaya naman walang pagdadalawang isip siyang sumugod ng sobrang bilis sa harapan ni Loda bitbit ang nakabwelo na nitong suntok. “Kung ganun pagbibigyan kita sa gusto mo!”
Palapit na sana ang suntok ni Eus kay Loda nang bigla niyang maramdaman ang isang sandatang papunta sa gawi nila–dahilan para saglit siyang mapahinto sa pag atake. Dumaan lang ang sandatang ’yun sa gitna nila at bumaon sa may puno. Mejo nagtaka ang dalawa kung saan galing yun. At nung tignan nila ang sandatang naka tusok sa puno, kilala na nila ang may gawa nun.
“Ano ba kayo? Gusto niyo ba talagang magpatayan tayong lahat dito?” Biglang dumating si Ermac at tumabi sa gawi ni Loda. “Di pa ba sapat sina Ross at Quincy para magkaisa tayo?” Usal pa nito. Tinignan ni Ermac si Loda na may hawak hawak na bata sa likuran nito. “Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Loda? Diba sinabihan na kitang wag mong pairalin yang emosyon mo? Binalaan na kita sa mga pwedeng mangyari pag nahuli ka.” Sermon nito. Di sumagot si Loda dahil alam naman niyang kasalanan niya kung bakit humangtong tong sitwasyon na to sa ganito.
“Kung ganun pati ikaw ay alam mo na rin pala? Pero nilihim mo lang sakin.” Sa puntong to ay si Eus naman ang unti unting pumula ang mga mata. Sa narinig niya kay Ermac ay pakiramdam niya ay natraydor siya ng sarili niyang mga kasamahan.
“Di ko intensyong maglihim, Eus. Ayoko lang na magkaubusan tayo sa sarili nating mga kamay. Kaya pakiusap, kalimutan mo na ang nakita mo ngayon. Ako na ang bahala kay Loda. Ibabalik ko siya sa dating sarili niya pangako yan.” Pakiusap ni Ermac habang binabalik ang tingin kay Loda at sa bata. “Hayaan mo na rin tong bata. Wala tong kinalaman sa atin.”
“Tingin mo may pake pa ako sa mga sinasabi mo ngayon?” Ngumisi bigla si Eus at mukhang wala ata itong planong makinig sa kanila sa puntong ’to. “Mas mabuti sigurong ligpitin ko nalang kayo pareho para sumaya ang gabi ko.” Usal nito bago naghanda para umatake.
Ihahanda na rin sana nila Ermac ang sarili nila para sa gagawing pag atake ni Morpheus nang may biglang sumulpot sa gawi ni Morpheus na agad sumampal sa mukha niya. “Ano bang nangyayari sayo, Eus?! Kakampi natin yang nasa harapan mo!” Ngayon ay pati si Jill ay sumingit na rin sa usapan. Hindi na niya nagugustuhan ang inaasal ng nobyo niya. Oo walang awa mag isip tong si Morpheus. Alam na nila yun dati pa. Normal na sakanila yun. Pero hindi pa siya umaabot sa puntong pati sila ay kinakalaban na. Sa ilang panahon na magkakasama sila, kahit puro banta lang ang naririnig nila ni Morpheus sakanila, ngayon lang ’to naging ganito–na gagawin talaga nitong saktan sila.
“Tama na, pakiusap. Pinatay mo si Quincy! Di pa ba sapat yun sayo?!” Singhal ni Jill–at mukhang di yun nagustuhan ni Eus dahil nanlisik ang mga mata nito. Susubukan pa sanang hawakan ni Jill ang kamay nito pero tinabig lang siya ng malakas kaya tumilapon siya sa gawi nila Ermac.
Buti nalang at may sumalo sakanya kaya di siya tuluyang natumba. Tinignan ni Jill ang sumalo sakanya at isang walang emosyon lang ang nakita niya sa mga mukha nito. “Devi..” Kasalukuyan paring naka benda ang kaliwang mata nito dahil sa operasyong ginawa ng doktor.
Ngayon ay kaharap na ni Morpheus ang apat niyang natitirang kakampi–na mukhang magiging kalaban pa ata niya.
“Wala akong pake sa nararamdaman niyo, naiintindihan niyo? Kahit magtulong tulong pa kayong itumba ako, hindi niyo ako kaya!”
“Wala ni isa sa’min ang gustong kalabanin ka, Eus. Ikaw lang ang nagtatrato sa amin na hindi kami kakampi sayo.” Dahil sa sinabi ni Jill ay saglit na natigilan si Eus–nanlaki ang mga mata nito pero agad rin naman nakabawi at ngumisi.
“Talaga?” Napapikit nalang ito sa harapan nila. “Ang simple lang ng utos ko sainyo hindi niyo pa magawa. Hindi ako ang nagtutulak na mapunta tayo sa ganitong sitwasyon–kundi kayo mismo. Kinakampihan niyo yung taong nakakaramdam na ng awa? Bawal yun sa atin hindi ba? Yung pagkuha niyo kay Devi para pabalikin siya sa grupo tinanggap ko pa e. Kahit sa kaloob looban ko gusto kong pag pupugutin lahat ng ulo niyo dahil sa kahibangan niyo. Pero pumayag ako. Alang alang sainyo. Dahil lahat kayo yun ang gusto. Pero sa pagkakataong ’to, hindi ko matangg….tas…tas kinakampihan niyo pa?”
Ramdam mo sa boses nito ang pagkadismaya na may halong pagtitimpi sakanila. Lahat sila ay natahimik. Di nila magawang sumagot dahil lahat ng sinasabi ng lider nila ngayon ay natamaan sila. Tinitignan lang nila ito hanggang sa tuluyan nalang itong tumalikod at naglakad palayo. “ Mga wala kayong kwenta.“
Nang tuluyang makaalis si Morpheus, tsaka lang nagawang magsalita ni Loda. “Pasensya na sa gulo.” Wika nito.
“Iuwi mo na yang bata. Magpahinga na tayo, malalim na ang gabi.” Tugon ni Jill sa mga ito.
“Siguro aalis nalang ako, mas gagaan ang loob ni Morpheus kapag di na niya mahahagilap ang presensya ko dito.” Usal lang nito habang nakadungo. Saglit na tinignan ni Devi ang gawi nito, at ewan, bigla nalang niyang nakita ang sarili niya kay Loda nung nasa Virgo pa siya at tinataboy ang sarili para lang sa ikabubuti ng pamilya. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa kalooban niya pero hindi na niya iyon ipinahalata pa sa mga kasama niya.
“Hindi ka namin niligtas sa kamay ni Eus para lang umalis ka. Walang aalis.” Ayaw man ipahalata ni Jill pero ramdam ni Loda sa boses nito ang galit sakanya dahil sa pagkatalo niya sa emosyon niya. Alam niyang mahirap sa parte ni Jill ang kampihan si Loda dahil nobyo nito si Eus. Pero mas pinili parin talaga nito ang hindi kampihan si Eus alang alang sa grupo kesa sa sarili niyang emosyon.
Tinapik nalang ni Ermac ang balikat ni Loda bago sumunod kila Jill at Devi na umuna ng maglakad. “Inaantok na yung bata.”
Pagtingin niya sa batang babae, nakaangat lang ang tingin nito sakanya. Ngumiti lang siya ng sobrang pait bago hinawakan ang ulo nito. “Ihahatid na kita..”
***************
[4 Days Later]
Alas otso palang ng umaga kumpleto na lahat ng mga tinawag ng pangulo para isang maikling pagpupulong bago simulang ang aktwal na training ng lahat para sa nalalapit na digmaan. Tatlng linggo nalang. Tatlong linggo nalang at sasabak na sila sa isang napaka tinding digmaang mangyayari
Kaharap ng apat na Heneral ngayon ang labing apat na tinaguriang top members ng apat na Mafia na pinatawag ng Presidente.
“Mabuti at nakapunta kayo lahat.” Umpisa ni Heneral Simeon. Siya ang inatasang magpaliwanag sa mga ito kung ano ang plano ng apat na Heneral at ng Presidente. “Pinatawag kayo ng Presidente para ipaalam na sampu sainyo ang kukunin naming lalaban sa Vendetta.” Usal nito. Tinignan ng mga Heneral ang mga reaksyon nito. At gaya ng inaasahan, wala man lang ni isa sakanila ang nagulat. Kaya naman muling nagpatuloy si Simeon.
“Ayon sa sinabi ng isang Virgo, lima nalang ang natitirang Vendetta ngayon. At plano naming tig dadalawa ang lalaban kada isang Vendetta.” Agad namang nagsalita si Maki sa sinabi ng Heneral.
“Pero Heneral, kulang lang ang lakas ng dalawang tao para matalo natin ang isang myembro ng Vendetta. Kailangan ng maraming tao para matumba natin sila.” Sa kanilang lahat na nandito, tanging siya at si Ish lang ang nagkaroon ng tsansang makalaban ang isang Vendetta kaya walang umimik sa mga ito.
“Wag kang mag alala, iba ang training na ipapagawa namin sa mga kakalaban sa Vendetta. Paghahandaan natin ang lakas nila. Kami na ang bahala sa bagay na yan” Sagot ni Simeon kaya yumuko nalang si Maki kahit gusto pa niyang ipagpilitang di parin nito makakaya ang lakas ng isang Vendetta ng dalawang tao lang.
“Kung iniisip mong dahil tatlo kayong lumabas sa isang Vendetta dati at nahirapan parin kayo, ibahin mo kami. Di kami kasing hina ng mga myembro ng Virgo.” Pang aasar naman ng kuya nitong si Dante. Di nalang sumagot si Maki. Baka pagalitan na naman sila ng ama nilang nasa harap lang nila na nakikinig
“Ang mga tatawagin kong pangalan ang napili naming kakalaban sa Vendetta at magiging kasama niyo..” Kinuha ni Simeon ang isang folder at binuksan ito at tsaka binasa.
“Maki Puma at Dante Puma. Kayong dalawang ang magkasama sa training at kakalaban sa isang Vendetta.” Dahil dun ay nagkatitigan ang magkapatid. Ngumisi lang si Dante pero si Maki ay tumungo lang. Akala niya si Ish ang ipapartner sakanya.
“Ishmael Valderama at Damian Seraphin…” Nagkatitigan rin saglit ang dalawa bago binalik ang tingin sa Heneral. Naalala ni Damian na nagkaron pa ng konting sagutan ang dalawa nung libing ni Vlad kaya mejo di niya gusto ang pagkaka tapat niya kay Ish. Pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang sumunod.
“Sin Altair at Veronica Arson.” Ganun rin ang dalawa. Tingin ni Veronica isang mysteryosong lalaki tong makakasama niya.
“Giovanni Belicoff at Vincent del Varya.” Di na bago sakanila ang magkasama kaya wala itong reaksyon na ginawa.
“At ang huli, Ikram at Dylan.” Ganun rin ang dalawang ilang toan ng magkasama sa Martin.
“Habang si Stephan Milvar, Elrien Artizan at Akasha naman ay isasama namin sa Intel Unit para tumulong sa mga stratehiyang gagawin ng hukbo natin.” Bigla namang nangunot ang noo ng nag iisang hindi tinawag na si Baron. “Teka, bat di ako kasali?”
Tinuro agad ni Heneral Ibarra si Baron at seryosong nagsalita. “Ikaw. ikaw ay magiging taga templa ko ng kape.” Usal nito bago matawa. Habang si Baron naman ay biglang nainis sa panggaggo sakanya ng Heneral. “Dee, humingi ng pabor si Mr. Saquin na kailangan niya ng tauhan na aaligid sakanya sa oras ng digmaan. Mejo matanda na kasi ’to kaya pagbigyan mo na bata.” SInamaan naman siya ng tingin ni Gideon kaya mas lalong natawa ang Heneral.
Matapos itong mag usap, muling nagsalita si Simeon.
“Ngayong alam niyo na kung ano ang posisyon niyo sa digmaan at kung sinu sino ang makakasama niyo, sasamahan kayo ngayon ni Heneral Tresler sa isang Training Ground for Elites para maging tahanan niyo pansamantala ng tatlong linggo. Oo, tama ang pagkakadinig niyo, dun na muna kayo maninirahan lahat. Hindi kayo lalabas sa silid na yun sa loob ng tatlong linggo. Isasanay namin ng husto ang pisikal niyong pangangatawan at i eenhance namin ang mga kakayahang meron kayo.”
“Steph, Elrien, Akasha, ako ang sasama sainyo para ipakita sainyo ang ibang kasapi ng intel unit ng gobyerno. Sila ang makakasama niyo hanggang sa matapos ang digmaan kaya kailangan namin ng buong kooperasyon niyo. Naresearch kong bihasa ang mga utak niyo sa mga ganitong klaseng bagay. Aasahan namin ang tulong niyong tatlo para perpektong mapagtagumpayan natin tong digmaan.”
Tumango naman ang tatlo bago sumagot “Maasahan niyo kami Heneral.”
“Eh ako?” Tanong na naman ulit ni Baron. Pakiramdam niya tuloy siya ang pinaka walang silbe ngayon sa silid na ’to.
“Ako ang sasama sayo, Baron.” Sinigit na naman ni Ibarra. “Tuturuan kita kung pano magtimpla ng masarap na kape.” Natatawang dugtong nito. Lalo lang tuloy nag init ang dugo ni Baron sakanya.
“Sumama ka lang sakin, Baron. Yun lang ang gagawin mo.” Usal naman ni Gideon. Yumuko naman si Baron sa sinabi nito at wala ng nagawa kundi ang sumunod nalang.
“Masusunod, Boss.”
Kasalukuyang naglalakad si Heneral Tresler papunta saTrainign Ground kung saan maninirahan tong mga nakasunod sakanya.
“Tungkol sa mga damit niyo, kami na ang kukuha nun para sainyo mamaya. Ang tangi niyo lang gawin ay mag focus ng pagpapalakas. Kung kaya ng walang pahinga, gawin niyo. “ May mga kaonting bilin pa siya sa mga ito habang naglalakad sila. “Alam kong maikli lang yung tatlong linggo para sa pagsasanay, pero kung desidido kayong lumakas, walang maikli sainyo.”
“Ano bang meron sa training ground na yan, Heneral?” Tanong naman ni Dante.
“Basketball court, di lang ako sigurado.” Sarkastikong sagot naman ng Heneral kaya di mapigilang matawa ng iilan.
“Gago..” Bulong nalang ni Dante dahil sa pagpapahiya nito sakanya
**
Nang marating nila ang isang malaking pintuan, nilapat ni Heneral Tresler ang palad nito sa isang palm vein biometric sa gilid ng pintuan pagkatapos ay tsaka ito bumukas ng kusa,
“Wow, magic.” -Dante.
Pagkabukas, isang napakalawak na parang isang gymnasium yung tumambad sakanila. Ang aliwalas tignan ng buong silid dahil kulay puti ang nakapalibot nito. Punong puno rin ng mga materyales ng pang workout ang makikita mo sa loob. Halos kumpleto na. Meron ring apat na Sparring Ring kung saan pwede kang makipag sparring kahit kanino. Sa magkabilang gilid naman nitong buong silid ay may limang magkakatapat na pintuan at may nakatakdang pangalan na rito. Lima sa kanan at lima rin sa kaliwang parte.
“Kung napapansin niyo ang sampung pintuan na may mga pangalan niyo, iyan na muna ang magiging kwarto niyo pansamantala habang nandito kayo sa loob.” Usal ng Heneral. Pumasok ang mga ito at tsaka tinignan ang kabuuan ng silid.
Habang kanya kanya ng paglilibot ng tingin ang mga ito, hinarap sila ng Heneral at matamng tinignan ang mga ito. “Isang beses ko lang ’to sasabihin kaya makinig kayong mabuti.” Usal nito na nag agaw ng atensyon sa mga Mafia na kaharap niya.
“Alam niyo naman sigurong mga Mafia rin yang mga katabi niyo ngayon.” Simula nito. Napatingin naman ang iilan sa mga katabi nila. “ Sanay na kayong pumatay, hindi ba? Alam ko na yan. Utos ng boss, kikitil ng tao. Ganun lang ang takbo ng buhay niyong mga Mafia, tama? Ngayon, alam niyong kalaban kayo ng Gobyerno. At kung tutuusin pwede namin kayong pagbabarilin lahat dito kung gugustuhin namin. Pero alang alang sa decisyon ng Presidente, di namin gagawin yun. Pero, sa oras na malaman kong nagpapatayan kayo dito, di ako magdadalawang isip na ipapatay kayo lahat rito–jan sa kinatatayuan niyo mismo, naiintindihan niyo? Nandito kayo sa teritoryo ng Gobyerno kaya inaasahan ko ang saktong asal na nababagay dito.“ Natahimik ang mga ito. Para lang silang mga studyante ngayon na pinagsabihan ng isang guro. Maotoridad ang bawat salitang binibitawan nito. Tinagurian itong pinaka matanda sa apat na Heneral kaya sanay na sanay na ito sa ganitong klaseng pananakot at pagbabanta sa mga lalabag sa utos.
“Gaya ng sabi ko kanina, magfocus kayo sa pagpapalakas sa sarili niyo. Tandaan niyo, isang malaking isda ang itutumba natin dito. Kayo lang rin ang kawawa sa huli pag di kayo nagsanay ng husto. Vendetta ang pinag uusapan natin baka makalimutna niyo. Kailangan natin silang itumba para muling mabalanse ang bansa natin.” Pahabol pa nito na nagpatanto sa mga iilan kung gano ka seryoso tong pinasok nilang misyon ngayon. Halata na rin sa iba ang pag iisip ng malalim.
“May katanungan pa ba kayo bago ako umalis?” Huling tanong ng Heneral sakanila.
Agad namang nagtaas ng kamay si Dante. “Ahh, tungkol sa pagkain, Heneral. Pwede bang mag request ng mga chocola—”
“Bawal. Pati pagkain niyo kontrolado namin.”
“Ayy, sabi ko nga.”
“Anak ka ba talaga ni Heneral Puma? Ang layo ng ugali niyong dalawa.” Sabi ni Tresler. Kilala niya kasi si Puma bilang napakaseryoso at mabilis magalit na tao. Tapos itong anak niya, parang kaugali ni Ibarra.
“Pake ko sa matandang yun.” Sagot lang nito.
Di nalang ito pinansin ni Tresler. “Wala na?” Nang mapansin niyang wala ng umimik, muli itong naglakad papunta sa pintuan. “Kung ako sa inyo, ang una kong gagawin ay kilalanin ang magiging partner ko para mas mapadali sa akin ang pag eensayo. Tandaan niyo, kahit gano pa kalakas ang kalaban niyo, mananalo kayo pag meron kayong pagkakaisa” Habilin ng Heneral dahil alam niyang may mga mag partner dito na magkaiba ang pamilyang kinabibilangan.
Bago ito tuluyang lumabas, hinarap pa muna niya sa huling pagkakataong ang sampong nilalang na isa sa mga aaasahan nila ng husto pagdating ng digmaan. “Simula sa araw na ’to. tatawagin muna namin kayong sampu bilang mga myembro ng Armada . Yun lang. Pagbutihan niyo.” Huling usal nito bago sinara ang pintuan.
“Armada, huh?”
[Virgel’s PoV]
Isa..dalawa…apat. Apat na araw na simula nung nagkwento si Greco sa buhay niya at sa nangyari sa asawa niya. At apat na araw na rin na hindi ako kinikibuan ni Ginger. Wala namang bago don dahil di naman talaga kami nag uusap dito sa bahay, siguro ang pinagkaiba lang ngayon ay para na akong patay sakanya. Di ako tinitignan o sinasamaan ng tingin pag nagkakasalubong kami tulad ng lagi niyang ginagawa dati. Wala naman akong pake dun pero…wala, nasabi ko lang.
Nandito ako sa bakuran ng bahay ngayon habang nagbabalanse. Sinusubukan kong iapak ang kanang paa ko. Nakakaramdam parin ako ng sakit pero naiinda ko naman na. Di tulad noon na halos mapadaing ako sa sobrang sakit pag naapak ko to. Mukhang tama nga ata si Greco na may tsansa pang makalakad ako ulit.
Napahinga ako ng malalim bago binitawan ang saklay na akay ko. Huminto ako saglit at pilit na binalanse ang sarili.
Kaya mo ’to…
Dahan dahan kong hinakbang ang kanang paa ko..kasunod ang kaliwa, sa kanan ulit. Hanggang di ko namalayang ilang hakbang na pala ang nagagawa ko gamit ang dalawa kong paa. Nakaramdam ako ng tuwa kahit papano sa kalooban ko. Sa halos isang buwan kong pananatili dito, ngayon lang ulit ako nakalakad gamit ang sarili kong mga paa.
Nakakatuwa pala.
Habang patuloy lang ako sa paglalakad, di ko ata napansin ang bato sa may kaliwang paa ko kaya natapilok ako at kumirot ito ng sobrang sakit “Argghh!” Tuluyan akong napaluhod dahil nawalan rin ako ng balanse. Para akong batang nag aaral palang na makalakad mag isa.
Napahawak ako sa kaliwang hita ko habang nakaluhod dahil sa kirot. At habang nag dadaing ako sa sakit, nakita kong dumaan si Ginger sa harap ko. Ni isang sulyap di man lang ako tinignan o kaya tinulungan. Nilampasan niya lang ako na parang di ako nakikita.
Ano pa bang aasahan ko dun?
Susubukan ko na sanang tumayo ulit para kunin nalang yung saklay ko para makabalik na sa loob, pero napansin ko nalang ang pagtilapon ng saklay ko sa may gilid ko.
Tumingin ako sa likuran ko, likod lang ni Ginger ang nakikita ko habang naglalakad papasok sa bahay. Tapos ay tinignan ko ulit yung saklay na alam kong tinapon niya sa gawi ko.
Napailing nalang ako.
“Mukhang mejo nalalakad mo na yang paa mo, Virgel.” Napatingin ulit ako sa harapan ko nang may magsalita–si Greco. “Tingin ko mga isang linggo lang normal na ulit yang paglalakad mo.”
Dahan dahan akong tumayo habang hawak ang saklay ko. Di ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya pero…sana nga.
“Siya nga pala, kumusta na kayo ng anak ko?” Tanong niya–at dahil dun bigla akong nakaramdam ng inis.
“Wag mo na ngang ipagpilitan na magkakasundo kami nyang anak mo.” Inis kong sabi na ikinatahimik niya. Alam kong walang plano makipag ayos sakin yun, at lalo na ako. Kaya kong mabuhay ng hindi kami magkasundo.
Narinig ko naman siyang natawa ng konti sa inasal ko. Anong nakakatawa?
“Diba nasabi ko sa kwento ko na ako lang ang nakakapag kontrol sa ama mo sa tuwing nagigising ang isang katauhan niya?” Tanong niya na ikinakunot ng noo ko
“Eh ano naman?”
“Mukhang mapapasa ko sa anak ko ang tungkulin na naiwan ng pamilya namin sa pamilya niyo.”
“Anong gusto mong sabihin? Na gawin ko ring siyang kanang kamay ko? May kanang kamay na ako. Di ko kailangan yang anak mo.”
“Di ko naman sinasabing gawin mo siyang kanang kamay mo. Ang akin lang, malaking tulong si Ginger sayo na makontrol mo yang sakit mo.” Sagot niya na mas lalong nagpalito sa utak ko. Anong gusto ba talagang gusto niyang sabihin?
“Naalala mo ang away niyo ni Morpheus?” Tanong niya ulit kaya biglang pumasok na naman sa utak ko ang mga nangyari nung gabing yun–bagay na nagpatulala sakin saglit. Bigla ko na namang naalala ang sinapit ni Hell. Dahil dun ay napakuyom ko nalang ang mga kamay ko.
“Sasabihin ko sayo kung ano ang dahilan kung bakit ka natalo.” Dugton niya na nagpabalik sa wisyo ko. “Kung tutuusin magkasing lakas lang kayo ni Morpheus dahil taglay mo ang perpektong droga na nananalaytay sa ama mo dati. Napasa yun sayo at kay Argo. Mejo may kalamangan nga lang siya dahil sa pisikal niyang pangangatawan. At syempre dahil mas bata ka pa habang ang katawan niya naman ay sanay na sanay na sa sakit. Pero di talaga yun ang totoong dahilan kung bakit ka natalo. Alam mo kung ano?” Tumingin si Greco sakin habang ako naman ay napalunok na naghihintay sa sasabihin niya.
“Kontrol sa sarili.” Sagot niya. “Kung sasabihin nating magkasing lakas kayo, dehado ka parin dahil nakokontrol at nagagamit ni Morpheus ng tama ang lakas niya pag ginigising niya ang isang katauhan niya. Samantalang ikaw, nawawala ka sa sarili mong pag iisip. Ang nasa isip ng isang katauhan mo ay umatake lang ng umatake, baliwala na sakanya ang pag depensa. Na kahit kapalit pa ay madurong ang katawan mo, ang importante ay makaatake siya. Tingin mo, saan ang nakakalamang, ang may wisyo sa ginagawa niyang pag atake o wala?”
Di ako sumagot. Halata namang yung may wisyo ang lamang. Siguro nga tama siya. Naaalala ko nung oras na pumalit sakin yung isang katauhan ko, pagbalik ko sa wisyo sobrang sakit na ng buong katawan ko. Ni di ko man lang alam kung anong nangyari o kung pano ako inatake ni Morpheus.
Matagal ko na ring tinatanong sa utak ko yang bagay na yan. Simula palang dun sa isang Vendetta na nakalaban ko. Bakit nasa wisyo parin sila kahit pumupula na ang mga mata nila? Na para bang sanay na sanay na nila ito gamitin. Na parang kaya nila itong gawin ano oras na gusto nila. Samantalang ako, kailangan pang masaktan bago magising ang isang katauhan ko.
“Kung gusto mong matalo si Morpheus, pag aralan mong kontrolin yang katauhan mo.” Usal pa niya. Napayuko nalang ako. Sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha nun ay nauurong bigla yung sarili at utak ko. Aaminin kong para ka lang rin nakikipaglaban sa kamatayan kapag kaharap mo siya. Hanggang ngayon binabangungot parin ako sa mga pangyayari nung gabing yun. “Sinabi ko na sayong di na ako babalik pa sa mundo ng Mafia para lang makipagpatayan. Ayoko na dun.” Matigas kong sagot.
“Pinatay ni Vlad ang tatlo kong pinsan dahil nakiusap akong iligtas ang asawa ko. Alam kong wala siya sa wisyo nung mangyari yun pero alam kong ginawa niya yun para sakin.” Bigla nalang parang lumamig ang tensyon at boses niya. “Ikaw? Ano bang kaya mong gawin para sa pamilya mo?” Tanong niya. At ang mga sumunod niyang sinabi ang talagang nagpatigil sakin.
“Isipin mo nalang yung kaibigan mong nagsakripisyo para sayo. Para lang mabuhay ka at maalagaan mo ang natitirang pamilya mo. Tapos ikaw tatakasan mo lang ang mundo dahil natatakot ka?”
Bigla kong naalala ang huling sinabi ni Hell sakin nung gabing yun.
“Wag mo silang pababayaan..Boss.”
Natulala nalang ako matapos sabihin yun ni Greco. Hanggang sa nahuli ko nalang siyang tinapik ako sa balikat.
“Pag isipan mo ulit yang decisyon mo, Virgel. Nandito lang kami para tulungan ka. Pangako yan.” Sabi niya at naiwan nalang ako ritong nakatayo habang tulala parin.
Tumakas at iwan ang reponsibilad,
Maghiganti para sa hustisya ng pamilya ko.
.
.
.
.
.
.
Ano ba talaga ang gusto ko?
-To be continued
( Any thoughts about sa update? Feel free to comment heheh )
-MajorSin
Episode 44: Confusing Thoughts
Episode 44: Confusing Thoughts
Pakitingin sa media. Heiwajima Shizuo of Durararra
as
Dante Puma
Sorry sa errors hehe. Shet nasa 138 na yung rank nito sa action hahaha sana magtuloy tuloy
[Veronica Arson’s PoV]
Matapos umalis ng Heneral, nagkanya kanya na agad ng usap ang mga kasama ko rito. Ako lang ang nag iisang Fuego na narito ngayon dahil nasa Intel Unit nilagay sila Elrien at Stephan.
Habang nakatayo lang ako, napansin ko sina Ish at yung isang bagong myembro ng Virgo na nag uusap sa gilid. Sobrang tamlay parin ng mukha ni Ish hanggang ngayon, at hanggang ngayon ay di ko pa rin sila nakakausap. Gusto kong itanong sakanila kung anong nangyari. Pero ewan, parang natatakot akong malaman. Parang ang bigat ng pinagdadaanan ng Virgo ngayon. Kung tutuusin madaming myembro ang Virgo. Si Virgel, Elsa, Hell, Kael, Lily at sina Asher.
Kaya nakapagtataka lang talaga kung bakit sila lang ang dumalo sa imbitasyon ng presidente. Nasaan ba ang iba?
Saglit ring nahagip ng mga mata ko ang dalawang myembro ng Alibara na nag uusap rin. Awra palang nilang dalawa at porma halata ng may mga tinatago rin tong angking galing. Napaka pormal nila tignan.
“Hahahahaha oo nga e. Pero hahanapan natin ng paraan yan. Hihingi ako ng hihingi ng chocolates sakanila hanggang sa bigyan na nila tayo.” Napatingin rin ako sa grupong may isang myembro na sobrang ingay. Kanina pa ’to nagdadaldal.
Kalahati ng myembro na narito ngayon ay kasapi ng Martin Family. So sila palang lima ang tinaguriang malalakas na tauhan ni Marcelo. Yung batang nagngangalang Damian ay nakita ko na dun sa Burol ni Boss Vlad. Yung dalawa naman ay parang namumukhaan ko. Sila ata yung tauhan na kasama ni Marcelo nung kaarawan ni Boss Vlad. Itong maingay at yung partner ko ang bago sa paningin ko. At tulad ng dalawang myembro ng Alibara, kakaiba rin ang awra na meron silang lima. Parang ang kakalma lang nila tignan pero may nakatagong natutulog na lakas sa loob nila.
Malas pa dahil isa sakanila ang makaka partner ko sa training na ’to. Tinignan ko siya saglit at mejo nagulat ako dahil wala pang isang segundo ay napatingin rin ito sakin na para bang alam na niyang titiignan ko siya. Dahil dun ay umiwas nalang ako ng tingin. Di ko alam kung pano pakikisamahan ’to. Sana si Steph nalang ang naging partner ko dito. Madali pa sana.
Napapikit nalang ako dahil no choice na rin naman ako. Naglakad nalang ako papunta sa pintuan kung saan nakalagay ang pangalan ko. Pero bago pa man ako makarating, may biglang tumawag sakin. “Sandali.” Pagtingin ko, yung makakasama ko pala na kung di ako namali ng dinig ay Sin Altair ang pangalan.
“Ano?”
“Sin Altair. Ako yung partner mo.” Sabi niya bago naglahad ng kamay. Ang seryoso niya tignan. Parang di marunong ngumiti. Sobrang lalim pa ng boses.
“Alam ko.” Sagot ko bago inabot ang kamay niya at nakipag kamay saglit.
“Dati nga pala akong myembro ng Elfame. Isa ka sa mga nagpabagsak sa Mafia na yun nitong kailan lang diba?” Tanong niya. Mukhang balak pa ata nitong makipag kwentuhan.
“Oo, bakit? Ipaghihiganti mo ba ang dating grupo mo?” Tanong ko rin na ikina smirk niya.
“Hindi. Natuwa pa nga ako nung malaman kong bumagsak ang Elfame nun e.” Sagot niya. Iba rin.
“Ganun ba. Sige na, papasok muna ako sa kwarto ko.”
“Sige sige. Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin ngayon dahil mamaya pagkatapos ng tanghalian, magsisimula na tayong mag training.” Paalala niya. “Inaasahan kong di ka agad mabilis mapagod. Ayoko ng partner na pabigat.” Pahabol pa niya na ikinakunot ng noo ko. May pagkamayabang din pala to e.
“Wag mo akong maliitin porket babae lang ako.” Ganti ko.
“Hindi naman, sinasabi ko lang. Sige, mamaya ulit.” Sabi niya nalang bago tumalikod at bumalik dun sa apat pa niyang kasama. Napailing nalang ako bago tumuloy sa paglalakad at pumasok sa kwarto ko.
Pagkapasok ko, sobrang lamig na agad ng silid. Buti may aircon silang nilagay. Sobrang linis rin at ang lawak. Kulay puti ang pintura kaya ang aliwalas tignan ng kwarto. Wala pa masyadong kagamitan na makikita mo rito bukod sa malaking kama , isang sofa at isang flatscreen na TV. May cabinet rin pero wala pang laman. At meron na ring sariling comfort room. Para ka lang tumuloy sa isang hotel.
Humiga nalang muna ako saglit sa kama at nag muni muni.
Bago pa man mag alas dose, nahatid na agad sa amin ang mga gamit at damit namin kaya nagawa ko ng magbihis. Oras na ng tanghalian at nasa dalawang lamesa kami ngayon na pinagdikit lang para magkasya kaming sampu. Pati sa pagkain magkasama dapat kami. Nakakailang.
“Tagal naman! Gutom na ako!” Reklamo nung Dante. Pati ako nagugutom na rin. 12:30 na kasi pero wala pa ring dumating pagkain.
Pero maya maya pa, biglang bumukas ang pintuan at may dumating na tatlong naka pang waiter na suot na may dalang mga tray at inumin. “Anjan naaaa~ Shet sana crispy pata.” Ang ingay talaga nito kahit kailan.
Nakatakip pa ang mga platong isa isang nilalagay sa harap naming sampu nung mga waiter kaya di namin alam kung anong laman nito.
At nung sabay namin itong buksan..
“Tang..a
no to?!“ Biglang nagwala si Dante at tinaob ang plato niya. Nagkalat tuloy ang pagkaing laman nito.
Sino ba namang hindi magwawala nito? Pati ang iba ay nabigla rin sa pagkaing nasa harap nila. Pano ba naman, ang laman lang ng plato namin ay anim na piraso ng carrots, dalawang pares ng hotdog at kalahating piraso ng saging? Anong tingin nila samin? Anong gagawin namin dito? Di kami mabubusog nito.
“Ano to?! Ha?” Bulyaw ni Dante sa mga waiter kaya napayuko nalang ang mga ito.
Maya maya pa ay napansin namin ang isang napakalaking flatscreen na monitor na nasa may ibabaw ng training area na ’to. Kanina ko pa napapansin to, at mukhang alam ko na kung para saan ito.
Tumambad samin ang mukha ni Tresler dun sa malaking monitor. “Nakalimutan kong sabihin kanina, may cctv bawat anggulo ng silid na kinatatayuan niyo ngayon kaya namomonitor ko kayo kahit nasa labas ako.” Umpisa nito.
“Ano to, Heneral?!” Ngayon ay ang Heneral naman ang pinagtatanong ni Dante. Mukha sa aming lahat siya yung di matanggap kung anong kakainin namin dito.
“Pagkain, at sinayang mo lang.” Kalmadong sagot naman ng Heneral.
“Alam kong pagkain to! Pero ano to?! Yan lang ang ipapakain niyo samin?! Carrots? Hotdog?!Tangina?” Galit pa na paliwanag nito.
“Dadaan kayo lahat sa isang Military Diet habang nag eensayo kayo jan sa loob.” Sagot lang ng Heneral at nakita kong nagtaaas ng kamay ang isang Alibara na kung di ako nagkakamali ay Vincent del Varya ang pangalan. Mukhang magbibigay rin ito ng opinyon.
“Pero Heneral, di kami makakapag focus sa training na walang masyadong laman yung tyan namin. Pano kami makakagalaw kung ganito lang yung pagkain namin?” Sabi nito. May punto siya. Yun rin ang kanina ko pa iniisip habang nakatingin sa kakainin namin.
“Tama! Tama! May nakakaintindi narin sakin sht” Sang ayon pa ni Dante.
“Tandaan niyo sanang Gyera yung pinaghahandaan natin. At pag sinabi nating gyera, sobrang limit lang ng oras nating makakain nyan. Kaya kung ako sainyo, ngayon palang sanayin niyo na ang katawan at tyan niyo para di na kayo mahirapan pag nasa aktwal na kayo ng digmaan. Lahat ng sundalo nadaanan na yan. Di kayo mamamatay jan. Pagkain parin yan kahit papano.” Sagot rin ng Heneral. May punto rin naman siya. Pero kasi..hays. Ang gulo.
“Pero Heneral naman–”
“At ikaw Mr. Dante Puma, dahil sa pagsayang mo ng pagkain mo, wala kang kakainin mamayang hapunan.” Madiing sabi nito na nagpalaki ng mga mata ni Dante. “Put…anooo?!” Di makapaniwalang bulyaw nito.
“Ipagpatuloy mo pa yang ganyang asal mo at wala pang tatlong linggo mamamatay kana jan dahil sa gutom.” Banta nito bago biglang nag off yung monitor. Lahat kami natahimik.
“Kainis!” Padabog nalang na umalis si Dante sa hapagkainan at naglakad palayo. Habang kami ay sinimulan nalang ang pagkain. Mukhang mahirap hirap tong tatlong linggong pananatili namin dito.
“So, ano bang kakayahan mo?” Tanong sakin ni Sin. Tapos na kaming kumain lahat. Suot ko na rin ang pang training suit ko ngayon at kasalukuyan kaming nag uusap nito para sa magiging training namin.
“Archery.” Sagot ko at mejo di pa siya makapaniwala
“Talaga? Minsan lang ako makakita ng ganyang kakayahan. Pana ang ginagamit sa labanan.”
“Oo. Tingin ko wala namang mali don.” Usal ko. Bigla naman siyang napahawak sa baba niya na parang nag iisip. “Ikaw? Anong kakayahan mo?” Tanong ko rin sakanya.
“Wala eh. Bukod sa napapansin ko yung buong paligid ko wala na akong ibang kakayahan pa.” Sagot naman niya pero parang di ako kumbinsido. Parang may tinatago pa ’to. “Pero marunong naman akong magplano.” Pahabol pa niya. Ewan ko kung nagmamayabang ba siya o ganun lang talaga siya magsalita. Kaya pala nung tinignan ko siya kanina napatingin agad siya sa gawi ko. Di na masamang kakayahan yun.
“Napapansin mo rin ba ang mga bagay pati sa likuran mo?” Tanong ko.
“Oo. Gusto mo ng proweba?” Hamon pa niya.
Mayabang nga.
**
Kasalukuyan kong awak hawak ngayon ang pana ko habang siya naman ay naglalakad palayo sakin para subukan ang kakayahan niya.
At habang naglalakad palang siya, agad ko ng inasinta ang ulo niya. Tignan natin kakayahan mo .
Bago pa man siya makaapak sa pinag usapan naming distansya, binitawan ko na agad ang palaso at mabilis itong lumipad papunta sa direksyon niya.
Pero nanlaki lang ang mga mata ko dahil mabilis niya lang na iwas ang ulo niya pa kaliwa. Lumusot lang ang palaso sa gilid ng ulo niya. “Easy lang. Wala pa nga ako e.” Kalma pang sagot niya. So napapansin nga niya pati nasa likuran niya?
Nang huminto na siya ay muli itong nagsalita “Oh, ulit.” Sabi pa niya. Binaba ko nalang ang pana ko at naglakad. “Okay na yun.” Sabi ko nalang. May mata ba ’to sa likuran? Kung iwasan niya yung tira ko kanina parang alam na alam na niyang may tatama sa likuran niya eh. Di mo rin naman agad mapapansin ang palaso kung wala kang matalas na pandama dahil nasa ere ang galaw nito.
***
Sinimulan ko nalang ang pag eensayo ko sa Archery section nitong silid. Habang siya naman ay nag wowork out. Yun lang ba talaga ang kakayahan niya? Parang tingin ko may tinatago pa talaga ’to e. Pero dapat di rin ako pwedeng magpahuli
Sa kakaisip ko, di ko na napansin kung ilang palaso na ang naitira ko at tumama lahat sa sentro ng mga target ko. Kahit wala ako sa wisyo, natatamaan ko parin ang parte kung saan ko gusto ipatama yung palaso.
Namaster ko na ang pag gamit nito. Ano pa bang dapat kong i enhance sa kakayahan ko?
Lakas para di agad matumba kung sakaling mahuli ako ng kalaban?
Stamina para di madaling mapagod?
Bilis?
Binti?
Binti…
Tama.
Kailangan kong mapabilis ang mga binti ko para lumiksi ako lalo sa oras ng labanan. Malaki ang lamang ko sa kalaban kung mas maliksi ako sa pagtakbo at pagtira. Dun nalang siguro ako mag fofocus sa training ko araw araw.
At habang iniisip ko ang mga bagay na yun, bigla nalang pumasok sa utak ko ang isang tanong na mahirap sagutin.
Kung sakaling lumiksi man ako, matatapatan ko parin kaya ang lakas ng isang Vendetta?
[3rd Person’s PoV]
Dalawang oras, dalawang oras ng nakatungok si Maki dahil di ito kinikubuan ng kuya niya. Sila ang mag partner sa training ngayon, at walang magawa si Maki kundi ang tumanganga lang rin sa gilid ni Dante.
“K-kuya..” Sinubukang kausapin ng bunso ang kuya niya pero isang galit na tingin lang ang natanggap nito. “Ano ba?! Di ka ba aalis sa tabi ko?!” Bulyaw nito.
“B-baka mapansin ni Heneral na wala tayong ginagawa. B-baka mapagalitan na naman tayo.” Utal na paliwanag ni Maki. Alam nitong namomonitor ang bawat galaw nilang lahat dito kaya posibleng mahuli talaga sila na walang ginagawa at baka maparusahan na naman.
“Ah talaga? Anong pake ko ha? Magsanay ka mag isa mo. Nakakawala ng gana. Simpleng saktong pagkain lang di pa maibigay! Tapos tutulungan ko kayong iligtas tong mundo o kung ano pa yang digmaan digmaan na yan? Manigas kayo.” Galit na wika nito bago tumayo at umalis palayo. Di rin masisisi ni Maki ang kuya niya. Di na nga niya nakain yung tanghalian nito kanina, wala pa itong kakainin mamayang hapunan. Sino ba namang di mawawalan ng gana niyan.
Wala ng ibang nagawa si Maki kundi ang mag ensayo nalang mag isa.
Sa kabilang banda naman, hirap ring kausapin ni Damian ang partner niyang si Ish. Di rin tuloy nila alam ang gagawin nila. Pero sabay naman silang nagwowork out ngayon–magkalayo nga lang. Di naman to ganito katahimik nung huling kita nila dun sa burol ni Vlad. Pero tila nag iba na ang timpla ng modo nito. Di ito nagsasalita. Parang sobrang bigat ng dinadala. Gusto man itong tanungin ni Damian kung anong nangyari pero naiisip rin niya na bakit pa siya magtatanong. Para namang may pake siya sa Virgo.
Sila Ikram, Dylan, Vincent at Giovanni naman ay workout lang rin muna ang ginagawa. Bukas pa naman daw magsisimula ang totoong training nila kaya nagpapakundisyon pa muna ang mga ito. Di rin muna nila nilalabas ngayon ang kung anong mga kakayahan meron sila–bagay na nagpataas lalo ng kuryusidad ni Veronica sa mga ito.
Saktong alas sais ng gabi ng matapos sila sa ttraining. Lahat sila ay naligo muna para prumesko ang katawan nilang lagkit na lagkit na dahil sa pawis–pwera kay Dante na kanina pa hindi lumalabas sa kwarto niya. Di ito nagawang mag ensayo buong araw.
Siyam lang silang nandito sa lamesa ngayon, at pagkarating ng mga waiter, eksaktong siyam na plato lang rin talaga ang dala nila. “Ah miss. Pwede bang padalhan na rin ng pagkain yung isa naming kasama? Tinatamad na kasi siyang gumalaw dahil walang makain eh.” Pakiusap ng isang myembro ng Martin na si Dylan sa isang waitress. Pero yumuko lang ito “ Sorry po sir pero yun po ang utos ni General Tresler eh. Pasensya na po.“ Paumanhin nito.
“Ah ganun ba, sige salamat nalang sa pagkain.” Tipid na ngumiti si Dylan kaya parang naihi yung waitress dahil sa mga ngiti nito. Sa lahat ng narito, si Dylan ata ang pinaka adonis ang mukha. Kaya naman ganun nalang ang naging reaksyon nung waitress. Tapos sobrang bait pa makipag usap.
Di nagtagal ay natapos na rin silang kumain at niligpit na yun ng mga waiter at tsaka umalis sa silid.
Umunang maglakad si Maki at tsaka agad pumasok sa kwarto niya. Sumunod na rin yung iba sa kani kanilang kwarto pagkatapos. Alas siete palang pero sobrang tahimik na ng training area. Lahat ay nasa kani kanila ng kwarto dahil sa sobrang pagod.
Wala pang alas otso ay nakapatay na lahat ng ilaw sa training area. May curfew rin kasi itong sinusunod. Na dapat alas otso wala ng mag eensayo. Sobrang dilim tuloy ng training area ni kahit katiting wala kang makikita.
Sa kwarto naman ni Dante, di ito makatulog dahil kanina pa kulo ng kulo yung tiyan niya. “Tangenang buhay ’to. Parang nagmumukha kaming preso nito eh.” Napahawak nalang ito sa tyan niya habang nakatalukbong “Crispy pataaaaa. Patang ina.” Sigaw nalang nito dahil sa gutom. Ngayon lang siya nagutom ng ganito sa buong buhay niya. “Dapat di nalang ako sumali dito e. Ang daming pagkain sana dun sa mansyon ngayon. Asaaar” Pagmamaktol nito. Wala man sa katawan niya pero food is life talaga ang pag iisip nito.
Saglit naman siyang napatigil sa pagrereklamo ng may kumatok sa pinto niya. Napatingin siya dito at tsaka bumangon. Pagkatapos ay dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya, walang taong tumambad sakanya. At ang tanging ilaw lang ang nakikita niya ngayon ay ang kaonting ilaw na nagmumula sa kwarto nitong kaharap ng kwarto niya. Sumara rin naman ito agad nung tinignan niya ito. Di niya alam kung sinong nagmamay ari nung kwarto na yun.
Isasara na sana niya yung pinto ng may mapansin siyang supot sa tapat ng pinto niya. Kinuha niya ito at tsaka tinignan ang laman. May laman itong pagkain. Gulay, prutas at dalawang piraso ng tinapay.
“Kanino to?”
Tinignan niyang muli yung kwarto na kaharap niya at tsaka binalik ang tingin sa supot.
Sa sobrang gutom na nararamdaman, di na ito nagreklamo at tsaka nilantakan ang mga pagkaing nasa supot.
“Baka kay Dylan yang kwarto na yan at siya yung nagdala ng pagkain dito. Bukas nalang ako
magpapasalamat“ isip isip ni Dante.
Matapos niyang kumain, mejo nakahinga na rin ng konte yung tiyan niya. Di na ito nagiingay. Kahit papano ay nagkalaman na ito. Salamat nalang sa nagbigay. “Sweet talaga ng mga kasama ko kahit kailan.” Tatawa tawa pang sabi nito habang nakahiga na.
Mga ilang minuto rin ay nakaramdam na siya ng antok at tsaka nakatulog.
Kinaumagahan, nang magising si Dante ay saglit itong lumabas sa kwarto niya matapos maghilamos para maglakad lakad sa training area. Mejo maaga pa kasi. Tsaka nilalamig siya sa loob.
At eksaktong pagbukas niya ng pinto, nakita rin niya ang bunso niyang kapatid na kakalabas lang rin sa kwarto nito–
–na kaharap lang ng kwarto niya.
Natigilan si Dante dahil dun. Tumingin pa ito sakanya saglit tapos ay mabilis ring iniwas ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla tuloy niyang naalala yung nangyari kagabi. Yung supot ng pagkain, yang kwarto na katapat ng kwarto niya.
[Virgel’s PoV]
Nakakatamad rin pala.
Yung ganito yung takbo palagi ng araw mo. Gigising, kakain, walang gagawin buong maghapon, kakain, tas matutulog. Isang buwan na akong ganito dito, at di ko maipagkakailang tinatamad na ako sa ganitong klase ng buhay. Gusto ko may ginagawa ako araw araw at iba iba. Hindi yung alam mo na kung anong mangyayari sa buong araw mo.
Nakakawalang gana rin minsan gumalaw pag ganun.
Buti pa ’tong nasa harap ko ngayon. Alas siete palang ng umaga pero pareho ng nakaupo ang dalawang anak ni Greco habang kung di ako nagkakamali ay nag mimeditate. Saksi ako sa araw araw nilang pag mimeditate na higit kumulang tatlong oras. Oo, alas kwatro palang ng umaga gising na agad ang mga ’to para gawin ang ritwal nila. Di ko rin alam kung pano nila nakakayang umupo at pumikit ng tatlong oras na walang ibang ginagawa.
“Ang meditation ay nakakatulong para alisin ang alin mang mabibigat na enerhiya sa kalooban mo.” Napatingin ako sa gilid ko. Katabi ko na pala si Greco habang nanunood rin sa mga anak niya. “Mainam rin ito kung palagi kang stress at sobrang dami ng iniisip. Nakakatulong rin yan para mas mapabuti ang konsentrasyon mo, abilidad mong mag isip ng tahimik, pagkaalis ng takot sa sarili. Basta madami. Mainam sayo ang pag mimeditate, Virgel.” Dugtong pa niya kaya muli akong napatingin kila Ginger.
“Sinasabi mo lang yan para pumayag akong sanayin niyo ako.” Malamig ko lang na ganti sakanya. Di rin naman siya sumagot pagkatapos. Pansin naming parang tapos na ata sila dahil umuunat na si Mina.
Tumayo silang dalawa at nag usap pa saglit. Nakakahanga lang si Mina dahil sa murang edad palang nakakaya na niya ang mga ganung bagay.
“Di na ba talaga magbabago ang decisyon mo?” Rinig kong biglang nagsalita si Greco kaya nabaling ang atensyon ko sakanya.
“Di ko alam.” Sagot ko lang.
Oo, kung nung una sigurado na akong wala na akong planong bumalik sa pamilya ko, ngayon di ko na alam. Naguguluhan na ako. Nagsimula nalang akong mapaisip matapos nung gabi ng pag uusap naming dalawa. Sobrang dami ko ng naiisip pagkatapos nung gabing yun. Yung mga pwedeng mangyari kung sakaling babalik man ako sa mansyon. Mga positibo at negatibong naiisip ko, lahat pumapasok na. Mga pero, paano, sakali.
Pero sa lahat ng mga iniisip ko, mas nangibabaw ngayon sa akin ang gantihan ang mga nawala kong pamilya sa kamay ng mga Vendetta na yan.
Pero ewan ko ba, parang natatakot na ako na ewan.
Di ko na alam.
Lumipas ang umaga, tanghali na wala akong ibang ginagawa kundi ang mag isip ng mag isip. Di ko na namalayang gabi na pala. Nakaangat lang ang tingin ko sa mga butuin na kitang kita mula rito sa kinauupuan ko sa likod ng bahay. Dito na ang naging tambayan ko sa bahay na ’to sa tuwing gusto kong mapag isa.
“Ano bang gagawin ko?” Naibulong ko nalang sa sarili habang nakatingala sa mga bituin. Sobrang naguguluhan na ako. Naglalaban yung kagustuhan kong bumalik sa pamilya ko at yung takot na harapin ang mga pwedeng mangyari sa kanila sa oras na bumalik man ako. Nakukulong ang utak ko sa mga masasamang alala na nangyari simula sa pag apak ko sa mundo ng Mafia kaya hirap akong mag isip ngayon.
Gusto kong mamuhay ng normal, malayo sa gulo. Pero anong gagawin ko kung ang pamumuhay ng normal para sa akin ay ang mapalapit sa pamilya ko at alam ko naman na ang kapalit lang nun ay gulo?
Napayuko nalang ako sa dami ng katanungan sa utak ko.
Papa..
Tulungan niyo akong mag isip pakiusap..
Di ko namalayang nagtutubig na pala ang mga mata ko kakaisip. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang sumagi sa utak ko si papa. Kung buhay palang sana siya ngayon, mapapayuhan niya sana ako ngayon ng tama. Mapagsasabihan niya sana ako ngayon kung ano ang mga dapat kung gawin.
Kaso hinayaan ko lang masawi ang buhay niya ng ganun lang.
“Nakakapagod na..” Napatakip nalang ako sa mukha ko habang nakayuko. “Pagod na ako, papa..”
Ang hirap ng walang magulang na gumagabay sayo.
…
………
………..
“Bakla.”
Mabilis akong napapahid sa mukha ko ng marinig ko ang boses ni Ginger sa likuran ko. Nakasandal lang ito sa gilid habang nakahalukipkip. Nilingon ko agad siya at sinamaan ng tingin. “Anong ginagawa mo dito?” Malamig kong tanong sakanya.
“Wala. Pinapanood ka lang habang nagdadrama.” Sagot niya. Sa loob ng ilang araw, kinausap na rin niya ako. Pero sana hindi nalang. Mas gugustuhin ko pang hindi ako nito pansinin. Napaka hayop talaga ng ugali nito kahit kailan.
“Kung wala kang magandang sasabihin, wag kang disturbo.” Usal ko. Wala na ba talagang ibang alam to kundi ang sungitan at ganituhin ako?
Nakita ko naman siyang napaalis sa pagkakasandal niya tapos ay tumalikod rin. Pero bago pa man siya umalis, nag iwan pa ito ng mensahe. “Alas kwatro ng umaga bukas dapat gising kana.” Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
“Pinagsasabi mo?”
“Uumpisahan na natin ang pagsasanay mo bukas.” Diretsang sagot niya na mas lalong ikinasalubong ng kilay ko.
“Anong–”
“Baka nakakalimutan mong nababasa ko ang nasa isip mo? Wag mo ng ipagkailang gusto mong bumalik sa pamilya mo at ipaghiganti sila. At alang alang kay papa, ako ang magtuturo sayo kung pano ka pa lumakas, at kung pano mo makokontrol yang isang katauhan mo.” Natulala nalang ako sa mga sinasabi niya ngayon. So lahat ng iniisip ko simula palang kaninang umaga ay nabasa niya lahat?
Ba’t nakalimutan ko ang bagay na yun? Hayop.
“Dedeny ka pa?”
“Pero bakit ikaw ang magtuturo? Ayos na ako kay Greco. Ayokong magsanay kasama ang tulad mo.” Bigla siyang natahimik ng ilang segundo sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil nakatalikod ito.
“Wag kang assuming. Di ko rin to ginagawa para sayo. Ginagawa ko ’to para di na mapagod si Papa. Alam kong mahirap kang turuan. Masyado ng matanda si papa para sa tulad mong makitid ang utak.” Uminit lalo ang ulo dahil sa pinagsasabi nito. Magsasalita pa sana ako para gantihan siya pero may dinugtong pa ito.
“At isa pa, para narin ito sa papa mong inakusahan ko buong buhay ko na hindi naman pala niya ginawa. Ayokong magkautang ng loob sa pamilya niyo. Kaya bilang kabayaran, ako ang magtuturo sa anak niya–sayo.” Di na ako nakasagot sa sinabi niya. Hanggang sa naglakad na ito pabalik sa loob ng bahay. “Malate ka lang ng gising bukas, di na kita tuturuan kahit kailan.” Pananakot pa niya bago tuluyang nakapasok sa loob.
Napailing nalang ako.
Sino siya para takutin ako ng ganun?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kailangan ko ng alarm clock..
-To be continued
( Napapaisip rin ba kayo kung ano ba talagang nangyari sa Virgo kung bakit sila lang dalawa ang nakadalo? Di ko pinapaalam ang side nila sa ngayon. Hahayaan ko kayong hulaan kung ano ba talagang nangyari hahaha btw may kaonting pasabog ako sa next update :) See yah! )
MajorSin
Episode 45: First Day of Training (Part 1)
Episode 45: First Day of Training (Part 1)
Hi Guys~
Pakitingin ako sa media. The top members of Martin Family or so called as
Children of Celo
Dylan Cordova
Ikram Percival
Sin Altair
Dante Puma
Damian Seraphin
[Virgel’s PoV]
Hayop yan..
Pang apat na beses ko na tong tingin sa alarm clock na nilagay ko sa gilid ng uluhan ko . Una kong tingin kanina mag aalas dos palang, ngayon naman mag aalas tres e meja pa lang.
Hindi naman akoexcited, nagigising lang talaga ako kahit di ko gustuhin–at hindi yun palusot.
Di na ako natulog ulit at tinignan nalang ang kabuohan ng kisame habang napapatanong sa mga bagay bagay.
Tama ba ’tong pagpayag ko na mag sanay? Tama ba tong decisyon kong magpalakas para gumanti kay Morpheus?
Pano kung mabigo lang ulit ako? Paano kung sa pagkakataong yun hindi na ako hahayaan na mabuhay pa?
“Di pa ito ang huling paghaharap natin. Mag ensayo ka, ipaghiganti mo lahat ng gusto mong ipaghiganti. Maghihintay ako sa araw na yan.”
Bigla kong naalala ang huling sinabi niya sakin bago ako mawalan ng malay. Sinadya niya ba talagang buhayin pa ako nun? Nakaramdam ako ng galit sa isip ko. Hindi ko alam kung minamaliit niya lang ba talaga ang kakayahan ko o gusto niya lang talaga akong bigyan ng oras para magpalakas at harapin siya ulit.
Morpheus…
…
……
Napatingin naman ako sa may pintuan nitong kwarto nang kusa itong bumukas. Niluwa roon si Ginger na nakabihis na. “Buti naman nagising ka. Mag ayos kana jan, hihintayin ka namin sa labas.” Diretsong sabi niya bago sinara ulit ang pintuan. Napabuntong hininga nalang ako.
Bahala na. Kung saan man ako dadalhin nitong decisyon ko…
bahala na.
Tumayo ako at agarang lumabas ng kwarto at tsaka naghilamos muna bago nagbihis. Pagkapunta ko sa bakuran, naabutan ko na sina Ginger at Mina na nakatayo na tila ako nalang ang hinihintay nila.
Kaway naman ng kaway sakin si Mina habang nakangisi. “Kuya Berbeeeel~” Tawag niya. Yan na ang tawag niya sakin dahil hirap siyang bigkasin ang letrang V. Di ko nga alam kung matatawa ba ako o maiinsulto e. Berbel amp.
Emilioooo..
Ysidrooo…
Tibursioooo.“
Habang naglalakad ako papalapit sakanila, may kung anong boses nalang bigla ang narinig ko sa isip ko. Dahil dun ay bigla akong natigilan.
Saglit kong naalala ang kaisa isang taong tinatawag ako sa iba’t ibang pangalan. Biglang sumagi sa isip ko ang huling pag uusap namin sa rooftop nung hapon na yun. Kung pano siya nagpaalam pero di ko man lang inimikan. Kung pano siya umiyak pero di ko man lang pinatahan.
Kung pano siya tumalikod at umalis pero di ko ma lang pinigilan.
Agnes..
“Hoy!” Nabalik naman ako sa wisyo nung marinig ko ang boses ni Ginger. “Anong tinutunganga mo jan? Gising ka ba talaga? Bumalik ka nalang sa kwarto mo kung inaantok ka pa.” Di pa sumisikat ang araw pero rinig ko na agad putak nitong manok na ’to.
Di nalang ako sumagot at tuluyang lumapit sakanila. Gamit ko parin ang saklay ko kahit mejo nakakalakad na ako ng wala ito. Ayoko lang matapilok ulit dahil baka kumirot na naman to.
Pagkalapit ko, agad kong tinanong ang kahitayawkowalaakongmagawang tagapagsanay ko. “Ano na gagawin ko?” Tanong ko. Lumapit naman siya lalo sakin at tsaka saglit na tinignan ang mga braso ko. Hinawakan niya pa ito bigla kaya agad ko ring tinabig ang kamay niya “Rapist. Anong ginagawa mo?” Kunot noo kong tanong.
“Gusto mong makatikim? Wag kang makulit!” Malditang usal nito habang nakataas pa yung kamay niya na parang papaluin ako. Amp. Wala nalang akong nagawa kundi hayaan siyang hawak hawakan ang braso ko. Pinisil pisil pa niya ito na parang sinusuri.
“Di mo kakayaning pag aralan ang Kai kung ganito kalambot ang katawan mo.” Sabi niya kaya agad akong nakaramdam ng pagkainsulto “Ano bang alam mo sa muscles? May muscles ka ba? Wala, diba? Pero nagagawa mo naman yang kapangyarihan niyo na yan.”
“Anong kapangyarihan ka jan? Gago.” Sagot pa nito bago pinakita sakin ang braso niya.
“Tignan mo, ni wala ka ngang makitang muscles na lumilitaw jan sa braso mo.” Sabi ko pa. Parang normal na braso lang ng babae ang braso niya kaya sino siya para sabihing di ko kayang gawin yung kapangyarihan nila?
“Hawakan mo.” Sabi niya kaya napatingin ako sakanya. “Hawakan mo sabi para maramdaman mo.” Pilit nito kaya dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sakanya. Pero sa paglapit ko..
“Subukan mo..” Napatingin ako sakanya na may pagtataka ng sabihin niya yun. Sobrang talim ng mga tingin niya amp. Ano bang sinasabi nito? Diba kanina lang gusto niyang hawa–
binaba ko saglit ang tingin ko para tignan ang kamay ko. At…
Pta.
Ba’t sa may dibdib niya banda nakatutok tong kamay ko?
“Braso ko yung hawakan mo, hindi jan!” Singhal niya kaya mabilis kong nilipat ang kamay ko papunta sa braso niya. Hayop yan. Gumagalaw mag isa.
Pagkahawak ko, mejo nagulat ako ng maramdaman ko kung ganito ito katigas. Totoo ba to? Braso ba ng isang babae to? Bat parang braso ng isang boxer to sa sobrang tigas.
“Hindi nagbabase sa muscles na nakikita mo ang tigas ng katawan.” Sabi pa niya. Binitawan ko nalang agad ang braso niya tapos ay napatingin ako sa braso ko. Sinubukan ko itong hawakan. Pero napamura lang ako. Ena ano to? Mamon? Ang lambot kumpara sakanya.
“Gumawa ka ng 500 push ups ngayon araw na ’to.” Bigla kong naangat yung saklay ko sa sinabi niya at ihahampas ko sana sa pagmumukha niya “Gago ka ba? Anong 500 push ups ka jan? “ Reklamo ko. Buti napigilan ko ang sarili kong wag ihampas tong saklay sa sinabi niya. Pano ko gagawin ang 500 push ups na ganito ang sitwasyon ko? Gunggong ba siya?
Di na niya pinansin ang reklamo ko at tinalikuran ako.
“Mina, mag umpisa na tayo.” Sabi nito kay Mina.
“Okaaaay~”
“Gagawin ko ba talaga yun? Ano ba yang iniisip mo? Nakikita mo ba ang sitwasyon ng paa ko?”
“Paa ba ang ginagamit sa pag pupush up? Ang sarap mong paslangin sa totoo lang. Ang dami mong reklamo.” Sagot nito tapos ay nagsimula na itong mag stretching kasabay si Mina. Habang ako nandito sa likuran nila–nagmumukhang tanga na di alam ang gagawin.
“Oo pero ginagamit parin yung paa sa pagpupush up! Tsaka 500? sa isang araw? Wag mo akong itulad sa mga napapanood mong palabas.” Reklamo ko ulit. So gumising lang ba ako ng maaga para lang makipagtalo dito? Hayop sana natulog nalang ulit ako. “Ayoko na. Bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko nalang bago tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik.
“Sa gulang na kinse, nakakaya ko ng gumawa ng limang daang push up araw araw…”
Napahinto ako sa sinabi niya “Eh ano nama–”
“…habang nakaupo si papa sa likod ko.” Putol nito. Gusto kong ngumanga sa sinabi niya. Pero baka mag mukha lang lalo akong tanga.
“Saang planeta ka ba talaga galing?” Nasabi ko nalang dahil parang ang hirap paniwalaan ng mga sinabi niya. Isama mo pa yung kakayahan niyang makabasa ng pag iisip.
“Tapos ikaw? Ganyan lang nagrereklamo ka na?” Patuloy lang ito sa pag sstretch sa katawan habang nagsasalita. “Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?” Dahil sa sinabi niya biglang namuo ang mga kaonting ugat sa noo ko. Anong sabi niya? Hinahamon niya ba ako?
“Kaya ko ang 500 push ups kung wala lang pilay tong isang paa ko.” Depensa ko agad. Totoo naman. Ang dali lang nyang 500 kung tutuusin.
“Kahit putulan mo ako ng dalawang paa ngayon kaya kong mag push up
sa harap mo mismo.“ Kahit kailan talaga tong bwesit na ’to.
Bumalik ako sa dinadaan ko at tsaka binaba ang saklay tapos ay dahan dahang lumuhod at pinwesto ang kamay ko para mag push up na. “Wag mo akong hamunin.” Usal ko.
“Tumayo ka jan. Di ko sinabing ngayon mo yan gawin. Sumama ka muna saming mag stretching at mag meditate bago mo umpisahan yang 500 push ups mo”
“Sasali pa ako sa meditation na yan?? Wag na uy. Tatlong oras yun. Nakakatamad. Kayo nalang, lalabas nalang ulit ako mamayang alas siete pag tapos na kayo.” Napahinto naman siya sa ginagawa niya at tsaka tumingin sakin.
“Alam mo, kung magkakaron lang ako ng chocolates sa tuwing nagrereklamo ka? Nagka diabetes na ako ngayon. Isang reklamo pa! pababayaan na kita sa gusto mo.” Dahil sa pagbabanta niya ay di nalang ako nagsalita. Kahit sa isip ko gustong gust—wala. Wala pala. Wala pala akong reklamo.
Tumabi nalang ako sakanila at tsaka sumunod sa mga ginagawa nila. Haay.
Madali lang natapos yung stretching. Parang pampa kundisyon lang sa katawan yung ginawa namin para masimulan namin ng nasa wisyo yung meditation. Epektibo naman kasi nawala talaga yung antok ko. Ngayon ay nakaupo na kaming tatlo dito sa telang nilatag namin. “Ngayon gayahin mo ang posisyon namin.” Sabi niya kaya tinignan ko sila. Ginaya ko ang posisyon ng mga paa nila tapos ang dalawang kamay na nakalagay sa bawat dulo ng tuhod “Ganito ba?” Siguro ko.
“Oo pero di sapat ang ganyan lang. Sundin mo itong mga sasabihin ko sa oras na mag memeditate kana.” Sabi niya bago nag umpisang lektsyuran ako.
“Una, dahil kakagawa mo palang nitong meditation, isang oras ka lang muna mag memeditate. Baka di mo kayanin yung tatlo. At sa oras sa matapos kana, umpisahan mo na ang pagpupush up mo, maliwanag? At sinasabi ko, wag na wag mo kaming didisturbuhin ni Mina pag nasa kalagitnaan pa kami ng pagmimeditate. Pangalawa, ang dapat mong lang gawin pag nagmemeditate kana ay ang magfocus. Focus sa isip. Magfocus ka lang sa paghinga mo. Wala kang ibang iisipin kundi ang bawat paghinga mo lang. Kapag may mga naiisip ka na ibang bagay na alam nating normal naman talaga, pilitin mong ibalik yung isip mo sa paghinga. At dapat yung paghinga mo nanggagaling dapat sa ilong, hindi sa bibig.”
“Hihinga lang ako? Yun lang?”
“Ang meditation ay parang exercise lang yan. Pero utak yung ini-exercise. Ang dali lang isipin pero sa oras na nagsimula na tayo, dun mo lang masasabi kung gano ito kahirap. Kung gano kahirap alisin ang mga iniisip mo habang nakatuon lamang ang utak mo sa paghinga.”
“Ganun ba yun..” Nasabi ko nalang. Parang ang dali lang naman. Di naman siguro mahirap ’to.
“Oo kaya simulan na natin. Nasabi ko na ang mga dapat mong gawin. Sundin mo lang yun kahit na anong mangyari.” Sabi niya tapos ay nagsimula ng pumikit sila Ginger at Mina.
Habang ako naman ay naghahanda narin. Huminga muna ako ng malalim bago pinikit ang mga mata ko.
Kaya ko to.
Kagaya ng sinabi niya, sa ilong ako humihinga at tsaka ito pinag tuunan ng pansin. iniisip ko lang ang bawat paghinga ko. Pinapakinggan ko ang bawat paglabas masok ng hangin sa ilong ko
inhale…
Exhale…
inhale….
Exhale…
inhale…
Exhale…
Inhale….
Ex–
Hanggang sa
“Maari ba kitang makausap saglit, anak?”
“Patawad, Boss..”
“Wag mo silang pababayaan, Boss..”
.
.
.
.
“N-natatakot ka ba?”
Mabilis akong napamulat ng mga mata nung biglang pumasok sa isip ko yung mga trahedyang nangyari sa buhay ko. Di ko namalayang ang lalalim na pala ng bawat paghinga ko.
Sinubukan kong bumalik sa pagpikit at sinimulan ulit ang meditation. Pero habang tumatagal, padami ng padami ang mga naiisip ko na dumating pa sa puntong minumura ko na sarili ko sa isip ko kasi hindi ako makapag focus sa paghinga ko. Pinilit ko ng husto na ibaling yung iniisip ko sa paghinga ko pero kusa paring pumapasok ang mga bagay bagay sa utak ko. Karamihan ay ang mga pangyayaring gusto ko ng ibaon sa limot.
Pano ba gawin to?
Napaka imposilbeng kaya mong ibaling yung iniisip mo sa paghinga mo lang at walang ibang bagay ang pumapasok sa utak mo.
Napaka imposible.
Napakahirap.
Natapos ang isang oras na pagmemeditate ko na alam kong palpak. Sobra akong nadidistract sa mga iniisip ko. Ang daming pumpasok sa utak ko kaya napapadalas ang pagmulat ko.
Tinignan ko saglit silang dalawa sa gilid ko na ang tahimik lang habang nakapikit. Di ko alam kung mamamangha ba ako sa kanila o madidismaya ako sa sarili ko kasi di ko man lang magawa ang nagagawa nila.
Pero siguro sa una lang ’to. Masasanay rin siguro ako kalaunan. Sa ngayon ang dapat ko nalang problemahin ay ang lintik na limangdaang push up na yan.
Matapos kong mag isip ay tumayo na ako at tsaka pumosisyon sa likod nila para umpisahan ang push up.
Pinakiramdaman ko muna ang isang paa ko. Mejo kumikirot parin talaga pag nappwersa ko ito. Sinimulan kong mag push up ng hanggang lima, pero wala pang tatlong push up napabagsak nalang ang tuhod ko dahil kumirot yung paa ko. Gusto kong dumaing sa sakit pero pinigilan ko kasi baka magambala ko sila.
498 push ups pa, Virgel.
Kaya mo ’to.
Wag kang papa under sa malditang babaeng taga ibang planeta na ’to.
[ 3rd Person’s PoV ]
Pagkalabas ng sampung Armada sa kani kanilang kwarto kinaumahan, bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat sa tumambad sakanila. Nawala yung mga kagamitan sa training ground. Sobrang lawak na tuloy ng lugar na kinatatayuan nila ngayon. Isa pang bagay ang nagpukaw ng pansin nila ay ang isang goalpost na nasa may dulo banda. Yung poste na may net na kailangang pasukan ng bola sa larong soccer.
“Ano ’to?” Natanong nalang ni Vincent. Agad namang pumunta sa gitna ang sampu. Kalaunan ay marahang bumukas ang malaking pintuan sa harap nila at niluwa doon ang isang babaeng nakasuot ng pang koronel na uniform na sobrang seryoso ng mga tingin. May escort itong dalawang sundalo sa likod habang naglalakad ang mga ito palapit sakanila.
“Ang ganda niya pre.” Naibulong nalang ni Dante sa katabi niyang si Sin. Dilaw ang buhok nito at mala porsilana ang kutis ng balat. Parang may lahing banyaga ang babaeng koronel na ’to dahil hindi pang pinay ang ganda nito. “Eto ba yung sinasabi nilang love at first sight?”
“Di ka lang nakakain nung isang gabi ang corny mo na.” Basag naman ni Sin.
Natahimik ang mga ito nang makalapit sakanila ang Koronel
“Ganyan ba dapat ang postura pag kaharap niyo ang isang Koronel?” Agad tanong nito nang mapansin ang iilan na ang lousy ng tayo. Pakiramdam ng iba sobrang strikta nitong kaharap nila ngayon kumpara sa limang Heneral na nakausap nila nung isang araw. Sobrang palaban ng mga mata at titig nito kahit babae ito.
Agad namang tumayo ng matuwid ang mga ito.
“Ako si Koronel Astrid Suico , at ako ang personal na magsasanay sainyo sa loob ng silid na ’to. sa loob ng tatlong linggo. Inaasahan ko ang maayos na kooperasyon niyo.” Pakilala nito sakanila.
“Suico. Sa pagkakaalam ko isa sa pinakamayang pamilya ang mga Suico dito sa bansa.” Biglang singit ni Dylan kaya napatingin sakanya ang Koronel. “Kaya pala parang pamilyar sakin ang mukha niyo. Nandun kayo nung kaarawan ni Mr. Theo Emnacin, hindi ba? Nung pinakilala niya ang tatlo sa limang pinakamayamang pamilya sa Bansa. Ang Nostrad, Voltaire at Suico Family.” Dugtong pa nito.
“Sinasabi ko na nga ba parang nakita ko na kayo eh.” Sali rin ni Giovanni dahil andun rin sila ni Vincent nung gabing yun
“Pamilyar rin sakin ang mga iilan sa inyo.” Ganti rin ni Astrid. “Pero hindi ako narito para magkipag pamilyaran sainyo. Nandito ako para ipaalam sainyo ang unang training na gagawin niyo sa araw na ’to.” Usal nito. Bakas sa iba ang excitement sa mukha. Pero may iilan naman ang walang reaksyon.
“Ngayon kung napapansin niyo naman, inalis namin pansamantala ang mga kagamitan sa loob nitong silid na ’to at ang tangi niyo lang makikita ay yang nasa likod niyo.” Tumalikod naman ang sampu at tinignan ang Goalpost na kanina pa nila napapansin.
“Anong gagawin namin jan, Koronel?” Tanong naman ni Ikram.
“Simple lang. Dito sa gagawin niyo makikita kung pano kayo makisama sa mga magiging partner niyo.” Sagot nito.
“So by partner tong gagawin natin? Ano to? Maglalaro ba tayo ng Soccer?” Tanong naman ni Dante na halatang gusto ring mapansin ng koronel.
“Oo pero hindi normal na soccer ang lalaruin niyo.” Sagot nito tapos ay muling bumukas ang malaking pintuan kaya muli rin silang napatingin rito. Pinasok ng mga iilang sundalo ang mga hightech na robot sa silid.
“Bawat mag partner ay maglalaro.” Nakita nila ang paglalakad ng mga robot papunta sa harap nila at tsaka nagkanya kanya ng pwesto.
“May ganito palang klase ng teknolohiya ang tinatago ng gobyerno. Ngayon palang ako nakakita ng tulad nito.” Usal ni Giovanni.
“Ang tangi niyo lang gawin ay lusutan ang mga robot na yan at ipasok ang bola sa goal dun sa dulo. Kahit ano pwede niyong gawin. Itakbo niyo ang bola, ipasa sa kasama, protektahan ang isa, basagin ang mga haharang. Kahit ano. Basta maipasok niyo lang yung bola.” Nakita naman nila ang isang kulay pulang robot na pumagitna sa goalpost na tila magsisilbing goal keeper ng mga ito.
“Yun lang ba? Ang sisiw naman nyan Koronel.” Pagmamayabang pa ni Dante.
“Oo madali lang. Pero ito ang tatandaan niyo, pwede kayong mamatay pag nagkamali kayo sa larong ’to.” Pagkasabi nun ni Astrid ay isa isang naglabasan ang mga matatalim na sandata na hawak hawak ng mga robot sa harapan nila–bagay na ikinatahimik ng sampung Armada.
“Dito niyo masusubukan ang kakayahan niyong makisama, makipaglaban, at mag isip. Pag isa sa inyo ang mapatay ng mga robot na yan, automatic, talo kayo. Dito ko rin makikita kung pano niyo pahalagahan ang partner niyo.” Nagkatinginan pa ang ibang mag partner matapos iyong sabihin ng koronel. Parang sinasabi sa mga mata nila na kailangan nilang magtulungan sa pagkakataong ito.
“Bibigyan ko kayo ng limang minuto para mag handa. At ang unang sasabak sa laro ay..” Dahan dahan naman itong tumingin sa gawi ng magkapatid. “Ang dalawang anak ni Heneral Puma. Maki at Dante Puma.”
“WAAAAT??” Halos malaglag naman ang panga ni Dante sa narinig niya. “Pwedeng sila muna Koronel? Di pa ako readyy!” Pakiusap pa nito kaya seryosong tumingin sakanya si Astrid.
“Bakla ka ba?” Tanong nito kaya parang napantig ang tenga ni Dante dun. Crush niya pa talaga mismo nagsabi nun?
“Tang–ano?!” Galit na tanong nito. “Yan lang?! Bakit pa kailangan ng 5 minutes? Ngayon na sus! Hoy Maki!” Tawag nito sa kapatid niya. “Wag kang papalpak kundi makakatikim ka sakin!” Singhal nito kaya napayuko nalang si Maki. “O-oo.”
“Ganyan mo ba dapat tratuhan ang partner mo? tapos kapatid mo pa?” Tanong lang ni Astrid ng makita niya ang inaasta ni Dante.
“Tsss. Sige na! Uumpisahan na namin ’tong pakulo niyo.”
“Bago niyo umpisahan ang laro, bumalik muna kayo sa kwarto para kunin ang mga sandata o kahit anong bagay na ginagamit niyo sa pakikipaglaban niyo.” Utos ng koronel kaya isa isang nagsialis saglit ang mga ito at pumasok sa kanya kanyang kwarto. At ang tangi lang naiwan sa harap ni Astrid ay sina Dylan at Ish–bagay na pinagtaka niya.
“Wala kayong kukunin?” Tanong nito sa dalawa.
“Sariling kamao lang ang ginagamit ko sa pakikipaglaban, Koronel.” Sagot ni Dylan. Halata nga sa matipuno nitong katawan na mukhang sariling lakas lang ang gamit nito.
“Ganun rin ako, Koronel. “ Tipid na sagot ni Ish. Napatingin naman sakanya si Dylan. Pero di na siya nito ginantihan pa ng tingin.
Maya maya pa ay nagsibalikan na ang mga ito bitbit ang kani kanilang sandata na gagamitin nila.
Bitbit ngayon ni Maki ang isang karton ng karayom at nakita ito ni Dante. “Gago ka ba? Anong gagawin mo jan sa karayom? Robot yung kalaban natin hindi tao, ungas.” Usal nito. Alam niya ang kakayahan ng bunsong kapatid niya. Pero di ito pwedeng gamitin ngayon kasi wala namang pressure points ang mga robot.
“Eh, ito lang ginagamit ko eh.” Kamot ulong sagot naman ng bunso.
“Haaay, pabigat ka talaga kahit kailan. Alam mo naman siguro kung pano tumakbo? Yun nalang ang gawin mo. Baka magkasilbe ka pa” Talak nalang ni Dante. Kita naman ni Maki na may benda na ang nakatali sa magkabilang kamay ng kuya niya. Habang sa dulo naman ng benda na yun ay mga matatalim na dagger. Bali hinawakan niya yung benda na may nakalagay na dagger sa dulo at tsaka niya ito iniikot para magsisilbeng panangga. At pwede ring gamiting pang opensa dahil pwede niyang ihagis ang mga dagger at nakokontrol niya ito kung saan papunta sa pamamagitan ng benda nakatali at nakakonekta sa kamay niya.
Agad namang tumabi ang walong Armada kasama si Astrid para bigyan ng espasyo ang dalawang magkapatid para maghanda.
Kasalukuyan nilang tinitignan ngayon ang halos dalawampung nagkalat na Robot at nakaharap sakanila. Mejo lumalalim naman ang bawat paghinga ng dalawa habang patagal ng patagal ang pagtingin nila sa mga Robot. Isang mali lang tyak katapusan na nila.
Nang ibigay ng isang sundalo ang bola ng soccer kay Maki ay agad nagsalita ang Koronel.
“Ano mang oras ay pwede niyo ng umpisahan ang laro.” Tugon nito kaya dahan dahang naghanda ang magkapatid.
“Handa ka na?” Tanong ni Dante sa kapatid tapos ay saglit niya itong tinignan sa tabi niya. Seryoso lang itong nakatingin sa harap nila. At habang tinitignan niya ito ay tsaka lang niya narealized kung gano na pala kalaki ang bunsong kapatid niya. Hindi na ito yung bunsong kapatid niya dati na dugyot at napaka iyakin. Ang laki na ng pinagbago nito sa loob lang ng maikling panahon na hindi sila nagkita.
Tinignang muli ni Dante ang nasa harapan niya bitbit ang isang ngisi.
“Heto na. Isa….dalawa…
NGAYON NA!“
-To be continued
( Pa wait nalang sa part 2 heheh tinatapos ko pa :) Hope you enjoy~ )
-MajorSin
Episode 46: First Day of Training (Part 2)
Episode 46: First Day of Training (Part 2)
Hi guys~ Pakitingin sa media. Bishamon of Noragami as Colonel Astrid Suico
Siya nga pala. May ibang story akong ginawa. More mature siya. Hindi mature na may mga SPG. Mature yung story kamo hahahah na patayan talaga. Title nito ay Murder Vito Salonga . Check niyo nalang sa profile ko baka magustuhan niyo :)
Sorry sa errors. Di ko pa to nai edit hahaha bukas nalang siguro.
[3rd Person’s PoV]
“Ngayon na!” Sa isang iglap ay mabilis na naghiwalay ng direksyon ang dalawang magkapatid. Bitbit ni Maki ang bola habang si Dante naman ay agad tumalon ng napakataas at tsaka sumigaw “Ang bola!” Plano na niyang tapusin agad ang laro at ipakita sa mga nanunood na kaya nila itong tapusin ng walang kahirap hirap.
Walang pag aalinlangan namang hinagis ni Maki kay Dante at tagumpay nitong nasalo ang bola. Habang nasa ere si Dante ay kitang kita niya ang goalpost kung saan niya ito dapat ipasok. Walang pag atubili rin naman itong bumwelo habang nasa ere at tsaka malakas na binato papunta don “Aaghhhhh!” Sobrang lakas ng pagkakatilapon ni Dante sa bola. Pero agad lang ring nanlaki ang mga mata niya ng sanggain ito ng pulang robot na nagsisilbing goal keeper sa poste. “Kaasar!”
Pagtingin niya sa baba kung saan siya babagsak ay nakita niya ang tatlong robot na nakaabang sakanya. Kaya naman bago pa siya bumagsak ay mabilis niyang hinawakan ang dalawang benda sa magkabilang kamay niya at tsaka mabilis itong pinaikot pabagsak. Nagmistulang may malalaking shurikin na umiikot ang magkabilang kamay ni Dante dahil may dagger na nakasabit sa dulo nito.
Pagbagsak niya ay kasabay ring nabasag ang tatlong robot na sasalubong sana sakanya dahil sa lakas na rin ng pag ikot na ginawa ni Dante.
Sa kabilang banda naman ay agad kinuha ni Maki ang tumilapong bola gawa nung pulang robot. Nang makuha niya ito ay ulit siyang tumakbo habang pilit na iniiwasan ang atake ng mga robot na sumasalubong sakanya. Siguro ito nalang talaga ang silbe niya dahil di naman tinatablan ng mga karayom kung sakaling tusukan niya man ang mga ito.
Sa kakaiwas niya sa mga nakakasalubong niya ay di niya namalayang na corner na pala siya sa may gilid. May nakita siyang dalawang papunta sakanya kaya sinubukan niyang bumalik sa dinaanan niya pero pagtingin niya, may papalapit rin sakanya na tatlo pang robot. Unti unti na siyang napapalibutan ng mga ito. Nang makalapit kay Maki ay isa isa pa itong bumwelo sa mga hawak nitong sandata. Walang mahanap na daan si Maki. Di niya alam kung pano umalag.
Hanggang sa napansin niya ang isang bendang pumulupot bigla sa paa ng isang robot at tsaka ito hinila. Dahil dun ay natumba ang isang robot at nagbigay sakanya ng madaanan. “LUMABAS KANA JAN!” Mabilis na naiwasan ni Maki ang mga sandatang tatama na sana sakanya dahil sa ginawa ng kuya niya. Nakawala siya sa trap na yun at tsaka muling tumakbo ng tumakbo papalapit sa goalpost.
Habang si Dante naman ay walang tigil parin sa pag atake. Nakita niya ang isang robot na papalapit sa kinaroroonan ni Maki kaya agaran niyang ginamit ang benda niya. Inikot niya ito at tsaka hinagis sa may uluhan banda nung robot. Pumulot naman ng kusa yung benda kaya natigil sa paglakad ang robot na yun. Malakas itong hinila ni Dante palapit sakanya habang ang bakanteng kamay naman niya ay hawak hawak na ang isang dagger niya. Sinalubong niya ito at tsaka tumalon bago pinunterya ang ulo nito. “ARGHHH!” Malakas itong bumaon at agaran ring nawalan ng function yung robot.
“Magaling siya.” Puri ni Veronica. Isa lang siya sa mga namamangha sa pinapakita ni Dante sa pakikipaglaban
“Madaldal lang yan pero hindi basta basta ang kakayahan niyan pagdating sa pakikipaglaban.” Komento naman ni Sin.
Nang matumba yung robot na inatake niya ay pinatungan niya agad ito para makatalon papunta sa likuran ng robot na yun kung saan may tatlo pang robot na papunta sa kinaroroonan ni Maki. “San kayo pupunta!” Gamit ang dalawang dagger niya ay isa isa niyang tinarget ang mga ulo nito. Sobrang bilis ng kilos nito at tila sanay na sanay ng gamitin ang mga dagger na may nakataling mga benda na nakakonekta sa mga kamay niya. Minsan ginagamit niyang pantali yung benda para mapigilan ang mga atake ng robot at minsan rin ay ginagamit niya mismo ang mga dagger para tapusin ang mga ito. Kaya nitong pagsabayin ang opensa at depensa sa isang galawan lang.
“Kuya!” Napatingin si Dante kay Maki nung bigla itong sumigaw. At bago pa man niya malaman, naitulak na siya ni Maki palayo, at wala pang isang segundo ay malakas na nabasag ang kanina lang ay kinatatayuan ni Dante dahil sa laki ng Hammer na hawak hawak ng isang robot.
Nagkahiwalay na tumilapon ang magkapatid. Mejo napadaing si Maki dahil mejo masama ang bagsak niya. At bago man siya makatayo, kitang kita na niya yung robot na may hawak na Hammer na nakabwelo na sa tapat niya.
Nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam siya ng takot. Siguradong durog ang katawan niya pag nahampas siya ng malaking hammer na ’to. Pero agad rin nawala ang takot niya ng mapansin ulit niyang may nakapulupot na benda sa may kamay nung robot kaya di nito magawan ihampas ang hawak nitong hammer sa hinihigaan niya.
Hanggang sa napansin nalang ni Maki ang pagsulpot ng Kuya niya sa likuran nung robot at tsaka pinagsasaksak ang ulo nito .
“TAKBO!” Utos ng kuya niya kaya agarang bumangon si Maki at tsaka tumakbo kahit mejo masakit ang katawan niya. At habang tumatakbo siya ay sinundan agad siya ng kuya niya. Ngayon ay nasa unahan na niya si Dante. Ito ang umaatake sa mga robot at nagsisilbing pumuprotekta sakanya sa mga sumasalubong sakanila.
“Magandang stratehiya ang ginagawa nila ngayon.” Komento ni Giovanni sa gilid.
“Pinoprotektahan ng isa ang may hawak ng bola para malaya itong makatakbo palapit sa poste.” Dugtong pa ni Damian habang nakahalukipkip.
“Di ako makapaniwalang kayang makipag team up ni Dante. Hilig pa naman niyang na mag solo kahit sa anong misyon pa.” Singit rin ni Sin. Kilala niya kasi ang ugali nito, at nagugulat ito sa mga nasasaksihan niya ngayon.
Habang walang humpay naman sa pagdepensa si Dante kay Maki at sa hawak nitong bola ay napansin ni Maki na malapit na sila sa goalpost.
Nakaisip naman agad siya ng plano sa pagkakataong ito. “Maghiwalay tayo para malito natin ang nagbabantay”
“Sige.” Nang matapos ni Dante ang huling robot ay agad naghiwalay muli sa magkabilang direksyon ang dalawa at tsaka binilisan lalo ang pagtakbo papalapit sa poste. Habang ang pulang robot naman ay handang handa na rin para sa gagawing pag depensa nito sa poste.
Nang malapit na ang dalawa ay muling tumalon si Dante habang sumisigaw “Maki akin na!!” Hinanda niya na rin ang benda niya para sa plano nila. Mabilis muli itong binato ni Maki sa ere papunta sa kuya niya. At sa pagkakataong ito, gamit ang benda ni Dante ay sinalo niya ito. Pinapulupot niya ang benda sa bola habang papalapit ito sakanya.
Nang tuluyan itong mahawakan ni Dante ay makapal na ang bendang nakapulupot rito. Kaya naman isang ngisi nalang ang kumurba sa bibig niya.
Umikot ito ng ilang beses sa ere bago malakas na binwelo ang kamay niyang may hawak ng bola. “Sa pagkakataong ’to, hindi na ako sasablay!” Malakas niya itong pinakawala. Ginawa niyang parang turumpo ang bola. Umiikot ito ng malakas habang papalapit sa pulang robot.
Akmang sasaluhin na sana ng robot ang bola pero nung dumampi ito sa kamay nito ay lumihis ito bigla ng direksyon. Pumunta ito sa kanang direksyon. Sinundan pa ng mga nanunood kung saan papunta ang bola, at dun lang nila nalaman ang plano nila.
Kasalukuyang tumatakbo si Maki habang nakatingin sa bola. Alam na niya kung saang banda ito lilihis. “Wag kang papalpak!” Sigaw pa ni Dante sa kapatid niya bago nito makita ang pagtalon at pagsalo nito papasok sa goal. Sa lakas ng impact ng bolang sinalo ni Maki ay pati siya ay pumasok sa goalpost habang yakap yakap ang bola.
Bumagsak si Dante habang hinihingal na nakatingin sa kapatid niyang nakayakap parin sa bola habang nakadapa na sa loob ng goal. Tuluyan na ring namatay ang makina ng pulang robot matapos nilang maipasok ang bola.
Narinig nila ang pagpito ng isang sundalo–at sensyales yun na nagtagumpay sila.
Di maiwasang matuwa ni Dante kaya napataas pa nito ng mga kamay niya na nakakuyom “YES!!”
Dahan dahan namang bumangon si Maki at tsaka tinignan ang bolang hawka niya. Di rin nito maiwasang makaramdam ng saya dahil sa napagtagumpayan nila–napagtagumpayan nila ng kuya niya.
Babangon na sana siya ng mag isa nang makita niya ang isang kamay na nakalahad sa harapan niya. “Ang dami mong ginawa ah. Tumakbo ka lang ng tumakbo, pabigat ka talaga kahit kailan.” Sabi pa nito. Di nalang ito pinansin ni Maki at tsaka kinuha ang kamay nito at tsaka tumayo.
Pagkatayo niya ay agad rin naman siyang nakatanggap ng isang tapik sa balikat ng kuya niya. “Pero magaling ang pagsalo mo.” Rinig niyang dugtong nito bago umunang maglakad. Di niya alam pero mas nakaramdam siya lalo ng saya sa kalooban niya sa narinig niya kesa sa pagkapanalo nila.
“Great Job. Magaling ang pinakita niyo.” Puri naman agad ng Koronel pagkalapit nilang dalawa sakanya
“Ako pa ba? Sus dali lang eh.” Pagmamayabang agad ni Dante. Di mapag kakaila ng iilan na magaling nga talaga ang kakayahan ni Dante. Ugali lang talaga problema nito.
“Pero kulang parin.” Dugtong nito na nagpatigil kay Dante. Lumapit si Astrid kay Maki at tsaka agarang tinaas ang suot nitong damit. Bakas sa lahat ang gulat ng makita nilang sobrang pula ng dibdib nito na naka korting bilog–na siguradong nangyari ito sa pagsalo niya ng bola kanina.
“Imbes na magpakitang gilas at nilakasan pa ng husto yung paghagis mo ng bola, bat di mo man lang inisip kung makakaya ba itong saluhin ng kasamahan mo? Masyado kang nag iisip na maipasok mo yung bola.” Paliwanag ng Koronel. “Pag sinabing mag partner, ibig sabihin responsibilidad niyo ang isa’t isa.” Dugtong nito at mejo nakaramdam ng kaonting inis si Dante dun. Matapos ng lahat ng ginawa niya? Isang sermon lang ang matatanggap niya?
“Eh di niyo ba nakita? Niligtas ko nga siya dun ng ilang beses kanina diba?” Depensa nito sa sarili.
“At ipagsasawalang bahala mo lang to?” Pagtutukoy ng koronel sa namumulang dibdib ni Maki.
“Malay ko bang di niya makakaya yung pwersa?”
“Yaan. Ganyang ugali ang dapat niyong alisin. ‘Malay ko ba?’ Aba malay mo nga? Wala ka namang alam sa kasama mo diba? Kaya malay mo talaga.” Di na nakasagot pa si Dante dun. Una, si Heneral Tresler, ngayon ang babaeng koronel na naman ang nanenermon sakanya. Parang siya lang ata lagi ang napapagalitan sakanilang sampu.
“Purpose ng training na ’to o kung bakit namin kayo iniba ng training area ay para makilala niyo ang magiging makakasama niyo. Alamin niyo kung saan siya malakas, kung saan siya mahina. Para alam niyo na ang mga dapat at di dapat gawin sa oras ng labanan. Para di na kayo mapunta sa mga salitang ‘Malay ko ba?’ pag may nangyaring masama sa kasamahan niyo.” Sabi nito bago tinignan si Dante. “Tama ba ako, Dante Puma?” Seryosong tanong nito.
“O-oo.” Feeling ni Dante nasa harap siya ng classmates niya habang pinapagalitan ng teacher. Nakakaramdam rin naman siya ng hiya kahit papano.
“Pero di ko sinasabing mahina ka. Malaki ang potential mong maging delikadong sandata pa pag nahasa at nagamit ng mas maayos yang kakayahan mo. Ugali lang talaga ang problema mo. Pero overall, maganda ang pinakita mo.” Di alam ni Dante pero yung inis na naramdaman niya kanina ay biglang napalitan ng kaonting kaba sa dibdib. Di niya alam kung bakit–kung bakit parang sasabog ang dibdib niya sa mga narinig niyang papuri. Lalo pa’t sa biglaangnagingcrush niya ito nanggaling.
Pagtapos ni Astrid sa pagsasalita ay muli itong naglakad. “Ngayon, susunod namang sasabak sa laro ay sina Dylan at Ikram.” Usal nito kaya nagkatinginan saglit ang dalawa. “Maghanda na kayo”
Nang maset up na muli ang mga panibagong robot sa area ay muling umatras ang mga di kalahok para manood.
Kita nilang lahat ang dalawa na sobrang kalma lang.
Ngayon ko na malalaman kung ano ba talaga ang mga kakayahan niyo.
Isip isip ni Veronica.
Hinubad saglit ni Dylan ang suot nitong damit at tumambad sakanila ang bakat nitong katawan. Hindi naman nagmumukhang boxer ang mukha niya pero sobrang pormado ng katawan nito mula balikat hanggang tadyang.
“Kung babae lang ako, matagal ng nalaglag panty ko sayo, Dylan.” Biglang usal ni Dante kaya agarang natawa si Damian at ang iilan.
Habang ang partner naman nito ay hinahanda na rin ang sandata niyang gamit–ang mga kutsilyo.
Lumapit ang isang sundalo at tsaka binigay ang bola kay Dylan since siya yung walang dalang sandata.
“Ano mang oras ay pwede niyo ng simulan ang laro.” Deklara ng koronel kaya naman agad pinatunog ni Dylan ang leeg at braso habang papalapit ito sa mga robot.
“Tutulong pa ba ako?” Natatawa pang tanong ni Ikram sa kasama niya dahil feeling niya wala siyang silbe sa gagawin nila.
“Ikaw ang bahala.” Sagot lang nito.
Nang tuluyang makalapit si Dylan sa mga robot ay saglit niyang hinagis ng napakataas ang hawak niyang bola tapos ay bigla siyang nag stance na parang boxingero. Naka takip ang dalawang kamao sa mukha niya. Tapos ay mabilis agad itong nakapunta sa harapan ng isang robot at tsaka mabilis na bumwelo bago pinakawala ang suntok sa ulo ng nung robot. At isang suntok lang, tumilapon agad yung ulo ng robot. Sinubukan pang umatake ng iilang robot pero iniiwasan niya lang ito na may kasamang mga counter punches na pinapakawala. Parang street boxing ang style niya sa pagkikipaglaban. Bawat suntok na pinapakawala nito ay sobrang lalakas ng impact. Agad nagdadamage kung saang parte tumatama ang mga suntok niya sa mga robot.
Yun ang nagpukaw ng atensyon nI Ish. Parehas sila ng estilo, mano manong labanan. Pero ang pagkakaiba lang ay gumagamit siya ng chi energy para mapalakas ang mga suntok niya. Pero eto, pansin niyang wala itong ibang ginagamit kundi natural na lakas lang. Namangha si Ish sa bagay na yun.
Sinalo ni Dylan ang bola nang bumagsak ito, pero agad lang rin itong hinagis ulit. Mukhang plano muna nilang ubusin ang mga robot bago pumunta sa mismong goal nila. Di rin nagpapatalo ang partner nito, sobrang sanay na rin nito sa paghagis ng mga kutsilyo. Para lang itong naglalaro habang pinupunterya ang ulo ng mga robot na nagiging dahilan para magkadamage at magmalfunction yung galaw ng mga ito.
“Mukhang di na nila kailangan makipag isa para manalo.” Naikomento nalang ni Vincent dahil magkahiwalay na tinatapos ng dalawa ang mga robot. Sobrang dali lang para sakanila ang ginagawa nila.
“Di ko alam kung maiinsulto ba ako o ano e.” Pagmamaktol rin ni Dante. “Hirap na hirap pa kami kanina tapos sila parang naglalaro lang? Bastos kayo.”
“Yung feeling na akala mo ang lakas mo na kasi naipasok mo yung bola, tapos bigla mong narealized na wala ka palang kwentang nilalang kumpara sakanila habang tinitignan mo sila.” Komento ni Giovanni kaya agad natawa ang iilan. Habang si Dante naman ay nagkaugat agad yung noo “Nagpaparinig ka ba? Ha?!” Usok ilong nitong tanong. Di nalang sumagot si Giovanni dahil natatawa rin ito.
Habang abala ang mga ito, nahuli nalang nila ang dalawa na naglalakad na pareho papunta sa pulang goal keeper habang sa likuran nila ay nagbabagsakan mga robot na sirang sira na.
“Bakit ka pa mag iisip ng paraan kung paano mo to maipapasok..” Binigay ni Dylan ang bola kay Ikram na nakasunod lang sa likuran niya at walang habas itong sumugod sa pulang robot habang bumwelo ng husto “Kung pwede mo namang basagin yung humaharang” Dugtong nito bago pinakawala ang sobrang lakas na suntok sa sikmura ng pulang robot. At nakita nalang nila ang unting unting pagtigil ng galaw nito. Kitang kita mo pa kung pano nalugmok yung metal na katawan ng robot bago ito bumagsak sa sahig. Pagtapos ay walang kahirap hirap lang na pinagulong ni Ikram ang bola hanggang sa pumaosk ito sa goalpost.
At muli, narinig nila ang pag pito ng isang sundalo. Ibig sabihin, nagtagumpay rin ang mga ito.
“Grabe ganun lang yun?” Di makapaniwalang bulong ni Maki. Matapos silang mahirapan at kamuntikan pang mamatay? Ganito lang kabilis natapos nitong dalawa yung laro? Parang nagpapawis lang ng kaonti ang mga ito.
Bumalik ang dalawa na tanging si Dylan lang ang mejo pinagpawisan. Mas lalo tuloy bumakat ang mga muscles nito dahil nagpapawis ito.
“Magaling ang ginawa niyo.” Yun lang ang tanging nasambit ng Koronel. Inaamin niyang sobrang namangha siya sa nasaksihang lakas ng dalawang tao na nasa harap niya ngayon. Mukhang di nga nagkamali ng recruit ang Presidente. Mukhang sobrang maasahan nga ang mga ito sa palapit na digmaan.
“Salamat, Koronel.” Ngiting sagot naman ni Dylan bago kinuha nag damit nito para isuot ulit.
“Susunod, Damian at Ish. Sa Gitna.” Agaran namang pumunta sa harapan ng Koronel ang dalawa. Pansin ni Astrid na kanina pa hindi umiimik ang taga Virgo simula palang nung nag umpisa ang laro. Tinignan niya ito saglit bago binaling ang tingin sa kasamahan nitong taga Martin rin.
“Anong gagamitin mo para sa laro?” Tanong ni Astrid kay Damian. Dumukot naman ito sa bulsa niya at tsaka pinakita ang dalawang palad nitong punong puno ng barya
“Yan?” Di makapaniwalang tanong ng Koronel. Aanhin niya ang mga barya sa gitna ng laban?
“Opo, Koronel.” Sagot nito. Wala ng nagawa si Astrid kundi tumango. Siguro may kakaiba itong kakayahan gaya ng mga kasamahan niyang taga Martin kaya wag na muna niyang pakialam ito.
Nang muling matapos sa paghahanda sa mga panibagong robot sa area ay muling umatras ang mga di kalahok para manood.
Dahan dahan namang umabante ang dalawa papunta sa mga robot. Di kumikibo si Ish kaya napapatingin sakanya si Damian. Di niya alam kung pano niya ito kakausapin. Mahalaga pa naman sa larong ’to na makipag kumunikasyon sa kasama para manalo. Pwera nalang kung kasing lakas silang dalawa nung huling lumahok. Kaso hindi.
Binigay ng isang sundalo ang Bola kay Ish dahil ito yung walang gamit na sandata sa laro.
“Pwede niyo ng simulan ang laro ano mang oras.” Rinig nilang senyales ng Koronel.
“Di ko alam kung anong problema mo, pero kailangan natin mag–” Napahinto bigla sa pagsasalita si Damian dahil nakita niya nalang na biglang sumugod mag isa si Ish sa mga robot habang hawak hawak pa ang bola “Sandali!”
Agad naman itong sinundan ni Damian at ginabayan. Mabilis itong dumukot ng mga coins at walang habas itong pinunterya ang uluhan ng mga robot. Sa sobrang lakas ng mga witik nito sa mga barya ay bumabaon ito sa mga metal na ulo ng mga robot. Iilan sa mga ito ay nagmamalfunction pero may iilang robot na mejo matibay at di basta basta napapatumba ng mga barya lang. “Sandali sa likod mo!” Sigaw ni Damian nang makita ang isang robot na nakabwelo na sa likuran ni Ish. Pilit itong inatake ni Damian pero masyado itong matibay. “MATATAMAAN KA!” Sigaw muli ni Damian dahil di na niya ito magagawang protektahan pa. Di na niya mapipigilan ang pagbwelo ng robot sa kinaroroonan ni Ish.
Habang tumatakbo naman si Ish ay nagulat nalang ang lahat ng binrake nito ang pagtakbo niya gamit ang mga paa lang. Di pa man siya napapahinto sa pag brake ay diretsong lumingon sa likuran si Ish habang nakabwelo na rin ng suntok niya. Parang sasalubungin niya.
At nung eksaktong napahinto na siya ay sobrang binuhos dun ni Ish ang chi energy niya sa kamay na yun at tsaka ito pinakawala sa sikmura ng robot.
At halos natigilan ang lahat sa nasaksihan nila. Pati si Astrid ay mejo nanlaki ang mga mata sa nakita.
Ang kaninang nakabwelo lang na robot ay heto na, sobrang laki ng butas sa tiyan nito na halatang galing sa impact ng suntok na pinakawala si Ish. Mabilis itong natumba at nawalan ng function pagkatapos.
“Ano yung nakita ko?” Tulala ring usal ni Dante.
“Nabutas ng sobrang laki ang katawan ng robot sa isang suntok lang.” Usal rin Giovanni. Lahat ang mga ito ay di makapaniwala sa isang suntok lang na yun.
“Kaya mo ba ang ganun, Dylan?” Natanong nalang ni Ikram sa katabi dahil sa bigla.
“Di ko alam. Tingin ko di ko kayang gumawa ng ganyan kalaking pinsala sa katawan ng robot sa isang suntok lang.” Sagot nito.
“May kakayahan si Sir Ish na kontrolin ang chi energy sa katawan niya. Namana na niya ang kakayahan na yun sa angkan ng mga Valderama kung saan siya galing. Hindi lang normal na suntok yun kundi may kasama yung chi energy. Kaya ganyan nalang ang pinsala ng suntok niya sa robot. Kung tao pa yan siguradong maapektuhan lahat ng meron ka sa loob ng katawan mo at pwede mo yung ikamatay kung mahina ang pangangatawan mo.” Komento ni Maki. “Yan ang nalaman ko sakanya.” Dugtong nito. Napakunot noo naman ang kuya nito dahil di parin ito makapaniwala sa nasaksihan niya. Parang nagmistulang may bomba ang suntok nito dahil sa lakas ng impact na gawa nito.
Napatinging muli ang mga ito sa kinatatayuan ni Ish na ngayon ay nakatingin lang sa mga kamay niyang ginamit sa pagsuntok. Habang hawak hawak parin nito ang bola sa kabilang kamay.
At habang nakatingin lang si Ish sa kamay nito na parang wala sa sarili, muli niyang narinig ang sigaw ni Damian sa harap niya “Sa likod mo!” Sa pagkakataong ito ay di na niya napaghandaan pa ang pangyayari. Nahuli nalang niya ang sariling tumilapon sa lakas ng sipa ng robot na nasa likuran niya pala. Tumilapon siya kasabay ng bolang hawak niya.
At habang nasa ere si Ish, di niya alam na may nakabwelo na palang isa pang robot na may hawak na hammer sa kababagsakan niya. Napatigil sa paghinga ang iilang nanunood sa pagbagsak ni Ish.
“SIR ISHH!” Sigaw ni Maki nang makitang wala man lang itong ginawa para ilagan ang pagbwelo ng hammer nung robot. Mabilis na napabulwak ng dugo si Ish matapos siyang tamaan sa sikmura ng malakas na hampas ng Hammer. Muli itong tumilapon sa ere dahil sa impact. Tila para na siyang pinapapasahan ng mga robot ngayon.
Sa lakas ng impact ng hampas na yun ay tuluyang nawalan na ng malay si Ish. At habang pabagsak na naman siya, may isa na namang robot ang nakaabang sa pagbabagsakan niya, at hindi na ito isang hammer lang, isang matalim na Spear na ang hawak ng robot na yun at nakabwelo na rin. Pag tinamaan siya nito, tyan katapusan na niya.
Sinubukang tumakbo ni Maki para sana tulungan si Ish pero agad itong pinagbawalan ni Astrid “Bawal kang tumulong.”
“PERO!” Muli niyang tinignan si Ish na wala paring malay na pabagsak na sa robot na may hawak na Spear. Pati ang iilan ay napatigil na rin sa paghinga sa mga pwede nilang makita.
Sobrang lapit na ng katawan ni Ish sa matalim na spear nang mabilis na nakatalon si Damian at sinagip ang kasamahan nito. Sinalo niya ito at tsaka bumagsak silang dalawa sa bakanteng lugar. Mejo may kabigatan si Ish kaya di nagawang makabalanse ni Damian sa pagbagsak nila. Namali ng tapak ang isang paa niya habang akay akay niya si Ish kaya nakaramdam siya ng sakit dun.
Nakita niyang papalapit sakanila ang mga robot kaya kahit masakit ang isang paa niya ay kinarga niya si Ish sa pamamagitan ang pagakbay nito sa balikat niya at tsaka siya mabilis na tumalon ulit palabas na ng area ng laro.
Muling naitapak ni Damian ang kumikirot na niyang paa pagkabagsak nila kaya tuluyan na itong napadaing sa sakit “Arghhhhh!!” Nabitawan niya rin si Ish dahil sa sakit na tinamo ng isang paa niya.
Dali daling umaksyon sila Dylan para tulungan ang dalawa. “Ayos ka lang , Damian?” Agad tanong nila Dante. Habang si Maki at Veronica naman ay agad pumunta sa gawi ni Ish. “Sir Ish! Gumising kayo!” Bulalas ni Maki nang makitang wala paring malay si Ish.
“Dalhin niyo sa clinic yung isa. Mas malubha ang tinamo niya sa katawan.” Kahit masakit ang isang paa nito ay pilit na bumangon si Damian.
Pinagmamasdan lang sila ng Koronel na wala man lang reaksyon sa napanood.
May agaran namang stretcher ang dumating at mga iilang sundalo para kay Ish. Dahan dahan nila itong kinarga at inihiga sa stretcher.
“Kami na ang bahala dito, Koronel.” Tugon ng isang sundalo kaya tinanguan siya nito. Susubukan pa sanang sumunod ni Maki pero pinagbawalan siya ng mga ito na sumama.
Nakahalukipkip namang lumapit si Astrid kay Damian.
“Di kayo nagtagumpay na maipasok ang bola.” Umpisa nito. Mukhang may isa naman ang mapapagalitan matapos kay Dante.
“Pasensya na Koronel. Wala kaming pagkakaisa. Hindi ko alam ang problema niya. Wala akong alam sa kasamahan ko kaya kami nabigo. Pasensya na.” Sagot lang ni Damian habang nakadungo at iniinda parin ang sakit nito sa paa. Naalala niya nag sinabi ni Astrid kanina lang na kailangan alamin nila ang kung anong meron ang kasamahan nila.
“Tungkol rin sa kakayahan mo, masyadong mahina. Di nga nito kayang patumbahin ang ilang mga robot lang, ang mga Vendetta pa kaya?” Di makasagot si Damian. Inaamin niya, sa lahat ng myembro ng Martin, siya ang pinakamahina sakanilang lahat. Masyado pa siyang bata para makipagsabayan sa mga lakas nila Dylan. “Pero di ko sinasabing di na natin yan kayang i enhance. Ako ang bahala sayo.” Dugtong ng Koronel kaya takhang napaangat ng tingin si Damian sakanya.
“Di niyo man naipasok ang bola, ipinakita mo ang responsilibad mo bilang isang kasamahan. Mas pinili mong itakas ang kasama mo para malayo kayo sa kapahamakan kesa ipagpilitang maipasok yung bola kahit dehado na yung kasama mo.” Paliwanag ni Astrid.
“Itinakas ko lang rin siya dahil sabi niyo sa rules na kung may isang mapapahamak, talo kami. Kaya kahit pilitin ko mang ipasok yung bola, kung wala rin siya, talo parin kami.” Ganti rin ni Damian.
“So sinasabi mo ba na tinulungan mo lang siya dahil sa rules at hindi dahil sa kasamahan mo siya?” Tanong ulit ni Astrid. Natahimik pa saglit si Damian bago napadungong muli. “Oo.” Tipid na sagot nito.
“Pasensya na pero di yun ang nakikita ko. Di mo ba narinig ang sarili mo kanina?” Tumingin naman sakanyang muli si Damian na tila nagtataka. “Hindi. Ano bang sinabi ko kanina?”
Di na yun sinagot ng Koronel na nagpaiwan ng pagtataka kay Damian at pilit inalala kung anong sinabi niya kanina. Parang wala rin siya sa wisyo kanina dahil sa sakit ng paa niya.
Tumalikod si Astrid at tsaka sinensyasan ang ibang sundalo na dalhin na rin sa Clinic si Damian para gamutin ang paa nito.
“Sin, Veronica. Maghanda na kayo, kayo na ang susunod.” Usal ni Astrid sa dalawa.
Nang maialis na si Damian ay isa isa na ring pinalitan ang mga robot na nasira para simulan na ang susunod na laro. Dahil dun ay nagkaron pa ng kaunting pag uusap ang dalawang susunod na kalahok.
“May plano ka? May kaonting oras pa tayo para mag plano.” Tanong agad ni Sin sa partner nito.
“Sabi mong magaling kang mag plano diba? Ikaw nalang.” Usal rin ni Nica. Napangiti naman si Sin habang naiiling.
“Sige sige. Ganito ang gagawin natin.” Nakinig naman agad si Nica dito. “May tiwala ka ba sakin?” Tanong pa nito kaya weidong napatingin sakanya si Nica.
“Oo? Di ko alam.” Di siguradong sagot nito.
“Ako ang hahawak ng bola. Habang ikaw, sa distansya ka lang since archery ang kakayahan mo. Makikipaglaro ako sa mga robot habang ikaw ang unti unting uubos sakanila, maliwanag?”
“Tapos? Sigurado ka bang kaya mong makipaglaro?”
“Nung isang araw ko lang pinakita sayo ang kakayahan ko, diba?”
“Oo nga pala.” Muntik na niyang makalimutang kaya pala nitong mapansin buong paligid nito kahit sa likuran nito.
“Di mo naman siguro ako bibiguin, hindi ba?” Ngising tanong pa nito. Irita namang sumagot si Nica. “Hanggang kailan mo ba ako mamaliitin?”
“Naniniguro lang.” Ngising sagot lang nito bago tumalikod. Napailing nalang si Nica. Kahit kailan hindi niya talaga gusto ang kayabangan nitong kasama niya
Nang muling makompleto ang mga robot ay muli, tumabi ang iba para manood.
Habang sina Sin at Nica ay papalapit na rin sa mga Robot. Kasalukuyang sinusuri ni NIca ang hawak niyang bow kung maganda ba kundisyon nito.
“Ilang palaso ba meron ka jan?” Tanong ni Sin.
“Dalawampu’t isa.” Sagot ni Nica kaya natawa ito.
“Sinakto mo talaga ah. Benteng palaso para sa benteng mga robot rin na nasa area at isang palaso para sa isang goal keeper nila. Sigurado ka ba talagang di ka magmimintis?”
“Pwede ko namang imintis sakanila at itama nalang lahat sayo yung palaso ko eh, kung okay lang sayo.” Banas ni Nica dahil malapit na talaga siyang mapuno dito. Tawa lang ang ginanti ni Sin. Binigay naman ng isang sundalo ang bola kay Sin dahil ito ang walang may hawak na sandata. “Handa ka na?” Tanong pa nito. Napaangat ng tingin si Nica at nakahanap agad siya ng magandang pwesto para sa gagawin niya.
“Oo.” Sagot nito.
“Kung ganun..”
-To be continued.
-MajorSin
Episode 47: First Day of Training (Part 3)
Episode 47: First Day of Training (Part 3)
Sorry sa typos and errors hehe. DI ko na dinouble check.
Hi Guys. Pakitingin sa media, Izaya Orihara of Durarara as Vincent del Varya
Nga pala, number 2 tayo sa ranking ng Mafia Boss category hahaha thank you so much sa support niyo :)
[3rd Person’s PoV]
Bago pa man makalapit si Sin sa mga robot ay nakatalon na agad si Nica at tsaka pumwesto sa ibabaw ng isang poste. Kumuha siya ng palaso sa likuran niya at tsaka nag umpisa ng punteryahin ang mga robot. Habang si Sin naman ay pagtakbo lang ang tanging ginagawa na may kasamang mga ilag. Di na niya kailangang isipin pa ang kaligtasan niya dahil kitang kita niya ang bawat galaw ng mga ito pati ng mga nasa paligid niya. Alam ng utak at mga paa niya kung saan siya tatakbo o iilag.
Habang kasalukuyang hinahabol si Sin ng mga iilang Robot ay nakita nalang ng manunood kung pano bumaon ang palasong galing kay Nica sa isang Robot–at wala pang tatlong segundo ay agaran rin itong sumabog. Wasak ang ulo nito bago tuluyang matumba. Napangisi si Sin sa ginawa ng partner niya. “Di mo sinabing sumasabog pala yang mga palaso mo. Magaling.” Nagawa pa talaga nitong pumuri sa gitna ng mga pag iwas na ginagawa niya.
Si Nica naman ay kalmado lang sa pagpupunterya sa mga robot.
Dalawa, tatlo, anim..
Anim na ang sunod sunod niyang napapabagsak na Robot, at anim palang rin ang nagamit niyang palaso. Mukhang plano nga ata talaga nitong gamitin ang palaso kada isa sa mga Robot.
Habang abala siya sa ginagawa niya, napansin naman niya ang isang robot ang humiwalay. Habang ang iilang robot ay kasalukuyang humahabol kay Sin, may isang robot ang nakapansin sakanya at papunta ito sa poste ng pinagppwestuhan niya.
Aasintahin niya sana ang robot na yun pero saglit siyang napatingin sa gawi ni Sin na mejo nahihirapan na rin sa pag iwas dahil halos lagpas sampung robot na ang humahabol at umaatake sakanya. “ANO NA?!” Sigaw nalang ni Sin dahil kanina pa hindi tumitira si Nica. Nakakaramdam na siya ng kaonting pagod sa pag iwas.
Napabaling baling ang tingin niya sa gawi ni Sin at sa robot na papalapit sa poste at hindi alam kung anong uunahin niya. “Tss!” Pero sa huli, mas pinili niyang i asinta ang hawak niyang palaso sa isa sa mga humahabol kay Sin. Mabilis itong bumaon at tsaka sumabog. Mejo nadamay pa yung iilang robot na katabi nito kaya mejo napahinga ng maluwag si Sin dun.
Bubunot pa sana muli si Nica para asintahin yung robot na palapit sakanya nang bigla siyang ma out balanced sa pagluhod. Huli na niyang nalamang pinutol pala nung robot yung posteng kinatatayuan niya–na ngayon pabagsak na. “Asar” Wala nang nagawa si Nica kundi ang tumalon. At habang nasa ere siya at nakauna ang ulo, nakagawa pa itong ng oras na bumunot pa ng isang palaso at tsaka pinunterya yung robot na pumutol nung poste. Isang tira lang sa ulo at muli, sumabog ang ulo nito at natumba.
Maayos ang pagkakabagsak ni Nica kaya imbes na humanap uli ng pwesto, sinundan nalang niya si Sin at tinulungan sa mga robot na humahabol dito.
Sa pagkakataong ito, di na siya gumamit pa ng palaso, pinindot niya ang gitna ng pana niya at kusang may lumabas na matatalim na blade sa magkabilang dulo nito. Tumakbo siya ng mabilis at tsaka tumalon habang nakabwelo na sa hawak nito. Agad niyang pinunterya ang ulo ng isa pang robot. Gamit ang pana niya ay malakas niya itong binaon sa batok ng robot bago marahas na hiniwa pababa. Bagsak ito kalaunan.
“Nica!” Sigaw ni Sin kaya nagkatinginan sila saglit, at sa tingin palang ni Sin, nababasa na niya ang gusto nitong mangyari. Walang pag aalinlangang kumuha si Nica ng isang palaso at mabilis na pinunterya ito mismo kay Sin. Binitawan niya ito ng may kahinaan. Ngumisi naman si Sin sakanya bago tagumpay na nahawakan ang palaso at tsaka umikot at humarap habang nakabwelo na. Hinigpitan niya muna ang pagkakahawak ng palaso bago binaon sa ulo ng robot na sumalubong sakanya.
Pagkabaon niya ay mabilis rin siyang nag backflip para makalayo, at kalaunan ay sumabog muli ang isa pang robot.
“Tignan niyong mabuti, yan ang kanina ko pa sinasabing teamwork. Tignan niyo ang nangyayari kapag alam mo ang kakayahan ng kasama mo, napakalinis ng mga galaw nilang dalawa.” Puri ni Astrid sa mga ito.
“May nakaraan kaya ’tong dalawa? Parang alam na alam na nila ang kilos ng isa’t isa ah.” Di rin maiwasang itanong ni Vincent iyon. Parang sakanilang limang magpapartner, silang dalawa yung pinaka synced ang galaw.
Ilang minuto lang na paglalaban ay tuluyan na ngang naitumba ng dalawa ang dalawampung robot sa area. Mejo hinihingal pa silang dalawa habang isang direksyon nalang ang tinitignan–ang goalpost na may nakaharang na goal keeper.
“May tatlong palaso pa akong natitira dito.” Usal ni Nica.
“Sige. Alam mo na ang gagawin mo.” Sagot lang ni SIn habang dahan dahang tumakbo papalapit sa pulang Robot bitbit ang bola. Habang si NIca naman ay sabay niyang kinuha yung tatlong palaso at tsaka pinwesto sa pana niya. Habang palapit ng palapit si Sin sa goalpost ay siya namang pahila ng pahila sa pana niya.
Unti unting bumibilis ang takbo ni Sin papalapit sa pulang robot habang si Nica ay asintadong asintado na nito ang ulo ni Sin.
Nung nakalapit na si SIn, sinubukan siyang hulihin nung pulang robot, pero bigla nalang siyang nawala sa harap nito–at nahuli nalang ng robot na tatlong palaso na pala ang kaharap niya. Isa isang bumaon ang palaso na yun sa ulo, mukha at dibdib ng robot bago ito sabay sabay na sumabog.
Nakita naman nila si SIn ay nandun na sa loob ng goalpost habang tinatalbog talbog pa ang bola. Muling nagpapito ang isang sundalo bilang senyales na nagtagumpay sila sa laro.
“Nakita mo ba yung huling ginawa ko? Napunta nalang ako bigla sa likod nung pulang robot at nakapasok sa goalpost. Nakakamangha ako diba?” Ngising pagmamayabang na naman ni Sin habang sabay na naglakad ang dalawa papunta kila Dante.
“Gunggong. Pagkalapit mo kanina nagslide ka nalang bigla sa gitna ng mga paa nung robot kaya ka nakapunta agad sa likuran. Kahit bata kayang gawin yun.” Pambabara ring ganti ni Nica. Natawa tuloy lalo si Sin.
Pagkalapit nila sa koronel, isang puri agad ang narinig nila. “Yun ang kanina ko pa hinihintay makita sa inyo. Mahusay ang pinakita niyo.”
Tumango naman ng bahagya ang dalawa. “Maraming salamat, Koronel.”
“Ngayon ang panghuling kalahok.” Napatingin naman si Nica sa gawi nila Giovanni at Vincent na parehong nakahalukipkip. Bukod sa mga Martin, gusto ring malaman ni Nica ang kakayahan ng mga taga Alibara na ’to.
“Giovanni, Vincent.”
Umabante naman ang dalawa at tsaka humarap sa koronel. Napatingin si Astrid sa mga hawak nitong sandata. Ang apat na mga naunang mag partner na lumahok ay iisa lang sakanila ang may hawak na sandata. Pero ngayon ay ang dalawa na ang merong kani kanilang sandata. Hawak hawak ni Giovanni ngayon ang isang manipis pero napakahabang espada na kulay itim. Para itong uling sa sobrang itim pero pansin mo ang talim nito dahil pwede na itong gawing salamin sa sobrang kinang. Mukhang hindi lang basta bastang espada ang hawak niya.
Habang si Vincent naman ay may dalawnag suot suot na parang bracelet sa magkabilang kamay nito. “Anong laman niyang bracelet mo?” Agad tanong ni Astrid.
“Sinulid lang koronel.” Sagot nito.
“Sinulid?”
“Matibay na sinulid.” Ngiting ulit ni Vincent. “Na sa sobrang tibay nito, pag pupulupot to sa katawan mo, yung katawan mo pa yung mapuputol imbes na ang mga sinulid ko.” Dugtong nito. Mejo namangha ang iilan sa narinig nila. Natango naman ang Koronel sa narinig niya
“Magandang sandata” Tangi lang sabi nito bago tumalikod. Tuluyan na ring napalitan ang mga nasirang robot kaya dahan dahan na ring lumapit ang dalawa.
“Sino ang magdadala ng bola?” Natanong nalang nung sundalo dahil kita niyang parehong may sandata ang dalawa.
“Akin na.” Presenta ni Giovanni kaya sakanya na ito ibinigay. Bakante naman ang isang kamay niya dahil isang espada lang ang hawak niya.
“Matagal tagal ko na rin tong di nagagamit.” Pagtutukoy ni Vincent habang nakatingin sa dalawang bracelet niya
“Mag aala spiderman kana naman ngayon gamit yan.” Asar ring usal ni Giovanni dahil mukha talaga itong si spiderman kapag nakikipaglaban.
“Gago.” Tawang sagot lang nito. “So anong plano? Dapat may plano rin nung magandang koronel yung kakayahan natin.” Tanong nalang ni Vincent sa partner niya.
Tahimik namang tinignan ni Giovanni ang maitim na espada niya. “Hindi ko kailangan ng papuri ng iba. Mga puri lang ni Boss ang gustong marinig ng mga tenga ko. Wala ng iba.” Napailing nalang si Vincent sa sinagot nito. Sa kanilang lahat, si Giovanni talaga ang pinakatapat kay Gideon. Lahat gagawin nito para sa Boss niya. Isang utos lang nun, walang pag aalinlangan niya itong gagawin. Kahit pa iutos nitong saksakin ang sarili gagawin niya, makita niya lang makuntento si Gideon.
“Osige, gumaya nalang tayo dun sa dalawang taga Martin. Paramihan nalang tayo ng mababagsak o? G?” Paghahamon nalang ni Vincent dito. Nakita niya naman itong ngumiti ng bahagya bago umunang tumakbo. “Sige.”
“Ang daya mo talaga kahit kailan!” Agaran rin namang sumunod si Vincent dito dahil ayaw na ayaw nitong magpahuli. Pagkalapit nilang dalawa sa mga robot, sabay silang tumalon–pero sa magkaibang direksyon. Nakabwelo si Gio sa espada niya habang si Vincent naman ay mabilis na ring pinalabas ang mga sinulid sa dalawang bracelet niya.
Una niyang pinunterya ay yung robot na may hawak hawak na malaking espada. Bago siya bumagsak mula sa pagkakatalon ay mabilis na niyang napapuluputan ang robot na yun, at isang hila lang niya, kitang kita ng lahat kung pano ito nahati sa ilang parte.
“Sa saranggola ko lang ginagamit ang mga sinulid na ninanakaw ko dati. Pwede rin pala itong gamitin sa pagpatay. Childhood ruined.” Bulalas nalang ni Dante sa gilid dahil sa nakikita niya ngayon.
“Ang galing. Siguradong hindi lang yan karaniwang sinulid lang. Masyadong matulis, masyadong matibay. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganyang sandatang ginagamit sa labanan. At aaminin ko, mas nakakatakot itong sandata kesa sa mga sandatang meron kaming lahat ngayon.”
Di mapigilang mamangha ni Nica sa mga nakikita niya. “ Kaya pala wala itong konting pinapakitang kakayahan nung mga naunang araw, ganito pala sila kalalakas.“
Tila pinaglalaruan lang ni Vincent ang mga robot na lumalapit sakanya. Di pa man nakakabwelo ang mga ito ay nagkakapira piraso nalang ito bigla. Bukod sa sandata ni Vincent, ibang klase rin ang bilis niya sa pagtalon at paggamit sa sandata niya. Wala itong segundong sinasayang. Kada bagsak niya sa lupa mula sa pagkakatalon ay may robot na nadudurog.
“Lima” Bilang ni Vincent nung matapos niya ang huling inatake niya. May nakita ulit siyang isang robot na papunta kay Giovanni kaya minadali niya agad itong pinuntahan. Mabilis niya itong pinulupot at agarang marahas na hinila ang sinulid. At mula sa mga nagkapiraso nitong katawan, muli pa niyang ginamit ang mga sinulid niya para mas pag pira pirasuhin pa ito lalo. Kung ikaw yung nanunood, di mo masikmura kung iisipin mong tao ang mga katawan ng mga robot na inaatake ni Vincent ngayon. Dahil kung katawan pa ng tao ito, pwede mo ng gawing kare-kare ang mga natatapon na mga pira pirasong katawan nito. “Aniiiim” Ngising usal pa niya.
Pakiramdam ko matatalo ko na si Giovanni sa pagkakatong it
Napahinto bigla sa pag isip pati sa pag galaw si Vincent nung mapagtanto niya ang paligid niya. Tanging si Giovanni nalang at ang kahuli hulihang robot ang nakatayo sa harap nito ang nakikita niya. Kitang kita niya pa kung pano bumagsak ang robot na yun sa harap ni Giovanni. “Katorse.” Rinig niyang bilang ni Giovanni.
Napatingin si Vincent sa paligid ni Gio, kita rin niya ang mga nagkapiraso pirasong bahagi ng mga katawan ng mga robot. “Masyado ka paring mabagal, Vincent.” Nasabi nalang ni Gio na may pagkadismaya pa ang boses.
“Ang daya mo talaga kahit kailan!” Inis lang na ganti ni Vincent dahil sa ilang libo na atang pustahan nila, di parin talaga niya magawang manalo laban dito sa kapartner niya.
Napatingin naman ang dalawa sa huling robot na kailangan nilang patumbahin o lusutan para maipanalo na itong laro.
“Oh sige sayo na yan, para maka kalahati ka man lang sa puntos ko.” Pang aasar pa lalo ni Gio kaya mas tumalim lang ang tingin ni Vincent sa pulang robot.
“Kaasaaar!” Sa huli ay sinugod niya nalang itong mag isa bago pinuluputan ang buong katawan nito. Di niya muna hinila ito, bagkus ay tinignan niya pa muli si Gio. “Mananalo rin ako sayo tandaan mo yan” Usal nito bago hinila ng dalawang kamay niya ang sinulid na naging dahilan para magkadurog durog rin ang pulang robot.
Hinagis lang naman ni Gio ang bola papunta kay Vincent na tila di nasisindak sa sinabi nito. “Aasahan ko yan.”
Sinalo ito ni Vincent at tsaka mahinang sinipa sa goalpost. Rinig nila ang pito ng sundalo kaya sabay na ring bumalik ang dalawa kay Astrid.
Natapos na rin ang kauna unahang training nilang sampu sa araw na ’to. At alam na ng bawat isa kung anu ano ang mga kakayahan na meron ng mga kasama nila–lalo na ang Koronel.
At sa mga nalaman niya, isa lang talaga ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
May ibubuga ’tong grupo ng Armada laban sa grupo ng Vendetta
[VIrgel’s PoV]
Damang dama ko na ang panginginig ng buong kalamnan ko ngayon. Alas nwebe na ng gabi pero di parin ako tapos sa limang daang push up na hinihingi nitong Alien na to.
“Kulang pa ng kwarenta.” Usal lang nito. Habang ako rito halos di ko na maramdaman ang isang bente ko sa pamamanhid dahil sa sakit, siya naman ay hayahay lang na nanunood sa gilid habang nakalukipkip pa. Ang sarap lang tadjakan.
“Pwede bang bukas naman? Sobrang pagod na ng katawan ko.” Pakiusap ko. Kaya inabot ako ng gabi kasi putol putol yung push up ko. Pwede naman daw yun. Basta ang sakanya lang eh maka limang daan ako sa araw na ’to. Putol putol man o hindi, basta tapusin ko lang yun ngayong araw lang na ’to.
Nakita ko naman siyang kinuha na naman ang maliit na notebook sa likod ng shorts niya at tsaka may sinulat “Ano ba yang sinusulat mo? Kaninang umaga ka pa jan.” Tanong ko.
“Limampu’t tatlo.”
“Ha?”
“Limampu’t tatlo ka ng nagrereklamo ngayon araw lang na ’to. Malapit mo ng ma break ang taong pinaka reklamador sa buong mundo.” Amp. Nililista lang pala ng bwesit na ’to yung bawat reklamo ko. Kaya pala kanina ko pa siya nakikitang bitbit yan habang pinapanood ako.
Kahit parang mamamatay na ako sa pagod, tinuloy ko nalang ulit ang pag pupush up ko. “461..462” Ughhh. Sobrang nanginginig na mga braso ko. Di ko na talaga kaya.
“Bilisan mo, inaantok na ako.” Sinamaan ko agad ng tingin tong bwesit dahil sa sinabi niya. Ako na nga napapagod dito ako pa minamadali? 463..464..
“Oh, di pa ba kayo tapos jan? Malalim na ang gabi.” Pansin kong napadaan si Greco at tumabi sa anak niyang Alien.
“Malapit na to, Pa. Tagal kasi nitong bisugo na ’to e.” Anak ng.
“Kinakaya niya ba yang pinapagawa mo sakanya? Baka nahihirapan na yan.” Tanong pa ni Greco. Buti pa ang ama may concern. Anak niya ang brutal. Walangya.
“Kaya naman niya.”
Kaya mo mukha m—
DI pa ako natatapos sa pag iisip nang isang lumilipad na tsinelas nalang bigla ang tumama sa mukha ko. “Aray ano ba!” Sigaw ko.
“Gawin mo nalang yang pinapagawa ko sayo! Ang dami mong iniisip!” Sigaw pang ganti niya. Ako na nga binato ng tsinelas tas siya makikigalit rin?!
Nakakaasar na talaga!
“Osige, pumasok nalang kayo pag natapos na kayo jan. Teka, may hawak hawak ka ring notebook ah.”
“PA!”
“Hahahahaha mukhang alam ko na kung anong sinusulat mo.”
“PAPA NAMAN EH! PUMASOK NA KAYO SA LOOB! HMMP!”
“Oo na oo na hahahaha”
Di ko alam pinag uusapan nila pero dahil sa inis ko, mejo nagkakaron pa ng lakas katawan ko para mas bilisan ang pag pupush up ko. “478..479..4-480 ughhhh tang..”
Dalawampu nalang Virgel!
Di ko namalayang nakatingin na pala ako sa mga bituin sa kalangitan ngayon.
Kahit kinakapos ng hininga, mejo nakakaramdam ako ng gaan at tuwa sa loob ko dahil natapos ko na rin. “Hayop yan..” Hingal kong usal. Pakiramdam ko di ko na kayang tumayo nito dahil sa pagod. Dito nalang siguro ako matutulog.
Napansin ko ang paglapit ni Ginger sa gawi ko kaya di ko maiwasang itanong sakanya ang kanina ko pa gustong itanong “Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?”
“Nagsisimula palang tayo, Virgel. Wala pa sa katiting yang pagod na nararamdaman mo ngayon sa mga susunod nating gagawin. Mag simula kanang masanay.” Sagot niya. Pansin ko pa ang pag upo niya sa gilid ko. May tela namang nakabanig kaya di ka madudumi sa pag upo.
“Ah talaga? Siguro baka pagtapos nitong training na ’to nakahanda na rin ang kabaong para sa katawan kong bugbog na sa pagod.” Nasabi ko nalang. Tahimik na ang kapaligiran ngayon. Mag aals dies na ata. At ewan ko kung bakit parang mag uusap pa ata kami.
Hindi bagay samin ang ganito.
“Ang oa mo talaga magsalita kahit kailan. Nakakainis pakinggan alam mo yun?”
“Pwede ka namang umunang pumasok para di mo na ako marinig diba? Parang kasalanan ko pang marinig ako eh ikaw tong tumabi jan.” Ganitong klase ng usapan sa isang tahimik na paligid. Ang ganda naman atang kumbinasyon.
Di siya sumagot sa pambabara ko kaya saglit kong tinignan ang gawi niya. Nakatingin lang rin pala siya sa kalangitan.
Habang ngumingiti ng matipid.
Anong ngini ngiti-ngiti niya? Matagal atang napako yung tingin ko sakanya kaya napansin niya yun at tumingin rin sakin. Pero dali dali rin akong umiwas at muling binaling ang tingin sa kalangitan.
“Nga pala. Overall may 57 kang reklamo sa araw na ’to.” Biglang lihis niya ng usapan.
“Ano bang meron sa pagrereklamo ko? Bakit parang big deal sayo yan, ha? Natural magrereklamo ako. Yun ba naman ang ipapagawa mo.”
“Di mo na break yung record ng pinaka reklamador sa buong mundo. Naka 63 siya ng reklamo sa loob lang ng isang araw.” Sa pagkakataong ’to parang may pinipigilan siya. Mas lalo tuloy akong naweweirduhan sakanya.
Kunot noo akong napatingin muli sa gawi niya. “Sino ba yang tinutukoy mo na pinaka reklamador sa buong mundo?” Curious ko na ding tanong.
“Ako.” At dun, alam ko na kung anong pinipigilan niya. Tawa. Sa unang beses, narinig ko ang malutong niyang tawa. Lumagapak talaga na akala mo sobrang malapit sakanya yung kausap niya. At ewan, hindi ko alam kung saan ako natigilan. Kung sa inaakto ba niya
o sa mga tawa niya.
Sa kakatawa niya, napansin na ata niya ang kinikilos niya kaya bigla siyang napatigil at napatingin sa akin na parang nababato.
Gusto kong matawa sa itsura niya ena
“Ahhh..ang ibig kong sabihin eh..ako. Oo ako.” Ngayon ay mejo seryoso na ang pagkakasabi niya nun.
“Paanong ikaw?” Tanong ko at nagpatay malisya nalang para di siya mapahiya.
“Nung unang training ko rin kasi dati, nagdala rin si papa ng maliit na notebook habang pinagmamasdan niya ako. At tsaka nililista niya dun bawat reklamo na maririnig niya mula sakin. Pft. Mga trip niya talaga sa buhay.” Alam kong gusto niyang ngumiti o tumawa, pero sa pagkakatong ’to ay pinipigilan na niya para di ko makita.
“Yun pala yung pinag usapan niyo kanina nung dumaan siya.”
“Oo.”
Pagtapos nun ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin at sa paligid. Pareho lang kaming nakatingin sa kalangitan ngayon.
Siguro hindi ko nga na break ang record niya, pero mukhang na break namin pareho ang haba ng pag uusap namin sa gabing ’to.
Ngayon lang kami nag usap ng ganito kahaba, na sabihin na nating may sense. Yung hindi puro bungangaan lang.
Okay rin naman pala.
Pero Alien parin siya.
Nakita ko nalang ang pagtayo niya “Siraulo” Pahabol pa niya bago naglakad at pumasok sa loob ng bahay. Nabasa niya ata nasa isip ko.
“Hoy sandali, tulungan mo akong bumangon dito!” Pakiusap ko kasi di talaga ako makakatayo mag isa nito sa sobrang sakit ng katawan ko.
“Manigas ka jan. Lapain ka sana mga asong ulul jan mamaya.”
“Anong aso? Walang makakapasok na aso dito! Hoy!”
“Meron, hintayin mo nalang mamaya.” Sagot niya bago sinara ang pintuan.
“Hooy! Amp.” Sa sinabi niya ay parang kusang nagkaron nalang ng lakas yung katawan kong makabangon at tsaka dahan naglakad papasok sa loob. Di naman ako natakot dun. Pero kasi..
ayokong malapa.
Pasado alas dies na ng gabi ng maiwan mag isa sa laboratoryo si Manuel. Lahat ng mga kasamahan nitong doctor ay nagsiuwian na para magpahinga. Ngayon ay sobrang tahimik lang ng silid. Tahimik lang ring nakapamulsa ang doktor habang nakatingin sa malaking container na kinalalagyan ng isang babaeng tinagurian niyang magiging perpektong obra niya pag nagising na ’to. Ang nag iisang pag asa niya para mas makilala pa ang pangalan niya sa buong mundo.
“Tandang tanda ko pa kung pano ka nagmakaawang wag idamay ang kapatid mo noong dinakip ka ng mga tauhan ko.” Hinawakan niya ang container at ngumisi ng bahagya.
“Wag kang mag alala, balita ko nagtatrabaho bilang kasapi ng Mafia ang kapatid mo ngayon.” Hinihimas himas niya pa ito na parang sabik na sabik na sa pag gising nito . “Kaya gumising kana jan. Malay mo magkita kayong dalawa sa darating na digmaan. Magandang pagkikita yun, hindi ba?
“
-To be continued.
Kung matalas memorya niyo, malalaman mo talaga kung sino ang tinutukoy ng doktor dito hahahaha pero sino nga ba ang babaeng ’to? May ideya ba kayo? You can drop names.
-MajorSin
Episode 48: The Right hand’s Identity
Episode 48: The Right hand’s Identity
A/N:
Hi. Hahahah aaminin ko, kaya ako laging natatagalan mag update dahil bukod sa tamad ako, hirap na ako sa plot. Kung marami lang akong alam sa mundo ng mga militar, mas mapapadali sana. Pero amateur lang ako at wala pang alam sa mundo. Kaya advance na akong hihingi ng pasensya sa mga words o terms na magagamit ko na di tugma kung ano talagang tama. Correct niyo nalang ako para mapalitan ko ha? :) Sorry kung lagi nalang kayong naghihintay ng matagal hahah. Di ako mangangako pero susubukan ko paring bumawi :)
BTW may bago akong story, Murder Vito Salonga. Kung gusto mo na mas realistic na action story, na walang pumupulang mata, walang lumilipad dahil sa suntok, yung tipong isang putok lang ng baril deads agad. Pwede niyo tong basahin. Nag uupdate rin ako jan so pwede mo lang ilagay sa library mo kung di mo pa trip basahin dahil di pa tapos :)
May nakaka miss ba kay Kael? Hahaha patingin nalang sa media
[Virgel’s PoV]
Tagaktak ang pawis ko ngayon habang nakatingin sa dulo na may ribbon pang nakalagay at may nakasulat na finish line. Sinulat yun ni Mina gamit ang pentel pen kaya di gaano pantay yung mga letra. Ilang metro lang naman ang layo ko mula sa ribbon, pero ewan ko ba, kinakabahan ako.
Mahigit isang linggo na ang lumipas. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag push up at meditate lang. Hindi ko alam kung pano ko nakayanan ang isang linggong impyerno sa buhay ko. Pero ang mas iniisip ko ngayon ay itong gagawin ko.
Sa loob ng isang linggong yun, nag improved ang isang paa ko na makalakad. Ni hindi ko na nga hawak ang saklay ko ngayon e. At kaya ako kinakabahan ngayon habang nakatingin sa ribbon ay plano kong takbuhin ang distansya mula dito papunta sa dulo. Nakaporma na ako ngayon at handa ng tumakbo.
Tinignan ko saglit ang gilid ko, nandun lang silang tatlo habang nakatingin sakin. “Go Go Kuya Berbeel~” Suportang suporta na sigaw ni Mina kaya napailing nalang ako.
Ayokong madismaya. Pano kung di ko pa pala kayang tumakbo? Pano kung kumirot ulit at di na naman ako makalakad ng maayos?
“Sigurado ka ba dito, Greco?” Natanong ko nalang sakanya. Siya kasi may plano nito. Oras na daw para itakbo yung mga paa ko kasi maayos na daw.
“Subukan mo lang. Wala namang mawawala.” Nakatawang sagot pa niya kaya inis kong binalik ang tingin sakanya. “Anong wala? Pwede akong di makalakad ulit nito pag nasobrahan ng pwersa tong paa ko.” Usal ko.
“Di na yan. Magaling na yang mga paa mo. Ikaw lang ’tong takot jan.” Sagot lang niya. Anong takot? Di ako takot. Ayoko lang madismaya sa resulta.
Pero..hays, bahala na.
Huminga muna ako ng malalim bago muling tinignan ang ribbon. Tapos ay walang pagdadalawang isip ko ng pinwersa ang mga paa ko para makaabante. Hanggang sa unti unti ko itong tinakbo.
Di ko namalayang tumatakbo na pala ako. Parang bago sa pakiramdam. Para akong batang kakatuto palang kung pano tumakbo. Ngingiti pa sana ako dahil abot ko na yung ribbon pero bigla akong nakaramdam ng sakit sa paa ko dahilan para mapahinto ako sa pagtakbo at mapahiga. “Arrrghhhh!”
Napahawak ako sa paa kong pilay dahil pakiramdam ko may bumaon. “Sinasabi ko na nga ba!” Napasinghal nalang ako. Sabi ko na nga ba’t madidismaya lang ako. Hayop yan.
Nakita ko ang paglapit ng tatlo habang tinitignan ako. “Di na naman ako makakalakad muli nito!” Singhal ko sakanila. Kung di lang sana ako pinilit na patakbuhin. Masyado silang nagmamadali. Masyado silang–
Napansin ko ang pag upo ni Ginger sa may paanan ko tapos ay hinila ang paa ko at parang may binunot “Argghhh! Aray ano–”
“Ang oa mo ha. Nakatapak ka lang ungas.” Biglang sabi niya kaya napahinto ako sa pagdaldal. Nakita kong ang hawak niyang thumbtacks.
Eh?
“A-ahh..”
“Bakla mo.”
Nakakahiya hayop.
[Maki’s PoV]
Halos isang linggo na kaming narito sa loob ng malaking Gym na ’to. At di biro ang isang linggo na yun–lalo na pagdating sa pagkain. Halos lahat di makapag ensayo ng maayos dahil kulo lagi yung tiyan. Pero sabi ni Heneral Tresler ensayo rin daw yun sa mentalidad namin. At mukhang tama rin naman siya dahil nung ikalimang araw namin rito, bihira nalang kaming makarinig ng reklamo kay kuya pagdating sa pagkain hanggang sa puntong ’to. Ngayon ay tanghali na at oras na sana ng tanghalian pero wala ni isa sa amin ang nagrereklamo dito. Lahat nagkanya kanya lang ng upo at pahinga.
Pagdating naman sa pagpapalakas namin, di kami nilulubayan ni Kolonel Astrid. Araw araw may bagong pakulo. Pinag i sparring yung mag partner na nakapiring ang mga mata, nakipag tug of war kami by partner pero iba yung paraan. Nakatali lang sa mga bewang namin yun lubid at bawal kaming gumamit ng kamay sa paghila. Tanging mga paa lang yung pwede naming gamitin pang atras. Sobrang hirap. Bawat talong partner ay mga parusa. Singkwentang push ups–habang nakapatong yung mga nanalo. Literal na hell week talaga.
Marami pa kaming ibang ginawa. Basta lahat ng ensayo ay by partners. Pero sa isang linggo na yun, apat na mag partner lang tanging nakakasali. Pinagpahinga pa kasi si Sir Ish dahil sa nangyari nung football game. Habang si Damian naman ay personal na ini ensayo ni Kolonel.
Sa ngayon ay kasama ko sina Kuya, Giovanni at Vincent dito sa table at naghihintay nalang na pumasok yung mga waiter para sa pagkain. Yung ibang mga Martin naman ay parang may sariling mundo na nasa unahan lang at mukhang nakikipag kwentuhan. Si Veronica naman ay nasa isang gilid habang naglilinis sa sandata niyang pana. Pansin ko kung pano niya inaalagaan yung sandata niya. Araw araw lagi niya itong nililinis pag may oras siya.
“Isa ka sa mga nakaharap na sa Vendetta, hindi ba?” Tanong bigla ni Vincent kaya napatigil ako sa pag iisip.
“Oo.”
“Pano mo nga pala sila nakaharap? Inatake ba kayo?” Tanong pa niya.
“Hindi. Kami yung naghanap sakanila nung mga oras na yun.” Bigla namang natawa si kuya sa sinabi ko.
“Yabang naman talaga. Kayo pa ang naghanap ah.” Singit niya.
“Siguradong may rason yan kung bakit niyo sila hinanap. Ano ba ang nangyari?” Natahimik ako bigla at napayuko. Di ko alam kung pwede ko bang ikwento.
Pero wala naman sigurong masama.
“May kasapi kasi ang Virgo dati na dati ring myembro ng Vendetta.” Mejo bakas naman sa mga mukha nila ang pagtataka. Pero pinagpatuloy ko lang ang kwento ko. “Namalagi siya sa Virgo ng ilang taon. Kinalimutan niya ang nakaraan niya at nagbagong buhay kasama yung ibang myembro ng Virgo. Wala naman sanang problema. Maayos lang yung pagsisilbe niya. Pero sa loob ng mahabang panahon, bigla nalang nagparamdam ulit ang Vendetta at hinahanap siya.” Alam ko ang mga parte ng kwentong ’to dahil nakwento na to ni ma’am Elsa sakin dati.
“Tapos?”
“Hindi ko na alam pa yung ibang detalye. Basta bigla nalang namin nalaman kinabukasn pagtapos ng libig ni Boss Vlad na umalis na si Sir Benz sa Virgo at bumalik sa Vendetta.”
“So kaya niyo ba sila hinanap para bawiin niyo ulit yang Benz na yan?”
“Pinaka malapit na kaibigan ni Sir Benz si Sir Ish. Kaya nung umalis siya, si Sir Ish yung pinaka naapektuhan. Kaya sinubukan niyang hanapin ang Vendetta para kumbinsihin si Sir Benz na bumalik ulit sa Virgo. At isa ako sa nagboluntaryo na sumama.”
“Sa bata mong yan? May lakas ka ng loob na humarap sa mga Vendetta?” Tanong naman ni Giovanni.
“Oo nga. Diba ang bakla bakla mo pa dati?” Singit na naman ni kuya. Tama siya, sobrang matatakutin ako dati kaya maski ako di rin makapaniwala kung saan ako kumuha ng tapang nung mga oras na yun. Basta ang tangi ko lang iniisip nun ay maging bahagi ng Virgo.
“Di pa kasi ako kasali talaga sa tagapag bantay ni Boss Virgel dati. Simpleng tauhan lang ako sa Virgo dati. Sinabi ko sakanila na gusto kong maging parte nila kaya binigyan ako ng misyon. Na kung tagumpay naming maibalik si Sir Benz, magiging opisyal na daw akong parte nila. Sa sobrang ganda ng alok pumayag ako. Ni hindi ko na naisip na ang magiging kahahantungan ko pag nakaharap ko sila”
“Hinahangaan kita sa bagay na yan, bata.” Napangiti ako ng bahagya sa sinabi ni Giovanni.
“Pero di niyo naibalik diba? Bakit naging opisyal ka sa Virgo?” Tanong ni kuya
“Hindi nga pero nakita nila na desidido ako sa misyon na yun. Kaya kahit di kami nagtagumpay, pinasok nila ako. Ako ang ipinalit ni Benz sa grupo.”
“Wow. Pang MMK pre. Submit ko kaya kwento nito? “ Halakhak na usal ni Kuya mag isa. Adik talaga nito.
“Tapos ano nangyari nung nakaharap niyo ang Vendetta? Anong pakiramdam?”
Biglang sumagi sa isipan ko yung araw na yun.
“Nakakatakot sila. Yung mga mata nila, yung awra nila, di pangkaraniwan. Hindi sila mga ordinaryong tao lang. Kaya ka nilang hatakin pababa sa pamamagitan lang ng mga titig nila.” Napahawak ako saglit sa balikat ko habang inaalala kung pano kami pinaglalaruan ng isang tao lang. “At yung lakas nila, nakakamangha. Tatlo na kaming nagtulong tulong pero wala kaming laban sakanya. Kung di pa dumating si Boss Virgel nun, patay na kaming tatlo ngayon.”
“Yung batang Boss niyo? Malakas ba talaga yang Virgel na yan? Sa pagkakaalam ko yung kapatid niya lang yung kilalang kilala na sa mundo ng Mafia eh. Si Argo.” Usal ni Vincent
“Ang halimaw na yun.” Dugtong naman ni Giovanni. Yan ang di ko alam. Di rin na kwento sakin ni tanda na dalawa pala anak ni Boss Vlad.
“Balita ko nasawi siya sa pagligtas niya kay Virgel nung digmaan sa pagitan ng Virgo at Elfame pitong buwan na ang nakakaraan. So pano mo masasabing malakas nga yang Virgel na yan? Hilig mo talagang mag ilusyon eh.” Usal rin ni kuya na natatawa pa. Napailing nalang ako.
Ikkwento ko pa sana kung gano kalakas si Boss pero bigla nalang bumukas ang pintuan at niluwa dun ang mga waiter na may mga dala ng pagkain.
“Ayan na.”
[Virgel’s PoV]
Nandito lang ako ngayon sa bakuran habang nakaupo katabi ang bowl na may bigas. Kumuha ako ng kaoti rito at tsaka hinagis sa harapan ko. Agad naman nagkandarapa sa pagtakbo ang mga manok at tinuka ang mga ito.
Nakakatakbo na ako.
Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko kanina nung nakatakbo ako. Tinignan ko ang paa ko at saglit na inapak.
Hindi na nga masakit.
Tumayo ako at sinubukan kong tumalon ng mahina.
Di na talaga kumikirot.
Ewan pero mukhang nawili ata ako kaya tuloy tuloy lang ako sa pagtalon.
“Ginagawa mue?”
“Anak ng!” Muntik na akong matapilok sa sobrang gulat nung may magsalita sa likod ko. “Ba’t ka ba pasulpot sulpot jan?!” Inis kong tinignan ang alien na ’to na ginawang impyerno yung isang linggo ko.
“Mukha kang timang jan na nag aala super mario.” Sagot lang niya. Bilis talaga makabago ng modo tong alien na ’to.
Aktong kinuha niya yung tsinelas niya “Isang alien pa!” sigaw niya.
“Tss.”
bumalik nalang ako sa pagkakaupo at ibinaling yung atensyon sa mga manok. Mabuti pa ’tong manok, marunong tumahimik. ’tong isa jan mukhang tao naman pero kung makatalak daig ba yung mano– “Aray!” Mabilis akong napahawak sa ulo ko nung dumapo yung tsinelas niya. “Ano ba!”
“Pinag iisip mo jan?!”
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Nananahimik ako dito dini disturbo mo ako!” Biglang umusok yung ilong niya sa galit sa sinabi ko.
“Sumunod ka na nga lang sakin!” Bulyaw nalang niya.
“Ano na namang gagawin natin? Tapos na akong mag push up ng limang daan kaya pwede na akong magpa–”
“Iba ang gagawin natin.” Natigilan ako sa sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Since magaling na yang mga paa mo, tingin ko oras na rin para iangat yung pagsasanay mo. Sumunod ka sakin, nakahanda na yung pag eensayuhan mo.” Sagot niya at di ko na nagawang makapag salita dahil tinalikuran na niya ako at umunang maglakad.
Anong kademonyohan na naman kaya iniisip nung na alien na yun na ipapagawa saki– “aray!”
Pano, bigla na namang lumipad yung tsinelas niya sa mukha ko. Akala ko nakaalis na.
Bwesit ka talaga kahit kailan!
**
“Ano to?” Tanong ko habang nakaharap sa tatlong patalim na nakabaon. Inalalayan ako ni Ginger kung saan ako ppwesto. “Mag squat position ka.”
Binend ko ng bahagya ang tuhod ko gaya ng sabi niya. Ano na naman ba ’to? Inangat niya ang dalawa kong kamay at tsaka kinuha ang dalawang banga na nasa gilid ko at tsaka ipinatong sa mga kamay ko “Anong–”
“Tahimik!”
Nakapwesto ang dalawa kong kamay sa ibabaw nung dalawang patalim habang yung isang patalim naman ay nakapwesto sa may pwetan ko. Ibig sabihin, pag binaba ko ng kahit konti yung mga kamay at pwet ko, matutusok ako ng patalim.
Ano na namang kabrutalan to?
Kinuha naman ni Ginger sa bulsa niya ang isang mahabang karayom at tsaka ikinabit sa ibabaw ng t shirt ko. Anak ng–
“Wag mong subukang yumuko, baka bumaon ’to.” Nakita ko pa ang mapang asar na ngisi niya kaya biglang kumulo yung dugo ko.
“Ano ba ’tong ginagawa mo?! Plano mo lang ata akong paglaruan dito!”
“Gago. Parte to ng pagsasanay.” Akala ko tapos na siya pero kumuha pa ulit siya ng isang banga at tsaka ipanatong sa ulo ko.
“Yaaan. Perfect!”
“Plano mo ba akong matusok dito?!” Bulyaw ko sakanya. Sumusobra na talaga ’tong alien na ’to!
“Hindi ahh.” Halata talaga sa boses niya na nang aasar siya. Bwesit talaga! “Kung ako sayo? DI ko sasayangin yung lakas ko sa pagtatalak.”
“Ilang minuto ko bang gagawin ’to?”
“Lima.”
“Limang minuto?”
“Limang oras.”
“HAAAAA?!” Tang–nagbibiro ba siya?!
“Nope.” Tumingin siya sa kalangitan kaya napatingin rin ako.
At kung minamalas ka nga naman.
“At kung siniswerte ka nga naman.” Ngising usal niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kaasar, mukhang uulan pa ata. Sobrang itim ng mga ulap kahit alas 3 palang ng hapon.
“Magdasal ka nalang na hindi umulan. Siguradong bibigat yang mga nakapatong sayo pag nasalakan ng tubig yan. At pag nangyari yun, bibigat yan lalo aaaat..matutusok ka heheh Gambatte!” Ngiting pang aasar niya. “Jan kanaa~” dugtong niya bago umalis at iniwan ako dito.
“HAYOP KA TALAGAAAA!!” Napasigaw nalang ako habang napatingin sa kalangitan.
Bati tayo diba? Wag ka namang umula–
at isang malakas na kulog nalang ang narinig ko
Dun palang nawalan na ako ng pag asa.
[Stephan Milvar’s PoV]
“Ano yang pinapanood mo?” Kakarating ko lang dito sa silid kung saan ang mga kasapi ng intel unit namamalagi. Punong puno ng mga screen at iba’t ibang computer ang silid para sa mga research purposes. Nandito ako sa likuran ni Akasha na ngayon ay nakaharap sa laptop niya habang may pinapanood.
“Footage nung paglusob ng Vendetta sa Aralith Prison.” Sagot niya. Pinapakita sa video yung parte na tinanggal nila ang mga suot nilang kapute at isa isang pinakita nag mga mukha nila.
Di parin ako makapaniwalang kabilang si Benz sa Vendetta. Naalala ko kung pano ito ka kwela sa tuwing nakikita ko ito kahit saan. Kaya pala nasabi nila Asher samin dati na may sakit siya katulad sa mag amang Acosta. Ito pala ang nasa likod ng lahat ng ’to.
“Bakit mo pinapanood yan?”
“Gusto ko lang matandaan ang mga mukha nila. Tayo ang magsisilbeng mata ng mga sasabak sa digmaan kaya dapat alam natin bawat detalye ng mga kalaban.” Sagot niya. Mukhang itong babae nga na ’to ang nagsisilbing utak ng Alibara katulad ko sa Fuego at kay Elrien sa Elfame dati.
“Tama ka jan.”
“Ikaw? May impormasyon ka bang nakakalap? Nagresearch ka ba?” Tanong naman niya. Di niya binabaling ang tingin sakin. Pokus lang ito sa panonood.
“Ah ehh sa totoo lang..”
“Plano mo bang magkasilbe sa darating na digmaan? Alam kong matalino ka at bihasa sa pangangalap ng impormasyon. Pwede mo yang gamitin. Dalawang linggo nalang at sasabak na tayo pinapaalala ko lang.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Kanino mo ba hiniram yang footage na yan?” Tanong ko nalang
“Kay Heneral Simeon. Kahapon.”
“Tinanong mo ba kung sino ang nag suggest sakanya na kuhanin ang footage na yan sa media?”
“Hindi–wait.” Bigla itong napatingin sakin. “Ikaw?” Nagkibit balikat lang ako.
“Nung isang araw ko pa ’to napag aralan. Kita mo yan?” Tinuro ko ang screen ng laptop niya. “Bukod sa mukha nila, palatandaan rin sakanila ay ang tatlong hikaw at kwentas na suot suot nila.” Usal ko. Mukhang nabigla ata siya sa mga sinabi ko. “At ito, itong dalawang ’to.” Tinuro ko yung myembro na may hawak na Pole axe at blade. “Ito yung mga wala na sa Vendetta.”
“Teka..pano mo nalaman ang mga yan?”
“Pinuntahan ko si Ish kung saan siya naka confined kanina at nangalap ng kaonting impormasyon tungkol sa Vendetta. At yan ang mga nakalap ko.” nilapag ko sa may laptop niya ang mga research paper na kanina ko pa hinahawakan bago nagpatuloy. “Ito naman ang mga naresearch ko tungkol sa mga kakayahan nila base na rin sa mga sandatang hawak nila. Ibibigay ko ’to kay Kolonel Astrid mamaya para mapag aralan nung na kasamahan natin na ini ensayo nila.” Nakita kong natameme siya kaya lihim akong napangiti.
“M-magaling.” Tanging nasagot lang niya at tsaka ibinalik ang tingin sa laptop niya.
“Sa susunod patapusin mo muna kasi ako.” Usal ko at tsaka siya iniwan. Naglibot nalang ako ng tingin dito sa loob. Sobrang busy ang lahat sa mga ginagawa nila. At dun nahagip ko si Elrien na nakaharap rin sa isang laptop. At base sa tinitignan niya, mapa ito sa lugar kung saan nakatayo ang pugad ni Manuel Guanzon.
“Delikado ’to.” Biglang usal nya na mukhang alam niyang nasa likuran niya ako nakamasid.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Dito sa gitna na ’to matatagpuan yung kuta ni Manuel.” Turo ni Elrien sa screen. “At ang mga nakapalibot sa kuta niya, masyadong matao.” Inaasahan ko na yan dahil isang marangyang lungsod ang Orquieta.
“Problema natin ngayon ay kung pano natin mapapaalis o mawawarningan yung mga tao dun tungkol sa digmaan ng hindi mamamalayan ng mga sakop ni Manuel. Imposibleng walang mga lookout si Manuel sa buong lungsod at sigurado akong nakakalat lang sila sa buong syudad “ Usal niya. Tama siya. Yun din ang pinoproblema ko. Di naman pwedeng ipagsawalang bahala nalang ang mga taong naninirahan dun. Siguradong buong lungsod ng Orquieta ang masasakop sa warzone sa laki ng digmaan na ’to. Sa oras na malaman nila ang paglusob na gagawin namin, siguradong papalpak yung plano namin na pag ambush.
“Ang presidente na siguro ang bahala sa bagay na yan.” Sabi ko nalang.
Biglang bumukas ang pintuan ng silid at niluwa doon ang mukhang kakatapos lang mag usap na sina Heneral Ibarra at Gideon.
“Mr. Milvar, pinapatawag ka ng tatlong Heneral.” Usal ni Heneral Ibarra.
“Bakit po daw Heneral?” Lumapit ako sa kanilang dalawa. Tumingin muna ako saglit kay Gideon bago nilipat ang tingin kay Heneral Ibarra.
“They need your braaaain.” Umakto pa itong parang nananakot kaya napakunot nalang yung noo ko. Heneral ba talaga ’to? “ Gusto ka lang makausap“ Suko rin niya ng mapansing di ako natatawa sakanya.
Ano na naman kayang iniisip ni Heneral Simeon.
[Ginger’s PoV]
“Atee, basang basa na si kuya Berbel oohh.”
“Hayaan mo siya jan.” Sagot ko lang habang di inaalis ang tingin ko sa librong binabasa ko. Di ko naman kasalanang umulan.
“Ehhh, nanginginig na siya oohh. Kawawa siyaa.” Bumangon ako saglit at tinignan si Virgel sa labas. Di ko alam kung saan siya nanginginig, sa pagod ba o sa lamig ng ulan.
Pero wala akong pakialam.
“Tatlong oras palang siya jan. May dalawang oras pa siya.” Sagot ko lang tapos humiga ulit at tinuloy ang pagbabasa.
Di ko alam pero di ko na maintindihan yung binabasa ko. Nagbabasa ako pero yung utak ko iba ang pumapasok.
Kaasar.
Sa huli ay sinara ko nalang ang libro at bumagon ulit. Kumuha ako ng payong at tsaka lumabas at pinuntahan si Virgel.
Pumunta ako sa harapan niya pero di ko makita ang itsura niya dahil natatabunan ito ng buhok niya. Mejo mahaba na pala ang buhok niya. Ngayon ko lang napansin. “Ano? Suko kana?” Asar kong tanong. Tinignan ko ang mga banga na nakapatong sa magkabilang kamay niya, punong puno na ito ng tubig dahil sa ulan.
Ang totoo nyan ay imposible naman talaga ang limang oras sa katawan niya. Sinabi ko lang yun para malaman kung saan siya tatagal. Kung tutuusin nakakamangha na na umabot siya ng tatlong oras na puno pa ng tubig yung mga hawak niya.
“Tama na yan, pumasok kana sa loob.” Sabi ko nalang at tsaka tumalikod. Maglalakad na sana ako pabalik nang magsalita siya.
“Wag na, tatapusin ko ang limang oras para sayo. Ito naman ang gusto mo diba? Yung makita akong nahihirapan?” Tumingin ako sa gawi niya. Nahawi na ng ulan ang buhok niya at kita ko ang pamumula ng mga mata niya habang nakangisi sakin.
“Talaga? Kahit halata na ang panginginig ng kalamnan mo?” Sagot ko. Ilang segundo lang kaming nagtitigan bago ko mapansin ang unti unting pagwala ng pamumula ng kanyang mga mata at dahan dahan itong napapikit at tuluyang nabitawan yung mga hawak niyang banga.
Nakita kong patumba ang kanyang katawan paatras kung saan may patalim sa likuran niya kaya dali dali kong hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sakin. Nabitawan ko na rin ang hawak kong payong para makuha yung karayom na nakatusok sa t shirt niya. Inalayan ko ang katawan niya na makatayo siya gamit ang dalawa kong kamay. “H-hooy!”
Paangas angas pa, mahihimatay rin naman pala.
**
[Virgel’s PoV]
Anong nangyari? Napatingin ako sa harap at kisame yung tumambad sakin. Nakahiga ako? Anong..
Nakita kong lumabas si Ginger galing sa kwarto ko bitbit yung tuwalya ko at hinagis sakin. “Magpatuyo ka.”
Tsaka ko lang napansing nasa loob na pala ako ng bahay. Diba nasa.. “Anong nagyari?” Natanong ko nalang at pilit na binabangon ang sarili. Arghh, ang sakit ng katawan ko.
“Nahimatay ka lang naman.” Sagot niya habang pinapatuyo rin yung buhok niya gamit ang tuwalya.
“Ano? Paanong..” Pilit kong inaalala ang nangyari kanina pero ang huli ko lang natatandaan ay nakatayo lang ako dun sa labas habang nababasa sa ulan.
“Sinong nagkarga sakin papunta rito?”
“Wala si papa ngayon, baka si Mina.”
“Paano? Kaya niya ba akong buhatin?” Nakita kong napailing siya kaya kumunot yung noo ko. “Ikaw?”
“Magpatuyo ka na jan at baka magkasakit ka pa.” Sabi nalang niya
“Uyyy si atee~ nag cecare kay kuya berbeeel~”
“Manahimik ka! Tapusin mo na yang assignments jan!”
Akma ko sanang huhubarin ang t shirt ko kasi basang basa ako nang biglang may lumipad na libro papunta sa mukha ko “Aghh aray! Ano na naman!!”
“Plano ma pang jan magbihis?! Pumasok ka sa kwarto mo!!” Bulyaw niya pero yung mukha niya parang namumula.
Adik.
Ngayon ay nasa hapagkainan na kaming tatlo. Di pa nakakauwi si Greco dahil sa lakas ng ulan kaya umuna nalang kami.
Habang kumakain kami, lagi kong nahahagip na laging nagnanakaw ng tingin si Ginger sakin. Di ko lang pinapansin nung una pero hayop yan, di ako makakain ng maayos sa inaakto nya.
“Ano bang tinitingin tingin mo jan?” Tanong ko habang salubong yung kilay ko. Pansin ko pa ang pagkagulat niya pero agad ring nakabawi.
“K-kapal mo ah!” Sagot niya lang tas parang may gusto pa siyang sabihin pero pinipigilan niya. “Tss!”
“Ano ba kasi yun?” Sa ngayon ay normal na akong nagtanong. Napapikit naman siya at tsaka muling tumingin sakin.
“Gu..gusto ko lang humingin ng pasensya, dalawang oras lang sana dapat yung ginawa mo kanina. Sineryoso mo ata yung limang oras na sinabi ko kaya nahimatay ka.” Nakita kong napayuko siya at dali dali sa paglamon ng pagkain na tila hiyang hiya sa sinabi niya.
Di ko alam ang sasabihin. So pinaglalaruan niya lang pala talaga ako dito sa training training na ’to?
“Hindi! G-gusto ko lang sanang malaman kung hanggang saan ang kaya mo. O kung kaya mo bang lampasan yung limitasyon mo.” Agad niyang depensa sa iniisip ko. “Y-yun lang naman talaga eh”
“Talaga lang ha.”
“Oo ngaa”
Napatingin ako sa kinakain ko at may pumasok sa utak ko. “Sige, tatanggapin ko ang pasensya mo..sa isang kundisyon.”
“H-ha?! Meron pa bang ganun?! Tss!”
“Ah edi wala. Pinaglaruan mo nga ako.” Iling iling kong usal.
“O-oo na! Ano ba ipapagawa mo?” Tanong niya kaya napangisi ako ng palihim, Kinuha ko yung dalawang labuyo sa ulam at tsaka nilagay sa pinggan niya. “Kainin mo.”
“Anoo?!” Halata pa sa mukha niya ang inis. Pft.
“Ah sige, pinaglaru–”
“Oo na! Bwesit ka!” Putol niya sakin tapos ay tinignan yung labuyo.
“Nguyain mo ha, mga 5 seconds bago mo lunikin.”
“Demonyo ka.”
“Galing pa talaga sayo ang mga salita na yan ha.”
“Tss!” Sa huli ay kinuha niya ang dalawang labuyo at sabay na sinubo.
“Nguya.” Usal ko nung mapansin kong di gumagalaw yung bibig niya.
At habang ngumunguya siya, wala pang limang segundo ay bigla nalang niya itong niluwa “Aaaaarrrrhhhhhh ang anghaaang!!” Sigaw niya tapos ay dali daling ininom ang tubig.
Dun ko lang di napigilan yung tawa ko habang tinitignan yung itsura niya. Sobrang pula ng mukha habang naluluha pa. “Enang mukha yan.”
“Bwesit kaaa!” Tuloy parin sa pag inom si Ginger habang ako ay natatawa parin.
“Okay na yun, sige tinatanggap ko na pasensya mo.” Natatawang sabi ko bago tinuloy ang pagkain
“Heee!”
“Uy kuya Berbel! Pers taym kita nakitang tumawa. Ang gwapo gwapo mo pala pag nakatawa hehehe” Biglang singit ni Mina kaya napatigil ako sa pagtawa.
Mukhang ito pa nga lang ang unang beses na natawa ako simula nung mamatay si Papa.
Sobrang tagal ko na palang di nakakaramdam ng saya.
“Ayy, sumimangot ulit. Di kana ulit gwapo kuya.”
Pati si Ginger ay nakatingin lang sakin at mukhang natulala sa pagtawa ko dahil nakatapat parin ang baso sa bibig niya habang nakatingin sakin.
Uminom nalang ako ng tubig ay tsaka tumayo. “Tapos na ako, salamat sa pagkain.” Sabi ko bago lumabas sa bahay at pumunta sa bakuran para magpahangin.
[Stephan MIlvar’s PoV]
Pagkapasok ko sa silid ay naabutan ko lang ang tatlong Heneral na sina Simeon, Puma at Tresler. “Pinapatawag niyo raw ho ako.” Yumuko ako bilang pagbati bago umupo sa couch sa harapan nilang tatlo.
“May mga konting katanungan lang kami sayo.” Nakaramdam ako ng kaonting kaba sa tono ng boses ni Heneral Puma. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa papel na hawak niya.
“Ano ho yun?”
“Naging kasamahan mo si Kael Zacanta dati sa Fuego bago siya mapunta sa Virgo Mafia, hindi ba?”
Nangunot saglit ang noo ko sa tanong niya. “H-ho? Oo. Anong meron kay Kael, Heneral?”
“Ikwento mo samin kung anong klaseng bata siya.” Usal pa ni Heneral Simeon.
“Ano bang meron, Heneral?” Takha kong tanong sakanila. Ba’t masyado atang seryoso ang mga presensya nila eh tinatanong lang nila kung anong klaseng bata si Kael?
Nilagay ni Heneral Puma ang hawak niyang papel bago tumingin sakin. “Nung panahon na nilusob ng hukbo ko ang kuta ni Gleo Guanzon–ama ni Manuel Guanzon, may isang tao ang pinadala ng Gobyerno at isinama sa amin. Ako at ang hukbo ko ang nagtumba ng kuta ni Gleo pero ang taong yun ang mismong nakapatay kay Gleo.” Di ko siya maintindihan. Anong konek nitong sinasabi niya kay Kael?
“Para pantayan ang lakas ng hukbo ni Gleo noon, kinailangan ring gumawa ng experimento ang Gobyerno para makipagsabayan. At sa experimentong ginawa, isang tao lang ang naperpekto ng mga scientist na involved sa experimento na yun. At yun ang taong pinadala nila kasama ng hukbo ni Heneral Puma.” Usal nman ni Heneral Tresler.
“Wala akong maintindihan sa sinasabi niyo mga Heneral. Anong koneksyon sa mga sinasabi niyo ngayon kay Kael?”
“Ang gusto lang namin sabihin ay ang ama nung Kael Zacanta na yun ang taong tinutukoy namin.” Pero
“At bakit niyo gustong malaman kung anong klaseng bata si Kael?”
“Gusto lang naming malaman kung..”
**
[3rd Person’s PoV]
“Di parin ba gumagaling si Sir Kael?” Tanong ng isang maid kay Madel na may hawak hawak ang isang tray ng gamot at papunta sa kwarto ni Kael.
“Oo. Isang buwan na siyang nakahalata sa kwarto pero di parin siya gumagaling. Ipapa ospital nalang sana namin siya pero siya naman ’tong ayaw.” Sagot naman ni Madel na halatang alalang alala na kay Kael.
Nang marating ni Madel ang kwarto nito ay kumatok muna ito “Sir Kael? Papasok na ho ako.” Paalam nito bago binuksan ang pintuan. Pagbukas niya, nadatnan lang niya si Kael na nakatalukbong ng kumot ang buong katawan at nanginginig. “Sir?”
Dali daling nilagay ni Madel ang tray sa lamesa at tsaka lumapit kay Kael. “Sir? Anong nangyayari sayo?”
“A-ate..ate..” Yun lang ang tanging naririnig niya kay Kael. Para itong nananaginip at di mapakali ang katawan.. “Ate..ate.. ATEEE!” Biglang bumangon si Kael at mukhang napalakas yun dahil naitulak nito si Madel sa sahig.
Pinilit niyang bumangon kahit mejo nasaktan siya sa pagkakasampak sa sahig. “Sir, ayos lang ho ba ka–” halos di na naitikom ni Madel ang bibig niya sa sobrang pagkabigla sa nakita.
“A-anong nangyayari sa mga mata mo?” Minsan na niyang nakita ang pagbabago ng kulay ng mata ni Virgel dati
pero kay Kael iba..
iba yung kulay.
“Gusto lang naming malaman kung namana ba niya ang kakayahan ng kanyang ama. Kakayahan na resulta ng experimento ng Gobyerno.” Patuloy ni Tresler
[Guanzon’s Laboratory]
“Ano ng balita?” Tanong ni Manuel sa kabilang linya. Nakaharap siya ngayon sa malaking container habang hawak ang cellphone nito.
“Wala namang importanteng nangyari. Lahat parin ay naghahanda dito para pabagsakin ka.” Narinig niya pa itong natawa sa kabila kaya napangisi rin ang doktor.
“Ang sama ko naman kung di ko tatanggapin lahat ng paghahanda niyo.” Sagot nito
“Bakit? Handa kana rin ba jan para sa digmaan? Dalawang linggo nalang at kikilos na kami. Malapit na yun.”
“Sa sobrang handa ko, di ko na hihintayin pa ang dalawang linggo na yan.” Tumawa ng malademonyo ang doktor na tila ba planado na niya ang mangyayari.
“Anong ibig mong sabihin? Uunahan mo kami?”
“Hmmmn, surpresa nalang.” Hinawakan ng doktor ang container bago nagpatuloy. “May malaki akong surpresang ihahanda sa Gobyernong gustong patumbahin ako.”
“Baliw ka talaga doktor” Tawang sagot lang ng kausap niya bago nito binaba ang tawag.
Ngumisi si Manuel sa harapan ng container.
“Gagamitin ko sainyo tong experimentong ginawa niyo laban sa ama ko noon. Pero syempre, mas malakas pa tong ibabalik ko sainyo.”
-To be continued
-MajorSin
Episode 49: Doctor’s Biggest Surprise
Episode 49: Doctor’s Biggest Surprise
Patingin sa media, the remaining members of Vendetta.
Sorry sa errors hahah.
Enjoy! Mahaba haba ’to.
1 WEEK LATER
[3rd Person’s PoV]
Halos dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung umpisahan ni Ginger ang pagpapalakas sa katawan ni Virgel. At sa loob ng dalawang linggo na yun, wala silang sinayang na oras. Ensayo dito, ensayo doon. Puro man reklamo si Virgel, hindi naman ito sumusuko. Lalo na nung nag resulta ang training niya sa pagbalik ng kakayahan ng kanyang isang paa na makalakad. Mas naging maganda ang kundisyon niya matapos yun. Kahit pahirap na pahirap ang pagsasanay niya, mas pinapakita niya pa kay Ginger na kaya niyang gawin lahat ng pinapagawa sakanya.
Sa kalagitnaan ng pag sisit up niya, saglit itong pinatigil ni GInger at pinatayo.
“Bakit na naman?”
Lumapit si Ginger sakanya at walang paalam na hinawakan ang braso niya. Pinisil pisil nito ang braso niya gaya nung bago palang sila magumpisang magsanay. “Hmmmn.”
“Minamanyak mo na naman ak–aray!” Isang batok na naman ang natanggap niya sa dalaga.
“Raulo!” Di pinahalata ni Ginger na mejo nagulat siya sa tigas ng braso ni Virgel. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalaki ang improvement ng katawan niya sa loob lang ng dalawang linggo.
“Oh ano? Pwede mo na ba akong maturuan nung kapangyarihan mo?” Tanong ni Virgel.
“Hindi nga kapangyarihan yun!” Inis na sagot nito dahil pakiramdam niya pinagkakatuwaan lang ng taong ’to yung kakayahan na ilang taon nilang enensayo.
“Ano nga yun? K..kyo? Kya? Kyah Wil?”
“KAI!” Parang uusok na ang ilong nito sa inis.
“Kai pala.” Inistretch naman niya ang braso na parang nagyayabang. “Oh sige tara na. Praktisin na natin yun.” Ganadong sabi niya. Pansin naman ni Ginger na sobrang gulo ng buhok ni Virgel dahil may kahabaan na talaga ito.
“Tapusin mo muna yang ginagawa mo.” Nakaramdam ng kaonting excitement si Virgel sa sinagot nito. Sa wakas, matututunan na rin niya yung atakeng nagpawala ng malay niya noon.
Dali daling humiga si Virgel at itinuloy ang pagbibilang ng sit ups niya.
Nang matapos si Virgel sa ginagawa niya ay dumiretso na ito kung nasan si Ginger. Parang nung nakaraan inaabot pa siya ng gabi kaka push up ng limang daan, pero ngayon, di na umaabot ng oras natatapos na niya kahit dinagdagan niya pa ito ng sit ups. Kaya na niya itong gawin na hindi nagpapahinga.
“Ayaw mo ba munang magpahinga?”
“Di na. Dali na, turo mo na sakin.” Sagot agad ni Virgel na tila gigil na gigil ng matutunan ang Kai. Napabuntong hininga nalang si Ginger.
“Nga pala, may kakilala akong gumagawa rin ng ganung klaseng teknik. Pero chi yung nasabi niya sakin eh, hindi Kai.” Dugtong naman ni Virgel.
“Magkaiba ang Chi sa Kai. Ang Chi energy ay isang enerhiya na kayang palakasin ang pisikal na atake gamit ang malakas na bwelo. Kailangan nito ng force para maipalabas mo ang Chi energy. Samantalang ang Kai.” Dahan dahang tinapat ni Ginger ang palad niya sa kaharap niyang kahoy at tsaka mahinahong pumikit.
Tahimik lang rin si Virgel na nag oobserva kay Ginger. Gusto niyang kumpirmahin na hindi siya namalik mata nung una niya itong makita.
Ilang segundo ring nakapikit si Ginger bago minulat ang mga mata at biglang may kalakasang hangin nalang ang humampas sa paligid at naramdaman yun ni Virgel.
Umayos ng tayo si Ginger at inalis ang kamay. At halos di makapaniwala si Virgel sa nakita niya. Kitang kita niya na di gumalaw kahit kaonti ang kamay ni Ginger pero ..
Bat ganun? Bat nagkatipak yung kahoy?
“Bilib kana naman.” Ani Ginger na nabasa ang tinatakbo sa utak ni Virgel. Di nakasagot si Virgel, ayaw man niya aminin pero totoong napabilib nga siya sa kakayahan ng Kai.
“Ang Kai ay di nangangailan ng pwersa o ng bwelo gaya ng Chi. Kailangan lang dito ay matinding focus sa pwersa na ipapakawala mo sa isang labasan lang. Kaya parte sa ensayo natin ang Meditation. Dun mo masasanay ng husto ang sarili mo sa focus.” Paliwanag nito habang si Virgel ay nakatingin parin sa tipak na parte ng kahoy.
“Ngayon subukan mo.” Usal nito na nagpalingon kay Virgel sakanya. “H-ha?”
“Subukan mo kako. Kanina parang gigil na gigil ka tapos ngayon tatameme ka jan?”
“H-hindi. Ako? Tss. Madali lang yan.” Sagot lang niya kahit ang totoo ay di niya alam kung paano gagawin ito.
Pumwesto lang siya sa isa pang kahoy na katapat rin niya at tsaka dinampi ang palad dito. “Ngayon ipikit mo ang mga mata mo. Tapos pakiramdaman mo ang enerhiya na dumadaloy sa loob ng katawan mo.” Sinunod naman niya iyon. Pilit niya itong hinahanap pero masyado pang magulo ang utak niya kaya di ito maka focus ng husto.
[Virgel’s PoV]
Hanapin ang enerhiya sa katawan..
….
…….
…………
………………….
wala akong makita–
teka..
Bigla kong naramdaman na parang may mainit na hangin ang naglalakbay sa loob ng katawan ko.
Ito ba ang sinasabi niyang enerhiya?
“Pag nahanap mo na, subukan mo itong gabayan at ipunta lahat ng enerhiya sa palad mo.” Rinig kong sabi ni Ginger kaya kahit di ko alam ang gagawin, pilit kong iniisip na ilipat yung enerhiya papunta lahat sa palad ko.
Focus..
Focus lang..
Ilipat ang enerhiya…
Ilipat papunta sa palad…
Ilipat..
lumipat ka..
lumipat..
lumi…
Di ko mailipat!
Patuloy lang itong dumadaloy sa buong katawan ko at pakalat kalat ng direksyon.
“Tsk. Teka nga.” Rinig kong usal niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
“Bakit?”
“Ano ba ang itinuro ko sayo sa pagfofocus sa Meditation, ha?” Salubong na naman ang kilay niya.
Ano nga ba? Saglit kong inalala lahat ng mga sinabi niya nung unang sabak ko sa meditation. At isa lang ang naalala ko.
“Paghinga?”
“Oo! at di mo yun ginagawa ngayon. Kaya ka nahihirapan dahil pilit mo itong nililipat. Huminga ka at kalmado mo itong gabayan papunta sa iisang direksyon.” Napakamot ako saglit sa ulo ko. Mukhang tama nga siya, sa kakapilit ko sa pag focus, nakakalimutan ko ng irelax ang sarili ko.
“Heto.” Napatingin ako sakanya nung may inabot itong pantali.
“Ano gagawin ko jan?”
“Talian mo yang buhok mo. Ang haba na niyan. Distraction rin yan sa focus mo.” Tinignan ko siya. Kaya pala tinatali rin niya ang buhok niya pag nag eensayo.
Hinawi ko lahat ng buhok ko at inilipat sa likuran lahat at tsaka tinalian. Nakalimutan ko ng magpagupit simula nung napunta ako rito.
Matapos akong magtali ay tsaka ko lang napansin na magaan pala sa ulo pag nakatali yung buhok mo. “Sige susubukan ko na ul–” Natigil ako sa pagsasalita nung tignan ko ang gawi niya. Nakanganga na naman ito at parang namumula . “Hoy!” Tawag ko kaya dali dali siyang bumawi.
“A-ah oo. Sige sige. Subukan mo ulit.” Usal niya. Problema nito.
Gaya ng sinabi ko, sinubukan ko ulit. Tinapat ko ang palad ko at tsaka dahan dahang pumikit. Sa pagkakataong ito ay mabilis ko ng naramdaman ang enerhiya sa loob ng katawan ko. At sa pagkakataon ring ’to, sinamahan ko na ito ng tamang paghinga at kalma. Dahan dahan ko ginabayan ang enerhiya ko at inipon sa kanang braso ko.
Ayos, gumana.
Dahan ko itong nilakbay paabante hanggang sa naramdaman ko na ang pag ipon lahat ng enerhiya ko sa palad ko. Ramdam ko na ang init at bigat nito kaya bago pa man ito kumalat ulit, agad ko ng dinilat ang mga mata ko at pinakawala ito “Haaaaa!”
……
……….
………………..
………………………………
tweet tweet tweet tweet
A-anyare?
Ba’t di ko naramdaman yung hampas ng hangin tulad nung kanina kay Ginger.
Dahan dahan kong inalis ang palad ko para makita ang kahoy. At..
“B-bat wala? Bakit wala?!” Sigaw ko sa pagkadismaya. Ramdam ko kanina na naipon ko yun lahat eh. “Tama naman na yung ginawa ko, diba?!”
“Di mo kailangan sumigaw ng Ha adik! Walang energy ball na lalabas jan sa kamay mo, wag kang timang. Feeling Naruto? Rasengan? Rasengan?” Nakahalukipkip lang na lumapit si Ginger sa kahoy na nasa tapat ko at tsaka parang kinatok yung parte kung saan nakalagay ang palad ko kanina at nakita ko kung pano ito nadurog at nahulog ang mga tipak ng kahoy. “Di na masama para sa unang subok.” Usal niya. Dahil sa nakita ko ay unti unting nawala ang pagka dismaya ko.
“A-ako may gawa nun?” Hinawakan ko ang natipak na parte at tsaka hinimas “Ako ba?” Panigurado ko.
“Oo pero masyado pang mahina yung pinakawala mo.”
“Ha? Eh buong enerhiya ko na yung naipon ko dun ah. Pano naging mahina yun?”
“Ibig sabihin, di pa gano karami yung enerhiya mo sa katawan. At alam mo kung saan makukuha yun?”
“Saan?”
Kumurba na naman ang mapang asar na ngisi niya. “Sa pagsasanay.” Amp
“Kaya mahaba habang pagsasanay pa ang gagawin mo bago mo magawa yung nagawa ko.” Dugtong niya. So ilang taon rin ba ako magsasanay para maperpekto ’to tulad nung sakanya?
“Oo ganun na nga.” Sagot niya na mukhang nabasa na naman ang iniisip ko.
“Pero may isang katauhan ka, hindi ba?” Nabigla ako sa tinanong niya “Kung sakaling ma kontrol mo yan, baka magawa mo yung nagawa ko kahit kulang ka sa ensayo.”
Biglang sumagi sa utak ko ang demonyong replika ko habang nakatawa sa harap ko
Hindi.
Mas gugustuhin ko nalang magsanay ng ilang taon kesa gamitin yun para lang magawa ko yung Kai ng perpekto.
“Gaya ng sinabi ko dati, tutulungan kitang ma kontrol yang isang katauhan mo.” Usal ni Ginger kaya muli akong napatingin sakanya.
“Hindi mo kilala ang isang katauhan ko. Di mo ito gugustuhing magising.” Banta ko habang seryosong nakatingin sakanya. Pero isang pang asar na ngisi lang ulit ang ginanti niya.
“Kaya kong protektahan ang sarili ko laban sayo at maski jan sa isang katauhan mo. Wag mo akong minamaliit.”
Gaano ba talaga kalakas ang babaeng ’to?
“Nga pala. Ganun ba talaga ang proseso sa pag gamit ng Kai? Na kailangan ng panahon para magfocus muna bago mo ito mapakawala?” Masyadong mabagal ang teknik na ’to kung gagamitin sa aktwal na labanan. Baka bago ko pa ito mapakawala eh mapuruhan na ako.
“Naalala mo naman siguro yung sipa ko na ikinahimatay mo, diba?” Aw oo. Tama. “Pinakita ko lang ang basic sa pag gamit ng Kai kanina. Pero kapag na master mo na ito..” Nakita kong mabilis niyang itinapat ang palad niya at wala pang isang segundo ay naramdaman ko na naman ang hampas ng hangin at mejo may kalakasan pa ito.
At halos mapanganga ako ng makita ko kung gano kalaki yung butas ng kahoy sa ginawa niya. “Hindi mo lang ito mapapabilis, mas mapapalakas mo pa ito pag namaster mo na ang pag gamit nito.”
Ang..
A-ang angas..
Ang angas niya sa tuwing ginagamit niya yun. Yung hampas ng hangin, yung kung pano ka simple lang ng ginawa niya pero sobrang lakas ng impact.
Ngayon naiintindihan ko na kung ba’t ako nahimatay nun kahit di dumampi yung sipa niya sa mukha ko. Yung impact ng enerhiya na tumama sa mukha ko ang nagpabagsak sakin.
Gusto kong ma master ang Kai. Gusto kong makalikha ng hampas ng hangin sa tuwing gagawin ko yun. Gusto ko pang lumakas.
Gusto ko pang lumakas…
Napatingin ako sa kamay ko. Di ko alam kung excitement ba ’tong nararamdaman ko pero di ako mapakali. Ngayon lang ulit ako naghangad sa isang bagay.
Dahan dahan ko itong kinuyom
Magpapalakas ako..
Kai..
Mapi perpekto rin kita.
[3rd Person’s PoV]
Mahigit ilang linggo na ang lumipas simula nung mangyari ang harapan sa pagitan ni Morpheus at nila Jill pero hanggang ngayon ay di parin sila nito kinakausap. Maski si Jill ay di na rin pinapansin kapag lalapit ito sakanya. Mukhang sobra itong nadismaya sakanilang lahat sa nangyari. Lagi itong mag isa, minsan nakatambay ito sa pugad nila, pero madalas naglalakad lakad ito sa labas o di kaya’y pumupunta sa syudad ng Orquieta para maglibot.
Pero sa oras na ’to. nakaupo lang si Eus sa isa sa mga wooden box dito sa loob ng abandunadong gusali kasama silang apat.
Habang si Loda naman ay di na pumupunta sa bahay ampunan matapos mangyari yun. Ayaw na niyang lumaki pa ang gulo kaya kahit gusto niya, iiwasan niya ang mga bata para sa ikatatahimik ng lider nila.
Sa mga oras na magkaaway si Jill at Eus, tanging si Devi lang ang laging nalalapitan niya para may makausap. Sa lahat ng Vendetta, halata naman kay Jill na si Devi ang pangalawang paborito nitong kasama. Kahit noon pa lang, tinuturing na ito ni Jill na nakababatang kapatid.
“Masakit parin ba?” Tanong ni Jill habang hinimas himas ang nakabendang parte ng mata ni Devi.
“Hindi naman na.”
“Ang sabi ng doktor pwede na yang tanggalin paglipas ng isang buwan. Malapit na yun. Makakakita na ulit yang kanang mata mo.” Usal nito kaya napatingin si Devi sakanya ng diretso sa mga mata.
Ilang segundo rin silang nagtitigan bago napansin ni Devi ang isang bagay. “Bakit ka nalulungkot?” Mejo nabigla naman si Jill sa tinanong nito.
“Anong nalulungkot? Hindi naman ako nalulungkot.” Umiwas ng tingin si Jill at tumingin sa kabilang direksyon. “Di ako nakakaramdam nyan.”
“Talaga?” Inangat naman ni Devi ang kamay niya at hinawakan ang baba ni Jill at muling pinatingin sakanya. “Nakasalumuha na ako ng mga normal sa loob ng mahabang panahon, kaya alam ko na ang mga matang nalulungkot, natutuwa, natatakot, nababahala. At sa mga mata mo ngayon, nakikita kong nalulungkot ito. Nalulungkot ka.” Usal niya. Binaba ni Jill ang tingin niya dahil di niya alam ang isasagot niya.
“Hindi ko alam kung lungkot ba ’to. Pero nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa tuwing di ako pinapansin ni Eus kapag lumalapit ako sakanya. Di ko naman ’to nararamdaman dati. Kaya naguguluhan ako.” Tumingin muli si Jill sa mga mata niya na tila gulong gulo na. “Sabihin mo, kalungkutan ba ’to?”
Pinahiran naman saglit ni Devi ang gilid ng kaliwang mata niya. At dun lang niya napansin na nagtutubig pala ang mga mata niya. “Oo. Nakakaramdam tayo ng emosyon kahit di tayo normal, Jill.”
“Pinatatak lang ng doktor sa utak natin na tayo ay alaga niya na walang emosyon at sumusunod lang sa lahat ng iuutos niya. Pero ang totoo? Nakakaramdam tayo. Di lang natin to mailabas dati dahil natatakpan ito sa laging pagpapaalala sa’tin ng doktor kung anong klaseng tao tayo.”
“Ako ang proweba dun, naramdaman ko na lahat ng emosyon nung nasa puder ako ng Virgo. Pansin na rin ng iba ang pagbabago sa sarili nila, diba? Yung pamamalagi ni Loda sa bahay ampunan, emosyon yun. Tuwa sa tuwing nakikita niya ang mga bata.” Patuloy lang sa pag papaliwanag si Devi. Ngayon lang ito nagsalita ng ganito kahaba simula nung nakasama nila ulit nito
“Alam mo ba kung bakit sumugod mag isa si Quincy sa palasyo ng mga Virgo noon at sinuway ang banta ni Morpheus?”
Di sumagot si Jill. Di niya matanggap ang mga sinasabi nito sakanya ngayon.
“Dahil gusto niyang maghiganti para kay Ross. Emosyon rin yun, emosyon ng lungkot at sakit sa pagkawala ng kasamahan na nagreresulta ng paghihiganti.”
Tumayo si Jill dahil di na niya makaya ang mga naririnig niya . “Tama na, Devi. Masyado nilang ginulo ang utak mo nung nandun ka sa puder nila kaya ganyan ang mga sinasabi mo. Nakalimutan mo na talaga kung sino ka. Kung ano tayo.” Magsasalita pa sana si Devi pero tumingin si Jill sakanya ng seryoso “Wala tayong emosyon tulad ng mga normal.”
“Maniwala ka sak–”
“Wala kana sa Virgo kaya pakiusap, wag mo kaming ikumpara sakanila dahil dito ka nababagay sa puder namin. Kami ang totoong pamilya mo. Isa kang Vendetta. Isa kang mamamatay tao, taga wasak ng bayan.” Ngayon lang ito nagpakita ng seryosong mukha kay Devi kaya di siya nakaimik sa sinabi nito.
Ilang segundo rin silang nag gagantihan ng titig nang biglang bumukas ang pintuan sa harapan nila at niluwa doon ang isang sundalo. Nag salute pa ito sakanila bago nagsalita “Pinapatawag po kayo lahat ng Doktor”
“Bakit daw?” Tanong ni Jill
“Di ko po alam.” Sagot lang nito bago tumalikod at umalis.
Nagkanya kanya naman ng tayo ang mga ito sa kinauupuan nila at tsaka isa isang lumabas. Tahimik lang ang lahat. Magkaka grupo sila pero parang may sari sariling mundo at walang planong magpansinan. Paglabas naman nila, tsaka lang nila napansin na mukhang busy ang mga sundalo ni Manuel dahil sobrang dami na pagala gala na parang may gyerang pinaghahandaan.
“Ano ’to?” Natanong ni Ermac. Ngayon lang kasi nila nakitang ganito kadami ang sundalong nagkalat dito sa buong lugar nila.
Lahat ay napatanong kung anong nangyayari. Pero alam nila na isang tao lang ang kayang sumagot nito.
Pagkapasok nila sa lab ay dumiretso na sila sa isang meeting room kung saan ginaganap ang mga pagpupulong nila sa tuwing may pinapagawa sakanila.
Pati sa loob ay may mga sundalo na pakalat kalat. Pagkapasok nila sa silid na yun, dun naghihintay ang doktor sakanila. Nasa dulo ito nakaupo sa mahabang lamesa. May mga sundalo ring nakatayo sa bawat gilid ng lamesa kaya mas lalo silang nagtataka sa nangyayari. “Ano ’to doktor?”
“Nababagot na ako. Kaya uunahan ko na sila.” Ngising sagot lang nito . “Mag ayos kayo, makikita tayo ng buong bansa ngayon.” Dugtong nito. Tsaka lang nila napansin ang laptop na nakapatong sa kabilang dulo ng lamesa. Bale kaharap ito ng doktor na nasa kabilang dulo rin.
–ORQUIETA POLICE STATION–
Habang tahimik at busy ang mga pulis sa kani kanilang upuan sa loob ng stasyon, may bigla nalang pumasok na dalawang sundalo na kakaiba ang suot. Mejo may pagka hightech ito kumpara sa normal na uniporme ng sundalo lang. At kilala ang unipormeng ito sa lugar ng Orquieta.
Lumapit ang chief ng stasyon sakanila para kamayan ito. “Anong atin at napadaan kayo dito?”
Inabot naman nila ito at sabay na nagsalute. “Sir, plano naming sakupin ang buong Orquieta.” Nangunot naman ang mga noo sa mga nakarinig sa weirdong sinagot nung isang sundalo. “
“Anong–”
Pero bago pa man sila makapag salita, biglang binukas ng dalawang sundalo ang suot nila at nanlaki ang mga mata ng mga nandun nang makita nilang may bombang nakakapit sa katawan nila.
“DAPA!!”
Sabay na pinindot ng dalawa ang hawak nilang remote at sa isang iglap lang, sumabog ang buong stasyon ng napakalakas. Tila isang hindi pangkaraniwang bomba ang dala dala nila. Parang hightech na bomba ito dahil sa sobrang lakas ng pagsabog. Narinig ang pagsabog na yun sa buong lugar ng Orqueita kaya lahat ay nagulantang.
Bigla naman nilang narinig ang napakalas na Sirena at nagmumula ito sa kuta ni Manuel na may malalaking pader na nakapalibot.
Nang marinig ng mga sundalo doon ang pagsabog sa nag iisang police station sa Orquieta ay senyales na yun na umipsahan na nila ang misyon nila. Dahan dahang bumukas ang pintuan sa nagsisilbing malaking pader na nakapalibot sa kuta ni Manuel.
At dun, mabilis rin na nagsilabasan ang mga sundalo na napakarami kasama ang mga iba’t ibang tanke at pinagbabaril ang mga taong nadadaanan nila.
“ARRGHHHH!!”
“TULOOOONG!!”
“WAG MAAWA KAYO!!”
Mga nakakabingig putukan agad ang pinakawala ng mga ito at walang awang pinag babaril ang mga inosenteng tao. Bata, matanda, babae. Lahat walang pinipili.
“MOVE! MOVE! MOVE!!” Tila mga highly trained din ang mga ito dahil sobrang bihasa na sila sa kanilang ginagawa. Isa isa na ring pinapasabog ng mga tanke ang mga gusaling madaanan nila.
Ito..
ito ang surpresang tinutukoy ni Manuel sa gobyerno.
Nasa isang munting pagpupulong ang apat na Heneral ngayon kasama si Gideon, Baron, at si Steph na may alam sa pag uusapan nila ngayon.
“Sabihin mo na samin ngayon ang mga sinabi mo nung isang linggo Mr. Milvar.” Utos ni Simeon dito. Bumuntong hininga naman si Steph at tsaka nag umpisang magpaliwanag.
“Nung araw na sumabak kami sa digmaan laban sa Elfame, lahat kami ay nagulat sa pinakita ni Kael. Hindi siya ganun makipaglaban dati pero nung mga oras na yun, siguro sa galit na rin dahil sa pagdukot nila kay Virgel, nagulat kami sa stilo niya kung pano niya tinatapos ang mga kalaban. Pinapakain niya ang mga ito ng mga bomba niya kaya halos sabog ang mga mukha ng mga natatapos niya. Nakakatakot ang awra niya nung mga oras na yun. Bago yun sa paningin namin kaya lahat kami ay di makapaniwala sa nasaksihan namin.”
Si Gideon at Ibarra lang ang hindi nakarinig nung panahon na yun kaya pareho silang nagulat. Lalo pa’t alam rin nila ang experimentong nangyari dati. “Sooo, icconclude natin ngayon na namana nga niya ang kakayahan ng ama niya?”
“Oo. Kailangan natin siyang makita ngayon. May isang linggo pa tayo para maghanda, pwede pa yun. Malaking tulong sa atin ang batang ’yun kung isasali natin siya sa labanan.” Komento naman ni Tresler.
“Nakausap ko si Ish nung dumalaw ako sakanya, hindi pwede si Kael ngayon dahil may sakit ito. Di siya pwedeng makalaban.” Singitn i Stephan.
“Yung batang Boss ng VIrgo? Hindi parin ba magaling hanggang ngayon? Diba nasabi nung Valderama na nagpapahinga lang yun dahil sa tinamo niya laban sa Vendetta?” Usal naman ni Gideon.
“Isa rin yan sa mga nasabi niya sakin, hindi totoong nagpapahinga si Virgel ngayon.” Tumingin ito sakanilang lahat bago nagpatuloy “Ang totoo nyan ay nawawala siya at hindi nila ito mahanap kung saan.”
“Ano?” Kunot noong usal ni Puma.
Magsasalita palang sana si Steph nang marahas na bumukas ang pintuan ng silid at kita mo sa mga mata ni Akasha ang gulat. “Masamang balita.”
Agad pinaalam sa Presidente ang balitang kumalat kaya pumunta ito sa silid kung saan sila nagpupulong. Sa ngayon ay kaharap nilang lahat ang isang napalaking screen.
Isang balita ang pinapanood nila ngayon at lahat sila ay di makapagsalita dahil sa pagkabigla
“Kasalukuyan pa nating inaalam kung ano ang motibo ng biglaang pag atake ng mga teroristang ito sa buong bayan ng Orquieta. Itong nakikita niyong footage ngayon ay kuha ng aming team. Kitang kita mula rito
kung pano winawasak ng mga hinihinalang terorista ang buong lugar. Panawagan ng mamamayan sa Orquieta, mabilisang aksyon ng Presidente para matigil na ang nakakagimbal na ginagawa ng mga––“
Biglang nawala ang signal ng pinapanood nila kaya lahat sila ay nagtaka. Pati ang mga myembro ng Armada ay tumigil muna saglit sa pagttraining at ngayon ay nakatingin rin sa malaking screen.
Lahat ng mga nanunood sa buong bansa ay biglang nawalan ng signal ang mga telebisyon nila.
Hanggang sa unti unti itong luminaw—pero hindi na itsura ng Orquieta ang nakikita nila.
Kundi mukha ng isang Doktor na nakangisi habang nakaupo, mga sundalong nasa gilid niya na naka uniporme ng katulad sa uniporme ng mga umaatake sa Orquieta, at limang nakasuot ng kapute sa likod niya na hindi makita ang mga mukha.
Lahat ng telebisyon sa buong bansa ay iisa lang ang pinalabas na tila na hacked ang buong sistema nito.
“AAAAAHHHHHHH!!!” Habang abala sa pag eensayo si Virgel at Ginger ay bigla nilang narinig na sumigaw si Mina sa loob kaya dali dali silang pumasok para silipin kung anong nagyari sakanya.
“Anong nangyari, Mina?!” Alalang tanong ng ate niya,
“Ehhhhhhh, nanunood ako spongebob ehh! Tapos ayaan, bigla nalang lumabas yung mama!” Naiiyak na sagot nito habang tinuturo ang tv, at dun lang napansin nila Virgel ang ipinalabas nito.
“Sino yan?” Tanong ni Vincent nung makita nila ang doctor sa screen habang nakangisi.
Lahat ng mga nanunood ay tila nakanganga lang dahil sa pagkabigla.
“Kumusta, mahal kong bayan?” Panimula ng doktor sa kanyang mungkahi. “Lalong lalo na sa mahal nating presidente.” Pati mga electronic billboards sa buong bansa ay iisa lang ang pinalabas.
“Siguro nagulat kayong lahat dahil mukha ko ang nakikita niyo ngayon sa mga telebisyon niyo. Pasensya na sa abala pero kailangan ko munang makuha saglit ang atensyon niyo.”
Habang nagsasalita ito ay pahigpit ng pahigpit ang kapit ng presidente sa inuupuan nito.
“Alam niyo naman siguro ang balita, ang pagsakop ng mga tao ko sa buong lugar ng Orquieta. Ginawa ko ang mga hakbang na ’to para ipadala ang isang mensahe mula sa presidente natin. Mensaheng nagsasabing ’tinatanggap ko ang alok niyong makipag digmaan.”
Bakas sa lahat sa loob ng silid ang pagkagulat. “Paano niya nalaman ang pinaplano natin?!” Inis na tanong ni Puma.
“Oo alam ko, alam kong nagbabalak kayong patumbahin ako at ang mga mahal kong alaga. Pero pasensyahan nalang. Mas malawak ang koneksyon ko kesa sainyo.”
Tumawa pa ito saglit ng mapang asar. Halata talaga sa pag mumukha nito ang kademoyohan niya. Inayos pa niya saglit ang salamin niya bago nagpatuloy
“Iilan na sa mga sibilyan ng Orquieta ang napatay na namin. At ang iba ay ginawa naming bihag. Ngayon mamamayang pilipino! Kung sino man ang sa tingin niyo ay dapat sisihin sa ilang libong mga buhay na nawala dito sa bayan ng Orquieta.” Lumawak pa lalo ang ngisi nito “
Isisi niyo ito lahat sa mahal niyong presidente!“
Singhal nito bago tumawa na naman ng malakas.
Akma na sanang papatayin ni Tresler ang screen dahil di na maganda ang mga sinasabi nito pero pinigilan ito ng Presidente.
“Pero presidente..”
“Hayaan mo na. Makinig nalang tayo sa mga sinasabi niya.” Kalmado lang ang presidente at tila di man lang natibag sa mga sinabi ng doktor.
“Kung hindi lang sana siya nagbalak na itumba ako, malaya lang sanang nakakagala ang mga tao dito, wala sanang mga dugong dumanak, wala sanang mga inosenteng bata at matatanda ang mga nadamay. Wala sanang mga buhay ang nasayang. Kaya singilin niyo ang Presidente niyo sa pansarili nitong decisyon!”
Nakita nilang sumandal ito sa pagkakaupo at tsaka inangat ang dalawang kamay na parang pinapakilala niya sa buong bansa ang mga nasa likuran niya “Gusto niyo akong itumba? Itumba niyo muna ang alaga kong Vendetta.”
Bakas naman sa mga mata ng mga nandito sa loob ng training ground nung marinig nila ang salitang Vendetta.
“Kung ganun…”
“Sila ang…”
Hindi nila mahagilap ang mga mukha nilang lima dahil nakatakip ng kapute ang mga ulo nila. Pero di nakatakas sakanila ang mapupulang mga mata na tila lumulusot sa kapute na suot nila.
Napansin naman ng iilan ang biglang panginginig ng katawan ni Maki habang sobrang tulala. Tila parang bumabalik sakanya ang malagim na bangungot na nangyari sakanya nung nakipag laban siya.
Kahit sa screen lang nila ito nakikita, ramdam nila ang awra ng lima, ang postura ng mga ito. Halatang halata na hindi nga sila pangkaraniwang nilalang lang.
Hindi nila ito makilala pero may isang tao ang tahimik lang na nakatingin sa screen, di niya makita ang mukha pero alam niya ang kinatatayuan ng dating kaibigan niya. Kilalang kilala niya ang postura nito, ang tangkad nito, ang laki nito.
Benz..
Habang nanunood naman sila Virgel, biglang nabanggit ng Doktor ang salitang Vendetta kaya saglit na natigilan si Virgel. Biglang bumalik sakanya lahat ng nangyari sa buhay niya dahil sa mga hayop na Vendetta na yan..
Ang papa niya..
Si Sebastian..
Ang nangyari kela Asher..
Si Hell..
Di niya alam pero nakakuyom na pala ang mga kamao niya habang nanunood. Bigla nalang kumulo yung dugo niya at nag iinit ang katawan niya. Napansin yun ni Ginger kaya tinapik siya nito sa balikat. “Ayos ka lang?” Tanong nito.
Tumayo nalang si Virgel at madaliang lumabas ng bahay dahil baka kung ano pa ang magawa niya.
Nang biglang nawala ang mukha ni Manuel at bumalik na sa balita ang nasa screen, dun lang napahinga ng malalim ang Presidente. Nakatukod ang dalawa nitong siko sa hita niya habang nakatapat sa noo niya ang kamay niya na tila sobrang lalim ng iniisip.
“Paano nakalusot ang sekreto natin kay Manuel?” Kalmado lang ang boses ni Gideon pero halatang nagtitimpi
“Ganun ba kalawak ang koneksyon niya para pati sekreto natin nalalaman niya?” Takha ring tanong ni Ibarra. Ngayon lang nila ito nakitang nagseryoso. Tila napikon rin sa mga nangyari.
“Tingin ko tao ang tinutukoy niyang koneksyon niya. “ Usal bigla ni Simeon at lahat sila napatingin sakanya. “Isa lang ang ibig sabihin nito…
May traydor sa loob palasyo na ’to.“
Kasabay ng pagsabi niya nun ay biglang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa doon ang kanina pa nila hindi mahagilap ang presensya
“San ka galing, Mr. Martin?” Tanong ng presidente.
-To be continued
( A/N: We’re almost there. Tangina kapit pa hahahaha gusto ko ng matapos toooo. Thank you sa patuloy pa ring sumusubaybay sa story at di sumusuko :) Praktis na rin ’to para di kayo mayamot kung sakaling maghihintay kayo sa crush niyo na maging available hahahahaha like masasabi niyo na, tangina nahintay ko nga yung Vendetta na matapos ng 2 or 3 YEARS! Eto pa kaya? Diba? May magandang dulot rin ’to eh hahahahahahaha. Questions? I’m willing to answer all your doubts hahaha Ipaalam niyo lang sakin. So yun lang. Adios~ )
-MajorSin
Episode 50: Preparation of the War (The Final Arc)
Episode 50: Preparation of the War (The Final Arc)
Hi, dahan dahan sa pagbabasa. Wag madaliin hahaha mejo mahaba ’to. Enjoy :)
[3rd Person’s PoV]
“Di ko gusto yang mga tingin niyo.” Tawang usal ni Marcelo bago lumapit sakanila “May tinawagan lang ako.” Dugtong nito bago umupo sa bakanteng couch.
Mataman lang na nakatingin sakanya ang mga Heneral na tila ba sinusuri ang expresyon niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Napansin naman yun ni Marcelo kaya dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Tila di na rin niya nagustuhan ang mga tingin nito sakanya. “May problema kayo sakin?” Seryosong tanong nito.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko Presidente.” Inis na turan ni Puma tapos ay tumingin ito sa Presidente. “Maling hakbang yung ginawa nating makipag kampihan sa mga Mafia na yan. Di sila mapagkakatiwalaan!” Dugtong nito.
“Woah, ang sakit mo namang magsalita, Heneral Puma.” Bumalik sa pag ngiti si Celo at tumingin sa Presidente. “Ano ba ang nangyari at mukhang ang init ng mga tingin niyo sakin? May nagawa ba ako?” Tanong nito bago binaling ang tingin sa lahat. “Pwede niyong sabihin sakin.”
“Nalaman ni Guanzon ang pinaplano natin.” Sabi ng Presidente na ikinatahimik ni Celo.
“Ano?” Tila pati siya ay walang kaalam alam rito “Paano?–teka..” Tsaka lang niya napag tugpi tugpi ang lahat. “Kaya ba ganyan kayo makatingin sakin dahil iniisip niyo na baka ako ang nagkalat ng plano natin?” Tanong niya.
“Posible yun. Itatanggi mo pa ba yung nangyari dati na ikaw ang nakipag kasundo kay Manuel na iligpit si Boss Vlad gamit ang Vendetta? Ikaw lang ang nagkaroon ng koneksyon dito sa Doctor.” Seryosong singit ni Steph sa usapan.
“Proweba?” Tila nakuha pa nitong mang asar sa kabila ng malaking bagay na binibintang sakanya. “May proweba ka?”
“Tama na yan.” Ang Presidente na rin ang nag awat sakanila bago ito tumingin kay Marcelo. “May kinalaman ka ba dito, Mr Martin?” Seryosong tanong nito.
“What? Bakit ako ang pinagbibin–”
“Isang sagot lang ang gusto kong marining.” Putol nito
“Wala.”
“Wala akong kinalaman jan sa mga sinasabi niyo. Nandito ako para tulungan kayo. May malasakit ako sa bansa natin kahit papano, Presidente. Tapos ganyan ang igaganti niyo sakin?”
“Sinungaling ka.” Nagtitigan pa sina Steph at Marcelo saglit bago tumayo ang Presidente.
“Mga Heneral, sumunod kayo sa opisina ko.” Tugon nalang nito. Mukhang nakumbinse naman na siya ni Marcelo na wala talaga siyang kinalaman sa nangyari.
“Bakit, Presidente?” Tanong ni Simeon.
“Magpaplano. Gather all your men. Kailangan natin sagipin ang Orquieta. Ngayong araw na ’to.”
“Di pa tayo nakakapag handa, Presidente. Sira na yung binuo nating plano. Kailangan pa natin ng mejo mahaba habang oras para gumawa ng panibago.” Sagot naman ni Simeon.
“Wala na tayong panahon kaya sundin niyo nalang ako.”
“Dehado tayo kung padalos dalos tayo ng kilos, Presi–”
“That’s an order, Generals.” Tumingin ito sa gawi nila at tinignan sila isa isa. Wala ka ng makitang expresyon sa mukha niya. Agad napatayo ang apat na Heneral at mabilisang nagsalute. “Masusunod, Presidente!”
“Kailangan nating iligtas ang Orquieta kahit na anong mangyari.” Huli nilang rinig sa Presidente bago tuluyang umalis sa silid na yun.
Pagkalabas naman nito ay agad nagpalitan ng mga salita ang mga nasa loob.
“Hayop na doktor yan!” Puma
“Yung mga sinanay ni Colonel Astrid, kulang pa sila ng isang linggo.” Tresler
“Wala tayong magagawa, utos na ng Presidente yun.” -Simeon
“Maganda ba ’tong ideya ng Presidente?” -Ibarra
Habang sila ay nagkakagulo, tahimik lang na nakaupo ang dalawang Mafia Boss at sina Stephan at Baron habang nakikinig sakanila–at napansin yun ni Ibarra.
Sa ngayon ay sina Ibarra at Marcelo naman ang nag titigan. Lumapit ang Heneral sa gawi niya bago magsalita “Sa oras na malaman kong may kinalaman ka rito, ako mismo ang babaril sayo Mr. Martin. Tandaan mo yan. “ Pagdating sa mga ganitong sitwasyon, nawawala talaga ang pagiging makwela ng Heneral. Nagiging seryoso ito at tila nasasaniban ng isang seryosong ugali ng isang tunay na Heneral.
“Sige lang.” Ngiting ganti rin ni Celo na mukhang kampante sa sarili.
“Kayong dalawa.” Tawag ni Simeon. “Papuntahin niyo na lahat ng tauhan na isasabak niyo sa digmaan.”
“Masusunod, Heneral.” Sarkastiko ang tono ni Celo pero di na yun pinansin pa ni Simeon. Pati si Gideon ay agad na ring kinuha ang cellphone niya para ipaalam sa mga tauhan ang gustong mangyari ng Presidente.
“Tayo na.” Ani Tresler na umunang lumabas ng silid. Sinundan rin naman yun ng tatlong Heneral.
Sa ngayon ang tanging naiwan nalang ay sila Marcelo. Pero ilang segundo lang ay sumunod rin si Steph sa mga Heneral. Kailangan niyang ipaalam ang plano ng Presidente sa Intel Unit.
Nang maiwan ang dalawang Mafia Boss, nagtitigan pa saglit ang dalawa bago ngumiti ng nakakaloko si Celo.
“Virgel! Ano ba?!” Huminto sa paglalakad si Virgel nang makarating siya sa bakuran. Gayun din si Ginger. Kaharap lang niya ang likuran nito at di niya malaman kung anong expresyon ng mukha nito. Pero alam niya, alam niyang puno ng galit ang nararamdaman nito ngayon.
“May lima pang natitira..” Halos pabulong na usal nito pero sakto lang para marinig niya. “Kailangan ko silang tapusin. Isa isa..kailangan kong..” Ramdam niyang lumalalim na naman ang paghinga ni Virgel kaya tuluyan na siyang lumapit at hinawakan ang balikat nito. “Kumalma ka la–” Mabilis na napaharap si Virgel sakanya na parang gulat na gulat sa ginawa niya. Pati siya ay nagulat rin sa agarang pagtingin nito sakanya.
Nakita niyang nagtutubig ang mga mata nito at nagpipigil ng emosyon. At nung makita niya ito, di niya namalayang gumalaw ng kusa ang katawan niya at niyakap niya ito. “Kumalma ka lang, Virgel.”
“Papatayin ko sila..isa isa. Wala akong ititira. Papatayin ko sila.” Tuloy parin sa pagbulong si Virgel “Papatayin ko ang pumatay kay Papa..si papa..si papa..” Hanggang sa nangatal nalang ang bibig nito at tuluyan ng naiyak. Parang bumalik lang sa pagiging presko lahat ng alaalang pilit na niyang kinakalimutan. Parang yung pahilom na sana na sugat ay bumuka na naman at bumabalik yung sakit.
Kalaunan ay umalis sa pagkakayakap si Virgel at hinawakan sa magkabilang balikat si Ginger at tinignan ito sa mga mata, at ang mga sumunod na narinig niya ang nagpagulat sakanya
“Tulungan mo kong kontrolin ang isang katauhan ko.”
Tagaktak ang pawis ni Maki ngayon habang nakatingin sa dalawang makakaharap niyang taga Alibara. Seryoso itong nakatingin sakanilang dalawa ni Dante. Sa loob ng dalawang linggong pagsasanay, titignan ng koronel ang kakayahan ng bawat isa kung nag improve ba ang mga kakayahan nila sa pamamagitan ng totoong labanan. At tulad ng nakagawian, by partner parin ang gagawin nila. Dalawa laban sa dalawa. Lahat ng armas ay pwedeng gamitin. Isang rule lang binigay sakanila ni Astrid.
Wag puruhan ang kalaban. Kailangan lang nilang ipakita sa koronel ang naging improvements nila.
“Hoy! Alisto ha.” Paalala ni Dante sa bunso niya dahil pansin niyang mejo kinakabahan ito. “Wag kang matakot sakanila, yakang yaka ko yang mga yan.” Pagmamayabang na naman nito habang hinahanda ang sandata niyang blade na may bandage.
Dahan dahan na ring kinuha ni maki ang mga karayom sa likod ng bulsa niya. Habang ang kaharap naman nila na sina Giovanni at Vincent ay handa na rin.
Tinignan saglit ng isang sundalo na magsisilbing referee sa laban ang magkabilang kupunan bago nag senyas “Simulan na ang laban!”
Ang mga kasamahan naman nila sa gilid ay tahimik lang nanunood.
Nang marinig ni Dante ang senyales ay agad na niyang pinaikot ang dalawang blade niya. “Ngayon niyo malalaman kung gano kalakas ang isang Dante Puma!” Sigaw pa nito bago sumugod ng mag isa. Sinundan naman agad yun ni Maki at mabilis na pumusisyon sa likuran ni Dante gaya ng pinaplano nila kanina bago magsimula ang laban.
Umabante naman si Giovanni hawak ang espada niya para salubungin sana ang atake ni Dante.
Pero nung papalapit na ito sakanila, bigla itong tumalon sa ibang direksyon, at dun lang nila napansin si Maki na nakabwelo na sa hawak nitong mga karayom. Isa isang nagsiliparan ang mga ito papunta sa direksyon ni Van. Pero dahil mabilis itong kumilos, isa isa niya itong nasangga kahit sobrang liliit ng mga karayom. Grabe rin ang talas ng mga mata ng isang ’to.
Nang tignan ni Van ang reaksyon ni Maki, para lang itong wala. Tila ba alam na niyang masasangga niya nag mga atake niya. At tsaka lang niya napansin sa gilid niya si Dante na paatake na rin sakanya. “NANDITO ANG KALABAN MO!” Habang nakabwelo ito sa ere at iikot na sana papunta sa gawi ni Van, napansin nito ang iilang sinulid ang pumulupot sa paanan niya “Anong!” Bago pa man siya makalapit kay Van ay mabilis na itong binalibag ni Vincent papunta sa gawi ni Maki.
Mabilis na bumangga ang katawan ni Dante sa kapatid nito at silang dalawa yung tumilapon.
“Ang bilis niyo namang basahin.” Mahinang napatawa si Vincent sa sinabi niya.
“Kaasar na sinulid yan!” Talak ni Dante habang dahan dahang tumayo. Mejo nasaktan rin siya sa pagkakabagsak na yun. “Ikaw may karayom, siya may sinulid. Pta ako may bandage. Pwede na tayong magtayo ng panahian nito tangena.”
“Gunggong talaga.” Komento nalang ni Sin habang natatawa sa sinabi nito. Pati ang iba ay natawa rin.
“Ano na?” Paghahamon pa ulit ni Vincent habang asar na ngumingisi sakanila.
“Anjan naaa” Nagulat naman si Maki nang makita niyang tinatali ni Dante ang bandage sa mga kamay niya at tuluyang hinawakan ang mga blade. “Tingin ko di natin sila madadaan sa malayuan. Kaya ni Vincent sundan ang galaw natin gamit ang sinulid niya.” Usal nito bago tumingin sa gawi ni Maki. “Lalaban tayo ng malapitan.” Hinigpitan niya ang hawak sa dalawang sandata bago tumingin sa dalawa. “Maturukan mo lang sila kahit dalawang karayom lang, panalo tayo sa laban na ’to.” Ngayon lang nakita ni Maki na seryoso ito sakanyang makipag usap.
“S-sige.”
Di ko pwedeng biguin si kuya. Papatunayan ko sakanyang hindi na ako ang dating Maki na kapatid niya. Isip isip ni Maki.
“Mukhang natututunan na ni Dante na pahalagahan ang kakayahan ng kasama niya.” Komento ni Dylan na katabi lang si Astrid.
“Ayaw niyong sumugod? Kung ganon kami nalang.” Mabilis na sumugod sila Vincent papunta kila Maki kaya agad naghanda ang dalawa. Sinalubong ni Dante si Van at agad sinalo ang bwelong atake nito. Isang espada lang ang gamit ni Van kaya mas lamang siya na dalawang blade ang hawak.
Walang humpay ng umatake si Dante. Kita mo sa kilos niyang bihasang bihasa rin siya sa close range fighting. Paminsan minsan niyang ginagamit ang mga paa niya pandagdag ng atake pero mukhang mabilis talaga ang reflexes ng kaharap niya kaya di siya makatama.
Nang makalapit naman ng tuluyan si Vincent kay Maki ay nagulat nalang siya ng hinagis ni Maki ang mga karayom niya sa itaas nila. Tapos ay nung pabagsak na ang mga ito, kumuha si Maki ng isang karayom at agad pinunterya ang leeg ni Vincent. Pero napansin niya yun kaya nailagan niya–pero di niya alam na may hawak na rin ng isang karayom ang isa pang kamay ni Maki at nakapunterya na ito sa balikat niya. “Sht!” Di niya maiilagan
Mabilis itong bumaon sa kanang balikat niya at maya maya pa’y napansin niyang unti unti niyang di magalaw ang kanang braso niya. Tila naparalisa ’to.
Ito ba ang kakayahan niya? Napaisip nalang si Vincent.
Sinubukang kumuha ulit ng karayom ni Maki para sana punteryahin ang kabilang balikat pero bago pa man niya iyon magawa, mabilis na napuluputan ang katawan niya kasama ang dalawang kamay niya sa sinulid ni Vincent. Nakakagalaw pa ang isa nitong kamay kaya nagawa niya iyon. “Pasensya na bata” Ngisi pang usal nito pero agad rin yung nawala nung makita niyang nakangisi rin ito sakanya. Nakita niya ang porma ng bibig nito na parang may idudura at dun lang niya napagtanto kung anong nasa bibig nito.
Handang handa na sanang punteryahin ni Maki ang leeg ni Vincent gamit ang karayom na kanina pa niya tinatago sa bibig niya pero napahinto ang apat sa paglalaban nang marinig nila ang pagbukas ng malaking pintuan ng silid.
Agad nag salute si Astrid nang makita niya kung sino ang pumasok sa loob. “Heneral Tresler”
“Itigil niyo muna yan.” Utos nito sa apat na naglalaban.
“Ano?? Kaasar naman!” Reklamo pa ni Dante. Habang sina Maki at Vincent ay nagtitigan lang habang yung pisngi ni Maki ay nakalobo parin. Napangisi si Vincent sa itsura nito. “Muntikan na.” Usal nito bago inalis ang pagkakatali niya kay Maki. Binunot rin ni Maki ang karayom sa balikat nito at unti unting nawala pamamaralisa.
Sabay sabay na lumapit ang myembro ng Armada sa Heneral. “Biglaan ata ang pagdalaw niyo dito, Heneral. Dahil ba yun sa balita kanina?” Turan ni Astrid.
“Nabigla ba kayo sa narinig niyo kanina? Mas mabibigla kayo sa sasabihin ko ngayon.” Lahat ay napalunok sa sariling mga laway sa sinabi ng Heneral.
“Mukhang di na natin hihintayin pa ang natitirang isang linggo para sumabak.”
“Anong ibig mong sabihin, Heneral?”
“Susugod tayo ngayon mismo sa Orquieta para tapusin na ang kahibangan ng doktor na yun.”
“Ano? P-pero..dalawang linggo palang silang nagsasa..”
“Alam ko. Pero gaya ng sabi ng Presidente sa amin, wala na tayong panahon.
Kung maghihintay pa tayo ng isa pang linggo, baka wala ng matirang buhay na mga sibilyan sa bayan na yun.
Biglaan ang lahat alam ko, pero kailangan nating iligtas ang mga tao sa Orquieta sa lalong madaling panahon. At syempre, kailangan dito narin matatapos ang lahat. “
Lahat ay nabigla, lalo na si Maki, nag umpisa na namang manginig ang katawan niya dahil mukhang nalalapit na ang oras na makakaharap na naman niya ang Vendetta.
“Alam kong di pa kayo nakapag sanay ng husto pero pakiusap, maghanda na kayo at lumabas sa silid na ’to. Limang oras mula ngayon, pupunta na tayo sa bayan ng Orquieta.” Huling lintanya nito bago tumalikod at muling lumabas ng pintuan. Kailangan pa niyang sumunod sa mga Heneral na nandun na sa opisina ng Presidente.
Nang makalabas ang Heneral, wala ni isa ang kumilos. Tila nabigla talaga sila sa binalita nito. Napaisip ang lahat kung sapat na ba, kung sapat na ba ang pagsasanay na ginawa nila para tapatan ang lakas ng mga Vendetta.
Tsaka lang sila nabalik sa wisyo nung humarap sakanila si Astrid.
“Kumilos na kayo!” Sigaw nito kaya dali daling bumalik sa mga silid ang sampung Armada para maghanda.
Oras nalang ang bibilangin at malalasap na nila ang digmaan na pinaghahandaan nila.
ORQUIETA CITY
“Papa? Ano pong nangyayari? Ano nangyari kay mama?” Di na maintindihan ng batang babae ang nasa paligid niya, nag aapoy na sa loob ng bahay nila at kasalukuyan niyang niyuyugyog ang katawan ng kanyang mama na nakahandusay na sa sahig. “Mama! Gumising po kayo” Naiiyak na ito sa takot dahil puno na ng usok ang buong paligid. Isa ang apartment nila sa nasabugan ng mga tangkeng pakalat kalat na sa labas.
“A-anak! Lumabas kana dito.” Pagmamakaawa naman ng ama niyang di na makatayo dahil nadaganan na rin ng mga malalaking kahoy ang kalahating katawan niya. “Iwan mo na kami dito! Dali na.”
“Ayaw gumising ni mama, papa..” Habang tinitignan ng ama ang kaisa isang anak niya ay di niya maiwasang mapaluha. Parang kanina lang ang saya pa nilang nagkkwentuhan sa sala habang nanunood ng tv ng sabay. Tapos bigla nalang naging ganito ang sitwasyon nila. Ang asawa niya, patay na. “Mama! Gumising na po kayo! Alis na tayo dito!” Iyak na sambit nito. Pero wala, di na ito sumasagot sakanya.
Ganun lang ang sitawasyon nila nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang apartment at niluwa doon ang dalawang sundalo na may mga takip ang mukha.
“T-tulong..tulungan niyo ang anak ko! Pakiusap!” Agad na pagmamakaawa ng lalaki dahil tingin niya ay rescuer ang mga ito. Pero halos matigilan nalang siya nang tinapat ng isang sundalo ang hawak nitong rifle sakanya at..
Agad bumulagta ang lalaki matapos itong tamaan sa ulo.
Aalis na sana ang dalawa para maghanap ng mga buhay pa para patayin pero napansin nila ang isang bata sa gilid na iyak ng iyak habang nasa gilid ng katawan ng isang babae.
Lumapit ang dalawang sundalo kaya napatingin ang bata sakanila. “Tulungan niyo po ang mama ko..”
Hinubad ng isang sundalo ang suot nitong maskara at lumuhod malapit sa bata. “Mama mo ba siya, bata?” Tanong nito
“O-opo..ayaw niya po gumising eh.” Napapahid na ang bata sa mga luha nito gamit ang mga palad.
“Nako, kaya di na siya gumigising, kasi nasa kabilang lugar na siya.” Pagpapaintindi nito habang nakangisi ng malademonyo. “Pati si papa mo sumama narin oh..” napatingin naman ang bata sa gawi ng kanyang ama at nakita niyang nakahandusay narin ito. “Gusto mo bang sumama sakanila? Para makita mo na sila?” Malumanay lang ang boses nito pero yung ngisi halos umaabot na sa tenga.
“P-pwede po?” Walang kamuwang muwang na tanong pa ng bata.
“Oo naman.” Sagot nito bago tumayo at sinuot muli ang maskara. “Yakap kana kay mama mo dali hehe para makasama mo na sila.” Utos nito kaya walang pagaatubiling yumakap ang bata sa kanyang mama sa pag aakalang makakasama nga niyang muli ang mama at papa niya.
“G-ganito po?”
“Oo tama yan.” Dahan dahang tinaas ng sundalo ang hawak niyang baril at tinutok sa ulo ng bata. “Pikit ka lang at siguradong makikita mo na sila.”
Narinig pa nilang mejo sumigla ang boses ng bata at mukhang nabuhayan. “Ang bait niyo po heheh Salamat po ah. Mama, anjan na ak– “
Isang putok at di na natuloy pa ng bata ang sasabihin niya.
“Tayo na. Madami pang buhay sa kabilang distrito.” Usal ng isa niyang kasama bago lumabas sa apartment na yun.
Isa lang tong pangyayari na to sa kabrutalang ginagawa ng mga sundalo sa mga sibilyan sa buong lugar ng Orquieta. Mukhang sinanay rin ang mga ito ng doktor na alisin ang awa sa kanilang pagkatao. Lahat ng madaanan nilang mga sibilyan ay agarang pinapatay nila. Nakasuot man sila ng mga sundalong uniporme, wala silang pinagkaiba sa mga terorista. O baka mas masahol pa nga.
Halos di mo na maitsura ang buong syudad ng Orquieta gawa ng mga pagpapasabog sa mga gusali at malls dito. Giba giba na yung daan at palipat lipat lang ng pagsabog ng mga sasakyan sa daan.
Isang tourist bus naman ang nakaharap ng mga sundalo ni Manuel sa kalagitnaan ng syudad. Papunta na sana ito sa airport para bumalik na sa bansang Korea ang mga pasahero rito. Pero silang lahat ay naipit sa biglaang pagsalakay ng mga sundalo. Sinenyasan ng mga iilang sundalo ang bus driver na buksan ang pintuan nito. Dahil rin sa sobrang takot, binuksan niya iyon. Baka sakaling di sila sasaktan pag sinunod niya ang mga ito.
Pero pagkabukas na pagkabukas ng pintuan, agad napaulanan ng bala ang bus driver. Ang mga pasahero naman ay nag uunahan sa pagtili at sigaw dahil sa takot at kaba sa nasaksihan nila.
“TAHIMIK! TAHIMIK!” Sigaw nung isang sundalo. Tatlo silang pumasok sa loob.
“Hindi mga pinoy yang mga yan.” Usal naman nung isa nung mapansin niyang mga singkit ang mga mata ng mga ito.
“Ahh, CHING KWAYLA! Hahahaha!” Pang aasar na sigaw ulit ng sundalo. Pero imbes na tumahimik, mas lalong nagsigawan ang mga ito habang nakayuko ang mga ulo para magtago. May mga bata at matatanda pa sa loob ng bus. “CHUCHILA! KWENGFAYLO!” Sigaw pang ulit nito pero wala talagang planong tumigil sa pagsigaw ang mga dayuhan. At sumakit na ang ulo ng mga ito sa rindi “SABI NG TUMAHIMIK KAYO!” Agad niratratan ng mga sundalo ang mga katawan ng mga dayuhan. Wala silang tinirang buhay sa loob ng bus na yun. Bata, matanda, lahat. Inubos nila.
Nang mapansin nilang tunog ng baril nalang ang naririnig nilang ingay, tsaka lang sila tumigil. “Edi tumahimik rin.” Tatawa tawa pang usal nung isa pagkatapos ay isa isa na silang bumaba para maghanap pa ulit ng panibagong bibiktimahin. Tila sobrang normal lang sakanila ang kanilang ginagawang pagkitil ng mga tao.
Pero sa kabila ng mga patayan, hindi lang iyon ang inutos sakanila ng doktor. May mga ibang hukbo rin na inassigned na magbihag ng mga sibilyan. Kailangan nila ito sa oras na magkagipitan.
Unang una nilang binihag na building ay ang mga hospital sa bayan ng Orquieta. Hinostage nila ang iilang mga nurse at doctor para gamitin ang mga ito sa oras ng digmaan.
“SUMAMA KAYO SAKIN DALI!” Agad tinutukan ng isang sundalo ang isang doctor at limang nurse na nasa loob ng isang emergency room at kasalukuyang may inooperahan. Kahit nagkakagulo na ang buong lugar, tuloy parin sa serbisyo ang mga ito.
“Sandali, may inooperahan pa kami.” Nanatili lang na kalmado ang doktor kahit sa loob nito ay wala na ring mapaglagyan ang kaba niya.
Lumapit naman ang sundalong iyon sa pasyenteng inooperahan nila at tsaka binaril ng dalawang beses ang ulo nito. “Oh ayan, patay na yan. Sumama na kayo sakin kung ayaw niyong kayo ang isunod ko!” Matigas na banta nito. Naiiba ang maskara niya sa mga pakalat kalat na sundalo. Mukhang mataas ang ranggo ng isang ’to.
Wala ng nagawa ang mga nurse at doktor kundi ang sumunod nalang.
Pati sa cityhall ng Orquieta ay kanila ring pinasok. Ginawa rin nilang bihag ang mga opisyales sa loob para gawing panangga.
[Isunod niyo ang mga paaralan, okay?]
Boses ng doktor ang naririnig nila sa mga suot nilang earpiece.
“Masusunod, doktor.”
Tahimik lang na nakangiti ang doktor habang kaharap ang napakaraming screen kung saan kitang kita niya ang mga nangyayari sa labas ng kuta niya. Nakikita niya rito ang mga kinikilos ng mga tauhan niya habang sinasakop ng paunti unti ang buong lugar ng Orquieta.
Habang ang limang Vendetta naman ay nasa likuran lang niya at mukhang naghihintay lang rin ng utos sa amo nila.
“Relax lang muna kayo ha? Ipapadala ko rin kayo sa digmaan pag lumusob na ang gobyerno.” Ngising usal niya sa mga ito habang hindi inaalis ang tingin sa mga screen
“Masusunod, doktor”
3:30PM
[Stephan Milvar’s PoV]
Mag aalas kwatro na ng hapon at kasalukuyan akong nandito sa isang napakalaking field sa harapan ng palasyo ng Presidente. Sobrang lawak nito na halos kasya ang dalawampung libong mga sundalo. Oo, halos bente mil ang kasalukuyan nakatayo sa loob ng field na ’to. Isama mo pa ang mga iilang tangke, daan daang sasakyang pang militar at iba’t ibang aircraft sa pinakadulo. Isa sa mga aircraft ang sasakyan namin mamaya papunta sa digmaan. Sa bomber aircraft ata ako iaassign para bombahin ang mga kalaban sa baba.
Habang naglilibot ako at tinitignan isa isa ang mga sundalo. Halos sila ay napakatindig parin ng mga tayo kahit alam nilang digmaan ang pupuntahan nila. Sabagay, sanay na rin siguro ang iba dahil yun rin naman talaga ang trabaho nila, ang makipag barilan.
Pero di nakatakas sa paningin ko ang iilan na nanginginig ang mga tuhod o di kaya’y panay punas sa mukha at leeg nilang pinagpapawisan na sa kaba. Kinuha ang mga sundalong ito sa tatlong parte ng bansa. Mindanao, Visayas at Luzon. Kaya paniguradong may iilan sa mga rito ay unang sasabak palang sa digmaan.
Di ko sila masisisi, buhay ang nakataya nila sa mga oras na ’to. Konting mali lang, uuwi sila sa bahay nilang nakasilid na sa kabaong.
“Oo naman. Magiingat po ako pangako.” Nakita ko pa ang isang sundalo na nakahawak sa phone niya at parang may ka video call pa. Nakangiti lang ito habang inangat ang hawak niyang cellphone at inikot pa ito. “Ayan nay oh, ang dami namin diba?” Nanay niya pala ang kausap niya. “Syempre naman! Malakas yata tong panganay mo!” Ngiting usal pa niya. “Janine, wag niyong pababayaan si inay jan ah? Magtrabaho kayo sa mga gawaing bahay jan. Malalaki na kayo.” Mukhang di lang nanay niya ang kausap niya.
“ Oh siya, sige na. Sa susunod nalang ulit pag nagka oras ako ha?“ Sa mukha palang halata na ang pagiging mabuting anak nito. “Babyee, mahal na mahal ko kayo” Ngiting paalam niya at maya maya pa’y binaba na niya ang cellphone niya.
Pero nagtaka nalang ako dahil mula sa masiglang mukha, bigla nalang siyang napapahid sa mga mata niya. Nagpapanggap lang pala itong matatag sa harap ng pamilya niya.
Lumapit ako sa sundalong iyon at napansin agad ako. Nagsalute naman siya at nakipag kamay “Private First Class Ryan Mendez, Sir” Usal niya.
“Ayos ka lang?” Tanong ko matapos kaming magkamay. Sa tanong ko na yun ay napakamot siya sa ulo niya at hilaw na napangiti “Ahh ehh haha..”
“Kinakabahan ka ba?” Gusto kong malaman kung ano bang totoong nararamdaman ng isang sundalo sa tuwing sasabak ito sa laban.
“Ang totoo po nyan eh unang beses palang akong sasabak sir kaya kinakabahan ako.” Nahihiya pa niyang sagot. “Di ko alam ang pwedeng mangyari sakin sa digmaan.” Dugtong niya kaya natahimik ako.
At dito ako natigilan sa mga sumunod na narinig ko
“Ito yung masakit na parte sa pagiging sundalo e. Yung hindi mo alam kung magiging huli na ba yung pakikipag usap mo sa mga taong mahal mo bago ka sasabak. Di mo malalaman yung itatadhana sayo ng diyos. Kaya naiyak nalang ako kanina sir kasi..” Namula na naman ang mga mata niya at badyang iiyak na naman. “Gusto ko pang makasama yung pamilya ko.”
Di ko alam pero nadurog nalang yung puso ko sa narinig ko. Halatang takot siya. Halatang gusto niyang umayaw nalang. “Ba’t hindi ka nalang umurong? May oras ka pang hindi tumuloy para sa pamilya mo. Ako nalang ang bahalang makipag usap sa Presidente para sayo.”
Pinahiran niya ang mga luha niya at ngiting humarap sakin “Ang bait niyo pero hindi na po sir. Tungkulin kong pagsilbihan ang bansa. Ako mismo ang pumili nito. Mas kailangan ako ng mga tao ngayon sa Orquieta. Tutulungan ko ang mga kasama ko para magtagumpay tayo sa digmaan na ’to. “
Nakakamangha. Naririnig mo na ang mga salitang ’to sa taong unang sasabak palang. Mga nasa edad bente palang ata ito. Malaki ang potential nitong maging magaling na sundalo pagdating ng panahon.
“Osige kung yan ang gusto mo.” Tinapik ko nalang ang balikat niya at ngumiti “Mag iingat ka nalang para sa pamilya mo. Para kay Janine.”
“Narinig niyo pala ako kanina heheh.” Kamot ulo na namang usal nito habang nangingiti.
“Private Mendez. Kanina pa kita hinahanap.” May isang kalakihang boses ang narinig naming dalawa na papalapit samin. At base sa badge ng kanyang suot na uniporme, isa itong Sergeant
“Sir.” Salute ni Mendez. “Pasensya na po, kausap ko pa po kasi si..” Tumingin sila sakin.
“Milvar. Stephan Milvar.” Ngiting pakilala ko.
“Isang Mafia.” Tugon nung Sergeant nung mapansin ang suot kong black suit at dahan dahang lumapit sakin at tsaka nag abot ng kamay. “Sgt. Josh Enorio.” Pakilala nito. “Ako ang nagsisilbing leader ng ahh.. squad nitong si ahh…Mendez.”
“Asan ang iba mo pang ka squad?” Tingin ko composed of 8 to 14 soldiers ang isang squad ng Militar.
“Nandun sa kabila, ito lang yung naligaw eh.” Tawang usal ni Sgt habang ginugulo ang buhok ni Mendez.
“Sir, nanjan na po ang Presidente. Kailangan na nating maghanda.” Isang sundalo pa ang kumausap kay Josh na tingin ko ay kasali rin sa squad niya. “Sige sige, pakisabi sa iba mong kasama na papunta na kami.”
“Sige sir.”
“Yun si ahh, Private Calvin Rios. isa rin sa ahhh..”
“Kasali sa squad mo?”
“Ahh oo, oo. Ka squad ko. Nahulaan mo.” Di nga halata eh. “ Siya sige, mauna na kami. Bantayan mo kami sa digmaan ah. Ikaw ang magsisilbing mata namin, okay ba yun?“
“Walang problema Sergeant.”
“Mauna na kami Sir.” Salute muli ni Mendez at tsaka ngumiti bago sumunod sa Sergeant niya.
Napansin ko naman ang pagtahimik ng buong paligid makalipas ang ilang segundo, tsaka ko lang nakita na naglalakad na pala ang Presidente papunta sa pinakadulo nitong field. Hindi lang mga sundalo ang mga nandito, pati narin ang mga naka black suit na mga myembro ng mafia ay nandito rin para tumulong. Malamang ito na yung mga tauhan nila Marcelo at Gideon. Mejo marami rami rin sila.
Nang makapunta sa harapan ang Presidente. Wala kang maririnig na ingay sa buong paligid maliban sa katamtamang hampas ng hangin na bumabalot sa bawat isa samin.
Heto na..
Biglaan man ang mga nangyari, di rin pwedeng hindi kami maging handa.
Gamit ang mic, nagsimula ng magsalita ang Presidente.
“Maganda hapon sa inyong lahat. Nabuo ang pagtitipong ito ng biglaan. Alam ko yun at naiintindihan ko ang bawat isa sainyo sa pagkabigla sa pagtawag ko sa tulong niyo. Isa sa mga bayan ngayon sa ating bansa ay dumadanas ng isang matinding pagdurusa sa kamay ng isa taong nababaliw na sa kapangyarihan. Mga mahal nating kababayan ay nangangailan ng matinding tulong mula sa atin. At bilang tagapag silbe sa bansa, tungkulin natin ang iligtas sila. Tungkulin ng ating trabaho na protektahan ang mga tao. Kaya ngayon, gagamtiin ko ang posisyon ko para manawagan sa lahat ng sundalo. Magtulungan tayo para masugpo na ang karumal dumal na pangyayari na ito.”
Bawat salitang binibitawan ng Presidente ay siyang pagtaas rin ng kumpyansa ng mga sundalo na mapagtagumpayan ang dagok na ’to. Isa isa silang nabubuhayan at nagkakaron ng lakas ng loob para tulungan ang mga tao sa Orquieta.
“Pinapanalangin ko ang kaligtasan ng bawat isa sainyo at nawa’y gabayan tayo ng panginoon para sa digmaan na ’to.” Tumingin naman sa gilid ang Presidente kaya napalingon rin ang mga sundalo rito. Pati ako.
At nakita namin ang sampung tao ang kasalukuyang naglalakad papunta sa harapan ng Presidente.
Ngayon ay bigla akong nagsisi sa di pagpili sakin na haharap sa Vendetta habang tinitignan sila.
Pumunta ang sampu sa unahan ng mga sundalo at kaharap na ngayon ang Presidente. Nakasuot sila ng pang sundalong pantalon at bota pero ibang uniporme yung pantaas nila. Kulay itim na mga sando na may kakaibang marka sa likuran.
Ang angas nilang tignan. Hayop.
Hinanap ko si NIca at napangiti nalang ako ng bahagya nung makita ko siya. Parang mas naging sexy ang postura niya sa training na ginawa nila.
“May bigla tuloy akong naalala.” May biglang nagsalita sa gilid ko kaya gulat akong napatingin rito. Di ko napansin ang aura niya.
“Sino ka?”
Ngumunguya ito ng bubblegum na parang kambing habang nakangising nakatingin kila Veronica. “Private First Class Jeremy Eros, Sir. Kasama ako sa squad ni Sir Enorio.”
“Diba nandun ang mga kasama mo sa kabila?”
“Sikip eh.” Tawang usal lang nito.
“Ano pala yung sinasabi mong may naaalala ka?”
“Dati kasi may binuo rin ang Presidente na grupo ng mga kabataan para patumbahin si Hajeen Vornazek. Anong ngang tawag non? Ah.. Crosser . Kasama ako sa operation na yun dati at may isang myembro talaga dun sa Crosser na yun na sobrang iniidolo ko.” Masiglang kwento niya at tsaka pinakita niya sakin ang hawak hawak niyang sniper rifle.
“Siya ang pinaka magaling na Sniper na nakita ko. Gusto kong maging katulad niya. Gusto kong maging katulad ni Sir Nero Guzman.”
Bigla akong natigilan sa binanggit niyang pangalan. Nero..
“Nero?”
“Oo. Kilala mo siya?”
“Oo. Kasamahan ko rin siya dati.”
“Woaaah? Talaga? Asan na siya? Simula nung tumiwalag siya sa militar wala na akong narinig na balita sakanya eh. Asan na ba siya?”
“Patay na si Nero.” Ang kaninang masiglang masigla ay biglang naurong ang bibig sa narinig niya.
“Ganun ba..” Tanging nasagot lang niya. Di narin niya tinanong kung anong nangyari. “Kung ganun sakanya ko to iaalay tong pagsabak ko sa digmaan na ’to.” Rinig ko pang habol niya. Napangiti nalang ako. Di ko alam na may umiidulo rin pala dun. Sabagay, matindi rin talaga gumamit ng Sniper yun.
Nung binalik ko ang tingin sa harapan, tapos na sa pagsasalita ang Presidente dahil umalis na ito sa gitna.
Ngayon ay si Heneral Simeon naman ang nasa micropono
“Dalawang misyon lang ang tatandaan niyo sa laban na ’to. Una, Sagipin ang mga tao sa Orquieta. Lahat na makita niyong buhay o kahit naghihingalo, naputulan man ng kamay, ng paa, basta makita niyong buhay, iligtas niyo at ilabas niyo agad sa bayan ng Orquieta para magamot. Pangalawa, gawin natin ang lahat para makapasok tayo sa sentro ng Orquieta kung saan makikita ang kuta ni Manuel Guanzon. Main target natin ngayon ang doctor na yun. Kailangan natin siyang mahuli dead or alive. Ganun lang. Para sa mga natatakot makaharap ang mga bata niyang Vendetta, may ipanlalaban na tayo sakanila. Nasa harapan niyo. Ang sandata ng Gobyerno, ang sampung myembro ng Armada.”
Armada..
Sa pagkakaalam ko Slovak Word yan na ang ibig sabihin ay Armed Forces
Di na masama na ipantapat sa pangalang Vendetta.
[3rd Person’s PoV]
“Bukas tayo aatake, pero ngayong hapon tayo aalis papunta sa Orquieta. Dalawang bayan lang ang tatahakin natin para makarating sa bayan na yun. Gagamitin natin ang dilim ng gabi para makapag posisyon ng maayos para sa madugong bakbakan bukas.” Usal pa ng Heneral.
Kaya ba ganitong oras niya gustong umalis kami para sa plano na yun? Nag iisip talaga ang Heneral na ’to. Isip isip ni Steph.
“Yun lang. Para sa pagtatapos ng pagtitipon at sa pag simula ng misyon, sabayan niyo akong awitin ang pambansang awit.”
May dalawang sundalo ang lumapit sa flagpole na nakatayo sa likuran ng kinatatayuan ng Heneral at bitbit ang watawat ng pilipinas.
Nang mag umpisa ang pagkanta, habang nakadampi ang palad sa kaliwang dibdib, lahat ay nakatingin sa watawat habang inaangat. At katulad ng watawat na nakikita nila ngayon, alam ng bawat isang sundalo kung gano kadelikado ang tatahakin nila. Pero gagawin nila ang lahat para maligtas ang bayan na yun. Gagawin nila ang lahat para muling aangat ang Orquieta tulad ng watawat na nasa harapan nila ngayon.
Nang matapos ang kanta, ay isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ng bawat isa.
Nasa pinaka unahan ngayon ang Presidente habang nakaharap sa daanan. Nasa likod naman niya ang apat na Heneral. At sa likod naman ng mga Heneral ay ang Sampung Armada. Sa likod naman nila ay isang batalyong mga Sundalo at mga Mafia. Sa likod naman ng mga ito ay mga tangke, sasakyan at aircrafts na gagamitin sa digmaan.
Humarap ang Presidente at nag salute sa apat na Heneral.
Humarap rin naman ang apat na Heneral sa mga Armada at mga sundalo at nagsalute
“HUMANDAAA!!!” Sigaw ni Heneral
….
…………
………………….
………………………………
Heto na..
magsisimula na..
“PASULOOOOOOOOOOONG…..”
Ang digmaang pinaghahandaan ng lahat.
Sino nga kaya ang magwawagi sa digmaan na ’to
Ang pagkakaisa ba ng mga sundalo sa buong bansa?
Oh ang mga hukbo at napaka malalakas na mga alaga ni Manuel Guanzon?
Itikom nalang ang mga bibig..
At baril na ang magkkwento.
“KAD!!”
-To be continued
( A/N: IMPORTANTE Dito palang sasabihin ko na, don’t expect more scene sa mga bida for the next few episodes. Magfofocus muna ako sa war. Sa mga sundalong bahagi ng digmaan. Sa mga pangyayari sa Orquieta. Magkakaron parin naman sila (Virgel atbp) ng moment pero di gaano kahaba. This will be a long war. Pero tyaga lang, magkaka moment rin ng mahaba yung mga bida natin sa dulo. Ofc, save the best for last ika nga hahaha and btw, this arc was inspired by what happened in Marawi. Naisip ko na yung magiging ending nitong season 2 nung mga panahong may gyera pa sa Marawi. So yun hahaha at least may clue kayo kung bat napunta yung plot sa ganito hahahah. So yun lang, sorry mejo natagalan na naman sa update. Mejo mahaba rin naman ’to so sana nakabawi parin hahah. Gang dito lang muna, see you sa next episode :) Adios~ )
-MajorSin
Episode 51: War in Orquieta (1st Day)
Episode 51: War in Orquieta (1st Day)
Ni republish ko lang, Nagloloko na naman yung wattpad e.
{ A/N: Sa mga reader na si Virgel lang yung hanap, paki skip nalang po ’to hahaha. Walang scene si Virgel dito. Nabasa niyo naman na siguro yung last Author’s note ko kaya di na ako magpapaliwanag dito :)Thank you )
Ngayon lang ulit ako mag aa/n ng mahaba hahah. So sa mga nag iisip na kaya ganito yung plot ko kasi pinapahaba ko lang yung kwento, para more votes at comments, isipin niyo na kung anong gusto niyong isipin hahaha pero ginagawa ko ’to kasi kilala niyo na ako magsulat. Sa season 1 palang sinabi ko ng ayoko maging palamuti yung iba. I’ll give life to every character na ginagawa ko dito sa abot ng makakaya ko. Kaya ganito. Kung iniisip niyo na baka pinapahaba ko lang, tangina hahaha gustong gusto ko na matapos to sa totoo lang. Sarap na ngang madaliin eh hahaha yung tipong next episode last fight na tas epilogue na agad? Sarap nun. Pero ayoko magmukhang minamadali yung ending. Kahit di niyo na feel yung flow, I’ll do my best na maging successful parin yung ending nito tulad nung nagawa ko sa season 1. So pasensya na sa mga nahahabaan at natatagalan na jan. Malapit na talaga ’to. Konti nalang hahaha )
Enjoy~
[3rd Person’s PoV]
Pasado alas dose na ng hating gabi at kasalukuyan paring tinatahak ng mga militar ang daan papunta sa bayan ng Orquieta. Kasalukuyan namang nakasakay sa isang military truck ang Squad ni Sgt. Enorio. Karamihan sa mga ito ay natulog muna para ma kundisyon ang sarili pagdating nila sa bayan. Pero may iilan ang piniling idilat nalang ang mga mata para mag isip.
Gising pa si Sgt. Enorio at isa isang tinignan ang buong squad niya. Ito na ang pang lim niyang sabak sa isang gyera. At minsan na rin siyang naging lider ng tatlong squad sa naunang apat na laban niya. Pero sa kasamaang palad, halos lahat ng mga taong naa under niya, di nakakauwi ng ligtas. Sa katorseng tao niya nung unang sabak niya sa gyera, isa lang ang natira sa squad niya. Sa pangalawa, wala maski isa. Lahat di nakaligtas. Sa pangatlong sabak naman niya, tatlo lang ang naiwan. Rinig na ang impormasyon na yan sa mga sakop ng militar, yung iba nga tawag na sakanya palpak na sarhento e.
Masakit man sakanya ang malagasan at makarinig ng ganung komento tungkol sakanya, nandito parin siya, handa paring gawin ang lahat para sa bayan. Ngayong sa panlimang beses niyang pakikibaka, sisiguraduhin na niyang lahat ng mga tao niya ay makakauwi ng ligtas pagkatapos ng gyera na ’to.
Habang tinitignan niya ang mga tao niya, nahagip niya ang isang sundalo na nakadutdot sa cellphone na kaharap niya.
“Calvin, ba’t di ka muna mag ahh…pahinga?” usal nito kaya natigil sa pag ngiti si Calvin Rios at tumingin sa Sgt. niya.
“Gising pa ang asawa ko. Nangangamusta lang ako sir.” Turan nito. Isa sa masunuring sundalo si Rios na under kay Sgt Enorio. May isang butihing asawa at isang napaka gandang anak na apat na taong gulang. Bago paman siya umalis kanina, pinangako na niya sa mag ina na mag iingat siya at sisiguraduhin niyang uuwi ulit siya ng buhay. Pangalawang sabak na ni Rios sa gyera at natakasan na niya ang kamatayan ng isang beses. At sisiguraduhin niyang magagawa niya ulit yun ngayon. “Birthday na kasi nung prinsesa ko tatlong araw mulang ngayon, nag uusap kami kung anong ireregalo namin sa bata.” Ngiting usal ulit nito.
“Ano bang gusto niya? Manika?” Tanong naman ni Enorio.
“Ewan ko nga Sir eh. Laruan na baril lagi yung pinapabili niya sakin.” Tawang sagot nito.
“Baka naman gusto rin niyang maging sundalo katulad mo.” Sabat naman ng katabi ni Rios na si Jeremy Eros, ang nag iisang sniper sa squad nila. Gising rin pala ito.
“Hindi pwede, ayokong mapahamak yung buhay ng anak ko. Plano ko sakanya paglaki niya, maging isang magaling na doctor kagaya ng mama niya.” Ngiting sagot naman ni Rios. Punong puno ang utak nito ng mga plano sa buhay lalo na sa nag iisang anak niya.
“Nako, matutulad lang yang anak mo sakin pag hinadlangan mo yang gusto niya.” Tawang usal naman ni Eros. “Dati nga gusto ng mga magulang ko maging isang Engineer eh. Ena? Mas mamamatay ako ng maaga sa mga numero kesa sa mga bala gago.” Natawa ang mga iilang gising pa sa loob ng truck sa sinabi nito. May punto nga naman siya. “Kaya ayun, nag rebelde ako. Pumunta ako sa uncle ko na isang sundalo at nagpa ampon. Kasi bata palang gusto ko na talagang maging sundalo. Yung counter strike na laro alam niyo? Nakoo, maning mani lang sakin mga kalaban pag nag sniper na ako.”
“Hindi ka ba nag ahh..sisi? Na naging sundalo ka?” Tanong ng lider niya.
“Hindi sir! Ang sarap nga sa pakiramdam pag nakaka bullseye ako ng mga totoong terorista sa tuwing sasabak ako sa gyera eh.” Maangas naman na sagot nito. Pangatlong sabak na ni Eros ngayon sa isang gyera. At nung huling gyera lang, naka set agad siya ng record na may pinaka maraming napatumba gamit ang sniper na higit kumulang 198 ang bilang sa Pilipinas. At nangyari lamang yan sa loob ng sampung araw na gyera. Sobrang bihasa na ito sa pag target. Maituturing na rin na biyaya sakanya ang kakayahan na ito dahil bihira ka lang makahanap ng isang taong sobrang galing sa focus at pag asinta.
Kinuha naman niya ang isang gusot na papel na galing sa bulsa ng army vest niya at ipinakita sakanila “Tinatally ko sa papel na ’to kung ilang ang napapatumba ko kada gyera. At sa gyera na ’to, mas hihigitan ko pa yung naset kong record nung huling laban ko.”
Alam na nila ang ugali ni Eros kaya kahit anong pagmamayabang ang gawin nito, wala silang ibang maisip kundi ang humanga nalang. Dahil kahit may pagka mayabang ito, may ibubuga naman talaga ito.
“Tignan natin yan ahh..Eros.” Tango ring ganti ni Enorio. Buti nalang may isa siyang myembro dito na sobrang maaasahan.
“Pero Eros, alam na ba nila ang alyas mo?” Isang sundalo pa ang sumingit sa usapan na katabi naman ni Enorio. Natatawa ito kaya bugnot ang mukhang gumanti si Eros. “Tigil tigilan mo ko, Russo ha. Masasapak kita.” Pero imbes na matakot, mas natawa lang lalo ang sundalong yun. Si
Private Peter Russo
, isa ring makulit ang ugali tulad ni Eros. Medic ito sa team kasama ang isa niyang matalik na kaibigan na si
Private
Ricci Navarro
. Silang dalawa ang nagsisilbing medic sa squad. Silang dalawa ay nagtapos sa kursong nursing pero nag decisyong ituloy ang pangarap sa pagiging sundalo. Bata palang ay magkakilala na silang dalawa. Simula elementarya hanggang sa mag college parehas lang sila ng paaralan. Napag dududahan na nga sila minsan dahil sa sobrang lapit ng mga ito sa isa’t isa, pero walang kaalam alam ang mga yun na mas marami pang naikamang babae ang mga ito kesa sakanila.
“Ano nga tawag nun, Pre?” Tawang tanong ni Russo sa katabi.
“Boy Parato Hahahahahahaha bwesit.” Sagot naman kaibigan nitong si Navarro.
“Mga gagooo.” Tila ang kanina na nag aangas ay ngayon ay parang puputok na yung ulo sa inis.
“Bakit Boy Parato?” Takha namang tanong ni Rios.
“Nakasama ko kasi yan sa huling gyera na sinasabi niya. Ginagamot ko ang hita niya nun habang siya ay nag aasinta parin—”
“Wag kana mag kwento isa!” Inis na singit ni Eros.
“Tapos?” Tila bitin pa si Rios kaya siya naman ang tinignan ni Eros ng masama. Napatawa tuloy siya.
“Tapos habang nag gagamot ako, may naririnig akong bulong. Nung una akala ko guni guni ko lang, pero rinig ko talaga e. Bago puputok yung sniper niya, may naririnig akong bulong.”
“Ano ba ang binubulong niya?” Tanong naman ni Enorio kaya nang aasar na umakto si Navarro na parang nag i snipe kuno tapos tsaka nagsalita. “Para to sa mga taong iniwan ng mga jowa nila… bang ! Para to sa chix kagabi na nameet ko pero may putok.. bang ! Gago lang hahahahahahaha” Halos malagutan ng hininga kakatawa si Russo sa ginawang pag acting ni Navarro. Pati ang iilan ay nagtatawanan rin. “Kaya simula nun kinalat ko na ang alyas niyang si Boy Parato”
“Gago talaga kayong dalawa!” Nasanay na talaga siyang ganun ang lumalabas sa bibig niya sa tuwing may aasintahin siya. Kahit anong masabi niya basta may mairason lang siya sa mga balang pinuputok niya. At pag sinabing kahit ano, kaaahit ano.
Habang sila ay nagtatawanan sa maikling kwentuhan, nahagip ni Sgt. Rios ang isang sundalo na nasa pinakadulo nakaupo habang nakatingin lang sa daan at walang planong makisali sa usapan nila.
Ang nag iisang first timer at pinaka bata sa squad niya. PFC Ryan Mendez. Hindi niya alam kung pano niya pprotektahan ang batang ’to. Pero bilang lider nito, gagawin niya ang lahat para makauwi ito ng buhay.
“Tahimik mo ata.” Napatigil naman sa pagmumuni si Ryan nang kinausap siya ng nasa tapat niya. Katulad niya, sobrang inosente rin ng mukha nito.
“Ah wala, iniisip ko lang sila inay. Sigurado di yun nakakatulog ng maayos ngayon. O baka nga gising pa yun dahil sa pag aalala sakin.”
“Ito ba ang unang sabak mo sa isang gyera?” Ngiting tanong naman nito. Kung di siya nagkakamali, pangalan nito ay Arnold Paredes at isa ring Private First Class katulad niya. Mas matanda lang ito sakanya ng mga limang taon.
“Oo eh hahah”
“Kaya pala. Sa una lang yan. Masasanay rin yang pamilya mo na sumasabak ka pag nagtagal.” Sagot rin nito.
“Ah tanong eh kung makakatagal hahaha.” Habang yung iba ay nagtatawanan, tila may sariling mundo rin yung dalawa habang nagkkwentuhan. “Ikaw? Pang ilang beses mo na bang sabak ’to?”
“Pang anim na.” Ngiting sagot nito. Sa paraan palang ng pakikipag usap nito ay alam mo na kaagad na sobrang mabuting tao ito. Sobrang amo ng boses at parang hindi pang sundalo yung dating niya.
“Pang anim na? Grabe, ang dami na pala. Nakakaramdam ka parin ba ng kaba kahit ilang beses ka ng sumasabak?” Tanong pa ni Ryan.
“Hmmm, mejo. Kahit maka trenta ka ng sabak, pag siguro pakikipag sapalaran sa buhay parin yung usapan eh kakabahan ka parin.” Tawang sagot nito. “Pero yun nga, mejo nalang dahil bukod sa may karanasan na ako, di ako takot mamatay.”
“Anong ibig mong sabihing hindi takot? Bakit?”
May kinuha naman ito sa loob ng vest niya na isang parang notebook. Akala ni Ryan maliit na notebook ito, pero nung iniabot ito sakanya, tsaka lang niya napansing bibliya pala ito. Isang maliit na bibliya “I already surrender myself to Him. Kung sakaling bawian man ako ng buhay sa gyerang ’to, alam ko naman na kung saan ako mapupunta. Mapupunta ako sa lugar kung saan di na ako makakaramdam ng sakit. Kaya di ako natatakot. Mas masaya pa nga yun , diba?” Ngiting sabi nito. Napabilib nalang si Ryan sa mga narinig niya. Napabilib siya dahil ganun nalang kalakas ang kapit ni Arnold sa panginoon.
Binalik ni Ryan ang bible kay Arnold at ngumiti “Pagbutihan nalang natin, Arnold. Turuan mo nalang ako sa mga dapat gawin dahil ikaw yung may mas karanasan sa atin.” Kahit papano sa squad na ’to ay mejo may nakasundo na agad siya. Akala siya pati sa gyera magiging loner siya.
“Hinde, sayo na yan.” Di ito tinanggap ni Arnold pabalik “Pwede mo yang basahin pag may oras ka. Maganda basahin yan, madami kang matututunan sa mga salita ng Diyos.”
“Pero..”
“Nasapuso ko na lahat ng mga nakapaloob jan. Kaya sa pagkakataong ’to, ikaw naman.”
“Ameeeen!” Napatingin ang dalawa sa mga kasamahan nila at tsaka lang nila napansing nakatingin at nakikinig na pala ang mga ito sakanila. Napatawa tuloy ng mahina si Arnold.
Bawat sandalong sasabak sa gyera ay may kanya kanyang kwento. Kanya kanya ng hirap at pagkatao. Kanya kanyang buhay at kanya kanyang bigay ng mga pangako para sa sarili at sa mga mahal sa buhay.
Hindi sila mga ordinaryong tao lang.
Hindi sila mga palamuti lang
Hindi sila pwedeng masawi sa digmaan na ito.
Sa loob naman ng isang armored vehicle, wala ni isa ang natutulog sa sampung Armada. Magkakaharap lamang ang sampu sa loob kasama si Koronel Astrid. Yung iba ay malalalim ang iniisip katulad ni Ish na nasa gilid lang at hindi umiimik. May iilan rin na walang pake sa katahimikan.
“Tandaan niyong hindi Vendetta ang prioridad ng ating misyon sa ngayon–sa ngayon. Tulungan niyo muna ang mga kasama nating sundalo na magsagip ng mga taong na trap sa loob ng bayan. Hangga’t hindi niyo pa nasasalubong ang Vendetta, yun na muna ang gawin niyo.” Paliwanag ni Astrid sakanila.
“Opo Koronel.” Sagot ng iilan. Isa isa namang tinignan ni Astrid ang mga taong sinanay niya dahil mukhang mga wala sa sarili ang mga ito. “Ayos lang ba kayo?” Pakiramdam niya hindi pa handa ang mga ito na sumabak sa isang gyera, lalo na sa pagharap sa mga natatanging mga Vendetta. Dahil sa naisip niya ay tila sinisi rin nito ang sarili dahil siya ang nagsanay sa mga ito.
“Alam ko sobrang ikli lang ng dalawang linggo para magsanay, at pasensya na dahil yun lang ang nakaya kong ipasanay sainyo. Di ko alam kung magagamit niyo ba ang mga natutu–”
“Koronel.” Biglang pinutol ni Dylan ang paghingi ng tawad sakanila ng striktang Koronel at tsaka tumingin ito sa mga mata niya “Di pa kami pormal na nakapag pasalamat sayo dahil sobrang biglaan yung nangyari kanina. Pero ngayon na may oras na kami..” Ngumiti ito ng bahagya “Lubos kaming nagpapasalamat sa pagsasanay mo sa amin. Hindi madali yung trabaho mo pero tinanggap mo parin.”
“Tama si Dylan, Koronel. Kaya di namin matatanggap yang pasensya niyo dahil di namin deserve yan. Magaling kang magsanay.” Singit naman ni Ikram.
“At bilang proweba, kami ang mananalo laban sa Vendetta na yan pag nakaharap na namin yan.” Pagmamayabang naman ni Dante. Naguguluhan tuloy bigla si Maki habang pinapakinggan sila. Hindi niya alam kung ang Boss ba talaga ng mga ito ang nagpapatay kay Vlad dahil kung titignan mo, mababait naman silang lima. Mayabang nga lang si Dante. Pero maliban dun, wala ka ng makitang masamang karakter sa pagkatao ng mga Martin. Maayos silang makitungo sa loob ng dalawang linggo na yun.
Napansin naman nilang nailang ng kaonti ang koronel dahil nag ayos ito ng suot niyang cap. Di niya akalain na makakatanggap siya ng mga ganung papuri galing sa mga myembro ng Mafia.
Malaking bagay na yun sakanya pero di niya lang pinahalata. “Siguraduhin niyo lang.”
“Pangako yan, Koronel.”
Sa loob lang ng halos isang araw, tuluyan ng nasakop ng hukbo ni Guanzon ang buong bayan ng Orquieta. Lahat ng distrito ng lugar ay may mga nakikita ka ng mga sundalo niya na nagkalat. Halos lahat ng bahay sa bayan ay kung hindi wasak, ay tinutuluyan ng mga sundalo niya para magpahinga. Minsan pag may natsempuhan pa ang mga ito ng mga dalaga sa mga bahay, ginagahasa muna nila ito bago pinapatay.
Ngayong pa alas kwatro palang ng umaga, mga tunog ng dumadaan na tangke nalang na nagpapatrol ang maririnig mo sa kabuuan ng syudad. Tila nagpapahinga rin ang karamihang sundalo ni Manuel. Pero may iba na nagpapatrol rin at nagmamasid sa paligid. Mas maigi ng maingat parin dahil di nila alam kung kailan reresbak ang mga sundalo ng gobyerno.
Sa isang gate naman kung saan ang nag iisang labasan at pasukan sa syudad ng Orquieta ay may dalawang mataas na guardhouse na nakatayo doon at binabantayan ng iilang sundalo ni Manuel ang lugar. Tag iisang watcher sa magkabilang guardhouse habang iilang sundalo naman ang nakamasid sa baba.
“Pakipalit muna ng pwesto ko pre. Mag jijingle lang ako.” Paalam nung isang bantay sa baba at tsaka pumunta sa labas ng gate dahil may damuhan doon.
“Sige pre”
Habang tahimik na nag jijingle ang sundalong yun, may narinig siya ng kaluskos ng mga damo kaya bigla itong napalingon sa paligid niya. Biglang naalarma ang katawan niya kaya kahit di pa siya tapos, kinuha niya ang pocket knife niya at muling pinakiramdaman ang paligid. Naiwan kasi niya ang baril sa upuan niya.
Wala pang sinag ng araw kaya di niya makita ang buong paligid. Aabante pa sana siya para suriin pa ang paligid nang may biglang yumakap sa likuran niya at agad nilaslas ang hawak nitong kutsilyo sa leeg niya. “Arrrkkk!”
Napansin naman ng isang watcher sa guardhouse ang nangyari sa baba kaya sisigaw na sana ito ng kalaban pero agaran ring bumaon sa ulo nito ang isang palaso. At wala pang tatlong segundo ay sumabog rin ito.
Naalarma bigla ang kabilang watcher sa nasaksihan niya kaya mabilis niyang kinuha ang armas niya at tinignan ang baba. Pero pagtingin niya, wala namang tao.
Maya maya pa ay naramdaman niya ang mga makakapal na sinulid na bumalot sa buong leeg niya. Sinubukan niyang tanggalin ito pero masyadong matibay. “ARRGGHHHHH!!” Nakasigaw pa ito ng malakas bago maputol ang ulo dahil sa ginawang paghila ng sinulid.
Narinig yun ng mga iilang sundalo sa baba at tsaka lang nila napansin na di na nila makita ang dalawang watcher sa taas ng guardhouse.
“Anong nangyari?!”
Agad nilang tinutok ang mga hawak nilang baril sa labasan ng gate. Madilim pa dito kaya wala silang makita.
Dahan dahan silang umabante para tignan ang labas nito. “Flashlight dali.” Tugon ng isang sundalo na nasa unahan. May nagbigay naman sakanya at habang dahan dahan silang paabante, ay tsaka niya binuksan ang flashlight para makita ang nasa labas ng gate.
Pero lahat sila ay napahinto ng isang napaka laking tanke ang tumambad sakanila, at ang masama pa, naka asinta na ito sa direksyon nila. “Ka..ka..”
“KALABAN!!” Masyado ng huli ang mga galaw nilang umatras. Mabilis na sumabog ang mga katawan nila ng pinaputukan sila ng tankeng nasa harapan nila.
Sa iba’t ibang lugar inassigned ang mga sundalo ng gobyerno. May mga inassigned sa mga tagong parte ng Orquieta, mga iba’t ibang distrito. Pero ang lugar na may pinaka maraming pinadala na sundalo ay ang mismong syudad ng Orqueita. At isa sa apa’t napong squad nasali ang squad ni Enorio na makisabak sa syudad.
Pati na rin ang Armada ay dun rin inassigned since ang main target talaga nila ay ang kuta ni Manuel na kung saan matatagpuan sa gitna ng syudad.
“Move! Move! Move!” Tagumpay na nakapasok sa gate ang mga sundalo “DISPERSE!” Utos agad ng kasama nilang Heneral na si Heneral Puma kaya mabilis na kumalat by squad sa buong lugar ang mga ito. Siya ang inatasang mamuno sa mga sasabak sa pinaka Warzone ng bayan.
Habang naninigarilyo naman ang isang sundalo ni Manuel sa balkonahe ng isang bahay na pinagpahingahan nila, narinig niya ang isang pagsabog sa may unahan ng syudad. “Aga aga nagpapaputok parin sila ng tanke, bat di nalang muna sila magpahinga.” Nasabi nalang nito sa pag aakalang kakampi lang nila ang nagpasabog na yun.
Wala na ang pamilyang may ari ng bahay na ’to kaya ginawa na nila itong pahingahan. Sampung sundalo silang nandito sa kasalukuyan at tulog pa ang lahat pwera sakanya.
Habang tahimik itong naninigarilyo, sinundan niya ng tingin ang usok na binuga niya papunta sa itaas. At habang sinusundan niya ito, naiba bigla ang atensyon niya nung nakatingin na siya sa ulap. May nakita itong kakaiba. Di niya makita ang kabuuan nito dahil wala pa ang sinag ng araw, pero di siya pwedeng magkamali.
Yung alignment palang ng mga ilaw sa pakpak nito alam na niya kung ano ito. At base sa kanyang kaalaman, wala silang ganito.
At isa lang ang ibig sabihin nito.
Tuluyan ng nalaglag sa bibig niya ang sigarilyo sa pagkabigla. “Tangina.”
Babalik pa sana siya sa loob para sabihan ang mga kasama niya “NANJAN NA SI–”
Pero agad sumabog ang buong bahay na yun matapos itong bombahin ng aircraft na nakita niya.
“Sigurado ka bang walang sibilyan sa bahay na yun?” Tanong ni Heneral Simeon na sakay sakay sa Aircraft na nagpasabog sa bomba. Kasama niyang nakasakay rito si Steph. “Wala, Heneral.” Nakikita kasi sa hightech na screen sa harap niya ang itsura ng baba. Nakikita niya ang mga nasa loob kahit natatakpan pa ito ng mga Pader. Nalalaman niya sa screen kung saan makikita ang mga kalaban at mga buhay na sibilyan. Lahat ng aircrafts ay merong ganung screen kaya sila ang nagsisilbing mata ng mga nasa baba. Ukupado ang Aircraft na ito ng pitong tao kasama na ang piloto. Kasama rin niya sina Elrien at Akasha dito.
“Nagsimula na silang kumilos.” Turan ni Akasha dahil nakikita niya sa screen na naalarma na ang iilang mga sundalo dahil sa pagsabog na ginawa nila.
“Dalawang sibilyan ang natatrap 3 o’clock jan sa position niyo ngayon. Please locate the civilians.” Kausap ngayon ni Elrien ang squad ni Enorio na kasalukuyang nagtatago sa gilid ng isang building.
[Copy]
Di pa man nag papakita ang araw, nagsimula ng kumilos ang hukbo ng Gobyerno. Handang handa na silang itumba ang buong hukbo ni Guanzon.
Nakangisi namang nakatingin si Manuel ngayon sa harapan niyang mga CCTVs. “Andito na sila.” Imbes na mangamba, kakaibang saya lang ang naramdaman ng doctor. Tila ba kampante na itong siya ang mananalo sa digmaan na ’to.
Pinindot niya ang isang Red Button sa gilid niya at kalaunay biglang tumunog ang napakalakas na sirena na nanggagaling sa kuta niya. Senyales yun para sa mga tauhan niya na umpisa na ng isang madugong digmaan.
“Masaya ’to”
Di pa man sumisinag ang araw pero palitan na agad ng putukan ang maririnig mo sa buong syudad. Di rin nagpapahuli ang mga sundalo ni Manuel. Nakikipag sabayan rin ito sa mga pagputok. Ilang minuto palang ang nakakalipas pero kita mo na agad ang resulta. Ang dami na agad nakahandusay sa mga daan ng magkabilang panig.
Kasalukuyan namang tinatahak ng squad ni Enorio ang kanang direksyon dahil iyon ang sabi ni Elrien sakanya. Natanaw nila ang isang mejo maliit na karinderya na kulay asul yung bubong. “Jan sa loob, Sgt. Isang bata at matandang babae.” Usal ni Elrien sa linya. Rinig yun lahat ng squad dahil may suot suot silang mga earpiece na naka konektado sa mga nasa Aircraft.
Pero bago sila maka punta dun, kailangan muna nilang tumawid sa daan na walang kahit anong mapag tataguan. Mejo delikado.
“Pano tayo makakapunta dun, Sir?” Tanong ni Rios sakanya. Nasa unahan si Enorio sa pinakadulo ng gusali habang nakasandal silang lahat. Sinubukang tignan ng kaonti ni Enorio ang daanan na tatawiran nila. Nasa unahan lang nila maririnig ang putukan. Pero sa kinatatayuan nila ngayon, masyadong tahimik. Nakakapag taka. “Walang tao.”
“Kung ganon tara na, Sir.”
“Teka.” Nakakita ng isang bote si Enorio at kinuha niya iyon. Malakas talaga ang kutob niya. Hinagis niya ang boteng iyon at wala pang isang segundo ay nakarinig na sila ng isang putok. “Sinasabi ko na nga ba.”
“Tunog ng sniper yun Sir. Mukhang nakita na tayo dito at naghahanap nalang ito ng tsempo. Teka.” Umuna si Eros at kumuha ng isang bubog ng salamin at tsaka tinapat niya sakanya at marahang ginalaw pakanan para makita niya sa repleksyon kung anong itsura ng lugar. Base sa nakita niya, dalawang building ang posibleng kinalalagyan ng Sniper. “Maghagis ka ulit ng kung ano, Russo.” Utos niya kay Peter. “Sana kumagat pa.” Bulong niya.
Sinunod naman iyon ni Russo at pagkahagis niya ulit ng bote, muling nagpaputok ang Sniper na yun. At dahil mejo madilim pa, kitang kita ni Eros ang kinatatayuan ng Sniper dun sa piraso ng salamin. Nakita niyang umilaw ng kaonti sa pinaka ibabaw ng ikalawang building. Ilaw yun sa pagputok sa Sniper nito.
“Okay, nakita ko na.” Agad hinanda ni Eros ang hawak nitong Sniper. “Sino ang gustong magpa pa-in?” Tanong niya sa mga kasama
“Ha? Adik ka ba?”
“Mabagal magkasa ang Sniper pre. Kailangan natin na magpaputok muna siya bago ako ppwesto. Di naman pwedeng didiretsuhin ko, lalo pa’t alam niyang dito tayo nagtatago.”
“Ba’t di nalang bote ulit ang ihagis natin?” Tanong naman ni Navarro
“Hindi yan kasing tanga mo na mauuto pa ng pangatlong beses boi. Kailangan natin ng totoong tatawid para magpaputok ito at magkaron ako ng oras na asintahin siya.”
“Sige, ako na.” Presinta na sana ng Sgt nila dahil mukhang walang may planong ilagay sa panganib ang buhay nila. Pero nagsalita si Ryan Mendez sa pinaka dulo. “Sir, ako na po.” Presenta nito.
“Sigurado ka, Mendez?” -Enorio.
“Mas mabuti na yan, Sir. Mas magaan ang katawan niya tignan kesa sainyo.” Pang aasar ni Eros kaya natawa ang iilan.
“Kaya ko ’to.” Umabante rin agad si Ryan at tumabi sa gawi ni Eros.
“Mag iingat ka, Ryan.” Tumingin saglit si Ryan sa gawi ni Arnold at tsaka bahagyang ngumiti at tumango.
“Pagbilang kong tatlo, tumakbo ka agad ng mabilis papunta dun sa dulo ha?” Paliwanag ni Eros kaya tumango si Mendez.
“Mag iingat ka, Mendez.” Mejo kinakabahang sabi ni Enorio. Pinaka bata ito sakanila at wala pang experience sa ganito kaya nangangamba siya na baka magkamali ito.
“Isa…dalawa..”
Pigil ang hininga ng lahat habang nakatingin kay Mendez na nakapwesto na para tumakbo.
“TATLO!” Pagkasabi ni Eros nun ay kumaripas agad ng takbo si Mendez papunta sa kabilang gusali.
Habang si Eros naman ay nakasandal na sa pader habang bumubulong “Para to..sa ipis na nasampal ko ng tsinelas kahapon.”
“Pftt.” Gustong matawa ni Russo pero pinili nalang nito ang magpigil dahil nasa krusyal na sitwasyon sila ngayon.
Pagka rinig na pagkarinig ni Eros ng isang putok, agaran siyang humarap at tinapat ang hawak nitong Sniper sa posisyon ng kalaban nila. At dun, kitang kita niya sa scope na nag kakasa pa ito para sa panibagong tira.
At bago paman niya ito magawa, agad kinalabit ni Eros ang gatilyo.
Bagsak agad.
“Clear”
Sunod namang tinignan ni Eros si Mendez kung natamaan ba ito. Pero nakita lang nila itong nagtaas ng kamay sa dulo. Ligtas ito. “Nice one, Eros.” Puri ni Rios.
“Tayo na.” Mabilis na umabante ang squad ni Enorio papunta sa kabila.
May narinig pa silang iilang putok kaya binilisan nila lalo ang pagtawid. Nang makatawid ay agad nilang tinahak ang karinderya na iyon at pinasok. “May tao ba dito? Mga sundalo kami. Hindi kami kalaban.” Tawag ni Enorio sa loob. At maya maya pa ay may dalawang sibilyan ang dahan dahang lumabas sa ilalim ng kama. “Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami!” Halos ma trauma na ang matandang babae sa nangyari sakanila ng apo niya. “Tulong!”
“Okay na po ale, ligtas na po kayo. Magtatawag nalang kami ng reinforcement dito para makuha na nila kayo at mailabas dito sa Orquieta.” Pakalma naman ni Enorio at tsaka kinausap si Elrien sa linya. “Kailangan namin ng ibang tao para mapalabas tong sibilyan dito.”
[ Kami na ang bahala ]
Sagot ni Elrien sa kabilang linya.
Habang abala ang lahat, nakita ni Eros ang taong matapang na nag presinta kanina para sa plano niya. Nasa labas ito ng pintuan habang nakatingin sa labas na dinaanan nila kanina kaya agad niya iyong nilapitan. “Matapang ang ginawa mo kanina bata.” Puri nito.
“Mabuti ka pa kayang mag presinta, yung mga kolokoy jan ang duduwa—” Napahinto sa pagsasalita si Eros nang tignan niya ang mga mata ni Ryan na sobrang gulat na gulat at parang may badyang mga luha na tutulo. Lumalalim rin ang paghinga nito na parang nakakita ng kung ano.
Dahan dahan namang napatingin si Eros sa tinitignan nito.
At halos di rin matikom ni Eros ang bibig niya sa pagkabigla.
Isang katawan ng ka squad nila ang nakahandusay sa gitna ng daan.
Sa sobrang pagmamadali kanina, hindi na nila na check ang isa’t isa kung nakatawid ba ang lahat.
Yung mga iilang putok na narinig nila kanina bago makatawid, wala silang kaalam alam. Masyado silang nagmadaling pumunta sa lokasyon. Hindi nila alam na may isang myembro pala ang nahuli..
Nahuli..
Natamaan..
Napatay…
“Arnold…” Nangangatal ang bibig na bulong ni Ryan.
-To be continued..
-MajorSin
Episode 52: Awakening of the Devil
Episode 52: Awakening of the Devil
Wala na akong trabaho so baka mejo maka focus na ako dito at mapapadali ng onte yung mga update. Still, wag pa ring umasa. Hahah
Enjoy~
[3rd Person’s PoV]
Natapos ang isang buong araw sa Orquieta na puno ng bakbakan. Daan daan na ang mga nasawi sa magkabilang panig. Marami rami na rin ang mga narescue ng mga sundalo at nailabas na sa bayan. Pero di pa dun natatapos ang lahat, alam nilang may mga iilan pa ang natrap sa lugar. At kailangan nilang iligtas ang bawat isa sakanila.
Pasado alas siete ng gabi ng humupa ang putukan. Pinili ng magkabilang panig na ipahinga ang mga sarili. Gustuhin man nilang umatake, masyadong delikado para sakanila. Baka mga kasama pa nila ang maputukan dahil sa dilim na nababalot sa llugar. Pero may iilan na alerto paring nagmamanman sa paligid. Kadalasan nito ay mga sniper. Mas mabuti ng handa.
Sa isang abandunadong bahay naman nagpasya ang squad ni Enorio na magpahinga at magpalipas ng gabi. Mejo malayo ito sa ibang mga sundalong kasama nila
Abala ang iilang myembro sa kanilang sarili. May iba na nagpasyang umidlip muna dahil sa pagod. Sina Russo at Navarro naman ay kasalukuyang ginagamot ang mga sugatang kasamahan. “Malayo sa bituka yan. Kaya mo yan.” Pagpapalakas ng loob ni Russo sa kasamang halos di na makalakad dahil natamaan ang hita nito ng bala. “Oo. Salamat”
“A-ray! Araaay! Ahhh!”
“Wala kana bang mas iuungol pa jan, Pat?” Natatawang tanong naman ni Navarro sa kanyang ginagamot na si Patrick Salvador, ka squad rin nila.
“Gago ang sakit pre!” Parang maiiyak na ito dahil sa sakit ng balikat nitong tinamaan rin. Kasalukuyan itong tinatakpan ng bandage dahil tapos na itong magamot ni Navarro. “Easy lang pre. Mas masakit maloko kesa jan sa nararamdaman mo ngayon.”
Mejo natawa ito sa sinabi ni Navarro pero napapangiwi parin sa sakit. “Gago ka talaga.”
“Ipahinga mo na muna yan.” Ngising usal nalang nito bago tumayo at nilibot ang tingin para tignan kung may di pa nagagamot. Pero sa paglilibot niya, tanging si Ryan lang ang nag agaw sa atensyon niya. Nakaupo ito sa sahig sa gilid habang tulala.
“Puntahan mo muna pre.” Sabi nalang ni Russo dahil pansin niya rin ito na kanina pa tulala. Naging tulala na ito matapos yung nangyari kaninang umaga.
Lumapit si Navarro sa pinakabata nilang kasamahan at tsaka tumabi sa pag upo. Di na siya napansin ni Ryan dahil ukupado ang utak nito. Di mawala sa utak niya ang mga ngiting pinupukol sakanya ni Arnold habang nag uusap sila kanina. Ang maikli pero makabuluhang usapan nila. Lahat isa isang bumabalik kaya di matanggap ng puso niya yung sinapit ng bagong kaibigan niya.
Sobrang bilis ng pangyayari. Ang hirap sikmurain.
Bigla siyang may naalalang bagay kaya wala sa sarili niyang dinukot ang isang bagay sa ilalim ng vest niya. Isang bibliya.
Unti unti nalang nangatal ang bibig niya habang tinitignan ito at walang pahintulot na umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
“I already surrender myself to Him. Kung sakaling bawian man ako ng buhay sa gyerang ’to, alam ko naman na kung saan ako mapupunta. Mapupunta ako sa lugar kung saan di na ako makakaramdam ng sakit. Kaya di ako natatakot. Mas masaya pa nga yun , diba?”
Napayuko nalang ito dahil sa sakit. Ito ang unang beses niyang sumabak, at nangyari na agad sakanya ito.
“Si Arnold ang pinaka mabait na sundalong kilala ko.” Biglang nagsalita si Navarro sa tabi niya. “At sabi nga nila, kung anong yung pinaka magandang bulaklak sa isang hardin, yun yung unang pipitasin.” Mas lalo lang naiyak si Ryan sa mga naririnig niya.
“Hindi bagay kay Arnold ang masalimuot na mundong ’to, Ryan. Yun nalang ang isipin natin.” Tinapik niya ang balikat nito para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ng bata. “At least dun sa pupuntahan niya, wala ng putukan, wala ng patayan. Purong saya nalang ang mararamdaman niya dun.”
Inangat ni Ryan ang ulo niya at isinandal sa pader na sinasandalan niya. “Mananalo tayo..”
Napangiti si Navarro sa sinabi nito.
“Mananalo tayo para kay Arnold at sa mga kasama nating nagbuwis ng mga buhay.”
“Oo naman. Tayo ang huling tatayo sa digmaan na’to.” Nang makita niyang napangiti ng bahagya si Ryan ay pinili na nitong tumayo “Magpahinga kana jan. Di pa ’to tapos.”
“Sige. Maraming salamat.” Ngumiti ng bahagya si Ryan dahil kahit papano ay nabawasan yung kirot sa dibdib niya sa mga sinabi nito sakanya.
Nang makaalis si Navarro, nagpasya na muna si Ryan na kumustahin ang pamilya niya. Kinuha niya ang cellphone at plano sanang makipag video call, pero wala palang signal sa lugar nila ngayon.
“Sobrang sira ng buong syudad kaya wag mo ng asahang magkaka signal pa dito.” Nakita niya sa gilid si Rios na nakaupo rin sa sahig habang nakapatong sa hita ang hawak nitong papel na sinusulatan. “Sinubukan ko na yan ng ilang beses kanina pero wala talaga. Di makasagap. Kaya heto, ginagawan ko nalang ng sulat ang mag ina ko.” Habol pa niya.
“May pamilya kana?” Natanong ni Ryan. Di kasi ito nakikinig kanina sakanila nung nasa truck sila nag uusap.
“Oo. At birthday na ng panganay ko tatlong araw mula ngayon.” Nakita niyang napapangiti ito ng bahagya habang nagsusulat. “Sana nga matapos na ’tong gyera para makahabol ako sa birthday niya. Bilis pa naman magtampo nun.”
“Babae pala.” Sabi ni Ryan kaya natawa na ng tuluyan si Rios. “Basta talaga mga ganyang ugali babae agad naiisip natin no?”
“Ganun naman talaga sila.” At nagtawanan na nga ang dalawa. Alam ni Ryan yun dahil may kapatid siyang babae.
“Ikaw? Sino ba sana ang balak mong tawagan?” Tanong naman ni Rios.
“Sila inay. Mangangamusta lang sana ako.” Sagot nito.
“Sila lang ba?” Tanong pa ni Rios kaya nangunot ng kaonti ang noo ni Ryan
“May iba pa ba?” Maski siya ay hindi sigurado kaya natawa ulit si Rios.
“Ibig kong sabihin eh..kasintahan? Jowa? Girlfriend? Asawa? Wala ka pa nun?”
“A-ah..ahhh. H-hahaha. Kala ko kung ano.” Kamot ulong sagot nito. “W-wala pa ako sa mga ganyan eh.”
“Bakit naman?”
“Plano ko munang ilagay sa maginhawang buhay yung pamilya ko bago ako bubuo ng akin.” Ngiting sagot ni Ryan. Napailing nalang si Rios. Sobrang bait ng batang ’to.
“Maganda yan. Wag kang tumulad sakin.”
“Bakit? Ano ba nangyari sayo?”
“Sa edad mong yan nabuntis ko yung girlfriend ko na asawa ko na ngayon. Dese otso palang yung edad niya nung panahon na yun. Sobrang bata pa. Hindi kami nag ingat.” Paliwanag ni Rios habang patuloy parin sa pagsusulat ng liham para mag ina niya. “Hinabol nga ako ng itak nung tatay ni Camille nung nalaman nila ang nangyari sakanya.” Tawang pahabol nito.
“Pero buti di mo tinakbuhan.” Tawa nalang ganti ni Ryan
“Oo naman. Sobrang mahal na mahal ko si Camille. Siya ang pinapangarap kong babae dati. Pinaghirapan ko siyang makuha, at di ako tatakbo dahil lang sa nangyari sa amin.”
Di nakapag salita si Ryan. Di niya alam sasabihin niya dahil ni minsan di pa siya nakaranas ng ganun buong buhay niya. Ginugol niya lang ang oras niya sa pag aaral dahil tanging inay nalang niya ang nagpapa aral sakanya. Wala na kasi ang itay niya.
“Pagkatapos manganak ni Camille, nagpakasal na agad kami. At pinasok ko ang militar para mas mabigyan sila ng maginhawang buhay ng anak ko.”
“Yun pala ang rason mo kung ba’t ka pumasok sa pagsusundalo.”
Nang masulat niya ang pangalan niya sa liham ay agad niya muna itong tinignan “Oo. At sila ang lakas ko.” Tinupi niya ito at tsaka nilagay sa bulsa ng suot niyang vest. “Kaya di ako pwedeng masawi dito. Kailangan nila ako.”
Napangiti nalang si Ryan. Naaalala niya ang itay niya kay Rios dahil napaka buti rin nitong ama sa anak nito. Ganun rin kasi ang itay niya. Kahit mahirap, nakikita niyang nagsisikap itong mag trabaho para sakanila dati.
Kung di lang sana nangyari sa itay niya ang bagay na yun, di na sana niya pinasok pa ang pag susundalo ngayon.
Arnold
Paredes, C 2968716 B, Positve Catholic
Tahimik lamang na tinitignan ngayon ni Enorio ang dogtag ng isang myembrong nalagas sakanyang squad. Wala itong ibang sinisisi ngayon sa nangyari kundi ang sarili niya. Ginawa na niya ang lahat kanina para mag ingat, pero nasawi parin ang isa sa kanila. Hindi naman na bago sakanya ’to dahil nga bansag na sakanya ay palpak na Sarhento, pero ewan, yung pakiramdam parin na una kang malagasan ng tauhan, ganun parin ang nararamdaman niya ngayon. Masyado paring masakit.
Napabuntong hininga nalang siya. Matagal na niyang nakikita si Arnold sa mga gyerang sinasalihan niya . Sa halip nga ay mas nauna pa ito sa serbisyo kesa sakanya. Mas may alam ito bukod sakanya. Pero mukhang oras na nga niya talaga ngayon dahil di na ito nakalusot sa kamatayan.
“Kailangan ko na bang tanggapin?” Natanong nalang nito sa sarili.
“Ang alin, sir?” Tanong naman ni Eros sa tabi nito habang naglilinis sa paborito niyang sniper habang naninigarilyo.
“Na isa nga akong palpak na sarhento.” Wala sa wisyong sagot nito.
Natawa naman ng sandali si Eros sa narinig niya. “Mukhang alak nalang ang kulang rito ah.” Nasabi nalang nito. “With all due respect sir, bawal ang drama sa digmaan. Focus is the key. “ Tawang sagot nito. Napailing nalang si Enorio.
“Tsaka mo na sabihing palpak ka pag naubos kaming lahat sa digmaang ’to.” Pahabol ni Eros tapos asar na kumindat sakanya. Napangiti tuloy ng bahagya si Enorio tapos ay tinignan isa isa ang mga sakop niya. Tama si Eros, walang panahon para sa pagdadrama. Kailangan nilang magfocus sa misyon–sa digmaan kahit na anong mangyari.
“Magpahinga na muna kayo ngayon. Kami nalang ni Eros ang magmamasid sa taas.” Usal ni Enorio sa mga ito.
“Yes sir.”
“Sige po, sir.”
Habang nagpupunas naman si Eros sa scope ng sniper niya, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Nangunot ang noo niya dahil pakiramdam niya tumatayo ang balahibo niya.
Dahan dahan niyang tinignan ang bintana sa harap niya at tinignan ang kurtina pasayaw sayaw dahil sa hangin na pumapasok rito. Hindi ito nakasara.
“Jingle na muna ako sir.” Tumayo si Patrick habang akay akay ang kaliwa nitong braso na natamaan.
“Buti naman kaliwang kamay yung napuruhan, Pat.” Tawang usal ni Russo.
“Bakit naman?” Kunot noo namang tanong nito.
“Kung kanang kamay yung napuruhan eh baka wala ng tutulong sayo pag ikaw ay nalulumbay. Di kana matutulungan ni Mary Palmer Hahahahahahahaha” Tawang sagot ni Russo na ikinatawa ng iba.
“Gagoooo.” Lalakad na sana si Patrick dahil ihing ihi na siya nang biglang sumigaw si Eros
“DAPA!!”
At wala pang isang segundo, kitang kita nang lahat kung pano nabutas ang dibdib ni Patrick at agarang bumulagta sa harap nila.
“A-AMBUSH!!” Sigaw ni Enorio kaya nagkandarapa ang lahat sa pag bangon at kuha sa kani kanilang armas.
Habang si Eros naman ay agad tinutok ang Sniper sa labas ng bintana. Nalagyan na niya ng night vision ang scope kanina pa nung nakaramdam siya ng kakaiba.
Kitang kita naman niya sa scope ang ulo ng isang pang sniper na nakaasinta sa kinatatayuan nila. At bago pa man siya maunahan “Tangina, para to sayo, Pat.” kinalabit na agad niya ang gatilyo at kitang kita niyang tinamaan ito sa ulo.
Sunod sunod na putukan ang gumimbal sa lahat. Ang akala nila nagpapahinga lang rin ang mga kalaban, pero mukhang na set up sila.
“DALI BILISAN NIYO!” Sigaw ni Enorio habang inisa isang pinalabas ang mga sakop niya. Sa huling pagkakataon ay tinignan niya ang katawan ni Patrick at napamura nalang ito sa isipan niya.
Agad nilang nilisan ang lugar na yun at tsaka naghanap ng mapag tataguan. Isa isa naman nilang sinuot ang mga night vision goggles para makita ang mga kalaban kahit madilim
Nakita nila ang mga iilang sundalong palapit sakanila kaya agad nila itong pinaputukan. Tila isang set rin ng grupo ng mga sundalo ang nag ambush sakanila. “Fall back!” Madaling umatras ang squad ni Enorio para makatakas. Dehado sila sa bilang. Mahigit bente ang nakita nilang papalapit sakanila.
Sila Rios at Enorio ang nag cover para makatakbo ng maayos ang mga kasama nila. Panay ang paputok nila para di makabwelo ang mga kalaban. “Magtago kayo dali!” Sigaw ni Enorio. “Eros! Magtawag ka ng back up!” Utos pa nito habang inaasinta ang mga kalaban. May mga natatamaan naman sila, pero habang tumatagal, tila mas parami lang ng parami ang bilang ng mga humahabol sakanila.
May nakita pintuan ng isang sirang building sila Eros kaya agad nila itong pinuntahan. “Dun tayo!” Sigaw ni Eros sa mga kasama niya. Sila Ryan at Russo naman ay alerto sa paligid habang tumatakbo sila. Pero nung malapit na sila sa pintuan, may biglang sumulpot pa na mga kalabang sundalo sa harapan nila.
Lahat sila ay napatigil at napalunok sa sariling mga laway.
“Tangina..” Sa isang iglap ay nakatutok na agad sakanila ang mga baril ng mga ito.
“Saan kayo pupunta? ha?” Asar pang tanong nung isang kalaban . “Tatakas pa kayo ha.”
Kakalabitin na sana niya ang gatilyo para paputukan sila Ryan nang biglang nanigas ang buong kamay niya. Tila namanhid ang mga ito. “A-anong..” Tsaka lang niya naramdaman ang prisensya ng isang tao sa likuran niya. Tapos ay napatingin ito sa braso niyang may nakatusok na palang karayom.
“A-ang Armada..” Tulalang usal ni Russo.
Sinubukan niyang tignan ang mga kasama niya. Pero pati ang mga ito ay di narin makagalaw. Halos sampu sila lahat pero wala man lang ni isa ang maka kalabit sa gatilyo ng mga baril nila dahil lahat sila ay paralisado, at gawa yun ng dalawang Virgo.
Naglakad paabante sila Ish at Maki kila Ryan. Habang may dalawa pang Armada ang biglang lumabas at isa isang pinaslang ang mga naparalisang mga kalaban. Yung iba ay hiwa hiwa ang katawan dahil sa matulis na spada ni Giovanni habang yung iba naman ay may nakabong mga kutsilyo sa mga ulo nila na galing kay Ikram.
Sa kabilang banda naman kung saan patuloy parin sa pag papaputok sila Rios at Enorio, biglang napamura si Enorio nang maubusan na ito ng bala. Kasalukuyan lang silang nagtatago sa isang tipak na pader. Sila lang dalawa ang nag paiwan para makatakas yung iba.
“Umalis kana dito, sundan mo na sila Eros.” Sabi nalang ni Enorio dahil mukhang wala na silang pag asang makatakas dito, siguradong matatagalan pa yung mga mag baback up sakanila.
“Hindi kita iiwan dito, Sir.” Giit naman ni Rios habang nakikipag palitan parin ng putukan sa mga kalaban para mas mabagalan ng mga ito ang paglapit sakanila.
“Mga ilan pa?” Tanong ni Enorio nang makabalik sa pagtago si Rios.
“Mga lagpas kinse pa. Masyado silang madami.” Usal naman ni Rios habang naghahanda para sa ganti nito sa pagpapaputok.
Pero ilang segundo ang lumipas, napansin nilang tumigil bigla ang mga putukan. Nangunot ang noo ng dalawa. Dahan dahan namang sinilip ni Enorio ang ibabaw ng tipak na pader na pinagtataguan nila, at nung makadungaw siya, wala na siyang makitang mga sundalo. Sa halip, apat na nilalang lang na nakatalikod sakanila ang napansin niyang nakatayo. At base sa pang ibabaw na suot nila, isa silang apat sa Sampung Armada. May hawak na Pana yung isa, yung isa naman ay mga bracelet na may sinulid habang yung dalawa naman ay walang mga armas na dala.
“Nica..”
“Bakit?”
“Sa kaliwa mo, ikalawang palapag, sa pangatlong bintana.” Turan ni Sin habang di man lang ito tinitignan. Agad naman itong tinignan ni Nica at tsaka inasinta ang hawak nitong pana. May isang kalaban doon na nagmamasid gamit ang binocular. Sapul agad ito sa ulo at tsaka sumabog.
“Dylan, sa kanan mo, sa loob ng tindahan na yan, may limang sibilyan.” Usal pa ulit nito.
“Sige.” Agad naman itong pinuntahan ni Dylan para i rescue.
“Pano mo nalalaman ang mga kinalalagyan ng mga tao kahit di ka nakatingin?” Kunot noong tanong ni Vincent kay Sin. Sasagot pa sana ito nang may biglang sumingit.
“May 3rd eye kasi yan.” Pagtingin nila kung sino ito, nakita nila si Dante na may karga karga na katawan sa magkabilang balikat. Kasama niya si Damian na tumulong rin sakanyang magligpit ng mga sundalo sa kabilang daan na baback up sana sa mga napatay nila Vincent na grupo.
“Buhay pa ba yan?” Tanong nalang ni Vincent sa karga karga nito.
“Oo. Nawalan lang ng malay.” Sagot nito tapos ay lumingon sa gawi nila Rios at Enorio na tanging ulo lang ang makikita mo sa pinagtataguan nila na tila naninilip sakanila. “Kayo jan.” Tawag ni Dante. Dali dali namang tumayo sila Enorio at lumapit sakanila. “Pag dumating yung reinforcement, ipadala niyo na rin ’to. Unahin niyo ’tong dalawa, lalo na tong bata.” Pinahiga ni Dante ang dalawang katawan at tsaka nag unat. Sakto ring nakalabas na si Dylan habang kasunod ang limang mga sibilyan.
“Maraming salamat po kuya.” Halos maiyak na yung dalagang babae na kasama sa limang sibilyan nung makalabas sila ng ligtas . “Akala namin di na kami makakalabas dun ng buhay. Maraming salamat po talaga.” Todo yakap ito kay Dylan. Di man ito sanay, pinili nalang nito na hayaan yung dalaga. “Wag na kayong mag alala, ligtas na kayo.” Pagpapakalma nito
Habang abala ang iba sa pakikipag usap sa mga sibilyan, lumayo ng bahagya si Dylan at tsaka kinontak si Steph sa earpiece nito. “Steph, pa locate kung saan pa maraming sibilyan.” Pakiusap nito.
[Teka, titignan ko..]
Habang naghihintay si Dylan, saglit niyang tinignan ang mga sibilyan, at mejo nagulat ito ng makitang nakatingin na pala sakanya ang dalagang yakap ng yakap sakanya kanina. Ngumiti ito ng matamis at tsaka yumuko. Ngumiti rin ng bahagya si Dylan
[Sa City Hall..]
“Delikado ba yung lugar?”
[Ukupado ng mga sundalo ni Manuel ang buong area. Tila hinostage ’tong mga ’to. Delikado]
“Kami na ang bahala, ibigay mo nalang ang saktong lokasyon para mapuntahan na namin.”
[Ngayon?]
“Oo.”
[Sige. Siguraduhin niyo lang na walang mapapahamak na sibilyan sa gagawin niyo.]
“Naiintindihan ko.” Sagot nito bago pinatay ang linya. Sakto rin namang bumalik sila Ryan kasama ang apat na Armada sa kinaroroonan nila.
“Kailangan na nating umalis.” Usal ni Dylan sa mga kasama.
“Teka, saan kayo pupunta? Delikado na ngayon.” Singit naman ni Enorio.
“Pakibantayan nalang ’tong mga sibilyan dito hanggang sa makarating yung mga kukuha sakanila Sir.” Tanging sagot lang ni Dylan. Di na nakasagot pa si Enorio.
Umabante naman ang Armada at tsaka tumalikod sa mga ito.
Sabay sabay na naglakad ang sampu, at walang ibang naramdaman sila Enorio kundi pagka mangha sa mga ito.
“Ang cool nila Pre.” Nasabi nalang ni Russo. Umihip ng malakas ang hangin at binalot ng usok ang paligid, at kasabay ng paghupa nito ay ang pagkawala ng mga ito sa paningin nila.
“Parang gusto ko narin ata sumali sa Mafia, Pre.” Tawang usal rin ni Navarro.
“Napakalaking tulong talaga nila sa gyerang ito.” Mangha ring sabi ni Rios.
“Magpasalamat nalang tayo na sa atin sila kumampi.” -Enorio.
Maya maya pa ay may isang truck ang papalapit sakanila. “Anjan na sila.”
“Sampu.” Napangisi nalang ang doktor sa nakita niya. “Gumawa rin pala sila ng sariling grupo ng mga malalakas na nilalang. Para saan? Para pantayan ang mga bata ko?” Mag isa nalang siyang nanunood ngayon kaya kinakausap nalang nito ang sarili. “Di ko alam kung maiinsulto ba ako o ano sa bilang nila.”
“Mukhang di ko na kailangan ilabas pa ang mga bata ko.”
NEXT DAY (DAY 2)
7:00 AM
Habang enjoy na enjoy si Mina sa panunood ng spongebob, ang mag amang Greco at Ginger naman kasama si Virgel ay nasa bakuran lang. Nag uusap.
“Nasabi na ni Vlad sakin dati ang sakit na tinataglay niyo. May parang isang katauhan kayong kasama jan sa katawan niyo na nagigising at ikakawala niyo ng kontrol sa sarili yun. Sa madaling salita, para kayong masasaniban ng ibang katauhan. At nagigising lang ito sa tuwing napupuno kayo ng emosyon, o di kaya ay nalalagay sa bingit ng panganib ang mga buhay niyo.” Paliwanag ni Greco habang ang dalawa ay tahimik lang na nakikinig. Tama lahat ng sinabi nito, ayaw man aminin ni Virgel, lagi siyang natutulungan ng isang katauhan niya sa tuwing nanganganib ang buhay niya.
“At nagpapakita lang rin ang isang katauhan na yun sakanya sa tuwing nawawalan siya ng malay, o di kaya ay nasa kalagitnaan ng pagkagising nito.” Dugtong nito. Alam naman na ito ni Ginger, pinapaliwanag lang ito ni Greco para maintindihan ng lubos ni Virgel ang susunod nilang mga gagawin.
“Ano ba ang mga gagawin para tuluyan ko na tong ma kontrol?” Seryosong tanong ni Virgel.
“Isa lang ang gagawin mo Virgel.” Mataman na tumingin si Greco sa mga mata niya. “Kailangan mong matalo mismo ang isang katauhan mo.” Sa sinagot ni Greco ay saglit na natigilan si Virgel. Bigla niyang naalala ang pag uusap nila nung isang katauhan niya nung nasa Elfame siya.
“Anong gagawin ko para matapos na to?”
“Simple lang. Labanan mo ko. “
“Yun lang?”
“At syempre, dapat matalo mo ko”
Ito ata ang gustong iparating nung isang katauhan niya para magkaisa sila. Kailangan niya itong matalo para ma kontrol na niya ito ng tuluyan.
“Pano ko magagawa yun?” Tanong ulit ni Virgel.
“Ang manalo?”
“Ang makaharap ko ulit siya?” Tulad ni Vlad, kitang kita rin ni Greco sa mga mata ng anak nito ang determinadong ma kontrol ang isang katauhan niya.
Pinasandal naman ni Ginger si Virgel sa likuran nitong kahoy na naka cross. Tinali niya ang magkabilang kamay nito.
“Anong ginagawa mo?” Takhang tanong nito pero tuloy lang si Ginger sa ginagawa niya.
“Sabihin mo Virgel, ni minsan ba hindi mo nagamit ang lakas ng isang katauhan mo na hindi ka nawawala sa sarili?” Tanong ni Greco kaya napaisip siya
“Nasubukan ko na yan. Kaya kong ibahin ang kulay ng mga mata ko, kaya kong kumuha ng lakas sa isang katauhan ko. Ang problema ko lang, pag nasobrahan ako sa emosyon, dun ako nawawalan ng kontrol. Tulad nung nangyari sa laban namin ni Morpheus.” Kung iisipin mo, sa laban nila ni Ross, nasa wisyo parin siya kahit pumupula ang mga mata niya. Ilang beses na niya itong napapalabas pero wala namang problema.
Napatango naman si Greco. “Kung sakaling matalo mo man ang isang katauhan mo, ito lang ang mangyayari, makukuha mo ang buong lakas na meron ito pero nasa saktong pag iisip ka parin.”
“Para matalo mo si Morpheus, kailangan nasa tamang pag iisip ka habang nakikipaglaban. Nasabi ko na yan sayo dati na yun ang naging dahilan kung ba’t ka natalo. Ang pagkawala mo ng kontrol sa iyong sarili. Dahil ang isang katauhan mo, atake lang ang alam. Wala itong pakialam kung anong mangyari sa katawan mo, ang mahalaga sakanya ay maka atake. At napaka laking disadvantage nun pag nakikipag laban ka, lalo na kung malakas at nag iisip ang kalaban mo.”
Nang matapos si Ginger sa pagtali ay umatras ito ng bahagya.
“Kaya ko na dito, Papa.” Usal ni Ginger.
“Sige, ikaw na ang bahala anak.” Paalam ni Greco tapos ay tumingin ulit kay Virgel “Galingan mo, Virgel.” Tapos ay ngumiti ito ng bahagya at tsaka bumalik sa loob ng bahay.
Ngayon ay silang dalawa nalang ang naiwan. Nagtitigan pa sila at walang kaalam alam si Virgel sa gagawin ni Ginger.
“Gigisingin ko ang isang katauhan mo. Sa ganung paraan pwede mo itong makaharap at matalo.” Turan ni Ginger. “Sa oras na magising ito, lalabanan ko muna ito hanggang sa matalo mo ’to sa sariling laban niyo.” Nangunot ang noo ni Virgel sa dinugtong nito.
“Sigurado ka bang makakaya mong makipag sabayan? Baka mapahamak ka.”
Napansin naman ni Virgel na mejo namula ang pisngi nito. “H-hoy! Wag mo sabing minamaliit ang kakayahan ko!” Inis bigla na sagot nito. Hindi niya alam kung saan siya naiinis, sa pangmamaliit ba nito, o sa pag aalala. At mas lalong hindi niya alam kung inis ba talaga ’tong nararamdaman niya.
“At pano mo ba mapapagising ang isang katauhan ko? Maski ako nga hirap gawin yun.” Nasabi nalang ni Virgel.
“Di mo ba narinig si Papa? Nagigising lang daw ang isang katauhan niyo pag nabalot kayo sa emosyon tulad nung nangyari sayo laban kay Morpheus aaat nalalagay sa bingit ng kapahamakan ang buhay niyo.” Paliwanag nito at tsaka ngumisi ng mapang asar.
“At dahil mahirap magpabalot sa emosyon…” Nagulat naman si Virgel dahil bigla itong pumosisyon. Dahan dahan nitong nilapat ang palad sa sikmura niya. At alam niya kung anong gagawi nito. “Ilalagay ko nalang sa bingit ng kamatayan ang buhay mo.”
“T-teka!”
Di pa nakapag handa si Virgel pero naramdaman nalang niya ang init ng palad ni Ginger at wala pang isang iglap..
“Arghkk!” Halos mawalan siya ng malay sa sobrang sakit ng naramdaman ng sikmura niya dahil sa Kai. Napabulwak pa ito ng sariling laway sa sobrang sakit. Parang nasagasaan ng kotse ang katawan niya sa lakas ng impact nito.
Napayoko nalang siya sa sobrang sakit. Natutulo ang laway niya at tingin niya mawawalan na siya ng malay dahil sa atake nito.
“Ano? Gising na ba?”
“H-hayop ka..” Nasagot nalang niya dahil binigla siya nito kanina. Ni hindi man lang nakapag handa ang katawan niya kaya ganun nalang kasakit ang naramdaman niya.
“Ay, hindi pa.” Asar pang tawa nito na parang nakikipag laro lang ito kay Virgel. Ni wala itong ideya na halos lumabas na ang bituka nito sa ginawa niya.
Dahan dahan naman nitong inangat ang tingin niya kay Ginger. At kahit natatabunan ng mahabang buhok ang mukha nito, kitang kita na ni Ginger ang pamumula ng mga mata nito, ibig sabihin malapit na itong magising.
“Siguro kailangan ko pang dagdagan.” Mabilis nitong kinuha ang kutsilyo na tinatago niya sa likuran kanina pa at tsaka walang paalam itong umatake.
At habang nakabwelo si Ginger, nakita nalang niya na parang napupunit ang lubid na nakatali sa kanang kamay ni Virgel. At bago pa man tumama ang kutsilyo niya sa dibdib ni Virgel, mabilis na nawasak ang tali sa kamay nito at malakas na nasalo nito ang kamay ni Ginger na may kutsilyo.
Pagtingin ni Ginger sa mukha nito, ang lapad na ng ngisi nito. “Matibay ang mga buto mo..” Bulong nito, tila nag iiba na rin ang tono ng boses nito.
Bago pa man madurong ang buto sa kamay ni Ginger dahil sa mahigpit na pagkakapit nito, agad ng ginamit ni Ginger ang kaliwang kamay niya para ilapat ito sa sikmura ni Virgel at pinakawala ang Kai. Nabitawan naman ni Virgel ang kamay nito dahil dun.
Bagsak ang buhok, pulang pula ang mga mata, sobrang lawak ng ngisi..
Walang duda, gising na nga ito.
[Virgel’s PoV]
Naalimpungutan ako dahil sa lakas ng mga sipol na naririnig ko. Di ko alam kung saan ito galing. Nang mapamulat ako, isang madilim na paligid ang tumambad sakin.
Dahan dahan akong bumangon para tignan ang kabuo-an ng paligid, at sa pag bangon ko, isang upuan lang na nakatalikod sa gawi ko ang tumambad sakin. Hindi lang ito ordinaryong upuan lang, para itong trono.
“Nagkita tayong muli.” Ang boses na yun. Tsaka ko lang naalala ang nangyari kanina, ang plano naming gawin ni Ginger.
Dahan dahang umikot ang umupang yun, at tsaka tumambad sakin ang isang nilalang na naka de kwatro ng upo habang nakapatong ang baba sa isang kamay nito.
“Kumusta, Virgel?” Ngising usal ng isang katauhan ko.
-To be continued..
-MajorSin
Episode 53: Desperation
Episode 53: Desperation
Enjoy~
[3rd Person’s PoV]
“Ikaw pala ang natutulog sa katawan ni Virgel.” Usal ni Ginger sa kaharap nito. Di ito sumagot gaya ng inaasahan niya. Tanging isang malapad na ngisi lang ang ginanti nito.
Dahan dahan namang nag stance si Ginger dahil alam niyang mapapasabak siya sa labanang ito.
Bilisan mo ng talunin ’to, Virgel.
[Virgel’s PoV]
“Kailangan mong makipag kaisa sakin.”
Nangunot naman ang noo ng kaharap ko sa sinabi ko. Pero di parin nawawala ang mapang asar na ngisi nito.
“Alam mo ba ang sinasabi mo?”
“Oo.” Dahan dahan akong tumayo habang hindi inaalis ang tingin sakanya. “At para magawa ko yun, kailangan lang kitang matalo sa laban, hindi ba?”
“ ‘Lang’ ha.“ Ngiting usal niya bago tumayo sa pagkakaupo sa trono at tsaka nilagay sa bulsa ang mga kamay niya. “Bakit? Sapat na ba ang galit mo para matalo mo ako?” Biglang nawala ang ngisi sa mukha niya at unti unti nalang binalot ng kulay pula ang mga mata niya.
“Sobra na ba ang mga nawala sa buhay mo para humingi na ng tulong mula sakin?”
“May kailangan akong matalo. At di ko yun magagawa na wala ang tulong mo.” Di ko akalain na dadating ako sa puntong ’to. Na makikiusap sa isang katauhan ko para lang manalo sa kakalabanin ko.
Ganito na ba ako ka despe
rado? Siguro nga.
“Nung huling laban natin nadismaya ako ng husto sayo. Napaka hina mo sa pisikal pati na sa emosyonal na aspeto. Ang bilis mong malinlang, ang bilis mong masaktan. Napaka hinang nilalang.” Sagot lang niya. “At natatandaan mo ba ang huli kong sinabi nun? Hindi pa yun ang tamang panahon para magkaisa tayo, tama? At tingin mo..
Ito na ba ang tamang panahon na sinasabi ko?“ Tanong niya. Bigla kong naramdaman ang bigat ng pwersa sa buong paligid. Masyadong mainit, masyadong nababalot ng malakas na awra, at alam kong galing yun sakanya.
“Wala akong pakealam sa tamang panahon na sinasabi mo. Ang importante sakin ngayon ay ang ma kontrol kita!” Di na ko nag isip pa ng mga sunod na gagawin. Kailangan ko siyang matalo sa lalong madaling panahon dahil alam kong nakikipag laban rin si Ginger sa isang katauhan ko ngayon. At kung patatagalin ko pa ito, baka malagay lang sa panangib ang buhay niya.
Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya para simulan na ang laban. Di na ako nag paligoy ligoy pa, pinaulanan ko agad siya ng mga suntok at sipa ko–na walang kahirap hirap niya lang na naiilagan–habang nakapamulsa lang.
“May sasabihin lang ako, Virgel.” Ngising usal niya habang patuloy na umiilag sa mga atake ko.
“Gusto ko lang malaman mo na sa tuwing nadadagdagan ang lakas ng katawan mo, unti unti ring lumalakas yung pwersa ko.” Wala na akong pakialam sa mga sinasabi niya. Binilisan ko pa lalo ang mga atake ko kaya tuluyan na niyang inilabas ang mga kamay niya sa bulsa para sanggain ang ibang mga atake ko.
“Sa huling laban natin, puro pagpapanggap lang ang ginawa ko dahil di ko pa magamit ng husto ang buong pwersa ko dahil sa sobrang hina ng katawan mo.”
“Manahimik ka!!” Isang malakas na kanan ang inatake ko sa mukha niya. At sa pagsuntok ko, sinalo niya lang iyon gamit ang kaliwang kamay niya. Hindi lang yun, hinigpitan pa niya ng husto ang pagkapit rito kaya napadaing ako sa sakit.
“At salamat sa pagsasanay na ginawa mo, dahil tuluyan ko ng malalabas ang totoong lakas ko!!” Isang halakhak ang rumindi sa buong paligid matapos niyang sabihin yun.
At bago pa man siya makabawi sa pagtawa, hinawakan ko na agad ang kamay niyang nakahawak sa kamao ko gamit ang kaliwa kong kamay at tsaka hinila ang katawan niya palapit sakin.
At kasabay nun, buong pwersa kung binwelo ang tuhod ko at tsaka diniretso papunta sa sikmura niya.
“Arkk!” Tagumpay kong natamaan ang sikmura niya. Ramdam ko ang kalamnan niya sa loob sa lakas ng atake ko. Dahil dun ay tuluyan siyang napayuko sa harap ko.
“Hindi narin ako ang Virgel na nakalaban mo noon.” Matigas na lintanya ko.
Mula naman sa pagkakayuko, dahan dahan nitong inangat ang tingin niya “Talaga?” at kasabay nun ay ang pagbabago ng pigura niya. May ginaya na naman siya tulad ng dati.
Dahan dahan itong tumingin sa mga mata ko at tsaka ko lang napagtanto kung sino ang ginaya niya.
Mabilis kong napansin ang hawak hawak nito sa kanang kamay kaya bago pa man ako mahiwa nito ay mabilis na akong umatras.
“Mejo nakaramdam ako ng konti dun sa atake mo.” Usal niya tapos ay sinuri ang hawak nitong samurai.
Bagsak ang puti nitong buhok habang kita naman ang mapulang mata ng kanang mata nito. Di ko inaasahan na siya ang gagayahin niya, at mukhang hindi na itsura lang ang kayang gayahin niya ngayon
“At dahil sa ginawa mo, ipapakita ko sayo na hindi lang pag gaya ng itsura ang kaya kong gawin..” Bigla nalang itong ngumisi at tsaka mabilis na sumugod sa direksyon ko.
Naloko na…
Walang humpay nitong winasiwas ang hawak niyang samurai. Kuhang kuha niya rin ang estilo ni Benz sa pakikipag laban.
Sa isang katauhan ko rin pala nakuha ’tong kakayahan na ’to? Minsan ko ng nakalaban sila Benz dati at lahat ng estilo nila ay nagaya ko. Akala ko sarili ko yung kakayahan pero mukhang sa demonyo rin na ’to ko yun nakuha. Sobrang bilis ng kilos niya kaya hirap ang mga mata kong sundan ang mga atake niya.
May iba na hindi ko nagagawang iwasan, nadadaplisan ang mga braso at hita ko sa sobrang bilis niya. Doble ata ang bilis niya kumpara kay Benz.
Pero di pwedeng ganito lang, kailangan kong makipag sabayan! Hindi ako mananalo kung puro ilag lang ako.
“Ano na?! Patunayan mo saking karapat dapat na akong makipag kaisa sayo!” Sigaw niya
At sa pag wawasiwas niya, nakahanap ako ng tyempo. Binwelo kong muli ang kanan kong suntok para i counter ang atake niya.
Pero sa paglapit ng kamao ko, bigla itong yumuko ng sobrang bilis. Di ko mahinto ang atake ko kaya sinundan ko nalang siya ng tingin sa baba, at nung makita ko siya, nanlaki nalang ang mata ko nung ibang mukha naman ang nakangisi sakin ngayon. Si Ross ng Vendetta
Mabilis siyang umatake mula sa baba gamit ang dalawang blade niya, at dahil di ko nakontrol ang atake ko, mejo nahuli sa pagilag ang katawan ko. Nadaplisan ang katawan ko dun pero sapat na para tumagos ang dugo rito.
Mabilis akong umatras at tuluyang napaluhod. Asar! Ang bilis ng mga kilos niya.
“Ang bagal mo.” Usal niya at nagtaka ako dahil pamilyar sakin ang boses na yun. Pagtingin ko muli sa direksyon niya, ibang pigura na naman. Nakangisi ito sa harap ko habang may hawak hawak na parang mga holen. Pero alam ko kung ano yun dahil kilala ko kung sino lang ang kayang gumawa ng ganun.
Tumalon ito ng mataas sa pigura ni Kael at tsaka binwelo ang mga hawak nitong bomba. “Di mo ko kaya!” Sigaw pa niya bago ito tinapon.
[3rd Person’s PoV]
Isa isang sumabog ang mga bombang yun sa kinatatayuan ni Virgel kaya tuluyan siyang tumilapon. Bugbog na masyado ang katawan nito dahil sa mga daplis at sugat na natamo niya kanina kaya mas lalong bumagal ang mga galaw niya.
Hinang hina na tumayo si Virgel at pinilit ang sarili. Kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang manalo sa demonyong ’to. Kailangan niya ang lakas nito para matalo ang kaisa isang taong tumapos sa dalawang buhay ng taong importante sakanya.
Nababalot ng makapal na usok ang buong paligid kaya di makita ni Virgel kung nasan ang kalaban niya.
Wala na siyang ibang nagawa kundi pakiramdaman nalang ang buong paligid. Sobrang tahimik nito. Kailangan niya lang pakinggan ang mga yapak sa paligid niya. Pero wala siyang narinig, sa halip, kasa ng baril ang narinig niya.
at wala pang segundo, narinig niya ang malakas na putok ng baril. At kitang kita niya ang balang papunta sa direksyon niya.
Kaya niya iyong ilagan.
Pero nagulat nalang siya ng makarinig ulit siya ng putok. At huli na para malaman niya kung sino ito. Nakita niyang tumama ang ikalawang bala sa naunang bala kaya dumaplis at nag iba ang direksyon ang mga ito. Di niya iyon nagawang ilagan. Tinamaan siya sa balikat at hita. “Arghh!”
Dahan dahang humupa ang usok at dun lang niya nakita ang pigura ni Hell na nakangisi sakanya habang hawak hawak ang dalawang baril nito.
Kaya niya bang talunin ang halimaw na ’to na kayang gumaya ng kakayahan ng kahit sino? Isa lang naman ang kalaban niya pero pakiramdam ni Virgel pinagtutulung tulungan siya ngayon.
Masyadong malakas ang isang katauhna niya.
Ayaw man niyang aminin ngayon pero…
Dahan dahang nawalan ng balanse ang katawan ni Virgel dahil sa tinamo.
Matutumba na sana ito sa sahig pero mukhang masyadong brutal ang kalaban niya. Mabilis itong lumapit sa kinatatayuan niya gamit ang ibang pigura na naman. Sobrang bilis nito magpalit.
Gamit ang technique nitong kyusho, mabilis na pinunterya nito ang mga pressure point sa katawan ni Virgel kaya imbes na matumba, nanatili itong nakatayo dahil paralisado ang buong katawan nito.
At hindi lang dun natatapos ang ginawa ng kalaban niya, muli na naman itong nagpalit ng pigura at mabilis na kinuha ang limang karayom at isa isang tinusok sa ibang pressure point ni Virgel
Sa atakeng yun nanatiling nakatayo ang katawan ni Virgel kahit hindi na nito kaya. Sa ngayon ay ulo nalang ang tanging nagfufunction sa buong katawan niya.
Nakatayo lang ang katawan niya pero yung ulo niya ay nakadungo na. Di na niya kaya. Parang ano mang sandali ay mawawalan na siya ng malay.
Lumapit naman ang kalaban niya sakanya “Sa pangalawang beses, dismayado na naman ako, Virgel.” Sa pagkakataong ito, boses babae na ang naririnig niya. At kilalang kilala niya kung sino ito.
Inangat nito ang ulo ni Virgel at pinatingin sakanya. Mukha ni Ginger ang nasa harap niya ngayon. “At ayoko ng masundan pa ulit yun.” Usal nito. Kahit halos wala na wisyo, mejo nagulat si Virgel ng bigla itong pumusisyon sa harap niya.
Hindi maaari. Kaya niya ring gawin yun?
Nakita niyang nilapat nito ang palad sa sikmura niya. At bigla niyang naalala ang sinabi ni GInger sa kanya dati..
“Pero may isang katauhan ka, hindi ba? Kung sakaling ma kontrol mo yan, baka magawa mo yung nagawa ko kahit kulang ka sa ensayo”
Hindi…
Biglang umihip ng malakas ang buong paligid nila at unti unting uminit ang palad nito. Ibang iba ang takot na naramdaman ni Virgel kumpara nung ginamitan siya ni Ginger nito dati.
“ARGHHH!”
At sa isang iglap, parang nadurog ang buong katawan niya sa sobrang lakas ng impact ng Kai ng isang katauhan niya. Gumawa ito ng napaka lakas na hampas sa buong paligid. Tila triple ang naramdaman niyang sakit kumpara kay Ginger. Sa sobrang lakas nito ay nabutas pa talaga ang damit niya sa likuran.
Tuluyang napabulwak ng dugo si Virgel dahil di kinaya ng katawan niya ang pwersa. Parang kahit sinong tamaan nun ay tiyak ikamamatay nito
Dahil sa atakeng yun ay tuluyan na ngang nawalan ng malay si Virgel. Wala na ito sa ulirat. Pero nakatayo parin dahil sa ginawang pagparalisa nito.
Sinuklay naman ng kalaban ni Virgel ang buhok nito gamit ang sariling kamay at tsaka ito nagpalit ng pigura sa huling pagkakataon.
Kumikinang ang tatlong hikaw sa kaliwang tenga nito at dogtag na suot.
“Masyado ka pang mahina.” Ngising usal nito bago pinusisyon ang kanang kamay para sa paborito nitong atake. Nakatingin lang ito sa dibdib ni Virgel.
Habang nababalot naman ng dilim ang pag iisip ni Virgel, isang boses nalang bigla ang narinig niya..
V
irgel…
“Katapusan mo na!!” Malakas na binwelo ng isang katauhan niya na nasa pigura ni Morpheus ang atake nito papunta sa dibdib niya
Sobrang lapit na sana nito nang biglang tumigil ito sa pag galaw.
Tsaka lang nito napansin na may nakahawak pala sa galanggalangan(wrist) niya na nagpapigil rito. Kaliwang kamay iyon ni Virgel.
Mejo nanlaki ang mga mata nito dahil hindi niya inaasahang mapipigilan pa ni Virgel ang atake niya. At isa pa, akala niya wala na itong malay. “Paanong..” Gulat na usal nito habang nakatingin lang sa nakayukong mukha ni Virgel.
Nakita naman niyang dahan dahan nitong inangat ang tingin, at sa unang pagkakataon, sa pinaka unang pagkakataon, ngayon lang ito nakakita ng ganung klaseng mga mata.
Sobrang desperado ng mga tingin nito na may halong nag uumapaw na galit. Halatang wala parin ito sa ulirat pero mukhang kusang gumalaw ang katawan nito para pigilan ang atake niya.
“P-pagbabayarin mo lahat ng ginawa mo..” Rinig niyang usal ni Virgel dahil akala nito si Morpheus talaga ang kaharap niya. Wala na nga talaga ito sa wisyo.
Nakita ng isang katauhan niya na gumalaw ang kanang kamay ni Virgel at tsaka ito bumwelo ng suntok.
Inatake siya nito. Isang suntok ang tumama sa mukha niya, pero sobrang hina lang nito. Parang isang tapik lang na suntok ang naramdaman niya bago tuluyang natumba si Virgel at nawalan ulit ng malay.
………
………………….
………………………….
……………………………………
Matapos yun ay nanatili paring nakatayo ang isang katauhan niya. Bumalik na ito sa dating pigura. Ilang segundo siyang ganun lang. Parang gulat na gulat parin sa huling ginawa ni Virgel.
Binaba naman niya ang tingin at kitang kita niya ang nakahandusay na katawan ni Virgel. Isang tapik lang na suntok yung tinamo niya sa huli pero ewan, parang bumaon ang suntok na yun papunta sa puso niya. Muli niyang inalala kung pano ito tumingin sakanya kanina bago mawalan ng malay.
“Ikaw..” Nasabi nalang niya.
Biglang nagtalo ang utak niya na tulungan si Virgel dahil sa pinakita nito.
Pero sa huli, nanaig parin ang patakaran. Ang patakaran ay patakaran. At ang nanalo rito ay walang iba kundi siya.
Naglakad nalang siya papunta sa upuan niya.
Sa laban naman sa pagitan ni Ginger at nagwawalang si Virgel, habang tumatagal ay unti unti ng nakikita kung sino ang lamang.
Napapahid na sa dugo sa ilong si Ginger sa lakas ng sipa na tumama sakanya. “Di ko akalaing mahihirapan ako dito.” Nasabi nalang nito sa sarili.
Habang ang kaharap naman niya ay puno narin ng pasa, pero ang lawak parin ng ngisi nito sakanya. Tila hindi man lang ito nakakaramdam ng sakit. Hindi ito marunong umilag. At mukhang naiintindihan na niya ang sinasabi ng papa niya sakanila kanina.
“Ano na, Virgel..” Bulong nito bago muling iniwasan ang sunod sunod na atake ng kalaban niya. Kanina pa sila naglalaban pero hanggang ngayon ay di niya pa ginagamit ang Kai niya. Ayaw niya itong mawalan ng malay dahil baka maputol ang paglalaban ni Virgel at ng isang katauhan niya.
Pero habang patagal ng patagal, parang nawawalan na siya ng pag asa.
Sa susunod nalang siguro ulit. Siya ang mapapahamak pag nagtagal pa ’to.
Sa huli ay nagpasya na siyang patulugin na ’to.
“PAPATAYIN KITAA HAHAHAHAHA” Bumwelo ito ng isang suntok kay Ginger pero agad itong yumuko at mabilis na pinusisyon ang palad nito. “Arghh!” Sa una ay isang may kalakasan lang na pwersa ang pinakawala ni Ginger. Dahil dun ay tuluyang napaatras si Virgel at parang nawalan ng balanse.
At dun na, muling lumapit si Ginger at pumusisyon ulit. Pero sa pagkakataong ito, buong pwersa niyang ginamit ang kai niya “ARGGGHHH!” Kaya bago pa man makabalanse si VIrgel, mabilis na tumirik ang mata nito at tuluyang nawalan ng malay sa lakas ng impact ng Kai ni Ginger.
Tapos nun ay napahingal nalang si Ginger sa nangyari. Hingal hingal niyang tinignan ang nakahandusay na katawan ni Virgel.
“Pasensya na Virgel…”
******
[Virgel’s PoV]
Isang malamig na tubig ang biglang bumuhos sa mukha ko kaya mabilis akong napamulat “Anak ng..” Pagtingin ko sa harap ko, nakita ko silang tatlo na nakatingin sakin. Nakahiga na ako ngayon at mejo di ko maalala ang mga huling nangyari.
Sinubukan kong bumangon pero halos mapadaing ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Para itong nabugbog. Tsaka ko lang napansing ang dami ko palang pasa sa katawan. At dun, unti unti ring bumalik sa utak ko yung mga nangyari.
“Napalakas ata yung pag gamit ko. Ang tagal mo kasi e. Kinailangan ko na tuloy patulugin ang sarili mo.” Depensa agad ni Ginger kahit wala pa akong sinasabi.
Inalalayan naman ako ni Greco para makaupo kahit papano. “Ayos ka lang, Virgel?” Alalang tanong niya.
Di ako nakasagot
Unti unti ko ng naaalala ang lahat ng nangyari. Yung pagharap ko sa isang katauhan ko, yung paglalaban namin…
laban na wala man lang akong naibuga.
Kaasar..
Napayuko nalang ako dahil di ko matanggap ang naging resulta ng laban.
“Kumusta ang paglalaban niyo? Naipanalo mo ba?” Tanong pa ni Greco.
Naipanalo?
Di ko nga alam kung matatawag ba na paglalaban yun eh mukhang nagpabugbog lang ako sakanya hanggang sa mawalan ako ng malay. Di man lang umabot sa lima yung mga tumamang atake na nagawa ko sakanya.
“Hindi ko siya kaya.” Nasabi ko nalang. Ngayon lang ako napaamin ng ganito. Di ko maitago sa sarili ko yung pagka dismaya sa sarili. Sobrang lakas niya kumpara sa’kin.
Bigla kong naalala ang huling atakeng ginawa niya. Wala na ako sa katinuan nun pero tanda ko pa kahit malabo kung pano niya ginaya si Morpheus sa harap ko. Kung pano niya ako inatake..
At kung pano kung yun napigilan…
Napigilan ko..
….
………..
…………….
Ang boses na yun.
Kung di ko pa yun narinig baka di ko na magawang magising pa ulit ngayon.
Ang boses na yun…
Naramdaman ko nalang na kumawala ang isang butil ng luha sa mata ko ng kusa. Di ko alam. Di ko alam kung ba’t bigla akong naging emosyonal nung maalala ko yun.
“Iyakin naman neto. Okay lang yan.” TInapik ni Ginger ang balikat ko. “Magsasanay pa ulit tayo para matalo na natin yun.”
Naalala ko yung sinabi niya sakin na sa tuwing nadadagdagan ang personal na lakas ko, nadadagdagan rin ang pwersa niya. Mukhang balewala rin kung magsasanay pa ako.
“Hindi na.” Sagot ko tsaka pinilit ang sarili na makatayo. Sobrang bigat na katawan ko.
“Tatalunin ko nalang si Morpheus gamit ang sarili kong lakas.” Usal ko bago dahan dahang naglakad. Alam kong malabo, pero malabo pa sa malabo na magagawa ko ring matalo ang isang katauhan ko.
“Anong balak mo? Pupunta ka sa Orquieta para harapin siya?” Rinig kong tanong ni Greco. Di ako sumagot pero huminto ako saglit. Tumingin ako sa gawi ni Ginger ng bahagya. “Pasensya na.”
Nakita ko namang nangunot ang noo niya “Para saan?”
“Jan sa nangyari sayo. Di ko sinasadya.” Nakita ko pang may kaonting dugo sa ilong niya kaya alam ko na ang nangyari. Mukhang natamaan siya ng isang katauhan ko.
“S-sus. Ang hina nga lang eh hahahaha di man lang ako nasaktan dito.” Rinig kong sagot niya habang hilaw na natatawa. Binalik ko nalang ang tingin ko sa daan at tsaka naglakad ulit.
“Yiiieee, si Ateeee~ Ginger yung pangalan pero nagmumukhang kamatis sa pula heheheh” Rinig ko pang asar ni Mina kaya napailing nalang ako.
“IKAW BATA KA! PAPA OH!” Sumbong pa ni Ginger.
Tingin ko isa nalang ang maaasahan ko laban kay Morpheus…
Ang Kai
[3rd Person’s PoV]
ORQUIETA CITY
[Nandito na kami sa likod ng kuta ni Manuel]
Rinig ni Tresler sa suot nitong earpiece. Nasa isang mataas na building ngayon nakamasid si Heneral Tresler gamit ang binocular niya kasama ang iilang mga sundalo rito. Pasado alas otso na ng gabi pero tuloy parin ang operasyon ni Heneral Ibarra na mailigtas ang mga bata sa bahay ampunan, at base sakanya, kasalukuyan na daw silang nasa pinakalikod ng kuta ni Manuel ngayon kasama si Gideon Saquin at mga iilang sundalo.
“Anong detalye?” Tanong naman ni Tresler.
[Ayun sa mga sniper ko, mejo marami rami ang bantay rito. Kailangan namin ng maraming backup.]
“Umatras na lang muna kaya kayo? Masyado pang delikado. Di pa lumalabas ang Vendetta sa lungga nila. Baka makaharap niyo lang sila pag nakapasok man kayo jan sa likod.”
[Kaya nga maraming backup ang kailangan ko, Heneral. Punuin niyo ng mga sundalo ang harapan para mapilitan silang lumabas gaya ng pinaplano natin dati. Yun nalang ang tanging paraan para makapasok kami dito. Di pwedeng madamay ang mga bata sa gyera na ’to.] Naunawan ni Tresler ang gustong ipahiwatig ni Ibarra. Di nila kayang lumusob na may mga bata sa loob ng kuta ni Manuel.
“Sige, pagsasabihan ko muna si Heneral Puma at ang Armada na kumilos ngayon. Wag muna kayong gagawa ng hakbang ja—”
[TANGINA!! DAPA––KSSKKSKSSKSKSKS] Inalis agad ni Tresler ang earpiece niya sa tenga dahil biglang naputol ang linya ni Ibarra–at kasabay nun ay kitang kita niya sa hawak niyang binocular ang napakalas na pagsabog mula sa likuran ng kuta ni Manuel–kung saan nandun sila Ibarra.
“Ano yun?” Pati ang ibang mga sundalo ay napantig ang tenga sa lakas na pagsabog na yun.
Napatingin ang lahat ng sundalo sa isang parte ng syudad kung saan nabalot ng usok at apoy matapos ang nakakagulat na pagsabog. Pati ang mga kalabang sundalo ay di rin iyun inaasahan.
“Anong nangyari?!” Rinig ni Tresler sa linya. Si Heneral Puma yun. Di nakapag salita si Tresler sa sobrang pagkabigla.
Si Ibarra…
Hindi maaari…
-To be continued..
-MajorSin
Episode 54: Release the Monsters
Episode 54: Release the Monsters
( Sana sipagin ako ng ganito gang Epilogue hahaha enjoy kayo~ wag madaliin ang pagbabasa :) )
[3rd Person’s PoV]
[Ano yung sumabog?!] Ulit ni Puma sa linya. Dun lang nabalik sa wisyo si Tresler. Di niya alam ang sasabihin niya.
“Padalhan…” Halos di na marinig ang boses niya sa sobrang pagkabigla.
[Ano??]
“Padalhan niyo ng reinforcement ang grupo ni Heneral Ibarra doon sa likuran ng kuta ni Guanzon.” HIndi pwedeng mangyari ’to.
[Dun ba banda nanggaling yung pagsabog?]
“O-oo.” Narinig naman niyang napamura si Puma.
[Sinasabi ko ng wag magpadalos dalos eh. Ang tigas kasi ng ulo!] Bulyaw nito.
Halos di na matignan ng maayos ni Tresler ang tinitignan niya dahil nanginginig na ang kamay niyang may hawak ng binocular. “Padalhan niyo na, Heneral. Baka may mga buhay pa don.” Sabi nalang nito bago pinutol ang linya.
binaba na rin niya ang hawak na binocular at tsaka buntong hiningang sumandal sa pader.
“Ayos lang kayo, Heneral?” Tanong ng isang sundalo na kasama niya sa loob ng silid.
Sa lakas ng pagsabog na yun, imposibleng may nakaligtas pa dun
Pero nagbabakasali parin ang Heneral na sana…
Sana may milagrong naganap at nakaligtas ang kapwa Heneral niya.
Nakaupo lamang sa isang lamesa si Heneral Puma habang salubong ang mga kilay na nag iisip. Hinihintay nalang niya ang report ng mga pinadala niyang sundalo sa lugar nila Ibarra.
“Napaka pasaway mo talaga kahit kailan!” Inis na sabi nalang nito sa sarili. Matagal ng hindi magkasundo sina Puma at Ibarra pagdating sa pagdedecisyon, sa ugali at pananaw sa buhay, pero di niya maipag kakaila sa sarili ngayon na di niya matanggap ang balita galing kay Tresler.
Kasama niya ngayon ang iilang mga sundalo, ang sampung Armada at si Colonel Astrid na kasalukuyan lang rin nagpapahinga dito sa sirang restaurant. Humupa naman na yung putukan kaya nagkaron sila ng oras kahit papano na tumigil muna sa pakikibaka..
Lahat ng mga nasa loob ay napatingin ng may isang sundalo ang pumasok at lumapit kay Puma na may bitbit na unipormeng sunog ang ibang parte. Marahil galing ito sa pagsabog na nangyari.
Tumango naman ng bahagya si Puma sa sinabi nito bago ito lumabas. Nakatingin lang ang lahat sa Heneral at naghihintay sa sasabihin nito.
Nakita nila itong napabuntong hininga at tsaka humarap sakanila bitbit ang unipormeng binigay sakanya.
Kapareho ito sa suot ng Heneral kaya isa lang ang ibig sabihin nito. “Walang nakaligtas sa pagsabog” Mahinang balita niya sa mga ito.
“Ano?!” Bulyaw ni Vincent. Pati si Giovanni ay hindi makapaniwala sa balita. Alam nilang kasama ni Ibarra si Gideon sa pinuntahan nila. At hindi sila makapaniwala na ganun nalang kadali ang lahat. Ang matagal na nilang pinagsisilbihan, nasama sa pagsabog.
Parang hindi kapani paniwala. “Hayop yan!” Napasuntok nalang si Vincent sa lamesang kaharap niya dahil sa galit. Si Giovanni naman ay hindi makapag salita. Sobrang importante sakanya ni Gideon at di niya kayang tanggapin yung balita.
Tahimik lang ito pero sa kaloob looban nito ay parang may sasabog dahil sa pagkabigla at sobrang galit.
Nakita naman nilang marahang nilagay ni Puma ang unipormeng hawak niya sa lamesa bago dahan dahang tumalikod sa kanila at tsaka tinahak ang pinto para lumabas.
Nagkatinginan naman sina Maki at Dante matapos yun.
Pagkalabas ni Puma ay pumunta ito sa tagong lugar at naghanap ng kalabang sundalo bitbit ang hawak hawak nitong rifle. Sobrang salubong ng mga kilay nito sa galit.
Nang makita niya sa sulok ang isang nakahandusay na kalabang sundalo, agad niyang tinutok ang hawak niyang baril at walang pakundangang pinagbabaril ito kahit wala na itong buhay. “HAYOP KA GUANZON!!” Sigaw nito sa sobrang galit. “PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!!” Dito nalang niya binuhos lahat ng galit niya sa nangyari kay Ibarra. Inubos niya talaga ang buong magazine nito.
Di pa ata siya nakuntento kaya kukuha pa sana siya ng isa pang magazine pero may biglang humawak sa braso niya. Gulat namang napatinign ang Heneral dito. Pagtingin niya..
“Tama na yan.” Usal nito.
“Ibaba mo na yan, Papa.” Sabi naman ng kasama pa nito.
Ang dalawang anak niya. Sinundan siya nito dahil kilala na siya ng mga ito. Yung tingin palang na pinupukol nito sa kanila kanina habang binalita ang nangyari, alam na nilang sobrang galit na galit ito.
Dahil sa pagpigil na ginawa nila, mejo bumalik sa wisyo ang Heneral at tuluyan ng binaba ang baril nito.
“Anong ginagawa niyo dito?” Parang wala lang na tanong ni Puma.
“Wala, baka gumawa ka pa ng katarantaduhan. Masisira pa apelyido namin.”
“Kuya! Ano ka ba.” Awat nalang ni Maki sa mga sinasabi nito. Kahit kailan talaga.
“Matagal ng sira ang apilyedo natin dahil sainyong dalawa.” Ganti naman ni Puma. Ang salitang respeto ay hindi mo mahanap sa mag ama na ’to. Natahimik naman ang dalawa sa sinagot ng kanilang ama.
Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit nagkaron ng oras ang tatlo na magharap at mag usap.
Bugnot ang mukha ni Dante habang nakahalukipkip sa gilid. Habang si Maki naman ay nakayuko lang.
“Noong panahong pinili niyo ang sumali sa Mafia kesa sumunod sa yapak ko, kinalimutan ko ng mga anak ko kayo.” Biglang nagsalita ulit si Puma. “Noong panahong umalis kayo sa puder ko, sinumpa ko na kayo sa ngalan ng batas.”
“Hindi mo ba maintindihan na ayokong pumasok sa pagsusundalo? Palibhasa sarili mo lang iniisip mo!” Ganti naman ni Dante at di narin napigilan ang sarili niya kaya napataas ang boses niya dahil sa galit “PALIBHASA! WALA KANG PAKEALAM SA GUSTO NG MGA ANAK MO!” Bulyaw nito kaya isang malakas na suntok ang natanggap nito sa ama niya.
Natumba si Dante dahil sa tinamo. Hinihingal namang tinignan ni Puma ang anak . “WALA AKONG IBANG INISIP BUONG BUHAY KO NOON KUNDI ANG KAPAKANAN NIYONG DALAWA!” Pati ito ay di narin nakapag pigil. Parang ngayon lang niya nailabas ang sama ng loob sa anak niya sa loob ng mahabang panahon. “PINILIT KO KAYO KAHIT KAMUHIAN NIYO PA AKO DAHIL PARA YUN SAINYO! PINILIT KO KAYONG MAGSUNDALO DAHIL GUSTO KONG MAPROTEKTAHAN NIYO ANG MGA SARILI NIYO!” Inangat ni Puma si Dante at kinwelyuhan. “Ayokong matulad kayo sa ina niyong walang kalaban labang pinatay ng mga rebelde. Naintindihan mo? NAIINTINDIHAN MO?!” Dilat na dilat ang mga mata ni Puma dahil sa nag uumapaw na galit.
Nang makabawi ay malakas na inalis ni Dante ang pagkaka kwelo sakanya ni Puma. “IKAW ANG HINDI NAKAKAINTINDI!!” Hingal ng ganti nito. “Akala mo ba ikaw lang ang nagluksa nung mawala si mama? ha?” Di na mapigilan ni Dante ang emosyon na madalas na kumakain sakanya sa tuwing naaalala niya ang sinapit ng kanyang ina. Ngayon ay kinakain na naman siya nito. “Akala mo ba ikaw lang ang pinaka nasaktan sa pagkawala niya?” Di makapag salita si Puma dahil ngayon niya lang nakitang umiiyak ang panganay niya. “SI MAMA LANG ANG MERON AKO NOON! SI MAMA LANG…Ha..” Sa pagkakataong ito ay siya naman ang kumwelyo sa ama niya. “Si mama lang nagparamdam sakin ng pagmamahal..” Bulong nito tapos ay malakas niyang tinulak ang ama niya. “Kaya kung iniisip mo na ang pagsali ko sa Mafia ay pagrerebelde, malamang tama ka. Dahil ginawa ko yun para kay Mama. Humingi ako ng tulong kay Don Celo na iligpit lahat ng rebeldeng may kinalaman sa pagkamatay ni mama kapalit ng pagsali ko sa pamilya niya. At anong nangyari? Wala pang dalawang araw, nabigyan na agad ng hustisya ang pagkamatay ni mama. Buong sakop ng rebelde na yun ay napatumba niya.”
isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sakanila matapos yun sabihin ni Dante. Nagkatitigan lang ang mag ama. Binabasa ang iniisip ng isa’t isa.
Hanggang sa binasag narin ni Puma ang katahimikan.
“Siguo nga..” Umpisa nito. “ Siguro nga sakanya niyo lang naramdaman yung pagmamahal na hinahanap niyo. At minsan naiisip ko…ako ba ang dapat sisihin sa nangyari sainyo? Kasalanan ko ba bilang ama na naging ganyan kayo? At ngayon, nahanap ko na ata ang sagot dun.“ Napayuko nalang si Dante sa mga narinig niya. Bigla siyang nagsisi sa mga naisigaw niya rito. Di niya sinasadyang mabitawan ang mga salitang yun. Marahil ay nadala lang siya ng emosyon kaya ganun.
“Siguro kaya niyo na rin ang sarili niyo. Yun lang naman ang gusto ko. Kaya tapos na ako sainyo.” Huling sabi nito bago tumalikod at naglakad. “Kalimutan niyo ng may ama pa kayo.” Pahabol nito bago tuluyang umalis.
Naiwang tulala ang magkapatid habang tinitignan ang likuran ng ama nila.
“Nung buhay pa si mama, lahat tayo masaya. Lahat tayo nakatawa. Di na ba pwedeng maibalik yun, Papa?” Tanong ni Maki na nagtutubig na rin ang mga mata. Napahinto si Puma sa tinanong ng bunso niya.
Ilang segundo rin bago ito nakasagot. “Kung kaya niyong ibalik ang mama niyo, baka pwede pa.”
Alam nila Maki na ang mga salitang yun ay katumbas ng imposible.
Imposible.
Imposible na nga ata.
“Pasado na ba?”
Natawa si Manuel sa tinanong ng kasama niya ngayon. “Pwede na”
Habang nagtatawanan sila, hanggang ngayon ay di parin maintindihan ng batang lalaki kung anong nangyayari. Kung anong ginagawa nila dito kasama ang dapat sana ay kalaban nila ngayon.
“Siya ang kalaban natin diba, Boss? Ba’t niyo tinrydor ang Pilipinas?” Naitanong nalang nito sa binabantayan niyang Boss.
“Ipagtimpla mo nalang ako ng kape, Baron.” Singit ng Heneral.
DAY 4
Lumipas ang dalawa pang araw na puno parin ng bakbakan. Sa bawat sundalong nagsakripisyo, katumbas naman non ay ang mga sibilyan na naliligtas nila. Umaabot na sa libo ang mga nailigtas sa buong syudad ni Orquieta. Di pa kasali dun ang mga nailigtas sa iba’t ibang distrito ng bayan. Patagal ng patagal, paubos na rin ng paubos ang mga sibilyang na trap sa lugar dahil narescue na ang mga ito.
Kakatapos lang rin ng grupong Armada na iligtas ang mga hostage sa isang ospital. Pangatlo at panghuling ospital na to ng syudad na nailigtas nila. Mga iilang paaralan nalang ang di pa nila napupuntahan.
Sobrang laki ng naitulong ng sampung Armada sa pagligtas ng mga sibilyan. Dun kasi muna nag focus ang mga ito para makafocus rin sa bakbakan ang mga sundalo.
Pasado alas onse na ng umaga at tuloy parin ang pagsabog ng mga iilang tangke at RPG sa buong syudad. Palitan ng putok, palitan ng pagsabog.
“Para to…sa pang trenta kong ex na nahuli kong may kajugjugan sa mismong apartment ko..”
BANG!!
Bulagta agad ang isang sniper na nasa ikawalong palapag ng building na kaharap nila Eros.
“Tangena, seryoso?” Tawang usal ni Russo. Tulad dati, sila parin ang magkasama ngayon sa rooftop ng isang building habang nag aasinta si Eros ng mga kalaban. Sila Enorio naman ay may mga sarili ring bakbakan sa baba.
“Oo. Hayop yun si Sabrina beybeh. Enjoy na enjoy pa nga ang kumag.” Sagot lang ni Eros habang naglilista na sa hawak niyang papel. At base rito, nakaka 116 na agad siya na napatumba sa loob lang ng apat na araw.
“Saklap naman nun pre. Ano ginawa mo nung nahuli mo?”
“Wala naman. Pinaalis ko lang sila ng maayos.”
“Bait mo naman pre.”
“Pero syinota ko yung nanay nung lalaki.”
“HAHAHAHAHAHAHAH Gago ka ah.” Di mapigilan ni Russo ang matawa sa sinagot nito. Napaka tino naman talaga nitong kumag na ’to.
“May asim pa naman si Precintasyon kaya oks lang.” Natatawa ring sagot ni Eros habang binaling ang atensyon sa scope niya para mang asinta ulit.
“HAHAHAHAHAHAHA precintasyon.”
“Gago wag kang storbo! Natatawa ako sa tawa mong hayop ka.” Sagot lang ni Eros habang tinitignan ang scope niya.
Sa ibaba naman, abala rin sila Ryan at ibang ka squad na nakikipag bakbakan sa mga kalaban. Sa ngayon ay katabi lang ni Ryan si Rios dito sa may tipak na pader at pansin niyang nagsasalita ito ng mag isa. Para itong nagdadasal.
“Rios.” Tawag ni Ryan kaya napatingin ito sakanya. “Ayos ka lang?”
“Oo.” Sagot lang nito bago gumanti ng mga paputok sa mga kalaban sa unahan nila sabay tago ulit sa pader.
Napansin ni Ryan na kinuha ni Rios ang cellphone nito tapos ay tinignan ito.
“Rios! Focus tayo!” Sigaw nalang ni Ryan dahil isang mali lang nila rito, tyak mapapahamak sila. Tumango naman si Rios at ibinalik ang cellphone niya. Wala parin siyang matanggap na text. May signal naman na eh.
Muli silang nagpaputok sa mga kalaban sabay tago sa sinasandalan nila. Di nauubos ang kalaban nila. Sa kabilang gilid naman ay sila Enorio na nakikipag palitan rin ng putok.
Muli ay kinuha ni Rios ang cellphone niya para sana tignan ulit kung may text na ba galing sa asawa niya. Pero sa pagdukot niya nito, nasali yung sinulat niyang liham na nakatago rin sa Vest niya at di niya agad yun napansin. Nakita niya lang itong inihip ng hangin papunta sa direksyon ni Ryan.
“Ryan!” Sigaw ni Rios kaya tumingin ito sakanya. “Pakikuha naman yung papel. Pakiusap.” Makaawa nito. Nasa unahan lang kasi ito ni Ryan. Kailangan niyang umalis sa pinagtataguan niya para makuha ito.
“Delikado!” Ganti lang ni Ryan. “Pakisaup, para yun sa mag ina ko. Importante sakin yun.” Pakiusap nito kaya biglang naalala ni Ryan yung gabi na nag usap sila habang nagsusulat ito. Malamang yun yung papel na yun.
“S-sige. Paki cover nalang ako.” Sagot nalang ni Ryan kaya ngumiti na tumango si Rios sakanya. “Maraming salamat.”
Kailangan lang tumakbo ng mabilis ni Rios para makuha niya ito at makatago sa ibang tipak na pader sa unahan. “Sabihin mo lang, Ryan.”
Huminga ng malalim si Ryan at pinakiramdaman nalang ang naririnig niyang mga putok.
Nung mapansin niyang wala na siyang narinig na putok, agad itong tumakbo ng mabilis “NGAYON NA!” Sigaw niya kay Rios. Agad namang sinilip ni Rios ang mga kalaban para sana paputukan at macover niya si Ryan sa pagtakbo. Pero agad ring naparalisa ang buong katawan niya sa tumambad sakanya.
Nung mahablot naman ni Ryan ang papel ni Rios ay mabilis itong nagtago sa kabilang pader. At nung tumingin siya kay Rios para sana ipaalam na tagumpay niya itong nakuha, nakita nalang niyang sumabog ang pader na pinagtaguan nito dahil sa tangke sa unahan nila.
“RIOOOOSSS!!”
Tumilapon ang katawan ni Rios sa lakas ng pagsabog. Agad namang sumuporta ang ibang sundalo at tinarget ang tangke na yun ng RPG. Tuluyan itong sumabog at nadamay ang mga kalabang sundalo sa paligid nito.
“RIOS!” Agad tumakbo si Ryan sa pinagbagsakan ni Rios at halos mapamura nalang siya sa isipan ng makitang putol na ang isang paa nito at naliligo sa dugo ang suot nitong Vest. “Arkkk…”
“Dalhin niyo sa loob dali!!!” Sigaw ni Enorio nang makita ang sitwasyon ni Rios. Kinarga nila Ryan at Navarro ang naghihingalong si Rios sa loob ng abandunadong building para agad magamot.
“RIOS KUMAPIT KA!” Alalang usal ni Ryan habang kinakarga ito.
Nang makarating sila sa loob ay agad nila itong hiniga at nilabas ni Navarro ang first aid kit. Una niyang ginawa ay tinurukan ito ng morphine para mabawasan ang sakit na nararamdaman nito. “Relax lang, Rios. Magiging okay ka rin.” Pakalma ni Navarro tsaka dali daling nilabas ang bandage at tinakpan ang naputol nitong paa. “T-tulong..” Pagmamakaawa nito. Nagsusuka na rin ito ng dugo.
“Shhh shhh. Magiging okay ka rin. Easy ka lang.” Bilang medic, tungkulin nito na pakalmahin ang pasyente para umayos ang daloy ng dugo nito habang ginagamot.
Sunod namang pumasok sila Russo at Eros dahil nakita nila ang nangyari kay Rios don sa taas. “Malubha ba?” Agad tanong ni Eros.
Lumapit agad si Russo para tumulong. Agad niyang binuksan ang suot nitong Vest para tignan ang tama nito sa sikmura. At halos mapailing nalang siya ng makitang sobrang laki ng sugat nito.
“P-pakiusap..tu…tulungan niyo ako..” Naiiyak na sambit ni Rios. Ayaw niya pang masawi rito. Gusto niya pang mabuhay. May naghihintay pa sa pag uwi niya. Inaasahan siya nitong makakauwi siya.
Di pwede, di siya pwedeng mamatay rito.
“Oo, oo. Tutulungan ka namin Rios wag kang mag alala ha?” Pakalma rin ni Russo at tsaka kumuha pa ng isang morphine at ininject sa katawan ni Rios.
Lumapit naman si Enorio at tsaka dinikit ang ulo nito kay RIos. “Kumapit ka lang. Wag kang matutulog. Utos ko yan sayo.”
“Ayoko pa…a-yoko pa mama..mamatay sir..” Di na kayang tignan ng iba nitong sundalo ang kalagayan ni Rios. Parang malapit na sa malabo pang masalba ang buhay nito.
Ang bilis ng agos ng dugo. Ang laki ng sugat niya sa sikmura. Marahil natamaan ito ng kung anong bagay sa pagsabog na yun.
Si Ryan naman ay nakatayo lang sa habang pinapanood ang kalagayan ni Rios. Nanginginig ang mga kamay niyang may hawak sa sulat nito.
“Arrkrkkk..” Mahigpit na napakapit si Rios sa braso ni Enorio dahil sa sakit na nararamdaman. Gusto niyang lumaban. Gusto niyang makalampas rito. Pero nararamdaman na niyang humihina ang paghinga niya. “Sir…” Nakita ni Enorio na naluluha na ito. Kitang kita niya sa mga mata nito ang kagustuhan pang mabuhay. “P-pakiusap..” Tanging sambit lang nito. Tuluyan ng naiyak si Enorio habang tinitignan si Rios.
“Kaya mo yan, Rios. Pakiusap. Birthday ngayon ng anak mo diba? Kaya kumapit ka para sakanya.” Sabi nalang ni Enorio
Napatakip nalang sa bibig si Ryan sa sinabi ni Enorio. Kaya pala lagi niya itong nakikitang nakahawak sa cellphone kanina.
“D-diyos ko..T-tulong..”
Ginawa na lahat nila Navarro at Russo para mapatigil ang paglabas ng dugo pero bumubuka parin ang sugat nito. Kailangan nitong madala sa ospital.
Napapansin na nila ang pamumutla ng bibig nito kaya hinaplos nalang ni Enorio ang buhok ni Rios “Kaya mo yan. Kaya mo yan, pakiusap.”
Hinang hina namang tumingin si Rios sa gawi ni Ryan na umiiyak na, may gusto pa sana itong sabihin pero di na nito magawang ibuka ang bibig niya.
Lumapit si Ryan kay Rios at pinakita sakanya ang sulat na nakuha niya. “Makakarating to sa asawa at anak mo.” Iyak na sambit nito. “Pangako yan, Rios. Pangako yan.”
Nangangatal parin ang bibig nito at may gusto pa ata itong sabihin pero di nila yun mahulaan.
Napatingin si Ryan sa vest ni Rios kaya may naisip ito. Kinuha niya ang cellphone na nakatago rito at tsaka niya tinignan. May isang unread message ang nakita niya kaya agad niya iyong binasa.
At halos madurong nalang ang puso ni Ryan sa nabasa niya.
‘Dade, owi na po. Dami ulam deto. I labyou Dade. Miss npo Kita’
Number iyon ni Camille pero halatang ang anak nito ang nag type ng mensahe na yun.
Dinial niya nalang ang number na yun. Niloudspeak niya muna ito tsaka inilapit sa tenga ni Rios para kahit papano ay marinig niya ang boses ng mag ina niya.
Naghintay lang sila ng ilang segundo bago sinagot ang tawag
[Hello? Hello, Calvin? Kumusta kana jan? Itong anak mo kanina pa ako kinukulit oh hahaha oo si daddy mo ’t–sandali lang baby. Pakausap muna kay Daddy ha? hahaha..Hello? Calvin? Ayos ka lang ba jan? Oo na oo naaa. Gusto ka makausap ng anak mo teka……Hello Daaaad~ Daaaaddy! Uwi na po kayooo. Madami luto si mommy dito hehehe birthday ko po ngayon. Yung regalo ko ahh heheh Uy Daddy~ Daddy uwi na po..miss ko na po kayo. Daddyyyy~ Ba’t di nagsasalita si Daddy, Mommy? Uy Daddyyy]
Nakita nalang nilang bumuhos ang luha ni Calvin sa mga narinig niya. Gusto niyang umuwi at samahan ang mag ina niya. Gusto pa niyang humabol sa birthday ng anak niya. Gusto niya itong batiin ng happy birthday. Ang dami pa niyang gustong sabihin. Pero ayaw ng bumukas ng bibig niya.
Ang dami pa niyang plano sa buhay..
Ang dami pa niyang gustong gawin kasama ang pamilya niya.
Bakit kailangan matapos dito ang lahat?
Naramdaman na niya ang sobrang pagka antok kaya dahan dahan nalang niyang pinikit ang mga mata niya. At sa huling pagkakataon..
[I love you daddyy~ love ka namin ni Mommy heheh busy po kayo? Daddyy~ ]
“Oo. At sila ang lakas ko. Kaya di ako pwedeng masawi dito. Kailangan nila ako.”
Biglang naalala ni Ryan ang mga sinabi nito nung magka usap sila kaya mas lalo itong naiyak. Nakita nalang nila ang tuluyang pagpikit ng mga mata ni Rios.
Napailing nalang ang iilan dahil sa nangyari sa kasamahan nila.
Kinuha ni Enorio ang cellphone at tsaka ito pinatay. Ngumiti ito ng sobrang pait kay Rios habang tinitignan ito. “Patawad, Rios.” Tugon nalang nito bago kinuha ang dogtag at nilagay sa Vest niya.
Isang myembro na naman ang nalagas sakanila.
Balot na balot na ang mga puso nila ng sakit. Kailangan ng mahinto ’to.
“Kailangan na ’tong matapos sa lalong madalim panahon” Rinig nilang usal ni Eros habang seryosong nakatingin sa labas.
Ilang araw pa ang nagdaan at hindi parin natatapos ang putukan ng bawat panig. Wala ni isa ang gustong umatras sa digmaang nasimulan na. Halos naligtas na rin lahat ng sibilyan na natrap at nahostage sa buong lugar ng Orquieta, at hindi na yun nagugustuhan ni Manuel.
Nakikita na kung sino ang dehado sa dalawa. Pumapabor na ang lahat ng sitwasyon sa panig ng Gobyerno sa tulong ng grupong Armada.
“Hindi ko inaasahan na ganito pala ang magiging epekto ng sampung nilalang na yun sa digmaan na ’to. Naging pabaya ako.” Seryosong usal ni Manuel habang nakatingin sa CCTVs
“Lahat ng mga yan ay myembro ng Mafia. Ano pa bang aasahan mo?” Tawang usal ni Ibarra habang nakasandal sa gilid.
“Dalawa jan ay kasapi ng pamilya mo hindi ba, Mr Saquin?” Tanong ni Guanzon.
“Kailangan kong mag ambag para hindi mahalata.” Sagot lang ng matanda.
“Well, ayos lang ba sayo na…alam mo na, sagabal sila sa plano ko eh.” Lumapad ang ngisi ni Manuel at alam na nila ang gustong mangyari nito. Inis na pinukol ni Baron ang tingin kay Manuel dahil kasamahan niya ang tinutukoy nito. Pero napalitan rin yun ng gulat at pagtataka sa sinagot ng Boss niya.
“Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, Doktor.” Sagot nito. Para lang itong walang pakialam sa mangyayari sa mga bata niya. Hindi lang pala kay Claire ito walang pakialam, kundi sakanilang lahat.
Nahuli ni Gideon na salubong ang kilay ni Baron na nakatingin sakanya “Ikaw ang pinili kong magbabantay sakin dahil alam kong importante sayo si Claire.” Wika ni Gideon. “Kung ipagsasabi mo itong ginawa namin, mapipilitan akong tapusin ang buhay ng babaeng yun. At syempre, buhay mo. Kaya manahimik ka nalang jan at manood.”
Naalala tuloy ni Baron yung pinaka unang pag memeeting nila kasama ang Presidente. Nagpasya sana si Simeon dati na ipartner si Heneral Ibarra kay Celo pero si Ibarra mismo ang tumutol rito at nag suggest nalang na si Gideon ang ipartner sakanya. Tsaka yung plano nila kung saan sila aatake. Si Ibarra rin ang nag boluntaryo na sila ang aatake sa likod para iligtas ang mga bata.
Akala ng lahat malinis ang intensyon nito, pero planado na pala ang lahat sa simula palang. Hindi akalain ni Baron na sa lahat ng mga nandun, itong Heneral na ’to at ang Boss niya pa ang mag tatraydor sakanila.
Ano ba ang rason ba’t nila nagawa ang pag tatraydor na ’to?
“Kung ganun, oras na..” Ngising usal ng doctor.
Habang abala sila Stephan sa pag locate ng mga kalaban sa baba, napansin nila ang napakalaking gate sa harapan ng kuta ni Manuel na dahan dahang bumukas.
“Pagtuunan niyo ng pansin ang gate sa harap.” Turan ni Steph sa mga kasamang nakasakay sa mga aircrafts.
Nakita nilang dahan dahan itong bumukas at halos napatigil sa paghinga ang lahat ng mapansin nila ang limang nakatayo na niluwa nito.
Nanginig ang mga daliri ni Steph sa keyboard at napalunok sa sariling laway dahil biglang nakaramdam ito ng sobrang kaba. “Nagpakita na sila.. “ Usal niya sa linya.
Agad kinontact lahat ng mga nasa taas ang mga sundalong nakikipag laban sa baba.
“Nagpakita na ang limang Vendetta. Inuulit ko, nagpakita na ang limang Vendetta.” Rinig ng lahat ng sundalo ngayon sa mga earpiece nila ang pagbabanta ng mga nasa taas . “Nakasuot sila ng puting kapute.”
Dahan dahang naglakad ang limang Vendetta na tila halang na sa mga dugo. Lalong lalo na ang nasa gitna nila. Kating kati na ang kamay nitong tumapos ng mga buhay.
Nakatakip ang kanilang mga ulo pero kitang kita parin ang mapupulang mga mata ng mga ito. Tila sa paglabas nila ay biglang nag iba ang awra sa buong lugar. Parang ang mismong bayan na ang nakaramdam ng sindak sa presensya nilang lima na tinaguariang taga wasak ng bayan dati.
Tila alam na ng bayan na ’to kung anong mangyayari sakanya dahil anjan na sila.
Ang Vendetta.
Walang mga salita ang lumabas sa mga bibig nila, walang plano. Tanging utos lang ng doctor nag nasa utak nila ngayon.
Ilang hakbang lang ang ginawa nila bago nakita ng mga nasa taas ang sobrang bilis na paghiwa hiwalay ng mga ito ng direksyon.
“Naghiwa hiwalay sila ng direksyon. Pag nakakita kayo ng nakasuot ng puting kapute, umatras nalang agad kayo. Hayaan niyong ang Armada ang humarap sakanila.” Paliwanag ni Steph sa mga sundalo sa baba.
Sa baba naman, kasalukuyang nakikipag bakbakan si Heneral Puma sa kanang bahagi ng syudad kasama ang iilang tauhan niya.
“Huwag kayong magtira!” Sigaw niya habang inisa isa ang mga kalabang sundalo.
Habang walang humpay niyang pinapaputukan ang mga ito, narinig niya ang mga ungol ng mga kasama siya sa likuran kaya saglit siyang napalingon rito.
At pagtingin niya, gulat na gulat ang itsura niya ng makitang bagsak na lahat ng kasama siya. Siya nalang ang tanging nakatayo at ang isang nakasuot ng kapute na tumapos sa mga kasama niya.
“Jackpot, isang Heneral.” Rinig niyang sabi nito bago dahan dahang tinanggal ang nakatakip nito sa ulo. Tumambad sa Heneral ang mga mata nito na preskong dugo ang kulay habang may hawak hawak na sandatang pamaypay na may mga kutsilyo sa dulo.
Ito na ang pinaka kinatatakutan ng lahat..
Ang paglusob ng Vendetta sa lugar.
At alam nilang magiging mas madugo pa ang labanan na mangyayari sa pagsali nila sa laro.
Sinu sinong buhay nga kaya ang maliligtas at malalagas sa mga susunod na mangyayari?
-To be continued….
The sacrifice and everything. Soldiers are the REAL heroes here. Anyways, we’re almost there. Kapit lang haha
-MajorSin
Episode 55: Ermac (Armada vs Vendetta -1ST BATTLE-)
Episode 55: Ermac (Armada vs Vendetta -1ST BATTLE-)
(Oki, 3 chapters agad in just 1 week. At baka maging apat pa. Sana di mawala tong sipag ko.)
Mahaba ’to. Wag madaliin ang pagbabasa hahah Enjoy~
*************
[3rd Person’s PoV]
“W-wag…m-maawa kaa.” Halos maihi na ang isang sundalo ng makitang siya nalang ang naiwan sa mga kasamahan niya at papalapit ngayon sakanya ang nakasuot na puting kapute habang may hawak hawak na Sai sa magkabilang kamay.
Bubunutin nalang sana niya ang pistol sa likod niya para maunahan niya ang Vendetta na kaharap niya pero mabilis lang siyang tumilapon ng sipain siya nito. Mabilis na nabangga ang katawan niya sa poste. At di lang dun, mabilis na nakalapit ang Vendetta na yun sakanya at sobrang bilis na pinagtataga ang buong katawan niya gamit ang Sai nito. “Arkrrkk!!”
Bagsak.
Kasalukuyang nililinis ni Ermac ang kaliwang parte ng syudad ngayon. Lahat ng mga nadadaanan niyang sundalo ng gobyerno o mga sibilyan na na trap parin sa lugar ay walang pagdadalawang isip niyang tinatapos.
Nang matapos niya ang huling sundalo sa lugar na ’to, napahinto siya saglit at pinakiramdaman ang paligid. Saglit nitong nilibot ang tingin sa lugar at parang may kung anong alaala ang pilit na pumapasok sa utak niya.
Parang pamilyar na sakanya ang lugar na ’to. Hindi niya lang saktong matandaan.
Biglang nag hallucinate ang utak niya at may nakita siyang bata sa kanan niya na sobrang dungis malapit sa poste at gusot gusot pa yung suot. Kasalukuyan itong kumakain ng kanin na nakabalot sa supot. Tapos nakita rin niya ang isang babae na may kaedaran na lumapit sa bata bitbit ang isa pang supot ng pagkain.
Parang pamilyar na sakanya ang nakikita niya ngayon. Parang paulit ulit na itong nangyari sa buhay niya dati pero di lang siya sigurado.
Napahawak sa ulo si Ermac at napapikit dahil bigla itong kumirot. Nang imulat niyang muli ang mga mata niya, nawala na ang mga ilusyon na yun. Sunod namang nabaling ang atensyon niya sa kaliwa niya na isang bahay. Parang may kutob siya na may tao pa sa loob kaya pinasok niya ito. Utos sakanila ng doktor na walang ititirang mga sundalo at sibilyan.
Nang makapasok siya sa bahay na yun ay saglit niya munang nilagay sa balakang ang hawak niyang Sai. Sobrang tahimik dito sa loob na tila inabanduna na ng mga nakatira rito.
Nilibot niya ang kabuoan ng bahay hanggang sa madapo siya sa nag iisang kwarto nito.
Dahan dahan niya iyong binuksan at mejo ipinagtaka niya na may nakita nga siyang sibilyan dito. Nakahiga ito sa kama at nakakumot. Puti na ang mga buhok sa sobrang tanda. Parang nag iisa nalang siya rito. Pero ang mas pinagtataka niya, nakadilat ang mga mata ng matanda, gising ito habang nakatingin sa bintana sa gilid niya. Di man lang siya nagawang pansinin nito. O baka di lang talaga siya napansin.
Dahan dahang binunot ni Ermac ang isang Sai niya para wakasan na ang buhay ng matanda. Pero sa pagbunot niya, bigla siyang natigilan.
“Masarap ba?”
“Opo!”
“Suuus, niloloko mo lang ako eh.”
“Di kaya, dabest talaga tong kare kare niyo, Ma’am Amanda!”
“Amanda..” Biglang naibigkas ng bibig ni Ermac ang pangalan na yun ng wala sa wisyo.
[Flashback]
Tindig na tindig lang ang postura ng batang Ermac habang nagmamartsa ng pabalik balik sa isang gate ng isang bahay. Mistula itong nag aala bodyguard dahil may hawak hawak rin itong sanga ng puno na nilalagay sa gilid niya na mistulang baril niya habang nag mamartsa.
Sa ganung eksena naabutan ni Amanda ang bata. “Manong dito lang ho.” Para nito sa sakay na pedicab. Isang guro si Amanda ng elementarya kaya tuwing hapon na ito nakakauwi sa bahay. “Nako, ang sipag sipag naman ng bodyguard namin.” Tawang usal ni Amanda nung makababa ito.
“Ma’am Amanda!” Tumigil si Ermac at tsaka nagsalute pa dito. Lalo tuloy natawa si Amanda. “Tagumpay ko pong nabantayan ang bahay niyo. May nagtangka pang umihi na aso sa gate kanina pero napigilan ko po siya!” Report pa nito kunwari. Di mapigilan ni Amanda na matuwa sa bata.
Isa lamang palaboy ang batang ’to. Nakita niya lang ito isang araw na nakahalata sa gilid ng isang mall na tila mamamatay na sa gutom. Naawa si Amanda rito kaya binilhan niya ito ng tinapay. Hindi niya alam na sinundan pala siya nito hanggang sa bahay nila. Nangako sakanya ang batang ’to na bilang kapalit daw ng pagbigay sakanya ng pagkain, babantayan niya daw tong bahay niya araw araw. Kahit lang daw tinapay ang ibigay sakanya ay ayos lang daw. Basta lang may makain siya araw araw.
Tatanggi sana si Amanda nun dahil may asawa naman siya na laging nasa bahay, pero nagpumilit ’tong batang ’to sakanya. Sa murang edad palang nito, nakita na agad niya sa mga mata nito ang kagustuhang lumaban sa mapait nitong buhay.
Sa huli ay pumayag rin si Amanda. At ito na nga, limang buwan ng bodyguard kuno ni Amanda itong bata ’to.
“Si Robert?” Tanong nalang ni Amanda.
“Umalis po kanina lang. Galit na galit nga sakin eh.” Simula nung napadpad ang batang ’to sakanila, halos di na magkasundo ang mag asawa. Lagi nalang nila itong pinag aawayan. Gusto ni Robert na paalisin na ito sa labas ng bahay nila dahil ayaw niya na may pulubing naka tambay sa harap ng bahay nila. Di rin yun magawa ni Amanda dahil napamahal na sakanya ang bata. Wala naman itong intensyon na masama. Gusto lang nitong magtrabaho at makakain kahit papano araw araw.
“Hayaan mo na yun. Halika sa loob, magluluto ako ng pagkain.” Aya ni Amanda pero napaatras lang si Ermac. Minsan na siyang nakapasok dun at hindi maganda ang kinalabasan nun. “Baka po pagalitan ulit ako, Ma’am. Wag na po.”
“Di yaaan. Halika na.” Si Amanda na mismo ang humawak sa braso nito at tsaka sila pumasok sa loob.
“Kare kare ba ulit yan, Ma’am?!” Excited na tanong ni Ermac habang inaamoy ang luto nito. Nasa kusina lang siya nakaupo habang pinapanood si Amanda.
“Oo. Paborito mo.” Tawang sagot ni Amanda. “Tsaka diba sabi ko wag mo na akong tawaging ma’am. Aling Amanda nalang.” Dugtong nito.
“Mas gusto ko po ma’am. Kasi ma’am ko po kayo tapos ako yung bodyguard. Yan naririnig ko sa mga bodyguard eh. Pag may lumalabas sinasabi agad nila na ‘Tenk you po ma’am.’ ‘Balik po kayo ma’am’ mga ganun po.”
“Ikaw talaga.” Walang anak sila Amanda dahil baog ang asawa nitong si Robert kaya parang sa batang ’to nalang niya ginagawa ang sarili bilang ina.
Nagtatawanan lang ang dalawa nang marinig nilang bumukas ang pintuan ng silid. Biglang kinabahan si Ermac dahil don.
Lagot.
“Ba’t pinasok mo na naman ’tong bata na ’to sa bahay?!” Bulyaw agad ng asawa nito ng makita si Ermac sa sala.
“Kasama natin siyang kakain ngayon, Robert.” Normal lang na sagot ni Amanda na tila di man lang natakot sa sigaw ng asawa.
“Nahihibang kana ba?!” Sigaw nito bago tumingin kay Ermac “Hindi ka aalis?!” Hinubad ni Robert ang sinturon nito kaya mas lalong natakot ang bata.
“Ermac, dito ka lang. Wag kang aalis.” Usal lang ni Amanda na di narin maganda ang timpla.
“ISA?!” Sa sobrang takot, di na nito nagawang mag paalam at dali dali nalang itong tumakbo palabas ng bahay.
“Ermac! Sandali!”
Pagkalabas ni Ermac, rinig na rinig pa niya sa loob ang sigawan ng mag asawa.
“ANO BANG PROBLEMA MO?!”
“BA’T BA NAGPAPAPASOK KA NG PULUBI DITO?!”
“BATA LANG YUN ANO KA BA?!”
“EH KUNG NAKAWAN TAYO DITO?! HA?! PALIBHASA ANG BILIS MONG MAGTIWALA!”
“JUSKO NAMAN ROBERT!”
Di na narinig pa ni Ermac ang sigawan nila dahil tuluyan na itong lumabas ng gate.
Pasado alas otso na ng gabi at andito lang si Ermac sa tapat ng bahay ni Amanda habang nakaupo at nagddrawing sa lupa gamit ang stick ng walis. Ilaw ng poste lang ang nagsisilbi niyang ilaw rito.
Dinadrawing niya dito ang isang stick na babae na mahaba at isang stick na lalaki na maliit. Tas pinagdikit niya ang mga kamay nito.
Napapahid nalang si Ermac sa luha niya. Bigla niyang namiss ang mama niya.
Mga ilang sandali lang ay narinig niyang tumunog ang gate ng bahay na kaharap niya. Pero di na niya iyon nilingon pa. Nakatingin lang ito sa dinadrawing niya.
“Ermac..” Mahinahon na boses ang tumawag sa pangalan niya. Lumapit si Amanda sa tapat niya at tsaka nilagay ang isang plato na may laman ng kanin at paborito nitong kare kare. May kutsara narin ito para di siya mahirapan sa pagkain.
“Pasensya kana kanina ah.” Sabi nalang nito. Di parin siya tinitignan ng bata. “Kumain kana. Alam ko nagugutom kana. Bukas ko nalang kukunin yang plato ha?” Sabi nalang nito bago tumayo. Lalakad na sana ito pabalik ng biglang magsalita si Ermac.
“Sagabal lang po ba ako sainyo?” Matamlay na tanong ng bata.
“Hindi, Ermac. Hindi ka naging sagabal sa buhay ko. Lagi mong tatandaan yan.” Ginulo lang nito ang buhok ng bata tsaka tuluyan ng pumasok sa loob. Mas lalo tuloy naiyak yung bata.
Walang ganang kumain si Ermac, dito ito nakakaramdam ng gutom ngayon. Parang ang sama ng pakiramdam niya.
Nagpasya na sana siyang matulog nalang nang may isang itim na Van ang biglang huminto sa harapan niya.
Bumukas iyon at niluwa ang isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng isang doktor. “ Nalulungkot ka ata bata.“ Ngising usal nito
[End of flashback]
Ang babaeng naituring niyang pangalawang ina noon. Sa loob ng mahabang panahon. Muli niya itong nakita. Matanda na ito at parang pagod na rin sa lahat.
Sa kabila ng gyerang naganap, parang wala na itong pake sa mundo. Pinili nalang nitong magkulong sa kwarto niya at hinihintay nalang kung kailan siya makikita rito. Kung marescue man ng mga sundalo o mapaslang ng mga kalaban tulad ni Ermac, parang ayos nalang ito sakanya.
Gustong magsalita ni Ermac. Gusto niya itong kumustahin. Gusto niya itong tulungan. Pero ibang Ermac na siya ngayon.
Hindi na siya ang dating batang handang protektahan ang bahay niya dahil lang sa tinapay.
Ang dami ng nagbago. Malamang nga ay nakalimutan na rin siya nito dahil sobrang tagal na nung huling pagkikita nila. Di rin naman siya kaano ano nito kaya ano pang rason para hindi kalimutan ang isang tulad niya.
Sa huli ay binaba nalang ni Ermac ang Sai niya at piniling isara muli ang pinto ng kwarto.
Wala ito sa wisyong naglalakad palabas ng bahay. Ano ba ’tong nararamdaman niya? Natutulad narin ba siya kay Loda?
Imposible ’to. Nasabi nalang nito sa sarili.
Eksaktong pagkalabas niya sa gate, biglang nabalik ang utak niya sa wisyo ng maramdaman niya ang kakaibang presensya sa paligid. At nanggagaling yun sa…
Mabilis siyang napatingin sa itaas niya, at dun, may isang nilalang na nakabwelo na at pabagsak sa kinatayuan niya. At isang segundo lang ang pagitan ng pag ilag niya sa pagtama ng suntok nito sa lupa. Sa sobrang lakas nito ay nakita pa niyang nagkatipak ito.
Nang makailag si Ermac, naramdaman niya ang kung anong papalapit na bagay sa kinatatayuan niya kaya agaran niyang binunot ang dalawang Sai niya at tsaka pinagsasangga ang mga ito.
Mga barya? Usal nito sa isipan ng makita kung anu ano ang mga bagay na sinasangga niya.
Napagtagumpayan niyang sanggain ang dalawang ambush na atake na yun. Ngayon ay may isa pang nilalang ang tumabi dun sa lalaking maygawa ng malakas na suntok.
Nagkatitigan pa ang dalawang panig. Mukhang ito na nga ang sinasabi sakanila ng doktor. Hindi sila mga ordinaryong nilalang lang.
Napansin ni Ermac na kakaiba ang suot nitong pang itaas. “Mukhang isa kayo sa sampung taong binuo ng gobyerno para kalabanin kami” Usal ni Ermac sa dalawa.
Napansin naman ni Ish ang suot suot nitong dogtag. Tinignan niya ang isang pendant nito. May nakaukit na letrang E. Tinandaan niya ang mga pangalan ng Vendetta at isang pangalan ang tumugma sa letrang yun.
“Ermac..” Mahinang bulong nito.
“Kakaiba nga ang mga mata nila.” Usal rin ni Damian. Bigla tuloy niyang naalala ang mga matang nakita niya dati. “Magkaparehas sila ng mga mata ni Virgel.”
Nakita naman nilang hinubad ni Ermac ang suot nitong kapute at tsaka tinapon. Malamang ay magiging sagabal lang ito sa mga galaw niya.
Sa tuwing nakakakita talaga si Ish ng mga ganyang klaseng mga mata ay isang tao lang ang naaalala niya. At lalong kumukulo ang dugo niya sa tuwing naaalala niya yun.
“Anong plano?” Tanong ni Damian pero di ito sumagot. Sa halip ay umuna nalang itong tumakbo palapit kay Ermac. “Tsk!”
Sumunod nalang si Damian pero sa kaliwang bahagi ito tumakbo. May naisip itong plano.
Habang si Ermac naman ay palipat lipat ng tingin sa dalawang papalapit sakanya. Di niya alam kung sinong uunahin niya.
Nakita niyang pinulot ni Damian ang tinapon niyang kapute kanina.
Anong gagawin niya du—
Nawala sa utak niya ang isa pang palapit sa harapan niya kaya nung tinignan niya ito, nakabwelo na naman ito sa harapan niya. Dito nalang muna siya magtutuon ng pansin. Mabilis iyong iniwasan ni Ermac. Sunod sunod lang ang ginawang atake ni Ish kaya panay atras lang rin si Ermac. Di bihira ang mga suntok na binibitawan nito. Kahit hindi ito tumatama sa katawan niya, ramdam niya ang bawat pwersa nito na sobrang lakas. Kung tatamaan siya nito ay tyak mapupuruhan siya.
Sa kakaatras ni Ermac, napasandal siya sa isang kahoy na poste
Naloko na..
“ARRGGHHHH!!” Isang malakas na bwelo ang pinakawala ni Ish pero buti nalang ay mabilis na nakayuko si Ermac. Sa lakas ng impact nito ay tuluyang nabali ang posteng yun.
Pano pa pag sa mukha niya tumama yun.
Di niya pwedeng maliitin ang taong ’to.
Mula naman sa baba, mabilis itong nag counter at sasaksakin niya sana ang sikmura ni Ish gamit ang Sai. Pero di nito nabasa ang sunod na ginawa ni Ish. Mula sa suntok na yun, binend nito ng bahagya ang kamay niyang yun at tsaka inatake ang batok nito.
Isang malakas na siko ang tumama sa batok ni Ermac kaya dumoble saglit ang paningin niya sa impact. Tuluyan na itong nawalan ng depensa kaya nilipat ni Ish ang chi energy nito sa tuhod at tsaka malakas itong binbwelo. “ARGGGHH!” Tumilapon si Ermac sa lakas ng tuhod na yun sa sikmura niya.
Dalawang atake lang mula kay Ish pero mukhang napuruhan na agad nila ito. Minsan ng naka enkwentro ni Ish ang isa pa nilang myembro. At di maipagkakaila nito na mas mabagal kumilos ang isang ’to kumpara kay Ross.
Mula naman sa pagkakabagsak ay mabilis na tumayo si Ermac para bumawi, pero sa pagbangon niya, sumalubong lang sakanya ang limang nagliliparang mga barya na sobrang bibilis. Nasangga niya yung tatlo pero dumaplis sa mukha niya yung isa at yung isa naman ay bumaon talaga mismo sa kanang balikat niya “Argkk!” Nag uusok pa ito sa lakas ng pagkakaikot nung tignan ni Ermac ang bumaon na barya.
Nakita pa niyang hinagis nitong kaharap niya ang kaputeng pinulot nito kanina sa ere pagkatapos ay sumunod siya dito at nagtago sa likuran. At nung mahawi ng hangin yung kapute sa ere, nakita nalang niya na nakbwelo na si Damian sa mga hawak nitong barya. Walang humpay siya nitong inatake kaya napilitang mapaatras si Ermac para maiwasan yun.
Pero sa dami ng mga naihagis nito at sobrang bibilis pa, halos pitong barya ang tumama at bumaon sa buong katawan niya.
…..
…………………
…………………….
“Vendetta ba talaga ang isang ’to?” Paniniguro pa ni Damian dahil hindi niya akalain na matatamaan niya ito gamit lang ang ganung taktika.
Narinig yun ni Ermac kaya napangiti ito ng bahagya. Isa isa niyang binunot ang mga bumaon sa katawan niya na parang wala lang sakanya. “Oo, aaminin ko. Kumpara sa iba kong kasama, napaka hina ng depensa ko.” Biglang salita nito. “Pero…”
Biglang nag iba ang ihip ng hangin. Minsan na ’tong naramdaman dati ni Ish. Nag iiba nalang bigla ang awra ng paligid pag nagseseryoso na ang mga ito.
Napansin nilang mas lalong pumula ang mga mata ni Ermac nung tumingin itong muli sakanila. “Kayo? Gaano kalakas ang depensa niyo sa mga atakeng gagawin ko?” Tanong nito sakanila. Inalerto nila Ish ang sarili dahil hindi nila alam kung anong susunod na gagawin nito.
Nakita nila itong hinagis ang hawak nitong Sai papunta sa direksyon ni Ish. Mejo mabagal lang yun kaya nakikita nila ito. Pero di nila inaasahan na nakasunod agad si Ermac sa lumilipad nitong Sai papunta kay Ish. Nakabwelo ito ng suntok papunta kay Ish.
Hindi alam ni Ish kung anong gagawin niya. Kung iilagan ba niya ang Sai na tatama sa mukha niya, o iilagan si Ermac na nakabwelo na ng suntok sa baba papunta sa sikmura niya.
Dalawang atake ng sabay. Saan sa dalawa ay tyak mapupuruhan parin siya. Sa huli ay pinili niyang iwasan nalang ang Sai na tatama sa mukha niya, At kapalit nun, ramdam sa buong sikmura niya ang suntok na pinakawala ni Ermac kaya sobrang layo ng itinapon niya sa lakas nito.
Habang si Damian naman ay hindi agad nakareact sa gilid sa sobrang pagkabigla. Susubukan niya pa sanang dumukot pa ng barya para umatake pero mabilis lang na bumaon sa palad nito ang isa pang Sai na hinagis rin ni Ermac “Argghhhhhh!” Lumusot pa talaga ang talim nito sa palad niya kaya napapikit nalang siya sa sakit. Di na niya nasangga pa ang kasunod na malakas na sipa nito sa mukha niya. Pati siya ay tumilapon rin ng sobrang layo at nabangga ang katawan sa nakaparadang sirang kotse. “Arrk!!”
Mabilis na sinundan ni Ermac si Damian. Pumatong ito sa kotse kung saan siya tumama. Kinuha naman ni Ermac ang kamay nito at tsaka dahan dahang kinuha ang Sai niyang nakabaon rito. “Arrrghhhhhh!” Sinadya nitong dahan dahanin ang pagkuha para maramdaman pa lalo nito ang sakit. “Ngayon itanong mo ulit kung myembro nga ba ako ng Vendetta.”
Inupuan ni Ermac ang katawan nito kaya mas lalong napasigaw si Damian. “Ayoko mang aminin pero mejo nainsulto ako dun sa sinabi mo kanina.” Nilaro laro lang nito ang isang Sai sa katawan ni Damian. At mukhang nag iisip lang kung saan banda niya isasaksak tong hawak niya.
Binaon niya ng kaonti ang talim nito sa gitna ng dibdib ni Damian at napangisi ito ng makita ang nakakaawang itsura nito habang nagsisigaw. “Gusto mo dito?” Binaon niya pa ng binaon hanggang sa tuluyan na itong nahiwa ng kaonti at dumanak ang dugo. “Sabihin mo..”
Tinaas ni Ermac ang hawak nitong Sai at handa na sana niya itong saksakin ng mapansin niyang may biglang yumakap sa bewang niya mula sa likuran.
“Nandito pa ako!” Mabilis na hinila ni Ish ang katawan nito at saglit na itinaas bago binagsak ng pabaliktad at inuna ang ulo nito. “Arkkk!”
Matapos yung gawin ni Ish ay agad niyang nilapitan si Damian. “ Ayos ka lang?“
Pinatingin niya kay Ish ang isang palad nitong nasaksak ng Sai kanina. “Di ko na ’to magagamit pa.”
Habang nakahiga pa si Ermac, hinubad muna ni Ish ang sando niya at tsaka itinali sa palad ni Damian para maagapan ang pag agos ng dugo nito. “Kaya mo pa ba? Umalis ka nalang dito. Ako na ang bahala sa isang ’to.” Usal nito sa kasama.
“Hindi pa ako lumpo. Magagamit ko pa ’tong isa.” Inalalayan siyang tumayo ni Ish sa kotseng pinagbanggaan niya.
Nakita naman nilang dahan dahan na rin tumayo si Ermac. Mukhang nakarecover na agad ito. Hinilot pa nito saglit ang leeg para mawala ng tuluyan ang pagkahilo niya.
Pumosisyon na ring muli sila Ish at Damian.
Nakita nilang tinapon ni Ermac ang hawak nitong Sai. Kaya naman si Ish na ang umabante. “Ipahinga mo muna yang kamay mo. Bibigyan kita ng oras.” Usal lang ni Ish. Wala ng dalang armas si Ermac, ibig sabihin, mano mano ang gusto nitong mangyari. At dun bihasa si Ish.
“Pero–”
“Makinig ka nalang sakin.” Putol ni Ish tapos muling sumugod kay Ermac.
Di na nagpaligoy ligoy pa ang dalawa, sabay itong sumugod sa isa’t isa bago nagpalitan ng mga suntok.
Ilag dito, sangga doon. Pilit mang makipag sabayan ni Ish pero masyado malalakas ang bawat bwelo ni Ermac. Mukha hindi lang siya ang bihasa sa ganitong labanan.
Isang suntok sa sikmura ang natanggap ni Ish kaya napabulwak ito ng laway sa sobrang lakas. Pero di siya nagpahuli, hinawakan rin niya yung brasong sumuntok sa sikmura niya at tsaka hinigpitan ang paghawak bago nagpakawala ng malakas na tuhod sa sikmura rin ni Ermac.
Gamit naman ang bakanteng kamay ni Ermac, muli niyang sinuntok ang mukha ni Ish kaya nabitawan nito ang braso niya.
Nilipat ni Ish ang chi sakanyang mga hita at tsaka tumakbo ng mabilis paikot sa kinatatayuan ni Ermac.
Palipat lipat ng tingin si Ermac para sundan si Ish, sobrang bilis nito. Mahirap sundan ng isang ordinaryong mga mata lang.
Naramdaman niyang huminto ito sa pagtakbo at agad sumugod mula sa likuran niya. Pero nabasa na yun ni Ermac. Umikot ito at sinalo mismo ang leeg ni Ish at sinakal tapos ay malakas na binagsak sa lupa “arrkrkk!!” Ramdam ni Ish sa likod niya ang pagkakabagsak na yun.
“Masyado kang mabagal.” Usal lang ni Ermac bago inupuan ang katawan ni Ish at tsaka walang humpay na niratratan ng magkabilang mga suntok.
Nakasangga naman ang mga braso ni Ish pero naoopen parin ito sa lakas ng mga suntok ni Ermac.
Naramdaman bigla ni Ermac na may tumatakbo papalapit sakanya kaya saglit niyang tinignan ang Sai na tinapon niya kanina. Mabilis itong umalis sa pagkakaupo sa katawan ni Ish at agad kinuha yung Sai bago tumalikod at sinalubong si Damian.
Nagbabato ito ng mga barya gamit ang isang kamay lang habang tumatakbo ito papalapit kay Ermac. Habang si Ermac naman ay panay ilag lang.
Nang makalapit na ang dalawa sa isat isa, di na nagawa pang makabunot ni Damain sa bilis ni Ermac.
Nahuli niya nalang itong nasa harap na niya at biglang sumikip ang dibdib niya.
Hinawakan pa nito ang batok niya at tsaka mahinang nagsalita “Itanong mo ulit sa utak mo, ’Vendetta ba talaga ang isang ‘to?’ “ Usal nito. Dahan dahan namang napatjngin si Damian sa baba at dun nalang niya nalamang nakabaon na pala ang Sai na hawak nito sa sikmura niya.
“HINDEEE!!!!” Rinig nilang sigaw n Ish. Lalo pa nung binaon pa lalo ni Ermac ang patalim sa katawan ni Damian “arrrkkkk..” tumagas ang dugo sa bibig niya dahil sa tinamo.
Binitawan ni Ermac ang Sai na nakabaon lang sa sikmura nito. Umatras ng bahagya si Ermac at pinagmasdan lang ang kaharap niyang parang hindi na alam ang gagawin. Wala ito sa sariling napaatras habang hawak hawak ang tyan niya. Naghahanap ito ng mahahawakan, ng masasandalan. Paika ika ito ng lakad habang hinahabol ang hininga.
Hindi..
Hindii maaari.
Biglang napaubo si Damian ng dugo at tuluyan ng napaluhod.
“DAMIAN!!!”
Wala sa wisyong nakatingin si Damian sa harapan niya habang nakaluhod. Napaangat siya saglit at tinignan ang mukha ni Ermac. “H-hindi kayo mananalo sa digmaan na ’to. H-hindi niyo makoko..makokontrol ang p-pilipinas..”
Di nagustuhan ni Ermac ang mga sinabi nito kaya imbes na makontento, lumapit pa ito ng bahagya kay Damian at tsaka binwelo ang paa nito ng sobrang lakas. “Tsaka mo na sabihin yan pag napatumba niyo ako.” Usal nito at buong pwersang sinipa ang mukha ni Damian dahilan para tumilapon ang katawan nito ng sobrang layo.
Habang si Ish naman ay halos di makapag salita sa nasaksihan. Di man lang nakagalaw ang katawan niya para mapigilan si Ermac.
“Hayop ka..” Bulong nalang nito na ikinaharap ulit ni Ermac sakanya.
“Wag kang mag alala, ikaw na ang isusunod ko.”
Muli itong naglakad papunta sakanya. Parang habang patagal ng patagal ang labanan nila ay pasindak ng pasindak rin ang mga tingin at awra nito.
Karapat dapat lang ang nilalang na ’to na maging kasapi ng Vendetta sa lakas na taglay nito. Hindi lang ito nakadepende sa sandata niya. Kaya rin nitong protektahan at makipaglaban gamit lang ang sariing katawan.
“Hayop kayong mga Vendetta..” Matigas na lintanya ni Ish habang pinipilit ang sarili na makatayo. Napantig naman ang tenga ni Ermac dun.
“Siguro nga matatawag niyo na kaming mga hayop, mga halimaw, mga demonyo, lahat na. Pero sa maniwala ka o sa hindi..” Tumamlay ng bahagya ang mukha nito at napansin yun ni Ish “Pareho lang tayo biktima rito.”
“Pareho? Hindi kaming mga tulad niyong mga walang emosyon! Mga walang ibang alam sa buhay kung hindi ang pumatay! Tumapos ng buhay!”
Napahinto sa paglalakad si Ermac.
“Ano pa bang aasahan mo sa mga taong ginawang hayop at inexperimentuhan? Nabubuhay lamang kami para sundin lahat ng utos ng doktor.” Hindi alam ni Ermac kung bakit siya nagpapaliwanag rito. Kung bakit kailangan niya pang depensahan ang sarili niya. Kung bakit..
Kung bakit siya nasasaktan sa mga sinasabi nito..
“Pero nasa sarili niyo yun kung gusto niyong magbago! Si Benz, isa siya sainyong mga hayop kayo. Pero anong nangyari sakanya nung kinalimutan niya ang pagiging siya? Ang pagiging Vendetta niya? Nagbago siya. Nagkaron siya ng emosyon! Nagkaron siya ng puso!”
Napayuko ng bahagya si Ermac sa mga narinig niya. Tinitignan nito ang dalawang palad niyang ilang libong tao na ang napaslang. Kung gano na ito kadumi na di na kayang linisin pa.
“Wala ng ibang pagkakataon pa para itama lahat ng mali. Masyado na akong makasalanan para matanggap pa ulit ako ng mundo.” Makabuluhang sagot lang nito at napangiti ng mapait. Totoo ngang masyadong matangkad ang pagsisisi.
Palaging itong nasa huli.
“Wala na talaga. Dahil ngayon mismo, ililibing kita ng buhay sa ginawa mo kay Damian.” Rinig niyang usal ni Ish
Unti unti namang kinuyom ni Ermac ang dalawang palad niya at ngumisi rito “ibuhos lahat ng lakas mo!” Sigaw nito bago sumugod sa gawi ni Ish.
Habang si Ish naman ay inipon narin lahat ng Chi sa buong katawan niya sa huling pagkakataon.
Unti unti na namang lumalabo ang paningin niya gawa ng pag gamit ng chi ng sobra.
Pero kailangan niya itong gawin para makipag sabayan kay Ermac.
“Arrgghhh!” Muli, mano mano na naman silang naglalaban. Minsan ay nakakatama ng solid ang dalawa. Solid na suntok sa mukha, solid na sipa sa tagiliran. Lahat tinanggap nilang dalawa ng hindi tumutumba.
Kahit lamang ng ilang tama si Ermac, di parin nagpapahuli si Ish. “ARRRGGGHHHH!!” Nakahanap ng opening si Ish sa atakeng ginawa ni Ermac kaya agad na niya iyong kinuha. Isang malakas na suntok ang tumama sa may dibdib ni Ermac at ramdam ng dalawa ang pag crack ng ribs nito.
Isang malakas at solid iyon na counter kaya ganun nalang kalakas ang impact nito. Pero sa halip na bumagsak sa tinamo, nakaganti pa ng suntok sa mukha si Ermac.
Pumutok ang labi ni Ish sa suntok na yun at tumagas ang dugo sa ilong nito sa lakas ng pagkakatama.
Bugbog na ang mukha ni Ish pero nakatayo parin ito at pilit na nakikipag sabayan sa kalaban.
“Sumuko kana!” Sigaw ni Ermac sabay pakawala ulit ng suntok. Mejo hinihingal na rin ito kaka atake.
“Wala sa bokabularyo ko ang sumuko!” Gumanti ulit ito ng suntok sa tagiliran at ramdam na naman ng dalawa ang pag crack ulit ng ribs ni Ermac. Sa pagkakataong yun, tuluyan ng napaatras si Ermac sa tinamo. Dun na kumuha ng pagkakatoan si Ish
Bumwelo ito ng suntok at pinakawala. Pero nasalo parin yun ni Ermac at mahigpit itong hinawakan. Gamit naman ang bakanteng kamay, muling bumwelo si Ish at pikawala rin ito. Pero gaya nung una, nasalo lang ulit ito ng Ermac gamit ang isa pang kamay.
Ngayon ay hawak hawak na ni Ermac ang dalawang kamay nito. Ngingisi pa sana siya pero nagulat siya sa sunod na ginawa ni Ish “ARRRGHHHH!!” Walang pag aalinlangan niyang binwelo ang ulo niya at malakas na inuntog sa ulo mismo ni Ermac.
“Arrrkkk!” Sa lakas ng impact nito ay parehong nahilo at dumugo ang mga noo nila. Pero sa kanilang dalawa, mukhang si Ish pa ata ang napuruhan sa ginawa niya. Sobrang tibay ni Ermac!
Di rin nagpahuli si Ermac, binwelo rin niya ang ulo niya at gumanting inuntog ang ulo nito kay Ish. Sa sobrang lakas nito, tuluyan ng nawalan ng balanse si Ish sa pagkahilo at natumba.
……..
………….
…………………..
Hinihingal lang na tinitignan ni Ermac ang kalaban niya. “Ina..inaamin ko, ikaw ang pinaka malakas na nakaharap ko sa buong buhay ko. Ibang klase ang tibay mo.” Nakita niya lang itong nakadilat ang mga mata habang naghahabol ng hininga.
“At malaking banta ka sa doctor pag binuhay pa kita rito.” Muling naglakad si Ermac palapit rito para wakasan na ang laban na ’to.
Habang si Ish naman ay hinang hina na gumapang paatras. Sobrang sakit na ng buong katawan niya, at di na niya sigurado kung kaya niya pang sanggain ang susunod na gagawin ni Ermac
Mukhang sila ang talo sa labang ’to.
“Matutuwa sakin ang doktor pag nalaman niyang napatay ko ang dalawang malalakas na nilalang na ’to. Pupurihin ako ng doktor sa gagaw–” Biglang napahinto sa paglalakad at pagsasalita si Ermac nang may bigla itong naramdamang bumaon sa likuran niya.
Dahan dahan niyang binaba ang tingin niya at nakita niya ang dulo ng patalim na nakalabas sa sikmura niya. “Anong..” Ang Sai niya, bumaon mismo sa buong katawan niya.
Dahan dahang tumingin si Ermac sa likuran niya para tignan ang may gawa nito, at nakita niya lang si Damian na nakayuko at hawak hawak ang tagilirang natamaan ng saksak kanina. Punong puno ng dugo ang mukha nito pero nagawa parin nitong makatayo at maisaksak sakanya pabalik ang mismong sandata niya.
“Ikaw…” Aabante pa sana si Ermac para tuluyan ng tapusin ang buhay ni Damian nang sunod sunod na pitik sa likuran niya ang biglang naramdaman niya.
Gusto niyang umabante pa pero tila ayaw ng sumunod ng katawan niya. Tinamaan ni Ish ang lahat ng pressure point nito sa likuran para naparalisa ang buong katawan nito.
Kahit hinang hina, pinilit ni Ish ang makatayo at atakihin ito sa likuran. Tagumpay itong nagawa ni Ish at ngayon ay di na maikilos ni Ermac ang buong katawan niya.
“Arrrkkkk…argghh!” Damang dama niya ang sakit nang mahinang hinila ni Ish ang Sai nito sa likuran niya. Ramdam na ramdam niya ang nanunuot na sakit sa loob sa sadyang paghila nito ng mabagal.
Nang mabunot ito, hinang hinang naglakad si Ish papunta sa harap ni Ermac. Magkatabi sila ni Damian ngayon habang tinitignan ang muntik ng tumapos sa mga buhay nila.
“Pano ba yan..” Tinapat ni Ish ang hawak nitong Sai sa kaliwang dibdib ni Ermac. “Kung ako sagabal sa doktor mo, kayong mga hayop kayo ay sagabal naman sa bansa.”
Nagkatitigan muna ng ilang sandali sina Ish at Ermac. Pero tila walang mahanap na takot si Ish sa mga mata nito.
“Ano pang hinihijtay mo? Ibaon mo na.” Paghahamon pa ni Ermac sakanya.
Di inalis ni Ish ang tingin niya sa mga mata nito. Pilit nitong binabasa kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon.
“IBAON MO NA!” Sigaw na nito.
Sa huli, inalis ni Ish ang tingin nito at tsaka binaba ang hawak na sandata.
“Bakit? Bakit?! Patayin mo na ako dito!” Pagwawala ni Ermac. Pero isang iling lang ang natanggap niya kay Ish
“Masyado akong mabait kung papatayin kita. Gusto kong magdusa ka pa. Pagbayaran mo lahat ng kasalanang nagawa mo. Gusto kong mabulok ka sa bilangguan habang buhay.” Yun lang ang tanging sinabi nito bago humarap kay Damian at inalalayan ito.
“Magaling ang ginawa mo.”
Maya maya pa ay may mga dumating na mga sundalo sa area na yun. Agad kinarga ng stretcher si Damian para magamot agad ang sugat.
Habang si Ermac naman ay tuluyan ng pinosasan ng malaking posas ang kamay nito sa likuran
“Sir, may kailangan kayo?” Assist ng isang sundalo kay Ish.
“Ayos lang ako. Salamat.” Sagot lang nito habang nakatingin lang kay Ermac na inaasikaso na ng mga sundalo.
Tumingin ito saglit sakanya bago magsalita “May sibilyan jan sa bahay sa likod mo, pakiusap iligtas niyo siya.” Huling sabi nito bago ito tuluyang pinalakad ng mga sundalo.
“Sir.” Agad tawag ni Ish dun sa nagtanong sakanya kanina.
“Yes Sir?”
“Pacheck ako dito sa loob ng bahay. May sibilyan pa daw sa loob eh.” Pakiusap nito.
“Okay po sir.”
“Salamat.”
Nalito bigla ang utak ni Ish sa huling inakto ni Ermac sakanya. Ang mga binitawang salita nito kanina sa labanan nila ay unti unting nag sisink in sa utak niya, ang matamlay na tingin nito, ang pakiusap nitong iligtas ang isang sibilyan.
Sa mga napansin niya, isang bagay lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
Hindi ganun kasama ang ibang myembro ng Vendetta. At ang totoong kalaban talaga nila ngayon ay walang iba kundi si Manuel Guanzon.
Ang demonyong doktor na nagumpisa ng lahat ng gulo na ’to
[Confirmed na po ma’am, nahuli na namin ang isa sa limang Vendetta.]
“Isecure niyo ng mabuti yan. Kumusta ang kalagayan ng dalawa?”
[Mejo malubha po ang sitwasyon ni Mr. Seraphin. Pero naisakay naman na agad namin siya para madala sa malapit na ospital. Magiging maayos rin po ang kalagayan niya.]
“Sige, balitaan mo nalang ako mamaya.”
[Sige po, Ma’am]
Pinatay ni Colonel Astrid ang linya habang di matanggal ang matipid na ngiti sa labi nito. Lumingon ito sa Heneral na kasama niya. “Narinig niyo yun, Sir?” Pakiramdam niya ngayon ay malapit na sila sa tagumpay.
Ngisi namang sumingit si Celo na kasama nila habang naninigarilyo. “May apat pa, wag na muna tayong magsaya.”
Tahimik lang na nakikinig si Heneral Tresler habang nakatingin sa unahan nila.
Tama, malayo pa sa malapit ang tagumpay na inaasam nila ngayon.
May apat pa..
May apat pang halimaw ang kailangan nilang itumba para masiguro ang pagka panalo nila..
Sana sunod sunod na magagandang balita pa ang matanggap nila sa mga susunod na mangyayari.
“Ang galing talaga ni Sir Ish.” Masayang usal ni Maki habang tumatakbo sila ni Dante sa kanang parte ng Syudad.
“Baka isang pipitsuging Vendetta lang rin yung nakaharap nila.” Narinig kasi nila ang balita ng pagkapanalo nila Ish laban sa isang Vendetta.
“Walang pipitsugi sa Vendetta. Lahat sila malalakas.”
“Di na ako makapaghintay na makaharap ng isa sa mga yan.” Ngisi pang usal ni Dante habang binilisan lalo ang pagtakbo. Balita ng iilang sundalo ay nakakita sila ng isang Vendetta sa area na ’to.
Sa pagtakbo naman nila, dahan dahang huminto ang mga paa nila ng makita nila sa harap ang isang nakasuot ng puting kapute na naglalakad lang. Papunta ito sa direksyon nila.
Pero hindi sa taong yun natuon ang pansin nila kaya sila napahinto..
Biglang nanlaki ang mga mata ng magkapatid sa nakita nila.
Ano to…
“Hmm, bagong kalaban.” Usal ng babaeng nakasuot ng kapute. “Pero teka..ba’t parang pamilyar ang mga mukha niyong dalawa?” Tanong nito. Di makapagsalita ang dalawa. Sobrang gulat na gulat parin ang mga ito habang tinitignan ang hawak hawak ng babae.
“Parang nakita ko na kayo kanina..” Usal pa nito habang unti unting kumorba ang ngiti sa labi “Ahh, hindi. Kamukha lang pala.” Unti unti nitong tinaas ang bitbit nitong ulo para kumpirmahin ito. “Kamukha kayo nitong dala dala ko.” Ngising usal nito bago pinagulong ang ulong hawak nito papunta kila Maki.
Biglang lumalim ang paghinga ni Dante habang tinitignan ang itsura ng ulong nasa paanan niya.
“Papa..”
-To be continued…
(A/N: Drained na utak ko hayp yan hahaah. Anyways, tanong ko lang. Mejo halata ba sa mga update ko na nagmamadali na ako? hahahaha I mean masyado bang mabilis yung pangyayari? Hindi ba lame yung mga update? Gusto ko na talagang matapos to e kaya araw araw narin akong nakaharap sa pc at nagtatype ng update. Gusto ko sunod sunod na hanggang epilogue. Pinaka mahaba na ang Episode 60 nito guys so malapit na talaga tayo. So ayun, thank you sa mga patuloy parin na sumusubaybay sa story :) Bilib na ako sa patience niyo hahaha comment down your thoughts para naman malaman ko yung tumatakbo sa isip niyo hehe. Yun lang, see you sa next episode~ )
-MajorSin
Episode 56: Jill (Armada vs Vendetta -2ND BATTLE-)
Episode 56: Jill (Armada vs Vendetta -2ND BATTLE-)

3 Down (Patingin ng pic sa ibabaw nito) 4 Left
Wag madaliin ang pagbabasa~ Enjoy~
[3rd Person’s PoV]
“Ama mo pala ang isang yan.” Usal ni Jill ng marinig nito ang bulong ni Dante. “Kaya pala magkamukha.” Ngisi pang dugtong nito.
“A-anong ginawa mo…” Tulala lamang si Dante habang nakatingin sa ama niya. Dahan dahan siyang lumuhod at tsaka hinawakan ang pisngi nito. Nanginginig pa ang mga kamay niya dahil sa pagkabigla. Parang hindi kapani paniwala ang nakikita niya ngayon. Parang kanina lang ay nag uusap pa sila, nagtatalo, nagsagutan.
Tapos ganito nalang bigla ang makikita niya?
Pugot na ulo ng ama niya?
“Nakita ko kasi yung uniporme eh. Baka magustuhan ng doktor pag alam mo na… Pakibalik nalang sakin yung ulo pagtapos niyo dyang magluksa ah. Ipapakita ko pa yan sa doktor eh.” Parang nang aasar pa ang boses nito kaya mas lalong lumalim ang paghinga ni Dante.
“Hayop ka…” Kinuyom nito ang mga kamao at sobrang talim na tinignan si Jill “HAYOP KAA!” Susugod palang sana siya para patayin tong nasa harap niya nang may biglang pumigil sa balikat niya. Takha niyang tinignan ang pumigil rito, at nakita niya nalang ang tila dilat na dilat na mga mata ni Maki at ito mismo ang mabilis na sumugod kay Jill.
Pinakawala nito ang isang napaka ang malakas na suntok. Pero walang kahirap hirap lang yung nasangga ni Jill gamit ang dalawang pamaypay niya. Ngingisi pa sana ito pero agad dinura ni Maki ang karayom sa bibig niya at di yun napaghandaan ni Jill kaya mabilis itong dumaplis sa pisngi niya.
Agad namang sinipa ni Jill si Maki sa sikmura kaya tumilapon ito. Pero buti ay nandun si Dante sa likod para masalo niya ito sa pagkakatilapon.
“Kukulangin ang lakas niyong dalawa sa totoo lang.” Usal ni Jill at aabante pa sana para tapusin na agad ’tong dalawang nasa harap niya nang mapansin niyang may bumaon na palaso sa harap niya. Nakita niyang umiilaw ito kaya alam niyang sasabog yun. Tumalon si Jill paatras para sana iwasan ang pagsabog pero sa pag atras niya, may isa pa palang nilalang ang nasa likuran niya at sinipa siya nito pabalik.
Dahil dun ay napalapit siyang muli sa palaso at natamaan siya sa pagsabog at tumilapon.
Mejo nakaramdam si Jill ng kaonting pagkahilo sa pagkabagsak niya. Pero muli siyang tumayo para tignan ang buong paligid niya. Kumurba namang muli ang ngiti niya nang mapagtanto niyang pinapalibutan na pala siya. Dalawa sa harap niya, dalawa sa likod.
“May dalawa pa pala ang gustong sumali.” Wika nito.
“Kung mas marami ang huhuli, mas mapapadali ang trabaho. Ganun lang kami, tulungan.” Usal ng lalaki sa likuran niya. “Di kami katulad niyong mga halimaw na nagdedepende lang sa sariling lakas at hindi sa kasamahan.”
Napantig ang tenga ni Jill sa huling dinugtong nito. Nawala ang ngiti nito sa labi at sumeryoso ang mukha. “Wala kang alam..” Biglang sumagi sa isip ni Jill ang mga panahong mga bata palang silang lahat sa bahay ampunan. Panahong wala pang nakaturok na droga
Panahong masaya lang..
Nakatawa, nakangiti.
Ang pagkakaibigan nilang lahat bago sila napunta sa ganitong sitwasyon.
Bago sila naging halimaw.
“Wala kang alam kaya tumahimik ka nalang.” Usal nitong muli bago makita nila Dante ang unti unting pamumula ng mga mata nito.
“Bakit? Hindi ba totoo? Kung mali ang sinasabi ko, asan na ang mga kasama mo?” Habang nagsasalita si Sin, saglit itong tumingin kay Nica at mukhang may pinaplano ito. “Alam mo, kung nag iisip lang kayo ng tama? Madali niyo lang sanang maipapanalo to. Kung pinili niyo lang sana na magsama sama, wala sanang makakapigil sainyo. Pero anong ginawa niyo? Naghiwa hiwalay pa kayo. At tignan mo ang sitwasyon mo ngayon, napapalibutan kana at mukhang walang dadating para tulungan ka.”
“At tingin niyo matutumba niyo na ako ng kayo lang? Nagpapatawa ka ba?” Dahan dahang lumingon si Jill sa likuran niya para harapin si Sin na nakangisi lang.
“Kasali ba sa plano ng doktor niyo na paghiwa hiwalayin kayo? Mukhang hindi kayo mahal ng amo niyo.” Natatawa pang usal nito.
Pag
kumagat
to,
sabog
’to.
“Isa sa mga kasamahan niyong nag ngangalang Ermac.” Nanlaki ang mga mata ni Jill sa binanggit nitong pangalan. “Bibigyan nalang namin siya ng magandang libing para sayo.” Pagsisinungaling nito at dun na, tila napuno na si Jill sa mga putak nito kaya siya na mismo ang unang sinugod dito.
“Manahimik ka!”
Tinignan namang muli ni Sin si Nica at senyales na yun sa gagawin nila. Agad pinunterya ni Nica ang katawan ni Sin at tsaka ito pinakawala. Nang makalapit naman si Jill ay mabilis nitong binwelo ang hawak niyang pamaypay at pupunteryahin sana ang leeg ni Sin. Pero dahil kakaiba at mabilis ang reflexes ni Sin, mabilis lang itong nakaikot para ilagan ito. At kasabay naman ng pag ikot na yun ay saktong nasalo niya ang palasong papalapit sakanya. Napractice na nila to dati pa sa training. Tapos siya na mismo ang bumaon ng palaso na yun sa balikat ni Jill bago ito umatras. “Arghh!”
“Bye.” Ngising usal pa nito bago tuluyang sumabog ang palaso na yun at napuruhan ng husto ang balikat ni Jill. Dahil sa tinamo, kay Nica naman matalas na tumingin si Jill at tsaka ito sinugod. Ni di man lang nito ininda ang nasunog na parte sa balikat nito.
“Lagot..” Bulong ni Nica dahil nakita niyang sobrang bilis nitong tumakbo papunta sakanya. Nakita niyang nagtaas ito ng kamay para sana ibwelo ang hawak niyang sandata pero nagulat si Jill nang may pumulupot na bandage sa wrist nito. Agad namang pinindot ni Nica ang pindutan sa pana niya at tsaka lumabas ang dalawang patalim sa magkabilang dulo ng pana niya. Winasiwas niya ito sa harapan para sana atakihin si Jill pero nakaatras ito at nailagan yun. Pero sa pag atras ulit nito, nakita niya ang may ari ng bandage na yun na papunta sa direksyon niya. “PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!” Sigaw nito habang hawak hawak ang isang dagger nito
Gamit naman ang bakanteng kamay ni Jill, naisangga niya ito sa atake ni Dante. Tapos ay tsaka niya ito sinukmura gamit ang tuhod. Napabulwak ng laway si Dante sa lakas ng pwersa nito. “Arrghh!” At tsaka sinundan ito ng tadyak kaya tumilapon ito.
Pero sa pagtilapon ni Dante, may isa pa ulit na sumugod kay Jill at tila napikon na ito sa sunod sunod na atake ng mga ito kaya hinigpitan niya ng husto ang hawak sa isang pamaypay at nagkataon na si Maki ang nasa harap nito.
“Nakakairita kayo.” Bulong nito at kitang kita niya ang suntok na pinakawala ni Maki,
at sa isang iglap lang…
Pati sila Nica at Sin ay di makapaniwala sa nasaksihan nila.
Nakita nalang nilang tumilapon ang putol nitong kamay dahil sa paghiwa ni Jill rito.
“MAKII!!!” Sigaw ni Dante nang makita rin ang sinapit ng kapatid niya.
Si Maki naman ay naiwang tulala habang pinagmamasdan ang kamay nitong putol na. Di pa agad niya naramdaman ang sakit dahil sa bilis ng pangyayari.
“Masyado kayong nadadala. Hindi niyo ako kaya!” Turan ni Jill bago binwelo ang isa pang pamaypay para atakihin ang katawan ni Maki.
Pero buti nalang ay mabilis na nakalapit si Sin rito at tinulak nito si Maki para di tamaan. At kapalit nun, sakanya tumama ang atakeng yun. Bumaon sa braso niya ang limang kutsilyong nakaukit sa pamaypay nito.
“SIN!!” Sigaw rin ni Nica.
Parehong natumba sila Sin at Maki. “ARGGGHHHHH!!” At dun lang naramdaman ni Maki ang sobrang sakit sa kamay niya. Napahawak at napadaing ito ng husto. Agad namang bumangon si Sin at di na ininda pa ang tinamong tama. “Bigyan niyo ako ng oras.” Usal nito kila Dante at Nica tapos ay mabilis niyang kinarga si Maki palayo sa labanan.
Susundan pa sana ni Jill ang mga ito para tapusin na ang buhay ng batang yun pero muling nakalapit si Dante sakanya habang pinapaikot na ang dalawang dagger nito gamit ang nakakabit na bandage “Ako ang harapin mo!” Sigaw nito bago pinakawala nag mga atake kay Jill. Sumali narin sa Eksena si Nica para mahirapan lalo ang kalaban
Habang si Sin naman ay dali daling inayos sa pagkakahiga si Maki bago hinubad ang damit. “Easy lang.” Sabi nito bago tinalian ang naputol nitong kamay para tumigil sa pag agos ang dugo. “Ayos lang yan.”
“Arrgggghhhhh ang kamay ko!” Di niya alam na ganun nalang kadali ang lahat. Sa lahat ng pagsasanay na ginawa niya sa loob ng dalawang linggo na yun. Sa ilang taon niyang pamamalagi sa Virgo, hindi niya akalain na ganito nalang kadali mapuputol ang isang kamay niya dahil lang sa isang atake. “Kaasar!” Nasabi nalang nito sa sobrang inis.
“Dito ka nalang muna. Kailangan ko silang tulungan dun.” Wika ni Sin pero agad kumontra si Maki.
“Gusto kong tumulong!”
“Alam ko, pero sa kalagayan mo ngayon, baka mas mapahamak pa yang sarili mo. Kaya na namin ang isang yun.” Sagot ni Sin pero nagtaka siya dahil hindi nakatingin sakanya ang kausap niya
Tinignan niya saglit ang tinitignan ni Maki at dun lang siya natigilan sa nakita niya.
“Pinatay niya si Papa.” Bigla itong naiyak habang tinitignan ang isang ulo na nakatingin sa ibang direksyon. “Gusto ko siyang ipaghiganti. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Masyadong brutal tong ginawa sakanya.” Napayuko si Sin sa mga sinabi nito. Nawalan na rin ’to ng magulang kaya naiintindihan niya ang nararamdaman nito ngayon.
“Sige.”
**
“Bakit parang galit na galit ka ata?” Normal lang na tanong ni Jill habang walang kahirap hirap na iniilagan ang mga atake ni Dante. Masyado itong mabagal para sakanya.
“Manahimik ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakanya!” Sigaw ni Dante habang patuloy lang sakanyang ginagawang pag atake.
Si Nica naman ay hirap mag asinta dahil masyadong malikot ang dalawa. Kampante lang kasi tong tumira pag si Sin yung nandun dahil alam niyang napapansin nun yung mga atake niya. Pero ewan dito kay Dante. Wala siyang tiwala.
Sa halip na tumunganga, ginamit nalang niya ang mga patalim sa pana niya para makipaglaban ng malapitan. Sumugod narin ito bitbit lang ang pana niya.
Umatake si Nica mula sa likuran ni Jill. Tahimik lamang itong tumakbo para di ito mahalata ng kalaban, pero masyadong matalas ang pakiramdam ni Jill kaya bago pa man siya makalapit, humarap na si Jill sakanya at sinalubong ang atake niya. Bumwelo si Jill para sana atakihin si Nica pero laking gulat niya nang may pumulupot na naman sa kamay nitong bandage para pigilan ang atake niya. Sinubukang gamitin ni Jill ang isa pa niyang kamay pero muli itong tinalian ni Dante kaya di nito magawang magamit ang dalawang kamay niya. “Ngayon na Nica!” Sigaw ni Dante. Ito na ang pagkakataon nila. Open na open na ang depensa nito kaya dali daling lumapit si Nica at binwelo ang Pana niyang may patalim.
Tatama na sana ang hawak nitong sandata pero mabilis paring nakakilos ang kalaban. Masyado itong mabilis mag isip. Gamit ang isang paa nito, inatake nito ang kamay ni Nica na may hawak na pana kaya napunta ito paibabaw at di tumama sa katawan ni Jill. “Anong..” Gamit naman ang bakante pa nitong paa, malakas niyang sinipa ang sikmura ni Nica kaya tumilapon ito pabalik sa dinaanan niya kanina.
“Paanong..” Tulalang usal ni Dante. At nakita nalang niya itong humarap muli sakanya at tsaka mahigpit na hinawakan ang dalawang bandage niya at tsaka nito malakas na hinila palapit dito. “Kanina pa ako naiirita dito sa laruan mo!” Seryosong ganti ni Jill at tsaka sinalubong ang papalapit na si Dante.
Naloko na.
Di agad nakabalanse si Dante dahil sa biglaang paghila ni Jill sa bandage niya kaya alam niyang di niya maiilagan ang atake nito sakanya. “Tang..”
Halos mawalan ng ulirat si Dante nang bumaon sa sikmura niya ang sampung matatalim na kutsilyo ng pamaypay ni Jill. Agad tumagas ang dugo rito pati sa bibig ni Dante. “ Kahit magtulong tulong pa kayong lahat..“ dahan dahan pa nitong binaon ang sandata sakanya kaya mas lalo siyang napadaing sa sakit. “Di niyo ako kaya dahil mga hamak na normal lamang kayo.”
“Kahit kailan hindi mangingibabaw ang lakas niyo sa mga tulad naming–” Napahinto sa pagsasalita si Jill nang maramdaman ulit niyang may aatake sa likuran niya. Mabilis niya iyong hinarap at nakatanggap na naman ng malakas na sipa si Nica sa mukha bago ulit ito tumalipon.
Muling humarap si Jill kay Dante para ituloy sana ang sasabihin niya nang bigla niyang maramdaman ang kaonting kirot sa tagiliran niya. Dahan dahan niya iyong tinignan, ang dagger ni Dante, nakabaon ito sa tagiliran niya.
“W-wag ka kasing lilingat.” Nakuha pa nitong ngumisi ng pilit sa kabila ng tinamo niyang mga saksak. Nanlisik bigla ang mga mata ni Jill sa ginawa nito kaya agad niyang hinila ang dalawang pamaypay niya sa katawan ni Dante at tsaka ito malakas na bumwelo ng sipa. “Hangal!” Sigaw nito bago pinakawala iyon sa sikmura ni Dante. Napabulwak lalo ito ng sariling dugo sa sobrang lakas ng atake na yun.
Tumilapong muli si Dante dahil don.
Hingal na hinawakan ni Jill ang tagiliran niya dahil sa tinamo. Iritang irita na siya sa mga eksektong ’to. Kailangan na niyang tapusin ang mga ito isa isa. Masyado ng napahaba ang pag aaliw niya.
“Di na ako natutuwa.” Bulong nito. At isang nakakaasar ang narinig niyang tawa sa gilid niya.
“Nakakaramdam ba kayo ng tuwa?” Tanong nito. Isa pa ’tong nakakairita sa sobrang daldal. Nakita niya si Sin na nakahalukipkip lang, pero bago mo siya malapitan, dadaan ka muna kay Maki na nakatayo sa unahan na parang poprotektahan niya si Sin sa gagawing pag atake nito.
“Nakakaramdam ba kayo?” Ulit nito kaya dito na binaling ni Jill ang atensyon niya.
“Ano bang alam mo sa pagkatao namin?” Seryoso namang tanong pabalik nito.
“Wala naman. Bukod sa utusan lang kayo ng isang taong tinuturing niyong diyos, wala na akong ibang alam pa.” Sagot naman nito. “Kaya tinatanong ko sayo kung nakakaramdam ba kayo ng tuwa?”
Tuwa…
Natigilan si JIll nang may kusang mga alaala ang sumagi sa utak niya.
Tuwa..
Kelan nga ba siya nakaramdam ng ganung pakiramdam.
Yung pagbalik ni Devi sakanila? Baka..
Pero yung totoong tuwa? Na mula sa puso. Kelan nga ba?
“Bakit ka umiiyak, Devi?” Tanong ni Jill na kakarating lang kasama si Morpheus.
“Eh, yung saranggola ko.” Hikbing sagot nito. Kaya napaangat ng tingin ang dalawa sa kaharap nilang puno. At dun, nakita nilang nakasabit nga sa mga sanga ang saranggola nito.
“Ba’t ba kasi dito ka naglalaro eh maraming puno dito sa likod.” Usal naman ni Eus. Mag isa lang kasi to dito na naglalaro. Yung ibang mga kasama nitong bata ay nandun sa harap, masayang naglalaro. Tapos ito, nagsosolo.
Ginulo nalang ni Eus ang buhok nito at tumawa “Wag ka ng umiyak jan, aakyatin yan ni Jill para makuha na yung saranggola mo.” Ngising usal nito habang nakatingin kay Jill na ngayon ay kunot na ang noo.
“Anong ako?!”
“Talaga?” Tumingin si Devi kay Jill ng isang tingin na kahit demonyo ay di makakatanggi dahil sa sobrang cute ng mukha nito.
“Matatanggihan mo ba yan?” Tawang tanong ni Eus. Habang si Jill eh todo pigil sa sarili na di madala.
Pero..
“Haaaays. Oo naaa.” Sa huli ay napapayag rin ito. Nakipag apir pa si Eus sa batang Devi dahil mission success kumbaga sila.
Tuluyan ng inakyat ni Jill ang punong yun.
Wala pang drogang naiturok, buhay pa lahat ng emosyon. Isa sa araw na hinding hindi nila malilimutan.
Lalong lalo na kay Jill.
Nakaakyat na ng tuluyan si Jill at mga sanga nalang ang gagapangin niya para tuluyan na niyang maabot yung saranggola.
“Malapit naa~” Nagpapalakpak pa si Devi sa baba sa sobrang excited.
“Yun!” Tagumpay na nakuha ni Jill yung saranggola pero sa kasamaang palad, biglang nabali ang sangang pinatungan niya “Aaahhhhhh!!” Bumagsak si Jill sa lupa na nauna ang pwet kaya napahawak ito ng mahigpit sa pwetan niya habang pagulong gulong “Araaaay” Halos maiyak pa ito sa sakit.
“Bat di moko sinalo, Eus!” Inis na sigaw nito habang hawak hawak parin pwet niya.
“Di mo nga ako sinalo nung nahulog ako e.” Mahinang sagot nito pero sapat na para marinig ni JIll.
“Ano?! Kelan ka ba nahulog ha? Wala akong natatandaan na nahulog ka!” Napailing nalang si Eus habang natatawa sa sinagot nito.
“Di mo talaga malalaman. Di mo pa alam e.” Bulong nito at sa pagkakataong yun ay di na yun nagawang marinig ni Jill
“Ano??”
“Wala! Ang engot engot mo kasi. Di nag iingat.” Tawang sagot nalang nito at tsaka lumapit kay Jill tapos ay binuhat siya nito na naka bridal. “O-oy! Kaya kong maglakad ano baa”
“Gusto mo ihulog ulit kita?”
Napanguso nalang si JIll sa sinabi nito. “Di :<”
“Yun naman pala e.” Karga karga lang ni Eus si Jill habang sa gilid naman ay si Devi na tuwang tuwa na dahil hawak na niya ulit yung saranggola niya.
Habang naglalakad sila, saglit na napatingin si Jill sa mukha ng nagbubuhat sakanya. At di niya alam pero bigla nalang uminit ang pisngi niya. Di naman kagwapuhan si Eus, pero ewan. Ewan ba’t ang lakas ng kabog ng dibdib niya ngayon.
Lalo na nung nahuli siya nitong nakatingin.
“Bakit?” Ngiting tanong nito.
“W-wala!” Sagot nalang nito at tsaka sumandal sa dibdib ni Eus.
Tuwa?
Tama..
Sa lalaking ’to..
Sa lalaking ’to lang niya nararamdaman ang totoong tuwa sa sarili niya..
“Tingin mo, pag natapos ko kayong lahat dito, ano ang mararamdman ko?” Tanong lang pabalik ni Jill sakanya bago binuklad ang pamaypay niya, senyales na handa na ulit siyang umatake.
“Tuwa?” Ngising sagot ni Sin. At dun, biglang sumugod ng mabilis si Jill para unahing tapusin ang hangal na ’to.
Pero bago pa niya mapuntahan si Sin, kailangan pa niyang pabagsakin si Maki.
Sinubukang pigilan ni Maki si Jill sa pamamagitan ng pagtapon ng mga karayom sa harapan nito pero lahat lang yun ay nahawi dahil sa gamit nitong pamaypay. “Tumabi ka jan!!” sigaw ni Jill bago binwelo ang hawak nito at pinunterya ang dibdib ni Maki.
“Maki mag iingat ka!” Napasigaw na rin si Sin sa likuran nito.
Isa nalang ang kamay niya kaya mahihirapan siyang ilagan ang atake ni Jill.
Nanlaki nalang ang mga mata ni Maki hanggang sa malakas na tumama ang dalawang pamaypay nito sa dibdib niya.
Agad yung binunot ni Jill kaya tuluyan ng natumba si Maki. Wala na siyang panahon rito, ni hindi na niya ito tinignan dahil nanlilisik lamang siyang nakatingin kay Sin.
Nilampasan niya lang ang katawan ni Maki at dahan dahan ng naglakad sa gawi ni Sin.
Pero sa paglalakad niya, biglang nahinto sa pag abante ang kanang paa niya.
Saglit na tinignan ni Jill ang likuran niya at takha nalang itong nakatingin kay Maki na tagumpay na maiturok yung karayom sa isa sa pressure point sa kanang paa niya para maparalisa ’to.
“A-anong ginawa mo?” Takhang tanong nito sa bata.
Tsaka ba’t nakabangon pa to matapos ng ginawa niya? Napatingin siya saglit sa dibdib ni Maki, wala itong dugong dumanak dun. Di niya ito napansin kanina dahil di na niya ito tinignan.
Gagamitin sana ni Jill ang isa niyang paa para sipain si Maki pero biglang may pumulupot na naman rito kaya napatingin rin siya sa kanan niya. Buhay pa pala ang isang ’to matapos ng ginawa niya.
“MGA HANGAL!!” Iritang sigaw nalang ni Jill tsaka itinaas ang pamaypay niya para putulin sana ang bandage na nakatali sa isang paa niya. Pero bago pa man niya ito maipakawala, tagumpay na naitusok ni Maki ang karayom niya sa batok nito–na naging dahilan para maparalisa ang buong katawan nito sa pagkilos.
Tuluyan na itong nahulog sa bitag
“Magaling ang ginawa mo, Maki.” Puri ni Sin tsaka ito naglakad at sya na mismo ang lalapit ka Jill.
Agad namang kinuha ni Maki ang isang malapad na kahoy na itinago niya sa loob ng damit para sa mga pwedeng mangyari. Di nga nagkamali si Sin sa plano niya.
“Tinanong mo ko kanina kung anong mararamdman mo kung sakaling matapos mo kaming apat rito, at sinagot ko ay tuwa. Pero tingin ko mali eh.” Umpisa na naman ni Sin na parang pinipikon talaga nito ang utak ng kalaban. “Alam mo kung ano? Pagkabagot. Isang matinding kabagutan sa buhay. Alam mo kung bakit? Dahil kahit maubos mo man kaming lahat ngayon dito, hindi na ’to magiging bago sayo.”
“Pumaslang lang naman ang alam niyong gawin, hindi ba? Kaya asahan mong isang nakakawalang ganang pakiramdam lang ang mararamdman mo pag tinapos mo kami dito. O maski masakop niyo ’tong bayan? Ganun parin.”
Hindi mo kami naiintindihan…
Gusto sumigaw ni Jill pero pati ang buong mukha niya ay paralisado na din.
“Pero kami? Pag napatay ka namin dito? Isang napaka laking papuri ang matatanggap namin o pagmamahal para sa mga sibilyang naligtas namin. Masarap sa pakiramdam yun.” Lumapad ang ngisi ni Sin dahil kahit di nito makita ang expresyon ni Jill dahil sa pamamanhid nito, alam niyang punong puno na ’to sa mga sinasabi niya.
“Naiinggit ka ba? Sabihin mo. Naiinggit ka ba dahil di ka makaramdam ng ganun?”
Napansin ni Maki ang kaonting pag galaw ng kamay ni Jill kaya bigla itong napasigaw “UMATRAS KAYO!!”
Bakas naman sa tatlo ang pagkagulat nang makita nilang naigalaw ni Jill ng tuluyan ang mga kamay niya. Nalabanan niya ang epekto ng technique ni Maki. “ARRGGHHH!!” Mabilis na pinutol ni Jill ang nakatali sa binti niya at tsaka agad tumakbo mismo papalapit kay Sin “WALA KANG ALAAAM!!” Sobrang pula na ng mga mata nito dahil sa sobrang galit sa mga naririnig niya kanina pa.
Pero mula sa gulat na expresyon, biglang ngumisi si Sin. “Huli ka..” kumanan ito ng direksyon at laking gulat nalang ni Jill sa babaeng sumulpot sa likuran nito na nakabwelo na. Sobrang seryoso ng mukha nito.
Susubukan sana niyang huminto sa pagtakbo pero masyadong mabilis ang pag atake ni Nica at hindi niya yun napaghandaan. Isang malaking hiwa ang nagawa ni Nica sa gilid ng leeg ni Jill “arrrkkkk!!!” Agad tumagas ang dugo rito sa laki ng hiwa.
Pero di pa dun natatapos. Umikot pa ng isang beses si Nica at sa baba naman ito umatake. Muli, isang malaking hiwa ang natamo ni Jill sa sikmura. “Arrrrkkk!!”
Aatake pa sana ulit si Nica para tapusin na ’tong Vendettang kanina pa nila pinagtutulungang mapatumba pero nakagawa parin ito ng bwelo gamit ang mga paa nito kaya sa pangatlong beses, tumilapon na naman si Nica “Nica!!”
Susubukan pa sanang sumagap ng kahit kaonting hangin si Jill dahil sa tinamong sugat pero mukhang di na siya bibigyan pa ng tsansang makabawi ng mga kalaban niya.
Biglang pumulupot sa leeg nya ang isang bandage at sa pagkakataong ito, siya naman ngayon ang hinila ni Dante palapit rito
Walang kaawa awang nahila si Jill. Wala na itong lakas na pigilan ito dahil sa laki ng mga sugat niya.
Sinalubong naman agad siya ni Dante na hawak hawak na ang dagger sa bakanteng kamay nito. At
………….
…………………..
……………………………
Isang nakakabingig katahimikan ang bumalot pagkatapos nun..
Tulala lamang si Jill habang nakasandal ang baba sa balikat ni Dante. Nanlalabo na ang mga mata nito. Sobra itong naghahabol ng hininga.
Isang patalim na naman ang bumaon sa sikmura niya. Kanina pa punong puno ng tama ang sikmura niya. At sa pagkakataong ito, mukha hindi na ito makayanan ng katawan niya. “Para to sakanya.” Bulong ni Dante pero punong puno ng galit ang boses nito. Madiin niyang sinaksak ng buo ang dagger niya sa sikmura ni Jill kaya tuluyan na itong napabulwak ng dugo.
Eus…
Tuluyan ng nabitawan ni Jill ang sandata niya.
Hindi pwede..
Hangga’t di ko pa ulit nararamdaman ang tuwa na pakiramdam na yun, hindi ako pwedeng masawi..
Hindi pwede..
Eus..
Sinubukan niyang itaas ang kamay niya gamit ang natitira niyang lakas para sana sakalin si Dante pero..
Dahan dahan nalang bumagsak ang katawan ni Jill
Hindi na niya kaya.
Agaran namang lumapit ang tatlong kasama ni Dante para palibutan ang isang Vendettang tagumpay nilang natalo.
Nakita lang nila itong nakadilat ang mga mata at tila ano mang oras ay malalagutan na ito ng hininga..
“Ganito ang pinili niyong landas, dapat niyo lang pagbayaran lahat ng mga taong pinaslang niyo buong buhay niyo.” Usal ni Sin. Mejo nakaramdam ito ng kaonting awa habang tinitignan ang kalagayan ni Jill pero nababagay lang sakanya ang sinapit niya.
Nakatingin lang si Jill sa maasul na kalangitan habang isa isang bumabalik sa isipan niya lahat ng mga masasayang araw niya kasama ang mga kaibigan niya, lalo na ang pinaka mamahal niya..
Totoo ngang sa oras na mamamatay kana, may mga kung anong alaala ang biglang papasok sa utak mo. Mga alaalang magpaparamdam sayo ng sobrang pagsisisi.
“E..eu..” Hingal na bulong nito at kusa nalang tumulo ang isang butil ng luha sa kaliwang mata nito.
Patawad…
Hinang hina na kinuha ni Jill ang nasa bulsa nitong parang stick na may pindutan.
“M-mamamatay tayong lahat rito..” Kaysa matalo ng ganito, mas gugustuhin niyang mandamay nalang para kahit papano, patas ang magiging resulta. Ayaw na ayaw pa naman ni Eus ng mga mahihina.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ng apat sa narinig nila.
Hindi..
Masyado ng huli kung tatakbo pa sila.
Pipindutin na sana ni Jill ang pindutan nito nang may isang nilalang nalang ang mabilis na sumulpot sa harapan ni Jill at tska mahinahong hinawakan ang kamay nitong may hawak na detonator. Marahan nitong kinuha ang bagay na yun at tsaka dinurog.
Mabilis naman nitong kinarga si Jill at tumingin saglit sa gawi nila Dante bago umatras at tumakbo palayo sakanila.
“Isa pang Vendetta!” Sigaw ni Dante nang makabawi ito sa pagkabigla.
Pero sa kanilang apat, si Veronica ang pinaka nagulat.
Biglang pumasok sa utak niya ang mga panahon nung nakikita niya pa ito dati kasama ang ibang Virgo. Sobrang kwela lang ng mukha nito at napaka inosente. Laging nakangisi na parang walang problema sa buhay.
Pero ano yung nakita niya? Nakakatakot na ang mga titig nito. Muntik na niya itong hindi makilala dahil tila nagbago na ang lahat sakanya. “Benz..” Nabulong nalang nito.
“Pero niligtas niya tayo sa gagawin sana ng kasamahan niya.” Nasabi nalang ni Sin
Maya maya naman ay may iba pang Armada ang sumulpot pero di na sila nito nagawang hintuan pa. “Kami na ang bahala dun.” Usal ni Vincent habang mabilis na tumatakbo kasama ang partner nitong si Giovanni
Hinang hina na binukas ni Jill ang mga mata niya at tinignan ang lalaking kumakarga sakanya.
“E-eus?”
“Jill.” Tumingin ito sakanya na punong puno ng pag alala ang mukha. “Anong ginawa nila sayo?” Dun lang niya napagtanto kung sino ito.
Nang tuluyan silang makalayo, saglit munang pinasandal ni Devi si Jill
Napayuko nalang siya nang makita ng buo ang sinapit ni Jill sa mga yun.
Ayaw na ayaw niya ang Vendetta. Kinamumuhian niya ang grupong ’to kahit kasali siya rito.
Pero di kasali si Jill doon. Simula palang noong una, si Jill lang ang kaya nitong lapitan. Nung panahong wala pang droga hanggang sa puntong ’to, si Jill lang ang kumakausap sakanya sa tuwing nag iisa siya. Sa lahat ng kasama niya, si Jill lang ang nag iisang maituturing niyang importante sakanya.
Napasuntok nalang si Devi sa lupa sa sobrang inis.
“Ano ’to?” Napaangat ng tingin si Devi nang makarinig ito ng boses ni Eus. Nakita nila itong nasa harap nila habang naka pamulsa at nakatingin sa sitwasyon ni Jill–ng kasintahan niya.
Lumapit si Eus sa gawi ni Jill at tinignan ito.
Kahit hina hina, pinilit ni Jill na imulat ang mga mata niya dahil sa boses na narinig niya.
Dumating siya
“E-ee..” Tanging sambit lang ni Jill. Tumingin lang ito sa mga mata niya na sobrang patay ng emosyon.
“Ang hina mo para matalo sa mga katulad nila.” Imbes na pagluluksa, iyon pa ang lumabas sa bibig ni Eus. Tuluyan nalang tumulo ang mga luha ni Jill sa sinabi nito. Di na talaga niya mahanap ang dating Morpheus na minahal niya sa katauhan nito ngayon.
Ang mga ngiti nito, ang pag aalala nito sakanya sa tuwing napapahamak siya, lahat ng yun ay wala na. Nilamon na ng droga.
Tumalikod si Eus na parang wala lang at maglalakad na sana pero may isang kamay ang humawak sa binti niya.
Mahina lang yun, hindi kayang pigilan ang paglalakad niya sa mahinang paghawak nito. Pero kusang tumigil ang katawan ni Eus
“E-eus..” Bulong nitong muli. Parang gusto nito na manatili pa kahit hanggang sa huling hininga man lang nito.
“Ganyan nalang ba talaga ang pananaw mo sa mga kasama mo? Wala ka ba talagang pakealam?” Pati si Devi ay di narin nakapag pigil sa inaasta ni Eus. Napaka demonyo talaga ng nilalang na ’to. “Kahit kay Jill nalang na minahal mo noon? Wala ka na bang pakialam sa lahat, Eus?”
Ang dating masasayang pagsasama ng tatlo nung mga panahong wala pang droga ay heto nalang ang sitwasyon ngayon. Sobrang gulo na.
Maya maya pa ay bigla nalang nila itong narinig na tumawa “Ano bang klaseng tanong yan? Kelan pa ba ako nagkaron ng pake sainyong lahat?”
“Halimaw ka talaga.”
“Tayo. Lahat tayo halimaw, Devi.” Umabante na si Eus pagtapos nun kaya tuluyan ng nabitawan ni Jill ang binti nito. “Iwan mo na yan, di na mapapa kinabangan yan.” Huling sabi pa nito bago tuluyang naglakad palayo.
“Jill, lumaban ka.” Pagpapalakas nalang ng loob ni Devi kahit alam niyang imposible nang makaligtas pa ito sa tinamo niyang mga sugat. Ang dami ng dugong nawala sa katawan niya.
Sa huling pagkakataon, hindi man lang naramdaman ni Jill ang tuwa na hinahanap niya. Di na yun kayang ibigay ng taong madalas nagpaparamdam sakanya nito noon.
“W-wag kang aalis sa Vendetta…D-Devi..” Mahinang bulong nalang nito.
“O-oo. Oo Jill. Kaya lumaban ka. Kayanin mo yung sakit. Idadala kita sa doctor.” Tatayo pa sana si Devi para kargahin ulit si Jill pero pinigilan na siya nito mismo.
“I-ipangako mo…”
Kahit nagdadalawang isip man ay wala na siyang ibang nasagot para maging payapa ito “Pangako, Jill. Pangako.”
Ngumiti ng sobrang tamlay sakanya kaya napakagat nalang muli sa labi si Devi.
Unti unti ng sumasara ang mga mata nito
At kasabay ng pagsara ng mga mata niya, ay siya namang pagbitaw at pagsuko sa mga alaalang pilit niyang inuulit kahit sobrang labo na..
Sa huli, sa kabila ng mga narinig niyang salita sa taong mahal niya, hindi ito nakaramdam ng kahit na katiting na pagsisisi.
Mahal na mahal niya parin ang taong yun. Bali baliktarin man siya ng panahon, hinding hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Eus.
Napayuko nalang si Devi nang makita niya ang pagpikit nito.
Di na niya alam kung saan na siya papanig ngayon matapos ng nangyari sa taong importante sakanya..
“Di ko alam na marunong pala kayong magluksa.” Isang boses ang narinig ni Devi sa likuran niya kaya seryoso nitong inangat ang tingin niya.
“Masakit ba mawalan?”
Dahan dahan itong tumayo at bigla nalang bumigat ang presensya sa buong paligid. At napansin nilang dalawa yun.
Humarap ito sakanila bitbit ang sobrang pulang mata. Nakatakip parin ang isa nitong mata pero di parin sapat yun para di sila masindak sa mga titig nito.
“Bigyan mo kami ng magandang laban, Devi.” Usal ni Vincent habang hinahanda na ang sandata niya. Ganun rin si Giovanni.
Dahan dahan namang binunot ni Devi ang samurai niya “Pagsisisihan niyo yang hiling niyo mamaya.”
Habang naglalakad naman si Eus, tuloy parin sa pagtulo ang dugo sa dalawang kamao niya. Sa sobrang pagkakakuyom nito, bumabaon na ang mga kuko niya sa palad niya kaya nagdudugo na ito.
Sa pinaka dulong parte naman sa bayan ng Orquieta, may campo ng mga sundalo doon na nagbabantay para sa mga lalabas at papasok sa bayan.
Tahimik lamang silang nagbabantay nang may mapansin sila sa labas na dalawang tao na naglalakad papunta sa gate.
Bago pa man ito makapasok ay pinatigil na agad sila ng sundalo para icheck ang mga ito.
“Anong ginagawa niyo dito? Delikado para sainyo ang lugar na ’to.”
“Nandito kami para tumulong sa digmaan.” Sagot lang nung isa. Napatingin naman saglit ang sundalo sa itsura ng dalawa.
“Sandali lang ah.” Sabi nito at taaka kinontak si Heneral Simeon.
“Hello Sir? Ahh, itatanong ko lang sana kung may pinadala kayo para tumulong sa digmaan?”
[Wala. Pero sino ba yan? Ano itsura?]
Saglit tinignan ng sundalo ang itsura nung isa bago sumagot “Tingin ko mga bata pa to eh. Isang babae at lalaki. Mahaba ang buhok nung lalaki at nakatali.”
[Anong pangalan nung batang lalaki?]
Tanong ni Simeon kaya nagtanong saglit ang sundalo sakanila
“Ahh, anong pangalan mo bata?”
“Virgel..Virgel Acosta.” Seryosong sagot nito.
-To be continued..
Konting push pa hahhaha. October 5, I’ll try to publish the next chapter. Thank you :)
-MajorSin
Episode 57: Devi (Armada vs Vendetta -3RD BATTLE-)
Episode 57: Devi (Armada vs Vendetta -3RD BATTLE-)
Son Hak
of Akatsuki
no Yona as
Giovanni Belicoff
So habang tinatype ko itong episode na ’to, tsaka ko lang napagtanto kung gano ko na kamiss yung dating Benz. Yung pag laging popout niya, panunood ng tom and jerry, pagka adik sa cheese at mga kaabnormalan na alam niya sa buhay. Nakakamiss yung dati. Kayo rin ba namimiss siya?
Wag madiliin pagbabasa. Enjoy~
[3rd Person’s PoV]
“Ba’t mo pinapasok, Sir?” Tanong ng isang sundalo.
“Yun ang utos ng Heneral.” Sagot lang nito habang tinitignan nila sila Virgel at Ginger na naglalakad palayo. “May kakaiba ba kayong naramdaman nung kaharap natin yung batang lalaki kanina?” Tanong nito sa mga kasama.
“Wala sir. Bakit? Ano bang meron?”
“W-wala.” Sagot lang nito habang napapalunok ng sariling laway. Ewan pero nung binanggit nung bata ang pangalan niya kanina parang bigla nalang bumigat ang pakiramdam niya. Lalo na nung tignan niya ang mga mata nito. Buti ay nasa loob ngayon ng bulsa ang dalawang kamay niya at hindi nahahalata ng mga kasama niya rito ang panginginig nito.
Ang
batang
yun…
“Teka, mukhang may isa pang papasok. Icheck niyo dali.” Usal ng isang watcher nang makita ang isang babae na papalapit sa gate nila.
Nasalampak sa pader si Giovanni nang tumilapon ito mula sa pagkakasipa ni Devi sakanya. Hindi nila akalain na ganito kabilis kumilos ang isang Vendetta.
“Wag kang malikot!” Sigaw ni Vincent at tsaka pinakawala ang mga sinulid niya. Pero di ito makalapit kay Devi dahil sobrang bibilis ng kilos nito. Bago pa man pumulupot ang mga sinulid niya ay nahihiwa na yun ni Devi gamit ang samurai nito.
“Kaasar!” Halos ilang minuto na mula nung mag umpisa ang laban nila pero di man lang sila makagawa kahit daplis sa Vendettang ’to.
Nakita nila itong naglalakad ng dahan dahan sa gawi nila kaya nag usap muna ang dalawa. “Anong gagawin natin, Van?” Tanong ni Vincent.
“Sa likod ka lang. Makikipag sabayan ako sakanya. Sumuporta ka lang pag kailangan.” Seryosong sagot ni Giovanni habang dahan dahan na ring naglalakad palapit kay Devi. “Nahihibang kana ba?! Hindi mo yan kaya!”
“Talaga?” Malamig na ganti nito kaya napahinto nalang si Vincent sa pagdadada. Ngayon lang niya itong nakitang ganito.
Habang tinitignan naman ni Devi ang papalapit na si Van ay mejo nagulat siya nang bigla itong nawala sa harapan niya. Tska lang niya ito napansin nung sobrang lapit na nito sa likuran niya. “Saan ka nakatingin?” Tanong pa nito bago malakas na inatake ang spada niya.
Pero di na nag abala pa si Devi na humarap, itinaas lang nito ang samurai niya at tsaka sinangga ang atake na yun. Gigil na gigil namang tinutulak ni Van ang spada niya gamit ang dalawang kamay para tumama ito sa katawan ni Devi, pero kalmado lang itong pinipigilan ng kalaban gamit ang isang kamay lang.
Tumingin ito ng bahagya kay Van kaya kitang kita niya ang nanlilisik nitong mata bago malakas na binwelo ang siko nito at sinukmura siya. “Arkkk!” Umikot si Devi at humarap kay Van para sana atakihin ito gamit ang samurai niya pero may mga sinulid ang pumulupot rito kaya di niya iyon magawang igalaw. Napatingin siya dito saglit kaya nawala sa paningin niya si Van. Pagtingin niyang muli rito, nakabwelo na naman ito ng atake sa harapan niya.
Sinubukang umatras ni Devi pero masyadong mabilis ang hampas na yun. Nahiwa nito ang pisngi niya bago pa man siya nakaatras.
Napahinto sa pag atake ang dalawa at tinitignan lang ngayon ang kalaban na pinagitnaan nila na parang daga na natrap sa dalawang pusa.
“Ikaw pala ang sinasabi ni Maki na kasapi sa Virgo dati na ngayon ay myembro na ng Vendetta.” Nanlaki ang mata ni Devi nung marinig niya ang pamilyang yun. Virgo
“Mukhang tuluyan kana ngang naging isa sakanila.” Dugtong ni Vincent.
“Wala ka bang planong bumalik sa Virgo…Benjamin Delgado?” Sa sinabi ni Giovanni ay mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Biglang pumasok lahat sa utak niya ang mga mahal niyang kasamahan sa pamilyang yun. Pati ang pinaka mamahal niyang babae. Isa isa nagsibalik lahat ng yun kaya natulala siya ng ilang segundo.
Agad naman kinuha ni Van ang pagkakataon na yun para umatake muli. “Tinatanong kita!” Tsaka lang ulit nabalik sa wisyo si Devi nung sobrang lapit na nito sakanya. Di na niya nagawang ilagan yun kaya mabilis na nahiwa ang katawan niya. “Arkk!” Sinamahan pa ito ni Van ng isang tuhod sa sikmura kaya napabulwak siya ng laway “Mahina.” Nung mapayuko ito, agad tinaas ni Van ang dalawang kamay niya at tsaka hinampas ang batok nito ng puluan ng spada niya.
Tuluyang natumba si Devi dahil sa mga atake na yun. Pero wala planong magpahinga sila Vincent. Ginamit niya ang sinulid niya para ipulupot sa paa ni Devi. “Tumayo ka jan!!” Mabilis niya iyong hinila at tsaka malakas na binalibag ang katawan ni Devi at hinampas sa isang pader. Sa lakas nito ay nabasag pa talaga ang pader na yun dahil sa impact.
Bumagsak ulit ang katawan ni Devi dahil dun. “Tss! Ano ba ang sinabi ko kanina?!” Lumapit si Vincent at tsaka hinila si Devi pataas at tsaka ito kinwelyuhan “Diba sabi ko bigyan mo kami ng magandang laban?!” Inis na sambit nito. Pero isang walang kabuhay buhay lang ang natanggap niya kay Devi–dahilan para mas mag init lalo ang ulo niya.
**
“Nako, mukhang dehado ang bata mo sa mga alaga ni Saquin, Doktor.” Tawang komento ni Ibarra. Nanunood lamang ang tatlo sa isang CCTV kung saan naka focus ang labanan ni Devi at ng dalawang alaga ni Gideon.
“Siya ba ang pinaka mahina mong alaga?” Tanong pa ni Ibarra dahil base sa nakikita niya, bugbog sarado lang ito kela Van.
Napangisi naman ng bahagya ang doktor sa narinig niyang tanong. “Pinaka mahina ba kamo?” Naisip nito ang isang matang binigay niya kay Devi sa operasyon dati. “Wala kang kaalam alam, Heneral.” Sagot lang nito bago tumayo. May nakalimutan pa pala itong icheck sa loob ng lab niya. Muntik ng mawala sa utak niya ang nilalang na magpapabago ng pananaw ng bansa sakanya.
“Saan ka pupunta, Doktor?” Tanong ni Ibarra.
“Sa lab. May titignan lang ako.”
“Pwede na ba?” Nahinto sa paglalakad si Manuel sa tinanong sakanya. Ang nag iisang kasunduan nila ng Heneral na ’to.
“Syempre. Ang pangako ay pangako, Heneral. Sumama ka sakin.”
Tahimik lang na tinitignan ni Baron ang dalawa na naglalakad palabas ng silid na ’to.
“Anong pangako kaya ang tinutukoy ng Doktor na yun? Isa kaya yun sa dahilan kaya napapayag niya ang Heneral na ’to na sumapi sakanya?” Natanong nalang ni Baron sa isip niya.
Puno na ng bugbog ang mukha ni Devi dahil sa mga suntok na tinatamo niya mula kay Vincent. Kasalukuyang sinasakyan ngayon ang katawan niya habang pinagsusuntok ang mukha niya. Ni hindi man lang siya gumaganti sakanila. “Ayaw mo talagang lumaban?!” Sigaw nito habang walang humpay na sinusuntok ang mukha ni Devi.
“Pagbayayaran niyo ang ginawa niyo kay Boss!” Kaya ganito nalang kagalit si Vincent sa kaharap niya ngayon ay dahil di parin nito matanggap ang pagkamatay ni Gideon dahil sa pagsabog. “Unti unti kitang papatayin sa sakit!” Usal nito tsaka mas lalo pang nilakasan ang mga suntok niya. “ARRGGHHHH!!” Isang suntok pa sana ipapakawala niya nang may pumigil rito.
“Wag kang makialam rito, Van!” Sigaw nito sa kasama niya. Pero sa halip na makinig, hinila lang siya nito paalis sa pagkakaupo at tsaka ito pumalit.
Ngayon ay nakatayo naman si Van sa nakahigang katawan ni Devi. Pinwesto nito ang patalim ng hawak niyang spada sa tagiliran nito.
“Patayin niyo nalang ako.” Mahinang sambit lang ni Devi sakanila. Parang nawalan na ito ng gana sa lahat. Wala na ang taong pinahalagahan niya sa grupong ’to, at nung narinig niya ang Virgo kanina, napaisip ito kung kaya pa ba siyang tanggapin ng grupong yun matapos ng ginawa niya.
Kung sakaling matapos man ’tong digmaan at mabubuhay siya, di na rin niya alam kung saan siya pupulutin.
Kaya mas mabuti ng wakasan nalang rin ang buhay niya para matigil na ang sakit. Para matigil na ang pagkalito.
“Masunurin akong tao, Devi.” Mahinang ganti lang ni Van habang dahan dahang binabaon ang spada nito sa tagiliran nito. “Yun ang tinuro sakin ni Boss. Ang maging masunurin.” Napangiti ng sobrang pait si Van dahil kung sino man ang pinaka nasaktan sa pagkawala ni Gideon, siya yun. Siya ang pinaka tapat na alagad ni Gideon sa kanilang lahat. At sobrang sakit lang para sakanya na ganun lang kadali mawawala ang Boss niya.
“Kaya ngayon, pagbibigyan kita sa gusto mo. Alang alang kay Boss.” Ramdam na niya ang laman sa loob ng sikmura ni Devi nung marahan na bumabaon ang spada niya sa loob.
“Arkkk.”
Handa ng isuko ni Devi ang sarili niya at pipikit na sana para tuluyan ng magpahinga nang bigla nalang kumabog ng sobrang lakas ang puso niya.
Napadilat ng mata si Devi dahil sa pakiramdan na yun..
Hindi…
Ikaw…
Katulad ni Virgel, hindi pa niya nakokontrol ng husto ang isang katauhan niya..
At kung minamalas ka nga naman, mukhang di nito hahayaang matapos ng ganun lang ang katawang pinamumugaran nito
Habang titig na titig lang si Van sa spadang dahan dahan niyang binabaon, napansin ni Vincent ang kamay ni Devi na gumalaw ng bahagya at tsaka inabot ang samurai nitong nasa gilid nito.
“VAN!” Agad niyang ginamit ang sinulid niya at pinuluputan si Van para hilahin paatras. At wala pang segundo, nakita nila ang pagwasiwas ni Devi sa samurai nito.
Kung di pa agad nahila ni Vincent ang kasamahan niya ay baka pugot na ang ulo nito ngayon sa bilis ng hampas nito.
“Anong nagyayari?” Tila ang kaninang wala ng lakas na kalaban ay dahan dahang bumangon. At nanlamig nalang ang buong katawan nila ng bigyan sila nito ng isang nakakakilabot na ngisi.
“Ano ’yan?” Nasambit nalang ni Van.
“Alisto!” Naghiwalay ang dalawa ng posisyon para lituhin ang kalaban. Nakita nila itong tumayo habang nakangisi at tila ibang katauhan na ang kaharap nila ngayon. Para itong wala sa sarili tignan. Sobrang pula ng mata nito at doble ang bigat sa pwersa ang nararamdaman nila ngayon sa paligid.
Tila ang Benz na nawala sa sariling katinuan nung nasa Elfame ay nabuhay na naman.
Pero di nagpadala sa sindak si Van. Muli itong umatake sa harap ni Devi gamit ang spada niya. Winasiwas niya ito ng mabilis pero lahat ng yun ngisi lang na naiilagan ni Devi. “ARRGGHHHH!!” Isang malakas na atake ang pinakawala niya pero bigla nalang itong nawala sa harap niya.
Napansin naman ni Vincent na nanunood sa gilid ang paglipat ni Devi sa likuran ni Van. “Sa likod mo!” Sigaw niya kaya humarap si Van sa likod nito, pero sa pagharap nito, bigla na naman itong nawala. At di narin mahagilap ni Vincent kung saan ito pumunta.
Tumingin naman si Van sa gawi ni Vincent at nanlaki ang mga mata niya “Sa likod mo Vincent!” Gulat na humarap si Vincent sa likuran niya. Pagtingin niya, nakabwelo na ito ng malakas na suntok habang ngising nakatingin sakanya. Gamit ang dalawa niyang kamay, ikinover niya iyon sa mukha niya na naka cross para sa depensa.
Isang malakas na impact ang tumama sa kamay niya na naging dahilan ng pagkabasag ng isang bracelet niya bago siya tumilapon ng sobrang layo. “Vincent!”
Sinundan saglit ng tingin ni Van ang pagkakatilapon ni Vincent. Tapos ay ibinaling niya muli ang tingin kay Devi. Pero pagtingin niya dito, halos di siya makagalaw nang makitang sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya habang nakangisi.
Di na kinaya ng katawan niya yung sindak. Nangatal ang kamay niyang may hawak ng spada na umatake. Hindi ito makagalaw dahil sa mga titig nito.
“Arrrk!!” Isang sakal ang nagpabalik sa wisyo niya. Sobrang higpit nito habang tinataas ang katawan niya. “H-halimaw kaa.” Nasabi nalang ni Van. Pilit nitong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkaka sakal ni Devi sakanya. Ilang segundo nalang ay tila malalagutan na ata siya ng hininga.
Nabitawan na rin niya ang spada niya dahil sa panghihina.
Halos tumirik na ang mga mata niya sa sobrang higpit. “aarrrrkk…” Nagpupumiglas na ang mga paa nitong nakalutang lang.
Di ako makahinga…
T-tulong…
**
“Bugbugin niyo pa dali!” Halos isang dosenang kabataan ang kasalukuyang pumapalibot sa nakahigang si Giovanni habang walang tigil na pinag sisipa at pinag susuntok. Halos di na makahinga si Van sa mga tinatamo niya.
“T-tulong..” Nabulong nalang nito. Pakiramdam niya dito pa ata siya mamamatay.
Hanggang sa..
“Ano yan? Tumigil kayo.” Isang boses mama ang narinig ni Van at kalaunay huminto ang mga tadyak at sipa ng mga nakapalibot sakanya. “Ba’t niyo pinagtutulungan yan?”
“Eh kasi po ninakaw niya yung pagkain namin. Pinaghirapan namin yung maipon sa pamamalimos para makabili ng pagkain pero ninakaw niya lang po. Tapos ayaw pa ibigay.” Paliwanag nung pinaka matanda sakanila.
“Magkano ba yun?”
“100 pesos po yun lahat.”
Dumukot naman ng isang libo ang matandang yun at ibinigay sa mga bata. “Ibili niyo yan lahat ng pagkain.” Agad namang nakaramdam ng tuwa ang mga bata sa nakita nilang malaking pera.
“Maraming salamat po!” Pasalamat ng iilan bago isa isang umalis.
Nang maramdaman ni Van na wala na ang mga batang ’yun, dahan dahan siyang bumangon sa kabila ng napakasakit na katawan. Nasa loob lang ng damit niya ang pagkaing ninakaw niya sa mga ito.
Nang makabangon ay agad niyang nilabas ang pagkaing yun at tsaka inumpisahang kainin.
“Anong pangalan mo?” Nandito pa pala ang matandang tumulong sakanya. Di siya sumagot sa tanong nito. Tuloy lang siya sa pagkain kahit bugbog sarado na ang katawan niya. Dalawang araw na siyang hindi kumakain kaya gumawa na siya ng paraan dito.
“Ilang minuto ka nilang pinagtutulungan kanina?” Tanong ulit ng matanda.
“Sampong minuto.” Tipid na sagot nito.
“Matibay ka bata. Kahit hirap na hirap kana kanina di mo parin binigay ang pagkaing kinuha mo.” Rinig niyang sambit nito . “Gusto ko ng mga ganyang ugali. Matapang.” Sa kabila ng maling ginawa niya, nakuha niya parin ang papuri nito. At ito ang unang beses sa buong buhay niya na nakatanggap siya ng papuri.
Napaangat naman si Van at tinignan ang mukha ng matandang yun. Nakangiti lang itong nakatingin sakanya.
“Gusto mo bang magtrabaho sakin?”
B-boss…
Pawala na sana sa ulirat si Van dahil di na nito kaya ang higpit nang may pumulupot na sinulid sa katawan ni Devi–dahilan para mabitawan niya si Van.
Bumagsak naman si Van dahil sa panghihinga ng katawan niya dahil dun.
“VAN! LUMABAN KA!”
Kahit hirap na hirap, muling kinuha ni Van ang spada niya.
Kasalukuyang nakatali pati ang dalawang kamay ni Devi sa sinulid ni Vincent kaya di nito magawang igalaw ang mga kamay niya.
“Mapupuri ka parin ni Boss pag nadispatsa natin ’to!” Sigaw muli ni Vincent kaya mas lalong nabuhayan si Van. Ang pinakapaborito niyang pumupuri sakanya.
Boss, tignan mo ang gagawin ko…
Mabilis na umatake si Van sa harap ni Devi. Itinaas nitong muli ang dalawang kamay niya para hiwain na ang katawan ng kalaban.
Kapuri puri ba ’tong gagawin ko, Boss?
Sabihin mo Boss…
Puriin mo ko..
Hinigpitan ng husto ni Van ang pagkapit nito para masigurong dito na matatapos ang lahat. “ARRRRRGGHHHH!!!”
Pero imbes na matakot, isang ngisi lang ang nakita ni Van sa mukha ni Devi. Nakita niyang binitawan nito ang hawak nitong samurai. At bago pa man ito bumagsak sa lupa, tumama muna ito sa paa nito at dun ito pinatalbog para umangat ang samurai nito
At sobrang bilis nalang ng kilos nito. Nakita niyang kinagat nito ang puluan ng samurai at tsaka umikot sa likuran para putulin ang mga sinulid na naka pulupot sakanya.
Tagumpay nitong naputol ang sinulid gamit lamang ang lakas ng bibig nito sa pagwasiwas. At pagtapos, muli itong humarap kay Van habang kagat kagat parin ang puluan ng samurai nito.
Sasalubungin siya nito..
hinde…
Sinubukan ni Van na mas bilisan ang pag atake para makauna siya pero ang bilis ng pangyayari. Nalampasan na siya ni Devi bago pa man siya makaatake.
At..
Di niya alam..
Wala namang sumasakal sakanya pero biglang sumikip at nahirapan siyang huminga..
Nabitawan niya ang spada niya at naramdamn niya ang walang humpay na pagdaloy ng dugo sa leeg niya. Hinawakan niya ito at dun nalang niya nakumpirmang sobrang laki pala ng hiwa sa leeg niya.
“V-van…” Pati si Vincent ay gulat na gulat rin sa nasaksihan niya.
**
“GIOVANNI!!” Pati si Baron na nanunood sa CCTV ay napasigaw na rin sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan nila. Ang kasamahan niya.
Hindi maaari..
Habang si Gideon naman ay tahimik lang nanunood sa laban.
**
“VAAN!!!” Nakita ni Vincent na parang wala na sa wisyo itong naglalakad habang hawak hawak ang leeg niya. Sobrang bilis ng agos ng dugo nito. Nakita niya itong napaubo at napabulwak ng dugo. Hindi pwede ’to..
Ang kaibigan niya, ang kasama niya, ang partner niya simula nung bata pa lang siya..
Nakita ni Vincent ang pagbwelo ni Devi sa likuran ni Giovanni habang sobrang lawak parin ng ngisi kaya napasigaw nalang itong muli.
“SA LIKOD MO VAN!!!” Sinubukang tumulong ni Vincent pero masyadong mabilis ang bawat ganap.
Nakita niyang tumingin pa si Van sa gawi niya at halata sa mga mata nito ang pagmamakaawa. Tinaas pa nito ang kamay niya sa direksyon ni Vincent na parang nanghihingi ng tulong.
“Tu..tulo–”
At isang hampas nalang ang pumutol sa sasabihin nito.
Kasabay nun ang pagbagsak ng ulo nito kasunod ng katawan nito sa lupa.
Hindee..
“VAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!”
Dahil sa pagsigaw ni Vincent, sakanya naman nabaling ang atensyon ng halimaw na kalaban nila ngayon..
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Vincent. Gusto niyang patayin ang hayop na ’to. Gusto niyang ipaghiganti ang kaibigan niya. Pero ang katawan niya, ayaw makisama. Tila nababato ito sa kinalalagyan niya dahil sa nakakasindak na titig nito.
Mukhang totoo nga ang sinabi nito sakanila kanina bago magsimula ang laban nila.
Wala ibang nararamdaman si Vincent ngayon kundi pagsisisi. Pagsisising hinamon pa nila ang taong ’to. Wala silang kaalam alam na ganito ang sasapitin nila dahil halimaw na ’to.
Sana tinapos na nila ang buhay nito ng mas maaga kanina. Panalo sana sila. Wala sanang..
Tuminging muli si Vincent sa gawi ng katawan ni Van. Napailing nalang ito habang napakagat sa labi. “Patawad, Van..”
Binalik niya ang tingin kay Devi pero pagtingin niya dito, isang sipa lang ang bumungad sakanya na ilang distansya nalang ang lapit sa mukha niya.
Nakagawa pa siya ng paghinga bago malakas na tumama ang sipa nito sa mukha niya at tumilapon siya na sobrang layo.
Nabangga siya sa pader at sa pagtalbog na katawan niya rito, isang malakas na suntok sa sikmura pa ang sumunod rito kaya agad siyang napabulwak ng dugo. Sobrang lakas ng halimaw na ’to.
Hindi nila ito kaya..
Upong napasandal nalang si Vincent dahil sa tinamo ng katawan niya. Parang susunod rin ata siya kila Van at sa Boss niya.
Nakita niyang nakatayo lang si Devi sa harapan niya bitbit ang samurai nito. Nakangisi parin ito at tila handang handa ng tapusin ang buhay niya.
Ngayon lang nasindak ng husto ang katawan niya dahil sa isang ’tao. Dahil lang sa titig. Nangangatal parin ang bibig niya. Nanginginig parin ang mga kamay niya–lalo na nung tinaas na ni Devi ang samurai niya.
Hindi..
“BENZ!”
…………
…………………
………………………….
Isang boses ang nagpatahimik sa buong paligid. Napahinto sa pag galaw si Devi sa narinig niyang boses. Ba’t parang pamilyar.
Sabay na napatingin sila Vincent sa nagmamay ari ng boses na yun.
At isang babae ang tumambad sakanila na naglalakad papunta sa kinalalagyan nila.
Sino siya? Natanong nalang ni Vincent.
Nakita naman niyang umalis sa kinatatayuan si Devi at nabaling ang atensyon nito sa babae. Ngisi itong naglakad palapit rin sa babae.
“TUMAKBO KANA!!” Sigaw ni Vincent dahil alam niyang wala sa katinuan si Devi ngayon. Kung kakilala man niya ito bilang si Benz, malamang ay di siya nito makikilala dahil wala ito sa tamang control.
Pero imbes na matakot, isang bahagyang ngiti lang ang nakita ni Vincent sa babae.
Habang ang nakangising si Devi naman ay habang papalapit ng papalapit ang distansya nila, unti unti rin nawawala ang ngisi niya. Tila may kung anong pumipigil sa isang katauhan niya.
Nang tuluyan silang magkalapit. Nagkatitigan lang silang dalawa, wala na ang ngisi sa mukha pero sobrang pula parin ng mata nito. “Benz..” Nakita ni Devi ang marahang pagtulo ng luha ng kaharap niya. Hinawakan nito ang pisngi niya at kasabay nun ay ang unti unting pagbalik sa dating kulay ng mata niya.
Hinawakan niya ang kamay na nakahawak sa pisngi niya. “Helena..” Walang paalam rin na tumulo ang luha sa isang mata niya matapos niyang banggitin ang pangalang yun.
Gano katagal na ba nung huli niya itong makita.
Habang si Vincent naman ay naiwang tulala habang nakatingin sa dalawa. Ganun nalang kadaling nawala ang pagwawala nito dahil sa babaeng ’to.
Pinahiran ni Helena ang pisngi nitong basa dahil sa luha. “Nandito na ako.” Sa sinabi nito ay mas lalong naiyak si Devi.
Napaluhod nalang siya dahil pakiramdam niya ay nanghihina ang katawan niya. Yumakap siya sa bewang nito habang parang bata na iyak na iyak. Ngayon lang niya nalabas lahat ng sakit sa puso ng makita niya ang taong minamahal niya.
“Tahan na..” Hinaplos lang ni Helena ang ulo nito at marahang niyakap.
Isang babae lang talaga ang kayang magpaamo ng isang halimaw.
“Babalik na tayo, Benz. Mamumuhay tayong tatlo ng normal.” Bigla namang nahinto sa pag iyak si Devi sa narinig niya. Muli siyang tumayo habang nalilito. “Anong ibig mong..”
Pinahawak ni Helena ang kamay ni Benz sa tiyan niya. “Oo. Tayong tatlo.” Ngiting ulit nito. Unti unti namang lumawak ang mukha ni Benz sa tuwa. “Magkaka anak na akoo?”
“Hmmn.” Mabilis na yumakap si Benz kay Helena sa balitang yun. Mukhang nakahanap na ulit siya ng rason para mabuhay. Para lumaban. Para itama lahat ng mali sa buhay.
Habang si Helena naman ay walang mapag lalagyan ang tuyang nararamdaman niya sa sarili. Sa loob ng mahabang panahon ng pagkawalay, heto na ulit ang taong mahal niya, kayakap na niya ulit ngayon.
Masaya na ulit ang lahat..
Masaya..
Masaya lamang na nakayakap si Helena nang mapansin niya sa unahan ang mga iilang sundalo na nakatutok ang mga baril sa gawi niya. At dahil dun,
isang panaginip lang ang kusang bumalik sa utak niya.
Ang panaginip na yun.. parang ganito yung nangyari nun..
Hindi…
Bago pa man maulit yung nasa panaginip niya (Nasa episode 33 ’to kung nakalimutan niyo na.) Umikot na agad si Helena habang nakayakap parin kay Benz na tila nagpalit sila ng posisyon.
At dun…
Iilang tunong ng baril nalang ang narinig ni Benz matapos yun.
……
.
…………
……………………
“Anong..” Tinignan niya ang mukha ni Helena na nakangiti sakanya. Nakita niya ang pagtulo ng dugo sa bibig nito kaya muling nanlaki ang mga mata niya. Napansin niyang basa ang kamay niyang nakayakap sa likuran ni Helena kaya dahan dahan niya iyong tinignan.
Dugo…
“H-helena…” Napaluhod si Benz habang kinakarga si Helena. “Helena..” Hinawakan niya ang pisnig nito at marahang hinaplos.
“W-wag ka ng lumaban..pakiusap.” Rinig niyang usal nito habang nauubo pa. “T-tama na ang pa..patayan..Benz..” Inangat ng bahagya ni Helena ang kamay niya kaya agad yung inabot ni Benz na ngayon ay walang humpay na sa pagtulo ang mga luha. “Hinde hinde..hinde…wag mo akong iiwan Helena pakiusap..”
“Hindi…ka..ha..h-halimaw.” Kahit hirap na hirap na ay pilit parin nitong pinapalakas ang loob ng kasintahan. “Mamumuhay pa tayo ng tahimik diba? Diba? Tayo ng baby natin.” Tuluyan na itong niyakap ni Benz habang walang humpay sa pagiyak. “Wag pakisaup. Wag mo akong iwan. Wag niyo akong iwan.
Kayo lang ang meron ako.“
Tuluyan nalang nahula si Helena sa mga narinig niya.
“P-patawad..” Rinig niyang bulong nito. “M-mahal..na mahal ka namin, Benz.”
“HELENAA! PAKIUSAP!” Sigaw nalang nito. Wala ng mapaglalagyan ang sakit sa puso niya. Pakiramdam niya ay unti unti na rin siyang pinapatay habang tinitignan ang pinaka mamahal niya na nahihirapan na.
Nakatingin lang si Benz sa mukha nitong bahagyang ngumiti sa huling pagkakataon at kalaunay dahan dahan naring pinikit ang mga mata..
“AAAARRRRRRGHHHHHHHHHHHH!!!!!!”
Sobrang dami naman ang biglang sumulpot na sundalo sa area ng pinag awayan nila at tsaka mabilis na pinalibutan sila Benz habang nakatutok ang mga baril nila.
“Posasan niyo dali!” Agad lumapit ang tatlong sundalo sa gawi ni Benz at tsaka kinuha ang mga kamay nito at tsaka pinosasan sa likuran nito.
Napaluhod lamang si Benz habang ang ulo nito ay nakapatong parin sa tiyan ni Helena. Tuloy parin ito sa pagluluksa at pag iyak sa dalawang taong kukumpleto na sana sa buhay niya pero agad ring binawi ng mundo mula sakanya.
Kung kailan gusto na niyang bumawi..
Kung kailan nahanap na ulit niya ang rason para mabuhay..
Kung kailan plano na sana niyang talikuran ang nakaraan…
Tsaka pa binawi sakanya ang lahat.
Tila pinatikim lang sakanya ng tadhana ang konting kasiyahan na yun at tsaka agarang kinuha
Napakadaya…
Napaka daya ng tadhana..
“HELENAAAAAAAAAAAA!!!!”
Sa bandang timog naman ng syudad, may mga iilan paring nattrap na mga sibilyan. Itong area na to ang mahirap pasukin ng mga sundalo dahil bantay sarado ito ng mga tauhan ni Manuel.
“Icheck mo nga yung pangalawang bahay, parang may tao pa e.” Sambit ng isang sundalo ni Manuel sa katabi nito. naglalakad lang ang mga ito para maghanap pa ng mga sibilyan na pwede nilang patayin.
“Samahan mo ko.” Sagot naman nito.
“Sshhhh.” Pilit na pinapatahimik ng batang lalaki ang bunsong kapatid nitong babae habang maingat na nagtatago sa loob ng isang bahay. “Wag kang maingay.” Bulong nito kasi parang maiiyak na naman yung kapatid niya. Ilang araw na kasi silang walang saktong kain. Napatay na ang mga magulang nila kaya sila nalang ang tanging naiwan.
Naramdaman nung batang lalaki ang dalawang pigura na naglalakad sa labas ng bahay na yun. At tila sumikip ang paghinga niya nang makita niyang huminto ang mga ito sa tapat ng pintuan kung saan sila nagtatago. “Alisto ka.” Rinig niyang usal nung isa sa labas.
Niyakap nalang niya ang kapatid niya para protektahan ito.
“Bulaga!” Ngising bungad agad ng sundalo nung binuksan niya ang pintuan. Kitang kita nila ang dalawang bata na nagyayakapan kaya mas lumawak ang ngisi nila. “Magtatago pa kayo haa.” Usal nito bago tinutok ng dalawang sundalo ang mga baril nila para barilin na ang mga bata.
Pero habang nakatingin ang batang lalaki sa dalawa, bigla niyang napansin ang isang pigura ng tao na nasa likuran nung dalawa tapos sobrang pula ng mga mata nito.
At nakita nalang niyang napabulwak ng dugo ang dalawang sundalo bago ito bumulagta.
Matapos yun ay muling binalik nung tao ang sandata sa likuran niya at tsaka dahan dahang lumapit sa mga bata. Sobrang pula parin ng mga mata nito kaya mas lalong natakot ang batang lalaki. “W-wag po..”
Nang tuluyan itong nakalapit sakanila, unti unti ring nawala ang pamumula nito at nakita nalang nila ang bahagyang pag ngiti nito sakanila. “Wag na kayong mag alala. Ligtas na kayo.”
“H-hindi po kayo kalaban?” Takot na tanong ng bata.
Matagal nakasagot ang mamang kaharap nila. Tila napaisip ito sa tamang isasagot sa tanong ng bata.
Pero maya maya lang ay ngumiti itong muli “Hindi.” Tipid na sagot nito tapos ay ginulo ang buhok nung batang lalaki. “Sumunod kayo sakin.”
“Sige po!” Ngiti ring sagot ng bata. Muling nakaramdam ng tuwa sa sarili ang lalaking yun nang makita ang ngiti ng mga bata. Kahit anong gawin niya, kusa ng bumibigay ang utak niya sa mga emosyong pumapasok sa puso niya.
“Ano pong pangalan niyo?” Tanong ng bata habang naglalakad sila sa daan na walang ibang mga tao o sundalo. Sobrang tahimik rito na tila isang sekreto o tagong daan ito.
“Loda.” Ngiting sagot nito.
“Buti po dumating kayo. Akala ko babarilin rin kami ng mga mamang yun katulad nung ginawa nila kela mama.” Naramdaman ni Loda ang kirot sa dibdib niya nung marinig niya yun mula sa bata.
“Patawad..” Nasabi nalang niya. Kung di lang sana sa kahangalan ng amo niya, masaya lang sana lahat ng mga bata sa buong lugar ngayon. At bilang isa sa mga alaga ng taong may gawa ng kademonyohan na ’to, nakakaramdam siya ng konsensya sa sarili.
“Bakit ka naman po nag sosorry? Niligtas niyo nga kami e. Superhero namin kayo heheh.” Huminto si Loda sa paglalakad sa narinig niya kaya huminto rin ang mga bata. “Bakit po?”
Di makasagot si Loda. Punong puno ng pagsisisi ang utak at puso niya ngayon. Habang tinitignan niya ang mga bata, kusang bumabalik sa utak niya ang lahat ng mga taong pinaslang niya na walang kaawa awa.
“Tara na po. Baka makita pa tayo dito tapos barilin tayo.” Usal ng bata kaya tuluyan ng inalis ni Loda ang mga alaalang yun at tsaka bahagyang ngumiti. “May gagawin pa ako. Hanggang dito nalang ako. Sundan niyo lang ang daan na yan. Wala ng mga kalaban jan. Dumiretso lang kayo hanggang sa makakita kayo ng mga tutulong sainyo, maliwanag?” Paliwanag ni Loda.
“Eh..kayo po? Saan po kayo pupunta?”
“Itatama ko lang lahat ng mga mali na nagawa ko sa buhay. Tingin ko di pa naman huli ang lahat.” Babalik nalang siya sa kuta ni Manuel at itatakas ang mga bata sa bahay ampunan para hindi na sila madamay pa.
At oo, isa ng pagtataksil sa doktor ’tong gagawin niya.
“Ganun po ba. Sige po! Magkita nalang po tayo ah?” Usal ng bata habang kumakaway.
“Byebyee~” Sambit naman ng bunso nito habang kumakaway rin.
Napangiti nalang si Loda.
“Talaga nga naman.” Pero agad rin yung nawala nang may marinig siyang boses sa likuran niya. Agad niya iyong hinarap. “Ganyan ka ba talaga kahilig sa mga bata, Loda? Na pati grupo mo pagtataksilan mo ng dahil lang sakanila?” Ngising tanong nito
“Eus.”
“Nung una pinalampas pa kita. Pero inulit mo lang.” Nakita ni Loda na kumuyom ang mga kamao nito kaya alam na niya ang mga susunod na mangyayari. “Kaya ngayon..” Bigla itong nawala sa harapan niya kaya dali dali niyang tinignan ang kinalalagyan ng mga bata. At dun, biglang sumulpot si Morpheus sa harap ng mga ito habang ngising nakabwelo sa kamay niya “WALA NG MAKAKAALIS NG BUHAY DITO!” Sigaw nito tsaka pinakawala ang matutulis na kuko nito sa mga bata..
Pero may biglang pumulupot na kadena rito kaya nahinto ito sa pag galaw.
“TUMAKBO NA KAYO! BILISAN NIYO!” Sigaw ni Loda sa mga bata kaya atubiling kinarga nung batang lalaki ang kapatid niya at tsaka mabilis na tumakbo.
Habang si Morpheus naman ay tulala lang at hindi gumagalaw. Dilat lang ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala sa ginawa ni Loda. “Pinipigilan mo na ako..
“
Agad inalis ni Loda ang kadenang yun sa kamay ni Eus at seryoso itong tinignan. “Tama na Eus! Pinaglalaruan lang tayo ng doktor! Hindi mo ba napapansin?” Sigaw nito pero si Eus ay dilat na dilat parin ang mga mata habang nakatingin sa lupa.
“Ginagawa lang tayong parang mga laruan niya. Ginagamit lang niya ang lakas natin para sa mga pangarap niya! Para sa mga gusto niya! Wala siyang pakialam sa atin, Eus.” Usal nito at tsaka binaba ang boses. “Itigil na natin ’to. Sumuko nalang tayo.” Pakiusap nito. Pero isang mahinang tawa lang ang naririnig niya sa kaharap niya. Palakas ito ng palakas hanggang sa napapanganga nalang ito sa paghalakhak
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!” Para itong nasisiraan ng ulo. Tumigil ito sa pagtawa kalaunan at tsaka napailing. “Ang doktor lang ang nakakaintindi sa akin.”
Biglang may kung anong alaala ang sumagi sa utak ni Eus kaya nawala ang pang ngisi nito. “Siya lang ang nag alis sa akin sa hayop na mundong ’to. Siya lang ang tumulong sakin para mawala yung sakit na di ko maalis alis sa katawan ko.” Nakita ni Loda ang unti unting pag seryoso ng mukha nito at tsaka dahan dahang tumingin sa mga mata niya.
“Kaya sino kaya para siraan ang doktor sa harap ko?” Dahan dahang binunot ni Eus ang karit niyang nakasabit sa likuran niya.
“Wala akong planong makipaglaban sayo, Eus. Gusto ko lang ipaliwa–”
“WALA!!” Putol nito “Akong. pake.alam. sa. mga. sina. sabi. mo.” Pumusisyon ito na parang aatake kaya wala ng nagawa si Loda kundi ang ihanda narin ang sandata niya.
“Kung yan ang gusto mo.”
Sabay nagpakawala ng malakas na pwersa ang dalawang Vendetta kaya sobrang bumigat ang presensya ng buong paligid. Nagtitigan lang ang mga ito bitbit ang mga masasariwang mga mata.
Halimaw laban sa halimaw..
Vendetta laban sa Vendetta..
Umihip saglit ang hangin sa paligid at kasabay ng pagkawala nito, ay sabay rin na sumugod ang dalawa na sobrang bibilis palapit sa isa’t isa.
“LODAAA!!”
“MORPHEUS!!”
-To be continued..
Damang dama ko na ang hype ng mga nagbabasa nito last episode ah hahahaha buti nabuhay ko ulit kayo. Last 2 episodes nalang bago ang Epilogue! Kapit laaaang hahaha. Thank you~
-MajorSin
Episode 58: One vs All
Episode 58: One vs All
Pakitingin sa media. Pics ng 10 Armada hehe
Enjoy~ Wag madaliin ang pagbabasa.
Btw, for the nth time, LALAKI po ako. Ilang taon na akong nami Ms. Author dito sa wattpad amp hahaha
[3rd Person’s PoV]
2 MONTHS EARLIER….
“Doctor, may gustong kumausap sayo.” Wika ng isang sundalo kay Manuel. Kasalukuyan itong nasa lab ngayon habang may ginagawa. “Sino daw?” Tanong naman nito.
“Isang Heneral po.” Napahinto si Manuel ng marinig niya ang sagot nito. Isang Heneral?
“Papasukin niyo.”
Agaran namang binuksan ang malaking gate ng kuta ng doktor at tsaka sinalubong ang Heneral ng dalawang utusan nito. “Sumunod ka samin.”
Nang marating nila ang lab, agad pinapasok ang Heneral. Tumambad sakanya ang isang doktor na ngising nakaupo lang. “Anong maipaglilingkod ko sa isang Heneral?” Tanong nito. Pero di pa man ito nagsasalita , alam na ata ng doktor ang pakay nito. Kita niyang may bitbit itong batang babae na walang malay.
“Tinanggihan na ako ng lahat ng doktor dito sa bansa. Di nila mahanap yung lunas ng sakit ng kapatid ko. At isang kakilala ko ang nagrecommenda sayo.”
Napaayos naman ng salamin ang doktor sa narinig niya. “Gusto mo ba na ako ang gumamot sa batang yan?”
“Oo. Pakiusap doktor. Gawin mo ang lahat para maligtas ang kapatid ko. Di ko na alam ang gagawin ko.” Pakiusap nito. Kitang kita sa mukha nito ang pagmamakaawa.
“Napaka bata mo pa para maging isang Heneral, Ibarra.” Sagot nito. “At ano naman ang makukuha ko kung sakaling gagamutin ko siya? Sawa na ako sa pera.”
“Gagawin ko lahat ng gusto mo.”
“Lahat ng gusto ko?” Ngising ulit nito
“Oo.”
Sa loob ng dalawang buwan, sa wakas ay makikita na rin niya ang kapatid niyang binilin niya kay Manuel para magamot. Habang naglalakad silang dalawa ay di maiwasan ng Heneral ang kaonting excitement sa sarili. Miss na miss na niya ang kapatid niya.
“Maraming salamat doktor. Utang ko sayo ang buhay ng kapatid ko.”
Nasa unahan si Manuel kaya di makita ng Heneral ang nakangisi nitong mukha. “Ako dapat ang magpasalamat sayo, Heneral.”
Nang marating nila ang lab, pumasok agad ang dalawa at tsaka nilibot ni Ibarra ang buong silid para hanapin ang kapatid niya.
Habang ang doktor naman ay dumiretso sa isang malaking container na may takip. Tinanggal niya ito at tumambad muli sakanya ang babaeng kukumpleto sa mga pangarap niya.
“Ano yan, doktor?”
“Isang obra maestra.” Ngising sagot nito. “Isang proyektong hihigit pa sa nagawa ko sa Vendetta.”
“Ano bang meron sa babaeng yan?”
“Naalala mo naman siguro ang ginawang experimento ng gobyerno para tapatan ang lakas ng ama ko dati hindi ba?”
“ Adamcell-Z50 Drug Experiment.“ Bulong ni Ibarra. Minsan na niyang narinig ang experimentong yun na isang beses lang ginawa ng gobyerno para gamitin sa pagtumba ng isang hukbo.
“Tama, at anak ng taong yun ’tong kaharap mo ngayon.”
“Kung ganun, taglay rin ng babaeng yan ang drogang yun?”
“Bingo! Pero di lang yun. Itinurok ko rin sakanya ang spesyal na droga ng mga Guanzon, ang Ethereal Drug. So kapag pinagsama mo ang Adamcell-Z50 at ang Ethereal..boom!” Tumawa ng malakas ang doktor sa paliwanag niya.
“Kakayanin ba ng katawan niya?”
“Kinulong ko siya sa container na yan ng mahabang panahon. Siniguro kong bago siya lalabas jan, kontrolado na niya ang mga drogang nasa katawan niya. At pag dumating ang oras na magising na siya?” Lumapad lalo ang ngisi ng doktor “Luluhod na ang Pilipinas sakin!”
Nangunot ang noo ng Heneral sa inaakto nito. Pero kahit ano man ang sabihin nito, wala na siyang pakealam, isa lang ang inaalala niya ngayon. “Ah, doktor.”
Napatigil naman sa pagtawa si Manuel ng tinawag siya nito. “Ahh, oo! Muntik ko ng makalimutan.” Ngiting usal nito.
Naglakad namang muli ang doktor kaya sumunod rin si Ibarra. Sa wakas.
Isang maliit na nakahigang container ang pinuntahan nila. Agad inalis ng doktor ang nakatakip rito.
At ang kanina’y nakangiting Heneral ay napalitan ng sobrang pagtataka nang makita niya ang kapatid niya sa loob ng container sa sobrang putla ng buong katawan. Para na itong isang malamig na bangkay. “A-anong..” Takhang sambit nito at tsaka lumapit at hinaplos ang container. “P-parte pa ba to ng pag gamot mo kaya ganito ang itsura niya? Bat parang isang b-bangkay ang itsura niya dito sa loob?” Takhang tanong ni Ibarra.
Narinig niya namang napatawa ng palihim ang doktor. “Di ka nagkakamali, Heneral. Isa na nga yang bangkay yang nakikita mo.” Biglang nangatal ang bibig ni Ibarra sa narinig niya. Anong..
Tangina..
Mabilis na binunot ni Ibarra ang pistol niya at sobrang galit na itinutok ito kay Manuel. Pero sa pagtutok niya, nanlaki lang ang mga mata niya nang makita niya ang iilang mga sundalo ni Manuel sa likuran nito na naka tutok rin sa harapan niya. “Asan na yung kasunduan natin, Doktor?!” Di makapaniwalang tanong ni Ibarra. Tinignan niyang muli ang nakakaawang sinapit ng kanyang kapatid. “TINALIKURAN KO ANG TUNGKULIN KO SA BANSA PARA SAYO! PARA MAGAMOT ANG KAPATID KO! PERO ANONG GINAWA MO SAKANYA?!”
Sa kabila ng galit na galit na mukha ng Heneral, isang nakakalokong ngisi lang ginanti ng doktor. “Pasensya na, nawala sa isip ko ang kapatid mo. Mejo naging busy eh hehe.” Sa sinabi nito ay parang di man lang nito binigyang halaga ang buhay ng pinakamamahal niyang kapatid.
“HAYOP KA!” Ipuputok sana ni Ibarra ang baril niya pero unang napuruhan ang braso niya kaya nabitawan niya ito.
“Pero salamat parin. Dahil sayo nalaman ko ang plano ng gobyerno at naunahan ko sila. Malaki ang naging tulong mo. Pero ngayong patapos na ang gyera, wala ka ng pakinabang sakin.” Tatalikod na sana ang Doktor para ipaubaya na sa mga sundalo niya ang Heneral na ’to nang bigla itong nagsalita ulit.
“Tingin mo ba mananalo ka sa gyera na ’to? Babagsak ang hukbo mo pati na ang mga alaga mong Vendetta!”
Napangisi naman ang doktor sa narinig niya. “Tingin mo may pakealam pa ako sa Vendetta? Masyado ng matanda ang grupong yun. At napapansin ko na sakanila na unti unti ng nawawala ang epekto ng droga sa katawan nila. Nakakaramdam na sila ng emosyon, at yun ang nagpapahina sakanila. Sa ngayon mga wala na silang mga silbi sakin. Alam mo kung saan na ako nakatuon ngayon?” Nakita ni Ibarra na nakatingin lang ang doktor sa container ng babaeng yun. “Ito na ang kailangan ko ngayon.” Usal nito bago tuluynag naglakad. “Kayo na ang bahala jan.” Bilin niya sa mga sundalo niya.
“HAYOP KA MANUEEEEEL!!!” Huling rinig ng doktor bago niya sinara ang pintuan ng lab niya.
**
Nang makabalik ang doktor kung saan nanunood sina Gideon at Baron, nagtaka ang dalawa nang hindi na nito kasama ang Heneral.
“Nasan ang Heneral, Doktor?”
“Nagpapahangin lang.” Ngising sagot nito.
Hinang hina na bumangon si Ibarra at kumapit sa container na kinalalagyan ng kapatid niya. Punong puno na ng tama ng bala ang buong katawan niya. Naliligo na siya sa sariling dugo kaya kahit sa huling pagkakataon, gusto pa niyang makita ang kapatid niya. “P-patawad, Erin.” Naghihingalo nalang na sambit nito. Kung di lang sana siya lumapit sa demonyong doktor na yun, baka naging maayos lang ang lahat ngayon. “P-patawad Presidente..” Nabigo na nga niya ang kapatid niya, napagtaksilan pa niya ang mahal niyang Pilipinas. Siguro nga’y nababagay lang sakanya ang sinapit niya ngayon.
Dahil sa panghihina, tuluyan na siyang natumba sa sahig at hinahabol nalang ang hininga.
Pero bago pa man siya malagutan, kitang kita niya pa ang container ng babaeng yun..kitang kita niya ang pag galaw ng daliri nito.
Hinde..
“Nagpapahangin?” Di kumbinsidong tanong ni Gideon.
“Oo.” Sagot nito sabay upo sa upuan niya. “Ano na ganap sa mga bata ko?”
“Napatay ng bata mo ang isang bata ko.”
“Ooh..kaya ba ang sama ng tingin sakin niyang bantay mo?” Pagtuturo nito kay Baron na salubong ang mga kilay na nakantingin sakanya.
Gusto mang patayin ni Baron ang doktor na ’to dito mismo dahil sa nangyari kay Giovanni pero wala siyang magawa. Nasa loob sila ng pugad ng demonyo na ’to kaya limitado ang mga kilos nila.
“Ilan rin sa mga bata mo ay napatay at nadakip na. Dalawa nalang ang natitira. At ano tong nakikita ko, Doktor?”
“Bakit?”
“Ba’t naglalaban pa ang dalawang bata mo ngayon?” Tinignan ni Manuel ang isang cctv at dun niya nakita ang sinasabi nito. Pero imbes na magalit, ngumisi pa ito. “Magandang laban ’to.” Wala na nga ata talaga itong pakialam sa grupong minsa’y pinagmalaki niya ng husto sa buong bansa.
Tagaktak na ang dugo sa pisngi ni Loda habang tinitignan ang kalaban niyang nakangisi lang.
“Napaka hina mo.”
Pilit na bumangon ni Loda. Hindi niya akalain ganito lang siya kawalang kwenta pagdating kay Morpheus.
“Yan ang nangyayari sa mga hangal na pinipiling pairalin ang emosyon nila.” Bago pa man siya makatayo ay nakalapit na si Eus sakanya at tsaka mabilis siyang sinipa sa mukha. Muli siyang tumilapon at tsaka bumangga sa isang pader. Sinundan pa yun ng sakal ni Eus at malakas siyang sinandal sa pader na yun. “Emosyon ang nagpapahina sa atin, naintindihan mo?!”
“M-mas gugustuhin ko nalang maging mahina kesa maging tulad niyo…mga tulad niyong nabubuhay lang sa utos!” Nanlisik ang mga mata ni Eus sa mga narinig niyang sagot kaya ginawa niyang punching bag ang sikmura nito. Walang humpay niya itong pinagsusuntok ng sobrang lalakas kaya napapasuka ng dugo si Loda. “ Pinalampas ko lang si Devi dahil kay Jill noon! Pero ngayong ikaw naman ang naging ganyan, di ko na palalampasin yang buhay mo!“
“Arrrkk!!” Bawat suntok na pinapakawala ni Eus ay parang triple pa sa lakas na meron si Loda.
“ARGGHHH!!” Bumwelo ng malakas si Eus para suntukin sana ang mukha ni Loda pero agad siyang nakaramdam ng mga atake. Napansin niya ang mga kutsilyong papunta sa direksyon niya kaya napilitan siyang umatras ng ilang hakbang.
Limang kutsilyo ang magkakasunod na bumaon sa lupa. Nailagan niya iyon lahat, pero pagtingin niya sa anino niya, nakita niya itong parang lumaki.
Mali..
May papalapit sakanya sa taas..
Inangat niya ang tingin niya at dun niya nakita ang isang nilalang na nakabwelo na ng suntok sakanya. “Tang–” Gamit ang dalawang kamay, sinangga niya yun. Pero sa lakas ng suntok na yun ay nagkatipak pa talaga ang kinatatayuan ni Eus. Naramdaman niya ang kirot sa kanang kamay niyang nabali na dati dahil sa pagsangga niya.
At habang nakasangga pa siya rito, may biglang sumugod sa harap niya kaya agad niyang ginamit ang paa niya para salubungin ito. Pero sa pag angat niya ng paa niya, pumulupot lang ang kadena dito at binaba ulit ito. At tatlong magkakasunod na kutsilyo nalang ang bumaon sa katawan niya.
Isa sa hita at dalawa sikmura.
Umalis ang lalaking sumuntok sakanya mula sa taas at pati narin si Loda at tsaka nagtabi ang tatlo habang pinagmamasdan si Eus na nakatingin sa mga saksak sa sikmura niya.
“Dapat sa mukha mo na yun pinunterya, Ikram.” Usal ni Dylan.
“Ayokong madaliin ang pagtapos ng buhay niya. Gusto kong unti unti siyang mamamatay dahil sa matinding sakit.” Sagot nito.
“Bakit niyo ako tinulungan?” Natanong naman ni Loda sa gilid nila na nakahawak sa sikmura niyang nabugbog kanina.
“Kanina pa namin pinapanood ang paglalaban niyo. Gusto lang naming kumpirmahin kung kalaban ka nga ba talaga. Isa kang Vendetta dahil jan sa hikaw at sa suot mong kapute. Pero sa mga narinig namin kanina, isa lang nalaman ko. Isa lang ang kalaban namin sa ngayon. At siya yun.” Sagot ni Dylan habang mataman na nakatingin kay Eus.
“Umalis na kayo. Hindi niyo kilala yang nasa harap niyo. Dudurugin lang niya kayo!” Banta ni Loda pero isang matipid na tawa lang narinig niya kay Ikram . “Matapos ng ginawa naming pagligtas sayo isang pang mamaliit lang ang maririnig namin?”
“Siguro magpahinga ka nalang. Ikukulong ka parin namin dahil kasali ka sa Vendetta. Pero sa ngayon, hayaan mong kami na ang tumapos sa taong ’to.” Seryosong usal ni Dylan na tila ba kampante itong matatalo nila itong kaharap nila.
Ni wala itong kaalama alam kung anong klaseng halimaw ang nasa harap nila ngayon.
“Lalaban ako. Kailangan ko siyang mapabagsak para matapos na ’to.” Sagot lang ni Loda.
Isang mahinang tawa naman ang narinig ng tatlo kay Eus. “At dahil tatlo kayo, tumataas na ang kumpyansa niyo sa sarili.” Usal nito habang dahan dahang binubunot ang mga bumaong kutsilyo. “Nasusukat ba sa bilang ang tsansang manalo sa isang laban? Hmmn? “ Tanong nito at tsaka dilat na dilat ang mga matang tumingin sakanila habang sobrang lawak ng ngisi “Sagot.” Di pa namumula ang mga mata nito pero sobrang nakakasindak na ng mga titig nito.
Nakita nilang kinuha nito ang karit na nakasabit lang sa likuran nito at tsaka binali ang hawakan nito. Di nila alam kung nang iinsulto lang ba ’to o ano.
“Di ako makakilos ng maayos e.” Tinapon niya ang sandata niya at tsaka inistretch ang leeg at braso. “Yaan, mas magaan na.” Mas kumportable siyang gamitin ang sariling mga kamay niya kesa gumamit ng sandata
“Maging alisto kayo.” Babala ni Loda dahil alam niyang paatake na ito sakanila.
Nakita nila itong tumakbo at tsaka bumwelo, pero di pa man nakakalapit si Eus ay nakita na niya ang kamao ni Dylan na papunta sikmura niya. Ang bilis.
“Arrrkkkk!” Tumalsik ang laway ni Eus dahil sa suntok na yun. “Wag na wag mo akong mamaliitin.” Kalmado pang usal nito bago tuluyang pinakawala ang suntok na yun. Tumilapon pabalik si Eus dahil dun.
Nakabalanse naman siya kaya di siya tuluyang natumba. Ngumisi siya ng bahagya. Isang malakas na kalaban. Muling nabuhayan ang kalamnan niya sa tinamo niyang yun.
May isang tao naman pumulot sa tinapon ni Eus na sandata niya kanina. At bago pa man niya iyon matignan kung sino yun, napansin niya ang isang palaso na palapit sakanya kaya sinalo muna niya ito
Sumabog ito pero di man lang natinag si Eus sa kinatatayuan niya. Umusok ang paligid niya dahil sa pagsabog na yun.
“Masama ang magsayang ng sandata.”
Nang humupa ang usok, tinignan ni Eus ang paligid niya. At napangisi nalang siya sa tumambad sakanya.
“Di ka dapat nagtatapon ng ganito, Morpheus.” Usal ni Sin habang bitbit ang karit niya
“Bakit hindi siya tinablan ng palaso mo, Nica?” Tanong naman ni Dante.
“Hindi ko rin alam.” -Nica.
“Mag iingat kayo sa taong yan, siya ang tinaguriang lider ng Vendetta.” Usal naman ni Ish habang seryosong nakatingin kay Eus.
“Pero nakasisiguro akong sapat na ang lakas nating walo para mapabagsak ’tong huling Vendetta na ’to.” Singit rin Vincent.
Loda, Ikram, Dylan, Ish, Nica, Sin, Dante, Vincent.
Pitong Armada at isang Vendetta ang kaharap ni Morpheus ngayon. At mukhang hindi lang sila ang imbitado sa paglalaban na ’to. Napansin rin ni Eus sa mga gilid gilid ang marami raming sundalong nakatutok sa harapan niya.
Napapalibutan ngayon ang isang halimaw ng sandamakmak na sundalo at mga natatanging nilalang.
Pero imbes na matakot, lumapad lang lalo ang ngisi nito. “Hmmm, di naman halatang despirado kayong mapatumba ako.” komento nito.
Mukhang wala na siyang magagawa. “Kung ganun bibigyan ko kayo ng isang magandang laban. Sana lang ay makayanan niyo.” Ngising usal nito bago pumikit saglit.
Agad namang naghanda ang lahat para matinding labanan na magaganap.
Isang nakakabinging katahimikan saglit ang bumalot sa buong lugar. Pati ang mga sundalo sa gilid ay napapalunok na rin ng laway dahil sa kaba.
At eksaktong pagdilat ng mga mata niya, biglang naramdaman ng lahat sobrang bigat na awra sa buong paligid. “SIMULAN NA NATIN!!” Sigaw nito bigla kaya agad suminyas ang isang kumander sa mga sundalo na magpaputok “OPEN FIRE! OPEN FIRE!!”
Tumakbo ng sobrang bilis si Morpheus pero hindi ito papunta kila Ish. Lumiko ito at tsaka tinahak ang pinagtataguan ng mga sundalo at tsaka nilundagan ang mga ito “HAHAHAHAHA!!” Uunahin niya muna ang mga storbo sa paligid. Sinubukang pang tutukan ng mga sundalong yun si Eus pero masyado itong mabilis.
Sa paglanding nito sa area nila, bumaon ang kamao nito sa mukha ng isa sa mga sundalo kaya halos mapaatras ang mga katabi nito sa nasaksihan nila.
Inisa isa ni Eus na tapusin ang mga sundalong nandun gamit lamang ang sariling mga kamay. Yung iba ay di na nakayanan yung takot. Isa isang nagsitakbuhan ang mga ito. Pero di makakapayag si Eus na may makatakas kahit isa. Hinahabol niya ang mga ito kahit sobrang layo na para lang tapusin ang mga buhay nito. Sobrang likot niya. Kung saan saan siya napupunta at kada punta niya, may mga sundalo talagang nabubulagta.
Isang sundalo ang naglakas loob na tutukan ang ulo ni Eus habang nakatalikod ito pero bago pa man niya iyon makalabit, nakaharap na ito sakanya at tsaka hinawakan ang buong mukha niya. “Arrhhhhh!! Mama! Mamaaa!!” Sigaw ng sundalo. Ngisi lang ang ginanti ni Eus bago sobrang lakas na dinurog ang mukha nito. “Arrkkkk!!” Lumusot pa talaga ang dalawang mata nito sa lakas ng pagkakahawak ni Eus. “HAHAHAHAHAHA!!” Rinig na rinig ng iilan ang nadurog na bungo ng sundalo na yun bago ito itinapon ni Eus. “H-halimaw ang isang ’to! A-atras!!” Sinubukan pang umatras ng iilan pa pero tulad nung mga nauna, kamao lang ang sumasalubong sakanila.
Kasali si Ryan at ang squad niya sa mga sundalong nandito sa labanan na ’to at pigil hininga itong nagtatago ngayon sa isang pader habang naghahanap ng tsempo. Habang tinitignan niya ang mga kasama niyang halos wasak na ang mga mukha dahil lang sa taong ’yun, di niya maiwasang maurong.
Parang sila pa ang dehado sa sitwasyon ngayon kahit mas marami ang bilang nila. Napaka lakas ng halimaw na ’to.
Sinubukang sumilip ni Ryan kung ano ng nangyayari sa likuran ng pader na pinagtataguan niya pero sa pag silip niya, halos manikip ang dibdib niya sa sobrang kaba nang makita niya ang nakangising mukha ng halimaw sa harap niya mismo.
Sinubukan niyang igalaw ang kamay niya pero ayaw nitong kumilos. Tila nabato ang buong katawan niya sa tingin ng halimaw na ’to sakanya.
“Bawal magtago dito, totoy.” Rinig pa niyang usal nito bago tinaas ang kamay para atakihin siya. Napapikit nalang si Ryan sa sobrang kaba.
Katapusan na niya..
Inay..
Aatake na sana si Eus nang may pumulupot na kadena sa braso niya. Dahil dun ay dali daling tumakbo si Ryan para magtago ulit. “Muntik na.”
“Sagabal ka talaga kahit kailan kang hangal ka!” Hinarap ni Eus ang may ari ng kadena na yun at tsaka hinila mismo ang kadenang yun palapit sakanya. Nahila si Loda dahil sa lakas nito kaya di niya naiwasan ang suntok nitong sumalubong sakanya. “Arrrrk!!” Tumilapon ng sobrang layo si Loda dahil dun.
Nang magawa yun ni Eus ay tinuloy na ulit niya ang pagtapos ng mga sundalo. Ginagawa lang niyang laruan ang mga ito. Habang tumatakbo siya, napansin niya ang palaso na papunta sakanya. Kaya imbes ilagan, sinalo niya itong muli at tsaka nanghatak ng isang sundalo at tsaka malakas binaon sa mismong bunganga nito ang palaso “Arrgkk!” Tapos ay hinagis niya sa mga iilang sundalo at maya maya pay nasama sa pagsabog ang mga ito. “WOAAH!! HAHAHAHA!!” Habang lahat sila ay seryoso na nakikipag laban, para lamang naglalaro ang kalaban nila at tila nag eenjoy pa.
Walang humpay parin nitong inuubos ang mga sundalong nakikita niya. Walang kalaban laban ang mga ito kahit may mga baril pa itong hawak. Balot na balot na ng dugo ang dalawang kamao niya. Mantsado na rin ang damit niyang natatalsikan ng mga dugo ng mga pinapaslang niya.
May nagtangkang umatake sakanya mula sa likuran pero mabilis niya lang iyong hinarap. Umatake si Dante gamit ang dagger niya pero sumalubong lang sakanyang mukha ang siko nito. Dahil sa lakas nun ay nabitawan niya ang hawak niyang dagger. Agad naman yung kinuha ni Eus at tatlong mabibilis na saksak ang ginawa niya sa sikmura nito bago niya ito sinipa ng malakas.
Napansin naman niya si Ikram na nasa itaas habang nakabwelo. Maya maya pa’y pinaulanan siya nito ng mga kutsilyo. Sobrang bibilis nito kaya pilit siyang umatras para iwasan ang mga ito. Pero sa kakaatras niya, may kung anong sinulid ang nasanggi ng paa niya–dahilan para mawalan siya ng balanse. At dahil dun, nawala sa utak niya ang mga kutsilyo. Isa isang bumaon ang mga ito sa braso niya.
Sinubukan niya pa sanang itong tanggalin pero napansin niya pa sina Dylan at Ish na papalapit sakanya. Ang dalawang Armada na tanging pwersa lang ang puhunan. Inipon ni Ish ang chi sa kanang kamao niya habang si Dylan naman ay dinagdagan rin ang pwersa sa kanang kamao niya.
“Arrrrghhhhh!!”
“Arrrrghhhhhh!!”
Sabay na pinakawala ng dalawa ang mga suntok nila sa harap ni Eus. Gamit naman ang dalawang kamay niya, sinalo lang niya ang mga suntok na yun. Pero sa lakas ng pwersa nilang dalawa, napapatras siya sa kinatatayuan niya..
At habang paatras sila, bigla nalang bumagal sa pag galaw ang lahat nang mapatingin sa gilid si Eus kay Sin na kanina pa naghahanap ng tsempo. Nakabwelo na ito sa hawak niyang karit na pinulot nito kanina. “Sabi ko masama magsayang ng sandata diba?” Rinig pa niyang usal nito.
Di na yun nagawang iwasan ni Eus sa sobrang planado ng tsempo nito. Mabilis na dumanak ang dugo sa braso niya nang mahiwa ito ng may kalakihan dun sa mismong sandata niyang ginamit ni Sin.
Napahinto sa pag atake ang lahat habang tinitignan ang nasugatan nilang halimaw. Tulala lang ito habang nakatingin sa sugat niya.
“Mas mahirap kang patumbahin kesa sa babaeng yun. Walang dudang ikaw nga ang lider nila .” Usal ni Sin na mas lalong nagpalaki ng mga mata ni Eus.
“Kung ganun kayo pala.” Mahinang sambit nito pero sakto lang para marinig nila.
“Bakit? Spesyal ba sayo ang babaeng yun?” Tanong pa ni Sin pero isang mahihinang tawa lang ang narinig nila. “Spesyal ba kamo?”
“Oo. Hindi mo ba alam yung ibig sabihin ng spes–” Halos tumirik bigla ang mga mata ni Sin nang tumama sa sikmura niya ang suntok ni Eus na di nila alam kung kailan ito nakalapit. “Arrrrkkk!!”
“Walang spesyal spesyal sa’kin hangal!” Ngising usal nito bago binwelo ang kabilang kamay at sobrang lakas na pinakawala sa mukha ni Sin. Sa sobrang lakas nito ay ramdam pa niya ang pag crack ng panga niya bago siya tumilapon.
Bumangga ito sa pader bago tuluyang nahulog. Nakatirik ang mga mata nito habang nakanganga. Pudpud ang ngipin at nawalan ng malay sa lakas ng suntok na yun.
“SIN!” Sigaw ni Ikram
“Siguro naman titigil kana sa kaka dada jan.” Usal ni Eus habang ginagalaw galaw pa ang kamay na sumuntok sa mukha nito. Lahat ay nanlaki ang mga mata sa nasaksihan nila. Di agad nakakilos ang mga ito.
Nakita naman ni Eus ang pagtalon ni Ikram at muling nagpakawala ng mga kutsilyo. Pero sa pagkakataong ’to, sinigurado na niya na wala ng tatama sa katawan niya. Sinalubong niya ang mga kutsilyo sa pamamagitan ng pagtalon. Pero bago pa man niya iyon inilagan, kumuha muna siya ng dalawa rito at tsaka pinuntahan ang gawi ni Ikram.
“Kanina pa ako naiirita sa mga kutsilyo mo!” Nasa ere silang dalawa kaya hirap kumilos si Ikram. “Naloko n–” Mabilis na bumaon sa sikmura niya ang dalawang kutsilyong kinuha ni Eus. “Arrrkkk!”
“Mga pipitsuging insekto!” Matapos iyong masaksak ni Eus ay bumwelo pa ito ng malakas na sipa at tsaka inatake ang mukha ni Ikram. Sa lakas nito ay sobrang bilis ng pagkakatilapon ni Ikram pabagsak sa lupa.
“Anim nalang.” Ngising sambit ni Eus.
Napansin naman niya ang kaisa isang babaeng nandito sa gilid niya. Dito siya humarap at mukhang siya ang susunod nitong pababagsakin. Naramdaman ni Nica ang panginginig ng tuhod niya. Ngayon lang siya natakot ng ganito buong buhay niya.
Dahan dahan naglakad si Eus palapit sakanya. Pero sa paglalakad niya, may dalawang bandage ang pumulupot sa kanang paa niya at tsaka pinigilan ang pag abante niya. Sunod niyang naramdaman ay ang paghawak ni Dylan sa kaliwang paa niya. Gamit ang pwersa, pilit nilang pinigilan ang pag galaw nito. Sunod namang tumali sa kaliwang kamay niya ay ang kadena ni Loda. Tapos ay mga sinulid naman ni Vincent sa kanan. “ARRGGHHH!!” Pilit gumalaw ni Eus pero todo hila rin ang mga nakahawak ng mga tali sa katawan niya.
Naramdaman bigla ni Eus na may sumakay sa likuran niya at mabilis na sinakal ang leeg niya gamit ang braso nito. Nilock ng husto ni Ish ang braso niya para di na ito makawala pa. “NICA!” Sigaw nito para tapusin na ang nilalang na ’to.
Walang pag atubili namang nilabas ni NIca ang mga blade sa pana niya at tsaka mabilis na sumugod.
Eto na ang malaking tsansa nila.
Matutumba na nila ang halimaw na ’to.
Napapaabante na sila Loda dahil sobrang lakas parin ng pwersa ni Eus. Lima na silang nagtulong tulong pero nagagawa parin nitong makagalaw. “ARRRRGGHHHH!!” Unti unti namang bumabaon ang sinulid ni Vincent sa braso ni Eus dahil sa pagpupumilit nitong kumawala.
Kakapusin ata..
“HINDI NIYO AKO KAYAAA!!!!” Sunod sunod na naputol ang mga sinulid ni Vincent. Kasabay rin nun ang pagkabasag ng kadena ni Loda at pagkapunit sa mga bandage ni Dante.
Hindee…
Napasubsob paatras ang mga ito dahil sa pagkaputol ng mga sandata nila. Sunod namang inabot ni Eus ang ulo ng nasa likuran niya at tsaka malakas itong ibinagsak sa harapan niya “MGA INSEKTO!” Sigaw niya bago malakas na inapakan ang sikmura ni Ish gamit ang kanang paa niya at tsaka ito sinipa palayo “Arrrkkkk!!” Napabulwak ng dugo si Ish dahil dun
May isa pang natitirang nakakapit sa kaliwang paa niya kaya gamit ang kamao niya, buong pwersa niya itong sinuntok sa mukha.
Mabilis siyang humarap sa atakeng papalapit sakanya. At bago pa man mahiwa ni Nica ang leeg ni Eus gamit ang pana niya, nahuli nalang niya ang sarili na sinasakal na siya nito. “Arkkkk!”
Ganun lang..
Ganun lang kabili
s nabaliktad ang sitwasyon.
Ibang klaseng pwersa..
Agad nabitawan ni Nica ang pana niya at tsaka pilit niyang inaalis ang kamay nitong sumasakal sakanya
“Walang spesyal spesyal sakin, pero yung salitang patas alam ko. At dahil kinuha niyo ang kaisa isang babae sa grupo ko…” Hinigpitan lalo ni Eus ang pagkakasakal niya kay Nica kaya mas lalo itong nagpumiglas. “Arrrkkkkk!!”
“Gusto ko maging patas naman tayo.” Ngising dugtong nito bago inangat ang katawan ni Nica. “Magpaalam kana.”
“NICA!!” Gustong tumulong ng lahat pero hirap na hirap na silang tumayo.
Naramdaman na ni NIca ang unti unting panghihina ng katawan niya. Parang ano mang sandali ay malalagutan na siya ng hininga.
Pinilit niyang kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakasakal nito.
Hindi…
Unti unti nang nanglalabo ang mga mata niya..
Dahan dahan ng tumagas ang laway sa bibig nito sa sobrang hirap huminga..
Hindi na niya kaya..
Pero bago pa man napapikit ang mga mata niya..
Isang anino ang nakita niya sa likuran ni Eus na parang nakabwelo. Sobrang pula ng mga mata nito. Mahaba ang buhok. Parang pamilyar sakanya ang itsurang yun. Di niya lang masyadong makita dahil nanlalabo ang mga mata niya.
Pero parang kilala niya ito..
Pero imposible..
“A-argo..?”
Matagal ng..
Hindi..
Mali..
Hindi ’to si Argo..
Napangisi naman si Eus at napapikit. Tila naramdaman na rin niya ang presensya ng tao yun sa likuran niya.
“Di ko inaasahan ang pagdalo mo. Pero kumusta?” Tumingin siya ng bahagya sa likuran niya at nakita niya ang panlilisik ng mga mata nito habang nakabwelo sa harap nya.
“Muli tayong nagkita…bata..”
“AAAARRRGGHHHHHH!!” Sigaw ni Virgel bago pinakawala ang napaka lakas na suntok niya.
-To be continued..
.
Hehe. Isang episode nalang after nito tas Epilogue na! Konting konti nalang hahaha and sa mga nagtatanong, yes, may Book 3 po. See you sa next episode~ Pinaka malayo na yang October 15 pramis. Comment your thoughts para ganahan ako mag sulat heheh. Yun lang~
-MajorSin
Episode 59: Battle of the Strongest (Virgel vs Morpheus)
Episode 59: Battle of the Strongest (Virgel vs Morpheus)
Pa update update lang ako pero lungkot na lungkot parin ako sa sinapit ni Agatha at Cooper hahahaha hahaah haha haa :(
Btw, wala akong mahanap na matinong pic sa portrayer ni Morpheus, pero may mga kinuha nalang ako sa manga. Para naman maimagine niyo kung gano ka badass ang pagmumukha ni Eus. Patingin nalang sa baba hehe.



Familiar yung atake niya. Hmmmn. Hahahaha

Yung ngisi niya heheh. Naiimagine niyo si Eus?



Imagine sila yung Vendetta na papunta na sa bayan ng Orquieta para maghasik hehe
His expressions maaan. Sobrang lodi ko talaga portrayer ni Eus sa totoo lang hahaha. Kung gusto niyong mapanood kung saan inspired ang grupong Vendetta, better watch Gangsta first, then pag natapos niyo at may alam na kayo sa takbo ng kwento, read Gangsta Cursed. Sobrang ganda nyan pramis. Kung action hanap niyo di niyo yan pagsisisihan.
So yun, sobrang haba po nitong chapter so pleaaase, please wag kayong magmadali hahaha dahan dahan lang para manamnam niyo yung bawat scenes. Thank you~
Enjoy~
[3rd Person’s PoV]
Gamit ang bakanteng kamay ni Eus, sinangga niya ang suntok ni Virgel at isang malakas na hampas nalang ng hangin ang kumawala sa pagitan ng dalawa.
“Abaa, mejo may kalakasan na ang suntok mo, bata.” Ngising puri ni Eus. Pero agad rin yung nawala nung mapansin niya sa harap niya na may dalawang palad ang biglang lumapat sa tyan niya. At bago pa man siya makapagreak, naramdaman niya bigla ang pag init nito at di niya alam pero isang malakas na pwersa nalang bigla ang lumabas dito na ikinatapon niya.
Nabitawan niya si Nica dahil dun–na agad ring sinalo ni Ginger dahil nawalan na ito ng malay. Tinakbo niya ito sa gilid at tsaka tinawag sila Ish. “Pakialalayan naman ’to.” Usal nito bago bumalik at tumabi kay Virgel. Ang lahat naman ay tulala lang na nakatingin sa dalawa–lalo na si Ish.
Di masink in sa utak niya ang nakikita niya ngayon sa sobrang bilis ng pangyayari.
“B-boss.” Sa loob ng ilang buwan na paghahanap, nakita na niya ulit ang Boss niya–buhay, nakatayo at ibang iba na ang postura nito. Mejo may kalakihan na ang mga braso, mahaba na ang buhok. Ibang iba na ang mga titig. Sa loob ng mga panahong nawala siya, ang laki ng pinagbago ng pisikal na pangangatawan niya.
Saan siya galing? Natanong nalang ni Ish sa isip niya. Tsaka sino ’tong babaeng kasama niya na nagpatilapon kay Morpheus gamit lamang ang mga palad nito?
“Siya ang sinasabi ni Maki na nakatapos ng isang Vendetta, diba? Ang Boss niyo?” Tanong ni Vincent sa gilid. Mabilis namang lumapit si Dylan kay Nica kahit paika ika at tsaka chineck ang kalagayan nito.
“Kumusta ang kalagayan niya?” Tanong ni Loda.
“Humihinga pa. Mabuti at nakaabot sila.”
Sa gawi naman nila Virgel ay tensyon na magkaharap ngayon ang dalawang panig.
“Nagsama ka pa talaga ng isang binibini para tulungan ka.” Inistretch nito saglit ang dalawang balikat niya dahil mejo naramdaman niya ang atake ng babae na yun kanina. “Hindi ko alam kung ano yung ginawa mo pero..” Hinimas himas nito ang tyan niya at asar na ngumisi. “Mejo nakaramdam ako dun.”
“Gusto mo ulitin ko?” Ganti rin ni Ginger kaya natawa si Eus.
“Woah, kumpyansa. Gusto ko yan.” Sagot nito at tsaka binaling ang tingin kay Virgel na tahimik lang na nakatitig sakanya. “Ikaw bata? Meron ka na ba nyan? Sa huling laban kasi natin di ko yan mahanap e. Puro galit lang yung nakita ko sa sarili mo.”
“Malas mo lang at binuhay mo pa ako nung gabing yun.” Galit na galit lang na sagot ni Virgel kaya natawa ulit si Eus. “Aaat tingin ko wala parin yung pinagbago hanggang ngayon.” Nagkabit balikat pa ito. “Pano mo ako matatalo nyan?”
“Tama na ang satsat!” Si Ginger na mismo ang pumutol sa pag uusap at tsaka kinuha ang pana ni Nica na nasa gilid at tsaka umunang sumugod kay Eus. Di ito nakakaramdam kahit katiting na takot sa kalaban nila. Sobrang tapang nito.
Muli namang pumula ang mga mata ni Eus at tsaka sinalubong ang mga ito.
Inatake ni Ginger si Eus gamit ang hawak niyang pana pero iniwasan lang siya nito at tsaka dire diretso itong pumunta sa gawi ni Virgel “IKAW ANG GUSTO KONG MAKALABAN BATA!!” Sobrang lawak ng ngisi nito habang binibwelo ang kamao niya. “SABIHIN MO!” Agad niya iyong pinakawala kaya gamit ang dalawang kamay, sinangga iyon ni Virgel. Pero di sapat iyon, napapaatras parin si Virgel dahil sa lakas ng pwersa nito. “Sabihin mo…nagpalakas ka ba?”
Pero imbes na sumagot, isang nakakalokong ngisi lang rin ang ginanti ni Virgel sakanya–bagay na ikinabigla niya. “Ako ang papatay sayo..” Usal nito at naramdaman ni Eus ang mahigpit na pagkakapit ng dalawang kamay nito sa kamao niya. At dun, napansin nalang niya ang presensya sa likuran niyang nakabwelo na ng hawak nitong sandata “Huwag na huwag mo kong babaliwalain!” Sigaw ni Ginger. Sinubukan ni Eus na humarap pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni VIrgel.
Kitang kita na ni Ginger ang batok ni Eus kung saan niya ito hihiwain, pero bago pa man niya iyong magawa, mabilis na yumuko si Eus at gamit ang paa niya isang malakas na sipa ang pinakawala niya sa likuran at natamaan dun si Ginger kaya tumilapon ito pabalik
“Walang kwenta!” Inangat muli ni Eus ang ulo niya matapos niya iyong magawa, pero sa pag angat niya, isang tuhod nalang ang napansin niya na sobrang lapit na sa mukha niya. “Tang..” Halos umalog ang utak ni Eus dahil sa tuhod na tumama sa mukha niya. Sinundan pa yun ng sipa ni Virgel sa sikmura kaya tuluyan itong tumilapon.
Sinubukan pa sana nitong bumalansi para di matumba pero sa pag babalanse niya, di na niya namalayang nakasunod pala si Virgel sa harap niya. “ARRRGGHHH!” Isang malakas na kanan ang pinakawala niya kaya tuluyan na bumagsak ng malakas si Eus sa lupa.
At habang di pa ito nakakabawi, sinakyan ni Virgel ang katawan nito at tsaka walang humpay na pinagsusuntok ang mukha nito. Bawat suntok niya ay halatang galing sa puot at galit na nararamdaman niya ngayon. “RGGHH!! AARRRGHHH!!” Parang gigil na gigil siya sa kaharap niya at gusto na niyang tapusin ang buhay nito ngayon mismo. “Pagbabayarin mo ang ginawa mo kay Papa at Hell..” Halos hinihingal na siya sa walang tigil niyang pag suntok. Tumigil siya saglit at tsaka buong bwelo itong itinaas ang kanan niya. “PAPATAYIN KITA!!” Sigaw niya bago pinakawala ang kanan na yun.
Pero nakagalaw ang kamay ni Eus at nasalo niya iyon. At di nakapaghanda si Virgel sa sunod na ginawa nito, hinila nito ang braso niya palapit kaya tuluyang nahila ang katawan niya–na sinalubong naman agad ni Eus at inuntog ang ulo nito sa ulo niya. “HAAAA!” Domuble bigla ang paningin ni Virgel dahil dun. Kinuha naman yun agad ni Eus para magpalit ang dalawa ng pwesto. Agad nitong ginulong katawan at ngayon ay si Virgel naman ang nasa baba.
Lumawak lalo ang ngisi ni Eus habang tinitignan ang mukha ng kaharap niya . “Sabog ka ngayon.” Bibwelo pa sana ito para sa suntok pero nakita niya sa taas si Ginger na papunta sa gawi niya kaya napilitan siyang gumulong paatras bago pa siya tamaan.
“Ayos ka lang?” Inalalayan saglit ni Ginger si Virgel dahil mukhang nahilo talaga ito sa ginawa ni Eus.
“Oo. Salamat.” Nang makabawi ay muling tumayo si Virgel.
Pinahiran naman ni Eus ang dugo sa labi niyang pumutok dahil sa mga suntok na natanggap niya kanina tapos ay dinilaan ang dugo nito. “Kulang pa. Kulang pa ang lakas mo, Virgel.” Usal nito na nagpakulo lalo ng dugo ni Virgel. Napansin ni Ginger ang expresyon ng mukha nito kaya agad na niya itong binalaan.
“Yung sinasabi ko. Kung gusto mong matalo tong kaharap natin, huwag na huwag mong hahayaang lamunin ka ng emosyon mo at magising ang isang katauhan mo. Dahil pag nangyari yun, baka maulit lang ang resulta ng laban niyo noon.” Napagtanto ni Virgel ang mga narinig niya kaya agad niyang inalis ang galit ang utak niya. Buti pinaalalahan siya nito.
“Oo.” Tipid lang na sagot nito.
“Oh? Mag uusap nalang ba tayo dito?” Pang aasar ni Eus. “Sugod.” Dugtong nito kaya di na nag atubili ang dalawang ituloy ang paglalaban nila.
Habang nanunood ang tatlo sa CCTV kung saan naglalaban sina Morpheus at Virgel, di maiwasan ng doktor na mamangha. “Ang bata pa niya para makipag sabayan kay Eus. Anak nga siya ni Vlademir.” Puri nito habang nakangisi.
“Taglay din ng batang yan ang Ethereal drug niyo, hindi ba?”
“Kay Vlademir niya napasa ang drogang nasa katawan niya ngayon. Gawa yan ng ama ko kaya di hamak na mas may ibubuga pa yan mamaya.”
“Inaamin mo ba na mas perpekto ang gawa ng ama mo kesa sa mga droga mong itinurok sa mga Vendetta?” Tanong ni Gideon. Habang si Baron naman ay tahimik lang nakikinig sa dalawa.
Matagal na nakasagot ang doktor. At napansin yun ni Gideon. “Hmmn, sabihin na nating oo. Ama ko yun. Hinahangaan ko na siya dati pa.” Inayos ng doktor na salamin niya at lihim na ngumiti. Walang kaalam alam ’tong dalawa sa bago nitong proyektong hihigit pa sa gawa ng ama niya.
Biglang nakaramdam na kaonting pag uga ang tatlo sa silid kaya nagtaka ang mga ito. “Ano yun?”
May malakas na sirena naman ang tumunog sa buong kuta ni Manuel kaya napatingin ang mga ito sa cctv na nakakonekta sa labas ng gate. At dun, sa sobrang pagtuon nila ng pansin sa laban nila Morpheus ay di na nila napansin na may iilang mga tangke na pala ang nasa harapan ng malaking gate at pilit na itong tinutumba.
“Pinapasok na nila tayo.” Marahil ay kokonti nalang ang natitirang mga tauhan ni Manuel kaya nakagawa na ng paraan ang ito na makalapit sa kuta niya. “Nahihibang na ba sila?” Tanong ng doktor at ginalaw ang mga pindutan sa harap niya para malipat ang pinapanood nila sa likuran ng lab niya.
“Hayop yan…” Nakita niyang isa isa ng inaalis ng mga sundalong nakapasok sa likuran ng kuta niya ang mga bata na nasa bahay ampunan. “Mukhang kailangan na nating umalis dito.” Wika nito kaya agad ring tumayo si Gideon.
“Sumunod kayo sakin.” Nakita ni Manuel ang baril niya sa gilid kaya palihim niya iyong kinuha at itinago bago lumabas.
“Nasa labas na ang Vendetta kaya madali na nating mapapasok ang kuta niya.” Sambit ni Colonel Astrid kay Heneral Tresler. Ilang tangke na ang nagpapasabog sa harap ng gate at konti nalang ay mabubutas na ito. “Sana lang ay hindi tayo mahuli.”
“May mga nakapasok ng mga sundalo sa likuran. Kaya nilang pigilan ang pagtakas ng doktor na yun kung sakali hanggang sa makapasok tayo sa loob.”
Sa muling sunod sunod na pagsabog na ginawa nila, ay tuluyan na nga itong nasira. May mga iilan pang alaga ni Manuel ang humarap kila Astrid at nagpaulan ng mga paputok kaya dali dali silang nagtago. Tanging ang mga tangke nalang nila ang gumaganti sa mga ito.
Sinubukang lumabas ni Manuel sa likuran ng lab niya pero nakita niya ang mg sundalo na pumasok mula roon. “Tsk!” Lumiko sila ng dinaanan at tsaka tinahak ang isang tagong pasilyo. May mga iilang tauhan pa naman si Manuel na nasa loob ng lab kaya napipigilan ng mga ito ang tuluyang pagpasok ng mga sundalo.
“Saan tayo pupunta, Doktor?” Kalmado lang na tanong ni Gideon habang tumatakbo sila.
“Basta.” Ngising usal nito.
Nang maubos ng hukbo ni Heneral Tresler ang mga nasa harap ay tuluyan na nilang pinasok ang gate para sugurin na ang pinagtataguan ni Manuel “Move move move!!” Command ni Astrid habang maingat parin na nakatutok ang baril sa paligid.
Nang makita nila ang malaking lab sa unahan ay agad nila iyong pinuntahan. “NANDUN! TARA!” May mga iilan parin silang nakakasagupa na mga kalaban pero masyado ng marami ang bilang nila para matalo sa palitan ng putok. Abot kamay na nila ang tagumpay.
May isang tangke ni Manuel pa ang sinubukang asintahin ang kinaroroonan nila Astrid pero bago pa man ito nakapag paputok, may isang bomba nalang ang nahulog mula sa taas at tumama yun sa tangke kaya tuluyan itong sumabog.
Nakasuporta rin sila Steph na nasa taas lang para tuluyang makapasok sila Astrid
“Dito na matatapos ang kahibangan mo, Manuel.” Bulong ni Astrid habang tinatahak ang daan.
**
Narating nila Manuel ang isang dead end. Pero may isang chopper ang nakaplastar dito kaya alam na ni Gideon ang plano nito. Napatingin siya sa taas ng dahan dahan itong bumukas.
“Tatakas ako palabas dito.” Usal ng doktor at tsaka dahan dahang lumapit sa chopper.
“Pakiulit ng sinabi mo?” Kunot noong tanong ni Gideon
“Tatakas. ako . palabas. dito.” Ngumisi pa ito at tsaka humarap kila Gideon habang itinutok ang baril na dinila nito kanina. Agad namang humarang si Baron para protektahan ang Boss niya.
“Sinasabi ko na nga ba’t mali na nakipag sabwatan ka sa isang ’to, Boss.” Giit ni Baron habang sobrang sama ng tingin sa doktor. Kahit nung una palang ay wala na talaga siyang tiwala sa demonyo na ’to.
“Pasensya kana pero ayoko lang talaga ng sagabal, Mr. Saquin.” Ngising ganti lang ni Manuel. Pero isang nakakabagot na expresyon lang ang natanggap nito mula kay Gideon. Dahil dito ay biglang uminit ang ulo ng doktor. “Kunwari walang nararamdaman pero alam kung takot na takot kana ngayon.” Tumawa pa ito ng mapang asar. Pero imbes na sumagot, dumukot lang ng isang sigarilyo si Gideon at sinindihan ito.
“Sayang ang talino mo, Manuel. Kung di ka lang nagpa alila sa ama mo noon. Baka hindi kana umabot sa ganitong klaseng buhay. Baka kilala kana ngayon na isang napaka galing na doktor sa buong asya o maski sa buong mundo sa magandang paraan.” Wika ni Gideon kaya natulala saglit si Manuel.
“Anong alam mo sa buhay ko?” Tumawa ulit ito. “Ako? Nagpaalila? Sa ama ko?” At mas nilakasan pa nito ang pagtawa kaya rinig na rinig na ito sa buong pasilyo. “Hindi ako nagpaalila sa ama ko kahit kailan!”
“At ano ba ang rason mo bakit mo binuo ang Vendetta?” Muling natameme ang doktor sa sunod na tinanong ni Gideon. “Hindi ba’t para subukan ang natutunan mong droga na itinuro sayo ng ama mo? At gusto mo na mas hihigit pa ang gawa mo kesa sakanya. Kaya ang tagal mong nakasagot kanina nung tinanong kita kung tanggap mo ba na mas lamang parin ang ama mo sayo.” Napatingin si Manuel sa sahig habang pilit na inaalis sa utak ang mga naiisip niya. Dahan dahan niyang naibaba ang baril.
“Gusto ko lang patunayan sakanyang hindi ako isang palpak na anak.” Wala sa sariling sagot ng doktor. “Noon pa man ay lagi na niya akong napagsasabihan kung gano ako kabobo dahil hindi ko magawa ang mga nagagawa niya.” Bigla niyang naalala noon kung pano siya laging napapahiya sa mga kapwa niya scientist dahil laging sampal ang natatanggap niya sa ama niya sa tuwing napapagalitan siya nito.
“Gusto kong ipamukha sakanyang kaya ko siyang higitan.” Nangatal ang bibig ni Manuel at hindi na nito maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. “Gusto kong higitan ang kakayahan niya. At baka pag nagawa ko yun ay baka mapuri naman niya ako kahit isang beses lang. Kahit isang beses lang…”
“Pwede mong patunayan ang bagay na yan sa ibang paraan.” Ganti naman ni Baron. “ Pwede ka ng sumuko ngayon para magbagong buhay.“
Mula sa malungkot na expresyon, muli nilang nasilayan ang pag ngisi nito . “At para ano? Ibubulok niyo ako sa bilangguan?” Muli niyang tinutok ang baril niya kila Baron. “Mamamatay muna ako bago niyo ako mahuli!” Kakalabitin na sana niya ang gatilyo nang bigla niyang naramdaman ang isang balang tumama sa braso niya.
Napatigil ang lahat dahil dun. Napatingin ang doktor sa gilid niya at nakita niya si Colonel Astrid na nakatutok ng baril sakanya. “Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong tuluyan kita, Manuel Guanzon.” Banta nito habang seryosong nakatingin dito.
“Edi tuluyan mo!” Ngising usal nito bago nilipat ang pagtutok ng baril kay Astrid.
“Baron..” Usal ni Gideon kaya mabilis na tumakbo si Baron palapit sa doktor habang hawak ang dalawang knuckles nito na may patalim sa gilid. Sa isang iglap ay nagkapira piraso ang kaninay hawak hawak lang na baril ni Manuel. At sa huling atake, binaon ni Baron ang sandata nito sa sikmura ng doktor. “Arrk!!”
Biglang tumahimik ang buong paligid matapos mangyari yun..
Napayakap ang doktor kay Baron sa sakit ng tinamo niya “H-ha..yop.” Tumagas ang dugo sa bibig nito at tsaka dahan dahang natumba.
Lumapit sina Gideon at Astrid sa gawi ng doktor at pinagmamasdan nila itong naghihingalo.
“Tingin niyo..m-ma..matatapos na to dahil n-napabagsak niyo ako?” Kahit nagsusuka ng dugo ay pilit parin nitong ngumisi sa harap ng tatlo. “Mga hangal!” Sigaw nito tsaka pilit na tumawa “Aalingawngaw parin ang pangalan ko kahit mapatay niyo ako dito..rghhhh!” Pilit nitong hinawakan ang saksak sa sikmura niya para patigilin ang dugo nito.
“At hindi rin titigil ang gobyerno para patayin ang nag aalingawgaw mong pangalan sa bansa.” Seryosong sambit naman ni Astrid.
“Gobyerno?” Tumawa pa ulit ito ng mapang asar. “Gobyerno niyong puno ng traydor!” Dugtong nito bago muling tumawa nang malakas. Sa sinabi nito ay nangunot ang noo ni Astrid.
Nakita nila itong may kinuha sa bulsa at tsaka pinindot. Maya maya pa ay naramdaman na nila ang pag yanig ng paligid dahil sa mga iilang pagsabog. “Ano yun?”
“Plano niyng pabagsakin tong lab kasama tayo!” Sigaw ni Baron kaya dali dali na silang kumilos. “Kailangan na nating umalis.”
Bago pa man umalis si Gideon ay dinukot muna nito ang baril niya at tsaka itinutok kay Manuel. Tumingin pa ito nang bahagya sakanya at ngumisi. “Tingin mo, kapuri puri na ba tong nagawa ko para sa ama ko?”
“Hindi.” Tipid na sagot ni Gideon at nakita nalang niyang ngumiti ito ng mapait at tsaka tuluyang hiniga ang ulo. “Hindi mapagkakailang nahigitan mo na ang nagawa ng ama mo, doktor.”
Sa dinugtong nito ay nakita niyang napakagat nalang ng labi ang doktor at tila pinipigilan ang luha nito. “Talaga?”
Tinutok ni Gideon ang baril nito sa ulo ng doktor. “Oo. At sapat na yun para ikaw naman ang magpahinga.”
Isang pagpuri ng ama lang naman ang gusto niya.
Hindi niya akalaing ganito na pala kalayo ang narating niya.
Sa huli ay ngiti nalang nitong pinikit ang mga mata niya. “Salamat..” usal nito bago umalingawngaw ang dalawang putok ng baril sa paligid.
“BOSS! Tara na!” Sigaw ni Baron kaya agad na itong sumunod sakanila.
Tagaktak na ang dugo nila Ginger at Virgel habang hinihingal. Anong klaseng lakas meron ang halimaw na ’to? Sa kabila ng mga natamo nitong mga atake mula sa dalawa, nakukuha parin nitong ngumisi sa harap nila.
“Huwag niyong sabihing yan lang ang ibubuga niyo?” Pang aasar nito kaya mas lalong nag init ang ulo ng dalawa.
“Hindi pa kami tapos!” Sigaw ni Ginger bago muling sumugod ang mga ito
Umunang lumapit si Virgel kaya agad binwelo ni Eus ang isang paa niya. “Nag sisimula na akong madismaya!” Sigaw nito bago pinakawala ang sipa sa sikmura ni Virgel. Malakas yung tumama kay Virgel kaya napapikit nalang siya sa sakit. Pero kapalit nun, hinigpitan niya ang pagkakahawak rito at nakita nalang ni Eus ang pag lundag ni Ginger palapit sakanya.
Nakaabante ang palad nito at mukhang plano na naman nitong gawin ang atakeng ginawa nito kanina.
Di siya makakaatras dahil sa pagkakahawak ni Virgel sa paa niya.
Nung sobrang lapit na ng palad ni Ginger sa mukha ni Eus ay agad niyang inipon ang enerhiya niya dun at “ARRGHH!” Isang malakas na Kai na naman ang pinakawala nito na naging dahilan para halos mabali ang ulo nito sa pagkaka liyad sa lakas ng pwersa na yun.
Agad namang binitawan ni Virgel ang paa nito at tsaka umatake papunta sa sikmura ni Eus.
Sinubukan niyang ilapat ang isang palad niya para magpakawala ng Kai pero nagdalawang isip ang utak niya kung gagawin niya ba ito.
Mukhang di ko pa kaya..
Sa huli ay ang isang kamay nalang niya ang ginamit at tsaka malakas na sinikmura si Eus. Sunod sunod ang ginawa nilang atake at di na yun nagawang mailagan ni Eus dahil di agad ito nakabawi mula sa Kai na atake ni Ginger kanina.
Napupuruhan na nila ito.
Si Virgel naman ang tumalon at si Ginger ang nasa ibaba para ilapat muli ang palad nito sa sikmura ni Eus. Habang si Virgel naman ay nakabwelo narin ng suntok papunta sa mukha ni Eus.
“Ngayon na!”
Sa paglapat ng palad ni Ginger ay siya namang pinakawala ni Virgel ang suntok niya. “ARRRGHH!!/AAARRHHHH!!” Sabay na sumigaw ang dalawa bago buong lakas na pinakawala ang mga atake nila.
Isang malakas na hampas ng hangin ulit ang namuo sa pagitan ng dalawa bago tuluyang tumilapon si Eus at nabangga sa pader.
Matapos yun ay saglit sumagap ng hangin sila Virgel. Nararamdaman na ni Ginger ang panginginig ng kalamnan niya. May limit ang pag gamit ng Kai depende sa enerhiya meron ka. At para kay Ginger, apat na beses niya lang itong pwedeng magamit. Malakas itong maka higop ng enerhiya sa katawan depende sa pinapakawalan mo kaya masyado itong limit gamitin. Sa ngayon ay nakakatatlo na siyang gamit ng kai at isa nalang ay magiging inutil na siya sa labanan na ’to.
Kailangan na nilang mapagbagsak ang isang ’to bago pa man mangyari yun.
“Mukhang nalalamangan na nila si Morpheus.” Komento ni Dylan habang pinapahinga ang sarili sa gilid. Lahat sila ngayon ay di na makakilos ng maayos dahil sa mga tinamo nila kaya wala silang ibang magawa kundi ang manuod nalang.
“Ang lakas nung babae.” Singit ni Dante.
“Ba’t nanginginig ka?” Takhang tanong ni Virgel nang mapansin niya si GInger.
“Isang beses ko nalang pwedeng gamitin ang kai.” Sagot lang nito habang kinakapos parin sa paghinga.
“Kaya pa ba ng katawan mo? Magpahinga ka nalang. Kaya ko na ’to.” Giit ni Virgel dahil ramdam na niyang nanghihina na ang katawan ni Ginger.
“Kaya ko pa. Isang atake lang–” Natigil si Ginger sa pagsasalita nang mapansin niya ang sobrang bilis na tipak na semento na papunta sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata niya dahil kakapusin siya sa pag ilang. Pero buti ay naka aksyon agad si Virgel at nabasag niya iyon gamit ang kamao bago ito tumama sa mukha ni Ginger.
Pareho nilang tinignan kung saan ito nanggaling. Nakita nilang nakatayo na si Morpheus habang nakangisi parin. May hinagis hagis pa to sa ere na isang tipak na naman na semento. “Ngayon lang ulit ako napuruhan ng ganito simula nung huling laban natin bata.” Usal nito bago dinurog ang sementong yun sa mga kamay niya. “Dudurugin ko kayo ng pinung pino.” Dugtong nito bago mataas na tumalon at tsaka umatake papunta sa kinatatayuan nila. “AARRRGHHH!!” Buti ay naka atras agad ang dalawa bago tumama ang suntok ni Eus sa lupa.
Pero di pa man nakakaapak si Virgel sa pag atras, isang suntok muli ang nakita niya sa harap kaya mabilis niyang tinakpan ang mukha niya gamit ang mga braso niya. Dun tumama ang suntok na yun at ramdam niyang parang may kaoting nabaling buto sa braso niya kaya napadaing siya bago tumilapon. “Dudurugin kita bata!” Ngising usal ni Eus bago ulit sinundan si Virgel kung saan ito tumilapon. Tila dumoble lalo ang bilis nito simula kanina. Parang patagal ng patagal ay palakas rin ng palakas ang isang ’to.
Hindi ko siya kaya..
Kailangan ko pa ng lakas…
“Kung gusto mong matalo tong kaharap natin, huwag huwag mong hahayaang lamunin ka ng emosyon mo at magising ang isang katauhan mo.”
Muli niyang naalala ang sinabi ni Ginger sakanya kanina kaya agad niyang inalis ang iniisip niya.
Hindi pwede..
Habang papalapit si Eus kay Virgel, muli niyang napansin ang papalapit na palad sa may likuran niya kaya di na siya naging kampante pa. Mabilis niyang nilingon si Ginger sa likuran at tsaka mabilis na hinawakan ang braso nito.
Nakaramdam naman ng kung anong sindak si Ginger sa tingin na pinukol nito sakanya. “Di ko na hahayaan pa ulit yan, binibini.” Ngising usal ito at tsaka walang pahintulot nitong hinigpitan ang pagkapit nito. “ARRRGHHHHH!!” Ramdan ni Ginger ang unti unting pagkakadurog ng buto niya sa braso dahil sa sobrang higpit ng pagkaka kapit nito.
“GINGER!!” SIgaw ni Virgel nang makita ang sitwasyon nito.
“Nakialam ka pa kasi.” Ngising wika ni Eus at tsaka mabilis na inikot ang braso nito at rinig na rinig niya ang pagkakabali ng buto ni Ginger. “AAAARGGHHHHHHHH!!” Sa sobrang sakit ay tuluyan ng napahiyaw ng husto si Ginger. Agad itong napaluhod dahil tila tinakasan siya ng lakas sa sobrang sakit ng pagkakabali ng braso niya.
“GINGEEEEEERRRR!!!!!” May naramdamang kadena si Virgel sa katawan niya na tila may humihila dito at anong oras man ay mapuputol na ito.
Agad namang binwelo ni Eus ang paa niya at malakas na sinipa ang mukha ni Ginger kaya tumilapon ito palayo.
“Yan ang nababagay sa mga pakialamera.” Ngising sambit ni Eus tsaka muling hinarap ang kinalalagyan ni Virgel. Pero sa pag ikot niya, isang nanlilisik na mga mata nalang ang nasaksihan niya na sobrang lapit sa mukha niya. Sinubukan niyang itaas ang mga kamay niya para makadepensa pero masyadong mabilis ang pinakwala ni Virgel kaya sapul ang mukha nito. Mas ramdam niya ang suntok na ’to kesa sa mga naunang atake ni Virgel.
Isang suntok ulit ang pinakawala nito sa sikmura niya kaya napabulwak na siya ng dugo. Titilapon pa sana ang katawan niya pero hinawakan ni Virgel ang kamay niya para manatili itong nakalapit sakanya . “HAYOP KAAA!” Sigaw nito bago walang humpay na pinunterya ang sikmura nito. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa braso ni Eus habang ang kanang kamay naman nito ay panay suntok sa sikmura niya
Sinubukang sanggain ni Eus ang suntok nito gamit ang bakanteng kamay pero nung ginawa niya iyon, isang sipa lang naramdaman niya sa tagiliran niya.
Ayaw siya nitong tigilan..
At nagulat nalang siya nang hawakan ni Virgel ang ulo niya gamit ang dalawa nitong kamay. Tinulak palapit ni Virgel ang ulo nito at tsaka sinalubong ang tuhod niya. Sa lakas nun ay tila nawalan na ito ng ulirat.
Nanatili lang itong nakatayo pero halatang nawalan ito ng wisyo dahil sa atakeng yun. Dahil dun ay nakagawa ng oras si Virgel na iposisyon ang palad niya sa sikmura nito.
Kaya ko ba?
“Kaya mo yan..” May narinig siyang boses. At dun lang niya napansin si Ginger na nasa likuran na rin ni Eus habang nakalapat ang kaliwa nitong kamay. “Huli na to..” Usal ni Ginger kaya seryosong finocus ni Virgel ang enerhiya niya. Ayaw na niyang masayang pa ang pagkakataon na ’to.
Ito na ang huling tsansa nila.
Naramdaman niyang nalipat na niya ang lahat ng enerhiya niya sa palad kaya agad na itong sumigaw “ARRRGHHHHH!!” Kasabay ng pagpakawala ng Kai, ganun rin ang ginawa ni Ginger sa likuran nito. “ARRRRGHHHH!!”
Sabay na pinakawala ng dalawa ang pwersa nila. Isang malakas na pwersa ang humampas sa paligid nilang tatlo. Sa ginawa nilang magkabilaan na atake ay halos tumirik ang mga ni Eus sa tinamo.
Natahimik ang buong paligid sa huling ginawa nila.
Pati ang paligid ay nabigla sa nangyari
……………
……………………
……………………………..
“Nagawa ba nila?” Tanong ni Loda sa gilid.
“Panalo sila..” Sambit rin ni Vincent.
“Boss…” -Ish.
Hinihingal ang dalawa ngayon matapos nilang magawa ang huling atake nila.
Nagawa ko?
Nanalo kami?
Mararamdaman na sana niya ang tuwa sa sarili nang may biglang humila sa buhok nilang dalawa.
Anong..
“Di niyo kayang patumbahin ang isang tulad ko..”
Imposible…
Ginawa na namin ang lahat pero..
Inangat ni Eus ang dalawang bata at tsaka malakas na pinag umpog ang mga ulo nito. “Arrrkkk!!” Agad nakaramdam ng pagkahilo ang dalawa.
Kasunod nito ay malakas na tinuhod ni Eus ang sikmura ni Virgel at tsaka ito sinipa palayo.
Ngayon ay si Ginger nalang ang hawak hawak nito. “Hindi ko alam kung saan ka galing pero pinahinga mo ako sa lakas mo.” Usal ni Eus at tsaka tinaas pa ng bahagya ang katawan ni Ginger. “At sigurado akong makukuntento ang kalamnan ko sa oras na tapusin kita dito.” Di na makagalaw si Ginger. Ubos na ang lakas niya sa pag gamit ng kai. Pati sa mga tinamo niyang atake. Wala ng natitira sa katawan niya.
Sa kabilnag banda naman ay pilit bumangon ni Virgel at gumapang “H-hindi…” Habang tinitignan niya ang sitwasyon ni Ginger, biglang sumagi sa utak niya ang mga panahong natapos ang mga mahal niya sa buhay sa harap niya na wala siyang ibang nagawa para pigilan ito.
Pamilyar na sakanya ang eksena na ’to.
Hinde..
Hindi na to pwede…
Hindi na pwedeng maulit pa ang ganitong pangyayari sa buhay niya.
Kahit sobrang sakit ng katawan, pilit niyang tumayo at tsaka nagkandarapa sa pagtakbo.
“B-bitawan mo siya..” Bulong nito habang pagewang gewang sa pagtakbo.
Nakita niyang binwelo na ni Eus ang paborito niyang atake. Ang kamay nito. Ang atakeng tumapos sa buhay ni Vlad at Hell
“Hinde..hindee…” Pilit inaabot ng kamay niya ang kinalalagyan nila Eus kahit sobrang layo pa niya. At unti unti nalang sumagi sa utak niya ang mga panahon na magkasama sila ni GInger habang masayang nagsasanay.
Kailangan kita..
Lumalalim na ang paghinga niya
Wag…
Naramdaman niya na unti unti ng nagkakatipak ang kadenang kanina niya pa nararamdaman sa loob niya.
“Huwag…huwa…” Hanggang sa nakita na niyang pinakawala ni Eus ang atake niya.
“Paalam binibini”
Agad nanglaki ang mga mata ni Virgel at napasigaw
“HUWAG MONG GAGAWIN YAAAAAAAAAAAAN!” At dun, tuluyan ng naputol ang kadenang yun bago dumilim ang paningin niya.
…..
…………..
Bago pa man tumama ang mga matutulis na kuko ni Eus sa dibdib ni Ginger ay may biglang humawak sa kamay niya at tsaka siya nito malakas na binalibag at itinapon palayo.
“HAHAHAHAHAHAHAHA!!” Isang malademonyong tawa ang narinig ng lahat sa buong paligid.
Si Ginger naman ay hinang hina na tinitignan ang likod ni Virgel. Di man niya ito nakikita pero alam niya.. “H-hinde..”
alam niyang nagising na nito ang isang katauhan niya.
at isa lang ang ibig sabihin nito, mauulit lang ang naging resulta ng paglalaban nilang dalawa dati.
Muling tumakbo si Virgel na tila triple na ang bilis papunta sa kinaroroonan ni Eus. “HAHAHAHAHA!”
[Virgel’s PoV]
Mga patak ng tubig na naman ang nagpamulat sa akin. At tulad ng dati, sa isang madilim na lugar na naman ako napadpad. Alam ko na kung nasan ako ngayon.
“Tignan mo nga naman, may lakas ka pa ng loob na bumalik matapos ng ginawa ko sayo nung huli.” Isang boses ang narinig ko at di na ako nagtaka sa pagkakatong ’to.
Ang tangi kong inaalala ay ang katawan kong wala sa sarii na nakikipag laban ngayon. Mauulit na naman ang nangyari dati. At ang mas malala pa, baka di na ako makakabalik pa ng buhay.
Bumangon ako at pinili nalang ang maging disperado ulit. Alang alang sa mga kasama ko sa labas. Lalo na kay Ginger. “Pakiusap, kailangan kita ngayon. Di ko kayang mag isa ang halimaw na yun.” Pakiusap ko, pero gaya ng inaasahan, isang tawa lang ang narinig ko.
“Ang patakaran ay patakaran, Virgel. Makikipag isa lang ako sayo sa oras na matalo mo ako.” Sagot nito bago tumayo. At heto na naman, bumibigat na naman ang presensya sa buong paligid buhat ng mga mapupula niyang mga mata. Hindi ko alam pero biglang bumalik sa utak ko ang huling sinapit ko nung makalaban ko ang isang katauhan ko. Halos wala akong ibinuga. Halos namatay na ako sa tinamo ko sakanya.
Sa bawat abante niya ay hakbang paatras rin ang nagagawa ng katawan ko. Pano ko ’to matatalo?
Nakita kong parang nabigla ang itsura niya at tumigil sa pag abante. At sa kakaatras ko, may biglang nasagi ang likod ko kaya napahinto rin ako.
“Natatakot ka ba?” Rinig kong boses sa likuran ko kaya napadilat ang mga mata ko sa pagkabigla.
Ang mga katagang yan ..
Ang boses na yun. ..ang boses na tumawag sa pangalan ko nung huling punta ko dito. Ang boses na nagligtas sakin sa kamatayan.
Napansin ko ang pag akbay ng kamay niya sa balikat ko. At ewan, parang naramdaman ko nalang na protektado na ako.
“Kuya Argo..” Nasambit ko nalang.
Tumabi siya sa gilid ko kaya napatingin ako sakanya. “Ba’t nandito ka kuya?”
“Ni minsan hindi ako nawala sa tabi mo, Virgel.” Sagot nito at tsaka tumingin sakin at ngumiti “Nangako akong babantayan kita, hindi ba?” Bigla na namang naging emosyonal ang pakiramdam ko nang makita ko ang nakangiting mukha niya. Pero pilit ko itong itinago.
“Wow, reunion ba ang gusto niyo?” Nabaling ang tingin naming dalawa sa harap namin at hindi ko inaasahan kung sino ang gagayahin niya.
Isang batang katawan ni Papa . “Come to papa.” Asar pang usal nito habang nakangisi.
“Handa ka na, Virgel?” Naramdaman niya atang kinakabahan parin ako kaya ginulo niya lang ang buhok ko. “Andito lang si kuya.”
Napangiti ako sa huling sinabi niya. Tama, wala akong dapat ikatakot dahil nandito na ang kuya ko para protektahan ako.
“Handa na kuya..” Sagot ko at sa isang iglap lang, tila mas naging triple pa ang bigat ng presensya sa buong paligid. Tinignan ko si Kuya Argo. Pula narin ang mga mata nito at seryosong nakatingin sa harap. Kung gano ka amo ng mukha nito kapag nakangiti, ay ganun rin ito ka nakakatakot pag nagseryoso.
Nakita kong umunang sumugod ang isang katauhan ko kaya hinanda ko narin ang sarili ko.
Matatalo ka rin namin!
“LABAN NA MAGKAPATID NA ACOSTA!!”
[3rd Person’s PoV]
“Anong nangyayari sakanya? Ba’t nag iiba ang kilos niya?” Takhang tanong ni Dante habang pinapanood si Virgel na nakikipag sabayan kay Morpheus.
“Taglay ni Boss ang kakayahan ng mga Vendetta.” Sagot naman ni Ish.
“At tingin ko hindi pa niya ito nakokontrol kaya nawawala siya sa sariling katinuan. Yan ang epekto ng droga.” Dugtong naman ni Loda.
“Minsan mo ng binali ang braso kong hayop ka.” Usal ni Eus habang tinitignan ang nakangising si Virgel sa harap niya. “Di mo parin pala nakokontrol ang isang katauhan mo.” Dugtong nito at tsaka umiling . “Binigyan kita ng panahon para makontrol mo yan pero mukhang binigo mo ako.” Kinuyom nito ang dalawang kamao niya na tila sobrang dismayado. “Sana tinapos ko nalang ang buhay mo nung gabing yun.” Nakita niya ulit itong sumugod ng padalos dalos kaya muli niya itong sinalubong “WALA KANG KWENTA!!”
“Pero siguro magagawa ng matalo ni Virgel si Morpheus dahil mejo mas mabilis na ang mga kilos niya ngayon kesa kanina.” Komento naman ni Vincent.
“Kailanman hindi nananalo ang isang walang kontrol sa sarili sa meron.” Singit ni Dylan.
Kita nilang nagkakasangga ng mga suntok at sipa ang dalawa. At wala ni isa ang gusto magpatalo. Pero kahit sabayan man itong masasabi, kitang kita parin kung sino ang lamang. Ilang suntok na ang tumatama sa mukha ni Virgel dahil hindi ito dumipensa. Habang si Eus naman ay mabilis makailag kaya nakakalamang ito.
“Hindi ’to maganda.” Usal nalnag ni Loda.
Dinura ng isang katauhan ni Virgel ang dugo sa bibig niya. Di niya kaya ang lakas ni Argo. At di niya akalaing may mas ilalakas pa pala si Virgel. Kumpara nung una silang naglaban, parang nagkaron ito ng kompyansa sa sarili. Gawa narin siguro sa presensya ng kapatid niya.
Nakita niyang naglalakad ang dalawang magkapatid na palapit sakanya habang nanlilisik ang mga tingin nito. Nakakatakot silang pagmasdan.
Di na umi epekto sakanila ang panggagaya niya ng itsura. Maski si Vlad ang ginaya niya, kung atakihin siya ng mga ito ay tila hindi nila ama ang nakikita nila.
Nakakailang pikit lang siya nang biglang mawala si Argo sa harap niya. At isang siko nalang bigla ang naramdaman niyang tumama sa batok niya. “Arkkk!!” Pabagsak na sana ang katawan niya pero sinalubong lang ito ng suntok ni Virgel “Arrrghhhhh!!” Sa lakas nito ay napunit pa talaga ang damit niya. Tumilapon siya at nabangga sa inuupuan niyang trono kanina.
Sinubukan niyang bumangon pero nakita niyang pabagsak si Virgel mula sa taas papunta sa hinihigaan niya. “Naloko na..”
“ARRRGHHHH!!” Isang malakas na suntok ang pinakawala ni Virgel kaya tuluyan nalang siyang napapikit. At isang usok nalang ang bumalot sa dalawa matapos bumagsak ang suntok na yun.
Nang humupa, dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at nakita niyang sa gilid ng ulo lang bumaon ang suntok ni Virgel. Di niya alam kung sinadya ba yun ni Virgel o nag mintis lang talaga ito.
Pero imposibleng nag mintis ito.
Tinignan niya ang mukha nitong titig na titig sakanya. “Kailangan kita. Pakiusap.” Muling pakiusap nito. Napansin naman niya si Argo sa gilid na sobrang lamig ng titig sakanya kaya napalunok nalang siya ng laway.
Umalis si Virgel kaya nagawa na niyang makatayo. Bumalik na rin ang dati niyang itsura.
Tahimik lang siya kaya muling nagsalita si Virgel. “Wala na akong oras, pakiusap.” Muling hiling nito kaya tinignan niya ito ng mata sa mata.
“Ang totoo niyan, hindi matatawag na pagkatalo ’to dahil wala sa patakaran na dalawa ang lalaban sakin.” Giit niya na ikinalaki ng mga mata ni Virgel. Parang di nito matanggap ang sinabi niya.
“P-pero!”
“Pero..” Putol niya at tsaka pumikit. “Sige. Tingin ko ay oras na nga. Dahil nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap sa sarili mo.”
“Ano yun?”
Lumapit naman ito kay Virgel at tsaka tinapat ang kamao nito sa dibdib niya “Kumpyansa. Hindi sa lahat ng oras galit ang nagpapalakas sa isang tao. O paghihiganti. Minsan kailangan mo lang ng kumpyansa at tiwala sa sarili para mahigitan mo ang sarili mo” Sa sinagot nito ay may biglang naalala si Virgel.
“Woah, kumpyansa. Gusto ko yan. Ikaw bata? Meron ka na ba nyan? Sa huling laban kasi natin di ko yan mahanap. Puro galit lang yung nakikita ko sa sarili mo.”
“Aaat tingin ko wala parin yung pinagbago hanggang ngayon. Pano mo ako matatalo niyan?”
Di niya alam kung para saan yung sinabi ni Morpheus sakanya kanina. Binibigyan ba siya nito ng pahiwatig?
“Siguro dahil nanjan si Argo kaya nagkakaron ka ng kumpyansa sa sarili mo. Magpasalamat ka nalang at may kapatid ka na handang gawin ang lahat para sayo.” Tumingin ito saglit sa gawi ni Argo. Wala na ang mapupulang mga mata nito. Nakangiti na ito sakanya.
“Kung ganun..”
Nilahad ng isang katauhan niya ang kamay nito at nakita nalang niya ang pag ngisi nito. “Sabay natin patumbahin ang halimaw na yun.” Sa sinabi nito ay nakaramdam ng saya si Virgel sa puso niya. Mabilis niya iyong tinanggap at napangiti nalang. “Maraming salamat. Pangako, hindi kita bibiguin.”
“Hindi, Virgel. Sa nakaraang laban palang natin, dun palang napabilib na ako sayo.” Sagot nito at tsaka dahan dahang naglalaho ang katawan.
“Ngayon ay iisa na tayo..” Huling usal nito bago tuluyang naglaho ang buong katawan nito.
Matapos yun ay isang malalalim na paghinga nalang ang nagawa ni Virgel. Sa wakas.
Sa wakas..
Napakuyom ito ng kamao niya dahil sa tuwa.
Pero ang tanong, sapat na nga ba talaga ang lakas nilang dalawa?
“Magaling ang ginawa mo, kapatid ko.” Napalingon sa likuran si Virgel nang magsalita si Argo. At pagtingin niya, nagsimula na itong maglakad palayo.
“Teka kuya!” Sigaw niya kaya napatigil ito saglit.
“Kailangan kita.” Nasabi nalang niya. Hindi niya mapagtatagumpayan ’to kundi dahil sa kuya niya. At sa laban niya kay Morpheus, kailangan parin niya ang lakas ng kuya niya para manalo. “Ikaw lang kayang magpataas ng kumpyansa ko sa sarili. Hindi ko siya kayang matalo ng mag isa. Kailangan kita para manalo!” Napayuko nalang si Virgel dahil kahit ano namang pilit niya rito ay di na mangyayari pa ang gusto niya. Di na babalik pa ang kuya niya.
Napansin niya ang paglapit ni Argo at tsaka hinawakan ang balikat niya. “Kailangan mo lang magtiwala sa kakayahan mo. Mas malakas ka pa sakin, Virgel. Alam ko yun dahil ako ang kuya mo.” Inangat ni Virgel ang tingin niya at muli ay nakita niya ang nakangiti nitong mukha. Isang mala anghel na ngiti.
“Kaya mo ng tumayo na ikaw lang. At dahil natagumpayan mo na ’to, kampante na ako sayo.”
Nangatal ang bibig ni Virgel habang pinapakinggan niya ang kuya niya. “Maraming salamat, kuya. Kahit wala kana ay di ka parin nagmimintis na protektahan ako.” Ganti nalang niya at di na niya napigilan ang emosyon niya. “Masaya ako dahil ikaw ang naging kapatid ko, kuya Argo.”
Nang marinig ni Argo iyon ay di na niya nagawang makapag salita pa. Tumalikod nalang ito at naglakad palayo. “Galingan mo, kapatid ko.” Huling sabi nalang nito bago tuluyang naglaho sa dilim
“Pangako..”
“Bugbog sarado na ang katawan niya pero nakakatayo parin siya.” Manghang wika ni Dante.
“Di ka makakaramdam ng kahit konting sakit pag inatake ka ng droga na yan. Tsaka mo lang ito mararamdaman lahat pag nabalik kana sa sarili mo.” Paliwanag ni Loda. Minsan na niya itong naranasan nung inaaral palang niyang kontrolin ang isang katauhan niya dati.
“Pag nagtagal ’to at hindi parin nakakabalik sa sarili si Virgel, baka di kayanin ng katawan niya yung mga matatamo niya. “ Singit naman ni Vincent.
“Masyado na akong naiinip.” Kinuyom ni Eus ang kamao niya habang tinitignan ang kaharap niyang walang humpay parin sa pag ngisi kahit punong puno na ng dugo ang mukha nito. Wala na itong suot na pang itaas at bagsak narin ang buhok nito dahil napunit na ang pantali nito. Para na itong isang totoong halimaw habang nakatayo. “Tatapusin ko na ’to.” Usal niya at tsaka hinanda ang kamao niya.
Muling umatake si Virgel sa gawi niya at kitang kita niya ang opening nito sa dibdib. Binwelo niya ang kamao niya habang sobrang seryoso. “Nagkamali ako sayo.” Binuka niya ang kamay niya at inuna ang mga kuko nito para sa paborito niyang atake.
Nang tuluyan itong makalapit ay agad niyang pinakawalan ang atake niya “ARRRGGHHHH!!”
“HAHAHAHAHAHA!!” Pinakawala na rin ni Virgel ang atake niya.
Isang palitan ang mangyayari..
Pero.
Kitang kita na ni Eus ang paglapat ng kuko niya sa balat nito nang bigla itong umiwas at tumagilid–bagay na ikinalaki ng mga mata niya.
Dahan dahan niyang tinignan ang itsura nito at halos matigilan siya nang makita ang sobrang lamig na titig nito sakanya. Ibang iba sa expresyon nito kanina. Walang bahid ng kung anong emosyon ang mukha ni Virgel.
Nagawa niya?
Isip isip niya.
“Sa harap mo..” Bulong nito at dun lang siya mabilis na napatingin sa harap niya. At pagtingin niya, isang tuhod nalang ang sumalubong sakanya.
Anong klaseng pwersa to?
Natanong nalang ni Eus bago tuluyang tumilapon at lumusot sa pader sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya.
Pati ang mga nanunood ay napanganga nalang sa nasaksihan nila.
“Hala, ano yun?” Tulalang tanong ni Dante
Bahagya namang napangiti si Ginger kahit hina hina na sa gilid. “N-nagawa mo, Virgel.”
Kalmado lang na naglalakad si Virgel papunta sa pinagbagsakan ni Eus. Pero sa paglalakad niya, nakita niya ang pagabante ni Eus mula doon papunta sa harap niya. “SA WAKAS!!” Imbes na matakot, kakaibang tuwa pa ang naramdaman ni Eus. Pinakawala niya ang isang suntok pero sinalo lang iyon ni Virgel ng isang kamay–at di man lang ito natinag sa kinatatayuan niya. “Sa wakas nailabas mo rin.” Usal nito. At may dinugtong pa ito pero di sigurado si Virgel sa narinig niya.
Sa pagkakataong ito, siya naman ang dumurog sa kamao ni Eus. Pilit nitong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkaka kapit ni Virgel. Hanggang sa naramdaman nalang niya ang nagkabali baling mga buto niya sa kamay. “ARRGHHHH!!” Sinubukan pa niyang gamitin ang isang kamay niya pero isang sipa sa mukha lang na natanggap niya. Sobrang bilis ng mga kilos nito. Di niya makita ang sunod nitong gagawin.
Sinundan pa yun ng mga malalakas na suntok at tuhod sa sikmura at di man lang makaganti si Eus. Tila siya naman ngayon ang nagmimistulang laruan na walang awang binubugbog.
“Ang lakas…” Hingal na usal ni Eus tapos ay tumawa ito ng malakas. “ANG LAKAS! HAHAHAHAH” Tila nababaliw na ito habang nakanganga sa kakatawa.
Pero sa kakanganga niya, biglang tumama sa bunganga niya ang suntok ni Virgel at napudpod ang iilang mga ngipin niya bago siya tumilapon at bumagsak. Pagkabagsak niya, sinundan pa yun ng pagtalon ni Virgel at inuna ang siko nito na nakapunterya sa mukha niya bago nito binagsak ang sarili. “Arrrkkkkk!!”
At di pa dun natatapos, gumulong si Virgel at sinakyang muli ang katawan ni Eus tapos ay bumwelo.
Tinignan niya saglit ang mukha ni Eus na punong puno na ng dugo ang bibig. “Tama yan. Iligtas mo ko..” Muling bulong nito habang nakangisi. So di nga siya namali ng dinig kanina.
“Sa wakas maililigtas mo na ako..”
Yan ang narinig niyang dinugtong nito kanina. Pero siguro isa to sa mga taktika niya kaya di na iyon pinansin ni Virgel at walang humpay niyang pinaulanan ng suntok ang mukha nito.
Halos bumaon na ang ulo ni Eus sa lupa dahil sa walang tigil na pagsuntok nito sakanya.
Gaya ng ginawa nito kanina, muling kinuha ni Eus ang braso nito at tsaka siya hinila palapit para iuntog ang mga ulo nila.
Pero sa pagkakataong to, si VIrgel pa mismo ang kusang binangga ang ulo sakanya at sobrang lakas nito kaya muli nasalampak sa lupa ang ulo niya.
Nang makontento si Virgel ay umalis ito sa pagkakasakay at tsaka isang kamay na itinayo ang katawan ni Eus. Nilapat nito ang isang palad sa sikmura niya at tsaka sobrang lamig ng boses nito “Walang kwenta.” At dun, sobrang lakas ng hampas ng hangin ang biglang naramdaman ng lahat. Ang lawak ng inabot ng hampas na yun sa sobrang lakas nito. “Arrrkk!” halos lumabas naman ang bituka ni Eus sa pagsuka nang maramdaman niya ang pwersang pinakawala nito sa sikmura niya.
Dahil dun ay tuluyan na itong napaluhod sa harap ni Virgel habang naghahabol ng hininga.
“N-ni minsan di ko pa naramdamn ang ganitong klaseng sakit. Sayo lang..” Kahit bungal na ito at halos kapusin na ng hininga ay pilit parin itong nagsasalita. “Di pala ako nagkamali..”
Sa sobrang haba at ilang natatanging nilalang ang nakaharap niya simula pa kanina, tila sumusuko na ang katawan niya.
Ngayon ay kaharap na niya ang batang hinayaan niyang mabuhay para magpalakas..
para dumating ang puntong ’to.
Kaya kung ano nalang ang sayang naramdaman niya nung tuluyan na nitong nagising ang lakas niya.
Nakita niyang nakahanda na ang mga kamay nitong tapusin ang buhay niya.
At wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi tuwa.
“Ipaliwanag mo sakin ang mga narinig ko kanina..” Kalmadong utos nito kay Eus. “Bakit kailangan mong sabihing iligtas kita?”
Napatawa naman ng mahina si Eus. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang sabihin.
Pero..
“Matagal ko ng nararamdamang unti unti ng bumabalik ang emosyon ko.” Lahat ay nabigla sa sinagot nito lalong lalo na si Loda. Ang tinagurian nilang lider na pinaka hayop at walang emosyon sakanilang lahat ay naririnig niyang sinasabi ito.
“At ayokong mangyari yun.” Sa sinagot nito ay tila tumamlay ang mukha nito. “Ayoko ng maramdaman ulit yung sakit, yung pagkabigo, yung takot. yung pagluluksa.” Lahat ay tahimik lang na nakikinig sa halimaw na pilit nilang pinapatumba kanina pa.
“Ang doktor lang ang tumulong sakin na alisin ang mga yan sa sarili ko gamit ang droga niya. Tinulungan niya akong maging ganito–ang mawalan ng sakit sa loob ng katawan. Tinulungan niya akong makatakas sa mundo. At walang mapaglalagyan yung utang na loob ko sakanya.”
“Pero nung napansin ko ng nakakaramdam na ako ng kung anong emosyon, dun na ako hindi mapakali. Ayokong bumalik sa dati. Gusto ko ganito lang lagi. Walang sakit.” Napaubo ito ng dugo kaya natigil ito saglit.
“At ako ang nahanap mo para tumulong sayo?”
“Ano ba ang rason kung bakit kita binuhay nung gabing yun? Simple lang, gusto kong lumakas ka pa. Dahil nung unang beses kong tignan ang mga mata mo, dun palang lang nakikita ko na ang kamatayan ko. Kaya hinayaan kitang mabuhay dahil alam ko hindi dun natatapos ang lahat. Ikaw lang ang nag iisang taong pwedeng tumulong sakin–na kayang maglitas sakin. At di mo ko binigo bata.”
Itinaas nito ang dalawang kamay niya sa gilid bilang pagsuko. “Kaya pakiusap, bago pa ako tuluyang lamunin ng lungkot, tapusin mo na ang paghihirap ko.” Isa isang bumabalik sa alaala niya ang taong bumuo sa buhay niya noon. Ang mga mapapait na alaala bago siya ampunin ng doktor. ang mga alaala kasama ang nag iisang babaeng minahal niya..
Bigla niyang naalala ulit ang mukha ng kasintahan niyang nagmakaawa sakanyang manatili sa huli nitong mga sandali pero iniwan niya parin kaya nangatal nalang ang bibig niya. Ayaw niya ng makaramdam ng ganito..
Lungkot, Pagluluksa, Pagsisisi..
Mga emosyong mas masakit pa sa kamatayan.
Masyadong masakit..
“Pakiusap, ayokong maramdaman ’to..” Pumiyok na ang boses nito at lahat ay tahimik lang na nakatingin sa kawalan habang pinapakinggan ang pagmamakaawa nitong tapusin ang buhay niya.
Inangat naman ni Virgel ang kamay niya habang nakauna ang mga kuko nito.
At sa isang iglap, ang mismong paboritong atake ni Eus ang ginaya ni Virgel at ang bumaon nalang ang kamay niya sa dibdib nito. “Kahit ano pang sabihin mo, hindi mawawala sa utak ko ang ginawa mong pagpatay kay Papa at kay Hell.” Matigas na lintanya nito. “Kaya kahit hindi mo hilingin, gagawin at gagawin ko parin to sayo.”
Dahan dahang tumagas sa bibig ni Eus ang dugo at hina hinang tinignan ang kamay ni Virgel na bumaon sa dibdib niya.
Sa wakas..
“M-magaling bata…magaling.” Usal
nalang nito bago ngumiti ng bahagya.
“Jill..” Huling sambit nito bago dahan dahang pumikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na itong natumba.
………..
…………………
………………………………
…………………………………………..
Isang nakakabinging katahimikan ang muling bumalot sa buong paligid matapos mangyari yun.
Ang isang napakahabang labanan.
Ngayon ay tapos na…
Tapos na ang matinding digmaan…
at sila..
Sila ang nanalo….
-To be continued.
So ayuuun, natapos ko na rin yung mga bakbakan hahahaha anong laban yung pinaka nagustuhan niyo? Hehe pasagot naman :)) Epilogue na po after nito! Punyeta hahahaha isang hakbang nalang tangina. ABOT KAMAY KO NA YUNG ENDING!!!! Sana nagustuhan niyo kahit di gano kalupit yung laban sa huli heheh. See nalang sa last episode~ Thank you always sa support niyo <3
-MajorSin
EPILOGUE
EPILOGUE
Oh, sa mga tinambay lang to sa library nila at hinihintay na mag update ako ng epilogue, pwede na kayo magumpisang magbasa! hahahaha di na kayo mabibitin dahil huling episode na to heheh.
Sa mga piniling maghintay palagi, saludo ako sainyo at nakaabot kayo dito heheh
Dahan dahan sa pagbabasa please heheh enjoy~
[3rd Person’s PoV]
[Sir, Confirmed. Patay na ang lider ng Vendetta]
Napapikit nalang si Heneral Tresler sa narinig niya sa kabilang linya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya na para bang isang napaka laking tinik sa dibdib niya ang natanggal.
“Sa wakas.”
Matapos ang labanan sa pagitan nina Virgel at Morpheus, tuluyan na ring tinapos ng mga iilang sundalo ang mga natitirang kalaban sa buong lugar ng Orquieta. Napabagsak na rin nila ang doktor at ang buong kuta nito kaya tuluyan ng nawalan ng ulo ang mga ito at pumabor na ang sitwasyon sa hukbo ng Gobyerno.
“Panalo tayo..” Napahiga nalang si Dante habang tinataas ang kamay “Panalo kami.” Di niya maiwasang matuwa dahil sa wakas, nabayaran rin lahat ng sakit at pagod na inalay nila para sa gyerang ’to. Pati ang iilang Armada ay napapikit nalang nang makita ang pagbagsak ni Morpheus.
Sobrang lapit na sila sa pagkatalo kanina. Napatingin ang iilan kay Virgel na nag iisa at huling nakatayo sa kanilang lahat. Pero dahil sa batang ’to, nabaliktad nila ang sitwasyon.
“Natapos rin..”
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin ang mga iilang sundalo para tulungan ang mga napuruhang Armada. Sinakay agad sa stretcher sina Ikram, Sin at Nica na parehong walang mga malay. Ganun rin si Ginger dahil sa nabaling braso nito. Habang ang natitira naman ay pinili nalang ang manatili.
“Gusto ko ng juice.” Utos ni Dante sa isang sundalo nung lumapit ito sakanya.
“Pero sir wala–”
“Yung malamig!”
“O-opo.” Dali dali nalang umalis ang sundalong yun para maghanap ng maiinom. Di sila makahindi sa gusto ng mga Armada dahil sila ang tinuturing na bayani ngayon dahil sa pinamalas nila.
May mga lumapit naman na iilang sundalo sa gawi ni Loda para hulihin na ito. Di naman na ito pumalag at siya na mismo ang naglagay ng kamay niya sa likuran. Isa sa mga humuli sakanya ay si Ryan. “Maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ko kanina.” Di malilimutan ni Ryan ang ginawa nitong pagpulupot ng kadena sa kamay ni Eus kanina para makatakas siya. Kahit isang Vigilante ang isang ’to, parang ang inosente ng mukha nito habang nakangiti ng bahagya sakanila.
Iaalis na sana nila ito nang biglang humarang si Dylan sa daanan nila. Tumingin ito kay Loda “Maraming salamat sa tulong mo.” Wika nito.
“Di na sana ako nakatayo ngayon dito kung di niyo pa ako tinulungan kanina. Ako dapat ang magpasalamat sainyo.” Nakuyokong sagot lang nito. Tinapik nalang ni Dylan ang balikat nito bago umalis daraanan nila. Habang si Loda naman ay tuluyan ng dinala kung saan nandun ang dalawa nitong kasamahang nahuli rin.
Kinukuha na ang mga labi ng mga napatay sa digmaan. Isa isang tinabunan ang katawan nito at sinasakay sa stretcher.
Ngayon ay naglalakad na ang tatlong Vendetta na magkakasunod habang may nakapalibot na mga sundalo. Nakadungo lang ang mga ito habang tinitignan ng lahat.
May rason sila, ang pitong Vendetta. Base sa mga naging kwento ng buhay nila, isa lamang silang mga ordinaryong tao na walang ibang gusto sa buhay kundi ay kaligayahan.
Mula kay Ross na pinili ang maging masama para manatiling mabuhay alang alang sa pangakong binitawan nito sa ate niya.
Kay Quincy na piniling sumama kay Ross para tulungan itong protektahan ang buhay niya.
Kay Ermac na walang ibang gusto sa buhay noon kundi magkaron ng saktong pamilya na akala niya’y nahanap na niya kay Amanda.
Kay Loda na muling nahanap ang emosyon sa ngiti ng mga batang nasisilayan niya.
Kay Devi na minsa’y nagbago dahil sa pamilyang minahal ang pagkatao niya, isang Boss na tinanggap na nakaraan niya, at isang kasintahan na walang ibang ginawa kundi ang magtiwala sakanya.
Kay Jill , kay Jill na piniling sumama sa taong mahal niya sa experimentong ginawa ni Manuel dahil para sakanya, ang taong yun lang ang kayang magparamdam sakanya ng kakaibang tuwa. At pag kasama niya ito kahit saan man sila mapunta, pakiramdam niya ay ligtas siya.
At kay Morpheus…
Kay Morpheus na piniling isuko lahat ng sakit sa kamay ng doktor. Piniling ibenta ang kaluluwa sa demonyo para tumakas sa mundo–sa realidad na punong puno na pasakit sa buhay.
Sa likod ng mga mapupulang mata nila, sa kabila ng mga halimaw na pagkatao at mga pekeng maskarang suot nila–ay mga rason at lungkot na pilit nilang tinatago sa isa’t isa.
Apat sa mga ito ang nasawi na bitbit ang mga rason na yun.
At tatlo, tatlo ang piniling isuko ang sarili sa lahat para subukang itama lahat na kamalian nila sa buhay.
At sana, sana ay pwede pang itama.
**
Nandito narin ang mga Armada at si Virgel sa kinatatayuan ng mga sundalo para tignan rin ang tatlong nahuli.
Nakita ni Ish si Benz kaya tila sumikip bigla ang dibdib niya. Ang pinamakatalik niyang kaibigan noon. Ang makwela nitong mukha, heto na ngayon sa harap niya, sobrang wasak na tignan. Punong puno na ng kalungkutan ang mga mata at tila parang wala ng pakialam sa mundo.
“Benz..” Pilit na tinawag ni Ish ang pangalan nito nung dumaan ang tatlo sa gawi nila pero isang walang kagana ganang titig lang ang ginanti nito sakanya–bagay na mas lalong ikinalungkot niya.
Di na niya ito makilala sa sobrang laki ng pinagbago nito.
Habang naglalakad naman silang tatlo ay may mga stretcher rin na dumadaan sa gilid nila na nilalagyan ng mga patay na katawan. Di niya maiwasang tignan ang mga ito.
Dumaan ang isang stretcher kung saan nakasakay ang katawan ni Morpheus na wala ng buhay pa kaya napatingin ang tatlo rito. Totoo ngang napatay nila ang tinaguriang pinaka malakas na Vigilante sa lahat. Kasunod lamang nito ang isa pang stretcher na kinalalagyan ng katawan ni Jill. At nung makita ito ni Devi, dun na nag umpisang mangatal ang bibig niya. Bigla nitong naalala ang pangakong binitawan niya sa babaeng yun. Ang mga huling sandali nito bago ito nalagutan ng hininga sa harapan niya mismo.
Sana ay hinuli nalang rin siya kagaya nila.
At ang sunod na katawan na nakita niya..
Bigla siyang napahinto sa paglalakad kaya nagtaka sila Loda at Ermac sa likod. Pati ang iilang sundalo ay nabigla rin.
Nakita niyang dumaan sa gilid niya ang wala ng buhay na katawan ng pinaka mamahal niya. “H-helena.” Nakapikit ito pero kitang kita ni Devi ang lungkot sa mukha nito. Halatang hindi nito natanggap ang pagkawala niya.
Nagumpisa na namang sumikip ang dibdib niya habang walang habas na dumaloy ang mga luha sa pisngi niya.
Ba’t kailangan tong mangyari sakin?
Dalawa–hindi, tatlo. Tatlong importanteng tao sa buhay niya ang kinuha ng mga taong nakapalibot sakanya ngayon. Bakit ganun? Bakit kailangang kunin sakanya ang tanging nagpapasaya sakanya?
Wala na ba talaga siyang karapatang maging masaya ulit? Tulad dati na walang problema at masaya lamang na pinapasan ang mundo. Hindi na ba talaga pwedeng hiramin ulit yung saya na yun? Hindi na ba pwede?
Napakuyom nalang ang mga kamao ni Devi sa likuran at napansin yun ng mga sundalo kaya agad tinutok ng mga ito ang baril sakanya. “Wag kang gagawa ng ikasasama mo.” Usal ni Loda sa likod niya habang pinapa kalma ito. “Huminahon ka, Devi.”
Naramdaman nilang nagkatipak ang sobrang kapal na posas na nakatali sa mga kamay ni Devi kaya napasigaw na si Colonel Astrid na nasa gilid lang nila. “ISA!” Habang nakatutok ang baril nito sa ulo ni Devi. “Umabante kana kung ayaw mo–”
At nagulat nalang ang lahat nang biglang nabasag ang posas ni Devi at sobrang bilis nitong naagaw ang baril ni Astrid at tsaka siya nito hinigit at tinutok mismo ang baril sakanya.
Lahat ay nagulantang sa aksyong ginawa nito. “Hold your fire!” Agad utos ni Heneral Tresler dahil baka madamay si Astrid.
Pati si Virgel ay nagulat rin sa mabilis na pangyayari. Akala nila tahimik na itong susuko sakanila pero mukhang nagbago bigla ang isip nito nang makita ang katawan ni Helena.
“Devi, tama na yan.” Pakiusap ni Loda pero tila wala na itong planong makinig. Sobrang seryoso lang itong nakatingin sa harap ng mga sundalo.
“Sandali, ano bang gusto mo?” Mahinahong tanong ni Heneral Tresler dito.
“Kalasan niyo ang dalawang kasama ko.” Agad sagot nito. “Kalasan niyo kung ayaw niyong sumabog ang ulo nitong kasama niyo.” Banta pa nito
“Wag! Pakiusap hayaan niyo na ako! Wag niyong hayaang makatakas pa ’tong tatlo.” Agad kontra ni Astrid dito. “Idamay niyo na ako pakiusap.”
Pati ang Heneral ay nagdalawang isip narin sa gustong mangyari ni Devi. Sa lahat ng sakripisyong ginawa ng Armada at mga sundalo para lang mahuli tong natitirang Vendetta, ayaw niyang masayang yun pero…
Ayaw niya ring mawala ang buhay ng isang importanteng sundalo niya. “Pakiusap Heneral.” Pakiusap ni Astrid kaya napapikit nalang ito.
“Kalasan niyo.” Nanlaki nalang ang mga mata ni Astrid sa inutos ni Tresler. “HENERAL! Wag mong sayangin ang sinakripisyo ng lahat para lang sakin!” Pagmamakaawa nito pero tila di na nito mapigilan ang decisyon ng Heneral.
Walang ibang nagawa ang sundalo kaya kinalasan nila sina Loda at Ermac.
“Alam ko ang ginagawa ko, Coronel.” Sabi lang nito.
Nang tuluyang makalasan ang dalawa, tumingin si Devi sa mga ito bago magsalita. “Sumunod kayo sakin.” Malamig na utos nito.
Tinulak ni Devi si Astrid at tsaka ang katawan mismo ni Helena ang kinuha niya at tsaka ito tumalon sa pader na agad ring sinundan nina Loda.
“Sandali!” Tawag ng Heneral kaya huminto muna ang tatlo. Nakaangat ngayon ng tingin ang lahat sa tatlong Vendetta habang nakatayo sa ibabaw ng pader.
Humarap si Devi sakanilang lahat bitbit ang babaeng pinakamamahal niya. At kusa nalang natanggal ang eyepatch nito sa kabilang mata at tumambad sakanila ang magkaibang kulay na mga mata nito. Kulay pula sa kanan at kulay berde naman sa kaliwa.
“Anong klaseng mga mata yan? Ba’t magkaiba?” Lahat ay nabigla pero ang pinaka nagulat sakanila ay walang iba kundi si Tresler.
Ang mga matang yan..
Bigla niyang naalala ang expermintong ginawa ng Gobyerno noon. Ang Adamcell-Z50. Ganyan na ganyan ang kulay nga mga mata nung naging subject nila.
“Anong plano niyo?” Tanong nalang ng Heneral at piniling magpatay malisya sa mata nito.
“Huwag kayong mag alala, wala na ang doktor. Di na kami manggagambala pa ulit sa bansa. “ Sagot ni Loda. Dahil tuluyan na nilang tinanggap ang pagkakaron ulit nila ng emosyon, wala ng dahilan pa para maghasik pa ulit. Wala na silang makukuha kung gagawin pa nila yun.
“Pinapangako namin yan.” Dugtong naman ni Ermac pero di maalis alis ang tingin ng Heneral sa nasa gitna nila.
“Ikaw?” Tanong nito kay Devi pero di ito sumagot. Tanging matatalim na titig lang ang makikita mo sa mukha niya.
Nilibot ni Devi ang tingin niya sa lahat ng mga nasa ibaba nila. Isa isa niya iyong tinignan. Nasagi niya ang kinatatayuan nila Ish kaya saglit siyang napahinto rito. Bakas sa mukha ni Ish ang pagkadismaya. At di niya alam pero tila nawalan na siya ng pake sa taong tinuring niyang pinaka malapit na kaibigan noon. Wala na siyang pake sa kung ano na ang iniisip nito ngayon.
Bigla namang naurong ang natatalim na titig niya nung madapo ang tingin niya sa dating Boss niya. Sobrang patay ng mga titig nito sakanya.
Boss..
Tama nga siya, wala na nga ata talaga siyang babalikan kung sakaling babalik man siya ulit sa Virgo. Tama lang ’tong ginawa niya.
“Aasahan namin yan. Pero sa oras na mabalitaan naming nanggugulo na naman kayo, handa akong maglagas ulit kahit isanlibong sundalo mapatay lang namin kayo.” Matigas na banta ng Heneral kaya tumango nalang ang dalawa.
“Salamat Heneral.” Sagot nila at tsaka muling tumalon ang dalawa paalis para tumakas.
Ngayon ay si Devi nalang ang kaharap ng lahat. Napahigpit sa paghawak si Devi kay Helena.
“Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.” Mahina pero halatang nag uumapaw na ang galit sa mga salitang binibitawan nito.
At dun nalang napagtanto ni Ish na wala na talaga,
Di na nila maibabalik pa ang Benz na naging pamilya nila.
Sa mga titig palang nito, halatang punong puno na ng pagkamukhi ang puso nito na di na kayang daanin pa sa mga salita.
Nakita pa nilang tumulo ang isang butil ng luha nito bago ito tuluyang tumalon at tumakas.
Lahat ay natahimik saglit. Pero matapos yun ay bumalik nalang sila sa kani kanilang ginagawa. Mula sa paghakot sa mga katawan ng mga kasamahan nila hanggang sa paggagamot. Abala na ulit ang iba.
“Anong nangyari?” Tanong ni Virgel kaya biglang kinabahan si Ish. Ang totoo nyan ay hindi pa nila ito nakakausap simula pa kanina dahil di ito nagsasalita.
“Kay Benz?”
“Kay Helena. Ba’t nasawi siya?” Ewan, pero sobrang maotoridad na ng boses nito kahit parang normal lang naman itong nagtatanong. Para na itong totoong Boss talaga sa murang edad palang.
“Sa narinig ko, sinalo niya ang bala na dapat sana ay kay Benz. Kaya ganun nalang siya kagalit sa atin.” Malungkot na sagot niya. Pati siya ay nabigla at nasaktan rin sa nangyari kay Helena. Napalapit na yun sakanila kahit papano dahil lagi yung nandun dati sa mansyon nung nandun pa si Benz. Nakakaasar lang dahil muli na naman silang nalagasan ng kakampi.
Sinubukan nalang niyang tignan saglit ang mukha ni Virgel at itanong ang noon pa’y bumabagabag sakanya
“San ka galing, Boss?” Nag iba bigla ang expresyon ng mukha ni Virgel sa tinanong nito. “Hinanap ka namin kahit saan pero di ka namin mahagilap. Kaya akala namin…” Napayuko nalang si Ish.
“Akala namin napatay kana.”
Natigilan si Virgel dahil bigla na naman niyang naalala ang gabing yun. Kung saan napatay si Hell. “Pasensya na.” Tanging sagot nalang niya. At maya maya pa’y bigla nalang dumoble ang paningin niya.
Bigla siyang nahilo at nawalan ng balanse. Ewan pero bigla nalang sumakit ang buong katawan niya. Marahil ay umeepekto na ngayon yung sakit sa lahat ng mga natamo niya sa laban nila Eus kanina.
“Boss? Boss ayos ka lang? Boss!” Yun lang ang mga huling narinig niya bago dumilim ang paningin niya at nawalan ng malay.
Kasalukuyan na ngayong tumatalon sa mga puno sila Devi paalis sa lugar na yun. Nasa kagubatan sila ngayon at di nila alam kung saan sila dadalhin ng mga paa nila.
“Ano bang plano mo at nagawa mo pa yun, Devi? Wala na tayong uuwian ngayon.” Di maiwasang tanong ni Loda.
“Pinangako ko kay Jill na mananatili akong nasa Vendetta. At hindi ko magagawa yun kung nasa kulungan tayo lahat.”
“Yun lang ba talaga?” Tanong rin ni Ermac kaya saglit napatingin si Devi sa mukha ni Helena habang karga karga niya. Napangiti nalang siya ng mapait.
“Hinadlangan nila ang pagiging asawa at ama ko.” Malungkot na sagot niya at di niya maiwasang madurong habang sinasabi yun. “Di man lang nila hinayaang masilayan ko yung bata.” Bakas naman sa dalawa ang pagkagulat sa mga narinig nila. Kung ganun..
“Ikinalulungkot ko ang nangyari, Devi.” Tanging nasagot nalang ni Loda. Sigurado siyang sobrang labis itong nagluluksa ngayon sa nangyari.
“Ganun rin ako, Devi.” Sambit naman ni Ermac.
“Ako rin, Devi hehe.” Biglang naalerto ang tatlo sa huling narinig nilang boses sa likuran nila kaya tumigil sila sa pagtalon at tsaka tumingin sa likuran nila.
“Hi.” Ngiting bati nito sakanila habang nakaupo sa isang malaking sanga habang ginagalaw pa yung mga paa na parang bata. “Hala, kaya pala kulang ang mata ko. Nasayo pala hehe.” Dugtong pa nito habang nakatingin kay Devi. Napansin rin yun nila Loda.
Bago sumabog ng tuluyan ang lab ni Manuel ay tuluyan nang nabasag ang container na yun at nakalabas ang babae sa loob nito.
At heto, nandito ito ngayon sa harap nilang tatlo. Nakangiti na parang inosenteng babae. Suot suot nito ang uniporme ng doctor na may mantsa pa ng dugo.
“Ikaw..” Usal ni Ermac sa sobrang pagkabigla.
Biglang natulala si Devi. Minsan na niya itong nakita sa container dati na agad ring tinabunan ng mga doktor. Ang akala niya ay patay na ito pero andito ito sa harap nila ngayon.
At nasabi niya narin dati na pamilyar sakanya ang mukha nito na parang nakita na niya ito noon pa.
Di niya ito mamukhaan masyado nung araw na yun dahil nakapikit ito at nakasilid sa container. Pero ngayong nakita na niya ng malapitan ang mukha at ngiti nito, hindi siya pwedeng magkamali.
“Akala ko ako lang ang nakaligtas sa experimentong yun?” Tanong ni Loda sa sobrang pagtataka dahil kasama itong babae na ’to sa batch ni Loda sa pagturok ng Ethereal. At siya lang nakalabas sa batch na yun.
“Anlalaki niyo na. Ilang taon ba akong nakatulog?” Ngiting tanong nito. Tila nagbago narin ang mala anghel na ugali nito noon. “At tsaka, asan na ang paborito kong si Ross?” Tanong pa nito.
“Heidel.”
Nabanggit nalang ni Devi.
Ang tinagurian nilang pinaka ate nilang lahat noon sa bahay ampunan. Na sinabing hindi nakaligtas sa experimento ay nandito ngayon.
Buhay na buhay..
(oh sa mga binabaliwala yung mga side stories ko, nganga kayo ngayon kung sino yang Heidel hahahaha balik kayo sa story ni Ross, episode 29 para makilala niyo hahaha )
[Virgel’s PoV]
Huni ng mga ibon, hampas ng alon, preskong hangin na dumadampi sa balat ko, napaisip ako bigla kung nasan ako.
Binuka ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang napaka asul na kalangitan.
Nasa langit na ba ako?
Bumangon ako at nilibot ang tingin. Nakahiga ako sa isang damuhan at nakita ko ang isang dalampasigan sa may unahan ko.
At may tao.
Dali dali akong naglakad papunta dun para makapag tanong ako kung nasan ako ngayon. Dalawa pala sila. Yung isa namimingwit, habang yung isa naman ay nagpapaypay ng apoy dahil may niluluto itong isda.
At habang palapit ako ng palapit, namukhaan ko agad yung nagpapaypay.
“Kuya?”
Napatingin sa gawi ko si Kuya Argo at ngumiti. Pinapunta niya ako kaya dali dali akong lumapit.
“Kuya!” Masayang bati ko.
“Oh ikaw naman. Kanina pa ako e. Nangangawit na kamay ko.” Tawang usal niya bago binigay sakin yung pamaypay at tsaka umupo sa malaking troso sa gilid ko.
Tinuloy ko ang kanyang ginagawa habang di matanggal ang ngiti ko. “Ba’t nagluluto ka ng isda dito? Tsaka asan ba ako ngayon? Langit na ba to?” Biro ko kaya ngumiti siya ng bahagya.
“Oo. Welcome home, Virgel. Magsasama na ulit tayo dito. “ Sagot niya kaya bigla akong naparalisa sa pag paypay.
……………
…………………..
………………………….
Ha?
A-ano? W-welcome home? K-kung ganun…
Patay na ako?
P-pero…
sa huling natatandaan ko, nanalo naman ako sa laban ni…
Tapos nakalakad pa nga ako tapos nakita kong kinalasan ng mga sundalo yung mga Ven—
Natigil ako bigla sa pag iisip nung mapansin ko si kuya na napahawak na sa tiyan niya habang todo pigil sa pagtawa.
Dahil dun ay napa poker face nalang ako.
Napa pahid pa siya sa gilid ng mga mata niya dahil naiiyak na kakatawa.
“Raulo ka kuya.” Bugnot ko nalang sabi sakanya. Muntik na ako atakihin sa sinabi niya.
“Ang sakit mo pala sa tiyan.” Sagot lang niya habang natatawa parin. Tinuloy ko nalang ang pagpapaypay at iniba nalang ang usapan. “So bakit ka nga nagluluto dito kuya?”
“Nagugutom kami e.” Tawang sagot niya.
Kami?
So kasama niya pala yung namimingwit. Napatingin ako dito na tila may nahuli na naman ata. “Malaki laki ’to.” Usal niya kaya natameme ako. At bago pa man ako makabawi, nakita ko ang pagharap niya samin habang nakangiti.
Gano na ba katagal?
Biglang sumagi sa utak ko ang nangyari nung gabing yun kaya bigla akong bumigay..
“Papa..” Nasambit ko nalang. At di ko na napansin na tuloy tuloy na pala ang pagtulo ng mga luha ko. Lalo na nung tinawag niya ako. “Anak.”
Nang makalapit siya sakin ay wala sa sarili na akong nakatingin sakanya at dali dali ay niyakap ko siya “Papa..” Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko habang kayakap ko siya. Sobrang namimiss ko na siya at hindi ko inaasahang makikita ko siya dito.
Mukhang nasa langit na nga ata ako.
Pero kung ganito lang rin naman, mas gugustuhin ko nalang na dito nalang ako.
Sa unang pagkakataong, kumpleto na kaming tatlo ngayon..
magkakasama.
**
“Oo tapos nung isusuot na sana ni Asher yung diaper mo, bigla ka ulit umihi at sa lakas ng pag ihi mo, dumiretso ito papasok sa ilong niya.” Kwento ni papa kaya halos kapusin na kami ni kuya kakatawa
“hahahahahahahahaha”
“Papasok.”
“Hahahahahahahahaha”
Punong puno lang kami ng tawanan ngayon habang masayang kumakain nitong niluto naming isda. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya.
Ang saya pala pag kasama mo ang totoong pamilya mo.
Parang ayoko ng matapos ang ganito. Masaya at malayo lang sa gulo
“At kuya, nasabi rin ni Asher sakin na magbespren daw kayo? “ Tanong ko kaya ngisi itong tumango. “At paborito mo daw yung special pasta niya?” Biglang naibuga ni kuya ang isdang nginunguya niya sa sinabi ko. Pati ako ay naduduwal rin nung maalala ko yung pinatikim niya sakin yung pasta niya.
“Buti di mo yun natikman nung pinatikim niya sayo yun.”
“Eh may mga namuong letra dun sa awra ng pasta na nagsasabing wag kong kainin yun e hahahahah at alam kong ikaw yun. Pinoprotektahan mo talaga ako sa kapahamakan e” Sagot ko at nagtawanan na naman kami pareho. Pati si Papa ay natatawa rin sa amin.
Tuloy lang kami sa pagkkwentuhan at nagtagal yun ng ilang oras.
Walang humpay na kwentuhan tungkol sa buhay. Mula sa storya nina Papa at Mama, sa pagttrain ni kuya Argo sa pagiging assassin at sa paglalaban namin ni Morpheus. Lahat ikinwento namin.
Masaya, wala kang mararamdamang kabagutan. Parang bawat sandali na kasama ko sila ay naisasapuso ko lahat. Isang beses kon lang tong naramdaman at nahulog na agad ako sa pakiramdam na ’to. Ayoko ng matapos ’to.
Masaya na ako dito.
“Ba’t bigla kang natahimik papa?” Tanong ko nung mapansin kong kami nalang ni kuya Argo ang nag uusap. Nakangit lang ito habang kaharap kami. “Isa sa mga pangarap ko ang makita ko ang dalawang anak ko na lumaki, na magkasama–na kasama ko. At tingin ko natupad na yun ngayon. “ Bigla nawala ang ngiti sa mga labi ko sa sinabi niya. Naramdaman ko nalang ang panghihinayang at sobrang lungkot.
Hanggang dito nalang ba pwedeng mangyari ’to?
Pwede bang ibalik nalang silang dalawa sa mundo at gawin ang pangarap ni papa araw araw?
“Pwede bang dito nalang ako?” Kinabahan man ako nung una, pero nung nakasama ko sila, parang gusto ko nalang ata dito. Pinilit ko ang ngumiti sa harap nila. “Dito nalang ako. Mas masaya ako dito.” Sa dinugtong ko ay di ko na kinaya. Napayuko nalang ako habang pilit na tinatago ang emosyon ko.
Nakakahiya.. “Dito nalang ako.”
Naramdaman ko ang tapik nilang dalawa sa balikat ko kaya tuluyan na akong bumigay. Di naman ako ganito ka emosyonal na tao. Pero pag dating sakanila nanlulumo ako. Bumababaw ang mga luha ko.
“Hindi pwede, anak. Marami ka pang dapat gawin. Hindi pa ito ang tamang panahon mo para mamalagi dito.” Rinig kong sambit ni papa.
“Ano pa bang magagawa ko sa mundo? Ano pa ba ang dapat kong patunayan?” Tanong ko at tsaka inangat ang tingin ko sakanila.
“Marami Virgel.”
“Tulad ng ano?”
“Mga maling dapat ay matagal ng itinama.” Makabuluhang sagot ni kuya kaya mejo nangunot ang noo ko.
“Kailangan mong iligtas ang mama mo.” Sagot ni papa kaya saglit akong natigilan.
Si mama..
Di ko pa nakikita ang mama ko at hawak siya ni Marcelo ngayon.
“Kailangan ka ng mama mo ngayon, Virgel.”
Marcelo….
Ang taong sumira sa buong pamilya ko.
Tama, may isusunod pa ako sa Vendetta.
“Basta lagi mo lang tatandaan na andito lang kami lagi para sayo.” Ngumiti si Kuya at ginulo ang buhok ko.
“Siguro nga ay saglit lang kayong pinahiram sakin ng diyos. Pero di mababawasan ang pagmamahal ko sainyo dahil lang dun. “ Ganti ko sakanila at tsaka pinahiran ang sipon ko. Tutulo na e.
“Mahal na mahal ka rin namin kapatid ko.” Ngiting ganti ni Kuya.
“ Ikaw ang kayamanan namin.“ Sambit naman ni Papa kaya bumalik na agad sa pag ngiti ang mukha ko.
“Salamat..” Ganti ko at sa pag ngiti nilang dalawa, unti unting dumilim ang buong paligid hanggang sa ang hampas ng alon, huni ng ibon at preskong hangin na dumadampi sa balat ay unti unti naring naglalaho..
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. At puting mga pader na ang tumambad sakin. Saglit kong tinignan ang suot ko. Pang pasyente. Nasa ospital nga ako. Ano bang nangyari?
“Nauna pa akong magising sayo.” Rinig kong boses sa gilid ko kaya napatingin ako rito. Nakita ko si Ginger na nakahiga sa kabilang kama habang nakatingin sakin. Nakabandage ang kanang kamay niya na balot balot.
Naalala ko na ang nangyari.
“Kumusta ang kamay mo?” Tanong ko nalang.
“Heto oh, okay na okay. Sarap nitong ilaro ng badminton.” Sarkastikong sagot niya habang natatawa at pilit na tinataas yung kanang braso niya.
“Pasensya na, di kita naprotektahan.” Sa kabila ng naitulong niya sakin, di ko man lang yun nasuklian. Muntik pang malagay sa panganib ang buhay niya. Buti nalang talaga at buhay siya.
“Adik. Okay lang no.” Ganti niya lang at tsaka ngumiti ng bahagya “ Ang importante tayo ang nanalo. Ikaw ang nanalo.“
Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Niluwa roon si Ish na may dala dalang prutas at si..
ano ngang pangalan nito? Ma…Makoy?
Ba’t putol na ang kaliwang kamay niya?
“Boss! Gising na kayo.” Tuwang sambit niya na tila di man lang iniinda ang naka sling niyang putol na braso.
“Buti nagising kana Boss.” Sambit naman ni Ish habang nilalapag ang prutas sa lamesa.
“Bakit? Ilang oras ba akong nakatulog?” Tanong ko.
“Limang araw.” .
“Oras pa ha.” Tawang singit ni Ginger sa gilid.
“Kumain ka muna Boss, alam ko nagugutom kana.” Wika ni Ish. At dun ko lang napagtanto.
“Nasan pala yung iba? Si Elsa? Lily? Kael? He..” Natigilan ako sa pangalang babanggitin ko sana.
Hell..
Hindi pinansin ni Ish ang sinabi ko at tuloy lang ito sa pagbabalat ng mansanas. Siguro ay galit silang lahat sakin sa nangyari kay Hell. Ako ang dahilan kung ba’t siya nawala. Kung di lang sana ako umalis nun, di na sana siya sumunod.
Siguradong di ako matatawad ni Elsa ngayon..
Nakita ko namang bumukas ulit ang pintuan at niluwa dun si Lily at tsaka pinigilan ang pintuan na masara ulit dahil parang may pinapasok ata ito. “Dahan dahan.” Sabi pa niya.
Hanggang sa makapasok ang isang wheelchair na tulak tulak ni Elsa.
At ang sakay nung wheelchair..
….
…………
………………………..
Nanlabo bigla ang paningin ko dahil nagtutubig na naman ang mga mata ko. Paanong..
“Hell..”
Nakita ko ang pa ngiti nila Elsa sakin kaya mas lalo akong naguluhan.
“B-buhay ka..” Nasambit ko nalang habang sobrang bigla parin sa nakikita ko.
“Boss.” Tipid lang niyang sagot kaya pilit ko na namang pinigilan ang emosyon ko. Buhay siya..
Akala ko..
“Swerteng hindi natamaan ang puso niya sa ginawa ni Morpheus. Naisugod namin siya agad sa ospital at sa awa ng diyos, naligtas siya ng mga doctor.” Paliwanag ni Ish kaya biglang bumilis ang paghinga ko. Napahawak ako sa noo ko dahil buong akala ko..
buong akala ko..
Buti nalang..
Buti nalang talaga..
“Ganun nga ata pag masamang damo.” Sa dinugtong ni Ish ay nagtawanan sila.
“Siraulo.” Usal ni Hell. Nakabenda parin ang buong dibdib niya na tila nagpapagaling parin.
“Oy oy ooyyy, anong kaganapan yan?”
Ang boses na yun.
Nakita namin ang pag pasok ni Asher sa pinto kasama sila Felix at Elfred na wala na ring kamay. Naalala ko ang huling laban nila dun sa isang Vendetta.
Buti buhay rin silang tatlo.
“Buhay kana Virgel! Welcome back.” Tawang usal niya agad nung makita ako. “Teka, Ito ba yung Ginger na sinasabi mo, Ish?” Turo ni Asher kay Ginger na ngayon ay kunot na ang noo.
“Ikaw pala ang nagtanan kay Virgel haa.” -Asher
“Tsaka mukhang buntis pa ata.” Singit ni Elfred kaya napatingin si Asher sa tiyan nito.
“Hmmn, hindi naman siguro, bilbil lang yan.” Sagot ni Asher kaya lumipad agad ang unan ni Ginger sa mukha nito. “Oy biro lang to naman!” Sigaw ni Asher kaya muling nagtawanan ang mga tao sa loob.
Nakakamiss..
“Kumusta ang pakiramdam mo, Boss?” Tanong ni Elsa sakin ng nakangiti. Kung umasta parang di ko sila pinagtatabuyan dati bago ako nawala.
Bigla tuloy akong nakonsensya. Sa kabila ng ginawa ko, taos puso parin nila akong tinanggap ngayon. Mga ngiti at tawa na hindi peke. Di ko alam kung bakit paulit ulit ko lang silang sinasaktan sa kabila ng kabaitang pinapakita nila sakin. Napaka gago ko sa bagay na yun.
“Baka naman si Virgel yung buntis.” Singit na naman ni Asher kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
“To naman, ang susungit naman nitong tambalang…hmmmn” Nakita naming nag isip ito saglit. “Virgel..Ginger…AHA!”
“Tambalang VirGin! HAHAHAHAHAHAHA!” Sigaw niya at bago pa man ako makareak, nakita naming bumangon si Ginger para sugurin si Asher “Tulungan niyo akong tumayo lulumpuhin ko yan!” Sigaw niya kaya tuluyan ng lumabas si Asher para tumakas habang natatawa pa. “HAHAHAHAHAHA Virgin ampota”
Napailing nalang ako. Di parin talaga sila nagbabago.
At sa pag iisip ko, may isang tao ang sumagi sa utak ko. Kaya pala pakiramdam ko hindi sila kumpleto.
“Si Kael?” Tanong ko sakanila at dun, bigla nalang nagbago ang awra sa silid. Lahat sila ay parang nabigla sa tinanong ko. Bakit? “Nasan si Kael?” Biglang tumamlay ang mga itsura nila kaya mejo kinabahan ako. “Ano nangyari sakanya?”
“Pasensya na Boss pero–”
“Nasan si Kael?!” Sigaw ko sakanila dahilan para tumahimik ang buong paligid.
“Nasa kabilang room Boss.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinagot ni Elsa. Akala ko kung napano na siya. “Bakit? Nilagnat na naman ba?” Tanong ko dahil yun lang naman ang madalas na sakit niya. Nakita ko sa itsura nila ang pagdadalawang isip na sumagot.
“Na diagnosed siya nung isang linggo pa. Lumala ang lagnat niyang ilang buwan ng hindi gumagaling. Hanggang bigla nalang siyang nagsusuka ng dugo kaya pinili na naming dalhin siya sa hospital.” Sagot ni Elsa. hindi gumagaling? Mula pa nung araw na nawala ako nilalagnat na si Kael nun. Ibig ba sabihin nun nung araw pa na yun hanggang sa puntong to hindi pa rin siya gumagaling? Sobrang tagal na nun.
“Ano bang sabi ng doktor?”
“Magpahinga kana muna Boss. Baka mabinat k–”
“Hindi! May karapatan akong malaman ang sitwasyon ng kanang kamay ko.” Giit ko. Nagkatitigan pa sila na parang nagtutulakan kung sino ang magsasabi. Hanggang sa nakita kong napayuko si Ish.
“May Cancer si Kael.”
Sa apat na salita na yun biglang tumigil ang lahat. Para akong nabingi sa narinig ko. Ni hindi makabuka ang bibig ko para sa sumagot sa pagkabigla.
Anong cancer? Imposible naman
“At stage 4 na daw sabi ng doktor” Dugtong pa ni Elsa kaya tuluyan ng bumigay ang katawan ko. Biglang umikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa ulo ko.
“Boss. Ayos lang kayo?”
Bigla kong naalala ang mga panahon na lagi siyang inaatake ng lagnat ng biglaan. Pero di parin sapat yun. Lagnat lang yun e. At saka ang bilis naman. Bakit stage 4 agad?
“Kailangan ko siyang makausap.” Di ko alam pero parang ano mang sandali ay bibigay narin ang emosyon ko. “Pakiusap, kailangan ko siyang makausap.” Ulit ko kaya napatango nalang sila.
Kael..
Inalalayan nila akong makatayo at makalakad papunta sa silid ni Kael . “Ako na. Salamat.” Usal ko sakanila nung marating namin ang pinto. Binuksan ko yun ng dahan dahan at nakita ko lang siyang nakaupo habang nakatingin sa bintana. Ang laki ng ipinayat niya mula nung huling kita ko sakanya.
Araw araw ba siyang nagtitiis?
Nauurong ang katawan kong makita ang kalagayan niya pero pinilit ko nalang para makausap siya. Matapos akong makapasok ay sinarado ko ang pinto at nilock. Gusto ko siyang makausap ng mag isa.
Napansin niya ata ang tunog ng pinto kaya napatingin siya sa gawi ko. At isang matamlay na ngiti nalang ang nakita ko sakanya. “Boss.”
Ang sakit.
Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan siya. Di ako makapag salita. Ayoko magsalita. Baka pumiyok lang ang boses ko.
Nakita niya sigurong awang awa ako sakanya kaya natawa siya ng bahagya. “ Di pa naman ako patay Boss.“ Ngiting usal niya lang.
“Kelan pa?” Natanong ko nalang.
“Nung isang araw ko lang nalaman.” Ayaw man niyang ipakita, alam kong pabagsak na rin ang mga luha niya. “Ang daya.” Sobrang pait ng mga ngiti niya.
“Ano bang nangyari? Bat..”
“May namana daw ako sa magulang ko na..ewan di ko alam. Parang droga daw na nasa dugo ko na. At di na daw yun makayanan ng katawan ko kaya ngayon bumibigay na.”
Napuyoko nalang ako habang nakatingin sa puting kumot.
“Daya no? Di man lang ako pinaghanda.” Narinig ko ang pagpiyok ng boses niya kahit tumatawa siya kaya napakagat nalang ako sa labi ko. “Meron naman sanang mga warning diba para..alam mo na…para pwede ko munang gawin ang mga gusto ko bago bumigay ang katawan ko.” Narinig ko nalang ang iilang pag singhot niya dahil sa pagiyak. Di ko siya kayang tignan. “Nakakainis diba Boss?”
“Gagaling ka../Mamamatay na ako Boss..”
Sabay naming sambit kaya napaangat ako ng tingin.
“GAGALING KA!” Napakapit nalang ako ng husto sa kumot sa sobrang sakit. “Gagaling ka pa, Kael. Maaagapan pa natin yan. Di pa huli ang lahat. Kumapit ka lang.”
Nakita ko ang pagbigay ng emosyon niya at humagulhol nalang ito sa harap ko. Alam kong siya ang pinaka nasaktan sa nangyari sakanya.
“Gagaling ka pa. Sinisigurado ko yan sayo.” Pilit kong palakas sa loob niya. Tumatango tango lang siya habang umiiyak.
Diyos ko, wag mo na akong bawasan..
Wag ’tong taong unang tumanggap sakin bago ako matanggap ng mundo.
Ang taong unang nagparamdam sakin kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan.
Ang taong tinuruan ako kung pano maging matatag sa buhay..
Wag ’tong taong ’to. Pakiusap. Nakikiusap ako.
Wag si Kael.
After 7 months.
“Naalala mo si Gaston?”
“Yung sumugod sayo dun sa canteen?” Tawang tanong ni Kael kaya natawa rin ako. “Oo, ngayon sunod na ng sunod sakin. Gusto ako maging kaibigan.” Tawang sagot ko.
Nandito lang ako sa likod ng ospital ngayon, pinagmamasdan ang magandang hardin habang nakapamulsa. Binisita ko lang si Kael dahil break time namin. Nasa gilid ko lang siya ngayon na naka wheelchair na at may suot suot ng bonnet sa ulo. Dumadaan siya ngayon sa iba’t ibang treatment at chemo kaya nalalagas na ang buhok niya. Sobrang laki pa lalo ng ipinayat niya pero heto parin naman siya. Pilit parin na lumalaban para sa aming nagmamahal sakanya.
At bilang Boss niya, ayokong magpakita ng lungkot sa harap niya. Kailangan namin maging matatag para lalong tumatag ang loob niya.
“Pagbigyan mo na kasi.”
“Ayokong maging kaibigan ang mga bully na kagaya niya. Tsaka isa pa, nag iisa lang ang kaibigan ko.” Ngiting sagot ko. “At ikaw yun kaya magpagaling kana.” Nakita ko naman siyang napangiti.
“Masusunod, Boss.”
Masaya lamang kaming nagkkwentuhan nang mapansin ko si Ish na lumapit sa amin. “Boss, anjan ka lang pala.”
“Bakit?”
“Heto, may pinapabigay sayo.” Inabot niya sakin ang isang parang invitation card.
Binuksan ko ito at nakita ko ang laman nito.
“May itinayong Battle Arena si Marcelo, at iniimbitahan niya tayo na sumali sa sinasabi niyang magiging biggest event ngayong taon na to.” Usal ni Ish.
“Isang tournament?”
“Oo Boss. Iba’t ibang mga pamilya at grupo daw ang inimbita para sa tournament na ilulunsad niya isang buwan mula ngayon. At pati ang kupunan niya rin ata ay sasali rin. Limang myembro daw bawat kupunan.”
Bigla kong naramdaman ang kakaibigang sensyasyon sa kalamnan ko habang nakatingin sa invitation card.
“Nakakakot ang ngisi niyo Boss.” Di ko napansin na sobrang lawak na pala ng ngisi ko. Ang pamilya Martin.

“Ano iniisip niyo ngayon Boss? Sasali ba tayo?”
Kung ito lang ang paraan para mapalapit ako sa pamilyang yun at magawa ang mga misyon ko.
“Bakit hindi?” Ngising sagot ko.
Bilang na ang araw mo, Marcelo.
( Alam niyo yung Ghost Figher or Flame of Recca? Hint ko na yan sa darating na season 3 Hahahahaha )
EXTRA SCENE
Hawak hawak lang ni Devi ngayon ang isang invitation card habang nakaupo sa isang wooden box.
“Anong plano?” Tanong ng bagong saltang babae sa grupo habang higop ng higop sa hawak nitong milktea.
“Limpak limpak na pera daw ang premyo.” Usal ni Loda
“Legal naman siguro yan.” Sambit ni Ermac.
“At para matayo natin ulit ang grupo nitong Vendetta, kailangan natin ng malaking pera. Yung malinis pero maraming pera tulad ng premyong sinasabi mo.” Sabat ulit nung umiinom ng milktea.
“Omg! Ang talino naman nitong bagong kasama natin heheh.” Tawang usal naman ni Heidel.
“Anong decisyon mo, Devi?” Lahat ay nakatingin lang kay Devi habang nakapikit–ang panibagong lider nila.
Dahan dahan nitong binuka ang mga mata niya bitbit ang magkaibang kulay nito.
“Sasali tayo.”
END OF SEASON 2*******
(A/N: PAKIBASA TUTAL LAST NAMAN NA HAHA. Okaaaaay, for almost 2 and a half years! Finally! natapos ko na rin. I dunno why but satisfied ako sa kinalabasan ng book2 tho parang mejo minadali ko yung ending hahaha imagine in just 1 month naka 10 chapters ako pta hahahaha. Pero yun nga, tingin ko maayos naman yung pagkaka deliver ko sa scenes and part sa mga characters specially sa Vendetta. Tho may mga hindi pa na klaro o nabigyan ng sagot, don’t worry dahil masasagot rin yan sa next season. Sorry sa mga nadissapoint sa naging ending nitong Book2. Alam ko hindi siya ganun ka saya gaya nung ending sa book 1 pero may book 3 pa naman sooo..keep niyo muna yung emotions niyo. And yeah, SOBRANG THANK YOU SA INYO <3 Mula sa silent riders, sa hindi, sa mainipin sa update, sa mahaba ang pasensya, sa tawag sakin kuya, sa tawag sakin MS AUTHOR at sa iba pang readers na nagtyaga at nakasama ko sa journey ng season 2. Sobrang thank you dahil di niyo ko sinukuan :)) Buti pa kayo di ako sinukuan, yung mahal ko wala na, sinukuan na me.
Linawin ko ah, MAY BOOK 3. Ang tanong eh kailan? Hahahaha di agad ako magsisimula sa Book 3. Baka next year pa ulit hahaha pag iisipan ko pa yung plot e. Tsaka focus muna ako ngayon sa Murder Vito Salonga . Check niyo yan guys! Kung gusto niyo action talaga na pang FPJ, na walang power power, try niyo yun basahin heheh walang romance romance dun, pero humor marami. Basta hahaha check niyo nalang.
*Sana na meet ko expectations niyo hanggang dulo
*Sana nasatisfied kayo.
*Sana hindi kayo nagsisi na binasa ’to :)
AGAIN, Thank you! See you nalang sa next season ah! Sana suportahan niyo rin yun heheh. Baka mag uupdate parin ako dito pero mga FAQ and Trivias lang ulit gaya nung dati hahaha so hanggang dito nalang! Byee~
-MajorSin
TEASER FOR SEASON 3
TEASER FOR SEASON 3
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas..
May Isang paligsahan ang inilunsad…
Paligsahang pagtatagpuin ang mga pinaka malalakas na nilalang..
“Nandito na tayo..”
kung saan maglalaban laban ang mga kalahok para sa limpak limpak na premyo..
at higit sa lahat..
Pag aagawan nila ang isa sa limang pinaka natatanging bagay sa mundo.
Ang Vulture of Death –isang uri ng skulptura na hugis Vulture na gawa mismo sa diamante.
“HANDA NA BA ANG LAHAAAAAAAAATT???” Sigaw ng host sa kanila na nasa mahabang parisukat na battle arena na nasa gitna ng stadium na ’to. Halos mabasag naman ang buong arena dahil sa lakas ng sigawan ng mga manunood. Punong puno ang lugar at tila sabik na sabik na rin ang mga ito sa paligsahang magaganap.
Nakita naman ng lahat ang isa isang paglabas ng sampung grupo na naimbitahan sa VULTURE TOURNAMENT sa sampung lagusan na nakapalibot sa gitna ng arena.
Mga grupong may limang myembro na kasali..
Mga myembrong hindi ordinaryo..
Mga taong may kanya kanya ng rason sa pagsali sa laro..
Sa mga grupong sumali..
May mga kilala na ng lahat..
“PINAKA KIKILALA! ANG MGA LALAHOK SA PALIGSAHAN! UMPISAHAN NATIN SA MISMONG GRUPO NA NAGTAYO NG PALIGSAHAN NA ’TO! ANG MARTIN FAMILY Oh mas kilala sila bilang The Children of Celo !” Agad naghiyawan ang manunood. Lalo na nung umabante ang limang myembro nito na mga nakapamulsa lang papunta sa battle arena. “MULA SA MARTIN FAMILY! Dylan Cordova ! Ikram Percival ! Damian Seraphin ! Sin Altair ! At Dante Pum a!” Mas lalong naghiyawan ang mga ito nung isa isa na silang pinakilala.
“MULA NAMAN SA PAMILYA NG MGA SAQUIN, ANG ALIBARA MAFIA ! “ Tawag ng host kaya umabante na rin ang limang myembro nito sa battle arena. “PINAKIKILALA! Vincent del Varya ! Baron Fritz ! Akasha ! Hunter ! At..itatawag nalang daw natin siya sa pangalang ’ Unknown ’” Pagtutungkol nito sa kasapi nilang may takip takip na maskara ang mukha.
May mga bago rin sa paningin ng lahat..
“MULA NAMAN SA PAMILYA FOREST! ANG ELCANA MAFIA !” Tawag nito kaya may isa pang grupo ang umabante. Tatlo sa myembro nito ay lalaki at dalawa naman ay babae. “PINAKIKILALA! Chase Orba ! Dell Nostra ! Fatima Tresler ! Ashley Mortaz at Troy Zarba !” Napasinghap naman si Heneral Tresler na tahimik lang na nanunood sa isang VIP Room. Sumali pala talaga ang apo nito.
“AT SYEMPREEE, DI MAGPAPAHULI ANG CIELLO MAFIA !” Isang grupo na naman ang umabante na tanging isa lang ang myembro nilang babae. “PINAKIKILALA! Veno Ciello ! Seth Clarkson ! Audrey Chi ! Ellis Black ! at Jack Voltair !” Isa sa limang Royal family sa pilipinas na Voltair Family ang kasalukuyang nanunood rin sa isa pang VIP room para suportahan ang kaisa isang anak nila.
“KASUNOD! ANG GRUPONG PINAMUMUNUAN NG EMNACIN FAMILY! ANG ARDANOS !” Mejo nanlaki naman ang mga mata nila Elfred at Felix na nanunood nung makita nila ang isa sa mga myembro na mga umabante. “Kaya pala kasali siyang kinuha nun.” Usal ni Felix
“PINAKIKILALA! Mabus ! Hister ! Loron ! Ellyssa ! at Jared !” Muling nagsigawan ang mga manunood. Sunod pang pinakilala ng host ang tatlo pang mga bagong grupo kaya mas lalong hindi na mapakali ang mga manunood na umpisahan na ang paligsahan. Kita rin sa mga bagong kupunan na hindi rin ito mga ordinaryong mga nilalang lang. Inimbita sila dito dahil may mga kakaibang potential ang mga ito sa pakikipaglaban.
At sa pang ika siyam na grupong ipapakilala, napangisi nalang ang host nung tignan niya ang gawi nila.
May mga nagbabalik..
“Nandito ulit sila, pero ngayon hindi na para manggambala o maghasik sa mga bayan. NANDITO SILA! PARA PATAS NA MAKILAHOK SA PALIGSAHAN AT MAKAMIT ANG PREMYO! WALANG IBA!” Umabante ang isang grupong naka suot ng mga puting kapute. Kilala na ang mga suot nito ng lahat, naging laman na ng balita ang grupong ito dati sa malagim na nangyari sa Orquieta. “ANG VENDETTA !” Isa isang nagtanggal ang mga ito sa nakatakip sa ulo nila . “PINAKIKILALA! Devi ! Loda ! Ermac ! at ang dalawang bagong myembro nila… Heidel ! at Annex !” May mga iban na galit na galit parin sa grupong ’to dahil sa ginawa nilang pinsala sa isang bayan, pero may mga iilan na namamangha parin sa presensya nilang sobrang aangas. Lalo na ang nasa gitna nila na magkakaiba ang kulay ng mga mata.
“At ang pang huli..” Napatingin ang host sa gawi ng grupong huling lalahok. Nakita nila ang dahan dahang pag abante ng lima. Lahat ng siyam na grupo ay napatingin sa mga ito–lalong lalo na sa nasa gitna nila. Tila halang ang bawat isa na makaharap ang malakas na bata na ’to.
“Ang grupong..” Pati ang host ay di rin makapaniwala na nandito ngayon sa harap niya ang batang ’to. “Ang grupong tinaguriang pinaka malakas na Mafia sa bansa. Dahil sa bata…SA BATANG namumuno rito!” Iling na sabi ng host at di maiwasang mapabilib at mamangha sa presensya nito. Sobrang haba na ng buhok nito habang nakatali at ang mga titig nito..di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing tinitignan niya ang mga titig nito. “WALANG IBA! ANG VIRGO MAFIA!”
“PINAKIKILALA! ASHER BEDRIJO ! ISHMAEL VALDERAMA ! VERONICA ARSON ! LILY VALDEZ ! AT ANG PINAKA BATANG BOSS SA KASAYSAYAN NG MAFIA! WALANG IBA… VIRGEEEEEL ACOSTA !!” At dun, halos magwala na ang mga nasa loob ng arena sa sobrang hype na. Mabibingi kana sa sobrang lakas ng hiyawan rito.
Napaangat naman ng tingin si Virgel sa isang VIP room sa taas at di maiwasang kumawala ang nakakakilabot na ngisi sa labi niya nang makita ang kaisa isang taong sumira sa buhay niya. Nakangisi lang rin ito sakanya habang hawak hawak ang isang baso ng wine na para bang hinahamon rin siya.
“NGAYONG TAPOS NA TAYO SA PAGPAPAKILALA, ANO PA ANG HINIHINTAY NATIN??” Itinaas ng host ang kamay niya at humingang malalim sabay pikit “SIMULAN NA NATIN ANG PALIGSAHAAAAAAAAAN!!”
Sinu-sino nga kaya uusbong na grupo..
Sinu sino nga kaya ang unang mahuhulog..
Sa sampung mga natatanging grupo,
Sino nga kaya ang maiiwang nakatayo..
Sino nga kaya ang magkakampyon sa
VULTURE TOURNAMENT 2019
Ihanda na ang sarili..
Itikom na ang bibig..
Ilunok na lahat ng pwedeng ilunok
Dahil heto naa.
Magsisimula na ang panibagong labanan..
Labanan ng mga malalakas na nilalang..
Ngayong handa na ang lahat..
Ikaw?
Handa ka na rin ba?
Yang Elcana at Ciello Mafia, groups yan sa isang story ko dati hahahaha yung The Seventh Mafia Boss. Jan sa story na yan sinubukan kong haluan ng romance pero yun nga hahahah inunpublish ko kasi walang tumangkilik hahahahaha halata kung gano ako ka bano sa romance.
Sa mga nagtatanong naman, kaalyansa ng Fuego ang Virgo so okay lang na sinali ko si Nica tho Virgo lang yung kasali :)
At sa napansin niyo, di ko pa pinakilala ang tatlong grupo, nag iisip pa ako ng ipapangalan e, at syempre sa mga members nito. I need your help. Can you drop names? Depende na kung name niyo ba o mga names na gusto niyo. Pagpipilian ko po yan para ipangalan sa mga members. Bale I need 15 names. And please sana wag po yung masyadong common like John, Peter. Or yung masyado namang unique like Xieren, Zyinx, mga ganyan hahahaha yung basta swak sa action genre po :)
So yun na muna. Sa mga nag aabang sa book 3, Next year ko pa yun sisimulan heheh NEXT YEAR. So konting patience lang muna :) SEE YOU NALANG NEXT YEAR GUYS <3 Pwede niyo ko i add sa ‘Julius Emnacin’ if gusto niyo tuloy tuloy parin connection natin heheh at dun na tayo magkwentuhan :)
Sa title pala sa season 3.
Vulture
yung ita title ko. Bale V trilogy siya na book
VIRGEL (Book 1)
VENDETTA (Book 2)
VULTURE (Book 3)
Pero di pa sure, baka may maisip pa ako na iba hahaha
Ayun lang~
-MajorSin
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Hi~ Sa mga hindi po naka follow sakin, gusto ko lang sabihin na published na po yung Prologue at Chapter 1 ng Book 3. VULTURE po yung title. Patingin nalang po sa profile ko heheh :)) Last book na pala to so meaning wala ng Book 4 hahah and yeah, sana suportahan niyo rin to :) Thank you <3
-Sin
![Cover of VENDETTA (BOOK 2) [COMPLETED]](/story-covers/vendetta-book-2-completed_69662965.webp)
