VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]
MajorSin · 62 chapters · 177,839 words
PROLOGUE
Pang karaniwang studyante..
Yan lang naman ang pwedeng ihalintulad sa sarili ko. Pang karaniwang studyante
Pang karaniwang studyante na madalas mapag diskitahan at mapag tripan dahil di marunong lumaban.
Pangkaraniwang studyante na madalas tawaging lampa dahil sa abilidad kong madapa kahit wala namang nakaharang.
Pangkaraniwang studyante na tila kalaban na yung mundo dahil sa sobrang malas sa buhay.
Ewan ko ba, di ko alam kung ba’t pangkaraniwan ko parin yang maituturing.
Kesa naman sa maging Boss ng isang ilegal na organisasyon, diba? O maging amo ng mga taong pagkitil lang yung alam. Kumpara sa ganyan, pangkaraniwan na yun para sa’kin.
Tama..
Pang karaniwang studyante lang ako.
Genre : Action, Fantasy , Humor
Language : MaTaKoLish ( Marami Tagalog Konti English )
Written By : MajorSin
All Rights Reserved © April 5, 2014
EditedOct2018
NOTE
( Hello! Kasalukuyan kong ini edit yung mga naunang chapters sa book na ’to kaya di niyo pa makita yung ibang chapter. Alam ko rin na marami pa ring errors yung mga na edit ko na. Hindi ako sa typos naka focus sa pag eedit kundi sa script mismo. Sobrang najojologan ako sa mga naunang chapter dahil sobrang jeje ko rin nung time (2014) na ginawa ko yun e hahahah so konting pasensya lang po sa mga nagbabasa na at mejo malayo na. Pramis, bago mag November na edit ko na yung episode 1 to 20 at ipupublish ko na ulit lahat ng chapter. Yun lang! Salamat sa pag intindi :)) )
-October 24, 2018
-MajorSin
Episode 1: The Missing Son
Episode 1: The Missing Son
EditedOct2018
Sa bansang Pilipinas, hindi lang ang mismong Gobyerno ang namamalakad rito. Hindi lang ang mga pulis, militar at mga terorista ang kinakatakutan ng mga tao. Hindi lang mga mayayamang pamilya ang nagpapatakbo sa mga iba’t ibang mga negosyo rito.
Dahil isa sa mga sekretong tinatago ng bansa, ay ang pamamalakad ng mga tinaguriang mga ilegal na organisasyon na malayang nagagawa ang gusto dahil sa kapangyarihang hawak nila. Transaksyon, pagbebenta ng mga illegal na kagamitan, baril, droga. Mga trabahong hindi mo na gugustuhing malaman pa.
Ultimo ang Gobyerno ay di na kumakalaban sa mga naturang grupo dahil sa malawak na rin nitong koneksyon at impluwensya sa iba’t ibang bansa.
May limang makapangyarihang pamilya ang patuloy na namumuno sa sekreto at illegal na mundo ng Pilipinas
Ang Alibara Mafia na pinamumunuan ng pamilya Saquin , ang Martin Family, ang Elfame Mafia na binubuo ng Pamilya Yusen. Ang Fuego Mafia, at ang panghuli, ang Virgo Mafia na pinapalakad ng mga Acosta.
Sa limang organisasyon, ilang dekada ng nangunguna ang Virgo Mafia sa lahat. Walang gustong kumalaban sakanila dahil sa lawak ng impluwensya ng taong namumuno rito–si Vlademir Acosta. Si Vlademir ay isang napaka sikat na businessman. Hindi lang sa Pipinas kundi pati na rin sa mga banyagang bansa ay tinitingala ang tagumpay na naabot niya.
Sumunod naman sakanila ang pamilya Fuego. Ilang taon ring naging mortal na magkalaban ang dalawang pamilya. Pilit na pinapabagsak ng Fuego si Vlademir dahil sa kagustuhan ng Boss nitong manguna sa lahat–ang maging pinaka makapangyarihang tao sa bansa.
Hanggang sa isang araw,
Sa di maipaliwanag na dahilan, tagumpay na nadukot ng mga Fuego si Vlademir. Nagulat ang lahat dahil sa balitang kumalat. Dahil sa nangyari, unti unting humina ang Virgo dahil sa pagtiwalag ng iilang myembro nito, ang pagbagsak ng iilang negosyo dahil sa wala ng namumuno. Ang pag baba ng reputasyon at impluwensya ng pamilya. Dahil sa nangyari ay tila ang tinitingala dati ay binabalewala nalang ngayon.
Dahil rin sa balitang yun, tuluyan na ngang natupad ng Fuego ang kagustuhan nilang manguna. Kasalukuyan na silang kinakatakutan ng lahat ngayon dahil sa pagdakip nila sa makapangyarihang taong yun.
Pero sa gitna ng dagok na nangyari, may iilang myembro parin ang nanatili at di nauubusan ng pag asa. Gusto nilang bawiin ang Boss nila laban sa mga Fuego, pero di nila ito kaya hangga’t walang namumuno sa kanila.
Di nagtagal, isang impormasyon ang nabalitaan nila. Na may anak pala si Vlademir sa dati nitong asawa. Dahil sa balitang yun, nakitaan silang muli ng pag asa, pag asang mababawi pa nila ang pinaka importantong tao sakanila na halos dalawang taong ng nadukot.
Kailangan nilang mahanap ang anak ni Vlademir para gawing Boss nila at mamuno sakanila sa pagsagip ng ama nito.
At nung mahanap nila ito,
dito na mag uumpisa ang lahat.
[ Virgel’s PoV ]
Inilapit ko ang aking kanang mata sa salamin para tignan ang blackeye ko ng maigi. Sinubukan ko pa itong hawakan pero napadaing lang ako. Araay, ang sakit palang hawakan. Akala ko di ito mamamaga, pero mukhang ang lakas nga ata ng pagkakasuntok ni Alfe sa’kin kahapon.
“Virgel, anaak! Malalate ka na. Bumaba kana jan.”
“Opoo!”
Kumuha ako ng cap at sinuot ko. Kailangan kong itago tong blackeye ko. Sigurado akong mapapagalitan na naman ako ni papa sa oras na malaman niya ang nangyari sa’kin.
Tumingin ulit ako sa salamin at binaba ng konti ang peak ng cap ko para matakpan ang mata ko. “Di na siguro to mahahalata.”
Bumaba na agad ako at nadatnan ko sina Mama at Papa na nasa lamesa. “Kumain kana.”
“Opo, Ma.”
Habang kumakain ako ay biglang nagsalita si papa. “Ano na naman ang nangyari jan, Anak? “ Tumingin ako ng dahan-dahan kay papa. Nakatingin lang siya sa dyaryong binabasa niya. “P-po?”
“Yang pasa mo, nakipagbugbugan kana naman ba?” Inalis ni papa ang hawak niyang dyaryo tapos ay seryoso niya akong tinignan. Aw, huli ako. “Di ba sabi ko tigilan mo na yang pakikipag away mo na yan?”
“Pero…”
“Makinig ka nga Virgel. Wala kang makukuha jan kundi sakit lang sa katawan. Kaya tigilan mo na yan.”
Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Napahawak ako saglit sa pasa ko..
“Pakiusap tama na! Tama na Alfe–arghh!”
“ANO?! IBIBIGAY MO BA YANG PERA MO O HINDI?!” Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko nung sinigawan ako ni Alfe. Di pa siya nakuntento at sinuntok na naman niya ako sa mukha.
“Hi-hindi pwede..inipon ko to para sa birthday ni papa–ugh!”
“WALA KAMING PAKIALAM SA KAARAWAN NG PAPA MO! AKIN NA YANG PERA MO!” Pinilit ni Alfe at nung mga kasama niya na kunin ang bag ko pero niyakap ko ito ng mahigpit. Hindi nila pwedeng makuha ’tong inipon ko.
Malapit na ang birthday ni Papa e..
Susurpresahin ko pa siya..
Pero masyado silang malakas–
o masyado lang talaga akong mahina kaya nakuha nila ang bag ko at kinuha nila ang pera na nandun.
Napakahina ko talaga..
“Nyeta 350 lang pala ang laman nito pinagdadamot mo pa!” Kinuha nila ang inipon ko sa mahigit dalawang linggo kong baon tapos ay hinagis nila ang bag sa mukha ko. “ Pero mabubusog na tayo nito.“ Matapos nilang magtawanan ay umalis na agad sila at iniwan ako.
Napayakap nalang ako sa bag ko habang naiiyak. Wala nalang akong magawa kundi ang umiyak nalang. Lagi naman e. Ano ba kasing laban ko sakanila? Masyado akong mahina para ipagtanggol ang sarili ko. Masyado akong lampa para labanan sila.
Napangiti nalang ako ng mapait nung maalala ko ang nangyari sa’kin kahapon.
Ang alam ni papa ay palagi akong nakikipag away sa school dahil madalas akong umuuwi ng may pasa. Pero di nila alam ang totoong dahilan ng mga pasa ko. Palagi akong may pasa dahil halos araw-araw rin akong pinagtitripan ng grupo ni Alfe.
Gustuhin ko mang magsumbong sakanila pero wag na, baka pumunta pa sila mama sa school at lumala lang ang sitwasyon.
Matapos kung kumain ay nagpaalam na ako kila mama at papa. “Oh heto ang baon mo anak. Ubusin mo yan ha.” Tinignan ko ang binigay ni mama sa’kin na lunchbox. Napangiti na naman ako ng mapait.
Kung alam mo lang sana, Ma, madalas ko na nalang matikman ang mga baon na pinapadala mo.
Yumakap ako kay mama. “Salamat ma.” Pero sa kabila ng sakit at nakukalangan ko ng kaibigan, nagpapasalamat parin ako dahil binigyan ako ng isang mapagmahal na mga magulang. Sila lang ang rason ko kung bakit patuloy akong lumalaban araw araw. Sila ang nagsisilbing lakas ko kaya nagagawa ko paring tumayo sa kabila ng problema sakin ng mundo.
“Mag iingat ka anak ha, wag kang magpapagutom.” Tumango ako sa paalala ni mama at ngumiti. Ang bait talaga ni mama. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni papa. “At bakIt si mama lang ang may hug? “ Seryosong tanong ni papa pero natawa lang ako. Yumakap din ako kay papa. Mabait naman talaga si papa eh. Medyo strikto lang talaga siya pagdating sa’kin dahil nag iisa lang nila akong anak. “Aalis na ako, Pa.”
“Mag iingat ka sa daan, at yung sinasabi ko ha, wag ka ng makikipag away dun maliwanag?” Umalis ako sa pagkakayakap at tumango kay papa at ngumiti.
Matapos kong magpaalam sakanila ay umalis na ako sa bahay. Pagkasarado ko ng gate, napapikit nalang ako. Isang masaklap na araw na naman para sa’kin. Pero haharapin ko parin ito ng nakangiti.
Tama! Goodvibes lang. Hehe.
At eksaktong pag abante ko, isang mejo malagkit lagkit yung biglang naapakan ko. Pagtingin ko..
Langya. Sariwang tae.
Napaangat nalang ako sa kalangitan at di maiwasang magtanong “Bakit, Lord?” At isang kalapati nalang ang nakita kong lumilipad at dumaan sa kinatatayuan ko. Nakita ko itong nagtapon ng ipot kaya napangisi ako. Di ako ganun ka lampa para tamaan pa ng nakikita ko na.
“Kala mo ha.” Umabante ako ng ilang hakbang habang nakatingin parin sa kalapati para iwasan yun, pero sa pag abante ko, may nakabangga akong isang lalaki at dahil sa sobrang hina ko, naitukod ko ang mga kamay ko bago ako mapaupo.
“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.” Sabi pa niya at di man lang ako tinulungang tumayo.
Naramdaman ko nalang ang pagkahulog ng ipot sa ulo ko. At nung mapagtanto ko kung saan ko naitukod ang isang kamay ko..
Grabe..
Tinignan ko ang kamay kong may tae narin.
Ang ganda namang panimula nito.
**
Bumalik ako sa loob ng bahay at naghugas. Late na ako ngayon kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko ngayon. Lagot na naman ako sa teacher namin nito.
Habang naglalakad ako, nakita ko ang isang batang pulubi sa gilid na panay hawak sa tiyan niyang parang gutom na gutom na. Nakatingin lang ito kay manong na may sorbetes na tinda.
“Bata, gusto mo ba ng ice cream?” Tanong ko kaya napatingin siya sakin. Ayaw man niya sumagot, alam kong gusto niya kaya hinawakan ko ang braso niya at nagpunta kami kay manong. “Manong pabili nga po isa.”
“Oh heto.” Abot niya kaya kinuha ko yun at ibinigay sa bata. At pagkabigay na pagkabigay ko nun, nakita ko pa ang iilang batang pulubi na palapit sa amin.
“Kuya kami rin po pengee.”
“Sige na po kuya nagugutom na kami ehh.”
Mga walo ata sila lahat na lumapit kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. Pero sa huli, kinuha ko nalang ang sinkwenta pesos na tanging baon ko at ibinigay kay manong. “Manong, pakibigyan nalang ho sila ha. Kailangan ko ng umalis e.”
“Sigurado ka ba, hijo? Baka wala ng matira sa baon mo.”
“Ayos lang po. Sige alis na ako.” Paalam ko at kumaway sa mga bata.
“Salamat kuyaaa”
“Tenkyu poo”
Maglalakad nalang rin ulit siguro ako mamayang uwian.
Lunchbreak na, at nandito na naman ako sa paborito kong lugar ng school namin–ang rooftop. Hehe. Ang sarap tumambay sa lugar na walang mga taong nakapaligid sayo. Na pwede mong kalimutan pansamantala ang mundo at tumakas sa realidad.
Di pa nga pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Virgel, Virgel Martinez. Labingpitong taong gulang na ako. 4th Year Highschool student at–.
Biglang bumukas ang pintuan ng napakalakas kaya gulat akong napatingin dito.
“HOY LAMPA!!” Nako, ayan na naman sila..
“NAGUGUTOM NA KAMI!!” Sigaw ni Alfe sa’kin nung mapalibutan na naman ako ng grupo niya. Alam na nila kung saan ako makikita pag ganitong oras kaya madali lang nila akong natutunton.
“N-nako pasensya na, ubos na kasi ang baon ko eh.” Sabi ko sakanya habang yumuyuko pa.
Agad naman akong kwenelyuhan ni Alfe. “HOY! WALA KAMING ORAS MAKIPAGBIRUAN SA’YO HA! AMIN NA YUNG PERA!! GUTOM NA GUTOM NA KAMI! BWESIT! “ sigaw pa niya. Yung bibig niya parang shower. Nagtatalsikan yung laway.
“Wala na talaga–”
“ISA!”
“Kahit tignan niyo pa ang bulsa k–arghh!” Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinikmuraan na naman niya ako.
“TUMITIGAS NA ANG ULO MO NGAYON AH!” At sunod sunod na suntok nalang ang natanggap ko kaya halos di na ako makahinga sa sobrang sakit. Binitawan niya ako kaya nagkaron ako ng oras na hawakan ang tiyan kong namimilipit na sa sakit.
Lagi nalang ganito..
“Akin na nga lang yang lunchbox mo! Dali!! “ sigaw niya sabay agaw nung bag sa’kin. Di nalang ako pumalag. Tuwing lunch nalang talaga to nangyayari sakin. Kaya yung laging pinapadala ni mama sakin na baon di ko na nakakain kasi lagi nilang kinukuha.
Pagkatapos nilang kunin yung lunchbox ko, tinapakan muna nila yung bag ko bago sila umalis habang tumatawa pa.
Pagkaalis nila, umupo nalang ako dun sa may gilid at sinubukang sumagap ng hangin. Kahit araw araw na akong nakakatanggap ng suntok di parin nasasanay ang katawan ko.
Bakit ba may mga taong tulad nila? Na natutuawa pag may pinapahirapan silang ibang tao. Di ba sila marunong maawa?
Wala silang mga puso.
“Uy Boss! “ May biglang tumabi sakin at nakangiti akong tinignan.
Si Kael lang pala. Bestfriend ko siya simula pa 1st year highschool. Sa totoo lang, siya pa lang talaga ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko. Sabi ko nga kanina, kulang ako sa kaibigan. Ewan ko ba pero walang gustong makipag kaibigan sa’kin eh. Tanging siya lang.
“Ikaw pala Kael. Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Bakit hindi mo pinagtanggol yung sarili mo dun sa mga kumag na’yun, Boss? “ Di na niya pinansin ang tanong ko, at ayan na naman siya sa Boss-Boss niya. Kahit hindi naman talaga niya ako Boss. Naging habit na niya ang pagtawag sa’kin ng ganyan eh.
“Mahal ko pa ang buhay ko. Mas ok na yung hindi na ako pumalag, baka lumpuhin lang nila ako lalo.” Sagot ko. Baka iba na naman ang isipin ni Papa.
Bigla naman niya akong tinitigan. “Baket?” kunot noo kong tanong.
“Alam mo Boss, may kamukha ka talaga eh.” Sabi niya habang sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ko.
Di nalang ako nagsalita. Lagi niya nalang yang sinasabi sa’kin. Na may kamukha daw ako. Eh wala naman akong kapatid.
“Pero seryoso Boss, utusan mo lang ako na pulbusin yung mga ’yun, gagawin ko yun agad.” Sabi nalang niya tapos itinaas pa yung kamay niya at kinuyom. Natawa tuloy ako.
“Yabang talaga nito, tara nanga lang sa baba.” Sabi ko nalang sakanya at tumayo na ako sa pagkakaupo. Sumunod naman siya sa’kin.
Bubuksan ko pa sana yung pinto para bumaba na kaso bigla nalang itong bumukas. Natamaan tuloy ako.
“Araay” daing ko habang hinihimas yung noo ko. bukol pa ata to. Ayoko mang aminin pero matagal na akong kinakain ng sistemang kalampahan.
“Pfft, hindi kasi nag iingat eh” Natatawang asar pa niya. Malay ko ba? Eh sa bumukas bigla yung pintuan eh.
“Nako sorry, tol. Nasaktan kaba? “ Tanong nung lalaking nagbukas nung pinto.
“Hehe hindi, okay lang. Sige una na kami.” Sagot ko nalang tapos bumaba na ako ng hagdan. Si Kael ang tagal makasunod kaya umuna na akong pumasok sa room. Mukhang nag uusap pa sila nung lalaking nagbukas nung pinto. Magkakilala siguro sila.
–Virgo’s Mansion–
[ Ish’s PoV ]
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala nang biglang sumulpot si Elsa.
“Guys pinapatawag tayo ni Hugo. May pag uusapan daw.” Bungad agad niya.
“Tungkol saan?” Tipid kong tanong.
“Ewan, di ko alam. Halina kayo.” Sagot niya at umuna na siyang maglakad. Sumunod naman agad kaming tatlo nina Hell at Benz.
Sa Organisasyon namin, may limang pinagkakatiwalaan si Boss Vlad ng lubos, at kami yung lima. Kami ang limang tagaprotekta niya. Pinagkatiwalaan niya kami para sa seguridad ng buhay niya..
pero di namin siya nagawang protektahan. Di namin siya nagawang bantayan.
Pero ngayong nalaman na naming may anak pala si Boss, gagawa na kami ng hakbang para ibalik siya dito sa mansyon niya. Sapat na ang dalawang taon na pananahimik namin. Oras na para pagbayaran nila ang ginawa nila samin.
Hintayin niyo lang kami Boss, ibabalik ka namin dito sa mansyon sa tulong ng anak mo.
Ibabangon natin ’tong grupong minsan ng kinilala at nirerespeto ng lahat.
“Maupo kayo.” Utos ni Hugo pagkadating namin sa opisina niya. Siya ang nasa pinaka unang pwesto ng grupo, si Hugo Arsenal. Siya muna ang gumaganap na Lider sa’min ngayon habang hindi pa namin nakikita ang anak ni Boss Vlad–ng magiging bagong Boss namin.
Siya ang pinaka matanda at pinakamature mag isip sa aming lima, siya ang Trapper sa Grupo. Ugali niyang gamitin sa kalaban ang mga iba’t ibang klase ng trap na nalalaman niya.
“Ano bang pag uusapan natin ngayon, Hugo boy? “ Tanong naman ni Benz. Ang nag iisang abnormal sa buong Virgo, si Benjamin Delgado . Di ko talaga maintindihan pano namin naging kasamahan ’to eh. Di mo alam kung monggoloid ba o adik to dahil sa kasabugan. Lagi lang nakangisi, parang walang problema sa buhay. Samurai pala ang gamit niyan sa pakikipaglalaban.
“May Impormasyon na ako tungkol sa nawawalang anak ni Boss.” Sagot niya.
“~Alriiight” - Benz
“Bakit pa ba natin hahanapin yan? Kaya kong pamunuan tong Virgo ng walang kahirap hirap. “ Sali ng pinaka maangas sa aming lima, si Hell Tan habang nakapatong pa ang mga paa sa mesa . Masasabi mo ngang mayabang to magsalita pero ayaw ko man aminin, siya rin ang pinakamagaling na Hitman sa amin. Kaya niyang magbaon ng anim na bala sa ulo mo na isang tama lang ang makikita. Ganun siya ka hayop pagdating sa pagbaril.
“ Wag ka ngang feeler jan, Hell! Wala sa dugo mo ang pagiging Boss! “ Suway naman agad ni Elsa Monte sa narinig . Siya ang nag iisang babae sa grupo. Siya ang nagsisilbing medic namin. Inaamin kong maganda siya pero hindi lang sa pag gamot bihasa si Elsa. Siya rin ang gumagawa ng mga kakaibang gadgets na ginagamit namin sa tuwing may misyon kami.
“Ikaw ba kausap ko?! Papansin ka.” Inis rin na usal ni Hell. ’To na naman tong dalawa. Tinaasan lang siya ng kilay ni Elsa kaya mas lalong nangunot ang noo ni Hell.
“~Alriiight” singit naman ni Benz sa usapan na ikinainit lalo ng ulo ni Hell.
“At ikaw, gusto mong paglamayan?” Sigaw ni Hell kay Benz habang tinutukan ng baril. Pero si Benz natatawa lang.
“ Virgin pa ako, Hell. Wag muna HAHAHAHA “ Ulit pa nito kaya natawa nalang kami ni Elsa hahaha abnormal talaga.
“Gago.”
“Mamaya na kayo magpatayan, mas may kwenta tong pag uusapan natin kesa sa mga buhay niyo.”
“Aray namaaan, ang mean mo Hugo ah” Kunwaring nasasaktang sabi ni Benz habang may pa hawak hawak pa sa dibdib ampora. Tadjakan ko kaya to?
“Andito tayo ngayon para pagplanuhan ang pagkuha sa Boss natin. Ish, kailangan namin ang utak mo ngayon. “ Sabi ni Hugo sa’kin. At ako nga pala si Ish Valderama . Ako ang nagsisilbing utak sa grupo pag may ginagawa kaming plano. Ewan ko ba, mas may tiwala pa sila sa mga decisyon ko kesa sa sariling utak nila. Kung sila pa, di daw kasi pumapalya mga plano ko.
Hehe. Hindi naman sa flattered pero..
Heheh :>
“Hoy nakikinig ka ba?”
Nag thumbs up lang ako sabay pikit “Walang problema.”
Dito na, dito na mag uumpisa ang pagbangon ng Virgo Mafia.
Humanda kayo, Fuego. Hindi kami naging pinaka malakas na pamilya dati ng walang rason.
-To Be Continued..
-MajorSin
Episode 2: A Villain or Not
E
pisode 2:
A Villain or Not
EditedOct2018
[ Virgel’s PoV ]
Last subject ko na ngayon, ang P.E. Nakakatuwa lang kasi ang lalaruin namin ngayon ay ang pinakagusto ko panoorin, ang Basketball. Hindi ako marunong nun pero hilig ko talaga ang manood ng Basketball.
Gusto kong maka experience na maglaro ng Basketball kahit sandali lang hehe.
“Okay class, tulad ng nasabi ko kahapon, Basketball ang lalaruin natin ngayon. For boys lang muna tayo sa ngayon ha. Bukas Girls naman. Now Boys, kayo na ang bahalang pumili kung sinu-sino ang gusto niyong maka grupo. Basta hindi lang kayo lalagpas ng anim, Okay? Now choose your teammates!”
Pagkasabi ni Teacher nun ay dali-dali na agad ang mga classmates ko sa pamimili ng magiging teammates. Pati ako ay naghahanap na rin. Ewan pero naeexcite ako.
“Ah Jake, Pasali naman ako sa team niyo” Sabi ko nung makita ko siyang parang naghahanap pa ng pwedeng maka teammates niya.
Nung tignan naman niya ako ay ngumiti ito ng pilit “Nako pasensya na, 6 na kami eh” Sagot niya pero ba’t parang naghahanap parin siya?
“Aw sige, okay lang hehe.” Ngiting sagot ko nalang at pumunta nalang sa iba kong classmate–kay Marco. Pero bago paman ako makapunta sakanila ay nakita ko pang lumapit si Charles kay Jake “Jake, kumpleto na ba kayo? “
“Hindi pa nga eh. Gusto mong sumali?”
“Sige.”
Bahagya nalang akong napatingin sa sahig. Di naman ako ganun ka tanga para di malamang ayaw lang nila ako maka teammate e.
Lumapit nalang ako kay Marco at nagbakasakaling makasali. “Ah Marco, anim na ba kayo? pasali naman ako sa team niyo.” Tanong ko pero bigla niya lang akong sinamaan ng tingin.
“Sasali ka sa team ko? Nagpapatawa ka ba? Di bagay ang Lampa dito sa Team ko kaya hindi pwede!” Bulyaw niya sabay tulak pa sa balikat ko.
Napahinga nalang ako ng malalim.
Ayaw talaga nilang lahat sa’kin.
Humanap nalang ako ng ibang team na hindi pa kumpleto, at mabuti nakita ko si Kael na nakikipag usap sa mga ka teammates niya ata.
“Ahh Kael, kumpleto na ba kayo?”
“Naku tamang tama Boss! Kulang kami ng isa, Ikaw nalang pang anim namin.” Sabi niya kaya unti unting kumorba ang ngiti sa labi ko.
“ Talaga? Salama–“
Sasagot palang sana ako pero natigil ako kasi bigla nalang hinigit si Kael ni Greg–isa sa mga ka teammates niya.
“Ano kaba naman Kael? Wag mong pasalihin yan sa team! Ang lampa niyan masyado! Baka matalo pa tayo ng dahil jan eh!”
Hindi ko alam kung bumubulong ba siya o sinadya niya talagang marinig ko ang sinasabi niya kay Kael.
“ Buhay niyo ba ang nakataya para matakot ng ganyan na matalo tayo? At isa pa hindi lampa si Boss“
“Tignan mo nga yang patpatin na katawang yan! Humanap nalang tayo ng iba, Kael!”
Sasabihin ko nalang sana na hindi nalang ako sasali sakanila kasi baka ikatalo pa nga nila pag sumali ako pero..
“Sasali si Boss sa ayaw at sa gusto niyo.”
Rinig kong kontra ni Kael sa kanila tapos lumapit na siyang muli sa’kin at tsaka ngumiti.
“Oh, mauna na tayo Boss! Magpapractice pa tayoo!” Masayang aya nya sa’kin, habang sila Greg at yung iba naman naming ka teammates ay ang sama sama ng tingin sa’kin.
“Ah S-sige “ Sagot ko nalang kaya mabilis niya akong inakbayan at sabay na kaming umunang naglakad papuntang covered court kung saan kami maglalaro.
Kasalukuyan ng nag uumpisa ang laro namin, at dahil anim kami sa team, bangko na muna ako. Isa-sub nalang daw nila ako mamaya.
“Oh Pasa pasa!”
“Dito dito!”
“Bantayan niyo si Kael!”
Nag umpisa ang laro na magkadikit ang score. Laging umiiscore si Kael sa team namin habang si Marco naman ang umiiscore sa kabilang team. Laging nagpapalitan ng Tira. Shoot dito, shoot doon. Lay up dito, Lay up doon. Ewan pero habang nanunood ako parang mas lalo akong naeexcite na maglaro.
Natapos ang first quarter sa score na 18-22. Lamang ang kalaban.
“Oh ikaw naman ang pumalit sa’kin Boss.” Sabi ni Kael sa’kin kaya napangiti ako.
Sa wakas, makakapaglaro narin ak–
“Mamaya na Kael. Lamang pa ang kalaban! Mamaya ka nalang magpa sub pag lumamang tayo.” Kontra na naman ni Greg kaya nawala bigla yung excitement ko.
“Pero, Hindi pa naglalaro si Boss.”
Ngumiti nalang ako ng bahagya sakanila. “Hindi, okay lang. Baka lalo pang lumamang yung score ng kalaban pag naglaro pa ako.”
“Pero Boss..”
Pumito na ang referee kaya tinapik ko na ang balikat ni Kael. “Sige na, galingan niyo para lumamang tayo.” nakangiti kong sabi sakanya.
“Lalamangan namin sila Boss para makapaglaro kana ha. “ Sabi ni Kael kaya tumango lang ako.
Nag umpisa na ang 2nd quarter. Kagaya kanina, Palitan padin ang dalawang team ng tira. Walang gustong magpatalo.
Natapos ang 2nd half sa score na 35-40. Lamang parin ang kalaban, at ibig sabihin nun, hindi parin ako pwedeng maglaro.
-Fuego’s Mansion—
[ 3rd Person’s PoV ]
Sa isang magarbong ubuan nakaupo ang isang may katandaang lalaki habang naka de kwatro ng upo. Kaharap nito ngayon ang iilang tauhan ng mga Fuego para sa isang misyon. “Dukutin niyo ang batang yan ngayong gabi at wag na wag kayong papalpak.” Utos nito sabay abot ng litrato ng isang binatilyo sa apat nitong tauhan.
“Masusunod po”
“Wag niyo siyang papatayin, maliwanag? “
“Opo.”
“ Makakaalis na kayo “
[ Virgel’s PoV ]
Patapos na ang fourth quarter pero di padin ako nakakapaglaro. Di kasi lumalamang yung team namin eh. Kahit anung gawin nila Kael na paghabol, nakakabawi palagi ang team ni Marco. Ang galing ni Marco maglaro.
70-76 na ang score, anim pa ang lamang nila Marco at 5 minutes nalang ang natitira. Sana makahabol kami. Hindi na dahil para makalaro ako, kundi para manalo kami.
Ayos lang kahit hindi na ako makalaro basta manalo lang ka—
“KAEL!” Napasigaw nalang ako kasi biglang nahiga si Kael sa gitna ng court. Agad naming pinuntahan si Kael at pinalibutan.
“Kael ayos ka lang?”
“Anong nangyari?”
“Napilayan kaba?”
Sunod sunod naming tanong sakanya, at mejo nakahinga ako ng maluwag nung makita ko siyang bumangon ng dahan dahan.
“He-hehe wala to, nag cramp lang yung kanang binti ko.” Sabi niya kaya Inalalayan namin siya papunta sa bench para makaupo siya ng maayos. Tapos ay minamasahe ng teacher namin yung binti niya para mawala yung pamumulikat.
“Paano na tayo makakahabol nito? Bwesit naman yan oh!” sabi nung isa kong kateam.
“Anjan naman si Boss oh. Boss, Ikaw na ang bahala sa laro ah. Galingan mo ha “ Sabi ni Kael sa’kin habang naka thumbs up pa.
Teka..
Ba’t parang kinabahan ako bigla? Kanina lang excited na akong maglaro ah. B-ba’t ngayon parang ayaw ko na? Ngayon pa nga lang ako maglalaro tas sobrang intense pa na nung laban.
Jusko..
Muling pumito ang referee senyales na itutuloy na ang naudlot na habulan ng puntos–dahilan para manlamig ako lalo.
“Mukhang wala na tayong magagawa. Virgel! Ayusin mo ang paglalaro mo ha?! Wag kang papalpak! “ Dagdag pang sigaw ni Greg kaya mas lalo akong nakaramdam ng pressure.
“O-okay..He-hehe”
AYOKO NAA!
“Kilos na Virgel!” Sigaw ni Greg. Di ko alam na nag umpisa na pala yung laro.
Kaya ayun tumakbo narin ak– “anak ng!” Di ko ata naayos ng maayos yung sintas ko kaya aksidente ko tong naapakan at mabilis na gumulong gulong.
A-arayy..
“Tanga! Anong kaabnormalan ba yang ginagawa mo?!” Sigaw na naman ni Greg kaya agad agad rin akong tumayo at inayos ang sintas bago tumakbo ulit. Sorry naman.
Grabe, ganito pala pag nasa loob kana ng court. Kahit mga classmates ko lang ang nanunuod nakakakaba pa di–
“Virgel!”
“Ha?–” Bago pa man ako makalingon sa tumawag sakin, mabilis na tumama yung bola sa ulo ko dahilan para matumba ulit ako.
“HAHAHHAHAHAHAHAHA GAGOOO!!” Rinig ko pang nagtawanan yung mga nanunood.
A-arayy..
“Out of bounds, Team Marco’s Ball” Usal ng referee.
“Taragis ka talaga kahit kailan!” Gigil na gigil na ang boses ni Greg.
Kahit saan mo talaga ako ilagay sobrang lampa ko talaga.
Sana di nalang ako sumali..
“Ano ba ’yan Virgel! Nasa harap mo na yung bola hindi mo pa nasalo?!” Sigaw nung nagpasa sana sakin.
“Pa-pasensya na “ Sabi ko nalang sakanila bago dahan dahang tumayo ng mag isa.
Sa pagkakaalam ko sa ulo ako tinamaan ng bola, pero ba’t yung puso ko yung kumikirot ngayon..
Napaka walang kwenta ko talaga.
“Balik na sa pwesto! Bwesit!”
“GAME OVER! FINAL SCORE 90-79. TEAM MARCO WIN “ -Ref.
Sa huli ay di na nga kami nakahabol kila Marco. At dahil yun lahat sakin.
Pagkarating namin lahat sa classroom, agad sinipa ni Greg ang isang bangko sa sobrang inis. “Bwesit!! Talo tayo!”
“Hahaha okay lang yan, Greg. Laro lang naman yun eh” Natatawa namang sabi ni Kael. Sinamaan naman siya agad ng tingin ni Greg tapos ay tumingin rin sa gawi ko–at agad lumapit sakin at kinwelyuhan ako.
“Kasalanan mo lahat ng ’to e! Kung di ka lang sana sumali samin! Baka nanalo pa kami!” Pilit niya akong kwinelyuhan pataas hanggang sa nakita ko ng umawat si Kael
“Ano ba, tama na yan, Greg.” Hinawakan niya ito sa balikat pero mabilis itong tinabig ni Greg.
At ewan ko ba…
Nakaramdam nalang ako ng kakaiba nung makita kong muntik ng matumba si Kael
“Isa ka pa eh! Kung di mo lang sinali sali tong lampa na ’to.. edi sana!” Binitawan ako ni Greg at si Kael na naman ang hinarap niya at akmang susuntukin pa sana.
At sa mga sumunod na nangyari, nagulat nalang ang lahat..
pati ako.
Pati ako na ngayon ay nakatingin sa kamay kong hawak hawak ang braso ni Greg–dahilan para di matuloy ang pag suntok niya.
Di ko alam kung pano ko napigilan ang lakas niya..
Di ko alam pero kusa nalang gumalaw ang katawan ko nung makita kong susuntukin niya si Kael.
Di ko alam pero pahigpit ng pahigpit ang pagkapit ko braso ni Greg.. “Arghh! Aray!”
Di ko alam pero..
pero..
“Anong kaguluhan yan?” Nabalik ako bigla sa ulirat at mabilis na binitawan ang braso ni Greg nung marinig ko ang boses ni Teacher.
Tumingin akong muli kay Greg na hawak hawak na ang brasong hinawakan ko tapos sobrang sama ng tingin sakin
“Kaasar!” Usal nalang niya bago lumabas sa room. Uwian na kasi namin.
“Boss ayos ka lang? Pasensya kana dun, mainitin lang kasi talaga ulo nun eh. Hehe”
Ngumiti ako ng pilit. “Okay lang. Tama naman siya eh. Ako yung dahilan kung bakit tayo natalo.”
“Huwag ka nga mag isip ng ganyan, Boss. Walang may kasalanan sa pagkatalo natin. Ginawa naman natin lahat eh, diba? Sadyang mas malakas lang talaga sila Marco Hahaha.” Mabuti pa’to si Kael, magaling at hinahangaan ng iba. Pero gayunpaman, napakabait niya parin tapos lagi pang positibo sa kahit anong bagay.
Nagpapasalamat ako at si Kael ang naging matalik na kabigan ko.
“Kael, maraming salamat ha.” Mejo nahinto naman siya sa pagtawa nung nagsalita ako.
“Oh? Para san, Boss?”
“Kasi..hindi isang lampa ang tingin mo sa akin.” Bigla naman siyang natawa ulit nung sinabi ko yun.
“Hahaha ano kaba. Syempre dahil Boss kita. Walang lampa na Boss, diba? At tsaka a
ko nga dapat ang magpasalamat sayo sa ginawa mo kanina. Akalain mong napigilan mo yung braso ni Greg?“
Sabi niya kaya napatawa narin ako. Hindi na importante sakin kung bakit ko nga nga ba yun nagawa. Ang sakin lang ay hindi siya nasaktan. Hindi na mahalaga sakin kung ilan lang ang magiging kaibigan ko. Basta nanjan si Kael, kuntento na ako dun.
Pagkatapos naming mag dismissed, nagkanya kanya na rin kami ng uwi. Magkaiba kasi ng direksyon ang bahay namin.
At dahil wala akong pera kasi binili ko ng mga sorbetes kanina, heto na naman, maglalakad na naman ako pauwi.
–Virgo’s Mansion–
[ Hugo’s PoV ]
Time: 6:30p
m
“ Ihanda niyo na ang sarili niyo para mamaya. Inuulit ko, may tsansang makabangga natin ang mga Fuego sa pagkuha natin kay Virgel. Mukhang alam na rin nila ang tungkol sa nawawalang anak ni Boss Vlad. Hindi ko alam kung sino ang source nila pero sa tingin ko ay balak din nila itong hulihin tulad ng ginawa nila kay Boss o di kaya naman ay patayin. Kaya dapat mauna tayo sakanila.“
“Nag aaksaya lang tayo ng panahon para sa walang kwentang bagay na’ to.” Pagmamaktol ni Hell na ngayon ay naglilinis na ng mga baril na pwede niyang gamitin mamaya.
“Kabaliktaran ata yang sinasabi mo sa ginagawa mo ngayon? Sa paglilinis mo palang ng baril halatang ikaw yung di na makapaghintay dito. Pa cool ka pa ah. Di bagay sayo, Hell.” Sabat naman ni Elsa kaya nagtawanan na naman sila maliban kay Hell na kumunot na ang noo dahil sa pangbabara ni Elsa. “Gago.”
Napailing nalang ako.
Kung ikukumpara kaming lima dun sa tinatawag nilang
Walong
Diablo
ng Fuego Mafia, walang wala kami sakanila. Binubuo sila ng malalakas na myembro habang kami heto, puro ka abnormalan lang ang laman ng utak.
Minsan ko ng nakabangga ang isa sa Walong Diablo na yan dati at ayaw ko mang aminin, wala akong laban sakanya kahit isa lang siyang bata. Buti nga nakatakas pa ako nun eh. Kundi baka sumabog na ako sa puntong yun.
Sabi pa niya, nasa pang anim na ranggo lang daw siya sa grupo. Nasa pang anim lang pero napaka halimaw na ng kinikilos. Paano pa kaya yung mga nasa ranggo pababa?
Di ko makakalimutan yung pangyayaring yun.
At mas lalong hinding hindi ko makakalimutan yung pangalan nung taong muntik ng tumapos sa buhay ko.
Kael Zacanta..
Humanda ka sa oras na magkita
ulit tayo
..
-To Be Continued..
MajorSin
Episode 3: Questions
E
pisode 3
: Questions
Edited: Oct2018
[ Virgel’s PoV ]
6:30 na nung makauwi ako sa bahay. Grabe, pagod na pagod yung mga paa ko kakalakad.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko agad si mama sa kusina na nagluluto. Habang si papa naman ay nagbabasa parin ng dyaryo sa may sala.
“ Magandang gabi po sa inyo Ma, Pa.“ Bati ko sakanila tapos nagmano ako.
“Oh ba’t ginabi kana naman?” Tanong ni papa.
“Ah h-hehe ano po, may ginawa pa kasi ako sa library kaya medyo natagalan ako. Pasensya na po.” Pagsisinungaling ko nalang sabay kamot sa ulo. Gusto ko mang sabihin na nagastos ko yung pera sa pagbigay dun sa mga pulubi, pero baka magtanong pa ng magtanong si papa. Inaantok narin ako e.
“Oh halina kayo, nakahanda na ang hapunan.” Aya ni mama. Ang bango ng niluto niya
“Magbibihis lang po ako saglit.” Halos papikit na ang mga mata ko sa sobrang antok habang paakyat ng hagdan.
Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko agad yung kama ko dahilan para mapahiga na ako ng wala sa oras. Pagod na pagod talaga ako ngayon dahil sa walang humpay kong paglalakad kanina at isama mo pa yung basketball na kahit 5 mins lang eh wala rin kaming hinto sa pagtakbo. Iidlip nalang muna ako saglit.
Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko habang nag vavibrate sa kama ko kaya hinang hina akong napamulat. Sobrang bigat ng ulo ko.
Pagtingin ko, si Kael pala, nag text. Nangunot naman yung noo nung mabasa ko yung text niya.
From: Kael Zacanta
Mag iingat ka
Boss
Mag iingat? saan? kanino? Naisip ko nalang dahil naalimpungutan pa ako. Napatingin naman ako sa oras ng phone ko. Alas otso na pala. Isa’t kalahating oras rin pala akong nakatulog.
Ba’t hindi ako ginising ni mama? Makababa na nga lang. Gutom na gutom na ako eh. Wala pa kaya akong kain simula pa nung tanghalian.
Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ko, isang malamig na hangin agad ang sumalubong sa’kin. Ang lakas ng hangin na para bang ayaw akong palabasin sa kwarto. Nagsitayuan tuloy mga balahibo ko.
“Ma? Pa?” Kusot kusot ko pa ang mga mata ko na tinatawag sila habang pababa ng hagdanan.
“Ma?” Ba’t ang tahimik ng bahay? Bukas pa naman yung mga ilaw. Natutulog na kaya sila? Masyado pa namang maaga para matulog sila.
“Pa–” At parang nabuhusan nalang ako bigla ng malamig na tubig nung makita ko ang nasa dulo ng hagdanan. “MA!!” Mabilis akong nakababa sa hagdan nung makita ko si mama na nakahandusay sa sahig at..at..
“MA! Anong nangyari?!” Sigaw ko habang niyuyugyog ang duguan niyang katawan. Ano bang nangyari?! Paglingon ko sa sala, andun din si Papa, naliligo rin sa sarili niyang dugo.
“PA!!” Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa walang humpay na pagtulo ng mga luha ko. Parang kanina lang kitang kita ko pa ang buhay na buhay nilang katawan. Tapos..eto nalang bigla ang madadatnan ko.
Sino ang may gawa nito?!
“Gumising kayo Ma! Pa!” Ano ba talagang nangyari dito?! Natulog lang ako saglit tapos nagkaganito na agad. Panaginip lang kaya to? Nananaginip lang ba ako?
“hindi..hindi. Nananaginip lang ako. Panaginip lang ’to. NANANAGINIP LANG AKO!! “
“AAARRGHH!” Napahawak nalang ako sa ulo ko at napapikit. Ba’t parang totoo lahat ang mga nangyayari ngayon?! Ba’t parang totoo ’tong nararamdaman kong sakit sa puso?! “GISINGIN NIYO NA AKO!!”
“HAHAHAHAHAHA!!”
Natigilan ako nung may marinig akong mga mala demonyong tawa sa buong paligid ko.
“Sino Kayo?! “ Sigaw ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Wala akong makitang tao pero tuloy padin yung mga tawa na naririnig ko.
Habang pinapakinggan ko yung mga tawa nila, bigla nalang napalitan yung lungkot ko ng ibang pakiramdam. Ito yung naramdaman ko kanina kay Greg.
Parang may pinagnanasaan ang kalamnan ko na mangyari..
Dugo..
Tunog ng mga nababaling buto..
Biglang bumilis ang paghinga ko at tila umiinit ang dugo ko sa loob..
Napapikit nalang ako ulit dahil sa biglaang pagsakit ng husto ng ulo ko
Anong nangyayari?
“Matapang ka pala bata.” Pagkarinig ko nyan, biglang may lumabas na apat na lalaki sa may pintuan.
At nung makita ko ang mga mukha nila, bigla nalang nagdilim ang paningin ko at ang huli kong napansin sa sarili ko..
ay ang kusang pag ngisi ng mga labi ko.
[ Hugo’s PoV ]
Time 8:55 pm
“~Alright! Nandito na tayo!” Usal ni Benz nung makarating na kami malapit sa bahay ni Boss Virgel.
“ Hell, Icheck mo ang likod. “ Utos ni Ish.
Kinasa lang niya yung dala niyang baril pagkatapos tsaka siya lumabas sa kotse na para bang walang nag aabang na panganib sa labas. Hindi talaga to nag iisip.
Maya maya pa ay pumasok na siya ulit. “Walang kalaban.”
“Good. Tara na.” Usal ko at tsaka isa isa na kaming lumabas sa kotse.
Paglabas namin, sobrang tahimik ng buong paligid. Nagkamali lang ba ako ng akala na pupunta din ang mga Fuego dito?
O di kaya.. nahuli na kami?
Naloko na. Hindi pwede ’yun.
“Bilisan niyo!” Medyo napataas ang boses ko kaya agad sumabat si Ish.
“Huminahon kayo. Wag niyong ibaba ang mga armas niyo. Di natin alam ang kinikilos ng mga Fuego. Baka anjan lang sila” Mahina niyang usal kaya pinilit kong kumalma. Tama siya. Baka masyado lang akong nag iisip.
Nung marating namin ang gate ng bahay niya, medyo nagulat kaming lima nung makita namin ang pinto. Ba’t nakabukas ito ng ganitong oras?
Hayop yan. Wag naman sana..
Di na kami nag atubiling pumasok agad. Pagkarating namin, rumihistro kaagad sa mga mukha naming lima ang sobrang pagkagulat.
Anim na lalaki at isang babae ang tumambad sa’min na nakahiga sa sahig.
Masama to..
“
Ish! Elsa! Icheck natin sila! Hell, Benz jan lang kayo sa labas ng pinto! Makiramdam kayo kung may kalaban! Maliwanag?!“
“~Alright!” -Benz
Agad na naming chineck nina Elsa at Ish yung pitong katawan.
Una kung chineck yung babae. Wala ng buhay. Medyo may kaedaran na’to kaya sigurado akong ito yung tumayong ina ni Boss.
“Itong tatlong lalaki, myembro ng Fuego “ Sabi ni Elsa kaya lumapit ako sakanya. Tama nga siya. May simbolo ng Fuego ang mga suot nilang suit. So naunahan nga kami ng mga Fuego? Pero ang tanong, anong nangyari dito ba’t nagkaganito dito?
“Itong isa, buhay pa.” Sabi naman ni Ish kaya lumapit agad ako sa kanya. Myembro din ito ng Fuego.
Agad ko siyang kwinelyuhan.
“Nasaan ang Boss namin?!” Bulyaw ko agad sakanya pero tinitigan lang niya ako na parang wala sa saktong ulirat.
“MAGSALITA KA!” Sigaw ko ulit pero ganun padin yung ginawa niya. Tinitigan lang niya ako. Para bang na trauma ito sa nangyari.
Tutuluyan ko na sana siya nung biglang bumukas ang bibig niya.
“Ha-halimaw…h-halimaw ang b-batang yun.” Yan yung mga huling narinig namin bago siya nabawian ng buhay.
Halimaw? Si Boss ba ang tinutukoy niya?
“Itong isang lalaki, patay na rin.” Sabi naman ni Elsa kaya lumapit ulit ako sakanya. Medyo may katandaan narin to tapos nakapambahay lang ang suot. Malamang ito yung tumayong ama ni Boss.
“Icheck niyo yung huling katawan na nakatalikod.” Sabi ko nalang kila Ish tapos pumunta muna ako sa labas ng pinto para icheck sila Hell at Benz.
Pero paglabas ko..
Hayop..
“Aray!
/
Aww!“
Daing nila nung binatukan ko sila pareho
“Bakit kayo natutulog?! Diba ang sabi ko magbantay kayo?!” Lagi talagang tumataas ang BP ko sa dalawang pasaway na ’to. Kahit kailan talaga! Pahamak!
“Adik mo. Wala namang kalaban. Wag ka ngang paranoid jan.” Sabi naman ni Hell habang humihikab pa na ikinagalit ko ng husto.
“Pasalamat kayo wala! Pero paano kung nagkataong meron?! Mahal na ang kabaong
ngayon!“
“Ay grabe namaan. Kabaong pa talaga ang inintindi? Tsaka wala naman talagang kalaban kaya wag kana magalit jan, Hugo Boy. Atakihin ka pa sa puso niyan ih “ Sabat pa ni Benz kaya napahilot nalang ako sa sintido ko. Hihibloorin talaga ako sa mga ta—
“Si Boss! Buhay pa si Boss!” Biglang sigaw ni Ish kaya napatigil ako sa pag iisip. Si Boss nga pala! Bumalik ako sa loob at dali daling lumapit kila Elsa para matignan ang ito.
Si Boss pala yung huling pinacheck ko sa kanila.
“Humihinga pa siya. Hell! Buhatin niyo siya papunta sa kotse dali! “
Sakay na kami lahat sa kotse ngayon at pauwi na kami sa mansyon. Hawak na namin si Boss Virgel. Nagtagumpay kami.
“Nakakapagtaka lang..” Biglang nagsalita si Ish kaya nabaling yung atensyon namin sakanya. Mukhang may naiisip na naman tong malikot na utak niya
“Ang alin, Ish?” Tanong ko.
“Sa kanilang pito, si Boss lang yung buhay. Posible kayang si Boss ang pumatay sa kanilang Anim? Pero mga tumayong magulang niya yung dalawa.” Naguguluhang usal niya kaya bigla akong may naalala kanina
“Ha-halimaw…h-halimaw ang b-batang yun.”
“Posible yun.” Sabat ko.
“Isa ko pang nasuri kanina, yung mag asawa, puno ng tama ng baril ang katawan pero yung apat na Fuego…walang bakas ng bala ang makikita mo sa mga katawan nila. Kaya posibleng namatay lang sila dahil sa bugbog.” Tumahimik muna siya saglit na para bang pinagtugma tugma yung mga bagay sa utak niya bago nagpatuloy.
“ Kung gagawin mo siyang scene, pwedeng ganito yung nangyari. Una, binaril ng apat na Fuego na yun ang mga magulang ni Boss tapos sa sobrang galit ni Boss, pinatay niya yung apat..sa bugbog? Tsk. Pero ang nakakapagtaka lang talaga, wala man lang sugat o tama ng bala si Boss sa katawan niya. Pinatay niya sa bugbog yung apat pero wala man lang siyang galos kahit konti? Ganun ba siya kagaling? Imposible naman ’yun, diba? Pwede naman nilang barilin si Boss eh, apat na Fuego naman yung nandun. Imposibleng napatumba ni Boss yung apat ng sabay. Posible kayang hindi lumaban yung apat? o baka may tumulong kay boss nung mga oras na’yun? Urgh! Ang gulo! Tapos ba’t nawalan din siya ng malay eh wala naman siyang natamong kahit ano? Aba ewan ko na!“ Napagulo nalang siya sa buhok niya dahil maski siya ay naguguluhan rin.
Natahimik tuloy kaming lahat.
Ano nga ba talagang nangyari kanina?
-To Be Continued..
MajorSin
Episode 4: The 6th Diablo
E
pisode 4
:
The 6th Diablo
Edited: Oct2018
[ Virgel’s PoV ]
“ Hoy! Boy Lampa! Nagugutom na kami! “
Naku ayan na naman sila
“ Ah pa-pasensya na kayo Alfe, wala na akong pera eh. Bukas nalang ha? H-hehe “
Agad na naman nya akong kwinelyuhan “Anong wala?! Nakakailan kana jan sa palusot mo na yan ha!”
“Tanga kaba? Sabi ng wala akong pera eh.”
Mabilis akong napatakip ng bibig matapos kung sabihin yun. A-anong..
Ano ba yung sinabi ko?
“Ah-hehe hindi ano..a-ang ibig kong sabi–
“ Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil isang suntok ni Alfe bigla ang sumalubong sa mukha ko.
“SUMASAGOT KANA HA! SINONG TANGA?!”
Sigaw niya sa’kin habang mahigpit parin akong kinikwelyuhan na parang masasakal na ako. Sasabihin ko pa sana na biro lang yun pero..
“Ikaw.”
Bigla na namang nagsalita yung bibig ko ng mag isa. Ano bang nangyayari sa’kin? Ba’t di ko makontrol yung bibig ko sa pagsasalita?
“GAGO KA PALA EH!!”
Susuntukin na naman sana niya ako ulit pero..
May bigla akong narinig na putok ng isang baril, at bago pa ako makareak, Nakahandusay na sa sahig ang katawan ni Alfe na kanina lang ay naka kwelyo pa sakin.
“A-alfe..”
Halos mangatal ang bibig ko nung makita ko ang duguang katawan niya. Sinong may..
“BA’T MO SIYA BINARIL?!”
“ PINATAY MO SIYA!! “
“ MAMAMATAY TAO KA!! “
Sigaw bigla nung tatlo niyang kasama habang nakatingin….sa’kin?
Teka..bakit? Bakit sila nakatingin sa’kin? wala naman akong ginawa ah. Wala naman akong hawak na ba—
Teka..ba’t may hawak akong baril?
At bago pa ulit ako makapag isip, sunod-sunod na putok ng baril na naman ang narinig ko, at yung tunog na ’yun ay galing mismo sa baril na hawak-hawak ko.
Pagtingin ko sa tatlong kasama ni Alfe..
Duguan na rin silang tatlo na nakahandusay sa sahig.
.
A-anong nangyayari?
A-ako ba ang may gawa nito? Ako ba ang b-bumaril sa kanila? Imposible yun. Hindi ko magagawa yun. Hindi ko kaya ang pumatay.. Hinde..
Hindee..
“HINDEEEEEEEEE!!!
“AAAAAAAAHHHHH-Aray!”
Isang pitik sa noo ang biglang naramdaman ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
“Gising kana pala Boss”
Boss? Andito ba si Kael? Pero ba’t boses babae?
Kinusot ko muna yung mga mata ko para matignan ko ng malinaw kung sino yung nagsalita, at pagtingin ko..
“Teka..sino ka?” Tanong ko dito sa napakagandang babae sa tabi ng hinihigaan ko.
Ngumiti naman agad siya tsaka tumayo sa pagkakaupo tapos ay bigla nalang yumuko.
“Ako nga pala si Elsa Monte. Myembro ng Virgo Mafia. Pang limang ranggo sa Grupo. Ikinararangal ko po ang pagsilbihan kayo, Boss Virgel “ Biglang sabi niya kaya napangiwi nalang ako. Ano ba ’tong pinagsasabi niya?
Virgo Mafia? Pang limang ranggo? Boss Virgel?
Di ko tuloy mapigilang matawa. “Ano ba yang pinagsasabi mo miss? Tsaka ba’t andito ka sa..kwarto…ko.” Agad napalibot ang tingin ko sa paligid habang sinasabi yun. Teka..hindi ko to kwarto ah. “ Nasaan
ako? Kaninong kwarto to? “ Naguguluhan ko ng tanong
“Andito kayo ngayon sa kwarto niyo dito sa Mansyon ng Virgo, Boss.” Sabi nitong weirdong magandang babae na’to.
“Mansyon? Anong mansyon? At tsaka kwarto ko? hindi ko naman to kwarto eh. Hindi naman ganito kalaki yung kwarto ko.” Sabi ko sakanya. Sa kwarto ko naman ata ako natulog kagabi ah. Ba’t napunta ako di–
Teka..
Ano nga bang nangyari kagabi? Ang huli ko lang natatandaan eh bumaba ako galing sa kwarto para maghapunan na sana. At pagbaba ko..
Pagbaba ko..nakita ko si…
si mama..
sila mama…
[ Elsa’s PoV ]
“
Andito kayo ngayon sa kwarto niyo dito sa Mansyon ng Virgo, Boss.
“ Sagot ko sakanya. Bigla namang nangunot yung noo niya. Wala ba siyang natatandaan kahit konti sa nangyari kagabi?
“ Mansyon? Anong mansyon? At tsaka kwarto ko? hindi ko naman to kwarto eh. Hindi naman ganito kalaki yung kwarto ko . “ Sabi niya naman sa’kin tapos napatingin siya sa kisame. Mukhang sinusubukan niyang alalahanin yung nangyari kagabi.
Maya maya pa, kitang kita kong bigla nalang nanlaki ang mga mata niya. Biglang nanginig ang katawan niya at bumibili ang paghinga niya, Tapos bigla niya akong tinignan tsaka sinigawan.
“SI MAMA?! SI PAPA?! NASAAN SILA?!” Galit niyang tanong sa’kin kaya nagulat ako.
Ang layo ng awra niya kanina kumpara ngayon. Nakakatakot yung tingin niya, ang talim. At ang kulay ng mga mata niya…dalawang beses palang ako nakakita ng ganitong klaseng mga mata. Una ay dun kaya Boss Vlad, tapos ngayon.
Mag ama nga sila.
“A-ah Boss, ikinalulungkot ko pero patay ng ang mga magu–Arrrkk! “
Ang bilis ng kilos niya. Di ko namalayang nakahawak na pala siya sa leeg ko. Ang bilis at sobrang higpit!
“NASAAN SILA?!”
“H-hindi ako m-maka–hi-arrk!” Sobrang lakas niya. Hindi ko kayang alisin ang mga kamay niya. Sobrang bigat. Halos tumirik na ang mga mata ko dahil di ko magawang makasagap ng hangin.
K-katapusan ko na ata…
“BOSS!!”
“ELSA!!”
Nakita ko sina Hell at Hugo na sinunggaban si Boss dahilan para mabitawan niya ako mula sa pagkakasakal. Muntikan na akong matuluyan. Buti dumating sila. Tuloy tuloy lang ako sa pag ubo habang pilit kumuha ng hangin.
“Anong nangyari Elsa?” Tanong ni Ish sa’kin habang inaalayan akong tumayo.
“E-ewan, bigla nalang siyang nagwala e.” Sabi ko habang hinihimas yung leeg ko. Ramdam ko parin yung kapit niya sa leeg ko.
“TANG INA! KONTING TULONG NAMAN JAN!” Nabaling yung tingin ko nila Hell na kasalukuyang pinipigilan si Boss. Kahit dalawa silang nagpipigil ay tila hirap parin sila.
“AARRRGHHH HAHAHAHAHA!!” Parang bigla nalang itong nasisiraan ng bait habang tumatawa ng malakas sa harap namin habang sobrang pula ng mga mata niya. Buti malakas sina Hugo at Hell kundi patay kami ngayon dito.
“Turukan niyo muna siya ng pampakalma dali! “ Sigaw ni Ish kaya dali dali ko ring kinuha yung injection ng pang pampakalma.
“BILISAN MO ELSA! MALAPIT NA AKONG BUMIGAY!” Sigaw ni Hugo. Agad namang tumulong sina Ish At Benz sa pagpigil.
“Heto na..” Mabilis akong lumapit sakanila at itinurok yung injection sa braso ni Boss.
Unti unti, bigla na siyang nanghina at kumalma. Yung apat naman ay pinagpapawisan ng husto dahil sa pagpigil.
“Ano ba kasing ginawa mo kay Boss at bigla nalang siyang nagwala?” Hinihingal na tanong ni Hugo. Grabe, parang galing sila sa pagpapakalma ng isang toro dahil sa hitsura nilang apat ngayon. Lahat ay parang mauubusan ng hininga.
“Sinagot ko lang naman ang tanong niya eh.”
“Ano ba yung tinanong niya?” -Ish.
“Tinanong niya kasi kung na’san ang mga magulang niya at sasagot pa sana ako na patay na–”
Napatigil nalang kaming lima nung may marinig kaming hikbi.
“Mama..Papa..
“
Kung titignan mo siya ngayon, para lang siyang isang bata na umiiyak kasi nahulog yung candy niya. Ibang iba kumpara kanina na para bang anytime pwede na niya akong kainin sa sobrang galit. Ganito ba talaga magalit ang mga lahi nila? Ganito ba talaga ang mga Acosta?
May isang katauhan?
“Hey Boss, It’s Okay. It’s..~Alriiight!” Sabi naman ni Benz habang tinatapik yung likod ni Boss. Abnormal talaga to. Si Boss naman patuloy parin sa pag iyak. Siguro mahal na mahal niya yung mga tumayong magulang niya.
“Uhuging bata.” Usal ni Hell bago lumabas dito sa kwarto.
“Maiwan kana muna namin dito Boss. Hahayaan ka naming mag isip. Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka.” Sabi ni Hugo at isa isa na silang nagsialisan sa kwarto. Pinagmasdan ko muna siya saglit. Alam kong mga tumayong magulang lang yung dalawang napatay kagabi. Pero sa reaksyon ni Boss ngayon, halatang minahal siya ng mga yun ng husto na parang totoong anak nila. Kaya ganyan nalang siya kawasak nung maalala niya ang sinapit nung dalawa.
“Patawad at wala kaming naitulong para mailigtas sila, Boss.” Sabi ko nalang bago tumalikod at sumunod kila Hugo. Hahayaan na muna namin siyang malinawan ang isipan niya.
“Woah Grabe! Boss is so strong maan!” Manghang mangha na sabi ni Benz nung maka upo na kaming lima sa sala.
“Iyakin naman!” Sabat agad ni Hell na tila kanina pa iba ang timpla. Nasa tabi ko nga pala siya.
“ Wag mo ngang pagsalitaan si Boss ng ganyan Hell. Baka nakakalimutan mong anak siya ng dati nating Boss? “ Sabi ko naman sakanya.
“Dati? anong dati?! Boss parin natin si Boss Vlademir hanggang ngayon! At isa lang temporary Boss yung iyaking ’yun! “
“Hell! Ano ba?!” Awat ko.
“Ano?! kakampihan mo ’yun?! Muntik kanang mapatay nun kanina tapos kakampihan mo parin ’yun?! Tangina lang!” Ba’t ba sobrang badtrip na naman to?
“Teka nga! ba’t ba ang init ng ulo mo ha?! “ Abnornal talaga to si Hell minsan eh. Bigla bigla nalang nagagalit sa mga mababaw lang na dahilan.
“Eh muntikan ka na nga niyang mapatay kanina diba?!” Sigaw niya. At take note magkatabi kami ha. Ang lapit lang namin sa isa’t isa.
“Eh ano naman ngayon?! Jusko! Boss parin natin siya Hell! Dapat parin natin siyang respituhin! “ Sigaw ko rin dahil pati ako ay nababadtrip na rin sa ugali ng isang ’to.
“Hindi naman yan yung point ko tanga!”
“Eh ano bang gusto mong sabihin ko, ha?!”
Nakita ko naman siyang napapikit at umiling “Ang bobo mo.” Ganti lang niya tapos tumayo na at tsaka nag walkout.
“Mas bobo ka! Abno!” Pahabol ko bago siya makalabas ng pintuan.
Argh! nakakabadtrip talaga ang ugali nun! Kainis!
Napatingin naman ako sa tatlo na tahimik lang na nakatingin sa’kin.
“ANO?!” Sigaw ko sakanila. Nagreact naman agad si Ish.
“Ang slow mo talaga, Elsa. Halata namang nag alala lang yung tao sa nangyari sayo kanina kaya ganun nalang yung modo nun. “ Sabi niya habang umiiling pa. Nag aalala? ganun ba dapat i aakto mo pag nag aalala ka sa isang tao? Ako pa talaga ang slow ha.
“Yeah! Tama si Pareng Ish. Ganun lang talaga pag nag aalala si Hell boy, kaya wag kana mabadtrip jan, Elsa Queen.” Singit naman nitong Boy Alright na ’to na nakangisi lang. Kailan pa ako naging Elsa Queen? At anung sabi niya? ganun lang si Hell pag nag aalala? Adik ba siya?
“Magsama kayong tatlo!” Sigaw ko nalang sakanila. Sus! Alam kong pinagtatanggol lang nila yung ungas na’yun!
“ Yieee! Elsa, kikiligin na yaaan! in 3,2– “
Bago pa matapos ni Benz ang sasabihin niya, kinuha at kinasa ko na agad ang baril na nasa likuran ko at tsaka itinutok ito sakanya.
“Sige ituloy mo, Benz.” Walang emosyon kong utos sakanya. Bigla niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay habang natatawa.
“Oopsie! Chillax ka lang. Baka mawalan kayo ng gwapong samurai, sige ka.” Aba’t nagawa pang magyabang nitong ungas na’to ah. Tuluyan ko na kaya to?
“Tama na yan Elsa. Mahal na ang pang lamay at kabaong ngayon.” Sabat rin ni Hugo na kalmado lang na nakaupo.
“Ako na ang bahala sa lamay.” Sabi ko habang nakatutok padin ang baril kay Benz.
“At ako na din ang bahala sa kabaong. Ikaw nalang sa pang kape Hugo para di kana gano gumastos. Pft. “ Natatawang suggest rin ni Ish.
“Pwede narin.” Tipid na sagot ni Hugo kaya naman binigyan ko na ng mala demonyong ngisi si Benz.
“Any last words, Benjamin Delgado?” Seryosong tanong ni Ish pero halatang nagpipigil lang ito ng tawa.
“ Al-alright. Na-nagbibiro lang kayo diba? d-diba? Ma-may pinagsamahan kaya tayo guys. W-wala namang ganyanan “ Yung mukha ni Benz ngayon parang natatae na ewan. Pawis na pawis na ang letche! Hahahahahaha. Pati si Hugo napapatakip na rin sa hawak niyang libro dahil nagpipigil narin ito ng tawa. Binibiro lang naman namin siya eh.
“May gusto ka bang batiin bago ko kalabitin tong gatilyo, Mr Alright? Hmm?”
“Huwag naman kayong ganyan guys huhuhu.” Mangiyak ngiyak na pakiusap niya. Hahahaha ang lakas talaga magpa goodvibes nito.
“Wala na? Okay, Bye2x na in 3, 2,–
“Hoy may naghahanap kay iyakin!”
Bigla kaming napatigil sa pagbibiro kay Benz nung biglang magsalita si Hell galing pintuan.
“Kaanu-ano daw niya si Boss?” Tanong ni Hugo.
“ Kaibigan daw “
“Anong pangalan?” -Ish
“Ewan.”
“ Bakit daw siya nandito? “ Tanong ko naman.
“Hala ano ’to? The Buzz? Ang dami niyong tanong! Kayo nalang kaya lumabas?! “ Sigaw na naman niya tapos pumunta na siya sa kusina. Bwesit talaga to! nagtatanong lang eh!
“Kung kaibigan lang siya ni Boss, ba’t niya alam na nandito si Boss sa Mansyon?” Tanong ni Ish kaya bigla kaming natigilan. Tama siya. Baka kalaban to. Tae talaga to si Hell di nag iisip! Tumayo na agad kaming apat habang papunta sa labas ng mansyon. May hawak na kaming baril nina Hugo at Ish samantalang hawak nadin ni Benz ang dalawang samurai niya.
Paglabas namin. Isang lalaki lang ang nakita naming nakatalikod habang nakapamulsa pa. Parang namang hindi to kalaban. Casual lang kasi ang suot niya. Pero ba’t alam niyang nandito si Boss?
“Sino ka?” Tanong ni Hugo kaya naman napaharap yung lalaki. At pagharap niya..
“Kumusta?”
Teka..diba isa to sa Walong Diablo ng Fuego? Ba’t andito to?!
Nakita ko naman ang pagbabago ng expression sa mukha ni Hugo “Ang lakas ng loob mong magpakita dito sa teritoryo namin! “ Sigaw niya habang tinutukan na si Kael ng Baril. Tama, siya nga si Kael Zacanta. Ang muntik ng pumatay kay Hugo noon. Wala si Hell nung mga oras na’yun kaya hindi niya alam na isang Fuego pala tong naghahanap kay Boss. Pahamak talaga.
“Pumunta ako dito bilang isang kaibigan Hugo at hindi isang kaaway. Kaya kung pwede sana payagan niyo akong makita si Virgel. Gusto ko lang siyang kumustahin.” Mahinahon niyang sabi sa’min. Teka..magkaibigan sila ni Boss?
“At sa tingin mo papayag kami?! ha?! Ang tanga mo lang na pumunta dito nag mag isa! “ Kinasa na ni Hugo ang hawak niyang baril pagkatapos niya yung sabihin.
Si Kael naman nakangiti lang at walang bahid ng takot ang makikita mo sa mukha niya. Pambihirang bata to.
“ Ngayon mababawasan narin ng isa ang Walong Diablo ng Fuego!“ Ipuputok na sana ni Hugo ang baril pero may bigla kaming narinig na sigaw.
“ WAAG!! “
Paglingon namin, si Boss pala yung sumisigaw habang tumatakbo palapit sa’min. At sa sobrang pagmamadali niya, ayun nabangga niya yung vase na nakadisplay sa gilid.
“Hala..sorry.” Huminto muna siya tapos isa isa niyang kinukuha yung mga bubog.
Lumingon naman ako sa side nila Kael at kita kong nilagay na ni Hugo ang baril niya sa likod niya. “Alang alang kay Boss. Pero sa oras na gumawa ka ng maling hakbang, di na ako magdadalawang isip na pasabugin yang ulo mo.” Sabi ni Hugo kay Kael bago siya pumunta kay Boss para tulungan ito.
Tinignan ko naman si Kael. Nginitian niya lang kami. “Kalaban ako pero kaibigan ko ang Boss niyo. So ibig sabihin…” ngumiti lang ulit ito at pinutol niya yung sinabi niya tapos yumuko nalang siya samin bago niya kami iwan sa labas at pumunta sa direksyon nila Boss.
Anong ibig niyang sabihin?
-To Be Continued..
-MajorSin
Episode 5: You’re a Mafia Boss
Episode 5:
You’re A Mafia Boss
EditedOct2018
[ Virgel’s PoV ]
Andito kaming lahat ngayon sa sala nakaupo. Ilang minuto na ang nakakalipas pero tanging titigan lang ang ginagawa namin sa isa’t isa. Pano ba naman kasi ako magsasalita? Si Kael lang ang kilala ko sa mga narito.
“Boss, ayos ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo kagabi.” Sa tinanong ni Kael ay tila nag umpisa na namang sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman ang sinapit nila mama.
“Ano bang klaseng tanong yan?! Hindi ka ba marunong makiramdam?” Sigaw nung lalaking mga nasa mid 30s na ata kay Kael.
“Hindi, okay lang” Agad ko nalang pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. “Nahuli na ba yung mga taong pumatay kila mama at papa?” Pagtuturo ko dun sa apat na taong nakita ko nung gabing yun bago ako mawalan ng malay. Sigurado akong sila ang may gawa nun.
Napakuyom nalang ako ng wala sa oras nung maalala ko ang mga mukha nilang nakangisi pa sa harap ko.
Kainis!
“Patay na silang lahat, Boss.” Sagot nung naka eyeglass na lalaki. Patay? Sino ang nakapatay sakanila?
“Kayo ba ang pumatay sakanila?” Tanong ko dahilan para mapatingin ang mga ito sa isa’t isa.
“Hinde. Wala ka bang naalala sa mga nangyari kagabi, Boss?”
“Wala. Ang huli ko lang natatandaan ay may apat na lalaking pumasok sa pinto ng bahay namin. Tapos nun..”
Bigla akong natigilan sa huli ko pang naaalala.
Yung naramdaman ko nung gabing yun bago ako mawalan ng malay.,
Yung kusang pag ngisi ng mga labi ko..
Guni guni ko lang ba yun?
“Tapos?”
“Tapos hindi ko na alam. Bigla nalang akong nawalan ng malay.”
“Kung ganun sino ang may gawa nun?” Tanong nung mid 30s na lalaki.
“Teka, nung kanina. May naalala ka bang nagwala ka kanina lang, Boss?” Tanong nung naka eyeglass. Nagwala?
“H-ha? Anong nagwala?”
“Baka nga ganun.” Napahawak yung naka eyeglass sa baba niya. “Posibleng ikaw ang pumatay sa apat na yun kagabi. Nung sinabi mong nawalan ka ng malay, hindi ka talaga nawalan ng malay nun kundi nagwala ka lang sa sarili mo na ikinawala ng katinuan mo, Boss.”
Pumatay? Ako ang pumatay? H-hindi ko kayang pumatay ng tao. “Hindi ko kayo maintindihan. Tsaka baket ba Boss ang tawag niyong lahat sa’kin? Si Kael lang naman ang tumatawag sa’kin niyan ah. Magkaibigan ba kayong anim? “ Kanina ko pa kasi sila napapansin. Boss sila ng Boss eh hindi naman Boss ang pangalan ko
“Kasi ikaw ang bagong Boss namin. At siya nga pala, hindi namin magiging kaibigan yang taong yan “ Sabi ulit nung mature na lalaki habang nakatingin ng masama kay Kael. Bakit parang kanina ko pa nahahalata na sobrang inis na inis siya sa presensya ni Kael?
“Huh? Bagong Boss?” Nasan ba ako ngayon at kung anu ano nalang ang pinagsasabi ng mga tao dito?
“Ipapakilala muna namin ang mga sarili namin sainyo. Ako nga pala si Hugo Arsenal, nasa pinaka unang ranggo ng Virgo Mafia.” Usal nung mature na lalaki tapos ay nag bow. Hugo pala ang pangalan niya. Ganyan din yung ginawa nung babae sakin kanina sa kwarto.
“Ako naman si Ish Valderama, Boss. pang apat sa ranggo ng Virgo Mafia.” Sabi naman nung naka eyeglass at nag bow din.
“ ~Alriiight! I’m Benjamin Delgado A.K.A Gwapong Samurai. 3rd rank sa Growpu. Pinaka gwapong nilalang ng Virgo Family! Nice to meet yah Bossing! You can call me Benz by the way. “ Sabi nung energetic na lalaki na moreno ang balat na may kulay puting buhok at pagkatapos ay bow din.
“Hell! magpakilala ka!” Sabi nung babae. Sa pagkakatanda ko kanina, Eda Mosque ang buong pangalan niya. Tama ako diba?
“Manigas kayo.” Usal lang nung naka shades na lalaki at agad tumayo at umalis. Siya lang ata ang mukhang ayaw ng presensya ko dito. Pero sa pagkakarinig ko, Hell pala ang pangalan niya.
“Hell! Respetuhin mo nga si Boss!”
“Okay lang, Eda” sabi ko sakanya at ngumiti ng bahagya.
“Sinong Eda, Boss? “ Kunot noong tanong niya. Eh?
“ Ikaw. Diba sabi mo kanina ikaw si Eda Mosque?–aw.. Eda ba yun?.. E-ema? Eva? “ Sabi ko sabay tingin sa taas at napaisip. Parang Eda talaga yun eh.
Nakita ko namang nagpipigil ng tawa yung sina Ish at Benz ba’yun? May nasabi ba akong mali?
“Hindi po ako si Eda Mosque, Boss. Elsa..Elsa Monte ang pangalan ko at hindi Eda Mosque “ Elsa! Tama nga ako, Elsa talaga yung unang naisip ko kaso baka mali ako e.
“P-pasensya na, Elsa.”
“ Okay lang po, Boss “ Sabi niya tapos nag bow ulit. Ano bang problema nila?
“Ang gulo ng mga nangyayari ngayon. Di ko kayang isink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi niyo.” Napahawak nalang ulit ako sa ulo ko kasi kumikirot na naman.
“Gusto niyo ba munang magpahinga, Boss? Di naman namin kayo minamadali.” Tanong ni Hugo kaya umiling ako. Gusto ko ng malinawan ngayon mismo kung ano bang nangyayari.
“Ano ba ang Virgo Mafia na kanina ko pa naririnig? Sa pagkaka alam ko ng Mafia isa yang illegal na organisasyon, diba? Kaya pano ako magiging Boss sa ganyan
eh isa lang naman akong 4th year high school na studyante? Classmate ko nga si Kael oh. Diba Kael?“ Tanong ko sakanila. Ang gulo kasi talaga eh. Isipin mo nga na magigising ka nalang na ganito na ang mga maririnig mo. Sino bang hindi maguguluhan, diba?
“Ang Virgo Mafia ay itinayo ng ama mo, ang dati naming boss labingpitong taon na ang nakakaraan. Kaya ibig sabihin, isang Mafia Boss ang ama mo. At dahil dinukot siya ng mga Fuego dalawang taon na ang nakakaraan, ang anak niya ang ipapalit namin bilang bagong Boss ng grupong ’to. At ikaw ’yun, Boss Virgel.” Paliwanag sa’kin ni Hugo. Mejo nakukuha ko na ang punto niya. Anak ako ng Boss nila dati kaya gusto nila akong pumalit sakanya dahil nadukot siya.
Pero ang hindi ko maintindihan, “Si Papa? Mafia Boss? Eh isa lang namang siyang–”
“Hindi yung namatay mong papa ang tinutukoy namin. Hindi siya ang tunay mong ama. Hindi sila ang tunay mong mga magulang, Boss.” Putol
ni Hugo. Bigla tuloy akong natawa ng konti.
“Nagbibiro naman kayo eh. Paanong naman naging hindi?” Natatawa kong tanong. Imposible naman kasi ’yun.
“Ibinigay ka ng tunay mong ina sa mag asawang ’yun para malayo ka sa mundo ng Mafia at para hindi manganib ang buhay mo. Nagkataong hindi magkaanak ang mag asawang ’yun kaya ka nila tinanggap.” Paliwanag niya kaya mejo natigilan ako. Kaya ba di nila masagot kung bakit ako lang ang anak nila dahil di sila magkaanak at ampon lang ako?
“ K-kung ganun…Ibig sabihin..“ Napatingin nalang ako sa sahig at tulala sa mga impormasyong naririnig ko ngayon. Pilitin ko mang hindi maniwala sakanila pero may nag uudyok na mga alaala na tumutugma na baka nga hindi nila ako tunay na anak. Kaya ba wala akong kamukha sakanila dalawa, kaya ba sa tuwing binibiro ko sila na gusto ko magkaron ng bunso tinatawanan lang nila..
Dahil…
“Hindi ka isang Martinez, Boss. Isa kang Acosta. At ang tunay mong mga magulang ay sina Mr. Vlademir Acosta at Mrs. Almira Martin. Divorced ang mga magulang mo kaya magkaiba sila ng apilyedo ngayon. Ang ama mo ang Boss ng Virgo. At ang ina mo naman ay ang asawa ng Boss ng mga Martin–ang Mafia Queen ng Martin Family” Sabat pa ni Ish kaya mas lalong kumirot ang ulo ko. Di ko na alam. Masyado na akong nilalamon ng mga nalalaman ko ngayon.
“P-pero paano? paano niyo nalaman na ako ang anak ng dating Boss niyo? Baka naman nagkamali lang kayo.”
“ Ang mga magagaling na researchers namin ang nakatuklas tungkol sa balitang may anak si Boss. Isa sa pinakaunang myembro at pinagkakatiwalaan ni Boss noon ang nahanap nila at Ininterview. At ang sabi daw nito, may anak si Boss Vlad na itinakas mismo ng sarili niyang asawa noon na si Mrs. Martin. Kaya naman nung nalaman namin ’yun, pinaresearch na agad namin ang sinasabing nawawalang anak ni Boss. At isang araw, isa ulit sa mga magaling na researchers namin ang nakahanap sayo.“ Paliwanag ni Hugo. Kahit medyo mataas, parang unti unti ko ng naiintindihan ang mga paliwanag nila. pero..
“Eh gaano kayo kasigurado na ako nga talaga ang nawawalang anak ng Boss niyo? Eh hindi niyo pa naman ako napa DNA test diba? “ Tanong ko.
“Actually nung una hindi pa kami ganun kasigurado kung anak ka nga ba talaga ni Boss, pero base sa nakita namin kanina sa kwarto mo, sigurado na kami na mag ama nga kayo ni Boss Vlad. “ Sagot naman ni Elsa.
“ ~Alriight! hindi makikita sa patpatin mong katawan kung gaano ka kalakas Bossing! “ Singit naman ni Benz kaya napaisip ako.
“Yan ba yung sinasabi niyong nagwala ako kanina?”
“Oo.”
“Wala akong natatandaan na nagwala ako. Ang natatandaan ko lang naman eh nagtatanong ako kay Elsa nun tungkol sa mga magulang ko. Tapos..ano..nakaramdam ako ng parang ewan..tapos.. wala na, nagising nalang ulit ako sa kama tapos bumaba na ako dito sa sala at dun ko na kayo nakita na tinututukan ng baril si Kael– Teka.. ba’t niyo nga pala tinutukan ng baril si Kael kanina? “ Takhang tanong ko. Muntik ko ng makalimutan yung naabutan ko kanina.
Nakita ko na namang sumama na naman ang tingin ni Hugo kay Kael.
“Kasapi yan sa Fuego Mafia–ang mortal nating kalaban. Ang grupo niya ang dumukot sa ama mo at pumatay dun sa mga kinilala mong mga magulang.” Usal ni Hugo kay Kael na ang sama sama padin ng tingin. Si Kael naman ay nakangiti lang.
“T-totoo ba yun Kael? Kasamahan mo yung pumatay kila mama?” Nakakunot noo kong tanong ko kay Kael. Imposible naman ata ’yun. Napakabait ni Kael para maging kasapi ng isang ilegal na organisasyon.
Nakita ko naman siyang huminga ng malalim at tsaka pumikit. Tapos ay ngumiti ito ulit. “ Oo, Boss. Ka grupo ko nga ang pumatay sakanila pero sa maniwala ka man o hindi, hindi ko yun ginusto. Gusto ko man silang pigilan pero wala akong magagawa. Ang Boss na namin ang may utos nun. Kaya nga binalaan na kita nung gabing yun diba? “ Sagot niya. Kaya pala nagtxt siya kagabi na mag iingat ako. Yun pala ang gusto niyang ipahiwatig sa mensaheng yun.
“Ganun ba. So ibig sabihin ba ’nun hindi kalaban ang turing mo sa’kin? “ Ngumiti lang si Kael at tumango. Nakahinga naman ako ng maluwag nung tumango siya. Salamat naman. Kahit wala pa akong masyadong naiintindihan, alam ko yung pagkakaiba sa kalaban at hindi. At buti hindi niya ako tinuturing na ganun kahit sabi nila Hugo mortal daw na magkalaban yung Virgo at Fuego. Siya na nga lang yung kaibigan ko tapos magiging kaaway ko pa. Parang ayoko nalang mabuhay pag nangyari yun.
“ Pero teka..kung kalaban ka namin, ba’t andito ka? Ang ibig kong sabihin eh..diba, hindi ka dapat nag iisang pumunta dito kasi baka mapahamak ka? “
Ngumiti lang ulit ito. “Hindi na maitatago pa na matagal na ngang magkalaban ang Virgo na kilalagyan mo at Fuego na kinabibilangan ko. Pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, pumunta ako dito bilang isang kaibigan mo Boss at hindi bilang isang kaaway niyo. “
“Gusto ko lang namang kumustahin ang Boss ko e “ dagdag pa niya habang natatawa. “ Grabe, hindi ko talaga akalain na ang bestfriend ko na tinatawag tawag kong Boss ay magiging isa pala talagang totoong Boss. Nakakamangha lang”
Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil hindi ko na rin alam ang tumatakbo ngayon e. “Maski ako nga rin eh. Parang hindi kasi totoo yung mga naririnig ko.” Nasabi ko nalang. Parang ang hirap pang i sink in sa utak ko lahat ng mga naririnig ko ngayon.
“Sige na, andito lang naman ako para kumustahin si Boss. At sa tingin ko okay naman siya kaya aalis na ako. Baka hinahanap na nila ako eh hehe” Agad tumayo si Kael para magpaalam na. Lahat naman kami ay nakatingin lang sakanya.
“Una na ako, Boss.”
“Mag iingat ka, Kael.” Nag ok sign naman siya tapos tumalikod na at naglakad. Lalabas na sana siya sa pinto nang tinawag siya ni Hugo.
“Hoy! Anong balak mo?!” Tanong niya. Lumingon naman si Kael sa’min tsaka nagsalita.
“Wag kayong mag alala. Wala akong sasabihin na kahit ano sa grupo ko. Hinding hindi ko kailanman ipapahamak yung kaibigan ko..ang Boss niyo. “ Sabi niya tapos ay ngumiti. “Chao” Di ko rin tuloy mapigilan ang ngumiti sa sinabi niya.
Pero mula sa pag ngiti, nakaramdam ako bigla ng pag aalinlangan.
Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matutuwa.
Malulungkot ba dahil kalaban namin ang grupo niya?
O matutuwa kasi kahit kalaban siya, kaibigan padin yung turing niya sa’kin?
Haaay..
-To Be Continued…
-MajorSin
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 6:
The Fuego Mafia
EditedOct2018
[ Virgel’s PoV ]
Pagka uwi ni Kael, pumunta na muna ako sa garden nitong tinatawag nilang Virgo’s Mansion para makapag isip isip. Tinatry ko pa ring i sink in lahat sa utak ko yung mga narinig ko kanina.
Isa akong Boss? At hindi lang ordinaryong Boss kundi Mafia Boss? Sa mga napapanuod ko na palabas, pumapatay ang mga Mafia pag kinakailangan, diba? Kumikitil sila ng mga buhay ng mga taong tingin nila ay sagabal sa mga negosyo at plano nila. Kaya sobrang kinatatakutan ang mga organisasyon na yan dahil kahit mismo Gobyerno walang takot na kinakalaban niyan. Magiging ganun ba ako? Eh sobrang bata ko pa para dun.
Ano ba ang nakain nila?
Naigulo ko nalang ang buhok ko dahil sa mga naiisip ko.
“May problema ba, Boss?” Natigil ako sa pag iisip nung may lumapit sa’kin.
“Ah ikaw pala…Elsa? tama, Elsa. Hehe “ Natawa naman siya ng konti.
“Akala ko tatawagin mo na naman akong Eda eh.
Pwede po bang tumabi?“ Tanong niya kaya umisod ako para may maupuan siya. “Oo naman.” Sagot ko kaya tumabi siya ng upo sakin. Ang bango bango niya grabe. Nakakahiya. Wala pa akong ligo. Amoy mandirigma na ata ako ngayon.
“So, ano ba yang gumugulo sayo ngayon, Boss? Pwede mo akong tanungin. Baka makatulong ako.” Sabi niya kaya napaisip ako. Ano nga ba ang pwede ko pang itanong para malinawan ako?
Ah eto. “Ahm..n-nakapatay na ba kayo ng tao?” Kinakabahan na tanong ko. Sa ganda niyang ’to? Imposible namang kaya niyang puma–
“Oo. Maraming beses na. “ Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinagot niya kaya napaubo ako. “Ayos lang kayo, Boss?”
“O-oo.”
“Pero ang mga nililigpit lang namin ay yung mga taong sa tingin namin ay sagabal sa Organisasyon.” Dagdag niya ng nakangiti. Ganun na ganun nga yung pagkakaintindi ko sa mga tulad nila. Totoo nga sila!
Nakita niya sigurong namutla ako sa sinabi niya kaya natawa na naman siya. “ Wag kang matakot sa’min, Boss. Hindi naman kami ganun kasama gaya ng iniisip mo. Hindi naman kami pumapatay ng mga inosente. Isa yun sa mga rules na ginawa ng Ama mo sa pamilyang ’to.“ Paliwanag niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pinapatay nila kahit sino e
“Ahm may tanong pa ako Elsa. Okay lang?” Tanong ko. Tumango lang siya habang nakangiti. Sa totoo lang, ang ganda ganda ng kausap ko ngayon. Lalo na pag ngumingiti siya. Ang puti puti ng mga Ipin niya, tapos ang bango niya pa. Tapos ang kinig pa ng…
“Ano yung tanong mo, Boss?” Bigla akong nabalik sa wisyo nung nagsalita ulit siya. Natulala na pala ako sa ganda niya.
“A-ah ano..Baket Virgo Mafia ang tawag sa inyo?” Napakamot nalang ako sa ulo. May sense ba yung mga tinatanong ko?
“Ah ’yun ba. Ang sabi nung mga naunang myembro ng pamilyang ’to, kinuha daw ni Boss Vlad ang pangalan ng grupong ’to sa Zodiac sign niya. Virgo kasi siya e. Nang dahil daw kasi sa Zodiac Sign niya kaya siya naging matagumpay sa buhay. Sinusunod lang daw niya lahat ng sinasabi ng Horoscope niya araw-araw m
ula sa lucky number, sa lucky color, lahat na
kaya siya nakarating sa ganitong estado ngayon.“
“Ah kaya pala.”
“Pero may nagsasabi din na kumbinasyon daw ng dalawang pangalan ang salitang VIRGO. Hindi ko lang alam kung totoo ba’yun o haka-haka lang “ dagdag niya. Tumango tango lang ako.
“Ahm may tanong pa ulit ako hehe.”
“Sige lang, Boss. Handa kong sagutin ang lahat ng tanong mo maliwanagan ka lang.” Sabi niya kaya napangiti ako ng bahagya. Ang ganda na nga niya, sobrang bait pa.
“Anong itsura ng tunay kong papa? Ano ang ugali niya? Masama ba siya? Pumapatay rin ba siya?” Tanong ko. Bigla naman niya akong tinitigan sa mata na ikinatigil ko sa pag galaw.
Pakiramdam ko ano mang oras ay malulusaw na ako sa mga titig niya.
“Magkaparehas kayo ng mga mata. Isa yan sa dahilan kung baket nahanap ka agad ng mga researchers namin. Yung kulay itim mong mga mata ay tugmang tugma sa mga mata niya. Ang inosente tignan pero nakakatakot pag tinitigan mo. At sa ugali niya naman, mabait si Boss sa mga nasasakupan niya. Mabait siya pero nakakatakot kung magalit. Parang ikaw lang. Kaya nga siya ang Pinakamalakas at kinatatakutang Mafia Boss noong namumuno pa siya sa Virgo eh. Kaya niyang gawing impyerno ang buhay mo kung gugustuhin niya. Pero kung maayos ka naman sakanya, wala siyang problema sayo.” Sagot niya at kitang kita mo sa expresyon ng mukha niya ang paghanga. Sobra siguro niyang hinahangaan yung sinasabing totoo kong papa. Pati siguro sila Hugo ay ganun din.
“Kung siya ang pinakamalakas, ba’t siya nadukot? “ Out of curiosity kong tanong. Ewan, bigla nalang lumabas sa bibig ko e. Agad namang nawala yung ngiti niya nung tanungin ko yun.
“Dahil sa katangahan naming lima. Hindi namin siya nabantayan. Kaming lima ang pinagkakatiwalaan ni Boss para sa seguridad ng buhay niya pero di namin siya naprotektahan.” Biglang lumungkot ang boses niya. Ibang iba kanina na sobrang sigla. Ganun din ba nila kamahal ang tunay kong papa?
“Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari nung araw na’yun? “ Nagbuntong hininga naman siya bago nag umpisang magsalita.
“Araw yun ng Agusto. Habang natutulog kami dito sa mansyon, mga alas tres yun ng umaga nung biglang may sumabog na parte sa mansyon na’to. Pumunta agad kami sa kwarto ni Boss para sana icheck siya pero pagpunta namin dun. Butas na ang kwarto niya at wala na siya dun. Sinubukan naming hanapin ang mga kalaban pero di na namin ito naabutan. Patay lahat ng mga gwardya namin sa labas. “ Napayuko nalang siya at kitang kita mo talaga sa mukha niya yung panghihinayang at pagsisisi. “ Di namin ’yun inaasahan. Ang akala namin takot na lahat ng Organisasyon sa’min dahil sa titulong pinakamalakas na Mafia group noon mga panahong ’yun. Pero hindi pala. Masyado kaming naging kampante kaya nadukot ng mga Fuego ang Boss namin.
Ang bilis lang talaga ng pangyayari.“ Paliwanag niya.
“Paano niyo naman nalaman na Fuego yung dumukot sa Boss niyo? kay Papa? “ Kahit medyo hindi ako makarelate sa mga sinasabi niya. Tanong parin ako ng tanong. Ewan ko ba pero nacucurios lang talaga ako.
“Bukod sa sila talaga ang main suspect kasi nga matagal ng mortal na magkalaban yung panig namin, may iniwan silang card sa kama ni Boss na ang nakasulat ay
‘Checkmate Virgos’
Tapos may sulat din na ’fuego clan’sa baba nito. So ibig sabihin, Sila ang kumuha kay Boss.“
Checkmate? So ibig sabihin, talo na? Wala ng takas ang Hari? Ganun?
“P-pero baka naman set up lang yun? Na baka iba yung may gawa at sinulat lang nila na Fuego para ang Fuego yung pagdudahan?”
“Naisip na rin namin yan. Pero makalipas ang ilang araw nung mangyari yun, inanunsyo mismo ni Jin del Fuego na hawak nga niya ang Boss ng Virgo. Simula nun ay napunta na sakanya at sa grupo niya ang atensyon ng lahat. Tila sila na ang pumalit na pinaka nakakatakot banggain sa mundo ng Mafia dahil sa balitang yun.”
“Ang lakas pala talaga ng Fuego.” Nasabi ko nalang. Di nila madudukot ng ganun ang papa ko kung mahihina sila.
“Kaya nga kailangan namin ang tulong mo Boss eh.” Bigla niyang sabi kaya nasamid ulit ako sa laway ko.
Tama ba yung pagkakarinig ko?
“A-ako? Tulong? Anong Tulong?”
“Tulungan mo kaming mabawi ang ama mo laban sa mga Fuego, Boss”
H-ha?
“N-naku, w-wala na akong alam jan. Tsaka hindi ako marunong bumaril. Masyado pa akong bata para sa mga ganyan. Tapos ang lampa ko din kung di niyo pa alam. Wala akong maitutulong sa inyo. Nakita mo naman kanina diba? Nabasag ko yung vase. Ang lampa ko masyado no? Kaya hindi talaga ako ang makakatulong sa inyo he-hehe.” Ano bang balak nila? Ito na ba yung plano nila kaya nila ako kinuha? Para tumulong sakanilang makipag laban sa mga Fuego na yun?
Nahihibang na nga sila. Anong maitutulong ng isang lampang tulad ko??
“Hindi yan problema, Boss. Ittrain ka naming lima. Palalakasin ka namin. Gagawin ka naming isang tunay na Boss. Anak ka ni Vlademir Acosta, isang rason na yan para magtiwala kami sainyo. Mailalabas mo din ang pagiging dugong Mafia mo pag natrain ka na namin.” Nakangiti niyang sabi kaya mas kinabahan ako lalo. Seryoso ba talaga sila? May tiwala sila sa katawang ’to? Ni Hindi nga ako marunong sumali ng basketball!
“P-pero ang bata ko pa. Baka mauwi lang kayo sa wala sa pagttrain niyo sa’kin. Kaya wag nalang pakiusap.” Pagmamakaawa ko na. Natatakot na nga ako dun kila alfe na kapwa ko lang studyante eh. Sa mga Fuego pa kaya? Sa isang Mafia group pa kaya?? Tsaka yung sinasabi niyang training, sigurado akong hindi rin ako makakatagal jan dahil sobrang hina ng resistensya ng katawan ko.
“Kami na ang bahala dun, Boss. Hinanap ka namin dahil may dahilan kami. At yun ay ang tulungan kaming makuha ang dating Boss namin laban sa Fuego Clan. Ama mo din siya diba? Ayaw mo ba siyang iligtas?” Natigil ako sa pag iisip sa huling tinanong niya.
Ayaw ko ba siyang maligtas?
“P-pero malalakas sila. Baka mamatay lang tayo ng maaga niyan.”
“Minsan ng naging pinakamalakas ang Virgo Mafia dati, Boss. Kaya wag mong mamaliitin ang Grupo natin. Ngayon mo pa mamaliitin na nahanap na namin ang Batang Boss ng Virgo? “ Nature na ata talaga ng mga babae na ayaw magpatalo sa isang argumento. Gusto kong maiyak dahil kahit anong pakiusap ko e mukhang buo na talaga ang pasya nila.
Nakasaad na sa plano nila na gagawin ’to. “P-pero..”
Tumawa naman siya ng mahina. “Wala ng pero-pero, Boss. Maiwan na kita ha. Irelax mo nalang muna yang sarili mo ngayon dahil bukas na magsisimula ang training mo.”
At ayun, naiwan ako dito na tulala lang. Kailangan ko na bang magbilang ng araw para sa nalalapit kong katapusan?
Sayang. Plano ko pa namang maging chef paglaki ko.
[ Someone’s PoV ]
“Palpak ang mga tauhan natin sa pagkuha sa batang ’yun.” Bungad ni Jin sa’kin pagkarating niya sa secret office ko.
“Inaasahan ko ng mangyayari ang bagay na’yan.”
“Anung ibig mong sabihin, B-boss?”
“Sinubukan ko lang naman ang kakayahan niya. At di nga ako nagkamali. Sagot ko tapos sinindihan ko ang hawak kong sigarilyo tsaka ito hinithit.
Ang batang yun.
“Magpatawag ka ng meeting sa Walong Diablo. May itutumba kayong Grupo mamayang gabi.” dagdag ko.
“Alin? Ang Virgo ba?”
“Hindi. May grupo akong namataan dito sa Pilipinas na itinayo ni Mr. Frederick Lincoln. Isang Singaporean Billionaire. Matagal na itong naitayo pero sa tingin ko umuusbong na ang grupo nila ngayon. At mas lalo silang lalakas kung hahayaan lang natin sila. Tinatawag silang
‘Hirvana Group’
Dapat na natin silang dispatsahin agad bago pa sila maging isang malaking hadlang sa’tin sa mga susunod na panahon.“
“May transaction na magaganap mamayang alas otso ng gabi sa Elfame Corporation sa pagitan ng grupo nila at ng Elfame Mafia. Kaya naman pagplanuhan niyo na agad ang pagkitil kay Mr. Lincoln at sa mga kasapi nito.” Dagdag ko.
“Masusunod. Aalis na ako.” Sagot niya bago tumayo sa kinauupuan niya.
“Papuntahin mo nga pala si Argo dito. May pag uusapan lang kami.” Pahabol ko bago siya umalis sa opisina ko.
[ Kael’s PoV ]
–Fuego’s Mansion–
Pagkarating ko sa mansyon, pumunta na agad ako sa underground basement nito. Dun kasi nagtitipon ang Walong Diablo pag wala kaming misyon.
Maayos dun sa underground kasi may mapagkakaabalahan ka. May Billiard, Dart, Mini bar, T.V, Basketball court, at tsaka.. hehe dejoke lang. Walang basketball court dun. Ang laki na nun masyado hahaha.
Pagkapasok ko, tulad ng lagi kong nadadatnan, may kanya kanya parin silang ginagawa.
Muntik ko ng makalimutan. Hindi kami mukhang mga halimaw ah. Diablo lang talaga tawag sa’min kasi ’yun na ang nabansag sa’min. Yun lang yun. Walang kinalaman ang mukha namin dun hahaha.
“Laro tayo tong-its Nero.” Aya ko agad kay Nero pagkapasok ko. Siya nga pala ang 4th Diablo sa grupo, si Nero Guzman. Mainitin ang ulo, Laging salubong ang kilay. Parang pasan niya lahat ng problema sa mundo eh. pero kahit ganyan yan, siya ang nagsisilbing Sharp Shooter sa grupo. Sniper Specialist kumbaga.
“Maglaro ka mag isa.” Sigurado akong wala to sa tamang aruga ng mga magulang niya noon dahil sa ugali niya.
Ibinaling ko nalang yung tingin ko kay Primo. “Ah Primo, Tong-Its tayo.” Siya ang 3rd Diablo sa grupo. Si Primo Fuentes . May pinsan siya dito. Napaka seryoso niyan. wala kang makikitang emosyon sa mukha. Poker face palagi eh. Specialty niya ang martial arts. Papatayin ka lang gamit ang mga kamao at sipa niyan. Hindi yan gumagamit ng baril o ano pang armas jan. Para kasi sakanya, kamao at sipa niya lang daw sapat na para patayin ang mga kalaban niya.
“Pass.” Usal niya na naka poker face padin habang dutdot ng dutdot sa cellphone.
“Sino ba yang katext mo ha?” Susubukan ko pa sanang tignan ang cellphone niya pero sinamaan na agad niya ako ng tingin. Haay ba’t ba ayaw nilang makipaglaro sa’kin? Dun nanga lang ako sa dalawa.
“Nica, Gusto niyo mag tong-its?” Tanong ko sa dalawang babae sa grupo na kasalukuyang naglalaro ng dart.
Sila si Veronica Arson at Helena Madrigal . Magbestfriends sila, best duo ng Grupo kumbaga. Gamit ni Helena sa pakikipaglaban ay mga nakakalasong Kutsilyo, Blade, Shuriken, Nailcutter, at kung anu-ano pang matatalim na bagay na pweding ihagis. Si Veronica naman ay isang Accurate Archer Shooter. At dahil hitech na tayo ngayon. Ibang pana na ang ginagamit niya sa pakikipaglaban. Sumasabog na.
Ang galing niyang dalawa na’yan sa pag asinta. Wala sa vocabulary nila ang salitang palya.
Magkasunod nga lang pala sila ng pwesto. Si Veronica ay ang 7th Diablo at si Helena naman ay ang 8th Diablo sa grupo.
“Buti pa sumali ka nalang samin dito. Mas masaya ’to kesa sa tong its na yan.” Sabi ni Veronica na nag aasinta na ng tira.
“Sinasabi mo lang yan kasi sobrang galing niyo jan e.”
“Well..” Lahat ng tatlong tira niya bullseye. Grabe.
“Sali ka, Kael?” Pang aasar pa ni Helena kaya napangisi rin ako.
“Sali kami ni Nero, okay lang?” Tanong ko kaya kita ko agad ang pamumula ng pisngi niya . “E-ewan ko sayo!” Pagdating talaga kay Nero nagiging ano ’to e hahaha
Hays, kanino ba ako pwedeng makipaglaro? Ayoko naman kay Elon kasi ang tahimik masyado. Mabobored ka lang kung kakausapin mo yan.
Ang tinutukoy ko ay si Elon Fuentes , yung sinasabi kong pinsan ni Primo. Siya ang 2nd Diablo sa grupo. Silent But Dangerous ika nga. Hindi naman siya nangangain. Mabait naman yan pero wag mo lang talagang gagalitin. Hindi yan kumikilala ng kakampi pag nagwala yan sa galit. Pinatay nga niya yung isang tauhan ng Fuego dati e. Ang yabang kasi. Gamit niya pala sa pakikipaglaban ay ang kanyang Speed, Strength at Intellegence. Pang all around type yung kakayahan niya. Big asset siya sa Grupo kaya nasa pangalawa siyang pwesto.
At kung tinatanong niyo kung sino ang nasa unang pwesto sa Grupo namin, Hindi ako yun. Ang taong yun ay yung umiinom ng alak mag isa dun sa table. Si Argo Diamante. Pinaka Bayolente yan sa lahat. Pinakamalakas sa lahat. Pinaka weirdo sa lahat. Minsan nga tumatawa yan ng malademonyo ng mag isa eh. Matagal na ako dito sa grupo pero di ko pa yan nakakausap kahit isang beses. At maski nga yung iba, madalang lang yang kausapin eh. Hindi ko pa nga din alam kung ano ang kakayahan niya. Napakamisteryoso masyado.
At ang huli kong ipapakikalala sa inyo ay walang iba kundi ang sarili ko. Ako ang 6th Diablo at ang pinakabata sa Grupo. Kael Zacanta. At Isa akong Bomber. Kaya kong gumawa ng kahit anong klase ng bomba na abot sa kakayahan ko.
“Guys may meeting daw ngayon sabi ni Boss Jin.” Bungad ni Stephan pagkapasok niya. Muntik ko ng makalimutan, may last member pa pala akong hindi naipapakilala sa inyo.
Siya si Stephan Milvar.
5th Diablo sa grupo. Siya lang yung masasabi kong normal sa aming walo. Mahinahon kasi. Siya ang computer expert sa grupo. Big asset din siya dahil sa galing niyang mag operate at mang hack ng mga systems. Napapadali namin yung mga misyon dahil sa kanya.
“Para saan yun meeting, Steph?” Tanong ko.
“Sumunod nalang kayo.” Sagot niya. “Ah Argo, pumunta ka daw muna sa opisina ng Head Boss. May pag uusapan lang daw kayo.” Dagdag pa niya.
Sya nga pala. May dalawang Boss dito sa Fuego Clan. Si Boss Jin del Fuego ang Boss namin at yung PINAKA Boss ng Fuego Mafia na hindi pa namin nakikita ni kahit anino niya. Maliban nalang dun kay Boss Jin at Argo na laging pinapatawag.
Tawag sakanya ay Head Boss. Actually siya yung dahilan kung bakit nasa tuktok ang Fuego Mafia ngayon. Marami siyang nagagawang maganda sa grupong ito na para bang bihasang bihasa na siya sa pagpapalago. Marami narin siyang narerecruit na malalakas dito. Katulad nalang kay Argo. Oo, siya ang nagrecruit sa halimaw na’yun.
Nang dahil rin sakanya kaya nabuo kami. Ang Walong Diablo.
Pero ang nakapagtataka lang sakanya, ba’t ayaw niyang magpakita sa’min? Ba’t ang Ilap niya sa mga tao?
Nasa kalagitnaan lamang ako sa pag iisip nang bigla akong tinawag ni Stephan.
“Kael!” -Steph
“Oo anjan naaa.” Sagot ko tapos sumunod na ako sakanila.
Baka patayan na naman to. Mabuti pa sila Boss dun sa Mansyon nila, nagpapakasaya lang. Mahirap talaga pag nasa pinakamataas ang grupong sinalihan mo. Laging may ginagawa. Pero okay lang, gusto ko naman tong trabaho ko eh.
-To Be Continued…
The 8 Diablo of Fuego Mafia
- Argo Diamante -1st
Diablo
- Elon Fuentes -2nd
Diablo
- Primo Fuentes -3rd
Diablo
- Nero Guzman -4th
Diablo
- Stephan Milvar -5th
Diablo
- Kael Zacanta -6th
Diablo
- Veronica Arson -7th
Diablo
- Helena Madrigal -8th ran k
-MajorSin
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 7:
The Surprising Mafia Group
EditedOct2018
[ Ish’s PoV ]
Time 6:25 pm
Habang naghahanda ng hapunan ang mga katulong dito sa mansyon, ako naman ay abala sa pag lalaptop. Tinatry kong pasukin ang systems ng Elfame Corporation. Balita ko kasi may transaction na magaganap sa pagitan ng Elfame Mafia at yung tinatawag nilang Hirvana Group mamayang alas otso dun mismo sa Elfame Building.
“Yow Ish! Anong ginagawa mo? Pahiram naman ng lappytoppy mo.” Bungad ni Benz pagkalapit tapos ay tumabi ito sakin.
“Busy ako. Wag kang magulo.” Sagot ko habang di inaalis ang tingin ko sa laptop.
“Sige na Ish. Maglalaro lang ako ng Dota hehehe.” Amp.
“Denelete ko na yung Dota dito. Wag ka ngang storbo. Malapit ko ng mapasok ang system nila.”
“Denelete mo?!” Defuta.
“Oo kaya wag mo na akong kulitin dito.”
“Ay sige, mag pplant vs zombies nalang ako Ish”
“Tsk. Denelete ko na rin yan”
“ha? Ah sge angry birds nalang”
“ Denelete ko na rin yan.“
“Flappy Bird nala–”
“ Wala narin yan.“
“Aish! daya mo naman Ish!” Pagmamaktol niya. Akala ko aalis na siya pero..
“Sige nanga..Solitaire nalang lalaruin ko.” Anak ng tokwa to!
“Hindi kaba titigil?! Kita mong may ginagawa ako dito diba?!” Mapapamura nalang ako ng wala sa oras dito eh! Pumuputok talaga yung butchi ko pag may ganitong nangungulit sa’kin. Lalo na pag oras na may ginagawa ako.
Nakita ko namang ngumuso ang hayop. “Ang bad mo, Ish.” Sabi pa niya habang nagkukunwari pang umiiyak.
Matadyakan nga!
“Aray naman Ish! Ang sakit nun ah!” Napahimas siya sa pwet niya. Nahulog kasi sa upuan nung tinadyakan ko.
“Guluhin mo pa akong hayop ka, di lang yan ang aabutin mo sa’kin.” Pagbabanta ko.
“Oo na, tatahimik naa.” Tumabi na ulit siya sa’kin habang tumitingin sa ginagawa ko–at tumahimik nanga siya.
Good. Ngayon makakapag concentrate na ako dito sa ginagawa k–
“Ay ano ba’yan Ish, manghahack kana naman? Inaabaso mo na yang talino mo ha. Bad na’yang ginagawa mo.” Bigla na namang usal niya habang umiling iling pa. Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko.
isang ingay pang garapal ka!
“Ish bad yan woy, mabuti pa maglaro nalang tayo ng—” Di na ako nakapag timpi. Agad ko nalang kinasa ang baril na kinuha ko sa likuran ko at agad tinutukan ang bungo niya.
“Aalis ka dito o hindi?” Walang emosyon kong tanong sakanya habang tinututukan siya. Masama talaga akong inisin. DI ako marunong magbiro tulad ni Elsa.
“Woaah..ang hot naman ng ulo m–”
“Pag umabot ang bilang ko ng tatlo at hindi ka pa nakaalis dito, Ipuputok ko talaga to sa bungo.
“ Pagbabanta ko habang matalim na nakatitig sakanya.
“Is–” Di pa man ako nakatapos ng pagbibilang ng isa eh kumaripas na agad ng takbo ang hayop.
Sakit sa ulo! Dapat pang pagbantaan bago ka tantanan. Ibinalik ko nalang agad yung tingin ko sa laptop.
Asan na nga ba ako? Arggh buset!
[ Kael’s PoV ]
Andito na ako ngayon sa rooftop ng kabilang building nitong Elfame Corporation kasama si Nero. Siya ang Sniper kaya siya ang papatay sa main target namin na si Frederick Lincoln. Yung natitirang anim naman ang bahala sa mga guards at iba pang myembro ng Hirvana Group. Sabi ni Boss, walang dapat itira sa Grupo.
Ako naman eh naiset ko na lahat ng mga remote bombs sa iba’t ibang parte ng Elfame Building bago pa man ako umakyat dito. Kung kailangang damayin ang Elfame Mafia, gagawin namin.
“Anong oras pa ba? Napaaga ata tayo ng sobra eh.” Reklamo ni Nero habang nililinis ang hawak hawak niyang Sniper rifle.
“7:45 na, 15 mins nalang at gyera na.” Sagot ko habang hinagis hagis sa ere tong remote control para sa mga remote bombs.
[May halos limangpung mga gwardya ang nagbabantay dito sa Hidden Exit ng building. Hindi ko alam kung utusan ba to ng Hirvana Group o ng Elfame.] Rinig kong usal ni Veronica sa kabilang linya. May suot-suot kasi kaming mga earpiece na nag coconnect sa’ming walo. Sila ni Helena ang naka assigned dun sa Hidden Exit since sila ang expert sa pag asinta. Kung sakali mang sumablay si Nero sa pagbaril sa Main target namin. Sigurado akong sa Hidden Exit ang punta nila. At sila na ang bahala sa lahat.
[Kagaya nga ng sinabi ni Boss Jin, idamay niyo na ang mga dapat idamay sa misyon natin. Ang importante ay mapatay natin si Lincoln.]
Sabi naman ni Stephan sa kabilang linya.
“Steph. Nakapasok ka na ba sa control room?” Tanong ko.
[Oo. Kasama ko si Primo dito.]
Sagot niya.
“Good.”
“10 minutes left guys! Get ready!”
Excited na sabi ni Helena sa kabilang linya kaya naexcite narin ako bigla.
Magkaka eargasm na naman ako sa mga maririnig kong mga pagsabog mamaya. Di na ako makapaghintay na pasabugin ang mga alaga ko.
Kahit pumapatay kami ng mga tao, mahal ko ang trabahong ’to. Mahal ko ang Mafia, at masaya ako sa pagiging parte ng grupong ’to. Pero di naman kami ganun kasama gaya ng iniisip niyo. May pinaglalaban lang rin kami kaya namin to ginagawa. Maiintindihan niyo rin yung punto ko balang araw.
[ Ish’s PoV ]
“Yes!” Napasigaw nalang ako sa tuwa nung mapasok ko na ang system ng Elfame. Medyo mataas nga ang security nila pero wala eh, walang nakakalusot sakin.
“Anyare? Nagreply na ba yung crush mo?” Agad tanong ni Elsa nung makapunta siya dito sa sala.
“Sira. Papuntahin mo nga silang tatlo at si Boss dito.” Sabi ko nalang kaya agad tinawag silang tinawag ni Elsa. Maganda tong papanoorin namin ngayon.
“Baket Ish?” -Boss
“Anong meron?” -Hugo
“Istorbo.” -Hell. Sino pa nga ba? Pero teka..
“Asan si Benz? Ba’t di mo tinawag? “ tanong ko kay Elsa.
Agad naman siyang ngumisi “Ayaw niyang pumunta dito. Baka daw kasi barilin mo Hahaha! Ano bang ginawa mo dun?” Natatawang tanong niya. Abnormal talaga yun kahit kailan.
“Hayaan niyo na nga lang ’yun. Eto ang tignan niyo.” In-on ko na yung projector para makita nila ng malinaw ang nasa laptop ko.
“Ano yan? mga CCTV’s?” Tanong ni Boss.
“Oo, Boss. Wait ka lang, may masasaksihan kang action maya maya.” Ngising sagot ko sabay upo. Yung tatlo naman at si boss ay umupo narin sa bakanteng couch.
Napansin ko naman si Benz na pasulyap sulyap sa’min na para bang gusto ring makisali pero natatakot lang. Tae gusto kong matawa sa itsura niya.
“Hoy! Halika nga rito!” Tawag ko sakanya.
“H-hindi mo na ako babarilin? Friends na ulit tayo, Ish?” Tanong niya kaya natawa na talaga ako. Mukhang natakot ko ata talaga siya sa pagbabanta ko kanina.
“Hahaha oo na. Ikaw naman kasi. Halika na dito. Mag momovie marathon tayong anim.” Natatawa kong sagot kaya ngumisi agad ang loko at dali daling pumunta sa’min at naki upo narin.
Lagpas 30 na CCTV’s ang nakikita namin ngayon. At ang mga cctv’s na’to ay ikinabit sa mga piling lugar sa loob at labas ng Elfame Corporation Building.
Sa control room una nabaling ang atensyon namin.
Pitong operator ang nakadapa at dalawa ang nakatayo. At base sa suot nung dalawa, hindi nga ako nagkamali.
“Teka, diba Fuego suit yung suot nung dalawang yun?” Tanong ni Benz sabay turo dun sa dalawa.
“ Oo, tama ka. Makikiparty ang Walong Diablo ngayon.“
“Ipaliwanag mo nga ang nalalaman mo Ish.” Sabi ni Hugo kaya inayos ko muna yung salamin ko na para bang si Detective Conan tsaka ako nagsalita.
“Ang mga cameras na nakikita niyo ngayon ay mga CCTV sa mga piling parte ng EC ( Elfame Corp.) Building. May transaction na magaganap ngayon sa pagitan ng Elfame at Hirvana “
“Hirvana? Ang alam ko isang pipistsuging grupo lang yan diba?” Tanong ni Elsa
“Oo. Pero iba na sila ngayon, umuusbong na ang grupo nila. Kaya siguro dito pinili ni Lincoln na itayo ang grupo na yan sa Pilipinas dahil sa tingin niya ay mahihina ang mga Mafia Organization dito at makakaya niyang gawing pinakamalakas ang grupong itatayo niya pakalipas lang ang ilang panahon.” Paliwanag ko.
“Eh anong konek ng mga Fuego sa sinabi mo? Ba’t andyan sila?” Tanong ni Hugo.
“Sa tingin mo ba hindi gagawa ng hakbang ang mga Fuego? Ganyan na ang Fuego Mafia ngayon. Once may mapansin silang Grupo na sa tingin nila eh makakasagabal sa kanila pag tumagal, Itataob na nila ito agad habang kaya pa.” Sagot ko. Sobrang laki ng pinagbago ng Fuego simula nung madukot nila si Boss. Tila ba parang naging mas malakas pa sila. Hindi naman ganyan mamalakad si Jin dati e. Tingin ko may tinatago tong grupo na ’to kaya patuloy silang umaangat ngayon.
Tumahimik naman sila na para bang na gets na nila ang punto ko at nanunuod nalang ngayon dun sa mga CCTV.
Kulang nalang talaga ng Popcorn.
[ Kael’s PoV ]
Time 8:10 pm
Kitang kita na dito sa kabilang building ang pagmemeeting ng dalawang Grupo. Kasama na dun ang Boss ng Hirvana Group na si Mr. Lincoln at ang Boss ng Elfame na si Mr. Yusen o mas kilala bilang King Casper sa mundo ng Mafia.
“Hanggang kailan mo aasintahin yang target, Nero? Iputok muna.” Natatawang biro ko kay Nero na ngayon ay nag aasinta na sa main target namin. Hawak hawak ko naman tong Binocular. Kitang kita ko na nag uusap yung dalawang Boss at nag aabutan ng mga papeles. Siguro yun yung kontrata para sa transaction ng gagawin nila.
“Tumahimik ka nga. Humahanap lang ako ng tsempo. Baka iba tamaan ko.” Sagot niya. May mga tao kasing dumadaan. Sinadya ba nilang magkita sa mataong parte ng building para sa mga ganitong assassination? Wag mong sabihing alam nila ’tong pinaplano namin?
Imposible naman.
Habang tinitignan ko sila gamit ang binocular na hawak ko, may naririnig akong kakaiba.
Parang timer..
Teka..
Parang alam ko tong..
At bago pa ako makapagisip, kitang kita ko bino ang pagtingin ng Boss ng Elfame na si Casper sa direksyon namin tsaka kami binigyan ng isang nakakalokong ngiti.
Tang..
“Paalam, Linco–”
“UMALIS NA TAYO DITO NERO!!” Di ko na siya pinatapos at hinigit ko na siya patayo.
“TANGINA ANO BA?! HANDANG HANDA NA AKO KA–”
“SASABOG NA TONG KINATATAYUAN NATIN NGAYON!” Putol ko bago siya tinulak para makatakbo na kami palabas ng pinto. Isang time bomb nga yung naririnig ko. Kainis! Ba’t di ko agad namalayan ’yun?!
Dali dali na kaming bumaba sa rooftop ni Nero. At ilang segundo lang ang pagitan nung sumabog yung kinatatayuan namin kanina.
Nalaman ba ng Elfame Boss ang balak namin? Pero papano? Imposible.
Ang mga ngiting yun…
Mukhang inaasahan na nga ata talaga niya ang pag assassinate namin kay Lincoln. Kaasar!
“Bigo kami sa pag asinta sa main target!” Sigaw ni Nero
[Ano?! ano bang nangyari–Shit! paalis na yung main target! Kumilos na kayo Elon! Argo! Kael, pasabugin mo na ang bomba sa 3rd floor! Andun ang target! Dali!]
Sigaw ni Steph sa kabilang linya kaya naman agad ko ng kinuha yung remo–
Naloko na..
“Naiwan ko sa rooftop ang Remote Control!” Sa sobrang pagkabigla ko sa timer na narinig ko, nalimutan ko ng kunin yung remote control na nilapag ko lang sa sahig dahil hawak hawak ko yung binocular kanina. Ano bang kapalpakan ’to..
Lagot ako kay Boss neto..
[ANO?! Kael naman! Humanda nalang kayo jan Veronica, lalabas na ang Target sa Hidden
Exit. Huling option na natin ’to kaya siguraduhin niyong matamaan niyo siya.]
Sigaw ni Steph sa kabilang linya.
[Copy ]
“Ang bobo mo Kael! Ba’t mo iniwan yung remote control?!” Sigaw ni Nero sa’kin habang pababa kami sa building.
“P-pasensya na, Hindi ko sinasadyang iwanan yun. Nakahawak kasi ako ng binocular nung mga–”
“Iputak mo nalang yang rason mo kay Boss pag nabigo tayo dito!” Sigaw niya kaya tumahamik nalang ako sa pagtakbo.
Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabigo namin ngayon. Asar! Masyado akong nagpabaya.
Sana magawa niyo, Nica. May tiwala ako sainyo.
Pumunta kami ni Nero sa spot kung saan andun sina Elon at Argo. Pero pagpunta namin dun, halos lagpas singkwentang patay na katawan ang tumambad sa’min. Hindi mga bala ang nakapatay sakanila kundi mga malalaking butas at malalalim na kalmot sa katawan. Sila bang dalawa ang may gawa nito?
[Veronica’s PoV]
“Maghanda kana Helena, palabas na ang Target.” Babala ko kay Helena na ngayon ay naghahanda narin para sa mga shurikens at kutsilyo na may mga lason na gagamitin niya sa laban.
[Palabas na ang target Veronica.]
Sabi ni Stephan kaya nagready na ako sa pag asinta.
Sabog ulo mo ngayon Lincoln!
Unti unti ng bumukas ang pinto kaya dahan dahan narin akong bumwelyo..
Pagbukas nito, andun nanga siya. Kasama ang mga bodyguards niya.
Klaro klaro na sakin ang ulo niya at bibitawan ko na sana yung palasong hawak ko pero..
Biglang may sumipa sa panang hawak ko kaya tumilapon ito
Shit!
Sa sobrang pag coconcentrate ko sa pag asinta, di ko namalayang may kalaban na palang malapit sa’min. Pero teka…ba’t nila kami natunton dito?
“Hey..” Bungad nitong lalaking sumipa nung Pana ko.
“Sino ka?!” Tanong ko. Bigla naman akong napatingin sa suot niya.
Elfame Suit..
Myembro ba to ng Elfame Mafia?
“Tawagin mo nalang akong
’
Spot
’“ Sagot niya habang nakangiti ng nakakaloko.
[Veronica? Natamaan mo ba??]
tanong ni Steph sa kabilang linya kaya napamura nalang ako. Ang target namin!
“Pasensya na pero may asungot ang umepal dito. Di ko natamaan yung target!” Sagot ko. Narinig ko namang napamura rin si Steph. Mukhang papalpak kami sa misyon ngayon. Lagot kami kay Boss nito.
“Pano ba’yan, nakatakas yung target niyo. Sigurado akong paparusahan kayo ng Boss niyo. “ Sabi pa niya habang umiling iling pa. Kaasar!
“Aarrghhh!!” Napatingin ako sa kabilang banda nung may marinig akong Boses. Andun si Helena habang nakikipaglabanan din sa isang..Elfame? Ba’t ba nila alam na nandito kami?
“Ah si
Frost
yang umaaway sa kaibigan mo. Ang sama no? pumapatol sa babae.“ Sabi naman nitong kaharap ko habang di tinatanggal yung mapang asar na ngisi niya.
[Retreat Guys!! Tangna! Pati ang Alibara Group nandito!]
Sigaw ni Steph sa kabilang linya.
“Ang Alibara?” Ba’t andaming grupo ang nandito ngayon?
[Oo kaya umatras muna tayo! Tayo lang walo ang Fuego na nandito, talo tayo sa bilang] Tama siya, di namin kayang harapin ang Alibara at Elfame ng sabay na kami lang.
“Bwesit..” Napamura nalang ako. Kailangan ko munang kalabanin tong hangal na’to bago ako makatakas. Alam kong wala akong takas dito dahil mahina ako kapag di ko hawak ang pana ko.
Nag umpisa na akong mag stance para sana kalabanin na siya pero nagulat nalang ako nung bigla niya akong binigyan ng space. Para bang binibigyan niya ako ng daan para makatakas.
“Hindi pa ito ang tamang oras.” Sabi niya tapos may kinuha siya bulsa niya. Isang..tennis ball? Tapos bigla niya iyong hinagis sa ere at nung pabagsak na ito, tsaka niya ito sinipa. Tumama naman agad ito sa kasama niya na kasalukuyang nakikipaglaban kay Helena.
A-anong..
“HAYOP! Ano ba, Spot!” Angal nung kasama niya.
“Tama na yan. Tandaan mo ang utos ng King.” Sabi niya tapos kinuha niya yung pana ko na tumilapon tapos iniabot sa’kin.
“Makakaalis na kayo.” Usal lang niya tapos kinindatan pa ako bago sila umunang umalis nung kasama niya.
Nakatulala lang ako nung mapansin kong lumapit si Helena sa’kin “Ayos ka lang, Nica?”
Noon sa Virgo kami namumrublema, tapos ngayon..wag mong sabihing… sa Elfame Mafia naman?
Ano ba ang hangarin ng grupong yun?
[ Virgel’s PoV ]
Napapalunok nalang ako sa mga nakikita ko ngayon sa CCTV
Pagsabog.
Patayan..
Barilan..
Tulad lang sa mga movies na nakikita ko. Pero ang pinagkaiba, totoo ang mga nagaganap, totoo ang mga buhay na natapos.Totoo ang pagkitil, ang mga namamatay. Hindi ito scripted.
“Woah! Grabe! napaatras nila ang Walong Diablo! Lumalakas narin pala talaga ang Elfame Mafia ngayon.” Usal ni Benz na parang bang manghang mangha siya mga nakikita niya sa cctv. Anong dapat ikamangha sa mga napapanood namin?
Ganito ba talaga dito sa mundong ’to?
“Dati ng malakas ang Elfame, Benz. Tahimik lang talaga sila kaya hindi sila masyadong napapansin. At isa pa, dahil narin siguro ’yun sa Alibara Group kaya sila umatras. Di nila kaya ang dalawang grupo pag silang walo lang yung lalaban at hindi kasama ang Boss nila at mga ibang kasamahan. “ Paliwanag ni Ish.
G-grabe..nakakatakot naman yan. Pwedeng iba nalang panuorin natin?“ Suggest ko dahil pakiramdam ko masusuka na ata ako. Di ko na rin kasi kayang tignan ang mga patay na katawan sa mga cctv eh. Naaalala ko lang yung nangyari kagabi kila mama at papa.
“Masanay kana Boss. Mamumuhay kana sa ganyang mundo simula ngayon.” Sabi naman ni Hugo kaya napulunok nalang ako sa sarili kong laway.
“Masyado naman ata yang delikado para sa isang bata na katulad ko.” Kung pwede lang tumakas dito at bumalik nalang sa dating buhay ko.
Pero alam ko namang wala na rin akong uuwian…
Wala na akong mapagpipilian.
“Kaya nga ittrain ka namin Boss. At kapag natrain kana namin, hindi na buhay mo ang magiging delikado, kundi buhay na ng mga kakalaban satin. Mga buhay na nila ang magiging delikado sa oras na mailabas na namin yang natatagong potential mo. Anak ka ng isang Boss kaya sigurado akong may mga kakayahan ka pa na hindi mo pa natutuklasan. At kami na mismo ang tutuklas nun para sayo. “ Paliwanag naman ni Ish. Potential? Kakayahan? Ano? Matapilok sa sariling mga paa? Isa lang naman akong hamak na studyante eh. Wala naman akong ganung potential na sinasabi niya..
At sa di inaasahan, bigla ko nalang naalala yung kusang pag ngisi ng mga labi ko bago ako nawalan ng malay kagabi.
Ewan pero lagi ko nalang naaalala yun.
Potential..
“Wag ka ng mag alala Boss dahil nagbago na kaming mga tagabantay mo. Hindi na kami magiging kampante. Poprotektahan ka namin kahit na anong mangyari. Hindi na ulit kami machecheckmate pangako.” Singit naman ni Elsa kaya medyo napangiti ako ng bahagya. Kahit papano medyo nabawasan ng konti yung kaba na nararamdaman ko matapos niyang sabihin ’yun.
“Boss kailangan mo ng magpahinga. Bukas na tayo magttraining.” Usal ni Ish. Oo nga pala. Yung sinasabi na training ni Elsa kanina. Bukas na agad yun.
Agad.
Sana hindi maling pinto tong napasukan ko..
To Be Continued..
-MajorSin
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 8:
His Decision ( Part 1 )
EditedOct2018
[ Elsa’s PoV ]
Tulog na lahat ng mga tao dito sa mansyon ngayon at ako nalang yung gising. Andito lang ako sa sala ngayon habang nagmumuni muni. Di padin kasi mawala sa isip ko ’yung taong nakita ko dun sa mga cctv na pinanuod namin kanina.
Isa sa Walong Diablo ng Fuego si Elon?
Ang kababata kong parang santo na sa sobrang bait, kasapi ng isang Mafia? Paano nangyari yun?
Huli kaming nagkita nung highschool pa lang kami. Umiyak nga ’yun nung sinabi kong lilipat na kami ng tirahan eh. Tapos ngayon malalaman ko nalang na myembro na siya ng isang Mafia Group? At di lang ’yun, sobrang galing na din niyang makipaglaban. Ang akala ko nga dati magpapari yun paglaki eh. Mali pala ako.
Nagbabago nga talaga ang tao–
“Hoy bat gising ka pa?”
Halos mapabalikwas na ako sa kinauupuan ko nang may biglang magsalita. “Wag ka ngang manggugulat jan!” Inis kong sigaw sakanya.
“Kape pa.” Bata pa hindi na talaga kami magkasundo nitong ungas na’to. Di nalang ako nagsalita. Hindi na dapat pinapatulan ang mga baliw na katulad niya.
Mabuti naman at umalis na agad siya papuntang kusina nung di ko siya pinansin. Akala ko manggugulo na naman ’yun eh.
Pero ba’t kaya gising pa ’yun? Mag aalas dose na ah.
Maya maya pa ay nakita ko siyang lumabas sa kusina na may dala dalang isang baso. Akala ko didiretso na siya sa kwarto niya pero papunta ulit siya dito sa sala.
Pagkarating niya, nilagay niya agad yung baso sa table malapit sa’kin. “Ano yan?” Tanong ko.
“Gatas.” Sagot niya sabay upo sa isang couch na kaharap ko.
“Alam kong gatas yan. Ang ibig kong sabihin e para saan yan?”
“Aba ipaligo mo.” Loko pala to eh!
“Pilisopo ka talaga!” Di na siya sumagot pa.
Ilang minuto pa ang lumipas, wala pa ding nagsasalita sa’min kaya naman nagpasya nalang akong kunin yung baso at inumin yung gatas. Para sa’kin naman ata ’to e.
Ang sarap ah “ Ba’t ka pa pala gising?“ Tanong ko. Baka ma awkward lang kami lalo dito kung di ako magsasalita.
“May iniisip lang.” Tipid niyang sagot. Mukhang parehas nga kami ng iniisip ngayon.
“Siya ba?” Tumango lang siya habang sumasalubong na naman yung kilay niya.
“Magkalaban pala kami. Kalaban pala natin siya.” Usal niya tapos sinandal niya yung likod niya sa couch at tsaka napatingin sa kawalan.
Ang totoo niyan magkababata kaming tatlo nina Hell at Elon, at magbestfriend kami. Hindi man halata sa’min ni Hell pero magbestfriend kami niyan simula pa bata. Hindi nga lang tulad ng ibang magbestfriend jan na nagkakampihan. Iba kaming tatlo. Lumaki kami na laging nag aasaran.
“Oo nga eh. Nakakagulat lang.” Nasaabi ko nalang. Pareho lang kami ng nararamdaman ngayon.
“Iyakin pa kaya ’yun hanggang ngayon?” Biglang tanong ni Hell kaya natawa ako.
“Sa tingin ko hindi na. Kitang kita naman sa CCTV kanina kung gaano na kalaki ang pinagbago niya. Ang dating santong bestfriend natin ay ibang iba na kumpara ngayon” Sagot ko. Maya maya pa ay nakita ko na siyang tumayo.
“Pinili niya ang maging kalaban natin. Pinili niya ang maging isa sa Walong Diablo. Kaya simula ngayon, wala na akong kilalang Elon Fuentes.” Ang seryoso ng tono ng boses niya kaya nakaramdam ako ng kaonting kaba.
Ano bang nakain mo at pumasok ka rin mundong pinasukan namin ni Hell, Elon?
[ Virgel’s PoV ]
Tatlong katong mula sa pintuan ang narinig ko kaya napagising ako ng wala sa oras. “ Sino ’yan?“ Sobrang antok pa ako pati ng boses ko. Napatingin ako sa orasan. 4:30 palang. Masyado pang maaga. Ngayon na ba agad magsisimula ang training?
Tuloy parin ito sa pagkatok kaya bumangon na ako para pagbuksan. “Sandali.” Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko habang papunta sa pintuan.
Pinihit ko yung doorknob at tsaka ito binuksan. “Ngayon naba ta–”
Biglang nawala ang buong antok ko sa katawan nung makarinig ako ng isang putok ng baril pagbukas ko. Maya maya pa nakaramdam nalang ako bigla ng pamamanhid sa bandang hita ko. Tapos unti unti itong nangalay dahilan para matumba ako.
Anong..
Napatingin ako sa hita ko. May tama ng bala..
Tinamaan ako…
Pagkatingin ko ulit sa harap ko, may isang pigura ng lalaki at nakatutok ang hawak niyang baril sakin. Di ko makita yung mukha niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa likuran.
Di ako makapag salita. Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin sa baril sa harap ko.
A-ayoko pang mamatay..
Kusa nalang nangatal ang bibig ko sa sobrang takot at walang habas na tumulo ang mga luha ko. Halos maihi narin ako sa sobrang kaba ng nararamdaman ko.
“W-wag..” Isang salita lang ang tanging nasambit ko.
Katapusan ko na ba?
“Paalam, Virgel.”
At isang putok nalang ang muling narinig ko bago ako tuluyang mapabangon sa pagkakahiga
Tulala lang akong nakatingin sa kumot ko habang kinakapos ng hininga. Dali dali kong inalis ang kumot at tinignan ang hita ko. Walang tama..
“P-panaginip..” Nasambit ko nalang at tsaka pinahiran ang noo kong pawis na pawis na.
Ang pangyayaring yun. Bakit parang totoo? Nangangatal parin ang bibig ko. Kahit anong isip ko na panaginip lang yun ay ayaw maniwala ng katawan ko.
“Paalam, Virgel..”
Sino yung lalaking ’yun? Hindi ko makita yung mukha niya pero ang boses niya, parang kabisado na ng tenga ko yung boses niya. Lalo na sa tono ng pagtawag niya ng pangalan ko. Kakilala ko ba ’yun? Pero bakit niya ako gustong patayin?
Nakarinig ulit ako ng katok mula sa pintuan kaya halos huminto yung puso ko sa pagtibok sa sobrang gulat. Tinignan ko saglit yung orasan.
4:30
Ganitong ganito yun…
Nag umpisa na namang manginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. Yung pakiramdam na natamaan ka ng bala, yung pakiramdam na nakatutok sayo yung baril at daliri nalang ng kaharap mo nakasalalay kung mabubuhay ka pa ba o hindi na..
Lahat ng pakiramdam na yun sabay sabay na pumasok sa buong katawan ko.
Napansin ko ang dahan dahan na pagbukas nito kaya unti unti ring nanlaki ang mga mata ko.
Hinde..
Ayoko pang mamatay. .
“Boss? Gising kana pala. Kailangan niyo ng bumaba. Dun nalang daw maghihintay si Hugo.” Nakita ko ang pagdungaw ng mukha ni Ish kaya sobrang lakas ng pag buntong hininga ko. “Ayos lang kayo, Boss?” Tanong niya pa.
“O-oo. S-sige na. Susunod nalang ako.” Sagot ko nalang.
“Sige po. Pasensya na sa disturbo.” Usal niya bago dahan dahang sinara ang pintuan.
Matapos makaalis ni Ish, di ko na napigilan ang sarili kong mag breakdown. Napahawak nalang ako sa ulo ko at napapakagat sa labi dahil kahit anong gawin ko, di ko kayang pawiin yung takot ko.
“Kkkrrk.” Di ko na napansin ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.
Di ko kaya ’to.
[ Ish’s PoV ]
Andito na kaming lahat ngayon sa sala. Masyado pang maaga para sa pagtitipon pero mukhang alam ko na ang unang training na gagawin ni Boss dahil sa suot ni Hugo
“Anong trip yan, Hugo? Ba’t naka pang jogging attire ka? At tsaka baket mo nga pala kami ginising ng ganito kaaga? Wag mong sabihing magjojogging tayo?” Tanong ni Elsa.
“Obvious ba? Kaya sige na, magbihis na kayo ng pang jogging attire niyo. Sasamahan natin si Boss sa unang training niya.” Sabi na.
“Jogging?” Bigla namang napatanong si Boss.
“Oo, Boss.” Sagot ni Hugo tapos lumapit siya kay Boss at tsaka hinawakan yung balikat niya. “
Napansin ko kasing medyo patpatin ang katawan mo kaya ang first step na muna natin sa ngayon ay ang pag enhance ng physical body mo. Dapat maging malakas ka.“ Paliwanag nito. May punto siya. Dapat mag tuon pansin muna kami sa katawan ni Boss. Hindi sa nanglalait pero parang malnourished kasi yung katawan niya eh. Ang payat.
Ang payat nga pero ang lakas naman kapag nagwala. Kakaiba talaga ang lahi nila.
“Ganun ba.” Tipid na sagot niya. Kanina ko pa napapansin na may kung ano sa mga mata niya, di ko lang matukoy kung ano.
“ Kilos na “ Utos ni Hugo kaya nagbihis na kaming lahat. Pinahiram ko muna si Boss ng masusuot niya kasi wala pa siyang mga damit dito. Ipapabili ko nalang siya mamaya.
Time 5:00 AM
Nung makalabas na kami sa mansyon, nagstretching muna kaming lahat. Actually matagal narin bago yung huling jogging naming lima. Andun pa si Boss Vlad nung mga panahong ’yun.
Saglit kong tinignan ang gawi ni Boss. Kanina pa ito parang wala sa sarili. Ano bang nangyari sakanya? Tsaka nung pinasok ko siya kanina sa kwarto para siyang nakakita ng multo.
May bumabagabag ba sakanya?
Maya maya pa..
“Tara na.” nag umpisa na kaming magjog. Nasa pinakalikod lang ako para mabantayan sila. Pero wala pang limang minuto nung magsimula kami, napansin ko ng ang lalalim na agad ng paghinga ni Boss.
“Kaya pa Boss?” Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot. Tuloy padin siya kahit parang kinakapos na siya ng hangin.
“Teka, tumigil na muna tayo.” Usal ko na ikinatigil nilang lahat.
“Ano ba yan.” Inis na sabi ni Hell.
“Pagod na si Boss.” Lahat kami ay nakatingin sakanya na sobrang lalalim ng paghinga.
“H-hindi, okay lang. Kaya..kaya ko pa n-naman..”
“Wag mong pilitin, Boss.” Hinihimas ko nalang ang likod niya. Mukhang hindi nga talaga siya athletic na tao dahil ang bilis niyang mapagod. Nakita kong napakagat siya ng labi na tila naiinis sa sarili sa pagiging mahina.
“Mauna na kayong apat, sasamahan ko nalang si Boss maglakad “ Usal ko sakanila.
“Sige. Dun nalang tayo magkita. Mag-iingat kayo.” Sagot ni Hugo kaya tumango ako. Tinuloy na ulit nila ang pag jojog habang ako ay nandito parin sa tabi niya.
“Wag mo na akong alalahanin Ish. Kaya ko naman eh. Sundan mo na sila.” Sabi ni Boss nung makaalis na yung apat.
“Okay lang, Boss. Pagod na din naman ako eh” Ngumiti ako para maniwala siya. Sinabi ko lang yun para hindi niya isipin na pabigat siya samin.
“
Maglalakad nalang muna tayo sa ngayon. Pero bukas Jogging na talaga ah “ Tumango naman siya ng sobrang tamlay kaya nag umpisa na kaming maglakad.
Habang naglalakad kami, di ko maiwasang hindi isipin ang kinikilos niya. “May bumabagabag ba sayo, Boss?” Di ko na naiwasang itanong ang bagay na yan. Hindi naman ako expert sa pagbasa ng mga tao, pero masyado kasi halata sakanya e.
“Sabihin mo, anong klaseng Boss ba dapat ang mamuno sa isang Mafia?” Tanong niya kaya napaisip ako.
“Yung taong kayang ipagtanggol ang pamilya niya. Yung taong marunong makisama at makiramdam sa nasasakupan niya. Hindi naman kailangan malakas ka. Basta buo lang ang loob mo at handang ipaglaban ang pamilya mo, pwedeng pwede na yun para maging Boss ka sa isang Mafia.”
Nakita ko naman ang pag ngiti niya ng sobrang pait at mas lalong tumamlay ang mukha niya. “Hindi ako nararapat rito..” Ang hina ng pagkakasabi niya nun pero sapat na para marinig ko.
Napahinto ako sa paglalakad habang siya ay nakaabante parin. “Anong ibig mong sabihin, Boss?” Napahinto siya sa tanong ko. Di ko makita ang expresyon ng mukha niya pero yung panginginig ng balikat niya..kitang kita ko mula rito.
“Ayoko nito. Ayoko ng ganitong buhay, Ish.” Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko. Ano ba ’to? Ba’t nagbago bigla ay decisyon niya? Akala ko ba nakumbinse na siya ni Elsa kahapon?
Nakita kong napakuyom siya at mas lalong nanginig ang mga balikat niya.
“B-boss naman. Ang tagal ka naming hinanap. Ang laki ng ginugol naming oras para mahanap ka lang. Huwag mo naman kaming biguin ng ganito.”
“Mas mabuti ng mabigo na kayo ngayon habang hindi pa tayo nagsisimula. Ayoko na mabigo ko kayo sa huli at masayang lang lahat ng oras niyo sakin.”
“Hindi tayo mabibigo basta nanjan kayo Bo–”
“HINDI KO KAYA!” Natigilan ako nung napasigaw na siya. “Di mo ba maintindihan?” Dahan dahan siyang lumingon sa gawi ko at kitang kita ko sa mukha at mga mata niyang umiiyak na punong puno ng takot. “Ayoko pang mamatay.”
Sa huling mga narinig ko, dun na ako nawalan ng pag asa. Masakit man isipin pero..
Nagkamali lang ba kami sakanya?
[ Elsa’s PoV ]
“Ba’t ba ang tagal nung dalawang ’yun?” Inis ng usal ni Hell. Kanina pa kasi kami nandito sa pagkikitaan naming anim. Imposibleng namang naligaw ’yun kasi kabisado na ni Ish tong lugar na’to.
Teka..Hindi kaya..
Magsasalita pa sana ako na baka may nangyari sa kanilang masama pero nagsalita si Benz
“Anjan na pala sila oh.” Sabi niya sabay turo dun sa may unahan. Pagtingin namin, andun nga sila. Naglalakad..
Pagkalapit nila samin, pansin ko agad ang malungkot pero blankong mukha ni Ish na para bang pinagsukluban ng langit at lupa. At si Boss…ba’t parang ang mugto ng mga mata niya? Galing ba siya sa pag iyak?
“Anong nangyari Ish? Ba’t masyado kayong natagalan?” Tanong ni Hugo.
“Ayaw na niyang maging Boss.” Walang emosyon na sagot nito kaya lahat kami ay natigilan.
Nakita ko naman si Boss na nakatingin lang sa kawalan. Bakit nauwi agad sa ganito?
“Anong ibig mong sabihin Ish?” Tanong ko.
“ Nanaginip daw siya kanina na may pumasok sa kwarto niya at binaril siya.“ Halata sa mukha niya ang sobrang pagkadismaya. “Natakot siya at ’yun daw ang dahilan niya, ayaw na niyang maging Boss dahil natatakot siyang mamatay.” Dugtong niya. Agad namang lumapit si Hugo kay Boss pagkasabi ni Ish nun.
“ Boss, totoo ba ’yung sinabi ni Ish? Na ayaw mo ng maging Boss namin? “ Isang nakakalungkot na pagyuko lang ang ginanti niya at dun palang alam na namin. Di nagsisinungaling si Ish.
“Pero bakit? Ikaw lang ang pag asa namin para maligtas ang dating Boss namin–ang Ama mo. Poprotektahan ka naman namin eh. Akala ko ba ayos na tayo dito?” Pagmamakaawa ni Hugo. Naiintindihan ko siya kung bakit ganyan nalang siya ka despirado ngayon dahil si Boss nalang talaga kasi ang alam namin na makakatulong samin.
“Pabayaan niyo siya. Buhay niya yan.” Sabat naman ni Hell.
“Ano ba Hell!” Kahit kailan talaga
“May iba pang mas malalakas jan bukod sakin kaya wag niyo ng igugol yung panahon niyo sa tulad ko. Wala kayong makukuha sakin kahit anong gawing pag piga niyo sa katawan ko. Kaya pakiusap. Hayaan niyo na akong mamuhay ng normal.” Pagmamakaawa narin ni Boss habang hindi makatingin sa amin. Pero base sa expresyon niya, mukhang sumusuko na ata talaga siya.
Akala ko nakumbinse ko na siya kahapon nung mag usap kami.
“Pero Boss..”
“Tama na Hugo, wag na natin siyang pilitin. Baka nagkamali lang ang mga researchers natin sakanya.” Sobrang lamig na ng boses ni Ish. Ganyan talaga yan pag nadidismaya sa isang bagay.
“Umuwi na tayo. Sumama ka muna sa’min ngayon..Virgel. Mamayang gabi kana namin iuuwi sa bahay mo.” Dagdag niya tapos umuna na siya maglakad. Sumunod nalang kami pati si Boss.
Nakakalungkot lang isipin na hindi kami nagtagumpay na palakasin ang loob niya. Akala ko okay na ang lahat.
Akala ko lang pala
Pagkadating namin malapit sa mansyon, may natanaw akong isang tao na nakahandusay malapit sa gate ng mansyon namin.
“Sino ’yun? “ Tanong ni Benz nung makita din niya yung nakahigang bata.
Agad kaming lumapit sa mansyon para matignan kung sino yung taong ’yun. At nung makalapit kami, Agad napasigaw si Boss.
“KAEL!!” Nakatingin lang kaming lahat ngayon sa bugbog saradong mukha at walang malay na si Kael. Anong nangyari sakanya?
Agad binuhat ni Boss mag isa ang katawan ni Kael para ipasok sa loob ng mansyon. Nagulat kaming lima sa ginawa niya, bigla-bigla nalang talagang lumalakas si Boss ng wala sa oras.
Pumasok narin agad kaming lima sa loob para tulungan sila
Ilang oras ang lumipas, nagising na rin si Kael. Agad namang pumunta ng kusina si Boss para kumuha ng tubig na maiinom para dito.
“Sino ang may gawa niyan sayo?” Tanong ko nung magkamalay na siya. Kahit kalaban namin siya, may pakealam parin kami dahil kaibigan siya ni Boss.
“Ang Fuego..” Tipid niyang sagot. Mukhang nahihirapan pa siyang igalaw ang katawan niya dahil sa natamo.
“Ang Fuego? Pinagloloko mo ba kami? Diba ka grupo mo ’yun? “ Inis na tanong ni Hugo.
“Ako ang may kasalanan kung bakit kami nabigo sa misyon kagabi. At sa sobrang galit ni Boss, binugbog niya ak—” Napatigil sa pagsasalita si Kael nung makarinig kami na may parang nabasag.
Napatingin kami sa likuran namin at dun..nakita namin si Boss na nakatayo habang yung kamay ay nakakuyom at duguan. Nabasag niya yung baso na hawak-hawak niya gamit ang isang kamay lang
“Una sila mama at papa, tapos ngayon.. si Kael naman!” Narinig niya ata ang mga sinabi ni Kael.
“Boss..” -Kael
“PANGAHAS NA GRUPO!!” Yung tono ng pananalita niya ibang iba na. Nag iiba na rin ang awra ng presensya niya. At yung inosente niyang mga mata, napalitan na naman ng mga matang nakakakilabot..
Magwawala na naman ba siya?
-To be Continued…
-MajorSin
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
EditedOct2018
[ Virgel’s PoV ]
Mga mahinahong patak ng tubig ang nagpabalik sa ulirat ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Wala akong makita. Bat sobrang dilim? Nasaan ako?
“Ano bang nangyari?” Natanong ko nalang. Nasaan sila?
“Elsa?” Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tsaka sinuri yung paligid. “Hugo?”
“Anak.”
Isang boses ang narinig kong gumanti sa tawag ko. Ang boses na yun..
Mama..
“Ma? Ma nasaan ka?” Agad ko ring tawag sakanya. Kahit wala akong nakikita ay sinubukan kong maglakad. Ang layo kasi ng boses na yun dito sa kinatatayuan ko.
“A-anak…anak..anak..”
Tuloy padin yung pagtawag ni niya sa’kin kaya dumiretso lang ako sa paglalakad. Sinusubukan kong sundan kung saan nanggagaling yung boses niya. Habang humahakbang ako paabante ay unti unti ring lumalakas yung boses niya.
Mama anjan na ako..
Maya-maya pa ay bigla nalang akong nauntog sa di ko alam na bagay. Sinubukan ko ’tong hawakan at may nakapa akong doorknob. Pintuan
Mukhang dito nagmumula yung boses ni mama. Pinihit ko ito at dahan dahang binuksan.
Pagbukas ko, isang babae na nakaluhod at isang lalaking nakatayo agad ang tumambad sakin. May ilaw na sa silid na ’to kaya kitang kita ko ang itsura nila.
at yung babae..
“M-ma?” Sambit ko. Bigla kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko nung makita ko ang sitwasyon niya. Nakaluhod lang siya habang nakatungo. At yung buhok niya, hawak-hawak nung…
Paano nangyari ’to?
Halos manginig ang buo kong katawan nung makita kong kamukha ko yung lalaking nakatayo sa likuran niya.
“Virgel..” Usal pa niya bago ako binigyan ng isang mala demonyong ngiti–ngiting nagbibigay ng sobrang takot sa tumitingin nito.
“S-sino ka?” Kapos hininga kong tanong dahil sa sobrang takot. Imposibleng sarili ko ang kaharap ko ngayon, Anong klaseng mga titig yan? Pano nagagawa ng sarili kong mukha na ngumisi ng ganyan ka nakakatakot?
Nakita ko namang may hinugot siya sa likuran niya pagkatanong ko nun.
Isang baril..
Dinilaan pa niya ito bago ulit kumurba ang ngisi nito.
“Ako si Virgel. “ Sagot niya tapos tumawa ito ng sobrang nakakapangilabot.
Parang gusto ng bumagsak ng mga paa ko sa sobrang takot. Ang mga tawa niya..nakakapanlambot ng mga buto.
“H-hindi ko maintindihan..” Nasabi ko nalang–na biglang ikinawala ng ngisi sa mukha niya. Tinitigan niya ako ng sobrang talim. Ganun kabilis magbago ang expresyon niya.
Nakita kong kinasa niya yung baril na hawak niya bago siya nagsalita. “Hindi mo maintidihan? Pwes, ipapaintindi ko sayo.” Usal niya at walang pagdadalawang isip niyang pinutok yung baril kay..
“MAAAAAA!!!” Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Kitang kita ng dalawang mga mata ko ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig .
Hindee..
B-binaril niya si m-mama…
Mama.. ..
“Ako ang isang katauhan mo Virgel! Ang kabaliktaran mo.” Usal niya at tumawa na naman ito ng napakalakas.
Di ako makapagsalita. Ayaw bumukas ng mga bibig ko. Nanatili lang akong tulala habang nakatingin sa katawan ni mama.
“Mapanganib, mamamatay tao, walang awa! GANON AKO! GANON KA! GANONG KLASENG TAO KA VIRGEL!”
“H-hinde..”
“ISA KANG WALANG AWANG NILALANG!”
“Hindi..”
“PINANGANAK KA LANG PARA PUMATAY VIRGEL!! “
Parang gusto ng sumabog ng utak ko sa mga naririnig ko ngayon. Hindi ako ganun! Hindi ako mamamatay tao! “Hinde..hindi..HINDEE!!!!! AAAARRGHHHH!! TAMA NAA!!!” Napapikit nalang ako habang hawak hawak yung ulo ko.
“Ganyan nga, tama yan, Virgel. Magalit ka. Kamuhian mo ako. Isumpa mo ako! Isumpa mo ang sarili mo!” At narinig ko na naman ang pinaka nakakakilabot na tawa na narinig ko sa buong buhay ko.
Ayoko ng marinig ang tawa niya.
GUSTO KO NG MAKAALIS DITO!
[ Elsa’s PoV ]
Kasalukuyan lang akong nagbabantay ngayon kay Boss dito sa kwarto niya.
Hindi siya nagwala kanina. Bigla nalang kasi siyang nawalan ng malay. Buti nga at nakalapit agad si Hugo para saluhin siya.
Kung titignan mo siya ngayon, sobrang amo ng mukha niya pag tulog. Walang kang makikita na kahit anong bahid ng galit o kasamaan sa mukha niya. Maliban nalang talaga kung nagwawala siya.
Sa totoo lang hindi naman talaga bagay sakanya ang Mafia eh. Hindi bagay sa kanya ’tong pinipilit naming posisyon sakanya dahil sobrang pagka inosente niya. Hindi siya karapat dapat dito sa mundong ’to pero wala siyang magagawa. Anak siya ng isang Boss kaya may obligasyon siya sa grupong itinayo mismo ng henerasyon ng pamilya niya. Kahit ano pang gawin niyang paglayo, hinding hindi niya matatakasan ang resposibilidad niya bilang anak ng isang Mafia Boss.
“M-maa..” Sambit niya habang natutulog. Pansin ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kanang mata niya–bagay na ikinalungkot ko. Sigurado akong mahal na mahal niya talaga yung tumayong mga magulang niya.
“Maa..hinde..” Tuloy tuloy na ang pag iyak niya kaya hindi ko na nakayanan at hinawakan ko nalang ang isa niyang kamay. Ramdam ko siya ngayon. Naranasan ko narin ang mawalan ng magulang kaya alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.
“Nandito lang kami..nandito lang ako. “ Naaawa ako sakanya dahil sa kabila ng pagiging inosente at mabait niya, nakaranas na agad siya ng ganito kasakit na pangyayari. Naranasan na agad niya ang mawalan ng minamahal sa buhay. At alam ko dahil ’yun sa pagiging parte niya sa Mafia.
Oo resposibilidad niya ang maging parte ng pamilya, pero di kami ganun kasama para hadlangan ang gusto ng isang inosenteng batang katulad niya. Hindi namin ipagkakait sakanya ang isang normal na buhay dahil lang sa malaki ang kailangan namin sakanya.
Kaya kung plano na talaga niyang umayaw, buong puso namin yung tatanggapin kahit masakit.
[ 3rd Person’s PoV ]
“Ganyan lang. Magtanim ka lang ng puot at galit jan sa puso mo.” Habang tinitignan ng isang katauhan si Virgel na halos masalampak na sa sahig dahil todo takip ito sa tenga niya para siya nito marinig, di niya maiwasang mapangisi. “Di magtatagal at tuluyan mo ring mamahalin ’tong kakayahan ko sa oras na magamit mo ako sa pakikipaglaban.”
“Hinde!! hinding hindi mangyayari yang gusto mo!” Mariin na ganti ni Virgel.
“Kahit na anung gawin mo hangal, lalabas at lalabas pa din ako jan sa katauhan mo. Alam mo bang muntikan ko ng mapatay ang kaibigan mong babae? Sayang nga at may pumigil sa’kin “ Ganti naman ng replika niya na ikinatulala lalo ni Virgel.
Minsan ng nasabi sakanya nila Ish na nagwala siya isang beses at wala siyang maalala na nangyari yun. Kung ganun, nung panahon ba na yun muntik na niyang mapatay si…
“Elsa..” Nasambit nalang nito.
“Tandaan mo, Virgel, magiging isa rin tayo balang araw. Yan na ang kapalarang haharapin mo kahit saan ka pa magtago.” Huling habilin nung isang katauhan niya bago ito tumalikod at naglakad palayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Nung mawala ang replika niya, dun lang niya ulit naisip ang mama niya. Agad niya naman itong nilapitan at hinarap sakanya.
“Ma..” Sambit ni Virgel at agad niyang hinawakan ang ulo ng mama niya at nilagay iyon sa mga hita niya.
“A-anaak..” Hinang hina na ganti nito. At dun na di mapigilan ni Virgel ang maiyak. Ayaw na ayaw niya sa lahat yung nakikitang nahihirapan ang mama at papa niya.
“P-patawarin niyo ako Ma,
hindi ko kayo naprotektahan ni papa.“ Niyakap nalang niya ang ulo nito nung mapansin niyang hirap na hirap na ito sa paghinga. “Wag niyo akong iiwan pakiusap.” Halos ngumuwa na siya sa pag iyak dahil pakiramdam niya nalulunod na ang puso niya sa lungkot.
“Ma-mahal na mahal ka n-namin..A-anak.” Pinilit nitong hawakan ang braso niya sa huling pagkakataon. “Tandaan mo yan palagi.”
“ Maa..kailangan ko kayo.“ Napakagat nalang sa labi si Virgel. Gusto pa mang magsalita ng mama niya pero nahihirapan na ito. Napansin ’yun ni Virgel kaya nilapit niya yung tenga niya sa bibig ng mama niya para marinig nito ang gustong sabihin sakanya.
“ P-pakiusap anak..w-wag mong hayaan na kontrolin ka ng h-halimaw na ’yun.. “ Huling rinig niyang hiling nito bago ito dahan dahang pumikit sa mismong bisig niya.
At sa ikalawang pagkakataon, pakiramdam niya namatayan na naman ulit siya ng ina. At mas dumoble pa ’yung sakit na nararamdaman niya ngayon.
Pumikit si Virgel at niyakap niya ng mahigpit ang mama niya. “Pangako po.”
[ Virgel’s PoV ]
P-panaginip..
Napansin kong sobrang basa ng pisngi ko kaya saglit ko itong pinahiran. Ramdam ko parin yung sakit sa puso ko. Ewan pero totoong totoo yung sakit.
Mama..
Badya na naman sanang tutulo yung luha ko nang mapansin ng mga mata ko ang isang babae na natutulog sa gilid ko. Si Elsa. Nakaupo lang siya sa sahig tapos yung ulo niya naman ay nasa kama.
Binantayan niya ako?
“Alam mo bang muntikan ko ng mapatay ang kaibigan mong babae? Sayang nga eh may pumigil sa’kin.”
Muntikan ko na palang mapatay si Elsa.
Pero bakit ganun? Ba’t wala silang sinabi? Kahit nagawa ko ’yun sakanya, ba’t ang bait bait parin nila sa’kin?
Kahit muntikan ko na siyang mapatay dun sa una naming pagkikita, hindi parin siya natakot sa’kin. Hindi siya nagalit sa’kin. Wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti lang sa harap ko na para bang hindi ako halimaw sa paningin niya. At ngayon..andito na naman siya sa tabi ko. Binabantayan niya na naman ako.
“E-elsa.” Nasambit ko nalang habang dinadampi ko yung likod ng palad ko sa pisngi niya.
Gusto kong magpasalamat sakanya. Gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat kasi kahit sobrang delikado nung isa kong katauhan, hindi sila natakot sa’kin. Hindi nila ako sinaktan. Hindi nila pinaramdam sa’kin na kakaiba ako, na masamang tao ako.
Alam kong hindi sapat ang salitang ‘salamat’ lang kaya naman..
Ilang minuto lang ang lumipas, nagising na rin si Elsa at tila nabigla siya nung makita niyang gising na ako. “Boss..gising kana pala.” Sabi niya habang inaayos ang buhok niya. Kanina ko pa siya tinitignan habang natutulog siya, at di ko maipagkakaila na sobrang ganda niya talaga. Lalong-lalo na pag sa malapitan.
Nginitian ko muna siya bago ako nagsalita. “Gusto ko kayong makausap, kung okay lang sana.”
“Walang problema Boss.” Nakangiti niya ring sabi tapos inilahad niya yung kamay niya para tulungan akong bumangon.
At nung nakuha ko na yung kamay niya, sakto namang bumukas ang pinto…at iniluwa doon si Hell.
Napalitan agad ng kunot ang noo niya nung mapatingin siya sa kamay namin ni Elsa na magkahawak.
“Pinapatawag kayo ni Hugo.” Walang emosyon niyang usal bago umalis at malakas niyang isinara ang pinto.
Nung makatayo na ako, binitawan ko na agad yung kamay ni Elsa. Parang nailang kasi ako bigla. “Tara na, Boss.” Sabi niya kaya tumango ako.
Nung makababa na kami sa sala, silang lima agad ang tumambad sa’kin. Si Benz na nakangisi habang naglalaptop, si Kael na nakatungo lang na parang may iniisip, si Ish na nakaupo lang sa couch, si Hell na ang sama-sama parin ng tingin sa’kin at si Hugo na nasa harapan ko na may hawak-hawak na dalawang Urn.
“Na cremate na namin ’yung mga tumayong magulang mo, Boss. Ito na yung mga abo nila.” Sabi ni Hugo kaya natigilan ako
Sina mama at papa..
“P-pakilagay naman sila saglit Hugo. May sasabihin lang ako sa kanila.” Pakiusap ko. Tumango naman siya at agad niyang nilagay yung Urn sa isang Altar na malaki dun sa may sala.
Pagkalagay ni Hugo nun, lumapit na agad ako dito at lumuhod muna bago sila kinausap.
“Ma, Pa, wag na kayong malungkot. Pipilitin ko ang maging matatag para sainyo. Wag na kayong mag alala dahil hahanapan ko ang hustisya ng pagkamatay niyo.”
Hinaplos ko ang nasa kaliwang Urn. “Ma, tutuparin ko yung huling hiling na sinabi mo sa’kin. Hinding hindi na ako magpapakontrol dun sa isang katauhan ko. Hindi ko kailangan ang lakas at kasamaan niya para makamit ko ang hustisya niyo.”
Tumingin naman ako sa Kanang Urn at hinaplos rin ito. “Pa, Pangako, babaguhin ko na ang sarili ko. Hindi kana magkakaroon ng lampang anak, sinisigurado ko yan sa inyo. Matatahimik ko rin kayo balang araw…”
Pumikit muna ako at pinilit ang sarili na ngumiti. “ Mahal na mahal ko kayong dalawa. Lagi niyo sanang tatandaan yan.“
Matapos kong sabihin yun ay tumayo na ako. Napatingin ang mga mata ko sa ibabaw ng Altar. Isang napakalaking wall frame ang nakita ko. Andun sila Hugo sa picture, andun silang lima na nakasuot ng maitim na toxido tapos sa gitna nila ay yung medyo may katandaan na na lalaki na nakasuot ng kulay puting toxido tapos nakaupo siya sa isang napakagandang trono. At pagkatapos nakaukit din sa ibaba ng frame ang salitang ’ V I R G O F A M I L Y ’
Kung di ako nagkakamali, yung nasa gitna na nakaupo ang dating Boss ng Virgo family–ang tinatawag nilang Boss Vlademir–ang sinasabi nilang tunay na ama ko.
Huminga muna ako ng malalim tapos tinitigan ko ang mga mata ng ama ko sa litrato bago nagsalita.
“Kasama ng paghihiganti ko para sa mga tumayong magulang ko, pangako, Ibabalik kita diyan sa trono mo.”
Seryosong saad ko. Maliban sa ama ko siya, alam kong ito lang rin ang paraan para matulungan ko at mabayaran lahat ng ginawa ng grupong to sa’kin.
Dahan dahan akong tumalikod at tsaka hinarap ang mga taong may tiwala sa kakayahan ko.
Pagharap ko, nakatingin na pala silang lahat sa’kin.
Patawad kong bumigay agad ako. Pero ngayon..
Sigurado na ako..
Nakapagdesisyon na ako.
Tinitigan ko muna sila sa mata isa-isa bago ako nagsalita
“Pakiusap, Gawin niyo ulit akong Boss niyo.”
-To Be Continued…
-MajorSin
Episode 10: The Head Boss
Episode 10: The Head Boss
EditedOct2018
[ Virgel’s PoV ]
“Damihan mo pa ang pagsubo Bossing!”
“Masusuka na ako Benz maawa ka” Naiiyak na ako dito eh. “P
akiusap tama na..ayoko na.“ Kumakain kasi kami ngayon, at since si Benz daw ang naka assigned sa mga kakainin ko araw-araw, eh heto siya ngayon, pinipilit padin akong pakainin kahit kanina pa ako busog.
“Hindi pwede Bossing! Dapat damihan mo pa ang pagkain para lumaki at lumakas ka kagaya ko heheh. Oh heto karne, maraming proteins yan kaya kainin mo na Bossing.”
“Ayoko naaaa.” Parang ano mang oras ay masusuka na talaga ako dito sa kabusugan.
“Sige na Bo-”
“Hoy engot! Papatayin mo ba si Boss?! Kita mong busog na busog na siya, diba?! “ Suway ni Elsa kay Benz kaya tumigil ito saglit sa pangungulit. Haaay buti anjan si Elsa.
“ Eh kasi..“
“Wag kang OA, Benz. Nauubusan kana ba ng araw? Busog na si Boss kaya wag mo na siyang pilitin. May susunod pa.” Singit naman ni Ish kaya tuluyan ng napakamot sa ulo si Benz.
“Sige na ngaa, mamaya nalang ulit Bossing ah.” Aniya kaya tumango nalang ako.
“Punta lang muna ako sa garden ah. Magpapahangin lang ako.”
“Sige Boss.” Payag ni Ish kaya tumayo na ako at lumabas. Kailangan ko ng sariwang hangin.
Okay na kami ni Ish. Di na siya galit sa’kin. Pumayag na nga din pala sila na maging Boss ulit nila ako. Sabi pa nila, gagawin daw nila ang lahat para lumakas ako.
Nalaman narin pala nila kung gaano ka delikado ang isang katauhan ko. Kinwento ko kasi sa kanila yung panaginip ko at mukhang naniwala naman sila sa’kin. Kaya plano talaga nila na palakasin ako para di na ako umabot sa puntong makontrol na naman ako ng isang katauhan ko.
Agad kong inalis sa utak ko nung bigla ko na namang maalala ang ngisi nito sa panaginip ko. Nakakakilabot.
At siya nga pala, si Kael, kasapi na siya ng Virgo ngayon.
Ako ang nagsali sakanya since hindi na siya myembro ng Fuego Mafia. Nung una ayaw pa ni Hugo dahil wala daw siyang tiwala kay Kael pero di nagtagal napilit ko rin naman siya hehe. At heto nanga siya, nakaupo sa may upuan dito sa garden. Kanina pa ata siya nandito
“ Kael! “ Masayang tawag ko tapos ay lumapit ako sakanya. Ewan, natutuwa lang kasi talaga ako dahil wala na kami sa magkabilang panig. Kasama ko na rin siya mismo dito sa pamilyang ’to kaya labis akong natutuwa roon.
“Boss.” Kung ano namang ikinasaya ko, ay siya namang ikinatamlay niya. Pansin ko lang na medyo tahimik na siya nitong mga nakaraang araw. Di tulad dati na laging nakangiti at masigla pa sakin.
“May problema ka ba, Kael?” Di ko na napigilang magtanong. Ngumiti lang siya tapos tumingin ulit sa mga nag gagandahang mga bulaklak sa harapan namin
“Ba’t sinali mo ko agad dito sa pamilya mo?”
“Bakit? Ayaw mo ba dito?”
“Di mo ba naisip na pwede ko kayong traydurin dahil kalaban ako? Dahil kagrupo ko ang..ahh..kumuha sa papa mo?” Alalang tanong niya. Ngumisi lang ako. at Inakbayan ko siya bago sumagot.
“Ba’t ko naman iisipin yung ganun? May tiwala ako sayo, Kael. Kaibigan kita, alam kong hindi mo ’yun magagawa sakin o samin.” Ngiti kong sagot. Napatitig naman siya sa’kin saglit tapos bigla nalang umiling habang natatawa pa ng konti tapos parang may sinabi pa siya, hindi ko lang narinig.
“May sinasabi ka?”
“Ah wala, sabi ko salamat at ganyan kalaki ang tiwala mo sakin.” Pinilit niyang ngumiti sa harap ko. Gusto ko pa mang magtanong pero hinayaan ko nalang. Siguro namimiss lang niya ang dating mga kasama niya sa Fuego kaya siya matamlay.
Medyo matagal din kaming nakatambay ni Kael dito. Kwento kwento sa mga bagay. Hanggang sa nag aya na siyang pumasok sa loob.
“Tara na sa loob Boss. May workout ka pa.”
“Oo nga pala. Tara.” Aya ko at bumalik na ulit kami sa loob.
**
Pagkapasok namin, umupo na muna kaming dalawa sa sala, andun kasi silang apat eh. Wala nga pala si Hugo ngayon dito. Andun daw siya ngayon sa companya ni Papa, ang Virgo Corporation. Since siya ang pinakamatanda at maraming alam sa business sa’min, siya na muna ang tumatayong President ng mga iilang companya ngayon.
“Nagugutom kana ba, Bossing? Gusto mo ipaghain kita?” Aya agad ni Benz. Kakatapos ko nga lang kanina ee.
“Umaatake na naman yang kaengotan mo Benz ha. Kakatapos lang nating kumain tapos pakakainin mo na naman si Boss?” Sabat naman agad ni Elsa. Mabuti nalang talaga lagi siyang anjan. Lagi niya akong pinagtatanggol heheh.
“Concern lang naman ako kay Bossing eh :3” Ngumuso pa ito mejo natawa ako.
“Tae wag ka ngang mag pout jan Benz! Nakakasuka yang pagmumukha mo!” Sigaw naman ni Ish sa inis. Lagi nalang talaga silang nag aaway hahaha
“Baket ba fafa Ish? Mag pout ka din kung gusto mo.” Sagot naman ni Benz habang nagbabakla baklaan kaya mas lalo akong natawa. Patawa talaga to kahit kailan hahaha. Pati si Kael ay natawa narin.
“Sapak gusto mo?!”
“Tama nanga yan, di na kayo nahiya kay Boss.” Awat ni Elsa. Di ko alam na may kasali pala sa Mafia na may mga ganitong ugali. Sa pagkakaalam ko kasi mga seryosong tao lang ang nakakasali sa ganito. Yung seryoso sa trabaho, pagkitil at pagpapalago ng pera. Pero hindi pala. Masyado lang siguro akong nag iisip na mga masasamang tao ang mga kasapi ng isang Mafia dahil lang sa pumapatay sila.
Sa kakanood ko sakanila, may biglang pumasok na tanong sa utak ko. “Matanong ko pala,
ilang taon na ba kayo? “ Natigil naman sila sa pag aasaran dahil dun.
“Ah edad ba. 24 na ako Boss, tapos itong si Benz naman, kahit utak talangka to, 25 na ’to. Tapos sina Elsa at Hell naman ay parehong 22.” 22 na pala si Elsa? Akala ko teenager rin siya kagaya namin ni Kael. Ang bata pa kasi ng mukha niya e. Di halata.
“At si Hugo ang pinaka matanda sa atin. 29 na siya. Halata naman siguro sa itsura niya, diba?” Natatawang dagdag ni Benz.
“Sumbong kita kay Hugo mamaya, lagot ka!” Pananakot ni Elsa. Hahaha.
“Ang tatanda niyo na pala no? Kami ni Kael nalang pala ang teenager dito.” Sabi ko tapos nagtawanan kami maliban kay Hell as usual. Haay pano ko kaya siya makakasundo?
“Boss, papasok ka pa ba sa school?” Tanong bigla ni Kael kaya natigilan ako. Hala, sa dami ng nangyari sa’kin nitong mga nakaraang araw, nakalimutan ko ng nag aaral pa pala ako. Nag feeling ‘graduate na’ ako putik.
“Ilang araw naba akong absent?”
“Dinrop kana namin sa school mo, Boss. “ Singit ni Ish. “ Medyo malayo kasi yun dito sa mansyon. Ililipat ka nalang namin sa Apollo High. Malapit lang yun dito at tsaka kakilala ni Hugo yung may ari nung school kaya wala kanang dapat na ikabahala pa pag dating sa pag transfer mo.” Dagdag niya.
“Pero malapit ng mag Midterm. Pwede pa ka bang mag transfer dun?” Tanong ko.
“Si Hugo na ang bahala dun. At siya nga pala Kael, inilipat kana din namin sa Apollo. Since nag aaral
ka pa din, ikaw na ang iassign ko na magbabantay kay Boss sa loob ng skwelahan. Ikaw na ang tatayong kanang kamay ni Boss simula ngayon. Okay lang ba? “
“Kanang kamay? Hindi sa ayaw ko kay Kael ha pero kakasali niya palang kasi sa grupo tas kanang kamay na agad?” Biglang singit ni Elsa.
“Kaibigan niya si Boss, hindi lang basta kaibigan. Mag bestfriend na sila noon pa. Kaya sigurado akong poprotektahan niya si Boss kahit na anong mangyari. At hindi ka rin naman siguro magtatraydor samin diba? Diba Kael? “ Tanong ni Ish sabay tingin kay Kael bitbit ang medyo seryosong mukha.
Ngumiti naman siya bago sumagot. “Oo, makakaasa kayo.” Wala akong napansing pagdadalawang isip sa sagot niya kaya napangiti ako.
“Wala ka ng tanong Boss?”
“Ah kailan kami papasok?”
“Pag naayos na ni Hugo ang lahat.”
“Ahh sige.”
Nung mapansin ni Ish na okay na ako, tumayo na ito at nag stretch sa mga balikat niya. “Wala na? Okay magsimula na tayo sa training. “ Usal niya kaya nakaramdam ako ng kaonting kaba.
“Anong klaseng training ba ang gagawin natin?”
“Bastaaa. Mag eenjoy tayong lahat nito. Sumunod kayo sa’kin.” Ngising sagot ni Ish kaya sumunod nalang ako. Sumunod narin sina Kael, Elsa at Benz. Si Hell naman ay nagpaiwan lang sa sala.
“Hell, di ka sasama?” Tanong ni Elsa.
“De.”
“Suplado talaga neto.”
“Tss.”
Nakarating kami sa parang isang malaking basement na walang laman kundi puro boxes lang.
“Teka..anong gagawin natin dito?” Akala ko ba mag woworkout ako? Kami? Ba’t wala akong makitang mga kagamitan dito?
Kinuha naman nila yung apat na box sa gilid at nilagay sa harapan nila. Tig iisa silang apat tapos parang nagbulungan pa sila saglit.
“Punta ka muna sa gitna Boss.” Utos ni Ish kaya pumunta ako.
At nung makapunta na ako sa gitna, humarap na ulit ako sakanila. At nangunot nalang ’yung noo ko nung makita ko silang may hawak-hawak na tennis ball? Tapos..teka, ba’t parang iba ang mga ngiti nilang apat ngayon?
“U-uy..anong gagawin niyo sa tennis ball nayan?” Wag mong sabihing– -“WOOY!!” Sigaw ko sabay ilag sa hinagis ni Ish. Sabi nanga ba!
“Ano ba ’to? Ba’t kayo nambabato? Akala ko ba mag ttraining tayo?” Anak ng tokwa naman oh. Di ganito yung inaasahan kong training e.
“Training tong ginagawa natin Boss. Ang gagawin mo lang ay ilagan tong mga bolang ibabato namin sayo. O di kaya pwede mo rin silang saluhin, sipain, o suntukin kung gusto mo.” Paliwanag ni Ish.
“Pero anong konek na gagawin natin sa pagpapalakas niyo sa’kin? “ Naguguluhang tanong ko.
“Marami Boss. Tulad ng bibilis ang mga binti mo sa paggalaw. Maiimprove ng husto yung reflexes ng katawan mo. At yung higit sa lahat, concentration. Sa training na’to Boss, maeenhance ng sobra ang concentration mo. Importante ang Focus sa isang laban kaya napaka importante nitong training na’to. “ Paliwanag ulit ni Ish. Ah kaya pala, pero…
“Pero diba sabi ni Hugo sa katawan ko muna tayo mag focus? Ba’t ganito na agad ang training? Adavance training ba ’to?”
“Jogging at konting workout na ang ginawa mo kaninang umaga Bossing. Ok na’yun. Sa ngayon, ito na muna ang gagawin na’tin ha? Heheh” Sagot naman ni Benz.
Okay na sana eh, maniniwala na sana ako eh. Pero nakapagtataka lang talaga sila. Ibang iba talaga yung ngisi nila. Pinagttripan lang kaya nila ako?
“Teka nga. Ba’t ganyan yung mga ngiti niyo? Pinagttripan niyo ako noh?”
“Haa? Hinde ahhh. Training talaga to Boss. Maniwala ka sa’min hehehe.” Sagot naman ni Ish pero halatang nagpipigil lang ng tawa. Ang halata masyado nitong mga ’to. May pa focus focus pa kayong nalalama- “Woah woah sandali namaan.” Awat ko agad sakanila. Bumwelo na naman kasi sila sa paghagis eh :(
“Goodluck Boss” Sabay pa nilang sabi sabay ngiti ng nakakaloko tapos…tapos….
“T-teka uy! Wa-awww!! Sanda-aray!! Wag namang saba-aww! Aww! Aray naman! Tama na-TAMA NAAAAA!”
TULOONG!
[ Veronica’s PoV ]
–Fuego’s Mansion–
Andito ang Pitong Diablo ngayon sa underground ng mansyon habang nagpapalipas ng oras. Oo pito. Pito nalang kami ngayon kasi wala na si Kael sa Grupo.
Pinatalsik siya sa grupo ng Boss namin dahil sa nagawa niyang mali nung huling misyon namin.
Kung ako lang, ayokong mawalan ng isang kagrupo na katulad ni Kael. Kahit medyo bata ’yun at makulit, malaking asset talaga siya sa grupo kung tutuusin. Siya ang nag iisang Bomb expert sa’min. Siya ang expert sa pagsabog at pagdefuse ng iba’t ibang klase ng bomba kaya malaki ang pakinabang niya pag may misyon kami.
Pero dahil lang sa isang pagkakamali niya, tinaggal na agad siya sa grupo.
Tinanggal siya ni Boss Jin. Sinisi ni Boss ang pagkabigo ng misyon namin kay Kael. Sinisi sakanya lahat na kung tutuusin, isa rin ako sa dapat sisihin kasi di ko nagawa yung tungkulin kong pasabugin ang ulo ni Lincoln dahil sa pesteng mga Elfame na’yun.
Nakwento rin ni Nero sakin na si Kael ang nakapansin na may time bomb sa kinalalagyan nila nun kaya di niya natuloy yung pag asinta. Pero kahit ganun, kung di dahil kay Kael, baka pareho na silang sumabog dun.
Nabulilyaso lang yung misyon dahil mas inalala niya ang kaligtasan ng kasamahan namin. Hindi dapat siya pinalsik. Wala dapat ang pinatalsik sa grupo. Nakaka asar si Boss Jin.
Sa totoo lang, ayoko talaga sa Boss namin. Ang panget kasi ng ugali. Ang sabi sakin nung mga naunang myembro ng Fuego, nung Virgo palang daw ang namumuno sa mundo ng Mafia, di nila ito matalo-talo dahil sa ugali ni Boss Jin. Ang brutal kasi masyado. Pati mga nasasakupan niya sinasaktan niya. Minsan nga pinapatay niya. Oo isa nga siyang Mafia Boss. At ibig sabihin nun, Nakakatakot, Delikado, at Pumapatay. Diba ganun ka dapat pag Boss ka? Pero sana ilugar naman. Hindi yung basta basta nalang. Pati nasasakupan niya inaabuso niya. Ano bang klaseng Boss siya? Muntikan nanga niyang mapatay si Kael eh–mali, papatayin niya na sana talaga si Kael nun kung di lang dumating yung Head Boss namin.
Oo nagpakita na ang Head Boss namin. Pero hindi namin siya nakilala…
-Flashback- ( Nangyari to after ng misyon ng Walong Diablo dun sa Elfame Building )
“B-boss…T-tama na.”
Kitang kita namin ngayon ang kabrutalan na ginagawa ni Boss Jin kay Kael.
Nakatali ng makapal na lubid ang dalawang kamay niya ngayon. Basang basa na yung buhok at mukha niya dahil sa dami ng dugong nanggagaling sa mga sugat sa mukha niya. Nakakaawa lang isipin na ang isang masayahing bata na katulad niya ay makakaranas ng isang bangungot ng katulad nito.
“Hangal ka! Nang dahil sayo kaya kayo pumalpak! Tapos sasabihin mong tama na?! Ha?!”
Sigaw ni Boss sabay suntok sa sikmura ni Kael.
“P-pasensya na-ARGHH!!
Di na pinatapos si Kael at sinuntok na naman siya sa sikmura. May suot suot kasing knuckles si Boss kaya sobrang sakit ng mga pinapakawala nitong mga suntok.
“Pasensya? Pasensya?! PASENSYA?! HA?! ANONG MAGAGAWA NG PASENSYA MO?! MAPAPATAY BA NYAN SI LINCOLN?”
Hinawakan ni Boss ang buhok ni Kael tapos itinaas niya ito para mapaangat ang ulo niyang nakayuko na
. “ANO?!! SAGUTIN MO AKO!!”
Sigaw ulit niya sabay sampal sa mukha ni Kael.
“Boss, tama na’yan.”
Napatigil naman si Boss at napatingin kami kay Elon nung bigla itong magsalita.
“Inuutusan mo na ako ngayon? Ha Elon?!”
Sigaw nito at pinandilatan ng mata si Elon.
“Hindi naman sa ganun, Boss. Ang akin lang, baka mapatay mo siya. Kagrupo natin siya. Isa siya sa walong Diablong itinayo ng Head Boss, hindi siya isang ordinaryong tauhan lang na pwede mong gulpihin jan hanggang sa mamatay. Ngayon lang siya nagkamali kaya pagbigyan niyo nalang sana.”
Medyo nagulat ako sa inakto niya. Hindi naman kasi ganyan ka vocal yang si Elon. At tsaka may pakialam din pala siya sa kagrupo
niya.
“WALA AKONG PAKIALAM! TAYO NA ANG PINAKAMALAKAS NA GRUPO NGAYON! AT BAWAL NA SA’TIN ANG SALITANG PAGKAKAMALI!! KAYA KUNG AYAW NIYONG MAGING KATULAD NITONG HANGAL NA’TO NGAYON, WAG NA WAG KAYONG TATANGA TANGA SA MGA MISYON NYO!! MALIWANAG?!! “
Sigaw ni Boss sabay suntok na naman kay Kael sa mukha.
Tumahimik nalang si Elon.
Naawa na ako kay Kael. Pati nga rin yung ibang Diablo kahit tahimik lang sila na nanunuod ay kitang kita mo parin sa mga mata nila yung awa. Kahit isa kaming Mafia, tao parin kami, may pakialam kami pagdating sa kasamahan namin. Pero maliban nalang dun sa isa, si Argo. Sabi nga nila, siya ang pinaka weirdo, at pinaka bayolente sa’ming lahat. Umiinon lang siya ngayon sa gilid na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
Ano bang klaseng nilalang ’tong tao na ’to?
Nung mapatingin ulit ako sa direksyon nila Kael, sakto ding bumunot na ng baril si Boss sa likuran niya. Naloko na, papatayin niya ba talaga si Kael?!
Kinasa na ni Boss ang baril at itinutok ito kay kael.
Tumingin muna siya sa’min bago magsalita.
“Hindi nababagay ang isang tanga sa grupo natin! Kaya saksihan niyo kung ano nababagay sa-”
Napatigil si Boss sa pagsasalita nung biglang tumalsik ang baril na hawak-hawak niya. At alam ko dahil yun sa bala. Kitang kita ng mga mata ko ang bala na tumama sa baril ni Boss dahilan para tumilapon ito.
Sino ang bumaril?
Napatingin kaming lahat sa likuran namin. At dun, may nakatayong lalaki sa pintuan na nakahawak ng baril at nakasuot ng maskara. Siya ba ang may gawa nun?
“Anong kahangalan yan, Jin?”
Tanong niya tapos lumapit siya sa direksyon nila Kael.
Jin? Jin ang tawag niya kay Boss? Kung ganun…siya ang..
“H-head Boss? Ba’t kayo nandito? A-anong ginagawa niyo dito?”
Gulat na gulat na tanong ni Boss sa Head Boss.
Kitang kita naman sa mukha ng lahat ng nandito ang pagkabigla nung sabihin ni Boss yun. At kasama na ako dun.
Siya pala ang Head Boss na matagal ng hindi nagpapakita sa’min? Pero ba’t nakamaskara siya? Ba’t ayaw niyang magpakilala?
“Tinatanong kita. Anong ginawa mo sa batang ’to?”
Yung boses niya, punong puno ng otoridad.
Nakakatakot..
“E-eh k-kasi..s-siya ang may kasalanan kung baket pumalpak s-sila sa plano.”
Halos di na makapag salita ng maayos si Boss Jin. Ganito rin pala ito katakot sa pinaka Boss namin.
“At sa tingin mo sapat na yang rason mo para bugbugin’tong bata? Hmmn? “
Kalmado lang naman yung pagkakatanong niya e. Pero ba’t ganito yung pakiramdam ko. Ba’t parang ang bigat ng presensya sa buong paligid nyayon.?
Hindi nakaimik si Boss. Kung di lang ganito ka seryoso ang awra ng paligid ngayon malamang tumawa na ako. Para na kasing natatae ang mukha ni Boss Jin dahil sa takot.
Pero ngayon ko lang napagtanto, ang bait pala ng Head Boss namin. Kinalasan niya si Kael at tsaka binuhat ng mag isa bago naglakad palabas ng pintuan.
Sino ba siya?
“May pakealam ako sa buhay mo Jin kaya pakiusap, wag mo akong bigyan ng rason para mawala yun. Umayos ka.”
Huling habilin nito at naiwan nalang kaming lahat na tulala sa silid.
-End of Flashback-
Ang akala ko nun okay na lahat eh. Pero di parin pala. Tinanggal pa rin ni Boss Jin si Kael sa Grupo. Ewan ko ba kung baket di siya pinigilan ng Head Boss. Pero may kutob ako na may plano siya. Malakas ang kutob ko na may pinaplano ang Head Boss.
At konektado ’yun sa pagpapaalis nila kay Kael sa Grupo
-To Be Continued…
-MajorSin
Episode 11: Agnes
Episode 11
: Agnes
EditedOct2016
–1 month later–
[ Virgel’s PoV ]
M
ahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula nung mag umpisa akong mag training. At sa loob ng isang buwan na’yun, merong mga bagay ang nagbago–lalo na sa’kin.
Naging habit ko na ang jogging ngayon. Walang araw na hindi ako nag jojog kasama sila. Minsan hindi kami kumpleto pero ayos parin naman. Hindi ko yun hinihinto at nagbunga naman yun. Ramdam ko ng mejo tumaas na ang stamina ko, hindi na ako madaling mapagod.
Pati workout rin hindi ako pumapalya. Araw araw ko yun ginagawa kahit minsan ramdam ko na yung sobrang pagod sa katawan. Wala akong ibang inisip sa loob ng isang buwan kundi ang magkalaman ’tong patpatin kong katawan. At hindi naman nasayang lahat ng pagod ko. Pansin ko na rin na mejo nagkaka muscle na yung mga braso ko. Matatawag parin akong payat pero di tulad dati, nakakapag buhat na ako ng mga mabibigat na bagay.
Yung tennis ball training nga pala, akala ko talaga pinagtitripan lang ako nila Ish nun, pero hindi. Totoo nga ang sinabi niya. Nag enhanced nga talaga yung concentration ko. Habang tumatagal nasasanay na ako sa bilis ng mga tira nila. Yung reaction ng mga mata ko bumilis dahil sa sabay sabay na pagbabato nila. Pati yung reflexes ng katawan ko nag improved narin. kahit gaano pa kabilis at kalakas nilang ibato sa’kin yung bola, naiilagan ko pa rin ito o di kaya nasasalo.
Di pa dun natatapos ang pagbabago ko, natuto na rin ako kung paano sumuntok at sumipa. Tatlo hanggang apat na oras kasi akong nag eensayo ng combat fighting kasama si Ish araw-araw. Tinuruan niya ako ng mga basics sa isang close range fighting dahil yun daw ang stilo niya.
Ang dami kong pinagbago sa totoo lang. Feeling ko nga hindi na ako lampa. Hindi na kasi ako masyadong naaksidente hehe.
At sa Virgo? wala namang nagbago sa kanila, maliban nalang talaga kay Kael. Ewan ko ba, sa loob ng isang buwan rin na yun hindi ko nakita yung totoong ngiti niya. Feeling ko hindi siya masaya sa’min. Yung ngiti at tawa niya ngayon ay ibang iba na talaga kumpara noon. Halatang pilit lang ang lahat. Tapos kung kakausapin niya ako parang napipilitan lang din siya. Ewan ko, galit ba siya sa’kin? Pero wala naman akong natatandaan na may nagawa akong ikinagalit niya.
“Boss, kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala.” Katulad nalang ngayon, kahit nakangiti siya makikita mong hindi talaga siya masaya.
“Pasensya na heheh, gusto ko lang kasing magpahangin dito.” Nakangiti kong sabi sakanya
“Ayos lang Boss.” Sabi niya tapos nakiupo narin. Andito nga pala kami sa Apollo High ngayon, sa may rooftop ng isang building dito.
Last week pa kami nakapag transfer dito ni Kael. Okay naman ’yung first week namin dito, hindi na ako nabubully, wala na ring humihingi sa’kin ng pera pag lunch. Ang aliwalas ng mga araw ko dahil wala na sila Alfe dito. Anjan rin kasi si Kael palagi sa tabi ko kaya wala sigurong nagtatangkang pagtripan ako.
“Handa ka na ba sa huling training mo?” Basag niya sa katahimikan.
“Ewan nga e, bahala na si batman nito hehe.” Paggamit ng baril na kasi ang huling training ko kasi medyo maganda na daw yung pangangatawan ko ngayon sabi ni Hugo. Sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi pa kasi ako nakahawak ng baril sa buong buhay ko. At sa tuwing nakakakita ako ng baril, mga masasamang alaala lang yung mga naiisip ko.
Tumahimik nalang ulit si Kael at tumingin sa asul na kalangitan.
“Kael..” Muli siyang mapatingin sakin nung tinawag ko siya.
“Boss?”
“Ano bang bumabagabag sayo?” Di na ako nakapag pigil. Nag aalala na ako sakanya. Baka may pinagdadaanan siya ngayon at wala siyang mapagsabihan dahil kakasali nya palang sa Virgo at wala pa siya masyadong nakakasundo sa pamilya maliban sakin. “Pwede mo naman akong pagsabihan eh. Kaibigan mo ako, kasapi kana ng Virgo. Kapamilya kana namin. Wag mong akuin yung problema mo, Kael.” Diretso kong sabi sakanya. Medyo nagulat naman siya sa narinig niya. So meron nga.
Nung makabawi ay pilit itong tumawa. “Wala naman akong problema, Boss. Ba’t mo naman naisip yan?”
“Alam ko meron. Di nagsisinungaling yung mga mata natin. Okay lang naman kung ayaw mo munang sabihin to sa ngayon. Pero sana
tandaan mo andito lang kami lagi para sayo. Handa kaming tumulong sayo sa abot ng makakaya namin.“ Ang lungkot ata ng pagkakangiti ko pagkasabi ko nyan kaya biglang nagbago ang expresyon niya. Tumamlay ito bigla.
“Hindi mo rin naman maiintindihan.” Nakatungo niyang sagot.
“ Paano ko maiintindihan kung ayaw mong sabihin sa’kin? Handa naman kaming makinig kahit ano pa yan, Kael.“ Giit ko. Pero umiiling lang siya tapos muling ngumiti ng matamlay at tumingin sakin.
“Una na muna ako sa room, Boss. May tatapusin lang ako.” Paalam niya at na hinintay pa ang sagot ko. Naiwan nalang akong mag isa dito sa rooftop
Hindi ko nalang muna siya kukulitin kung ayaw niya. Ang importante ay nasabi ko sakanyang nandito lang kami lagi.
Haay, mejo nakaramdam ako ng antok dahil ang aga ko gumising kanina para mag jog. Makahiga nanga lang muna at umidlip. Ang sarap rin ng simoy ng hangi—
Napabalikwas nalang ako sa pagkakahiga nung biglang bumukas ulit yung pintuan ng napakalakas. Bumalik ba si Kael?
Pagtingin ko, isang babae na nagpupumiglas sa hawak ng tatlong lalaki ang nakita kong lumabas mula sa pintuan. Hindi naka uniporme yung mga lalaki. Pano sila nakapasok sa school?
“Aaahhhhh! Bitawan niyo ako mga manong!” Sigaw nung babae habang nagpupumiglas.
“TUMAHIMIK KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG SAMPALIN ANG BOSS NAMIN! KAYA NGAYON MAGBABAYAD KA!” Sigaw din nung lalaking nakahawak sa buhok nung babae. Tapos hinigpitan niya pa yung pagkakahawak nito kaya mas lalong nasaktan yung babae.
“Eh napaka walang modo niya kasi kausap! Ang sama sama p–aww! Aray naman manong!”
“BAKET KABA KASI NAKIPAGHIWALAY KAY BOSS, HA?! ALAM MO BANG NASAKTAN SIYA NG SOBRA DAHIL SA GINAWA MO?! “
“Bitawan niyo ako! Hindi ko na siya love no! may iba na akong–araay! Nakakarami na kayo ha!”
“SINO?! SINO YANG TAONG YAN AT NG MA ABUGBUG NAMIN?!” Tanong nung isang lalaki. Agad namang napatingin yung babae sa direksyon ko.
“Nicolas! Kyaaaah! Tulungan mo akoooo!” Sigaw ulit nung babae habang nakatingin parin sa direksyon ko?
Napalingon naman ako sa kaliwa, kanan at likod ko, wala namang ibang tao ah? Anong Nicolas?
“Nicolas! Hubby! Sinasaktan nila ako oh! Tulungan mo naman ako–Awww!” Ba’t ba nakatingin siya sa direksyon ko? Ako ba ang tinatawag niya?
Tinuro ko naman yung sarili ko na parang engot.
“Oo ikaw nga Nicolas! Anung klaseng boyfriend ka? Tulungan mo na ako dali! “
…….
……………
……………………..
Ha?
A-anong Nicolas? sinong Nicolas? kailan pa ako naging si Nicolas? At anung sabi niya? Boyfriend?
“SIYA BA ANG IPINALIT MO KAY BOSS?! HA!” Tanong nung isang lalaki sa babae sabay turo sa’kin? anung bang pinagsasa—
“Oo siya nga mga manong heheh. Siya ang bago kong boyfriend”
Anak ng! Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng to?!
Binitawan naman nung mga lalaki yung babae at tsaka dilat na dilat ang mga matang tumingin sakin.
“T-teka lang..n-nagkakamali kayo. Nagsisinungaling lang siya. H-hindi niya ako boyfriend! maniwala kayo!”
“Anong klaseng boyfriend ka?! Ang sama mo! Porke’t nakilala mo lang si Karen tinatanggi mo na ako bilang girlfriend mo ngayon?! huhuhu ang sama-sama mo Simon! huhuhu” Sinong Karen? At ano? Simon? Ano bang..
Baliw ba ’to? Ba’t nakapasok ’tong mga to dito sa school?
“Simon? Akala ko ba Nicolas ang pangalan nitong syota mo?!” Nagtataka ring tanong nung isang lalaki. Agad namang nanlaki yung mata nung babae.
“Tignan niyo! Diba sabi ko sa inyo nagsisinungaling lang siya? Ni hindi nga niya ako kilala eh.” Agad kong singit para tuluyan na silang maniwala sakin.
“H-hehe Nicolas Simon Tampipi po kasi full name niya mga manong kaya pwede ko siyang tawaging Nicolas o di kaya Simon hihe”
Halos mapangiwi ako sa sinabi niyang pangalan. Legal ba ang shabu dito sa skwelahan na ’to? “Hindi ako si Nicolas Simon! Maniwala kayo! Ako si Vir–”
“Tumahimik ka Nicolas Simon Santiti! Magbabayad ka–”
“Tampipi daw gunggong. Hindi Santiti. Nakakahiya ka.” Usal nung isang lalaki sa kasama niyang kanina pa sigaw ng sigaw
“Ah..eh Ah basta! Magbabayad ka sa’min Simon! Inagaw mo ang girlfriend ng Boss namin!” Sigaw nung lalaki tapos tumakbo na silang tatlo papalapit sa’kin!
N-naloko na..
Agad rin akong tumakbo para tumakas. Paikot ikot lang kami ngayon dito sa rooftop. Sinubukan kong puntahan yung pintuan pero humarang yung isang lalaki dun kaya puro pag takbo lang yung ginagawa ko. Asar!
Buti at hindi nila ako mahuli huli, bumilis narin kasi ’yung pagtakbo ko ngayon. Salamat sa train–
“HUMANDA KA!”
ANG LAPIT NA NILAA!
Napatingin naman ako saglit dun sa babae. Nakangisi lang ito habang tinitignan kaming naghahabulan! Argh! Sinasabi ko nanga ba– “Aray!”
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo nung mabangga ako sa may pader. Nacorner na pala ako. kung saan saan kasi tumitingin! Hindi na pala lampa ah
Ang feeling ko.
Pinapalibutan na nila ako ngayon kaya di ko na magawang makatakas pa.
“Saan kana tatakbo ngayon, Simon?”
“Wala ka nang matatakbuhan! “
“Magbabayad ka sa pang aagaw mo ng syota kay Boss!” Sigaw nung isa tapos bigla itong bumwelo ng suntok at umatake sakin.
“AARGGHH” Pinakawala niya yung suntok niya pero nailagan ko naman tapos…teka..
NAILAGAN KO?!
A-ano ’to? Ako lang ba o ang slowmo lang talaga nilang sumuntok? Ang dali dali lang ilagan. Ba’t ang bagal bagal nila? Ang layo layo ng bilis ng suntok nila sa bilis ng mga tennis ball na binabato nila Ish sa–
Teka..hindi kaya isa din to sa epekto ng training na’yun? Medyo nasanay na kasi ako sa mabibilis na bola na binabato nila sa’kin kaya siguro nababagalan na ako sa mga suntok nila.
A-ang galing..
“Bwesit! Ba’t hindi natin siya matamaan?!” Reklamo nung isa habang sinusuntok narin ako–aw mali, hangin pala. Heheh
Maya maya ay tumigil na sila sa pagsuntok habang hinihingal. Pagod na sila.
“Tapos na kayo? Pwede ako naman mga bossing?” Tanong ko habang nakangiti, at bago pa man sila makapagsalita, binigyan ko na sila ng tig-iisang suntok sa mukha.
Tulog silang lahat.
Habang tinitignan ko naman silang nakahandusay, bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba. Napalunok ako sa sarili kong laway habang nakatingin sakanila.
Ba’t parang naeexcite ako bigla? Parang may gusto na namang mangyari yung kalamnan ko. Parang…parang ang sarap sa pakiramdam na napatumba ko sila. Tsaka..
Ba’t parang gusto ko silang….tuluyan?
Agad nanlaki ang mga mata ko sa pumasok sa isipan ko.
“Hindi hindi! erase! erase! erase!” Sabi ko sa sarili habang pinapukpok ko yung ulo ko. Ano ba ’yung iniisip, Virgel?! Hindi ka pumapatay!
Nakarinig naman ako bigla ng isang malutong na tawa. ’Yung babae!
“HAHAHAHA!! Parang kang baliw jan sa ginagawa mo, Andres HAHAHAHA!” Makatawa! At ano na namang sabi niya?
“Tigilan mo na nga ako jan sa pagtawag sa’kin ng iba’t ibang lumang pangalan na’yan! Hindi ako si Nicolas, Simon at Andres! “ Kunot noo kong ganti sakanya. Pero mas lalo lang siyang natawa.
“HAHAHAHA oo na Tiborcio.” Anak ng!
“Hindi kaba titigil jan?! May kasalanan kapa sa’kin! Dinamay mo pa ako sa gulong ginawa mo!” Sigaw ko. Tumayo naman siya sa pagkaka indian sit niya.
“Kasalanan? Eh hindi ka nga napuruhan eh, ang galing galing mo ngang umiwas! Gumaganon ganon ka nga oh” Sabi niya tapos nag aact pa siya na parang umiilag sa mga suntok. “ Tapos sinuntok mo din sila isa-isa parang ganito oh yah! yah! yah!“ Tapos nag aact na naman siya na parang may sinusuntok. Ewan ko kung matatawa ako o ano sa ginagawa niya e.
“ Ang galing galing mo! Gangster ka siguro no? “ Tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Seryoso?! Mukha ba akong gangster?” Inis kong tanong. Hindi na nga ako tinatawag sa sarili kong pangalan, pinaghinalaan pa akong gangster.
Lumapit naman agad siya sa’kin. “Hindi naman, actually ang cute cute mo nga eh, Achuchuchu” Pinisil niya bigla ang pisngi ko kaya napaatras ako. Ano bang problema nito? “Ano ba!”
“Ansungit mo naman, Fernando! Thank you nga pala sa pagligtas mo sa’kin sa mga ’yun ha? Heheh” Sabi niya sabay nguso dun sa tatlong lalaki na nakahiga. Napatingin tuloy ako sa lips niya. Ba’t parang ang lambot ng li—arghh erase erase!
“Hindi ako sa Fernando, okay? Ako sa VIRGEL! VIRGEL ang pangalan ko at hindi Nicolas! Simon! Andres! Fernando! at..at..sino nga yung isa?”
“Tiborcio.”
“at Tiborcio! May sarili akong pangalan!” Pansin ko namang parang nabigla siya. Ganyan ba kabigla bigla yung pangalan ko? Pero agad rin naman siyang nakabawi at ngumisi.
“Ang astig pala ng name mo. Virgel heheh. Parang tunog leader lang. Leader ka siguro ng mga gangster noh?”
“Aba’t! Sabi ng hindi ako gangster eh! “
“Hahaha joke lang to naman. By the way, I’m Agnes.” Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Ang ganda naman pala ng pangalan niya. Taliwas sa ugali niya.
“Hindi mo tatanggapin yung kamay ko? “ Ngumuso pa siya kaya todo pigil akong mapatitig sa lips niya. Anak ng tokwa naman talaga oh.
Kinuha ko nalang yung kamay niya. “
Ako naman si Virgel Acosta “ Oo nagbago na ako Apilyedo. Hindi na ako Martinez ngayon.
“Pwede ba kitang maging friend, Virgel? Wala kasi akong kaibigang lalaki dito sa school eh.” Ngayon ay isang mala anghel na ngiti naman ang binabato niya sakin.
“A-ah eh…” Ba’t parang ang init ata. Kailangan ko ng hangin.
“Ayaw mo ba? Sige okay la—”
“Hinde! hinde! Ano..ahh..okay lang naman sa’kin ’yun “ Napakamot nalang ako sa ulo. Ano ba ’tong inaasta ko? Ba’t parang ako pa yung nahihiya? Porke’t nginitian lang amp.
Ganito ba ako karupok?
“Talaga? kung ganun Friends na tayo, Emilio?”
-____________-
“Virgel sabi e.” Poker face kong sagot.
“Aw Virgel pala hehe, So ano nga? payag ka na? Friends na tayo?” Excited na tanong niya na para bang bata.
“Oo na, Agnes” Sabi ko tapos nginitian ko rin siya. Mukhang mabait naman siguro to si Agnes. Nagkamali lang siguro ako ng tantsa sa ugali niya.
“YEESSS! May kaibigan narin akong lalaki!.” Sigaw niya tapos itinaas pa niya yung dalawa niyang kamay sa sobrang tuwa
“Teka..ba’t ba wala kang kaibigan na lalaki? Bagong transfer ka din ba?” Tanong ko. Lumapit naman siya sa’kin tapos bumulong.
“Kasi lahat ng napapalapit sa’kin na lalaki, binubugbog ng grupo ni Victor, yung ex boyfriend ko, yung leader ng pinakamalakas na gang dito sa distrito. Ang ‘EL Satans Gang’ .” Bulong niya kaya bigla akong napaatras. Tunog palang ng grupo nila parang sa impyerno ang bagsak mo pag binangga sila.
“At dahil friends na tayo, ikaw na ang bahala sa lahat ha? Alam ko na kaya mo si Victor at ang gang niya. At dahil hinahanap rin ako ng ibang myembro niya, Ikaw narin ang magiging protector ko simula ngayon ha? “ Sabi niya na sobrang lapad ng ngiti. Habang ako heto, nakanganga lang.
Tama ba yung narinig ko? “A-anong..”
“Una na ako sayo friend Heheh. Kita nalang tayo mamaya ha? Byeee “ Sabi niya tapos lumakad na siya palabas ng pintuan.
At ako? Heto, mawawalan na ata ng malay dahil sa mga narinig ko.
Poprotektahan ko siya sa isang Gang? Isang buong gang?? At pinakamalakas pa daw?
Ano ’tong pinasok mo, Virgel??
-To Be Continued..
-MajorSin
Episode 12: Awaken
Episode 12:
Awaken
EditedOct2018
[ Kael’s PoV ]
Kasalukuyan akong nagsusulat ngayon sa notebook ko. Pero yung utak ko ang layo na ng tinakbo. Bumibigat na ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.
Halos isang buwan na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko parin nagagawa ang misyon ko. Nauubusan na ako ng ora–
Bigla akong napatigil sa pagsusulat nung biglang dumoble yung paningin ko. “Argh” Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot na naman. Napapadalas na ’tong pag sakit ng ulo nitong kailan lang. Ano bang nangyayari sakin? Pinikit ko saglit yung mga mata ko para agapan yung pagkahilo ko.
Maya maya pa ay dahan dahan narin itong nawala.
Napansin ko naman ang pag ring ng phone ko kaya kinuha ko ito. At pagtingin ko sa kung sino yung tumatawag, biglang nanikip yung dibdib ko sa kaba.
Nag alinlangan pa akong sagutin ito pero sa huli ay sinagot ko nalang.
[Kael..“
“K-kayo pala. Ba’t kayo napatawag?”
[Wala naman. Nangangamusta lang ako sayo at sa misyon mo. May balita na ba?]
“P-pasensya na pero di ko pa yun nagagawa.” Narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya.
[Ganun ba siya ka importante sayo?]
Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa inis. “Oo. Kailangan ko pa ng panahon.”
[Eh ang grupo mo? Akala ko ba importante sayo ang Fuego? ]
“Importante din naman pero–”
[Malapit na akong mainip, Kael. Magdecisyon kana. Tatlong linggo. Tatlong linggo ang huling oras na ibibigay ko sayo. At pag hindi mo pa nagawa ang misyon mo, hindi ko na sasabihin. Alam mo na ang mangyayari.] Huling banta niya bago pinatay yung tawag.
Nakahawak nalang ako ng mahigpit sa cellphone sa sobrang inis. Nakakainis. Bakit kailangan pang mamili? Nag eexist nga talaga ang salitang ‘sakripisyo’ sa mundong ’to.
Dapat na akong mag decisyon. Dapat na akong mamili kong anong hakbang ang gagawin ko.
“KAEL!” Napatingin ako sa pinto ng room nung bigla kong marinig ang boses ni Virgel.
Di ko maiwasang mapangiti ng mapait.
[ Virgel’s PoV ]
Dali dali akong bumaba sa rooftop at pumunta sa room para pagsabihan si Kael. Ayokong ma abugbug!
Pagpasok ko, nakita ko agad siya na nakatingin lang sa cellphone niya at mukhang ang lalim ng iniisip.
“KAEL!” Agad kong tawag tapos lumapit ako sakanya.
“Baket, Boss? May problema ba? “ Ayan na naman yung mga ngiti niya. Pero mamaya na’yan, mas importante sa’kin ang buhay kooo!
“E-eh..kasi anoo!” Pano ba ipapaliwanag ’to! Anak ng “
B-bubugbugin nila ako! “ Sigaw ko na ipinagtaka niya. Sumalubong yung kilay niya na parang walang maintindihan.
“Sino? sinong bubugbog sayo?” Kunot noo na tanong niya.
“Yung si Victor! y-yung El Satans Gang daw!” Taranta kong sagot. Kainis talaga yung Agnes na’yun! Akala ko mabait siya kasi gusto niyang makipakaibigan sa’kin, yun pala gagawin lang niya akong protector ng mga gangster na yun langya.
“Ha? Diba sinabi ko na sayong masama ang epekto ng shabu, Boss? Ba’t di ka nakinig?–”
“Kael naman! Hindi ako nagbibiro” Bigla siyang natawa.
“Sino ba kasi yang Victor na yan? At ano yang sinasabi mong El Satans Gang? Ang baduy ah.” Tawang tanong niya kaya wala na akong nagawa kundi ikwento sakanya yung buong nangyari pagkalabas niya sa rooftop kanina.
Nung makwento ko na lahat, tango tango lang siya habang nakahawak ang kamay niya sa baba niya.
“Aah so ganun pala. Eh ano ng gagawin mo, Boss?” Grabe, sobrang haba ng kwento ko tapos ’yun lang reaksyon niya?
“E-ewan di ko alam eh. Tulungan mo ako! Ayokong ma abugbog!” Niyugyog ko na yung balikat niya para makumbinse ko siya. Parang hindi naman kasi siya seryoso sa mga sinasabi ko e.
“Eh diba sabi mo sa kwento mo pinatumba mo yung tatlong lalaki ng walang kahirap hirap? So ibig sabihin, tama nga yang si Agnes. Kayang kaya mo yang El Satans nayan, Boss.”
“Tatlo lang sila Kael! Tatlo! Iba na’to! Isang buong gang yung huhunting sa’kin! “
“Eh kung ganun, wag ka nalang magpakita dun kay Agnes. Sabi niya naman diba na bubugbugin lang nung El Satan ang mga lalaking malapit sakanya? So para di ka ma abugbog, iwasan mo siya. Ganun lang yun, Boss. “ Sabi niya kaya napaisip ako.
Aw oo nga no? Ba’t hindi ko naisip ’yun? Sa sobrang kaba ko hindi na ako nakakapag isip ng tama. Buti anjan si Kael heheh. Tama! Iiwasan ko nalang yung babaeng yun para wala ng gulo.
“Hindi pa ba tayo uuwi, Boss? mag aala-sais na.” Tanong ni Kael. Andito pa kasi kami sa may gilid ng building ngayon, nagtatago. Sinadya kong hindi pa umuwi para di ko makasalubong yung Agnes na’yun!
Pinakiramdam ko yung paligid. Konti nalang yung mga studyante. “Mukhang nakauwi na siguro yung Agnes na’yun. Tara na Kael “ Usal ko kaya tumayo na si Kael sa pagkakaupo.
Buti nalang magaling kami magtago hehe.
Naglakad na kami palabas ng school ngayon. Medyo pagabi na, sigurado akong hinahanap na kami nila Ish nga–
“Virgel!”
Biglang napantig ang tenga ko nung may marinig akong tumawag ng pangalan ko. A-ang boses na yun!
“Oy Virgel! Sandaleeee!”
Sigurado akong siya yung tumatawag! Ba’t hindi pa siya umuuwi??
Napalingon naman si Kael sa likuran namin, dun kasi nanggagaling yung tumatawag sa’kin. “Boss, tinatawag ka ata oh.”
“Wag mo na siyang pansinin! Bilisan natin ang paglalakad dali naa” Pasigaw kong bulong sakanya habang binibilisan ang mga paa ko.
“Kilala mo ba siya?”
“Yan si Agnes! Kaya tara naaa! Malapit na tayo sa gate! “ Tatanong tanong pa ee.
“Siya pala yun? Ang ganda niya pala” Maganda nga, nanggagamit naman.
Hanggang sa nagulat nalang ako nung biglang may humawak sa balikat ko. “ Virgel, s-sandali lang. Ang bilis..mo naman..“ Hinihingal pa siya at napahinto na nga kami sa paglalakad.
Lagot!
“W-wag kang lumapit sa’kin Agnes, baka may makakita sa’tin na myembro nung gang na yun.” Sabi ko sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.
“Baket? Diba kaibigan na kitaa? Diba ikaw na ang protector ko ngayon?” Ngumuso pa siya kaya napailing nalang ako.
“Eh kasi..hindi mo naiintindihan eh. Ano kasi…a-ayokong madamay sa problema niyong mag jowa.”
“Pero diba sabi mo…”
“Ba’t ba andito ka pa? umuwi kana sa inyo. Gabi na.” Putol ko sa sinabi niya at itutuloy ko na sana yung paglalakad ko pero bigla niyang hinawakan ang uniform ko.
“Sandali lang Virgel! Kaya nga di pa ako umuuwi kasi hinihintay kita! Natatakot ako. May nag aabang sa’kin sa labas—”
“Ano ba! Hindi ka ba titigil? Dinamay mo na nga ako kanina dun sa mga lalaking yun tapos idadamay mo na naman ako? Tama na! maghanap ka nalang ng ibang lalaki jan na kayang promotekta sayo dun sa buong gang na yun! Wag mong sirain ang buhay ko!” Dahil sa kaba ay di na ako nakapag timpi. Napalakas ata yung sigaw ko sakanya kaya biglang nagbago yung expresyon sa mukha niya.
Dahan dahan niyang binitawan ang uniform ko at tsaka napakamot sa ulo niya. “H-heheh ganun ba? Pasensya na. Sorry kung dinadamay kita.” Humarap ito sakin at pilit na ngumiti. “Hindi na ito mauulit heheh.” Dugtong niya at tsaka umunang maglakad sa amin. “Paalam.”
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nung makita ko ang pag ngiti niya. Napasobra ba ako? Dapat matuwa pa nga ako dahil titigilan na niya ako. Hindi na manganganib ang buhay ko.
Pero ano to..
Ba’t may kumikirot.
“Sumobra kana ata dun, Boss. Di mo dapat sinabi yung bagay na yun sakanya. Sana pinaintindi mo ng maayos yung gusto mo.” Rinig kong usal ni Kael kaya napayuko nalang ako.
Ano ba ’tong ginagawa ko..
Dahil nagpadala ako sa takot nakasakit na ako ng damdamin ng iba.
Di mawala yung mga huling expresyon niya sa utak ko kaya napakuyom nalang ako sa inis–inis sa sarili ko. Napaka..
Napaka makasarili ko!
Agad akong tumakbo palabas ng gate. Sinundan ako ni Kael. Mukhang alam na rin niya ang gagawin ko.
Kailangan kong humingi ng tawad sakanya.
Agnes..
Pagkalabas namin, agad kong nilibot ang tingin ko para hanapin siya. At nung madapo yung tingin ko sa may unahan, napansin ko agad yung tatlong lalaki na may karga kargang babae palayo sa school na tila wala ng malay.
Hinde..
Napakuyom ako sa sa sobrang galit. “AGNES!” Tatakbo na sana ako para habulin sila pero napansin kong may biglang bumagsak na katawan sa likuran ko. Paglingon ko..
Kael..
Wala na itong malay. Habang yung isang lalaki ay may hawak hawak na stun gun. Yung dalawa naman ay may hawak na mga batuta
Narinig ko pa silang nagtawanan dahilan para mas lalong mag init yung dugo ko.
Biglang lumalim ang paghinga ko habang pilit na pinipigilan ang sarili ko.
Hinde..
Hindee..
Ayokong..
Nung makita ko ang dugong dumanak sa may ulo ni Kael, dun nalang parang may sinulid na naputol sa loob ko.
[3rd Person’s PoV]
“Bata! ang lakas ng loob mong lumapit sa syota ng– “ Di na natapos sa pagdadaldal yung lalaki nung biglang ito mapabulwak ng dugo dahil sa suntok na tumama sa sikmura niya. “HAHAHAHAHA!”
Sinubukan niyang tignan ang sumuntok sakanya pero isang nakakapangilabot na ngisi lang ang nasaksihan niya. Biglang nangatal ang bibig niya at nanginig ang buong katawan kaya di na niya nagawang ilagan pa yung sunod na suntok ni Virgel. Sa lakas nito ay tumilapon siya at bumangga sa pader.
Bigla namang nagdalawang isip ang dalawang lalaki na sumugod matapos nilang makita ang nangyari sa kasama nila.
Ang mga mata nito..
Nakita nilang kinuha ni Virgel ang batuta nung kasama nilang tumilapon at tsaka ito dahan dahang naglakad sa gawi nila habang sobrang lawak ng ngisi.
Di nagpatinag sa takot ang lalaking may hawak ng stun gun. “Hangal kaa!” Sigaw niya bago inatake si Virgel gamit ang stun gun niya. Tumama ito sa katawan ni Virgel at tsaka niya in-on ang button nito. “Hahahahaha! Ano ka ngayon?!” Tawang bulyaw pa niya–pero mabilis rin yung nawala nung nanatili lang na nakatayo si Virgel na para bang hindi nito iniinda ang kuryenteng dumadaloy sa katawan niya. “Haaaaa?” Usal ni Virgel habang di matanggal ang ngisi sa labi nito.
“Paanong–” Di na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siya nitong sinakal at inangat. Sobrang higpit ng sakal nito kaya mabilis na nagpumiglas yung lalaki “A-arrkkk! Bi..bita–arkkk!” Ilang sandali lang ay nararamdaman na niya ang panghihina dahil di na ito makasagap pa ng kahit konting hangin.
Ang lakas ng batang ’to..
Sinubukan namang tumulong nung natitirang lalaki. Pumunta ito sa likuran ni Virgel at pinaghahampas ng batuta yung likod niya. “Bitawan mo siya halimaw ka!” Pero kahit ilang hampas na ang nagagawa niya, di parin tumitigil si Virgel sa pagsakal. Mas lalo pang lumapad ang ngisi nito at tsaka tumawa “HAHAHAHAHAHA ganyan ngaaa! Pilitin mo ang huminga! HAHAHAHAHA!”
Nung makita nung lalaki na tumitirik na ang mga mata nung kasama niya, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa batuta niya at tsaka pinunterya ang ulo ni Virgel “BITAWAN MO SIYA SABI!”
Nagalaw ang ulo ni Virgel dahil sa lakas ng pagkakahampas nun. Nakita nung lalaki ang unti unting pagdanak ng dugo sa gilid ng ulo nito. Binitawan naman ni Virgel yung sinakal niya pero masyado na itong huli. Nakatirik na ang mga mata nito nang bumagsak at hindi na humihinga pa.
Dahan dahan itong tumingin sa likuran niya at tsaka tinignan ang humampas sa ulo niya.
At dun, bigla nalang nanginig ang tuhod nung lalaki nung tinitigan siya ng mga mata nito. Sobrang talim. Sobrang pula.
A-ano ’to? Ba’t di ako makagalaw? Usal nung lalaki sa isip niya
Ang mga mata niya..
Nakaka..
Nakakapangilabot..
Sa sobrang takot, tuluyan na siyang napaluhod. Nanlalambot narin ang mga buto niya. Humarap ito sakanya habang hawak hawak parin yung batuta.
Biglang bumilis ang paghinga nung lalaki nung makita niyang tinaas nito ang hawak niyang batuta.
“H-huwag..p-pakiusap..” Pagmamakaawa nito at tila naluluha na dahil sa kaba. Pero imbes na kaawaan, isang malapad na ngisi lang ang ginanti ni Virgel. “HUWAAAAGG!!” Sigaw niya bago tuluyang hinampas ni Virgel ang hawak niya.
Mabilis na dumanak ang dugo sa ulo nung lalaki nung matumba ito. Nawalan ito ng malay sa lakas ng pagkakahampas.
Pero mukhang hindi pa kuntento si Virgel. Lumapit pa ito sa may uluhan nung lalaki at tsaka muling bumwelo “HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Sobrang lakas ng tawa nito habang paulit ulit na hinahampas ang hawak nitong batuta sa mukha nung lalaki. “ANG SARAP MONG PAGMASDAN! HAHAHAHAHA!”
Patuloy lang ito sa kanyang ginagawa nang biglang kumirot ang ulo niya. “Arrghhhh!” Napahawak siya rito at tsaka napaungol sa sobrang sakit “ ARRGHHH!“ Sigaw nito bago ito mawalan ng malay.
[ Virgel’s PoV ]
“Maya-maya ay magigising narin ang pasyente. Hindi naman nagkaroon ng fracture ang bungo niya kaya okay lang siya. Nagkaroon lang ito ng konting sugat sa ulo niya.”
“Sigurado ka ba, Doc? Hindi kaya magkaamnesia siya dahil sa nangyari?”
“Hindi naman miss kaya wag na kayong mag alala.”
“Maraming salamat po Doc.”
“.Sige mauna na ako.”
Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata ko at napaimpit nalang ako sa sakit nung ginalaw ko yung ulo.
Ang sakit.
Tinignan ko ang nasa paligid ko. Andito ang limang myembro ng Virgo. Si Hell andun lang malapit sa pintuan samantalang silang apatn ay andito malapit sa’kin.
“Boss. Gising kana.” Bungad agad ni Elsa.
“Kumusta kana Boss?” -Ish
“May masakit ba sayo, Boss?” -Hugo
“Hala teka..ba’t hindi nagsasalita si Bossing? Hindi na ba niya tayo natatandaan? WAAA!! MAY AMNESIA SI BO–Araay! “ Daing ni Benz, binatukan kasi siya agad ni Ish.
“Di mo ba narinig ang sinabi ng doktor?” -Ish
Nasan ba ako? Nilibot ko yung tingin ko. Ba’t parang silid ’to ng isang ospital. Tinignan ko ang suot ko. Nakapag pasyente nga ako ng suot.
Anong nangyari?
Pinilit kong inalala ang mga huling natatandaan ko. At unang pumasok sa utak ko ay yung duguang ulo ni Kael.
“S-si Kael? Asan si Kael?!” Agad kong tanong. Naalala ko na. Huli kong natatandaan ay nakahiga si Kael na walang malay dahil dun sa tatlong lalaki.
Ano bang nangyari pagkatapos nun?
“Nakaconfined siya sa isang room ngayon, Boss. Okay lang naman daw siya sabi ng doktor. Hinimatay lang daw siya dahil sa tama niya sa ulo.” Sagot ni Ish kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Mabuti naman.”
“Alam mo na ba ang nangyari kagabi, Boss? “ Tanong ni Hugo kaya umiling ako. Bigla na naman kasing nagdilim yung paningin ko nung makita ko si Kael na nakahandusay.
“Nagwala kana naman. Nagising na naman ang isang katauhan mo. At ngayon alam na namin kung gaano ito ka delikadong gisingin.” Sabi naman ni Hugo kaya nangunot ang noo ko.
“Anong ibig mong sabihin Hugo?”
“
Napatay mo yung dalawang lalaki, Boss.
Yung isa dead on the spot, di na ma itsura ang mukha. habang yung isa naman dead on arrival. Namatay daw ito sa matinding pagsakal. Sagot ni Ish kaya natigilan ako. Di ako makaimik sa sobrang pagkabigla.
Anong..
Tama ba yung narinig ko?
Ako? N-nakapatay?
“A-anong pinatay? W-wala naman akong pinatay ah..”
“Yung isa sa tatlong lalaking nakabangga niyo kahapon ay buhay pa. Pero halos mabasag rin yung ribs niya dahil sa tinamo. Andun din siya sa isang room ngayon nakaconfined. Tinanong namin siya kung anong nangyari. At ang sabi niya kagagawan mo daw ang lahat ng ’yun. Bigla ka nalang daw nagwala. Para daw biglang nagbago yung ugali mo.” Paliwanag ni Hugo kaya tuluyan na akong bumigay.
Napatingin nalang ako sa puting dingding habang tulalang tumutulo yung mga luha ko.
Hindee.
Hinde ko magagawa yun..
“Mapanganib, Mamamatay tao, walang awa! GANUN AKO! GANUN KA! GANUNG KLASENG TAO KA VIRGEL! “
“ISA KANG WALANG AWANG NILALANG!”
“IPINANGANAK KA PARA PUMATAY VIRGEL!”
“Boss okay lang yan, Hindi mo naman sinasadya ’yun eh “ Sinubukang pagaanin ni Elsa ang pakiramdam ko para sa oras na ’to parang ayaw ng makinig ng utak ko.
“Pinatay ko sila.” Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakalaki ng kasalanan ang ginawa ko. Ba’t ko nagawa ang bagay na’yun? Ba’t ko nagawang pumatay ng kapwa tao?
“ Wag mo ng isipin yun Boss.“
“Wag isipin? Kinukumpara niyo ba ako sa mga tulad niyong sobrang dali lang ang pumatay?” Parang masisiraan na ata ako ng bait habang iniisip ang mga buhay nilang nasayang dahil lang sakin. Ang mga pamilya nilang nawalan. Ang mga pangarap nilang naudlot dahil sa pagputol ko sa buhay nila.
Pinatay ko sila..
“Diba desidido ka ng maging Boss namin?!” Nabalik ako sa ulirat nung biglang napasigaw si Hell. Tumingin kaming lahat sa gawi niya.
“O-oo p-pero–”
“Kaya ano pang iniiyak iyak mo jan? Yung dalawang pinatay mo? Napakaliit na bagay lang nun! Isa ka ng Mafia Boss ngayon, Virgel! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, hinding hindi mo na maiiwasan pa ang makapatay! Itatak mo yan sa utak mo!” Lahat kami ay natigilan. Napagtanto ko nalang sa sinabi niya na totoo pala talaga ’tong ganito. Na may ganito pala talagang nangyayari sa masalimuot na mundong ’to.
Ipinanganak nga lang ba talaga ako para magdusa sa ganitong klaseng mundo?
Pinanganak nga lang ba talaga ko para pumatay?
-To Be Continued…
-MajorSin
Episode 13: Preparing
Episode 13:
Preparing
(Patingin sa media. Pic nila Virgel at Agnes. Kirisaki Chitoge as Agnes :) Check niyo nalang sa google ibang pics niya hahah )
EditedOct2018
[Virgel’s PoV]
Mukhang ganito na ata talaga ang kapalaran ko. Itong mundo na’to na nga ata talaga ang iikutan ko. Nangyayari ang lahat ng bagay dahil sa rason. At sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, siguro ito na nga yung rason nun. Ang mapadpad dito at masanay.
Sinubukan kong bumangon kaya agad umalalay sila Ish. “Dahan dahan, Boss.”
“Siguro nga tama ka.” Tinignan ko si Hell na seryoso lang na nakatingin sakin habang nakahalukipkip. Kahit siya ang pinaka seryoso sa kanila, siya lang rin ang may kayang ipamukha sa akin ang mga bagay bagay. “Dapat na akong masanay.”
Tinignan ko si Ish. “Ish, pakiusap dalhin mo ako sa lalaking ’yun. May itatanong lang ako.” Tumango naman siya at inalalayan akong makatayo sa kama. Mejo mabigat parin yung ulo ko pero kailangan ko ng makausap yung lalaking yun.
Pagkarating namin sa room niya, nakita ko siyang nakahiga lang sa kama niya at parang ang layo ng iniisip.
Galit parin ako sakanya dahil sa ginawa niya kay Kael pero may parte sa’kin na naaawa rin ako dahil sa kalagayan niya ngayon.
Nung makita niya kaming pumasok, biglang napalitan ng sobrang takot na may kasamang galit ang mga mata niya. Na para bang nakakita siya ng halimaw sa harapan niya.
“B-baket ka nandito?! Papatayin mo din ba ako, ha?! Halimaw ka–arghhh!” Napahawak siya sa dibdib niya nung napalakas ang sigaw niya. Sabi nila halos mabali na rin daw ang ribs niya sa tinamo sakin. Napayuko nalang ako.
“May baril ako dito ungas. Sigawan mo pa ulit si Boss at pasasabugin ko yang bunganga mo.” Seryosong banta ni Ish kaya agad ko siyang inawat. “Tama na, Ish.” Ayoko ng lumaki ang gulo.
Lumapit ako sa gawi nung lalaki kaya halos mapaatras siya sa hinihigaan niya. Di ko akalain na dadating ako sa puntong may matatakot ng makakita sa pagmumukha ko. “Hindi ako pumunta rito para manggulo. May itatanong lang ako sayo.” Sabi ko. Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako. “San dinala ng mga kasama niyo si Agnes?” Tanong ko pero parang pinipigilan niyang sumagot.
“Tinatanong ka ni Boss! Sumagot ka!” Sigaw na naman ni Ish kaya sininyasan ko lang siya na tumigil.
“Pakiusap sabihin mo sa’kin, kailangan kong iligtas si Agnes.” Pagmamakaawa ko. Tinignan lang niya ako sa mata at sobrang tagal sumagot. Pero maya maya pa’y nakumbinse ko rin siya.
“Andon siya sa kamay ni Boss Victor ngayon.”
“Saan? Anong lugar? Pakiusap sabihin mo sa’kin.” Bigla naman siyang natawa sa tanong ko.
“Tinatanong mo kung nasaan siya ngayon? Hindi mo alam kung sino ang kakalabanin mo bata. Ang El Satans Gang ang pinakamalakas na Gang dito sa lugar natin. Pinamumunuan ito ni Boss Victor Casero. Isang dating myembro ng Elfame Mafia kaya sigurado akong hindi mo siya kaya.” Pagkasabi niya nun, si Ish naman yung biglang natawa.
“Hindi mo rin kilala yang kinakausap mo ngayon adik. Kaya wag mo siyang mamaliitin.” Bigla namang nangunot ang noo niya sa sinabi ni Ish.
“Sino kaba?”
“Hindi mo na kailangang malaman pa. Kaya sige na, bigyan mo na ako ng lugar kung saan ko mahahanap si Agnes.”
“Kasapi rin ba kayo ng Mafia?” Natatawa niyang tanong “Kung ganun mas lalong manganganib lang ang mga buhay niyo. Sigurado akong pupulbusin kayo ni Boss Vic pag nalaman niyang parte kayo sa isang Mafi–.”
“Wala akong pakealam.” Di ko alam kung ano ang nag udyok sakin na maging bastos na naman ang bibig ko. Nakita ko namang napalunok siya sa sariling laway habang nakatitig sakin. “Lugar ang gusto kong susunod na marinig jan sa bibig mo.”
–4 Days Later–
[3rd Person’s PoV]
Apat na araw ng nakakulong si Agnes sa isang malaking hawla dito sa silid kung saan tahimik lang na nakaupo sa sirang trono si Victor na kaharap lang niya.
“Bakit hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo?” Kung gaano kalambing ang boses nito noon, ay siya namang ikinalamig nito ngayon. Sobrang laki na talaga ng pinagbago nito. “Kinakausap kita, Agnes.” Muling usal niya pero nakayakap lang ito sa dalawang tuhod niya habang nakaupo.
“Dalawang araw ka ng hindi kumakain. Gusto mong mamatay sa gutom?”
“Edi mamatay. Mas okay nga yun eh.” Biglang napakuyom ng kamao si Victor dahil sa inaasal nito sakanya. Sa sobrang galit ay tumayo siya at lumapit sa hawla. “Gusto mong pinipilit ha.” Binuksan niya ang hawlang yun at tsaka pumasok rito. Agad namang nakaramdam ng kaba si Agnes dahil sa pagpasok nito.
Kinuha ni Victor yung pagkain at tsaka lumapit kay Agnes. Marahas nitong hinawakan ang bibig niya at tsaka pilit na binubuka. “Wag kang titikom!” Nanlilisik ang mga mata nito. Kinamay nito yung pagkain at tsaka sapilitan pinakain kay Agnes. “IBUKA MO!” Sigaw nito pero pilit paring tinitikom ni Agnes ang bibig niya. Sobrang dungis na ng bibig niya dahil sa ginagawa ni Victor. At habang tinitignan niya ang mukha ng dating taong minahal niya, di niya maiwasang mapaluha.
Di niya inakalang aabot sa puntong makikita niya ang taong ’to na mag iiba ng ganito.
Natigil naman sa ginagawa si Victor nung makita niyang tumutulo ang mga luha ni Agnes. Parang maski siya ay nabigla sa pinaggagawa niya. Narealized lang niya yun nung makita ng umiiyak ang taong mahal niya.
Dahan dahan siyang napaatras. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Ilang beses na niyang natatrato ng masama si Agnes pero yung sakit sa tuwing nakikita niyang umiiyak ito dahil sakanya, napaka sariwa parin ng sakit.
Tinignan niya ang hawak niyang pagkain, at sa sobrang galit niya sa sarili, tinapon niya ito ng sobrang lakas “ARRRGGHHH!!” Napahawak na siya sa sintido niya dahil gulong gulo na siya sarili niya.
“Ano na bang nangyayari sayo, Vic?” Napipiyok na ang boses ni Agnes dahil sa pag iyak.
“Hindi ko alam.” Tanging nasagot nalang nito at tsaka yumuko. Ngumiti ito ng sobrang pait “Hindi ko na alam, Agnes.” Huling sagot nito bago lumabas sa hawla at muling itong nilock.
Anim na taon ang agwat ng edad nilang dalawa, pero di naging hadlang ang kahit ano sakanila nung maituring na nilang mundo ang isa’t isa. Lahat masaya noon. At wala silang kaide ideya na dadalhin lang pala sila ng tadhana sa ganito klaseng mapait na sitwasyon.
[ Virgel’s PoV ]
Apat na araw na ang nakalipas simula nung nangyari sa hospital. At ewan ko ba, apat na araw ko na rin siyang iniisip. Hindi padin mawala sa isip ko yung ginawa kong kabastusan kay Agnes
Andito ako sa rooftop ngayon nagpapahangin. Iniisip kung anong gagawin ko mamaya.
Mabuti at sinabi din sakin nung lalaki ang lokasyon ng Hideout nila. At ang sabi pa niya, para lang daw kaming nagpapakamatay kung pupunta kami dun.
Isang banta yun para sakin, pero sa ngayon hindi na ako nagpadala pa sa takot ko. Kailangan kong iligtas si Agnes kahit na ano pa ang mangyari sakin.
Plano ko na siyang sagipin mamayang gab kasama sina Kael. Hindi makakasama si Hugo dahil busy siya sa companya, pati rin si Ish busy, may nireresearch daw kasi siya. Si Elsa naman gusto sanang sumama kaso ako yung may ayaw. Baka kasi mapahamak pa siya eh. At nung tinanong ko si Hell kung pwede ba siya, masyado daw baduy ang isang gang para patulan niya.
Kayang kaya na daw namin yun dahil anjan naman si Benz. Hindi ko alam pero sa sinabi nila parang ang laki ng tiwala nila sa makwelang tao na yun. Hindi naman sa nagdududa ako sa kakayahan niya, pero kasi kung pagbabasehan mo yung ugali niya, parang hindi kasi seryoso e.
Pero ewan lang, may sabi sabi na kung sino pa yung pinaka makwela sa grupo, yun pa yung sobrang nakakatakot galitin.
Anjan rin naman si Kael. Isa sa malalakas na Walong Diablo kaya wala na dapat akong ikaproblema.
At syempre, andito din naman ako. Marunong naman akong tumakbo e.
Hehe.
-Virgo’s Mansion-
7:26
pm.
“Ready na ba kayo?” Tanong ni Ish samin. Andito na kaming anim ngayon sa sala. Wala si Hugo dahil may inasikaso pa siya sa companya.
“~Alriiightt!! Readyng ready na ako!” Masiglang sigot ni Benz at ngumiti lang kami ni Kael.
Sa totoo lang kinakabahan talaga ako ngayon. Ito ang magiging unang misyon ko bilang kasapi ng Mafia. Dati assignment lang naman yung pinagkakaabalan ko tuwing gabi. Tapos ngayon paglusob na ng isang hideout. Anak ng tokwa naman talaga.
“Boss, relax lang ah. Maliligtas mo din yang Girlfriend mo.” Tinapik pa ni Ish ang balikat ko habang ngumingisi ng nakakaloko.
“Hindi ko nga yun Girlfriend. Kanina pa kayo e.” Kamot ulo kong sagot kaya napatawa nalang sila. Inassume nila na girlfriend ko daw yun kasi ang desidido ko raw na maligtas siya.
“Eh ba’t ganyan ka nalang kadesididong iligtas yung Agnes na’yun?, ha Boss? “ Pang asar na naman ni Ish kaya napaisip ako.
Baket nga ba?
“Oh tignan mo! tignan mo! hindi makasagot ooh! Waaaaa! Lumalandi na pala kayo Bossing!” Sabi naman ni Benz kaya mas lalo pa sila natawa. Kainis naman eh :(
“Huwag nga kayo! Hindi ko ’yun Girlfriend! Gusto ko lang siyang iligtas kasi kailangan niya ng tulong natin! yun lang naman yun!” Sigaw ko. Ba’t kailangan ko pang depensahan ’tong sarili ko amp.
“Pano mo nasabi?” Tanong ni Benz at tuloy na naman sila sa pagtawa. Napailing nalang ako. Abugbugin ko kaya ’to.
“Maghaharutan nalang ba kayo jan?” Singit ni Hell habang naka de kwatro na upo sa isang couch. Napakamot rin tuloy sila Benz sa ulo. Pft.
“Virgel.” Tawag niya sakin kaya tumingin ako sakanya. “Ngayon mo patunayan sa’min na karapat dapat ka nga jan sa posisyon mo na yan.” Ang seryoso niya talaga. Pero ewan, nasanay na ata ako kaya ngumiti ako sakanya
“Pangako. Papatunayan ko yan. Iuuwi ko dito ang ulo ng Boss nila.” Sagot ko dahilan para matulala sila saglit. Dun ko lang napagtanto yung mga nasabi ko.
Anak ng..
Kusa nalang talagang sasagot tong bibig ko ng mag isa minsan kahit wala sa isip ko. “Ahh ehh..hinde..ano..”
“WOOAAAAAAHHH!!” Binasag ni Benz ang katahimikan sabay tulak sa’kin ng pabiro. Tapos tumalon talon pa sila Ish habang niyuyugyog ako.
“Tae ang cool ng Bossing natin nakaka horny!” Sigaw ni Benz sabay akbay sa’kin at tsaka tumalon talon pa. Nagtawanan tuloy silang lahat.
**
Nung humupa ang tawanan ay dinouble check na namin ang sarili. “Oh sige na, umalis na kayo. Baka wala na kayong abutan na Agnes dun.” Sabi ni Ish kaya kinuha na namin ang mga pwede naming dalhin.
“Pakiabot nga yung isa kong samurai, Ish.” Pakiusap ni Benz kaya kinuha ito ni Ish at inihagis sakanya.
“Tatlong samurai? Sigurado ka ba jan, Benz? Ang alam ko dalawa lang ang ginagamit mo. “ Tanong ni Elsa. Nag smirk naman si Benz
“Pang kulangot ko lang yung isa, Elsa heheh.”
“Hahahahahaha! Siraulo!” -Ish
Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga kausap to si Benz hahaha
“Ano yang nilalagay mo, Kael? “ May nilalagay kasi siyang parang mga holen sa bag at sa bulsa ng pantalon niya.
“Mga bomba to Boss, Itong parang holen, mini bombs tawag dito at ito namang parisukat smoke bombs, pampatakas kung magka aberya man tayo.” Paliwanag niya. Napansin niya atang nakanganga lang ako kaya natawa siya.
“Eto ang specialty ko sa pakikipaglaban Boss. Ang paggamit ng ibat ibang klase ng Bomba. “ Nakangiti niyang sabi.
Grabe, kahit magkaedad lang kami alam na agad niyang gumamit ng mga ganyan. Sa watusi pa nga lang takot na ako e. Tas siya..haay, kunsabagay, di naman siya magiging kasapi ng Walong Diablo kung pagtakbo lang yung alam niya tulad ko e hehe.
“Anong armas pala ang gagamitin mo, Boss?” Tanong naman niya kaya napakamot ako sa ulo.
“H-hehe ang totoo niyan wala eh. Di pa kasi ako marunong gumamit ng baril.” Di pa kasi ako nakakapag umpisa dun sa shooting training eh.
Lumapit naman si Ish sa’min. “Wag kayong mag alala, naresearch ko ang ilang impormasyon ng El Satans Gang kanina. At based sa research ko, hindi sila gumagamit ng mga baril. Kutsilyo, Blade, Batuta, at iba’t ibang klase na pwedeng ipanghampas lang ang mga armas na ginagamit ng mga myembro nito.” Paliwanag ni Ish.
“Walang dapat ikabahala? Eh may armas padin sila eh, pwede parin yung makapatay pag tinamaan ka.” Giit ko.
“Sa mga nakaraang tennis ball training na ginawa natin, masasabi kong namaster mo na ang focus Boss. Pati ang reflexes mo nag enhanced narin ng husto. Kaya sigurado akong maiilagan mo na lahat ng atake na gagawin nila sayo. Pwera nalang kung baril ang armas nila. Mahirap ilagan ang bala. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala silang mga baril kaya wag ka ng mabahala pa.” Sagot ni Ish sabay tapik sa balikat ko. Sabagay, nagiging slowmo nga talaga ang kalaban ko pag inaatake nila ko. Gaya nalang nung nangyari sa rooftop.
“Oh pano? Tara na. Anong oras na.” Nakita kong handa na sila Benz kaya huminga muna ako ng malalim.
Heto na. Di na ako pwedeng umatras pa.
Kung ano man ang magiging kalalabasan ng misyon na ’to, isa lang ang sini sigurado ko.
Makakaligtas si Agnes sa lugar na yun.
“Tara.”
-To Be Continued..
-MajorSin
Episode 14: Benjamin
Episode 14:
Benjamin
–SAVING AGNES ARC–
[ Virgel’s PoV ]
“Wooah”
Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko nung makita na namin ang hideout ng ‘El Satans’.
“Ang dami nila.” Dagdag ko habang nagtatago dito sa halamanan. Si Benz at Kael naman ay kalmado lang na nakatayo at nakatingin sa halos isang batalyong kalaban na nagbabantay sa labas ng Abandunadong budega. Parang sanay na sanay na sila sa ganito.
“Uy magtago kayo, baka mahuli nila tayo dito.” Bulong ko pero natawa lang sila. Anong nakakatawa? Kinakabahan nanga ako ditoo.
“Walang mangyayari kung magtatago lang tayo dito, Bossing. Sige na, ako na ang bahala sa mga yan. Kukunin ko lahat ng atensyon nila tapos pumasok na agad kayo sa budega.” Presenta ni Benz kaya napatayo nalang ako.
“Hindi pwede Benz! Walang magpapaiwan dito! Lalaban tayo ng–”
“HOY!! ANONG GINAGAWA NIYO JAN?!” Mabilis akong napalingon sa harap namin nung may biglang sumigaw. Nakatingin na silang lahat samin ngayon.
Anak ng! Napasigaw na pala ako ng wala sa oras. Kahit kailan talaga Virgeeel!
“Sige na Bossing, doon na kayo dumaan sa gilid. Pipigilan ko sila sa abot ng makakaya ko.” Ngayon ko lang napagtanto na mas maangas pala tignan si Benz kesa kay Hell kapag seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kaseryoso. Bigla ko tuloy naalala kung gano ka kampante sila Ish sa misyon na’to dahil kasama daw namin si Benz.
“Ikaw na ang bahala kay Bossing, Kael. Protektahan mo siya. May tiwala ako sayo.” Bilin niya kay Kael. Di maalis yung tingin ko kay Benz. Ba’t parang may kakaiba sakanya?
“Ako na ang bahala.”
[ Benz’s PoV ]
“Ako na ang bahala.”
“KALABAAAN!!!” Napansin ko ang limang kalaban na papalapit sa amin kaya agad ko na silang pinaalis.
“Umalis na kayo! Susunod nalang ako sa inyo!” Sigaw ko kaya hinigit na ni Kael si Bossing.
“Benz..” Tawag ni Bossing saglit kaya napatingin muna ako sakanya.
“Sumunod ka samin ng Buhay. Utos ko yan bilang Boss mo.” Bilin niya kaya di ko mapigilang ngumisi.
Nagthumbs up ako sakanya sabay sabing “Alriiighht~!”
“Ikaw nga talaga yan. Hehe.” Napakamot pa siya sa ulo niya habang sinasabi yan kaya nagtaka ako. Di ko na nagawang itanong kung anong ibig niyang sabihin dahil dali dali ng hinigit ni Kael si Bossing palayo.
Ngayon ay binaling ko na ang tingin sa limang mga panget na papalapit sakin. Dahan dahan kong nilabas ang dalawang samurai sa kanilang mga lungga.
“Excited na ba kayo ha, Upin? Ipin?” Tanong ko sa dalawa kong samurai. At syempre, hindi sila sumagot. Ewan ko nalang kung sasagot sila ng ‘Yes Boss!’ Baka maitapon ko pa to ng wala sa oras pag ganun hahahaha.
“Poon Poon? Relax ka lang jan ah? Gagamitin rin kita mamaya pag nagka aberya. Sleep ka muna jan.” Bilin ko sa isa ko pang samurai na nakasabit sa balakang ko. At syempre, hindi rin siya umimik mehehe.
“ARGGHHH!!” Nakita ko ang pag bwelo nilang lima papalapit sakin gamit ang mga itak na hawak nila. Pero bago pa sila makalapit sa’kin, nakalagpas na ako sa kanila.
Tumba lahat ng katawan ng lima matapos kong hampasin ang mga batok nila gamit ang puluan ng mga samurai ko.
Napapikit nalang ako sa sobrang sarap sa pakiramdam. Matagal-tagal narin akong hindi nakakasabak sa mga ganito.
“Hoy totoy, ang lakas ng loob mong pumasok sa teritoryo namin ah. Mahal ka ba ng nanay mo?!” May narinig akong sumigaw sa unahan ko kaya napamulat ulit ako.
Pagtingin ko sa paligid, napapalibutan na pala nila ako. DI ko tuloy mapigilang matawa.
“Anong nakakatawa?!” Sigaw nung isa.
“Wala, ang papanget niyo lang kasi. Para kayong mga extra goons sa isang comedy action ng mga 90’s na palabas.” Sagot ko bago ngumisi ng nakakaloko–dahilan para magmarka ang mga ugat nila sa noo sa galit.
May nagtangka pang lumapit sakin pero gaya ng nauna, bago pa man siya makaatake sakin ay nahampas ko na yung puluan ng samurai ko sa batok niya na ikinawala niya rin ng malay.
Hindi ako pumapatay ng tao dahil bad yun heheh simpleng ganito lang ayos na sakin. Basta mapigilan ko silang makalapit kay Bossing ayos na.
Nginitian ko silang lahat.
“May pagod pa ba sainyo? Pila lang kayo, patutulugin ko kayo isa isa.” Pagkatapos kong sabihin yan, sumugod na agad silang lahat papunta sa’kin kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko kila Upin at Ipin. Alam ko excited nadin sila ih hehe.
“SLEEP TIME, MONKEYS!”
**
[ Ish’s PoV ]
“Sigurado ka bang okay lang talaga na silang tatlo lang ang pumunta dun? Diba sabi mo napakarami ng myembro ng Gang na’yun?” Nag aalalang tanong ni Elsa. Actually pang sampu na niyang tanong yan kaya mejo nauurat na ako. Mga babae talaga.
“Kanina kapa jan eh. Sabi ng oks na oks lang sila dun. Mababang uri lang ang mga gangster na yan kaya wag kanang mabahala jan.” Sumandal ako sa inuupuan kong couch at tsaka napatingin sa kawalan.
“Eh pero marami ang kalaban. Tatlo lang sila. imposibleng hindi sila mahirapan dun.” Napangisi nalang ako sa sinabi niya.
“Basta, magiging okay din ang lahat.”
[ Benz’s PoV ]
Hindi naman sila ganun kabilis para mahirap iwasan, pero ang problema, sobrang dami nila na hindi mo na alam kung saang banda ka iilag habang umaatake ka. Ang hirap pag nagpipigil ka.
Sa kakailag ko, may napansin akong umatake sa kaliwa ko kaya agad kong nabwelo ang samurai ko ng kusa. Tatama na sana yung patalim sa leeg niya nung bigla kong marealize ang galaw ko. Mabilis kong binaliktad yung samurai kaya yung likod lang yung tumama sa leeg niya at hindi ito nahiwa.
De baliktad yun baliktad. Ginaya ko lang si Battousai mehehehehe.
Pero muntik na.
Muntik na akong makapatay.
Hangga’t pwede ay di ko kikitilan ang mga buhay nitong mga ’to. Hangga’t kaya kong magpigil, magiging okay lang ang lahat.
Pero ena, sobrang dami talaga nila.
Tumigil ako saglit kaya napatigil rin sila sa kinatatayuan nila.
“Anong problema, totoy? Pagod ka na ba?” Tanong na naman nung isang kalbo.
“Hindi naman, ang totoo niyan mas lalo niyo pa akong ineexcite eh” Ngisi ko sakanila.
“May tanong lang ako. Sino ka ba at ang lakas ng loob mong kalabanin ang grupo namin?” Tanong ni Kalbo.
“May tanong rin ako, kalbo. Anong Gel gamit mo?” Tanong ko pabalik at may ibang mga kasamahan niya yung nagtawanan kaya mas lalong nanlisik ang mga mata
“HANGAL KA!!” Sigaw niya at sumugod na naman ang isang batalyong panget papunta sakin.
Game na ulit!
[ 3rd Person’s PoV ]
Naalimpungutan bigla si Agnes nang maramdaman niya ang mga haplos ng kamay sakanyang buhok. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata galing sa isang mahabang pagkakatulog.
Unan?
Yun ang unang pumasok sa utak niya dahil nakasandal ang ulo niya ngayon sa isang parang unan.
Sinubukan niyang tignan ang nasa harap niya at tuluyan nalang napawi ang antok niya nang makita niya si Victor na hinahaplos ang buhok niya. Nakahiga siya ngayon habang unan unan ang hita ni Victor na kasalukuyang pinagmamasdan lang siya habang hinahaplos ang buhok niya.
Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga dahil sa gulat. “Anong ginagawa mo dito?” DI niya namalayan ang pagpasok nito sa hawla niya at pagtabi nito sakanya.
“Gusto lang kitang makitang natutulog, Agnes.” Sagot nito sa isang mababang tono. Parang mejo nasaktan ito sa ginawa niyang paglayo agad na para bang isa siyang halimaw sa paningin niya.
“Pwede mo naman yang gawin sa labas.” Giit ni Agnes
“Ng malapitan. Tulad nung dati. Habang hinahaplos ko ang maganda mong buhok.” Ngumiti ito ng pilit sa harap niya. Madalas nila yang ginagawa dati pag naglalambingan sila. Hihiga siya sa hita ni Vic at tsaka sila magkkwentuhan hanggang sa makatulog siya. Tapos pagmamasdan lang siya ni Victor habang hinahaplos yung buhok niya.
Dati gustong gusto ni Agnes ang pakiramdam na yun, pero ngayon tila iba na sakanya ang lahat. Dahil sa mga nagawa nitong pananakit sakanya, parang puro takot nalang yung nararamdaman niya pag lumalapit itong taong ’to sakanya.
“Madalas naman natin yang ginagawa dati hindi ba, Agnes?” Tanong pa nito kaya napaiwas nalang siya ng tingin.
“Huwag mo ng ikumpara kung ano tayo dati sa kung ano na tayo ngayon, Vic.” Dahil sa sinabi niya ay bigla na namang nagbago ang expresyon nito. Mula sa isang malungkot ay bigla nalang nanlisik ang mga mata nito. “
Nagbago na ang lahat. Di na natin yun maibabalik pa hangga’t ganyan ka.“
“Ano pa bang gusto mo?!” Napatayo ito sa sobrang inis. “Ginagawa ko naman lahat para maging maayos tayo! Pero sayo..” Mula sa inis, bigla na namang tumamlay ang mukha nito “Ba’t parang kulang parin?”
“Hindi ganyang Victor ang minahal ko dati. Hindi ganyang Victor yung nakilala ko.”
“Ano bang nawala sakin?!”
Tinignan niya si Vic sa mga mata bago sumagot “ Ba’t ganyan na yang mga mata mo? Ba’t parang puno na ng puot at galit?“ Nanlaki ang mga mata ni Vic sa narinig niyang tanong. Hindi niya inaasahan ang mga katagang yun kaya di siya nakailag. Napaiwas siya ng tingin kay Agnes at inis na kinuyom ang kamao.
Isang nakakabingin katahimikan ang bumalot sa dalawa matapos yun. Walang may gustong magsalita. Hindi makasagot si VIc.
Mabuti nalang ay may biglang pumasok sa silid na yun “B-oss..” Tawag ng isang tauhan niya. “May tatlong lalaki po ang umaatake ngayon sa teritoryo natin.” Balita nito.
“Susunod ako.” Tanging sagot lang ni Vic kaya muli na itong lumabas para tulungan yung mga nasa baba.
Maya maya pa ay lumabas nalang si Vic sa hawla bago ito nilock. “Iiwan muna kita. Babalik rin ako agad.” Sa pagkakataong ’to, si Agnes naman ang natigilan. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip nalang sa bibig dahil sa kung anong emosyon ang biglang bumalot sakanya.
Ang mga katagang yan..
.
-Flashback-
Napahawak nalang si Agnes sa tiyan niya dahil sa sobrang kabusugan. Di mapigilan ni Victor ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ito. “Woaa help. Ang hirap huminga.” Usal nito kaya tuluyan ng natawa si Vic.
“Ikaw kasi. Ba’t kasi ang dami ng inorder mo.”
“Eeeeehhhh. Ansasarap ng pagkain nila dito eh.”
“Pagdating talaga sa pagkain eh no.”
“Namaaaaan! Hehehe”
“Oh saan mo pa gustong pumunta?” Ngiting tanong ni Vic. Dito talaga mas lalong nahulog si Agnes sa taong ’to e. Yung ngiti niyang hindi mo kayang makita sa iba. Napaka puro at napaka natural lang. Pinagtitinginan man sila minsan dahil sa agwat ng kanilang edad, wala siyang pakialam. Basta ang importante sakanya, makasama niya ’tong taong mahal niya.
“Kahit saan, basta kasama kita.”
Nag ngitian lang silang dalawa pagkatapos nun. Ayaw man nilang sabihin, alam na nila sa sarili nilang kuntento na sila sa isa’t isa. Di man sila masabing perpekto, pero nagiging perpekto naman ang lahat sa tuwing magkasama sila.
Biglang nag ring ang phone ni Vic kaya sinagot niya ito saglit.
“Hello, Frost?”
[Na’san ka? Kailangan ka ngayon dito! May nagtatangka sa buhay ng King! Nasa panganib si Rain!]
“Ano?!”
Nagulat si Agnes sa biglaang pagsigaw nito.
“Nasan kayo?!”
[Sa palasyo. Bilisan mo!] Sagot nito bago binaba ang phone. Tulala lang si Vic habang pilit na sinisink in sa utak niya ang sinabi ni Frost. Lalo na nung sinabi niyang nasa panganib si Rain.
“May problema ba?” Alalang tanong ni Agnes dahil kita niyang parang balisa ito.
“P-pasensya na Agnes pero…”
“B-bakit? Ano bang nangyari?” Tanong niya pero di na ito sinagot pa ni Vic at dali dali nalang itong tumayo. Hinalikan siya nito sa noo at tsaka ngumiti ng pilit.
“Iiwan na muna kita. Babalik rin ako agad.”
-End of Flashback-
Yung mga katagang yun ang huling narinig niya kay Vic bago ito tuluyang umalis noon.
At hanggang ngayon..
Hanggang ngayon hindi parin bumabalik ang Victor na yun sakanya.
[ Benz’s PoV ]
Kaasar!
Nakakaramdan na ako ng pagod pero hindi parin sila maubos ubos. May mga tinamo narin akong daplis na sugat sa braso at pisngi ko.
“AAARGGHHH!” May tatlong kalaban na sabay na umatake sakin sa harap kaya umatras muna ako para makaiwas, pero sa pag iwas ko, may nahagip ang kaliwa kong mata sa gilid na paatake rin sakin.
“Totoy..” Napatingin rito saglit at di ko na alam ang sunod na nangyari. Dahil sa pagod ay masyado ng bumagal ang mga galaw ko.
“Argh!” Napahiyaw nalang ako sa sakit habang hawak hawak ang kaliwang mata ko. Susubukan ko pa sanang gumanti pero tatlong hampas ng bat ang sunod sunod na tumama sa likuran ko. Tuluyan na akong napaluhod dahil dun.
“HAHAHAHA OH ANO?! ISA NALANG ANG PANINGIN MO NGAYON TOTOY!” Sigaw nung kalbo. At dun nalang ako napakagat ng labi sa sobrang inis.
Mukhang wala na akong magagawa. DI ito matatapos kung masyado akong magiging mabait.
“Pinilit niyo akong gawin to. Wag niyo sanang pagsisihan ’to sa huli.” Bulong ko
Sinubukan pang lumapit ng iilan sakin pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko kila Upin at Ipin at tsaka winasiwas ito sa harap ko.
Agad napaatras ang iilan nung makita nilang gumulong sa sahig ang dalawang ulo ng kasamahan nila.
“Anong..”
“A-ang mga ulo nila!”
“Gising ka na ba, Poon Poon?” Tanong ko habang dahan dahang binunot ang isa ko pang samurai
[ Ish’s PoV ]
“Okay lang kaya si Boss ngayon? Unang misyon pa lang niya yung gagawin nila. Baka mapahamak agad siya.” Di na talaga ’to natigil sa pag alala.
“Wala ka bang tiwala kay Boss?”
“Meron naman syempre, pero kasi..diba? first time palang niyang makipaglaban.”
“Alalahanin mong tatlo sila Elsa. Anong silbi ng kanang kamay niya? Andun si Kael, at tandaan mo, isa yun sa Walong Diablo kaya sinisigurado kong hindi ’yun mapapahamak si Boss. At tsaka..” Napatingin nalang ako sa kisame at napangisi. “Baka nakakalimutan mong andun din si Benz? Ang nag iisang abnormal na nagbibigay ng mga weirdong pangalan ng mga samurai niya.” Natawa tuloy ako sa nasabi ko.
“Alam ko engot ’yun. Pero pagdating sa labanan, siya yung tipong ayaw na ayaw mong makaharap pag nagseryoso na.” Dagdag ko. Hindi siya kukunin ni Boss Vlad dahil lang sa wala. Kung sino man dito sa amin ang maraming alam kay Benz tungkol sa buhay niya at sa nakaraan niya, ako yun.
[ Benz’s PoV ]
Kinagat ko ang puluan ni Poon Poon at tsaka ko hinigpitan ang paghawak kila Upin at Ipin.
“Abaaa, may bagong pakulo si totoy.” Usal nung kalbo at tsaka sila nagtawanan.
“L@#&$T!” ( Lapit! ) Sigaw ko
“Ano? Huwag mo kasing kagatin yang espada mo! Para kang tanga jan eh!” At muli na naman silang nagtawanan.
Ayaw niyong lumapit ah. Maya maya pa’y ako na mismo ang lumapit sakanila at sinugod lahat ng mga nagtawanan.
Sa isang bwelo at hampas ko, tatlong ulo agad ang napapatumba ko. Mas binilisan ko pa lalo ang paggalaw ng tatlong samurai ko sa paligid ko kaya madali ko sila naubos lahat.
Nakita ko ang iilang natulala nung makita nila ang nangyari sa mga kasamahan nila. May nagbabalak pang tumakas pero di na ako kasing bait kanina para pagbigyan sila.
Isang ikot ko lang pugot agad ang mga ulo nila.
Nakasanayan ko na ang ganito dahil sa nakaraan ko kaya di na ’to bago sakin..
Isang nakaraan na pilit kong binabaon sa limot..
Sa maikling oras lang, nakahandusay na lahat ng mga tauhan dito maliban sa kalbong ’to na may kagagawan ng magkakahiwa ng kaliwang mata ko.
Nilagay kong muli si Poon Poon sa balakang ko para makapag salita na. At habang tinitignan ko ang pagmumukha niya, parang gusto ng kalamnan ko na pagpira pirasuhin ang buong katawan niya.
“P-paano mo nagawang ubusin sila eh isa nalang ang mata mo?” Parang maiihi na sa sobrang takot ang itsura nito ngayon.
“Walang imposible sakin kalbo. Kahit nakapikit pa ako..” Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nung nanlisik ang mga mata ko. “Kaya ko kayong ubusin lahat.”
“A-anong klaseng mat–” Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, bumaon na si Upin sa sikmura niya. “Arrkk”
“Tinatanong mo ako kung sino ako kanina, diba? Hayaan mong ibigay ko sayo ang sagot..”
“Ako ang nasa pangatlong ranggo ng Virgo Mafia. Ako si…” Usal ko sabay bwelo sa hawak-hawak kong si Ipin.
“Roronoaaa~~ Zorrooo!!!~~” At sa isang iglap, bagsak agad ang ulo niya.
“Dejoke “ Ngisi kong dugtong sabay balik kina Upin at Ipin sa mga lungga nila. Pumunit rin ako ng tela sa damit ni Kalbo at tsaka ito itinakip sa kaliwang mata to.
“Ang totoo nyan kalbo ako talaga ang maalamat na ninja ng konoha na si Inuyasha mehehehe.”
“Pft. Dejoke lang ulit~” Ano ba’yan. Mukhang ako lang ata ang natatawa dun sa joke ko eh hahahhahaha
Nakarinig ako bigla ng pagsagog sa loob ng budega kaya nabalik ako sa wisyo. Sila Bossing nga pala. Kailangan ko silang tulungan
Sana ay maayos lang sila.
-To be continued..
-MajorSin
Episode 15: Wake Up
Episode 15:
Wake Up
–SAVING AGNES ARC–
[ Virgel’s PoV ]
“Boss dito” Bulong ni Kael kaya dali dali akong sumunod sakanya.
Nakapasok na kami ngayon sa loob ng budega. At tulad ng inaasahan ko, ang daming myembro ang nandito.
Nagtatago kami ngayon sa isang malaking wooden box sa gilid.
“Ano ng gagawin natin ngayon, Kael? “
May kinuha naman siya sa bulsa ng pantalon niya. “Oh heto Boss.” Sabay abot niya sa’kin ng sampung mini bombs.
“Uy h-hala teka. Di ko to alam gamitin uyy.” Taranta kong usal sakanya. Baka sumabog nalang to dito bigla!
“Para lang yang bato, Boss. Ihagis mo lang yan sa kalaban at automatic na yang sasabog.” Paliwanag niya. Ehh. Madali lang siya pakinggan. Pero baka magkamali parin ako. Alam mo naman ako, may pagka lampers.
“Nakikita mo yung pintuan na’yun?” Tanong niya sabay turo sa nag iisang pintuan sa itaas. Bale dadaan ka pa sa hagdanan na nasa gitna bago ka makapunta dun sa pintuang ’yun.
Tumango ako. “Paniguradong anjan si Agnes nagtatago. Dyan ka pumunta. Ako na ang bahala dito sa baba. Magtatapon ako ng smoke bomb para di nila tayo makita. Tapos samantalahin mo na agad ang pagkakataong umakyat.” Usal niya na ikinatutol ko agad.
“Ano?! Hindi pwede! Tutulungan kita dito!” Bakit ba ang hilig nilang magpaiwan? Si Benz nagpaiwan na kanina, tapos ngayon si Kael naman.
“Pero Boss–” Napatingin naman siya sa Box na pinagtaguan namin at agad nanlaki ang mata niya. “ DAPA!! “ Sigaw niya sabay higit sa’kin padapa.
At wala pang isang segundo, nawasak na yung malaking box na pinagtaguan namin.
Agad kaming lumayo sa wooden box na yun. Nahuli ba nila kami?
Pagtingin namin sa harap, isang lalaking nakatayo ang tumambad sa’min tapos may suot suot itong dalawang malalaking gaunlets sa magkabilang kamay niya. Mukhang siya ang sumuntok nung box kaya nawasak.
“Anong ginagawa niyo dito sa teritoryo ko?” Kalmadong tanong niya. Mukhang siya na ata ang tinatawag nung lalaki na Boss Victor nila.
“Nasaan si Agnes?! Pakawalan mo siya!” Ganti ko na ikinasalubong ng mga kilay niya.
“Si Agnes? Tinatanong mo kung nasaan si Agnes? Sigurado ka ba jan sa tanong mo? Kasi parang tinatanong mo lang rin sa’kin..” Agad nitong pinakita samin ang gaunlet niya habang sobrang talim ng tingin sakin. “Kung pwede ba kitang patayin ngayon mismo.”
Napalunok tuloy ako ng laway dahil sa sinabi niya. Nakakatakot naman ’tong isang ’to. Mukhang hindi nga siya isang ordinaryong gangster lang.
“Hindi mo kilala kung sino yang kinakausap mo kaya wag kang pakasisiguro jan.” Biglang singit ni Kael kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti lang siya.
“Uy ano ba.” Awat ko sakanya pero
“Anong gusto mong palabasin?” Mas sumeryoso na tuloy lalo yung mukha niya.
“Gusto kong palabasin na wala kang binatbat sakanya dahil isa ka lang Boss na isang pipitsuging Gang samantalang itong katabi ko? “ Sabi niya sabay tingin sa’kin. “ Ito ang Batang Boss Virgo Mafia.” Nakangising sagot ni Kael at kita ko nalang natulala saglit si Vic.
“Tama na Kael, baka lalo siyang magalit.” Nasabi pa naman nung lalaki sa ospital na ayaw na ayaw nito sa mga Mafia. Lagot ako neto :(
“Virgo Mafia..” Nung makabawi, nginisihan niya kami. “ Kung ganun mga Mafia kayo..“ Usal niya habang nakangisi. “ Sige, pag nakalampas kayo sa lahat ng mga tauhan ko dito, Dumiretso na agad kayo sa pintuang ’yun. Dun ako maghihhintay.“ Pagkasabi niya nun, Isa-isa ng nagsilabasan ang iba pang mga tauhan niya na may hawak na Axe, Kutsilyo at iba pang matatalim na bagay. Mas lalo pa silang dumami.
Tumalikod na si Victor at nag umpisa ng maglakad sa hagdan
“Ako ang tatapos sa mga buhay niyo kaya siguraduhin niyong makakaligtas kayo dito.” Pahabol niya. Kalmado lang siya, pero yung paraan ng pagsasalita niya. Parang balot na balot ng galit.
Seryoso siya sa sinabi niyang siya ang tatapos sa mga buhay namin. Sigurado ako dun.
“Saan kayo nakatingin mga bata?” Rinig kong usal ng isang lalaki kaya napatingin ako sa paligid ko.
Anak ng, napapalibutan na pala kami.
“Boss umakyat kana, ako na ang bahala dito.”
“Hindi pwede! Masyado silang madami. Tutulungan kita!” Giit ko. Sa sobrang dami ng mga nandito, imposibleng makaya ’to ni Kael ng mag isa. Kailangan niya ng tulong dito.
“Hindi na, kaya ko na silang lahat. Umakyat kana Boss.” Pilit niya.
“Sabay tayong aakyat Kael.” Madiin kong ganti kaya sa huli ay sumuko nalang siya sa pakikipagtalo.
“SUGOODDD!!” Nakita namin ang sabay sabay nila na pag sugod kaya agad na naming hinanda ang sarili namin.
B umunot si Kael sa bulsa niya ng mga mini bombs at tsaka inihagis niya ito sa mga kalaban. Ganun nadin ang ginawa ko.
Hindi gaanong malakas ang mga bomba, pero sapat na ito para mapuruhan ng sobra ang kalaban at di na magawang makalaban pa.
Kaso sa dami nila, hindi sapat yung hinagis naming bomba para patumbahin lahat. Wala na kaming nagawa kaya napilitan nalang kaming makipaglaban ng mano-mano.
Lahat ng hinahampas ng mga kalaban sa’kin ay naiilagan ko pero si Kael..isa siyang long range fighter dahil sa kakayahan niya kaya medyo nahihirapan siya sa ganitong madikitang labanan.
“Kael sa likod mo!” Sigaw ko nung makita kong may lalaking umatake sa likuran niya.
Masysado akong malayo para maabutan yun.
Hinde..
May isang samurai ang sumangga ng atake na yun kaya di natamaan si Kael. Pagtingin ko sa may hawak “Benz!” Buti naman at ligtas siya.
“Huli na ba ako mga repa?” Agad niyang inatake ang mga kalaban na malapit kay Kael gamit ang dalawa niyang samurai. Nung magkaron ng spasyo si Kael, nakabunot na ulit siya ng mga bomba at tsaka isa isang inatake ang iilan. Ang gagaling nila.
“Hoy bata!” May napansin akong isang patalim sa harap ko kaya napatingin ako dito.
Ang bagal..
Bago pa man ito tumama sa mukha ko, kinuyom ko na ang kamao ko at tsaka iyon inilagan. Kasabay ng pag ilag ko ay ang pag bwelo ng suntok ko. “Arrrggghhhh!” At kita ko nalang ang takot na expresyon sa mukha niya bago ko pinakawalan ang suntok ko.
Tumilapon ang katawan niya at nabangga sa isang wooden box. Lahat ay natigilan sa nagawa ko. Wasak yung wooden box sa lakas ng pagkakabangga nung lalaki dahil sa suntok ko.
Maski ako ay di rin makapaniwala. Napatingin tuloy ako sa kamao ko.
Ako ba ang may gawa nun?
“Ang lakas mo talaga Bossing!” Lumapit sila Kael at Benz sa gawi ko kaya napatingin ako sa kanila. Dun ko lang napansin ang kaliwang mata ni Benz.
“Anong nangyari jan sa kaliwang mata, Benz?” Nakabalot kasi ito ng tela.
“Mahabang kwento bossing. Sige na, umakyat kana, kami na ni Kael ang bahala dito. Susunod kami agad pag natapos namin tong mga cancer na ’to. “ Sagot niya at tsaka hinanda ang hawak niyang mga samurai. Ayan na naman ang seryosong mukha niya .
“Sigurado kayo?”
“Oo Boss. Ihahagis ko na ang Smoke bomb. Tandaan mong maigi ang dadaanan mo papuntang hagdanan ha?” Sabi ni Kael kaya tumango ako.
“Heto na..” Kinuha niya ang isang parisukat na bomba at tsaka ito pinagulong sa sahig. At dun nag umpisa ng nagkalat ang mga usok, kasabay nun ay inumpisahan ko naring takbuhin ang daan na tinandaan ko.
At sa kabutihang palad, nakalampas ako. Nakarating ako sa hagdanan.
“May tiwala ako sainyo.” Usal ko bago tinahak ang hagdanan. Kailangan ko ng bilisan. Naghihintay si Agnes sa silid na yun.
Pagkarating ko sa ikalawang palapag, kitang kita ko na yung pintua–
Natigil ako sa pagsasalita nung may bigla akong maramdamang papalapit sa mukha ko. Sa sobrang bilis nito ay hindi ko na yun nagawang ilagan. Tumilapon ako at nabangga sa pader.
Ba’t di ko namalayan ’yun?
Napatingin ako sa harapan ko.
“Bangon.” Usal nitong matangkad na patpating lalaki na may pulang buhok. Isa ba siya sa mga tauhan ni Victor? Pero ba’t wala siyang dalang armas?
“S-sino ka?” Tanong ko at babangon pa sana, pero di pa man ako nakakatayo ay nakalapit na naman siya sa’kin tapos sinipa niya ako sa tagiliran. “Arkkk!”
“Sino ako? Ako si Tron. Ang nagbabantay sa palapag na ’to. Di ka makakapasok sa pintuan na yun hangga’t hindi mo ko natatalo dito. “ Sagot niya sabay sugod niya sa’kin at pinakawala ang suntok niya. Buti nailagan ko ag– “Argh!” Grabe, parang sa isang segundo dalawang suntok ang pinapakawala niya. Nailagan ko yung isa pero may sumunod pa na suntok niya sa sikmura ko kaya tinamaan ako dun.
Mabilis pa ang mga atake niya sa tennis ball na binabato nila Ish kaya ang hirap iwasan.
“Boss ng isang Mafia? Patawa.” Usal niya habang palapit sakin. “Bangon! Akala ko mag eenjoy ako sayong bata ka.”
Dahan dahan naman akong tumayo. Pero gaya kanina, Sinukmura na naman niya ako bago pa ako makatayo.
“Ang lakas ng loob mong pumasok sa pintuang yun eh sakin nga nahihirapan kana. Pano pa kaya pag si Boss na ang kinalaban mo?
“
“Oh ano? Hindi kana makabangon?” Habang nakahiga ako, tinapakan niya ang tiyan ko ng malakas habang nakapamulsa pa kaya napadaing na naman ako sa sobrang sakit. Tapos inilapit niya pa ng konti ang mukha niya sakin.
“Oh, ano ng gagawin mo ngayon?” Ngumisi pa ito ng mapang asar kaya biglang uminit yung ulo ko. Hinawakan ko ang paa niyang nakapatong sakin at tsaka hinigpitan ang kapit rito.
Ang liit ng binti niya kaya sobrang dali lang hawakan. Nakita ko sa mukha niyang nasaktan siya sa ginawa ko kaya mas lalo ko pa itong hinigpitan. “Ano bang ginagawa mo?!”
Halos ramdam ko na yung buto niyang tumutunog na kaya agad na siyang umaksyon. “Binatawan mo ang paa ko!” Sigaw niya bago pinunterya ang mukha ko. Di ko yun naiwasan kaya halos lumubog yung ulo ko sa sahig sa lakas nito.
Sinubukan niya pang ngumisi pero yung kamay naman niya yung hinawakan ko gamit ang kaliwa kong kamay. At dun, binwelo ko yung kanan kong kamay at tsaka buong pwersang sinuntok ang braso niya. “AAAAAARRRRRGHHHHHH” Ang lakas ng pagkakasigaw niya nung mabali ko ang braso niya. Tagilid na ito dahil sa ginawa ko. Binitawan ko ito kaya agad siyang umatras at tsaka panay hawak sa braso niya “Ang braso ko!!”
Nakaramdam ako ng konting hilo dahil sa suntok niya. Pero nakaya ko parin ang tumayo. “Masyadong malambot ang mga buto mo. Kumain ka kasi ng tama.” Usal ko at ako naman yung dahan dahang lumapit sakanya.
“HAYOP KA! ANONG GINAWA MO SA BRASO KO?!”
“Bakit? Ilang beses mo nga akong sinuntok sa sikmura e. Nagtanong ba ako?” Kusa na namang nagsasalita ang bibig ko. At ewan, yung kalamnan ko, umaandar na naman.
Humarap ito sakin habang galit na galit. Pero nanlaki lang ang mga mata niya nung nakabwelo na ako sa harap niya. Isang suntok ang pinakawala ko sa mukha niya at kitang kita ko ang pagtirik ng mga mata niya bago bumagsak.
Habang tinitignan ko ang walang malay niyang mukha, parang may nag uudyok na naman sakin na tuluyan ko na siya.
Kumukurba na naman sa pag ngisi ang mga labi ko ng kusa.
Sa lahat ng ginawa niya sakin kanina, kailangan ko siyang mapatay..
kailangan…
“Arghh!” Mabilis kong pinigilan ang sarili kong makapag isip ng ano. Hindi pwede.
Agad ko nalang tinahak ang daan papunta sa pintuang yun para maalis ko na sa utak ko yung mga naiisip ko.
Pagkarating ko sa pintuan. Di na ako nagdalawang isip na buksan ito.
At pagbukas ko, isang lalaki na nakaupo sa sirang trono ang tumambad sa’kin. Si Victor
“Ba’t ikaw lang? Asan na ang kasama mo?”
“Nasan si Agnes?” Tanong ko lang pabalik sakanya.
Agad naman siyang tumayo at sinipa yung inuupuan niyang sirang trono. At dun nakita ko si Agnes na nakakulong sa isang hawla. Lumapit siya rito at tsaka ito binuksan. “Nandito ang hinahanap mo.”
“V-virgel?” Takhang tanong niya nung makita niya ako. Sobrang tamlay ng itsura niya ngayon kumpara nung araw na makilala ko siya.
“Anong ginawa mo sakanya?!” Napasigaw na ako sa sobrang inis. Paano niya nagagawang ikulong ang isang babae sa isang hawla na parang isang hayop lang?
Napakuyom ako sa mga kamao ko dahil sa naisip ko.
“Ba’t ka narito? Umalis kana dito!” Yung itsura niya, parang takot na takot. Ganito ba siya pinapahirapan rito para magkaganito siya? “Victor! Pakiusap wag mo na siyang idamay. Hayaan mo na silang makaalis rito.” Pagmamakaawa nito kay Vic.
“Siya na ba ang bago mo? Kaya ba hindi mo na ako kayang mahalin pabalik dahil may minamahal ka ng iba?” Tumingin si Vic sakin saglit at tsaka kita ko ang mapait na pag ngiti nito kay Agnes. Ano bang pinagsasabi nito?
“Hindi. Kakilala ko lang yan. Kaya pakiusap. Wag mo na silang patulan, Vic.” Tumingin muli si Agnes sakin “Tumakas kana! Pakiusap iligtas mo ang sarili mo!”
“Ako ang protector mo, hindi ba?” Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. “Kaya ba’t ako tatakas na hindi ka kasama? Kailangan kitang iligtas rito sa ayaw mo o sa gusto.
“Pinapalala mo lang ang sitwasyon. Umalis kana rito! Di mo kilala si Victor!” Sigaw niya. Nakita ko namang umabante si Vic sa gawi ko. “UMALIS KANA!”
Suot suot niya parin ang dalawang gaunlets sa mga kamay niya. Sigurado akong masakit yan pag tumama yan sa’kin
“Tama ba yung sinabi ng kasama mo kanina? Na isa kang Mafia Boss? “ Tanong niya habang naglalakad palapit sa’kin. Nakakatakot ang awra niya sa totoo lang.
“Oo.” Tipid kong sagot. Agad namang nanlisik ang mga mata niya. Gusto kong matakot at tumakbo nalang pauwi pero hindi pwede. Nandito na ako. Di na pwedeng umatras pa.
“Alam mo bang…” Huminto siya saglit sa paglalakad. At dun, nakita ko nalang ang isang malademonyong ngiti sa mukha niya.
At sa isang kisapmata ko lang, nakalapit na agad siya sa’kin ng napakabilis. “KINAMUMUHIAN KO KAYONG MGA MAFIAAA!!!” Binwelo niya ng sobrang lakas ang suntok niya at pinakawala ito sakin. Nasangga ko yun gamit ang kamay ko pero tumilapon parin ako dahil sa sobrang lakas ng impak ng suntok niya.
Nabangga ako sa may pader kaya umikot saglit ang paningin ko. Ang lalaki ng hawak niyang gaunlets pero ang bilis niya paring kumilos
“Itong gaunlet na’to” Usal niya sabay taas ng kanang kamay niya. “ Ito ang papatay sa lahat ng Mafia sa buong mundo!“ Sigaw niya tapos tumakbo na naman papalapit sa’kin ng sobrang mabilis.
Ang bilis niya masyado! Mukha hindi ako makakailag suntok niya.
“AAAARGHH!!”
Kailangan ko umila– “Arrrrk!!”
Sa sobrang lakas ng suntok niya sa sikmura ko, nagsilaban na ang dugo sa bibig ko.
Bakal yung gaunlet niya kaya para narin akong nahampas ng isang pole sa bawat suntok na pinapakawala niya.
Nahihirapan na ako huminga.
Agad naman niyang hinawakan ang suot ko tapos inangat niya ako ng walang kahirap hirap.
“Vic! Tama na!” Rinig kong sigaw ni Agnes.
“Ngayon, kilala mo na kung sino ang binangga mo!” Sigaw niya tapos inihagis niya ako sa ere. At nung pabagsak na ako, sinuntok na naman niya ang sikmura ko ng napakalakas. Di ko na naman ito nasangga kaya tumilapon na ako at nabangga dun sa may pintuan. Sa sobrang lakas ng impak ng pagkakatama ko sa pintuan, napabulwak na naman ako ng dugo.
Ang sakit na ng katawan ko. Ang hirap ng huminga.
Ito naba ang katapusan ko?
“ Gamitin mo ako“
Ganito ba kapag malapit ka ng mamatay? makakarinig ka nalang ng kung anu-anong boses.
“Virgel..”
Mukhang tinatawag na ako ng sundo ko.
Mukhang nabigo ako sa una at pwedeng maging huling misyon ko.
Kaasar. Nagsisimula palang ako pero mukhang minalas agad. Sobrang malas ko talaga sa buhay.
At si Agnes, sila Kael nalang siguro ang bahala.
“Kailangan mo ako, hindi ba?” At isang nakakakilabot na tawa ang narinig ko.
Napapikit nalang ako at ngumisi ng pilit.
Akala ko si kamatayan ang naririnig ko. Isang demonyo pala na natutulog sa katauhan ko.
“Sige na, pakawalan mo na ako. Kayang kaya ko ang pesteng yan.”
“H-hindi mangyayari y-yan.”
“Oh sinong kausap mo? Sinusundo ka na ba ni kamatayan? “ Nakarinig ako ng boses kaya napatingin ako sa harap ko.
Andito pa pala si Victor. Tapos parang susuntukin na naman niya ako.
Hanggang dito nalang ata talaga ang buhay ko.
……
……….
………………..
Pero..
Ang dami ko pang gustong patunayan..
Ang dami ko pang gustong itama..
“ Ngayon mo patunayan sa’min na karapat dapat ka nga jan sa posisyon mo na yan.“
“Paalam na sayo.” Nakita ko ang pagbwelo ng braso niya. “AAARGGGHHH!”
Hinde pwede..
Di ko sila pwedeng biguin..
“MAMATAY KA NAAAAA! “
Kailangan kita..
“Pakiusap, Gumising ka.”
-To Be Continued…
-MajorSin
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 16: The Chess Piec
es (Part 1)
EditedOct2018
[ 3rd Person’s PoV ]
“Paalam na sayo” Tuluyan ng itinaas ni Vic ang kanang kamay niya at ibinwelo. Dito na matatapos ang lahat.
“MAMATAY KA!!” Buong pwersa niyang pinakawalan ang isang napakalakas na suntok direkta sa mukha ni Virgel.
Pero bago pa man tumama ang suntok niya, nakita niya pa itong parang may binulong.
Gusto mong humingi ng tulong sa Diyos?! Pasensya pero huli na ang lahat!
Sa lakas ng impact ng pagkakatama ng suntok nito ay bumalot sakanila ang usok dahil sa nadurog na sahig hinihigaan ni Virgel.
Napangisi si Vic “Isang napakalakas na suntok ang pinakawala kong yun kaya sigurado akong nadurog na lahat ng buto mo sa–” Gulat na gulat siyang napatigil nung tuluyang humupa ang usok na bumabalot sakanila. Nakatingin lang siya ngayon sa gaunlet niyang hawak hawak ni Virgel gamit ang isang kamay lang. “Paanong..”
Imposible, paano niya nasangga ang atake kong yun? Wala pang kahit sino ang nakakapigil sa malakas na suntok ko.
Hinang hina na siya kanina at halos di na niya magalaw ang katawan niya. Tsaka kung nasangga niya man yung suntok ko, imposibleng mabuhay parin siya dahil napakalakas na pwersa yung pinakawala ko.
Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero ang lakas ng pagkakakapit ni Virgel rito.
Ayaw mong bumitaw ha.
Binwelo niya ang bakante niyang kamay para sana gumawa ng isa pang atake, pero nung madapo niya ang tingin sa mga mata ni Virgel, halos maging bato siya sa sobrang pagkabigla.
Biglang nangatal ang bibig niya habang titig na titig sa mga mata ni Virgel. Hindi siya pwedeng magkamali..
Ang mga matang yan..
-Flashback-
“Kuya!”
“Tumakas na kayo! Protektahan niyo si King Casper! Iligtas mo ang sarili mo Vic –Urgh! “ Kasalukuyan lamang na nakatingin ang lahat kay Rain ngayon na walang awang pinaglalaruan ng isang halimaw na nakasuot ng maskara. Gustuhin man nilang tumulong pero mas importante sakanila ang buhay ng King nila kaysa sa kasamahan nila. Kung di pa sila aalis ngayon, baka maubos lang sila ng halimaw na ’to at malagay sa panganib ang King nila.
“Halika na, Rave! Huwag mong sayangin ang oras na binigay ni Rain para makatakas tayo!”
Sigaw ni Spot habang hinihila si Vic. Gusto narin kasi nitong tulungan ang nakakaawang kuya niya.
“Hindi! Si Kuya!! Tulungan natin si Kuya!” Naiiyak na ito habang pinagmamasdan ang nasa hirap nila. At bago pa man sila tuluyang makaalis, kitang kita nila ang ginawa ng kalaban na pagsakal kay Rain.
H-hindi..
Unti unting tumirik ang mga mata nito hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga.
“KUYAAAAAAAA!”
Tumingin ang halimaw na nilalang na yun sa gawi nila at dun nakita ni Vic ang nakakapangilabot na mga mata nito.
Ang mga mata niya..
-End of Flashback-
Hindi siya pwedeng magkamali..
Ang mga mata ng kaharap niya ngayon ay kaparehang kapareha sa mga mata ng taong pumaslang sa kuya niya. Taglay rin nito ang isang malademonyong mata.
Napaatras si Vic sa sobrang pagkabigla. Hindi niya alam kung takot ba yung naramdaman niya o ano. Pero isa lang napagtanto niya. Mas nakakatakot tignan ang mga mata nila nang malapitan.
Bumangon si Virgel sa pagkakahiga at straight lang na nakatingin kay Vic habang di maalis ang napakalawak na ngisi nito. Dinilaan pa nito ang mantsa ng dugo sa gilid ng labi nito.
“Gusto kong dumurog ng mga buto.” Sa mga kataga lang na yun parang nakakapanglambot na ng tuhod. Pero sa kabila ng takot na nadarama ni Vic, nangibabaw ang puot at galit sa puso niya dahil muli na naman niyang naalala ang nakakaawang sinapit ng kapatid niya.
Kuya..
Imbes na umatras, kinuyom lang nito ng husto ang dalawang kamao niya at tsaka walang pag aalinlangan na umunang sumugod “AAARGGHHH
! MAGBABAYAD KAAAA!!“ Sinubukan niya pa sanang bumwelo pero bago pa man siya makalapit kay Virgel, nakalapit na ito sakanya at marahas na hinawakan ang mukha niya. “HAHAHAHAHAHAHA!!” Tapos ay malakas nitong binagsak ang mukha niya sa sahig. “Arrrrkk!!” Sa lakas nito ay si Vic naman ang napabulwak ng dugo.
Susubukan niya pa sanang bumawi pero muli lang siyang napatumba nung apakan ni Virgel ang sikmura niya ng ilang beses “RRRRGHH!! RGGGGHH!! HAHAHAHAHA!” Bawat apak nito ay tila palakas ng palakas kaya napapasuka na ng dugo si Vic. Parang gigil na gigil ito sa kanyang ginagawa.
Nang makuntento, kinuha ni Virgel ang kwelyo nito at tsaka walang kahirap hirap na inangat. Hinang hina na tinignan ni Vic si Virgel na nakabwelo na pala. “AARRGHHHHH!!” Buti nakareact agad ang katawan niya at naikilos niya ang dalawang braso niya para isangga sa mukha niya.
Pero akala niya sapat na yun, napasinghap nalang siya nang tuluyang lumusot ang suntok nito at tumama sa mukha niya. Tumilapon siya at nabangga sa pader. “VIIIICCC!!” Pati si Agnes ay di na kinakaya ang mga nakikita niya ngayon.
Hinang hina na bumangon ni Vic. Halos di na maitsura ang mukha niya dahil sa dami ng dugo rito. Pinilit niyang gumapang at naghihingalo nalang dahil sa tinamo.
Nakita niyang naglalakad ulit si Virgel palapit sakanya na ngayon ay may hawak hawak ng bat.
Hindee..
Naabutan siya nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tignan nalang ito. Sobrang iba na ng expresyon ng mukha nito kumpara kanina. Parang ibang tao na ’tong kaharap niya. Parang sabik na sabik ang expresyon nito na tapusin ang buhay niya.
Isang halimaw..
Katulad nung tao na yun..
Nakita niyang inangat na nito ang hawak na bat sa harap niya kaya napapikit nalang siya.
“TAMA NA VIRGEL!” Pero agad rin siyang napamulat nung marinig niyang sumigaw si Agnes. Tinignan niya ito saglit. Kitang kita sa mga mata nito ang pag aalala.
Nag aala ito para sakanya..
Napangiti nalang si Vic habang pinagmamasdan ang pinaka mamahal niya. Nag aalala ito sakanya. Ang buong akala niya’y wala na itong pakialam pa sakanya. Pero..
Nag aalala siya..
Agnes..
Bigla naman siyang nabalik sa wisyo nung mapansin niyang tumigil si Virgel sa gagawin niya sana at binaling ang tingin kay Agnes.
Hinde..
Nakita niyang may kinuha itong parang holen sa bulsa nito na sa tingin niya ay mga bomba tapos tumingin itong muli kay Agnes.
Napaatras naman si Agnes nung makita niya ang mga mata ni Virgel na nakapukol sakanya. Ibang iba na ito. Tsaka yung kinikilos niya. Parang hindi na yung Virgel na nakilala niya sa rooftop.
Rinig na rinig pa ng dalawa ang malakas na pagtawa nito bago nito hinagis ang mga holen na yun papunta kay Agnes.
At dun nalang siya napapikit sa takot. Narinig niya ang mga pagsabog kalaunan, pero hindi siya nakaramdam ng kahit anong tumama sakanya.
Pagmulat niya ng mga mata, dun lang niya nakita si Victor…nasa harap na niya. Sunog na ang buong likuran dahil sa pagsabog.
“A-ayos ka lang, Agnes?”
Di na mapigilan ni Agnes ang maiyak sa ginawa nito para sakanya. “V-vic..” At tuluyan itong bumagsak dahil sa tinamo. Agad niya itong nilapitan para tulungan “Vic!”
“V-vic! Gumising ka!” Natigil naman siya nang mapansin niyang nanjan pa pala si Virgel na ngayon ay papalapit na naman sakanila habang bitbit ang isang bat.
Nung makalapit ito sakanya, muli itong ngumisi at tinaas ang hawak nitong bat. Tila siya naman ang tinatarget nito ngayon.
“V-virgel..”
Pero muling natigil si Virgel nang may kumapit sa paanan niya.
“H-huwag mo siyang sasaktan.” Kahit wala ng lakas ay pilit niya paring pinipigilan ang halimaw na ’to para lang di masaktan si Agnes.
Bigla namang nanlisik ang mga mata ni Virgel. Sakanya mismo ito humarap at walang pagdadalawang isip na hinampas ang hawak nitong bat sa..
“VIC!!!”
“PAKIALAMERO!!” Sigaw ni Virgel tapos itinaas niya pang muli ang bat na hawak niya at muli na naman sana itong ihahampas pero napasigaw ulit ng malakas si Agnes.
“TAMA NA VIRGEL!”
Biglang natigilan si Virgel sa sigaw na yun.
Kalaunan ay naibagsak niya ang hawak na bat at tuluyang napahawak sa ulo niyang kumikirot na naman
“Arrrrghhhh!” Napalakad siya sa ibang direksyon habang iniinda ang pananakit ng ulo niya. Hanggang sa tuluyan itong napaluhod bago naging blanko ang mga mata at tsaka nawalan ng malay.
Nang mabalik sa wisyo si Agnes ay agad itong lumapit kay Vic na ngayon ay basang basa na ng dugo ang buhok dahil sa paghampas ni Virgel kanina.
“V-vic” Napaluha nalang siya nang makita ang kalagayan nito. Inangat niya ang ulo nito at tsaka pinahiga sa hita niya.
“Agnes..” Hinang hina na Inangat ni Vic ang kamay niya para pahiran ang basang pisngi ng dating kasintahan niya. “Pinaiyak na naman kita..” Isang butil ng luha nalang ang tumulo sa mata niya–bagay na mas lalong nagpaiyak kay Agnes.
“Wag kanang magsalita, Vic. Hihingi ako ng tulong teka–” Susubukan pa sana niyang tumayo pero pinigilan lang siya nito. Umiling ito na parang pinapahiwatig sakanyang di narin naman magtatagal ’to.
“Dito ka lang. Dito ka muna. Pakiusap..” Dahil sa sobrang awa, niyakap nalang ni Agnes ang ulo nito at marahang hinahaplos ang buhok. At Dun, dun nalang nilamon ng sobrang kalungkutan si Vic at napahagulhol. Sobrang namiss niya ang kalinga nito . “Patawad…patawad Agnes..”
“Napatawad na kita. Kaya pakiusap. Lumaban ka Vic..” Umagos narin ng husto ang mga luha ng dalaga. Lalo na nung mapansin niyang unti unting humina ang hikbi ni Vic. Muli niyang hinaplos ang buhok nito. “Vic..” Tinawag niya pa ito at nagbabaka sakaling sasagot pa, pero naramdaman nalang niya ang pagbagsak ng kamay nito sa sahig.
Parang hinihintay lang talaga nito na marinig mula sakanya na napatawad na siya nito bago tuluyang bumigay ang katawan niya.
Napakagat nalang sa sariling labi sa Agnes dahil sa sakit ng nararamdaman niya.
“Vic..”
-To Be Conitnued..
-MajorSin
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
EditedNov2018
[ Benz’s PoV ]
“Bilisan mo!” Sigaw ko kay Kael habang papunta sa kwarto kung nasan si Bossing. Medyo natagalan kami sa baba dahil anak ng nesfruta yan! Ang dami talaga nila masyado!
“Ito na yung pintuan diba?” Tanong ko kay Kael. Tumango lang siya kaya sinipa ko na agad ang pintuan. Ganyan talaga ang mga action star. Di nila alam kung papano gamitin ang doorknob kaya sinisipa nalang nila yung pintuan. Hehehee
Pagbukas ng pinto. Tatlong tao agad ang nakita namin. Isang babaeng nakaupo na nakayakap sa isang nakahigang lalaki tapos isa ring lalaki na nakahi–teka..mukhang si Bossing ’yun ah!
“Bossing!” Agad akong pumunta sa direksyon ni Bossing para tulungan siya.
“Bossing ayos ka lang?” Hinawakan ko agad ang pulso niya at sa kabutihang palad ay pumipitik pa naman.
“Mukhang nawalan lang siya ng malay.” Usal naman ni Kael.
Napatingin naman ako sa dalawang nagyayakapan. PDA!
“Ayos ka lang ba, Agnes?” Nagulat ako sa tanong ni Kael. Agnes? Diba pangalan ’yun nung ililigtas namin? Yung Girlfriend ni Bossing? Siya naba yun?
“Itong babae na to ba ang tinatanong mo Kael?” Takang tanong ko sabay turo dun sa babaeng may ka PDA
Tumango siya kaya nanglaki ang mata ko.
“Whaaaaat?!! Eh ba’t may kayakap tong iba?! Akala ko ba Girlfriend ni Bossing yan?!” Grabe! Sino siya para pagtaksilan si Bossing?! Hinimatay lang si Bossing nanlandi na agad ng iba! Di to katanggap tanggap!
“Yang kayakap ni Agnes ngayon ang Boss ng El Satans. At sa tingin ko wala na’tong buhay.” Sagot ni Kael kaya napatingin ako ng maigi dun sa lalaki. Mukhang patay nanga to dahil hindi na gumagalaw tapos maraming pang dugo sa may banda ng ulo niya.
Pero..
“Di naman yan yung isyu Kael eh. Ang isyu dito, pinagtaksilan niya si Bossing! She’s cheating!” Inis kong sabi. Bigla namang natawa ng konti si Kael.
“Baka marinig ka ni Agnes, Benz.” Napatingin naman ako sa babae. Hindi parin siya kumikibo.
“Alam ko naririnig mo ako indai! Baket mo pinagtaksilan ang Boss namin?! Baket?! Humarap ka! Face me!” Sigaw ko sakanya. Lumapit naman si Kael sakanila para icheck ang babae.
“Alam ko nagpapanggap ka lang jan na walang naririnig! Bakit di ka makaharap sa’kin? Maybe bacause you’re fvcking guilty! Am I fucking right? Yah! Youre fucking guilty!! that’s why you cant even look at– “
“Tulog siya.” E-eh?
“Ha?”
“Tulog si Agnes kaya walang mapapala yang pag eenglish mo jan.” Natatawang sabi ni Kael. “ Tulungan mo nalang ako dito “ Inalis niya si Agnes sa pagkakayakap sa lalaki tapos inihiga niya ito ng maayos.
Napatingin naman ako sa lalaki. Grabe, naliligo ang mukha niya sa sarili niyang dugo sa ulo. Sigurado akong yung isang katauhan na naman ni Bossing ang may gawa nito.
Ang hirap naman kasi talagang kontrolin ng bagay na yan..
“Ba’t kaya nakayakap yang si Agnes sa Boss nitong Gang na’to at hindi sa Boss natin? May secret affair kaya sila? Pero akala ko ba kinidnap siya ng grupong to?” Naguguluhan kong tanong.
“Hindi ko rin alam eh.” Sagot naman ni Kael.
“Dahil magkasintahan sila noon.”
May narinig kaming ibang nagsalita kaya napatingin kami ni Kael sa pintuan. At nakita namin yung lalaking nasa ospital na isa sa binugbog ni Bossing.
Bubunot pa sana ako ng samurai dahil alam kong kasapi siya sa gang na ito pero pinigilan ako ni Kael.
“Relax, Benz. Wala siyang dalang armas kaya mukhang wala yang balak makipaglaban.” Sabi niya kaya di ko nalang tinuloy ang pagbunot kay Upin.
Lumapit naman yung lalaki sa’min.
“Magkasintahan sila dati?” Tanong agad ni Kael.
“Oo, Magkasintahan sila dati pero nagbago ang lahat ng yun nung mamatay ang kuya ni Boss na si Rain. “ Sagot nung lalaki. Tatawagin nalang natin siya sa pangalang Hitler ha dahil ang cute nung bigote niya.
“Bakit ano bang nangyari noon? Paki explain naman. Labyu! “ Tanong ko kay Hitler.
Huminga naman siya ng malalim na para bang sobrang haba ng sasabihin niya. “Halos isang taon na ang nakakaraan. Myembro kami dati ni Boss Vic sa isang malakas na Mafia Group. Ang Elfame Mafia. Isa lamang akong ordinaryong myembro doon, samantalang siya at ang kuya niya naman ay isa sa labing anim na Chess Pieces ng grupo. Ang pwesto nilang magkapatid ay ‘Pawn’. Silang dalawa ni Rain ang isa sa walong Pawns na kailangang magprotekta sa kanilang King na si King Casper. Mabait na tao pa si Boss Vic sa mga panahong ’yun. At nung panahon din na’yun niya nakilala si Agnes. Nagkagusto si Boss kay Agnes dahil sa ganda at kakulitan nito. At si Agnes naman ay unti-unti ring nagkakagusto kay Boss dahil sa kabutihang pinapakita nito sakanya. Di nagtagal, naging sila narin. Sobrang mahal na mahal nila ang isa’t isa noon. Na para bang hindi mo na ito mapaghihiwalay pa. Ang akala ko nga sila na talaga ang magkakatuluyan sa huli eh. Pero nagkamali ako, nagbago ang lahat ng sitwasyon simula nung mapaslang ang Kuya ni Vic.”
“Tapos ano na? Pabitin ka naman eh.”
“Tapos ’ayun, nagbago na nga si Boss simula noon. Naging basagulero na siya. At dun na niya itinayo ang El Satans Gang. Wala na siyang respeto sa lahat. Maski ako nga na matalik niyang kaibigan noon ay itinuring niya nalang ngayon bilang isang ordinaryong alagad niya. Tapos simula din nung araw na’yun, lagi na niyang binabastos si Agnes. Mahal na mahal ni Agnes si Boss Vic pero di na niya kaya ang pinaggagawa nito sakanya kaya naman di nagtagal, nakipaghiwalay ito sakanya. Di yun matanggap ni Boss kaya naman sapilitan niya itong pinababalik sakanya. “ Dagdag ni Hitler. Kaya naman pala. Hindi ko na alam ngayon kung masasabi ko bang kalaban talaga to si Vic. Naging ganito lang naman siya dahil sa masaklap na nakaraan niya.
“Ano bang plano niya? Diba sabi mo dati siyang myembro ng Elfame? Ba’t nagtayo siya ng sarili niyang grupo? “ Tanong ni Kael na mukhang seryoso. Di ba naantig ang puso niya sa love story nina Agnes At Vic?
“Isa nalang siyang ‘Ex-Pawn’ ngayon ng Chess Pieces. Ibig sabihin, tumiwalag na siya sa Grupo. Sinisi ni Vic lahat ng myembro ng Elfame sa pagkamatay ng kuya niya dahil hindi nila ito tinulungan. Di ko pa malilimutan ang sagutan nila Vic at ni King Casper nung araw bago siya umalis sa Elfame palace.”
Flashback
“Bakit?! Bakit niyo pinabayaan ang kuya ko?! Diba King ka ng grupong ’to?! Ba’t di mo iniligtas ang kuya ko?! Ba’t tumakas kayong lahat at iniwan ang kuya ko?!” Wala ng mapaglalagyan ang galit sa puso niya ngayon habang kaharap ang King na ilang taon narin nilang pinagsisilbihan ng kuya niya.
“Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Rave! Wala kang respeto kay King Casper!”
Sigaw naman ni Akron sakanya.
Isang myembro ng Chess Pieces.
“Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng kuya mo, Rave.”
Kalmadong lamang na sagot sabi ng King kaya mas lalong kumulo yung dugo niya.
“Ikinalulungkot? Yun lang yun?! Wala kang gagawing hakbang para makapaghiganti tayo sa pagkawala ng Kuya ko?!”
Sigaw ni Vic. Ang ibang myembro naman ng Chess Pieces ay tahimik lang na nanunuod sakanila. Pero alam ng lahat na naghihintay lang sila ng senyales ng King na kitilan ng buhay si Vic dahil sa kawalang respetong pinapakita nito sakanya.
“Naiiba ang grupong Elfame sa lahat ng mafia group sa buong mundo, Rave. Itinayo ko ang grupo na’to hindi para makipag kompetensya, o makipag patayan. Ang layunin lamang ng grupong to ay ang protektahan ako. Ginawa ko ang grupong ito bilang depensa ko at hindi bilang pang opensa ko. Alam niyo na naman siguro na kapag naging myembro kayo ng Chess Pieces ay ibig sabihin lang nun, isang mundo ng ChessBoard na ang iikutan niyo. At kagaya ng larong Chess, role ng bawat pieces ang protektahan at ilayo sa kalaban ang King, which is ako. Kinuha ko lang kayo bilang tagaprotekta ko. Kaya kung mamamatay man kayo sa pag protekta sa’kin, wala na akong obligasyon para jan. Ginawa niyo lang ang tungkulin niyo. At sa sitwasyon ni Rain, Pinagtanggol at nilayo niya lang ako sa Isang Diablo ng Fuego kaya wala na akong obligasyon sakanya. Kung sa larong Chess pa, kinain na siya, wala na siyang pakinabang sa’kin”
Mahabang lintanya ni King Casper.
End of Flashback
“Pagkatapos sabihin ’yun ni King Casper, tumakbo na si Vic palabas ng Elfame Palace at hindi na bumalik kahit kailan. Hindi niya matanggap na ang matagal na niyang sinalihang grupo ay wala man lang gagawin para mapaghiganti ang kuya niya. Kaya naman simula nung araw na’yun, kinamumuhian na niya ng husto ang mga Mafia. Gusto niyang maghiganti sa mafia, lalo na sa Elfame. At dun na isinilang ang bagong Victor Casero. Mula sa isang Mabait at masayahing tao, naging brutal at bayolente na ito. Wala siyang sinasanto. “ Paliwanag ni Hitler. Hindi ko alam kung ano ba ang irereact ko sa narinig ko. Nagbago siya dahil sa galit na nararamdaman niya.
Binabago nga talaga ng puot at pagkamuhi ang isang tao.
“Diba sabi mo sa kwento, pinrotektahan nung kuya ni Vic ang King nila dun sa Isang diablo ng Fuego? “ Tanong ni Kael na ang seryoso padin. Aw oo nga pala. Muntik ko ng makalimutang isa pala to sa walong diablo dati.
Tumango lang si Hitler. “Kilala mo ba kung sino ang Diablong tinutukoy nila?”
“Hindi, hindi nagbigay ng pangalan si King. Pero sabi sabi sa mga nakakita, nakakatakot daw ang mga mata niya. Parang mata na isang demonyo.” Sagot ni Hitler.
“May ganun ba sa grupo mo, Kael?” Curious kong tanong sakanya na ngayon ay nag iisip narin.
“Isa lang ang kilala kong may ganung klaseng mga mata.” Magtatanong pa sana ako kung sino pero muli itong nagtanong kay Hitler.
“Sinu-sino ba ang mga Chess Pieces na yan?” Tanong niya. Pareho kami ng iniisip. Gusto ko ring malaman kung sinu-sino yang kanina ko pa naririnig na ‘Chess Pieces’ na’yan.
“Ang myembro ng Chess Pieces ay gumagamit ng kani kanilang Codename para matago ang Identities nila at para di madamay ang mga pamilya nila sa labas ng mundo ng Mafia. Labingwalo silang lahat kung kasama na ang King at Queen. Ang namumuno sa grupo nila, Ang utak at founder ng Elfame Mafia. Si
King Casper
. At ang asawa niya naman ay si
Queen Venus
. Ang dalawang Bishop naman sa grupo ay sina
Target
at
Bullet
. At ang dalawang Rook naman ay sina
Ace
at
Akron
. Tapos ang dalawang myembro na humahawak sa posisyon na Knight ay sina
Spot
at
Frost
. At sa ngayon, tatlong pawns na ang namatay sa Chess Pieces. Si
Clone
, si Vic (
Rave
) at si
Rain.
Tapos may isang Pawn din ang tumiwalag sa grupo nitong kailan lang. Si
Aero.
Sumanib siya sa Martin Family. So ibig sabihin, apat na Pawn nalang ang natitira sa Chess Pieces ngayon, At yun ay sina
Chase
,
Cast
.
Dorothy
at
Hex
. “ Sagot ni Hitler. Medyo mahirap pala tukuyan ang mga myembro nito dahil nakatago sila sa mga alyas nila. Tsk. Akala ko Fuego Clan lang ang magbibigay ng problema sa’min.
“Sige yun lang ang tanong ko. Salamat sa pagsagot.” Sabi ni Kael at tumayo na agad siya sa pagkakaupo niya..
“Maraming salamat sa impormasyon Hitler ha. Ang daming laway ang inubos mo para lang sagutin mo yung mga tanong namin hehehe.” Singit ko naman na ikinangunot ng noo niya.
“Ako si Jack, hindi Hitler” Pagtuwid niya.
“Jack pala hehehe. Sige na, mahaba-haba na’yung kwentuhan natin. Kailangan na naming magpahinga.” Sabi ko tapos kinuha ko na si Bossing at inangkas sa likuran ko. Ganun na din ang ginawa ni Kael kay Agnes.
“Mauna na kami sayo, Jack. Pakiayos nalang yang Boss mo. Pasensya na sa nangyari.” Sabi ko sabay salute. Tumango lang siya bilang pagsagot kaya umuna na kami ng Kael.
Haaay, natapos rin.
[ Veronica’s PoV ]
8:30 PM
Fuego’s Mansion
“Ba’t lima lang kayo? Na’san si Primo? Kanina ko pa siya hindi nakikita ah.” Bungad ni Stephan pagpasok niya dito sa may underground ng Mansion. Ngayon ko lang rin napansin ang sinabi niya.
“Ewan, baka may nilakad lang. “ -Helena
“Tawagan niyo.” Umupo si Steph sa tabi ko sabay bukas ng laptop niya. “
May masamang balita ako sainyo.“
“Anong balita yan, Steph?” Tanong ko.
“Based sa mga naresearch ko, may nakumpirna ako. Gumawa nga ng Alyansa ang Hirvana Group at ang Elfame Mafia.”
“Tss! Ano naman ang masama sa balitang ’yun?! Kaya kong pasabugin ang mga bungo nila isa isa kahit magsama sama pa sila.” Pagmamayabang naman ni Nero at mukhang di yun nagustuhan ni Steph.
“Makinig ka, walang alam.” Seryosong usal ni Steph kaya sumalubong ang kilay ni Nero. Sa lahat ng Mafia Group ngayon dito sa pinas, Sa Elfame Mafia kayo mabahala. Tahimik lang ang grupo nila dahil sa kakaibigang systema na ginagamit ng Boss nila. Defense Mode lang sila palagi at hindi sila nakikipagkompetensya kaya hindi sila masyadong kilala sa mundo natin. Pero sinasabi ko, napakalakas ng Elfame kung tutuusin. Alam ko malakas ang Grupo natin pero kung ikukumpara ang bilang nila sa bilang natin? Masyado silang marami. Tapos nakipag alyansa pa sila sa grupong Hirvana. Kaya mas magiging delikado na sila ngayon. Kaya kung ako sa inyo, wag padalos dalos ng kilos. Wag na wag niyong gagalawin ang Elfame kung ayaw niyong maganap ang isang Mafia War.“ Mahabang paliwanag ni Stephan na ikinatahimik naming lahat.
Kaya ba pinatakas ako nung nakalaban ko dati na si Spot dahil hindi sila nakikipaglaban? Dahil Depensa lang ang priority nila?
Kaya pala nung makatakas na si Lincoln sa’min ay umalis narin sila. Kaya pala umalis na agad sila noon ay dahil tagumpay na nilang nadepensahan ang Boss ng grupong magiging ka alyansa nila.
Sinasabi ko nanga ba’t mamumrublema kami sa grupong ’to eh.
-To Be Continued…
( A/N : Here’s the Chess Pieces of Elfame Mafia
ELFAME MAFIA
-Chess Pieces-
-
King Casper
-
Queen Venus
-
Spot ( Knight )
-
Frost ( Knight )
-
Target ( Bishop )
-
Bullet ( Bishop
)
-
Ace ( Rook )
-
Akron ( Rook )
-
Chase ( Pawn )
-
Rain ( Dead Pawn )
-
Rave ( Dead Ex-Pawn )
-
Cast ( Pawn )
-
Clone ( Dead Pawn )
-
Hex ( Pawn )
-
Dorothy ( Pawn )
-
Aero ( Ex- Pawn )
-MajorSin
Episode 18: The Elfame King’s Decision
Episode 18:
The Elfame King’s
Decision
E
ditedNov2018
[ Ace’s PoV ]
“Saan natin to itatapon?” Tanong ni Bullet habang nakaupo sa bangkay ng nahuli at napatay naming kalaban na pumasok sa Elfame Palace.
“Itapon niyo sa ilog or di kaya sunugin” Suggest naman ni Spot. Andito nga pala kaming lahat na mga Chess Pieces ngayon maliban sa King at Queen. Nakapalibot kami lahat sa bangkay ng isang myembro ng Walong Diablo. Oo, myembro ng Fuego itong nahuli at napatay namin. Tresspassing kasi eh. Tapos pinagtangkaan niya pang galawin ang King namin, buti nalang at nahuli namin siya agad . Medyo nahirapan pa kaming patumbahin to dahil napakalakas niya kahit na wala siyang armas at kamao lang ang gamit niya. Pero gayunpaman, kahit malakas siya, mag isa lang siya kaya di nagtagal natalo rin namin siya. Kaso nga lang may myembro din ng Chess Pieces ang idinamay at napatay niya. Pangahas talaga ’tong Fuego kahit kailan!
“Alam niyo dapat na tayong kumilos eh. Umaabuso na yang mga Fuego na’yan! Ilang myembro na natin ang pinatay nila.” Komento ni Cast, isang Pawn sa grupo.
“Tama! Tahimik lang tayo pero sila tong nanggagambala! Dapat na natin silang turuan ng leksyon!” Pagsang ayon naman ni Frost
“Wag.” Nagulat kaming lahat nung sumulpot ang King at Queen.
“Pero King, kung di tayo kikilos, baka manganib na naman ang buhay niyo.” Suway ni Chase.
“Hindi pa ito ang tamang oras.” Mahinahon na sagot lang ni King.
“Pero King, kaila–”
Di pa man natatapos sa pagsasalita si Chase ay bigla nalang dumaplis ang isang shuriken sa pisngi niya.
“Wag na wag mong pangunahan ng decisyon ang kasintahan ko.” Maanghang na lintanya ni Queen Venus. Kung anong ikinalmado ng King ay siya namang ikinabrutal ng Queen namin.
“P-patawad po, Queen.” Yumuko si Chase bilang paghingi ng paumanhin.
“Sige na, sunugin niyo nalang yang bangkay na’yan.”
“Masusunod King Casper” Yumuko kaming lahat sakanila bago sila tumalikod at umalis.
Lumapit naman bigla si Akron sa’kin pagkatapos “Ace, sama ka sa’kin.” Isa rin siyang Rook katulad ko. Kami na ang magpartner simula nung matayo tong ang Chess Pieces.
“Saan?”
“May papatayin ulit tayong Diablo.” Sagot niya sabay ngisi.
“Tanga ka ba? Kakasabi lang ng King na huwag tayong makipaglaban e.” Bulong ko, baka kasi may makarinig samin.
“Ayaw mo ba nun? Pag naubos natin ang Walong Diablo, hindi na manganganib pa ang buhay ng King natin. Tapos kapag nalaman niyang nakapatay tayo ng isa pang Diablo, sigurado akong matutuwa si King at paparangalan niya tayo.”
Paliwanag niya kaya napaisip ako.
May punto siya. Baka nga ikatutuwa ng King pag nakapatay kami ng isa pang myembro ng isang grupong palaging nagtatangka sa buhay niya.
“Sino naman ang dedispatsahin natin? Baka naman yung pumatay kay Rain?” Tanong ko. Kahit sino wag lang yung halimaw na’yun. Masyado yung nakakatakot kalabanin.
“Hindi, Basta! Tara!”
[ Elon’s PoV ]
“Kumusta na kayo jan Mom, Dad?” Agad kong nilagay ang hawak kong bulaklak sa magkatabi nilang puntod. Nandito ako ngayon sa isang sementeryo. Binibisita ko sila Dad dito tuwing linggo. Mahigit tatlong taon narin simula nung pinaslang sila ng tatlong kasapi ng Mafia.
“Konti nalang at makakamit narin natin ang hustisya ng pagkamatay niyo.” Hindi ko talaga pinangarap ang maging isang Mafia pero napilitan ako. Kailangan kong maging malakas para makapaghiganti sa tatlong mga hayop na’yun!
Sa tatlo, isa palang ang napaslang ko. Si Clone. Napatay ko siya nung sumalakay kami dun sa Elfame Building isang taon na ang nakakaraan. Oo, tatlong myembro ng Elfame Mafia ang tumapos sa buhay ng mga magulang ko. Sa pagkaka alam ko, hindi pa sila myembro ng Elfame nung mga panahon na yun at isa lamang silang mga bayarang kriminal at nagkataon na ang mga magulang ko ang naging target nila. Dalawa nalang ang kula–
Agad kong inilag ang ulo ko sa kanan nung mapansin kong may isang bagay na tatama sa likod ng ulo ko.
At dun bumaon agad ang isang kutsilyo sa puno na nasa harapan ko. Buti nailagan ko.
“Aba, magaling ka. Myembro ka nga talaga ng tinatawag nilang Walong Diablo.”
Agad akong napalingon sa likuran ko nung may narinig akong nagsalita. At paglingon ko, dalawang lalaki ang tumambad sa’kin. At kilala ko yung isa!
“Ikaw na ba yung anak nung pinatay naming mag asawang Fuentes?” Si Akron. Oo isa siya dun sa tatlong pumaslang sa mga magulang ko. Akala ko ba sabi ni Steph depensa lang ang ginagawa ng Elfame Mafia? Ba’t umaatake tong mga hayop na’to ngayon?!
Tumayo ako at agad tinitigan si Akron.
“So ikaw nga. Akalain mong naging Mafia ka.” At agad itong tumawa ng mapang asar.
“Tama na nga yan Akron, andito tayo para tapusin ang taong yan.”
“Ano ka ba Ace, Atat ka naman masyado—” Di ko na siya pinatapos at mabilis akong sumugod at binwelo ang suntok ko papunta sa mukha niya “Arrrghhhh!!” Di siya nakapag handa kaya tumama ito kaya bumagsak siya.
Agad namang bumunot ng kutsilyo yung kasama niya at ititira sana ito sa’kin pero agad kong nasipa yung kamay niya kaya tumilapon yung kutsilyo na hawak niya.
Walang akong baril ngayon dahil di ako mahilig jan. Bilis, Lakas at Utak ang armas ko sa pakikipaglaban. At sapat na yun para patayin tong dalawang nasa harapan ko.
“Ang bilis ah. Di ko inaasahan ’yun. Magaling ka.” Sabi ni Akron sabay pahid ng dugo sa gilid ng labi niya.
Hindi na ako nagsalita at sinugod ko na ulit si Akron. Magbabayad kang hayop ka!
Bubunot sana siya ng baril sa gun pocket sa likod niya pero masyado siyang mabagal. Mabilsi ko siyang sinikmura at tinuhod ang pagmumukha niya kaya natumba na naman siya.
Agad kong tinapakan ang kanan niyang kamay kung saan may hawak hawak na baril.
Sinuntok ko ng dalawang beses ang mukha niya pero ngumisi lang ito at lumingon sa kanan ko.
Sh..
Bago pa ako makailag, tatlong kutsilyo na agad ang tumaob sa katawanan ko, isa sa likod at dalawa sa braso ko.
Dalawa nga pala ang kalaban ko.
Napalingon ako sa kasama niyang si Ace, pero bago pa ako makalingon, hinawakan ni akron ang kaliwang binti ko at hinila iyon kaya na out balanced ako at natumba.
Sa isang iglap lang naging baliktad na agad ang sitwasyon.
“Sa tingin mo kaya mo ang Rooks ng Chess Pieces? Patawa!” Kahit medyo bugbog na yung mukha ni Akron ay nakuha parin nitong tumawa. Ang tibay ng kumag na’to
“Ang totoo niyan, mas malakas ang Chess Pieces kesa sa grupo mong Walong Diablo ng Fuego. Depensahan ang King lang kasi ang prioridad namin kaya di kami nakikipag kokompetensya sa inyo. Di kami sumasabak sa gulo pag hindi nanganganib ang buhay ng King namin. At sa sitwasyon ng King namin ngayon, asahan niyong sasabak na kami sa gulong inumpisahan niyo!” Sigaw ni Ace at kumuha na naman siya ng kutsilyo at pinunterya naman ang kaliwang braso ko.
“ARGH! Anong ibig mong sabihing inumpisahan naming gulo?!”
“Nag mamaangan ka pa? Diba pinsan mo yung Primo Fuentes na’yun? At kasapi yun sa Walong Diablo! Tama ba ako?” Teka..si Primo?
“Baket? Anong kinalaman ni Primo sa sinasabi mo?” Tanong ko. Agad namang tumawa ang dalawa.
“Hindi mo alam? O talagang nagmamaang maangan ka lang na wala kang alam sa pagsugod ng pinsan mo sa palasyo?”
A-ano?
“Umatake siya sa Elfame Palace kaninang madaling araw ng mag isa. At kung di namin agad nalaman ’yun, malamang napuruhan na ang King namin kanina.” Sabi ni Akron sabay tawa at ang mga sunod niyang sinabi ang nagpainit ng dugo ko. “Pero wag kang mag alala, naligpit namin siya ng maayos. At isusunod kana namin sakanya ngayon mismo.”
“MGA WALANG HIYA KAYO!!” Babangon pa sana ako pero tinirhan na naman ako ng kutsilya sa dalawang binti ko kaya natumba na naman ako.
“Kalma, Elon. Wag kang atat! “
“HAYOP KA AKRON!”
“MAS HAYOP KAYONG MGA FUEGO!” Nagulat ako nung si Ace ang sumagot sa sigaw ko.
“Walang ginagawa ang Elfame. Tahimik lang kami, pero anong ginawa niyo?! Tatlo na ang namatay na myembro namin dahil sa inyo! Una si Rain! Pinatay ng walang hiyang halimaw na yun! Tapos pinatay mo rin si Clone, hindi ba?! Pinalampas lang namin yun. Pero masyado na kayong nagiging abusado! Kanina, si Hex naman ang napatay ni Primo! Anong kasalanan namin sa inyo?! Ha?! Masyado ng marami yung tatlong pinaslang niyo para sa’min! Kaya magbabayad kayong mga Fuego sa pambubulabog niyo!! Uubusin namin kayo Lahat! “ Sigaw ni Ace sa’kin kaya mas nabigla ako. Primo..pero paano? Ba’t hindi ko alam ang tungkol dito? Ba’t walang sinasabi si Primo sa’min?
Nakita ko namang kinasa na ni Akron ang hawak niyang baril. Hindi maari..
“Sigurado akong magugustuhan to ng King dahil isa pang myembro ng Fuego ang mapapatay natin ngayon” Usal niya bago tumawa ulit.
Itinutok na ni Akron ang baril niya sa ulo ko.
“Paalam Ikalawang Diablo..” Pagkasabi niya nun, isang putok nalang ng baril ang narinig ko..
At hindi yun galing sa baril niya dahil tumilapon yung baril na kanina ay hawak hawak pa niya.
“SINO ’YUN?!” Agad naglibot ng tingin ang dalawa. At natigil sila sa paglilibot nung mapatingin sila sa kaliwa ko. Tumingin rin ako para tignan kong sino ang tumulong sa’kin.
Kagrupo ko ba?
Pagtingin ko…
“H-hell?” Ba’t siya nandito?
“Sino k–”
Bago pa matapos ang sasabihin ni Akron ay dalawang bala na agad ang binaon ni Hell sa Hita niya.
“Shit!” Mura ni Ace at tumakbo na agad ito palayo para tumakas.
Lumingon muna ito saglit samin. Pinaputukan siya ni Hell ng isang beses pero umikot lang siya kaya nailagan niya ito, at kasabay nun ay ang paghagis niya ng kutsilyo kay Hell.
Sinalo lang yun ni Hell gamit ang isang kamay.
“MAGBABAYAD KAYONG MGA FUEGO AT VIRGO!” Sigaw ni Ace bago ito tumakbo ng napakabilis.
Nung makaalis si Ace, lumapit naman agad si Hell sa’kin at isa isa niyang binunot ang mga kutsilyong tumaob sa katawan ko
“Arg–Dahan dahan naman!” Angal ko pero di niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagbunot ng kutsilyo sa katawan ko na para bang nagbubunot lang ng tinik.
“Oh” Agad niyang inabot sa’kin ang baril na hawak niya. At alam ko na ang gusto niyang mangyari.
Kahit nahihirapan ay pilit akong tumayo at lumapit kay Akron na kasalukuyang dumadaing dahil dalawang tama niya sa hita.
“ARGH!! HAYOP KAYO!” Pinilit niyang gumapang pero mukhang namamanhid na ang hita niya.
“Ang tanga niyo lang at hindi niyo pa ako pinatay nung araw na pinatay niyo ang mga magulang ko!” Sigaw ko bago tinutok ang baril sa katawan niya at walang habas na inubos ang isang magazine nito sakanya.
Pagkatapos ko siyang barilin, pumunta na ulit ako sa puntod nila Dad.
Napasandal ako sa may puno para kumuha ng lakas. “Dad, Mom..napaghiganti ko na kayo. Magiging tahimik na rin kayo jan.” Tama, si Hex, yung napatay ni Primo. Isa yun sa tatlong pumatay kila dad.
“Yan ba ang rason mo?” Napalingon ako kay Hell na naninigarilyo na sa tabi nung magsalita ito. Nakatingin lang siya sa malayo.
“Ha?”
“Yan ba ang rason mo kung bakit ka sumali sa Mafia?”
“Ahh..Oo” Tipid kong sagot. Tumahimik lang siya ulit.
“Salamat nga pala…bespren” Tawang usal ko. Namiss ko tong taong ’to. Pati yung isa kong kababata na si Elsa.
At tsaka yung isa pa..
“Nabagot lang ako kaya ko ginawa ’yun. Hind kita tinulungan.” Sabi niya kaya medyo natawa ako.
“Hindi kana talaga nagbago, Hell. Ano palang ginagawa mo dito? “
“ Binisita ko lang din ang mga magulang ko dito.“ Sabi niya ng hindi nakatingin sa’kin.
“Eh si Elsa pala? Kumusta niya siya? “
“Ayun, Engot parin.” Tipid niyang sagot.
“Pakisabi nalang sakanya na miss ko na siya ha.” Sabi ko kaya agad niyang itinapon yung sigarilyong hinithit niya tapos inapakan niya.
“Akin lang si yun. Jan kana.” At nag umpisa na siyang maglakad palayo.
“Teka lang. Selos ka naman agad eh. Kwentuhan muna tayo.” Pagbibiro ko kaya napahinto siya.
“Alalahanin mo Elon, ibang grupo ang sinalihan mo. Virgo kami at Fuego ka. Kahit kaibigan kita, kahit magkababata tayo. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kung kinakailangan.” Natigilan ako sa sinabi niya. Di ako nakasagot hanggang sa nakita ko nalang siyang naglakad palayo.
Napasandal nalang tuloy ulit ako sa puno.
“Mom, Dad. Wala ng natira sa’kin. Wala na kayo, pati si Primo. Pati mga kaibigan ko kaaway ko na rin.” Napangiti nalang ako ng mapait. “Ganito ba kasaklap ang buhay? “ Bigla nalang bumigat ang mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng tama ko sa katawan. Parang gusto ko nalang matulog at magpahinga.
“ELON!”
Ang huli ko nalang nakita ay sina Veronica at Stephan na palapit sa’kin bago ako nawalan ng malay.
[Elsa’s PoV]
“Oh Hell, san ka galing? Ba’t ang aga mong umalis?” Tanong ko sa kakarating lang na si Hell.
“Wala. Ano ng nangyari sa Boss-bossan natin? Patay na ba?” Walang emosyon niyang tanong.
“Sira ka talaga! Nandun siya sa kwarto nagpapahinga, masyado siyang maraming natamong bugbog at sugat sa katawan kaya baka mamaya pa ’yun magigising. “ Sagot ko.
“Eh yung babaeng dinala nila kagabi?”
“Tulog pa. Hoy wag mo ngang iniiba yung usapan! Sabi ko saan ka galing?” Inis kong tanong. Agad naman niyang nilabas ang baril na nasa likod niya at winagayway ng konti.
“May pinatay lang.” Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
“Pinatay?! Sino?! Kalaban ba?!”
“Si Elon.”
“ANO?!! PINATAY MO SI ELON!!” Ngumisi naman ang kumag ng nakakaloko.
“Naniwala ka naman. Ewan ko sayo.” Usal niya sabay pisil ng ilong ko.
“Ano ba! Hindi magandang biro ’yun ah! Tsaka sinong maysabing pisilin mo ang ilong ko!” Sigaw ko. Ba’t kaya nasa Good mood to?
“Gutom na ako. Kumain na muna tayo.” Sabi niya lang sabay hawak ng kamay ko tapos hinila ako papuntang kusina.
“Huwag mo nga akong hawakan!” Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo niya lang hinigpitan yung hawak niya. A-ano bang nakain neto?!
[Ish’s PoV]
Tahimik kaming kumakain ni Hugo, Kael at Benz nung biglang dumating sina Elsa at Hell na magkahawak ang kamay? Ayayaay..
Kita ko pa ang pamumula ni Elsa hahaha
“Holding Hands? Yiieee~ Kayo Elsa ha,” Kinikilig na sabi ni Benz. Abnormal talaga to.
“Gusto mong tusukin ko yang kanang mata mo Benz para tuluyan kanang mabulag?! Ha?!” Sigaw ni Elsa. Agad namang nag pout ang bwesit! Argh! nakakadiri talaga pag nagpopout tong hayop na’to eh! Nakakawala ng gana kumain!
“Joke lang uy, To naman :3”
“Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo na yang pagpopout mo Benz! Nakakasuka!” Sigaw ko.
“Nasa harap kayo ng pagkain, Ish.” Singit ni Hugo kaya tumahimik nalang ako. Muli akong tumingin ng masama kay Benz. Pero pagtingin ko..
Bleeeh :P
Aba’t! Nilabasan pa ako ng dila ng hayop!
Lagot ka sa’kin mamaya
[ Ace’s PoV ]
-Elfame Palace-
Nung makapasok ako sa Elfame Palace, agad akong pumunta sa Trono kung saan nakaupo si King Casper para ipahayag ang balita.
Yumuko ako at di na nagpaligoy ligoy pa.
“Paumanhin King Casper. Wala na po si Akron.”
“Ano bang nangyari?” Kalmadong tanong niya.
“Pasensya na po pero tinangka po naming patayin ang isang myembro ng Walong Diablo para sana sa ikabubuti po sa kaligtasan niyo, King. Pero— “
“Ano bang sinabi namin sa inyo kanina?!” Napatigil ako nung biglang dumating si Queen Venus.
“Pasensya na’po talaga, Ang akala po namin ay magtatagumpay kami. Ang totoo niyan magtatagumpay naman na sana kami sa pagpatay kay Elon, pero may isang myembro lang po ng Virgo ang nakialam.”
“Virgo?” At nag smirk ang King. “Akala ko ba nalalaos na ang Virgo ngayon dahil sa pagkawala ni Vlademir? Ba’t ang lakas padin ng loob nilang makipaglaban?”
“Balita ko po may bago ng Boss ang Virgo. Anak daw ito ng dating Boss nila. Si Virgel Acosta.” Sagot ko.
“Virgel? Kung ganun may isang anak pa pala siya.” Hindi na ako nagtanong sa sinabi niya. Hindi ako interesado.
Ang bumabagabag lang sa’kin ngayon, ba’t tinulungan ng isang Virgo ang isang Fuego kanina? Diba dati pa silang mortal na magkalaban? Ano na bang nangyayari? Magkakampi na ba ang dalawang grupo?
“Ace, pagsabihan mo ang lahat ng myembro
ng Chess Pieces na maghanda.“ Nabalik ako sa wisyo nung magsalita ang King. Ano daw?
“Pero Mahal.”
“Okay lang, mahal. Tama na siguro ’tong pagiging tahimik natin. Masyado na nila tayong minamaliit. Gagawin ko ng opensa ang Chess Pieces. Magrerecruit ako ng malalakas na myembro sa Hirvana para palitan ang mga napaslang nating myembro at para makumpleto ng muli ang Chess Pieces. Uubusin natin lahat ng Fuego At Virgo. Mali Grupo ang ginambala nila! “ Parang nanlilisik ang mga mata niya at halang na halang sa pagkitil ng buhay. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ang expresyon ng mukha niya. Tuluyan na nga nilang ginalit ang King namin.
Sa ilang taon naming pagsisilbi, di pa namin nakitang lumalaban ang King namin. Pati ang ibang myembro ng Chess Pieces. Pagtakas lang kasi ang lagi naming ginagawa. Tapos ngayon kami naman ang aatake?
Masaya to
“Masusunod, King Casper.” Sabi ko at nag bow muna ako bago umalis.
Maghanda-handa na kayo Fuego at Virgo. Dahil ipapalasap namin sa inyo kung anong klaseng grupo ang ginambala niyo.
-To Be Continued..
-MajorSin
Episode 19: Behind the Mask
Episode 19:
Behind the Mask
EditedNov2018
[ Virgel’s PoV ]
“Patay na daw ang Pangatlong Diablo ng Fuego na si Primo Fuentes.”
“Primo Fuentes? Teka..si Primo? Diba pinsan yan ni Elon? Sino ang pumatay sakanya? “
“Wala akong Ideya, Pero nakasisiguro akong isang Mafia ang may gawa nito.”
Yan agad ang nadatnan ko nung pababa ako sa hagdan. Grabe, medyo masakit padin ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi. Naka bandage pa ang braso, ulo at tiyan ko dahil sa mga sugat ko.
“Oh Boss! Gising kana pala. Okay ka naba?” Tanong ni Elsa nung makalapit ako sakanila.
Napatingin silang lahat sa’kin.
Nginitian ko sila . “Okay na ako. Medyo masakit nga lang yung mga sugat ko hehe “
“Mabuti naman at walang nangyaring masama sa inyo Boss.” Elsa.
“Oo nga eh. Mabuti ka pa Boss hindi gaano yung natamo mong sugat. Hindi katulad nitong isang to, Hahahaha” Pang aasar naman ni Ish kay Benz. Agad naman akong napatingin kay Benz. May takip na yung kaliwang mata niya na parang pang pirata.
Nakaramdam agad ako bigla ng lungkot “ Benz, patawad. Nang dahil sa akin naging ganyan na yung kaliwang mata mo.“ Kung di lang sana namin siya iniwan dun sa labas nung budega, malamang okay na okay pa yung dalawang mata niya ngayon.
Hindi ko siya nagawang naprotektahan.
“Ano ka ba Bossing! Okay lang yun! Feel ko nga mas lalo pa akong gumwapo pag nakasuot ako nito eh.” Nakangising sabi ni Benz kaya medyo napangiti ako.
“Libre mangarap Benz, pagpatuloy mo yan” pang aasar naman ni Ish kaya nagtawanan kami except kay Hell…at ngayon pati si Kael hindi narin nakikitawa.
May problema ba siya?
“Boss, kumusta naman ang naging unang misyon mo? Balita ko kay Benz natalo mo daw yung Boss ng El Satans na yan.” Tanong naman ni Hugo kaya may bigla akong naalala.
“Si Agnes? Ligtas ba si Agnes? Na’san siya? “ Tanong ko agad sakanila. Nagtagumpay ba ako sa misyon ko? Hindi ko na naman kasi alam ang mga nangyari kagabi dahil nagising na naman–aw mali, sadya ko na palang ginising yung isang katauhan ko kagabi.
“Inihatid ko na siya kanina sa kanila Boss, mukhang matamlay kasi at parang wala sa sarili eh.” Sabi ni Ish. Haaay, mabuti naman at okay lang siya. Matamlay lang siguro yun dahil hindi siya pinakain nung Victor na’yun nung nandun pa siya sa Budegang yun.
“Bossing, Alam mo bang pinagtaksilan ka ni Agnes kagabi?” Tanong ni Benz kaya nangunot yung noo ko.
“Pinagtaksilan?”
“ Oo Bossing. Nung pagdating kasi namin ni Kael dun sa lugar na pinaglabanan niyo, nadatnan naming nakayakap si Agnes dun sa Boss ng El Satans.“
“Huh? Nakayakap? Eh akala ko ba wala na sila–”
“ Dati daw magkasintahan yung dalawa Bossing sabi ni Hitler “
“ Alam ko naman yun eh. Sinabi na ni Agnes sakin yun–na ex niya yung si Victor“
“Ex? Eh pero ano yung nakita namin? Baket magkayakap sila kagabi?”
“Hindi ko alam. Pero sigurado akong wala na silang relasyon.”
“Sa tingin ko ay mali ka, Boss” Napalingon ako kay Elsa nung magsalita ito.
“Nung pumasok kasi ako sa kwarto niya kanina, narinig ko siyang tawag ng tawag sa pangalang Victor habang natutulog. Sa tingin ko ay mahal parin ni Agnes yung Victor na’yun” Dagdag ni Elsa na ikinatigil ko ng ilang segundo.
Nung mag sink in lahat ng sinabi niya sa’kin, napangiti nalang ako ng mapait .
“Kung ganun, sa huli, ako pala yung nagmukhang kontrabida dito.” Yumuko ako sakanila. “Patawad, nadamay ko pa kayo sa katangahan ko” Agad akong tumayo sa pagkakaupo. “Magpapahangin lang ako “
Si Agnes..akala ko wala na sila nung Victor. Pero…
Sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Agnes sa nagawa ko.
[ Ish’s PoV ]
Nung makaalis si Boss dito sa sala, tinignan ko agad si Benz.
“Hoy Benz, anong ginawa mo kay Boss?” Tanong ko sakanya. Agad naman itong parang nataranta.
“Ha? Wala naman akong sinabi ah.”
“Eh ikaw kaya ang nag umpisa nung topic na’yun. Lagot ka.”
“H-ha? Eh..w-wala naman akong ginawang masama eh, Sinabi ko lang naman yung sinabi ni Hitler samin. Totoo naman talaga yun eh. Diba Kael? “ Sabi niya sabay tingin kay Kael pero di siya nito pinansin. Ang seryoso ng mukha ni Kael ngayon. “Uy Kael, naririnig mo ba ako? Ipagtanggol mo naman ako.
pout“
Babatukan ko na naman sana si Benz dahil nag pout na naman ang loko nang biglang tumayo si Kael sa pagkakaupo. “Pupunta lang ako saglit sa Mansyon ng Fuego.” Sabi ni Kael sa mababang tono.
“Ang akala ko ba kasapi kana namin?!” Sigaw ni Hugo. Tinignan naman siya Kael.
“Naging kagrupo ko si Primo dati, Hugo. Tatanungin ko lang kung ano ang tunay na nangyari.” Sabi niya at di na niya hinintay pa ang sasabihin ni Hugo at umalis na siya sa mansyon.
“Mag iingat ka, Kael.” Sabi ni Elsa pero di na nagawang sumagot ni Kael dahil nakalabas na ito.
“Gago yun ah!” Inis na sabi Hugo. Pagdating talaga kay Kael, nag iinit ang dugo ni Hugo. Ewan ko ba.
“Hayaan mo na, dati siyang myembro ng Fuego kaya sigurado akong naapektuhan yun ng husto sa balitang wala na ang isa sa Walong Diablo.” Awat ko. Tumahimik naman si Hugo.
Mukhang problematic ang dalawang teenager sa grupo ngayon ah.
At tungkol pala kay Boss..
“Elsa, puntahan mo si Boss, mukhang kailangan niya ng makakausap ngayon”
“Sige” Tatayo na sana si Elsa pero..
“Ako na ang kakausap”
Nanlaki lahat ng mga mata namin nung bigla yung sabihin ni Hell. Seryoso siya? Ang alam ko galit siya kay Boss eh.
“Sigurado ka ba jan, Hell? Baka pagtangkaan mo lang ang buhay ni Boss” Paninigurado ni Hugo. Agad namang nag smirk si Hell.
“Sino siya para patulan ko ang buhay niya?” Angas na tanong niya bago umalis at lumabas. Ang ewan talaga neto.
“Ano kayang nakain nun?” T akang tanong ni Elsa.
“Sus, nag volunteer lang yun dahil ayaw niya na si Elsa yung kakausap kay Boss. Tsk tsk ang seloso talaga ni Hell Boy” Umiiling na sabi ni Benz habang natatawa pa. Pfft. Abnormal talaga ’to.
Kitang kita naman ang pamumula ni Elsa.
“T-tumahimik ka nga Benz!” Sigaw niya sabay walkout. Kinilig? Hahaha
Ngayon kaming tatlo nalang nina Hugo at Benz ang naiwan sa sala.
Walang gustong umimik kaya ako na ang nag umpisa
“Ang Hirvana Group at Elfame Mafia, nagsanib pwersa na.” Umpisa ko sa topic. Yun kasi ang naresearch ko kagabi. Lahat ng Companya ni Mr. Frederick Lincoln–Ang Boss ng Hirvana at ni Mr. Maximo Yusen o mas kilala na King Casper ng Elfame Clan ay nag-merge na.
“Yun din ang nabalitaan ko.” Sang ayon ni Hugo. “Mag iingat kayo sa Elfame. Alam kong hindi sila ang kinikilala sa buong mundo ng mafia ngayon pero sinasabi ko, ang Yusen Family ang humahawak ng titulong top 3 richest Family sa buong east part ng mundo ngayon. Kaya nilang mag recruit ng malalakas na myembro kung gugustuhin ng mag asawa na yun kahit ilang milyones pa ang halaga.” Dagdag niya. Lahat ng sinabi niya ay tama.
“Once ginambala mo ang organisasyon nila, sigurado akong gagambalain ka nila ng doble o triple” Pahabol pa niya kaya napakamot ng ulo si Benz
“Isang Ex pawn ng Elfame naman daw yung napatay ni Boss, hindi na naman na’yun kasapi ng organisasyon kaya ok lang siguro yung ginawa ni Boss na pagpaslang sakanya. “ Benz.
“Hindi sila nang aatake ng mga walang atraso sa kanila. Siguro naman wala sa inyo ang kumakalaban sa mga myembro ng Elfame.” Hugo.
“Teka teka, sino ba talaga ang malakas na kalaban natin? Ang Fuego ba o ang Elfame? “ Naguguluhang tanong ni Benz. Maski ako naguguluhan rin.
Haaay, wala naman siguro akong natatandaan na gumalaw kami ng isang Elfame member diba?
[ Veronica’s PoV ]
Pauwi na kami ni Stephan ngayon sa mansyon. Galing kami sa ospital kung saan naka confined si Elon. Buti nalang at nadala namin agad siya sa malapit na ospital. Ang daming dugo ang nawala sakanya. Pero sa ngayon Okay na siya.
Pagkarating namin ni Stephan, mejo nagulat ako nung makita ko si Kael na nakatayo sa labas gate ng mansyon. Ang Seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa malayo. Ibang iba sa dating Kael na palaging nakangisi at tumatawa.
“Anong ginagawa mo dito, Kael?” Agad naman niya kaming nilingon matapos siyang tawagin ni Stephan.
“Gusto ko lang malaman kung ano ang totoong nangyari kay Primo.” Sabi niya kaya naalala ko yung sinabi ni Elon samin kanina after niyang magising.
Patay na nga pala si Primo..
“Pumasok ka muna, dun na tayo mag usap usap lahat.” Sabi naman ni Steph.
“Wag na, baka makita ako ni Boss Jin.”
“Tsk.” Agad kong tinulak si Kael papasok sa gate. “Hindi yan, Kasapi ka namin noon kaya walang masama kung bumisita ka dito paminsan minsan. At isa pa..namiss ka namin. “
Nakita ko namang ngumiti siya ng konti matapos kong sabihin ’yun. “Namiss ko din kayo.” Sagot niya.
Nung makapasok na kami sa underground, nagulat kaming tatlo dahil pati si Boss Jin at ang Head Boss ay nandito rin. Hindi kasi sila masyadong pumupunta dito.
Yumuko kami sa dalawang boss bilang respeto. Pati si Kael nakiyuko din. Kahit matagal na siyang hindi myembro ng Fuego, may respeto padin siya kila Boss Jin.
“Hi, Kael! Long time no see ah” Sabi ni Helena ng nakangiti. Tama nga ako, kahit hindi man nila sabihin, alam kong namiss din nila tong batang ’to.
“Anong ginagawa mo dito, Kael?!” Halata sa tono ng boses ni Boss Jin ang galit nito.
“Gusto ko lang po sanang makibalita kay Pri–”
“Makibalita?! “ Putol ni Boss “ Diba tinanggal na kita sa grupo?! Baket–”
“Jin..” Putol din ng Head Boss kay Boss. “Tama na’yan, Umupo na kayong tatlo. “ Kalmadong utos ng Head Boss samin kaya umupo na kami sa bakanteng upuan.
Pansin ko si Kael panay lang ang titig kay Head Boss habang paupo kami. Anong problema niya?
“Ngayon, uulitin ko ang tanong, may kahina hinala ba kayong napansin kay Primo noong mga nakaraang araw?” Tanong ng Head Boss. Mukhang alam na nila ang balita kay Primo at ito ang pinagmi-meetingan nila ngayon.
“Ang napansin ko lang po ay lagi siyang wala dito. At kung umuuwi man siya, lagi namang sa madaling araw na.” Sagot ni Helena
“Sang ayon ako Head Boss, napansin ko rin yun pero di ko na siya tinanong pa kasi hindi rin naman sasagot yun eh. “ Sang ayon naman ni Nero.
“Kayo, Veronica? Stephan? May napansin kaba kay Primo na kakaiba noong mga nakaraang araw? “
“Yun lang din po ang napansin ko eh. Lagi naman kasing tahimik yun pag nandito. Hindi parin ako makapaniwala sa balitang lumusob siya ng mag isa dun sa Elfame Palace. Hindi niya naman gawain ’yun. Hindi yun kumikilos ng hindi nag iisip.” Sagot ko.
“Malamang may nag utos sakanya. O merong nagbigay ng motibo sakanya para gawin niya ang bagay na’yun” Napatingin naman kami sa biglang nagsalita na si Kael.
“A-ah..opinyon ko lang naman ’yun. Gusto ko lang tumulong. “ Kahit hindi na siya kasapi namin, anjan parin ang loyalty niya sa grupo. Wala parin talaga akong makitang dahilan kung bakit siya sumapi sa Virgo. Eh mortal na kalaban naman yun ng Fuego
“May punto ka dun, Kael. Sige, hanggang dito nalang muna tayo. Sa ngayon mangalap kayo ng mga impormasyon. Alamin niyo kung may koneksyon ba si Primo sa mga ibang Mafia groups”
“Masusunod, Head Boss “ Sagot namin.
“Aalis na ako. Argo, Kael, sumama kayo sa’kin “ Utos ng Head Boss bago umalis sa underground.
Nakita ko namang tumayo na si Kael at Argo sa pagkakaupo.
“Una na muna ako sa inyo.” Sabi ni Kael sabay bow sa’min.
“Sige”
Gusto kong bumalik na si Kael sa grupo namin sa totoo lang. Lalo pa’t nawalan na kami ng isang malakas na myembro.
[ Kael’s PoV ]
Tahimik lang akong nakasunod sa Head Boss ngayon. At nasa gilid ko si Argo na nakapamulsa lang habang pormal na naglalakad.
Napatingin ako saglit sa mukha niya. Grabe, ewan ko lang talaga, pero magkamukha talaga sila eh kahit saang anggulo eh.
Ang laki ng pagkakahawig ng mga mukha nila. Lalong lalo na ang mga mata nila.
“Problema?” Tanong ni Argo sa mababang tono kaya napaiwas agad ako ng tingin.
“W-wala.”
Nung makarating kami sa secret office ng Head Boss, umupo ako sa couch samantalang si Head Boss naman ay umupo sa swivel chair niya. At si Argo, nakatayo lang sa gilid ng Head Boss.
Pangalawang beses ko ng nakapasok dito. Dito kami nagsaad ng kasunduan ng Head Boss dati. Kasunduang susubok sa katapatan ko sa grupo at pagmamahal ko sa kaibigan ko.
“Kumusta na ang misyon mo?” Tanong niya sabay tanggal ng maskara niya. Oo, nakita ko na ang mukha ng Head Boss. At kilala ko siya.
Mapapamura ka nalang ng wala sa oras dahil…tangna, kilala siya ng lahat..
Ang pinakamalakas at kinatatakutang Mafia Boss noon.
“Hindi ko pa po yum nagagawa.” Tipid kong sagot. Agad naman siyang ngumiti.
“Ganun ba talaga ka importante sayo ang anak ko, Kael?”
-To Be Continued…
-MajorSin
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
[ Virgel’s PoV ]
Pagpasok ko sa loob ng mansyon, naabutan ko sina Hugo, Ish at Benz na nagbubuklat ng parang isang malaking album.
Ano kayang tinitignan nila?
“O Boss. Kumusta? Okay ka naba?” Tanong ni Hugo nung mapansin niya ako na papalapit sakanila.
Ngumiti ako sakanila “ Ah oo hehe“ Ewan pero si Hell lang talaga ang kayang magpalinaw ng utak ko. Pag gulong gulo ang isip ko, ang mga salita niya ang nagpapaayos nito. Dati kayang pastor si Hell?
“ Mabuti naman, Boss. Na’san si Hell? “ Ish
“ Andun sa labas naninigarilyo.“ Sagot ko sabay upo sa tabi nila. “ Ano yang tinitignan niyo?“
“ Ah ito ba? Mga dating litrato to ng Virgo Family “ Sagot naman ni Ish. Tama siya. Sila nga yung nandun sa mga litrato kasama ang dating Boss.
Medyo bata pa sila Ish dito sa mga litrato na tinitignan namin tapos…
“Pfft. Ikaw ba ’to Benz?” Tanong ko kay Benz sabay turo nung picture. Ang emo niya naman dito tapos sobrang payat pa.
“Hahaha! oo Boss siya nga yan. Parang drug addict lang sa sobrang payat eh.” Natatawang sagot ni Ish kaya pati tuloy kami ni Hugo ay natawa.
“ Grabe ka naman Ish.
pout
Porket payat drug addict agad? Hindi ba pwedeng..“
“Ano? Tirador ng Katol? Okay Hahahah! “
“Ish naman eh..”
Kahit kailan talaga tong dalawa hahaha.
Pagkatapos naming magtawanan pinagpatuloy na ulit namin ang pagbuklat ng Album. Puro mga picture lang naman nila Ish ang nandito..tapos meron ding mga litrato si Ama na parang nagsasalita siya sa harap ng maraming tao. Grabe, siguro sikat na sikat siya noon.
At ang huling litrato na nakadisplay sa album ay isang malaking group picture.
Pero ang ipinagtaka ko lang ay bakit sampung tao na ngayon ang nasa likuran ni Ama sa picture na’yun?
Andun silang lima ni Ish na nakasuot ng maitim na tuxedo samantalang yung limang tao naman na hindi ko kilala ay nakasuot ng kakaibang suot. Para silang mga ninja sa suot nila. Nakatakip ng parang mask yung bibig at ilong nila.
“ Sino sila?“ Tanong ko sabay turo dun sa mga parang ninja sa picture.
“ Sila ang top 5 Offensive weapon ni Boss Vlad noon.“ Hugo.
“ Top 5 offensive weapon? Pero akala ko ba kayong lima ang..“
“ Kaming lima naman ang Top 5 defensive weapon ni Boss Vlad. Diba sabi namin sayo na kami ang limang pinagkakatawilaan ni Boss Vlad pagdating sa seguridad ng buhay niya? Kung kaming lima ay sa seguridad ni Boss Vlad, meron ding limang malalakas na Assassins ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa pagtutumba ng mga target ng organisasyon.“ Paliwanag ni Hugo.
“ Na’san sila? Ba’t hindi ko sila nakikita dito sa mansyon?“
“ Kasama silang nawala nung mga panahong nadukot si Boss Vlademir ng mga Fuego. Siguro ay tumiwalag na agad sila sa grupo dahil wala na silang master na pagsisilbihan pa.“ Hugo.
“ Eh dun sa nakasabit na malaking frame malapit sa altar, ba’t kayong lima lang ang andun?“
“ Masyado pamisteryoso kasi ang limang yun. Konti lamang ang nakakaalam sakanila sa organisasyon. Ayaw nilang nakikilala sila. Ni isang beses nga hindi namin nakita ang mga mukha nila dahil palagi itong nakatakip “ Sagot naman ni Ish.
Nadapo naman saglit ang tingin ko sa isang Assassin na nakatayo sa kanang bahagi ni Ama.
Kahit nakatakip ang mukha niya pakiramdam ko ay kilala ko na siya..
Hindi ko alam kung baket.
Tapos yung mga mata niya..
Parang pamilyar..
Parang nakita ko na ito dati..
[ Veronica’s PoV ]
Matapos umalis nina Kael, Argo at Head Boss dito sa underground, Isa-isa nadin nagsialisan ang ibang myembro. Ganun nadin ang ginawa ko.
Habang naglalakad ako sa loob ng Mansyon, hindi maalis sa utak ko yung titig ni Kael kay Head Boss kanina. Parang iba kasi. Tapos isama mo pa yung kanina na pinasunod ng Head Boss si Kael sakanyang secret office. Hindi naman kasi basta basta ang pinapapasok niya dun. Tanging si Argo at Boss Jin palang ang nakakapasok dun.
Sa tingin ko talaga ay may tinatago sina Head Boss at Kael samin. Pinagdudahan ko na sila simula nung pinaalis si Kael sa grupo.
“Magandang Umaga po, Ma’am.” Nakasalubong ko ang isang butler sa mansyon na may hawak na tray.
“Para saan yan?” Tanong ko sabay tingin sa tray.
“Ah para po ito dun sa taong nakakulong sa storage room, Ma’am” Mukhang yung Boss ng Virgo Family dati ang tinutukoy niya.
“Ako na.” Presenta ko.
“ Pero ma’am..pinagbabawal po ng Head Boss ang pagpunta sa lugar na’yun. Tanging ako lang po ang pwedeng magbigay ng pagkain dun sa taong nakakulong sa silid na ’yun “ Sagot niya na ipinagtaka ko. At baket naman ipinagbabawal ng Head Boss ang pagpunta dun? Tsaka ba’t itong ordinaryong Butler lang ang pwedeng pumunta dun?
“ Ako na ang bahalang maghatid. Wala naman akong gagawin. Tsaka gusto ko rin makau–“
“Pero bawal po talaga, Ma’am”
“ Sandali nga..baket mo ba ako pinagbabawalan?! Hindi mo ba ako kilala?! “
“ Pero yun po kasi ang utos–“
“Tahimik!!”
Sigaw ko sabay kuha nung tray. “Subukan mong gumawa pa ng ingay” Pagbabanta ko sabay bigay sakanya ng matalim na tingin.
Gumanti rin siya ng isang matapang na titig sa’kin. Medyo nanginig bigla ang katawan ko sa titig niya. Ang akala ko ay papalag siya pero maya-maya lang rin ay yumuko ito “ Sige po. Mag iingat nalang kayo.“ Aniya pagkatapos ay umalis na siya.
Tinahak ko naman ang direksyon kung saan makikita ang silid ng pinagkukulungan ng nag iisang bihag ng Fuego Clan.
Vlademir Acosta..
Isa sa pinakasikat na businessman noon. Actually sa T.V ko palang siya nakikita. Masyado naman kasing sikat ang taong ’yun. Siya palang ang kauna unahang filipino businessman na nakapagtayo ng halos limang daang malalaking companya sa buong asya. Tinitingala siya ng marami dati..tapos sa isang iglap nawala nalang siya na parang bula sa industriya. At ang Fuego Clan ang dahilan ng lahat ng yun.
Di parin talaga ako makapaniwala na madali lang siyang nadukot ng Fuego Clan. Sa pagkakaalam ko kasi Pinakamalakas ang Virgo Family noon. Walang nakakapantay nito dahil kay Mr. Acosta. Tapos..Haay ewan.
Tatanungin ko nanga lang siya kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.
dumaan ako sa medyo mahabang pasilyo hanggang sa makarating ako sa kaisa isang storage room ng mansyon. Actually isa nalang itong abandunadong kwarto ngayon.
Pinasok ko ang kwarto at naabutan ko si Mr.Acosta na nakatalikod habang nakaupo.
“Heto na ang tanghalian mo.”
“ Ilagay mo nalang jan. Salamat.“ Sagot niya habang hindi natitinag sa galaw niya. Anung problema niya?
“ May gusto lang akong itanong, Mr. Acosta.“
“Anu yun?” Sabi niya pero hindi parin niya ako tinitignan.
“Humarap ka muna sakin”
“Sabihin mo nalang ang tanong mo, Binibini. “ Narinig ko pa siyang nag smirk. Ang weird. Ba’t parang medyo bata ang boses niya? Ang alam ko medyo matanda na si Mr. Acosta.
“ Humarap ka muna! “ Sigaw ko. Unti unti naman siyang tumayo sa kinauupuan niya. Pagkatapos ay dahan dahan siyang humarap sa’kin at–Anak ng!
“ Teka..hindi ikaw si–Sino ka?!“ Gulat akong napatanong sakanya.
Nakita ko naman siyang ngumisi. “ Sebastian Lorbek. Isang Assassin at tapat na alagad ni Boss Vlademir.“ Sagot niya na mas lalong ikinagulat ko.
“ Tapat na alagad ni Boss Vlademir? Kung ganun isa kang myembro ng Virgo? Anung ginagawa mo dito?!“ Agad kong kinuha ang pistol sa likuran ko pagkatapos ay tinutukan ko siya. Ba’t siya nakapasok dito sa mansyon ng hindi namin nalalaman? Tsaka isa pa..
Na’san ang bihag namin na si Vlademir Acosta?!
“Paano ako nakapasok? Anung ginagawa ko dito? Pfft. dalawang taon na kaya akong nakakulong dito.”
“ ANO?!!“ Sigaw ko. “Pinaglalaruan mo ba ako?! “
“ Mukha akong nagbibiro pero..pfft. Hindi ako nagbibiro, Binibini.“ Natatawa na namang sagot niya. Kumulo bigla ang dugo ko dahil parang pinaglalaruan lang ako ng Sebastian na’to kaya lumapit ako sakanya pagkatapos ay idinikit ko ang dulo ng baril na hawak ko sa noo niya.
“ Wala akong oras makipagbiruan sayo! Sagutin mo ako ng maayos!! “ Sigaw ko ulit sakanya…
..dahilan para magbago ang expresyon ng mukha niya.
“Alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga mabungangang babae?” Tanong niya gamit ang isang napaka seryosong mukha niya. Nakaramdam ako ng konti kaba sa titig niya pero di ko pinahalata.
“Tumahamik ka kung ayaw mong iputok ko ito sa ulo mo!!”
“Iputok mo.” Ang lamig ng boses niya. Putek, ba’t naging ganito bigla ang aura niya?
Hindi ko magawang kalabitin ang gatilyo dahil parang nanigas ako sa sobrang lamig ng aura at titig niya. Sino ba talaga itong Sebastian Lorbek na’to?
Umalis siya bigla sa harapan ko pagkatapos ay lumapit siya dun sa may lamesa at kumuha ng isang mansanas sa tray pagkatapos ay kinagat.
Nanatili akong nakatayo. Hindi makagalaw ang paa ko! Busit.
“ Na’san si Felix? Ba’t ikaw ang naghatid ng pagkain dito? Diba pinagbabawal yun ng Head Boss niyo?“ Nilingon ko siya. Bumalik na ulit ang dati niyang Aura.
“ Yung Butler ba ang tinutukoy mo? Teka..wag mong sabihing..“
“Oo siya nga, si Felix Sy, isa ring Assassin ng Virgo Family. At tama ka..tapat din na alagad ni Boss Vlademir yun.”
Virgo Family? Kasapi na naman ng Virgo Family?! Putek! Ilang myembro ng Virgo ba ang malayang nakakapasok sa mansyon ng Fuego?
“ Alam niyo, sinet up lang kayo ni Boss.“ Sabi niya habang ngumunguya ng mansanas.
“Anung ibig mong sabihin?”
“ Ang ibig kong sabihin..sinet up lang kayo ni Boss. Pfft.“ Anak ng! May tama ata to sa utak eh! “Biro lang. Ang totoo niyan, ang Virgo Family mismo ang sinet up niya.” Dagdag niya.
“ Ang Virgo Family?“
“ Tama. Pinaniwala niya ang Virgo Family na ang Fuego Clan ang dumukot sakanya..na were in fact, ako ang naging bihag niyo at hindi siya, diba?.“ Paliwanag niya pero medyo magulo parin sa utak ko. Ano bang gusto niyang sabihin? Na hindi talaga nadukot ng Fuego Clan si Mr. Acosta? Hindi pa naman kasi ako myembro ng Fuego nung mga panahon na dinukot nila ang Boss ng Virgo–na hindi naman pala talaga nadukot? Ang gulo!
Pero..
“ Kung wala si Mr. Acosta dito..nasan siya? Ba’t hanggang ngayon hindi padin siya nagpapakita sa mismong organisasyon niya?“
“Na’san si Boss? Anjan lang siya sa tabi-tabi. Hindi niyo lang nakikita”
Anjan lang sa tabi-tabi?
Hindi lang namin nakikita?
Teka..
Hindi kaya si..
[ Kael’s PoV ]
“ Ganun ba talaga ka importante sayo ang anak ko, Kael? “
“ Opo, Head Boss.“ Nakita ko namang ngumiti si Mr. Acosta sakin.
“ Masaya ako at nagkoroon ng isang matapat na kaibigan ang anak ko.“ Gulat akong napatingin sakanya nung sabihin niya ’yun. Pero..a-akala ko ba..
“Sinubukan lang kita, Kael.”
“ Kung ganun wala talaga kayong balak ipapatay si Virgel?“ Takhang tanong ko. Tumawa lang siya ng mahina bago sumagot.
“ At sinong ama naman ang kayang ipapatay ang sarili niyang anak?“ Natatawang tanong niya pabalik.
“ Pero…akala ko..“
“Kumusta na siya?” Pag iiba niya ng usapan.
“ Ah..ok lang naman po siya,. Nagkamalay na siya kanina“
“Mabuti naman” Sabi ni Mr. Acosta pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya. Nagsindi siya ng sigarilyo pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng bintana nitong secret office niya. Para nadin kasi itong kwarto. May kama, office table, couch, dalawang malalaking bintana at iba pa.
“ Pinapunta kita dito dahil sa isa pang balita.“ Sabi niya ng hindi nakatingin sakin. “ Isang balitang kailangang malaman ng Virgo Family at ng Fuego Clan.“
“ Ano po iyon, Head Boss?“
“Kumikilos na si Maximo at ang Elfame Clan. At ang Virgo at Fuego ang target nila ngayon.” Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Lumingon si Mr. Acosta sa gawi ko bago nagpatuloy.
“Malapit ng pumutok ang kauna unahang Digmaan ng mga Mafia”
“D-digmaan ng mga Mafia?”
“Oo. Kaya kailangan mong masabihan agad ang Virgo Family na maghanda. At ako na ang magsasabi sa buong Fuego Clan.”
“O-opo.”
Tumango naman siya “ Sige..Makakaalis kana.“
“ Ah Head Boss..may gusto lang po sana akong malaman.“
“ Anu yun?“
“ Baket? Baket po kayo nagtatago? Baket umalis kayo sa sarili niyong organisasyon? at tsaka Ba’t sa mismong Fuego Clan kayo sumapi? diba mortal na magkalaban na dati ang Virgo at Fuego? Wala naba kayong pakialam sa Organisasyong tinayo niyo?“ Di ko na napigilan ang sarili ko at natanong ko na lahat ng mga tanong na bumabagabag sa utak ko. Hindi ko lang talaga kasi maisip kung baket eh.
“Kailanman ay hindi ko pinabayaan ang Virgo, Kael. Ni isang beses ba Inutusan ko kayong walong diablo na galawin ang organisasyon ko? Hindi diba? Pinili ko lang ang Fuego Clan dahil gusto ko lang protektahan ang pamilya ko laban sa organisasyon na’to. Tsaka isa pa..gusto kong ipag isa ang dalawang grupo na’to dahil hindi kaya ng Virgo Family ng mag isa na pabagsakin ang dalawang grupong matagal ko ng gustong itumba.”
“ Dalawang grupong matagal niyo ng gustong itumba?“
“ Ang grupo ng dalawang kasamahan ko dati. Ang Elfame Clan ni Maximo Yusen at ang Martin Family ni Marcelo Martin. Malalakas ang dalawang grupong yun kaya kailangan ko ang lakas ng Fuego Clan para mapabagsak sila.“ Nakita kong ikinuyom ni Mr.Acosta ang kamay niya matapos niyang banggitin ang Dalawang pangalan ng Mafia Boss ng dalawa sa malalakas na Mafia Org. sa Asya. Lalo na ang pangalang Marcelo.
Maximo Yusen, Vlademir Acosta at Marcelo Martin..ang tatlong malalakas na Mafia Boss sa mundo ng Mafia ay magkakasama pala dati? Ampotek!
“ Ganun po ba..“ Yan nalang ang tanging nasabi ko. Ayoko ng magsalita pa..kahit ang totoo eh gusto kong malaman ang tungkol sa ina ni Virgel. Diba sabi ni Hugo na Mafia Queen ang ina ni Virgel ng Martin Family? Kung ganun mag asawa na sila nung Marcelo na’yun? Siguro kaya ganun nalang kagalit ang expresyon ni Mr. Acosta nung mabanggit niya ang Martin Family.
“ Wag mo munang ipaalam sa Virgo lalo na sa anak ko ang mga nalaman mo ngayon, Kael. Pagsabihan mo lang sila na maghanda.“
“ Makakaasa po kayo.“ Tumayo ako sa pagkakaupo pagkatapos ay bahagya akong yumuko.
“ Protektahan mo ang anak ko. Yan talaga ang rason ko kung baket tiniwalag kita sa Fuego, Kael. Maintindihan mo sana.“
“ Naintindihan ko po. Wag po kayong mag alala, poprotektahan ko ang kaibigan ko.“ Ngumiti ako kaya ngumiti rin si Mr. Acosta.
“ Maraming Salamat. Makakaalis kana.“ Tumango ako sakanya pagkatapos ay napalingon ako saglit kay Argo. Tumaas bigla ang balahibo ko nung makita kong nakangisi siya sa’kin.
Nakakatakot talaga ang mga mata nitong nilalang na’to.
Papunta na ako sa pintuan ngayon at bago paman ako makalabas..
Isang kataga ang narinig ko mula kay Argo.
katagang inaasahan ko ng lalabas sa bibig niya.
-To Be Continued…
Mga Bagong Karakter..
:Sebastian Lorbek
:Felix Sy
-MajorSin
Episode 21: The News
Episode 21: The News
[ Virgel’s PoV ]
“ Ish. Pakiabot nga nung steak.“ Utos ni Benz. Kumakain nga pala kami ngayon.
“ Wala ka bang kamay? “ Kunot noo namang tanong ni Ish.
“ Hindi ko kasi maabot “
pout
“ Isang nguso pa! Tatamaan ka sakin! “
Pout
“ Eh? Paabot na nga kasi nung steak–aray! Hala Hugo oh! Si Ish nagsasayang ng pagkain “ Naiiyak na sumbong Benz kay Hugo habang hinihimas yung noo niya na natamaan ng saging. Pftt.
“ Nasa harapan tayo ng pagkain. Hindi niyo ba alam ang salitang respeto? “ -Hugo
“ Eh si Ish kasi ayaw paabot nung steak “
“ Ba’t ba kasi hindi ikaw ang kumuha?! “
- Pout*
“ Sabi ng hindi ko maabot “ Nakangusong sagot ni Benz. Pero nagulat nalang ako nung bigla siyang tumakbo pagkasabi niya nun. At pagtingin ko kay Ish may hawak na pala itong kutsilyo. “ Hayop ka! Sabi ng huwag kang ngunguso! “ Tumayo narin si Ish pagkatapos ay hinabol niya si Benz. Narinig pa namin silang nagsisigawan
“ BUMALIK KA DITO HAYOP KA!!! “
“ HUWAAAA!! TULOOONG!! “
Wala akong magawa kundi ang matawa nalang.
“ Haaaay. Mga isip bata “ Umiiling na sabi ni Hugo pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagkain.
Sila Elsa at Hell naman ay tahimik lang din na kumakain.
“ Nandito na ako. “ Habang kumakain kami. Nakita ko na papalapit si Kael samin kaya ngumiti ako. “ Kael! Saan ka galing? “
Ngumiti rin siya ng kaunti bago sumagot “ May pinuntahan lang, Boss “
“ Kumain kana Kael. “ Aya ni Elsa.
“ Sige, salamat. “ Umupo siya sa tabi ko. “ Anung nangyari dun kila Ish at Benz? Ba’t naghahabulan sila dun sa labas? “ Natatawang tanong niya kaya natawa rin ako.
“ Ewan ko sa dalawang ’yun. Lage naman silang ganun.“ Tumango tango naman si Kael pagkatapos ay nag umpisa na itong kumain.
Ilang minuto lang din ay bumalik na sila Ish at Benz. Natawa ako nung makita ko ang itsura ni Benz. May tatlo siyang bukol sa ulo niya pagkatapos ay parang maiiyak pa siya. Hahahaha.
“ Pfft. “ Pati si Hell ay nagpipigil narin ng tawa.
“ Anung nangyari, Benz? “ Natatawang tanong Elsa. Nilingon ko si Kael at Hugo. Nagpipigil narin sila ng tawa.
“ Ang brutal kasi ni Ish “ Naiiyak na sagot ni Benz.
“ Kulang pa nga yang hayop ka! Sabi ng tigilan mo na yang pagpapout dahil nasusuka ako! “ Sigaw ni Ish.
“ Huhuhu “
“ Hahahahah! “ Hindi na talaga namin napigilan ang sarili namin sa pagtawa.
Grabe, ang saya lang.
[ Ace’s PoV ]
“ May problema ba ang grupo, Ace? “ Tanong ni Spot. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung baket pinapatawag ng King ang lahat ng Chess Pieces sa isang pagpupulong.
Maya maya lang rin ay dumating na ang mag asawa. Kalmado lang ang King sa paglalakad samantalang ang Queen naman namin ay palaging nakasalubong ang mga kilay.
Pero ang mas nagpukaw ng atensyon sa’min ay ang anim na tao na nasa likuran ng King at Queen. Tapos isa pa sakanila ay bata.
Sino sila?
“ Anim na myembro na ang nawala sa’tin at sa tingin ko ay oras na para magpalit.“ Pag uumpisa ng King.
So sila na pala yung ipapalit ng King dun sa mga nawala naming myembro.
Lumingon naman siya sa likuran niya at tinanguan ang anim na nilalang.
“ Gusto kong ipakilala sa inyo ang bagong mga myembro ng Chess Pieces. Silang anim ay ang mga pinaka malalakas na tauhan ni Mr. Lincoln. Minsan na nilang pinabagsak ang isang buong Mansyon na
silang anim lang ang gumawa.“ Pagkasabi nun ng King, umabante na ang anim na nilalang.
Unang nagsalita ang isang matangkad na kalbo. Sa tingin ko Hitman ito ng Hirvana. “ Ang pangalan ko ay Cyrus. Cyrus Redrick. “
“ Ako naman si Hiro Yushira.“ Sabi naman nung isang lalaki na sa tingin ko ay half japanese.
“ Valentine Crawford here. “ Ani nung nag iisang babae sa kanila. Napakaganda niya sa totoo lang.
“ Yo, Asher Bedrijo is the name mga pre.“ Sabi naman nung may kulay pulang buhok.
“ Vonzo Monte.“ Wika nung nasa gitna na mahaba ang buhok. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking to. Ang talim niyang makatingin samin eh.
“ Hello! Ako nga po pala si Gavin Liurent. Hehehe “ Huling nagsalita yung pinakabata sakanila. Sa tingin ko nasa mga dose-trese palang ang edad nito. Grabe. Kasali ang batang yan sa isang Mafia?
Ang imposible naman atang paniwalaan.
“ Ano ang magiging posisyon nila sa grupo, King? “ Tanong agad ni Dorothy matapos magsalita nung anim.
“ Si Vonzo Monte ang papalit kay Akron bilang Rook. At ang mga natitira ay magiging bagong Pawns ng grupo.“ Tumalikod na ang King pagkatapos niya sabihin ’yun . “ Siya nga pala. Maging maganda sana ang pakikitungo niyo sa isa’t isa dahil iisang misyon lang din naman ang gagawin nating lahat. At yun ay walang iba kundi ang pabagsakin ang Virgo at Fuego Mafia na matagal ng gumagambala sa’tin.“ Pahabol niya. Hindi ko makita ang expresyon ng mukha ng King dahil nakatalikod siya. Pero halata naman sa boses niya ang pagtitimpi.
Pagtitimping kumitil ng buhay.
Pagkatapos umalis ng dalawang pinuno. Isa-isa na ding umalis ang iba. Mukhang hindi sila interesado sa mga bagong kasamahan namin.
Aalis na rin sana ako nung madapo ang tingin ko dun sa lalaking mataas ang buhok.
Vonzo Monte. Ang magiging kasama ko simula ngayon since siya ang ipinalit kay Akron.
Parang may mali sa lalaking ’to.
Mukhang desidido nanga ata talaga ang King na pabagsakin ang dalawang organisayon na’yun.
Malas lang talaga nila at maling grupo ang ginising nila.
( Virgel’s PoV )
Habang nasa sala kaming lahat, biglang nagsalita si Kael
“ Siya nga pala, may sasabihin ako sa inyong mahalaga.“
Napalingon kaming lahat sakanya “ Anu yun, Kael? “ Tanong ko. Huminga naman siya ng malalim. Tahimik lang kaming lahat na naghihintay sa susunod na sasabihin niya.
“ Kailangan nating maghanda.“
“ Baket may okasyon ba? Birthday mo Kael? “ Tanong agad ni Benz. Umiling naman si Kael at ngumiti ng kaunti “ Hindi yun. “
Tumingin siya saming lahat gamit ang isang seryosong mukha “ Kailangan nating maghanda para sa nalalapit na digmaan. “
Kita sa mukha naming lahat ang pagkagulat.
“ D-digmaan? A-anung digmaan Kael? “ Waaa! Katulad ba to sa mga nababasa ko sa history book namin? Yung parang gera na magpuputukan ng canyon?
“ Digmaan ng mga Mafia. “
D-digmaan ng mga Mafia?
“ San mo naman nakuha ang impormasyon na’yan? “ Kunot noong tanong ni Hugo na tila hindi naniwawala sakanya.
“ Hindi na ’yun mahalaga. Sa ngayon kailangan niyong magtiwala sa’kin. Para rin naman ito sa ikabubuti ng organisasyon. “
“ Paano kami maniniwala sayo kung ni isang pruweba wala kang maipakita na totoo yang mga sinasabi mo? Baka mamaya pinagloloko mo lang kaming lahat “ Hugo
“ Ang Elfame Clan. Kumikilos na sila para patumbahin tayo. “
“ Anung pinagsasabi mo? Wala kaming atraso sa grupong ’yun.“ Inis na angal ni Hugo.
“ Teka hindi kaya ipaghihiganti nila yung Victor na’yun? “ Kinakabahan namang tanong ni Benz. Teka, si Victor? Y-yung napatay ko? Kasapi ba sa isang Mafia ’yun? Eh sa pagkakaalam ko leader ng mga gangster yun ah.
“ Imposible ’yun, ang sabi mo tiwalag na sa grupo ’yun diba? “ Ish
“ Tama, kaya baka hindi ’yun ang dahilan kung baket sila kumikilos ngayon.“ Elsa.
“ Kung ganun. Edi ano? “ Ish
“ Kahapon..“ Nagulat kami nung biglang nagsalita si Hell. Tumingin kami sakanya. Nag smirk pa siya saglit bago nagpatuloy. “ Kahapon. May nakasagupa akong Mafia–ay mali, kami pala. At sa tingin ko kasapi ng
Elfame ’yun.“
“ Anung kami? Sino ang kasama mo? “ Hugo.
“ Si Elon. “
“ Anung ginawa niyo sa nakasagupa niyo? “ Elsa.
“ Edi pinatay. Pero yung isa nakatakas. Malamang nagsumbong agad ’yun. “ Straight na sagot ni Hell. Narinig naman naming napamura si Hugo.
“ Malaking gulo to“ Pati si Ish ay parang kinakabahan narin. Natatakot narin tuloy ako. Ganun ba talaga kalakas yang Elfame Mafia na’yan? At ganun din ba nakakatakot ang Digmaan na’yun para kabahan sila? Waaa! T^T
“ Anung gagawin na’tin ngayon? Walang wala tayo sa grupong ’yun! “ Mukhang naiistress narin Hugo sa mga nalaman namin ngayon.
“ ’Yun nanga. Kailangan nating maghanda. Magsanay, ng sa ganun magkaroon tayo ng laban sa kanila. “ Sagot naman ni Kael.
“ Kahit pa anung gawin na’tin, dihado parin tayo sa mga tauhan. Masyado silang marami. “
“ Hindi yan. May tutulong naman sa’tin “ Kael
“ Sino? “ Sabay naming tanong.
“ Basta. Sa ngayon, focus ang kailangan na’tin. Kailangan tayong magsanay at magrecruit ng malalakas na myembro na makakasama na’tin sa labanan “
“ Tama si Kael. Kailangan nating magrecruit “ Pagsang ayon ni Ish. Tumango naman si Elsa at nag thumbs up si Benz.
Mukhang halos lahat sang ayon.
“ Ikaw Boss? May naiisip ka bang plano? “ Gulat akong napatingin kay Hugo nung tanungin niya ako.
“ H-huh? P-plano? “ Anung plano? wala nga akong ideya sa mga sinasabi nila. Tapos hihingi sila ng plano sa’kin?
“ Oo Boss. Baka may naiisip kang plano jan.“ Ish
“ Ah he-hehehe wala eh. Okay na yung plano ni Kael he-hehe “ Kamot ulo na sagot ko. Ano ba yan T.T feeling ko na naman tuloy wala akong kwentang pinuno.
“ Sige. ’Yun ang plano natin. “ Sabi ni Benz. “ Pero bago ang lahat ng ’yun, kailangan muna nating magrelax. Naiistress na kasi ako sa mga mukha niyo eh hahaha–aww!! Aray naman Ish “ Binatukan kasi siya ni Ish. Bale apat na bukol na hahaha.
“ Anung relax? Napaka komplekado nanga ng sitwasyon natin tapos naisipan mo pang magrelax? Gago. “
“ ’Yun nanga eh. Kailangan muna nating irelax ang mga sarili natin bago tayo magsanay. Para naman maging ganado tayo sa pagsasanay. Ang pangit kaya magsanay pag stress ka. Diba? diba? “ Ngiti ngiting wika ni Benz. Napailing nalang tuloy Ish.
“ May punto si Benz.“ Pag sang ayon ni Hugo
“ Pero san naman tayo magrerelax? “ Elsa.
“ Bukas na natin yan pag usapan. Kailangan ko ng umalis. Kailangan ko pang ipaalam ang balitang ito sa ibang mga tauhan ng Virgo.“ Sabi ni Hugo at tumayo na ito sa kinauupuan niya. Kaya pala siya nakabihis. May lakad pa pala siya.
“ Boss. Gusto mo bang sumama? Ipapakita ko sayo ang kabuuan ng ng mga tauhan mo.“ Napanganga ako bigla sa tanong ni Hugo. “ Kabuuan? Eh diba kayo lang ang myembro ng grupong ito? “
“ Hahahaha. Hindi lang kami ang mga tauhan mo Boss.“ Putol ni Ish . “ Lahat ng mga tauhan mo ay nandun sa totoo at sekretong pinamumugaran ng mga Virgo Mafia.“ Dagdag niya na ikinatulala ko. Kung ganun hindi lang pala sila ang mga myembro ng pamumunuan kong organisasyon?
Naloko naa
“ Ano boss. Tara? Para narin makita kana nila. Matagal na rin kasi nilang gustong makita ang bagong Boss nila.“
“ H-huh? Ah eh..hindi muna ako sasama Hugo. he-hehe“
“ Baket Boss? “
“ Ah eh he-heheh hindi pa kasi ako handa eh. Pasensya na“ Sabi ko sabay kamot ulit sa ulo. Tumango naman si Hugo at mukhang hindi na ako pipilitin pa. Haay salamat.
“ Oh siya sige, aalis na ako “
( Stephan Milvar’s Pov )
“ Kumain kapa. “ Utos ko kay Elon sabay lahad sakanya ng binalatang mansanas. “ Kailangan mong magpagaling kaagad dahil kailangan ka ng grupo ngayon. “ Dagdag ko. Kinuha niya naman iyon tsaka kinain.
“ Salamat “
Andito kami ni Veronica ngayon sa ospital kung saan naka confined si Elon.
“ Kumusta na ang organisasyon? Nasa maayos na lagay ba? “ Tanong ni Elon.
“ Hindi “ Tanging nasagot ko nalang.
“ Anung ibig mong sabihin? “
“ Nanganganib ang organisasyon na’tin ngayon Elon. Dahil nagbabalak na daw ang Elfame Mafia na patumbahin tayo. Iyon ang sabi ng Head Boss namin kanina “ Sagot ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nalaman kong balita
Hindi ko lubos maisip na mukhang mangyayari nanga ata talaga ang kinakatakutan kong Digmaan. At ang Elfame Mafia pa talaga ang makakalaban namin. Tsk.
Dihado kami pagdating sa numero ng mga tauhan.
Pero ang sabi naman ng Head Boss kanina na may mga tutulong daw sa’min. Hindi naman niya sinabi sa’min kung sinu-sino. Basta daw maghanda lang kami.
Anim na Diablo nalang ang natitira sa organisasyon ngayon kaya kailangan talaga naming magsanay ng mabuti at maghanda. Hindi basta basta itong digmaan na’to.
“ Ang lalim ata ng iniisip niyo.“ Nabalik ako sa wisyo nung magsalita si Elon.
“ Ha? May sinasabi ka? “
“ Wala. Natatawa lang ako sa inyo dahil parang ang lalayo ng mga iniisip niyo. “ Natatawang sagot niya. Tsaka ko lang din napansin si Veronica na nakaupo sa gilid at parang ang lalim rin ng iniisip.
Kanina pa siya ganyan. Hindi ko nga alam kung anung nangyayari sakanya.
“ Veronica.“ Tawag ko. At gaya ng inaasahan ko, parang wala siyang naririnig.
Kinuha ko ang kutsilyo na ginamit ko sa pagbabalat pagkatapos ay ibinato ko sa kanya.
Tsaka lang siya natauhan at mabilis niya iyong iniwasan. “ What the hell?! “ Sigaw niya.
“ Kanina pa kita tinatawag. Ano bang problema Nica at kanina kapa parang wala sa sarili? “ Diretsang tanong ko. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya tsaka kumuha ng mansanas at binalatan. “ W-wala. “ Tipid niyang sagot.
Ang weird niya ngayon.
( Veronica’s PoV )
“ W-wala “ Tipid kong sagot. Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari sa’kin kanina.
Grabe, sa dami ng mga hindi ko inaasahang impormasyon na nalaman ko kanina, lage nalang ako natutulala.
Tsk
Flashback ( Continuation to ng PoV niya last chapter )
“ Anung ibig mong sabihing nasa tabi-tabi lang si Mr. Acosta?“ Tanong ko agad sa Sebastian na’to.
“ Halos dalawang taon narin pero hindi niyo padin siya nakikilala. Ang galing talaga ni Boss pagdating sa pagtatago.“ Nakangising sagot niya kaya nag init na naman bigla ang ulo ko.
Tinutok ko ulit sakanya ang pistol na hawak ko “ Diretsuhin mo ako! Nasan si Mr. Acosta ngayon!! “ Sigaw ko ng malakas sakanya. And as expected, naging cold na naman bigla ang aura niya.
“ Diba sinabi ko na sayo kung anong ayaw ko? “ Tanong niya gamit ang malamig na boses.
“ Wala akong pakialam!! Sagutin mo yung tanong ko kung ayaw mong sumabog yang ulo mo!!“
Ngumisi naman siya na parang demonyo “ Pinagbabantaan mo ba ako? “
“ Tumahimik ka– “
Laking gulat ko nalang nung mabilis siyang nawala sa paningin ko.
At pagtingin ko sa kanan..nakita ko nalang siya na papalapit sa’kin at handang handa ng isaksak yung hawak niya kutsilyo na hawak niya.
Yung mga mata niya parang nasasabik pumatay.
Kunting distansya nalang sana at matutusok na yung kutsilyo na hawak niya sa bewang ko ng bigla siya mapahinto dahil sa isang maotoridad na boses “ Sebastian. Tama na ’yan. “
Bumalik na ulit sa dati ang mukha niya “ Pasensya na po Boss. Masyado kasi maingay tong alaga mo.“ Nakangising wika ni Sebastian at inilagay na niya ulit yung kutsilyo dun sa may tray.
Muntikan na ako.
Pero teka..sino ’yung..
Dahan dahan akong napalingon sa may pintuan para tignan kung sino ’yung nagsali–
Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. “ Head Boss? “ Tanging nasabi ko nalang.
Ba’t andito ang Head Boss? Tsaka meron din siyang apat na kasama. Isa dun ay yung may hawak ng tray kanina na inagawan ko–na ang sabi ni Sebastian ay Felix Sy ang pangalan. Tapos yung dalawa naman ay parang pamilyar ang mga mukha. Parang nakita ko na sila dito sa Mansyon.
Pero mas nadapo ang tingin sa isa pang kasama ng Head Boss.
Argo?
Ba’t andito rin siya?
“ Pasensya kana sa inasal ni Sebastian, Veronica. Sadyang ayaw niya lang talaga ng maingay.“ Kalmadong wika ng Head Boss tsaka pumasok ng tuluyan dito sa storage area. Pati yung tatlo at si Argo ay pumasok nadin.
“ O-okay lang. Head Boss.“
“ Boss, alam na niya ang sekreto na’tin. Sa tingin ko dapat natin siyang despatsyahin dito.“ Medyo nanginig bigla ang mga tuhod ko pagkatapos sabihin yun nung isang lalaki.
“ ’Yun nga din ang iniisip ko ngayon, Elfred.“ Sagot ng Head Boss na mas lalong ikinanginig ng buo kong katawan.
P-papatayin nila ako dito?
Pero..kasapi ako ng Fuego. Tsaka ano yung sinasabi nung lalaki na sekreto? Naguguluhan na ako.
“ Kung ganun “ Bumunot na yung isang lalaki ng shuriken sa likuran niya at tumingin ito sakin ng matalim.
Shit.
Nagtaas naman ng kamay ang Head Boss na parang sinesenyasan niya yung lalaki. “ Wag, Trace.“
“ Pero baket, Boss?“
“ May naisip akong plano.“ Dagdag niya. Lumingon naman si Head Boss sa’kin. “ At dahil alam mo na ang sekreto namin. Mukhang kailangan mo naring malaman kung sino ang matagal mo ng pinagsisilbihan.“ Wika niya at agad niy tinanggal ang maskara–
“ M-mr. Acosta? “
Natulala ako ng ilang segundo dahil sa nakita at nalaman ko.
ang Head Boss namin ay ang Boss dati ng Virgo Mafia na si Vlademir Acosta?!
P-pero paano nangyari ’yun?
“ Veronica, makinig ka sa ipapagawa ko sayo.“
End of Flashback
Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Kahit pa naexplain na niya sa’kin ang lahat kung baket niya ito ginagawa.
After all. Hindi parin pala niya pinapabayaan ang Organisasyon niya. Kaya pala ni minsan hindi niya kami inutusan na galawin ang mga Virgo.
At alam ko narin ang rason kung baket tiniwalag niya si Kael sa grupo. At ’yun ay para may tagaprotekta ang Anak niya.
Binilin niya sa’kin na wag ko raw ipagsabi ang mga nalaman ko kaya dapat akong mag ingat.
At tungkol nga din pala dun sa ipinapagawa niya sa’kin,
Yung sekretong misyon ko…Mukhang mahirap ’yun.
pero kailangan kong gawin.
-To be continued…
MGA BAGONG KARAKTER
Cyrus Redrick
*Hiro Yushira
*Asher Bedrijo
*Valentine Crawford
*Vonzo Monte
*Gavin Liurent
*Elfred Artizan
*Trace Jenkins
-MajorSin
Episode 22: The Devil’s Eye
Episode 22: The Devil’s Eye
-Next Day-
Sunday
[Virgel’s PoV ]
“ Woooow “
Halos mapanganga ako sa ganda ng tanawin dito sa pinuntahan naming beach resort.
Puti yung buhangin na parang dun sa boracay. Tapos ang ganda din ng dagat. Parang swimming pool lang sa sobrang linaw. At tsaka…
At tsaka…
Andadaming..
“ Daming chicks dito.“
Tama yung sinabi ni Ish. Ang dadami nila. T-tapos nakasuot lang sila ng a-ano..
“ Boss, ba’t ka namumula? Nilalagnat kaba? “ Agad akong umiling sa tanong ni Elsa. Namumula ba ako? Eh k-kasi naman…andaming..
Ang inosente kong mga mata!
“ Ilagay muna natin ’tong mga gamit natin dun sa may cottage.“ Utos ni Hugo kaya umiwas na agad ako ng tingin dun sa mga magagandang babae ng nakasuot lang ng ano…
**
Habang naglalakad kami papuntang cottage..
Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaiba. Sa totoo lang kanina ko pa talaga ito nararamdaman. Pero binabalewala ko lang. Baka kasi mali lang yung pakiramdam ko.
Pero para talagang may sumusunod samin kanina pa eh.
Since ako yung pinakahuli saming naglalakad, lumingon ako sa likuran..baka sakaling meron ngang tao. Pero paglingon ko..wala naman.
Itinuloy ko nalang ang paglalakad. Baka guni guni ko lang ’yun.
**
After namin mailagay lahat ng mga gamit at mga pagkain sa cottage, agad nagpalit si Benz ng damit at agad itong ttumakbo papuntang dagat.
“ WEEEEEEEEE!! “ Rinig pa naming sigaw niya. Pfft. Mukhang ang saya niya ngayon. Sabagay, siya rin naman ang nakaisip ng ideya na ito na magrelax. At siya din ang pumili nitong resort na pinuntahan namin.
“ Boss, tara langoy tayo? “ Aya ni Ish na naghuhubad narin ng salamin at shirt niya. Ngayon ko lang napansing medyo singkit pala ’tong si Ish. Lumalaki lang yung mga mata niya ng konti kapag nagsusuot siya ng salamin.
“ Ah hehehe sige mamaya na ako Ish. Salamat “
“ Sige..una na ako sa inyo. “ ngumiti pa ito ng malapad samin “ Matagal tagal narin akong hindi nakakapunta sa beach. “ Dagdag niya pagkatapos ay patalon talon itong tumakbo papunta ring dagat. Pfft. Minsan ko lang makita si Ish na ganun. Tsk sayang, dapat pala kinunan ko siya ng video.
Ngayon ang natira nalang dito sa cottage ay ako si Kael, Elsa, Hell at Hugo.
“ Ikaw Kael? Baka gusto mo ng mag swimming. “ Tanong ko. Tumawa naman siya ng kaunti tsaka umiling “ Mamaya na ako, Boss.“
“ Magbibihis lang ako.“ Paalam ni elsa.
May nakita akong chichirya sa lamesa kaya nagtanong ako kay Hugo “ Pwede kumuha ng isa? Hehehe “
Tumango naman si Hugo at ngumiti . “ Oo naman Boss. Di mo na kailangang magpaalam “
“ Salamat! “ Sabi ko sabay kuha nung Piattos tsaka ko binuksan at kinain. “ Gusto mo? “ Alok ko kay Kael pero umiling lang siya.
“ Ikaw Hugo?“ Ganon din siya. Umiling lang.
Tumingin naman ako kay Hell “ Hell, Gusto mo? “ Tumingin naman siya sakin ng nakakunot ang noo at tsaka ibinalik ang tingin sa dagat.
Ano kayang problema nila? Masarap naman itong Piattos ah.
“ Mukhang masarap yan Boss ah.“
Napatingala ako ng tingin nung may nagsalita ng boses babae at pagtingin ko si Elsa lang……p-pala..
W-wow..a-ang sexy ni Elsa.. “ O-oo..masarap “ Tanging nasagot ko nalang. Parang natulala ako saglit.
“ Tss! “ nabalik lang ako sa wisyo nung marinig ko si Hell. Pagtingin ko sakanya, ang talim ng tingin niya sa’kin.
“ Pahingi ako Boss“ Sabi ni Elsa kaya inilahad ko agad sakanya ang Piattos na hawak ko.
Kukuha na sana siya ng bigla siyang hilahin ni Hell palabas ng cottage.
“ Hoy abnoy! Ano ba! Bitawan mo nga ako! “ Pagpupumigil ni Elsa pero masyadong malakas si Hell.
“ May bibilhin lang ako tanga! Samahan mo ako.“
“ Ba’t kapa ba nagpapasama?! Hindi ka naman pilay! “
“ Tss. Wag ka ngang madaldal! Ang sakit sa tenga! “
“ Pwes bitawan mo ako! “ Angal ulit ni Elsa pero waepek talaga. Sa huli. Di nalang siya pumalag at nakaalis nanga silang dalawa.
“ Ganyan naba talaga ang mga tao ngayon? Pag may gusto sila sa isang tao dinadaan nila ito sa pang aasar at pang aaway? Katangahan. “ Biglang sabi ni Hugo habang nagbabasa siya ng newspaper.
“ Hindi ba dapat ganun ang ginagawa, Hugo? “ Tanong ko.
“ Oo Boss. Pag may gusto ka sa isang tao. Aminin mo sakanya. Wag mong idaan sa mga ganyan. Sa pang aasar o sa ano pa mang katangahan na maisip mo. Aminim mo sakanya, ganun lang. Mareject ka man atleast alam niya yung nararamdaman
mo para sakanya. Hindi yung idadaan mo lang sa pang aasar at–…tss. paulit ulit lang ako tae. “ Biglang natawa si Hugo sa sinabi niya kaya kumunot ang noo ko.
Eh? Medyo weird din pala itong si Hugo minsan.
“ Wow. Love guro kana pala ngayon Hugo. Pfft. “ Komento ni Kael habang nagpipigil ng tawa. Nawala naman agad ang masayang mukha ni Hugo at napalitan ito ng isang inis na inis na expresyon.
“ Nang aasar kaba?! “ Inis niya tanong. Nagtaas naman ng kamay si Kael habang natatawa. “ Relax. Di na mabiro. Pfft. “
Biglang nag ring ang phone ni Hugo kaya nawala yung nakakatakot na aura niya kanina. Pagkatingin niya sa phone niya. Agad siya tumayo. “ Sasagutin ko lang Boss. “ Tumango lang ako kaya umalis na agad siya sa cottage.
Kaming Kael nalang ang naiwan ngayon dito.
“ Ah Boss..“ biglang tawag ni Kael sa’kin kaya lumingon ako sakanya.Teka..ba’t sumeryoso bigla ang mukha niya? Para kanina lang tumatawa pa siya ah.
“ Ano yun, Kael? “
“ May itatanong lang sana ako.Okay lang ba?“
“ Oo naman. Basta wag lang math ha. Bobo ako dun eh hehehe “ Tinry kong mag joke pero waepek. Ang seryoso padin ng mukha niya.
“ Wala ka ba talagang kapatid? “ Tanong niya. Ay. Akala ko naman kung ano na.
“ Hanggang ngayon parin ba Kael hindi ka padin naniniwala sa’kin? Wala akong kapatid.“ Natatawang sagot ko. Ilang libo na niyang tinanong sa’kin yang tanong na’yan simula pa dati. Palagi niyang sinasabi na may kamukhang kamukha raw ako. Tinatanong ko naman kung sino pero hindi naman niya sinasagot. Haay. Minsan medyo may pagka weird din itong Kael eh. Parehas lang sila ni Hugo.
“ Paano kung sabihin ko sayong meron, Boss? Maniniwala ka ba? “ Tanong niya. Bigla tuloy akong napatawa.
“ Hahahaha palabiro ka talaga.“
“ Boss, seryoso ako. Paano kung sabihin ko sayong may kapatid ka pala dun sa tunay mong mga magulang. Maniniwala ka ba? “ Biglang nawala ang tawa ko dahil sa seryosong aura na bumabalot na samin ngayon.
May kapatid ako sa tunay kong mga magulang? Pero wala namang nasabi sina Hugo na may kapatid ako. At tsaka isa pa, kung meron man. Edi sana andun siya sa mansyon ngayon at siya ang namumuno sa organisasyon ngayon.
Pero meron nga kaya? May alam kaya si Kael na hindi alam nila Hugo?
“ Paano kung sabihin kong oo? Sasabihin mo ba sa’kin kung sino? “ Tanong ko pabalik sakanya. Naging tahimik bigla ang paligid ng ilang segundo.
Ibubuka na sana ni Kael ang bibig niya ng pumasok na ulit si Hugo.
Di na niya tinuloy ay sasabihin niya at bumalik na ulit sa dati ang expresyon ng mukha niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng chichirya. “ Pahingi rin ako ah.“ Nakangiti niyang sabi kay Hugo.
Parang may mali dito kay Kael.
Dapat ko ata siyang makausap.
( Elsa’s PoV )
Ano bang problema ng abnoy na’to! May tama na naman ata to eh.
“ Hoy! San ba tayo pupunta?! “ Ang sabi niya may bibilhin lang siya. Pero kanina pa kami naglalakad dito! May nakita kaming tindahan kanina pero hindi siya huminto. Abnoy talaga!
“ Hoy nakikinig kaba?! Babalik na ako! “ Tatalikod na sana ako pero hinila niya ang kamay ko pabalik. “ Wag ka ngang OA. Hindi bagay sayo. “ Walang ganang sagot niya at nagpatuloy na siya sa paglalakad–na hila hila ako! Anak ng tipaklong!
“ Gusto ko lang maglakad-lakad“ Dagdag niya.
“ Eh ba’t kasama pa ako?! Pwede ka namang maglakad mag–“
“ Baket, bawal bang kasama kita? “ Putol niya sa sinabi ko kaya natigilan ako. Hindi ko makita ang expresyon ng mukha niya dahil nauuna siya sa paglalakad.
Gusto kong sabihing ‘bawal’ pero di ko maibuka ang bibig ko. Para bang may nagpipigil sa’kin na magsalita at bumubulong ng “ Hoy! Gusto mo rin naman ’tong nangyayari kaya wag ka ng mag inarte jan! “
Anak ng! Pinagsasabi nito? Na gusto ko rin tong nangyayari ngayon?! Na masaya ako dahil kasama ko siya ngayon?! Na gusto ko hindi na kami titigil ngayon sa paglalakad dahil kasama ko siya?! Na kinikilig ako ngayon dahil hinahawakan niya ’yung kamay ko?!
A-asa!!
( Virgel’s PoV )
Malapit na ang tanghalian pero hindi padin nakakabalik sina Hell at Elsa. Saan kaya sila pumunta? Tapos sila Benz at Ish andun parin nag swiswimming.
Nakaramdam ako bigla ng tawag ng kalikasan kaya tumayo ako. “ Ah mag ccr lang ako saglit.“ Paalam ko pagkatapos ay naglakad na ako papunta dun sa may mapunong lugar. Ang layo layo kasi ng C.R dito. Baka di ko na mapigilan pag dun pa ako pumunta.
Nung may makita akong medyo mapunong lugar na walang tao. Dun na ako jumingle.
“ Meow….“
Pagkatapos ko, babalik na sana ako dun sa cottage nung may mapansin akong cute na pusa.
Kulay puti yung balahibo niya. Tapos ang mga mata niya kulay asul.
Ang cute!
“ Hi pusa..“ Tinry kong lumapit sakanya pero bigla itong tumakbo papasok dun sa magubat na lugar . “ Ui sandali“
Pumasok rin ako dun sa may gubat para hanapin ’yung pusa na’yun. “ Memeng!! “ Tawag ko at patuloy lang ako sa paglalakad habang palingon lingon sa paligid.
“ Meow..meow..“ Narinig ko yan sa di kalayuan kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. “ Nasan ka?“ Sigaw ko.
“ Meow..“ Habang palapit ako ng palapit, palakas rin ng palakas ang boses niya.
Hanggang sa..
“ Andyan ka lang pala.“ Tuwang tuwa akong lumapit sa pusa. Kasalukuyan itong nakaupo sa butas nung malaking puno. Nakatingin lang siya sa’kin. Ang ganda ng mga mata niya.
“ Halika..“ Umupo rin ako sa malapit sakanya at inilahad ko ang kamay ko. Unti unti naman siyang lumapit sakin at dinilaan niya yung kamay ko. Nakakaliti ^__^
“ Balik na tayo.‘’ Sabi ko pagkatapos ay kinarga ko na siya. May amo kaya ’to? Di dapat nila pinapabayaan ang mga alaga nila. Lalong lalo na ang ganito ka cute na pusa.
Tumalikod na ulit ako at babalik na sana sa dinadaanan ko ng..
Aww…
Wala akong makitang daan.
Pagtingin ko sa paligid. napapaligiran na pala ako ng mga malalaking puno..
Kahit umaga pa ay medyo madilim na ang paligid dahil sa dami ng kakahuyan.
Agad akong nakaramdam ng sobrang kaba. Anong gagawin ko? Paano ako makakalabas dito?
Nakarinig ako ng kaluskos ng mga dahon sa paligid ko kaya mas lalo akong kinabahan. Tapos yung pakiramdam ko heto na naman.
May nararamdaman na naman akong parang may nakatingin sa’kin.
Naramdaman ko nalang bigla ang isang matulis na bagay na dumaplis sa kanang pisngi ko. Sa sobrang gulat ay napaluhod ako.
Maya maya lang rin ay biglang nagpakita ang mga lalaki na humigit kumulang mga bente ang bilang.
“ Hindi ko akalain na matatapos ng ganito kadali ang pinapagawa sa’tin.“ Rinig kong sabi nung isang lalaki tapos pagkatapos ay bigla silang nagtawanan. Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang takot. Hindi naman to first time na manganganib ang buhay ko pero nakakatakot parin.
“ Meow..“ Biglang sumiksik sa’kin yung pusa. Malamang ay natatakot narin ito.
“ A-anong kailangan niyo sa’kin? “ T akot na takot kong tanong sakanila. Agad naman sila tumawa.
“ Yung malamig mong bangkay bata.“ Pagkasabi nung isa. Isa isa na silang naglabas ng sarili nilang mga armas. Mga kunai, shuriken, at iba’t ibang klaseng patalim.
Pagkatapos ay Isa isa nilang hinagis ang hawak nila papunta sa direksyon ko. Hindi ko maiilagan ang lahat ng ’yun kaya wala na akong magawa kundi ang pumikit nalang at niyakap ang dala kong pusa para hindi ito matamaan.
Pakiusap! Tulungan niyo ako!
Habang nakapikit ako, rinig ko ang mga ingay na parang may nagsasangkang mga bakal. At laking gulat ko nalang nung wala akong maramdamang may tumamang bagay sakin. Pagkawala nung mga ingay, agad akong napatingin sa harapan.
At isang likod ng babae ang tumambad sa’kin.
“ Sino ka?!! “ Sigaw nung isang lalaki dun sa babaeng tumulong sa’kin.
Hindi niya sinagot ’yun, sa halip, lumingon siya ng kaunti sa’kin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil medyo madilim.
“ Tumakas kana. Dumiretso ka lang kaliwa mo at makakalabas kana dito.“
Walang pagdadalawang isip na agad akong tumayo. “ M-marami pong salamat..“ Yumuko ako ng kaunti sakanya bilang pasasalamat pagkatapos ay tumakbo na ako ng pagkabilis-bilis.
Sino kaya ’yung tumulong sa’kin?
Habang tumatakbo ako, bigla na naman akong nakaranig ng sobrang ingay na mga kaluskos ng dahon.
Pagkatingin ko sa likuran..nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang pagkarami raming lalaki ang sumusunod sa’kin. Para silang mga ninja kung tumakbo. Yung iba tumatalon pa.
Ano bang kailangan nila sa’kin?
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko. Mabuti medyo nasanay na ako sa ganito.
Malapit na ako sa lagusan..mga ilang metro nalang siguro..tapos yung paligid unti unti naring lumiliwanag.
Pero laking gulat ko nalang nung may bigla akong naramdaman ng kung ano. Parang biglang lumukso ang dugo ko.
Lumingon ulit ako sa likuran ko. At nakita kong may isang lalaki ang bigla nalang lumutaw at humarang dun sa mga humahabol sa’kin.
Napahinto sila sa pagtakbo kaya huminto rin ako. Medyo malayo na ang pagitan ko sa kanila.
Bigla akong napatingin sa likuran nung lalaking humarang dun sa mga parang ninja.
Meron siyang medyo mahaba at kulay abo na buhok.
Parang pamilyar sa’kin ang postura ng katawan niya. Sino siya?
Sumugod naman bigla yung napakaraming ninja sakanya ng sabay-sabay. Pero laking gulat ko nalang nung makita ko kung paano nilabanan isa isang ng lalaking ’yun yung mga parang ninja. Sobrang bilis niyang kumilos. Triple sa bilis nung nakalaban kong si Victor. At sa maniwala kayo o sa hindi, wala siyang gamit na armas. Tanging ang mga kamay niya lang ginagamit niya sa pakikipaglaban. Grabe.
Matapos ng ilang segundo, bagsak na lahat ng kalaban. At pagtingin ko sa dalawang kamay nung lalaki, punong puno ito ng dugo. Tsaka ko lang napansin na sobrang tutulis pala ng mga koko niya.
Para siyang halimaw..
Pagkatapos ng labanan, Humakbang naman siya pabalik sa gubat. Bale nakatalikod padin siya.
Titig na titig lang akong nakatingin sakanya nung huminto siya sa paglalakad at dahan dahan itong lumingon sa kinatatayuan ko..
Kahit medyo madilim na dun sa kinatatayuan niya..klarong klaro padin mula rito ang nakakalibot na mga mata niya. Parang mga mata ng isang halimaw
At laking gulat ko nalang nung may napagtanto ako.
Ang mga mata niya…
At yung mga mata nung assassin na katabi ni ama dun sa larawan..
At yung lalaking bumaril sa’kin dun sa panaginip ko na sobrang pamilyar ng boses sa’kin…
magkakaparehas lahat..
Tumalikod na ulit ito pagkatapos ay naglakad paabante hanggang sa naglaho siya dahil sa dilim ng kagubatan.
Tulala lang akong nakatingin sa kinatatayuan niya kanina.
Sino nga kaya ang lalaking ’yun?
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 23:
Jin del Fuego
[Virgel’s PoV]
Ang mga mata niya..
Baket sobrang pamilyar sa’kin ng mga mata niya? Para bang matagal ko na itong nakita. O sabihin nating parang sanay na akong nakikita ang mga mata niya.
Ang weird.
“ Boss! “
Agad akong napaangat ng tingin nung may biglang sumigaw. Nakadungo lang kasi akong naglalakad habang hawak hawak itong pusa.
“ Oh kayo pala. Baket hinihingal kayo? “ Para kasing galing sa marathon to sila Ish, Benz, Kael at Elsa.
“ Akala namin kung napano kana, Boss. San ba kayo galing? Ba’t natagalan kang bumalik? “ Sunod-sunod na tanong ni Ish kaya napayuko ako. Nakakatakot naman ’to si Ish
“ Pa-pasensya na “ Agad kong ipinakita sakanila ang hawak kong pusa. “ Hinanap ko lang kasi ’tong pusa. “ Dagdag ko.
“ Sayo ba yan Boss? Ang cute naman niyan “ Mukhang nagustuhan din ni Elsa ’tong pusa. Ang cute naman kasi talaga niya. Ang amo amo ng mukha. Hehehe.
“ Ah hindi. Nakita ko lang siya. Mukha kasing wala siyang amo kaya dinala ko nalang. Hehehe “
“ Yan lang ba talaga ang rason Boss? Ba’t may sugat ka jan sa pisngi mo? “ Tanong ulit ni Ish kaya napahawak ako sa kanang pisngi ko na natamaan kanina ng shuriken.
Napaisip tuloy bigla.
Sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari kanina sa gubat? Sasabihin ko bang may gustong pumatay sa’kin kanina?
Wag nalang siguro. Tama, wag nalang. Baka pag sinabi ko pa sakanila eh mas dadami pa yung mga tanong nitong si Ish. Tsaka isa pa ayoko silang mag alala sa’kin “ Ah ito ba? Wala to, kinalmot lang to ng pusa kanina. Nahawakan ko kasi siya ng mahigpit kaya ayun.. Hehehe “
“ Pinag alala mo kami Bossing. Mabuti naman at okay ka lang. “ Wika ni Benz kaya napayuko ulit ako.
“ Pasensya na at pinag alala ko kayo.“
“ Wala ’yun Boss. Tara balik na tayo sa cottage. Nakahanda na ang tanghalian dun.“ Sabi ni Kael at pagkatapos ay inakbayan ako. “ Tara na. “ At ayun nga. Pumunta na ulit kami pabalik sa cottage.
Sa ilang minuto naming paglalakad, malapit na sana kaming makabalik dun sa cottage namin ng may bigla kaming nakasalubong na apat na lalaki. Agad nanlaki ang mata ko nung mapagtanto ko kung sino sila.
Matagal narin nung huli ko silang makita.
Agad silang ngumisi sa’kin nung makita nila ako. Yung ngising nakakatakot.
“ Ui..tignan mo nga naman. Si Boy Lampa andito“ sabi ni Alfe sa mga kasamahan niya tsaka sila tumawa. Nakaramdam ako ng takot dahil baka kung anong pang aapi na naman ang gagawin nila sa’kin.
Lumapit si Alfe sa’kin tsaka hinawakan ang ulo at ginulo iyon ng malakas . “ Kumusta kana? Hm? Tagal na nating hindi nagkita ah. Namimiss ko na yung baon mo.“ Sabi niya tsaka sila ulit tumawa .
“ Tamang tama gutom na gutom kami ngayon. Bigyan mo nga kami ng isang libo jan.“
“ H-huh? Isang libo? W-wala akong pera Alfe.“ Agad naman niya akong kinwelyuhan pagkasabi ko nun. Pagtingin ko kila Ish, nakatingin lang sila sa’min at parang wala silang plano na tulungan ako
( Ish’s PoV )
Gusto man naming tulungan si Boss ngayon, hindi pwede. Ang sabi kasi ni Kael na sila yung palaging nang aapi kay Boss noon. At ngayon, titignan namin kung nagbago nanga ba talaga si Boss. Pero sa nakikita namin parang hindi parin. Natatakot parin siya sa ganitong klase na sitwasyon.
“ Anung wala?! Ang tagal mong nagtago sa’min tapos ngayon wala kang maibigay?! Hindi pwede sa’min yan boy lampa!! “ Sa totoo lang, kanina ko pa gustong basagin ang pagmumukha nitong hayop na’to. Pero kailangan munang magpigil.
Kumilos ka naman Boss! Wag mo silang hayaang apihin ka nila ng ganyan.
“ P-pasensya na talaga..babawi nalang ako sa–ugh!! “ Di na natapos sa pagsasalita si Boss dahil bigla siyang sinikmura nung isa.
Agad akong nakaramdam ng galit at handang handa na sana akong gantihan si boss pero nauhan kaming lahat ni Elsa.
Sinuntok niya yung sumuntok kay Boss kaya napahiga ito pagkatapos ay agad siyang lumapit kay Boss para tulungan ito sa pagtayo. “ Okay ka lang Boss? “
Pero nagulat nalang kami nung biglang tumilapon si Elsa dahil sa lakas ng sipa na pinakawala nung si Alfe. “ Wag kang makialam dito babae! “
Gulat na gulat rin si Boss sa nakita niya. “ E-elsa..“ dumudugo ang labi nito dahil sa mukha siya tinamaan.
“ Hoy Ikaw!! Akin na ang isang libo! “ Hahawakan sana ulit nung Alfe na’yun ang kwelyo ni Boss ng bigla itong bumalibag dahil sa paghagis ni Boss sakanya.
Patay..mukhang nagising ata.
Delikado ang sitwasyon namin ngayon.
Nung tignan namin si Boss, medyo nagtaka ako dahil mukhang nasa wisyo pa naman siya. Yung mata niya hindi nagbago. Mukhang hindi naman nagising yung isang katauhan niya. Salamat naman.
Pero grabe, ang seryoso ng mukha ni Boss ngayon.
Sumugod naman agad yung tatlong kasama ni Alfe ng sabay-sabay. Tutulong rin sana kami pero wag nalang pala. Sisiw na sisiw lang yang mga yan kay Boss.
Sa isang iglap lang, bulagta na ’yung tatlo. Grabe, mapapabilib ka nalang wala sa oras dahil sa sobrang galing niyang makipaglaban. Hindi naman namin siya tinuruan ng mga ganyang klaseng kilos. Tanging basics pa lang ang natuturo namin sakanya. Pero..grabe, agad-agad na niyang natutunan ang mga ganoong kilos. Nasa dugo nanga ata talaga ng mga Acosta ang galing sa pakikipaglaban.
Agad namang lumapit si Boss kay Alfe at tsaka iyon kinwelyuhan. “ Sa oras na saktan mo ulit ang mga kaibigan ko, tandaan mo, legal sa akin ang pumatay Alfe.“ Napangiti kaming tatlo nina Benz at Kael sa sinabi ni Boss. Minsan talaga nagiging astig siya ng pabigla bigla.
Taranta namang tumango si Alfe pagkatapos dali dali itong tumakbo palayo. Iniwan pa niya ang mga kasama niyang mahimbing pa na natutulog. Pfft.
( Veronica’s PoV )
“ San ka galing? Ba’t parang pagod na pagod ka? “
“ May ginawa lang.“ Tipid na sagot ko kay Helena pagkatapos ay umupo ako sa may couch. Grabe, nakakapagod.
“ Mukhang ito ata ang unang beses na may ginawa ka na hindi ako kasama ah.“ Agad naman siyang lumapit sa akin at tumabi. “ Anung ginawa mo? Nakipagdate ka noh? “ Pang aasar niya habang tinutulak pa ako gamit ang balikat niya.
“ Hindi. Sa kwarto na muna ako. Kailangan ko lang ng pahinga. “
“ Tama nga ang sabi ni Steph. Nagiging weird ka nanga. Hmp! “ Agad siyang nag cross arms tapos tumingin siya sa kabilang side na para bang nagtatampo. Napangiti tuloy ako.
“ Pagod lang talaga ako ngayon, Len. Promise mamaya makikipag kwentuhan ako sayo. “ Agad naman siyang napatingin ulit sa’kin sa sinabi ko.
“ Talaga? Promise yan ah.“
Ngumiti ako tsaka tumango. “ Pfft. Oo. Sige punta na ako.“
“ Sleepwell, Nic.“
Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong binagsak ang katawan ko sa higaan. Grabe. Nakakapagod pala kapag buong araw mong sekretong binabantayan ang taong dapat mong proktehan.
Tapos napadali pa ako sa isang labanan kanina. Ang dami nila tapos hindi ko pa dala yung pana ko. kaya ayun, medyo nahirapan akong patumbahin silang lahat. Buti nga at dumating pa si Argo kanina para tulungan ako na makatakas ’yung batang boss ng Virgo.
And speaking of Batang boss ng Virgo..
So ’yun pala si Virgel Acosta. Ang anak ni Mr. Vlademir Acosta na kasalukuyang namumuno ngayon sa Virgo Family.
Anak niya ba talaga ’yun? Ba’t parang ang hina-hina niya? Kung di lang ako dumating malamang isang malamig na bangkay nalang ’yun ngayon. Sa unang tingin, masasabi mo talagang para lang siyang isang ordinaryong bata. Kaya hindi talaga ako makapaniwala.
Hindi ko alam kung baket alam ng Head Boss namin na may nagtatangkang pumatay sa anak niya, gayung wala naman siyang koneksyon sa Virgo Mafia. Masyado nga ata talagang matalino ang noo’y kinakatakutang Mafia Boss sa mundo ng Mafia na si Mr. Acosta. Haaay, hindi ko lubos maisip na tinutulungan ko ngayong protektahan ang pinuno ng Virgo gayung mortal namin silang kaaway.
Ano bang pinaplano ni Mr. Acosta at ginagawa niya to sa dalawang grupo?
Plano niya bang pag isahin ang Virgo at Fuego?
( Jin del Fuego’s PoV )
Tahimik lamang ang office ni Acosta nung biglang bumukas ang pintuan. At iniluwa doon si Argo na kalmado lang na naglalakad papunta sa direksyon naming dalawa nitong hayop na Acosta na’to.
“ Nagtagumpay ba kayo? “ Kalmadong tanong ni Acosta kay Argo
“ Oo “
“ Mabuti.“
“ Anung pinag uusapan niyo, Head Boss? “ Singit ko sa usapan. Bwesit! Sa tuwing babanggitin ko ang salitang Head Boss ay kumukulo ang dugo. Parang gusto ko pasabugin ang mukha niya sa tuwing mababanggit ang mga salitang ’yun. Pero wala akong magagawa, kontrolado ako nitong hayop na’to kaya wala akong kapangyarihang labanan siya.
Hayop na Acosta ’to! Dalawang taon na’rin simula nung pwersahan niya akong ibigay sakanya ang organisasyon ko.
Hanggang ngayon sariwang sariwa padin sa utak ko ang mga nangyari nung gabing ’yun.
Flashback
“ BOSS!! INAATAKE NA NAMAN NG MGA VIRGO ANG MANSYON NATIN!! UNTI UNTI NA NILANG TAYONG INUUBOS!! “ Agad akong nakaramdam ng sobrang kaba nung marinig ko ang report ng isa kong tauhan. Umaatake na naman sila! Kainis! ano bang
kailangan nila samin?!
Nakarinig na ako ng mga pagsabog sa baba ng mansyon kaya inihanda ko na agad ang sarili ko at ang dalawang case na hawak ko na naglalaman ng bilyones na halaga.
Kailangan kong tumakas. Kailangan kong makatakas dito.
Agad akong tumakbo papunta dun sa secret elevator papuntang underground. May daanan dun palabas kaya kung tagumpay akong makakapunta dun. sigurado ng ang kaligtasan ko.
“ Dito tayo..“ Agad akong sumunod sa dalawa kong tauhan na nakatakip ang bibig.
Pinrotektahan nila ako sa mga putukan hanggang sa maabot namin ang distinasyon ng elevator.
“ Pumasok na kayo bilis! “ Sigaw nung isa kaya pumasok na agad ako. Ganun narin ang ginawa nila.
Mabuti naman at nakaligtas ako. Salamat dito sa dalawang tauhan ko na nagprotekta sa’kin.
“ Maraming salamat sa inyo. Utang ko sa inyo ang lahat.“ Tahimik lang sila kaya nagsalita ulit ako. “ Wag kayong mag alala, bibigyan ko kayo ng tig sasampung porsyento nitong perang dala ko. “
“ Hindi namin yan kailangan.“
“ Anong kailangan niyo. Sabihin niyo sa’kin ng makabayad ako sa utang ko sa inyo.“
Sabay naman silang nagtanggal ng maskara kasabay ng pagbukas ng pintuan ng elevator. Tumingin silang dalawa sa’kin at tsaka ko lang napagtanto ko sino ang dalawang nilalang na’to.
Hindi maari..
Ang dalawa sa limang pinakamalalakas na assassins ni Acosta. Sebastian Lorbek at Felix Sy.
“ Ikaw ang kailangan namin.“ Tinakpan nila ng kung ano ang ulo ko kaya hindi ako makakita. Kainis!
“ Wag kang magmatigas kung gusto mo pang mabuhay, Mr del Fuego. “ Paalala ni Lorbek kaya sumunod agad ako. Ayoko pang mamatay.
Pinasakay nila ako sa isang kotse pagkatapos ay huminto sila na hindi ko alam kung saan kasi wala akong makita.
Pinasok nila ako sa isang silid pagkatapos ay pinaluhod.
“ Tanggalin niyo.“ Boses palang alam kong si Acosta ’yung nagsalita. Pangahas ka talaga kahit kailan!
Nung tinanggal nung dalawa ang nakatakip sa ulo ko, tumambad sa’kin ang nakaupo at nanigarilyong si Vlademir sa isang napakagandang upuan. Nakadekwatro ito ng upo habang blanko itong nakatingin sa’kin. Sa gilid niya naman ay nakatayo ang limang
pinakamalalakas na alaga niya.
“ Kumusta? “ Pagbati niya.
“ Ano bang kailangan mo sa’kin at lagi mo nalang ginagambala ang organisasyon ko?! “ Agad kong tanong sakanya.
“Gusto mo malaman ang sagot? “ ngumisi ito sa’kin bago nagpatuloy.
“ Isa kayong malaking hadlang sa organisasyon. Kayo ngayon ang humahawak sa titulong ikalawang pinakamalakas na Mafia Org. dito sa pilipinas. Pumapangalawa na kayo sa’min. Diba noong isang dekada lang nasa ika apat pa kayo na pwesto? Tapos ngayon ikalawa na. Unti unti na kayong lumalakas, Jin. At kapag hindi pa namin kayo inaksyunan, baka magising nalang ako na kayo na ang pinakamalakas na grupo sa lahat. At ayokong mangyari ’yun.“ Humithit muna siya ng dalawang beses bago siya tumayo sa kinauupuan niya.
Naglahad siya ng kamay dun sa alagad niya at iniabot sakanya ang isang kulay gintong baril. “ Isa kayong malaking tinik sa lalamunan na kailangang tunawin “ Dagdag niya bago kinasa ang baril na hawak niya.
I
to naba ang katapusan ko?
Tinutok niya ang baril na hawak niya sa ulo ko. Pumikit nalang ako at hinintay ang pagputok ng baril na hawak niya. Mukhang ito nanga ata.
Pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi niya parin ito pinuputok.
“ Gusto mo pang mabuhay hindi ba? “ Di ako sumagot. Oo, gusto ko pang mabuhay pero ayaw kong magmakaawa dahil nakakababa yun ng pride ko. Ayokong magmukha akong kaawa awa sa paningin nila. Mas gusto ko nalang mamatay na hindi nagmumukhang kawawa.
“ Hindi kita papatayin sa isang kundisyon. Gusto mo ba yun? “
“ Patayin mo nalang ako!! “ Sigaw ko sakanya, ngumiti lang ito na parang demonyo.
“ Kung yan ang gusto mo. “ Itinutok na ulit niya ang baril sa ulo ko kaya pumikit ulit ako. “ Pagkatapos mo, isusunod ko agad ang pamilya mo.“ Agad akong napamulat ng mata nung sabihin niya yun.
“ Ano?! Wag mong idamay ang pamilya ko dito Acosta! “
“ Damay na lahat dito, Jin. Mabubuhay naman sila kung papayag ka lang sa kondisyon ko.“
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Ang hilig talagang mang kontrol ng mga tao ng hayop na’to!
“ Ano bang kondisyon yang sinasabi mo?! “
“ Hayaan mo akong pamunuan ang organisasyon mo.“
“ Ano?! “
“ Iiwan ko ang Organisasyon ko at pamumunuan at palalakasin ko yang organisasyon mo.“
“ Nahihibang ka naba? Iiwan mo ang sarili mong organisasyon para lang sa organisasyon ko?! “
“ Hindi sa ganun. Hindi ko ito iiwan. Sadyang kailangan ko lang talaga ang lakas ng grupo mo ngayon para mapatumba ko ang matagal ko ng gustong itumba.“
“ Eh paano ang Virgo? Hahayaan mo nalang ba basta basta ang organisasyon mo? “
“ Hindi. May plano na akong nakalaan para dun. So ano, kamatayan mo at ng pamilya mo? O ’yung kondisyong hinihingi ko? Madali akong kausap, Jin. Isang sagot lang. “
End of Flashback
Sa huli wala akong nagawa kundi ang pumayag sa kundisyon. Pamilya ko na ang pinag uusapan. Ayoko silang madamay sa gulo.
Kaya naman ganito nalang ako kay Acosta ngayon. Kontrolado niya ako kaya di ako pwedeng lumaban sakanya.
Kapag lumaban kasi ako, alam ko na ang kahihinatnan ko at ng pamilya ko.
Sa Fuego Mafia, ako parin ang kinikilalang Boss. Kasama yan sa kondisyon namin. Hindi niya ako tinanggalan ng posisyon. Pero kahit ganun, siya parin ang gumagawa ng mga desisyon sa grupo.
Nakakainis dahil ang sariling grupo ko hindi ko man lang magawang kontrolin! Tapos malaya pang nakakagala ang limang assassins niya dito sa loob ng teritoryo ko. Bwesit na hayop to!
Makikita mo, Vlademir Acosta.
Pagbabayarin mo ’tong pang kokontrol sa’kin at sa organisasyon ko! Kokontrolin din kita sa tamang panahon kagaya ng ginawa kong pagkontrol kay Primo..
Makokontrol ko rin kayong lahat!
Oo, ako ang nag utos kay Primo na sugurin niya ng mag isa ang Elfame Palace. At kagaya ng ginawa ni Acosta sa’kin, ginamit ko rin ang pamilya niya para pasunurin at kontrolin siya.
At para makontrol ko rin si Acosta…
Kailangan kong makuha ang anak niya..
Maghintay ka lang Vlademir Acosta..
Nasa akin parin ang huling halakhak!
( Kael’s PoV)
Gabi na ngayon at nakauwi na kami lahat dito sa mansyon. Okay naman yung pagpunta namin dun sa beach. Lahat kami nag enjoy. Except nalang dun kay Hell na palaging salubong ang kilay. Nagsimula lang naman yan nung pagkabalik namin dun sa cottage eh. Nung makita niyang may sugat si Elsa parang galit na palagi. Hindi ko alam kung nag aalala ba siya dahil palagi niya ring pinapagalitan si Elsa na hindi daw siya nag iingat, na baket daw pinagtanggol pa niya si Boss, na ganito, ganyan.
Minsan natatawa nalang kami dahil halata naman talagang nag aalala lang si Hell kay Elsa. Ayaw lang niyang umamin. Pfft. Katulad nalang ngayon.
“ Simpleng sipa lang hindi pa mailagan. Tss, bobo talaga“
“ Eh sa hindi ko naman talaga napansin eh! Abnoy!“
“ Kasi nga bobo ka! “
“ Ano bang problema mo? Ha? Kanina kapa dun sa beach ah! Ano bang pake mo kung masipa ako?! Ha?! “ Natahimik saglit si Hell sa sinabi ni Elsa. Maya-maya lang rin ay nag walk out ito.
“ Tss! “
“ Oh ano?! “
“ Bobo! “ Pahabol ni Hell bago umakyat ng hagdan. Nakita ko naman parang nag uusok na sa sobrang galit ’tong si Elsa hahaha.
“ Hayaan mo na ’yun, Elsa. Nag aalala lang ’yun.“ Nakangiting sabi ko.
“ Psh! Nag aalala niya mukha niya! “ Galit na sabi ni Elsa sabay walkout din. Napailing nalang ako habang natatawa. Pag ibig nga naman u-oh.
Ako naman ay pumunta saglit sa Balcony ng mansyon para magpahangin..tulog na kasi sina Benz, at Ish tapos si Hugo naman ay may inasikaso sa companya nila kaya wala siya dito.
Pagkadating ko dun, nadatnan ko si Boss na nakaupo habang nakatingin sa kalangitan.
“ Boss..“ Tawag ko pero di siya lumingon, parang hindi niya ako nadinig. Tumabi naman ako sakanya. Pero hindi padin siya lumilingon sa direksyon ko. Para siyang tulalang nakatingin ngayon sa mga ulap.
Ilang minuto na ang lumipas pero ang tihimik padin siya. Hindi naman siya tulog dahil bukas pa ang mga mata niya. May problema ba siya?
“ Totoo ba? “ Agad akong napatingin kay boss nung magsalita ito. Hindi parin siya nakatingin sa’kin.
“ Ang alin Boss? “
“ Totoo bang may kapatid ako? “ Saglit akong natigilan sa tanong niya. Agad siyang lumingon sa’kin at tinignan niya ako ng mata sa mata. “ Totoo ba? “ Seryosong tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim tsaka sumagot “Oo.”
“ Sino, Kael? Sino ang kapatid ko?“
-To be continued…
-MajorSin
Episode 24: Training
Episode 24: Training
( Kael’s PoV )
Flashback
“ Naintindihan ko po. Wag po kayong mag alala, poprotektahan ko ang kaibigan ko.“ Ngumiti ako kaya ngumiti rin si Mr. Acosta.
“ Maraming Salamat. Makakaalis kana.“ Tumango ako sakanya pagkatapos ay napalingon ako saglit kay Argo. Tumaas bigla ang balahibo ko nung makita kong nakangisi siya sa’kin.
Nakakatakot talaga ang mga mata nitong nilalang na’to.
Papunta na ako sa pintuan ngayon at bago paman ako makalabas..
Isang kataga ang narinig ko mula kay Argo.
katagang kailanman ay hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig niya
“ Pakisabi sa mangmang kong kapatid na nalalapit na ang muli naming pagkikita.“
Napalingon ako sakanya at tinignan siya. Nakangisi parin ito kaya nakaramdam ulit ako ng takot. “ Kapatid? Sinong kapatid ang tinutukoy mo? “ Kinakabahang tanong ko.
“ Ang batang Boss niyo. Si Virgel.“
“ Si V-virgel? “
End of Flashback
“ Argo? Sinong Argo? “
“ Si Argo Diamante. Ang una at pinakamalakas na Diablo ng Fuego Mafia.“ Sagot ko. Kita ko namang medyo kumunot ang noo niya.
“ Paano naging magkapatid kami eh Diamante naman ang apelyido niya at hindi Acosta? “ Kunot noong tanong niya. ’Yun rin ang pinagtataka ko. Kaya nga nagdadalawang isip akong sabihin sakanya kanina na may kapatid siya dahil parang hindi kapani-paniwala.
Baka mamaya pinaglololoko lang ako nun.
Pero narealized ko din naman na baka nga magkapatid talaga sila. Mukha palang nila sobrang magkahawig na. Pero ang nakapagtataka lang talaga, baket Diamante ang apelyido ni Argo at hindi Acosta?
“ Hindi ko alam Boss eh. Ang sabi lang niya sa’kin na nalalapit na raw ang muling pagkikita niyo.“ tanging nasagot ko nalang. May alam kaya sila Hugo tungkol dito?
“ Kanina..“ Bigla ulit tumingin si Boss sa kalangitan. “ May dalawang tumulong sa’kin kanina. At yung lalaki..hindi ko siya kilala pero ang mga mata niya…sobrang pamilyar sa’kin.“ Bigla nalang siyang napahawak sa ulo niya “ A-aray..“ Daing niya kaya taranta akong umalalay sakanya.
“ Ayos ka lang Boss? “ Kinakabahang tanong ko. Umiling iling naman siya habang nakapikit ang mata. “ Hindi, ayos lang ako. Bigla lang kumirot yung ulo ko. Pero okay na ako.“ Sagot niya pagkatapos ay tumayo na siya sa pagkakaupo. “ Magpapahinga na ako Kael.“
“ Sige Boss.“
“ Ikaw rin magpahinga kana. Bukas na mag uumpisa ang training natin.“
“ Sige susunod na ako. Magpapahangin lang ako saglit dito.“
“ Sige.“ Sabi niya at umalis na siya. Ako nalang ang naiwan dito. Nakatingin sa kalangitan at nag iisip.
Ang mga nangyayari ngayon sa pagitan ng Virgo at Fuego ay planadong lahat ni Mr. Acosta. Ang sabi niya naaayun daw ang takbo ng pangyayari sa pinaplano niya. Pati ang pagiging pinuno ni Virgel sa Virgo ay kasali dun.
Nakakamangha lang isipin na may mga tao pala na kayang gumawa na isang perpektong plano. Walang palya. Nakakabilib si Mr. Acosta. Kaya pala kinakatakutan siya noon sa mundo ng Mafia.
( Virgel’s PoV )
Pagkapasok ko sa kwarto ko, humiga agad ako at pumikit. Iniisip ang mga impormasyon na nalaman ko ngayon.
Totoong may kapatid ako? Pero baket wala akong naaalala na may kapatid ako? Kunsabagay, sanggol palang ako eh malayo na ako sa totoo kong mga magulang. Siguro nga may kapatid talaga ako. Hindi imposible ’yun.
At siguro yun yung tumulong sa’kin kanina. Mabait siguro siya dahil tinulungan niya ako.
Gusto ko ulit siyang makita.
Gusto kong makausap ang kuya ko.
-Next day-(Monday)
“ Mag iingat po kayo. Tumawag nalang po kayo pag magpapasundo kayo.“
“ Sige po. Maraming salamat manong.“ Sabi ko sa driver namin. Ngumiti naman siya at tumango bago umalis.
“ Handa ka na bang makita siya, Boss? “ Tanong ni Kael.
“ Hindi ko alam, Kael. Parang handa na hindi.“ Sagot ko. Parang kinakabahan kasi ako na ewan. Pumasok kaya siya ngayon? Sana naman makita ko siya ngayon ng makahingi na agad ako ng tawad sakanya. Patuloy na kasi akong nilalamon ng konsensya ko. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. Hindi ko inaasahan na mapapatay ko si Victor, At ang mas hindi ko inaasahan ay mahal pa pala ni Agnes si Victor.
Sigurado akong galit na galit sakin ngayon si Agnes dahil sa nagawa ko.
“ Hindi galit ’yun. Maniwala ka sa’kin Boss.“ Parang nabasa ni Kael ang nasa isip ko. Nakita ko siyang ngumiti kaya bahagya rin akong ngumiti. “ Sana nga.,“
Sana talaga.
Lunch na nung maisipan kong magpahangin sa rooftop. Baka sakali ring makita ko siya dun.
Pagbukas ko ng pintuan sa rooftop, medyo nagulat ako dahil andun nga siya. Mag-isang nakaupo. Agad ako nakaramdam ng kaba. Yung plano kong humingi ng tawad sakanya ay parang umurong bigla.
Paano kung sabihin niyang hindi niya ako mapapatawad? Paano kung sabihin niyang kinamumuhian niya ako? Paano kung…..waaa! makabalik nanga lang.
Aatras na sana ako para bumalik dun sa pintuan ng bigla siyang mapatingin sa’kin.
Aw. Huli na ako.
Pagkatapos niya akong tignan, tumingin na ulit siya sa kabilang banda. Mukhang galit nga siya.
Wala na akong nagawa pa kundi ang lumapit sakanya. Kailangan kong ayusin ’to. Kasalanan ko ang mga nangyari kaya ako dapat ang sumagot nito.
Tumabi ako sakanya pero hindi siya nag react. Galit nga T.T
Paano ba’to?
“ Uhmm. H-hi.“ Panimula ko. Anak ng, yung puso ko parang sasabog na sa sobrang kaba.
Tumingin naman siya sa’kin at laking gulat ko nalang nung ngumiti siya. “ Hello.“
“ Natatandaan mo paba ako? “ Tanong ko agad. Baka mamaya hindi pala ako natatandaan nito. Parang kasing hindi siya galit sa’kin eh. Teka,,.baka naman may amnesia siya?
“ Oo naman.“ Sagot niya.
“ Talaga? “
“ Oo, Facundo.“
Facundo? Whatda? sakit niya ba talaga ang makalimot ng pangalan?
“ Hindi ako si Facundo.“ Tumawa naman siya ng kaunti pagkatapos ay ngumiti. “ Binibiro lang kita, Ricardo.“
-______- Parang walang nangyari eh. Nang aasar parin eh.
“ Virgel. Ako si Virgel.“ Pagtutuwid ko.
Nakita ko naman siyang ngumiti ng mapait. “ Tama. Virgel..tama..pasensya na.“ Bigla akong nakaramdam ng kung ano nung makita ko ang mukha niya na sobrang lungkot.
“ Agnes..“ Pag uumpisa ko. “ Patawad. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Hindi ako yung pumatay kay Victor. Yung isa kong katauhan..siya ang maygawa nun. Alam ko ang imposibleng paniwa–“
“ Hindi okay lang yun. Wag mo ng intindihin ’yun. Hindi mo naman kasalanan eh.“ Tumingin siya sa’kin at pilit ngumiti. “ Wag kang mag alala, hindi ako galit sayo. “ Dagdag niya.
“ Agnes..“ Tanging nasambit ko nalang. Ngumingiti siya pero kitang kita sa mata niya ang lungkot. Ewan pero ang bilis ng pangyayari. Nahuli ko nalang ang sarili ko na nakayakap sakanya.
“ Patawad. Patawarin mo ako.“ Sabi ko. At dun na siya umiyak. Kainis, may pinaiyak akong babae. Umiiyak siya dahil sa’kin, dahil sa nagawa ko. Kainis.
Nakakainis.
**
“ Nauuhaw ako. Gusto ko ng milkshake“
“ Okay “
“ Parang gusto ko ’yun. Yung mocha cake.“
“ Sige, wait lang. “
“ Ui! Mukhang masarap din yung Pizza oh “
“ Okay.“
Maiyak iyak akong bumalik sa canteen para bumili nung pizza na gusto niya. Pang sampung balik ko na dito ah.
Kainis na Agnes ’to.
“ Siguro naman last na yan? Wag munang dagdagan Agnes. Maawa ka naman.“ Pakikiusap ko. Ngumisi lang ang loko.
“ Wag kang magreklamo jan, Jose. Pinaiyak mo ako kaya kailangan mo akong busugin ngayon.“ Naglabas pa siya ng dila habang natatawa, Wala akong magawa kundi ang tumahimik nalang. Sabi ko kasi sakanya kanina nung umiiyak siya na gagawin ko lahat tumahan lang siya sa pag iyak.. at ayun. Nagpalibre ang loko.
Pero okay na’rin naman ’to sa totoo lang. ’Yung makita ko siyang masayang kumakain at yung fact na okay na kami at napatawad na niya ako..
Di ko tuloy maiwasan ang ngumiti.
“ Anong nginingiti-ngiti mo jan? “ Tanong niya habang punong puno ang bibig niya ng pagkain. Pfft.
“ Wala. Masaya lang ako na napatawad muna ako.“ Sabi ko. Nilunok niya naman ang kinain niya pagkatapos ay nginitian niya ako ng sobrang ganda.
sobrang ganda..
“Sabayan mo nga lang ako dito. “
Ewan pero parang bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko nung mga sandaling ’yun.
( Stephan Milvar’s PoV )
“ Okay na ako dito, Steph. Pwedeng kanang magpahinga. Masyado ka ng naaabala.“
Tinignan ko saglit si Elon bago ko ibinalik ang tingin ko sa laptop. “ Ayos lang. Baka kung mapano kapa rito kapag iiwan kita. “ Sagot ko.
“ Ikaw ang bahala. “
Abala ako ngayon sa pag reresearch tungkol sa Elfame Mafia at dun sa kaalyansa nilang Hirvana. Medyo tago talaga ang mga impormasyon tungkol sa organisasyon nila pati ang mga myembro nito. Masyado talaga silang mailap.
Biglang bumukas ang pintuan kaya otomatiko akong naglabas ng baril at itinutok sa kanila. Mabilis rin namang naglabas ng baril yung lalaki at itinutok rin sa akin.
Ba’t andito ang mga ’to?
“ Sandali Steph! Mga kaibigan ko sila.“ Awat ni Elon.
“ Kaibigan? Eh mga kasapi ’to ng Virgo Mafia! “
“ Oo pero kilala ko sila. Yang lalaki ang nagligtas sa’kin laban dun sa dalawang myembro ng Elfame.“ Tinignan ko ang lalaking nakatutok ng baril sa’kin. Ang angas masyado ng taong ’to.
Ibinaba ko na baril ko at ganun nadin ang ginawa nung lalaki. “ Anung ginagawa niyo dito? “ Tanong ko.
“ Bibisitahin lang namin si Elon.“ Sagot nung babae. Mukhang wala nga silang balak makipaglaban. Pero kahit na. Hindi dapat pwedeng maging kampante.
“ Siguraduhin niyong lang na yan lang ang pakay niyo.“ Pagbabanta ko. “ Nasa labas lang ako ng pinto.“ Dagdag ko bago lumabas ng pintuan.
( Elon’s PoV )
“ Elon! “ Masayang bati sa’kin ni Elsa bago niya ako niyakap. “ Kumusta kana? Matagal narin nung huli tayong magkita.“
“ Okay lang naman. Ikaw? Kumusta kana? Kayo ni Hell? “
“ Wala. Ganun padin. Walang pinagbago.“ Tatawa tawang sagot niya. Hindi parin talaga nagbabago ’to si Elsa. Napaka masiyahin parin. Namiss ko tuloy yung mga panahong magkakasama pa kaming tatlo.
Ay mali. Saglit pala kaming naging apat nun.
“ Bumalik ba siya? “ Tanong ko. Ngumiti naman siya ng kaunti.
“ Si kuya ba? Hindi eh. Hindi na siya bumalik. Ewan ko kung nasan na ’yun ngayon.“ Saglit kaming naging apat na magkakaibigan noon. At ang ikaapat na kasama namin ay yung kuya niya na ngayon ay hindi namin alam kung na’san. Bigla nalang kasi siyang nawala ng parang bula.
“ Eh ikaw? Balita ko may pamilya ka na raw? “ Pag iiba niya na ikinatawa ko ng husto.
“ Pamilya? Hahaha grabe, san mo naman narinig yan? “ Natatawang tanong ko. Agad naman niyang itinuro si Hell. “ Sabi nitong abnoy na’to ah.“ Sagot ni Elsa.
“ Hoy anong ako?! Wag ka ngang imbento jan bobo! “ Grabe. Pati ngayon ay ganyan padin sila. Laging nag aaway. Pfft.
“ Sinabi mo kaya ’yun! “
“ Bobo! Wala akong sinabing ganun! “
Walang akong ibang nagawa kundi ang matawa nalang. Parang ganito lang din kami dati. Silang dalawa ay nag aaway samantalang ako naman ay tumatawa. Ang sarap lang balikan ang mga panahong ’yun.
Ilang minuto lang silang bumisita. Pagkatapos naming magkwentuhan ng mga bagay-bagay ay umalis na sila. Babalik nalang daw sila bukas. May gagawin pa daw kasi sila.
“ Kanina kapa ngiti ng ngiti jan ah. Sabihin mo nga, pinainom kaba nila ng drugs? “ Napatingin ako kay Stephan nung magtanong ito.
“ Hindi. Masaya lang ako at muli kaming nagkita kita ng mga kaibigan ko.“
( Virgel’s PoV )
8:30 PM
“ Ikalma mo lang ang sarili mo Boss. Huminga ka ng maayos..ganyan…tapos focus sa target mo..ganyan..tapos kalabitin mo.“
BANG!
Kinuha ko ang binocular para tignan kung natamaan ko ba yung training target ko. Pero pagtingin ko, wala akong makitang butas.
“ Wala parin.. “ Matamlay kong sabi. Magtatatlong oras na kami dito pero hanggang ngayon hindi ko padin alam kung paano tamaan yung target ko. Ang layo layo naman kasi. Tapos medyo mabigat pa ’yung baril.
Ang hirap pala magsanay sa pagbaril
“ Okay lan yan Boss. Nag uumpisa palang naman tayo. “ Tumango nalang ako sa sinabi ni Ish.
Napatingin naman ako sa kabilang banda kung saan nagsasanay sina Kael at Benz.
Magkatapat lang silang dalawa na may medyo malayo ang distansya. Nakahawak ang dalawang kamay ni Benz ng samurai samantalang si Kael naman ay may hawak-hawak na mga bomba. Yung parang jolen.
“ Ito na ako Benz.“ Nakangising sabi ni Kael. Tumigil naman ang lahat sa pagsasanay para manuod.
“ Alriiight~ Bring it on beybeh! “ nagpose narin si Benz at parang handa handa na sa pag atakeng gagawin ni Kael.
Ilang sandali pa, nag umpisa na sila.
Walang tigil sa paghagis si Kael sa mga bomba habang tumatakbo. Grabe, ang experto niya talaga sa pag hagis ng mga bomba. Napakabilis ng mga kamay niya sa pagdukot sa bulsa niya para kumuha ulit ng mga bomba. Wala siyang segundong sinasayang. Napakabilis niyang bumato. Grabe.
Pero mas napanganga pa ako nung madapo ang tingin ko kay Benz. Sobrang bilis niya sa paggamit ng samurai niya. Lahat ng bomba na tatama sana sakanya ay nahihiwa niya. At pagsinabing kong lahat, lahat talaga. Lahat ng bomba nahihiwa dahilan para hindi ito sumabog.
“ Ang galing talaga ng Gago.“ Pati sina Ish ay namangha kay Benz. Hindi ko akalain na ganito pala kagaling si Benz. Sa kabila ng pagiging makwela niya, may tinatago pala siyang nakakamanghang kakayahan.
Ang gagaling nila pareho.
Ilang minuto lang din ay natapos na sila. Parehong silang hinihingal. “ Ayoko na. Nasasayang lang yung bomba ko sayo eh. “ Natatawang sabi ni Kael kaya nagtawanan kami.
“ May ballpen ka? “ Biglang tanong ni Benz kay Kael. “ Huh? “
“ Baka kasi gusto mong magpa autograph. Pfft. “ Natatawang dugtong ni Benz. Hahahaha.
“ Yabang ng gago. Hoy halika dito! May itatapat ako sayo ulol! “ Tawag ni Ish kay Benz. Tatawa tawa namang lumapit si Benz samin.
“ Sino? Ikaw ba Ish? No match ka sa’kin–araay! Biro lang eh “ *
Pout* nabatukan na naman siya hahaha.
“ Hindi ako ang makakalaban mo.“ Ish
“ Eh sino? “ Benz
Baka naman si Hell. Naku magandang laban to
“ Si Boss.“
“Si Bossing? “ Benz
“ Oo. Baket takot ka? “
“ Hindi ah. Ang tanong lang eh kung papayag si Bossing.“
“ A-ayoko…“ Tatakbo na sana ako na pigilan ako ni Ish. “ Hephep! Walang aalis Boss “ Natatawang sabi niya. Waaaah! Ayoko! Ayoko! Ayokoo!
“ Ayoko Ish..iba nalang please..“ Pagmamakaawa ko. Tumawa lang siya :(
“ Ano kaba kaya mo yan. Ikaw pa.“ Sabi niya pa pagkatapos ay hinatak niya ako dun papunta sa fighting area. Ayoko sanang magpahatak pero pati Kael ay hinatak narin ako.
Pagkarating namin, iniwan nila ako dun sa fighting area. Para itong boxing area pero walang lubid yung bawat corner. Pagtingin ko kila Ish, andun lang sila sa gilid lahat nanunuod. Pagtingin ko naman sa harap ko, andun si Benz. Tapos ang seryoso pa niya T.T
“ Benz…“ tawag ko “ Magkaibigan tayo diba? “
“ Papatayin ako ni Ish kapag hindi ko seseryosohin ang laban natin Bossing. Pasensya na.“ Seryosong wika niya kaya mas natakot ako. Ayokong mahiwa dito T.T
( Ish’s PoV )
“ Sigurado ka ba jan sa ginawa mo? Baka mapano si Boss. Alam mo naman ang kakayahan ni Benz.“ Nag aaalang bulong ni Elsa kaya napangisi ako.
“ Hindi lalabas ang potential niyang kakayahan kung wala siya sa delikadong sitwasyon. Tama lang yan. Masasaksihan natin ngayon ang tinataglay na lakas ng isang Acosta.“ Sagot ko. Nakita kong lumingon si Boss sa direksyon namin na para bang
humihingi ng tulong kaya kumaway ako. “ WOAAH! KAYA MO YAN BOSS!! “ Natatawang cheer ko. Pati si Kael ngayon nakiki cheer narin hahahaha.
Di nagtagal si Benz na ang unang sumugod. At gaya ng inaasahan ko, seneryoso nga niya ang laban nila. Pinagbantaan ko kasi hahaha.
Agad naman umiwas si Boss sa mga tuloy tuloy na atake ni Benz. Grabe talaga yung reflexes ni Boss. Di pa siya gaanong focus jan dahil bakas sa mukha niya ang takot pero kita mo naman.. naiilagan niya parin ang mga atake ni Benz.
Iwas lang ng iwas si Boss hanggang sa ginamit narin ni Benz ang mga paa niya sa pag atake. Siguro ay medyo naiinis na ito dahil hindi siya makatama kay Boss.
Habang patagal ng patagal, mas lalo pang bumibilis ang kilos ni Benz. Pero ang nakakatawa, hindi parin siya makatama kay Boss. Hahahaha.
Pero di nagtagal, nahuli ni Benz si Boss sa sikmura gamit ang tuhod niya. Napaluhod bigla si Boss at halatang dumadaing ito sa sakit. Yan ang problema sa katawan ni Boss. Mabilis siyang masaktan.
Tumigil naman sa pag atake si Benz at lumayo ng bahagya. “ Ayos ka lang Bossing? “ Tanong ni Benz pero hindi sumagot si Boss. Nakaluhod parin ito at nakayuko.
Maya maya lang rin ay dahan dahan siyang tumayo. Pero nakadungo parin. “ Lapit “ Mahinang utos ni Boss at iniangat niya ang ulo niya. Wala kanang makitang bahid ng takot sa mukha niya.
Hindi kumilos si Benz dahil nabigla ito sa expresyon ng mukha ni Boss. Seryoso kasi itong nakatingin sakanya.
Ilang sandali lang ay una ng sumugod si Boss.
“ Mukhang hindi maganda ’to.“ Bulong ni Elsa.
Sa sobrang bilis ni Boss, di namalayan ni Benz na nasa likuran na pala niya ito.
Tumilapon si Benz sa lakas ng sipa ni Boss galing sa likuran niya. Buti naitusok ni Benz agad ang espada niya sa sahig kaya di siya natumba.
Walang pagdadalawang isip namang kinuha ni Benz ang ikatlong samurai niya pagkatapos ay kinagat niya ito. Mukhang seryosong seryoso nadin si Benz sa laban.
Parehong sumugod ang dalawa sa isa’t isa. Walang gustong magpatalo, minsan nadadaplisan ng samurai ang katawan ni Boss pero parang wala lang ito sakanya at tuloy tuloy parin siya sa pag atake. At ’yun ang naging dahilan ng pagkatalo ni Benz.
Natamaan siya ng isang suntok na ikinawala ng malay niya.
Tangna, ang halimaw talaga ni Boss. Ang akala na naman naming lahat ay nagising niya yung isang katauhan niya pero nagulat kami nung kinarga niya si Benz papunta sa’min. “ Pasensya na..nasaktan ko ata si Benz ng sobra.“ Pagtingin ko kay Boss, puno ng pangamba ang mukha niya. Ang weird. Dati naman pag lumalakas siya ay senyales yun na nagising yung isang katauhan niya. Pero ngayon parang normal na sakanya ang lumakas.
Ang ibig kong sabihin, lumalakas siya na hindi na nawawala sa sarili niya.
Nakokontrol naba niya yung demon side niya?
( Ace’s PoV )
“ Ito ang mga listahan..“ Kinuha ko ang papel na binigay ni Dorothy sa aming lahat. Andito kami sa pagpupulong ngayon. Ang anim na taga hirvana ay nakisali narin. Wala sina King at Queen dito kaya si Dorothy muna ang mag magbabalita ng mga dapat naming gawin. Siya kasi ang nagsisilbing speaker ng grupo pag wala sina King.
“ Ano ’to? “ Tanong ni Target. Napatingin naman ako sa papel. Mga pangalan lang ang tanging nakasulat dito
-
Elon Fuentes
-
Hell Tan
-
Nero Guzman
-
Helena Madrigal
-
Benjamin Delgado.
6…..
Di ko binasa pa ang mga sumunod. Kung hindi ako nagkakamali mga myembro to ng Fuego at Virgo Mafia.
“ Yan ang listahan ng mga target na’tin. Ang sabi ng King, kailangan natin yang sundin. In order, Hindi tayo pwedeng lumukso sa susunod na target hangga’t di pa natin na didispatsya ang unang target.“ Sagot ni Dorothy. Agad namang nag react si Frost.
“ Eh hindi ba natin sila papatayin ng sabay-sabay? Akala ko ba digmaan ang paghahandaan na’tin? Ba’t isa-isa natin silang papatayin? “
“ Magaganap parin ang digmaan. Pero ang plano ng King ay pahinain ang dalawang grupo sa pamamagitan ng pagpatay ng mga malalakas na myembro nito ng paunti unti. Plano ng King na sa araw ng digmaan, wala na silang malalakas na armas
pa na magagamit nila laban sa’tin.“
“ So ano ’to. Silent Killing? “ Tanong ni Valentine.
“ Ganun nanga. Kumbaga, Isa isa nating puputulin ang mga galamay ng isang gagamba hanggang sa manghina ito at mamatay “ Dorothy
Napangisi nalang ako nung muling madapo ang tingin ko sa listahan.
Elon Fuentes.
Nung una ay nakatakas ka dahil dun sa kaibigan mo. Pero sa puntong ito..sisiguraduhin ko na ang katapusan mo.
“ Bawat pangalan ng target ay may dalawang myembro ng Chess Pieces ang iaassign sa pagdispatsya nito. Umpisahan natin dito kay Elon Fuentes. Sinong may gustong umuna? “
Agad akong nagtaas ng kamay sa tanong ni Dorothy. “ Ako.“
“ Okay. So sa unang target..kayong dalawa ni Vonzo ang papatay.“ Pagkasabi nun ni Dorothy, napatingin ako kay Vonzo. Nakataas din pala ang kamay nito.
So siya ang makakasama ko? Tsk. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang isang ’to
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 25: Invitation
Episode 25: Invitation
[ Virgel’s PoV ]
“ A-aray..“ Bigla nalang akong napadaing sa sobrang sakit at bigat ng katawan ko. Tatlong araw narin simula nung mag umpisa kaming magsanay. At di biro ang mga ginawa namin sa loob ng tatlong araw na’yun.
Pinilit kong bumangon sa kama ko dahil mag aalas kwatro na kasi ng umaga. Umpisa na kasi yun ng training namin. Oo, ganun kaaga ang training namin araw-araw. Tatlong araw nanga rin akong walang pasok eh. Pero ang sabi naman ni Hugo na naexcuse na daw niya kami ni Kael sa school. Hindi ko alam kung anong ginawa niya basta ang sabi niya wag na daw kaming mag alala.
Paika ika akong bumaba ng hagdan at papuntang sala. Grabee, ang sakit igalaw ng mga binti at hita ko. Tapos yung braso ko rin. Hawak kasi ng hawak ng baril dun sa pagpapraktis ko ng shooting. At medyo nabibigatan pa ako sa baril kaya ganun. Haay..kakapagod mag training T.T
“ Boss, gising kana pala.“ Lumapit ako sa kinauupuan nina Hugo at Ish. Mukhang nag uusap tong dalawa. Sila palang kasi yung nandito sa sala.
“ Hindi paba sila gising? “ Tanong ko sakanila pagkatapos ay tumabi ako kay Hugo na may hawak hawak na parang papel.
“ Mamaya gigising na rin ’yung mga ’yun“ Hugo.
“ Ah..“ Napatingin naman ako saglit sa hawak ni Hugo na parang isang sobre .“ Ano yan? “ Tanong ko. Ibinigay naman niya agad sa’kin ang sobre.
“ invitation card“
“ Para san? “
“ Para sa engranding okasyon ng ika anim napu’t kaarawan ng isa sa Pinakamayamang tao dito sa buong Asya, si Don Theodore Emnacin. Mamayang gabi na ito gaganapin.“ Sagot ni Hugo.
“ Pupunta ba tayo? “
“ Nasa inyo ang decisyon, Boss.“ Aw. Baket ako? T.T wala naman akong alam sa mga ganyan ganyan.
“ Uunahan ko na kayo Boss para mas mapadali ang inyong pagdedesisyon. Isang Mafia Boss si Don Emnacin ng isa sa pinakamatandang Mafia Family sa buong Asya; ang Emnacin Family. At sa okasyon na mangyayari, imbitado ang limang pinakamalalakas na Mafia Org. dito sa pilipinas. At kasali na tayo dun. Pati ang Elfame at Fuego Mafia.“ Tumingin saglit sa’kin si Hugo bago nagpatuloy “ Ngayon Boss, anung desisyon niyo? “
Sa mga narinig ko, parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Puro Mafia ang imbetado sa gaganaping okasyon?! Di ko maimagine kung anung mangyayari. Baka imbes party ang magaganap eh patayan ang mangyayari.
Kakatakot.T^T
“ Ayoko.“ Diretsa kong sagot. “ Masyadong delikado.“ Dagdag ko. Nakita ko naman ngumiti ang dalawa.
“ Gaya ng inaasahan na’tin.“ Natatawang sabi ni Ish kay Hugo. Tumingin naman siya sa’kin sabay salute. “ Masusunod, Boss. Walang pupunta sa party.“
“ Alriight~ “
Napatingin kaming tatlo sa hagdan nung may magsalita. Sabay palang bumaba ang apat.
“ Anung gagawin na’tin ngayon? “ Elsa.
“ Ganun parin tulad ng ginagawa niyo nitong mga nakaraang araw. Hasain niyo pa ng husto ang abilidad niyo. At gaya ng sabi ko, kapag narating niyo na ang limitasyon niyo, dun na tayo mag poproceed sa susunod na pagsasanay natin.“ Hugo. Nakita ko namang tumango sila kaya tumango rin ako.
Tumayo si Hugo sa pagkakaupo kaya tumayo narin kami ni Ish “ Umpisahan na natin ang training.“ Sabi niya pagkatapos ay umuna na itong maglakad. Sumunod lang kaming lahat sakanya papuntang training area ng mansyon.
Hindi ko alam pero kahit pagod na pagod na ang katawan ko sa pagsasanay, parang gustong gusto parin ng utak ko ang ginagawa namin. Parang sabik palagi sa pakikipaglaban ang utak ko.
After 2 Hours
BANG!
“ Oh malapit mo ng tamaan yung gitna boss“ Napangiti ako bigla sa sinabi ni Hugo pagkatapos ay kinuha ko yung binocular na hawak niya .“ Patingin patingin! “
“ Woah.“ Naibulong ko nalang. Ang astig. Kunting kunti nalang sana para matamaan ko yung sentro ng ulo nung target ko. Sayang pero okay nadin yun. Atleast natatamaan ko na yung target ko Hehe.
“ Ang bilis mo talagang matuto boss.“ Puri sa’kin ni Hugo. Siya pala ang kasama ko ngayon sa pagttraining dahil busy silang lahat para sa sarili nilang training.
“ Hehe salamat.“
Kinuha naman niya bigla ang baril na hawak. “ Tama na muna yan sa ngayon Boss. Iba naman ang gagawin natin ngayon.“
“ Anung gagawin natin Hugo? “
“ Sumama ka.“ Utos niya kaya sumunod ako. Nakarating kami sa isang pintuan ng isang napakaliit na kwarto na gawa sa kahoy.
“ Kagaya ng ginagawa ng iba, hahasain muna natin ng todo yang abilidad mo.“
“ Abilidad? Anung abilidad ko? “
“ Yung reflexes at acceleration mo. Naobserbahan ko na ang isa sa mga natatanging abilididad mo ay ang pag iwas ng mga atake ng sobrang bilis. Dun sa laban niyo ni Benz, masasabi kong namaster muna yung reflexes at acceleration na sinasabi ko. Pero ganunpaman, hindi padin ito ganun kapino. May kulang pa.“ Nakanganga lang akong nakikinig kay Hugo kaya huminto siya sa pagsasalita at natawa ng kunti. “ Nakikinig kaba Boss?“
“ Oo. Sige ituloy mo lang.“
“ So ayun. Para mas lalong pumino yang galaw mo, Para mas madali mo pang maiwasan ang mga atake ng kalaban mo, kailangan nating ma enhance ang Anticipation mo.“
“ Anticipation?“ Kamot ulo kong tanong.
“ Kumbaga kailangan mong palakasin ang pakiramdam mo. Kapag namaster muna ng husto yang reflexes, acceleration at anticipation na sinasabi ko, di malayong pati bala ng baril ay maiiwasan muna rin boss“ Sagot niya ng nagpabilib sakin. Wow. pati bala ng baril maiiwasan ko? Para narin siguro akong superhero pag natutunan ko na yan. hehehe
“ So..anung gagawin natin para palakasin ang pakiramdam ko?“
“ Pumasok tayo dito.“ Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at medyo nagulat ako nung wala akong makita. Sobrang dilim ng nasa loob.
“ Anung gagawin natin jan? “ Tanong ko. May kinuha naman siya na parang hitech na shades pagkatapos ay sinuot niya.
“ Maglalaban tayo jan sa loob.“ Sagot niya na ikinalaglag ng panga ko “ ANO?! “
“ Wala akong binatbat sayo, Hugo. At isa pa paano tayo maglalaban jan sa loob eh sobrang dilim. Wala tayong makikita “ Dagdag ko. Ngumiti naman siya at itinuro ang shades na suot niya .“ Night Vision tong shades na’to kaya makikita kita kahit nasa loob tayo.“
“ Na’san yung akin? “ Tanong ko sabay lahad ng kamay.
“ Pfft.Hindi ka gagamit nito Boss “
“ Ha? Eh paano ako makakalaban sayo kung wala akong nakikita? “
“ Pakiramdam.“ Sagot niya ng nagpatigil sa’kin ng kaunti. Pakiramdam. So sa ganitong paraan ba mapapalakas ang pakiramdam ng isang tao? ng hindi ginagamit ang paningin?
“ Tips ko lang bago tayo pumasok sa loob Boss. Isa sa mga paraan para makipaglaban ng hindi ginagamit ang mata mo ay ang paggamit ng pandinig. Ikalma mo ang daloy ng dugo mo, makinig at makiramdam sa paligid. Ganun lang.“ Pagkasabi niya nun ay mabilis niya akong tinulak papasok sa kwarto at pagkatapos sinarhan ang pinto.
Naloko na…
Tulong! Wala akong makita! T.T
[ Ace’s PoV ]
Tahimik lang akong naglilinis ng baril dito sa sala na gagamitin ko para mamaya ng biglang umupo si Dorothy sa tabi ko.
“ Mukhang handang handa ka ng dispatsahin yang target mo ah. May atraso ba yun sa’yo? “ Napahigpit ang hawak ko sa baril ng maalala ko si Akron. Bwesit na Elon ’yun.
“ Sa oras na makita ko siya, di na ako magdadalawang isip na barilin siya.“ Saad ko habang nilalagyan ng silencer ang baril na hawak ko.
“ Nag usap naba kayo ni Vonzo para sa plano niyo? “
“ Hindi.“ Tipid kong sagot. Wala na akong pake dun sa lalaking yun. Mukhang wala namang balak makisama yun. “ Siya nga pala, may impormasyon kaba dun kay Vonzo at dun sa limang kasama niya bukod sa pangalan nila? “ Tanong ko. Medyo curious lang kasi talaga ako dun sa anim na taga Hirvana na’yun.
Lalong lalo na ang Vonzo Monte na’yun.
Umiling naman siya sa sagot ko .“ Kagaya na’tin, tago rin ang impormasyon nilang anim. Tanging pangalan lang nila ang kaya nilang ibigay sa’tin. Bukod dun ay wala na. “ Sagot niya.
Tumahimik nalang ako at pinagpatuloy ang paglinis ng baril ko. Pati narin ang mga kutsilyo na dala ko. In case na gagamitin ko to mamaya.
Maya-maya lang rin ay biglang dumating ang isang taga Hirvana sa sala. Kung hindi ako nagkakamali siya si Hiro Yushira.
“ Sasama ba kayo kay King Casper mamaya? “ Tanong niya. Oo nga pala. May okasyon nga palang dadaluhan ang Elfame Mafia mamaya. Imbetado kaming lahat pero mukhang hindi ako makakasama.
“ Hindi ako makakasama.“ Sagot ko
“ Ah sandali. Muntik ko ng makalimutan.“ May kinuha si Hiro na papel sa bulsa niya at ibinigay sa’kin. Address lamang ng isang ospital ang nakasulat dito at medyo malapit lang ’to dito.
“ Ano ’to? “ Takhang tanong ko.
“ Jan makikita ang target niyo ni Vonzo.“ Sagot niya na ikinagulat ko ng konti. “ Sigurado kaba? “
Ngumiti naman siya at inayos ang salamin na suot niya. “ Hindi sa pagmamayabang ha, pero pagdating sa paghahanap ng target, hndi pa ako pumapalpak. “
Napangiti ako sa sinasabi niya. Mukhang hindi nga basta basta ang anim na taga hirvana na’to. Mabuti nalang at kakampi namin sila. “ Maiwan ko na kayo. Goodluck nalang sa target niyo ni Vonzo, Ace.“
Magdasal dasal ka na ngayon Elon..
Sisiguraduhin kong hindi kana sisikatan ng araw bukas.
[ Felix Sy’s PoV ]
Binuksan ko ang pintuan nitong storage room bitbit ang isang tray.
“ Heto na ang tanghalian mo.“ Lumingon si Sebastian sa kinatatayuan ko tsaka ngumiti ng malapad. “ Tamang tama lang ang pagdating mo pre. Gutom na gutom na ako.“ Walang pagdadalawang isip naman niyang nilantakan ang pagkaing dala ko.
“ Minsan naiisip ko, masarap din pala kapag nakakulong ka noh? Wala kana ngang ginagawa, may libreng pagkain kapa. San kapa, diba? “ Nakuha parin niyang magsalita ng ganun kahaba kahit halos sumabog na yung bibig niya sa dami ng nilamon niya. Napailing nalang tuloy ako. Sa aming limang Assassins, siya lang ata yung masasabi mong hindi seryosong tao.
“ Maghanda ka para mamayang gabi. Saglit kang ilalabas ni Boss dito para sa Okasyon na dadaluhan niya mamaya.“ Sabi ko. Saglit naman siyang nagulat. Pero binawi niya din yun at nagpatuloy sa pagkain “ Baket naman ako? “
“ Hindi lang ikaw ang isasama ni Boss kundi tayong lima.“ Kumunot naman ang noo niya.
“ Tayong lima? Baket tayo? Eh anjan naman yung mga Diablo ng Fuego.“
“ Masyadong delikado ang Party na dadaluhan ni Boss mamaya, Sebastian. Di malayong magkatagpo tagpo ang limang malalakas na Mafia doon. Masyado pang baguhan ang mga Diablo pagdating sa mga ganyang sitwasyon kaya wala masyadong tiwala si Boss sakanila.“ Sagot ko.
Tumango naman siya “ Naiintindihan ko.“
“ Bilisan muna jan at umpisahan mo ng magsanay para mamaya.“ Medyo matagal narin kasi nung huli kaming nakipaglaban . Baka mabigla ang katawan namin pag hindi kami naghanda.
“ Akala ko ba party ang dadaluhan na’tin? Baket kailangan ko pang magsanay?“
“ Hindi natin alam ang mangyayari mamaya. Mabuti ng handa.“ Kinuha ko ang tray pagkatapos ay binuksan ang pinto “ Aalis na ako “
Sigurado akong imbetado rin ang Virgo Mafia sa nasaad na okasyon. Pupunta kaya sila? Pupunta kaya ang anak ni Boss?
Pagkarating ko sa sala, nadatnan ko sina Elfred at Trace na nag uusap. Dito sa mansyon ni Mr. Jin, kaming tatlo ang nagpapanggap na butler ng mansyon, samantalang si Sebastian naman ang nagpapanggap na si Mr. Acosta at ang bihag ng Fuego. At si Argo naman, siya ay nagpapanggap na isa sa mga Diablo na binuo ni Boss. .
Lahat ng ’to ay planado ni Boss Vlademir.
“ Felix. Napagsabihan ka naba ni Boss? “ Tanong ni Elfred. Tumango ako bilang sagot. Mukhang ’yun din ang pinag uusapan nila ngayon.
“ Ito ang kauna unahang okasyon na dadaluhan niya na tayo ang isasama.“ Napaisip sila bigla. Tama yung sinabi ni Trace. Ito palang unang beses na sasama kami kay Boss sa isang okasyon. Kadalasan kasi yung mga alaga niyang mga Diablo ang sinasama niya. O di kaya ay si Mr. Jin at Argo. Sinasama lang naman kami noon ni Boss noong namumuno pa siya Virgo pag isang napaka delekadong transaksyon ang pupuntahan niya.
“ Hindi basta basta ’tong dadaluhan na’tin.“ Babala ko sakanila. “ Kaarawan ni Mr. Theodore Emnacin ang pupuntahan na’tin, ang Don ng top 8 Mafia Family dito sa Pilipinas.“ Dagdag ko. Tahimik lang silang nakikinig ng biglang sumulpot ang pinakamalakas saming Assassin. Ang panganay ni Boss.
“ Kanina ka paba jan, Argo? “
“ Sakto lang.“ Nakapamulsa naman siyang lumapit samin bitbit ang isang malademonyong ngiti.
“ Anung ngiti yan? Masyado ka bang excited para mamaya? “ Nakangisi ring tanong ni Elfred. Di sumagot si Argo at patuloy lang ito sa pag ngisi. Ang weird talaga nito minsan.
Hindi naman ’to ganito noon eh.
( Flashback )
“ Oh, ba’t kasama mo si Virgel, Argo? Di na naman tayo makakapaglaro nito ng maayos eh.“ Pagmamaktol ni Sebastian kaya medyo natawa ako. Natawa rin naman ng kaunti si Argo. “ Pasensya na kayo, gusto kasi niyang sumama eh.“
“ Baba..bababa.“ Ang cute lang nilang tignan. Karga karga ni Argo si Virgel na isang taong gulang palang.
“ Oh baket? Andito lang si kuya.“ Pagkasabi nun ni Argo, bigla nalang tumahimik si Virgel pagkatapos ay humagikhik.
“ Kayo nalang muna ang maglaro ah. Di ko kasi pwedeng pabayaan tong kapatid ko eh.“
“ Mahal na mahal mo talaga yang kapatid mo noh? Kahit magkaiba kayo ng ina.“ Bigla kong siniko si Elfred nung madulas ito. “ ano kaba?“ bulong ko. Napatakip naman agad ng bibig si Elfred. “ P-pasensya na Argo.“
Kita naman naming ngumiti ng pilit sa amin si Argo. “ Hindi, Okay lang.“ Tumingin siya kay Virgel pagkatapos ay ngumiti ulit “ Mahal na mahal ko ’tong kapatid ko. Kahit pa magkaiba ang ina naming dalawa. Gagawin ko lahat para sakanya. Para lang maging ligtas siya. Kahit pa kapalit ng buhay ko. “ Sabi niya yan habang nakatingin kay Virgel. Hindi ko alam kung
naiintidihan ba ’yun ni Virgel pero bigla nalang niyang hinawakan ang pisngi ni Argo.
“ Ibang klaseng pagmamahal“ naibulong ko nalang. Hindi lahat ng kapatid sa mundo ganun. Bihira lang ang mga taong ganyan. Ewan pero kahit isang Mafia ang pamilya ni Argo, wala kang makikita ni kahit anong bahid ng kasamaan sa pagkatao niya.“
( End of Flashback )
Ewan pero ang bilis ng mga pangyayari. Nagsimula nalang siyang maging ganyan nung itinakas ni Queen Almira ( Ina ni Virgel ) si Virgel sa mansyon nila. At napagalaman nila na kaya pala ito tumakas ay dahil pinatay niya si Ms. Renietta Diamante. Ang ina ni Argo at kabit ni Boss Vlad.
Noong mga panahon na yun ay sobrang nadepressed si Argo dahil dalawa si pinaka importanteng tao sa buhay niya ay parehong nawala.
At simula nun ay unti unti na siyang nagbago. Nagbago narin ang percepsyon niya sa buhay. Pagkatapos ay sinanay pa siya na maging isang assassin na ikinabago niya ng husto.
Emosyon, puso, awa, pagmamahal, unti unti na yang nawala at nabura sa utak niya hanggang sa ito na.
Mula sa isang mabait at mapagmahal na kuya, bigla nalang nabuo ang isang nakakatakot, napakalakas, at walang awang Assassin.
Nakakalungkot mang isipin na yung kilala naming mabait at masayahin na Argo noon..
ay matagal ng nilamon ng puot at galit.
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 26: Vengeance
Episode 26: Vengeance
[ Virgel’s PoV ]
“Hugo? T-teka naman..sandali lang” Pagmamakaawa ko dahil sobrang sakit na ng katawan ko. “ Na’san ka ba–“ Di ko na natapos pa ang sasabihin dahil bigla na naman akong nakatanggap ng isang sipa sa sikmura. Pang sampung beses ko na yun.
Napayuko na ako sa sobrang sakit. Paano ba ako makakalaban nito kung hindi ko nakikita ang kalaban ko? Nakakainis!
Tatayo pa sana ako pero.. “ Ugh!! “ nakatanggap na naman ulit ako ng isang suntok sa mukha ko na nagpatumba ulit sa’kin. “ T-teka..paano ba ako makakalaban Hugo? “ Tanong ko ulit pero hindi padin siya nagsasalita. Kanina ko pa hindi naririnig ang boses niya. Baket ayaw niya magsalita?
Siguro baka pag nagsalita siya malalaman ko kung na’san ang kinatatayuan niya..
…
………
Natigilan ako saglit sa naisip ko.
Baka yun nga ang dahilan. Matalino talaga to si—teka..
“ Ikalma mo lang ang daloy ng dugo mo, makinig at makiramdam. Ganun lang.“
Makinig, makiramdam..
Tama. Tama yun nga!
Tumayo ako ng dahan dahan at sinubukan kong makinig at makiramdam sa paligid. Sobrang tahimik.. ah mali,
mga mahihinang yapak..
May nariring akong mahihinang yapak mula sa kaliwa ko..sa gitna…
Papunta sa kanan…
Naramdaman kong medyo umabante ang hakbang niya kaya umatras ako ng kaunt–
Anak ng!
Napatigil ako sa pag iisip dahil bigla akong nakaramdam ng hangin na humampas sa kanang bahagi ko na para bang may paparating na bagay palapit sa’kin.
Iiwas sana ako pero huli na. Tumilapon ako sa lakas ng sipa na natanggap ko sa mukha.
Nalalasahan ko na ang dugo sa bibig ko. Nakaramdam narin ako ng sobrang sakit sa buong katawan ko. Parang hindi ko kakayanin ang pagsasanay na’to.
Pero malapit na eh. Malipit ko na itong makuha. Nahuli lang ako ng kaunti sa pag ilag kanina.
Tumayo ulit ako..sa pagkakataong ito ay pumikit na ako. Iyon ay para mas mapalakas ko pa ang pandinig at konsentransyon ko.
Nadidinig ko na naman ang mga yapak ng mga paa ni Hugo na tila naghahanap ng tsempo sumugod.
Papunta siya sa kanan…patuloy lang siya sa pag apak hanggang sa umabot siya sa likuran ko. Hindi ako umikot para harapin siya. Instead hinintay ko ang pag apak niya ulit. Tumigil kasi siya sa paglalakad.
Sunod na pinakiramdam ko ay ang hangin. Steady lang ang lahat. Wala pa akong nararamdamang hangin na humahampas sa’kin. Ibig sabihin nun ay hindi pa siya umaatake.
Hanggang kailan niya balak tumayo sa likod ko?
Maya maya lang rin ay nakarinig ulit ako ng pag apak niya kaya inihanda ko ang sarili ko. Sinubukan kong palakasin ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng pagkalma. Naramdam kong medyo umihip ng kaunti ang hangin sa likod ko kaya agad akong umikot para harapin siya..unti unting lumakas ang hangin sa may kaliwang pisngi ko kaya agad kong iniwas ang ulo ko sa kanan.
Nadaplisan ng suntok ni Hugo ang pisngi ko. Pero ganunpaman, kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko.
Agad kong kinuha ang pagkakataong mahawakan ang braso niya. At nagtagumpay ako ron. Ayos!
Matapos kong mahigpitan ang paghawak ko kay Hugo ay bumwelo na agad ako. “ Arhhhh! “ at buong pwersa ko siyang sinuntok sa sikmura at tumilapon siya sa pader nitong kwarto. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya sa pader na gawa sa kahoy ay nawasak ito at lumusot siya dun.
Hala ka! O___O
“Nagkamalay naba?” Lumingon ako sa papalapit na si Elsa saglit pagkatapos ay tumingin ulit ako kay Hugo na kasalukuyan ngayong nakahiga sa couch sa sala. Andito nga pala kami lahat ngayon dito.
“ Hindi padin eh.“ Sagot ko. Mag tatatlong oras ng walang malay si Hugo. Mukhang napalakas ata ng husto yung impact ng pagkakabangga niya dun sa may pader kaya nawalan siya ng malay. Ano ba kasi yung ginawa ko T.T
“ Tindi mo talaga Bossing! “ Natatawang puri ni Benz.
“ Maniwala kayo, hindi ko talaga sinasadya yun kay Hugo. Hindi ko alam na ganun pala kalakas ang pagkakasuntok ko..pasensya na talaga“ Malungkot kong sabi sa kanila. Nakokonsensya kasi ako sa nangyari. Kasalanan ko ’to eh.
Lahat nalang ng nakakalaban ko nawawalan ng malay. Gaya nalang nung laban namin ni Benz. Nawalan din siya ng malay nun.
Baka isipin nila napakabrutal ko na. T^T
“ Hahahahaha “
Napatigil ako sa pag eemo ko nung marinig ko silang nagtawanan. Eh? Anong nakakatawa? Humihingi nanga ako ng pasensya eh tapos sila…tatawanan lang ako. T__T
“ Ano kaba Boss, Ba’t ka naman humihingi ng pasensya?“ Ish
“ Eh kasi nasaktan ko si Hugo. Tapos si Benz din. Baka isipin niyo napakabrutal ko na na tao. Maniwala kayo hindi ko talaga sinasadya ang mga nangyari.“ Malungkot kong sagot pero sila tawa padin ng tawa. Ano bang nakakatawa T^T
“ Ano ka ba, Okay lang yun Bossing. Masaya nga kami dahil mukhang malapit na naming mapalabas ang buong potential mo eh.“ Benz.
“ Tama si Benz. At isa pa, pinatunayan mo lang din samin na talagang nararapat ka ngang maging Boss namin kahit bata kapa. Pinatunayan mo lang na anak ka nga talaga ni Boss Vlad.“ Mula sa pagtatawanan ay biglang natahimik ang lahat nung banggitin ni Ish ang pangalan ng Papa ko.
Ngumiti bigla si Elsa. “ Bigla kong namiss si Boss.“ Ngumiti rin sina Ish at Benz. “ Ako rin.“ sabay nilang sagot.
“ Nakalimutan natin saglit ang tunay na misyon natin dahil sa digmaan na’yan. Nawala sa isipan natin si Boss Vlademir. Kailangan pa natin siyang iligtas sa mga Fuego.“
[ Kael’s PoV]
Napangiti ako sa mga sinabi ni Ish. Kung alam niyo lang na malayang malaya siya ngayon at patuloy lang niya kayong binabantayan. Sigurado akong mas mamahalin niyo pa ng husto ang Boss niyo.
Sayang lang at hindi ko pa pwedeng sabihin sakanila na ang Boss nila ay Head Boss din namin. Na ang Virgo at Fuego ay pag iisahin din sa darating na digmaan.
“ Diba sa ngayon anim na Diablo nalang ang natitira? Wala na si Primo, kasapi na natin si Kael, tapos nasa ospital pa yung isa. Hindi kaya oras na para maghiganti tayo at kunin si Boss Vlad sakanila? “ Biglang sabi ni Ish. Tataliwas pa sana ako sa plano niya pero bigla nalang nagsalita si Boss.
“ Kailangan ba talaga tayong maghiganti?“ Napalingon kaming lahat sakanya. Nakatingin lang siya sa sahig na para bang nag iisip “ Siguro ang kunin si Papa sakanila, oo. Pero bakit kailangan pang maghiganti?“ Nakakunot niyang tanong na nagpatigil saming lahat. Lalong lalo na sila Benz.
“ Dahil sila ang dumukot kay Boss Vlad. Sapat na na dahilan yun Boss para maghiganti tayo sakanila.“ Sagot naman ni Ish.
“ Tama.“ Pag sang ayon ni Benz. Sina Elsa at Hell naman ay tahimik lang kagaya ko.
“ May nagtangka naba sa buhay niyo na kasapi ng Fuego? “ Tanong ulit ni Boss. Natahimik ng kaunti si Ish pero sumagot din naman ito.
“ Wala..pero..“
“ So di na dapat tayo maghiganti.“ Putol ni Boss kay Ish “ Hindi ko alam pero sa tingin ko hindi naman talaga sila ganun kasama. Ewan ko lang.“
“ Nakalimutan mo na bang sila ang pumatay sa mga tumayong magulang mo? “ Biglang singit ni Hell na nagpatigil naman kay Boss. May impact talaga ang bawat salita na pinapakawala nitong si Hell.
Ngumiti naman ng kaunti si Boss habang nakatingin parin sa sahig “ Hindi ko naman nakalimutan yun. Kaya nga hindi ko alam eh. Hindi ko alam pero sa tingin ko hindi sila ang kalaban natin.“ Sagot ni Boss. Naramdaman kaya niyang hindi kalaban ang Fuego dahil ang ama niya ang namumuno nito? O sadyang inosente lang talaga siya sa mga pangyayari?
“ Sang ayon ako.“ Napalingon kami kay Elsa nung sumingit rin ito.
“ Paano mo naman nasabi, Elsa? “ Seryosong tanong ni Ish
“ Wala. Feel ko lang.“ Gusto kong matawa sa sagot ni Elsa pero pinigilan ko lang. Pfft. Ang seryoso na ng usapan eh. Hahaha
Kita ko naman napailing si Ish.
“ Siya nga pala.“ Singit ko rin sa usapan. Buti naalala ko. “ Aattend ba tayo sa okasyon mamaya? Imbetado din tayo diba? “ Tanong ko. Nakita ko namang umiling si Ish. “ Hindi papayag si Boss.“ Aw. Sayang naman. May posibilidad pa naman sana na magkita silang mag ama dun mamaya. At posible ring makita niya ang ina niya doon. Imbetado din kasi ata yung tatlong malalakas na Mafia, ang Elfame Mafia, Alibara Mafia at Martin Family.
At syempre. Posible ring magkita ang dalawang anak ni Mr. Acosta doon.
Sya nga pala, Kagabi ko lang pala napagtanto, kinuha pala ang pangalan ng organisasyon na
‘Virgo’
sa pangalan ng magkapatid na Vir gel at Ar go . Ba’t di ko agad napansin ’yun.
“ Baket ayaw mo Boss? “ Tanong ko.
“ Masyado kasing delikado dun Kael. Baka mapahamak pa tayo. Ang sabi ni Hugo imbetado din daw yung ibang malalakas na Mafia Organization dun sa okasyon. Andun ang Elfame Mafia na nagbabalak na patumbahin tayo. Baka kung ano pang mangyari sa’tin dun.“
“ Hindi lang naman mga Mafia ang imbitado doon Boss. Pati mga Elite at Royal family dito sa pilipinas ay imbitado rin. At kung tungkol naman sa kaligtasan na’tin, wala kang dapat ipagalala dahil hindi naman ganun katanga ang mga
Mafia para gumawa ng isang kaguluhan sa harap ng isang publikong lugar.“ Paliwanag ko. Napakamot naman ng ulo si Boss na tila naguguluhan na.
“ Eh kasi…“
“ Pero kung ayaw mo talaga, okay lang naman Boss.“ Ngumiti ako dahil mukhang ayaw niya ata talagang pumunta. Hindi ko naman siya masisisi, baguhan palang siya sa mundo ng mafia kaya sigurado akong natatakot pa siya sa mga ganyang sitwasyon.
“ Pasensya na. Natatakot kasi ako.“ Yumuko siya samin. Masyado talaga siyang mabait para mapasok siya sa mundo ng mafia. Masyado siyang inosente para maging Boss ng isang delikadong grupo. Pero gayunpaman, napakalakas niya kahit magkasing edad lang kami. Yung lakas niya ang nagpapatunay na karapat dapat nga siyang maging Boss ng isang Mafia Organization kahit bata pa siya.
“ Okay lang Boss. Ang mabuti pa’y magtraining nalang ulit tayo.“ Aya ko. Ngumiti naman siya at tumango.
“ Tama! Let’s get it on! “ Benz
“ Dito na muna ako, babantayan ko si Hugo.“ Elsa.
“ Tara Hell? “ Ish
“ Tss, mamaya na ako.“
[ Felix Sy’s PoV ]
6 P.M
Nilingon ko ang apat kong mga kasama dito sa loob ng secret office. Pormal na pormal ang suot namin. Lahat kami ay naka black suit na karaniwang sinusuot ng mga Mafia. Kung papipiliin lang kami, mas komportable sa amin ang assassin suit. Pero para naman kaming tanga nun kapag yun ang susuotin namin sa isang engradeng okasyon. Mas okay na itong ganito.
“ Si Boss nalang ang kulang.“ Wika ni Trace habang nilalaro ang hawak niyang kunai.
“ Di paba tapos ang operasyon niya? “ Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Elfred. Di ko naman kasi alam. Masyadong matagal ang proseso na’yun. Kung maitatanong niyo kung anong operasyon ’yun, yun ay ang paglalagay ng ibang mukha sa mukha ni Boss. Hindi ko alam kung anong tawag dun o kung ano yung nilalagay ng mga doktor sa operasyon na ’yun, basta ang ginagawa nila ay papalitan ang mukha mo ng ibang mukha. Kumbaga isa yung face shift. Isang mataas na antas ng pagpapanggap.
Ginagawa talaga yun ni Boss kada may meeting o event siya na dadaluhan. Dahil syempre, siya ang napakasikat na si Vlademir Acosta noon na matagal ng nawala at nakalimutan sa industriya ngayon. At ayaw na niyang magpakita pa sa publiko dahil ayaw niya ng maraming katanungan. Baka magkagulo pa din pag ganun.
Biglang bumukas ang pinto kaya agad kaming tumayo sa pagkakaupo.
“ Handa na ba ang lahat? “ Tanong ni Boss. Ngayon ibang iba na ang mukha niya. Hindi mo na siya makilala sa itsura niya.
Don Miguel S
ingson.
Yan ang ginagamit na pangalan ni Boss sa labas ng Mansyon.
“ Handa na kami Boss.“ Sagot naman ni Sebastian. Tinignan ko saglit si Argo. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Posibleng makita niya doon ang kapatid niya at yung taong pumatay sa ina niya na si Queen Almira Martin.
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari mamaya.
“ Tara na.“
**
[ Ace’s PoV ]
Kanina pang nakaalis na sina King, Queen at ibang myembro ng Chess Pieces. Tanging kami ni Vonzo nalang ang naiwan dito sa mansyon. Kailangan na naming gawin ang misyon namin.
“ Kailan ba tayo aalis? “ Tanong ko. Tinignan naman niya ako. “ Na sa’kin ba and desisyon? “ Ba’t ang seryoso ng mukha nitong nilalang na’to? Palaging blanko ang ekspresyon. Tapos kung makapagsalita kala mo kung sino.
“ Tara na. Mag aalas siete na“ Sabi ko nalang, At bago pa man kami umalis, gumawa muna kami ng isang plano sa pag dispatsa kay Elon.
Ihanda muna ang sarili mo dahil huling gabi muna ngayon Elon Fuentes.
[ Elon’s PoV ]
“ Sabihin mo nga, baket ang laki ng tiwala mo dun sa mga taga Virgo na ’yun? “ Nilingon ko si Stephan na naglilinis ngayon ng baril niya. Wala na kasi siyang magawa.
“ Dahil mga kaibigan ko sila.“ Simplen sagot ko. Nakakunot noo namang napatingin si steph sa’kin.
“ Dahil lang dun? Alam mo bang pagdating sa mundo ng mafia ang pagtitiwala sa kalaban ay isang kahinaan? Kahit pa mga kaibigan mo yung dalawa, kasapi parin sila sa Virgo. Ang mortal na kalaban ng organisasyon na’tin. Hindi na’tin alam kung anong tumatakbo sa isipan nila. Baka mamaya naghahanap lang yun ng tsempo para patayin ka.“
Ngumiti naman ako sakanya “ Kung sakali mang may pumatay sa’kin, sigurado akong hindi sila ’yun. Ang salitang kaibigan ay katumbas narin sa salitang tiwala. At dahil mga kaibigan ko sila, malaki ang tiwala ko sa kanila.“
Napailing naman siya sa sinabi ko. “ Ewan ko sayo..“
Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kaming napatingin roon.
“ Excuse me, kayo ho ba si Mr. Stephan Milvar? “ Tanong ng nurse.
Tumango naman si Steph. “ Ako nga. Baket? “
“ Uhm. May naghahanap po sa inyo sa baba. Kaibigan niyo raw po.“
“ May sinabi ba siyang pangalan niya? “
“ Wala po eh.“
“ Okay sige, susunod ako. Pakisabi nalang na maghintay siya saglit.“
“ Sige po.“ Sabi nung nurse bago lumabas.
“ May kaibigan ka rin naman pala eh. May tiwala ka ba sakanya? “ Natatawang tanong ko. Pero medyo nagulat ako nung makitang kong seryoso si Stephan na naglalagay ng isang baril niya sa may likuran niya.
“ Wala.“ Sagot niya. Magtatanong pa ulit sana ako pero may dinagdag pa siya
“ Wala akong tiwala dahil wala akong natatandaang may kaibigan ako. Wala akong tiwala sa isang ’to.“ Dagdag niya. Inilagay naman niya ang isa pang baril niya sa may lamesa malapit sa’kin. “ Dito na muna ’to.“
Nung palabas na siya ng pintuan ay saglit pa siyang humarap sa’kin. “ Babalik ako. Sandali lang ’to. “ Sabi niya kaya tumango ako.
Nung makalabas na si Steph, naging sobrang tahimik nitong room. Tunog ng aircon lang ang tanging nadidinig ko.
Bumukas ulit ang pintuan kaya napatingin ulit ako rito. Mukhang may nakalimutan si Steph.
Pero halos tumigil bigla ang paghinga ko nung iniluwa ng pintuan ang isa sa mga myembro ng Elfame Mafia..
Naloko na..
“ A-ace? “
“ Ako nga.“ Agad niya akong tinutukan ng baril. “ at nandito ako ngayon para singilin ka sa utang mo, Elon Fuentes “
-To be Continued…
-MajorSin
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 27: Meeting of the Five Families
[ Felix Sy’s PoV ]
“ Mawalang galang mga ginoo. Pwede ba naming makita ang invitation card niyo? “ Limang maskuladong tagabantay agad ang tumambad sa’min pagkaparating namin sa mansyon ng Emnacin Family.
“ Felix.“ Tawag sa’kin ni Boss kaya agad kong ibinigay ang invitation card na hawak ko dun sa mga lalaki.
Matapos nilang makuha yun ay yumuko sila. “ Pwede na po kayo pumasok.“
“ Maraming salamat “ Boss.
Pagkapasok namin, di na kami nagulat pa sa dami ng taong nandito sa loob ng mansyon. Pero kung mapapansin mo, mas maraming lalaking guests ang nandito ngayon kaysa sa babae. Dahil syempre, Halos lahat ng nandito ngayon ay kasapi ng iba’t ibang Mafia Groups.
“ Andaming tao.“ Komento ni Sebastian na tila naiirita na. “ At ang iingay pa.“ Dagdag niya. Alam niyo naman siya, ayaw niya sa mga ganitong klaseng lugar. Ayaw niya sa maiingay ng lugar.
“ Argo, andito ba sila? “ Tanong ni Boss.
“ Oo.“
Sino kaya ang tinutukoy ni Boss? Ang Virgo ba? Tumitingin tingin ako sa paligid para sana hanapin sila, pero iba ang nakita ko.
Andito sila. Sila kaya ang tinutukoy ni Boss?
Walang kupas parin talaga ang ganda ni Mrs. Almira. Kahit may kaedaran na ito ay napakaganda parin. Di ko masisisi si Boss kung baket siya nahulog kay Mrs. Almira.
Ang saklap nga lang dahil hindi naging maganda ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Kagaya ng inaasahan ko, maraming tauhan ang mga Martins. Kasama ni Mrs. Almira ang bago nitong asawa na si Mr. Marcelo Martin. At kagaya ni Boss, may anim rin na sa tingin ko ay mga pinakamalalakas na tauhan niya ang nakapalibot sakanya.
Tinignan ko saglit si Argo. Blanko lang ang ekspresyon niya habang straight na nakatingin kay Mrs. Almira.
Kinakabahan ako dahil baka magwala nalang ’to dito bigla. Si Argo kasi yung tipo ng tao na ayaw na ayaw mong magwala.
Hindi yan kumikilala pag nagwala yan.
“ Andito rin pala sila. Mukhang imbetado nga ang limang malalakas na Mafia “ Napatingin ako kay Elfred nung magsalita ito. Ang akala ko ang Martin Family ang tinutukoy niya pero sa ibang direksyon pala siya nakatingin. At nung tinignan ko kung saan siya nakatingin..
Ang Alibara Mafia andito rin.
“ Ano nga yang pangalan ng Boss nila? “ Tanong ko.
“ Mr. Gideon Saquin.“ Trace
Tama. Kasama ni Mr. Saquin sa table nila ang asawa at limang malalakas na tauhan niya. At dalawa sa mga tauhan niya ay kilala ko.
Giovanni Belicoff at Vincent del Varya.
( A/N Sa mga nagbabasa rin ng The Seventh Mafia Boss, gusto ko lang sabihin na ang Alibara Group doon at dito sa storya na’to ay iisa. Featuring lang yung Alibara sa TSMB :))
“ Hayop talaga to si Mr. Yusen. Ang daming tauhan.“ Sabi yan ni Sebastian habang nakatingin rin sa kabilang banda. Tama siya. Ang dami nga nila na nakaupo sa isang mahabang dining table.
Elfame Mafia, Martin Family, Alibara Mafia..lahat ng malalakas na Mafia sa bansa ay nandito na. Maliban nalang sa isa..
Hindi ba dadalo ang Virgo sa okasyon na ito?
“ Ladies and Gentlemen, atin pong salubungin ang bida sa gabing ito. Walang iba kundi ang nag iisang si Don Theodore Emnacin! “ Agad nagpalakpakan ang mga tao–kasama kami nung sabihin ’yon ng MC. Itinuon naman agad ng dalawang malalaking spotlight ang kinatatayuan ni Mr. Emnacin dun sa second floor nitong mansyon. Nakatayo lang siya doon habang tinitignan kami na nasa ibaba habang kumakaway pa.
“ Sa mga dumalo, maraming salamat at pinaunlakan niyo ang imbetasyon ko. Lalong lalo na sa mga makapangyarihang tao dito sa bansa na sina Mr. Gideon Saquin, Mr. Maximo Yusen, Mr. Marcelo Martin, at Mr. Miguel Singson.“ Huminto si Mr. Emnacin sa pagsasalita at tila may hinahanap ito. “ At..oh..ang
tatlo sa limang aristokratong pamilya ng bansa. Mabuti at dumalo rin kayo.“ Tumingin kami sa direksyon kung saan nakatingin si Mr. Emnacin.
Pinunta naman agad sakanila ang malaking spotlight. May tatlong pares ng mag asawa ang tumayo at kumaway sa mga tao. Mukhang sila ang tinutukoy ni Mr. Emnacin. Damit pa lang alam mo nang aristokrato sila.
“ Introducing the three of the top 5 royal families in the philippines, the Nostrad Family, Suico Family and the Voltaire Family.“ MC
“ Oh..wag na natin itong patagalin pa. Enjoy the night “ Wika ni Mr. Emnacin sabay taas na hawak niyang wine glass at agad nagsigawan ang mga tao.
Kani-kanila na ng usapan ang mga taong dumalo sa okasyon.
Tahimik lang kaming kumakain ng may biglang pumunta na butler sa table namin. “ Excuse me, Mr. Singson, iniimbitahan po kayo ni Mr. Emnacin na pumunta sa meeting room para sa isang pag uusap.“ Sabi nung butler. Saglit ko namang tinignan ang mga kinauupuan ng tatlong Mafia groups. At katulad namin, may lumapit din na butler sakanila at mukhang ganun din ang pakay nila.
Tumango naman si Mr. Acosta.
“ Para sa seguridad niyo, pwede po kayong magdala ng dalawang tauhan “ Dagdag nung butler.
Tumayo naman agad si Mr. Acosta. “ Argo, Felix, sumama kayo sa’kin. Sebastian, Elfred at Trace, alam niyo na ang gagawin kung sakaling magkaproblema.“
“ Maliwanag Boss “
“ Masusunod Boss “
Agad kaming sumunod sa butler pagkatapos. Nakarating kami sa isang silid na kung saan isang engrading dining table ang makikita mo.
Umupo si Mr. Acosta sa bakanteng upuan habang kami naman ni Argo ay nakatayo sa kanyang gilid. Ganun din ang pwesto ng tatlong Mafia Boss ng inimbitahan ni Mr. Emnacin. Nakaupo sila habang may dalawang tauhan ang nakatayo sa gilid nila.
Kung pakikiramdaman mo, grabe ang tensyon na bumabalot sa buong silid ngayon. Limang Mafia Boss ang nandito. At kung tutuusin pwede kaming magpatayan ditong lahat kung gugustuhin lang namin.
“ Dalawang taon narin simula nung magtipon-tipon tayo.“ Panimula ni Mr. Emnacin. “ At panahon pa yun na kung saan nabubuhay pa si Mr. Acosta. Ang pinakamatinik sa inyong lima.“ Natatawang dagdag niya. Tinignan ko ang reaksyon ni Mr. Acosta, at gaya ng inaasahan, hindi ito apektado.
“ Pinakamatinik? Hindi ako sang ayon.“ Kontra ni Mr. Martin. “ Kung sabihin mong pinakatanga saming lima, baka dun sasang ayon pa ako.“ Dagdag niya. Ikinalma ko ang sarili ko dahil baka hindi ako makapagpigil ngayon na laslasin ang leeg nitong gurang na’to.
“ Masasabi mo bang pinakatanga ang isang minsan na’y naging isa sa pinakamakapangyarihan tao dito sa bansa? “ Nagulat ako nung magreact si Mr. Saquin.
“ Whoa..what kind of reaction is that Mr. Gideon Saquin? Parang may nakikita akong nagkakampihan dito.“ Nakasmirk naman na ganti ni Mr. Martin.
“ Sang ayon ako jan.“ Ngayon ay nagsalita narin ang King ng Elfame na si Mr. Yusen. “ At sa tingin ko hindi ang Virgo at Alibara ang nagkakampihan ngayon.“ Dagdag niya.
“ Kung ganun, eh di sino?“ Mr. Martin.
“ Ba’t hindi mo tanungin si Mr. Singson.“ Agad tumingin si Mr. Yusen kay Boss habang nakangiti.
“ Oh..ang bagong boss ng Fuego Mafia. Mr. Miguel Singson.“ Ani ni Mr. Martin habang iritableng nakatingin ito kay Boss “ What’s with you? Bakit naiirita ako sa mukha mo?–“
Wala pang isang segundo ay may nakatutok na na dalawang blade sa mukha ni Mr. Martin pagkasabi niya nun. At kami ni Argo ang may hawak ng mga blade na’yun. Pwedeng naming laslasin ang leeg ng hayop na’to kung iuutos lang ni Boss.
Tinignan ko saglit si Mr. Acosta at medyo nagulat ako nung nakatutok narin pala ng baril ang dalawang tauhan ni Mr. Martin sakanya.
Whatda. Di rin pala basta basta ’tong tauhan ni Mr. Martin.
“ Argo, Felix, tama na yan.“ Kalmadong utos ni Boss na sinunod namin agad.
“ Ibaba niyo na yan, Dylan, Ikram.“ Agad din namang binaba ng dalawa ang baril nila.
“ Yung tauhan mo masyadong seryoso.“ Natatawang sabi niya. Ano bang problema ng Marcelo na’to?!
“ Baket mo nga ba kami pinatawag Theo? May dapat bang pag usapan?“ Pag iiba ng usapan ni Mr. Saquin.
“ Well, gusto ko lang naman kayong makausap.“ Sinindihan niya ang hawak niyang pipe pagkatapos ay humithit ito ng isang beses .“ Sayang lang at mukhang hindi pinaunlakan ng mga Virgo ang imbetasyon ko. Gusto ko pa namang makita at makausap ang kaunaunahang naging batang boss sa kasaysayan ng
Mafia.“ Dagdag niya.
“ Nababaliw na ang Virgo “ Bigla na namang tumawa ng mapang asar ang hayop na si Marcelo. “ Paano mapapamunuan ng isang bata ang isang mapanganib na organisasyon? Dafuq! “ Natatawang dagdag niya. Malapit na akong mapuno sa totoo lang. Pag di ako nakapagpigil ngayon, ewan ko na lang.
“ Anak siya ni Vlademir. Alam mo naman ang lahi ng mga Acosta.“ Komento ni Mr. Emnacin.
“ Kahit na. Isa pa rin yung bata. At diba may isa ding anak sa labas yung taong yun? Ba’t hindi na lang yun ang ginawa nilang bagong Boss nila? “ Sa pagkakataong ito, sumang ayon ako kay Marcelo. Tama, yun nga din ang matagal ko ng tinatanong sa sarili ko. Baket kaya? Baket kaya hindi si Argo ang pinili ni Mr. Acosta na maging bagong Boss ng Virgo? Planado na ni Mr. Acosta ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa Virgo. Pati ang pagiging Boss ng anak niya na si Virgel ay planado na. Kaya baket? Baket hindi si Argo ang nilagay na subject ni Mr. Acosta sa plano niya? Gayung mas matanda at di hamak na mas malakas si Argo kaysa sa kapatid niya.
Pero bilib lang din ako dahil hindi man lang nagtanim ng selos at galit ’tong si Argo sa mga plano ni Boss.
“ Tama. May isang anak nga pala yun si Vlademir na masyadong mailap sa mga tao. Na kahit ako ay walang impormasyon tungkol sakanya. Pati pangalan niya wala akong alam.“ Mr . Emnacin.
“ Ganun din ako.“ Mr. Yusen.
“ Baka patay na rin ’yun. Magsama silang mag ama sa impyerno.“ Mapang asar na namang tumawa si Marcelo. Asaar!
Tinignan ko saglit ang reaksyon ng mag ama. Grabe, ang galing magtago ng emosyon. Kung naging ako sila, baka nagwala na ako dito at pinagbabaril ko na ’tong bwesit na’to.
Naputol lang pagtawa ni Marcelo nung biglang pumasok ang isang babae..
Shit!
“ Oh Mrs. Martin! Come join with us “ Mr. Emnacin
“ Salamat pero hindi na ako magtatagal Theo.“ Nakangiting wika ni Mrs. Almira pagkatapos ay tumingin ito sa asawa niya. “ Mahal, kailangan na nating umuwi.“
Tinignan kong muli si Argo. Shit! Nanginginig na ang mga kamay niya. Hindi maari!
Hinawakan ko ang balikat niya at sinubukang pakalmahin siya. “ Huminahon ka, Argo.“ Ang lalim narin ng mga hininga niya na parang nagpipigil sumabog.
“ Hindi pa ito ang tamang oras.“ Bulong ko. Alam kong sobrang galit na ang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa unang pagkakataon, nasa harapan niya ngayon ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang ina.
“ So sa tingin ko kailangan na naming umalis.“ Tumayo na sa pagkakaupo si Mr. Marcelo at lumapit si Mrs. Almira sakanya.
“ Nag enjoy ako. Mr. Emnacin, thanks for inviting us.“ Ngumiti naman si Mr. Emnacin sa mag asawa. “ Youre welcome Mr. Martin.“
Nung paalis na ang mag asawa, kitang kita ng dalawang mata ko ang pagtama ng mga mata ni Mrs. Almira at Boss. Pero syempre, wala lang yun kay Mrs. Almira dahil akala niya ibang tao ang nakatinginan niya. Hindi katulad kay Boss, kitang kita parin sa mga mata niya ang sakit. Kahit ilang taon na silang wala ni Mrs. Almira. Mahal niya parin ito hanggang ngayon.
Nabalik lang ako sa pag iisip ko nung magsalita si Mr. Emnacin. “ Mr. Singson, ba’t ang talim makatingin ng isang tauhan mo? “ natatawang tanong niya.
Tsaka ko lang napansin si Argo na sobrang itim na pala ng aura ang bumabalot ngayon sakanya. Huling beses nung makita ko magwala si Argo ay yung panahon pa na lumusob siya sa Elfame Palace.
At wala pang isang kisap mata ay nakalapit na si Argo kay Mr. Emnacin at sinakal niya ito pataas ng walang kahirap hirap.
Naloko na!
Mukhang tuluyan nangang nagising ang isang katauhan niya.
May mga pumigil na ilang tauhan ni Mr. Emnacin kay Argo pero lahat ay bigo at ngayon ay nakabulagta na at wala ng mga buhay.
“ Tama na yan Argo.“ Kalmadong awat ni Boss pero gaya ng inaasahan, wala na sa control si Argo. Tuloy parin siya sa pagsakal kay Mr. Emnacin na halos kapusin na ng paghinga. Hindi talaga to kumikilala si Argo pag nagwawala siya. Kung sinu sino nalang ang sinusugod niya.
“ Spot, Frost, pigilan niyo siya! “ Utos ni Mr. Yusen sa dalawang tauhan sa likuran niya.
“ Giovanni, Vincent, awatin niyo! “ Taranta namang utos ni Mr. Saquin.
Kung hindi nila mapipigilan si Argo ay maaring ikamatay iyon ni Mr. Emnacin.
Umawat ang mga tauhan nina Mr.Yusen at Mr. Saquin pero wala silang nagawa. Tumilapon lang silang lahat.
Tutulong na sana ako pero biglang tumayo sa pagkakaupo si Boss at lumapit kay Argo. At walang kahirap hirap niya itong hinila pagkatapos ay sinuntok ng napakalakas.
Napaatras si Argo ng kaunti sa suntok ni Boss.
Ngumisi lang Argo habang pinapahiran ang dugo sa mga labi niya. At plano pa sana niyang sumugod ulit ng biglang sumigaw si Boss “ ARGO! TAMA NA YAN!! “ Maotoridad na sigaw niya na ikanagulat ng lahat–pati ako..at pati si Argo na otomatikong nabalik na sa kanyang wisyo.
Naging tahimik saglit ang buong lugar na tila lahat ay nagulat sa mga nangyari.
“ Ipagpaumanhin niyo sana ang mga nangyari, Mr. Emnacin.“ Yumuko ng kaunti si Boss sa tulalang tulala na si Mr. Emnacin. “ Mas makabubuti siguro kung aalis na kami.“
“ Felix, Argo. Tara na.“ Bago kami umalis, nakitang ko pang nakangiti si Mr.Yusen kay Argo..
“ So, ikaw pala ’yun. Ikaw pala si Argo na may malademonyong mga mata ng Fuego.“ Ani niya. “ Ikaw pala yung lumusob sa palasyo ko ng mag isa.“
Huling kataga na nadinig ko bago ko masarhan ang pinto ay ito
“ Sa wakas ay nakita ko na rin ang alas niyo.“
[ Elon’s PoV ]
Bago pa maiputok ni Ace ang hawak niyang baril, mabilis akong gumulong para maabot yung baril na nasa lamesa. At nung makuha ko yun, mabilis kong binaril ang flourescent na nagsisilbing ilaw nitong kwarto. At nagtagumpay ako ron.
“ Ahh..so balak mo pang makipagtaguan? “ Natatawang ani niya. Mabilis ko naman agad siyang tinulak dahilan para matumba siya at mabitawan ang baril niya.
Di na ako nagdalawang isip pa na kunin ang pagkakataong makalabas.
Nakakatakbo na ako pero di pa ganun kabilis dahil sa mga sugat ko.
BANG!
Biglang nagsigawan ang mga tao nung magpaputok si Ace. Lahat na ngayon ay nagkakagulo.
“ Sige! Tumakbo ka Elon! TAKBO! “ Sigaw niya habang tumatakbo ring nakasunod sa’kin. Shit! Wala na ata akong kawala sa taong ’to.
May nakita akong daan na paliko kaya doon ako pumunta.
Pero kung minamalas kanga naman.
Dead end.
“ Oh..san ka na tatakbo ngayon? “ Mapang asar na tanong niya habang sinusuri ang baril na hawak niya.
Katapusan ko ba?
[ Stephan’s PoV ]
Pagkarating ko sa 1st floor nitong ospital ay agad kong hinanap yung nurse na nagtanong sa’kin kanina.
Nakita ko siyang may kausap pa na isang nurse dun sa banda kaya lumapit ako dito. “ Excuse me, asan na yung naghahanap sa’kin?“
“ Ay! Sir ikaw pala. Sumunod ho kayo sa’kin.“ Utos niya kaya sumunod ako. Tinahak namin ang daan palabas ng ospital hanggang doon sa parking lot. “ Ay, asan na’yun? Ang sabi niya dito daw po siya maghihintay.“ Pagkasabi nun ng nurse ay may narinig akong putok na baril sa loob ng ospital. At agad nagkagulo ang mga tao.
Shit! Si Elon!
[ Elon’s PoV ]
“ Alam mo ba kung gaano kalapit sa’kin si Akron? “ Tanong niya habang dahan dahang lumalapit sa kinatatayuan. Ngayon ay napasandal nalang ako dahil wala na akong takas.
“ Halos limang taon na kaming magkasama. Siya palagi ang kasama ko sa mga misyon ko. Siya palagi ang nilalapitan ko sa tuwing may problema ako. Siya palagi ang nagpapalakas ng loob ko sa tuwing naaalala ko ang mga magulang ko. Siya palagi ang nagtatanggol sa’kin kapag nanganganib ang buhay ko.“ Huminto siya saglit at kitang kita ko ang pagtulo ng luha niya habang nakatingin sa’kin.
“ At siya lang sa
grupo ang masasabi kong…naging kaibigan ko.“ Pinahiran niya saglit ang mga mata niya at ngayo’y matalim na itong nakatingin sa’kin. Punong puno ng puot at galit ang mga mata niya.
“ Pero na’san siya ngayon? Wala…WALA NA DAHIL PINATAY MO SIYA!! “ Tinutok niya ang baril kaya tumigil ako bigla sa paghinga.
Katapusan ko na.
“ KAYA NGAYON MAGBABAYAD KA!!–“
Napatigil siya sa pagsasalita nung may dalawang bala ng baril ang lumusot sa dibdib niya.
Napatingin siya sa dibdib niya na puno ng dugo. At dahan dahan siyang napaluhod at natumba.
Nung makalapit ang taong bumaril sakanya. Naghihingalong nagsalita si Ace.
“ B-baket? “ Yun lang ang tanging nasambit niya bago siya nawalan ng buhay.
Agad akong napatingin sa lalaking nagligtas sa buhay ko.
Akala ko si Steph..
Akala ko si Hell..
Akala ko isa mga kasama ko…
Pero mali ako..
Dahil ang di ko inaasahang tao pa ang tumambad sa’kin ngayon.
“ Vonzo Monte? “ Kung ganun nagbalik na ang kuya ni Elsa?
“ Kumusta Elon? “ Ngumiti ito sa’kin kaya napangiti rin ako.
“ Ikaw nga! “ Masayang ulit ko. Inilahad naman niya ang kamay niya para tulungan ako sa pagtayo. Agad ko yung tinanggap.
Hinila niya ako patayo at agad niya akong niyakap…
Pero sa pagyakap niyang iyon…
Ramdam ko rin ang matulis na bagay na bumaon sa tiyan ko.
Humiwalay ako sa pagkakayakap at di ako makapaniwalang hawak hawak ni Vonzo ang patalim na bumaon sa katawan ko. “ B-baket? “ Napaluhod ulit ako dahil sa lalim ng saksak na natamo ko.
“ Baket? Baket ako nagbalik? Simple lang. Nagbalik ako para kunin ang kapatid ko.“
“ B-baket mo to na-nagawa? M-magkaibigan tayo..“ Unti unti ng naninikip ang dibdib ko..
Nahihirapan na akong…huminga…
Di ko akalain matatapos ang buhay ko…
sa kamay pa ng kaibigan ko..
“ Kaibigan? “ Agad niyang tinutok ang baril niya sa ulo.
“ Tss.“ Isang putok ng baril ang umalingawngaw..
at di ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari..
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 28: Next Target
Episode 28 - Next Target
[ Stephan’s PoV ]
Medyo nagkakagulo na dito sa loob nitong ospital kaya di ako makadaan ng maayos. “ Tabi! Tabi! “ di na ako nakapagpigil pa dahilan para mapasigaw na ako. Asaar! Grabe yung dikdikan ng mga tao. Nung makalabas ako sa siksikan ay tinakbo ko na agad ang hagdanan. Hindi na ako pumunta pa sa elevator dahil sigurado akong siksikan din doon.
Baket ba ganito ’tong nararamdaman ko? Parang kinakabahan ako na ewan. Okay lang kaya si Elon dun? O baka ako lang ’tong masyadong praning para mag isip ng kung anu-ano. Tsk! Wag naman sana..
Pagkarating ko sa 3rd floor ay tinahak ko na agad ang daan papuntang room ni Elon. Pero pagkarating ko doon, walang Elon ang tumambad. Napakadilim ng paligid ng kwarto. Tinry kong i on ang ilaw pero ayaw. Tsaka ko lang nalaman na basag pala ang flourescent. Ano bang nangyari dito? Tsaka…na’san si Elon? Wag mong sabihin tumakbo rin siya palabas nitong ospital? Parang ang imposible naman dahil di pa gaano kagaling ang mga sugat niya.
Lumabas ako at tinahak ang buong lugar ng 3rd floor. Palingon lingon ako sa gilid habang tumatakbo dahil baka makita ko siya. Baka andito lang ’yun.
At dahil lingo ako ng lingo, di ko namalayan ang isang lalaking naglalakad, dahilan para magkabanggaan ang mga balikat namin.
Lumingon ako sakanya at “ Pasensya–“ di ko na naitapos pa ang sasabihin ko dahil kita kong may hawak siya na baril sa kanang kamay niya. Tsaka ko lang din namalayan ang suot niya..
Elfame suit..
Nakatalikod siya sa’kin kaya mabilis kong binunot ang baril sa likuran ko. Itinutok ko agad ito sakanya at handang handa ko na sanang kalabitin ang gatilyo ng mabilis siyang humarap sa’kin at binaril ang hawak kong baril dahilan para tumilapon ito.
Shit! Ang bilis ng mga galaw niya.
Susubukan ko pa sanang kunin ang baril ko sa sahig ng bigla siyang nagsalita. “ Isang maling galaw..at kamatayan mo ang kapalit. “ nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkasabi niya nun. Mukha hindi siya nagbibiro dahil ang seryoso ng mukha niya.
Dahan dahan siyang lumapit sakin hanggang sa ramdam ko na ang dulo ng baril na hawak niya na nakatutok sa noo ko. Naloko na.
“Pangalan.” Tanong niya sa mababang tono. Ayoko mang sumagot pero baka ikamatay ko pa kapag di ko ginawa.
“ S-stephan…Stephan Milvar.“ Nanatili lang siyang nakatingin sa’kin. Yung dibdib ko parang sasabog sa sobrang kaba. At yung tuhod ko..hinang hina na. Sino ba ’tong lalaking ’to?
“ Stephan..“ Ulit niya pagkatapos ibinababa na niya ang baril na hawak niya. “ Hindi ikaw ang ikalawang target ng organisasyon. Pasalamat ka.“ Yun lang ang iniwan niyang salita bago siya mawala sa paningin ko.
Ikalawang target ng organisasyon?
Anung ibig niyang sabihin?..
At tsaka…
Shit si Elon nga pala!
Agad ulit akong tumakbo sa buong lugar ng 3rd floor hanggang sa makarating ako sa isang matagong lugar. At dun…
Dalawang katawan ang tumambad sa akin na wala ng mga buhay…
At yung isa…
Y-yung….
Tang..
[ Virgel’s PoV ]
Alas otso na ng gabi at tapos na ang lahat sa pagsasanay. Lahat kami ay bagong ligo. Yung iba inantok na kaya umuna na silang matulog. Di pa ako nakaramdam ng antok kaya napagpasyahan kong pumunta sa sala.
Nadatnan ko sina Elsa at Ish na parehong nakaupo at may kanya kanyang ginagawa. Si Ish ay naglalaptop samantalang si Elsa naman ay nagbubuklat ng album.
“ Oh, gising kapa pala boss.“ Wika ni Ish nung mapansin niya akong papalapit sa kanila.
“ Hindi pa ako inaantok eh hehe.“
“ Grabe, sa ating lahat ikaw yung may mas maraming training ang ginawa. Pero hindi ka parin napapagod. Grabe, bilib na ako sa tibay mo boss ah.“ Natatawang sabi ni Ish kaya natawa rin ako.
“ Hindi naman sa ganun. Syempre napapagod din naman ako. Ewan ko nga ba at hindi pa ako dinalaw ni antok“ umupo ako sa tabi ni Elsa at pasimple akong tumingin sa hawak niyang album.
Mga litrato parin pala ng mga Virgo ang tinitignan niya. Bigla tuloy may pumasok na tanong sa utak ko.
“ Ah..ano, pwede magtanong? “
“ Oo naman Boss. Ano ba ’yung tanong mo? “ Nakangiting tanong ni Elsa.
“ Eh kasi..“ napakamot ako saglit sa ulo ko. “ Paano ba kayo napadpad dito? Ang ibig kong sabihin..eh paano kayo naging myembro ng Virgo? “ Curious kong tanong. Wala lang, gusto ko lang namang malaman. Nakita ko naman silang nagkatinginan na dalawa habang nakangiti pa.
“ Paano? Ganito kasi ’yun Boss. Medyo mahirap iexplain eh..pero ang masasabi ko lang..iba iba kami ng sitwasyon kung baket kami naging myembro ng Virgo. Pero isa lang ang pagkakaparehas na’ming lahat. Si Boss Vlademir mismo ang nagrecruit sa’ming lima.“ Sagot naman ni Ish.
“ Tama si Ish, Boss “ Elsa
“ Ganun ba..“ tanging nasabi ko nalang.
“ Baket mo nga pala natanong Boss?“ Tanong ni Elsa.
“ Ah wala naman. Natanong ko lang.“ Sagot ko “ Ano kasi eh..medyo hindi lang kapanipaniwala na myembro kayo ng isang mapanganib na grupo. At syempre Mafia group ito, so ibig sabihin grupo ng masasamang tao. Eh napakabait niyo naman na tao kaya hindi talaga kapanipaniwala.“ Dagdag ko. Totoo naman kasi. Wala akong makitang bahid ng kasamaan sa kanilang lahat. Wala akong makitang clue kung bakit sila naging kasapi ng isang Mafia Group.
Umayos naman ng pagkakaupo si Ish at humarap ito sa’kin. “ Hindi naman talaga masasama ang mga Mafia, Boss. Oo nag tatransact nga kami ng mga illegal na bagay tulad ng mga baril, druga at kung ano pa. Pero hindi naman talaga yun masasabing masama dahil negosyo lang din naman yun. Pakikipagkalakaln lang din naman yun. At tsaka isa pa, may pinoprotektahan lang kasi talaga ang bawat myembro ng isang Mafia Group. Kaya napagkakamalan lang kaming masama ay dahil sa pagprotekta namin sa mga bagay na pinoprotektahan namin.
Sa mundo ng Mafia kasi, kailangan talaga ang baril para maprotektahan mo ang sarili mo at pamilya mo. Baril lang talaga ang kayang magtapos ng usapan. Ganito ang patakaran sa mundo ng Mafia. “
“ So ganun may pinoprotektahan din ba kayo? “ Tumango naman ang dalawa sa tanong ko.
“ Ikaw Boss? May pinoprotektahan kaba? “
[ Ish’s PoV ]
“ Ikaw Boss? May pinoprotektahan kaba? “ Tanong ko rin sakanya. Kita ko naman siyang napaisip na tila naghahanap ng sagot sa tanong ko.
“ Oo naman.“ Sagot niya.
“ Sino, Boss? “
Nakita ko naman siyang ngumiti at tila nahihiya. “ K-kayo.“
“ Kami? “ takhang tanong ko. Di ko akalain na ’yun ang isasagot niya.
“ Syempre diba, obligasyon ng isang Boss na protektahan ang pamilya niya? “ ngumiti siya sa’min. “ Ngayon ko lang narealized lahat ng mga sinabi mo Ish.“
“ Sinabi ko? Sa’n dun Boss? “
“ Na kahit pala maging masama na ang tingin ng iba sa akin sa pagprotekta ko sa inyo, wala na akong pakialam. Kahit pa isang mamamatay tao na ang tingin nila sa’kin, bahala na. Basta ang mahalaga, maprotektahan ko kayo. Yun lang naman ang
importante sa’kin. Ang maprotektahan ko kayong Pamilya ko. “ Natigilan kaming dalawa ni Elsa pagkasabi niya nun. Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon. Ang sarap pakinggan. Ang sarap pala sa pakiramdam na pinapahalagahan ka ng pinagsisilbihan mo. Siguro nga bata pa si Boss. Pero hindi malaking hadlang ’yun para pamunuan niya kami.
Kita ko si Elsa na naluluha pa. Siguro ay sobra lang itong naantig sa sinabi ni Boss. Kung andito lang sina Hugo ngayon. Alam kong ganun din ang mararamdaman nila.
“ T-teka..may nasabi ba akong mali? B-bat ka umiiyak Elsa? “ Kinakabahang tanong niya na nagpatawa ng konti sa’min.
“ Hindi, sobra nga akong natouched sa sinabi mo Boss.“ Naluluhang sabi ni Elsa habang natatawa rin.
“ Wag kang mag alala Boss, poprotektahan ka din namin sa abot ng aming makakaya. Kahat ikamatay pa na’min ’yun..wala din kaming pakialam.“ Sabi ko naman na ikinakunot ng noo niya. Pfft.
“ Ui wag naman ganun. Di kayo pwedeng mamatay. Masaya kaya ang mabuhay.“ Natawa kami bigla sa reaksyon ni Boss. Nga naman. Masaya ang mabuhay.
Pero kaya naming isakripisyo ang kasiyahan na’yun maprotektahan lang namin siya. Gagawin namin ang lahat na kahit pa buhay ang kapalit ay gagawin namin mailigtas lang namin sa kapahamakan ang nag iisang Boss namin. Siguro ganito nanga ata talaga kaming mga Mafia. Sobrang taas ng respeto at katapatan namin sa aming pinagsisibilhan. At sa mga sinabi ni Boss kanina,
mas lalo pa itong tumaas.
[ Felix Sy’s PoV ]
Pauwi na kami ngayon papuntang Mansyon sakay sa kotse ni Boss. Ako ang nagdadrive samantalang sina Argo, Elfred, Sebastian at Trace naman ay nasa likuran. Si Boss naman ay nasa tabi ko lang.
Nabibingi na ako sa sobrang tahimik dito sa loob nitong kotse. Wala sa amin ang may gustong magsalita dahil pansin namin na mukhang masama ang timpla ni Boss. Lahat kami ay natatakot sa presensya niya kapag ganito ang aura niya.
“ Mali ang ginawa mo kanina, Argo.“
Napantig ang tenga ko nung biglang magsalita si Boss. Tinignan ko naman si Argo gamit ang rear view mirror ng kotse at kita kong nakadungo lang ito at mukhang walang planong sumagot.
“ Ilang beses ko ng pinapaalala sayo na dapat ay kontrolin mo yang sarili mo. Paano kung wala ako kanina? Sino ang pipigil sayo? “ Ramdam na ang otoridad sa bawat salita na pinapakawala ni Boss. Halatang nagtitimpi na ito sa galit.
“ Patawad.“ Yan lang ang tanging naisagot ni Argo. Nakadungo parin siya na parang wala itong ganang makipag usap sa ama niya.
“ Walang maidudulot yang plano mo na maghiganti kay Almira. Mabuti pa ay kalimutan mo na ang mga nangyari noon.“ Alam ni Boss na sinusumpa ni Argo si Ma’am Almira matapos nitong patayin ang ina niya.
“ Hindi ganun kadali kalimutan ang mga nangyari noon. Hinding hindi ko mapapatawad ang babaeng ’yun! “ Ramdam narin sa boses ni Argo ang pagtitimpi. Hindi ko na gusto ang mga nangyayari. Pag nagpatuloy ’tong pag uusap nila na ito, ewan ko nalang.
“ Sinasabi ko sayo, mauuwi lang sa wala yang plano mo.“ Sabi ni Boss at tila hindi yun nagustuhan ni Argo.
“ Baket niyo ba palaging pinagtatanggol ang babaeng ’yun?! “ Di na napigilan ni Argo na mapasigaw. Shit. Hindi maganda ’to. First kong marinig na sinisigawan ni Argo ang ama niya.
“ Iniwan niya rin kayo! Dapat pa nga ay magalit din kayo sakanya dahil sa ginawa niya! pero palagi mo nalang siyang pinagtatanggol! “
“ Hindi ko siya pinagtatanggol. Sinasabi ko lang kung ano ang mas nakakabuti.“ Paliwanag ni Boss. Naging tahimik naman ulit ang buong paligid pagkasabi niya nun. Pero kasabay ng pagtahimik ay unti unti rin sumasama ang aura ng paligid.
Biglang tumunog ang cellphone ni Boss–dahilan para mabawasan ng kunti ang tensyon sa loob ng kotse.
Save by the ringtone
Kinuha niya naman ito at agad sinagot ang tawag.
“ Hello..“ mula sa kalmadong expresyon ay kitang kita ko sa rear mirror ang pagbabago nito. Mukhang isang hindi inaasahang balita ang natanggap niya. “ Kailan lang?…..Sige. Malapit na ako sa mansyon.“ At ibinaba na niya ang kanyang cellphone.
“ Bilisan mo, Felix.“
“ May problema ba Boss.“ Di na ako nakapagpigil na tanungin siya. Parang may mali kasi. Hindi maganda ang kutob ko.
“ Isa na naman sa mga Diablo ang pinaslang ng mga Elfame.“ Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Boss.
“ Sino Boss?“
“ Si Elon Fuentes.“ Si Elon? Sa pagkakaalam ko sumunod yun kay Argo bilang pinakamalakas sa mga Diablo ng Fuego.
Kaya pala plano ni Boss na pag isahin ang Virgo at Fuego, hindi pala talaga basta basta ’tong patutumbahin naming grupo.
[ Spot’s PoV ]
-Elfame Palace-
Pagkauwi namin dito sa palasyo ay agad nagpatawag ng pagpupulong ang King. Saglit naman ako napahawak sa likod ko. Takte, ang lakas pala ng pagkakatilapon ko kanina. Bwesit na nilalang ’yun. Masyadong malakas. Napakahalimaw.
Kumpleto na ang lahat ng myembro na nandito pwera sa isa.
“ Na’san si Ace? “ Tanong ng King.
“ King.“ Biglang nagsalita si Vonzo. “ Nasawi siya kanina habang nililigpit ang target namin.“ Natahimik kaming lahat. Gulat na gulat sa nadinig namin. Pati si King ay ganun din. Parang kanina lang ay magkausap pa kami..tapos ngayon bigla nalang..shit.
“ Ano bang nangyari? Na’san ang target? “ King
“ Hindi siyang naging maingat. Masyado siyang pabaya sa misyon kaya natamaan siya ng target sa likod ng dalawang beses. Buti ay napansin ko agad yun at nabaril ko din ang target sa ulo. Nagtagumpay kami, Pero yun nga lang, maraming dugo ang nawala kay Ace..at yun ang ikinamatay niya.
“ Paliwanag ni Vonzo. Hindi ko alam kung totoo yun o hindi. Pero sa pagkakasabi niya kasi sa kwento parang ang tanga tanga ni Ace. Eh sobrang talino naman nun. At nag iisip naman ’yun bago kumilos. Kaya parang ang imposible naman ata na ganun ’yung nangyari.
Pero baka nga masyadong lang magaling yung target dahil nagawa pa niyang mantabla.
“ Asher, Cyrus, kunin niyo ang katawan ni Ace sa ospital na’yun. Bibigyan na’tin siya ng magandang libing bilang pagtanaw ng kadakilaan sa ginawa niya.“
“ Masusunod, Boss.“ Cyrus.
Agad namang nagdistribute ng papel si Dorothy pagkatapos.
“ Ngayon, tignan niyo ang nasa Death List. Ang ating susunod na target. “ Agad naming tinignan ang listahan ng mga target na’min. Minarkan namin ng ekis ang pangalan ni Elon dahil wala na ito. Napatingin ako sa pangalawang target.
Hell Tan
-To be continued…
-MajorSin
Episode 29: Crosser
Episode 29: Crosser
[ Spot’s PoV ]
Hell Tan..
Biglang kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko.
Naalala ko na ang taong ito.
“ Si Hell Tan ay isang Professional Hitman ng Virgo Mafia. Tinagurian siyang isa sa pinakamagaling sa larangan ng paggamit ng iba’t ibang klase baril sa mundo ng Mafia ngayon. kaya hindi basta basta ang target na ito. Dati siyang myembro ng grupo na tinatawag na Crosser na kung saan isa sa myembro na’tin ngayon ay kasali din dun noon. “ Napatingin naman ang lahat sa’kin nung tumingin si king sa direksyon ko. “ Tama ba ako Spot? “ Tumango ako kay King bilang pagsagot.
Ang
Crosser
ay isang grupo na binuo ng gobyerno at binubuo ito ng anim na SharpShooter o mga taong napaka experto sa larangan ng pagbaril. At kasali kami ni Hell doon sa anim nayun. At yung isa rin ay nasa Fuego. Ano ngang pangalan ng Sniper Specialist na’yun?..ah tama. Si Nero.
Nabuo ang grupong Crosser dahil sa isang napakamahalagang misyon ng bansa noon. 3 years ago. Pinili kaming anim na gawin ang misyon na ’yun dahil sa mga natatanging abilidad namin sa pagbaril. At ang misyon na yun ay ang paghahanap at pagpatay sa isang Serial Terrorrist na nagtatago sa bansa. Ang russian na si Vornazek. At gaya ng inaasahan, nagtagumpay kami sa misyon na’yun na umabot lang ng 3 araw na paghahanap.
At Pagkatapos ng misyon na’yun ay nagkawatak watak na’rin kami. Simula nun ay hindi na ulit kami nagkita-kita pa.
“ Walang kinakatakutan ang tao ito kaya mag iingat kayo. Ngayon, dalawang myembro sa grupo ang iaassign ko sa susunod na target na’tin. Sino ang may gustong magpresenta? “ Tanong ni King Casper. Tinignan ko naman ang partner ko na si Frost at binigyan siya ng isang tingin na siya lang ang nakakaintindi. Kumunot pa ng kaunti ang noo niya pero mukhang bumigay rin naman.
Sabay kaming nagtaas ng kamay ng Frost.
“ Okay. Spot, Frost, kayo na ang bahala sa target. Wag kayong maging pabaya.“
“ Masusunod king.“
“ Hanggang dito nalang muna. Magpahinga na kayo.-“
[ Virgel’s PoV ]
Sobrang tirik na nung araw nung magising ako. Eh kasi naman, mga alas dose na yun nung nakatulog ako. Kwentuhan pa kasi kami ng kwentuhan nila Ish kagabi kaya ayun.
Pero nakapagtataka lang dahil hindi man lang nila ako ginising ngayon para sa training namin.
Inayos ko muna ang kama ko bago bumaba papuntang sala. Baka andun lang sila. Pagkababa ko ay naabutan ko silang lahat na nakaupo sa sala. At pansin kong sobrang seryoso ng aura nila. Walang ngumingiti. Tapos pansin kong namamaga ang mga mata ni Elsa. Anong nangyari?
Lumapit agad ako sakanila. “ Ahh…ano..may problema ba? “
“ Ikaw pala Boss “ Ngumiti ng kaunti sa akin si Kael. Mukhang may problema nga.
“ Anung nangyari? “ Kinakabahang tanong ko. Nakita kong napaluha na naman si Elsa. Para silang namatayan kung titignan mo sila.
“ Si Elon..wala na.“ Ang lungkot ng pagkakasabi ni Kael nun.
“ Sinong Elon? “
“ Isa sa mga Diablo ng Fuego na kaibigan nila Elsa at Hell.“ Sagot ni Hugo. Tinignan ko si Hell, tsaka ko lang napansin nakakuyom pala ang mga kamao niya at sobrang seryoso ng mukha niya.
“ Ano bang nangyari sakanya? “
“ Isang taga Elfame daw ang maygawa ng pagpaslang sakanya.“ Sagot ni Kael.
“ Kumikilos nanga talaga ang Elfame.“ Ish
Elfame Mafia..hindi ko alam na meron pa palang mas nakakatakot na grupo kesa sa Fuego. Hindi nga ata talaga biro tong kakalabin naming grupo. Kailangan naming magsanay ng magsanay para matalo namin sila.
2 Days Later
“ Boss.“ Habang nag eensayo ako sa pagbaril dito sa shooting ground ay biglang lumapit si Elsa sa’kin. Napakatamlay parin niyang tignan. Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Elsa na ngumingiti. Simula nung malaman namin ang balita sa kaibigan niya ay hindi na siya ngumingiti. At naiintindihan ko naman siya.
Nilagay ko sa lamesa ang hawak kong baril at hinarap ko siya. At tsaka ko lang napansin na nakabihis siya.
“ Ano ’yun Elsa? “
“ Magpapaalam lang sana ako.“
“ May lakad kaba? “
“ Pupunta lang ako sa burol ni Elon“ Sagot niya na medyo ikinagulat ko.
“ Nahihibang ka naba?! “ Sumingit bigla si Hell. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Elsa. “ Pupunta ka sa teritoryo ng mga Fuego? Pwede ka nilang patayin dun! “ Sigaw niya pa. Si Elsa naman parang walang nadidinig. Nakatingin lang siya sa’kin. “ Ano Boss? Okay lang ba?
“ tanong ko.
“ Ah..ano..mukhang tama si Hell, Elsa. Mukhang delikado sayo kung pupunta ka dun.“ Sagot ko. Nakita ko namang mas lalong lumungkot ang mga mata niya. Hindi ko alam pero ang sakit sa pakiramdam na makita ko siyang sobrang lungkot.
“ Sige, pumapayag na ako.“ Pag iba ko ng sagot ko na ikinabigla ni Hell. “ Pero sa isang kondisyon.“
“ Ano ’yun Boss? “
“ Sasama kami.“
[ Felix Sy’s PoV ]
“ Condolence.“
Medyo marami narin ang mga taong nandito sa chapel kung saan nakaburol si Elon. At karamihan ay mga kamag anak niya sa ibang lugar. Hindi ko alam na marangya pala ’tong pamilya ng mga fuentes.
Abala kami ni Elfred at Trace ngayon sa pag aasikaso ng lugar dahil kami ang inutusan ni Boss na bantayan ang chapel. Kami rin ang mga nagchecheck sa mga dumadalo sa burol. Dapat ay maging secured ang lugar na’to hanggang sa araw ng libing ni Elon.
“ Anong ginagawa mo dito? Bumalik ka sa loob.“ Agad kong sabi kay Veronica nung makita ko siyang palapit sa’min.
“ Gusto ko lang magpahangin.“ Matamlay na sagot niya. Mukhang malapit sakanya ang lalaking ’yun dahil ganito nalang ang epekto ng pagkamatay niya sa babaeng ’to.
“ Nakita niyo ba si Boss Jin? “ Tanong niya. Umiling ako bilang sagot ko. Ang totoo niyan ay siya nalang sa Fuego ang hindi pa nakakapunta sa burol ni Elon. Lahat ay nakadalaw na maliban sakanya. Hindi ko alam kung ano na ang pinaggagagawa nun ngayon.
“ Ang head Boss?..a-ang ibig kong sabihin si Mr. Acosta? “
“ Kakaalis lang “ Sagot naman ni Elfred.
“ May problema ba? “ Tanong ni Trace kay Veronica.
“ May importanteng sasabihin lang sana si Stephan sakanila tungkol sa Elfame.“ Sagot niya. Magsasalita pa sana ako ng may maramdaman akong papalit na sasakyan.
Huminto ito sa tapat namin. Mukhang pamilyar sa’kin ’tong kotse na’to..
Mukhang pagmamayri to ng..
Biglang may lumabas sa kotse na ikinagulat namin ng konti.
Elsa?
Isa isa silang lumabas…At shit. Di nga ako nagkamali..
Nandito ang Virgo Mafia..
Pero mas lalo akong nagulat sa taong huling lumabas sa kotse.
So siya na pala yan. Ito na pala si Virgel ngayon. Ang dating hawak hawak ni Argo noon ay heto na..marunong ng maglakad sa sarili niyang mga paa. Magkahawig nga sila ng mukha. Lalong lalo na ang mga mata nila.
Mabuti at hindi pa nila nakikita ang mga mukha namin noong nasa Virgo pa lang kami. Kundi mapupuno kami ng mga tanong ngayon.
“ Anung ginagawa niyo dito? “
[ Veronica’s PoV ]
“ Anung ginagawa niyo dito? “ Agad kong tanong sa mga Virgo. Inaasahan ko ng dadating si Kael, yung babae at yung palagi niyang kasamang dumadalaw sa ospital dahil alam kong mga kaibigan sila ni Elon. Pero di ko akalaing lahat ng myembro ng Virgo ay pupunta. As if may pakealam sila.
“ Condolence.“ sagot nung babae. “ Gusto ko lang makita si Elon.“ Nangingilid pa ang luha niya habang sinasabi niya iyon. Kung nasaktan ako sa nangyari kay Elon, alam kong mas triple pa sa sakit ang nararamdaman nitong babae na’to.
“ Sigurado ba kayong yan lang ang pakay niyo? “ Panigurado ni Felix.
“ Wag kayong mag alala. Kahit nasa inyo si Boss Vlademir, di kami gagawa ng gulo…sa ngayon. Sinasamahan lang namin si Elsa sa pagbisita dito.“ Sagot naman nung naka eyeglass. Oo nga pala, di pa pala nila alam na si Mr. Acosta ay Boss din namin.
Naging tahimik kaming lahat ng mga isang minuto kaya biglang nagsalita yung may eye patch sa kanang mata.
“ Oh, galaw galaw din pag may tiiime. Baka ma stroke. Pfft..“ sabi niya pagkatapos ay tumawa pa. Nung makita niyang hindi kami natawa sa sinabi niya ay napakamot ito sa ulo. “ Sabi ko nga tatahimik na ako.“
“ Sige pumasok na kayo. Pag may nangyaring gulo sa loob. Kayo agad ang panghihinalaan namin. At asahan niyong hindi na kayo makakalabas pa ng buhay “ Pagbabanta ko. Tumango naman sila at agad pumasok. Ngumiti ng kaunti si Kael sa’kin nung magtama ang mga mata namin. Huli namang pumasok ay ang batang boss nila. Grabe, sa unang tingin aakalain mo talaga na isa lamang siyang ordinaryong bata dahil sa sobrang inosente ng mukha niya. Hindi kapani paniwalang Boss siya ng isang Mafia org.
Tumingin siya sa’kin saglit at bahagyang ngumiti. Napakainosente
Tumango ako bilang sagot sa ngiti niya. Di niya naman siguro alam na ako yung tumulong sakanya dun sa may gubat.
Nabaling ang atensyon ko sa tatlong Assassins ni Mr. Acosta at pansing ko na parang nataranta si Felix pagkapasok ng mga Virgo sa loob ng chapel.
“ Na’san si Argo? “ Tanong niya agad sa’kin at mukhang hindi na makapaghintay sa sagot ko.
“Andoon sa loob “ Narinig ko naman silang napamura pagkasabi ko niyan.
Anung problema?
-To Be Continued…
-MajorSin
Epesiode 30: Bad Plan
Epesiode 30:
Bad Plan
[
Virgel’s PoV ]
Napalibot agad ang tingin ko pagkapasok namin dito sa loob nitong chapel. Medyo may kalakihan pala ito, tapos medyo marami rin ang mga taong nandito. Yung iba nakasuot ng black suit kagaya namin samantalang yung iba naman ay nakasuot ng mga pang mayamang damit. Siguro ay mga kamag anak ito ng sinasabi nila Ish na si Elon.
Di pa kami tuluyang nakakapasok sa pinakaloob ng chapel ay may biglang humarang sa daraanan namin. Nakasalubong ang mga kilay niya at kunot noo itong nakatingin sa’min.
“ At anong ginagawa ng mga Virgo dito? “ Tanong niya.
“ Condolence.“ Yan lang ang tanging sinagot ni Elsa. Bigla namang natawa yung lalaking nasa harapan namin.
“ Akala niyo ba maloloko niyo ako jan sa pagkukunwari niyong pakikiramay?! “ Mula sa pagtawa niya ay biglang napalitan ng galit ang mukha niya at sumigaw pa ito na nagpakuha ng atensyon ng mga taong nandito.
“ Pumunta kayo sa burol ng isa sa mortal niyong kalaban?! Nagpapatawa ba kayo? “
“ Kaibigan namin si Elon. Pakiusap hayaan muna kaming pumasok.“ Matamlay na ganti ni Elsa.
“ Oh ngayon kaibigan naman? Aba abaa..huwag niyo nga akong gawing uto uto! “
“ Hoy.“ Nabigla kami nung biglang hinawakan ni Hell ang kwelyo nung lalaki at marahas niya itong pinalapit sakanya. “ Wala kaming oras sa isang kulukoy na katulad mo kaya pwede ba..“ Mabilis namang tinanggal nung lalaki ang kamay ni Hell at inayos niya ang damit niyang nagusot ng kunti. Pagkatapos ay matalim pa niyang tinitignan si Hell.
“ Purket magkasama tayo sa misyon noon ay hahayaan na kitang pumasok, hahayaan ko na kayong pumasok! Bawal kayo dito! Umalis na kayo kung ayaw niyong magkapatayan tayo dito! “ Sigaw ulit nung lalaki. Kitang kita ko na sa buong paligid ang mga mata ng mga tao dito na para ng nagsasabing mga wala kaming respeto sa skandalong nangyayari dito sa loob.
“ Nero.“ Biglang dumating sa harapan namin yung babaeng nagpapasok sa’min kanina .“ Itigil muna yan. Gumagawa kana ng skandalo dito.“ Mahinahon niyang sabi.
“ Baket mo ba kasi sila pinapasok?! Mga Virgo ang mga yan! “ Binigyan lang siya ng isang blankong tingin nung babae. “ Pag nalaman to ni Boss Jin sigurado akong malilintikan tayo.“ Dagdag pa nung lalaki.
“ Boss Jin? Baket, na’san ba si Boss Jin ngayon? Mabuti panga yung ibang tao jan naisipan pang bumisita. Pero siya, kahit isang beses ay hindi man lang makadalaw. Wala man lang respeto.“ Agad nanlaki ang mga mata nung si Nero na tila hindi makapaniwala sa sinabi nung babae.
“ Aba’t! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan si Boss ng ganyan! “ Sigaw niya at plano niya pa sanang suntukin yung babae pero bigla iyong sinangga ni Kael gamit ang isang kamay niya. Grabe, medyo lumakas na ang pangangatawan ni Kael dahil sa training namin.
“ Wag kang makialam dito Kael! “
“ Pakiusap, huminahon ka Nero. Nandito lang kami para bumisita. Yun lang. Aalis rin naman kami pagkatapos.“ Kael
“ Tama.“
……
……….
Natigilan ako saglit pati sila nung biglang sumingit sa usapan ang bibig ko ng mag isa. Anak ng. Ano bang problema nitong bibig ko at bigla bigla nalang sisingit. Lahat tuloy sila ay napatingin sa’kin. Aw (._,)7. “ Ahm…a-ang ibig kong sabihin..“
“ At may kasama pa kayong minor de edad. Kasali ba siya sa props niyo para mapaniwala niyo ako?! “
Magsasalita pa sana ang iba ng biglang may lumapit kay Nero na isang lalaki.
“ Hanggang kailan mo ba balak gumawa ng skandalo, ha Nero? Wala kang respeto.“ Agad naman siyang tumingin sa’min. “ Sumama kayo sa’kin. Ihahatid ko kayo sa bakanteng upuan.“ Sabi niya. Agad namang sumunod sina Ish sakanya kaya sumunod narin ako. Galit namang nakatingin sa’min Nero.
“ Pero!–“
“ At siya nga pala.“ Putol nung lalaki kay Nero. “ Sabi niya sa’kin na malapit na siyang mapuno sa sobrang ingay mo. Kilala mo na kung sino ang tinutukoy ko. Kung gusto mo pang mabuhay, mas mabuti pa kung tumahimik kana.“ At tumahimik nanga si Nero pagkatapos sabihin yun nung lalaki. At sa huli ay di na siya umangal pa.
“ Maraming salamat, Steph.“ Sabi ni Kael dun sa lalaki. Steph pala ang pangalan niya. “ Sino pala yung tinutukoy mo na malapit ng mapuno kay Nero? “ Tanong pa niya.
“ Si Argo. “
Saglit akong natigilan matapos kong marinig ang pangalan na’yan.
Argo….
Biglang bumalik sa alaala ko yung panahon na nag uusap kami ni Kael sa balconahe ng mansyon.
At kasabay din nun ay may bigla akong naramdaman na pares ng mga mata na nakatingin sa’kin. At di ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at yung dugo ko parang lumulukso.
Naramdaman ko na ang ganitong klaseng pakiramdam dati. Ito yung pakiramdam nung nandoon ako sa gubat. Ito yung pakiramdam na naramdaman ko nung may humahabol na mga parang ninja sa’kin. Tapos may biglang sumulpot na nilalang na tumulong sa’kin.
At parang biglang bumagal sa paggalaw ang lahat ng mga sandaling ’yun. Pakiramdam ko dalawa lang kaming nandito sa lugar na kinatatayuan ko. Dahan dahan akong napatingin sa kaliwa ko nung makita ko sa peripheral view ko na may isang taong nakatayo doon habang nakapamulsa at nakaharap ito sa direksyon ko. At yung mga tingin niya…yung matatalim na tingin niya ang parang nagtutulak sa’kin na lumingon ako sakany– “ Boss..“
Bigla bumalik sa normal ang lahat nung may tumawag sa’kin. Biglang naging normal ang paggalaw ng paligid. Nabalik naman agad ang tingin ko sa harapan. “ Ba’t ka huminto? Ayos ka lang ba? “ Tanong ni Ish sa’kin.
“ H-ha? “ Parang ang bilis ng pangyayari. Tumingin ulit ako sa kaliwa ko pero pagtingin ko, wala ng tao ang nakatayo doon .“ Ayos lang ako.“ Sagot ko pagkatapos ay humarap ulit ako kay Ish.
“ Tara na. Nakaupo na silang lahat.“
“ Sige.“ Sumunod lang ako kay Ish.
Sa pangalawang beses ay tumingin ulit ako sa pwesto kung saan may nakita akong nakatayo at nakatingin sa’kin. Pero pagitngin ko, wala talaga. Ano ba ’tong nararamdaman ko? Parang may gustong makita ang mga mata ko. Para bang may hinahanap ako na matagal ng hindi nakikita ng mga mata ko.
[ Felix Sy’s PoV ]
“ Kanina kapa hindi mapakali jan ah. Umayos kanga.“ Sinamaan ko ng tingin si Elfred nung magsalita ito.
“ Paano kung magkita silang dalawa dun sa loob? Hindi na’tin alam kung anung pwedeng gawin ni Argo sa batang ’yun.“ Nakakaramdam na naman ako ng kaba. Tangna.
“ Eh ba’t kaba kasi kinakabahan? diba okay nga ’yun? Dahil sa wakas ay muli naring magkikita silang magkapatid? Sigurado akong matutuwa si Argo kapag nakita niyang muli Virgel.“ Napailing ako sa sinabi ni Elfred. Tangina naman.
“ Hindi mo naman naiintindihan eh. Alam mo naman siguro na ang ina ni Virgel ang tumapos sa buhay ng ina ni Argo diba? “
“ O tapos? “
“ Malaki ang posibilidad na kinamumuhian narin ngayon ni Argo si Virgel dahil sa ginawa ng kanyang ina.“ Paliwanag ko. Yun ang nasa isip ko kanina pa eh. Tangina talaga. Napapamura na ako dito ng wala sa oras. Paano kung gagalawin ni Argo si Virgel? Paano kung tatapusin niya ang buhay nito? Tapos malalaman iyon ni Mr. Acosta. Sigurado akong napakalaking gulo ang pwedeng mangyari.
“ Hindi.“ Sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Trace. “ Malaki rin ang posibilidad na hindi idadamay ni Argo si Virgel sa paghihigante niya kay Ma’am Almira. Kita niyo naman siguro noon kung gaano kamahal ni Argo si Virgel diba? Kaya baka di niya idadamay ang batang ’yun.“ Dagdag pa niya. Oo, naisip ko narin naman ang mga bagay na’yan pero..
“ Malaki na ang pinagbago ni Argo alam niyo yan. At matagal na niyang kinalimutan ang nakaraan pwera sa sinapit ng kanyang ina. Ang masasayang alaala niya kasama tayo at ni Virgel ay matagal na niyang binaon sa limot. Paghihiganti nalang ang tanging naglalaro sa utak niya ngayon.“ Naging tahimik kaming tatlo matapos kong sabihin yun. Mukhang tinatry nitong dalawa na isink in sa utak nila ang gusto kong iparating sakanila.
“ Hindi rin na’tin masasabi yan. Ang hirap basahin ni Argo kaya di natin alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon.“
“ Hahahahaha “
Sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay saglit kaming natigilan nung may marinig kaming isang malademonyong tawa. Dahan dahan kaming napalingon sa likuran namin at…Shit.
“ K-kanina kapa jan Argo? “
“ Sakto lang.“ Sagot niya habang hindi matanggal sa mga labi niya ang isang nakakakilabot na ngiti.
“ Galing kaba sa loob? “ Tumango siya sa tanong ko habang nakangisi. Bat ganyan ang mga ngiti niya? Kakaiba. Parang sabik sabik sa isang bagay. Hindi kaya ay..
“Nakita ko siya. Ang pinakamamahal kong kapatid.” Sabi niya sabay ngisi ng sobrang nakakatakot.
Tinignan niya ang dalawang kamay niya “ Sa totoo lang ay nanginginig na ang buong kalamnan ko kanina nung makita ko siya. Nanginginig na ang mga kamay ko na tapusin ang buhay niya. Pero napag isip isip ko…mas masaya siguro kung sabay ko silang tatapusing mag ina.“
Bigla akong natulala. Kinilabutan ako ng husto sa mga narinig ko.
So tama nga ako? Idadamay niya si Virgel sa paghihiganti niya? Naging sobrang tahimik ang buong paligid ng ilang segundo. At nabalik lang ako sa ulirat nung maglakad siya at nilampasan niya kaming tatlo.
“ Sandali Argo. “ Napahinto siya sa paglalakad nung tawagin ko siya. Pero hindi siya lumingon. Nanatili lang siyang nakatayo.
“ Balak mo bang patayin ang sarili mong kapatid? “ tanong ko. Narinig ko naman siyang nag smirk.
“ Paano kung sabihin kong oo? May magagawa kayo? “ Sa tono ng pananalita niya ay parang naghahamon siya. At hindi kami tanga para kalabanin siya.
“ P-pero…niligtas mo siya dun sa gubat diba?. Niligtas mo ang buhay niya Argo. Akala ko–“
“ Iyon ay isang utos lamang ng pinagsisilbihan na’tin.“ Putol niya. Grabe, ni hindi man lang niya mabanggit ang salitang ‘ama’ . Masyado na talagang walang emosyon at nakakakilabot ang pagkatao ng taong ’to.
“ Masama ang plano mong yan, Argo. Malaking gulo ang pwedeng mangyari kapag ginalaw mo si Virgel. Ang Elfame Mafia ang kalaban natin ngayon at hindi sila.“ Pati si Trace ay nagsalita narin. Alam niya kasi kung ano ang pwedeng maging resulta kapag ginawa yun ni Argo.
Gulo. Napakalaking gulo.
“ Talaga? “ tumawa pa ito ng kaonti. “ Kung ganun subukan niyo akong pigilan.“ Dagdag niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Ang akala ko tapos na siya pero narinig na naman namin siyang nag smirk
“Iyon ay kung makakaya niyo.”
-To be Continued…
-MajorSin
Episode 31: The Hitman’s Weakness
Episode 31: The Hitman’s Weakness
[ Kael’s PoV ]
Nangilid ang isang luha sa kanang mata ko kaya agad ko iyong pinahiran.
Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari kay Elon. Naalala ko bigla yung panahon na kung saan ay pinarusahan ako ni Boss Jin dahil kapalpakang ginawa ko sa pagdispatsa kay Mr. Lincoln. Tanging siya lang ang naglakas ng loob na ipagtanggol ako nun. Siya lang ang naglakas loob nun na kausapin si Boss Jin. Alam ko kahit tahimik si Elon ay napakabait niyang tao. Napakasayang talaga ng buhay niya.
“ Umiiyak kaba, Kael? “ Tumingin ako kay Boss sa gilid ko nung magtanong ito. At…hindi ko alam kung matatawa ba ako sakanya o ano eh. Yung mukha niya kasi parang gulat na gulat siya at hindi makapaniwalang napaluha ako.
Tumawa ako ng kaunti. “ Hindi, napuwing lang ako Boss.“
“ Hindi eh, umiiyak ka eh.“ Pfft. Napailing nalang ako. Minsan mapapatawa ka nalang talaga sa pagkainosente ng mukha ni Boss.
“ Lalabas na muna ako saglit Boss.“ Paalam ko tsaka ako tumayo sa pagkakaupo. “ Sige. Huwag ka lang masyadong magpkalayo ha. Mamaya lang rin ay uuwi na tayo.“
“ Masusunod Boss.“ Sagot ko pagkatapos ay lumabas na ako dito sa chapel. Naglakad lakad na muna ako para magpahangin. Nag iisip ng kung anu ano. At sa pag iisip ko..
“ Sabihin mo sa mangmang kong kapatid na nalalapit na ang muli ang pagkikita namin.“
Saglit akong napahinto nung maalala ko ang mga salitang yan. Hindi ko alam kung baket.
Hinahanap ng paningin ko si Argo kanina pero di ko siya nakita. Ang akala ko nga ay magkikita na sila dito pero–
“ Ang lalim yata ng iniisip mo.“ Nabalik ako sa ulirat nung marinig ko ang boses ni Veronica.
“ Andito lang pala kayo.“ Lumapit ako kila Steph at Veronica na nakaupo sa isang bench sa may garden dito sa gilid ng chapel “ Na’san si Helena at Nero? “ Tanong ko sakanila.
“ Andun sa loob.“ Steph.
“ Ahh.“
“ Salamat nga pala kanina “ Tumingin si Nica sa’kin at ngumiti ng bahagya.
“ Salamat saan? “
“ Kanina, dun sa pagsangga mo sa suntok ni Nero.“ Sagot niya. Aw. Yun pala.
“ Wala yun. Kahit naman siguro hindi ko sinangga yun maiiwasan mo parin yun.“ Natatawa kong sabi sakanya.
“ Sa totoo lang ay napabilib mo ako kanina. Isang kamay lang ang ginamit mo sa pagsangga sa suntok ni Nero. Sa tingin ko ay lumakas na ang pisikal na pangangatawan mo.“ Sa totoo lang din ay medyo nagulat din ako kanina sa pagsangga ko. Hindi ko alam na makakaya ko ang suntok ni Nero gamit ang isang kamay lang. Gayung napakabigat ng kamay niya dahil sanay itong humawak ng naglalakihang mga sniper rifle.
“ Kumusta kana pala? Ayos lang ba buhay mo sa pader ng mga Virgo? “ Biglang tanong ni Stephan sa’kin kaya napatingin ako sakanya.
“ Ah okay lang naman.“ Sagot ko.
“ Wala akong tiwala sa mga Virgo..pero sa ngayon sila lang ang pwede kong hingan ng tulong para sa proteksyon mo. “ Seryosong saad niya at naguluhan ako sa sinabi niya.
“ Proteksyon ko? Baket may problema ba? “
“ Andun si Steph nung pinatay ng isang taga Elfame si Elon. Ang totoo nyan ay nakabangga pa niya ang taong iyon..pero hindi siya pinatay. At nabanggit ng taga Elfame na yun na hindi si Stephan ang nasa ikalawang listahan ng organisasyon nila. Sa tingin ko ay may Death List na sinusunod ang Elfame
Mafia ngayon.“ Nakaramdam ako ng kaba nung sabihin yun ni Veronica. At mas lalong napalalim ang paglunok ko nung may idinagdag si Steph.
“ Pwedeng si Veronica, Helena, Nero o di kaya ikaw ang susunod na target ng Elfame ngayon Kael. Kaya dapat ay mag ingat ka. Kailangan mo ng proteksyon ngayon. Kahit myembro kana ng Virgo ngayon ay naging myembro ka parin ng Fuego noon. At di malayong kasama ka rin sa listahan nila ngayon.“
Naging tahimik ang buong paligid pagkasabi ni Steph nun. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang kaba. At ang mga tuhod ko, parang nanginginig na. Pwedeng ako ang susunod na target nila. Nagawa nga nilang mapatay si Primo at Elon na nasa ikalawa at ikatlong pwesto ng Diablo, paano pa ako?
“ Kael.“ Napalingon ako sa likuran ko nung may tumawag sa’kin. “ Pinapatawag kana ni Boss. Aalis na daw tayo.“ Dagdag ni Ish. Tumingin siya saglit kila Veronica at Steph tsaka ulit tumingin sa’kin. “ Tara na.“
“ Kailangan ko ng umalis.“ Paalam ko sa dalawa. Tumango naman sila at saglit rin nilang tinignan si Ish tsaka ulit tumingin sa’kin. “ Mag iingat ka “ Tumango rin ako sakanila pagkatapos ay sumunod na ako kay Ish.
Habang naglalakad kami papasok sa chapel ay hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Steph. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Naranasan ko ng makipagpatentero kay kamatayan pero ewan ko ba, yung katotohanan lang na dalawa na sa diablo ng fuego ang napatay nila ay nakakakilabot ng pakinggan. Hindi ko alam na ganun sila katindi.
“ Wag ka ng matakot jan.“ Gulat akong napalingon kay Ish nung magsalita ito.
“ Kung ganun narinig mo kami kanina? “
“ Oo, at kita ko sa mukha mo ang takot kanina. Pero gaya nga ng sabi ko, wag ka ng matakot jan.“ Tumingin si Ish at bahagyang ngumiti. “ May pamilya ka na handang ipagtanggol ka sa kahit ano mang laban. At may Boss ka na handang gawin ang lahat maprotektahan ka lang.“ Natigilan ako sa sinabi niya. At sa di maipaliwanag na dahilan, unti unting nawala ang takot na kanina ko pa nararamdaman. “ Nandito lang kami kaya wala ka ng dapat na ikabahala pa.“ Dagdag pa niya na nagpangiti sa’kin.
“ Maraming salamat, Ish. “
2 weeks later
[ Virgel’s PoV ]
M ahigit dalawang linggo narin ang lumipas simula nung bumisita kami sa burol ni Elon. Pumunta din kami sa araw ng libing niya hindi para samahan lang si Elsa, kundi para ipakita sa mga Fuego na tunay kaming nakikiramay sakanila. Hindi ko nga alam kung anong iniisip ko, pero ewan ko ba, nung makaharap ko ang ilang myembro ng mga fuego dun sa chapel ay hindi man lang ako nakaramdam ng panganib. Kalaban namin sila oo, sila ang dumukot kay ama oo, pero baket di ko maiwasan na hindi maawa sakanila sa pagkawala ng isang myembro nila?
Sa ngayon ay unti unti ng nagiging okay si Elsa. Minsan ay tumatawa na siya at ngumingiti sa amin. Salamat kay Hell dahil hindi niya pinabayaan si Elsa. Lage niya itong sinasamahan kapag nag iisa si Elsa. Hindi man niya aminin, halata talagang mahal na mahal ni Hell si Elsa ^_^
Sa dalawang linggo ding yun ay walang tigil kami sa pagttraining. Alam na namin kung gaano katindi ang makakalabanan namin kaya’t ibinubuhos na namin ang lahat ng oras namin sa pag titraining. Medyo marunong na akong bumaril ngayon. Sa sampung tira ay nakakabullseye na ako ng anim. Hindi na masama ^_^ At para naman sa mga kasama ko, ang laki narin ng improvements nila. Mas lalo pa silang lumakas ng husto. At yung training namin ni Hugo? Unti unti ko na iyong namamaster. At heto na naman kami. Kung tinatanong niyo kung na’san ako ngayon, andito ako sa isang madilim na kwarto, naghihintay, nag aabang, nakikiramdam sa pag atake ng dalawang kalaban ko. Oo dalawa dahil pati si Benz ay sinali narin ni Hugo.
Nakaramdam ako ng papalapit na suntok sa may kanan ko kaya agad kong iniwas ang ulo ko pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang counter knee kick sa sikmura niya.
“ Araay! Anak ng biik naman u-oh. sana di mo nalang ako sinali dito Hugo.“ Natawa ako sa pagmamaktol ni Benz. Siya pala yung natamaan ko.
“ Huwag ka kasing padalos dalos jan.“
“ Aba malay ko bang makikita ako ni Bossing? Kaw bossing ha, di mo man lang sinabing may third eye ka pala “
“ Sa pagkakaalam ko Benz para lang sa multo ang third eye ah. Baket mga multo ba tayo? “ Hugo
“ Edi fourth eye! Problema ba yun? “ Hahahaha putek naman eh. Paano ako makakapag focus nito kung ganito sila? Hahaha
“ Sira. At tsaka isa pa hindi naman talaga tayo nakikita ni Boss.“
“ Eh ba’t niya ako naiilagan at natatamaan? “
“Yun ay dahil na enhanced na niya ng husto ang anticipation niya. Kaya kung di ka mag iingat jan sa gagawin mong pag atake, sigurado akong aaray ka na naman jan. Pfft. “
Pfft.
“ Mga gwapong nilalang jan, lumabas na muna kayo para mag tanghalian.“ Rinig naming sigaw ni Ish sa labas ng kwarto kaya napatigil sila sa pag uusap. Tanghali na pala. Ang bilis naman ng oras.
“ Oh siya Kumain na muna tayo.“ Sabi ni Hugo kaya agad ko ng binuksan ang pintuan. At dun nakaabang si Ish sa labas.
Una akong lumabas ng kwarto kasunod si Hugo. Pero nung si Benz na ang papalabas ay hinarangan siya bigla ni Ish.
“ Paraan Ish.“
“ Ano ba yung sinabi ko? “ Tanong ni Ish kay Benz.
“ Na mag tanghalian na. Kaya paraan na ako Ish.“
“ Hindi eh. May kulang.“ Napataas naman ng tingin si Benz na tila nag iisip.
“ Hmm..ang sabi mo kanina ay…mga gwapong nilalang jan lumabas muna kayo para mag tanghali..an? Yun yun diba? “ Tumango tumango naman si Ish at kita sa mukha niya nagpipigil ng tawa. Mukhang pinagtitripan na naman niya itong si Benz. Pfft.
“ Tama tama..“ nakatango tangong sabi ni Ish.
“ Oh kaya paraan na ako Ish ha. Gutom na gutom na ako oh.“ Pagmamakaawa ni Benz habang hinihimas pa yung tiyan niya.
“ Diba nga sabi ko ’mga gwapong nilalang jan lumabas na kayo? ’ yun yung sinabi ko diba? “ Mapang asar na ngiti ang ibinigay ni Ish kay Benz habang tinatanong niya yan.
“ Oo.“ Napakamot naman ng ulo si Benz at halata sa mukha niya na naguguluhan na siya sa pinagsasabi ni Ish. Pfft.
“ Oh so ba’t lalabas ka? “ Sa pagkakataong ito ay napatawa na talaga kami ni Hugo ng wala sa oras. Hahahaha. Nakakatuwa talagang pagtripan to si Benz. Ngayon nakanguso na siya habang nakahawak pa sa dibdib niya. Siguro ay nagets na nya ang gustong iparating ni Ish. “ Ang sakit sakit nun Ish ah. Wala kang
puso.“
“ Hahahahaha! “
“ Makatawa naman kayo.“
pout
“ Hahahaha tara nanga! Baka masuntok pa kita jan sa kakanguso mo! “ At tuluyan nanga siyang pinalabas ni Ish.
Haaay iba talaga tong dalawa. Hahaha
[ Spot’s PoV ]
“ Frost, halika.“ Tawag ko sakanya nung makita ko siyang dumaan sa harapan ko. Irita naman itong lumapit sa’kin. Suplado talaga.
“ Ano? “
“ May plano na ako sa pagligpit kay Hell.“ Sagot ko. Padabog naman itong umupo sa tabi ko. “ Haaay. Kung baket ba kasi dinamay mo pa ako jan sa pagligpit sa lalaking yan.“ Ang reklamador talaga ng ungas na’to kahit kailan. Napatawa tuloy ako.
“ Baket sino ba ang ibang Knight ng Chess Pieces bukod sa’kin? “ Natatawang tanong ko.
“ Ako.“ Walang gana namang sagot niya. “ Oh. So sino pa ba ang papartnerin ko sa mga misyon ko? Ang tagal na nating mag partner pero hanggang ngayon reklamo ka parin ng reklamo.“
“ Aish! Oh siya siya! Ang dami pang sinasabi eh. Ano ba yang plano mo? Siguraduhin mong hindi yan papalya. Alam mo naman yung target natin. Sabi ni King malakas at delikado ang lalaking ’yun.“
Napangisi ako sa sinabi ni Frost. “ Lahat ng tao ay may kahinaan. At kung di mo ito mahanap sa katawan niya, madami pang mga bagay ang pwedeng maging kahinaan niya. Halimbawa, pamilya, kasintahan, importanteng tao sa buhay nila. Pwede mo yang gamitin laban sakanila.“
“ Kung ganun pamilya niya ang gagamitin na’tin para mapatumba siya? “
“ Wala ng pamilya si Hell.“
“ Eh kasintahan? Sariling pamilya? “
“ Wala rin. “ Napamura naman siya sa sagot ko. “ Gago ka pala eh. Eh paano na’tin siya liligpitin eh wala na pala siyang pamilya? O maski kahit kasintahan wala.“
Bigla na naman ako napangiti. “ Pero may alam akong tao na sa tingin ko ay iniingatan niya ng husto. “
Flashback
“ Susunod nating pupuntahan bukas ay ang Bayan ng Valestra. Malaki ang posibilidad na dun nagtatago si Vornazek dahil malapit lang ang bayan na’yun sa mga lugar na binomba nitong mga nakaraan buwan.“ Tumango lang kaming lima sa sinabi ni Akira. Hindi siya ang leader namin pero siya ang pinakamautak sa aming lahat. Isa siyang Half Japanese na nirecruit ng gobyerno dahil sa talas ng pag iisip niya at sa galing niya sa paggamit ng mga baril.
Pagkatapos ng aming meeting ay nagkanya kanya na kami ng ginagawa. Andito kami sa hideout namin ngayon na ginawa ng Gobyerno para sa seguridad namin.
Pansin ko si Hell na nakaupo lang sa may gilid at may tinitignan siya na kong anong hawak niya. Hindi ko siya kilala pero may konting alam ako tungkol sakanya.
Nung makalapit ako sakanya ay tsaka ko lang napansin na litrato pala yung hawak niya. Tinignan ko ang litrato na tinitignan niya. Litrato ito ng isang babae.
Isang magandang babae.
“ Girlfriend mo? “ Nakangiti kong tanong pero salubong ang mga kilay niya nung tumingin ito sa’kin. “ Tss.“
“ Suplado ah.“ Sabi ko tsaka umupo ako sa tabi niya.
“ Wag ka ngang umakto jan na parang matagal na tayong magkakilala.“ Sabi niya pagkatapos ay tinago na niya yung litrato sa jacket niya.
Di ko na pinansin pa ang pagsusungit niya. “ Anong pangalan niya? Wala ba yung boyfriend? Baka pwede ko yung ligawa–Argh! “ Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit ng pagkakasiko niya. “ Ano bang problema mo?! Nagtatanong lang yung tao! “
“ Walang pwedeng gumalaw sakanya naintindihan mo?“ Pinanlilisikan niya ako ng mga mata at tagumpay siyang paramdamin ako ng takot. Nakakatakot ang nilalang na’to.
“ Kahit sino ka pa, sa oras na galawin mo siya, di ako magdadalawang isip na patayin ka.“
End of Flashback
“ At sino naman ang taong yan “ Nabalik ako wisyo nung marinig ko ang tanong ni Frost.
“ Hindi ko alam ang buong pangalan niya pero sa pagkakaalam ko, kasapi rin siya sa Virgo Mafia ngayon.“
“ Kung ganun kasama lang siya nung Hell na’yun? “
“ Oo. At siya ang gagamitin natin para mapatumba ang halimaw na Hitman ng Virgo. “
Kung tinrato mo lang sana ako ng maayos noon. Baka nagdadalawang isip pa sana ako ngayon kung tatapusin kaba namin o hindi. Pero maling hakbang ang ginawa mo nung mga oras na’yun.
Kaya ngayon…tawagin mo na ang lahat ng santo dahil bilang nalang ang mga araw mo.
[ Someone’s PoV ]
Kasabay ng pagtama ng dart pin na tinira ko sa dartboard ay siyang pagbukas ng pintuan nitong tinutuluyan kong basement. Ayun Bullseye!
Napalingon ako sa pintuan at saglit na natigilan sa nakita kong bisita. Pero binawi ko rin naman agad ang pagkabigla ko at bahagya akong ngumiti sakanya.
“ Kumusta, Argo? “ Nakangiting bati ko sakanya.
Sino ako? Kilala niyo na ako.
-To be continued..
-MajorSIn
Episode 32: Hostage
Episode 32: Hostage
[ Virgel’s PoV ]
“ Gagawin ba talaga natin to Kael? “
“ Oo Boss. Wag kang matakot.“
“ Eh hindi naman ako natatakot eh, nahihiya ako.“
“ Wag kang mahiya Boss, ako bahala sayo.“
“ Eh kung wag nalang kaya? “
“
Hindi na tayo pwedeng umatras, andito na tayo.“
“ Wag nalang natin tong gawin Kael. Nahihiya ako.“
“ Pfft. To naman si Boss, kunwari first time.“ Natatawang asar ni Kael. “ Hindi mo naman siguro first time na pumasok sa klase diba Boss? “ Dagdag niya pa.
“ Oo, pero kasi mahigit isang buwan na tayong hindi pumapasok eh. Nakakahiya naman sa mga classmates natin pag pumasok pa tayo.“
“ Hindi yan. Excuse naman tayo sabi ni Hugo kaya wag kana mabahala jan. Di tayo pagagalitan ng mga teachers natin. Kaya tara na Boss, late na tayo oh.“ Napatingin ako sa relong suot ko. Medyo late nanga kami. Pero kasi…T_T
“ Sige nanga.“ Wala na akong nagawa pa kaya sumunod na ako kay Kael. Bahala na. Hindi ko alam kung papayagan paba kaming pumasok sa mga klase namin dahil based sa handbook nitong Apollo High, pag lumampas ng sampu ang bilang ng absences mo, automatic drop kana. Tapos kami mag iisang buwan na. Ayos din. -__-
Sana nga lang ay totoo yung sinabi ni Hugo sa’min na excused kami sa klase kundi..ewan ko nalang.
Pagkapasok agad namin sa room ay napatingin ang lahat sa amin. Base sa mga expresyon ng mga mukha nila, may mga nagulat, nagtaka at yung iba parang wala lang nung makita nila kami.
“ Diba sila yung mga transferee? “
“ Ang akala ko nag dropped na ang mga yan.“
“ Akala ko nga din eh.“
Tumingin ako sa teacher namin na nagtuturo ngayon at akala ko isang galit na expresyon ang makikita ko sa mukha niya pero nakapagtataka lang dahil ngumiti lang ito sa’min. “ Oh maupo na kayong dalawa.“ Sabi niya pa. Eh? Hindi siya galit?
“ Sabi ko naman sayo diba? “ Sabi ni Kael habang ngumingisi pa.
Umupo na kaming dalawa ni Kael sa mga upuan namin.
“ Hi Virgel.“ Bati ng katabi ko. Ano nga ulit ang pangalan niya? Ah tama..si Claire. “ Ikaw na ba yan? Medyo lumaki ng kaunti yang katawan mo ah.“
“ H-ha? Lumaki? “ Tumingin ako saglit sa braso at katawan ko. “ Wala namang nagbago sa katawan ko.“
“ Anong wala, lumaki ka kaya ng konti. Ganyan ba talaga kapag galing ka sa america? “ Natatawang sabi niya. “ Kumusta pala ang buhay doon? Malamig ba? May snow ba? “ Medyo kumunot ang noo ko sa tanong niya. Anong america ang sinasabi niya? Di naman ako nanggaling dun.
Tumikhim ang teacher Gomez kaya nabaling agad ang lahat ng atensyon sakanya.
“ Sa mga hindi nakakaalam at nagtataka sa pagbalik nilang dalawa sa klase natin, nais ko lang sabihin sa inyo na last month, Pumunta dito si Mr. Hugo Arsenal para humingi ng permiso sa school na iexcuse silang dalawa dahil may importanteng bagay silang aayusin sa america. “ Sabi niya na medyo ikinagulat ko. So yun pala ang inirason na Hugo para ma excuse kami? Na pupunta kami ng america?
“ Virgel.“ Tawag ni Sir. Gomez sa’kin at sininyasan niya ako na tumayo kaya tumayo ako. “ Maaari mo bang sabihin sa’min kung anong nangyari? “
Patay.
“ Ah..eh sir..ano kasi.“ Anak ng, anong isasagot ko? Tumingin ako saglit kay Kael at kita ko siyang nagtatakip ng bibig at mukhang nagpipigil pa ng tawa. T_T
“ It’s okay Virgel. Kung masyadong confidential ang nangyari ay huwag mo ng sabihin. Maupo kana.“ Haaay salamat.
“ Okay class, balik tayo. Kayong dalawa, humabol nalang kayo sa discussion natin okay? “ Sabi ni Sir sa’min kaya tumango kami. “ Okay so let’s continue..“
**
Natapos ang tatlong klase namin ni Kael na ganun ang nangyari. Buti hindi galit ang mga teacher namin. Salamat kay Hugo at excuse niyang umabot pa talaga hanggang sa america.
“ Boss una ka muna sa rooftop, ako na bibili ng makakain natin.“
“ Sige, salamat Kael.“ Tumango siya at agad tinahak ang daan papuntang canteen. Ako naman ay dumeretso na paakyat papuntang rooftop.
Pagkarating ko doon ay walang tao. Mabuti naman. Habang hinihintay ko si Kael ay saglit na muna akong humiga. Ang sarap talaga dito, ang hangin. Nakakagaan sa pakiramdam..at nakaka antok.
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko. Ang sarap magpahingat at matulog. Mamayang gabi ay training na naman ulit namin, siguradong nakakapagod na naman ang training na’yun. Iniisip ko pa lang ay inaantok na ako. At– “ Anak ng! “ Napahinto ako sa pag iisip nung may biglang magtakip ng mata ko. Base sa lambot ng kamay niya, sigurado akong hindi si Kael ’to. Isa ’tong babae.
Rinig ko pa siyang naglinis ng lalamunan. “ Hulaan mo kung sino ako, Tomas. “ Pfft. Imbes na mainis ako dahil sa pandidisturbo niya ay gusto ko pang matawa sa boses niya. Nagboboses lalaki pa siya kahit masyado siyang halata.
“ Alisin mo nga yang kamay mo, Agnes.“
Tumikhim na naman siya. “ Errrmm! Sigurado ka bang ako si Agnes? “ Mas nilaliman niya pa ng husto ang boses niya kaya natawa na talaga ako. Hahahaha trying hard pa talaga to.
“ Seguradong segurado.“ Tinanggal niya naman agad ang pagkakatakip niya sa mata ko.
“ Ang dayaa. Baket mo nalaman na ako ’to? Dapat hindi mo alam dahil lalaki yung boses ko.“ Pagmamaktol niya habang ngumguso pa. Pfft.
Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo ako sa tapat niya. “ Eh sinong tao pa ba dito sa mundo ang tumatawag sa’kin ng mga lumang pangalan? Ikaw lang naman Agnes“ Mas lalo pa siyang ngumuso kaya natawa na talaga ako. Para siyang bata habang nagpopout siya.
“ Baket hindi kaba si Tomas? “
-_____- ang saya saya ko na eh.
“ Ilang beses ko pa bang ipapaalala sayo na Virgel ang pangalan ko? “ Ngumisi naman siya at nag peace sign. “ Hehehe tama. Virgel nga pala pangalan mo.“
Di nalang ako nagsalita. Nang aasar pa eh.
Saglit na natahimik ang paligid. Pero maya maya lang rin..
“ Kumusta kana? Antagal na nung huli tayong magkita ah. Ang akala ko nga nag transfer kana ng school.“ Biglang tanong niya. Napatingin ako sakanya pero saglit lang. Ngayon ko lang napansin na mas lalo siyang gumanda.
“ Hindi, may ano..may ginawa lang kaming importanteng bagay.“
“ Ahhh..ganun ba.“
Biglang bumukas ang pintuan ng rooftop at iniluwa dun si Kael.
“ Pasensya na sa paghi–oh, Hi Agnes.“ Bati ni Kael nung makita niya si Agnes.
“ Ikaw si Kael tama? Hehehe hi din sayo.“ Wow. Pag si Kael alam niya ang pangalan, pero pag ako?..ayos din -__-
Lumapit si Kael sa’min bitbit ang pagkain na binili niya sa canteen. “ Pasensya na sa paghihintay Boss ah. May nakabangga lang akong mga asungot dun sa canteen.“ Sabi niya sabay upo malapit sa’min. Binuksan niya ang supot at kinuha ang pagkain at inumin namin.
“ Tapos ka na bang kumain Agnes? Saluhan mo kami.“ Aya ni Kael pero tumanggi si Agnes dahil tapos na daw siya.
Di ko na sila pinansin pa at kumuha na ako ng pagkain. Sa totoo lang ay kanina pa kumukulo ’tong tiyan ko sa sobrang gutom.
Nilantakan ko na agad ang pagkain. Nag uusap sina Kael at Agnes pero di ko na sila inintindi pa. Nagugutom ako
“ Hindi ko alam na matakaw pala to si Karding.“
Anak ng! Muntik pa akong mabulunan sa sinabi ni Agnes. Pahamak talaga to. Kakasabi ko lang kanina sa pangalan ko ah. Nananadya ba talaga to? Gusto ko mang mag react pero mamaya na. Sa ngayon ay kailangan kong mabusog.
“ Pfft. Karding? Sinong Karding? “ Kael.
“ Ah.. I mean si Virgel. Hehehe “
“ Hahahaha ikaw na pala si Mang Karding ngayon Boss? Bistado Hahahah “
“ Hahahaha “
Pag natapos ako dito yari kayo sa’kin. -__-
**
Natapos kaming kumain at busog na busog ako. Haaay ang sarap ng mga kinain ko ^__^
“ Mag ccr lang ako saglit. Babalik din ako agad.“ Paalam ko sakanila pagkatapos ay naglakad na ako papuntang pintuan.
Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pintuan ng makaramdam ako ng presensya sa likod nito. Hindi ko alam pero kusa nalang gumalaw ang katawan ko sa pag atras at wala pang segundo ay tumilapon ng napakalakas ang pintuan sa harapan ko. Buti ay mabilis ang paa ko sa pagtalon papuntang kanan.
Muntik na ako ron.
Napatingin ako sa harapan ko at tumambad sa’kin ang anim na lalaki. Lumilingon lingon sila na parang may hinahanap. At nung madapo ang tingin nila kay Kael ay bigla silang ngumisi.
“ Andito ka lang pala.“ Sabi nung parang leader nila.
“ Kayo na naman? “ Kael “ Diba sabi ko na sainyo na masasaktan lang kayo kapag pinatulan ko kayo? “
“ Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila mo brad.“ Sabi nung isa tapos ay naglakad sila papunta kay Kael. Kahit nakaharang ako sa daraanan nila ay parang hindi nila ako nakikita. Na kay Kael kasi lahat ng atensyon nila.
“ Tabi jan.“ Usal nung isa tapos ay balak niya pa sana akong itulak pero mabilis kong naiwasan ang kamay niya. Dahil sa ginawa kong pag ilag ay napahinto sila sa paglalakad. At dahan dahan silang lumingon sa’kin. Aw.
Umabante yung isang lalaki at nagulat ako nung bigla itong bumwelo at sinugod ako ng suntok. Mabuti ay naiwasan ko agad.
“ T-teka teka..sandali lang mga bossing. Wala akong kasalanan sa inyo.“ Sabi ko sakanila habang nakataas pa ang mga kamay. Ano bang problema nila? Si Kael ’tong hinahanap nila pero ba’t ako yung inaatake nila? T_T
Imbes na sagutin nila ako ay sabay sabay pa silang sumugod.
“ Arrghh! “
Naloko naa..
[ Kael’s PoV ]
“ Ang galing niya.“ Medyo natawa ako ng konti sa reaksyon ni Agnes. Nakanganga lang siya at mukhang manghang mangha sa bilis na pinapakita ni Boss. Maski ako rin naman ay namangha rin sakanya. Yung bilis niya noon sa paggalaw ay mas lalo pang bumilis. Parang naging triple ang bilis niya ngayon. At ang mas nakakamangha pa, kahit sa likod na siya inaatake ay naiilagan niya pa rin ito. Parang may mata siya si likod. Ito na siguro yung resulta ng training niya. Nakakamangha.
“ Tumulong ka Kael.“ Agnes
“ Sinong tutulungan ko? Si Boss o yung anim na asungot? “ Natatawang tanong ko.
“ Bwesit! “ Usal nung isang ungas dahil kahit anong gawin nilang pag atake ay hindi sila makatama kay Boss. Yung iba nga ay tumigil na sa pag atake. Siguro ay napagtanto nilang nag aaksaya lang sila ng lakas.
Nung mapaupo ang lahat sa sobrang pagod ay agad nagsalita si Boss.
“ S iguro ay oras na para ako naman ang umatake.“ Dahan dahang lumapit si Virgel sa kanilang anim bitbit ang isang seryosong mukha. At wala pang kisapmata ay nagkandarapa na sa pagtakbo ang mga asungot palabas ng pinto.
“ TAKBOOO!! “ Rinig pa naming sigaw nila habang pababa ng hagdan. Pfft. Hahahaha
“ Hahahaha binibiro ko lang naman sila.“ Natatawang sabi ni Boss kaya natawa rin kami ni Agnes. Medyo bully din pala to si Boss minsan Hahaha.
[ Elsa’s PoV ]
“ Paubos na ang laman ng ref. Baka di na to aabot hanggang makalawa.“ Hugo
“ Antakaw kasi kumain nitong Bensoy na’to. Kaya yung binibili natin hindi umaabot ng isang linggo.“
“ Anong ako? Kayo din naman ah. Ang lakas lakas niyo din kumain pagkatapos ng training.“
“ Atleast kami pagkatapos lang ng training. Eh ikaw? Mapa agahan, tanghalian, hapunan man eh lamon ka parin ng lamon.“
“ Ish naman eh. Di naman ako ganun katakaw. “
pout
Pfft.
“ Anong Ish naman eh? Hoy di mo ako madadaan sa mga pacute mo jan dahil mukha kang timang kapag ngumunguso ka. Magbihis kana dahil Ikaw ang bibili ng mga bilihin ngayon.“
“ Ba’t ako? Si Manang Teresa nalang Ish.“
“ Idadamay mo pa si Manang Teresa gago ka. Sige na! “
“ Ayoko. Nakakapagod kaya mamalengke “ pout “
“ Isa! Tatadjakan kita pag di kapa kumilos jan! “
“ Ayaw.“
“ Dalawa! “
“ Ish naman eh “
“ Ayaw mo? Ha? Di ka tatayo jan? “
Bago pa magkapatayan ang dalawa ay lumapit na ako sakanila. Para talaga silang mga bata “ Ako na ang bibili, Ish.“ Agad namang nagliwanag ang mukha ni Benz sa pagpresenta ko. “ Hulog ka talaga ng langit Elsa. Maraming Thanks “ Sabi niya pa.
“ Segurado ka Elsa? “ ngumiti ako kay Ish at tumango. “ Okay sige, mag iingat ka “
“ Tss, ingat-ingat..ang o-oa. Akala mo naman kung saan pupunta.“ Nakita kong pumunta si Hell sa ref at kumuha ng maiinom. Ano na naman bang problema ng unggoy na’to?
“ Mabuti pa ay samahan mo na si Elsa, Hell. Walang magdadala ng mga bibilhin niya.“ Sabi ni Hugo. Tumigil saglit si Hell sa pagkilos at tsaka pinagpatuloy ang pag inom ng tubig. Asa pang sasama yan.
“ Wag na, kaya ko na sarili ko. Di ko kailangan ng isang abnoy.“ Biro ko kaya nagtawanan sila. Pero mukhang hindi yun nagustuhan ni Hell.
“ At sa tingin mo naman sasama talaga ako? Tss. Alam ko namang hindi mo ako kailangan. Si Elon lang naman ang kailangan mo diba? “ Natigilan kaming lahat sa sinabi niya. Hindi ko alam pero biglang kumirot at bumigat ang pakiramdam ko.
“ Jan nanga kayo.“ Dagdag pa niya pagkatapos ay umalis na siya sa kusina at pumunta sa labas.
Hell..
**
Nakabihis na ako at paalis na sana ng mansyon nung makita ko si Hell na naninigarilyo. Lumapit ako sakanya pero parang wala siyang nakikita.
“ Hell..“ umpisa ko pero di parin niya ako nilingon kaya nagpatuloy ako .“ Tungkol kanina, p- patawad sa nasabi ko.“ Pumunta ako sa harapan nya para makita niya talaga ako tsaka ako yumuko.
“ Patawarin mo ako at nainsulto kita.“ Nakayuko kong sabi sakanya. “ Wag ka ngang yumuko.“ Utos niya kaya umayos ako ng tayo pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Pinitik niya ang noo ko.
Dati niya na yang ginagawa sa’kin kahit nung mga bata palang kami. Pag humihingi ako ng tawad sakanya ay pitik sa noo lang ang igaganti niya.
Ngumiti ako sakanya. Alam ko kasing ang pitik niyang iyon ang paraan niya ng pagsasabing napatawad na niya ako.
“ Aalis na ako.“
“ Wag ka ng babalik.“ Poker faced niya sabi kaya natawa ako.
“ Ayoko, baka ma miss mo ako. Konsensya ko pa.“ Natatawang sagot ko. “ Asa.“ Poker face padin na sabi niya. Pero maya maya lang rin ay ngumiti siya ng bahagya. “ Mag iingat ka engot. “ Lumakas bigla ang pagtibok ng puso ko nung makita ko siyang ngumiti. Minsan lang talaga ngumingiti si Hell. Pero kapag ginagawa niya yun, gumagaan talaga ang pakiramdam ko.
Pagkatapos kong mabili ang mga bilihin ay saglit akong napahinto sa isang stuff toys area nitong mall. Dinala ako ng mga paa ko papunta doon. At habang tinitignan ko ang mga laruan na’yun ay bigla kong naalala si Elon.
Flashback
“ Waaaa! Amin na yan si Pam-pam! Binili yan ni daddy ko! “
“ Hahaha hindi namin to ibibigay. Sa amin na ito. Bleeh “ Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak nalang. Binili yun ni daddy para sa’kin. Binila niya yun para sa’kin.
“ Isusumbong ko kayo kay Daddy! “ Mangiyak ngiyak kong sabi sakanila pero tinawanan lang nila ako. Ang ba bad nilang lahat. T_T
“ Bleeh! Nasa ibang bansa ang daddy mo kaya di ka makakasumbong bleeeh “
“ Hoy! ibigay niyo yan! “ Napaangat ako ng tingin nung may sumigaw. At pag tingin ko, “ Elon! “
“ At sino naman ang isang ito? “
“ Ako shi Elon at kaibigan ko she elsha. Nagpatawag na ako ng pulish at papunta na shila dito. Lagot kayooo. Ikukulong kayo ng mga pulish. “
Agad namang nanlaki ang mga mata nila. “ Waaa ayoko ma kuloong! Tara naaa! “ Sigaw ni Jerry sabay takbo nilang lima.
Nung makita ko si Pam-pam ( teddy bear ko ) ay agad ko yung kinuha at niyakap. “ Pam-pam..“
“ Ayos ka lang elsha? “ lumapit si Elon sa’kin at ginulo ng kaonti ang buhok ko. “ Wag kana umiyak. Ang shabi ni mama kapag umiiyak daw ang babae pumapanget shila. Gusto mo bang pumanget? “ Tanong niya kaya agad kong pinahiran ang mga luha ko at umiling. “ Sho wag kana umiyak. Nandito na ako.“
“ Salamat Elon.“ Ngumiti ako sakanya kaya ngumiti rin siya sa’kin.
Sabay naman kaming napalingon nung may tumatakbo papalapit sa’kin. “ Anong nangyari? Ang sabi ni Harley sa’kin may nang aaway daw sayo. Asan na sila? Uupakan ko ang mga yun! “ Tanong niya habang nakakunot ang noo niya.
“ Umalis na sila. Mabuti at niligtas ako ni Elon.“ Sagot ko.
“ Ah ganun ba. Mabuti naman kung ganun.“
“ Miss? Ayos lang po ba kayo? “ Napatigil ako sa pag iisip nung bigla akong tanungin nung saleslady. Tsaka ko lang din napansin na umiiyak pala ako.
“ Ah he-hehe okay lang ako.“
“ Segurado kayo? “
“ Oo, salamat. Sige alis na ako. “ Ngumiti ako sa saleslady tsaka umalis.
Naglalakad na ako papuntang parking lot ngayon. Medyo madilim na pala, di ko namalayan ang oras.
Dalawang linggo na ang lumipas pero sa tuwing naaalala ko si Elon ay bumibigat padin ang loob ko. Nasasaktan padin ako sa nangyari sa napakalapit na kaibigan ko. Ni hindi man lang kami nakapag-usap sa huling pagkakataon–
Napahinto ako sag paglalakad at pag iisip nung makaramdam ako na may umaaligid sa’kin. Hindi maganda ang kutob ko.
Tsk. Sana ay nagpasama nalang talaga ako kay Hell.
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Nakakainis! “ Di na napigilan ni Hell na sipain ang Vase malapit sa kinatatayuan niya. Kanina pa siya hindi mapakali dahil halos mag aalas nuebe na ay hindi parin umuuwi si Elsa. At ang mas lalong nagpakaba ng husto sakanya ay kanina pa hindi sumasagot si Elsa sa mga tawag niya. Kinakabahan siya na ewan. Hindi niya alam ang gagawin.
“ Huminahon ka Hell. Baka nakasilent lang yung phone ni Elsa kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag natin.“ Pati silang lahat ay unti unti naring kinakabahan.
“ Tangina naman kasi! Sakit sa ulo talaga ang engot na’yun! “
Sana ay sinamahan ko nalang siya kanina. Yan ang mga salitang pabalik balik sa utak niya. Kapag merong nangyari masama kay Elsa ay hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagsagot ni Hell nung tumawag si Elsa sa phone niya.
“ Elsa?! Na’san kab–“ Natigilan sa pagsasalita si Hell nung marinig niya ang boses na nasa kabilang linya.
Hindi si Elsa ang nasa kabilang linya dahil boses ng isang lalaki ang nadinig niya.
Biglang kumulo ang dugo niya sa sobrang galit nung marinig niya ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya.
“ Hawak namin si Elsa.“
-To be continued..
-MajorSin
Episode 33: Flashbacks
Episode 33: Flashbacks
********
[Hell’s PoV]
Lage nalang akong nahuhuli..
“ A-aray..“ Napahawak ako ng mahigpit sa tuhod ko sa sobrang sakit. Kainis! Dudugo pa ata. Tinignan ko ng masama ang bato na naging dahilan ng pagkadapa ko.
Pasalamat ka nagmamadali ako.
Agad na akong tumayo at tinakbo ulit ang daan. Kailangan kong bilisan. Baka napano na naman yung engot na’yun.
Hindi ako pwedeng mahuli…ulit.
Pagkarating ko sa lugar kung saan ko siya makikita ay tanging siya at si Elon nalang ang nadatnan ko.
Aw
Huli na naman ba ako?
“ Anong nangyari? Ang sabi ni Harley sa’kin may nang aaway daw sayo. Asan na sila? Uupakan ko ang mga yun! “
Kahit parang nawalan na ako ng gana ay tinanong ko parin yan sakanya sa maangas na tono para lang maipikita sakanya na handa ko siyang ipagtanggol.
Nahuhuli nga lang ako.
“ Umalis na sila. Mabuti at niligtas ako ni Elon.“
“ Ah ganun ba. Mabuti naman kong ganun.“ Napingiti ako ng mapait sa sinabi niya. Ba’t ba lagi nalang akong nahuhuli? Ba’t ba lagi nalang akong nauunahan ni Elon? Bakit ba lagi nalang ganun?
Nakakainis.
“ Hell..“ Saglit akong natigilan sa ginagawa ko nung hinawakan ni Ish ang balikat ko. “ Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sa’min kung saan mo ililigtas si Elsa? Mapapadali ang pagliligtas natin sakanya kung sasama kami.“
“ Kaya ko siyang iligtas ng mag isa. Kaya pwede ba alisin mo yang kamay mo.“ Sagot ko sabay alis ng kamay niya. Gusto ko mang sabihin sa inyo..pero..
“ Hawak namin si Elsa.“
“ Tangina! Hoy! Wag niyong gagalawin si Elsa! “ Bulyaw ko sa kausap ko pero tinawanan lang ako ng bwesit na’to kaya mas lalong uminit ang ulo ko.
“ Suplado ka parin hanggang ngayon.“ Natatawang sagot niya. Tsaka ko lang napansin na parang pamilyar sakin ang boses niya. “ Hindi mo na ba ako natatandaan? Kasi ako tandang tanda pa kita. Natatandaan ko nga rin yung sinabi mo sa’kin noon na kahit sino pa ako, sa oras na galawin ko ’tong babae mo, di ka magdadalawang isip na patayin ako. Tama ako diba? “ Ramdam ko sa tono ng pagsasalita niya na naghahamon niya. Natatandaan ko na ang taong ito..
Naging kasamahan ko ’to dati. Si Eric Fortalejo ng grupong Crosser noon
“ Gusto mo siyang iligtas? Pumunta ka dito nag mag isa at walang kahit anong baril na dala. Sa oras na malaman kong may kasama ka at may dala kang armas, automatic, sabog ang ulo ng babaeng ’to.“ Parang nanghina ako bigla sa sinabi niya. At mas lalo pa akong nanlumo nung marinig ko ang boses ni
Elsa.
“ Pakiusap huwag niyo siyang ida–“
Nakaring ako ng malakas na sampal sa kabilang linya na nagpitigil sakanya “ Tumahimik ka!! “
Kainis!
“ Wag niyo siyang sasaktan. Pakiusap.“ Wala na akong magawa kundi ang magmakaawa nalang. Bwesit!
“ Bilisan mong pumunta dito. Baka mainip ako.“
Matapos kong makuha ang leather jacket at helmet ko ay lumabas na agad ako ng mansyon para kunin ang motor ko.
Medyo nagulat pa ako dahil andun silang lahat sa labas nakaabang. At mukhang hinihintay ako.
“ Hell sigurado ka ba talaga dyan sa decisyon mo? Pakiusap hayaan mo rin kaming tumulong.“ Nilingon ko si Virgel at kita ko sa mukha niya ang disedidong tumulong. Maski ang iba ay ganun din ang makikita mo sa mga mata nila. Naiintindihan ko naman sila. Alam kong nag aalala rin sila para kay Elsa pero wala akong magawa ngayon kundi ang tanggihan ang alok nilang tulong.
Sa ngayon ang tanging magagawa lang nila ay ang magtiwala.
Magtiwalang maibabalik ko si Elsa ng ligtas.
“ Ibabalik ko siya dito.“ Yan lang tanging sinabi ko sakanila bago ko pinaandar ang motor at pinaharurot.
Parating na ako Elsa.
[ Elsa’s PoV ]
“ Frost, yung plano natin. Wag mong kakali–“
“ Tangina oo na nga! Kanina kapa plano ng plano jan eh! “
“ Pfft. Oh relax. Pinapaalala ko lang.“
“ Pinapaalala eh halos minu-minuto mo na yang sinasabi kanina pa! “
Sinubukan kong tanggalin ang lubid na nakatali sa kamay ko sa likod pero masyado itong mahigpit. Isama mo pa yung lubid na nakatli rin sa tiyan ko dito sa bangkong inuupuan ko.
“ Hoy kayo.“ Natigil naman sila sa pag uusap nung tinawag ko sila. Tumingin sila sa’kin ng sabay. “ Pakawalan niyo ako dito! “ Sigaw ko sakanila sabay pagpupumiglas pero wa epek. Tinawanan pa nila ako.
“ Relax lang yang butchi mo jan. Baka puputok yan.“ Pang aasar nung isang may kulot na buhok. Kainis naman.
“ Ano bang kasalanan ko sa inyo? “
“ Kasalanan? Actually wala ka namang kasalanan sa’min.“
“ Eh ba’t niyo ako dinukot?! Dinamay niyo pa si Hell! “ Lumapit naman yung isang lalaki na kulot ang buhok at hinawakan ng mariin ang magkabilang pisngi ko. “ Mali. IKAW ang nadamay dito at hindi si Hell. Ginawa ka lang naming pain para itumba ang kasintahan mo “
“ A-ano?! Anung kasintahan? H-hoy hindi ko boyfriend yung lalaking yun! “ A-ano bang kasintahan ang pinagsasabi nito?! Pauso din eh.
Kita ko naman siyang natawa sa reaksyon ko. “ So hanggang ngayon ay hindi parin pala umaamin yung lalaking yun sayo? Wala pala yun eh “ Sabi pa niya sabay tawa.
“ Anong ibig mong sabihin? “
“ Matagal ka ng gusto ng hayop na’yun.“ Natulala ako saglit sa sinabi niya. Si Hell? M-matagal ng may gusto sa’kin? Parang nag init nalang bigla ang pisngi ko. Ano na naman bang pauso ang pinagsasabi nito? A-ang imposible naman ata ng sinasabi niya. Ako? G-gusto ni Hell?
“ Tangna, wala talagang pinipiling lugar ang mga babae kapag kinikilig sila. Kahit nasa mapanganib nanga sila na sitwasyon ay nakukuha pa ring kiligin. Tangna talaga “ Usal nung isang lalaki na naglilinis ng baril tapos ay tumawa din yung kulot.
“ A-at sinong maysabing kinikilig ako?! Ba’t ba ang dami niyong pauso?! “
Pagkatapos namang tumawa nung kulot bigla siyang tumingin sa’kin. “ Sorry ha pero puputulin ko muna yang kilig mo.“ Sabi niya sabay bigay sa’kin ng isang seryosong tingin sa’kin “ Si Hell ang aming main target sa misyon naming ito. At andito kami ngayon para patayin siya.“
Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba sa sinabi niya. Parang saglit tumigil sa pag ikot ang lahat. Papatayin ni Hell? Tulala at wala sa wisyo naman akong sumagot sakanya. “ Nagbibiro lang kayo diba? “ Di ko alam na bumabagsak na pala ang mga luha ko. Nawalan na ako ng isang napaka importanteng tao sa buhay ko. At ayoko ng maulit pa yun…kahit kailan
“ Pakiusap wag niyo siyang papatayin. K-kahit ako nalang. Pakiusap ako nalang..“ Tinignan ko sa mga mata yung lalaki sa harapan ko. Napansin ko pang medyo nagulat siya sa inasta ko. Pero agad din naman niya yung binawi at agad tumalikod.
“ Pasensya na “ Yan lang ang sinabi niya bago siya naglakad palayo dito sa kinauupuan ko.
[ Spot’s PoV ]
Nagsindi ako ng sigarilyo at agad kong hinithit ito.
Pansin ko namang lumapit si Frost sa’kin “ Anong problema? Ba’t parang nalugmok ka ata nung tinignan ka nung babae? “ Kinuha niya ang lighter na hawak ko tsaka nag sindi rin siya ng sigarilyo.
Lumingon ako sa likod at kita ko si Elsa na nakatingin sa’min. Binalik ko naman agad ang tingin sa bintana na nasa harapan ko.
“ Bigla kong nakita si Jannette sakanya.“ Napangiti ako ng mapait. Tangina.
“ Pakiusap wag niyo siyang papatayin. K-kahit ako nalang. Pakiusap ako nalang..“
“ Pakiusap wag mo siyang papatayin. K-kahit ako nalang. Pakiusap ako nalang..“
“ Umalis ka jan! Papatayin ko ang hayop na yan! “ Pinilit kong alisin si Jannette na nakaharang sa harapan ko pero ayaw niyang patinag. Ayaw niya umalis sa harapan ng lalaking yun. Baket niya pinoprotektahan tong hayop na’to?
“ Ba’t nagawa mo sa’kin to, Jannette? “ Hindi ko alam kung para saan ’tong luha ko na tumutulo ngayon. Kung sa galit ba o sa sakit na nararamdaman ko. “ Sabi mo sa’kin mahal mo ako diba? Kaya baket Jannette? Baket nagawa mo akong lokohin? “ Agad kong pinahiran ang mga luha ko. Kasalanan to ng hayop
na’to!
“ Umalis ka jan! Magbabayad yang hayop nayan! “ Buong pwersa ko na siyang inalis sa harapan ko at nung maalis ko na siya ay agad kong itinutok ang baril sa lalaking gustong gusto ng patayin.
Pero ang bilis ng pangyayari.
Kasabay ng pagkalabit ko sa gatilyo, ay may biglang yumakap sakanya.
At..
BANG!!
Napapikit ako ng mariin para pigilan ang kung ano mang tutulo sa mga mata ko.
Naaalala ko ang mapait na pangyayaring yun.
Nakarinig kami ng tunog ng motor na papalapit dito sa abandunadong gusaling kinatatayuan namin. Mukhang parating na siya. Agad ko namang tinignan si Frost. “ Frost, yung pla–
“ Ano?! Plano na naman?! “
“ Pfft. Oo, pumwesto kana.“
[ Hell’s PoV ]
Pagkarating ko dito sa abandunadong malaking warehouse ay agad ko ng pinasok ang loob nito. Inaasahan ko na may magbabantay sa lugar na ito pero wala akong maramdamang presensya ng tao. Sobrang tahimik ng lugar. Tinahak ko lang ang nag iisang daan nitong gusali nato hanggang sa dinala ako sa isang malawak na lugar. May mga konting ilaw ang nakabukas kaya medyo nakikita ko ang paligid.
At sa dulo ng kinatatayuan ko ay may naaaninag akong babae na nakaupo–mali, nakatali siya sa isang upuan. Nakadungo ito kaya di ko maaninag ang mukha niya. Si Elsa ba yan?
“ Elsa? “ Tawag ko pero parang di niya ako naririnig. Kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan niya. “ Hoy..“ Dahan dahan naman siyang napaangat ng tingin sa pangalawang tawag ko. At di nga ako nagkamali.
Napansin kong nangingilid pa ang luha niya. “ Hell..“ lalapit pa sana ako ng kaonti sakanya ng maramdaman kong may papalapit na bagay na tatama sa likod ko–perot huli na nung mapansin ko yun. Isang malakas na hampas ng isang bangko ang tumama sa likuran ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ay nawasak ito.
“ HELL!! “
Napaluhod ako dahil sa sakit. Kainis!
“ Alam mo bang hindi lahat nagpapaka bayani ay nagtatagumpay? “ Nilingon ko ang lalaking nagsalita. Ang laki na ng pinagbago niya. Dati mukha pa tong tao pero ngayon ay ibang iba na.
Pinilit ko ang bumangon at matalim akong tumingin sakanya. “ Minsan na akong natakot sa mga titig na yan. Pero iba na ang sitwasyon natin ngayon.“ Binigyan niya pa ako ng isang mapang asar na ngiti kaya nag init bigla ang ulo ko at walang pagdadalawang isip ko siyang sinugod.
Magbabayad ka!
[ Virgel’s PoV ]
“ Boss ako ang nahihilo jan sa ginagawa mo eh.“ Tinignan ko si Kael nung magsalita ito. “ P-pasensya na.“ At itinigil ko na ang paglalakad ng pabalik balik. “ Nag aalala lang ako sa kanilang dalawa. Baka mapano ang mga yun.“ Umupo ako sa tabi ni Ish na ngayon ay lalaptop.
“ Relax ka lang Bossing.“ Pagkalma sa’kin ni Benz. Paano ako makakapag relax kung dalawa sa mga kaibigan ko ngayon ay nasa mapanganib na sitwasyon.
“ Sa wakas! “ Sigaw ni Ish kaya napalingon kami sakanya. “ Alam ko na kung saan natin mahahanap sila Hell.“ Sabi pa niya habang nakatingin sa kanyang laptop kaya tumingin rin kami dito.
Para siyang maliit na mapa at may makikita kang kulay pula na umiilaw.
“ Naglagay ako ng maliit na tracking device nung hinawakan ko ang balikat niya kanina. Buti nga at hindi niya nahalata.“ Dagdag niya. Agad naman siyang pinalo ni Benz sa likod. “ Galing mo talaga Ish! “ Pero mukhang napalakas ata yung pagkakapalo niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Ish. “ Gusto mong hambalusin kita nitong laptop ko?! “
“ Hehehe sarreh ^o^V “ Benz
“ Ihahanda ko na ang kotse. Maghanda narin kayo.“ Utos ni Hugo kaya kumilos na kami agad. Kanya kanya ng kuha ng mga armas ang tatlo samantalang ako heto wala na namang dadalhin.
[ Third Person’s PoV ]
Napabulwak ng dugo si Hell nung matamaan siya ni Spot gamit ang malakas na sipa sa sikmura niya. Pero mabilis din naman niyang nahawakan ang binti ni Spot at mabilis niyang sinipa ang isang binti nito dahilan para matumba si Spot. At nung matumba ito ay agad pumaibabaw si Hell at inulanan niya ng malalakas na suntok ang kalaban.
Walang tigil sa pagsuntok si Hell pero lahat ng iyon ay nasasangga ni Spot. Medyo mahina talaga siya pagdating sa mano manong labanan.
Nang makabwelo naman si Spot ay mabilis niyang naitulak si Hell gamit ang isang sipa niya.
Parehong hinihingal ang dalawa nung magkatinginan sila. Sabay pa silang nagpahid ng dugo malapit sa bibig nila.
Dahan dahan tumayo ang dalawa para paghandaan ang susunod na round ng paglalaban nila.
“ Matibay ka talaga. Kahit malaking pinsala na ang natamo mo sa paghampas ko ng bangko sayo kanina ay nakuha mo pa ring makipagsabayan sa’kin.“ Ani Spot at nakuha pa nitong ngumisi kahit medyo nanghihina narin siya.
Kung matalo man siya dito, alam niyang tagumpay pa rin nilang mapapatay si Hell dahil sa huling baraha nila.
“ Handa ka na ba para sa susunod na laban? “ Nakangising tanong ni Spot kay Hell.
“ Tang*na mo.“ Usal ni Hell at muli, siya ang unang sumugod.
Habang naglalaban naman ang dalawa, sa taas ay napahikab ang naiinip na na si Frost. “ Ang tagal namang matapos ng mga hayop na ’to.“ Sumilip siya sa scope o yung pang sight ng hawak niyang sniper at kita niyang naglalaban pa rin yung dalawa ng mano mano. “ Tanga din nitong Spot na’to eh. Kung binaril niya nalang sana si Hell kanina pa, malamang tapos na sana kami ngayon sa misyon namin.“ Napailing nalang siya sa naisip niya. “ O di kaya sana ako nalang lumaban kay Hell. Siguro wala pang limang minuto ay matatapos ko na ang agad ang laban.“ Dagdag pa niya.
Sa kabilang banda rin ay di na mapigilan ni Elsa ang mapaiyak. Sobra na siyang naaawa kay Hell. Bugbog na ng husto ang katawan nito at mukhang hindi na niya kayang lumaban pa. “ Pakiusap tumigil na kayo! “ Sigaw ni Elsa sa gitna ng pag iyak niya. Alam niya, alam niyang hindi ganun kasama si Spot gaya ng pinapakita niya. Pansin niya yun nung nagkatitigan silang dalawa kanina. Kita niya sa mga mata nito na hindi masamang tao si Spot.
[ Hell’s PoV ]
Nakakaramdam na ako ng panghihina dahil sa dami ng dugo ang nawala sa’kin. Bwesit! Ang hina ko talaga kapag wala akong hawak na baril.
Di ko na magawang sanggain pa ang mga sipa at suntok na sumasalubong sa’kin dahil hinang hina na ako.
Tangna. Dito pa ba matatapos ang buhay ko?
Tinignan ko saglit ang direksyon kung saan nakaupo si Elsa. Umiiyak siya.
Umiiyak siya…
Saglit bumalik sa alaala ko lahat yung mga panahon na lagi akong nahuhuli sa pagliligtas sakanya.
Hindi ko na naman ba siya maililigtas?
Mabibigo na naman ba ako sa pagprotekta sakanya?
Ba’t ganun?
Lage nalang akong nabibigo pagdating sayo.
Lage nalang akong pumapalya..
Lage nalang akong nahuhuli..
Siguro nga ay wala akong kwentang tao. Hindi katulad ni Elon na laging nagtatagumpay na ipagtanggol ka. Nakakainis.
Nakakainis.
-To be Continued…
-MajorSin
Episode 34: Catching Bullets
Episode 34: Catching Bullets
[ Hell’s PoV ]
Flashback
“ Isang ice cream pa nga kuya.“
“ Antakaw mo talaga. Pang limang ice cream mo na yan ah.“
“ Eh ano naman? Masarap eh.“
Tss, ang sabihin mo ang baboy mo! Di nalang ako nakipagtalo dahil alam kong di papatalo ’tong engot na to.
“ Elon, gusto mo? “
“ Hehe sige ba.“
“ Kuya isa pa nga para sakanya.“
Umiwas na ako ng tingin dahil nagsimula na naman uminit ang ulo ko.
“ Huy “ Bigla akong kinulbit ni Elsa kaya kunot noo akong tumingin sakanya. “ Ano? “
“ Gusto mo din? “ Nakangising tanong niya sabay lahad ng ice cream na hawak niya. Umatras pa ako ng konti dahil ang lapit ng mukha niya. Kainis. “ Hindi.“ Matigas na sabi ko sabay iwas ng tingin.
“ Eeedi waaag. Oh heto ang sayo Elon. Masarap yan.“
“ Talaga? Matikman nga..hmmm masarap nga.“
“ Sabi naman sayo eh.“
-____- bwesit
“ Uy ang ganda oh.
“ Tumigil kami sa isang tindahan na nagbebenta ng mga kwentas, singsing, borloloy at kung ano pa mang walang kwentang mga bagay na yan. “ Anong maganda jan? Ang papanget! “
“ Anong panget? Maganda kaya. Diba Elon? “
“ Hehe oo.“
Kumuha siya ng tatlong pares ng kwentas na may nakasulat na Best Friends Forever at ibinigay samin ni Elon ang dalawa. BestFriends Forever? Tss ang corny talaga ng engot na’to kahit kailan. At sa’kin pa talaga binigay yung “Friends” at kay Elon naman yung “Best”. Tangna, nananadya ba to? Tss!
“Isuot niyo yan ah.” Sabi pa niya sabay ngiti. Bago pa ako matulala sa ngiti niya ay umiwas na agad ako ng tingin. Putik na ngiti yan -__-
“ Magkano lahat ale? “
“ 150 lang yung tatlo hija.“
“ Wait lang po, kukun–HALA!! YUNG BAG KO!! “ Pagkasigaw ni Elsa niyan ay may biglang bumangga sa may likuran ko kaya muntikan na akong madapa. Bwesit sino yun?!
At tsaka ko lang napansin na bitbit nung nakabangga sa’kin yung sling bag ni Elsa. Gago yun ah! Hahabulin ko na sana ang ungas na yun para kunin ang bag niya pero..
Naunahan na naman ako.
Mabilis na nahabol ni Elon ang magnanakaw at nahuli niya ito sa dun may unahan. Ang weird din nitong Elon na’to eh. Ang lampa lampa tignan dahil sa salamin niya pero pagdating kay Elsa nag iiba siya.
Bumalik naman agad si Elon na bitbit ang bag ni Elsa. “ Heto Elsa.“ Sabay abot niya ng bag. Mabilis namang yumakap si Elsa sakanya. “ Maraming salamat Elon. Ang dami ko na talaga utang sayo.“
Huli kana naman Hell..
Eh ano pa bang bago? Lagi naman eh.
Lagi ka namang nahuhuli.
Agad ko ng inalis ang tingin sakanila at umuna na akong maglakad.
Kainis
End of Flashback
Bata pa lang tayo ay pinangako ko na sa sarili ko na poprotektahan kita kahit na anong mangyari. Pero kahit kailan ay hindi talaga nakikisama sa’kin ang oras at pagkakataon. Lage nalang akong nahuhuli.
Lumaki na tayo pero hanggang ngayon heto pa rin ako. Laging nabibigo na protektahan ka.
“ Dito na matatapos ang lahat.“
Nakahandusay na ang katawan ko. Ubos na ang lakas ko. Di ko na kaya.
“ HELL! “
Ulit akong napatingin sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Gusto ko mang punasan ang mga luha niya pero di ko ito magawa. Gusto ko mang lumapit sakanya pero sa tingin ko ay huli na ang lahat.
Tangna, huli na naman. Huli na naman ako.
Biglang naglabas ng baril si Eric at itinutok ito sa ulo ko kaya hinang hina akong lumingon sakanya. “Ang swerte mo alam mo ba yun?” Sabi pa niya. “Ang swerte mo dahil pinapahalagahan ka rin nung taong iniingatan mo.” Tinignan ko siya. At di ko alam kung baket…
kung baket may tumutulong luha sa mga mata niya ngayon.
Nagulat nalang ako nung may biglang sumipa sakanya dahilan para tumilapon siya sa kinatatayuan niya. At pagtingin ko sa gilid ko.
“ Ayos ka lang Hell? “ Virgel? Nakita ko silang sabay-sabay na dumating at lumapit sakin
K-kayo? Paano niyo.
Inalalayan nila akong tumayo. “ Andito na kami.“
“ B-ba’t kayo pumunta dito? “ Agad nanlaki ang mga mata ko nung may mapagtanto ako
“ Gusto mo siyang iligtas? Pumunta ka dito nag mag isa at walang kahit anong baril na dala. Sa oras na malaman kong may kasama ka at may dala kang armas, automatic, sabog ang ulo ng babaeng ’to.“
Pagtingin ko kay Eric ay kinuha niya ang baril at sinabing.. “ Diba sabi ko pumunta ka dito ng mag isa? Sa tingin ko ay sinuway mo ang sinabi ko. At alam mo naman siguro kung ano ang kapalit.“ Agad nanlaki ang mga mata ko ng tinutok niya ang baril na hawak niya sa kinauupuan ni Elsa.
Hindi..
Agad kong pinilit ang sarili ko na tumakbo papunta kay Elsa.
Hindi pwede..
Hindi ako pwedeng mahuli. Pakiusap, wag ngayon. Kahit sa pagkakataon lang na ito. Pakiusap, kailangan kong iligtas si Elsa..
Nung malapit na ako kay Elsa ay binuhos ko na lahat ng lakas ko para makatalon ako. At Isang putok ng baril nalang ang umalingaw ngaw sa paligid. Pagkatapos ng ingay na ’yun ay isang katahimikan ang bumalot sa paligid
Napangiti ako ng bahagya.
Buti at sa pagkakataong ito..
Hindi na ako nabigo na protektahan siya.
“ HELL!!! “
Pinilit kong tumayo pero di ko na iyon magawa. Halos wala na akong natitirang lakas pa. Kaya wala na akong magawa pa kundi ang gumapang papunta kay Elsa.
“ H-Hell..“ Nung makalapit ako sa kinaroroonan niya ay pilit kong itinaas ang kanang kamay ko para maabot ko ang pisngi niya at mapunasan ito.
Gusto ng pumikit ng mga mata ko sa sobrang pagod pero pinilit ko ito para tignan kahit sa huling pagkakataon man lang ang taong pinakamamahal ko.
Kahit nahihirapan ay pinilit ko ang ngumiti. “Ligtas kana, Elsa. M-magiging maayos din ang lahat.”
At naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.
“H-hinde..HELL!!!”
[ Spot’s PoV ]
Natigilan ako sa ginawa niya. Sinalo niya ang bala para kay Elsa. Pangalawang beses ko ng nakita ang pangyayaring ito. Sa tingin ko hanggang ngayon ay hinahabol parin ako ng konsensya ko.
Jannette…
Nakita kong mabilis na lumapit ang mga kasama niya papunta sakanya.
“ HELL!! “
Naibagsak ko nalang ang baril na hawak ko. Ganun ba talaga pag mahal mo ang isang tao? Na kahit bala ng baril ay kaya mo saluhin maprotektahan mo lang ang minamahal mo?
Kung ganun man, siguro nga ay mahal na mahal niya ata talaga ang lalaking ’yun. Nagmahal lang pala ako ng taong iba ang minamahal. Tangna.
Tumayo ako sa pagkakaupo. Wala ng silbi pa ’tong buhay ko. Mabilis naman akong nakailag nung may biglang umataki sa’kin. At pag lingon ko sa likuran. Isang bata ang tumambad sa’kin. Punong puno ng galit ang mga mata niya. “ Magbabayad ka!“
Ngumiti ako ng palihim.
Siguro ito na nga tamang oras. Sa mga kasalanang nagawa ko, siguro ay oras na para pagbayaran ko ang lahat ng yun.
Sa sobrang bilis ng kilos ng nasa harapan ko ay mabilis siyang nawala sa paningin ko. At naramdaman ko na lang ang pagkahilo nung matamaan ako sa ulo ng isang napakalakas na sipa sa mukha ko, sunod ang isang suntok sa sikmura. At ang bilis ng pangyayari..
Nahuli ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa malamig na semento, at nasa ibabaw ko na ang batang ito. Sino kaya ang batang ito? Sobrang lakas niya. Naramdaman ko nalang ang dulo ng baril na nakukutok sa noo ko.
Pinikit ko na ang mga mata ko. Dito nanga ata matatapos ang lahat.
[ 3rd person’s PoV ]
“ Bwesit “ Usal ni Frost nung makita niyang tinutukan na ng baril ang kasama niyang si Spot ng isang bata. “ Ano bang ginagawa niya? Nagpapatalo siya sa isang bata?! “ Agad naman niyang tinarget si Virgel gamit ang sniper niya. Nasa gitna na ng crosser ang ulo ni Virgel at handang handa na niyang kalabitin ang gatilyo ng armas niya.
“ Ako na ang tatapos nito.“ Kakalibitin na sana niya ang gatilyo ng may mapansin ang isang mata niya na kumikinang sa tapat ng kinatatayuan niya.
At dahil medyo malayo, saglit niyang tinignan ang kumikinang na bagay na yun gamit ang scope o sight ng Sniper niya. At nung matapat ito sa kumikinang na bagay na yun, tsaka lang niya nalaman na salamin pala yun ng scope ng isa pang Sniper Rifle. Sa madaling salita, may isa ring tao ang may hawak ng Sniper ngayon sa tapat niya. At ang masama pa, diretso itong nakatutok sakanya.
Bigla siyang naparalisa sa kinatatayuan niya. Gusto ng utak niya na kalabitin ang gatilyo pero ayaw makisama ng katawan niya. Agad bumilis ang tibok ng puso niya ng makita niya ang lalaking may hawak ng sniper na nagtaas at binigyan pa siya ng isang dirty finger na parang nagsasabing “ Katapusan mo na.“
“ Naloko na..“ Huling usal niya bago siya matamaan sa ulo at natumba.
[ Ish’s PoV ]
“ Hell, gumising ka! Hell! “
Hinawakan ko ang pulso niya at sa kabutihang palad ay pumipitik pa ito..pero sobrang hina na.
Shit. Wag naman sana.
Sa balikat siya tinamaan kaya hindi masyadong delikado ang nangyari..pero ang masama, ang dami na ng dugo ang nawala sakanya. At kung di pa namin siya maidadala ngayon sa ospital..
Baka iyon pa ang ikamatay niya.
“ Dalhin na natin siya sa ospital.“ Hugo
Tinignan ko si Boss na nakapaibabaw dun sa lalaking bumaril kay Hell. At ngayon ay tinutukan na niya ito ng baril. Shit.
Lalapitan ko sana sila ng may bigla akong naaninag na kumikinang sa taas. At nung tinignan ko ito, isang lalaking may hawak ng Sniper ang nakita ko. At ang sniper na hawak niya ay nakatuon sa direksyon ni Boss.
Shit.
Sisigaw pa sana ako ng biglang ginalaw nung lalaki ang sniper niya at itinuon ito sa tapat ng kinatatayuan niya. Parang may tinitignan siya sa kabilang banda.
At ilang segundo ang lumipas, laking gulat ko nalang nung bigla siyang bumulagta. May umasinta sakanya!
Tinignan ko naman agad ang nasa tapat ng kinatatayuan niya, at dun may nakita ulit akong lalaki na may hawak na Sniper Rifle. Tumayo siya sa pwesto niya dahilan para maaninag ko ang mukha niya.
S-sya? Anong ginagawa niya dito?
Anong ginagawa ng isang Fuego dito?
Tumingin pa saglit si Nero sa direksyon namin bago ito tumalikod at naglakad palayo.
Niligtas niya si Boss? Pero….baket?
[ Spot’s PoV ]
“ Boss! Tama na yan! “ Napabukas ulit ako ng mata nung biglang sumigaw si Elsa. Pagtingin ko sa batang nasa harapan ko, ay biglang nagbago ang expresyon ng mukha niya.
“ Buhay pa si Hell. At kailangan madala natin agad siya sa ospital.“ Agad namang tumayo ang batang nasa harapan ko at mabilis lumapit kila Elsa.
“ Sayang lang at mukhang hindi pinaunlakan ng mga Virgo ang imbetasyon ko. Gusto ko pa namang makita at makausap ang kaunaunahang naging batang boss sa kasaysayan ng
Mafia.“
So siya pala ang sinasabi ni Mr. Emnacin noon na naging kauna unahang batang Boss sa mundo ng Mafia.
Napakalakas pala niya.
Dahan dahan naman nilang kinarga si Hell palabas nitong lugar na’to. Ang akala ko ay nakaalis na silang lahat pero may nagpaiwan pa pala.
“ Sana hinayaan mo nalang ang Boss mo na wakasan itong walang kwentang buhay ko.“ Sabi ko sakanya.
“ Marami pa ang nagmamahal sayo tandaan mo yan. Minsan lang tayong mabuhay kaya dapat ay sulitin natin ito.“
“ Maraming nagmamahal? Wala ng nagmamahal sa’kin.“ Napangiti ako ng mapait. Akala ko nga meron na eh. Akala ko lang pala yun.
“ May mga dadating pang tao sa buhay mo na sigurado akong pahahalagahan ka at mamahalin ka.“ Inilahad niya ang kamay niya kaya gulat akong napatingin sakanya.
“ Sa lahat ng ginawa ko sayo at kay Hell ay napakabait mo pa rin sa’kin.“
“ Alam ko mabait kang tao. Hindi kita kilala pero nakikita ko sa mga mata mo na mabait ka.“ Ewan pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Lalo na nung nginitian niya ako.
Hindi ko alam na may tao pa palang tinatrato ako ng ganito. “ Patawad..“ Sa dami ng gusto kong sabihin ay yan nalang tanging nasabi ko sakanya. Napakabait niya.
“ Oh siya aalis na ako. Kailangan ako ni Hell ngayon.“ Paalam niya sa’kin. Hindi na niya inintay pa ang sagot ko at mabilis niyang hinabol ang mga kasama niya
“ Mag iingat ka.“ Nasabi ko nalang.
Sana ay okay lang si Hell. Okay lang na mabigo ako sa misyon. Sa tingin ko ay kailangan ko ng tumiwalag sa Elfame para magbagong buhay. Sa mga nangyari sa’kin ngayon. Masasabi kong…maling landas ’tong tinahak ko.
Matapos kong makapagpahinga ng konti ay pinilit ko na ang tumayo. Kailangan ko ng umuwi. Hirap akong tumayo kaya ginamit ko pa ang dalawa kong kamay para maka balanse sa pagtayo. At nung makatayo ako ay inangat ko agad ang ulo ko para mapatawid ang pagtayo ko.
Pero halos tumigil sa pagtibok ang puso ko sa sobrang gulat nung may biglang sumulpot sa harapan ko.
“ V-Vonzo? Anong ginagawa mo dito? “ Biglang nanlambot ang mga paa ko kaya na out of balance ako. Mabuti ay nasalo niya ako.
“ Ayos ka lang ba? “ Tanong niya.
“ Oo. Umalis na tayo.“ Sabi ko pero bigla nalang siyang yumakap
“ Bago tayo umalis, may sasabihin muna ako. “ Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba sa tono ng pananalita niya “ Hayaan mong sabihin ko muna sayo ang dalawang sekreto ko.“ Agad niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko. “ Una, kapatid ko si Elsa. Pangalawa? “ At naramdaman ko nalang ang dulo ng baril na nakatutok sa tiyan ko. “ Ako ang pumatay kay Ace.“ At tatlong sunod sunod na bala ang naramdaman kong bumaon sa katawan ko.
Gulat akong napatingin sa tiyan ko na may tama ng tatlong bala…
Biglang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. H-hindi..
Tumingin ako sakanya. Napakahalimaw ng aura niya.
“ T-traydor ka..“
Sinasabi ko nanga ba…
Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking ’to.
Nasa panganib ngayon sina King at ang buong Elfame Clan ngayon.
To be Continued..
-MajorSin
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 35: Third Target of Elfame Mafia
[ Virgel’s PoV ]
Katahimikan. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa paligid namin ngayon. Walang ni isa ang gustong magsalita. Lahat kami ngayon ay tahimik na nagdadasal para sa nag aagaw buhay naming kasama.
Nasa tapat kami ng emergency room ngayon kung saan namin dinala si Hell at hinihintay nalang namin ang paglabas ng doktor. Sa bawat minutong dumadaan ay nadadagdagan ang kaba naming lahat. Mag iisang oras na kami dito pero hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas ang doktor.
Wag naman sana..
Tinignan ko sina Ish at kitang kita mo talaga sa mukha nila ang sobrang pag aalala. Si Elsa ay nag umpisa na namang umiiyak.
Anong magagawa ko para mapagaan ang loob nila?
Pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti. “ Oh ba’t ganyan yang mga mukha niyo? Matapang yun si Hell. Makakaya niyang lampasan to. Kaya wag na kayong mag alala jan.“ Tumingin naman silang lahat sa’kin. Hindi ako experto sa pagpapagaan ng loob pero bilang Boss nila, dapat ay may gawin man lang ako para kahit papano ay mabawasan man lang pag aalala nila.
“ Boss..“ Maya maya lang rin ay ngumiti na sila ng konti.
“ Tama..Matibay yun si Hell.“ Sang ayon ni Ish habang nakangiti ng kaonti. Tumango naman si Benz “ Tama ka jan Ish, sabi nga nila, matagal mamatay ang masamang damo–Aray!.“ Agad namang nakatanggap ng isang kutos si Benz galing kay Ish. “ Aray naman Ish. Nag jojoke lang naman ako eh“
pout
“ Jokjokin mo yang mukha mo! “ Pfft.
Medyo gumaan na sana ang pakiramadam ng lahat pero napahinto kami nung makita naming lumabas na ang doktor. Agad na namang bumalik ang kaba na nararamdaman namin.
“ Dok, kumusta ang kasama namin? “ Agad tanong ni Elsa.
“ Maraming dugo ang nawala sakanya. Kailangan natin ng blood donor para sa pasyente as soon as possible. May kilala ba kayong kamag anak niya? “
“ Anong type mo Benz? “ Biglang tanong ni Ish.
“ Type ko? Ahm..syempre yung maganda, maputi, malaki ang di–Aray! Baket na naman ba Ish? “
pout
“ Tanga! “ Ish
“ Wala ng pamilya si Hell. Ano ba ang blood type niya Dok? “ Tanong ni Elsa.
“ AB “
“ AB ako.“ Napalingon kaming lahat sa nagsalitang si Kael. “ Pwede ako Dok.“ Dagdag pa niya.
“ Maraming dugo ang kailangan natin. Okay lang ba yun sayo? “
“ Basta ba maililigtas niyo ang kasamahan namin.“
“ Kung ganun ay pumasok na tayo para maumpisahan na natin ang blood transfusion.“ Una ng pumasok sa loob ng emergency room ang doktor.
“ Maraming salamat Kael.“ Yumakap si Elsa sakanya.
“ Konting bagay lang naman ’to Elsa. Di mo na kailangang magpasalamat pa.“ Natatawa namang sabi ni Kael. Napakabait talaga ni Kael. Kahit di niya gaano kasundo si Hell ay nagpresenta pa rin siya para mailigtas ang buhay ni Hell.
At pumasok na sa loob si Kael. “ Mabait nga pala talaga yang kaibigan mo Bossing.“ Sabi ni Benz kaya ngumiti ako. Likas na talaga kay Kael ang tumulong kahit noon pa.
Napatingin kaming lahat kay Hugo nung magsalita ito “ Aalis na muna ako.“
“ Baket ka aalis? “ Hindi makapaniwalang tanong ni Ish. “ Kailangan tayo ni Hell ngayon, Hugo “
“ May aayusin lang ako sa companya.“ Sagot naman ni Hugo habang straight na nakatingin kay Ish.
“ Pansin kong medyo napapadalas na yang problema sa companya ah.“
“ Ganun talaga. Maraming nagsusubok na patumbahin tayo.“ Sagot niya “ Sige na, aalis nako.“
“ Mag iingat ka Hugo.“ Paalala ko. Ngumiti naman siya. “ Salamat Boss “ Pagkatapos ay umalis na siya. Parang kakaiba ang ngiti niyang iyon. May problema kaya si Hugo?
“ Napaka sipag talaga ni Hugo pagdating sa pagtatrabaho.“ Benz.
“ Lumaki kasi yang mag isa si Hugo.“ Sabi ni Ish. “ Actually marangyang Pamilya naman talaga ang mga Arsenal. At isang marangyang bata yan si Hugo noon. Pero isang gabi ang nagbago sa buhay niya. Pinatay ang buong pamilya niya nung gabing yun. Siya lang ang tanging nabuhay dahil itinago siya ng mga magulang niya sa isang tagong lugar ng mansyon nila. Simula nun ay lumaki ng walang pamilya si Hugo. Naging palaboy siya, ginagawa niya lahat ng bagay para lang mabuhay. Dumating nga din sa punto na pinasok niya pa ang pagtutulak ng droga dahil wala na siyang mahanap na trabaho. At di ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari sakanya. Isang araw ay nirecruit nalang siya ni Boss Vlad para gawing myembro ng Virgo Mafia. Iyon ang kwento niya sakin.“
Ang lungkot pala ng naging nakaraan ni Hugo, halos magkatulad lang kami ng sinapit. Medyo matagal na ako dito sa Virgo Mafia pero marami parin pala talaga akong hindi nalalaman tungkol sa grupo at sa mga myembro nito.
“ Lalabas na muna ako sandali.“ Paalam ko
“ Aalis ka din Boss? “ Ish
“ Hindi, magpapahangin lang ako. Babalik din agad ako.“
“ Gusto mo ng kasama Bossing? “ Benz
“ Hehe di na, bantayan niyo nalang si Elsa dito at antayin niyo nalang din ang paglabas ng doktor. Saglit lang naman ako.“
“ Sige mag iingat ka Boss.“ Tumango ako sakanila bago tumalikod at tinahak ang daan palabas ng ospital.
[ Veronica’s PoV ]
“ San ka galing Nero? “ Tanong ko agad sa kakadating lang na si Nero bitbit ang malaking Sniper na alaga niya. “ Mag mamadaling araw na ah.“
“May tinumba lang.” Maangas naman na sagot niya pagkatapos ay umupo siya sa bakanteng upuan nitong sala. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
“ Sino? Nagdispatsa kana naman ba ng hindi nagpapaalam sa Head Boss natin? “ Iba kasi to eh, sa oras na mabored siya o di kaya ay may mapagtripan, hinahunting niya agad ito gamit ang sniper niya.
“ Alam ko na.“ Kumunot naman bigla ang noo sa sinagot niya.
“ Ano? “
“ Alam ko na kung sino ang Head Boss natin.“ Sagot niya. Umiling naman siya at bahagyang ngumiti na tila hindi makapaniwala sa nalaman niya. “ Hindi ko alam na pinamumunuan pala tayo ng Boss ng mortal nating kalaban.“ Dagdag niya.
“ Pinaliwanag niya naba din sayo ang pinaplano niya para sa grupo?“ Tumango naman siya sa tanong ko. Mukhang unti unti ng pinapakita ni Mr. Acosta ang sarili niya sa mga Fuego. Mukhang nalalapit na oras ng sinasabi niyang pag iisahin niya ang Fuego at Virgo.
“ Yung batang paslit.“ Nagsalita ulit siya kaya muli akong tumingin sakanya. “ Yung batang kasama ng mga Virgo nung dumalaw sila sa burol ni Elon, hindi ako makapaniwalang siya pala ang Boss nila. At siya rin pala ang anak ni Head Boss Vlademir. Ang paslit na yun..napakalakas pala niyang bata.“ Tuloy tuloy na sabi niya kaya bigla akong naguluhan.
“ Ano bang nangyari? “
“ Inutusan ako ng Head Boss na protektahan ang anak niya laban sa dalawang Elfame na nakabangga nila kanina. At nung makita kong makipag laban yung anak niya dun sa isang taga Elfame, parang si Argo ang nakikita kong nakikipaglaban nung mga oras na’yun. Yung kilos niya, yung lakas niya. halos magkatulad sila ng galaw. Nung unang tingin ko sakanya ay inakala ko talaga na isa lamang siyang pipitsugi at lampang bata katulad ng iba jan. Pero mali pala ako. Maling mali ako.“ Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Parang hindi kapanipaniwala ang mga sinasabi niya. Minsan lang humahanga yang si Nero sa kakayahan ng isang tao. At tsaka isa pa, ang batang ’yun? Katulad gumalaw ni Argo? Imposible, eh halos wala nga siyang magawa dun sa mga umatake sakanya nung panahong niligtas ko siya dun sa gubat. Kaya panong naikumpara ni Nero si Argo sa batang ’yun?
Tumayo na siya sa pagkakaupo at mukhang magpapahinga na siya. Pero bago paman siya umalis ay may huli pa siyang sinabi. “ Nag aagaw buhay ngayon si Hell. At kagagawan yun ng mga taga Elfame. Sa tingin ko hindi lang tayo ang Target nila kundi pati ang mga Virgo rin. At kung di pa tayo kikilos, segurado akong mauubos at mauubos nila tayong lahat.“ Yan ang huling sinabi niya bago siya umakyat ng hagdan para pumunta sa kwarto niya. Ba’t parang naging kakaiba ang kinikilos niya? Lagi naman tong galit ah. Pero ba’t ngayon parang ang tino niyang kausap?
Dun nga pala sa sinabi niyang hindi lang kami ang target ng mga Elfame, tamang tama pala talaga ang plano ng Head Boss na pag isahin ang Fuego at Virgo. Dahil iisa lamang ang kalaban ng dalawang grupo.. Ano kayang meron sakanya? Ba’t parang naayon ang lahat sa mga pinaplano niya? Para bang nakikita na niya ang mga mangyayari sa hinaharap.
[ Virgel’s PoV ]
Paglabas ko sa ospital ay saglit akong naglakad lakad sa daan. Medyo tahimik na ngayon dahil mag aalas dose na ng hatinggabi. Tapos isama mo pa ang malamig na simoy ng hangin. May nakitang akong upuan dun sa may unahan kaya pumunta ako doon at tsaka umupo. Pagkaupo ko ay saglit akong napatingin sa kamay ko.
Muntik na naman akong makapatay kanina. Buti at napigilan ako ni Elsa. Ang akala ko ay ma kokontrol ko na ang sarili ko sa ganoong klaseng sitwasyon, pero mukhang hindi pa pala. Nawawala pa din ako sa sarili ko. Kapag nakikita kong nasasaktan ang mga kaibigan ay bigla nalang nagdidilim ang paningin ko.
May bigla namang dumaan na lalaki sa harapan ko, at sa pagdaan niya, may nahulog siyang gamit sa tapat ng inuupuan ko. Pagtingin ko, isa pala yung wallet. Kinuha ko naman agad yun at tinawag yung lalaki. “ Teka sandali.“ Tawag ko pero parang hindi niya ako nadidinig dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Kaya naman ang ginawa ko ay sinundan ko siya. “ Teka! Yung wallet niyo po! “ Ba’t parang pabilis ng pabilis ang paglalakad niya?
Dahil sa paghahabol ko sakanya ay di ko namalayang nasa isang tahimik na lugar na pala kami. Biglang huminto yung lalaki dito sa isang madilim na lugar. Tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito sa kinatatayuan namin.
Parang may mali…
Tinignan ko ulit ang wallet na hawak ko. Pagtingin ko ay wala itong laman na kahit ano. At pagtingin ko ulit sa lalaking may ari nito, nakaharap na ito sa’kin at yung suot niya iba na. Isang puting pang ninja suit na ang suot niya ngayon. Ganito din yung suot nung mga humahabol sa’kin dun sa gubat.
Ano ba talagang kailangan nila sa’kin?
Napahakbang ako ng paatras nung makita ko siyang umabante. Itinaas niya ang kanang kamay niya na parang nagsisign siya na may pinapalabas siya na mga kasama. Ilang segundo na ang lumipas pero wala pading lumalabas kaya naman huminto siya sa paglalakad at lumingon siya paligid.
Parang nagtataka siya dahil walang lumabas na mga kasamahan niya.
“ Na’san na kayo?! “ Sigaw niya pero walang sumagot. “ Bwesit! “ Usal niya pagkatapos ay mabilis siyang naglabas ng limang kunai sa likod niya at ibinato ito sa’kin, buti nailagan ko lahat. Pero sa pag ilag kong iyon ay mabilis siyang nakalapit sakin at sinipa ako sa mukha. Ang bilis ng kilos niya. Para talaga siyang ninja na napapanood ko sa mga palabas. Napakaliksi.
Umatake ulit siya pero sa pagkakataong ito ay sineryoso ko na na ang sitwasyon. Mabilis akong nakaiwas sa sipa niya at binigyan ko siya ng counter attack sa sikmura. Pero mabilis din siyang nakailag at tumalon ito paatras. Natigilan ako saglit sa bilis ng kilos niya. At naramdaman ko nalang ang pagdaplis ng isang kunai sa pisngi ko.
Narinig ko pa siyang natawa “ Mukhang kaya naman kitang tapusin dito na walang kasama “
Napahawak ako sa pisngi kong nadaplisan ng kunai. Pagtingin ko sa kamay ko..
Dugo…
Bigla nalang akong nakaramdam ng pagnanasa..
Pagnanasang tumapos.
Nakita ko ulit siyang sumugod “ Katapusan mo na! “
Biglang kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko.
Mabilis kong nahuli ang braso niya pagkatapos ay pinilipit ko ito ng napakalakas at rinig na rinig ko ang pagkabali ng mga buto niya sa braso. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya nung mapasigaw siya sa sobrang sakit.
Ngayon ay nasa likuran na niya ako hawak hawak ang braso niya na nakapilipit sa likuran niya. “ Sabihin mo sa’kin kung sino ang nag utos sa inyo.“
“ Wala kang makukuhang impormasyon sa’kin!!“ Ginalaw ko ulit ang nabaling braso niya dahilan para mapasigaw na naman siya. “ Hindi mo sasabihin? “
“ ARGHH! HINDING HINDI KO SASABI–“ Di ko na siya pinatapos pa at mabilis ko ng tinwist ang leeg niya.
Naglakad na ako pabalik ng ospital ng may mapansin akong kamay na nakahalata sa gilid ng daan. Lumapit ako doon para tignan kong sino yun. At pagtingin ko, isang walang buhay na naka ninja suit din ang tumambad sa’kin. Mukhang isa ata to sa mga kasamahan nung nakalaban ko kanina. Pagtingin ko sa unahan ay may nakita rin akong kasabit sa may puno na ganun din ang suot. Halos naging kulay pula na ang mga suot nila dahil sa mga dugo nila. Napalibot ako ng tingin, at tsaka ko lang napansin ang napakadami ng mga nakahandusay na mga katawan ng mga ninja na yun. Siguro sila yung tinatawag nung nakalaban ko kanina na hindi dumating.
Anong nangyari sakanila. Parang isang massacre ang nakikita ko ngayon sa dami ng nakahandusay. Sino ang may gawa ng lahat ng ’to? Napakabrutal ng pagkakapatay nilang lahat.
Bago pa may makakita sa’kin dito ay umalis na ako sa lugar na ito. Baka mapagkamalan pa akong ang pumatay sa kanila.
Pero sino nga kaya ang may gawa nun sakanila?
[ Someone’s PoV ]
Habang tinitignan kong nakikipaglaban si Virgel sa isa mga assassin na na naghahabol sakanya ay di ko maiwasan ang mapangiti “ Manang mana ka talaga sa kuya mo.“ Nasabi ko nalang sa isip ko. Parang isang batang Argo ang nakikita ko ngayong nakikipaglaban. Napakagaling at napakabilis gumalaw. Sigurado ako kapag lumaki siya ay magiging kasing husay siya ng kuya niya.
Andito pala ako ngayon sa isang rooftop nitong isang building.
“ Haay..ang tagal naman ni Argo.“
[ Chase’s PoV ]
“ Sigurado kaba jan sa sinasabi mo Vonzo? “ Ulit ng King na mukhang hindi makapaniwala sa nangyari. Maski kami ay nagulat din nung sabihin yun ni Vonzo.
“ Opo King, andun ako at kitang kita ko ang pagtapos ng mga Virgo sa buhay nila Spot. Gusto ko mang tumulong pero masyado silang madami.“ Sagot naman ni Vonzo.
“ Unti unti na nila tayong inuubos.“ Biglang umiksena si Queen Venus. “ Sa tingin ko ay dapat na natin ’tong tapusin.“ Dagdag niya. Kita naman naming umiling ang King. “ Hindi pa ito ang tamang oras mahal.“ Ibinalik naman niya agad ang tingin kay Vonzo. “ Paano ang target? Buhay ba? “
“ Kritikal ang lagay niya ngayon. Sa tingin ko ay hindi na yun mabubuhay pa.“ Sagot ni Vonzo. Tinignan ko saglit si Vonzo, ba’t parang may mali sa lalaking ’to. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko.
Natuon ang atensyon naming lahat nung bumukas ang pinto. “ Yo, pasensya na at nahuli ako.“ Sabi niya bago umupo sa bakanteng upuan na nakalaan para sakanya.
“ San kaba galing Asher? “ Tanong nung taga hirvana na si Cyrus.
“ Ang himbing ng pagkakatulog ko eh. Di ko narinig yung phone ko.“ Natatawa niya pang sagot. Di ko siya masisisi, di din naman namin iniexpect na mag mi-meeting ng ganitong oras, mag aala una na ng umaga. Ganun kasi talaga si King Casper, kapag kailangan ng isang pagpupulong, magpapatawag talaga siya agad. Kahit anong oras pa yan.
“ Dorothy..“ Tawag ni King. Tumango naman si Dorothy at nagdistribute na naman siya ng papel na naglalaman ng death list.
Napangiti ako nung makita ko ang sumunod kay Hell sa listahan. Sa wakas..
“ Ang next target natin ngayon ay ang Sniper Assassin at isa sa Walong Diablo ng Fuego Mafia na si Nero Guzman. Kasapi din siya sa Crosser na kinabibilangan nila Spot at Hell noon, At base din sa mga impormasyon na nakuha ng mga researcher natin sakanya, Bago siya naging myembro ng isang Mafia ay kabilang siya noon sa Armed Forces ng bansa at sa panahong iyon, siya ang tumapos sa higit kumulang tatlongpu’t limang maiilap na druglords dito sa asya. At maliban sa pagiging Sniper Specialist niya ay bihasa din siya sa close range fighting o Combat Fighting. Sa mga impormasyon na nakuha natin. masasabi kong hindi rin basta basta ang taong ’to. Ngayon, sino ang gustong magprisenta para sa pagtapos ng buhay niya? “
Tanong ni Dorothy. Nagtaas agad ako ng kamay. Kahit gaano pa kalakas ang taong yan, wala akong pakealam. Ang mahalaga sakin ngayon ay maipaghiganti ko ang ama ko na pinatay niya.
“ Sigurado ka? “
Tumango ako sa tanong niya. Mukhang naintindihn naman niya kya di na siya nagtanong pa. Nakita naman naming nagtaas din ng kamay ang malaking lalaki na si Cyrus Redrick.
So siya ang magiging partner ko.
“ Cyrus, Chase, kayo na ang bahala sa target.“ Wika ng King. Saglit naman kaming nagkatinginan ng makakasama ko. Mukhang malakas ’tong isang to. Mukhang mapapadali lang ang misyon naming ito. “ Salamat sa pagpunta, pwede na kayong umalis.“
Humanda ka Nero Guzman, oras na para pagbayarin mo ang buhay ng aking ama.
-To be continued..
-MajorSin
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode Thirty 36: The Sniper Assassin ( Nero Guzman )
[ Ish’s PoV ]
Matapos kong magbihis sa kwarto ko ay bumaba na agad ako sa sala para puntahan si Benz.
Mahigit isang linggo na rin ang lumipas simula nung nangyari kay Hell. Sa kabutihang palad ay tagumpay na nailigtas ng doktor ang buhay ni Hell. Medyo okay na siya ngayon. At andun siya sa ospital nagpapahinga. Malaki talaga ang pasasalamat namin kay Kael, kung di dahil sakanya ay malamang hindi makakaligtas si Hell.
“ Benz! Tara na! “ Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Asan na ba yung gago na yun? Bibisitahin pa namin sina Hell at Elsa ngayon.
“ BENJAMIN!! “ Sigaw ko. Anak ng, pagkababa ko ng tuluyan sa hagdan ay nadatnan ko si Benz na nanunood ng T.V -__-
“ HAHAHAHAHA! Grabe ano ba yan si Tom! “ Halos kapusin na siya ng hininga sa kakatawa. Abnormal talaga ’to. Ang babaw ng kaligayahan. “ Oh ayan! Sige habulin mo! Hahahaha ano ba yan! ang bobo mo naman Tom hahahaha! “
Bago pa mamatay sa kakatawa ang gonggong na’to ay binatukan ko na agad siya sa ulo dahilan para mapatigil siya sa pagtawa. Mabilis naman siyang lumingon sa’kin. “ He-hehe anjan ka na pala Ish.“
“ Kanina pa ako tawag ng tawag sayo gago.“
Umisod naman siya sa pagkakaupo. “ Halika nood muna tayo sandali, ang ganda na ng laban oh..malapit ng mahabol ni Tom si—“
“ Tara na! Para kang bata! “
Napakamot naman siya sa ulo “ Ay, sige tapusin ko lang tong episode na’to Ish ha, tapos aalis nadin ta—“
“ Anak ng, Tom and Jerry lang yan Benz! Tara na! “
“ Pero Ish last na ’to.“
“ Mamamatay kaba kapag di mo natapos yan? Ha? “ Bwesit ’to. Lakas magpainit ng ulo eh. Kakamot kamot naman niyang kinuha ang remote tapos ay inoff ang T.V.
“ Malapit na niyang mahuli si Jerry eh.“ Pagmamaktol pa niya habang nakanguso pa. Sarap tadjakan ng hayop.
Dumaan muna kami sa isang restaurant para bumili ng makakain nila Hell at Elsa. Sigurado akong gutom na gutom na ang mga ’yun. Pagkatapos bumili ni Benz ay dumiretso na agad kami sa ospital.
“ Ish, may napapansin ka bang kakaiba nitong nakaraan? “ Biglang tanong ni Benz kaya napalingon ako sakan—anak ng “ Ba’t mo kinakain yan?! Para kay Elsa at Hell yan!“ Nilagay naman niya agad ang hawak niyang paa ng manok dun sa supot. “ Hehe sarreh. Natakam kasi ako eh.“ Napailing nalang ako. Di ko na alam ang gagawin sa isip tipaklong na’to.
Habang tahimik akong nagdadrive ay bigla ulit siyang nagsalita “ Ish may napapansin ka bang kakaiba nitong nakaraan? “ Tanong na naman niya kaya napalingon ako sa—anak ng! “ Huwag mo sabing kainin yan eh! “
“ Ang sarap kasi talaga Ish eh. munch munch Ito tikman mo.“ Pigilan niyo ako uupakanan ko na talaga ’to! Pasalamat siya’t nag dadrive ako dito kundi..urgh! Di nalang ako pumatol at pinagpatuloy ang pagdadrive papuntang ospital.
“ Kumusta na siya? “ Tanong ko agad kay Elsa pagkapasok namin dito sa room kung saan naka confined si Hell. Wala si Hugo dito, busy na naman kasi siya sa Companya. Sina Boss at Kael naman ay may pasok ngayon. Kaya naman kami lang ang nandito ngayon.
“ Maayos na ang lagay niya. Nakakapagsalita narin siya ng matagal. Ang daldal nga eh.“ Sagot naman ni Elsa habang natatawa pa ng konti. Noong mga nakaraang araw kasi ay hirap pa siyang magsalita at ang bilis niyang mapagod. Mabuti naman at unti-unti ng bumabalik ang sigla niya. “ Ah siya nga pala may dinala kami ng pagkain. Ah Benz ibigay mo nga yang—“ Napatigil ako sa pagsasalita nung lingunin ko si Benz. Hawak hawak na naman niya ang isang paa ng manok. Anak ng!
Ngayon ay punong puno na ang bibig niya at Isusubo niya pa sana ang hawak niyang paa ng manok nung mabilis ko siyang batukan sa ulo. Muntikan pa siyang mabulunan. “ Kanina ka pa eh. Sabi ng para sakanila yan. “ Mabilis kong kinuha ang supot na naglalaman ng pagkain na hawak hawak niya.
“ KJ mo naman Ish.“
pout
Rinig ko namang natawa si Elsa. “ Ibigay mo na yan kay Benz. Kakatapos lang din naman kaming kumain eh.“ Sabi niya
“ Bumili ka ng pagkain niyo? “
“ Hindi. Bumisita sina Veronica at Stephan dito kanina at may dala silang pagkain at prutas.“ Sagot niya na nagpakunot ng noo ko. “ Yung mga Fuego? “ Di makapaniwalang tanong ko. At ba’t naman sila dadalaw dito?
“ Ang sabi nila gusto lang daw nilang bumawi dahil palagi din naming binibisita ni Hell si Elon noong nabubuhay pa siya. Sabi nila ayaw lang nilang magkaroon ng utang na loob sa’tin.“ Ngumiti muna siya bago nagpatuloy. “ Yun ang sabi nila pero iba ang nakikita ko. Sa tingin ko ay ginusto talaga nila ang dalawin si Hell.“
“ At anong gusto mong palabasin Elsa? Na mababait sila? “
Ngumiti lang ulit siya. “ Ewan pero yun ang nakikita ko.“ Sagot niya. Bigla ko namang naalala yung panahon na niligtas ni Nero si Boss. Punong puno talaga ang utak ko ng mga tanong nung mga oras na’yun. Baket niya niligtas si Boss? Baket andun siya sa lugar na’yun? Alam ba niya na may mangyayaring labanan dun sa lumang warehouse na ’yun? Paano niya nalaman?
“ Mukhang tama nga si Bossing. Hindi nga ata masasama ang mga Fuego.“ Biglang singit ni Benz.
“ Pero sila ang dumukot kay Boss Vlademir.“
“ Naisip ko narin ang bagay na yan Ish. At merong isang tanong ang nabuo sa utak ko.“
“ Ano yun Elsa? “
“ Sila nga kaya? Sila nga kaya ang dumukot kay Boss Vlad? “
“ Pero diba yung card—“
“ Bukod sa card na yun na may nakasulat na ‘Fuego Clan’ ay wala na tayong ibang patunay na sila nga ang dumukot kay Boss Vlad.“ Natahimik ako sa sinabi ni Elsa. Simula rin nung nawala si Boss Vlad samin ay wala kaming pagbabanta na natanggap mula sakanila. Nagtataka nga kami eh. Dahil chance na sana nila yun na patumbahin kami dahil wala na ang boss. Pero ni isang beses ay hindi nila kami ginalaw
Hindi nga kaya sila ang dumukot kay Boss Vlademir? Kung ganun, na’san siya ngayon?
[ Virgel’s PoV ]
“ Haaay “ Sa sobrang bored ay napasalampak nalang ako dito sa armchair na inuupuan ko. Walang teacher ang dumating sa subject namin ngayon kaya wala kaming ginagawa. Yung iba busy sa pagkwekwentuhan sa mga kaibigan nila, yung iba naman ay nagsusulat, yung iba nag rereview para sa quiz mamaya. Si Kael naman ay may kausap na tatlong classmate namin na babae. At ako…heto =___=
Haaaay..
“ Virgel..“ Napalingon naman ako sa katabi ko nung tinawag niya ako. “ Baket, Claire? “
“ May assignment ka naba sa History? “
“ History? May assignment ba tayo sa History? “ Natawa naman siya sa tanong ko. Ang hinhin naman niyang tumawa. Di katulad kay Agnes. Pfft. Wagas kasi yun eh hahahah.
“ Meron kaya.“ Natatawang sagot niya. Kinuha niya naman ang notebook niya sa bag niya pagkatapos ay iniabot nito sa’kin. “ O heto kopyahin mo. 50 points yan kaya di mo pwedeng mamiss yan.“ Dagdag niya na ikinalaki ng mata ko.
“ 50 points?! “ Agad kong kinuha ang notebook ko. Naloko na. Ba’t di ko alam na may assignment pala kami sa history na 50 POINTS?! Ayos ka din Virgel eh T.T
Kinuha ko agad ang notebook ni Claire at inumpisahan ko na ang pagsusulat—este pangongopya pala. “ Salamat at sinabi mo ang tungkol dito Claire. Kundi baka naitlog ako.“ Sabi ko sakanya habang mabilis na kinokopya ang mga nakasulat sa notebook. Narinig ko naman siyang natawa ng konti. Ang hinhin talaga niyang tumawa. “ Wala yun.“
[ Nero’s PoV ]
9pm
“ Isa panga.“ Utos ko sa waitress nung paubos na tong hawak kong bote ng alak. “ Sige, wait lang po sir.“
Habang tinutungga ko ang huling laman nitong hawak kong bote ng alak ay biglang nagkagulo yung mga nag iinuman dito sa harapan ng inuupuan ko
“ Gago ka! Pati Girlfriend ko tinira mong hayop ka! “
“ Siya mismo ang lumapit sa’kin tanga! Ang liit kasi ng sayo! “
“ Tangina mo “
Nagrarumbulan na sila sa harapan ko. Sarap sumali. Pero wag na, wala akong ganang makipagbugbugan ngayon. Sa ngayon ay gusto kong uminom.
“ Tawagin niyo ang mga bouncer! “ Rinig kong sigaw nung isang babae na umaawat.
Nakita ko namang lumapit yung waitress na inutusan ko bitbit ang dalawang bote ng alak. Pero sa paglapit niya, natamaan siya ng lumilipad na bangko galing dun sa nagrarambulan dahilan para matapon niya ang hawak niya.
Biglang uminit ang ulo ko sa nangyari. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit dun sa natumbang waitress. Yung alak ko, wala na.
“ Pa-pasensya na po sir…pa-papalitan ko nalang po.“ Ramdam ko sa boses niya ang kaba habang yuko pa ng yuko. Iniluhod ko ang isa kong bente para magkapantay kami. “Ayos ka lang?” Tanong ko. Tumango naman siya pero panay ang hawak niya sa may likuran niya na natamaan ng bangko kanina.
Tinignan ko ang mga nagrarambulan at walang tigil parin sila ginagawa nila. Bwesit.
Lumapit ako sakanila at humigit ng isang lalaki tapos ay sinuntok ko ng napakalakas. Dahil sa ginawa ko ay napatigil silang lahat. Yung iba naghahawakan pa ng kwelyo habang nakatingin sa’kin. “ Sino naman itong mayabang na’to? “ Tanong nung isang mukhang pako sa sobrang payat at tulis ng baba.
“ Natapon ang alak ko dahil sa kabaklaang ginagawa niyo.“ Tumawa naman yung nasa harapan ko. “ Kabaklaan pala ha.“ At walang pagdadalawang isip niya akong sinuntok. Natamaan ako sa suntok niya pero tae, ang bakla sumuntok. Sinuntok ko rin siya sa panga na ikinawala niya ng malay. “ Yan ang suntok ng isang lalaki! “ Maangas na sabi ko sa tulog na sinuntok ko pagkatapos ay dinuraan ko pa ito.
“ Aba’t bastos to ah.“ Usal nung isa tapos sabay-sabay pa sana silang susugod pero iniwat sila nung dalawang bouncer na kakarating lang. “ Tama na yan! Ikaw “ Tinuro ako nung isang baboy “ Umalis kana dito kung ayaw mo ng lumaki pa ang gulo.“ Dagdag niya.
Maangas naman akong ngumisi sakanya. “ Pano kung ayoko? “ Tanong ko sakanya. “ Mapipilitan akong patulugin ka. Kaya kung ako sayo umalis kana.“ Maangas din na sagot niya. Pwe. Hindi bagay sa isang baboy maging maangas. Mabilis ko naman siyang sinuntok sa panga at ikinatumba niya. Aakma pa sanang susugod sa’kin yung isang bouncer pero tumigil ito nung tumingin ako sakanya. “ Kakasa ka? “ Wala na, nag init na yung buong kalamnan ko. Parang gusto ko ng makipagbugbugan ng katawan ko.
“ Lumapit kayo! “ Paghahamon ko pero wala na ang ni isa ang lumapit. “ Wala pala kayo eh.“ Tumalikod na ako at naglakad palabas nitong bar na lagi kong pinupuntahan. Pero bago paman ako makaalis ay naparaan ako sa kinauupuan nung waitress. Hindi padin siya tumatayo. Mukhang nasaktan nga ata ng husto yung likuran niya. “ Kaya mo bang tumayo? “ Di siya sumagot sa tanong ko kaya ang ginawa ko ay binuhat ko siya palabas ng bar. Hindi naman siya nag react kaya tuluyan ko na siyang ipinasok sa kotse ko.
Habang nagmamaneho ako ay saglit ko siyang tinignan gamit ang rearview mirror. Tahimik lang siya at mukhang gulat na gulat parin sa nangyari.
“ Ituro mo nalang sa’kin ang daan papunta sa inyo..“ Tinignan ko ang nametag na nakasabit sa damit niya. “ Mary.“
“ O-opo sir.“
Itinuro naman niya ang daan hanggang sa huminto kami sa isang medyo maliit na bahay. “ Di-dito nalang po.“ Sabi niya habang hindi makatingin sakin. Bubuksan na sana niya ang kotse ng inawat ko siya. “ Ako na.“ Lumabas ako para pagbuksan siya. Inalalayan ko siya dahil mukhang nahihirapan padin siyang tumayo.
“ A-ah sir..ma-marami pong salamat. Patawad din at naabala pa ho kayo..“ Sabi niya habang nakayuko. “ Ba-bayaran ko nalang rin ho yung alak na natapon ko kanina.“
“ Kalimutan mo na yun. Magpahinga kana.“ Sabi ko sakanya. Unti unti naman siyang tumingin sa’kin tapos ay ngumgiti siya ng bahagya “ Maraming salamat ulit sir.“
“ Nero nalang. Sige aalis na ako.“
“ Mag iingat ho kayo Sir Nero.“ Pumasok na ako sa kotse pagkatapos ay umalis na.
Mary pala ang pangalan niya. Tuwing pumupunta ako sa bar na yun ay siya palagi ang humaharap sa’kin para tanungin ang order ko. At hindi ako tanga para di malaman na lahat ng waiter o waitress doon ay takot lumapit sa’kin. Maliban nalang sa babaeng ’yun.
[ Chase’s PoV ]
Habang pinagmamasdan kong bitbit ni Nero ang babaeng yun palabas nitong bar ay napangiti ako. “ Pwede natin siyang gamitin laban kay Nero.“ Sabi ko sa katabi kong si Cyrus na umiinom ng alak. Mahigit isang linggo nadin naming minamanmanan si Nero dito. Sabi kasi nung isang taga Hirvana na si Hiro Yushira na dito lang matatagpuan ang target namin. At di nga siya nagkamali.
Mahigit isang linggo narin ang palagi naming pagpunta dito. At sa tingin ko oras na para gumawa ng hakbang sa pagligpit ng Sniper Assassin na’yun.
“ Isang kaduwagan ang paggamit ng babae laban sa kaaway.“
“ Pero yun nalang paraan para mapadali ang pagligpit natin sakanya.“ Umiling naman siya sa sinabi ko “ Ikaw ang bahala.“
[ Mary’s PoV ]
Next night
“ Hoy Mary! “ Pagkapasok na pagkapasok ko sa bar ay agad lumapit sakin ang kaibigan ko na si Mestie na nagtatrabaho din dito sa bar. “ Anong nangyari sayo kagabi? Ayos ka lang ba? Ginahasa ka ba nung mukhang kriminal na yun? Sabihin mo sa’ken! Sabihin mo sa’ken! “ Natawa ako sa kaonti sa reaksyon niya. Ito talagang si Mestie, masyadong malawak ang pag iisip.
“ Hindi. Hinatid nga niya ako kagabi sa’min eh.“ Pasimple akong ngumiti matapos kong sabihin ’yun.
“ Hinatid? Weh? Totoo? Walang ginawang masama yung mukhang kriminal na yun sayo? “
“ Ano ka ba, wala nga. Sabi ko naman sa inyo eh. Hindi siya masamang tao. Hindi ko nga alam kung baket kayo natatakot sakanyang lumapit pag umuorder siya. Hinuhusgaan niyo agad ang pagkatao niya sa hitsura niya.“
“ Kung makapagsalita to. Eh ba’t parang takot na takot ka kagabi? “
“ Hindi ako sakanya natakot kundi dun sa nagrarambulan. First ko kayang makakita ng ganung pag aaway “
“ Eh yang likod mo? Okay na ba yan? “
“ Ah oo. Medyo kumikirot pa pero kaya ko naman.“
“ Okay sabi mo eh. Oh siya may gustong umorder oh. Ampopogi nila kuya kaya ako na ang pupunta. Hihihi.“ Napailing nalang ako. Iba talaga to si Mestie pagdating sa mga lalaki.
Napatingin naman ako sa entrance nitong bar. Pupunta kaya ulit siya ngayon dito.
Habang naghihintay ako ng tawag ng customer ay biglang bumalik si Mestie na nakabusangot. “ Oh anong nangyari Mestie? “
“ Ikaw daw ang gusto nilang kumuha ng order nila.“ Malungkot na sabi niya. “ Baket naman? “
“ Hindi ko alam. Maganda ba ako Bespren? “ Tanong niya habang nakatingin sa’kin at hawak hawak pa ang magkabilang braso ko. “ Oo naman. Ba’t mo naman natanong yan? “
“ Eh ba’t ayaw nila sa’kin? “
pout
“ Waiter! “
Agad nawala ang pagdadrama niya nung may tumawag ng waiter. “ Ay ako na dito. Ampopogi nila hihihi. Puntahan muna yung dalawa.“ Agad ko namang pinuntahan yung dalawang lalaki. “ Ah ano po ang order niyo Sir? “ Ngumiti naman sa’kin yung matangkad na lalaki. At hindi ko alam pero kinilabutan ako sa mga ngiti.
“ Anong gusto mo Cyrus? “ Tanong niya sa kasama nito.
[ Nero’s PoV ]
“ San kana naman Nero? Ba’t lagi ka nalang umaalis pag gabi? “ Awat ni Veronica sa’kin nung makita niyang paalis ako ng mansyon.
“ Iinom lang.“ Tipid kong sagot.
“ Alam mo namang isa ka sa target ng Elfame ngayon diba? Wag ka ngang pasaway Nero.“ Nilingon ko si Helena dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. “ Dalawa na ang nawala sa’tin. At ayaw na naming mawalan pa ulit ng kasamahan.“ Dugtong pa niya.
“ At sa tingin mo hahayaan kong mapatay ako sa mga kamay ng mga Elfame na’yun? Huwag mo nga akong maliitin! “ Matigas sabi sakanya. Di ko na inintay pa ang sasabihin nila at umalis na ako sa mansyon.
Pupunta ulit san ako sa bar na yun para uminom pero pagpunta ko dun, ang tahimik sa labas, at nakita kong nakabulagta ang dalawang bouncer na nagbabantay at may tama sila ng baril.
Shit si Mary!
Mabilis kong pinasok ang bar at pagpasok ko, tumambad sa’kin ang napakagulong lugar, walang tao ang makikita mo. Ang daming basag na bote at wasak na mga upuan ang nagkawatak watak. Ano bang nangyari dito?
Aalis na sana ako ng madapo ang tingin ko sa counter, may isang babae doon na halos wala ng malay. Mabilis kong nilapitan yung babae “ Anong nangyari dito? “ Tanong ko sakanya. May ibinigay naman siya sakin na isang piraso ng papel. At pagtingin ko, isang lokasyon ang nakasulat dito. “ Si…si Mary..ki- kinuha nila si Mary…“ Bigla nalang siyang umiyak “ Pakiusap iligtas mo si Mary…“
Walang pagdadalawang isip ko ng pinuntahan ang lokasyon na nakasulat dito sa papel. Sino naman kaya ang may kagagawan ng kahayupan na’to.
Elfame….
Natigilan ako sa pagtakbo nung sumagi sa utak ang Elfame Mafia..
“ Dalawa na ang nawala sa’tin. At ayaw na naming mawalan pa ulit ng kasamahan.“
Hindi. Kailangan kong harapin ’to.
Kung ako ang susunod nilang target. Magkapatayan na.
[ Virgel’s PoV ]
Haaay ang tahimik naman dito sa Mansyon. Kami lang ni Kael ang nandito. Si Elsa andun natutulog sa ospital kasama si Hell, si Hugo naman madalas nalang umuuwi dahil sa problema daw sa companya. At sina Benz at Ish naman ay pauwi palang.
Habang nanunood kami ng T.V ni Kael ay biglang bumukas ang pintuan. “ Anjan kana pala Benz, na’san si Ish? “ Siya lang kasi ang pumasok. “ Ewan ko dun, bigla nalang niyang hininto ang kotse at bumaba nung may makita siyang tumatakbo at sinabihan niya ako na umuna nalang daw akong umuwi.“
“ Sino ba yung nakita niyang tumatakbo? “
“ Uhmm..nabanggit niya yun kanina eh..ah tama, si Nero.“
“ Yung taga Fuego? “
“ Yep.“
[ Nero’s PoV ]
Nung makarating ako sa lokasyon ng sinasabi dito sa papel ay di nga ako nagkamali. Dalawang lalaki na nakasuot ng Elfame suit ang tumambad sakin. At hawak nila si Mary.
“ Andito na pala ang pinakamagaling na lieutenant ng bansa noon.“ Medyo nabigla ako sa sinabi nung matangkad. Alam niya ang tungkol sa pagiging militar ko? Susugurin ko na sana sila nung pinigilan nila ako “ Hephephep! jan ka lang kung ayaw mong sumabog ang bungo ng babaeng ’to.“
Kaasar! “ Ako ang kailangan niyo diba?! Pakawalan niyo siya! “
At medyo nagulat ako nung binitawan nga nila si Mary. Mabilis namang tumakbo palapit sa’kin si Mary habang umiiyak at diretso itong nakatingin sakin. Ngingiti na sana ako sa pag aakalang ligtas na siya. Pero nung tignan ko ulit yung matangkad na lalaki, ay nakakatutok na ang baril niya kay Mary..
Hindi..
Kitang kita ko pang pag ngisi niya bago niya ipinutok ang baril niya ng tatlong beses..
…………
…………………
H-hindi..
“ MARY!!! “
Agad ko siyang sinalo nung matumba siya. Hindi pwede. “ Mary..“ tinapik ko ang pisngi niya pero ayaw niyang gumising. “ Gumising ka..“
“ Ngayon sabihin mo sa’kin. Ano ang nararamdaman mo ngayon? “ Rinig kong tanong nung hayop na bumaril kay Mary. “ Gusto ko lang ipaalam sayo na yung nararamdaman mo ngayon ay yan rin ang naramdaman ko nung tinapos mo ang buhay ng ama ko.“
“ Masakit diba? “ Narinig ko pa siyang tumawa. “ Pero mas sasakit pa yan kapag itong bala ng baril ko ang babaon jan sa dibdib mo.“
Tinignan ko ang maamong mukha ni Mary.
“ Mary…“
[ 3rd Person’s PoV ]
Inihiga ni Nero ang katawan ni Mary ng maayos pagkatapos ay tumayo siya habang hindi inaalis ang matatalim na tingin niya kay Chase.
“ Tingin mo mapapatay mo kami gamit yang mga titig mo? “ Tumawa ulit ng mapang asar si Chase. “ Nakakalungkot dahil hindi mo dala ang alaga mo.“ Dugtong nito. Hindi makasagot si Nero. Sa ngayon kasi ay dehadong dehado talaga siya. Milagro nalang ang inaasahan niya ngayon dahil wala siyang laban sa dalawang ito na may dalang mga baril. Pero para kay Mary ay walang takot niyang haharapin ang dalawang ito. Kahit mamatay man siya ngayon. Atleast sinubukan niyang maipaghiganti si Mary.
Biglang umihip ang malamig na hangin. At sa pag ihip na yun ay may biglang sumulpot sa harapan ni Nero. Di naman makapaniwala si Nero nung makita niya ang mukha ng taong sumulpot sa harapan niya. “ Ikaw? “
“ At sino naman ’tong extranghero na dumating? “
“ Ish Valderama. Pakiusap wag niyo yang kalimutan.“ Sagot pa ni Ish habang binibigyan ang dalawa ng isang nakakalokong ngiti.
-To be continued…
-MajorSin
Episode 37: Sad Death
Episode 37: Sad Death
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Ish Valderama. Pakiusap wag niyo yang kalimutan.“ Sagot pa ni Ish habang binibigyan ang dalawa ng isang nakakalokong ngiti.
Hindi yun nagustuhan ng dalawa kaya itinutok agad nila ang baril na hawak nila sa kinatatayuan ni Ish. Kakalabitin na sana ni Chase ang gatilyo nung biglang tumalsik ang hawak niyang baril dahil may bagay na tumama dito. Nagulat naman ang lahat sa nangyari. Napansin ni Ish ang pagkabigla ni Cyrus sa nangyari dahil lumingon ito sa direksyon ni Chase kaya naman mabilis niyang kinuha ang baril sa likuran niya tapos ay pinutukan at tinamaan niya ang hawak na baril ni Cyrus dahilan para tumilapon din ito.
Ngayon ay wala ng hawak na armas ang dalawa. Ngumisi si Ish sakanila. “ Pa’no ba yan.“ Nakangiti si Ish pero sa isip niya ay nagtataka rin siya sa nangyari. Saan nanggaling yung kunai na tumama sa baril ni Chase? Sigurado siyang hindi niya yun kasamahan dahil mag isa naman siyang pumunta dito.
Sa kabilang banda naman ay walang pagdadalawang isip ng sumugod si Nero sa dalawa nung tumilapon ang mga baril na hawak nila. Patas na ang laban. Wala ng rason para hindi niya sugurin ang kalaban.
Una niyang inatake ay ang mismong bumaril kay Mary na si Chase. At dahil sanay at magaling sa combat fighting si Nero ay dihado ng konti si Chase. Puro sangga lang ang nagagawa niya, at di man niya pinapahalata, unti unting sumasakit ang braso niya sa pagsangga dahil habang patagal ng patagal ay palakas rin ng palakas ang mga suntok na pinapakawala ni Nero. Tutulungan sana ni Cyrus ang kasama niya pero hindi niya magawa. Iyun ay dahil nakatutok sakanya ang baril ni Ish. Napansin yun ni Ish kaya nagsalita ulit siya.
“ Andito lang ang kalaban mo kaya wag ka ng makialam sakanila.“
Maangas na lintanya niya na nagpangiti kay Cyrus. Bilang ganti ay binigyan naman siya ng isang kalmadong titig ni Cyrus.
“ Hindi mo na ba ako natatandaan? “
Tanong nito sakanya. Nangunot naman ang noo ni Ish at susubukan niya pa sanang titigan ng maigi ang mukha ni Cyrus dahil baka nga kakilala niya ito pero di niya na iyon nagawa dahil mabilis na na tumakbo si Cyrus. Kahit malaking tao ay ang bilis kumilos. Nabigla si Ish ng konti sa kilos ni Cyrus kaya huli na niyang naiputok ang baril at ang ginawa nalang niya ay habulin ito
S a kabilang banda naman ay tuloy pa rin sa pag atake si Nero kay Chase. Gusto niya itong patayin sa bugbog dahil sa ginawa niya kay Mary. Nag uumapaw ang kanyang galit. Yung puntong hindi na siya nakakaramdam ng pagod sa walang tigil na ginagawa niyang pag atake.
Sa gitna naman ng mga atake ni Nero ay nakakita ng konting butas si Chase at ginamit niya iyon para makabwelo at mabigyan ng counter attack si Nero gamit ang tuhod niya. Mabilis naman umatras si Chase nung huminto sa pag atake si Nero dahil natamaan ito sa kaliwang tadyang niya.
Kahit bugbog na ang mga braso niya sa pagsangga ay nakuha niya pa ring ngumisi kay Nero. “ Yan lang ba ang kaya mo? “ Maangas pa na tanong nito. Palihim naman niyang kinuha ang isang sandata at ang nagsisilbing huling alas niya sa may likuran niya in case na sumugod na naman ulit si Nero.
At di nga siya nagkamali..muli ngang sumugod si Nero. Pero sa pagkakataong ito ay napaghandaan na niya ang mangyayari. Nung makailag siya sa unang suntok ni Nero ay unti unti na niyang nilabas ang hawak niyang Ice pick at mabilis niyang tinarget ang katawan ni Nero. Napansin naman yun ni Nero kaya nakaiwas siya…pero nahuli siya ng konti. Natamaan pa rin siya sa may gilid ng tiyan niya at mabilis na umagos ang dugo nito.
Napaatras si Nero dahil sa nangyari. Mahigpit siyang napahawak sa bumubukang sugat niya. Ayaw tumigil ng dugo. Fvck.
Sa pagkakataong ito ay si Chase naman ang walang pagdadalawang isip na sumugod. Punong puno na ang mga mata niya ng pagnanasang patayin ang taong kumitil sa buhay ng ama niya. Wala na siyang ibang iniisip ngayon kundi ang kamatayan ni Nero. “ KATAPUSAN MUNA!! “ Binwelo niya ang kanang kamay niya at hinigpitan niya ng husto ang paghawak sa Ice pick at mabilis niyang tinarget ang kaliwang dibdib ni Nero kung saan located ang kanyang puso. Pero bago pa man yun tumama at bumaon ay naagapan yun ni Nero gamit ang dalawang kamay niya.
Sa sobrang panggigigil ni Chase na isaksak yun sa dibdib ni Nero ay nanginginig na ang kamay niya dahil sa lakas na binubuhos niya. Ganun din si Nero, buong pwersa niyang pinipigilan ang kamay ni Chase para di umabot ang ice pick na hawak nito sa dibdib niya. “ ARGHHH!! MAMATAY KANANG HAYOP KA!! “ At binigay na lahat ni Chase ang lakas niya para lang tagumpay na niyang maisaksak ang ice pick sa dibdib ni Nero. Pero masyadong matibay si Nero. Dati siyang militar kaya sanay siya sa ganitong patibayan. At di maipagkakailang matibay talaga siya. Habang lumilipas ang segundo ng pagpipigil ng bawat isa ay unti unting inikot ni Nero ang kamay ni Chase para baliktarin ang sitwasyon. Sinubukang pigilan iyon ni Chase pero dihado talaga siya sa lakas ni Nero kahit na medyo malubha na ang tama nito. Unti unti ng naikot ang kamay ni Chase hanggang sa maturo na ang point ng ice pick na hawak niya sa katawan niya. In short. Nabaliktad nanga ang sitwasyon.
Bigla namang nakaramdam ng kakaibang takot si Chase nung tignan niya ang mga mata ni Nero. Nakikita niya sa mga mata ni Nero ang posibleng kahahantungan niya ngayon..
“ Kung sakali mang masawi ako ngayon..“ Nakuha pang ngumisi ni Nero saglit at pagkatapos ay ibinuhos na rin niya ang lahat ng natitirang lakas niya sa ataking gagawin niya. “ PWES ISASAMA KITAA!! “ Parang huminto muna saglit sa paggalaw ang lahat, at sa isang iglap, mabilis na bumaon ang ice pick na hawak ni Chase sa mismong katawan niya.
Nagkatitigan pa ang dalawa. “ Bayad yan sa ginawa mo kay Mary.“ Napatingin si Chase sa ice pick na bumaon sa katawan niya. Ilang segundo pa siyang nakatitig dito na parang hindi ma sink in sa utak niya ang nangyari. Susubukan niya pa sanang tanggalin ito pero unti unti na siyang nanghihina. Biglaang sumikip ang dibdib niya at nahihirapan na siyang huminga.
“
Natalo ako..“
At tuluyan na siyang bumagsak.
Nung matapos ang laban ay tsaka lang naramdaman ni Nero ang sobrang sakit ng tama niya sa katawan at di kalaunan ay bumagsak rin siya. Parehong bumagsak ang dalawa.
Tinignan niya ang sugat niya. Ayaw tumigil ng dugo. Pinilit niya ang sarili at hinang hina siyang tumingin sa kung saan mahimbing na natutulog si Mary. “ Mary..“ Pinilit niyang bumangon para puntahan si Mary. Paika ika siya sa paglakad. Gusto niyang puntahan si Mary. Malapit na sana siya pero muli ay natumba ulit siya. Walang tigil pa rin sa pag agos ang dugo niya. Gumapang siya papunta kay Mary at nung makarating siya ay tumabi siya rito sa pagkakahiga.
Ilang segundo ang lumipas na nakahiga lang si Nero doon at tahimik lang na nakatingin sa kalangitan. Napakapayapa ng kalangitan ngayon. Ang daming mga bituin. Napakagandang pagmasdan.
Saglit naman niyang tinignan ang kamay niya na may mantsa ng dugo.
Biglang sumagi sa utak niya ang nag iisang grupong tumanggap sakanya. Ang mga myembro nito na kahit ayaw man niyang ipakita, ay naging importante na sakanya at naging parte na ito sa buhay niya.
Pagpasensyahan niyo na at mukhang mababawasan na naman kayo..
Ngumiti siya ng bahagya. Sayang. Gusto pa naman sana niyang makasama pa ng matagal ang mga ito. Gusto pa sana niyang makipaglaban kasama ang pamilya niya. Pero mukhang hanggang dito nalang ata ang papel niya sa mundong ito. Mukhang dito na ata matatapos ang walang silbing buhay niya. Sayang..
Pero okay lang, alam naman niyang hindi siya malaking kawalan sa grupo. Alam naman niyang hindi masyadong maapektuhan ang grupo niya kung sakaling mawala man siya.
Iyon ang akala niya.
Muli ay tumingin ulit siya sa maamong mukha ng katabi niya. “ Pasensya na at nadamay kapa. Patawarin mo sana ako.“ Hinanap ng kamay niya ang kamay ni Mary. At nung makapa niya ito ay mabilis niya itong hinawakan. “ Pero wag kang mag alala. Naipaghiganti na kita.“
Unti unting bumigat ang mga mata niya. At nung pinikit niya ito. Hindi na niya alam pa ang mga sumunod na nangyari.
[ Veronica’s PoV ]
Anong ginagawa ko dito? Anong lugar ’to? Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Napakaganda ng lugar. Para akong nasa isang paraiso. Puno ng luntian ang buong paligid. Na’san ba ako?
Lumakad ng kusa ang mga paa ko at di ko alam kong saan ito papunta.
Habang naglalakad ako ay may napansin ako sa may unahan na mga taong nakaupo sa damuhan at nag uusap. Habang palapit ako ng palapit ay tsaka ko lang napagtanto kong sina sila.
“ Hey Nica! Dito! “ Kumaway sa’kin si Helena at parang ang saya-saya niya-nila.
Nadatnan kong nakaupo sina Helena, Stephan, Kael, Nero, Elon, at Primo. Masaya silang nag uusap usap. Pero ang pinagtataka ko, baket andito sina Elon at Primo? Diba wala na sila? Nananaginip lang ba ako? Tinignan ko si Elon, at nung tumingin rin siya sa’kin ay ngumiti siya at mukhang nalaman niya ang nasa isip ko. “ Bumisita lang kami saglit.“ Nakangiting sabi niya. At maya maya lang rin ay tumayo na siya “ Actually paalis na rin kami.“ Dagdag pa niya. Ngumiti ako. “ Kakakita ko pa nga lang ulit sa inyo tapos aalis na agad kayo? “ Biro ko pero ewan ko ba. Naiiyak ako habang tinitignan ko sila.
“ Pasensya na pero kailangan eh.“ Ngumiti ulit si Elon. Mukhang babalik nanga ata sila kung na’san sila ngayon. Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papano ay nakita ko ulit sila kahit sa maikling panahon man lang.
Tumayo na rin si Primo at inakbayan ang pinsan niya. “ Aalis na kami.“ Sabi niya. Ngumiti ako-pero agad rin yung nawala nung nakita kong tumayo rin si Nero.
Ngayon ay tumalikod na silang tatlo at nag umpisang maglakad. Ba’t kasali si Nero?
“ Nero sandali! “ Huminto naman siya nung tinawag ko siya. “ Saan ka pupunta? “ Unti unti naman siyang Humarap sa’kin…at ngumiti. “ Aalis na kami.“ Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa mga ngiti niyang iyon. Hindi ko alam kung ano anung ibig sabihin niya pero tumulo nalang ang mga luha ko ng kusa. Ba’t sasama siya kila Elon? Pagtingin ko nila Helena…teka ba’t rin sila umiiyak? Ibinalik ko ulit ang tingin kila Nero.. masyado na silang malayo. Hindi…
Nero..bumalik ka… “ NERO!! BUMALIK KA!! “
Pagkagising ko ay ang basang unan agad ang napansin ko. Umiiyak ang mga mata ko. At hindi ko alam kung baket ayaw tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.
Nero..
Pakiusap wag naman sana…
-To be continued…
-MajorSin
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 38: The Master and The Apprentice
[ Virgel’s PoV ]
Saglit kong tinignan yung wall clock dito sa sala, mag aalas dyes na, pero di padin umuuwi si Ish. Nag aalala na ako sakanya. Baka napano na ’yun.
“ Hahahahaha! Ang galing talaga ni Jerry whoaah! “ Nilingon ko si Benz na kasalukuyang nanonood ngayon ng Tom and Jerry. Pagkauwi niya simula kanina ay pinapanood na niya ang palabas na’yan. Pati nga si Kael ay nakikinood narin.
“ Hahahaha “ Kael
“ WAHAHAHAHAH! Sige Spike! habulin mo! Yaaan! Sige HAHAHAHA! “ Grabe naman ’to makatawa si Benz. Kung meron lang kaming kapitbahay eh baka pinagbabato na kami ngayon. At tsaka, ba’t parang hindi sila nag aalala kay Ish? T.T
“ Ah Benz..“ Tawag ko sakanya, lumingon naman siya agad “ Bakit Bossing? “ Tanong niya pero yung mata niya nakatingin pa rin sa T.V
“ Si Ish kasi, hindi pa umuuwi.“ Nag aalalang sabi ko. Tumingin naman siya sa’kin matapos kong sabihin yun pagkatapos ay ngumisi siya. “ Naku, huwag ka ng mag alala dun Bossing. Ang weird mang pakinggan pero naiinsulto yun kapag may taong nag aalala sakanya. “ Makabuluhang sagot niya kaya nangunot ang noo ko.
“ Anong ibig mong sabihin Benz? “
Umiling naman siya habang natatawa pa. “ Hindi mo pa nga pala nakitang nakipag laban si Ish. Alam niyo kasi bossing, si Ish yung tipong experto sa Martial Arts. Hindi man halata sa kilos at mukha niya pero bago pa man siya napadpad sa mundo ng Mafia, dati siyang Pinuno ng sariling niyang angkan noon. Ang angkan ng mga Valderama.“ Napanganga ako sa lahat ng narinig ko. Si Ish? Isang pinuno ng sarili niyang angkan?
“ Minsan na kaming naglaban ni Ish noon. Pero alam niyo ba kung anong nangyari? “ Tumingin naman siya samin ni Kael ng pabalik balik habang nakangiti. “ Alam niyo ba? “ Ulit niya kaya umiling ako. “ Parehas tayo, hindi ko din alam eh. Pfft.“ Dagdag niya habang natatawa pa. “ Nakatulog kasi nun. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa huling natatandaan ko, isang atake lang ang ginawa niya at bigla nalang akong nawalan ng malay.“ Ibinalik na ulit niya ang atensyon sa TV “ Kaya nga takot ako dun eh.“ Natatawa pa niyang pahabol.
Hindi ako makapaniwala na ganun kalakas si Ish. Ang akala ko isa lamang siyang matalinong hacker ng grupo. Ni hindi man lang sumagi sa utak ko na marunong siyang mag karate karate na yan gaya ng sinabi ni Ish. Nakakamangha.
Pero kung na’san man siya ngayon…sana ay ayos lang siya.
[ Ish’s PoV ]
Kaasar! Ang bilis namang tumakbo ng malaking nilalang na’to. Hindi ko mahabol. Binilisan ko ng konti ang takbo ko pero binilisan niya rin ang takbo niya. Anak ng! Sinusubukan mo ang bilis ko ha.
Matagal na rin akong hindi nakakatakbo ng ganito. Bibilisan ko na sana ng todo ang takbo ko nung bigla siyang huminto. Napabreak tuloy ako ng wala sa oras, Anak ng! Ano ba talaga ang trip nito?
Huminto siya sa pagtakbo pero hindi siya humarap sakin. “ Wag ka ngang masyadong pamisteryoso.“ Sabi ko. Unti unti rin naman siyang humarap. Haharap naman pala eh.
“ Hindi mo na ba talaga ako natatandaan…..“ Tinignan niya ako sa mata habang nakakurba ang isang mapang asar na ngiti sa labi niya. “…Master? “
Natigilan ako sa huling sinabi niya. Master? Tinignan ko naman siya agad ng maigi, at nung may napagtanto ako, unti unting lumaki ang mga mata ko..
T-teka wag mo sabihing ikaw si….
Flashbacks
“ Ama, pinatawag niyo raw ako.“
“ Maupo ka “ Umupo naman agad ako kagaya ng iniutos sa akin ni ama. Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. “ Simula ngayon ay ikaw na ang papalit sa posisyon ko bilang Pinuno ng ating angkan.“
Medyo nabigla ako sa sinabi niya. “ P-po? Pero bakit ama? “
“ Masyado na akong matanda para pamunuan ang angkan natin.“ Ngumiti si ama sa’kin. “ At ikaw lang ang nag iisang anak ko at tagapagmana ng posisyon ko. Maintindihan mo sana anak. Wala ka pa sa wastong edad para pamunuan ang angkan natin pero naniniwala ako sa kakayahan at talino mo. Alam kong mapapamunuan mo ang ating angkan ng maayos.“
Lumuhod naman agad ako at inuyuko ko ang aking ulo bilang pagbigay ng respeto kay ama. “ Gagawin ko po ang lahat para magampanan ang tungkulin ko ng maayos ama.“
Simula noon ay ako nanga ang tinaguriang pinakabatang naging pinuno ng aming angkan. Ang angkan ng mga Valderama ay kilala bilang angkan ng magagaling sa paggamit ng
Kyusho
, isang uri ng Martial Arts. Lahat ng lalaking kasapi ng aming angkan ay sinasanay sa paggamit ng Kyusho. At sa edad lamang na dese sais, papamunuan ko na ang higit limang daang kasapi ng aming angkan.
(A/N : Kung curious kayo about sa Kyusho, search niyo lang sa youtube :) Sigurado akong mamamangha kayo sa mga makikita niyo :) )
Isang araw, habang ako ay nandito sa aking silid ay may biglang pumasok at agad lumuhod sa harap ko. “ Patawad sa abala pinuno pero kailangan po namin ngayon ang tulong niyo.“ Mabilis na sabi niya habang hinihingal pa.
“ Ano ba ang nangyari? “ Kalmadong tanong ko.
“ Sumunod po kayo.“
“ SANDALI LAANG!! BITAWAN NIYO AKO!! “
Pagkarating namin sa lugar kung saan nagkakagulo ay nadatnan ko agad ang isang malaking lalaki na nakaluhod habang pinipigilan ng halos sampung myembro ng aming angkan.
“ Kanina pa yan nagwawala, Pinuno. Gusto daw niyang sumali sa angkan natin. At nung sinabihan namin siya na hindi pwede ay bigla nalang siyang nagwala.“ Rinig kong paliwanag ni Gregor. Lumapit naman ako sa lalaking nagwawala. “ Bitawan niyo.“ Utos ko sakanila na sinunod naman nila agad. Ngayon ay nakaluhod na sa akin itong lalaki habang hinihingal pa. Agad naman niyang itinaas ang ulo niya para tignan ako. “ I-ikaw ba ang pinuno nila? “ At medyo nagulat ang lahat sa sunod na ginawa ng nasa harapan ko. Lumuhod siya at iniyuko niya ang ulo niya hanggang sa umabot ito sa lupa “ Pakiusap, turuan mo ako.“ Pagmamakaawa niya.
Tinignan ko muna siya saglit. Pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Hindi nababagay sa katawan niya ang Kyusho. Masyadong malaki ang katawan niya at sigurado akong hindi rin siya makakatagal sa mga antas ng pagsasanay na ginagawa namin.
Sigurado akong susuko din siya.
Napahinto ako sa paglalakad nung may biglang humawak sa paa ko. “ Pakiusap! Nakikiusap ako! Turuan niyo akong lumaban! “
Sa tono ng pananalita niya ay mukhang desidido nga ata siyang sumali. Muli ay hinarap ko siya. “ Sabihin mo, bakit gusto mong sumali sa’min.“ Tanong ko. Napayuko naman siya at sa di inaasahan..umiyak siya na parang isang bata. “ Ayoko ng maapi..sawang sawa na ako sa pang aapi na ginagawa nila sa’kin! “
Agad namang natawa ang mga ibang myembro na nandito. “ Sa laki mong yan inaapi ka? Hahaha bakla ka ata eh “ Pang aasar ni Jiro at di ko nagustuhan ang sinabi niya. “ Tinuruan ka ba dito ng ganyang pag uugali Jiro? “
Tumigil naman siya sa pagtawa at yumuko “ Pa-pasensya na po.“
Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. “ Tumayo ka.“ Mabilis naman niyang pinahiran ang mga luha niya at tsaka dali daling tumayo.
Lumapit ako sakanya. Sa sobrang laki niya ay napapaangat pa ako ng tingin para tignan siya. “ Suntukin mo ako.“ Diretsong utos ko.
“ H-ha? “
“ Sumuntok ka..“
“ Pero…“
“ SUMUNTOK KA!! “
Ginawa naman niya ang inutos ko, at gaya ng inaasahan, di nga niya alam kung paano sumuntok..di niya alam kung paano makipaglaban.
Nakaramdam ako bigla ng awa nung tignan ko siya. Matapos kong umiwas sa mga matamlay na atake niya ay pinatigil ko na siya. Napayuko naman siya at parang nahihiya dahil sa mga suntok na pinakita niya sa amin.
“ Bumalik ka dito bukas. Ako ang magsasanay sayo.“ Sabi ko sakanya. Lumawak naman agad ang mukha niya na parang bata. “ T-talaga? Maraming Salamat Master! “
“ Sigurado ka ba jan Pinuno? “ Takhang tanong ni Gregor. Di na ako sumagot pa. Ewan pero parang gusto ko siyang turuan. Gusto kong ibahagi sakanya ang mga nalalaman ko sa pakikipaglaban. Naranasan ko na ang maapi noon, at alam ko ang nararamdam niya ngayon.
Kaya nakapagdecisyon agad ako na turuan siya.
Simula nung araw na ’yun ay araw-araw ko na siyang tinuturuan…simula sa mga basic trainings hanggang sa mga kumplikadong pagsasanay. Nung una nga ay nahirapan siya ng sobra. Palagi siyang nagsusuka dahil sa sobrang hirap ng training. Pero gayun paman, di siya nagpakita ng kapaguran. Pursigido talaga siyang matuto.
At dumating nalang ang panahon na nagbunga na ang pagpupursigi niya.
Unti unti na siyang nagiging mahusay dahil sa mga spesyal na pagsasanay na ginagawa ko sakanya. Palagi nanga kaming nag isparring.
“ Grabe, di talaga kita matalo master. Napakalakas mo na kahit bata ka pa lang.“ Hinihingal na sabi niya matapos ko siyang mapabagsak sa sahig.
“ Matatalo mo rin ako kung magsasanay ka lang palagi.“ Sagot ko sabay upo malapit sakanya. Siya naman ay nanatili lang na nakahiga. “ Magsasanay talaga ako para mas lumakas pa ako. At para matalo ko na rin sa isang laban ang napakagaling kong Master.“ Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya. Di ko maipagkakaila na sa loob lamang ng limang buwan ay naging malapit na siya sa’kin. Sa totoo lang ay siya palang ang naging malapit sakin sa buong buhay ko. Siya pa lang ang masasabi kong naging kaibigan ko. Bumangon naman siya sa pagkakahiga at umupo sa aking tabi. “ Master Ishmael. Maraming maraming salamat nga pala sa lahat ng naitulong mo sakin. Dahil sayo kaya ako lumakas. Dahil sayo kaya ako natutong lumaban. Kung hindi dahil sa’yo, baka miserable parin ang buhay ko ngayon.“ Kita ko sa gilid ng mata ko na parang maiiyak na naman siya.
“ Ikaw mismo ang nagpalakas sa sarili mo kaya wag kang magpasalamat sa’kin. Nagsisilbi lang naman akong gabay mo parang mailabas mo yang lakas na tinataglay mo.“
Kita ko naman siyang ngumiti ng malapad kahit naiiyak. Kahit napakalaki niyang tao ay napakalambot ng puso niya. Napaka inosente ng pag uugali. Napakabait.
Tumayo naman siya sa pagkakaupo at nag umpisang maglakad palayo, at hindi ko alam kung bakit, ni hindi pa namin natatapos ang sparring namin.
Pero di pa man siya nakakalayo ay may sinabi siya sa’kin. “ Hinding hindi ko kayo makakalimutan Master.“ Kahit hindi ko makita ang mukha ay halata sa boses niyang umiiyak na siya.
Iyon lang ang huling sinabi niya sakin bago siya umalis.
At nung araw na ’yun. Hindi na siya ulit bumalik pa.
End of Flashback
“ C-cyrus? “
“ Ako nga Master.“ Tinignan ko ang nasa harapan ko. Grabe, ang laki na ng pinagbago niya .“ Ang laki na ng pinagbago mo ah.“ Nakangising sabi ko. Pero seryoso lang siyang nakatingin sakin. At di ko nagustuhan ’yun. “ Mukhang pati pag uugali mo ay malaki na rin ang pinagbago.“ Dugtong ko. “ Ano bang nangyari sayo? “
“ Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko, Master? Gagawin ko ang lahat para lumakas, para matalo na kita sa isang laban.“ Agad naman niyang hinubad ang pang itaas niya na suot at tumambad sa’kin ang napaka brusko niyang katawan. Aw. Nahiya naman ako bigla sa katawan ko. “ Ginawa ko ang lahat para lumakas, para kung sakali magkita man tayong muli..matatalo na kita.“
Nagdalawang isip pa ako kung maghuhubad ba ako o hindi…pero wag nalang.
“ Kung ganun ito na ang pagkakataon mo.“ Maangas naman na ganti ko. Ako ang master niya dati kaya dapat ay maging maangas man lang ako sa paningin niya kahit papano.
“ Pansin kong malaki na rin ang pinagbago ng pag uugali mo, Master. Ang dating Ishmael kasi na kilala ko ay isang seryosong tao at bihira lang ngumiti. Ba’t ngayon parang nag iba kana? “
Ngumisi ako. “ Lahat ng bagay nagbabago. Mahigit anim na taon na rin simula nung kinalimutan ko ang dating ako.“ Sagot ko. “ At dahil yun sa isang tao na umalis ng di man lang nagpaalam ng maayos. Isang kaibigan na bigla nalang nang iiwan. Hinding hindi ko mapapatawad ang taong yun.“ Nakita ko naman siyang ngumiti.
“ Kung ganun, Ito na rin ang pagkakataon mo, Master.“
Lumapit kami sa isa’t isa hanggang sa maliit na distansya nalang ang nakapagitan sa’ming dalawa.
“ Yung huling laban natin ay di yun natuloy tama? Ngayon na natin ituloy, Master.“
“ Walang problema, aking studyante.“
Unti unti kaming yumuko sa isa’t bilang patunay sa pormal at patas na laban. Walang armas, sandata, baril. Mano manong labanan lang.
Kahit wala kaming nadinig na bell ng ring ay sabay kaming sumugod sa isa’t isa. Halos sabay lang ang mga galaw naming dalawa, nasasangga namin ang mga atake na ginagawa namin sa isa’t isa. Ang laki nanga talaga ng pinagbago niya. Nakakasabay na siya sa mga galaw ko.
Patuloy lang siya sa pag atake na para bang gigil na gigil siyang talunin ako. “ Sabihin mo, Master! lumakas ba ako?! “ Sigaw niya sa gitna ng paglalaban namin. “ Sabihin mo! LUMAKAS BA AKO?!! “ Isang suntok ang pinakawala niya at sa sobrang lakas ay di kinaya ng kamay ko ang pagsangga nito kaya dumiretso ito sa mukha ko dahilan para tumilapon ako.
Ang lakas nun.
Napadaing pa ako ng kunti dahil sa pagkakatama ko sa sahig. Pinahiran ko muna ang dugo sa gilid ng labi ko bago ako tumayo. “ Mukhang lumakas kana nga Cyrus.“
Walang pagdadalawa naman ulit siyang sumugod.
Susuntukin niya sana ang mukha ko pero mabilis akong yumuko at nailagan ko ito-pero mukhang alam niya ata ang galaw ko. May nakaabang na pala na tuhod niya sa ibaba ko..kaya pagyuko ko sapul na sapul ang mukha ko sa tuhod niya. Ulit ay napatumba na naman ako. Isa sa pinagbago talaga ng kakayahan niya ay ang bilis niya.
Mukhang wala na akong choice.
Tumayo ulit ako sa pagkakatayo. “ Ano ngayon ang pakiramdam na unti unti ka ng binabagsak ng dati mong studyadante, Master? “ Tanong niya kaya natawa ako.
“ Baket sa’kin mo tinatanong yan? hindi ko alam ang sagot jan.“ Nangunot naman ang noo niya.
“ Anong ibig mong sabihin? “
“ Unti unti akong binabagsak? Wag mo nga akong patawanin.“ Hinubad ko ang pantaas na suot ko at tumambad sakanya ang-well, hindi 6 packs yung abs ko, pero di naman yan yung isyu -_-. “ May gusto lang akong sabihin sayo bago ka mag ilusyon ng kung anu-ano jan. “ Inistretch ko muna ang dalawang balikat ko para ipaalam sakanya na medyo seryoso na ako. “ Alam mo bang sampung porsyento lang ng lakas ko ang ginagamit ko sa tuwing naglalaban tayo noon?“ Dagdag ko habang binibigyan siya ng isang mapang asar na ngiti. At kita naman sa mukha niya ang pagkabigla at mukhang di siya makapaniwala sa sinabi ko. “ Kung seseryosohin lang kita ngayon? Baka mahaba pa yung dalawang minuto para talunin kita.“ Agad ko naman tinuro ang marka ng isang maliit na puso na may nakapalibot na ahas na nakaukit sa gitna ng dibdib ko. “ Baka nakakalimutan mong ako ang pinuno ng sinalihan mong angkan noon? “
Mula sa pagkabigla ay unti unting napalitan ng galit ang expresyon ng mukha niya. “ K-kung ganun pinaasa mo lang pala ako noon na lumakas na ako! “
“ Hindi naman sa pinaasa kita. Ayoko lang na panghinaan ka ng loob at mawalan ka ng pag asang lumakas.“
“ Yun pa rin yun!! Pinaasa mo ako na matatalo kita! “ At naramdaman ko nalang ang paglapit niya sa’kin. “ HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD!! “ Muli ay umatake na naman siya, umiwas ulit ako sa pagsuntok niya sa pamamagitan ng pagyuko. At gaya ng inaasahan, pasalubong na naman sa mukha ko ang tuhod niya. Mabilis ko naman yung hinarang gamit ang dalawang palad ko. At nung makakita ako ng opening sa tiyan niya ay pinosisyon ko na agad ang kamay ko para umatake. Tinamaan ko ang parte ng tiyan niya kung saan located ang isa sa mga pressure point ng katawan niya. Sunod sunod ang ginawa kong pag atake sa katawan niya hanggang sa namanhid ito at parang naparalisa.
Hindi lang isang simpleng mga suntok ang mga pinakawala ko. Gumamit ako ‘chi’ o yung tinatawag na internal energy na nagpapalakas ng isang simpleng pag atake lang. At ang dahilan rin kung bakit naparalisa ang katawan niya ay dahil ang mga pressure points mismo ng katawan niya ang tinamaan ko. Sa ngayon ay panandaliang mag mamalfunction ang katawan niya dahil sa ginawa ko.
( A/N : Ang pressure point ay isang weakness o sensitive point sa ating katawan na kapag tinamaan ka dun, ay panandaliang magmamalfunction, o mapaparalisa ang parteng yun. Yun ang main goal ng Kyusho. Basta, search niyo nalang :) Kapag na master mo yan, promise, isang atake lang sapat na para mapatumba mo yung kalaban mo. Yun ang ginamit ni Ish nung patumbahin niya si Benz. 1 hit knockout. :) )
Kung tinatanong niyo kung saan ko nalaman ang lahat ng ito. Ang apelido ko na ang magsasabi sa inyo ng sagot. Isa akong Valderama.
Ngayon ay nakaluhod na ang katawan niya at di makagalaw.
Lumapit ako sakanya. “ Natatandaan mo pa ba ang posisyon na’tin ngayon, Cyrus? Ganitong ganito yung posisyon natin nung una tayong magkita, at nagmakaawa ka na turuan kitang lumaban.“ Nanatili lang siyang nakatingin sa sahig pero alam kung nakikinig siya. “ Noong panahong ’yun ay wala ka pang alam sa pakikipaglaban. Ni hindi mo pa alam kung paano sumuntok. Napakahina mo noon. Pero ngayon..lumakas kana ng husto Cyrus. At gusto ko lang malaman mo na proud ako sa naabot ng aking studyante ngayon.“
Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng mga luha niya. “ M-master..“ Ngumiti ako. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Ang dali pa din niyang umiyak.
Iniluhod ko rin ang isa kong tuhod para magpantay kami at pagkatapos ay niyakap ko siya.
“ Maraming salamat sa napakagandang laban…aking kaibigan.“
[ Jin del Fuego’s PoV ]
“ Siguro naman ay naniniwala kana sa’kin ngayon.“ Pansin ko namang ikinuyom niya ang mga kamay niya at ramdam na ramdam mo sa aura niya ang sobrang galit. “ Kung ganun siya pala talaga ang nag utos na patayin ang buong pamilya ko!? “ Tumayo siya sa pagkakaupo at malakas niyang sinipa ang upuan niya. “ Argh! Tangina!! “
“ Huminahon ka Hugo. Kaya nga andito ako ngayon para tulungan kang maghiganti.“ Ngumisi ako ng palihim. Unti unti ng naaayun sa lahat ang mga plano ko.
“ Sabihin mo kung saan ko siya makikita ngayon! “
“ Relax lang. Kung siya ang papatayin mo, hindi mo maipapadama sakanya ang tunay na sakit gaya ng nararamdaman mo ngayon.“ Tumingin naman siya sa’kin nung sabihin ko yun. “ Pagluluksa. Yan ang dapat ipadama mo sakanya. Yan ang unti unting papatay sakanya.“ Dagdag ko.
“ Kung ganun sabihin mo sa’kin kung anong dapat kong gawin.“
“ Syempre, kagaya ng ginawa niya, patayin mo rin ang taong mahalaga sakanya. Alam mo naman siguro kung sino yung tinutukoy kong mahalaga sakanya diba?“ Kita ko namang nabigla siya sa sinabi ko. Di na ako nagtaka. Alam kung ganun ang magiging reaksyon niya dahil mukhang napalapit na sakanya ang batang ’yun.
“ Pero di mo naman kailangang magmadali. May oras kapa. Alam kong mahirap sayo na tapusin ang buhay niya pero kung gusto mo talagang maipaghiganti ang buong pamilya mo, yun ang nararapat mong gawin.“
Nakatingin lang siya sa sahig na parang nag iisip. At maya maya lang rin ay maangas siyang tumingin sakin “ Sige gagawin ko. Pero wag muna ngayon. Hahanap ako tsempo.“ Sabi niya. Napangisi ulit ako. Ganyan nga.
“ Umuwi kana, baka tuluyan ka ng paghinalaan ng mga Virgo dahil palagi ka nalang madaling araw umuuwi.“
Kinuha naman niya ang jacket niya at tsaka tumalikod at nag umpisang maglakad. Pero bago pa man siya makaalis ay sinipa ulit niya yung upuan na nakaharang na ngayon sa daraanan niya.
“ Tanginang mga Virgo yan!! “
-To be continued..
-MajorSin
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 39: Whisper of the demon
[ 3rd Persn’s PoV ]
Matapos ang matinding labanan nina Ish at Cyrus ay mabilis na bumalik si Ish sa kinaroroonan ni Nero at Chase para tumulong. Nagbabakasali siya na makakaabot pa siya pero pagdating niya sa lugar na’yun ay isang napakatahimik na paligid ang naabutan niya. Dahan dahan siyang naglakad habang tinitignan ang buong paligid. Unang nadapo ang tingin niya sa katawan ni Chase na nakahandusay habang may saksak na Ice pick sa dibdib nito.
Natalo niya ang kalaban?
Inilibot niya ulit ang tingin niya pero hindi niya mahagilap si Nero. Na’san na kaya ’yun?
May napansin siyang isang babae na nakahiga sa may unahan kaya nilapitan niya ito. Tsaka lang niya napagtanto na ito pala yung babae na hawak hawak ni Nero kanina bago siya dumating.
Na’san ba si Nero? Ba’t iniwan niya itong babae?
Wala na lang siyang ibang ginawa kundi kargahin ang babae para ipunta sa ospital, kahit malabo na itong mailigtas pa dahil hindi na ito humihinga.
[ Felix’s PoV ]
“ Isang myembro na naman ang nawala.“ Naibulong ko nalang habang naglalakad ako bitbit ang katawan ni Nero. Sumusobra na talaga ang Elfame Mafia. Plano ba talaga nilang galitin si Boss? Gusto ata nilang mabura sa mundo ng maaga eh.
Tinignan ko ang mukha ni Nero. “ Pasensya na at nahuli kami. Pero huwag kang mag alala, nalalapit na ang araw ng digmaan, at uubusin namin silang lahat sa ngalan ng tatlong diablong tinapos nila. Maiipaghiganti rin namin kayo.“ Pag nalaman to ni Veronica at ng ibang kasami ng Fuego ay sigurado akong magluluksa na naman sila sa isang kasamahan nila. Tsk. Parang kailan lang nung mawala si Elon, tapos ngayon..may mawawala na naman. Di ko tuloy maiwasan ang hindi maawa. Hindi ako galing sa Fuego Mafia, pero halos dalawang taon din akong nasa puder nila. At masasabi kong ang walong diablo ay isang tahimik at masayang grupo noon. Pero ngayon ay unti unti na silang nauubos.
Kailangan na talagang pag isahin ang Fuego at Virgo para maiwasan na ang ganitong pangyayari.
[ 3rd Person’s PoV ]
Sa kabilang banda naman, unti unti ng nawawala ang pagkakaparalisa ni Cyrus, at nung tuluyan na itong mawala ay tumayo na siya sa pagkakaluhod.
Saglit siyang napahawak sa leeg niya. Nakakaramdam parin siya ng konting sakit sa mga parte ng katawan niya kung saan siya tinamaan. Ang tindi talaga ng ginamit na technique ni Ish sakanya.
Aalis na sana siya sa lugar na yun pero bigla siyang napahinto nung may marinig siyang boses. “ Sa’n mo na balak pumunta ngayon? “ Dahan dahan siyang lumingon sa nagsalita dahil kilala niya ang boses na ’yun.
“ Kanina ka pa ba jan, Vonzo? “ Tanong nito.
Nadatnan niya itong nakaupo sa isang sanga sa isa sa mga puno nitong lugar na kinatatayuan niya. Tumalon naman ito at dahan dahang lumapit sakanya bitbit ang isang hindi maipaliwanag na ngiti. “ Hindi ko akalain na matatalo ka ng ganun lang kadali. Naturingan kapa namang isa sa pinakamalalakas na myembro ng Hirvana.“
Nakaramdam naman ng hiya si Cyrus nung sabihin yun ng kasamahan niya. “ P-pasensya na. Masyado lang talaga siyang malakas kaya natalo ako ng ganun kadali.“
“Naku okay lang yun.” Nakangiting sabi ni Vonzo kaya ngumiti rin konti si Cyrus. Akala niya kasi galit ito sakanya. Pero hindi naman pala.
May bigla naman binunot si Vonzo sa likuran niya. “ Cyrus, anong masasabi mo dito sa bago kong armas? “ Pinakita niya kay Cyrus ang isang matulis na tubo na may medyo katamtaman ang laki at haba. Meron itong kulay ng isang ginto at masasabi mong hindi lang ito ordinaryong tubo lang.
Sasagot pa sana Cyrus pero ang bilis ng pangyayari. Wala pang segundo ng mabilis na bumaon ang tubo na hawak ni Vonzo sa dibdib ni Cyrus. Sa lakas ng pagkakabato ni Vonzo ay halos buong parte ng tubo ay bumaon sa matigas at makapal na balat ni Cyrus.
“ Alam mo na dati pa na ayoko sa mga mahihina.“ Ang kanina lang na nakangiti ay napalitan na ng isang kalmado pero nakakatakot na expresyon ng mukha.
Mabilis namang natumba si Cyrus dahil sa tinamo niya. “ Kaya ang dapat sayo ay mawala na.“ Lumapit naman agad si Vonzo sa kinahihigaan ni Cyrus at mabilis niyang binunot ang tubo sa katawan nito na para bang nagbubunot lang ng tinik.
Pinahiran niya ang mantsa ng dugo gamit ang panyo niya tapos ay ibinalik na ulit niya ito sa likuran niya.
Bigla namang kumurba ang ngiti sa mga labi niya. “ Hanggang kailan mo ba balak magtago? “ Biglang tanong niya. Sa di kalayuan naman ay may isang lalaki doon ang naglalakad ng kalmado. Lumingon naman si Vonzo sa direksyon kung saan naglalakad ang isang lalaki palapit sakanya.
“ Alam kong kanina ka pa nanunood. Ikaw yung naghagis ng kunai na tumama sa baril ni Chase, tama? “ Hindi sumagot ang lalaki hanggang sa makalapit ito sa kinatatayuan niya.
“ Wala ka bang planong sumagot? “ Ngumisi si Vonzo samantalang walang expresyong pinapakita sa mukha ang taong nasa harapan niya.
“ Andito ka ba para tapusin ang buhay ko? “ May halo pa ng pang aasar na tanong niya “ Hindi porke’t isa ka sa kasamahan ni Argo ay matatalo muna ako, Elfred Artizan. “ Dugtong nito.
“ Malamig ang panahon. Gusto ko lang magpapawis.“ Walang emosyong sagot ni Elfred na nag pagalit ng konti kay Vonzo.
“ Sa tono ng pananalita eh parang minamaliit mo ata ako. “ Binunot muli ni Vonzo ang tubo na nasa likuran niya samantalang si Elfred naman dumudukot narin ng kunai sa likuran niya. “ Alam niyo bang sa ginawa niyong pagtapos sa tatlong mahahalagang myembro ng Fuego ay ginalit niyo na ng tuluyan si Boss? “
“ At sa tingin may pake ako? “ Pang aasar na ganti nito
“ Hindi ko alam, pero gusto ko lang itong sabihin sa’yo. “ At nakita nalang ni Vonzo ang isang nakakalukong ngiti ni Elfred. “ Nalalapit na ang katapusan niyong lahat.“ Biglang umatake si Elfred at hindi agad yun napansin ni Vonzo dahil masyado itong mabilis. Nakita niyang hinagis ni Elfred ang kunai sa harapan niya kaya mabilis niya iyong iniwasan gamit ang pag ilag ng ulo niya. Pero kasabay ng pag iwas niya ay bigla ring nawala ang kalaban sa harapan niya, at naramdaman nalang niya ang presensya ni Elfred sa likuran niya na ngayon ay hawak hawak na nito ang kunai na hinagis niya kanina. Napakabilis niya. Buti at napansin agad yun ni Vonzo kaya mabilis rin siyang nakaiwas sa surpresang atake ni Elfred sa likuran nito. Matapos naman niya yung maiwasan ay hinarap naman niya agad si Elfred habang nakabwelo ang kamay niya na may hawak ng matalim na tubo, isasaksak na niya sana ito sa kalaban niya pero mabilis itong nakalayo sakanya sa pamamagitan ng pag back flip palayo sakanya.
Napatigil ang dalawa sa pag atake. Parang ang daming nangyari sa loob lang maikling oras na’yun. Pero wala ni isa ang nakatama sa sagupaan na iyon.
“ Mukhang hindi ka basta basta. Seseryusohin ko na ba ang laban na’tin?“ Tanong ni Vonzo habang nakangisi
“ Dapat talaga magseryoso kana, dahil baka matapos lang ang buhay mo dito ng hindi mo namamalayan.“
“ Kapag sineryoso ko kasi baka masyadong mapadali ang katapusan mo. Baka hindi ka pagpawisan. Gusto mo ba yun? “
Ngumisi si Elfred sakanya. “ Talaga? “ Biglang umihip ang hangin, at kasabay nun ay may biglang sumulpot na dalawang assassin sa magkabilang gilid ni Elfred.
“ Kung hindi ako nagkakamali kayo ay sina Sebastian Lorbek at Trace Jenkins. Tama ba? “ Agad tumawa ng mapang asar si Vonzo matapos sabihin yun. “ Ang akala niyo ba sapat na kayo para talunin ako? “ Natatawang dugtong nito. Pero ulit umihip ang hangin, pero ngayon ay medyo malakas na, sa harapan naman nina Elfred ay may biglang sumulpot doon.
Dahil medyo madilim ay hindi makita ni Vonzo ang mukha ng sumulopot dahil nakadungo ito habang nakaluhod ang isang tuhod. Unti unti naman itong tumayo at humarap kay Vonzo, at parang nag skip saglit sa pagtibok ang puso nya dahil sa nakita niya.
Napalunok siya nung tignan niya ang mga mata ng nasa harapan niya.
Straight lang itong nakatingin sakanya. Nakakatakot talagang titigan ang mga mata niya. Kapag tumingin ka dito ay parang may nanghihila sayo pababa.
“ Argo? “
“ Oh asan na ang yabang? Galaw galaw din pag may time.“ Nakangising wika ni Sebastian.
Ikinisap ni Vonzo ang mga mata niya at parang nag slowmo bigla ang paligid, nung muli na niya itong minulat ay napaatras siya ng konti dahil nasa harapan na niya si Argo. Aalis pa sana siya pero mabilis siyang nakatanggap ng isang napakalakas ng sipa sa tagiliran niya na nagpalabas ng dugo sa kanyang bibig. At hindi lang yun, nasundan pa yun ng dalawang mabibilis at malalakas na suntok sa mukha niya dahilan para tumilapon siya at nabangga sa isang puno. Sa sobrang lakas na pagkakabangga niya ay muntik na siyang mawalan ng malay. Sinubukan niya pa sana ang bumangon pero sumalubong lang sakanya ang mahigpit na pagsakal ni Argo sakanya at mabilis siya nitong itinaas.
Pinilit ni Vonzo ang umalis pero napakalakas ni Argo “ Napakahina mong nilalang.“ Sa di inaasahan ay binitawan ito ni Argo sa pagkakasakal. Para namang naubusan ng hininga si Vonzo habang hawak hawak ang leeg niya. “ Hahayaan kitang mabuhay ngayon dahil gusto kong ipadala mo itong mensaheng sasabihin ko sa grupo mo.“ Lumapit naman si Argo sakanya at may ibinulong. Kita naman sa mukha ni Vonzo ang pagkagulat.
Walang ibang nakarinig ng binulong ni Argo kundi si Vonzo lang. Ano nga kaya ang binulong niya?
Tumayo na si Argo pagkatapos, at sa isang kisapmata ay naglaho na ito bigla.
“ Kung ano man yung sinabi ni Argo sa’yo, mas nakabubuting sundin niyo nalang ’yun. Dahil sa maniwala kayo o sa hindi, ang lahat ng mga sumusuway sakanya…nakakatikim ng kamatayan.“ Yan ang huling sinabi ni Trace bago sila tumalon at nawala na parang bula.
Napamura naman si Vonzo sa utak niya..
Magbabayad kayo! Malas niyo lang at binuhay niyo pa ako!
[ Virgel’s PoV ]
“ Hindi pa ba kayo matutulog, Bossing? Mag aalas dose na oh.“ Humikab si Benz habang kumakamot sa ulo niya. Halatang antok na antok na siya.
“ Hinihintay pa namin si Ish eh. Umuna kana lang Benz, okay lang ako dito.“ Sagot ko. Tumango naman si Benz.
“ Sige una na ako sa inyo ha. Pag may kailangan kayo kumatok lang kayo.“ Inaantok na sabi ni Benz kaya tumango kami. Pagewang gewang naman siyang umakyat sa hagdanan. Pfft.
“ Ikaw Kael, baka inaantok kana.“
“ Hindi pa naman Boss. Okay lang ako. “ Sagot naman niya at pansin mo na parang wala siya sa sarili. Kanina pa siya ganyan. Minsan nga ay natutulala siya na parang ang lalim ng iniisip. “ Ayos ka lang ba, Kael? “ Takhang tanong ko. Kita ko naman siyang ngumiti ng bahagya.
“ Oo naman boss.“
“ Ba’t parang kanina kapa hindi mapakali? “
“ Hindi ko nga rin alam eh.“ Tumingin naman siya sa’kin. “ Ah boss, okay lang ba na bumisita ako sa mansyon ng fuego bukas? Parang namiss ko kasi sila bigla.“
Ngumiti ako. “ Oo naman.“
“ Salamat Boss. “ nakangiti ring ganti ni Kael. At sakto namang natapos ang pag uusap namin ay biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon kami rito. Ang akala ko si Ish na ’yung umuwi pero..
“ Ikaw pala, Hugo. Kumusta ang trabaho? “ Nakangiting tanong ko. Ngumiti naman siya ng konti bago sumagot. “ Okay lang, Boss.“ Sagot niya at hindi na niya ako hinintay na magsalita pa dahil diretso siyang umakyat sa hagdan.
Bakit ba ganito ang kinikilos ni Hugo nitong mga nakaraang araw? Sobrang kakaiba talaga ng kinikilos niya. At palagi na siyang umuuwi ng madaling araw.
“ Baka stress lang sa trabaho Boss.“ Lumingon ako kay Kael nung magsalita siya. “ Ganun lang talaga minsan ang tao pag pagod. Magiging okay na ulit ’yun bukas.“ Dugtong niya. Tama siya, siguro nga pagod lang talaga si Hugo dahil sa dami ng problema sa companya ngayon. Sana ay magiging okay na siya.
Bigla ulit bumukas ang pinto kaya napalingon ulit kami, at sa pagkakataong ’to ay si Ish nanga ang dumating.
“ Ish—“ Nagulat nalang ako nung bigla siyang natumba pagkapasok niya sa mansyon. “ ISH!! “ Dali dali kaming pumunta ni Kael sa kinaroroonan ni Ish. “ Ish anong nangyari sa’yo?! “ Kinakabahang tanong ko habang pinipilit ang nakakulob nyang katawan na iharap. At nung maiharap na namin siya—
*Krrrr~ Krrrr~
“ Pfft. Nakatulog lang pala.“ Natatawang sabi ni Kael. Nakahinga naman agad ako ng maluwag. Haay. Akala ko napano na’to si Ish.
Sinubukan ko naman siyang kargahin pero ambigat niya T.T “ Di ko kaya, Kael. Tulungan mo ako.“
“ Hahahaha.“
Kinabukasan
“ Magandang umaga, Boss.“ Bati ni Ish sa’kin pagkarating ko sa dining table.
“ Magandang umaga rin sayo, Ish “ Umupo ako sa bakanteng upuan pagkatapos ay inumpisahan ko na rin ang pagkain. Kasama ko silang lahat kumakain ngayon maliban kila Hell at Elsa dahil andun pa rin sila sa ospital ngayon.
“ Alam niyo na ba kung kailan makakalabas si Hell sa ospital? “ Tanong ko. Ang tahimik kasi nila.
“ Sabi ng doktor baka sa makalawa pwede na siyang lumabas, Bossing.“ Sagot naman ni Benz at pansin kong panay kain niya ng keso. “ Hoy, ba’t keso yang kinakain mo ungas? “ Takhang tanong ni Ish nung pamansin rin niya ito.
“ Ito kasi ang sekreto ni Jerry. Gusto kong maging katulad kay Jerry, mabilis tapos matalino tapos…whoah! Grabe Idol! Makapanood nga mamaya “ Itinuon ko nalang atensyon ko sa pagkain ko dahil natatawa ko. Muntikan nga ring mabulunan si Kael dahil nagpipigil rin siya ng tawa. Hahahaha.
Pagtingin ko kay Ish ay napailing nalang ito at mukhang walang ganang makipagtalo. Tinignan ko rin si Hugo. Pero medyo nagulat ako dahil nakatingin na pala siya sa’kin.
“ Ah Hugo, kumusta na pala ang companya? “ Tanong ko nalang sakanya.
“ Konti nalang yung mga problema, Boss. Malapit ng bumalik sa dati ang lahat.“ Sagot niya kaya tumango ako. Base sa pananalita niya parang okay na siya. Siguro nga ay pagod lang talaga siya kagabi. “ Ba’t di ka sumama sa’kin ngayon Boss, para naman makita mo ang companya ng iyong ama.“ Biglang tanong niya.
“ Naku, hehe hindi na muna, Hugo. Nakakahiya namang pumunta dun.“
“ Wala namang nakakahiya. Sige na Boss, sama ka sa’kin. Ipapakilala kita sa mga empleyado ng companya.“
“ Ah eh hehehe. Sa susunod nalang siguro. Dadalawin ko pa sina Elsa ngayon eh.“
“ Ba’t ayaw mo Boss? Sigurado akong matutuwa sila kapag—“
“ Huwag mo ngang pilitin si Boss.“ Biglang putol ni Ish kay Hugo habang umiinom ng kape. “ Kapag ayaw niya, ayaw niya.“ Dugtong pa niya. Napatingin naman si Hugo sandali kay Ish habang si Ish ay nakapikit dahil umiinom siya ng kape.
“ Pasensya na.“ Tumayo na si Hugo at kinuha ang blazer niya pagkatapos ay sinuot ito. “ Kailangan ko ng umalis. Malalate na ako.“
“ Sige, ingat ka Hugo “ Nakangiting sabi ko. Tumango naman siya at umalis na.
Pagkatapos namang umalis ni Hugo ay biglang nagsalita si Benz. “ Siya nga pala Ish, ano bang nangyari sa’yo kagabi? “ Tanong ni Benz habang kagat-kagat ang keso. “ Ba’t ang tagal mong nakauwi? Pinaghintay mo pa si Bossing at Kael.“
“ Naku pasensya na Boss, napasubo lang ako ng konti kagabi. Pasensya na rin sa paghatid niyo sa’kin sa kwarto ko. Talagang napagod lang ako ng husto kagabi kaya ako nakatulog ng wala sa oras “ sagot ni Ish habang nakangisi.
“ Hehehe wala ’yun, Ish.“ Bigla namang napatingin si Ish kay Kael.
“ Ba’t pala bihis na bihis ka, Kael? May lakad ka ba ngayon? “ Tanong niya.
“ Bibisita lang ako sa Fuego. Gusto ko lang kasi silang makita “ Nakangiting sagot naman ni Kael.
“ Ah ganun ba, mag iingat ka.“
“ Salamat.“ Tumayo naman si Kael pagkatapos niyang kumain. “ Aalis na ako Boss.“
“ Mag iingat ka Kael.“
“ Kayo din Boss. Una na ako sa inyo.“
“ Bye2 “ -Benz
[ Kael’s PoV ]
Pagkarating ko sa mansyon ng mga Fuego ay sinalubong ako ng mga nagbabantay na bodyguard doon. “ Magandang umaga Sir. Kael.“ Bati nila sa’kin pero pansin mo na parang matamlay sila at ang lungkot lungkot ng mga sa mukha nila.
“ Oh ba’t parang namatayan ata kayo? “ Biro ko pero ngumiti lang sila ng pilit. Dun ako medyo kinabahan. “ Teka..may nangyari ba? “ Tumungo lang sila at parang walang balak sumagot. Dali dali ko nalang pinasok ang loob ng mansyon, at pagpasok ko, tumambad agad sa’kin si Veronica. Tulala at parang wala sa sarili. “ Veronica..“ tawag ko, tsaka lang niya ako napansin. At nagulat nalang ako nung bigla niya akong yakapin habang umiiyak. “ Teka Veronica..may problema ba? A-ano ba talagang nangyayari dito? “ Naguguluhang tanong ko. Ba’t parang napakalungkot ng aura ang bumabalot sa mansyon na’to?
“ W-wala na ni Nero..“
………….
……………….
Bigla akong natulala sa narinig ko. Parang ayaw i sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Si Nero..paanong wala na si Nero? Parang bumigat bigla ang pakiramdam ko. Ito ba ang rason kung bakit parang hindi ako mapakali kagabi?dahil may nangyari kay Nero? Pero…bakit? Si Nero..Wala na? Parang ang imposibleng paniwalan.
Nahuli ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Isa sa mga kaibigan ko na naman ang nawala.
Ikinuyom ko ang aking mga kamay, at nakaramdam nalang ako bigla ng sobrang puot at galit. Ewan ko kung tama ba ’tong nararamdaman ko pero..
Para gusto kong pumatay sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.
“ Pagbabayarin nila itong lahat. Magbabayad sila! “
[ Veronica’s PoV ]
After 2 weeks
Mahigit dalawang linggo na’rin ang lumipas nung inilibing ang katawan ni Nero. At sa loob ng dalawang linggong ’yun ay pinipilit namin ang sarili na kumapit at tanggapin ang pagkawala niya. Sa ngayon ay unti unti na naming natatanggap ang nangyari, pero may isang babae na hindi pa rin matanggap ang pagkawala ni Nero.
May lihim na nararamdaman si Helena para kay Nero. Matagal na. Pero ayaw niyang umamin. At ngayon ay pinagsisihan niya ang lahat dahil hindi man lang niya nasabi kay Nero ang lihim nararamdaman niya para sakanya. Huli na siya para sabihin niya yun dahil kahit anong sigaw niya ngayon, hindi na siya maririnig pa ni Nero.
Kaya nga ang ginagawa niya ngayon ay araw araw siyang pumupunta sa puntod ni Nero. At palagi nalang siyang umuuwi ng luhaan. Naaawa nanga ako sakanya dahil parang wasak na wasak siya ngayon. Palagi nga siyang natutulala. Mahal na mahal nga ata niya si Nero. Wala na naman siya ngayon dito sa mansyon. At sigurado akong nasa puntod na naman yun ni Nero.
Lahat nga ata gagawin mo kapag mahal mo ang isang tao.
[ Cast’s PoV ] ( Pawn )
- Helena Madrigal
Saglit kong tinignan ang litrato ng susunod na target ng aming organisasyon. Napakaganda niya. Siguro masarap ’to kapag natikman ko ’to smirk Pero kung ikukumpara siya dito sa katabi ko, walang wala si Helena sa alindog nito. Napakasarap. Nakakatakam.
Tumingin naman siya ng masama sa’kin nung mahuli niya akong nakatingin sakanya. “ Mandiri kanga sa itsura mo. Mukhang rapist.“ Napangisi ako sa sinabi niya. Napakasungit talaga ng Valentine na’to.
“ Alam mo bang simula pa lang nung ipinakilala kayo ni King sa’min ay natakam na agad ako sayo? Gustong gusto talaga kitang tikman Valentine.“ Nakangisi kong pag amin sakanya.
Tumingin naman siya sa’kin at napabuntong hininga. “ Okay, let’s have a deal. Kapag tagumpay mong mapatay ang target na’tin, ipapatikim ko sa’yo ang sarili ko.“ Parang napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Tinitigan naman niya ako gamit ang isang malanding titig. Malandi din pala ’tong babae ’to. Di ko tuloy maiwasan ang mapakagat ng labi. “ Sigurado ka? “
“ Sigurado.“
“ Okay, deal.“
Ngayon, ang tangi ko nalang gagawin ay ang patayin ang Helena Madrigal na’to. Tapos makakapunta na ulit ako sa langit kasama ang napakasarap na babaeng ’to smirk
-To be continued..
-MajorSin
Episode 40: Helena’s KISS
Episode 40: Helena’s KISS
[ Virgel’s PoV ]
Ngiti ngiti lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Nakakatuwa naman ^__^
“ Ang saya saya mo ata ngayon, Boss. “ Tumingin ako kay Elsa habang hindi inaalis ang ngiti ko. Naku napansin niya pala hehehe
“ Ah wala ’to hehehe“
“ Naku baka pumapag ibig na naman ’tong si Boss.“ Natatawang komento ni Ish kaya napailing nalang ako.
“ Hindi, masaya lang ako dahil kumpleto tayong kumakain ngayon. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi na na’tin ’to nagagawa.“ Oo, kumpleto kaming kumakain ngayon. Bukod kasi sa nakabalik na sina Hell at Elsa ay maaga ring nakauwi ngayon si Hugo.
“ Oo nga eh, buti naman naisipan mo ng umuwi ng maaga Hugo.“ Sabi naman ni Ish kay Hugo.
“Di na kasi ako masyadong Busy.” Sagot naman ni Hugo.
“ Since nagkasabay na tayong kumain ngayon, oras na siguro para magpasalamat ’tong si Hell kay Kael.“ Biglang sabi ni Elsa. Muntik namang mabulunan si Hell “ Ba’t ako magpapasalamat?! “ Masungit pa din talaga tong si Hell ^_^
“ Eh diba sinabi ko na sayong si Kael ang nag donate ng dugo para mailigtas yang buhay mong abnoy ka? Kaya magpasalamat kana! “
“ Hahaha okay lang Elsa, maliit na bagay lang naman ’yun.“ Singit naman ni Kael. Buti naman at nakakangiti at nakakatawa na rin ’tong si Kael. Nung isang linggo kasi ay hindi namin siya makausap ng maayos. Napakatahimik niya. Naiintindihan naman namin siya dahil isang myembro na naman ng Fuego ang pinaslang ng mga Elfame. Isang kaibigan na naman niya ang nawala.
Dumalo kami sa libing ni Nero para ipakita ang pakikiramay namin sakanila. Mabuti nga at pumayag sila. Natatandaan ko pa noong panahon na dumalo rin kami sa burol ni Elon, siya yung ayaw magpapasok sa’min, napakasungit niya at parang lalapain kami sa sobrang talim ng mga titig niya. Pero alam niyo, nung tignan ko siya nung mga oras na yun habang mahimbing siya na natutulog ay di ko maiwasan ang maawa sakanya. Sayang ang buhay niya, napaka aliwalas ng mukha niya. At mas lalo pa akong nakaramdam ng lungkot nung sinabi sa’kin ni Ish na niligtas ako ni Nero nung nakikipaglaban kami sa isang myembro ng Elfame. Kung hindi daw dahil sakanya ay malamang wala na ako ngayon. Sobra nga ring nalungkot si Ish sa nangyari dahil hindi man lang daw niya nagawang iligtas si Nero gaya ng pagligtas nito sa’kin. Hindi man lang kami nakabayad ng utang na loob sakanya.
Kung na’san man si Nero ngayon, sana ay mapatawad niya kami, at sana masaya na siya ngayon.
Napatingin naman kaming lahat sa tumayong si Benz. “ Tapos kana Benz? “
“ Ah oo Bossing, maglalabas lang ako ng mahalimuyak na amoy sa labas “ Natatawang sagot nito bago umalis at lumabas.
“ Pfft. Kadiri “ Elsa.
“ Himala at naunang matapos ang ungas. Mas matakaw pa naman yun sa baboy.“ Ish
“ Pansin ko nga na medyo kakaiba na ang kinikilos ni Benz nitong mga nakaraang araw.“ Komento ko rin. Totoo yun. Medyo may nagbago sakanya. Hindi na siya masyadong makulit. Tapos bihira nalang rin siyang nanunood ng Tom and Jerry. Tapos hindi na rin siya masyadong nakikipag usap sa’min at palagi siyang nag iisa. Minsan ay nag jojoke siya gaya nung kanina pero hindi katulad dati. Basta, nagiging kakaiba talaga si Benz. Namiss ko nanga ang pagiging makwela niya.
“ Kailan ba siya naging ganyan? “ Tanong ni Elsa.
“ Nung burol ni Nero. Pagkatapos nating dumalo doon ay parang nagbago na siya ng konti.“ Sagot ko.
“ Hayaan niyo na ’yun. Kulang lang sa pansin ’yun.“ Singit naman ni Ish.
“ Baka brokenhearted.“ Kael
“ Pfft Hahaha. Hindi yun marunong mainlab. Napaka isip bata nung ungas na ’yun eh “
[ Benjamin’s PoV ]
Jerry Jerry Jerry Jerry Jerry Jerry Jerry Jerry Tom Tom Tom Tom Tom Tom Tom Tom Jerry Jerry Jerry Jerry-
“ Sino siya? “
“ Isa yan sa mga myembro ng Diablo.“
Argh! Kahit na anong isip ko kay Tom at Jerry ay ayaw niya paring mawala sa isip ko. Anak ng biik naman u-oh
Flashback
( Time to ng burol ni Nero )
Habang tahimik kami na nakaupo dito sa Chapel ay palihim kong kinuha ang isang Eden Cheese sa may bulsa ng blazer ko. Nakaslice na yun kaya dumukot ako ng isa at pasimpleng kinain yun. hmm, chalap.
“ Anak ng! Cheese na naman, Benz?! “ Galit na bulong ni Ish. Aw. Nahuli niya pala ako. pout
Mabilis ko nalang nilunok ang Cheese tsaka umayos ng upo. Anak ng teteng naman oh, sarap ng kumain ng Cheese eh. Tsk. Mamaya nanga lang, baka manghingi pa sila sa’kin.
Habang nakatingin ako sa harapan ay may dumaan na babae sa gilid ko ( ako kasi yung nasa dulo ng upuan ) at ewan pero nung tignan ko siya eh ayaw ng maalis ng tingin ko sakanya.
“ Sino siya? “ Tanong ko kay Ish
“ Isa yan sa mga myembro ng Diablo.“
“ Anong pangalan niya? “
“ Sa pagkakaalam ko siya si Helena Madrigal.“ Sagot niya. Kasapi siya sa Walong Diablo ng Fuego? Ba’t hindi ko siya nakita nung pumunta kami sa burol ni Elon? At tsaka, ba’t ang ganda niya?
Pinilit ko nalang na Ialis ang tingin ko sakanya, pero kahit anong gawin ko ay kusang bumabalik ang tingin ko sa napakaganda niyang mukha. What the F? Ang jeje pakinggan.
Habang nakatingin siya sa litrato ni Nero na nakadisplay ay medyo nagulat ako nung bigla siyang umiyak, at hindi lang isang simpleng iyak lang kundi isang extraordinary na iyak.
Mabilis siyang lumabas sa chapel habang nakatakip ang kamay niya sa bibig niya.
Okay lang ba yun?
Jeez, ang init naman dito. “ Ah lalabas lang muna ako saglit.“ Paalam ko.
“ Sa’n ka pupunta? “ Ish
“ Magpapahangin lang.“ Tumango naman sila Bossing kaya lumabas na ako. Paglabas ko ay naglibot libot na muna ako. Napakasariwa naman ng hangin dito. Buti nalang talaga at lumabas ako. Actually hindi naman talaga mainit sa loob. Lumabas lang ako para kainin ’tong Eden Cheese Mehehehe
Na’san kaya ’yun?
Habang naglalakad ako ay dumukot ako ng isang slice ng cheese para sana kainin pero di ko yun naituloy dahil nakita ko siya sa may unahan na nakaupo sa isang bench ng mag isa.
At syempre lumapit ako. She’s still crying. Shet english yown.
Napansin niya siguro ako kaya tumingin siya sa’kin.
“ Hi ^__^ “ Bati ko pero di niya iyon pinansin at bumalik na naman siya sa pag iyak.
“ Hi din sayo Benz, congrats at napahiya ka “ Sagot ko sa sarili ko.
Dapat ay patahanin ko muna siya. Hmmm, ano bang dapat kong gawin?
“ Ah eh..ano..“ Ulit ay tumingin siya sa’kin, pero this time ay nakakunot na ang noo niya. Pfft. Ang cute niya. “ A-ano ang paborito mong cartoon character? ^___^ “
^__^ - Ako
-__- - Siya
…………..
………………
Di siya nag react sa sinabi ko. Aw. At muli ay tinakpan na naman niya ang mukha niya gamit ang mga palad niya.
“ Congrats talaga Benz. Napahiya ka ulit! Idol na kitang hayop ka! “
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganito eh. Hindi ako sanay sa komport-komport (Comfort) na yan. Umupo nalang ako sa tabi niya at nanahimik.
After 48.6 seconds…
Habang nakatingin ako sa mga magagandang bulaklak ay nagsalita ako “ Alam mo, favorite ko talaga si Jerry. Bakit? Kasi napakatalino niya, napakatalas mag isip, natatalo niya si Tom kahit mas malaki pa ito sakanya. At ang mas magaling pa, hindi siya namamatay. Kahit natatabunan na siya ng mga malalaking bagay at nagiging flat siya eh bumabalik pa din siya sa dati.“ Tumingin muna ako sakanya at sa di inaasahan ay nakatingin na pala siya sa’kin “ Isn’t amazing? Isn’t surprising? “ Tanong ko, at sa unang pagkakataon ay nakita ko siya ngumiti..
Ngumiti siya..
O__O dugdugdugdug
“ Baliw ka ba? “
“ A-ah…k-kailangan ko na palang umalis.“ Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan at nataranta matapos kong makita ang ngiti niya. Tumayo ako sa pag kakaupo at aalis na sana ako ng may maisip ako.
Humarap muna ako sakanya. “ A-akin na ang kamay mo.“ Utos ko. Kumunot pa ang noo niya kaya sapilitan ko nalang kinuha ang kanang kamay niya at dumukot ako ng isang cheese sa bulsa ng blazer ko at inilagay ito sa kamay niya. “ S-sayo na yan. M-masarap yan. Wag ka na ulit iiyak ah. B-bye.“ Sabi ko at dali dali na akong naglakad palayo.
Anak ng tokwa!
End of Flashback
Napahilamos nalang ako ng mukha matapos ko siyang maalala. Dapat sina Jerry ang iniisip ko ngayon eh pero- “ Aray! “ Napahawak ako sa batok ko nung may bumatok sa’kin. Pagtingin ko sa likod ko.. “ Ish? “
“ Kulang pa ba yung batok na’yun para bumalik kana sa dati? “ Tanong niya tsaka siya tumabi sa’kin. “ Ano bang kadramahan yang ginagawa mo ha? Di mo ba alam na nag aalala na si Boss jan sa kinikilos mo? “ Umiwas naman agad ako ng tingin matapos niyang sabihin yun. Naapektuhan narin pala si Bossing sa mga kinikilos ko. Tsk.
“ May problema kasi ako Ish.“ Sagot ko. Tama lang ba na i share ko ’to sakanya?
“ Then sabihin mo samin, kung hindi mo kaya, wag mong akuin gago. Ano ba yang problema mo? “
[ Ish’s PoV ]
“ Then sabihin mo samin, kung hindi mo kaya, wag mong akuin gago. Ano ba yang problema mo? “
“ Natatandaan mo pa ba yung si Helena? “ Tanong niya. At ano namang kinalaman ng taga Fuego na’yun?
“ Baket anong problema mo kay Helena? “
Tumingin pa siya sa’kin habang ang lungkot lungkot ng mukha “ Hindi siya mawala sa isip ko, Ish “
……
……………..
…………………………
Pfft! Anak ng! “ Tangina ang jeje mo gago! Hahahaha “ Natatawang sabi ko sabay palo sa ulo niya. Hahahaha pumapag ibig na pala ’tong ungas na’to hindi man lang nagsasabi. Hahahaha
“ Ish naman eh. May problema nanga ako tinatawanan mo pa.“
pout
“ Pfft. Dapat tong malaman ng lahat.“ Mabilis akong tumayo tsaka tumakbo papasok sa mansyon. Kita ko namang nagkandarapa ring tumayo si Benz tsaka ako hinabol “ Uy wag mo akong isumbong Benz!! “ Naiiyak na sigaw niya habang hinahabol ako. Hahahahah!
[ Helena’s PoV ]
(A/N : Serious mode muna tayo xD )
NEXT DAY
Flashback
“ May bago daw nirecruit si Boss.“ Ibinato ni Nica ang Dart Pin na hawak niya sa may Dartboard. “ At dati daw siyang magaling na militar ng ating bansa.“ Dagdag naman ni Stephan.
Kung ganun madadagdagan na naman kami. Mula sa anim ay magiging pito na kami.
Biglang pumasok si Boss Jin dito sa underground basement ng mansyon na may kasamang isang lalaki.
“ Ito si Nero Guzman, ang pampitong myembro ng Diablo.“ Pakilala ni Boss sa kasama niya. So siya na pala yan. Tinignan ko ang bagong kasamahan namin, salubong ang mga kilay niya, mukhang suplado ata ’tong narecruit ni Boss.
Nagpakilala naman ang lahat sakanya habang nakikipagkamay.
“ Ako nga pala si Kael Zacanta “ Pakilala ni Kael habang nakikipagkamay. Ang akala ko di tatanggapin ni Nero ang kamay ni Kael pero tinanggap niya naman. Ganun din ang ginawa nina Nica, Steph at nung magpinsan na Fuentes.
“ Magpakilala ka.“ Utos ni Nica sa’kin nung matapos na silang limang magpakilala. Sinamaan ko siya saglit ng tingin pero wala din akong nagawa, kailangan eh.
Naglahad ako ng kamay sakanya. “ Hi, ako nga pala si Helena Madrigal.“ Tinignan naman niya ako gamit ang isang blankong tingin. Tinanggap niya ang kamay ko bago nagsalita. “ Nero Guzman.“ Medyo nagulat ako sa lalim ng boses niya. Sa aming anim kasi, sa akin lang niya nagsalita.
At yun ang unang beses na nakilala kita..
“ Pa-bas na ang ta-get!“ Inayos ko ng konti ang earpiece na suot ko dahil hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni Steph dahil putol-putol. “ Ano? “
“ Palabas na ang target! Mag iingat ka! “ Pagkatapos nyang sabihin yun ay nakita ko nanga sa harapan ko ang target na si Lorenzo Torres na may tatlong kasamang bodyguard. Shit! Hindi man lang ako nakapaghanda. Nung makita naman ako ng tatlong bodyguard ni Mr. Torres ay agad nilang binunot ang mga baril nila tsaka ako tinutukan. Mabilis rin akong bumunot ng dalawang kutsilyo sa likuran ko at mabilis ko iyong hinagis sa dalawang bodyguard. Natumba ang dalawa, pero yung isa ay nakatayo pa habang nakatutok ang baril niya sa’kin. Shit. Pumikit ako dahil ang pag aakala ko ay katapusan ko na, pero mabilis na bumulagta yung lalaki dahil sa tama nito sa ulo. Lumingon ako sa taas, andun pala si Nero.
Paglingon ko ulit sa harapan ko ay wala na si Mr. Torres.
Nakatakas ang target!
Lagot ako kay Boss nito.
**
“ Bakit niyo pinatakas ang target! Ngayon ay mahihirapan na tayong itumba siya dahil alam na nya na may nagtatangka sa buhay nya! “ Bulyaw ni Boss Jin sa’ming lahat. Lahat naman kami ay tahimik lang at walang balak na magsalita. Nakakatakot talaga si Boss pag nagagalit.
“ Sino ba ang hayop na pumalpak ng ating plano?! “ Galit na tanong niya. Itataas ko na sana yung kamay ko dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari pero may biglang nagsalita. “ Kasalanan ko. “
“ Kabago bago mo pa lang sa grupo pero gumagawa kana agad ng kapalpakan! “
“ Pasensya na Boss, bigyan niyo nalang ako ng tatlong araw na hanapin at patayin siya.“
“ Sige, at pag pumalpak kapa ulit sa pagkakataong ito, tatanggalin na kita sa grupo.“
Nero….
Nung makita ko siyang mag isang naninigarilyo sa labas ng mansyon ay lumapit ako sakanya.
“ Nero..“ tawag ko pero hindi niya ako nilingon. “ Pagkakataon mo na sanang mabaril yung target na’tin nung mga oras na’yun. Pero ba’t yung bodyguard ang binaril mo? “ Naguilty ako bigla. Kung wala lang sana ako dun malamang nagtagumpay na kami sa misyon namin. Sigurado akong tagumpay na mababaril ni Nero yung target. Tapos inako pa niya ang kasalanan ko kanina.
“ Kung inaakala mong niligtas kita nung oras na’yun, nagkakamali ka, sumablay lang yung tira ko at yung bodygurad ang tinamaan ko.“ Napangiti ako sa sinabi niya
“ Wala naman akong sinabing ganun ah, at tsaka diba di ka sumasablay sa mga tira mo? “
Agad naman niyang tinapon ang sigarilyo niya. “ tss! Gamutin mo nanga lang yang sugat mo! Ang daming tanong! “ Inis na bulyaw niya bago ako iniwan ng mag isa.
Sinigawan niya ako…pero ba’t di ko maiwasan ang ngumiti?
At dun ko lang nalaman na kahit suplado ka, mabait ka pala.
End of Flashback
Napangiti nalang ako ng mapait nung maalala ko ang mga panahong yun. “ Miss na miss ko na kasupladuhan mo.“ Inilagay ko ang dala kong bulaklak sa harapan ng puntod ni Nero. “ Sana talaga sumama ako sayo nung gabing ’yun.“ Nung gabing umalis si Nero ay kinutuban na talaga ako nun. Pero wala akong nagawa para pigilan siya.
At ngayon ay pinagsisihan ko ang lahat. Kung alam ko lang sana na mangyayari sakanya ’yun, gagawin ko talaga lahat wag lang siyang umalis nung mga oras na’yun. Pero wala na eh, di ko na maibabalik pa ang oras.
“ Sa’kin miss, pwede kang sumama.“ Gulat akong napalingon sa likuran ko nung may marinig akong boses. At isang lalaking may suot na Elfame suit ang tumambad sa’kin kaya agad akong umatras at lumayo.
Ngayon ay magkaharap na kami.
“ Masarap ka palang tignan sa personal. Natatakam tuloy ako.“ Nilabas niya ang dila niya na para bang takam na takam na siya. Napaka manyak ng nilalang na’to!
Bumunot ako ng dalawang kutsilyo sa likuran ko.
“ Base sa impormasyon, may matinding lason ang nakalagay sa lahat ng sandata mo. Kaya dapat di ako tamaan niyan.“ Nakangising sabi niya.
“ Kung ganun ilagan mo ’to! “ Binato ko sakanya ang dalawang kutsilyo na hawak ko, at gaya ng inaasahan, umiwas siya.
Napangiti ako, may napakanipis na sinulid ang nakatali doon sa kutsilyo na binato ko na nakakonekta sa hintuturo ko. At kapag hinila ko ito, babalik yung kutsilyo sa dinaanan nito kanina.
Huli ka ngayon!
Hihilahin ko na sana ang dalawang sinulid pero nagulat ako nung mabilis niyang iyong pinutol. Shit, nakita niya? “ Akala mo di ko napansin? Ako ang may pinakamatalas na paningin sa buong Chess Pieces, at sa sobrang talas ng paningin ko, pati bra mo kitang kita ko ngayon. “ Napatakip ako sa may dibdib ko nung sabihin niya yun. Napaka bastos ng lalaking ’to!
May sinuot naman siya na gaunlet na may matutulis na mga kuko sa dalawang kamay niya. “ Oras na para mag alis ng takip sa katawan!“ Bigla siyang sumugod kaya hinanda ko ang sarili ako. Hindi ko pwedeng sanggain ang mga atake niya dahl ang tutulis ng mga kuko ng gaunlets niya. Kung sasanggain ko yun ay siguradong masusugatan lang ako.
Naiwasan ko ang unang sampung sunod sunod na atake niya, pagkatapos ay umatras nalang siya bigla. Nagtaka ako dahil ngumisi pa siya.
At sa isang iglap, nagkapunit punit na buong damit ko, pati mga katawan ko nagkasugat sugat na rin. Shit! Ano bang nangyari? Nailagan ko naman lahat ng atake niya ah.
“ Hindi nakikita ang atake ko sa isang simpleng paningin lang. Kailangan ng isang matalas na paningin para iwasan mo ang mga atake ko “
Napatakip ako sa may dibdib ko dahil kita na halos ang buong katawan ko dahil sa pagka punit punit ng damit ko. Kainis na nilalang na’to!
“ Woow… malaman ka pala. Pahimas naman ako.“ Sa sobrang galit ko ay bumunot ulit ako ng kutsilyo at hinagis ito sakanya. Pero medyo mahina ata ang pagkakahagis ko nun dahil nasalo niya ito.
Tinignan niya pa ito na parang sinusuri. “ Kung babaon ba ’to sayo malalason ka rin ba? “
Shit. Wala akong dalang antidote ngayon. Kaya kung tatamaan ako nyan ay tiyak na katapusan ko na.
“ Subukan nga na’tin! “ Mabilis niya iyong hinagis kaya napapikit nalang ako. At sa pagpikit kong iyon, narinig ko ang pagtalsik nung kutsilyo sa kabilang banda. Pagtingin ko naman sa harapan ko ay isang lalaking may akay akay sa balikat niya ang tumambad sa’kin
Nakita ko bigla ang imahe ni Nero sa harapan ko na nakatalikod at nakatayo habang akay akay ang sniper niya sa balikat niya. “ Nero? “
“ Pfft. Kailan pa ako naging si Nero? Mas gwapo ako dun ng isang daang beses. “ Tsaka ko lang napansin na isang samurai pala ang akay akay niya. “ Wag kang mag alala, andito na ang KISS mo “
“ K- Kiss? “
“ Knight In Shining Samurai. Pfft, ang cool diba? “
“ At sino ka namang pakialamero ka? “ Maangas na tanong nung nasa harapan namin.
“ Ako si Jerry.“ Tumingin naman siya sa’kin at tsaka ko lang napagtanto kung sino siya. Siya yung nagbigay sa’kin ng slice ng cheese. “ Relax ka lang jan, Bae. Ako bahala sayo.“ Tapos ay kumindat pa siya.
Bae?
-To be continued..
-MajorSin
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 41: The Demon and the Unknown
[ Benz’s PoV ]
Matapos kong kindatan ang aking bae ay hinarap ko na ulit itong lalaking semi-kalbo ang buhok na para bang bibitayin na sa susunod na linggo. “ Kailan ang bitay pre? “ Pang aasar ko. Galit naman siyang tumitig sa’kin “ Pwede bang umalis ka sa harapan ko, lalantakan ko pa yang babaeng yan.“ Ganti niya na nagpainit ng ulo ko. Bastos to ah!
Binunot ko si Ipin gamit ang kaliwa kong kamay at hinawakan ko ito ng mahigpit gaya ng pagkakahawak ko kay Upin. “ Kakalabanin mo ako ng mag isa? Nagpapakamatay ka ba? “ Tanong niya kaya ngumisi ako.
“ At sinong may may sabing nag iisa ako? “ Itinuro ko si Ipin sakanya “ Makakalaban mo din tong mga alaga ko. Kaya kung ako sayo, ipagdasal mo yang sarili mo.“
Bigla namang siyang natawa. “ Tapang ah, sige nga tignan natin, baga may ibubuga ka nga.“ Nag stance siya ng isang pang depensang pose. Mukhang susubukan nga niya ata ang galing ko ah. “ Sumugod ka.“
Di na ako nagdalawang isip pa na sugurin siya. “ Humanda kaa! “ Mabilis kong iniwasiwas sina Ipin at Upin sakanya pero mabilis lang niya itong naiwasan.
Tuloy lang ako sa pag atake at pag wasiwas nila Upin pero di ako makatama sakanya. Yung ibang atake ko ay nasasangga niya gamit ang dalawang matutulis na gaunlets niya. Kaasar! “ Oh ano na? Tamaan mo naman ako “ Usal niya sa gitna ng mga atake ko kaya mas binilisan ko pa ng husto ang mga atake ko. Pero anak ng putcha! Di talaga ako makatama! Para siyang si Boss kung imilag. Napakatalas ng instinct niya dahil nalalaman niya ang galaw ng mga samurai ko.
At dahil nadala ako sa emosyon ko, sabay kong hinampas sina Ipin sakanya pero nasangga niya yun at hinawakan gamit ang dalawang kamay niya. “ Ang lakas ng loob mong iligtas ang babaeng yun samantalang ngayon heto ka, unti unti ng nawawalan ng pag asa.“ Ngumisi siya at parang ang bilis ng pangyayari, tumilapon ang kanina ay hawak hawak ko lang na nga samurai ko. Bigla siyang bumwelo at inatake ako gamit ang gaunlets niya pero mabilis din naman akong nakailag sa mga atake niya. Bigla siyang huminto sa pag atake at tumitig sa’kin ng nakangisi. “ Oh ano? Tamaan mo rin ako.“ Nakangisi kong ganti sakanya. “ Hindi ba kita tinamaan? “
“ Ang layo ng mga atake mo boy. “
“ Talaga? “ Biglang umikot ang paningin ko kaya mabilis akong napaluhod. Shit, anong nangyari? Pagtingin ko sa katawan ko ay tsaka ko lang nalaman na ang dami ko na palang mga sugat. Bakit ako tinamaan? Kitang kita ko naman ang mga atake niya kanina at sigurado akong nailagan ko ’yun lahat.
Kaya bakit?
Muli kong ibinaling ang tingin ko sakanya. Nakangisi lang ito. Dafak! Muli ay nag stance na naman siya at mukhang susugurin ulit ako. Pinilit ko ang tumayo, at kasabay ng pagtayo ko ay siya namang pag sugod niya. Dahil sa mga sugat ko ay bumagal ang pagkilos ko, di ko nagayang iwasan ang malakas na atake niya kaya tumilapon ako. Putik! Para akong nakalmot ng isang malaking uso dahil sa matutulis na gaunlets niya.
Tinignan ko sina Ipin na magkahiwalay na nakatusok sa gilid ng kalaban ko. Shit. Masyado silang malayo para maabot ko.
“ Wala ka ng armas ngayon, kaya ibig sabihin, talo kana.“ Naramdaman ko ang unti unting paglapit niya sa’kin. Shit anung gagawin ko? “ Kahit kailan ay hindi pa ako natatalo ng kahit sino na hindi matalas ang paningin? At sa sitwasyon mo? Tangina isang paningin pa ang gamit ako. Kaya paano mo ako matatalo n’yan? Nagyayabang ka kanina tapos ngayon ano ka? “ Mahabang lintanya niya pagkatapos ay tumawa pa ito. Pero sa sinabi niya, dalawang salita ang tumatak sa utak ko..
Matalas na paningin…
Flashback
Habang mag isang nag eensayo si Bossing sa paggamit ng baril ay lumapit ako sakanya.
“ Ah bossing..“
Tawag ko. Bigla naman siyang huminto sa pagbaril at lumingon sa’kin.
“ Oh Benz, may kailangan ka ba? “
Takhang tanong niya. Napakamot naman ako sa ulo. Nakakahiya namang mangdisturbo kay Bossing. Haaay, wag nanga lang.
“ Ah hehehe wala Bossing. Sige magpatuloy kana jan. Pasensya na at nadisturbo kita “
“ Hehehe hindi, okay lang Benz.“
Hinubad niya ang headset na suot niya at nilagay ang baril na hawak niya at humarap ulit sa’kin.
“ Halika, mukhang may gusto ka ata talagang sabihin eh.“
Natatawang sabi niya habang mahina niya akong tinutulak papunta dun sa may upuan. Ang bait talaga ni Bossing kahit kailan.
“ Oh ano ba yung sasabihin mo, Benz? “
Tanong niya agad nung makupo kami.
“ Ah bossing, kasi kanina. Nung training natin dun sa madilim na kwarto—“
“ Hala! Tungkol ba dun? Naku pasensya na talaga Benz! Di ko sinasadya na masaktan ka“
Biglang sabi niya habang bow pa ng bow. Natawa tuloy ako.
“ Hahahah hindi naman yun yung gusto kong sabihin bossing eh.“
“ Eh? Ano pala? Hehe sorry.“
“ Kasi kanina, namangha talaga ako sa ginawa mo Bossing. Wala kang nakikita pero naiilagan mo yung mga atake namin. At ang mas nakakabilib pa, nabibigyan mo pa kami ng isang counter attack. Gusto ko lang sanang malaman kung paano mo nagagawa yun Bossing.“
Napakamot naman siya sa ulo niya.
“ Ah hehe yun ba? Pinakiramdaman ko lang yung paligid, Benz.“
“ Yun lang? “
“ Hehe oo. Alam mo kasi, and sabi sakin ni Hugo, mas matalas pa yung pakiramdam natin kesa sa paningin ng mga mata natin. Lalo na kapag pakikiramdaman mo talaga yung paligid mo. Nakikita nito ang hindi nakikita ng mga mata mo.“
Pakiramdam…
Tama, yun nga.
Dahan dahan akong tumayo dahilan para mapahinto din siya sa paglapit niya sa’kin. “ Abaa, tigas talaga ah.“
Hindi ko na siya pinansin pa at binunot ko ang huling alas ko..
Oras na para gumising poon2x…
Hinigpitan ko ang pagkapit nito gamit ang dalawang kamay ko at tsaka ako dahan dahan pumikit.
Pagnakamali ako dito, tiyak katapusan ko na.
Huminga ako ng malalim at dahan dahang kinalma ang sarili. Madali na sa akin ang ganitong estilo dahil bilang isang bihasa sa paggamit ng samurai, kailangan marunong ka talagang magkalma ng sarili, naranasan ko na ang gumamit ng ganitong estilo sa pakikhpaglaban. Ang pinagkaiba nga lang, nakapikit ako ngayon.
Sa di inaasahan ay biglang bumuhos ang ulan.
“ At talagang pumikit ka pa. Senyales na ba yan na tanggap mo na ang katapusan mo? “ Hindi gaya kanina, ang lakas na ng pandinig ko ngayon. Pati bawat patak ng ulan sa lupa ay naririnig ko. Ganito din kaya nararamdaman ni Bossing nung naglalaban kami nung mga oras na ’yun.
Naramdaman ko bigla ang paggalaw ng mga paa niya. Gamit ang pakiramdam at pandinig ko, nakakabuo ang isip ko isang ng ilusyon ng isang pigura ng tao.
Bigla kong naramdaman ang malakas na yabag ng mga paa niya at dahan dahan itong bumibilis at lumilakas. Nakikita ko naman ang pigura na nasa harapan ko tumatakbo papalapit sa’kin, di na ako nag akasaya pa ng oras at sumugod na rin ako habang nakapikit.
Sana di ako magkamali..
Nung magkalapit kami ay naramdaman ko ang kamay niya mula sa kanan ko kaya ang ginawa ko ay umikot ako pakaliwa para iwasan ito, at kasabay ng pagikot na yun ay nag iwan ako ng isang counter attack mula sa likuran niya, at naramdaman ko nalang ang paghiwa ng samurai ko sa katawan niya.
Binukas ko agad ang mga mata ko at kita ko siyang napaluhod sa atake ko na yun. Di na ako nagdalawang isip na kunin sina Upin at Ipin ng nakatusok. Kinagat ko ang puluan ni Ipin at hawak hawak ko naman sina Poon2x at Upin. Pagkatapos ay sumugod na ako sakanya, pero bago pa man ako makalapit ay hinagis ko muna si Poon2x sa ere ng napakataas at kinuha si Ipin na kagat kagat ko at hinawakan ito ng mahigpit gamit ang bakanteng kamay ko.
Nung makalapit ako sakanya ay sabay ko itong hinampas sakanya, pero mabilis siyang nakaharap sakin at hinawakan sina upin at ipin ng sobrang higpit. Nagagawa niya iyong hawakan dahil bakal yung gauntlets niya.
“ Hahahaha! HINDI MO AKO KAYA!! “
Ngumisi ako.
Bigla kong binitawan sina Ipin at Upin, bakas sa mukha ang pagkagulat niya, itinaas ko ang dalawa kong kamay, at sakto namang naglanding ang puluan ni Poon2x sa kamay ko na hinagis ko kanina. Kita ko namang nanlaki ang mga mata niya. “ Ganito tinatapos ni Jerry ang kalaban niya.“ And in just a second, mabilis na humiwalay ang ulo niya sa katawan niya.
Mabilis siyang natumba kasabay ng ulo niya.
Sa maikling oras ay ang daming nangyari. Sa sobrang pagod
napaluhod ako.
Natapos rin..
Napahawak ako sa may tiyan ko. Buti di grabe yung tinamo ko kanina.
Unti unti namang tumila ang ulan at nagliwanag ang kalangitan. Tinignan ko ang direksyon ni Helena at..shit…O////O Halos kita na ang buong katawan niya dahil sa sobrang basa ng damit niya na nagkapunit punit pa.
Mabilis akong tumayo ako sa pagkakaluhod at kinuha ang tatlong alaga ko at nilagay sila sa kanikanilang bahay para makapagpahinga. Lumapit naman agad ako kay Helena pagkatapos, at pansin kong takot na takot itong nakatingin sakin. Teka, may nagawa ba ako?
“ H-huwag mo akong tignan“ nahihiyang sabi niya pagkalapit ko habang tinatakpan niya ang sarili niya gamit ang mga braso niya.
Hinubad ko ang polo na suot ko at lumapit sakanya at lumuhod. Itinakip ko ito sa katawan niya. Tsaka ko lang napansin na ang dami niya pa lang pasa. Mabilis ko siyang binuhat na ikinabigla niya ng konti. “ Teka anong ginagawa mo? Ibaba mo ako “
“ Malayo pa ang kotse ko dito at alam kong di mo kayang tumayo dahil sa mga sugat sa hita mo.“ Tumingin ako sakanya, at anak ng cheese, nakatingin na pala siya sa’kin. “ Wala akong gagawing masama sayo.“ Biglang umihip ang hangin kaya bigla siyang napayakap sa’kin ng mahigpit dahil sa lamig.
Shet, ito naba ang tinatawag nilang langit? ^______^
“ Sa’n mo ba ako dadalhin? “ Biglang tanong niya.
“ Sa simbahan—e-este sa Mansyon ng Virgo.“ Ano ba yan, excited naman ata ako masyado ha ha ha (^O^)
“ Huwag mo akong dalhin dun. “ Ramdam ko sa boses niya ang pangamba kaya tinignan ko ulit siya at nginitian. “ Huwag kang mag alala, walang gagalaw sa’yo dun. Hangga’t nandito ako sa tabi mo, walang pwedeng gumalaw sa’yo.“ Bigla naman siyang parang nahiya. Teka, napakilig ko ba siya? ^____^ Nakow, dagdag 7.50 pogi points na yown! hahahaha
“ Matulog kana muna, manununood pa tayo ng Tom and Jerry mamaya.“
Unti unti naman niyang ipinikit ang mga mata niya “ Maraming salamat “
[ Valentine Crawford’s PoV ]
Nung makita kong nakaalis na sila ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Lumapit ako sa katawan ni Cast at tsaka tinignan ito. “ Yan ang nababagay sa isang manyak na katulad mo. “ Ngumiti ako. Di ko talaga inaasahan na kakagat siya sa alok ko. At dahil sa katangahan niya, napakabrutal ng sinapit niya.
Napansin ko naman sa may kanan ko ang paglabas ni— “ Hiro? Anung ginagawa mo dito? “ Andito din pala siya.
“ Nanunood? “ Sagot niya. Pagtingin ko rin sa kaliwa ko ay nagpakita rin sina Asher at Gavin palapit sa’kin. “ Whoa, nakita niyo yun? “ Natatawang tanong ni Asher. “ Gusto kong makalaban yung mamang may hawak na sword. Napakagaling niya. Diba kuya Asher? “ Tumango tango naman si Asher sa sinabi ni Gavin.
“ Hindi ko alam na ganun kalakas ang isang myembro ng Virgo na yun. Nakakamangha ang ginawa niya.“ Komento ko naman. Totoong namangha talaga ako sa husay niya sa paggamit ng samurai niya. Hindi biro ang ginawa niya kanina
.
Inayos naman ni Hiro ang salamin niya. “ Base sa impormasyon na alam ko, ang pangalan ng lalaking yun ay si Benjamin Delgado. At sa pagkakaalam ko siya ang panlimang target natin.“
“ Dapat ay mag ingat tayo sa isang ’yun.“
May narinig kaming mga yapak sa likuran namin na naglalakad kaya napalingon kami rito.
At tumambad sa’min ang napakaweirdong nilalang na’to. Nakapamulsa lang itong naglalakad palapit sa’kin habang nakangiti. Tss. “ Nanood ka rin pala kuya Vonzo? Ang ganda ng laban diba? “
Ngumisi lang ito. “ Tama ka jan Gavin.“
“ Ba’t ka pala nandito Vonzo? “ Tanong ko. Tumingin naman siya sa’kin at ngumiti. “ Baket? Bawal ba, Valentine? “ Sa totoo lang ay napipikon talaga ako sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya. Para kasi itong nang aasar. Kahit kasamahan namin siya, hindi talaga namin siya gaanong kalapit. Dahil bukod sa weirdo siya, napakasama pa ng ugali.
“ Isang myembro na naman ang nawala. Alam niyo sa ginagawa nating ito parang tayo pa ang dehado eh. Kumukonti nga ang bilang nila pero mas kumonti naman tayo. “ Paliwanag ni Hiro, tama siya. Sa tingin ko ay dapat na naming itigil ito. Kailangan masabi naming kay King Casper ang mga opinyon namin kundi baka kami pa ang unang mauubos sa labanang ito.
[ Helena’s PoV ]
“ Hoy ungas, wala ka bang balak kumain? “
“ Natutulog pa kasi siya Ish eh, sabay nalang kami mamaya hehe “
“ Pag ibig nga naman. Pfft “ Teka, boses yun ni Kael ah.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, medyo malabo pa ang paningin ko kaya di ko makilala tong pigura na nasa harapan ko.
“ Oh gising na yang palalabs mo, pagkatapos niyo jan ay kumain na agad kayo.“ Unti unting luminaw ang paningin ko at halos mapaatras ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. “ Good evening ^___^ “ Tsaka ko lang napagtanto na siya pala yung tumulong sa’kin kanina. Inilalayan niya ako hanggang sa mapaupo ako dito sa couch na hinihigaan ko. “ Kumusta ang pakiramdam mo? “ Tanong niya kaya pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mukhang okay na naman ako.
“ Maayos na ng konti “ Sagot ko. Napaangat ako ng tingin at tumambad sa harapan ko si Kael na nakaakbay sa isang lalaking kaedad niya. Ngumiti si Kael sa’kin. “ Kumusta? ^__^ “
“ Ah, Okay lang.“ Sagot ko. Itinuro naman niya ang katabi niya. “ Ito nga pala si Virgel, Helena.“ Tinigna ko naman ang katabi niya, at medyo napakunot ang itsura ko dahil sa napansin ko. Parang may pagkakahawig sila ni Argo. At yung mga mata niya, katulad rin ng kay Argo. “ Sabi niya napakasexy mo daw kanina habang natutul—mmpp.“ Di na naituloy ni Kael ang sasabihin niya dahil mabilis na tinakpan ni Virgel ang bibig niya.
“ U-uy wala akong sinabing ganun uy.“ Tumingin naman siya sa’kin habang sobrang pula ng mukha, pfft. “ W-wag kang maniwala kay Kael. H-hindi yun totoo.“
“ Anung hindi totoo, Boss? “ Kael
“ Yung sinabi mo.“
“ Ano ba yung sinabi ko? “
“ Na napakasexy niya “
“ Baket hindi ba totoong sexy si Helena? “
“ Totoo—e-este Hindi! “
“ Hindi? Hala Helena hindi ka da— “
“ Ay hindi, totoo! Ah eh..T-totoo p-pero hindi ko naman sinabi yun eh.“
“ Hahahahaha “
“ Kayo ang babata niyo pa, dun nanga muna kayo, inaagawan niyo naman ang isang pogi dito eh. “ Tinulak nung lalaki sina Kael paalis nitong sala. Saglit naman akong napatingin sa buong paligid, ito pala ang loob ng mansyon ng mga Virgo. Napakaganda pala ng loob nito, napakalinis ng buong paligid at yung aura, napakagaan sa pakiramdam. Nadapo naman ang tingin ko dun sa isang malaking litrato na nakasabit ibabaw sa altar. Isang larawan ng mga Virgo ang nandoon. Napakaganda nilang tignan. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Mabuti pa sila, kumpleto, samantalang kami…paubos na ng paubos.
“ Naku pagpasensyahan mo na sina Kael at Bossing kanina.“ Agad siyang bumalik at umupo sa tabi ko.
“ Bossing? “
“ Yung si Virgel, siya ang Boss namin.“ Otomatiko nalaglag ang panga ko pagkasabi niya nun. Yung batang yun? Siya ang Boss ng Virgo Mafia? “ Nagpapatawa ka lang diba? “
“ Hahahaha hindi, siya talaga ang Boss namin. Bata lang yun pero halimaw magalit yun.“ Natatawang sagot niya. Isang bata? isang Mafia Boss? parang ang imposible naman ata. Paano niya pamumunuan itong grupo?
Natahimik kami ng ilang segundo kaya bigla nalang siyang tumayo at naglahad ng kamay “ Kumain na muna tayo, alam ko nagugutom kana.“
“ Kaya ko ng tumayo.“ Sagot ko kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya at ikinamot ito sa ulo niya. “ He-he sabi ko nga.“
“ Woah! Pahiya ang gago! Hahahaha! “ Biglang may sumigaw sa may likuran namin kaya napalingon kami doon. Andun pala sina Kael, Virgel at yung naka eyeglass na halos maubusan na ng hinga kakatawa.
Pfft
[ Veronica’s PoV ]
Shit! Na’san ka naba Helena?
Mag aalas nuebe na ng gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya umuuwi. Ito nanga ba ang sinasabi ko eh. Sinabi ko na sakanyang mapanganib ang lumabas sa mansyon pero ayaw niyang paawat.
“ Hanapin na kaya natin siya? “ Pati si Stephan ay nag umpisa na ring mag aalala. Kaming tatlo nalang at si Argo ang natitira sa walong diablo kaya kung may mangyari pang masama sa isa sa’min, baka di namin kayanin.
“ Tara.“ Kinuha ko ang leather jacket ko at isusuot ko na sana ito ng may bigla kaming narinig na tunog ng kotse sa labas ng gate na pumarada. Si Helena na kaya ’yun?
Mabilis kaming pumunta ni Steph sa labas ng gate. At paglabas namin ay tumambad agad sa’min si Helena na inaalayan ng isang lalaki—-teka, diba kasapi ’to ng Virgo? Pagtingin ko kay Helena ay napansin kong ang dami nyang pasa sa mga braso niya.
“ Anong ginawa mo kay Helena?! “ Susugurin sana ni Steph yung lalaki ng bigla siyang inawat ni Helena. “ Wag Steph, mali ang iniisip mo.“ Awat niya. “ May umatake sa’kin kanina na isang kasapi ng Elfame. At tinulungan niya ako. Kung di dahil sakanya baka wala na ako ngayon.“ Tama ba ang narinig ko? Tinulungan ng isang Virgo si Helena? Mabilis namang nagbago ang expresyon ni Steph. “ Ganun ba.“ Tumingin siya dun sa lalaki “ Pasensya na.“ Ngumisi naman yung lalaki habang nakakamot sa ulo niya. “ Naku wala yun.“
Sa totoo lang, sa lahat ng pinapakita nila sa’min, sa pagbisita nina Hell at Elsa kay Elon noon, sa pagdalo nila sa burol nina Elon at Nero, sa pagtulong ng lalaking ’to kay Helena. Isa lang talaga ang masasabi ko, mababait ang mga Virgo, napakalayo ng inaakala ko noon. Ang akala ko kasi isa silang walang awang mga nilalang na pumapatay at kumukontrol ng mga tao—iyon kasi ang tinatak ni Boss Jin sa mga utak namin. Pero mali ako, mali kami.
Mababait sila, at katulad namin, sumapi lang rin siguro sila sa isang Mafia group para magkaroon ng proteksyon ang mga mahal nila sa buhay.
Habang nag uusap sina Helena, Stephan at yung lalaki ay biglang lumabas sa kotse ang dalawang bata ng Virgo. Napatingin ako sa batang Boss, napakainosente parin niyang tignan.
“ Hi sa inyo Veronica “ Kael.
“ Sumama pala kayo.“
“ Itong si Boss kasi gusto sumama.“ Sagot ni Kael kaya tumingin ako kay Virgel. “ At bakit mo gustong sumama? “ Normal na tanong ko. Ngumiti naman siya bago sumagot “ Ah hehe wala naman. Gusto ko lang sumama.“ Tumango ako sa sagot niya. Pagtingin ko naman sa gilid ko ay nagpapaalam na yung lalaki habang ngiti ng ngiti kay Helena. May gusto ba siya kay Len? Parang kanina ko pa napapansin ang ngiti na binibigay niya kay Helena.
“ Oh pano aalis na kami.“ Ngumiti yung lalaki sa’min “ Pakiusap wag niyo sanang pabayaan si Helena.“ Dugtong nito. So tama nga ako? Well, di naman ako kokontra dahil may itsura naman ’tong lalaking to at yung fact na nagawa niyang iligtas si Helena sa kapahamakan, sa tingin ko ay kaya naman niyang protektahan at alagaan ’tong bespren ko.
“ Makakaasa ka. Salamat sa pagligtas mo sakanya“ Tipid kong sagot. Tumango naman siya habang nakangiti at pagkatapos ay pumasok na siya at si Kael sa kotse…pero yung batang boss ay andito padin sa harapan ko, nakatingin. At hindi ko alam kong anong ibig sabihin ng mga tingin niya.
May kailangan ba siya sa’min?
Agad naman siyang lumapit sa’kin at medyo nagulat ako nung hawakan niya ang kanang kamay ko ng dalawang kamay niya pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. “ Pakiusap, wag niyo sanang pahirapan ang papa ko. “ Biglang naging tahimik ang paligid matapos niya iyong sabihin. “ Alam ko hawak siya ngayon ng grupong kinabibilangan niyo, pero alam ko rin naman na mababait kayo. Kaya sana alagaan niyo siya. Hindi ako nagbabanta, pero gusto ko lang sabihin na kapag natapos na ’tong digmaan na’to, kukunin na namin siya sa inyo.“ Bigla kaming natigilan sa sinabi niya. Ngumingiti siya at walang bahid ng kahit anong paghihiganti ang makikita mo sa mga mata niya. Binitawan niya ang kamay ko at tsaka yumuko ng bahagya. “ Aalis na kami.“ Huling sabi niya bago siya pumasok sa kotse nila.
Nung makaalis na sila ay tsaka lang may nagsalita. “ Ang batang ’yun, karapat dapat nga siyang maging isang boss. Ang ganoong klase ng pag uugali ay nakakakuha ng malaking respeto.“ Nasabi nalang ni Steph. Tama ang sinabi niya.
“ Ba’t nasa labas pa kayo? “ Agad kaming napitingin sa likuran namin nung may magsalita.
Shit, si Mr. Acosta—kasama sina Argo at Felix.
Muntikan ng mag krus ang landas ng mag ama.
“ Pumasok na kayo. Masyado ng delikado ang ganitong oras.“ Utos ng HeadBoss pagkatapos ay umuna na siyang pumasok sa loob kasunod sina Argo at Felix.
“ Nagtataka lang ako sa Felix na ’yun. Sa pagkakaalam ko isa lang yung butler ng mansyon. Pero ba’t parati na ata siyang kasama ng HeadBoss ngayon?“ Takhang tanong ni Steph. Gusto ko mang sumagot sa tanong niya pero hindi pa pwede. Hindi pa niya pwedeng malaman ang sekreto ni Mr. Acosta at ng limang Assassins niya.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Helena. “ Ayos ka na ba? “
Ngumiti naman siya. “ Oo. Ginamot nila ang mga sugat ko kanina kaya hindi na ito masyadong kumikirot.“ Ngumiti rin ako. May utang na loob na naman kami sakanila.
“ Pumasok na tayo “
[ Someone’s PoV ]
Napakasarap na sana ng tulog ko ng may biglang nag dorbell. Tangna naman u-oh, ganitong oras pa ba niya naisipang bumisita? Haay
Bumangon nalang ako at binuksan ang pintuan. Pahamak talaga ’tong taong ’to. “Oh ba’t napadalaw ka, Argo? Tangna, mag aalas dos na ng umaga, marunong ka ba talagang matulog? “ Di nya pinakinggan ang sermon ko at pumasok na agad siya sa loob nitong condo ko. Kung di ko lang kaibigan ’to ay baka tinadjakan ko na’to palabas. Pero syempre, joke lang yun. Baka ako pa matadjakan nito pag nagkataon.
Nag init nalang ako ng tubig para magtempla ng kape.
Umupo siya sa isang couch at ako naman ay umupo rin sa tapat na couch na inuupuan niya.
“ So ano bang atin? “ Tanong ko. Ngumiti lang ito ng bahagya. Nakuu, alam ko na ang mga ngiti na’yan. Nakita na naman niya siguro ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.
Iniba ko nalang ang usapan. “ Ano na pala ang plano ni Sir. Acosta ngayon? Plano niyo na bang lusubin ang Elfame? Tangna, Argo baka tapusin niyo rin ako ah. Alam mo namang loyal ako sa inyo kesa sa grupong ’yun.“ Natatawang sabi ko pero hindi man lang natawa ’tong lalaking ’to -__- Ayos talaga ’to kausap. Bigyan niyo nga to ng konting sense of humor.
“ Hindi ko gagawin ’yun.“ Biglang sagot niya kaya napangisi ako.
“ Kakatouch pre hahahaha “
“ Ano ng balita sa grupo mo? “ Tanong niya.
“ Kanina ay may nawala na namang isang myembro. Paunti unti ng humihina ang depensa ng Elfame. Siguro ay oras na para atakihin niyo sila. “ Sagot ko tapos ay pumunta ako sa kusina para mag templa ng kape. Pagkatapos ko ay bumalik ako sa sala at ibinigay ni Argo ang isang tasa.
“ Darating din tayo jan.“ Tipid na sagot niya bago hinigop ang kape.
Napangisi ako. Astig talaga ng hayop.
Kaibigan ako ni Argo,
Kasapi ng Elfame Mafia,
Sino nga ba talaga ako?
smirk Darating din tayo jan.
-To be continued..
-Major
Sin
Episode 42: Crossing Paths
Episode 42: Crossing Paths
[ Ish’s PoV ]
“ Bilisan mo nga jan Benz! “
“ Eh ikaw kaya magdala nito Ish? “
“ Aba’t! Sumasagot kana?! “
pout “ Tulungan mo kasi akong dalhin ’tong mga pinamili na’tin.“
“ Si Kael nga hindi nagrereklamo tapos ikaw jan, tadjakan kita eh.“
pout Benz
“ Hahahaha “ Kael
Andito nga pala kami ngayon sa isang supermarket. At kung maitatanong niyo kung anong ginagawa namin dito, kaarawan kasi ngayon ni Hugo at naisipan namin na maghanda ng isang konting pagsasalo mamaya. Yung isang simpleng pagsasalo lang. Di naman kasi namin ’to ginagawa dati pag may kaarawan ang isa sa mga myembro ng Virgo, pero dahil nitong mga nakaraang araw ay mukhang stress na stress si Hugo sa trabaho, eh naisipan namin na gawin to. Isang araw lang naman.
Kinuha ko ang dalawang malalaking de lata ng Todays para sa fruit salad at inilagay ko ito sa pushcart na hawak ni Benz.
“ Tama na Ish.“ Pout
“ Tahimik.“
Habang abala ako sa paghahanap para sa ibang ingredients ay meron kaming nakasalubong na sa tingin ko ay magkasintahan. Ang sweet sweet kasi nila habang naglalakad. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan. Buti pa ’tong ungas nakahanap na. -__-
“ Teka, diba si Jack yun? “ Takhang sabi ni Kael
“ Hala tama, Hey Hitler! “ Tawag ni Benz dun sa lalaki na may kasamang babae. Lumapit naman silang dalawang sa’min.
“ Oh kayo pala yan.“ Nakangiting ganti nung lalaki.
“ Cute parin ng bigote mo ah.“ Benz
“ Teka teka sino ba ’to? “ Takhang tanong ko sabay turo nung lalaki. Ba’t parang wala akong alam dito.
“ Siya si Jack. Kasamahan yan ni Victor noon sa El Satans Gang. Di mo naba siya natatandaan? “ Sagot ni Kael kaya kunot akong napatingin dun sa lalaki. Ah tama, siya pala yung isa sa muntik ng mapatay ni Boss, yung pinagtanungan namin kung saan ang lungga ni Victor. Di ko siya namukhaan dahil bugbog sarado pa yung mukha niya nung makita ko siya.
“ Sino pala yang magandang binibining kasama mo Jack? “ Benz
“ Ah..si Rose nga pala, Girlfriend ko.“
“ Jack? Rose? Anak ng, You jump, I jump? Pfft. Titanic Pare hahaha “
Pfft. Napakaungas talaga ng gago hahahaha.
“ Ah babe, may bibilhin lang ako dun. Maiwan ko na muna kayo saglit.“ Paalam ni Rose. Ngayon ay kaming apat nalang ang nandito.
Natahimik naman kami kaya si Kael na ang nagsalita. “ Ah jack, diba naging myembro ka ng Elfame Mafia noon? Pwede ba kaming makakuha ng konti pang impormasyon tungkol sa kanila? “
Napalingon naman siya sa paligid, siniguradong walang ibang nakikinig sa’min “ May alam ako tungkol sa apat na pinakamalalakas na myembro ng Chess Pieces ng Elfame. Ang dalawa sa apat na ’yun ay ang dalawang pawns na sina Dorothy at Aero. Pero sumapi na si Aero sa Martin Family gaya ng sabi ko sa inyo noon. At ang dalawang natitira naman ay ang kambal na sina Target at Bullet. Sa buong Chess Pieces, bukod sa King at Queen, sila ang pinaka mautak at pinakamalakas sa lahat. Mag iingat kayo sa kanila, lalo na ang dalawang kambal na ’yun. Meron silang kakayahan na hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao.“
Agad naman kaming nagkatinginang tatlo matapos sabihin yun ni Jack.
Atleast may konting alam na kami tungkol sa kanila.
[ Virgel’s PoV ]
Tinignan ko saglit ang hawak ko na isang kwentas na may desenyo na krus na gawa sa emerald. “ Magugustuhan kaya to ni Hugo? “ Tanong ko sa sarili. Namili kasi kami kahapon ni Kael ng pwede kong iregalo kay Hugo. at nung makita ko ’to, binili ko na agad. Pansin ko kasing walang kwentas si Hugo kaya ito nalang ang naisipan kong iregalo. Sana nga lang ay magustuhan niya.
Mabilis kong itinago ang kwentas sa lalagyan nito nung may kumatok sa kwarto ko.
“ Boss? “ Si Hugo pala.
“ Pasok ka Hugo.“ Sabi ko kaya agad naman nya iyong binuksan.
“ Happy Birthday, Hugo.“ Nakangiti kong bati sakanya. Ngumiti naman siya ng konti “ Maraming salamat, Boss “ Sagot niya. Pansin ko naman sa kanang kamay niya ang isang baril.
“ Anong gagawin mo jan sa Baril? “ Tanong ko kaya itinaas niya ito at ang kaliwang kamay niya na may hawak na pampunas. “ Nililinis ko lang Boss.“
“ Ah..baket ka pala kumatok? May kailangan ka ba? “ Nakangiti kong tanong.
“ Ah wala naman, pinapatawag ka lang ni Elsa sa baba.“
“ Ah ganun ba, sige susunod ako.“ Sagot ko, tumango naman siya at pagkatapos ay umalis na.
Ba’t kaya ang lungkot lungkot ng mga mata niya?
**
Pagkababa ko galing sa kwarto ay dumiretso na agad ako sa kusina para puntahan sina Elsa. Pagkarating ko dun ay nadatnan ko si Hell na naghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin habang salubong ang mga kilay. “ Tss! Ayoko na! Nakakapagod! “ Reklamo niya tapos tumayo agad siya sa pagkakaupo at iritableng umalis dito sa kusina. “ Hoy Hell! Bumalik ka dito! Bwesit talaga ’tong abnoy na’to! “ Sigaw naman ni Elsa pero mukhang hindi na siya nadinig ni Hell.
“ Heheh ako na dito Elsa.“ Umupo ako kung san nakaupo si Hell kanina at inumpisahan ang paghihiwa ng mga sangkap.
“ Mukhang sanay kana jan Boss ah, marunong ka bang magluto? “ Tanong naman ni Elsa nung makita niya ako. “ Heheh hindi masyado. Medyo sanay na ako dito kasi ako palagi ang tumutulong kay mama noon kapag nagluluto siya.“ Sagot ko. Tumango tango naman siya.
Habang abala ako, si Elsa at ibang katulong sa ginagawa namin ay narinig namin ang boses nina Kael na palapit dito sa kusina. Mukhang nakauwi na sila.
“ Alright~ Bango ah.“ Bungad agad ni Benz pagkapasok nila.
“ Ilagay niyo nalang yan jan sa lamesa yang pinamili niyo.“ Utos ni Manang Choleng na kusinera nitong mansyon.
Lumapit naman si Manang Teresa sakanila na may dalang inumin “ Oh mga hijo uminom na muna kayo, mukhang pagod na pagod kayo.“
“ Maraming salamat Manang Teresa.“ Kael
“ Bilisan natin at kukunin pa natin yung ibang pinamili natin sa kotse.“ Ish
Bigla namang tinawag ni Manang Teresa ang anak niya na dito narin nagsisilbi sa Mansyon. “ Madel, anak. Halika.“ Tawag niya. Agad namang dumating si Madel sa kusina. “ Baket po? “
“ Paki tulungan mo naman sina Sir. Ish sa mga bilihin, kunin mo yung mga pinamili nila dun sa kotse sa labas.“
“ Naku wag na, kami na bahala dun Manang.“ Ish.
“ Okay lang po, magpahinga na muna kayo. Ako na ang bahala dun.“ Kontra naman ni Madel kay Ish at umalis na agad ito dito sa kusina, mabilis namang niyagok ni Ish ang isang baso ng juice. “ Teka mabibigat ang mga ’yun, samahan na kita.“ Tapos ay umalis na rin si Ish.
Busyng busy na dito ang lahat sa kusina para sa mga ihahanda mamaya. Umalis na muna ako saglit sa kusina para magpahangin sa labas, ang init kasi dun.
Nung makalabas ako ay sakto ring bumaba si Hugo na bihis na bihis, nga pala, kahit sabado ay may pasok parin pala siya sa companya.
“ Magtatrabaho ka pala ngayon, Hugo? “ Tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti ng konti. “ Kailangan Boss eh.“
“ Ah ganun ba.“ Ngumiti nalang rin ako. “ Pero umuwi ka ng maaga mamaya ha? “
Ngumiti naman siya “ Masusunod Boss.“ Sagot niya pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa kotse. Kita ko ang pagpasok niya sa kotse niya, at dahil bukas ang bintana ng kotse niya, kita ko ang pag upo niya sa driver seat at otomatikong nawala ang mga ngiti niya at napatingin sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip. At hindi nakatakas sa mga mata ko ang malulungkot na mga mata niya. Bigla naman siyang tumingin sa direksyon ko at ngumiti ng bahagya at tuluyan na niyang sinarado ang tinted glass ng bintana ng kotse pagkatapos ay umalis na siya.
Hindi ako tanga para di mahalata na may problema siya, at nalulungkot ako dahil pinapasan niya lang ito ng mag isa.
Dapat ay maging spesyal ’tong gabi para kay Hugo. Dapat gawin namin ang lahat para kahit papano ay panandalian man lang niyang makalimutan ang mga problema niya.
Wag kang mag alala Hugo, ayaw mo man sabihin sa’min ang problema mo, tutulungan ka naming maibsan ng kahit konti yan’ pinapasan mo sa paraan na alam namin.
[ 3rd Person’s PoV ]
6:30 PM
Habang nagmamaneho si Hugo pauwi ng mansyon ay may biglang tumawag sa cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan kung sino ang tumatawag.
Mr. del Fuego…
Pinindot niya ang cp niya tsaka kinausap ang nasa kabilang linya. “ Ba’t ka napatawag? “ Tanong nito.
[ Ngayon mo na ba gagawin? ]
Tanong rin ni Jin pabalik. Napahigpit naman ng hawak si Hugo sa Cellphone niya at sa manibela. Di ito makasagot ng diretso, tila nagdadalawang isip parin kung ngayon nanga ba niya gagawin o baka sa susunod nalang.
[ Hindi mo na ba itutuloy ang plano natin? Diba gusto mong maghiganti? Sa tingin ko ay ito na ang tamang oras, Hugo.]
Biglang nangibabaw sa pakiramdam niya ang puot, galit at paghihiganti.
Naaalala na naman niya ang mapait na sinapit ng buong pamilya niya dahil sa kagagawan ni Vlademir Acosta. Noong una ay ayaw niyang maniwala kay Jin dahil alam niyang pinapaikot lang siya nito, pero maraming baraha ang inilabas ni Jin, sa dami ng proweba na pinakita at pinaalam ni Jin sakanya ay di niya maiwasan ang maniwala. Bata palang siya noong namatay ang buong pamilya niya at halos buong angkan ng mga Arsenal kaya wala pa siyang kaalam alam sa mga nangyari. At kailan lang niya nalaman na ang ama niya pala noon ay kasapi ng isang Mafia group, isang Mafia group na nangahas pabagsakin ang Virgo Mafia. At dahil sa ginawa ng grupo ng ama niya, isa silang inubos nun, kasama ang ama niya at idinamay pati buong pamilya niya. Kaya naman ganito nalang kagalit ang nararamdaman niya sa tuwing naaalala niya ang Boss na pinagsilbihan niya ng totoo at tapat.
Gusto niyang ipaghiganti ang pamilya niya.
“ Itutuloy ko. “ Solid na sagot ni Hugo.
“ At kailan naman? “
“ Ngayon. “
Pagkarating niya sa mansyon ay nagtaka ito dahil napakadilim ng paligid. Wala ni isang ilaw ang nakabukas sa loob ng mansyon.
Pagkaparada niya sa kotse niya ay pumasok na agad siya sa loob. Pagkapasok niya ay bubuksan na sana niya ang ilaw ng otomatikong nag on lahat ng ito. At tumambad sakanya ang mga taong naging malapit sa buhay niya.
“ HAPPY BIRTHDAAAAY!!!! “ Masayang bati ng lahat sakanya.
Agad namang nilabas ni Benz ang torotot na sekreto niyang binili kanina sa supermarket at tsaka ito malakas na pinatunog. Mabilis naman siyang nabatukan ni Ish. “ Gago hindi to bagong taon! “
May suot suot sina Virgel at lahat ng nandito maliban kay Hell na mga birthday hat. Para itong isang pambatang birthday party.
Medyo natulala si Hugo. Halatang nasurpresa sa nakita niya. Hindi naman kasi to ginagawa noon ng mga Virgo tuwing may nag bibirthday dito. Pero ngayon, di siya makapaniwala. Alam niyang parang pambata yung theme ng party pero di niya maiwasan ang maappreciate ang ginawa ng ikalawang pamilya niya.
Lumapit naman si Virgel sakanya bitbit ang isang birthday hat. “ Suotin mo ’to Birthday Boy.“ Nakangiting utos ni Virgel sabay lahad ng birthday hat sakanya. Kinuha naman ito ni Hugo at tsaka isinuot. “ Salamat, Boss.“ Ganti nito.
“ Alriiiight~ Kainan naaa! “
Pagkatapos nun ay naganap nanga ang munting pagsasalo nila. Kahit konti lang sila at walang mga bisita, bakas sa mga mukha nila ang sobrang saya habang kumakain sila. Sina Ish, Kael at Benz ay natatawang nag aagawan ng pagkain, habang sa kabilang banda naman ay inaasar ni Elsa si Hell at pinipilit ito na subuan. Samantalang sina Manang Choleng naman at ang buong katulong at bodyguard ng mansyon ay masaya ring nakisalo sa sayahan. Napakasaya nilang tignan. Habang tinitignan ni Hugo ang mga kasama niya ay nakaramdam siya bigla ng kirot sa kanyang dibdib.
Patawarin niyo ako sana ako gagawin ko…
Bigla naman siyang napalingon sa gilid nung kinulbit siya ni Virgel. “ Happy Birthday ulit, Hugo. Sana ay nagustuhan mo ’tong konting surpresa namin sa’yo.“ Nakangiti nitong sabi sakanya. Parang gustong maiyak ni Hugo sa mga oras na’yun. Habang tinitignan niya ang maamo at inosenteng mukha ng Boss niya ay hindi niya maiwasang ma guilty. “ Maraming salamat, Boss. Maraming salamat.“ Tanging nasagot niya. Tinapik naman siya ni Virgel sa balikat “ Maraming salamat rin sa pagiging mabuting kaibigan mo, Hugo. At sa lahat ng itinuro mo sa’kin. Siguro kung di dahil sa’yo, baka ngayon ay sobrang lampa ko parin. Salamat at naging myembro ka ng pamilyang ito.“ Masayang ganti nito sakanya. Napangiti tuloy siya ng sobrang pait.
Patawarin mo ako, Boss.
Pagkatapos ng kainan ay oras na rin para sa pagbibigay ng regalo kay Hugo. Unang nag abot ng regalo si Ish, isa itong napakacute na stuffed toy. “ Alam ko hindi ka marunong mag appreciate ng mga mamahaling bagay kaya ito nalang ang naisipan kong bilhin. Pandekorasyon mo dun sa kotse mo.“ Ngumiti naman si Hugo sakanya. “ Salamat, Ish.“
Sunod na lumapit si Elsa at iniabot ang hawak niyang ballpen na may desenyong heart sa ibabaw nito. “ Pinag-ipunan namin yan ni Hell. Sana magustuhan mo.“ Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Elsa. Napakasimple ng mga regalo nila pero naappreciate lahat ito ni Hugo. “ Salamat sa inyo Elsa, Hell.“
Sunod na lumapit si Kael sakanya, wala itong dala na kahit ano. Medyo nagulat pa ang lahat dahil biglang naglahad ng kamay si Kael kay Hugo. “ Alam kong hanggang ngayon ay medyo wala ka pa ring tiwala sa’kin dahil galing ako sa Fuego.“ Ngumiti ito sakanya. “ Pero sana tanggapin mo ’tong regalo kong pakikipagkaibigan sa’yo.“ Natahimik ang lahat sa sinabi ni Kael kay Hugo. Tinignan naman saglit ni Hugo ang kamay ni Kael na naghihintay ng pakikipagkamayan. Ngumiti si Hugo at tsaka tinanggap ang kamay ni Kael. Hindi nagsalita si Hugo pero alam ng lahat na tinatanggap na ni Hugo ng buo si Kael bilang kasamahan ng Virgo.
Sunod namang lumapit si Benz sakanya at parang may tinatago pa ito sa likuran niya. “ Hugo, alam kong magugustuhan mo talaga ’to.“ Nakangising saad nito. Bigla naman niyang nilabas sa likuran niya ang isang Dvd tape. “ Tadaaa! Latest episode yan ng tom and jerry. Maganda yan. ^___^ “
“ Gago ka talaga, Benz! “ Ish
Mabilis naman ulit na nagtawanan ang lahat, pati si Hugo ay natawa na rin. “ Salamat dito, Benz.“
Pagkatapos naman ni Benz ay huling lumapit ang Boss ng Virgo kay Hugo. Nung makalapit siya ay kinuha niya sa bulsa ang kwentas na ireregalo niya. “ Ito ang regalo ko sayo, Hugo. Sana magustuhan mo ^___^ “ Namangha si Hugo sa desenyo ng kwentas na binigay ni Virgel. Simple lang ito pero alam niyang sobrang mahal nito dahil gawa ito sa emerald. “ Hindi ko yan matatanggap, Boss. Napakamahal nyan.“
Pilit namang nilagay ni Virgel ang kwentas sa kamay ni Hugo. “ Tanggapin mo, utos ko yan bilang Boss mo.“ Nakangiting ganti nito. Wala ng nagawa pa si Hugo kundi ang tanggapin ang regalo ng Boss niya. “ Maraming salamat dito, Boss.“
Napalakpakan naman ang lahat dahil sa wakas ay natapos na rin ang munting kasiyahan ngayong gabi.
Napakasaya ng lahat…
at walang ni isa ang nakakaalam sa pwedeng mangyari ngayong gabi.
Alas onse ng gabi, ang lakas ng ulan sa labas. Ang lalakas ng kulog at kidlat. Tahimik na ang buong mansyon, lahat ay mahimbing na natutulog, pwera sa isa—na ngayon ay tahimik na naglalagay ng silencer sa baril niya.
Wag magpadala ..
yan ang tumatakbo sa isipan ni Hugo ngayon. Dapat mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng buong pamilya niya. Kung kailangan niyang patayin ang damdamin niya para lang matuloy ang paghihiganti niya, gagawin niya.
Dahil sa lakas ng ulan at kidlat ay biglang nagbrownout. Ngayon ay sobrang dilim na ng buong paligid ng mansyon. Mukhang umaayon ang lahat kay Hugo. Mas mapapadali niya ang gagawin niya kapag nakapatay ang ilaw.
Sa kabilang banda naman ay nagising si Virgel dahil sa sobrang ingay ng kulog. At tsaka lang niya nalaman na brownout pala. Kinuha niya ang flashlight sa ibabaw ng drawer niya tsaka ito in-on pagkatapos ay lumabas ito sa kwarto dahil naiihi siya.
Sa kabilang banda ulit, paakyat na ngayon si Hugo papunta sa kwarto ni Virgel para tapusin ang plano niya. Sinubukan niyang ipaibabaw ang paghihiganti na nararamdaman niya pero sa bawat apak niya paakyat ng hagdan ay unti unti itong napapalitan ng awa.
Kinapa niya ang kwentas na suot niya na niregalo ni Virgel, at nung mahawakan niya ang krus nito ay bigla siyang napatigil sa pag akyat dahil may kung anong mga alaala ang sumagi sa isip niya.
Mga panahong masaya silang magkakasamang lahat. Yung mga panahong niligtas nila si Virgel. Tila nag flashback sa utak niya ang mga panahong nakikita niya ang masayang mukha ni Virgel. Bigla rin niyang naalala ang mga nangyari kanina. Sobra bait nito sakanya. Napalapit na sakanya ng husto ang batang ’yun. Bukod sa Boss ay tinuturing na niya itong parang nakababatang kapatid.
Hindi ko kaya..
Bigla siyang napaluha dahil sa mga alaalang sumagi sa isipan niya. Napakabait niyang Boss, hindi niya kayang idamay si Virgel. Nanginginig ang kamay niya na may hawak na baril. Kaninang umaga, nung pumasok siya sa kwarto ni Virgel, dun na sana niya ito papatayin. Pero nung makita niya ang nakangiting mukha ni Virgel ay napaatras siya sa gagawin niya. At nagkunwari nalang na nililinis niya lang yung baril niya. At sa pagkakataong ito, tila umurong na naman ang mga paa at utak niya na gawin ang bagay na’yun. Hindi niya talaga ito magawa.
Kahit anong gawin niya, hindi niyo kayang gawin sa Boss niya.
“ Hugo? “ Gulat na napaangat ng tingin si Hugo nung marinig niya ang boses ni Virgel.
Samantalang si Virgel naman ay nagulat rin nung makita niya si Hugo na may hawak na baril. “ B-boss? “
“ Ba’t may hawak kana namang baril? “ Tanong nito. Tsaka ba’t gising pa siya? Tumingin naman si Hugo sa baril na hawak niya pagkatapos ay tumingin ulit siya kay Virgel, pero nung pagtingin niya kay Virgel, biglang kumidlat ng napakalakas—-dahilan para lumiwanag ng panandalian ang mansyon, at sa pagliwanag na ’yun, nanlambot ang mga tuhod ni Hugo nung mapatingin ito sa likuran ni Virgel.
Isang pigura ng lalaki ang nakikita niya na may nakakakilabot na mga mata at sobrang talim itong nakatingin nakanya. Nagtaka naman si Virgel sa naging reaksyon ni Hugo kaya lumingon rin siya sa likuran niya.
At dun, lumukso ang dugo niya nung makita niya ang lalaking nasa likuran niya.
Sa unang pagkakataon ay malapit na nagkatitigan ang dalawa.
At di niya alam pero kahit hindi niya ito gaanong maaninag ay kusa nalang lumabas sa bibig niya ang isang salita.
“ K-kuya? “
-To be continued..
-MajorSin
Episode 43: Rise and Fall
Episode 43: Rise and Fall
[ 3rd Person’s PoV ]
“ K-kuya? “ Halos di makagalaw si Virgel sa kinatatayuan niya dahil sa titig na natatanggap niya mula kay Argo. Ang mga titig na yun, ang mga matang ’yun, di siya pwedeng magkamali, siya nga yung nakita niya sa gubat, yung nagligtas sakanya, yung isa sa mga assassin ng ama niya.
Kuya Argo…
Muli naman ibinaling ni Argo ang tingin niya kay Hugo na ngayon ay parang natulala. Tila namanhid ang buong katawan niya dahil sa kakaibang takot na nararamdaman niya.
Biglang naglakad si Argo pababa ng hagdan para puntahan ang kinatatayuan niya. Pinilit naman niyang umatras pero di niya ito magawa. Itinaas niya ang nanginginig niyang kamay na may hawak na baril at itinutok ito sa taong palapit sakanya. “ H-huwag kang lumapit! “ Mabilis niyang tinignan si Virgel “ Umalis kana dito Boss! “ Utos niya kay Virgel dahil hindi maganda ang kutob niya sa taong ito.
Muli niyang ibinaling ang tingin kay Argo at nanlaki agad ang mga mata niya dahil nasa tapat na niya ito at matalim na nakatingin sakanya.
Ipuputok na sana niya ang baril na hawak niya pero pagtingin niya dito ay na disassemble na ang lahat ng parte nito. Sa sobrang bilis ng ginawa ni Argo ay di man lang niya ito namalayan.
Mabilis siyang hinawakan ni Argo sa mukha pagkatapos ay itinaas ng walang kahirap hirap. Pinilit niya ang kumawala pero di niya magawa. Diniinan ni Argo ang paghawak nito sa kanyang mukha kaya napasigaw siya sa sobrang sakit.
Bigla namang tumalon si Argo mula sa hagdan bitbit si Hugo, pagkatapos ay malakas niya itong binagsak sa sahig. Medyo mataas ang hagdan na tinalunan nila kaya napakalakas ng pagkakabagsak ni Hugo, ramdam niya pa ang pagdugo ng likod ng ulo niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak niya.
Pinulot ni Argo ang magazine ng baril na hawak ni Hugo kanina pagkatapos ay kumuha siya na isang bala dito. Matapos niya itong kunin ay humarap ulit siya kay Hugo pagkatapos ay itinuro niya ang hawak niya na bala sa direksyon ni Hugo.
Pinilit ni Hugo ang bumangon kahit dumudugo na ang ulo niya, unti unti na siyang nanghihina. Gusto niyang ilayo si Virgel sa taong kaharap niya ngayon. Gusto niyang iligtas ang Boss niya kahit sa huling nalalabi man lang ng buhay niya…pambawi man lang sa tangkang pagtataksil niya.
Tinignan niya si Virgel, pero nagulat siya niya nung makita niya itong tumalon.
wag…..
“ WAG BOSS! “
“ HUWAG MONG GAGAWIN YAN!!! “ Sigaw din ni Virgel na tumalon mula sa pinakamataas na hagdan papunta sa kinatatayuan ni Argo. Pipigilan niya sana si Argo pero nung makalapit na siya ay tumilapon lang ito dahil sa lakas ng sipa na pinakawala ni Argo sa sikmura niya. Bumangga siya sa may pader kaya bigla siyang nakaramdam ng sobrang pagkahilo.
Di naman makapaniwala si Hugo sa nasaksihan niya. “ BOSS!! “ Nag init bigla ang ulo niya kaya mabilis siyang tumayo para sugurin si Argo. “ Arghh! “ Susuntukin niya sana ito sa mukha pero naunahan siya ng suntok sa sikmura. Napaluhod siya at napayuko habang hawak hawak ang tiyan niya dahil sa sobrang sakit. Hinawakan naman ni Argo ang baba niya at pagkatapos ay inangat ang kanyang ulo para matignan niya ito sa mukha. Tinignan siya nito gamit ang isang blankong expresyon habang hawak hawak ang baba niya.
“ Lahat ng nagtatraydor, pinaparusahan. “ At isang suntok muli ang natanggap niya mula kay Argo. Sa sobrang lakas ng suntok na yun ay parang nawalan na siya ng ulirat.
Ngayon ay nakaluhod siya habang nakaangat ang ulo, hinihingal at parang malapit ng mawalan ng malay. Itinuro namang muli ni Argo ang balang hawak niya sa direksyon ni Hugo, at nakaposisyon ang kamay niya na parang pipitikin niya yung balang hawak niya.
Gusto mang tumulong ni Virgel pero di niya ito magawa dahil sa sobrang pagkahilong nararamdaman niya. “ Pakiusap, w-wag mong gagawin yan..“ Pagmamakaawa niya sa nakakatandang kapatid, umiiyak na siya dahil sa nakikita niyang nahihirapan si Hugo.
Hinang hina namang tumingin si Hugo sakanya, at di nakatakas sa paningin niya ang pagtulo ng mga luha ni Hugo sa mga mata niya. Ngumiti ito ng sobrang lungkot habang mahinang binibitawan ang salitang..
“ Patawad, Boss.“
Tila bumagal sa paggalaw ang lahat, dahan dahang lumaki ang mga mata ni Virgel, dahan dahang nawala ang mga ngiti ni Hugo, dahan dahang pinihit ni Argo ang kamay niya..
at sa isang kisapmata…
mabilis na bumaon sa ulo ni Hugo ang balang malakas na pinitik ni Argo.
Mabilis na bumagsak ang wala ng buhay na katawan ni Hugo sa sahig.
Hindi makapaniwala si Virgel sa nasaksihan niya. Para itong naparalisa sa posisyon niya. Nanatiling nakadilat ang mga mata niya, tulala ito habang nangininig ang buong katawan niya. Napakalakas ng pagkabog ng dibdib niya.
Hindi…hindi..hindi…hindi…
Habang lumilipas ang segundo, unti unti namang bumibilis ang paghinga niya, kasabay nito ay ang pagkulo ng dugo niya. Ang kaninang tulalang utak ay unti unting napapalitan ng sobrang galit. “ H-hindi..hindi..“ dahan dahan itong tumayo at naglakad palapit kay Argo. Sobrang talim ng mga tingin niya samantalang walang emosyon lang siyang tinitignan ng kapatid niya.
Unti unting bumibilis ang paglakad niya hanggang sa napalitan na ito ng pagtakbo. Agad niyang binwelo ang kanang kamay niya. “ MAGBABAYAD KA!!! “ Nung makalapit na siya kay Argo ay pinakawala na niya ang napakalakas ng suntok niya.
Pero walang kahirap hirap lang itong sinangga ni Argo, tumigil sa pag galaw ang dalawa at matalim silang nagkatitigan, hinawakan ni Argo ang braso ni Virgel at tsaka ito pinilipit pagkatapos ay sinakal niya ito ng napakalakas at malakas rin niyang hinampas sa pader—dahilan para bumalik sa sarili si Virgel.
Tinignan muna ni Argo saglit ang nakakabatang kapatid. Pagkatapos ay lumapit siya rito ng konti. “ Masyado ka pang mahina para protektahan ang pamilya mo. Kulang ka pa sa lakas. Kulang kapa sa puot at galit mangmang kong kapatid.“ Niluwagan naman niya ng konti ang pagkakasakal niya kay Virgel dahil nakita niya itong umiyak. “ Alam mo kung anong nagpapahina sa’yo? “ Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ni Virgel
“ Masyado kang mabait “
“ Hindi kita mapapatawad.“ Ganti naman agad ng nakababatang kapatid habang umiiyak, natahimik bigla si Argo, at di niya namalayan ang paparating na sipa ni Virgel sa sikmura niya kaya di siya nakailag. Tagumpay na nakawala si Virgel sa pagkakasakal ni Argo.
Ngayon ay magkaharap ng muli ang magkapatid na Acosta.
Medyo hinihingal na si Virgel dahil sa mga atake at pagsakal na natanggap niya kanina. Samantalang si Argo ay normal lang na nakatingin sakanya.
“ Akala ko mabait ka dahil sa pagligtas mo sa’kin dun sa gubat. Akala ko mabuti kang tao.. “ Naiiyak na sabi nito. “ Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo.“ Namuo ulit ang galit na nararamdaman niya kaya muli niyang sinugod si Argo “ PAGBABAYARIN MO ANG LAHAT NG ’TO!! “ Pero bago pa man siya makalapit ay nakalapit na si Argo sakanya ng ganun kabilis, at bigla nalang umikot ang paningin niya nung matamaan siya ng isang malakas na hampas sa may batok niya.
Mabilis na natumba si Virgel, pero pinilit niya pa ding bumangon para harapin ang kapatid niya. Tumayo ulit siya at muling sinugod ang kapatid niya, pero ganun lang ulit ang nangyari. Ngayon ay halos di na siya makabangon dahil sa sakit ng katawan niya. Pilit niyang tinignan ang taong nasa harap niya.
“ Kahinaan ng isang tao ang pagiging mabait Virgel. Tandaan mo yan.“
Yan ang huling nadinig niya kay Argo pagkatapos ay naglakad na ito palayo hanggang sa naglaho ito na parang bula.
“ B-bumalik ka..H-hindi pa ako tapos..“ Nanghihinang tawag sa kapatid pero di na ito bumalik pa.
Mabilis nalang siyang gumapang papunta sa kinalalagyan ni Hugo. Pagkarating niya ay inangat niya ang ulo ni Hugo at inihiga ito sa mga hita niya. “ H-hugo..“ Muling umagos ang mga luha niya nung makita niya ang mukha ni Hugo. Nakadilat ang mata nito pero wala na itong buhay pa. Hindi na ito humihinga. “ P-patawarin mo ako, patawad at hindi kita naprotektahan Hugo.“ Sambit niya sa gitna ng mga hikbi niya. Sinisi niya ang sarili niya sa nangyari. Hindi niya nailigtas si Hugo. Kung malakas lang sana siya malamang ay napigilan niya sana ang ginawa ni Argo. Nailigtas niya sana ang buhay ni Hugo. Kaso napakahina niya. Sobrang napakahina niya, di niya nagawang protektahan ang isang mahalagang myembro ng pamilya niya. Wala siyang kwentang Boss. Iyan ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Kasalanan niya, kasalanan niya ang lahat.
Niyakap nalang niya ang si Hugo habang umiiyak.
At sa ikalawang beses, nawalan na naman siya ng importanteng tao sa buhay niya. At sa nangyari ngayon, hindi na niya alam kung anong mangyayari sakanya.
[ Ish’s PoV ]
5 days later
Parang nung isang araw lang na ang saya saya pa naming pinagdidiwang ang kaarawan ni Hugo, tapos heto, sa isang kisapmata ay biglang magbabago ang lahat.
Ngayon ay nagtitipon ulit ang lahat ng nandito sa mansyon. Pero ngayon ay hindi para mag celebrate, kundi para sa burol ni Hugo.
Wala kang makikitang nakangiti, lahat sila ay nalulungkot—lalong lalo na kami, kami na naging kasama niya sa loob ng mahabang panahon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Parang ang bilis lang kasi. Ni hindi man lang kami nakapagusap nitong mga nakaraang araw, ni hindi man lang namin siya napasalamatan sa lahat ng ginawa niya para sa grupo, ni hindi man lang niya nagamit ang regalong binigay namin sakanya. Kainis, nakakainis.
Naramdaman ko ang pag tapik ni Benz sa likuran ko. “ Wag ka ngang umiyak Ish, nahahawa ako eh.“ Naiiyak na sabi niya, tae umiiyak na pala ako.
“ Hindi ko parin matanggap ang nangyari.“ Umiiyak na naman si Elsa. Ganito pala ang mawalan ng isang kasamahan na napaka importante na sayo. Sobrang sakit ang mararamdaman mo.
Saglit ko namang tinignan si Boss sa gilid, wala kang makitang expresyon sa mukha niya. Simula nung gabing yun ay hindi ko na narinig pa ang boses niya. Para siyang hindi si Boss nitong nakaraang limang araw, napakaseryoso palagi ng mukha niya. Tinanong namin siya kung ano bang nangyari nung gabing ’yun pero ayaw niyang sumagot. Tila para siyang natrauma sa mga nangyari. Ang sabi ni Elsa hayaan lang daw muna namin siya pero hindi maganda ang kutob ko eh. Pati si Kael ay hindi na din niya kinakausap. “ May sasabihin ka ba? “ Medyo nagulat ako sa tono ng pananalita niya, sobrang lamig at napakaseryoso ng boses niya.
“ W-wala Boss.“ Parang hindi si Boss ’tong kasama namin. Ibang iba na siya. Ano na bang nangyayari sakanya?
Oras na ng hapunan at lahat ngayon ay nakaupo na sa sarili nilang inuupuan maliban kay Hugo at Boss.
“ Na’san si Boss? “ Tanong ko.
“ Dumaan ako kanina sa training room, nandun siya habang walang tigil na sinusuntok ang punching bag “
“ ANO?! “ Hanggang ngayon ay sinusuntok niya parin yung punching bag?! “ Naloko na.“ Tumayo agad ako sa pagkakaupo at tinakbo ang daan papuntang training ground, mabilis rin naman silang sumusod sa’kin.
Pagkarating namin sa silid ay andun nga siya at walang tigil parin niyang sinusuntok ang punching bag! Putcha! Mag dadalawang oras na niyang sinusuntok yan!
Tumakbo na ako para pigilan siya. Inawat ko ang dalawang braso niya para pigilan siya sa pagsuntok. “ Boss tama na! “ Awat ko pero nagpupumiglas pa rin siya at parang gigil na gigil siyang suntukin yung punching bag. Yung mga kamao niya ay dumudugo na dahil sa ginagawa niya!
Makalipas ang ilang segundong pagpipigil ko ay dahan dahan na siyang kumalma at dahan dahan ko na rin siyang pinakawalan. Mabilis naman na lumapit si Elsa kay Boss bitbit ang first aid kit. “ Boss, gamutin natin yang sugat mo.“ Sabi niya at kukunin na sana niya ang kamay ni Boss pero tinabig lang ito ni Boss. “ Ayos lang ako, Elsa.“ Malamig na saad niya at pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng training ground na parang hindi niya kami nakikita.
Lahat kami ay natahimik dahil sa inakto niya.
“ Ba’t bigla nalang naging ganun si Bossing? “ Benz
“ Wag kayong mag alala, babalik din yun sa dati.“ Sagot ni Elsa habang nakangiti ng konti.
Sana nga.
Araw na ngayon ng libing ni Hugo, lahat kami ay nakabihis na at nakababa na sa sala maliban kay Boss.
“ Na’san na si Boss? “ Tanong ko.
“ Baka andun pa sa kwarto niya, puntahan mo Ish. Sabihin mo aalis na tayo.“ Umakyat ako sa hagdan at pinuntahan ang kwarto ni Boss. Pagkarating ko ay kumatok muna ako sa pintuan tsaka dahan dahan iyong binuksan. “ Boss? “ Nung tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan ay nabigla ako sa tumambad sa’kin.
Nakaupo si Boss sa isang silya habang nakatingin sa’kin.At sa maniwala kayo o sa hindi, muntikan ng manlambot ang mga paa ko dahil sa mga titig niya.
Ito ang pangalawang beses na nakaramdam ako ng matinding takot dahil lang sa titig. Ang unang nagparamdam sa’kin nun ay walang iba kundi ang ama niya, si Boss Vlademir. (A/N : Pakitingin po sa media, ganyang itsura ni Virgel ang tumambad kay Ish )
“ May kailangan ka? “ Walang emosyon na tanong niya, kinuha niya ang wine glass na nasa gilid niya at tsaka ininom ang laman nito.
“ Ah a-aalis na tayo, Boss.“ Utal kong sagot, siete, di ko akalain na ang masiyahin at inosenting Boss namin noon ay magiging ganito bigla.
Napakalamig ng aura niya.
“ Hindi ako sasama.“
“ Boss? Pero…libing ngayon ni—“
“ Narinig mo ako Ish, makakaalis kana.“ Maotoridad na utos niya kaya yumuko nalang ako at tsaka nagpaalam.
Tulala lang akong bumaba ng hagdan.
“ Oh ah asan na si Boss? “ Tanong ni Elsa.
“ Hindi siya sasama.“ Wala sa sarili kong sagot. Nagulat naman ang lahat sa narinig nila.
“ Ano? Pero bakit? “ Di ako sumagot kaya aakma na sanang pupuntahan ni Elsa si Boss pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan.
“ Hindi na siya ang Boss na kilala natin noon. Wag mo na siyang puntahan. hayaan nalang natin siya.“
Ang sakit isipin na kasabay ng pagkawala ni Hugo ay siya namang pagbabago ni Boss. Sa nangyari ay para lang rin kaming nawalan ng isang mahalagang myembro ng pamilya at isang mabait at mapagmahal na Boss.
Nakakalungkot.
[ Someone’s PoV ]
Andito ako sa isang malaking puno ngayon nakasandal habang tinitignan sa may malayo ang misa na nagaganap para sa paglibing ni Hugo.
“ Condolence Virgo..“ Nasabi ko nalang sa sarili. May bigla namang sumulpot sa gilid ko kaya ngumiti ako. “ Tignan mo, ang dami mong pinaiyak dahil sa ginawa mo.“ Sabi ko sakanya.
“ Wala akong pakialam “
“ Sa ginawa mo baka kamuhian kapa ng kapatid mo.“ Natahimik naman siya saglit pagkasabi ko nun, tinignan ko siya at wala akong makitang emosyon sa mukha niya.
Pero di ako mauuto ng maskarang yan .
Alam ko kung ano ang totoong nararamdaman niya ngayon.
[ 3rd Person’s PoV ]
Mahigit isang linggo na rin ang lumipas simula ng inilibing ang katawan ni Hugo, at hanggang ngayon ay napakalungkot pa rin ng aura ng buong mansyon. Malungkot pa rin ang lahat. Unang beses nilang malagasan ng isang mahalagang myembro kaya masakit para sakanila ang nangyari.
Noong nanganib ang buhay ni Hell at tila nawalan na ng pag asa ang lahat, may isang tao ang pilit na pinapalakas ang loob nila, may isang tao ang sinusubukang pagaanin ang loob nila, at yun ay walang iba kundi ang Boss nila. Pero ngayon ay wala ng gumagawa nun sakanila. na’san na ang Boss nila? Na’san na ang totoong Boss ng Virgo Mafia?
Napatingin ang lahat sa hagdanan ng bumaba si Virgel. Nakasuot ito ng puting polo at mukhang may lakad. Lumabas si Virgel sa mansyon at hindi man lang nagawang magpaalam sakanila katulad dati. Bukod kay Hugo ay miss na rin nila ang masayahing Boss nila na ngayon ay hindi nila alam kung anong tumatakbo sa utak niya.
Hindi talaga kumbinse si Ish sa kinikilos ni Virgel kaya palihim niya itong sinundan hanggang sa nakarating sila sa sementeryo kung saan nakalibing si Hugo.
Pumunta si Virgel sa puntod ni Hugo habang si Ish naman ay palihim na nagtatago sa may puno habang tinitignan niya ang Boss niya.
Sa di inaasahan ay may biglang sumulpot na mga assassin na nakasuot ng puting ninja suit. Pinapalibutan nila si Virgel. Nasa mahigit Apat napo ang bilang nilang lahat. Si Virgel naman ay nakatingin lang sa puntod ni Hugo at hindi pinapansin ang mga nakapalibot sakanya.
“ Hindi kana makakawala ngayon.“ Usal nung isa pagkatapos ay isa isa silang sumugod papunta kay Virgel.
Sa kabilang banda naman ay tutulong sana si Ish pero nagulat lang siya sa nakita niya. Napaka kalmado lang ng mga mata ni Virgel na nakikipaglaban pero ang mga kilos nito ay parang yung isang katauhan niya na sobrang brutal. Isa isa niyang pinapatay ang mga assassins gamit lang ang mga kamay nito.
Nung matapos ang labanan ay punong puno ng dugo ang puting damit niya. Bulagta lahat ng kalaban. Pati mga kamay niya ay nababahiran rin ng mga dugo. Para talaga siyang halimaw kung titignan mo siya ngayon.
Pumunta naman ulit si Virgel sa harap ng puntod ni Hugo pagkatapos.
Habang tinitignan niya ang puntod ay nakikita niya ang mga ngiti ni Hugo. Bumabalik sa alaala niya yung mga panahong tinuturuan siya ni Hugo sa mga training niya, sa walang sawang pagbibigay sakanya ng mga payo para mapalakas ang sarili, sa mga panahong nagkukulitan ang lahat kasama si Hugo, sa mga panahong nag aasaran sila na mabilis na sinusuway ni Hugo, tapos ay magtatawanan ulit sila. Miss na miss na niya yung mga panahong ’yun.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan, at kasabay nito ay ang pagtulo rin ng mga luha niya.
Habang inaalala niya ang mga panahong ’yun ay biglang sumagi sa utak niya ang mukha ng taong may kagagawan ng lahat ng ito—dahilan para maumo ulit ang puot at galit na nararamdaman niya.
Gusto niyang ipaghiganti si Hugo. At para maipaghiganti niya ito, kailangan niyang lumakas ng husto.
Bigla ulit niyang naalala ang sinabi sakanya ng kapatid niya nung gabing ’yun
“ Masyado ka pang mahina para protektahan ang pamilya mo. Kulang ka pa sa lakas. Kulang kapa sa puot at galit mangmang kong kapatid.“
“ Alam mo kung anong nagpapahina sa’yo?…..
“ Masyado kang mabait “
“ Masyado kang mabait… “
Lumuhod siya at idinikit niya ang ulo niya sa puntod ni Hugo. “ Pangako, ipaghihiganti kita, Hugo. “
“ Kahinaan ng isang tao ang pagiging mabait Virgel. Tandaan mo yan.“
Kung kailangan niyang baguhin ang sarili niya, gagawin niya.
Gagawin niya ang lahat para lumakas. Para maprotektahan niya ang pamilya niya.
Kapatid man kita o hindi, wala akong pakialam. Ako mismo ang tatapos sa buhay mo, Argo.
Pagbabayaran mo ang ginawa mo.
-To be continued..
-MajorSin
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 44: The 5th Assassin
[ Ish’s PoV ]
Madaling araw palang pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos.
Tumingin nalang ako sa kisame nitong kwarto ko habang nag iisip. Ano nga ba talaga ang nangyari nung gabing ’yun. Walang ibang makakasagot ng tanong na yan kundi si Boss lang, pero anak ng tinapa, mag dadalawang linggo na namin siyang hindi nakakausap ng maayos. Nagsasalita lang siya kapag kailangan, at sasagot lang din siya sa tanong namin kung gusto niya. Haaay. Kung andito lang sana si Hugo, baka nagawa na niyang ibalik sa dati si Boss ngayon. Pero wala eh, wala na siya.
Kahit mag aalas sinko palang ng umaga ay bumangon na ako at bumaba. Pumunta ako saglit sa CR para jumingle, napadaan ako sa kusina at nakita ko ang ilang katulong na gising na rin at naghahanda ng umagahan para mamaya.
Pagkatapos kong jumingle ay pumunta nalang ako sa sala para umupo.
Wala akong ibang mapagkakaabalahan kaya kumuha nalang ako ng album para tumingin ng mga litrato—pero kalaunan ay sinara ko na rin. Nung makita ko yung larawan namin kasama si Hugo ay nakaramdam lang ulit ako ng lungkot.
Isinandal ko nalang ang ulo ko para umidlip. Pero wala pang minuto ay may naramdaman akong lumapit sakin kaya napamulat ako sa isa kong mata. Tumambad sakin ang isang babae bitbit ang isang tasa ng kape.
“ Ah kape po muna kayo, Sir Ish.“ Nakangiting bati ni Madel sa’kin. Kinuha ko naman agad ’yun. “ Ah naku maraming salamat. Nag abala ka pa.“
“ Nakita ko po kasi kayong malungkot kaya ginawan ko nalang kayo ng kape.“ Medyo natawa naman ako sa paliwanag niya. “ Bakit, sasaya ba ako sa isang kape? “ Natatawang tanong ko.
“ Yan nanga Sir oh, tumatawa na kayo, ibig sabihin, masaya na kayo ^_^ “ Napipi naman ako matapos niyang sabihin yun. Aba, oo nga noh? natanga ako dun ah. Napakamot nalang ako ulo. Kasalanan to ni Benz eh, unti unti na akong nahahawa sa katangahan ng gonggong na’yun --
“ Salamat dito sa kape mo.“ Ngumiti ako sakanya kaya tumango rin siya. “ Ba’t di ka muna maupo, wala ka naman atang gagawin dun sa kusina.“ Aya ko, tumingin naman siya sa kusina. Sa totoo lang ay nacucutan ako sakanya, kaso masyado pa siyang bata. Mga nasa 17-19 pa ata siya.
“ Ah sige po.“ Umupo naman siya sa tabi ko. Kinuha niya ang album na binuksan ko kanina pagkatapos ay tinignan niya ito. Habang tinitignan niya yung mga larawan ay bigla siyang nagsalita. “ Nakakamiss po si Sir Hugo diba po? “ Tanong niya tsaka tumingin siya sa’kin saglit pagkatapos ay ibinalik niya ulit ang tingin sa Album. “ Oo, kahit hindi siya gaanong nandito sa mansyon ay nakakamiss pa rin ang presensya niya.“ Sagot ko sabay higop ng kape, kita ko naman siyang tumango tango habang nakatingin parin sa mga litrato. “ Ilang taon ka na ba, Madel? “ Tanong ko. Wala lang, gusto ko lang malaman.
“ 17 po.“ Sagot niya ng hindi nakatingin sa’kin. Mukhang enjoy na enjoy siya sa tinitignan niya ah.
“ Ahh…Madel ba talaga pangalan mo? “
“ Hindi po, Miranda po talaga totoo kong pangalan. Madel lang yung tawag sa’kin ni mama dahil ang haba daw po ng Miranda eh.“ Medyo humagikhik pa siya habang sinasagot yan. Ang cute lang tignan.
Nung nasa panghuli na ng pahina ng album si Madel ay biglang nawala ang hagikhik niya. Natahimik siya, at biglang naging malungkot ang mukha niya. Hinimas pa niya yung litrato. “ Ang saya saya pa natin dito oh.“ Malungkot na sabi niya kaya tinignan ko yung litrato na tinitignan niya. At halos madurog yung puso ko nung makita ko ito.
Ito ay picture naming lahat. Kinuha ’to nung kaarawan pa ni Hugo—nung gabi bago siya namatay. Ang saya saya namin sa larawan. Wala kaming ka edi-ediya kung ano ang mga mangyayari nung gabing ’yun. Lahat kami ay nakangiti—lalong lalo na si Boss, napakalapad pa ng mga ngiti niya dito. Ito ata huling beses na nakita namin siyang ngumiti ng ganito kasaya.
Sana darating ang araw na muli naming masisilayan ang masayang ngiti ng aming Boss.
Alas nuebe palang ng umaga pero rinig na rinig mo na ang mga putok ng baril sa training area mula rito. Dahil sabado ngayon, alas nuebe palang ay nagtatraining na agad si Boss.
“ Ang aga naman ni Bossing mag training “ Benz
“ Hindi kana nasanay “ Elsa
Pagkapasok namin sa loob ay nadatnan namin si Boss na nagsasanay sa pagbaril. Napatingin naman ako saglit sa target niya, at halos mapanganga kaming lahat nung makita naming puro bullseye lahat ng tira niya, malapit na ngang mapunit yung gitna ng target sa dami ng tama eh. Grabe, kailan pa naging ganito kagaling si Boss sa pagbaril? Parang kailan lang nung halos di siya makatama sa target niya tapos ngayon…
Kung andito lang si Hugo, malamang mamamangha din yun ng husto.
Nagkanya kanya naman ng pag eensayo ang iba kaya nagumpisa narin ako sa pagsasanay. Hindi ako pwedeng magpahuli.
Habang nagpapahinga ako dahil sa sobrang pagod ng training ko ay biglang lumapit si Boss sa’kin kaya napaangat ako ng tingin.
“ Kailangan ko ng ka sparring.“ Sabi niya kaya napalunok ako ng laway. Tumingin ako sakanila at anak ng, nakatingin na silang lahat saming dalawa ni Boss. Naloko na!
Umuna ng naglakad si Boss papunta dun sa isang maliit na ring na walang lubid. Wala akong magawa kundi ang sumunod nalang. Ba’t ba kasi ako? T_T Pwede namang si—tumingin ako sa direksyon ni Benz, nakangisi lang ang bwesit habang nag chicheer pa.
“ Whoah Ishy Loove! Go Ishy! Go Ishy! Go Ishy Ishy Loove! “ Sumasayaw pa ang gago habang nag foform ng heart gamit ang dalawang kamay niya. Parang napanuod ko na ’tong scene na ’to ah. Gago talaga ’to.
Nung makaakyat kaming dalawa ni Boss ay nag umpisa na akong kabahan. Muli ay napatingin ako sa direksyon ni Benz. Nakangisi parin siya habang naka thumbs up. Dapat ako yung nandyan eh! at siya yung nadito! Hayop ’to!
Humarap nalang ulit ako kay Boss at nag umpisang mag stance. Bahala na, di naman siguro niya ako papatayin diba?……Diba? T____T tulong
Hinubad ko ang t shirt ko at naghanda para sa atake na gagawin ni Boss.
“ Aaaahy! Ang yummy ng body ni fafa Ish! Sarap ipares sa milk tea! Aaaahy! “
“ Hahahahah! “
-_________-
Pagnakababa ako dito susunugin talaga kita ng buhay hayop ka.
Sa di inaasahan ay nakalapit na pala si Boss sa’kin. Shit ang bilis! Nakita kong susuntukin niya ako sa mukha kaya itinaas ko agad ang kamay ko para maprotektahan ang mukha ko—-pero anak ni Benz na bading, nalinlang ako. Akala ko yung kanang kamay niya yung isusuntok niya pero yung kaliwa niya pala na nasa ilalim ko. Tinamaan ako sa sikmura kaya halos mapaluhod ako sa sobrang sakit. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng masuntok ni Boss. Para kang tinamaan ng malakas na hampas ng isang bat ng baseball! Ang sakit!
Sumugod ulit siya at bumwelo na naman para suntukin ako, mabilis naman akong nakahanap ng opening sa katawan niya kaya sinamantala ko na agad ang pagkakataon. Mabilis kong natamaan ang dalawang pressure point ng katawan niya kaya di niya naituloy ang pag atake niya.
Ayos!
Nung makita kong napaluhod si Boss ay sumugod na agad ako. Pero paglapit sakanya ay napansin ko ang paggalaw ng kamao niya.
Shit! hindi tumalab!
Hihinto sana ako sa pagsugod pero huli na ng magawa ko yun. Mabilis na sumalubong sakin ang suntok niya sa mukha ko kaya tumilapon ako palayo sa ring.
A-aray..
*Fast forward.
Andito na ako sa labas ng ring ngayon, nakaupo habang dinidikit tong nakabalot na ice sa ulo ko. Bukol eh T__T Nabangga ako kanina nung tumilapon ako kaya heto.
Pero okay lang. Habang nakikita kong nanginginig ang mga tuhod ni Benz na nakaharap ngayon kay Boss ay solve na solve na ako. Di pa kasi nakuntento si Boss kaya naghanap ulit siya ng ka sparring. At kung siniswerte kanga naman Benz hahaha.
“ huhuhu wag bossing “ Naiiyak pa ang gago habang binubunot ang dalawang samurai niya na sina—ano yun? sina.. Upin at..D-dolpin? Ay ewan.
“ Gamitin mo yung ikatlong spada mo.“ Utos ni Boss kaya tarantang kinagat ni Benz yung puluan ng samurai niya na si Boon2x. Oh tama ako diba? Si Boon2x yan. Yan ang paborito niya.
Nung kinagat ni Benz si Boon2x ay walang pagdadalawang isip naman na sumugod si Boss sakanya. Sumugod rin si Benz at mabilis na winasiwas niya yung mga samurai niya. Pero as expected, di siya nakatama dahil sa bilis ni Boss sa pag ilag.
Pero nagulat kaming lahat sa sumunod na nangyari. Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na napaluhod si Benz at naparalisa ang katawan niya nung tamaan ni Boss ang pressure point niya sa tagiliran at sa balikat niya.
Ginaya ni Boss ang atake ko kanina…
Isang suntok naman ang natanggap ni Benz pagkatapos. Tulog agad ang bata.
Paano nagaya ni Boss ang kyusho ko ng ganun lang kadali? Imposible.
*Fast forward
Ngayon ay si Kael naman ang kaharap ni Boss. Magandang laban ’to. Diablo vs Demonyo—e-este Fuego vs Virgo. Ano ba yan, naalog ata utak ko kanina kaya kung anu-ano nalang tong pinagsasabi ko.
“ Paabot ng samurai mo, Benz.“ Utos ni Boss kaya binigay agad ni Benz sina Upin at Dolpin. Gagamit ba siya ng samurai? Sa pagkakaalam ko hindi siya marunong gumamit ng spada ah.
“ Seryoso ka ba jan Boss? “ Natatawang tanong ni Kael.
“ Umatake ka lang gamit yang bomba mo.“ Seryosong saad ni Boss.
Teka huwag mong sabihing…
Agad na nagsimula ang laban nila, at di nga ako nagkamali.
Habang mabilis na naghahagis ng mga bomba si Kael ay walang tigil naman sa paghiwa si Boss sa mga bomba. Ginaya niya rin ang kakayahan ni Benz. At nakakamangha dahil mas mabilis pa siyang gumamit ng samurai kaysa sa gunggong na ’yun. Parang sa isang bomba ay nahahati niya ito ng tatlo hanggang apat na beses. Grabe.
Mukhang isa na naman sa potential ni Boss ang nabuksan. Bukod sa kakayahan niya sa pag iwas ay alam na rin niya kung paano manggaya ng kakayahan ng iba.
Iba talaga ang lahi ng mga Acosta.
[ Felix Sy’s PoV ]
Papunta kami nina Elfred at Trace ngayon sa lungga ni Sebastian dala dala ang isang deck ng baraha. Bigla kasi siyang nag aya dahil bored daw siya. Wala naman kaming gagawin kaya pumayag na kami, or sabihin nating pumayag kaming dalawa ni Elfred. Napilitan lang kasi itong si Trace.
Pagkarating namin dun ay sinalubong agad kami ni Bastian. “ Haaay, buti pumayag kayo, bored na bored na kasi ako dito eh.“ Nakangising bungad niya, umupo naman agad kami sa upuan na may lamesa sa gitna at tsaka nag balasa ng baraha. Tinignan ko naman si Trace sa likuran ko dahil hindi pa siya umuupo. “ Hindi ka ba talaga sasali, Trace? “ Tanong ko. Nakahalukipkip lang kasi itong nakatingin samin.
“ Manunood lang ako.“ Sagot niya. Nag kibit balikat nalang din ako at tsaka pinagpatuloy ang pag babalasa.
“ Try mo ngang maging close sa’min, Trace. Hindi naman kami mahirap pakisamahan.“ Natatawang sabi ni Elfred.
“ Hindi porke’t Substitute Assassin ka lang ni Boss eh hindi mo na din ilalapit yung loob mo sa’min. “ Tumango ako sa sinabi ni Bastian. “ Hindi ka man namin kasama mula pagkabata, ilang taon narin naman tayong magkasama diba?“ Dagdag pa niya. Lahat ng sinabi niya ay tama.
Si Trace ay isa lamang Substitute Assassin ng Virgo Mafia.
Oo naging Assassin nga siya simula pa lang nung nasa Virgo pa lang kami, pero hindi talaga siya ang totoong panlimang Assassin ni Boss. Kasi nasa edad katorse palang kami, nabuo na kami, ang tunay na limang Assassin ni Mr. Acosta. At hindi siya kasali dun, hindi namin siya kababata oh ano. Kaya siguro medyo hindi siya malapit sa’min.
Sinubstitute siya ni Boss sa isa naming kababata dahil may pinagawa si Boss sakanya na napakahirap na misyon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din siya natatapos sa misyon niya.
Actually Bespren siya ni Argo. Sa aming lahat, siya lang ang mas nakakaintindi kay Argo. Siya ang nakakaalam kung anong tumatakbo sa utak ni Argo o kung anong nararamdaman ni Argo. Dahil simula pa lang nung bata pa kami, sila na palagi yung magkasama. Ang bading mang pakinggan pero hindi sila naghihiwalay. Kung na’san si Argo, nandun din siya.
Ewan ko nga ba kung may kumunikasyon pa ba sila ngayon sa isa’t isa, o baka nagkalimutan na yung dalawa.
Simula nung nagbago si Argo, hindi parin siya umalis sa tabi niya. Medyo lumayo kami ng konti kay Argo noon dahil natatakot kami sakanya. Pero siya hindi. Tinuturing niya pa rin itong matalik na kaibigan kahit nagbago na ito ng pag uugali. Siya yung tipo ng kaibigan na tapat at hindi marunong mang iwan.
[ -Flashback ]
“ Oh anong sabi ni Boss? “
Agad naming tanong sakanya nung lumabas siya sa kwarto ni Boss. Andito kaming apat ngayon para hintayin ang paglabas niya.
“ May binigay si Boss na misyon.“
Sagot niya habang nakangisi ng konti at nakakamot sa ulo niya.
“ Eh di wow! Kasali ba kami? “
Tanong ni Sebastian.
“ Sabi ni Boss ako lang daw eh.“
Ang kaninang nakangisi ay napalitan nalang ng isang matipid na ngiti.
“ At kailangan kong umalis para sa misyon.“
“ Kailan ka naman babalik? “
Elfred
Yumuko siya ng konti at tsaka nag kibit balikat.
“ Pwedeng sa susunod na buwan, sa susunod na taon, oh baka di na ako makakabalik pa.“
Nakangising sagot niya, pero kita sa mga mata niya yung lungkot. At alam ko ang rason kung bakit siya nalulungkot.
Tumingin naman siya sa direksyon ni Argo na ngayon ay nakatayo lang sa may gilid habang nakahalukipkip at blankong nakatingin samin. Lumapit siya kay Argo at hinawakan ang balikat nito.
“ Mukhang matagal pa ang muli nating pagkikita, Argo.“
Nakangiting sabi niya pero si Argo ay parang wala man lang narinig.
“ Wag kang umiyak ha.“
Natatawa pa niyang dagdag pero siya na’tong naiiyak. Iyan ang rason niya kung bakit siya malungkot sa pag alis niya. Dahil sa unang pagkakataon, maghihiwalay ng landas ang dalawa.
Tumingin siya sa’min at tsaka nag salute.
“ Oh paano aalis na ako, alagaan niyo ’tong baby Argo ko ha.“
Natatawang sabi niya tapos ay tumingin ulit siya kay Argo.
“ Alis na ako.“
Sabi niya sabay tapik sa balikat ng matalik na kaibigan niya. Pagkatapos niyang mag paalam ay tumalon na siya sa bintana nitong mansyon.
[-End of Flashback ]
Hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik, pero kailanman ay di ko tinatanong sa sarili kung buhay pa ba siya ngayon o hindi, dahil alam ko mismo sa sarili ko buhay pa siya. Sa aming lima, siya ang sumunod kay Argo bilang pinakamagaling na assassin ni Boss, kaya alam kong makakaligtas siya sa kahit anong pagsubok ng kamatayan.
[ Dorothy’s PoV ]
Alas otso ng gabi ng magpatawag ng meeting si King Casper.
Pagkapasok namin dito sa meeting room nitong palasyo ay umupo na agad kami. Tinignan ko ang mga bakanteng upuan nitong inuupuan namin.
Ang dami ng nalagas na myembro. Isa isa ko namang tinignan ang mga natitirang myembro ng Chess Pieces.
Target
Bullet
Vonzo Monte
Valentine Crawford
Asher Bedrijo
Hiro Yushira
Gavin Liurent
King Casper
Queen Venus
At ako
Sampu, sampu nalang kaming natitira. Halos kalahati din ang nabawas samin.
Kailangan na talagang magbago ng plano.
Tumikhim ang King kaya lumingon kami sakanya.
“ Nagpatawag ako ng biglaang pagpupulong ngayon dahil gusto kong ipaalam sa inyo na nalalapit na ang araw ng digmaan. Malaking kawalan sakanila si Hugo Arsenal kaya meron na tayong konting tsansang manalo sakanila.“ Paguumpisa ng King
Bigla namang nagtaas ng kamay si Bullet “ Pero,King, ba’t hindi nalang ngayon? Mas may tsansa tayong manalo sakanila kung ngayon tayo susugod dahil kailan lang nung nawala si Hugo sakanila, sigurado akong lahat sila ngayon ay nasa magulong pag iisip pa.“
“ Tama po siya, kasi kapag tinagalan pa po natin ng konti ang pagsugod sakanila, eh baka magkaroon pa sila ng oras na makahanap ng bagong myembro. Sayang lang yung ginawa nating pagbabawas ng mga myembro nila.“ Pag sang ayon naman ng kakambal niya na si Target. Marunog talagang mag isip ang kambal na’to.
Hindi na rin ako nagpahuli. “ At base din po sa Fuego, apat nalang din ang natitira nilang myembro. Baka makarecruit rin sila pag tinagalan pa natin ang digmaan.“ Opinyon ko. Ang mga taga Hirvana naman ay tahimik lang na nakikinig. Samantalang ang King ay nakita naming umiling. “ Masyado pang delikado “
“ Pero bakit, King? Konti nalang rin naman ang bilang nila.“ Takhang tanong ko. Ano pa bang hinihintay niya? Na makabangong muli ang dalawang grupo? Sayang ang sakripisyong ginawa ng ibang Chess Pieces para mabawasan ang myembro nila.
“ Kahit pa konti nalang rin ang bilang nila, meron parin silang hawak na matitinding Alas.“ Sagot ng King.
“ Sino ang tinutukoy niyo, King? “ Tanong ni Asher.
“ Ang dalawang anak ni Vlademir Acosta. “ Seryosong saad niya. “ Ang batang Boss ng Virgo Mafia na si Virgel, at ang Pinakamalakas na Diablo ng Fuego Clan na si Argo. Alam na natin ang kakayahan ni Argo dahil minsan na siyang sumulong sa palasyo natin. At tungkol naman kay Virgel, wala pa tayong masyadong impormasyon sa batang ’yun. Kulang pa tayo sa impormasyon para umpisahan ang digmaan.“ Dagdag pa niya na ikinatahimik ng lahat. Tama si King, ang Argo na yun, hindi nga basta bastang kalaban ’yun.
Nagtaas naman ng kamay si Valentine “ At meron pa kaming idadadag na malaking hadlang, King. Si Benjamin Delgado, nasaksihan namin kung paano siya makipaglaban, at masasabi naming hindi rin siya basta bastang kalaban.“
Sumunod naman na nagsalita si Hiro. “ At sa Fuego, andun rin si Stephan Milvar, based sa mga naresearch ko tungkol sakanya, nanggaling siya sa isang tagong organisasyon noon na pinamumunuan ng isang Russian Mafia. Isa si Stephan sa pinakamagaling na hacker ng organisasyon na yun, halos lahat ng misyon ay napagtatagumpayan nila dahil sakanya. Sa tingin ko ay matindi rin siyang kalaban dahil sa talas ng utak niya.“
“ Yun nga ang gustong palabasin ni Mahal, delikado kung ngayon tayo susulong. Kailangan muna nating tapusin ang pinakaalas ng Virgo at Fuego para magtagumpay tayo sa digmaan.“ Singit naman ni Queen ni Venus.
“ Pero paano po na’tin mapapatumba si Argo? Sa tingin ko ay wala tayong laban sakanya.“ Tanong ko.
Nakita naman naming ngumisi si King Casper. “ Wag kayong mag alala, matagal ng markado ang pangalan niya sa iba’t ibang Mafia group dito sa bansa dahil sa dami ng napaslang niya na kapwa rin kasapi ng mafia. Sa ngayon ay kasalukuyan parin nilang hinahanap ang kahinaan niya. At sa oras na malaman natin ’yun, madali na para sa’tin ang talian siya sa leeg at pilipitin ito hanggang sa madispatsya natin siya.“
So yun pala ’yun, naghihintay lang pala si King na mahanapan ng kahinaan si Argo.
Sa ngayon ay kailangan muna naming dispatsahin ang halimaw na’yun bago umpisahan ang digmaan.
Pero ang tanong ngayon, ano nga kaya o sin o nga kaya ang kahinaan ni Argo?
[3rd Person’s PoV ]
Pagkatapos sabihin yun lahat ni Casper ay pasimpleng ngumiti si Vonzo. Bigla niyang naalala yung binulong ni Argo sakanya nung panahon na naglaban sila.
Mukhang alam ko na kung sino ang kahinaan mo, Argo.
May alam na siya sa sinasabi ni Caper na kahinaan ni Argo pero ayaw niya itong ipaalam. Gusto niya na siya mismo ang gagawa ng hakbang para maghiganti sa ginawang pagpapahiya sakanya ni Argo.
Mukhang alam ko na kung paano kita sisingilin sa utang mo, hangal.
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 45: Replacement
Episode 45: Replacement
[ Someone’s PoV ]
Alas kwatro pa lang ng umaga pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Paano ba naman kasi, ang Argo na’ yun, bumisita na naman ng alas dos -__-. Grabe, ba’t di kaya niya subukang bumisita ng umaga, no? Kakastress eh. Pero wala rin naman akong magagawa, di ko matiis na di pagbuksan yun. Sweet ko ba? Hahaha syempre baby Argo ko ’yun eh.
Habang ako ay nakasandal dito sa couch ay may nakita akong album na nakahalata sa isang bangko sa tapat ng inuupuan ko kaya kinuha ko ito, malamang tinitignan na naman ’to ni Argo kanina. Nung makuha ko ito ay tinignan ko na rin ang mga litratong nakapaloob dito. Medyo matagal na rin nung hindi ko ’to nabubuksan.
Ang mga laman lang naman ng Album na’to eh yung mga picture nung mga bata pa lang kami.
“ Hahahaha “ Natatawa pa rin ako dito sa picture na’to. Nakangisi kaming apat sa picture pero si Felix nakasimangot. Paano ba naman kasi, pinagalitan siya ng nanay niya ng time na’to na mismong kumuha ng picture. Ayaw kasing ngumiti,
ayun tuloy napingutan sa tenga hahahaha.
Habang masaya akong nagbubuklat ay napahinto ako sa isang larawan.
Di ko mapigilan ang ngumiti nung maalala ko ’to. Picture namin ’to ni Argo habang nasa ulo ni Argo si Virgel na nakakapit at may kagat kagat na tsupon.
Ang ganda ng pagkakakuha.
[ Flashback ]
“ Argoooo! “ Mabilis akong pumunta sakanya nung makita ko siyang nakaupo sa may damuhan. “ Anjan ka lang pala. “
“ Oh may problema ba? “ Nakangiting tanong niya.
“ Hehe wala naman, namiss lang kita.“
“ Hahahah sira.“
Umupo ako sa tabi niya at tinignan rin ang napaka gandang tanawin na makikita mo mula rito.
“ Balita ko nanganak na si Tita Almira kahapon.“ Umpisa ko. Nakita ko naman siyang ngumiti. Tinulak ko siya ng mahina gamit ang balikat ko. “ Congrats, magiging kuya kana.“ Natatawang asar ko kaya natawa rin siya.
“ Oo nga eh. Kaya nga nandito ako dahil nag iisip ako kung paano ko siya aalagaan.“ Nakangiting sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa’kin. “ Napakasaya ko ngayon.“
“ Okay lang ba yun sa’yo kahit magkaiba kayo ng ina? “
“ Ayos lang. Matagal ko ng pinangarap ang magkaroon ng nakababatang kapatid. At natupad nanga ang pangarap ko na ’yun.“ Sagot niya, nagkunwari naman akong nalungkot.
“ Baka masapawan na ako niyan. Baka di na tayo makakapaglaro niyan.“ Malungkot kunwari na saad ko na ikinatawa niya. “ Hindi mangyayari ’yun.“
Natatawang sagot niya. Napakamasayahin talaga nito ni Argo, laging nakangiti, parang hindi marunong magalit. Kaya nga siya ang pinili kong maging bespren eh dahil medyo pareho kami ng ugali hehe.
Ang sabi nila mama dapat ay lumayo daw ako kay Argo dahil masasamang tao ang pamilya niya, isa daw kriminal ang buong pamilya niya, lalo na ang papa niya. Pero di ako naniniwala, ilang beses na akong nakapunta sa mansyon ni Tito Vlademir at masasabi kong mababait silang lahat.
“ Pangako yan ah “ Nakangising saad ko habang naglalahad ng kamao sa harap niya-na mabilis rin naman niyang idinikit ang kamao niya. “ Pangako.“
Naglalakad kami ni Argo ngayon papunta sa mansyon ng papa niya. Ilang buwan narin simula nung isinilang si Virgel, at ilang buwan na rin kaming pabalik balik sa mansyon ng papa niya. Hindi naman kasi siya dun nakatira. Nakatira si Argo ngayon kasama si Tita Renietta-ang nanay niya.
“ Ba’t hindi ka nalang sa mansyon niyo tumira, Argo? “ Tanong ko habang naglalakad kami.
“ Hindi ko pwedeng iwan si mama, walang mag aalaga sakanya.“
“ Eh di kayong dalawa ang tumira sa mansyon.“
“ May pamilya si papa, hindi pwede yun.“
“ Hindi pa ba nagkabati sina Tita Almira at Tita Renietta? “
“ Hindi ko alam eh “ Ang totoo kasi niyan, bunga si Argo ng isang bawal na pagmamahalan. Ang totoong asawa ni Tito Vlademir ay si Tita Almira, at si Tita Renietta naman ay isang maid ng mansyon nila noon. At hindi ko na alam pa ang buong pangyayari. Basta ang alam ko, lihim na naging kabit ni tito Vlad ang nanay ni Argo. Pero kahit ganun man ang mga nalaman ko, hindi ko kailan man sila hinusgahan, napakabait nila pareho, lalo na si tita Renietta, alam na alam ko kung gaano niya kamahal ’tong si Argo. Napakabuti nitong ina sakanya. Isa siguro yan sa rason kung bakit mas pinili ni Argo ang sumama sa mama niya kesa ang tumira sa mansyon. Dahil mahal na mahal siya ng mama niya, at ganun rin siya, mahal na mahal rin niya ang mama niya.
Pagkarating namin sa gate ng mansyon ay sumalubong agad sa’min si Tito Vlad na may kasamang mga malalaking mama at mukhang may lalakarin.
“ Magandang umaga po Tito.“ Masiglang bati ko. Ngumiti naman siya pagkatagos ay tumingin siya kay Argo. Nahihiya namang yumuko si Argo sakanya. Medyo di kasi sila masyadong magkasundo.
“ M-magandang umaga po.“ Bati ni Argo. Hinawakan naman ni tito ang ulo ni Argo at marahang ginulo ang buhok nito. “ Kanina pa naghihintay ang kapatid mo sa inyo.“ Nakangiting sabi ni Tito.
Agad naman kaming pumasok para puntahan si Virgel. Pagkapasok namin ay nadatnan agad namin si Tita Almira na hawak hawak si Virgel.
Nung mapatingin si Tita sa’min ay agad niyang iniharap si Virgel. “ Look baby, andito na pala sina kuya Argo mo.“ Nakita naman naming ngumiti si Virgel ng sobrang lapad nung makita niya kami-lalo na si Argo, pagkatapos ay ibinuka niya ang mga kamay niya na parang gustong magpakarga. Mabilis namang lumapit si Argo at kinarga si Virgel “ Namiss mo ba kami? Hm? “ Masayang kinakausap ni Argo ang kapatid niya.
Napangiti ako, sigurado akong magkakasundo ’tong dalawa pag lumaki na sila pareho.
Habang masaya kaming nakikipaglaro ni Argo kay Virgel ay biglang lumapit si Tita sa’min bitbit ang isang camera.
“ Oh, tingin muna kayo sa camera.“ Utos ni tita. Ngingiti na sana kami ni Argo pero biglang gumapang si Virgel sa likod niya hanggang sa makaabot ito sa ulo niya, kaya ang nangyaring pose ay nakangisi ako sa camera habang si Argo naman ay nakatingin kay Virgel habang nakangiti at si Virgel naman ay inosenteng nakatingin sa camera kagat kagat ang isang tsupon. ( naiimagine niyo? :) )
End of Flashback
Ang ganda talaga ng pagkakakuha nito. Napakapogi kong tignan hahaha joke lang. Muli kong binuklat ang album, at nahinto ulit ako sa isang litarto. Litrato namin ’to nina Argo, Sebastian at Elfred. Kinuha ’to nung magtagumpay kami sa unang misyon namin bilang isang na Assassin. Masayang kaming nakangising apat dito. At sa totoo lang….
Ito ang huling beses na nakita naming ngumiti si Argo.
[ Flashback ]
“ Bastian sa likod mo! “ Sigaw ko nung may makita akong tauhan na lumuwa mula sa likuran niya.
“ Alam koo! “ Ipinutok nung kalaban ang hawak nito na baril kay Bastian pero mabilis naman siyang nakailag dito, at kasabay ng pag ilag niya ay ang paghagis niya ng kunai sa kalaban na mabilis na bumaon sa ulo nito. “ Bullseye! “
Habang abala ako sa pakikipaglaban sa mga nakapalibot sa’kin, ay nakita kong medyo nahihirapan si Elfred sa may unahan dahil sa dami ng tauhan na umaatake sakanya. Kailangan ko siyang tulungan!
Matapos kong balian ng leeg ang huling kalaban na nasa harapan ko ay pinuntahan ko agad si Elfred.
Pero sa pagtakbo ko papunta sakanya, naramdaman ko ang isang kutsilyo na papalapit sa likuran ko. Hindi…
Dahil sa pagtuon ko ng atensyon kay Elfred ay di ko namalayang may kalaban pa pala ako sa likuran ko.
Malapit na sanang tatama yung kutsilyo sa mukha ko ng may biglang braso ang humarang dito, at dun mismo sa braso bumaon ang kutsilyo na hawak nung kalaban.
“ Ayos ka lang? “ Tanong niya sa’kin. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko nung makita kong kay Argo pala ang braso na ’yun.
“ Argo..“ Mabilis naman niyang pinabagsak yung kalaban na nakatama sakanya. Pagkatapos ay kinuha niya yung kutsilyo sa may braso niya, nakita ko pa ang mukha niyang napapikit sa sakit.
“ A-ayos ka lang ba? “ Nag aalalang tanong ko. “ P-pasensya kana, kasalanan ko ang nangyari sa’yo.“ Kung di lang sana ako nagpakatanga kanina, hindi sana ’yan mangyayari sakanya. Kaasar!
Nakita ko namang siyang ngumiti. “ Ayos lang ako. Halika na.“
Matapos naming mapaslang lahat ng tauhan ni Mr. Akabane ay andito na kaming lima ngayon sa harapan niya. Kitang kita pa sa mukha niya ang sobrang takot.
“ W-wag..pakiusap…wag niyo akong tapusin…maawa kayo.“ Pagmamakaawa niya habang nakaluhod at umiiyak.
“ Bakit, naawa ka rin ba nung tinapos mo ang buhay ng isa sa kasamahan ng Virgo na si Gelo? “ Tanong ni Felix tapos ay kumuha na ito ng kunai sa likuran niya. “ Importante si Gelo kay Boss dahil matagal na itong nagsisilbi sakanya. Pero anong ginawa mo? Tinapos mo ang buhay niya. At dahil sa ginawa mo, kami na mismo ang pumunta sayo ng personal para singilin ka sa utang mo.“
“ M-magkano? S-sabihin niyo kung magkano ang utang ko. Kahit magkano, babayaran ko. Dodoblehin ko pa ang bayad. W-wag niyo lang ako tatapusin.“ Nanginginig na saad niya.
Isa isa na rin kaming bumunot ng kunai sa likuran namin. “ Buhay ang kinuha mo Mr. Akabane, kaya ibig sabihin. Buhay rin ang sisingilin namin.“ Magsasalita pa sana si Mr. Akabane pero mabilis na bumaon sakanya ang limang kunai na sabay naming hinagis sakanya.
Mission Accomplished..
Nung makababa kami sa mansyon ni Mr. Akabane ay may nakita si Bastian na isang camera na nakalagay sa isang lamesa dito sa sala. “ Uy camera. Picture muna tayo. Felix, ikaw na kumuha sa’min. Allergy ka naman sa camera diba? “
“ Tss, ba’t pa ba natin gagawin yan? “
“ Ito ang unang misyon nating lima bilang Assassin ng Virgo. Remembrance man lang.“
“ Haay, daming nalalaman. Oh siya siya. Pwesto.“ Kinuha na ni Felix ang camera tapos ay lumapit kaming apat sa isa’t isa at nag akbayan tsaka ngumisi sa harap ng camera.
“ Say pleeease.“
End of Flashback
Masaya kami nung gabi na’to dahil sa unang tagumpay namin sa misyon bilang Assassin ni Boss Vlad. Ang akala ko sunod sunod na ang kasiyahan na ’yun, pero yun na pala ang huling beses na makita naming ngumiti si Argo. Dahil sa gabi din na yun, nangyari ang isang napakasamang bangungot sa buhay ni Argo.
Nung gabi na ’yun ang gabi nung mapaslang si Tita Renietta.
Nung gabing ’yun ang unang beses na makita kong umiyak si Argo. Umiyak ng umiyak habang hawak-hawak ang ina niya na naliligo sa sarili nitong dugo. Bilang kaibigan niya, sobra akong nasaktan sa nakita ko nung gabing ’yun. Sobrang akong nagulat sa nangyari.
At ang masakit pa, nalaman niya kinabukasan na itinakas ni Tita Almira si Virgel.
Dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay niya ang nawala na ganun lang kadali. Sobrang wasak na wasak si Argo nung mga panahon na ’yun. Hindi na niya kami kinakausap. Tapos mga ilang araw pa ang nakalipas. Kumalat ang isang balita na si Tita Almira mismo ang pumatay sa ina ni Argo. Ang babaeng tinuring noon ni Argo bilang ikalawang ina ay ang tumapos mismo sa buhay ng ina niya.
Napakasakit ng nangyari kay Argo noon.
Kaya nga di ko siya masisisi kung ano na siya ngayon. Ang pagbabago niya ay sanhi lamang ng isang napakapait na nakaraan.
Simula din nung insidenteng ’yun ay sinanay na kami ng husto bilang mga tunay na Assassin hanggang sa mas lumakas pa kami. Ang dating limang makekwelang Assassin na mahilig magpicture pagkatapos ng misyon ay naging seryoso na sa bawat misyon na pinapagawa sa’min. Mas naging brutal na kami sa bawat target na pinapadespatsa sa amin. Simula nung araw na yun ay Itinuring na kami bilang pinakadelikadong alaga ng isang Mafia Boss. Isa rin kami sa dahilan kung bakit kinatatakutan ang Virgo Mafia noon.
Simula nun ay nagbago na kami. Lalong lalo na si Argo. Ang dating palangiti at masayahing Argo ay naging isang walang awang Assassin na na pumapaslang ng walang pinipili. Ma pa bata ka man o matanda. Naging masamang tao si Argo simula nun.
Pero ito lang ang masasabi ko, lahat ng ginagawa niya ngayon ay may rason.
Kilala ko si Argo, lubos pa sa pagkakakilala niyong lahat sakanya.
Umaakto siya ngayon na isang walang awa at walang pusong nilalang. Pero ang tanong, ganun nga ba talaga siya?
Walang nakakaalam…walang nakakaalam ng lahat kundi ako lang.
[ Ish’s PoV ]
“ Bagong myembro? “ Ulit kong tanong. Tumango naman si Boss. Andito kaming lahat sa sala ngayon dahil may sasabihin si Boss. At ito nga, naghahanap siya ng bagong myembro ng Virgo Mafia.
Hindi ko akalain na ganun ganun nalang niya papalitan si Hugo.
“ Hindi ba parang nakakabastos naman ata sa part ni Hugo yun, Boss? Parang kailan lang nung nawala siya, tapos papalitan nalang agad natin ng ganun ganun lang? “ Biglang singit ni Elsa na ikinagulat ng lahat. First time ’to na sumuway si Elsa kay Boss. Pero maski ako rin naman. Tutol rin ako sa paghahanap niya ng bagong myembro. Respeto man lang sana para kay Hugo.
“ Tsaka Bossing, hindi naman na ata natin kailangan ng bagong myembro. Anjan ka naman eh. May tiwala kami sa lakas mo, Bossing “ Sabi ni Benz. Tinignan ko si Boss dahil akala ko matutuwa man lang siya ng konti sa papuri na sinabi ni Benz, pero isang blankong expresyon lang ang nakita ko sa mukha niya.
“ Nawala si Hugo dahil sa kahinaan ko. Ngayon sabihin niyo, may tiwala pa rin ba kayo sa’kin?! “ Nagulat kami nung biglang nagtaas ng boses si Boss.
“ Sinusubukan ko lang na palakasin ulit ’tong grupo na’to dahil ayokong may mawala na naman ulit sa inyo! “ Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ’to. Kung magagalit ba dahil sa pag sigaw niya sa’min o matutuwa ba dahil kahit nagbago na ang ugali niya, kapakanan pa rin pala namin ang iniisip niya. “ Tapos ngayon ayaw niyong sumang ayon? Balak niyo bang magpatalo sa kalaban? “ Tumayo na siya at bumalik ulit sa pagiging cold ang aura niya. “ Sabihin niyo lang.“ Tapos ay iniwan na niya kami na tulala.
Nung makaalis na si Boss ay biglang nagsalita si Hell. “ Tama siya.“ Pag uumpisa niya. “ Malaking kawalan sa atin si Hugo. At sa tingin ko ay kailangan nanga natin siyang palitan para di humina ang itong pangkat natin. “
“ Pero nakakabastos nga yun sa part ni Hugo.“ Suway na naman ni Elsa.
“ Myembro ang ipapalit natin at hindi isang kaibigan.“ Singit ni Kael sa usapan na mukhang hindi nagustuhan ang pag suway namin kay Boss. “ Kung papalitan man natin si Hugo, hindi naman ibig sabihin nun na kakalimutan nalang din natin siya. Hindi ganun yung gustong ipalabas ni Boss kung bakit siya naghahanap ng bagong myembro. Ginagawa niya yun hindi para kalimutan si Hugo kundi para manalo tayo sa digmaan. Ayaw niya lang na matalo tayo. Gaya nga ng sabi niya, ayaw na niyang mawalan pa ulit ng isang mahalagang kasamahan, ng isang kaibigan. Sa huli ay kapakanan pa rin naman na’tin ang iniisip niya. Wag nalang sana tayong sumuway sa decisyon niya. “ Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Kael. Matapos ma sink in sa utak ko lahat ng sinabi niya ay unti unti ng naging malinaw sa akin ang lahat. Gusto lang ni Boss na ilayo kami sa pagkatalo. So ganun lang pala ang gusto niya ipahiwatig sa’min.
Ngumiti ako.. kahit pa nagbago ka na ng ugali, hindi mo pa din maitatago sa amin ang kabaitan mo, Boss.
Maraming salamat.
“ Tama si Kael. Pasensya na sa pagsuway ko. Myembro ang ipapalit na’tin at hindi kaibigan. Habang buhay ng parte si Hugo sa atin, at walang makakapalit sakanya kahit sino.“ Pati si Elsa ay naliwanagan narin. Mabuti naman kung ganun.
“ Pero ang tanong ngayon…sino ang ipapalit na’tin? “ Tanong ni Benz
“ May kilala ako.“ Sagot ni Hell habang nakahalukipkip at nakapikit “ Babae at halos kasing edad lang ni Virgel.“ Dagdag niya na nagpalaglag ng panga naming lahat.
“ Babae? kasing edad ni Boss? Nagpapatawa ka ba, Hell? “
“ At kailan pa ako nagpapatawa?! “ Sigaw niya sa’kin pabalik. “ Kasapi siya ng Crosser noon. At nag iisang lang siyang babae sa’min. Makulit na bata ’yun at napaka immature ng ugali. Nung una ay pinagdudahan din namin ang kakayahan niya, at kinwestyon ang pagpili sakanya ng gobyerno na maging kasamahan namin. Pero tsaka lang rin namin nalaman ang kakayahan niya. Para siyang si Virgel. May dalawang katauhan, at lumalabas lang ang pangalawang katauhan niya kapag nakakahawak siya ng kahit anong armas. Napakalakas ng batang ’yun. At mas maganda kung siya ang kukunin natin bilang bagong kasamahan natin.“ Mahabang paliwanag niya. Tahimik lang kaming nakikinig ng biglang nagsalita si Benz
“ Kailan ka pa naging madaldal Hell? “ Inosenteng tanong niya. Mabilis namang lumipad papunta sa mukha niya ang tsinelas na binato ni Hell “ Aw! huhuhu nagtatanong lang eh huhuhu “ Mangiyak ngiyak na ang gago habang hawak hawak ang mukha niya. Pfft. Umeksena pa kasi eh hahahaha.
Balik tayo. “ Ano pangalan ng batang yan?
“Lily Valdez”
“ Lily…“
Pangalan palang mukhang makulit nga
“ Ish, puntahan mo si Boss. Sabihin mo may napili na tayong irerecruit.“ Sabi ni Elsa na nagpakunot ng noo. “ Ako na naman? Ayoko. Nakakatakot si Boss.“ Suway ko tapos ay tinuro ko si Benz. “ Heto naman papuntahin niyo oh.“ Mabilis namang nagtaas ng kamay si Benz “ Sinong may gusto na si Ish ang pupunta kay Boss? Taas ang kamay! “ Nakangising tanong ng gago. At ang mga hayop naman! Nagpauto! Nagtaas din ng kamay ang mga letche! “ Bleeh majority wins, Ish ^______^ “
Sarap sapakin ng gago! Dinaan pa talaga sa ganyanan! “ May oras ka rin sakin bwesit ka! “ Galit kong bulong sa sarili tapos ay tumayo na ako para puntahan si Boss.
“ Goodluck fafa Ish ^____^ “ Nang aasar pa talaga ang kumag!
Pagkarating ko sa harapan ng pinto ng kwarto ni Boss ay bigla ulit akong kinabahan. Baka pagbukas ko nitong pintuan ay isang nakakatakot na titig na naman ang tatambad sa’kin. T.T
Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto ni Boss tapos ay dahan dahan ko itong binuksan. “ Ah Boss.“ Nung mabuksan ko na ng tuluyan ang pintuan ay tsaka ko lang nakita na nakaupo si Boss at nakatikod siya habang nakatingin sa bintana.
“ Ah Boss..pasensya na kanina sa di namin pag sang ayon sa plano mo.“ Umpisa ko pero wala akong natanggap na sagot mula sakanya. Tahimik lang itong nakatingin sa bintana kaya nagpatuloy na ako.
“ Sa totoo lang Boss eh may napili na kami na pwede nating irecruit sa grupo.“ Dagdag ko na nagpakuha ng atensyon niya. Lumingon naman siya sa’kin ng konti.
“ Alamin mo kung saan natin siya makikita. Kukunin natin siya mamayang gabi.“ Sa sinabi niya parang walang pagpipilian tong napili namin kundi ang sumali sa’min.
“ Siguraduhin niyo na sasali sa atin yan. Dahil kapag hindi siya pumayag, mapipilitan akong tapusin ang buhay niya.“ Siete, sabi nanga ba. Walang pagpipilian ang Lily na ’yun kundi ang sumali sa grupo. Sana lang ay pumayag ’yun. Babae pa naman ’yun.
Ngayon ang kailangan ko nalang gawin ay alamin kung saan makikita si Lily Valdez, ang magiging bagong myembro ng Virgo Mafia.
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 46: Lily Valdez
Episode 46: Lily Valdez
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Na’san si Lily? Kailangan siya ni Boss ngayon.“
“ Andito sa loob.“
Napaatras si Lily sa narinig niya sa labas nitong kulungan na tinitirhan niya sa halos isang taon na.
Gagamitin na naman nila ak o..
Di na mapigilan ni Lily ang mga luha niya. Pagod na pagod na ang katawan niya. Ang dami ng sugat ang natatamo niya sa sunod sunod na paggamit sakanya ng Boss ng sindikatong nakakuha sakanya.
Kumalas ang mga kadenang nakatali sa pintuan ng kulungang ’yun pagkatapos ay bumukas ito ng marahan. Iniluwa doon ang dalawang tauhan na walang dalang mga armas. Bawal kasi yun dito sa kulungan ni Lily dahil baka maagaw niya ito at aksidenteng magising ang ikalawang katauhan niya.
“ Tumayo kana jan. Kailangan ka ngayon ni Boss.“ Utos nung isang lalaki. Napahawak naman sa tiyan si Lily habang naluluha. “ N-nagugutom po ako.“ Nangunot naman ang noo nung lalaki. “ Tss, pakainin muna na’tin ’to.“
Mabilis na nilantakan ni Lily ang mga pagkain na nasa harapan niya. Ilang araw na rin kasi siyang walang kain. Kaya halos puputok na ’tong ang bibig niya sa dami ng sinubo niya.
Bigla naman siyang nabulunan sa kinain niya kaya napasuntok siya ng mahina sa dibdib niya. Kung makalunok naman kasi, parang hindi na nginunguya. Mabilis namang nag abot ng tubig yung isang lalaki at tsaka iyon ininom ni Lily.
“ Muntikan na ako dun ah. Salamat po kuya Ian.“ Masayang pasasalamat ni Lily kay Ian. Ngumiti naman si Ian sakanya. “ Dahan dahan lang kasi. “
“ Tss.“ Di na nag aksaya ng panahon yung isang lalaki at mahigpit niyang hinila si Lily kahit hindi pa ito natatapos kumain. “ Naiinip na yun si Boss! “ Reklamo nung lalaki habang kinakaladkad si Lily. “ Aray po.“
“ Dahan-dahan naman Ed, bata yang kinakaladkad mo.“ Paala ni Ian sa kasama nito.
“ Huwag ka ngang masyadong mabait sa batang ’to, Ian. Bihag natin siya at hindi bisita.“ Di na nagsalita si Ian at naaawa nalang itong nakatingin kay Lily habang marahas na kinakaladkad papunta sa opisina ng Boss nila.
Nung makarating sila sa opisina ng Boss ng grupo na tinatawag na Remesis Syndicate ay umupo muna sina Lily at Ian sa isa sa mga upuan dahil wala pa si Mr. Steve Clement-ang Boss nila.
Nung mapansin ni Ian ang namumulang braso ni Lily ay agad niya iyong kinuha. “ Masakit ba, Lily? “ Nag aalalang tanong nito.
Ngumiti naman ng kaonti si Lily sakanya “ Hindi na po masyado.“ Sagot nito.
Imbes na ngumiti rin si Ian ay isang malungkot na expresyon lang ang iginanti nito sakanya. “ Alam kong nahihirapan kana ng husto, Lily. Patawad at wala man lang akong magawa. “ Malungkot na saad nito. Ang trabaho lang kasi ni Ian sa grupong ito ay tagabantay lang sa kulungan ni Lily at sakanya. Wala siya sa mataas na posisyon para tulungan si Lily. Sa totoo lang ay nung makuha ng Remesis Syndicate ’tong si Lily ay takot si Ian sakanya dahil sa bali-balitang isang mamaslang ang batang babaeng ito. Pero lumipas ang panahon, nalaman niya na isa lang palang ordinaryong bata ’tong si Lily na makulit at nakakatawa. Minsan nga ay palihim pa na pumapasok si Ian sa kulungan ni Lily para makipagkwentuhan sakanya. Kaya naman ganun nalang ka importante sakanya ang batang ’to. At ngayon ay naiinis siya sa sarili dahil wala man lang siyang magawa para sa bata.
“ Okay lang po kuya. Lahat naman ng ginagawa ko ay para kay mama. Kahit pa mahirapan ako ng husto, basta susustentuhan lang nila ang pangangailangan ni mama ay ayos lang sa’kin ang lahat.“ Parang gustong maiyak ni Ian sa mga narinig niya mula kay Lily. Isang mapagmahal talaga na anak si Lily. At gagawin nito lahat mailigtas lamang ang buhay ng kanyang ina. “ Huwag ka ng malungkot kuya, nagmumukha ka ng tipaklong oh.“ Sa gitna ng sakit na nararamdaman ay nagawa parin nitong tumawa at magpatawa. Napakatatag na bata.
Nung makapasok sa opisina si Mr. Clement ay agad niyang ibinigay ang isang litrato ng isang medyo matanda na mga nasa mid 40’s na ang edad.
“ Siya si Mr. Adam Palma, ang CEO ng Palma Corporation. Isa siya ngayon sa tinaguriang Most Successful Businessman sa bansa. Bukod sa Palma Corporation na tinatakbo ng pamilya niya ay marami pa siyang malalaking negosyo na pinapatakbo dito sa bansa. Ngayon, isa sa mga ka kompetensya niya ang nag abot sa atin ng magandang alok. Magbibigay siya ng daan daang milyong halaga kapalit ang buhay ni Mr. Palma.“ Umupo si Mr. Clement sa swivel chair na nasa tapat ng inuupuan nina Lily tapos ay nakangisi niyang tinignan ang batang babae. “ Siya ang magiging target mo sa gabing ito, Lily.“ Tumungo naman si Lily dahil wala rin naman siyang magawa.
“ Boss, pwedeng sa ibang araw nalang niya gawin yan? Kakatapos lang ng misyon niya kahapon, sa tingin ko ay kailangan niya munang magpahi–“
“ Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Ian.“ Putol ni Mr. Clement. Napamura nalang si Ian sa isipan nito dahil wala siyang magawa.
“ Ibalik muna si Lily sa kulungan niya.“
“ Si mama po? Kumusta na ang lagay niya? “ Biglang sumagi sa utak ni Lily ang mama niya.
“ Wag kang mag alala, hija. Nasa mabuting kalagayan ang ina mo.“ Medyo gumaan naman ang loob ng batang babae sa narinig niya. Mabuti naman kung ganun.
“ Makakaalis na kayo.“ Lumabas na sina Lily at Ian sa opisina ni Mr. Clement. At kasabay ng paglabas nila ay ang pagpasok ng isang tauhan niya.
“ Kumusta ang pagtapon niyo? “ Tanong ni Mr. Clement sa tauhang pumasok.
“ Natapon na po namin sa malayo ang bangkay ng ina ni Lily, Boss.“ Sagot nung tauhan niya. “ Ah sigurado po ba kayo na di natin ’to ipapaalam kay Lily? “
“ Hindi dapat niya malaman ang pagpatay natin sa kanyang ina.“ Ang totoo niyan ay buhay pa naman sana talaga ang ina ni Lily at malapit na itong gumaling, pero masyado ng magastos para kay Clement ang pag papagamot nito. Sayang ang pera. Kaya ang ginawa nila, pinatay nalang nila ito. Para wala ng susustentuhan pa. Hindi naman malalaman ni Lily eh. Wala namang magsasabi sakanya.
[ Ish’s PoV ]
“ So ito pala siya. “ Nasabi ko habang nakaharap sa laptop. Mabilis namang lumapit sina Benz, Elsa at Kael para tignan ang nasa laptop ko.
“ Woah! Ang cute naman niyaaa! “ Wika ni Benz nung makita niya ang mukha ni Lily dito sa laptop. Andito kasi ang picture niya at konting biodata niya.
Name : Lily F. Valdez
Gender : Female
Age : 15 years old
15?
“ Hell, akala ko ba kaedad ni Boss ’to? Eh Kense anyos pa lang ’to eh.“
“ Ang sinabi ko HALOS magkasing edad. Malay ko ba kung ilang taon na yan.“ Inis na sagot niya. Sungit talaga. Sabagay, di mo rin naman kasi mahahalata na 15 lang siya dahil medyo matangkad siya sa edad lang na kense
“ Hawak siya ngayon ng isang pipitsuging sindikato, at medyo malapit lang ’tong hideout nila mula rito.“ Patuloy ko.
Nakita naman naming bumaba si Boss mula sa hagdan.
“ Boss, alam na namin kung saan natin mahahanap si Lily.“ Lumapit naman si Boss samin tsaka umupo.
“ Ihanda niyo ang sarili niyo Ish at Benz. Tayo ang kukuha sakanya mamaya.“
“ Aye aye captain! “
“ Masusunod Boss “
[ 3rd Person’s PoV ]
Alas otso na ng gabi at tahimik lang na nag aayos ng susuotin si Lily. Kahit medyo masakit pa ang katawan niya ay pinipilit niya ang sarili para sa misyon. Isa pa rin namang batang babae si Lily, mabilis mapagod at manghina.
Isang itim na assassin suit ang suot niya, lagi niyang sinusuot sa tuwing may ginagawa siyang misyon.
Biglang bumukas ang pintuan ng kulungan niya kaya napatingin siya dito. Si Ian lang pala.
“ Aalis na po ba tayo? “ Tanong ni Lily. Lumapit naman si Ian sakanya at lumuhod para magpantay sila pagkatapos ay ngumiti ito. “ Itatakas kita.“ Medyo nagulat naman si Lily sa narinig niya.
“ P-po? Naku wag na po, baka mahuli pa tayo at mapahamak kayo.“
“ May alam ako sekretong daan palabas ng lugar na’to. “
“ P-po? Pero…“
“ Ayaw mo bang makaalis sa lugar na’to Lily? Delikado para sayo kung magtatagal ka dito.“
“ Pero si mama…“ Malungkot na saad ng bata. Bigla namang natahimik si Ian nung sabihin yun ni Lily, naalala niya kanina ang mga narinig niya. Tama, narinig niya ang pinag usapan ni mr. Clement at nung isang tauhan niya kanina.
Gusto mang sabihin ni Ian ang mga nalaman niya kay Lily pero di niya ito magawa. Ayaw niyang masaktan ang bata.
“ H-huwag na muna natin yang alalahanin, Lily. Ang importante ngayon ay maitakas kita dito.“ Di na hinintay ni Ian na magsalita si Lily at agad na niya itong hinigit palabas ng kulungan na ’yun. Di narin pumalag pa si Lily.
Nung makalabas sila sa kulungan ay tinahak agad nila ang isang tagong pasilyo ng gusaling ito. Hawak hawak lang ni Ian ang kamay ni Lily habang dahan dahan silang tumatakbo, sinisiguradong hindi sila makakagawa ng ingay.
Mabilis naman na nagtago ang dalawa nung may mapansin si Ian na naglalakad na mukhang pasalubong sakanila. Buti at nakatago agad sila at nalagpasan lang sila.
Tatakbo na sana ulit sila ng may isa pa pa lang naglalakad sa lugar na’yun at saktong paglabas nila ay ang pagdaan rin ng isang tauhan-dahilan para mahuli sila.
Shit.
Agad nanlaki ang mga mata ng nakasalubong nila. “ Anong ginagawa mo sa bihag?! “ Galit na tanong nito tapos ay naglabas ito ng spada. Sinunggaban naman agad yun ni Ian kaya di na nagawa pang makabwelo ng kalaban. Inagaw niya ang spada nito at mabilis na sinaksak sa katawan ng kalaban.
Napalunok naman ng laway si Lily nung makita niya ang spada na hawak hawak ni Lily. Parang may nagtulak sakanya na kunin ito. Unti unting nangibabaw ang ikalawang katauhan niya nung makakita siya ng armas. Sinubukang kunin iyon ni Lily pero mabilis itong inilayo ni Ian-dahilan para mawala ang pagnanasa niya sa espada. “ Delikado, Lily.“
“ P-pasensxa na po.“
“ Tara na.“ Bitbit ni Ian ang spada sa kanang kamay niya habang hawak hawak rin ng kaliwang kamay niya ang kamay ni Lily. Mabilis silang pumunta sa lugar kung saan makikita ang mga power supply nitong lugar, pagkatapos ay mabilis niyang pinatay lahat ng planka doon-dahilan para mawalan ng ilaw ang buong lugar.
“ Bilisan na’tin.“ Binilisan pa nila ng husto ang pagtakbo dahil baka ma on ulit nila yung planka at mahuli sila.
Nung makita nila ang pinaka pintuan ng gusaling ’yun ay kumurba ang ngiti nilang dalawa.
“ Makakalabas na tayo..“
Pero nung makarating na sila sa pintuan na yun ay muling nagsibalikan lahat ng ilaw. Kaya naman gulat silang dalawa na napalingon sa likuran nila.
“ Ang lakas ng loob ng isang tagabantay na itakas ang aking pinakamamahal na Alaga.“ Pumalakpak pa si Mr. Clement habang sinasabi yan. Napapalibutan na sila ngayon ng sandamakmak na tauhan ni Clement. Habang si Clement naman ay andun sa ikalawang palapag, nakangising nakatingin sa dalawa.
Sinubukang buksan ni Ian ang pinto pero nakasarado ito.
Kaasar!
Muli siyang humarap kay Clement habang tinatago niya si Lily sa likuran niya. Si Lily naman ay nakaramdam na ng sobrang takot.
“ Tama na ang panggagamit mo sa bata, Boss! “
“ Nagtraydor ka nanga pero nagagawa mo pa rin akong tawaging, Boss? Patawa.“ Tinignan naman ni Clement ang tauhan na nasa gilid niya at tinanguan.
At sa isang iglap, bumaon ang isang bala sa balikat ni Ian-dahilan para mapaluhod ito.
“ Maling tao ang pinagtaksilan mo hangal.“ Mabilis na inagaw ni Clement ang baril na hawak ng tauhan niya at pinutok ito straight papunta sa ulo ni Ian.
Dahan dahang humandusay sa sahig ang katawan ni Ian-sa harap mismo ni Lily.
Hindi naman makapaniwala si Lily sa nakita niya. Parang tumigil sa paggalaw ang lahat nung makita niyang nakahandusay sa harapan niya si Ian na punong puno ng dugo ang ulo nito.
“ KUYA IAAAN!!! “ Mabilis na umagos ang mga luha ni Lily. Walang tigil sa pag agos. “ Kuya gumising ka…“ Pinilit niyang tapikin ang mukha ng kuya Ian niya pero di na ito gumagalaw pa, ayaw na nitong gumising.
Hindi.
Mabilis naman na pinalibutan ng mga tauhan ni Clement ang batang babae at sabay sabay na nagkasa ng baril.
“ Pasensya kana Hija, pero ayoko ng mga taksil. Kaya tatapusin ko na ang buhay mo….gaya ng pagtapos namin sa buhay ng ina mo. “ Mas lalong nagulat si Lily sa narinig niya. Ang ina niya….tinapos nila ang ina niya?
Walang tigil na sa pag iyak ang batang babae. Sobra itong nasaktan sa nangyari at sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon.
“ Paalam na, Lily.“ Ipuputok na sana nila ang mga baril nila ng may bigla silang narinig na malakas na sipol sa buong lugar.
Agad naman silang tumingin sa ibabaw nila nung may mapansin silang lalaking nakatayo doon habang akay akay ang dalawang samurai sa balikat nito.
“ Hello mga fafabells.“
At dahil nakatuon ang atensyon ng lahat ng tauhan kay Benz ay di nila namalayan ang pagsugod ni Ish sa mga lalaking nakatuon ang baril kay Lily.
Sa isang iglap ay naparalisa ang lahat ng tauhan na nakatutok kay Lily dahil sa kyuso ni Ish.
Tumalon naman agad si Benz mula sa taas habang hawak hawak sina Upin at Ipin. “ Heeeehaaaa! “ Mabilis niyang inatake ang mga tauhan ni Clement. At dun nanga nagsimula ang kaguluhan.
Habang nagkakagulo ang buong paligid ay napansin ni Lily ang dahan dahang pagtakas ni Clement.
Agad niyang pinahiran ang mga luha niya at tinignan ang kuya Ian niya “ Ipaghihiganti kita, Kuya.“ Wika niya tapos ay tinignan niya ang spadang hawak ni Ian.
Mabilis niya iyong kinuha, and in just a second, naging blanko agad ang expresyon ng mukha niya at ang mga mata nito.
Biglang nagbago ang aura niya. May isang tauhan ang nagtangkang bumaril sakanya pero mabilis na nakalapit si Lily sa taong yun at mabilis niyang hinawakan ang kamay nung lalaki tapos ay inikot niya ito at ipinakain ang baril sa may hawak at walang pagdadalawang isip niya itong pinutok.
Gising na ang Ikalawang katauhan ni Lily
Nagkandarapa naman sa pagtakbo si Clement dun sa tagong pasilyo kasama ang dalawang tauhan niya na nakasunod lang sa likuran nito.
“ Sino ba yung mga umatake, Boss? “
“ Hindi ko alam, bilisan niyo nalang ang pagtakbo jan! “
“ Opo-argh!! “ Narinig ni Clement ang pagdaing ng mga tauhan niya kaya saglit siyang lumingon sa likuran niya habang tumatakbo, nakita niya ang dalawang tauhan niya na nakabulagta na puno ng dugo at isang batang babae na nakatayo habang nakadungo at hawak hawak ang isang spada.
Dahan dahang lumingon sakanya ang batang babae, at nakaramdam siya ng sobrang takot nung tignan niya ang mga mata nito. Napakatalim ng tingin sakanya ng batang babae. Parang kakainin siya nito ng buhay sakaling mahuli siya nito
Kailangan niyang bilisan.
Lumingon na ulit siya sa harapan niya para bilisan ang pagtakbo, pero nung pagharap niya-nanlaki ulit ang mga mata niya nung may makita siyang isang batang lalaki doon sa may unahan niya na nakasandal sa pader at nakapikit ang mga mata habang nakahulipkip.
Sino naman ang batang ’to?!
Plano niya lang sanang lagpasan ang batang nakasandal pero nung ibinuka nung batang lalaki ang mga mata nito at tumingin ito sakanya ay otomatikong napahinto siya sa pagtakbo. Tila naparalisa ang mga paa niya nung matitigan niya ang malademonyong mga mata ng batang nakasandal. Mas nakakatakot ang mga mata nito kaysa ka Lily.
Ngayon ay pinagitnaan na siya ng dalawang bata.
Nagpapalit palit siya tingin sa dalawa. Naguguluhan siya kung saang direksyon ba siya susugod at tatakbo. Kay Lily ba na unti unti ng lumalapit sakanya, o sa batang lalaki ba na nakasandal lang at nakatingin sakanya.
Sa huli ay pinili niya nalang ang tumakbo papunta sa kinatatayuan ng batang lalaki.
Bumunot ng baril si Clement at agad tinutukan ang batang lalaki. “ Huwag kang humarang! “ Sigaw ni Clement. Nakita naman niya ang pag ngiti ng batang lalaki-at di niya yun nagustuhan. Kaya naman kakalabitin na sana niya ang gatilyo ng baril niya kaya lang napakabilis ng pangyayari. Nahuli niya nalang ang sarili niya na lumulutang dahil sa pagsakal ng batang lalaki sakanya.
Tumilapon siya palayo nung hinagis siya ng batang lalaki-papunta sa direksyon ni Lily.
Nung mapahinto siya sa pagkakatilapon ay ibinukas niya ang mga mata niya, at sa kasamaang palad ay tumambad sakanya si Lily na nakatingin sakanya. Mabilis naman siyang bumangon at lumuhod sa harapan ni Lily.
“ P-pakiusap…Lily..H-huwag..Huwag mong tatapusin ang buhay ko.“
Pagmamakaawa nito tapos ay tumingin siya sa mga mata ng batang babae habang naluluha.
Pero mabilis rin na nanlaki ang mga mata niya nung ngumiti ito sakanya…yung isang ngiting ayaw na ayaw mong makita.
At sa isang iglap, mabilis na bumaon sa bungo niya ang spadang itinusok ni Lily sa ulo niya.
……..
Bumalagta ang wala ng buhay ni Steve Clement sa malamig na sahig.
Binunot ni Lily ang spada niya pagkatapos ay lumingon siya sa batang lalaki na bumalik lang ulit sa pagkakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata at nakahalukipkip.
Ngumisi si Lily, at plano na niya sanang atakihin ang batang lalaki pero napahinto ito dahil bigla itong nagsalita. “ Huwag mo ng subukan.“ Kalmadong wika ng batang lalaki.
“ Sino ka ba? “ Nakangising tanong ni Lily. Iminulat naman ng batang lalaki ang mga mata nito at tumingin sakanya. “ Virgel Acosta, ang Boss ng Virgo Mafia. At andito kami ngayon para gawin kang myembro ng aming organisasyon.“
Tumawa naman ng mapang asar si Lily “ At paano naman kung ayaw kong sumali? Anong gagawin mo? “
“ Wala akong magagawa kundi ang tapusin ang buhay mo.“ Kalmado lang na sagot ni Virgel. Pero muli ay tumawa lang si Lily “ Sa tingin mo makakaya mo ako? “ Paghahamon nito. Umalis naman sa pagkakasandal si Virgel at mataman itong tumingin sakanya tapos ay ngumiti ng mapang asar. “ Lapit. “ Naasar bigla si Lily sa ngiti ni Virgel kaya naman ay sumugod nanga ito.
Makalipas ang halos sampung minuto pakikipaglabanan ng dalawang bata ay hindi pa rin sila natatapos. Si Lily ay medyo napagod na sa kakaatake pero si Virgel? Hindi man lang natitinag sa kinatatayuan niya simula pa kanina.
Sa may unahan naman ay dumating na sina Benz at Ish na kakatapos lang ligpitin lahat ng kalaban. Medyo madami ang nakalaban nila kaya medyo natagalan din sila.
“ Oh anyare dito? “ Takhang tanong ni Benz nung makita niyang naglalaban si Virgel at Lily “ Ang akala ko ba andito tayo para kunin si Lily? Ba’t naglalaban sila? “
Napamura naman si Ish nung maalala niya ang sinabi ni Virgel.
Mukhang hindi pumayag si Lily. Lagot.
“ Tulungan kaya nating silang awatin? “ Tanong ni Ish kay Benz.
“ Ayoko pang mamatay, Ish. Di ko pa natatapos panoorin lahat ng episode ng Tom and Jerry. Kung gusto mo ikaw nalang. “
“ Napaka bakla mo talaga! “
“ Wag mo nga yang ipagsigawan fafa Ish, kainin ko yang hotdog mo eh “
“ Aba’t!! “
“ Argh! “ Mabilis naman na napahinto ang dalawa na napatingin sa naglalaban. Nakahandusay na sa sahig si Lily at mukhang wala ng lakas pang tumayo. Samantalang si Virgel ay wala man lang galos kahit konti.
Dahan dahang naglakad si Virgel papunta kay Lily. “ Huling beses ko na itong itatanong, sasali ka o hindi? “ Walang ganang tanong ni Virgel. Bigla naman nainis si Lily dahil sa nangyari sa kanyang pagkatalo. “ Patayin mo nalang ako! “
“ Walang problema. “ Agad sumugod si Virgel papunta kay Lily bitbit ang mga nakakalibot na mga mata nito. Nung tignan ito ni Lily ay sa unang beses ay nakaramdam ang ikalawang katauhan niya ng sobrang takot.
Bumwelo si Virgel at nakahanda na niyang suntukin si Lily. Nung malapit na ito sakanya ay napapikit na ng kusa si Lily dahil sa takot na naramdaman. Pati sina Benz ay nanlaki rin ang mga mata nila dahil sa pagsugod ni Virgel kay Lily.
Pero imbes na isang malakas na suntok ang maramdaman ni Lily ay nagulat ito dahil iba ang naramdaman niya.
Naramdaman niya ang isang kamay na mahinahong humawak sa may ulo niya. Sa pagkagulat niya ay napabukas agad siya ng mga mata niya at tinignan ang nasa harapan.
Tumambad sakanya si Virgel na nasa tapat niya na nakaluhod ang isang binti habang nakahawak ang isang kamay nito sa may ulo niya at straight itong nakatingin sakanya. Di siya makagalaw, tila nagulat siya sa nangyari. Akala niya katapusan na niya pero…akala niya tatapusin na siya ni Virgel..pero anong ginagawa niya?
Dahan dahan namang kinuha ni Virgel ang spada na hawak ng kanang kamay niya, at sa unang pagkakataon, hindi pumalag ang ikalawang katauhan niya na kunin ang armas na hawak niya.
Unti unti namang nawala ang blankong expresyon sa mga mata ni Lily hanggang sa bumalik na ito sa dati.
At pagkabalik na pagkabalik niya sa dati ay agad namuo ang mga luha sa mga mata niya. Hanggang sa umiyak na ito ng napakalakas na parang bata. Naalala niya ang nangyari kanina. Si kuya Ian niya, ang ina niya…wala na ang dalawang importanteng tao sa buhay niya.
“ Tumahan kana.“ Awat ni Virgel pero tuloy parin sa pag iyak si Lily. Sina Ish at Benz ay medyo naririndi na sa pag iyak niya, ang lakas kasi. Para siyang bata na nahulugan ng lollipop.
“ Si-si…kuya Ian…Tsaka si mama….wa-wala na sila ma-ma UWAAAAAAH!! “ Marahan namang pinunasan ni Virgel ang mga luha ni Lily dahilan para mapahinto siya sa pagsigaw. Pero humihikbi parin ito paminsan minsan.
“ Huwag kang mag alala. Kami na ang bagong pamilya mo.“ Wika ni Virgel sakanya tapos ay ginulo pa nito ang buhok niya ng konti tsaka ito tumayo at naglakad palayo.
[ Ish’s PoV ]
Nung makita ko kung pano patahanin ni Boss si Lily ay di ko mapigilan ang ngumiti. Akala ko nagbago na talaga ng tuluyan si Boss. Oo hindi na siya tumatawa, oo hindi na siya nakikipagbiruan sa’min, oo napakalamig na ng pakikitungo niya samin, oo napakaseryoso na niya palagi, at oo hindi na siya ang dating boss namin na may pagkalampa. Pero may isang katangian talaga sakanya na kailanman ay hindi na niya ata talaga maiaalis sa katauhan niya…
At yun ay ang pagiging mabait niya.
Dumaan si Boss sa harapan namin na parang wala lang. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa mawala siya.
Nagulat naman ako nung may humila ng laylayan ng blazer na suot ko. Pagtingin ko, si Lily pala.
“ Paangkas po.“ Sabi niya. Muntik na akong matawa si itsura niya, para kasing nanghihingi ng piso. Pfft.
Lumuhod ako para makahawak siya sa leeg ko, at nung makahawak na siya ay agad na kong tumayo.
“ Tayo na.“
Habang naglalakad kami ay biglang humigpit ng konti ang pagkapit ni Lily sa leeg ko. “ Nasasakal ako, Lily.“
Naramdaman ko naman ang paghagikhik niya ng konti “ Ang bango mo naman kuya.“ Tapos ay inamoy niya pa ang leeg ko. Tae nakikiliti ako!
Sa totoo lang ay kanina pa ako naiilang. Oo bata palang ’tong nasa likuran ko pero ito ang unang beses na may umangkas sa likuran ko. Tapos kung makakapit to parang magnet.
Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko. Ta’s maya maya lang rin ay narinig namin ang paghilik niya. Mukhang nakatulog na siya sa sobrang pagod.
“ Kung hindi lang ’yan bata, malamang liligawan ko na yan. Napaka cute niya. Lalo na kapag tulog hihihi “ Tignan mo ’tong gago, pati bata papatulan!
“ Gago! May Helena ka na diba? “
“ ’To naman si Ish selos agad hihihi “
“ Anak ng! At bakit naman ako magseselos sayo? Hindi ko type ang Helena na ’yun! “
“ Hindi ka naman sa’kin nagseselos eh. Kundi kay Helena. Kaw naman, syempre sayo lang ako fafa Ish hihihi “ What the fvck?!
“ Tangna mo talagang hayop ka, pasalamat ka may karga ako ngayon…kundi patay ka talaga sa’kin.“ Pagpipigil ko. Baka kasi magising ’tong karga ko.
“ Hihihi Lab u too fafa Ish “
ARGHHHH!!!
Pagkapasok namin sa mansyon ay nakaabang na pala sina Hell, Elsa at Kael sa’min.
“ Siya na ba yan? “ Paniniguro ni Elsa
Ngumiti ako at saglit tinignan sa gilid ko ang natutulog na batang babae.
“ Siya nanga, si Lily Valdez, ang bagong myembro ng Virgo Mafia.“
-To be Continued
-MajorSin
Episode 47: Achilles Heel
Episode 47: Achilles Heel
[ Ish’s PoV ]
( Miss ko na ang PoV ni Virgel hahahaha kaso di pa pwede eh. Gusto ko kayo mismo ang mag isip kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon hahaha )
“ Target, Bullet..at sino nga yung isa Benz? “
“ Si ano yun eh….si.. Goryo? “
“ Pfft. Hahahaha “ Kael
“ Tangna mag seryoso kanga Benz! Elfame na ang pinaguusapan natin dito!“ Galit kong sigaw sa hangal. Andito kaming lahat sa sala ngayon maliban kay Boss at Lily na tulog pa, at pinag uusapan namin ngayon yung sinabing impormasyon ni Jack tungkol sa Elfame. At itong gago, hindi man lang marunong mag seryoso!
Pout
“ Eh Goryo naman talaga yung sinabi ni Hitler eh “
“ Hahahaha mali Benz. Si Dorothy yun.“ Pagtutuwid naman ni Kael habang natatawa. Oh tignan mo, Goryo daw eh napakalayo sa pangalang Dorothy! Tss.
“ Ay oo, Dorothy nga pala yun hehehe.“
Ikinalma ko nalang ulit ang sarili ko para makapag explain ng maayos dito sa dalawa na ewan ko kung mag jowa na ba o hindi.
“ So ayun nga, si Dorothy at yung kambal na sina Target at Bullet ang tatlo sa pinakamalalakas na myembro ng Elfame ngayon. At ang sabi nung Jack na’yun, mag iingat daw tayo sakanila, lalo na dun sa kambal dahil meron daw silang kakayahan na hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao.“ Seryosong saad ko. Natahimik naman sila at mukhang nag umpisa naring magseryoso.
Tahimik lang kami ng biglang magsalita si Benz. “ Baka naman ang isa sa kakayahan nung kambal ay…“ Tinignan namin siya na mukhang seryoso narin sa usapan. Ganyan, ganyan dapat. Tumingin siya samin sabay dugtong ng. “ Bumubuga ng Milk tea? “ Muntik na kaming malaglag sa kinauupuan namin sa idinugtong ng animal. “ Tapos kung sino ang matamaan ng milk tea na yun ay mapopoison dahil contaminated na pala yung milk tea na yun. Tapos yung isang kakambal niya naman ay bumubuga rin ng Ariel, tapos kung sino ang matamaan ng Ariel na yun, gumagwapo.“ Tumingin pa siya sa’kin sabay tapik sa balikat ko. “ Tamang tama sa’yo ang Ariel, Ish.“
“ Hahahahaha! “ Halos maubusan naman ng hininga sina Elsa at Kael kakatawa. Bwesit ’tong mga ’to! Pinagtatawanan pa ako! Tinignan ko rin ’tong animal na naluluha na sa kakatawa.
Agad kong nilock ang leeg ng gago gamit ang mga braso ko. Hayop ka, ako dapat nantitrip sayo at hindi ikaw ang nantitrip sakin!
“ Akkkrrr I-sh a-aray! akrrr! “ Malapit na sanang malagutan ng hininga ang kumag nung may biglang bumaba sa hagdan. Pinakawalan ko nalang agad ang hayop dahil baka isipin pa ng batang ’to na nagpapatayan na kami.
“ Grabe ka Ish, balak mo talaga akong patayin? Huhuhu! ang bad mo talaga “
“ Subukan mo pa ulit akong pagtripan! Alambre na talaga ang isasakal ko sayong hayop ka! “
“ Oh kitams? Huhuhu ambad talaga “ Di ko na pinansin ang gago dahil tinitignan ko ang pababang si Lily. Kinukusot pa niya ang kanang mata niya at mukhang kakagising lang talaga.
Nung makababa na siya at nabaling ang atensyon niya dito sa direksyon ng inuupuan naming lima ay agad siyang napatingin kay Hell habang nakakunot ang noo. “ Kuya Hell? “ Isiningkit pa niya ang mga mata niya para kumpirmahin kung si Hell nga ba talaga ang nakikita niya. At nung mapagtanto niya ito, agad nanlaki ang mga mata niya. “ Ikaw nga!! “ Agad siyang tumakbo papunta kay Hell tapos ay lumundag at yumakap ito sakanya. “ Ikaw nga kuya Hell! “ Masayang ulit niya.
Tinignan ko si Elsa. Pfft. Ansama makatingin sa dalawa.
Ngayon ay nakaupo narin ang bagong myembro namin at nakisali na rin sa usapan. “ Isa po kayong mga Mafia? “ Ulit niya. Tumango naman si Elsa. Siya kasi ang nag eexplain kay Lily tungkol sa organisasyon namin. Naalala ko pa noong unang pagtapak palang ni Boss dito sa mansyon, si Hugo pa ang nag eexplain sakanya ng lahat ng dapat niyang malaman. Naalala ko na naman tuloy si Hugo. Tsk.
“ Bakit ako ang pinili niyo na maging bagong myembro niyo po? “ Inosenteng tanong pa niya sabay tingin kay Elsa, minsan ay tumitingin rin siya sa’kin pero wala akong planong sumagot.
“ Si Hell ang nag suggest sa’yo. Sabi niya malakas ka raw at magaling sa larangan ng pagbaril, kaya naman ikaw na ang pinili namin. “ Sagot ni Elsa. Masaya namang tumingin si Lily kay Hell. “ Talaga kuya Hell? “ Di na sumagot si Hell at iritableng nag iwas ng tingin.
“ Ang sabi ni Hell magkasama daw kayo sa isang grupo noon? Totoo ba yun, Lily? “ Tanong ni Elsa.
“ Hmm yung grupong Crosser po ba? Ah opo, sa totoo po ay naaalala ko pa yung mga nakasama namin ni Kuya Hell nung panahon na ’yun.“
“ Sinu-sino pa ba ang mga naging myembro ng Crosser na yan? “ Tanong ko. Mabilis naman siyang tumingin sakin habang ngumingiti. “ Mga ibang myembro po? Ah sina ano po, si Kuya Eric Fortalejo, tapos si Kuya Nero Guzman.“ Si Nero? Naging magkasama pala dati sina Nero at Hell sa iisang grupo? Ba’t wala man lang sinasabi ’tong isang ’to. “ Tapos yung dalawa po na hindi ko masyadong close. Sina Kuya Akira Seijou at Kuya William Nostrad. “ Sagot niya na nakangiti habang hindi inaalis ang tingin sa’kin. Ano bang problema ng batang ’to.
“ Ish, mukhang tinamaan ata yang si Lily sayo. Pfft “ Bulong ni Benz
“ Ang sabihin mo may tama sa utak ang batang yan.“ Bulong ko pabalik.
“ Hindi ko pa po kayo kilala, ano po bang pangalan niyo? “ Una siyang tumingin kay Elsa. “ Ako si Elsa. “ Nakangiting wika ni Elsa. Tumango naman si Lily habang nakangising ibinaling ang tingin kay Hell . “ Kuya Hell, diba siya yung babae sa picture na lagi mong tinitignan dati? “ Nakangising tanong ni Lily. Bigla namang naging parang kamatis ang dalawa sa sobrang pula.
“ Yun oh! Buking si Hell Boy.“ Pang aasar ni Benz. Mabilis namang nag walk out si Hell. Haaay naku ’tong dalawa, ang totorpe. Sarap pag untugin eh.
Napatingin naman si Lily kay Kael. “ Hi, Kael ang pangalan ko “ Nakangiting pakilala ni Kael. Ngumiti naman si Lily “ Hello din sayo.“ Sagot niya.
Pagkatapos ni Kael ay kay Benz naman siya napatingin. Ang gago naman nag linis naman agad ng lalamunan. “ Uhm Aherrm. Ahh..Hi Lily. Ako nga pala si Be-“ Pero di pa natatapos si Benz ay tumingin na agad si Lily sa’kin. “ Anong pangalan mo kuya? “ Tanong niya.
“ Uy..ako? Di mo pa alam pangalan ko, diba? “
pout
“ Ish. “ Tipid kong sagot
“ Ish..? “
“ Valderama.“
“ Magkatunog pala tayo ng apelyido kuya hehehe.“ Bigla naman siyang kinulbit ni Benz kaya napatingin siya rito.
“ Ako ako..ako nga pala si Benz hehehe..pero kung nahahabaan ka, pwede ring Benjamin nalang.“ Nakangising pakilala niya.
“ Ah..ok po. “ Parang hindi interesadong sagot ni Lily. Bigla tuloy nalugmok ang gago hahahaha.
Bigla namang bumaba si Boss mula sa hagdan na naka polo kaya napatingin kaming lahat sakanya. Pero siya hindi man lang niya kami tinignan at patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng mansyon.
“ Yun ang Boss natin.“ Sabi ni Elsa nung mapatingin rin si Lily kay Boss.
San na naman kaya pupunta yung si Boss?
( Naaalala niyo pa si Akira? Nabanggit siya sa flashback ni Spot/Eric dun sa episode 29 : Crosser :) )
[ 3rd Person’s PoV ]
Tahimik lamang na naglalakad si Virgel bitbit ang isang bouquet ng bulaklak na binili niya. Tuwing wala siyang pasok o ginagawa sa mansyon ay pumupunta talaga siya dito sa lugar kung saan mapayapang natutulog ang kaibigan niya.
Nung makalapit siya sa puntod ni Hugo ay nilagay niya ang bulaklak na dala niya, at medyo nagtaka pa siya dahil meron ng nakalagay na bulaklak sa puntod ni Hugo, at mukhang kakalagay lang din nito dahil bago palang ang bulaklak na iyon. Pero ang mas ipinagtaka niya ay ang mga konting mantsa ng dugo na nasa hawakan ng bulaklak na ’yun.
Sinong nagdala ng bulaklak na’to? Isip isip niya. Sa huli ay hinayaan nalang niya iyon at umupo sa harap ng puntod ni Hugo.
Gusto niyang makipag kwentuhan. Gusto niyang kumustahin ang kaibigan niya.
“ Kumusta kana jan, Hugo? “ Tanong nito gamit ang malungkot na boses. Tapos ay bahagya itong ngumiti. “ Siya nga pala, may bago na
tayong
myembro.“ Pag uumpisa niya. Ayaw niyang sabihin na ‘may bago na kamin g myembro’ dahil kahit wala na si Hugo, tinuturing padin niya itong kasapi sa pamilya niya. Pinapaniwala niya parin ang sarili niya na anjan parin si Hugo at nagbabakasyon lang sa malayong lugar. Ayaw niyang ibaon sa limot ang kaibigan niya.
“ Kaso medyo bata nga lang. Pero okay lang, malakas siya, Hugo. Kung makikita mo rin siguro siyang makipaglaban baka mamangha ka rin sa kakayahan niya.“ Ngumiti ito at yumuko dahil may kung ano ang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. “ Sa totoo lang andun na siya ngayon sa mansyon natin. Gusto mo ba siyang makita? “ Napakagat na siya sa labi niya para sana pigilan ang mga luha niya pero unti unti na itong kumakawala sa mga mata niya. “ T-tara, Hugo. Umuwi na tayo.“ Umiiyak na aya niya sa kaibigan. Nakakatanga mang isipin pero hanggang ngayon ay hindi niya pa din matanggap ang nangyari sa kaibigan niya. Hanggang ngayon ay umaasa pa din siya na magigising na siya sa bangungot na’to at paggising niya ay tatambad sakanya ang pamilya niya…kasama si Hugo na nakangiti at buhay na buhay.
Pero hanggang kailan ba siya magigising? Hanggang kailan ba siya magluluksa ng ganito?
Ang alam ng mga kasamahan niya ay nagbago na siya dahil hindi na nito magawang tumawa pa. Ang alam nila nagiging cold na ang boss nila at parang wala ng pakialam sakanila. Wala silang kaalam alam sa tunay na nararamdaman niya ngayon.
Kailangan ni Virgel ng masasandalan. Kailangan niya ngayon ng makakapitan. Pero ayaw niyang ipakita yun sa mga kasamahan niya dahil ayaw niya na mag alala ang mga ito sakanya. Kaya niya naman ang sarili niya eh… ata.
Biglang pinahiran ni Virgel ang mga luha niya nung may mapansin siyang presensya sa likuran niya. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya at tsaka siya tumayo at dahan dahang lumingon sa likuran niya.
Tumambad sakanya ang may kagagawan ng lahat ng bangungot na ito. Tinignan niya ang bulaklak na unang nakalagay sa puntod ni Hugo tsaka ulit tumingin kay Argo. Tinignan niya ang mga kamay nito, malinis ang mga ito at walang kahit na anong mantsa ng dugo.
Mabilis naman niya iyong inalis sa isip niya. Ba’t ba niya naisipang baka kay Argo galing yung bulaklak na yun eh siya mismo ang pumatay kay Hugo! Katangahan.
“ Anong ginagawa mo dito? “ Walang emosyon na tanong ng nakababatang kapatid. Ngumiti lang si Argo ng mapang asar at hindi sumagot sa tanong.
“ Ngumiti ka lang hangga’t nagagawa mo pa yan. “ Tinapunan ni Virgel ng matatalim na tingin ang kapatid niya “ Dahil konti nalang at makakaya na rin kitang tapusin, Argo “ Galit na saad nito. Si Argo naman ay di man lang nasindak. Sa halip ay ngumiti lang ito. “ Hayaan mong sabihin ko sayo kung paano mo ako matatalo-“ Di na ito naituloy ni Argo ang sasabihin niya dahil mabilis na hinubad ni Virgel ang Polo niya at inihagis ito sa harapan niya. Mabilis naman yung sinalo ni Argo. Pero nagulat siya nung mabilis siyang tamaan sa mukha ng napakalakas na suntok ni Virgel. Hindi niya alam na ang kasunod pala ng polo na’yun ay ang suntok ni Virgel. Dirty trick.
Napaatras naman si Argo sa natamo niya. Palihim siyang ngumiti. Ganyan nga Virgel.
Mabilis rin na hinubad ni Argo ang itim na polong suot niya at gaya ng ginawa ni Virgel, inihagis rin niya ito harapan ng kapatid niya. Si Virgel naman ay napangisi dahil alam na niya ang pandadaya na yan.
Nung papalapit na sakanya ang polo ni Argo ay bumwelo muna siya dahil alam niya na kasunod rin ng polong ’yun ay si Argo. Kaya dapat ay makabwelo muna siya para di siya maunahan.
Nung inalis ni Virgel ang polong nakaharang sa harapan niya ay walang pagdadalawang isip na niyang pinakawala ang suntok niya para maunhan niya si Argo.
Pero nanlaki ang mga mata niya nung walang tao ang tumambad sa harapan niya. Tanging sa hangin lang tumama ang suntok niya.
Na’san siya?
Bago pa siya makapag isip ay mabilis na umikot ang paningin niya dahil isang malakas na hampas sa batok ang tumama sa likuran niya. Sinipa pa siya sa sikmura dahilan para tumilapon siya at nabangga sa puno malapit sa puntod ni Hugo.
Pinilit indahin ni Virgel ang sakit at pagkahilo niya para makatayo at labanan ang kapatid niya pero kahit anong gawing bangon niya ay di niya ito magawa.
Napasuntok nalang siya sa lupa dahil sa sobrang pagkainis. Kahit na anong gawing pagsasanay niya ay wala parin talaga siyang binatbat sa kapatid niya.
Napakahina ko talaga! Kainis!
Ngayon ay nakatayo na si Argo sa harapan ni Virgel.
“ Gusto mo akong patayin, tama ba? “ Pag uumpisa ng kapatid niya. “ Magagawa mo lang ’yun kapag lalampasan mo ang limitasyon mo. Kung hindi mo magawa, pilitin mo.“ Hindi alam ni Virgel kung bakit ito sinasabi ng kuya niya. Binibigyan ba siya ng partida? Muli siyang nainis sa naisip niyang iyon.
Napakayabang ng nilalang na’to!
Nakita niya ang pagtalikod ng kapatid niya at nagsimulang maglakad, pero ilang hakbang palang din ang nagagawa niya ay huminto ito. “ Pilitin mong lumakas, Virgel. Dahil magagamit mo rin yan balang araw. Hindi lang ako ang kalaban mo, tandaan mo yan “ Makabuluhan na dagdag niya bago siya nawala. Naiwan lang na tulala si Virgel at pilit sinisink-in sa utak niya ang mga huling sinabi ng kapatid niya.
Pilitin ko ang lumakas? Puzzled na tanong niya sa sarili. Anong ibig sabihin niya dun?
Nung magkaroon na ulit siya ng lakas ay tumayo na siya pagkatapos ay kinuha niya ang polong itinapon niya kanina at isinuot pabalik. Matapos niyang magpaalam kay Hugo ay aalis na sana siya ng mahagip ng paningin niya ang polong naiwan ng kapatid niya. Hindi niya alam pero kusa siyang lumapit para kunin ang polong iyon. Nung matignan niya ito ng malapitan ay tsaka lang niya napansin ang mga mantsa ng dugo sa polong iyon. Itim kasi ang kulay nito kaya di gaanong mahahalata ang mantsa kapag nasa malayo ka nakatingin.
Matapos niyang makumpirma na dugo nga yun ay muli niyang ibinaling ang tingin sa bulaklak na may mantsa rin ng dugo.
Huwag mong sabihing…
Agad rin naman siyang umiling sa naisip niya. Imposible.
Itinapon nalang niya ang itim na polo at tsaka naglakad palayo. Habang naglalakad siya palabas ng sementeryo na’yun ay may napansin siyang nakahandusay na nakasuot ng puti sa may damuhan na parte ng sementeryong ’yun. Hindi yun dinadaanan ng mga tao kaya walang nakakita rito. Lumapit siya sa lalaking nakahandusay, at tsaka lang niya nalaman na ninja suit pala ang suot nito. At nung tuluyan na siyang makalapit sa damuhang iyon ay halos mapahinto siya sa kinatatayuan niya nung makita niya ang napakaraming nakahandusay na mga ninja. Nangyari na sakanya ’to dati dun malapit sa ospital.
Sino ba talaga ang may kagagawan ng mga pangyayaring ganito?
–Emnacin’s Mansion–
Sa isang lugar ng mansyon kung saan nakaupo si Theodore Emnacin sa isang gintong trono ay lumapit sakanya ang isang mataas na ranko na alagad niya na nakasuot ng puting ninja suit at lumuhod.
“ Mawalang galang na Boss, bigo na naman ang mga tauhan na pinadala niyo para sa pagdespatsya ng Batang Boss ng Virgo.“
“ At ang rason? “
“ Ganun pa rin po. Inubos ulit ni Argo lahat ng tauhan mo.“ Sagot nito. Unti unti namang kumurba ang isang malademonyong ngiti ni Theo. Mukhang unti unti na niyang nakikita ang sagot sa experimentong ginagawa niya.
Hinahawakan niya ang leeg niya at marahan iyong hinimas. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa din niya ang pagsakal sakanya ni Argo nung gabing ’yun. “ Mukhang alam ko na kung sino ang kahinaan ni Argo “ Nakangiting saad nito sa tauhan
“ Sino po, Boss? “
[ Someone’s PoV ]
Habang nagluluto ako ng pasta para sa pananghalian ko ay may biglang nag doorbell. Aba, himala at bumisita ’to na tirik ang araw. Pero malas naman! Akala ko masosolo ko na ’tong spesyal pasta na niluluto ko, pero mukhang may makikihati.
Pagbukas ko sa pintuan ay tumambad sa’kin ang walang pang itaas na suot na si Argo.
“ Aba naman Argo, porke’t may abs ka at ako wala eh ipaglalantaran mo na yan sa’kin. Uso din magsuot ng damit, no? Asan ba ang damit mo? “ Tanong ko. At ang galing! ^__^ Nilagpasan lang ako ng hayop -_-
Pumunta nalang ako sa kusina at inihanda ang espesyal superhypermegaultra delicious pasta na gawa ko pagkatapos ay dinala ko ito sa sala para maishare kay baby Argo. Pfft.
“ Oh kain ka muna.“ Inabot ko sakanya ang isang tinidor. Kinuha naman niya yun tapos ay tinikman ang pasta. Pero nakakadalawang nguya palang siya eh hinagis na niya ng mahina sa’kin ang tinidor na hawak. Buti nailagan ko.
“ Ano bang problema mo? “
“ Walang lasa.“ Walang ganang saad niya. Abaaa! Siya nanga ’tong binibigyan siya pa nanglalait!
“ Makapang lait naman ’to! Anong wala lasa eh masarap kaya ’to. “ Tumikim rin ako tsaka nginuya ang pasta. “ Oh anong wala la…sa“ Unti unti bumabagal ang pag nguya ko. “ Tae wala ngang lasa.“ Mabilis ko nalang itong nilunok at hindi na ulit tumikim pa. Gusto ko talagang maging chef eh.
Natahimik naman kami bigla pagkatapos. Ito ang problema kung si Argo ang kasama mo eh. Kung di ka magsasalita, wala talagang pag uusap na mangyayari. Haaay.
“ Oh nailagay mo na ba yung bulaklak? “ Pag iiba ko nalang. Hindi siya sumagot kaya ibig sabihin. Oo.
“ Yun naman pala eh, goodboy ka naman pala baby Argo eh.“ Pang aasar ko. Di man lang napikon -__-
“ Kung bakit mo naman kasi pinatay si Hugo.“ Naiiling na saad ko. Naging seryoso naman ulit ang expresyon ng mukha niya.
“ Plano niyang patayin si Virgel.“
“ Pero kahit na, sana man lang binaldado mo nalang. Kawawa naman yung tao.“ Kontra ko. At ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpangiti sa’kin.
“ Alam mo namang kaya kong pumatay ng kahit sino para sa kaligtasan ng kapatid ko.“
-To be continued..
-MajorSin
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 48: Capturing the Bait
[ 3rd Person’s PoV ]
-Elfame Palace-
Nagpatawag ang King ng Elfame ng isang pagpupulong kaya andito ang mga myembro ng Chess Pieces ngayon maliban sa dalawang taga Hirvana.
“ Na’san na ba sina Vonzo at Asher? “ Galit ng bulong ni Valentine kay Hiro dahil pansin niyang naiinip na si Casper kakahintay sa dalawa.
“ Lagi namang late yun dumating si Asher. Ewan ko lang dun kay Vonzo.“ Bulong din nito pabalik. Sakto rin namang bumukas ang pintuan at iniluwa dun si Asher. “ Yo, Pasensya na at nahuli ako. “ Pakamot kamot ng ulo si Asher habang paupo sa upuan niya. Sunod rin namang pumasok si Vonzo.
“ San ka ba galing? “ Bulong ni Valentine kay Asher.
“ Kumain lang, nagugutom ako eh.“ Patawang sagot ni Asher. Napailing nalang si Valentine.
Nung makaupo na ang lahat ay agad na nagsalita si Casper. “Nagpatawag ako ng pagpupulong ngayon dahil meron akong maganda at masamang balita sa inyo.” Panimula niya na ikinatahimik ng lahat.
“ Unahin muna natin ang masamang balita, may bago ng ipinalit na malakas na myembro ang Virgo ngayon kay Hugo.“ Sabi nito. Napamura naman si Dorothy sa isipan niya.
“ Yan nanga ba ang sinasabi ko eh. Tsk. “
Sa labas naman ng silid na pinag memeetingan nila ay may dalawang pares ng mga paa ang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila.
“ Naku, masama nga yan, King. Parang bumalik na rin ulit ang lakas ng Virgo niyan.“ Wika ni Asher. Sang-ayon naman ang dalawang kambal sa sinabi niya. Ngayon ay may bago na silang myembro, lumiit na naman ang tsansa nilang manalo. Dapat talaga ay tapusin na nila ang alas ng dalawang grupo. Ang dalawang anak ni Vlademir Acosta.
“ Eh ano naman po yung magandang balita, King? “ Tanong ni Gavin. Nakita naman nilang ngumiti si Casper.
“ Alam ko na ang kahinaan ni Argo.“ Nakangiting sagot nito. “ Sinabi sa’kin ni Theo ang kahinaan ng Alas ng Fuego, at kaya nila pinaalam sa atin ang impormasyon na’yun ay dahil kailangan din nila ng tulong natin sa paghuli at pagdispatsa kay Argo. Matindi rin ang galit ni Theo sa Argo na ’yun.“ Dagdag pa niya.
“ Sino ang kahinaan na tinutukoy niyo, King? “ Tanong agad ni Asher. Bakas sa mukha ng lahat ang atat na malaman ang isasagot ng King.
“ Walang iba kundi ang Alas rin mismo ng Virgo, ang nag iisang kapatid niya.“ Nabigla naman silang lahat sa sagot ni Casper maliban kay Vonzo. Inis ang nararamdaman niya ngayon. Balak niya sana na siya mismo ang tumapos sa kahinaan ni Argo pero alam na ito ng Elfame Mafia, at siguradong kakalat din ang impormasyong ito sa ibang Mafia Group dahil matagal ng markado ang pangalan ni Argo sa mundo ng Mafia at hinihintay lamang nila na malaman ang kahinaan niya.
Bigla tuloy niyang naalala yung binulong sakanya ni Argo.
“ Wag na wag niyong gagalawin ang kapatid ko. Dahil sa oras na ginalaw niyo siya, uubusin ko kayong lahat.“
Sekreto nalang niyang ikinuyom ang kamao niya na nasa ilalim ng lamesa.
“ Kung ganun si Virgel ang kukunin natin para gawing pa-in laban kay Argo? “ Dorothy
“ Tama. Siya ang gagawin nating bitag para sa pagtapos sa buhay ni Argo.“
“ Ang sabi niyo sa’min, si Virgel ang Alas ng Virgo. Naging Boss na siya ng isang Mafia Group kahit bata pa lamang siya. At yung katotohanan lang na kapatid siya ni Argo, hindi kaya mahihirapan din tayo sa pagdukot natin sakanya, King? “ Magandang tanong ni Bullet na ikinatahimik ng lahat.
“ Hindi pa natin alam ang kakayahan niya. Malay natin mas malakas pa pala siya kay Argo.“ Dugtong naman ng kakambal niya.
“ Bata parin si Virgel. At yung pagdukot natin sakanya, magandang plano lamang ang kailangan dun. Kailangan natin ng isang napakatalinong utak para sa pagdukot ng batang Boss.“ Sagit ni Casper.
“ Sa totoo lang ay may isa pa kaming magandang balita sa inyo.“ Singit naman ni Queen Venus, at sakto din namang bumukas ang pintuan ng silid ng pinagmemeetingan nila. Napalingon silang lahat sa pintuan at tumambad sakanila ang dalawang lalaki na mukhang galing sa isang napakarangyang pamilya. “ Kung may bago ng myembro ang Virgo, hindi din tayo papahuli. “ Natatawang wika ni Casper.
“ Gusto kong batiin niyo ang bagong mga myembro ng ating organisasyon. Kasapi silang dalawa sa Crosser na kinabibilangan ni Spot noon. Sila ay sina Akira Seijou at William Nostrad . “
[ Ish’s PoV ]
“ HAHAHAHAH! “
Pababa palang ako ng hagdan pero rinig na rinig ko na tawa ni Benz, at mukhang hindi lang siya nag iisa dahil rinig na rinig ko rin ang malakas na tawa ni Lily. Mukhang magkasundo na agad sila ah.
Pagbaba ko ay nakita ko agad silang dalawa na nanunood sa sala ng…ano panga ba -__- tom and jerry.
“ Ah Madel..“ Bigla akong napalingon kay Elsa nung tinawag niya si Madel. May bitbit siya na isang maliit na planggana na may kunting tubig at bimpo. Nung makarating naman si Madel ay agad niya yung ibinigay sakanya. “ Pwede bang ikaw na ang maglagay nito kay Kael? Ako nalang ang tutulong kay Manang Choleng sa pagluluto.“ Nakingiting saad niya. Ngumiti rin naman si Madel at tumango. “ Sige po.“
“ Salamat.“ At agad ng umakyat si Madel bitbit ang palanggana.
“ Ano bang nangyari kay Kael? “ Tanong ko kay Elsa.
“ Naku ayun, nilagnat.“ Sagot niya.
“ Eh na’san si Boss? “
“ Pumasok na.“ Wala palang kasama si Boss ngayon.
[ Kael’s PoV ]
Hanggang ngayon ay napakabigat parin ng katawan ko. Hindi naman naka aircon pero sobra akong nilalamig. Binigyan na ako ni Elsa ng gamot kanina pero mukhang waepek. Tsk. Hindi ko tuloy nasamahan si Boss ngayong pumasok. Baka mapano yun-aw hindi pala, hindi na pala siya katulad noon na matatakutin at mahina. Kaya na siguro niyang iligtas ang sarili niya. Lumakas na siya ng husto kaya sa tingin ko ay hindi na ako kailangan ni Boss sa tabi niya.
Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko para matulog ng biglang bumukas yung pintuan. Akala ko si Elsa yung pumasok pero si Madel pala na may bitbit na maliit na palanggana. “ Magandang umaga po Sir. Kael.“ Bati niya pagkapasok tapos ay inilagay niya iyong palanggana sa mesa malapit sa ulunan ko.
“ Inutusan lang po ako ni Ma’am Elsa na lagyan kayo nitong bimpo.“ Sabi niya habang pinipiga yung bimbo. Hindi na ako umangal, hindi ko rin naman kasi kayang lagyan yung sarili ko dahil sobrang bigat ng katawan ko.
“ Salamat.“ Sabi ko nalang. Ngumiti naman siya tapos ay dahan-dahan niyang nilagay yung bimpo sa noo ko.
Napapikit ako pagkatapos niyang ilagay yun. Naalala ko tuloy nung bata palang ako, si Ate palagi ang nag aalaga sa’kin tuwing may lagnat ako. Binabantayan niya ako hanggang sa gumaling ako. Napaka maalaga ng ate ko. Bigla ko tuloy siyang namiss.
Iminulat ko ulit ng dahan-dahan ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa’kin, andun parin pala si Madel sa inuupuan niya at normal lang na nakatingin sakin. “ Pwede ka ng bumaba, Madel. Maraming salamat sa ginawa mo.“ Tumango naman siya at kinuha yung palanggana. “ Sige po, bababa na ako. Pagaling po kayo agad ah. “ Ngiti nalang ang iginanti ko dahil sobra na akong inaantok. Parang nakakapagod magsalita. Bumaba naman agad siya pagkatapos.
Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko para matulog.
Nung magising ako ay medyo nagulat ako nung makita ko si Madel na nakaupo sa gilid ko habang may hawak na baso ng tubig at gamot.
“ Nagising ko po ba kayo? Pasensya na.“ Sabi niya tapos inilahad niya sa’kin yung dala niya. “ Uminom na po muna kayo ng gamot Sir. Kael.“
Nahirapan akong bumangon kaya inalalayan niya ako hanggang sa mapaupo ako. Kinuha ko naman agad ang gamot tsaka ito ininom, at pagkatapos ay humiga ulit ako. Saglit kong tinignan ang orasan. Mag aalas sinko na. Nakauwi na kaya si Boss?
Tinignan kong muli si Madel na ngayon ay nagpipiga na naman ng bimpo. “ Ah Madel, nakauwi na ba si Boss? “ Tanong ko, tumingin naman siya sa’kin. “ Si Sir. Virgel po ba? Nung paakyat po ako dito–“ Natigilan si Madel sa pagsasalita dahil biglang bumukas ang pintuan. Parehas kaming nakatingin sa pintuan at parehas kaming medyo nagulat nung makita namin kung sino ang pumasok.
“ Boss? “
“ Ako na ang bahala jan, Madel.“ Sabi niya kay Madel. Tumayo naman agad si Madel tsaka yumuko kay Boss bago lumabas.
Lumapit agad si Boss dun sa may palanggana tsaka kinuha bimpo. “ Kumusta na ang pakiramdam mo? “ Normal na tanong niya pagkatapos ay nilagay niya yung bimpo sa noo ko.
“ Pasensya na Boss, ayaw parin mawala ng lagnat ko eh.“ Nanghihinang sagot ko sakanya. Hindi man lang siya nag react. Kung dating Virgel lang yung kaharap ko ngayon, baka mangiyak-ngiyak na yun sa pag aalala sa’kin. Pfft. Pero ibang Virgel na ’tong kaharap ko. Naging mature bigla ang pagkatao niya sa maikling panahon lang.
Tumayo naman agad siya pagkatapos. “ Bilisan mong magpagaling, hindi ako sanay na hindi ko kasama ang kanang kamay ko na pumasok. “ Nakatalikod niyang sabi bago siya lumabas sa kwarto.
Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. Akala ko balewala na ako kay Boss ngayon dahil sa paglakas niya. Tinuturing niya parin pala ako bilang kanang kamay niya.
Salamat Boss.
Nung gabing yun ay nagdala si Madel sa kwarto ko ng isang tray na may lugaw. Siya ang nag alaga sa’kin buong gabi. Sinabihan ko na nga siya na okay lang ako pero ayaw niya pa ring umalis. Utos daw kasi ni Elsa na bantayan niya ako.
Nung gabing yun ay nakipagkwentuhan nalang ako sakanya. Dun ko nalaman na Miranda pala ang totoong pangaln niya. Napakaganda ng pangalan niya, mana sa nagmamay ari. Oo hindi ko maipagkakailang maganda si Madel.
Nagkwentuhan rin kami tungkol sa mga pamilya namin. Medyo mahaba ang pagkwekwentuhan namin nung gabing ’yun. Nakita ko rin kung paano siya ngumiti at tumawa. Napakaganda niya kapag ngumingiti. Sa mga sandaling ’yun ay ramdam ko na agad na medyo close na kami. Masaya kasi siyang kasama. Kahit pagod ang katawan ko, kapag humirit na siya eh natatawa talaga ako.
Natapos ang paguusap namin nung gabing ’yun ng masaya.
Kinaumagahan, pinakiramdan ko agad ang sarili ko. Tsk. Medyo mainit pa rin ako. Pero hindi na siya kagaya nung kahapon na halos wala na akong magawa sa sobrang pagod at bigat ng katawan ko.
Pagtingin ko sa gilid ng kama ko ay andun si Madel natutulog. Nakaupo siya habang nakasandal ang ulo niya sa kama ko. Di talaga siya umalis sa kwarto simula pa kagabi.
“ Salamat, Madel “
Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya para gisingin siya. Ang kinis pala ng pisngi niya. Mabilis naman siya nagising matapos kong gawin ’yun.
“ Bakit Sir? May kailangan kayo? “ Tanong niya habang nakatingin sa’kin. Di ko mapigilan ang matawa sa itsura niya, yung isang mata niya kasi nakapikit. Tapos yung isa naman mukhang pabagsak narin. Mukhang antok na antok pa talaga siya. Pfft.
“ Naku wala. Pumunta ka na sa kwarto mo ng makatulog ka ng maayos.“ Nakangiting sagot ko. “ Maraming salamat, Madel.“ Dugtong ko. Pagewang gewang naman siyang tumayo at tsaka yumuko sa harapan ko.
“ Sige po Sir. Goodnight “ Pfft. Mukhang wala pa ata siya sa sarili niya dahil sa sobrang antok. Pagewang gewang siyang naglakad papuntang pintuan. Tapos napakagulo pa ng buhok. Pfft. Pero kahit ganun, maganda pa rin siya.
Pagbukas niya ng pintuan ay siya namang pagdating ni Benz bitbit ang isang baso ng tubig at gamot. Kunot noo pa siyang nakatingin kay Madel na parang lasing na kung maglakad. Tapos ay tumingin siya sakin, tapos kay Madel, tapos sa’kin, tapos kay Madel ulit.
Lumapit naman agad siya sa’kin bitbit ang isang nakakalokong ngisi.
“ Mukhang ang saya ng gabi mo kagabi ah. “ Natatawang sabi niya. “ Magaling ba si Madel, ha Kael? “
“ Lapit ka. Ibubulong ko sayo ang sagot “ Lumapit naman siya sa’kin kaya sekreto kong kinuha yung plastic na batuta sa gilid ng kama ko at tsaka ito mahinang ipinukpok sa ulo niya. “ Siraulo “
“ Awts! Nagbibiro lang naman eh.“ Kamot ulong sabi niya tapos ay binigay na niya agad yung gamot at baso ng tubig.
“ Pumasok na ba si Boss? “ Tanong ko.
“ Oo kanina lang. Dumaan siya rito sa kwarto mo, pero mukhang tulog kapa kaya pumasok nalang siya. Sabi niya alagaan ka daw namin.“
Hindi ko na naman masamahan si Boss ngayon. Tsk. Sana okay lang siya.
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Ang tagal naman ni Antonio “ Napakamot nalang sa ulo si Agnes kakahintay kay Virgel. Inaabangan niya kasi ito sa gate ng skwelahan nila. Gusto niyang kausapin si Virgel tungkol sa nangyari kahapon. Gusto niyang humingi ng tawad. Nabato niya kasi ito ng notebook. Eh kasi naman, napakaweirdo niya kahapon. Hindi siya kinakausap. Tapos ang seryoso pa palagi ng mukha. Ang layo layo sa Virgel na kilala niya. Kaya ayun tuloy, sa sobrang galit niya dahil di siya pinapansin eh nabato niya ito ng notebook.
Nung makita niyang papasok si Virgel sa gate ay agad kumurba ang ngiti sakanyang mukha.
“ Antonio!! “ Sigaw niya pero parang hindi siya nito narinig dahil tuloy tuloy lang ito sa paglalakad.
Hinabol niya si Virgel. “ Sandali Antonio! “ Nung makahabol siya ay hinihingal siyang sumabay sa paglalakad ni Virgel.
“ Uy Antonio..“ Tinignan niya ang mukha ni Virgel. Ganun parin ang itsura, seryoso at hindi ngumingiti. “ Galit ka ba sa’kin? “
Pout
Hinawakan niya yung braso ni Virgel at tsaka niya ito niyugyug at nagtatalon siya na parang bata. “ Uy sorry na..wag ka na magalit “
Pout
Ganun lang ang eksena nila habang naglalakad sila sa hallway ng school. Pinagtitinginan tuloy sila ng ibang studyante. Yung iba nakangiti pa dahil nacucutan sila sa inaakto ng dalawa.
“ Uy Antoniooo…“ Napahinto naman siya sa pangungulit dahil huminto si Virgel sa paglalakad. Hawak hawak padin niya ang braso ni Virgel. Tumingin si Virgel sa mga mata niya. Parang bigla tuloy uminit ang pisngi niya, pero nakaramdam din siya ng konting takot dahil hindi ito ngumingiti. Mukhang napikon na ata sa pangungulit niya.
Inilapit ni Virgel ang kamay nito sa mukha niya kaya napapikit siya sa pag aakalang sasaktan siya nito. Pero nagulat nalang siya nung biglang pinisil nito ang ilong niya.
“ Pumasok kana.“
Kalmadong sabi nito sakanya pagkatapos ay iniwan na siya sa hallway na tulala.
Saglit siyang napahawak sa ilong niya, at sa di inaasahan ay bigla na namang uminit ang pisngi niya.
Mag aalas sais na ng gabi at malapit ng dumilim pero hindi padin umuuwi si Agnes. Hinihintay niya kasi si Virgel. Hindi pa din kasi ito umuuwi. Mukhang may tinatapos pa ata.
Nakaabang lang ulit siya sa may exit gate ng school nila. Walang ng mga studyante ang dumadaan. Tanging siya nalang at yung guard ang nandun.
“ Hindi ka paba uuwi hija? Mukhang kanina pa kita napapansin na nakatayo jan ah.“ Tanong nung manong guard.
“ Ah may hinihintay lang po ako.“ Nakangiting sagot niya.
“ Sino? Boyfriend mo ba? Naku wag ka ng umasa dun hija. Pinaasa ka lang nun. Mga tao talaga ngayon masyadong paasa. Kaya walang forever eh.“ Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ni manong guard. Mukhang may pinaghuhugutan ata to si Koya. Pfft.
Napalingon ulit siya sa harapan niya nung may mapansin siyang naglalakad. Muling kumurba ang ngiti sa mukha niya. “ Gregorio! “
Dali dali siyang lumapit dito. “ Ba’t ang tagal mo? “
“ Ba’t nandito ka pa? Gabi na.“ Tanong nito pabalik sakanya.
“ Hinihintay kita. Malapit lang naman dito yung boarding house na tinitirhan ko kaya okay lang kung gabihin ako.“ Sabay na silang lumabas at naglakad.
“ Nagboboard ka lang? “
“ Oo hehe “
“ Saan ba kayo nakatira? “ Tanong ni Virgel. Bigla naman siyang natahimik. Ngumiti ito ng pilit at agad iniba ang usapan. “ Ba’t ka ba natagalan ng uwi? “
“ May tinapos lang na project.“
“ Ahh..kaya ba nagkamantsa yang kamay mo? “ Mabilis namang nilagay ni Virgel ang kamay niya sa bulsa. “ Oo. “ Pagsisinungaling nito. Buti hindi napansin ni Agnes na dugo ang mantsang iyon. Ang totoo kasi niyan ay may nakalaban siyang mga ninja sa loob ng skwelahan na ’yun. Kaninang umaga pa talaga niya naramdaman ang presensya nila. Hindi niya alam kung paano sila nakapasok, basta ang alam niya siya ang pakay nila. Kaya naman sinadya niya talagang lumabas ng room na wala ng mga studyante para walang makakita sa labanan na mangyayari.
“ Na’san pala si Kael? Ba’t hindi mo siya kasama simula pa kahapon? “
“ May lagnat.“ Nasa isang madilim na parte na sila ng daan ng mapatigil sa paglalakad si Virgel.
“ Ba’t ka huminto? Walang aso jan sa unahan pramis.“ Hindi na pinansin ni Virgel ang sinabi ni Agnes dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Ang lalakas ng presensya ang nararamdam niya.
Itinago niya si Agnes sa likuran niya para protektahan.
“ M-may problema ba, Gorio? “ Pati si Agnes ay nag umpisa naring kabahan sa kinikilos ni Virgel. Isama mo pa yung malamig na hangin na dumampi sa mga balat nila.
“ Wag kang aalis sa tabi ko.“ Bulong nito sa kay Agnes habang seryoso siyang nakatingin sa harapan.
Dahan dahan namang sumulpot ang mga ninja sa harapan niya. Sobrang dami ng mga nagsulputan. Pero wala siyang pakialam sa mga ito dahil meron pang sa tingin niya ay siyam na malalakas na presensya ang nararamdaman niya.
Biglang gumawa ng isang daan ang mga ninja na ’yun at lumuhod, at siyam na pigura ng tao ang dahan dahang naglakad sa daang ’yun palapit sa kinaroroonan nila Virgel.
“ Ang alas ng Virgo.“ Bungad nung isang pigura. Ngayon ay napapalibutan na sila. Saglit na napatitig si Virgel sa isa sa siyam na nilalang. Medyo may pagkakahawig kasi ang mukha nito at mukha ni Elsa. Matalim itong nakatingin sakanya na para bang gusto gusto na siyang tapusin nito.
Makakaya naman niyang labanan ang mga ito, pero kaso andito si Agnes. Dapat niya itong protektahan. Di siya makakakilos ng maayos dahil nasa likuran niya si Agnes.
“ Ano bang kailangan niyo? “ Tanong niya sa mga ito.
“ Simple lang. Dadalhin ka namin sa palasyo ng Elfame. Walang dadanak na dugo dito kung sasama ka sa’min ng maayos.“
Matalim na tingin lang ang iginanti ni Virgel. Ibig sabihin, hindi siya payag. Nakuha yun ng mga taga Elfame kaya agad nilang sininyasan ang mga Ninja ni Theo na sugurin sila.
Gusto man rin sumugod ni Virgel pero di niya pwedeng pabayaan si Agnes. Tanging nagawa nalang niya ay sanggain lahat ng atake ng mga kalaban na lumalapit sakanila ng hindi umaalis sa tabi ni Agnes. May mga ninja pa na gustong kunin si Agnes sakanya pero hindi niya iyon hinahayaang mangyari.
Napamangha naman ang siyam na taga Elfame sa pinakita ng Batang Boss. “ Malakas nga siya.“
“ Magkapatid nga sila ng halimaw na ’yun.“
Patuloy lang si Virgel sa pagsangga sa mga atake ng aksidente siyang matamaan ng suntok sa mukha. Biglang uminit ang ulo niya kaya mabilis niyang sinugod yung nakatama sakanya, at nung mapatumba na niya ito, tsaka lang niya naisip si Agnes. Pagtingim niya rito ay may kumakaladkad na sakanya.
“ Bitawan niyo siya! “ Susugurin niya sana ang mga kalabang kumakaladkad kay Agnes pero may biglang tumusok na tatlong karayom sa may likuran niya. Dahil sa kawalan niya ng konsentrasyon ay di niya namalayan ang atake na nasa likuran niya. Lumingon siya sa likuran at nakita niya ang isa sa siyam na taga Elfame na nakasalamin na nakatingin sakanya habang nakangisi.
Susugurin niya rin sana ito ng biglang dumuble ang paningin niya. Nakaramdam siya mg sobrang pagkahilo at panlalabo ng paningin. Mukhang epekto yun sa tatlong bagay na itinusok sakanya.
Hinang hina siyang napatingin kay Agnes na kasalukuyan kinakaladkad hanggang sa mapahiga siya sa sobrang pagkahilo.
“ Magaling ang ginawa mo, Hiro.“
Bago siya mawalan ng malay ay may narinig pa siya na mga konting pag uusap.
“ Tatapusin ba natin ’tong Babae? “
“ Wag, isang maimpluwensyang organisasyon ang kinabibilangan ng pamilya niya. Malalagot tayo kung gagalawin natin siya. Hayaan niyo nalang yan jan.“
“ Tayo na.“
[ Ish’s PoV ]
Ilang beses ko ng tinitignan ang orasan. Tangna mag aalas siete na pero hindi padin umuuwi si Boss. Na’san na ba siya?
“ Hanapin na kaya natin siya? Masama ang kutob ko dito.“
Hindi makapagsalita ang lahat ng nandito pero bakas sa mukha nila na kinakabahan narin sila kagaya ko.
Biglang nag ring ang doorbell kaya mabilis kaming pumunta sa pintuan.
Ang akala namin si Boss na yung dumating pero iba ang tumambad sa’min. “ Agnes? “ Anong ginagawa niya dito? Tsaka.. “ Ba’t ka umiiyak? Teka alam mo ba kung na’san si Boss? “ Tanong ko, at halos di kami makakilos sa sinagot niya..
“ M-may dumukot sakanya. “
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 49: Tears
Episode 49: Tears
[ 3rd Person’s PoV ]
Minulat ni Virgel ang kanyang mga mata at napalibot siya ng tingin sa buong paligid. Hindi niya alam kung na’san siya ngayon, ang daming puno ang nakapalibot sa lugar ng kinatatayuan niya.
“ Oh ayan na pala siya eh.“ Isang boses ang narinig niya sa may unahan kaya agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng boses na ’yun. Dumaan pa siya sa matataas na damuhan hanggang sa makarating siya sa lugar na’yun. Pagkarating niya ay medyo nagulat siya sa tumambad sakanya. Limang mga bata na nasa mga edad nuebe ang nakita niyang nagtitipon-tipon, tapos yung isang bata na nakatalikod sa harapan niya ay may hawak hawak na isang sanggol.
“ Oh, ba’t kasama mo na naman yang kapatid mo? Di na naman tayo makakapaglaro nito ng maayos eh.“
“ Pasensya na kayo, gusto kasi niyang sumama eh.“
“ Baba..bababa.“
“ Oh baket? Andito lang si kuya.“
“ Kayo nalang muna ang maglaro ah. Di ko kasi pwedeng pabayaan tong kapatid ko eh.“
“ Mahal na mahal mo talaga yang kapatid mo noh? Kahit magkaiba kayo ng ina.“
“ ano kaba?“
“ P-pasensya na.“
“ Hindi, Okay lang
.
Mahal na mahal ko ’tong kapatid ko. Kahit pa magkaiba ang ina naming dalawa. Gagawin ko lahat para sakanya. Para lang maging ligtas siya. Kahit pa kapalit ng buhay ko. “
( Remember this scene? Check out episode 25, andun ang scene na’to dun :) )
Di na niya naiintindihan ang pinagsasabi ng mga batang yun kaya naman tinawag niya ang mga ito. “ Mga bata..“ Bigla namang lumingon sakanya ang apat na bata. Pero yung nakatalikod sa harapan niya na may hawak na sanggol ay ayaw lumingon.
Tatawagin niya pa sana ito ng dahan dahan itong humarap sakanya, at nung makita niya ang mukha ng batang iyon ay agad siyang natigilan. “ A-argo? “ Isang batang Argo ang tumambad sakanya habang may karga kargang sanggol. Napatingin siya sa batang hawak nito, at nung ibinalik niya ang tingin niya kay Argo ay nagulat siya nung bigla itong ngumiti ng napakaamo sakanya.
Halos hindi siya makakilos sa inakto ng kapatid niya. Ang isang demonyng nilalang na alam niya ay binigyan siya ng isang mala anghel na ngiti. Imposible. Napaka imposible.
“ Ikaw na ba yan, kapatid ko? “
Pagkasabi niyan ng batang Argo ay biglang dumilim ang buong paligid.
Hinang-hina niyang ibinukas ang mga mata niya. Panaginip, panaginip lang pala ang lahat. Pansin niyang naluluha ang kanyang kanang mata kaya pupunasan niya sana ito..pero di niya maigalaw ang mga braso niya. Ano bang nangyayari?
Nung nasa saktong pag iisip na siya ay agad niyang tinignan ang buong paligid at ang sarili niya. Nakatali ang dalawang kamay niya ngayon sa isang makapal na kadena. Kaya pala di niya maigalaw ang braso niya. ( Yung parang krus style na pagkakagapos.)
Sinubukan pa niya ulit na kalasin ang mga ito pero nabigo lang siya. Bigla niyang naalala ang mga nangyari sakanya bago siya mawalan ng malay. May nakalaban siya, yung siyam na nilalang, tapos yung karayom na tumusok sakanya, tapos….si Agnes.
Bigla siyang napaangat ng tingin nung may maramdaman siyang yabag ng mga paa na papalapit sakanya. Dalawang medyo matanda ang sumulpot sa harapan niya.
“ Mga mata palang ng batang ’to masasabi mo na talagang mag ama nga sila ni Vlademir.“ Wika nung isang matanda pagkatapos ay lumapit pa ito sa kinatatayuan niya.
“ Pakawalan niyo ako!! “ Sigaw niya sa harapan ng matanda. Ngumiti lang ito at tsaka may kinuha na kong ano sa likuran niya. Isang latigo na may mga matutulis na tinik.
“ Yung ayaw ko sa lahat..YUNG SINISIGAWAN AKO!! “ Isang malakas na hampas ng latigo ang natanggap ni Virgel sa katawan. “ Argh! “ Mabilis itong nagkasugat. Sunod-sunod ang ginawang paghampas ng matanda ng latigo sakanya kaya sunod-sunod rin ang malalakas na sigaw niya sa sobrang sakit.
Ngayon ay dumudugo na ang halos buong parte ng katawan niya dahil sa mga sugat. Halos mawalan na siya ng malay sa sobrang sakit na nararamdaman ng buong katawan niya. May mga tinik pa na bumaon sa balat niya sa lakas ng pagkakahampas ng matanda. Isang kabrutalan ang ginagawa ngayon sakanya.
Bubwelo na naman sana ulit ang matandang iyon ng pigilan siya ng kasama niya. “ Tama na, Theo. Baka mapatay mo siya. Alalahanin mo kung ano ang tunay na pakay natin.“ Awat ni Casper. Hinihingal namang tumigil si Theodore. “ Tama ka jan. Pasensya na at nadala lang ako“
Agad na itong huminto at itinago ang latigo niya. Si Virgel naman ay halos di na makagalaw. Parang namamanhid na ang buong katawan niya sa dami ng sugat na tinamo niya.
Biglang may mga dumating sa lugar ng kinatatayuan nila kaya hinang-hina ulit na napatingin si Virgel sa harapan niya para tignan ang mga dumating. Tumambad sakanya yung mga nilalang na dumukot sakanya kanina. Pero parang may mali. Ngayon ay sampu na ang bilang nilang lahat. Sa pagkakaalam niya kasi Siyam lang sila nung mga oras na ’yun.
Isa isa niyang tinignan ang mga dumating, huling nadapo ang tingin niya sa lalaking may pulang buhok. Wala ang lalaking yun nung mga oras na dinukot siya, at tsaka parang namumukhaan niya ito. Parang nakita na niya ito dati. Nakatingin lang ito sakanya gaya ng ginagawa ng iba.
“ Magaling ang ginawa niyo.“ Puri ni Casper sa mga alaga niya. “ Ngayon ang kailangan nalang natin ay ang pagdating ng halimaw para iligtas ang batang ’yan. “
Sinong halimaw ang tinutukoy nila?
[ Ish’s PoV ]
“ Palasyo? “ Ulit ko. Tumango naman si Agnes habang umiiyak. Napamura nalang ako ng wala sa oras. Base sa kinwento ni Agnes sa’min, mga hindi kilalang tao daw ang dumukot kay Boss at may kasama pa silang mga ninja. At base rin sa narinig niya, may nabanggit yung isa sa dumukot na isasama nila si Boss sa kanilang palasyo.
Sa ngayon isang palasyo lang ang nasa isip ko…ang Elfame Palace.
Pangahas talaga ’tong Elfame kahit kailan!
Tinignan ko silang lahat isa-isa, bakas sa mga mukha nila ang pag aalala..lalong-lalo na si Kael.
“ Kung nasa tabi lang sana ako ni Boss, kung sumama lang sana ako sakanya sa pagpasok kanina…nakakainis! “ Napakagat na siya sa labi sa sobrang inis. Sinisisi niya ang sarili niya ngayon sa nangyari kay Boss.
Tinapik ko agad ang balikat niya. “ Wala kang kasalanan, Kael. Elfame Mafia ang may kagagawan ng lahat ng ’to.“
“ Anong gagawin natin ngayon? “ Kinakabahan na tanong ni Elsa. Napapikit na rin ako sa inis. Ayaw gumana ng utak ko! Ako ang naturingan na utak ng Virgo pero ngayong nanganganib ang buhay ng Boss namin ay wala akong maisip na plano! Kaasar!
Una si Boss Vlademir, tapos ngayon naman ang anak niya! Wala talaga kaming kwentang tagabantay kahit kailan!
Napalingon ako sa gilid ng inuupuan ko nung may biglang humawak sa braso ko. Nakatingin lang siya sa’kin habang nakangiti. “ Huwag kang mag aalala kuya Ish. Maililigtas din natin si Boss.“ Saglit akong natigilan sa sinabi niya.
Lil y..
“ Tama si Lily, sa pagkakataong ito ay hindi na tayo papayag na tuluyang madukot ng kalaban ang boss na’tin! “ Pag sang ayon naman ni Benz. Ewan pero sa sinabi nilang dalawa ay medyo nabuhayan ako. Medyo nagkaroon ako ng pag asa. Tama sila, dapat may gawin kami. Di na kami papayag na mawalan pa ulit ng Boss.
“ Tama kayo, ililigtas natin si Boss laban sakanila.“
“ Nahihibang na ba kayo? “ Lahat kami ay natahimik nung magsalita si Hell. Tumingin kaming lahat sakanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“ Tingin niyo maililigtas natin si Virgel laban sa mga Elfame na yan? Masyadong madami ang bilang nila. Hindi tayo mananalo kung wala ang batang yun “
Yung konting pag asa na meron kami ay tila nawala lahat nung sabihin yun ni Hell. May punto siya, wala kaming laban sa bilang namin ngayon. Hindi kami mananalo sa Elfame kung wala si Boss.
Ano ng gagawin namin ngayon? Kainis!
[ Valentine’s PoV ]
Pagkatapos naming tignan ang duguan at puro sugat na si Virgel ay isa-isa na kaming nagsialisan sa lugar na’yun. Napalingon ako sa likuran ko nung mapansin kong nagpaiwan si Asher. Ngayon ay nakatingin pa rin siya sa batang Boss. “ Asher..“ Tawag ko kaya mabilis siyang lumingon sakin. “ Hindi ka pa ba aalis? “ Tanong ko. Agad naman siyang ngumisi “ Ay, aalis na pala tayo.“ Pagkatapos ay sumunod na siya samin sa paglalakad.
“ Nagulat ka ba dahil sa sobrang bata ng Boss ng Virgo? “ Tanong ko sakanya habang naglalakad kami. Wala kasi siya kanina nung dinukot namin si Virgel. Ewan ko kung saan na naman ’to naggagagala.
“ Oo nga eh, di ko akalain na ganun pa siya ka bata.“ Sagot naman niya. Kaya siguro ang tagal niyang inalis ang tingin sa batang ’yun.
“ Nakita mo na ba ang itsura nung kapatid niya? “ Tanong ko sakaya. Wala lang, bigla lang akong nacurious kung ano ba talaga ang itsura ng sinasabi nilang halimaw na may mga malademonyong mata ng Fuego.
“ Yung alas ng Fuego ba? Si Argo? Hindi pa eh. Pero sigurado akong mas gwapo ako dun ng isanlibong ligo.“ Agad tumawa ang loko pagkatapos. Napailing nalang ako, ang yabang talaga nito kahit kailan. Minsan inisip ko kung bakit siya sinali ni Boss Lincoln sa Hirvana eh napaka isip ewan nitong isang ’to.
Pero kahit ganun naman kasi ang pag uugali niya eh masasabi ko talagang malakas siya. Buti nga kakampi namin siya eh. Totoo nga yung kasabihan nila na kung sino yung isip bata sa grupo, sila yung tipo na nakakatakot kapag nagseryoso. Masasabi ko na sa aming lahat na taga Hirvana…
siya lang ang kayang makipagsabayan sa lakas ni Vonzo.
[ Ish’s PoV ]
10:00 PM
Pagkabalik ni Benz sa mansyon ay agad siyang tinanong ni Elsa. “ Naihatid mo ba si Agnes ng maayos? “
“ Oo. Boarding house lang pala ang tinitirhan niya. At tsaka..“ May kinuha siya sa bulsa niya at agad itong iniabot sa’kin. “ Naiwan niya sa kotse kanina yang ID niya.“ Tinignan ko ito saglit, itatago ko na sana ito ng madapo ang tingin ko sa buong pangalan niya, lalo na sa apelyido niya. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Tinignan ko saglit si Benz, mukhang hindi niya natignan ang ID ni Agnes dahil parang wala naman siyang sinasabi.
Si Agnes? Isa siyang…
Imposible.
“ May problema ba, Ish? “ Tanong agad ni Elsa kaya mabilis kong itinago ang ID ni Agnes. “ Ah wala.“ Di na muna dapat namin poproblemahin ito. Sa ngayon ay kailangan muna naming iligtas si Boss.
“ Lalaban ako.“ Napatingin kami kay Kael nung magsalita ito. “ Ililigtas ko si Boss “ Tumingin siya samin gamit ang isang seryosong mukha. Kitang-kita mo talaga sa mga mata niya ngayon ang determinadong iligtas si Boss.
“ Pero Kael, masyadong delikado kung..“
“ Yan pa ba ang iisipin natin ngayon? Si Boss na ang pinag uusapan natin dito. Kung kailangan magbuwis ng buhay para lang mailigtas siya gagawin ko.“ Muli kaming natahimik sa sinabi niya.
“ Tama si Kael.“ Seryosong pag sang ayon ni Benz “ Wag na nating ulitin yung nangyari kay Boss Vlad noon. Wag na tayong maging duwag.“ Dagdag pa niya at tsaka tumingin samin. “ Lalaban rin ako.“ Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Benz.
“ Iniligtas ako ni Boss sa kamay ng mga taong gumamit sakin. Kaya ngayon oras na rin para ako naman magligtas sakanya.“ Pag sang ayon rin ni Lily. “ Lalaban rin ako.“ Dagdag niya tapos ay tumingin siya sa’kin at ngumiti. “ Lalaban tayo.“ Napangiti ako sa sinabi niya. Napakalakas ng loob ng batang ’to. Di nga kami nagkamali ng pagpili sakanya.
Tumingin ako kay Elsa na ngayon ay nakatingin narin sa’kin.
“ Para sa kaligtasan ni Boss, lalaban rin ako.“ Ngumiti ako sa sinabi niya. Mabuti may matatapang kaming myembro na babae sa grupo. Huli kong ibinaling ang tingin kay Hell. Lahat kami ay nakatingin na sakanya at naghihintay sa kung anong decisyon niya.
Seryoso ang mukha niya at di mo talaga mabababasa ang tumatakbo sa utak niya ngayon.
“ May isang bagay na itinuro si Boss Vlad sa’tin noon. At yun ay ang hindi dapat mang iwan ng kasamahan sa isang labanan.“
Pag uumpisa niya, agad kumurba ang mga ngiti naming lahat dahil alam na namin ang ibig sabihin niya. Pumikit muna siya bago nagpatuloy “ Sali ako.“
“ Whoa yun naman pala eh “ Hiyaw agad ni Benz nung sumang ayon ang lahat. Parang kanina lang ang seryoso pa nito eh -__-
“ Maghanda na tayo, dahil bukas ng gabi, ililigtas natin si Boss.“ Pag uumpisa ko. “ Bukas na bukas na magaganap ang kauna-unahang digmaan ng mga Mafia.“
“ Alright! “ Bakas sa mukha ng lahat ang konting takot, pero nangingibabaw parin sa kalooban nila ang tapang at determinadong iligtas si Boss.
Sa oras na ito, kikilos na kami. Hindi na kami tutunganga habang hawak-hawak ng kalaban ang Boss namin. Ililigtas namin siya kahit na anong mangyari. Diyos na ang bahala samin, at alam kong hindi niya kami pababayaan sa gagawin naming ito.
Nakaramdam ako ng may parang humawak sa balikat ko at pagkatapos isang mahinang boses ang narinig ko na parang bumubulong malapit sa tenga ko.
Muli ay napakit ako at napangiti.
Huwag kang mag alala Hugo, kasama ka sa laban na’to. Sabay nating ililigtas ang Boss natin.
[ 3rd Person’s PoV ]
Kinabukasan
Iminulat ni Virgel ang kanyang mga mata–pero mabilis din siyang napapikit nung makita niya ang sitwasyon niya. Akala niya panaginip lang ang lahat ng ito. Akala niya isa lang itong masamang bangungot. Pero hindi, nakagapos parin siya isa makapal na kadena at yung mga sugat niya…sabay-sabay parin itong sumasakit sa tuwing gagalaw lang siya ng konti.
Nung bumalik siya sa pagkakamulat ay nasa harapan na niya si Casper na nakapamulsa at normal na nakatingin.
“ Ba’t hindi niyo nalang ako tapusin. Pagod na pagod na ako “ Di na mapigilan ni Virgel na sabihin ang bagay na yan. Hinang hina na siya. Bawat segundo kumikirot lahat ng sugat niya sa katawan. Di na niya kayang tagalan pa ang paghihirap na’to. Gusto na niyang sumuko.
“ Kailangan ka pa namin “ Kalmadng sagot ni Asper. “ Gagamitin ka pa naming bitag para mapasakamay namin ang katapusan ng kapatid mo.“ Dagdag niya at medyo ikinagulat niya ang naging reaksyon ni Virgel. Hinang hina itong natawa.
“ Maling bitag ang kinuha niyo. Hinding hindi pupunta si Argo dito para iligtas ako. Nag aaksaya lang kayo ng oras.“
“ Mukhang wala kang kaalam-alam sa mga ginawa ng kapatid mo maprotektahan ka lang.“
“ Protektahan? Kayo ang walang alam.“ Muntik nanga siyang tapusin ng katapid niya nung maglaban sila. Bigla niyang naalala yung pag ngiti ng batang Argo sa panaginip niya. Pero mabilis din naman niya iyong inalis sa isipan niya. Isang mamamatay tao ang kapatid niya. Isang walang awang nilalang ang kapatid niya. Yun na ang naging paniniwala niya simula nung makita niya kung paano tinapos ng walang awa ng Argo na’yun ang buhay ni Hugo.
“ Ikaw ang bahala.“ Agad ng tumalikod si Casper. “ Wag kang mag alala, pagkatapos naming tapusin ang buhay ng kapatid mo. Isusunod ka agad namin.“ Dagdag pa nito bago ito umalis.
“ Para namang makakaya niyong pabagsakin ang hayop na demonyong ’yun.“
8:30 PM
[ Ish’s PoV ]
Simula paggising ay agad na naming inihanda ang sarili namin sa isang matinding laban na haharapin namin ngayon. Wala kaming sinayang na isang segundo. Lahat ng myembro ay naghanda, at iisa lang ang iniisip naming lahat ngayon. At yun ay walang iba kundi ang pagligtas kay Boss. Lumipas na ang buong araw. At ngayon..
ito na ang tamang oras…
“ Kahit anong mangyari, wag niyong pababayaan ang sarili niyo. “ Paalala ko sa kanilang lahat. Tinignan ko sila isa-isa. Makikita mo sa aura nila na handang handa na sila dala-dala ang mga armas nila. Lahat ay determinadong manalo sa digmaan na’to.
Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita namin ngayon ang Palasyo ng Elfame Mafia. Napakalaki nito. Alam kong mahirap itong pasukin pero may tiwala ako sa mga kasamahan ko. Makakaya namin ’to. Maililigtas namin si Boss!
Nakaramdam kaming lahat ng presensya sa likuran namin kaya lahat kami ay napalingon.
Mula sa isang madilim na parte ay unti unti naming nakikita ang tatlong nilalang na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Anong ginagawa nila dito?
“ Bae! Long time no see ah. Namiss mo ba ako? “ Benz
Lumapit samin ang tatlong diablo ng Fuego.
“ Anong ginagawa niyo dito? “ Tanong ko sakanila.
“ Tutulong kami.“ Agad kaming natigilan sa sinabi ni Stephan.
“ Pero bakit? “
“ May atraso rin samin ang Elfame. Tatlong mahagalagang myembro ng Fuego ang pinaslang nila, at sa tingin ko ito na ang tamang oras para maghiganti kami..kasama kayo.“ Sagot niya.
“ At tsaka…“ Singit ni Veronica. “ Gusto din naming iligtas ang Boss niyo.“
Nakita siguro ni Helena ang pagdadalawang isip namin kaya sumingit na rin siya “ Wag kayong mag alala, maasahan niyo kami.“ Nakangiting saad niya.
Agad namang kinilig ’tong katabi ko “ Yieee..nakakainlove talaga ang mga ngiti mo Bae.“
-___-
Ngumiti si Elsa sakanila. “ Maraming salamat. “
Nakita namin si Kael na pumunta sa may unahan namin habang seryosong nakatingin sa Palasyo ng Elfame. “ Naghihintay na si Boss sa’tin ngayon.“
Sabay rin kaming napatingin lahat sa palasyo habang mahigpit na hinahawakan ang mga armas namin.
Sa tingin ko dito na….
dito na magsisimula ang digmaan.
[ 3rd Person’s PoV ]
Madilim na ang mansyon ng Fuego ngayon. Nakapatay na ang ilaw nito at wala ng tao sa buong lugar maliban kay Vlademir na nakaupo sa isang trono. Nakapikit ang kanyang mga mata ngayon habang pinapanalangin ang kaligtasan ng anak niya at ng mga mahahalagang tao na sasabak ngayong sa isang matinding labanan.
Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya ng maramdaman niya ang presensya ng panganay niya.
Nakaluhod ang isang binti nito sa harapan niya habang nakayuko.
Nanatili lang silang ganun ng ilang segundo. Walang ni isa ang gustong magsalita. Pinapakiramdam lang ni Vlademir ang anak niya.
“ Pakiusap, iligtas mo ang kapatid mo, Argo. “ Mahinahon lamang ang boses ni Vlademir pero ramdam mo sa bawat salita na pinapakawala niya ang pagmamakaawa.
Naramdaman naman agad niya ang unti unting pangingnig ng balikat ng anak niya kaya marahan niya iyong hinawakan. “ Hindi mo kasalanan ang lahat, Argo.“
Ang kinikilalang demonyo at walang awang nilalang. Ang kinikilalang halimaw at mamamatay tao..
heto ngayon…
umiiyak sa harapan ng kanyang ama. Sinisisi ang sarili sa nangyari sa pinakamamahal niyang kapatid.
“ Naging napakabuti mong kapatid kay Virgel, Argo. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng sakripisyong ginawa mo para lang protektahan siya. Alam kong ang pagpapanggap sa sarili mong kapatid ang pinakamasakit na parte ng pagsasakripisyo na ginawa mo. Gusto kong humingi ng tawad doon.“ Sa mga sinabi ni Vlademir ay mas lalo pang umagos ang mga luha ni Argo.
Tumayo si Argo sa harapan ng kanyang ama bago ito nangako ng isang kataga. “ Ililigtas ko ang kapatid ko. Pinapangako ko yan.“ Biglang sumagi sa utak niya ang mga katagang sinabi niya sa kanyang mga kaibigan noon.
“ Mahal na mahal ko ’tong kapatid ko, kahit pa magkaiba ang ina naming dalawa. Gagawin ko lahat para sakanya. Para lang maging ligtas siya….k
ahit pa kapalit ng buhay ko. “
Alam niyang isang sakripisyo na naman ang gagawin niya ngayon, pero para sa kaligtasan ng kapatid niya….
Walang takot niyang haharapin ang kamatayan..
-To be Continued…
-MajorSin
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
(Note : Wag madaliin ang pagbabasa ng isang Fight Scenes . Bakit? Kasi hindi niyo mafefeel yung bakbakan kapag minadali niyo hahaha ganun lang kasimple :) Namnamin bawat letra, ganun. Hahaha dejoke lang. )
[ Ish’s PoV ]
“ Dalawampu, mahigit dalawampu silang lahat.“ Ani Veronica nung mabilang niya ang lahat ng mga bodyguards na palakad-lakad malapit sa gate ng palasyo ng Elfame. Andito kaming lahat ngayon sa isang madilim na parte malapit sa kinatatayuan ng palasyo, nag iisip ng pwedeng gawin
“ So anong plano? “ Helena
“ Obserbahan niyo muna ang paligid, baka may iba pa silang kasamahan.“ Sagot ko. Di kami pwedeng mag padalos-dalos. Mas mabuti na ang maging maingat.
Nakita ko namang naglalagay na ng silencer si Hell sa kanyang hawak na baril. Tsk. Isa pa ’tong mahilig magpadalos dalos. “ Wag kayong gagawa ng hakbang hanggat wala ako sinasabi, maliwanag? Hindi natin alam ang kinikilos–shit! KAEL! “ Agad nalang naming sinundan si Kael nung bigla itong sumugod mag isa. Ano bang iniisip niya?!
Mabilis na naalarma ang dalawang bodyguards na nasa harapan ng gate nung makita nilang papalit si Kael sa kanila.
“ K-KALABAN!! “ Bubunot pa sana sila ng baril ng mabilis na bumaon sa mga ulo nila ang dalawang lumilipad na kutsilyo. Tinignan ko ang may gawa ng atakeng yun.
“ Galing mo talaga, Bae.“ Benz
Biglang sumulpot ang anim na bodyguards sa harapan namin habang nakatutok samin ang mga hawak nilang baril—pero buti nalang at mabilis na nakakilos si Veronica at agad niyang tinamaan ang anim na yun ng sabay-sabay gamit ang napaka hi-tech na pana niya. Kakaiba at napakaganda ng desenyo ng pana niya.
Ang gagaling nila..
Nakita ko yung isang bodyguard na nagbubunot na ng baril habang nakatingin kay Kael kaya agad ko siyang sinugod. Bigla naman siyang tumingn sakin nung mapansin niya ako at sa akin niya sana ito ipuputok pero mabilis kong inatake ang pressure point niya sa may leeg kaya agad siyang naparalisa. Agad kong inagaw ang baril na hawak niya at ipinutok ito mismo sa ulo niya.
“ Ish..“ Biglang humawak sa balikat ko si Benz kaya napatingin ako sakanya, at medyo nangunot ang noo ko nung hindi siya sa’kin nakatingin. “ Bakit? “
“ Tignan mo..“ Sa tono ng boses niya eh para siyang nakakita ng multo. Agad nalang akong tumingin sa tinitignan niya, at halos nanlaki rin ang mga mata ko sa nasaksihan ko.
Lahat kami ay napahinto habang nakatingin kay Kael na ngayon ay isa-isang tinatapos ang mga kalaban. “ Kael…“ Kung titignan mo siyang makipaglaban ngayon ay parang hindi siya ang Kael na kilala namin. Nakakatakot ang expresyon ng mukha niya.
“ Hindi pa namin nakita si Kael ng ganyan.“ Gulat na gulat rin na usal ni Veronica. Isang kabrutalan ang ginagawa niya sa mga kalaban ngayon. Limang bodyguards na ang sumabog ang ulo dahil pinakain niya ng mga bomba ang mga ito. Halos lahat ng kalaban niya may sabog sa katawan.
Ngayon ko lang napagtanto kung gaano nakakatakot makalaban ang isang bomber.
Flashback
“ Oh bakit nakakunot yang noo mo? “ Natatawa kong tanong kay Hugo tapos ay tumabi ako sa kinauupuan niya. “ Dahil ba parte na si Kael sa grupo natin ngayon? “ Yun kasi ang gustong mangyari ni Boss. Sabi niya kanina na gagawin na daw naming kagrupo si Kael since itinakwil na siya ng Fuego Clan. Gusto mang pumalag ni Hugo pero wala siyang magawa. Decisyon yun ng Boss namin. Kailangan yung respituhin.
“ Tsk.“
“ Ano ba kasi talaga ang totoong nangyari nung gabing ’yun Hugo? Ba’t natalo ka sa laban ng isang bata lang na katulad niya? Oo alam ko isa siya sa Walong Diablo ng Fuego pero…isa lang bata si Kael, Hugo. “
Seryoso naman siyang tumingin sakin matapos kung tanugin yun “ Hindi lang isang ordinaryong nilalang ang batang yun, Ish. Hindi mo magugustuhan kapag nakita mo na ang tunay niyang pagkatao.“
“ Anong ibig mong sabihin? “
“ Malalaman mo rin ang tunay niyang pagkatao pagdating ng panahon.“
End of Flashback
Ito na ba?
Ito na ba ang ibig mong sabihin sakin noon, Hugo?
Nung mapatumba niya lahat ng kalaban ay napatigil siya habang hinihingal. Pero di namin makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.
Tatawagin sana namin siya ng biglang sumulpot ang napakaraming ninja sa kinatatayuan namin.
Tsk. Hindi nga ata madali ang makapasok sa palasyo ng Elfame.
Wala na kaming choice kundi tapusin rin ang mga ito. “ Arghhh! “
[ 3rd Person’s PoV ]
Biglang nakarinig ng mga konting pagsabog si Virgel sa labas ng palasyo kaya hinang- hina niyang ibinukas ang mga mata niya.
Pagtingin niya sa harapan niya ay tumambad sakanya ang tatlong malalaking trono o upuan ( bale sa likod ng tatlong trono na yun ay ang kinalalagyan ni Virgel )
Nakaupo sa gitnang trono si Maximo Yusen habang sa kaliwa niya naman ay si Theodore Emnacin na kasalukuyang naninigarilyo. Samantalang sa kanan niya naman ay ang asawa niya na si Allyria Yusen o mas kilala bilang Queen Venus, at sa gilid naman ni Allyria ay may nakatayo doon na isang lalaki. Inangat ng konti ni Virgel ang tingin niya para makita ang mukha ng taong ’yun, at medyo nagulat siya nung makita niyang nakatingin na pala ito sakanya.
“ May pagkakahawig talaga sila ni Elsa.“ Isip isip niya.
“ Mukhang kumikilos na ang pamilya mo bata.“ Rinig niyang sabi ni Theo habang natatawa pa. “ Gusto atang sumama sa inyo ng kapatid mo sa impyerno.“ Dagdag niya na mas lalong ikinatawa niya.
Napamura naman si Virgel sa isipan niya.
Ba’t kayo pumunta?
Biglang tumulo ang kanyang mga luha. Ayaw niyang mapahamak ang mga kasama niya. Pinilit niya ang lumakas para protektahan ang pamilya niya, pero sa nangyari sakanya eh mas lalo niya pang nailagay sa panganib ang mga buhay ng mga kasama niya.
Wala talaga akong kwentang Boss!
[ Ish’s PoV ]
“ Wala bang nasaktan? “ Agad kong tanong sakanila nung matapos ang labanan. Wala naman ang nagsalita kaya sa tingin ko ay maayos lang ang lahat. Mabuti naman.
Wala ng mga kalaban dito sa labas. Lahat ay nakabulagta na. Nasa harapan na namin ngayon ang malaking pintuan ng palasyo.
Dito pa lang magsisimula ang totoong laban.
Umuna na si Kael na puntahan ang pintuan para buksan. Wala akong makita ni kahit katiting na takot sa mga mata niya. Napakatapang niya. Punong puno ng determinasyon ang aura niya. Marami pa rin pala kaming hindi nalalaman tungkol sa batang ito.
Pagbukas namin sa pintuan ay medyo nasilaw pa kami sa liwanag na nanggagaling sa loob. Nung mawala ang pagkasilaw namin ay tsaka lang namin napansin ang dalawang nilalang na nakatayo medyo malayo sa distansya namin.
Isang babae at lalaki.
Mukhang kailangan pa namin ’tong harapin para makadaan kami. Tsk! Kulang na kami sa oras!
“ Umalis na kayo.“ Nilingon namin si Stephan nung magsalita ito. “ Kami na ang bahala dito.“ Dagdag niya habang seryosong nakaharap dun sa lalaking naka salamin. Samantalang si Veronica naman ay umabante na rin at tumabi kay Stephan at matalim rin na nakatingin dun sa babae.
“ Bilisan niyo, baka mahuli pa kayo sa pagligtas sa Boss niyo. “ Saad ni Veronica pagkatapos ay itinuro niya yung daanan na nasa kanan namin. “ Diyan na kayo dumaan.“
Gusto man namin silang tulungan pero tama siya, baka mahuli pa kami. Agad nalang akong tumango. “ Mag iingat kayo.“ Paalala ko. Tumango naman sila kaya agad na naming tinahak yung daan na ’yun.
“ Hindi kayo makakatakas! “ Susugod pa sana yung babae papunta samin pero mabilis siyang mapaatras nung muntik na siyang matamaan ni Veronica gamit ang pana niya.
Dahil dun ay tuluyan nanga kaming nakalayo sakanila.
May tiwala ako sa inyo Stephan, Veronica.
[ 3rd Person’s PoV ]
Matapos makailag ni Valentine sa atake ni Veronica ay agad siyang napangisi “ Ba’t kayo nagpaiwan? Minsan hindi maganda ang magpakabayani alam niyo ba yun? “ Pang aasar pa ng dalaga.
Pero imbes na patulan ito ni Nica ay kumuha lang siya ng palaso (arrow) at inasinta ang kalaban. Mabilis namang nakailag si Valentine at tumusok yung palaso sa semento na nasa likuran niya
Ngumiti pa siya dahil sa pag ilag na nagawa niya pero agad din yung nawala ng makita niyang ngumiti rin sakanya si Nica.
Tsaka lang niya napansin ang tunog na nanggagaling sa palaso na tumama dun sa semento. Agad siyang napalingon dito at nanlaki ang mga mata niya ng makumpirma niya na may bomba nga ang palaso na ’yun.
Mabilis siyang tumalon sa kinatatayuan niya at wala pang isang segundo ay sumabog ng yung palaso na ’yun. Nakaligtas man si Valentine sa nangyari pero malakas pa rin ang pagkakatilapon niya sa lakas ng pagsabog.
Sa kabilang banda naman ay nagkatinginan lang sina Hiro at Stephan.
“ Mr. Stephan Milvar. Alam mo bang hinahangaan na kita noon pa? “ Pag uumpisa ni Hiro. “ Humanga ako sayo matapos kong maresearch ang tungkol sa pagkatao mo. Isa kang matinding alas ng russian mafia noon sa larangan ng panghahack diba? At hindi lang yun, ikaw rin ang nagsisilbing utak nila sa tuwing may misyon kayong gagawin. Masyado akong napahanga sa katalinuhan mo.“ Agad kumurba ang ngiti niya matapos niyang ayusin ang salamin niya. “ Napaisip tuloy ako, paano ko kaya matatalo sa isang labanan ang isang napakatalinong tulad mo? “
Nung marinig yun ni Stephan ay di na rin ito nagpahuli “ Hiro Yushira, tama ba? Ang dating myembro ng Japanese Terrorist na kinatatakutan noon sa buong lugar ng Middle East. At kagaya ko, ikaw rin ang inaasahan nila sa paghahanap ng mga target niyo. Dahil pagdating sa pagreresearch, hindi ka pumapalya. At hindi lang yun, ikaw rin ang tumatayong depensa nila. Ikaw ang naghahanap ng mga hideout niyo na napakahirap tuntunin. Dahil sa’yo ay tumagal ng husto ang pamumuno ng hukbong yun sa buong lugar ng Middle East. Pero ngayon ay ubos na ang mga myembro pati na ang leader ng grupong ’yun dahil sa pagtiwalag mo. Nawalan sila ng utak kaya mabilis silang natunton at napatay ng mga militar.“ Ngumiti rin ito sakanya “ Sa tingin ko ay oras na para sundan mo na yung mga naging kasamahan mo noon sa impyerno.
“ Pasensya na pero wala akong balak sumunod “
Di na nag aksaya pa ng minuto ang dalawa at pareho na silang sumugod sa isa’t isa.
[ Ish’s PoV ]
Kasalukuyan kaming tumatakbo ngayon ng biglang nagsalita si Elsa “ Ayos lang ba na iwan natin sila dun? “
“ Wag kayong mag alala, kaya nila ang sarili nila.“ Tinignan ko si Helena nung sumagot ito. Nakangiti lang siya. May taste pala talaga tong si Benz.
“ Mag jowa ba yung dalawa, Bae? “ Biglang tanong ni Benz.
“ Hindi.“ Tipid na sagot ni Helena.
“ Eh tayo? “ Muntik na akong matipalok sa banat ng gago. Bwesit. Wala talagang pinipiling lugar ang hayop.
Pansin ko naman ang biglang pamumula ni Helena. Anak ng, mukhang umipekto pa ata. -__-
Nilingon ko si Lily na kasalukuyang nakasunod samin. “ Ayos ka lang Lily? “ Para kasing pagod na siya sa kakatakbo.
“ Ah..opo kuya.“ Ngumiti siya kaya tumango nalang ako tapos ay pinagpatuloy na ang pagtakbo.
Nangunguna pa rin si Kael sa’min. Kung sino man dito ang pinaka determinadong iligtas si Boss, walang duda, si Kael na ’yun.
[ 3rd Person’s PoV ]
Walang armas na dala sina Stephan at Hiro kaya mano-mano ang naging paglalaban nila. Ang isang experto sa computer gaya nila ay hindi masyadong gumagamit ng baril. Karamihan kasi sa mga misyon na pinagdadaanan nilang dalawa ay computer ang kaharap nila at hindi kalaban. Pero iba ang sitwasyon nila ngayon. Wala na silang choice kaya mano-mano nalang ang pakikipaglaban nila ngayon gamit lamang ang mga tactics na pwedeng nilang gamitin sa labanan.
Sinuntok ni Stephan ang mukha ni Hiro pero mabilis din naman itong nakabawi gamit ang sipa na pinakawala nito sa katawan ni Steph. Parehong napaatras ang dalawa.
Nagkatitigan muna sila saglit bago ulit inumpisahan ang laban. Halos pantay lang ang dalawa, minsan nakakatama si Steph, minsan naman ay si Hiro. Walang gustong magpatalo.
Sa gitna ng paglalaban nilang dalawa ay napansin ni Steph ang sekreto pagbunot ni Hiro sa may likuran nito. Inilabas nito ang isang injection na naglalaman ng pulang likido.
Bago pa man ito maitusok ni Hiro sakanya ay mabilis na niya itong nasipa dahilan para tumilapon ang injection na ’yun. Sinundan niya ito ng tingin at tinandaan kung saang banda ito bumagsak.
Biglang nainis si Hiro sa ginawa niya kaya mabilis siya nitong sinugod.
Pero imbes na harapan niya si Hiro ay umiwas lang siya sa mga atake nito. Puro pag iwas at pagsangga lang ang ginagawa niya. Palipat-lipat lang sila ng direksyon dahil sa likot ni Stephan sa pag ilag.
“ ARGHH!! “ Isang malakas na suntok ang pinakawala ni Hiro at sa kamaang palad ay tinamaan siya at tumilapon at natumba.
Di na nag aksaya pa si Hiro at mabilis niya ulit na nilapitan si Stephan. Hinawakan niya ang kwelyo ni Steph at akmang susuntukin na naman sana niya ito ng bigla ito ngumiti, at kasabay nun ay nakaramdam siya ng parang kagat ng langgam sa may binti niya.
Dahan dahan niya itong tinignan. Nakatusok sa binti niya yung injection na tumilapon kanina na ngayon ay hawak-hawak na ni Steph.
Napangiti si Steph dahil tagumpay ang plano niya. Sinadya niya talaga ang umilag at pumunta sa iba’t ibang direksyon para mapalapit sila dun sa lokasyon ng pinagbagsakan nung injection ng hndi namamalayan ng kalaban. Sinadya niyang magpatama sa suntok para mapunta siya sa kinaroroonan ng injection na yun. At heto nanga, tagumpay niya itong nakuha at naitusok sa kalaban
Kalkulado na niya lahat.
Nakangisi lamang siya habang tinitignan si Hiro na ngayon ay nakadilat na ang mga mata at parang nabigla ng sobra sa nangyari.
Pero ang expresyon na ’yun ni Hiro ay agad nagbago. Mula sa gulat na gulat na expresyon ay agad itong humalakhak ng napakalakas..na ipinagtaka naman ni Stephan.
“ Magaling ba ang acting ko? “ Pang aasar pa nito kay Steph na ngayon ay siya naman ang nabigla sa siwasyon.
“ Alam ko na ang pinaplano mo nung mapansin mong bumunot ako ng injection sa likuran ko. Alam kong gagawa ka ng paraan para maitusok mo ’yun sa’kin dahil ang inaakala mo ay isa yung nakakalason na droga, tama ba ako? “ Nanlaki ang mga mata ni Stephan sa sinabi niya. “ Kaya naman..“ Naglabas siya ng dalawang injection sa may bulsa sa likuran niya. Isang kulay berde at isang kulay pula. “ Sa halip na itong kulay berde na nagpapahina sa katawan ng isang tao ang kukunin ko, eh itong pula na ang kinuha ko na nagpapalakas ng husto sa katawan ng isang tao. Dahil alam kong gagawa ka ng paraan maitusok mo lang itong injection sa’kin. At di nga ako nagkamali. Gumawa kanga ng paraan. At syempre, kailangan kong sumabay. “ Natulala si Steph sa mga narinig niya. Kung ganun siya pala ang nahulog sa bitag at hindi ang kalaban? Napaka mautak ng kalaban niya.
Tsaka lang siya bumalik sa ulirat niya nung makita niyang napapikit si Hiro bigla at napaatras. Unti unti ng umepekto ang drugs na ginawa niya sa katawan niya.
Biglang kumurba ang mga ugat sa leeg at sa buong braso niya. Napaungol siya sa kakaibang nararamdaman ng buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili sa sobrang sakit. Nahulog ang salamin na suot niya at nabasag “ Arrghhh! “ Parang nasusunog ang buong katawan niya sa sobrang init na nararamdaman niya. Parang hindi kakayanin ng katawan niya ang droga.
Biglang nataranta si Stephan at naghanap ng pwedeng ipanghampas kay Hiro. Pagkakataon na niyang tapusin ang kalaban hangga’t nasa stado palang ito ng pag aadjust sa katawan.
Nung makita niya ang malaking Vase sa may gilid niya ay agad niya iyong binuhat at nilingon ang kinaroroonan ni Hiro, pero halos manlambot ang tuhod niya nung makita niyang nakatayo na ito sa harapan niya habang nakadungo.
H-hindi..
“ ARGHHH!! “ Agad hinampas ni Stephan ang Vase ng buong pwersa sa ulo ni Hiro. Di ito umilag kaya natamaan ito.
Agad kumurba ang ngiti ni Steph–pero panandalian lang iyon dahil nakita niyang hindi natinag si Hiro sa ginawa niya. Nakatayo pa rin ito sa harapan niya. Nakaramdam agad siya ng takot, lalo na nung tumingin ito sakanya. Punong puno ng marka ng ugat ang buong mukha at katawan niya. Pulang-pula na ang mga mata nito at nag tutulo na ang mga laway niya na parang isang lobong atat na atat ng kainin ang biktima niya.
Anong gagawin ko?
-To be continued…
-MajorSin
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
[ 3rd Person’s PoV ]
Nasa kalagitnaan lamang sa pag iisip si Stephan ng biglang sumugod sakanya si Hiro. Sinubukan niyang sanggain ang suntok nito gamit ang matinding depensa—pero maling hakbang ang ginawa niya.
Sa lakas ng suntok na pinakawala ni Hiro ay biglang nag crack ang mga buto sa kanang braso niya na ginamit niya sa pagsangga bago siya tumilapon ng napakalakas.
“ AAARRRHHH!! “ Buong lakas siyang napahiyaw dahil sa pagkabali ng kanyang mga buto sa braso. Hindi gaanong malaki ang katawan niya kaya di kinaya ng mga buto niya ang impact ng pagkakasuntok ni Hiro. Para siyang nahampas ng isang malaking bakal ng napakalakas sa suntok na yun.
Sobrang lakas ng epekto ng droga kay Hiro. Nagbibigay nga ito ng kakaiba at matinding lakas sa naturukan nito. Pero kapalit naman nito ay mawawalan ka ng kontrol sa sarili mo.
Napahawak siya sa kanang braso niya at pilit iniinda ang sobrang sakit.
Ngayon ay nasa harapan na niya si Hiro habang nakatingin sakanya at nagtutulo na naman ang mga laway. “ Rrrrgh…Arghhh! “ Para na itong hindi tao.
Susuntukin na naman ulit sana siya ni Hiro ng makita niya ang biglang pagtusok ng palaso sa kanang braso nito. Napatingin si Stephan kay Nica.
“ Tumayo kana jan! “ Sigaw ni Nica habang nakatingin sakanya. Biglang sumugod si Valentine kay Nica kaya naputol ang pag titigan nilang dalawa. Muli ay ibinaling niya ang tingin kay Hiro na ngayon ay nakatingin na sa palaso na nakatusok sa may braso niya.
“ HA! HAHA! HAHAHAHA! HAHAHAHAHA! “ Bigla itong tumawa ng napakalakas na parang nasisiraan na ng bait. Hindi man lang ito natinag matapos siyang tamaan ng palaso ni Nica. Nakuha pa nitong tumawa. Bubunutin na sana nito yung palaso ng biglang sumigaw si Valentine. “ MAY BOMBA YAN HIRO!! “ SIgaw niya pero huli na nung maisigaw niya yun dahil sumabog na ito at tumilapon si Hiro ng napakalakas. Sa lakas ng pagkakabanga niya ay tumilapon rin yung mga injections na nakalagay sa bulsa sa likuran niya. Yung iba ay nawasak at yung ilan naman ay hindi.
Nung mapatayo si Hiro mula sa pagkakabangga ay nanlaki ang mga mata ni Steph nung makita niya ang putol na braso ni Hiro.
Napakalaki na ng tinamo nito pero nakukuha parin nitong tumayo na parang walang iniindang sakit.
Napakatibay niya..
Nag isip siya ng pwedeng gawin sa kalaban niya.
Paano ko ba mapapabagsak ang isang ’to? Parang hindi na siya tao.
Saglit namang nadapo ang tingin niya sa mga injections na nagkalat malapit kay Hiro. Tinitigan lang niya ito hanggang sa makaisip siya ng isang plano.
Tama. Yung nalang ang gagawin ko.
Tinignan niya si Nica, at nung magtama ang kanilang mga mata ay tumango sila sa isa’t isa.
Biglang sumugod ulit sakanya si Hiro kaya pinilit na niya ang tumayo kahit napakasakit igalaw ng kanang braso niya.
Tumatakbo na sakanya palapit si Hiro kaya tumakbo na rin siya para salubungin ito. Nung malapit na sila sa isa’t isa ay agad bumwelo si Hiro, at nung magkalapit na sila ay agad niya itong pinakawala sa harapan ni Steph. Pero nagulat siya sa ginawa ni Steph. Nag slide ito sa pagitan ng mga paa niya at mabilis na tumakbo sa kinaroonan nung mga injection na yun.
Kumuha si Steph ng tatlong injection pagkatapos ay tumingin ito kay Hiro.
Nung makita ni Hiro ang kinuha ni Steph ay agad siyang natawa “ Oh, Itutusok mo rin ba yan sa katawan mo? “ Natatawang tanong nito.
“ Hindi.“ Tipid naman na sagot ni Steph tapos ay bigla itong ngumisi “ NGAYON NA NICA!! “ Pagkasigaw niya nun ay agad nanlaki ang mga mata ni Hiro at mabilis ito na lumingon sa likuran niya.
Buti nalang at hindi siya nahuli at mabilis niyang nasalo yung palaso na tinira ni Nica sa likuran niya. Sinira niya ang bombang nakakabit doon para hindi na ulit siya masabugan. At habang sinisira niya ito ay nakaramdam siya ng tatlong parang kagat ng langgam sa may likuran niya.
Nilingon niya ang likuran niya at nakita niya si Steph na nakalapit na sakanya habang nakatusok ang tatlong injection sa likod niya gamit lamang ang isa nitong kamay.
Agad niyang sinuntok si Steph ng malakas dahilan para tumilapon ito. Mabilis naman niyang kinuha yung tatlong injection sa katawan niya.
Nung makita niya na kulay pula yung naitusok ni Stephan sa katawan niya ay agad siyang natawa. “ Diba sinabi ko na sayo na ang pulang likido ay nagpapalakas ng katawan? “ Natatawang tanong nito.
Halos magkandarapa naman sa pagtayo si Steph matapos siyang matamaan ng atake ni Hiro.
“ T-tama ka jan.“
“ Eh bakit ito ang itinusok mo sa’kin? Balak mo ba akong gawing mas malakas pa? “ Natatawang tanong nito. “ Akala ko pa naman matalino ka Mr. Milvar. Pero sa tingin ko ay nagkamali ako ng akala sa–a–a“ Biglang natigilan si Hiro nung makaramdam siya ng kakaiba sa katawan niya.
Hindi niya alam pero dahan dahan lumalakas ang paghinga niya, unti unting bumibilis ang tibok ng puso at pulso niya..
Biglang napangisi si Steph. “ May kasabihan nga tayo, minsan, nakakasama ang sobra.“
Ngayon ay napaluhod na si Hiro dahil sa sobrang init na nararamdaman ng buong katawan. Parang anytime ay sasabog na ang buong katawan niya. Naluluha na ang kanyang mga mata. Nag umpisa na namang tumulo ang mga laway niya. Yung mga muscles at ugat niya ay parang puputok na. Hindi na niya kaya ang sakit. Napahawak siya sa kanyang dibdib nung bumilis pa ng husto ang pagtibok ng kanyang puso. Rinig na rinig pa niya ito.
Muntik na niyang hindi makayanan ang isang inject ng pulang likido na ’yun kanina, paano pa kaya kapag tatlo na?
Naluluha ang kanyang mga mata at nanginginig na buong katawan niya ng tumingin siya kay Stephan. “ T-tulungan mo ako..P-pakiusap…M-maawa ka..“ Naiiyak na sambit nito. Kailangan niya ng tulong. Hindi na niya kaya ang sakit. Gusto pa niyang mabuhay. Natatakot pa siyang harapin ang kanyang kamatayan. Tulong, kailangan niya ng tulong.
Isang ngisi lang ang iginanti ni Stephan. “ Naghihintay na sa’yo sa impyerno ang mga kasama mong inabanduna mo noon “
Pagkatapos sabihin yun ni Steph ay agad napahawak si Hiro sa kanyang kaliwang dibdib ng mahigit “ AAAARRGHHHH!!! “ Isang malakas ng sigaw ang huling ingay na ginawa niya bago siya nag collapse at unti-unting huminto ang pagpitik ng pulso niya.
Nung matapos ang kanilang laban ay muling napaupo si Steph habang sinasandal ang likod sa pader at maingat na inalalayan ang kanang braso niya.
Natapos rin..
Saglit naman siyang napatingn sa paligid niya..
Hindi pa pala..
Ngayon ay naglalaban padin sina Veronica at Valentine.
[ Valentine’s PoV ]
Tinignan ko ang lalagayan ng palaso ni Veronica na nasa kanyang likuran. Lima, limang palaso nalang ang nandun. Limang bala nalang ang natitira sakanya. Konting tiis pa.
Saglit akong napahawak sa may gilid ng tiyan ko. Ayaw parin tumigil ng pagdurugo. Natamaan niya ako kanina pero mabilis ko namang tinanggal yung palaso bago pa ako masabugan.
Tinignan ko ang pinaglalabanan nila Hiro, at halos mapamura ako nung makita ko ang itsura ni Hiro habang nakabulagta. Bumubula ang bibig niya habang nakadilat pa ang mga mata.
Hiro..
Walang hiya kayong mga Fuego!!
“ Andito ang kalaban mo.“ Inis kong ibinalik ang tingin ko kay Veronica. Inaasinta na naman niya ako. Madali lang naman talagang iwasan ang mga tira niya, pero yung instinct niya…nakakamangha. Nalalaman niya ang galaw ko.
Tinira na niya ang palaso papunta sa direksyon ko kaya umiwas ako pakanan.
Tinignan ko ang palaso na tumama sa may pader, at habang nasa kalagitnaan ako sa pag iwas ay ibinalik ko ang tingin ko kay Veronica, at halos lumaki ang mga mata ko nung makita kong nakaasinta na naman siya sa direksyon ko. Napakabilis ng mga kilos niya. Napakabilis niyang bumunot ng palaso, at ang masama pa…ang instinct niya…nalaman niyang sa kanan ako pupunta para makailag.
Tangna..
Nakita ko pa ang pag ngiti niya bago niya kalabitin ang palaso at mabilis itong tumama sa braso ko.
“ Ahhh! “ Bago pa ito sumabog ay mabilis ko itong tinanggal kahit napakasakit. Sinira ko ang bombang nandun bago ko ito tinapon.
Tatlong bala nalang ….
pero mukhang di ko na ata ito matatagalan. Ang dami ko ng tinamong sugat.
Napatingin ako sa gilid ko nung may mapansin ako. Agad kumurba ang ngiti sa mukha ko nung makita ko ang baril na kanina ko pa hinahanap. Tumilapon kasi ito sa gitna ng paglalaban namin kanina.
Mabilis ko itong kinuha at agad itinutok kay Nica. Ngayon ay nakaasinta na naman siya sa direksyon ko. Grabe, di talaga siya nag aaksaya ng oras.
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng biglang bumaon sa labasan ng bala ng baril ko ang palaso na tinira Nica. What the?! Naipasok niya parin ito sa layo niya at sa liit ng butas ng baril?! Grabe. Anong klaseng mga mata ba meron siya? Napaka accurate ng mga tira niya. Hindi ko akalain na mahihirapan akong kalabanin ang isang Archer Shooter.
Meron naman siyang kahinaan eh, at yun ay ang labanan siya ng malapitan. Pero di ako ito magawa, di ako makalapit sakanya dahil sa mga atake niyang hindi mo alam kung kailan siya titira.
Bago pa sumabog yung baril ay itinapon ko na ito, at wala pang segundo ay sumabog nanga yung palaso kasama nung baril.
Dalawa nalang…
Makakaabot kaya ako?
Sa oras na maubos niya ang bala niya, sigurado akong katapusan na niya.
Kahit masakit ang mga sugat ko ay pinilit ko ang tumakbo. Minsan ay tumitira ako ng mga kunai sa direksyon niya pero naiilagan niya ang lahat ng ito. Hindi lang siya magaling sa pag pana, nakakamangha rin ang reflexes niya.
Muli niya akong inasinta, napaghandaan ko na ito ng mabuti kaya nung kalabitin niya ito ay nailagan ko ito agad.
Isa nalang….
Nakita ko ang huling pagbunot niya ng palaso. Mas lalo kung pag iingatan ang atakeng gagawin niya ngayon. Huling bala na niya ito. Huling tira na niya ito. Sigurado akong may gagawin siyang kakaiba sa huling tira niya. Kailangan kong mag focus.
Inumpisahan na niya akong asintahin. Kita ko sa mga mata niya ang pagiging kalmado niya. Ni wala akong makitang pag aalinlangan o takot sa mga mata niya kahit huling bala na niya ang ititira niya.
May gagawin ba siyang kakaiba?
Nagulat nalang ako ng bigla niyang kinalabit ang huling tira niya sa isang simpleng paraan lang. Mabilis ko lang itong nailagan. Tinignan ko siya na may konting pagtataka. Bakit ganun ang huling tira niya? Bakit wala man lang siyang kakaibang ginawa sa tira niyang iyon.
Pero bakit ba? Wala na akong pakialam dun. Ang akin ngayon, wala na siyang natitirang bala.
Humanda ka.
“ Wala ka ng bala ngayon, alam mo na siguro kong anong ibig sabihin nun.“ Ngumisi ako bago kumuha ng mga kunai sa likuran ko. Oras naman para ako ang umatake.
Medyo nairita ako nung hindi man lang siya nag react. Napaka kalmado pa rin ng aura niya. Tss, alam kong sa kaloob-looban niya nanginginig na siya sa takot ngayon.
“ HUMANDA KA!! “ Agad ko na siyang sinugod bitbit ang mga kunai ko. Alam kong ang mga long range fighter ay napakahina pagdating sa malapitang labanan. Pasensya siya dahil doon ako bihasa. Isa akong close range fighter.
Nung malapit na ako sakanya ay agad na akong buwelo. Napansin ko na may pinindot pa siya sa gitna ng bow na hawak niya ( Sorry hindi ko alam ang tagalog ng bow :) ) , at nagulat ako nung biglang lumabas ang matutulis na kutsilyo sa bawat dulo ng bow niya. Yan ba ang gagawin niyang sandata?
Sa pagkabigla ko ay medyo nawalan ako ng konsetransyon. Nung makalapit na ako ng tuluyan sakanya ay agad ko na siya inatake sa mukha niya gamit ang kunai. Pero napakabilis talaga ng reflexes niya. Mabilis siyang yumuko at mabilis itong umikot at winasiwas ang bow na hawak niya na may matatalim na kutsilyo sa dulo nito.
Napakabilis ng pangyayari.
Napahinto ako sa posisyon ko. Nakadilat ang mga mata dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Unti unting lumabas ang mga dugo sa bibig ko. Tsaka ko lang naramdaman ang napakalaking tama sa tiyan ko. Napakalaki ng pagkakahiwa nito.
Ang atakeng ’yun..
Agad akong napahiga dahil sa pamamanhd ng buong katawan ko. Tinignan ko si Nica na nakatalikod sa’kin. “ Wag na wag niyong mamaliitin ang kakayahan ng mga Diablo ng Fuego.“
Nagkulang kami sa impormasyon. Di ko akalain na may malalakas pala na myembro ang Fuego. Muntik ko ng makalimutan na sila pala ang humahawak ngayon bilang pinakamalakas ng organisasyon sa mundo ng Mafia.
Tsk, masyado kaming nagtuon ng pansin sa mga Alas.
Natalo ako…
Unti unti na akong nawalan ng malay hanggang sa naging blanko na ang buong paligid.
[ 3rd Person’s PoV ]
Pagkatapos talunin ni Nica ang kalaban ay agad siyang lumapit kay Steph na ngayon ay nakaupo sa sahig habang nakasandal.
Biglang nahiya si Steph kay Nica dahil hindi man lang ito nagkaroon ng matinding sugat. Samantalang siya, muntikan pang mamatay kong hindi pa tumulong si Nica sakanya.
“ Sumunod ka na sakanila. Kailangan ka nila dun. Ayos lang ako dito.“
“ Ni hindi ka nanga makatayo. Siraulo.“ Agad na ring umupo si Nica sa tabi ni Steph para magpahinga. Kahit papano ay napagod din siya sa labanan.
“ Ipaubaya na natin sakanila ang lahat. Alam kong magagawa nilang iligtas ang batang ’yun.“ Sabi ni Nica bago isinandal ang sarili pagkatapos ay pumikit. Nagkaroon naman ng tsansa si Steph na titigan si Nica dahil nakapikit ang mga mata nito.
Palihim siyang ngumiti. “ Maraming salamat kanina.“
Hilik lamang ang naiganti ni Nica kaya natawa siya ng konti.
Mukhang napagod nga ata siya sa labanan.
[ Ish’s PoV ]
Sa ilang minutong pagtakbo namin ay may tumambad ulit samin na isang pintuan.
“ Ang laki pala talaga ng palasyong ’to.“ Reklamo ni Benz habang hinihingal.
Nakita naman naming umabante si Kael at di na nag aksaya ng segundo na buksan ang pintuang ’yun.
Pagkapasok namin ay dalawang nilalang na naman ang tumambad sa’min.
Dalawang lalaki.
Sa likod nila ay ang nag iisang hagdanan at daanan ng lugar na’to.
Napansin ko ang pagkapit ni Lily sa braso ko na parang biglang natakot kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya sa dalawang nilalang na ’yun na parang kilala na niya ang mga ito.
“ Kilala mo ba sila, Lily? “
“ Mukhang may reuniong magaganap dito ngayon ah.“ Biglang sabi nung isang nilalang habang natatawa.
“ Opo, sila sina kuya Akira Seijou at kuya William Nostrad.“ Ramdam sa boses niya ang takot. Akira? William? Diba siya yung nabanggit ni Lily na naging kasamahan niya sa Crosser noon? Ba’t sila nandito? Sumapi rin ba sila sa Elfame?
Nakita naman namin ang pag abante ni Hell habang may hawak hawak na baril. “ Ako na ang bahala dito. Umalis na kayo.“
“ Nahihibang ka naba?! Dalawa yang makakalaban mo! “ Giit naman ni Elsa. “ Sasamahan kita.“
“ Tsk! Wag ka ng makialam dito! “ Hell
“ Hephep! Wag muna kayo mag away.“ Awat nung lalaking nagsalita kanina. “ Gusto niyo dumaan dito sa mahiwagang hagdan hindi ba? Padadaanin lamang namin kayo kung magbibilin kayo ng dalawang kasamahan niyo.“ Magpipresenta pa sana si Elsa ng magsalita ulit yung lalaki. “ At syempre kami ang mamimili kung sino sainyo ang magpapaiwan dito.“ Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Ngayon ay nagsusuri na siya samin kung sino ang pipiliin nila.
“ Mr. Hell Tan at Ms. Lily Valdez, pwede ba namin kayong maimbitahan? “ ANO?!
“ Wag! Wag na si Lily. Ako nalang. Ako nalang ang lalaban sa inyo. “ Suway ko pero umiling lang ang hayop habang nakangisi. Kainis! “ Hindi pwede. Sila ang napili ko para makipaglaban sa’min ni Akira. Sumali kami sa Elfame hindi para makipagkampihan sakanila. Gusto lang naming makaharap ang dating naging kasamahan namin noon. Yun lang. Ngayon kung hindi niyo kami pagbibigyan, sigurado akong matatagalan kayong makakaalis dito.“
Bwesit ’to! Bakit kailangan itong bata pa ang pipiliin nila?!
“ Okay lang kuya.“ Umabante si Lily tapos ay pumunta siya sa harapan ko. “ Lalaban ako para kay Boss.“ Kahit may takot ang mga mata niya ay nakuha pa rin niyang ngumiti.
Lily…
“ Paabot ng mga armas ko kuya.“
“ Segurado ka ba talaga dito, Lily? “ Pag aalala ko. Ngumiti lang siya at tumango. Wala na akong magawa kundi ang ibigay sakanya ang sandatang nakalaan para sakanya. Inabot ko sakanya ang dalawang Warglaives ( Ang warglaives ay isang uri ng sandata na may hawakan sa gitna nito na may matutulis na blade sa magkabilang side nito. Sino marunong mag dota dito? Yung weapon ni Anti-Mage, yun ang warglaives. Ang hirap kasing i describe eh hehe. Search niyo nalang po sa google para maimagine niyo :) )
Hinawakan niya ang sandatang iyon at sa isang iglap ay biglang nagbago ang aura niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya hanggang sa magtama ang mga mata namin.
Bigla nalang bumilis at lumakas ang pagtibok ng puso ko nung titigan niya ako gamit ang mga mata ng ikalawang katauhan niya. Hindi ko alam kong takot ba ’tong nararamdaman ko o ano. Basta.
Matapos niya akong tignan ay umabante na rin siya at tumabi kay Hell.
Umalis naman sina Akira at William sa daraanan paakyat ng hagdan. “ Gaya ng napag usapan. Pwede na kayong dumaan.“
“ Hell, mag iingat ka.“ Pag aalala ni Elsa. Tumango lang si Hell. Napakaseryoso ng mukha niya.
“ Mag iingat kayo.“ Paalala ko. Tinignan ko muna saglit si Lily na nakatingin sa mga kalaban. Napansin niya siguro yun kaya tumingin rin siya sa’kin saglit bago niya ibinalik ang tingin kila Akira at William.
Agad na kaming tumakbo sa hagdanan at iniwan sila.
Mag iingat sana kayo Hell, Lily..
-To be continued…
-MajorSin
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
[ 3rd Person’s PoV ]
Paano
nga
ba
nabuo
ang
grupong
Crosser?
-Flashba
ck-
“ Eric Fortalejo.“ Pagpapakilala ng presidente ng bansa sa ikalimang myembro ng bubuo-ing grupo para sa isang napakahirap na misyon. Tumayo si Eric at tumabi sa unang apat na myembrong tinawag.
Panay kuha naman ng litrato at bidyo yung mga reporter sa limang binata para may balitang maihahatid sa mga mamamayan ng bansa.
“ Mr. President, kailan ba magsisimula ang mga binatang ito para sa misyon nila? “ Tanong naman nung isang reporter.
“ Sandali, may isang myembro ang hindi ko pa naipapakilala sa inyo.“ Sagot ng Presidente na ipinagtaka ng lahat. Pati ang limang binata ay medyo nagulat rin. Akala rin kasi nila silang lima lang ang sasabak sa misyon.
Inilibot ng mga taong nandun ang kanilang tingin para hanapin ang posibleng pang anim na myembro ng grupo, pero wala silang mahanap. Tanging isang batang babae lamang ang napansin nilang nakaupo malapit roon sa kinauupuan ni Eric kanina.
“ Ang pang anim na myembro na sasama sa misyon ay “ Agad tumingin ang presidente sa batang babae “ Si Ms. Lily Valdez “
Bakas sa lahat ng mga nandun ang sobrang pagkagulat. Lahat ay hindi makapaniwala.
Isang batang babae? Sasama sa isang napakadelikadong misyon?
Ngayon ay nakaupo na ang anim na nilalang kaharap ang presidente sa isang pribadong silid nitong mansyon.
“ Nais kong ipaalala sa inyo kung gaano kadelikado ang misyon niyo. Si Hajeen Vornazek ay isang napakailap na terorista. At isa pa, napakalawak ng kumunikasyon niya sa buong mundo. Marami siyang alas. Napakarami ng lugar na pwede niyang pagtaguan. At sa pagkakataong ito, ang bansa natin ang napili niyang maging Hideout. Ang problema nga lang eh hinde namin matunton kong saan siya nagtatago ngayon.“
“ Ngayon, binuo namin ang grupong Crosser para sa spesyal na misyon. Kayong anim ang napili ng gobyerno para gawin ang misyong ito. Kayo nalang ang natatanging huling alas ng bansa para sa madispatsa ng taong yun. Malaki ang tiwala namin sa inyo.“
Mabilis namang nagtaas ng kamay si Eric parang magtanong “ Ah Mr. President “ Umpisa niya sabay lingon kay Lily. “ Sigurado ba kayong kasama namin siya
sa misyon? “ Tanong niya habang nakaturo ang hintuturo kay Lily. Habang si Lily naman ay tahimik lamang na nakaupo habang nakayuko.
“ Oo, at hindi namin siya isasali sa misyon kung alam naming wala siyang pakinabang. Isang spesyal na bata si Lily.“ Natahimik ang lahat sa sinabi ng presidente kaya tumayo na ito sa pag kakaupo.
“ Dalawang araw simula ngayon ay gaganapin na ang misyon ninyo. Ang mabuti pa’y kilalananin niyo na ang isa’t isa at pag usapan agad ang mga pwede niyong gawin sa araw na’yun. Maiwan ko na kayo.“ Pagkatapos umalis ng Presidente ay silang anim nalang ang naiwan sa silid na yun.
Unting unti bumabalot ang tensyon sa paligid dahil walang gustong magsalita. Hanggang sa binasag na ni William Nostrad ang nakakabinging katahimikan.
“ Tingin niyo makakaya natin ’to? “ Natatawang tanong niya. Agad siyang tumingin kay Eric “ Meron tayong isang myembro na 10 beses ng nagkampyon sa Shooting Competition sa buong Asya.“
Pagkatapos ay tumingin naman ito kay Nero “ Isang napakagaling at pinakabatang naging Commander ng Armed Forces ng Bansa na isa ring Sniper Specialist “
Inikot niya ang tingin papunta kay Lily “ At..Ms. Valdez, pwede ko bang malaman ang pinagkakaabalahan mo ngayon bukod sa pag aaral? “ Gustong matawa ni William pero pinipigilan niya lang. Minamaliit niya ito pero ayaw niyang masaktan ang damdamin nito.
“ Wala po. Tumutulong lang ako kay nanay sa bahay pagkauwi ko galing skwela.“
Tumango si William at pilit tinatago ang tawa niya. “ So meron rin tayong myembro na isang butihing anak.“ Pigil tawang sabi niya. Nahalata yun ni Lily pero di niya nalang pinansin.
“ At syempre..“ Sabay tingin niya kay Hell Tan. “ Ang pinakamagaling na Hitman ng Pamilyang Tan. Balita ko isang Mafia ang angkan mo, tama ba? At ikaw ang pinakamagaling na hitman sa buong angkan niyo.“ Pagkatapos sabihin iyon ni William ay tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa kinauupuan ni Akira tsaka ito inakbayan.
“ Sa mga hindi nakakaalam, galing kaming dalawa ni Akira sa Japan. Myembro kami ng kinatatakutang Yakuza Gang sa buong asya. At isa lamang kami sa limang myembro doon na may dugong pinoy “ Nakangising lintanya ni William na tila nagmamayabang na naman. Habang ang kaibigan niya namang si Akira ay tahimik lamang na nakaupo habang nakatingin sa apat na myembro na makakasama nila William sa misyon. Pero mas nadapo ang tingin nito sa batang babae. Tila sinusuri niya at inaalam kung ano ang posibleng maging pakinabang nito sa isang mapanganib na misyon. Pero kahit anong gawing suri niya, wala siyang makita. Para lang talagang ordinaryong bata si Lily.
-End of Flashback-
[ 3rd Person’s PoV ]
Ngayon ay silang apat nalang ang tanging nandito sa malaking silid. Tahimik at tila nagpapakiramdaman pa sila sa isa’t isa. Muli ay binasag na naman ni William ang katahimikan.
“ Kumusta? “ Masaya na may kasamang pang aasar na tanong niya sa dalawa. Masamang nakatingin sakanya si Lily kaya ginantihan niya ito ng mapang asar na ngiti “ Namiss ko ang mga ganyan titig mo bata.“ Unti unting binunot ni William ang sandata niya sa likuran habang hindi inaalis ang tingin nito sa bata.
Tumambad sa dalawang Virgo ang dalawang kulay gintong axe na hawak ng magkabilang kamay ni William. Si Willian ay isa ring Sharp Shooter gaya ng ibang Crosser. Pero dahil sa pagbalik niya sa pagiging Yakuza sa Japan, pinalitan niya ang stilo niya sa pakikipaglaban, at yun ay ang pagiging bihasa sa pag gamit ng axe.
Aabante na sana ito para harapin ang bata pero bigla siyang napahinto dahil sa pagharang ng kaibigan niya. “ Ako ang kakalaban sakanya, William. “ Tipid na lintanya ni Akira. Walang gana namang lumingon si William sa kinatatayuan ni Hell. “ So si Hell ang makakalaban ko? “ Bored niyang tanong na tila minamaliit ang kakayahan ng binata. Nakaramdam ng inis si Hell sa inasta ni William kaya mabilis niyang tinuon ang baril nito sakanya at tsaka ito ipinutok ng dalawang beses.
Pero laking gulat niya nalang nung sinangga lang ito William gamit ang hawak nyang sandata. “ Opsie. Ang bilis talagang uminit ng ulo mo “ Natatawang usal nito at tuluyan na nga niyang hinarap si Hell. “ Sige na nga. Bigyan mo ako ng isang magandang laban, Hell Tan. “ Ngumiti muna ito ng nakakaloko bago mabilis na sumugod kay Hell.
Sa kabilang banda naman ay unti-unti na ring kinuha ni Akira ang nag iisang Spada niya na karga karga niya kanina pa. Medyo may kalakihan ito pero wala iyon sakanya dahil sanay na niyang gamitin ito.
Nung makuha na niya ito ay agad na siyang tumingin sa makakalaban niya–si Lily Valdez.
Napangiti siya ng palihim nung may maalala siya sa nakaraan niya.
[ Akira’s PoV ]
-Flashback-
Bukas na..
Bukas na namin uumpisahan ang misyon.
Malalim na ang gabi at tulog na lahat ng mga kasama ko. Habang ako naman ay andito sa labas ng hideout, nagbabantay, nag iisip.
Sa gitna ng aking pag iisip habang naninigarilyo ay biglang may lumabas sa pinto ng hideout. At nung tignan ko kung sino ito..
“ Ba’t gising kapa? “ Tanong ko sakanya. Ito yung rason kung baket ako masyadong nag iisip sa misyon eh.
May kasama kaming bata. Hindi ko alam anong gagawin ko para malayo to sa panganib. Ano bang nakain ng gobyerno at kinuha nila to sa isang dilikadong misyon? Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan na meron siya. Pero kahit saang anggulo mo kasi tignan, isa parin siyang bata. Madaling masaktan.
Hindi siya sumagot sa tanong ko, lumapit lang siya sa kinatatayuan ko tsaka napatingin rin sa mga bituin.
Hinayaan ko nalang siya at tinuon ang atensyon sa mga paligid.
Maya maya lang rin ay nag umpisa na siyang magsalita. Alam ko may gusto siyang sabihin kaya di na ako nagtaka.
“ Kayo na lang ni kuya William ang hindi ko pa nakakausap kuya Akira.“ Panimula niya. “ Dalawang araw na tayong magkakasama dito pero hindi ko pa din kayo nakakasundo.“ Totoo yun. Masayahing bata si Lily. Makulit pagdating sa ibang myembro, pero kailan man ay hindi niya pa kami kinakausap. Ito pa ang unang beses na nagkausap kami.
“ Natatakot ka ba samin? “ Diretsang tanong ko. Hindi siya kumibo. Tama nga ako–
“ Hindi.“ Mabilis na sagot niya. “ Sa totoo lang po kaya ko kayo hindi kinakausap ay dahil pakiramdam ko po eh ayaw niyo sakin.“ Medyo pumiyok ang boses niya sa huling sinabi niya kaya agad akong napatingin sakanya. Nagtutubig na ang mga mata niya pero nakatingin pa rin siya sa malayo “ Pakiramdam ko po pabigat lang ako sa isip niyo. Ayoko kayong kausapin kasi baka may masabi akong mali at ayokong alisin niyo ako sa misyon.“ Di na niya napigilan at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Agad niya itong pinahiran gamit ang kamay niya “ Kailangan ko lang po kasi talaga ng pera ngayon eh.“ Naiiyak na sabi niya.
“ Saan mo ba gagamitin ang pera? “
“ Para po kay mama. Malubha kasi ang sakit niya at kailangan ng ma operahan. Malaking halaga po ang kailangan ng operasyon na yun.“ Saglit akong natigilan sa mga sinabi niya. Habang tinitignan ko siyang umiiyak ay mabilis akong nakaramdam ng awa. Sa murang edad pa lamang ay ganito na agad siya mag isip.
Ang batang ’to..
Lumuhod ako sa harapan niya para magpantay kami “ Makinig ka, wala kaming sinabi na hindi ka namin gusto, okay? “ Tumingin naman siya sakin habang naluluha “ Nag aalala lang kami sa pwedeng mangyari sayo. Bata kapa, malayo pa ang mararating mo. Ayaw lang naming matapos ang buhay mo ng ganito. Hindi ko kayang ipahamak ang buhay ng isang bata para sa lang dito “ tinap ko ang ulo niya “ At hindi namin inisip na pabigat ka.“ Ngumiti ako ng onti dahilan para mas lalo siyang maiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak na parang nahulugan ng candy. Kahit parang nasasakal na ako ay hinayaan ko nalang siya hanggang sa tumahan siya.
Ngayon ay pareho na kaming nakaupo. Parehong nakatingin sa kalangitan.
“ Siya nga pala kuya.“
“ Ano yun?“
“ Bukas, lumayo kayo sakin pag nakahawak na ako ng baril ah.“ Gulat akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. “ Bakit naman? “
“ Nag iiba po kasi ako ng katauhan kapag nakakahawak ako ng armas. Nawawala po ako sa katinuan ko at hindi na kumakilala ng kahit sino.“ Ngumiti siya ng kaonti “ Hindi man kapani paniwala, pero Iyon ang kakayahan ko. Kaya pakiusap wag po kayong lumapit sakin. Baka makasakit ako ng isa sa inyo.“
-End of Flashback-
Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman ulit ang ikalawang katauhan mo lily. At gaya ng dati, di mo pa rin ito makontrol. Sa mga titig mo ay parang di mo ako kilala.
Napatingin ako saglit sa gilid ko na kung saan nag umpisa na ang labanan nung dalawa. Pero pagbalik ko ng tingin sa harapan ko ay nawala na ang kalaban ko.
Mabilis naman akong yumuko nung maramdaman ko ang atake niya mula sa likuran ko. Ang bilis niya! Muntik na ako ron.
Umatras ako ng kaonti para makabwelo, at nung magkaroon na kami ng konting pagitan ay agad na rin akong umatake gamit ang spada ko. Kahit malaki ang spada ko ay naiwawasiwas ko pa rin ito ng mabilis. Matinding pagsasanay ang ginawa ko para lang magamit ko ito ng madalian.
Nasasangga ni Lily ang mga atake ko pero dahil sa pwersang pinapakawala ko sa bawat hampas ay humihina ang depensa niya. Kitang kita sa expresyon ng mukha niya na medyo nahihirapan na siya.
Agad akong bumwelo para sa isang matinding atake “ Argh! “ Nasangga niya ang hampas na yun pero sa lakas ng impact ay tumilapon siya palayo. Bumangga siya sa isang pader nitong lugar. Di ako nagsalita. Hinintay ko lang ang pag bangon niya. Alam kong hindi siya mapapabagsak ng ganung atake lang.
Onti onti naman siyang bumangon. Pero nagulat nalang ako nung mabilis niya akong tignan at binigyan ako ng isang nakakakilabot na titig. Mabilis niyang hinagis ang dalawang warglaives na hawak niya. Sa sobrang bilis ay muntik ko na itong di maiwasan. Agad ko siyang Tinignan matapos kong mailagan ang atake niya. Pero nangunot ang noo ko nung makita kong hindi nagbago ang posisyon niya simula nung hinagis niya ang dalawang warglaives sakin. Nakabukas padin ang dalawang kamay niya na parang may hinihintay na bumalik sa—agad nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang pag ngisi niya
SHT!
Mabilis akong umikot sa likuran ko para sanggaing muli ang mga warglaives na pabalik sa direksyon ko. Nasangga ko yung isa gamit ang spada ko. Pero kasamaang palad, isang spada lang ang hawak ko..
Mabilis na dumanak ang dugo sa kaliwang braso ko nung matamaan ito. Ininda ko ang sobrang sakit at pilit na humarap ulit sa kalaban ko. Pero halos manlaki ang mga mata ko nung isang mukha na may nakakalokong ngiti ang tumambad sakin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko habang nakangisi. Kakapusin ako sa pag atras!
Nakita ko ang pag bwelo niya gamit ang isang warglaive na ngayon ay hawak hawak na niya ulit. Kahit imposible na ay umatras parin ako. Nagbabakasakali na hindi kapusin kahit imposible.
At hindi ko alam kung baket. Pero parang bumagal bigla ang galaw niya. Yung paghampas niya sa sandata ay parang may pumipigil dito. Sa kabutihang palad ay hindi kinapos ang pag atras ko. Nailagan ko ang atake niya. Muntik ng mahiwa ang mukha ko.
Taka naman akong tumingin sakanya pagkatapos. Nakangisi lang ito ng nakakaloko. Tinignan ko ang mga mata niya. Blanko pa din ang expresyon nito. Sinadya niya bang bagalan yung pag atake niya para makaiwas ako?
Lily..
[ Hell’s PoV ]
“ Asar! “ Bulyaw ko nalang sa sarili nung hindi ko magawang tamaan ang kumag na to. Tsk. Kanina pa ako atake ng atake pero lahat ng bala na pinapakawala ko ay nasasangga niya gamit ang axe niya.
“ Ba yan Hell. Di na ako natutuwa sa pinag gagagawa mo.“ Bored pa niyang usal sa gitna ng mga pagsangga niya. Asar!
Nung maubos na ang magazine ng dalawang baril na hawak ko ay kumuha agad ako ng panibago sa bulsa sa likuran ko, at nung ikakabit ko na sana ito, nagulat nalang ako nung makalapit siya bigla sa harapan ko. “ Kaya ayaw kong gumamit ng baril eh. Nagkakaroon ng segundo ang kalaban para atakihin ka “ Nakangising bitaw niya bago binwelo ang hawak niyang axe. Naloko na!
Ihahampas na sana niya ito sa harapan ko ng mapahinto siya sa pagkilos dahil may mabilis na dumaan sa pagitan namin na isang warglaive. Kung itinuloy yun William ay tiyak na tatamaan siya nun.
Parehas kaming napalingon ni William sa may ari nung armas na yun. Matalim lang itong nakatingin kay William. Naputol lamang yun nung umatake si Akira sakanya.
“ Akalain mo yun? Marunong na siyang tumulong sa kasamahan niya. “ Saglit naman niyang hinimas ang dibdib na may malaking peklat ng nakaraan. Isang peklat na iniwan ni Lily sa dibdib niya “ Samantalang dati eh wala yang kinikilala kapag nagising ang isang katauhan niya.“ Biglang tumalim ang tingin niya at naging seryoso “ Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ng batang yun sakin “
Lumingon siya sa direksyon ko bago nagpatuloy “ Pero bago ako makapaghiganti, kailangan muna kitang tapusin.“
[ 3rd Person’s PoV ]
Isang warglaive nalang ang hawak ni Lily ngayon. Bumaon kasi yung isang hinagis niya sa pader kaya di na nito nagawang bumalik sa kamay niya.
Habang patuloy sa pag atake si Akira ay napansin niyang pahina ng pahina na ang depensang ginagawa ng kalaban. Sa pagkakataong ito ay dapat sana ay matutuwa na siya dahil sigurado na ang pagkapanalo niya. Pero patas makipaglaban si Akira.
Huminto ito sa pag atake na mejo ikinagulat naman ni Lily. Nagkatitigan muna sila saglit bago nagsalita si Akira “ Pwede mong kunin yung isang armas mo, Lily. Hindi ako gagawa ng hakbang.“
“ Para san pa? “ Walang emosyong tanong ng bata
“ Nawala yun sa kamay mo dahil sa pagtulong mo kay Hell. Ayoko namang kunin ang pagkakataong atakihin ka dahil hindi patas ’yon. “ Paliwanag nito. Tumawa lang ng mapang asar ang batang kaharap nya. “ Wala akong tinulungan. Dalawa kayong kalaban ko kaya pwede ko kayong atakihin ano mang oras! “ Mula sa pagtawa ay sumeryoso ulit ang mukha nito at ngumiti ng mapang asar. Itinaas niyang muli ang sandata niya at naghanda para umatake “ At isa pa, kaya kitang talunin gamit lang tong isang sandata ko.“ Pagkatapos nun ay walang pagdadalawang isip na ulit nyang sinugod si Akira “ Arghh!!
[ Ish’s PoV ]
“ Naman oh. Malayo paba tayo? “
“ Tumakbo ka nalang jan! “ Inis kong sabi sa kumag. Enang ’to. Kanina pa reklamo ng reklamo!
Paakyat na kami ngayon papuntang ikatlong palapag ng mansyon na’to. Medyo malayo na ang tinakbo namin pero di padin kami nakakarating. Si Helena pansin kong hinihingal na.
“ Bae, gusto mo ng piggyback ride? Mukhang pagod kana kasi eh “ Nakangising tanong agad ni Benz kay Helena. Oh akala ko ba pagod na rin ’to dahil reklamo ng reklamo. Tapos…haay.
“ Ayos lang ako. Kaya ko sarili ko “ Ngumiti ng kaonti si Helena sakanya kaya parang naging kamatis naman bigla ang pisngi ng hayop. Psh. Ena niyo. Walang poreber!
“ Oh shige hihihi “ Anak ng.
Agad ko nalang itinuon ang tingin ng nasa unahan namin. Ni hindi man lang siya nagpakita ng konting kapaguran. Determinado rin talaga siyang iligtas si Boss.
Tapos si Elsa..lumingon ako sa likuran para sana icheck siya pero pagtingin ko.. “ Teka Elsa! “ Awat ko. Bigla kasi siyang bumalik sa dinaanan namin. Ano bang iniisip niya? Mabilis ko syang hinabol at pinigilan. Sila Benz naman ay huminto na rin muna.
“ Ano bang iniisip mo Elsa? “ Takhang tanong ko sakanya. Nagtutubig ang mga mata niya.
“ Si Hell. Kailangan kong tulungan si Hell! “
“ Hindi na pwede. Ang layo na ng tinakbo natin Elsa. Kaya na nilang harapin ang mga ’yon.“ Pagpapalakas ko nalang ng loob niya dahil paiyak na siya. Pero maski ako nag aalala rin sakanila. Lalo na sa batang ’yun. Sana ay maayos lang sila.
“ Muntik ng mawala si Hell sa’tin noon, Ish. Ayoko na ulit malagay sa panganib ang buhay niya.“ Alam ko ang nararamdam niya ngayon. Muntik na syang ma trauma sa nangyari kay Hell dati nung nakipaglaban ito kay Eric para sagipin siya. “ Ayoko na..“
“ Elsa makinig ka.“ Pinilit niyang kumalas kaya hinigpitan ko ang paghawak sakanya. “ Ish, iba ang pakiramdam ko.“ Naiiyak na nitong sabi sa’kin.
“ Makinig ka.“ Seryoso ko syang tinitigan sa mata “ May tiwala ka ba kay Hell? “ Tanong ko pero hindi siya kumibo “ May tiwala ka ba sa lakas niya? “
“ Meron..pero..“
“ Malakas si Hell, pumapangalawa yun kay Hugo. Huwag ka ng mag alala sakanya. Makakaya nilang talunin nina Lily ang dalawang ’yon. Magtiwala lang tayo sa kakayahan nila. Hindi nila tayo bibiguin. “ Natahimik naman siya sa sinabi ko na nagpatigil na rin ng mga luha niya.
“ Mahuhuli na tayo.“ Seryosong paalala ni Kael. Nakatingin pala silang tatlo nina Benz at Helena samin.
Lumingon ako kay Elsa tsaka ngumiti “ Tara. Naghihintay ang Boss natin.“ Isang tango at tipid na ngiti lang ang iginante niya at pinagpatuloy na namin ang pagtakbo papunta kay Boss.
[3rd Person’s PoV ]
“ Kaya pa? “ Tinapakan ni Willim ang sugatan na na katawan ni Hell. Diniinan niya pa ang pag apak rito kaya napadaing ng husto ni Hell “ Napakahina mo,Hell. Dismayadong dismayado ako sa lakas mo.“ Kahit anong gawin ni Hell ay wala siyang panama sa lakas ni Willian
“ Masyado kang mayabang! “ Sigaw ni Hell sa gitna ng mga pagdaing niya. Tila hindi pa rin ito sumusuko sa laban nila kahit dehadong dehado na siya.
“ Mayabang ba? Hahaha may ibubuga naman ako eh. Kaya ayos lang ’yon. Hindi ako katulad mo na ang angas pero parang siraulo makipaglaban “ Natatawang lintanya ni William. “ Nagsisi lang ako na isa ka sa mga pinili ko para makalaban namin. Sa tingin ko yung babaeng nagpresenta kanina, parang mas may laban pa yun kesa sayo eh. “ Pailing iling pang dugtong nito. “ Tsk. Sana siya nalang ang pinili ko. Ang ganda pa naman nun. Masarap paglaruan. “ Tila napantig ang tenga ni Hell nung marinig niya ang sinabi ni William. Biglang kumulo ang dugo niya at nakaramdam ng sobrang init sa katawan.
Agad namang bumwelo si William para tapusin na si Hell gamit ang axe niya. “ Oh siya. Di ko na patatagalin ang paghihirap mo.“ Mabilis niyang hinampas ang axe na hawak ng kanang kamay niya papunta sa ulo ni Hell.
Pero laking gulat niya nalang nung maiwasan ito ni Hell gamit lamang ang pagalaw ng ulo niya pakaliwa. “ Aba, may malay kapa pala.“ Medyo gulat na usal ni William. Binwelo niya naman yung kaliwang kamay niya para ihampas rin yung isang axe kay Hell. Pero nung tatama na ito sa mukha ni Hell, ikinagulat niya ang pagpigil ni Hell sa atake niya gamit lamang ang isang kamay nito. Tila ang kaninang hinang hina na na katawan ay biglang nag restore lahat ng lakas nito.
“ Paanong..“ tinignan niya ang kalaban niya at muntik na siyang mapaatras dahil ra matalim na titig nito sakanya. Di niya namalayan ang sipa ni Hell sa ilalim kaya tinamaan siya nito at tumilapon.
Mabilis naman siyang tumayo para di magkaron si Hell ng pagkakataon na umatake sakanya. Pagtayo niya ay nakita niyang nakatayo na rin si Hell habang may bitbit na dalawang baril.
“ Yan na naman ba ang gagawin niya? Wala na ba talaga siyang alam kundi ang bumaril? Alam naman niyang hindi tatama sakin yan.“
Ngumisi siya sa naisip niya
“ Ang tanga mo talaga.“ Pumusisyon nalang siya para sanggain ang atakeng gagawin ni Hell. Ngayon ay nakatuon na sakanya ang isang baril ni Hell.
Isa lang ang gagamitin niya? Tss.
Mabilis na kinalabit ni Hell ang baril. Kitang kita naman sa mga mata ni William ang balang papunta sakanya. Isasangga na sana nya yung axe na hawak niya sa parte ng tatamaan ng bala, ng bigla ring kinalabit ni Hell ang isa pa niyang baril..at dumaplis ang balang yun sa naunang balang papunta sakanya. Dahil sa daplisan na nangyari. Biglang nag iba ang direksyon ng dalawang bala–bagay na di inaasahan ni William.
“ Argh! “ Agad siyang napaluhod nung tumama ang dalawang bala sa kanang braso at kaliwang hita niya.
Tangna! Nagawa niyang daplisan yung unang balang tinira niya papunta sakin para mag iba ito ng direksyon? Anong klaseng kakayahan yan?!
“ Hayop ka Hell! “
Parehas ng hinihingal sina Akira at Lily. May mga hiwa na sa katawan si Akira samantalang si Lily naman ay ubos na ang lakas ng mga kamay niya kakasangga sa malaking spada ni Akira.
“ Ikaw na ata ang pinakamalakas na nakaharap ko, Lily.“
“ Pasensya kana pero para sakin pangalawa ka lang.“ Ang blankong expresyon ay biglang nawala sa mga mata nya “ May isang tao na hindi ko man lang siya nagawang matinag sa kinatatayuan niya habang nakikipaglaban siya sakin.“ Bumalik sa blanko ang mga mata nya at tumingin ito kay Akira “ At kailangan naming iligtas ang taong yon ngayon! “ Siya na ang unang sumugod kay Akira. Si Akira naman ay namangha sa sinabi ni Lily. Marunong ng kumilala ng kakampe ang ikalawang katauhan nya.
Umatake si Lily gamit ang warglaive niya habang sangga lang ng sangga si Akira. Nung magkaron naman siya ng pagkakataon ay siya naman itong sumugod. Hinampas niya ang spada niya kaya mabilis na yumuko si Lily para ilagan yon. Pero dahil sa hinang hina na siya, di na niya namalayan ang sipa na sumunod sa atakeng yun. Sobrang lakas ng sipa na yun kaya umikot muna ng tatlong beses ang katawan ni Lily bago ito bumagsak sa sahig.
Ngayon ay nasa harapan na ni Lily si Akira habang nakatuon ang spada nito sa ulo niya “ Panalo ak–“ di na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nakaramdam siya ng balang papunta sakanya. Sasanggain niya rin sana yun pero ginamit ulit ni hell ang isang baril niya para daplisan ang balang nauna. Nag iba bigla ng direksyon ang bala yun na tatama sana sa ulo niya na napunta sa tagiliran niya. “Argh!! “ Bigla itong napadaing dahil sa balang bumaon. Tinignan ni lily si Hell na may kagagawan ng pagbaril na yun. Matalim lang itong nakatingin kay Akira habang nakatuon parin ang baril nito sakanya.
Pero agad namang nalipat ang tingin ni Lily kay William na ngayon ay pasugod na kay Hell.
“ KUYA HELL!! “ Sigaw ni Lily. Agad namang napalingon si Hell sa harapan niya, nanlaki ang mga mata niya nung makitang nakabwelo na si william sa harapan niya. “ NANDITO ANG KALABAN MO! “ Mabilis na umagos ang dugo ni Hell nung mahiwa ng atake ni William ang dibdib niya.
Mabilis na bumagsak sa sahig ang katawan ni Hell.
Agad nanlaki ang mga mata ni Lily sa nasaksihan niya. Hindi ito makapaniwala sa nangyari.
Ngayon ay pareho ng nakahiga ang dalawang Virgo habang nasa harapan nila ang dalawang minsan na’y naging kasamahan nila dati.
“ Magaling Akira.“ Puri ni William nung makita nyang natalo narin nito si Lily. “ Sabay na natin silang tapusin.“ Tinapon na ni William ang isang axe niya para mahawakan ng dalawang kamay nya ng mahigpit yung isa. Agad itong nagtaas at bumwelo para sa huling atake niya kay Hell.
“ S-sige.“ Agad na ring nagtaas at bumwelo si Akira para tapusin ang laban nilang dalawa ni lily.
Si Lily naman ay pabalik-balik ng tingin kay Akira at William.
Hindi niya alam ang gagawin.
“ KATAPUSAN MO NA!! “ Sigaw ni William sabay hampas sa Axe niya.
Nung papunta na ito sa mukha ni Hell, biglang bumilis ang pangyayari. Gulat na gulat siyang napatingin sa mga kamay niya–Putol na ito. Agad nyang tinignan ang tumilapon nyang dalawang kamay na lumipad hanggang sa bumagsak ito sa sahig. Sunod nyang tinignan ang warglaive na bumaon sa may pader–ang dahilan sa pagkaputol ng mga kamay niya. Di masink in sa utak nya ang mga nangyari. Mabilis naman nyan tinignan ang nasa harapan niya nung may narinig siyang nag load na baril.
At dun..lumaki ang mga mata niya..
Hindi.. “ ARRGHHH!!! “
“ Paalam Nostrad. “ Isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw at mabilis na humandusay sa sahig ang katawan ni William.
Sa kabilang banda naman ay inihampas na rin Akira ang spada niya papunta kay Lily. Napapikit nalang si Lily dahil wala na siyang sandata na pwedeng pansangga. Sa huli ay pinili nyang iligtas si Hell kesa sa sarili nitong buhay.
Agad naman siyang nagulat nung sa gilid ng ulo niya bumaon ang spada ni Akira. Gulat siyang napadilat at napatingin kay Akira.
“ k-kuya Akira.“ Ngayong wala na syang hawak na armas. Bumalik na ito sa dati nitong katauhan.
“ Masaya ako at nakita ulit kita, Lily.“ Ngumiti ito pero agad ring napadaing at napaluhod nung hawakan niya ang tama na tinamo nya sa atake ni Hell kanina.
“ S-salamat at binigyan mo ako ng isang napakagandang laban. Salamat sa hindi mo pagtapos sa buhay ko kanina“
“ P-pero bakit? “
“ Alam kong ikaw yon. Binagalan mo ang atake ng ikalawang katauhan mo para makailag ako.“ Pilit itong humarap sakanya. “ Ikaw ang tunay na nanalo sa laban natin, Lily…Maraming salamat.“ Isang maamong ngiti ang huling nasilayan ni Lily sa mukha ni Akira. “P-paalam.” Pagkatapos nun ay bigla nalang itong napayuko habang nakaluhod at hindi na gumalaw pa.
Biglang tumahimik ang buong paligid at umihip ang malamig na hangin.
“ K-kuya Akira..“ Agad umagos ang mga luha ni Lily. Gusto niyang tumayo para yakapin ang katawan ni Akira pero di niya iyon magawa dahil ubos na ang lakas niya. Ang tangi nalang nyang nagawa ay umiyak habang nakahiga.
Maya maya lang rin ay may biglang lumapit sakanya kaya napatigil siya sa pag iyak at agad itong tinignan
“ K-kuya Hell “ Mas lalo pa itong umiyak nung makitang nakatayo si Hell sa harapan niya at buhay na buhay “ Akala ko mamatay kana! “ Para na itong batang naagawan ng candy sa pag iyak.
“ Konting galos lang eh.“
“ Anong konte! Andami ngang dugo oh huhuhuhu “
“ Tss.“ Meron naman siyang kinuha sa ilalim ng suot niya. Isang plastic na parang armor na nagkabitak bitak na dahil sa mga atake ni William kanina. Nagkahiwa pa rin ang katawan niya pero di ito gaano ka lubha “ May naidudulot rin palang maganda ang pagka abnoy ng babaeng yun.“
Napatingin nalang siya sa itaas pagkatapos. “ Kayo na ang bahala kay Virgel.“
[ Someone’s PoV ]
Nagkakagulo na dito sa Palasyo ng Elfame. Rumeresbak na ang mga pamilya ni Virgel para iligtas siya. At di lang yun, pati ibang myembro ng Fuego ay tumulong na rin. Kumikilos na rin si Boss Vlad.
Habang ako ay naglalakad sa isa sa pasilyo nitong Palasyo, may biglang tumawag sa cellphone ko. Si Felix. Napangiti ako.
“ Yow, Sy. Kumustaa? “ Masayang bati ko
“ Papunta na kami. Tama na yang pagpapanggap mo. Kailangan ni Boss Vlad ang lakas mo.“ Ngumisi ako. Mukhang dito na magtatapos ang misyon ko.
“ Orayt. Pasabi kay fafa Argo miss ko na siya. Bilisan niyo.“ Natawa ako nung marinig kong napamura si Felix. Pfft. Why so serious, niggah.
“ Mag seryoso ka nga.“
“ Pfft. Oo na to naman. Magliligpit lang ako dito. Ibababa ko muna ’to.“ Agad kong binaba ang cp ko at pinuntahan ang nagkukumpulang mga bodyguards na takot lumusob sa mga kalaban.
Nung makita nila ako ay bakas sa mukha nila ang medyo pagkagulat.
Isang ngisi lang ang ginanti ko sa reaksyon nila. Deym. Parang gusto kong umubos ng isanlibong tupa ngayon ah.
“ Anong ginagawa niyo dito, Sir Asher? “
To be continued..
-MajorSin
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
[ Felix Sy’s PoV ]
Matapos kong ibaba ang cellphone ko ay napatingin ako sa harapan namin. Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon dito sa ibabaw ng mga puno. Si Argo ay nasa may unahan habang kami naman ay nasa likuran niya lang. Lahat kami ngayon ay nakatingin sa nag iisang destinasyon namin ngayon. Ang malawak at napakalaking Palasyo ng Elfame. Kitang kita dito mula sa kinatatayuan namin ang liwanag na nanggagaling dun.
“ Ansabe ni Asher? “ Biglang tanong ni Sebastian.
“ Tutulong siya. Sa ngayon ay kasalakuyan ng nagagamap ang digmaan sa loob ng palasyo.“ Kailan lang din namin nalaman na nandun pala siya ngayon sa Elfame at ginagawa ang misyon nyang magpanggap bilang kakampe nila. Tinignan ko ang likuran ni Argo. “ Kailangan na nating magmadali.“
Tinignan ko si Trace sa may kanan ko. Tahimik lang ito at naghihintay lang rin sa pagkilos ni Argo. Ngayon ay si Elfred naman ang tinignan ko, at medyo nagtaka ako dahil sa mukha niya palang ay halatang may ibang iniisip ito bukod sa misyon namin.
“ Elfred.“ Tawag ko. Medyo nagulat rin siya kaya mabilis syang tumingin sakin “ Baket? “
“ Ayos ka lang? “
Tumango naman ito sabay sagot ng “ Oo. Maayos lang ako.“ Kami pa lolokohin.
“ Suuus, kinakabahan yan kasi baka makita niya yung kakambal niya dun.“ Natatawang singit ni Sebastian.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan, may kakambal nga pala si Elfred na myembro ng Chess Pieces. Kaya pala kakaiba na ang kinikilos niya simula pa kanina.
“ Pano pag hinadlangan tayo nung kakambal mo sa pagligtas natin sa anak ni Boss? Tatapusin ba nati–“
“ Hindi! “ Biglang sigaw ni Elfred na ikinaputol ng sasabihin ni Trace. Kita naming napakuyom ito. Halatang gulong gulo ngayon ang pag iisip niya. “ Hindi natin isasali si Elrien.“ Patuloy niya na ikinatahimik ng lahat.
Alam namin kung gano kamahal nitong si Elfred ang kakambal niya. Saksi kami nung mga panahong mga bata palang kami. Sa pag aalaga niya palang, makikita mo na kung gano ka importane sakanya ang kakambal niya.
Pero nagbago bigla ang pag ikot ng mundo nila nung nag desisyon si Elfred na maging assassin ng Virgo Mafia at sumabak sa isang misyon.
“ Hindi isasali? “ Napantig ang tenga naming lahat nung magsalita si Argo. Kasabay nun ay ang pag ihip ng malakas na hangin. “ Ang kalaban ay kalaban, Artizan. Alam mo yan.“ Lumingon ng kaunti si Argo samin bago ibinalik ang tingin sa harapan niya. Nakita naman naming napakagat ng labi si Elfred dahil sa sobrang inis. Gusto niyang makiusap kay Argo, pero kilala na niya ito. Alam niyang hindi ito makikinig sakanya.
“ Tayo na.“ Agad umabante si Argo kaya inumpisahan na rin namin ang pagsunod sakanya.
[ 3rd Person’s PoV ]
Sa pinakataas na parte ng palasyo kung saan makikita ang kinalalagyan ni Virgel, Vonzo at tatlong Boss, ay may biglang dumating doon na isang bodyguard ng palasyo. Duguan ito sa ulo at may tama sa may tagiliran niya.
“ Anong ginagawa mo dito? “ Kalmadong tanong ni Maximo Yusen. Paika ika naman itong lumapit sa kinauupuan nilang tatlo
“ B-boss..tinraydor tayo ni Asher.“ Balita ng duguang bodyguard na pinagtaka ng konte ng mag asawang Yusen.
“ Pano mo nasabi? “
“ I-inatake niya kami. P-pinilit ko lang na tumakas at pumunta rito para ibalita ito Boss.“ Naghihingalo na itong tumingin sakanya “ P-patawad at wala kaming nagawa para pigilan siya.“
Kinuha ni maximo ang sumbrero niya at idinikit ito sa may dibdib at marahan na yumuko “ Maraming salamat sa balita.“ Kinuha nito ang baril ni Vonzo at binaril ang bodyguard na naghihingalo “ Magpahinga kana.“
“ May pagka brutal ka din pala Mr. Yusen.“ Biro pa ni Theo habang natatawa.
“ Ayoko lang makita siyang nahihirapan sa kalagayan niya.“ Ibinalik ni Maximo ang sumbrero niya kasabay ng pagsuli niya sa baril ni Vonzo.
“ May alam ka ba dito, Vonzo? “
“ Wala po. Nagulat rin ako sa balitang iyon. Hindi ko akalain na may myembro kaming traydor.“ Yumuko ito bilang paghingi ng paumanhin. “ Patawad King.“ Pagkasabi niya nun ay agad niyang kinasa ang baril niya “ Hayaan niyong ako na mismo ang magligpit sa hayop na yun.“ Aabante na sana ito ng pigilan ito ni Maximo at pinapabalik sa pwesto niya.
“ Hayaan mo na siya. Ang ibang myembro na natin ang bahala sakanya.“
“ Pero malakas ang isang ’yon.“
“ Meron pang mas malakas na kalaban ang haharapin mo.“ Pagtutukoy ni Yusen kay Argo.
“ Icheck mo nga yang bata kung buhay pa ba yan.“ Biglang utos ni Allyria.
Tinignan naman ni Vonzo ang batang nakagapos. Nakayuko ito pero pansin niyang humihinga pa naman ito. “ Buhay pa ito, Queen.“
“ Pakiusap..“ Biglang nagsalita ang batang boss kaya bigla ring natahimik ang paligid “ Pakiusap..w-wag niyong idamay ang pamilya ko..wala silang kasalanan.“
Tumawa naman ng mapang asar si Theo “ Sila mismo ang pumunta dito bata. Kaya ngayon, damay na pati sila.“ Humalakhak pa ito pagkatapos.
“ Pakiusap..nakikiusap ako..“ Tuloy lang sa pagsasalita si Virgel. Agad namang nagtaka si Vonzo nung tignan niya ang mukha nito. Yung boses nito ay nagmamakaawa, pero ang pinagtaka niya ay ba’t nakangisi ang mga labi nito. Nakayuko si Virgel pero kitang kita ni Vonzo ang isang demonyong ngiti nito.
“ Pakiusap…nagmamakaawa..ako..naki..naki..HA! HAHA! HAHAHAHAHA! “ Nagulat ang lahat nung bigla itong tumawa ng pagkalakas lakas. Sa sobrang gulat nung tatlo ay napatayo sila pareho sa mga upuan nila pagkatapos ay tinignan nila si ang batang nakagapos.
Hindi nila alam kung matatakot ba sila. Pero yung mga mata at ngisi nito ay nakakakilabot. Tila ibang Virgel ang kaharap nila ngayon.
“ Ba’t ganyan kayo makatitig? Hm? “ para na itong nababaliw magsalita. Sinubukan ni Virgel na tanggalin yung pagkakagapos niya pero matibay ang kadenang nakatali. Nagpupumiglas bigla ang bata kaya taranta namang kumuha si Theo ng baril at itinutok ito sakanya.
“ Wag Theo! Baka masira ang plano.“ Pigil ni Maximo.
“ Baka m-makawala yan.“ Kinakabahang sabi nito.
“ Wag kang mag alala. Matibay ang kadena na nakatali sakanya. Hindi nyan makakagawang umalis jan.“
“ PAG NAKAWALA AKO DITO! UUBUSIN KO KAYONG LAHAT! HAHAHAHAHAHA! “
Nilingon naman ni Yusen si Vonzo at tinanguan. Nakuha naman ni Vonzo ang gusto nitong sabihin kaya kinuha nito baril niya at hinampas sa ulo ni Virgel. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ay mabilis na nawalan ng malay ang bata.
[ Dorothy’s PoV ]
“ Nyeee~ Ang tagal naman nilaaa “ Hindi na makapaghintay tong kasama ko sa silid na ’to. Halatang bored na. Pinagpatuloy nalang niya ang paglalaro nung dalawang robot niya. “ Weee~ psh psh psh! Yah yah yah! “ Sinasangga sangga pa niya ang dalawang robot. Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung marunong nga ba talagang lumaban ’tong batang ’to.
Kaming dalawa ni Gavin Liurent ang naatasan dito sa pangatlong palapag ng palasyo. Kailangan munang dumaan ng mga Virgong ’yun sa kamay namin bago sila makapunta sa susunod na silid.
“ Sana makita ko na ulit si kuyang may sword.“ Biglang sabi ni Gavin habang naglalaro pa rin kaya tinignan ko siya.
“ Sinong kuya ang tinutukoy mo? “ Kuya..Tss, sakit sa tenga pakinggan.
“ Yung kuya nga na may sword. Napakagaling niyang gumamit ng sword. Gusto ko siyang makalaban hihihi “ Sa gitna ng paglalaro niya, habang tinitignan ko siya ay napansin ko ang lihim na pag ngisi niya nung binanggit niya yung huling sinabi niya.
Ang batang ’to..
Bigla akong nakaramdam ng mga yabag papalapit sa silid na’to kaya parehas kaming napatingin ni Gavin sa pintuan.
“ Maghanda kana.“
“ Okiii “ Tinago na niya ang dalawang laruan niya sa magkabilang bulsa niya.
Maya maya lang rin ay marahas na bumukas ang pintuan ng silid.
Tumambad samin ang limang nilalang. Nasa unahan nila ay isang bata, mga kaedad lang nung Boss ng Virgo. Kung di ako nagkakamali ay Kael ang pangalan niya at sumapi ito sa Virgo Mafia.
Nangunot naman ang noo ko nung madapo ang tingin ko dun sa isang babae. Ba’t may kasama silang taga Fuego? Pansin kong nakatingin rin siya sakin at mukhang mejo gulat din ang expresyon niya.
[ Helena’s PoV ]
Pagkapasok na pagpasok namin sa silid na yun, as expected, may nakaharang na namang dalawang kalaban. At isa pa dun ay sobrang bata. Pero mas nadapo ang tingin ko dun sa babaeng kasama niya. Nakatingin rin siya sakin.
Yung mukha niya, parang may kaparehang kapareha. Di ako sigurado pero may kamukhang kamukha talaga siya na isang bodyguard na nagtatrabaho sa Fuego.
“ Kuyang Sword! Kuyang Sword! “ Biglang kumaway ang batang lalaki sa gawi namin habang sinisigaw yan. May kakilala ba siya samin? Ano daw? Kuyang sword?
Lahat ay napalingon kay Benz dahil siya lang naman ang mayhawak ng samurai samin. “ A-ako ba? “ Clueless na tanong niya habang nakaturo sa sarili niya. Pfft.
“ Hindi, baka ako yun. Wala akong hawak na spada dito eh so baka ako yung Kuyang Sword na tinatawag niya, Benz.“ Sarcastikong sagot ni Ish. Napakamot naman ng ulo si Benz habang natatawa “ Ay ganun ba. Hahahaha akala ko ako.“
Napailing nalang si Ish dahil sineryoso nga ni Benz ang sinabi niya. “ Abnormal “
“ May oras pa kayong umalis sa palasyo.“ Biglang nagsalita yung babae na nag agaw ng atensyon naming lahat. “ Kung ako sa inyo kukunin ko na ang pagkakataong ’yon.“
Narinig ko namang nag usap sina Benz at Ish.
“ Yan na ata yung sinabi ni Jack na isa sa mga pinakamalakas na myembro at nag iisang babae ng Chess Pieces. Ano nga ulit pangalan nun? “
“ Hmm teka..ahh..hmm..wait nasa dulo ng dila ko eh. Hmmm…“ Nag isip ito saglit at maya maya lang rin ay itinaas nito ang hintuturo niya “ Aha! “ Agad nitong tinignan yung babae at maangas na ngumiti. A-aw
“ Pasensya na pero lalaban kami hanggang kamatayan maligtas lang ang boss namin…Daryo.“ Agad natahimik ang buong paligid matapos niyang sabihin yung pangalan. Wth? Daryo? Anong klaseng pangalan yan?
Nangunot naman ang noo nung babae. “ Sinong Daryo? “
Nanigas naman agad ang katawan at pag ngiti ni Benz. “ H-ha? Ay. He-hehe. Hindi ba Daryo ang pangalan mo? “ Mabilis naman siyang nakatanggap ng hampas sa batok ni Ish “ Quing enamo kang palpak ka! Ang angas mo pa magsalita hayop ka!“
“ Aray naman Ish
pout
Tao lang ako. Nagkakami rin
super pout
“
“ Sinong maysabing tao ka? Ambisyosong hayop “
Napailing nalang ako. Lage nalang talaga silang ganyan.
“ May oras rin kayong sumuko, Dorothy.“ Natahimik lang yung dalawa nung magsalita si Kael. “ Kung ako sa inyo, mas pipiliin ko ang umatras nalang.“ Patuloy niya.
“ Nuuu! “ Singit nung bata “ Gusto kong lumaban! Gusto kong kalabanin si Kuyang Sword! Hehehe “
“ Gusto ka daw niyang makalaban, Ish.“ Benz
“ Gagu ikaw ang tinutukoy niya.“
“ Sabi mo kanina ikaw si Kuyang Sword? Ang labo mo talaga kahit kailan, Ish. Booo~ “
“ Abnormal “
Umabante naman si Benz at nilabas ang isang samurai niya at itinuro ito sa bata “ Pagbibigyan kita sa gusto mo bata. Pero tandaan mo na hindi ako maaawa sa mga batang katulad mo.“ Maangas ng sabi niya habang nakangisi. A-aw. Tsk, ang hirap talagang alisin ng tingin ko sakanya pag nagiging seryoso ang mukha niya.
A-aw. Ano ba ’tong pinagsasabi ko.
Lumingon naman si Benz samin. “ Mauna na kayo. Yakang yaka ko na ’tong dalawa.“
“ Sasamahan na kita.“ Biglang umabante si Elsa. “ Mas mabuti na yung dalawa laban sa dalawa.“
Napansin ko namang tinapik ni Ish ang balikat ni Benz
[ Ish’s PoV ]
Agad namang napalingon si Benz nung tinapik ko siya. “ Hindi ka pwedeng magpaiwan.“
“ Ayieeee. Nag aalala ka ba sakin fafa–aray! Nakakadalawa kana ha
pout
“
“ Nakalimutan mo na bang tatlo ang binanggit ni Jack na pinakamalalakas na myembro ng Chess Pieces ngayon? “ Agad naman siyang natigilan sa sinabi ko.
“ Tayo ang haharap sa kambal na yun, Benz “ Seryosong saad ko.
“ P-pero..sino ang–“
“ Ako na.“ Napalingon naman kaming dalawa kay Helena nung magpresenta ito. “ Umalis na kayong tatlo. Kaya na namin ’to.“ Umabante siya at tumabi kay Elsa.
“ Pero bae..“ Bakas sa mukha ni Benz ang pag aalala. “ Baka mapahamak ka.“
“ Nandito ako para tumulong. Kaya sige na. Baka mahuli pa kayo. Mas kailangan kayo ng Boss niyo ngayon.“
Agad namang lumapit si Benz sakanya at tsaka hinawakan ang buhok nito pagkatapos ay seryoso itong tumingin sa mga mata niya. “ Mag iingat ka ha. Pakakasalan pa kita. “
Pansin ko namang namula ang mukha ni Helena. Amp. Hokage ang litse
“ A-ah eh..oo mag iingat ako. A-at tsaka kayo ang mag ingat. Mas delikadong tao ang mga makakaharap niyo paglabas niyo dito.“ Tama siya.
“ Akala niyo naman makakatakas kayo sa silid na ’to? Dadaan muna kayo kamay namin. “ -Dorothy
“ Tama! Hehehe “ -Gavin
“ Benz, Ish.“ Agad na kaming naghanda ni Benz nung tinawag kami ni Kael.
“ Mag iingat kayo, Helena, Elsa.“ Huling paalala ko.
“ Ingat ka din Elsa Queen~ Kaya niyo yan.“ -Benz
Ngumiti naman ang dalawa at tumango.
“ Tara.“ Agad sumugod si Kael papunta sa mga kalaban kaya mabilis rin kaming sumunod ni Benz. Nakita naman naming naghanda yung dalawa. Akala ata nila aatake kami.
Habang palapit kami ay naglabas ng dalawang parisukat na mga bomba si Kael at hinagis sa unahan namin. Mabilis namang kumalat yung usok pagkahagis nun. Pero bago pa man ito kumalat ay tinandaan na namin ang daan papunta sa pintuan palabas sa silid na’to.
Kaya nung tuluyan itong napaligiran ng usok, nagawa parin namin makalabas at makatakas sa kanila.
Pagkalabas namin, halos malugmok naman si Benz sa kinatatayuan niya nung Isang hagdanan na naman tumambad samin
“ Hagdanan na naman? :( “ Benz.
“ Bilisan natin, baka wala na tayong abutan “ Kael
“ Pa piggyback ako Ish.“
“ Quing Enamo.“
Pout - Benz
Nag umpisa ng tumakbo si Kael kaya tinignan ko ulit yung pintuang nilabasan namin.
May tiwala kami sainyo.
Pagkatapos ay agad na akong sumunod sakanila.
“ May
alam
ako
tungkol
sa
apat
na
pinakamalalakas
na
myembro
ng Chess Pieces ng
Elfame
.
Ang
dalawa
sa
apat
na
’
yun
ay
ang
dalawang
pawns
na
sina
Dorothy at Aero .
Pero
sumapi
na
si
Aero
sa
Martin Family gaya ng
sabi
ko
sa
inyo
noon. At
ang
dalawang
natitira
naman
ay
ang
kambal
na
sina
Target at Bullet.
Sa
buong
Chess Pieces,
bukod
sa
King at Queen,
sila
ang
pinaka
mautak
at
pinakamalakas
sa
lahat
. Mag
iingat
kayo
sa
kanila
,
lalo
na
ang
dalawang
kambal
na
’
yun
.
Meron
silang
kakayahan
na
hindi
nagagawa
ng
isang
ordinaryong
tao .“
Walang duda. Silang dalawa na ang susunod na makakaharap namin.
Matinding labanan ang haharapin namin nito.
Wala naman akong dapat na ipag alala dahil andito naman ’tong gago na’to. Hindi ko pinayagang magpaiwan si Benz dun kanina dahil siya lang ang alam kung bihasa na sa mga matitinding laban tulad ng haharapin namin ngayon. Wala man sa ugali niya pero halimaw itong si Benz. Gaya nga ng sabi ko kanina, Hindi siya tao. Isa siyang halimaw na nabubuhay sa katawan ng isang abnormal.
Pfft. Anak ng. Natawa ako bigla sa naisip ko.
“ Anong nakakatawa Ish? “ -Benz
“ Tahimik! “
“ Luh. Abnormal :c “
“ Anong sabi mo?! “
“ Wala “
Pout
[ Virgel’s PoV ]
Sakripisyo..
Hindi ko alam kung bakit sumagi sa utak ang salitang yan. Dapat ba talaga nilang isakripisyo ang mga buhay nila maligtas lang ako? Isa lang naman akong bata, isang bata na walang ibang nagawa sa buhay kundi puro kapahamakan lang.
Dahil sakin kaya nakikipaglaban sila ngayon..
Dahil sakin kaya nakikipagpatentero sila sa kamatayan ngayon..
Dahil sakin kaya naging miserable ang buhay nilang lahat.
Dahil sakin…
.. dahil sakin kaya nawalan sila ng isang napakahalagang myembro.
Di ko mapigilan ang emosyon ko nung bumalik sa alala ko yung isa sa napakapait na pangyayari sa buhay ko. Sobrang linaw ng mga imaheng nakikita ko.
Ang dahan dahan paglingon niya sakin, ang pag ngiti niya ng sobrang lungkot..at ang napakasakit na pagkamatay niya…
Hugo..
Sa di inaasahan ay bigla ring bumalik sa alaala ko nung sinakal ako ng halimaw na yun, at sinabihan ako kung gano ako kahina. Nung nakipaglaban ako sakanya at ilang ulit akong pinabagsak ng walang kalaban laban.
Sakripisyo..
Anong koneksyon ng salitang yan sa pagsagi ni Argo sa utak ko?
Naaalala ko bigla ang mukha niya nung gabi kung pano niya tinapos ang buhay ni Hugo.
Sa sobrang galit na naramdaman ko ay bigla akong napadilat at mabilis na napabangon.
Tinignan ko ang paligid ko, tsaka ko lang napagtanto na nakaupo ako sa tubig ngayon. Hindi ko alam kung nasan ako. Kumuha ako ng kaonting tubig gamit ang kamay ko at tinignan ito.
Nagtaka ako sa kulay nito. Kulay itim na tubig. Anong klaseng tubig ito?
“ Ganyan kaitim ang budhi mo, Virgel.“ Mabilis akong napaangat ng tingin nung may magsalita. Ang boses na yun.
Sa isang madilim na parte ay napansin ko ang paglalakad niya papunta sa direksyon ko. Habang palapit siya ng palapit ay unti unti ring nakikita ang mukha niya.
Hanggang sa bumungad na nga sa harapan ko ang nilalang na’to.
“ Ikaw ang may maitim na budhi dito! “ Mabilis akong tumayo at hinarap siya.
Bigla naman itong natawa. Ang sakit talaga sa tenga ang tawa ng demonyong ’to.
“ Kaya nga. Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Maitim ang budhi ko, kaya ibig sabihin, maitim rin ang budhi mo.“
“ Sa katunayan ako pa nga yung mas mabait dito.“ Patuloy niya. “ Ilang beses na kitang tinulungan sa oras na nanganganib ang buhay mo. Palagi akong sumusulpot pag dehadong dehado kana. Ganun ako kabait. Habang ikaw! Puro pahamak ang dinadala mo! HAHAHAHA! “
Wala akong nagawa kundi ang titigan nalang siya. Tama naman kasi lahat ng sinabi niya. Ang daming nanganganib na buhay dahil sakin.
“ Nung huling beses na magkita tayo hindi mo pa ako magawang titigan ng ganyan. Umaasenso kana, Virgel Hahahaha.“
“ Ano bang kailangan mo at nakipagkita kana naman? “ Diretsang tanong ko. Alam kong may dahilan ang lahat ng ’to. Sobrang tagal na nung huling magkita kami ng ikalawang katauhan ko. Tapos bigla bigla itong magpapakita ngayon.
Pinagpatuloy naman niya ang paglalakad habang nagsasalita. “ Hmm..bakit nga ba? Ah alam ko na! Naaalala mo pa ba yung huling sinabi ko sayo noon? “
“ Magiging isa rin tayo balang araw, Virgel. “ Nung makalapit siya ng tuluyan sakin ay agad niya akong binigyan ng nakakakilabot na ngiti “ At ito na ang tamang oras para sa bagay na ’yun.“
“ Pero! di yun magiging madali.“
“ Asa ka namang papayag ako. Hinding hindi kita hahayaang kontrolin ang sarili kong katawan! “
Tumawa ito “ Talaga? Alam mo ba ang kasalukuyang sitwasyon mo ngayon? “ At dun, bigla akong natigilan sa sinabi niya. Ngumiti ito na parang pinapaalam niya na siya ang panalo sa pagtatalo namin ngayon.
“ Wag na tayong maglokohan dito, Virgel. Aminin mo man o hindi..“ Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at tsaka bumulong
“ Kailangan mo ako ngayon.“
-To be continued..
-MajorSin
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
[ 3rd Person’s
PoV ]
Matapos mawala ang usok na nanggagaling sa bomba ni Kael kanina ay muling nagkita kita ang apat.
“ Waaa~ nakatakas silaaa! “ Di makapaniwalang usal ni Gavin. “ Nawala si Kuyang Sword! :< “
“ Ganun ba kaduwag ang mga lalaking ’yun para iwan kayong mga babae dito sa silid? “ Sabi ni Dorothy habang nag aayos ng gagamitin niyang sandata “ Masyado ata silang nagtiwala sainyo.“
Sa kabilang banda naman ay nag usap na din yung dalawa “ Akin yung Dorothy, Elsa.“
“ Sige.“
“ Hindi yun, masyado lang talaga nila kayong minaliit kasi pinagkatiwala nila samin ang laban na ’to. “ Ganti naman ni Elsa kay Dorothy. Ngumiti naman ito ng tipid “ Talaga lang ha. “
“ Mag iingat ka sa batang yan. Baka may kakaibang kakayahan yan kaya kasali siya sa grupong ito.“ Helena.
“ Mag iingat ka rin sa babaeng yan. Minsan ng naikwento nila Ish ang apat sa pinakamalakas na myembro ng Elfame, at kasali siya dun.“
“ Sige.“ Tumango ang dalawa sa isa’t isa pagkatapos ay sila na ang unang sumugod sa kalaban
**
Habang nakaupo sila ay napansin ni Maximo ang katabi niya na pawisan ang noo at parang kanina pa ito hindi mapakali. Agad naman niya itong tinanong.
“ Ayos ka lang theo? “
“ H-ha? Oo. Medyo nagulat lang ako sa pagwawala nung bata kanina ha-haha.“ Palusot nito pagkatapos ay marahan nitong tinago ang nanginginig nyang kamay.
Isang bangungot ang biglang naalala ni Theo nung makita nya ang mga mata ni Virgel kanina habang nagwawala.
Ang mga matang ’yun..
Biglang bumalik sa alaala niya ang panahong muntik ng ikamatay niya. Sobrang linaw pa sa utak niya ang pangyayaring ’yon. Siya ay nakaupo sa sahig na walang kalaban laban, kaharap ang limang alaga ni Vlademir na nakamaskara. At yung nasa gitna, hindi niya malilimutan ang mga matang ’yun. Katulad na katulad nung nakita niya kanina. Kaya naman mabilis siyang napabunot ng baril kanina dahil sa sobrang takot.
Magkapatid nga sila..
**
Habang tumatakbo papalapit sina Elsa at Helena sa kalaban ay lumingon muna ulit sila sa isa’t isa tsaka nagtitigan. Pagkatapos ay tinignan nila pareho ang makakalaban nila. Nagets naman agad nung dalawang kalaban ang gustong mangyari nung dalawa kaya nung pumunta sa kanan si Helena ay dun rin sa direksyon tumakbo si Dorothy para salubungin ito. Ganun rin sina Elsa at Gavin sa kaliwa.
Habang tumatakbo si Helena ay bumunot siya ng tatlong kutsilyo sa may lalagyan sa may likuran niya pagkatapos ay itinira ito sa kalaban niya na ngayon ay kasalukuyang tumatakbo rin palapit sakanya.
Iniwasan ni Dorothy ang dalawang kutsilyo papunta sakanya habang yung isa naman ay sinangga niya gamit ang sandata niya. Ang sandata niya ay dalawang mahahabang patalim na nakakabit sa ibabaw ng dalawang kamay niya. Isa siyang close range fighter.
Agad namang kinontrol ni Helena yung dalawang kutsilyo na inilagan ni Dorothy gamit ang manipis ngunit matibay na sinulid na nakakabait dito para bumalik ito sa direksyon nito at tamaan ang likod ng kalaban. Pero mabilis pa din iyung naiwasan ni Dorothy sa papamagitan ng pagyuko niya.
Alam na niya ang kakayahan ni Helena. Ang ginagamit nito sa pakikipaglaban ay mga kutsilyong may lason na may nakataling mga maninipis na sinulid na nakakonekta sa kamay niya.
Pero nagulat nalang siya dahil kasabay ng pagyuko niya ay ang mabilis na paglapit ni Helena sa harapan niya na may hawak ng kutsilyo.
“ Aahhh! “ Mabilis na inatake ni Helena ang kalaban habang nakayuko pa ito. Pero bago pa man tumama ang kutsilyo sa ulo ni Dorothy ay nakaiwas na agad ito pakanan–at kasabay nito ay ang pagharap niya kay Helena at nag counter attack na para bang iuuppercut niya ito since nasa ibaba galing ang atake niya.
Nagulat naman si Helena sa counter na yun kaya medyo nahuli siya sa pag ilag . “ Sht! “ Nadaplisan ng konti ang pisngi niya kaya mabilis siyang umatras.
Nung makaayos ng tayo si Dorothy ay muli itong magsalita “ Alam kong may lason yang mga kutsilyo mo. Kaya asahan mo ng hindi makakatama sakin yan, kahit isang daplis man lang.“
Di na pinakinggan ni Helena yun at kumuha na naman ulit siya ng dalawang kutsilyo. Hinawakan niya yung tali na nakakabit dun gamit ang magkabilang kamay niya. Pagkatapos ay pinaikot niya ito ng sobrang bilis.
“ Subukan mo ’tong iwasan “ Sumugod si Helena habang mabilis pa rin na pinapaikot yung dalawang kutsilyo nito.
Nang tuluyan na itong makalapit ay inatake niya ang kalaban gamit ang pagwasiwas ng dalawang kutsilyo na kinokontrol niya. Isang delikadong atake ang ginagawa niya ngayon dahil sa oras na magkamali siya at mawala sa focus, pwede siya mismo ang matamaan nito.
Todo iwas naman si Dorothy sa atakeng ginagawa ni Helena. Di niya pwedeng sanggain yung ganung klase ng atake.
Habang patuloy sa pag iwas si Dorothy ay ganun rin siya sa pag atras niya. Pero sa di inaasahan ay may napatid siya na isang pot. Dahil dun kaya medyo nawalan siya ng balanse at focus sa pag ilag. Dahil sa nangyari kaya pilit nalang na sinangga ni Dorothy yung atake ni Helena. Pinorma niya ng X yung dalawang sandata niya bilang depensa niya.
Pero gaya ng inaasahan niya, pumulupot lang yung mga sinulid dun sa sandata niya. Dahil sa sobrang bilis ng pagpapaikot nito ay mabilis rin na tumali ang sinulid sa sandata niya.
Nawalan ng depensa si Dorothy dun kaya nagkaron ng pagkakataon na umatake si Helena. Mabilis siyang bumwelo at sinipa niya ito sa mukha dahilan para tumilapon ang kalaban.
Hinihingal ng konti si Helena habang tinitignan ang kinabagsakan ni Dorothy. Tumayo si Dorothy na naka X pa padin ang sandata niya. Napangiti si Helena–pero agad ding nawala dahil pinutol din ni Dorothy yung sinulid gamit ang pwersa niya.
Agad kinabahan si Helena dahil nag iba bigla ang awra ng kalaban niya. Halatang seryoso na ito sa laban nila
Eksaktong bubunot pa lang sana siya ng kutsilyo ng bigla itong umatake at sumugod sakanya. Sa sobrang bilis ni Dorothy at sa pag lipat-lipat nito ng lugar sa pagtakbo ay tila parang nawawala ito. Di masabayan ng mga mata ni Helena ang bilis ng kalaban niya.
Nung mapansin niyang luwitaw sa may kanan ang kalaban niya ay dun siya napalingon. Pero nanlaki ang mga mata niya nung bigla itong mawala.
“ Dito “ Mabilis siyang napalingon sa kaliwa niya kung saan nanggagaling ang boses. Pero paglingon niya dun ay nakabwelo na ang kalaban niya at sobrang lapit na nito sakanya. Imposible maiwasan pa niya ito
Kaya ang tangi nalang niyang ginawa ay sanggain ito gamit ang mga kamay niya. Mahuhuli na kasi siya kung kukuha pa siya ng kutsilyo para ipangsangga niya.
“ Argh! “ Napasigaw si Helena nung masugatan at magkahiwa ang dalawang kamay niya dahil sa pagsangga niya sa patalim ni Dorothy. Agad tumulo ang dugo sa dalawang kamay niya. Medyo namanhid din ito. Tinignan niya si Dorothy sa harap niya. Dahan dahan itong naglakad palapit sakanya at nagulat nalang siya nung bigla itong nawala at naramdaman nalang niya ang tama ng siya sa likuran niya.
Dahil sa sobrang sakit ng tinamo niya ay napaluhod si Helena….Pero di siya agad sumuko, mabilis siyang kumuha ng isa pang kutsilyo pagkatapos ay hinarap niya si Dorothy para saksakin ito–kaso ang bagal na ng mga galaw niya, mabilis lang na inagaw ni Dorothy yung kutsilyo na hawak niya pagkatapos ay tinira ito sa braso niya tsaka bumaon. “ Aaahh!! “
Napasigaw si Helena ng sobrang lakas nung bumaon ang halos kalahati ng kutsilyo sa braso niya.
Napahiga siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ang daming sugat na ang tinamo niya.
Dahan dahan namang lumapit sakanya ang kalaban “ Ang lungkot ng magiging katapusan mo. Sarili mong lason mismo ang unti unting papatay sayo.“ Walang emosyong usal ni Dorothy pagkatapos ay naglakad na ito palayo.
Tapos na ang laban, at siya ang nanalo…
Pero habang naglalakad siya palayo ay bigla siyang nakaramdam na may gumalaw, at tsaka lang niya napagtantong may papalapit na bagay sakanya.
Mabilis siyang humarap sa likuran niya at kamuntik na siyang tamaan ng kutsilyo sa mukha niya. Mabuti at nasalo niya ito gamit ang kamay niya.
Muntik na ako. Ba’t nagagawa niya pa ring tumayo?
Nakita naman ni Dorothy ang pagtapon ni Helena sa isang parang injection na wala ng laman.
Isang antidote?
Bago pa man bumalik sa wisyo si Dorothy dahil sa medyong pagkagulat ay mabilis na hinila ni Helena ang kutsilyo niya gamit ang sinulid na nakakabit dito–at dahil hawak hawak ito ni Dorothy, mabilis itong nasugatan dahil sa paghila ni Helena sa sinulid.
Agad napangiti si Helena nung makita niya ang dugong dumadaloy sa palad ni Dorothy.
“ Hindi sa tinatakot kita pero katumbas yung lason ng mga kutsilyo ko sa lason ng isang ahas. Alam mo ba yun? “ Nakangiting tanong ni Helena. “ Pahihintuin nito ang blood circulation mo sa katawan dahil titigas ang dugo mo ng paonti onti, at magdudulot ito ng pagtigil sa pagpitik ng puso at mga pulso mo “
Nakaramdam ng kaonting kaba si Dorothy dahil sa mga narinig niya. Tinignan niya ang palad niya na nagkasugat. Nag umpisa na itong mangingig.
“ Antidote..“ Bulong nito at agad na tumingin kay Helena “ Bigyan mo ako ng antidote.“
“ Pasensya na pero huli na yung ginamit ko.“ Nakangiting sagot ni Helena, napayuko naman si Dorothy.
“ Ganun ba..“ Ulit niyang tinignan ang kamay niyang nasugatan pagkatapos ay ikinuyom niya ito at tinignan si Helena “ Kung ganun, tatapusin na muna kita bago ito tuluyang kumalat sa katawan ko.“ Agad naman itong sumugod kay Helena pagkasabi niya nun.
Sa kabilang banda naman ay inis na inis na si Elsa sa kakaatake gamit ang mga suntok at sipa niya dahil iniilagan lang yun lahat ng kalaban niyang bata. Tila hindi ito seryoso sakanya dahil sa inaasta nito “ Woah~ oops! Oops! Hahaha ang bagal mo naman ate “ Tila nang aasar pa ito habang umiilag. Sino bang hinde mapipikon niyan?
“ Asar! “
Sa huling ilag na ginawa ni Gavin ay bigla itong tumalon ng napakataas, kaya agad napatingala si Elsa.
“ Weee~ ngayon ako naman ate. Anjan na akoo “ papunta na ito sa direksyon ni Elsa habang nauuna ang paa nito. Inisip ni Elsa na isa lamang normal na sipa ang matatanggap niya mula sa bata kaya sinangga niya ito gamit ang dalawang kamay niya na naka porma ng X.
“ Yaaah~ “ Pero nagulat nalang si Elsa dahil sa sobrang lakas ng sipa ni Gavin ay bumukas ang depensa niya at malakas siyang tinamaan sa mukha dahilan para bumagsak siya. Di agad siya nakabangon dahil sa lakas ng atake na yun.
Paano nagkaron ng ganong kalakas na atake ang batang ’yun?
Nakahiga pa rin si Elsa kaya lumapit si Gavin doon sa may paanan niya.
“ Haaay~ si Kuyang sword talaga ang gusto kung makalaban. Pakiramdam ko kasi napakalakas niyang nilalang. Mas malakas pa ata siya kila kuya Asher at kuya Vonzo :< “ Habang sinasabi niya yan ay kinuha niya yung isang laruan niya sa bulsa at tsaka ito pinaglaruan. Tila parang airplane ito na pinapalipad niya gamit ang kamay niya “ Nung una ko pa lang siyang makitang makipaglaban dati, naramdaman ko na yun. Isang napaka–“ Bigla nalang napatigil si Gavin sa pagsasalita nung makita niyang mabilis na humiwalay yung katawan ng robot na hawak hawak niya dahil may humiwa dito. Tsaka lang niya napansin ang suot na sapatos ni Elsa. May blade na nakakabit sa gilid nito.
Dahil sa pagkabigla ay di na naiwasan ni Gavin ang kasunod na sipa ni Elsa. Tumilapon ang bata dahil sa lakas ng pwersa ng sipa na yun.
Hindi ordinaryong sapatos ang suot ni Elsa . Kaya nitong maglabas ng blade sa gilid nito. At gumagamit rin ito ng electricity at magnetic force na mismong nagpapalakas ng bawat sipa na binibitawan ng may suot nito.
Tumayo si Elsa sa pagkakahiga habang inaalalayan niya ang kamay niyang ginamit kanina sa pagsangga.
Habang si Gavin naman ay nakahiga habang nakatingin parin sa hawak niyang laruan na wala ng katawan. Hindi pa rin ito makapaniwala na sira na ang paborito niyang laruan.
Dahan dahan itong bumangon at tila wala na ito sa katinuan. “ Ang sama mo ate..“
“ Ang sama mo..sinira mo ang laruan ko. Sinira mo siya..magbabayad ka..“ Agad itong tumingin kay Elsa ng sobrang talim “ MAGBABAYAD KA!! “ Mabilis na sumugod ang bata sakanya kaya agad naghanda si Elsa para sa mga atake.
Nung makalapit ng tuluyan si Gavin kay Elsa ay tumalon ito ng kaonti para diretsang targetin ang mukha ni Elsa. Nung bumwelo siya ay nawalan naman siya ng depensa sa may kanan niya at nagulat nalang siya nung may paparating rin na sipa mula dun papunta sakanya.
Tumama yung sipa ni Gavin sa mukha ni Elsa at ganun rin ang sipa ni Elsa sa mukha ni Gavin kaya parehas na tumilapon ang dalawa.
Walang sinayang na oras si Gavin at mabilis na naman itong tumayo at sumugod. Di rin nagpatalo si Elsa at ganun din ginawa niya.
Walang suntok na ginagamit yung dalawa habang naglalaban. Puro sipa at pag iwas lang ng mga atake ang ginagawa nila.
Sa gitna ng paglalaban nila, sinwerte si Gavin dahil nakatama ito sa tigiliran ni Elsa. Napadaing siya sa sakit at napahawak sa may tiyan niya. Nawalan ng depensa ang mukha ni Elsa kaya agad yung pinunterya ni Gavin.
Tumilapon na naman si Elsa dahil sa lakas ng sipa ng bata.
Nanghihina ng tumayo si Elsa. Paubos na ang lakas nito. Medyo namimilipit na rin siya sa sobrang sakit ng mga tama niya.
Agad nalang niyang nilabas ang huling alas niya. Kinuha niya ang isang maliit na bote na naglalaman ng lason. Galing ito kay Helena. Binigay ito sakanya bago pa man nawala yung usok kanina.
Binuksan niya ito at binuhos sa blade ng kanang sapatos niya. Mejo umuusok pa ito. Pinapakita lang kung gano kadelikado ang lason na yun.
Kinuha ni Elsa ang blade ng magkabilang sapatos niya. Pagkatapos ay may pinindot siya na isang button sa kanang sapatos niya.
Huling atake na niya ’to, at sa oras na pumalpak siya, siguradong katapusan na niya.
Nakita niyang sumugod na naman ang bata palapit sakanya. Kaya naman hinagis niya sa ere yung isang blade na walang lason at nung pabagsak na ito ay sinipa niya ito ng napakalakas papunta sa direksyon ng kalaban.
Sa sobrang bilis at lakas ng pagkakasipa ay di nakapaghanda si Gavin. Pero gayunpaman, nailagan niya parin ito sa pamamagitan ng pag ikot ng sobrang bilis habang tumatakbo. Sobrang liksi ng mga kilos niya.
Napangisi si Gavin dahil nagawa niya yung iwasan, pero laking gulat nalang niya nung sa muling pagharap niya, tumambad na sakanya si Elsa na nakabwelo na ang kamay nito na may hawak na blade.
Mabilis na inatake ni Elsa si Gavin, at dahil malabo na niya itong iwasan, sinangga nalang niya ito gamit ang braso niya. Mabilis itong nasugatan.
Ngumiti naman si Gavin dahil daplis lang ang natamo niya. Pero nawala din yun nung makita niyang nakangisi rin si Elsa sakanya.
- tit tit tit tit tit tit*
Napatingin si Gavin sa kanang sapatos ni Elsa nung biglang tumunog at umilaw ito.
“ 100% na.“ Agad bumwelo si Elsa. “ Subukan mong sanggain ’to, bata.“ Nanlaki ang mga mata ni Gavin dahil mukhang alam na niya ang kahahantungan niya.
Pawis na pawis ng umaatake si Dorothy kay Helena. Sobrang bagal na rin ng mga kilos nito. Unti unti ng kumakalat ang lason sa katawan niya. Ang totoo nyan ay kanina pa dapat bumagsak ang babaeng to dahil mabilis kumalat ang lason. Pero nakakamangha dahil nakukuha pa din nitong tumayo at makipaglaban.
Si Helena naman ay medyo madami na rin ang natamo niyang sugat dahil sa mga atake ni Dorothy kanina.
“ Sumuko ka na. Hindi mo na kaya.“ Tila nakaramdam ng awa si Helena dahil sa nakikita niya. Pinipilit pa rin ng kalaban niya ang lumaban. Winawasiwas niya pa rin ang sandata niya kahit alam niyang di na siya makakatama pa.
Napansin ni Helena si Gavin na tumilapon ng napakalakas at papunta ito sa direksyon ni Dorothy.
Pero bago pa siya makapagsalita para sana balaan si Dorothy ay tumama na nga si Gavin sakanya at pareho silang tumilapon at tumama sa pader.
Nakita naman niyang lumapit si Elsa sakanya. “ Natamaan ko na ng lason ang batang ’yun. Hindi na yun makakaligtas.“
Kahit sobrang sakit ng katawan ni Dorothy ay pilit itong bumangon. Napansin niya si Gavin na nasa gilid niya at wala ng malay.
Napamura siya sa kanyang isipan.
Tsk talo kami
Unti unti na niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib niya at hirap sa paghinga. Mukhang hindi na siya magtatagal.
Gulat naman siyang napatingin sa harapan niya nung may gumulong na injection papunta sakanya. Andun sa harapan niya sina Elsa at Helena, nakatayo.
“ May isa pa palang natira.“ Sabi ni Helena. Mabilis naman yung kinuha ni Dorothy at isasaksak na niya sana ito sa braso niya nung magsalita ulit si Helena “ May lason rin ang batang kasama mo.“ Napatigil si Dorothy at tinignan si Gavin na walang malay.
“ May isa sa inyo ang maliligtas. May isa ang hindi. Pumili ka kung sino ang ililigtas mo, Dorothy. Ang bata o ang sarili mo.“
Napatinging muli si Dorothy sa injection at sa bata. Di niya naman kaanu ano yung bata, so ba’t niya tutulungan?
Inilapit na ng tuluyan ni Dorothy ang injection sa braso niya at handang handa na niya itong itusok.
Nanginginig ang mga kamay niya.
May
rason
pa
ba
ako para
mabuhay
?
Sa di inaasahan, biglang sumagi sa utak niya ang tanong na yan. Bigla niyang napagtanto kung gano ka miserable ang buhay niya simula nung iniwan siya nung kakambal niya.
“ Kuya
!
Pakiusap
wag mong
gawin
’to. Wag
mo
kaming
iwan
ni
mama.“
“ Elrien
,
babalik
ako
.
Babalikan
ko kayo.
Madali
lang
’tong
misyon
namin
kaya
wag
ka
ng mag
alala
.“
Kung di lang sana siya umalis nung araw na ’yun, malamang masaya pa sana silang magkakasama ngayon–kasama ng mama nila.
Sa huli ay hirap na lumapit si Dorothy kay Gavin at tsaka itinurok ang injection sa may braso nito. Napangiti siya ng mapait.
Ang bait mo ata para isakripisyo ang buhay mo para sa taong di mo ka ano ano.
Mapait na puri nito sa sarili.
“ Hayaan niyong mabuhay ang bata.“ Sabi nalang niya sa dalawang kaharap niya.
“ Kung ganun pinili mo yung bata kesa ra sarili mo? “ Elsa
“ Marami pa siyang pwedeng marating. Hindi katulad ko..“ Lumabo na ng tuluyan ang mga mata niya at tuluyan na siyang bumagsak at nawalan ng malay.
Hindi katulad kong patapon na ang buhay..
Kung di ka lang sana sumapi sa Mafia na yan, masaya sana tayong namumuhay ngayon kasama si
mama..“
“ Wala kang kwentang anak. Wala kang kwentang kakambal. Kinamumuhian kita….Kuya Elfred..“
*Flashback
“
Huwag kang lalabas dito anak. Kahit ano ang makita mo wag na wag kang gagawa ng ingay naintindihan mo? “ Hinalikan niya ang noo ni Elrien at tsaka nginitian ang anak. “ Babalik si kuya mo dito. Babalikan ka nun. Wag kang matakot. Mahal na mahal ko kayo. “ Agad na nitong sinarado ang aparador at lalabas pa lang sana siya sa kwarto nung bigla itong bumukas. Dahil may maliit na butas ang aparador na yun ay nasaksihan ni Elrien ang sinapit ng kanyang ina. Pinagbabaril ito hanggang sa tuluyang bumagsak sa sahig.
“ Wala yung anak niyang lalaki dito. Baka hindi pa yun nakakalayo. Hanapin niyo sa labas! “
Pilit na pinigilan ni Elrien ang sigaw niya sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig niya. Tumutulo ang mga luha nito habang pigil na napahagulhol sa loob ng aparador.
“ Mama..“
*End of Flashback
Kung nandon ka lang sana para ipagtanggol si Mama.. baka buhay pa siya ngayon.
Kung hindi ka lang sana sumapi sa Mafia..wala sanang nagbabanta sa buhay natin noon.
Dahil sayo kaya ako sumali sa isang Mafia, para hanapin ka, para tapusin ang buhay mo.
Kasalanan mo to lahat.
…..
…………
………………………
Biglang nakaramdam ng isang parang kagat ng langgam si Dorothy sa gitna ng pagtulog niya.
Dahan dahan siyang napamulat, una niyang napansin ay ang nakatusok na injection sa braso niya.
“ Wag kang mag alala, ligtas kana.“ Narinig niya ang boses ni Helena kaya napaangat siya ng tingin.
“ P-pero bakit? “ Naguguluhang tanong niya. Di niya maintindihan. Paanong tinutulungan nila ang isang kalaban? Alam ba talaga nila ang ibig sabihin ng salitang kalaban?
“ Deserve mo pa ang mabuhay.“ Elsa
“ Alam niyo bang sa ginawa niyo pwede ko na ulit kayong tapusin? “ mahina itong bumangon sa pagkakahiga at tsaka napaupo at sumandal sa pader. Nakita niya namang ngumiti ang dalawa sakanya.
“ Alam naming hindi mo gagawin yun. “ Napayuko nalang si Dorothy. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil binigyan pa ulit siya ng pagkakataong mabuhay, o magagalit dahil sa wakas ay makakaalis na sana siya sa miserable niyang buhay, pero may pumigil pa dito.
Mabilis namang bumukas ang pintuan ng silid na yun kaya lahat sila ay napalingon dito. Bumungad sakanila ang limang Assassin na nakasuot ng maitim na assassin suit at maskara at si Asher na nakasuot ng Elfame suit.
“ Asher? Sino ang mga yan? “ Gulat na tanong ni Dorothy
“ Ah sila ba? Hoy sino daw kayo hahahaha “ Pagbibiro nito sa mga kasama niya. Sa limang assassin naman ay may isa ang umabante, dahan dahang tinanggal ang maskara at tinignan ang direksyon kung saan nakaupo si Dorothy.
Nanlaki ang mga mata ni Dorothy nung mapagtanto niya kung sino ito.
K-kuya..Elfred…
Mabilis itong nakalapit sakanya at agad lumuhod para magpantay sila. Tila hindi pa makapaniwala si Dorothy sa taong kaharap niya ngayon. Ilang taon na ba nung huli niya itong makita?
“ Elrien..A-ayos ka lang ba? “ Nag aalalang tanong ng kakambal niya habang kinakapa kapa ang mukha niya. “ Wala bang masakit sa katawan mo? Elrien?….Elrien ako ito. “
“ W-wala.“ Tanging nasagot niya lang. Lumingon naman si Elfred kila Helena. “ Kayo? ayos lang ba kayo? “ Tanong rin nito sa dalawa.
Nangunot naman ang noo ni Helena dahil nagtataka ito kung bakit ang isang bodyguard ng Fuego Mafia ay andito at nakasuot pa ng Assassin suit. Pero sumagot pa rin ito. “ Oo. Maayos lang ka–“ Pero napatigil siya sa pagsasalita nung tignan niya ang nasa likuran ni Elfred. Nandun si Elrien, matalim na nakatingin kay Elfred at handang handa na niyang saksakin ang kakambal niya. “ Teka Dorothy! “
“ Elfred! “ Sigaw din ni Asher nung makita niyang bumwelo na ang kakambal nito para atakihin siya.
Pero bago pa man tumama yung patalim sa likod ni Elfred ay may mabilis na sumakal kay Dorothy at hinampas ito sa pader.
Handang handa na sanang tapusin ni Argo ang buhay ni Dorothy ng may biglang pumigil sa mga kamay niya.
“ ARGO TAMA NA! “
“ Argo? “ Takhang tanong ni Helena. Nakamaskara kasi ito kaya di niya ito makilala.
“ Bitawan mo ako, Artizan.“ Malamig na utos ni Argo.
“ Ako nalang ang tapusin mo! Wag mong sasaktan si Elrien, pakiusap, nagmamakaawa ako.“ Pagmamakaawa nito sakanya. Kaya niyang isakripisyo ang sarili niyang buhay para sa kakambal niya. Para sa pinakamamahal niyang kakambal.
“ Ayoko ko na ulit mawalan ng mahal sa buhay, Argo. Kaya pakiusap.“ Umagos naman ang mga luha ni Dorothy sa sinabi ng kakambal niya. Hindi niya alam pero yung galit na nararamdaman niya sa loob ng mahabang panahon ay nawala nalang bigla at napalitan ito ng lungkot at paghahanap ng kalinga sa kakambal niya.
Binitawan ni Argo si Elrien at seryosong hinarap si Elfred. Yumuko si Elfred bilang senyales ng pagsuko ng buhay niya alang alang sa kapatid niya.
Biglang tumahimik ang buong silid. Grabeng tensyon ang bumabalot sa kanila ngayon. Lalo na sa pagitan ni Argo at Elfred.
Pero…
“ Haaay hanu bayaaan “ Nawala lahat ng ito nung inakbayan ni Asher si Argo habang natatawa. “ Magkakampi tayo ano ba. “ Sa isang iglap ay nawala ang nararamdamang kaba ng lahat dahil sa pag eksena ni Asher.
“ Siya lang talaga at si Boss ang kayang magpaamo kay Argo “ Iling iling na sabi ni Sebastian habang natatawa.
Lumakad naman si Argo papunta dun sa labasan ng silid na to kaya sumunod si Asher sakanya pagkatapos ay inakbayan ito. “ Oy tara na, sasagipin pa natin tong kapatid nito.“ Pagtuturo niya kay Argo.
Gulat na gulat naman sina Helena at Elsa sa narinig nila.
“ May kapatid si Boss?/ Kapatid niya si Virgel? “ Elsa/Helena
Agad ng sumunod si Sebastian, Felix at Trace sakanila. Habang si Elfred naman ay nagpaiwan saglit para kausapin ang kakambal niya.
Umiiyak si Dorothy, nakayuko, nahihiyang humarap sa kanyang kakambal dahil sa pagtatangka nitong patayin siya. “ Elrien..“
“ P-patawad Kuya..“ Tanging nasabi nalang niya habang naiiyak. Niyakap lang ito ni Elfred. “ Ako ang dapat humingi ng patawad sayo-sainyo. Dapat di ko na kayo iniwan nun. Patawad. Patawarin niyo ako ni mama “
Umiling lang si Elrien at niyakap rin ang kakambal niya. Namiss niya ito ng sobra. Kay tagal na rin kasi nung huli sila magkita.
Umalis sa pagkakayakap si Elfred at tsaka tinignan si Elrien. “ Kailangan ko ng sumunod sa kanila.“
“ Mag iingat ka, Kuya.“ Pinunasan ni Elfred ang mga luha nito at tsaka ngumiti “ Pangako. Maiwan ko na muna kayo.“ Tapos ay hinalikan niya ang noo nito.
Tumango si Elrien kaya tuluyan na ngang sumunod si Elfred.
[ Ish’s PoV ]
Pagkatapos naming maakyat yung napakataas na hagdan ay isang pintuan na naman ang nakaharang samin. Agad akong napatingin kay Benz “ Kailan ba yung huling matinding laban na naranasan mo, Benz? “
Napaisip naman siya. “ Kailan? hmm, nung di pa ata ako myembro ng Virgo hahahaha “
Sobrang tagal na pala. “ Handa ka na ba para sa napakalaking laban na haharapin natin ngayon? “ Tanong ko nalang. Agad naman itong tumawa ng napakalakas
“ HAHAHAHA ang seryoso mo naman Ish.“ Wengya -__- Sipain ko kaya to pabalik sa hagdanan? “ Lagi akong handa syempre. “
Habang papalapit kami sa pintuan ay narinig ko pa siyang kumakanta ng pabulong “ Handa na ba kayo~ Rated K halina’t sumayaw~ Handa na ba kayo~ “ Amp. Napailing nalang ako. Gagu talaga to.
Nung makalapit na kami sa pintuan ay agad iyong binuksan ni Kael.
Heto na…
Ito na ata ang magiging pinakamahirap na laban na mararanasan ko. Alam ko namang nanjan si Benz. Pero sapat na nga ba ang lakas namin para manalo sa laban?
Sana.
-To be continued…
-MajorSin
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
[ Helena’s PoV ]
“ Masakit ba? “ pagtuturo ko sa kamay ni Elsa dahil kanina ko pa napapansing hawak hawak niya ito habang nakaupo kami dito.
“ May nabaling buto ata.“ Inaalalayan niya lang ito gamit ang kaliwang kamay niya para di ito magalaw.
“ Ano bang nangyari? “
“ Kakasangga ko sa sipa nyang bata na yan “ Sagot niya sabay nguso dun sa bata na ngayon ay tulog parin.
Natawa ako ng konti “ Ang lalakas naman ata ng mga sipa niya para magkaganyan yang kamay mo “ Marahan rin siyang natawa.
“ Nako, parang nahampas ka lang rin ng isang bakal sa sobrang lalakas ng mga sipa niya.“
Nasa kalagitnaan lang kami ng pag uusap ni Elsa ng biglang magsalita si Dorothy “ Nakukuha niyo pa ring tumawa? “ Nilingon namin siya. “ Hindi ba kayo nag aalala sa mga kasamahan niyong lalaki kanina? “ Tanong pa nito.
“ Syempre nag aalala rin naman. Pero may tiwala kami sakanila.“ Nakangiting sagot ni Elsa. Tama siya, malalakas naman silang tatlo eh. Sigurado akong kakayanin nila ang iligtas si Virgel dun. At isa pa nandun sila Argo. Sobrang laki ng maitutulong nila sa sitwasyon namin ngayon. Buti nalang talaga at rumesbak sila.
“ Nasa ikaapat na palapag ng mansyon na’to matatagpuan ang napaka delikadong silid kung saan makikita ang Bishops ng Elfame.“ Seryosong saad niya
“ Bishops? “
“ Ang napakalakas na kambal na myembro ng Chess Pieces. Sina Abel at Aiden Belfour, oh mas
kilala sa alyas na sina Target at Bullet.“ Tumingin siya samin ng seryoso bago nagpatuloy.
“ Nasa panganib ngayon ang mga kasamahan niyo.“
[ Ish’s PoV ]
Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa silid na’to ay mabilis kaming sinalubong ng isang lumilipad na baraha..at papunta iyon sa direksyon ko.
Dahil sa hindi ko inaasahan ang atakeng yon ay hindi rin agad nakareact ang katawan ko para umilag.
Naloko na.
Pero bago pa man ito tumama sa mukha ko ay mabilis na itong nahati ni Benz gamit ang samurai niya. Mabuti nalang “ Ayos ka lang, Ish? “
“ O-oo. Salamat.“ Sekreto kong tinignan ang kamay ko. Putek! Kanina pa ’to nanginginig. Ano bang nangyayari sa’kin? Sa pagkaka alam ko hindi ako marunong matakot sa mga makakalaban ko. Pero ba’t ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“ Magaling.“ Nabaling ang atensyon naming lahat sa nagsalita sa harapan namin.
Dalawang lalaki ang nasa harapan namin ngayon. Ang isang ay may katamtaman na katawan at may hawak hawak na baraha na shinushuffle niya gamit ang isang kamay lang. Nakasuot rin siya ng sumbrero at may hawak hawak na tungkod sa kaliwang kamay niya. Isa ata ’tong salamangkero na ewan. Tapos yung isa naman ay may brusko at napakalaking katawan at wala siyang hawak na kahit ano maliban sa isang brass knuckle sa kanang kamay niya.
Kung titignan mo sila, ang lalayo ng mukha nila sa isa’t isa.
“ Akala ko ba kambal sila, Ish?“ Naguguluhan ring tanong ni Benz “ Pinagloloko lang ata tayo nung Jack na yun eh.“
“ Hindi ko rin alam. “ Base sa itsura nung bruskong lalaki, parang may ginawa siya sa katawan niya para magmukha siyang ganyan. Napakalayo ng itsura nila sa isa’t isa.
Nakangisi lang yung may hawak ng baraha. Habang yung may malaking katawan naman ay napakaseryoso.
“ Kaya niyo na ba sila Ish, Benz? “ Biglang tanong ni Kael samin.
“ Balak mo bang umuna? Masyado ng delikado kung ikaw lang mag isa ang pupunta, Kael “ Babala ko. Sa tingin ko kasi lima lang ang palapag ng masyon na’to, at kasunod na ng palapag nato matatagpuan si Boss. Baka kung sinu-sino pa ang makakaharap niya dun. Wala siyang makakasama.
“ Ubos na ang oras na’tin. Baka wala na tayong abutan pag nagtagal pa tayo dito.“ Sabagay tama siya. Kung sasali pa siya dito, malamang matatagalan pa kami sa pagligtas kay Boss. Pero kasi..baka may mangyari pang masama sakanya pag mag isa lang siyang pupunta.
“ Sige na Kael. Kaya na namin ’to ni Ish.“ Biglang singit ni Benz kaya napatingin ako sakanya. Nakangisi lang ’to. Ba’t ang kalmado lang ng hayop na ’to? -__-
“ Sigurado ka ba Benz? “ Ako na mismo ang nagtanong. Balak niya bang pasugurin ng mag isa si Kael?
“ Wag kang mag alala “ Napansin ko pa ang pag ngisi niya. “ Tatapusin agad natin ang laban para makasunod agad tayo kay Kael.“ Hindi ko alam pero bigla na namang nanginig ang katawan ko.
Ganito ba nakakatakot ang makakalaban namin ngayon?
Naramdaman kong may mabilis na tatama sa may mukha ko kaya napalingon ako sa harapan ko at mabilis kong iniwas ang ulo ko. Pero kinapos ako ng konti. Napadalisan ang pisngi ko at nasugatan.
“ Awts. Sayang.“ Nakangiting usal nung parang magician. Ano bang kakayahan meron ’to at nagagawa niyang ihagis ang isang baraha ng sobrang bilis?
Kaasar!
“ Ish.“ Nabalik lang ako sa sarili nung tinawag ako ni Benz, tsaka ko lang napansing nakahanda na pala sila. Ano bang ginagawa ko?
“ Alalayan niyo ako.“ Utos ni Kael pagkatapos ay di na ito nagdalawang isip na sumugod. Agad rin kaming sumunod ni Benz.
Napansin kong nilabas na ni Benz ang ikalawang samurai niya nung naghagis ng napakaraming baraha yung lalaki sa direksyon namin. Mabuti nalang at naagapan niya lahat yun.
Habang papalapit kami sa pintuan ng silid na yun ay nakita ko ring sumugod yung bruskong lalaki samin.
Nung makalapit siya samin ay agad bumunot ng bomba si Kael at hinagis iyon sa harapan niya. Pero laking gulat nalang namin dahil imbis iwasan niya ito, ay sinalo niya pa ito mismo at maya maya pa ay sumabog ito sa palad niya. At halos mapanganga kami nung hindi man lang nagasgasan ang palad niya.
Wth? Anong klaseng balat meron siya?
Bumwelo yung lalaki gamit ang napakalaking kamay niya, at nung makalapit na kami, malakas niya itong pinakawala–at kay Kael ito nakapunterya.
Gamit ang buong pwersa ko ay umuna ako sa harapan ni Kael at pagkatapos ay inatake ko gamit ang dalawa kong kamay ang braso niya para maitulak ko ito pakanan at hindi kami matamaan.
Medyo natagalan pa bago ko malihis pakanan ang kamay niya. Pta kailangan ko pa talaga ang dalawang kamay ko para magalaw ang braso niya.
Tumalon naman si Kael samin nung maagapan ko ang atake ng lalaking ’to. Sa wakas ay nakalusot siya.
Susubukan pa sanang tumalikod nung lalaki para habulin si Kael pero pagtalikod niya ay biglang humarang si Benz sakanya habang nakangisi. “ Jan ka laaang “ Lumingon si Benz dun sa isa at nakita niyang naglabas at naghagis na naman ito ng baraha..na papunta naman kay Kael.
Mabilis niyang pinrotektahan si Kael gamit ang mga samurai niya. Inalalayan niya lang si Kael hanggang sa makalapit sila sa may pinto at tagumpay na nakalabas.
Ang dami kong naitulong!
“ Devi.“ Biglang nagsalita yung lalaki at tsaka ngumisi. Devi? Parang pamilyar sa’kin ang pangalang yan. San ko nga ba narinig yan. At heto na naman..bigla na namang nanginig ang katawan ko.
Ano ba talaga ang nangyayari sakin?
“
Heto
na
ang
pinapahanap
niyo samin
, Boss “
“
Magaling
ang
ginawa
niyo
.“
May biglang pumasok na alaala sa utak ko pero agad din yung nawala nung sumigaw si Benz.
“ ISH! “ Bigla akong nabalik sa wisyo nung marinig ko ito, at bago pa man ako tuluyang nakapansin sa harapan ko, ay mabilis akong tumilapon nung sumalubong sakin ang isang napakalakas na suntok nung bruskong lalaki.
Sht!
Ang lakas ng pagkakabangga ko sa pader. Nalasahan ko agad ang dugo sa may bibig ko. Hirap ako napabangon dahil ang tagal mawala ng pagkahilo ko.
Napansin kong mabilis na lumapit si Benz sakin at tsaka ako inalalayan. “ Ayos ka lang ba talaga, Ish? Kanina ka pa parang wala sa sarili mo.“ Nilingon ko siya at kita ko sa mukha niya ang pag aalala?
Ba’t ganyan siya makatingin? Nag aalala siya sakin? Nakakaawa ba ako? Biglang tumaas ang bp ko sa inasta niya kaya naman mabilis ko siyang batukan.
“ Aw? What was that fooor? :c “ Ena? Nag eenglish na ang hayop!
“ Huwag mo nga akong tignan ng ganyan.“ Sabi ko nalang. Tss, yung ayoko sa lahat yung may nag aalala sakin. Yung may naaawa sakin. Naiinsulto kasi ako kapag ganun.
“ Awee. Kinikilig ka ba sa mga titig ko fafa Ish–Aw! Ish naman eh :c “
“ Wag mo akong tignan na parang nag aalala ka! Alam mo namang yun ang pinaka ayoko sa lahat “
“ Eh ikaw kasi eh. Parang physically present but mentally not present ka.“ Mentally not present amp. Pauso.
Huminga ako ng malalim tsaka pumikit “ Pasensya na. Masyado lang siguro akong nagpadala “ Habang nakapikit ako ay naramdaman ko na naman ang isang baraha na mabilis na papalapit sakin. Pero sa pagkakataong ito ay nailagan ko na ito.
“ Yaan. Sa wakas ay natauhan kana rin, Ish.“
Iminulat ko ang mga mata ko at seryosong tinignan yung dalawa. “ Ngayon, tapusin na natin ’to agad, Benz “
“ Alright~“
[ Virgel’s PoV ]
“ Wag na tayong maglokohan dito, Virgel. Aminin mo man o hindi..“ Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at tsaka bumulong.
“ Kailangan mo ako ngayon.“
Mabilis ko agad siyang tinulak matapos niyang ibulong sa’kin ’yun.
Napaatras siya pero di padin naaalis ang mga ngiti sa labi niya. “ Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?! “ Napasigaw na ako sa sobrang inis dahil sa nakakairitang ngiti niya.
“ Simple lang, ang tulungan ka na manalo sa labanan niyo.“
“ Hindi namin kailangan ang tulong mo! “
“ At baket? Sa tingin mo malakas ka na? Na kaya mo ng ipagtanggol ang pamilya mo? “ Tumawa pa ito ng mapang asar “ Huwag kang mayabang, dahil sa katunayan, ang tinatanggol ngayon dito ay walang iba…kundi ikaw“
Muli na naman akong napipi sa mga pinagsasabi niya. Nakakainis isipin dahil lahat ng sinasabi niya ay tama. Imbes ako ang Boss, ako ang nililigtas nila ngayon. Nakakahiya kung wala man lang akong magawa para tulungan ang pamilya ko para manalo sa digmaan na nangyayari ngayon.
Asar!
“ Ang tangi niyo nalang pag asa para manalo sa digmaan ngayon ay ang makipag isa ka sakin Virgel “
Tumahimik ako at nag isip. Matapos kung mapag tugpi tugpi ang mga sitwasyon na nangyayari ngayon, mukhang wala na nga akong magagawa sa pagkakataong ito. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero yun na nga lang ata talaga ang pag asa namin para manalo.
“ P-pakiusap..anak..w-wag mong hayaan na kontrolin k-ka ng tao ’yun.. “
Sa di inaasahan ay biglang sumagi sa utak ko ang binilin sa’kin ni mama nung huling pagkikita namin– dahilan para matigilan ako. Dahilan para malito na naman ako.
Mama…
Naikuyom ko nalang ang mga kamao ko sa sobrang gulo ng utak ko. Anong gagawin ko?!
“ Papunta na ngayon ang pinakamamahal mong kuya, Virgel.“ Napantig bigla ang tenga ko sa sinabi niya kaya mabilis akong napatingin sakanya. “ Diba matagal mo na siyang gustong tapusin? “ Ngumiti pa ito. “ Malaki ang maitutulong ko sa bagay na yan.“
At dun. Nawala agad lahat ng gulo sa utak ko. Sumagi sa isipan ko ang nakakaawang mukha ni Hugo–dahilan para mapalitan lahat ng nasa utak ko ng pagnanasa.
Pagnanasang tapusin ang buhay ni Argo.
“ Anong gagawin ko para matapos na’to.“ Di na ako nagdalawang isip na itanong yan. Kailangan ko ang lakas niya ngayon para manalo sa digmaan at para talunin si Argo sa laban.
“ Simple lang. Labanan mo ako. “
“ Yun lang? “ Agad na na akong naghanda.
“ At syempre, dapat matalo mo ako. “ Nakangising usal niya.
Wala na akong sinayang na panahon pa at mabilis na akong sumugod palapit sa kanya.
Para sa buong pamilya ko, ibubuwis ko ang lahat ng meron ako mailigtas lang sila. Kahit ang kapalit pa ay ang pag kontrol sakin ng nilalang na’to.
[ Ish’s PoV ]
Ako ang humarap sa bruskong lalaki samantalang si Benz naman dun sa salamangkero. Hindi ko mabasa ang nasa isip ng kaharap ko ngayon. Di ito nagsasalita, straight lang itong nakatingin sakin. Mukhang hinihintay niya lang rin na sumugod ako.
Hinubad ko ang pang itaas ko tsaka ako dahan dahang lumapit sakanya. Kasunod nito ay ang suot kong sapatos. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko kung saan nakaukit dito ang simbolo ng mga Valderama. Kailangan ko ng matinding lakas ngayon para matalo tong taong ’to.
“ Isa ka palang Valderama.“ Napahinto ako nung biglang magsalita yung isang lalaki. Pagtingin ko sakanya, nakatingin pala siya sakin habang nakangiti. “ Mag iingat ka jan, Abel.“ Dagdag pa nya tapos ay ibanalik na agad niya ang atensyon kay Benz.
Alam pala nila ang markang ito?
“ Pano niyo nalaman ang tungol sa markang ito? “ Tanong ko sa kaharap ko na ang pangalan pala ay Abel, at gaya ng inaasahan ko, hindi ito sumagot. Nice talking bruh.
Habang palapit ako ay pabilis rin ng pabilis ang paglalakad ko. Nakita ko rin siyang napahigpit sa hawak niyang brass knuckle. Mukhang handa na rin siya.
Nung malapit na ako sa kinatatayuan niya ay bumwelo na siya pagkatapos ay mabilis iyong pinakawala sa harapan ko. Pero mabilis akong nakaiwas dun payuko. Nung makita ko ang opening sa may tagiliran niya ay di na ako nag aksaya na atakihin yun. Mabilis kong pinaulanan ng suntok ang tagiliran niya. “ ARGGHHHH!! “ Walang tigil ako sa pagsuntok dahilan para mapaatras siya ng paonti onti sa kinatatayuan niya. “ ARGHHHH!! “ Huli kong binwelo ang kanang kamay ko pagkatapos ay malakas kong sinuntok pressure point sa tagiliran niya.
Dahil dun ay napaatras siya ng ilang hakbang. Pero nanatili pa din itong nakatayo, at wala kang
makikitang expresyon sa mukha niya.
Napakatibay niya!
“ Di na masama.“ Pinagpag pa niya ang damit sa may tagiliran niya kung saan ako umatake na parang nadumihan ko lang ito. Bigla akong napikon sa inasta niya kaya sumugod ulit ako sakanya. “ Wag kang mayabang! “ Pinaulanan ko ulit siya ng mga suntok na may kasama ng mga sipa. Minsan natatamaan ko siya pero hindi talaga siya natitinag ng basta basta. Ngayon palang ako nakaharap ng ganitong klaseng kalaban. Na kayang indahin lahat ng atake ko.
Bumwelo ulit ako para sa huling suntok na gagawin ko, at nung pinakawala ko ito, nagulat nalang ako ng sinalo lang niya ito na isang kamay niya lang. Hinihingal akong napatingin sakanya. Habang tinitignan ko siya ay parang unti unti akong nawawalan ng pag asa. Parang imposibleng manalo ako sa isang ’to. Napakalakas niya.
Kaasar!
Hinigpitan niya ng paonti onti ang paghawak niya sa kamao ko kaya napadaing ako. Sinubukan kong sipain ang binti niya pero mabilis niya iyong nailagan sa pamamagitan ng pagtaas niya nito.
Habang tumatagal parang nadudurog na ang mga buto sa kamay ko. Asar! Binwelo ko ang isa kong kamay at tsaka sinuntok ang mukha niya. Di niya ito inilagan. Pero gaya ng inaasahan, hindi ito natinag.
“ Argghhh! “ Pakiramdam ko mababali na sana talaga ang mga buto ko sa braso nang biglang sumulpot si Benz sa amin habang nakabwelo sa samurai niya. Kaming dalawa ay napatingin sakanya habang palanding sa lugar namin
“ BITAWAN MO SI ISH! “ Target ni Benz ang braso ni Abel na may hawak ng kamao ko. At dahil dun, napilitang bitawan ni abel ang kamay ko para makailag sa atake ni Benz. Agad akong napahawak sa kamao ko nung bitawan niya ito. Anak ng, namamanhid pa ito.
Habang iniinda ko ang sakit ay napansin kong naglabas ng baraha yung isa at mabilis na pinunterya si Benz, at mukhang di napansin yun ni Benz kaya tumalon ako sa kinatatayuan niya para itulak siya.
At sa isang iglap, nagkasugat sugat ang mga katawan ko. Ang tutulis ng mga baraha niya. Yung iba bumaon pa talaga sa may likuran ko. Fck!
Mabilis akong napahiga dahil sa sakit ng mga tinamo ko.
“ ISH! “ Rinig kong sigaw ni Benz. Dahan dahan akong bumangon dahil baka kung ano na namang isipin nitong kumag na’to. “ Ayos ka lang ba? “ Tanong niya nung makalapit siya sakin.
“ Ano ba! kanina ka pa tanong ng tanong nyan ah. Sabi ng ayos lang ako.“ Tumayo ako at hinarap muli si Abel. “ Wag muna akong alalahanin. Pag tuunan mo ng pansin yung kalaban mo.“ Sabi ko sakanya. Nilingon ko siya saglit. Nakadungo lang ito na parang napagalitan ng guro. At heto na naman, bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. “ Hindi ako galit ugok. “ Dagdag ko nalang kaya agad siyang napaangat ng tingin “ Talaga? Akala ko naman galit ka :( “
Pout
May kilala na ba kayong nag popout sa gitna ng labanan? Wala pa? Oh, meet Benz the Abnormal -__-
“ Abnormal. Sige na. Tatapusin ko pa tong isang ’to “ Ibinaling ko na ulit ang tingin ko kay Abel.
“ Sige. Mag iingat ka. “ Habang si Benz naman ay sumugod na rin dun sa kalaban niya.
Huminga muna ako ng malalim tsaka pumikit. Baka huling alas ko na ’tong natuklasan ko. May susubukan akong bagay. Hindi ako sigurado dito, pero kung sakaling tama tong hinala ko,
May tsansa pang manalo ako sa labanang ito.
Matapos kong maihanda ang sarili ko ay sumugod na ulit ako sakanya. Inatake ko ang katawan niya ng mga suntok ko at gaya ng inaasahan, di niya ito iniwasan. Sinalo niya ito lahat at walang bakas sa mukha niya na nasasaktan siya.
Sa gitna ng ginagawa kong pag atake, unti unti kong nilalagyan ng Chi energy ang mga suntok na pinapakawala ko. Dahil dito mas lumakas lalo ang mga suntok na binabato ko. Napansin niya siguro ’yon kaya gumanti na rin siya ng atake. Gamit ang malaki nyang kamay na may brass knuckle, kinuyom niya ito at tsaka Pinakawala sakin. Pero buti nalang at nakayuko ak– “ ARGHH!“
Anak ng! Di ko namalayan ang isang suntok niya. Sa sobrang lakas ng pagkakatama nito ay tumilapon ako at bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Asar!
“ Hindi ka ba marunong sumuko? “
Dinura ko ang dugong naipon sa bibig ko at muling sumugod sakanya. “ Wala yan sa bukabularyo ko! “
Habang tumatakbo ako palapit sakanya, ay nilipat ko ang konsentrasyon ko sa mga binti ko para malagyan ito ng Chi energy. Nung makalapit ako sakanya ay binwelo ko agad ang kanang binti ko at inatake rin ang binti niya. Pero iniwasan niya iyon. Pero di pa ako tapos, tumalon ako at pinunterya ang ulo niya. “ Tanggapin mo to! “ Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko halos umikot pa ang ulo niya pabaliktad nung tamaan ko ito. Pero ganun parin, di parin siya natinag.
So tama nga ako.
Tinry ko ulit atakihin ang ulo niya gamit ang isa pang sipa. Pero nung tatama na ito sa ulo niya, nahawakan na niya ito. Hinigpitan niya agad ang paghawak nito at tsaka ako binilabag at binagsak sa sahig na napakalakas
“ UGHH! “ Parang nawalan ako ng ulirat saglit sa lakas ng pagkakabagsak ko. Langya. Nag umpisa na ring manlabo ang mga mata ko. Epekto na’to ng sobrang pag gamit ko ng Chi energy.
Napansin ko siya na nakatayo lang sa may gilid ko kaya agad kong kinuha ang pagkakataong ’yon para sipain ng malakas ang paa niya habang nakahiga ako. Nagtagumpay ako ron at gaya ng inaasahan, napaluhod siya sa ataking ’yon.
inikot ko ang katawan ko palayo sakanya para makaalis don at makatayo.
Sabi ko na nga ba. Mga paa ang kahinaan niya. Kanina ko pa napapansin na pag sa paa ako umaatake, iniiwasan niya iyon. Pero pag sa katawan niya, hindi.
Tama nga ang hinala ko.
Ngayong alam ko na ang kahinaan niya, oras na siguro para ibuhos ko na ang natitira kong lakas.
Dahan dahan akong tumayo habang inaalalayan ang likod ko. Masakit pa din kasi dahil sa pagkakabagsak ko kanina.
Alam kong delikado tong gagawin ko dahil malaki ang tsansang mabulag ako. Pero di ko na iisipin pa ang bagay na’yon. Maaga rin akong matitigok dito kong di ako susugal ngayon.
Pumikit ako saglit at tsaka inumpisahan ko na ang pag iipon ng chi energy sa dalawang binti ko. Kailangan ko ng maraming chi energy para mapabilis rin ang mga kilos ng mga paa ko. Dadaanin ko sa pabilisan ang isang ’to dahil alam kong dehado siya don.
Nung mapansin kong napatayo na siya sa atake ko kanina ay dahan dahan ko na ring binukas ang mga mata ko. “ Sa tingin ko kalahati lang sa katawan mo ang naapektuhan ng kung anong experemento man yang ginawa mo sa katawan mo.“ Alam kong may ginawa siya sa katawan niya para maging matibay siya ng ganyan. At sa tingin ko di niya nasali ang ibabang parte ng katawan niya. Parang isang palpak ito na experimento.
Napansin ko ang pagkabigla niya ng konti dahil sa sinabi ko. Pero inalis niya din yun at marahang ngumiti “ Kahit alam mo na ang kahinaan ko, wala ka ng lakas pa para makipag laban. Talo ka na sa pagkakataong ito.“
Ngumisi rin ako “ Talaga? “ Hinimas ko ulit ang markang nakaukit sa kanang dibdib ko “ Tignan natin“
Pakiusap, gabayan mo ako sa gagawin ko.
Sumugod akong muli sakanya.
“ Ayaw mo talagang sumuko! “ Sigaw na din niya at sumugod na rin siya palapit sakin. Ang bagal niyang tumakbo. Kaya pala kanina pa siya di umaatake sakin.
Nung makalapit ako sakanya ay ginamit ko ang bilis ng binti ko para makapunta agad sa likuran niya. Dahil sa sobrang bagal niya, di agad siya nakaikot para harapin ako. “ Argh! “ Gamit ang buong lakas ng binti ko ay sinipa ko ang kanang binti niya ng sobrang lakas dahilan para mapadaing siya. Sinubukan pa niyang umikot para atakihin ako pero nung pag ikot niya, pumunta ulit ako sa likuran niya at inataking muli ang kanang binti niya. Sa pagkakataong ito ay napaluhod niya ang kanang binti niya.
Sinunod kong atakihin ang kaliwang binti niya. “ Argh!! HAYOP KA! “ Sigaw pa niya. Inataki ko pa ng ilang beses ang binti niya hanggang sa mapaluhod na niya ang dalawang paa niya.
Agad akong pumunta sa harapan niya at buong pwersa kong inatake ang pressure point sa may kanang braso niya gamit ang maraming chi energy na inipon ko sa suntok na yun. Sa pagkakataong ito ay tagumpay kong maparalisa ang kanang braso niya. Dahil dun ay nabitawan niya ang brass knuckle na suot niya. Kinuha ko yun at sinuot sa kanang kamay ko.
“ Sa’yo ko palang nagamit halos lahat ng lakas ko. Nakakahanga ang sobrang tibay mo. Pero.“ Mula sa mga paa ko ay nilipat ko lahat ang chi energy sa dalawang kamay ko “ Hanggang dito nalang ang itatagal ng tibay mo.“
Binuhos ko na lahat ng lakas ko “ Argh!!! “ Pinaulanan ko ulit siya ng mga suntok ko na may chi energy sa mukha at walang tigil ko itong ginawa. “ ARGGHHH!! “ Mas binilisan ko pa lalo ang pagsuntok sa mukha niya. Naramdaman ko na ring natatablan na siya ng sakit dahil sa mga pagdaing niya. Kaya naman mas binilisan ko pa lalo. “ ARGHHHHH!!! “ Habang walang tigil ako sa pagsuntok ay unti unti ng lumalabo ang paningin ko. Pag pinagpatuloy ko ’to baka tuluyan na akong mabulag. Huli kong binwelo ang kanang kamay ko na may brass knuckle at inipon ko na lahat ng pwede kong maipon don. “ ARGHHHHH!! “ Isang napakalakas na suntok ang huling tinira ko at sa unang pagkakataon, tumilapon siya sa atake kong ’yon.
Pagkatapos ng ginawa ko ay mabilis kong hinabol ang hininga ko. Tuluyan na akong mapaluhod dahil sa sobrang pagod. Wala ng natitirang lakas sa katawan ko. Pagod na pagod na ako. Tinignan ko saglit ang palad ko. Sobrang labo na rin ng paningin ko. Di na ako makakalaban pa sa pagkakataong ito.
Tinignan ko ang katawan ni Abel na nakahiga.
Pakiusap wag ka ng bumangon.
Ilang segundo lang akong nakatingin sakanya. Kinakabahan dahil sa oras na buhay pa ’to. Siguradong katapusan ko na.
Wag…
Wag ka ng tumayo..
Wag na—sht.
Napansin kong gumalaw ang mga daliri niya kaya tuluyan na akong napayuko.
Depotang nilalang to.
Dahan dahan itong bumangon at agad tumingin sa’kin. Nakakatawang isipin dahil sobrang basag na ng mukha niya pero nagagawa niya paring gumalaw. Ito ba ang sinasabi ni Jack na kakayahan nila na hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao?
Ngayon lang ako nawalan ng pag asa ng ganito. Napatawa nalang ako ng mahina. Wala na akong lakas para lumaban pa. Sa tingin ko tama siya.
Talo na ako sa pagkakataong ito.
-To be Continued..
-MajorSin
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episde 56: The 4th Battle ( Part 2 )
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Tignan mo sila, mukhang ang kasama mo ang talo sa labanan nila.“ Nakangising sabi ni Aiden sa kaharap niya habang nakikipaglaban.
Nilabas niya ang isang deck ng baraha at tsaka niya ito hinagis ng sabay sabay sa harapan ni Benz.
Gamit naman ang tatlong samurai ni Benz ay nahihiwa niya iyon lahat. Sunod na ginawa ni Aiden ay tinakpan niya ang sarili ng suot niyang kapa at pagkatapos ay binuklad niya ito nagsilabasan doon ang napakaraming kutsilyo at papunta ito direksyon sa kalaban niya “ Hahahahah subukan mong sanggain lahat yan. “
Gamit ang talas ng panignin ni Benz ay inisa isa niya sanggain lahat ng yon. Napakaseryoso niya, kanina pa ito hindi nagsasalita dahil kanina na rin ito naiirita sa kalaban niya na tawag ng tawag sakanya sa pangalang ’yon. Pangalang matagal na niyang binaon sa limot.
Hinubad naman ni Aiden ang sumbrero niya at may kinuha siya doon na dalawang parang bilog na bagay.
Hinintay niya muna na matapos si Benz sa pagsangga sa mga kutsilyo. Hinagis hagis niya muna sa ere yung hawak niya. Si Benz naman ay habang patuloy sa pagsangga ay sinalo niya yung isa sa mga kutsilyo at tsaka ito mabilis na hinagis kay Aiden. Pero pumikit lang ito at ngumiti at walang kahirap hirap na sinalo ang kutsilyong iyon.
Nung makita niyang patapos na si Benz sa pagsangga ay hinagis na niya dalawang bilog na bagay, nakita yun ni Benz kaya mabilis niya iyong hiniwa. Pero nanlaki ang mga mata niya nung makita niya na kulay berding asido pala ang laman nito. Di niya ito napaghandaan kaya tinamaan ang kaliwang braso niya dito.
“ Surprise.“ Nakangising saad pa ng Salamangkero. Gumulong naman si Benz habang hawak hawak ang braso niyang natamaan ng asido. Umuusok ito sa sobrang hapdi at parang nasusunog ang balat niya. “ Arghh! “
“ Nasan na nga pala ang tatlo mo pang kasama? Sisingilin ko pa yung mga yon.“ Lumapit ito ng dahan dahan kay Benz habang binabalik ang suot niyang sumbrero. “ Ilang taon na rin simula nung lumusob kayo sa bayan namin. At ilang taon rin ang ginugol namin ng kakambal ko para ipaghiganti ang mga taong pinaslang niyo.“ Habang papalapit si Aiden ay mabilis na hinagis ni Benz ang samurai nito papunta sa direksyon niya. Nakita niya iyon kaya siguradong maiilagan niya lang ito. Pero nagulat siya sa sunod na ginawa ng kalaban. Sumunod ito sa hinagis niyang samurai at pagkatapos ay sinipa niya ang hawakan nito para mas mapabilis pa ang paglipad nito papunta sa sakanya.
Pero dahil sa kakaibang reflexes niya ay naiwasan niya parin ito.
Pero di pa natatapos dun ang lahat. Dahil na distract si Aiden sa samurai na yon, tagumpay na nakalapit si Benz sakanya. Pagtingin niya dito, matalim itong nakatingin sakanya. Mabilis siyang kumuha ng kutsilyo at yun ang ginamit niya sa pagsangga sa mga atake ni Benz. “ Alam mo bang tatlo na ang napaslang ko sa mga kasamahan mo dati? At sa lahat ng napaslang ko ay wala pa akong kahit konting galos na natamo.“ Mas lalong nag init ang ulo ni Benz sa narinig niya kaya mas binilasan niya pa ang pag atake niya. “ Tumahimik ka!! “ Pero lahat ng yon nasasangga ng kalaban gamit lang ang dalawang kutsilyo na hawak nya.
Bumwelo ng sipa si Aiden kaya pilit na napaatras saglit si Benz. Susugod pa ulit sana siya pero mabilis ang mga kamay ng kalaban niya. Naghagis ulit ito ng bilog na bagay sa harapan niya. Alam niyang asido ang laman non kaya hindi niya ito inatake. Pero nanlaki ang mga mata niya dahil bigla nalang itong tumunog. “ Sht! “
Mabilis na sumabog ang bagay na yon kaya tumilapon si Benz at nabangga sa may pader. Napansin niyang may papalapit na namang bilog na bagay sakanya kaya kahit sobrang sakit ng katawan niya sa pag kakabangga ay pilit siyang tumayo at hiniwa ito dahil baka sumabog na naman ito. Pero laking gulat niya na tumagas na naman ang asido pagkahiwa niya sa bagay na yon. Natamaan na naman ang kaliwang braso niya kaya napadaing siya sa sobrang sakit at hapdi “ Argghhh! “ Hindi niya malaman kung saan sa bilog na yon ang bomba at may laman ng asido dahil parehas lang ito ng itsura.
“ Hindi mo ako kaya, Devi.“
Habang nakahiga siya at iniinda ang sakit sa braso niya ay nakalapit si Aiden sakanya at inapakan ang brasong natamaan ng asido kanina “ ARGHHH! “
“ Kulang pa ang sakit na yan sa ginawa niyo sa payapang bayan namin noon.“ Hinawakan ni Benz ang paa niya na nakaapak sa braso nito at pilit na inaalis. Kaya naman mas diniinan pa lalo ito ni Aiden.
Pero nagulat nalang sila pareho nung may yumakap sa may likuran ni Aiden at pilit siya nitong tinutulak. Pero dahil ubos na ang lakas nito, wala na itong lakas pa na maitulak siya. Nakita iyon ni Benz kaya nakaramdam siya ng awa dito. Nakita niyang pilit niyang inaalis si Aiden kahit hindi nito kaya.
“ Ish…“
Napikon si Aiden sa ginagawa ni Ish kaya siniko niya ito sa may tiyan dahilan para mabitawan siya nito, pagkatapos ay hinarap niya ito at sinipa ng napakalakas na sinundan pa ng tatlong kutsilyo na mabilis na bumaon sa katawan niya “ Istorbo “
“ ISH!! “
[ Ish’s PoV ]
Nakasandal nalang ako ngayon dito sa pader kung saan ako bumangga habang nakatingala at kinakapos na ng hininga. Sa pagkakataong ito ay si Boss ang nasa isip ko ngayon.
Mabibigo na naman ba kaming iligtas ang Boss namin? Nabigo na kami dati sa pagbantay sa ama niya. Tapos ngayon mabibigo na naman? Hindi ko alam kung may silbi ba talaga ako sa pamilyang to o wala.
“ ISH!! “ Narinig ko pa ang sigaw ng gunggong kaya dahan dahan akong napatingin sa kinatatayuan nila nung isa. Nag aalala na naman yon. Gusto ko mang mainsulto pero nababagay lang sakin na kaawaan ako sa pagkakataong ito. Wala na akong lakas pa. Wala ng silbi.
Napaangat ulit ako ng tingin nung pumunta sa harapan ko si Abel.
At heto na naman, yung kabang nararamdaman ko kanina pa, bumabalik na naman. Nalilito na talaga ako kung saan ba ako kinakabahan.
Dito ba sa lalaking to?
Nilingon ko yung kakambal niya. O dun ba sa lalaking yon? Hindi ko alam.
“ Oras na para magpaalam.“ Nakita kong binwelo na niya ang kamao niya. Di na ako pumalag. Mukhang oras ko na nga ata talaga. Ngumiti nalang ako ng pilit.
“ Adios “ Biro ko pa sabay saludo sakanya at tsaka pumikit.
“ ARGHHHH!! “ Narinig ko ang pagsigaw ng sobrang lakas ni Benz at maya maya lang ay naramdaman ko nalang ang malakas na hangin na umuhip sa harapan ko kaya agad ako napamulat. At tsaka ko lang nalaman na tumilapon na pala ng napakalayo si Abel.
At ibang tao na ang nasa harapan ko ngayon…
Sobrang bilis ng tibok na puso ko. Para itong lalabas dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
“ Benz…“ Bagsak na ang buhok nito at parang wala na sa katinuan. Sobrang nakakakot ang awra niya. Ang mga mata niya ay napakatalim tumingin. Ibang iba na sa Benz na kilala ko.
Naguguluhan ako kanina lang kung saan ba talaga ako kinakabahan. Wala pala sa dalawang yon.
Kaya pala sa tuwing nakikita ko ang seryosong mukha niya ay agad akong nakakaramdam ng kaba. Muntik ko ng makalimutan kung anong klaseng nilalang to dati.
Flashback
Bitbit ko ngayon ang mga dokumento na pinapahanap sakin ni Boss Vlad at papunta ako sa silid nya ngayon. Ito ata yung mga files na gagamitin para sa transaksyon na gaganapin sa makalawa.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan bago pumasok. Nakita ko lang dun si Boss na nagsusulat at mukhang abala pa sa ibang companya na pinapatakbo niya.
“ Boss, ito na po yung files na pinapahanap niyo sakin.“ Tumigil saglit si Boss sa ginagawa niya at tsaka tumingin sakin.
“ Maraming salamat, Ish.“ Pagkatapos ay pinagpatuloy na niya ang pag susulat “ Walang anuman. Aalis na po ako “ Tumalikod na ako at bubuksan ko palang sana yung pintuan pero kusa na itong bumukas at tumambad sakin ang apat na assassin ni Boss habang may bitbit na batang lalaki na walang malay.
“ Heto na ang pinapahanap niyo samin, Boss “
“ Magaling ang ginawa niyo.“ Napansin kong medyo nagkasugat sugat pa silang apat. Mukhang galing sila sa matinding labanan.
“ May iba pa ba kayong nakaharap? “
Napakamot sa ulo yung isa. “ Sa katunayan Boss sIya lang ang nakalaban namin. At masasabi kong napakalakas nitong batang ’to. Nahirapan kami sakanya. “ Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nung isang assassin. Siya lang ang nakalaban nilang apat? Pero halos magkasugat sugat na silang lahat. Malalakas itong mga assasssin ni Boss kaya di talaga ako makapaniwala na nahirapan silang kalabanin itong batang halos kaedad ko lang.
“ San niyo siya nahanap? “
“ Sa bayan ng Abyss. Kasalukuyan nilang nilulusob ang bayang yon. At sa tingin ko pito silang lumusob dun. At tinatawag sila ng karamihan na Vendetta . “
“ Devi? “ Ulit kong tanong. Tumango siya at tsaka nagpatuloy
“ Oo. Devi yung pinangalan sa’kin nung may hawak sa amin dati. Pero sabi ni Boss Vlad simula daw sa araw na’to Benjamin Delgado na daw ang pangalan ko. “ Ngumiti ito
“ Wala ba kayong mga tunay na pangalan? “
“ Wala. Lahat kami ay ginawan lang ng pangalan nung Boss namin kagaya ng ginawa ng Boss niyo ngayon. Kung sakaling makuha na naman ako ng ibang grupo. Baka mag iba na naman ako ng pangalan. Ganito nalang ata talaga ang magiging buhay ko. Palipat lipat. Paiba iba ng pangalan. “ Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya pagkasabi niya nun. Parang sinasabi niya na isa lamang siyang palaboy na kahit sino ay pwedeng kumumkop sakanya para gawing alipin.
Tinapik ko nalang ang balikat niya dahilan para mapatingin siya sakin. “ Wag kang mag aalala. Permanente ka ng magiging myembro ng pamilyang ito. At habang buhay ng magiging Benjamin Delgado ang pangalan mo “ Nakangiting sabi ko. Unti unti rin naman siyang ngumiti at tumango.
End of Flasback
“ Benz..“ Naibulong ko nalang sa sarili nung maalala ko ang pangyayaring yon.
Tumingin naman siya sakin. Pero yung tingin niya. Nakakakilabot. Parang di na niya ako kilala. Nag umpisa ng manginig ang buong katawan ko. Ito ang unang beses na makita ko siya ng ganito. Parang gugustuhin ko nalang na bumalik siya sa dati kahit ngumuso pa siya ng ilang beses.
Wag lang to…
Wag lang tong Benz na ganito.
Matalim lang siyang nakatingin sakin ng may biglang tumusok na tatlong baraha sa may braso niya. Nabaling niya ang atensyon dito pagkatapos ay tinignan niya ang may gawa nun.
[ 3rd Person’s PoV ]
Habang hawak hawak ni Benz ang isang samurai niya ay naglakad ito papunta sa kinatatayuan ni Aiden. Wala na ito sa katinuan, ang Devi na kasapi sa Vendetta dati ay muli ng nagising. Napakadilim ng awra nito na nagbibigay ng kakaibang takot sa kung sinong makakita nito.
Tumulo ang isang butil ng pawis sa pisngi ni Aiden habang tinitignan si Benz na palapit sakanya.
“ Hindi ko inaasahan na mas malakas pa ’to sa naunang tatlong pinaslang ko na kasamahan niya.“
Pero di siya nagpatinag sa takot, ilang taon siyang nag ensayopara lumakas at maipaghiganti ang mga kababayan nyang walang awang tinapos ng Grupong Vendetta. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon ito. Hindi na niya sasayangin pa ito.
“ Hindi ako madadala ng mga titig mong yan, Devi.“ Ngumisi pa ito at tska kinuha ang isa sa matinding armas na ginagamit niya sa labanan. Ang latigo na may nakakalasong mga tinik. Winitik niya pa ito na parang naghahamon kay Benz na sumugod.
Susubukan niya na sanang umatake ng bigla niyang maramdaman ang pagbaon ng samurai ni Benz sa may dibdib niya. Gulat na gulat siya sa nangyari. Napahawak siya sa dibdib niya, at pinagtaka niya na walang nakatusok dun. Namamalik mata lang ba siya? Tsaka nya tinignan si Benz na naglalakad pa lamang palapit sakanya.
Muli ay napahawak siya sa dibdib niya. Parang totoo ang pagkatusok ng samurai nito kanina sa dibdib niya.
Binura na niya sa isipan yon at aatake na naman sana uli siya ng bigla na namang bumaon ang samurai ni Benz sa kaliwang braso niya. Mabilis ulit siyang napaatras at napahawak sa braso niya. Namamalik mata na naman siya. Pero ang gulo, parang ramdam niya ang pagkabaon ng samurai ni Benz pero wala naman. Ano na bang nangyayari sakanya.
“ Ano bang nangyayari sakin.“ Natanong nalang nito sa sarili. Dahil kaya ito sa takot na naidudulot ng presensya ni Benz? Kaya kung anu ano nalang ang naiisip niya. Sa sobrang gulo ng utak niya, di niya namalayang nakatayo na pala si Benz sa harapan niya. Sobrang lapit lang ng pagitan nila. Nanatili lang silang nakatayo. Gusto niyang gumalaw pero di niya iyon magawa. Parang ang bigat bigat igalaw ng katawan niya habang nakatingin sa mga mata ni Benz.
Sa di inaasahan ay biglang sumulpot sa likuran ni Benz ang kakambal niya na si Abel na nakabwelo na at handang handa ng atakihin si Benz. “ ARGHHH! “ Tatama na sana ang suntok nito sa likuran ni Benz ng mabilis itong makaiwas ng hindi man lang tumingin sa kanya. Nagulat si Abel sa ginawang pag iwas ni Benz kaya di na niya namalayan ang counter attack nito. Mabilis na bumaon sa hita niya ang samurai na tinusok ni Benz. Dahil dun ay napaluhod siya.
Dahil rin sa nabigla si Aiden sa pangyayari, ay wala sa wisyo siyang umatake kay Benz gamit ang latigo na hawak niya. Binunot naman agad ni Benz ang samurai na bumaon sa hita ni Abel at tsaka humarap kay Aiden para salubungin ito, at sa sobrang bilis ng pangyayari, di man lang namalayan ni Aiden ang pagkahiwalay ng kamay niya na may hawak na latigo sa braso niya.
Kinuha naman agad ni Benz ang latigo na yon at tsaka mabilis na pumatong sa nakaluhod na si Abel at tska tinali ang latigong yon sa leeg nito. Sinubukang kunin iyon ni abel pero masyadong mahigpit ang pagkakasakal nito sakanya. Sobrang lakas ng pagkakahawak ni Benz dito
“ ABEL!! “ Sigaw ng kakambal niya nung makita niyang unti unti na itong naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tinik na madiin na nakatusok sa leeg niya.
“ ITIGIL MO YAN!! “ Pipigilan niya pa sana si Benz pero huli na siya. Nakita niya itong tumalon hawak hawak ang latigo pagkatapos ay mabilis niya itong hinila ng malakas dahilan para humiwalay ang ulo ni Abel sa katawan nito.
“ HINDEEEEEE!!!!! “ Hindi makapaniwala si Aiden sa sinapit ng kanyang kakambal. Pati si Ish na nanunuod sa unahan ay di maiwasan ang manginig sa nasaksihan niyang kabrutalan. Hindi na si Benjamin ang pinapanuod niya ngayon. Kundi ang Devi na kinatatakutan noon ng mga tao.
Napaluhod si Aiden sa nangyari. Dobleng sakit ang nararamdam niya ngayon. Ang pagkaputol ng kanang kamay niya at pagkawala na kakambal niya. “ ARGHHHHH!! “ Wala na siyang nagawa kundi ang sumigaw nalang sa sobrang inis na nararamdan niya. Tinignan niya ng matalim si Benz habang hawak hawak ang kanang braso niya. “ HAYOP KA DEVI!! “ Nawala na din sa katinuan si Aiden at nauna na itong sumugod kay Benz bitbit ang dalawang bilog na bagay na hawak hawak ng kaliwang kamay niya “ PAGBABAYARAN MO ANG LAHAT NG ’TO!! “ Hinagis niya ang dalawang bilog na bagay na yon pagkatapos ay kumuha pa siya ng kutsilyo at pinunterya yung dalawang bilog para mabasag sa harapan ni Benz at matapunan siya ng asidong nakapabaloob dun.
Tagumpay niyang nabasag iyon at natapunan nga ng asido si Benz sa may dibdib nito. Umuusok ito sa sobrang init at hapdi. Pero parang walang nararamdaman si Benz. Blangko pa rin itong nakatingin sakanya. Pero hindi agad sumuko si Aiden, kinuha niya ang isang lighter sa bulsa niya at isang bote na lalagyan ng langis. Habang palapit siya kay Benz ay ininom niya ang laman ng boteng yon at inipon sa bibig niya pagkatapos ay tsaka niya sinindihan ang hawak niyang lighter. Pagkatapos ay hinagis niya ito sa direksyon ni Benz at sinundan niya ito ng malakas na pagbuga ng ininom niyang langis.
Sobrang lakas na pagliyab ang nagawa ni Aiden sa harapan mismo ni Benz, at hindi pa siya nakuntento, Nilabas niya pa ang dalawang deck na baraha at tsaka niya pinaulanan gamit lang ang isang kamay niya ang kinatatayuan ni Benz kahit di niya ito makita dahil sa apoy at usok. “ ARGHHHH!! MAMATAY KANG HAYOP KA!! “ Walang tigil sa paghagis si Damsel na parang walang segundong sinasayang. Nung maubos ang dalawang deck na tinira niya ay kukuha pa ulit sana siya ng mga baraha ng dahang dahang nawala ang apoy at usok at tumambad sakanya si Benz na nakatayo pa rin. Walang tinamo ng kahit anong sugat. Pwera nalang sa hawak niyang samurai na nagbabaga na. Paniguradong dahil ito sa apoy kanina. Nagkukulay lava na ito at nag uusok pa sa sobrang init.
Kukuha pa sana ulit ng magagamit na panlaban si Aiden pero ang bilis ng pangyayari. Mabilis na tumali sa katawan niya ang latigong ginamit ni Benz. Agad bumaon ang mga tinik nito sa katawan niya kaya tuluyan na siyang napasigaw. “ ARGHHHHH!! “ Nakatali siya ngayon sa sarili nitong sandata habang nakaluhod.
Nanatili lang silang ganon ng ilang segundo. Kahit wala ng gawin si Benz ay matatapos pa rin ang buhay niya dahil sa lason ng mga tinik nito. “ T-tapusin mo na ako.“ Pagmamakaawa nito. Mas mabuti pang matapos ang buhay niya sa isang atake kesa unti unti pa siyang papatayin ng lason ng mga tinik ng latigo niya. “ TAPUSIN MO NA AKO!! “
Nakita niyang ngumisi ng nakakaloko si Benz. Hinila siya nito palapit sakanya gamit ang nakataling latigo sa katawan niya. Nakita niyang binwelo na ni Benz ang nagbabagang samurai niya, kaya bago paman ito tumama sakanya. Pumikit na ito bilang senyales ng pagkatalo.
“ Magtutuos pa tayo sa Impyerno, tandaan mo yan, Devi.“ Mahinang bulong nito at sa isang iglap, mabilis na humiwalay ang ulo nito sa katawan niya. At di pa ito nakuntento, hinila niya pa ng napakalakas ang latigong nakatali sa katawan ni Aiden dahilan para mahati pa ito sa dalawa.
Muntik ng masuka si Ish sa nasaksihan niya. “ Tangena “ Napamura nalang ito dahil sa mga nasaksihan niyang laban. Parang ano mang oras ay masusuka siya dahil sa sinapit ng dalawa sa kamay ni Benz.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa silid matapos ang labanan sa pagitan ng kambal at ni Devi “ Tapos na ang laban..“ Napasandal nalang ulit si Ish sa sobrang pagod.
Panalo kami..
Ang akala niya tapos na talaga ang laban pero bumalik ang kabang nararamdaman niya kanina nung tumingin si Benz sa direksyon niya. “ Sht “ Alam niyang wala ng kinikilala ngayon si Benz dahil wala ito sa katinuan niya ngayon. Lahat ng makikita niya ay ituturing niyang kalaban. “ Benz ako to.“ Usal pa niya pero ngumisi lang ito habang palapit sakanya. Tumingin tingin pa siya sa paligid, naghahanap ng pwedeng takbuhan. Pero napailing nalang siya. Walang kwenta kung tatakbo pa siya sa kalagayan niya ngayon. Tumingin nalang siya ulit kay Benz. Tuluyan na itong nakalapit sakin. Napaangat siya ng tingin dahil nakaupo lang ako habang nakasandal dito sa may pader.
“ Gago ka, mumultuhin kita pag tinapos mo ako dito. “ Biro niya nalang. Pero alam nyang katapusan na niya. Ang saklap lang ng magiging katapusan niya dahil sa kamay pa mismo ng pinakamalapit niyang kaibigan magwawakas ang buhay niya.
Nakita niyang itinaas na ni Benz ang hawak nitong samurai. Yuyuko na sana siya para di na ito mahirapan pa sa pagpugot sa ulo niya ng biglang may apat na kunai ang tumama sa samurai ni Benz. Napalingon ang dalawa sa pintuan ng silid na yon kung saan nanggaling ang mga kunai.
Limang assassin at isang nakasuot ng Elfame suit ang tumambad sakanila. “ Kayo? “ Gulat na napatingin sa mga assassin si Ish. Di siya pwedeng magkamali, ito ang limang assassin ni Boss Vlad noon. Anong ginagawa nila dito? At tsaka bat may kasama silang kasamahan ng Elfame? Kalaban na rin ba sila ngayon?
“ Oh my gas! Malaking gulo to “ Pagtuturo ni Sebastian kay Benz nung makita niya ang itsura nito. Sila kasi yung apat nina Felix, Trace at Elfred ang humuli kay Benz dati. At masasabi nilang hindi naging madali yon. At heto na naman, bumalik na naman sa dati ang nilalang na ’to
“ Mukhang kailangan pa natin tong pigilan. Wala na yan sa katinuan.“ Sabi ni Felix
“ Argo, kung gusto mo umuna ka nalang. Susunod nalang agad kami pag napatahimik na namin tong isa.“ Sabi nman ni Trace
“ Samahan ko na si baby Argo.“ Presenta ni Asher.
“ Sige kaya na namin tong apat dito.“ Elfred.
“ Tayo na Argo.“ Mabilis na tumakbo ang dalawa papunta sa labasan ng silid na yon. Pero nung malapit na silang makalabas, nagulat si Asher nung biglang humarang sakanila si Benz habang nakangisi. “ Shet.“
Aatakihin sana ni Benz si Argo gamit ang spada niya pero mabilis itong tumilapon at bumangga sa pader nung sipain ito ni Argo. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya ay nagkabitak bitak pa yung pader.
“ Pfft. Easy lang dre “ Natatawang sabi ni Asher. Nakita nilang tumayong muli si Benz na parang hindi nasaktan kaya tinahak na nila ang silid palabas para makaalis na don. Kung mananatili sila don, siguradong matatagalan lang sila dahil sa sobrang tibay ni Benz.
Tagumpay na nakalabas ang dalawa.
Tinakbo agad nila ang huling hagdanan ng mansyong ito. Habang palapit sila ng palapit sa dulo ay di maiwasan ni Asher na mapaisip kung anong iniisip ng katabi niya ngayon. “ Argo, ikaw talaga ang punterya ng Elfame. Ginawa lang nilang pain si Virgel para mahuli ka nila.“ Sabi nalang nito habang tumatakbo sila. Di niya maiwasang mag alala sa pagkakataong ito. Lalo pa’t kilala niya si Argo.
Alam niyang gagawin niya lahat maligtas lang ang kapatid niya. Kahit pa isakripisyo nito ang sarili nitong buhay ay gagawin niya.
“ Alam ko.“ Tipid lamang na sagot nito.
Nung makarating na sila sa dulo ay isang malaking pintuan na ang nasa harapan nila ngayon. Mukhang huling pintuan na nga ito. Nakatayo lang ang dalawa habang nakatingin pareho sa pintuan. Bubuksan na sana ni Asher ang pintuan ng mapahinto ito dahil biglang nagsalita si Argo “ Kung ano man ang mangyari, ipangako mong babantayan mo ang kapatid ko.“
Biglang natawa si Asher. “ Teka nagpapaalam ka naba? “ Bigla lang itong natahimik nung seryoso tumingin sakanya si Argo. “ Ipangako mo.“
Tumango si Asher bilang pagsagot “ Oo. Pinapangako ko. Wag ka ng magdrama jan. Walang masasawi sa digmaan dito. Ipangako mo din yan.“
“ Salamat “ Yun lang ang sinagot ni Argo at marahang ngumiti sakanya. At ewan, parang ang weird sa pakiramdam ng ngiti niyang iyon. Parang kakaiba. Parang makabuluhan. Naramdaman yon ni Asher pero di na niya nalang pinansin.
Pagkatapos nilang mag usap ay binuksan na agad nila ang pintuan.
Tumambad agad sakanila sa may kalayuan ang nakagapos na si Virgel habang nakadungo. Mabilis na pumasok ang dalawa sa silid. Pero pagkapasok nila, agad may tumutok kay Asher sa may gilid niya. “ Wag mo ng subukang gumalaw “ Pagbabanta nito. At boses palang, kilala na niya ito “ Vonzo.“
Susugod na sana si Argo para iligtas si Virgel pero napahinto siya dahil sumulpot ang Boss ng Emnacin Family sa kinalalagyan ni Virgel at tsaka ito tinutukan ng Baril “ Isang maling hakbang, sabog ang ulo nitong kapatid mo “ Pananakot ni Theo sakanya.
Pinalakad naman agad si Asher dun sa may gilid nitong silid. Gusto man niyang lumaban pero siguradong ikapapahamak lang iyon ni Virgel. Habang naglalakad sila ni Vonzo ay napansin ni Asher si Kael na nakagapos rin habang nagbabantay sakanya si Allyria Yusen. “ Pakawalan niyo si Boss! “ Sigaw pa nito. Pero isang hampas ng baril lang ang natanggap niya mula kay Allyria.
Sa ngayon ay tinatali na rin si Asher sa isang kadena ni Vonzo. Wala ng magawa ang dalawa ngayon kundi ang manuod sa pagitan ni Argo at ng buong Elfame.
Napatigil si Argo sa kinatatayuan niya. Agad niyang hinubad ang suot niyang maskara.
Sa madilim na parte naman ng napakalaking silid ay lumitaw ang King ng Elfame Mafia habang nakapamulsa pa ito.
“ Argo Diamante. Sa wakas ay tuluyan ka na rin naming nahuli. “
Habang tinitignan ni Asher si Argo ay bigla nyang naalala ang pag ngiti nito kanina.
Hindi maganda ang kutob niya sa mangyayari.
“ Argo..“
-To Be Continued..
-MajorSin
Episode 57: The Last War
Episode 57: The Last War
( Sorry sa typos and errors :) Sobrang haba po nito. Sana di kayo antukin hahaha Wag niyo pong madaliin yung pagbabasa para mafeel niyo talaga yung scene :) )
[ Asher’s PoV ]
Flashback
Sa lahat ng kuya na nakilala ko, siya na ata ang pinaka mabait sa lahat.
Habang tinitignan ko siya kung pano niya inaalagaan si Virgel ay napapangiti nalang talaga ako. Kitang kita mo talaga sa mukha niya yung saya sa tuwing nakikita niyang tumatawa ang kapatid niya. Mararamdaman mo sa bawat kilos niya na pinapahalagahan niya talaga ng husto si Virgel.
Kahit saan siya mag punta ay sinasama niya ito. Minsan nga maiinis nalang kami nila Felix dahil ipagpapalit niya yung paglalaro namin sa pagbabantay niya sa kapatid niya. Pero di namin siya masisisi. Kami nga na kaibigan niya lang eh makikita mo na mahalaga kami sakanya. Sa kadugo niya pa kaya?
“ Argo pwedeng pakarga kay Virgel? “ Nakangising tanong ko. Nandito lang kami sa sala ng mansyon nila ngayon. Nainggit kasi ako bigla eh. Parang gusto ko na rin tuloy magkaron ng bunsong kapatid.
Papagawa nalang ako kila mama mamaya.
“ Heto.“ Dahan dahan naman niyang nilipat si Virgel sa braso ko. At nung makuha ko ito ay tinignan ko agad si Virgel “ Baaaaaa~ Ba’t ganyan ka makatingin? Ang gwapo ko ano? ^_____^“ Nakangising tanong ko pero niluwa lang ni Virgel ang tsupon niya na parang nandiri bigla at tsaka umiyak ng napakalakas
“ HUWAAAAAA!! HUWAAAAAAA!! “ Aww anong ginawa ko? :c
“ Hahahah akin na.“ Natatawang sabi naman ni Argo at tsaka kinuha ulit si Virgel. “ Natakot ata sayo.“ Dagdag pa niya tas lalo pang tumawa.
“ Grabe kayo sa’kin :( “ Sa gwapo kong ’to? Imposible. Baka di lang sanay si Virgel na gwapo ang umaakay sakanya kaya siguro nabigla siya. Tama. Baka yun nga.
Tumahimik naman agad si Virgel at tsaka humagikhik habang inaabot ng dalawang kamay niya ang buhok ni Argo.
Haaay. Magpapagawa talaga ako kila mama mamaya.
Habang tinitignan ko sila ay bigla nalang akong napatanong kay Argo “ Gaano mo kamahal yang kapatid mo, Argo? “ Kasi diba? Magkaiba sila ng ina. Hindi ba niya iyon naisip?
Tumigil naman sa pakikipaglaro si Argo at tsaka ngumiti. “ Lahat gagawin ko para sa kaligtasan niya.“ Sagot niya habang nakatingin lang kay Virgel.
“ Kahit dumating pa sa puntong kamuhian na niya ako dahil sa pagpoprotekta ko sakanya ay ayos lang sa akin. Lahat tatanggapin ko maging ligtas lang siya palagi.“ Dagdag pa niya na tila nagpatahimik sakin. Yung pagmamahal niya sa kapatid niya, damang dama mo talaga habang sinasabi ’yun.
Lahat ba talaga kaya mong gawin para sakanya?
End of Flashback
Napayuko nalang ako at napakagat sa labi ko sa sobrang inis. Anong bang magagawa ko para mabaliktad ang sitwasyon namin dito? Nakakaasar!
Sana mali talaga tong pakiramdam ko sa mangyayari ngayon.
Sana..
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Ilang taon rin ang hinihintay ko para sa pagkakataong ito. “ Lintanya ni Maximo Yusen habang mataman lang na nakatingin kay Argo. “ Sawakas ay hawak ka narin namin. “
“ Pakawalan niyo na si Virgel. “ Kalmado namang sagot ni Argo na ikinatawa ng mahina ni Maximo.
“ Hindi magiging ganon kadali ang lahat, Argo. Hindi namin siya pakakawalan hangga’t humihinga ka pa.“ May dalawang utusan naman ni Maximo ang sumulpot at lumapit kay Argo na may bitbit na malaki at napaka bigat na posas.
“ Sakripisyo.“ Patuloy nito. Nilagay naman ni Argo ang dalawang kamay niya sa likuran at hinayaan ang dalawang utusan na iposas ang mga ito. Alam niyang ganun ang gustong mangyari ni Maximo.
Napakabigat ng posas. Kaya siguradong mahihirapang kumilos si Argo nito.
“ Bilib din ako sayo.“ Biglang singit ni Theo sa usapan “ Sa kabila ng pagiging halimaw mo, isang nakababatang kapatid lang pala ang kahinaan mo.“ Dugtong nito sabay tawa ng mahina.
“ Ibang klaseng pagmamahal “ Nakangiting dugtong pa ni Maximo habang mahinang pumalakpak.
Si Argo naman ay tahimik lang na nakayuko, at wala ni isa ang nakakaalam sa iniisip niya ngayon.
“ ARGO! LUMABAN KA! “ Narinig niyang sumigaw ang matalik niyang kaibigan sa gilid kaya bigla niyang naalala ang sinabi nito kanina.
“ Oo. Pinapangako ko. Wag ka ng magdrama jan. Walang masasawi sa digmaan dito. Ipangako mo din yan.“
Tipid itong ngumiti.
Sa madilim na parte naman ng silid ay may biglang nagsulputan na napakaraming ninja na nakaputi. Sobrang dami nila habang may hawak-hawak pa na mga sarili nilang sandata. Spada, Blade, Pana, Spear, at iba pa.
Tapos ay meron pang sampung ninja na naka pulang ninja suit ang lumitaw. Sila ang tinaguriang pinakamalalakas na alagad ni Theo.
“ Gusto naming makita kung pano ka madurog.“ Kinuha ni Maximo ang baril sa likuran niya “ At bilang panimula..“ Pagkatapos ay mabilis na pinutok sa kanang hita ni Argo.
Napadaing si Argo dahil dun. Pero hindi siya natumba.
“ Magpakitang gilas ka samin.“ Huling habilin ni Maximo bago umalis sa harapan ni Argo.
Ang mga ninja naman ay dahan dahang pinapalibutan ang halimaw na nakaposas.
May tama ng bala, may napakabigat na posas na dala-dala. Napaisip ang ibang ninja kung makakaya pa ba kaya nitong lumaban.
Nakadungo lang si Argo habang pinapalibutan.
Dahan dahan naman niyang inangat ang ulo niya at tinignan ang nakakaawang sitwasyon ng kapatid niya. Parang nadudurog ang puso niya habang nakikita ang kapatid niya na puno ng pasa ang katawan at walang malay.
Hindi ka magkakaganito kung hindi dahil sa’kin.
Patawad, Virgel.
[ Virgel’s PoV ]
“ Bangon Hahahaha “
Napasuntok nalang ako sa sahig dahil sa sobrang inis. Ba’t di ko siya matalo?! Mabilis kong pinahiran ang dugo sa may bibig ko at tsaka tinignan ang kalaban ko.
“ Ano? Suko kana? “ Tumatawa pa ito na parang hindi man lang niya siniseryoso ang laban namin. “ Bilisan mo Virgel. Baka wala ka ng abutan sa pagkakataong ito.“
Di na ako nagsalita pa at mabilis na ulit akong sumugod sakanya. Tumalon ako para makabwelo ng malakas na suntok papunta sakanya. Pero nung nasa ere na ako at pabwelo palang sana ay bigla nalang parang naging malabo ang paningin ko at sa isang kisapmata ay nakita ko si Mama na nakatayo mismo sa kinatatayuan nung isang katauhan ko kanina.
“ Anak..“ Napahinto ako sa pagbwelo.
“ Mama? “ Ngumiti siya sa sakin, ngingiti pa sana ako ng mabilis akong makatanggap ng malakas na sipa sa may tiyan ko mula sakanya dahilan para mapayuko na naman ako sa sobrang sakit. Tinignan kong muli si mama pero pagtingin ko ay yung isang ako na naman ang tumambad sakin.
“ Ang bilis mong malinlang “ Tumawa pa ito ng mapang asar. Napayuko nalang ako sa sobrang galit. Kinuyom ko ng mahigpit ang mga kamao ko tsaka ulit humarap sakanya para suntukin siya. “ Arghhhh!!! “
Pero pagtingin ko ulit sakanya ay si Elsa naman ang nakatayo doon. Pinilit kong inisip na ilusyon lang yon at dapat kong ituloy tong atake ko. Pero nung tumingin ako sa mga mata niya ay napaurong na naman ang ako sa pag atake.
Hindi ko kaya!
Muli ay tumilapon na naman ako sa tinamo kong atake mula sakanya.
Ang sakit na ng katawan ko.
Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang talunin.
Ba’t ba sobrang hina ko?
…….
…………
Sa tanong na nabuo sa utak ko ay tila naubusan na ako ng pag asa. Ba’t ko pa ba tinatanong ang bagay na yan?
Syempre, isa lamang akong bata. Dati naman na akong mahina at lampa eh. Pinanganak ako na mahina at walang kakayahan sa mga bagay bagay.
Isa lang akong bata at hindi ko kayang mamuhay sa ganitong klaseng mundo. Isa lamang akong lampa na 4th year highschool student dati na walang ginawa kundi ang magbigay ng pera sa mga nangbubully sakin.
Ba’t nga ba ako napunta sa sitwasyong ito. Kung tutuusin napakalayo na pala ng mga nangyayari ngayon sakin sa kung anong buhay dapat meron ako.
Hindi ako nababagay sa mundong ito. Hindi nababagay ang isang bata sa mapanganib na lugar na ’to.
Ba’t nga ba ako napadpad sa mundong ito?
……
………….
Sa tanong rin na yun ay bigla akong natigilan.
Isa isang nagsibalikan lahat ng mga nangyari sakin sa mundong ito. Ang mga masasayang tawanan kasama ang pamilya ko. Ang mga pagsubok na napagdaanan naming lahat. Mga panahong inalalayan namin ang isa’t isa para malampasan ang mga problema.
Napunta ako sa mundong ito dahil may rason, dahil sa isang misyon…
At yun ay ang pamunuan ang mga taong tanging nagtitiwala sa akin, sa kakayahan ko.
Ang ipagtanggol ang mga taong itinuring ako na isang pamilya. Ang ikalawang pamilya ko.
Hindi ko na dapat tinanong iyon sa sarili ko. Malinaw naman na nandito ako dahil dito ako nakatadhana sa mundong ito na mamuhay.
Dahan dahan na akong tumayo kahit sobrang sakit na ng katawan ko.
Oo mahina ako. Wala akong kwentang boss. Pero hanggang sa huling hininga ko,
Ipagtatanggol at ipagtatanggol ko sila kahit na anong mangyari!
Tinignan ko agad ang nasa harapan ko, at kumurba ang ngiti sa mga labi ko nung makita ko kung sinong tao ang ginaya nya.
“ Mukhang maling hayop ang ginaya mo.“ Usal ko at agad na kinuyom ang kanang kamao ko at mabilis na sumugod sakanya. “ Matagal ko ng kinamumuhian ang taong yan! “ Kaya sa oras na ito ay hindi na ako magdadalawang isip na atakihin siya.
Sa lahat ng pwedeng gayahin ay ang halimaw pa talaga ang naisipan mo.
“ ARGHHHHHH!!! “ Agad na akong bumwelo nung tuluyan na akong makalapit sakanya.
Pero nung pinakawala ko na yung suntok ay tila may kakaiba akong naramdaman at bigla nalang lumabas sa isipan ko ang imahe ng batang Argo dun sa panaginip ko na nakangiti na mismong naging dahilan ng hindi pagtama ng suntok ko sa mukha niya.
Nanatili lang na sobrang lapit ng suntok ko sa mukha niya habang nakatingin ako sa mga mata niya. Ano to? Bakit ganito?
Bakit pati siya ay hindi magawang atikihin ng katawan ko?! Matagal ko ng gustong tapusin ang taong yan kaya bakit?!
Nakita ko ang pag ngisi ng nasa harapan ko ngayon “ Akala ko ba matagal mo ng gustong tapusin ang taong to? “ Tanong pa niya. “ Pero di mo ito magawang suntukin gaya ng mga taong ginaya ko kanina “
Hindi ko magawang atakihin yung mga naunang ginaya niya dahil mahahalaga silang lahat sa sakin. Pero bakit itong isang to? Bakit hindi ko rin siyang magawang atakihin?!
BAKIT?!!
“ Mahalaga ba sayo ang kapatid mo? “ May pang aasar pa na tanong niya kaya mabilis ko siyang sinagot
“ HINDI! KINAMUMUHIAN KO ANG TAONG YAN!! “ Biglang sumagi sa utak ko ang pagpatay ng taong yun kay Hugo kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. “ HINDING HINDI KO MAPAPATAWAD ANG HALIMAW NA YAN!!! “
“ HAHAHAHAHAHA! “ Ang inis na nararamdaman ko ay agad napalitan ng pagkagulat nung bigla itong tumawa ng napakalakas, “ Wala ka talagang kaalam alam. “ Dugtong pa nito na mas lalong nagpakunot sa noo ko.
“ Anong ibig mong sabihin? “
Bumuntong hininga naman ito at tsaka tumingin sakin. “ Gusto mong malaman? Ikaw na ang tumuklas sa bagay na yan.“ Bigla nalang itong tumalikod palayo na ipinagtaka ko.
“ Hoy di pa tapos ang laban natin! “
“ Hindi pa ito ang tamang oras na maging isa tayo Virgel. Gamitin mo yang galit na nararamdaman mo para manalo sa laban.“
“ Anong galit na sinasabi mo? “
Huminto ito saglit at tsaka limingon sakin ng kaonti
“ Galit sa…kapatid mo? “
Biglang patanong niya at tsaka ito tumawa hanggang sa unti unti itong naglaho at nilamon ng dilim sa lugar na to.
At heto ako, naiwan sa dilim habang pinag tugma tugma lahat ng mga sinasabi niya.
Anong gusto niyang palabasin?
[ 3rd Person’s PoV ]
Flashback
“ W-wag..m-maawa kayo. May pamilya ako “ nanginginig na sambit ni Theo sa harapan ng limang assassin. Nakatayo lang ang lima habang tinitignan siya. Tanging ang mga mata nila lamang ang nakikita ni Theo dahil nakatakip ang mga mukha nila.
Nandito silang lahat ngayon sa Master’s Bedroom ni Theo. Lahat ay tulog na sa mansyong ito maliban sa kanila.
“ A-ano bang kailangan niyo? Pera? G-gusto niya ba ng pera? B-bibigyan ko kayo! “ Natatarantang sabi ng matanda. Yumuko naman yung nasa gitna nila at tsaka tinignan ng mata sa mata si Theo. Mas lalo pang nanlambot ang buong katawan niya dahil sa titig ng assassin na yun.
Kinuha ng assassin na yun ang isang kunai at tsaka itinuon sa may leeg niya.
Di ito nagsasalita. Nakatitig lang ito sakanya.
“ W-wag..maawa kayo. Hindi ko naman ginagalaw si Vlademir. M-magkaibigan kami..“
“ Akala mo ba hindi namin alam? Minsan mo ng pinagtangkaan ang buhay ng Boss namin. “ Biglang nagsalita yung isang assassin.
“ W-wala akong alam jan. H-hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! “
Kumuha naman yung isang assassin na nakatayo ng isang kunai at mabilis na binato sa gilid ng braso ni Theo. Nadaplisan ang suot nitong damit kaya mas lalo pa itong kinabahan.
“ Swerte mo dahil hindi inutos sa amin na tapusin ang buhay mo.“ Usal pa nung isa. Nawala na sana yung kabang nararamdaman ni Theo sa mga narinig niya pero bumalik lang yun lahat at mas naging triple pa ang kabang naramdaman niya nung magsalita ang assassin na kaharap niya.
“ Isang maling hakbang pa..“ Agad nitong ginalaw ang kunai na hawak niya na nakaturo sa leeg ni Theo. “ Hahasain ko tong hawak ko dito mismo sa leeg mo.“ Ang boses nito, nakakakilabot. Maiiyak ka nalang sa sobrang takot na mararamdaman mo. Isama mo pa ang mga mata nito na ang makikita mo ay ang sarili mo na dahan dahang sinusunog ng apoy.
Tumayo na yung assassin na yun at tsaka tumalikod at tumalon sa bintanang dinaanan nila para makapasok dito. Habang si Theo naman ay tulala at hindi makagalaw. Iyon na ata ang pinaka nakakatakot na nangyari sa buhay niya.
At mukhang habang buhay na nyang dadalhin ang takot na yun.
End of Flashback
Habang tinitignan ni Theo si Argo na nakikipag usap kay Maximo kanina ay di niya maiwasan ang manginig.
Dalawang beses na siyang muntik mamatay sa mga kamay nito. Una ay yung pinasok siya, at pangalawa ay dun mismong sa kaarawan niya.
Dala dala niya ang takot na yun saan man siya magpunta. Kaya desperado talaga siyang mabura na sa mundo si Argo para mawala na rin yung takot na dala dala niya.
Nagsilabasan na ang mga ninja na mga tauhan ni Theo sa malaking silid na’to. Pinaghandaan na niya talaga ang pagkakataong ito
Maski ang sampu sa pinaka malalakas niyang tauhan ay pinapunta na niya dito. Kailangang masiguro nila ang kamatayan ni Argo.
Sa kabilang banda naman ay napapikit nalang si Argo at tsaka yumuko. Habang ang mga ninja naman ay may halong takot pa ang nararamdaman nila kahit sobrang dami na nila.
“ Kaya kaya natin siya? “
“ Huwag kang maduwag jan. May tama na siya sa binti at nakagapos pa ito ng posas na sobrang bigat. Imposible pang makalaban pa siya ng maayos. “
Dahan dahan nagsilapitan ang mga ninja kay Argo habang hawak hawak ang kani kanilang sandata.
At iksaktong pagbagsak ng isang butil ng pawis ni Argo sa sahig ay agad sumugod ng sabay sabay ang mga ninja
“ AARRGHHH!!! “
Dahan dahan namang binukas ni Argo ang mga mata niya bitbit ang napaka seryosong mukha.
Una niyang napansin ay ang dalawang blade ang papalapit sakanya, kaya mabilis siyang umilag dito sa pamamagitan ng pantalon dahilan para yung dalawang blade ay tumama sa ibang ninja.
“ Nagagawa niya pa ring tumalon ng ganyan kataas kahit sobrang bigat ng dinadala niya?! “ Nagulat ang iba sa ginawa ni Argo kaya di nila namalayan ang palanding na mga malalakas na sipa nito.
Rinig pa ang pagkabali ng ulo nung isang tinamaan.
Nakagapos man siya ay meron naman siyang dalawang paa na pwedeng gamitin.
Mabilis na naiilagan ni Argo ang mga mahihinang pag atake ng mga ninja at binibigyan niya isa isa ng nakakapatay na counter attack. May isang nagtangka sakanya na may hawak na sandata pero napansin niya agad iyon at tumalon siya at mabilis na nilock ang ulo nito gamit ang binti niya at tsaka mabilis na pinipilit.
Sobrang dami ng ninja ang umaatake sakanya kaya wala na siyang oras magpahinga. Mejo mabibilis ang mga kalaban niya kaya kailangan niya din bilisan sa pagkilos. Kung wala lang sana tong sobrang bigat na posas na nakakabit sakanya.
“ Ba’t nagagawa paring makipaglaban ng nilalang nato? “ Napatingin ang isang ninja sa paligid niya. Ang dami ng ninja ang natumba. At isang halimaw lang ang mag isang may gawa nito.
Lilingon pa sana ulit siya sa direksyon ni Argo pero paglingon niya ay nanlaki ang mga mata niya dahil nasa harapan na niya ito. Aatake pa sana siya pero agad siyang nawalan ng ulirat nung matamaan siya ng malakas na sipa sa leeg niya.
Nilingon ni Allyria ang kanyang asawa na nasa gilid lang niya bitbit ang nangangambang mukha “ Mahal, mukhang mali ata ang ginawa mo. Dapat kanina mo pa tinapos ang buhay ng Argo na yan.“ May takot na sa boses na sambit niya.
Habang isa isa niyang nakikita ang mga ninjang natatapos ni Argo ay di niya maiwasan ang matakot. Baka kasi makalas niya yung posas na nakatali sakanya at baka pati sila ay matapos dito.
“ Wag kang mag alala mahal. Hawak natin si Virgel.“ Tinignan ni Allyria si Theo at pansin mong nanginginig itong nakatingin sa labanan habang hawak-hawak ang baril na nakatutok kay Virgel.
“ At isa pa, tao pa rin si Argo.“ Napansin ni Allyria ang pag ngiti ni Maximo habang nakatingin kay Argo kaya napatingin rin siya dito. At pansin niyang medyo pinagpapawisan na ito at mejo nahihirapan narin sa mga pag ilag na ginagawa niya. “ Hindi yan Robot na hindi marunong mapagod. Idagdag mo pa ang posas na nakatali sakanya.“
Habang patuloy sa pakikipaglaban si Argo sa mga ninja ay meron ulit mga nagsulputan pa na mga iba pang tauhan. Hindi maubos ubos ang mga nakakalaban niya. Kung di lang sana nakaposas ang kamay niya ay kayang kaya niyang ubusan lahat ng ito.
Pero gayunpaman, hindi pa rin nagpatinag si Argo. Unti unti pa rin niyang inuubos ang mga nakakalaban niya. Napansin niya ang isang pana na papalapit sakanya kaya mabilis niya iyong iniwasan at tinignan ang may gawa nun. Isang ninja na may armas na pana. May umatake sa harapan niya na may hawak na Blade, at nung bumwelo ito ay mabilis na sinipa ni Argo ang kamay nito dahilan para tumilapon sa ere yung blade na hawak nung ninja. Tumalon naman agad si Argo at tsaka sinipa yung puluan ng blade ng napakalakas sa direksyon dun sa ninjang may hawak ng pana. Sa sobrang bilis ng paglipad nito ay di na ito nagawang ilagan pa ng ninja na yun. Mabilis itong bumaon sa katawan niya.
“ Tama nga si Boss, isa ngang halimaw to! “ Nagdadalawang isip na yung iba na lumapit kay Argo. Para bang pag lumapit ka sakanya ay automatic, kamatayan ang pupuntahan mo. Pero yung iba ay matatapang talaga. Sugod pa rin sila ng sugod.
Habang abala si Argo sa pakikipaglaban ay dahil na rin sa pagod na nararamdaman niya, di niya napansin ang isang ninja na umatake sa likuran niya– na nagtagumpay na makatama sa may likuran niya.
Bumaon ang isang kunai sa kaliwang parte ng likod ni Argo. “ Huli ka! “ Maangas pa na sabi nung nakatama. Pero maya maya lang rin ay mabilis na humiwalay ang ulo niya sa sobrang lakas ng pagkakasipa ni Argo sa mukha niya.
Lahat ay napaatras dahil sa nangyari. Imbes na sa oras na to ay dapat wala ng lakas si Argo ay tila mas lalong nagdilim pa ang awra niya.
Dahil tila takot na ang lahat na lumapit pa, dahan dahan ng lumapit ang sampung nakapulang ninja sa kinatatayuan ni Argo na para bang handa ng sumali sa eksena.
“ Tignan natin kung saan ang hangganan ng isang to “ Sabi pa nung isa.
“ Anong tinutunganga niyo?! LUMABAN KAYO! “ Sigaw naman ng Boss nila kaya wala na silang magawa pa kundi ang sumugod ulit kasama na ng sampung malalakas na ninja.
Sa kabilang banda naman ay tinignan ni Maximo si Vonzo na kanina pa naghihintay sa permiso ng Boss niya na sumali. Nagkatitigan muna silang dalawa bago tumango si Yusen bilang senyales na sumali na siya sa labanan.
Tumango naman si Vonzo at dahan dahang naglakad papunta sakanila habang unting unti nilalabas ang armas niya na Mejo mahaba at matulis na tubo na kulay ginto.
“ Makakaganti na rin ako sayong Hayop ka“ Habang inaalala niya yung nangyari dati kung saan walang kalaban laban siyang binugbog ni Argo ay mas lalong humigpit ang hawak niya sa tubo.
Maraming puting ninja, Sampung malalakas na pulang ninja, kasama si Vonzo. Pagtutulungan nilang patumbahin ang isang halimaw na matagal ng gustong itumba ng karamihan. Isang halimaw ng pinag iinitan ng lahat.
Sa gitna ng labanan na nangyayari ay mas lalo pang bumilis ang mga kilos ni Argo. Hindi nila alam kung saan pa ito kumukuha ng lakas eh kanina pa to nakikipaglaban ng walang tigil.
Habang abala si Argo sa mga kalaban niya ay may biglang sumipa sakanya ng napakalakas sa mukha dahilan para matumba siya. Tinignan niya ang may gawa nito.
“ Ang malas mo lang at binuhay mo pa ako nung gabing ’yun.“ Bulalas ni Vonzo. Tumayo naman ulit si Argo at tsaka sinugod si Vonzo. Inatake niya ito ng sipa sa mukha pero nasangga lang iyon ni Vonzo gamit ang armas niya. Ngumisi pa ito. Pero di niya alam na may kasunod pa palang sipa ang atake ni Argo. Di niya iyon napaghandaan kaya mabilis rin siyang tumilapon.
May isa pang pulang ninja ang umatake sakanya sa likuran. Buti nakailag agad ang leeg niya. Nadaplisan lang ito ng Blade na hawak nung ninja. Mabilis niyang tinuhod sa tiyan yung ninja at nung mapayuko ito ay malakas niyang sinipa yung baba nito dahilan para umikot ang ulo nito ng 360 degrees.
May nangahas pa ulit na dalawang pulang ninja ang sumugod sakanya na may hawak hawak na blade. “ ARGHH! “ handang handa ng umatake yung nasa likuran niya, at nung binitawan na nito ang atake niya ay agad yumuko si Argo at itinaas ang kamay niyang nakaposas, at dahil don, dun mismo tumama sa posas niya ang atake nung ninja. “ Sht! “ Nagkatipak naman yung posas pero di padin sapat para matanggal iyon ni Argo. Bubwelo pa sana ulit yung ninja nung makatanggap siya ng sipa ni Argo mula sa ibaba. Sinadya ulit niyang daplisan ng napakalakas ang baba nito para magmalfunction ang katawan nito at mawalan ng kakayahang tumayo.
Sunod niyang inatake ang nasa Harapan niya. Pero bago paman niya iyon atakehin ay matalim niya munang tinignan ang matandang si Theo.
Si Theo naman ay tila naparalisa nung tignan ito ng nakakatakot ni Argo.
Habang umaatake si Argo sa mga ninja ay tila palapit rin ito ng palapit ito sa kinatatayuan ni Theo. Hanggang sa di namalayan ni Theo na papunta na pala ito sakanya.
Nataranta agad si Theo at mabilis na kinalabit ang gatilyo na nakatutok kay Virgel…
Pero bago paman ito pumutok ay nasipa na pataas ni Argo ang kamay niya at sa itaas na niya ito naiputok. Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Theo sa nangyari, at mas lalo pa itong nanlaki nung tignan niya ang halimaw na sobrang sama ng tingin sakanya.
Maya maya pa ay nahuli nalang niya ang sarili na nabangga sa may pader. Napabulwak ng dugo ang matanda. Bago pa manlabo ang mga mata niya ay nakita niya pa na papalapit na naman sakanya si Argo na tila di pa nakuntento.
Sinipa ulit siya ng napakalakas dahilan para bumagsak ito ng walang malay.
“ ATAKIHIN NIYO SI VIRGEL!! “ Narinig iyon bigla ni Argo kaya napahinto siya sa pag atake kay Theo at mabilis siyang napalingon sa kinalalagyan ni Virgel.
…….
………….
Sa kabilang banda naman ay dahan dahang iminulat ni Virgel ang mga mata niya. Gising na ito galing sa isang bangungot. Pero nung tuluyan na siyang napamulat ay nagulat siya ng may dalawang bagay ang magkasunod na mabilis na lumilipad papunta sa direksyon niya. Isang spear at isang tubo na kulay ginto.
Tuluyang nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa mga kamay niya na nakatali
Hindi..
Hindi siya makakailag…
May biglang sumipa sa spear na yun palapit sakanya kaya di ito tumama sakanya. Pero yung kasunod na gintong matulis na tubo ay di niya alam kung saan napunta.
Di niya alam kasi may humarang sakanya na isang katawan.
Napatigil ang lahat dahil sa nangyari. Naging sobrang tahimik bigla ng paligid.
Habang gulat na gulat padin si Virgel sa nangyari ay dahan dahan niyang tinignan ang katawang yon…pababa.
At dun niya nakita ang Tubong lumilipad kanina..
Nakasaksak sa may tiyan ng humarang sakanya.
Dahan dahan niyang inangat ang tingin niya hanggang sa madapo ng mga mata niya ang mukha ng nagligtas sakanya.
At halos hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Nanatiling nakadilat ang mga mata niya habang tinitignan ang mukhang naglitas sakanya.
Gulat na gulat. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya sa mga oras na to.
Dahan dahan naman itong tumingin sa mga mata niya.
Medyo ngumisi pa ito ng pilit. “ N-natatakot kaba? “ Mahinang tanong nito.
Ang taong kinamumuhian niya…
Ang taong gustong gusto niyang tapusin…
Ang halimaw na kapatid niya..
Heto ngayon, nasa harapan niya.
Niligtas ang buhay niya..
“ W-wag kang mag alala..“ Nagsalita ulit ito at laking gulat nalang niya ng bigyan siya nito ng isang mala anghel na ngiti. Ngiting nakita na niya noon sa batang Argo sa panaginip niya. “ H-hanggat nakatayo ako..w-walang pwede manakit sayo. “
Naguguluhan siya sa nangyayari ngayon. Hindi niya alam kung bakit tumutulo ang mga luha niya habang tinitignan ang taong nasa harapan niya.
May tatlong spear ulit ang nakita ni Virgel na papunta sa direksyon nila. Pero walang pag aalin alangan parin yung sinalo lahat ni Argo. Dahil doon ay tuluyan na siyang napaluhod.
Nakita ni Virgel na meron na namang nagbitaw ng dalawang palaso papunta sa direksyon niya. Pilit niyang kumawala sa pagkakatali niya pero bago pa man niya yun nagawa ay mabilis na tumayo si Argo para saluhin ulit iyon.
“ Ano bang ginagawa mo?! “ Naiiyak na na sambit ni Virgel. Naiinis siya. Bakit ganito? Bakit siya pinagtatanggol ng taong to? Bakit naiiyak siya? “ TAMA NA!!! “ Sigaw pa niya pero nanatili lang na nakatayo ang kuya niya. Nakadungo at tila wala ng lakas pa. Ang dami na ring dugo ang nawala sakanya.
“ M-may hihilingin lang sana ako sayo, Virgel..“ Hinang hina na sabi nito. “ K-kung sakaling wala na akong lakas na tumayo para…p-para protektahan ka..“ Napansin ni Virgel ang mga luha ni Argo na sunod sunod na bumabagsak “ Pakiusap pilitin mo ang mabuhay..k-kahit para sakin lang. “
Meron pa ulit isang spear na papalapit sa likuran ni Argo. Pero sa ibabang parte ito papunta at sa posas ito tumama.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan na ngang nabasag ang posas na yon.
Sa wakas ay malaya na rin ang mga kamay niya.
Pero yung katawan naman niya ang pagod na pagod na. Hindi na niya kayang lumaban. Hinahabol nalang rin niya ang hininga niya.
Dahan dahang hinawakan ni Argo ang pinakamamahal niyang kapatid sa balikat nito at tsaka tinignan sa mata. “ P-ptawarin mo sana ako..“ Ang mga salitang yun ang mas lalong nagpaagos sa mga luha ni Virgel.
“ A-argo…“ Tanging nasambit nalang niya sa gitna ng pag iyak niya. Nagulat naman siya nung hinawakan ni Argo ang pisngi niya.
“ H-habang buhay kitang poprotektahan…Virgel. T-tungkulin ko yan bilang k-kuya mo. “ At dahan dahang ginalaw ni Argo ang ulo niya pakanan na para bang may pinapatignan ito sa likuran niya.
Nakatingin lang si Virgel sa kuya niya habang ginagawa sakanya yun, at nung mapatingin siya sa nasa likuran ni Argo ay nanlaki ang mga mata niya nung makita si Maximo na may hawak na baril na nakatutok kay Argo.
“ Habang buhay..“
At isang putok ng baril nalang ang umalingawngaw sa silid. Mabilis na lumusot ang balang iyon sa ulo ni Argo.
Kung di pa ginalaw ni Argo ang ulo ni Virgel pakanan ay baka pati siya ay natamaan na rin nito dahil sa pagtagos ng bala sa ulo niya. Sa huling hininga niya ay ang bunso niya pa rin talaga ang iniisip niya.
Mabilis na natumba ang katawan ni Argo pagkatapos ng pangyayari.
……..
……………………
Sobrang tahimik ng silid. Lahat ay nagulat sa pangyayari.
Lalong lalo na si Virgel..
Ang kinatatakutan ng lahat sa mundo ng mafia. Ang tinaguriang pinaka delikadong halimaw
Ay wala na..
Wala na ang halimaw na may malademonyong mga mata na si Argo Diamante.
Dahan dahan namang napatingin si Virgel kay Argo na wala ng buhay na nakahiga. Punong puno ng tama ng matatalim na bagay ang likuran niya.
Sobrang pagkabog ng dibdib ang nararamdaman niya sa mga oras na to. At isang boses lang ang narinig niya bago siya tuluyang nawala sa sarili.
“ Galit sa…kapatid mo? “
“ AAAARRRGGHHHHHH!!!! “ Napasigaw na ng napakalakas si Virgel sa sobrang galit. Buong pwersa niyang hinila ang kadenang nakakabit sa dalawang kamay niya hanggang sa mabasag ito. Mabilis namang nataranta ang lahat dahil sa pagkawala niya.
Aasintahin pa ulit sana ni Maximo si Virgel pero bago pa niya ito maiputok ay mabilis ng nakalapit si Virgel sakanya at buong pwersa siya nitong sinuntok sa mukha dahilan para tumilapon siya ng napakalakas.
Mabilis namang nag back up ang mga ninja para sugurin ang bata. Pati mga tauhan ng Elfame ay nagsidatingan na rin para tumulong.
Agad ulit nagkagulo ang buong silid.
Sa kabilang banda naman ay nataranta narin si Allyria matapos makita ang kasintahan niya na tumilapon. Tutulong na sana siya sa labanan ng bigla siyang tinawag ni Kael. “ Pakawaalan mo ako dito! “
Pero imbes na sagutin ay itinutok lang ni Allyria ang baril niya kay Kael. At nung ipuputok na sana niya ito ay mabilis na sinipa ni Kael ang kamay niya at timing na sa kadena tumama yung bala dahilan para makawala siya sa pagkakatali.
Di na nag asaya pa ng pagkakataon si Kael. Mabilis niya agad na kinuha yung mga bomba niya at tsaka sumugod kay Allyria na sobrang talim ng tingin.
Itataas pa sana ni Allyria ang kamay niya para asintahing muli si Kael pero nahuli niya nalang si Kael na nasa harapan niya at mabilis siyang sinuntok sa sikmura niya dahilan para mapanganga siya sobrang sakit.
At nagulat nalang siya nung bigla siyang pinakain ng isang bagay ni Kael. Pagkatapos ay kumuha pa ito ng mahabang panyo na dala nito at mabilis na itinali sa bibig niya. Kasunod ay tinali ni Kael ang dalawang kamay ni Allyria.
Pilit namang kumawala si Allyria at pilit na nag sisigaw. Pero nakatingin lang si Kael sakanya. Alam ni Allyria na bomba yung nandun sa bibig niya kaya mabilis siyang lumapit sa ibang ninja para magpatulong na kalasan siya.
May mga lumapit naman agad sakanya para tulungan siya. Pero bago paman iyon naialis sa bibig ni Allyira ay mabilis na itong sumabog.
Damay pati ang mga nasa paligid nito.
Si Asher naman ay tulala parin na nakatingin kay Argo na nakahiga sa kalayuan.
“ A-argo….“ Napadungo nalang siya at di mapigilan ang sarili. “ Tanginaaaa!! “ Di niya matanggap ang mga nangyayari ngayon. Ang matalik na kaibigan niya.
Ang pinakamatalik na kaibigan niya.
Bumalik sa alaala niya lahat ng mga pinagdaanan niya kasama si Argo kaya mas lalong nanikip ang dibdib niya. “ ARGHHHHHH!!! “ Walang kahirap hirap niyang nawasak ang kadenang nakatali sakanya. Punong puno ng galit ang nararamdaman niya ngayon.
Matalim niyang tinignan ang labanan na nangyayari. At nung makita niya si Vonzo na nasa gilid ay mas lalong nagdilim ang paningin niya.
Mabilis niyang sinugod ito “ HAYOP KA!!! “ Napansin naman agad ni Vonzo si Asher na papalapit sakanya kaya napaghandaan niya ang atake nito. Sinubukan niyang sanggain ang suntok ni Asher gamit ang dalawang braso niya pero bumukas lang ito sa sobrang lakas ng atake ni Asher at mabilis itong tumama sa mukha niya. Nagwawala na ito sa sobrang galit na nararamdam niya. Parang gusto niyang tapusin lahat ng taong nandito ngayon.
Sinubukan naman ulit sumugod ni Vonzo kay Asher bitbit ang isang blade na napulot niya. “ ARGHHHH!! “ Tumalon si Vonzo at tsaka pinaikot ang sarili papunta kay Asher bitbit ang sandata niya. Sa sobrang bilis ng pag ikot niya ay di nailagan ni Asher ang ataking yun at tinamaan siya sa may kanang dibdib niya. Paglanding ni Vonzo sa harapan ni Asher ay nagtangka ulit siyang sugurin ang kalaban, pero sa pag kakataong ito ay nahuli na ni Asher ang hawak niyang blade. Mabilis na hinawakan iyon ni Asher, dumugo pa yung kamay niya dahil sa pagkakahigpit ng hawak niya.
Gulat na gulat na napatingin si Vonzo kay Asher. Di niya inakala na ganito kalakas ang minsan nay naging kasamahan niya sa Hirvana. “ Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mong hayop ka. “ Nagbabagang na ang panga ni Asher sa sobrang galit. Kitang kita niya kanina kong pano tumama yung hinagis ni Vonzo at mabilis na bumaon sa katawan ni Argo.
Ngumisi pa ng mapang asar si Vonzo “ Nababagay lang yun sakanya. Nababagay lang sa halimaw na yun ang mamatay! “ Dahil sa mga sinabi niya ay walang pag aalinlangan ng sinuntok ni Asher si Vonzo. Mabilis siyang nabangga sa pader, pero di pa tapos si Asher, nilapitan pa niya ulit ito at pinaulanan ng mga suntok sa mukha “ ARGHHHHHH!!! “ May napansin siyang limang ninja na nasa likuran niya kaya nilingon niya muna yun at isa isang tinapos gamit lang ang sarili nitong mga kamay.
Pagkatapos ay hinarap niya ulit si Vonzo para sana ipagpatuloy ang ginagawa niya pero pag tingin niya ulit sa kinalalagyan nito kanina ay nawala na ito.
Nilingon niya ang buong paligid para sana hanapin ito pero di na niya ito mahagip.
Nakatakas si Vonzo.
Habang palingon lingon siya sa paligid ay nahagip ng kanyang mga mata ang kinalalagyan ni Argo.
Ang kaninag nagwawala ay biglang natigilan. Agad nawala yung inis na nararamdaman niya at mabilis na napalitan ng sakit.
Pinuntahan niya kaagad si Argo. Habang papalapit siya sa kinalalagyan nito ay pabigat rin ng pabigat ang nararamdaman niya.
“ Kung ano man ang mangyari, ipangako mong babantayan mo ang kapatid ko.“
“ Salamat “
Habang tinitignan niya ang likuran nito na puno ng tama ay sumagi sa utak niya ang sinabi nito kanina.
At ang huling pag ngiti nito sakanya.
“ Sabi ko walang masasawi diba? “ Tuluyan ng napaluhod si Asher at napayuko sa tabi ni Argo nung makalapit siya. Di na niya napigilan ang sarili niya na maiyak.
“ Hindi ka talaga marunong makinig kahit kailan “
Sa kabilang banda naman ay tila unti unti ng nauubos ang mga ninja na nakikipaglaban kay Virgel. Paubos na sila pero di pa sila nakakatamo ng konting galos kay Virgel. Sobrang lakas nito, parang dinaig pa si Argo sa sobrang lakas niya. Di napapagod at parang habang tumatagal ang labanan ay mas lalo pang lumalakas ang mga pag atake niya.
Meron tatlong pulang ninja ang papalapit sakanya kaya kumuha siya ng dalawang blade at tsaka pinagdikit ang dalawang puluan nito at tsaka mabilis na umikot papunta sakanila, pero bago pa man siya nakalapit sa mga kalaban ay isa isa nyang hinagis iyon sa direksyon nila ng napakabilis. Di inaasahan ng tatlong ninja ang ginawa niya kaya di sila nakailag at mabilis na bumaon yung dalawang blade sa dalawang ninja. Napalingon ang naiwang ninja sa dalawang natumba, at pagtingin niya ulit sa harapan niya ay isang suntok na papalapit ang tumambad sakanya. Nabangga ang ninjang iyon sa pader at bago pa man siya matumba ay bumaon na sa katawan niya blade na hinagis ni Virgel papunta sakanya.
…..
………….
Lahat ng kalaban ngayon ay tumba na. Maliban sa King nila na nakasandal sa pader habang nakatingin kay Virgel.
Walang emosyong tinignan ni Virgel pabalik ang King
“ Naalala ko ang batang Vlademir sayo, Virgel.“ Biglang sabi ni Maximo. Si Virgel naman ay nanatili lang na nakatayo. “ Ang mga mata mo, ang mukha mo. Parang isang Vlademir lang ang nakikita ko ngayon. “ Ngumisi pa ito.
“ Hindi na ata matatapos ang takot na nararamdaman ng mga tao sa mundo ng Mafia hangga’t nabubuhay ang lahi niyo. Sa panahon ko kilala ang ama mo bilang inosenteng halimaw sa mundo ng mafia dahil sa inosenteng mukha nito pero may nakakatakot na katangian. Sa henerasyon naman ngayon ay ang kapatid mo na kilala bilang Halimaw na may malademonyong mga mata. Na pinagtutulungang patumbahin ng bawat Mafia dahil sa napakadami na nitong napaslang.“
“ At sa ngayon ay natapos na ang panahon niya. At sa tingin ko, mas matinding halimaw pa ang papalit sakanya. “ Patuloy nito. Alam nilang dalawa kung sino ang tinutukoy ni Maximo. Yun ay walang iba kundi ang pinakaunang naging batang Boss sa kasaysayan ng Mafia.
Itinutok ni Maximo ang hawak niyang baril at tsaka mabilis na pinaputukan si Virgel. Pero lahat ng iyon ang nailagan ni Virgel ng walang kahirap hirap. At sa pag ilag nyang yun ay tuluyan na siyang nakalapit kay Maximo at mabilis na naagaw ang baril.
Hindi pumalag si Maximo, at kung tutuusin ang kalmado pa ng awra niya ngayon at walang kahit anong takot ang makikita mo sa mukha niya. “ Ang henerasyon mo ang magiging pinaka nakakatakot na henerasyon na mararanasan sa mundo ng Mafia, Virgel. Alam kong isang napakalakas na katauhan ang natutulog jan sa katawan mo. Mas triple pa sa kung anong meron ang kapatid at ama mo.“
Yumuko si Maximo bilang pagsuko sa buhay niya. “ Pagod na akong matakot. Ayoko ng maubatan pa ang pamumuno mo sa mundo ng Mafia. Tapusin mo na ang buhay ko.“
Tinignan ni Virgel ang magazine ng baril na yun at isang bala nalang ang nandun. Ibinalik niya ito at tsaka itinutok sa ulo ni Maximo. “ Ang totoo nyan ay masyado akong mabait. At sa sobrang bait ko, lahat ng gustong ihiling mo sakin ay gagawin ko. At sa pagkakataong ito..“
“ Pagbibigyan kita sa hiling mo.“
At isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid.
……………………
……………………………….
Matapos ang labanan ay tsaka lang naramdaman ni Virgel ang sobrang pagod. Napasandal nalang siya sa may pader. Hinang hina niya namang tinignan ang kinalalagyan ni Argo kung saan andun si Asher at si Kael na nakatingin sakanya.
Ewan pero bigla nalang ulit tumulo ang mga luha niya nung makita niyang nakahandusay ang kuya niya.
Kuya Argo..
-To be continued..
Sa mga gustong maiyak o gusto pang maiyak at mas mafeel ang Update na ’to, please watch niyo yung video sa media :)) Imagine niyo nalang na silang dalawa ni Argo at Virgel yan
P.S : Sa mga nagtataka kung bakit yan yung nilagay kong picture sa media, gusto ko lang sabihin na sa simula pa lang, yang picture na yan talaga inspired yung story nila Virgel at Argo. Nakakalungkot tignan. And yes, inspired talaga yung story nila kila Sasuke at Itachi :)
-MajorSin
EPILOGUE
EPILOGUE
Panuorin niyo po muna yung video sa media bago kayo magpatuloy :))
[ Virgel’s PoV ]
“ Mahal na mahal ko ’tong kapatid ko. Kahit pa magkaiba ang ina naming dalawa. Gagawin ko lahat para sakanya. Para lang maging ligtas siya. Kahit pa kapalit ng buhay ko. “
Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dumadampi sa balat ko ngayon. Nakapikit lang ako habang nilalanghap ang simoy nito. Napakapayapa ng lugar. Sobrang tahimik. Puno ng natitingkarang mga bulaklak at mga damo ang paligid. Tanging mga huni ng ibon lang ang maririnig mo sa lugar na’to.
Nakasandal lang ako sa may puno ngayon habang nakaupo sa may damuhan.
Kung ganito lang sana kapayapa ang bawat lugar.
Nakarinig ako ng pag galaw ng mga damo na para bang may naglalakad at papalapit sa kinaroroonan ko kaya dahan dahan ko kung minulat ang mga mata ko.
At sa harapan ko tumambad sa akin ang taong minsa’y kinamuhian ko ng husto sa buong buhay ko.
Nakangiti lang ito..ibang iba sa laging nakikita ko sa tuwing magkaharap kami.
Napaka amo ng mukha…ibang iba sa itsura niya sa tuwing nagpapakita siya.
Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakapamulsa habang ako naman ay nakaupo parin sa may puno habang nakaangat ang tingin sakanya.
Ilang segundo lang kaming ganun. Pero maya maya lang rin ay napayuko ako at umiwas ng tingin. Kahit anong gawin ko, sa tuwing tinitignan ko siya, bumabalik pa rin talaga sa alaala ko yung pagpaslang niya kay Hugo
“ Kumukulo pa rin ba yung dugo mo sakin, Virgel? “ Sa tono ng pananalita niya ay parang inaasahan na niya nag bagay na yun.
“ Bakit? “ Natanong ko nalang pabalik.
“ Bakit mo nagawa kay Hugo yun? Bakit kailangan mong tapusin ang buhay niya? “
“ Plano kang patayin ni Hugo nung gabing ’yun.“ Natigilan ako sa sagot niya at mabilis na napaangat ng tingin. “ Nilayo lang kita sa kapahamakan non, Virgel.“
“ Gustong patayin? Hindi magagawa ni Hugo sa’kin yun “ Sagot ko pero may mga alaala ang bumabalik sa utak ko na nag mistulang sumagot na rin sa tanong ko na yun
Nung oras na pumasok siya sa kwarto ko na may dala siyang baril at sinabi niyang nililinisan niya lang ito. At nung gabing yun kung saan ko naabutan si Hugo na paakyat sa hagdan habang may hawak na namang baril.
Plano niya ba talaga akong patayin nun?
“ Hinde.“ Napayuko nalang akong muli “ Bakit? Bakit niya gagawin yun? “
“ Alam kong yun ang naging dahilan kung bakit mo ako kinamumuhian ngayon.“ Naramdaman ko pa ang pag ngiti niya. “ Pero hindi ko yun pinagsisihan. Dahil rin sa ginawa ko ay nagpursige kang lumakas. Ginamit mo ang galit mo sakin para palakasin pa ang sarili mo. Masakit man para sakin na nakikitang kinasusuklaman ako ng sarili kong kapatid, ayos lang sa’kin. Ang mahalaga ay natutunan mo na kung pano protektahan ang sarili mo.“
May bigla ulit akong naalala, nung magkita kami sa puntod ni Hugo, yung huling sinabi niya.
“ Pilitin mong lumakas, Virgel. Dahil magagamit mo rin yan balang araw. Hindi lang ako ang kalaban mo, tandaan mo yan “
So ito pala ang plano niya? Ginamit niya ang sarili niya na maging rason ko para lumakas? Sinakripisyo niya ang sarili nyang kaligayahan para lang sa kapakanan ko.
Unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko habang unti unti ko na siyang nauunawan
“ Ilang beses mo na ba akong niligtas? “
“ Maraming beses na.“ Naalala ko dati ang pagligtas niya sakin dun sa may gubat. At yung nasa ospital ako at may nakita akong nagkalat na napakaraming katawan ng mga puting ninja. Katulad lang rin nung nangyari nung pumunta ako sa puntod ni Hugo.
Lahat din ba yun ay kagagawan niya?
“Bakit mo nilihim ang lahat ng ’to? “ Nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi dahil sa naiinis ako, kundi dahil baka makaramdam lang ako lalo ng lungkot.
“ Kailangan.“
“ Bakit nga? “
“ Ayaw kitang mapahamak, Virgel “ Sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sakanya
“ Sekreto lang kitang pinoprotektahan dahil sa oras na malaman nila kung gano ka ka importante sa’kin, ikaw ang gagamitin nilang pa-in para patayin ako. Pero sa huli ay nalaman parin talaga nila ito at yun na nga ang ginawa nila. “ Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya sa mga huling sinabi niya
“ Patawin mo ako, Virgel.“ Yumuko nalang ulit ako dahil di ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak. “ Patawad at hindi ako naging mabuting kapatid.“
“ Patawad at ginawa kong miserable ang buhay mo.“ Mas lalo pa akong naiyak sa mga sinabi niya. Di ko na mapigilan ang mga hikbi ko. Naramdaman kong yumuko siya sa harapan ko at tsaka hinawakan ang ulo ko
“ Pero kahit ganun ako, kahit wala akong kwenta, sana maramdaman mo man lang kahit sa pagkakataon lang na ito..kahit ngayon lang..
Sana maramdaman mo kung gaano ka kamahal ni Kuya.“
“ Kuya..“ Tanging nasambit ko nalang dahil di ako makapagsalita ng maayos dahil sa mga hikbing kumakawala sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit parang nadudurog ang puso ko habang pinapakinggan ang napipiyok niyang boses.
Wag kang umiyak..kuya.
Narinig ko siyang natawa ng konti “ Ang sarap sa pakiramdam na marinig muli ang salitang yan mula sayo. Ang gandang pakinggan ng salitang yan.“ Natatawang dugtong niya pero ramdam ko parin na umiiyak siya.
“ Pero mukhang huling beses ko na rin atang maririnig yang salitang yan.“
Di na ako nakapagpigil na yakapin siya. Alam kong nakakahiyang umiyak sa harapan niya pero biglang nawala lahat ng yun sa mga huling sinabi niya.
“ W-wag mo akong iiwan kuya..P-pakiusap “ Natigilan siya sa mga sinabi ko, ramdam ko pa ang pangangatal ng bibig niya na parang pinipigilan ang sarili na mas lalong maiyak.
Maya maya lang rin ay humigpit na rin ang yakap niya.
“ Wag kang mag alala. Habang buhay kitang poprotektahan, kapatid ko. Isipin mo lang ako at di ako magdadalawang isip na sagipin ka.“
“ K-kuya..“
Saglit ko lang siyang nakasama pero yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang mapaglalagyan.
Parang namatayan ako ng isang buong pamilya. Parang habang tumatagal ang yakap ko sakanya ay unti unti ring nadudurog ang puso ko.
Kung alam ko lang sana ang lahat.
“ Kuya…maraming salamat sa lahat..m-maraming salamat sa pagiging napakabuti mong kuya sa’kin. Salamat sa pagiging nanjan mo palagi. P-patawad. Patawad at pinaramdam ko sayo ang sakit na matagal mo ng dinadala. P-patawad kuya..“
Unti unti ng kumalas si kuya sa akin at tsaka dahan dahang tumayo. “ Sapat na sakin ang lahat ng sinabi mo para mabura lahat ng pait at sakit na nararamdaman ko ngayon, Virgel.“
“ Masaya ako dahil kahit papano ay may isang magandang alaala akong pwedeng baunin sa pag alis ko. Maraming salamat, Virgel.“
At sa huling beses ay nginitian niya ako na muling ikinatulo ng mga luha ko.
“ Aalis na ako..“
“ K-kuya..“
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang kaninang puno na sinasandalan ko ay isang malamig na pader na ngayon. Nakabalik na ako sa realida. Nakabalik na ako pero yung sakit na nararamdaman ko ay hindi ko ma iwan iwan.
“ Boss? “ Tsaka ko lang napansing hindi pala ako nag iisa dito nung may marinig akong boses. Inangat ko ang tingin ko at tumambad sa’kin ang pamilya ko. Pati ang tatlong taga Fuego ay andito rin.
Nandito sila lahat..nakatingin sa’kin.
“ Panalo tayo Boss “ Nakita ko ang masayang mukha ni Elsa.
Panalo kami?
Natapos na ang digmaan. At panalo kami, Panalo kami pero ba’t ayaw pa din mawala nung sakit? Dapat maging masaya man lang ako kahit konti.
Bat di ko ito magawa?
“ Wala bang nasaktan sainyo? “ Tanong ko sakanila at isa isa silang tinignan. May mga sugat yung iba at si Benz naman ay tulog habang akay akay ni Ish. Pero buti naman at walang napahamak ni isa sa kanila. Dapat ay matuwa ako. Dapat ay matuwa man lang ako kahit papano..
Pero ba’t di ko magawa?
Habang pinapalibutan nila ako ay napansin ko ang kinalalagyan ni Kuya Argo kanina. Andun pa rin siya kasama nung isang lalaki.
Pinilit kong tumayo kaya agad akong inalalayan ni Kael “ Dahan dahan, Boss. “
“ May titignan lang ako saglit.“ Paalam ko sakanila at hinang hina akong pumunta sa kinalalagyan niya.
Nung tuluyan na akong nakalapit sakanya ay kusa na namang tumutulo ang mga luha ko.
[ 3rd Person’s PoV ]
“ Ni minsan ay hindi nagmintis ang kapatid mo na protektahan ka, Virgel.“ Biglang sabi ni Asher kay Virgel “ Simula nung isilang ka hanggang sa huling sandali ng buhay niya, kapakanan mo lang ang palaging iniisip niya.“ Si Virgel naman ay nanatili lang na nakatingin sa kapatid niya. Hindi niya alam pero nung makita niyang nakangiti ang mga labi nito ay medyo nabawasan ng konti ang lungkot na nararamdaman niya.
Para bang pinapahatid nito sakanya na wag na itong mag alala, Ayo slang siya. Masaya na siya..
Masaya na siya…
Kuya..
May bigla namang humawak sa balikat ni Virgel dahilan para mapalingon siya rito.
“ Ikinalulungkot ko ang pagkasawi ng kapatid mo, Boss “ Malungkot na sabi ni Kael sakanya. Tuluyan namang siyang humarap kay Kael para tignang muli ang pamilyang nagligtas sakanya.
Dahil sa nangyari ay muntik na niyang mawala sa isip na kaya nandito sila ngayon dahil sa paglilitgtas nila sa buhay niya.
Matipid na ngumiti si Virgel sa harapan nila at tsaka yumuko ng konti “ Maraming salamat sa pagligtas niyo sa buhay ko. Utang ko sainyo ang lahat .“
Lalo na sayo, Kuya Argo..
Nakita naman niyang ngumiti ang mga ito.
“ Pamilya tayo. Walang iwanan dapat “ Lintanya ni Ish.
“ Oraaayt~ “ Bigla namang nagsalita si Benz habang natutulog kaya natawa ng konti yung iba. Kahit kailan talaga to.
Sa pintuan naman ng silid na’to ay bigla itong bumukas kaya lahat ay napatingin dito.
Napansin nila ang isang medyo may edad na lalaki na naglalakad kasama ang apat na assassin sa likuran niya. Yung isang assassin ay may kasama na babae habang yung isa naman ay may akay akay na batang lalaki.
Lahat ay napatigil nung mapagtanto nila lahat kung sino ito.
“ Boss Vlad?! “ Di makapaniwalang tanong ni Elsa.
“ Kayo nga Boss! “ Nung makumperma din ito ni Ish ay napangiti nalang ito dahil sa sobrang tuwa.
Habang sila ay natutuwa dahil sa pagsulpot ng Dating Boss, si Virgel naman ay nanatili lang na nakatingin kay Vlademir. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya. Parang biglaan kasi.
Sa unang pagkakataon ay personal ng nasa harapan niya ang kanyan tunay na ama.
Lahat ay yumuko habang naglalakad si Boss Vlad sa kinatatayuan ni Virgel. Ngayon ay si Virgel nalang ang hindi nakayuko. Nagkatitigan pa ang dalawa ng ilang segundo nung tuluyan ng makalapit si Vlad kay Virgel.
“ Anak..“ Di alam ni Virgel pero kusa nalang gumalaw ang katawan niya para yakapin ang ama niya.
“ Papa..“ Ganito ba kababaw ang mga luha niya para maiyak na naman?
Habang nakayakap naman si Vlademir kay Virgel ay napatingin siya sa kinaroroonan ni Argo na ngayon ay nakahiga habang pinapalibutan ng mga kasama nitong assassin.
Halo halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ’to. Saya dahil sa wakas ay nakita na niya ang anak nyang matagal ng nawalay sakanya.
At pagluluksa dahil sa pagkawala ng pinaka mabuti niyang anak.
Nung gabing yun ay punong puno ang lahat ng emosyon. Lungkot, Saya, Pagkagulat, Pagluluksa, Pagdiriwang..
Pero ang pinaka naramdaman ng bawat isa ay ang pagkawala ng kabang nararamdaman sa kalooban nila.
Dahil sa wakas ay tapos na..
Tapos na ang napakatinding digmaang naganap sa kasaysayan ng Mafia.
[ Ish’s PoV ]
Mahigit ilang buwan na rin ang lumipas simula nung mangyari ang napakatinding laban na pinagdaanan namin. At ngayon balik na ulit sa dati ang lahat. Unti unti ng bumabalik ang ngiti ng mga kasamahan ko sa mansyong ito. Unti unti na naming natatanggap ang pagkawala ng isang taong nagsakripisyo para sa kaligtasan ng Boss namin. Isang tao na hindi namin inaasahan na gagawa sa bagay na yun.
Lahat ng tao ngayon ay masaya na. Lalo na nung malaman naming hindi naman talaga kalaban ng Virgo ang Fuego. At si Boss Vlad lang pala ang namumuno rito.
Sa ngayon ay tuluyan na ngang pinag isa ang Virgo at Fuego. Lahat ng tauhan ng Fuego ay kakampi na namin. Pero magkaiba pa din ito ng mansyon. Yung bang, parang naging magka alyansa lang ang dalawang grupo. Yung sinasabi naman nilang Boss nila na si Mr. Del Fuego ay matagal na daw na hindi nagpapakita sakanila. Malamang ay tumakas na yun.
“ Kuya ish..“ Nabalik ako sa wisyo nung bigla akong tinawag ni Lily. At muntik ng malaglag ang panga sa suot niya.
E-ena sobrang ganda niya. Nagmumukha na siyang dalaga sa suot niya.
“ Uy kuyaa “
“ A-ah..oh bakit? “
“ Yung necktie mo oh “ Turo niya sa nectie ko habang ngumunguso pa kaya napatingin ako dito. Hindi ko pala to naayos masyado kanina dahil sa pagmamadali ko
Aayusin ko palang sana ang necktie ko nung bigla niya itong hinila dahilan para mapayoko ako. Anak ng?
“ Ako na.“ Nakangising sabi niya habang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Lintik na bata to.
Habang nakangiti nyang inaayos ang necktie ko ay wala na akong nagawa kundi tignan ang bawat anggulo ng mukha niya. Ang magaganda nyang mga mata, ang medyo pango niyang ilong pero okay lang naman, ang mapula at sobrang liit nyang labi, ang mahahabang pilik mata niya, ang kinis ng balat niya.
“ Napakaganda mo..“
“ Hehe thank yuuu~ “
F-fck!
“ Ah H-hindi, a-ang sabi ko ang ganda ng kwentas mo.“ E-ena yan! Kung anu ano pinagsasabi mo! Nahahawa ka na talaga sa abnormal na Benz nay un! -__-
“ Ayy. Akala ko ako hahahah sorry namaaan “ Tumawa pa siya kaya mas naramdaman ko pa lalo ang pag init ng mukha ko.
Wtf?! Wag mong sabihing nagiging pedo na ako?
Naloko naaa.
[ 3rd Person’s PoV ]
Sobrang dami ng tao ngayong dito sa mansyon. Isang engrandeng celebrasyon kasi ang magaganap ngayon. Lahat ay nakabihis ng kani kanilang pinaka magagandang damit, at isa na doon si Elsa. Tumutingkad ang kagandahan niya sa mansyong ito kaya di maiwasan ng ibang lalaking bisita ang mapalingon sakanya.
Habang mag isa siyang nakaupo sa may table habang nilalaro ang hawak niyang wine glass ay may biglang lumapit na lalaki sakanya. Sobrang gwapo nito at sobrang tangkad pa. At masasabi mong napaka disente nito kumilos. Sa unang tingin palang masasabi mo na kung gano ito ka perpekto.
“ Uhm..excuse me? “ Napaangat naman ng tingin si Elsa nung tinawag siya nito. Kung normal na babae lang si Elsa, malamang ay baka na starstruck na ito sa unang tingin niya palang dun sa lalaki. Pero hindi. Iba siya. “ Bakit? “
“ Pwede bang tumabi? Di lang kasi kita kayang tignan dito na nag iisa. “ May kasamang kindat pa ang binato nito sa dalaga. Kung normal na babae lang to, malamang ay nahimatay na ito sa kilig. Pero wala eh, iba si Elsa. Isang lalaki lang nakakagawa nun sakanya.
“ Ikaw bahala.“ Ngumiti ng kaonti si Elsa para di man lang mapahiya tong lalaking ’to.
“ Thanks.“ Umupo naman agad ito sa tabi niya. “ By the way I’m David “ Naglahad agad ng kamay ang lalaki. Kukunin palang sana ito ni Elsa ng may biglang tumabig ng malakas dito.
“ What the hell?! “
“ Bakit? Anong problema mo sa pangalan ko? “ Maangas na tanong ni Hell pagkatapos ay inakbayan niya si Elsa. Bigla namang uminit ang mukha ng dalaga dahil sa ginawa ni Hell.
“ Sino ka ba huh? “ Inis na tanong ni David habang hawak hawak ang kamay nitong natabig kanina. Ayaw mawala nung sakit.
Hinigpitan ng kaonti ni Hell ang pagkakaakbay niya kay Elsa at tsaka maangas na sumagot “ Ako ang boyfriend nitong nilalandi mo gago.“ Medyo nagulat naman si David sa narinig niya. “ Ngayon kung may plano ka pang hawakan tong mapapangasawa ko, babasagin ko yang mukha mo. Kuha mo? “ Maangas na tanong nito. Napayuko naman si David sa takot . “ A-ah..s-sorry. aalis na ako “
Nung makaalis ng tuluyan si David ay napatingin si Hell kay Elsa. Medyo nangunot ang noo niya nung makita niyang sobrang pula nito at parang hindi na gumagalaw. “ Hoy anyare sayo? “ Hinawakan niya pa ang noo nito para icheck kung may lagnat ba. “ Hoooy! Magsalita ka nga jan! “ Ulit ni Hell pero wa epek. Tulala pa rin si Elsa. Hindi maka get over sa pinagsasabi ni Hell kanina kay David.
Nagulat nalang si Hell nung biglang tumayo si Elsa sa pagkakaupo at tsaka mabilis na yumakap sakanya ng sobrang higpit. “ T-teka.. hoy! Ano bang nangyayari sayo?! “ Hindi na nito maintindihan ang pinag gagawa nito. Pero kahit hindi niya maintidihan, sa huli ay gumanti na rin ito ng yakap sakanya.
“ Abnoy ka talaga kahit kailan.“ Natatawa pang sabi mo
“ Mahal mo naman :“> “
Sa ngayon ay tila nabaliktad bigla ang sitwasyon. Si Hell naman ngayon ang nagmumukha ng kamatis sa sobrang pula dahil sa sinabi ni Elsa.
Sa kabilang banda naman ay kanina pa naglalakad si Helena dito sa loob ng mansyon pero di niya makita ang taong kanina pa niya hinahanap.
Nung makita niya sina Veronica at Stephan na magkasama ay agad siyang lumapit sakanila.
“ Oh, Helena. Sa itsura mo ay parang may hinahanap ka ata ah.“ Bungad ni Stephan nung makitang di mapakali si Helana.
“ A-ah..kasi..nakita niyo ba si Benz? Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita eh.“ Nahihiyang tanong niya. Nakita niya namang ngumiti yung dalawa ng nakakaloko kaya mabilis nyang dinugtungan ang sinabi niya “ E-eh kasi pinapahanap siya ni Ish sa’kin. I-importante daw.“ Sa dinugtong niya ay mas lalo lang natawa yung dalawa.
“ Wag kami, Len.“ Natatawang sabi ni Nica. “ Nakita ko siya kanina papunta sa garden sa may likuran nitong mansyon. Subukan mong pumunta dun. “
“ S-sige..salamat. “ Mabilis agad na umalis si Helena dahil baka matukso na naman siya. Agad niyang pinuntahan ang garden ng Mansyong ito at nung makarating siya dun ay nakita niya si Benz na nakaupo sa may swing..mag isa.
Dahan dahan naman siyang lumapit kay Benz. Pero di pa siya tuluyang nakakalapit ay napalingon na si Benz sakanya–dahilan para mataranta ito ng wala sa oras “ A-ah..e-ehh..aah a-ano..“
Ngumisi si Benz sakanya dahilan para mawala ang kabang nararamdaman niya. “ Ganyan ba ako ka gwapo para mautal ka, Bae? “ Pang aasar nito pagkatapos ay tsaka tumawa. “ Tabihan mo ako dito “ Sabi pa niya.
Tumango naman si Helena at umupo dun sa isang swing katabi ng swing ni Benz. “ Paano mo pala nalamang nandito ako? “ Umpisa ni Benz.
“ Sinabi nila Nica.“ Tipid na sagot nito
“ Ahh..kala ko sinunod mo lang yung puso mo tapos dito ka dinala.“ Mabilis na namula ang mukha ni Helena dahil sa banat ng binata. Isa talaga ’tong dakilang hokage si Benz kahit kailan. Kahit sobrang corny nan g binabanat nito kay Helena ay umeepekto parin talaga ito sakanya. “ S-sira.“
Tumawa si Benz sa reaksyon ni Helena. Pero maya maya lang rin ay ngumiti ito “ Salamat at naisipan mong puntahan ako dito.“ Nakita ni Helena ang pag ngiti nito sa kanya kaya parang naging abnormal na naman ang tibok ng puso niya.
“ B-bat ka ba kasi nag iisa dito? Para kang emo jan eh “ Napahalakhak si Benz sa sinabi ni Helena.
“ Ang totoo nyan ay Emo talaga ako. May tattoo pa nga ako sa likuran ko ng bl4cKr0s3 dY!nG eh.“ Sa pagkakataong ito ay si Helena naman ang natawa ng husto. Hindi alam ni Benz pero habang tinitignan niya kung paano tumawa si Helena ay di niya maiwasan ang mapaisip na dapat lagi na nyang makikita ang mga tawang yan. Puro tawa lang at walang kasamang iyak.
Napatigil naman sa pagtawa si Helena nung kinuha ni Benz ang kamay niya at mahinahong hinawakan. “ Yung cheese nagmahal na kaya limit nalang akong nakakabili nun.“ Tinignan siya nito pagkatapos ay nginitian “ Ikaw? kailan mo ba balak magmahal, Helena? “ May kung anong gumagalaw sa tiyan niya nung marinig niyang tinawag siya sa sarili nitong pangalan. Lalo na nung makita nyang nakangiti pero medyo seryosong nakatingin sakanya si Benz.
“ M-matagal na akong nagmahal, Benz.“ Natawa si Benz dahil pilit sumabay ni Helena sa kalokohan niya kahit pulang pula na ang pisngi nito sa sobrang hiya. “ I-ikaw? Kailan mo din ba balak magmahal? “
Ngumisi ulit ang mokong at tsaka nakipag tagisan ng titig kay Helena “ Nung nagmahal ka? nagmahal na rin ako nun, Helena “
Sobrang pula na ng mukha ni Helena sa mga oras na’to “ S-s-so matagal na pala tayong nagmahal? “
Saglit naming inangat ni Benz ang kamay ni Helena na hawak niya at tsaka marahan itong hinalikan
“Correction, Nagmamahalan. “
At dun, di na kinaya ni Helena ang nararamdaman niya. Sumuko na ito at napaiwas na ng tingin. Di niya kaya ang Boy Banat ng Virgo. Natawa naman si Benz sa inakto ni Helena.
Gustong gusto niya talaga ang babaeng to. Simula palang nung makita niya ito alam na niyang siya na ang babaeng iibigin niya habang buhay, kahit madaming bitter pa ang nagsasabing walang forever. Papatunayan niyang meron. Papatunayan niya kasama si Helena.
“ Asher.“ Narinig ni Asher na tinawag siya ni Kael kaya kinindatan niya muna yung chix na kausap niya tsaka nilingon ito. “ Oh, anong atin? “
“ Wala pa bang planong lumabas si Boss? Kanina pa ata siyang sa kwarto niya eh.“
“ Di ko nga rin alam eh. Baka nag uusap pa sila ni Boss Vlad dun.“
Tumango naman si Kael “ Try ko lang siyang icheck sa taas.“
“ Sige.“ Nung makaalis na si Kael ay dali daling nilingon ni Asher yung chix na kausap niya kanina. Pero pagtingin niya dun ay nakaalis na ito. “ Asan na yun? “ Inikot niya ang tingin niya para sana hanapin yung babaeng yun pero sa pag ikot niya ay ibang babae ang tumambad sakanya.
“ Oh, sinong hinahanap mo? “ Tanong ni Elrien sakanya.
Medyo natulala naman saglit si Asher sa pagbabago ni Elrien. Ibang iba ang itsura nito sa Dorothy na palaging nakikita niya nung nasa Elfame palang siya. “ Bagay sayo ang suot mo, Dorothy.“ Nakangising sabi ni Asher kaya kumunot ang noo nito
“ Wag mo na nga akong tawagin sa pangalang yan.“
Sina Dorothy at Gavin ay kasapi na rin ng Fuego ngayon. Sila ang pinalit sa mga nawalang myembro ng organisasyon. Pumayag naman silang dalawa dahil una, dun naman nagsisilbe ang kuya ni Elrien. At pangalawa, andun si Asher. Kung nasan si Asher, dun rin pupunta si Gavin.
“ KUYA ASHHHHEEEER! “ Sigaw ni Gavin nung makita niya si Asher na nakikipag usap kay Elrien. Mabilis siyang lumapit dito at yumakap sa beywang nito “ Kanina pa kita hinahanaaap. Laro tayooo “ Habang kinukulit ni Gavin si Asher ay nakatingin pa rin ito kay Elrien tuluyan ng naglakad palayo.
“ Ba’t ganyan ka makatitig sa kakambal ko? “ Nawala lahat ng pantasya sa isipan ni Asher nung marinig niya ang boses ni Elfred. Pagtingin niya sa likuran ay andun sina Sebastian, Felix, Elfred at Trace na papalapit sakanya.
“ Bakit? Nakakapatay ba sa kilig ang mga titig ko? “ Pang aasar nito sabay nag pogi pose pa.
“ Gagu “ Elfred.
“ Gunggong “ Sebastian
“ Holol “ Felix
“ Hahahah “ Trace
Pang aalaska nung apat kaya napasubsub nalang si Asher ng wala sa oras
“ Grabe kayo sa’kin ahh :( “
Sa kabilang banda naman ay paakyat na sana si Kael para puntahan si Virgel ng makita niya si Madel na pinapagalitan ng isang bisita dahil natapunan niya ito na hawak hawak niyang tray ng wine glass.
“ Napakamahal ng damit ko na to alam mo ba yun, ha?!! “ Singghal nung matandang lalaki. Habang si Madel naman ay panay yuko nalang habang humihingi ng tawad. “ Tumingin ka kasi sa dinaanan mo!! “
“ Pasensya na po talaga, Sir. Hindi na po mauulit.“ Nakayukong sabi niya. Kinuha niya yung towel na nakalagay sa bulsa ng suot niya at pupunasan niya pa sana yung parte na natapunan niya ng malakas itong tinabig ng matanda. Nasaktan si Madel sa ginawa nito
“ Wag ka ng magpapakita sa akin naintindihan mo?!! “ Habang dinuro duro ng matanda si Madel ay nagulat nalang ang lahat ng nanunuod sa biglang paghampas ni Kael sa kamay nung matanda. Napakaseryoso ng mukha nito at galit na galit na nakatingin sa matanda.
“ Tama bang manakit ka ng babae. ha tanda? “
“ Aba’t! Ang lakas ng loob mong bata ka ah! “ Susuntukin pa sana nung matanda si Kael pero may pumigil na dito na mga tauhan ng Virgo.
“ Ilabas niyo yan dito sa mansyon “ Utos ni Kael sakanila na agad naman nilang sinunod.
Pagkatapos nun ay tinignan niya si Madel na nakadungo pa rin. Pansin niyang parang naghahabol ito ng hininga . “ Ayos ka lang, Madel? “ Hinawakan niya ang noo nito at di nga siya nagkamali. Inaatake ito ng lagnat. Hindi naman ito magkakamali kung maayos lang ang pakiramdam niya.
“ A-ayos lang po ako sir. Pasensya na sa abala. Babalik na ako sa kusina.“ Tatalikod pa sana si Madel ng bigla itong pinigilan ni Kael. “ Halika. Kailangan mo muna magpahinga. Ang taas ng lagnat mo.“ Inalalayan niya si Madel hanggang sa makapunta sila sa kwarto nito. Agad niyang hiniga si Madel at tsaka kinumutan.
“ Kukuha lang ako gamot.“ Mabilis na kinuha ni Kael ang mga pwedeng gamitin at tsaka agad bumalik sa kwarto ni Madel.
“ Hindi mo na kailangang mag abala sir. Anjan naman si Mama. Siya nalang po ang tawagin niyo.“
“ Hindi na. Abala rin si Manang Teresa dun sa kusina ngayon.“ Ngumiti si Kael at tsaka siya pinainom ng gamot. Ininom naman agad niya ang gamot pagkatapos ay humiga ulit. Sobrang bigat talaga ng katawan niya ngayon.
“ Nakakahiya po sa inyo Sir.“
“ Ikaw din ang nagbantay sa’kin nung nilagnat ako. Hayaan mong bumawi ako sayo ngayon “ Sa sinabi ni Kael ay tila uminit lalo ang mukha ni Madel. Hindi niya alam kung dahil ba yun sa lagnat niya o ano. Basta. Ang aliwalas ng mukha ni Kael ngayon sa paningin niya. Epekto kaya to ng lagnat?
Nakakaantok siyang titigan.
Nung makita ni Kael na napapikit na ng tuluyan si Madel ay agad na muna itong nagpaalam. “ Pupuntahan ko lang si Virgel, Madel. Babalik din ako agad. Matulog ka ng mahimbing “ Yan ang huling narinig ni Madel bago niya mapansin ang pagtayo nito at paglabas sa kwarto.
“ Maraming salamat, Sir Kael “
( Haays, wala talaga akong talent sa pagpapakilig HAHAHAHA sorna :c )
Pagka akyat ni Kael sa hagdanan ay tinungo agad niya ang kwarto kung saan nandun si Virgel at ang kanyang ama.
Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya binuksan ang pintuan. Dahan dahan niya itong binuksan at halos di matanggal ang ngiti sa mga labi niya sa nakita niya.
Magkaharap ngayon ang mag ama habang masayang nag uusap. Natigil naman sa pagtawa si Virgel ng mapansin niya si Kael na nakasilip sa pintuan. “ Oh Kael, ikaw pala.“
“ Boss.“ Tuluyan ng pumasok si Kael sa loob pagkatapos ay yumuko ito bilang pagbigay ng respeto. “ Pasensya na sa abala pero mukhang kailangan niyo ng salubungin ang mga tao sa baba “ Nagulat naman siya nung biglang natawa si Virgel.
“ Ang pormal mo naman Kael. Hindi mo naman kailngan maging ganyan “ Ngumiti si Virgel sakanya kaya ngumiti narin ito. Nakita naman niyang lumapit si Vlademir sakanya at tsaka hinawakan ito sa balikat.
“ Maraming salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo sa anak ko, Kael. Salamat at palagi kang nanjan sa tabi niya sa mga panahong wala kami.“ Medyo nakaramdam naman ng konting hiya si Kael dahil sa sinabi ng Boss niya.
“ H-haha..wala yun, Boss. Isang mabuting kaibigan rin naman ang anak niyo.“
“ Gusto mo bang pamunuan ang Fuego? “ Nagulat si Kael sa tinanong ni Vlad. “ Plano ko sanang ipasa sayo ang pamumuno ng Fuego kung ayos lang sayo.“
“ Hindi ko matatanggap yan, Boss. Madami pa akong kailangan matutunan bago ako makapamuno ng ganyan kalaking organisasyon.“ May pakamot kamot pa sa ulo niyang sagot. Malayo pa ang kakayahan niya kumpara kay Virgel.
“ Pero may nakikita akong potential sayo. At alam kong mailalabas mo din yan sa tamang panahon.“
Ngumiti lang si Kael “ Maayos na po ako sa pagiging kanang kamay ni Boss. Kuntento na ako ron
“ Ngumiti rin naman si Vlad sa narinig niya. Pati si Virgel ay napangiti dahil sa sinabi ng bespren niya.
“ Naiintidan ko.“
“ Tara na po. Kanina pa sila naghihintay sa inyo “
Ito ang kauna unahan beses na makikita ng ibang myembro ng Virgo na nanggaling pa sa ibang lugar ang magiging bagong Boss nila.
Umuna naman si Kael para buksan ang pintuan. At pagbukas niya, nagulat nalang sila sa tumambad sakanila.
Nandun ang lahat ng top members ng Virgo at Fuego habang nakayuko sa dalawang Boss nila.
Tumingin si Virgel sa ama niya, tinanguan siya nito bilang senyales na umuna siya.
Umuna namang maglakad si Virgel kasunod ang buong pamilya nito.
Hindi malaman ng ibang myembro na habang nakikita nilang naglalakad si Virgel sa unahan nila habang nakapamulsa ay di nila maiwasan ang mamangha sakanya.
Ang dating inaapi, inaagawan ng baon, ng pera. Ang dating lampa na sobrang palpak sa lahat ng bagay ay heto na sa harapan nila ngayon..
Napakalayo na ng narating.
Nung makarating sila sa dulo sa balcony nitong ikalawang palapag ay agad nilang natanaw ang napakaraming tao sa ibaba na nakatingin sa kanila
“ Yan na ba ang anak ni Boss Vlademir? “
“ San jan? “
“ Sa tingin ko yang nasa gitna. Magkahawig sila ng mukha.“
“ Siya na ba ang sinasabing magiging bagong Boss natin? “
Kahit bata lang ito ay makikita mo sa presensya at awra niya na dapat itong respituhin. Unang tingin mo palang kay Virgel ngayon ay alam mo ng respitadong tao ito na dapat ginagalang.
“ Masaya ako at pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko.“ Pag uumpisa ni Vlademir na ikinatahimik ng lahat ng tao na nasa ibaba.
“ Gusto ko lang ipaalam sa inyo, na sa araw na’to, “ Agad niyang hinawakan sa balikat ang anak niya.
“Opisyal ko ng ididiklara ang magiging bagong pinuno ng Virgo Mafia..
Ang magiging bagong Boss niyo. Ang aking anak, si Virgel Acosta “
Agad nagpalakapakan lahat ng tao pagkatapos magsalita ni Vlademir. Kahit bata lang si Virgel ay wala ni isa ang nagtangkang kwestyunin ang decisyon ng kanyang ama. Alam na nila na kahit ano kapa, kahit ilang taon kapa, hangga’t nananalaytay sa dugo mo ang dugo ng isang Acosta, alam nilang kaya nitong mamuno ng maayos sa organisasyon.
“ PARA SA BAGONG BOSS NG VIRGO! “ Sigaw ni Asher habang tinataas ang hawak nitong baso ng wine. Mabilis ring nagtaas ng baso ang mga tao habang sumisigaw
“ PARA SA BAONG BOSS NG VIRGO! “
Mga ilang Segundo rin ang lumipas ng bigla ulit tumahimik ang paligid Halatang naghihintay sa sasabihin ng bagong Boss nila.
Si Virgel naman ay walang kaalam alam na kailangan pa pala yun. Ni hindi siya nakapaghanda sa kung anong sasabihin niya sa harap ng mga tao.
“ Boss? “
“ Hm? Teka, bat natahimik ata sila? “ Inosenteng tanong nito. Gustong matawa ng iba pero pinigilan lang nila.
“ Naghihintay sila sa sasabihin mo, Boss.“
“ Sasabihin saan? “ Naguguluhang tanong nito.
“ Kahit ano. Ano ba yung gusto mong sabihin sakanila? “
“ Ahhh..“ Nagets na ito Virgel kaya huminga ito ng malalim tsaka pumikit at naghanda sa sasabihin niya sa buong sakop niya.
Maya maya pa ay agad na itong bumwelo, pagkatapos..
“ PATAYIN LAHAT NG SAGABAAAAAL! “
Isang malakas na sigaw ang pinakawala niya na ikanatulala ng lahat ng taong nandun. Yung ibang nasa likod ni Virgel ay napatampal nalang sa noo habang natatawa.
Tila parang na statwa naman si Virgel sa posisyon niya nung mapansin niya na walang reaksyon ang mga tao sa sigaw niya. “ Ah-eh..hehehe “ Mabilis siyang lumingon kay Kael. “ Uy mali ba yung sinabi ko? “ Nag aalalang tanong nito. Si Kael naman ay di na mapigilan ang sarili na matawa.
“ Hindi naman, Boss. Nagulat lang siguro sila sa sinabi mo. Hindi nila inakalang sa ganyang edad mo ganyan kana mag isip “ Natatawang sabi nito
Malungkot namang humarap ulit si Virgel sa mga tao. Huminga ulit siya ng malalim para bagong sasabihin niya.
Take2
“ Uhm..ahh..ano..siguro..unang una sa lahat, masaya ako na ang bawat myembro ng organisasyong ito ay hindi mapanghusga. Hindi man lang kayo tumutol sa decisyon ng papa ko kahit kakakita niyo palang sa’kin. Na kahit bata lang ako ay hindi niyo kwenistyon ang kakayahan kong mamuno—ang kakayahan kong pamunuan kayo. Kaya gusto kong magpasalamat sa tiwalang binigay niyo. “ Pinutol niya muna saglit ang sasabihin niya dahil nakaramdam siya na parang may tutulo. Ang mga sumunod niyang sinabi ay kusa nalang lumabas sa bibig niya.
“ Para naman sa mga taong nasa likuran ko ngayon. Kulang pa ata ang salitang maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo sa’kin. Simula sa pagsagip niyo sa’kin sa masalimuot na mundo ko noon, hanggang ngayon. Hindi kayo umalis sa tabi ko. Nanjan lang kayo palagi. Para suportahan ako, gabayan ako, damayan ako sa mga problemang kinakaharap ko. Kahit nung dumating pa sa puntong pilit kong nilalayo ang loob ko sainyo dahil sa nangyari sa isang napaka importanteng myembro ng pamilya natin, hindi parin kayo umalis. Nanatili pa rin kayo sa tabi ko. Pinaramdam niyo sa akin na may pamilya ako na maasahan kahit na anong mangyari. Maski sarili niyong buhay ay tinaya niyo maligtas lang ako sa kamay ng mga kalaban. Kaya kulang pa talaga ang salitang maraming salamat. Kaya bilang ganti, Pinapangako kong iaalay ko sa inyo ng buo ang buhay ko maging ligtas lang kayo palagi. Poprotektahan ko kayo “ Matapos nyang banggitin ang huling tatlong kataga na yun ay biglang sumagi sa isipan niya ang isang tao—dahilan para mapahinto siyang muli sa pagsasalita.
“ A-at..ah..para sa nag iisang kapatid ko. “ Tuluyan na ngang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. “ Utang ko sayo ang lahat. W-wag kang mag alala. Tutuparin ko yung hiling mo. Pipilitin kong mabuhay para sayo. Hinding hindi kita makakalimutan, Kuya.Hinding hindi ka namin makakalimutan. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo. At patawad..patawad at pinagkait ko sayo ang kaligayahan mo. Pinili mo ang maging masamang tao sa harapan nila para sa’kin. Para protektahan ako. Maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita Kuya.“
May ibang nakikinig ang naiiyak na sa mga sinasabi ni Virgel. Yung iba ay pinipilit lang ang sarili na hindi maiyak. Sobrang nakakataba ng puso ang lahat ng sinasabi nito, at the same time ay napakalungkot dahil sa mapait na nangyari sa kapatid niya. Halo halong emosyong ang nararamdaman nilang lahat ngayon.
“ At syempre, para sa papa kong hindi ako pinabayaan sa kabila ng pagiging malayo niya. Maraming salamat sayo, papa. Pinapangako kong hindi kita bibiguin sa decisyong ginawa mo.“ Ngumiti si Virgel sa ama niya at tsaka ulit binalik ang tingin sa mga tao.
“ Simula sa araw na’to. Ibabalik na’tin ang titulo ng Virgo Mafia bilang pinakamalakas na Mafia sa buong bansa! “
Agad nagsigawan lahat ng tao doon sa huling sinabi ng bagong Boss nila.
Simula sa araw na’to ay dito na magsisimula ang bagong henerasyon ng isang Acosta..
Ang henerasyon na magsisilbing pinaka nakakatakot na henerasyon sa kasaysayan ng Mafia..
Henerasyon na papamunuan ng isang bata..
Isang henerasyon ng papamunuan ni Virgel Acosta.
Pero….
Tapos na nga ba talaga ang laban?
Wala na nga bang organisasyon ang mangangahas na kakalaban sakanila?
Hindi
Ito ay simula palang ng totoong labanan..
Masyado pang maaga para sabihing magiging mapayapa na ang buhay ng bawat isa.
Dahil kung tutuusin?
Nasa kalagitnaan palang tayo ng storya.
[ Extra Scene ]
Habang mahimbing na natutulog si Theo sa kwarto niya ay naramdaman niyang bumukas ang pintuan nito kaya naman agad niyang hinanap ang switch ng ilaw sa may ulunan niya. Pero bago pa man niya iyon makapa ay bumaon na yung kamay niya sa pader dahil sa pagkatusok ng kunai na hinagis ng isa sa mga taong pumasok . “ ARGHH! “
Limang tao ang pumasok sa sa silid niyang iyon. At nakasuot ito ng assassin suit.
Parang nangyari na’to sakanya dati.
“ A-anong ginagawa niyo dito? “ Natatarantang tanong nito. Parang anytime ay maiihi na ito sa sobrang takot.
“ H-hindi inutos ng boss niyo na patayin ako, diba? “ Tanong ulit nito. Nagbabakasali siya na katulad pa rin ito ng dati. Na babantaan lang siya tapos ay aalis agad sila.
Agad namang lumapit sakanya ang nasa gitna at tsaka tinignan siya ng mata sa mata.
Ganitong ganito talaga ang nangyari sakanya dati.
Tinignan niya ang mga mata nito at halos hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Katulad na katulad ito sa mga matang nakita niya dati.
“ A-argo? I-imposible! MATAGAL KA NG PATAY!! “ Hindi makapaniwalang sigaw nito. Dahan dahan namang tinanggal ng taong yun ang maskarang nakatakip sa ilong at bibig niya.
At nung makita ito ni Theo ang buong itsura nito ay mas lalong nanginig ang buong katawan niya.
“ V-virgel? “
Ngumisi naman si Virgel sakanya “ Ako nga, Theo.“ Kumuha naman ng isang kunai si Virgel at tsaka pinapaikot ito sa daliri niya.
“ Tama ang sabi mo. Hindi ko nai utos sakanila na tapusin ka..“ Agad naman siyang lumapit sa tenga ni Theo at tsaka bumulong
Nakalimutan ko lang kasing sabihin kanina. Pasensya kana ah “ Isang malademonyong ngiti ni Virgel ang huling nasilayan ni Theo bago ito tumayo at tumalikod sakanya.
“ W-waag..m-maawa kayo sakin! “
“ Maling pamilya ang ginambala mo, Theo.“ Sabi pa nito “ Kayo na ang bahala sakanya.“ Utos ni Virgel kila Felix.
“ Masusunod Boss..“ Agad nilabas ng apat na assassin ang mga hawak nitong sandata at tsaka dahan dahan lumapit kay Theo
“ H-hinde..Hinde…W-wag…W-wa..w-waag AAAAARRRRRRGGHHHHHHHHHHH!! “
[ Another Extra Scene ]
–MARTIN FAMILY’S MANSION–
“ So sa akin kayo lumalapit ngayon dahil hindi niyo kaya ang Virgo? “ Natatawang tanong ni Marcelo sa dalawang taong kaharap niya. Naglahad naman siya ng kamay sa isa sa mga tauhan niya na nakatayo sa may likuran niya at mabilis siyang inabutan ng pipe at sinindihan iyon
“ Buhay pa si Vlademir, Marcelo.“ Madiin na lintanya ni Jin na agad nagpawala sa ngisi nito “ Hindi totoo yung kwentong hawak ng Fuego ang taong yun. Ang totoo nyan ay siya mismo ang may hawak sa Fuego.“
“ Eh, sino yang Miguel Singson na kasalukuyan ngayong namumuno sa Fuego? “
“ Siya yun.“
“ What the fck? “ Di makapniwalang bulalas ni Marcelo. “ Pinagloloko mo ba ako? “
“ Mukha ba akong nagbibiro? “ Seryosong saad ni Jin
Hinilot ni Celo ang sintido niya dahil sumasakit ito sa mga impormasyong nalaman niya ngayon. “ Kaya pala sa tuwing nakikita ko ang hayop na yun ay naiirita ako.“
“ Anak mo si Agnes Martin hindi ba? “
Agad namang nabaling ang atensyon ng lahat sa nagsalitang si Vonzo. Mabilis naman siyang tinutukan ng isa sa mga tauhan ni Celo “ NASAN SI LADY AGNES?! “ Sigaw nito. Bored lang itong tinignan ni Vonzo na ikinakulo lalo ng dugo ng tauhan na yun.
“ Ibaba mo na yan, Damian.“ Agad naman iyong sinunod ni Damian, ngumisi pa si Vonzo habang nakatingin kay Damian pero nagulat nalang siya ng biglang dumaplis sa pisngi niya ang isang bala ng baril.
Pagtingin niya kay Celo ay sobrang sama ng awra nito habang nakatutok ang baril sakanya. “ Anong alam mo tungkol sa anak ko? “ Seryosong tanong nito.
Sumagot naman agad si Vonzo. “ Sasabihin ko lahat ng alam ko kapag sinali niyo ako sa grupo niyo at tutulungan niyo akong patumbahin ang Virgo Mafia.“
“ At sa tingin mo papayag kami sa katarantaduhang plano mo? “ Bulalas ni Damian. Si Damian Seraphin ay kababata ni Agnes at matagal ng nagsisilbi sa Marting Family. Kaya naman ganito nalang ang reaksyon niya nung marinig niya ang pangalan ng kababata niya.
Binaba naman ni Celo ang baril niya “ Kung yan ang gusto mo.“
Agad ulit kumurba ang ngisi sa mga labi nito “ Itutumba ko ang grupong yan basta sabihin mo lang sa amin ang nalalaman mo sa anak ko.“
Ngumisi rin naman si Vonzo dahil sa wakas ay nakahanap na ulit siya ng kakampi para patumbahin ang Virgo Mafia.
“ Makakaasa ka jan, Don Celo. “
———————–THE END OF SEASON 1—————––
AUTHOR’S NOTE : BASAHIN NIYO NA! LAST NAMAN NA TO EH HAHAHAHAHA
Unang una sa lahat gusto kong humingi ng tawad sa mga nasaktan ko last episode :c Hindi ko alam na ganun karami ang nagmamahal kay Argo. Pasensya na pero kasi simula palang ng kwento yun na talaga ang plano ko. Kaya nga inspired ang story nila sa kwento nila Sasuke at Itachi eh hahahaha. Pero alam niyo, sa mga reaksyon niyo, pinapaalam niyo lang sa’kin na napamahal na kayo sa kwentong ito. Kasi hindi naman kayo mag rereact ng ganun kung wala lang to sa inyo diba? Hahahaha at masaya ako dahil medyo na attached na kayo sa ibang mga characters dito tulad ni Argo :)
Maraming Salamat sa pag appreciate niyo sa kwento :)
Now moving on, FINALLLLLYYYY!! NAKATAPOS NA RIN AKO NG ISANG STORY! HAHAHAHA Hindi ko inexpect na matatapos ko to ng ganito kahaba. April 2014 ko pa to sinimulang isulat. Mag ttwo years na siya ngayong april 5, so Advance Happy 2 yrs nalang VTYMB HAHAHAHA Pero hindi ko naman talaga to matatapos kung di dahil sainyo eh hahahha kung wala kayo? Baka nakatambay parin to sa episode 17 hanggang ngayon at poreber na itong on hold hahahahaha Salamat sa pag supporta niyo sa story na to. Yung mga comments at messages niyo na sobrang nakakataba ng puso? Salamat sa mga yon. Hindi niyo lang alam kung ilang beses niyo na ako napapangiti dahil sa mga magagandang mensahe niyo para sa’kin.
Para po sa mga nagtatanong. Icclear ko lang po. MAY SEASON 2 PERO! Baka sa june ko pa yung uumpisahan. Finals na kasi namin ngayon eh. Need ko na mag focus para makagraduate na ako hahahaha pray for meh. So baka sa June ko pa talaga masisimulan yun. Pero kung mahal niyo talaga ang VTYMB, makakapaghintay kayo :)
Baka mag post rin ako ng UD dito pero yung mga FAQ lang at mga trivias about sa story, mga ganun hahahahah popost ko nalang pag may time ako xD
*Sana na meet ko ang expectation niyo sa kwento hanggang sa huling episode.
*Sana nasatisfied kayo sa ending.
*Sana nagustuhan niyo ang kwento at di kayo nagsisi na binasa niyo to :)
AGAIN MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG BABASA, BUMABASA AT MAGBABASA PA LAMANG SA STORYANG ITO. Kitakits nalang let tayo sa Season 2 ah :)
) Hanggang dito nalang muna.
-MajorSin
FAQs and Trivias
FAQs And Trivias
So maglalagay ako ngayon ng mga FAQs and trivia’s about sa story sa UD na ito :)) Pwede niyo ring sagutin yung tanong kung gusto niyo xD
- Sino ang paborito mong Character sa VTYMB?
- Sorry pero hindi si Virgel, Argo o Kael ang favorite kong character sa story. Kundi si Devi. SI Benz. Bakit? Hindi ko rin alam hahaha basta, Parang hindi kumpleto ang UD ko na hindi ko siya ini-eksina hahahaha. Basta, baka mahalin niyo na rin siya sa season2 soooon. Malalaman niyo ang buong storya ng nakaraan niya doon, so watch out xD
- Ano ang pinaka nakakatawang scene na nabasa mo dito sa VTYMB?
- Ako, kahit ako yung nagsulat nito, tas pag binasa ko siya, minsan natatawa pa rin talaga ako. Kahit sarili ko pa itong gawa hahahaha hays babaw ng kaligayahan ko eh HAHAHA. So about sa question, siguro sagot ko jan is yung time na nag ccheer si Benz kay Ish dun sa sparring nila ni Virgel HAHAHAHAHA GO ISHY! GO ISHY! GO ISHY ISHY LOOVE! HAHAHAHAHA Amp.
- Ano ang pinaka malungkot na scene na nabasa mo dito sa VTYMB?
- Actually dalawa sila. Una is yung pagligtas ni Argo kay Virgel. To be honest, Finifeel ko talaga yung scene na yun habang tinatype ko siya ( Tas may kasama pang background music na My Immortal sheeet ) Nakaramdam talaga ako ng lungkot nun. 2nd is yung sa panaginip ni Veronica nung time na namatay si Nero. Sa tuwing binabasa ko yung part na tumayo si Nero para sumama kila Elon at Primo, tumatayo talaga balahibo ko. Hindi ko alam kung bakit.
- Magkaka lovelife na ba si Virgel sa season2?
- Yes, at si Kael ang makakatuluyan niya HAHAHAHAHAH Djk laaang~ Yan ang isa sa dapat niyong abangan sa season2 :))
- May naisip na ba kayong title para sa season2?
- Actually yan yung problema ko ngayon kaya di ko masimulan yung season2 HAHAHAHA. Naguguluhan ako kung VTYMB pa rin ba yung title o iibahin ko na. At kung iibahin ko naman, wala pa akong naisip na matinong title. Hahahahah baka may maisuggest kayo, comment LunGsCzSX hahahahaha
- Saan po ba inspired yung kwento ng VTYMB?
- First of all, bat ko nga ba sinubukan ang sumulat ng Mafia Story? Sagot jan? Dahil sa MHIAMB At Montello High HAHAHAHAH Sobrang ganda ng story na yan pramis, lalo na yung Montello haays. Sa sobrang ganda, naitulak ako nito para gumawa ng sariling kwento hahahahaha. So sila talaga yung pinaka unang nag inspired sakin na gawin ang VTYMB. How about the plot? Siguro yung fact na Youngest Mafia Boss, of course kinuha ko yun sa Katekyo Hitman Reborn ( Adik din ako jan nung time na yun eh hahaha ) BUT Yung plot mismo, hindi ko dun kinuha. Maski sa Portrayer ng Virgo na Arcana Famiglia wala akong kinuhang inspirasyon jan. Di ko pa nga napapanuod yan eh hahahaha. Inspired talaga ang VTYMB sa Naruto guys sa totoo lang hahahaha. I mean, dun ko halos nakukuha yung inspirasyon ko sa plot nito. About sa story ni Itachi at sasuke, ni Obito, basta. Before ako nag tatype ng UD dati nanunuod muna ako ng AMVs ng Naruto sa youtube para mainspired hahahahaha. BTW, balik po kayo sa Episode 57 tas panuorin niyo yung Video na nilagay ko sa Media :) Sobrang ganda po nun pramis. Isipin niyo nalang na si Virgel at Argo yun :))
Pero kung tatanungin naman about sa nagmomotivate sa akin na magtype, wala ng ibang sagot jan kundi “Kayo” :))
- Madami bang bagong characters sa Season2?
Yeess. Actually may mga names na akong naisulat sa notebook ko :)) Kilalanin niyo nalang sila lahat sa season 2 hahahaha. Isa na jan ay si Damian Seraphin hahahaha ay umiksena na pala to sa Epilogue no? hahaha.
- Pwede po bang pa spoil ng onti about sa season2?
- Kilala niyo naman siguro si Agnes Martin hindi ba? Malaki ang impact niya sa season2, di tulad sa season1 na naging extra lang siya :) Sa mga ayaw kay Agnes, pwedeng sa season2 mas lalo niyo pa siyang ihate or baka mag iba ang tingin niyo sakanya at i lablab niyo na siya hahahahaha. At syempre sa season2, eeksena na rin ang naging palamuti lang na mga grupo sa season1 na Martin Family at Alibara Mafia. Gaya nga ng sabi ko, mabibigyan silang lahat ng spotlight. At sa season2 na sila magpapasikat. So yun lang :))
- Ba’t walang masyadong love story ang VTYMB?
- Kasi action to hahahahaha deee, ano lang kasi, di ako masyado magaling jan hahahahah kaya finull pack ko nalang siya into Action. Alam kong hindi to papatok pag wala akong ilalagay na love story sa story na to. Pero wala eh, di ako magaling jan, baka maging jeje pa yung kwento pag pinilit ko HAHAHAHAHA Yung kila Elsa nga hindi masyado na exposed yung love story nila ni Hell kasi natatakot akong macornyhan kayo HAHAHAHA. Pero sa season2? Baka :)) malay natin HAHAHAHAHA
- Huling tanong na po ba to?
- Yes. HAHAHAHAHA Sorena sa abalaa~ :c
Trivias
Trivias naman tayo. Maikli lang to. Hahahaha
-
Alam niyo bang mas nauna kong gawin ang Characters ng Virgo Mafia bago ko nakita yung picture ng Arcana Famiglia? So sa mga nag iisip na dun ko binase yung characters ng Virgo Family sa mga Characters dun sa Arcana Famiglia, its a no no. Sadyang tumugma lang talaga yung mga characters nila sa characters ng Virgo HAHAHAHA Is it ameyzing?
-
Alam niyo bang Viro Family sana dapat ang pangalan ng Virgo ngayon? Kasi Aro talaga sana dapat pangalan ni Argo eh ( Kasi idol na idol ko yung si Aro sa Twilight hahahaha ) Kaso napaisip ako, okay din naman yung Virgo. Pwede ko pang lituhin yung readers kung sa pangalan nga ba kinuha yung Virgo or sa Zodiac Sign hahahaha so ayun. Pero wala eh, kinutuban agad kayo sa Virgo HAHAHAHA Dayaa.
-
Alam niyo bang si Benz talaga dapat yung mamamatay at magtatraydor sa kwento instead of Hugo? Kasi for sure malaking impact yun sa inyo. Sigurado akong mabibigla kayo ng sobra pag ganon. Yun pa naman yung gustong gusto ko HAHAHAHAH yung madadala kayo. Pero pta, d ko kayang mawala si Benz HAHAHAHAHAHA I mean, di ko na masasali yung Humor sa bawat Episode pag wala na si Benz Hahahahahah so ayun.
-
About sa names, saan ko nga ba kinuha ang mga pangalan nila?
Virgel = Devil May Cry ( Virgil )
Kael ( Dota, name ni Invoker to sa Dota1 eh. Sorry sa di makarelate hahaha )
Hugo ( Laro ng playstation na Bloody Roar. Si Hugo the Wolf )
Hell ( Sa GFFH to. Yung pamangkin ni Bryle Hahahahah )
Elsa ( Kakalabas palang nung Frozen nung ginawa ko to. So ayun hahahaha )
Ish ( NBA Player na si Ish Smith )
Elon ( Pinakamatibay na Character sa Ran Online na kilala ko dati )
Vonz o ( Sa Ender’s Tale na Movie. Yung si Bonzo? pinalitan ko lang ng V )
Marcelo ( Hindi galing kay Marcelo Santos to ah HAHAHAHAH Hindi ko din alam ba’t yan pangalan niya )
Argo ( Sa twilight na si Aro. Nilagyan ko nalang ng G para tumugma sa Virgo.)
Elfame ( sa MAFA TD na game. Yung Elfame Palace )
Kung may tanong kayo, comment lUnGxCzS xD
- Alam niyo bang ang surname ko ay Emnacin? HAHAHAHAHA Tito ko talaga si Theo guys HAHAHAHA jk lang. Pero yes totoo, sa surname ko kinuha yang Emnacin :)) Pero wala akong tito na Theodore ah HAHAHAHAH
So yun laaang~ Sorry sa pang iistorbo ah. Sorry kung umasa kang Special Chapter to :( Lagi ka nalang umaasa :( Tama naaa HAHAHAHA
Kung may tanong kayo free to comment po. Sasagutin ko yan :))
Kitakits nalang tayo sa Season2 :)) Maraming Salamat sa inyuu~ GoodnightsCzxs
Adios~
-MajorSin
Important Announcement
Hello~ sa mga hindi po naka follow sakin, gusto ko lang sabihin na inupdate ko na ang Prologue at Episode 1 ng Book 2 nitong VIRGEL :) Punta nalang kayo sa profile ko at hanapin niyo yung “VENDETTA” :) Sana suportahan niyo rin yan tulad ng pag suporta niyo dito hahahaha so yun lang :)
-MajorSin
![Cover of VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]](/story-covers/virgel-book-1-completed_14502428.webp)
