VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]
MajorSin · 15 chapters · 57,846 words
PROLOGUE
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas..
May isang paligsahan ang inilunsad..
Paligsahan para sa mga taong halang sa reputasyon at pera
Paligsahan kung saan susubukin ang kakayahan mo sa pakikipaglaban..
Isang paligsahan kung saan pagtatagpuin ang mga pinaka malalakas na nilalang sa bansa..
Sampung grupo na bubuohin ng limang myembro ang magtutunggali para makamit ang limpak limpak na premyo..
at syempre, ang inaasam ng lahat..
Ang
Vulture of Death
—isa sa limang pinaka natatanging bagay sa buong mundo. Isang uri ng skulptura na gawa mismo diamante.
Sa mga kupunan na imbitado..
May mga kilala na ng lahat..
May mga bago rin sa paningin ng iba..
At syempre, may mga nagbabalik.
Sinu-sino nga kaya uusbong na grupo?
Sinu sino nga kaya ang unang mahuhulog..
Sa sampung mga natatanging grupo,
Sino nga kaya ang maiiwang nakatayo..
Sino nga kaya ang magkakampyon sa
VULTURE TOURNAMENT 2019
Ihanda na ang sarili..
Itikom na ang bibig..
Ilunok na lahat ng pwedeng ilunok
Dahil heto na..
Magsisimula na ang panibagong labanan..
At ngayong handa na ang lahat..
Ikaw?
Handa ka na rin ba?
Genre: Action, Fantasy
Language: Tagalog
VULTURE: The Tournament (Book 3)
Chapter 1: New faces
Chapter 1: New faces
(Hi guys hahaha welcome sa Book 3 ng Virgel Series! Di ako makakapangako ng mabilis na update dahil may work na ulit ako pero you can put this one sa library niyo para ma notif parin kayo pag nag update man ako heheh. And also, just to set an expectation, sobrang seryoso ng season na ’to na to the point halos wala ka ng makitang humor sa mga chapters (pero gagawan ko parin ng paraan na maisingit yan haha) neto. Also expect less PoV of Virgel. More on 3rd PoV parin ako sa book na ’to gaya ng season 2. Aaand yeah, I’ll make sure that this book will more violent than the previous seasons, so please read at your own risk.
Again, patience nalang sa update and sana kakapit parin kayo gang matapos ’to :))
Mejo sabaw to kasi kakabalik ko lang ulit pero sana mag enjoy kayo~
[3rd Person’s PoV]
“H-hayop ka..” Halos hindi na maitsura ang mukha ng isang may katandaang lalaki na ngayon ay nakagapos ang magkabilang kamay sa isang makapal na kadena. Halos naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Punong puno narin ng sugat ang buong katawan nito na para bang kanina pa ito pinapahirapan.
Isang madilim na silid ang kinalalagyan niya ngayon. Pero dahil sa maliit na bintana sa ibabaw, may kaonting pagsilip ang nagagawa ng buwan sa kinatatayuan niya.
“Hmmn hmmn.” Tangong sagot lang ng isang babae na kasama niya dito sa loob. Higop higop lang nito ang kanyang milktea habang nakatingin sa hawak na litrato. “Bakit mo naman naisipang pagbantaan ang Master Devi ko?” Tanong nito. Oo, litrato ni Devi ang hawak nito ngayon na nakuha niya sa bulsa ng matandang ’to.
“INUTUSAN NGA LANG AK–” Sinubukan pang sumigaw ulit ng matanda pero malakas na tuhod lang ang inabot ng sikmura niya “Arrrkkk!!” Muli itong napabulwak ng dugo.
“Bakit mo naisipang pagbantaan si Master?” Parang wala lang ulit na tanong ng dalaga habang mainam na hinihigop ang paborito nitong inumin. Sa totoo lang ay halos lagpas bente na niyang inuulit ang tanong na yan. Pero sa tuwing sasagot ang matanda, binibigwasan niya lang ito. Tila ba pinaglalaruan niya lang ito.
“A-ano pa ba..ano pa ba ang gusto mong marinig?” Di na kaya ng matanda ang sakit ng katawan niya. Halos dalawang oras na silang ganito at nakakalimang milktea na rin yung babae pero mukhang wala talaga itong planong pakawalan siya.
“Yung totoong sagot heheh.” Sagot lang nito.
“Totoo nga ang sinasabi ko. Inutusan lang ako na ipapatay si–” Di nalang tinuloy ng matanda ang sasabihin niya at napapikit nalang nang makita niyang bumwelo na naman ang babae sa harap niya.
Pero bago pa man ito tumama sa sikmura ng matanda, nakarinig ang dalawa ng isang maotoridad na boses sa labas ng silid na’to. “Annex, tama na yan.”
Parehong napalingon ang dalawa sa pintuang kakabukas lang, at dahil madilim ang silid na yun, tanging mga mata lang ang naaninag ng matanda sa apat na taong sabay na pumasok.
Lumapit yung babae sa gawi ng apat at tsaka muling tumingin sa gawi ng matanda
Dun palang, nanlambot lang lalo ang tuhod ng matanda sa nakikita niya. Parang sa mga titig palang ng mga ito ay para na siyang nilalapa ng buhay. (Naiimagine niyo?)
Limang pares ng mga matang magkakaiba ang kulay. Dalawa sa mga ito ay parehong pula ang mga mata, yung isa ay isang mata lang ang meron pero kulay berde naman, habang yung babaeng kanina pa niya kasama dito ay lumiliwanag rin ang mga mata na parang mata ng isang tigre. At yung nasa gitna nila, isang kulay pula at kulay berdeng mga mata ang taglay.
Naka pamulsang lumapit ang nasa gitna papunta sa matanda. “Jin del Fuego.” Usal nito.
“D-devi..” Halos tulala parin si Jin habang nakatingin kay Devi. Mas nakakatakot pala ito sa personal kesa sa inaakala niya.
“Sino ang nag utos sayo?” Malamig na tanong nito.
“H-hindi ko pwedeng sabihin.” Dahil sa sinagot ni Jin ay nakita niya si Devi na marahang hinawakan ang puluan ng samurai niya sa likod.
“T-teka teka! Ehh kasi..m-may pinalunok siya sakin na maliit na parang baterya at naririnig niya ang bawat sinasabi ko o kung sino ang kausap ko.” Tarantang paliwanag ni Jin “At pag binanggit ko ang pangalan niya, sasabog ito sa katawan ko ng kusa. P-pakiusap, Devi..patawarin mo na ako!”
“Pangalan.” Tanging sagot lang ni Devi habang dahan dahang nang binubunot ang samurai niya.
“Kahit saan sa dalawa, kamatayan lang ang kababagsakan mo, Jin. Mas mabuti pang sabihin mo nalang ang pangalan ng nag utos sayo at hayaan mong sumabog ang katawan mo ng ganun kadali. Kesa ipapalasap pa ni Devi sayo kung ano yung sakit bago ka malagutan ng hininga.” Komento naman ni Ermac sa likod.
“Madami ng nagbabanta sa mga buhay namin nitong mga nakaraang buwan, at sinasabi ko sayo, wala pa ni isa ang nagtagumpay sakanila hehe.” Singit rin ni Annex
Napakagat nalang si Jin sa kanyang labi dahil sa sobrang inis. Ilang beses na niyang nadadaya ang kamatayan sa pamamagitan ng pagtakas. Pero sa pagkakataong ito ay mukhang wala na siyang matatakbuhan pa. Parehong dead end ang nakikita niyang daanan ngayon.
“Ayoko pang mamatay. Pakiusap. Devi..” Ginamit na niya lahat ng pag arte para lang magmukha siyang nakakaawa pero sobrang patay lang ng tingin nito sakanya. “Benz?” Sinubukan niyang tawagin ito sa dati nitong pangalan dahil baka sakaling magbago ang isip nito
Pero sana di nalang niya ginawa.
Sobrang maling decisyon ang ginawa niya.
Nandilat saglit ang mga mata ni Devi sa narinig niya at dun, sobrang bilis nalang ng pangyayari. Bago pa man makita ng lahat ang paglabas ng samura ni Devi ay parang isang witik nalang ang naramdaman ni Jin bago lumabo ang mga mata niya. Nahuli nalang ng lahat ang pagbalik ni Devi sa samurai niya na parang kakagamit lang.
“Ewwww!” Tinakip pa ni Heidel ang dalawa niyang kamay sa mata niya para di makita kung pano gumulong ang ulo ni Jin sa sahig.
Tumalikod si Devi pagkatapos ng ginawa niya at bumalik na ulit sa pagiging kalmado. “Loda, sunugin mo ang buong bahay na ’to. Maghanap tayo ng ibang malilipatan.” Utos nalang nito bago umunang maglakad.
“Teka, Master Devi may sasabihin ako~” Habol ni Annex
“Mauna na kayo. Susunod ako pagtapos ko rito.” Usal ni Loda kila Ermac kaya umuna na rin silang lumabas.
Pagkalabas ng Vendetta sa lungga nila, napangisi nang bahagya ang isang lalaki na kasalukuyang nakamasid sakanila gamit ang isang binocular. “Kumpirmado, dito nga sila nagtatago.” Usal nito. Nandito siya ngayon sa ibabaw ng isang malaking puno para lang matanaw ang pinamumugaran ng Vendetta. Mejo malayo at magubat ang kinatatayuan nila ngayon kaya kampante silang di sila mahahalata dito.
“Sino ba sila para patungan ng limangpung milyong piso ang mga ulo nila?” Tanong naman ng isang may bruskong katawan na lalaki na nakasandal sa isang puno. Makikita mong gawa sa bakal ang kanang braso niya dahil naka sando lang ito ng suot.
“Tatlo sa mga yan ang orihinal na myembro ng Vendetta. Dalawa jan mga bagong salta lang.” Sagot naman ng nag iisang babae sa grupo habang nilalaro ang hawak nitong kunai. May mahaba at maitim itong buhok na salungat sa kulay porselana niyang balat. Bukod sa mala anghel nitong mukha, meron rin itong napaka pormadong katawan ng isang babae. Halos perpekto na ito at di mo aakalaing marunong pala itong makipag laban sa unang tingin palang.
“Lima ba sila lahat?” Pagkumpirma ng lalaking nakamasid sa Vendetta. Siya ang nagsisilbing pinaka bata sa grupo nila, at base sa suot niya, mukha lang siyang bagets na naka shorts na may branded na sapatos at walang ibang alam sa buhay kung hindi ang pumorma. Pero hindi, di mo malalaman ang totoong personalidad niya sa paraan niya ng pananamit.
“Di ka ba nakinig sa sinabi ni Don Suico kanina nung nagbigay siya ng impormasyon?” Singit ng isa pang myembro na may katamtaman ang katawan at may kulay berdeng buhok. Puno rin ng tattoo ang dalawang braso niya. May tig lilimang hikaw sa magkabilang tenga. Para itong rakista kung pumorma pero ang totoo, paborito talaga niyang banda ang Micheal Learns to Rock.
Nangunot naman ang noo ng lalaking naka binocular nung tatlo lang yung nahagilap niya simula nung lumabas ang Vendetta sa lungga nila. “Bakit tatlo lang sila?” Bulong nito at tsaka isa isa niyang tinignan ang mukha ng mga ito.
Nakita niya lang na nag uusap yung dalawa habang naglalakad pero nung mapunta yung atensyon niya sa babaeng nasa hulihan, panandaliang nanginig ang buong katawan niya nung makita niyang nakatingin ito sa direksyon niya habang sobrang lawak ng ngisi. Parang tigre ang mga mata nito na sobrang talim na nakatingin sakanya.
“Anong..” Bago pa man siya makapag isip, bigla niyang narinig ang kaluskos ng mga dahon sa likuran niya kaya mabilis siyang napalingon rito.
“Remy!” Sigaw ng mga kasama niya sa baba nung makita ang isang nilalang na nakabwelo na sa hawak nitong samurai sa harap ng kasamahan nila.
Ang lider ng Vendetta..
Sinubukang umatras ni Remy para sana umiwas pero nagulat nalang ang lahat ng may isa pang lalaki ang mabilis na sumangga sa atake ni Devi.
Pati si Devi ay mejo nagulat sa bilis ng reaksyon ng lalaking kaharap niya ngayon. At kagaya niya, sobrang patay lang rin ng mga mata ng isang ’to.
Matapos ang matalim na titigan ng dalawa ay pareho itong umatras.
Mabilis na nagtipon ang limang myembro at hinarap si Devi na malamig lang ang titig sakanila.
“Salamat, Declan.” Usal ni Remy sa lider nila.
“Anong kailangan niyo sa grupo ko?” Agad na tanong ni Devi sa misteryosong grupo na ’to.
“Kung di mo pa alam, hayaan mong ipaliwanag ko sayo.” Sagot ng babae. “Pinag aagawan na kayo ng iba’t ibang mga bounty hunter ngayon sa bansa dahil sa malaking patong jan sa mga ulo niyo.” Dugtong nito.
“At kami ang napili sa araw na ito na mabigyan ng pagkakataong mauwi ang mga ulo niyo.” Singit rin ng lalaking may berde ang buhok.
“At mas importante pa ba sainyo ang pabuya na yan kesa sa mga buhay niyong masasayang lang?” Nagulat sila nang may marinig silang boses sa likuran nila. Pagtingin nila, nandun na pala ang apat na myembro ng Vendetta.
“Bat ba tayo natunton ng mga ito rito?” Bulong nung lalaking may berdeng buhok kay Remy. Agad napatingin si Remy sa babaeng may mala tigreng mga mata na nakangiti lang sakanila. “May isang myembro ata silang may napaka talas na paningin.” Sagot niya.
“Anong pangalan ng grupo niyo? Iisa lang ba ang nag utos sainyong mga nagtatangka sa mga buhay namin?” Tanong ni Ermac sa mga ito. Base sa postura ng limang taong na corner nila, mukhang hindi sila mga ordinaryong nilalang lang katulad sa mga naunang grupong nakaharap nila.
Nakita nilang naglabas ng kani kanilang mga sandata ang mga ito at parang walang planong sagutin ang tanong ni Ermac.
“Wag kayong mag alala, makakauwi kayo ng ligtas kung makikipag usap lang kayo sa amin ng maayos.” Dugtong nalang ni Ermac at sinubang lumapit sa mga ito.
Habang nakababa ang depensa ni Ermac, kampante at kalmado lang siyang pumunta sa limang nilalang dahil nagbabaka sakali itong madadaan lang to lahat sa usapan.
Pero nakakailang hakbang palang siya nang magulat ang lahat sa biglaang pag atake ng isang lalaki sakanya. Ito yung lalaking naka sangga sa atake ni Devi na tinawag ni Remy ng ‘Declan’ at mistulang lider nila.
Sobrang bilis ng kilos nito na maski ang mga Vendetta ay hindi agad naka reak. Lalo na si Ermac na nakababa ang depensa.
Sinubukan niyang kunin ang Sai sa balakang niya pero masyado siyang mabagal sa bilis ng taong ’to. “Arrghhh!” Napapikit nalang siya nang tamaan ang kanyang kanang pisngi sa sandata ni Declan.
Sinubukang rumesbak nina Loda pero bago paman nila yun nagawa ay agad nagtapon ng smoke bomb si Declan sa paligid niya at sa apat niyang kasama.
Nang humupa ang usok ay wala na silang makita ni anino ng mga ito.
Agad nalang tinulungan nina Loda at Annex si Ermac na ngayon ay nakahawak na sa pisngi niyang napuruhan.
“Ang bilis bilis niya! Heheh gusto ko siya makita ulit.” Komento lang ni Heidel habang napapalakpak pa sa tuwa.
Habang si Devi naman, tahimik lang na nakatingin sa tinutulungang si Ermac pero yung utak niya ang layo na ng nilipad.
Sino sila?
Mahinang iminulat ni Kael ang kanyang mga mata. Puting kisame, puting kisame nalang ang laging bumubungad sakanya nitong mga nagdaang buwan. Ang amoy ng ospital, ang puting pintura ng buong paligid. Araw araw nalang ganito ang bumubungad sa pag gising niya.
At sa tuwing gigising siya, di niya alam kung dapat pa ba niya itong ipagpasalamat dahil binibigyan pa ulit siya ng pagkakataong masilayan ang mundo, o manghinayang dahil sa bawat araw rin na dumadaan, palala rin ng palala ang nararamdaman ng katawan niya.
Sa mga chemo at iba’t ibang paraan para magamot siya, tila hindi man lang natinag ang sakit niya. May mga pagkakataong gumagaling naman siya pero kusa pa ring bumabalik ang sakit pagkalipas lang ng ilang araw.
Minsan parang ayaw na niya. Minsan parang gusto na niyang sumuko dahil sa sobrang pagod–sa sobrang sakit. Pero sa tuwing naiisip niya yun, naaalala niya lang ang pamilya niya. Sila nalang ang tanging kinakapitan niya ngayon sa totoo lang.
…
…….
Iginawi niya ang tingin sa gilid niya at dun, nakita lang niya si Virgel na nagbabasa ng libro habang nakaupo. Siya lang ang mag isang nagbabantay sakanya ngayon. Tinignan niya saglit ang orasan. Mag aala onse na pala ng gabi.
“Boss..” Mahinang tawag nito kaya napalingon saglit sakanya si Virgel. Mejo nabigla pa ito.
“Kael. Gising kana pala. Nagugutom ka ba?” Tumayo siya at tsaka lumapit sa may table at kinuha ang bowl ng mga prutas. “Sandali babalatan ko lang.”
“Hinde, ayos lang, Boss. Ayos lang.” Ngumiti nang bahagya si Kael kaya Ibinalik nalang ni Virgel ang bowl at tsaka umupo nalang sa gilid ng higaan ni Kael.
“Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Ganun pa rin.” Mapait na sagot ni Kael at tsaka nabaling ang tingin sa hawak nitong libro. “Ano yang binabasa mo, Boss?”
“Eto ba? May exam tayo bukas.” Naka uniporme parin ito ng suot so ibig sabihin hindi pa ito nakauwi na mansyon simula kanina. Pagkatapos kasi sa skwelahan ay dumidiretso agad siya dito sa ospital. Sa loob ng pitong buwan ay lagi niya yang ginagawa. “Tungkol naman sa mga lessons, nakopya ko yun lahat sa notebook ko. Pwede mo itong gamitin pag nakabalik kana para makahabol ka.” Dugtong ni Virgel kaya mapait nalang na ngumiti si Kael.
“Di mo naman to kailangan gawin, Boss.” Nasabi nalang niya dahil naaawa na ito sa sitwasyon ng kaibigan niya.
“Ang alin?”
“Ito. Itong laging pagbabantay mo sakin. Di mo kailangang pagurin ang sarili mo para sakin, Virgel. Mejo pumapayat kana dahil lagi kang walang sapat na tulog kakabantay.” Siya lang dapat ang nahihirapan dito. Hindi ang ibang tao, hindi si Virgel. Siya lang dapat.
“Kaibigan kita, Kael. Pero alam mo ba ang ibang rason kung bakit ginagawa ko ’to?” Napatingin sa mga mata si Kael nang itanong ito ni Virgel. Napaka seryoso ng mukha nito.
“Dahil gusto kong makonsensya ka kung sakaling magbabalak kang sumuko. Ito lang ang nakikita kong paraan para hindi ka sumuko jan sa sakit mo. Di mo kami pwedeng iwan.”
Napapikit nalang si Kael sa sinabi nito. Ramdam talaga niyang ginagawa lahat ni Virgel para lang iparamdam sakanyang bawal sumuko.
“Kaya pakiusap, hayaan mo lang ako sa ginagawa ko.”
“Huwag na tayong maglokohan dito, Virgel. Maski ikaw alam mong malapit nang bumigay ang katawan ko, hindi ba?” Sa pagkakataong ito, si Virgel naman ang natigilan. Titig lang ang tanging naiganti niya kay Kael.
“Sa simula palang, alam na nating matatalo na ako sa laban na ’to. Sa simula palang, alam kong sa milagro ka nalang umaasa at hindi na sa mga doktor.” Sa bawat salitang binibitawan ni Kael ay tila pasikip rin nang pasikip ang dibdib ni Virgel. Hindi niya ito kayang marinig galing mismo sa kaibigan niya.
“Hindi na ako magtatagal, Boss.”
Limang salita lang pero halos nablanko na siya at di na alam ang sasabihin. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Tanging pagtitig lang sa sahig ang nagawa niya.
Ilang segundo lang silang hindi nag imikan nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at niluwa ron si Asher.
“Joneeel~” Agad nitong binasag ang katahimikan at kumaway pa ito sa dalawa bago pumasok. “Nandito na si Asher the half man half oowwsome~” Ngumisi pa ito pero blankong expresyon lang ang nakuha niya sa dalawa. “Sabi ko nga.” Nagkamot nalang ito sa ulo sabay sabing “Nasa baba na ang sundo mo, Virgel. Ako na ang bahala dito.”
Tumayo na si Virgel at tuminging muli kay Kael.
Ayaw man aminin ni Kael, halatang halata sa mga mata niya na taliwas ang lahat ng pinapakita niya ngayon sa totoong nararamdaman niya. Kitang kita ni Virgel ang kagustuhan pa nitong mabuhay kahit puro ganun nalang ang mga naririnig niya sa bibig nito, at yun nalang ang tanging pinanghahawakan niya para palakasin pa ang loob ng kaibigan.
“Wag kang mag alala, magiging maayos din ang lahat.” Sabi nalang niya bago tumalikod at naglakad palabas ng silid “Mag usap muna tayo saglit sa labas, Asher.” Turan nito nung makalapit kay Asher
“Owkie dokie~”
Magiging maayos din ang lahat.
Limang huling salitang narinig niya kay Vlad bago ito mawala. Pero sa pagkakataong ito, sisiguraduhin niyang hindi na mauulit pa yung nangyari. Sisiguraduhin niyang hindi mawawala ang kaibigan niya. Na maaayos talaga ang lahat.
Mabubuhay si Kael..
Sinusumpa niya yun.
Nang makalabas ang dalawa, agad nagtanong si Asher “May napili ka na ba?” Alam na niya ang pag uusapan nila kaya inunahan na niya ito.
“Oo.”
“Kasali ba ako?”
“Oo.”
“Sinu sino pa?”
“Ish, Lily at Veronica.” Sagot nito habang nakatingin lang sa sahig habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader. “Ipagkakatiwala ko nalang muna saglit si Kael kela Elsa at Hell habang wala tayo.”
“Sigurado ka ba? Pwede namang hindi ka nalang sasali at magtuon pansin ka nalang kay Kael. Kami na ang bahala.”
Sa sinabi ni Asher ay biglang sumagi sa utak niya ang mukha ni Marcelo na nakangisi–dahilan para manlisik ang mga tingin niya. Bumigat agad ang presensya sa buong paligid ng ganun kadali. “Hindi pwede.” Matigas na lintanya nito–at ramdam na ramdan ni Asher yung puot at galit sa boses nito.
“Owkie dokie.” Sagot nalang niya at tsaka binuksan ulit ang pintuan. Siya ang Boss, siya ang masusunod.
Pero bago pa man siya pumasok ay nagbilin muna ito ng babala sa kapatid ng matalik niyang kaibigan.
“Naiintindihan kita, Virgel. Pero sinasabi ko, dalawa lang ang kababagsakan mo jan sa paghihiganti mo.” Tumingin nang bahagya si Asher sa gawi ni Virgel at seryosong nagpatuloy
“Pwede mong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Boss Vlad, o pwede mong
ikamatay
yan.“ Dugtong nito bago tuluyang pumasok loob.
Habang si Virgel naman ay naiwang nakatingin parin sa sahig.
Takot sa kamatayan..
Paghihiganti sa kalaban..
Sa dalawa, isa lang ang sigurado siya sa ngayon..
Walang makakapantay sa galit na nararamdaman niya para sa pamilyang yun, na kahit pa mismo kamatayan ay di na siya kayang pigilan pa.
Halos pasado ala una na ng umaga pero andito parin sa isang maliit na bar ang Don ng Suico Family habang nakaupo sa isa sa mga table dahil may hinihintay itong makabalik. Tagong bar ito ng mga Suico na tanging mga piling tao lang rin ang kayang makapasok.
“Hmmn.” Tumingin ito sa relo niya at di na niya nagugustuhan ang nangyayari. “Dapat kanina pa sila nakabalik.” Usal nito.
Maya maya pa ay may kumatok sa pinto kaya pinapasok niya ito.
Niluwa doon ang dalawa sa kinseng bodyguard niya na nagbabantay sa labas kasama ang limang nilalang na kanina pa niya hinihintay.
“Don Suico.” Tugon ng isang myembro.
“Asan na?” Agad nitong tanong–nagbabaka sakaling bitbit na nila ang ulo ng buong myembro ng Vendetta. Pero sa nakikita niya, mukhang madidismaya na naman siya sa maririnig niya.
“Hindi sila ganun kadaling mapatay, Don.” Sagot ng nag iisang babae sa grupo.
“Alam ko na yan, hija. Kaya nga ginawa kong limangpung milyon ang pabuya hindi ba?”
“Sang ayon ako kay Roro, Don. Kailangan namin ng maraming oras para makapag plano ng maayos.” Giit ni Remy.
Napabuntong hininga nalang ang Don sa narinig niya. “Pang sampung grupo na kayong sumubok sa pag dispatsa sa Vendetta na yan at tingin ko ika sampung beses ko na ring pagkadismaya ’to ngayon.” Halos matawa nalang ang Don sa naiisip niya. “Nagyayabang pa kayo sa pangalan ng grupo niyong ’
Esminets
’ nung una niyong paglapit sakin. S
abi niyo pa
isa kayo sa mga top bounty hunters ng bansa, hindi ba? Tapos mga ganyang expresyon ang makikita ko ngayon? Patawa.“
“Pero nagawa ni Declan na mapuruhan ang isa sa mga Vendetta kanina, Don.” Depensa agad ng lalaking may berde ang buhok na ikinabago ng expresyon ng Don.
“Hmmn, bago yan sa tenga ko, Poison. Sa lahat ng mga sumubok, kayo palang ang nagbigay sakin ng balita na ganyan. Hindi ka ba nagsisinungaling?” Isa talaga sa ugali nito ang pagiging sigurista, at di niya yun kailangan baguhin dahil yun ang dahilan kung bakit naging matagumpay siya sa buhay ngayon.
“Hindi, Don.”
“At sa tingin niyo, magagawa niyo na bang itumba sila pag binigyan ko pa kayo ng isa pang pagkakataon?” Tanong ng matanda sa mga ito. Tumingin ito sa bruskong lalaki na tahimik lang sa gilid “May plano ka ba, Adrias?”
“May gaganapin na paligsahan sa susunod na buwan at naimbitahan ang grupo namin na sumali, at imposibleng hindi rin imbitado ang Vendetta dahil malaking paligsahan yun. Pwede namin yung gamitin para sa misyon na ’to.” Mungkahi lang nito.
“Hmmn, magandang ideya.” Tila kumbinsido na ang matanda na bigyan pa ang grupong ito ng isa pang pagkakataon, pero bago siya mag decisyon, kailangan niya muna itong kumpirmahin sa lider ng grupong ito–ang nag iisang rason kung bakit pinili niya ang grupong ito na gumawa sa misyon. “Ano sa tingin mo, Declan?”
Tahimik lang ito sa Don at hindi umimik..
at alam na nila ang ibig sabihin nun.
“Osige.” Pumalakpak ng tatlong beses ang Don bago tumayo.
“
Remy, Poison, Roro, Adrias, Declan
o mas kilala bilang
‘Esminets’,
Ipamukha niyo saking mali ako sa unang impresyon ko sainyo.“
-To be continued
-MajorSin
Chapter 2: Fear
Chapter 2: Fear
Hi Guys~ Ayoko na magdrop ng mga excuses hahaha sorry sa matagal na update. Hope u enjoy~
[3rd Person’s PoV]
“40,000.”
“40,000?”
“Yes, Mr. Martin. Ganyan karaming tao ang kaya ng kapasidad nitong arena na kinatatayuan natin.” Sagot ni Sandro–isa sa mga arkitekto na kinuha ni Celo para sa proyektong ito.
“Hmmn.” Kasalukuyan silang nasa loob ngayon ng arena at sinusuri ang buong paligid. “Sa wakas.” Dahan dahang kumurba ang ngiti sa mga labi ni Celo habang nilalasap ang amoy ng arena. “Naaamoy mo ba?”
“Anong amoy, Sir?”
“Pera.” Lumanghap pa ulit ito ng isang beses “Naaamoy ko ang limpak limpak na perang makukuha ko sa plano kong ’to.”
“Mawalang galang na pero hindi ko talaga maintindihan ang punto mo, Mr. Martin.” Naguguluhang usal ni Sandro. “Kayo ang gumastos para mapatayo ’to, at ikaw rin ang magbibigay ng premyo sa paligsahan na magaganap, hindi ba? Kaya pano mo nasabing limpak limpak na pera ang makukuha niyo dito?”
“Bawing bawi ko lahat ng pundo na inilaan ko dito pag sa akin mismo mapupunta ang skultura na yun. Bilyon bilyon ang halaga nun.” Ngising sagot ni Celo. “Ilagay natin na halos isang buwan ring magaganap ang paligsahan. Isipin mo ang kita ko sa ticket palang ng mga manunood, diba? Simple math, Sandro. At syempre sunod sunod na endorsement na yan. Sisiguraduhin kong sa loob ng isang buwan na yan mababawi ko na ang pundo ko rito.”
Mejo nakukuha na ni Sandro ang gustong mangyari ni Celo sa paligsahan na ’to. At sa mga naiisip niya, isa lang ang gusto niyang kumpirmahin. “Kampante ka ba na mananalo ang kupunan mo sa paligsahan at makuha niyo ang skultura na yun?”
“Sa ngayon hindi pa.” Sagot ni Celo bago lumawak ang ngisi niya “Pero ako yung tipo ng tao na pag may gusto, ginagawa ang lahat para lang makuha ito.” Dugtong nito. Napailing nalang si Sandro. Halimaw talaga to si Marcelo pagdating sa pagpapayaman.
Staff of Persephone
Saladin’s Gauntlet
Pipe of Beelzebub
Sword of the last Samurai
Vulture of Death
“Di ako makapaniwalang nakumbinsi ni Marcelo ang isang Royal Family sa Spanya na gawin bilang isa sa pa premyo sa proyekto niya ang isa sa limang natatanging bagay sa buong mundo.” Nasabi nalang ni Ish habang kaharap ang laptop niya. Kasalukuyan niyang binabasa ngayon ang kasaysayan ng limang mga bagay na yun. Isa sa nag mamay ari ng isa sa limang natatanging bagay sa mundo ay ang Alfonso Family ng Spanya. Hawak nila ang Vulture of Death na napanalunan ng pamilya nila sa isang auction noong taong 1997 sa Britanya. Nagkakahalaga ito ng 500 Million USD o katumbas na yun ng halos 25 Billion pesos.
Nang sinearch niya ang isang documentaryo tungkol sa Alfonso Family, mukhang nahanap na niya ang sagot sa tanong niya. “Kaya pala. Sobrang tagahanga ang Don ng Alfonso sa mga Martial Arts Tournament o kahit anong paligsahan sa pakikipaglaban. Baka ito ang dahilan ba’t nakumbinse niya ang mga Alfonso. Mautak talaga ’to Celo.”
“Paniguradong imbitado ang pamilyang yan bilang special guests sa darating na paligsahan.” Singit naman ni Elsa sa gilid ng couch habang humihigop ng kape.
“Walang duda.” Sang ayon ni Ish at kukunin na rin sana niya ang kape niya sa lamesa nang may biglang kumuha nito “Thaanks~” Umupo ito sa kabilang couch at tsaka hinigop ang kape “Hmmmn tsaraaap~”
Bugnot tuloy bigla ang mukha ni Ish “Gusto mo ipaligo ko sayo yang kape? Akin yan!” Inis na usal niya
“Nalawayan ko na sorreh.” Ngisi lang na ganti nito.
“Ba’t ka nga pala umuwi? Sino ang nagbabantay kay Kael ngayon? Sana tumawag ka muna para inagahan nalang namin ang pag punta dun.” Singit ni Elsa kay Asher.
“Bumisita sila Nica at Steph. Sila na daw muna ang bahala.”
“Ahh” -Elsa
“Sarado” -Asher
“Ha?” -Elsa
“Wala. Si Virgel pala?” Tanong nalang nito.
“Tulog pa ata.”
“May sinabi ba siya sainyo kagabi tungkol sa paligsahan?” Tanong ni Asher kaya napahinto saglit si Ish sa kanyang binabasa at napatingin kay Asher. “Wala, bakit?” Tanong nito pabalik
“May napili na siyang mga myembro na sasali.” Sa sinagot nito ay napahigpit ng kaonti sa pagkapit si Ish sa mouse.
“At kasali tayong dalawa dun, Ish.” Sa dinugtong nito ay napasinghap nalang siya.
Biglang sumagi sa utak niya ang madugong labanan na nangyari sa Orquieta pitong buwan na ang nakakaraan.
Pilitin man niyang kalimutan ang pangyayaring yun, di talaga maaalis sa katawan niya yung takot.
Panibagong labanan na naman..
“Sino pa yung dalawa?” Tanong nalang niya
“Si Veronica at Lily.” Napantig ulit ang tenga niya sa huling pangalan na narinig niya.
“Si Lily?!”
“Ah hindi, hindi. Si Benz.” Pambabara ni Ish at tsaka humigop ulit ng kape. Ilang segundo lang bago niya napagtanto ang birong binitawan niya. “Opss.” Nang tignan niya ang mukha ni Ish na sobrang seryoso ay napa peace sign nalang siya. Gunggong talaga.
“Juk lang heheh si Lily ngaa.”
“Bakit si Lily?”
“No offense Elsa ah pero sa tingin ko pinili lang ni Virgel yung mga may kakayahan talagang makipag laban ng pisikal.”
“Ba’t di si Hell? Si Felix? Si Elfred? Si Maki?”
“Wala pa ngang isang taon matapos ang operasyon ni Hell pasasalihin mo na agad. Tsaka tungkol kay Elfred at Maki naman, isang kamay nalang ang meron sila. Di na sila makakalaban nang maayos. At kay Felix naman, hmmmn..ewan. Ewan ko kay Virgel ba’t hindi si Felix pinili niya. Ilong lang naman ang napuruhan nun.”
“Tsk. Kakausapin ko muna si Boss tungkol jan. Masyado pang bata si Lily sa mga ganyang paligsahan.” Kontra ni Ish, at ewan pero bigla nalang ngumisi nang nakakaloko si Asher.
“Ka pedo-an mo umaatake na naman haaa. Overprotective ka masyado sa bb mo.” Tawang pang aasar ni Asher kaya agad siyang sinamaan lalo ng tingin ni Ish.
“Gunggong.” Sinara nalang ni Ish ang laptop niya at tsaka nag walkout.
“YIIIEEEEEE Dedeny ka pang kopal ka.” Tawa lang nang tawa ang kumag. Parang di niya kayang mabuhay na hindi nang aasar.
“May punto rin naman si Ish. Malakas nga si Lily pero masyado pa siyang bata para sa mga ganun ka delikadong paligsahan.” Singit naman ni Elsa nung sila nalang dalawa ang naiwan.
“Wala ka bang tiwala sakanya? Malakas na bata si Lily. I kan peel et u know~”
“Ba’t hindi nalang yung si Ginger? Yung nakilala ni Virgel. Malakas yun diba?”
“Kasalukuyan pa siyang nagpapagaling sa braso niya ngayon. Di pa siya pwede.”
“Ganun ba.”
“Haaay.” Umayos ng upo si Asher at tsaka uminom saglit ng kape bago ito nilagay sa lamesa. Ang kaninang nakatawang mukha ay bigla nalang sumeryoso. “Ewan pero di maganda ang kutob ko sa paligsahan na ’to.”
Natahimik si Elsa sa sinabi ni Asher, at ang mga sumunod na narinig niya ang nagpataas ng balahibo niya.
“Pero dahil decisyon ni Virgel na sumali, wala akong magagawa. Ang tangi ko nalang magagawa ay ang tuparin ang pangako ko kay Argo–ang protektahan si Virgel kahit na anong mangyari.” Tumingin ito sa gawi ni Elsa “Kahit na anong mangyari.” Biglang nanayo ang balahibo ni Elsa sa narinig niya. Biglang bumilis yung pagtibok ng puso niya sa kaba..
at di niya alam kung bakit.
Pero maya maya pa..
“Ang cool ko ba?” Nag pogi pose pa ito habang nakangisi “Syempre joke lang HAHAHA baka nga si Virgel pa mismo ang magpoprotekta sakin dahil sa lakas ng batang yun hays.” Tawang usal nito pero naiwan pa ring tulala si Elsa. Di maalis sa utak niya ang mga tingin ni Asher habang sinasabi yung mga kataga kanina.
Kalaunan ay tumayo narin si Asher para magpaalam. “Oh siya maiwan na kita. Maglilibot muna ako saglit bago matulog heheh.” Paalam nito bago umalis.
Habang naglilibot si Asher, napag pasyahan niyang dumaan muna sa training room. Gusto niya lang silipin kung may tao ba. At habang papalapit siya, rinig na agad niya ang mga kalampag sa silid na yun.
“Aga aga nag eensayo na. Masipaaag. Sino kaya ’to.” Ngising usal lang niya at tsaka dahan dahang binuksan ang pinto.
At sa pag bukas niya, isang lalaki na nakahubad ang pang itaas na suot at bagsak na mahabang buhok lang ang nasilip niya. Biglang napakisap mata si Asher sa buong pag aakala niyang si Argo ang nakita niya.
Sa loob lang ng maikling panahon, parang nakopya na agad ni Virgel ang postura ng kapatid niya.
Pawis na pawis ang buong katawan nito habang nasa gitna ng boxing ring, may mga benda ang dalawang kamao nito kaya hula niya galing ito sa pagsshadow boxing.
“Virgel..” Naibulong nalang niya.
Habang tinitignan naman ni Virgel ang sahig, saglit niyang tinaas ang isang kamay niya. Nanginginig . Halos isang oras palang siyang nag eensayo pero parang halos di na makayanan ng katawan niya yung pagod. Ilang buwan na niya itong napapansin.
Kung dati nakakatagal siya ng ilang oras sa pag eensayo, ngayon parang limitado nalang ang lakas niya. Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi ni Kael kagabi na mejo namamayat na siya.
Ayaw man niyang aminin pero mejo humihina na nga ang katawan niya dahil sa laging pagpupuyat niya kakabantay kay Kael. Ayaw niyang isipin na dahilan si Kael kung bakit nagkakaganito na ang katawan niya
At ang mga mata niya…
Ilang buwan na itong hindi nagbabago ng kulay. Kahit gustuhin man niya ay walang nangyayari.
Huminga nang malalim si Virgel at sinubukang gamitin ito ngayon pero nung naglabas siya ng kaonting pwersa, biglang lumabo ang mga mata niya at panandaliang kumirot ang ulo niya. “Arggh” Dahil dun ay napahawak siya saglit sa may noo niya.
Kaasar!
Nasambit nalang niya sa isipan niya. Nalalapit na ang paligsahan at wala pa rin sa kundisyon ang katawan niya. Kailangan niyang maibalik ang lakas niya sa lalong madaling panahon.
“Yan na nga ba e.” Narinig niya ang boses ni Asher sa may pintuan kaya panandalian siyang napatingin rito. “Wag mong pwersahin ang katawan mo. Ilang oras lang ba tulog mo? Ang late mo ng nakauwi kagabi tapos ang aga mo nag ensayo ngayon.” Usal pa nito at tsaka lumapit sa ring. “Wag mong abusuhin ang katawan mo, Virgel.”
Nang mawala naman ang pangingirot ng ulo ni Virgel ay inalis rin niya ang kamay niya sa noo niya. “Ayos lang ako.” Sagot lang niya at tsaka dahan dahang inalis ang benda sa mga kamay niya.
“Hindi ka maayos tignan.” Kontra agad ni Asher “Kami na muna ang bahala sa pagbabantay kay Kael. Kahit isang linggo lang ipahinga mo muna yang katawan mo.” Dugtong nito kaya sinamaan siya ng tingin ni Virgel.
“Kaya ko ang sarili ko, Asher. Di mo na kaila–”
“Wag ka nang makulit.” Bihira lang talaga magseryoso si Asher, pero pag seryoso mo itong kausap, may mga bagay talagang mapapa tango ka nalang.
Imbes na makipagtalo, pumunta nalang si Virgel sa may corner at tsaka kinuha ang damit niya at sinuot.
Bumaba ito at tsaka nilampasan lang si Asher.
“Subukan mo munang irelax ang sarili mo. Pagod lang yang katawan mo kaya ka nagkaka ganya–”
“Pwede ba..” Tumigil saglit si Virgel at bahagyang tinignan ang gawi ni Asher “Tama na ang pag aasta mo. Hindi kita kapatid.” Dugtong lang nito bago tuluyang lumabas sa training room
Si Asher naman ay naiwang tulala. Di niya inasahan ang narinig niya. Ngumiti man siya pero di niya maiwasang masaktan dun sa sinabi ni Virgel.
“Haaay.” Napaangat nalang siya ng tingin at ngumiti nang mapait. “Mukhang mas mahihirapan ako sa kapatid mo kesa sayo, Argo.”
Matapos mag shower ni Virgel ay naisipan nalang nitong lumabas muna para makapag isip isip. Sabado naman ngayon kaya wala silang pasok.
Pumunta siya sa may coffee shop sa centro ng Dagon City para kahit papano mainitan yung tiyan niya.
Mag isa lang siya ngayon sa table habang hawak hawak ang isang tasa ng tsaa. Habang sa tapat naman niya ay isang grupo ng mga magbabarkada na mukhang mga siga. Limang lalaki at tsaka dalawang babae.
Habang sa gilid naman ng kanyang table ay may limang tao ang naka upo dun. Tatlong lalaki at dalawang babae. Pansin niyang panay tingin ang mga ito sakanya.
Habang mainam na iniinom at nilalasap ni Virgel ang tsaa niya, bigla niyang naalala ang mga sinabi niya kay Asher kanina, dahilan para makaramdam siya ng pagsisisi. Dahil sa sobrang stress niya nitong mga nakaraang araw ay kung anu ano nalang talaga ang inaakto ng utak at katawan niya. Minsan hindi na niya maintindihan ang kinikilos niya.
Kailangan niya ng payo.
Kailangan niya ng magpapalinaw sa utak niya.
At sa naisip niya, isang tao lang ang biglang pumasok sa utak niya..
Greco..
Tama..
Kailangan niyang makita si Greco—
“HAHAHAHA oo pre. Tatlo pa nga silang pinagsabay ko e.”
“Napaka pakboy mo talaga kahit kailan hahahahaha.”
“Gwapo lang talaga ako pre HAHAHA”
Imbes na tahimik na lugar ang pinuntahan niya para makapag isip, panaw sigawan naman tong mga nasa harap niya na parang mga walang kasama sa loob ng shop.
“Ahh sir, baka po pwede pakihinaan lang yung boses niy–” Sinubukang makiusap ng isang waitress sa kanila pero tinayuan lang siya nung maingay na lalaki at pinandilatan siya ng mata
“Ano bang problema mo?!” Sigaw nito kaya napayuko nalang ang waitress. “Customer kami dito, diba?! Kaya gagawin namin kung anong gusto namin!” Sigaw pa nito.
Dun palang nag umpisa ng mairita si Virgel. Bukod sa nakakarindi ang boses nito, hindi rin niya nagugustuhan ang pagtrato nito sa babae.
“Sorry po sir–”
“SORRY?! TIGNAN MO! PINAHIYA MO NA KAMI SA IBANG CUSTOMER DITO! PANO MABABAWI NG SORRY MO YAN?! HA?!” Imbes na kumalma, mas lalo pa itong nag amok. Sinubukan itong awatin ng dalawang babaeng kasama nila pero ayaw nitong paawat.
“Tama na yan Eric, ano ba?”
“HINDI EH! Nakita mo? Pinagbabawalan tayong mag kwento dito! Anong gusto mong gawin namin? Higupin lang tong kape niyong nakakasuka ang lasa at tsaka aalis, ha?! Gusto mo mawalan ng trabaho?” Nakita niyang paiyak na yung kawawang waitress dahil pinagtitinginan na sila ng lahat kaya napangisi siya bigla nang mapang asar.
“Oh tapos iiyak ka? Tawagin mo nga manager ni–” Lahat ay nagulantang at napasinghap nang biglang tumama sa ulo ni Eric ang isang tasa. Bukod sa pagkabasag, bumuhos rin sa mukha ni Eric ang mainit na tsaa na laman nito “Tangina!” Inis niyang pinahiran ang mukha niya at nanlilisik na tinignan ang kaharap nilang table.
Isang lalaki na nakatayo lang ang nakikita niya habang sobrang lamig ng titig sakanya.
“IKAW BA ANG MAY GAWA NUN?! HA?!” Bulyaw nito.
“Istorbo.” Malamig lang na ganti nito kaya mas lalong nagalit si Eric.
“HAYOP KA!” Agad nagsitayuan ang apat pa na kasama ni Eric para puntahan si Virgel. Habang si Virgel naman ay umalis narin sa kinauupuan niya para makabwelo nang maayos.
Yung ibang customer ay nagsitakbuhan na dahil sa takot masali sa gulo. Tanging yung limang tao lang sa isang table ang nagpa iwan at mukhang nag eenjoy pa sa nasasaksihan nila.
Habang papalapit si Eric at ang mga kasama niya, napansin ni Virgel ang isang babae na kasama nung apat pang nakaupo na nag abot sakanya ng tasa ng tsaa. Kunot noong napatingin si Virgel sa babae pero ngumiti lang ito sakanya.
“Entertain us, cutiepie.” Usal nito kaya agad nalang kinuha ni Virgel yung tasa at tsaka tinapon ang laman nito kila Eric.
Yung iba ay napapikit dahil sa mata tinamaan at agad kinuha ni Virgel ang pagkakataon. Malakas niyang binwelo yung tasa at ibinato sa mukha nung isang lalaki.
Bulagta.
Muling sumugod yung apat kaya umatras nang bahagya si Virgel dahil sa liit ng espasyo. Sa pag atras niya, nakapa niya ang isang silya kaya agad niya iyong binuhat at tsaka hinagis kila Eric. Isa lang ang tinamaan.
Nang mapunta si Virgel sa mejo malawak na espasyo ay tsaka siya tumigil. Pumalibot naman agad yung natitirang tatlo “Mali ka ng binangga, gago.” Ngisi pang usal ni Eric.
Huminga lang nang malalim si Virgel
“Masaya ’to.” Tuwang komento nung lalaki na isa sa limang nakaupo. Parang wala planong tumulong yung lima. “Pustahan tayo, Dell. Kay Virgel ako.” Dugtong nito
“Wala namang laban yang tatlo.” Sagot lang nung lalaki na nagbabalasa lang ng baraha niya. Siya lang ata ang hindi interesado sa nangyayaring labanan.
Agad kumuha ang dalawang lalaki ng silya pang hampas kay Virgel habang si Virgel ay kamao lang ang dala.
Sinubukang sumugod ni Eric pero sa pagsuntok niya, inipit lang ito ni Virgel gamit ang braso niya at tsaka malakas itong pinilipit “ARGGGHHH!!” Gamit ang bakanteng kamay, binigwasan niya rin ito sa sikmura “ARRRKK!”
Nakita niyang bumwelo yung isa gamit ang hawak nitong silya kaya agad niyang binalibag si Eric at ibinangga dun sa isa. Tumilapon ng sabay yung dalawa.
Habang tinitignan niya sina Eric na sumubsob sa sahig, naramdaman niya ang isa pang atake sa likuran niya kaya agad siya tumaliko– “Arghhh!” Muntikan na siyang mapabagsak nang tamaan ng silya ang ulo niya. Sa lakas ng pagkakahampas nito ay nabasag pa talaga ito.
Ba’t ang bagal ng reaksyon ng katawan ko?
Naisip nalang niya habang hawak hawak ang ulo niyang dumudugo na.
“Hah! Ano ka?!” Ngising usal pa nung nakatama sakanya kaya agad nanlisik ang mga mata niya.
Sinubukan niyang sigurin yung lalaki pero sa pagbitaw niya ng suntok, bigla nalang dumoble ang paningin niya at kusa siyang natumba.
Napadilat nalang siya sa pagkabigla. Tila nawalang ng lakas ang katawan niya.
Ano bang nangyayari sakin? Simpleng hampas lang ng silya ganito na agad ang epekto sakin.
Inangat niya ang tingin niya para sana subukang bumangon pero isang sipa lang sa mukha ang natanggap niya. Dahil dun ay napagulong siya ng ilang beses.
“Ano na? Hahahaha! Bangon!”
Dahil dun ay mas lalo siyang nakaramdam ng pagkahilo.
Gusto niyang tumayo, gusto niyang lumaban at pagpipira pirasuhin tong mga kumag na ’to. Pero yung katawan..
napakahina..
Naramdaman niyang may bumuhat sakanya sa likod para itayo siya. Nilock nito ang dalawang braso niya at ipinaharap kay Eric.
“Tapang tapang mo pa kanina tapos ngayon pahingal hingal ka nalang?” Ngumisi nang malawak si Eric bago sinukmuraan si Virgel. “Ano?!” Usal pa nito habang walang tigil na pinagsusuntok ang sikmura niya.
Kaasar!
Dahan dahan siyang lumingon sa limang tao na nanunood sakanila para sana magpahiwatig na kailangan niya ng tulong pero nanatili lang ang mga ito sa kinauupuan nila. Wala talaga itong planong tumulong. Tila sakanila para lang silang nanunood ng live action.
“Saan ka nakatingin?” Rinig niyang tanong ni Eric kaya muli siyang napatingin rito. At pagtingin niya, may hawak hawak na itong icepick. “Kita mo ’to? Gusto mong malaman kung gano ka talim ’to?”
Kahit gustong gusto na niyang basagin ang mukha nito, walang magawa si Virgel kundi ang magtapon nalang ng tingin.
Hindi pwede ’to. Baka ikamatay ko na talaga pag nasaksak pa ako ng bagay na ’to.
Isip isip nalang niya.
May mga dapat pa akong gawin bago ako mamatay.
Kaya di pwede.
May mga dapat pa akong tapusin na misyon bago..
bago.. .
Sa pagkakataong ito ay sumagi nalang bigla sa utak niya ang imahe ni Marcelo na nakangisi sakanya.
Dahil dun ay nandilat muli ang mga mata niya habang nakatingin sa sahig at hinihingal.
“Oh anong mukha yan? Takot na takot kana ba? Tignan niyo nga kung naihi narin ba sa salawal yan.” Usal niya sa dalawa niyang kasama at sabay pa na nagtawanan.
Lumapit pa nang bahagya si Eric kay Virgel at tsaka mariin na hinawakan ang pisngi nito at pinatingin sakanya. “Makinig ka, bata.” Umpisa niya at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak sa pisngi nito. “Sa susunod, kilalanin mo muna kung sino ang binaba–” Saglit siyang natigilan nung nilipat ni Virgel ang tingin nito sakanya
At tila nag slowmo nalang bigla ang lahat..
Huli na siyang makaatras nang biglang inumpog ni Virgel nang malakas ang ulo nito sa ulo niya. “Arrghhh!” Dahil dun ay napaatras siya.
Habang si Virgel naman ay kinuha ang braso nung nakahawak sakanya at sinubukang alisin pero masyado paring nanghihina ang katawan niya. Di niya kaya.
Gamit nalang ulit ang ulo niya, inumpog niya ang likuran nito sa mukha nung lalaki dahilan para makawala siya.
Kahit nakaramdam siya ng pagkahilo sa ginawa niya, hinarap niya yung lalaki at mabilis na inatake ang pressure points nito sa katawan. Kulang man ang lakas niya ngayon, may alam parin siyang teknik para patumbahin ang kalaban. Kahit maliit na pwersa lang ang gamit mo, basta matamaan mo lang ang pressure point ng kalaban, eepekto parin ito.
Nang maparalisa yung lalaki sa ginawa niya, sinipa niya ito sa mukha na may di kalakasan. Natumba parin naman ito dahil sa ginawa niya pagparalisa.
Sunod niyang hinarap sina Eric. Habang bumabawi pa sa pagkahilo si Eric, yung isa niyang kasama muna ang sumugod kay Virgel. Pero sa pagkakataong ’to, bilis na muna ang ginamit ni Virgel imbes na lakas.
Nung nagtapon ito ng suntok sakanya ay agad niya itong ni counter ng apat na sunod sunod na maliliksing atake sa braso at dibdib, at sa isang iglap, di na maramdaman nung lalaki ang katawan niya.
Muli, sinipa rin ni VIrgel ang mukha nito para matumba.
Ngayon ay sina Eric nalang ang naiwang nakatayo.
“Waw, nakabawi pa talaga si Virgel sa ganung sitwasyon. Iba talaga.” Komento nung isa sa mga nanunood.
“Anong teknik yung ginamit niya? Parang naparalisa yung mga lalaki bago bumagsak.” Tanong nung isang babae.
“Kyusho.”
Inis na tinignan ni Eric ang gawi ni Virgel at hinigpitan ang paghawak ng icepick niya “HAYOP KAA!” Padalos dalos itong sumugod kay Virgel dahil sa inis. Pero bago pa man niya maatake ang icepick niya, anim na sunod sunod na pitik sa katawan nalang ang naramdaman niya. At nahuli nalang niya ang sarili na nakababa na ang dalawa nitong kamay at nasa sahig na yung icepick. Wala siyang maramdaman sa buong katawan niya. Parang patay yung kalahati ng katawan niya.
“Anong ginawa mo sakin?!”
Tahimik lang na pinulot ni Virgel ang icepick at tinignan si Eric. “ Gusto mong malaman kung gano ka talim ’to?“ Sa tinanong ni Virgel ay si Eric naman ngayon ang nakaramdam ng sobrang kaba.
Akala ni Eric sasaksakin siya nito pero nakita niya lang itong itinapon ang icepick.
Imbes na saksakin, pinili nalang ni Virgel na ilapat ang palad niya sa dibdib nito at tsaka nag focus ng enerhiya.
Kaya ko pa ba?
Pagdadalawang isip niya. Pero kailangan niyang gawin ’to. Kailangan niyang patunayan sa sarili na hindi nanghihina ang katawan niya. Na malakas parin siya.
Pero sa pag iipon niya ng enerhiya, di niya ito magawang ifocus sa isahang direksyon papunta sa palad niya dahil ramdan niyang sobrang gulo ng daloy ng enerhiya niya sa katawan. Di ito normal na pagdaloy lang.
Pinilit pa niya nang pinilit pero ayaw talaga.
Sa sobrang inis sa sarili, napakuyom nalang siya nang husto sa kaliwang kamao niya at napasigaw “AARRRGGHHHH!!” Imbes na Kai ang atakeng gagawin niya, binwelo nalang niya nang malakas ang kaliwang kamao niya at pwersahang inipon ang lakas dito at pinakawala “AAAAARRRRGGHHHH!!” Sa sobrang lakas nito ay agad tumilapon si Eric at napabangga sa bintana–dahilan para magka basag basag ito.
Matapos ang ginawa niya, hingal na hingal siyang napatingin sa kamao niyang ginamit sa pag suntok. Ewan pero bigla nalang siyang nakaramdam ng takot.
Takot na hindi na niya maibabalik ang lakas niya..
Dahil sa pwersahang pag gamit ng lakas, tuluyan nang bumigay ang katawan niya at napasubsob narin sa sahig.
Hindi maaari..
Ayoko na ulit maging mahina..
Ayoko ng bumalik sa pagiging walang kwenta..
Ayoko..
Papikit na sana ang mga mata niya nang mapansin niya ang limang anino na pumunta sa tapat niya. Sinubukan niya itong tignan pero sobrang labo ng paningin niya. Basta ang alam niya, sila yung lima na nanunood sakanila.
“Kita nalang tayo sa paligsahan, Virgel Acosta.”
Yan ang huling mga salitang narinig niya bago tumalikod ang mga ito at tsaka naglakad palayo.
Sino ba sila?
Natanong nalang niya.
Mga ilang minuto ang lumipas, isang pigura ng lalaki na naman ang napansin niya na papalapit sakanya.
“Virgel!” Ramdam niya ang pag aalala sa boses nito kaya agad niyang tinignan kung sino ito. “Ayos ka lang ba?” Punong puno ng pag aalalang tanong nito.
“Asher..”
-To be continued..
-MajorSin
Chapter 3: New Faces (Part 2)
Chapter 3: New Faces (Part 2)
Hi, muli akong nagbalik heheh I hope you enjoy :))
This Chapter is dedicated to @Ellyploms25 :) Malalaman mo ang rason bat sayo to naka dedicate pag binasa mo hahahaha
[ 3rd Person’s PoV ]
-Fuego’s Mansion-
“Isa ka daw sa pinili ni Virgel na lalaban sa paligsahan.” Usal ni Steph sa kaharap niya sa couch pero di man lang niya ito nakitaan ng kaonting reaksyon. Tahimik lang itong nakatingin sa malayo. “Nica.” Tawag ulit niya at tsaka lang ito napatingin sakanya.
“Bakit?” Tanong nito. Napailing nalang si Steph. Ilang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari kay Helena doon sa gyera pero hanggang ngayon ay di parin magawang matanggap ni Nica ang nangyari. Pitong buwan na itong laging natutulala at ang hirap kausapin.
Naiintindihan naman ni Steph yun. Malapit rin sakanya si Helena kaya di rin madali sakanyang tanggapin ang nangyari. Pero sa kalagayan ni Nica, mukhang wala na itong planong tanggapin ang lahat.
“Isa ka sa napili ni Virgel na sumali sa paligsahan sa susunod na buwan.” Ulit nalang niya.
“Ahh ganun ba.” Yun lang ang narinig niyang sagot at tumingin na naman ito sa kawalan.
Di na mapigilan ni Steph na kausapin ito.
“Bilang assassin, tinrain kayong kontrolin ang sarili niyong emosyon, hindi ba?” Umpisa ni Steph kaya napatingin muli si Nica sakanya. “Bago ka maging myembro ng Fuego, alam kong galing ka sa pamilya ng mga assassin. Kaya napakagaling mong makipag laban gamit ang pana mo o kahit sa malapitang labanan pa. Alam ko ang kasaysayan ng mga Arson, Nica. Alam ko ang tungkol sa pamilya mo.” Dugtong niya na mejo ikinalaki ng mga mata ni Nica. Biglang sumagi sa utak niya ang mga mukha ng mga kapatid niya pati na ang mga magulang niya.
“Kaya alam kong kaya mong kontrolin ang emosyon mo sa nangyari kay Helena. Hindi na natin siya maibabalik pa kahit kailan. “ Sa mga sinabi ni Steph, nakita nalang niyang napayuko si Nica at dahan dahang nanginginig ang balikat.
“Tanggapin nalang natin ang nangyari, Nica.” Lumapit si Steph sakanya at tsaka marahang hinaplos ang likod niya. “Nandito pa ako. Hindi kita pababayaan. Pangako yan.”
“TABI! TABI!” Sigaw ng isang babae nakikipag siksikan sa mga tao dito sa masikip na palengke. May hawak hawak itong supot ng prutas at parang may tinatakasan ito. “TUMABI KAYO!” Halos itulak na niya ang mga humaharang sakanya para lang makatakbo ng mabilis.
“HOOOY!” Saglit niyang nilingon ang likuran niya at nakita niya ang dalawang bruskong lalaki na naka apron pa na humahabol sakanya. “IBALIK MO YANG NINAKAW MO!” Sigaw pa nung isa.
Binelatan lang niya ang mga ito at tsaka ngumisi “Habulin niyo muna ako!” Tawang sigaw niya bago binalik ang tingin sa daan at mas binilisan pa lalo ang pag takbo.
Sa may gilid naman kung saan napadaan yung babae ay may isang lalaki ang sinundan siya ng tingin kung saang daanan siya lumusot.
Sa ilang minutong pagtakbo at pagtalon, sa wakas ay nakalabas rin siya sa masikip na merkado na yun at kita niyang wala ng sumusunod sakanya. “Ayos.” Ngising usal niya at tsaka tinignan ang mga prutas na nanakaw niya. “Okay na ’to.”
Habang naglalakad siya, parang may naramdaman siyang nakamasid sa direksyon niya kaya muli siyang tumingin sa likuran niya, pero pagtingin niya ay wala naman siyang makita.
Baka guni guni ko lang.
Tinuloy nalang niya ang paglalakad. Malapit naman na yung bahay nila e.
“Nandito na akooo!” Binuksan nung babae ang napakaliit na pintuan ng napakaliit rin nilang bahay kubo. Sobrang liit nito. Pagpasok mo isang higaan at maliit na lababo lang ang makikita mo. Wala ng iba. Sakto lang para sa isang tao. “La? Pinagbili ko kayo ng prutas heheh.” Nakita niya ang lola niyang nakahiga lang sa matigas na kama na tanging banig lang ang naka takip.
“Saan ka kumuha ng pera para ibili nyan, anak?” Tanong ng lola niya kaya napahinto siya saglit. Pero agad rin naman siyang nakabawi at ngumiti ng mahilaw
“M-may nakita ho akong trabaho kanina. Maghakot po ng semento. Binigyan ho ako ng 300 heheh” Sagot nalang niya.
“Semento? Nako anak, di ka dapat nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Baka mapano ka. May pera pa naman ako jan. Sana yun nalang ang ginamit mo.” Napakagat nalang ng labi ang babae dahil sa pag alala ng lola niya. Di niya maiwasang maawa sa sitwasyon nito na lagi nalang nakaratay sa higaan.
“Pera niyo yan, la. Tsaka wag kayong mag alala, kaya ko naman ang sarili ko.” Kahit naiiyak, pinilit nalang ng dalaga na ngumiti sa harap ng lola niya para di na ito mag alala pa. “Teka lang po ah, ipagbabalat ko lang kayo.”
Pumunta ito sa may lababo at hinugasan ang mga mansanas at tsaka binalatan at hiniwa ng maliliit na piraso bago ito nilagay sa maliit na bowl.
Nang matapos ay pumunta ito sa gawi ng lola niya at inabot ito. “Kain na ho kayo.” Ngiting sambit nito.
Inalalayan niya sa pag upo ang lola niya para maka kain ito nang maayos.
Sa loob ng limang taon–mula nung iwan silang dalawa ng tatay niya, silang dalawa nalang ang nagtutulungan para mabuhay dahil patay na rin ang nanay niya. Pero tatlong taon ang lumipas ay nagkasakit ang lola niya at di na magawa ang trabaho niyang pagiging labandera. Kaya naman dalawang taon ng nakikipag sapalaran ang babaeng ’to para sa pang araw araw nila na pangangailangan.
Halos nga hindi na sila maka kain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa sobrang gipit. Hindi makahanap ng matinong trabaho ang babaeng ’to dahil isang mahirap na lugar lang tong tinitirhan nila. Pa sideline sideline lang. Di rin siya pwede lumuwas ng ibang lugar dahil walang magbabantay sa lola niya.
Kaya kahit taliwas man siya sa pagnanakaw ng mga pagkain, wala siyang ibang mahanap na solusyon para mapakain niya ang lola niya araw araw. Sa loob ng dalawang taon ay madalas na ganun na ang ginagawa niya kaya naging bihasa na rin siya kahit papano. Natuto siyang makipag laban para lang maitanggol ang sarili sa tuwing nahuhuli man siya, sa ganung lifestyle niya na eenhance ang pisikal na katawan niya. Sa loob ng dalawang taon, di na niya naranasan ang dapat maranasan ng isang babae dahil sa stado nila sa buhay.
Kung ang sinasabi nilang malamang nagsisisi na si Rizal ngayon dahil sa nangyayari sa kabataan, may mga tao pa ring tulad niya na maipagmamalaki mo talaga.
Habang tinitignan ng babae na kumakain ang lola niya, di niya maiwasang mangarap. “Iaahon ko kayo sa hirap, lola. Pangako yan.” Bumukas ng kusa ang bibig niya at narinig yun ng lola niya kaya napatingin ito sakanya. “Kaya kapit lang ha?” Nakangiti man ang dalaga, pero di niya kayang pigilan ang mga luhang kusa ng kumakawala sa mga mata niya.
Ewan ba’t siya naiiyak
Siguro ay dahil pagod na pagod na siya sa buhay?
Kung di dahil sa lola niya, matagal na siyang sumuko sa buhay na ’to. Kaya hangga’t maaari, hangga’t kaya ng katawan niya, aalagaan niya ang lola niya.
“Di ko man ’to nasasabi sayo araw araw pero gusto ko lang malaman mo, anak..” Nilapat ng matanda ang kamay nito sa pisngi ng babae at mahinahong hinaplos “Napakabuti mong apo.” Dahil sa sinabi ng matanda ay mas lalong bumuhos ang pagdaloy ng mga luha ng dalaga. “Lola..” Hinawakan niya ang kulubot ng kamay ng lola niya at napapikit nalang.
Di niya kayang pati ang lola niya ay mawala rin sakanya.
Nang matapos sila ay nagpasya muna ang babae na lumabas saglit. Kumuha ito ng saging na isa sa mga ninakaw niya at binalatan at nilamon ang kalahati nito. Para itong hindi babae kung kumain.
Paglabas niya sa pintuan, agad niyang nabitawan ang saging nang tumambad sakanya ang dalawang bruskong lalaki na humabol sakanya kanina.
Muntik pa siyang mabulunan dahil nalunok niya ng diretso ang kinakain niya.
Lagot..
“Masarap ba ang pagkain pag walang bayad, binibini?” Ngising tanong nung isa kaya napangiti ng hilaw yung babae.
“H-heheh teka lang–”
“IBALIK MO ANG KINUHA MO!” Bubwelo na sana yung dalawang lalaki nang biglang may bumuhat sa mga ito ng walang kahirap hirap.
Tsaka lang rin napansin ng babae ang napakalaking lalaki sa likuran nung dalawa.
“Anong–”
“SINO KA?! BITAWAN MO KAMI!”
Malaki itong tao pero sobrang tigas ng katawan tignan. Batak batak at tila nakakatakot ang itsura.
Sinubukan pang magpumiglas nung dalawa pero sabay lang itong pinag untog sa isa’t isa at hinagis sa may gilid.
Ang lakas niyaaa
Di maiwasan ng babae ang mamangha sa nasaksihan niya.
Nang tumingin yung malaking lalaki sakanya ay tsaka lang siya nabalik sa wisyo. Sobrang sama ng tingin nito na parang lalapain siya. Isama mo pa ang mukha niyang halos may abs na sa sobrang batak.
“Ah eh..h-heheh hello..” Hilaw lang na ngisi ng dalaga dahil sa takot. Parang kaya lang siya nitong tirisin sa sobrang laki. Nang makita niyang umabante ito papunta sakanya ay dali dali nalang siyang lumuhod habang naka amen pa yung kamay. “Sorry naa! Oo ako yung kumuha ng mga prutas pero babayaran ko rin yun pramis! Wala lang talaga kaming makain ngay–” Napahinto naman siya nang lagpasan lang siya nung lalaki. Dumiretso ito sa bahay nila at binuksan ang pintuan.
Dahil sa tarantang baka yung lola niya yung sasaktan nung lalaki, kusang gumalaw ang katawan niya at naalis lahat ng takot sa katawan. “Wag mo siyang gagalawin!!” Sigaw nung babae at tsaka nagpakawala ng malakas na sipa sa may batok nung lalaki.
Pero bago pa man ito tumama, nahuli na ito ng lalaki gamit ang isang kamay lang. Pero binitawan rin siya nito kalaunan.
“Wala akong sasaktan.” Pati ang boses nito ay sobrang lalim.
“Ellyssa.” May biglang narinig na boses yung babae sa likuran niya kaya napatingin siya rito. Isang lalaking dilaw ang buhok, naka suit and tie na parang galing sa isang marangyang pamilya. “Tama ba?” Ngising tanong nito.
********
[Virgel’s PoV]
Putukan, mga pagsabog..
Malalakas na pagsabog ng tanke ang biglang gumising sakin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at ang unang tumambad sakin ay isang wasak na lugar at mga gusali.
Na’san ako?
Bat..ba’t parang pamilyar ’tong lugar na to?
Nakita ko ang isang katawan na biglang tumilapon nang sobrang taas at pabagsak ito sa…
Agad kong iginulong ang katawan ko dahil sa pwesto ko ito bumagsak. Anong nangyayari dito?
Tinignan ko ang lalaking bumagsak at mejo nagulat ako nung makita kong si Ish pala ito.
“Arrghh. Ang lakas niya talaga.” Hirap na usal nito habang nakahawak sa sikmura niya.
“Anong nangyayari dito, Ish?” Naguguluhang tanong ko. Tumingin naman ito sa gawi ko at kita ko sa mga mata nito ang pagkadismaya.
“Di mo ba kami kayang tulungan? Nanganganib ang buhay naming lahat” Sagot niya na ipinagtaka ko lalo.
Ano bang..
Muli kong nilibot ang tingin sa paligid at dun, dun nalang nag sink in sakin ang lahat.
Bayan to ng Orquieta.
Bakit andito na naman ako?
Diba kami ang nanalo sa digmaan na yun?
Bakit bumalik na naman ako dito?
SInubukan kong bumangon pero sobrang bigat ng katawan ko. Para itong galing sa isang napaka tinding laban.
Nung makatayo ako, napansin ko ang iilan pang mga katawan sa paligid na naka dapa narin at parang wala ng mga malay.
Isang tao lang ang nakikita kong nakatayo sa may unahan pero di ko ito masyadong maaninag dahil nakatalikod ito sakin.
Sinubukan kong lumapit sa gawi nung lalaki pero natigilan nalang ako nung makumpirma ko kung sino ito.
M-morpheus.
Bat buhay ka pa?
Nakatayo lang ito habang parang may sinasakal— hinde ..
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ko nung malaman kong si Ginger pala yung sinasakal niya. Parang nangyari na ’to dati.
Diba nangyari na ’to?
“Hinde..” Pinwersa ko agad ang sarili ko para makatakbo nang mabilis papunta sakanila “BITAWAN MO SIYAAA!!” Nung makalapit ako ay agad kong tinapat ang palad ko sa may likod ni Morpheus at agad nag ipon ng pwersa.
“AAARRRGGHHHH!!” Sinubukan kong mag ipon at ibuhos lahat ng meron ako sa katawan ko pero..
……
…………..
hinde maaari..
bakit di ko na magawa?
Pumikit na ako’t lahat lahat para mag concentrate pa pero ayaw talaga!
“Anong ginagawa mo?” Isang nakakatakot na boses ang narinig ko kaya napamulat ako bigla. At dun, mukha ni Morpheus ang tumambad sakin na sobrang lawak ng ngisi.
N-nakakatakot..
Ang mga mata niya..
Di ko na namalayan ang pangyayari. Nahuli ko nalang ang sarili kong naka angat na habang hawak hawak ni Eus ang leeg ko.
“Anong nangyayari sayo? Napakahina mo na.” Muling usal nito habang hinihigpitan ng pa onti onti ang pag sakal niya.
Hindi maaari. Sinubukan kong hawakan ang braso niya para sana kumawala pero dun ko lang napansin ang mga braso ko. Ang payat.
Sobrang payat.
Parang katawan ko nung bago pa ako maging Boss.
Ano ’to?
Bumalik ako sa dati?
“Rrrkkkk!!”
Anong nangyayari sakin?!
“Di mo ibibigay ang baon mo?” Biglang nag iba ang boses ni Morpheus kaya napatingin muli ako sakan– Alfe?
Sa sobrang pagkabigla ay malakas akong nagpumiglas hanggang sa tuluyan na niya akong nabitawan.
Nung makawala ako ay nagkandarapa agad akong tumakbo palayo sakanya.
Bakit? Bakit ako tumatakbo? Bakit ako umiiyak?
Hindi..
“AAARGGGHHHH!!” Napapikit nalang ako sa sobrang gulo ng iniisip ko. Ayoko ng bumalik sa pagiging mahina!
Dahil di ako nakatingin sa dinaanan ko, bigla akong nabangga at natumba ulit. Pagtingin ko sa harap ko, dalawang naglalakihang gauntlet na suot suot ni Victor ang tumambad sakin. Nanlilisik ang mga mata niya sakin.
“Kung ganun kasapi ka ng Mafia.” Usal niya. Sinubukan kong gumapang paatras pero may nasagi ulit ako kaya napatingin ako sa likuran k–
“Maximo?” May hawak hawak itong baril na nakatingin sakin. Maya maya pa ay nagsulputan bigla ang napaka raming ninja at pinalibutan ako.
Bakit andito silang lahat??
“Akala ko ikaw ang susunod sa yapak ng ama at ng kapatid mo. Akala ko magsisilbi kang pinaka kinatatakutang nilalang sa mundo ng Mafia. Pero nagkamali ako. Napakahina mong nilalang.” Usal ni Maximo habang dahang dahang palapit ang lahat sakin.
Habang ako nandito, nakayuko, nakatakip ang tenga at umiiyak. “TAMA NAAA!! WAG NIYO AKONG SASAKTAN!” Sigaw sigaw ko habang wala ng mapag lalagyan ang takot ko.
Di ko sila kaya.
Masyado akong mahina
Ayoko na..
AYOKO NAAA
TAMA NAAAAA!!
[3rd Person’s PoV]
Agad napabalikwas si Virgel mula sa isang napakasamang panaginip. Pinagpapawisan pa ito ng husto habang yung mga mata ay dilat na dilat. Nakita niya sa harap sina Ish at Elsa na nakaupo sa may couch
“Virgel” May bigla namang tumapik sa balikat niya kaya gulat na gulat ang katawan niyang umiwas.
“Sa gwapo kong ’to nagugulat ka?” Tawang sabi lang ni Asher. Mabilis namang nakabawi si Virgel at napahawak sa kanyang ulo. Panaginip lang pala ang lahat.
“Ayos ka lang, Boss?” Tanong ni Elsa na halata sa mukha nito ang pag alala.
“Ano bang nangyari, Boss? Buti nakita ka ni Asher sa syudad at nadala ka niya dito pauwi.” Tanong rin ni Ish. “Sino ang may gawa sayo nyan?” Pahabol nito
Dun lang naalala ni Virgel ang nangyari bago siya mahimatay. Di siya makapaniwalang napuruhan siya dahil lang dun sa ordinaryong mga siga na yun.
“Wala ’to.” Sagot lang ni Virgel habang nakatingin lang sa sahig. May benda na ang kanyang ulo at ramdam niyang kumikirot parin ito. Bigla naman siyang napatingin sa kamay niya at kalauna’y kusang sumagi sa utak niya ang napanaginipan niya. Kung pano siya umiyak ng walang kalaban laban sa harap ng mga nakalaban niya, kung pano bumalik sa pagiging patpatin ang katawan niya.
Kung pano siya bumalik sa pagiging batang lampa.
Naalala niya lahat ng iyon kaya bigla na namang nag panick ang pag iisip niya.
Marahan siyang tumayo kaya nagtaka silang lahat.
“San ka, Virgel? Magpahinga ka muna.” Payo ni Asher “Di pa naghihilom yang sugat sa ulo mo.” Pahabol niya pero mukhang ayaw na namang papigil nito.
“Kailangan kong mag ensayo.” Sagot lang nito kaya biglang nangunot ang noo ni Asher.
“Nahihibang ka na ba?” Seryoso niyang tinignan si Virgel pero nilampasan na naman siya nito at hindi sinagot.
Pero sa pagkakataong ito, tila di na ito nagustuhan ni Asher. Mabilis niyang hinahawakan ang braso ni Virgel at binalibag pabalik sa couch.
“Asher!” Maski sina Ish ay nagulat sa ginawa ni Asher.
Napahawak naman si Virgel sa ulo niya dahil mukhang naalog yung utak niya sa pagkakasandal sa couch.
“Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” Naging seryoso na naman ang akto ni Asher kaya natahimik ang tatlo. “Alam kong hindi mo matanggap na napuruhan ka dun sa mga pipitsuging siga na yun kaya ka nagkaka ganyan. Alam kong hindi mo matanggap sa sarili mo ngayon na humihina ang katawan mo.” Nabigla naman sina Ish sa narinig nila. Seryosong mga siga lang ang nakalaban ni Virgel? Pero papaano?
“Naiintindihan mo naman pala. Maiintindihan mo rin siguro kung bakit kailangan ko mag ensayo?”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon, pag eensayo ang solusyon para lumakas.” Kontra agad ni Asher “Ilang beses ko ng sinabi sayong pagod yang katawan. Na kailangan yan ng mahabang pahinga.” Natahimik muli si Virgel dahil kahit bali baliktarin man niya ang rason niya, tama parin si Asher
“Kung iniisip mo na ikaw lang ang natatakot na humina ka, isipin mo ang Virgo. Wala na ang ama at kuya mo. Ikaw nalang ang tanging inaasahan nila. At ako..” Ngayon ay dahan dahan ng humina ang tono ng boses ni Asher “Isipin mo nalang ako na may binitawang pangako sa kuya mong poprotektahan kita. Ano nalang ang mangyayari sayo sa paligsahan kung humina ka? “ Lumapit si Asher kay Virgel at marahang hinawakan ang ulo nito “Ayokong dumating ang araw na puro sisi na naman ako sa sarili ko dahil may hindi na naman ako naprotektahan. Ikaw nalang ang naiwan sa kanilang tatlo. At ikaw nalang ang inaasahan kong makakatulong sakin para mapaniwala ko ulit ang sarili kong karapat dapat pa ako sa pamilyang ’to.”
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sakanila matapos magsalita si Asher. At tulad ng naunang pag uusap nila ni Elsa, nakaramdam na naman siya ng kaba sa mga binitawang salita ni Asher.
Maya maya lang ay tinapik nalang ni Asher ang balikat ni Virgel at ngumiti nang bahagya “Ihahatid kita kay Greco bukas. Mas mapayapa dun. Makakapag pahinga ka nang maayos dun.” Usal niya at nung wala siyang marinig kay Virgel ay umalis narin ito para mag sigarilyo sa labas.
Naiwan lang ang tatlo at wala ni isa ang gustong magsalita. Di nila inaasahang dadating sa puntong maririnig nila si Asher na ganun magsalita.
Nang makalabas si Asher, naghithit muna siya ng sigarilyo. Ginagawa lang talaga niya ito pag stress ang utak niya.
At habang pinagmamasdan niya ang kapaligiran, muli na naman niyang naalala ang mga nakita niya sa syudad.
Ang paglabas nung limang nilalang sa tea shop kung saan nandun si Virgel, ang pag ngiti nung isang lalaki sakanya na kakilala niya. Ang titig sakanya ng limang halimaw na yun.
At ang mga katagang yun..
“Magkita nalang tayo sa paligsahan, Asher.”
Kung ganun kasali rin sila.
Ang tagong pamilya at sekretong ka alyansa ng Virgo dati.
Kung isa sila sa mga sasali sa paligsahan, wala kaming tsansang mag kampyon. Lalo pa sa kalagayan ni Virgel ngayon.
Si Virgel..
“Si Virgel ba ang habol niyo kaya kayo sumali, Chase Orba?” Natanong nalang niya sa kawalan.
“Oo, bakit? Anong kailangan niyo sakin?” Tanong ni Ellyssa sa kaharap niyang mukhang yayamanin ang postura.
“Ako si Uranus Emnacin. At ahh.. may mga naririnig lang naman ako sa lugar na ’to na may isang babaeng ubod ng galing sa pagnanakaw na kahit ilan pa ang maghabol sakanya ay hindi siya nahuhuli.” Umpisa ni Uranus. “At kung di ako nagkakamali, ikaw yun, hindi ba?”
“Bakit? Huhulihin niyo ba ako?”
“Ha? Nako hindi. Sa kakayahan mong yan? Ibabaon ka lang sa bilangguan? Sobrang sayang pag ganun. Hindi ako papayag na mangyari yan.” Tawa pang sagot nito. Pero mukhang hindi natutuwa ang dalaga sa pag uusap nila. Lalo pa’t hindi niya ito kilala. Baka mamaya may mga pulis na pala na nagtatago sa gilid gilid at naghahanap lang ng tsempo na hulihin siya.
Sinubukan niyang pakiramdaman ang paligid at mukhang napansin yun ni Uranus kaya muli itong natawa “Wala akong mga kasamang pulis kaya wag kana mag alala jan”
“Ano ba talaga ang gusto mo?”
“Gusto kitang kunin bilang tauhan ko. Isasali kita sa paligsahan para makuha ang skultura na yun na nagkakahalaga ng bilyones.” Sagot nito.
“Pasensya na pero nagkakamali kayo ng nilapitan. Hindi ako malakas para makisali sa paligsahan na sinasabi niyo.” Tumalikod na si Ellyssa at papasok na sana sa bahay nila pero andun lang yung malaking lalaki na nakaharang.
“Jared.” Tawag ni Uranus kaya ipinakita nito ang kanang kamay niyang pinangsangga niya sa sipa ni Ellyssa kanina. Namumula ito at namamaga.
Nakita nila Ellyssa at Uranus iyon.
“Ang katawan ni Jared ay hindi basta basta tinatablan ng mga ordinaryong atake lang. At base sa nakikita mo ngayon, hindi ordinaryong atake ang ginawa mo.” Nag smirk pa ito bago nagpatuloy “Ngayon sabihin mo sakin na hindi ikaw ang hinahanap namin.”
Di maka imik si Ellyssa. Pati siya ay hindi rin makapaniwala na ganun kalakas ang impak ng sipa niya kanina. Gusto lang naman niyang iligtas ang lola niya kaya otomatiko niya yung nagawa.
“Hindi parin pwede.” Sagot lang nito.
“At bakit, binibini?”
“May inaalagaan ako. Di ko siya pwedeng iwan at sumama sainyo.” Natawa naman nang bahagya si Uranus kaya muling napatingin sakanya si Ellyssa.
“Kung yan lang ang inaalala mo, kaya kong ilipat sa isang marangyang bahay yang lola mo at kukuha ako ng limang private nurse o kahit ilan pang gusto mo para alagaan siya.” Sa inalok ng lalaking ’to ay tila nagkaron na ng gulo sa isip niya. Parang ang hirap tanggihan ng alok niya sa sitwasyon ng kanyang lola ngayon.
“At wala kang babayaran kahit isang piso. Ang gagawin mo lang ay maging bahagi ng kupunan ko at sumali sa paligsahan na yun kasama yang lalaki sa likod mo.”
Di agad nakaimik si Ellyssa, at dun palang alam na ni Uranus na siya ang panalo sa pag uusap na ’to.
Agad inasikaso ng mga tauhan ni Uranus ang paglilipatan ng lola ni Ellyssa at sa pagkuha ng mga private nurse nito. Lahat ng damit ni Ellyssa ay iniwan sa bahay na yun, bibilhan nalang daw siya ng mga bago at magaganda, alok ni Uranus.
“Magpaalam kana sa masalimuot na buhay, Ellyssa. Ngayon na magbabago ang buhay mo. “ Wika nito. Magkatabi lang ang dalawa sa loob ng kotse. “Basta wag mo lang akong bibiguin. Sabay kayong mag eensayong lima araw araw para mas lalo pa kayong lumakas.”
“Lima?” Takhang tanong ng dalaga
“Ipapakilala ko sayo ang tatlo mo pang makakasama ngayon.”
Nang marating nila ang mansyon ay tanging nganga lang ang reaksyon ni Ellyssa dahil sa sobrang laki nito. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kalaking mansyon buong buhay niya. Buong buhay niya kasi ay napapalibutran lang siya ng mga skwater at maduduming bahay. Pero ito, parang nasa pelikula lang. Sobrang laki.
Tinahak nilang tatlo ang pasilyo ng mansyon kung saan namamalagi ang tatlo.
At habang naglalakad sila, saglit na napatingin si Ellyssa sa gilid niya. Sobrang laki talaga nitong tao. Kailangan niya pang iangat ang ulo niya para matignan niya ang mukha nito.
“Jared pala ang pangalan mo.” Ngiting umpisa nito. “Maraming salamat pala sa pagtanggol mo sakin kanina sa mga mamang yun hehe”
“Walang anuman iyon, Ellyssa.” Ngiting ganti rin ni Jared.
“Akala ko talaga nung una nangangagat kaaa. Sobrang laki mo kasi e.” Tawang sabi pa nito “Pero mukhang mabait ka naman pala”
“Lahat ng mga nakakaharap ko ay natatakot sakin. Normal na sakin yang sinabi mo.” Sa kabila ng nakakatakot na pagmumukha at batak batak na katawan, sobrang amo nito magsalita. Malalim man ang boses pero ramdam mo kung gano ito ka inosente.
“Pero hindi ngaa, feeling ko mabait ka. Feeling ko magiging matalik na magkaibigan tayo heheh.” Muntik ng matunaw ang puso ni Jared sa puro at inosenteng ngiti ng dalaga. Wala itong halong takot. Di tulad sa iba niyang kakilala na kahit nakangiti man sa harap niya, halata parin ang takot sa kanilang mga mata. Pero itong babaeng ’to, naiiba sa lahat. Walang halong pagpapanggap. Kita mo talaga sa mga mata nitong natutuwa itong kausap siya.
“Ganun rin ang pakiramdam ko.” Ngiting ganti ni Jared.
Nang marating nila ang basement, marahang binuksan ni Uranus ang pintuan at tsaka pumasok. Agaran namang sumunod ang dalawa.
At sa pagpasok nilang tatlo, tatlong nilalang rin ang sumalubong sakanila. At ang unang napansin ni Ellyssa ay ang mapupulang mga mata ng lalaking nasa gitna.
“Loron, Hister, Mabus, pinakikilala ko ang bago at panghuling myembro ng Ardanos..” Nilahad ni Uranus ang kamay niya sa dalaga “Si Ellyssa.”
(Trivia: Alam niyo ba na kinuha ko ang pangalang Loron, Hister at Mabus sa tatlong anti christ na prenedict ni Nostradamus na sina
Pau Nay Loron,
Hister, at Mabus ? Kaya rin Ardanos ang tawag sakanila ay kinuha ko rin yun sa pangalang Nostradamus. Parang katunog lang hahahaha name ko rin pala sa ML ay Mabus heheh skl )
Lumapit naman si Mabus at dahan dahang nawala ang pamumula ng mga mata niya. “Kumusta, Ellyssa?” Ngiting bati nito.
“A-ayos lang po.”
Sa gilid naman ay patagong ngumiti ang amo nila habang tinitignan ang kumpleto na niyang kupunan para sa darating na paligsahan isang buwan mula ngayon.
Balita ko ring imbitado ang Virgo, sa lakas ng kupunan na nabuo ko, kaya ko ng durugin ang pamilyang yun. Lalong lalo kana, Virgel Acosta.
Malapit ka ng paglamayan!
[Ish’s PoV]
Eksaktong alas otso na ako nakarating sa ospital. Ako na muna ang magbabantay kay Kael ngayon.
Nang mapasok ko ang silid ni Kael, naabutan ko lang siyang nakaupo habang nakasandal ang likod sa isang malambot na unan. Mag isa lang ito at parang ang lalim ng iniisip.
Ni hindi nga ata niya napansin ang pagpasok ko.
“Kumusta ang pakiramdam mo, Kael?” Tanong ko at dun lang siya napatingin sa gawi ko.
“Maayos naman.” Tipid na sagot niya.
“Pasensya na pero di makakapunta si Virgel ngayon o sa mga susunod pa na araw.” Hinubad ko muna ang jacket ko bago kumuha ng upuan.
“Bakit anong nangyari sakanya? “
“Kailangan niya ng mahabang pahinga. Humihina na kasi ang katawan niya. At tingin ko dahil yun sa lagi niyang pagpupuyat.” Nilagay ko ang upuan sa tabi ng kama niya at tsaka dun umupo para makapag usap kami.
Isa rin sa dahilan ba’t ako nagpresenta ngayon ay dahil may gusto lang akong klaruhin tungkol sakanya.
“Dati ko ng sinasabi yan sakanya na itigil na niya ang pagbabantay sakin araw araw dahil pansin ko rin na namamayat ang katawan niya.” Napadungo nalang siya habang sinasabi yun. Para bang sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari kay Virgel.
“Wala kang kasalanan dito uunahan na kita. Sarili niyang kagustuhang bantayan ka. At di rin namin siya masisisi dahil alam namin kung gano ka ka importante sakanya.”
“Lagi niyang pinupuyat ang sarili niya para bantayan ako. Kahit naman buong araw kayong magbantay dito mamamatay at mamamatay lang rin naman ako” Sobrang pait ng mga ngiti niya. Gustuhin ko mang pagaanin ang nararamdaman niya pero wala rin akong alam. Di ko rin alam ang sasabihin ko.
Mababawasan na naman ba kami?
Magdudusa na naman ba kami sa sakit?
Kung may magagawa lang ako.
“Nandito lang kami, Kael.” Tumingin siya sa gawi ko kaya bahagya akong ngumiti “Di ka namin pababayaan kahit na anong mangyari.”
“Pero siguro kung siya yung magbabantay sakin, baka may tsansa pang gagaling ako.” Napaangat siya ng tingin “Nung bata pa ako pag may sakit ako siya palagi ang nag aalaga sakin. Ewan pero ang bilis ko gumaling pag siya ang nagbabantay sakin.” Nakita kong nangatal ang bibig niya at parang naiiyak.
“Sino ang tinutukoy mo?”
[3rd Person’s PoV]
“Ayos ka lang, Heidel?” Takhang tanong ni Loda dito. Tahimik lamang silang lahat na kumakain nang mapansin ni Loda ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Heidel
“Ha? Oo naman–” Dun lang napansin ni Heidel na parang namamasa ang pisngi niya. Pati siya ay nagtaka ba’t tumutulo ng kusa ang mga luha niya. “Di ko alam.”
“Umiiyak ka na hindi mo alam ang dahilan?”
“Hindi ko alam.” Tulala lang na ulit ni Heidel. Tila may mga alaalang gustong pumasok sa utak niya pero may pumipigil lang dito.
Sobrang labo
“Kapatid ko.” Sagot ni Kael at dun mejo napantig ang tenga ni Ish.
“Kung ganun may kapatid ka pala. Asan na siya ngayon?”
“Nung araw na pinaslang ang mga magulang ko ay ang araw rin na dinukot ang ate ko ng mga di ko kilalang tao. Di ko alam kung nasan na siya ngayon o buhay pa ba siya. Wala na akong balita tungkol sakanya simula nung araw na yun.” Nakatingin lang si Ish kay Kael at pilit na pinag tugma tugma ang mga nalalaman niya.
“May ideya ka ba kung bakit may pumatay sa mga magulang mo? O kung bakit dinukot ang ate mo?” Tanong nito pero umiling lang si Kael.
“Hindi kaya ang rason na yun ay ang droga na dumadaloy jan sa katawan niyo?” Napatingin si Kael sakanya at may halong pagkagulat. “Diba ang sabi ng doktor ang droga na yan ang dahilan kung bakit humihina ang katawan mo? Pano kung hindi ordinaryong droga yan? Paano kung buong pamilya mo ay nagtataglay ng droga na yan at may mga nagka interes kaya dinukot ang ate mo?”
Biglang naalala ni Ish yung panahon na umatake sila sa Elfame kung saan sobrang nakakatakot ang aura ni Kael habang isa isang pinapasabog ang mga mukha ng mga kalaban.
At yung pag uusap nila ni Hugo..
“Ano ba kasi talaga ang totoong nangyari nung gabing ’yun Hugo? Ba’t natalo ka sa laban ng isang bata lang na katulad niya? Oo alam ko isa siya sa Walong Diablo ng Fuego pero…isa lang bata si Kael, Hugo. “
“Hindi lang isang ordinaryong nilalang ang batang yun, Ish. Hindi mo magugustuhan kapag nakita mo na ang tunay niyang pagkatao.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Malalaman mo rin ang tunay niyang pagkatao pagdating ng panahon.” (Nasa Book 1 Episode 50 po ’to kung balak niyong tignan ulit.)
Imposible talagang isipin na matatalo lang ng isang bata si Hugo sa isang labanan.
Pero sa mga impormasyon na nalaman niya ngayon, nagiging posible na kay Ish ang lahat. At isa lang talaga ang gusto niyang kumpirmahin ngayon.
“Kael..” Tumingin ito nang seryoso kay Kael
“Ha-halimaw…h-halimaw ang b-batang yun.”
“Nung gabi na pinaslang ang mga kumupkop kay Virgel ng mga taga Fuego, may isang tauhan kaming naabutan na buhay pa at tinanong namin kung nasan si Virgel. Pero bukambibig lang ng taong yun ay ‘Halimaw ang batang yun.’” Sa kwento ni Ish ay mukhang alam na ni Kael kung saan to papunta.
“Sabihin mo, hindi si Virgel ang batang tinutukoy nung tao na yun, hindi ba?…
kundi ikaw.“
-To be continued..
(A/N: I’ll do my best na maka update ng kahit 3 chapters every week starting this month. Thank you for always waiting guys heheh the best talaga kayo :) )
[ARDANOS]
-Mabus -Loron -Hister -Jared -Ellyssa
-MajorSin
Chapter 4: Adamcell-Z50
Chapter 4 :
Adamcell
Z50
( A/N: Okay guys,
mejo
maiiba
na
ang
tema
simula
ngayon.
Sa
Book 1
palang
nilalagay
ko
sa
Genre yung Fantasy, at
sa
pagkakataong
’to,
dito
na
papasok
ang
Fantasy na yun.
Kaumay
kung
puro
tayo action na
suntukan
at
sipa
lang
sa
labanan
hahahaha
kailangan
na
nating
i apply
ang
Fantasy Genre na yun. Kaya wag kayo
mabibigla
sa
mga
susunod
na
mababasa
niyo
ha
hahahahahaha
)
“
Buong
akala
ko
si
virgel
gumawa
dahil
nabuhay
yung
demonyo
nasa
katawan
nya
. Pero si
kael
pala,
siguro
kapatid
ni
kael
si
haidel
?
Sarap
abangan
!Update na po! “ -
SILENTREADINGSMILE
[3rd Person’s PoV]
Habang naglalakad si Kael sa may pasilyo at papunta na sana sa basement, may bigla siyang narinig na mga boses kaya saglit siyang huminto at nakinig.
“
Ganito
nalang
,
unahin
natin
ang
mga
magulang
ng
bata
na ’to
bago
natin siya
hulihin
.“
“
Anong
gagawin
natin
sa
mga
magulang
niya
?“
“
Patulugin
lang natin.“
“
Patingin
nga
ng
litrato
.“
“
Pansin
niyo
ba
?
Kamukha
siya
nung
isa
sa
Walong
Diablo na si Argo.“ Dun biglang napantig ang tenga ni Kael dahil isang tao lang ang kilala niyang kamukha ni Argo.
“
Imposible
namang
magkapatid
sila
,
ang
alam
ko
Diamante
ang
apelyido
nung
Argo
samantalang
ito ay Martinez.“
Si
Virgel
?
“
Sinong
Argo
ba
yang
sinasabi
niyo
? At
ano
?
Walong
Diablo?“
“Diba
sinabi
ko
ng
turuan
mo tong
bagong
salta
tungkol
sa
Fuego
,
Hary
?“
“Hahaha
pasensya
na
nakalimutan
ko
.
Mamaya
nalang
pag
uwi
natin.
Kukwento
ko
lahat
ang
tungkol
sa
walong
diablo ng
Fuego
.“
“Tara na,
gumagabi
na.“
Marahan niyang sinilip ang apat na nag uusap at sinundan lang niya ito ng tingin.
Kailangan
ko
silang
sundan
..
Habang walang tigil sa pag iyak at sigaw si Virgel matapos niyang makita ang mga magulang niyang wala ng buhay, walang humpay rin sa pagtawa ang mga Fuego na parang mga demonyo na tuwang tuwa pa sa nangyari.
“Sino kayo?!” Sigaw ni Virgel habang naiiyak na sa sobrang galit.
“
Matapang
ka pala
bata
.“ At dun, dahan dahang nagpakita ang apat na Fuego habang sobrang lawak pa ng mga ngisi. Pagkakita naman ni Virgel sa mga ito ay tila nagdilim bigla ang paningin at nawala sa sariling pag iisip. (
Nasa
Book 1 Episode 3 ’to )
Susugod pa sana si Virgel sa mga ito nang may biglang sumulpot sa likod niya at tsaka malakas na inatake ang batok niya. Dahil dun ay tuluyan siyang nawalan ng malay at napasubsob sa sahig.
“K-
kalaban
!“ Bigla namang nataranta ang bagong salta dahil di niya ito kilala kaya agad siyang nagpaputok ng baril.
Tinamaan sa may braso si Kael kaya sobrang gulat nung tatlo nitong kasama.
“
GAGO
BA’T
KA
NAGPAPUTOK
?!“ Singhal nung isa tapos ay hinampas niya ang kamay nitong may hawak ng baril.
“Eh..”
“
Taga
Fuego
yan
gago
!
Kasama
yan
sa
walong
diablo.“ Usal nung isa.
Agad namang yumuko ng ilang beses ang bagong salta “P-
pasensya
na po kayo!
Akala
ko
kalaban
kayo kaya
nabari
–“
“
Ang
sugat
mo, Sir
Kael
.“ Mejo nagtaka naman ang isa habang nakatingin sa sugat ni Kael na natamaan ng bala. Habang si Kael ay dahan dahan ring napatingin sa braso niyang tinamaan.
Dahan dahan itong umuusok habang sumasarado ng kusa. Ang sakit na naramdaman niya kanina dahil sa tama ay unti unt ring nawawala.
“
Paano
nangyari
yan?“ Gulat din na tanong nung isa.
Tumingin si Kael sa mga ito at dun lang nila napansin lahat ang kulay ng mga mata ni Kael.
Nagiging
kulay
berde
..
Parang mga mata ng isang reptile na uri ng hayop.
“A-
anong
nangyayari
sayo
, Sir
Kael
?“
“
Anong
ginawa
niyo
?“ Imbes na sagutin ang tanong, nagtanong lang ito pabalik habang nanlilisk ang kanyang mga mata sa mga ito dahil nakita niyang wala ng mga buhay ang mga magulang ni Virgel. Sa narinig niya kanina, sabi lang ng mga ito ay papatulugin lang.
Pero ano ’to?
Bat naliligo sila sa mga sarili nilang dugo ngayon?
Mejo nakakasundo narin niya ang mga magulang ni Virgel dahil paminsan minsan ay pumupunta siya dito. Lalo na pag walang klase at wala siyang magawa.
Napakabuti sakanya ng mga ito at parang tinuring na rin siyang anak.
Pero di niya ito nailigtas. Masyado siyang naging kampante sa mga narinig niya kanina.
“Niligpit nalang po namin. Baka kasi mag ingay at madawit pa ang pangalan ng Fueg–” Di na natuloy nung isang lalaki ang sasabihin niya nang may biglang sumakmal na kamay sa mukha niya at hinawakan ito ng sobrang higpit
“Anong ginagawa niyo, Sir?! Utos lang ’to ng Head Boss! Sumusunod lang kami sa utos!” Tarantang awat nung isa.
“AT SINABI BA NIYANG PATAYIN NIYO TONG DALAWA?!” Singhal ni Kael sa mga ito habang di parin nawawala ang kulay sa mga mata niya.
“Hindi pero..” Walang maisip na ibang rason ang mga ito kaya dun na tuluyang nagwala si Kael. Wala siyang dalang mga bomba ngayon kaya gamit ang kamao at lakas niya. Isa isa niyang binugbog ang mga ito.
Dalawa na yung bagsak at tila hindi na humihinga pa. Susugurin pa sana niya yung isa pero agad itong naglabas ng baril at itinutok sakanya. “W-wag kang lumapit!” Banta pa nito. Pero di man lang nakitaan ng kaunting sindak ang mga mata ni Kael. Tuloy parin ito sa paglapit kaya agad niyang pinihit ang gatilyo ng dalawang beses at dun, tinamaan rin ng dalawang beses sa may dibdib si Kael.
Ngingisi pa sana yung lalaki pero agad rin yung nawala dahil tulad nung una, kusang humihilom ang mga sugat ni Kael. Niluluwa pa nito ang basyo ng bala ng bumaon bago ito kusang nagsasara.
“A-anong klaseng halimaw ka..” Naibulong nalang nito bago nito mapansin na sobrang lapit na pala ng kamao ni Kael.
“AARRRGGHHHH!”
Ngayon ay si Kael nalang ang tanging nakatayo. Bagsak na lahat. Wala paring malay si Virgel habang yung bagong salta na kahit pinuno man sa bugbog, dilat na dilat parin ang mga mata nitong nakatingin sakanyang mga sugat sa katawan na dahan dahang naghihilom. “Halimaw ka..” Tanging bulong nalang nito.
Kasalukuyan ng nasa labas ng bahay ang kotse ni Hugo habang si Kael naman ay nasa mejo malayo na at nakatingin nalang sakanila.
“Kayo na ang bahala kay Virgel.” Bulong niya habang nakikita niyang lumabas na sa kotse ang mga Virgo at pumasok sa loob ng bahay.
“Arrgghhhh!” Pero habang nagmamasid siya, biglang dumoble ang paningin niya at kumikirot ng husto ang ulo niya pa konekta sa mga mata niya. Napaluhod nalang siya sa sobrang sakit at kalaunan ay nagsuka pa ng dugo. “Arrrghghhhh!”
Nauubo itong napasandal sa may puno habang iniinda ang sakit sa ulo. Sobrang sama talaga ng epekto sakanya pag ginagamit niya ang kakayahan na yon. Isasalba nga siya sa kamatayan pero parang papatayin naman siya nito pabalik.
“Epekto ba sa gamot mo yang pinagsasabi mo, Kael?” Di kayang paniwalaan ni Ish lahat ng sinasabi ni Kael sakanya ngayon. Parang nakikinig lang siya ng isang pang kwentong barbero.
Tao? Naghihilom ang sugat ng kusa ng sobrang bilis? Ano ’to?
“Titan Shifter ka ba? Bertutooo?!” Halos matawa si Ish sa naisip niya pero seryoso parin ang mukha ni Kael at mukhang hindi talaga ito nagbibiro.
“Seryoso ka talaga dun?” Paniguro niya kaya tumango lang si Kael.
“Eh ano yung binugbog ka ni Jin at pumunta sa amin na halos hindi na makatayo? Kaya mong gamutin ang sarili mo nun e. Ba’t di mo ginawa?”
“Ginagawa ko lang yun pag ako lang mag isa ang nakakita ng sugat ko. Ginawa ko yun sa harap ng apat na Fuego dahil alam ko sa sarili kong hindi ko na rin naman sila bubuhayin nung mga oras na yun. Kaya ayos lang na ipakita ang kakayahan ko. Pero sa pagkakataong yun na binugbog ako sa harap ng mga Diablo, baka magtaka sila pag nakita nila ako na walang kahit konting galos pagkatapos.” Gusto mang makumbinse ni Ish dahil wala kang makikitang panggagago sa itsura ni Kael habang nagkkwento pero…ang hirap talaga i digest yung sinasabi niya.
“Eh yung laban niyo ni Hugo? Gumamit ka ba ng–”
“Oo. Dahil ikamamatay ko pag di ko gagamitin ang kakayahan na yun. Natalo ko lang ng walang kahirap hirap si Hugo dahil di niya ako kayang puruhan dahil sa kakayahan ko. Pero kung di ako gumamit nun, baka naging iba pa ang resulta.”
“Pero sabi mo..”
“Tulad nung mga Fuego, plano ko ring tapusin ang buhay ni Hugo nun. Kaso nakatakas lang siya. Akala ko nga sasabihin niya sainyo ang kakayahan ko.”
“Ang totoo ay may sinabi si Hugo sakin tungkol sa paglalaban niyo dati. Na hindi ka raw isang ordinaryong bata lang. Iniisip ko dati na baka magaling ka lang talaga kaya niya yun nasabi. Pero tangina, mas malayo pa pala dun ang ibig niyang sabihin.” Napakamot nalang si Ish sa ulo niya. “Ang dami ko pang gustong itanong dahil hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa mga sinasabi mo, Kael.”
“Di ko naman pinipilit na paniwalaan mo ko.” Ngumiti nang bahagya si Kael.
“Kung ganyan talaga ang kakayahan mo, o ng pamilya Zacanta, anong nangyari sayo? Ba’t di mo kayang pagalingin ang sarili mo ngayon?”
Nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Kael at napayukong muli. “Tulad sa nangyari sa ama at ina ko, may hangganan at kahinaan ata ang kakayahan na ’to.” Napatingin ito sa kamay niya bago nagpatuloy “Base sa nakita ko nung pagkamatay nila, sa ulo silang dalawa tinamaan. Tingin ko yun yung kahinaan. Di na kayang mag regenerate ng sugat pag yung mismong naguutos sa katawan yung mawasak. At sa hangganan, tingin ko may limitasyon sa pag gamit mo nito. At pag nasobrahan ka, tsaka kana sisingilin ng katawan mo. At mukhang ito na yung nangyayari sakin ngayon.” Naikuyom nalang niya ang kamay niya at mapait na napangiti “Kung alam ko lang na sa ganito lang rin pala mauuwi ang lahat. Kung may alam lang sana ako sa hayop na kakayahan na ’to.”
Natahimik naman si Ish matapos masagot lahat ng tanong niya. Taena, gusto lang naman niyang malaman kung si Kael ba yung nagligtas kay Virgel nung gabing yun, tas ganito nalang karami at kahirap i sink in sa utak yung mga nalaman niya ngayon.
Biglang naubo si Kael kaya muli siyang napatingin rito. “Humiga kana, Kael. Pasensya na pinagod pa kita sa pagkkwento.” Inalalayan niya si Kael na makahiga. “Wag ka mag alala.” Umupo siyang muli bago nagpatuloy
“Mag reresearch ako ng husto tungkol jan sa kakayahan mo, sa pamilya mo. Irereaseach ko kung saan yan nagmula o kung sino ang maygawa ng droga na yan.”
-NEXT DAY-
[MARTIN PALACE]
“May pag asa ba yang kupunan mo para mapasayo yung skultura na yun?”
Nasa isang pagpupulong ngayon si Celo sa isang silid kasama ng apat niyang mga partner sa iba’t ibang negosyo niya. Halos dekada na rin niyang ka sosyo ang mga ito kaya maituturing mo na itong mga VIP sa kampo ng mga Martin.
“Yun din ang iniisip ko.” Sagot lang ni Celo habang tinitignan ang isang papel. Papel kung saan naka lista ang siyam na inimbitahan niyang mga grupo na lalahok sa paligsahan niya. Isa isa niyang tinitignan ang pangalan ng bawat myembro ng grupo. “Apat sa mga grupong sasali ay may mga alas kaya paniguradong banta na ’tong mga ’to sa kupunan ko.”
“Anong alas ang sinasabi mo?”
“Ang Alibara, Vendetta, Ardanos at ang Virgo. Bawat grupo na yan ay may mga myembro na nagtataglay ng Ethereal Drug.” Napantig naman ang tenga ng mga ito sa narinig nilang droga. Ang Ethereal Drug. Ito yung droga ni Doctor Guanzon na ginamit sa Vendetta para maging taga wasak ng bayan ang mga ito. Napaka delikadong droga.
Saglit namang nabasa ni Celo ang apelyido ng isang myembro ng Virgo. “May isa pa palang alas ang Virgo.” Ang inaasam niyang droga. “Ilang dekada na ang nakalipas ng maisipan ng gobyerno na magsagawa ng experimento para tumbasan ang lakas ng hukbo ni Gleo Guanzon at para narin itumba siya. Isang tao lang ang nagtagumpay sa experimento ng drogang Adamcell-Z50, si
Kristoff Zacanta
–ama ng isa sa myembro ng Virgo ngayon na si Kael Zacanta.“
(Nasa book 2 Episode 48 ’to)
“Kung ganun nasa kamay ng Virgo ang mga anak ng kauna unahang nagtagumpay sa experimentong Adamcell at Ethereal?” Gulat na tanong ng isa.
“Maraming myembro ang Virgo, di pa sigurado kung sino ang limang sasali sakanila. At may balita rin ako na may sakit tong si Kael at ilang buwan ng nakaratay sa ospital. Di pa sigurado kung kasali rin siya.” Sagot ni Celo. Ilang buwan na niyang pinag iisipan kung paano siya mananalo sa sarili niyang paligsahan. At isang solusyon lang talaga ang laging bumabalik sa utak niya.
“Mabuti naman kung ganun.” Usal rin ng isang matabang matanda sa gilid ni Celo.
“Eh yang ibang grupong inimbita mo? May tantsa ka ba kung gaano sila kalakas?” Tanong nung isa kaya muling napatingin si Celo sa papel.
“Bukod sa apat kong nabanggit, may dalawa pa akong hula na haharang sa mga plano ko.”
“Anong grupo?”
“Ang Esminets. Ang pinaka magagaling na bounty hunter sa bansa. Di basta bastang bata itong lider nilang si Declan.” Tantsa niyang kasinglakas din ng Vendetta ang kakayahan nito kahit di ito nagtataglay ng Ethereal Drug. “At ang Elcana Mafia. Ang sekretong ka alyansa ng Virgo dati. Di maaabot ng Virgo ang tuktok noon kung wala ang sekretong tulong nila. Limang halimaw ni Samuel Forest, di sila basta bastang kalaban.” Tumingin naman siya sa mga kausap niya. “Anim sa siyam na makakatunggali ng kupunan ko ay mga banta.”
“Ano ba kasing naisip mo, Mr. Martin? Pwede namang mga mahihinang grupo nalang yung inimbita mo para sisiw mo lang na makukuha ang premyo.”
“At ano? Tingin mo pag mga lampang grupo ang isali ko gaganahan ang mga manunood? Tingin mo papatok ang paligsahan ko pag ginawa ko yan?” Halos matawa si Celo sa sinabi ng partner niya. “Kailangang tangkilinin ng bansa ang proyekto ko. At para mangyari yun, kailangan ko ang mga pinaka magagaling na grupo sa pakikipaglaban. At isa pa dadalo at personal na manunood ang Alfonso Family ng Spanya. Ayokong magsisi sila na inalok nila ang skultura na yun para sa paligsahan ko.”
“May punto ka dun, Mr. Martin.” Nakuha na nila ang punto ni Celo kaya wala na ang pumalag sa plano niya. Pero ang kaisa isa nalang talagang tanong na bumabagabag sakanila ngayon ay.
“Uulitin ko, may pag asa ba yang kupunan mo para mapasayo yung skultura na yun?”
Ngumisi naman si Celo sa tanong nila. “Kilala niyo na ako. Ako ang mananalo sa paligsahan na ’to.”
Matapos nang kaonti pang pag uusap ay napag pasyahan narin ng apat na umalis dahil may mga gagawin pa ang mga ito.
Ngayon ay si Celo nalang ang naiwan sa silid kaya tuluyan nang pumasok si Dylan bitbit ang isang envelop.
“Sabihin mo sakin na magandang balita yan, Dylan.”
Ngumiti naman si Dylan “Magandang balita ho yan, Don.” Kinuha ni Celo ang envelop na yun at tsaka kinuha ang laman nito. “Totoo ba ang impormasyon na ’to?” Kumpirma niya
“Opo.”
“At ang taong pinagkuhanan niyo nito?”
“Pumalag kaya wala kaming nagawa kundi iligpit.”
“At ang katawan niya?”
“Di na yun mahahanap, Don.”
“Goood.” Ngising sagot ni Celo. “Maasahan ko talaga kayo kahit kailan.” Dugtong niya.
“Para sa inyo, Don Celo.” Yokong ganti naman ng pinaka magaling at pinaka tapat niyang alaga.
Hawak hawak ngayon ni Celo ang impormasyon ng isang imporanteng doctor noon sa bansa. “Ngayong gabi puntahan niyo ang address na ’to. Kunin niyo ang doctor ng buhay at dalhin niyo sakin.” Wika ni Celo bago binigay ang papel kay Dylan.
“Opo.”
“Buhay, Dylan. Buhay.”
“Masusunod po.” Paalam nito bago lumabas ng pinto.
“Wala ka na bang naiwan?” Tanong ni Asher kay Virgel. Matamlay naman itong umiling. “Mabuti.”
Handa na ang sasakyan na gagamitin ni Asher para sa paghatid niya kay Virgel kila Greco.
“Mag iingat ka don, Boss ha? Magpagaling ka.” Paalam ni Elsa. Nasa sala sila lahat ngayon.
“Inaasahan namin ang isa ng masiglang Boss pag uwi mo heheh” Wika rin ni Lily. Habang si Hell ay nasa gilid lang habang nakahalukipkip.
“Mamimiss ka namin, Boss :((” Lungkot pang pahabol ni Maki habang naiiyak.
“Hunghang ilang linggo lang ’to mawawala. Ako na ang bahala dito.” Sagot ni Asher dahil di man lang sumagot si Virgel. Aalis na sana sila nang mapansin ni Asher na may isa pa atang di nagpapaalam. At dun, nakita niya si Ish na sobrang tutok sa laptop niya at naka kunot pa ang noo. Tila wala itong pake sa paligid niya sa sobrang focus sa laptop kaya di ata sila napansin.
“Porn paaa. 1080 ba yung quality, Ish?” Nung marinig ni Ish ang pangalan niya ay tsaka lang siya napatingin sakanila. “Ha?” Clueless na tanong nito.
“Wala hahahah aalis na kami.”
“Aw ganun ba.” Napakamot nalang ito sa ulo niya. “Sige ingat kayo. Boss, magpagaling ka. Hihintayin ka namin.” Paalam ni Ish pero gaya kanina, si Asher na ang sumagot. “Sige sige, pagbalik neto Hentai Lord na to wag kayo mag alala HAHAHA” Tawang sagot lang ng gago.
“Gago ka talaga.” -Ish
Matapos nilang mag paalam ay umalis na nga ang dalawa.
**
“Mahaba habang byahe to. Matulog ka muna, Virgel.” Wika ni Asher pero di man lang siya tinignan ni Virgel. Nakaharap lang ito sa gilid ng bintana habang tinitignan ang mga dinadaanan nila. “Ba’t ba tinatrato niyo ako na parang may sakit?” Malamig na tanong nito. “Wala akong sakit.”
Natawa naman si Asher. “Si Greco na ang bahala na magpaliwanag jan sa nangyayari sayo.” Sagot nito.
Nang matahimik sila, may biglang naalala si Asher “Nga pala Virgel, dun sa tea shop na pinuntahan mo kahapon. May napansin ka bang limang tao na kakaiba sayo?” Tanong niya kaya mejo napaisip si Virgel.
Muli niyang binalikan ang nangyari nung araw na yun at dun, may naalala siya. “Tatlong lalaki at dalawang babae?” Tanong niya.
“Oo.”
“Oo.” Sagot ni Virgel at tsaka naalala ang nangyari bago siya hinimatay. “Nung mangyari ang kaguluhan, silang lima lang ang nagpaiwan at nanood. At bago ako mawalan ng malay, nakita ko pa silang lumapit sakin at sinabing magkita nalang daw kami sa paligsahan. Alam pa nila ang pangalan ko.”
“Mga tauhan yun ni Samuel Forest, ang may ari ng Elcana Mafia.” Dun ay napatingin si Virgel kay Asher. “Sekretong ka alyansa ng Virgo ang Elcana dati kaya kilala ka nila.”
“Ka alyansa? Pero ba’t ganun ang tono nila? Para silang nagbabanta.” Gulong tanong ni Virgel.
“Dahil tingin ko ikaw ang pakay nila ba’t sila pumayag na sumali sa paligsahan na yun.”
“Ano?”
“Ikkwento ko sayo ang lahat tungkol sa Elcana pagdating natin dun. Sigurado akong marami ring maidadagdag si Greco tungkol sakanila.”
-7:30PM-
Sa isang simpleng bahay nakatira ng mag isa ang matandang si Frank. Patay na ang asawa nito at wala rin silang naisilang na anak. Kaya ngayon ay mag isa nalang niyang hinaharap ang buhay. Gamit ang pension na nakuha niya nung mag retiro siya sa pag dodoctor, nagagawa niyang buhayin ang sarili sa pang araw araw.
Simple lang naman ang buhay niya, malungkot nga lang dahil wala ng katuwang. Pero kahit ganun, tuloy parin ang buhay.
Maulan sa labas kaya nagpasya siyang maaga nalang sanang matutulog pero may bigla siyang narinig na katok sa pintuan.
Pinuntahan naman niya ito at tsaka marahang binuksan. At dun, isang naka raincoat na lalaki ang tumambad sakanya.
“Anong kailangan mo, hijo?” Tanong niya.
“Kayo si Franklin Tresler, hindi ba? Ang isa sa anim na scientist na bumuo ng Adamcell-Z50?”
Kasalukuyan nang nasa sala ang dalawa. Matapos marinig ni Frank ang tungkol sa droga ay agad niya itong pinapasok na tila takot siyang may makarinig.
“Ang pangalan ko ho ay Ish Valderama.”
“At pano mo nalaman ang tungkol sa droga na yan? Matagal na yang binaon sa limot ng bansa na ’to.”
“Si Kristoff ang kaisa isang nagtagumpay sa experimento na yan, hindi ba?”
“Oo. Hindi ka pa buhay nung mga panahong yun kaya pano mo..”
“Kaibigan ko ang anak niya. At tingin ko namana niya ang droga na tinurok niyo kay Kristoff, at ngayon ay nanganganib na ang buhay dahil umabot na sa limitasyon ang katawan niya.” Matapos itong marinig ni Frank ay napayuko nalang ito at napahilot sa sintido niya.
“Sinasabi ko na nga bang hindi magandang ideyang mag experimento ng ganun.” Iling iling na usal ni Frank. “Hindi lahat ng katawan ay compatible sa droga na yun. May mga katawan na kayang i maintain ang droga gaya ng katawan ni Kristoff. May mga katawan na nakakatagal na kaonti, at may mga bumibigay agad.”
“19 sa 20 na subject ng experimento na yun ay mga katawan na bumibigay agad. Lahat sila ay namatay. Tanging si Kristoff lang ang nakatagal at nakaligtas. At sa sitwasyon ng kaibigan mo, tingin ko dun sa nakakatagal ng kaonti siya nabibilang.”
“Parang ganun na nga ho. At kaya naparito ako dahil gusto kong malaman kung may gamot ba kayo o kung ano jan na kayang magpatanggal ng droga na yun?” Tanong ni Ish at kitang kita mo sa mga mata nito ang pagka despirado. “Nanganganib ang buhay ng kaibigan ko ngayon. Anong oras, minuto o segundo man ay pwede na siyang baiwan ng buhay. Ilang buwan na siyang lumalaban sa Cancer. Kailangan maalis ang droga na yun sa katawan niya bago pa mahuli ang lahat.”
“Meron, pero walang kasiguraduhan. Yun ang ginamit naming formula para magamot pa yung ibang subject dati pero lahat hindi nailigtas ng gamot na yun. Pero sa kaibigan mo, tingin ko may tsansang umepekto ito dahil di siya kabilang sa mga katawan na bumibigay agad.” Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Ish matapos niyang marinig ang sagot ng Doctor.
Kung ganon may pag asa pa?
May pag asa pang masalba ang buhay ni Kael.
“Pakiusap tulungan niyo ang kaibigan ko. Subukan natin yang gamot mo. Masyado pa siyang bata para mawala. “ Tumayo naman si Franklin at pumunta sa may bookshelf niya at may kinuha na parang maliit na notebook.
Bumalik siya sa sala bitbit ito. “Nandito ang formula at sangkap sa gamot na yun.” Ngingiti palang sana si Ish dahil tamang tao talaga ang nilapitan niya pero biglang nawasak ang pintuan ng bahay ng sobrang lakas kaya napadapa ang dalawa.
“Ano yun?!”
At pagtingin nila rito,
limang nilalang ang nakita nilang naglalakad papasok.
“Sumama ka samin, Doctor Franklin.”
“May bisita ka pala.”
Gulat na gulat namang nakatitig si Ish sa mga ito. “Kayo..”
“Ish Valderama. Muli tayong nagkita.” Ganti ni Dylan.
-To be continued..
-MajorSin
Chapter 5: Celo’s Plan
Chapter 5: Celo’s Plan
Patingin sa taas, Levi Ackerman of AoT as Declan of Esminets
Boring ba yung update ko? or konti nalang talaga ang nagbabasa neto hahaha
[Ish’s PoV]
Anong ginagawa nila dito? Ba’t gusto nilang kunin si Frank?
Anong alam nila?
“Anong kailangan niyo kay Frank?” Tanong ko agad sakanila. Umabante naman ang nasa gitnang si Dylan. Mejo nagulat pa ako dahil grabe, ang laki ng pinagbago ng katawan niya simula nung huli naming pagkikita sa Orquieta. Napaka pormado na nito.
“Wala kaming kailangan sakanya, pero si Don Celo meron. Kaya kung maaari lang sana ay wag ka ng makialam dito, Ish.” Sagot niya. Tulad ng dati, masyado parin itong magalang magsalita.
“Sino ba kayo?” Mejo kabado na ring tanong ni Franklin.
“Tauhan kami ni Marcelo Martin, at nautusan kaming kunin ka at dalhin sakanya. Wala namang dugong dadanak dito kung sasama ka nang maayos, tanda.” Sagot naman ni Dante habang nakangisi pa at hawak hawak na rin ang sandata niya.
Ano na naman bang pinaplano ng Marcelo na yun?
“Pasensya na pero nauna ako rito at may kailangan rin ako sakanya. Hindi ako papayag sa gusto niyo.” Umabante ako sa may pwesto ni Frank para protektahan siya. Ngayong meron na akong nakitang solusyon para magamot si Kael, hindi ko hahayaang makawala pa ’to. Kailangan ko ang doctor para masalba ang buhay niya.
“Wag mo kaming subukan, Valderama. Hindi porke’t naging magkakampi tayo bilang myembro ng Armada noon ay wala na kaming gagawin sayo pag nakialam ka.” Banta ni Ikram habang naglabas na rin ng sandata niyang mga kutsilyo.
Anong gagawin ko sa mga ’to? Mag isa lang ako at alam ko kung gano kalalakas ’tong lima. Lalo na ’tong si Dylan.
“Wala akong planong makipaglaban sainyo. Ang akin lang, mas kailangan ko ang doctor na ’to kesa sa kung ano mang pinaplano niyang Boss niyo.” Ganti ko pero mukhang wala na silang pakialam sa mga sasabihin ko.
“Trabaho lang, walang personalan.” Ngiting sagot ni Sin at dahan dahan na silang lumapit samin kaya agad ko na ring hinanda ang sarili ko “TUMAKBO KANA!” Sigaw ko kay Frank kaya dali dali siyang tumakas. Halos magkandarapa na siya at nabitawan pa ang notebook bago siya nakatakbo sa likuran ng bahay na’to.
Ang formula!
Pero di nila pwedeng malaman na importante ang notebook na yun. Kailangan kong kunin ’yon ng pasimple.
“Ako na ang bahala dito. Wag niyong patakasin ang doktor.” Rinig kong usal ni Dylan kaya muli akong napatingin sakanila.
“Sigurado ka? Hindi basta bastang taga Virgo ’to.”
“Kaya ko ang sarili ko, Ikram.” Panigurado niya sa mga ito kaya nakita ko na ang apat na tumakbo palapit sakin.
Pero nilampasan lang nila ako.
“Goodluck, Valderama.” Ngisi pang usal ni Dante bago tuluyang tumakbo.
Pero ang pinagtataka ko sa apat, isang myembro ang sobrang tamlay at kanina pa tahimik. Para itong wala sa sarili na sumusunod lang sakanila. At bago pa man niya ako nilampasan, tumingin pa siya sakin saglit. Ang mga tingin niya, parang wala sa sarili. Parang naghahanap ng kasagutan.
Siya ang kasama ko sa pagtalo sa isang Vendetta dati at hindi ganyang mga mata ang meron siya noon.
“Akala mo pipigilan mo sila.” Narinig ko ulit na nagsalita si Dylan kaya napatingin ako sakanya. Kami nalang dalawa ang nandito sa loob.
“Alam kong pipigilan mo lang rin akong pigilan sila. Kaya mas mabuting maaga ko ng tatapusin ang labanan na ’to bago sila sundan.” Napangiti naman siya nang bahagya sa sinagot ko. Akala niya siguro nagbibiro ako.
“Akala ko sa paligsahan ko pa kayo ulit makikita.” Dahan dahan niyang kinuyom ang mga kamao niya kaya ganun rin ang ginawa ko. “Akala ko sa paligsahan ko pa kayo madudurog.”
“At tingin mo kaya mo akong durugin dito?” Ganti ko at di ko na hinintay ang pag atake niya. Kailangan ako ni Franklin ngayon!
Agad akong nag ipon ng pwersa sa kamao ko habang papalapit sakanya at malakas itong pinakawalan.
Ang akala ko iilagan niya pero nakita ko rin siyang bumwelo at sinalubong ang atake ko.
“AAARRRGGHHHH!!”
“AAARRRRGGHHHH!”
Sa lakas ng pagkakabangga ng mga suntok namin ay isang malakas na hampas ng hangin ang umihip sa paligid namin at nagkatipak pa ang kahoy na sahig. Katulad ko rin siyang pisikal na lakas lang ang sandata.
Nakaramdam ako ng kaonting kirot sa kamao ko dahil sa impak.
Ang lakas niya.
Mabilis ko namang nilipat ang chi energy ko sa may tuhod at inatake ang sikmura niya. Pero gaya kanina, gamit rin ang tuhod niya ay sinalubong niya ang atake ko. “Arrghh” Dahil dun ay napaatras ako dahil parang nakuryente ang buong paa ko sa pagtama ng mga tuhod namin. Pero siya parang wala man lang naramdaman.
Di hamak na mas malakas ang pisikal na pangangatawan niya kesa sakin.
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumugod sakin, pero di ako pwedeng magpatalo.
Lahat ng atake niya ay iniiwasan ko, at pag may tsansa akong mag counter ay ginagawa ko. Pero tulad kanina, wala siyang balak iwasan ang mga atake ko. Lahat ng atake ko ay sinasalo niya gamit ang kung ano ang ginagamit ko sa pag atake. Kapag suntok, suntok rin ang pang salubong niya. Pag siko, siko niya rin.
Kung patuloy lang kami sa ganito, di ako aabutan ng sampung minuto. Kailangan ko mag isip ng ibang plano kung pano ko to matatalo.
Sinasalo mo ang mga atake ko? Pwes..
Halos kalahati ng buong chi energy ko sa katawan ay inipon ko sa kanang kamao ko at muling bumwelo. Triple pa ang lakas nito sa mga atake ko kanina kaya ewan ko lang kung masasangga mo pa ’to.
“AAAARRRRGGGHHHHH!!” Mabilis kong pinakawala ang atake ko na diretso sa mukha niya. Bumwelo naman siya at sinalubong ako kaya napangisi ako. Bali bali yang buto mo sa kamay ngayon!
Sobrang lapit na sanang magbangga ng mga kamao namin nang biglang yumuko ng konti ang katawan niya.
Anong..
Dun ko lang nalamang imbes na salubungin ang suntok ko, binangga niya ang katawan ko mismo at niyakap ng sobrang higpit bago siya tumakbo.
Nahuli ko nalang ang sarili kong karga karga niya at sobrang bilis nang pagkakatakbo niya. Isang tackle.
Hinde..kailangan kong–
“Arrrkk!” Halos mapatirik ang mga mata ko sa sobrang sakit ng likod ko matapos niya akong ibangga sa pader nang napakalakas. Parang panandalian akong nawalan ng wisyo dahil di ko na napansin ang sunod na ginawa niya.
Hawak hawak niya na ang likod ng ulo ko at hinarap ako sa isang..
TV?
Tang..
“Rrrrggghhh!”
[3rd Person’s PoV]
Agarang bumagsak ang katawan ni Ish nang inihampas ni Dylan ang ulo niya sa TV.
Mejo hiningal naman si Dylan sa ginawa niya.
“Kung di ko pa napansin ang pwersang ibinuhos mo sa suntok na yun, malamang nabalian na ako ng kamay.” hinawakan naman niya ang buhok ni Ish at inangat ang katawan na nakakulob at tsaka ito pinaharap. Nakapikit na ito at parang nawalan talaga ng malay sa ginawa niya.
“Gusto pa sana kitang makalaban sa paligsahan at legal na matalo pero mukhang hanggang dito ka nalang.” Lumapit naman si Dylan sa may lamesa at kinuha ang lamparang nakalagay dito. “Gumising ka jan kung gusto mong makapag higanti sa pagkatalo mo ngayon.” Dugtong niya bago inihulog ang lampara sa sahig.
Maya maya pa’y nag umpisa ng kumalat ang apoy sa sala. Plano ni Dylan na sunugin na ang bahay na ’to.
“Hanggang sa muli, Ish Valderama.” Nakapamulsa lang na naglakad paalis si Dylan.
**
Ilang minuto ang nakalipas, muling nagkamalay si Ish at hinang hina na tinignan ang buong paligid dahil pakiramdam niya ay niluluto siya sa sobrang init.
At dun lang niya napansing umaapoy na pala sa paligid niya. At ang unang pumasok sa utak niya ang notebook.
Kaya kahit sobrang hina ng katawan, gumapang ito papunta sa pinagbagsakan ng notebook kanina. At nun makita niya ito, hinang hina niyang kinuha ito at itinago sa damit niya.
Buti naman at nakuha niya.
Pero ano pa bang silbe?
Matapos niya iyong magawa ay napasubsob ulit siya sa sahig sa sobrang pagkahilo. Ang lakas ng pagkakatama ng ulo niya sa TV. Parang imposible na sakanyang makatakas pa rito dahil dahan dahan ng tinutupok ng apoy ang buong bahay.
Tingin niya ay dito na matatapos ang lahat para sakanya. Sa lahat ng laban na naranasan niya, di niya aakalaing sa pagka trap sa nasusunog na bahay lang pala matatapos nag buhay niya.
“Malas..” Hinang sambit nalang niya bago tuluyang nawalan ng malay.
Napakamalas..
“KUYA BIRBEEEEL~” Masayang sinalubong sina Asher at Virgel ni Mina nang makarating silang dalawa sa bahay ni Greco. Tatakbo takbo pa itong lumapit kay Virgel at yumakap rito.
Napangiti naman nang bahagya si Virgel dahil kahit papano ay namiss niya ang bata na ’to at ang pagtawag sakanya ng pangalan na yun. Marahan niyang hinaplos ang ulo nito.
Napatingin naman si Mina sa katabi nitong lalaki. Nakangisi pa ito at nag pogi sign. “Hi bata batuta, pano ka ginawa?”
“Sino ka po?”
“Ako si poging Asher hehe.”
“Ngi. Sabi ni papa bawal daw mag lie. Bad iyoon.” Para namang nabato si Asher sa sinabi ng bata. Kakarating palang niya pero sunog agad siya sa isang bata e.
“Magaling, Mina. Nakikinig ka talaga kay Papa.” Isa pang boses ang narinig nila at papalapit ito sakanila.
“Inaykupooo. Nagsama na naman ang tambalang #VirGin.” Tawang ganti rin ni Asher kaya agad kinuha ni Ginger ang tsinelas niya at akma sanang ibabato pero sumunod narin pala si Greco sakanila.
“Maligayang pagbabalik.” Wika nito.
“Greco, kumusta?” Sobrang tagal na nung huling pagkikita nila kaya masaya si Asher na makita ulit ito.
“Mas gwapo parin sayo, Asher.” Gulat namang napatingin si Ginger sa papa niya dahil di naman to bumabanat ng ganun pag sila lang ang magkakasama.
Masamang impluwensya talaga tong ungas na ’to.
“Aba aba abaaaa. Uy bata batuta, yung papa mo oh nagsisinungaling rin. Masama yun, diba?” Ginamit pa talaga yung bata gago.
“Totoo kaya sinabi ni papa bleeeh.”
“Waaat? Dat so unpir, bata batuta.”
Habang nagkukulitan ang tatlo ay lumapit si Virgel kay Ginger at napatingin sa kamay nitong naka semento parin at di pa gumagaling. “Ilang buwan pa daw bago gumaling yan?” Tanong niya.
“Mga ilang buwan pa daw. Pero sige lang. Kaya ko naman.” Gusto mang itago ni Ginger ang nararamdaman niya pero di niya kayang pigilan ang saya niya dahil muli niyang nakita si Virgel at dito pa ito titira ng ilang araw. Pero pansin niya ngayon ang pangangayayat nito. “Ikaw? Kumusta kana? Haba na ng buhok mo at laki ng pinayat mo. Nag adik ka ba?” BIro niya pero di man lang ito tumawa.
“Sa bakuran tayo mag usap.” Sagot ni Virgel at tsaka umunang maglakad.
Sumunod naman agad si Ginger kaya natripan ito ni Asher. “Nako naman, sa dilim agad ang punta HAHAHA easyhan mo lang, Luya. Walang lakas yan.”
“GUNGGONG!”
**
Nang makarating ang dalawa sa bakuran ay umupo sila. Mejo may kadiliman nga dito dahil nasa loob lang ng bahay nanggagaling ang ilaw.
Ilang minuto na ang nakalipas pero di parin nagsasalita si Virgel. Habang si Ginger ay inip na inip na sa sobrang tahimik.
“Ano na?” Di na napigilan ni GInger ang sarili. Nakita niya namang tinignan ni Virgel ang kamay niya.
“Hindi ko na magamit ang Kai.” Mejo nabigla naman siya sa narinig niya. Kaya ba sobrang tamlay nito tignan?
“Anong ibig mong sabihin? Nalimutan mo na ang proseso?”
“Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ang gulo ng daloy ng enerhiya ko sa loob. Di ko magawang mag ipon. Wala akong mailabas na enerhiya.”
“Eh ano bang di gugulo ang daloy jan sa nangyayari sayo? Sobrang laki ng ipinayat mo. Tapos ang itsura mo, parang nakakastress tignan. Di ka naman ganyan nung huling kita ko sayo. Ano bang nangyari?” Kunot noong tanong ni Ginger habang nakatingin lang sa mukha ni Virgel. Di man ito nakatingin sakanya pero halata sa mga mata nitong para may kinikimkim ito. “Akala ko nga lalakas ka pa dahil sabi mo nakontrol mo na ang isang katauhan mo, diba? Tinalo mo pa nga si Morpheus kaya pano ka humantong sa ganyang pangangayayat?” Napansin naman ni Ginger ang dahan dahan paninilat ng mga mata ni Virgel na pinagtaka niya. May nasabi ba siyang mali?
“Sabihin mo..” Napatingin siya sa kamay ni Virgel at nakita niya itong mahinang nanginginig. “Natalo natin si Morpheus, diba?” Tanong nito at dahan dahang tumingin sakanya. “Napatay ko si Morpheus, diba?” Sa reaksyon na kanyang mukha ngayon ay mukhang alam na niya kung anong kinikimkim niya.
Nasa loob na si Mina habang sina Asher at Greco naman ay nagpaiwan sa labas.
“Yosi?” Alok ni Asher pero tumanggi lang si Greco.
“Masama sa katawan yan.”
Natawa naman si Asher “Masama sa mga gurang na tulad mo kamo.” Parehong natawa ang dalawa. Nakakamiss yung ganitong moment nila dati kasama ang ibang kababata niya.
“Di ka parin nagbabago. Makwela ka parin.”
“Talaga? Pero itong sasabihin ko siguradong hindi ka matatawa.” Sagot ni Asher at napatingin nalang sa mga bituin sa kalangitan. Binuga niya ang usok bago nagpatuloy “Nagpapakita na sa publiko ang tauhan ni Samuel.”
Mejo nagulat naman si Greco sa narinig niya. Sobrang tagal na niyang hindi naririnig ang pangalan na yan. “Ang Elcana?”
“Oo. At mas halimaw pa ang awra nila ngayon kumpara dati.” Naalala ni Asher ang sinapit nila dahil sa mga yun. “Ang mga pyscho na yun.”
“Dapat ba tayong mabahala? Wala na silang koneksyon sa Virgo, hindi ba?”
“Oo wala na dahil sa ginawa ni Boss Vlad sakanila dati. At alam kong naghahanap lang sila ng tsempo para makaganti. Kasali sila sa paligsahan sa sasalihan namin isang buwan mula ngayon, at tingin ko maniningil na sila sa Virgo at ang bayad na gusto nila ay si Virgel.” Ayaw man ipahalata ni Asher pero sobrang siyang nababahala sa kaligtasan ni Virgel.
“Ikaw nalang ang inaasahan ko sa ngayon, Greco.” Sabi nito bago tumingin sakanya. “Tulungan mo si Virgel na maprotektahan ang sarili niya sa mga laban na haharapin namin. Lalo na sa mga halimaw na yun.”
Napabuntong hininga naman si Greco at tsaka tinapik ang balikat ni Asher. “ Ako na ang bahala kay Virgel. Ako na mismo ang magsasanay sakanya sa pagkakataong ’to.“
“Kaya pa ba ng katawan mo?”
Ngumiti naman si Greco at dahan dahang inangat ang kamay niya.
At dun, kitang kita ni Asher kung pano ito dahan dahang umiilaw. Hindi naging kanang kamay ang taong ’to sa Boss ng Virgo Mafia ng walang dahilan.
“Kaya pala ganun nalang kalaki ang tiwala ni Boss Vlad sayo noon. Halimaw ka rin pala.” Tawa nalang na usal ni Asher.
Pasado alas nuebe na nung makabalik sila Dylan sa mansyon. Hawak na rin nila si Franklin Tresler.
“Ano bang kailangan niyo sakin? Wala akong kayamanan o malaking halaga ng pera. Isa lang akong matanda.” Takot pang tanong ni Frank habang dinadala siya sa silid kung saan naghihintay ang may pakay sakanya.
“Mukha ba kaming mga pulubi para yan ang maisip mo?” Tawang tanong lang ni Dante. “Yayamaning mga mukha to mhen.”
“Ang ingay mo.” -Ikram
“Shatap.”
“Kumusta pala ang labanan niyo ni Ish, Dylan?” Tanong naman ni Sin nung mapansin niyang sobrang tahimik lang itong naglalakad.
“Malakas siya.” Tipid lang na sagot nito.
“Nasama ba siyang tinupok ng apoy kanina?”
“Di ko alam. Iniwan ko lang siya dun na walang malay.”
Napangisi naman si Sin. “Malabo ng makaligtas yun.”
Napatingin naman si Dylan kay Damian na tahimik lang rin at mejo nagulat siya na nakatingin na pala ito sakanya.
Mga tingin na sila lang ang nakaka intindi.
“Buhay pa ata.”
“Humihinga pa siya. Wala pa ba yung ambulansya?” Naalimpungutan si Ish nang may mga narinig siyang boses sa paligid niya. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at nakita niya ang iilang mga tao na nakatingin sakanya.
“Ayos ka lang ba?” Tanong nung isa.
Anong nangyari?
Tanong niya sa sarili. Dun lang niya napansin na nasa labas na siya ng bahay na yun habang nakahandusay sa damuhan. Patay na yung apoy sa bahay kaya biglang inalala ni Ish ang nangyari kanina.
Diba nasa loob ako kanina? Paanong..
Sinong naglabas sakin?
Kalaunan ay narinig na nila ang tunog ng ambulansya. Dali dali namang tumulong ang mga rescuer at sinakay si Ish sa stretcher at nilagyan ng oxygen mask.
“Relax lang po kayo sir ha.” Sabi nung isang rescuer. Habang si Ish ay tulala parin kakaisip.
Sinong nagligtas sakin?
Nang marating nila ang silid ay agad pumasok ang lima kasama si Frank. “Don Celo.”
Nakita lang nila itong nakaupo sa upuan niya at mukhang inaasahan na ang pagdating nila.
“Di niyo talaga ako binibigo. Biguin niyo naman ako paminsan minsan.” Ngiting biro ni Celo bago tumayo. “Maligayang pagdating, Doctor Tresler!” Masaya agad na bati neto tapos ay tumingin ito kila Dylan. “Iwan niyo muna kaming dalawa. May mahalaga lang kaming pag uusapan.” Pakiusap niya. Yuko namang pumayag ang mga ito bago lumabas sa silid.
Pagkalabas nilang lima, naunang maglakad yung tatlo kaya tinatawag saglit ni Dylan si Damian. “Sandali.”
Huminto naman ito at hinarap siya.
Sumandal saglit si Dylan at napahalukipkip. “Nakita ko ang ginawa mo kanina matapos mong malamang naiwan si Ish sa nasusunog na bahay na yun.” Umpisa niya. “Bakit mo yun ginawa?”
Matamlay namang sumagot ang binata “May utang na loob ako sa taong yun. Gusto ko lang bayaran.”
“Utang na loob?”
“Magkasama naming tinalo ang isang Vendetta noon. Kung wala ang tulong niya malamang nasa ilalim na ako ng hukay ngayon.”
“Yun lang ba talaga?” Tila di kumbinsidong tanong ni Dylan.
“Anong gusto mong palabasin?”
“Nasa puder ka pa ba namin?” Seryosong tanong ni Dylan. Natawa naman nang bahagya si Damian sa tanong nito.
Di niya ito sinagot at tumalikod nalang bago nagpatuloy sa paglalakad.
“Ako ang makakaharap mo sa oras na traydurin mo ang Don, Damian. Itatak mo sana sa utak mo yan.” Pahabol pa niya pero tuloy parin ito sa paglalakad.
Sa loob naman ng silid ni Celo ay magkaharap na ngayon sa pag upo ang dalawa.
“Di pa nga pala ako nakakapag pakilala sayo. Ako si Marcelo Martin.” Nag abot ng kamay si Celo kaya pilit nalang iyon na kinuha ng doctor. Di niya parin talaga alam kung anong balak sakanya ng taong ’to.
“Diretsuhin mo nalang ako kung anong gusto mo, Mr. Martin.” Usal ni Frank.
“Sabi ko nga” Naglinis pa ito ng lalamunan. “Lima sa anim na scientist na bumuo ng Adamcell-Z50 ay patay na. Ikaw nalang ang naiwang buhay.” Nang marinig ni Frank ang droga na yun ay napailing nalang siya.
“Bakit ba biglang naging issue ng lahat ang droga na yan?”
Natawa naman si Celo “ Kasi napaka ganda ng pagkakagawa nyan! At masakit isipin na isang beses niyo lang itong ginamit.“
“At anong gusto mong palabasin?”
Lumawak naman ang ngisi nito “Gusto kong gawan mo ko ng ganung droga..pero!” Kinuha niya ang isang briefcase sa ilalim ng kanyang lamesa at nilagay ito sa tapat ng doktor at binuksan. Mejo nanlaki naman ang mga mata ni Frank sa nakita niya.
“Ang Ethereal Drug.”
“Binili ko mula kay Manuel.” Sagot ni Celo “Naghihintay lang ako ng pagkakataon kung saan ko ito pwedeng gamitin. At tingin ko ito na yung pagkakataon na yun.”
“Wag mong sabihin..”
“Oo, gusto kong ipagsama mo ang dalawang malalakas na droga na ’to at bumuo tayo ng panibagong droga. Droga na mas malakas pa sa Ethereal o Adamcell.” Ngising sambit sana ni Celo pero
“Hindi pwede.”
Agarang nawala ang ngisi ni Celo sa narinig niya “At bakit doktor?”
“Masyado yang kumplikado. HIndi ko kaya ng mag isa yan. Mahaba ang proseso na gagawin para jan at tsaka may Ethereal drug ka nga pero saan tayo kukuha ng Adamcell Drug?”
“Diba nga sinabi kong gawan mo ko–”
“Hindi ko alam kung pano gawin yun ng mag isa. Anim kaming gumawa nun gaya ng sinabi mo, hindi ba?”
Napabuntong hininga naman si Celo at ngumiti ng sobrang plastik. Parang nag umpisa na itong mapikon. “Doctor ka diba? Matalino. Siguro naman natatandaan mo pa kung–”
“Masyado na yung matagal na panahon. Hindi ko na saulado lahat ng proseso. Baka maging kumplikado pa pag pinilit natin.”
Nakangiti lang si Celo na naglagay sa baril niya sa lamesa. “Mag isip ka kung pano natin masosolusyunan ’to habang nagdadalawang isip pa akong tapusin ang buhay mo dito.”
Napalalim naman ang paghinga ang doktor matapos niyang makita ang baril. Kabado siyang napaisip na mga pwedeng solusyon. Hanggang sa naalala niya ang lalaking bumisita sakanya kanina.
“Maliban kong..” Bulong nito pero mukhang narinig yun ni Celo.
“Hmm? Lakasan mo naman.”
Gusto niya sanang sabihin ang plano niya pero ayaw niyang madamay ang mga inosenteng tao dito sa kinakaharap niya ngayon.
“W-wala akong maisip.”
“Hindi eh. May gusto kang sabihin doktor.”
Napapikit nalang ang doktor dahil gulo itong mag decisyon.
“Dali naaa~”
Anong gagawin niya?
Nang makita ni Celo na nagdadalawang isip parin ito ay kinuha na niya ang baril “Okay.” At tsaka itinutok kay Frank.
“SANDALI!” Agad awat ni Frank sa sobrang takot.
“Hmmn?”
“M-may bumisita sakin kanina. Pangalan niya ay Ish Valderama at kaibigan niya ang anak ni Kristoff–”
“Aaahh si Kael. Bakit? Anong pwede niyang maging ambag para sa gagawin natin?”
“Kailangan kong masuri ang katawan niya kung pwede bang gawin nating droga ang dugo niya.”
“Kaya mo yun?” Bumalik na ang ngisi ni Celo dahil sumasang ayon na ulit sakanya ang lahat.
“Oo.”
“Good!” Pumalakpak pa ito sa tuwa bago nagpatuloy.
“Kukunin namin si Kael para sayo.”
-To be continued..
-MajorSin
Chapter 6: Types of Kai User
Chapter 6: Types of Kai User
( Hi! Maikli lang po ’to. Kung may tanong kayo sa chapter na ’to feel free to comment :)) Sasagutin ko. )
[3rd Person’s PoV]
“Ano yan?”
Agarang inalis ni Greco ang awra sa kamay niya nang marinig niya ang boses ni Virgel sa likuran.
“Oh? Pinagod ka ba ni Ginger?” Tawang tanong ni Asher pero di man lang ito pinansin ni Virgel dahil nakatingin parin ito kay Greco.
“Ano yung ginawa mo sa kamay mo, Greco?” Ulit na tanong nito. Nagkatinginan naman sila Greco at Asher.
“Ngayon ko nalang ba ipapaliwanag?” Tanong ni Greco kay Asher.
“Sige ngayon nalang dahil aalis narin ako mamaya. Mas mabuti ng may alam ako jan kahit papano.” Sagot nito.
“Hindi ka ba dito matutulog? Gabi na.” -Greco
“Hindi na. Pupunta pa ako sa Fuego para bisitahin ang mga tao dun.” Sagot ni Asher
Ngayong sila nalang tatlo ang nandito, napabuntong hininga nalang si Greco at humarap sa dalawa. Mukhang wala na siyang choice. “Makinig kayong mabuti dahil isang beses ko lang itong ipapaliwanag.” Umpisa niya. Seryoso namang nakinig ang dalawa sakanya.
Dahan dahang itinaas ni Greco ang kamay niya at tsaka ulit ito pinailaw. “Ang
‘Kai’
na tinuro sayo ni Ginger ilang buwan na ang nakakaraan ay isa lamang basic sa pagpapalabas ng enerhiya sa katawan. Ito ang pinaka unang pagsubok para ma master mo ang pag kontrol ng Kai.“
“Basic pa yun sa lagay na yun?” Halos di makapaniwalang tanong ni Virgel.
“OP ako huy. Pinagsasabi niyo?” Kamot ulo lang namang tanong ni Asher dahil wala siyang ka ide ideya kung ano yang Kai Kai na yan.
“Kung iniisip mo na tayo lang ang may kakayahang gumamit ng Kai, lahat tayo ay may Kai energy sa katawan, at 30% lang ng tao sa buong mundo ang may kakayanang ipalabas ito. Di kasi ito basta basta natututunan.” Inalis ni Greco ang ilaw sa kamay bago nagpatuloy “At may iba’t iba uri ng mga Kai user. Depende sa kung saan pabor ang kanilang stilo sa pakikipag laban.”
“Iba’t ibang uri?”
“
Physical User, Weapon User, Elemental User, Illusionist,
at
Extreme User
.“ Tumingin naman ito kay Virgel. “Pinaka common na sa isang Kai User ang pagiging
Physical User
. 70% ng mga gumagamit ng Kai ay mga Physical User kagaya nating tatlo ni Ginger. Ang mga Physical User ay ginagamit ang sariling katawan para gawing sandata sa pakikipaglaban. Ginagamit nila ang Kai para mas mapalakas pa ang kanilang mga atake sa kalaban. Pwede mo rin itong gamitin para mapatibay ang depensa mo. Kung gano ka kapal ng Kai ang kaya mong ibalot sa katawan mo ay ganun din kahirap itumba ng kalaban.“
“Wow naman! May pa physical physical user pa kayong nalalaman.” Tawang singit ni Asher. “Eh ako? Anong klaseng user naman ako? Hehehe “ Excited pa na tanong niya.
“Ikaw ay isang…drug user” Tawang sagot ni Greco kaya halos mag ugat ugat na ang noo ni Asher sa inis.
“GRABE KAA”
“Sunod naman sa pinaka common ay ang
Weapon User
. 40% ng mga Kai user ay ganito ang kakayahan. Ito ay mga taong nagbabase sa kanilang mga sandata sa pakikipaglaban. Kaya nilang ilipat ang enerhiya nila sa kanilang mga sandata para mas mapalakas pa ito pag ginamit. Kahit isang plastic pa na spada yan, pag ginamitan mo ito ng Kai ay kaya na nitong hiwain ang isang katawan o kahit matibay na bagay.“
Bigla naman naalala ni Asher yung dalawang Vendetta na nakaharap niya. Sina Jill at Quincy na may sari sariling sandata. “Tingin ko yung mga Vendetta–”
“Oo, lahat ng Vendetta ay mga weapon user maliban kay Morpheus na isang Physical user rin gaya namin dahil lakas ng katawan ang ginagamit niya pag nakikipaglaban.” Nang sabihin yun ni Greco ay napansin niya ang biglaang paglaki ng mga mata ni Virgel.
“Ayos ka lang, Virgel?” Takhang tanong niya. Pati si Asher ay napansin rin ito. Tumango lang si Virgel pero di nagbabago ang expresyon ng kanyang mukha.
“Sige. So ang susunod naman ay ang
Elemental User
. Gaya sa tawag nito, mga elemento naman ang kaya nilang palabasin sa katawan gamit ang Kai nila. Depende kung saang elemento nababagay ang katawan nila. 10% lang ng mga Kai user ang nagkakaron ng ganitong klaseng kakayahan dahil napaka hirap nitong masterin. Hindi basta basta nakukuha ng mga pang ordinaryo lang ang kakayahan na ’to. Kailangan ito ng mahaba at matinding pagsasanay para makontrol mo ang isang elemento. “
Sa narinig ni Asher ay tila may bigla siyang naalalang pangyayari dati na hanggang ngayon ay hindi pa niya masiguro kung ano yun. “Kung ganun sila ay..”
“Oo.” Tipid lang na sagot ni Greco bago nagpatuloy.
“Susunod ay ang
Illusionist
. Gamit ang Kai, kaya nilang gumawa ng mga bagay gamit ang kanilang mga pag iisip. 5% lang ng mga Kai user ang nagtataglay ng ganito. Kadalasan ng mga taong nagtataglay nito ay matataas ang IQ. Utak lang ang ginagamit nila sa pakikipaglaban pero sobrang delikado ng mga user na ’to. Kaya ka nilang pulbusin kahit nakatayo lang sila at walang ginagawa.“
“Tangina naman pri, kulang nalang sabihin mong kaya niyo rin maglabas ng Kyubii sa katawan niyo.” Pambabara na ni Asher dahil kung anu ano nalang ang sinasabing kapangyarihan nitong si Greco eh nasa totoong mundo naman sila at wala sa MCU.
“Mukha mang di kapani paniwala ang mga sinasabi ko sa ngayon pero makikita niyo rin. Walang limit ang kakayahan ng isang tao. Kung pursigido kang matuto, may mga madidiskubri at madidiskubri ka talaga sa sarili mo.”
“Kaya mo ba mag Rasengan?” Tawang tanong parin ni Asher kaya agad naglabas ng awra si Greco sa kamay niya. “Subukan natin ’to.” Sagot nito kaya tawang napataas ng kamay ang ugok “Juk laaang heheheh”
“May isang uri ka pang hindi napapaliwanag.” Singit ni Virgel.
“Ang extreme user. Sila ang mga taong biniyayaan ng kakaibang lakas sa katawan. Pinanganak na silang spesyal. Kaya nilang pagsabayin ang tatlo o higit pang kakayahan ng Kai. Kaya nilang maging Physical at Elemental User ng sabay o kahit ano sa apat.”
“Sino namang tao ang kayang maging ganyan?” Tanong ni Asher.
“Buong buhay ko wala pa akong nakilala na extreme user. 1% lang ata ang nagtataglay ng ganun sa buong mundo.”
“Eh pano kung gusto mong kontrolin lahat ng uri ng Kai kahit isa ka lang Physical o Weapon user kasi gusto mong maging Extreme user? Pwede ba yun?” Curious na tanong ni Asher.
“Marami na akong kilalang sumubok ng bagay na yan pero lahat ay nabigo at namatay lang.”
“Namatay talaga?”
“Bawat uri ng Kai ay may kanya kanyang proseso ng pagdaloy ng enerhiya sa katawan. Pag sinubukan mong ibahin sa kung ano na yung proseso ng pagdaloy sa katawan mo, maaari itong magulo at maapektuhan ang organs mo sa loob lalo na ang puso mo.”
Agad namang natahimik ang dalawa sa narinig. “Nakakatakot pala.” Bulong ni Asher
Tahimik lang ang dalawa na tila sini sink in pa sa utak ang mga kakaibang impormasyon na nalaman nila ngayon.
Hindi nila akalaing may mga ganito pa palang nangyayari sa mundo. Akala nila nakaikot lang ang lahat sa pera at baril. Pero heto, Elemental, Illusions and shits.
Masyadong mahirap paniwalaan dahil realidad tong kinatatayuan nila.
Maya maya pa ay binasag nalang ni Asher ang katahimikan. “Okay na yun, at least alam ko na. Akala ko namamalik mata lang ako nun. Totoo pala talaga yung nakita ko.” Usal niya na tanging si Greco lang ang nakakaintindi.
“Aalis ka ba talaga? Dito ka nalang magpalipas ng gabi. Bukas kana umalis. Masyado ng delikado ngayon.” Alok ni Greco pero natawa lang si Asher.
“Sino namang haharang sakin sa daan eh naka kotse naman ako hahahaha chidorihin ko sila sa pwet e.” Biro nito kaya napailing nalang ang matanda. Kahit kailan talaga ang tino nito kausap.
“Oh pano alis na ako.” Paalam niya tsaka tumingin kay Virgel. “Kaya mo yan, Virgel. Bibisitahin nalang kita dito pag may oras ako.” Pero pagdating sa pagbibilin kay Virgel ang seryoso nito.
“Sige.” Tipid lang na sagot ni Virgel kaya tumalikod na si Asher at naglakad.
“Paalam.”
Parang gustong bumukas ng bibig ni Virgel dahil gusto niya itong manatili nalang dito sa bahay, at hindi niya alam kung bakit.
Pero sa huli ay tinikom nalang niya ito.
Pinapanood lang nila itong naglalakad palayo.
Babalikan naman siya nito e.
Sa kabilang banda naman sa mansyon ng Forest Family, marahang binuksan ng isang matandang putol ang isang kamay at may marka ng hiwa sa kaliwang mata ang pintuan. At dun tumambad sakanya ang limang alaga niya na kanya kanya lang ng upo na parang naghihintay lang sa iuutos niya. Tumingin ang mga ito sakanya kaya napangisi nalang siya “Alam niyo na ang gagawin niyo.”
Nang makaalis si Asher ay pinili na nina Greco at Virgel ang pumasok sa loob. Nasa kani kanilang kwarto narin sina Mina at Ginger kaya sila nalang dalawa ang naiwan sa sala.
Gusto na sanang matulog ni Greco pero kanina pa siya binabagabag sa kinilos ni Virgel kanina.
“Sabihin mo, madalas ka bang binabangungot?” Tanong ni Greco kaya napatingin nalang si Virgel sa lamesa sa pagitan nila.
“Mukhang alam ko na kung anong nangyayari sayo kaya ka sobrang pumayat. Hindi lang ’to sa puyat na pagbabantay mo kay Kael o sa mga exams mo sa school. May di ka kinikwento sa mga kaibigan mo kaya di nila mahulaan kung anong nangyayari sayo.” Paliwanag ni Greco. Bilang isang bihasa na sa meditation o sa pag control ng emosyon, madali na niyang nababasa ang isang tao base sa kinikilos nito. “Base sa reaksyon mo kanina nung nagbanggit ako ng pangalan, bigla kang nagulat. Ramdam ko ang tensyon sa mukha mo na parang di ka mapakali.” Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ni Virgel sa kaba dahil mukhang alam na niya ang susunod na sasabihin ng matanda.
“Patuloy kang hinahabol ng nakaraan na yun, hindi ba? Laging sumasagi sayo ang digmaan na naganap kung saan nakaharap mo ang matuturing mo ng pinaka malakas na nakatunggali mo. Patuloy kang binabangungot sa isang bagay na muntik mo ng ikamatay.”
“Tama na..” Dilat matang bulong ni Virgel
“Patuloy kang kinakain ng takot sa labanan na nangyari sainyo ni Morpheus. Dahil kung hindi pa sa tulong ng isang katauhan mo, malamang iba sana ang naging resulta ng labanan niyo.” Nang marinig ni Virgel ang pangalang yun ay nag umpisa na namang manginig ang buong kalamnan niya sa takot. Gusto man niyang pigilan pero kusang bumabalik sa alaala niya ang mga pangyayari sa digmaan na yun. Pinipilit niya ang sariling katawan na wag manginig pero tila may kusang pag iisip ito sa tuwing naririnig niya ang pangalan na yun.
Lumalalim na ang paghinga niya dahil sa takot. Dilat na dilat na ang mga mata “Tama na..”
“Sinabi ni Ginger kung pano binugbog ni Morpheus ang katawan mo habang nasa iba kang katauhan. Bugbog sarado na yung katawan mo pero lumalaban parin ito. Kaya
naiintindihan
ko
kung
bakit
ganyan
nalang
ang
reaksyon
ng
katawan
mo
sa
tuwing
naririnig
mo
ang
pangalan
ng
halimaw
na yun.“ Nakita naman ni Greco na parang wala na ito sa wisyo sa sobrang takot. “Pero
kailangan
mong
malampasan
ang
trauma na yan,
Virgel
.“
Tumayo naman si Greco at lumapit kay Virgel. Hinawakan niya ang mukha nito at pinatingin sakanya ng mabilis. “
Kalma
.
Kontrolin
mo
ang
iyong
paghinga
.“ Usal niya habang si Virgel ay dilat na dilat parin ang mga mata na nakatingin sakanya. Kitang kita mo sa mga mata nito ang takot.
Pero maya maya lang rin ay tila bumabagal na at nagiging normal na ang paghinga niya. “
Hinga
ka ng
mabuti
.
Ganyan
.“ Hanggang sa ilang segundo lang ay napakalma rin ni Greco ang katawan niya.
Nang makabalik ito sa dati ay umupong muli si Greco sa tapat nito at tinignan siya ng mataman. “Wag kang mag
alala
,
Tutulungan
kitang
alisin
yang
dinadala
mo. At
pag
naalis
na natin yan at okay na
lahat
,
tsaka
kita
isasanay
kung pano mo pa
mapapakalakas
at
mapapakinabangan
ang
kai
sa
katawan
mo.“
“Hindi
ko
na
alam
.“ Ramdam ni Greco ang sobrang bigat sa mga binitawang salita ni Virgel. Nakatingin lang ito sa kamay niya. “Hindi
ko
na
alam
kung
matatakbuhan
ko
pa
ba
tong
pakiramdam
na ’to.“ Halos matawa na siya sa sobrang baba ng tingin niya sa sarili “Kung lalakas pa ba ako at maipaghiganti ang mga mahal ko sa buhay.”
At dun, sa unang pagkakataon, nakita niyang umiyak ang batang ’to sa harap niya. Nakangiti lang ito ng sobrang pait at tsaka tumingin sa mga mata niya “Tulungan mo ako, Greco.” Pagmamakaawa nito at dun nalang nadurog si Greco.
Nakakaawa itong tignan na tila wala ng makuhang pag asa sa sarili. Na parang di na niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas para malabanan ang dinadanas niya ngayon.
Ang napaka lamig na ugali ng bata na’to ay naging malambot nalang sa harap niya.
Siguro ay ilang buwan na itong nagtitiis at ngayon ay napapagod na siya.
Tumayo nalang ulit si Greco “Tumayo ka, ito ang pinaka kailangan mo sa mga oras na ’to.” Tumayo naman si Virgel at dun, lumapit si Greco at niyakap nang marahan ang bata.
Kung titignan sila, para lang isang batang umiiyak si Virgel na naghahanap ng kalinga ng isang ama.
Pasado alas dies na ng gabi at nasa kalagitnaan pa ng pagbbyahe si Asher. Nakatingin siya sa daan pero yung utak niya ang layo na ng nilipad. Di mawala sa utak niya ang mga nalaman niya ngayon.
“Elemental User..” Naibulong nalang niya at kusang bumalik sa aalala niya ang pangyayari nung gabing yun
[Flashback]
Nasa isang pag uusap lamang sina Vlad at Greco sa isang silid habang naroon sina Asher at Argo na nakikinig nang biglang bumukas ang pintuan ng napakalakas. Tila isang malakas na ihip ng hangin ang nagbukas nito dahil naramdaman nila Vlad yung hampas nito pagkabukas.
Agaran namang pumasok ang Boss ng Elcana na ka alyansa ng Virgo na si Samuel Forest na sobrang salubong ang kilay. Kasama rin niya ang lima niyang alaga. “Plano mong alisin ang alyansa dahil lang sa operasyon na tinatakbo ko?” Galit agad na tanong nito. Habang si Vlad ay normal lang na nakatingin sakanya. Inaasahan na niya ito.
“May kasunduan tayo sa umpisa palang na bawal sa organisasyon ko ang droga. Iligal na armas pwede pa.” Tumayo si Vlad at umalis sakanyang inuupuan. “Alam kong ikaw ang sekretong nagbebenta kila Morgan ng droga. Binalaan na kita nung unang beses kong mahuli ang sekretong operasyon mo na yan, Samuel. Pero di ka parin nakinig.” Dugtong nito. (Morgan Octavo, nasa Season 2 Episode 41 & 42 ang appearance niya )
“At dahil lang dun? Kakalas kana sa alyansa? Matapos lahat ng naitulong ko sa pamilya mo para lang umangat kayo ng ganyan? Ganito mo ako susuklian?”
Napayuko naman si Vlad sa pagkadismaya “Ang usapan ay usapan, Samuel.”
Saglit namang napatingin si Samuel kay Argo na seryoso narin ang mukha na nakatingin sakanya. “Porke’t nasa puder mo ang halimaw mong anak at yang kanang kamay mong Octavo eh ang angas angas mo na.” Lumapad naman ang pag ngisi nito “Akala mo hindi ko kayang tumbasan ang lakas niyo?!” Sigaw pa nito bago sinensyasan ang limang na sugurin sina Vlad.
Gulat na gulat naman sina Asher dahil di nila inakalang tatraydurin sila ngayon mismo.
At habang pasugod pa yung lima, bumunot ng baril si Samuel at itinutok kay Vlad. At ang bilis nalang ng pangyayari, di pa man nakakalapit ang lima kila Vlad ay nasa harapan na ni Samuel si Argo na sobrang pula ng mga mata habang nakabwelo sa hawak niyang spada.
“Anong..”
Tumilapon sila Greco at Asher dahil sa ginawa nung apat na alaga ni Samuel. Habang ang panlima namang myembro nila ay tagumpay na nakapunta sa likuran ni Vlad at sinakal ito gamit ang braso.
Pero napadilat nalang ang mga mata ng lima ng tignan nila ang kanilang Boss. Putol na ang kamay nitong may hawak ng baril kanina at duguan ang kaliwang mata habang nasa likuran narin nito si Argo habang nakalapat na sa leeg ang spada kay Samuel.
Dun napatigil ang lahat. Pati sila Asher ay di rin makapaniwala sa ikinilos ni Argo. Sa loob ng mahabang panahong pagsasama nila, ngayon lang niya nakitang ganito si Argo. sobrang nanlilisik ang mapupulang mga mata niya na parang halimaw.
Ngayon ay magkaharap na ang dalawang Boss habang may kanya kanyang banta sa likuran nila. Nasa leeg ni Samuel ang spada ni Argo habang kay Vlad naman ay nakatutok lang ang daliri nung lalaki sa may gilid ng ulo niya. Daliri lang at hindi baril.
Para namang namalik mata si Asher dahil nakita niyang parang may kumislap na kuryente sa daliri nung lalaki.
“Ano yun?”
[End of Flashback]
Akala ko namalik mata lang ako nun, akala ko resulta lang yun sa kakanood ko ng anime. Pero hindi, may explanasyon na sa bagay na yun. Totoo yung nakita–
Natigil naman sa pag iisip si Asher nang biglang lumiyab ang daan sa may unahan niya. Sinubukan niyang ihinto ang sasakyan pero masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya kaya di niya ito nagawa. Nadaanan niya ang nagaapoy sa daanan kaya tuluyang lumiyab ang mga gulong ng kotse niya. “Naloko na!” Sinubukan niya itong pahintuin ulit pero tila tinupok agad ng apoy ang buong kotse niya kaya wala na siyang nagawa kundi buksan nalang ang pinto at pinagulong ang sarili para makaalis.
Maya maya pa ay tuluyan ng sumabog ang kotse niya. Pinapanood niya lang itong tinutupok ng apoy. Hindi ito ordinaryong apoy lang dahil ang bilis makatupok ng bagay. Wala pang minuto pero sabog na agad ang kotse niya. “Anong nangyari?” Tanong nito sa sarili habang di maipinta ang mukha dahil nagkagalos galos ang binti at braso niya sa pagka gulong kanina.
“Matagal na palang patay si Argo. Nitong kailan lang namin nalaman.” Bigla siyang nakarinig ng boses sa may likuran niya kaya agad niya iyong nilingon. At dun, nakita niya ang limang nilalang na umaabante papunta sakanya.
Tuluyan namang nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Di man niya makita ang mga mukha nila dahil sa dilim na bumabalot sa paligid, kitang kita niya ang iba’t ibang elementong pumapalibot sa limang nilalang. Lupa, Apoy, Tubig, Hangin
At ang nasa gitna nila…
“S-sandali!!”
Agarang sigaw ni Samuel sa sobrang takot.
“A-alis na kami! Di na kami magpapakita! Wag niyo akong patayin pakiusap! Chase! Bitawan mo si Vlad!”
Utos ni Samuel na agad rin namang sinunod ni Chase.
Binabalot ng mga kumikislap na kidlat ang buong katawan niya. “Gusto mo ba siyang bisitahin sa impyerno?” Ngising tanong nito
“Chase..”
-To be continued..
-MajorSin
Chapter 7: New Faces (Part 3)
Chapter 7: New Faces (Part 3 )
[3rd Person’s PoV]
“Chase..” Sinubukang umatras ni Asher pero napasandal lang siya sa pader na gawa sa lupa sa likuran niya na marahil ay gawa ng isa sa kasama ni Chase na earth user.
“Oh san ka pupunta? Usap muna tayo.” Ngising usal ni Chase habang papalapit silang lima kay Asher. “Ni di na tayo nakapag usap kahapon e.” Dugtong nito.
Walang nagawa si Asher kundi ang manatili sa kinatatayuan niya. Dahil kahit kumilos man siya, wala siyang laban sa mga ’to. Nag iisa lang siya at isa pa ay puno rin ng galos ang katawan niya dahil sa pag gulong niya kanina.
“Kwentuhan mo naman ako kung pano namatay ang matalik mong kaibigan.” Muling wika nito. “Balita ko napatay siya dahil sa pagligtas niya sa nakababatang kapatid niya. Totoo ba yun?”
“Ano bang kailangan niyo?” Ganting tanong ni Asher pero mukhang di yun nagustuhan ni Chase dahil sa isang kisapmata lang ay nakalapit na ito sakanya habang hawak hawak na ang mukha niya. Para itong kidlat sa sobrang bilis. “Ang sinabi ko mag kwento ka, hindi magtanong.” Naglabas ng kaonting kuryente sa kamay si Chase kaya napapikit nalang si Asher dahil kumunekta agad ito sa katawan niya. “rggghhh!”
“Pero sige sasagutin ko dahil minsan narin naman tayong nagkasama kahit papano.” Ngising dugtong nito. “Ang kailangan namin ay ang natitirang Acosta ng Virgo Mafia.”
Sinasabi ko na nga ba’t si Virgel ang sisingilin nila. Naisip nalang ni Asher.
“Matapos ang ginawa ng mag amang yun sa Boss namin..” Ang kaninang nakangisi ay bigla nalang nanlisik ang mga mata “Akala mo ibabaon nalang namin sa limot ang lahat?” Muling naglabas ng kuryente si Chase at ngayon ay mejo malakas lakas na kaya muling napapikit si Asher at nanginginig dahil sa sakit.
Halos mawalan na ng ulirat si Asher dahil sa tinamo. Nakadungo nalang ito at mukhang babagsak na.
“Nung nalaman naming wala na ang mga hayop na Vlad at Argo na yun, mejo nainis kami dahil di man lang kami nakaganti sa ginawa nila. Pero tadaaaan! Ma isa pa palang Acosta ang namumuno ngayon sa Virgo.” Bumalik sa pag ngisi si Chase. “Pero wag kang mag alala, di namin siya gagalawin. Dun na namin sa paligsahan ipapakita sa lahat kung pano namin siya pagpipira pirasuhin.”
“Asa rin kayong makakalapit kayo sakanya.” Kahit hinang hina, pinilit parin ni Asher na pagbantaan ang limang nasa harap niya. Hindi siya papayag na may gagalaw kay Virgel. “Hangga’t nabubuhay ako, hinding hindi kayo–aarrggghh!” Isang suntok sa sikmura ang pinakawala ni Chase kaya nahinto si Asher sa pagsasalita. Halos mapabulwak na siya ng dugo dahil isang suntok na may kasamang kuryente ang tumama sakanya. Mejo nag uusok na ang katawan niya dahil sa ginagawa ni Chase.
Konti nalang at bibigay na ang katawan niya..
“Kung ganun hadlang ka pala e.” Wika ni Chase at tsaka umatras. Tuluyan namang natumba si Asher dahil sa tinamo ng katawan. “Dell..” Tawag niya sa isa niyang kasamang lalaki na agad ring umabante at naglabas ng apoy sa kamay nito. “Iligpit na yan.” Utos niya bago tumalikod at naglakad palayo. Tila wala itong silbe kay Chase dahil ipinaubaya lang niya ito sa mga kasama niya.
“Okay.” Walang ganang sagot ng lalaki bago nilakasan ang apoy sa kamay. Akma na sana niya itong ititira kay Asher nang bigla itong pinatay ng napakalakas na hampas ng hangin.
Gulat naman ang lahat at napatingin sa isang babae na naglabas ng kanyang elemento. “Anong ginagawa mo Ashley?” Takhang tanong ni Dell.
“Si Virgel ang ililigpit natin at hindi si Asher.” Normal lang na sagot ng dalaga.
“Ano bang pake mo sa taong ’to?” Tanong ni Dell pero di sumagot si Ashley. Sa halip ay tumingin ito sa isa pang babaeng kasamahan nila na nakangiti na pala sakanya. Mukhang nagegets nung babae ang gustong sabihin ni Ashley kaya imbes na magkabukingan, sumingit na ito sakanila.
“Tara na, sa tinamo niya kay Chase di narin naman mabubuhay yan.” Usal nito at tsaka lumingkis sa boyfriend nitong si Dell. “Halika naa.” Ngiting aya nito
“Pati ba naman ikaw, Fatima?”
“Ssshhh.” Sa huli ay napilit rin ni Fatima si Dell at umuna na ring maglakad.
Ngayon ay sina Ashley nalang at ang earth user na lalaki ang naiwan.
Magkaharap ngayon ang dalawa at di alam ni Ashley ang sasabihin niya dahil seryoso itong nakatingin sakanya. Pero maya maya lang rin ay nagkibit balikat nalang ang lalaki “Bagay sana ang mga pangalan niyo kaso kalaban natin ang Virgo, Ashley. Wag mo sanang kakalimutan yan.” Paalala nito bago sumunod kila Fatima at Dell. “Di namin to sasabihin kay Chase. Bilisan mo lang.” Pahabol nito
Ngumiti naman nang bahagya si Ashley “Salamat, Troy.”
At ngayong siya nalang ang naiwan, napatingin siya sa gawi ni Asher at tsaka lumapit. Pinaharap niya ito at tsaka ni check ang pulso sa leeg. Napangiti naman siya nung pumipitik pa ito.
At habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Asher, di niya maiwasang maalala ang mga panahong hanggang sulyap lang siya sa taong ’to.
Eto ang unang beses na matignan niya ang mukha nito ng malapitan.
Ilang beses na silang nagkakasalubong nung panahong magka alyansa pa ang dalawang grupo. Pero ni isang beses ay hindi niya pa ito nakakausap. Hanggang ngayon ay hindi niya parin kaya.
Ewan, pero sa tuwing nakikita niya ito ay bumibilis nalang bigla ang pagtibok ng puso niya
Hinawakan niya ang pisngi ni Asher at hinaplos nang marahan. “Magkikita pa tayong muli, at pag nangyari yun.. “ Bahagyang ngumiti ang dalaga “Baka may lakas ng loob na akong kausapin ka.”
Napansin niya ang isang kotse sa may malayo na papalapit sa direksyon nila kaya tuluyan na siyang tumayo at tinignan sa huling pagkakataon si Asher “Hanggang sa muli, Asher.” Paalam nito bago naglakad palayo.
“SA SILONG NI KAKA~ MAY TAONG NAKADAPA~” Sa loob naman ng isang kotseng tinatawag na ng junkshop sa sobrang luma, ay may limang mga siraulo ang nakasakay at nagssoundtrip pa. “KAYA PALA NAKADAPA~ NANINILIP NG PALAKA~” Ang saya ng lima kasi mission success na naman sila sa binigay sakanilang trabaho. “PALAKANG MAY BUHOK~ NGIPIN AY NAKALUBOG–AY POTA!” Napasigaw ang isang babae nang mapansin niya ang isang katawan sa may daanan na nakahandusay. “IHINTO MO, NOAH!” Sigaw niya sa driver nila kaya mabilis itong napabrake. Subsob naman ang mukha ng apat dahil di ito nagseatbelt.
“Gago nito!” Singhal nung isang lalaki habang hawak hawak pa ang ulo niya. Naalog ata.
“Etong si Dabria eh! Biglang sumigaw pota. Nagulat ako.” Depensa agad ni Noah.
“Eh tignan mo! May tao!” Sigaw naman ni Dabria habang nakaturo sa unahan nila. Nakita naman ng apat yung katawan na nakakulob.
“Pero mukhang patay na ata.” Komento ng isang matabang lalaking kulot ang buhok.
“Yung pera ba namamatay, Sol?” Pambabara agad ni Dabria “Babaan niyo! Tignan niyo yung wallet!” Singhal nito. Napailing nalang yung isang lalaking maitim sa gilid.
“Taenanyo, kala ko tutulungan niyo. Huhuthutan niyo lang pala. Mga hinayupak talaga kayo kahit kailan.” Komento nito na binara naman ni Noah.
“Ayaw mo nun, Abe? May pambili na tayong gluta para sayo.”
Agad namang sinipa ni Abe ang driver’s seat “GAGO!”
“You know guys, why we just helping the human outside? It’s good that we are good samaritan, right?” Singit pa ng panlimang myembro nilang mala adonis yung mukha. “Let’s outside the car and we helping hi—” Di na niya natapos ang sasabihin niya ng makatanggap siya ng apat na sipa sa mukha mula sa mga kasama niya “ITIGIL MO NA YAN SABE, CELES” Pogito nga pero yung trip nitong mag english kahit mali mali naman ay nakakasurok talaga ng dugo.
Matapos magkagulo ng lima ay pinili nalang nilang lumabas lahat para puntahan yung katawan. Pagkalapit nila, agad nila itong pinaharap. At pagkaharap nito, agad naghugis puso ang mga mata ni Dabria “AAAAAAHHH” Tili nito kaya mabilis itong binatukan ni Abe “Ang ingay mo!”
“Gusto ko siya iuwi heheh” Usal pa nito kaya napatingin ng masama sakanya ang apat.
“Bakeeet??” Pacute pang tanong nito “Kayo nga nag uuwi ng mga babae niyo sa apartment wala kayong naririnig sakin!” Sigaw na naman nito. Talo pa yung mga mama niyo sa sobrang ingay ng babaeng ’to. “Kaya this time ako naman!” Dugtong nito at tsaka hinaplos ang mukha ni Asher “Hi baby boy. Nandito na ang asawa mo hihi” Halos masuka naman sila Noah dahil di talaga bagay kay Dabria ang umakto ng malambing. Sobrang sanay na silang nagtatalak at sigaw ’to kaya minsan nakakalimutan na nilang babae pala ’to.
“Akala ko ba pera lang habol mo, Dab?” Tanong ni Sol na bitbit na ang malaking piattos habang kinakain.
“I guess Dabria is changing the planni–” Di na naman natapos sa pagsasalita si Celes nang tumilapon ito matapos sipain nina Noah at Abe.
“Tara na, buhay pa yan. Iuwi nalang muna natin yan.” Aya ni Noah at tinignan ang mga kasama niya. “Teka.. asan si Abe?” Takhang tanong niya habang nililibot ang tingin.
“Siraulo!” Sigaw ni Abe na nasa tapat lang ni Noah.
Umakto namang nagulat si Noah “Ay! Anjan ka lang pala. Pasensya na. Mejo ano kasi..mejo madilim. Kaya alam mo na..mejo ano..di ka kita heheh.” Agarang tumakbo si Noah papasok sa sasakyan nung makita niya itong sumugod sakanya.
“Nakakarami kana!”
Pasado alas dose na ng madaling araw pero di parin magawang makapag pahinga ni Ish. Nakaratay na siya ngayon sa ospital. Nakatingin lang siya sa maputing pader habang iniisip ang mga nangyari.
Hinayaan niyang madukot si Franklin nila Dylan. Ang taong sagot at solusyon sana para gumaling si Kael. Abot kamay na niya pero nabitawan pa. Di niya magawang makatulog dahil sobrang laki ng opportunidad ang nawala dahil sa kahinaan niya.
Kung may sapat na lakas lang sana ako..
Naibulong nalang ni Ish sa isipan habang inis na inis sa sarili.
Isa pang bumabagabag sakanya ay ang taong nagligtas sakanya sa nasusunog na bahay na yun. Hindi kaya normal na residente lang ang tumulong sakanya? Hindi kaya masyado lang siyang nag iisip?
Habang punong puno ang utak niya sa mga iniisip niya, nakita niyang bumukas ang pinto ng silid at niluwa doon sina Lily at Elsa na halatang nag alala ng husto. “Kuya..” Halos maiyak na tawag ni Lily at lumapit sakanya. May bandage kasi ang ulo ni Ish at may mga pasa ang mukha.
“Anong nangyari, Ish? Nakatanggap nalang kami ng tawag na nasa ospital ka.” Alalang tanong ni Elsa. “Sinong may gawa niyan?” Pahabol nito.
“Pasensya na’t pinag alala ko kayo.” Yun lang ang tanging nasagot ni Ish. Di pa niya kayang ibahagi sakanila ang tsansang sinayang niya.
Pero maya maya lang, nakarinig si Ish ng mga hikbi, dun lang niya napansin si Lily na umiiyak na pala habang takip takip ang mukha.
“Oy..” Nasabi nalang ni Ish. Masyado niya atang pinag alala yung bata. Inabot nalang niya ang ulo nito at inilapit sakanya. “Tahan na.” At tsaka ito hinaplos haplos “Ayos lang ako.” Ngiting sambit niya.
–NEXT DAY–
“Gising na ba?”
“Wag ka ngang magulo!”
“Ba’t ba kayo nandito! Naiinitan ang asawa ko!”
“Mama mo asawa”
“I think he’s wake up n–”
Dahan dahang nagising si Asher nang may marinig siyang kalabog sa paligid niya. At isa pa ang ingay.
Una namang bumungad sakanya ay apat na nilalang na halos magkadikit pa ang mga mukha na nakatingin sakanya “Gising na siya.”
“Hi baby sweetcorn! Hihi” Wika nung nag iisang babae sakanila habang naghuhugis puso pa yung mga mata.
Ano bang..
“Anong klaseng mga unggoy kayo?” Tanong ni Asher habang napahawak pa sa ulo niya dahil sa sakit.
Ano bang nangyari? Nasa Zoo ba ako?
Halos mabato naman yung apat sa tinanong ng taong sinalba nila.
MATAPOS ANG LAHAT NG TULONG NA GINAWA NILA?? ANONG KLASENG UNGGOY DAW??
Akma sanang susugurin ni Abe si Asher pero pinigilan lang ni Noah “Kalma! Kalma! Feeling na offend ka naman eh ikaw lang naman mukhang unggoy dito!.”
“ISA KA PA!” Inis na bulyaw ni Abe.
“Mukha ba akong unggoy??!” Hindi makapaniwalang tanong ni Dabria sa utak niya habang nababato ang katawan. Sa ganda niyang ’to?? May tatawag sakanya ng unggoy??
Habang si Sol naman ay chill lang na kumakain ng paborito niyang Piattos. Di bale ng tawaging unggoy wag lang baboy. Dahil ibang usapan na pag ganun.
“Ano bang nangyari?”
Habang abala ang apat ay nakita nilang bumangon si Asher habang hawak hawak ang ulo niya.
“Nakita ka namin sa daan kagabi.” Sagot ni Noah “Kami dapat ang magtanong kung anong nangyari sayo. Ba’t puno ng pasa yang katawan mo at wala kang malay?” Tanong nito at dun lang naalala ni Asher lahat ng nangyari kagabi. Ang pagsabog ng kotse niya, ang pagsulpot nila Chase, ang pagkuryente nito sakanya.
Ang huling narinig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay ay inutusan ni Chase yung isang kasama niya na tapusin ang buhay niya.
Pero ba’t buhay pa ako? Natanong nalang nito sa sarili
Napatingin naman siyang muli sa apat na nasa harap niya. “Sino ba kayo?”
Mabilis namang sumagot ang nag iisang babae sakanila “Ako si Dabria, ang future wife mo hihi.” Naka heart sign pang pakilala nito. Kunot noo namang napatingin si Asher dito.
“Nakakadiri ka talaga kahit kailan.” Iling iling na singit ng nag iisang maitim sakanila. Para itong may lahi ng african pero may itsura naman kahit papano. “Ako si Abe.”
“At kapangyarihan niyang mawala sa dilim. Pft.” Singit naman ng matuturing mong pinaka normal sakanila tignan na agad ring binatukan ni Abe. “May maisingit lang talaga e!”
“Hahahahahahaha ako si Noah, ang Lider nitong mga kupal na ’to.” Pakilala nito.
“Ako naman si Sol.” Pakilala nung nag iisang mataba sakanila na kulot ang buhok. “Pwede mo akong maging kaibigan basta may pagkain ka.” Dugtong nito.
Ang weweirdo ng mga ’to..
Naisip nalang ni Asher.
Ang akala niya ay apat lang silang nandito pero may isa pa pala ang sumulpot na di niya alam kung saan ito galing. “Yo guys, stop kick me, im pain in the body and it hurt so much.” Usal pa nito habang hawak hawak na ang balakang niya. “By the way, I’m Celes–” Di na naman ito natapos sa pagsasalita dahil sumalubong lang sakanya ang sipa ng apat niyang kasama.
Natulala nalang si Asher.
“Mundo pa ba ng mga tao ’to?”
Nang matapos ang apat ay bumalik ito sa harap ni Asher. Sumali narin ang kakatapos lang sipain na si Celes. “Tinatawag kaming Jack of all Trades . Dahil wala kaming amo at lahat ng trabaho ay kaya naming pasukan. Mula sa pagbabantay ng tuta hanggang sa pag dispatsa ng mga tao ay kaya namin basta nasa sakto lang ang bayad mo.” Usal ni Noah. Masyado atang natuon ang pansin ni Asher sa mga mukha ng mga ’to kaya di niya napansin ang mga bumabalot sa mga ito.
Pero ngayon habang tinitignan niya ang lima na nakatingin sakanya, dun lang niya napansin ang kakaiba at malakas na awra na bumabalot sa mga ’to.
Lalo na ang lider nilang si Noah.
Wala man sa itsura nila pero sigurado siyang hindi mga ordinaryong payaso lang ang mga ’to..
-To be continued..
Quick Review muna sa mga bagong grupo:
-ESMINETS-
-Declan -Roro -Remy -Adrias -Poison
-ELCANA MAFIA-
-Chase -Dell -Troy -Fatima -Ashley
-ARDANOS-
-Mabus -Hister -Loron -Jared -Ellyssa
-Jack of all Trades-
-Noah -Dabria -Abe -Sol -Celes
Anong bet mong bagong grupo so far? Hehe
-MajorSin
Chapter 8: Training Level: Hell
Chapter 8: Training Level: Hell
Kisuke Urahara of
Bleach
as Noah of Jack of all Trades
( Hi heheh :)) )
[3rd Person’s PoV]
Alas kwatro palang pero pinili na ni Greco ang bumangon sakanyang higaan. Magiging abala na siya mamaya sa pagsasanay kay Virgel kaya magsasaing nalang muna siya at magluluto ng uulamin.
Kusot mata lang niyang binuksan ang pinto dahil sa sobra pang antok. Mejo napatagal kasi ang pagtulog niya kagabi dahil sa mga iniisip niya. Ngayon lang ulit bumalik sakanya ang mga alaala na yun matapos niyang ituro kila Virgel ang iba’t ibang uri ng Kai User.
Pilit man niyang binabaon sa limot ang pangyayaring yun pero sa tuwing napag uusapan na ang tungkol sa Kai, isang tao lang ang patuloy na bumabalik sa utak niya.
Papunta na sana siya sa kusina nang mapansin niyang bukas ang pintuan sa labas at may taong nakaupo doon. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya di niya makita kung sino ito.
“Sino yan?” Tanong niya at mejo napalingon nang bahagya ang ulo nito sakanya. Di niya parin makita ang mukha, pero ang postura nito, ang buhok, parang pamilyar. “Virgel?” Tanong niya pero imposible naman dahil maiksi at kulay itim ang buhok nito.
“Master..” Mahinang sagot nito pero sapat na para marinig niya. At ang boses na yun, hindi siya pwedeng magkamali. Nakita niyang dahan dahan itong tumayo habang nakatalikod parin at pansin niya ang unti unting paglabas ng awra ng kai at pumalibot agad sa buong katawan nito–kakayahan ng isang physical user. “Nagawa ko..” Wika nito at nakita niyang dahan dahang kumikislap na parang kidlat ang kanang braso nito.
“Hindi..” Nasambit nalang ni Greco sa pagkabigla habang dilat na dilat pa ang mga mata.
Hindi lang kidlat ang nakita niyang elemento na pumapalibot sa taong ’to kundi pati narin ang lumalagablab na apoy sa kaliwang braso nito.
“Itigil mo yan!” Sigaw ni Greco sa sobrang takot. Dahan dahang lumingon sakanya ang lalaki at nakita niya kung pano dumaloy ang dugo sa bibig at ilong nito habang nakangiti sakanya. “Nagawa ko, Master.”
“RIZEEE!!”
(ree-zeh hindi ra-yz) Sigaw niya at sinubukan niya pa sanang tumakbo papalapit sa studyante niya para pigilan ito pero nahuli nalang niya ang sarili na nakatingin sa kisame habang hinihingal.
………..
……………………
Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya
Napatingin siya sa orasan. Kaka alas kwatro palang. Dahan dahan siyang bumangon at napahawak nalang sakanyang sintido at napatakip ng mukha habang inaalala ang panaginip niya.
Maya maya pa ay ramdam mo nalang ang panginginig na balikat niya.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas si Greco sa kwarto niya para magsaing at magluto ng ulam. Pero paglabas niya, nagulat siya nang makita niya si Virgel na nakaupo sa sahig sa sala habang nakatingin sakanya. Agad rin naman siyang nakabawi at umakto na hindi nagulat. “Excited kana ata sa pagsasanay.” Usal niya bago pumuntang kusina at naghilamos.

Gusto ko lang maimagine niyo ang bahay ni Greco kasi baka nakalimutan niyong pang japanese yung bahay niya. Pakitingin nalang ng pic.
“Di lang ako makatulog nang maayos kaya bumangon nalang ako.” Sagot naman nito.
“Pero bago kita isalang sa pagsasanay, may gagawin muna tayo para ma kondisyon yang sarili mo.” Wika ni Greco habang nag aasikaso na sa pagsasaing.
“Anong gagawin?”
“Masyadong magulo ang daloy ng enerhiya sa loob ng katawan mo na epekto ng pagiging stressed at depressed mo.” Sagot niya “Kaya bago kita isasalang sa isang bagay na nangangailangan ng matinding focus, kailangan natin yan alisin lahat sa katawan mo.”
Napayuko naman si Virgel at mukhang siya ay di na niniwalang maaalis pa ’to sa katawan niya. “Pero papano?” Halos walang pag asang tanong niya.
“Ako ang bahala. Kunin mo nalang ang kutchon mo sa kwarto at dalhin mo dito. Magluluto lang ako.” Utos ni Greco kaya tumayo nalang siya at sinunod ito.
“Anong gagawin mo sakin?” Halos mapasiksik na sa dingding si Virgel sa takot nang makita niya ang hawak hawak ni Greco. “Wag mong sabihing itutusok mo sakin yan lahat??” Kabadong tanong niya na ikinatawa naman nang mahina ng matanda.
“Kalma ka lang. Mga acupuncture needles lang ’to.” Wika nito “Dami mo ng napagdaanan na labanan tapos karayom lang matatakot ka?”
“Eh..”
“Higa.” Tawang utos nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang humiga sa kutchon ng nakatalikod. Nakahubad na rin ang pang itaas niyang damit.
“Sinasabi ko, Greco. Mumultuhin kita habang buhay.” Kabado paring usal niya kaya napailing nalang si Greco.
“Mas masakit pa ang kagat ng langgam dito.” Sagot ni Greco habang hinahanap na niya ang mga points sa likuran ni Virgel. Kumuha siya ng isang karayom at nilagay sa may batok nito. “Oh masakit ba?” Tawang tanong niya.
Natahimik naman ng ilang segundo si Virgel at pinakiramdaman ang iba pang mga karayom na bumabaon sa likod niya. “Ang basic naman nito.” Pagmamayabang agad niya kaya mas lalong natawa si Greco.
“Ibaon ko to lahat sa likod mo eh.” Pananakot nito
“Nagbibiro lang to naman.”
Nagpatuloy lang si Greco at mga ilan pang karayom ang itinusok niya. “Isa itong chinese tradition na nakakapag balanse ng enerhiya sa katawan. Sa tulong ng mga karayom na ’to, nabubuksan yung mga points sa katawan na humaharang mismo sa pagdaloy ng enerhiya. Malaking tulong ito para ma kondisyon ang katawan at utak mo.”
Habang nagpapaliwanag si Greco ay papikit rin nang papikit ang mga mata ni Virgel dahil sa sarap ng pakiramdam. Ewan pero sa loob ng ilang buwan ngayon lang ulit na relax ang katawan niya ng ganito. Nakakaantok.
Nang matapos si Greco ay tumayo na siya “Ganyan ka lang muna ng mga 30 minutes. Irelax mo ang sarili mo. Itutuloy ko lang ang pagluluto ko.” Paalam ni Greco at di na nakasagot si Virgel dahil ninanamnam na ng katawan niya ang sarap ng pakiramdam.
Matapos ang trenta minutong acupuncture, nasa labas sa may bakuran na ngayon sina Greco at Virgel. Alas singko na rin ng umaga kaya mejo may liwanag na ang kalangitan.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” Tanong ng matanda.
“Mas mabuti kesa sa nagdaang pitong buwan.” Di makapaniwalang sagot niya habang nakatingin sa mga kamay niya. Di niya akalaing mararamdaman pa ulit niya ang ganito. Yung pakiramdam na sobrang gaan. Nakakapag isip siya nang maayos at pakiramdam niya napaka energetic ng katawan niya ngayon.
“Mabuti. Kung ganun handa ka na bang palakasin ang sarili mo at ma master ang pagiging physical user?” Seryosong tanong ni Greco kaya muling napatingin si Virgel sa mga kamay niya.
“Ayoko ng bumalik sa pagiging mahina.” Mahinang bulong niya “Gusto kong lumakas ng husto. Kaya handa na ako, Grec–” Nang tumingin siya kay Greco ay napahinto nalang siya sa pagsasalita nang makita niyang nakadilat ang mga mata nito na parang gulat na gulat.
“Bakit? May nasabi ba akong mali–” Pati siya ay nagulat nang bigla siyang hinawakan ni Greco sa magkabilang balikat ng sobrang higpit. “Arghh” Nang mapaimpit siya sa sakit ng pagkakahawak nito ay dun lang ito nabalik sa wisyo at agad siyang binitawan.
“Ano bang ginagawa mo?” Takhang tanong niya habang hinimas himas ang balikat niya.
Napaiwas naman ng tingin si Greco at umiling “May naalala lang ako.” Sagot nito tapos ay biglang tumalikod at naglakad.
“Oy san ka pupunta?”
“1000 push up. Babalik ako dito mamaya para icheck ka.” Halos malaglag naman ang panga ni Virgel sa sinabi nito
“Anong 1000?! Nababaliw ka na ba?!” Sigaw niya pero di na sumagot si Greco at tuluyang nang nakapasok sa loob. Napailing nalang siya “Weird ng matandang yun.” Nasabi nalang niya at inumpisahan nalang ang pag pupush up. “1..2..3…4..1000 talaga??” Di parin makapaniwalang sigaw niya
Habang tinitignan ni Greco si Virgel na nagpupush sa labas ay napayuko nalang siya.
“Gusto kong lumakas ng husto.”
Ito ang mga katagang binitawan ng kaisa isang studyante niya dati na pinag walang bahala niya lang. Kaya nung marinig niya ang mga katagang ’to sa bibig ni Virgel ay di niya maiwasang maalala ang studyante niya.
Studyante niyang ginawa ang lahat para lumakas–na mismong nagresulta ng malagim na pangyayari.
Papunta palang sana si Greco sa sala para magpahinga nang mahagip niya ang isang picture frame na nakalagay sa may gilid ng kanilang TV. Saglit niya iyong kinuha at pinagmasdan ang larawan.
Larawan niya ito at ng studyante niya na masayang nakangiti sa harap ng camera. Hinaplos niya ito ng marahan at bumalik na naman ang konsensya niya sa sarili. “Hanggang ngayon di ko parin mapatawad ang sarili ko sa nangyari sayo.” Nasambit nalang nito at napangiti nang mapait “Ganun ka rin, hindi ba, Rize?”
“KASAPI KA NG VIRGO MAFIAA???” Halos malaglag ang panga nila Noah sa sinabi ni Asher. Kasalukuyan silang kumakain ngayon ng almusal.
“Oo nga sabeee. Ang kulit niyo.” Sagot ni Asher habang lamon lamon yung hotdog. “Gutom na gutom ako nyeta.”
“Tirhan mo naman kami!” Singhal naman ni Abe. Kulang na nga ang budget nila ngayong linggo tas may makakasama pa sila ditong patay gutom.
“Magluto ka nga ng sayo! Niluto ko yan lahat para sa asawa ko!” Singit naman ni Dabria na parang nangangain tapos sa isang iglap lang ay naging pabebe itong tumingin kay Asher “Sige kain ka lang nang kain, baby sweetcorn ko. Wag ka mahiya heheh”
“Nahihiya pa ba yan sa lagay na yan?” -Abe
May isa pang natirang itlog at kukunin na sana iyon ni Asher nang may isa pang tinidor ang bumaon rito. Pagtingin niya ay nag aapoy yung mga mata ni Sol “Akin na ’to, taba.” Banta ni Asher habang nag aapoy rin ang mga mata.
May kidlat ng kumukenekta sa mga titig nila na parang anumang oras ay magpapatayan na dahil lang sa tanginang itlog na yan.
Pero bago pa man mangyari yun, muling nagsalita si Noah . “Kung ganun isa ka sa pwedeng makalaban namin.” Dahil dun ay takhang napatingin si Asher kay Noah. At tuluyan na ring nakuha ni Sol ang itlog.
“Kasali kayo sa paligsahan?” Takhang tanong niya. May kinuha naman si Noah sa loob ng damit niya at ipinakita sakanya. Isang invitation card nga ng Vulture Tournament.
Kung ganun tama nga ang pakiramdam niya. Hindi mga ordinaryong nilalang ang mga ’to.
“At alam mo ba kung gano kahalaga sa aming kapos sa pera ang paligsahan na yun?” Pansin ng lahat ang dahan dahang paglakas ng awra na bumabalot kay Noah–bagay na pinagtaka nila. “Sa sobrang halaga nito, lahat ng nakikita kong pwedeng hadlang ay tinatapos ko.” Tinignan naman ni Noah ang isang chopstick sa harap niya at tsaka ito kinuha.
“T-teka..” Bago pa man makareact si Asher ay isang mabilis na atake ang ginawa ni Noah gamit ang chopstick at isang daplis lang sa mukha ang nagawa nito. Pero naramdaman ni Asher ang likidong dumaloy sa pisngi niya.
Paanong..
Bigla naman niyang naalala ang paliwanag ni Greco kagabi.
Isang weapon user? Naitanong nalang niya sa utak niya
“Ano ba, Noah?!” Agad awat ni Dabria.
“Chill guys.” Singit rin ni Celes.
Bago pa magwala si Noah ay binatukan na ito ni Abe na kalmado lang na katabi niya “Hunghang huminahon ka.”
Maya maya pa ay pinili nalang ni Noah na tumigil sa pagkain at lumabas.
Agad namang dinala ni Dabria si Asher sa sala para magamot ang sugat nito.
“Ano bang problema nun?” Di maintindihang tanong ni Asher habang ginagamot siya.
“Pagpasensyahan mo na yun. Basta tungkol sa pera ang usapan nag iiba talaga ang ugali ni Noah.” Sagot naman ni Dabria “Di kami nakapagtapos lahat sa pag aaral kaya binuo niya ang grupo na ’to bilang bayaran ng kahit anong trabaho. Pinasok niya ito dahil sa pangarap niyang yumaman balang araw. Mahirap lang ang buhay ni Noah noon kaya ganito nalang siya ka pursigido ngayon.” Napangiti naman siya nang bahagya nung maalala niya kung gano katuwa si Noah nung malaman nilang imbitado sila sa naturang paligsahan. “Alam kong mga malalakas ang makakaharap namin sa paligsahan pero kailangan naming makuha ang premyo. Kailangan naming manalo.” Dugtong pa niya.
“Alam kong malakas rin ang kupunan niyo, lalo na siya.” Pagtuutkoy ni Asher kay Noah. “Isa siyang weapon user , hindi ba?” Mejo nagulat naman si Dabria sa narinig niya
“May alam ka sa Kai?”
“Kagabi ko lang nalaman ang tungkol jan.”
“Oo. Pati ako at si Celes ay weapon user rin. Sila Sol at Abe naman ay mga physical user.”
Kai User pala silang lahat.
“Ikaw? Anong klaseng user ka?” Tanong naman ni Dabria kaya natawa siya nang bahagya
“Wala. Hindi ko alam. Wala akong talento sa ganyan.” Sagot niya at mejo nakaramdam siya ng hiya dun. Napapalibutan siya ng mga malalakas na nilalang ngayon habang siya ito, walang kakayahan.
“Eh pano ka ba lumaban?”
“Gumagamit ako katana o spada dahil assassin ako. Kunai rin pero hindi ako tulad niyong kayang palakasin ang atake kahit chopstick lang ang gamit.” Bigla na naman niyang naalala kung pano siya nabato sa ginawang atake ni Noah. Nakakamangha. Kahit chopstick lang ay nasugatan parin ang pisngi niya. Kung sa gitna pa yun inatake ni Noah malamang bumaon na yun sa mukha niya.
“Kung ganun pwede kang maging weapon user. Ang tangi mo nalang gagawin ay magsanay sa pag gamit ng Kai.” Ngiting sagot ni Dabria “Kakausapin ko si Noah mamaya kung pwede ka ba niyang tulungan heheh.”
Halos matawa naman si Asher sa sinabi nito. “Sabihin mo nga, kaya mo bang tulungang lumakas ang isang tao na pwedeng maging isa sa mga hadlang sa pangarap mo? Muntik na nga niya akong patayin kanina.”
“Eeehh edi ako nalang ang magtuturo sayo heheh” Wika ni Dabria at napatingin nalang sa taas at napaisip habang hawak hawak pa ang baba niya “Hmmn pero mas okay sana kung si Noah talaga ang magtuturo kasi siya ang pinaka magaling sa amin hmmm.”
Napangiti naman si Asher habang pinagmamasdan si Dabria. Cute pala ito pag hindi niya pinipilit. Yung natural na aksyon lang. Hindi yung nagpapa pabebe siya. “Maraming salamat sa pag gamot dito, Dabria.” Usal nalang niya at tsaka tumayo. Agad namang namula ang pisngi ni Dabria dahil tinawag siya sa pangalan niya. “Pwede ba akong maligo? Kailangan ko ng umuwi. Malamang hinahanap na nila ako ngayon.” Tanong ni Asher.
Tumango naman si Dabria “Diretso ka lang jan sa kanan h-heheh.”
“Sige salamat.” Aalis na sana si Asher ng sumingit pa ito
“Gusto mo samahan kita?”
“Ha?”
“Walang maghihilod ng likod mo.”
Natawa naman siya sa sinabi nito. “Si Lastikman ’to. Kaya ko pahabain ang kamay ko.”
“Wala ka ng ibang kayang pahabain?” Bulong ni Dabria pero narinig ata yun ni Asher
“Ano?” Kunot noong ngisi nito.
“W-wala! Sige na heheh m-maligo kana.” Tarantang sagot nito at tsaka dali daling tumakbo. Iling nalang siyang napatawa.
Mag aalas siete na ng umaga nung icheck ni Greco si Virgel, at pagpunta niya, para itong pinahirapan ng limang araw. Nanginginig ang dalawang braso sa sobrang pagod habang punong puno ng pawis ang damit. “Ilan na yan?” Tanong ni Greco.
“732..” Hingal na sagot nito. Sobrang naghahabol ito ng hininga. “Di ko na kaya.” Sa loob ng pitong buwan ngayon lang ulit siya nag push ng ganito karami. At kumpara sa katawan niya noon, mas humina ito ngayon dahil sa pangangayayat niya. Kung di pa dahil sa acupuncture na yun ay baka di na siya nakaabot ng 500.
“May 268 pa. Kaya mo yan.” Sagot lang ng matanda. “Pagkatapos mo jan may ipapagawa pa ako sayo. Mahaba pa ang araw, Virgel. Malayo pa tayo.” Napamura nalang si Virgel sa isip niya.
Gusto sanang magreklamo ni Virgel pero inunahan na siya ni Greco “Sinabi mo na kaninang handa kana, hindi ba? Patunayan mo sakin. Hindi ka ganito kahina, wag mong isiping hindi mo kaya. Pilitin mo. Lampasan mo ang limitasyon mo.” Lumapit siya kay Virgel at umupo sa damuhan. “Umpisa palang ’to. Sa mga susunod na araw mas magiging impyerno pa ang buhay mo.”
Kahit halos wala ng lakas ay pinilit parin ni Virgel na ipagpatuloy ang pag pupush up. Kahit mabagal ay tuloy tuloy lang ito at kitang kita ni Greco na determinado nga ang batang ’to na lumakas pa.
“Pag physical user ka, dapat mong i enhance ng husto ang pisikal na pangangatawan mo. Dahil dun nanggagaling ang pwersa na pinakapawala natin.” Napahinto saglit si Greco at napayuko “Matuturing mo man na pinaka common sa lahat ang Physical User, nakakatakot parin tayo pag na master natin ng husto ang kakayahan na’to.”
Walang narinig na salita si Greco, tinuon talaga ni Virgel ang pansin niya sa ginagawa niya. Focus na focus siya kahit sobrang pagod na. “Sabihin mo pag nasa 900 kana.” Usal ni Greco at tsaka pinili na ang manahimik
**
Makalipas ang 35 minutes na paghihintay, narinig ni Greco ang pagbibilang ni Virgel at tumungtong na ito sa 890. Kaya naman tinawag na niya si Mina “Mina! Halika.” Tawag niya kaya dali daling lumapit ang bunso niya.
“Bakit po?”
“Tignan mo ang ginagawa ni Kuya Virgel mo.” Ngiting sagot ni Greco. Napatingin naman si Mina “Gusto mo ba sumakay sa likod niya?” Lumawak agad ang ngisi ng bata “Talaga?! Sakay akooo hehehe tabayo
(kabayo)
ko siya.“
Halos ugat ugat naman ang noo ni Virgel sa narinig niya. Sobrang hirap na nga siya tapos dadagdagan pa ng matandang ’to ang bigat?? Di niya rin magawang magreklamo kasi mukhang excited rin yung bata.
Tumingin lang sa mga mata si Virgel kay Greco para sabihing wag niyang ituloy pero nung pagtungtong niya ng 900, kinarga na nito si Mina at pinasakay sakanya.
Sobrang nanginginig na ang mga kamay niya at pulang pula na ang mukha sa sobrang pagod at bigat ng katawan. Isama mo pa yung kumukulo na niyang tiyan sa gutom. Parang ano mang oras ay mahihimatay na siya. “Yeeeeey! Heehaaaaah~” Tuwang sigaw pa ni Mina habang nag aasta na cowgirl “Oh ayan, jan ka muna ah? Babalik ako maya maya. Mag enjoy ka lang kasama ang kuya Virgel mo.” Paalam ni Greco
“Heheh opooo. Yaaaah~” Sagot nito. Tumingin naman si Greco kay Virgel na mukhang pabagsak na talaga. “Kayanin mo.” Tanging bilin lang nito bago bumalik sa loob ng bahay.
903…
Biglang nagising si Virgel nang maramdaman niya ang pagbuhos ng tubig sa mukha niya.
Pagdilat niya, si Greco ang tumambad sakanya habang may hawak ng balde “Gising na.” Wika nito.
Dahan dahan namang bumangon si Virgel. Napadaing nalang siya sa sakit ng braso nung itinukod niya ang siko niya. “Nakatulog ako?”
“Hinimatay kamo.” Sagot ni Greco “Wala kana sa wisyo kanina habang nag pupush up. Lumagpas kana sa pagbibilang at mukhang di na alam ng utak mo kung anong ginagawa ng katawan mo.”
“Lumagpas?” Takhang tanong niya. Wala nga siyang matandaang nakaabot siya ng isang libo sa pagbibilang tapos lumagpas pa?
“1028 ang total na push up ang nagawa mo.” Inabot ni Greco ang kamay niya para tulungan siyang makatayo. Sobrang sakit ng braso niya. Parang di niya ito kayang gamitin. “Alas dose na. Kumain kana sa loob. Mamayang alas dos uumpisahan natin ang pangalawa mong pagsasanay.”
“Anong pagsasanay yan? Di na kaya ng braso kong kumilos. Baka pwede bukas nalan-”
“Wag kang mag alala, konting pwersa lang ang magagmit ng braso mo mamaya. Dahil magtutuon naman tayo sa hita at mga paa mo.”
“Hindi talaga umuwi? “ Tanong ni Ish. Tumango naman si Elsa bilang pagsagot. “Asan naman kaya nagpunta yun.” Dugtong niya.
“Na contact ko si Elrien kanina. Ang sabi nakausap pa daw niya ito kagabi at sinabi nitong papunta na siya sa mansyon ng Fuego. Pero hanggang ngayon walang Asher ang tumambad sakanila. Ni hindi rin nila ito makontak.” Usal ni Elsa at nakakaramdam na naman siya ng pag aalala.
“Hindi maganda ’to.” Nasabi nalang ni Ish. Nakita naman nilang tumayo si Hell at naglakad palabas ng pinto. “San ka pupunta, Hell?”
“Hahanapin ko ang kupal na yun.” Diretsong sagot nito “Sakit sa ulo.” Pahabol pa nito bago tuluyang nakalabas ng pinto. Napailing nalang ang dalawa.
Maya maya pa ay bumukas ulit ang pintuan at niluwa doon si Lily. “Ayos lang ba si Kael dun?” Tanong agad ni Ish. Nasa iisang ospital lang sina Ish at Kael naka confined. Pero nasa second floor ang room ni Kael habang sakanya nama’y nasa ikatlong palapag. Kakapunta lang ni Lily doon kaya ito tinatanong ni Ish.
“Ganun parin, kuya. Matamlay at ngayon ay natutulog na naman.” Matamlay na sagot ni Lily. Agad namang nakaramdam ng pagsisisi si Ish sa sarili dahil sa pagkakataong nasayang niya.
“Kung may lakas lang sana ako para itakas si Frank.” Bulong nito at mukhang narinig ito ni Elsa. “Sinong Frank?” Tanong nito.
Napabuntong hininga naman siya bago sumagot “Bago tong nangyari sakin, may naresearch ako tungkol sa kakayahan ni Kael.” Umpisa niya at tsaka kinwento lahat ng nalalaman niya hanggang sa puntong pumunta siya sa bahay ni Frank at nagkasalubong ang landas nila ng mga Martin na siya mismong naging dahilan ng mga pasa niya.
Natahimik naman ang dalawa matapos nilang marinig ang kwento. “Alam kong kasalanan ko dahil masyado akong mahina para ma protektahan ang solusyon sana para magamot si Kael.” Yukong dugtong ni Ish na tila sobrang down na sa sarili.
“Hindi mo kasalanan, kuya. Lima silang nakaharap mo. Kahit anong gawin mo dehado ka parin sa bilang.” Agad tanggol ni Lily.
“Pero ang tanong e anong pinaplano ni Marcelo bakit niya dinukot ang doktor na yun?” Isip isip ni Elsa
“Sigurado akong may masamang binabalak na naman ang hayop na yun.” Seryosong sagot ni Ish.
Imbes na umuwi na sana, heto ngayon si Asher kaharap ang lider ng Jack of all Trades ng tanghaling tapat. “Hindi nga ako interesadong matuto sa kai na yan. Ba’t ba ayaw niyo nalang akong pauwiin?” Bagot na tanong niya sa mga ito.
“At hindi rin ako interesadong turuan ka.” Sagot agad ni Noah. “Pero hindi libre ang ginawa naming pagtulong sayo.”
“Namaan. Kala ko naman sincere yung pagtulong niyo sakin tsk tsk tsk.” Kunwaring dismayadong sagot ni Asher. Ngumisi naman si Noah.
“Hinihingi kong bayad ay isang duelo.” Sumeryoso naman agad ang mukha ni Asher sa narinig niya . “Simple lang naman ang patakaran. Kailangan mo lang akong masugatan. At pag nagawa mo yun, tsaka ka namin paaalisin.” Dugtong pa nito.
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?” Mejo umiinit na ang ulo ni Asher sa trip ng taong ’to.
“Hindi, at alam ko ang ginagawa ko. Pwede ka namin maging bihag kung gusto namin kapag di mo ko kayang sugatan. Myembro ka ng Mafia kaya malaking halaga ang ippyansa namin sayo.”
“Lahat para sa pera.” Halos matawang ganti ni Asher bago tumango tango “Sige, pagbibigyan kita.” At tsaka ngumisi kay Noah “Yung gustong gusto ko sa lahat ay yung minamaliit ako.”
May hinagis naman na spada si Noah sakanya kaya sinalo niya ito. “Narinig kong assassin ka kaya bagay na bagay sayo ang sandata na yan.”
“At anong sandata naman ang gagamitin mo?” Tanong niya kaya agad nilabas ni Noah ang isang drum stick “Ito.”
Dahil dun ay mejo napikon siya dahil minamaliit talaga siya ng taong ’to. “Sapat na ’to para isangga sa lahat ng mga atake mo.”
Bigla namang natahimik ang mga nasa gilid na sina Dabria habang seryosong nagtitigan ang dalawa na anumang oras ay uumpisahan na nila ang paglalaban.
Ilang segundo lang ay sabay na tumakbo at lumapit ang dalawa habang nakabwelo na sa mga sandata nila
“Arrrggghhhh!”
“Arrrggghhhh!!”
2PM
“Anong gagawin natin dito?” Tanong ni Virgel habang nakatingin sa tatlong malalaking water barrel sa harap nila. “Bubuhatin ko ba ’to? Akala ko ba hindi na ako gagamit masyado ng pwersa sa kamay ko?” Agad niyang reklamo. Di sapat ang ilang oras lang na pahinga para maka recover ang katawan niya sa pagod. Hanggang ngayon ay ang masakit paring igalaw ang mga braso niya.
“Dun sa kabilang bakuran ay may balon. Gusto kong mag igib ka at punuin mo ang tatlong barrel na yan gamit ito.” Napatingin naman si Virgel sa gilid ni Greco. May isang kahoy doon na may dalawang balde sa magkabilang dulo. Parang pang sinaunang pang igib ng tubig. (Pakitingin sa baba para maimagine niyo.)

“Sige.” Wika ni Virgel at akma na sanang kukunin ang kahoy pero di pa pala natatapos dun ang pahirap. May nilabas si Greco na mga weights “Kailangan mo ’to”
Napapikit nalang si Virgel. Akala niya magiging madali lang ’to.
Nilagay ni Greco ang tig 20kg na weights sa magkabilang paa niya. “Ang bibigat naman nito!” Reklamo agad niya dahil tangina, kailangan niya pa ng pwersa sa paa para lang makahakbang.
“Kada reklamo dadagdagan ko yan ng isa pa.” Banta agad ni Greco kaya inis nalang siyang tumahimik. Grabeng pahirap. Parang nag uumpisa na siyang magsisi sa decisyon niya.
“Paglalamayan na ako nito bukas.” Nasabi nalang niya habang kinukuha ang kahoy at nilagay sa likod ng balikat niya.
“At isa pa pala..”
Napatingin nalang sa langit si Virgel sa narinig niya. “Ano na naman? Di pa ba sapat ’to?”
“Dapat naka yuko yang mga tuhod mo habang naglalakad.”
“Barilin mo nalang ako sa ulo, Greco.” Natawa nalang ang matanda sa sinabi ni Virgel. Normal lang ang magreklamo ng ganito pero walang mangyayari kung di niya idadaan sa matinding training ang batang ’to.
“Umpisahan mo na.” Sagot lang nito kaya inumpisahan na ni Virgel ang paglalakad na nakabend ang tuhod. Isama mo pa ang mabibigat na weights sa mag paa niya.
Nakakailang hakbang palang siya pero nangawit na agad ang mga paa niya. Sinubukan niyang ituwid ang tuhod niya pero isang stick nalang ang biglang humampas dito. “Tang!” Nakasunod pala si Greco sakanya sa likod. “Bawal ituwid ang tuhod.”
Akala niya brutal na mag training si Ginger dati. Pero wala lang pala ito sa kalingkingan ng matandang ’to. Kulang nalang maglakad siya sa nagbabagang mga uling para mas maging brutal pa ’tong ginagawa niya.
“rrrrgghhhhhh” Pero walang mangyayari kung puro lang siya reklamo. Kailangan niyang kumilos. Kung ito lang ang tanging paraan para lumakas pa ng husto, itataya na niya ang buhay niya dito.
Bahala na si Batman
6PM
Tahimik lamang dito sa parking lot ng isang ospital. Sa loob naman ng isang kotse ay may limang nilalang ang nag umpisa ng magplano.
“Kung maaari ay wag na tayong gumawa ng eksena. Pero pag nagka aberya, idamay na ang dapat idamay.” Seryosong saad ng nasa driver’s seat.
“Kailangan nating makuha si Kael kahit na anong mangyari.”
-To be continued..
-MajorSin
Chapter 9: Capturing the key
Chapter 9: Capturing the key
[3rd Person’s PoV]
[Flashback]
Halos lagpas trenta ng mga tauhan ang nakapalibot sa mga batang assassin ni Vlad ngayon. Nasa loob lang silang lahat sa malaking silid habang sina Vlad at Samuel Forest na Boss ng ka alyansa nilang Elcana ay nasa ikalawang palapag para mag obserba. Susubukan ni Vlad ngayon ang kakayahan ng mga batang sinanay niya kabilang na ang anak niya. Dito niya malalaman kung may mga naging improvements ba ang mga ito sa loob ng isang taon.
“Masyado naman atang marami tong ipapaharap sa atin ni Boss.” Komento ni Elfred habang mejo kinakabahan pa.
“Pft. Takot ka?” Birong tanong ni Asher na nakangisi lang. Chill lang ito katulad ng katabi niyang si Argo. Sina Sebastian naman at Felix ay kahit tahimik, ramdam mong di rin sila mapakali. Halata parin ang kaba. May hawak na mga katana ang bawat tauhan kaya isang pagkakamali lang ay pwede na nilang ikalagay sa peligro.
“Relax lang. Kaya natin ’to.” Pagpapa lakas ng loob ni Argo kaya bahagyang napangiti ang apat.
isang wooden stick lang ang mga dala nilang sandata. Bawal nilang tapusin ang mga ito dahil tauhan rin ito ni Vlad.
Nakapalibot ang mga ito sa kanila at ano mang oras ay susugod na sila.
…
……
……………
At nung eksaktong pagtunog ng busina sa loob ng silid ay siya ring pagsugod ng sabay sabay ng mga tauhan. “RAAAAGGGHHHHHH!!”
Agad nagkalat sina Asher para harapin ang mga ito.
May sumugod na isang tauhan sa harap ni Argo kaya pagbwelo nito, agaran siyang yumuko at pinunterya ang sikmura nito. “Arrrghhh!” Napayuko ang tauhan na yun sa sakit kaya agad tinaas ni Argo ang hawak niya at hinampas ang batok nito.
Bulagta
Sunod naman ang dalawang tauhan na papalapit sakanya. Sinubukan niyang isangga ang hawak niya sa atake nung isa pero nahiwa lang ito. At dahil nahati ito, dalawang stick na ang hawak niya.
Masamang ideya kung sasanggain mo ang mga atake nila.
Nung muli itong umatake ay iniwasan nalang niya ito at binigyan ng counter sa sikmura tapos ay pinaghahampas niya nang mabilis ang buong katawan nito at huling atake sa batok para mawalan ulit ng malay.
Habang yung isa naman ay padalos dalos rin ang pag atake. Todo iwas lang si Argo habang nag iisip ng counter. At nung makita niya itong umatake sa kanan ay umikot siya nang mabilis at pinunterya ang mukha nito gamit ang siko niya. Napudpud pa ang ngipin nito bago bumulagta.
“Magaling talaga ang anak mo, Vlad. Napaka talentadong bata.” Puri ni Samuel. Di naman sumagot si Vlad dahil bukod sa anak niya, may apat pa siyang pinagtutuunan ng pansin. Pansin niyang di pulido ang kilos nina Elfred, Seb at Felix. Oo nakakatumba ito ng mga tauhan pero may mga mintis silang nagagawa na pwedeng maging butas para matalo sila. Si Elfred masyadong alerto, para na siyang nagpapanic kung titignan mo. Si Seb naman ay kahit mabilis, di ito nagtutuon sa isang kalaban. Bibigyan niya ng atake ang isa at tsaka susunod naman dun sa isa kahit di pa natutumba yung unang inatake niya. Di tulad kay Argo na 1 enemy at a time. Si Felix naman parang takot parin makasakit. Mas marami pang iwas ang nagagawa niya kesa sa mga atake niya. Kahit may mga pagkakataong nakikitaan niya ng butas ang kalaban, pinipili niya parin ang umiwas. Ito ang mga dapat pang i improve nilang tatlo.
“Pero bilib din ako sa isa na yan. May talento rin tulad ni Argo.” Usal ni Samuel habang nakatingin sa nakangisi lang na si Asher habang isa isang pinapatulog ang mga nakakaharap niya. Mukha man siyang hindi seryoso pero sa oras na umaatake ito ay talagang napapanganga ang kalaban sa sakit. Pati si Vlad ay namamangha rin talaga kay Asher. Bihira lang ang ganitong klase ng tao na kayang makipaglaban ng seryoso at pabiro ng sabay.
Natapos lamang ang paglalaban sa loob ng pitong minuto. Lahat ng tauhan ni Vlad ay bagsak. Sina Seb, Elfred at Felix naman ay nakaupo sa sahig dahil sa pagod. Habang sina Asher at Argo ay nakatayo parin. Nakangisi lang si Asher habang nagyayabang at nag fflex ng muscle niya habang si Argo ay nakikitawa lang sa mga ito.
“Iba talaga kayo.” Puri ni Felix habang hinihingal kakaiwas kanina.
“Halos kasing galing mo na si Argo.” Pagtuturo ni Elfred kay Asher. Sa lahat ng mga naging training nila. Silang dalawa talaga ang laging nag i standout.
“Sigurado akong walang kayang tumalo sainyo pag lumakas pa kayo.” Puri rin ni Sebastian habang natatawa.
“Naman!” Ngising sagot ni Asher habang nagfflex ulit ng muscle niya kahit hindi naman matigas.
[End of Fla
shback]
“Sinong niloloko niyo?” Sobrang pait ng pagkakabulong ni Asher sa sarili habang inaalala ang pangyayari na yun dati. Nasa labas ito ngayon ng apartment nila Noah habang nag iisa. Gabi na at heto siya ngayon sa may puno, nakaupo, nakatingin sa kamay niya. Hanggang ngayon hindi niya parin matanggap ang nangyari kanina.
“Walang kayang tumalo ha.” Muling sabi nito. Di niya matanggap kung pano lang siya nabastos sa labanan nila Noah kanina. Hindi pa niya naranasan na nagmukhang lampa sa isang labanan. Masakit sa ego niya ang nangyari. Parang na kwestyon niya ang lakas niya dahil sa pagkatalo na yun.
Ni hindi man lang niya nagalusan ng kahit konti si Noah. Wala siyang kalaban laban kanina. Oo tinalo na siya nina Jill at Quincy dati pero at least yun may nagawa siya. Napuruhan niya kahit papano ang mga kalaban na yun.
Pero ito…
Kahit isang daplis lang wala, at isang drumstick lang ang hawak ng kalaban.
“Napag iwanan na ba ako ng panahon?” Bulong nito sa sarili.
Habang nagdadamdam ito ay panay naman ang silip sina Dabria, Sol, Abe at Celes sa may pintuan. Wala ni isang ang gustong lumapit kay Asher.
“Mag iisang oras na siya jan.” Usal ni Abe.
“Mukhang di niya natanggap ang pagkatalo niya kanina.” Singit naman ni Sol.
“Me is agree, man” -Celes.
“Ano ba kasing nakain mo at inaya mo pang makipaglaban yung tao, Noah?” Lumingon si Dabria kay Noah na nakaupo lang sa sala habang nag tsa-tsaa.
“Naghahanap buhay lang ako.” Diretsong sagot nito.
“Ano?”
“Tulad nga ng sinabi ko kanina, pwede natin siyang gawing bihag at lakihan ang pyansa para sa buhay niya. Pero di naman matutuloy yung balak ko kung kaya niya lang akong galusan. Ang dali lang ng gusto ko.” Nagkibit balikat pa ito. “Kaso hindi niya kaya, at di ko na kasalanan yun.”
Nangunot nalang ang noo ni Dabria sa pinagsasabi nito. “Legal tayong nagtatrabaho, Noah. Ano ba ’tong trip mo? Ba’t bigla nalang tayong magiging kidnap for ransom na grupo?”
“Pagkakataon na natin ’to na yumaman. Siguro hulog siya ng langit sa atin kaya natin siya nakita kagabi. Siya ang susi para yuma–”
Natigil si Noah sa pagsasalita nung biglang nakalapit si Dabria sakanya at kinwelyuhan siya. “Naririnig mo ba ang sarili mo?” Inis na tanong nito.
“Oo, at alam kong naiintindihan mo ako.” Blankong expresyon na sagot niya
“Hindi.” Sagot agad ni Dabria. “Hindi na kita maintindihan.”
Natawa naman ng mapang asar si Noah. “Bakit? Anong pinakain sayo ng lalaki na yun para magulo yang utak mo?” Agad niyang tinabig ang kamay ni Dabria. Sina Abe naman ay napatingin na sakanila. “Parang kahapon lang pareho pa tayo ng nasa isip. Pera .” Binigyan niya talaga ng diin yung pagkakasabi ng pera para magising si Dabria.
“Puro pera nalang ba ang bukangbibig ng grupong ’to?”
“Pera ang nagpapaikot ng mundo at ng buhay ng tao. Kung wala kang gagawin para sa pera, walang mangyayari sayo. Praktikalan na sa panahon ngayon, Dab.” Ngising sagot ni Noah kaya inis nalang na napailing si Dabria at nag walk out.
“Totoo ngang natatabunan ng pag ibig ang mga pangarap mo.” Bulong ni Noah. Parang kahapon lang sabay pa silang nangangarap tapos dahil lang kay Asher ay kumukontra na ito sakanya ngayon
6:00pm
Tahimik lamang dito sa parking lot ng isang ospital. Sa loob naman ng isang kotse ay may limang nilalang ang nag umpisa ng magplano.
“Kung maaari ay wag na tayong gumawa ng eksena. Pero pag nagka aberya, idamay na ang dapat idamay.” Seryosong saad ng nasa driver’s seat.
“Kailangan nating makuha si Kael kahit na anong mangyari.”
Mas aalas siete na ng gabi, nandito lang si Virgel sa bakuran habang nakaupo. Di na niya kayang tumayo. Kakatapos lang niyang punuin ang tatlong barrel na yun. Inabot talaga siya ng halos limang oras.
Tinignan niya ang mga hita niyang nanginginig parin sa sobrang pagod. Pati ang braso niya ay sobrang sakit parin igalaw. Nakasandal lang siya sa gilid habang iniinda lahat ng sakit sa katawan. “Asar.”

Ganyan yung itsura ng bakuran sa bahay ni Greco. Yung parang may mauupuan ka na sahig. Imaginin niyo nalang hahhaa
“Suko kana ba?” Narinig niya ang boses ni Ginger at nakita niya itong lumapit at umupo sa tabi niya.
“Unang araw palang para na akong mamamatay. Pano pa kaya sa mga susunod na araw.” Sambit ni Virgel
“Alam ni papa ang ginagawa niya. Hindi niya yan pinagawa sayo dahil trip niya lang. Magbubunga rin lahat ng pagtitiis mo.” Sagot naman ni Ginger at tumawa nang bahagya “Ako nga dati gusto kong matrain ng ganyan e. Kaso ayaw ni papa. Masyado pa daw akong bata. Baka daw di ko kayanin yung training.”
Kunot noo namang napatingin si Virgel sakanya. “Nakita mo na ’tong pagsasanay na ’to dati?”
“Oo. Meron siyang studyante dati. Si kuya Rize. Kaedad mo lang ata siya nun.” Mula sa pagtawa ay bigla nalang siyang napangiti nang mapait. “Ang bata ko pa nun pero naaalala ko parin kung gano siya kakulit.”
At mukhang napansin yun ni Virgel kaya na curious siya sa taong sinasabi nito. “Anong nangyari?”
Nakita niyang napabuntong hininga ito at parang di kayang sumagot. Mejo nagtutubig pa yung mga mata nito. Tatanungin pa sana niya ulit ito pero nakita niya si Greco na sumulpot. “Ginger, maghanda kana sa lamesa. Kakain na tayo mamaya.” Utos nito kaya agad tumayo si Ginger at nagpunas pa sa mga mata niya. “Opo.” Sagot nito bago umalis.
Ngayon ay sina Greco at Virgel naman ang naiwan. “Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Sobrang okay.” Sarkastikong sagot ni Virgel kaya natawa nalang siya.
“Mas magiging okay ka pa bukas wag kang mag alala.” Ganti rin ng matanda. Napailing nalang si Virgel. Umupo ito sa tabi niya at dun siya nakahanap ng tsempo.
“Sino si Rize?” Kahit hindi siya nakatingin, pansin niya ang pagkabato ni Greco sa kinauupuan nito. “Anong nangyari sakanya?” Sa pagkakataong ito ay tinignan na niya ang matanda “Siya ba ang dahilan ng pag iyak mo kaninang umaga?” Tanong pa niya na mas lalong ikinagulat ni Greco.
“Oo narinig ko.” Inunahan na agad niya ito. Di na nakailag si Greco dun at mukhang wala na siyang choice pa kundi ang sagutin lahat ng katanungin nito.
“Si Rize ang kauna unahan kong naging studyante na isang Kai User.” Umpisa niya at tsaka napatingin nalang sa kawalan. “Isa siyang physical user katulad natin. Makulit, may respeto, at higit sa lahat masipag na bata. Lumapit siya sakin para daw turuan ko siya kung pano gamitin ng tama ang Kai. Pumayag ako. Sinanay ko siya. Itong mga ginawa natin buong araw ay napag daanan na niya, at wala akong narinig ni isang reklamo sa bibig niya.” Napakunot naman ang noo ni Virgel
“Nagpaparinig ka ata.” Natawa lang si Greco bago nagpatuloy.
“Napaka sipag niya pagdating sa pagsasanay. Determinado siyang lumakas talaga, at tulad ng ginawa ko kagabi, bago kami nagsimula ay pinaliwanag ko rin sakanya ang mga iba’t ibang uri ng mga Kai User. Maayos naman yung pagkakasabi kong bawal ipilit ang katawan na maging Extreme User sa kung anong klaseng user kana.” At dun, nag umpisa nang malugmok ang boses at mukha ni Greco. “Nagkaintindihan naman kami nung gabing yun. Kaya di ko alam kung bakit niya parin ginawa.”
“Bakit? Pinilit niya?”
“Inaral niya ng mag isa ang paraan sa pagpapalabas ng elemento sa katawan gamit ang Kai. Ni wala akong kaalam alam na sa tuwing gabi pagkatapos ng ensayo ay nagsasanay itong mag isa sakanila para maging element user rin.” Napayuko nalang ang matanda dahil bumabalik na naman yung sakit. “Sa madaling salita gusto niyang maging Extreme User. Gusto niyang lumakas ng husto.”
“Master! May ipapakita ako sayo. Siguradong magugulat ka hahahaha”
“Tignan mo Master! Nagawa ko! Nakaya ko!”
“Isa na akong extreme user master!”
“M-master..anong nangyayari?”
“T-tulong…Master..”
“Master…”
Biglang naalala ni Greco ang mga huling sandali na nakasama niya ang bata. Sobrang excited pa nito at kitang kita sa mukha nito ang saya.
Napansin ni Virgel na biglang natulala si Greco at nagtutubig ang mga mata. Nakatitig ito sa kawalan habang nagsasalita “Sa harap ko mismo siya binawian ng buhay, at wala akong nagawa para isalba siya. Pinagmasdan ko lang siyang dumadanak ang dugo sa ilong at bibig niya. Nakatitig lang ako sakanya habang nagmamakaawa siya. ‘Master..hindi ako makahinga.’
‘Master, tulungan mo ako..’ ’Master–Mas.. “ Natigil sa pagsasalita si Greco nang may tumapik sa balikat niya. Di niya namalayan ang sariling panay agos na pala ang mga luha habang nagsasalita siya.
Tumingin siya kay Virgel “Hindi mo kasalanan ang nangyari sakanya.” Usal nito kaya mas lalong nadurog ang puso niya dahil sa pagsisisi. “Ginusto niya yun. Di ka nagkulang ng paaala.” Dun lang nag sink in sa utak ni Virgel yung nangyari kanina. Kaya pala parang natulala si Greco nung sinabi niyang gusto niyang lumakas ng husto. Bigla lang pala nitong naalala ang sinapit ng studyante niya dating gusto ring lumakas.
“Wag kang mag alala, sa pagkakataong ’to hindi kana mabibigo. Inaalala ko lahat ng mga sinasabi mo sakin.”
“Dapat lang.” Tumawa nalang ang matanda kahit umiiyak “Dahil pag naulit lang ang nangyari baka hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“Pangako yan.” Sagot ni Virgel habang tinatapik ang balikat nito. “Ang pangit mo pala umiyak.” Biro nalang niya at muling natawa ang matanda.
“Pangit pala ha. Wala kang pahinga bukas.” Tawang ganti nito na ikinatawa rin ng mahina ni Virgel.
“Hahahaa”
7:00pm
“Nilibot ko na yung buong lungsod. Di ko siya mahanap.” Naka de kwatrong upo ni Hell habang nakahalukipkip sa gilid.
“Ipaalam na ba natin kay Boss ang nangyari kay Asher?” Tanong ni Elsa. Gumabi nalang pero wala parin silang natatanggap na tawag o kahit text mula kay Asher. Kinakabahan na silang lahat dito.
“Wag muna. Masyado pang magulo ang utak ni Boss ngayon. Wag na muna nating dagdagan.” Sagot ni Ish. “Malakas ang kutob kong maayos lang yun.”
Bigla namang nag ring ang cellphone ni Lily kaya tinignan niya ito saglit. Isang unknown number.
“Si Asher ba yan?” -Ish.
“Hindi. Unknown number.”
“Akin na.” Inabot ni Lily ang cp kay Ish at tsaka nito sinagot.
[Si Asher to..]
“Hoy gago san ka ba nagtatago?! Alalang alala na kami dito!” Agad bulyaw ni Ish sa inis. “Kung may pupuntahan ka matuto ka namang magpaalam hindi yung ganyan na bigla nalang tatawag na parang walang nangyari.” Gusto pa sanang tumalak ni Ish pero rinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
“Maayos lang ako. Wag na kayong mag alala. Di na muna ako makakauwi.” Ang tono ng boses nito, sobrang tamlay–bagay na pinagtataka niya. Hindi naman ’to ganito.
“Ano bang nangyari–hoy! Gago binabaan ako.” Iling nalang na binalik ni Ish ang cellphone.
“Anong sabi niya? Ayos lang ba siya?” Agad tanong ni Elsa
“Oo. Wag na daw tayong mag alala.” Sagot ni Ish “ Pero parang ang tamlay niya.“
“At least alam nating maayos lang siya.” Singit ni Lily. Saglit naman siyang napatingin sa orasan. “Hala, 7pm na pala. Iccheck ko muna si Kael sa taas. Walang nagbabantay sakanya dun.” Paalam ni Lily bago kinuha ang bag niyang malaki.
“Ano bang laman niyang bag mo? Anlaki.” Kunot noong tanong ni Hell. Ngisi namang sumagot ang bata “Mga alaga ko heheh.” bago lumabas sa silid.
Nakadutdot lang ng cellphone si Lily habang papunta na sa silid ni Kael nang may makabangga siya sa balikat. “Ay sorry po” Paumanhin niya at tsaka ito tinignan. Naka pang doctor ito ng suot. May tulak tulak itong wheelchair na may pasyente na naka mask.
“Pasensya na.” Paumanhin rin ng doctor kaya ngumiti si Lily bago nagpatuloy sa paglalakad. Mejo pamilyar sakanya yung mukha pero di niya nalang inintindi.
At nung malapit na siya sa silid, mejo nagtaka siya dahil nakabukas na ang pintuan nito.
Nung tuluyan siyang makapasok, nanlaki nalang ang mga mata niya nung makita niya ang isang doctor na wala ng damit na nakahandusay. At ang mas lalong ikinagulat niya ay “Kael..” Nabanggit nalang niya nung di niya ito mahanap sa silid.
Bigla niyang naalala ang mga kinwento ni Ish tungkol sa kakayahan ni Kael at yung pagkuha ng mga Martin kay Frank.
Yung nakabangga ko..
Tama, nakita na niya ito nung kaarawan ni Vlad kaya namumukhaan niya ito.
Ang isa sa dalawang tauhan ni Marcelo na naka escort sakanya noon.
HINDE!
Mabilis na tumakbo si Lily para habulin ang mga ito.
At isang lugar lang ang naiisip niyang pwedeng puntahan ng mga ’to.
Tagumpay na nakuha ni Dylan si Kael na ngayon ay tulog sa karga karga niyang wheelchair. Nasa parking lot lang siya ngayon at sabay rin na sumulpot ang tatlo pa niyang kasama.
“Magaling.” Usal ni Ikram na sunod sunod niya lang habang nakasuot ng pang bodyguard naman.
“Buti nagkataong walang nagbabantay sa batang ’to.” Tawa ring singit ni Dante habang naka pang nurse na suot. Naka disguise lang ang mga ito kanina sa loob ng ospital para magmanman.
“Pinabayaan na ata nila ’to.” Tawang dagdag rin ni Sin na naka sibilyan lang na suot.
Habang si Damian naman ay nagpaiwan lang sa sasakyan. Nakatingin lang siya sa mga ito na papalapit sa sasakyan.
Akala niya magiging mahirap ang misyon na ’to pero mukhang umaayon sakanila ang sitwasyon. Napailing nalang siya nung makita niya si Kael. Sobrang payat na nito. Ang layo nung huli niya itong makita sa libing ni Vlad.
Isa si Kael sa mga naging kaibigan ni Agnes kaya mas lalo siyang nakakaramdam ng konsensya sa sarili ngayon. Pag nalaman to ni Agnes ay baka kamuhian na talaga siya nito habang buhay.
Patawad lady Agnes..
Paaandarin na sana niya ang makina ng sasakyan para umalis na nang bigla siyang mapahinto nung may makita siyang tumatakbo mula sa exit.

Nakaramdam ng malakas na presensya ang apat kaya agad silang napalingon sa likuran nila, at dun nakita nila ang isang batang babae na tumatakbo papalapit sakanila habang may hawak hawak na warglaive sa magkabilang kamay “IBALIK NIYO SI KAEL!” SIgaw nito habang nanlilisik ang mga mata at mabilis na tinapon ang isa nitong warglaive papunta sakanila.
“Yung nakabangga ko kanina. Kung ganun kasapi siya ng..” Isip isip ni Dylan
Mabilis na umiwas ang apat kaya sa isang kotse ito tumama. At mejo ikinagulat nila kung pano bumaon ng husto ang warglaive sa kotse. Halatang sobrang lakas ng pagkakatilapon nito. Nung mapatingin sila ulit sa bata ay nakatalon na ito papunta sakanila
“Sin!” Sigaw ni Dylan at tsaka itinulak ang wheelchair papunta sakanya. “Ipasok mo na yan!”
Kinuha ni Sin si Kael at kinarga. Haharapin na sana ng tatlo si Lily pero bigla itong nag iba ng direksyon at papalapit ito kay Sin na kasalukuyan ng tumatakbo papunta sa sasakyan. Si Kael talaga ang pakay nito.
Bubuwelo palang sana si Lily para atakihin si Sin nang may biglang pumulupot na bandage sa braso niya at tsaka siya nito binalibag pabalik.
Bumangga si Lily sa isang kotse na agad ikinabasag ng salamin nito. Nakaramdam siya ng pagkahilo dahil dun. Eksaktong pagkabangon niya ay naramdaman niya ang iilang kutsilyong papalapit sakanya kaya agad siyang nag backflip ng ilang beses para umiwas. Pagkahinto niya, lima pa uling kutsilyo ang palapit sakanya kaya gamit ang warglaive niya ay sinangga niya ang mga ito.
“Magaling na bata ’to.” Ngising puri ni Dante at agad hinagis ang bandage niya at pinunterya ang paa nito. Pumulupot ito kaya di magawang makagalaw ni Lily. Puputulin nalang sana niya ito gamit ang warglaive pero agarang nanlaki ang mga mata niya nung makita niya ang pagsulpot ni Dylan sa harap niya habang nakabwelo na ng suntok
Hinde..
“Arrrkkkk!” Agad siyang napabulwak ng dugo nang tamaan siya ng napakalakas na suntok sa sikmura. Parang piniga ng husto ang tiyan niya sa pagkakatama nito.
Napakalakas..
Tumilapon siya at nabangga na naman sa isang kotse, at eksaktong pagkabangga niya ay sumakmal agad ang kamay ni Dylan mukha niya at malakas na hinampas ang ulo niya sa salamin ng kotse. Agad dumanak ang dugo sa ulo niya dahil dito.
Dahil dun ay nabitawan na ni Lily ang sandata niya at tuluyang napaluhod at natumba dahil sa tinamo.
…….
…………….
……………………….
Hingal naman na napatingin si Dylan sa batang babae.
“Kasapi rin ba ng Virgo yan?” Tanong ni Ikram
“Ata. Hoy, Dylan! Wag mo namang ubusin ang myembro nila hahahaha baka wala na silang magiging kalahok sa paligsahan.” Tawa pang usal ni Dante. “Nung una si Ish tapos yang batang babae naman. Wala kang awa hahaha”
Napadilat ang mga mata ni Lily sa narinig niya.
Kung ganun itong taong ’to ang may kagagawan sa nangyari kay kuya Ish.
Tumalikod nalang si Dylan dahil akala niya ay tapos na ito pero eksaktong pagtalikod niya ay napasinghap sina Dante nung makita nila si Lily ng sobrang talim ang mga mata habang nasa likuran ni Dylan at naka bwelo na.
“Dylan!” Sigaw ni Ikram. Mejo nahuli ng reaksyon si Dylan kaya nung pagtingin niya sa likuran niya ay sobrang lapit na ng warglaive sa mukha niya.
Pero sa segundong natitira ay nagawa parin nitong makaliyad at maiwasan ang atake. Gayunpaman, nadaplisan parin ang pisngi niya. Tumagas ang kaonting dugo dito kaya saglit niya itong hinawakan at tinignan.
Pagtingin niyang muli kay Lily ay pasugod na naman ito sakanya. Pero imbes na umiwas, sinalubong na niya ito. Nung pinakawala ni Lily ang atake niya ay hinawakan lang ni Dylan ang kamay niya para pigilan siya gamit lamang ang isang kamay nito.
“Ibalik niyo si Kael! Ano bang gagawin niyo sakanya?!” Galit na bulyaw ni Lily pero gamit ang bakanteng kamay ni Dylan ay sinakal lang siya nito ng walang kahirap hirap at tsaka inangat.
“Arkkk!” Agad nagpumiglas si Lily dahil sobrang lakas ng pagka kapit nito sa leeg niya. Parang ano mang oras ay mababali na ang leeg niya. Sobrang higpit “Rrrkkkkk!”
Halos mawalan na siya ng malay nang may marinig siyang sumigaw “Dylan!”
Nahinto naman si Dylan sa ginagawa niya at tumingin sa likuran niya nang bahagya. Inaasahan na niyang sisingit ito.
Binitawan nalang niya si Lily at muling sinipa ang mukha ng malakas. Tapos ay tumingin ito sa gawi ni Damian na lumabas na talaga sa sasakyan.
“Si Kael ang pakay natin, hindi ang patayin ang babaeng yan.” Muling usal nito. Pati sila Dante ay kunot noong napatingin kay Damian.
Lumapit naman ng dahan dahan si Dylan kay Damian habang sobrang seryoso ng mukha. Ayaw rin patinag ni Damian dahil nakikipag titigan rin ito.
At nung magkalapit ang dalawa, biglang bumigat ang tensyon sa paligid. Hinanda narin ni Damian ang sarili sa mga posibleng mangyari dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sakanilang lahat..
…………
…………………….
……………………………
Pero sa huli ay pumikit nalang si Dylan.
“Tama ka. Tayo na.” Mahinahong sambit nito bago naunang pumasok sa sasakyan.
Si Lily naman ay hinang hina na napatingin sa sasakyan na paalis na. “H-hinde..” Sinubukan niya pa sanang tumayo para sana habulin sila pero di na niya magalaw ang katawan niya sa sobrang sakit.
“Kael..”
Kung iisipin mo, halos sirang sira na ang Virgo Mafia ngayon. Mula sa Boss nilang halos pinapatay na ang sarili para lumakas at patuloy na nilalabanan ang mental niyang kalusugan, kay Asher na tila nakkwestyon na ang sariling kakayahan dahil sa mapait na pagkatalo niya sa isang weapon user, kay Ish na nagpapagaling pa sa ospital dahil sa matinding dinanas sa kamay ni Dylan, kay Veronica na hanggang ngayon ay umiiyak parin tuwing gabi dahil hindi parin magawang matanggap ang pagkawala ng kaibigan niya, at ngayon ay kay Lily na nadurog rin sa kamay ng mga Martin at malamang ay sisisihin rin nito ang sarili dahil pinabayaan niyang madukot ang isang myembro nila.
Makakaya pa kaya ng grupong ’to na umusbong ulit mula sa mapait na sitwasyon?
Malalagpasan pa ba nila ang mga pagsubok na ’to bago pa man mag umpisa ang paligsahan?
Anong mga dagok pa ba ang haharapin nila?

-To be continued…
-MajorSin
Chapter 10: Memories with her
Chapter 10: Memories with her
Revy of Black Lagoon as Dabria of Jack of all Trades
This chapter is dedicated to @BeamLopez hahah hope you enjoy this chapter. Thank you sa walang sawang paghihintay mo sa mga updates ko kahit umaabot pa ng 4 months ahahahahahah
About sa plot ng st
ory, aware ako na pumapanget na. Na parang biglaan yung nangyari na nagkaron bigla ng kidlat kidlat na yan hahhahaha and mas maaappreciate ko lalo kung maglalabas kayo ng thoughts niyo about sa story. Mapa nega man yan o hindi tatanggapin ko yan ng buo. As long as alam ko kung anong tumatakbo sa mga utak niyo. To those readers naman na kumakapit parin kahit tagilid na yung kwento, maraming salamat talaga :)) Kung matapos ko man tong kwento, always niyong iisipin na isa kayo sa mga naging rason ko para ipagpatuloy to hanggang sa huli hehe
[3rd Person’s PoV]
“At sabay pa nilang kinuha si Kael.” Matamlay na sambit ni Elsa. Tahimik lang na nakaupo si Hell sa gilid habang si Ish ay kuyom na kuyom na ang mga kamao sa sobrang pagpipigil.
“Kumusta ang lagay ni Lily?” Seryosong tanong niya.
“Naka confined siya sa kabilang silid ngayon. Katulad mo head injury rin ang tinamo niya.” Sa sinagot nito ay isang myembro lang ang naiisip niya ngayon.
Dylan..
“Pagod na pagod na ako sa kahangalan nilang lahat.” Biglang lumalim ang paghinga niya kaya agad siyang inawat ni Elsa.
“Huminahon ka lang, Ish.”
“Unang una si Boss Vlad tapos..” Isang lagabog ang narinig nila kaya natigil silang dalawa. Pagtingin nila sa gawi ni Hell ay nakabaon na ang kamao nito sa may pinto. Tapos ay tahimik lang itong lumabas.
“Alam kong punong puno narin si Hell sa mga nangyayari. Pero di lang siya nagsasalita.” Ani Elsa. “Pero wag kang mag alala, magiging maayos rin ang lahat.”
Napayuko nalang siya matapos niyang sabihin yun at napangiti ng sobrang pait. “Magiging maayos lang naman to lahat, hindi ba?” Napatakip nalang siya sa mukha dahil kahit anong pilit niya sa sariling ayos lang sila, alam niya sa sarili niyang hindi.
Ang dating masaya lang na pamilya ngayon ay may kanya kanya ng kinakaharap. Ang dating buo ngayon ay padurog na, at di niya maiwasang malugmok sa tuwing naiisip niya ito.
“Kung andito lang sana siya, kayang kaya niya sanang palakasin ang loob nating lahat.” Nasambit nalang ni Ish at mas bumigat pa ang pakiramdan niya nung bigla niyang maalala kung pano ito nagiging kuya sakanilang lahat sa tuwing may problema silang kinakaharap katulad nitong nangyayari sakanila ngayon.
Kung pano sila nito kayang pakalmahin dahil kilalang kilala na sila nito. “Kaso siya pa yung unang kinuha.” Dugtong niya at napapikit nalang.
“Hugo, kailangan ka namin ngayon.”
Di na nila alam kung saan pa sila kukuha ng lakas. Wala na silang makitang rason para umusad.
Lahat sila ay pabagsa
k na
“Kailangan malaman to ni Boss.” Sambit ni Elsa habang nagpupunas ng mga luha niya “Hindi ’to katulad kay Asher kanina na wala tayong kasiguraduhan. Ngayon alam na alam na natin kung anong nangyari kay Kael–sa kaibigan niya.”
“Hinde pwede.” Sagot agad ni Ish kaya napalingon ito sakanya. “Hayaan na muna natin siyang makabawi. Gaya ng sabi ko wag na muna nating dagdagan ang iniisip niya.”
“Pero kaibigan niya yung kinuha. Mas lalong magagalit satin si Boss kapag di natin ’to ipapaalam agad sakanya.”
“Sasaluhin ko lahat ng galit niya. Pero wag na muna. Tayo na muna mag solba ng problema na ’to. Wag tayong umasa lagi kay Boss.” Natahimik si Elsa dun.
“Pero anong gagawin natin?”
“Una nilang kinuha si Frank tapos ay si Kael. Lahat ng ginagawa ng mga Martin ngayon ay konektado sa Adamcellz50. Kailangan nila si Kael dahil sa drogang nasa loob ng katawan niya. Hindi nila ito papatayin. Gagamitin lang siya nitong subject para sa kung ano mang pinaplnao nila.”
“Baka nakakalimutan mong malubha ang kalagayan ni Kael. Baka mapano siya sa gagawin nila.”
“Alam ko. Kaya susubukan kong kausapin si Marcelo.” Nanlaki nalang ang mga mata ni Elsa sa sinabi niya. “Nababaliw ka naba? Gusto mo bang mamatay?”
“Wala na tayong ibang choice kundi kausapin siya at makiusap. Wala rin tayong laban kung gagawa pa tayo ng dahas. Tayo lang rin ang matatalo.” Sagot niya at saglit siyang napatingin sa pintuan. Bukas pala ito at nandun si Hell nakikinig.
“Hell..”
“Ako na.” Maikling sagot nito bago bumalik sakanyang upuan kanina. Kokontra pa sana si Elsa dahil alam niya kung gano kadelikado ang iniisip nila pero inunahan na agad siya ni Hell “Narinig mo ako, Elsa.” Seryosong usal nito.
Wala ng nagawa si Elsa kundi ang mapayuko nalang. Habang si Hell naman ay saglit na tinignan ang kamao niyang isinuntok kanina. May mga galos ito at kita niyang unti unti itong sumasara. Sobrang bagal man ng paghilom pero napapansin niya parin ito, at di na ito bago sakanya.
Akala niya minamaligno lang siya dati nung una niya itong napansin, pero nung marinig niya ang kwento ni Ish tungkol sa kalagayan ni Kael, mukhang naiintindihan na niya ang lahat.
Nung laban nila ni Morpheus, dun palang dapat binawian na siya ng buhay dahil sa tinamo niya. Pero ewan dahil pakiramdam niya habang nakadapa siya noon ng mag isa sa damuhan at naghihintay nalang ng kamatayan niya ay parang dahan dahang sumarado ang mga tinamo niya. At bago pa man siya nakita nila Ish ay naayos na ang pinaka malalamang parte na tinamo niya.
Tinuturing man nilang milagro yung nangyari sakanya pero para kay Hell, may kasagutan ang lahat ng yun.
Nung panahong niligtas niya si Elsa laban kay Elric Fortalejo ng Elfame, agaw buhay narin siya nun. Pero nag presinta si Kael para maging blood donor niya, at dun na nag umpisa ang lahat. (Nasa episode 35 to ng Book 1. Check niyo nalang )
Mula sa laban na tinamo niya kila Akira Seijou at William Nostrad hanggang dun sa kay Morpheus ay pansin niyang mas madali ang pag galing niya, at sa narinig niya kay Ish, mukhang si Kael ang dahilan ng lahat ng yun.
Maraming beses ng sinalba ng dugo ni Kael ang buhay niya.
Kaya sa pagkakataong ’to dapat siya naman ang may gawin para sa bata.
Para sa taong nagligtas sakanya.
“Tatlong araw mula ngayon ipapasa na ang listahan ng mga myembro ng bawat kupunan na sasali sa paligsahan.” Usal ni Hell “Ako na ang magpapasa nun at dun ko hahanapin si Marcelo para makausap siya ng mag isa.”
“Sigurado ka ba dito, Hell?” Tanong ni Ish kaya napa smirk nalang siya
“Imbes na alalahanin niyo ako, magtuon kayo ng pansin sa mga sarili niyo. Bumangon kayo at harapin ang buhay. Lalo kana, Ish. Isa ka sa mga myembrong sasali kaya dapat wag kang magpakain sa galit mo. Kung gusto mo silang durugin, durugin mo sila sa malinis na paraan. Durugin mo sila sa paligsahan. Magpalakas ka, kung iniisip mong hindi mo sila kaya, pilitin mo.” Huminto naman ito saglit at parang naiilang pang sabihin ang idudugtong niya. “Minsan lang ako pumupuri pero isa ka hinahangaan kong myembro ng pamilyang ’to. Ikaw yung tipong gumagamit ng utak at lakas ng katawan dati. Di ka magiging utak ng Virgo dahil nakasalamin ka lang o dahil trip lang namin na tawagin ka sa ganun. May rason yun, at dahil yun sa kakayahan mo. Kaya ayusin ang sarili mo at magsimula ka muli. May isang buwan pa kayo para maghanda.”
Natulala naman sina Ish at Elsa sa mga narinig nila. Lalo na si Ish. Buong buhay niya na nakasama ’tong masungit na ’to ay ngayon lang siya nakarinig ng pagpuri mula sa bibig nito. “Depressed ka rin ba, Hell? Magpa konsulta ka. Hindi ikaw yan.” Mejo natawa naman si Elsa sa sinabi ni Ish.
“Siraulo.” Sambit nito bago sumandal sa upuan at pumikit nalang. “Magiging maayos din ang lahat.”
Dahil dun ay napangiti nang bahagya ang dalawa.
Kahit papano ay nabawasan ang tinik sa dibdib nila sa mga sinabi ng taong ’to. Iba talaga ’to magpayo kahit kailan. Nalilinawan ka kahit sobrang gulo mo na.
“Maraming salamat, Hell. Tama ka, magiging maayos din tayo.”
“Ito na ang hinihingi mo, doctor.” Ngising sambit ni Celo habang nasa harap na nila si Kael na nakahiga. Sila Dylan naman ay nasa likuran lang, nakatayo at naghihintay kung anong iuutos ng Don sakanila.
“May mga kailangan pa ako para sa gusto mo.” Ganti ni Frank habang tinitignan ang bata. At habang tinitignan niya ito ay yung lalaking nagmamakaawa sakanya lang yung naalala niya.
So ito pala yung sinasabi nung lalaking yun na kaibigan nila na kailangang magamot. Nasabi nalang niya sa utak niya. Sobrang payat nito at putla.
Bigla siyang nakaramdam ng awa.
Gusto niya itong tulungan pero nasa alanganin siya na sitwasyon ngayon.
“Sabihin mo lang, doctor.”
“Kailangan ko ng isang lab na may mga kagamitan para sa experimento, limang magagaling na doctor.”
“At ano pa?”
“At isang panalangin na walang mangyayaring masama sa batang ’to sa gagawin natin.” Malungkot na dugtong nito. Pero narinig lang niyang tumawa si Celo.
“AMEN!” Usal nito at pumalakpak. “Bigyan mo ko ng dalawang araw jan sa gusto mo.” Dugtong nito bago tinapik ang balikat ni Frank “Ibibigay ko sayo lahat basta wag mo lang akong bibiguin, doctor. Ayaw na ayaw ko sa ganyan.” Ngumiti ito at tumingin kila Dylan “Alam ng mga alaga ko yan kaya lagi silang nagtatagumpay sa mga pinapagawa ko sakanila heheh”
Nakaramdam na naman ng takot ang doctor dahil sa hindi diretsong pagbabanta ni Celo.
“Oh siya, tama na muna to sa ngayon. Magpahinga na tayo para sa panibago at masayang umaga bukas.” Ngiting sambit nito kaya agad yumuko sila Dylan bago isa isang nagsialisan.
Mag isa nalang si Marcelo ngayon na nakatingin sa nakahigang si Kael. At ang kaninang nakangiting mukha ay bigla nalang sumeryoso.
“Ako ang mananalo sa paligsahan. Sakin mapupunta ang kayamanan na yun.”
NEXT DAY
Alas singko palang ng umaga pero halos maiyak na si Virgel sa sobrang sakit ng katawan. “Rest day munaaa” Tulo lawa pang pagmamakaawa niya habang hinahatak na siya ni Greco palabas ng kwarto niya.
“Kakaumpisa lang natin kahapon rest day agad ang iniisip mo.” Sagot ng matanda habang hawak hawak ang kamay ni Virgel. Ayaw kasi nitong bumangon kaya hinahatak nalang niya ito kahit nakahiga.
“Di ko pa kayaaa”
“Ang panget ko pala umiyak ha.” Tila di ata maka move on ang matanda sa sinabi nito kagabi. “Yari ka ngayon sakin.”
“Di ka ata nakatulog jan sa sinabi ko kaya nandadamay ka jan! Ang aga pa e!” Kahit nakapikit ay nagawa parin nitong suminghal.
“Ang panget ko pala ha.”
“Hala siya.”
5:30 nang matapos sa pag wawarm up si Virgel. Dahil mejo pinagpapawisan na siya ay di na niya gaano maramdaman yung pagod at sakit ng katawan.
“Alternate ang training natin sa susunod na dalawang linggo para di gaano maabuso ang katawan mo. Pero sa huling dalawang linggo bago ang paligsahan ay pagsasabay sabayin natin ang training mo araw araw.” Paliwanag ni Greco. Kaharap nila ang isang punching bag ngayon na nakalambitin sa may sanga ng puno.
“Paglalamayan na ako bago pa man tayo makatungtong sa ikatlong linggo na yan dahil sa mga pinapagawa mo sakin.” Nag i stretch na sagot ni Virgel kaya natawa nalang ang matanda at napailing. “Akala ko si Ginger na ang pinaka reklamador na taong makikilala ko.”
“Oh ano bang gagawin natin sa punching bag na ’to?” Tanong nalang ni Virgel.
“Aba yakapin mo. Baka tinatawag yang punching bag e para yakapin, diba?”
“Adik.” Bugnot niyang sagot. Kahit matanda na ay mahilig parin talagang mambara ’to.
Nakita naman niyang nag inat si Greco at winawarm up ang kamay “Mukhang mapapasubo ako dito. Sana aabutin pa ng dalawang oras ’tong lakas ko.” Usal nito. “Manood kang mabuti, Virgel.”
Napalunok naman si Virgel dahil makikita na niya ulit ang pwersa ng matandang ’to. Umatras siya ng konti para mabigyan ng espasyo si Greco.
Lumapit si Greco sa harap ng punching bag at tsaka nag stance na parang nag iipon ng lakas. “Kung yung tinuro ni Ginger sayo ay mag ipon ng Kai sa iisang parte ng katawan bago ipakawala, itong gagawin ko ay tatlo.” Paliwanag nito. “Unang una ay mga
paa
mo para di ka mawalan ng balanse sa oras na ipakawala mo ang atake mo, pangalawa ay ang
balikat
mo kung saan nanggagaling ang pwersa mo sa pag bwelo, at pangatlo ay syempre, ang
kamaong
iaatake mo.“ Nakita ni Virgel ang awra na unti unting bumabalot kay Greco at maya maya pa ay biglang humampas ang malakas na hangin sa paligid nito.
Ang lakas ng pwersa!
At nung bumwelo ito ay nakita niya ang kaonting pagliwanag ng kamao nito bago pinakawala.
At..
Napanganga nalang siya sa nasaksihan niya. Nakaangat lang ang tingin niya habang sinusundan ang tingin ng punching bag na napaangat ng sobrang taas. “Woaah.” Yun lang tanging lumabas sa bibig niya sa sobrang pagka mangha.
“15% lang ng lakas ko ang naipon dun.” Usal ni Greco na ikinalaglag lalo ng panga niya
“Nagbibiro ka ba?”
“Kaya sinabi ko na dati na kahit tayo ang pinaka common na user, matuturing parin tayong delikado kapag nahasa natin ang kakayahan na ’to ng husto.” Dahil sa sinabi ng matanda ay parang naexcite bigla ang kalamnan niya na subukan. Ang lakas ng atake na yun at 15% palang ng lakas yun. Gusto niyang matutunan yun. Triple o mas higit pa ang lakas na yun kesa sa natutunan niyang atake kay Ginger.
“Sige ako naman.” Excited pang sambit nito habang iniikot ikot pa ang kamay.
“Hindi pa handa ang katawan mo.” Sagot ng matanda na ikinakunot ng noo niya.
“Eh? Ano bang gagawin–akala ko ba..”
“Depensa ang gagawin mo sa loob ng dalawang oras.”
“Ha?–anong..”
“Pumwesto ka sa likod ng punching bag.” Utos nito na agad naman niyang sinunod. “Hawakan mo ang punching bag at pigilan mo itong umangat kapag inatake ko.”
“Ganito ba–” At eksaktong paghawak niya sa punching bag ay malakas itong tumama sa mukha niya na ikina tilapon niya ng mataas “Aaaaahhh!”
Uy bagsak! Ginagawamue
“Para mapigilan mo ang atake ng isang physical user, kailangan mo ng matinding depensa gamit rin ang sariling kai energy mo. Sinabi ko na dati na pwedeng maging pang opensa o depensa ang kai.” Muling paliwanag nito.
“Kakahawak ko pa nga lang eh!” Sigaw agad ni Virgel sa inis habang panay hawak na sa likod niya. Napasama ata ang pagkabagsak niya.
“Dahil kong simpleng depensa lang ang gagamitin mo, ganyan ang mangyayari sayo.”
Bumalik si Virgel sa likod ng punching bag “Wag muna! Pano ba gawin?”
“Mag ipon ka ng pwersa sa mga paa at braso mo.” Agad naman siyang nagfocus at kahit nahihirapan siyang mag ipon dahil mejo magulo parin ang daloy ng enerhiya niya ay pinipilit niya parin ito.
At nung nakaipon siya ng pwersa sa dalawang braso niya at mga paa ay hinigpitan na niya ang pagkakahawak sa punching bag. “Ge!”
Muling nag ipon si Greco at nagpakawala ulit ng atake. At sa pagkakataong ’to, muling naramdaman ni Virgel ang malakas na hatak ng punching bag kaya buong pwersa niya itong pinigilan. “Arrgghhh!” Napaatras lang siya ng ilang pulgada at hindi siya tumilapon.
H-hah!
Totoo nga! Hahahahaha napigilan ko!
Tuwang isip niya dahil napigilan nga niya ito. Dahil sa tuwa ay nawala ang focus niya…at
“Aaaahhhhh!” Muli na naman siyang tumilapon nung umatake si Greco.
“Focus! Walang kalaban ang aatake lang ng isang beses hunghang!”
“A-raayy.”
-FUEGO’S MANSION-
“Sige sige, maraming salamat.” Binaba ni Elrien ang cellphone niya at tumingin kila Felix na naghihintay lang rin sa sasabihin niya.
“Tumawag daw si Asher kila Elsa kagabi. Maayos lang daw siya.” Sabi niya sa mga ito kaya nakahinga nang maluwag yung iba.
“Miss ko na si Kuya Asheeer.” Pagmamaktol ni Gavin habang hawak hawak ang laruan niyang gundam. “Di na kami nakakapaglaro.”
“Makakauwi rin yun, Gavin.” Ginulo nalang ni Elfred ang buhok nito.
“Pati si kuyang sword miss ko na rin.” Naka pout na sabi nito. Ang akala parin kasi ng bata ay myembro parin ito ng Virgo. Napatingin naman agad si Steph kay Nica na matamlay na nakaupo sa gilid niya. Konektado si Benz kay Helena kaya agad niya itong chineck at napailing nalang siya nung nagtutubig na naman ang mga mata nito.
Pati sila Felix ay napansin ito kaya agad nalang nilang iniba ang usapan. “Gusto mo tayo muna ang maglaro?” Tanong ni Elfred kay Gavin.
“Ano lalaruin natin?” Pout na tanong nito.
“Dun tayo sa basement tara heheh.” Sagot niya at agad niyang kinuha si Gavin at naglakad papunta doon.
Napatingin naman sina Felix at Elrien kay Steph. Tinanguan niya ang mga ito kaya sumunod nalang sila kila Elfred para makapag usap ang dalawa.
“Kumain na muna tayo, Nica. Kagabi ka pa walang kain.” Alalang aya ni Steph pero wala siyang narinig na sagot nito. Napabuntong hininga nalang siya.
Kahit anong gawin niya ay wala talaga.
Pero imbes na magmukmok rin at walang gawin, iniba nalang niya ang usapan.
“Nga pala, kasali ang pamilya mo sa paligsahan.” Akala ni Steph di ito magrereak pero nakita niyang nanlaki ang mga mata nito at tumingin sakanya. Parang masamang ideya pa ata na sinabi niya ito sakanya. “Naresearch ko ang sampung kalahok sa paligsahan at nakita ko ang..Arson Family dun.” Yukong dugtong nalang niya.
“Hindi.” Sambit nito na parang nakaramdam bigla ng takot.
“At kasali ang kuya mong sampung taon mo ng hindi nakikita.”
****
-ARSON’S MANSION-
“Ang bilis mo namang nakabalik. Tatlong araw pa naman ang binibigay na oras sa atin ng kliyente.” Usal ng isang may katandaang lalaki sa taong papalapit sakanya. Mantsa ng dugo ang suot nitong polo.
“Minamaliit niya ata ang kakayahan natin sa oras na binigay niya.” Sagot nito at tsaka inayos ang salamin na suot nito. “Sapat na ang isang oras sakin, dad.” Dugtong nito.
“Proweba?”
Hinagis naman ng naka salamin ang hawak nito at pinagulong sa tapat ng ama niya. “Mabigat e, kaya ulo niya nalang ang dinala ko. Sapat ng proweba yan.” Ngising sagot nito.
“Magaling, Lorenzo “
Napatingin naman si Lorenzo sa kamay niyang duguan, at isang babae lang ang sumagi sa utak niya. “Nica, miss na miss kana ni kuya.” Usal nito bago kumurba ang malademonyong ngiti sa mga labi nito.
“Arrghh” Napaluhod nalang si Virgel sa sobrang pagod. Yung braso niyang dalawang oras na pumipigil sa mga atake ni Greco ay tila nanginginig na naman sa pagod. At ang palad niya, pulang pula. Bawat banat ni Greco ay parang pumipigil siya ng lumilipad na mabigat na bagay. Grabe yung impact. Kung wala lang punching bag sa pagitan nila malamang lumpo na ngayon ang dalawang braso niya.
Yung mga tuhod rin niya wala ng lakas kakapigil na tumilapon. Yung buong enerhiya niya sa katawan ay tila nagamit na niya sa paglabas ng Kai energy.
“Magpahinga ka muna jan saglit. Pagtapos mo ay pumasok kana. Kailangan mo ng kumain.” Wika lang ni Greco at tsaka naglakad.
“Kargahin mo ako.”
Natawa naman ng konti ang matanda “Panget pala ako umiyak ha” Kunwaring seryosong sagot nito bago ito nagpatuloy sa paglalakad.
“GRABEEEE! Di maka move on!” Sigaw niya pero di na siya nilingon ng matanda “BIRO LANG YUN GRECO!” Muling sigaw niya pero wala talaga. Parang wala itong naririnig.
“BUHATIN MO AKO” Huling sigaw niya hanggang sa napayuko nalang siya at inalalayan ang tuhod na makatayo. “Asaaaar” Nanginginig na talaga ito sa pagod. “Kaasaaaar!”
**
Matapos nilang kumain ay pinili muna nilang dalawa na magpahinga para matunaw ang kinain nila. Nasa bakuran lang ulit sila at nakaupo ng magkatabi.
“San mo ba natutunan ’tong Kai?” Curious bigla na tanong ni Virgel.
“Isang half chinese ang asawa kong si Natalya. Tanyag ang pangalan ng ama niya sa larangan ng mga kai user at siya, siya ang nagturo sakin.” Sagot ni Greco at nakangiting inaalala ang mga kahapon na yun.
“Anong nakain mo at ginusto mong matutunan ang Kai?” Natawa naman ang matanda sa tinanong nito.
“Isa lang ang rason ko, at yun ay ang maprotektahan ang asawa ko. Kailangan kong maging malakas para malayo ko sa panganib ang asawa ko.” Napayuko saglit si Greco nung maalala niya ang mukha ng napakaganda niyang asawa noon. “Kaso baliwala parin ang lahat dahil di ko siya nagawang ipagtanggol.” Di nakaimik si Virgel sa sinagot nito. Mali ata na nagtanong pa siya. Natahimik lang sila ng ilang segundo dun.
Pero maya maya ay pinilit nalang ngumiti ni Greco at tumingin kay Virgel “Ikaw? Ano ba ang rason mo bakit gusto mong matutunan ang Kai?” Tanong niya pabalik.
“Sinagot ko na yan nung una. Gusto kong lumakas ng husto.” Napatingin si Virgel sakanyang kamay “Kailangan kong lumakas para makamit ko ang hustisya.” Naalala na naman niya ang pagmumukha ni Celo kaya mag uumpisa na sanang kumulo ang dugo niya nang mabato siya sa dinugtong na tanong ni Greco.
“Eh babae? Wala ka bang inspirasyon na gusto mong protektahan kaya gusto mong lumakas?”
Napaisip bigla si Virgel. Bukod sa Virgo, isang babae lang ang pumasok sa isip niya sa tanong na yun. “Meron naman.” Sagot nito kaya ngumisi nang malawak ang matanda.
“Aba abaaa. Kwento ka muna loverboy bago kita pahirapan ulit mamaya heheh”
“Demunyu ka talaga.” Iling nalang na sagot niya at napaisip ulit. “Ahhm..wala, classmate ko siya, seatmate.” Naalala niya ang matamis na ngiti nito kaya pati siya ay nahawa nang bahagya “sobrang bait..at tsaka sobrang ganda.”
“Bakit mo siya gustong protektahan?” Tanong ng matanda na mukhang naging chismoso na ata ng wala sa oras.
Napaisip naman si Virgel sa tanong na yun, at kusa nalang bumukas ang mga bibig niya “Gusto ko siyang protektahan dahil mahalaga siya sakin. Naging parte na siya kahit papano ng buhay ko.” At habang nagsasalita siya, bigla nalang siyang nalito. Yung mga sinabi niya kanina ay alam niya sa sariling si Claire ang tinutukoy niya. Pero habang nagsasalita siya ay may isang babae ang biglang dumungaw sa mga alaala niya. “Napapasaya niya ako..” Si Claire dapat ang nasa isip nya pero kusang naglalakbay ang utak niya nung mga panahong masaya silang nagtatawanan ni Agnes.
Agnes..
Biglang natulala si Virgel. Bigla niyang naalala ang babaeng yun at ang mga alaala kasama siya.
Simula nung una nilang pagkikita sa rooftop, kung pano ito nagmakaawa sa mga lalaki at tumingin sakanya habang tinatawag siya ng ibang pangalan para lang ipagtanggol siya. Hanggang sa unang misyon niyang kahit hindi pa siya handa ay sumulong parin siya sa isang batalyong kalaban para lang masagip si Agnes.
“Masaya ako kasama siya.”
Nung mga araw na masaya lang silang kumakain na tatlo ni Kael sa rooftop, ang pagtawag sakanya nito ng iba’t ibang pangalan na kalauna’y nasanay narin siya. Ang pag uusap nila nung kaarawan ng ama niya hanggang sa huling pagkikita nila sa rooftop.
Kung pano ito umiyak habang inaamin ang nararamdaman nito sakanya
Pero binantaan lang niya ang buhay nito.
Kung pano ito nagpaalam
Pero parang wala lang siyang narinig
“Pero nagpadala ako sa galit ko at idinamay ko siya.”
( Balik kayo sa Book 2 Episode 32 kung gusto niyo ulit maramdaman ang sakit para kay Agnes )
Dahil sa mga nangyari sa buhay niya nitong mga nagdaan ay ngayon lang ulit niya naalala ang babaeng minsa’y naging parte ng buhay niya, ang minsa’y naging importante sakanya.
Tulala lang si Virgel na nakatingin sa damuhan habang kusang nagsasalita ang bibig niya.
Napabuntong hininga naman si Greco matapos niyang makinig. “Di ko alam kung anong nakaraan mo sa taong yan pero maaari mo siyang gawin inspirasyon para magpalakas ng husto.” Usal ni Greco at tila parang natauhan bigla si VIrgel sa mga naiisip niya.
“Hindi.” Biglang sumeryoso ang tono ng boses niya “Isa siya sa maituturing ko ng kalaban. At ang inspirasyon lang na kailangan ko ay ang walang mapaglagyan na galit ko kay Marcelo.” Dahan dahang pumula ang mga mata ni Virgel at napakuyom sa mga kamao niya.
Iling nalang ang nagawa ni Greco.
Kinain na nga ng galit ang utak ng batang ’to
-3 DAYS LATER-
“Tangina hahahaha saang burol ba ang punta mo?” Di maiwasan nina Abe, Celes at Sol ang matawa sa suot ni Noah. Naka barong kasi ito ngayon.
“Gago. Style to!” Depensa agad niya habang nag aayos ng buhok niya sa harap ng salamin.
“San ba kasi ang punta mo? Para kang hahabulin ng kabaong jan sa suot mo.” Tawang tanong ni Abe.
“Ngayon ang pasahan ng mga myembro ng mga grupong imbitado sa paligsahan.” Sagot nito. Saglit naman niyang tinignan si Dabria sa replika ng salamin pero tahimik parin ito sa sala habang nakaupo. Magmula nung huling away nila ay di parin siya nito kinakausap. Dati pag nag aaway sila isang araw lang bati na ulit e. Pero ngayon mukhang mejo seryoso ata ang nangyari sakanila.
“Kaya pala pinaghandaan mo talaga. San mo ba nabili yan?”
“Hiniram ko lang ’to jan sa kapitbahay natin. Si pareng Anding.”
“Ha? Sino yan?”
“Yung Embalsamador dun sa Saint Pe–”
“Tanginamo” Agad sinipa ng tatlo palabas si Noah para makaalis na agad “Manghihiram ka lang sa embalsamador pa!”
“Mga siraulo!” Tawang ganti nalang ni Noah habang naglalakad paalis ng apartment. Pero bago pa man siya makaalis, nakita niya si Asher na nakatambay lang sa may puno sa labas habang nakasandal.
“Wala munang duelo ngayon kasi may importante akong pupuntahan. Gamitin mo nalang ’tong araw na ’to para mag ensayo.” Wika nito sakanya. “Malay mo matamaan mo na ako bukas. Edi makakauwi kana.” Nag smirk pa ito bago tuluyang umalis.
Sa nakaraang tatlong araw pareho lang ang resulta nung mga naunang laban nila. Di makagawang makatama ni Asher kahit isang daplis lang. At nawawalan na talaga siya ng pag asang makakaalis pa siya sa kamay ng grupong ’to.
Yuko nalang na napasandal si Asher.
Ngayon lang nalaglag ang kumpyansa niya sa sarili ng ganito ka lalim.
Araw na ngayon para mag submit ng listahan sa mga sasaling myembro ng bawat kupunan na naimbitahan. May mga staff narin sa buong Martins Arena pero di pa ito pinapasukan ng mga bisita. Tanging mga piling tao lang muna ang pinapapasok rito.
“Oo. Ipaalam mo agad yan kay Sandro, maliwanag?” Utos ni Celo sa isang staff na kausap niya habang naglalakad. Papunta siya ngayon at ang limang mga bata niya sa Convention Hall ng arena na ’to para kitain ang mga kupunan na magsusubmit.
At nung malapit na sana siya, may nakita siyang naka sandal na lalaki nitong hallway na naka shades at umalis ito sa pagkakasandal bago naglakad papalapit sakanya.
Napilitang huminto si Celo at sina Dylan nung di ito umiwas sa dinadaanan nila.
Huminto ito sa harap ni Marcelo. Nakapamulsa lang ang isa nitong kamay habang bumubuga ito ng usok galing sa sigarilyong hawak nito.
Napangisi naman si Marcelo nung namumukhaan niya ito.
“Hell Tan.”
Kahit nasa likod niya ang mga alaga niya ay hindi niya ito makitaan ng kahit konting sindak. Sa halip ay mas lumapit pa ang mukha nito sakanya.
“Nakita rin kita ng malapitan, Marcelo.”
-To be continued..
MajorSIn
Chapter 11: The 10 Representative
Chapter 11: The 10 Representative
Half day lang akong nakaharap sa PC, at di inexpect na kaya kong makapa publish agad ngayon hahah btw
Guys, hindi fully naka focus ang kwento sa Virgo o kay Virgel ha? Di ko ginawan ng side stories ang bawat kupunan para lang sa wala hahah nalalapit na ang Tournament and please sana lagi niyong iisipin tong sinabi ko hehe )
[3rd Person’s PoV]
A abante pa sana si Dylan para harapin si Hell pero si Celo na mismo ang pumigil dito “Ayos lang.” Ngising sambit niya. Habang si Hell ay di parin nagbabago ang expresyon ng mukha.
Sinubukan niyang mag abot ng kamay “Anong maipaglilingkod ko sayo?” Ngiting tanong pa niya. Pero tinapon lang ni Hell ang sigarilyo niya sa harap ng sapatos ni Celo at tsaka niya ito inapakan. “Mag usap tayo mamaya.” Sagot niya bago tumalikod at naglakad ng naka pamulsa na parang walang pakialam sa paligid.
Napangisi nalang si Celo “Napaka arogante.”
“Utusan niyo lang ako, Don.” Singit ni Dylan pero itinaas lang niya ang kamay niya bilang pagpigil. Tapos ay muli na silang naglakad.
Ngayon ay kaharap na ni Marcelo ang sampung representative ng bawat kupunan na kasali sa paligsahang magaganap. Si Dylan ang inatasan niyang maging rep ng grupo niya. Nasa mahabang meeting table sila ngayon sa gitna ng convention hall. Sa may gitna siya nakaupo habang tiglilimang tao naman sa magkabila niya.
“Masaya ako at nakadalo kayong lahat.” Umpisa niya at isa isang tinignan ang sampung nilalang. Nakatingin ang mga ito sakanya bitbit ang iba’t ibang expresyon. “Sana maging maayos lang ang saglit na pagpupulong na magaganap ngayon. Inaasahan ko ang kooperasyon ninyong lahat.” Ngiting dugtong niya at tsaka tinignan ang dalawang staff at tinanguan.
Agad namang kumilos ang dalawa at isa isang binigyan ng mga form at ballpen ang sampung representative.
“Pakilagay nalang po ang opisyal na pangalan ng grupo niyo jan sa taas, ang pangalan ng mga magiging opisyal na myembro na sasali sa kupunan niyo jan sa mga linya at pakilagdaan nalang din po ito sa baba. Maraming salamat.” Wika ng dalawang staff.
Habang nagsusulat ang mga ito ay nagkaron ng oras si Celo na tignan ang siyam na representative habang napapaisip.
Lahat ay mga boss o amo ang dumalo maliban kay Hell na isang normal na myembro lang ng Virgo. Mejo ipinagtaka ito ni Celo kanina pa. Di niya alam bakit hindi si Virgel ang dumalo para magpasa.
“Heto, Don.” Abot ni Dylan na nasa kanan lang niya nakaupo. Tinignan naman ito ni Celo.
GROUP NAME: THE MARTINS
MEMBERS:
-Dylan Cordova
-Ikram Percival
-Sin Altair
-Damian Seraphin
-Dante Puma
Sunod na nagpasa ay ang katabi ni Dylan. “ Inaasahan ko ang magandang paligsahan, Mr. Martin.“ Ngising usal nito. Ngumiti naman si Celo sakanya “Di kita bibiguin, Mr. Emnacin.”
GROUP NAME: ARDANOS
MEMBERS: -Mabus -Hister -Loron -Jared -Ellyssa
“Nasa pugad mo pala ang tatlong tanyag na kriminal noon.” Usal ni Celo habang nakatingin sa form. Bago rin sakanya itong sina Jared at Ellyssa.
Si Mabus. Ang nag iisang may Ethereal Drug sa kupunan na ’to .
Sunod naman na nagpasa ay ang nasa kaliwa niya, at nung tignan niya ito, nakatingin na pala ito sa mga mata niya.
“Devi..” Ngising sambit niya. “Masaya ako’t pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko.” Dugtong niya bago tinignan ang form
GROUP NAME: VENDETTA
MEMBERS: -Devi -Heidel -Loda -Ermac -Annex
Natuon ang pansin niya sa dalawang bagong myembro nito. Di pa niya alam o nakita ang mga ’to kaya mejo nabahala siya ng kaonti. “Heidel at Annex. Sigurado akong malalakas rin sila tulad niyo.” Ngising usal niya pero wala siyang narinig na sagot kay Devi.
Sunod na nag abot ng form ay ang kasunod ni Emnacin “Mukhang malalakas tong mga grupong inimbita mo, Mr. Martin.” Usal nito kaya natawa si Celo. “Oo, at kasali kana dun, Mr. Saquin.” Sagot niya at tsaka tinignan ang form
GROUP NAME: ALIBARA MAFIA
MEMBERS: -Unknown -Baron Fritz -Akasha -Vincent del Varya -Hunter
“Unknown huh.” Tawang sambit niya “Madami ka talagang pakulo.”
Sunod na nagpasa ay ang nasa pinaka dulo sa kaliwa. “Pri! Pri! Paabot naman heheh.” Pakiusap niya kay Devi habang inaabot ang form. Di niya kasi ito maabot kay Celo. Tumingin naman si Devi sakanya at sinamaan siya ng tingin.
“Aw Attitude.” Nasabi nalang niya. Pero buti ay kinuha ito ng katabi ni Devi at ito yung nag abot.
“Makwela ka talaga, Noah.” Tawang usal ni Celo. “Pero salamat at pumayag kayo sa imbitasyon ko sa kabila ng busy niyong schedule sa trabaho niyo.”
“Hah! Mas importate tong paligsahan na ’to, Mr. Martin. Malaki ang premyong makukuha namin.” Ngising sagot ni Noah. Natawa naman ang lalaking nasa pinaka dulo sa kanan.
“Ang tanong e kung makukuha niyo ba ang premyo.” Pang aasar nito habang sinusuklay ang buhok niyang mahaba na parang nagpapa pogi dahil nasa kanya ang lahat ng atensyon.
“Anong sabi mo?!” Tumayo si Noah sa inis kaya agad lumapit ang mga tauhan ni Celo sakanya para pigilan siya.
“Ssshhh tsaka na yan. Maging kalmado lang tayong lahat.” Wika ni Celo kaya inis nalang na umupo si Noah. Pero yung tingin niya ay nakapukol parin sa harap niya.
GROUP NAME: Jack of all Trades
MEMBERS: -Noah -Dabria -Abe -Sol -Celes
Sunod na nagpasa ng form ay ang tahimik na matandang katabi ni Devi
“Salamat, Mr. Suico.” Yumuko nang bahagya si Celo dahil isa ang pamilyang ’to sa limang royal families sa bansa. Maski siya ay di inaasahan ang pagdalo nito dito. Wala naman siyang naaalala na inimbita niya ang pamilya nito
Pero nung tignan niya ang pangalan ng grupo sa form, dun lang siya napatango. “Ikaw pala ang nagpapatakbo ng grupo ni Declan, Mr. Suico.” Usal niya.
Bigla namang naalala ni Devi ang pangalan na yan. Ang isa sa myembro ng mga bounty hunter na nagtangka sa mga buhay nila dati. Dahan dahang tumingin si Devi sa matanda at mejo nagulat siya nung makita niya itong nakatingin sakanya habang bahagyang naka kurba ang ngiti.
GROUP NAME: ESMINETS
MEMBERS: -Declan -Roro -Remy -Adrias -Poison
Nadapo saglit ang tingin ni Celo sa pangalan ni Declan. Ang taong isa sa pinangarap niya sanang nasa puder niya.
“Mr. Martin.” Ang may katandaang lalaki ang nagsalita na katabi ni Noah. “Salamat at di mo ako nakalimutan sa pag imbita nitong magandang paligsahan mo.” Usal nito.
Kinuha naman ni Celo ang form na may kasamang pilit na pag ngiti. itong grupo na ’to ang isa sa dahilan kung bakit umusbong ng husto ang Virgo dati. At ang hirap itago ng galit niya sa pamilyang ’to. Pero sa huli ay naging professional parin siya sa harap nito.
“Makakalimutan ko ba ang pamilya mo, Mr. Forest?” Tawang sambit nito bago tinignan ang form
GROUP NAME: ELCANA MAFIA
MEMBERS: -Chase Orba -Dell Nostra -Fatima Tresler -Ashley Mortaz -Troy Zarba
“Miss.” Tawag nung isang rep sa isang staff kaya lumapit ito sakanya “Pakipasa naman oh.” Utos nito at tsaka kinindatan ang babaeng staff. Dahil dun ay mas lalong kumulo ang dugo ni Noah sa lalaki na ’to. Eto yung kanina na nangbara sakanya.
Napansin ata yun ng lalaki kaya tawa itong tumingin sakanya “What? Btw ang ganda ng suot mong barong. Bulaklak at kabaong nalang ang kulang.” Panlalait nito habang natatawa. Habang si Noah ay parang sasabog na sa inis.
“Mr, Ciello. Tama na yan.” Awat ni Celo bago tinignan ang form kaya nagkibit balikat nalang ito.
GROUP NAME: CIELLO MAFIA
MEMBERS: -Veno Ciello -Seth Clarkson -Audrey Chi -Ellis Black -Jack Voltaire
Sunod namang nagpasa ang katabi ni Mr. Suico. May katandaan na ito pero siya ata ang pinaka may malaking katawan dito sa buong hall.
“Maraming Salamat, Mr. Arson. Akala ko tatanggi kayo sa alok ko.” Tawang wika ni Celo habang kinukuha ang form
“Gusto ko lang maghanap ng aliw, Mr. Martin”
“Ayaw mo ba sa premyo?”
“Hindi ako interesado sa kayamanan. Malalakas na makakalaban ang inaasahan ko sa paligsahan na ’to.”
“Well, di ka nagkamali ng sinalihan.” Sagot niya bago tinignan ang form
GROUP NAME: ARSON FAMILY
MEMBERS: -Amell Arson -Rio Arson -Macy Arson -Gustav Arson -Lorenzo Arson
Mejo nabahala si Celo sa huling pangalang nabasa niya.
Kung ganun nakauwi na pala ang taong ’to.
Mukhang dagdag ang grupong ito sa magiging banta niya sa paligsahan
Napatingin naman ang lahat nung nagpasa ang lalaking naka shades at kanina pa na chill lang.
Kinuha ito ni Celo at ngumiti “Maraming Salamat, Mr. Tan. Buti nalang at–”
“Wala akong panahong makipag plastikan sayo, Marcelo.” Putol ni Hell na agad ikinagulat ng iba. “Mag umpisa kana dahil may mahalaga pa tayong gagawin, hindi ba?”
Di agad nakabawi si Celo sa sinabi nito. Di niya inaasahang mababastos siya sa harap ng mga taong ’to. Napatingin nalang siya sa form na kinuha niya.
GROUP NAME: VIRGO MAFIA
MEMBERS: -Virgel Acosta -Asher Bedrijo -Ishmael Valderama -Lily Valdez -Veronica Arson
Nung makapasa na lahat ng sampung grupo, binigay ito ni Celo sa isang staff at tsaka muling hinarap ang mga ito.
“Dalawampu’t anim na araw mula ngayon, eksaktong pagsapit ng Disyembre, mag uumpisa na ang Paligsahan.” Umpisa ulit niya. “Sa araw rin na yun mismo malalaman kung sinu-sinong kupunan ang unang maglalaban laban. Ang paligsahan ay magkakaron ng apat na round. 1st Round, Special Round, Semi Final, at Final Battle “
“Pano naman ang mga patakaran?” Tanong ni Noah
“Tungkol sa bagay na yan, ipapaliwanag yan ng magiging host sa mismong araw ng paligsahan. Tungkol sa mga pwede at hindi dapat gawin para hindi ma disqualify sa laban. Kaya inaasahan kong dadalo kayong lahat sa unang araw palang.”
“Tungkol naman sa mga myembro. Isa sa features ng arena ko ay may mga sariling silid na sila at dito na muna sila titira hanggang sa matapos ang paligsahan o sa kung kelan sila matatanggal. Lahat ng kailangan nila, pagkain, training area, o kung ano pa yan ay nandito na. Kaya wala na kayong dapat ikabahala pa.” Sa mga sinabi ni Celo ay tila si Noah lang ata ang natuwa.
“Aircon ba??”
Tawa namang tumango si Celo. “Oo naman.”
“Kayo nalang ang bahalang magsabi sa mga sasali, okay?” Tumango naman ang iilan bilang pagsagot,
“Yun lang. May mga katanungan pa ba kayo bago tayo magtapos sa pagpupulong na ’to?” Tanong niya. Nagtaas naman ng kamay si Mr. Arson
“Pano pag nakapatay kami sa gitna ng paglalaban, makukulong ba kami?” Ngising tanong nito. Natahimik naman sila dahil isa rin yan sa mga iniisip nilang tanong.
Tumingin muna saglit si Celo kay Dylan at tsaka ngiting sumagot.
“Legal ang pumatay sa paligsahan.”
May iba naman na nagulat sa sinagot niya. Ang akala ng iba isa lang itong normal na tournament.
“Pero syempre, may mga rules parin tayo pagdating sa bagay na yan. Ayoko namang masayang ang mga buhay ng mga kalahok ng ganun na lang, a
t malalaman niyo yun sa araw ng paligsahan.“ Dugtong niya
“Totoo ba talagang gawa sa diamante ang skultura na yun?” Tanong naman ni Mr. Saquin dahil katulad ng iba, ang premyo lang rin ang habol niya kaya siya pumayag na sumali sa paligsahan.
“Pupunta mismo ang pamilya Alfonso sa paligsahan para personal niyang masaksihan ang mga labanan. Siya ang proweba na legit ang premyo ng paligsahan na ’to.” Sagot ni Celo. Tumango naman ang iilan at mukhang sapat na sakanila ang mga nalaman nila ngayon.
Nung wala na silang narinig na nagtanong ay isa isa ng tumayo ang mga ito at tsaka nagpaalam kay Marcelo.
“Maraming salamat, Mr. Martin”
“Kita nalang tayo sa araw ng paligsahan.”
“Goodluck sa kupunan niyo.”
Habang naglalakad naman si Devi para sana lumabas na sa hall ay mejo natigilan siya nung makita niya kung sinong makakasalubong niya.
Hell..
Di niya alam kung nakatingin ba ito sakanya dahil naka shades ito. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at inaasahang may sasabihin ito sakanya pagkatagpo nila.
Pero wala..
Nakalagpas nalang siya ay wala siyang narinig na boses mula rito.
Nilagpasan lang siya na parang hindi siya nito kakilala.
Naalala niya tuloy ang huling mga sandali niya sa Mansyon ng Virgo. Si Hell ang huli niyang nakausap nung gabing yun at sinabi pa nito na sa oras na lalabas siya ng pinto ay ituturing na siya nitong kalaban.
Mukhang hindi nga siya nagbibiro..
Wala lang dapat ’to sakanya dahil pinili niya ang landas na ’to, pero habang humahakbang siya palayo ay tila may naramdaman siyang kirot sa parte ng puso niya. Kaonti lang naman yun pero apektado parin siya.
Tama..
Muntik na niyang makalimutan
Kalaban na niya ang Virgo.
At hindi na niya yun mababago pa.
**
Malapit na sana si Hell kay Marcelo nang may isa pa siyang nakasalubong at nakangisi pa ito sakanya. “Akala ko ang batang Boss niyo ang pupunta dito.” Wika ni Emnacin. “Inaasahan ko pa naman ang pagdating niya.” Dugtong niya pero nabato nalang siya nung nilampasan lang siya ni Hell na parang di siya narinig.
“Naririnig mo ba ako?!” Mejo pasigaw ng tanong niya dahil mejo nainis siya sa pambabastots nito sakanya. “Sabihin mo to sa Boss niyo! Ako ang tatap–”
“Sino ka ba?”
Muling natigil si Emnacin sa lamig ng boses nito. Huminto ito at tumingin sa gawi niya nang bahagya “Hindi kita kilala, amerikanong hilaw.” Sambit nito sakanya dahil sa kulay dilaw niyang buhok bago ito nagpatuloy sa paglalakad,
Dahil dun ay mas lalong nadagdagan ang galit niya sa mga Virgo. Hindi lang pala si Virgel ang hayop sa grupong ’to.
Nang tuluyang makaalis ang lahat sa convention hall, tanging si Hell at si Celo nalang at mga tauhan nito ang naiwan sa loob.
Muli silang nagtitigan at dun na di nakapag timpi si Celo. Kinuha niya ang baril sa likod niya at tsaka itinutok sa noo ni Hell “Pinahiya mo ako kanina.”
“Putok mo.” Malamig lang na sagot nito. Ni di ito nanginig o kung ano sa baril na hawak niya. “Jan ka lang naman magaling, hindi ba?”
Tutuluyan na sana niya talaga ito pero napatingin siya sa mga staff sa loob na nakatingin sa gawi nila. Kaya kalaunan ay ngumiti rin siya “Ba’t ko naman gagawin yan?” Tawang tanong pa niya. “Sumunod ka sakin.” Sabi niya at tsaka naglakad palabas ng hall.
“Nakakahiya to.” Naibulong nalang ni Virgel habang pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan niya. Eh pano ba namang di siya titignan, tatlong malalaking gulong ang hila hila ng katawan niya ngayon. Nakatali ang isa sa bewang niya habang tig isa namn sa mga kamay niya. At sa daan niya pa talaga ito ginagawa. “Demunyu ka talagaaaa!” Naisigaw niya nalang sa sobrang inis.
“Baka nakakalimutan mong papa ko yang sinasabihan mo nyan?” Tanong ni Ginger na nasa gilid lang niya naglalakad. May hawak siyang sanga ng bayabas at siya ngayon ang nagbabantay kay Virgel.
“Eh bakit kasi ganit–rrggghhh ang bigat!” Tanghaling tapat pero heto siya, nagpapaka bilad para sa pagsasanay na ’to. Magdadalawang oras na siyang ganito kaya sumasakit na ang katawan niya.
Sinubukan niya sanang huminto para magpahinga saglit pero “Aahhh! Araay!” Napahaplos nalang siya ng mabilis sa pwet niya nung makatanggap na naman ito ng hampas ng sanga ng bayabas. “20 seconds lang!” Makaawa niya
“Kilos!” Sagot lang ni Ginger tapos ay bumwelo ulit siya kaya.. “Oo na!” Tinuloy nalang ni Virgel ang ginagawa niya.
“Sige lang. Malapit naman na tayo.” Ngiting wika ni Ginger “At pag narating natin yung goal, may reward ka na pahinga yey! heheh.”
Nakahinga naman ng maluwag si Virgel sa narinig. “Hay salamat. Kahit 20 minutes okay n–”
“30 SECONDS! YEY! Tapos balik na ulit tayo pauwi ng bahay”
“Anak ng tupa.”
Sa nakaraang tatlong araw ay walang sinayang na oras si Greco na itrain si Virgel. Kahit minsa’y naaawa na ito sa bata, pinili niya paring maging strikto para mag bunga talaga tong ginagawa nila. 1000 push ups, mag igib ng tubig, pigilan ang punching bag, 1000 sit ups, lahat ng paraan para lumakas ang katawan ay ginagawa nila. At pagdating sa pagkain, pinapakain niya ito ng husto. Isa lang ’to sa mga ginagawa nila araw araw. At sa bawat araw na dumaraan, mejo nababawasan na ni Virgel ang mga reklamo niya. Iba lang talaga tong ginagawa niya ngayon dahil unang beses niya sa pagsasanay na ’to.
“Pero diba pansin mo, nagagawa mo na yung 1000 push up. Di tulad nung una mong subok. Nahimatay ka e hahahaha” Pang aasar ni Ginger. “Kaya nasa sanayan lang talaga yan. Naghihirap ka man ngayon, sigurado mga ilang linggo lang sisiw na sayo ’to.” Tawang dugtong niya. Bahagya rin tuloy na natawa si Virgel “Siguro itong training na ’to oo, pero yung kahihiyan ko sa tuwing pinagtitinginan ako ng mga tao tingin ko di ako masasanay jan.” Sagot niya kaya mas lalong natawa si Ginger.
“Ngayon ka pa nahihiya eh matagal ng makapal yang mukha mo.”
“Anong sabi moo??”
“Hahahahahaha”
“Ano? Magtititigan nalang ba tayo dito?” Ngising tanong ni Marcelo kay Hell. Sila lang dalawa ang nandito ngayon sa isang silid. Magkatapat na nakaupo. “Ano bang gusto mong pag usapan?”
“Gusto ko lang gumawa ng kasunduan.” Dumukot ito sa bulsa niya at kinuha ang sigarilyo at sinindihan “Alam kong importante sayo tong proyekto mo. Pero importante rin sa amin ang batang kinuha mo.”
Natawa naman si Celo sa sinabi nito. “ At anong kasunduan yang iniisip mo?“
“Wag na wag mong ipapahamak ang buhay ni Kael. Wala akong pake kung anong plano mo sakanya, kung gagawin mo ba siyang sangkap sa mga tarantado mong plano. Sige gamitin mo lang siya. Pero wag na wag mong ilalagay sa piligro ang buhay niya.” Sagot ni Hell “Kapalit nun ay walang mangyayaring masama sa arena mo.”
Natigil naman ng ilang segundo si Celo sa narinig niya. At nung makabawi.. “HAHAHAHAHA” Lumagapak nalang ito sa pagtawa. Naluluha pa ito na tila isang nakakatawang bagay ang mga narinig niya. “HAHAHAHAHAHA”
Hinayaan lang ni Hell na tumawa ito.
At nung huminto siya, iling iling pa siyang sumagot “Ngayon lang ako pinagbantaan ng ganyan buong buhay ko. Iba ka, Hell. Iba ka.”
Nag smirk naman si Hell “Alam kong iniisip mo ngayon na di mo na ako pauuwiin ng buhay dahil sa mga sinabi ko, at wala akong pake dun. Barilin mo ako ngayon mismo kung gusto mo. Pero gusto ko lang sabihin na sinabi ko na sa mga kasama ko na pag di na ako nakauwi, alam na nila ang gagawin nila.” Dahil dun ay biglang nawala ang ngisi sa mga labi ni Celo “Marami kaming kontak, Marcelo, at di mo kayang protektahan ang arena na ’to habang buhay dahil may iba ka pang pinagkakaabalahan. Wala kang alam kung kelan kami aatake. Kung anong araw, anong oras. Pwedeng bukas, pwedeng sa susunod na linggo. At alam mo sa sarili mong malaking halaga ang mawawala sayo pag nangyari yun.”
“At tingin mo papayag ako sa walang kwentang kasunduan na yan?”
“Oo.” Diretsong sagot ni Hell “Dahil alam kong pera lang ang laman nyang utak mo.”
Ang kaninang tawa nang tawa ay ngayon halos magsalubong na ang kilay sa inis. Di niya akalaing mapapaikot siya ng aroganteng tao na ’to.
“Madali lang ang kasunduan ko, Marcelo.” Sambit pa nito. Pero imbes na magpadala sa galit, ginamit nalang ni Celo ang utak niya.
“Sure. Walang mangyayaring masama sa kasama niyo.” Ngiting sagot niya. Kung susundin niya ang kasunduan ni Hell, sakanya parin naman magiging pabor ang sitwasyon dahil makukuha niya parin ang gusto niya. Hindi naman niya kailangang patayin si Kael para lang sa plano niya. “Magpapadala ako ng proweba na maayos lang siya isang beses sa isang linggo. At pag natapos na ako sa plano ko, iuuwi ko siya sainyo ng buo at syempre buhay.” Dugtong nito kaya tumayo na si Hell pagkatapos.
“Sige.” Tipid na sagot nito bago nakapamulsang naglakad palabas ng silid na parang wala lang.
Habang si Celo ay pinagmasdang lang niya itong lumabas.
“Hindi ko inaasahan tong atake niyo, Virgo.” Ngising bulong nalang niya “Magaling. Magaling.”
7PM
NOAH’S APARTMENT
“Kakain na.” Aya ni Noah kay Asher na nandito lang ulit sa may puno sa labas habang nakasandal. “Ginawa mo na tong bahay tong puno ah.”
“Hindi ako nagugutom.” Sagot lang nito kaya napakamot nalang siya sa batok niya.
“Nag ensayo ka ba nitong araw na ’to?” Tanong ulit niya.
“Hindi.” Halos matawang sagot nito “Para saan pa?”
“Haaaay” Sumuko nalang si Noah at tsaka umupo sa may damuhan sa tabi ni Asher. Tapos ay pinagmasdan ang kalangitan.
“Dapat mas magalit ako sayo ng husto.” Wika nito “Kasi dahil sayo nagkagulo kami ni Dabria. Hindi niya parin ako kinakausap hanggang ngayon dahil sayo.” Dugtong niya at tsaka napangiti “Pero di ko yun magawa dahil nakikita ko ang sarili ko sayo.”
Napatingin naman si Asher sakanya
“Pero hindi yung mayaman na side mo. Kasi lumaki akong mahirap.” Tawang sambit niya “Nakikita ko lang ang sarili ko sayo sa paraan na kinaiinisan ko rin dati ang sarili ko sa pagiging mahina. Katulad mo, napaka tanga ko rin makipag laban dati.”
“Wow. Salamat ha? Nainspire ako sa sinabi mo.” Sarkastikong singit ni Asher kaya natawa nalang siya.
“Pero nagsikap ako. Alam ko sa sarili kong hindi ako makakapag tapos ng pag aaral dahil sa estado ng buhay ko noon kaya ang ginawa ko, nagtuon nalang ako sa pagpapalakas dahil alam kong magagamit ko rin ito para kumita ng pera.”
“Gano ka ba kahirap dati at halos banggitin na yan ng paulit ulit ni Dabria?” Tanong ni Asher
“Sobrang hirap na tipong ayoko ng bumalik pa sa pagiging ganun.” Mapait na sagot nito. “Ayoko ng bumalik sa estado na isang beses lang nakaka kain sa isang araw, minsan wala pa. Ayoko ng maamoy ang mga basura, ayoko ng magbilad sa araw para lang kumita ng bente pesos sa isang araw.” Napailing nalang siya nung maalala niya kung gano siya kahirap nagtiis dati. “Kaya nagsumikap ako. Itong nangyayari sakin ngayon ay dugo’t pawis ang binuhos ko rito. Kaya tignan mo, kahit papano nakaka kain na ako ng tatlong beses sa isang araw. O minsan nakakapag snack pa.”
“Magkano ba ang sahod niyo sa trabaho niyo?” Ewan pero kusa nalang sumasabay sa kwentuhan ang bibig ni Asher
“Hmmn depende eh. Kung taga bantay ng bata minsan kinikita namin 600 lang sa isang araw. Pero okay na din yun para sa aming lima. Sa pag dispatcha naman ng tao, naglalaro lang yan sa 20 hanggang 25k.” Tawang paliwanag niya. Mejo natawa rin naman si Asher
“Grabe, kahit ano pala talaga pinapasukan niyo.”
“Oo! Hahaha pinaka masamang karanasan namin dati ay maglinis ng dumi ng baboy sa isang piggery. Tangena talaga. Hinimatay nga si Sol nun e hahahaha ang bahoo” Di nila namamalayang nagtatawanan na pala sila habang nag kkwentuhan. “Tapos 500 lang yung binigay samin gago. Hayop talaga yun hahaha kaya ang ending nagnakaw kami ng isang baboy niya at ni lechon namin pang hapunan” Halakhak na kwento niya.
“Tarantado talaga kayo kahit kailan” Iling na tawang sagot ni Asher.
Nang matapos silang magtawanan ay napatingala ulit si Noah. “Marami na kaming karanasan. Pero itong darating na paligsahan, ito na ata pinaka malaking pera na makukuha namin kung sakaling manalo kami.” Sabi niya tapos ay kinuyom niya ang kamao niya at tinignan “Kaya kailangan naming manalo kahit na anong mangyari.”
Tahimik lang na nakinig si Asher. Naiisip niyang posible na mangyari yun dahil napaka lakas ni Noah. Kaya siyang dalhin ng kakayahan niya hanggang sa dulo ng paligsahan kung tutuusin.
“Ikaw? Bakit ba kayo sumali sa paligsahan?” Tanong naman ni Noah nung mapansin niya itong natahimik. “Ang premyo din ba ang habol niyo?”
“Hindi. Di na ako naghahangad ng pera o kayamanan ngayon.” Sagot ni Asher “Sumali lang ako dahil yung taong pinoprotektahan ko ay sasali rin sa paligsahan. Gusto niyang makamit ang hustisya ng pagkamatay ng ama niya. Gagamitin niya ang paligsahan na yan para makalapit kay Marcelo.”
“Si Marcelo Martin ang pumatay sa ama niya??” Di makapaniwalang tanong ni Noah.
“Nagpapatay.” Sagot niya “At bago rin mamatay ang kuya niya, nangako akong kahit anong mangyari ay poprotektahan ko ang kapatid niya. Kaya ako sasali sa paligsahan. Di ko siya pwedeng pabayaan. Lalo pa’t kinakain na yun ng galit niya kay Marcelo. Gusto ko siyang gabayan sa mga decisyong gagawin niya.” Napatingin naman siya sa kamay niya at napangiti ng mapait “Pero ewan kung magagawa ko ba yun sa kakayahan kong ’to. Baka nga ako pa ang pprotektahan nun dahil sa sobrang hina ko.”
Nakatingin lang si Noah kay Asher ng ilang segundo. Nag isip ng ilang sandali at sa huli ay napa buntong hininga.
“Ilan sa mga awra ng mga nakasama ko kanina sa pagpupulong ni Marcelo ay halatang malalakas.” Sabi niya at tsaka tumayo. “Kung gusto mo talagang protektahan ang taong yun, isang beses ko lang tong itatanong kaya sumagot ka ng maayos.” Dugtong niya kaya napatingin sakanya si Asher.
“Gusto mo bang maging Kai User?”
-To be continued..
( Ngayong nakilala niyo na ang sampung grupong lalahok sa paligsahan, kanino kayo kakampi? Sino ang sa tingin niyo ang maglalaban sa huli at magkakampyon? Pick your team :)) )
-MajorSin
Chapter 12: Purpose and Intentions
Chapter 12: Purpose and Intentions
[3rd Person’s PoV]
Marahang binuksan ni Noah ang isang pintuan at tumambad kila Asher ang isang madilim na silid.
“Hindi porke’t gusto kong maging Kai User eh magpapa rape na ako sayo.” Wika ni Asher kaya natawa nalang si Noah.
“Ano ka, chix?” Sagot niya bago binuksan ang ilaw, at dun nawala ang tawa ni Asher. Bumakas ang pagka mangha sa mukha niya sa mga nakita niya.
Iba’t ibang uri ng mga sandata. Halos lahat na ata ay nandito na sa loob na naka display.
Samurai, Katana, Blade, Spear–lahat. “Woah.” Nasabi nalang niya “San mo nanakaw ’tong mga ’to?”
“Gunggong binili ko yan!” Depensa agad ni Noah.
Pumasok sila at tsaka isa isang tinignan ni Asher ang mga ito. Parang kumikinang ang mga mata niya ngayon. Kinuha niya ang isang katana at tsaka hinaplos haplos. “Mga orihinal nga.” Sambit niya dahil ramdam niya ang bigat nito.
“Bago ka magsanay para maging weapon user, kailangan mo munang mamili ng isang sandata na gusto mong makasama sa buong pagsasanay mo.” Paliwanag ni Noah “Kailangan mo itong pag aralan ng mabuti, angkinin ng buo, at mahalin na parang parte ng sarili mo.”
“Isa lang?”
“Oo dahil nasa pagsasanay ka palang. Pero sa oras na ma master mo na ito, kahit anong sandata ang gamitin mo ay pwede na.”
“Naisip ko lang” -Asher
“Ano?”
“Kung ang lalaki na maraming babae, babaero ang tawag, ano kayang tawag sa mga weapon user na maraming sandata ang ginagamit?” Tanong nito habang namimili pa ng mga sandatang titignan. Parang di ito seryoso sa pag uusap nila.
Nailing nalang si Noah “Wag mo ng ituloy maawa ka.”
“Weaponizer?”
“Haysss” Napatampal nalang si Noah sa noo. “Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
“Oo heheh.” Tawang sagot nito. “At kaya ba tayo nandito para mamili ako ng isang sandatang pag aaralan ko?”
“Nakikinig nga.” Sarkastikong sagot niya
Habang nakatingin si Asher sa ibang sandata sa harapan niya, isang sandata pa ang nagpukaw ng atensyon niya. Ang nag iisang sandata dito sa loob na kulay pula ang kulay. Dalawang pares ito na naka lagay sa isang malambot na lalagyan.
Lumapit siya rito at tsaka kinuha ang isang pares nito.
“Karambit knives.” Usal niya. (See the pic below)

“Bigay sakin yan ng isang Mob Boss nung tagumpay naming ma dispatcha ang target nila.” Sambit ni Noah “Yan ba ang gusto mo?”
Sinuot naman yun ni Asher sa kamay niya. Hinigpitan niya ang pagkapit nito at tsaka winasiwas ng mahina para pakiramdaman.
“Siguraduhin mo muna yan dahil sa oras na mag umpisa na tayo, bawal ka ng pumili ng iba.” Paalala niya, at nakita nalang niya kung pano bumilis ang pag wasiwas ni Asher na parang bihasa na hanggang sa tumingin ito sakanya at mabilis na inatake ang mukha niya.
Isang malakas na hampas ng hangin nalang sa mukha ang naramdaman niya matapos gawin yun ni Asher. Sobrang lapit lang ng sandata nito sa mukha niya.
Tama..
Muntik na niyang makalimutan, Assassin nga pala ang isang ’to.
“Sigurado na ako dito.” Ngising sagot nito.
Tumango naman siya “Sige, kunin mo na rin yang isa at lumabas na tayo. Gutom na ako.”
“Sige hehehe”
Sa unang araw ng kanilang pag aaral sa pag gamit ng Kai, hindi gaanong nahirapan si Noah sa pagtuturo. Dahil bukod sa sinusunod siya nito, naaaral agad ni Asher ang proseso. Hindi naging tanyag na Assassin ng Virgo si Asher sa wala. Dumaan rin siya sa pagsasanay noon na nangangailangan ng matinding focus. Kaya para sakanya, madali na ang pagsasanay na ’to.
Sa dumaang limang araw ay mejo alam na niya kung pano magpalabas ng Kai sa katawan.
“Hindi ko akalaing magiging madali lang kay Asher ’to lahat.” Nasabi nalang ni Noah sa katabi niyang si Dabria habang pinapanood nila itong nagsasanay.
“Malakas si Asher, kulang lang talaga siya sa kaalaman.” Sagot nito kaya napatingin siya rito. At nangunot nalang ang noo niya nung makita niyang naghuhugis puso na naman ang mga mata nito habang nakatingin kay Asher . “Haysss, ang lakas ng magiging ama ng mga anak ko.”
Iling nalang na natawa si Noah. Bati na nga pala sila baka di niyo napapansin.
S a ikaanim na araw ay pag aaralan na ni Asher kung pano maging isang weapon user.
Ito na ang totoong pagsubok para sakanya.
“Sige lang, atakihin mo lang.” Usal ni Noah habang hawak hawak ang isang chopstick. Gamit naman ang karambit ni Asher ay inatake nga niya ito gamit ang buong pwersa niya.
Pero nung lumapat ito sa chopstick ay di man lang ito nahiwa kahit konti.
“Ang Kai Energy na binabalot mo sa sandata mo ang nagbibigay ng kakayahan nitong maging matibay o maging matulis. Kaya kahit ibuhos mo pa lahat ng lakas mo gamit ang isang normal na atake, hinding hindi nito kaya tibagin ang isang bagay na nababalutan ng Kai. Pero..”
Umabante naman si Dabria at gamit ang hiniram niyang isang karambit ni Asher, inatake niya ang chopstick na hawak ni Noah at nakita nila kung pano ito nahiwa.
“Ganito ang mangyayari pag ginamitan mo ng Kai ang sandatang iaatake mo sa sandatang nababalutan rin ng Kai.” Dugtong niya at tsaka muling tumingin kay Asher. “Ito ang magiging huling pagsubok mo. Sa oras na mahiwa mo ang chopstick, pasado kana at magiging ganap ka ng weapon user.”
“Kelan ko pa kaya magagawa yan?” Halos walang pag asang tanong nito.
“Magagawa mo na yan bago pa man magsimula ang paligsahan kung pursigido ka lang.” Sagot niya. Binigay naman muli ni Dabria ang isang karambit kay Asher.
“Ngayon, sa ika anim na araw ng pagsasanay natin, gusto kong pag aralan mo buong araw yang sandata mo.” Usal ni Noah
“Eh pero sinabi ko ng alam ko na kung pano ito gami–”
“Hindi yan ang ibig kong sabihin na pag aralan. Titigan mo yan buong araw. Haplusin, amuyin, lasahan mo kung maaari. Ikaw na ang bahala. Kung sa tao pa kilalanin mo munang mabuti yang sandata mo.” Putol niya “At paulit ulit mo lang yang gagawin sa loob ng sampung araw.”
Halos malaglag naman ang panga ni Asher sa narinig “ANOO?? Makikipagtitigan lang ako sa sandata na ’to sa loob ng sampung araw??! Nabubuang kana ba??”
Natatawa naman sina Dabria at ang iba sa gilid
“Seryoso ako. Isa yan sa mga dapat mong gawin para maging weapon user ka.” Mejo natatawa ring sagot ni Noah.
“Tangina baka habang ginagawa ko yan kakausapin ko na yung sandata ko sa sobrang bored ha?” At dun na natawa ang lahat.
( Paging Benz, Upin, Ipin and Poon Poon hahaha :(( )
“Siraulo talaga ’to.” -Abe
“Tsaka kana mabahala pag kinausap mo yan tapos sasagot bigla” Tawang sagot rin ni Sol
“Tapos makikipag kilala pa sayo no? hahahahaha tangina” Abe
“And then they will close close together” Celes
“Tapos mag i LQ kayo HAHAHAHAHA” Tawang singit ni Noah.
“Tapos sisingit si Dabria para comfort comfort kunwari HAHAHA galawang waiting na bespren” -Abe
“BAKIT AKO PA YUNG NAGMUMUKHANG KABIT??”
- Dabria
“HAHAHAHAHAHAHA!” Natawa nalang ang lahat sa kaabnormalan ng mga utak nila.
**
Ngayon ay nasa kwarto na si Asher habang kunot noong pinagmamasdan ang karambit sa harap niya. Halos 30 mins na siyang ganito.
Tama ba tong ginagawa ko? Natanong niya sa sarili. Naalala niya ang mga sinabi ni Noah kanina na pwede niya rin itong himasin o amuyin o sa kung anong trip niya kaya kinuha niya ito at tsaka hinimas ang patalim nito.
At habang hinihimas himas niya ito, bigla nalang nagsalita ng kusa ang bibig niya “Nakikiliti ka ba?”
Dun lang nag sink in sa utak niya ang sinabi niya kaya nanlaki nalang ang mga mata niya “AAAAAHHHHHHH! HINDI KO TO KAYA!!” Hawak ulong sigaw niya. Wala pang isang oras niya itong ginagawa pero para na siyang nasisiraan ng bait.
Sandata? Tinanong ko kung nakikiliti ba ito sa ginagawa ko??
Siraulo!
Dalawang linggo palang ang lumipas simula nung mag umpisa siyang mag training pero ramdam na ni Virgel ang kaonting pagbabago ng katawan niya. Di na siya nangangayayat. Bumalik na ng kaonti ang mga muscle niya. Dahil sa matinding training na kinakaharap niya araw araw ay mejo bumabatak na ulit ang katawan niya.
Abs niya ay unti unti ng nakikita. Wala siyang pang itaas na suot ngayon habang nakatali ang buhok. Kaharap niya ngayon ang isang punching bag habang si Greco ay nasa gilid lang niya.
“Oras na para subukan mo ang atake na ginawa ko dati.” Usal nito “Tingin ko ay kaya na ng katawan mo.”
Kinuyom naman ni Virgel ang kamao niya at tsaka nag stance tulad nung ginawa ni Greco dati. Huminga siya ng malalim at ikinalma ang sarili. Bawat paghinga nito ay sumasabay lang sa daloy ng enerhiya niya sa loob. Malinaw na sakanya ngayon ang daloy ng enerhiya niya sa katawan. Hindi na ito magulo tulad dati.
Una niyang tinuon ang kai niya ay sa mga paa niya para humigpit ang kapit nito sa kinatatayuan niya at di siya mawalan ng balanse.
Sunod ay isang malakas na pagbwelo ang ginawa niya at naglagay rin siya ng enerhiya dito para sa gagawing pagbitaw
At nung sa tingin niya ay sapat na, agad kumawala ang malakas na hangin sa paligid niya at pati ang kinatatayuan niya ay nagkatipak na.
At dun, malakas niya itong pinakawala na may kasamang malakas na enerhiya ng Kai.
Bago pa tumama ang suntok nito sa punching bag ay kitang kita ni Greco ang malakas na pwersa na bumabalot sa kamao nito.
“AAARRRRGGHHHHHHH!!”
Sa pagtama ng suntok nito sa punching bag ay napaatras nalang si Greco dahil sa lakas ng hanging humampas sa kanila.
Ang lakas!
Nasabi nalang niya sa utak niya. At mas lalo siyang namangha nung tinignan niya kung pano tumilapon ang punching bag na ngayon ay nabutas na.
Matapos ang nangyari ay di agad nakareact si Greco. Natulala pa ito sa nasaksihan niya. Hindi niya akalaing lalagpas sa inaasahan niya ang kakayahan na meron ang batang ’to.
Habang si Virgel naman ay tulala rin na nakatingin sa palad niya. Pati siya ay nagulat sa naging resulta ng ginawa niya.
Ito ba ang lakas ng isang physical user?
Natanong nalang niya dahil sa sobrang pagka mangha. Ewan pero naeexcite ang kalamnan niya.
Gusto niya pa
Gusto niya pang lumakas
Kulang pa ’to..
May mas ilalakas pa ako, diba?
“Magaling, Virgel.” Rinig niyang puri ni Greco sakanya kaya ngiti siyang tumingin rito.
“Diba sabi mo sa huling dalawang linggo sabay sabay ko ng gagawin ang mga training araw araw?” Tila excited na sabi nito–bagay na pinagtaka ng konti ni Greco.
“Oo–”
“Mag umpisa na tayo. Mahaba pa ang araw.” Ganadong sabi nito na tila parang sinasabi nito sakanya na sige pa, sige pa, gusto ko pang lumakas.
Gusto kong lumakas ng husto, Master..
Bigla niyang naalala si Rize sa kinikilos ni Virgel kaya mejo nakaramdam siya ng takot.
Pero hindi, nangako na ’to sakanya. Nakikinig ito sa mga sinasabi niya.
Magkaiba sila
Ngumiti naman nang bahagya si Greco bago sumagot “1000 push ups”
“Sisiw” Pagmamayabang pa nito bago inumpisahan ang pag pupush up kaya natawa nalang siya.
Nagdaan pa ang ilang mga araw at patuloy lang sa pagsasanay si Virgel. Wala ng naririnig si Greco kahit isang reklamo man lang sa bibig nito. Habang si Asher naman ay patuloy paring kinikilala ang sandata niya. Ewan, malapit na ata siyang mafall kakatitig niya dito.
Pero sa kabilang banda, araw araw na ring nag eensayo si Ish sa training room. Simula nung makalabas siya ay tinuon na niya ang lahat ng oras niya sa pagpapalakas. Tumatak ng husto sa utak niya ang mga sinabi ni Hell sakanya kaya ganito nalang siya ka pursigido ngayon. Tama si Hell, wag siyang magpadala. Kung sa tingin niya ay malakas na ang kupunan ni Marcelo, walang mangyayari kung paiiralin lang niya ang takot. Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang lumakas!
Si Lily naman ay kakalabas lang ng ospital dahil sakanyang tinamo. Pero gaya ng iba, gusto rin niyang lumakas. Isa siya sa pinili ng kanilang Boss para sumali sa paligsahan, ibig sabihin lang nun ay may tiwala ito sa kakayahan niya. Kaya di niya ito pwedeng biguin. Kailangan niyang patunayan na maaasahan siya sa kabila ng pagiging batang babae niya.
At habang bumabangon ang lahat para sa nalalapit na paligsahan, isang myembro parin ang hindi makatakas sa nakaraan. Lagi paring nagkukulong si Nica sa kanyang kwarto. Mas lumala pa ito matapos pinaalam ni Steph na kasali ang pamilya niya sa paligsahan–lalong lalo na ang kuya niya.
Ang kuya niyang nagbalot sakanya ng takot noong magkasama palang silang lahat.
Ang kuya niyang bumaboy sa pagkatao niya.
Pero sa kabila ng pagtaboy niya sa lahat, may isang tao ang walang sawang nagbabantay sakanya. Kahit ayaw niya itong kausapin o pansinin, lagi itong nasa tabi niya at hinding hindi siya nito pinapabayaan.
Napatingin siya sa may pinto nung marahan itong bumukas. Niluwa doon si Steph na may dala dalang tray ng pagkain. “Kumain ka muna, Nica.” Wika nito at dun lang narealize ni Nica na kahit nawalan man siya ng mga napaka importanteng tao sa buhay niya, may isang tao pa ang patuloy na humaharap sa buhay kasama niya.
Kaya nung makalapit si Steph sakanya, imbes na kunin ang tray, yumakap lang siya sa bewang nito ng sobrang higpit. Wala itong binitawan na salita pero ramdam na ni Steph ang gustong sabihin nito.
Nilagay niya ang tray na hawak niya at tsaka niyakap ang ulo nito pabalik “Sabi ko naman sayo, nandito pa ako. Hindi kita pababayaan.” Ngiting sambit niya at dun di na mapigilan ni Nica ang maiyak.
“Pangako yan.” Dugtong nito at tsaka hinaplos ang buhok niya.
Panahon na para iwan ang mga sakit na alaala. Kailangan na niyang harapin ang bukas at mga susunod pang araw. Kailangan niyang maging matibay.
May pamilya pa siyang natitira, at dapat niya itong protektahan..
Lalo na ang lalaking ’to..
Sa ika sampung araw na titigan, himasan, amuyan, at kung ano pa ni Asher at ng sandata niya, sa wakas ay natapos rin. Sa loob ng mga araw na yun ay wala siyang ibang ginawa kundi gawin ang mga bagay na yan. Nasa likod niya lang ito lagi kahit pa sa pagtulog. Lagi niya itong hawak hawak kahit saan siya magpunta. At oo, kinakausap na niya ito minsan sa sobrang bored niya. Di nga siya nagkamali.
Sa mga ginawa niya, parang wala namang nangyari. Parang inuuto lang ata siya nitong kaharap niya ngayon. “Ano ba yan, ba’t parang walang nangyari sa ginawa ko?” Tanong ni Asher na ikinatawa ni Noah
“So nag expect ka talaga na makakamabutihan mo yang karambit na yan?”
“Hindi yun! Gagu.” Inis na sagot ni Asher “Ang ibig kong sabihin eh ba’t parang di man lang ako lumakas o kahit anong pagbabago–” Bago pa matapos si Asher sa sasabihin niya ay mabilis na umatake si Noah sakanya gamit ang isang chopstick at ewan pero kusa nalang niyang nabunot ang karambit niya at isinangga dito.
Pati siya ay nagulat sa naging reaksyon ng katawan niya.
“Talaga?” Ngising tanong ni Noah tapos ay ibinaba ang chopstick “Hindi lang sa paghimas o pagtitig nakatuon lahat ng pinagawa ko sayo. Kahit yung simpleng pagpapaikot ikot mo nyan pag bored ka, kahit yung simpleng pagkuha at paglagay mo nyan sa likod pagkatapos mong kumain o tumae? Malaking bagay na yun. Sa panahon na lagi mong kasama ang sandata mo, parang nasasanay na yung katawan at utak mo na anjan yan palagi sayo. Kaya sa oras na nalalagay ka sa panganib, agad nagrereact ang utak mo at heto na nga, maski ikaw nagulat sa ginawang pagsangga ng katawan mo.”
Di nakaimik si Asher. Kung ganun may napatunguhan pala talaga ang pagsasama niya at ng sandata niya sa loob ng sampung araw?
“Ngayong nakapasa kana sa pagsasanay na yan, sa huling bahagi na tayo, ang paglilipat ng kai energy papunta sa sandata mo.” Wika ni Noah at ngumiti nang bahagya “Sa totoo lang yung ginawa mo lang ang pinaka mahirap na parte ng pagsasanay para maging weapon user. Marami ang sumusuko sa stage na yun kaya di nila ito napagtatagumpayan. Pero di nila alam na sa oras na makapasa ka dun, ang paglilipat ng Kai sa sandata ang pinaka madaling proseso sa lahat dahil parang iisa na kayo ng sandata mo.” Wika ni Noah kaya lumawak nalang ang ngiti sa mga labi ni Asher
“Yeeeess!!”
-1 DAY BEFORE THE TOURNAMENT-
Bukas na magaganap..
Bukas na magaganap ang pinaghahandaan ng lahat.
Ang
Vulture Tournament
Lahat ng mga kalahok ay may kanyang kanyang iniisip sa araw na ’to. Iba’t ibang pangarap at hangarin ang nabubuo sa kanilang mga utak.
“Sa wakas na ensayo rin natin yang katawan mo.” Ngising sambit ni Gideon Saquin habang nakatingin sa anak niyang babae. “Bukas na bukas sabay nating abutin ang premyo ng palaro. Dahil alam ko kung gano ka takaw ni Marcelo sa pera.” Hinaplos haplos niya ang pisngi nito na parang natutuwa sa nangyayari “Dahil sa oras na makuha natin ang premyo na alam kong hinahangad rin ng taong ’yun, aalukin ko siya ng kasunduan.”
“Anong kasunduan, dad?”
“Alam mo naman kung gano ka gusto ng kuya mo ang anak niyang si Agnes, hindi ba?” Sagot nito. “Aalukin ko siyang ibibigay ko sakanya lahat ng premyo pati na ng skultura na yun kapalit ng anak niya.” Tawang dugtong nito. “Kaya Claire, galingan mo. Gamit ang droga na yan, lahat kaya nating talunan sa paligsahan na yun.” Mula sa paghimas, tila pahigpit nang pahigpit ang pagkapit nito sa pisngi ni Claire “Ginagawa ko ’to para sa kuya mo kaya wag na wag kang papalpak.” Nasasaktan na si Claire pero pilit nalang itong tumango “O-opo.”
May inabot naman si Saquin na isang maskara sakanya “Ayokong sabihin ng iba na pinayagan ko ang isang anak kong babae na sumali sa madugong paligsahan na ’to kaya isuot mo ’to. Wag mo akong ipahiya sa mga tao.” Sabi nito kaya yuko nalang na kinuha ni Claire ang maskara at tinignan ito.
“Bukas makikilala kana ng lahat bilang ’ Unknown ’”
Maya maya ay sumulpot pa ang apat niyang alaga na makakasama ni Claire sa paligsahan
“Wala kayong ibang dapat gawin kundi ang manalo lang, naintindihan niyo?” Utos ni Gideon
“Masusunod, Boss.”
Tahimik lamang na nakatingin si Devi sa harap ng isang puntod. Bago mag umpisa ang paligsahan, bago ulit siya kainin ng galit niya, gusto niya munang marinig ang payo ng babaeng pinaka mamahal niya.
Pero kahit anong tanong man ang gawin niya, di na ito sasagot pa kahit kailan.
“Pano ko ba mapapatawad ang sarili ko, Helena..” Nasambit nalang nito dahil nadudurog na naman ang puso niya nung maalala niya ang mga huling sandali nilang dalawa. Kung pano siya nito niyakap at binalitang magkakaanak na sila, kung pano nito sinalo ang mga bala na dapat sana ay sakanya.
“Pakiusap..” Wala mang luha ang dumadaloy sa pisngi niya, makikita mo na sa mga mata niya kung pano siya nalulugmok sa mga oras na ’to “Paano?”
“Kunin natin ang premyo, ibabangon nating muli ang Vendetta, at tsaka babawi sa hukbo ng Gobyerno” Narinig niyang nagsalita si Heidel sa gilid niya na nakangiti lang. “Kaya galingan natin bukas heheh”
“Nandito lang kami, Devi.” Singit naman ni Loda.
“Di ka namin pababayaan, Master Devi.” Sambit naman ni Annex habang kagat kagat ang straw ng hawak niyang milktea
“Tayo ang makakakuha ng premyo na yun.” Sali rin ni Ermac kaya napapikit nalang si Devi.
At pagmulat ng mga mata niya, iba na ang mga kulay nito. “Dudurugin natin silang lahat.”
“Yaay!”
“Basta wag kayong papatalo hangga’t hindi niyo nakakaharap ang Vendetta.” Usal ni Mr. Suico sa Esminets dito sa loob ng mini bar niya.
Nakatungga lang ng kanya kanyang inumin ang apat habang si Declan ay nakahiwalay ng upo sa gilid habang tahimik na nakatingin sakanila.
“Kami na ang bahala jan, Don Suico.” Sagot ni Roro.
“Pero hindi lang Vendetta ang gusto naming abutin, pati narin ang premyo. Napakalaking halaga nun” Singit naman Remy
“Anjan naman si Declan. Hangga’t nasa puder natin yan wala tayong dapat ikabahala. Makukuha natin ang premyo na yun.” Tawang sambit naman ni Poison habang tinutungga ang alak niya.
“Premyo sa paligsahan at halaga ng mga ulo ng Vendetta, pwede na tayong magsunog ng pera pag nilalamig tayo nyan.” Komento naman ni Adrias kaya natawa nalang sila pwera kay Declan.
***
“Siguraduhin niyo lang na mag eenjoy tayo jan, Dad”
“Dahil pag hindi, magtatampo talaga kami.”
Usal ng kambal na babae ni Amell na sina Rio at Macy. Nakakandong lang ang mga ito sa ama nila. Sa edad na trese ay halang na ang mga kalamnan nila sa malalakas na nilalang. Sa pamilyang ’to, bata palang ay sinasanay na talaga sila na maging assassin.
“Wag kayong mag alala, sinisiguro kong matutuwa kayo sa mga makakalaban natin bukas.” Hinaplos niya ng sabay ang buhok ng kambal niya.
“Kung andito lang sana si Veronica, siya nalang sana ang panlima niyo. Ba’t mo ba ako dinadamay sa mga plano mo, Amell?” Tanong ng ama niyang si Gustav. Nasa edad 70 na ito ngayon pero hindi halata sa pisikal na katawan nito dahil sa batak rin nitong katawan katulad kay Amell.
“Lima ang kailangan nilang kalahok.” Sagot ni Amell. Narinig naman niyang natawa ang panganay niyang si Lorenzo na nakasandal lang sa gilid.
“Matuwa?” Nakatingin lang siya sa kamay niyang walang laman at isang snap lang niya ay lumitaw ang isang kutsilyo at tsaka ito kinuha. “Huling beses na natuwa ako sa isang laban ay nagka pira piraso ang katawan ng kalaban ko.” Ngising sambit niya
“Buti pa ay lagyan nila ng Parental Guidance kung ipapalabas man nila ang paligsahan sa media.”
“Lola..” Hipalos nang marahan ni Ellyssa ang lola niyang mahimbing ang pagkakatulog sa kwarto nito. Totoo ngang binigyan ni Emnacin ng sariling bahay at mga nurse ang lola niya. Di niya maiwasang maiyak sa tuwa habang pinagmamasdan niya kung gano ka kumportable ang mukha ng lola niya habang natutulog.
“Magkakasama rin ulit tayo.” Sambit nito tapos ay hinawakan niya ang kamay ng lola niya “Maghintay ka lang ha? Babalikan kita.” Di niya alam kung makakabalik pa ba siya ng buhay. Nasabi ni Uranus na legal ang pagpatay sa nasabing paligsahan. At di niya maiwasang mangamba para sa sariling buhay. Di niya alam kung makikita pa ba niya ulit ang lola niya. Wala siyang tiwala sa sarili niyang kaya niyang makipagsabayan kaya ganito nalang ang mga iniisip niya.
Pero para sa lola niya, gagawin niya ang lahat para mabuhay, para makaligtas.
Lumapit si Jared sakanya kaya niyakap nalang niya ito “Maswerte ang lola mo at may apo siya na katulad mo.” Nasabi nalang nito.
Nandito rin sa loob sina Mabus pati narin si Uranus.
Narinig naman nilang nagsalita ang Boss nila “Basta tandaan niyo lang, pag Virgo ang makaharap niyo sa paligsahan, wala kayong ititirang buhay maliwanag? Durugin niyo silang lahat.” Sabi nito at tsaka nilingon si Mabus na dating myembro ng Virgo “At wala akong pakealam sa kung ano man ang nakaraan meron kayo. Basta sundin niyo lang ako. At syempre, gawin niyo lahat ng makakaya niyo para makuha ang premyo na yun.”
“Opo, Boss.” Si Jared na ang sumagot.
“Malaking halaga yung skultura na yun. Hindi ba kayo, interesado?” Tanong ni Troy sa mga kasama niya
Napangisi naman si Chase “Si Virgel lang ang pakay ko wala ng iba. Hindi ba’t Virgo lang rin ang gusto mong itumba sa paligsahan, Boss?” Tanong nito kay Samuel Forest.
“Di ko kailangan ang halaga nyang premyo na yan. Gusto ko lang durugin niyo ang grupong tumakwil sa atin noon at syempre, ipaghanti ang nangyari sa kamay at mata ko.” Itinaas nito ang kamay niyang putol na dahil sa ginawa sakanya ni Argo dati. Pati ang isa nitong mata na nakasarado na dahil may tahi.
“Anong gusto mo, Boss? Puputulan muna namin ang mga paa si Virgel bago tapusin?” Ngisi pang tanong ni Fatima.
“Kayo na ang bahala. Ang importante mapatay niyo siya.” Ngising sagot ni Samuel
“Kailangan ko pa ng mga labinlimang araw para makumpleto ’to.” Sagot ni Frank kay Celo. Napahilot naman siya sa sintindo niya. “Alam mo bang bukas na ang paligsahan? Ha?” Hinawakan nito ang pisngi ni Frank at pinatingin ito sakanya “Tapos sasabihin mo labinlimang araw?? Kailangan ko na ang droga bukas, doktor!”
“Kailangan pa ng mahabang panahon para rito, Celo. Hindi ’to basta bastang droga lang. W-wag kang mag alala. Gagawin namin ang lahat para mapadali ’to.” Takot na sambit nito kaya inis nalang na inalis ni Celo ang kamay niya at tsaka naglakad palabas ng lab. Kung hindi lang niya kailangan ang doctor na to ay kanina pa niya pinasabog ang ulo nito.
“Mukhang aasa muna ako sa mga kakayahan nila. Gagawa nalang muna ako ng paraan hanggang sa maturok sakanila ang droga na yun,” Bulong nalang nito at tsaka tuluyang lumabas.
“Pano kung sa unang round palang magkalaban na agad ang grupo natin?” Natanong nalang ni Noah habang kasama niyang nagpapahinga sa tabi ng puno ngayon si Asher
“Edi tayo ang maghaharap.”
“Pero isa sa atin ang matatalo. Isa sa atin ang masisira ang pangarap.” Habang sinasabi ito ni Noah ay nakatingin lang siya sa chopstick niya na putol na.
Napatingin naman si Asher sa kalangitan “Di ko alam. Gawin nalang natin ang best natin para manalo.” Tawang dugtong nito.
“Di ako pwedeng matalo.” Sambit ni Noah habang nakatingin sa damuhan “Pero ayoko rin na masayang tong pagsasanay natin para magabayan mo yang tao na yan papunta kay Marcelo.”
“Kung dumating man sa puntong kailangan mo akong talunin para manalo ang grupo niyo, wag kang magpakita ng awa. Ibuhos mo lahat ng lakas mo.” Napatingin nalang si Noah sa sinabi nito sakanya. Pagtingin niya ay nakangiti na pala ito sakanya “Gusto kong malabanan ang buong lakas mo gamit ang buong lakas ko.”
“Asher..”
“Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa ko ng hatiin yang chopstick. Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging Kai User, at di ko alam kung pano ako makakabayad sayo. Pero maraming salamat sayo, at sainyong lahat.” Sa maikling panahon, kahit sobrang sama man ng una nilang pagtatagpo, sa huli ay nanaig parin ang di inaasahang pagkakaibigan ng dalawa.
Naglahad ng kamao si Asher at ngumiti “Galingan nating dalawa bukas.”
Tango rin namang ngumiti si Noah at binangga ang kamao niya “Para sa mga grupo natin”
Sampung grupong may kanya kanyang hangarin kaya sumali..
Mga kalahok na may kanya kanya ng layunin..
Sinu sino nga kaya ang mangingibabaw?
Bukas na magkakaalaman..
-To be continued..
(A/N: Sinu sino nga kayang grupo ang unang magtutunggali? Libre hula hahah tsaka nga pala, maikli lang tong season 3. Baka mga chapter 30 tapos na to heheh salamat sa laging pagsubaybay! :)) )
-MajorSin
Chapter 13: Ceremony
Chapter 13: Ceremony
[3rd Person’s PoV]
“MGA MAHAL NA MANUNOOD AT MANLALAHOK, INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA SUMALI SA SEREMONYA NA GAGANAPIN SA FIGHTING ARENA MAKALIPAS ANG TATLONGPUNG MINUTO. INUULIT KO, INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA SUMALI SA SEREMONYA NA GAGANAPIN SA FIGHTING ARENA MAKALIPAS ANG TATLONGPUNG MINUTO. MARAMING SALAMAT”
Napatingala nalang ang lahat nung makarinig sila ng anunsyo sa buong Martin’s Arena. Mga ordinaryong manunood, mga VIP, mga tanyag at kilalang tao sa larangan ng politika–lahat na, ay nandito ngayon para tunghayan ang kauna unahang paligsahang ilulungsad sa bansa.
“Masyado talagang matalino si Mr. Martin para makaisip ng ganitong klaseng proyekto.” Wika ng isang politiko sa kausap rin nitong kapwa politiko.
“Balita ko ay magiging legal daw ang pagpatay sa paligsahan na ’to at naaprobahan na iyon ng Presidente.” Sagot naman ng isa.
“Isa ang pamilya ni Mr. Martin na sumagip sa bayan ng Orquieta nitong kailan lang. Marahil ay malaki ang utang na loob ng Presidente sakanila kaya siya nito napapayag.”
Habang ang iba ay abala at kanya kanya ng pag uusap, halos magsilabasan naman ang ugat sa noo ni Ish sa sobrang inis “Asan na ba yung dalawa??” Nag uusok ulo ng tanong nito.
“Papunta na yun.” Sagot ni Elsa. Nandito ngayon sina Elsa, Hell, Maki, Stephan, Elrien, Gavin, Elfred at Felix para suportahan ang kupunan nila. Nandito sila ngayon sa may unahan ng entrance gate dahil hinihintay pa nila sina Asher at Virgel.
“Halos isang buwan ring nawala si Asher. Ano kayang kagaguhang pinaggagawa nun” Nasabi nalang ni Felix.
“Nangbabae lang yun.” Tawang singit ni Elfred
“Wala namang bibili sa mukhang yun.” Singit ni Elrien kaya nagtawanan nalang ang iba.
“Inip ka ng makarating si Virgel pero alam mo na ba kung pano mo sasabihin ang nangyari kay Kael?” Tanong bigla ni Hell na ikinatahimik ng lahat. Napayuko nalang si Ish kahit kunot parin ang noo nito.
Oo nga pala. Hanggang ngayon ay di parin nila nasasabi kay Virgel ang nangyari kay Kael. “Ako na ang bahala sa bagay na yan.” Matigas na sagot nito.
“Bibili muna ako ng maiinom.” Paalam ni Nica at tsaka ito naglakad.
“Baka magwala si Boss tapos tayo yung pagtatapusin niya dito.” Kinakabahang singit ni Maki. Minsan na niyang nakita dati kung gano kahalimaw ang Boss nila kaya ganun nalang ang takot niya.
“Sige lang, ikaw naman ang uunahin niya e.” Biro ni Elfred kaya mas lalo pa itong natakot
Walang tao sa parte kung saan nakalagay ang isang vending machine kaya nagpasya si Nica na dun nalang bumili. At habang namimili siya ng iinumin, bigla siyang nakaramdam ng kaonting takot. Sobrang ikli lang ng panahon ng pagsasanay niya.
Natatakot siyang baka siya pa ang maging dahilan para matalo sila.
Gusto niyang tumulong.
Gusto niyan–
Natigil siya sa pag iisip nung may maramdaman siyang presensya sa likuran niya, at bago pa man siya makalingon, narinig na niya ang pagtawa nito–dahilan para mabato siya sa kinatatayuan niya.
“ Halos di na kita makilala. Ang ganda na ng hubog ng katawan mo.“
Nandilat ang mga mata niya sa boses na narinig niya. Ang takot na pilit niyang kinakalimutan ay unti unti na namang bumabalik. Malamig naman ang paligid pero nag uumpisa na siyang pag pawisan.
Naramdaman niya ang mga yapak nito na papalapit sakanya. Pilitin man niyang lumingon o umalis pero ayaw kumilos ng mga paa niya. Inaatake na naman siya ng trauma niya sampung taon na ang nakakaraan.
“Ibang iba narin ang amoy mo.” Muling usal nito at halos tumayo ang mga balahibo niya nung maramdaman niya ang paglapat ng mga kamay nito sa braso niya.
“Kuya Enzo..” Ngatal bibig na sambit niya at naramdaman niya ang pag ngisi nito sakanyang likuran. Hanggang sa nilapit nito ang mukha sa may batok niya at tsaka siya inamoy.
“Iba ka talaga sa lahat, Nica” Hinaplos haplos nito ang kanyang braso hanggang sa naglakbay pa ito sa ibang parte ng katawan niya. “Ganyan nga. Wag ka lang gumalaw. Lagi naman na natin tong ginagawa dati, diba?”
Kusa nalang tumulo ang mga luha niya dahil parang tinutusok muli ng paulit ulit ang dibdib niya dahil sa pinaggagawa ng kuya niya. “Pakiusap..tama na kuya.” Iyak na pagmamakaawa niya pero imbes na kaawaan, lumapad lang lalo ang ngisi ni Lorenzo. “Sampung taon akong nawala, Nica. Di mo lang ba ako pagbibigyan?” Pababa na sana nang pababa ang kamay niya nang mapansin niya ang isang lumilipad na suntok papunta sa mukha niya
Agad napabitaw si Lorenzo kay Nica para iwasan ito. Dahil dun ay napaatras siya ng ilang hakbang. Agad namang lumapit si Steph kay Nica at niyakap ito. “Ayos ka lang?” Alalang tanong niya bago nanlisik ang mga matang tumingin kay Lorenzo.
Natawa naman ito at tsaka inayos ang salamin niya “Di mo sinabing may boyfriend kana pala. Dapat kayong mga babae pinapaalam niyo sa mga kuya niyo pag may jowa kayo. Kasi isang tingin palang alam na agad namin kung maayos ba na tao yang dinidate niyo o hindi.” Wika niya na ikinabigla ni Steph.
“Ano?” Natanong nalang nito dahil paanong naging kuya ni Nica itong lalaking nakita niyang nanghaharass mismo sa katawan niya.
Pero kahit gulong gulo ang utak niya, isa lang ang nasa isip niya ngayon…
“Mali ka ng babaeng binastos!” Sigaw niya bago binitawan si Nica at tsaka sinugod si Lorenzo. Akma pa sana niya itong susuntukin pero tumilapon lang siya pabalik kay Nica nung tamaan siya ng suntok nito.
“Steph!” Mabilis na inalalayan ni Nica si Steph na ngayon ay dumudugo na ang ilong sa tinamo.
“Nakachamba lang yan.” Ani Steph habang di inaalis ang tingin kay Lorenzo tapos ay tumayo siya ulit at sumugod. Pero gaya nung nauna, tumilapon lang ulit siya.
Ang bilis ng mga kilos niya..
Nasabi nalang niya sa isip habang nagpapahid ng dugo sa bibig niya.
“Seryoso ka sa lalaking yan, Nica?” Halos matawang tanong ni Enzo “Masyadong mahina para ipares sa tulad mo.”
“A-anong sabi mo..” Sinubukang tumayo ni Steph dahil sa sinabi ng lalaki na ’to pero si Nica na mismo ang pumigil sakanya “Tama na, Steph. Hindi mo kaya si kuya.”
“Tapos ano? Hahayaan nalang nating babuyin ka ng hayop na yan? Kapatid mo ba talaga yan?” Inis na ganti ni Steph habang pinipilit paring tumayo. “Hindi ako makakapayag.” Dugtong niya at ngayon ay sumugod na naman siya papunta kay Lorenzo “HAYOP KA!”
Numwelo naman ng suntok si Lorenzo para bigyan ulit ng leksyon ang lalaking ’to pero sa pag bwelo niya, di na niya nagawang ipakawala ang atake niya dahil may biglang humawak sa braso niya.
“Sandali..” Isang boses ang narinig niyang nagmamay ari sa kamay na yun na nasa likuran niya kaya mabilis siyang napalingon rito.
At pagtingin niya..
Pati si Steph ay natigilan sa pagsugod nung makita niya kung sinong pumigil kay Lorenzo.
“Kung di ako nagkakamali ikaw ang tinaguriang batang Boss ng Virgo Mafia.” Ngising sambit ni Enzo.
Nakita niya kung gano kalamig ang mga titig na pinupukol nito sakanya. Naka sando lang ito ng itim at nakapamulsa ang isang kamay habang nakatali ang mahabang buhok nito sa likod. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Malamig na tanong nito.
Ngumisi lang si Lorenzo at tsaka nagtaas ng dalawang kamay bilang pagsuko “Okay, pasensya na.” Sabi nito kaya binitawan rin siya ni Virgel kalaunan. Naglakad ito at nilampasan siya para puntahan si Nica.
Pero nung eksaktong nasa likod na siya ni Virgel ay agad siyang naglabas ng kutsilyo sa isang kamay niya at aatake pa sana pero muli siyang natigilan nung magsalita ito “Wag mo ng subukan kung ayaw mong bumaon yan sa bunganga mo.” Bago pa man siya makaatake ay nalaman na agad nito ang gagawin niya.
Pero imbes mamangha at matakot, mas lumawak lang lalo ang ngisi ni Lorenzo.
Mukhang totoo nga ang sabi ni Dad na maraming malalakas na kalahok rito.
Masaya to..
“Anong nangyari sa mukha mo?” Takhang tanong nina Elrien nung makabalik na sina Nica, Steph at…
“Boss??” Gulat rin na tanong nila Elsa. “Anjan kana pala.”
“Wala ’to.” Agad inasikaso nina Elfred ang sugat ni Steph habang si Virgel naman ay lumapit kila Elsa.
Mejo natulala sila Ish sa postura ngayon ng Boss nila. Sa loob ng isang buwan nawala na ang patpatin nitong katawan. Kitang kita ang pormado nitong katawan dahil naka sando lang ito.
Anong klaseng pagsasanay ang pinagdaanan nito?
“Ba’t sumama kayo lahat dito? Sinong nagbabantay ngayon kay Kael?” Tanong nito na agad ikinatigil nila. Nagkatinginan muna sina Elsa, Maki, Lily at Ish dahil parang takot silang magsumbong. Kunot noo naman silang tinignan ni Virgel dahil sa inaakto nila.
Pero sa huli ay si ish na ang naglakas ng loob na sumagot “Dinukot si Kael ng mga Martin.” Sagot niya “Pero wag kang mag alala, Boss. Nagawan na namin ng paraan yan. Nakipag usap na si Hell kay Celo at nangako na sila na di nila sasaktan si Kael at ibabalik nila ito ng buhay.” Bago pa magwala si Virgel ay sinabi na agad niya ang plano nila.
Naghihintay ng reaksyon ang lahat mula kay Virgel pero kalmado lang itong pumikit. “Kumpleto na ba ang lahat?” Tapos ay iniba pa nito ang usapan.
“Di kayo galit, Boss?” Takhang tanong ni Ish
“Hindi.” Kalmadong sagot nito “Tsaka ko nalang ibubuhos lahat ng galit ko pag kaharap ko na siya at ang kupunan niya.”
Nabunutan naman ng tinik sa dibdib sina Ish sa sinagot ng Boss nila. Lalo na si Maki na akala’y pagpipira pirasuhin sila lahat ni Virgel dito.
“10 minutes nalang bago mag umpisa ang ceremony.” Singit ni Lily
“Wala parin si Asher.” -Elsa
“Hindi niyo ba siya kasabay na pumunta rito?” Tanong ni Virgel
“Eh kasi..”
“HAHAHAHAHAHAHAHA!” Napatigil ang lahat nung may marinig silang malakas na tawa mula sa entrance. Sa tawa palang nito parang kilala na nila kung sino ito. Pagtingin nila sa may unahan ay may isang grupo ang pumasok sa entrance at kasama roon si..
“Asher?” -Elrien
Napatingin naman si Asher sa gawi nila at tsaka bungisngis itong kumaway sakanila. At mukhang inimbita pa niya yung mga kasama niya na puntahan sila.
“Guuuys! Grabe namiss niyo ako ng sobra” Arms wide open pang sabi ni Asher pagkalapit kila Virgel pero ni isa ay wala man lang yumakap sakanya.
“Ang kapal parin talaga” -Elrien
“San ka ba naggagala? At sino yang mga jejemon mong kasama?” Kunot noong tanong ni Ish at mukhang narinig yun nila Noah kaya biglang nagliyab yung awra nilang lima sa inis.
“Ah hehehe ito nga pala ang mga bago kong prens, ang Jack of all Trades.” Sagot ni Asher at tsaka lumapit kay Ish “Mukha lang mga payaso yan pero anlalakas niyan.” Bulong nito pero wala e, narinig parin nila Noah kaya mas lalong nagliyab ang background nila
Nang humupa ang pang aasar ay umabante si Noah at lumapit sa kinatatayuan ni Virgel. Nakipagtitigan ito ng ilang segundo bago nagsalita “Mukhang siya ang sinasabi mo sakin, Asher.” Wika niya bago naglahad ng kamay “Noah”
Tinignan naman saglit ni Virgel ang kamay nito at tsaka binalik ang tingin sa mga mata. Pero kalauna’y tinanggap niya rin ito “Virgel”
“Mauna na kami.” Paalam ni Noah bago tumalikod at naglakad “Goodluck sa mga grupo natin” Pahabol nito bago tuluyang umalis kasama sila Dabria
“Teka–kasali sila sa paligsahan?? Tapos nakipag kaibigan ka??” Inis na tanong ni Ish
“Heheheheheh” -Asher
Habang naglalakad naman sila Noah, di maalis ang tingin niya sa kamay niyang tinanggap ni Virgel kanina “Ramdam niyo naman siguro yun.” Usal niya sa mga kasama niya.
“Oo.” Halos di rin makapaniwalang sagot ni Dabria. Lahat silang lima, ramdam ang Kai na pinakawala ni Virgel nung lumapit si Noah sakanya.
“Kaya pala bata palang Boss na.” -Abe
Napailing nalang ang iba
Nung limang minuto nalang ang natitira para mag umpisa ang ceremonya, kanya kanya na ng lapit ang mga staff sa sampung grupo na kalahok para gabayan sila sa kani kanilang pwesto sa magiging entrance nila mamaya.
Pumunta narin sina Hell sa kanilang mga upuan. Halos di na masara ang bibig ni Maki habang tinitignan ang kabuoan nitong fighting arena dahil sa pagka mangha. Kahit umikot ka ng 360 degrees ay puro mga tao lang ang makikita mo. Habang sa gitna naman ay isang napakalaking battlefield. Sobrang lawak nito na kahit sabay sabay pa na maglaban ang sampung tao ay di sila magkaka dikit dikit.
Parang ganito yung style niya. Pakitingin nalang sa baba.


“Grabe ang laki.” Manghang sabi nalang ni Maki.
“Dinumog talaga ng husto ang paligsahan ni Marcelo.” Usal ni Felix dahil kitang kita kung gano kapuno ang buong arena ng mga manunood.
“Tiba tiba siya nito.” -Elfred
Nagulat naman ang lahat nung biglang nawala lahat ng ilaw. May mga tumili at natahimik. Hanggang sa biglang lumitaw ang isang malaking hologram sa gitna mismo ng Battlefield. Sapat na ang laki nito para makita lahat ng mga manunood ang mukha ni Marcelo na nakangiti.
Naglinis muna ito ng lalamunan bago nagsalita “Magandang umaga sa lahat ng mga nakapunta sa unang araw ng ating paligsahan.” Panimula niya “Alam kong ang iba sainyo ay hindi na makapaghintay para masaksihan ang labanan ng mga malalakas na nilalang sa ating bansa. Mga kalahok na may mga kanya kanya ng pinaglalaban, ng mga pangarap, ng mga hangarin. Pero bago natin simulan ang paligsahan, nais ko munang pasalamatan ang isang pamilyang tumulong sakin para mabuo ang proyekto na ’to. If not because of them, this wouldn’t be possible. I’d like you to introduce, the royal family from Spain and the current owner of the Vulture of Death, The Alfonso Family “ Umilaw ang mga spotlight at itinuon ito sa isang VIP Room kung saan may limang tao ang nakaupo sa kanilang mga upuan. Isang babae, dalawang batang lalaki, isang matandang lalaki at isang may kaedaran na babae. Mga suot palang nila halata ng galing talaga sila sa marangyang pamilya.
Agarang nagpalakpakan ang mga manunood para iwelcome ang pamilyang ’to. Tumayo naman ang matandang lalaki at kumaway sa mga tao. Ito ang head ng Alfonso at ang taong pumayag na gawing isa sa papremyo ang Vulture sa paligsahan.
Nang bumalik sa pag upo ang matanda ay muling nagsalita si Marcelo “At ngayon, opisyal ko ng uumpisahan ang paligsahan!” Agad nagsigawan ang mga tao sa sinabi nito. Sobrang ingay ng mga ito na tila sabik na sabik na talagang makakita ng malulupit na bakbakan. “ At para sa parte ng pagpapakilala ng mga kalahok, ipapaubaya ko na lahat yan sa magiging host ng buong paligsahan. Mag enjoy sana kayong lahat. MALIGAYANG ARAW SA LAHAT!“ Paalam niya bago dahan dahang naglaho ang hologram.
Ang mga spotlight naman kanina ay biglang lumipat sa pinakagitna ng battlefield kung saan may isang lalaki roon na may suot suot na headset
“HANDA NA BA ANG LAHAAAAAAAT????” Biglang sigaw nito ng malakas kaya mas lalo pang nag ingay ang buong paligid “Ako nga pala si Yami, ang magiging host at commentator sa lahat ng mga labanan sa paligsahan na to.” Pakilala muna nito. “At ikinagagalak ko na ako ang nabigyan ng oppurtunidad na ipakilala sa lahat ang mga hmmmmm! Napaka malalakas na kalahok!” Masiglang sigaw nito. “Sinu sino nga kaya ang mga ito? Gusto niyo na ba silang makilalang lahaaaat??” Tanong niya
“Oo!”
“Umpisahan na yan bwesit!”
“PA CUTE PA! IPAKILALA MO NA PARA MAUMPISAHAN NA!”
Sari saring reaksyon at sigaw lang ang mga manunood kaya di na ito pinatagal ni Yami
“ALRIGHT! PINAKIKILALA! ANG MGA KALAHOK SA VULTURE TOURNAMENT!” Sigaw niya at dun, kusang nagsibukas ang mga pintuan ng sampung lagusan na magiging pang entrance ng sampug kalahok. Nakapalibot lang ito sa buong battlefield.
“UMPISAHAN NATIN SA MISMONG GRUPONG NAGTAYO NG PALIGSAHAN NA ’TO! WALANG IBA KUNDI ANG MARTIN FAMILY !” At dun, limang lalaki ang lumabas sa isang lagusan. Tinutuon naman ang mga spotlight sa mga kalahok sa tuwing ipapakilala sila ng host
“Dylan Cordova! Ikram Percival! Dante Puma! Sin Altair! at Damian Seraphin!” Agad nagsigawan ang mga tao lalong lalo na ang mga taong bumuto agad na sila ang mananalo
“Tangina pre ito ata ang mananalo, nakakatakot silang tignan” Audience#303
“Di pa nga napapakilala yung iba! Baka mas may malakas pa sakanila” Audience#304
“Ang laki ng pinagbago ng katawan ni Dylan. HIndi naman yan ganyan kalaki nung nakasama namin siya sa Orquieta” Gulat na komento ni Maki nung maktia niya ito.
“Mukhang nagsanay rin sila ng husto para sa paligsahan na ’to” -Elrien
“MULA NAMAN SA PAMILYA NG MGA SAQUIN! ANG ALIBARA MAFIA !” Sigaw muli ni Yami at sa isang lagusan ay lumabas rin ang lima pang kalahok. “ PINAKIKILALA! Vincent del Varya! Baron Fritz! Akasha! Hunter! at Unknown“
“Mukhang malalakas ang mga myembro ng kupunan mo ngayon, Mr.Saquin.” Usal ng isang politiko na katabi lang ngayon ni Gideon sa isa pang VIP room.
“Hindi naman.” Ngiting sambit lang niya.
“Batang babae ba yang naka maskara? Mukhang mahina.” Komento rin ng isa pa niyang katabi na politko
“Sinanay ko ang babae na yan para sa skultura na yun.”
“Kung ganun pupusta na ba ako sa grupo mo?” Tawang tanong rin nung isang VIP
Sunod pang pinakilala ang grupo ng Elcana Mafia, Ciello Mafia at Ardanos (Di ko na uulitin to hahaha masyado ng mahaba. Tignan niyo nalang ulit sa teaser nito sa Vendetta Book heheh )
Kalahati na ng mga kalahok ang napakilala sa lahat at halos mabaliw na ang iba sa excitement dahil pakiramdam nila walang mahihina sakanilang lahat. Tila mga piling kupunan lang talaga ang naimbitahan sa paligsahan ’to.
Sa ikaanim na grupo na lumabas sa lagusan, mejo natahimik ang buong arena dahil tila hindi mga normal na tao ang dalawang myembro dito tapos ang dalawa pa dito ay sobrang babata pa. “SILA ANG NAGSISILBING ISA SA PINAKA MALALAKAS NA PAMILYA NG MGA ASSASSIN SA BANSA! ANG ARSON FAMILY !” Naglalakad lamang ang lima na pinangungunahan ng tila nag iisa lang na normal tignan sakanila “PINAKIKILALA! Lorenzo Arson! Amell Arson! Gustav Arson! Rio Arson! at Macy Arson!”
“Na inform ba ang grupo na yan na legal ang pagpatay sa paligsahan na ’to? Bakit nila sinali yang dalawang bata na yan?” Audience#7423
“Pero tignan mo naman ang dalawa nilang myembro pri, ang lalaki ng katawan! Lalo na yung si lolo! Antanda na pero maskulado parin” Kontra naman ni Audience#7424 at mukhang nahanap na niya ang grupong papanigan niya sa paligsahan na ’to “GO ARSON FAMILY! WHOOOAHHH! BILISAN MONG LUMAKI MACY! NAKAKAPEDO KA!”
“SIRAULO!” Audience#7423
“SUSUNOD! Hah ito, ewan ko nalang kung hindi niyo pa kilala ang grupo na ’to na tumatanggap ng kahit anong trabaho” Tawang sambit ni Yami dahil maski siya ay kilala na niya ito dati pa “WALANG IBA! KUNDI ANG TANYAG NA JACK OF ALL TRADES !” Pormal lang na naglakad ang lima papunta sa battlefield na pinangungunahan ni Noah. Habang ang mga nanunood naman ay parang 50-50 na kampi sa kanila
“TANGINA! YAN YUNG PINATRABAHO KO SA PIGGERY NAMIN AH! MAGNANAKAW NG BABOY YAN!” Audience#5256
“SILA YUNG PINABANTAY KO SA JUNIOR KO NOON! ANG TAAS MANINGIL NG SAHOD EH HINDI NGA MARUNONG MAGPALIT NG DIAPER! MGA GUNGGONG YAN!” Audience#12356
Gusto lang naman maging pormal nila Noah kahit sa punto lang na ’to pero mukhang narinig niya ang mga sigaw ng iba kaya imbes na tumahimik lang, biglang tinuro ni Noah ang isang audience sa taas at pinapakyuhan pa habang ugat ugat na ang noo sa inis “MAMA MO TAGABUTAS NG DONUT!” Sigaw niya kaya agad siyang nakatanggap ng batok kay Abe “Siraulo ka talaga! Umakto ka ngang normal kahit isang beses lang, Noah!”
“LALO NA YANG MAITIM NA KASAMA NILA! PINALINIS KO YAN SA BAKURAN NAMIN DATI PERO PAG UWI NIYA TINANGAY NIYA YUNG MGA SINAMPAY NA PANTY NG ASAWA KONG SI FLORITA!” Audience#7827
At dun, ang bilis nagbago ng sitawsyon. Pinipigilan na nilang apat ngayon si Abe dahil susugurin niya talaga yung sumigaw nun e “GAGO KA BUMABA KA RITO! UUPAKAN KITANG PANOT KA!” Paghahamon niya na kanina lang ay nagpapakalma pa kay Noah.
“Diba sila yung mga nakasama ni Asher kanina?” Tanong ni Felix
“Oo at di na nakapagtataka na nakasundo niya yang mga yan” Iling na sagot ni Elfred
“Mga siraulo rin katulad niya e” -Elrien
Nang ma settle ang grupo ni Noah ay iling nalang na natawa si Yami at tsaka nagpatuloy “AT SA PANGWALONG GRUPO NA KALAHOK! Kilala rin sila ng iilan dahil sa abilidad nilang makahuli ng mga may patong sa ulo. WALANG IBA! ANG PINAKA MAGALING NA GRUPO NG BOUNTY HUNTER SA BANSA! ANG ESMINETS !” Tahimik lang na naglalakad ang lima papunta sa gitna na pinangungunahan ni Declan. “PINAKIKILALA! Declan! Roro! Adrias! Remy! at Poison!”
“WOOOAAHHHH! SILA TALAGA ANG PINUNTA KO RITO! GO ESMINETS! GO DECLAN! IDOL TALAGA KITA!” Audience#3214
“GO ESMINETS! ANG GANDA GANDA MO TALAGA RORO!” Audience#214
Di katulad sa Jack of all trades, halos ata ng manunood ay gustong gusto ang grupo na ’to. Kilalang kilala na sila lalo na sa mga matataas na ranggo sa politiko dahil sa oras ng dispatchahan ng mga wanted, sila lagi ang nilalapitan.
“Malakas yung Declan” Biglang usal ni Hell kaya napatingin ang iilan sakanya.
“Yun din ang napansin ko.” Sang ayon ni Felix. Halata para sakanila na may kinikimkim itong malakas na awra sa loob ng katawan.
Nung mabasa ni Yami ang susunod na grupong ipapakilala niya ay napangiti nalang siya “SA IKA SIYAM NA GRUPONG LALAHOK! Nandito ulit sila, pero ngayon hindi na para manggambala o maghasik sa mga bayan. NANDITO SILA! PARA PATAS NA MAKILAHOK SA PALIGSAHAN AT MAKAMIT ANG PREMYO! WALANG IBA!” Umabante ang isang grupong naka suot ng mga puting kapute. Kilala na ang mga suot na ’to, naging laman na ng balita ang grupong ito dati sa malagim na nangyari sa Orquieta. “ANG VENDETTA !” Isa isang nagtanggal ang mga ito sa nakatakip sa ulo nila . “PINAKIKILALA! Devi! Loda! Ermac! at ang dalawang bagong myembro nila…Heidel! at Annex!” May mga iba na galit na galit parin sa grupong ’to dahil sa ginawa nilang pinsala sa isang bayan, pero may mga iilan na namamangha parin sa presensya nilang sobrang aangas. Lalo na ang nasa gitna nila na magkakaiba ang kulay ng mga mata.
“Benz..” Nasambit nalang ni Elsa at parang biglang kumirot ang puso niya nung maalala niya kung pano niya ito nakakasabayan dati sa pagtawa. Ngayon lang ulit niya nakita ang taong ’to mula nung nilisan nito ang Virgo. At sa nakikita niya, parang ibang tao na nga talaga ’to.
Wala na yung Benz dati na mahilig sa tom and jerry at cheese na sobrang babaw lang ng kaligayahan.
Nakakapanghinayang
“Hala si kuyang sword!” Gulat na sigaw ni Gavin nung makita niya si Devi. “KUYANG SWOOORD!” Biglang sumigaw si Gavin at mukhang narinig yun ni Devi dahil saglit siyang natigilan. Kilala niya ang boses na yun at isang bata lang ang tumatawag sakanya ng ganun dati.
Sinubukan niyang hanapin ang batang yun pero masyadong marami ang mga tao. Hindi niya kayang isa isahin kaya nagpatuloy nalang siya sa pag abante.
At sa huling grupong ipapakilala ni Yami, bigla siyang mas naexcite “At ang pang huli..” Napatingin ang host sa gawi ng grupong huling lalahok. Nakita nila ang dahan dahang pag abante ng lima. Lahat ng siyam na grupo ay napatingin sa gawi nila–lalong lalo na ang nasa gitna nila. Tila halang ang bawat isa na makaharap ang malakas na bata na ’to.
“Ang grupong..” Pati ang host ay di rin makapaniwala na nandito ngayon sa harap niya ang batang ’to. “Ang grupong tinaguriang pinaka malakas na Mafia sa bansa. Dahil sa bata…SA BATANG namumuno rito!” Iling na sabi ni Yami at di maiwasang mapabilib at mamangha sa presensya nito. Ang mga titig nito..di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa tuwing tinitignan niya ang mga titig nito. “WALANG IBA! ANG VIRGO MAFIA !”
“PINAKIKILALA! ASHER BEDRIJO ! ISHMAEL VALDERAMA ! VERONICA ARSON ! LILY VALDEZ ! AT ANG PINAKA BATANG BOSS SA KASAYSAYAN NG MAFIA! WALANG IBA… VIRGEEEEEL ACOSTA !!” At dun, halos magwala na ang mga nasa loob ng arena sa sobrang hype na. Mabibingi kana sa sobrang lakas ng hiyawan rito.
“Diba yan yung tumalo sa lider ng Vendetta dun sa Orquieta dati?” Audience#6771
“ANG ANGAS MO VIRGEEEL!” Audience#9235
“GO VIRGO MAFIA! ILAMPASO NIYO YANG MGA YAN AT IUWI ANG PREMYO!” Audience#52
Napaangat naman ng tingin si Virgel sa isang VIP room sa taas at di maiwasang kumawala ang nakakakilabot na ngisi sa labi niya nang makita ang kaisa isang taong sumira sa buhay niya. Nakangisi lang rin ito sakanya habang hawak hawak ang isang baso ng wine na para bang hinahamon rin siya.
“That stare, so deadly” Komento ni Mr. Alfonso na katabi lang ni Marcelo. Sa mga kalahok na pinakilala, mukhang di nga siya nagkamali sa decisyon niya. “I’ll definitely enjoy this tournament.”
**
Matapos ipakilala ni Yami ang lahat ng grupo ay pinalinya niya muna ang mga ito by column para maumpisahan na niya ang pag aanunsyo ng rules sa tournament
Nung okay na ang lahat ay pinatahimik muna saglit ang mga manunood bago nag umpisa “Okay, ito ang magiging rules sa paligsahan. Makinig kayong mabuti dahil ngayon ko lang ito sasabihin.” Umpisa niya “Sa paligsahan na ito ay may tatlong stages. Una ay ang 1st Round , Pangalawa ay ang Special Round at ang panghuli, ang Final Battle . Ngayon ang rules ng 1st round lang muna ang sasabihin ko. Simple lang ang patakaran. Tatlong panalo lang ang kailangan para manalo ang isang kupunan. Hindi icoconsider na panalo pag tabla ang laban. Ngayon, pano nga ba manalo? Una, pag napabagsak mo ang kalaban at hindi na ito makatayo sa loob ng bilang na sampu. Pangalawa, pag napalabas mo sa battlefield ang kalaban at hindi siya makabalik sa bilang ng sampu. At pangatlo, kapag kusang sumuko ang kalaban o maski ang mga kasamahan niya.”
Sinink in naman ng iilan ang sinabi ng host at tinatak nila ito sa mga utak nila
“Ngayon para naman sa legal na pagpatay sa mga kalahok. Makingi kayong mabuti.” Tumahimik ang lahat pati ang mga manunood “Legal ang pagpatay pero may mga kundisyon tayong susundin. Bawal patayin ang kalaban kapag kusa itong sumuko. Sa oras na napatay mo ito habang nasa kalagitnaan ito ng pag tap ng kamay o pagbitiw ng mga salitang “suko na ako” Ididisqualify namin kayo at ililipat ang panalo sa kabilang kupunan.“
“Lahat ng sandata ay pwedeng gamitin sa paligsahan na ’to.” Paliwanag niya “Sa ngayon yan nalang muna. Sa Special Round at Final Battle ay ibang patakaran naman ang susundin natin.” Tumingin naman si Yami sa itaas sa isang napakalaking screen. “Sampung grupo, lima ang mananalo para sa special round. Ngayon, gamit ang ating system, malalaman na natin ang mga magtutunggaling grupo para sa 1st round.” At dun nakita ng lahat ang pag shuffle ng mga larawan ng kani kanilang lider sa screen at naghihintay nalang kung kaninong larawan ito hihinto.
At habang naghihintay sila, bakas ang kaba at excitement ng iilan para sa makakaharap nilang grupo. Pigil hininga lang ang lahat na naghihintay at napapalunok na sa mga sariling laway.
At sa unang paglalaban..
Huminto ito sa isang larawan
at ang larawan na yun ay kay…
“Tangina..” Nasabi nalang ni Noah nung makita niya ang mukha niya.
“Tayo pa talaga ang una.” Nasambit rin ni Dabria
“Para sa unang paglalaban! Jack of all Trades! Laban saa!” At muli na naman silang naghintay
Sino nga kaya..
Pigil hininga lang sina Asher at Noah dahil ito ang ayaw nilang mangyari. Ang magkaharap ang grupo nila..
Wag ang Virgo..
Wag ang Virgo..
Paulit ulit na binibigkas ni Noah sa isip.
Wag…
Wag…..
At ang makakalaban nila ay..
Huminto ito sa pangalawang larawan at…
“HAH!” Biglang natawa si Noah at demonyong ngumisi “Nung pagpupulong pa nag iinit ang dugo ko sayo hehehheh” Ngising sambit niya habang nakatingin sa grupo ni Veno.
“Tsk. Mga jejemon pa makakalaban natin. Ang laaame” Inarte pang usal ni Veno kaya pati sila Dabria ay nag init rin ang dugo
“So yan pala ang sinasabi mong nangbara sayo dati. Yari sakin yang mga yan hehehe” Sambit ni Dabria na tila nadedemonyo narin dahil sa sinabi ni Veno sakanila.
“Sa unang labanan! Jack of all Trades laban sa Ciello Mafia !!” Sigaw ni Yami kaya agarang nagsigawan rin ang mga manunood.
“Susunod na magtutunggali para bukas..” Muling nag shuffle ang mga larawan at tumigil ito sa..
“Shet” Nasambit nalang ni Asher
“VIRGO MAFIA LABAN SAAA!”
Agarang napatingin ang grupo ni Chase sa gawi nila Virgel at hiniling na sana hihinto ito sa larawan niya.
Si Mr. Emnacin naman na nanunood sa VIP Room ay panay hawak sa kamay niya sa sobrang tense “Kami! Kami!” Bulong nito dahil ang Virgo lang naman talaga ang gusto niyang tapusin sa paligsahan na ’to. “Ihinto mo sa grupo ko”
At nung huminto ito..
Si Nica ang unang nakaramdam ng takot sakanila
“Pangalawang laban! VIRGO MAFIA vs ARSON FAMILY !”
Nakita ni Virgel na tumingin si Lorenzo sa gawi nila at ngumisi nang bahagya.
“Kung siniswerte ka nga naman” Ngising bulong ni Enzo dahil sa unang round palang ay makakatunggali na agad sila ng malakas na kupunan
“Sayang.” Tawang usal lang ni Chase nung di huminto sa Elcana ang makakalaban ng Virgo “Sa Special Round baka sila na.”
“Bwesit!” Napahampas nalang si Emnacin sa hita niya dahil hindi pa sa grupo niya ito huminto.
Muling nag shuffle ang mga larawan para sa ikatlong labanan.
Unang huminto ang larawan sa mukha ni Chase
“Pangalatlong laban para sa susunod na araw! ELCANA MAFIA LABAN SAA!”
At huminto ito sa larawan ni Mabus
“Sa ikatlong laban! ELCANA MAFIA VS ARDANOS !”
Biglang nakaramdam ng sobrang kaba si Ellyssa nung matawag ang grupo nila. Kung ganun pangatlo sila. At ang makakalaban nila..
Dahan dahan siyang tumingin sa gawi ng Elcana at pagtingin niya ay ngiti na palang nakatingin si Chase sakanya habang kumakaway pa.
“Akin yung babae.” Wika ni Chase at mukhang alam na nila Troy ang pinaplano nito
Muling nag shuffle ang mga larawan at una itong huminto sa mukha ni Dylan
“Pang apat na laban! MARTIN FAMILY LABAN SAA!”
At sa ikalawang paghinto nito, napangiti nang bahagya si Marcelo
“Okay na yan kesa sa dalawang grupong natitira” Ngising usal nito
“Pang apat na laban! MARTIN FAMILY VS ALIBARA MAFIA “
Saglit na napatingin sila Baron sa gawi nila Dylan pero di man lang sila nito nilingon na para bang di sila nababahala
“Mag iingat kayo kay Dylan at Ikram. Mas malakas pa sila kesa sa inaakala niyo.” Babala ni Vincent dahil minsan narin niyang nakasmaa ang mga ito sa digmaan sa Orquieta.
“Kayang kaya ko sila.” Kampanteng sagot naman ng bagong myembro nilang si Hunter
“At para sa panglimang labanan..” Lahat ay napasinghap nung marealized nila kung sinu sinong grupo nalang ang natitira “Dalawa nalang ang natitira kaya hindi na kailangang i shuffle pa. WALANG IBA! Matinding labanan ’tooo!” Ngising sambit ni Yami dahil sa malalakas na kupunan na ’to
“ VENDETTA vs ESMINETS !!!“
“Jackpot” Sekretong lang na ngumiti si Mr. Suico dahil tanging Vendetta lang naman talaga ang pakay niya kaya niya hinire ang Esminets.
Muling nagsigawan ang mga manunood dahil hindi na sila makapaghintay pa na simulan ang labanan.
“Para sa mga grupong hindi pa lalaban ngayong araw pwede na kayong pumunta sa mga sarili niyong silid para magpahinga. Pwede rin kayong manood kung gusto niyo o kung ano man ang trip niyo. Pero para sa unang lalahok na Jack of all Trades at Ciello Mafia, may 15mins muna kayo para maghanda.” Paliwanag ni Yami “MAHAL KONG MANUNOOD! BABALIK TAYO MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO!”
Matapos ang ceremonya ay nagkanya kanya na rin ng baba ang ibang grupo sa battlefield para magpahinga.
Pero habang ang iba ay nakababa na, dalawang grupo ang tila nagpaiwan at nagharap
“Woah tignan niyo! Ang init na agad ng presensya nila sa isa’t isa!” Audience#4213
“Ito yung aabangan kong laban!” Audience#3167
“Naudlot yung labanan natin nung unang pagkikita natin. Dito lang pala matutuloy sa paligsahan na ’to” Usal ni Ermac habang hinimas himas ang peklat sa mukha niyang si Declan ang may kagagawan
“Dito masasaksihan ng lahat kung pano matutumba ang Vendetta at hindi na muling makakabangon pa” Seryosong sagot rin ni Roro.
Habang ang dalawang lider naman na sina Devi at Declan ay malamig lang na nagtitigan. Walang salitang binitawan pero halatang halang narin ang mga kamay nilang makipaglaban.
“OH AYAN MAGLALABAN NA ATA!!”
“SIGE UMPISAHAN NIYO NA!!”
“MAGLABAN NA KAYO!”
Pero bago pa man uminit ang tensyon, inawat na sila ni Yami at pinababa sa field.
Matapos ang labinlimang minuto ay nasa magkabilang gilid na ngayon ang kupunan nina Noah at Veno habang nasa gitna naman sa field si Yami “HETO NA ANG PINAKAHIHINTAY NATIN! PARA SA UNANG PAGLALABAN!”
Sabay na naglakad ang dalawang myembrong sasabak sa unang paglalaban
Jack of all Trades vs Ciello Mafia
Aling grupo nga kaya ang mananalo?
-To be continued…
Sinu sinong grupo nga kaya ang mananalo sa 1st round? Comment niyo ang limang team na mananalo para sainyo hahaha anyways ito yung sampung team na sumali at ang mga members nito. Screenshot niyo nalang para di kayo maguluhan hahaha ang dami e

Ilalagay ko rin ang mga portrayers ng Jack of all Trades at Ciello Mafia sa susunod na update hahaha yun lang~
-MajorSin
Chapter 14: JOAT vs CIELLO
Chapter 14: JOAT vs CIELLO
( Hi! Sorry mejo nalate ng update heheh nakakapiga talaga ng utak ang fighting scenes hays hahaha nakaka blanko minsan. )
Patingin sa media, yan po ang mga portrayer ng JOAT at Ciello Mafia heheh
-Ciello Mafia-
Jack Voltaire - Saitou Hajime ( Hakuouki Shinsengumi Kitan )
Veno Ciello - Undertaker (Black Butler)
Audrey Chi - Shizuku Ninomiya ( kyoukai no kanata movie )
Seth Clarkson - Abeno Haruitsuki (Fukigen na mononokean itsuki)
Ellis Black Ookurikara (Touken ranbu: Hanamaru)
-Jack of all Trades-
Noah - Urahara Kisuke ( Bleach )
Abe - Akira Hayama ( Food Wars )
Dabria - Revy ( Black Lagoon )
Sol - Hachigen Ushoda (Bleach)
Celes - Guren Ichinose (Owari no Seraph)
[Dabria
’s PoV]
Saglit na umalis sina Sol at Celes para bumili ng makakain habang si Abe naman ay umalis para mag cr. Ngayon ay kami nalang ni Noah ang naiwan dito sa silid. Pinapunta kami ng mga staff dito para maghanda at tatawagin nalang daw kami mamaya pag mag uumpisa na ang laban namin.
Nakahalukipkip lang ako sa gilid ng pinto habang siya naman ay nakaupo lang sa may upuan. Tahimik at parang ang lalim ng iniisip.
“Kinakabahan ka ba?” Biro kong tanong sakanya para kahit papano’y mawala ang mabigat na tensyon dito sa loob . “Wag kang mag alala, sa atin mapupunta ang papremyo sa paligsahan na ’to. Yayaman tayong lima pagkatapos nito.” Dugtong ko kaya napatingin siya sakin saglit. At ang mga tingin niya, hindi normal na tingin na binibigay ng isang Noah. Tingin ito ng taong despirado.
Despirado talaga siyang makuha ang premyo..
Kung iniisip niyo na ganun nalang ka mukhang pera ang taong ’to, nung una akala ko rin ganun siya. Pero hindi, alam ko ang rason niya. At sa ilang taong magkasama kami, nitong kailan ko lang nalaman na ganun kalalim ang dahilan niya. Siraulo ’to pero napaka sekreto nitong tao. Pati sila Sol ay walang kaalam alam sa nakaraan niya, ako lang. At kung di pa kami nag away dahil kay Asher, wala rin siyang balak mag open sakin tungkol sa gusto niya.
“Kailangan kong manalo.” Tanging sagot lang niya kaya tumango ako
“Alam ko, at andito lang kami para tulungan ka. Pangako yan.”
“Para sakanya.” Usal niya
Ngumiti ako nang bahagya at pumikit “Para sakanya.”
Habang naglalakad ako papunta sa battlefield ay bigla kong naalala ang pag uusap namin ni Noah kanina.
“Dabria..” Huminto ako saglit at tumingin nang bahagya sa likod ko nung tinawag niya ako. Seryosong seryoso talaga ang mukha ng mukong na ’to. Gusto kong matawa. “May tiwala ako sayo.”
Nakaramdam ako ng kaonting tuwa sa sinabi niya. Pero imbis na ipakita ito, bumalik nalang ako sa paglalakad at pumunta sa gitna kung saan naghihintay na ang makakalaban ko.
May tiwala silang lahat sakin..
Di ko sila pwedeng biguin..
Lalo na si Noah.
“PARA SA UNANG
LABAN! DABRIA VS SETH CLARKSON!“

Sigaw ng host. Nakatingin lang ako ngayon kay Seth at ganun rin siya. Sa lahat ng grupong nakita ko kanina sa seremonya, sila lang ang pinaka elegante tignan. Lahat sila ay naka suit and tie. Ayaw ko mang aminin pero walang pangit sa grupo nila. Lahat sila ay halatang galing sa mararangyang pamilya.
Marunong ba makipaglaban ang mga ’to?
Ngumiti si Seth sakin. Kung anong ikinayabang ng lider nila, tingin ko naiiba ’to sakanila. Sobrang amo ng mukha at parang gentleman pa.
“READY!” Nag stance ako nung sumigaw ang host para maghanda “SIMULA NA!” Agad umatras ang host para mabigyan kami ng malawak na espasyo. Mejo nagtaka naman ako nung di man lang siya gumalaw. Ni hindi ito nag stance. Nakangiti lang ito.
“Alam kong narinig niyo ang sinabi ni Boss Veno kanina na mga jejemon kayo.” Biglang usal niya. Pati ang boses ay pang mayaman, sobrang mahinhin para sa isang lalaki. Nakita ko naman siyang lumapit sakin at tsaka nag abot ng kamay “Pagpasensyahan niyo na sana, Miss Dabria.”
Inayos ko nalang ang tayo ko para pormal na makipag kamay. Mabuti pa ’tong isang ’to, hindi kupal.
Aabutin ko na sana ang kamay niya nung mapatingin ako sa gawi ni Veno at nagtaka ako ba’t nakangisi ito.
“WAG DABRIA!” Narinig ko ang sigaw ni Noah at napansin ko nalang ang paglabas ng matutulis na blade claw sa kamay ni Seth nung kinuyom niya ito at inatake sa direksyon ko.
(
Parang ganito)

Buti ay naliyad ko ang ulo ko kaya di ako tinamaan sa may baba ko. Umatras ako ng ilang hakbang at tuminging muli sakanya.
“Sayang.” Ngiting sambit niya at tsaka hinimas himas ang sandata niya. “Nagmintis pa ako.”
Mandaraya..
Agad ko nalang kinuha ang dalawa kong sandata sa likuran.
“Ohh, dual blade. Maganda.” Sambit niyang muli. Plano ko sanang lumaban na hindi ito gamit dahil ayokong kaawain ang kalaban pero dahil sa ginawa niya, mukhang kailangan ko siyang bigyan ng leksyon.

[3rd Person’s PoV]
“Yan pala ang sandata ni Dabria.” Sambit ni Asher na nanunood ngayon sa taas. Kasama niya sina Virgel at Ish dito.
“Malakas ba talaga yang mga yan?” Di kumbinsidong tanong ni Ish na ikinatawa niya nang bahagya “Di ko pa napanood makipag laban yung apat. Pero si Noah, ibang klaseng halimaw yan.” Sagot niya habang nakatingin kay Dabria “Ngayon ko lang malalaman kung si Noah lang ba ang halimaw sakanila o baka..”
“Lahat sila?” Tanong ni Ish pero di na nagawang makasagot ni Asher dahil pareho silang napatingin sa laban nung sumugod na si Dabria.
Tumalon si Dabria bago inikot ang sarili at binwelo ang isang kamay na may hawak na sandata “Aararrrggghhhh!” Di na siya nagdalawang isip na lagyan ng kai ang sandata niya para matapos na ’to agad.
Sa sobrang lakas ng atake ay lumubog sa kinatatayuan si Seth nung sanggain niya ito. Agad napalibutan ang dalawa ng usok sa lakas ng impact. Lahat ng manunood ay napasinghap sa unang malakas na atake na yun.
“Tapos na ang laba–” Napahinto si Dabria nung mapansin niyang di nabasag ang sinanggang claw ni Seth sa atake niya.
At isa lang ang ibig sabihin nun..
“Isang weapon user?”
“Kung titignan mo ang Ciello para lang silang naligaw na mga mayayamang tao sa paligsahan na ’to dahil sa suot at mga itsura nila.” Usal ni Virgel kaya napatingin ang dalawa sakanya. “Pero hindi sila naimbita sa paligsahan na ’to sa wala. Alam kong may ibubuga ang grupong ’to at tiyak mahihirapan yang kupunan ng mga kaibigan mo.” Dugtong niya kaya alalang napatingin si Asher pabalik kay Dabria.
Dahil sa pagkabigla ay di agad nakasabay si Dabria sa ginawang counter ni Seth. Laging mga kapos ang mga ilag niya kaya halos magkasugat sugat na ang mga braso at pisngi niya. Pati ang damit niya ang mejo may mga punit narin.
Di siya binibigyan ng kaonting pahinga dahil sa tuwing aatras siya para makabwelo at maka counter, mabilis siyang nilalapitan ni Seth at hinaharass ng mga atake nito. “Tanggapin niyo nalang..” Habang umaatake ay nagagawa pa nitong magsalita “Hindi nababagay sainyong mga jologs ang paligsahan na ’to.” Dugtong niya at mas lalo pang binilisan ang mga atake niya. “Wala kayong pag asang manalo samin!” Sa kakadaldal nito ay tila napuno na si Dabria kaya imbes na umatras para umilag, hinigpitan nalang niya ng kapit ang sandata niya at sinalubong ang atake ni Seth.
Isang malakas na hampas ng hangin na naman ang nagawa ng dalawa kaya ang mga manunood ay halos mabaliw na sa sobrang excitement.
Sa ngayon ay si Dabria naman ang nanghaharass. Kung tutuusin mas lamang siya dahil dalawang sandata ang gamit niya habang si Seth ay isang claw lang ang suot.
Pero may parte rin na lamang si Seth. Bilis. Mas nagagawang gumalaw ng mabilis ni Seth dahil magaan lang ang sandata niya kumpara kay Dabria.
Pero kahit may mga butas at kahinaan man ang dalawa para matalo, tinatakpan naman nila ito ng mga sarili nilang kakayahan para manatili sa labanan. Panay atake at iwas lang ang dalawa
“Walang gustong magpatalo sa dalawa! Masyadong mapipino ang mga kilos nila kaya ni isa sa kanila ay hindi makatama!” Sigaw ng host na tila sobrang nagagandahan sa laban. Pati yung manunood ay di makahula kung sino ang matatalo sa dalawa.
“Unang laban palang pero ganito na agad katindi ang nakikita nating laban” Audience#6126
Palipat lipat lang ng direksyon ang dalawa habang umaatake. Labanan nalang ng stamina ang nangyayari sa ngayon. Kung sino ang unang mapagod siya ang matatalo.
Sinubukang sumagap saglit ng hangin ni Dabria dahil nakakaramdam na siya ng pagod pero nung sinubukan niyang umatras, nanlaki nalang ang mga mata niya nung makita niya ang sobrang lapit na mukha ni Seth na nakangisi sakanya habang nakabwelo.
“Tang..” Sinubukang itaas ni Dabria ang mga sandata niya para sana sanggain ang atake ni Seth pero mukhang nabasa na nito ang gagawin niya kaya imbes sa mukha ito aatake, binaba ni Seth ang atake niya at pinunterya ang sikmura ni Dabria
“DABRIA!” Sigaw ni Noah nung makita niya ang pangyayari
“Arrkkkk!” Napaimpit sa sakit si Dabria dahil tatlong hiwa agad galing sa claw ang tinamo niya.
Huminto si Seth saglit kaya nagawa niyang umatras at hinawakan ang gilid ng tyan niya kung saan siya tinamaan.
“Tsk.” Kumuha si Seth ng panyo galing sa bulsa niya at tsaka pinahiran ang sandata niyang may mantsa ng dugo. “Kailangan ko na ’tong tapusin. Ang langsa ng amoy ng dugo mo.” Usal nito at asar pang ngumiti kay Dabria. Habang si Dabria naman ay inis na inis na. Di pala talaga madaling manalo sa paligsahan na ’to.
“Sumuko ka nalang, Dabria. Kami na ang bahala sa tatlong panalo.” Narinig ni Dabria si Noah na nagsalita sa may likuran niya. Nasa may dulo na pala siya ng battlefield kaka atras niya.
“Wag mo ng ipahamak ang sarili mo jan.” -Abe
“Kailan niyo pa ako minaliit ng husto?” Natigilan ang apat sa narinig nila. “Walang susuko.” Dugtong nito at tsaka lumingon nang bahagya sa gawi nila. At kitang kita nila kung gano nanlilisik ang mga mata nito “Walang tataas ng kamay para isuko ang laban ko.” Banta niya bago tuminging muli kay Seth
“Punong puno na ako sa pang aasar mo.” Bulong nito bago dahan dahang naglalakad. Patuloy man sa pagdaloy ang dugo sa sikmura niya ay wala na itong pakialam pa.
Kailangan niyang manalo..
Nangako siya kay Noah
Iuuwi nila ang premyo..
“Lapit malangsang isda!” Ngiting sambit pa ni Seth na ngayon ay mas nilakasan pa ang awra ng kai ng sandata niya dahil kita niyang mas seryoso na ngayon ang kalaban niya.
Mula sa paglalakad ay mabilis na tumakbo si Dabria palapit kay Seth at muling umatake. “Arrrgghhhhhhh!!” Pero nung pinakawala niya ang atake niya, nagulat nalang ang lahat nang maputol ang blade niya matapos itong salubungin ni Seth gamit ang sandata nito.
At Isa lang ang ibig sabihin kung ba’t naputol ito..
Mas malakas ang kai ni Seth kaysa kay Dabria
“Hah napakahina” Ngisi pang usal ni Seth pero nung tignan niya ang itsura ni Dabria, agarang nawala ang ngisi niya nung makita niyang hindi man lang ito nagulat sa nangyari. Nanlilisik parin ang mga tingin nito sakanya.
Hindi..
Hindi kaya..
Agad binitawan ni Dabria ang puluan nung sandata niyang naputol at tsaka kinuha ang kapiraso nitong tumilapon sa ere at hinigpitan ang kapit nito. Kahit nasugatan ang kamay niya sa pagkapit nito ay wala na siyang pakialam. “Arrrrghhhh!!” At dun, isang pambihirang kai ang pinakawala niya at ibinalot sa hawak nito bago isinaksak sa balikat ni Seth.
Tama si Seth ng iniisip, sinadya ni Dabria na hinaan ang kai ng sandata niya kanina para maputol ito at magawa niya ang atake na to.
“AAARRGGHHHH!” Malakas na napasigaw si Seth sa sakit nung bumaon ang patalim nito sa balikat niya.
Mag cocounter pa sana siya pero huli na nung makita niyang nakabwelo na si Dabria gamit ang isa pa niyang blade.
Diretso na sanang pupugutan ng ulo ni Dabria si Seth nang pinili niya itong ihinto. Sobrang lapit lang ng blade niya sa leeg ni Seth nung magsalita siya “Sabihin mo nalang na sumusuko kana kesa masayang ang buhay mo dito.” Malamig na utos nito kaya natigilan si Seth.
“B-bakit? Bakit di mo pa ako tinapos sa kabila ng pang iinsulto ko sayo?” Biglang umamo ang mukha nito na tila ba nagsisi ito sakanyang ginawa. “Hindi nababagay sakin ang mabigyan ng tsansang mabuhay pa.” Sabi pa nito
“Kaya tapusin mo na ako.” Para itong nakaramdam ng takot at tsaka tumingin sakanya “Papatayin lang rin nila ako kung sakaling di ako manalo rito.” Takot na sambit nito.
Saglit naman na napatingin si Dabria kay Veno. “Ganyan ba ang patakaran sainyo?” Tanong niya
“O-oo. Kaya tapusin mo nalang ako.”
“Sumali ka samin. Pwede ka naming protektahan laban sa mga yan.” Sagot ni Dabria at tsaka tumingin sakanya. “Hindi pa huli ang lahat, Seth.” Dugtong niya at tsaka ngumiti. “Sumuko ka nalang para matapos na ’to.”
Napayuko naman si Seth na tila paiyak na. Masyado atang napantig ang puso nito sa sinabi ng kalaban niyang ininsulto niya kanina. “S-sige.” Mahinang sambit niya at tsaka tumingin sa host sa may gilid nila.
Umayos naman ng tayo si Dabria dahil sa wakas tapos na rin ang laban. Nung tignan niya si Seth at magsasalita na sana para sumuko, nakita niya ang pag ngisi nito nang sobrang lawak at kinuyom muli ang kamao niya para magsilabasan ang claw sa kamay niya. “ANO AKO TANGA??!!” Sigaw pa niya nung makita niyang nakapababa na ang depensa ni Dabria. Dilat na dilat ang mga mata nito na parang nasisiraan na. “ASA KA PANG SASAMA AKO SA MGA TULAD NIYONG JOLOGS!” Sigaw niya bago mabilis na umatake kay Dabria
At ewan..
Pagtingin niya sa kamay niya ay putol na ito at isang malamig na bakal nalang ng blade ang naramdaman ng leeg niya.
…….
……………..
……………………..
Ano yun?
Ang bilis niya..
“Ano ako tanga para mauto ulit sa pagddrama mo?” Malamig rin na ganti ni Dabria pabalik bago hinigpitan ang kapit sa sandata at tsaka malakas itong winasiwas.
Agad napasigaw at napatili ang iilang manunood nung masaksihan nila kung pano magkahiwalay na bumagsak ang ulo ni Seth at ang katawan nito.
Unang paglalaban palang pero nasaksihan na nila ang pagkamatay ng isang kalahok.
Ang ibang grupong kalahok na nanunood ngayon ay mas lalong na excite sa napanood nila.
Kung ganun legal pala talaga ang pagpatay dito..
Napanganga naman si Ish sa nasaksihan niya. “Ano yun?” Natanong nalang niya.
“Sabi ko sayo e.” Parang proud pa na sagot ni Asher na tila tuwang tuwa sa pagkapanalo ng kaibigan niya.
“UNANG PANALO! DABRIA NG JACK OF ALL TRADES!” Turo ni Yami sa gawi ni Dabria kaya agarang nagsigawan ang lahat.
Ciello 0 - 1 JOAT
Paika ika namang bumalik si Dabria kila Noah. Tsaka lang niya naramdaman yung sakit ng tama niya sa sikmura pagtapos ng laban. Mejo malaki pala ang sugat niya.
Pababa na sana siya ng hagdan nung nawalan na talaga siya ng balanse at natumba. Pero buti ay sinalo siya ni Noah “Magaling ang ginawa mo, Dabria.” Sa simpleng puri lang na yun parang sa kaonting sandali ay napawi lahat ng pagod niya.
“Ako pa.” Kahit napapadaing sa sakit ay nagagawa parin nitong magyabang.
“Dalawang panalo nalang.” -Abe
Nilinis saglit ng iilang staff ang battlefield at kinuha ang katawan ni Seth para masimulan na ang susunod na laban.
“Sino ang susunod na lalaban?” Tanong ni Dabria at nakita ng lahat ang pag abante ng matabang myembro nila.
“Sol?” -Noah
“Gusto kong kumain. Ako nalang muna para maka kain na ako pagkatapos heheh.” Sagot niya at tsaka naglakad paakyat ng battlefield
“Raulo talaga” Iling na komento ni Abe
Sa kabilang banda naman ay nakita ni Veno na mataba ang umakyat sa battlefield kaya agad niyang tinawag si Ellis. “Ikaw na ang humarap. Physical user yan katulad mo.” Usal niya at may mga sinabi pa siya dito bago ito tumango at tsaka umabante rin paakyat ng battlefield.
“PARA SA PANGALAWANG LABAN! ELLIS BLACK VS SOL!” Muling naghiyawan ang mga manunood para sa panibago na namang aliw.

“Anong laban nung Ellis sa matabang yan? Napakalaki nyan” Audience #1235
“Oo nga. Wala man lang ka muscle muscle yung Ellis.” Audience #69
Normal lang ang katawan ni Ellis katulad ng ibang myembro ng Ciello. Walang makikitang kakaiba sakanya bukod lang sa pang model rin nitong mukha. Nakapamulsa lang ito at tila di man lang nakakaramdam ng sindak sa kaharap niyang triple pa ata ang timbang sakanya.
“READY!!” Agad nag stance ang dalawa para maghanda “SIMULA NA!”
Walang mga salitang binitawan ang dalawa, sabay itong sumugod sa isa’t isa na tila gusto na agad tapusin ang laban.
“Hmmn, mga physical user.” Ngiting sambit ni Chase nung makita niya kung pano nagbalot ang dalawa ng Kai sa mga kamao nila. Nanunood lang rin siya ngayon sa taas kasama sina Fatima at Dell.
Nagpakawala pareho ng suntok ang dalawa at halos mayanig ang buong battlefield sa lakas ng impact nung mag sangga ang mga suntok nila.
“Katulad mo sila, Virgel.” Sambit ni Asher
“Alam ko.”
Napakunot naman ng noo si Ish na walang kaalam alam “Ano?”
“Woah! Hindi man lang nasaktan si Ellis!” #Audience8347
Muling nagpalitan ng atake ang dalawa pero kahit nakakatama man sila ng solid sa bawat isa, wala ni isa ang napapadaing dahil balot na balot rin ng mga Kai ang katawan nila.
Nung makabwelo si Sol ay malakas niya itong pinakawala sa harap ni Ellis pero mas maliksi ito kesa sakanya. Inawasan lang nito ang atake niya at tsaka binigyan ng malakas na sipa ang hita niya. Buti nalang at nakabalot ito ng Kai kaya di siya nasaktan.
Lumipat sa may likuran niya si Ellis at muling inatake ang hita niya. Sinubukan niya itong sundan pero sa tuwing nililingon niya ito ay mabilis itong pumupunta ulit sa likuran niya at tsaka nagnanakaw ng sipa sa hita niya.
Walang magawa si Sol kundi ang magpa ikot ikot lang dahil di niya ito magawang mahuli. Masyadong mabigat ang katawan niya para maging mabilis gaya ng kalaban.
Napansin niya ang pag atake nito sa may kanan niya kaya agad niya itong nilingon para sana atakihin pero paglingon niya ay bigla na naman itong nawala at naramdaman nalang niya ang isa na namang atake sa may hita niya sa likuran niya.
Dun parang nakaramdam ng sakit si Sol. Paulit ulit lang na inaatake ang hita niya kaya parang nababasag narin ang binabalot niyang Kai rito.
“Mukhang pinaglalaruan lang ni Ellis si Sol gamit ang bilis niya.” Komento ni Ermac na nanunood rin sa ibang banda.
“Dehado talaga si Sol sa pabilisan. Pero alam ko nag aabang lang yan.” Usal rin ni Loda katabi niya.
Patuloy lang itong ginagawa ni Ellis kaya habang patagal nang patagal ay sumasakit na ang hita niya. Malaking kahinaan talaga para sa tulad niyang matataba ang ibabang parte ng katawan.
Nautakan sila ni Veno. Pinili niya si Ellis na lumaban kay Sol dahil kahit normal lang ang laki ng katawan nito, siya naman ang pinaka mabilis kumilos sakanilang lima. At bago pa man ito umakyat sa battlefield kanina ay sinabi na nito sakanya ang gagawin para manalo.
At heto na nga, habang tumatagal ay nauunawaan na ni Ellis ang sinabi ni Veno. Nakikita na niya ang epekto ng paulit ulit niyang ginagawa.
Muntik ng mapaluhod si Sol nung muling umatake si Ellis sakanya kaya bago pa man siya matalo dito, agad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay at kinuyom ito ng sobrang higpit “AAARGGHHHHH!!” Nung maramdaman niya ang pag atake na naman ni Ellis sa likod niya ay malakas niyang hinampas ang kinatatayuan niya gamit ang dalawang kamay niya.
Sa sobrang lakas ng hampas na yun ay nabasag at nagsiliparan ang mga tipak ng semento. Dun ay agad umikot ng mabilis si Sol habang nakabuka ang mga kamay niya. Tinamaan niya ang mga tipak na yun kaya tumilapon ang mga ito at di agad yun napaghandaan ni Ellis kaya saglit siyang napapikit at napahinto nung tinamaan siya ng mga tipak sa mukha.
At sa maikling oras lang na yun ay nakaharap na si Sol sakanya at huli na para umiwas dahil nayakap na siya nito nang sobrang higpit.
Inipon niya ng husto ang kai sa may tuhod niya at tumalon ng sobrang taas.
“Pano siya nakakatalon nang ganyan kataas??!!” Audience#17167
Kita nang lahat kung pano ito tumalon nang sobrang taas at tsaka inangat ang katawan ni Ellis “AAARRFGGGGHHHH!!” Tapos ay hinagis niya ito pababa ng sobrang lakas.
Pero bago pa man bumagsak si Ellis ay nailipat na nito lahat ng kai sa may likod niya para di siya masaktan. Halos bumaon man siya sa battlefield sa lakas ng pagkakabagsak niya, di siya gaano nakaramdam ng sakit dun.
Ngingiti na sana siya sa pag aakalang nabigo si Sol sa ginawa nito pero saglit siyang napanganga nung hindi pa pala ito tapos. Nakita niya pa itong pabagsak mismo sa kinahihgaan niya
At nasa likod lahat ng kai niya.
Kailangan niyang ilipat ito sa harap!
Para di siya masak–
“Naloko n–”
Agad napabulwak ng dugo at tumirik ang mga mata ni Ellis nung bumagsak ang mga paa ni Sol sa sikmura niya.
Di siya nakaabot na mabalutan ng kahit kaonting kai ang sikmura niya kaya halos mawalan siya ng ulirat sa ginawa ni Sol
“NICE ONE!” Sigaw ni Celes dahil matinding atake yun at imposible nang makabawi pa ang kalaban sa lakas ng impact na yun.
Napanganga naman ang lahat ng manunood sa nasaksihan nila. Kung ikaw mababagsakan ng ganyan kalaking tao tas sobrang taas pa, imposible na talagang makabangon ka pa.
Lumubog ng husto sa battlefield si Ellis kaya umusok ito at napalibutan ang dalawa.
At nung humupa ito, mejo nagulat ang iilan dahil iba ang inaasahan nila.
Akala nila’y si Ellis lang ang bumagsak pero ngayon ay nakahiga narin si Sol habang hawak hawak ang hita niya.
Napangisi naman nang bahagya si Veno.
di nga siya nagkamali ng payo.
“AT DAHIL BAGSAK ANG DALAWA UUMPISAHAN KO NA ANG PAGBIBILANG!” Lumapit si Yami sa dalawa at tsaka inumpisahan ang pagbibilang “ISA! DALAWA!”
Hina hinang bumangon si Ellis habang hawak hawak pa nito ang sikmura niya.
Habang si Sol naman ay napapa impit parin sa sakit ng mga paa niya. Kung hindi pa kumikirot ang mga hita niya bago pa niya ginawa ang atake na yun, hindi sana siya nagdalawang isip na umatake.
Nung hinagis niya ito pababa ay wala na sana siyang balak sundan pa ang atake yun. Pero nung makita niyang nakapag balot ito ng kai sa likuran nito ay wala na siyang nagawa kundi ibagsak nalang ang sarili kay Ellis bago pa ito makapaglipat ng kai sa harap ng katawan nito.
Masyado siyang naging kampanti na nakabalot ang kai sa buong katawan niya. Ni hindi niya agad ito inaksyunan para matigil sa pag atake si Ellis sa hita niya kanina.
“TATLO! APAT! LIMA!”
Parehong nagkandarapa sa pagtayo ang dalawa dahil sa mga tinamo nila.
“KAYA MO YAN, SOL!” Napatingin si Sol sa gawi nila Noah at kita sa mga mukha nila ang pag aalala. Kaya naman kahit sobrang sakit ay pinilit niya nang husto ang sarili na makatayo “Arrrghhhhh” Pero sa tuwing maglalagay siya ng pwersa sa mga paa niya para tumayo, sumasakit ito lalo.
“ANIM! PITO!”
Di na makahinga nang maayos ang iilang manunood sa kaba. Pati sila ay nag aabang narin kung sino sa dalawa ang makakatayo bago matapos ang bilang.
“WALO!”
Pumikit nalang si Sol at sumigaw para indahin ang sakit ng paa niya kahit nanginginig na ito sa sakit.
Kailangan nilang manalo..
Kailangan niya ang panalo na to
Para isa nalang ang kailangan nila
“SIYAM!”
“ARRRRGGGHHHHHH!!” Minulat niya ang mga mata niya at dun nalang nawala lahat ng pag asa niya nung makita niya sa harap niya na nakatayo na si Ellis
at siya hindi..
“SAMPU!!”
Agad tumunog ang bell at nagsigawan muli ang mga manunood
“PANGALAWANG LABAN! ANG NANALO! ELLIS BLACK NG CIELLO MAFIA!”
Ciello 1 - 1 JOAT
Agarang umakyat sila Noah at Abe para puntahan si Sol na nakadapa parin.
“Sol! Ayos ka lang?” Tanong ni Noah at saglit na tinignan ang mga hita nito. Sobrang namamaga.
“Ba’t mo ba kasi ginawa yun? Nilalagay mo lang sa piligro ang buhay mo.” Sermon ni Noah kaya napayuko nalang si Sol
“Sabi ko naman na gusto kong matapos agad ang laban diba? At tsaka..gusto kong manalo.”
“Pansin ko ngang alanganin yung pag bagsak mo kanina. Alam mo ng kumikirot yung mga hita mo pero tinuloy mo parin.” Singit naman ni Abe
“Gusto kong manalo..” Muling sagot ni Sol
“Pero wag sa paraang ikakapahamak mo.” Sagot ni Noah at tsaka siya tinapik sa balikat “Mas hindi ko kayang mawalan ng kasamahan kesa matalo sa paligsahan na ’to.”
Mejo natawa naman si Abe nung mapansin niyang parang naiiyak si Sol sa sinabi ni Noah “Pinapaiyak mo na naman tong baby damulag natin.” Tawang sambit niya kaya natawa nalang ang dalawa
Agaran namang dumating ang isang team ng medic na may dalang stretcher. Binuhat ng mga ito si Sol at pinahiga. “Kami na ang bahala sakanya sir. Magbibigay nalang kami ng update mamaya pagkatapos ng laban.” Usal ng isang medic kaya tumango nalang si Noah.
“Kaya mo yan.” Tinapik niya ulit si Sol pampalakas ng loob. “Kami na ang bahala dito.”
“Manalo kayo. Magiging mayaman pa tayo lahat, diba?” Tanong ni Sol kaya bahagyang ngumiti si Noah “Oo.” Tipid na sagot nito bago tuluyang inalis si Sol palabas ng arena.
Pagkababa naman nina Noah ay napansin niyang nag inat yung isa nilang kasamahan sa gilid.
“Ikaw ba ang susunod na lalaban, Celes?” Tanong ni Abe at kitang kita niya na nangungunot ang noo nito
“Oo.” Nagkatinginan naman ang tatlo sa sinagot ni Celes. At iisa lang ang iniisip nila.
Tsaka lang nagtatagalog si Celes pag nagagalit ito. At sa sinagot niya, mukhang nagalit ito sa nangyari kay Sol
“Ako na ang bahala sa pangalawang panalo natin.” Muling sambit nito bago umakyat sa battlefield. “Para sa kaibigan nating si Sol.”
Nung umakyat naman ang lalahok sa kabilang kupunan ay biglang nagtilian ang mga babae sa buong arena.
Kung lahat ng myembro ng Ciello ay mga pang modelo ang mukha, ito na ata ang pinaka may itsura sa kanilang lima.
Marahan namang pumalakpak ang mag asawa sa isang VIP room dahil lalahok narin ang anak nila.
“AAaaAhhhh! Iuwi moko pogi! May premyo ka rin sakin!” AudienceHarot #7813
“Gosh! Ang gwapo niyaa” Parang kinikilig pang sambit ni Fatima na katabi lang nila Chase. Inis namang nilingon ni Dell ang girlfriend niya “Akala ko ba ako lang ang pinaka gwapo sa paningin mo?”
“Akala ko nga rin ih heheh”
“Aba’t!”
“Hihi joke laaang!” Peace sign pang ngiti ni Fatima
“Mga babae nga naman.” Ngiting singit lang ni Chase.
“PARA SA PANGATLONG LABAN! JACK VOLTAIRE VS CELES!” Sigaw ni Yami kaya muling naghiyawan ang mga manunood at handang handa sa pangatlong bakbakan na makikita nila.

Bago pa man magsimula ang laban ay pinili ni Virgel na lumabas muna saglit.
“Gusto mo ng kasama?” Tanong ni Asher
“Hindi. Babalik rin ako maya maya.” Sagot niya bago lumabas.
At habang naglalakad siya, di niya maiwasang magtanong sa sarili.
Ang Virgo lang ba ang walang alam tungkol sa Kai?
Sa unang laban palang ay mga Kai User na agad ang nasaksihan niya. Akala niya’y natatangi ang kakayahan na ’to kaya kahit papano ay nakaramdam siya ng kaonting kampante. Pero hindi.
Marami na ang nakakaalam sa estilo na ’to.
Hindi lang siya.
Marami sila.
Isa na dun ay ang taong nakaharap niya kanina.
Si Lorenzo
Kailangan niya pang lumakas..
Napatingin si Virgel sa kamay niya at dahan dahan niya iyong kinuyom.
Kung gusto niyang mabigyan ng hustisya ang ama niya, kailangan niyang lumakas pa.
Sa kakaisip niya, di niya namalayang may isang tao pala sa unahan niya ang pasalubong sakanya.
At parehong nahinto ang dalawa nung magtama ang kanilang mga mata.
Sa loob ng maraming buwan, ngayon niya lang ulit ito nakita.
At kahit ayaw man niyang isipin, sa tuwing nakikita niya talaga ang mukha nito ay kusa nalang pumapasok sa utak niya ang nakangising pagmumukha ng ama nito.
Ang akala niya’y natanggal na ang galit sa puso niya sa babaeng ’to.
Pero ngayong kaharap na ulit niya ito, nag umpisa na namang lumalim ang paghinga niya.
Naaalala na naman niya ang nangyari sa ama niya.
Nag umpisa na namang mamuo ang puot sa puso niya.
Pero habang tinitignan niya ito, naisip niya na ang laki na ng pinagbago nito.
Hindi na nakapinta sa mukha nito ang masayahing Agnes na kilala niya.
Tanging dalawang malulungot na mga mata lang ang nakikita niya ngayon.
Sa loob ng mga buwan na yun, puro lungkot nalang ba ang nararamdaman niya? Natanong natanong nalang nito sa sarili.
Sa aming dalawa…
Sino nga ba ang mas nasaktan?
Ang puso ko bang binalutan ng galit ng ama niya?
O ang mga mata niyang binahiran ko ng lungkot?
-To be continued..
-MajorSIn
![Cover of VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]](/story-covers/vulture-book-3-on-going_178117500.webp)
