ππππππ
calypzoalcazar Β· 29 chapters Β· 57,346 words
Pasilip
Pwede kayang bumalik ka sa nakaraan? Nakaraan kung saan ikaw mismo ang nabuhay?
Pwede kaya yon?
Ako kasi, napatunayan kong pwede. Bumalik ako sa panahon kung saan ako nabuhay dati. Sa panahon kung saan napaka-komplikado pa ng lahat.
Ako si Ryke Jie o Lee Wanjie at siya naman si Emperador Han Jisuk. Ang tanging alam ko lang, ay parang ayaw ko nang bumalik sa kasalukuyang panahon.
Ayaw ko siyang iwanan kahit napaka-delekado. Kahit pa ang buhay ko ang nakataya. Buhay ko na isang saksak lang sa isang espadang singtalim ng mga tingin niya. Singtigas ng puso niya.
Pero wala akong magagawa. Ayaw na niya din akong pakawalan. Kaming dalawa ang tataya. Hindi naman alam kung mananalo ba kami.
Ano nga bang nagustuhan ko sa panahong ito, siya ang Emperador at ako ang Emperatis niya. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko at nasa bingit din ang pwesto niya bilang Emperador ng dinastiyang Han.
βKung mamatay man ako o ikaw Jiejie aking mahal, maari ka bang mangako na susunod ka agad saakin? Nangangako din akong susunod ako sayo agad aking mahal. Wala na akong iniisip na iba. Wala na akong pakialam sa trono at katungkulan ko. Mas importante ka na Wanjie. Mangako ka. Mangako ka mahal ko. Nagmamakaawa ako.β - Emperador Han Jisuk
kalli
[PAALALA MULA SA MANUNULAT]
Ang istoryang ito ay pawang kasinungalingan at bunga lang ng malikot na kaisipan ng sumulat. Pangalan, lugar, pangyayari at iba pang mga pagkakatulad sa kahit anong establisyimento ay isang aksidente lamang at hindi sinasadya.
Ang istoryang ito ay naglalaman ng pag-iibigan ng parehong kasarian. Kung hindi mo gusto o ayaw mo sa mga ganitong tema, maari ka nang umalis. Walang pumipilit sayong magbasa at wala din akong pakialam sayo.
Pinaalalahanan kita.
Walang bahagi sa librong ito ang kinopya o kokopyahin ng kung sino ng walang pahintulot ko. Orihinal ko itong akda at wala kang karapatang kopyahin o isalin sa kahit ano pang pagsasalin.
β Ang pangongopya o plagiarism ay bunga ng inggit. β - Calypzo Alcazar
MALI AT MGA PAGKUKULANG SA ISTORYA AY MAKIKITA. HINDI AKO PERPEKTO.
kalli
Kabanata 1
Ryke Jie Solidad
βHello mommy?β Agad kong sagot kay mommy nang tumawag siya sa phone ko habang nagbyabyahe ako. βJie? Where are you now?β Inis ko namang binagalan ang takbo ko. βMommy, how many times should I tell you na wag mo akong tawaging Jie. I hate it. Itβs too girly.β Naiinis kong turan sakanya.
Tumawa naman siya sa kabilang linya na mas kinainis ko. βOkay fine. Ryke. Okay na?β Nagbuga naman ako ng hangin. βWhat is it? Malapit na ako kila lola. Kalahating oras nalang.β Turan ko sakanya. βOkay. Okay. I just want to know kung nasaan ka. And to tell you also na, stay at your lolaβs house for days.β Agad naman kumunot ang noo ko. βWhy? For what?β
βOne week pa ang uwi namin ni daddy mo. Dyan ka muna kay lola.β Agad naman akong nainis. I donβt like here! Ayoko sa bahay ni lola! Ayoko kay lola. βMom! Alam mong ayoko kay lola! Walang wifi, signals kahit kuryente wala! Paano ako mabubuhay dito?!β Sigaw ko at inihinto sa tabi ng kalsada ang kotse ko.
βMerong pagkain ang lola mo. Hindi mo kakainin yang wifi o signals na yan. Hindi ka mabubusog dyan.β Napahilamos naman ako ng mukha. Plano ko lang ang dumalaw. Hindi mag-stay. βUuwi nalang ako pagkatapos kong dalawin si lola.β Buong loob kong sabi.
βOkay. Itβs up to you. Itβs already 3 in the afternoon Ryke. Limang oras ang byahe pabalik. At ang kwento ni mama, may mga aswang daw sa gitna ng kakahuyan. Yung wawakwakin yang tyan moββ Agad naman akong kinilabutan sa sinabi ni mom. Nasa gitna ako ng kakahuyan! βMom! Stop! Natatakot ako!β Sigaw ko sakanya. βIβm in the middle of fucking woods! I hate you!β Sigaw ko pa.
Narinig ko naman ang malakas na tawa niya. βBasta dyan ka muna sa lola mo. Nakasara yung bahay natin. Tsaka hindi ka magugutom dyan. Amazona ang lola. Hindi ka gugutumin.β Napairap nalang ako. βWhatever. Basta hindi niya ako pakakainin ng palaka. I swear to God, lilipad ako pabalik.β Tumawa naman siya ng malakas.
Last time na pumunta ako, pinaghanda niya ako ng kakainin ko. Sarap na sarap pa ako. Hindi ko alam na frogs pala yon! I hate it. I hate it! Fucking gross!
βNo. Sabi ko pakainin ka ng ahas.β Agad naman akong nandiri sa sinabi ni mom. βMom! Kadiri ka!β Frogs nga isusuka ko, snakes pa kaya? Iw!
βSige na. Bye na! Ingat sa palaka!β Sigaw niya pa bago patayin ang tawag. Inis ko naman binato yung phone ko sa upuan at sumandal. βO yeah. Iβm fucked up.β I donβt hate lola that much. Minsan kasi ang creepy-creepy niya. Kaya natatakot ako.
Huminga nalang ako ng malalim at ini-start ang makina. Pero laking gulat ko nang hindi na iyon mag-start. βWhat?! Seriously?! Ngayon talaga?! I hate you all!β Sigaw ko at pinaghahampas ang manibela ko.
Ilang minuto naman akong nakapikit bago ko naisipang lumabas ng kotse. Nagdadalawang-isip pa ako dahil sa sinabi ni mom. That crazy wowan. Agad kong binuksan yung harap ng kotse at tinignan. Para namang walang sira. Agad ko ding isinara. Maybe kailangan lang painitan.
Sa hindi ko malamang dahilan ay napatingin ako sa itaas ng bundok na katabi ng main road. Para kasing may nakatitig sakin.
Nanlaki naman yung mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang isang taong may mahabang kasuotan na kulay violet at itim. Mas nangingibabaw ang itim sa suot niya. Hindi ko maaninag ang mukha sa laki ng suot niyang itim din na sombrero na may taling kulay violet. Itim din yung kabayo niya at may espada na nakasabit sa bewang.
Agad akong nanginig sa takot. Eto na ba yung sinasabi ni mom? Shit! Nakakatakot siya. Nakatitig lang siya sa gawi ko ng matagal. O donβt even know why?!
Maya-maya pa hinatak niya yung tali sa kabayo dahilan para tumayo ito at pumihit patalikod saakin at mabilis na tumakbo.
Agad naman akong napasandal sa kotse ko at nakahinga na ng maayos. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Heβs scary as fuck! Hes kinda weird dahil sa suot niya. Wala na akong nakikitang nagsusuot ng ganon sa panahon ngayon at gunagamit ng espada at kabayo. May baril at kotse na.
Imbis na magtagal sa labas, agad akong tumakbo papasok ng kotse at mabilis kong sinubukang paandarin ang kotse ko. Mabuti naman at gumana na. Agad kong pinaharurot ang kotse ko paalis ng lugar na yon. Fuck. Worst experience ever. Hindi na siguro ulit ako babalik kay lola nito.
AGAD kong inihinto ang kotse ko sa tapat ng lumang bahay ni lola. Oo luma na nga ang bahay niya pero malaki naman. Hindi ko alam kung bakit ginugusto niya pang tumira dito kahit pinipilit ko siyang sumama sakin sa Manila.
Agad naman bumukas yung pintuan niya. βApo!β Malakas na sigas niya sakin nang nakangiti at tumatakbong sinalubong ako. Agad naman akong napangiti. βMadapa ka lola!β Sigaw ko sakanya. Hindi naman siya nagpatinag sa sinabi ko. Wala akong nagawa kundi salubungin siya ng mahigpit at mainit na yakap.
βApo! Na-miss kita! Ang tagal mong hindi nadalawa!β Tumatawang turan niya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Napakamot naman ako ng ulo. βBusy sa pag-aaral lola. Pasensya na.β Sagot ko nalang bago kuhanin yung mga gamit ko sa kotse at sabay kaming naglakad papasok sa bahay ni lola.
Kahit walang kuryente o tubig sa bahay ni lola, sobrang linis naman. Alagang-alaga niya. Para ngang wala kang makikitang alikabok o agiw.
βNaku, baka pagge-girlfriend yang inaatupag mo ha! Sinasabi ko sayo may magagalit.β Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni lola. Sino? Sinong magagalit? βAt kapag nagalit yon, baka gilitan ka ng leeg sa espada niya.β Tumatawa niyang turan. Ako naman ay napangiwi lang. Kaya ayas ko sakanya. Ang weird niya at nakakatakot.
βKumain ka na ba? May niluto ako.β Nakangiting bulong niya. Agad naman akong tumingin sakanya. βHindi palaka o ahas.β Agad niyang dugtong. βSuso.β
NAKAUNAN ang mga braso ko sa ulo ko habang nakatingin ako sa kisame. Akala ko talaga pakakainin niya ako ng suso. Kadiri. Sabi niya, alaga daw niyang manok yon. Kinatay niya pa para saakin.
Inis ko naman ginulo ang buhok ko. Mamatay ata ako sa inip. βJie-jie?β Narinig ko naman ang tawag ni lola saakin mula sa labas ng kwarto.
Hindi ko alam kung bakit kapag siya ang tumatawag saakin ng ganon ay hindi ko magawang mainis. Siya lang ang bukod tanging nakakatawag sakin sa pangalan na yon. Umupo naman ako sa kama nang pumasok siya sa kwarto ko.
Agad siyang tumingin sakin nang nakangiti. βPasensya na apo. Wala tayong ilaw o kuryente.β Ngumiti naman ako agad pabalik. βAyos lang yon lola. Ikaw kasi, sinasama na kita sa Manila ayaw mo pa rin.β Umiling naman siya. βSasama na ako sayo pag-uwi mo.β Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ko siya napigilang mayakap dahil sa tuwa. βYes!β Sigaw ko pa. Tinawanan naman niya ako bago haplusin ang likod ko.
βGusto mo ba kwentuhan kita?β Tumango naman ako. Kahit weird si lola at nakakatakot, gustong-gusto ko naririnig ang kwento niya. βSige po lola. Gusto ko yan!β Agad kong turan at umayos ng upo.
Ngumiti naman siya at may kung anong kinuha sa ilalim ng kama ko bago ulit umupo. Kinuha niya yung libro sa ilalim. Lumang-luma na at puro alikabok. Nakangiti niyang hinaplos yung libro bago tumingin saakin at buksan yon dahan-dahan. βDito nakatala ang istorya ni Lee Wanjie, ang lalaking Empress at Haring Jisuk Han.β Nakangiti niyang turan ns pinagtaka ko. Lalaking emperatris? Ha? Pwede ba yon?
βNagkakilala sila nang mabasag ni Wanjie ang malaking salamin sa paliguan ng Emperador Han Jisuk sa kagustuhang maligo ni Wanjie sa paliguan ng kamahalan.β Nakinig naman ako sa istorya. Mukha naman exciting e.
MABILIS akong tumayo nang makalabas na si lola sa kwarto. Ang haba nung kwento pero βdi kapani-paniwala.
Napatingin naman ako sa papel na naapakan ko mula sa sahig. Dahil sa dilim, hindi ko makita kung anong meron dun sa papel. Sa halip, ay mabilis kong pinulot yon at dinala yung ilaw papunta sa banyo.
Agad kong ipinatong sa lababo yung ilaw at tumingin sa repleksyon ko sa salamin. Ang laki ng salamin ni lola dito at lumang-luma.
Inilabas ko naman yung picture at itinapat pa sa ilaw para masinagan ko. Sa sobrang katandaan ng picture, naaninag ko nalang ay isang kabayong itim na may nakasakay na dalawang tao.
Isang lalaking nakaitim din na may halong ibang kulay ang mahaba nitong suot na hindi ko na alam ang kulay sa labo ng picture. At yung isa naman ay kulay puti ang suot na mahabang kasuotan na may halong ibang kulay pero hindi sila nagkakalayo sa itsura at design.
Burado ang mga mukha nila. At ang nakakuha ng pansin ko ay ang mga kamay nung lalaking naka-itim na nakapalibot sa bewang nung nakaputing lalaki. Habang yung lalaking nakaputi naman ay hawak ang tali ng kabayo. Para silang mag-asawa or something. Ang sweet nila. Kahit hindi ko makita ang mukha, ramdam ko yung pagmamahalan nila mula dito sa litrato.
Huminga naman akong malalim at inilapag sa lababo yung picture at tumingin sa salamin. Ilang minuto pa akong nakatitig don nang mapa-atras ako dahil unti-unting nababasag yung salamin.
Agad kong naiharang yung kamay ko para masangga yung nagliliparang basag na salamin papunta sakin. Agad akong nakaramdam ng hapdi at panghihina sa katawan ko pagkatapos kong marinig yung malakas na pagbasag sa hindi malamang dahilan.
Tinignan ko agad yung kamay ko pagkatapos mabasag ng salamin. Laking gulat ko nang puro yon dugo at tumutulo pa. Para naman nanlambot yung mga tuhod ko. βL-lola.β Bulong ko kay lola.
Lalo naman akong naguluhan nang matagpuan ko nalang ang sarili sa ibang lugar. Hindi ito yung banyo! Napatingin ako sa basag na salamin sa harap ko. Ayan na ayan yung salamin sa banyo!
Kitang-kita ko pa yung repleksyon ko sa basag na salamin. Ganon pa din yung suot ko pero puno na ng dugo. Dahan-dahan akong napa-atras. Naguguluhan ako! Nasaan ako?!
Nanlaki yung mata ko nang maatrasan ko ang kung ano at madapa mula don. Naramdaman ko nalang na binalot ako nang maligamgam at mabangong tubig.
Hinayaan ko lang ang sarili ko sa ilalim nbg tubig. Baka panaginip lang. Kailangan kong magising.
Agad akong nanginig sa takot nang pag-ahon ko ay may nakatutok na saaking mahabang espada. Isang lalaki ang nakatayo sa harap ko, suot-suot ang kulay puting roba. Agad akong napaatras kung nasaan man ako. Pero habang umaatras ako ay siya namang lapit niya.
Lalo pa akong nanginig sa mga titig niya. Para niya na akong papatayin. Mas nilapit niya pa ang espada na pilit kinalayo ng leeg ko.
βSino kang lapastangan?!β
kalli
Kabanata 2
Ryke Jie Solidad
βSino kang lapastangan?!β Malakas na sigaw niya sakin habang nakatutok ang matalim na espada sa leeg ko.
Halos manginig naman ako sa takot habang nakatingin sa mga mata niyang kalmado pero nanlilisik.
βSumagot ka!β Sigaw niya pa na kinagulat ko. Agad kong tinaas yung kamay ko at binuka yung bibig ko para magsalita. βS-sorry po! H-hindi ko po alam kungββ Napatigil naman ako sa pagsasalita nang makitang nanlaki ang mga mata niya sa hindi malamang dahilan.
βAnong lenggwahe ang iyong tinuturan?! Lapastangan!β Sigaw niya sakin at tuluyan nang idinikit ang espada sa leeg ko. Naluha na ako sa sobrang takot.
Anong klaseng tao siya?! Hindi niya ba alam ang English?!
βTila ba parang pang karaniwang tao lang ako kung kausapin mo!β Sigaw niya pa sakin. βHindi mo ba ako kilala?! Sino ka? Bakit naiiba ang iyong kasuotan?β Tuloy-tuloy na tanong niya.
Pinunasan ko naman yung luha ko pwede napangiwi ako sa sakit nang mahawakan ko yung basag na salamin na nakabaon sa pisngi ko.
βA-aray koβ¦β Bulong ko habang umiiyak. Ayoko pa naman ng sakit!
βHindi mo pa sinasagot ang aking katanungan!β Napatingin naman ako sakanya. Bakit ba ang lalim niyang magtagalog?
βJie. Jie po ang pangalan ko. H-hindi ko po alam kung paano ako nakarating dito. Nasa tingin lang naman ako sa salamin ng CR tapos biglang nabasag.β Paliwanag ko.
Tinignan naman niya ako ng ilang segundo bago ibaba ang espada niya. βC-CR?β Bulong naman niya. Tumango naman ako. βCR po. As in banyo, restroom, bathroom?β Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.
βSaang bayan ka nanggaling? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha mo. At bakit ganyan ang kasuotan mo?β Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa parang bathtub niya. Puro na din dugo at sobrang hapdi ng buong katawan ko.
βAalis na po akββ Hindi ko pa man nasasabi pagkatayo ko ay nakatutok na saakin yung espada. βWala kang galang! Kinakausap pa kita!β Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sakanya.
βAlam mo ba na maari kang parusahan at bitayin dahil sa kalapastanganan mo?β Umiling naman ako. Bakit bibitayin? Panahon pa ba ng kopong-kopong βto.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang ibaba niya ulit yung espada. Ngayon lang ako napatitig sa mukha niya. Yung mahabang buhok niya na nakapusod sa tuktok ng ulo na may nakatusok na kung ano.
βIsa ulit kalaspastanganan na tumitig sa Emperador ng dinastiyang Han.β Bulong niya ulit na kinagulat ko.
βD-dinastiyang Han?β Nauutal na bulong ko. βTama ka nang narinig. Maari kang maparusahan ng kamatayan kung gugustuhin ko.β Nakangisi niyang bulong sakin.
Huminga naman ako ng malalim bago mabilis na tumakbo papunta doon sa may pintuan na feeling ko pinagpasukan niya kanina.
Laking tuwa ko nang makalampas na ako sakanya nang hatakin niya yung mahaba at basa kong buhok. βA-aray!β Malakas na sigaw ko.
Mabilis kong inapakam yung paa niya ng sobrang lakas pero parang wala lang sakanya. Kinuha ko naman yung isang kamay niya at kinagat ma naging dahilan nang pagkawala niya sakin.
Kinuha ko yung pagkakataon na yon para makatakbo palabas. Binuksan ko yung pintuan pero laking gulat ko nang makita yung dalawang taong may espada din sa bewang na nag-aabang mula sa malayo.
βBumalik ka dito!β Sigaw saakin nung lalaki. Agad naman akong tumakbo palabas at tumakbo doon.
βHoy! Tumigil ka ngayon din!β Hindi ko pinansin yung sigaw nung nagbabantay at mabilis lang na tumakbo.
Wala na akong nadadanan dahil gabi na din. Sinundan ko lang yung puso ko kung saan pupunta nang makalabas ako mula sa isang malaking bahay na parang mga ilang taon na ang tanda. Sa mga k-drama ko lang mapapanuod yung mga ganito.
βBumalik ka!β Sigaw pa nung lalaki. Agad akong pumasok sa isang kwarto nang hindi nila nakikita.
Nanatili ako sa loob nung maliit na bahay. Maliit na gasera lang ang ilaw sa loob.
Nakakuha naman nang pansin ko yung isang mahaba at puting damit na nakatupi at isang hair pin na mahaba. Yung parang nakatusok dun sa buhok nung lalaki sa banyo pero ginto yung sakanya. Habang yung eto naman ay kulay puti lang na parang gawa sa bato.
Hindi ko naman alam kung paano gamitin βto kaya, mabilis akong naghubad at sinuot yung puting damit. May tali pa siya sa bewang. Hanggang ilalim siya at kulay pink yung palda niya na may design-design.
Hindi ko na sinuot yung pang-taas na parang vest at ipinatong sa ulo ko. Sinilip ko pa sa labas. Yung pintuan kasi dito, parang sliding door na kahoy.
Agad kong naisara yung pintuan nang makita yung mga parang guards na tumatakbo. Nalilito na din ako. Bakit ganito yung mga suot nila at bakit espada yung gamit nila. Para talagang nasa lumang panahon ako sa k-drama.
Dahan-dahan naman akong lumabas at naglakad ng nakatungo. Nilalagpasan lang ako nung mga gwardya na laking kinatuwa ko.
Mabilis akong lakad ko papunta sa malaking gate. βSaan ka paparoon?β Tanong sakin nung isa kaya ibinaba ko ng kaunti yung suot ko.
Pero nakita ko silang nagulat nang makita ko sa hindi ko malamang dahilan at biglang ngumisi. βBayarang babae pala.β Tumatawang sabi nung isa. βLabas na. Hindi ka bagay dito sa palasyo.β Tumango naman ako at mabilis na lumabas sa maliit na pintuan.
βIsara ang tarangkahan!β Malakas na sigaw ang narinig ko pagkatapos kong makalabas. Hapding-hapdi pa ang mga paa ko dahil sa bubog dito.
Sinilip ko naman yung nangyayari sa likod ko at nakita kong unti-unting ibinababa yung bakal na gate.
Napaiktad naman ako nang makita yung lalaki sa banyo habang suot-suot ang itim na damit na mahaba din tapos may bilog na kulay gold sa gitna nung damit tsaka may parang gold na belt din. Hindi lang yon, nakasobrero din siya ng itim. Malaki yung sombrero tapos may tali pang malalaking beads na parang bato or something.
βAng kamahalan!β Sigaw nila sabay yumuko silang sabay-sabay.
Kahit malayo na ako sakanya, hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya. Napaiktad nalang ako nang makitang nakatitig din siya sakin at mabilis na pinalo yung kabayo.
Mabilis akong tumalikod at tumakbo. Nakita niya ba ako?! Hindi pwede! Siya ata yung tinatawag na kamahalan dito! Papatayin ako nito.
Tumingin naman naman ako sa likod ko at laking gulat ko, bago pa maisara yung malaking gate nakalabas na siya at yung kabayong itim.
βKamahalan!β Sigaw pa nung mga tao sa loob. Itinapon ko na yung nasa ulo ko at mabilis na tumakbo.
Dinadaanan ko pa yung maliliit na bahay. Pumasok ako kung saan-saan para hindi niya ako mahabol pero laking gulat ko nang makita ko siya sa likod ko at hinahabol pa din ako.
Wala ng mga bahay at puno nalang. Mabilis akong pumasok sa gubat at mas binilisan pa yung takbo.
Agad akong sumandal sa malaking puno habang hinihingal. Nagdadasal nalang ako na hindi niya ako makita dito pero napatakip ako ng bibig nang marinig yung paa ng kabayo papunta sa direksyon ko.
Pinapakiramdaman ko lang yung paligid nung huminto yung kabayo. Ilang pang segundo narinig ko na siyang nagsalita.
βMagaling! Naisahan mo ako lapastangan. Pero sa oras na magkita ulit tayo, hindi mo na ako maiisahan. Hindi mo ako malilinlang. Kung sino ka man, pinapangako kong magkikita ulit tayo. At sa mga oras na iyon, ako na ang masusunod.β Sigaw niya habang tumatawa. Baliw na ata siya. βIkaw ang susunod saakin. Tila hindi mo ata alam na ako ang Emperador ng dinastiya at bayang ito? Pero wag kang mag-alala. Ipapaalam ko sayo.β Huling sigaw niya pa bago ko narinig yung sigaw nung kabayo niya kasabay nang pagtakbo non.
Napadausdos nalang ako sa puno at napapikit sa pagod. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makita yung isang babae habang may hawak na gasera. Napamulat ako kasi parang siya si lola. Si lola nung kabataan niya.
βL-lola?β Bulong ko. Napatingin naman sila siya saakin kasama yung babaeng katabi niya.
βWanjie!β Malakas na sigaw niya kasabay ng pagtakbo saakin. βJie-jie!β Sigaw niyang paulit-ulit. Pilit ko naman inaabot yung kamay niya pero tuluyan na akong nilamon ng dilim.
NAGISING nalang ako sa paulit-ulit na hagod sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat yung mata ko at sumalubong saakin yung umiiyak na mukha nung babaeng nakita ko sa gubat at kamukha ni lola.
βJie-jie!β Sigaw niya sakin habang umiiyak sabay yakap saakin. Pati tawag saakin ay pareho.
βKuya!β Sigaw naman nung isang babae na kapapasok lang. Para naman nagising yung buong diwa ko habang nakatingin sakanya.
Wala kaming pinagkaiba. Magkamukhang-magkamukha kami. Pati katawan at laki ay parehong-pareho din. May isa lang siyang nunal sa kanang mata pero ako sa kaliwa naman at sa parehong pwesto din kaya nakakagulat talaga. Pareho din kaming mahaba ang buhok. Yung sakanya ay nakapusod sa ibaba at may isang nakatusok na mahabang kahoy. Sapat lang para makita sa bun nung buhok yung dalawang dulo nung kahoy.
βJie-jie! Anak ko!β Nawala naman yung titig ko sakanya nang sumigaw ulit yung babae.
Lalo naman akong napatitig sakanya. Kamukhang-kamukha niya si lola nung kabataan niya. Sobrang ganda niya. βL-lola?β Hindi ko mapigilang bulong pero lalo lang siyang humagulgol at yumakap dun sa babaeng kamukha ko.
βWaaaa! H-hindi niya tayo maalala!β Umiiyak niyang sigaw sabay tingin sakin. βAko ang ina mo! Ako si Jinji Lee! Eto naman ang kakambal mo! Si Wanya Lee! Ikaw naman si Wanjie Lee!β Pagpapaliwanag niya sakin.
βBakit naman ganito ang kapalaran mo anak?! Bakit mo kami kinalimutan?!β Sigaw niya pa habang umiiyak.
Litong-lito naman akong nakatingin sakanilang dalawa. Jinji Lee? Wanya Lee? Sino ako? Wanjie Lee?
kallivanilla
Kabanata 3
Ryke Jie Solidad
βAnong ba ang nangyari sayo kuya?β Tanong saakin ni Wanya. Nakatitig lang ako sakanya habang ginagamot niya yung mga sugat ko. Siya na din yung nagtali ng mahaba kong buhok. Halos magkasing haba lang kami ng buhok. Nilagyan niya din ako nung mahabang hairpin na tinutusok sa napapusod na buhok.
Iba na din yung suot ko ngayon. Isang mahaba at kulay puting damit na may tali sa bewang. Ibang-iba talaga sa mga sinusuot ko.
Nakababa ngayon yung kalahati kasi ginagamot ni Wanya yung sugat sa dibdin ko at tyan.
Hindi pa din ako makapaniwala. Magkamukhang-magkamukha kami! Yung pwesto lang ng nunal sa mga mata namin yung naiba! Halos wala kaming pinagkaiba. Pati hubog ng katawan hindi kami nagkakalayo. Wala nga lang akong hinaharap.
Yung mga buhok din namin. Parehong-pareho. Mahaba yung buhok ko kasi ayaw ipaputol ni lola simula pa nung bata ako. Kaya laging nakikiusap si mom sa university na wag ipaputol yung buhok ko. Kaya ngayon humaba na. Abot na sa kalahati na ng tyan ko.
Tuloy lang siya sa paggamot ng sugat ko sa hindi ko alam kung ano yan! Parang dinurog na something.
βWala bang alcohol Wanya?β Hindi ko mapigilang tanong sakanya.
Bigla naman siyang napatigil at tumitig saakin.
βBakit ka ganyan manalita kuya? Nakalimot ka lang tapos iba na ang pananalita mo. Hindi ko din alam kung ano iyang tinuturan mo.β Nakakunot niyang noo na sabi saakin.
Napangiwi naman ako. βAno ba yang nilalagay mo saakin?β Tanong ko sakanya. βDinurog na halamang gamot kuya. Mabisa itong panglunas sa mga sugat.β Nakangiti naman niyang sagot saakin.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Para ko siyang tunay na kapatid. βMagtigil ka nga muna kuya, anong bang nangyari sayo? Bakit ang dami mong sugat?β Tanong niya saakin.
Sasabihin ko ba sakanyang hinabol ako ng Emperador ng bayang ito? Hanggang ngayon nalilito pa din ako kung nasaan ako. Pero sinabi ko sa sarili kong magpapa-agos ako kung hanggang saan ako makarating.
Hindi ko din kasi alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong lugar βto. Hindi ko alam kung anong panahon βto. Nalilito ako. Naguguluhan. Sa totoo lang, gustong sumabog ng utak ko.
βH-hinabol ako nung mga hindi ko kilalang lalaki.β Sagot ko sakanya.
Tumigil naman siya at nagulat ako nang dinuro niya ako. Halos maduling ako habang nakatingin sa dulo ng daliri niya.
βAng babaw mo magsalita kuya! Kailangan malalim ka magsalita. Mapaparuhan tayo kapag nagkataon. Lalo na kapag dumalaw dito sa bayan natin ang mahal na Emperador.β
Sa totoo lang, ang ganda ni Wanya. Yung kilay pink niyang mahabang damit na katulad saakin pero may patong pa na isang vest yung sakanya sa itaas. Tapos yung hair pin niya, may design na bulaklak. Yung akin, plain lang siya na kulay puti. Tapos yung pusod nila, yung itaas na bahagi lang. Yung likod na bahaging buhok nakabagsak lang. Ang ganda niya talaga.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Ayan yung natatandaan kong sinabi saakin nung lalaki na Emperador daw siya at mukha namang totoo.
βOo Wanya. Susubukan ko.β Nakangiti kong turan sakanya.
Ngumiti naman siya saakin. βOo kuya. Kailangan talaga. Higit sa sampung hagupit ng pamalo yung parusa. Kaya mag-iingat ka.β
Sampu lang pala! Tsk. Kaya! Bugbugin ko pa yang Emperador na sinasabi niyo!
βAt isa pa kuya, wag na wag mong ilulugay yang buhok mo. Madalas kang mapagkalamang babae dahil magkakambal tayo. Dito sa lugar natin, ang mga babaeng bayarin lang ang naglulugay ng buhok. Inilulugay lang ang mga buhok ng mga babae sa harap ng pamilya o kabiyak niya. Kaya mahalaga yang pangpusod mo. Dyan din nakikita ang katayuan ng tao.β Tumango naman ako.
Ang dami kong natutunan kay Wanya. βTayo ang pinakahuli sa lahat. Ang kulay puti. Isa tayong magsasaka. Mga alipin.β Para naman akong nainis dahil sa sinabi niya.
Paano niya nasasabi ng gaanon kadali yon? Hindi sila alipin! Ang daya naman!
βAng susunod na mataas saatin, ang kulay abo. Sila yung may mga kaya. May sariling bahay. Nakakain ng tatlong beses sa isang araw.β Tumango naman ako.
Isinuot niya uli saakin yung damit ko bago linisan yung pisngi ko. May naiwan na bubog don. Buti nga natanggal ni inay. Yung kamukha ni lola.
βAng kasunod naman ng abo, ay ang itim. Sila yung may sariling mga lupain. Tulad nila lady Julli. Kung saan nakikisaka ang inay.β Tumango naman ako sakanya.
βAng susunod naman, ang kulay asul kuya. Sila yung may posisyon sa pamahalaan natin. May bahay, lupa at maraming pera.β
βTapos ang panghuli, ang ginto. Bihira lang na makakita ka ng may gintong pangpusod. Sila yung pamilya ng Emperador. Sila yung nandoon sa palasyo!β Turo niya sa palasyo na nasa malayo at kitang-kita dito mula sa inuupuan namin. Nasa itaas kasi kami ng bundok. Nag-iisa yung bahay namin dito. Kitang-kita ko yung palasyo. Ang ganda sobra. Totoo nga yung sinabi nung lalaki na siya yung Emperador. May gintong pangtusok siya sa buhok eh!
βKaya ang kasabihan dito, kapag mahirap ka, hindi para sayo ang kulay.β Sumimangot naman ako sa sinabi niya. βHindi naman siguro Wanya.β Bulong ko sakanya.
Inayos niya ng kaunti yung buhok ko bago tumingin saakin. βGanon yon kuya. Dito sa bayan natin at buhay natin, sumusunod lang tayo sa mas nakakataas. Dahil kung hindi, tyak inuuod na tayo ngayon.β
NANDITO lang kami ni Wanya sa bahay. Maliit lang yung bahay namin pero malinis.
Ang hangin-hangin pa. Naisip ko nga bigla si lola. Hinahanap na niya ako panigurado.
βKuya? Sasama ka ba saakin? Hahatiran ko ng pagkain ang inay.β Ngumiti naman ako at tunango na sakanya.
Hawak-hawak niya yung parang lunchbox na nakabalot sa tela.
βOo Wanya.β Turan ko sakanya.
Sinuot ko agad yung tsinelas nila dito. Parang kahoy lang siya na matibay. Siguro kapag ito sinampal sayo, duguan ka.
Kwinekwentuhan lang ako ni Wanya habang bumababa kami ng bundok. Hindi naman mataas yung bundok kung nasaan yung bahay namin. Ang ganda nga doon eh!
Ilang lakad pa, nakita ko na yung malawak na bukirin ng wheat. Kung hindi ako nagkakamali.
βInay!β Napatingin naman ako sa sinigawan ni Wanya.
Nakita ko yung inay daw namin na kamukhang-kamukha ni lola. Nagbibilad ng wheat na hindi ko kung ano.
βMga anak ko!β Nakangiti naman siyang sigaw at sinalubong kami.
Ngumiti naman ako sakanya. Agad niyang niyakap si Wanya at lumipat saakin para yumakap.
Hindi naman ako nag-atubiling yakapin siya pabalik. Para ko na siyang tunay na nanay.
βIkaw naman Wanya, bakit sinama mo pa ang kuya mo! Sana pinagpahinga mo nalang!β Sagot ni mama kay Wanya.
Umiling naman ako agad. βA-ah, ako naman yung nagpumilit nay.β Tumitig naman siya saakin bago tumango.
βMaayos na ba ang pakiramdam mo Jie-jie ko?β Tanong niya habang nakahawak sa pisngi ko.
Tumango naman ako. βMabuti naman anak. Mas mabuti na siguro yung nawalan ka ng memorya kesa nawala ka saamin.β Bulong niya pa bago hawakan yung kamay naming pareho ni Wanya.
βHalika kayo bilis! Ang dami naming naani at naibilad na trigo! Marami tayong pera mamaya!β Masaya niyang sabi saamin.
Wala ba akong ama? Bakit kailangan si ina ang gumagawa nito? Gusto kong malaman.
SINAMAHAN lang namin kumain si inay. Nakakatuwa nga kasi chopsticks pa yung ginagamit dito. Hindi naman ako marunong gumamit nyan.
Habang kumakain si inay, nagkwekwentuhan lang kami at nilalaro ni Wanya yung buhok ko. Sa totoo lang, ayaw ko talagang pinapahawak yung buhok ko pero okay lang kung kay Wanya.
Napatingin ako sakanya nang tumayo siya mula sa pagkakaupo ng nagmamadali.
βAko ay naiihi kuya. Dyan ka muna!β Turan niya saakin at tumango ako.
Tinignan ko naman si ina at kumakain pa din siya. Bigla naman siyang napatingin saakin nang tignan ko siya. β Ayaw mo ba talagang kumain anak?β Umiling naman ako agad.
βSainyo lang po yan nay. Kain na po.β Ngumiti naman siya at tumango.
Maya-maya napatingin naman ako sa babaeng mabilis na lumapit saamin. Nakapusod siya ng pangpusod na kulay puti din. Alam kong ka-level namin sila.
βHoy Jinji! Narinig mo na ba yung balita?!β Agad niyang sabi kay ina.
Napahinto naman agad si ina sa pagkain.
βAno ba yon Lili ha?β Tanong ni ina.
Umupo siya sa tabi ni mama tapos kumuha nung kinakain niya. βEto na nga Jinji, kukuhanin daw lahat ng mga dalaga dito sa bayan natin! Naghahanap ng mapapangasawa yung mahal na Emperador!β
Pati ako nagulat sa sinabi nung chismosa. Lalo na si ina na nabitawan yung chopsticks.
βH-ha? Bakit biglaan naman?! Hindi naman nangyari ng ilang taon yan. Bakit naisipan ng Emperador na mamili ng mapapangasawa?β Tanong ni ina.
Kumuha pa ng pagkain yung babae bago nagsalita. βHindi ko din mawari Jinji. Parang may napusuan dito yung Emperador.β
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba para kay Wanya. Dalaga yung kapatid ko.
βNandito ka pala Wanjie!β Nakangiti niyang turan saakin kaya ngumiti din ako bago tumayo. βSaan ka pupunta anak?β Agad na tanong saakin ni inay.
Ngumiti naman ako sakanya. βSusundan ko si Wanya inay!β Tumango naman siya saakin.
βMag-ingat ka.β Tumango ako sa huling beses bago maglakad.
Habang naglalakad ako, hindi maalis sa isip ko yung sinabi nung babae. Kung nagkataon, kukuhanin nila si Wanya.
Ilang minuto pa akong naglakad at natanaw ko si Wanya sa ilalim ng puno habang may kausap na lalaki. Rinig na rinig ko pa yung tawa niya pero ang mas nakakuha ng pansin ko yung kamay nilang magkahawak.
βWanya!β Sigaw ko sakanya.
Gulat naman silang parehong tumingin saakin. βK-kuya Jie-jieβ¦β
kallivanilla
Kabanata 4
Ryke Jie Solidad
βSino siya Wanya?β Tanong ko may Wanya nang makalapit ako sakanila.
Kitang-kita ko kung paano alisin ni Wanya yung hawak ng lalaki sa kamay niya pero nahihirapan siya dahil sa higpit non.
Sinamaan ko naman agad ng tingin yung lalaki. Nakita ko pang napa-iktad siya pero agad din tumayo ng tuwid.
βA-ah kuyaββ Hindi na natapos ni Wanya yung sasabihin niya nang sumabat yung lalaki.
βAng aking ngalan mahal na ginoo ay, Berto. Roberto Ilyaman.β Nakangiti niyang turan saakin.
Napatingin naman ako sa hairpin niyang kulay abo. Hindi naman siya ka-level pero ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya kay Wanya.
βAko po ang manliligaw ng inyong nakababatang kapatid.β Turan niya pa.
Mabilis naman siyang hinampas ni Wanya at pinanlakihan ng mga mata.
Agad naman kumunot yung noo. βManliligaw? Tapos HHWT na kayo?β Inis kong tanong sakanila.
Sabay naman silang nagdikit yung kilay.
βEts? Ets? Dabalyu? Ti? Ano yon kuya?β Tanong pa ni Wanya.
Napatakip nalang ako ng bibig. Wala pala ako sa panahon ko.
βAng aking tinuturan, kayo ang hindi pa magkasintahan ngunit kung kayoβy maglampungan at magtuktukan ay para kayong mag-asawa.β Nakangisi kong turan sakanila.
Hindi naman mahirap magsalita ng malalim na tagalog. Kayang-kaya ko naman. Kita ko yung pamumula sa mukha ni Wanya.
βK-kuya! Nakakahiya kay Berto!β Bulong pa ni Wanya sabay palo ng mahina saakin.
Aba! Ang harot ng babaeng βto!
βHoy Wanya! Tigilan ko ako ha.β Bulong ko naman sakanya kaya umayos siya.
βHoy ikaw lalaki ka!β Turan ko sabay pinaghiwalay ko yung holding hands nila at hinatak ko si Wanya patabi saakin.
βAng sabi mo ay manliligaw ka palang! Wag na wag mong tutoktukin ang kapatid ko kung hindi mo naman pananagutan.β Inis ko pang turan.
Ngumiti naman yung lalaki saakin.Β βHanda ko po siyang panagutan ginoo. Pakakasalan ko siya para siya ay maging kabiyak ko na din.β Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Ang taray din ng confidence ng isang βto ha. Sige! Tignan natin. βMapapakain mo ba ang kapatid ko ha?β Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.
Tumango naman siya agad. βOpo! Ako man ay kabilang sa abong pangkat, masipag naman ako! Hinding-hindi magugutom si Wanya saakin!β Agad niyang turan.
Tumango-tango naman ako. βTanggap mo ba ang kapatid ko?β Sunod kong tanong.
Tumango ulit siya. βWala ho akong hindi tanggap kay Wanya. Lahat sakanya ay maganda at katangi-tangi.β
Wow. Iba din ang batang βto. Galing mangbola.
βMahal mo ba? Ano ang kaya mong gawin para sakanya?β Kahuli-hulihang tanong ko.
βMahal na mahal ko si Wanya. Kaya kong gawin ang lahat wag lang siyang mawala saakin.β Nakangiti niyang turan.
Tumango naman ako at tinulak si Wanya papunta sakanya.
βMagpaalam kayo kay inay. Hindi saakin.β Huling turan ko bago ko sila talikuran.
Wala lang. Gusto ko lang i-test yung lalaki. Ramdam ko naman mahal niya talaga yung kapatid ko e! Okay na yan.
βGrabe mahal ko! Para siyang nakakatakot na ikaw!β Rinig ko pang sabi nung Berto. βPati boses hindi kayo nagkakalayo!β Dugtong niya pa.
Tumawa lang ako at lumakad na. βPero mas maganda ka mahal ko.β Huling saad nung lalaki na nagpapihit saakin paharap sakanila.
βBobo ata βto.β Mahina kong bulong habang magkadikit yung kilay. βExcuse me! Hello?! Kambal kami! Hindi mo nakikita? Mas maganda ka dyan! Makapangbola lang.β Inis kong turan na kinangiwi nila pareho. βSapakin kita dyan.β Huling turan ko nalang bago tumalikod at umalis.
KASALUKUYAN akong naka-upo sa harap ng bahay namin habang umiinom ng tsaa nang tumabi saakin si ina.
βKamusta ang mga sugat mo anak? Hindi ba sumasakit?β Nakangiti niyang tanong saakin na kinangiti ko.
Umiling lang ako bilang pagsagot. βHindi po inay. Ayos lang po ako.β Nakangiti kong sagot sakanya.
Ngumiti din siya at tumango bago tumitig sa palasyong natatanaw ng aming mga mata.
βNakakalungkot. Mananatili si Wanya sa loob ng palasyo sa mahabang panahon. Hindi ko siya mahahagkan at makakausap.β Malungkot na saad ni ina na ikinalungkot ko.
βSa susunod na linggo na daw ang dating ng Emperador. Disidido siyang dalhin lahat ng dalaga.β Bulong ni ina habang tumatawa.
βSana dalaga nalang ako sa pamilya natin. Nang ako nalang ang kuhanin.β Napahinga nalang ako ng malalim.
βHindi ka mahihiwalay kay Wanya. Pangako yan.β Bulong ko sakanya.
Sana tama ang tinatahak kong daanβ tatahaking daan. Alam kong kapalit nito ang buhay ko pero wala akong pakialam.
Third Person POV
Ilang araw na ang nakalipas, wala pa din kaalam-alam si Wanya sa kumakalat na balita.
Dalawang araw nalang ay darating na ang Emperador para kuhanin sila. Hindi naman alam ni Jinji kung paano sasabihin sa anak ang mangyayari. Wala din lakas loob si Jie na sabihin sa nakababatang kapatid ang nangyayari.
Kasalukuyan silang nakaupo sa batohan malapit sa ilog. Katatapos lang nila pareho maligo. Tanging puting roba lang ang suot ni Wanya at si Jie naman ay ang puti ding roba niya pero kalahati lang ang nakasuot. Hindi ito hanggang itaas niya. Parehas nakalugay ang kanilang mga buhok habang nakatitig sa kawalan.
May umiikot kasi sa utak ni Jie. Iniisip niya kung tama ba ang gagawin niya at makakatulong ba.
βHoy kuya!β Kinuha naman ni Wanya ang atensyon niya gamit ang pagsigaw.
Tinignan naman siya ni Jie. βAno?β Agad naman tanong ni Jie.
Pinakita ni Wanya ang isang plawta kay Jie.
βSaan mo galing yan? Hindi mo naman dala kanina yan ha?β Tanong ni Jie sabay kuha sa plawta na kulay itim at may design na kulay gintong mga linya.
Hinaplos ni Jie ang plawta at alam niya na agad na gawa sa mamahaling bato ang plawta na hawak niya.
βNapulot ko lang dyan sa may tabi kuya! Ang ganda ano? Parang pangmayaman.β Tumango naman si Jie at dahan-dahan niyang isinubo ang plawta at mabilis na pinatugtog habang nakapikit.
Marunong gumamit si Jie ng plawta dahil isa ito sa mga tinutugtog niyang instrumento pero ito ang pinakapaborito niya kaya alam niyang kalikutin.
Manghang-mangha naman si Wanya sa tinig na nagagawa ni Jie at wala itong nagawa kundi makinig at tumitig kay Jie hanggang matapos. Pumapalibot sa buong ilog ang napakagandang tunog ng plawta.
βAno? Ayos ba?β Tanong ni Jie pagkatapos tugtugin ang plawta.
Tumango naman agad si Wanya. βAng galing kuya! Hindi ko inaasahang magaling ka sa larangan na yan! Ikaw palang sa buong bayan natin!β Turan ni Wanya na nakapagpagulat kay Jie.
βBuong bayan?β Tanong ni Jie.
Agad naman tumango si Wanya. βOo kuya. Ang Emperador lang kasi ang marunong magpatugtog ng ibaβt-ibang instrumento lalo na yang plawta. Totoo ngang marami sa pamilihan pero binibili lang nila pero hindi nila pinag-aaralang tugtugin dahil hindi din naman daw nila matatalo ang Emperador.β Mahabang paliwanag ni Wanya na tinanguan ni Jie.
Lingid sa kaalaman ng magkapatid na may nanunuod at nakikinig sakanila kanina pa. Isang lalaking may mahaba at nakasabit na espada sa bewang at nakasakay sa itim na kabayo. Pinaghalong itim at lila ang suot niyang mahabang roba na may gintong sinturon at pinarisan pa ng bilog at malaking sombrero na may mga natatanging batong kayamanan sa hawakan.
βMahal na Emperador, kukuhanin ko na po ba sakanila ang plawta niyo?β Tanong ng isang kasama niya.
Umiling naman yung lalaki habang nakatitig sa lalaking may hawak ng plawta niya.
βTayoβy muling nagkita sa ikalawang pagkakataon. Sinisigurado ko nang sa susunod nating pagkikita ay sa palasyo na.β Bulong niya pa habang nakangisi.
Ilang segundo niya pang tinitigan si Jie bago hatakin ang tali ng kabayo dahilan para pumihit ito patalikod.
βWala na akong balak kuhanin ang aking plawta sapagkat nagamit na yon ng kung sino.β Huling turan niya bago takabuhin ang kabayo ng mabilis.
Ryke Jie Solidad
Parehas may takip ang mga ulo namin ni Wanya habang naglalakad pabalik sa bahay. Basa pa kasi pareho yung mga buhok namin at kailangan namin gawin βto.
Hawak-hawak ko pa din yung flute na itim. Sayang kasi kung iiwanan ko lang doon.
Napatingin kami kay ina sa paanan ng bundok kausap si aling Lili.
βAno na naman kaya ang pinagkukwentuhan ng dalawang yan?β Tanong ni Wanya sabay tawa na kinatawa ko na din.
βUmakyat ka na at magpalit. Bilisan mo.β Utos ko sakanya bago ipatong yung pandong sa ulo ko sa balikat niya.
Ngumiti naman siya at mabilis na umakyat sa taas. Ako naman ay naglakad papunta kay ina.
βIna.β Bulong ko sakanya at napatingin siya saakin habang nakangiti.
Kitang-kita ko pa yung mugtong mga mata niya sa kakaiyak.
βNaligo pala kayo. Magpalit ka na. At mabilis mong patuyuin iyang buhok para maipusod agad.β Nakangiti niyang turan kaya ngumiti ako at tumango bagi tumalikod.
βEto na nga Jinji! Maaga daw dumating ang mahal na Emperor! Dumating daw ito kahapon!β Rinig kong dabi ni aling Lili na pinagsawalang bahala ko nalang.
βAt namataan daw kanina na galing sa ilog na yan.β Turo niya sa dereksyon kung saan kami naligong ilog ni Wanya.
Sayang naman. Hindi ko siya nakita. Gusto ko siyang sapakin. Narinig ko pa yung hingang malalim ni ina. βHindi ko na alam ang gagawin Lili. Hindi ko kayang mawala ni isa sa mga anak ko.β
kallivanilla
Kabanata 5
βDito na magsisimula ang kwento ni Wanjie Lee at Han Jisuk. Kung ano ang gagawin ni Wanjie para iligtas si Wanya. Kung paano siya magsasakripisyo. Paano niya kaya haharapin ang pagsubok na pinasok niya?β
Ryke Jie Solidad
Sa isang linggo kong nananatili dito, umasa akong isang araw na gigising ako ay nasa bahay na ako ni lola. Pero hindi e! Paulit-ulit akong nagigising dito. Dito sa lugar na kung saan dinaanan na ng panahon.
Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nandito pa ako. May kailangan ba akong gawin bago makabalik? Natatakot akong hindi na makabalik pa.
Medyo masaya din ako kasi hindi natuloy yung pagkuha kila Wanya dalawang araw nakalipas. Wala ako sa tabi niya noong panahon na yon. Hindi ko siya maililigtas.
Napatingin naman ako sa kanya sa tabi ko. Oo, magkatabi kaming natutulog dito sa malambot na kutson dito sa sahig. Sa kabilang kwarto ang ina.
Napatitig ako sa kamay niyang nakayakap saakin. Parang kapatid ko na talaga siya. Yung maganda niyang mukha na parang nanalamin lang ako. Hindi nila ako kaano-ano, kaya mabuting ako nalang ang magsakripisyo. Hindi ko alam kung anong tinatahak ko. Pero sigurado na ako.
Dahan-dahan kong inalis yung yakap niya saakin bago siya kumutan at lumabas na ng kwarto. Hindi ko nga maintindihan, sa panahon ko, kapag bukas ang pinto expected na, na may magnanakaw ng mga gamit mo. Dito, slide-slide lang yung pinto at wala pang lock, wala naman nawawala.
Sinilip ko si ina sa kwarto niya at nakitang tulog pa din siya. Nitong mga nakaraang araw din, tumutulong ako sa pagbibilad ng mga inani nila. Tulad ng trigo at mais. Medyo mahirap, pero kaya ko naman.
Mabilis kong sinuot yung mahaba kong damit. Pinatong ko nalang sa pantulog ko. Akala ko nga wala silang underwear dito. Meron din pala. Wala nga lang brand. Mabilis kong itinali yung tali sa bewang ko at ayusin yung manggas bago humarap sa salamin at kunin yung pangpusod ko.
Lumalalim na din yung tagalog ko dahil na din kay Wanya. Tinuruan niya ako sa lahat. Tulad nitong pagpupusod ng buhok. Kukuhanin ko lahat ng buhok ko at iikot, tapos iikot ko ng dalawang beses sa pangpusod at itutusok sa ilalim at iangat yung isang parte mula sa buhok bago laliman pa yung tusok para hindi mahulog.
Bibili ako ng kakainin namin ngayong umaga sa sweldo ko. Ang pera nila dito ay tanso, pilak at ginto. Maliliit lang sila na tanso, pilak at ginto pero malaki ang halaga. Yung laki nila, kasing laki ng twenty-five centavos sa kasalukuyang panahon at may butas sa gitna. Yung tanso, nagkakahalaga ng limang piso sa panahon ko. Yung pilak, bente naman, at yung ginto, isang daan. Para naman makabuo ng isang pilak gamit ang tanso, kailangan mo ng sampung tanso. Maliliit lang yung halaga dahil mura lang ang bilihin dito.Β Yung sweldo ko ay limang pilak lang na katumbas ng isang daan. May tali ito para hindi magkakahilaway. Kaya mabilis ko nang sinuot yung tsinelas kong kahoy bago lumabas. Wala nang hilamos-hilamos. Bahala sila sa buhay nila kung mabaho ako.
Napahawak pa ako sa sarili ko dahil sa lamig habang naglalakad pababa ng hindi kataasan naming bundok. Pero itong bahay namin, siya yung pinakamataas. Tanaw na tanaw ito kahit saan. Feeling ko nga kita βto doon sa palasyo e.
Hindi naman ako napagod kakalakad. Medyo malapit lang yung maliit na palengke dito. Agad sumalubong saakin yung ingay. May nagbubuhat ng mga gulay, prutas at iba pa. Sigawan dito, sigawan doon. Tumitingin ako sa bawat nadadaanan ko. Baka bumili din ako ng ulam namin. Merong isda, baboy at manok.
βMagkano po sa manok manang?β Tanong ko sa tindera.
βIsang pilak ang dalawang hita!β Pasigaw niyang sagot saakin. Ang sungit naman.
Hindi ko nalang pinansin at mabilis na naglakad paalis at dumiretso sa bilihan ng pang-agahan. Dito madalas kumakain yung mga magsasaka. Mura na, masarap pa.
βWanyβ si Wanjie pala!β Natatawang sabi saakin nung matandang babaeng tindera na kinatawa ko.
βOpo. Ako po si Wanjie. Tulog pa ho ang aking kakambal.β Nakangiti kong sagot bago tumingin sa mga paninda niya.
βAno po ba ang inyong inuluto para sa ngayong umaga?β Tanong ko sakanya.
Isa-isa naman niyang binuksan yung mga lalagyan ng pagkain at itinuro yung pinakaunang lalagyan.
βIto Wanjie, ginataang lugaw na may mais.β Turan niya saakin na kinatango ko bago niya ituro yung pangalawang lalagyan.
βIto naman ay, lugaw na may manok. Pwede din yang lagyan ng itlog at bawang kung gusto mo.β
βIto naman ay lugaw na trigo na may saging ba saba.β
βIto, saging saba na pinirito sa asukal at gatas.β
βItong huli, pansit na may hipon.β Nakangiti niyang turan saakin.
Parang magkaparehas lang ang mga pagkain sa panahon noon at ngayon.
Tinuro ko naman yung ginataang lugaw na may mais, yung saging atsaka pansit. Bumili ako ng tatlong mangkok ng ginataang lugaw, tatlong saging at tatlong pansit.
βMagkano po aling Juk?β Tanong ko sakanya.
Para naman siyang napaisip sa sinabi ko. βTekaβ tatlong lugaw na tig-iisang tanso, tatlong saging na tig-iisang tanso din at tatlong pansit na tig-dalawang tansoβ¦β Bulong niya habang seryosong nagkwekwenta. ββ¦ isang pilak Wanjie!β Nakangiting sagot niya saakin.
Nginitian ko naman siya. βMali ho aling Juk. Tatlong tanso para sa lugaw at tatlo din sa saging kaya anim na tanso na ang katumbas. Isama mo pa yung anim na tatsong katumbas ng pansit. Kaya, isang pilak at dalawang tanso ang nabili ko.β Paliwanag ko sakanya bago iabot ang dalawang pilak sakanya.
Agad naman niyang kinuha. βOo nga! Maraming salamat Wanjie!β Agad niyang sabi saakin bago ako suklian ng walong tanso.
βWalang pong anuman.β Nakangiti kong bulong bago umalis sa tindahan niya at magsimulang maglakad muli pabalik ng bahay.
Medyo mabagal pa yung lakad ko kasi naaliw ako sa mga binebente nila.
βAng kamahalan!β Malakas na sigaw na bumalot dito sa pamilihan.
Kitang-kita ko kung paano mataranta yung lahat ng tao at mabilis na gumilid para may maluwag na daanan sa gitna at pumila ng maayos sa gilid.
Napatitig naman ako sa hindi kalayuang kalesa na hatak-hatak ng isang kulay itim na kabayo at pinapalibutan ito ng maraming kawal.
Kitang-kita ko yung mabilis na pagyuko ng mga tao. Ako naman ay nakatitig lang sa parating na Emperador ng bayang ito. Yung lalaking nakasakay sa kulay gintong kalesa at nakasuot ng itim at lilang mahabang kasuotan na may gintong burda sa gitna. Meron din itong suot na sombrero na may hawakan na pinaghalo-halong mamahaling bato. Nakayuko siya na parang ayaw salubungin yung tao. Natatakpan din yung mukha niya ng sombrero niya.
Hindi ko namalayan na, palapit na sila nang palapiy. Bigla nalang nanlaki yung mata ko nang itaas niya yung sombrerong humaharang sa mukha niya. Hindi siya nakayuko. Humaharang lang talaga yung sombrero sa mukha niya.
Kinilabutan yung buong katawan ko sa mga titig niya. Hindi siya tumitingin sa iba. Saakin lang siya nakatitig habang nakangisi.
βJusko po!β Bulong ng matanda sa tabi ko kaya mabilis akong napatingin sakanya.
Mabilis niya akong pinanlakihan ng mga mata. βYumuko ka hijo!β May diin niyang sigaw ma kinalaki ng mata ko.
Hindi na ako tumitig ulit sa bwisit na kamahalan na yon at mabilis nang yumuko. Gustong-gusto ko nga lamunin ng lupa dahil sa kalapastanganang nagawa ko. Ramdam na ramdam ko pa din yung titig niya saakin hanggang nasa harapan ko na yung kalesa niya. Hindi niya ako pinalampas sa tingin niya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalampas na yung kalesa.
βAnak ka pala ni Jinji! Jusko pong bata ka! Muntik ka nang napahamak.β Bulong saakin nung matanda nang makalampas yung kalesa saamin.
Ngumiti naman ako sakanya at nagpasalamat ng pabulong.
βLahat ng dalaga sa pamayanan niyo, kailangan nasa bulwagan na bago sumikat ang araw!β Malakas na sigaw noong lalaking nasa kabayong kasunod ng Emperador.
Nilukuban naman ako ng kaba. Ngayon na ba?! Shit! Hindi pwede. Nagsimulang magbulungan yung tao at magkagulo nang mawala na yung kalesa. Papunta yon sa bulwagan dito sa bayan namin.
Agad akong tumakbo pabalik ng bahay. Hindi pwedeng umalis si Wanya. Ako nalang ang aalis. Bahala na si batman kung anong mangyari saakin.
NANG makarating ako sa bahay, agad kong inilagay sa mesa ang mga pinamili ko at mabilis na pumasok sa kwarto namin. Agad kong pinuntahan si Wanya at ginising.
βKuya?β Bulong niya saakin.
Mabilis ko siyang sinenyasan na tumahimik.
βMakinig ka saakin ha?β Bulong ko sakanya bago kuhanin yung pang itaas niyang damit na parang vest at isuot.
βAlagaan mo ang ina.β Bulong ko bago hatakin yung pangpusod ko na naging dahilan para lumugay yung buhok ko. Kinuha ko yung kalahati at agad pinusod pataas.
Kitang-kita naman yung pagtataka sa mga mata niya..
βAnong nangyayari kuya?β Bulong niya saakin.
Tinignan ko pa yung vest. Hindi halatang wala akong dibdib. Ginawa βtong vest para matakpan yung dibdib nila.
Agad kong kinuha yung isa pa niyang vest at inilagay sa ulo niya at hatakin siya patayo.
Takang-taka pa siya pero sumusunod naman siya saakin. Mabilis kaming lumabas ng kwarto. Sinilip ko pa si ina na mahimbing pa din ang tulog.
βKuya ano bang binabalak mo?β Bulong niya saakin.
Hindi ko siya sinagot at mabilis na pinasuotan siya ng tsinelas at mabilis kaming tumakbo palabas.
Hawak-hawak ko yung vest na nakapatong sa ulo niya para hindi malaglag. Nagtataka siya pero tumatakbo din kagaya ko.
βWanya!β Sigaw saamin kaya napatalikod kami.
Nakita namin si aling Lili na papunta saamin.
βPinapapunta na ang mga dalaga sa bulwagan! Saan ba kayo pupunta ng kuya mo? At bakit nakaganyan siya?β Tanong niya habang pinagmamasdan kami.
Sasagot na sana si Wanya nang sabunutan ko siya.
βS-sandali nalang ho aling Lili. May pupuntahan lang po.β Nakangiti kong sagot.
Kitang-kita pa yung pagtataka sa mukha niya bago tumango.
βSige! Sige! Basta dalian mo!β Tumango naman agad ako bago ulit maglakad ng mabilis.
βKuya?! Ano bang pumasok sa isip mo ha?β Tanong niya habang naglalakad kami.
βMamaya ka na magtanong.β Bulong ko at hinatak siya patakbo.
HUMINTO lang kami nang nasa harap na kami ng isang bahay.
βAnong ginagawa natin dito kila Berto?β Bulong niya.
Mabilis ko siyang pinaharap ko saakin. βMakinig ka Wanya.β Bulong ko habang nakangiti.
βAlagaan mo ang ina habang wala ako. Susubukan kong makabalik ha?β Bulong ko sakanya.
Kitang-kita ko naman kung paano tumulo yung mga luha niya.
βK-kuya.β Bulong niya saakin. Nginitian ko lang siya bilang pagsagot.
βBerto!β Malakas na sigaw ko.
Ilang segundo lang ay lumabas na si Berto na nakapantulog pa at nakabalot ng panlamig.
βWanya?β Tanong niya habang nakatingin saakin.
Mabilis ko naman itinulak ng marahan si Wanya papunta sakanya. βAlagaan mo si Wanya para saakin.β Nakangiti kong bulong sakanya.
Nanlalaki naman yung mga mata niyang inalis yung nakapatong sa ulo ni Wanya at nagpapalit-palit ng tingin saamin.
βKuya, h-hindi mo naman kailangang gawin ito.β Umiiyak na bulong ni Wanya.
βKailangan. Kailangan koββ
βWala na bang nga dalaga dito?β
Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang kawal ng kamahalan. Pati si Berto nataranta. Agad niyang hinubad yung panlamig na nakapatong sakanya at itinatong sa katawan ni Wanya at mabilis niyang ipinusod yung buhok ni Wanya kung paano yung mga pusod namin.
Ngumiti naman ako kay Berto.
βDalaga? Halika na. Pinapatawag na kayo.β Rinig kong sigaw mula sa likod ko kaya mabilisan kong niyakap si Wanya.
βMagiging maayos ako. Maniwala ka.β Bulong ko sakanya bago humiwalay ng yakap at mabilis na tumalikod.
βAko ay pupunta na. Maraming salamat.β Nakangiti kong sabi sa mga kawal at mabilis na naglakad papunta sa bulwagan.
NANG makapasok ako sa bulwagan, nakapila na yung mga babae habang nakayuko.
Hinarang ako ng isang tagapaglingkod bago pagmasdan yung mukha ko habang nakangiti.
βMula sa pamilyang?β Bulong niya.
βMula po sa pamilyang Lee.β Sagot ko naman sakanya.
βIkaw si Wanya Lee. Tama ba?β
Tumango naman ako sakanya bilang pagsagot. Iniabot kiya saakin yung isang pangpusod na kulay pula na may design pang bulaklak na kulay gold. May sabit-sabit pang design na bulaklak sa dulo na kulay gold.
Napatingin naman ako sa mga babaeng nakapila. Kulay pula lahat yung hair stick nila at may pasabit din pero kulay pilak yung sakanila.
βLahat kayo, pantay-pantay dito. Sige na. Isuot mo na yan.β Bulong niya na nginitian ko.
Mabilis kong hinatak yung pangpusod ko at mabilis na ipinusod ulit gamit yung hair stick na bigay niya.
Ngumiti siya saakin pagkatapos at parang inayos niya yung pagkakapusod ng buhok ko.
βNapakaganda mo.β Bulong niya saakin na kinangiti ko.
βSige na. Mamili ka na ng pila.β Bulong niya na kinangiti ko.
Mabilis akong pumila sa huling pangkat at yumuko. Minsan nakakangawit din.
Ilang segundo lang akong nakayuko ay sumigaw na yung lalaking malakas yung boses.
βAng kamahalan!β Malakas niyang sigaw.
Nanatili naman kaming nakayuko. Parang nakikiramdam lang kami sa paligid kung anong nangyayari dahil paa lang nakin yung nakikita namin at yung mahaba naming palda.
Sobrang bilis naman ng kabog ng dibdib ko. Iniisip ko yung makuli ako, anong mangyayari saakin. Kinakabahan ako at natatakot.
βNapakagandang mga dalaga.β
Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig yung boses niya.
βHindi ko masisilayan ang inyong kagandahan kung mananatili kayong nakayuko. Pwede na kayong mag-angat ng tingin.β Turan niya pa.
Naramdaman ko naman na nag-angat na sila ng tingin kaya, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
Laking gulat ko at muntik pa akong mapaiktad nang makitang sa direksyon ko mismo at saakin nakatitig ang kamahalan. Ilang segundo siyang nakatitig na parang bang sinusuri ang buong mukha ko bago siya ngumisi at tumalikod.
βIbang-iba talaga ang kagandahan niyo. Kabigha-bighani. Tila nahuhulog ako. Hindi ako nagkamaling sa pamayanan ng mga Hunri mamili.β Rinig kong sabi niya.
Kinilig naman yung iba bago ulit yumuko. Ako naman ay nagtataka. Nakita niya na lahat yon? Eh sa direksyon ko lang siya nakatingin? Paano yung nasa unang pangkat? Baliw yata.
Napatingin naman ako sa mga tagapaglingkod niyang nakapila sa gilid niya. Nanlaki yung mga mata ko habang nakatingin doon sa babaeng nag-abot saakin ng hair stick. Siya ang pinuno ng tagapag-alaga sa kamahalan base na din sa suot niya.
May narinig naman akong tumikhim kaya napatingin ako sa hari. Nakangisi siya habang nakatingin saakin. Doon ko lang mapagtanto na isa na namang kalapastanganan ang nagawa ko kaya mabilis akong yumuko.
βIsa lang sainyo ang mapipili kong maging Emperatris at kabiyak ng buhay ko. May mga pagsubok kayong dadaanan. Kaya mabuti pang galingan niyo. Galingan mo.β
Kabanata 6
Ryke Jie Solidad
Nakahanay kami ngayon habang naglalakad. Walang naglakas-loob na magsalita. Lahat tahimik at tikom ang bibig na parang nakakamatay kung magsalita ka ni isang salita lang.
Walo kaming pila. Nahahati sa dalawa. Ang unang apat na pila sa harapan at kami naman yung sa pangalawa. Tigsa-sampu kada pila. Pinapaligiran kami ng mga kawal sakay ng kabayo nila at ang kaisa-isang gintong kalesa ng mahal na Emperador na nasa harapan namin ngayon.
Kahit ako kinakabahan sa pinasok ko. Bago lang saakin ang lahat tapos pumasok pa ako sa ganito. Hindi ko alam kung anong mangyayari saakin sa loob ng malaking palasyong tanaw na tanaw mula dito sa nilalakaran namin. Pero kahit gaanon, mamatay man ako o hindi, masaya akong mamatay.
Naubos na din yung pag-asa kong makabalik sa panahon ko. Ilang araw na akong umaasa pero walang nangyayari. Hindi naman ako bumabalik. Wala akong maalala sa panahon ko kundi si lola at yung oras na nasa banyo ako. Yon lang. Wala ng iba. Kahit pilitin kong isipin kung sino ako sa panahon ko, wala akong maalala. Unti-unti silang nabubura. Natatakot ako na hindi ko na sila maalala nang tuluyan.
Napahinga nalang ako ng malalim. Ang gaganda nilang lahat. Malamang wala akong pag-asa na mapili. Iyon ang ikatutuwa ko. Makakauwi ako kila inay.
Tinanaw ko yung palasyo. Medyo malayo pa yung lalakarin namin. Sana hindi ako mamatay. Gusto ko pang makabalik.
HALOS isang oras na din kaming naglalakad. Malapit nang mag-tanghali. Base na din sa sikat ng araw.
Tanaw na tanaw na yung palasyo. Hindi ko akalain na ganito pala siya kalaki. Hindi ko napansin noong tinakasan ko yung emperador.
Parang may maliliit pang mga kabayanan na nasa tabi niya. Yung nasa gitna at huli ang pinakamalaki at mataas. Grabe. Sobrang ganda!
Mabilis na bumukas yung tarangkahan. Mabilis kaming naglakad papasok. Hindi ko maalala na ito yung dinaanan kong tarangkahan. Mas malaki βto. Sobrang laki.
Hindi nga ako nagkakamali. Hindi ito yung nilabasan ko dati. Parang ito yung pinakaharap na tarangkahan. Siguro sa ibang tarangkahan ako dumaan. Nakakalito lang. Napapalibutan kasi yung palasyo ng mga kabahayan.
Ibang-iba yung itsura sa labas at loob ng palasyo. May mga bakod na kasing laki ko lang. Nakikita pa din kung anong nasa kabila ng bakod.
Malalaking bahay at magagandang hardin. Ang gaganda. Hindi mabilang na kawal at tagapaglingkod na sumalubong saamin habang nakayuko.
May isa pang malaking bahay na nasa harapan namin at yun ang tinutungo namin. At sa likod ng malaking bahay na βto, isa ulit bahay. Mas malalaki sa lahat. Ito yung tanaw na tanaw namin kanina. Mas matataas din yung pader dito at mas maraming kawal mula sa labas. Hindi na ako magtataka kung sobrang dami din sa loob.
Huminto na kami kasabay ng paghinto ng kalesa ng mahal na Emperador. Sabay-sabay silang yumuko. Agad pumila yung mga tagapaglingkod niya at inabangan yung pagbaba niya. Pero hindi ko mawari sa isip ko kung bakit hindi ko mayuko yung ulo ko.
Kitang-kita ko yung pag-apak ng itim niyang sapatos sa tapakan sa kalesa kasabay ng mabilis niyang pagkababa.
Bilib na bilib ako sa itsura niya. Yung aura niya palang matatakot ka na. Yung tayo niya, halatang maharlika. Yung suot niyang itim at mahabang roba na halata mo sa tela palang ay sobrang mahal na. Yung ginintuang sinturon niya.
Napatigil nalang ako sa pagtitig kasabay ng pag-iktad ko nang mabilis siyang humarap at laking gulat ko nang saakin siya nakatingin ng deretso.
Sa sobrang taranta ko ay napanganga nalang ako. Natauhan nalang ako nang ngumisi siya. Mabilis akong yumuko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Isa na naman kalapastanganan.
βMakinig ang lahat!β Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw. Sinilip ko at nakita ko yung isa sa tagapaglingkod na may hawak na papel. Naglalakad naman paakyat sa taas yung Emperador kasunod ng mga tagapaglingkod niya.
βSimula sa araw na ito, may bisa na ang kasulatan na ito na nagsasaad ng, kayong mga napili ng hari ay mananatili dito sa loob ng palasyo sa loob ng isang daang araw. Dadaan kayo sa mga pagsubok para patunayan na kayo ay karapat-dapat para sa posisyong Emperatris at kabiyak ng mahal na Emperador.β Mahabang sabi ng tagapagsaad.
βSino mang lumabas sa palasyo, lumabag sa kahit anong batas at magpakita ng hindi kanais-nais na pag-uugali ay papatawan ng parusangβ¦β Sunod niya pang turan at huminto siya sa pinakadulo.
Lalo naman bumilis yung pagtibok ng puso ko. Anong parusa? Sana hindi kamatayβ
ββ¦ kamatayan.β Shit. Patay ako.
LAHAT kami ngayon ay nakaupo dito sa loob ng malaking bulwagan. Bulwagan pala βto. Sobrang laki. Grabe.
βNahahati ang palasyo sa apat na bahagi. Ang silangang bahagi, kanlurang bahagi, ang timog at ang hilaga.β Pagpapaliwanag saamin ng tagasaad.
βAng timog, kung saan ang pinaka malaking tarangkahan palabas ng palasyo. Pinupuno ng mga kawal at tagapagbantay.β Paliwanag niya pa.
Yun pala yon. Yung mga bahay na malalaki ay para sa mga kawal at tagapagbantay.
βAng silangang bahagi, pinupuno naman ng mga ministro at mga nakatataas.β Sunod niyang pagpapaliwanag.
βAng kanlurang bahagi, dito makikita ang kusina ng palasyo, tahanan ng mga tagapaglingkod at kung saan kayo tutuloy at maninirahan sa loob ng isang daang araw.β
βAng kahuli-hulihan, ang silangang parte. Kung saan nakatira ang pamilya ng Emperador at kung saan siya naninirahan. Para itong maliit na palasyo sa loob ng palasyo.β Nakangiti niyang paliwanag.
Napatingin ako sa mga tagapaglingkod na nakapila sa taas ng malaking enatablado. Sila yung tagapaglingkod ng Emperador. Nandito pa yung Emperador. Hindi pa siya umaalis. Pero nasaan siya?
Sinubukan kong libutin ng tingin yung buong bulwagan. Sa laki ng bulwagan, may ikalawang palapag pa siya. Pero kitang-kita dito sa ilalim kung anong nasa itaas. Parang open yung sahig ng second floor.
Sinubukan kong tumingin sa likod sa itaas. Nanlaki nalang yung nga mata ko nang makita yung Emperador sa itaas. Ang kinagulat ko pa, nakatingin siya saakin.
Mabilis akong pumihit paharap. Ramdam na ramdam ko yung titig niya mula sa itaas. Alam kong hindi pa siya umaalis at nanonood lang siya.
βNakailang paglabag ka na?β Rinig kong turan ng babae sa likod ko.
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o hindi.
Narinig ko yung mahinang tawa niya na kinahinga ko ng malalim. βYumuko ka nalang. Sana hindi ka makita ng mahal na Emperador.β Huling bulong niya na lalong kinakaba ko.
βSasanayin kayo sa loob ng isang daang araw kung paano maging ganap na Emperatris. Meron lamang kayong dalawampung araw para matutunan ang lima at pangunahing kailangan matutunan. Pagkatapos ng dalawampung araw, magkakaroon ng pagsusulit. Isa-isa kayong mababawasan. Pitumpuβt siyam ang uuwi at isa ang mananatili.β Rinig ko pang paliwanag ng tagasaad habang nakayuko ako.
βAng limang pangunahing kailangang matutunan, pagluluto, kalinisan, tamang postura, tamang pananamit at pagprotekta sa sarili.β
Napangiwi naman ako. Hindi ko yata kakayanin. Pero mas maganda siguro yon? Para maaga akong makaalis sa palasyo. Pwede akong makauwi makalipas ang dalawampung araw. Mas maganda yon.
βKaakibat din dito ang pagsusuri sa katawan niyo. Kailangan niyong mapanatili ang pangangatawan niyo. Sa paraan na, titignan ng mga tagapaglingkod ang hubad niyong mga katawan.β
Halos manginig yung katawan ko sa takot kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Bakit may ganon pa? Hindi pwede. Mabubuko ako! Anong gagawin ko?
βMga babae ang tagapaglingββ Hindi na natapos ang sasabihin ng tagapagsaad nang may magsalita mula sa itaas.
βAko ang susuri sa mga katawan nila.β Tinig mula sa itaas na kinanginig ng buong katawan ko. Ang mahal na Emperador.
Kaliwaan yung mga mahihinang pagtawa na halatang kinikilig pa. Samantalang ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Tiyak na siya ang makabubuko saakin na magiging dahilan ng pagkamatay ko. Shit!
βTila mahilig din ang Emperador.β Parang naiinis na bulong ng nasa likod ko.
Gusto kong maalis yung tensyon sa katawan ko kaya pipilitin kong makipag-usap at pakalmahin ang sarili ko.
βB-bakit? Ayaw mo ba?β Mahina kong bulong sakanya.
βKung alam mo lang.β Naiinis niyang sagot na sinabayan niya pa ng pagpalatak.
Para siyang lalaki kung magsalita. Para siyang tomboy.
βMasusunod po mahal na Emperador.β Turan ng tagapagsaad.
βHindi katanggap-tanggap ang pandaraya dito. Hindi pwedeng gumamit ng kahit anong koneksyon sa kahit sinong may kamag-anak dito sa loob ng palasyo para maging Emperatris. Ang tanging kailangan namin ay ang taos pusong pakikipaglaban niyo sa isaβt-isa.β
Hindi ko na kailangan lumaban. Kailangan kong makaalis dito. Bahala na si batman kung anong mangyari saakin.
KASALUKUYAN kaming naglalakad papunta sa kanlurang bahagi kung saan kami mananatili.
Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang palasyo. Para siyang isang malaking syudad.
Hindi na mga kawal yung kasama namin. Kundi mga tagapaglingkod na.
Huminto lang kami nang nasa harapan na kami ng hele-helerang mga maliliit na bahay. Parang mga apartment. Ang cute.
βDito kayo maninirahan. Dalawa kada isang silid. Malaya kayong pumili ng nais niyong makasama sa isang silid. Magsimula na kayo.β Nakangiting sabi ng isang tagapaglingkod.
Ngayon ko lang natitigan na ang kulay ng mga pangpusod nila ay pula. May maliit na abubot na kulay pilak at may malaki din na kulay ginto. Tingin ko yung sa kulay ginto ay siyang mas mataas sakanila. Iba din yung kulay ng tali ng kasuotan niya. Kulay pula din. Napansin ko din sa mga kawal, itim ang pangpusod nila at lahat ng suot nila ay itim.
Nawala nalang ako sa pag-iisip ko nang may yumakap saakin.
βTayo nalang sa isang silid!β Agad niyang sabi.
Mabilis ko naman inalis yung yakap niya at tumingin sakanya. Siya yung nasa likod ko kanina. Wala akong nagawa kundi tumango.
Ilang minuto lang ay may kapartner na ang lahat. Ayaw akong pakawalan nitong isang βto. Ang kulit-kulit. At base sa galaw niya, tomboy nga siya. Kanina pa siya naglalaway sa mga babae dito eh!
Walong helerang bahay. Tig-lima bawat helera at magkakadikit ang bawat kwarto. Malaki talaga ang palasyo. Ilan kaya ang populasyon dito?
βBukas na bukas ang sabi ng mahal na Emperador ay susuriin niya na ang mga katawan niyo. Maghanda at maglinis kayo.β Natatawang sabi ng tagapaglingkod na kinanginig ko.
βHoy?! Ayos ka lang?β Rinig ko pang bulong nitong katabi ko pero sobrang bilis nh tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.
βSige na. Magpahinga na kayo. Maaari kayong pumili ng kwarto na nais niyo.β
Kabanata 7
Ryke Jie Solidad
βBilis na! Dito tayo sa pinakahuling linya!β Malakas na sabi nitong babaeng βto na hindi ako pinakawalan.
Mabilis niya akong hinatak paakyat sa hagdan. Medyo may kataasan din yung lugar. Hindi naman gaanong mataas pero mataas.
Agad kaming tumakbo papunta sa pinakahuling linya ng mga maliliit na bahay at patuloy na tumakbo hanggang sa kahuli-hulihang bahay. Bali, kami yung nasa pinakahuli.
Mabuti naman walang may gusto dito. Malapit yung kwarto namin sa pader. Mabilis kaming pumasok sa loob pagkatapos naming hubarin yung mga suot naming pampaa sa tapat ng pintuan.
Ganon din yung pinto, itutulak lang sa gilid.
βWaaaaaβ¦β Mahabang bulong nitong kasama ko.
Hindi ko naman inasahan na malaki din pala ang kwarto. Parang dorm lang. Isang malaking bintana, dalawang kama sa sahig na magkatapat at isang maliit na parang kabinet sa tabi ng kama. Siguro lalagyanan ng mga damit.
Napatingin ako sakanya nang ibagsak niya yung sarili niya sa kama habang nakabukaka.
βHay! Ang sakit ng mga paa ko! Perwisyo talaga!β Malakas niyang turan na kinalaki ng mga mata ko. βHoy! May makarinig sayo!β Nanlalaki kong mata na bulong sakanya.
Inismiran niya lang ako bago mabilis na umupo mula sa pagkakahiga.
βIkaw, nagkakagusto ka sa kapwa babae mo, gugustuhin mo bang maging Emperatris?β Naiinis niyang tanong na kinatawa ko. βBaka mas gusto ko pang asawahin yung inang reyna.β Dugtong niya pa na lalong kinatawa ko bago siya muli bumalik sa pagkakahiga. βHindi naman tayo sigurado kung mapipili ka.β Bulong ko bago dahan-dahan umupo sa isang kama.
Nakakabilib lang, hindi nagugulo yung mga buhok namin kahit humiga kami. Parang naka-gel. Astig. Nawala tuloy yung kaba ko dahil sa babaeng βto.
βTingin ko, mas maganda yon!β Malakas niyang turan na kinagulat ko.
βTama! Mas magandang hindi ako matipuhan ng Emperador! Para makauwi na ako agad!β Magka-krus na kamay sa dibdib habang nakangiti siya sa hangin nang binanggit niya ang mga katagang yan.
βAlam ko na may tinatago talaga ang Emperador, may natitipuhan siyang isang dalaga mula sa bayan natin.β Bulong niya ulit habang magka-krus ang kamay sa dibdib at humiga.
Hindi ko nalang siya pinansin at hinawakan ko yung paa kong namaltos dahil sa kahoy kong sapatos. Medyo mahipdi pero ayos lang naman.
βEh, bakit hindi nalang niya yayain yung natitipuhan niya para gawing Emperatris hindi ba? Para na din hindi na tayo mahirapan pa.β Bulong ko din habang minamasahe ang mga paa ko.
βHindi ganon kadali yon.β Natatawa niyang bulong na kinakunot ng noo ko.
βHindi ganon kadali? Anong ibig mong sabihin?β Bulong ko ulit sakanya.
βMalalaman mo din.β Tipid na bulong niya habang nakapikit na kinatango ko nalang.
Ayoko nalang din magtanong pa. Iisip pa ako ng paraan para hindi mahuli bukas.
Kailangan daw maghubad? Wala akong dibdib. Anong gagawin ko? Kung pwede lang akong magpalagay ng dibdib. At higit sa lahat, wala akong mani. Hindi ko naman pwedeng ipitin. Anong gagawin ko? Hahatulan ako ng kamatayan!
βHoy!β
Isang malakas na sigaw ang nagpagising saakin mula sa malalim na pag-iisip.
βH-ha? May sinasabi ka?β Mahinang bulong ko sakanya.
Magkasalubong naman yung kilay niyang nakatingin saakin.
βAno ang pangalan mo ang sabi ko. Makinig ka kasi!β Naiinis niyang bulyaw saakin.
βLee Wanya.β Nakangiti at tipid kong turan sakanya.
Ngumiti naman siya saakin bulang pagsagot. βShuli Quin.β Sagot niya din saakin.
βNagagalak akong makasama ka sa loob ng isang daang araw.β Dugtong niya pa na kinangiti ko. βPareho lang tayo.β Bulong ko at sabay kaming tumawa.
Kahit papaano, nawawala ang kaba ko at takot sa kung anong pwedeng mangyari saakin bukas. Bahala na siguro ang tadhana. Basta hindi masaktan si ina at Wanya.
Napatingin kami sa labas nang makarinig ng isang malakas na hampas sa malaking tambol.
βKailangan na nating lumabas.β Bulong niya sabay tayo at lumapit saakin.
Inalok niya yung mga kamay niya na taos puso ko naman kinuha.
βPara saan?β Natatawa kong bulong habang naglalakad kami palabas.
βPara kumain.β Tipid niyang bulong bago ako akbayan.
Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Siya na din yung nagbukas ng pintuan ng silid namin para malakas kami.
Mabilis namin sinuot yung mga sapin namin sa paa. Napansin ko sa suot niyang sapatos, tila may kaya siya. Yung akin kasi, kahoy lang talaga na may baging. Sakanya ay inukit, at may kulay at disenyo. Halatang binili o pinasadya.
βHalika ka na bilis! Gutom na ako!β Bulong niya sabay hatak saakin.
Hindi na kami bumababa sa lupa. Tumakbo na kami sa parang veranda ng kwarto na magkakadikit kaya nadadaanan namin yung mga kadikit namin.
Napatingin nga ako sa katabi naming kwarto. Ang sama ng tingin saamin pareho. Mukhang may galit saamin. Pero hayaan mo na. Hindi namin kami magtatagal dito. Ayoko magtagal dito.
NAGLALAKAD kami ni Shuli pabalik sa silid namin ngayon. Masarap naman yung pagkain na kinain namin. May karne. Hindi tulad sa labas. Minsan lang yung karne.
Napakunot nalang ang noo ko nang marinig namin pareho yung ibaβt-ibang ingay ng bawat isa. Tila ba ang saya-saya nila.
βWaaa! Ang ganda!β
βBagay ba saβkin ha?β
βOy, pahiram naman ako ng balisong mo. Mag-aahit lang ako.β
βHindi yata wasto ito sa sukat ko.β
Sari-saring ingay mula sa mga kwartong nadadaanan namin.
βAnong meron?β Bulong ko sakanya nang nasa tapat na kami ng kwarto namin.
Mabilis kong hinubad yung sapatos ko at itinabi sa sulok bago mabilis na buksan yung pintuan.
Agad dumapo yung tingin ko sa isang kwadrado at puting tela na nakapatong sa maliit na kabinet ni Shuli.
βWaaa. Ano βto?β Agad niyang turan at mabilis na kinuha yung puting tela.
Ako naman ay pilit hinanap yung saakin pero wala akong nakita. Walang nakapatong sa kabinet ko.
Sinukan kong buksan yung sa ilalim pero wala itong laman.
βIsang kasuotan!β Agad niyang sigaw saakin kaya napatingin ako sakanya.
May hawak siyang itim na palda na may puting mga bulaklak na disenyo, isang upper vest na ganon din ang disenyo pero puti ang kwelyo nito at tali, mahabang puting roba kung saan ito ang pinakaunang dapat isuot at dalawang pares ng panloob.
βAyos! Ang ganda nito!β Agad niyang sabi.
βOy! Teka! Bakit wala ako?β Agad kong turan sakanya habang nakasimangot.
Sinubukan niya naman hanapin yung akin.
βTekaβ oo nga! Bakit wala ang sayo?β Nagatataka niya ding bulong.
βAnong susuotin ko bukas?β Mahina kong tanong sakanya.
Tinignan naman niya ako. βWala ka bang dinala na kasuotan?β Tanong niya saakin na sinagot ko ng iling.
Napanganga nalang siya. βWala kang dinala?β
Umiling ulit ako bilang pagsagot. Napasapo nalang siya sa noo niya at humingang malalim.
βHindi bale, ihahatid mamaya ang mga gamit natin. May dala akong damit. Pahihiramin kita.β Nakangiti niyang turan na kinangiti ko.
βMaraming salamat Shuli!β Nakangiti kong turan.
Ngumiti naman din siya agad. βWalang anuman.β
LUMIPAS ang buong araw nang nasa loob lang kami ng silid. Si Shuli natulog lang. Ako hindi makatulog. Gabi na at hindi pa din ako makatulog. Nakakatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari saakin. Mamamatay ba ako? Mabibitay ba ako? Anong gagawin ko kapag nangyari yon?
Nakalugay na yung buhok ko ngayon. Parehas kami ni Shuli. Magsasama naman kami ng matagal eh!
Mabilis nalang akong tumayo dahil sa inis. Hindi ako makatulog!
Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa iisang bintana namin. Agad kong binuksan yung bintana at deretsong tumingin sa kalangitan.
Makakabalik pa ba ako? Paano ako makakabalik? Gusto ko nang bumalik.
Napahinga nalang ako ng malalim at tumingin ng deretso. Kitang-kita din pala dito yung palasyo ng Emperador. Napag-alaman ko din na, may kanya-kanyang tarangkahan ang bawat parte ng palasyo. Hindi ko alam kung saang tarangkahan ako lumabas dati. Nakakalito. Ang laki kasi ng palasyo.
May isang tarangkahan din papuntang palasyo ng Emperador mula dito saamin. Parang may kaliitang gate papunta sa palasyo niya.
Hindi naman gaanong malayo mula dito sa kwarto namin. Kami kasi yung pinakadulo. Nasa dulo din yung maliit na tarangkahan papasok sa palasyo. Tanaw na tanaw ko nga dito eh! Pero ang sabi ni Shuli, sarado at kinandado daw yan. Kaya walang nagbabantay. Hindi din daw naman nila mabubuksan.
Hindi ako makatulog kaya mabilis kong pinagmasdan yung ganda ng paligid. Ibang-iba sa labas. Sobrang ganda dito. Pero sobrang lungkot naman.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko yung maliit na tarangkahan na bumukas.
Lumabas dito ang isang lalaking nakabuong lilang roba at lilang malaking sombrero. Hindi ko maaninag yung mukha niya sa sombrero pero kitang-kita ko siya dahil sa sinag ng buwan.
Patuloy lang siyang naglalakad pababa habang kusang sumara yung tarangkahan pero agad siyang napahinto sa paglalakad at laking ko nang makitang tumingin siya sa dereksyon ko.
Wala ako sa oras na napaatras habang kinakabahan. Sino siya? Bakit nandito siya? Paano niya nabuksan yung tarangkahan.
Nakatitig lang siya saakin ng ilang minuto. Ni hindi man lang siya gumalaa mula sa pwesto niya. Para siyang estatwa doon.
βWanjie? Matulog ka na! Maaga pa bukas!β Turan saakin ni Shuli na kinagulat ko kaya nawala ang tingin ko doon sa lalaki.
βO-oo. Sige.β Mahina kong bulong bago ulit tumingin sa lalaki pero laking gulat ko nang hindi ko na siya makita.
Sinubukan ko siyang hanapin pero bigo ako. Kaya mabilis ko nalang isinara yung bintana at bumalik sa pagkakahiga.
Makaligtas sana ako bukas.
GINISING kami ng mga punong tagapaglingkod ng maaga. Hindi nga ako niloloko ni Shuli. Pinahiram niya ako ng damit.
Ako yung pumili sa damit niya. Pwede daw naming suotin yung nais namin na kasuotan.
Agad kong natipuhan yung itim niyang damit na may puting disenyo ng mga bulaklak at ginto. Naghilamos lang kami pareho at mabilis na sinuot yung mga damit namin. Para kaming magkapatid. Hindi nagkakalayo.
Hindi ko na kailangan maghirap sa pagbibihis. Pinalitan ko na yung puting roba ko at panloob sa palikuran kanina. Yung vest at palda nalang ang isinuot ko dito sa kwarto.
Hindi naman halatang wala akong hinaharap dahil sa puting roba na pinagpapatungan ng vest at palda.
Pinolbohan niya pa ako at nilagyan ng pampapula sa labi. Parang lipstick. Pero nasa papel at iipitin mo lang sa labi mo yung papel para magkulay.
βTara na.β Bulong ni Shuli na kinakaba ko. Ito na. Anong mangyayari saakin?
ILANG minuto na kaming nakaupo dito sa harap ng bulwagan. Isa-isang pinapapasok. Medyo kampante ako kasi malayo ako pero nung nakita ko silang pumapasok sa loob at makalipas ang sampung segundo ay lalabas din habang nakasimangot ay natakot ako.
Ang bilis nilang matapos isa-isa. Ang pinagtataka ko pa ay kung bakit para silang namatayan at nalugi paglabas matapos ang sampung segundo. Anong nangyayari? Bakit ganito?
βHoy! Wanjie! Ikaw na!β Rinig kong bulong ni Shuli pero tinitigan ko lang siya.
Pinanlakihan niya ako ng mata pero hindi ako tumayo kaya mabilis siyang tumayo.
βAko na po ang mauuna.β Nakangiti niyang turan bago naglakad papunta sa harap ng bulwagan.
Mabilis na binuksan ng kawal yung pintuan ng maliit lang. Hindi ko makita kung anong nasa loob. Mas lalo akong natatakot.
Nagbilang ako ng sampung segundo bago imulat ang mga mata ko. Laking gulat ko nang makita si Shuli sa harap ko. Abot-tenga ang ngiti niya.
βBilis! Hindi ka man lang dadapuan ng tingin ng Emperador.β Bulong niya na kinapanatag ng loob ko.
Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papunta sa bulwagan. Nagmasid ako habang naglalakad. Ngayon ko lang napansin na yung mga abubot ng ibang dalaga sa pangpusod ay ginto na. Bilang lang yung ginto katulad ng saakin na pinagtaka ko.
Yumuko pa ako sa mga punong tagapaglingkod bilang paggalang bago tumayo sa malaking pintuan sa bulwagan at huminga ng malalim.
Dahan-dahan na nilang binuksan yung pintuan kaya dahan-dahan din akong naglakad papasok.
Sasalubong sayo yung lalaking kurtina na kulay puti. Sa laki ng bulwagan, kailangan mo pang maglakad para makarating sa gitna kung saan yung kurtina. Kaya hindi ko mawari kung bakit sampung segundo lang ay lumalabas na sila.
Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng kurtina bago ko ito hawiin ng dahan-dahan.
Tila nawala lahat ng dugo sa mukha ko nang makita yung Emperador habang nakaupo sa upuan niya at deretsong nakatingin saakin mula sa itaas.
Nakahilera din yung mga tagapaglingkod niya na lalong kinatakot ko.
Walang makikitang ekspresyon mula sa mga mata niya. Nakakatakot siya kahit malayo ako sakanya.
Napapalibutan yung buong lugar ng malalaking puting kurtina.
βMaaari kang lumapit ng mas malapit pa.β Turan ng Emperador.
Yung malalim niyang boses na sagad sa buto yung dating saakin. Nakakatakot. Boses palang matatakot ka na.
Dahan-dahan naman akong tumango bago naglakad papunta sa harapan ng hagdan paakyat sa itaas. Malayo ako sa hagdan ng dalawang baitang pa.
βSimulan mo na.β Utos niya ulit na kinanginig ko.
Kinakabahan akong tumingin sa anim niyang tagapaglingkod na nakapila. Natatakot ako. Hindi ko alam yung gagawin ko.
Nakita kong napangisi siya bago tumango sa punong tagapaglingkod. May binulong lang yung punong tagapaglingkod bago isa-isang nagsialisan yung lima pang tagapaglingkod.
βWari koβy sapat na sayo yan?β Turan niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Yung mga matiim niyang titig na nakakatunaw. Yung mga ngisi niya. Nanghihina ako. Shit!
Ngumiti naman ako at tumango. Napatingin ako sa punong tagapaglingkod nang mabilis itong bumababa at mabilis na tumabi saakin habang nakapalad ang dalawang kamay nito at nakayuko.
βAng pangpusod mo.β Bulong niya.
Mabilis kong hitak yung pagpusod ko at mabilis na ipinatong sa palad ng tagapaglingkod. Hindi ko na inabalang ayusin yung buhok ko. Hinayaan ko nalang ito kung paano siya bumagsak.
Mabilis naman umakyat yung tagapaglingkod pero hindi ko na tinignan pa at yumuko nalang. Ito na talaga ang kapalaran ko. Hindi ako makakaligtas.
Napatingin ako sa Emperador at nakatitig ito saakin habang nakangisi. Sinenyasan niya pa ako na maghubad na gamit ang mga palad niya.
Huminga nalang ako ng malalim bago ko alisin ang pagkakatali ng vest at dahan-dahang hinubad.
Titig na titig naman ang Emperador na parang hindi pa kumukurap.
Sinunod ko yung tali ng palad at hinayaan ko itong bumagsak. Sinilip ko yung Emperador at lalong lumaki yung ngisi niya na kinainis ko.
Inalis ko na ang kahuli-hulihang tali ng panloob kong roba at dahan-dahang dumulas sa balikat ko ang roba at tuluyan na itong bumagsak sa sahig dahilan para masilayan ako ng Emperador na tanging panloob lang ang suot.
Nakayuko lang ako at ayokong salubungin ang mga tingin niya. Ayokong makita yung galit. Natatakot ako.
βMaaari bang mag-angat ka ng iyong tingin?β Turan niya na kinagulat ko.
Walang bakas sa boses niya ang galit o pagkamuhi.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at pinilit salubungin yung titig niya.
Laking gulat ko nang ipakita niya saakin ang isang malaking ngiti na hindi ko inaakala.
βHanda ka na ba sayong parusa?β Bulong niya na kinanginig ko.
βLee Wanya. Mula sa pamayanan ng Hunri. Isang manloloko at taksil sa dinastiya ko.β Bulong niya pa na lalong kinatakot ko.
βParusang kamatayan?β Tanong niya habang nakatingin sa punong tagapaglingkod niya pero yung tagapaglingkod ay natatawa lang.
Gusto kong umatras nang nagsimula siyang maglakad pababa nang hindi pinuputol ang titig saakin.
Tunog lang ng mamahalin niyang sapatos yung naririnig at namamayani sa loob ng bulwagan.
Nang tuluyan na siyang nakababa, tumigil siya sa harap ko at tumitig sa mga mata ko ng ilang segundo bago muling naglakad papunta sa likod ko.
Napaiktad nalang ako nang maramdaman ko siya sa likod ko. Alam kong sobrang lapit niya. Lalo akong napaiktad nang maramdaman yung malalaking palad niya sa hubad kong tyan at mabilis akong hapitin padikit sa katawan niya.
Halos magtayuan yung mga buhok ko sa katawan nang tumama ang mainit niyang hininga sa batok ko.
βKay ganda ng mga mata mo Wanjie. Tila nais ko silang titigan buong magdamag.β Bulong niya bago ko maramdaman ang marahang paghaplos niya sa buhok ko at pag-amoy.
Ni hindi ko magawang gumalaw dahil sa takot.
βIsa kang taksil Wanjie. Nararapat sayo ang isang parusa.β Natatawa niyang bulong.
βNaalala mo pa ba ang aking pangako? Sa susunod nating pagkikita, ako na ang masusunod at ipakikilala ko ang sarili ko sayo.β Dugtong niya pa habang humihigpit ang yakap niya sa katawan ko na kaninaβy kamay lang peeo ngayoβy dalawa na.
βNagkita muli tayo. Tadhana nga naman.β Bulong niya pa bago ko maramdaman ang basang labi niya sa balikat at batok ko na lalong kinakilabot ko.
βNais kong ikaw ang manalo sa lahat ng pagsusulit. Magpursigi ka para maging Emperatris ko. At kung hindi, pasensyahan tayo.β Huling bulong niya bago dampian ng kahuli-hulihang halik ang leeg ko at pakawalan ako sa mahigpit niyang yakap.
Naramdaman ko na hinawakan niya yung buhok ko. Pinupusod niya yung buhok ko. Dinampian niya pa ng halik ang ulo ko matapos niyang ipusod ang buhok ko.
Nakayuko lang ako at nakita kong nasa harapan ko muli siya.
βAng itim ay sumisimbolo sa kasamaan, kasakiman, kadiliman, at kalapastanganan. Hindi bagay sayo ang itim.β Rinig ko pang bulong ng Emperador.
Nanlaki yung mata ko nang makita ko siyang lumuhod at mabilis na isuot saakin yung roba.
Gusto ko siyang pigilan pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Siya na mismo yung nagtali bago ulit lumuhod at pulutin yung vest at palda ko. Siya na mismo ang nagsuot saakin.
Nakayuko lang ako pero mabilis niyang hinawakan ang baba ko at mabilis na iangat patingin sakanya.
Nakangiti niya akong hinarap. Laking gulat ko nang mabilis niya akong dampian ng halik sa noo bago siya tumalikod at magsimulang maglakad paakyat.
βMaari ka nang umalis.β Nakangiti niyang turan.
Nanginginig akong tumango at mabilis na tumalikod at naglakad pabas ng kurtina.
Sobrang bilis mg tibok ng puso ko. Para akong hinabol.
βHatid na kita.β Turan saakin ng punong tagapaglingkod na nginitian ko lang at tinanguan.
Mabilis kaming nakalabas at ganon nalang ang titig saakin ng lahat. Yumuko nalang ako at mabilis na bumalik sa pila ko.
βHindi na naabutan ni Lee Wanya ang mahal na Emperador kaya ako ang sumuri sa katawan niya.β Turan ng tagapaglingkod ng Emperador na kinagulat ko. Bakit niya ako pinagtatakpan?
βMaraming salamat Lee Wanya sa matagal na paghihintay saakin.β Turan niya pa habang nakatingin saakin.
βUmalis na ang Emperador kanina. May mahalaga siyang gawain kaya ako ang inatasan niya bilang kapalit. Pumasok na ang susunod.β
Kabanata 8
Ryke Jie Solidad
Lumilipad ang isip ko habang naglalakad kami pabalik sa kanya-kanya naming silid. Kumpulan ang ibang mga kababaihan at panay ang kwentuhan sa buong lugar namin.
βNakakainis! Nag-ahit ako para sa mahal na Emperador pero ang tanging sagot niya ay, βTyak na maganda ang iyong katawan, hindi ko na ito nanaising makita.β Nakakainis!β Rinig kong turan ng isa sakanila at inis na inis habang nagkwekwento.
βT-talaga?! Yun din ang tinuran niya nang makapasok ako! Ni hindi nga ako nakalapit sa puting kurtina!β Reklamo pa nung isa habang nagpapapadyak pa na parang bata.
Mabilis nalang akong nag-iwas ng tingin at nagsimulang maglakad ulit papunta sa silid namin. Wala si Shuli. Hindi ko alam kung nasaan. Ang tanging paalam niya lang saakin ay nagugutom daw siya. Kailangan daw niya kumain.
Nakayuko ako habang naglalakad sa mahabang daanan papunta sa pinakadulo kung saan ang silid namin. May mga dalaga din sa harap ng mga kwarto nila na nagkwekwentuhan. Iniiwasan ko nalang sila habang nakayuko. Ayoko salubungin ang mga titig nila.
Mabilis akong nakarating sa tapat ng silid namin ni Shuli. Mabilis kong hinubad ang sapatos kong kahoy at humawak na sa hawakan ng pintuan para buksan nang mapahinto ako sa narinig ko mula sa kabilang kwarto.
βHindi ba kataka-taka si Wanya?β Rinig kong turan ng isa sakanila.
βPaanong kataka-taka Ree?β Sagot naman ng kasama niya.
βSiya lang ang tanging nagtagal sa loob ng bulwagan!β
βNatural! Hindi ka ba nakikinig kay Lady Jik? Hinintay niya pa ang Emperador! Hindi naman babalik!β
βBasta. Ako ang mapipiling Emperatris sa tulong ng tiya ko.β Huling bulong na narinig ko bago mapaharap sa likod kung saan may humawak sa balikat ko.
βWanya? Bakit hindi ka pa pumasok?β Tanong saakin ni Shuli.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at mabilis na pumasok sa loob. Agad akong umupo sa higaan ko at niyakap ang mga tuhod ko.
Akala ko makakauwi ako sa loob ng dalawampung araw. Mukhang magtatagal ako. Anong gagawin ko?!
βWanya!β Isang malakas na turan ang nagpagising saakin mula sa malalim na pag-iisip.
Agad akong napatingin kay Shuli. βH-ha?β Bulong ko sakanya.
βAng sabi ko, ayos ka lang ba?β Tanong niya saakin na agad kong sinagot ng ngiti.
βAyos lang. Bakit naman hindi? Tekaββ saan ka nanggaling?β Agad kong pag-iiba ng usapan. Nais kong ibahin ang usapan. Lalo lang sumasama yung pakiramdam ko kapag pinag-uusapan pa namin. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko. Hays.
βIsang lihim!β Turan niya sabay tumawa.
βNambabae ka ano?β Pagsakay ko naman sa biro niya.
Agad niya naman akong sinenyasan na tumahimik.
βIkaw Wanya, yang bibig mo!β Gigil na gigil niyang sabi na tinawanan ko lang bago ihiga ang katawan ko sa higaan at ipikit ang mga mata ko. Kailan ba matatapos ang kalbaryong βto? Pahamak na Emperador!
βWanya, may kasuotan ka na nakapatong sa damitan mo.β Turan saakin ni Shuli na nagpatayo saakin mula sa pagkakahiga at agad dumapo ang tingin ko sa taas ng maliit kong damitan.
Hindi ko yon napansin dahil na din sa dilim ng kwarto. Hindi pa kasi nakabukas yung bintana namin.
βOo nga. Maari bang buksan mo ang bintana Shuli.β Nakangiting turan ko kay Shuli.
Narinig ko naman yung pagtayo niya at pagliwanag ng buong silid namin.
βAyos na po mahal na Emperatris!β Inis niyang turan na kinagulat ko.
βPara kang Emperatris kung makapag-utos!β Biro niya pa bago muling humiga patalikod saakin.
Mabilis ko nalang ipinilig ang ulo ko at kinuha ang isang kasuotan na nakapatong sa taas ng damitan ko. Unang lapat palang ng palad ko sa tela nitong kasuotan, alam ko nang hindi lang basta-basta ang presyo nito. βDi hamak na mas makapal at mas maganda ang telang ito kumpara sa iba.
Isang mahabang puting roba na kung saan ito ang pinakapapatungan ng lahat. Napansin kong mas mahaba ito na sa tingin ko hanggang kalahati ng binti ko at mas mataas ang sa may dibdib nito. Malapit na siyang maging turtle neck. Isang palda na kulay puti na may disenyo na bulaklak na kulay lila. Para silang mga Cherry Blossom na kulay violet. At ang pangharap o ang vest. Kulay lila ang mga taling panggilid nito at kulay puti naman ang tela na may disenyong katulad ng sa palda. May laman din ang parteng harap nitong vest na alam kong pinasadya ng kung sino.
Napahinga nalang ako ng malalim bago buksan ang damitan ko at laking gulat ko nang makitang puno iyon ng kasuotan. Ibaβt ibang disenyo ng bulaklak at lahat ay kulay lila. May mga panloob din. Mabilis kong naisara iyon at napahiga nalang ng tuluyan. Seryoso talaga ang mahal na Emperador.
NAKATULALA ako sa kisame habang mag-iisip. Magsisimula na talaga bukas ang totoong pagsasanay. Kakayanin ko ba? Ni hindi ako marunong magluto, maglinis, o kahit ano! Paano ako papasa nito? Pero paano si inay at Wanya? Anong mangyayari saamin kung hindi ako ang maging Emperatris?
Napatingin naman ako kay Shuli na tulog na tulog na. Tumakas na lang kaya ako? Pero paano? Dito sa kanlurang bahagi ng palasyo, karamihan ay kababaihan ang nasa loob. Wala kaming mga bantay dahil dito ang pinakaligtas na lugar.
Dahan-dahan akong tumayo at sinuot ang palda na nakapatong sa damitan ko. Isinauli ko na kay Shuli ang kasuotan niya. Hindi na ako nag-abalang ipusod pa ang buhok ko at kinuha ko nalang yung vest atsaka pinatong sa ulo ko bago dahan-dahan maglakad papunta sa pintuan.
Nahawakan ko na yung hawakan ng pintuan pero napahinto ako nang gumalaw si Shuli. Mabilis akong napatingin sakanya at hinintay siyang muli ulit makatulog bago dahan-dahan buksan ang pintuan. Tumingin muna ako sa labas at sobrang dilim dahil walang buwan.
Maingat akong lumabas at isinara ang pintuan. Mabilis kong dinampot ang sapatos kong kahoy na malapit nang masira bago bumaba.
Ramdam na ramdam ko yung lamig ng mga damo. Agad akong tumakbo papunta sa bungad. Doon pang may ilaw at kailangan bilisan ko dahil baka may makakita saakin.
Tama mga ako ng hinala, walang nagbababantay. Sa kanlurang bahaging tarangkahan ako lalabas.
Nang makalabas ako sa lugar kung saan kami nanunuluyan, sasalubong saakin ang medyo may kalakihang mga kabahayan kung saan lumalagi ang mga matataas na opisyal mula sa kanlurang bahagi ng palasyo.
Hindi naman ako natatakot na magising sila. Lahat sila ay nasa mahimbing na tulog dahil na din sa pagod.
Mabilis akong naglakad hanggang makarating sa dulo kung saan ang tarangkahan pero mabilis akong napahinto nang makita ang apat na kawal na nagmamadali para buksan ang tarangkahan.
Nanlaki nalang mga mata ko nang may malaking palad na tumakip sa bibig ko at malakas na bisig na yumakap sa katawan ko at mabilis akong hatakin papunta sa likod ng isa sa mga bahay. Ni hindi ko naramdaman yung lupa sa paa ko dahil sa bilis niya.
Pinilit kong kumawala pero masyado siyang malakas.
βTumahimik ka.β Bulong niya na nagpakilabot sa buo kong pagkatao.
Maya-maya lang ay nakita kong dumaan higit sa sampung kabayo palabas ng tarangkahan. Hindi ko maaninagan ang mga mukha nila dahil sa kanya-kanya nilang suot na sombrero na malalaki. Tila hangin lang silang dumaan sa bilis.
Ilang segundo lang ay binitawan niya na ako. Napapikit nalang ako at napasandal. Hindi ko namalayan na napasandal pala ako sa dibdib ng lalaking nagtakip ng bibig ko kaya mabilis akong napatayo.
βS-sino ka?β Mahina kong tanong.
Nakaitim siyang roba na may pulang mga detalye at itim ding sombrero na may mga bato sa tali nito. May mahaba din siyang espada na nakatali sa bewang niya. Napahigpit yung hawak ko sa vest ko na nakapatong sa ulo ko.
Narinig ko naman yung mahihinang tawa niya. βHindi mo pa ba kilala ang aking boses?β Tanong niya na nagpalaki ng mga mata ko nang mabosesan ko siya.
βM-mahal na E-emperador!β Agad kong turan sabay yuko. Hindi ko namalayan na sa sobrang taranta ko, mabitawan ko yung vest ko. Shit! Ano kasing ginagawa niya dito?
βMaari ka nang mag-angat ng tingin. Nais ko masilayan ang iyong magandang mukha.β Gustong sumabog ng mukha ko dahil sa hiya.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Hindi ko masilayan yung mukha niya dahil sa sobrero niya.
Napatitig ako sakanya nang dahan-dahan niyang alisin ang sombrero niya at kitang-kita ko ang malaki niyang ngiti pagkatapos. Ang buhok niyang nakapusod sa itaas na may gintong pangpusod ang nagpapatunay na siya nga ang mahal na Emperador.
βTunay ngang kay ganda mo, Wanjie.β Nakangiti niyang bulong at wala nalang akong magawa kundi mapanganga.
Nakasabit sa leeg niya yung tali ng sombrero niya at nakalaglag sa may likod yung pinakasombrero.
βA-ano pong gagawin niyo?β Kinakabahan kong tanong nang lumapit siya sa may pader. Inabot niya ang isang sanga at pumutol doon.
Nakangiti siyang lumakad papunta saakin at pumwesto sa likuran ko. Napaiktad pa ako nang hawaka niya yung buhok ko pero kalaunan ay nakasanayan ko na din. Pinupusod niya ang buhok ko.
Nang matapos niyang ipusod ang buhok ko, ramdam ko yung bigat doon. Humarap na siya saakin at nakasombrero na siya.
βNakalimutan mong magpusod bago magplanong tumakas.β Natatawa niyang bulong na kinayuko ko.
βSumunod ka.β Utos niya na kinatango ko.
Nakita ko pang pinulot niya yung vest ko at pinagpagan bago ulit humarap saakin at ipatong sa ulo ko yung vest. Ngumiti lang siya ulit bago ulit ako talikuran at magsimulang maglakad.
Sa lalaki ng hakbang niya, kailangan ay mabilis akong lumakad. Nakayuko ako habang naglalakad.
Napapikit nalang ako sa sakit nang bumangga ako sa likod niya. Gusto ko man magsalita at magreklamo ay hindi ko magawa.
βP-paumanhin mahal na E-emperadorβ¦β Bulong ko habang nakayuko.
Nakita ko naman siyang humarap at hinawakan ang baba ko at mabilis na iangat. Nakita kong nakatitig siya sa noo ko bago niya haplos-haplusin ng bahagya.
βSino bang nagsabi na ikaβy yumuko? Sa susunod ay mag-ingat ka.β Turan niya na kinatango ko. Parang kasalanan ko pa.
Napansin kong nasa harap kami ng maliit na tarangkahan, nagulat ako nang buksan niya yon at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko palabas ng tarangkahan.
Akala ko ay may nagbabantay pero wala din pala. Mga puno na ang sumalubong saamin. Mabilis kaming naglalakad papasok sa loob ng mga puno at nakahawak pa din siya sa kamay ko. Sinubukan kong tanggalin pero napangiwi lang ako sa sakit nang higpitan niya ng sobra ang hawak. Umabot na sa puntong nasasaktan ako.
βWag mo nang subukan.β Seryoso niyang bulong habang naglalakad.
Tiniis ko yung sakit at sumunod lang sakanya. Hindi na lumuwag pa ang hawak niya sa kamay ko. Mas lalo itong humihigpit.
Sa ilang minuto namin paglalakad sa loob ng gubat, alam ko ng medyo malayo na kami sa palasyo.
Bumungad saakin ang isang kalakihan na bahay sa gitna ng kagubatan. Mabilis niya akong hinatak paakyat. Mabilis kong hinubad yung sapatos ko nang buksan niya ang pinto. Sumenyas siya na pumasok na ako kaya mabilis akong pumasok.
Dilim ang sumalubong saakin kasabay ng pagsara ng pintuan. Sobrang dilim. Wala akong makita.
Naramdaman ko nalang yung mainit na labi sa noo ko ng ilang segundo bago ko marinig ang mga hakbang niya at pagliwanag ng paligid gamit ang isang gasera.
Napatingin ako sa buong bahay. Isa siyang tipikal na bahay. May isang higaan lamang.
βDito tayo magkikita tuwing natatapos ang limang araw. Sa ika-anim na araw ang ang pahinga niyo. Dito tayo magpapalipas ng gabi. Dito kita tuturuan at tutulungan para maging Emperatris ko.β Paliwanag niya saakin.
βWag kang mag-alala. Walang makakahuli saatin. Sa ika-anim na araw ng bawat linggo, tulog ang lahat hanggang sa ika-sampu ng umaga. Ihahatid kita sa ikalima ng umaga kung kailan madilim pa. Naiintindihan mo ba?β Tanong niya na kinatango ko.
Maingat niyang ibinaba ang gasera at dahan-dahan lumapit saakin. Mabilis niyang hinapit ang bewang ko at tumitig sa mga mata ko.
βB-bakit ako?β Mahina kong bulong.
Nakita ko naman ang ngiti niya habang nakatitig sa mga mata ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko.
βDahil ikaw ang gusto ko.β Sagot niya bago ilapat ang mga labi niya sa labi ko.
Napakapit nalang ako sa balikat niya kasabay ng pagpikit ko. Bahala na si Batman. Magpapa-agos nalang ako.
NASA tapat kami muli ng isang maliit na bulwagan pero hindi ito ang bulwagan na nilabasan namin kanina.
Magkahawak ang mga kamay namin at mabilis kaming pumasok. Agad akong napatingin sa paligid at βdi hamak na mas maganda dito.
Nagsimula kaming maglakad muli. Nilalagpasan namin ang bawat bahay at sa pinakadulo muli ang isa ulit tarangkahan. Pumasok kami sa maliit na tarangkahan at laking gulat ko nang makita ang kabahayan kung saamiΒ kami tumutuloy. Ibig sabihin? Nasa palasyo niya ako?
Tumingin muna siya sa paligid bago muli akong hatakin papasok. Napatingin ako sa nilabasan namin. Hindi nga ako nagkamali. Ito nga ang palasyo niya. Doon sa tarangkahan sa palasyo niya kami pumasok mula sa labas. At itong tarangkahan na ito, dito ko nakita ang isang lalaki na lumabas.
Huminto kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng kwarto ko. Naramdaman kong paulit-ulit niyang hinahaplos ang palad ko at mabilis na hinalikan niya ang likod nito.
βNaihatid na kita. β Nakangiti niyang bulong bago muling halikan ang noo ko.
Napatingin nalang ako sakanya nang may ilabas siya mula sa likod niya. Hindi ko alam kung ano. Isang bagay na nakabalot sa tela. Mabilis niyang inabot saakin.
βHanggang dito nalang ako. Lumusot ka sa ilalim, at itulak mo ang pinakagitnang bahagi ng sahig niyo.β Huling bilin niya bago tumalikod at magsimulang maglakad ng mabilis papunta sa tarangkahan sa palasyo niya.
Lumusot naman ako agad sa ilalim at ginawa ang sinabi niya. Laking gulat ko nang dahan-dahan umangat yung maliit na pintuan sa sahig. Kasyang-kasya ako.
Maingat kong ibinalik sa ayos yung pwesto ng sahig at umupo sa higaan ko pagkatapos kong tanggalin ang sapatos ko.
Agad kong binuksan yung binigay niya at laking ngiti ko nang makitang isang napagandang sapatos na kulay lila na may puting mga bulaklak na disenyo. Gawa ito sa kahoy at hindi lang basta kahoy. Matibay at mamahaling kahoy.
Muli ko itong ibinalot sa tela at itinabi sa damitan ko bago ipatong ang vest ko sa damitan ko at hatakin ang kahoy na pinangpusod niya saakin.
Napahinto naman ako nang mahawakan ko ang akala kong kahoy lang na pinangpusod niya saakin. Dahan-dahan ko itong hinatak. Humigpit ang hawak ko sa pangpusod nang masilayan ko na ito. Ang gintong pangpusod ng mahal na Emperador.
Kabanata 9
*Simula ng
Kabanata
Siyam*
Pananaw Ng Pangatlong Tao
βMinistro.β Turan ng isang lalaki nang makapasok siya sa tuluyan ng isang ministro.
Nanatilo itong nakayuko habang ang ministro naman ay nginitian lamang siya.
βMaupo ka.β Tipid na ministro bago salinan ng alak ang dalawang baso na nakapatong sa maliit na mesa.
Tumango naman ang lalaki bago umupo kaharap nang nasabing ministro. Inalis muna nito ang espadang nakasabit sa bewang niya bago muling humarap sa ministro. Agad inabot ng ministro sakanya ang baso na agad naman niyang tinanggap at ininom.
βNais kong malaman kung anong nangyari sa inutos ko sayo.β Deretsang turan ng ministro bago mabilis na inumin ang alak na nasa baso niya.
βSa gitna ng gubat Peliseyo sila pumunta. Inihatid siya nito sa tapat ng kanyang bago siya tuluyang umalis. Nakita ko din na, ipinusod ng Emperador ang gintong pangpusod niya sa babae. Pumasok sila sa nag-iisang tuluyan na pag-aari ng Emperador. Natitiyak kong nasa loob sila ng limang minuto at lumabas na. Hindi ko narinig ang kanilang pinag-usapan.β Mahabang paliwanag ng lalaki sa ministro.
Napatawa nalang ng mahina ministro. βDesidido talaga siyang maging isang Emperatris ang batang yon.β Natatawa niyang bulong.
βSa tingin ko, talagang mahal ng Emperador ang dalaga. Kaya naman sa pamayanan ng dalaga siya pumili dahil nandoon ang dalaga.β Turan naman ng lalaki.
βIsang malaking pagpapanggap.β Bulong ng ministro. βHindi kailanman umibig si Jisuk. Sa tigas ng puso ng batang yon, hindi kailanman siya umibig.β Dugtong niya na pinagtaka ng lalaki.
βAnong ibig niyong sabihin, ministro?β Tanong ng lalaki.
βPinatay niya ang lihim. Inakala niya na walang makakaalam ng natatanging lihim niya, lihim ng buo niyang pamilya.β Nakangising bulong ng ministro. βWalang lihim na hindi niya nabubunyag kahit ano pa ang mangyari. Hindi dapat siya ang Emperador.β
βSubalit, mukhang totoo ang ipinapakita niya sa dalaga.β Katwiran naman ng lalaki.
βWalang maniniwala, kung hindi kapani-paniwala. Umiikot lang tayo dahil sa kapangyarihan at kayamanan.β
βNais kong bantayan mo ang dalaga. Ang pamangkin ko. Tiyak na magtatagal siya rito. Gagawa ako ng paraan para mailabas siya.β
Ryke Jie Solidad
Napamulat nalang ako ng mata nang marinig ang sunod-sunod na malalakas na tambol mula sa labas.
βBwisit!β Rinig ko pang sigaw ni Shuli.
Napapikit naman ako at gumulong sa hinihigaan ko. Kulang ang tulog ko! Bwisit kasing Emperador βto!
Napamulat naman agad ako ng mata nang maalala yung pangpusod niya. Agad kong kinapa sa ilalim ng unan ko at nakahinga ako ng malalim nang nasa ilalim pa din ito.
βHoy Wanjie! Tumayo ka na! Bilis!β Turan pa saakin ni Shuli sabay tapik saakin ng mahina.
Mabilis naman akong umupo at naghikab bago kusot-kusutin ang mga mata ko. Kulang na kulang talaga ako sa tulog.
βSinabi ko naman kasi sayo na matulog kang maaga. Napakakulit mo talaga!β Sermon niya pa saakin na parang siya ang inay ko.
βTumayo ka na. Mauuna na ako sa paliguan. Sumunod ka nalang.β Turan niya pa na tinanguan ko lang bago muling nahiga sa higaan.
Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan at pagsara. Dahan-dahan akong tumayo at binuksan yung bintana. Hindi ko maiwasang mapatitig sa palasyo niya. Ang ganda.
Napahinga nalang ako ng malalim. Hindi ako makakaalis dito. Bakit ba kasi ako ang gusto niya? Bakla ba siya? Marami naman dβyan iba! Anong trip niya sa buhay?
Umiling nalang ako at umupo ulit sa higaan bago kuhanin yung pangpusod niya. Dahan-dahan kong hinaplos yung makinis na ukit. Ginto talaga. Hindi siya peke.
Iisipin ko nalang na ginagawa ko βto para kay Wanya ay inay. Sila ang dahilan kung bakit ako pumasok dito at sila din ang magiging dahilan kung bakit ako magtatagumpay dito. Pangako yan.
Tumayo nalang ako at mabilis na binuksan ang damitan ko at isiniksik sa pinakadulo yung pangpusod niya bago ilabas ang isang pangtaas, palda, pangloob, at yung roba. Kinuha ko na din yung isang kamiseta na parang twalya lang.
Iniwan ko sa taas ng damitan ko yung mga pangtaas at palda na bigay niya na may parehong design. Paranh dark violet yung mga maliliit na bulaklak at yung guhit sa ilang parte ng palda. Dark violet din sa tali ng pangtaas at mga bulaklak. Parehong-pareho sila.
Kinuha ko yung binigay niyang sapatos. Ganon din yung design sa palda at vest. Inilagay ko nalang sa tabi ng damitan yung sapatos bago tumayo na dala yung roba na pangpatong at twalya at mabilis na lumabas ng kwarto.
HININTAY ako ni Shuli matapos maligo. Nakalimutan ko yung pangpusod ko kanina kaya nakapatong yung twalya sa ulo ko.
Ngayon na talaga magsisimula ang pagsasanay. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Wala akong alam ni isa sa nga ganitong bagay. Pwede sana kung car racing, basketball o kahit inuman nalang.
βShuli? May alam ka ba sa pagluluto? Turuan mo naman ako.β Bulong ko kay Shuli habang naglalakad kami.
βNako, wala akong alam dyan.β Natatawa niyang bulong.
βEh babae ka, dapat alam mo yan.β Sagot ko naman sakanya habang umaakyat na kami papunta sa tapat ng kwarto namin.
βEh bakit ikaw? Babae ka din. Alam mo dapat yan.β Sagot niya saakin na kinalaglag ng balikat ko.
Bwisit talaga βtong babaeng βto.
Mabilis nalang akong pumasok at nilagpasan siya. Agad kong kinuha yung pantaas at sinuot pati na yung palda bago hanapin yung pangpusod ko na nasa paanan ko lang pala. Napatitig ako sa pangpusod ko na may pabitin na mga bulaklak na ginto at ang katawan nito ay pilak. Ito na ba ang kapalaran ko? Huminga nalang ako ng malalim at umiling.Β Agad kong pinusod yung buhok ko kahit basa pa bago umupo sa higaan ko at isuot yung sapatos. Saktong-sakto saakin. Mukhang kailangan ko ng masanay sa ganito.
βGrabe! Ang ganda mo ngayon Wanjie! Mukha kang maharlika!β OA na turan ni Shuli na kina-ismid ko.
βHalika na. Nagugutom na ako.β Tipid ko lang na sabi bago lumabas ng kwarto.
Nakakuha pa ng pansin ko ay itong katabi namin na kwarto. Hindi dahil maganda ang suot niya, kundi dahil sa katawan ng pangpusod niyang ginto.
βHalika na Wanjie! Gutom na din ako. Hehe.β Rinig kong turan ni Shuli sa likod ko kaya nawala ang titig ko sa babaeng βto at mabilis na naglakad paalis.
KASALUKUYAN ngayon ni Shuli. Halos hindi ko malunok ang pagkain ko dahil sa kaba at takot. At isa pa, nakakasawa βtong pagkain na βto. Kundi lugaw, nilaga o pirito. Kundi tinapay, nilagang mais. Wala na ba silang alam na iba pang putahe? Paulit-ulit nalang kasi. Nakakasawa.
βUbusin mo nga yang pagkain mo Wanjie. Mamaya mahimatay ka sa gutom.β Turan pa ni Shuli na tinanguan ko lang habang tinutusok-tusok ang isang nilagang manok na halos walang lasa.
Napahinga nalang ako ng malalim bago tumingin sa paligid. Kumpul-kumpulan sila na halatang may kanya-kanyang barkada. Samantalang kami ni Shuli, dalawa lang.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa dalaga sa tabing kwarto namin. Nakikipagtawanan siya sa madami niyang kaibigan. Hindi ko maipagkakaila na maganda talaga siya. Sobrang ganda.
βSiya si Yu Kiree. Isa sa mga ministro ang asawa ng tiya niya.β Rinig kong bulong ni Shuli na kinatingin ko sakanya.
βMay tiyo siyang ministro?β Tanong ko.
Tumango naman siya. βOo. Kung mapapansin mo, ang mga katawan ng pangpusod nila ay ginto. Nagpapahiwatig na sila ay mas nakakataas kesa sa mga suot nating pangpusod. Sila ay may koneksyon dito sa loob.β
βSa oras ng pagsusulit, ang mga palamuti ng pangpusod nila ang magiging ginto at babalik sa normal ang kulay ng katawan ng pangpusod nila. Ibig sabihin, sila ang papaboran ng mga sumusulit. Isa iyon sa palatandaan.β Paliwanag pa ni Shuli na kinagulat ko.
Bakit ginto na ang palamuti sa pangpusod ko? Anong ibig sabihin nito?
βPaano mo nalalaman ang lahat ng iyan?β Tanong ko sakanya.
Ngumiti naman siya. βIsa iyong malaking sikreto.β Natatawa niyang turan bago tumingin sa pangpusod ko.
βSa kaso ng pangpusod mo, wari koβy pangkaraniwan lang siya. Siguro may nahalo lang sa palamuti kaya naging ginto. Pero wala naman sigurong problema.β Turan niya habang tumatango.
βKumain ka na. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang pagsasanay.β
KABADO akong nakasalampak dito sa malaking silid kung saan kami tuturuan. Manipis na unan ang tangi naming sapin sa pang-upo at isang mesang kay liit naman sa aming mga harapan.
Katabi ko pa din si Shuli na nababagot na. Kanina pa siya inis na inis at bulong ng bulong na kinakatawa ko. Pasalamat na din sakanya at nababawasan ang kaba at takot sa dibdib ko.
βNagagalak akong makilala kayong lahat.β Turan ng punong tagapaglingkod at tagapagluto sa lahat.
βMagiging malaking parte ang pagluluto sa inyong kasanayan. Isa sainyo ang magiging kabiyak ng mahal na Emperador. Tungkulin niyong alagaan ang isaβt-isa. At ang tanging paraan para mapaibig ang Emperador ay ang kanyang tyan.β Nakangiti niyang turan bago pumalakpak ng tatlong beses.
Sunod-sunod pumasok ang mga tagapaglingkod na may hawak na chopping board kung hindi ako nagkakamali, kutsilyo at mga gulay.
Hindi nga ako nagkamali. Mga gulay at kutsilyo. Napangiwi ako ng wala sa oras. Ang kahuli-hulihan kong humawak ng kutsilyo ay noong una din akong humawak nito. Muntik pa maputol ang daliri ko.
βWanjie?! Hindi ako marunong magbalat!β Bulong saakin ni Shuli na kinakibit ng balikat ko.
βNi maski ako!β Pabalik kong bulong sabag buga ng hangin.
βHawakan niyo na ang mga kutsilyo.β Utos pa ng punong tagapagluto.
Dahan-dahan ko naman kinuha ang kutsilyo at hinawakan. Akala ko magiging madali lang. Hindi pala. Wala akong alam sa ganito. Anong gagawin ko?
Katapusan
ng
Kabanata
Siyam*
Kabanata 10
*Simula ng Kabanata
Sampu
Ryke
Jie
Solidad
Pipikit-pikit na ako habang naglalakad pabalik sa kwarto namin. Sobrang sakit ng likod ko at mga kamay. Parang pinahiwa saamin yung buong kakainin ng palasyo. Anong oras na. Mag-a-alas syete na ng gabi. Ngayon palang kami babalik. Ang hapdi-hapdi pa ng kamay ko. Hindi ko mabilang kung ilang sugat. Parang saakin lang naka-focus yung ilang mga tagapaglingkod. Bwisit!
Mabilis kong binuksan yung pintuan at hinubad yung sapatos ko. Agad kong kinuha yung sapatos ko sa labas at dinala papasok sa loob. Iniwan ko sa tabi ng damitan ko at hinayaan ko yung sarili kong mahiga sa higaan ko.
Ngayon ko ramdam na ramdam yung pagod. Grabe! Parang ako yung mas pinakatutukan. Gagawin yata nila akong professional chef.
Sa sobrang sakit ng likod ko, hindi ko na magawang umikot-ikot pa sa higaan. Hinayaan ko nalang yung sarili ko na lamunin ng dilim.
Pananaw
ng
Pangatlong
Tao
βIpinatatawag mo daw ako?β Turan ng isang lalaki sa isang lalaking nakatalikod.
βNais kong patayin mo ang dalagang nagngangalang Wanya Lee sa araw ng pagsusulit. Patayin mo sa isang makamandag na panang babaon sa kanyang dibdib.β
Ryke
Jie
Solidad
Naalimpumgatan nalang ako dahil sa gutom. Ni hindi na ako nakapagpalit dahil sa pagod. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Mabilis kong sinilip si Shuli at tulog na tulog na.
Napatingin pa ako sa tyan ko nang tumunog ito. Tekaββ anong oras na ba? Hindi pa ako naghahapunan. Gutom na gutom na ako.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang sapatos ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Lahat ay paniguradong tulog na. Wala naman sigurong makakakita kung pupunta ako ng kusina?
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at mabilis na lumabas bago muling isara. Dahan-dahan akong bumaba sa damo at mabilis na naglakad ng nakatapak. Pangalawang beses ko nang gagawin ito. Ang pagtakas.
Mabilis akong lumabas sa lugar kung saan kami tumutuloy. Ito na naman sa mga panuluyan ng mga nakakataas. Sinuot ko na ang sapatos ko dahil medyo may kalamigan din.
Mabagal akong naglakad sa dereksyon papunta sa kusina ng palasyo. Nagulat ako nang marinig ko ang mga tunog ng mga paa ng kabayo kahit nasa malayo palang.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya mabilis akong tumakbo pabalik pero may humatak sa kamay ko at mabilis na tumakip sa bibig ko na kinagulat ko.
Sa pangalawang pagkakataon, may humatak na naman saakin sa likod ng mga bahay at nasaksihan ko na naman ang mga kabayong lumalabas sa palasyo.
Ilang segundo lang ay nawala na sila at mabilis na tinanggal ng lalaki yung kamay niya sa bibig ko kaya mabilis akong tumayo ng maayos at humarap sakanya.
Nagulat ako nang makitang hindi ang Emperador ang nagligtas muli saakin. Tekaββ umasa ba ako? Baliw!
βM-maraming salamat ginoo.β Nakangiti kong turan sakanya.
Binaba naman niya yung sombrero niya. Muntik pa akong mapaiktad sa sama ng tungin niya.
βHeneral Suk.β Bulong niya na agad kong kinatango.
Sa suot niyang buong itim at isang mahabang espada, malamang ay heneral nga siya.
βPaumanhin heneral.β Pag-uulit ko sabay yuko ng kaunti.
βMaari kang mamatay sa ginagawa mo.β Turan niya saakin na kinakamot ko nalang ng batok.
βAkoβy nagugutom. Hindi po ako nakakain ng hapunan dahil sa pagod.β Pagdadahilan ko.
Tinignan niya lang ako ng ilang segundo. Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at hatakin kung saan.
βTekaββ saan tayo pupunta heneral?β Agad kong turan sakanya.
βManahimik ka. Kung ayaw mong gilitan kita ng leeg.β Agad kong nakagat ang dila ko dahil sa sinabi niya. Ayoko pang mamatay.
NAMANGHA nalang ako nang dinaan niya ako kung saan-saan pero ang tungo lang pala namin ay sa loob ng kusina ng palasyo.
βDito lang pala tayo tol.β Natatawa kong bulong.
Nagtaka naman ako nang titigan niya ako dahil sa sinabi ko. Mabilis naman nanlaki yung mata ko nang pumasok sa isip ko yung sinabi ko. Shit!
Mabilis akong ngumiti ng alaganin. βN-nagugutom na ako heneral.β Bulong ko sakanya dahil hindi niya inaalis yung titig niya saakin.
Ilang segundo pa siyang nakatitig bago siya nag-iwas ng tingin. βMaupo ka doon.β Turo niya sa upuan sa harap ng counter dito sa kusina.
Parang normal lang na kainan itong kusina ng palasyo. Mas malaki lang. Parang food court.
Mabilis naman akong tumango at mabilis na naglakad papunta sa upuan at umupo bago magsalumbaba sa may counter.
Nakita ko naman na hinubad niya yung espada niya at mabilis na pumasok sa loob ng counter. May kung ano-ano siyang kinuha. Hindi ko nakikita kung ano. Bali nasa parang recieving area siya. Tapos meron pa sa loob. Yung pinaka-kusina. Kung saan nagluluto, naghihiwa at naghuhugas ng plato. Pinakita saamin kanina eh!
Sinilip ko pa siya nang pumasok siya doon sa loob pero agad akong tumakbo pabalik sa upuan nang makita siyang pabalik. May dala siyang isang plato at isang tasa.
Inilapag niya sa harap ko yung plato at tasa. Bakit parang galit siya? Hindi ko naman sinabing sumama siya saakin. Siraulo talaga.
βKumain ka.β Turan niya nang hindi man lang ngumingiti.
Ngumiti naman ako at tinignan yung laman ng plato. Isang tinapay at isang tasang mainit na gatas. Kinuha ko naman agad yung tinapay at agad kinagatan. Gutom na gutom na ako.
βM-maraming s-shamalat.β Bulong ko habang ngumunguya at nakatingin sakanya.
βHuwag ka nang magsalita. Kumain ka na.β Masungit niya pang bulong na kinasimangot ko. Gusto ko lang magpasalamat. Ang sungit.
βSh-shiguro pinaglihi sha s-shama ng loob.β Natatawang bulong ko bago humigop sa mainit na gatas.
Tinignan niya naman ako ng masama kaya agad akong napaiwas ng tingin. Baka gilitan ako nito sa leeg. Mahirap na.
Pinagpatuloy ko lang yung pagkain. Kahit pala walang lasa yung pagkain magkakalasa lalo na kapag gutom ka. Kalahati palang yung nakakain ko kasi medyo may kalakihan yung tinapay. Mabubusog ka talaga sa isang kainan lang.
Nawala yung tingin ko sa tinapay nang mabilis na tumayo si heneral Suk at mabilis na sinuot yung espada niya.
βHuwag kang aalis dyan. Babalikan kita.β Turan niya sabay takbo. Nakasunod lang yung tingin ko sakanya habang tumatakbo.
βAnong nangyari don?β Tanong ko pa habang ngumunguya.
Muntik na akong atakihin sa puso nang makita yung isang lalaking nakatayo sa may bukana ng kusina na loob. Nakatingin din siya sa tumatakbong heneral. Hindi ko maaninag mukha niya kasi madilim at nakasombrero siya.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang tignan niya ako. Hindi ko tuloy malunok yung nginunguya ko. Lalo akong natakot at napalunok nang hindi niya inaalis yung titig saakin.
βIka-dalawa na ng umaga, pero narito kaβt nakikipagkita sa isang heneral?β Turan niya na kinalaki ng mata ko lalo na nang makilala ko ang boses niya.
Pilit kong nilunok yung nginunguya ko bago nagsalita. βH-hindi po mahal na Emperador. Paumanhin po.β Agad kong turan sabay yuko. Anong ginagawa niya dito? Dati ba siyang multo? Bwisit! Lalo akong natakot nang marinig yung tunog ng sapatos niya na palapit saakin.
βAng lakas naman ng loob niyo at dito pa talaga sa loob ng aking palasyo.β Natatawa niyang bulong. Pero hindi naman nakakatawa. Nakakatakot!
βIsa na naman na kalapastanganan. Sinuway mo ako.β Bulong niya pa.
Ramdam na ramdam ko na siya sa harap ko. Napaiktad ako nang hawakan niya ang baba ko at iangat ang ulo ko. Kitang-kita ko ngayon ang nakangisi niyang mukha.
Dahan-dahan niyang pinunas ang hinalalaki niya sa labi ko at harap-harapan niyang dinilaan ang hinlalaki niya bago ako tuluyang bitawan.
βMagpatuloy ka sa pagkain.β Utos niya na agad kong ikinatango.
Pinanood ko lang siya kung paano siya maglakad papasok sa loob ng kusina pero mabilis siyang tumigil nang nasa harapan na ito ng bukana. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at pilit na nginuya ang tinapay kahit nawalan ako ng gana.
Narinig ko yung pagpasok niya sa kusina kaya napadukdok nalang ako dito. Grabe! Nakakatakot siya! Para siyang halimaw!
βHindi ba sinabi kong magpatuloy ka sa pagkain?β Rinig kong sabi niya kung saan kaya mabilis akong napaupo ng maayos at kumain.
Napatingin nalang ako sakanya nang lumabas siya sa kusina. Hindi na siya naka-sombrero at may dala siyang maliit na kahon. Pinatong niya yung kahon sa harap ko at mabilis na binuksan.
βWala ka talagang alam.β Bulong niya pa bago ako mapaiktad nang kuhanin niya ang isang kamay ko.
βNakagawa ka lang naman ng anim na sugat sa isa mong kamay. Paano pa kaya mamaya? Ilang sugat pa ang dadagdag Lee?β Dugtong niya pa na kinangiwi ko.
Pinanood ko lang siya kung paano niya ilabas ang kung ano sa kahon at yung maliliit na tela. Parang bulak at alcohol nila dito. May ganito pala dito?
βNais kong hindi na madagdagan ito mamaya. Ayoko nang makitang may kahit anong sugat o gasgas sa kamay mo. Naiintindihan mo ba?β Paulit-ulit akong tumango.
Pinanood ko lang siya kung paano niya linisin yung nga sugat ko.
βMasakit ba?β Tanong niya pa na mabilis kong inilingan.
Nang matapos niyang linisin, nakita kong may hinatak siya sa loob ng roba niya. Isang manipis na telang kulay lila. Dahan-dahan niyang ipina-ikot sa kamay ko.
βMakakagalaw naman ang palad mo ng maayos.β Bulong niya pa habang tinatalian niya.
Nang matapos, hinawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawang palad niya at laking gulat ko nang halikan niya ito.
βMag-ingat ka. Maaari ba?β
Katapusan
ng Kabanata
Sampu
Kabanata 11
*Simula ng Kabanata
Labing
-isa*
Pananaw
ng
Pangatlong
Tao
βDisidido ka ba na talagang wakasan ang buhay ng dalaga? Ano ba ang malalim mong dahilan para ipag-utos mo saakin yan. Nais kong malaman, maaari ba?β Tanong ng lalaki sa kaharap ng lalaki habang parehas silang nakaupo at umiinom ng alak.
Napatitig naman ang lalaki sakanya ng ilang segundo bago ito ngumisi. βWala kang karapatan malaman kung ano ang dahilan ko. Gawin mo ang ipinaguutos ko.β
Ryke Jie Solidad
Kagaya ng nakasanayan, nakahanay kami dito sa loob ng kwarto ng kasanayan. Gabi na din at ito na ang huling araw sa isang linggo. Ang bilis ng araw. Tapos na nga ang linggo. May isang pang linggo bago ang pagsusulit.
Gusto nang pumikit ng mga mata ko sa pagod. Sa isang buong linggo na pagsasanay namin, wala kaming ginawa kundi maghiwa, magtiyantya, magluto at kung ano-ano pa. Para talagang isang professional na chef yung mga galawan nila. Grabe. Hindi ko inaasahan na makakasabay ako. Pero nakasabay naman ako. Sa unang dalawang araw ng pagsasanay, mahigit sa anim ang sugat ng kamay ko noong unang araw. At noong pangalawang araw naman ay dalawa nalang. Nakaka-proud tuloy. At least, masasabi ko nang marunong na akong maghiwa ng kung ano-ano, marunong mag-tiyatya gamit ang kutob at magluto ng may halong pagmamahal.
βMalugod ko kayong binabati dahil naitawid niyo ang unang linggo ng pagsasanay.β Nakangiting turan ng punong tagapagluto sabay palakpak. Napangiti naman ako at napapalakpak din. Naitaguyod ko. Pwede na akong mag-apply sa Jollibee. Sobrang nakakatuwa.
βIsang linggo na lang at sasalang na kayo sa pagsasanay. Susubukin ang galing niyo sa pagluluto.β Dugtong niya pa.
βMarahil nagtataka kayo kung bakit napaka-ikli lang ng panahon inilaan para sa parte ng pagluluto hindi ba?β Tanong niya pa. Sabay-sabay kaming sumang-ayon sakanya.
βAng aming itinuro sainyo ay ang pinakamadali sa lahat. Madalas lang itong natutunan sa paaralan ng pagluluto. Madalas lang itong makita sa libro.β Turan niya. βDahil ang lahat ng gusto niyong matutunan ay matututunan niyo rin kapag inyong naranasan. Ang pinakamabisang kasanayan ay ang karanasan. Hanggat nais niyong matuto, makakapulot kayo sa bawat niyong karanasan.β Mabilis naman akong napangiti. Experience is the best teacher, ika nga nila. Isang malaking tama.
Huminga siya ng malalim sabay ngiti. βMay isang magtatagumpay sainyo. Dahil mabuti ang kanyang mithiin. Laging tatandaan, ang tulay sa puso ng kalalakihan ay ang kanilang mga tyan.β Turan niya sabay kindat na kinatawa namin.
βYun lamang ang nais kong sabihin, magkita muli tayo pagkatapos ng kinabukasan. Maaari na kayong magpahinga.β Muli kaming pumalakpak bago isa-isa silang nagtayuan.
βWanya, mamaya na tayo.β Bulong saakin ni Shuli na tinanguan ko. Hinintay lang namin na makatayo na ang lahat at magsilabas bago kami tumayo.
Mabilis kaming naglakad palabas. Nakita ko pang nasa tabi ng pintuan yung punong tagapagluto kaya mabilis akong ngumiti at yumuko sa harap niya.
βLee Wanya, tama ba?β Nakangiti niyang tanong saakin na agad kong ikinangiti.
βTama po.β Turan ko sakanya.
βNapakagandang bata. Mukha kang isang maharlika.β Turan niya habang nakangiti at nakatitig saakin.
βMaraming salamat po punong tagapaglingkod.β Pagpapasalamat ko sakanya sabay yuko ulit.
βLady Fe. Tawagin mo akong Lady Fe.β Nakangiti niyang turan.
βMasusunod po Lady Fe.β Nakangiti kong balik.
Pinagmasdan ko lang si Lady Fe na umalis kasama yung mga tagapaglingkod niya bago ako humarap kay Shuli.
βSabi ko naman naman sayo eh! Mukha ka talagang maharlika!β Turan pa saakin ni Shuli bago ako akbayan.
βGanon ba ako kaganda?β Natatawang biro ko sakanya habang naglalakad kami.
βOo. Yung halata sa mukha mo na parang may dugo ka talagang maharlika. Napakalinis, napakaputi at napakakinis. Grabe!β Pagtatapat niya saakin.
βSeryoso ka ba? Eh hilamos lang naman ang ginagawa ko.β Natatawa kong turan sakanya.
βKung maharlika ka talaga, gawin mo akong tagapaglingkod mo.β Turan niya pa saakin na kinatawa ko.
βHindi pwedeng mangyari yon.β
Pananaw
ng
Pangatlong
Tao
βNanganganib si Wanya. Balak siyang ipapatay sa araw ng pagsusulit, ministro.β Agad na turan ng lalaki nang makapasok siya sa silid.
βHindi pwedeng mamatay ang pamangkin ko. Gagawa ako ng paraan. Bantayan mo siyang mabuti. Siguraduhin mong hindi siya masasaktan.β
Ryke Jie Solidad
Nakahiga ako sa higaan at nakatingin sa kisame. Ngayon yung gabi na magkikita kami ng Emperador. Lalabas ba ako? Tekaββ wala naman siyang sinabi kung kailan ako lalabas. Hindi ko alam ang oras. Sila sa buwan lang tumitingin, ako hindi ko alam kung paano tantyahin.
Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang makarinig ng isang malakas na pito mula sa labas. Mabilis akong napabangon. Mabuti nalang hindi nagising si Shuli. Ang lalalim ng tulog nila. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa pagod. Dahan-dahan kong binuksan yung bintana. Hindi na ako nagulat nang makita yung Emperador na dahan-dahan naglalakad pababa.
Mabilis ko namam ulit sinara. Mabilis kong sinuot yung sapatos ko at kinuha yung pangpusod niya sa damitan ko bago ko dahan-dahan itaas yung maliit na pintuan sa sahig at bumaba.
Mabilis akong naglakad palabas sa ilalim at tinanaw yung Emperador. Nakita ko naman siyang napatingin saakin at napahinto. Mabilis akong naglakad papunta sakanya. Sa bilis ng lakad ko ay mabilis akong nakalapit sakanya.
βMagandang gabi, Mahal na Emperador.β Agad kong bati sakanya sabay yuko.
Kilalang-kilala ko ang damit niya kahit sa malayo palang kaya alam ko na siya yung naglalakad kanina. Mula sa roba niyang itim na pinaghalong lila at yung sombrero niya kabisado ko.
Hindi naman siya nagsalita at tumalikod lang. Naglakad na siya pabalik sa parangkahan kung saan kami dadaan. Kung saan yung palasyo niya. Nakasunod lang ako sa likod niya at hindi binalak na magsalita.
Nasa huling baitang na kami ng hagdan nang bumuga yung malakas at malamig na hangin. Mabilis pa sa alas-kwatro akong napayakap sa sarili ko. Grabe! Sobrang lamig pala!
Hahakbang na sana ulit ako nang makita kong napahinto yung mahal na Emperador kaya huminto din ako. Syempre, baka patayin niya ako kung lagpasan ko siya βdi ba?
Nakita kong may kinuha siyang nakatuping tela sa loob ng suot niyang itim na roba. Isang puting tela na may desenyo na lilang mga maliliit na bulaklak at isang tali na kulay lila din. Mabilis niyang pinatong yung tela saakin. Para siyang kapa. Yung pang-super hero. Siya na mismo yung nagtali ng violet na tali na nasa leeg. Nagulat ako nang mas lumapit siya at nasa pagitan ako ng mga kamay niya. Naramdaman ko nalang yung tela sa ulo ko. Para siyang kapa na may hoodie. Ang lakas tuloy maka Little Red Riding Hood. Makapal yung tela at ayos siya.
Pagkatapos niyang isuot saakin ay tumingin siya sa mga mata ko. Ilang segundo siyang nakatitig at nais kong putulin yung titig pero hindi ko magawa. Siya mismo yung umiwas at tumalikod. βMagmadali ka. Nauubusan tayo ng oras.β Turan niya sabay pasok sa tarangkahan na agad kong sinundan.
Parang wala yata siya sa mood ngayon? Siguro hindi masarap ulam nito. Tsk. Tsk.
KASALUKUYAN kaming naglalakad dito sa loob ng kakahuyan papunta sa bahay kung saan kami magsasanay. Medyo may kalayuan talaga at gitnang-gitna ng gubat.
Sa bilis niyang maglakad, kailangan kong maglakad takbo para maabutan siya. Parang higante kasi kung humakbang. Eh ang ikli-ikli lang ng paa ko. Hindi marunong mag-adjust?
Napasigaw nalang ako ng mahina nang may nakaharang na bato sa dinadaanan ko na hindi ko napansin. Humanap pa ako nang hahawakan pero wala akong nakita. Pumikit nalang ako para hintayin yung pagbagsak ko pero may isang matipunong dibdib yung sumalo saakin.
βMag-ingat ka.β Mahinahon pero seryoso niyang turan saakin pagkatapos niya akong saluhin.
Mabilis naman akong humiwalay sakanya at tumango. βPaumanhin, mahal na Emperador.β Agad kong bulong bago dahan-dahan tumayo ng tuwid.
Tumalikod naman siya at nagsimulang maglakad. Ako naman ay mabilis na hinakbang ang paa ko pero napangiwi ako nang maramdaman ko yung hindi maipaliwanag na sakit sa paa ko na natamaan ng bato. Sigurado na ako sa pagbagsak ko kaya hindi na ako pumikit. Pero nakita kong napatakbo yung Emperador para saluhin akong muli. Agad niya akong sinalo at yinakap ng mahigpit. Napapikit nalang ako.
βSinabi kong mag-ingat ka!β Tumaas na yung boses niya na kinagulat ko kaya mabilis akong humiwalay sakanya at pilit na tumayo pero kirot lang ang nararamdaman ko.
Nagulat nalang ako nang kargahin niya ako at isandal niya yung ulo ko sa dibdib niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ni hindi ako nakapagreklamo. Ang nagawa ko lang ay humawak sa leeg niya habang karga-karga niya.
βAyoko sa lahat ang lampa.β Rinig ko pang bulong niya bago nagsimulang maglakad.
NAKARATING kami agad sa bahay sa bilis niyang maglakad. Akala ko ibaba niya ako harap ng bahay pero kinarga niya ako hanggang sa loob.
Sa sobrang dilim sa loob, wala akong makita. Naramdaman ko nalang na iniupo niya ako sa isang upuan at tunog nalang ng sapatos niya ang naririnig ko.
Pinakiramdaman ko siya at nakita ko siya nang buksan niya ang isa sa mga gasera dito sa loob. Isa-isa niyang nilapitan yung bawat gasera. Lahat sinisindihan niya para lumiwanag yung bahay.
Natatanaw ko na yung bahay nang maliwanag na. Isa siyang malaking bahay. Isang parang sala at dito ako naka-upo sa upuan sa parang center counter ng kusina.
May isang kwarto na bukas yung pintuan at isang higaan lang yung nakikita ko. Pumasok din siya doon at binuksan yung mga gasera. Hindi ko alam kung ilang higaan. Hindi ko gaanong maaninag.
Lumabas din siya at lumapit saakin. βMagsimula na tayo.β Bulong niya na agad kong tinanguan.
Nagulat ako nang lumapit pa siya saakin at alisin yung tali ng panglamig na ewan sa leeg ko at yung hoodie bago kuhanin. Nagulat pa ako nang lumuhod siya at alisin yung sapatos ko. Ni hindi ko man lang napigilan dahil sa gulat.
Naglakad ulit siya papunta sa tabi ng pintuan at isinabit yung panglamig ko at inilagay sa tabi yung sapatos ko bago niya hinubad yung sombrero niya at yung espada niya at isabit sa kahoy na parang may sanga.
Nakita ko pang may kinawit siya doon sa pintuan at hinubad yung sapatos niya bago naglakad uli papunta saakin.
βSiguro naman may natutunan ka?β Mabilis naman akong tumango kaya mabilis siyang pumunta sa loob ng kusina at isa-isang nilabas lahat ng gagamitin ko.
Nang natapos siya ay nilabas ko yung pangpusod niya. βIsinasauli ko na mahal na Emperador.β Turan ko.
Tinitigan niya naman ako ng ilang segundo bago kuhanin ang pangpusod. βMagsimula ka na.β
SA
WAKAS at natapos din. Pinaulit niya lahat saakin yung mga tinuro. Sobrang nakakapagod. Grabe!
βMahusay at naintindihan mo ang itinuro nila. Pero hindi pa yan ang ituturo ko sayo.β Turan niya na kinalaglag ng balikat ko.
βAng pagluluto ay parang pagmamahal. Kung magmamahal ka ng isang tao, hindi ka maghihintay ng kapalit na mahalin ka din niya. Dahil ikaw ang nagmahal. Hindi niya obligasyon na suklian yon. Ganito lang yan kasimple, pag nagluto ko, itatak mo sa isip mo na magluluto ka para hindi manalo sa kompetisyong ito. Magluluto ka para mapasaya sila at mabusog ang mga tyan nila sa sarap ng niluto mo. Dahil ang pagluluto at pagmamahal ay magkasing kahulugan lang.β Mahabang paliwanag niya saakin. Napanganga nalang ako dahil doon. Grabe ang galing! Ang talino niya! Sana lahat.
Nawala nalang ako sa pag-iisip nang maramdaman yung malamig na tubig sa kamay ko. Hinuhugasan niya yung kamay ko. Bawat haplos ng mainit niyang palad ramdam na ramdam ko.
Ilang segundo lang ay natapos din niya at mabilis niyang pinunasan yung kamay ko bago siya naglakad paalis ng kusina at naglakad papunta sa mga kasera at pinatay isa-isa. Sobrang dilim na dito sa labas at tanging sa kwarto nalang maliwanag. Tatayo na sana ako nang may bumuhat saakin.
βHumawak ka.β Bulong niya pa kaya mabilis akong napahawak sakanya.
Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. Nahiga naman ako agad. Nakita kong tumayo ulit siya at puswesto sa paanan ko. Nakita kong dahan-dahan niyang hinawakan yung paa ko na nakatalisod ng bato dahil sa katangahan.
Dahan-dahan niyang hinaplos. Napapapikit nalang ako sa sarap dahil hindi masakit yung paghaplos niya. Hindi ko namamalayan na unti-unti na akong hinihila ng dilim.
Naramdaman ko pang tumigil siya at pagpatay niya sa mga gasera pero antok na antok na talaga ako kaya hindi ko pinansin.
Ilang minuto nalang at hihilahin na talaga ako ng antok nang maramdaman ko ang matalim na bagay sa dibdib ko. Sa sobrang pagod ay hindi ko nalang pinansin. Nawala din naman matapos yung ilang segundo bago ko naramdaman yung telang bumalot sa katawan ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.
*Katapusan ng Kabanata
Labing
-isa*
Kabanata 12
*Simula ng Kabanata
Labindalawa
Ryke Jie Solidad
Mga palakpak ng mga tagapagluto ang sumalubong saamin. Sabay-sabay nalang kaming napangiti at napapalakpak sa sarili namin.
βMagaling! Naitawid niyo na ang kahuli-hulihang linggo ng pagsasanay sa pagluluto. Binabati ko kayo.β Nakangiting turan ng punong tagapagluto.
βNgayon, alam ko na handa na kayong lahat. Nakakataba ng puso na maibahagi ang aming mga kakayahan. Isa ako sa napakaswerteng tagapaglingkod ng palasyo na nagturo sainyo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ilang araw natin pinagsamahan.β Tila naiiyak niyang turan saamin na kinangiti naming pare-pareho.
βMagkita-kita na lamang tayo sa araw ng pagsusulit pagkatapos ng bukas. Maaari na kayong magpahinga at mag-isip kung anong ihahanda niyo para sa pagsusulit sa araw na pagkatapos ng bukas.β Turan niya pa.
Sabay-sabay kaming yumuko sakanya bago isa-isang tumayo ang mga kasama namin para lumabas. Gaya ng dati, pinauna muna namin silang lahat bago kami tumayo ni Shuli.
Napangiti agad ako nang makita si Lady Fe sa may tabi ng labasan habang nakangiti saakin. Mabilis akong naglakad papunta sakanya at yumuko.
βMaraming salamat po Lady Fe!β Agad kong turan sakanya habang nakayuko bago mag-angat ng tingin. Narinig ko naman yung mahinang tawa niya bago niya hawiin yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko habang nakatitig siya at nakangiti saakin. Nagulat nalang ako nang mabilis niya akong hatakin at pabilis na yakapin.
βLagi kang mag-iingat. Magkikita pa tayo.β Rinig kong bulong niya habang nakayakap saakin na kinangiti ko. Ilang segundo lang ay pinakawalan niya din ako.
βSige na. Oras na para magpahinga.β Turan niya kaya ngumiti ako at yumuko ulit ng bahagya at tumalikod na. Nakahawak naman si Shuli sa kamay ko. Sinulyapan ko pa si Lady Fe mula sa likod at nakitang nakitang nakatingin pa din siya saakin.
βBa-bye Lady Fe!β Malakas kong sigaw habang kumakaway.
Kitang-kita ko naman yung pagtataka sa mga mukha nila kaya agad 4 yung mata ko at napatalikod. Napatingin naman saakin si Shuli.
βAnoβββ Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at agad tinakpan yung bibig niya bago siya hatakin patakbo. Ang bobo mo talaga Jie!
HUMINTO nalang kami ni Shuli nang makitang malapit na kami sa bahay panuluyan namin. Halos hingalin nga kami dahil sa kakatakbo.
βS-sandali lang!β Sigaw niya saakin. βBakit ba tayo tumatakbo?! Atsaka, ano yung sinabi mo kanina? Anong lenggwahe yon?β Sunod-sunod niyang tanong saakin pero napakibit balikat nalang ako sabay talikod at mabilis na naglakad papunta sa kwarto namin.
βH-hoy! Kinakausap pa kita! Wanya! Abaβββ
GAYA ng dati, nakahiga ako dito sa loob ng kwarto habang nakatulala sa kisame. Hinihintay yung pito ng mahal na Emperador para makalabas na ako.
Iniisip ko kung makakapasa ba ako sa kauna-unahang pagsusulit. Aaminin ko, marami akong natutunan. Lalo na sa huling linggo na βto. Una sa lahat doon ay ang kalinisan. Kailangan malinis lahat ng ihahandang pagkain, kagamitan at pati ikaw ay malinis din. Medyo masaya kasi natutunan ko yung mga bagay na hindi ko natutunan noon. Pero medyo malungkot, unti-unti ko silang nakakalimutan. Huminga nalang ako ng malalim bago pumikit. Dito na ba ako mamatay? Kapag ba namatay ako, babalik ako sa mundo ko? Magpakamatay kaya ako?
Napamulat nalang ako nang marinig yung pito ng mahal na Emperador mula sa labas kaya mabilis akong napatayo mula sa pagkakahiga at mabilis na dinampot yung panlamig na binigay niya saakin bago dahan-dahan lumusot sa ilalim. Teka, ang aga yata masyado?
Agad ko siyang nakita doon sa may tapat ng tarangkahan. Agad na akong tumakbo papunta sakanya. Nakita ko naman siyang nakatalikod. Medyo hinihingal pa ako nang makarating ako sa likod niya.
βMagandang gabi, mahal na Emperador.β Agad kong turan habang nakayuko.
Nagtaka naman ako bakit hindi siya sumasagot pero parang iba yung datingan niya ngayon. Naka-panlamig din siya katulad nung binigay niya saakin. Pero sakanya, full black. Kahit nagtataka, hindi pa din ako nag-angat ng tingin kahit nangangawit na. Nakita ko naman humarap siya pero laking gulat ko nang makitang hindi sapatos ng mahal na Emperador yung suot niya kaya agad akong napa-angat ng tingin.
βH-heneral Suk!β Nakangiwi kong bulong habang nakatingin sa heneral.
Nakita ko naman siyang ngumisi din. βMagandang gabi din, Lee Wanya.β Bulong niya bago mawala yung ngisi niya na kinaiktad ko. Mabilis niyang hinawakan yung pulsuhan at mabilis na hinatak.
βU-uy tol! Teka lang! H-hindi tayo talo!β Agad kong nasabi dahil sa kaba ko. Nanlaki naman yung mata ko nang huminto siya at tumingin saakin.
βB-biro lang. Sige na. Dalhin mo na ako kahit s-saan mo gusto.β Agad kong bawi sa sinasabi ko.
Napatingin naman ako sa likod kung nandoon na ba yung mahal na Emperador. Mabuti nalang wala pa na kinahinga ko ng maluwag.
DINALA niya ako sa likod ng kung ano. Hindi naman gaanong kalayuan sa tarangkahan.
βAno ba sasabihin mo? Paki-bilis.β Turan ko agad sakanya pero sinamaan niya ako ng tingin kaya mabilis akong napangiwi.
βB-biro lang ulit!β Agad kong turan sakanya sabay peace sign na kinakunot ng noo niya. Bwisit naman kasi!
βSa araw ng pagsusulit, binabalaan kita upang mag-ingat. Malalagay sa bingit ng kamatayan ang iyong buhay. Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi ka masaktan.β Agad na turan niya na halos ikamatay ko sa kaba.
βK-kamatayan? P-paano? Wait! Oh myβ¦β Bulong ko at napatakip nalang ng bibig. Sino ang gustong pumatay saakin?
βAno ba ang iyong tinuturan. Hindi kita maintindihan!β Singhal niya saakin.
Umiling naman ako agad. βH-huwag mong intindihin Heneral.β Bulong ko.
Napatingin naman ako agad sakanya nang tumawa siya. βHindi ka talaga mabiro. Masyado kang seryoso.β Turan niya habang tumatawa na kinainis ko.
βGago ka! Bwisit! Walanghiya!β Sunod-sunod kong turan at sunod-sunod na hampas ang iginawad ko sakanya pero naalala kong Heneral pala siya kaya mabilis akong napa-atras sabay ngiti ng malaki.
βP-paumanhin, Heneral.β Agad kong turan.
Kita ko naman yung sama ng tingin niya na nginitian ko lang ng alanganin. Pinagpag niya pa iyong panlamig niya bago siya may kinuha sa bulsa niya.
βNais ko lang ibigay sayo ito.β Bulong niya sabay abot saakin ng isang palamuti sa damit. Parang pin. Tama, pin nga sa damit na may desenyong strawberry. Kulay gold. Ang cute!
βAng pampaswerteng la presa. Nais kong swertihin ka sa araw ng pagsusulit.β Dugtong niya.
βIto lang pala Heneral. Hinatak mo pa ako dito. Salamat!β Nakangiti kong turan. Tumango naman siya bago tumalikod at maglakad na paalis.
Ilang hakbang palang niya ay may narinig na akng yapak sa likod ko na kinalaki ng mata ko.
βTumigil ka.β Turan ng tao sa likod ko na lalong kinatakot ko. Ang mahal na Emperador. Napatigil naman si Heneral Suk.
βHumarap ka.β Utos pa ng mahal na Emperador pero mas pinili kong hindi siya tignan at manigas nalang dito sa kinatatayuan ko.
Dahan-dahan naman humarap si Heneral Suk. Hindi pa gaanong kita yung mukha niya dahil sa hoodie pero mabilis niya din na tinanggal yung hoodie niya.
βMagandang gabi, mahal na Emperador.β Turan niya at yumuko.
βHeneral Suk. Ano ang iyong pakay sa aking palasyo? Wari koβy naka-destino ka sa timog na bahagi?β Agad na tanong ng mahal na Emperador. Nanlalaki naman yung mga mata ko habang nakatingin kay Heneral Suk.
βIsang kalapastanganan na naman.β Bulong pa ng mahal na Emperador na ako lang yung makakarinig.
βPinapapunta ako ni Ministro Hin upang ibigay sayo ang sulat na ito.β Agad naman turan ni Heneral bago niya ilabas yung papel sa loob ng panlamig niya at iabot sa Emperador.
βMaaari ka nang umalis.β Huling turan ng Emperador. Yumuko lang si Heneral bago mabilis na tumalikod at naglakad paalis.
βSumunod ka at wag mo nang dagdagan pa ang kasalanan mo.β Bulong pa ng Emperador bago ko siya narinig na tumalikod at naglakad. Napapikit nalang ako dahil sa takot. Ano ba naman yan! Si Heneral Suk kasi eh!
MABILIS kaming nakarating sa tuluyan sa gitna ng gubat. Hindi niya man lang ako hinarapan simula nung naglakad kami. Mabilis siyang umakyat kaya mabilis din akong umakyat. Mabilis niyang binuksan yung pintuan kaya yumuko ako at inalis yung sapatos ko bago ulit tumayo. Nakita kong binuksan niya lang yung pintuan bago humarap saakin ng ilang segundo. Seryoso lang yung mukha niya at wala akong mabasang kahit anong emosyon. Tumabi lang siya sa gilid kaya mabilis na akong pumasok sa loob at inunahan na siya. Nakakatakot na talaga siya sa puntong ito.
Huminto lang ako pagkatapos ng ilang hakbang nang makapasok ako sa pintuan. Narinig ko yung mga yabag niya na pumasok bago ako paiktad sa lakas ng pwersa ng pagkakasara niya sa pintuan dahilan para gumawa yon ng ingay. Galit talaga siya.
Bumalot yung kadiliman nang maisara na yung pintuan. Wala akong makitang kahit ano. Wala. Ramdam na ramdam ko pa kung paano niya ako lagpasan at rinig na rinig ko bawat hakbang niya bago ako mapatingin sa isang gasera na sinindihan niya. Dahan-dahan siyang naglalakad at sinisindihan ang lahat ng gasera dito sa buong bahay. Kasama na yung sa kwarto.
βTatayo ka na lamang ba dyan?β Turan niya na agad kong kinailing bago mabilis na binitawan yung sapatos ko sa tabi ng sabitan ng mga panlamig. Inalis ko na din yung panlamig ko at isinabit sa sabitan bago mabilis na naglakad papunta sa upuan sa kitchen counter at dahan-dahan umupo.
Pabigat nang pabigat yung atmosphere dito sa loob. Galit na galit talaga siya at ramdam na ramdam ko yon. Sagad hanggang buto. Narinig ko yung mga yapak niya papunta sa sabitan ng mga suot namin. Malamang tinanggal niya na yung espada at yung sobrero niya. Pinakikiramdaman ko lang yung bawat hakbang niya at nasa likuran ko na siya.
βMaaari mo ba na sabihin saakin kung sino ang Heneral na yon sa buhay mo?β Turan niya pero nanatili akong tahimik. Wala akong lakas magsalita. Hindi ko alam kung bakit.
βNagmamakaawa ako. Sabihin mo.β Bulong niya pa pero nanatili pa din akong tahimik sa hindi ko malamang dahilan.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang sumigaw siya ng malakas. Kahit natatakot, pinili kong manatiling tahimik at nakaupo ng maayos. Ilang segundo lang ay narinig ko din tumahimik na siya.
βMagsimula na tayo.β
GAYA din ng dati, pinaulit niya lahat ng tinuro saamin. Pero ngayon, ni hindi niya man lang ako hinawakan sa kamay o tinitigan sa mata.
βMagaling. Hindi ko inaakalang mabilis kang matuto.β Bulong pa ng Emperador habang nakaupo ako at nasa harapan ko pa din siya. Ang kaibahan lang, siya na mismo yung nagliligpit ng mga ginamit namin at ako naman ay nanonood lang sakanya.
βSa gitna ng gubat, malapit sa pamilihan idadaos ang pagsusulit. Bibigyan kayo ng sapat na ginto para mabili ang mga kailangan niyo sa pamilihan. May karagdagang puntos ang may maraming matirang pera. At ang matitira, ay mapupunta sainyo.β Paliwanag niya saakin na kinatango ko lang.
βAng araw para sa mamayang umaga ay araw para makapaghanda kayo. Ang kailangan niyong ihanda ay, isang pangunahing pagkain, panghuling pagkain at panulak.β Paliwanag niya pa. Main dish, desert at juice or something na pang-inom.
βWari koβy nakaisip ka na kung ano ang iyong ihahanda. Nais kong hindi ito ordinaryo at ngayon palang matitikman ng mga tagahusga.β Kahuli-huling bulong niya at tumingin saakin pagkatapos niyang pumasan yung lababo.
Napatitig ako sa mga mata niya ng ilang segundo. Ang ganda ng mga mata niya pero walang buhay. Parang ang lungkot.
βHinihintay ko ang iyong kasagutan.β Bulong niya dahilan para mawala ako sa iniisip ko.
βO-opo, mahal na Emperador.β Agad kong turan sakanya.
Nakita ko naman yung ngisi niya bago siya tumayo ng tuwid. βMagaling. Nais kong malaman kung anong nais mong lutuin para sa pagsusulit.β Turan niya pa bago siya naglakad papunta saakin. Nagulat nalang ako nang makita ko yung bote ng alak at isang kahoy na baso na ipinatong niya sa mesa bago siya tuluyang umupo.
βA-ah ang lulutuin ko po para sa pangunahing pagkain ay ang Adobong manok.β Nakangiti kong turan sakanya.
Nakita ko naman pinuno niya yung kahoy na baso bago niya mabilis na ininom at wala talaga siyang tinira sa baso. Ni hindi man lang siya napaitan or something.
βAdobong manok? Ngayon ko lamang narinig ang putaheng yan.β Bulong niya bago ulit lagyan yung baso niya ng alak. Tekaββ ang lakas niyang uminom.
βNapansin ko po kasi puro nilaga, sinabawan at lugaw ang mga putahe. Nais ko pong ipatikim yung Adobo na galing sa panahon ko.β Nakangiti kong bulong. Napatitig naman ako sakanya nang huminto siya sa pagkilos at tumitig saakin na pinagtaka ko.
βPanahon mo?β Bulong niya na kinalaki ng mga mata ko. Bobo ka talaga Jie!
βA-ah hindi po. Baka namali lang po kayo ng dinig.β Agad kong pagdadahilan. Ilang segundo niya naman akong tinitigan bago nag-iwas ng tingin at mabilis na uminom ng alak.
βPara naman po sa panghuling pagkain, nais ko pong lutuin ang saging mo at gawing turon.β Buong ngiti ko pang turan pero agad akong nataranta nang umubo yung Emperador. Teka, ano na naman bang problema?
Ilang segundo siyang umuubo. Lalapitan ko na sana pero pinigilan niya ako. Tumigil din naman yung ubo pagkatapos ng ilang segundo.
βM-magpatuloy ka.β Bulong niya na kinatango ko kahit nag-aalangan.
βAt sa panulak naman po, nais kong gumawa ng panulak gamit ang gatas, mais at yelo.β Huling turan ko. Tumango-tango naman siya na lalong kinangiti ko.
βNais kong makita yan. Bago lang yang mga tinuran mo sa aking pandinig. Nais ko silang makita at matikman.β Bulong niya bago ulit ubusin yung isang baso.
βSige na. Maaari ka nang magpahinga.β Huling bulong niya saakin pero nanatili akong nakaupo sa harap niya. Hanggang mapatingin siya saakin.
βNais ko lang pong linawin na wala kaming kahit anong relasyon ni Heneral Suk.β Agad kong turan sakanya.
Tinitigan naman niya ako ng ilang segundo na para bang hindi naniniwala bago ulit salinan yung baso niya ng alak.
βMagkaibigan lang po kami, mahal na Emperador.β Dugtong ko pa pero wala siyang sinabi at iinumin na sana niya yung alak pero agad kong inagaw sakanya at ininom. Napaubo nalang ako sa tapang at pait ng alak pero hindi ko niluwa.
βNaniniwala na ako.β Natatawa niyang bulong pagkatapos kong inumin yung alak.
βTama na ang pag-inom. Hindi ka pwedeng malasing dahil araw ng paghahanda bukas.β
*Katapusan ng Kabanata
Labindalawa
Kabanata 13
Simula ng Kabanata Labintatlo
Ryke Jie Solidad
Agad akong napamulat pagkatapos marinig ang isang hampas mula sa malaking tambol na nagiging hudyat para simulan ang araw. Dahan-dahan akong umupo habang kinukusot-kusot pa ang mga mata ko sabay hikab ng mabilis. Nang ihatid ako ng Emprador kanina, hindi ko inaakalang makakatulog pa ako dahil ilang oras na din akong natulog sa panuluyan namin. Siguro dahil na rin sa pagod.
Dahan-dahan kong tinignan si Shuli at hindi man lang naalimpungatan sa malakas na tambol. Hilik na hilik pa habang nakataas ang kamay at nakabukas ang bibig. Hindi ko naman maiwasang matawa ng mahina habang nakatingin sakanya bago dahan-dahan gumapang papunta sa tabi niya.
βShuli! Shuuuli! Shuli!β Paulit-ulit kong turan habang niyuyugyog siya.
βA-ano?!β Bulong niya pa kasabay ng pagtulo ng laway niya na lalong kinatawa ko.
βKadiri! Gumising ka na! Araw na ng paghahanda!β Huling turan ko bago mabilis na bumalik sa higaan ko at lumapit sa damitan ko. Inilabas ko yung pares ng damit na susuotin ko para sa araw ngayon. May tigalaba kami kaya hindi na kami nahihirapan sa pagmamanage ng oras namin pero siguro unang dalawang linggo lang ito. Ang pangalawa naming pag-aaralan ay ang kalinisan. Malamang kasama na doon ang paglalaba. Hula ko lang.
Sinipa ko pa ng mahina si Shuli pagkatayo ko at agad kong pinusod ang buhok ko. βHoy! Sumunod ka na saakin sa palikuran ha?β Tumango naman siya bago dahan-dahan umupo at kinusot-kusot pa ang mata niya. Tinawanan ko lang siya bago ko dinampot yung sapatos, yung roba at twalya ko at mabilis na lumabas sa kwarto.
Nakangiti akong naglakad pababa. Yung mga nakikita kong dalaga ay nginingitian ko at nginingitian ko din sila agad pabalik. Marami na din yung kakilala ko. Pwera lang sa katabi naming kwarto. Ewan ko ba, parang laging galit saakin.
Nakangiti lang akong naglakad hanggang makarating sa palikuran. Kinuha ko muna yung timba at mabilis na sumalok ng tubig sa malaking kahoy na drum bago pumasok sa palikuran. Sinigurado kong naka-sarado nang maayos yung pintuan bago ko inalis lahat ng suot ko at isinabit sa tabi ng twalya ko. Inalis ko din yung sapatos ko at baka mabasa pa.
Sumalok na ako gamit yung tabo na kahoy ng tubig at dahan-dahan ibinuhos sa katawan ko. Ang maganda dito, hindi malamig yung tubig. Natural siya na maligamgam kaya masarap maghilamos. Napahinto naman ako sa pagkilos nang may marinig ako sa katabing palikuran.
βTβyak nang ako ang isa sa makakapasa at mangunguna.β Rinig kong turan ng isa sakanila. Nanatili akong nakatayo habang dahan-dahan sinasabon ang katawan ko.
βPaano mo naman nasabi Hanie? Nakikita mo ba ang mangyayari bukas?β Natatawang tanong naman nung kasama niya.
βHindi. Dahil sa tiya ko. Hindi ba may puntos din yung, kung ilang pera ang iyong matitira?β May kayabangan pang sagot ng isang babae.
βOo! Tama!β Parang hindi makapaniwalang sagot nung isa. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang katahimikan. Tama siya. May puntos nga doon. Kung mauubos ko ang ibibigay na pera, pero masarap naman ang iluluto ko, may pag-asa akong pumasa. Pero kung kaunti lang ang magagastos kong pera at masarap pa ang iluluto ko, ako ang mangunguna. Napahinga naman akong malalim. Masarap naman kaya ang iluluto ko? Anong gagawin ko? Pero karagdagan puntos lang. Hindi malaki. Tama! May pag-asa ako! May naiisip na akong paraan!
ILANG minuto lang akong naglinis ng katawan. Inayos ko agad yung pusod ng buhok ko at nagbihis. Bigla ko naman naalala yung binigay na pampaswerte saakin ni Heneral Suk kagabi. Yung strawberry na pwedeng ilagay sa hair stick. Agad kong tinakbo yung tela ko na hoodie. Ang alam ko inilagay ko sa loob ng bulsa niya yon.
βNasaan na yon?β Mahina kong bulong nang hindi ko siya mahawakan. Ilang beses ko pa binaliktad at pinagpag yung hoodie ko pero walang nalaglag na palamuti sa loob. Napatingin nalang ako sa pinto nang bumukas yon kasabay ng pagpasok ni Shuli na bagong linis din.
βAnong hinahanap mo?β Agad niyang tanong saakin.
βMay nakita bangβ¦β Tekaββ ano ulit tagalog ng strawberry? Shit!
βYung la presa kong palamuti? Nakita mo ba?β Agad kong turan nang maalala ko yung tagalog ng strawberry. Kumunot naman agad yung noo niya dahil sa sinabi ko.
βMeron ka ng bagay na yon? Wala akong nakita Wanya. Baka nandyan lang. Hanapin mong mabuti.β Tumango nalang ako sa sinabi niya bago ko itaas yung higaan ko baka sakaling makita ko yung hinahanap ko pero ilang minuto lang ay malakas na tunog mula sa tambol ang nagpabagsak sa balikat ko.
βHuwag mo nang hanapin pa. Oras na. Halika ka Wanya.β
KAGAYA ng nakasanayan, nandito sa loob ng bulwagan. Medyo nalulungkot pa din ako doon sa binigay na palamuti ni Heneral Suk. Ano ba yan! Ang burara naman Wanjie!
βMagandang umaga!β Nakangiting bati ni Lady Fe kasabay ng pagpasok niya. Napanganga nalang kaming lahat sa itsura nila. Ang gaganda nila. Iba yung kulay ng suot nilang mga damit sa nakasanayan. Ang pupula din ng mga labi nila.
βNgayong araw ang araw ng paghahanda. Hindi ko na ako magtatagal pa at magpapaliwanag na.β Nakangiti niyang turan nang makarating siya sa gitna.
βDahil sa dami niyo, walumpu kayong lahat, maggrugrupo kayo sa dalawa. Magiging apatnapu nalang kayo at sampu ang matatanggal.β Seryoso niyang paliwanag. Tumango-tango nalang ako dahil nakaramdam ako ng kaunting kaba.
βLima ang manghuhusga, kasama ang mahal na Emperador.β Nakangiti niyang turan na naging dahilan ng mga sigawan at kilig ng lahat. Napangiti nalang ako ng maliit.
βTamang paggalaw mga dalaga.β Turan ni Lady Fe kaya napatahimik ang lahat.
βBuong araw kayong maghahanda kung anong iluluto niyo bukas. Pinapayagan kayong lumabas ng palasyo pero babalik din paglubog ng araw. Naiintindihan niyo ba?β Sabay-sabay kaming suman-ayon na kinangiti ni Lady Fe.
βSa bawat grupo ay merong karampatang limang ginto para bilhin lahat ng inyong mga kailangan. Ang tipid ay may karagdagang puntos.β Paliwanag niya pa. βAt sainyo mapupunta ang matitira.β Huling turan niya na kinasaya ng lahat.
βSige na, maaari na kayong umalis kasama ang napili niyong kagrupo.β Tumayo silang sabay-sabay at nanatili akong nakaupo. Sa pintuan din iaabot yung limang ginto. Shet, ngayon palang ako makakahawak ng ginto. Hinintay ko silang umalis bago ako tuluyang tumayo at tumingin sa likod ko kung nasaan si Shuli.
βKailangan ko pa bang sabihin?β Natatawa niyang bulong bago ako akbayan. Malamang siya na ang kapares ko para sa pagsusulit. Tumawa nalang ako bago kami naglakad ng sabay hanggang makarating sa labasan kung saan si Lady Fe ang nag-aabot ng nga ginto. Agad niya akong nginitian na sinuklian ko din ng ngiti.
βMagandang araw, Lady Fe.β Agad kong turan na sinundan naman ni Shuli at sabay kaming yumuko. Blooming si Lady Fe! Nadiligan!
βMagandang araw din, Wanjie. Ito na ang inyong ginto. Asahan mo ang suporta ko bukas para sayo.β Huling turan niya pa na kinangiti ko bago ako kumaway sakanya at naglakad na paalis.
βBumalik muna tayo sa kwarto, Wanya. Para mapag-usapan natin ng maayos yung gagawin natin.β
MABILIS kong pinaliwanag lahat kay Shuli nang mga balak kong lutuin. Ang sabi niya, bago lahat daw sakanya yon. Lalong lalo na yung adobo. Hindi daw niya alam kung ano yon pati yung turon. Maayos kong ipinaliwanag sakanya.
βAng galing naman Wanya! Ngayon ko lang makikita at matitikman yang sinasabi mo pero parang masarap na!β Agad niyang turan saakin na kinatawa ko.
βIkaw, ano ba ang balak mong lutuin?β Agad kong tanong sakanya. Nakita ko nalang siyang napakamot ng batok sabay ngiti ng alanganin.
βWala pa talaga Wanya. Pero kung ako ang tatanungin, yung iluluto mo nalang ang lutuin natin. Bago at sa tingin ko ay masarap naman.β Nakangiting turan ni Shuli. Napangiti nalang ako at tumango. Mabilis kong dinampot yung hoodie ko na bigay ng Emperador at mabilis na isuot bago tumingin kay Shuli.
βMay malapit bang bundok dito, Shuli?β
NAGLALAKAD kami ni Shuli ngayon sa may kakahuyan. Sinusubukan kong maghanap ng puno ng saging o taniman ng mais. Para makatipid-tipid kami. Yelo at gatas nalang yung bibibilhin namin at yung iba pang mga sangkap tulad ng manok, toyo, suka at iba pa.
βSaan ba talaga tayo pupunta Wanya?β Tanong saakin ni Shuli. Suot ko yung hoodie dahil medyo mataas na yung sikat ng araw pero hindi naman gaanong mahapdi sa balat.
βSinusubukan kong maghanap ng puno ng saging na saba.β Bulong ko sakanya. Puro lang naman kahoy yung gubat. Gusto ko makakita ng bundok na maraming bungang kahoy.
βSige, sige. Tara! Maglakad pa tayo!β Turan naman ni Shuli bago ako hawakan sa kamay at magsimula kaming maglakad muli.
SA ILANG minuto naming paglalakad, naka-abot kami sa dulo ng gubat at ang sakit na ng mga paa ko. Hindi naman gaanong kalayuan yung gubat sa palasyo pero hindi ko inaakalang mahaba ito. Nasa gilid lang ito ng main na gate. Sinundan ko lang talaga yung paa ko kung saan pupunta. At dito sa dulo, isang hindi na puro puno na pare-pareho. Meron din maliit na gate.
βAno Wanya? Uuwi na ba tayo. Bili nalang kaya tayo ng saging?β Bulong naman ni Shuli habang ako naman ay tinatanaw itong loob ng naka-bakod. Nanlaki yung mata ko nang makakita ako ng isang kambing na tumatakbo sa loob.
βHala! May kambing, Shuli!β Tuwang-tuwa kong bulong. Hindi ko na napigilan at mabilis na binuksan yung gate at pumasok. Agad akong naglakad ng mabilis para habulin yung kambing pero lalo lang siyang lumalayo.
βWanya! Sandali! Hintay!β Rinig kong sigaw ni Shuli. Napahinto ako sa pagtakbo nang makakita ako ng maliit na bahay kubo na nagkukubli sa matataas na puno kanina. Ang daming halaman na namumulaklak at makukulay.
Napaiktad nalang ako nang makarinig ng tahol nang aso mula sa likod ng bahay. Maya-maya lang ay may asong mabilis na tumatakbo papunta saakin. Halos manginig ako sa takot. Takot na takot pa naman ako sa aso. Gustong-gusto ko tumakbo papunta kay Shuli pero nanigas ako sa kinatatayuan ko. Halos huminto yung tibok ng puso ko nang nasa harap ko na siya.
βT-teka lang Brownie!β Kulay brown kasi siya! Sinubukan ko siyang amuhin. Nanginginig akong lumuhod at sinubukan siyang hawakan. Nakalabas yung pangil niya!
βO-okay lang yan! H-hindi kita sasasaktan. O-okay?β Bulong ko pa bago dahan-dahan hawakan yung ulo niya at haplusin. Maya-maya lang, tinago niya na yung pangil niya at ibinaba yung tenga niya kasabay ng pagwagayway ng buntot niya na ikinatuwa ko.
βWaaaa! Brownie!β Hindi ko mapigilang bulong habang hinahaplos-haplos ko yung tyan niya. Ang sabi kasi saakin ni lola noon, hindi ka naman kakagatin hanggaβt hindi nila nararamdaman na sasaktan mo sila. More on, tatakutin ka lang. Tuwang-tuwa ako habang hinahaplos siya. Ang cute-cute niya! Ang taba-taba niya! Busog na busog!
βSino ka?!β Rinig kong sigaw mula sa tapat ng bahay kaya mabilis akong napatayo at napatingin doon. Nakita ko yung isang may katandaang lalaki na may hawak na karit. Napangiwi naman ako dahil nakakatakot yung tingin niya at parang papatayin ako.
βA-ako po si Wanya, mula sa palasyo.β Nauutal kong bulong. βNaghahanap lang po kami ng puno ng saging para sa aming gagawing pagsusulit bukas. Tila naaliw po ako sa kambing niyo at nakarating dito. Naghihingi po ako ng paumanhin.β Mahaba kong paliwanag sakanya. Napatingin naman siya kay Brownie na nasa paanan ko. Sinitsitan niya lang si Brownie at mabilis na pumunta sakanya. Tumingin naman siya kay Shuli na nasa likod ko. Napangiwi lang si Shuli at lalong nagtago sa likod ko.
βAnong klase ba ng saging ang kailangan niyo?β
HINDI namin mapigilang mapanganga ni Shuli habang nakatitig sa malawag na taniman ni lolo. Ang daming saging, mais at kung ano-ano pa.
βHala! Sainyo po ito lolo?β Hindi ko mapigilang turan ko sakanya. Tumango naman siya habang karga-karga si Brownie.
βOo. Buong buhay ko, inilaan ko sa taniman na ito. Dito ako nabubuhay araw-araw.β Mahina niyang turan. Lalo pang nanlaki yung mata ko habang nakatingin sa mga ibaβt-ibang klase ng saging. May hinog na at karamihan ay hindi pa.
βAnong saging ba ang kailangan niyo, mga apo?β Nakangiti niyang tanong saakin na agad kong ikinangiti. Grabe, ang sarap sa pakiramdam na matawag na apo.
βKailangan po namin ng saging na saba, lolo.β Sagot ko naman at tumango-tango lang siya.
βPakihawak muna ang aso ko.β Mahinang bulong niya habang tumatawa. Agad ko naman kinarga si Brownie. Hindi niya talaga ako kinakagat. Sumunod lang kami kay lolo. Naghahanap siya ng saging na hinog ang bunga.
βPara po sa pagsusulit.β Sagot ni Shuli na agad kong sinang-ayunan.
βOh ito!β Turan ni lolo sabay tapat sa isang puno ng saging at agad tinaga yung katawan ng puno na agad kong kinagulat. Bakit pinutol? Hinayaan niya lang bumagsak.
βPagsusulit? Anong pagsusulit?β Tanong niya pagkatapos tagain yung tangkang buong saging.
βBakit niyo pinatay yung puno, lo? Sayang naman.β Imbis na sagutin ko yung tanong niya, nag-alala ako sa puno. Patay na siya. Narinig ko naman yung tawa ni Shuli at ni lolo.
βTutubo at tutubo ang saging basta may ugat.β Paliwanag saakin ni lolo na kinatango ko. Ganon pala yon.
βAnong pagsusulit pala ang sasalihan niyo?β Tanong ni lolo.
βPagsusulit po sa pagluluto. Kasama po sa pagsasanay para sa magiging Emperatris ng bayang ito.β Paliwanag ni Shuli na sinang-ayunan ko. Napangiti naman ako nang mapanganga si lolo sa sinabi ni Shuli.
βIbig sabihin, isa sa inyo ang may pagkakataon na maging Emperatris?β Sabay kaming tumango ni Shuli at ngumiti.
βHuwag niyo akong kakalimutan kapag isa na sainyo ang Emperatris ha.β Natatawang bulong ni lolo na kinatawa naming dalawa ni Shuli.
βWala po akong pag-asa, lo. Baka itong si Wanya.β Turan pa ni Shuli. Tinignan naman ako ni lolo habang nakangiti.
βKay ganda ngang bata, ramdam ko din na may mabuting puso kaya agad niyang nakuha ang loob ko.β Bulong ni lolo na kinangiti ko ng sobra. Ang sarap sa feeling.
βSapat na ba itong saging?β Tanong niya pa sabay turo sa buong saging na kinuha niya sa puno. Agad naman akong umiling.
βIsang piling lang ho ang kailangan ko, lo! Napakarami po nyan!β Agad kong tanggi kay lolo. Grabe nakakahiya! Tumango naman siya at kumuha ng dalawang piling at inabot kay Shuli.
βI-dalawa niyo na. Kung kakailanganin.β Tumatawang bulong niya. Agad akong yumuko bilang pasasalamat sakanya.
βHuwag mo akong yukuan. Hindi ako maharlika. Ikaw talaga!β Natatawang bulong niya bago ako hawakan sa ulo.
βAno pa bang kailangan niyo? Kung ano ang kaya kong ibigay, ibibigay ko.β
MABILIS kong niyakap si lolo nang matapos kaming kumuha ng kung anong kailangan namin.
βMaraming salamat, lo.β Agad kong turan habang nakayakap sakanya bago siya pakawalan. Nginitian niya lang ako at hinawakan yung ulo ko.
βHuwag mo akong kakalimutan.β Bulong niya pero agad akong umiling.
βHinding-hindi ko kayo malilimutan.β Bulong ko. Hinaplos niya pa yung buhok ko bago siya muling ngumiti.
βSige na. Humayo na kayo at baka gabihin kayo.β Mabilis naman akong tumango at yumuko ulit at nagpasalamat bago tumalikod. Medyo natawa naman ako nang makita si Shuti habang hawak ang isang saka na may lamang, manok, mais at saging. Ang hawak ko namang tela ay may laman ng gatas ng baka. Lahat galing kay lolo. Grabe! Ang laki ng farm niya! Ang daming hayop! Ipapasyal niya pa daw ako basta dalawin ko siya. Nang makalabas kami sa gate, lumingon ako kay lolo at muling kumaway.
βMagkikita tayong muli, lo!β
Katapusan ng Kabanata Labintatlo
Kabanata 14
Simula ng Kabanata Labing-apat
Ryke Jie Solidad
Wari koβy tanghali na. Dumaan na agad kami ni Shuli sa pamilihan. Agad kong binili yung mga kailangan ko. Tulad ng toyo, suka, paminta, dahon ng laurel, bawang, sibuyas, asukal, harina. Ang dami pero ang lahat lang ng nabili ko ay nagkakahalaga ng tatlong pilak. May natira pang apat na ginto at pitong pilak.
βGrabe Wanya, nakatipid tayo!β Turan ni Shuli habang naglalakad kami pabalik. Napangiti nalang ako at lalong hinigpitan yung hawak sa mga pera. Natatawa pa din ako sa itsura ni Shuli. Tinali niya yung tuka ng manok. Buhay kasi yung binigay na manok ni lolo at ang taba. Medyo maingay lang.
βAng bait ni lolo βdi ba?β Turan ni Shuli. Tumango naman ako pagkatapos kong ilagay sa loob ng bulsa ng hoodie ko yung mga pera.
βOo sobra. Balikan natin siya sa susunod.β Nakangiti ko pang turan kay Shuli na tinanguan niya lang.
βHalika ka na. Bilisan na natin. Kailangan pa nating maghiram ng gamit sa pangtinapay kay Lady Fe.β Turan ko.
Tumingin naman si Shuli saakin. βAnong gamit ba Shuli?β Tanong niya naman. Tekaββ ano bang tagalog ng rolling pin? Hindi ko alam.
βYung anoβ¦ gumugulong tapos pinapatag yung tinapay.β Paliwanag ko habang natatawa. Tinawanan naman ako ni Shuli.
βRodilyo! Rodilyo ang tawag don.β Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi ko alam yon ha.
Pananaw ng Ikatlong Tao
Araw ng pagsusulit, maagang nagising sila Wanjie at Shuli para maghanda. Agad nilang inayos ang kanilang mga gagamitin. Ang palasyo na daw ang magbibigay ng gagamitin ng bawat grupo. Kasama na doon ang kalan, kaldero, kawali, sandok at kung ano-ano pa. Si Shuli na din ang nagkatay ng manok dahil walang alam si Wanjie sa pagkatay ng kahit ano. Takot siya sa dugo.
βShuli, may nakalimutan pa ba tayo?β Tanong ni Wanjie kay Shuli. Agad naman tinignan ni Shuli ang mga dala nila. May dala silang isang lalagyan na may laman ng manok. Pinili lang nila yung parte ng hita at hiniwa pa ng ilang beses. Tinuruan siya si Wanjie kung paano hihiwain. May dala din sila ng mais na may sabaw. Pinakulo na nila yung mais dahil matagal itong palambutin. Dali din nila yung mga pinamili nila kahapon sa pamihilihan at yung iba pa.
βSa tingin ko, wala na.β Nakangiti niyang sagot kay Wanjie at nag-thumbs up.
Kailangan pasado alas-dyis ng umaga ay nasa gitna na sila ng gubat kung saan idadaos ang pagsusulit.
βTeka Shuli, kailangan pala ng yelo.β Agad na bulong ni Shuli nang makalabas sila sa kwarto.
Ngumiti lang sakanya si Shuli at tinapik ang batok niya. βMeron sa pamilihan nyan.β
HALOS lahat ay naka-pwesto na. Nasa ikaapat na linya at ikalimang mesa sila Wanjie. May maliit na entablado sa harap kung saan nakasilong ang mga tagahusga at ang pinaka-importante sa lahat, ang Emperador. Malayo man si Wanjie, hindi naman nakaligtas si Wanjie sa mga titig nito. Napapalibutan din ng mga kawal ang buong lugar at may ibang tao galing sa pamilihan at ibaβt-ibang lugar ang dumayo para manood. Lingid sa kaalaman ni Wanjie na pumunta ang dalawang taong pinakamahalaga sakanya. Si Wanya at Jinji. Nakatanaw sila sa malayo katulad ng Emperador at pinagmamasdan lang si Wanjie.
Maya-maya lang ay may mga kawal na sumampa sa entablado na kinagulat ng lahat. βMay nagnakaw sa pamilihan!β Sigaw ng kawal. βIsang dalaga na may palamuting la presa sa pangpusod.β Turan pa ng kawal. Agad naman tinignan ng mga kawal ang bawat pangpusod ng mga dalaga kasama na si Wanjie doon pero wala silang nakitang palamuting la presa.
βHuhulihin ba nila kapag nakita nila?β Bulong ni Wanjie kay Shuli. Tumango naman si Shuli sakanya.
βIkukulong.β Bulong niya na kinangiwi ni Wanjie. Ilang minuto lang ay umalis ng walang bitbit ang mga kawal at bumalik sa normal ang lahat.
βMay isang oras kayo para magluto. Simulan niyo na!β Sigaw ng isa sa mga tagapagsaad na naging hudyat na magsimula na ang lahat.
Lahat ay may dalawang kalan, dalawang kaldero, isang kawali, dalawang sandok, kutsara, plato at iba. Kumpleto ang gagamitin ng lahat.
βShuli, pwede bang pakilinis mo muna itong mga manok tapos maghiwa ka ng sibuyas at bawang. Magsasaing ako.β Turan ni Wanjie na nginitian ni Shuli. Agad kinuha ni Wanjie ang hoodie niya at isinuot bago mabilis na kumuha ng bigas at magsimulang magsaing. Hinugasan niya na din ang ilang itlog na ilalagay sa adobo.
Pagkatapos magsaing, isinalang na ni Wanjie ang kaldero at nagsimulang maglagay ng mga sangkap. Isa-isa niyang inilagay ang sangkap. Wala siyang ginagamit na pantantsa. Tanging kutob lang talaga.
βGanito yung napanood ko sa YouTube.β Bulong pa ni Wanjie at seryosong-seryoso.
Halos lahat ng kasabayan nila, kung hindi nilaga, lugaw. Umiikot lang sa dalawang putaheng iyon ang iniluluto nila.
βIto na ang manok, Wanya. Anong susunod na gagawin?β Tanong agad ni Shuli. Sinabihan naman siya si Wanjie na maghiwa ng sibuyas. Si Shuli din ang nagpapanatili sa apoy.
Agad inilagay ni Wanjie ang mga manok sa pinaghalong suka, toyo, paminta at laurel.
βPakilakasan ang apoy sa manok, Shuli.β Utos ni Wanjie na agad sinunod ni Shuli.
Matyagang tinitikman ni Wanjie ang adobo at sinisiguradong tama ang timpla nito. Agad inilagay ni Wanjie ang itlog sa taas ng kumulong kanin. Nagkwekwentuhan silang dalawa habang naghihintay. Pinalambot talaga ni Wanjie ang manok para mas masarap.
βPakitanggal ang itlog sa kanin at pakibalatan, Shuli.β Turan ni Wanjie habang hinihiwalay ang manok sa sabaw ng pinagkuluan. Agad naman sinunod yon ni Shuli ng walang alilangan.
Agad iginisa ni Wanjie ang bawang at sibuyas bago ilagay ang manok at ilang minutong pinirito. Ang kaninang mga tao na nakapalibot sa buong lugar ay halos tumapat lahat kila Wanjie. Pati ang Emperador ay nakatitig lang sakanya.
Ibinuhos na ni Wanjie ang sabaw ng pinagkuluan sa ginigisa niya. βAyos na ba ang itlog, Shuli?β Tanong niya. Agad naman ngumiti si Shuli sakanya at inabot ang anim na pirasong itlog na galing sa kusina ng palasyo. Itinakas ito ni Shuli. Inilagay ni Wanjie ang itlog sa ginigisa niya bago ihalo at takpan.
Nakangiti siyang tumingin kay Shuli. βMaghihintay nalang tayo. Maghanda na tayo ng kanin.β Nakangiti niya pang turan.
Hinanda nila ang limang plato at inayos ang pagkakalagay ng kanin sa bawat plato. Sinigurado nilang malinis at walang kahit anong dumapo. Nang matapos sila, agad nilapitan ni Wanjie ang pinapakulo niya at tinikman. Nilagyan niya ng kaunting tubig at sinasakto niya sa panlasa niya bago niya alisin sa apoy. Kumuha siya ng isang hiwa ng manok at sabaw bago kumuha ng tinidor. Mabilis siyang kumurot sa manok at hinipan ng unti bago itapat sa bibig ni Shuli. Hindi naman nagdalawang isip si Shuli na isubo ang pinapakain ni Wanjie. Nang malasahan agad ito ni Shuli, agad nanlaki ang mata niya at napasigaw.
βAng sarap! Ano ito?! Bakit ngayon ko lang natikan βto Wanya? Pahingi!β Sunod-sunod niyang sigaw dahilan para makuha ang atensyon ng lahat sakanila.
Mabilis naman niyang kinurot si Shuli. βAng ingay mo!β Natatawang bulong ni Wanjie.
Ang ending, umupo at kumain si Shuli habang si Wanjie naman ay hinahanda ang pagkain. Isa-isa niyang nilagyan ng bawat hiwa ng manok ang bawat plato at itlog. Hiniwa niya ito sa gitna. Pinanatili niyang maayos ang pagkakalagay ng mga pagkain at nakakatakam sa mata.
βGrabe Wanya! Ang sarap! Ipagluto mo pa ako sa susunod!β
KABADO silang pareho habang pinapanood kung paano tikman ng mga tagahusga ang mga pagkain. Halata mo sa mga tagahusga na wala silang nagugustuhan. Lalo na ang Emperador. Isa din si Lady Fe sa humuhusga. Tig-isang kutsara ng kundi lugar ay nilaga ang tinitikman nila. Nakatitig lang si Wanjie sa Emperador at tinitignan ang reaksyon nito.
βHala! Yung saatin na!β Turan pa ni Shuli at lalong napahigpit ang hawak kay Wanjie.
Hindi isa o dalawang subo ang nagawa ng mga tagahusga kundi tatlo bago magbulungan at tumango-tango. Hindi naman sila pansin ni Wanjie kundi ang tingin niya ay nasa Emperador lang na kasalukuyang ngumunguya at bahagyang ngumisi.
Parehas silang nakahinga ng maluwag nang matapos sila.
βSana makapasa tayo.β
NAKAPWESTO na ang lahat para sa susunod na iluluto. Agad inihanda nila Wanjie at Shuli lahat ng gagamitin nila sa mesa.
βIkaw ang gumawa sa panulak, Shuli. Sasabihin ko lang ang gagawin mo.β Turan ni Wanjie at agad tumango si Shuli.
βMasusunod.β Bulong niya pa.
βMagsimula na kayo!β Malakas na sigaw ng tagapagsaad na hudyat para magsimula sila.
βBibili na ako ng yelo.β Agad na turan ni Shuli at mabilis na umalis. Tinanguan lang siya ni Wanjie at mabilis na kinuha ang harina at hinaluan ng kaunting asin at nilagyan ng tubig. Paulit-ulit niyang minasa ang harina bago ito ilagay sa lalagyan at takpan. Hahayaan lang ito sa loob ng labin-limang minuto.
Agad kinuha ni Wanjie ang gatas ng baka at inilagay sa kaldero. Hinalo-halo niya ito. Agad din dumating si Shuli dala ang tipak ng yelo.
βAnong gagawin ko dito, Wanya?β Tanong niya kay Wanjie.
βKaya mo bang wasakin sa maliliit na parte at kung pwede ay malapit ng mapino?β Tanong ni Wanjie habang hinahalo-halo ang gatas.
Pabiro namang tumawa si Shuli bago niya ipakita ang muscle niya sa braso kay Wanjie. βMaliit na bagay!β May kayabangang bulong ni Shuli na kinatawa nalang ni Wanjie.
Nagpatuloy lang sa pagluluto ng gatas si Wanjie. Nilagyan niya ito ng kaunting asukal at nang kumulo na ay inalis niya na ito sa apoy. Pangpa-alis lang ng kahit anong bacteria ang pagpapakulo. Patuloy naman sa pagdurog ng yelo si Shuli gamit ang tela at batong malinis.
Iniwan na muna si Wanjie ang ginagawa niya at mabilis na binalatan at hiniwa ang bawat saging sa dalawa. Kinuha niya na din yung harina na sinet aside niya kanina at muling minasa bago pahabain at putulin sa maliliit at patagin gamit ang palad niya. Pinagpatong-patong niya ito pagkatapos pero may budbod ng harina bawat patong para hindi magdikit-dikit bago ito padaanan sa rolling pin o rodilyo ng paulit-ulit hanggang maging manipis at malapad bago niya ulit ito paghiwa-hiwalayin.
Matapos mahiwalay, kumuha siya ng tubig sa baso at isa-isa nang inerolyo ang ginawa niyang wrapper o pambalot sa turon. Dalawa ang hiwa ng bawat saging. Ang isang wrapper ay naglalaman ng isang buong hiniwang saging. Nagpainit na din siya ng mantika habang ginagawa yon.
Sabay-sabay niyang ipinirito dahil na din malaki naman ang kawali. Lima ang nasa kawali.
βTapos na, Wanjie. Anong gagawin kong susunod?β Agad na tanong ni Shuli.
βMaglagay ka ng yelo sa bawat baso, ilagay mo yung matamis na sabaw ng mais at maglagay ka ng gatas. Lagyan mo din ng kaunting butil ng mais. Yung gatas yung magpapatamis at magbabalanse ng lasa.β Agad niyang paliwanag. Tumango naman agad si Shuli at ginawa ang sinabi ni Wanjie. Nagpatuloy naman sa pagpipirito si Wanjie at ipinatong sa papel ang napirito niya nang iahon niya ito sa mantika.
Enjoy na enjoy naman si Shuli sa paggawa ng panulak at may pakanta-kanta pa.
βAng lamig!β Bulong niya pa sabay tawa.
Isa-isa naman hiniwa ni Wanjie sa dalawa ang turon at maayos na inilagay sa maliit na plato.
βTapos na ba, Shuli?β Tanong ni Wanjie pagkatapos niya. Tumango naman si Shuli sakanya ay ngumiti bago dahan-dahan ilabas yung nasa likod niya na baso kung saan gumawa din siya ng sakanya.
βMasarap pala talaga yung mga sinasabi mo!β Napailing nalang si Wanjie sabay tawa.
βKung nagtitinda man tayo, malamang lugi na tayo.β Natatawang bulong niya.
βAyos lang. Busog naman ako.β
NATIKMAN na ng mga husgado ang bawat panulak at panghuling pagkain pero iba talaga ang dating ng mga pagkain nila Wanjie at Shuli. Pati ang Emperador ay hindi makapaniwala pero hindi lang halata dahil sa mukha nitong parang ekspresyon.
βWanya, ikaw ang sasabak sa tanungan ha?β Turan ni Shuli kay Wanjie habang nagpapahinga sila sa mesa nila na kinagulat ni Wanjie.
βH-ha? Anong sagutan?β Nagtatakang bulong ni Wanjie.
βLee Wanya, maaari ka bang pumunta dito?β Nanlaki nalang ang mata niya nang tawagin na ang pangalan niya. Mabilis siyang humarap kay Shuli habang nanlalaki ang mata.
Hindi niya inaakalang may tanungan pala. Akala niya ay isa-isang pumupunta doon para tanungin ang pangalan ng putahe pero mali siya. Kanina pa naman siya nag-iisip ng pangalan sa mga niluto niya.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa entablado. Nasa ibabang bahagi ang apat na tagahusga at nag-iisa sa taas ang Emperador na nakatitig lang kay Wanjie ng taimtim. Dahil na din bukas ang lugar, malayang pumapasok ang hangin sa lugar.
Agad siyang ngumiti kay Lady Fe at yumuko sa lahat.
βHanda ka na ba sa katanungan?β
Ryke Jie Solidad
βAno ang kahulugan ng pagluluto sayo?β Isang tanong ni Lady Fe na nagpakaba saakin. Hindi ba dapat itatanong kung anong pangalan ng putahe ko? Yung adobo with itlog ng Emperador, Ang matigas at mahabang turon ng Emperador at Mais con yelo? Hindi ba yon?
Napatingin naman ako sa itaas kung saan ang Emperador at nakita ko ding nakatingin siya saakin. Ano? Ano ang kahulugan ng pagluluto? Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya kaya mabilis akong pumikit. Bumalik sa utak ko lahat ng sinabi ng Emperador noong una kaming gabi na magkasama sa pagsasanay.
Huminga ako ng malalim bago ko ibuka ang mga mata ko at tumingin sa mahal na Emperador. βAng pagluluto ay parang pagmamahal. Kung magmamahal ka ng isang tao, hindi ka maghihintay ng kapalit na mahalin ka din niya. Dahil ikaw ang nagmahal. Hindi niya obligasyon na suklian yon. Ganito lang yan kasimple, pag nagluto ka, itatak mo sa isip mo na magluluto ka para hindi manalo sa kompetisyong ito. Magluluto ka para mapasaya sila at mabusog ang mga tyan nila sa sarap ng niluto mo. Dahil ang pagluluto at pagmamahal ay magkasing kahulugan lang.β Malumanay kong turan habang nakangiti sa mga tagahusga.
Nakita ko naman yung matamis na ngiti ni Lady Fe sabay ng mahinang pagpalakpak. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko yung Emperador na nakatingin lang saakin habang naka-awang ang bibig niya.
Ngingiti na sana ako pero biglang nabalot ang paligid sa gulo kasabay ng paglabo ng paningin ko at isang masakit na nakabaon sa dibdib ko. Pinilit kong tignan ng deretso ang Emperador pero kahit nanlalabo ang paningin ko, nakita ko siya kung paano tumalikod kasabay ng isa pang matalim na bagay na dumaan sa mukha ko. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagtigil ng sigawan at pagdilim ng paligid.
Katapusan ng Kabanata Labing-apat
Kabanata 15
Simula ng Kabanata Labing-lima
Pananaw ng Pangatlong Tao
Kasabay pagngisi ng Emperador ay ang pagbaon ng isang matulis na pana sa dibdib ni Wanjie. Ang ngiting matamis na ipinapakita ni Wanjie habang sumasagot sa punong tagapagluto ay mabilis na naglaho at napalitan ng sakit sa kanyang magandang mukha.
Kaliwaβt kanan ang sigawan. Kitang-kita sa mga manonood ang gulat at takot sa nasaksihan. Hindi naman magkandamayaw si Shuli sa kakasigaw ng pangalang βWanyaβ at pilit umaalis sa hawak ng mga kawal. Nais niyang puntahan si Wanjie pero mabilis siyang pinigilan ng mga ito.
Mabilis na tumayo ang Emperador at mabilis na tumalikod kay Wanjie. Naihakbang nalang ni Wanjie ang paa niya patalikod at napaluhod dahil sa sakit. Kasabay ng hakbang ni Wanjie at ang unang hakbang ng Emperador paalis ay ang muling pagdaan ng isang matulis na pana. Ang tumatakbong Lady Fe papunta kay Wanjie ay napatigil at napatakip nalang ng bibig. Kitang-kita niya kung paano dumaan sa mukha ni Wanjie ang pana. Nadaplisan nito ang pisngi ni Wanjie na malapit sa mata.
βWanya!β Sigaw pa ni Lady Fe pero agad siyang inilayo ng mga kawal mula kay Wanjie.
Ang unang hakbang paalis ng Emperador ay hindi na nadagdagan pa. Parang may kung anong nag-udyok sakanya upang humarap muli bago pa man dumaan ang ikalawang pana kay Wanjie. Ang kaninang nakangising mukha niya ay napalitan ng pagsalubong ng kilay niya lalo na nang makita ang dulo ng pana na nakabaon kay Wanjie. Isang kulay pulang pana ang nakabaon sa dibdib nito. Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung paano dumaan kay Wanjie ang isa pang pana na kulay lila na may halong puting balahibo ng ibon ang dulo.
Ilang segundo lang ay dahan-dahang sumara ang mga mata ni Wanjie at bumagsak sa mismong kinakatayuan niya. Wala naman mabasang ekspresyon mula sa Emperador at walang pang ilang segundo ay mabilis itong tumalon sa mataas na kinalalagyan niya at mabilis na tumakbo papunta kay Wanya. Agad naman siyang hinarangan ng mga kawal pero isang matalim na tingin lang ang binigay niya sa mga ito at agad din itong umalis sa dadaanan niya.
Agad siyang lumuhod sa tabi ni Wanjie at walang alinlangang hinawakan ang kamay nito habang nakatitig sa pulang panang nakabaon sa dibdib niya. Agad tinignan ng Emperador ang dereksyon ng panang kulay pula mula sa mataas na bundok na hindi naman kalayuan pero wala siyang nakita doon.
βLee!β Pasigaw niyang turan pero medyo kay kahinaan habang tinatapik-tapik ang pisngi ni Wanjie.
βLee!β Sunod na turan bago maingat na hawakan ang katawan ng pana sa dibdib ni Wanjie. Halos lahat ay naestatwa sa kanilang kinatatayuanΒ habang nanunuod sa ginagawa ng hari.
Walang pang dalawang segundo na hawak ng Emperador ang pana ay mabilis niya itong hinatak na kinagulat ng lahat.Β Walang pakialam ang Emperador kahit mamantsahan ng dugo ang suot niyang roba sa dugo ni Wanjie.
Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa gulat nang makita ang talim ng pana na may itim na kulay. Agad niyang pinunasan ito at mabilis itong mabura.
βLason.β Mahinang bulong niya bago mabilis na tumingin sa punong tagapaglingkod niya. Mabilis na kumilos ang tagapaglingkod at mabilis lumapit sakanilang dalawa. Agad naman silang pinalibutan ng mga kawal. Sa dami ng kawal na nakapalibot sakanila, walang makakakkita kung ano man ang gagawin ng Emperador.
βAnong pong balak niyo, mahal na Emperador?β Hindi na nagsalita ang Emperador at mabilis na ginirat ang suot ni Wanjie. Mabilis naman na nilagyan ng tagapaglingkod ang ulo ni Wanjie ng takip mula sa sinag ng araw. Mabilis din kinapa ng tagapaglingkod ang puso ni Wanjie sa leeg.
βMay pulso pa po siya!β Agad na turan ng tagapalingkod na tinanguan ng Emperador.
Hindi na sila nagulat dalawa nang makita ang hubad na dibdib ni Wanjie. Mabilis na kinapa ng Emperador ang tama ni Wanjie at mabilis niya itong diniinan para lumabas ang mga dugo dito. Patuloy lang siya sa ginagawa niya at mukhang hindi pa rin sapat ang nilabas na dugo ni Wanjie dahil hindi pa nito inilalabas ang mga itim na pulbo na nakalagay sa dulo ng pana.Β
βM-mahal na Emperador!β Sigaw ng tagapalingkod nang mabilis na ilapat ng Emperador ang labi niya sa tama ni Wanjie at siya na mismo ang sumipsip ng dugo ni Wanjie mula sa sugat. Mabilis na inalis ng hari ang bibig niya sa sugat at mabilis din nitong idinura ang dugo na nagmula sa sugat ni Wanjie. Nang makita niya ang dinura niyang dugo ni Wanjie, muli niyang inilapat ang labi niya sa tama ni Wanjie at muling sumipsip ng dugo at ulitin kung anong ginawa niya kanina. Sa ikatlong pagkuha niya ng dugo kay Wanjie, naidura niya ang itim na dugo kaya huminto na siya at mabilis na gumirat ng piraso ng tela sa takip sa ulo ni Wanjie at takpan ang sugat ni Wanjie bago nito hubarin ang itim nitong roba at ipasuot kay Wanjie sa tulong na din ng tagapaglingkod.
Walang kahirap-hirap niyang binuhat si Wanjie habang nakadiin ang isang kamay nito sa tama ni Wanjie upang mapigilan ang pagdurugo.
βKailangan niyang masalinan ng dugo.β Bulong pa niya sa tagapaglingkod.
Mabilis naman na umalis ang mga kawal na nakapalibot sakanila at ganon nalang ang gulat ng lahat nang makita ang Emperador na buhat-buhat si Wanjie at suot mismo ang itim nitong roba. Nagpagulat pa sakanila ang dugong nagkalat sa sahig ng entablado at ang bahid ng dugo sa labi ng Emperador. Napatakip nalang ng bibig si Shuli at ang halos karamihan sakanila habang nakatitig sa dalawa.
Wala naman pakialam sakanila ang Emperador at maayos na tinakpan ang mukha ni Wanjie bago magsimulang maglakad ng mabilis paalis sa lugar at mabilis na sumakay sa kalesa niya habang karga si Wanjie.
Nakatitig lang ang mga tao sakanila hanggang makaalis ang kalesa ng Emperador. Mabilis naman tumakbo si Shuli papunta sa entablado at tinignan ang dugo na nasa sahig nito.
βW-wanya.β Naiiyak na bulong ni Shuli nang makita ang itim na dugo na nakahalo sa mapulang dugo ni Wanya.
βSino ang g-gagawa sayo nito?β
ILANG minuto lang ay mabilis din na nakarating ang Emperador sa palasyo. Pero imbis na sa palasyo ng nga pangkaraniwan niya dalhin si Wanjie, pumasok ang kalesa niya sa tarangkahan papasok sa palasyo niya.
Nang mahinto na ang kalesa sa loob ng palasyo niya, agad siyang bumaba karga-karga si Wanjie. Nilagpasan niya ang ilang maliliit na bahay at mabilis na dumiretso sa loob ng pinakamalaking bahay doon kung saan nag-aabang ang mga nakahanay na tagapanglingkod.
βIpatawag ang personal kong manggagamot. Ngayon din.β Turan niya pa sa isang tagapaglingkod bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Tanging isang malaking sala lang o mas kilala bilang kwartong tanggapan at ang pinakatulugan, nahahati ang malaking tuluyan ng hari. Mabilis ang lakad niya papasok sa kanyang tulugan. Binuksan niya gamit ang isang kamay ang dalawang pintuan ng kanyang tulugan at agad sasalubong ang laki ng kwarto at ang tulugang nakatapat mismo sa pintuan.
Agad siyang pumasok karga si Wanjie at naglakad papunta sa sarili niyang tulugan at walang alinlangang inihiga ng dahan-dahan si Wanya sa higaan nito. Maingat niyang inalis ang takip nito sa uluhan at inayos ang pwesto nito sa pagkakahiga. Siya na din ang nag-alis ng sapatos ni Wanjie at iniligay niya ito sa tabi ng kanyang tulugan bago maayos na tumayo at pagmasdan si Wanjie. Matiim lang siyang nakatitig ng ilang segundo bago ang pagpasok ng manggagamot.
βMahal na Emperador!β Agad na bati ng manggagamot nang makita ang Emperador.
βHindi gaanong malalim ang kanyang sugat. Pinana siya ng isang panang may lason ng isang ahas. Karamihan sa lason ay naialis ko na. Nais kong makasiguro na walang matitirang lason sakanya.β Turan ng Emperador nang hindi tinitignan ang manggagamot.
βMasusunod po!β Sagot naman ng manggagamot at mabilis na pinuntahan si Wanjie. Akmang aalisin na nito ang itim na robang pagma-may ari ng Emperador pero agad siyang pinigilan nito.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Wanjie at maingat na inalis ang tali ng roba kay Wanjie. Ganon na lamang ang gulat ng manggagamot nang makitang walang umbok sa dibdib si Wanjie.
βM-mahal na Emperador!β Bulong nalang ng manggagamot habang nakatitig kay Wanjie.
βTatanga ka na lamang ba? Hβwag mong titigan! Ang pinapagawa ko ang gawin mo!β Inis na bulyaw sakanya ng Emperador. Sa gulat ng manggagamot, muntik na itong mataranta.
Nakatitig lang ang Emperador habang ginagamot si Wanjie. Nakatayo lang siya sa tabi nito at hindi inaalis ang titig niya dito. Matapos ang ilang minuto, nagamot na din si Wanjie. Tinapalan siya ng kung ano-ano ng manggagamot.
βM-mahal na Emperadorβ¦β Nanginginig na bulong ng manggagamot.
βMaayos na k-kanyang lagay ngunit maaaring matapos pa ng dalawang araw siya magising. Mabuti nalang at naialis agad ang lason at hindi bumaon ng sobra ang pana. Maaari siyang hindi na makaligtas kung nangyari yon.β Mahaba at kinakabahang paliwanag ng manggagamot.
βNais kong walang makaalam ng kung anong nakita mo sakanya. Mananatili kang tahimik hanggang sa kamatayan mo. Kung hindi ka mananatiling tahimik, ikaw ang tatahimik habangbuhay.β Banta ng Emperador sa manggamot pero hindi pa din niya ito tinatapunan ng tingin.
Halos manginig naman sa takot ang manggagamot at paulit-ulit na yumuko.
βM-masusunod po! H-hindi po ako magsasalita!β Turan agad ng manggagamot.
βMaaari ka nang lumabas.β Huling turan ng Emperador na naging hudyat para mabilis na lumabas sa kwarto ang manggagamot.
Ilang minuto pang tumitig ang Emperador kay Wanjie bago niya ito lapitan. Dahan-dahan niyang ipinatong ang kumot sa katawan ni Wanjie bago nito maingat na hugutin ang pangpusod ni Wanjie at ilagay sa mesa katabi ng kama. Maingat niya din inayos ang buhok ni Wanjie bago tuluyang tumayo at tumalikod bago tuluyang lumabas.
Nang makalabas ang Emperador, agad sumalubong sakanya ang punong tagapaglingkod niya na inabutan siya ng panibagong robang kulay itim at ang sombrero niya.
βLinisan mo siya. Nais kong makitang malinis siya pagbalik ko.β
ISANG lalaki ang nagmamadaling pumasok sa isang tuluyan sa loob ng palasyo. Agad sumalubong sakanya ang isang matandang nakaupo at umiinom ng alak.
βMinistro Hin.β Turan ng lalaki at yumuko bilang paggalang sa naturang ministro.
βHeneral.β Bulong lang ng ministro.
Agad naman umupo ang Heneral sa tapat niya at mabilis nitong sinalinan ng alak ang baso nitong gawa sa marmol.
βPaano nangyari βyon, heneral Suk? Paanong dalawa ang panang papatay sakanya?β Mahinang bulong ng ministro habang nakatingin sa heneral.
βAlam naman natin na hindi pangkaraniwan ang pamangkin mo, ministro. Hindi din na malabo na ikaw lamang ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Tila nais na nilang wakasan ang buhay nito habang mas maaga pa.β Mahabang turan ng heneral bago inumin ang alak nito sa baso.
Napahinga naman ng malalim ang ministro. βNais kong makita ang aking pamangkin sa gamutan ng palasyo.β Turan nito at mabilis na tumayo mula sa pagkaka-upo pero mabilis lang siyang napigilan ng heneral.
βWala doon ang iyong pamangkin, ministro.β Turan ng heneral na kinagulat ng ministro.
βNasaan ang aking pamangkin?β Agad na tanong nito sa heneral.
βNasa loob siya ng palasyo ng Emperador. Hindi dumaan ang Emperador sa timog na tarangkahan sapagkat dumaan ito at dinala niya si Wanya sa kanyang palasyo.β Paliwanag ng heneral. Napaupo nalang ang ministro dahil sa gulat.
βAnong balak niya?! Hindi niya pwedeng tapusin ang buhay ng pamangkin ko.β
LAHAT ng mga dalaga ay nakauwing ligtas sa palasyo at walang sugat pwera nalang kay Wanjie. Lahat sila ay nagkukumpulan sa harap ng kanilang tuluyan at pilit sinasariwa ang nangyaring masama may Wanjie.
Pati na din si Shuli ay hindi mapakali lalo naβt hindi niya pa nasisilayan si Wanjie.
Sunod-sunod naman ang pasok ng mga punong tagapagluto at mga tagapaglingkod papunta sa mga tuluyan ng mga dalaga. Halos hawiin na ni Shuli ang lahat ng dalaga upang mauna lang sa pila at balita.
βL-lady Fe, kamusta po si Wanya?β Agad at walang alinlangan niyang tanong sa punong tagapagluto.
Tinignan naman siya ni Lady Fe ng may bahid ng awa sa mata.
βLady Fe! Ayos lang si Wanya, hindi ba?β Ulit pa ni Shuli pero lahat sila ay napatingin sa maliit na tarangkahan na nagkokonekta sa palasyo ng Emperador nang bumukas ito.
Halos mataranta sila nang makita ang pababang Emperador mula sa loob. Mabilis silang humanay at yumuko bilang pagbibigay ng galang.
βAlam ko na ang lahat ay tila gulat pa din sa pangyayari.β Bungad ng Emperador. βHindi ko ninais na ganoon ang mangyari para sa isang masayang pagsusulit. Humihingi ako ng paumanhin.β Dugtong pa niya.
βBatid ko din na nais niyong malaman ang kalagayan ng inyong kaibigan na si Lee Wanya.β Sunod pa nito. βNasa maayos na siyang lahay sa ngayon. Isang may lasong pana ang bumaon sa dibdib na na nagsanhi para matulog siya sa loob ng pitong araw.β Turan pa niya na kinagulat ng lahat. Napahagulgol nalang si Shuli dahil sa narinig.
βTuloy pa din ang pagsusulit at hahabol nalang ang inyong kaibigan sa araw na magising siya.β Paliwanag pa nito.
βMarahil ay nagtataka kayo dahil wala dito sa bahay gamutan si Lee. Minabuti kong dalhin siya sa aking bahay pagamutan sa loob ng aking palasyo upang masubaybayang mabuti. Hindi pangkaraniwan ang ganitong pangyayari kaya kailangan namin itong pakatutukan.β
βDahil na din na-udyok ang pagsagot ng iilan, maaari itong ipagpatuloy bukas para na rin matapos na ang padedesisyon kung sino ang papasa at sino ang uuwi pabalik sa bayan niyo.β
ββYon lamang. Maaari na kayong magpahinga.β Huling turan ng Emperador bago ito mabilis na tumalikod at mabilis na naglakad papasok sa tarangkahan. Nang makapasok siya ay agad din itong isinara ng mga kawal at ikinandado.
βSiguraduhin niyong walang makakapasok mula sa labas.β
SA silid-tulugan ng Emperador kung saan nakahiga ang walang malay na Wanjie. Malinis na din siya katulad ng inutos ng Emperador. Maayos ang pagkakahiga, tanging pulang roba ang suot niya at nakakumot ng puti.
Ilang minuto lang ay mabilis na bumukas ang pintuan ng silid kasabay ng pagpasok ng Emperador. Unang dumapo ang kanyang tingin kay Wanjie bago nito dahan-dahan isinara ang pintuan at naglakad papunta sa tabi nito.
Nakatayo lang ang Emperador habang nakatitig sa payapang mukha ni Wanjie. Matiim niya itong tinititigan habang nag-iisip ng malalim.
Dahan-dahan itong umupo sa higaan at maingat na inilapat ang kanyang palad sa pisngi ni Wanjie kung saan bakas pa din ang sugat na gawa ng ikalawang pana dumaan sakanya.
Dahan-dahan hinaplos ng Emperador ang pisngi ni Wanjie habang nakatitig dito. Unti-unting bumaba ang palad at haplos ng Emperadir hanggang sa leeg ni Wanjie.
βTunay ngang napakaganda mo para maging isang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala ang aking mga mata sa aking nasisilayan.β Bulong nito habang hinahaplos-haplos ang leeg ni Wanjie.
βHindi ko mawari. Ikaw lang ang nakapagpabago ng aking isip at desisyon. Ikaw lamang ang natatanging tao na nagdulot saakin ng pagdadalawang isip.β
βAnong meron sayo, Lee Wanjie? Nais kong malaman.β
Katapusan ng Kabanata Labing-lima
A/N
;
Isang maligayang pagbati at magandang gabi sainyo aking mga mambabasa! Ito ang inyong manunulat, Andrey.
Nais kong malaman ang inyong iniisip. Kung papipiliin kayo mula sa isa (1) hanggang sampu (10) upang bigyan ng halaga ang aking nobelang β
Wanjie
β, anong numero ang nais mong ibigay at bakit?
Nais kong mabasa ang inyong sagot! Maraming salamat sa pagbasa! Hanggang sa muli! <3
Kabanata 16
Simula ng Kabanata Labing-anim
Pananaw ng Pangatlong Tao
Nakalipas na ang tatlong araw ngunit mahimbing pa din ang tulog ni Wanjie at hindi siya magising-gising.
Kaharap ang isang lalaki na prenteng nakaupo sa harap ng Emperador. Tahimik lang ito at tila ba nalunok nito ang sarili nitong dila.
βMaaari mo bang ipaliwanag kung saan nanggaling ang pulang palaso?β Tanong ng Emperador sa lalaking kaharap niya.
Nakalapag din sa mesa sa gitna nila ang pulang palaso na bumaon sa dibdib ni Wanjie.
Kinakabahan naman siyang tinignan ng lalaki at halos hindi nito maibuka ang kanyang bibig.
βH-hindi ko po alam, mahal na Emperador! Wala na pong bakas nang puntahan namin ang lugar! Wala na din po kaming makitang kahit anong kahina-hinala.β Agad na paliwanag niya sa Emperador.
Huminga naman ng malalim ang Emperador bago hawakan ang palaso at muling titigan habang hinahaplos ang mga parte nito. Simula sa talim hanggang sa balahibo.
βIkaw ang puno ng aking mga kawal dito sa sarili kong palasyo. Paanong nangyari na hindi mo alam?β Pangengestyon pa ng Emperador habang nakatalikod sa punong kawal ng palasyo niya.
Agad naman lumuhod ang punong kawal sa harap ng Emperador at nanginginig sa takot.
βH-hindi ko po talaga alam, mahal na Emperador! Humihingi po ako ng tawad! M-maawa po kayo! Hβwag niyo pong wasakan ang aking buhay!β Umiiyak na sigaw ng punong kawal habang nakaluhod sa harap ng Emperador.
Muling humarap sakanya ang Emperador at binitawan ang palaso sa mesa.
βNais kong maglungsad ng isang paligsahan sa paggamit ng palaso. Lahat ng may katungkulan ay dadalo.β Agad na turan nito na agad sinang-ayunan ng punong kawal.
βO-opo! Opo! Masusunod po, mahal na Emperador!β Agad na turan ng kawal at muling nagbigay galang sa Emperador.
βMagaganap ito pagkatapos ng limang araw. Sa mismong kaarawan ko.β Huling turan pa ng Emperador bago nito paalisin ang punong kawal.
Muli siyang bumalik sa pagkaka-upo at muling hinawakan ang pulang palaso.
βSino ka? Sinisigurado kong makikilala kita. At wari koβy kilala nga kita.β Mahinang bulong nito habang nakatingin sa palaso.
βAnong pakay mo sa binatang Lee? Nais kong malaman.β
NAGLALAKAD ang Emperador pabalik sa bahay panuluyan niya. Kagaya ng dati, nakasunod sakanya ang dalawang pila ng mga tagapaglingkod ngunit ang kaibahan nga lang, wala sa linya ang punong tagapaglingkod niya. Naiwan ito sa bahay panuluyan at siya mismo ang nag-aalaga kay Wanjie.
Ilang minuto lang din ang lumipas, nakarating din siya sa kanyang bahay panuluyan. Agad siyang pinagbuksan ng pintuan at agad naman siyang pumasok. Wala nang nangahas na sumunod pa sakanya sa loob dahil mahigpit niyang ipinagbawal ang pagpasok sa panuluyan niya simula nang dalhin niya dito si Wanjie.
Hanggang sa labas lamang ng kanyang panuluyan ang mga tagapaglingkod at tanging siya lamang at si Maria, ang kanyang punong tagapaglingkod ang nakakapasok sa loob.
Agad sumalubong sakanya ang tahimik na silid tanggapan kung saan siya madalas namamalagi sa loob ng tatlong araw na natutulog si Wanjie. Sa upuan nitong malambot at isang mesa na may kaliitan at ilang lalagyan ng libro na punong-puno din ng libro, umiikot ang buhay niya.
Sinulyapan niya lang ang pintuan ng kanyang silid tulugan bago humakbang papunta sakanyang upuan pero bago pa lamang siya tuluyang makaupo, napatingin siya sa pintuan ng kanyang silid tulugan ng maharas itong bumukas kasabay ng paglabas ni Maria habang humahangos.
βG-gising na siya, mahal na Emperador! Ngunit mukhang mayroon masakit sakanya! H-hindi ko mawari ang gagawin!β Agad na paliwanag ni Maria sa Emperador.
βIpatawag ang kanyang manggagamot!β Agad na utos nito kay Maria bago mabilis na pumasok sa loob ng silid-tulugan.
Nadatnan niya si Wanjie na hinihingal at nanginginig. Wala siyang pagdadalawang isip na lumapit dito at mabilis at marahan na hinawakan ang leeg nito. Doon niya lamang napagtanto na sobrang taas ng lagnat ni Wanjie.
βMaria?!β Agad na sigaw nito habang nakahawak pa din kay Wanjie.
βMahal na Emperador!β Agad naman turan ni Maria nang makapasok siay sa loob.
βIkuha mo ako ng malamig na tubig at isang telang malinis! Magmadali ka!β Mabilis niyang utos kay Maria bago niya alisin ang makapal na kumot na nakatakip kay Wanjie at simulang alisin lahat ng tali ng roba nito at iwanang hubad ang kalahating katawan ni Wanjie.
Hindi rin nagtagal ay mabilis na nakarating si Maria dala nga ang pinapakuha ng Emperador. Agad naman itinaas ng Emperador ang manggas ng kanyang suot na robang itim at mabilis na inilubog ang kamay sa tubig at mabilis na pigain ang tela bago dahan-dahan ipunas kay Wanjie.
Sinimulan niyang punasan ang noo ni Wanjie at mukha, pababa ng leeg hanggang sa dibdib nito. Minabuti niyang iwasan ang sugat nito at mas pinaingat niya ang bawat galaw niya. Pinunasan din niya ang mga kamay ni Wanjie. Paulit-ulit ang ginawa niyang proseso hanggaβt hindi tumitigil si Wanjie sa panginginig at bumalik sa pagtulog.
Sa kahuli-hulihang pagpiga ng Emperador sa malinis na tela, itinupi niya ito ng ilang beses bago ilagay sa noo ni Wanjie. Tatayo na sana siya nang napahinto ito sa paggalaw nang mahigpit na hawakan ng walang malay na Wanjie ang kanyang pulsuhan.
βI-inaβ¦β Rinig niya pang bulong ni Wanjie kasabay ng pagtulo ng mga luha nito sa nakasara niyang mga mata.
Napatitig ng ilang segundo ang Emperador kay Wanjie bago nito dahan-dahan punasan ang luhang dumaan sa pisngi ni Wanjie ng marahan.
βMahal na Emperador!β Naalis nalang ang tingin ng Emperador kay Wanjie nang tawagin siya ng mangagamot.
βSuriin mo na siya.β Utos lang at hindi na umalis sa tabi ni Wanjie dahil na din sa higpit ng hawak ni Wanjie sa pulsuhan niya.
Nananonood lang ang Emperador habang sinusuri si Wanjie. Hindi na din nito pinilit na alisin ang hawak ni Wanjie at hinayaan niya na lamang ito.
Natapos din ang pagsusuri ng ilang minuto. Muling isinuot ng Emperador kay Wanjie ang kanyang pulang roba gamit ang isang kamayΒ Β nito at kumutan ang kalahating katawan nito.
βGising na nga siya, mahal na Emperador. Isang magandang balita! Nakaranas lamang siya ng pagtaas ng lagnat dala ng sugat niya. Pero maayos naman po ang lahat.β Tumango lang ang Emperador bilang pagsang-ayon.
Mabilis nang pinalabas ni Maria ang manggagamot at lumapit agad sa Emperador.
βAko na po ang magbabantay.β Agad na turan niya habang nakayuko. Tinignan lang siya ng Emperador at sinabing.
βHindi na. Ako na ang magbabantay sakanya. Magpahinga ka.β
Ryke Jie Solidad
Ako ay nagising na lamang sa sobrang hapdi ng dibdib ko. Dahil sa sobrang sakit, hindi ko na kayang igalaw ang buong katawan ko ni maski imulat ang aking mga mata.
Hindi ko na kinaya ang sakit at kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagsigaw ko ng malakas at paghagulgol habang nakakapit sa telang nahahawakan ko ngayon.
Ang sakit! Hindi ko kinakaya yung sakit! Sobrang sakit at hapdi!
βLee?!β Rinig kong tawag saakin pero wala akong lakas para magmulat ng mata ko magsalita.
βAng manggagamot!β Rinig ko pang sigaw. Hindi ko na din marinig ng maayos dahil nabibingi na ako sa sobrang sakit.
Napakapit nalang ako sa palad na humawak sa pisgi ko dahil sa sobrang sakit. Parang binubutas yung dibdib ko.
βA-ang sakit!β Tanging bulong na nagawa ko sa gitna ng aking mga pag-iyak.
Nagawa kong maimulat ang mga mata ko at sumalubong saakin ang mukha ng Emperador habang nakaupo sa tabi ko at pilit hinahaplos ang ulo ko. Pero hindi ko siya kayang yukuan ngayon. Tanging magagawa ko lang ay umiyak dahil sa sakit.
Napapikit nalang ako kasabay ng paglapit ng mukha niya saakin at mabilisang paglapat ng mga labi niya sa noo ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Pananalaw ng Pangatlong Tao
Hindi umalis ang Emperador sa tabi ni Wanjie hanggang matapos ulit itong gamutin ng manggagamot. Nang matapos ito, agad niyang inayos ang higa nito at kinumutan bago mabilis na sumunod palabas.
βIpaliwanag mo kung bakit nakaramdam siya ng ganoong sakit!β Agad na sigaw niya sa manggagamot na kinanginig ng manggagamot dahil sa takot. βHindi ba ay isa kang manggagamot? Tila hindi siya nagagamot.β Dugtong pa nito.
Nauutal naman sumagot ang manggagamot. βI-isa lang po iyong normal na p-pangyayari, mahal na Emperador. Dahil k-kanyang sugat na hindi k-kalaliman pero malalim pa din.β Mahabang paliwanag ng manggagamot habang nakayuko.
βHanggang kailan siya makakaramdam ng malubhang sakit?β Sunod na pagtatanong nito sa manggagamot.
βH-hindi ko po alam.β Sagot ng manggagamot na kinainit ng ulo niya.
βMabuti pa ay lumabas ka na! Walang kwenta!β Walang pagdadalawang isip na sigaw ng Emperador.
Napaupo na lamang siya sa kanyang upuan bago mapahilamos gamit ang kanyang palad.
βH-hindi ko maintindihan. Bakit ako nasusuklam? B-bakit ako nag-aalala? Bakit, Wanjie?β
SA isang maliit na silid kung saan umiinom ng alak ang isang lalaki habang nag-iisip ito ng malalim.
βHindi pa kita papatayin sa ngayon, Lee Wanjie.β Nakangising bulong nito.
βBatid kong nais ka din niyang patayin dahil sagabal ka sa trono niya. Pero nais ko pa din makita kung ano ang kanyang gagawin kapag nahulog na siya sayo.β
Katapusan ng Kabanata Labing-anim
Kabanata 17
Simula ng Kabanata Labing-pito
Ryke Jie Solidad
Β Β Muli akong nagising dahil sa hindi maipaliwanag na sakit pero ngayon, kaya ko naman tiisin kesa sa kanina. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong agad saakin ang puti at manipis na tela. Dahan-dahan akong umupo at napapangiwi nalang ako sa sakit na dulot ng sugat ko sa dibdib. Gustong-gusto ko uminom ng tubig dahil tuyot na tuyot ang lalamunan ko.
Napagtanto ko na nakahiga ako sa isang kama at ang kama ay napaaplibutan ng puti at manipis na tela. Parang kulambo. Maliwanag din sa paligid dahil sa mga gaserang nakasindi sa bawat sulok ng kwarto. Tanging suot ko nalang ay pulang roba at may kung ano-ano pang nakatapal sa sugat ko at wala akong kahit anong pangloob.
Maingat kong itinapak sa sahig ang aking mga paa at dahan-dahan tumayo. Minabuti ko na ding humawak sa haligi nitong kama para hindi ako matumba dahil bawat galaw ko ay kirot ang dala saakin. Mabilis kong hinawi ang puting tela at nakita ko na nang mas maayos ang buong kwarto.
Ang kamang hinigaan ko na nakasentro at may katapat itong upuang pangsahig na may maliit na mesa at may nakapatong na mga libro, papel at kung ano-ano pa. Mayroon ding mga kahoy na estante na pinagsasabitan ng mga itim at lilang mga roba. Ito yung mga ginagamit ng Emperador. Madami din na gintong pangpusod na nakalagay sa malimaw na kahon na nakapatong sa estante. Parang naka-display. May dalawang bakanteng malinaw na lalagyan. Inig sabihin, suot ng Emperador yung isa at yung isaββ bakit ko ba prinoproblema yan? Pinana na nga ako.
Napatingin naman ako sa may pintuan dito sa gilid ng kwarto. Lumilipad yung mga kurtina kasabay ng pagpasok ng mga hangin. Parang may veranda pa. Naglakad agad ako papunta doon ng dahan-dahan at pasimpleng hinawi yung kurtina. Hindi nga ako nagkakamali. May terrace siya. Nakita ko nalang siyang nakatayo sa tapat ng parang swimming pool na ewan na ilang hakbang ang layo dito sa bahay. Hawak-hawak niya yung isang gintong pangpusod at nakatitig lang talaga siya sa tubig. Nakapusod pa din naman yung buhok niya gamit din ay gintong pangpusod. Tanging pangbaba lang ang meron siya at kitang-kita ko yung hubad niyang likod.
Muntik naman akong matumba nang makita ko siyang tumungin dito habang nakangisi. Paano niya nalamang nandito ako? Halos hindi ako makatingin sakanya habang naglalakad papunta saakin dahil nadidistract ako sa abs niya. Agad niya at mabilis na hinawi yung kurtina.
βNasiyahan ka siguro sa natanawan mo.β Nakangisi at mayabang niyang bulong.Β
Hindi ko naman maiwasang mamula dahil sa hiya. Inaakala niya bang naninilip ako? Siraulo. Mabilis na akong tumalikod pero mabilis niyang nahawakan yung balikat ko at muling iharap sakanya. Iginaya niya ako palabas sa terrace at nagulat nalang ako nang alisin niya yung buhol ng roba dahilan para mahulog ito. Mabilis ko naman nahawakan nang nasa kalahati na ng katawan ko para hindi tuluyang mahulog. Dahil kung hindi ay lalantad akong huboβt hubad sa harap niya.
βM-mahal na Emperadorβ¦β Mahinang bulong ko sakanya pero mabilis lang siyang umupo sa isang upuan dito at agad akong hinatak sa pagitan at tapat niya.
Kinakabahan ako sa gagawin niya pero nakita ko kung paano niya alisin yung telang nagtatakip sa sugat ko na may mga kung ano-anong halaman at dahon. Maingat niyang inalis yung mga nakatakip doon at napangiwi pa ako sa sakit pero agad akong napamulat nang maramdaman ko yung paghipan niya sa sugat ko. Lalo pang nanlaki yung mata ko kung paano niya dampian ng halik yung ibabang parte ng sugat ko habang nakahawak siyang mahigpit sa bewang ko.
βM-mahal na Emperadorβ¦β Mahina kong bulong sakanya pero hindi siya nagpapapigil.
Nagulat nalang ako nang kuhanin niya yung kamay ko at dampian ng halik yung likod ng palad ko habang nakapikit siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero umaangat yung mga halik niya at banayad lang. Nanlalaki lang yung mata ko habang nakatingin sakanya at yung mga halik niya kanina ay nasa braso ko na at ngayoβy magkatapat na kami at nakatayo na siya. Umangat pa yung mga halik niya hanggang sa balikat ko at yung hawak niya sa bewang ko kanina, ngayon ay yakap na. Umabot na sa panga ko ang mga hawak niya pero naglakas loob akong iiwas ang aking mukha. Mabilis siyang nagmulat ng tingin saakin habang nakatitig ng matiim.
Muntik pa akong mapasigaw nang bigla niya akong hawakan sa panga ng mahigpit at magsimula muli siyang humalik. Sinisigurado niyang hindi ako makakagalaw. Napapikit nalang ako nang lumapat yung labi niya sa labi ko pero hindi pa din niya binibitawan yung panga ko. Hindi ko ninais na magbigay daan sa dila niya pero ginamit niya ang kamay niyang nasa panga ko para magbigay daan sa dila niyang pilit pumapasok sa loob ng bibig ko.
Ilang minuto niyang ginalugad ang bibig ko habang ako ay mahigpit lang na nakahawak sa braso niya bago niya pakawalan ang labi ko at mabilis na dampian ng halik ang noo ko. Hingal na hingal pa akong nakakapit sakanya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yon. Hindi ko mawari kung anong dahilan kung bakit niya ginawa yon.
βKay ganda mo, Jie-jie. Hindi ko napigilan ang aking sarili na tikman bawat hubad mong balat. Tila nang-aakit ka sa bawat galaw at salita. Ipagpaumanhin mo. Hindi ko lamang napigilan.β Rinig ko pang bulong niya habang nakayakap siya saakin at ramdam na ramdam na ko din yung paghalik niya sa noo ko habang nayakap ako sakanya.
Nahihiya nalang akong sumubsob sa dibdib niya at pumikit. Ano bang ginagawa niya? Ang straight forward niya naman! Tapos bakit niya akong tinawag na Jie-jie nang hindi man lang ako naiinis?! Anong nangyayari saakin?
Β Β BUMALIK kami sa loob ng bahay kahit gustong-gusto ko makita yung swimming pool. Parang ang ganda kasi.
βBatid kong nais mong masilayan ang munti kong pala-isdaan.β Turan ng Emperador habang tumatawa.
Ako naman ay nakaupo lang dito sa kama. Dito niya ako pinaupo eh! Alangan suwayin ko βdi ba? Atsaka, pala-isdaan pala yon? Fish pond?
βDadalhin kita doon mamaya.β Bulong niya pa na nginitian ko lang.
May kinuha siya sa damitan niyang isang puting roba at mabilis na lumapit saakin habang nakangiti. Nakasuot na din yung roba niya at hindi na siya nakahubad. Iginaya niya ako patayo at siya yung umupo sa kama. Ibinaba niya yung roba ko hanggang sa kalahati ng katawan ko bago niya hatakin yung lalagyan ng mga panglinis ng sugat. Napakapit naman ako sa roba ko pero agad niyang kinuha yung mga kamay ko at mabilis na dinampian ng halik bago niya ipatong sa balikat niya.
Nagsimula siyang linisin yung sugat ko at hindi ako nakakaramdam ng gaanong sakit dahil magaan yung kamay niya sa paglilinis. Natapos din siya ng ilang minuto at mabilis niyang tinapalan ng kung ano-ano yung sugat ko bago bendahan. At nagulat nalang ako nang halikan niya muli ang dibdib ko.
βSiguro ay ayos na ito.β Bulong niya pa pagkatapos habang nakangiti.
Hihiwalay na sana ako sakanya pero ganon nalang yung panglalaki ng mata ko nang tuluyan nang dumulas yung roba na nagsisilbing takip sa katawan ko. Parang hindi naman nagulat ang Emperador at alam na yung mangyayari. Titig na titig pa siya kaya agad akong tumalikod pero parang mali yata yung ginawa ko dahil narinig ko yung mahinang pagtawa niya.
βHumarap ka na. Susuotan na kita ng pangloob.β Turan niya pa saakin na lalong kinahiya ko.
βK-kaya ko na po, mahal na E-emperador.β Nauutal kong bulong pero nagulat nalang ako nang hawakan niya ako sa magkabilang bewang at mabilis na iharap sakanya.
Huboβt hubad ako! Titig na titig pa siya sa katawan ko na walang halong pandidiri. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin saakin habang nakangisi.
βWari koβy hindi mo pa kaya. Hindi ka pa nakakayuko at maaapektuhan ang sugat mo. Kaya kung iyong mamarapatin, aking kamahalan, payagan mo na akong gumawa sayo nito. Isang karangalan para saakin ang ganitong tagpo.β Bulong niya na kinanganga ko.
Hindi na ako tumutol at sinuot niya saakin yung pangloob pero agad kong inagaw para ako na mag-ayos. Baka ayusin niya pa eh! Tangina, nakakahiya. Tapos tinatawag niya pa akong kamahalan! Baliw na ba talaga siya?
Sunod niyang isinuot saakin yung roba na kulay puti. Hindi na pula. Siya mismo yung nagtali at nag-ayos. Akala ko ay tapos na pero may kinuha siya sa loob ng kanyang damitan na pulang panglabas na roba. Yung parang roba niya na kulay violet. Yung makapal. Agad niyang isinuot saakin at inayos. Iisa lang yung tali nito, sa bewang lang. Panglalaki βto. Yung pangbabae kasi, magkahiwalay. Yung vest at palda.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya saakin pero alam kong inaayusan niya ako. May hawak siyang suklay na gawa sa mamahaling bato at mabilis na sinuklay sa buhok ko. Ako naman ay nakatanga lang. Mapipigilan ko ba siya? Emperador siya. Nang masuklayan niya yung buhok ko, lumapit siya sa mga pangpusod na nakalagay sa malinaw na lalagyan. Ibig sabihinββ nanlaki yung mata ko nang kuhanin niya yung isa doon at bumalik sa harap ko. Agad niyang kinuha yung suklay at sinuklayan akong muli at pinupusudan ako. Hindi pambabae na pusod. Pusod na panlalaki. Yung katulad sakanya na nasa tuktok yung pusod. Hindi nga ako nagkamali. Yung gintong pangpusod yung pinangpusod niya saakin. Nang matapos siya, agad niya akong tinignan mula ulo hanggang paa at napatitig siya sa mga paa ko. Agad siyang naglakad papunta sa damitan niya at may kinuha sa ilalim. Isang itim na sapatos na pang maharlika. Yung katulad ng sinusuot niya. Nagulat ako nang lumuhod siya at siya mismo yung nagsuot saakin. Nang matapos siya, pinunasan niya pa yung kamay niya sa roba niya bago hawakan yung mga kamay ko at igaya patayo.
Nakangiti siya habang nakatitig saakin. Hinawi niya pa yung mga buhok ko na hindi nasama sa pagpusod dahil maikli pa at humaharang sa mukha ko. Hindi pa siya nakuntento talaga. Kinuha niya pa yung gintong sinturon na hindi ko alam kung saan niya kinuha pero ganyan din yung sinusuot niya.
βM-mahal na E-emperadorβ¦β Bulong ko pero tinignan niya lamang ako habang nakangiti at sinuot na saakin yung sinturon.
βAng ganda mong pagmasdan, aking kamahalan.β Nakangiti niyang bulong saakin na kinangiwi ko.
Hinawakan niya yung mga kamay ko bago kami naglakad palabas sa terrace at pupunta na nga kami sa fish pond niya daw.
βKagaya ng aking ipinangako.β Nakangiti niya pang bulong nang makarating na kami doon.
Agad kong pinagmasdan yung tubig. Ang linaw-linaw at madilim sa ilalim. Ibig sabihin, malalim siya. Hindi ko nakikita yung lupa sa ilalim.
βLimang katao ang lalim ng pala-isdaan ito. At ang nagbibigay ng tubig sakanya ay ang ilang sibol mula sa ilalim.β Paliwanag ng Emperador saakin na tinanguan ko.
βNasaan yung isda? Hindi ba pala-isdaan? Dapat may isda.β Bulong ko.
Napangiwi na ako bago ko marealize na Emperador pala yung kausap ko. Hindi sino lang. Pero napanatag ako dahil narinig ko naman yung tawa niya.
βWala akong isdang nilagay dyan. Dahil hindi ko alam kung anong isda ang aking ilalagay at aalagaan. Napakaganda lamang pagmasdan nitong pala-isdaan dahil nakakapanatag ang katahimikan ng kanyang tubig.β Turan niya.
Tama siya. Nakakapanatag talaga. Nakaka-relax.
βKung mag-alaga ka kaya ng buhaya?β Bulong ko nalang sabay tawa.
Narinig ko naman yung pagsabay niya sa tawa ko.
βKung iyong nais ay aking gagawin, aking Kamahalan.β Turan niya na kinangiwi ko.
Ano ba gustong patunayan nito?
βSandali lamang at akoβy papasok sa loob. Hintayin mo ako dito, aking Kamahalan.β Tumango nalang ako sakanya dahil kalaking tao ay ang kulit-kulit.
Nagulat pa ako nang kabigin niya ako palapit at mabilis na halikan sa noo bago ito magsimulang maglakad pabalik sa bahay. Napahinga nalang ako ng malalim bago mapatingin ulit sa tubig at nakikita mo sa tubig yung repleksyon ng langit na puno ng bituin. Alam ko na kung bakit siya nakatingin sa tubig. Nangangawit na siyang tumingala at sa tubig nalang siya tumitingin para hindi na siya mangawit.
Napatingin naman ako bigla sa bahay. Nakita kong may ikalawang palapag pa ito pero wala akong makitang hagdan paakyat sa loob. Hindi ko nalang pinansin at muling tumingin sa tubig pero makalipas ang ilang minuto ay may tumawag muli sa loob ng bahay. Si Lady Maria.
βMahal na Emperador.β Rinig kong turan niya kaya mabilis akong humarap sakanya.
Nakayuko pa siya at ganon nalang ang pagtataka ko nang umayos siya ng tayo at makita ako ay bigla siyang napanganga. Hindi din nakaligtas saakin ang pagtulo ng mga luha niya sabay ngiti. Inaasahan kong babanggitin niya ang pangalan ko pero nagkamali ako.
βI-itinakdang K-kamahalan.β Muling bulong niya at mabilis na yumuko.
Ako naman ay takang-taka na. Bakit tinatawag niya akong kamahalan? Bakit?
βHanda na ba ang lahat, Maria?β Rinig ko naman turan sa loob.
Nakita ko kung paano punasan ni Lady Maria yung luha niya at mabilis na humarap sa Emperador.
βO-opo, mahal na Emperador.β Turan niya sa Emperador.
Nakita ko naman ang Emperador sa lagi nitong suot. Isang lila na roba na may gintong sinturon at pangpusod, ang espadang nakasabit sa bewang niya. Napatingin ako sa kamay niyang may hawak na itim na maskara. Nagtataka ako bakit may hawak siyang maskara. Nawala nalang ako sa malalim kong pag-iisip nang tawagin niya ako.
βAking Kamahalan, halika na at tayoβy aalis na. Malayo pa ang ating lalakbayin.β
Katapusan ng Kabanata Labing-pito
Kabanata 18
Simula ng Kabanata Labing-walo
Ryke Jie Solidad
Β Β Nakahawak ang mahal na Emperador sa bewang ko habang naglalakad kami palabas ng tuluyan niya. Agad sumalubong saamin yung mga hindi mabilang na tagapaglingkod at talagang gulat na gulat nang makita ako. Napatingin naman agad ako sa Emperador nang mabilis niyang inalabas ang isang pamaypay na kahoy at mabilis na buksan bago iharang sa mukha ko na nakikita ng mga tagapaglingkod bago ako mas lalong hapitin at maglakad muli.
Hindi na din ako nagulat nang makita yung mga kawal na nakapila at tila nag-aabang saamin. Naglakad kami hanggang sa tarangkahan at mabilis yon binuksan ng mga kawal pero hindi niya pa din inaalis sa mukha ko yung takip ng pamaypay hanggang makalabas na kami ng tarangkahan. Agad nakahanda yung isang kalesa na may kabayong itim. May pintuan yung kalesa at may bintana. Agad niyang binuksan yung pintuan at hinawakan yung mga kamay ko at inalalayan paakyat. Mabilis naman akong umupo sa upuan nitong maluwag na espasyo nitong kalesa.
Agad naman akong napatingin sa Emperador nang hindi siya umaakyat. Tinitigan ko siya na para bang nagtatanong pero nakangiti at nakatitig lang siya saakin bago ipatong yung pamaypay sa tabi ko at isara yung pintuan na pinagtaka ko. Agad akong umusog ng bahagya at mabilis na tinaas yung kurtina para sumilip. Nakita kong nakikipag-usap siya sa mga kawal at tagapaglingkod at ilang minuto lang ay sinuot niya na yung itim niyang maskara. Simpleng itim na maskara na matatakpan yung buong mukha niya na may isang itim na nakaukit na ahas sa pisngi ng maskara. Mabilis siyang lumapit sa kalesa at dalawang beses na kinatok bago mabilis na sumakay sa isa pang kabayo at naramdaman ko na yung pag-andar ng kalesa. Napahinga naman akong malalim bago sumandal sa upuan pero napangiwi ako sa sakit. Nakalimutan ko yatang may sugat ako. Bwiset!
Β Β HINDI ko na alam kung ilang oras akong nakasakay dito sa kalesa. Pero isa lang ang alam ko. Inip na inip na ako at gutom na gutom! Gustong-gusto ko na tumalon dito. Hindi ko alam kung anong oras kami nagsimulang maglakbay pero pasikat palang ang araw.
Kanina ko pa nilalaro βtong pamaypay na pula na may bulaklak na mga design. Bukas-sara bukas-sara. Napapagod na din yung pamaypay saakin. Narinig ko pang kumalam yung sikmura ko. Napamura nalang ako sa inis. Agad naman akong napahinto sa pagmamaktol nang huminto yung kalesa at mabilis na pagbukas ng pintuan nito. Agad bumungad saakin ang mahal na Emperador habang nakamaskara. Medyo nakakatakot yung maskara niya.
βKamahalan?β Bulong niya dahilan para mawala ako sa malalim na pag-iisip.
Inaalok niya yung niya saakin. Hindi ako nagdalawang isip na hawakan yung kamay niya. Agad niya akong inalalayan pababa. Agad ko naman inayos yung suot ko nang makababa na ako ng tuluyan.
βNandito na tayo?β Bulong ko sakanya bago tignan yung buong lugar pero parang nasa palengke lang kami.
Pero hindi kagaya sa pelengke namin sa pamayanan ko. Para siyang mall na hindi ko maintindihan. Madaming tindahan at gawa sa bato at maganda yung istraktura bawat tindahan. Wala din nagkukumpulan na tao. Para talaga siyang mall at madami yung tindahan.
βWari koβy nagugutom ka na, aking Kamahalan.β Bulong niya pa na kinapula ng mukha ko. Bakit kapag binabanggit niya yon, nahihiya ako?
βKaya mo bang maglakad?β Tanong niya pa na tinanguan ko lang.
Inangat niyang konti yung mga kamay niya at tinignan ko naman siya nang may buong pagtataka sa mukha. Hindi ko naman makita kung anong ginagawa niyang ekspresyon dahil sa masakara pero ramdam ko yung inis niya at hinawakan nang maingat yung kamay ko bago isukbit sa kamay niya. Yun lang pala yung gusto. Pinahirapan pa ako.
Naglalakad lang kami at ako naman ay tumitingin lang sa mga nadadaanan naming tindahan. May pamilihan ng tinapay at hindi lang basta tinapay. Parang Red Ribbon o Goldilocks yung datingan. Sa pamilihan namin sa pamayanan, wala naman ganito. Bakit dito meron? Napaisip naman ako habang nakatitig sa mga pangpusod ng mga taong nakikita ko. Puro itim at asul lang ang mga pangpusod nila. Sila yung mga pangalawa sa pinakamataas. Naalala ko, kaya wala kaming ganito dahil mababang uri lang kami.
Agad naman akong napatigil sa pag-iisip nang hawakan ng Emperador ang pisngi ko at iharap sakanya.
βNapakalalim ng iyong iniisip aking kamahalan. Nais ko itong malaman, maaari ba?β Bulong niya pero agad lang akong ngumiti.
βWala po, mahal na Emperador.β Bulong ko lang. Tinignan niya pa ako ng ilang segundo bago siya tumango at muling isakbit yung kamay ko sakanya.
Nagulat ako nang pumasok kami sa loob ng tindahan ng mga tinapay na kanina ko pa tinitignan. Pagpasok mo palang sa loob, amoy mo na yung mabangong tinapay. Napako yung tingin ko sa estant ng ibaβt-ibang klase ng tinapay. May chocolate cake! Yun agad ang nakakuha ng atensyon ko. Simple lang naman. Sa isang kahoy na lalagyan, puno siya ng chocolate tapos may strawberry sa taas. Kasing laki lang siya ng mangkok na standard size. Parang pang one person lang talaga. Nakita ko pa yung lalaking tindero ng tinapay at may asul siyang pangpusod na sinalubong kami. Agad dumapo yung tingin niya saakin at nakita ko yung gulat niya sa mata pero mabilis din siyang yumuko agad na kinagulat ko.
βMga kamahalan.β Bulong niya agad na pinagtaka ko.Β Β βAno po ang inyong nais? Karangalan kong pagsilbihan ang mga Kamahalan na katulad niyo.β Nakangiti niyang turan.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Ang gwapo niya. Bagay na bagay sakanya yung suot niyang asul na kasuotan na may itim na tali.
βNais ko nitong tsokolateng tinapay, isang mainit na gatas at kapeng barako.β Rinig ko namang turan nang Emperador bago ko maramdaman yung higpit nang hawak niya pero hindi naman ako nasasaktan.
βTila napahanga ka niya sakanyang gandang lalaki.β Bulong niya sa tenga ko na kinagulat ko at mabilis na napatingin sakanya.
βH-hindi po, mahal na Emperador.β Agad kong bulong.
Nakatitig lang din siya saakin pero nakita ko kung paano gumalaw yung mga mata niya patitig sa nagtitinda. Agad niyang itinaas yung kamay niya at yung mahabang manggas ng roba niya ay itinakip niya saakin bago ako hawakan sa bewang at hatakin kung saan. Hinatak niya ako sa isang mesa at mabilis na pinaupo. Siya naman ay umupo sa harap ko. Kahit nakamaskara siya, ramdam na ramdam ko yung matiim na titig niya saakin. Ayoko naman ay nakayuko lang. Hindi ko pa maiwasang mapatingin sa mga kasabayan namin dito.
Nakatitig din sila saakin. Ngumiti naman yung isang babae na sinuklian ko naman ng isang ngiti pero agad akong napatingin sa Emperador nang ibagsak niya yung kamay niya sa mesa para maglikha ng ingay. Napangiwi nalang ako dahil doon. Mabilis kong binuksan yung pamaypay at tinakip sa mukha ko. Galit na siya sa hindi ko malamang dahilan. Hanggang kalahati lang ng mukha ko yung pamaypay at hindi talaga ako tumitingin sakanya. Nakakatakot siya kapag nagagalit.
βItaas mo.β Pabulong na utos niya.
Alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin. Itinaas ko yung pamaypay at ngayon ay natatakpan na yung buong mukha ko. Narinig ko nalang yung pagpatong ng kung ano sa mesa at yabag ng kung sino. Ilang segundo pa at hindi ko binaba yung pamaypay. Naisipan kong sumilip at nakita ko yung lalaking tindero na hinatid yung binili namin. Nakatitig din ang Emperador sakanya. Nakita kong napabaling yung tingin ng Emperador saakin kaya mabilis akong bumalik sa dati kong ayos.
βMaaari ka nang umalis. Hindi ka na namin kailangan.β Rinig ko pang turan niya.
βM-masusunod po.β Turan naman nung waiter na nagpahinga saakin ng maluwag.
Pinakiramdam ko yung lalaki kung umalis na ba bago ko ibaba yung kamay ko at itupi yung pamaypay sabay hinga nang malalim. Medyo nagulat naman ako nang makitang nakahubad na yung maskara ng Emperador at magkadikit yung kilay niyang nakatitig saakin. Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis na tumingin sa chocolate cake na nasa harap ko. May kutsara din na gawa sa parang kahoy din tapos mahaba yung hawakan. Agad ko naman kinuha yung kutsara at mabilis na sinalok yung cake sa may lalagyan. Nagningning naman yung mga mata ko nang makita yung chocolate filling! Ang sarap! Para siyang ice cream pero tinapay talaga siya. Ang dami ng chocolate kaya lalong masarap.
Napapikit nalang ako sa sarap. Ang tagal kong hindi nakakain ng ganito. Meron pala sa panahon na βto. Ang galing-galing. Patuloy lang ako sa pagkain at hinayaan ko yung Emperador na mag-inarte dyan. Aba, ginutom niya ako. Kakain ako. Bahala siya dyan. Nagulat naman ako nang lumapit siya sa tapat ko. Dahil sa gulat, napatitig ako sakanya. Naramdaman kong pinunasan niya yung gilid ng labi ko at hindi ko inasahan na isusubo niya yung daliri niya na pinapunas niya doon habang nakatitig sa mga mata ko.
βMagandang umaga!β Rinig namin turan kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sakanya at napatingin sa isang matanda na may hawak na siyang baso ng gatas at yung kape.
Nagtataka naman ako kasi paulit-ulit at papalit-palit siyang tumitingin saamin.
βHuhulaan koβ¦β Nakangiti niyang turan sabay turo saakin. βIkaw ang dumedepensa.β Bulong niya sabay turo sa Emperador. βIkaw ang umaatake.β Bulong niya sabay tili na kinagulat ko. Baliw ba siya? Anong sinasabi nito?
βMagkapilas kayo. Nais kong alagaan niyo ang isaβt-isa.β Turan niya pa sabay tapik sa balikat ng Emperador.
Ako naman ay hindi maiwasang matawa sa itsura niya. Litong-lito siyang nakatitig sa babaeng umaalis. Umiling nalang ako at mabilis na inubos yung kinakain ko.
Β Β TAPOS na akong kumain at walang ginawa yung Emperador kundi inumin yung kape niya habang pinapanood akong kumain. Nauna na akong lumabas kasi ayaw niya din akong palapitin doon sa counter. Parang tanga lang.
Napatingin nalang ako sakanya nang lumabas siya suot na yung maskara at may hawak na isang supot na tela. Hindi ko alam kung ano yan pero nagulat ako nang i-abot niya saakin. Napahikab nalang ako dahil sa antok bago abutin. Baka pinapahawak niya. Hindi pala ako yung Emperador dito. Haha.
Ginawa ko na kung anong gusto niya. Sinakbit ko yung kamay ko sa kamay niya at sabay kaming naglakad pabalik sa kalesa. May tatlo pa pala kaming kasama. Nakakabayo sila at nakasunod lang sa likod namin. Mga kawal. Agad niyang binuksan yung pintuan ng kalesa at inalalayan ako paakyat. Umupo naman agad ako at hindi ko mapigilang maghikab na naman dahil sa antok.
Agad naman akong napatingin sakanya nang pumasok siya at alisin yung maskara niya bago umupo sa tabi ko. Syempre umusog akong kaunti. Sinandal ko yung ulo ko sa dingding ng kalesa at pumikit pero napamulat ako nang ang palad ng Emperado ay marahang dumapo sa batok ko at maingat na hatakin pahiga sa mga hita niya. Kinuha niya pa yung pamaypay at mabilis na paypayan ako kaya hindi ko maiwasang mapapikit. Tuluyan na akong hinahatak ng dilim pero naramdaman ko pa yung labi ng Emperador na dumampi sa noo ko bago tuluyang matulog.
Β Β NAGISING nalang ako nang naramdaman kong naka-angat na ako sa ere. Mabilis akong nagmulat ng mga mata at tanging kalangitan lang at mga bituin ang aking nasisilayan. Hindi ako nagkakamali, nasa bisig ako ng mahal na Emperador at tinatahak ang daan na napapalibutan ng mga puno. Sa tingin ko ay isa itong kakahuyan.
βMaaari ka nang matulog muli. Ako na ang bahala sayo.β Bulong niya pero umiling ako.
βM-maaari na po ba aking bumaba?β Bulong ko sakanya habang nakahawak nang mahigpit sa leeg niya.
Napakapit naman ako sa leeg niya nang akala ko ay ibababa niya na ako pero inayos niya lang ang pagkakakarga saakin pagkatapos huminto at muling nagsimulang maglakad.Β Magsasalita pa sana ako pero mabilis siyang nagsalita.
βKung matigas pa rin ang iyong ulo at pinili akong suwayin, hahayaan kitang maglakad dito sa gitna ng kakahuyang kasalukuyan nating kinaroroonan. Kakahuyan na marami nang kinitil na buhay at higit sa lahat, kakahuyan na kumikitil ng buhay sa isang mahina at lampa na katulad mo.β Hindi ko alam kung pag-aalala ba yung sinabi niya o pag-iinsulto.
βAt isa pa, mayroon kang sugat sa dibdib. Kung nais mo palang nasasaktan, bakit hindi nalang ako ang manakit sayo?β Dugtong niya pang bulong na kinayuko ko nalang at kinasandal ng noo ko sa dibdib niya.
βP-paumanhin po, mahal na Emperador.β Bulong ko nalang..
Hindi na siya sumagot pa at napansin ko nalang na nakarating na kami sa isang panuluyan na kasing laki ng panuluyan niya sa palasyo. Sa tingin ko, sa likod kami dumaan. Akala ko ay ibaba niya na ako pero binuksan niya lang yung pintuan at mabilis na pumasok bago mabilis na isarang muli kaya sobrang dilim dito sa loob. Pinapakiramdaman ko lang bawat lakad niya at alam kong umaakyat kasi paitaas. Nang nasa itaas na kami, naglakad pa siya ng deretso at may binuksan na naman isang pintuan at pumasok kami doon. At sa wakas ay ibinaba niya na ako.
Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang mapatingin ako sa isang gilid kung saan niya sinindihan yung mga gasera na nakapalibot sa kwarto. Ngayon ay malaya ko nang nakikita yung kwarto. βDi hamak na mas maganda βto kesa sa tuluyan niya sa palsyo. May isang kama na malaki na may mga kulambo din, may mesa din sa tabi non, may mga upuan din sa lapag kagaya ng mga inuupuan niya at mesa din tapos may dalawa pang pintuan dito sa kwarto. Agad kong pinuntahan yung dalawang pintuan sa gitna. Agad sumalubong saakin yung malamig na hangin na ikinapikit ko. Dinama ko lang ng ilang segundo yung hangin bago ko imulat yung mga mata ko. Mas lalo naman akong namangha sa akint nasilayan. Para akong nasa isang syudad! May mga maliliit na bahay na nasisulayan ko mula dito sa itaas. Hindi karamihan pero sapat para maging maganda sa paningin.
Nagulat nalang ako nang may pumulupot na kamay sa bewang ko at mabilis na hapitin palapit. Ramdam na ramdam ko pa yung pagbaon ng ulo niya sa leeg ko at basang labi niyang dumadampi sa hubad na balat nito. Hindi ko maiwasang kilabutan pero hinayaan ko lang. Nakatingin lang ako sa harao ko ngayon. Nakadagdag pa sa ganda yung mga bituin at bilog na buwan.
βIto ang munting pamayanan ng Desma. Sila ang pinakadulo sa lupain ng mga Han kaya naman nahuhuli sila sa lahat. Unang punta ko dito ay noong walong taong gulang palang ako. Bumabalik ako tuwing ika-anim na buwan ng taon kung saan dinadaos ang taonang pagpula ng buwan. Ipangako mo sa buwan na pula ang ang iyong mga hiling, tiyak na itoβy matutupad.β Paliwanag niya habang nakayakap saakin na kinatango ko lang. Ano kayang hihilingin ko sa buwan?
Lalo pang humigpit yung yakap niya saakin at narinig ko yung mahinang pagtawa niya. βAng magiging hiling ko ngayon sa pulang buwan ay galing mismo sa puso ko. Ilang beses ko na siyang nakita pero ngayon palang ako hihiling. Sana namaβy tuparin niya, aking Kamahalan.β
Katapusan ng Kabanata Labing-walo
Kabanata 19
SIMULA NG KABANATA
Ryke Jie Solidad
Β Β HINDI ko alam kung ilang minutong nakayakap ang mahal na Emperador saakin at ako naman ay nakatitig sa langit na napupuno ng bituin at pilit sinisilip ang nagtatagong maganda na buwn bago ko maramdaman na lumuwag ang kanyang yakap at tuluyan niya na akong pakawalan.
βLumalalim na ang gabi. Halika na at tayoβy pumasok na. Masyadong malamig ang klima para sa gabing ito. Maaari kang magka-sipon o ubo kapag lalo pa tayong nagtagal.β Turan niya saakin habang nakahawak sa bewang ko.
Huminga naman ako ng malalim bago nakangiting humarap sakanya at tumango. Sinuklian niya naman ako ng isa pang ngiti kasabay nang marahang paghaplos niya sa aking pisngi at pagdaan ng daliri niya sa labi ko.
βMarami tayong pag-uusapan bukas. Ihanda mo ang sarili mo.β Bulong niya sabay tawa ng mahina.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan sa sinabi niya. Para siyang nagbabanta na nagpapaalala. Hindi ko alam. Ang gulo niya kausap. Pasalamat siya at isa siyang Emperador. Ngumiti lang ako sakanya ng tipid bago tumango at hawakan ang palad niyang nakadapo sa aking mga pisngi. Tumango lang ako tipid sabay hatak sakanya papasok sa loob.
Binitawan ko na siya nang makapasok na ako sa loob. Hindi naman niya ako pinigilan. Hinayaan niya lang ako. Agad akong naglakad papunta sa kama. Pinagmasdan ko yung kama, gawa siya sa matibay na kahoy. Siguro sa sobrang tibay, kahit magtatalin dito ang mahal na Emperador hindi masisira. Ngayon ko lang din napansin yung mga rosas na flower base na gawa sa marmol sa tabi ng kama. Hindi ko nakita kanina o hindi ko lang napansin?
Hindi ko naman maiwasang mapabilib dahil sa lambot nitong higaan. May kanipisan pero malambot. Lalo na yung kumot na makapal at yung unan. Ang lambot-lambot. Napatingin naman ako sa Emperador nang marinig kong isara niya yung pintuan. Nakangiti lang siya saakin habang naglalakad papunta saakin.
βHindi ka ba nagugutom? Maaari akong magluto sa ibaba.β Agad niyang turan nang makalapit siya saakin.
Umiling naman ako dahil hindi ako nagugutom. Ang nais ko ay maligo dahil lagkit na lagkit ako sa pawis. Ayoko pa naman sa lahat yung pawis.
βHindi po ako nagugutom. Kayo po dapat kumain, mahal na Emperador. Wari koβy wala pa ho kayong kain sa buong araw.β Turan ko naman.
Tanging mahinang tawa lang na mahina ang isinagot niya saakin habang nakatitig sa mga mata ko. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong ang palad ko sa sarili niyang palad. Kitang-kita ko yung laki ng agwat ng bawat daliri niya sa daliri ko. Hindi hamak na mas mahaba at mas malalaki yung sakanya. Nagmukhang palad ng isang paslit ang aking palad.
βMadalas akong hindi makaramdam ng gutom. Sinanay ako na hindi kumain at pitong araw na walang pagkain at tanging tubig lang ang laman ng sikmura ko. Kasabay ng pagod sa pag-eensayo at gutom, hinubog ako. Kaya kahit hindi ako kumain sa loob ng pitong araw ay makakaya ko.β Paliwanag niya habang nakatitig sa mga kamay namin.
βIkaw lamang ang aking iniisip. Sa araw ng pag-eensayo niyo, kasama doon ang pagtitiis ng gutom at halos nakamamatay na pagod. Ako ay nag-aalala na baka hindi mo kayanin. Pero mananatili ako lagi sa tabi mo. Pangako yan.β Dugtong niya pa sabay halik sa likod ng palad ko.
Napatitig naman ako sakanya ng ilang segundo sakanya. Madalas ay nagdududa ako sa mga kilos niya. Hindi ko alam kung bakit. Pero nararamdaman kong totoo siya saakin at lalo akong nahuhulog sakanya. Malaking pagsugal ang gagawin sa kung sakali. Susugal ba ako?
βMaaari ba ho akong magtanong, mahal na Emperador?β Bulong ko sakanya habang nakatuon ang kanyang pansin sa aking palad na kanina niya pa pinagmamasdan.
βHmmm?β Tanging bulong lang niya nilang pagsang-ayos sa aking katanungan.
βBakit ako?β Tipid na bulong ko.
Napahinto naman siya sa ginagawa niya at napatingin saakin. Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya ngumiti.
βPangalawang beses mo nang itinanong saakin yan. Sa wari koβy nasagot ko na ang katanungan na yan.β Bulong niya lang saakin.
βDahil mahal mo ako?β Dugtong ko kaya muli siyang napatingin saakin ng ilang segundo.
βTama. Dahil mahal na kita.β Bulong niyang muli.
βBatid ko na simula palang noong saaking pagkabata na kailanman ay hindi ako magkaka-interes sa kahit sinong babae. Kaya na din ay umabot ako sa ganitong edad at wala pang Emperatris.β Turan niya na kinagulat ko.
So bakla talaga siya in the first place? Kasi ako confuse pa noon eh! Pero parang masu-sure na ngayon dahil sa pinapakita niya.
βNagpakonsulta ako sa lahat ng pwedeng makasagot ng aking mga katanungan. Kasama ko si Maria. Si Lady Maria Jik. Pero wala ni isa nakapagsabi o nakasagot ng katanungan ko.β Dugtong niya habang patuloy pa din ang pansin sa aking palad na parang yung palad ko yung kausap niya o nakikita niya yung pagmumukha ko sa palad ko.
βBinasa ko lahat ng maaari kong basahin. Nakatala sa libro ng kasaysayan na wala pang naitatala na ang isang lalaki ay magkakagusto o makakaramdam ng kakaiba sa kapwa niya lalaki. Pero wala pang nagparamdam saakin ng sobrang pagmamahal bukod sayo kaya pinili kong tumaya.β
βIniisip ko na isang kahihiyan na ang isang Emperador ng dinastiya ay magkakagusto sa kapwa niya lalaki. Pero may napagtanto ako sa sarili ko. Nais kong makalaya pero nais ko din maging isang Emperador na masasabi ng lahat na isang mabuting Emperador. Pero nagbago ang lahat nang ikay dumating. Sinusuway ng aking sarili ang isip at puso ko. Gabi-gabi kaming nagtatalo. Hindi ko mawari ang aking dapat gawin. Hindi pumapasok sa aking isip ang dapat sundin pero nanaig ang sinabi saakin ni Lady Jik. Walang mali sayo, dahil walang mali sa pagmamahal.β Mahabang paliwanag niya pa na tuluyang nagpanganga saakin sa gulat.
βIsa akong sakim at gahaman sa kapangyarihan na Emperador. Pero isa lang ang sinisigurado ko, kung anong nais ko, nakukuha ko. Kung anong nais ko, ipaglalaban ko.β
Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan na hinaplos yon habang nakatitig sa mga mata ko at nakangiti ng malaki.
βMangako ka, kung makagawa man ako sayo na hindi mo nais, gumanti ka hanggang sa mapatawad mo ako. Kung kinakailangan ay kalabanin mo ako ay gawin mo. Hindi ako magdadalawang isip na ibigay sayo ang aking buhay.β
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso talaga siya.
βP-peroβ¦β Hindi na natapos ang aking dapat sabihin nang mabilis niya akong siniil ng halik.
Napapikit nalang ako dahil doon at matapos ang ilang segundo ay humigpit ang kanyang hawak sa aking bewang at mas lalong pinalalim ang halik. Nagpupumilit pumasok ang kanyang mainit na dila sa aking bibig. Hindi ko din mawari kung bakit ayaw gumalaw ng kahit anong parte ng katawan ko at parang isa akong manikang kaya niyang kontrolin. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko at pilit na inawang ang aking bibig para malaya siyang makapasok sa loob.
Hindi na ako tumutol pa at mabilis na sinagot ang halik niya at hinayaang magpatangay sa agos. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghahalikan, siya na mismo ang pumutol at hingal na hingal ako at naghahabol ng hininga.
Namumula naman yung mukha ko na nag-iwas ng tingin bago ko pa marinig yung mahinang pagtawa niya. Naramdaman ko nalang na hinatak niya ako payakap sakanya at ramdam na ramdam ko kung paano niya halikan yung ulo ko.
βMaaari din ba na ibigay mo ang sarili mo saakin sa araw ng pulang buwan?β Bulong niya na sobrang kong kinagulat.
Anong ibig niyang sabihin? Huwag niyang sabihinββ
βLubos akong sasaya kung makukuha kita sa araw na yon. Wala na akong mahihiling pa.β Muling bulong niya. Napaawang nalang yung bibig ko dahil sa gulat.
βH-hindi ko po alam kung paano gawin.β Bulong ko na lalong kinainit ng buong mukha ko sabay subsob sa kanyang dibdib.
βHβwag kang mag-alala. Alam ko kung ano ang aking gagawin. Magtiwala ka lang, mahal. Hindi kita pababayaan.β
Β Β TAPOS na kami sa pag-uusap pero tumatakbo pa din sa isip ko yung sinabi niya na nais niya akong makuha sa araw ng pulang buwan. Sa sobrang tanga ko, sumang-ayon ako at ito siya ngayon, nakangiti habang nililinis yung sugat ko. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin. Tatakas ba ako? Sa araw makalawa na ang pulang buwan. Shit!
Dahil nasa malalim akong pag-iisip, nagulat nalang ako nang halikan niya yung sugat ko pagkatapos niyang bendahan muli. Napangiwi nalang ako dahil doon. Parehas nalang kaming nakaputing robang panloob dahil hindi niya ako pinayagan maligo, pinaghilamos niya lang ako. Ganon din siya. Nakasabit ngayon sa isang kahoy yung roba namin panglabas. Magkatabi sila doon sa sulok. Ang pulang roba ko at ang itim niyang roba kasama ng mga pangpusod namin.
Siya na din mismo ang nagtali sa roba ko habang nakaluhod siya at laking gulat ko nang mabilis niyang dampian ng halik ang aking noo.
βMagpahinga na tayo. Mahaba pa ang araw bukas.β Nakangiti niyang bulong na nginitian ko lang bago tumango at dahan-dahan gumapang papunta sa gitna ng kama.
Nakita ko naman na isa-isa niyang pinatay yung mga ilaw sa kwarto at iniwan yung isa sa mesa sa tabi ng kama bago ibaba yung puti at manipis na tela na bumabalot sa kama. Binilang ko naman yung unan. Dalawa lang.
Naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko. Nakita kong inayos niya yung unan ko at naglagay ng unan sa tapat niya. Umusog naman akong kaunti. Medyo hindi kasi ako komportable kapag walang harang na unan yung dalawang pagitan ko. Pakiramdam ko hindi ako ligtas kapag walang unan sa magkabilang gilid ko. Mabuti pa nga sa kwarto namin ni Shuli, sa tabi ng dingding ako at yung unan yung pangharang ko sa isang gilid para makatulog ako.
βAno ang problema?β Bulong niya.
Nahihiya naman akong tumingin sakanya bago magsalita.
βH-hindi po ako makatutulog kung walang unan sa magkabilang gilid ko. Hindi po ako komportable.β Mahina at nahihiyang bulong ko.
Lalo pa akong nahiya nang marinig ko yung tawa niya. Nakakainis naman!
βMasyado kang nakatutuwa. Hindi napigilan ng aking puso magalak.β Sunod niya pang bulong na lalong kinainit ng mukha ko.
Nakita kong kinuha niya yung unan na dapat saakin at inilagay sa gilid ko bago ilagay sa gitna yung unan na dapat sakanya. Ibinaba niya yung kahuli-hulihang puting tela na nakaangat. Mabilis siyang humiga at hinatak ako pahiga sa mga braso niya. Nahihiya naman akong sumubsob. Naramdaman ko pa na inilapit niya yung unan sa gilid ko bago niya ako yakapin ng mahigpit.
βAko na ang magsisilbing unan mo simula ngayon. Pwede mo akong hagkan, halikan, tangisan, kahit saktan ay tatanggapin ko basta malapit lamang ako sayo.β
KATAPUSAN NG KABANATA
Kabanata 20
SIMULA NG KABANATA
Ryke Jie Solidad
Β Β Nagising nalang ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Hindi ko agad iminulat ang mga mata ko at sinubsob pa ang mukha ko sa unan. Ilang minuto pa akong pumikit bago ako nagdesisyon na tumayo na kahit antok na antok na.
Agad akong tumingin sa paligid ko at kaunting sinag lang ng araw ang pumapasok sa loob ng kwarto. Nakagitna na ako sa kama at dalawang unan na ang nasa gilid ko. Hindi tulad ng kagabi na nagsasama kami sa iisang unan ng Emperador at nakayakap siya saakin.
Nakangiti kong hinawi ang tela bumabalot sa tulugan namin at agad na iniapak ang mga hubad kong talampakan sa kahoy na sahig nitong tuluyan. Agad akong tumayo at agad na naglakad papunta sa maliit na mesa na katabi nitong tulugan kung saan nakapatong yung pangpusod na para saakin.
Agad kong ipinusod ang aking buhok bago marahan na naglakad papunta sa pintuan ng beranda o tinatawag na asotea. Dahan-dahan kong itinulak ang dalawang pintuan pagilid at agad humakbang palabas.
Agad sumalubong saakin ang may kalamigang hangin na dahilan ng pagyakap ko sa sarili ko. Pero agad akong napanganga sa nasisilayan ko ngayon. Ang buong pamayanan ay nakikita ko mula dito sa itaas. Ang maliit pero napakagandang pamayanan ng Desma. Halos bilang ang mga maliliit na tuluyan pero itoβy makukulay. Kitang-kita din ang mga taong walang tigil sa paggalaw. Meron may dalang malaking basket na may lamang mga prutas, meron may dalang tela, meron may dalang gatas, sadyang napakagandang pagmasdan.
Wala na din mas malaking tuluyan dito sa tuluyan namin. Lahat ay maliliit lamang. Agad akong napatingin sa ibaba nang makita ko ang Emperador sa bukana nang pintuan ng bakod. Nabukas ang dalawang malalaking pintuan ng bakod. Mataas din ang kahoy na bakod. Matangkad pa ito sa mahal na Emperador.
Malulusog ang maliliit na damo sa tapat ng tuluyan. Sa kanan parte ng tuluyan, meron isang mesa at apat na upuan. Sa kaliwang parte naman, ibaβt-ibang uri ng mga halaman at bulaklak ang makikita. Sa likod nga kami dumaan kagabi at hindi sa harapan.
βHoy hikhik! Yung ibinilin ko sayo! Pakatandaan mo!β Rinig kong turan ng Emperador sa isa sa apat na batang kaharap niya.
βOpo, kuya Jisuk! Sasabihin ko po iyan kay ina!β Sagot naman ng bata sakanya.
Narinig ko pa yung mahinang pagtawa niya kasabay nang marahan niyang paggulo sa buhok ng bata. Nanibago ako nang makita ko siya. Simple lamang ang kanyang kasuotan at hindi niya suot ang kanyang gintong pangpusod. Tanging isang kahoy lang ang nagpupusod sa buhok niya.
Agad naman akong napatingin sa lalagyan ng aming mga kasuotan. Maayos na nakalagay doon ang kanyang panlabas na roba at nakapatong sa estante ang kanyang gintong pangpusod.
βO, ikaw naman Janjan! Lagi mong alagaan itong si Jikjik! Alam mo nang mahina ang kanyang resestensya. Sa susunod na pagbalik ko, magdadala ako ng maraming tinapay at gatas para sainyo!β Turan pa ng Emperador na kinagulat ko.
May ganito pala siyang parte ng pagkatao. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Nakapapanibago. Hindi ako sanay. Akoβy nasanay lagi sa awra niyang masungit, matikas at matapang. Hindi ko inaasahan na makita siyang ganito sa mga batang kaharap niya.
Agad kong pinagmasdan ang mga bata. Pangkaraniwan din ang kanilang mga suot. At katulad ng sa Emperador, tanging kahoy lang ang nagpupusod sakanilang mahahabang buhok.
Patuloy lang sa pakikipag-usap ang Emperador at mabilis na ulit akong pumasok sa loob at mabilis na lumabas ng kwarto. Tatlo ang kwarto sa itaas. Agad akong bumaba at agad bumungad saakin ang napakaganda at malinis na bahay tanggapan. Ang mga upuan ay maayos na nakalagay at wala kang makikitang dumi.
Agad akong pumunta sa parte ng kusina kung saan nakadugsong ito sa bahay tanggapan. Agad akong pumasok sa maliit na pintuan kung saan inakala kong palikuran pero nagkamali ako. Isa itong kwarto na puno ng mga ibaβt-ibang klase ng pagkain at kung ano-ano pa. Agad naman akong lumabas at agad naglakad sa kabilang parte kung saan yung pintuan malapit sa hagdan. Nakasara pa yung mga pintuan labas ng bahay. Magkatapat yung mga pintuan sa harap ng bahay at sa likod.
Agad akong pumasok sa loob at napangiti na ako nang makitang nasa palikuran na talaga ako. May lababo na kahoy na may malaking salamin, tapayan ng tubig at kahoy na bathtub. Agad akong lumapit sa lababo na gawa sa kahoy. Agad akong sumalok ng tubig gamit ang kahoy na tabo sa tapayan na kahoy at agad naghilamos at nagmumog.
Nang matapos ako, agad kong pinunasan ang aking mukha gamit ang malinis at puting tela na nakasabit malapit sa salamin. Habang nakatingin ako sa salamin, agad kong napansin sa aking mukha ang may kahabaang gasgas pero hindi kalaliman. Ngayon ay nawawala. Napatingin din agad ako sa itsura ng salamin. Ganitong-ganito yung salamin ni lola sa bahay niya! Paano ako makakabalik? Nandito na yung salamin. May mahiwagang pindutan ba? Napahinga nalang ako ng malalim. Wala din mangyayari.
Mabilis ko nalang na hinatak ang aking pangpusod at ipatong sa lababo bago suklayin ang aking buhok sa kahoy na suklay na nakalagay dito sa lababo. Mabilis kong tinirintas ang aking buhok at inikot para magporma ng bilog bago hatakin ang pulang tali ng aking roba at itali sa buhok ko. Ngumiti nalang ako sa salamin. Hindi nasama ang kaunting maliliit na buhok. Humaharang tuloy sa mukha ko.
βJie-jie?!β Napatingin nalang ako sa labas nang marinig yung malakas na sigaw ng Emperador.
Agad kong inayos yung roba ko at hinawakan nalang para hindi sila maghiwalay. Agad kong dinampot yung pangpusod na ginto bago mabilis na lumabas sa palikuran. Agad napako ang tingin ko sakanya habang mabilis siyang naglalakad pababa ng hagdan.
βJie-jβββ Sisigaw pa sana siya pero nakuha ko ang pansin niya.
βIsang napakandang umaga, aking Jie-jie.β Nakangiti niyang bulong saakin bago siya mabilis na naglakad papunta saakin.
Ngumiti naman ako bilang pagsagot sakanya. Nang makalapit siya, agad dumako ang tingin niya sa buhok ko. Tila sinusuri niya kung anong ginawa niya sa buhok ko pero hindi rin yon nagtagal. Muling nagbalik ang kanyang tingin saaking mga mata at sinalubong niya ako ng isang ngiti sabay halik sa aking noo na kinapikit ko.
βMagandang umaga, mahal na Emperador.β Mahina ko naman na bulong sakanya.
βHalika naβt tayoβy mag-agahan. Hindi ba sinabi ko sayo na marami tayong pag-uusapan?β Bulong niya saakin na kinatango ko lang.
βMaaari po bang makahingi muna ng aking pamalit?β Bulong ko habang nakatingala sakanya.
Nakita ko naman kung paano bumuo ng ngisi ang kanyang mga labi bago dahan-dahan bumaba ang titig niya sa katawan ko. Namumula at nahihiya naman akong napayuko dahil sa ginawa niya. Napatingala nalang ulit ako nang marinig ang kanyang mahihinang pagtawa.
βSa ikalawang palapag, ang kwarto bago ang ating kwarto. Maghahanda na ako ng ating agahan, aking Jie-jie. Pakibilisan dahil akoβy mainipin. Baka ikaβy aking sundan at hindi na tayo makapag-agahan.β Nakangisi niya pang turan na hindi ko nalang pinansin at agad na lagpasan siya.
Nagmadali ako paakyat at agad na tinungo yung kwartong sinasabi niya. Mabilis kong itinulak sa gilid yung pintuan at pumasok. Agad akong namangha sa bumungad saakin. Ang mga estante ay puno ng mga kasuotan. Parang walk in closet. Nakaayos ito ayon sa kulay. Agad akong kumuha ng puting panloob pagkatapos kong isara ang pintuan. Magmamadali na ako. Baka totohanin pa ng emperador ang sinasabi niya. Agad akong kumuha ng puting robang panloob at nakakuha ng pansin ko yung puting robang panlabas na may mga lilang bulaklak na disenyo. Ganitong-ganito ang aking mga kasuotan kaya agad kong sinuot. Wala lang itong vest pero ganitong-ganito yon. Parang panglalaki naman ito. Tanging lilang tali lang sa bewang ang meron ito.
Agad na akong lumabas nang matapos ako at laking gulat ko nang makita ang Emperador na umaakyat ng hagdan. Ibig sabihin ay hindi talaga siya nagbibiro sa sinasabi niya? Agad naman siyang napatingin saakin at napatawa.
βMabuti naman at nakababa ka na, aking Jie-jie. Akala ko ay ayaw mong mag-agahan at iba ang nais mong kainin.β Napangiwi naman ako sa binulong niya. Hindi ko alam na may ganito siyang side. Shet.
Agad niyang kinuha yung kamay ko at nahulat ako nang halikan niya ang likod ng palad ko bago ako alalayan sa pagbaba. Agad niyang hinawakan ang aking bewang habang naglalakad kami papunta sa kusina.
Agad kong natanawan yung mga nakahandang pagkain sa mesa. May dalawang plato sa mesa at mga kubyertos. Agad niyang hinatak yung isang upuan at agad naman akong umupo.
βMaupo ka, aking Jie-jie. Hayaan mong ako ang magsilbi sayo.β Bulong niya pa.
Pinanood ko lang siya kung paano niya lagyan ng kanin ang aking plato at lagyan ng adoboββ teka? Adobo?! Agad naman akong napatingin sakanya nang makita yung inilagay niyang ulam sa plato ko.
βAdobo?β Mahina kong bulong.
Narinig ko naman yung mahinang pagtawa niya bago tuluyang sumagot saakin.
βHindi ka nagkakamali, aking Jie-jie. Iyan ang iyong adobo pero nilagyan ko ng kaunting gata ang saakin. Hindi man halata ay ikaw lamang ang pinagmamasdan ko noong araw ng pagsusulit kaya naisaulo ko lahat ng iyong ginawa at akin itong sinubukan.β Mahaba niyang paliwanag saakin.
βKung ang sayo ay, Adobo na may itlog ko, ang akin naman ay Adobo na may gata mo.β
Muntik na akong mabulunan sa sarili iong laway dahil sa tinuran niya. Paano niya nalaman yon? Pulang-pula yung mukha ko at hindi ko magawang makatingin sakanya. Tangina mo, Jisuk! Tangina mo!
βMay problema ba, aking Jie-jie?β Bulong niya pa pero agad akong umiling.
βW-wala po.β Tipid kong bulong.
Ngumiti naman siya at muling hinalikan ang aking noo bago umalis at pagbalik ay may dala ng isang bote.
βKailangan din malakas ang mga buto mo kaya, kailangan mong inumin ang gatas ko.β
Β Β ISANG oras matapos kaming kumain, bumaba ang Emperador suot ang isang lilang roba na may mga puting desenyo ng bulaklak. Kagaya-kagaya ng saakin pero parang pinagbaliktad lang.
Agad niya akong nilapitan at agad binuksan yung pintuan papunta sa likod. Sumalubong nalang saakin yung isang kabayong itim at isang, kung hindi ako nagkakamali ay pintor.
βAno po ang ating gagawin?β Bulong ko sakanya.
Ngumiti naman siya at hinalikan ang aking noo.
βMag-uusap, aking Jie-jie.β
Agad niya akong dinala sa may kabayo at agad akong binuhat paakyat sa kabayo bago siya mabilis na umakyat at umupo sa likuran ko. Inayos niya pa yung damit ko bago niya ipalupot ang mga kamay niya sa tyan ko.
βGanito ang paraan ng pag-uusap ang aking nais.β
Naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa batok ko. Ako naman ay nakahawak lang sa tali ng kabayo. Ilang minuto pang namagitan ang katahimikan bago siya muling magsalita.
βKailangan kong ipaintindi sayo na, lahat ng tao sa palasyo ay balat-kayo lamang. Nais kitang maging Emperatris ko kaya kailangan mong malaman ito. Hβwag na hβwag kong ipapakita sakanila ang kahinaan mo. Sisirain ka nila gamit ito. At kapag nasira ka, talo ka. Naiintindihan mo ba?β Bulong niya.
Ngumiti naman ako ng bahagya.
βKayang-kaya kitang sirain dahil alam ko ang kahinaan mo.β Walang alinlangan kong bulong sakanya. βAng Desma ang iyong kahinaan.β Dugtong ko pa na mahina niyang kinatawa habang nakayakap saakin.
βMarahil ay tama ka. Noon ang Desma lang ang aking kahinaan. Ngayon, siya na ang aking kalakasan at kahinaan. Pero hindi ko inaakalang magiging kalakasan at kahinaan kita sa lahat ng bagay, aking Jie-jie.β Bulong niya na kinagulat ko.
βWala akong pakialam. Basta maprotektahan lamang kita. Mangako ka, magiging Emperatris kita. Magtatagumpay tayong dalawa. Hindi mo ako iiwanan sa gitna ng ating laban. Susundin mo kung anong sinasabi ko.β Sunod-sunod niyang bulong.
Dahan-dahan naman akong humarap sakanya at ngumiti. βPangako, aking Emperador.β
KATAPUSAN NG KABANATA
Kabanata 21
Ryke Jie Solidad
Β Β Hindi ko na binilang kung ilang oras kaming nakaupo sa kabayo ay nagkwekwentuhan. Tawa lang ako nang tawa habang siya naman ay nagkwe-kwento nang nagkwekwento. Ano-ano nang kwinekwento niyaΒ na kinakatawa ko.
βSobrang nagagalak ang aking puso na makita kang nakangiti.β Mahina pang bulong niya na kinangiti ko.
βHβwag po kayong mag-alala. Nangangako akong ngingitian kita hanggaβt nais mo, mahal na Emperador.β Turan ko naman siya.
Natawa naman siya ng mahina at hinigpitan ang yakap sa bewang ko bago hawakan ang pisngi ko ng dahan-dahan at dampian ako ng halik sa noo. Napapikit nalang ako ng dahan-dahan at dinadama ang init ng halik niya sa noo ko.
Napamulat nalang ako matapos ang ilang segundo nang naramdaman kong inalis niya ang pagkakayakap saakin at mabilis na bumaba sa kabayo pero hindi inaalis ang mahigpit na paghawak sa kamay ko. Nang makababa siya, agad niyang hinawakan ang bewang ko at mabilis na buhatin pababa sa kabayo.
Mabilis naman akong humawak sa leeg niya ng mahigpit. Akala ko ay ibababa niya ako sa lupa pero inayos niya lang ang karga saakin at mabilis na naglakad paalis at hindi pinansin ang nagpipinta.
βHoy? Hindi natin siya kakausapin?β Hindi ko mapigilang bulong.
Magdikit naman ang mga kilay niyang tumingin saakin.
βHoy? Ako ang iyong mahal na Emperador. Hindi ako si βHoyβ, Jie-jie. Isang kalaspatanganan ang iyong nilabag. Kailangan mong maparusahan.β Nakangisi niyang bulong na kinalaki ng mga mata ko.
βH-ha? Ano p-po? Isang kalapastanganan na namanβββ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis siyang tumigil sa paglakad at mabilis akong siniil ng halik sa labi.
Napapikit nalang ako at mabilis na napayakap sakanya ng mahigpit. Ilang segundo pa bago niya pakawalan ang mga labi ko at mabilis ulit na ayusin ang pagkakakarga saakin.
βHalik ang kabayaran ng iyong kalapastanganan. Laspatanganin mo pa ako. Hindi ako tututol. Tiyak na akoβy masisiyahan, aking Jie-jie.β Nakangisi niya pang bulong na kinapula ng mga mukha ko.
Isinandal ko nalang ang aking mukha sakanyang dibdib bago siya maglakad papasok ng bahay. Nakita kong mabilis kaming umaakyat paitaas at mabilis na pumasok sa aming kwarto. Agad niya akong iniupo sa higaan namin at agad na hinawakan ang pisngi ko.
βMaghintay ka rito. Akoβy may kukunin lamang.β Nakangiti niyang bulong saakin at mabilis akong hinalikan sa noo bago mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang lumabas siya at hinayaan kong bumagsak ang sarili ko sa malambot na higaan. Mabilis kong tinakpan ang namumula kong mukha dahil sa kilig. Grabe! Ang sarap palang kiligin.
βAking kamahalan? Anong nangyayari sayo?β
Agad akong napaayos ng upo nang marinig yung boses ng mahal na Emperador. Nanlalaki yung mata at nahihiya ko siyang tinignan.
Iba na ang kanyang kasuotan. Isang roba na na kulay itim na may gintong sinturon. May hawak din siyang isang pulang panloob na roba at pulang panlabas na roba na panlalaki na may mga gintong disenyo ng bulaklak at kulay gintong sinturon.
βAno ang nangyayari sayo, aking kamahalan?β Bulong niya nang mabilis siyang nakalapit saakin pero lalo lang akong nahiya.
βW-wala po, mahal na Emperador.β Mahina kong bulong at mabilis na yumuko dahil sa hiya.
Nakita ko naman siyang agad lumuhod sa harap ko at mabilis na hawakan ang baba ko para itapat sa kanyang mukha. Ilang segundo niya akong tinitigan at unti-unti niya akong pinaniningkitan ng mga mata na kinatawa ko ng mahina.
βIsang kalapastanganan!β Malakas na bulong niya na kinalaki ng mata ko.
Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ko at mabilis sana akong sisiilin ng halik pero agad kong naiharang ang palad ko sa mga labi niya.
βS-sandali lang po! B-bakit kalapastanganan na naman?β Hindi ko mapigilang bulong.
Dahan-dahan niya naman hinawakan ang mga palad ko at marahan niyang dinampian ng halik habang nakapikit. Nakatitig lang ako sakanya at maya-maya lang ay nagmulat siya at deretsong tumingin saakin.
βDahil labag sa sarili kong batas na akoβy iyong binabaliw sa ilalim ng iyong nakababaliw na pag-ibig. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili dahil sayo. Dapat lang na pagbayaran mo ang iyong kasalanan. β Nakangisi niyang bulong habang nakatitig sa mga mata ko.
Napanganga nalang ako dahil para akong napipi sakanyang nga tinuran. Hindi ko alam kong ilang segundo siyang nakatitig saakin bago ko marinig ang mahihinang tawa niya.
βMagbabayad ka mamaya. Hindi na ako makapaghintay.β Bulong niya na lalong kinapula ng mukha ko.
Ibig sabihin, ngayong gabi ko na ibibigay ang sarili ko sakanya? Hala! Parang nadoble ang kaba ko at takot. Nagbalik nalang ako sa sarili ko nang maramdaman inaalis niya ang tali ng suot kong robang panlabas.
βS-sandali lang po, m-mahal na Emperador.β Nauutal kong bulong.
Nakaluhod pa din siya sa harap ko at dahan-dahan tumingin saakin habang nakangisi. Napangiwi naman ako at nilukob ng kaba.
βH-hindi po ba mamaya pang gabi natin gagawin? Sa oras ng pulang b-buwan?β Mahina kong bulong. Mahina naman siyang natawa dahil sa tinuran ko.
βLabis akong nagagalak dahil hindi mo pa nakalimutan ang iyong ipinangako. Pero hβwag kang mag-alala aking Jie-jie, maglilinis lang tayo ng iyong sugat at magpapalit na iyong kasuotan. Oh baka naman nais mo ng gawin ngayon?β Nakangisi niyang bulong na agad kong inilingan.
βH-hindi po.β Bulong ko sakanya at ako na ang nag-alis ng aking roba at ibinaba.
Agad niya naman inalis ang benda ng aking sugat at agad kinuha ang mga panlinis sa lalagyan sa tabi ng kama. Hindi din siya tumayo mula sa pagkakaluhod at tutok na tutok sa sugat ko.
βGumagaling na ang sugat mo, aking Kamahalan.β Bulong niya habang nililinis ang sugat ko.
Nakatitig lang ako sakanya habang marahan at maingat na maingat ang pagdampi ng kamay niya sa pagdampi ng malinis na tela sa sugat ko. Sinasabayan niya pa ng paghipan. Agad niyang nilagyan ng kung ano-ano nang matapos siya at mabilis na hinatak pababa ang mga suot kong roba. Hindi na ako nahiyang tumambad sa harap niya na tanging panloob lang ang suot ko.
βMay sugat ka, aking Jie-jie. Hayaan mong ako ang magsuot sayo ng iyong mga kasuotan. Hβwag kang mag-alala na makita ko ang kasuluk-sulukan ng katawan mo dahil maaangkin ko din yan lahat sayo mamaya.β Bulong niya pa habang nakangisi.
Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan ko siyang punasan ang katawan ko at mukha bago niya ako patayuin ay isuot ang panloob na robang kulay pula at ibuhol ang tali sa bewang bago ipatong ang panlabas na roba at maingat na itali ang gintong sinturon bago muli akong paupuin. Muli siyang lumuhod at ipinasuot saakin ang itim na mga sapatos bago siya umupo sa tabi ko.
Nakangiti lang siya at nakatitig sa mukha ko. Dahan-dahan niyang inilapat ang palad niya sa pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa noo.
βIsang napakagandang tanawin. Tila hindi ko maialis ang aking tingin sa kaharap ko ngayon.β Bulong niya habang nakatitig at nakangiti saakin.
Sinuklian ko lang siya ng isang malaking ngiti. Huminga siya ng malalim bago ipasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang roba at paglabas ay may hawak na siyang isang kahoy na kahon at iniabot saakin. Nagdadalawang isip naman akong kuhanin na kinatawa ng Emperador kaya siya na mismo ang naglakad sa palad ko.
βBukas, may isang espesyal na pagdiriwang. Nais kong makitang suot mo ang bagay na βyan.β Bulong niya.
Dahan-dahan ko naman binuksan ang kahon at bumungad saakin ang gintong pangpusod na may malaking pulang dyamante na palamuti. Dahan-dahan kong hinawakan ang pangpusod at inilabas sa kahon nito. Akala ko ay ang pulang dyamante lang ang palamuti nito pero meron pang nakasabit na maliit na dyamenteng kulay kayumanggi, dilaw, berde, itim, at asul. Pero mas umaangat ang malaking pulang dyamente sa gitna nito. Dahan-dahan naman akong napatingin sakanya. Isang ngiti lang ang isinagot niya saakin.
βBukas, lahat ay pinahihintulutan na suotin ang nais nila. Ako din ang magdedesisyon sa susuotin mo.β Bulong niya pa.
βM-maraming salamat, mahal na Emperador.β Mahina kong bulong habang nakahawak ng mahigpit sa pangpusod na hawak ko.
βNais kong ingatan mo ang bagay na iyan, kagaya ng pag-iingat mo sa sarili mo. Dahil βyan ang simbulo ng aking pagmamahal sayo at walang hanggang pag-ibig.β Bulong niya pa.
Hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko sa binanggit niya. Mahina naman siyang tumawa at mabilis akong niyakap.
βHβwag kang umiyak. Masyado pang maaga para sa bagay na βyan.β Bulong niya kaya hindi ko mapigilang mahampas siya sa braso ng mahina.
Natawa nalang siyang mahina saakin at mas lalong hinigpitan ang yakap ko at ramdam na ramdam ko kung paano niya halikan ang ulo ko ng paulit-ulit.
βMahal na mahal kita, aking Kamahalan. Magtatagumpay tayo. Nangangako ako, magtatagumpay tayo sa tanging hangad ko. Ang makasama ka dahil kalahati ka na ng aking buhay.β
Β Β MAHIGPIT ang hawak ng Emperador sa kamay ko habang naglalakad kami dito sa pamilihan ng Desma. Pinasuotan niya ako ng isang Ushanka hat at siya naman ay yung itim siyang sombrero.
Halata ding maraming nakakakilala sakanya dahil sunod-sunod ang bumabati sakanya pero ang pinagtataka ko, bakit kapag makita na nila ako ay gulat na gulat sila. Mukha ba akong kriminal?
Agad nakuha ng pansin ko yung mga isdang nakasilid sa isang malaki at malinaw na lalagyan na may tubig. Parang aquarium. Mabilis akong tumakbo pero mabilis akong hinatak pabalik ng mahal na Emperador.
βMagdahan-dahan ka, aking Kamahalan.β Turan niya naman na kinasimangot ko kaya napilitan akong maglakad ng marahan pero pasimple ko siyang hinahatak para mapabilis ang lakad namin.
Nang makalapit na kami sa tindahan, hindi na niya napigilan ang biglaang pagbitaw ko sakanya at mabilis na lumapit sa aquarium.Β Sa tangkad ng aquarium, kailangan kong tumingkayad. Medyo malabo yung salamin kaya hindi ko makikita ng maayos yung mga isda.
Malaki din yung aquarium dahil ang lalaki na ng nga isda. Agad kong itinaas ang manggas ng kasuotan ko at mabilis na inilublob ang kamay ko sa tubig at pikit hinahawakan ang mga isda pero pilit lang silang lumalayo kaya tinitigan ko nalang sila.
βKoi Fish?β Mahina kong bulong bago mapatingin sa mahal na Emperador nang hawakan niya ang bewang ko at kamay at alisin sa tubig.
Agad niyang ipinunas sa roba niya ang mga kamay ko at lalong hinigpitan ang hawak sa bewang ko para hindi na ako makaalis sa tabi niya na ikinasimangot ko.
Saktong dating naman ng mamang tindero na kinangiti ko. Aalis na sana ulit ako sa hawak niya pero mas hinapit niya lang ako ng sobra.
βAnong maipaglilingkβββ Nagtaka ako dahil napahinto siya ng makita ako.
Agad naman akong ngumiti sakanya.
βMagandang umaga po! Nais ko pong makita ang mga isda niyo!β Agad kong turan sakanya.
Kukurap-kurap pa siyang nakatingin saakin at mabilis na tumingin sa mahal na Emperador bago ulit tumingin saakin.
βW-walang problema! Halika! L-lumapit ka.β Agad niyang sabi na kinangiti ko.
Hindi naman na ako pinigilan ng mahal na Emperador at mabilis na lumapit sa malaking lalagyan ng isda at humawak sa gilid habang nakatanaw sakanila. Naramdaman ko naman na tumabi saakin ang mahal na Emperador at agad inilapat ang kamay sa bewang ko.
βHβwag mong ilublob ang kamay mo, aking Kamahalan.β Bulong niya saakin pero nakangiti lang ako habang nakatingin sa makukulay na isda.
βAng mga isdang βyan ay galing sa mga hapon na dayuhan. Ilang taon na saakin ang mga isdang yan at ngayon ay ipinagbibili ko na dahil masyado na akong matanda para silaβy alagaan.β Bulong ng matanda.
Nakikinig naman ako sakanya pero binibilang ko kung ilan lahat ng mga isda. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo at siyam! Siyam sila na malalaking Koi Fish!
βSiyam po sila! Hehehe.β Nakangiti kong turan sakanila.
βSampu po ang orihinal na nilang nila, itinakdang kamahalan. Subalit, pumabaw ang isa sakanila.β Turan saakin ng matanda at nagulat ako ng tawagin niya akong itinakdang kamahalan.
Nakangiti lang ang matanda habang nakatingin saakin habang ako naman ay nagtataka. Bakit nila ako tinatawag na itinakdang kamahalan?
βAkin silang kukuhanin.β Rinig ko naman turan ng mahal na Emperador na kinatingin ko sakanya.
βMasusunod, Suk.β Nakangiti niyang bulong sa mahal na Emperador.
βHalika na, aking Kamahalan.β Bulong pa ng mahal na Emperador bago ako hatakin paalis.
Agad naman akong kumaway doon sa lalaki. Kahit nagtataka pa ay kunaway pa siya pabalik na kinatawa ko.
βIlagay natin sila sa pala-isdaan mo! Tiyak na magugustuhan nila doon!β Nakangiti ko pang turan sa mahal na Emperador.
Tumawa naman siya at mabilis na tinanguan ako. βMasusunod po, aking Kamahalan.β
Β Β HALOS maghapon kaming naggagala ng mahal na Emperador. Ang dami kong dala. May dala akong kung ano-ano na siyang ang bumili. Tulad ng ilang palamuti sa buhok, mga pagkain, kasuotan at kung ano-ano pa. Siya na din ang naghawak ng mga supot habang ako naman ay kinakain pa din ang ibinili niyang isang kendi. Hindi ko agad maubos dahil sa laki.
βHβwag mong kainin lahat, aking Kamahalan. Masyadong matamis at baka ikaw ay magkasakit.β Turan niya pa na tinanguan ko lang.
Palubog na rin ang araw at malapit na kami sa bahay. Masayang-masaya ako ngayong araw. Pinasaya niya ako. Ang hindi ko lang maintindihan, lahat ng tao ay tinatawag akong itinakdang kamahalan sa hindi ko malamang dahilan pero hindi ko nalang inisip.
Agad kong natanaw ang tatangkahan sa bahay namin. May dalawang batang nakatayo sa harap kaya mas binilisan ko ang lakad ko.
βMga bata?β Tawag ko sakanila at umupo para maging kapantay nila.
Agad naman silang napatingin saakin at ganon nalang ang gulat nila nang makita ako at mabilis na tumingin sa likod ko.
βKuya Jisuk!β Sabay nilang sigaw habang nakangiti.
Ngayon ko lang nakitang magkamukhang-magkamukha sila. Agad ngumiti ang Emperador sakanila at inilipat ang mga dala niya sa isang kamay at ginulo ang mga buhok ng mga bata.
βJikjik, Janjan! Gabing-gabi na.β Bulong pa ng Emperador.
βAlam po kasi naman na kayoβy lilisan na bukas kaya ninais namin kayong makita ngayon at makapagpaalam.β Sagot ng isa sakanila.
Tumawa naman ang Emperador.
βSige, hintayin niyi ako dito. Ipapasok ko lang ang nga ito. Kausapin niyo muna ang aking kabiyak.β Bulong niya habang nakangiti at tinuro ako.
Ngumiti naman ako ng alanganin sakanila at mabilis na lumapit sa Emperador at kinuha yung dalawang tinapay na binili namin kanina at hinayaan na siyang punasok. Agad akong umupo kapantay nila at ngumiti.
βIto oh! Para sainyo!β Mahina kong bulong at inabot sakanila yung tinapay.
Dahan-dahan naman nilang kinuha pero nakatitig at nakanganga pa rin habang nakatitig saakin.
βIkaw ang itinakdang kamahalan?β Mahina niyang bulong na kinakunot ng noo ko.
βItinakdang kamahalan?β Bulong ko naman.
Tumango naman siya ng paulit-ulit at inilabas ang isang libro sa loob ng kasuotan niya at mabilis na pinaglilipat bawat pahina at mabilis na ipinakita saakin ang nasa larawan sa loob ng libro. Agad kong pinagmasdan at kamukhang-kamukha ko nga pero dahil sa dilim, hindi ko gaanong maaninag pero sigurado akong kamukha ko.
Agad kong tinignan ang mga nakasulat pero isang makalumang paraan ng pagsusulat. Parang baybayin. Hindi ko maintindihan.
βPwede bang saakin nalang ito?β Mahina kong bulong sakanila.
βWala pong problema!β Agad nilang sagot kaya mabilis kong itinago sa roba ko.
Sabay-sabay kaming napatingin sa babaeng sinisigaw ang mga pangalan nila.
βPaalam na po, itinakdang kamahalan! Ipagpaalam niyo nalang po kami sa kuya Jisuk namin!β Agad nilang paalam at tumakbo.
Hindi na ako nakatango dahil mabilis silang tumakbo paalis na sakto namang paglabas ng mahal na Emperador.
βNasaan na sila, aking Kamahalan?β Nakangiti niyang tanong saakin.
Ngumiti naman ako agad sakanya bago sumagot. βPaalam na daw. Tinawag na sila ng kanilang ina.β Bulong ko sakanya.
Hinatak niya lang ako palapit sakanya at mabilis akong niyakap. βHalika na. Malapit nang lumabas ang pulang buwan.β
Β Β NAKATITIG ako sa pulang buwan na kagigising palang. Tunay ngang napakaganda niya. Hindi nakakapagsisi ang ganda niya. Para siyang isang matapang na sundalo sa isang madilim na gabi.
Nasa baba pa ang Emperador. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero susunod nalang ako sa agos. Dahan-dahan akong naglakad papasok at dahan-dahan isinara ang pintuan.
Nagulat nalang ako nang bumalot ang mga kamay ng Emperador sa katawan ko kasabay ng paglapat ng labi niya sa hubad kong batok na kinapikit ko. Ramdam na ramdam ko kung paano niya alisin ang gintong sinturon ko at hayaang bumagsak ang panlabas kong roba.
Napapapikit nalang ako sa init ng niyang naglalakbay sa batok ko. Ilang segundo lang ay bumagsak na ang panloob kong roba at naglalakbay na ang mainit niyang palad sa hubad kong katawan.
Ang mga labi niya ay nagsimulang maglakbay at unti-unting bumabaon ang kanyang mga ngipin sa aking laman. Agad niyang hinawakan ang aming baba at ihinharap sakanya habang ang mga labi niya ay naglalakbay ng paunti-unti sa aking panga at agad sinakop ang labi ko.
Napapikit nalang ako at naramdaman ang pagbagsak ng aking buhok at sabayang pagpisil ng mga daliri niya sa utong ko.
βM-mmm!β Hindi ko mapigilang ungol nang nanggigigil siya sa pagpisil ng utong ko at lalong ginagalugad ang bibig ko.
Hindi ko mapigilang maglabas ng sunod-sunod na ungol at pag-arko ng aking katawan dahil sa ginagawa niya pero mabilis niya lang akong yinakap pabalik sa katawan niya.
Napamulat nalang ako nang maramdaman ko ang matigas niyang pagkalalaki sa likod ko kasabay ng pagputol ng kanyang mga halik.
Nakangiti niyang hinaplos ang aking mukha at mabilis na hinalikan ang noo ko.
βMag-iisang dibdib tayo ngayong gabi at bubuo ng pag-ibig na ating babalik-balikan sa ating pagtanda. Mahal na mahal kita, Wanjie. Mahal na mahal kita, aking itinakdang kamahalan.β
Kabanata 22
BABALA: SEKSWAL AT HINDI PAMBATANG NILALAMAN ANG MAKIKITA. KUNG IKAW AY HINDI 18+, MAARI KA NANG UMALIS. BINALAAN KITA.
Kabanata 22
Ryke Jie Solidad
Β Β Naramdaman ko nalang ang paglapat ng hubad kong likod sa malambot na higaan at ang malapad na palad ng Emperador sa hita ko pero hindi pa din siya pinuputol ang halik namin.
Napahawak nalang ako sa braso niya at ilang segundo lang ay ako na ang pumutol ng halik pero hindi pa man ako nakakukuha ng hininga ay mabilis niya ulit ilapat ang labi sa labi ko kasabay ng paglalakbay ng palad niya sa aking katawan.
βH-hmmm!β Mahina kong ungol habang na gitna ng aming halikan dahil sa pagpisil niya ng utong ko.
Agad kong hinawakan ang kamay niya pero mabilis niyang tinapik ang kamay ko at lalong diniinan ang pagpisil na nais kong ikasigaw pero pinipigilan ng mga halik namin ang mga sigaw ko na nais kumawala saaking bibig.
Nang pakawalan niya ang aking bibig kasabay ng pa-arko ng katawan ko at pagsigaw dahil sa pagpisil niya sa tuktok ng aking dibdib, ay ang pagpapakawala niya naman ng mahinang tawa. Hindi ko na maiwasang maluha sa sakit at sarap na dulot ng pagpisil niya. Hindi ko alam kung saan ko ipipilig ang aking ulo. Lalo niya pang diniinan ang pagpisil na kinasigaw ko at mabilis na humawak sa kamay niya habang lumuluha.
βNapakasensitibo ng iyong katawan. Kaunting pagpisil lamang ay para ka nang batang nasugatan.β Bulong niya pa at napamulat nalang ako nang hawakan niya ang dalawang pulsuhan ko.
Umalis siya sa pagkakaibabaw saakin at nakangising inalis ang gintong sinturon niya habang nakatitig sa aking mga mata. Dahan-dahan niya din inalis ang kanyang panlabas na roba at laking gulat ko nang makitang wala siyang suot na panloob na roba at tanging panloob lang na nagtatakip sa pagkalalaki niyang naumbok at sumasalubong na saakin. Dahan-dahan akong napalunok nang makita yon at ang kanyang katawan na halos perpekto na.
Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at mabilis na itali gamit ang gintong sinturon niya.
βM-mahal na Emperadorβ¦β Kinakabahan kong bulong pero isang ngisi lang ang ibinigay niya saakin at mabilis akong siilin ng halik.
Mas naging agresibo ang kanyang mga halik at ang kanyang tuhod ay unti-unting dumikit sa gitna ko at dahan-dahan niyang iginagalaw ito na lalong nagpapadagdag sa sensasyon na aking nararamdaman. Nais ko siyang hawakan dahil para akong nalulunod sa mga halik niya pero dahil sa higpit ng pagkakatali niya sa kamay ko ay hindi ko magawa.
Mabilis bumaba ang halik niya sa aking panga kasabay ng pagpisil niya ng mariin sa tuktok ng aking dibdib na kinasigaw at kinaluha ko ng sobra.
Pababa nang pababa ang halik niya hanggang mabaabot sa aking dibdib. Ang kaninang halik niya ay napilitan ng kagat na lalong kinasigaw ko. Para siyang isang tigre na hayok sa laman.
βA-ahhhh!β Malakas na sigaw ko nang lumapat na ang mga labi niya sa tuktok ng dibdib ko at agad kong naramdaman ang sakit ng kanyang pagkagat dito.
Sigaw lang ako nang sigaw dahil sa pinaghalong sakot at sarap. Ilang segundo lang ay tumigil din siya at bumaba naman ang kanyang halik. Pinupuno niya ng kanyang halik at marka ang aking dibdib at pababa nang pababa hanggang mapunta saaking tyan. Agad niyang dinampian ng marahan na halik ang sugat ko bago mabilis na nagpatuloy hanggang mapunta sa puson ko ang labi niya. Dahan-dahan niyang hinatak pababa ang aking suot na panloob at napapikit nalang ako sa hinga nang sumalubong agad sakanya ang tigas na tigas kong pagkalalaki.
Narinig ko pa ang mahihinang tawa niya na lalong kinapula at hiya ko kaya mabilis kong isinara ang mga hita ko pero pwersahan niya lang agad pinaghiwalay.
βK-kamahalan!β Nahihiyang bulong ko sakanya at tinakip na yung kamay kong nakatali sa mukha ko.
βHβwag mong hintayin na umabot ako sa puntong, pati ang iyong mga paa ay aking na din igagapos.β Seryoso niyang bulong na kinatahimik ko.
Napaungol nalang ako nang hawakan niya ang pagkalalaki ko at itaas ang isang hita ko habang nakaupo niya sa pagitan ng aking mga hita. Naramdaman ko nalang na lumapat ang labi niya sa hita ko kasabay ng paggalaw ng kamay niya sa pagkalalaki ko.
Napapasigaw nalang ako sa tuwing kinakagat niya ang laman ko at iniikot-ikot niya ang daliri sa ulo ng pagkalalaki ko. Unti-unting bumalik ang halik niya sa puson ko at napaungol nalang ako nang walang alinlangan niyang isubo ang pagkalalaki ko.Β
Napasigaw nalang ako sa sarap dahil sa ginagawa niya at lalo pa akong napasigaw nang umiikot ang dila niya sa ulo ng aking pagkalalaki habang walang sawang nagtataas baba ang kanyang ulo dito. Lalo pa akong nakaramdam ng kiliti nang umiikot ang daliri niya sa bukana ng aking butas.
Maya-maya lang ay napangiwi ako sa sakit kasabay ng pagpasok ng daliri niya na kinaluha ko pero agad din napalitan ng sarap nang bilisan niya ang paggalaw ng ulo niya sa pagkalalaki ko.
Magkahalong kirot at sarap ang aking nararamdaman dahil sa kanyang ginagawa. Ramdam na ramdam ko kung paano umulos ang kamay niya sa butas ko at dahan-dahan nadadagdagan.
βAhhh!β Malakas kong sigaw dahil sa isang biglaang kiliti na aking naramdaman nang may kung ano siyang tinamaan sa loob.
Tumigil langs siya kaya napatingin ako sakanya at laking gulat ko nang sunod-sunod niyang ilabas masok ang daliri sa butas ko at nawala nalang ako sa sarili sa tuwing natatamaan niya ang bagay na yon. Sigaw lang ako nang sigaw dahil ang sakit na kaninaβy aking nararamdaman ay biglang naglaho at kakaibang sarap ang aking nararamdaman ngayon.
Para akong uod na inasinan dahil sa sarap na dala niya. Hindi ko alam kung saan ko ipipilig ang ulo ko. Lalo pa akong napaungol at sigaw nang alisin niya ang bibig niya sa pagkalalaki ko at ilipat sa tuktok ng aking dibdib.
βL-lalabasan na akoβ¦β Mahina kong bulong.
Agad niyang inilapat ang labi niya sa labi ko at mabilis na itinigil ang paggalaw ng kamay niya sa loob ko at pagkalalaki ko dahilan para maundlot ang paglabas ko. Napapikit nalang ako sa sakit dahil sa pagka-udlot.
Ilang segundo lang ay mabilis niyang pinakawalan ang labi ko at maayos na lumuhod sa tabi ko at dahan-dahan ibaba ang suot niyang panloob. Nanlaki nalang ang mata ko at namutla nang tuluyang makita ang kabuuan niyang hindig na hindig at sumasaludo saakin.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis niya akongs siniil ng halik na agad ko namang nilabanan. Naramdaman ko nalang ang likido sa bukana ko at ang ulo ng kanyang pagkalalaki na handang-handa na akong pasukin.
βTumingin ka sa aking mga mata.β Mahinang bulong niya kaya agad akong nagmulat at tumingin sa mata niya pero agad din akong napasigaw at napapikit sa sakit sa dahan-dahan pagpasok ng ulo ng kanyang pagkalalaki sa butas ko.
βTumingin ka.β Seryoso niyang bulong habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi.
Dahan-dahan naman akong nagmulat at tumingin ng deretso sa mga mata niya.
βNais kong marinig mula sa iyong bibig na akoβy mahal mo din.β Bulong niya saakin.
Mabilis naman akong tumango at ngumiti sakanya. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing mahal ko na siya. Dahil kahit anong gawin kong pagsisinungaling, hindi maloloko ang puso.
βMahaββ Napatigil ako at napapikit nang dahan-dahan muli siyang pumasok pero pinilit kong magmulat at tumingin sakanya ng deretso.
βM-mahalβ¦β Unang bulong ko nang hindi pinuputol ang titig sakanya at ramdam na ramdam ko ang unti-unti niyang pagpasok saakin. Ang sakit at hapdi na para akong hinahati sa dalawa.
ββ¦na m-mahalβ¦β Sunod kong bulong at naluluha nalang dahil sa sakit pero nagagawa ko naman tiisin.
ββ¦ Kita.β Huling bulong ko kasabay nang pagsagad niya sa loob ko.
Naghahabol nalang ako ng hininga sa lalim nang inabot ng kanyang pagkalalaki. Ramdam na ramdam ko yung laki at init niya sa loob ko.
βH-huwag ka munang gumalaw.β Naiiyak na bulong ko.
Narinig ko naman ang mahihinang pagtawa niya bago niya ilapat ang mga palad niya sa pisngi ko.
βMahal na mahal din kita, aking Wanjie.β Bulong niya at mabilis akong siilin ng halik na nakabawas sa sakit na aking nararamdaman.
Mabilis naman lumapat ang isa niyang kamay sa dibdib ko at agad pinisil ang tuktok ng aking dibdib na kinaungol ko at ang isa naman ay nilalaro ang pagkalalaki ko na nakadagdag sa sarap na nararamdaman ko.
Dahan-dahan siyang umulos at napapangiwi ako dahil sa sakit pero tiniis ko. Pinakawalan niya ang labi ko at mabilis na isubo ang tuktok ng aking dibdib habang umuulos siya ng paunti-unti.
Napapasigaw nalang ako sa sakit at sarap. Pero mas lalo akong napasigaw nang may matamaan siya sa loob ko katulad ng kanina na nagbigay ng kakaibang kikiti sa kaibuturan ko. Agad siyang tumingin saakin at ngumisi. Inayos niya ang posisyon niya sa gitna ko at hinawakan ang bewang ko.
Nawala nalang ako sa sarili ko nang sunod-sunod ang ginawa niyang pag-ulos habang nakahawak sa bewang ko ng mahigpit.
βAhhhβ¦ Ahhh! H-hmmm!β Sunod-sunod kong ungol kasabay ng mga pagbayo niya saakin.
Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay kong nakatali at agad akong hinatak patayo. Mabilis siya akong niyakap at napasigaw nang bayuhin niya ako ng mabilis habang ang bibig niya ay nasa leeg ko.
Tanging sigaw, ungol at pagsalpok lang ng mga balakang namin ang nagbibigay ingay sa buong silid. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sarap. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maipaliwanag.
Lalo pa akong napasigaw nang muli niya akong ihiga at ilagay ang dalawang kamay sa tuktok ng aking dibdib at sabay na pisilin kasabay ng sunod-sunod niyang pagbayo saakin.
βNapakagandang tanawin.β Bulong niya pa saakin at muling hinawakan ang aking bewang at bayuhin ako ng mabilis.
Pabilis nang pabilis ang pagbayo niya na kinababaliw ko. Ramdam na ramdam ko ang kiliti at ramdam ko na din na malapit na akong labasan pero mabilis siyang huminto at humiga sa tabi ko. Mabilis niyang itinaas ang isang paa ko at muling bumayo ng mabilis kasabay ng pagbalot ng kanyang mga kamay sa aking tyan.
Sigaw lang ako nang sigaw dahil sa sarap. Ramdam na ramdam ko yung bawat pagbaon niya sa loob ko na sobrang lalim. Wala naman siyang sawa sa paghalik sa balikat ko at leeg.
Makalipas ang ilang segundo ay mabilis niya akong ibinalik sa dating posisyon at mabilis niya muli akong binayo habang magkalapat ang aming mga labi.
Hindi ko na napigilan at mabilis na tumalsik ang aking katas sa aking tyan kasabay nang mahina kong ungol habang nasa gitna ng aming halik. Napaungol nalang din ako matapos ang ilang segundo nang maramdaman ang mainit na likidong sumabog sa loob ko.
Mabilis niyang pinakawalan ang bibig ko at napapikit nalang ako habang naghahabol ng hininga at siya naman ay dahan-dahan bumabagal ang pagbayo at mabilis na humiga sa tabi ko. Yinakap niya ako ng mahigpit at dahan-dahan inalis ang pagkalalaki niya sa butas ko na kinaungol ko pa ng mahina kasabay nang pagtulo ng likido sa butas ko.
Napapikit nalang ako dahil sa pagod at mas hinigpitan niya naman ang yakap saakin.
βIisa na tayo, aking mahal. Ako ay ikaw, ikaw ay ako. Ikaw ang kahati ng buhay ko, ganon din ako. Nangangako akong ipaglalaban kita, aalagaan kita, at mamahalin higit pa sa sarili ko. Handa akong itaya ang aking buhay para sayo. Mahal na mahal kita, Wanjie.β Bulong niya pa na kinangiti ko at mabilis akong halikan sa noo.
βM-maaari na ba akong magpahinga?β Natatawa ko naman tanong kasi kanina pa ako inaantok at hinahatak ng tulog.
Sinuklian niya naman ako ng mahinang pagtawa at muling hinalikan sa noo.
βMaaari na, mahal ko.β Bulong niya.
Dahan-dahan akong humarap sakanya at mabilis siyang hinalikan sa labi bago pumikit at ngumiti. Inilapat niya naman ang palad niya sa pisngi ko at dahan-dahan hinaplos na naging dahilan sa mabilis kong pagkakahimbing. Naramdaman ko nalang muli ang labi niya sa noo ko bago ako tuluyang makatulog.
Pananaw ng Ikatlong Tao
Β Β Ilang minutong nakatitig ang Emperador sa himbing na himbing na Wanjie habang hinahaplos ang pisngi niyo. Ni isang segundo ay hindi naglaho ang kanyang ngiti habang nakatitig kay Wanjie.
βNapakaganda mo aking mahal. Kahit saan anggulo kita titigan, puso koβy iyong binabaliw.β Mahinang bulong niya at mabilis na halikan ang noo ni Wanjie.
Dahan-dahan siyang tumayo at walang pakialam kahit walang suot na kahit anong saplot. Maingat niyang binuhat si Wanjie at dinala sa palikuran. Dahil sa pagod, hindi man lang magising si Wanjie. Himbing na himbing pa din ito na kinatawa ng Emperador.
Agad na inilublob ng Emperador ang kamay niya sa isang paliguan na puno ng tubig. Tinatantya kung gaano kalamig o kainit ang tubig ba may mga piraso ng dahon ng pulang rosas.
Nang matapos siya, dahan-dahan niyang inilubog si Wanjie at pinaupo sa paliguan. Hindi man lang ito naalimpungatan kahit inilublob na ang katawan niya sa tubig na kinatawa ni Jisuk, ang Emperador.
Mabilis na lumabas si Jisuk sa palikuran at pumasok sa kwarto ng mga kasuotan. Agad siyang nagsuot ng kasuotan at kinuha ang isa niyang pulang kasuotan at agad dinala sa palikuran. Agad niya itong binitawan sa lababo bago bumalik sa tabi ni Wanjie.
Agad niyang hinaplos ang balat nito gamit ang sabon at nililinis. Walang parte sa katawan ni Wanjie ang hindi niya hinaplos at nilinis kahit ang parteng yon na nagamit niya kanina. Sinigurado niya na malinis Wanjie bago niya ito iahon at walang pakialam kung mabasa man siya. Agad siyang pumasok sa kwarto at inihiga si Wanjie at pinunasan hanggang sa matuyo.
Bumalik siya agad sa palikuran at kinuha ang roba niya at mabiis na ipasuot kay Wanjie. Sa laki ng roba niya, lagpas sa paa ni Wanjie at mga kamay na kinatawa ng Emperador. Agad niyang binuhat si Wanjie nang maingat at lumabas ng kwarto ay binaybay ang palabas ng bahay.
Agad silang lumabas sa maliit na tarangkahan ng bahay kung saan naghihintay ang kalesa at mga kawal niya. Agad siyang sinalubong ng isa sa mga kawal at mabilis niyang tinakpan si Wanjie sa malapad na manggas ng kanyang kasuotan.
βMahal na Emperador.β Agad na bulong ng kawal at mabilis na yumuko.
βHanda na ba ang lahat?β Tanong naman ni Jisuk.
βOpo.β Sagot naman agad ng kawal.
βAng mga isda?β Sunod niya pang tanong.
βNakasakay na po ng maayos.β Bulong ng kawal na kinatango lang ni Jisuk at mabilis na binuksan ng kawal ang pintuan.
Maingat naman pumasok si Jisuk at ingat na ingat pa din kay Wanjie. Agad niya itong inihiga sa kalesa at pinaunan ang hita niya. Maya-maya lang ay umandar na sila paalis pero kay Wanjie lang ang atensyon niya. Mabilis itong yumuko at agad na dinampian ng halik ang noo ni Wanjie.
βTayoβy babalik na. Ito ang pinakamasayang kaarawan ko sa aking buhay. At dahil sayo yon, aking mahal. Aking Kamahalan.β
Ryke Jie Solidad
Β Β Nagising nalang ako dahil sa sakit ng katawan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at kakaunting liwanag ang pumapasok sa loob ng bahay.
Dahan-dahan akong umupo pero napangiwi nalang ako sa sakit pero kaya ko naman.
Agad kong pinagmasdan ang paligid at laging gulat ko nang wala na kami sa Desma. Bumalik na kami sa palasyo at nasa tuluyan ako ng Emperador.
Agad akong napatingin sa pintuan nang bumukas yon at agad na iniluwa si Lady Jik habang nakangiti saakin.
βMagandang umaga, Kamahalan.β Bulong niya saakin at ngumiti na pinagtaka ko.
Agad siyang lumapit saakin at hinawakan ang kulay pulang roba at agad hinigpitan ang pagkakasara dahil nakikita yung dibdib ko bago niya hawakan ang kamay ko at alalayan patayo. Ang laki naman nitong roba?! Ano ba yan!
βMahigpit na ipinagbawal saakin ang gutumin ang kamahalan kaya ikaw ay kakain na, Kamahalan.β Bulong niya pa at inalalayan ako sa paglakad pero napapangiwi talaga ako sa sakit.
Napatingin naman ako kay Lady Jik nang mahina siyang tumawa.
βPaumanhin aking Kamahalan. Ako lamang ay natutuwa at nakuha na ng aking alaga ang inaasam-asam niyang regalo sa kanyang kaarawan.β Bulong niya na pinagtaka ko.
βK-kaarawan niya?β Mahinang tanong ko habang naglalakad kami papunta sa hapag kainan.
Sa labas lang talaga ako kakain. Sa sala ng Emperador. Doon sa sahig na may malambot na upuang pansahig.
βOpo! Kaarawan niya kahapon. Ang kaarawan niya ay laging tumutugma sa pulang buwan kaya naman lagi siyang nagpupunta sa Desma para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.βΒ Paliwanag naman niya saakin na kinatango ko.
Inalalayan niya ako sa pag-upo na pinagpasalamat ko at napatitig sa mga pagkain na halos pupuno na sa mesa.
βKumain na po kayo, Kamahalan.β Turan pa ni Lady Jik na agad kong pinagpasalamat at huminga ng malalim bago nagsimulang kumain.
NATAPOS na akong kumain at nakapaghilamos na. Nais ko sanang maligo pero hindi ako pinayagan ni Lady Jik. Nilinisan niya lang ang sugat ko at ngayon ay sinusuklayan ang aking buhok. Maya-maya lang ay inabot niya ang kahon na binigay saakin ng Emperador kahapon.
Agad ko naman binuksan at kinuha ang pagpusod na mas maganda ngayon. Kitang-kita ang desensyo. Mukhang totoo yung nga dyamante.
βAng ganda, Kamahalan.β Bulong ni Lady Jik.
Literal na tanging panloob lang ang suot ko kahit nandito siya. Puno din ng marka yung tyan, dibdib at hita ko.
βBawat dyamante ay may katumbas na kahulugan. Lahat yan ay totoo. Mula ang mga iyan sa natatagong kayamanan ni Jisuk na minsan niya nang ipinakita saakin.β Bulong niya na kinagulat ko.
βMaaari ba?β Dugtong niya pa at pumalad.
Hindi naman ako nagdalawang isip na ipatong sa palad niya yung pangpusod. Nagukat nalang ako nang hatakin niya yung parte na may palamuti at unti-unting hinatak yung naghiwalay na pangpusod at isang mahaba at matalim na karayom ang nagkukubli sa loob nito.
βIsang nakalalason at nakamamatay na karayom. Ibinigay sayo ng Emperador para maprotektahan no ang iyong sarili.β Bulong niya pa na kinangiti ko.
Nagsimula niya nang ipusod ang aking buhok gamit ang bigay saakin ng mahal na Emperador. Nakatitig naman ako sa aking kasuotan na isang puting robang panloob at pulang robang panlabas na may desenyong linya ng mga ginto.
Nang matapos niyang ipusod ang buhok ko ay agad niya akong pinuri na aking kinatawa at mabilis na kinuha ang robang panloob ay pinasuot saakin.
βMakapal ang robang panloob mo at mas mataas ang tela nito sa dibdib. Ako mismo ang nagdesenyo at nagtahi nito.β Bulong ni Lady Jik na agad kong kinangiti at nagpasalamat sakanya.
Agad niyang itinali yung sinturon sa bewang ko bago ipasuot saakin yung robang panlabas. Ingat na ingat pa siya sa pag-aayos. At huli, pinatong niya ang vest na kulay pula din at mabilis na itali.
βNapakaganda mo, Kamahalan.β Bulong niya pa saakin na kinatawa ko lang.
Agad niyang kinuha ang sapatos na kulay pula din. Nagpumilit akong ako na ang magsusuot pero hindi niya ako pinakinggan. Napasimangot nalang tuloy ako.
Nang matapos siya ay agad din siyang tumayo at tinitigan ang kabuuan ko.
βTunay nga namang isang perpeksyon.β Nakangiti niyang bulong na kinatawa ko.
βLady Jik naman!β Nahihiya kong bulong sakanya bago umupo sa kama.
βMaghintay pa tayo ng ilang minuto bago lumabas.β Tumango naman ako at ngumiti sakanya.
Β Β TULAD ng sinabi ni Lady Jik, naghintay kami ng ilang minuto bago lumabas at naglakad papuntang sa tarangkahan kung saan ang aming mga tuluyan. Ako nalang daw ang hinihintay. Alam daw kasi nila na ngayon ang aking paglabas. Sabay-sabay daw kaming pupunta sa pagdiriwang.
Nagulat ako nang yumuyuko saakin yung mga tagapaglingkod at kawal.
βBuksan niyo na.β Utos ni Lady Jik nang nasa harapan na ako ng tarangkahan.
Dahan-dahan naman nilang binuksan at agad sumalubong saakin ang mga nakahilerang mga kasamahan ko ngunit parang sila ay nabawasan.
βWaaaaaaa! Wanyaaaaa!β Malakas na sigaw na umagaw ng pansin ko.
Nakita ko nalang si Shuli na tumatakbo papunta saakin kaya nagdali-dali akong bumaba sa hagdan at mabilis siyang sinalubong. Agad niya akong sinalubong ng yakap.
βAkala ko patay ka na! Ang tagal-tagal mo! Nakakainis ka!β Umiiyak niya pang bulong habang nakayakap saakin na kinatawa ko.
Agad niya naman akong inihiwalay sakanya at tinitigan pero nagtaka ako nang bigla siyang mapanganga.
βAng ganda moβ¦β Mahina niyang bulong at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
βAng ganda ng kaibigan ko!β Sigaw niya pa sa mga kasamahan namin na kinatawa ko bago siya hawakan sa kamay at mabilis na naglakad papunta sa mga kasamahan ko.
Agad kong nginitian si Lady Fe at agad niyakap. Hindi naman siya nag-atubiling yumakap pabalik.
βSalamat at ligtas ka.β Mahina niyang bulong bago ako pakawalan.
Isa-isa akong yumuko sa iba lang tagapaglingkod bago humarap sa mga kasamahan ko na nakatitig lang saakin na lubos kong pinagtaka.Β
βM-may problema ba?β Mahina kong bulong.
Mabilis naman nila akong dinampa ng yakap at ano-anong papuri ang narinig ko sakanila. Akala daw nila mamamatay na ako. Hindi ko nalang pinansin. Hindi ko naman sila kilalang lahat at parang nabawasan sila.
βTama na yan. Tayo naβt magpunta sa pagdiriwang ng kaarawan ng Emperador.β Nakangiting turan ni Lady Fe.
Agad naman akong hinawakan ni Shuli pero ang pinagtataka ko, bakit ngayon lang ipinagdidiwang ang kaarawan niya kung kahapon yon?
βShuli, ngayon ba talaga ang kaarawan ng Emperador?β Bulong ko habang nag-aayos yung iba at naghahanda sa pag-alis.
Tumango naman siya saakin at titig na titig pa din hanggang ngayon.
βOo! Ikalima ng Abril ang kaarawan niya. Ngayon yon!β Sagot niya naman saakin. Edi ikaapat ng Abril kahapon? Bakit ang sabi ni Lady Jik, kahapon ang kaarawan ng Emperador?
βSa araw na ikalima, ika-labinlima, ika-dalawamput lima ng kalendaryo ipinapanganak ang mga maharlika. Tulad ng Emperador na ikalima ng Abril ang kaarawan.β Bulong niya naman na lalong pinagdikit ng kilay ko. Ha? Bakit magkaiba sila ng sinasabi?
Napatigil nalang kami sa pag-uusap nang sumigaw si Lady Fe.
βBumuo ng linya. Nawawala ang aking mahalagang bagay.β Seryoso niyang bulong kaya agad kaming luminya ni Shuli at umayos.
Sunod-sunod naman ang bulong sa paligid. Ako ay nakatayo lang dahil hindi ko naman alam kung anong nangyayari.
βYung mahalagang bagay ni Lady Fe, yung kwintas niya na may isang gintong singsing na ibinigay ng kanyang asawa. Lagi niyang dala yon at nasa bulsa ng kanyang pangitaas.β Paliwanag naman saakin ni Shuli na kinatango ko.
May bulsa kasing maliliit yung mga vest na pwedeng paglagyan. Siguro nalaglag lang. Pero makikita naman agad βdi ba? Sinong kumuha? Hindi ko na tinignan yung bulsa ko dahil sigurado akong wala dyan. Bakit ko kukunin βdi ba?
βAng mapatunayan na magnanakaw ay may karampatang parusa na dalawampung hagupit.β Turan pa ni Lady Fe at isa-isa nang tinignan bawat bulsa.
Nasa linya namin siya tumitingin at nasa unahang linya si Yu. Yu Kiree. Nang matapos siyang tignan ni Lady Fe, tumitig pa si Lady Fe sakanya bago lumipat sa likod niya.
Mabilis lang yung pagtingin at nasa unahan ko na si Lady Fe. Ilang segundo lang ay nasa akin na siya. Agad ko siyang nginitian at malayang pinatingin sakanya ang bulsa ng vest ko. Ngumiti naman siya saakin bago ipasok yung kamay niya sa vest at laking gulat ko nang maglaho ang mga ngiti niya at dahan-dahan alisin ang kamay sa loob ng bulsa at hawak niya na ang kwintas na may gintong singsing na kinagulat ko.
βT-tekaβ¦β Nauutal kong bulong habang nakatingin kay Lady Fe.
βH-hindi ko po magagawa yan, Lady Fe.β Naiiyak kong bulong.
Napatingin ako sa paligid at kung ano-anong bulong ang naririnig ko habang nakatitig sila saakin. Muli akong humarap kay Lady Fe kasabay ng pagtulo ng luha ko.
βH-hindiβ¦β Umiiyak kong bulong sakanya.
βWanyaβ¦β Naramdaman ko nalang ang hawak ni Shuli sa kamay ko at pilit akong pinapakalma.
βDakpin si Lee Wanya!β Sigaw ng isa sa mga tagapaglingkod at mabilis na lumapit saakin ang mga kawal.
Tinulak nila si Shuli at agad akong hinawakan sa parehong braso ko. Nakatitig lang ako kay Lady Fe na nakatitig lang din saakin kasabay ng pagtulo ng mga luha ko at paghatak ng mga kawal saakin. Inosente ako. Hindi ako magnanakaw.
Kabanata 23
Kabanata 23
Ryke Jie Solidad
Β Β Dinala nila ako sa timog na bahagi ng palasyo. Sinalubong kami ng hindi mabilang na kawal na nakapila sa isang maluwag na espasyo dito sa loob.
Gustong-gusto ko alisin ang kanilang hawak sa braso ko na sobrang higpit pero hindi ko magawa. Halos madapa-dapa na din ako sa pangangaladkad nila saakin pero hindi ko magawang magreklamo.
Agad binuksan ng ibang kawal ang dalawang pintuan papunta sa isang silid at mabilis akong pinasok ng mga kawal. Agad kong pinagmasdan ang buong silid na walang kahit anong mga kagamitan. Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pintuan, senyales na itoβy sinara na. Nagulat nalang ako nang hawakan nila ang tali ng aking robang panlabas at mabilis na alisin. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakatutol pa. Agad nilang inalis ang panlabas na roba sa katawan ko at mabilis akong tinulak paluhod.
Mabilis akong napatingin sa likuran ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at laking tuwa ko nang makitang si Lady Fe ang pumasok.
βL-lady Feβ¦β Mahinang bulong ko habang nakatitig ako sakanyang pagpasok kasunod ang isa pang punong tagapaglingkod.
Mabilis siyang lumapit sa harap ko at agad na hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko maiwasang maluha.
βH-hindi ko po ginawa, L-lady Fe. Maniwala ka.β Mahinang bulong ko sakanya kasabay nang pagtulo ng mga luha ko habang umiiling.
βSimulang hagupitin si Lee Wanya!β Sigaw naman ng kasama niya na kinagulat ko at kinatigil sa pag-iyak.
βRina!β Sigaw naman sakanya ni Lady Fe bago muling humarap saakin.
βNaniniwala ako sayo, Wanya.β Nakangiting bulomg niya na lalong kinaiyak ko.
Mabilis niya aking niyakap at agad naman akong yumakap pabalik habang umiiyak sa dibdib niya. Hindi ko matanggap. Hindi ko naman ginawa ang bagay na yon. Hindi ko kailanman gagawin.
βAba Fe, hβwag mong sasabihin na hahayaang mong hindi maturuan ng leksyon ang batang βyan! Nagkasala siyang pagnanakaw. At kung hindi maturuan ng leksyon, malamang ay kanyang uulitin ang karahasan na kanyang ginawa.β Turan ni Lady Rina.
βInosente si Wanya! Hindi ako naniniwalang kaya niya akong pagnakawan!β Malakas na sagot ni Lady Fe sakanya habang nakahawak sa mga kamay ko.
βNahuli na sa akto ang batang yan! Nagbubulagbulagan ka pa rin!β Sigaw niya kay Lady Fe. βHawakan niyo si Lady Fe.β Utos niya pa sa mga kawal.
Lalong humigpit ang hawak saakin ni Lady Fe at sapilitan kaming paghiwalayin ng mga kawal. Hindi ko na mapigil ang aking luha. Patuloy lang sila sa pagtulo.
Nakita kong kinuha ni Lady Rina ang isang mahaba at itim na patpat na nakasabit sa dingding.
βR-rinaβ¦β Rinig ko pang bulong ni Lady Fe habang hawak siya nang mga kawal.
βIlabas niyo si Lady Fe.β Utos niya na agad naman sinunod ng mga kawal.
Agad nilang nilabas si Lady Fe. Napahagulgol nalang ako habang nakaluhod bago ko naramdaman ang isang napakahapding pagpalo at saplit sa aking likuran. Nais kong sumigaw pero nangunguna ang pagtulo ng aking mga luha at pagpipigil.
Isa, dalawa, hanggang tatlong palo ay natiis ko pa. Pero ang pang-apat, bumabaon na aking laman. Sobrang sakit. Sobrang hapdi. Paulit-ulit ang sakit at hapdi. Wala akong magawa. Wala akong mahingan ng tulong. Hindi ako papayag na ganito lang ang mangyari saakin. Ako ang nagdudusa sa kasalanang hindi naman ako ang may gawa.
βKailangan kong ipaintindi sayo na, lahat ng tao sa palasyo ay balat-kayo lamang. Nais kitang maging Emperatris ko kaya kailangan mong malaman ito. Hβwag na hβwag kong ipapakita sakanila ang kahinaan mo. Sisirain ka nila gamit ito. At kapag nasira ka, talo ka. Naiintindihan mo ba?β Rinig kong bulong sa aking isip.
Tipid akong napangiti kaakibat ng kahit anong sakit na aking dinadaranas ngayon.
βN-naiintindihan ko na, aking Emperador.β
Β Β DALAWANG palo nalang ang natitira at parang akoβy susuko na sa sakit at hapdi. Wala akong magawa kundi mailapat nalang ang aking palad sa malamig na sahig.
Napaungos nalang ako sa sakit nang hampasin akong muli sa aking likod kasabay ng aking pagngiti. Isa nalang. Isang ngiti ang aking binitawan matapos ang huling hampas at mabilis akong napahiga sa malamig sa sahig. Halos hindi ko maigalaw ang aking buong katawan dahil sa sakit.
Nanlalabo ang aking paningin at wala akong marinig sa paligid. Tanging liwanag na kay labo at ingay ng paligid ang pumapasok sa utak ko na hindi ko naman maintindihan. Unti-unting dumidilim ang aking kapaligiran kasabay ng nakakabinging katahimikan.
Ito na ba ang aking kamatayan? Napakaaga naman. Hinayaan ko ang aking sarili na hatakin ng dilim.
Β Β AKOβY nagising sa hindi maipaliwanag na sakit. Kumikirot ang aking likod at kaunting galaw lamang ay ramdam na ramdam ang hapdi. Nandito pa din ako sa madilim na silid kung saan ako pinarusahan.
Pinilit kong makatayo kasabay ng pagtulo ng aking mga luha dahil sa sakit na aking dinaramdam. Batid ko na walang maaaring tumulong saakin habang nasa loob pa ako ng silid na ito. Kaya naman ang mga pinaparusahan ay iniiwan pagkatapos bigyan ng parusa at kung mamatay man sila sa loob, iyon ay kapalaran na nila. Maswerte akoβt nagising pa.
Dahan-dahan akong tumayo at mabilis na pinunasan ang aking mga luha at kinuha ang aking robang panlabas. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang sinusuot ko ang aking panlabas na roba. Ni hindi ko maiunat ang aking mga kamay. Batid ko din na halos sira na ang aking robang panloob sa parteng likuran dahil sa dalawampung hampas ng manipis na patpat na halos bumabaon na sa laman ko.
Pinilit kong maglakad hanggang sa pintuan at mabilis na buksan. Agad sumalubong saakin ang dalawang kawal sa may pintuan na prenteng nakatayo lamang at walang pakialam sa presensya ko. Napatingin ako sa kalangitan at dahan-dahan maglakad palabas at pababa ng silid. Wala nang katao-tao sa malaking espasyo dahil halos lahat sila ay nagbabantay na at sa wari koβy, malalim na ang gabi.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa isang matapang na buwan na pilid akong ginagabayan sa aking daang aking tatahakin. Ngumiti ako ng tipid bago ako muling sumulyap sa silid ng pagpaparusa. Isang malaking parte ka ng aking pagbabago.
Pinilit kong maglakad nang mabilis palabas ng timog na bahaging palasyo. Agad akong nagtungo sa gitnang bahagi ng palasyo kung saan ang pinakamalapit na pwede kong daanan papunta sa palasyo ng Emperador.
Agad kong nilakad ang daan papunta sa timog na tarangkahan at agad na kumatok. Ilang segundo lang ay mabilis din bumukas ang maliit na tarangkahan at hindi ako nagdalawang isip na pumasok na kinagulat ng mga kawal.
βKamahalan!β Sabay pang bulong ng dalawang kawal at mabilis sana akong lalapitan pero pinigilan ko sila.
Hinayaan nila ako sa gusto ko at naglakad ako tinutungo ang panuluyan ng Emperador pero nakakuha ng aking pansin ang Emperador na nakatayo sa gitna ng malaking espasyong sanayan ng mga kawal. Mabilis akong napangiti nang makita ko siya. Malayo ang pagitan namin kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sakanya pero laking gulat ko nang makita ang iba pang kawal habang hawak ang isang taong nakatakip ng itim na tela ang mukha kaya mabilis akong mapahinto sa aking kinatatayuan.
Pinanood ko kung paano tanggalin ng Emperador ang itim na telang nagtatakip sa mukha ng lalaki at laking gulat ko nang makitang si Heneral Suk ang taong yon. Puno siya ng sugat sa mukha at dugo. Marahil ay hindi nila ako napapansin dahil malayo pa ako sakanila pero nakikita ko naman ang kanilang ginagawa. Mabilis na inilabas ng Emperador ang espada niya at itinutok sa nakaluhod na Heneral Suk.
βAno ang iyong dahilan upang patayin si Lee Wanya?β Turan niya na kahit medyo mahina ay malinaw saakin pandinig na labis kong kinagulat.
Napatitig ako kay Heneral Suk. Hindi ako makapaniwalang ninais niya akong wakasan ng buhay. Siya ang pumana saakin? Dahan-dahan siyang tumawa sa Emperador.
βHindi ba mas pabor sayo kung ako ang makakapatay kay Wanya?β Tumatawang turan niya na kinagulat ko at kinatulo muli ng aking mga luha.
Nakatutok lang ang espada sa leeg ni Heneral Suk at nakatitig lang sakanya ang Emperador. Pero hindi ko inasahan ang kanyang susunod na sinabi na halos ginaguho ng aking pag-asa.
βHindi baβt, mahal na Emperador, sayo ang isa pang pana na dumaplis sakanyang magandang mukha?β Nakangising turan ni Heneral Suk.
Hindi ko maintindihan. Lalo akong naguluhan. Sinong kakampi ko sa laban na βto? Sinong kasama ko? Lalong nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha at hindi na ininda ang sakit na dulot ng mga sugat sa aking likuran bagkus ang sugat saaking puso ang nangingibabaw ang sakit.
βKailangan kong ipaintindi sayo na, lahat ng tao sa palasyo ay balat-kayo lamang. Nais kitang maging Emperatris ko kaya kailangan mong malaman ito. Hβwag na hβwag kong ipapakita sakanila ang kahinaan mo. Sisirain ka nila gamit ito. At kapag nasira ka, talo ka. Naiintindihan mo ba?β Muling rinig kong bulong sa aking isip na kinatawa ko ng mahina.
Tama. Lahat kayo ay mapanlinlang. Lahat kayoβy balat-kayo lamang. Huli ko na lamang nasilayan ang pagbaon ng espada ng Emperador sa leeg ni Heneral Suk at mabilis na akong tumalikod paalis.
Bakit mo nagawa saakin βto, mahal na Emperador? Pinagkatiwalaan kita. Binigay ko ang tiwala at sarili ko sayo pero bakit ganito ang nakuha ko?
Patuloy ang aking pagpunas sa aking mga luhang patuloy na dumadaloy habang naglalakad papunta sakanyang panuluyan. Walang nangahas na pigilan ako o hawakan man lang. Lalo ko pang binilisan ang aking lakad at hindi na ininda ang sakit ng aking katawan at mabilis na pumasok sa loob. Mabilis akong naglakad hanggang makarating ako sa likod na parte ng kanyang panuluyan. Napangiti ako agad nang makita ang palaisdaan. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay at naglakad, tinutungo ang palaisdaan.
Mabilis akong mapangiti nang matanawan ang mga bituin sa tubig at ang mga isda sa ilalim. Masyado na akong nasaktan. Nais ko nang magpahinga. Hindi ako nagdalawang isip na tumalon sa tubig at hayaang hatakin ako pailalim. Nakangiti ko nalang pinikit ang aking mga mata. Sa wakas, matatakasan ko na ang mga sakit.
βJie-jie?!β Rinig ko pang sigaw pero isang ngiti nalang ang isinagot ko sa ilalim ng tubig. Mahal kita, Emperador ko.
Kabanata 24
Kabanata 24
Pananaw ng Ikatlong Tao
Napahinto na lang si Jisuk nang makita kung paano tumalon si Wanjie sa malalim na palaisdaan. Napatakip na lang din ng bibig si Maria dahil sa nasaksihan.
βW-wanya!β Malakas na sigaw ni Maria at nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
βWanjie?! Wanjie?!β Paulit-ulit naman sigaw ni Jisuk at mabilis na tumakbo papunta sa palaisdaan.
Hindi siya nagdalawang isip tumalon sa palaisdaan na kinagulat ng mga tagapaglingkod.
βKamahalan!β Sabay-sabay nilang sigaw at napatakip na lang ng bibig.
Lahat sila ay gulat na gulat sa pangyayari. Mabilis tumakbo si Maria papunta sa tabi ng palaisdaan. Pilit niyang tinatanaw ang dalawa sa ilalim ng tubig pero tanging mga bituin lang sa langit ang kanyang nakikita. Halos lahat sila ay pigil ang hininga dahil sa takot at pag-aalala.
Makalipas ang animnapung segundo, nagulat ang lahat nang umahon ang Kamahalan, yakap-yakap si Wanjie.
βKamahalan!β Agad na turan ni Maria habang nakangiti at mabilis na inabot ang kamay ng Kamahalan.
Hindi nagdalawang isip na hinawakan ni Jisuk ang kamay ni Maria at mabilis na umahon sa tubig. Agad niyang inihiga si Wanjie at mabilis na tinignan ang paghinga nito.
βWanjie?!β Malakas na sigaw niya habang tinatapik ang pisngi ni Wanjie.
βJie-jie, hβwag kang bibitaw!β Sigaw niya pa at sinubukan ng paulit-ulit na bombahin ang dibdib ni Wanjie.
βWanjie!β Sigaw niya pa.
Nakailang ulit na din siya pero hindi pa din bumabalik ang malay ni Wanjie na labis na kinatakot ni Maria habang nakatitig dito.
Agad hinawakan ng Kamahalan ang pisngi ni Wanjie at mabilis na iawang ang bibig nito. Wala siyang pagdadalawang isip na ilapat ang labi niya sa labi ni Wanjie at mabilis na salinan ng hangin. Salit-salit ang ginawa niyang proseso at hindi nawalan ng pag-asa hanggang sa bumalik muli ang malay ni Wanjie at isuka lahat ng tubig na kanyang nainom.
βJ-jie jie!β Agad na turan ng Kamahalan at agad na niyakap si Wanjie.
Nakahinga nang maluwag ang lahat at patuloy pa din sa pag-ubo si Wanjie pero walang pakialam ang Kamahalan. Nakayakap siya dito habang hinahagod-hagod ang likod niya.
Hahawakan na niya sana ang mukha ni Wanjie nang makita ang dugo sa palad niya na labis niyang kinagulat. Agad niyang tinignan ang likod ni Wanjie at bumungad sakanya ang mga sariwang sugat dahil sa pagpaparusa.
Muling nawalan ng malay si Wanjie pero bumalik na sa ayos ang paghinga niya. Agad binuhat ng Kamahalan si Wanjie at mabilis na tumingin kay Maria.
βAlamin mo kung sino ang nagparusa. Sila ay mananagot kung walang sapat na basehan.β Agad na turan niya kay Maria bago mabilis na naglakad papasok sa kanyang tuluyan kasama si Wanjie.
Lee Wanjie
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakahiga ako sa isang malambot na higaan na napapalibutan ng puting telang manipis.
Hindi pa ako namatay? Sana namatay na lang ako. Gusto ko nang mamatay kahit hindi na ako makabalik sa mundo ko.
Dahan-dahan tumulo ang aking mga luha nang maalala ko lahat ng aking nasaksihan. Hindi ko na pinansin ang kirot ng aking mga sugat na likod na halos tagos sa aking mga buto dahil mas masakit ang sugat ng aking puso. Bakit niya gustong wakasan ang aking buhay? Binigay ko sakanya ang lahat-lahat. Tiwala, pagmamahal at sarili ko pero bakit ganito ang binalik saakin?
Dahan-dahan akong napapikit kasabay nang mga hakbang na aking naririnig. Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo para punasan ang aking mga luha dahil alam kong sila ay tutulo at tutulo pa rin.
Palapit nang palapit ang mga hakbang at kung hindi ako nagkakamali, huminto ito sa mismong tapat ko. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Sa kanyang presensya at amoy, hindi ako magkakamaling sabihin na ang Kamahalan ang matabi ko ngayon.
Ramdam na ramdam ko ang marahan paglapat ng kanyang mga palad saaking mga pisngi at dahan-dahan na pinunasan ang aking mga luha.
βBatid ko na ikaβy gising, aking mahal.β Turan niya at hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay pero hindi pa din inaalis ang kanyang isang kamay saaking pisngi.
βNadudurog ako sa tβwing nasisilayan kita na puno ng sugat at dugo. Hindi ko kayang pagmasdan ka sa ganyang estado.β Turan niya.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at deretsong tumingin sa kanyang mga mata. Ang dami kong tanong na nais kong mabigyan ng kasagutan.
Bakit gusto mo akong wakasan, mahal ko? Bukal ba talaga sa iyong loob na ako ang maging Emperatris mo o plinano mo lamang ang lahat para mapadali ang iyong pagpatay saakin? Nais ko din malaman kung totoo nga ba ang pinapakita mo ngayon dahil halos ayoko nang maniwala. Minahal kita. Mahal pa din kita. Masyado ba akong mahina para maging kahati ng buhay mo?
Napakadaming tanong na umiikot sa aking isipan pero isa lang ang sagot sa lahat ng yan. βKailangan kong ipaintindi sayo na, lahat ng tao sa palasyo ay balat-kayo lamang. Nais kitang maging Emperatris ko kaya kailangan mong malaman ito. Hβwag na hβwag kong ipapakita sakanila ang kahinaan mo. Sisirain ka nila gamit ito. At kapag nasira ka, talo ka. Naiintindihan mo ba?β
Naiintindihan ko, Kamahalan. Kapag nasira ako, talo ako. Balat-kayo lamang ang lahat, bakit pa ako magpapakatotoo? Hindi ko sisirain ang aking pangako na maging Emperatris mo, pero hindi ko na maipapangakong maging isang Jie-jie na nakilala mo.
Pananaw ng Ikatlong Tao
Nakatitig lang ang Kamahalan sa nahihimbing na Wanjie. Natapos na siyang pakainin ng Kamahalan at mabilis itong bumalik sa pagtulog nang hindi man lang nagbibitaw ng ni isang salita na labis na kinalungkot ng Emperador.
Napahinga na lang ng malalim ang Emperador bago dahan-dahan iangat ang kumot na nagtatakip sa katawan ni Wanjie na ngayoβy nakabalot sa isang pulang roba.
βHindi ko ninais na makita ka sa pula. Mas nasanay akong makita kang maputi at napaganda. Hindi ako sanay, Jie-jie.β Mahinang bulong ng Emperador bago dahan-dahan dampian ng halik sa noo si Wanjie. Tinitigan pa niya si Wanjie ng ilang segundo bago dahan-dahan tumayo at muling ibaba ang manipis na puting tela na magsisilbing proteksyon ni Wanjie habang natutulog sa kahit ano mang insektong magnanais na dapuan siya.
Tanaw na tanaw niya pa din si Wanjie mula sa loob at hindi niya maiwasang mapangiti dahil don. Nagtagal pa siya ng ilang minuto upang bantayan si Wanjie bago siya dahan-dahan tumalikod at naglakad palabas sa silid.
Ang mga ngiti niya ay naglaho dahil sa hindi maitagong lungkot at galit. Mabilis siyang naglakad pababa. Ang kanyang dating tuluyan na iisang palapag lamang, naging dalawa na at nasa itaas si Wanjie. Sa tunay na silid ng Kamahalan at nagpapahinga.
Mabilis siyang bumaba at ang malaking espasyo sa ibaba at tanggapan na ng kanyang tuluyan. Mabilis siyang dumiretso sa labas at agad na pinuntahan ang pala-isdaan. Nakatitig siya sa repleksyon ng nga bituin sa langit at dahan-dahan bumalik ang tingin sa tuluyan at sa balkonahe ng kanyang silid kung saan nahihimbing si Wanjie.
Maya-maya lamang ay mabilis siyang nagbuga ng hangin ay nagsalita.
βLady Jik.β Mahinang bulong niya.
Si Lady Jik na kararating lamang at ngayoβy nasa gilid ng Kamahalan.
βKamahalan.β Mahinang bulong ng Kamahalan.
Nanatiling nakatingin sa tubig ang Kamahalan at hindi kumikibo ng ilang segundo.
βBatid mo ba ang dahilan?β Sunod na turan ng Kamahalan.
βOpo, Kamahalan.β Agad naman sagot ni Lady Jik.
Muling huminga nang malalim ang Emperador at naging isang hudyat iyon kay Lady Jik upang isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman.
βKamahalan, nitong umaga, aking inihatid si Wanjie sa tarangkahan papunta sa kanlurang bahagi. Tinanaw ko siya hanggang sa salubungin siya ng kanyang mga kasama. Unang yumakap sakanya ang kanyang matalik na kaibigang si Shuli Quinn.β Unang pagsasalaysay ni Lady Jik.
βSumunod na yumakap sakanya si Lady Fe at ang mga huling yumakap sakanya ay ang mga kababaihan. Ipagpaumanhin niyo aking Kamahalan pero akoβy nakaalis na matapos kong masilayan ang kanilang masayang tagpo. Ang susunod kong sasabihin ay mula na din kay Shuli.β Sunod na salaysay ni Lady Jik.
βMagpatuloy ka.β Agad naman bulong ng Emperador.
βMakalipas ang ilang minuto ay handa na silang umalis pero agad silang pinabuo ng linya dahil nawawala ang isang alahas na pampaswerte ni Lady Fe na laging nasa bulsa ng kanyang kasuotan. Kinapkapan ang lahat at sa gulat ng lahat ay nasa bulsa ito ni Wanjie.β Mahabang turan ni Lady Jik.
βHindi magagawa ng aking sinta ang paratang na yan. Higit na mas mataas ang halaga ng kanyang kasuotan at pangpusod na aking regalo sa lahat ng mga alahas na kanilang suot. Hindi ako naniniwala.β Agad na bwelta ng Kamahalan matapos magsalita ni Lady Jik.
βSyang tunay, Kamahalan. Maging si Lady Fe ay hindi makapaniwala. Agad siyang pinadampot ni Lady Rina kahit tutol si Lady Fe at dinala sa timog para parusahan.β Sunod na turan ni Lady Jik.
βLady Rina, tiyak na tayo ay magkikita.β Mahinang bulong ng Emperador habang nakangisi.
βNapag-alaman ko rin na si Lady Rina ang nagpataw ng parusa at wala nang magawa pa si Lady Fe.β Huling bulong ni Lady Jik.
βLady Jik, batid nating pareho na makapal ang ipinasuot kong pangloob na roba sa aking sinta. Halos hindi na makilala ang panloob niyang roba pagkatapos ng pagpapataw ng parusa. Sa dalawapung hagupit at lakas ng isang lalaki para nagparusa, hindi babaon sa laman ang manipis na latigo at sisirain ang makapal na roba. Tama ba?β Mahabang turan ng Emperador at tumingin kay Lady Jik. Mabilis naman na sumang-ayon sakanya si Lady Jik.
βHindi kaya ay may lihim na galit si Lady Rina kay Wanjie at labis-labis ang ibinigay na parusa?β Agad naman turan ni Lady Jik.
βAng parusa na nasaranasan ng aking sinta ay hindi dapat sakanya. Sinabi mo na siya ay niyakap ng kanyang matalik na kaibigan, ni Lady Fe at kanyang mga kasamahan. Isa sakanila ang maglalagay sa aking sinta sa patibong at aalamin ko kung sino.β Turan pa ng Emperador.
βKumakalat din ang balitang, pumanaw na si Wanjie dahil hindi kinaya ang parusa. Dahil na din walang pwedeng pumasok sa loob ng silid ng pagpaparusa pwera na lamang kung may bagong parurusahan, hindi nila makumpirma na binawian na nga ng buhay si Wanjie sa loob.β Paliwanag pa ni Lady Jik sa Emperador.
βPalabasin patay ang aking sinta at walang magpapapasok sa lugar ng pagpaparusa. Nais ko silang masurpresa sa pagbabalik ng aking Kamahalan.β Turan ng Emperador.
βSa ngayon, ibabalik ko ang mga naranasan ng aking Kamahalan sa kamay ni Lady Rina.β Huling turan ng Emperador habang nakangisi.
KINAUMAGAHAN , ipinatawag ng mahal na Emperador si Lady Rina sa kanyang tuluyan. Mabilis naman sumunod si Lady Rina. Agad itinuro ni Lady Jik na nasa likod na bahagi ang Emperador. Agad naman tumalima si Lady Rina.
βKamahalan, ako daw po ay iyong pinapatawag.β Agad na turan niya sa nakatalikod na Emperador.
βSiyang tunay. Nais ko lamang na ikaβy batiin sa nagawa mong maganda.β Nakangiting turan ng Emperador sakanya pagkatapos niya itong harapan.
βKamangha-mangha ang nagawa mong pagpaparusa sa isang magnanakaw. Ang mga magnanakaw ay hindi dapat kinukunsinte at hinahayaan. Kaya naman malaki ang bilib ko sayo, Lady Rina.β Turan pa ng Emperador at niyukuan ng bahagya si Lady Rina na halos abot tenga na ang ngiti.
βIsang karangalan, Kamahalan.β Nakangiti pang bulong ni Lady Rina sa Emperador.
βAkoβy magtatanong na rin kung iyong nanaisin.β Agad na bulong ng Emperador.
βWala pong problema, Kamahalan.β Agad na sagot ni Lady Rina.
βAno sa tingin mo ang nararapat na gawin sa mga taong niloloko ang sariling batas ko? Tulad ng mga taong ipinapasa ang kasalanan ng iba sa inosente?β Turan ng Emperador na kinalaho ng ngiti ni Lady Rina at napalitan ito ng takot sa kanyang mukha.
βD-dapat po ay maranasan din nila ang n-naranasan ng inosente, Kamahalan.β Nauutal na bulong ni Lady Rina na kinangisi ng Emperador.
βMagaling, Lady Rina. Tunay ang iyong tinuran. Kung ano ang iyong itinanim ay siya rin iyong aanihin.β
MAGTATAKIP-SILIM ay mabilis na naglalakad sila Lady Jik papunta sa tuluyan ng mga tagapaglingkod kasama ang mga tagapaglingkod sa palasyo ng Emperador.
Gulat na gulat ang lahat ng mga tagapaglingkod nang makita sila Lady Jik sa kanilang lugar. Lahat sila ay naglabasan at sinalubong sila Lady Jik.
βNarito kami upang ipaalam na nawawala ang pangpusod na pagmamay-ari ng Emperador. Meron itong limang dyamante at gintong katawan. Ang pang-pusod na ito ay para sa kanyang hinaharap na Emperatris.β Agad na turan ni Lady Jik.
βNandito kami upang inspeksyunin ang inyong mga gamit. Kaya kung maari lamang ay magsilabas kayo sa inyong mga silid at para makapagsimula na.β Turan pa ni Lady Jik.
Mabilis naman pumila ang mga tagapaglingkod sa tapat ng kanilang mga tuluyan at hinayaang pumasok ang mga tagapaglingkod ng palasyo ng Emperador sa kanilang mga silid.
Matapos ipatawag ng Emperador si Lady Rina, agad din pinatawag ang mga tagapaglingkod upang linisin ang buong palasyo niya. Ang pangpusod na may limang dyamante ay nasa isang silid kasama pa ng ibang mga pangpusod ng Emperador at mga kasuotan . Ang silid na ito ay kasama din niyang pinalinis.
Ilang minuto lang ay lumabas ang isa sa tagapaglingkod ng palasyo ng Emperador, hawakβhawak ang pangpusod na labis na kinagulat ng lahat.
βMaraming salamat sa lahat. Nais kong malaman kung kaninong gamit mo nakuha ang pangpusod ng Emperatris?β Agad na tanong ni Lady Jik nang maibigay sakanya ang pangpusod.
βKay Lady Rina po, Lady Jik.β Turan ng tagapaglingkod na kinagulat ng lahat.
βH-hindi ko po βyan magagawa, Lady Jik!β Agad na turan ni Lady Rina.
βMasyadong importante ang pangpusod na ito para sa Emperador dahil siya mismo ang nagdisenyo nito para sa kanyang Emperatris.β Turan ni Lady Jik at ipinakita sa lahat ang pangpusod. Ang pangpusod na iniregalo ng Emperador kay Wanjie at suot nito habang pinaparusahan siya na lingid sa kaalaman ng lahat.
βPaumanhin Lady Rina. Ang nagkasala at dapat na parusahan. Hindi ba?β Agad na turan ni Lady Jik kay Lady Rina.
βMaaari nang magpahinga ang lahat. Dadalhin sa silid ng pagpaparusa si Lady Rina para maparusahan.β
Kabanata 25
Kabanata 25
Pananaw ng Pangatlong Tao
Β Β Walang magawa si Rina kundi umiyak habang kinakaladkad siya ng nga kawal papunta sa silid ng pagpaparusa. Kahit anomg gawin niyang pagpupumiglas ay hindi siya binibitawan ng mga kawal.
βM-maawa kayo!β Sigaw niya pa nang paulit-ulit pero tila walang mga tenga ang mga kawal at wala silang pinapakinggan at sinusunod maliban sa Emperador.
Lalong nanginig sa takot si Rina nang malapit na ang silid. Mas nilakasan niya ang sigaw at pag-iyak ngunit walang may pakialam sakanya. Agad binuksan ng mga kawal ang pintuan ng pagpaparusa at tinulak papasok si Rina. Pinilit pang makalabas ni Rina pero naisara agad ang pinto.
βNakikiusap ako! P-palabasin niyo ako!β Malakas na sigaw ni Rina habang kinakatok ang pintuan.
Lingid sa kanyang kaalaman na ang Emperador ay nanonood sakanya at kasama niya sa loob ng silid habang hawak ang manipis na latigong ginamit ni Rina kay Wanjie.
βLady Rina.β Agad na turan ng Emperador na kinatigil ni Rina sa pagkakatok ng pintuan at dahan-dahan humarap sa Emperador.
βK-kamahalanβ¦β Nanginginig na bulong ni Rina at nagsimula muling tumulo ang mga luha niya. May pinahid na kung ano ang Emperador sa latigo habang nakatitig si Rina na lalong nanginig sa takot.
Nginisian lang siya ng Emperador. βKung ano ang iyong itinanim, siya rin ang iyong aanihin.β
Lee Wanjie
Β Β Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakatitig dito sa palaisdaan kung saan ako nalunod. Kitang-kita ko ang mga butuin na dahil nagsisilbing salamin ang tubig.
Maya-maya lang ang nakarinig ako ng mga yapak mula saaking likuran. Napahinga na lamang ako nang malalim hanggang makatayo siya sa tabi ko.
βKay ganda ng gabi, Kamahalan.β Mahinang bulong ko.
βSiyang tunay.β Rinig kong turan ng katabi ko.
Ako ay nagulat sa kadahilanang hindi siya ang Kamahalan. Mabilis akong napatingin sa taong tumabi saakin. Isang lalaking nakasuot ng itim na sombrero na katulad ng sa Kamahalan at nakasuot ng kasuotan na itim. Nakatitig din siya sa palaisdaan. Ngayon ko lamang siya nasilayan. Hindi pamilyar ang taong ito para saakin.
βP-paumanhin. Maari ko bang malaman kung ano ang iyong ngalan?β Agad kong turan sakanya.
Dahan-dahan naman siyang tumingin saakin at ngumiti. Ngayon ko lamang talaga nasilayan ang kanyang mukha. Dahil ba hindi ko pa nalibot ang buong palasyo? Saan galing na parte ng palasyo ang lalaking ito?
βSaan parte ka nanggaling?β Dugtong ko pa.
Nakangiti lang siya saakin at nagulat ako nang ilabas niya ang isang bungkos ng bulaklak na kanina pa nakakubli sa kanyang likod.
βIsang karangalan, aking Kamahalan.β Mahina niyang turan at mabilis na yumuko na kinagulat ko. βAking labis na ikagagalak kung iyong tatanggapin nang buong puso ang bulaklak na akin sayo ay inaalay.β Mahaba niya pang turan habang nakangiti.
Agad ko naman tinanggap kahit nagdadalawang isip ako at agad na ngumiti. βM-maraming salamat.β Mahina kong bulong at agad na pinagmasdan. Tatlong klase ng bulaklak, Daisy, Dahlia at Lily.
βNahihirapan ka na ba, aking Kamahalan?β Mahina niyang tanong at muling bumalik sa pagkakatitig sa palaisdaan.
Labis akong nagtataka sa kanyang mga tinuturan. Hindi ko maintindihan pero para marami siyang alam na tungkol saakin.
βH-hindi naman.β Mahina kong sagot sakanya.
Huminga siya nang malalim bago muling tumingin saakin.
βAno ang iyong nararamdaman sa iyong mga nalaman? Nais ko po na malaman kung iyong nanaisin, aking Kamahalan.β Turan niya saakin. Napatitig ako sa kanya nang ilang segundo bago mabilis na tumingin sa palaisdaan.
βSa k-katunayan, hindi ko mawari ang aking dapat maramdaman. H-hindi ko alam kung dapat ba akong masuklam pero akoβy nagdadalawang isip. Sa kadahilanang, wala akong makitang dahilan upang ipapatay ako ng mahal na Emperador. Mabuti din ang kanyang ipinapakita. Kaya hindi ako makahanap ng matibay na dahilan para siya ay kasuklaman.β Mahaba kong turan.
Nanatili naman siyang tahimik bago mahinang natawa. βKahit na wari moβy tunay ang tinuran ng hangal na Heneral, tama ba?β Turan niya pa na hindi ko na lang sinagot.
βKung ikaβy aking tatanungin, aking Kamahalan. Naniniwala ka ba sa hangal na Heneral o hindi? Nais komg idepensa mo ang magiging sagot mo.β Utos naman niya saakin na kinagulat ko.
βInuutusan mo ba ako?β Hindi ko mapigilang turan.
Agad naman nanlaki ang mga mata niya at agad na umiling na kinatawa ko.
βH-hindi po, aking Kamahalan. P-paumanhin.β Agad niyang turan na kinatawa ko pa.
βIkaβy aking binibiro lamang.β Agad ko naman turan niya na kinangiti niya.
Natahimik kami nang ilang segundo bago ako huminga nang malalim.
βAng aking isip ay naniniwala subalit ang aking puso ay trinatraydor ako.β Natatawang bulong ko.
βIkaβy sinakop na ng pag-ibig, aking Kamahalan. Masyado kang tinamaan sa mahal na Emperador. Tunay nganng lahat ay mabubulag dahil sa pag-ibig.β Natatawa niyang bulong na kinatawa ko na lang din.
βBatid mo pa ba ang mga salitang pinaalala niya sayo?β Sunod niyang turan na tinanguan ko.
βKailangan kong ipaintindi sayo na, lahat ng tao sa palasyo ay balat-kayo lamang. Nais kitang maging Emperatris ko kaya kailangan mong malaman ito. Hβwag na hβwag kong ipapakita sakanila ang kahinaan mo. Sisirain ka nila gamit ito. At kapag nasira ka, talo ka. Naiintindihan mo ba?β Mahabang turan ko.
Narinig ko naman ang mahinang pagpalakpak niya na kinatingin ko sakanya.
βPagbati, aking Kamahalan! Magaling!β Nakangiti niya pang bulong.
βSana namaβy naiintidihan mo ang nais niyang ipabatid. Sa panahong ito, kapangyarihan ang nangingibabaw. Bilang lamang sa daliri ang makasasalamuha mong totoo sa iyo.β Turan niya.
βAt kahit sa panahon natin, hindi pa din nagbabago ang takbo.β Dugtong niya na kinagulat ko. P-panahon natin?
βA-anong ibig mong sabihin?β Hindi ko mapigilang turan sakanya na tanging tipid na ngiti lamang ang isinagot saakin.
βMaaaring akoβy totoo at maaari rin na hindi. Maaaring tapat ako sayo, maaari rin na hindi. Pero pakatandaan mo aking Kamahalan, lahat tayo ay may karapatan pumili sa ating mga desisyon na pipiliin. Kung nais mong magpakatotoo, magagawa mo. Kung nais mong hindi, magagawa mo. Ang tanging nakatatakot lamang ay ang resultang kasunod nito.β Mahaba niyang paliwanag saakin.
βKahit ako ay ayaw ko na ikaβy nakikita sa masigla at kulay dugong kasuotan. Iniisip ko na puno ka ng hinanakit at sakit. Nanais mong maghiganti at sisimulan mo ang lahat sa pagpapanggap, tama ba?β Turan niya pa na nginitian ko na lang ng tipid. βPero, ang pula ay nagsisimbulo din ng katapangan. Akoβy nagagalak na naisipan mo nang lumaban kahit hindi mo pa kabisado ang iyong panahon na ginagalawan.β Dugtong niya pa. Napatingin naman ako sa kasuotan niyang itim at may puting panloob.
βItim na kasuotan, nagsisimbulo ng kasamaan, kasakiman at kadiliman. Ngunit ang iyong panloob na roba ay puti. Ibig sabihin, sa isang kasamaan may nagkukubling kabutihan na ilan lamang ang makakakita.β Nakangiti kong turan sakanya.
βSa pula mong kasuotan aking Kamahalan, at puti din na panloob. Ibig sabihin ba ay kahit sa rumaragasa mong galit ay may puwang pa din sa puso mo ang kabutihan? May nakapagsabi kasi saakin na, hβwag mong lunurin ang iyong sarili sa galit sa kadahilanang hindi mo na maiisip ang iyong gagawin at magiging resulta nito sa hinaharap.β Turan niya pa. βKaunti lamang ang nakakakilala saakin, aking Kamahalan. Mas gusto ko na makilala nila ako bilang masamang tao. Dahil sila ay balat-kayo lamang katulad ko. Hindi masamang maging balat-kayo, inilalayo at nilalabanan mo lang ang sakit na papunta sayo.β Nakangiti niyang dugtong.
βIsipin mo na lamang na may dahilan kung bakit nandito ka sa panahon na ito. May dahilan na kailangan mong malaman. Kailangan mong matuklasan at ang tanging makakatulong lamang sayo ay ang sarili mo.β Turan niya pa at yumuko saakin.
βS-sandali, hindi mo pa ipinakilala ang iyong sarili!β Agad kong turan sakanya.
Nakangiti naman siyang lumapit saakin. Nagtaka ako dahil pumwesto siya sa likuran ko.
βKalypso ang aking ngalan, iyan ay iyong pakatandaan, aking Kamahalan. Hanggang sa muli.β Huling bulong niya at nanlaki na lang ang mga mata ko nang itulak niya ako sa palaisdaan.
Mabilis na lang akong napapikit at pagmulat ng mga mata ko ay nasa higaan na ako. Mabilis akong napatayo habang naghahabol ng hininga. Panaginip? Agad akong napangiwi dahil sa tindi ng sakit mula sa likod ko.
Hindi ko matiis ang sakit at hapdi. Dahan-dahan tumulo ang mga luha ko. Parang nasusunog ang laman ko.
βAhhhhh!β Umiiyak kong sigaw at napakapit na lang sa higaan dahil sa sakit.
βWanjie?!β Narinig ko pang sigaw sa paligid ko at ang mga mabibigat na yapak papunta saakin.
Agad na bumalot saakin ang malalaking bisig. Napakapit na lang ako sa braso niya habang umiiyak pa rin sa sakit.
βLady Jik!β Rinig ko naman sigaw niya.
Naramdaman ko na hinubad niya ang kalahati ng aking kasuotan nang hindi ako binibitawan. Nakasubsob lang ako sa dibdib niya at lalong humihigpit ang hawak ko sakanya dahil sa hindi maipaliwanag na sakit. Narinig ko ang mga yapak ni Lady Jik na mabilis umupo sa tabi ko.
βMabilis lang ito, Kamahalan.β Agad niyang bulong at dahan-dahan inalis ang mga tela sa sugat ko na lalong kinasigaw ko sa sakit.
Mas yinakap pa ako ng Emperador nang mahigpit habang hinahaplos-haplos ang ulo ko. Naramdaman ko na lang ang kung anong malamig at malagkit na pinunas niya sa sugat ko. Ilang segundo lang ay napalitan ng kaunting kirot ang hindi maipaliwag na hadping nararamdaman ko kanina. Dahan-dahan akong tumigil sa pag-iyak pero hindi pa din umaalis sa bisig ng Emperador.
βMuli ka munang magpahinga, aking Kamahalan.β Mahinang bulong ng Emperador at hinalikan ako sa noo.
Β Β NAKATAYO ako sa harap ng salamin habang dahan-dahan hinuhubaran ng Emperador. Wala siyang tinira sa kasuotan ko ni isa. Nilinis niya ang aking mga sugat at ngayon akoβy magpapalit na.Β
Dahan-dahan kong sinuot ang puting panloob at roba habang inaalalayan niya. Siya ang nagtali nitong roba bago buhanin ang kulay lilang panlabas na roba pero agad ko siyang pinigilan.
βNais koβy pula.β Mahina kong bulong.
Napatitig siya saakin ng ilang segundo bago lumabas sa silid at ilang segundo lang ay bumalik dala ang pulang roba. Agad ko siyang nginitian bago niya ipasuot saakin ang roba at itali nang maayos.
Matapos ay mabilis niya akong sinuotan ng gintong sinturon at pinusod ang aking buhok kagaya ng sakanya bago ilagay ang gintong pangpusod.
βNais kong matuto habang akoβy nagpapagaling. Nais kong matutunan ang lahat ng dapat matutunan. Maari ba, mahal na Emperador?β
Kabanata 26
Kabanata 26
Lee Wanjie
Β Β Nakatitig lamang ako sa kawalan habang nakaupo dito sa veranda sa itaas, dito sa may silid tulugan ko. Hanggang ngayon ay umiikot pa rin sa aking isip kung bakit nais kunin ng Emperador ang aking buhay. Wala akong makitang sapat na dahilan upang ikagalit niya. Sinusunod ko ang utos niya, hindi ko kailanman siya sinuway. Anong magiging dahilan niya para kitilin ang aking buhay?
Napahinga na lamang ako nang malalim at marahan na pumikit. Hinayaan ko ang sarili ko na langhapin ang sariwang hangin na sumasalubong sa akin. Ilang segundo akong nakapikit bago dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Bigla kong naalala ang libro na aking hiningi kay Jikjik at Janjan. Hindi ko na βyon nakita simula nang bumalik kami dito.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ako mismo ang nakta ko sa larawan na nakalakip sa libro. May mga maliliit pang karakter sa ilalim ng litrato na parang makalumang paraan ng pagsulat. Kung hindi ako nagkakamali, para itong Baybayin na tinatawag.
Ngunit nasaan na ang libro? Bakit bigla na lang itong nawala sa pangangalaga ko? Sigurado akong may sinasabi sa libro na tungkol o konektado sa akin. Nais kong malaman pero bakit pinipigilan? Pinipigilan ng kung sino? Nais kong malaman.
Β Β IPINATONG ng Kamahalan ang apat na makakapal na libro sa mesa sa harap ko. Nandito kami ngayon sa loob ng kanyang silid aklatan dito rin sa loob ng kanyang tuluyan. Noong unang kita ko pa lang dito ay alam ko nang may tinatago talaga sa itaas na parte ng tuluyan. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa kanya upang akoβy bigyan ng pahintulot sa lugar na ito.
Ang ikalawang palapag, ay may apat na silid. Ang silid kung saan ako nagpapahinga o ang silid din ng Kamahalan, ang silid ng mga damit, silid kung saan tumatanggap ng bisita ang Kamahalan na katabi lamang ang aking silid ngayon na silid niya rin at ang huli, na kahit kailan ay hindi ko pa napuntahan. Kinuha niya ang unang libro at binuksan bago ipatong sa harap ko.
βIyong makikita sa nilalaman ng librong βyan ang posisyon at pamamalakad sa politika ng palasyo.β Turan niya. Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin at nanatili ako sa libro. Nakita ko naman ang paraan ng pagsulat. Wari koβy makabago na ito.
βAking Kamahalanβ¦β Mahina kong turan bago tumingin sa kanya. Agad din siyang tumingin sa akin habang nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi. βIto na po ba ang makabagong pamamaraan ng pagsulat?β Mahinang turan ko.
Napatitig naman siya nang ilang segundo sa akin bago ngitian ako at sumagot. βHindi ka nagkakamali, aking sinta.β Mahina niyang turan na kinatawa ko nang mahina.
βDalawang dekada na simula nang alisin ang makalumang pamamaraan ng pagsulat.β Paliwanag niya na kinatango ko bago ilipat ang pahina ng libro kung saan nakataya ang mga posisyon sa politiko at pamahalaan dito sa loob ng palasyo.
βAng pamahalaan ng palasyo ay binubuo ng Emperador at Emperatris. Ang nagdaang Emperador at Emperatris ay wala ng karapatan sa pakikialam sa pamamalakad ng tagapagmana. Ngayon ay nasa labas sila nitong palasyo ko, at nasa kanlurang bahagi.β Paliwanag niya sa akin. Kaya pala may isang malaking tuluyan sa kanlurang bahagi. Doon pala namamalagi ang nagdaang Emperatris at Emperador.
βSa ilalim ko, may walong tagapagbatas at labin-dalawang tagapayo.β Turan niya. βAng tagapagbatas ang gumagawa ng mga batas na kung aking pahihintulutan ay magiging isang tunay na batas na kailangan sundin. Ang mga tagapayo ay mga taong nagbibigay ng opinyon sa bawat hakbang na aking gagawin. Pero ako pa rin ang masusunod sa lahat.β Mahabang paliwanag niya.
βSa ilalim nila ang mga Heneral ng tagapaglingkod at tagapangalaga sa katahimikan nitong buong palasyo. Sumunod ang mga ulo o puno na nangunguna sa tagapaglingkod at tagapagluto sa kusina ng palasyo.β
βAng kanilang mga pangpusod ay, ginto para sa akin at sa aking pamilya. Asul para sa mga tagapagbatas at may ilang hibla ng ginto. Purong asul naman sa tagapayo. Itim na may ginto sa mga heneral. Pula sa mga punong tagapaglingkod at tagapagluto.β Huling paliwanag niya na kinatango ko na lang din at nanatiling nagbabasa sa libro. Nasaad din dito ang kasaysayan ng distiyang Han at ang mga nagawa ng Emperador makalipas ang ilang taon.
Nagulat na lang ako nang agawin niya sa akin ang libro kaya mabilis akong napatingin sa kanya. Wala na ang ngiti sa labi niya at magkasalubong ang kanyang nga kilay.
βM-may problema ba?β Mahina kong bulong sa kanya.
βAkoβy parang hangin na lamang sa iyo. Hindi ko matanggap.β Mahinang bulong niya at napatitig ako sa kanya ng ilang segundo bago na ako natawa. Seryoso ba siya? Para siyang bata.
Umupo siya sa tapat ko at nakatingin lang sa kung saan pero iniiwasan ang tingin ko. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kanya. Dahan-dahan kong itinaas ang kasuotan ko at umupo sa mga hita niya ng paharap. Agad niya naman hinawakan yung bewang ko pero hindi pa rin nakatingin sa akin at nakasimangot na lalong kinatawa ko.
Agad kong sinapo ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko bago ko siya dahan-dahan ipaharap sa akin. Nakabibilib din yung kutis niya, napakakinis at kayumanggi. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya bago ko siya halikan sa labi nang isang beses.
Ayaw maniwala ng aking puso na kaya akong patayin ni Jisuk. Kung sanang kaya niya, nagawa na niya sana noon pa. Noong kaming dalawa lamang sa gitna ng kagubatan. Kahit ngayon ay magagawa niya. Ayoko maniwala. Putangina, ang rupok mo Wanjie.
βMahal na Emperador, ako lamang hindi ba?β Mahina kong bulong sa kanya.
Ilang segundo siyang napatitig sa akin bago hawakan ang mga pisngi ko at akoβy siilin ng halik. Napapikit na lang ako at sumabay sa kanyang halik na kalaunan ay pinutol niya rin pero hindi inalis ang titig sa aking mga mata. βIkaw lamang, aking sinta. Hindi na ako maghahangad pa ng iba. Mahal na mahal kita, Wanjie.β
Β Β NAKALUBOG ang aking katahating katawan dito sa paliguan na may dahon ng rosas na pula at kung ano-ano pa. Mabango yung tubig. Sobrang bango.
Dahan-dahan kong kinukuskos ang balat ko sa tubig. Medyo masakit pa din yung mga sugat ko sa likod kahit na malapit nang maghilom. May pinapahid ang Emperador sa tuwing nililinis namin yung mga sugat ko.
Napatingin na lang ako sa pintuan nitong palikuran nang dahan-dahan βyon bumukas at pumasok ang Emperador sa loob.Β Isang tipid na ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya. Sanay na ako na sabay kaming naliligo. Ayaw ako lubayan eh.
Nakita ko na lang sa sulok ng nga mata ko na hinubad niya na yung suot niyang roba at naglakad papunta sa akin. Sumampa siya sa paliguan at nasa likod ko siya. Naramdaman ko na lang yung mga palad niya sa tyan ko at hinatak ako palapit sa kanya. Napasandal na lang ako sa dibdib niya at hindi ko naiwasang pamuluhan ng mukha dahil ramdam na ramdam ko yung pagkalalaki niya sa likuran ko. Hindi naman ako nasasaktan. Nararamdaman ko lang at hindi siya matigas.
Hinawakan niya yung mga kamay ko at siya mismo yung nagpunas sa balat ko. Hinayaan ko lang siya kasi gusto niya naman yan. Kinikintalan niya pa ng panaka-nakang halik ang leeg ko.
βMay nais ka bang puntahan o gawin habang ikaw ay nagpapahinga, aking sinta?β Tanong niya sa akin habang hinahaplos ang balat ko.
βNais kong makita ang aking ina at kapatid.β Agad kong turan.
Hindi naman siya nagsalita nang ilang segundo. Naramdaman ko na lang ang mga daliri niya sa tuktok ng dibdib ko. Marahan niyang pinipisil ang mga ito na kinauungol ko. Lalo pa akong napaungol nang bumaon na ang mga ngipin niya sa balikat ko.
βAking kamahalan, nais kong malaman kung kaninong pag-aari ka.β Bulong niya sa tenga ko at mariin na pinisil ang tuktok ng aking dibdib na kinasigaw ko.
βS-saβββ Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang mabilis niya akong siilin nang halik kasabay nang maririin pagpisil niya sa tuktok ng aking dibdib. Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa sensasyon na dulot niya.
Hindi niya pinakawalan ang aking bibig hanggang sa kapusin na ako nang hininga pero hindi ko pa rin mapigilang mapasigaw sa tuwing pinipisil niya ang tuktok ng aking dibdib.
Hingal na hingal akong napahawak sa mga hita niya sa ilalim ng tubig. Mabilis na pumulupot ang isang kamay niya sa aking tiyan at ako ay hinatak niya palapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko na ngayon sa aking likuran ang tigas na tigas niyang pagkalalaki.
βNais kong marinig, aking kamahalan.β Muling bulong niya sa tenga ko habang naglalakbay pababa ang palad niya papunta sa pagkalalaki ko.
βP-pagmamay-ari mββ Ahhh!β Hindi ko na lang mapigilang mapasigaw nang sakalin niya ang pagkalalaki ko at paikutin ang hintuturo niya sa tuktok nito.
βNais kong marinig.β Muling bulong niya.
βP-pagmamay-ari mo, k-kamahalββ Ahhhhhh!β Isang mahaba ay malakas na sigaw na lamang ang nailabas ko kasabay nang paglabas ng likido sa aking pagkalalaki.
Hingal na hingal akong napasandal sa kanya at mahigpit naman niya akong niyakap bago halikan ang aking noo kasabay ng kanyang mahinang pagtawa.
βMagaling, aking sinta. Ikaβy pag-aari ko at walang sayong makakakuha mula sa akin.β
Β Β NAKANGITI ako habang nagbibihis. Alas-syete na nang gabi at aalis daw kami para umuwi ako at makadalaw kila ina.
Agad kong kinuha yung kasuotan na kulay puting roba, puting panlabas na roba na may mga lilang bulaklak bilang desenyo. Agad kong sinuot isa-isa bago lumabas.
Nakita ko naman ang kamahalan na nakabuong itim at nakapatong sa mesa namin yung maskara niya. Hindi din siya nakapusod na ginto at tanging simpleng lilang pangpusod lamang. Agad niya akong sinalubong ng ngiti kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.
βMas nakakaaya kang tignan kapag ganyan ang kulay ng iyong kasuotan.β Mahina niyang bulong na kinatawa ko na lang.
Agad niya akong pinaupo at pinusod niya yung buhok ko. Nilagyan niya ako ng gintong pampusod pero hindi yung lagi kong suot. Yung simple lang na may mga maliliit na bulaklak. Sinuotan niya rin ako ng sapatos na kulay itim kagaya ng sa kanya.
Nakita ko pang kinuha niya yung espada niya at sinabit sa bewang bago niya kinuha yung parang bag at sinabit sa balikat niya. Hindi ko alam kung anong laman nyan pero mukhang maglalakad lang kami.
βNasaan yung espada ko?β Agad kong tingin sa kanya. Tinignan naman niya ako nang masama na kinangiwi ko. Problema nito?
βHindi ka pa marunong gumamit ng espada.β Tipid na turan niya na kinasimangot ko.
Napatingin naman ako nang may kumatok at mabilis na pumasok si Lady Jik na may hawak na parang arnis na kulay puti at may mga nakaukit na desenyo. Tulad ng mga bulaklak at mga ahas.
βWaaaβ¦β Hindi ko mapigilang bulong at agad na lumapit kay Lady Jik.
βKamahalan.β Mahinang bulong niya at inaabot sa akin yung arnis na agad ko naman kinuha. Hindi ko maiwasang titigan yung hawak kong sandata. Ang ganda ng pagkakagawa. Parang sobrang tibay. At parang hindi pintura yung puti, parang natural.
βGawa ang arnis na βyan sa puno ng Hikanse. May natural na kulay puti at matibay na puno.β Paliwanag sa akin ng Emperador na lalo kong kinamangha.
βMababalian ka ba kung ipapalo ko ito sayo?β Hindi ko mapigilang turan na kinasama ng kanyang tingin.
βBakit hindi natin subukan, aking kamahalan? Hindi βyan ang aking ipapalo sa iyo pero sinisigurado kong hindi mo na kakayaning maglakad.β Nakangisi niyang bulong na kinapula ng aking pagmumukha. Pati si Lady Jik hindi mapigilang mapatawa sa kapilyuhan niya.
βH-hindi ka naman mabiro, mahal na Emperador.β Agad kong bulong.
Inismiran niya lang ako at mabilis na maglakad papunta sa akin. Agad kong naiharang yung arnis pero mabilis niya lang hinawakan yung dalawang arnis gamit yung isang kamay niya at inagaw sa akin.
βIto ang magsisilbing proteksyon mo habang naglalakbay tayo maliban sa akin. Maliwanag?β Turan niya na kinangiti ko at kinatango. Tinali niya yung arnis at sinabit sa likod ko. Mabilis niya akong pinaharap sa kanya pagkatapos at kinintalan ako ng halik sa noo.
May inabot pa sa kanya si Lady Jik na isang tela na hugis tatsulok. Isang tela na puti at medyo malinas na may tali sa magkabilang dulo.
Agad niyang inilapat yung tela sa mukha ko. Hanggang sa itaas ng ilong ko lang. Natatakpan yungΒ ilong ko at pababa. Tanging mata lang yung nakikita. Ibinuhol niya yung dalawang tali sa likod ng ulo ko bago ngumiti sa akin.
βNapakaganda mo, mahal ko.β
Kabanata 27
Kabanata 27
Lee Wanjie
Β Β βKamahalan? Bakit nga pala ngayong gabi pa tayo naglakbay? Hindi ba pwedeng mamayang umaga na lang?β Hindi ko mapigilang tanong sa Emperador.
Β Β Halos kalahating oras na rin kaming naglalakad. Masasabi ko nang malayo na kami sa palasyo. Hindi ko inaakalang tutuparin niya yung hiling ko na makita ang kapatid ko at si ina.
Β Β βSa kadahilanang, kapag naglakbay tayo ng umaga, maaaring may makakita sa atin. Mas mabuti nang gabi tayo maglakbay.β Paliwanag naman niya habang nakangiti na tinanguan ko.
Β Β Ang ibig niyang sabihin, kaya ibang-iba ang suot ko ngayon, para walang makakilala sa amin o sa akin? Tama ba? Sabagay, hindi ba? Isa siyang Emperador ng bayang ito. Hindi pwedeng may makakilala sa kanya.
Β Β Pero kung iisipin, isa na itong pagkakataon upang ako ay paslangin niya. Hindi kaya isa itong patibong? Balak niya akong patayin sa gitna ng gubat at iwan upang walang makaalam? Teka, ano bang iniisip ko?
Β Β Nagising na lang ako mula sa malalim na pag-iisip nang bumangga ako sa kaharap kong kung ano. Mabilis akong napapikit at hinihintay ang pagbagsak ko pero may mga kamay na agad bumalot sa bewang ko bago pa ako matumba.
Β Β Agad naman sumalubong sa akin ang kamahalan pagmulat ng aking mga mata. Sa kanya pala ako bumangga. Hindi ko man lang nalaman.
Β Β βAno ang iyong nasa isip? Inuutusan kitang sabihin ngayon din.β Bulong niya sa akin na kina ismid ko.
Β Β βHindi mo naman siguro ako papatayin.β Walang pigil kong turan.
Β Β Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang panlalaki ng kanyang mata at pagkagulat kahit naka-maskara pa siya. Totoo nga. Ninais niya akong patayin. Ninais niya akong wakasan. Pero sa anong dahilan? Kahit aning gawin ko ay wala akong makitang dahilan upang ako ay kanyang wakasan.
Β Β βNinais mo akong patayin? Base sa iyong reaksyon kamahalan, mukhang tama ako ng aking hinuha.β Natatawang turan ko sa kanya bago ko siya lampasan at magsimulang maglakad muli.
Β Β βHindi ko makita, kamahalan. Hindi ko makita kung saan at anong dahilan ako nagkulang sa iyo. Hindi naman kita sinuway, ginalit o trinaydor. Ni wala akong maalala na naging kasalanan ko. Nagtataka ako kung bakit mo ako nais wakasan? Bakit nga ba? Maaari ko bang malaman?β Mahabang turan ko pa habang dahan-dahan na naglalakad bago tuluyang huminto.
Β Β Pinakiramdaman ko siya kung nakasunod pa siya sa akin at dahan-dahan siyang sinulyapan pero nanatili siya sa kinatatayuan niya kung saan ko siya iniwan at nakatalikod sa akin.
Β Β βSaan mo ba balak wakasan ang aking buhay? Saan parte nitong kagubatan? Nais kong itoβy tahimik at maaliwaβββ
Β Β βLEE WANJIE!β
Β Β Napaiktad na lang ako nang sumigaw siya nang malakas na naging dahilan na rin sa pagtigil ko sa pagsasalita. Ang alam ko na lang ay pumupuno sa aking pandinig ang mabibigat niyang hakbang at pagkadurog ng mga tuyong dahon sa yapak niya papunta sa akin.
Β Β Inaasahan ko na ang matalim at matulis niyang espada na tatagos mula sa katawan ko pero laking gulat ko nang mabilis akong umangat sa ere at parang sako ng bigas na isinampa sa balikat niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, halos hindi man lang ako nakapagreklamo at nakagalaw.
Β Β βM-mahal na Emperador!β Hindi ko mapigilang sigaw sa kanya.
Β Β βHindi kita ibaba. Hβwag ka nang mag-aksaya ng boses at lakas.β Turan niya lang habang naglalakad.
Β Β Napabuga naman ako ng hangin. Mapupunta lahat ng dugo sa utak ko nito. Hindi talaga ako makapapalag. Sobrang higpit ng hawak niya sa mga hita ko. Tangina naman Emperador βto. Isip bata ang gago.
Β Β
Β Β Napaiktad na lang ako at napasigaw nang maramdaman ang hapdi sa pang-upo nang hampasin niya gamit ang palad niya. G-gago? Ayoko ng ginaganito ako. Nag-init yung buong mukha ko dahil sa hiya.
Β Β βBakit bigla kang natahimik, aking kamahalan?β Rinig ko pang bulong niya kasabay ng mahinang pagtawa.
Β Β βI-ibaba mo naββ hmmp!β
Β Β Mabilis kong tinakpan yung bibig ko para mapigilan yung pagsigaw nang muli niyang hinampas yung pang-upo ko at tumawa. Inis ko naman siyang sinuntok sa likod.
Β Β βIbaba mo ako!β Inis kong sigaw pero mabilis akong napatingin nang pinalibutan kami ng hindi mabilang na lalaki.
Β Β Lahat ng kasuotan nila ay itim at pati mukha ay nakatakip din. May hawak silang espada.
Β Β βS-sino kayo?β
Pananaw ng Ikatlong Tao
Β Β βS-sino kayo?β Turan ni Wanjie.
Β Β Mabilis naman siyang ibinaba ni Jisuk at mabilis na pwinesto si Wanjie sa likuran niya bago hatakin ang dalawang espada na nasa bewang niya.
Β Β βIbigay mo ang itinakdang kamahalan!β Turan ng isaΒ sa mga lalaking nakapalibot sa kanila.
Β Β Hindi bababa sa sampu ang nakapalibot sa kanila at hindi naman tataas sa labing-lima ang mga ito. Nginisian lang sila ni Jisuk habang si Wanjie ay nanatili lamang sa kanyang likuran dahil sa takot.
Β Β βDumaan muna kayo sa aking malamig na bangkay.β Turan ni Jisuk habang nakangisi.
Β Β Agad siyang lumayo nang kaunti kay Wanjie bago siya sugurin ng mga hindi kilalang lalaki. Agad siyang sinugod ng tatlo pero baliwala at walang kahirap-hirap niyang napatay ang tatlo. Nasaksak ang isa sa kanila at nagilitan ng leeg ang dalawa.
Β Β Agad sumugod sa kanya ang mga lalaki pagkatapos at agad din niyang nilabanan. Walang tigil ang mga espada sa pagtama at paglikha ng tunog. Nananitil naman si Wanjie sa tabi ng puno at gulat na gulat sa nakikita.
Β Β βK-kamahalan!β Hindi mapigilang sigaw ni Wanjie nang masugatan si Jisuk braso at mapatumba ng mga lalaki.
Β Β Agad na tinutukan ng apat na natitirang lalaki si Jisuk ng espada sa leeg. Nagulat naman si Wanjie sa humawak sa kamay niya at mabilis na takpan ng tela ang ilong at bibig niya na agad kinatingin ni Jisuk sa kanya. Nawalan na lang ng malay si Wanjie makalipas ang ilang segundo at kinarga siya ng lalaki.
Β Β Mabilis na humiga si Jisuk at pinadaan ang paa niya sa mga paa ng lalaki paikot na naging dahilan ng pagtumba nila nang sabay-sabay bago mabilis na pulutin ang espada niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa lalaking karga-karga si Wanjie papunta sa isang karwahe.
Β Β Agad naisakay ng lalaki si Wanjie sa karwahe pero mabilis na nahawakan ni Jisuk ang mga paa nito habang at hinatak pababa kasabay ng pagpapatakbo ng kutsero sa kabayo.
Β Β Nabitawan ni Jisuk ang isang espada na hawak niya kasabay ng pagkahulog niya sa karwahe pero mabilis na muli siyang tumayo at hinabol ang karwahe. Hindi naman siya nabigo at mapantayan ang karwahe. Agad siyang humawak dito at inakyat ang sarili papunta sa karwahe.
Β Β Agad siyang pumasok sa loob at nakita niya si Wanjie na nakahiga sa upuan ng karwahe. Agad niyang inayos ang higa nito bago muling lumabas at maglakad papunta sa kutsero. Agad niyang inalis ang sombrero nito at mahigpit na hinawakan ang buhok.
Β Β βLapastangan! Sino ang nag-utos!β Malakas na tanong nito sa kutsero pero hindi sumasagot.
Β Β Hindi nagdalawang isip si Jisuk na gilitan ang leeg ng kutsero at sipain pababa sa umaandar na karwahe bago siya umupo sa upuan ng kutsero.
Β Β βMga lapastangan. Hindi nila makukuha sa akin ang aking kamahalan.βΒ Tumatawang bulong ni Jisuk bago punasan ang dugo na nanggagaling sa braso niya.
Β Β βIsang malaking kahangalan ang agawin sa Emperador ang kanyang pag-aari. Hindi ka nila makukuha hanggaβt akoβy humihinga, aking Wanjie.β
Lee Wanjie
Β Β Nagising na lang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Nanatili akong nakapikit nang ilang segundo magmulat ng mata. Sumalubong sa akin ang kisame na pamilyar sa aking mga mata.
Β Β Dahan-dahan sana akong tatayo pero may kamay na nakapatong sa kamay ko na nakapatong sa aking tyan. Mabilis akong tumingin sa katabi ko at sumalubong sa akin ang payapang mukha ng Emperador habang nasa gitna ng mahimbing na tulog.
Β Β Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya nang matagal bago dahan-dahan alisin ang kanyang kamay at tumayo na. Naglakad ako papunta sa pintuan nitong silid at lumabas.
Β Β Napangiti agad ako nang makita ang kabuuan ng bahay. Ramdam na ramdam ko dito yung kapayapaan at kaligtasan. Naglakad ako papunta sa bintana sa sala at binuksan. Sumalubong sa akin yung malamig na simoy ng hangin. Pasikat pa lang araw. Napayakap na lang ako sa sarili dahil sa lamig.
Β Β βAnakβ¦β Rinig kong turan ng kung sino.
Β Β Agad kong hinanap kung sino ang nagsalita at nakita ko ang aking ina na nakatingin sa akin at may hawak na sandok. Napatawa naman ako kasabay nang pagtulo ng luha ko.
Β Β βI-ina!β Hindi ko mapigilang turan at mabilis na naglakad papunta sa kanya bago siya salubungin ng mainit at mahigpit na yakap.
Β Β βAng anak koβ¦ Wanjie!β Turan niya habang nakayakap sa akin at paulit-ulit akong hinalikan.
Β Β Nanatili ako sa bisig niya hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak at kusang humiwalay habang natatawa.
Β Β βK-kumusta ka? Ayos ka lang ba? B-bakit ka nagdesisyon ng ganon?!β Turan niya na may halong inis at naiiyak pa rin na kinatawa ko.
Β Β βAyos lang po ako, ina. Hindi naman po akk gaanong nahihirapan.β Sagot ko naman sa kanya.
Β Β Panay ang haplos niya sa mukha ko at hagod sa buhok ko habang nakangiting nakatitig sa akin.
Β Β βA-alam mo ba kung gaano ako nag-aalala noong tinangka kang paslangin? K-kitang-kita ko sa aking nga mata, anak!β Umiiyak niyang bulong.
Β Β βH-hindi ko malaman ang aking gagawin! H-hindi ako makalapit. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo! B-bakit ngayon ka lang ha?! Alam mo bang kumalat na ang balita na namatay ka na dahil hindi mi kinaya ang parusa?!β Sermon niya sa akin na kinasimangot ko.
Β Β βIna! Naparusahan ako sa hindi ko naman kasalanan!β Paliwanag ko at mabilis na hinawakan ang kamay niya palabas ng bahay.
Β Β βS-sandali, ang aking niluluto. Baka masunog!β Turan niya naman agad na kinatawa ko kaya nauna na ako lumabas at umupo sa upuan na nakalagay sa tapat ng bahay.
Β Β Ilang minuto lang ay lumabas din siya dala-dala ang tasa at tinapay. Mabilis siyang pinatong sa harap ko at ngumiti.
Β Β βAno ba ang dahilan kung bakit ka naparusahan?β Agad niyang tanong.
Β Β βPinarusahan ako sa salang pagnanakaw.β Tipid kong bulong at humigop ng gatas.
Β Β Kita naman ang gulat niya sa mga mata at halatang hindi makapaniwala.
Β Β βHindi! Hindi ako naniniwalang nagnakaw ka! Kilala kita Jie-jie! Hindi mo nanaisin magnakaw sa pinaghirapan ng iba.β Agad niyang turan na kinangiti ko.
Β Β βMay naglagay sa aking bulsa ng alahas ni Lady Fe. Sa akin bumagsak ang sisi ng lahat, ina. Kahit hindi makapaniwala si Lady Fe at pilit akong inililigtas sa parusa, wala siyang magawa.β Paliwanag ko sa kanya.
Β Β βMay gustong pumatay sayo sa loob ng palasyo. Hindi ka na babalik doon. Maliwanag?β Turan niya na kinagulat ko.
Β Β βHindi pwede ina!β Agad kong tutol. Agad naman niya akong tinignan nang masama.
Β Β βBakit hindi pwede? Ang alam ng lahat ay patay ka na. Mas mapadadali ang pagkawala mo. Hindi ka na muling babalik doon. Wala isa sa atin ang muling tatapak sa palasyo.β Seryoso niyang bulong na kinagulat ko.
Β Β Hindi ako pwedeng hindi bumalik sa palasyo. May nais akong malaman. Hindi ako mapakali hanggaβt hindi ito natutuklasan. At isa pa, nangako ako sa Emperador na ako ang magiging Emperatris niya.
Β Β βHindi pwede ina. Nangako ako sa Emperador na ako ang magiging Emperatris niya.β Bulong ko habang nakayuko.
Β Β βA-ano? Tama ba ako nang n-narinig?β Bulong niya at parang hindi makapaniwala.
Β Β βTama ang iyong narinig, kamahalan.β
Β Β Sabay kaming napatingin ni ina sa Emperador nang lumabas ito sa loob ng bahay. Nagtaka naman ako nang mapatitig si ina kay Jisuk nang matagal.
Β Β βSi Wanjie ang aking magiging Emperatris.β Turan pa ng Emperador.
Β Β βK-kamahalan! Hindi maaari ang iyong nais! Lalaki ang aking anak! Hindi pwedeng magkubli lamang siya habang buhay sa ilalim ng pangalan ng kanyang kakambal!β Agad naman turan ni ina na kinayuko ko.
Β Β Tama siya. Hindi ako pwedeng habang buhay magkubli sa ilalim ng pangalan ni Wanya. Ako si Wanjie, hindi si Wanya.
Β Β βAlam mo ang karampatan parusa kung sakaling kayo ay mabuko! Mamamatay ang aking anak!β Dugtong pa ni ina.
Β Β βHindi siya mamamatay mag-isa, kamahalan. Mamamatay din ako.β

