Water Snake: THE LEGEND OF THE DEEP
Ai Tenshi · 20 chapters · 40,588 words
SYNOPSIS
Detailed Plot in Tagalog:
Ang kwentong Water Snake: Legend of the deep ay iikot sa bidang tauhan na si Soju, siya ay 2000 years old demon sa lahi ng mga tubig ahas o water snake na nakatira sa pinaka kailaliman ng karagatan. Ang kanilang lahi ay bihira lamang kaya naman itinatago nila ang kanilang mga sarili upang maging ligtas sa lahat ng maaaring gumambala sa kanila. Ayon sa kasaysayan ng kanilang lahi, ang mga water snake ay madalas na hinuhuli ng mga pirata upang gawing gamot o kaya ay ibenta ang kanilang magagandang kaliskis sa malaking halaga. Iyon ang dahilan kaya’t sila ay nanirahan sa lugar hindi sila maabot ninuman.
Ang isang espesyal na katangian ng mga water snake ay kakayahan nilang umibig ng tapat sa iisang tao. Ang kanilang mga puso ay espesyal dahil sa kanilang mahabang buhay ay iisang tao lamang ang kanilang mamahalin at hindi na titibok ang puso nila para sa ibang tao. Minsan lang magmahal ang mga tubig ahas ngunit ang kanilang pag ibig ay wagas at hindi mapapantayan. Ito rin ang dahilan kung bakit sila umaahon sa dagat upang manirahan sa lupa at hanapin ang taong pinakamamahal nila. Subalit, kung dumating ang araw na ang taong kanilang minamahal ay mamatay at o kaya ay magmahal ng iba ay mabibigo ang mga water snake at ang kanilang puso ay hihina ng hihina hanggang sa ito ang maging dahilan ng kanilang pagkamatay.
Ang bidang tauhan na si Soju ay umibig sa isang Demon Hunter na ang pangalan ay Yoga, iniligtas niya ang binata mula sa kamay ng mga sirena noong mahulog ito sa karagatan. Malulunod siya sa sobrang pagmamahal kaya magdedesisyon siyang umakyat sa lupa at hanapin si Yoga kahit na ang tiyansang makita ito ay maliit lamang. Sa kanyang pag akyat sa mortal na mundo ay makakasalamuha niya ang lahat ng klaseng tao kabilang na dito si Piyo ang pinakamahusay na Demon hunter sa buong lupain at ito ang magtatangkang humuli sa kanya. Sa makatuwid ang buhay ni Soju sa ibabaw ng lupa ay miserable at puno ng panganib. Pero ang lahat ng ito ay isusugal niya para lamang makita ang taong minamahal at makasama ito.
Makalipas ang ilang linggong paghahanap ay matatagpuan ni Soju si Yoga sa mga lupon ng Demon Hunter. Agad siyang makikilala ng binata at itatakas ito upang hindi mapahamak. Itatago ni Yoga si Soju sa malayong lugar at dito ay maninirahan sila ng tahimik. Ngunit ang ginawa ni Yoga na pagtatago sa isang demonyo ay malinaw na pagtataksil at paglabag sa kanilang batas. Kaya naman sa pangunguna ni Piyo at hahanapin nila si Yoga at Soju para patayin.
Sa kabilang banda ipagtatanggol rin ni Soju si Yoga laban sa mga demonyo na ginambala nito bilang isang hunter. Dahil dito ay lalabagin rin ni Soju batas ng kanilang lahi.
Dito magsisimula ang magulong labanan sa pagitan ng pag-ibig at paninindigan. Ano ang kaya nilang gawin upang labanan ang batas ng magkaibang mundo?
BRIEF SUMMARY OF THE PLOT IN ENGLISH:
The story Water Snake: Legend of the Deep will revolve around the protagonist Soju, a 2000 years old demon in the race of water snakes or water snakes that live in the deepest depths of the ocean. Their race is rare so they hide themselves to be safe from all who might disturb them. According to the history of their race, water snakes are often hunted by pirates to make medicine or to sell their beautiful scales for large sums. That is why they lived in a place where they could not be reached by anyone. A special characteristic of water snakes is their ability to fall in love faithfully with the same person. Their hearts are special because in their long life, they will love only one person and their hearts will no longer beat for another. Water snakes only love once but their love is pure and unmatched. This is also the reason why they go out to sea to live on land and find the person they love most. When the day comes when the person they love dies and or loves others the water snakes will fail and their hearts will weaken until it becomes the cause of their death. The protagonist Soju falls in love with a Demon Hunter whose name is Yoga. He will drown in so much love that he will decide to go up to earth and look for Yoga even if the chance of seeing it is small. When he ascends to the mortal world, he will meet all kinds of people, including Piyo, the best Demon hunter in the whole land, and he will try to catch him. Basically, Soju’s life on earth is miserable and full of danger. But he will gamble all this just to see the person he loves and be with him.
Episode 1: Gidlis
Water Snake: The Legend of the Deep
AiTenshi
“Ang mga katulad natin ay umaakyat lang sa lupa upang mahal. Ang puso nating mga demonyo ay nakalaan lamang para sa isang tao. Iyon ang dahilan kaya naglakas loob akong umakyat dito sa lupa.”
“Yung taong mahal mo, nasaan na siya ngayon? Masaya na ba kayo?” tanong ko habang nakatanaw sa kalayuan.
“May mahal na siyang iba.”
“Paano ka? Bakit nandito ka pa? Dapat bumalik ka na doon sa ilalim ng dagat?”
“Ang ating puso ay nakalaan lamang sa iisang tao. Kapag nabigo tayo sa pagmamahal ay mawawalan na rin ng saysay ang lahat. Ang ating ay unti unting namamatay. Siguro ilang araw na lang ang itatagal ko. Wala na ring saysay kung babalik ako doon sa dagat dahil katapusan ko na rin naman. May dalawa akong pamimilian, ang una ay mamatay habang dinadala ang sakit at ang ikalawa ay magpakain sa kapwa ko demonyo upang maging malakas siya. Ano? Kainin mo ako habang buhay pa ako.”
Hindi ako kumibo..
Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako sa karagatan. Pinagmasdan ko ang kalawakan nito habang aking kamay ay napahawak sa aking dibdib. Sa tuwing tumitibok ang puso ko ay kumikirot ito. Paminsan minsan ay hindi ko kinakaya ang matinding sakit kaya napapahinto ako at napapakapit kung saan. Ganito rin ba ang magiging katapusan ko?
Ang aming puso ay nakalaan lamang sa iisang tao kaya maglalakbay kami ng daang taon para mahanap ang taong iyon. Masaya ang umibig ngunit ito rin ang nakatakdang tumapos sa aming mga buhay.
Iyan ang sumpang pagmamahal ng mga tubig
Episode 1: Gidlis
TRASEA ERA (3000 BC)
“Ito ang panahon na sumibol ang iba’t ibang uri ng nilalang sa bawat sulok ng mundo. Ang mga nilalang na ito ay mas kakaiba sa normal na tao, nagtataglay sila ng kakaibang lakas, talino at abilidad na maihahambing sa isang mahusay na mandirigma at kapangyarihan na maihahambing sa isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay tinatawag na “Gidlis” na hango sa salitang “Gid” na ang ibig sabihin ay “nilalang” at “lis” na tumutukoy sa “kapangyarihan.” Sa makatuwid ang salitang Gidlis ay ang mga makakapangyarihang nilalang na nakatago sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Ang mga Gidlis ay ang kabuuang katawagan sa mga nilalang na may kakaibang anyo, mga nagtatago sa kabundukan, kakahuyan, sa ilalim ng lupa, sa kalangitan at maging sa pinakailalim ng karagatan. Nagbabago ang kanilang mga anyo, nagiging mga higante o kaya ay nagiging mas maliit pa sa insekto, depende sa kanilang mga uri. Sila ay sadyang mapanganib at ang mga mortal na tao ang kanilang kadalasang binibiktima, kinakain nila ang mga ito o kaya kinagakagat at ginagawa ring katulad nila upang mapalawak ang kanilang mga lahi. Hindi magtatagal ay mauubos ang lahi ng mga mortal at ang mananaig sa mundong ito ay ang mga demonyo ng karimlan, ang mga Gidlis.“
“At talagang pinag aaralan ito ng mga mortal?” tanong ko kay Ringo na aking kaibigan habang hawak ko ang isang kalatas at binabasa ito.
“Oo, pwede ba umalis na tayo diba? Baka maya maya may patibong dito sa barkong ito,” ang wika nito sabay hila sa akin.
“Ano ka ba? Walang patibong dito. Ang barkong ito ay abandunado na kaya’t walang dapat na ipag-alala,” ang tugon ko naman habang naghahalungkat pa ng ilang mga kagamitan na maaari kong iuwi sa aming lugar sa ilalim ng dagat.
“Naku, tama na iyan. Alam mo ba kung bakit wala ang mga pirata sa barkong ito?” tanong niya sa akin.
“Eh bakit nga ba?” tanong ko.
“Dahil kinain sila ng mga sirena. Kaya delikado dito,” ang sagot niya habang lumilinga linga sa paligid.
“Naka anyong tao tayo, pero ang amoy natin ay demonyo pa rin. Hindi naman kumakain ang mga demonyo ng kapwa nila pwera na lang kung pahihintulutan mo para makuha ang kapangyarihan mo,” ang sagot ko sabay kuha ng mga kwintas na ginto at mga singsing na nakatago sa baul.
“Seryoso? Kukunin mo talaga iyan?”
“Oo, tayo na!” ang wika ko sabay lundag sa tubig. Nagliwanag ang aking katawan at ang aking paa ay naging buntot ng ahas na kulay asul. Wala namang nagawa si Ringo kundi ang lumundag na rin at sumunod sa aking paglangoy gamit ang kanyang dilaw na buntot.
Kami ay nasa lahi ng Gidlis o demonyo na kung tawagin ay mga “Water Snake” o “Tubig Ahas”. Ang aming lakas ay nakadepende sa porma ng aming anyo. Nagiging higante ahas kami kapag nasa matinding panganib o emosyon. Ngunit karaniwan ay nakaanyong tao lamang kami at ang paglabas ng aming mga buntot pamalit sa paa ay ginagamit lang namin sa pagkilos ng mas mabilis.
Ang mga “water snake” ay makakapangyarihang nilalang. Ang aming mga buhay ay tumatagal ng libo libong taon. Nakatago lamang kami sa pinakamalalim na parte ng karagatan at hindi kami madalas makisalamuha sa mga mortal. Hindi kami katulad ng ibang mga Gidlis o Demon na nasa itaas lamang at namemerwisyo ng mga mortal. Ang katotohanan ay bihira ang nakakakita sa aming lahi dahil mailap kami. Ang kadalasang nakikita ng mga mortal sa tubig ay ang mga Sirena, mga taong pating o kaya ay mga halimaw na Dikya. Ito ang madalas nilang nakakalaban.
Kaligayahan ko na ang maglangoy at mamulot ng mga bagay mula sa itaas. Kaya naman tuwing may lumulubog na barko ay pinupuntahan namin agad upang kumuha ng mga gamit. Ito ang unang beses na nagtungo kami sa itaas ng tubig kung saan may abandunadong barko na halos dalawang linggo na doon sa itaas na palutang lutang.
Ako si Soju, isa akong tubig ahas na nasa dalawang libong taong gulang na. Ang aking anyo ay huminto noong ako ay magbinata. Sa isang mortal na tao ay mukha lamang akong nasa edad 21 bagamat marami na akong salin lahing nakita. Ngayon ay nasa “Trasea Era” na ang panahon, mas maunlad na ito ng kaunti kaysa noong panahon ng metal. May mga barko na ngayon ay ayon sa usap usapan ay marami ng ring mauunlad na lupain sa babaw ng karagatan, mga bagay na hindi ko tiyak dahil hindi ko pa naman ito nakikita. Ilang digmaan na at ilang pagpapalit ng mukha ng mundo ang aking nasaksihan. Heto pa rin ang aming lahi, nanatiling tahimik at umiiwas sa malalang gulo ng paligid.
“Soju, alam mo tiyak na magagalit ang matatanda doon dahil may dala na naman tayong mga makikinang na gamit,” ang wika ni Ringo.
“Hindi naman siguro, huwag lang natin sasabihing umahon tayo sa ibabaw ng tubig dahil tiyak na magagalit nga sila,” ang sagot ko naman habang pumapasok sa kweba kung saan kami nakatago.
Ang kwebang aming tinitirhan ay isang dimensyon na kapag pumasok ka ay naroon ang aming isla. Isang magandang paraiso na napapaligiran ng mga luntiang damo, malalaking puno at isang malinis na ilog na may magandang talon. Dito kami namumuhay upang maprotektahan ang aming mga sarili laban sa mga maaaring maglagay sa amin sa panganib. Kapag tumatapak kami sa lugar na ito ay nagiging tao ang aming anyo.
Pagdating namin dito ay agad kong inilapag ang aking mga nakuhang gamit kasama ng aking mga koleksyon. Halos nakaipon na pala ako ng dalawang bundok ng ginto at kayamanan mula sa labas. “Aanhin mo naman ang lahat ng iyan?” tanong ni Ringo habang nakikiusisa sa aking likuran.
“Ewan, ang bawat isa dito ay may kasaysayan. Para bang kapag hinahawakan ko sila ay may nakikita akong kwento, isipin mo kung ilang mga tao na ang nagmay ari ng mga gamit na ito. Tiyak na lahat sila ay may mahalagang kwento na nais ibahagi,” ang sagot ko naman dahilan para mapangiwi siya samantalang ako naman ay nakangiti at pinagmamasdan ang aking mga naipong kolesyon.
Tahimik.
Habang nasa ganoong pag-uusap kami ay dumating naman si Dengo, siya yung pinakamahusay na water snake dito sa aming isla. Sinasabing siya ay umakyat sa lupa para sa isang mahalagang misyon. “Edi sikat na naman si Dengo ngayon dahil nakatapak siya sa ibabaw ng lupa,” ang bulong ni Ringo.
“Pinakamahusay na mandirigmang tubig ahas si Dengo, sa palagay ko ay dapat lamang na siya ang umakyat doon sa lugar na iyon,” ang wika ko naman habang pinagmamasdan ito sa paglalakad.
“Eh bakit parang may sakit siya? Bakit parang nanghihina siya? Ano bang mayroon sa ibabaw ng lupa?” pagtataka ni Ringo noong makita naming nakahawak sa dibdib niya ang mandirigma. Maya maya ay sumandal siya sa puno at ipinahinga ang sarili. Ito ang pagkakataon para lapitan siya at makiusisa. Tiyak na kapag dumating ang matatandang tubig ahas ay hindi na kami makalalapit sa kanya.
“Dengo, ayos ka lang ba?” tanong namin sa kanya.
“Kayo pala, Soju, Ringo. Oo, maayos naman ako. Siguro ay napagod lang ako sa paglalakbay,” ang wika niya habang nakangiti bagamat hindi hinihingal ito at baka sa kanyang mukha ang matinding lungkot.
“Sigurado ka bang ayos ka lang? Isang libong taon na tayong magkakasama dito pero ngayon lang kita nakitang ganyan. Teka, maganda ba sa ibabaw ng mundo?” pang uusisa ko naman.
Tumango siya, “maganda, makulay at maraming magagandang tanawin. Mababait ang mga tao at kahit na kailan ay hindi sila naging malupit sa akin. Maliban lamang sa mga Gidlis Hunter o Demon Hunter kung tawagin doon sa itaas. Sila ang dapat iwasan dahil mapanganib sila. Mabuti na lamang at wala silang kapangyarihan para tukuyin kung sino ang demonyo at kung sino ang hindi kaya nakakatakas ako sa kanila,” sagot niya sa amin.
“Ibig sabihin kaya ka ba nanghihina ngayon ay dahil sa mga hunter na iyan? Bakit tumagal ka pa doon? Saan ay bumalik ka na lamang dito,” ang wika ni Ringo.
“Hindi ito dahil sa mga hunters, nagawa ko silang iwasan ng matagumpay. Ang nararamdaman ko ngayon ay dahil sa ibang bagay na maaaring hindi niyo pa maunawaan. Basta’t ang masasabi ko lamang ay maganda doon sa itaas, nakakalibang at masyadong makukulay,” ang wika niya habang nakangiti.
Ang totoo ay hindi kami namangha sa kanyang mga sinabi dahil nag aalala kami sa kanyang kalagayan. Hindi na namin nagawang usisahin kung bakit ganito kahina ang kanyang enerhiya sa katawan dahil dumating ang mga matatandang gabay sa pamumuno ni Lola Talyang, siya ang pinakamatandang Tubig Ahas sa aming lahi at kadalasan ay siya rin ang pinagmumulan ng aming talino at kaalaman sa mga bagay bagay. Madalas niya kaming pangaralan ngunit sa huli ay sinasabi niyang desisyon pa rin namin ang masusunod at nasa amin ang kalayaan.
“Lola, ayos lang ba si Dengo?” ang tanong ko sa matanda.
“Ayos lang siya. Bumalik na kayo doon sa inyong dampa. Teka Soju, lumabas ka na naman bang bata ka? Mag iingat kayo sa pag-ahon sa ibabaw mga pasaway na bata!” ang sermon nito sa amin at maya maya ay tumingin siya kay Dengo na noon ay nakasandal sa puno at malalim ang paghinga. “Una pa lamang ay binalaan na kita pero hindi ka sa akin nakinig. Iyan ang dahilan kaya tayo ay nakatago lamang dito sa ilalim ng karagatan,” ang sermon din niya dito.
“Naunawaan ko ang inyong mga babala sa akin, ngunit hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman kaya ako umahon mula sa karagatan. Noong mga sandaling iyon ay tinanggap ko na rin ang aking malungkot na katapusan,” ang sagot ni Dengo na nagbigay sa aking ng matinding pagkalito.
Hindi ko maunawaan ngunit sa tingin ko sila na lang ng matatandang gabay ang nagkakaunwaan. At ang aking isipan ay hindi pa sapat para yakapin ang katotohanan sa likod ng mga ito.
Episode 2: Unang Sulyap
Episode 2: Unang Sulyap
Isang linggo na ang nakakalipas magbuhat noong umuwi si Dengo dito, galing sa lupain ng mga mortal. Sa mga araw na lumipas ay napapansin namin ang pagiging mahina niya. Hanggang sa sumapit ang kabilugan buwan kung saan siya natagpuang walang buhay sa ilalim ng isang malaking puno sa tabi ng talon.
Wala namang sugat sa katawan ni Dengo, wala rin itong malubhang sakit. Pero ang sabi ng matatandang gabay ay mas malala pa daw doon ang sinapit nito. Mga bagay na hindi ko na nagawa pang usisain dahil wala rin naman.
Halos naalala ko pa noon araw at mga sandaling tumabi ako sa kanya at nakipagkwentuhan dito ay nagbalik sa aking isipan ang bawat eskenang iyon at ang kanyang mga katagang habilin sa akin.
“Ayos ka lang ba Dengo?” tanong ko sa kanya noong makita ko itong nakasandal sa isang batuhan ay pinagmamasdan ang pagbagsak ng tubig sa talon.
“Wala akong nakitang talon doon sa itaas,” ang sagot niya na malayo sa aking katanungan. Pero agad siyang humarap sa akin at ginusot ang aking buhok. “Kaya ikaw, huwag kang pasaway,” ang dagdag pa niya.
“Ikaw kaya itong pasaway, lagi kang umaayat sa pampang kaya nagagalit sa iyo ang matatandang gabay,” ang sagot ko sa kanya habang natatawa.
Natawa rin siya at napatingin sa akin pero agad rin niya itong binawi sa akin..
“Ano yung misyon na ginawa mo doon sa lupa? Bakit ka umahon? Ilang buwan ka ring nawala. Ang akala nga namin ay hindi ka makakabalik at hindi ka na namin makikita,” ang pang uusisa ko habang kapwa kami nakatanaw sa kalayuan.
“Walang misyon,” ang simple niyang sagot.
“Walang misyon? Eh bakit? Para saan at umakyat ka doon?” pagtataka ko na hindi maitago ang pagkalito.
Tumingin siya sa akin ng seryoso at nagwika, “Soju, ang aking pag alis at pag akyat sa lupa ay sarili kong desisyon. Wala itong kinalaman sa misyon ng ating lahi. Alam kong balang araw ay aangat ka rin doon sa lupa at nais ko lang sabihin sa iyo na dapat mong ingat ang iyon puso,” ang wika niya sa akin.
Napatingin ako sa aking dibdib at napahawak sa tapat ng aking puso. “Hindi ko maunawaan pero sana ay maging maayos ka na, Dengo.”
“Salamat sa iyo. Balang araw, sana ay maging aral sa iyo ang nangyari sa akin. May dahilan kung bakit tayong mga tubig ahas ay hindi umaakyat sa ibabaw ng tubig. Gusto kong matuklasan mo ito sa iyong sariling paraan,” ang tugon niya sa akin sabay tapik sa aking balikat.
“Ang hirap naman ng payo mo, pwede bang literal na lang?” ang biro ko naman habang natatawa.
Natawa rin siya at saka inakbayan ako, “sa talino mong iyan, sigurado ako na mauunawaan mo ako agad, Soju.”
Iyon ang huling beses na nakita ko ang magandang ngiti ni Dengo. Hanggang ngayon ay itinatanong ko pa rin sa aking sarili kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay kung ganoon malakas naman ang kaniyang pisikal na katawan, wala siyang malubhang sakit at lalong wala siyang sugat. Noong magkausap kami ay pilit kong binabasa ang kanyang mga kilos o pinapakiramdam kaya pero wala pa rin akong makuhang impormasyon. Ang mga mata ni Dengon ay masyadong maganda at nangungusap palagi kaya nakapagtatago siya emosyon. Hindi katulad sa iba na madaling nabubuko o napaghahalataan.
“Pwede ba iyon? Yung basta mamamatay ka na lang ng walang dahilan?” tanong ko kay Ringo habang umaahon kami sa ibabaw ng tubig.
“Aba e hindi ko alam. Basta ang masasabi ko lang ay sayang ang libong taon ng kanyang buhay. Sayang naging mabuting kuya pa naman siya sa atin,” ang sagot ni Ringo.
Noong makaahon agad kaming lumangoy sa abandunadong barko kung saan kami nakakuha ng magagandang kagamitan ng mga mortal. Ngayon ay aakyat ulit kami doon at susubukan naming pasukin ang iba pang silid na hindi namin nabuksan. “Ikaw talaga Soju, baka mapagilitan na tayo nito,” ang bulong ni Ringo.
“Ilang beses na tayong umaakyat dito sa itaas pero naman nagagalit sa atin diba,” ang tugon ko at noong naghahanda ako para umakyat at napahinto ako dahil may tao sa naturang barko. Hindi ko inaasahan na mayroong bibisita dito dahil halos ilang araw na rin itong palutang lutang dito sa karagatan.
“Hoy Soju, umuwi na tayo. Baka mahuli pa tayo ng mga taong iyan,” ang paghila sa akin ni Ringo.
“Ang sabi ng mga matatanda doon sa ating isla ay mas malalaki raw ang ulo ng mga taong nasa ibabaw ng lupa kaysa atin. Nais ko lang makita kung totoo nga ito,” ang bulong ko sabay sampa sa barko.
“Gago, sira ka talaga! Bumaba na tayo! Mahirap na mahuli,” ang bulong niya pero sumunod pa rin siya sa akin at pilit akong hinihila pabalik
Nagkubli kami sa malalaking haligi ng abandunadong barko at dito ay nakita nga namin ang apat na lalaking paikot ikot at pabalik balik mula sa loob. Sakay sila ng isang maliit na bangka at itinali nila ito sa gilid ng barko upang hindi tangayin. Kitang kita rin namin kung paano hakutin ng mga ito ang mga kagamitan na sana ay para sa akin. “Master, mukhang mayaman ang barko ng mga piratang ito. Maraming mga kayamanan doon sa loob. Kunin na kaya natin ang buong barko at dalhin sa pampang?” tanong ng isang lalaking medyo may edad na. Kausap niya yung pinakabatang lalaking nakatingin sa malayo.
Maya maya ay humarap ito sa kanya. Taglay ng lalaki ang magandang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Matangkad ito at nakasuot ng kakaibang kalasag na animo isang mandirigmang prinsipe. Marahil siya ang tinatawag na “master” o pinuno ng mga ito.
“Nag iisip ka ba talaga? Kailangan lang natin lahat ng mga ginto at alahas diyan sa loob upang maibenta natin. Malaki laking pera ang katumbas niyan at tiyak na makakakuha tayo ng mas dekalibreng sandata,” ang sagot nito sabay kuha sa kanyang itak na medyo luma na. Tiningnan pa niya ang sarili sa talim nito at habang nasa ganoong pagtitig siya ay tila nakita rin ang aking repleksyon sa talim nito at agad niya itong napansin at mapatingin sa aming direksyon.
Nagkubli kami ni Ringo. “Jusko yan na nga sinasabi ko. Baka isang Gidlis Hunter ang isang iyan. Umalis na tayo dito,” ang bulong nito.
Marahang lumakad palapit sa amin ang lalaki, hawak niya ang kanyang itak na may kakaibang talim. “May tao ba dyan? Lumabas ka na ngayon rin!” ang utos nito sa amin pero nanatili pa rin kaming nakakubli sa malalaking haligi. Kung mag aamok siya ay tiyak na lalaban rin kami at magkakagulo dito sa barko.
“May tao ba dyan?” tanong niya ulit na ngayon ay malapit na siya sa aming pinagtataguan. Halos ilang dangkal na lamang ang pagitan namin sa kanyang kinalalagyan.
Tumingin sa akin si Ringo at humaba ang kanyang kuko, “kapag nakita niya tayo ay bubulagin ko siya papatayin ng pinakamatapang na lason,” ang wika niya sa kanyang isipan na malinaw ko namang nauunawaan. Isa itong espesyal na abilidad ng mga tubig ahas na ginagamit namin sa ilalim na tubig, ang mag usap sa pamamagitan ng isipan.
“Sira ka ba? Sa itsura ng isang ito ay parang hindi naman niya kayang pumatay, hayaan na lang natin siya,” ang sagot ko naman habang nanlalaki ang mata at nakatitig sa kanya.
“Ah basta, huwag siyang magkakamali!” ang sagot niya habang naghahanda sa pag atake.
“May tao ba dyan? Lumabas ka!” ang wika pa niya at noong malapit na siya sa amin ay bigla siyang tinawag ng kanyang kasamahan dahilan para mawala ang kanyang atensiyon sa aming kinalalagyan.
“Master Yoga, tingnan mo isang sibat na gawa sa purong ginto! Ito ang regalo namin sa iyo!” ang hirit nila, agad namang lumapit ang kanilang pinuno at kinuha ang sibat saka sinura. “Gawa sa mataas ng kalibre ng ginto ang isang ito,” ang wika nito samantalang kami naman ay nakahinga na ng maayos.
“Muntik na iyon,” ang bulong ni Ringo samantalang ako naman ay nakatanaw pa rin sa lalaki.
Tahimik.
“Hoy, hindi ka man lang kinabahan? Bakit parang wala lang sa iyo? Siguro kung nagkasubuan kanina ay ipagtatanggol mo yung lalaki laban sa akin no? Porket maamo yung mukha at mapula yung labi niya ay nagkakaganyan ka na,” ang hirit pa nito.
Patuloy namin silang pinagmasdan, marami rami na rin ang kanilang nakuha sa barko. Lahat ng mga ginto at alahas ay isinakay nila sa kanilang bangka. Hinakot rin nila ang mga alak at iba pang kagamitan doon upang isakay sa kanilang sinasakyan. “Master, marami pang naiwan doon tiyak na babalik pa tayo dito,” ang wika ng isang kasamahan niya.
“Ayos lang, ang mahalaga ay mahakot natin ito at agad na maibenta doon sa pampang. Malaking pera ito ay makakabili tayo ng mamahaling mga sandata, ang iba ay maaari niyong ibigay sa inyong mga pamilya,” ang sagot ng pinuno at lahat sila ay bumaba na sa kanilang bangka para umalis.
Habang nasa ganoong posisyon sila at naghahanda sa pag alis ay bigla na lamang silang nagulat dahil may babaeng sumulpot sa kanilang harapan. “Master, isang magandang babae! Paano naligaw iyan dito?” pagtataka nila.
Natawa si Ringo habang pinagmamasdan sila. “Sa tingin ko ay may pupulutanin ang mga sirena ngayong araw na ito. Alam mo itong abandunadong barkong ito ay ginawa lang minandal ng mga sirenang iyan ang mga sakay na pirata. At ngayon ay nagsisimula na silang humimig, tiyak na mapapasailalim na ng sumpa nito ang prince charming mo,” ang hirit nito na may halong pang aasar sa akin.
Humimig ang sirena, isang uri ng paggawad ng sumpa upang mahipnotismo ang mga lalaking sakay ng bangka.
Ilang minuto pa ay bigla na lang tumalon ang matandang lalaki sa tubig, batid naming napasailalim ito sa kanilang sumpa. Lumubog ang lalaki at mabilis itong hinila kung anong pwersa at wala pang ilang segundo ay pinagkaguluhan na ito ng mga sirena sa ilalim, ang tanging nakita na lamang namin ay ang sumabog na dugo sa tubig tanda ng pagkakapira piraso ng kanyang katawan.
Maya maya ay tumalon na rin ang dalawa niyang kasamahan. Samantalang ang kanilang pinuno na si Yoga ay pilit na nilabanan ang sumpa. Kumilos ang kanyang kamay at hinawakan ng mahigpit ang gintong sibat na ibinigay sa kaniya kanina. Inihataw niya ito sa sirenang nang aakit sa kanyang harapan dahilan para tamaan ito sa dibdib.
Nagbago ang mukha ng sirena noong tamaan ito, bumakas ang matinding galit sa kanyang mukha at mula sa magandang babae ay lumuwang ang mga bibig nito na mayroong maliliit na pangil. Ang ulo ay nagkaroon ng hasang at kaliskis at nagbago rin ang kulay ng katawan na animo kulay mga pating.
Nagkagulo ang mga sirena sa paligid, desidido sila na makuha ang binata. Inuga nila ang bangka at ang ilang sa kanilang lumundag pa para dagitin ang kanilang pagkain. Samantalang nanlaban ang binata, hawak niya ng mahigpit ang kanyang patalim na protekta niya sa kanyang sarili ngunit kahit gaano siya kalakas ay marami ang mga sirena sa paligid.
Ilang sandali pa ay nagawa nilang itaob ang bangkang sinasakyan ng binata dahilan para mahulog ito sa tubig at mabilis siyang tangayin sa pinakailalim nito.
Hindi ko maunawaan ngunit kusang gumalaw ang aking mga paa at nagtatakbo ako sa gilid ng barko. “Soju, anong gagawin mo? Sira ka ba?!” ang tanong ni Ringo pero hindi ko na siya pinakinggan. Hindi ko rin maunawaan ang aking sarili ngunit kailangan ko itong gawin. Ito ang isinisigaw ng aking puso noong mga sandaling iyon.
Lumundag ako sa barko at nagliwanag ang aking katawan saka ako nagkaroon ng buntot na ahas. Ang aking pang itaas na katawan ay tao pa rin. “Soju, gago ka! Magagalit sa iyo ang mga sirena! Gusto mo ba ikaw ang kakain sa binata? Wag na uyyy! Hayaan mo na iyan sa kanila! May mga balyena naman sa ilalim diba? Ayos na sa atin iyon!” ang sigaw pa nito pero hindi ko na siya pinakinggan.
Nagliliwanag ang aking buong katawan, lumangoy ako sa ilalim ng dagat kung saan ko nakita ang binata na nanlalaban pa rin sa ilalim ng tubig bagamat pinagkakaguluhan na ito ng mga sirena. Puro sugat na rin siya at ang kanyang dugo ay humahalo na sa tubig.
Agad akong lumapit sa kanila. Nagliwanag ang aking mga mata dahilan parang simulang lumamig ang tubig. Ang tubig ahas na may asul na buntot ay espesyal dahil may kakayahan siyang gawing yelo ang karagatan. Mga bagay na ngayon ko lamang gagawin upang magsalba ng buhay ng isang taong hindi ko naman kakilala.
Agad kong kinuha ang lalaki sa kamay ng mga sirena at noong yakapin ko siya ay tumibok ng malakas ang aking puso. Kasabay nito ang pagsabog ng asul liwanag sa aking buong katawan at itinaboy nito ang mga sirena sa buong paligid.
Mahigpit ang yakap ko sa binata at noong makitang kong paubos na ang hangin sa kanyang baga ay hinalikan ito at binigyan siya ng hangin upang madugtungan ang kanyang buhay na noon ay parang nauubos na kandila.
Mahigpit ang aking yakap sa kanya. Habang magkasugpong ang aming nguso ay para bang huminto ang takbo ng mundo. Para bang ang lahat ay tumigil para sa aming dalawa.
Paikot ikot kami sa tubig habang magkayakap. Nakita kong bahagya niyang iminulat ang kanyang mata kaya naman isang matamis na ngiti ang isinukli ko sa kanya.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong makamalay malay na nagbago na ang takbo ang aking buhay. At binago ito ng unang pagtibok ng aking puso.
Episode 3: Pusong Tumitibok
Episode 3: Pusong Tumitibok
SOJU POV
“Iniligtas mo yung gwapong demon hunter tapos dinala mo pa doon sa pampang nila. Ano bang iniisip mo Soju? Hindi mo ba alam na galit na galit sa iyo yung mga sirena? Ang akala nila ay inagaw mo yung pagkain nila,” ang sermon ni Ringo habang lumalangoy kami pabalik sa aming isla.
“Nakita ko yung pampang ng karagatan, grabe ang daming mga bangka tapos may kubo sa paligid. Sa tingin ko ay mas maunlad na ang mga tao ngayong Trasea Era, mas kaaya ayang tingnan ng lupa kaysa noong panahon ng bato at metal,” ang tugon ko naman habang nakangiti na hindi maitago ang matinding saya.
“Aba’t masaya ka pa? Naghalikan kayo diba? Talagang nagawa mo pang halikan sa labi yung lalaking iyon?”
“Oo, para mabigyan siya ng hangin sa baga. Lalaki rin naman ako, siguro ay walang malisya doon,” masaya kong sagot, hindi ko maunawaan ngunit kakaibang saya ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon. “Teka Ringo, pwede bang sikreto na lang natin yung nangyari kanina?” tanong ko naman.
“Alin doon? Yung pag yeyelo ng tubig o yung pagligtas mo sa lalaki?”
“Hmmm, pareho. Pwede ba iyon?”
“May magagawa pa ba ako? Naku Soju kung hindi lang kita kaibigan, bahala ka nga!” ang pagmamaktol nito sabay lundag sa puno at saka kumuha ang prutas para kainin. Samantalang ako naman ay nahiga lang sa damuhan at saka nakangiting nakasulyap sa asul na kalangitan. Halos hindi maalis sa isipan ko yung paghalik ko sa taong iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginawa basta alam ko lang ay masaya ako at naisalba ko ang kanyang buhay. Sa tingin ko ay iyon ang importante sa lahat.
Tahimik..
Nakahiga lang ako at sa kada pikit ng aking mata ay nakikita ako ang mukha niya hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na binibigkas ang kanyang pangalan. “Yoga”, bagay na bagay sa kanyang maamong mukha, singkit na mga mata, mapulang labi at matangos na ilong. Sana ay makita ko siyang muli at sana ay matandaan niya ako.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay tumamang mansanas sa aking mukha. “Kumain ka nga! Nababaliw ka na ba Soju? Bakit ba nakangiti ka ng ganyan? Huwag mong sabihing nagkagusto ka doon sa lalaking iyon? Hoy, demon hunter iyon kaya ka niyang patayin doon sa lupa,” ang hirit ni Ringo.
Natawa ako at kinagat ang mansanas, “wala akong iniisip na ganoon. Basta masaya lang ako at iyon ang mahalaga,” ang tugon ko sa kanya.
“At kailan ka pa napasaya ng pagiging pasaway mo aber?”
“Ngayon lang, ngayon lang ako natuwa ng husto,” ang nakangiti ko pa ring tugon habang nakatanaw sa bughaw na kalangitan.
KINAGABIHAN, nagpatawag ng pagpupulong ang matatandang gabay sa pamumuno ni Lola Talyang. Hindi ko alam kung tungkol saan ito, marahil ay nakarating na sa kanila yung ginawa kong pagtulong sa mortal at yung pagtataboy ko sa mga sirena. Tiyak na patay ako nito, “teka pwede bang hindi dumalo?” tanong ko kay Ringo.
“Hindi ka dadalo sa pagpupulong dahil nararamdaman mong isa ka sa tatalakayin doon? Buti alam mo na at ihanda mo na ang iyong sarili,” ang panankot nito sabay hila sa akin.
“Teka kaya nga di ako dadalo diba? Kasi pupulutanin lang ako doon, sesermunan mula ulo hanggang paa,” ang sagot ko naman.
“Oh alisin mo yang paa mo at palitan mo ng buntot.”
“Pupulutanin pa rin ako mula ulo hanggang buntot!” ang pag uulit ko pa dahilan para matawa siya.
Tawanan kami..
Katulad ng dati ay ginanap ang pagpupulong sa isang malawak na kweba kung saan naroroon ang bilog na liwanag ng buwan na tumatanglaw sa aming kinalalagyan. Malamig ang gabi kaya naman lahat kami ay balot ng makapal na kasuotan. Dito tumayo ang matandang gabay sa aming harapan habang kaming lahat naman ay nakaabang lang sa kanyang sasabihin.
“Tayo ay halos nabubuhay na sa mundong ito ng libo libong taon. Ngunit bakit hindi pa rin tayo matuto-tuto? Ang ibig kong sabihin ay bakit patuloy pa rin tayong umaahon sa lupa para sundin ang ating mga puso? Hindi ba ito maaaring pigilan? Marahil ay alam niyo na ang nais kong iparating sa inyo. Ang tinutukoy ko ay ang pagkawala ng ating kalahi na si Dengo.
“Alam naman natin na si Dengo ay isang mahusay na mandirigma, bihasa sa paghawak ng mga sandata at kadalasang namumuno sa ating mga hukbo. Ngunit sinunod ni Dengo ang kanyang puso at ito ang nagpahamak sa kanya. Hindi ko maaaring sabihin ang mga bagay na ito at lalo hindi ko maaaring ipagbawal ang inyong karapatan ngunit ang masasabi ko lamang ay dapat ingatan niyo ang pinakamahalagang parte ng ating katawan at huwag ito ibibigay kung kani-kanino lamang.
“Simula pa noon, ang ating mga kalahi ay sa ganitong bagay na nasisilat kaya’t sila ay napapamahak. Kaya nga nagpakalayo-layo tayo at nagpasyang dito manirahan sa pinaka ilalim ng karagatan upang hindi na tayo makaakyat pa sa ibabaw ng tubig, upang maiwasan natin ang magkamali.
“Noong sinaunang panahon ay naranasan ng mga tubig ahas ang walang kapantay na kalupitan. Tayo ay hindi makamandag na nilalang at wala tayo kakayahan sa mga digmaan. Iyan ang dahilan kaya naging kaunti ang ating bilang. Noong unang panahon ay maraming mangangaso ang nanghuhuli ng tubig ahas dahil ang ating dugo ay gamot sa anumang uri ng sakit at ang ating kaliskis ay mas mahal pa sa pinakamahal na mineral. Iyan ang dahilan kaya’t araw araw ay madalas na hinahabol at pinapatay ang ating nga kalahi.
“Nabago lamang ang mga ito noong magsimula tayong lumaban sa pamumuno nina Kojiro at Sharina na siyang mga magulang ni Soju. Si Kojiro ay nagtatalay ng puti na buntot ng tubig ahas na sumisibolo sa pagmamanipula ng hangin at si Sharina naman ay may asul na buntot na ginagamit sa pagmamanipula ng tubig sa kanyang paligid. Ang dalawa ay nakipaglaban sa mga hunter hanggang sila ay napaslang ngunit dahil sa kanila tayo ay nakapagtago dito sa ating mahiwagang demensyon.
“Ganun pa man, sina Kojiro at Sharina ay pinagkalooban ng anak at iyon ay Soju. Taglay niya ang kulay asul na buntot ng kanyang ina at gayon rin ang lakas ng kanyang ama. Ang hangin na kapangyarihan ni Kojiro kapag humalo sa tubig na kapangyarihan naman ni Sharina ay bumubuo ng kakaibang lamig kaya sa makatuwid ay may kakayahan si Soju na gawin yelo ang bulong paligid. Kahit pa ang buong karagatan ay kaya niya kung tutuusin.
“Ngunit hindi tayo maaaring umasa lamang kay Soju lalo’t ang batang ito ay isang pasaway.
(Napangiwi ako at napatingin naman sa akin si Ringo).
Kanina lamang ay nakarating sa akin ang balita mula sa mga sirena na ipinagtanggol ni Soju ang isang mortal at itinaboy nito ang mga sirena sa paligid, ang iba ay nasugatan pa niya. Hindi ako makapaniwala na gagamitin niya ang pambihirang abilidad para lamang ipagtanggol ang isang hindi kilalang mortal,“ ang wika ng matandang gabay kaya naman nagtinginan sa akin ang lahat. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama kong nilalang.
Napangiwi ako at kinabahan sa kanyang sinabi. “Dahil naawa ako sa kanya, sa tingin ko ay may pamilya siya doon at naghihintay iyon sa kanyang pagbabalik. Parang tayo, yung mga kapamilya natin na umahon sa lupa at hinihintay pa rin natin hanggang ngayon. Iyon lang ang mga bagay na naisip ko. Saka hindi lang naman ako nagtataglay ng kakaibang lakas dahil lahat kaming mga kabataan at binatang mga tubig ahas ay nagsasanay upang ipagtanggol ang aming mga sarili. Tulad na lang ni Ringo, alam niyo ba na may kakahayan ang kanyang dilaw na buntot na kuryentehin ang mga kalaban? Yung buntot ni Lyra at Loren, ang kanilang mga berdeng buntot ay may kakayahang maglabas ng matatalim na kaliskis na nakakahiwa ng mga bagay sa kanilang paligid. Lahat kami ay may kakayahang ipagtanggol ang ating lahi,” ang tugon ko naman.
“Ano ka ba Soj, dinamay mo pa kami, kaloka ka talaga,” ang reklamo nila Lyra sa aking likuran.
Natawa ako, “damay damay na ito,” ang bulong ko sa kanila.
“Soju, iwasan niyo na ang pagpunta sa ibabaw ng kagaratan, maliwanag ba? Ito ang magpapahamak sa inyo,” ang dagdag pa ng matandang gabay.
“Si Dengo po, napahamak rin ba siya sa ibabaw ng lupa? Ano ba talaga ang totoo? Bakit siya namatay?” tanong ko pa sa kanila.
“Dahil pinatay siya ng pagmamahal! Ang pag ibig ang naging sanhi ng kanyang pagkasawi. Dahil ang imortal ay iba sa mga katulad natin! Sadyang matitigas lamang ang ulo ng ating mga kalahi kaya umaangat sila sa tubig para sa pagmamahal. Huwag niyo sabihing hindi ko kayo pinagbawalan!” ang sagot niya na may kataasan ang boses.
Maya maya ay nagsalita naman ang isa pang matandang gabay na lalaki sa kanyang tabi. “Karagdagan, tayong mga tubig ahas ay tahimik lang namumuhay sa lugar na ito. Hindi tayo mahilig makisangkot sa mga gulo. Saksi ako noong kabataan ko kung paano hulihin ng mga mortal at hunter ang mga tubig ahas, ginagawang gamit ang ating mga dugo, ginagawa mga mineral ang katas ng ating mga kalamanan at ang ating mga kaliskis ay ibenebenta ng mahal sa merkado, iyon ay ang isang malupit na bangungot sa parte ng aking buhay dahil saksi ako sa lahat ng iyon. Ang aking mga magulang noon ay pinatay upang ibenta sa mataas na halaga kaya’t dapat tayong mag ingat sa kalupitan ng mga mortal na nilalang.
“Ngunit ang akala ko ay iyon na ang pinakamasamang senaryo ng aking buhay. Ngunit mas may malulupit pa pala kaysa sa mga mortal at iyon ang mga Abracas. Sila ang mga uri ng demonyo na kumakain ng kapwa nila bilang putahe o pagkain. Ang mga Abracas ay may katawang katulad ng mga tao ngunit sila ay malalaking bibig, mahahabang kamay at paa. Mga payat ang katawan ngunit malalaki na nakalawlaw ang mga tiyan. Sila nakakahinga sa ilalim ng tubig, nakakalakad ng mabilis sa ibabaw ng lupa at nakakalipad sa ere kasabay ng hangin. Maraming mga uri ng demonyo sa mundo, ngunit sila ang dapat na iwasan ng lahat,” ang wika ng matanda.
“Totoo po ba talaga ang Abracas? Libong taon na kami dito ngunit hindi pa kami nakakakita ng ganoon. Ang ibang lahi ng mga demonyo ay tinuturing na lamang silang mga alamat,” ang wika naman ni Ringo.
“Ang aming sinasabi ay isang babala lamang, iwasan niyo ang mga mortal at mag ingat sa labas dahil baka mayroong Abracas na maaaring magdala sa atin sa matinding panganib. Kaya mas makabubuti kung iwasan niyo muna ang pagpunta sa ibabaw ng tubig. Maliwanag ba Soju? Ringo?” tanong ni Tandang Taylang kaya naman wala kaming nagawa kundi ang matahimik at tumango na lang.
Ewan, bakit noong pinagbawalan na niya kaming umangat sa tubig ay tila nakaramdam ako ng pagkalungkot? Parang may kung anong matulis na bagay na bumaon sa aking puso. Ngayon ay nakaupo lamang ako dito sa aking dampa at nakatanaw sa mga bituin sa kalangitan. Pilit kong itinatanong sa aking sarili kung ano ba itong nararamdaman ko, kung ano ba ang nangyayari sa akin? Kung bakit hindi maalis sa isip ko si Yoga at tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay nagbabalik sa akin ang eksenang paghalik ko sa kanya sa ilalim ng tubig. Halos paulit ulit ito at natatagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakangiti sa hindi malamang dahilan.
“Yung hindi ka makatulog dahil ang nasa isip mo yung lalaki? Iyan ang tinatawag na love at first sight! Unang tibok! Siguro ganoong mukha ang tipo mo kaya gusto mo siya,” ang hirit ni Ringo na noon ay lumabas para uminom ng tubig.
“Hindi ko itatanggi iyan, siya talaga ang laman ng isipan ko,” ang tugon ko naman na walang halong pagkukubli.
“Kung ganoon ay baka iyan ang tinatawag na pagmamahal,” ang dagdag niya.
“Ewan, basta ngayon ko lang ito naramdaman at hindi ako mapakali, pumunta tayo bukas doon sa barko, baka may naiwanan siyang gamit,” ang nakangisi kong sagot.
“Naku naku, manahimik ka. Ayoko na Soju, maya maya ay bigla na naman tayong mapahamak o kaya ay kuyugin tayo ng mga sirena doon, galit na galit na sila sa atin mula ulo hanggang buntot,” ang pagtanggi ni Ringo habang umiiling ng matindi.
“Makailing naman to, ang sabihin mo ay natatakot ka lang sa Abracas,” ang kantiyaw ko.
“Bakit nakakita ka na ba ng isa?” tanong niya sa akin dahilan para mapailing ako. “Hindi pa e, siguro noong lumabas ang mga lahing iyon ay noong kabataan pa nila Tandang Taylang at Tandang Lubad. Pero kung totoo nga na nabubuhay sila ay nakakatakot silang mga nilalang.”
“Yung mga animo tao na may mahahabang paa at mga braso, malalaki ang bibig na nakalawlaw ang mga tiyan, ayokong isipin dahil kinikilabutan ako. Pero malay mo alamat na lamang sila ngayon, walang nakakaalam diba?” tugon naman niya.
“Pero kung sakaling umatake sila ay lalaban ako para sa aking buhay. Sa palagay ko ay hindi pa ako handang sumunod sa mga magulang ko,” biro ko naman.
Tahimik..
“O siya, tulog na dahil lumalalim na ang gabi,” hirit nito sabay suklob ng kamay sa aking katawan .
Hindi na ako kumibo, nahiga ako sa malaking kahoy sa labas ng aming dampa saka ako tumingin sa kalangitan. Noong mga sandaling iyon ay wala na akong ibang ingay na marinig kundi ang tibok ng aking puso na may kirot at mayroon ring saya.
Itutuloy.
Episode 4: Ang Demon Hunter Na Si Yoga
Episode 4: Ang demon hunter na si Yoga
YOGA POV
“Bakit ganon? Bakit parang tinatamad ka na makipagtalik sa akin? Hindi ko masyadong maramdaman yung pagmamahal at lambing mo, para wala lang ako sa iyo,” ang reklamo ng aking kasintahan na si Alisa noong matapos kaming magtalik.
“Nabitin ka ba? Gusto mo bang ulitin natin?” tanong ko sabay hawak sa aking matigas pang alaga at pinasok ko ito sa kanyang naglalawang lagusan. Isang malalim na pagbaon ang aking ginawa dahilan para mainis siya at itulak ako dahilan para mahugot ang aking sandata sa kanyang hiwa.
“Aray, ano ba Yoga! Ang laki laki ng alaga mo, hindi mo dapat ako binibigla! Saka ayoko na! Wala na ako sa mood,” ang singhal niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang kumuha ng tela at punasan ang mala makopang ulo ng aking alaga na basa dahil sa kanyang katas na sumasabog sa aking kada bayo.
“Ano bang problema Alisa?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw yung problema, simula noong dumating ka galing doon sa barko ng mga pirata ay halos lagi ka ng walang gana sa akin. May babae ka ba doon? Tapatin mo nga ako!” ang pagdududa nito.
“Babae? Nakita mong namatay lahat ng kaibigan ko dahil pinatay sila ng mga demonyong sirenang iyon! Bakit nagagawa mo pa akong pagbintangan? Pagod lang ako at maraming iniisip. Sana ay inunawa mo man lang ang kalagayan ko,” ang sagot ko sa kanya sabay tayo sa aking kinalalagyan, nagsuot ako ng pantalon at damit saka ako lumabas sa aming silid na may dingding na kahoy lamang.
“Saan ka pupunta? Yogaaa!” ang iritable sigaw niya pero hindi na ito pinansin. Naglakad ako patungo sa kahoy na upuan sa pampang ng dagat at pinagmasdan ko itong mabuti. Habang nasa ganoong posisyon ako ay nagbalik sa aking isipan yung mga pangyayari matapos akong mabiktima ng mga sirena doon malayong karagatan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa aking isipan ang lahat basta ang alam ko lang ay iniligtas ako ng isang lalaking hindi ko halos matandaan ang mukha.
FLASHBACK
Iniligtas ako noong lalaki iyon, at bago ako tuluyang mawalan ng malay at nakita ko pa ang kanyang matamis na ngiti. Pagkatapos noon ay wala akong natandaan pa. Hindi na rin malinaw sa akin kung paano ako nakarating pabalik sa aming islang ito. Basta noong magkaroon ako ng malay ay natagpuan ko ang aking sarili nakahiga sa pampang at pinagkakaguluhan na ng mga tao.
Noong bumalik ang aking ulirat ay isang malalim na pagsinghap ang aking ginawa. Kasabay nito ang sunod sunod kong pag ubo dahil sa pagkakainom ng maraming tubig. Magulong ang aking isipan ngunit mas lalo pa itong naging magulo noong bumalik sa aking alala ang mga tagpi tagping pangyayari sa ilalim ng dagat habang yakap ako noong taong nagligtas sa akin.
Wala tuloy akong magawa kundi ang matahimik na lang at mapatingin sa kalayuan ng karagatan. “Diba si Yoga iyan? Yung isang hunter na gwapo at maraming babaeng nagkakandarapa,” ang wika ng mga tao sa aking paligid pero hindi ko naman sila pinansin.
“Yan nga si Yoga, yung umiyot sa pinsan kong babae tapos di na nagpakita sa kanya. Tang inang iyan! Buhay pa pala ang hayop! Teka nga at matawag yung pinsan ko!” ang wika naman nung isang lalaki sa aking gilid at hinampas pa ako nito ng batya sa ulo. Pero hindi ko siya pinansin, nanatili lamang akong nakatitig sa karagatan at binubuo ang mga pangyayari sa aking isipan.
“Siguro naalog ang utak niyan kaya nawala ang kayabangan. Tama lang iyan sa kanya, sa dami ng babaeng niloko niya,” ang wika pa ng isa sabay pukpok ng sagwan sa aking ulo.
Tahimik..
“Tumabi kayo diyan,” ang wika ng isang lalaki at dito ay nagbigay daan ang mga tao sa aking paligid.
“Ano bang nangyari sa iyo Yoga? Hindi ko ito inaasahan para sa isang mahusay na demon hunter,” ang wika ng lalaki at agad niya akong inalalayan patayo. Ang lalaking ito ay si Piyo, ang pinakamahusay na hunter sa buong isla at ang pinakapaboritong mag aaral ng aming guro.
“Ayos ka lang ba Yoga? Tang ina pinag-alala mo ako!” ang wika naman ng kanyang kasama na si Wei. ang aking matalik na kaibigan sa organisasyon ng mga hunter.
“Alam mo swerte ka at nakaligtas ka, hindi ka ba talaga nag iisip?” tanong ni Piyo habang lumalakad kami palayo.
“Hoy Piyo, saan mo dadalhin si Yoga? Maraming babaeng pananagutan iyan!” ang wika ng mga taong bayan.
“Walang pananagutan si Yoga dahil kami ay mga hunter. Kami lang naman yung nagpapanatali sa tahimik na buhay niyo dito sa isla. Alam niyo ba kung gaano kahirap maging isang hunter? Nagbubuwis kami ng buhay para sa inyong lahat. Kaya bilang pagpapaligaya sa aming sarili ay iiyutin namin lahat ng gusto namin! Maliwanag ba iyon?” ang sagot ni Piyo at muli akong inalalayan palayo sa kanila. Humarap ito sa akin at ngumiti.
“Pasensiya ka na pare, sana ay hindi na lang kayo ang pinapunta ni amo para kumuha ng mga kayamanan doon sa barko ng mga pirata. Napahamak pa tuloy kayong lahat. Milagrong nakaligtas ka,” ang wika nito na may halong pag-aalala.
“Oo nga pre, akala ko ay katapusan mo na noong tinanggap niyo ang misyon na iyon,” ang tugon rin ni Wei.
Tahimik lang ako..
Dinala niya ako sa aming himpilan at ginamot ang aking mga sugat. “Teka pare, paano ka nga ba nakaligtas? Wala bang nagsabi sa iyo na iyong barko ay pugad ng mga sirenang demonyo? Walang nagsabi sa inyo ni isa? Bakit hindi kayo nagtanong sa akin?” tanong niya ulit.
Umiling lang ako at wala pa rin akong ganang sumagot sa kanya.
“Master Piyo, wala ka dito noong ibigay sa kanila ang misyon. Nandoon ka sa kabilang isla para hanapin ang mga demonyong paniki,” ang sagot nila.
Napabuntong hininga si Piyo, “swerte at nakaligtas ka Yoga, teka bumalik nga tayo sa kanina ko pang tanong, paano ka ba nakaligtas? Alam mo ba na napakaswerte mo? Kahit ang mahuhusay na pirata at demon hunter ay walang laban sa mga sirena lalo na kapag nasa ilalim ng tubig. Mabuti na lamang at nakaligtas ka mula sa mga kamay nila. Yung mga kasama mong mahihina, alam ko nang mamamatay talaga sila agad,” ang natatawang wika nito dahilan para hablutin ko ang kanyang damit.
“Malagim ang naging katapusan ng mga kasama ko Piyo, huwag mo silang pagtatawanan lalo’t nagluluksa ang mga pamilya nila ngayon,” ang seryoso kong sagot.
Inalis ni Piyo ang aking kamay sa kanyang kasuotan. “Relax lang pre, mahal itong tela ng damit ko kaya hindi pwedeng malukot. Nagbibiro lang naman ako, ang totoo noon ay umiiyak ang puso ko sa pagdadalamhati ngayon,” ang tugon niya na parang nagbago ang timpla ng hangin.
“Eh paano ka nga ba nakaligtas Yoga?” tanong nila sa akin.
“Nanlaban ako at saka lumangoy pabalik sa balsa. Ginawa ko ang lahat para makasagwan palayo at nasira ang balsa ko kaya inanod na lang ako ng alon patungo sa pampang,” ang pagsisinungaling ko, alangan namang sabihin kong may tumulong sa akin. Tiyak na pagtatawanan nila ako at lalong mamaliitin.
“Wow, ayos ah! Mahusay din pala talaga si Pareng Yoga, alam niyo kung isang ordinaryong hunter iyon ay mamamatay talaga dahil tuso ang mga sirena. Magaling talaga si Yoga, parang si Master Piyo lang rin diba?” ang paghanga nila sa akin.
Inakabayan ako ni Wei at lalong ipinagmalaki, “diba sabi ko sa inyo magaling itong best friend ko! Mga ilang buwan lang bababa na si Piyoski sa trono niya!” ang hirit pa nito.
Samantalang hindi kumibo si Piyo at tinapik lang ito ang aking balikat. Pakiramdam ko ay hindi niya nagustuhan na makaligtas ako sa kamay ng mga sirena at lalo hindi niya nagustuhan noong sinabi kong nanlaban ako at ginawa ko ang lahat para mabuhay. Naramdaman ko iyon sa kanyang mga kilos.
Ang mga “Gidlis Hunter” o mas kilala bilang mga “Demon Hunter” ay isang malaking organisasyon ng mga lalaking nag nanais kumita ng malaking halaga sa kada gidlis o demon na kanilang mapapaslang. Halimbawa, sa kabilang isla ay may isang gidlis namamalagi. Ang islang iyon ay hihingi ng tulong sa amin at kapag napatay namin ang demonyo ay babayaran kami ng isla ang malaking halaga. Iyon ang paghahati hatian namin upang magkaroon ng pera.
Sa ngayon, ang pinakatanyag at pinakasikat na hunter ay si Piyo. Siya ang pinakamalaking kumita ng pera at siya rin ang paboritong mag aaral ng aming guro na isang batikang demon hunter. Kapag ikaw ang pinakasikat at pinakamahusay ay mataas ang bayad sa iyo. Ikaw ang igagalang at katatakutan ng lahat. Sa palagay ko ay ayaw ni Piyo na mayroon siyang makapantay dahil ang nais niya ay siya lamang ang pinakamagaling sa lahat. Kahit noong nagsasanay pa lamang kami ay mahusay na siya at ang kanyang kakayahan ay mas lamang na sa aming mga baguhan.
Mas matanda sa akin si Piyo, ngayon ay nasa 36 anyos na siya ngunit ang kanyang katawan ay parang nililok pa rin sa perpektong bakal dahil talagang matigas ito at hindi siya basta basta nagkakasugat. Nakay Piyo na ang lahat, maraming pera, mamahaling mga sandata at lahat ng babaeng natitipuhan ay nakukuha niya ng mas madali.
Samantala, kumalat naman sa buong organisasyon ang aking munting kasinungalingan, hindi ko inakala na seseryosohin nila ang ginawa kong pag iimbento ng kwento na lumaban ako sa mga lupon ng mga sirena at nakaligtas mula sa kanila. At simula noong araw na iyon naging mahusay at naging malakas ang tingin sa akin ng lahat sa organisasyon. Dumami ang gustong makipag kaibigan sa akin at dumami rin ang gusto akong makasama sa kanilang grupo.
“Siguro hayaan niyong mag isip si Yoga! Huwag niyo siya pilitin kung ayaw niya!” ang wika ni Wei habang umiinom kami.
“Oo nga naman hayaan niyo muna mag isip si Yoga, malamang ay natrauma pa yan sa nangyari sa kanya,” ang suporta naman ng isa.
Noon ay halos walang pumapansin sa akin, ayaw rin nila sa akin dahil mukha raw akong lampa dahil maganda ang aking mukha. Tiyak raw na magiging pabigat ako sa grupo. Pero ngayon? Dahil sa aking munting kasinungalingan ay dumami ang alok sa akin sa iba’t ibang grupo. Lahat sila ay nag nanais na makasama ako.
“Asa pa kayo mga loko, mga hunghang! Si Yoga ay alaga ko at sa akin siya sasama. Balang araw ay nakikita kong si Yoga ang papalit sa trono ko bilang pinakamagaling na Gidlis Hunter! Cheers!” ang lasing na wika ni Piyo sabay taas sa kanyang baso na may alak. Nakaakbay ito sa akin at kulang na lang ay lumingkis siya na parang isang ahas.
Ngunit noong mga sandaling iyon ay wala akong tanging inisip kundi yung taong nagligtas sa akin. Paano ka ba siya hahanapin? Paano ko siya makikila? Sa libo libong taong makakasalubong ko ay mayroon bang tiyansa na makita ko siya? Pero lalaki ang isang iyon, paano ko siya papakisamahan? Ewan, gulong gulo na ang isipan ko lalo’t hindi ko maalala ang kanyang mukha.
End of Flashback
“Ano na naman ang iniisip mo?” ang tanong ni Alisa sa akin noong makita niya akong nakatanaw sa kalawakan ng karagatan. “Iniisip mo ba ngayon na baka hindi ako nasarapan sa alaga mo? Nasarapan ako, ang taba at ang laki nito. Hinding hindi ko pagsasawaan. Sana ay huwag ka na mainggit sa mga dati kong kasintahan dahil tapos naman na iyon,” ang hirit pa nito.
“Hindi naman iyon ang iniisip ko,” ang simple kong sagot.
“Anong iniisip mo? May ibang babae ka na naman ba? Babae nasa isip mo diba?! Umamin ka na kasi!” ang singhal niya. Baliw baliwan talaga si Alisa kapag nagseselos.
“Hindi babae ang nasa isip ko, Alisa,” ang tugon ko dahilan para matawa siya. “Hindi babae? Wag mo sabihin sa akin na lalaki ang iniisip mo?”
Humarap ako sa kanya at tumango. “OO, lalaki ang nasa isip ko ngayon,” seryoso kong sagot.
Lalo siyang humagalpak katatawa. Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. “Nakakatuwa talaga tong kasintahan ko. Alam na alam mo kung paano ako papatawanin,” ang hirit niya sabay dakot sa aking malambot na alaga saka ako muling hinalikan sa labi.
Maya maya ay inilabas niya ang aking malambot na parang latang gulay na kahabaan at saka niya ito isinubo. Hinayaan niya ito tumigas sa kanyang bibig. Halos madilim na ang paligid kaya’t wala ng nakakapansin pa sa kanya. Nagtaas baba ang kanyang ulo hanggang muli itong magalit.
Mataas ang libido ni Alisa, pagkikipagtalik ang nagpapaligaya sa kanya at ilang beses na rin niya akong isinusubo dito sa labas ang aming dampa.
Ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na bibig na naglalaro sa aking kahabaan at makalipas ang ilang minuto ay sumabog ang aking malapot at masaganang katas sa kanyang bibig. Wala siyang sinayang at sinaid niya itong lahat hanggang pumasok kaming muli sa dampa at ipinagpatuloy ang aming makamundong gawain.
Episode 5: Ala-ala Ng Puso
Episode 5: Ala-ala ng puso
YOGA POV
“Alam mo ba nakita ko si Alisa kanina may kalandiang ibang lalaki gusto mo ba upakan na natin?” tanong ni Wei sa akin habang abala ako sa pagbibilang ng pera na aking kinita. Bumili rin ako ng dalawang alak at ibinigay sa kanya ang isa.
Natawa ako, “wala naman akong pakialam kay Alisa. Naghahanap lang iyon ng ibang ligaya,” ang tugon ko naman sabay tungga sa bote.
“Bakit wala ka yatang pakialam. Pinakamaganda at maalindog na si Alisa dito sa isla. Swerte ka nga at naikakama mo pa siya. Bakit wala kang pakialam pare? Bilang kasintahang lalaki dapat ay nagwawala ka na ngayon.”
“Bakit ako magwawala? Para sa akin ay walang pinagkaiba si Alisa sa mga normal na babaeng naikama ko, pare-pareho silang hindi naliligayahan kapag hindi nilalabasan ng sampung beses,” ang sagot sabay tunggo ulit sa alak.
Natawa si Wei, “kung sabagay, hindi kasi patas e, kapag nakatatlong putok na tayo ay lupaypay na. Samantalang silang mga babae kahit makasampung sunod sunod ay kayang kaya pa rin tapos sila pa ang galit kapag hindi na tayo nakasabay,” ang hirit nito.
Tawanan kami..
“Teka pare, maiba ako, totoo bang magaganda talaga yung mga sirena doon sa parte karagatan na iyon?”
“Oo, magaganda talaga sila, maaamo ang mga mukha, nangungusap ang mga mata at talagang nakakaakit ng husto. Hindi nakapagtataka na pati ang mga bihasang pirata ay napapatay nila. Tapos ay hihimig sila ng kakaibang tunog na nakakahipnotismo at mawawala na lang sa kontrol ang iyong katawan,” ang tugon ko naman.
“Paano mo nilabanan iyon? Paano ka nakaligtas sa hipnotismo nila?”
“Sinibat ko yung sirenang umaawit at pagkatapos ay nagbago ang kaniyang anyo. Nawala yung magandang mukha niya. Napalitan ito ng halimaw na imahe, nagkaroon siya ng maluwang na bibig na puro pangil at ang balat ay umitim na parang mga pating. Ang kanilang mga kuko ay humaba rin na kasing talim ng mga punyal. Nahulog ako sa tubig at hinila nila ako sa ilalim, mabuti na lang at lumaban ako.. pero..” hindi ko naituloy ang aking pagsasalita dahil kumabog ang aking dibdib at naalala ko na naman yung lalaking nagligtas sa akin.
“Pero?” tanong niya na halatang nabitin.
“Wala pre, iba na lang yung pag usapan natin, medyo hindi pa ako nakakabangon sa pagluluksa mga kagrupo kong namatay doon,” ang tugon ko sabay lunok muli ng alak.
Kung sa bagay, kung sa akin rin nangyari iyan malamang ay baka hindi ko na rin maikwento ng buo ang mga pangyayari. Nga pala, sigurado ka ba na kay Piyo ka na gugrupo?“
Nagkibit balikat ako, “hindi ko alam, Wei. Ikaw ang kagrupo ni Piyo diba? Ano sa palagay mo?” tanong ko rin sa kanya.
“Alam mo pre, si Piyo ay mahilig mag solo iyan. Kahit kasama namin iyan ay naglalakad siyang mag isa at pipiliting talunin ang kalaban ng siya lang ang gumagawa pagkatapos ay sa kanya lahat ang papuri,” ang natatawang sagot nito.
“Ayaw niyo ba nun? Hindi kayo mapapahamak at hindi malalagay sa peligro ang buhay ninyo.”
“Iyon nga lang, kaso ay hindi naman pantay ang bayad, kung minsan ay barya lang nakukuha namin dahil siya daw ang gumawa ng lahat ng trabaho. Hindi naman kasi maipagkakaila na mahusay talaga si Piyo sa paghawak ng mga patalim. Mabilis pa itong kumilos at talagang bihasa sa pagpatay sa mga gidlis,” ang sagot ni Wei.
“Mahusay naman talaga si Piyo, ang lahat ng parangal ay nararapat lamang sa kanya,” sagot ko naman.
“Naging mahusay si Piyo dahil nais niyang iganti ang kanyang asawa at anak na napatay ng isang demon. Napatay daw ito ng malaking ahas mula sa karagatan. Kaya tuwing makakakita ng ahas si Piyo ay talagang nagbabago ang kulay ng kanyang mga mata at nagiging mas mabagsik. Parang nawawala siya sa kanyang katinuan at mas nagiging hayok sa pagpata,” ang salaysay ni Wei.
“Kaya pala noong minsang makakita siya ng isang maliit na sawa ay pinaulanan niya ito ng patalim hanggang sa magkadurog durog ang katawan nito. Sa halip na paalisin na lamang ng maayos ay hinabol pa niya ito at saka pinagmalupitan,” pagsuporta ko naman.
“Malaki ang galit niya sa mga uri ng ahas, mapa demonyo ito o hindi. Kaya masamang pakitaan ng ahas iyang si Piyo. Kaya nga kapag umiihi kami at naliligo ng sabay ay itatago namin yung ahas namin dahil baka pati kami ay patayin niya,” ang hirit pa ni Wei.
Tawanan ulit.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay napansin namin na nagkukumpulan ang mga tao sa labas kaya naman agad kaming tumayo sa aming kinauupuan at nakiusisa na rin. Ganito talaga sa islang ito, kapag may mga kaganapan ay nagkukumpulan agad ang mga tao para manood. “Ano bang mayroon?” tanong ni Wei sa ibang kasamahan naming hunter.
“Ayan, mga bangkay ng hunter sa kabilang isla. Dami oh, halos nasa 50 bangkay daw iyan na inanod dito sa pampang,” ang wika nila.
“Gawa ba ng mga sirena?” tanong ko naman.
“Ayon sa usap usapan ay hindi raw sirena ang may gawa nito. Kung mga sirena iyan ay baka hindi na makita ang kanilang mga bangkay dahil mauubos na ito sa ilalim ng tubig pa lamang. Pero tingnan niyo naman ang bangkay halos ulo na lang ang natira, ang mga kalahati ng kanila katawan ay kinain. Ayon sa mga balita ang mga hunter na iyan na taga kabilang isla ay may nakitang kweba doon sa paanan ng bulkan. Doon ay may nakita silang kakaibang uri ng halimaw na animo mga tao rin ngunit maluluwang ang bibig, mahahaba ang mga braso at binti at leeg. Mas malalaki daw kaysa normal na tao,” ang salaysay pa ng aming kasamahan.
“Mga Abracas, baka naman iyon yun?” tanong ni Wei.
“Anong Abracas?” tanong ko naman dahil ngayon ko lang halos ito narinig.
“Pare hindi mo talaga alam? Ang mga Abracas ay parang alamat lamang. Sabi ng lolo ko nabuhay daw ang mga ito libo libong taon na ang nakalilipas. Ang mga Abracas ang tinaguriang “demonyo ng mga demonyo” dahil lahat ng uri ng demon o gidlis ay kaya nilang kainin. Kumbaga ay timawa ang isang ito at walang kabusugan. Ang mga demons daw ay magkakalahi at hindi maaaring magpatayan pero ibahin mo ang Abracas dahil walang lahi lahi sa kanila. Kakainin nila ang nais nilang kainin kahit kauri pa nila. Para silang mga tao rin kaso ay mas matatangkad na parang higante, ang kanilang mga tiyan ay walang kabusugan kaya kahit ang pinamalaking gidlis ay kaya nilang ubusin,“ ang salaysay ni Wei at habang nagkkwento siya ay para bang tumataas ang balahibo ko sa katawan.
“Kung may ganyan nga ay tiyak na mahihirapan tayo,” ang bulong ko na lang.
“Pero inuulit ko na ang mga Abracas ay mga alamat lamang, malay natin baka ibang demon ang gumawa nito sa kanila,” ang pagbawi ni Wei.
“Nandito lang pala kayong dalawa, kanina ko pa kayo hinahanap ah,” ang bungad naman ni Alisa noong makita kami sa lupon ng mga taong nakikiusisa.
“Ikaw pala Alisa, mukhang napagod ka sa doon sa lalaking kasama mo kanina,” ang hirit ni Wei.
“Wala akong kasama kanina, ano bang sinasabi mo? Wei, alam kong may gusto ka sa akin at gabi gabi mo akong pinagnanasahan pero hindi na maaari dahil kasintahan ako ng matalik mong kaibigan. Kalimutan mo na lang yung nararamdaman mo para sa akin,” ang hirit nito.
“Teka, wala naman akong nararamdaman sa iyo ah,” ang pagtataka naman ni Wei habang napapakamot ng ulo.
“Hay, wag na nga natin pansinin ni Wei, umuwi na tayo dahil ipagluluto pa kita ng masarap ng hapunan,” ang hirit pa niya sabay hila sa akin palayo sa mga tao. “Yoga, bakit nakikiusisa ka pa doon? Ang isang magaling na hunter katulad mo ay hindi na dapat nakikisalamuha sa mga ganung klaseng tao,” dagdag pa niya.
“Ano bang sinasabi mo Alisa? Mema ka rin eh, memasabi lang. Yung pinagkakaguluhan doon ay mga hunter sa kabilang isla na pinaslang ng kung anong demon na nakatira daw doon sa kweba sa paanan ng bulkan. Kawawa naman yung mga kapamilya nila,” ang tugon ko naman.
“Huwag mo na nga isipin yung ganyan bagay, makakaapekto pa iyan sa konsentrasyon mo,” ang wika niya at pumasok pa ito sa dampa na aking tirahan. “Teka hindi ka ba uuwi sa inyo?” tanong ko pa.
“Syempre aasikasuhin muna kita. Alam ko naman na namimiss mo na ang pamilya mo. Pero alam ko naman na ginagabayan ka nila sa kalangitan ngayon. Malungkot ang mag-isa dito sa dampa tapos tabing dagat pa itong tirahan mo kaya mas lalong nakaka senti. Kaya dito muna ako para makasama ka,” ang sagot niya habang nakangiti.
Hindi naman ako kumibo, umupo lang ako sa harap ng aking dampa at tumingin sa karagatan. “Nga pala, hindi mo ba itatanong sa akin kung totoo yung sinasabi ni Wei na may lalaki akong kasama kanina?” dagdag pa niya.
Nagkibit balikat ako, “hindi naman,” simple kong sagot.
“Bakit ba ganyan ka na ha? Dumidikit ako sa ibang lalaki para pagselosin ka, para magalit ka sa akin at awayin mo ako para maramdam ko man lang na ayaw mo akong mawala, na gusto mo ay sa iyo lang ako. Noong unang magkakilala tayo ay parang ang lamig mo na sa akin tapos mas lalo ka pang naging malamig noong makauwi ka galing sa piling ng mga halimaw na sirenang iyan” ang pagmamaktol nito.
“Alisa, ano pa bang gusto mo? Magkasama naman tayo diba?” ang sagot ko naman.
“Yoga, huwag mo nga akong itulad sa ibang babae dyan na pagkatapos mo makuha ay iiwanan mo na lang at babale walain. Hindi ako ganoon!”
“Hindi ka nga ganoon kaya nga nandito ka ngayon at hinahayaan kitang makasama ako. Saka itinuring naman kitang kasintahan diba? Hindi kita binabale wala at yung tungkol sa pagsama mo sa iba’t ibang lalaki ay matagal ko ng alam iyon hindi lang ako kumikibo. At pwede ba huwag mong sabihin sa akin na pinagseselos mo lang ako, na kesho gusto mong maramdaman na ipinagdadamot kita. Noon pa man ay alam ko ng marami kang lalaking sinasamahan kahit noong mga nasa misyon ako, akala mo ba ay walang nagsasabi sa akin? Bago kita ipagdamot ay ipagdamot mo muna ang sarili mo,” ang sagot ko sa kanya dahilan para lalo itong magalit sa akin.
“Tama nga sila, hindi ka naman talaga marunong magmahal dahil iyot lang ang mahalaga sa iyo! Kapag nakuha mo na ang gusto mo ay tatakas ka na lang na parang bula! Ilang babae na ba kaming dumaan sa iyo? Halos lahat yata ng babae doon sa bayan ay tinuhog mo! Ginagamit mo yung kagwapuhan mo para lang mahulog kami sa patibong mo! Daig mo pa yung mga demonyong hina-hunting mo!” ang galit niyang sagot sabay lapag ng mga gamit sa lamesa.
Hindi ako kumibo at hinayaan ko lang siyang magdadakdak hanggang sa mapagod.
Naghikab ako at nag-inat ng braso na parang walang pakialam. Ang mga babae, hindi nila mauunawaan na ang isang hunter ay hindi marunong magmahal dahil ang aming buhay ay limitado lamang. Noong mamatay ang aking mga magulang sa kamay ng mga Gidlis ay itinalaga ko na sa aking sarili na magiging hunter ako kaya’t sa murang edad ay sumama na ako kay Piyo at Wei para mag ensayo. Ang mga hunter ay walang puwang sa pagmamahal dahil nakatalaga na ang aming buhay para mamatay.
Ito ang mga bagay na sumasagi sa aking isipan habang nakatingin sa tatak ng simbolo ng pagiging hunter na nakaukit sa aking kaliwang braso. Ipinainitan sa apoy ang bakal na may tatak at ididikit iyon sa aming mga balat hanggang sa maging ukit na hindi maalis. Ang mga simbolong ito ang magpapaalala sa amin na kami ay walang karapatang magmahal at ang aming buhay ay hiram na lamang.
Noong mga sandaling pumasok ako sa pagiging isang Gidlis Hunter o Demon Hunter ay pinatay ko na ang aking puso. Wala na akong nararamdamang kahit ano mula dito.
Pero magbuhat noong mangyari sa akin ang kaganapan doon sa barko ng mga pirata ay biglang nagbabago ang lahat sa tuwing tumitingin ako sa karagatan at naalala ko yung taong sumagip sa akin. Wala akong maalala sa kanyang anyo ngunit ang eksenang iyon ay paulit ulit na nagbabalik sa aking isipan. Walang sandaling hindi ko ito naalala. Gusto ko siyang makita o hanapin ngunit hindi ko alam kung paano ko ito gagawin.
Tahimik.
“Ganyan nga Yoga, tama iyan! Wala na naman akong makuhang sagot sa iyo! Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Hindi kayo marunong magpahalaga sa nararamdaman namin!” ang singhal niya sabay sampal sa akin at saka ito nagtatakbo palabas sa dampa.
Napakamot na lang ako sa aking ulo at hinayaan ko siyang umalis. Mula sa pagtitig ko sa karagatan at unti unting bumigat ang talukap ng aking mga mata kaya naman hinayaan ko ang aking sarili na tangayin ng antok at pansamantalang iwaksi ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan.
Episode 6: Pista ng mga paputok
Episode 6: Pista ng mga paputok
SOJU POV
“Ilang araw ka ng matamlay, dahil ba iyan sa hindi natin pag akyat sa ibabaw ng tubig?” tanong ni Ringo sa akin noong makita akong nakalubog sa ilog at hinahayaang bumagsak ang tubig ng talon sa aking ulo.
“Wala lang akong gana, masyadong nag iingat sila Tandang Talyang kaya naging mahigpit sila sa pagpapalabas sa atin,” sagot ko sa kanya.
“Hmmm, ako nga e, gusto kong magbilad doon sa ibabaw ng tubig para medyo pumusyaw naman itong balat ko. Masyado na tayong maputi oh, hindi na normal. Buti na lang makinis tayo dahil nakakapaghunos tayo kahit papaano,” ang pagmamaktol ni Ringo sabay talon sa ilog at saka nagsimula itong maglangoy. Maya maya ay lumapit siya sa akin at piniga ang aking utong. “Arekup, bakit ba?” tanong ko naman habang nakapikit.
“Alam mo ba kung anong panahon ngayon? Doon sa itaas ng lupa ay unang araw ng masaganang anihan kaya naman magkakaroon sila ng mga kasiyahan doon na tatagal ng tatlong araw,” ang wika niya habang nakangiti.
“Paano mo naman nalalaman ang ganyang bagay? Saka anong kinalaman natin sa mga ganyan?” tanong ko naman na hindi nagpakita ng interes.
“Paano ko nalaman? Dilaw na buntot ay katalinuhan remember?” ang sagot niya sabay taas sa kanyang buntot. “Ang mga mortal sa lupa ay nagdiriwang ng pasasalamat sa masagana nilang ani kaya nagkakaroon sila ng pagdiriwang, nagpapakawala sila ng makukulay na paputok sa langit tuwing gabi,” ang dagdag pa niya.
“At ang gusto mo ay umahon tayo para makita ito?” nakangisi kong tanong. Nanguna na agad ako sa ideyang ito.
“Pwede rin naman,” ang sagot niya habang nakangisi rin.
“Paano naman tayo makakaalis dito ng hindi tayo nabibisto?” tanong ko.
“Sssh wag ka maingay, halika sumunod ka sa akin. Mayroong lagusan dito sa ilalim ng ilog na ginawa ni Dengo dati. Alam mo na, tumatakas siya madalas diba? Dito siya nagdadaan sa ginawa niyang lagusan. Tingnan mo nga naman kahit patay na itong si Dengo ay may pakinabang pa rin. Pero ikaw Soju, mangako ka sa akin na walang makakaalam nito, maliwanag ba?” seryoso niyang sagot.
“Okay! Tayo na!” ang nananabik kong sagot sabay lundag sa ilog at dito ay naglangoy kami ni Ringo sa pinakailalim.
Hinanap ni Ringo ang lagusan sa pinakailalim nito na tinakpan ng isang malaking bato kaya naman ini-usog namin ito at dito nga ay nakita namin ang isang maliit na butas na halos kasya kaming dalawa. “Ginawa ito ni Dengo gamit ang kanyang kapangyarihan. Minsan kasi ay nakita ko siyang tumakas kaya sinundan ko siya at noong malaman ko itong sikreto niya ay nakiusap siya sa akin na huwag itong ipagsasabi kahit kanino,” ang dagdag ni Ringo.
“Bakit naman may ganito si Dengo?” pagtataka ko.
“Dahil umibig din si Dengo sa taga lupa, kaya dito siya dumaraan. Oy ikaw Soju ha, huwag mong gagamitin itong butas sa kalokohan mo. Mumultuhin ka ni Dengo kapag naging pasaway ka. Saka ginawa ko lang to kasi naaawa ako sa iyo, mukhang mamamatay ka na sa kalungkutan,” ang pang aasar niya sabay hila sa akin sa lagusan at dito nga mabilis kaming naglangoy.
Dito ko napag-alaman na ang lagusan ay nakatugon sa karagatan at mayroon itong espesyal na harang sa pinakadulo na tanging ang mga tubig ahas lamang ang makakaraan. Matalino pa rin si Dengo dahil ang kanyang kapangyarihan ay nananatili pa rin sa lagusan kahit wala na siya. Siguro masyado siyang umibig kaya nagawa niya ang ganitong daanan. Hindi ko alam na ganito ang pinagdaraanan ni Dengo noon.
Basta minsan ay nakikita kong siyang sobrang saya, minsan naman ay sobrang lungkot. Wala akong ideya na umiibig na pala siya noong mga sandaling iyon. Sana ay agad ko itong nalaman, sana ay nadamayan ko siya.
Patuloy kaming lumangoy ni Ringo sa karagatan. Madilim ngunit malinaw naman naming nakikita ang buong paligid. Ang langoy namin ay paitaas upang mas mabilis naming marating ang pinakaibabaw ng tubig.
“Palagay mo ay may nakakita sa atin?” tanong ko sa kanya.
“Syempre ay wala, sino ba naman ang mag-aakalang doon tayo dadaan sa ilog,” ang tugon niya habang nakangiti.
Makalipas ang ilang sandali ay umangat kami sa tubig, gabi na pala halos sa ibabaw nito at mula sa aming itaas ay nagliwanag ang makukulay na paputok sa langit dahilan para mamangha ako at mapako na lamang sa itaas ang aking tingin. Ang mga makukulay na liwanag ay namumukadkad sa kalangitan na animo mga bulaklak. “Wow, napakaganda,” ang bulong sa aking sarili.
“Ganyan kung magdiwang ang mga tao ng kanilang mga pista, pasasalamat sa magagandang ani mula sa kanilang mga pananim,” ang sagot ni Ringo habang nakangiti.
Ilang minuto rin kaming nakatingala bago niya hilahin ang aking braso palangoy. “Teka saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Aahon tayo sa lupa! Minsan lang ito! Tara na!” ang hirit niya na walang pag aalangan.
“Teka, delikado, baka maamoy tayo ng mga hunter baka malagay tayo sa gulo,” ang pagpigil ko naman.
“Alam mo mortal na tao lang yung mga hunter, wal silang mga kapangyarihan para maamoy tayo. At isa pa ay bababaan natin ng husto ang ating mga enerhiya upang makasiguradong wala tayong magiging problema. Lalakad lang tayo doon kasama ng mga tao at pagkatapos ay hahanapin natin yung lalaking gusto mo. Diba? Magandang ideya iyon diba? Saka alam ko naman na sa hinaharap ay tatakas ka rin kaya mainam na itong pamilyar ka sa mga makikita mo,” wika ni Ringo habang hinihila ako.
“Teka bakit kung magsalita ka ay para alam mo na lahat? Bakit parang nakapunta ka na dito?” tanong ko naman.
“Nakapunta na ako dito, limang beses na yata dahil isinasama ako ni Dengo dati bago siya umibig at lamunin ng sobrang pagmamahal,’” sagot nito at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
“Napakadaya mo naman! Kaya pala bigla ka na lang nawawala na parang bula,” ang hirit ko sa kanya.
“Hindi ko talaga sinasabi sa iyo noon dahil alaga ka ni Tandang Talyang, baka kasi isumbong mo ako at maparusahan pa ako nung matatanda,” ang hirit niya naman.
Iyon ang plano, umakyat kami ni Ringo sa lupa, kung saan naroon ang mga taong nagkakasiyahan. Una naming ginawa ay ibaba ng husto ang aming enerhiya at ang pangalawa ay gumawa ng damit gamit ang aming mahika. Suot ko ang tradisyunal na hanfu na kulay asul at si Ringo naman ay kulay dilaw. Angat na angat ang aming kulay at kaputian noong mga sandaling iyon kaya naman lahat ay napapatingin sa amin.
(Author’s Note: Wala akong maisip na damit nila kaya naisip ko isang traditional na chinese clothing na tinatawag na Hanfu. Since nakabase naman tayo sa setting ng movie na White Snake.)
Ito ang unang pagkakataon na tumuntong ako sa lupa, halo halo ang pakiramdam sa aking dibdib. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nakatapak ka sa lupa. “Teka bakit parang nakatingin sa atin ang lahat?” tanong ko naman.
“Eh kasi naka kapit ka sa akin na para kang takot na takot. Saka sobrang gwapo mo daw kasi kaya pinagtitinginan ka. Alam mo naman extraordinaryo ang kagwapuhan at anyo natin dito sa lupa,” ang wika niya naman.
“Hindi lang ako sanay na tinitingnan ako,” tugon ko.
“Kung bumitiw ka kaya sa akin at lumakad ka ng normal?” ang hirit niya kaya naman iyon ang aking ginawa.
“Ang ggwapo ng mga dayuhang ito ah, galing ba kayo sa kabilang isla? Tama nga sila dahil talagang mayayaman ang tao doon,” ang wika ng matandang nakasalubong namin.
“Oo ginoo, mula kami sa malayong isla. Nais lamang naming bisitahin ang inyong makulay na pagdiriwang,” ang sagot ni Ringo habang nakangiti.
“Aba, ayos ah,” ang bulong ko kay Ringo.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, “ako pa ba? Hindi naman masamang makibagay. Nakita mo ba yung grupo ng mga kalalakihan na iyan? Mga hunter iyan pero hindi naman nila nararamdaman kasi nga wala naman silang kakahayan para malaman,” ang dagdag pa niya sabay turo sa mga grupo ng kalalakihan na umiinom sa tindahan.
Tuloy pa rin ang pag guhit ng makukulay na paputok sa kalangitan kaya naman napapatingala kami ni Ringo habang hindi ko mapigilan ang labis na paghanga sa aking nakikita.
Dito na kami nagsimulang lumakad at ikutin ang magagandang parte ng isla. Ang lahat ay nakasuot ng makukulay na kasuotan, ang mga kababaihan ay parang mga bulaklak naglalakad sa kadiliman ng mga gabi. Nakakaakit ring pagmasdan ang makukulay na tindahan ng mga laruan, tela at mga kasangkapan. Mayroon ring nagtitinda ng mga inukit na paso, plorera at mga banga na may magagandang disenyo.
Ang mga bahay inuman ay punong puno ng mga kalalakihan na kung minsan ay paulit ulit kong sinusulyapan baka sakaling naroon ang aking hinahanap.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay may mangilan ngilang lalaki na lumalapit sa akin at binibigyan ako ng bulalak o kaya ay itong makukulay na bagay na nakalutang sa ere na hugis bilog. Ayoko itong kunin ngunit sabi ni Ringo sa akin ay hindi daw magandang tugon kung tatangihan ko ito kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti at magpasalamat sa kanila. Hindi ko naman inakala na ganito kababait ang mga tao dahil sila pa mismo ang nagbibigay sa akin.
Wala pang 30 minuto ay halos hindi na ako makadala sa dami ng aking hawak na regalo mula sa kanila at karamihan nito ay mga lalaki. Ito ang pinakamasayang parte ng gabi. Ngunit ang pinakamalungkot ay ang hindi ko makita ang taong hinahanap ko kahit na paulit ulit akong naglalakad sa mga lugar na posibleng nandoon siya.
“Mababait naman pala yung mga mortal, karamihan ng nag abot sa akin ng bulaklak ay mga hunter pa,” ang wika ko kay Ringo.
“Syempre, alam mo Soju, ang mga mortal ay magigiliw lang sa mga magagandang bagay na masarap sa mata. Wala kang ideya kung gaano ka kagandang lalaki kaya kahit yung lalaki rin ay naaakit sa iyo. Oh diba masaya naman dito sa lupain ng mga mortal. Hindi nga lang natin alam kung ligtas,” ang wika ni Ringo noong naglalakad kami pabalik sa pampang dahil halos tapos ang magandang gabi ng kasiyahan.
“Ang dami mong dala ngunit kailangan mong iwanan dito ang lahat na iyan, alagan namang dalhin mo iyan pabalik sa ating dimensyon,” ang wika ni Ringo sabay tapon sa kanyang mga naipong gamit.
Tiningnan ko ang mga ito at nanghinayang ako kaya naman naupo ako sa pampang at binuksan ang isang maliit na bilog na nakabalot sa papel. Inamoy ko ito at tinikman ko, “minatamis na prutas! Ang sarap!” ang namamangha kong salita.
“O sige kainin mo muna ang mga iyan bago tayo umalis. Sayang no, wala yung taong hinahanap mo.”
“Sa tingin ko iyan ang pinakamalungkot na parte ng gabi, ang hindi ko siya makita,” ang tugon ko sabay bitiw ng malalim na buntong hininga.
“Hay, ganun talaga, ako? Mabuti na lang wala pang nagugustuhan. Saka mas gusto ko pa rin yun mga daddy type na water snake, sa tingin ko ay mas hot sila kaysa sa mga tao,” ang hirit ni Ringo.
“Hinahanap ko lang naman siya, para malaman ko kung maayos ang lagay nya. Wala naman akong balak na magkagusto o mahalin siya. Ayokong matulad kay Dengo,” ang wika ko naman at mabilis ako sumisid sa tubig para makabalik sa aming isla.
“Naku Soju, huwag mo nga ako biruin ng ganyan, rinig na rinig ang tibok ng puso mo, ramdam na ramdam sa kilos mo ang pagkadismaya.”
“Hindi ako nadidismaya, masaya ako ngayong gabi, uulitin natin to diba?” tanong ko sa kanya.
“Hmmm, pwede kung may pagkakataon. Pero dapat ay mag-ingat tayo okay?” ang tugon niya sa akin at dito ay agad kaming pumasok sa lagusan na ginawa ni Dengo.
Walang kapantay ang sayang naramdaman ko noong oras na iyon. Ngunit sabi nga nila, ang lahat ay balanse dahil sa ibang parte ng aking puso ay namamayani pa rin ang lungkot dulot sa kabiguan kong mahanap o masilayan man lang ang taong aking hinahanap. Gayon pa man ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa, alam ko namang darating ang araw na magtatagpo ang aming landas.
Sa tamang panahon, sa tamang lugar at sa tamang pagkakataon.
Episode 7: Mailap Na Landas
Episode 7: Mailap na Landas
YOGA POV
“Ano naman ginagawa mo dito?” tanong ko kay Alisa noong makita ko ito sa paanan ng aking higaan isang umaga noong dumilat ako.
“Dinalan kita ng pagkain para sa agahan mo. Saka naghahanda na yung mga tao para sa pista ng mga paputok mamaya. Dinalan na rin kita ng damit na isang itim na Hanfu, baka wala kang maisuot e,” ang tugon niya sa akin pero wala naman akong pakialam, muli kong pinikit ang aking mata at pinilit pang matulog.
“Hoy huwag ka ngang ganyan, ang gwapo gwapo kapag nakahubad ka tapos nakalagay yung braso mo sa batok mo habang nakahiga, sobrang nakakataas ng pagnanasa,” ang hirit niya at maya maya ay bigla na lang niyang hinimas ang aking alaga na noon ay matigas na dahil sa malamig na umaga. “Siguro mas maganda kung ako muna ang puputukan mo,” ang pilyang hirit nito saka mabilis na inilabas ang aking sandata sa aking pantalon.
Hinawakan niya ang aking sandata sa katawan at sinimulang dilaan ang mala kabuteng ulo nito, bumaba rin ang kanyang dila sa bakat ng pinatulian sa akin dahilan para makiliti ako at mas lalong tumigas ang aking alaga.
Lalo lang pinagbutihan ni Alisa ang pagsuso sa aking kahabaan hanggang sa hubuin na niya ng tuluyan ang aking salawal. Inalis niya ang kanyang damit at inilagay sa gitna ng kanyang mala papayang dibdib ang aking alaga saka muli ito pinaglaruan sa pamamagitan ng pag-ipit dito. Napaungol ako kaya naman hinila ko ang kanyang bewang, iniharap ko sa akin ang kanyang hiyas at kinain ito. Halatang pinaghandaan ni Alisa ang sandaling ito dahil mabango at amoy sabon ang kanyang perlas.
Ngayon ay naka 69 position kami at saka sagad ng kanyang bibig sa aking alaga at kinakantot ko ng aking dila ang kanyang lagusan at kinakagat kagat ang labi nito hanggang sa mangisay siya sa sarap dulot ng aking pagkain sa kanyang bulaklak.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na akong ipasok ang daliri ko sa kanyang hiyas na noon ay basang basa na. Una ay isang daliri muna, hanggang naging dalawa na ito kaya naman nanginig ang kanyang buong katawan at dito ay lumabas ang kanyang katas. Nailuwa na niya ang aking alaga at napahiyaw ng impit habang bumibilis ang aking ginagawang pagdaliri sa kanyang lagusan.
Makalipas ang ilang minuto ay tumihaya siya habang nakabukaka pa rin, ako naman ang tumayo sa kanyang harapan. Napakagat labi siya noong makita ang aking mataba at matigas na alaga. Ikinaskas ko ang ulo nito sa kanyang lagusan at saka ko ipinasok dahilan para mapanganga siya sa kakaibang sensayong nararanasan. Binalot mainit na pakiramdam ang aking alaga kaya naman napaungol din ako ng impit habang nagsisimulang bumayo ng marahan pero madiin. Dinidikdik ko ang kanyang kaloob looban hanggang sa ilang beses ko itong ginagawa at biglang rumagasa ang kanyang mainit na dagta.
Makalipas ang ilang minuto ay bumayo na ako ng malakas at marahas, dito na nagsimulang mabaliw ng husto ni Alisa. Hinawakan niyan ang aking pwetan at idiniin pa ang aking pagbaon sa kanyang kaloob looban, kulang na lang pati ang yagbols kong nakalawit ay ipasok niya.
Ramdam kong basang basa na ang aking alaga dahil sa ilang beses na paragasa ng kanyang dagta ng kasagahan. Halos ilang beses naabot ni Alisa ang glorya ng walang kapantay na sarap. Nakatirik na lang ang kanyang mata, puti na lang nakalabas dito dahil matinding sarap lalo na noong bumilis ang aking bayo.
Makalipas ang ilang saglit ay hinugot ko ang aking alaga at mabilis na sinalsal sa kanyang harapan. Tumurit ang aking katas sa kanyang katawan at ang iba ay sa kanyang mukha. Matapos kong labasan ay tinakpan ko ng kumot ang aking katawan at muling tumabi sa kanya. Pinaunan ko siya sa akin braso at saka niyakap. “Bakit ba bumalik ka pa dito ngayon? Diba galit ka sa akin? “ tanong ko sa kanya.
“Nagtampo ako kagabi, pero alam mo naman kaming mga babae diba? Mabilis kaming magtampo, ang nakaka inis lang ay hindi mo man lang ako sinuyo, mas pinili mo pang matulog kaysa puntahan ako,” ang sagot niya sabay siko sa akin.
“Masyadong pagod ang mental na aspeto ng pagkatao ko kahapon. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko. Pasensiya na kung hindi ko nagagawang sakyan ang lahat ng kaartehan mo,” ang biro ko naman dahilan para mapanguso siya.
“Sira ka talaga, kung bakit kasi patay na patay ako sa iyo! Ang gwapo mo kasi at yung amoy mo ay barakong barako, gustong gusto namin iyan, alam mo ba iyon?” ang wika niya sabay taligid sa akin.
Nagulat ako ng muli niyang hawakan ang aking alaga at itinutok ito sa bukana ng kanyang hiyas. Nakuha ko na agad ang nais niyang mangyari, gusto niyang tirahin ko siya ng patagilid kaya iyon ang aking ginawa.
Ipinasok ko ang aking alaga sa kanyang basang kweba at muli kaming bumuo ng ritmo. Sa pagkakataong ito ay mas marahas ang aking ginawang pagbayo sa kanyang likuran. Samantalang walang patid na ungol at halinghing naman ang kanyang pinapakawalan sa tuwing bumabaon ng husto ang aking sandata sa kanyang lagusan
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago namin muling marating ang rurok ng kakaibang sarap na hindi mapapantayan. Muli kong ipinutok ang aking semilya sa kanyang dibdib habang siya naman ay lupaypay sa matinding kapaguran.
Matapos ang mainit na tagpong iyon ay kapwa kami naglinis ng katawan at saka kami nagluto ng agahan. Ang lahat ng tao sa paligid ay abalang abala sa paghahanda para sa pagdiriwang mamaya.. Taon taon kaming nagkakaroon ng tinatawag na “pista ng mga paputok bilang pasasalamat sa aming magagandang ani. Ang bawat taong nakatira dito s isla ay nagsisindi ng mga paputok kasabay kanilang mga kahilingang nais nilang matupad.
KINAGABIHAN.
Bago magsimula ang opisyal na pagdiriwang ay lumabas na kami ni Wei sa tabing dagat. Hawak namin ang tig iisang paputok na aming paliliparin sa kalangitan kasabay nito ang pagbigkas ng aming mga kahilingan at umaasa kami na matutupad ito sa takdang oras at sa tamang panahon.
Nakasuot kami ni Wei ng tradisyunal Hanfu. Ang sa akin ay itim at ang kanya naman ay kulay pula na may magagandang denseyo. “Oh, sobrang ggwapo niyo naman po,” ang wika ni Alisa noong tumabi ito sa amin.
“Medyo hindi ako sanay magsuot ng ganito pero dahil komportable at presko ay ayos na rin! Tara uminom na tayo bago pa magkaputukan!” ang wika ko naman.
Noong gabing iyon ay nagsimula na ang pista ng pasasalamat, gumuhit ang makukulay at magagandang paputok sa kalangitan. Ang lahat ay nagdiwang na parang walang bukas. Nakakatuwang pagmasdan na sa isang iglap ang boring at walang kalatuy-latoy na isla namin ay naging makulay, maliwanag at punong puno ng palamuti. Ang mga babae na parang matatandang magdamit, ngayon ay magaganda na at talagang kaakit akit.
Samantala, ito yung eksena na umakyat na sina Soju at Ringo sa lupa upang makisaya. Ang dalawa ay nakibagay sa mga tao sa isla at sinubukang hanapin si Yoga na noon ay umiinom lang sa isang gilid. Ipinakita sa senaryo na halos magkadaupang palad na ang dalawa (sina Yoga at Soju) dahil halos magkatabi na sila, iyon nga lang ay abala sa pag inom si Yoga at wala itong pakialam sa kanyang paligid. Samantalang si Soju naman ay agad na hinila ni Ringo sa ibang direksyon at dito ay sinimulan na siyang abutan ng mga regalo.
“Pare talagang sikat na itong pista natin, biruin mo kahit yung mga mayayamang lalaki doon sa kabilang isla ay bumibisita,” ang wika ni Wei sa akin.
“Sinong mayayamang lalaki?” tanong ko naman.
″Dumaan kanina pare, gwapo, makinis, parang mga hindi nasisikatan ng araw e. Makinis pa kay Alisa nandoon sila malamang pinagkakalupung-punan na iyon ng mga hunters na single. Halika pare tingnan natin! Liligawan ko na lang yung isa, hik!“ ang lasing na hirit ni Wei sabay tayo sa silya niya pero hinila ko siya pabalik.
“Pare lasing ka na yata e. Bakit pati lalaki liligawan mo?” tanong ko naman sa kanya.
“Ano ka ba, masarap din naman magmahal ang lalaki, walang arte, tapos maalaga rin sila at masarap tsumupa. Kaya ako? Sa halip na manuyo ako ng malalandi at maaarteng babaeng iyan? Doon na lang ako sa lalaking may lawit! Hik! Kasing sikip pero hindi kasing arte! Hik!” ang nabubuwal na hirit nito at maya maya ay nadukdok na lang sa lamesa dahil sa matinding tama.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Alisa, nakabusangot ito at wala sa mood. Tinungga niya ang isang bote na alak sa aming lamesa. “Anong nangyari sa iyo? Bakit parang mainit ang ulo mo?” tanong ko
“Nakakainis, natalo ng lalaki yung ganda ko! Noong dumating sila nakuha na nila yung atensyon nung mga hunter! Nakakainis eh!”
“Oh bakit hindi ka nakipagkilala doon sa gwapong lalaki?” tanong ko naman.
“Ewan, kasi sobrang gwapo nila, sobrang kinis, sobrang puti, hindi sila yung barakong barako na katulad mo na. Hindi sila amoy lalaki, parang kapag naging shota sila ng babae ay yung babae pa ang mag-aalaga at mag tatrabaho para sa kanila. Iba pa rin yung lalaking brusko at kumakayod para sa babae!” ang wika niya na hindi maitago ang pagkainis.
“Ano bang itsura ng mga iyan? Teka matingnan nga, matatalo ba ang kagwapuhan ko?” tanong ko naman sabay tayo sa aking silya pero pinigil ako ni Alisa at muling pinaupo.
“Bakit?”
“Dito ka na nga lang Yoga, baka maya maya pati ikaw magkagusto sa kanila. Saka huwag kang mag alala ikaw pa rin ang pinakagwapong lalaki dito sa isla natin. Hindi kita ipagpapalit kaya huwag ka na mangamba,” ang hirit nito
“Eh hindi naman ako nangangamba,” ang tugon ko naman.
Tuloy pa rin ang mga paputok sa kalangitan, nakatingala kami ni Alisa habang pinapanood ito. Noong mga sandaling iyon ay malakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko maunawaan ngunit para bang ang taong hinahanap ko ay nasa malapit lang. Lumilinga linga ako sa paligid pero hindi ko ito makita bagamat iba talaga ang pakiramdam ko. “Ano ba yung iniisip mo?” tanong ni Alisa sa akin.
“Wala, mukhang may tama lang ako,” ang tugon ko habang pinapanood ang mga paputok.
“Ahay, sabi ko naman sa iyo huwag kang sasama kay Wei dahil tomador iyon at lasinggero kaya nga wala siyang naipapanalong misyon,” ang hirit nito habang nakalingkis sa aking braso.
Maya maya ay dumating naman si Wei na tuwang tuwa, “tang ina pare, mas maganda pa kay Alisa yung lalaki doon. Sa sobrang gwapo e maganda na ang tingin ko sa kanya,” ang hirit ni Wei.
“Tumigil ka nga Wei, ako ang pinakamaganda dito sa islang ito at iyang mga dayuhan na iyan ay suriin niyo munang mabuti, baka naman maya maya ay mga Gidlis yang mga iyan, mga demons na nagpapanggap na tao noh! Tapos kakainin tayong lahat dito!” hirit ni Alisa.
“Naku Alisa, mas mapapagkamalan ka pang Gidlis kaysa sa kanila. Teka sigurado ka bang tao ka talaga Alisa? Baka naman isa kang Bat Demon? Alam mo kapag naglakad kayong tatlo, isama mo yung dalawang lalaking gwapo doon, tiyak na ikaw ang titirahin ng mga hunter dahil akala nila ay Gidlis ka, hik!” ang pang aasar ng mga hunter sa likod. Alam na alam nila kung paano aasarin ang dalaga.
“Mga panget! Wala na naman kayong mapagtripan mga hudas! Mga mukha kayong halimaw!” ang galit na sagot nito kaya naman nagtawanan na lang kami.
Tawanan..
Ang paghupa ng mga paputok sa kalangitan ang hudyat ng pagtatapos ng pista. Kumaunti ang mga taong naglalakad sa paligid habang ako naman ay nakatanaw lang sa kagaratan at may hinahanap na kung ano.
Samantala, noong mga sandaling iyon ay naghahanda na rin sila Soju sa pagbabalik sa kanilang Isla sa ilalim ng karagatan. Ang kanilang distansiya ay halos magkalapit lamang, nasa madalim na bahagi lang sina Soju kaya hindi sila napapansin.
“Yoga, ano pa bang ginagawa mo dyan? Halika na, umuwi na tayo, baka maya maya ay may sirena pa dyan sa pampang,” ang pagtawag ni Alisa.
Nakatahimik lang ako at nakatayo, ang tibok ng aking puso ay mabilis pa rin at hindi humuhupa. Wala akong nagawa kundi ang magbitiw ng isang malalim na buntong hininga sa hindi malamang dahilan. Perpekto ang gabing ito ngunit ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam ay kalungkutan na para bang sinasabing nabigo akong gawin ang isang bagay at hindi ko alam kung ano ba iyon.
“Halika na nga Yoga, matutulog ako sa tabi mo at putukan mo ako hanggang sa mawalan ako ng malay,” ang pilyang hirit nito.
“Seryoso ka?” tanong ko naman..
“Oo naman, at kapag mag asawa na tayo ay maaari mo na gawin lahat ng gusto mong gawin sa akin. Hay, excited na akong maging misis mo at magkakaroon tayo ng maraming anak,” wika pa niya dahilan para mapangiwi na lang ako.
Bago pumasok sa loob ng dampa ay isang sulyap pa sa karagatan ang aking ginawa at dito ay isang liwanag ang aking napansin na lumubog sa karagatan. Kulay asul ito at kulay dilaw na hindi ko mawari kung ano.
Ang liwanag na nakita ni Yoga ay ang kislap ng kaliskis nina Soju at Ringo. Ito yung eksena sumisid na ang dalawa paalis sa lupain ng mga mortal.
Episode 8: Ang Pulang Kalatas
Episode 8: Ang Pulang Kalatas
YOGA POV
Tapos na ang pista ng pasasalamat kaya’t kaming mga hunter ay balik na rin sa aming mga misyon. Karaniwan ang misyon ay pinapadala lang sa aming mga dampa. Isa itong kalatas na nakabilot sa tatlong kulay. At ang kulay ay depende sa bigat ng misyon na nais ipagawa sa iyon ng organisasyon ng mga demon hunter.
Una, kung ang kalatas ay
nakabilot ng asul
ito ay minor mission lamang at karaniwang ginagawa ng dalawa hanggang tatlong hunter lamang.
Ang ikalawa ay ang
kulay puting pisi
na ang average o katamtaman lamang, karaniwang ginagawa ng mga 5 hanggang 8 miyembro. At ang pinakahuli ay pula na mahirap at komplikado. Karaniwang ginagawa ito ng 10 hanggang kahit ilan na miyembro. Kasama na dito ang pinakamahuhusay na hunter sa isla.
Sa pagkakataong ito ay
kulay Pula ang pising
nakabalot sa kalatas namin at nakasulat dito ang pangalan ng lugar kung saan naroon ang misyon. Ito ay ang “Isla ng Leren” na nasa pinakadulong bahagi ng mga isla. May kalayuan ito kaya’t kailangan pang sumakay ng barko o bangka patungo doon. “Mukhang magkasama tayo sa misyon pare,” ang wika ni Wei sabay pakita rin ng kalatas na hawak. Balot rin ito ng pulang pisi.
“Isla ng Leren, nanghihingi sila ng tulong doon,” ang wika ni Wei.
“Bakit? Anong mayroon sa isla ng Leren?” tanong ko naman.
“Yung mga itinataboy daw na mga demons ng mga hunters ay doon lumilipad para magtago. Sa makatuwid ay marami na ang mga Gidlis sa lupaing iyon. Hanggang na dumami na ito at nabalot na ng takot ang mga bayan doon. Ang misyon ay linisin ang isla at bawasan ang bilang mga demons doon,” ang paliwanag ni Wei.
“Kung ganoon ay kaya nakabalot sa pulang pisi ang kalatas ay dahil maraming hunters ang kailangan para gawin ito,” sagot ko naman.
“Tama ka pare, maghanda na tayo,” ang pagsang-ayon niya sabay sukbit ng bag na punong puno ng mga sandata.
Ako naman ay napaisip, paano kung mamatay ako sa misyong ito? Paano ko makikita yung taong hinahanap ko? Maililigtas pa kaya niya ako katulad ng dati? Hindi ako mapalagay, pakiwari ko ay mayroon akong takot na nararamdaman hindi katulad noon na wala akong pakialam kahit na mapahamak ako o kung ano pa man ang mangyari.
Bandang tanghali noong mag assemble ang lahat ng hunters. Pagdating namin ni Wei dito ay agad kaming sinalubong ni Piyo. Dito namin napag alaman na kasama siya at ang tatlo pang mahuhusay na hunter na halos kasing ranggo din niya na sina Hamon, Kiyan at Jim pero ang tungkol sa kanila ay ibang kwento na dahil galing sila sa ibang Isla. “Sa akin kayo nakasama kaya paghusayan niyo. Masaya akong makasama ka sa misyong ito Yoga,” ang wika nito habang nakangiti.
“Nandito rin pala sina Hamon at iba pa?” tanong ni Wei.
“Oo sila ang mamumuno sa ibang hunters. Nasa 200 tayo kaya ang bawat isa sa amin ay maraming hawak na tao. Seryoso ang misyon sa Leren kaya ganito tayo karami,” ang paliwang ni Piyo.
“Mukhang palaban talaga yung isang pinuno na si Kiyan, tingnan mo isang malaking palakol ang hawak samantalang si Jim ay pana at palaso lang,” ang dagdag pa ni Wei.
“Ang bawat isa sa mga pinunong iyan ay may katumbas na lakas sa akin. Kaya tiyak na mahuhusay rin sila. Bakit tahimik ka yata Yoga? Natatakot ka ba?” tanong sa akin ni Piyo.
“Hindi ah, naalala ko lang yung dampa ko, baka hindi ko nakandadong mabuti at pasukin na naman ng kung sino sino,” ang sagot ko naman.
Natawa si Piyo at tinapik ang aking balikat. “Pagkatapos ng misyong ito ay malaking halaga ang makukuha mo, magpagawa ka ng mas malaking dampa.”
Tawanan sila ni Wei.
Nagsimula ang pag akyat sa barko na magdadala sa amin sa Isla ng Leren. Unang umakyat ang aming grupo na pinamumunuan ni Piyo. Binigyan kami berdeng laso na itinali sa aming mga braso bilang tanda na kay Piyo kami naka bilang.
Ang ikalawang grupo naman na umakyat ay ang kay Hamon na tinaglay ang puting laso. Ang ikatlong grupo naman ni Kiyan ay may dilaw na laso at ang kay Jim naman ay itim.
Walang pag uusap na nagaganap sa barko, ang kalalakihan ay abala sa paghahasa ng kanilang mga sandata. Ang iba ay inaayos ang kanilang mga armas at kinokondisyon ang kanilang mga sarili. Samantalang ako naman ay nakatingin lang sa kalayuan ng karagatan at pinagmamasdan ang lawak nito.
Hindi na bago sa akin ang ganitong misyon, halos lagi naman akong kasama noon pa. At sa lahat ng misyon na iyon ay puro “swerte” lamang ang pagkakaligtas ko. Kung minsan ay talaga napapagrupo lang ako sa malalakas kaya ako nakakauwi ng buhay. Ngayon kaya? Ano ang naghihintay sa akin doon?
Tahimik.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at kasabay nito ang muling pagtibok ng aking puso, mas mabilis na parang bang mayroong hindi kanais nais na mangyayari. Kung ano man iyon ay dapat akong maghanda kailangan kong mabuhay sa kahit anong paraan.
SOJU POV
“Hala, mga bobo naman pala talaga itong mga hunter na ito. Ang daming apektado ng mga bwisit at pasaway na mga Gidlis ah? Bakit doon pa sila sa Leren Island pupunta?” tanong ko kay Ringo habang pinagmamasdan namin ang barko na dumadaan sa aming harapan. At dito nga ay biglang tumibok ng malakas ang puso ko noong makita ko ang lalaking hinahanap ko na nakaupo at nakatulala sa gilid ng barko.
“Ayun yung lalaki gusto mo diba? Parang nagdarasal na siya para sa kanyang katapusan,” ang hirit ni Ringo.
“Malalim ang iniisip siya, at ramdam kong may takot na sa kanyang puso. Hindi katulad noong unang beses ko siyang makita doon sa barko ng mga pirata,” ang bulong ko.
“Aba, ako man ang mortal na ipapadala sa isla ng Leren. Baka umiiyak na ako ngayon din mismo. Ang isla ng Leren ay pugad ng mga Demon Bat, mga Demon na baboy ramo at mga halimaw na hayok sa pagkain ng mga tao. Sa palagay ko ay maliit ang tiyansa nilang mabuhay kung doon sila pupunta,” ang wika ni Ringo at habang nasa ganoong pag uusap kami ay nakita naming naglalanguyan ang maraming mga sirena na nakasunod sa direksyon ng barko.
“Naku, nakisabay pa itong mga sirenang ito,” ang dagdag pa niya sabay hila sa isang sirenang lumalangoy malapit sa amin. Itinaas niya ito gamit ang kanyang dilaw na buntot. “At saan naman kayo pupunta mga sis?” ang tanong pa niya.
“Susundan namin yung barko, maraming pagkain doon, bakit kayong dalawa nandito lang? Kayo talagang mga tubig ahas laging mga nagmamaganda. Lalo na ikaw (sabay turo sa akin) oo ikaw na may asul na buntot, alam mo na galit na galit sa iyo yung punong sirena dahil pakialamero ka. Naku wag kang magpapakita sa kanya dahil baka kainin niya ang buntot mo,” ang hirit nito.
“Naku, huwag mong pagbantaan iyang si Soju dahil baka magalit iyan sa atin at gawin niyang yelo itong buong karagatan. Kayo rin, bahala kayo,” pananakot ni Ringo habang nakangisi.
“Walang may paki, let me go na nga! Naiwanan na ako!” ang pagpupumiglas ng sirena kaya naman binitiwan siya ni Ringo. Lumangoy ang sirena at suminghal pa ito sa amin, nagbago ang kanyang anyo at naging “PANGET! Mga panget lahi niyo!” ang sigaw ni Ringo.
Tawanan kaming dalawa.
“Mabuti na lang talaga nasabi mo sa akin yung plano ng mga hunters. Baka mapahamak pa yung tao doon,” pasasalamat ko kay Ringo at dito nga ay nagbalik sa aking isipan yung mga pangyayari kanina bago kami umakyat dito sa ibabaw ng tubig para ikonpirma kung tama nga yung narinig ni Ringo noong isang gabi doon sa pista ng mga paputok.
FLASH BACK
“Naghahalo ang saya at lungkot diba? Masaya na nakatungtong ka sa lupa at pinagkaguluhan ng mga hunters. Pero di mo nakita ang taong gusto mong makita,” ang bungad ni Ringo noong makita akong nakahiga sa dampa ilang oras matapos kaming umakyat sa lupa.
“Masarap yung prutas na binuro sa matamis, gusto ko pang kumain noon,” ang malayo kong sagot.
“Madali lang gumawa non, papatuyuin mo yung prutas sa araw at papakuluan sa matamis. Pero syempre may iba pa silang inilalagay na hindi ko alam. Pero alam mo may naalala ako,” tugon niya.
“Naalalang ano?”
“Naalala ko yung sinabi nung isang lalaking nagbigay sa akin ng minatamis. Ang sabi niya ay “napakagwapo mo naman bagay na bagay sa iyo ang suot mong dilaw na Hanfu, sana ay maging kasintahan kita bago man lang ako mamatay”, ito ang sabi niya sa akin pero natawa lang ako at tinanggap yung ibinibigay niya,“ salaysay ni Ringo.
“Eh bakit naman ganun ang salita niya sa iyo?” pagtataka ko naman.
“Dahil nabanggit niya sa akin na may misyon ang mga hunter sa Isla ng Leren. Tiyak na daw na iyon na ang katapusan ng nasa mahigit dalawang daang hunter na ipapadala doon sa isla.”
“Isla ng Leren? Aba delikado doon ah. Sa palagay mo ba ay kasama yung lalaking hinahanap ko doon sa dalawang daang mahigit na iyon?” tanong ko naman.
“Malamang diba? Kasi sabi nung hunter sa akin ay lahat ng nasa isla na iyon ay kasama. Panahon na raw para palayain ang Isla ng Leren mula sa pananakot ng mga Gidlis. Kaya kung kasama doon yung lalaking gusto mo, ang masasabi ko lang ay goodbye na sa kanya,” sagot ni Ringo.
“Teka hindi maaaring mangyari iyon! Kailangan kong umakyat sa ibabaw para makita kong kasama siya.”
“Hala, agad agad? Bukas ng tanghali pa ang misyon nila. Pwede matulog muna tayo? Saka Soju, huwag ka na makikialam sa away ng hunter at demonyo ha. Ayoko na maging wanted, alam mo ba na kapag nakikita ako ng mga sirena ay sinisinghalan nila ako na kulang na lang ay kagatin ako sa buntot. Mga pasaway na iyon,” pagmamaktol ni Ringo sabay akyat sa malaking puno at pumalupot siya doon saka pumikit.
END OF FLASH BACK
“Hoy Soju, nakikinig ka ba?” tanong ni Ringo sa akin habang nakatanaw ako sa barko na halos malayong malayo na.
“Ano na nga sinasabi mo?” tanong ko naman noong magbalik sa ulirat ang aking isipan.
“Tinatanong ko kung ano ang plano mo, Soju,” pag uulit niya.
“Ano ba ang magandang gawin?” tanong ko naman.
“Una, umuwi dahil hahapin tayo ni Tandang Talyang, katirikan ng araw ay nawawala tayong dalawa. At ikalawa naman ay pumuslit mamayang gabi, alam mo na ang ibig kong sabihin,” ang sagot niya sa akin.
“Siguro iyon na nga lang ang pinakamagandang gawin. Tamang tama mas sumasalakay ang mga demonyo sa gabi. Tiyak na mamaya pa lang ay magiging madugo na ang lahat,” ang wika ko sabay sisid pabalik.
“Siguro naman hindi bobo yung lalaking tipo mo diba? Siguro naman hindi siya magpapa patay agad ng ganoon kadali,” ang hirit ni Ringo habang lumalangoy kami papasok sa butas na ginawa ni Dengo.
“Hindi naman siguro, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya,” sagot ko rin.
“Hala, kasintahan lang Soju? Tigilan mo nga ako. Pag angat natin sa ilog kunwari ay walang nangyari okay? Alam mo naman malakas ang pang amoy ng matatandang gabay, nalalalaman nila kung ano yung laman ng isip natin kapag magulo na ito,” paalala ni Ringo
“Kaya nga lagi akong nakangiti doon diba? Kahit paminsan minsan ay napapagkamalan akong baliw. Pero tuloy ang plano mamaya diba? Itutuloy o itutuloy?” paninigurado ko.
“Itutuloy syempre! Alam sa lahat ng tubig ahas tayo lang ang pasaway. Pero mahirap kasi talaga kapag puso ang kalaban. Pero mangako ka na hindi ka mang gugulo at wala kang sasaktang Gidlis,” tugon ni Ringo.
“Ang pananakit ng Gidlis ay depende sa sitwasyon, kapag tayo ay inatake ay papatayin ko sila. Para saan pa at nabuhay tayo ng dalawang libong taon kung sasaktan lang tayo ng kung sino,” ang seryoso kong sagot sabay ahon sa ilog.
Episode 9: Ang Isla ng Leren
Episode 9: Ang Isla ng Leren
YOGA POV
Malayo layo rin ang isla ng Leren at habang palapit kami dito ay kapansin pansin na dumidilim ang paligid mga bagay na nagbigay ng samu’t saring reaksyon sa aming lahat dito sa barko. May mga nanabik, may mga natakot at mayroon rin mga natuliro. Sa aking parte ay mas ikinalma ko ang aking sarili ang pagkataranta ay hindi makakatulong. “Mukhang tama nga sila, kapag daw ang isang lugar ay punong puno ng mga Gidlis ay madalang na raw itong sikatan ng araw dahil hinaharang nila ang enerhiya ng liwanag na nagmumula sa kalangitan,” ang bulong ni Wei sa akin habang natatanaw namin ang isla.
“Kakaiba nga sa pakiramdam, para bang kahit saan ka luminga ay may panganib na nag aabang,” ang bulong ko rin sa kanya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay lumapit sa amin si Piyo at may ibinigay na malalambot na na tela na animo bulak. “Ilagay niyo ito sa mga tainga niyo, isa itong espesyal na tela na sinasala ang ingay sa paligid. Makakatulong ito sa atin,” ang wika niya.
“Bakit mo nasabi Piyo?” tanong ni Wei habang ipinapasak namin sa aming tainga ang mga tela. Noong inilagay namin ito ay ugong na lang ang aming narinig.
Hindi na bumakas ang labi ni Piyo, sumensyal lang ito ng “shhhh, tahimik” sabay turo sa ibaba ng barko kung saan naroon ang maraming sirena na nakapalibot sa aming barko.
Ang lahat ay naglagay ng tela sa kanilang tainga, marahil ay alam na nila ang mangyayari. Ngunit may ibang malakas ang loob at hindi nagpasidak sa nakikitang panganib sa kanilang paligid. Kahit ako mismo sa aking sarili alam kong delikado kapag nagsimulang humihimig ang mga sirena dahil ang sino mang makakarinig sa kanilang tinig ay mapapasailalim sa isang sumpa na kahit anong iutos nila sa mga ito ay tiyak nagagawin katulad ng pagtalon sa barko at pagpapakain sa kanilang mga sarili.
Wala akong marinig, bagamat nakikita ko ng malinaw ang kaganapan sa aking paligid. Maya maya ay nagtakip ng tainga at may tumalon sa barko. Ito ang hudyat na humihimig na ang mga sirena upang makapangbiktima.
May ilang tumalon sa karagatan, may ilang naman na nag iba bigla ang kilos at nagsimulang mag amok! Halos ilan lamang kaming nagtakip ng tainga kaya hindi apektado ng sumpa ang aming pag iisip. Ang mga hindi naglagay ng takip sa kanilang mga tainga ang mabilis na ginagapangan ng sumpa.
Nagagawa ng mga sirena ang kanilang nais na pag-uutos sa mga taong napasa ilalim ng kanilang sumpa kaya ang ilan sa mga hunter na apektado ay umatake sa amin gamit ang kanilang mga patalim. Hindi ko akalain na pati ang mga bagay na ganito ay saklaw ng kanilang kapangyarihan bilang mga demonyong sirena.
Dahil sa pag atake ng aming mga kasamahan na napasailalim ng sumpa ay nagkagulo sa barko. Wala naman kaming ibang pagpipilian kundi ang lumaban. Agad kong kinuha ang dalawang uri ng patalim sa gamit ni Wei, isang espada at isang kunai na sandata ng mga taga ibang isla.
Nagsimula ang pag atake, hunter laban sa kapwa hunter. Dalawang lalaking armado ng malalaking itak ang umatake sa akin kaya naman lumaban ako. Nagtatakbo ako sa mga malalaking kargo at doon ay tumuntong, ginamit ko ang mga ito bilang panangga sa kanilang mga malalakas na paghataw ng patalim ang iba ay sinasangga ko gamit ang kunai at espada. Noong una ay ingat na ingat akong masaktan at masugatan ang kalaban ngunit talagang wild sila at halatang nilason na ang mga utak. Kapag nalason ng sirena ang iyong isipan ay mabubuang ka na at mahihirapan ka na bumalik sa katinuan. Kaya ganito na lang kung makipaglaban ang mga hunter na apektado ng kanilang mga sumpa.
Masyado silang wild, mapangahas at sobrang pusok! Padaskol daskol ang kilos at walang direksyon. Lumilipad ang mga patalim sa iba’t ibang direksyon! Ang mga pinuno ng bawag grupo kabilang na sina Hamon at Kiyan ay napilitan na ring pumatay ng kanila miyembro.
Dahil wala na ring ibang pamimilian ay pumatay na rin ako katulad ng ginagawa ni Piyo na talagang nilalaslas ang leeg ng mga kalaban sa paligid. Nagtatakbo ako sa itaas ng barko at nagsimulang lumundag sa kanila, hawak ko ang espada, ang kaisa isang sandatang gamay ko at mas madaling gamitin para sa akin. Sa aking tabi naman ay si Wei na noon ay may hawak na pana at palaso, lahat ng lalapit sa ibang direksyon ay agad niyang tinitira.
Naging magulo ang gabing iyon, halos nabawasan agad ang aming bilang dahil sa pangugulo ng mga sirena sa paligid. Dahil malalang away sa loob barko ay nagsimula na itong masunog at mawala sa balanse. Ang mga apektado ng sumpa ng mga sirena ay nahulog at kinain na lamang ng mga ito sa tubig.
Nawala na rin sa kontrol ang barko kaya tumama ito sa malalaking batong nakapalibot sa isla at nabutas. Habang nakikipaglaban kami ay biglang nangitim ang aming itaas at dito ay laking gulat namin noong umatake naman ang mga Bat Demon na nakakubli lang sa mga batuhan at nag aabang ng mga biktima. Ang mga panaking ito ay hugis tao na may mga pakpak. Karaniwan ay nandadagit sila ng mga biktima sa lupa. Kung sa tubig ay mga sirena ang kuyog. Dito sa himpapawid ay sila ang nananaig!
“Tang ina kung minamalas nga naman! Hindi man lang tayo hinahayaan makatapak sa isla ng maayos!” ang sigaw ko noong makita ang mga bat demon na lumilipad sa aming itaas.
“Pota, wala ring kawala! Sa ibaba may mga sirena, sa itaas may mga taong paniki, dito sa barko may mga baliw na hunter!” ang sigaw ni Wei, nagsumiksik ito sa ilalim ng barko upang hindi siya madagit ng kalaban.
Samantalang kitang kita naman ang mahuhusay na kilos nina Piyo, sa kada bato ng kanilang mga sanda ay tinatamaan ang mga kalabang lumilipad sa itaas. Kahanga hanga rin ang taktika ni Jim na boomerang, lahat ng maikutan ay nagkakaputol putol at si Kiyan naman ay nagliliyab ang kaniyang mga palaso.
“Takot ang mga bat demon sa apoy! Kadalasan ay ayaw nila sa araw kaya nandito sila sa Isla ng Leren dahil madilim na dito!” ang wika ni Piyo sabay lundag sa isang kalaban lumilipad para dagitin siya at pinagsasaksak niya ito.
Ako naman ay may hawak na sibat, sa tuwing may lalapit sa akin ay tinutusok ko at hinahataw ng saksak! Ito lang ang tanging magagawa ko upang idepensa ang aking sarili.
Magulong magulo ang buong paligid. Ang barko ay nagsimula na ring lumubog bagamat lumalakad pa ito. Ngayon ang dalangin na lang namin ay makatungtong ito sa mababaw na parte ng isla upang makaligtas kaming lahat.
Habang nasa ganoong pakikipaglaban ako ay laking gulat ko noong may dalawang bat demon ang lumipad sa aking likuran, ang isa ay sinibat ko dahilan para bumagsak ito at mahulog sa nag aapoy na bahagi ng barko. Ngunit ang isa ay nakaligtas bumukas ang bibig nito at naglabas ng kakaibang sound na masakit sa tainga dahilan para mahilo ako. Kahit may pasak ito ng espesyal na tela ay lumusot pa rin ang tunog.
Napapikit ako at laking gulat ko noong bigla nila akong dagitin. Umangat ang aking paa sa ere at inilipad sa itaas. “Yogaaaaa!” ang sigaw ni Wei sabay hagis ng sibat sa aking kamay.
Nakuha ko ang sibat at agad ko itong hinataw sa mga dalawang paniki na nakakapit sa akin. Ngunit mahigpit ang kanilang pagkakadagit hanggang sa mawala ako sa barko!
Mataas ang kanilang nilipad! Halos nagdugo ang aking balikat sa higpit ng kanilang pagkaka kapit. Tila wala rin akong ligtas dahil kapag bumagsak ako sa tubig ay mga sirena naman ang papatay sa akin!
“Yogaaaaaaa!” ang sigaw ni Wei sa ibaba, ang kanyang sigaw ay para bang mamamatay na ako. Kung sabagay baka ito na rin ang aking katapusan pero kahit na, ayokong mamatay dito sa ere “dahil takot ako sa mataas na lugar!” ang sigaw ko sa aking sarili at dito ay sumigaw ako ng malakas sabay tarak ng sibat sa mga nakakapit sa akin. Nagwala ako! Winasiwas ko ang sandatang aking hawak hanggang sa mabitiwan nila ako at dire-diretsong bumulusok pababa sa pamanganib na karagatan.
Dahil sa lakas ng pwersa, noong tumama ang aking katawan tubig ay agad akong lumubog sa malalim na parte nito. Nakadilat ang aking mga mata at dito ay nakita ko na agad ang napakaraming sirena na lumalangoy sa aking direksyon.
Parang pista, parang kuyog!
Tila ito na ang katapusan ko!
Habang nasa ganoong posisyon ay nagbalik sa aking isipan yung eksenang pagligtas ng lalaki sa akin. Noon ay pinagkalooban ako ng milagro ng tadhana, bigyan pa kaya ako ngayon? May milagro pa kayang inilaan para sa akin? O ito na talaga ang katapusan ng paglalakbay ko? Ito ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan habang nakadilat at hinihintay na yumakap sa akin ang kamatayan.
Pumikit ako at hinayaang kainin na lamang ng mga sirena. Unti unting bumigat ang talukap ang aking mga mata at napapatid na rin ang aking paghinga. At habang nasa ganoong posisyon ako ay naramdaman kong may humila sa akin palayo. Pilit kong dinilat ang aking mata ngunit liwanag na lang aking nakita. Isang asul na liwanag na napakalamig sa pakiramdam. Para akong nagyeyelo na hindi ko malaman.
Ito na ba ulit ang milagro? Nakaligtas ba ako o baka naman ganito talaga kapag namamatay na?
SOJU POV
Habang lumalangoy kami pabalik ni Ringo sa butas na ginagawa ni Dengo ay napahinto. “Bakit?” tanong nito sa akin.
Humarap ako sa kanya. “Diba ang Leren Island ay balot ng maitim na enerhiya dahil pugad ito ng Gidlis?” tanong ko sa kanya.
“Oo, ano naman ngayon? Bakit mo naisip Soju?” tanong rin niya.
“Kung balot ng maitim na enerhiya ang islang iyon, ibig sabihin ay literal na madilim na doon diba? Bakit hihintayin pa natin ang gabi? Maaaring umatake ang mga bat demon o kahit na sinong halimaw doon at maaaring mawasak ang barkong sinasakyan nila. Ano na Ringo, may punto ako diba? Sa makatuwid maaaring mapahamak ang lahat doon!” ang natataranta kong wika.
Natahimik si Ringo, “Oo, may punto ka doon.”
“Ganoon naman pala, tayo na!” ang hirit ko sabay langoy pabalik sa ibang direksyon.
“Hala, agad agad? Teka Soju!” ang sigaw nito sabay habol sa akin.
“Alam mo para kang asawang nag aalala dyan, hello, hindi ka naman kilala non, at baka matakot pa iyon sayo kapag nakita kang isang malaking sawa no,” ang hirit ni Ringo habang lumalangoy kami ng mabilis. Nagliliwanag ang aming mga buntot na nagbibigay sa amin ng dobleng bilis sa paglangoy.
“Hindi naman, kailangan lang nating umabot dahil maraming mamamatay kapag nagkataon,” ang tugon ko naman.
Halos inabot rin kami ng ilang minuto sa paglalangoy, noong makalapit kami sa paligid ng isla ay dumilim na agad ang tubig na ibig sabihin ay nakapasok na kami sa lugar kung saan balot ng maitim na enerhiya.
Sa gawi doon ay nagkakagulo ang mga sirena, ang ilan sa kanila ay may nilalantakan na. Parang mga piranhang nag aagawan sa karne!
Noong umahon kami ni Ringo sa ibabaw ng tubig ay laking gulat namin noong makita ang barko na nakatagilid na, nagliliyab ang paligid at nagkakagulo sa loob. Marami na ring mga bat demon ang nagliliparan at dumadagit para lang may makain. Samantalang hinanap ko naman ang lalaki at hindi na ko na ito makita pa.
“Hoy Soju, ayun yung lalaking hinahanap mo, as usual tinatanggay na naman ng mga bat demon! Ang tanga tanga naman niya! Dapat pumasok na lang siya sa loob ng barko para di siya madagit noh!” ang hirit ni Ringo at dito nga ay nakita kong winawasiwas niya ang kanyang sibat na hawak.
“Paano ang gagawin mo Soju? Alagang namang lumipad ka diba? Dragon ka?” ang hirit nito.
Patuloy na winasiwas ng lalaki ang kanyang sibat hanggang sa mabitiwan siya ng mga ito. Dire-diretsong bumulusok ang kanyang katawan sa tubig at noong makita ito ng mga sirena ay kanya kanya silang langoy patungo sa direksyon nito kaya naman lumangoy na rin kami upang isalba ito sa ikalawang pagkakataon.
Para bang kakera ang nangyari. Sa itaas ng tubig ang mga sirena at dito naman kami sa ibaba lumangoy upang walang makapansin.
Makalipas ang ilang saglit ay nakita nga namin ang lalaking nakalutang na lang at wala ng malay sa ilalim ng tubig. Agad ko siya hinila palayo at si Ringo naman ang humarang sa mga sirena. “Pasensiya na mga kaibigan pero ibalato niyo na sa amin ang isang ito,” ang wika niya.
Pero singhal lang ang isinagot ng mga sirena at dito ay lumangoy pa rin sila para atakihin ng biktima pero humarang ako sa kanyang katawan. “Soju, alam mo na ha! Katulad ng plano natin!” ang sigaw ni Ringo at dito ay binalutan ko ang asul na enerhiya ang aming katawan ng lalaki.
Ang enerhiyang asul na ito ay proteksyon sa aming katawan upang hindi kami madamay sa gagawin ni Ringo.
“Sorry mga sirena pero nakiusap naman ako diba? Para isang lalaki lang ayaw niyo bang ibigay samin? Napakadadamot niyo naman! Kaya eto ang bagay sa inyo!” ang wika nito at kumislap ang kanyang dilaw na buntot at naglabas ng dilaw na kuryente.
Ang lahat ng mga sirena ay nangisay na nakuryente gayon rin yung ibang mga lamang dagat sa aming paligid.
Ito na ang pagkakataon, agad kong inilayo ang lalaki sa ibang direksyon at mabilis na inahon ito sa lupa upang makakuha ng hangin.
Episode 10: Pagtatagpo
Episode 10: Pagtatagpo
SOJU POV
“Ano buhay pa ba?” tanong ni Ringo noong ihiga namin ang lalaki sa karatig isla. Wala itong malay kaya naman idinikit ko ang aking labi sa kanyang labi para muli itong bigyan ng hangin. “Hoy ahas, nakakailan halik ka na ha,” ang hirit ng kaibigan ko habang pitik sa aking tainga.
“Wag ka ngang magulo, marami siyang nainom na tubig kaya kailangan niya itong ilabas. Buti na lang malakas ang katawan niya kundi ay baka natuluyan na to,” ang sagot ko naman.
“Lagi namang natutuluyan yan e, lagi mo lang inililigtas kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Pero tingnan mo nga naman, ang gwapo niya, ang pula ng labi, ang tangos ng ilong, ang ganda ng katawan diba?” sagot rin ni Ringo sabay tingin sa paligid ng pampang ng isla kung saan naroon ang katakot takot na sirena. “Tingnan mo galit na galit sila sa atin. Huwag daw tayo lulusong sa tubig dahil papatayin nila tayo,” ang dagdag nito.
“Syempre naman, sila ba itong kuryentehin mo, natural talagang magagalit sila,” ang sagot ko naman habang natatawa dahil mga nasunog ang mga buhok ng mga sirena.
“Nag sorry naman ako sa kanila kaso talagang ayaw nila paawat. Pero gayon pa man maswerte naman tayo dahil buhay itong si Pogi,” tugon niya ulit sabay tapik sa mukha nito pero pinigilan ko siya.
“Medyo matagal na tayong nawawala doon sa ating isla, baka hanapin na tayo ni Tandang Talyang,” mahinang usal ni Ringo.
Napabuntong hininga ako, “hindi ko naman maaaring iwanan ang isang ito dito dahil delikado. At isa pa ay tiyak na iniisip ng mga kaibigan at kasamahan niya na patay na siya,” wika ko habang nakatingin sa mukha ng biktima.
Samantala, ipinakita sa senaryo na nakababa na sa barko sina Piyo, Wei at iba pa. Ngayon ay iniisip nga nila na patay na si Yoga dahil kitang kita nila kung paano ito dagitin ng bat demon at mahulog sa lupon ng mga sirena. Ito ang mga bagay na iniyakan ng kaibigan niyang si Wei. Hindi nila akalain na matatapos ang buhay ni Yoga ng ganoon kadali. Samantalang mula s dalawang daang mahigit na hunter ay halos nasa 50 na lamang ang natitira sa kanila at ang iba ay sugatan pa. Mabilis silang nagtatakbo sa pinakamalapit na bayan kung saan agad silang tinulungan ng mga taong nakatira sa under ground upang bigyan ng paunang lunas.
“Ganito na lang Soju, babalik na muna ako sa isla natin, upang mapagtakpan na rin kita kung sakaling hanapin ka ni Tandang Talyang. Babalik na lamang ako agad dito,” ang wika ni Ringo.
Tumango ako, “pero paano ka makakauwi? Tingnan mo naman napakaraming sirenang galit sa atin.”
“Naku, gusto ba nilang matusta? Tigilan na nga nila ako. O paano dito ka lang at huwag kang gumawa ng bagay na ikapapahamak mo okay?” ang bilin niya sabay lakad pampang. Nagliwanag ang katawan nito at nagkaroon ng kuryente ang kanyang paligid. Lahat ng dumikit na sirena sa kanya ay nangingisay at namamatay. “Sige kakaulit niyo e,” ang narinig ko pang hirit nito bago tuluyang sumisid sa ilalim.
Tahimik.
Samantalang ako naman ay gumawa na lang ng mga maliit na silungan. Kumuha ako ng mga dahon at mga sanga upang gawing maliit na dampa. Dito ko inihiga ang biktima at nanghuli na rin ako ng mga isda upang mayroon siyang kainin sa kanyang pag gising. Kaso hindi ko alam ang proseso ng pagluluto nito.
Habang nanghuhuli ako ng isda ay nilapitan ako ng isang maliit na demon turtle at nagtaka ito kung bakit ako nanghuhuli ng isda sa pampang. “Diba isa kang water snake, bakit nanghuhuli ka ng isda? On diet ka bes?” tanong nito sa akin.
“Ikaw pala ginoong pagong, nanghuhuli ako ng isda para sa aking kaibigan,” nakangiti kong sagot sabay turo sa kanya.
“Yung mortal na iyon? Kaibigan mo? O baka naman iinibig mo? Saka yang isda lulutuin mo pa iyan. Aalisin mo yung lamang loob at saka mo iihawin.”
“Ganoon ba, madali lang naman pala,” ang nakangiti kong sagot sabay alis sa lahat ng lamang loob ng isda, itinusok ito sa kahoy.
“Ngayon kumuha ka ng mga tuyong kahoy at ipunin mo. Iyon ang gagawin mong apoy,” ang utos ng pagong kaya naman ito nga ang aking ginawa.
Makalipas ang ilang minuto ay nakaipon ako ng tuyong kahoy ang mga demon turtle ay may kakayahang maglabas ng apoy sa kanilang bibig basta hihimasin lang ang kanilang mapulang shell. Ito ang ideyang pumasok sa aking isipan kaya naman kinuha ko ang pagong at hinamas ang shell nito. “Walanghiya kang tubig ahas ka, kung ano anong pinagagagawa mo. Alam mo na ang paghimas sa aming likuran ay ang pagpapaligaya sa amin sarili? Sige himasin mo pa oohhhh!” ang hirit nito.
“Ganon ba iyon?” tanong ko naman.
“Oo, para sa mga lalaking mortal o kaya ay sa inyo na nakapormang tao, nagpapaligaya kayo ng inyong sarili sa pamamagitan ng pagtataas baba ng inyong kamay sa inyong mga ari. Ganito rin sa amin!”
“Kung ganoon ay ari niyo pala itong shell?”
“Sira, nagbibigay lang ito sa amin ng ibayong sarap. Bilisan mo pa, lalabas na!” ang wika ng pagong kaya naman hinimas ko ng mabilis ang kanyang shell hanggang sa mag init ito, namula ang kanyang buong katawan at bumuga ito ng malakas na apoy kaya naman nagliyab ang mga kahoy na aking ginawa.
“Ayos!” ang nakangiti kong wika samantalang ang pagong ay nanghina. “Anong nangyari sa iyo?”
“Nanghina ako, kailangan mo akong ibalik sa tubig para bumalik ang aking lakas,” ang mahinang sagot niya kaya naman agad ko ito dinala sa dagat at pinaglangoy siya doon.
Masaya ako noong mga oras na iyon agad kong itinapa ang mga malalaking isda na aking nahuli sa apoy upang maluto ito. Ngayon, ang iniisip ko ay kung paano ako magpapakilala sa kanya, ano ba ang unang salitang sasabihin ko sa kanya? Ewan, naguguluhan ako at halo halong emosyon na rin ang aking naramdaman, masaya ako pero kahit papaano ay may kaba sa puso ko na hindi ko lubos maunawaan. Gayon pa man, heto na, kaharap ko na rin siya wakas at ang tibok ng aking dibdib ay malakas ng palakas.
Nakakaramdam din ako ng hindi maipaliwanag na kilig sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha. Hindi ko maunawaan ngunit nais ko siyang makasama ng matagal at para bang ayoko na lumayo pa sa kanyang tabi.
Bandang hapon na noong siya ay nagising, ngunit sa kanyang pag gising ay hindi ko inaasahan ang kanyang reaksyon, nagsisisigaw ito at mabilis na nagtatakbo sa pampang ng karagatan. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya hindi agad ako nakalapit. Ang inaasahan ko kasi ay babangon siya ng marahan at ngingiti sa akin, magpapasalamat dahil iniligtas ko siya. Hindi yung ganito na parang may sira siya sa ulo, takot na takot at nawawala sa sarili. Marahil ay sa sobrang trauma na kanyang inabot.
“Ayos ka lang ba? Ginoo?” tanong ko sa kanya at noong mapatingin ito sa akin ay nagsisigaw siya at nagpagulong gulong sa pampang. “Hay, naku, mukha ngang natrauma sa matinding takot ang isang ito,” ang bulong ko sa aking sarili kaya naman hinila ko siya hinipan sa mukha. Ang aking ginamit na hangin ay ang pampakalma upang maibalik ang dati niyang maayos na ulirat. Masyado rin kasing malakas ang boltahe ng kuryente sa katawan ni Ringo, baka kahit may proteksyon kami ay nahagip pa rin siya nito.
“Kalma lang,” ang utos ko.
Natahimik siya at napatingin sa akin, “pasensiya na, ang akala ko ay patay na ako,” ang wika niya.
“Buhay ka, huwag kang mag alala,” ang nakangiti kong tugon.
“Kung gayon, ikaw ba yung naglitas sa akin?” tanong niya.
“Teka kung sasabihin kong ako ang nagligtas kanya ay baka itanong pa niya sa akin kung paano ko nagagawa ang ganoon bagay. Siguro ay mas maganda kung huwag ko muna aminin sa kanya,” ang bulong ko sa aking sarili sabay tingin sa kanyang mata at nagwika ng “ah e, hindi e. Nakita lang kitang nakalutang diyan sa pampang.”
“Ganoon ba, maraming salamat sa pagtulong mo sa akin. Siguro ay kailangan ko na umalis. Mayroon akong mga kasamahan na naiwanan sa Islang iyon (sabay turo sa Leren) baka iniisip nila na patay na ako,” ang tugon niya sa akin.
“Pero mahina pa ang iyong katawan, mas makabubuting dumito ka muna hanggang hindi pa gumagaling ang iyong sugat,” pagpigil ko.
“Salamat na lang ginoo, mayroon bang balsa dito o kahit maliit na bangkang maaari kong sakyan patungo sa islang iyon?” tanong niya.
Nalungkot ako at natahimik. “Bakit aalis ka na? Gusto kita e, gusto kitang makasama dito,” ang malakas na loob na wika ko habang kumakabog ang dibdib.
Natahimik siya at napatingin sa kalayuan ng karagatan. “Pasensiya na ginoo, gwapo ka talaga at napaka amo ng iyong mukha. Mabait ka rin at matulungin sa kapwa. Ngunit sa tingin ko ay hindi ako ang taong para sa iyo.”
Kumirot ang aking puso noong mga sandaling iyon. “Bakit? May mahal ka na bang iba?” tanong ko sa kanya.
“Oo,” ang sagot niya dahil para lalo akong masaktan.
“Maaari bang sabihin mo sa akin kung sino siya? Ginoo?” tanong ko ulit na may halong malalim na kalungkutan.
“Hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakikita. Basta ang alam ko lang ay iniligtas niya ako doon sa mga sirena noong minsan nagtungo ako sa barko ng mga pirata para manguha ng kagamitan. At muli niya akong iniligtas ngayon lang, noong dagitin ako ng mga bat demon at ihulog sa dagat,” ang salaysay niya.
Natahimik ulit ako ngunit sa pagkakataong ito ay tila natuwa ako sa aking narinig, tumibok muli ang aking puso dahil ang inilalarawan niya sa kanyang kwento ay walang iba kundi ako, ako ang nagligtas sa kanya ng dalawang beses. “Nais mo ba siyang makita, ginoo?” tanong ko sa kanya.
Tumango ito, “alam ng Panginoon kung gaano ko siya nais makita. Simula noong iligtas niya ako ay siya na ang laman ang aking isipan. Nais ko siyang makilala kahit ano o sino pa siya,” ang sagot nito na parang iiyak na. “Ngunit katulad ng sinabi ko sa iyo ay hindi ko siya maalala.”
“Kung hahalikan ka ba niya ulit ay maalala mo ang lahat? Makikita mo ba siya sa iyong ala-ala?” ang tanong ko.
“Siguro,” ang simple niyang sagot.
Ngumiti ako at huminga ng malalim. Tumaas ang tubig sa kanyang likuran at hinila siya nito sa ilalim ng karagatan. Ngumiti ako at nagtatakbo para sumisid dito.
Habang nakalubog siya sa tubig at nagpapanic ay dumating ako sa kanyang tabi. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa labi.
Ang aking halik ay may kapangyarihan ipaalala sa kanya na ang nagligtas kanya ay walang iba kundi ako. Ibinalik ko sa kanyang isipan ang eksenang pagligtas ko sa kanya sa mg sirena doon sa barko ng mga pirata. Ngunit sa pagkakataong ito ay malinaw niyang nakikita ang aking mukha na ipinagtatanggol siya mula sa mga kalaban.
Noong mga sandaling iyon ay nalubog lang kami sa tubig at muling magkasugpong ang aming mga nguso habang umiikot ikot sa ilalim ng magandang karagatan.
Napatingin siya sa akin at dito ay nagsimulang gumalaw ang kanyang nguso. Hinalikan pa niya ako ng mas matindi, naramdaman ko rin na humigpit ang pagyakap niya sa akin. Ito ang hudyat na ang kanyang ala-ala sa akin nagbalik na, ang aking mukha na nakita niya sa kanyang isipan noong iniligtas ko siya ay naging mas malinaw at batid kong sa mga oras na ito ay kilala na niya kung ang taong pinagkakautangan niya ng kanyang buhay.
“Ako ang nagligtas na iyo at hindi ako magsasawang gawin ito ng paulit ulit,” ang wika ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin ngunit bigla siyang kinapos ng paghinga kaya naman tinulungan ko siyang umahon sa itaas..
“Ikaw ang nagligtas sa akin, ikaw ang taong hinahanap ko, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” ang tanong niya habang nangungusap ang mga mata.
“Soju, ako si Soju,” ang pagpapakilala ko.
“Ako si Yoga, ikinagagalak kitang makilala,” ang tugon niya sabay halik muli sa aking labi at muli rin niya akong niyakap ng mahigpit.
Episode 11: Puryoku
Episode 11: Puryoku
SOJU POV
“Ganon kabilis? Lubog lubog lang sa tubig tapos pag ahon nagpakalagayan na kayo agad ng loob? Aba, parang pelikula na may mabilis na daloy,” ang hirit ni Ringo noong bumalik ito sa isla.
“Yung ginawa kong paghalik sa kanya habang nakalubog sa tubig ay para sa kanyang memorya, para maipaalala ko na yung taong nagligtas sa kanya ay ako,” ang tugon ko naman.
“Tao? Sira, huwag mo nga gamitin ang salitang “tao” dahil alam mo naman kung ano tayo. Teka alam na ba niya na ikaw ay isang Gidlis?“ tanong niya sa akin.
“Syempre ay hindi, hindi pa ako nababaliw para gawin iyon, ayokong iwasan niya ako,” ang sagot ko naman.
“Tama lang diba, alalahanin mong isang demon hunter iyan. Nag jugjug na ba kayo?” tanong niya.
“Jugjug? Ano yun?” tanong ko rin.
“Edi nagtalik, ano natira ka na ba?” hirit ni Ringo.
“Sira, walang mangyayaring ganoon, umayos ka nga. Shhhh, parating na siya mula sa pangunguha ng kahoy,” bulong ko naman.
“Kahoy? Para?” pagtataka niya.
“Para gawing balsa, pupunta siya doon sa isla ng Leren. Para makasama yung mga kaibigan niya na siguradong pinagluluksaan na siya ngayon.”
“Balsa talaga? Bakit hindi mo na lang upakan niya at kapag nakatulog ay ihagis natin doon sa isla,” bulong rin ni Ringo.
“Sira ka talaga. Nagdesisyon akong sumama sa kanya doon sa isla,” dagdag ko pa.
“Sumama sa isla? Puro hunter doon gusto mong maamoy nila? Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Soju, sobra sobra na ito ha. Kung gusto niya ng balsa ay may nakita akong abandunadong bangka doon sa kabilang isla. Kukunin ko iyon para may masakyan siya pero huwag kang sasama,” ang sagot ni Ringo.
“Eh paano kung may mangyari sa kanya doon?” tanong ko na may halong pag aalala.
“Paano kung may mangyari sa kanya doon, nye nye nye,” pang gagaya niya sa akin na ngingiwi ngiwi ang mukha.
“Asar naman to.”
“Basta Soju ha, babalik agad ako dito at huwag umarte arte dyan,” ang hirit niya sabay lundag sa tubig at saka lumangoy palayo.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay dumating naman si Yoga na may dalang maraming gamit na gagawing balsa. “Sa tingin mo ay sapat na ba ito para makagawa? Teka may kausap ka ba?” tanong niya sa akin.
“Ah e wala. Nga pala mayroong bangka yung kaibigan ko doon sa kabilang isla. Siguro iyon na lang ang gamitin mo. Pupunta dito iyon para magdala ng pagkain,” ang wika ko habang nakangiti.
“Nga pala Soju, taga saan ka ba? Alam mo ba na delikado ang mag isa dito? Kung sabagay, lagi mo nga pala akong inililigtas. Salamat ha, kung wala ka ay baka matagal na akong namatay,” ang wika niya sabay yakap sa akin.
“Wala iyon, ano.. taga ano ako.. ano, doon sa malayo. Isa akong maninisid ng perlas dagat. Iyon ang kabuhayan ko. Nagkataon naman na nakita kita kaya nagawa kitang iligtas,” ang pagsisinungaling ko habang nauutal.
“Ganoon ba? Sa lahat ng maninisid ng perla ay ikaw ang pinakagawapo, pinaka maputi at pinakamakinis sa lahat. Para kang babae sa kutis mo alam mo ba iyon?” ang pagtataka niya habang pinagmamasdan ang aking katawan. Maya maya ay dinakot niya ang aking ari dahilan para mapaatras ako, “bastos naman ito!” ang asar kong tugon.
Natawa siya. “Sinigurado ko lang naman kung lalaki ka nga talaga. Kahit naman kasi may adams apple ka, kahit may muscle ka at malalim din ang boses mo ay masyado ka pa ring parang babae e. Sobrang gwapo mo, sobrang arrrrghhh. Basta! Tara na nga doon, masyadong malamig dito,” ang pagyaya na lang niya sabay akbay sa akin.
“Teka, ayaw mo bang umalis na lang? O magtago kaya? Yung tipong aakalain nila ay patay ka na talaga kaya hindi ka na nila hahanapin pa? Pwede naman iyon diba?” tanong ko sa kanya.
“Alam mo, mababa ang tingin sa akin noong mga kasamahan ko sa organisasyon. Siguro ay pinagtatawanan na nila ako ngayon dahil tama nga sila na mahina ako. Gusto ko lang naman bumalik dahil nais kong ibangon ang sarili ko. Mahihintay mo ba ako?” tanong niya sa akin.
“Anong ibig mong sabihin sa salitang “mahihintay?” pagtataka ko.
Nagkibit balikat siya, “wala lang, baka naman kasi kapag umalis na ako sa tabi mo ay magpaligaw ka na sa ibang lalaki dyan. Baka ligawan ka nila e,” ang wika nito na parang nangangamba.
“Lalaki rin ako, hindi naman liligawan ng kapwa lalaki yung kapwa niya,” ang sagot ko naman habang natatawa.
“Siguro nga, pero iyang tipo mo? Kahit sinong barako ay liligawan ka,” ang pagmamaktol niya habang nakaupo kami sa buhanginan at pinanonood ang karagatan.
Tahimik..
“Masyadong magandang karagatan pero masyado ring mapanganib dito,” ang bulong niya sa akin.
“Sinabi mo pa, ilang mga demons o Gidlis rin ang nakatira dyan, hindi natin mabibilang,” ang tugon ko sa kanya.
Habang nakatanaw kami sa malayong direksyon ay naramdaman kong lumilingkis ang kanyang kamay sa aking likuran, hinayaan ko lang siyang gawin ito at ako naman ay inihilig lang ang ulo sa kanyang balikat. Tila isang panaginip na makasama siya dito sa isla. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang tibok ng aking puso ay masyadong mabilis, para akong nakalutang sa alapaap ng kaligayahan.
“Yoga,” ang pagtawag ko sa kanya.
“Hmmm, bakit?” tanong niya sa akin.
“Bakit mas pinili mong maging isang demon hunter? Galit ka ba sa lahat ng mga demonyo?” tanong ko sa kanya.
“Isang mahabang kwento, ngunit para paikliin ito, ang aking mga magulang ay pinatay ng isang malaking demon snake na nakatira sa kabundukan. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang kainin ng mga ito. Kaya isinumpa ko sa aking sarili na hahanapin ang ahas na iyon at papatayin ko siya para maipaghiganti ang aking pamilya. Halos pareho kami ng sitwasyon ng aming pinuno na si Piyo, pareho kaming naging hunter dahil nais naming patayin ang mga demon snake na may atraso sa amin,” ang wika niya habang nakatitig sa kalayuan.
“Hindi ka naman siguro galit sa lahat ng uri ng ahas diba?” tanong ko sa kanya.
“Uri ng ahas? Pare pareho lang sila at lahat sila ay papatayin ko,” ang wika niya dahilan para mapalunok ako ng walang laway.
“Alam mo ginoong Yoga, nais ko lang malaman mo na may dalawang uri ng demon snake. Yung mga pumatay sa magulang mo ay mga “Land Snake”, sila yung mga nakatira sa kagubatan, mga nasa kweba na kumakain at nambibiktima ng mga inosenteng tao. Ang mga land snake ay talagang mga timawa at walang kabusugan. Sila ay may dalawang kulay lamang, isang kulay itim at isang kulay abo. Ang mga lalaki ay itim at ang mga babae ay kulay abo.
“Sa kabilang banda, mayroon ring isa pang uri ng demon snake at sila ang mga tinatawag na “Water Snake” o mga “Tubig Ahas” sila ay tahimik lang na namumuhay sa ilalim ng karagatan. Hindi sila pumapatay ng mga tao at lalong hindi sila nananakit. Alam mo ba na ang mga Land Snake ay kinakain rin ang mga Water Snake? Ang mga ahas dito sa lupa ay talagang mga walang hiya,“ ang wika ko naman.
Napatingin siya sa akin, “at bakit kaya marami kang alam? Alam mo kung hindi ka lang mabait iisipin ko na isang kang demon snake.”
“Tao ako, basta, may dalawang uri ang mga demon snake, huwag kang malilito,” ang wika ko naman at muli akong sumandal sa kanyang balikat.
Tahimik ulit.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Ringo sakay ng isang malaking bangka. Marahil ito yung bangkang sinasabi niya na palutang lutang lang sa kabilang isla. “Soju! Kaibigan! Kumusta ka na?” ang pag arte nito habang kumakaway, nakadamit ito ng mangingisda, talagang nagpalit pa siya para maging makatotohanan.
“Ayan na pala yung kaibigan ko,” ang wika ko naman at sinalubong ko ito. Agad ko siyang pinakilala kay Yoga.
“Mangingisda at maninisid rin siya ng perlas katulad mo? Bakit ang puputi at ang kikinis ng balat niyo?” pagtataka nito noong ipakilala ko si Ringo bilang kaibigan at kasamahan kong maninisid.
“Eh siguro nasa lahi lang namin ang mapuputi at makikinis diba?” hirit ni Ringo sabay tapik sa aking balikat. Sinang-ayunan ko naman siya at nagtawanan kaming dalawa. “Bakit ba kasi iyon ang sinabi mo? Pwede naman tayong mangangalakal diba? O kaya mayaman tayong dalawang doon sa malayong isla,” bulong pa nito sa akin.
“Iyon lang ang nais kong paraan upang hindi niya pagdudahan kung bakit parati akong nasa tubig. Basta sumakay ka na lang sa amin,” pabulong kong tugon habang nakangiti upang hindi mahalata.
“May problema ba? Ayos lang ba kayo?” tanong ni Yoga.
“Oo naman, nasabi sa akin ni Soju na pupunta ka daw doon sa isla ng Leren? Naku delikado doon at maraming mga demonyo sa paligid. Sa tingin ko ay maliit ang tiyansa mong mabuhay sa ganyang kalagayan. Siguro dapat ay gamitin mo ito,” ang wika ni Ringo sabay kindat sa akin.
“Alin?” tanong ni Yoga.
“Tada,” ang nananabik na hirit ng aking kaibigan sabay labas sa isang espada na mas malaki kaysa sa natural na espada ng isang mortal. Ito ay pamilyar na espada na gamit ni Dengo sa pakikipaglaban noong nabubuhay ito.
“Ngii, bakit kinuha mo iyan? Baka multuhin tayo ni Dengo,” ang bulong ko sa kanya.
“Ano ka ba, nakatambak lang iyan sa basurahan no, nung namatay si Dengo lahat ng gamit niya ay itinapon na lamang upang maibalik sa kalikasan. Ang espada iyan ay espesyal kaya’t mainam ng manahin ito ng isang espesyal na tao. Tama?” ang wika ni Ringo habang nakangiti.
“Wow, kakaibang uri ng espada ito, mas mahaba, mas manipis at mas magaan kaysa espada kong gamit,” namamanghang wika ni Yoga.
“Ang espadang iyan ay napaka espesyal dahil gamit pa iyan ng ninuno namin ni Soju kaya dapat ay ingatan mo ito. Ang tawag sa espadang iyan ay “PURYOKU” na galing sa mga katagang “Pur” na ang ibig sabihin ay korales at “Yoku” na ibig sabihin ay mineral. Ang Puryoku ay binubuo ng hawakan na gawa sa korales at ang talim nito ay mula naman sa pinakamakapangyarihan at pinakamatibay na mineral sa karagatan. Nagliliwanag ang talim nito at mas lumalaki kapag ginagamit sa isang Gidlis,“ ang paliwanag ni Ringo.
“Ayos, iingatan ko ito, pangako. Maraming salamat sa inyo,” nakangiting sagot niya.
“At ikaw naman Soju, magpalit ka ng damit, naka asul na Hanfu ka talaga? May mga naiwang damit yung mga mangingisda doon sa bangka, iyon ang isuot mo para naman magmukha kang trabahador dito sa dagat,” ang wika niya sabay hila sa akin sa bangka.
At iyon nga ang aking ginawa, nagpalit ako ng damit upang mas bumagay sa aking sinasabing trabaho ang aking anyo. Kahit paano ay naitago ng mahabang manggas ng damit ang aming mapuputing kutis. Siguro ay ito muna ang isusuot ko dahil mas mukha kaming normal na tao sa ganitong kasuotan. “Sigurado ka ba sa espada ni Dengo?” tanong ko ulit kay Ringo.
“Yes! Siyang tunay! Para hindi naman mukhang tanga iyang si Yoga. Gwapo lang e, wala talagang talent iyan bilang hunter,” ang bulong niya.
“Pero masaya ako, salamat sa suporta, Ringo,” ang tugon ko.
“Anong plano mo?” tanong niya.
“Sasamahan ko si Yoga hanggang makatungtong siya sa isla ng Leren. Ang pinakamahirap na parte ay makapasok siya doon.”
“Naku, umarte ka pa, sumama ka na sa loob at tulungan siya. Ako na ang bahala kina Tandang Talyang. Kadalasan naman ay tulog sila at nag iipon ng enerhiya dahil alam mo na, matatanda na rin,” nakangiting wika ni Ringo sabay akbay sa akin.
“Salamat sa iyo.”
“Wala kang dapat alalahanin, pero ingatan mo ang sarili mo, lalo na yang puso mo dahil iyan ang bilin ni Dengo,” sagot niya habang nakatanaw sa kalayuan.
At iyon nga ang aming napag-usapan, kinabukasan ay nagdesisyon kaming umalis at magtungo sa isla ng Leren. Pero ngayong gabi ay ninamnam ko lang ang pagkataon na kasama ko siya at katabi. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman habang natingin sa kanyang mukha na noon ay nakapikit at natutulog.
Ayos na sa akin ang ganito, parang isang panaginip na makasama ko siya at kung panaginip man ito ay ayoko na matapos pa.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay bahagyang dumilat ang kanyang mga mata. Bumangon siya at niyakap ako ng mahigpit saka inihiga sa kanyang tabi. Pinaunan niya ako sa kanyang bilugang braso at muli itong pumikit.
Wala kaming pag uusap na ginagawa, basta nakatitig lang ako sa kanyang mukha. Sadyang may mga bagay na ayokong magtapos katulad ng kaligayahan ko ngayon. Bagamat hindi ko alam ang kung ano ang hatid ng kinabukasan.
Mananatili ako sa tabi ni Yoga at gagawin ko ang lahat upang maging ligtas siya. Ito ang mga bagay na ipinangako ko sa aking sarili.
Episode 12: Ang Sikreto ni Soju
Episode 12: Ang Sikreto ni Soju
YOGA POV
Parang isang mabilis na pangyayari ang lahat, hindi ko na ito kontrolado. Ngayon ay katabi ko ang isang misteryosong taong nagligtas sa akin ng dalawang beses mula doon sa barko ng mga pirata hanggang dito sa isla ng Leren. Bukod sa kanyang nakapagwapong mukha, napakakinis at mapuputing balat, magandang katawan at maamong mga mata ay wala na akong alam sa kanya.
Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha ay mas lalo pa akong nakakaramdam ng kakaiba sa kanya at ang hindi ko maunawaan ay kung bakit ngayon ko lang ito naramdaman. Kahit madalas kong kasama si Alisa doon sa aking dampa ay hindi ko naramdaman ang sayang ito. Pakiwari ko ay ligtas ako sa kanyang tabi at walang sinuman ang maaaring manakit sa akin.
“Sino ka ba talaga, Soju?” tanong ko habang nakatitig sa kanyang mukha.
Ngumiti lang ito at saka isinubsob ang mukha sa aking dibdib kaya naman wala akong nagawa kundi ang yakapin siya at ikulong sa aking bisig.
KINABUKASAN..
Halos dalawang araw na rin pala akong nawawala sa piling ng aking mga kasamahang hunter. Siguro nga ay inakala nilang patay na ako at ang ilan sa kanila ay nagtatawa na ngayon. Hindi ko lubos maisip kung ano kaya ang magiging reaksyon nila kung sakaling makita nila akong buhay. Iisipin kaya nila na ako ay isang multo na? O aparisyon kaya?
“Talagang iniwanan ng kaibigan mong mangingisda itong bangka niya? Saan siya sumakay kahapon?” tanong ko kay Soju na may halong pagtataka. Ang dagat ay sobrang delikado, parang imposible yata na lalangoy lang yung kaibigan niya pabalik sa isla nila,“ pagtataka ko.
“Mayroon pa siyang itinatagong bangka dito sa paligid ng isla na siya lang ang nakakaalam, iyon ang sinakyan niya pabalik sa isla nila. Teka, nawiwirduhan ka ba sa kaibigan kong iyon?” tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako, “hindi, sa tingin ko ay mabait at malikhain ang kaibigan mo. Parang ikaw, mabait, maabilidad, malikhain, matapang at magandang lalaki,” ang tugon ko sa kanya habang nakangiti.
“Bolero naman to, teka sigurado ka ba na gusto mong bumalik sa isla ng Leren?” tanong niya ulit sa akin.
“Oo, kailangan kong bumalik,” ang sagot ko naman.
“Kung ganoon ay tara na. Hindi rin naman kita mapipigilan e,” ang tugon niya sa akin habang nakangiti kaya naman kapwa kami sumampa sa bangka at saka naghanda para makapag sagwan patungo doon sa isla.
Tanghaling tapat, maaliwalas ang paligid at maganda ang alon sa karagatan. Kanina ay may mangilang ngilang mga sirena ang nakapalibot sa amin ngunit ang nakapagtataka ay parang takot silang lumapit na parang may nagtutulak sa kanila palayo. Wala rin akong naririnig na paghimig mula sa kanila at ang labis na nakapagtataka ay para bang binibigyan pa nila kami ng daan. Nangangamba ako noong mga oras na iyon para sa amin ni Soju.
Ngunit sa kabilang banda kung pagmamasdan mo naman si Soju ay parang wala lang sa kanya ang lahat. Para bang walang takot, walang pangamba at relax na relax lang ito habang nakaupo sa gilid ng bangka at nagsasagwan. “Soj, hindi ka ba natatakot sa mga sirena sa paligid?” tanong ko sa kanya.
“Hindi naman. Kapag natakot ka sa kanila ay lalo silang magnanais na kainin ka. Ang pinakamagandang gawin ay magpanggap ka na hindi sila nakikita,” ang sagot nito sa akin habang nakangiti.
“Yung pagpunta natin sa isla ng Leren, hindi ka ba natatakot? Bakit kailangan mo pang sumama?” tanong ko ulit.
“Wala lang, gusto lang kitang makasama ng mas matagal,” ang nakangiti ulit niyang sagot, pati mata niya ay nakangiti rin. Lalo lang ako nakakaramdam ng kung ano kapag napapatingin ako sa kanyang labi na kasing pula ng balat ng mansanas.
“Nahihiya kasi ako, ako pa itong pino-protektahan mo. Sa itsura nating dalawa ay ako dapat ang gumagawa noon sa iyo,” dagdag ko pa na may halong hiya.
“Okay na sa akin yung makita kita buhay at nakangiti. Malapit na tayo sa isla ng Leren. Ang pagdilim sa paligid ng isla ay isang senyales na ito ay pugad ng mga Gidlis o Demon. Ang kanilang maitim na enerhiya ang nagpapaitim rin sa kapaligiran. Katulad doon sa mataas na batuhang iyon, maraming mga Demon Bat doon. Sa malalaking kagubatan naman ay naroon ang mga Demon Fox, Demon Land Snake at marami pang iba. Ang isla ng Leren ay matagal tagal na ring tinitirhan ng mga demonyo kaya dumami na sila ng dumami,” ang wika nito sabay kuha ang kahoy ay sinindihan niya ito. Naglagay siya ng mga kahoy na nagliliyab sa bawat sulok ng aming bangka.
“Para saan iyan?” tanong ko naman.
“Hunter ba talaga kayo? Hindi niyo ba alam na ang mga Demon Bat ay ayaw sa apoy at sa maiinit na bagay?” tanong niya sa akin.
“Naituro ito sa amin ngunit walang gumagawa dahil hindi raw ito totoo,” ang sagot ko na may halong hiya.
“Totoo ito, sadyang mahina lang ang pananalig ninyo. Kasi kayong mga hunter puro sandata, puro patalim at pagpatay. Minsan subukan niyo lang silang iwasan,” ang tugon niya habang nakatingala at pinagmamasdan ang mga demon bat nagliliparan sa aming itaas. Ang nakapagtataka ay wala ni isa sa mga ito ang sumusugod sa amin. Kapag may nagtatangkang lumapit ay biglang umaatras sa hindi malamang dahilan. “Kung minsan ang mga demon ay nagpapanggap na mga tao upang makapanloko. Kaya dapat ay mahusay kang kumilatis ng pagkakaiba ng mga tunay na tao at sa hindi,” dagdag pa ni Soju.
“Alam ko iyan, kahit doon sa aming isla ay maraming mga demonyo na nagpapanggap na tao at nakikisalamuha sa amin. Ang problema ay hindi namin alam kung paano ito kikilatisin,” sagot ko sa kanya.
“Tuturuan kita, ang mga demon bats, kadalasan ay nakasuot ng makakapal na damit at may suklob sa ulo dahil ayaw nila sa masyadong maliwanag. Ang kanilang mga labi ay kadalasang makakapal at ang kanilang mga mata ay kulay abo,” tugon niya.
Tahamik ako at naalala ko yung pangyayari sa aking mga magulang. “Yung mga ahas na pumatay at kumain sa mga magulang ko ay nagpanggap sila na mga kaibigan ng aking ama sa bukid. Hindi namin alam na ang mga ito ay mga demonyo. Kaya nakakatakot ako na baka ang taong nakakasalamuha ko sa araw araw ay mga demonyo rin na nakahanda akong patayin,” ang malungkot kong sagot dahilan para matahimik siya at mawalan ng kibo.
Hindi siya sumagot sa akin, tumanaw lang siya sa isla at hindi na ako pinansin pa. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong masama. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon, “maghanda ka na, tatapak na tayo sa isla.”
Noong mga sandaling tumapak ang aming mga paa sa isla ay hindi ako makapaniwala na smooth ang aming naging paglalayag. Walang problema at wala akong panganib na naramdaman. Bakit kaya ganoon? Kapag kasama ko si Soju ay para bang ligtas talaga ako at walang sinuman ang maaaring manakit sa akin? Bakit ang lahat ng gidlis sa paligid parang umiiwas kanina? Kahit yung mga bat demon na matatapang ay ayaw lumapit sa amin. Ano ba talaga itong si Soju? Isa ba siyang…
Tsk! Nakakainis..
Naglakad kami sa isla. Tahimik naman dito at mukhang mapayapa. Mula dito sa maliit na kakahuyan ay naglalakad lang kaming dalawa ni Soju, humihimig pa ito at parang walang takot na nararamdaman sa kabilang nakakakilabot na paligid. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka at tanungin siya ng mga bagay na gusto kong malaman. “Soju, sandali!” ang wika ko sa kanya, hinawakan ko ang kanyang braso dahilan para mapahinto ito.
“Bakit?”
Tumingin ako sa kanyang mga mata at huminga ng malalim bilang pagbuwelo. “Soju, kanina pa kita inoobserbahan e, bakit lahat ng mga sirena at bat demon sa paligid ay parang natatakot sa iyo? Ano ka ba talaga? Ayoko sanang unahan ka ngunit sa palagay ko ay alam ko na ang tunay mong pagkatao.” ang wika ko dahilan para magulat siya at bumakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
SOJU POV
“Sa tingin ko lang naman, Soju, kilala na kita at alam ko na ang tunay na ikaw,” ang seryosong wika ni Yoga sa akin habang nakakapit ng mahigpit sa aking braso dahilan para kabahan ako at hindi agad makapagsalita. Kung sakaling malaman niya na isa akong demonyo ay tatanggapin kay niya ako? O baka naman gumanti siya sa akin lalo’t may galit rin siya sa mga ahas na katulad ko?
Paano yung puso ko? Paano yung pangarap kong makasama siya ng mas matagal? Maaga ko ba itong isusuko? Ito ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Oh magsalita ka Soju, alam ko na kung sino at ano ka talaga. Wala ka bang aaminin sa akin ha? Hanggang kailan mo sa akin ililihim ito?” tanong niya na may kataasan ang tono.
Napalunok ako at nakaramdam ng matinding kaba. Ang aking mga paa ay napaatras ng kaunti, “patawad pero hindi ko naman gustong ilihim ito sa iyo, natatakot na baka magbago ang tingin mo sa akin,” ang natatakot kong sagot habang nangigilid ang luha sa mga mata.
“Oo, magagalit talaga ako sa iyo kapag inilihim mo pa ito sa akin. Kaya itigil mo na ang pagpapanggap mo!” ang wika niya.
“Hindi ako nagpapanggap, ang ibig kong sabihin ay hindi ko intensyon na magpanggap, ginawa ko lang ito dahil gusto kong mapalapit sa iyo,” ang sagot ko sa kanya.
“Pwede ka naman maging malapit sa akin ng hindi ka nagpapanggap diba? Hindi mo maitatago sa akin na isa kang mahusay na HUNTER! Isa kang TOP CLASS at ang mga katulad mo ay UPPER RANK CALIBER! Akala mo ba hindi ko napapansin? Sa kabilang ng gwapo mong mukha ay isa ka talagang mahusay na mandirigma! Grabe! Bakit kailangan mong itago sa akin ang totoo? Hay, akala mo ba ay maiinggit ako dahil mababang uri lang ako?” ang seryoso niyang tanong sa akin dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Ang akala ko talaga ay buking na ako..
“Ah e, oo isa nga akong Top Rank na hunter at nakabilang ako sa Upper Rank,” ang pagsakay ko na lang.
“Kaya una pa lang hindi na ako naniniwala na mangingisda ka at isa kang taga sisid ng korales.”
“Pasensiya na, Yoga,” ang bulong ko pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit, “Hindi mo ako kailangan paglihiman, okay?” ang bulong rin siya sa akin.
Akala ko talaga ay buking na ako noong mga oras na iyon. Dito ko napagtanto na may kahinaan rin pala ang aking loob pagdating sa pagtatago ng sikreto lalo na sa taong minamahal ko. Gayon pa man ay nangako pa rin ako sa aking sarili na poprotektahan si Yoga, kaya ako nandito ngayon sa kanyang tabi.
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad palabas sa madilim na kakahuyan at dito ay tumambad sa amin ang maluwang na kapatagan kung saan mayroong isang maliit na bayan na napapaligiran ng malalaking bakod. Malayo layo pa ito kaya’t sa tingin ko ay aabutin pa kami ng ilang minuto sa paglalakad.
Nakaakbay lang sa akin si Yoga, nakangiti ito at nakatanaw lang sa aming pupuntahan, samantalang sa parte ko naman bilang isang Demon o Gidlis ay nararamdaman kong mas marami pang mga malalakas na nilalang ang nakahimlay sa islang ito. Mula dito sa aming nilalakaran ay ramdam na ramdam ko ang kanilang mga prisensiya. “Sabihin mo nga sa akin, paano ba maging isang top class na Hunter? Ganyan ba kayo kalalakas na kapag nakita ang inyong mga mukha ay matatakot na yung mga kalaban? Katulad ng mga sirena kanina doon sa dagat?” ang tanong niya sa akin.
Ang totoo noon ay nararamdaman nila na isa akong malakas na water snake at isa pa medyo kilala na rin ako sa karagatan. Iyon ang mga dahilan kaya lumalayo na sila sa akin. Pero syempre alangan namang sabihin ko ito kay Yoga diba? “Eh nagkataon lang siguro iyon, baka naramdaman nila na tayong dalawa ay malalakas kaya hindi sila makalapit sa atin,” ang tugon ko naman.
“Siguro nga, pero alam kong mas marami pang kalaban dito kaya gawin natin ang ating makakaya upang magtagumpay,” ang wika niya habang nakangiti.
Episode 13: Ang Pagbabalik ng Mandirigma
Episode 13: Ang Pagbabalik ng Mandirigma
YOGA POV
Ang kaisa isang bayan dito sa isla ng Leren, napapaligiran ng maraming bakod na matataas at gawa sa matitibay bakal. Hindi nakapagtataka na madalas silang atakihin ng mga Gidlis kaya’t ganito na lang ang proteksyon sa paligid. Ang mga bahay dito ay yari sa bato at mayroong mga matutulis na kahoy sa itaas. Batid kong ginawa ito para naman sa mga Bat Demon na pagala gala sa himpapawid.
Nagpatuloy kami sa paglalakad palapit sa naturang bayan at dito ay agad akong nakilala ng aming mga kasamahang hunter. Mga bagay na nagbigay sa kanila sa saya at pagtataka. Katulad ng aking inaasahan ay tiyak na magtatanong na naman sila kung paano ako nabuhay.
“Si Yoga nga! Buhay si Pareng Yoga!” ang wika ng isang nakakilala sa akin at dito ay nakita kong lumabas si Wei at ang iba pa mula sa kanilang tinutuluyan.
Nagtatakbo sila patungo sa akin sa pangunguna ni Wei na halos hindi makapaniwalang buhay nga ako. Agad niya akong niyakap at inakbayan. “Putangna ina pare, totoo ba ito? Buhay ka nga! Tangna ka! Marami akong sinayang na luha sa iyo! Akala namin dito patay ka na! Teka paano kang makaligtas? Kitang kita namin na bumagsak ka sa dagat at kinain ng mga sirena!” ang agad na tanong nito.
Natawa ako, “pwede bang mamaya na ako mag k-kwento? Nagugutom na kasi kami ng kasama ko. May pagkain ba dyan?” tanong ko naman.
“Oo naman pare, pasok kayo dito. Tiyak na matutuwa si Piyo dahil buhay ka,” ang sagot ni Wei sabay bukas sa tarangkahan at bago pumasok sa loob ay hinawakan ko pa kamay ni Soju at niyaya itong lumakad sa loob.
“Alam mo pare dito sa isla ng Leren ay gabi gabing aksyon ang nanaganap sa amin. Ang mga tao dito ay halos nasanay na rin sa ganitong sitwasyon. Hindi naman nila magawang makalabas dahil delikado. Kaya yung mga tahanan nila ay may mga underground na silid, doon sila nagtatago kapag gabi upang makasiguradong ligtas sila,” paliwanag ni Wei habang lumalakad kami.
“Matatalino rin iyang mga Gidlis na iyan e. Madali sila nagpapasok pero hindi nagpapalabas. Noong papasok kami dito ay wala naman halos humarang sa amin. Pero noong palabas kami ay doon sila umatake. Pwede pumasok at bawal ang lumabas,” ang tugon ng isa.
“At iyon ang dahilan kaya yung mga tao dito ay hindi makaalis. Pero ang mga tao dito palaban rin, kapag may pumasok na mga demonyo sa bakuran ay talagang pinapatay nila. Kaya ang misyon ay nabago na rin,” sagot ni Wei.
“Ano na ang misyon ng mga hunter ngayon?” tanong ko naman.
“Ang pangunahing misyon natin ay ilikas lahat ng mga taong bayan at ilipat sa ibang isla. Wala tayong magagawa sa islang ito ng Leren. Mawawasak na ito at hindi na rin tatagal,” sagot ni Wei at dito niyaya niya kaming pumasok sa kanilang bahay na tinutuluyan. Naghain sila ng pagkain at inumin sa lamesa.
“Eh teka pare, sino ba iyan gwapong tisoy na iyan?” tanong pa niya noong mapansin si Soju.
Inakbayan ko si Soju at pinagmalaki sa kanya, “mga pare, kaya ako buhay ay dahil sa taong ito. Siya ang nagligtas sa akin mula sa tiyak na kapahamakan. Isa lang naman siyang upper rank na hunter mula sa isla ng ano.. saan na nga iyon?” tanong ko kay Soju, nakalimutan kong itanong kung taga saan siya.
“Doon sa isla ng Wakuha, doon ako naninirahan bilang hunter,” ang sagot niya sa amin.
“Isla ng Wakuha? May kalayuan iyon ah. Teka, wag kang magagalit ha, pero parang wala sa mukha mo ang maging mahusay na hunter. Sobrang gwapo mga pare oh, at parang nakita ka na namin e, hindi lang namin maalala kung saan. Teka, hmmmm,” tugon ni Wei habang nakatingin sa mukha ni Soju.
“Talaga? Baka naman dumidiskarte lang kayo kay Soju? Mga gago doon nga kayo,” ang masungit kong suway sa kanila. “Ayokong tinititigan niyo siya,” ang dagdag ko pa.
“Alam ko na, tama! Doon ka namin nakita sa aming isla noong pista ng mga paputok diba? Sabi na nga ikaw yung gwapong lalaking pinagkakaguluhan doon. Siguro nandoon kayo para sa misyo ng pag protekta sa amin, tama ba?” tanong pa ni Wei.
Hindi sumagot si Soju, tumango lamang ito bilang tugon pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagkain. “Hoy Wei, huwag niyo ngang takutin si Soju, doon na nga kayo!” muli kong suway.
At iyon ang set up, dahil sobrang dami nilang katungan kung paano ako nabuhay ay wala akong nagawa kundi ang isalaysay sa kanilang ang ginawang pagliligtas sa akin ni Soju. At syempre ay binuhat ko rin ng kaunti ang aking sarili para naman hindi ako magmukhang mahina at katawa tawa sa paningin nila. “Kaya sinubukan kong lumaban sa mga sirena, nagkataon lang talaga na sobrang dami nila at halos kapos na ako sa hangin kaya medyo nadehado tayo doon. Buti na lang at naroon si Soju na nagligtas sa akin,” ang salaysay ko.
“Gayon pa man kahit na kapos sa hininga si Yoga ay nakapatay pa rin siya ng apat na sirena gamit ang kanyang pisikal na lakas,” ang dagdag ni Soju na halatang ginawa lang niya para buhatin ako.
“Nandito ka ba para tulungan kami? Soju?” tanong ni Wei.
“Hindi, nandito ako para makisabay pauwi, ginamit ni Yoga yung bangka ko e, paano ako uuwi sa amin?” tanong ko rin.
Tawanan sila..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagpasok ni Piyo, noong masilayan niya ang aking mukha ay agad niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Katulad ni Wei ay hindi rin ito makapaniwala na buhay ako at nakaligtas mula sa atake ng mga kalaban. “Sabi ko naman sa iyo pareng Piyo, may sa pusa talaga iyang si Yoga, hindi basta basta namamatay iyan!” ang masayang wika ni Wei.
“Tang ina ka Yoga, pinag-alala mo ako. Akala ko talaga ay yatap ka na, paano ko ibabalita kay Alisa na wala ka na? Tiyak na malulungkot ang kepyas non!” ang hirit ni Piyo sabay tingin sa aking kasama, “teka sino ba itong tisoy na ito?” tanong pa niya.
“Pareng Piyo, iyan si Soju, yung hunter sa isla ng Wakuha na tumulong kay Yoga noong mahulog ito sa dagat,” sagot ni Wei.
“Nandoon ka? Paanong nangyari iyon? Hayaan na nga, ako nga pala si Piyo. Ako ang pinuno ng aming hukbo. Ikinagagalak kitang makilala tol,” ang wika niya sabay kamay sa aking kasama. Wala namang nagawa si Soju kundi ang kumamay rin at dito napahinto si Piyo na para bang may naramdamang kung ano na hindi ko maipaliwanag noong mga sandaling mahawakan niya si Soju sa kamay.
Tahimik..
“Hoy pareng Piyo, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
Parang bumalik sa ulirat si Piyo, “ah e, oo ayos lang ako. Ang gandang lalaki kasi ng kaibigan mo,” ang sagot niya sabay tapik sa aming mga balikat. “Masaya akong makitang buhay ka Yoga, mukhang marami pa tayong pagsasamahan.”
“Salamat, Piyo,” ang tugon ko habang nakangiti.
“Tama, kaya kung ako kay Yoga magpahinga na muna kayo dahil mamayang gabi ay tayo ang taya sa pag papatrolya,” wika ni Wei, samantalang napapansin kong napapatingin si Piyo kay Soju kaya naman humaharang ako sa direksyon kung saan ito lumilingon.
Matapos kumain ay dinala kami ni Wei sa aming tutuluyan. Isa itong bakanteng tahanan na gawa rin sa bato. May mga kasangkapan din dito at mayroong higaan. “Pare dito muna kayo titira habang nandito tayo sa isla. Ito ay bahay ng dating chief nitong Leren na nagtangkang tumakas dito sa isla kasama ang kanyang pamilya,” ang wika ni Wei.
“Ano raw ang nangyari sa kanila?” tanong ko naman.
“Lahat sila ay naglahong parang bula. Ang usap-usapan ay hindi naman daw nakatakas ang pamilya iyon. May kumalat ring balita na kinain silang lahat ng mga Gidlis at may paniniwala rin ang iba na ginawa silang mga demonyo. Dahil may nakakita daw sa batang anak ni Chief na tumatakbo doon sa kakahuyan ng sobrang bilis,” ang salaysay ni Wei.
“May kakayahan bang gawing isang Demonyo ng mga Gidlis ang mga ordinaryong tao?” pagtataka ko.
“Mayroon, kadalasan ang mga taong naging mga demonyo ay mabilis magutom at papatay para lang may makain. Ginagawang demon ng isang Gidlis ang mga taong nais nila upang mapasunod ang mga ito o gawing alagad. Halimbawa, kung ikaw ay isang demonyo at kinagat mo si Wei, si Wei ay susunod sa iyo at magiging alagad mo siya,” ang wika ni Soju habang nakatanaw sa labas ng bintana.
“Kung ganoon ay posible pala talaga ito?” tanong ni Wei.
“Oo, karaniwan ang matataas na Gidlis ay inuutusan ang kanilang mga alipin na humanap ng pagkain para sa kanila kaya dumarami ang mga demon na sumasalakay sa mga mortal,” ang tugon ni Soju.
“Pare, grabe ang husay ni Soju, sa tingin ko ay in love na ako sa kanya. Parang gusto ko makipag siping sa kanya mamayang gabi,” ang bulong ni Wei sa akin.
“Gago, tumigil ka nga diyan,” singhal ko sa kanya.
Hinila ako ni Wei palayo kay Soju, “Teka pare, mapapalitan na ba si Alisa? Sa tingin ko ay may gusto ka na dyan kay Tisoy. Wala namang problema na sa lalaki ka bumagsak lalo’t ganyan ang itsura kay Tisoy pero kawawa si Alisa pare,” ang bulong nito.
“Sa ngayon, si Alisa ay nasa piling ng ibang lalaki. Akala mo ba tatagal ng walang torjak yun? Siyempre ay hindi, ayaw na ayaw ni Alisa na makipagtalik sa lalaking hindi siya nilalabasan kaya hahanap yun ng kalibreng wild sa higaan,” ang sagot ko naman.
Natawa si Wei, “wag kang mag alala pare, kung sakaling magkagusto ka kay Tisoy ako ang cover mo sa pagtataksil na gagawin mo kay Alisa,” hirit nito.
“Sira ka talaga, doon ka na nga,” sagot ko sa kanya.
“O sya, aalis na ako. May mga supply ng pagkain at tubig dyan sa loob pre. At paalala lang, iwasan mong makipag espadahan kung mas malaki ang espada ni Tisoy sa iyo,” ang natatawang hirit nito kaya naman kinatukan ko siya.
Tawanan kaming dalawa.
Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto. Dito ay nakita ko si Soju na pinagmamasdan ang mga lumang kagamitan sa kusina. Nilapitan ko siya at niyakap sa kanyang likuran na parang isang asawang babaeng nilalambing, “ayos ka lang ba? Napagod ka ba sa nilakad natin?” bulong ko sa kanya.
“Hindi naman, mukhang ikaw yata ang napagod, mukhang lalong sumisingkit ang mata mo, kailangan mong matulog,” ang wika niya habang nakangiti.
“O edi, magpahinga muna tayong dalawa,” ang paglalambing ko sabay higa sa papag at hinala ko siyang tumabi sa akin. Niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Ewan, ngunit ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kakaibang saya. Hindi ko ito nararamdaman kapag kasama ko si Alisa o kahit sinong babae doon sa isla. Alam ko naman sa sarili kong hindi ako bakla at tuwid ako pero kakaiba talaga si Soju at gusto ko siyang kasama palagi.
Tahimik ulit.
“Kakaiba yung kaibigan mong si Piyo,” ang wika niya habang nakaunan sa aking braso.
“Si Piyo ay ang pinakamahusay na hunter sa isla namin. Bakit kakaiba? Gusto mo ba siya?” tanong ko sa kanya.
“Gusto? Hindi ah, ang ibig kong sabihin ay mag iingat ka sa kanya,” ang tugon nito sabay yakap sa akin, isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at pumikit.
Hindi ko na siya kinulit pa, niyakap ko na lang ito ng mahigpit at hinalikan sa noo. Nakadikit ang aking alaga sa kanyang katawan at nagsimula na itong mabuhay. Kaya noong mga sandaling iyon ay niyakap ko siya ng mahigpit at siniil ng halik sa labi. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti, dito ay nagsimula ang aming halikan hanggang sa pumatong ako sa kanya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan para alisin ang aking pang itaas na damit. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako naman ay patuloy sa paghalik sa kanyang makinis at maputing katawan. Parang babae ang katawan ni Soju, mas makinis pa ito kay Alisa o sa ibang babaeng nakasama ko na.
Mabilis ang tibok ng aking puso noong mga sandaling iyon, masaya akong kasama siya at wala akong pakialam kung lalaki rin siya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kapiling ko siya.
Ilang minuto ko ring hinahalikan ang kanyang leeg, tainga at labi hanggang sa inalis ko na rin ang kanyang saplot. Batid kong nagpaubaya na siya sa akin. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon upang angkinin siya.
Noong mga sandaling iyon ay tumayo ako sa kanyang harapan at hinubo ang aking pang ibabang saplot. Buong yabang na tumayo ang aking alaga na noon ay naglalaway na at sabik na sabik na may humawak sa kanya. Muli akong pumatong kay Soju, at dito muli niya akong niyakap habang ikinakaskas ko sa kanyang makinis na tiyan ang aking batuta na naglalabas ng paunang katas. Tigas na tigas ang burat ko sa kanya at halos pulang pula na ang ulo nito sa pananabik.
Maya maya ay tumayo ako at itinapat ito sa kanyang mukha. Hinamas ko ang kanyang ulo at dito nabasa niya ang aking nais. Hinawakan niya ang aking alaga, tiningnan pa niya ang katabaan at kabuuan nito. Hinimas din niya ang makapal kong bulbol. Marahan niya itong sinalsal dahilan para mapaungol at mapakagat labi ako. Pulang pula na ang ulo ng aking alaga na sasabog anumang oras.
Parang sa completed version, pwede kayo magpurchase sa akin ng full pdf sa halagang 300ph! Go na, para walang bitin <3
Episode 14: Unang Pagkakataon
Episode 14:
Unang Pagkakataon
SOJU POV
Hindi ako makapaniwala na nakatayo si Yoga sa aking harapan, hubot hubad ito. Putok na putok ang dibdib, tiyan ay puro abs at ang kanyang alaga ay nakatirik paitaas, mataba, may kahabaan at pulang pula na animo mansanas ang ulo. Ang kanyang pusod ay may buhok paibaba na nakadugtong sa kanyang makapal na bulbol. Makinis ang pagkakatuli sa kanya at walang extrang balat, ang kahabaan niya ay nakakurba paitaas.
Namumungay ang mata niya noong mga oras na iyon, lalo na noong itinapat niya sa aking bibig ang kanyang sandata. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang mararanasan ang ganitong bagay kaya naman ang aking puso kumakalabog sa matinding kaba. Halo halo na ang aking emosyon at hindi ko na halos makontrol ang matinding init sa aking katawan. Ang aking pantog ay parang sasabog at matigas na matigas na rin ang aking alaga.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na hawak ang kahabaan ni Yoga, marahan ko itong hinimas ng pataas at baba dahilan para mapaungol siya at mapakagat labi. Kitang kita ko rin ang pagtulo ang malapot na katas sa ulo ng kanyang alaga dala ng matinding kasabikan. Habang marahan kong sinasalsal ang alaga niya ay marahan niya itong sinasabayan ng kadyot.
Makalipas ang ilang sandali ay itinapat niya ito sa aking bibig. Nakuha ko ang nais niya iparating sa akin kaya naman ibinukas ko ito at isinubo ang kanyang kahabaan. Sa unang dampi pa lamang ng ulo ng kanyang alaga sa aking mainit na bibig ay matinding ungol na ang kanyang pinakawalan.
Napuno ng alaga ni Yoga ang aking bibig, marahan akong nagtaas baba sa kanyang kahabaan, ginawa ko ang aking makakaya upang mapaligaya siya ng husto. Paminsan minsan ay hinahawakan niya ang aking ulo at inaalalayan sa pagbaon ng kanyang alaga. Paminsan minsan rin ay nauubo ako dahil umaabot sa aking lalamunan ang kanyang ginagawang pagbaon. Mataba ang kanyang burat, punong puno ang aking bibig.
Ilang minuto ko ring subo ang kanyang mala bakal na kahabaan bago niya ito hugutin sa aking bibig. Matapos noon ay hinubo niya ang aking salawal at hinalikan ako ng mas marahas. Hinawakan niya ang aking alaga at nagtaas baba ang kanyang kamay dito habang ang kanyang bibig ay sinisipsip ang aking nipple na parang isang sanggol na gutom na gutom.
Napaungol ako sa matinding sarap, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan na hindi ko malaman kung ano.
Tuloy ginagawa niyang paglalaro sa aking dibdib hanggang sa maramdaman ko ang kanyang daliri na gumagapang sa aking butas. Agad niyang itinaas ang aking paa at pinagmasdan ang aking lagusan.
Hindi ako makapaniwala na ganito kasarap ang makipagtalik. Ito ang unang beses sa loob ng dalawang libong taon na naranasan ko ito. Kaming mga water snake ay hindi nagkakaroon ng init sa katawan, hindi rin tumitibok ang aming puso sa kung kani-kanino lang. Ilang libong taon ang hihintayin namin upang tumibok at umibig ang aming mga puso. At kapag kami ay nagmahal ay tapat ito at wagas.
Kay Yoga tumibok ang aking puso, katulad ni Dengo ay gagawin ko rin ang lahat upang maging masaya. Noong una ay natatawa ako at hindi ko maunawaan ang tungkol sa salitang pagmamahal. Matagal akong nabuhay ng wala ito at pakiramdam ko ay hindi ako kompleto. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na nakaramdam ako ng hindi mapapatayang saya at ito ay nagsimula noong makapiling si Yoga. Sana ay wala ng wakas ang lahat ng ito. Sana ay magkasama kami habang buhay.
Tahimik.
Napakagat labi ako noong maramdaman ang dila ni Yoga sa aking lagusan. Ibayong kiliti ang dulot nito sa akin. Nanginginig ang aking binti na parang bang mabubuang ako sa matinding sarap na nararamdaman. Maya maya ay nilagyan niya ng laway ang kanyang daliri at ipinasok ito sa aking butas na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Napalakas ang aking ungol sa kanyang ginagawa at habang naglalabas masok ang kanyang daliri ay muli niyang sinipsip ang aking nipple. Kaya naman lalo akong nabaliw sa matinding sarap.
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil siya, nilagyan ng maraming laway ang alaga niya at ipinasok ito sa aking butas dahilan para masaktan ako at mapakapit sa kanyang balikat. Naramdaman kong bumaon ang ulo ng kanyang alaga at parang napunit ako ng husto kaya naman napaluha ako sa matinding kirot.
Noong makita ito ni Yoga ay huminto siya hinalikan ako sa labi saka hinayaang nakabaon ang kalahati ng kanyang alaga sa aking lagusan.
YOGA POV
Dahil sa matinding init na aking nararamdaman ay itinaas ko ang hita ni Soju at dito ay tumambad sa akin ang kanyang makinis at mamula mulang butas. Tangina, mas makinis at mapula pa ito sa hiyas ni Alisa na madalas kong kainin. Noong makita ko ito ay lalong naglaway ang aking alaga, napansin kong tumutulo na ang aking paunang katas dahil sa matinding kasabikan. Damang dama ko ang matinding init ng aking katawan kaya naman hindi na ako napagpigil, sinunggaban ko ang kanyang butas.
Napaungol siya ng malakas, pinaglaro ko ang aking dila dito, pinatigas ko at pinasok pasok ko. Libog na libog na ako, ang aking pagnanasa noong mga sandaling iyon ay hindi na mapapantayan. Ang tingin ko kay Soju ay isang babaeng diyosa na napakakinis at napakasarap romansahin.
Kinantot ko ang kanyang butas gamit ang aking pinatigas na dila hanggang sa maglawa ito ng aking laway. Pagkatapos ay pinasok ko ang aking daliri. Marahan ko itong pinaglaro sa kanyang makipot na yungib dahil para magkikiwal kiwal siya at tuluyang mawala sa kanyang sarili.
Ilang minuto ko rin siyang pinaliligaya sa ganoong posisyon hanggang sa lawayan ko na ang aking alaga at itinutok ito sa kanyang mapulang butas. Dahil sa dami ng paunang katas sa ulo ng aking batuta ay lalo itong dumulas kaya pumasok agad ang mala kabuteng hugis nito sa kanyang kakiputan. Dahil para mapa ngiwi siya at napakapit ng mahigpit sa aking likuran. Nakita ko ring naluha ito dahil sa sakit.
Tang ina, parang naka virgin ako ng babae, hindi dahil higit pa doon. Sa sobrang kipot ng lagusan ni Soju ay parang mababaliw ako sa kakaibang init at sarap. Sinasakal ang katawan ang aking alaga kaya naman muli akong tumulak upang maibaon ito lahat. Ahh putang inaa hinihigop ang burat ko, ito ang unang pagkakataon na bumaon ako sa puwet at hindi ako mapaniwala na ganito pala kasarap ang pakiramdam!
Nanlaki ang kanyang mata noong maipasok ko ang buong katigasan ko sa kanyang lagusan. Kakaiba ang pakiramdam, ipit na ipit ito at parang hinihigop ng kung ano. Nakakabaliw, sa tuwing susubukan kong bumayo ay parang hihigupin ulit ako papasok kaya naman napaungol ako at natirik ang aking mga mata.
Marami ng babae ang binayo ko pero ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sarap. Kaya naman ninamnam ko lang ang pagkakataon, hinayaan kong nakabaon ang aking alaga sa kanyang makipot na lagusan. Paminsan minsan ay nararamdaman ko ang kakaibang init at basang lumulukob sa ulo ng aking kahabaan dahilan para mapapikit ako at mas lalo pang ibaon ang aking alaga. Samanatalang si Soju naman ay nakapikit lang, sarap na sarap sa pagkakabaon ng aking alaga, hinihintay ko siyang masanay bago ko ibigay ang aking pinakamasarap na pagbayo.
Sa sobrang pagkamangha ay pinagmasdan ko pa ang pagkakasugpong ng aking alaga sa kanyang mapulang butas. Hindi ako makapaniwala kung paano bumabaon ang mahaba at mataba kong sandata dito, halos bulbol na lang ang nakadikit. Isang mainit na halik muna ang aking iginawad sa kanya bago ako magsimulang bumayo.
Naninibago ang alaga ko sa sobrang sikip at kipot, nahihirapan akong umulos dahil kumakapit ang kanyang laman, gayon pa man ay ito ang pinakamasarap sa lahat.Nagsimula akong bumayo ng marahas at dito ay kapwa kami napa-ungol ng husto.
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon bago ko hinugot ang aking alaga, tinulungan ko siyang bumangon sa papag at saka ginawaran siya ng isang mainit na halik. Umupo ako sa gilid ng papag, at siya naman ay kumandong sa aking paharap, ipinasok kong muli ang aking alaga at swabe itong bumaoin sa kanyang kaloob looban.
Gumigiling kaming dalawa habang naghahalikan, halos panawan ako ng ulirat sa sarap at libog na nararamdaman. Habang nakaupo siya sa akin kahabaan ay biglang sumabog ang aking semilya, sa sobrang sarap ay hindi ko na nakontriol pa. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit habang patuloy sa pagsumpit ang aking katas sa kanyang kaloob looban.
Ungol ng ungol si Soju, para siyang nalasing at nalunod sa matinding sarap kaya naman kahit sumabog na ako ay tuloy pa rin ang aking pagbayo dahil matigas pa ang aking alaga at hindi pa humupa ito. Matapos ang paupo ay ipinatikim ko naman sa kanya ang patuwad. Pinapuwesto ko siya sa gilid ng kama ako naman ay nakatayo. Muli kong itinarak ang aking alaga at dito ay marahas akong bumayo.
Habang marahas ang aking ginagawang pag-ulos ay inabot ko ang kanyang matigas na alaga at binayo rin ito gamit ang aking kamay. Napuno ng ingay ang buong paligid at makalipas ang ilang sandali ay sumabog ang kanyang katas. Madulas ang kanyang lagusan dahil sa tamod na aking dineposito dito.
Lalong sumikip ang kanya butas at naramdaman kong lumalamig dito na nagbigay sa akin ng ibayong sarap kaya naman ilang marahas na paglabas masok pa ay sumabog rin ang aking katas sa ikalawang pagkakataon. Nagtaka lamang ako dahil ang kanyang semilya ay malamig at hindi mainit. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
Noong pareho kaming makaraos sa init na aming nararamdaman ay kapwa kami napahiga sa kama, pulang pula ang katawan ni Soju, marahil ay sa sensasyon na kanyang naramdaman. Muli naming ginawaran ng mainit na halik ang isa’t isa saka ko siya niyakap ng mahigpit.
Dahil sa pagod ay ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na ako pala ay nakatulog na. Basta’t ang alam ko lang ay kayakap ko si Soju, ikinulong ko siya sa aking braso at hinayaan ko rin itong magpahinga.
Tahimik..
Bandang hapon na noong ako ay magising, pagmulat ng aking mata ay mag isa na lamang ako sa papag, wala na si Soju sa aking tabi kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon para ilinga ang aking mata sa paligid. Wala siya kahit saan pero may napansin akong kakaibang kulay ng kristal na animo dyamante sa aming higaan. Kulay asul ito at kasing laki ng aking hinliliit na kuko. Apat na pirasong dyamanteng asul ang aking pinulot at ibinulsa bagamat hindi ko alam kung saan ito nagmula.
Samantala, agad naman akong bumalikwas ng bangon at hinanap si Soju sa paligid, “Soju, nasaan ka?!” ang pagtawag ko hanggang sa makarating ako sa gawing likuran ng aming tinutuluyang bahay. Dito ay nakita ko siyang nagpupuno ng timbang tubig mula sa balon. Hinahakot niya ito ay dinadala sa paliguan.
“Kanina ka pa ba gising? Ako na ang gagawa niyan,” ang wika ko sabay halik sa kanyang labi.
“Ako na, magaan lang naman ito. Pag napuno ko na yung malaking batya doon ay maaari ka na maligo, ang baho mo na e,” ang biro nito dahilan para matawa ako. “Kaya pala apura ang ungol mo kanina dahil mabaho ako?” ang tanong ko sa kanya.
“Sira, ang sarap ng ginagawa mo sa akin, sana ulitin natin iyon,” ang kaswal na wika niya.
“Syempre naman, teka ako ba ang nakauna sa iyo?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Oo ikaw lang ang gumawa sa akin noon, wala ng iba pa. Masakit pero masarap,” ang sagot niya, seryoso siya at walang halong biro. Para bang wala siyang alam sa ganoong gawain at para lumalabas na ako ang nagmulat sa kanyang isipan upang gawin ang mga ganoong bagay. Gayon pa man ay wala naman akong pinagsisisihan dito dahil sa mga oras na ito ay mahal ko na si Soju, at ang pagmamahal na ito ay minsan ko lamang rin naranasan.
Sino bang mag-aakala na ako, si Yoga ang pinakagwapo at pinakababaerong hunter sa aming isla ay heto ngayon, alipin ng isang misteryosong lalaki na hindi ko alam kung saan nga ba nagmula.
Episode 15: Demon Fox
Episode 15: Demon Fox
SOJU POV
Iyon pala ang tinatawag na pagbibigay ng sarili. Iyon ang pinakamasayang parte ng pagiging tao. Hindi ko maunawaan ngunit masaya ko na ibigay ang lahat kay Yoga. Maaaring sabihing marupok ako ngunit para sa akin na naghintay ng libong taon para lang maramdaman ng kaligayahang ito ay wala akong pinagsisisihan at ang lahat ay maituturing kong isang magandang bagay.
Wala namang kaibahan ang aking katawan sa katawan ng mga normal na tao. Ngunit hindi ako maaaring manatiling tao sa loob ng mahabang panahon. Ang ibig kong sabihin ay kailangan ko pa ring lumubog sa tubig o kaya ay lumangoy upang manumbalik ang aking lakas. Sana ay may pagkakataon ako para gawin ito. “Kumain ka ng marami, tapos matulog ka muna dito, okay,” ang wika ni Yoga habang kumakain kami ng hapunan.
“Eh bakit? Saan ka pupunta?” tanong ko naman.
“Magpapatrolya ako doon sa labas. Grupo namin ang nakatoka ngayon, dito ka lang at mag tatrabaho lang muna ang asawa mo,” ang wika niya habang nakangiti.
“Asawa?” tanong ko sa kanya.
“Asawa, kapag naibigay mo na ang sarili mo sa akin at kapag nakatira na tayo sa iisang bubong katulad nito ay mag asawa na tayo,” ang sagot niya habang nakangiti.
“Eh paano yung kasintahan mong si Alisa? Kawawa naman siya kung iiwanan mo siya,” ang sagot ko dahilan para matahimik siya.
“Ah e, wala iyon. Si Alisa ay hindi ko naman sineseryoso, natagpuan ko na ang taong gustong mahalin at makasama. At ikaw iyon, sana huwag mo akong pagdudahan,” ang pakiusap niya sa akin.
“Pero hindi naman kita pinagdududahan. Maaari ba akong sumama sa pagpapatrolya mo?” tanong ko habang nakangiti.
“Naku, magpahinga ka na lang dito. Hindi mo trabaho ang ganoong bagay,” ang tugon niya sa akin sabay hawak sa aking kamay. Hinalikan niya ako sa labi at saka ngumiti.
At iyon nga ang pangyayari, noong kumagat ang dilim ay lumabas si Yoga sa aming tinutuluyan, nagsukbit siya ng isang itak sa bewang at ang espada ng puryoku na ibinigay ni Ringo. Kadalasan ang mga nagpapatrolya ay nakabantay sa mga bakuran at tinitingnan nila kung mayroong mga Gidlis o hindi kanais nais na bagay sa paligid.
Mula dito sa harapan ng bahay na aking kinatatayuan ay nakikita ko si Yoga naka upo sa isang sulok ng bakod katabi si Wei at nagkkwentuhan silang dalawa. Mukhang maayos naman ang kanyang kalagayan kaya naman pumasok na ako sa loob.
Naupo ako sa papag at pinagmasdan ang sumasayaw na apoy sa loob ng gasera. Mababait naman ang mga tao dito sa isla dahil nakita kong dinadalhan nila ng mainit na tsaang inumin at mga tinapay ang mga nagbabantay para sa kanila. Sa ngayon ay wala akong maramdaman panganib dahil masyadong tahimik ang paligid. Sana ay magtuloy tuloy ito sa buong magdamag.
Tahimik.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila bumigat ang talukap ng aking mata at noong ipikit ko ito ay samu’t saring pangitain ang lumalabas sa aking isipan na hindi ko maunawaan. Parang isang eksenang ipinapakita sa akin na ang mga tauhan ay hindi ko naman kilala.
Sa aking isipan ay nakita ko ang imahe ng isang masayang pamilya na naninirahan dito mismo sa bahay na ito. Marahil sila ang pamilyang may ari ng aming tinutuluyan ngayon.
Nagbago ang imahe, sa ikalawang pangitain ay nakita ko naman ang isang demonyong nilalang na animo lobo ang gumulo sa buong pamilya. Lahat sila ay biniktima at halos naging madugo ang gabing iyon.
Sa ikatlong pangitain ay nakita ko ang demonyong lobo, nagbabago ang kanyang anyo at nagiging isang tao. Noong makita ko ang kanyang mukha ay tila nagulat ako dahil siya ang padre de pamilia at haligi ng tahanang ito. Hindi ako makapaniwala na siya ang pumatay sa kanyang sariling pamilya.
Nawala ang pangitain at dito dumilat ako, para akong nalunod at pilit kong hinahabol ang aking paghinga. Hindi ko maunawaan ngunit tila ipinapakita sa akin ng apat na sulok ng bahay na ito ang pangyayari noon.
Patuloy pa rin ako sa paghinga ng malalim at habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang kumalabog ang isang parte ng sahig ng bahay malapit sa papag kung saan ako naroroon. Patuloy ito sa pagkantog, parang mayroong nag nanais na lumabas.
Naalala ko ang sinabi ni Wei kanina, ang bawat bahay dito ay mayroong mga silid sa ilalim ng lupa upang maging taguan, hindi kaya may tao doon sa ilalim? Ito ang tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa parte na pilit umaangat.
Palakas ng palakas ang kalabog at makalipas ang ilang sandali ay tuluyang bumukas ang pintuan sa sahig. Hindi naman ako nasindak, nakaupo lang ako sa papag at hindi umaalis doon. Nakatanaw lang ako sa butas at pinagmamasdan kung sino ang lalabas dito.
Ilang sandali pa ang lumipas at dito ay may nakita na akong paggalaw sa madilim na daanan. Mula dito ay kumapit ang isang kamay ng tao at nagsimula na itong lumabas.
Noong lumubas ang kanyang ulo ay laking gulat ko na ito yung lalaki sa aking pangitain, siya ang padre de familia ng tahanang ito na kumain sa kanyang sariling anak at asawa.
Tao ang kanyang anyo iyon nga lang ay amoy na amoy ko ang dugong Gidlis o Demon na dumadaloy sa kanyang ugat at mga kalamnan. Hindi naman ako nasindak, nakaupo pa rin ako sa papag at nakatingin lang sa kanya na parang ordinaryo lamang ang aking nakikita.
Hindi pa niya ako napapansin dahil ang aking enerhiya ay nakababa sa pinakamaliit na antas na parang enerhiya lamang ng isang insekto. Nag inat siya at pinalagutok ang mga buto sa kanyang katawan. Para siyang galing sa isang mahabang pagkakatulog. Binali bali ang leeg sa magkaibang direksyon at maya maya napahinto siya noong makita akong sa aking kinauupuan.
“Magandang gabi ginoo, napasarap ang tulog ko doon sa ilalim. Ano ang ginagawa mo sa akin tahanan?” tanong niya sa akin.
“Ang akala ko ay abandunado na ang bahay na ito kaya’t naisipan kong dito na muna manatili,” ang sagot ko sa kanya.
Nangiti ito, “maaari mo akong samahan dito. O maaari mo akong samahan sa ibang paraan,” ang wika niya at dito ay kumalam ang kanyang sikmura, malakas ito dahilan para matawa siya. “Maaari mo bang ihain ang iyong sarili sa akin? Ginoo?” ang wika niya at dito ay unti unting nagbago ang kanyang anyo.
Lumaki ang kanyang katawan, naging lobo ang mukha, naging mabalahibo at nagkaroon ng buntot. Hindi pa rin ako gumagalaw sa aking kinalalagyan. “Hmmm, siguro ay kinain mo ang iyong sariling pamilya, tama ba?” tanong ko sa kanya.
“Ah, yung nakatira ba dito? Ang totoo ay hindi ko naman pamilya iyon. Ito ay bahay ni Lien at mayroon siyang dalawang anak. Naging biyuda si Lien noong mamatay ang kanyang asawa at nakilala niya ako. Wala siyang kamalay malay na isa akong Gidlis. Naging masaya naman ang ilang buwan kong paninirahan dito bago ko sila gawing hapunan. Ngunit isang araw ay nabaril ako ng isang hunter. Hindi ko alam na bala sa kanyang sandata ay mayroong lason kaya kinakailangan kong pagalingin ang aking sarili sa ilalim ng aking tahanan, dito ay nakatulog ako ng matagal at pag gising ko ay mayroon na agad akong hapunan sa iyong katauhan,” ang salaysay niya sa akin.
Natawa ako, “kaya nga nakaupo lang ako dito diba? Hindi ako umaalis, maaari mong gawin ang iyong naisin,” ang wika ko.
“Hmmm, talaga ba? Bakit hindi natin simula sa isang makabagbag damdaming pagsunggab?” tanong niya sabay lundag sa aking harapan.
Nagliwanag ang aking mata ay unti unting nagyelo ang kanyang katawan dahil para mapahinto siya sa pagkilos. “Anong nangyari ginoo? Bakit tila napahinto ka?”
“Paanong? Isa ka pa lang? Isa kang Gidlis? Teka, isang mataas na uri ng Gidlis! Paano mo nagagawang itago ang iyong amoy at ang iyong enerhiya? Paano mo nagagawang pag amuying mortal ang iyong katawan?” tanong niya sa akin.
“Dahil ako ay makapangyarihan, at nagkamali ka ng binangga, ngayon ay maaari kong pagyeluhin ang iyong dugo hanggang sa mamatay ka,” ang wika ko sa kanya.
“Pero sa tingin mo ba ay ganoon kadali ang lahat?” tanong niya at dito ay humaba ang kanyang matutulis na kuko dahilan para umiwas ako at ang matamaan ay ang pader ng bahay dahilan para magiba ito. Nagkaroon ng kaliskis ang aking mukha naghanda ako sa aking pag atake ngunit nakita kong tumatakbo sina Yoga at ang iba pa sa aming kinalalagyan kaya naman tumigil ako sa pag kilos ay kunwari’y tumilapon ang aking katawan kasama ng mga pader.
Ang Gidlis ay nakawala mula sa kanyang paninigas at nagtatakbo ito palayo. “Hayun, habulin niyo!!!” ang sigaw ni Wei noong makita ang demonyong lobo na tumatakbo para tumakas.
“Soju, ayos ka lang ba? Ano bang nangyari?” ang nag aalalang wika ni Yoga. Agad niya akong niyakap at inalalayan patayo. Samantalang nagkagulo ang mga tao noong gabing iyon. Pilit nilang hinabol ang demonyong lobo palabas sa tarangkahan.
“Soju, okay ka lang ba? Saan galing iyon?” tanong ni Wei sa akin.
“Nakahiga ako doon sa papag ng marinig kong mayroong kaluskos sa pintuan na nakalagay sa sahig. Pilit itong bumubukas at bago pa ako makalabas at makahingi ng tulong ay nagiba ang pintuan at hindi ko inaasahan na may Fox Demon sa ilalim ng aming tinutuluyan. Nakatulog lang pala ito ng mahabang panahon at noong magising siya agad niya akong inatake,” ang tugon ko sabay turo sa nasirang pintuan sa sahig.
“Tangina pare, bakit dito mo kami dinala? May Gidlis pala sa ilalim nito? Paano kung bigla kaming inatake habang natutulog?” ang galit na singhal ni Yoga kay Wei.
“Teka pare, pasensiya na pero hindi ko alam na mayroong ganoon doon, ang sabi ng mga kasamahan natin ay maayos naman ang bahay na ito noong suriin nila,” ang depensa ni Wei.
“Habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating si Piyo, “sinubukan kong habulin ang Gidlis ngunit masyado itong mabilis. May nasaktan ba sa inyo? Ayos ka lang ba hijo?” tanong sa akin nito.
Tumango lang ako at nag aalangang sumagot, “O-oo, salamat.”
“Sinuri na namin yung ilalim ng bahay, wala ng kahit ano doon maliban sa mga patay at sirang kagamitan. At ang nakapagtataka ay napakalamig ng buong sahig, parang nagyeyelo ito na hindi mo malaman,” ang wika ng mga kasamahan nina Wei na tumingin sa bahay.
“Ang demon fox na iyon, siya rin ang pumatay ay kumain sa sarili niyang pamilya,” ang tugon ko naman.
“At paano mo naman nalaman iyon? Huwag mong sabihing nakipagkwentuhan pa sa iyo yung demonyo?” tanong ni Wei.
“Sinabi niya sa akin, bago niya ako pagtangkaang kainin,” ang tugon ko naman sa kanya.
“Mukhang tama nga yung usap usapan ng mga tao dito. Ang biyudang may ari ng bahay ay nag asawa ulit at wala silang kamalay malay na isa pa lang Gidlis yung lalaking napangasawa niya at noong magutom ito ay kinain silang lahat. Tsk, iba na talaga sa panahon ngayon mahirap na tukuyin kung sino ang demonyo at kung sino ang hindi. Ang mga demonyong iyan ay magaling na magpanggap bilang tao!” ang wika ni Piyo sabay tingin sa akin. “Tama ba ako, Soju?” tanong niya.
Natahimik ako at tumango bilang pagtugon. “May kakaiba kay Piyo, sa palagay ko ay nararamdaman niya na hindi ako isang normal na tao. Delikado ang isang ito at sa tingin ko ay kailangan ko siyang iwasan,” bulong ko sa aking sarili bagamat pinapanatili kong mahina ang aking kapangyarihan.
Habang nasa ganoong posisyon kami naramdaman kong umakbay sa akin si Yoga at niyaya ako sa kanyang tabi doon sa gilid ng bakod. “Bukas na tayo maghanap ng matutuluyan, dito ka na lang muna sa tabi ko,” ang wika niya at naglatag siya ng tela sa damuhan, pinaupo niya ako at nilagyan ng balabal sa katawan. “Ayos ka lang ba talaga?” dagdag pa niya.
“Oo naman, mabuti na lang at hindi tayo napahamak doon,” ang nakangiti kong sagot at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.
Ipinakita sa senaryo na habang nasa ganoong posisyon ang dalawa ay nakatingin lang si Piyo sa kanila habang humihitit ng kanyang tabako. Samantala ay ipinakita rin sa senaryo na nagtatakbo ang demon fox sa kanilang kuta at sinabi nito sa kanyang mga kasama ang tungkol sa mga demon hunter na nasa bayan ng Leren doon sa sentro ng lupain.
Mula sa madilim na kweba ay lumabas ang maraming mga demon fox, at lahat sila ay nagpasyang sumugod sa bayan upang limasin ang mga demon hunter at mga tao doon na nakatira doon. Sabay sabay silang tumingin sa kabilugan ng buwan at sabay sabay ring umalulong na narinig sa kabuong isla.
“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Yoga noong bigla kong ibangon ang aking ulo noong marinig ko ang mga alulong.
“Oo, sabihin mo sa mga kasama mo ay maghanda dahil mayroong paparating,” ang wika ko naman.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong rin niya sa akin.
“Ang demon fox kanina, nagtawag siya ng alyansa at lahat sila papunta na rito ngayon,” ang seryoso kong sagot habang nakatingin sa pinakaitaas ng kabundukan.
Episode 16: Pagsalakay
Episode 16: Pagsalakay
SOJU POV
“Maghanda na tayo, sasalakayin tayo ng mga demon fox,” ang wika ni Yoga sa kanyang mga kasama.
Tumingin lang sila dito at saka natawa, “pare, ano bang sinasabi mo? Si kapitan Piyo lamang ang maaaring magbigay sa atin ng command pagdating sa paghahanda sa pakikipaglaban.”
“Pero wala na tayong oras, tawagin niyo yung ibang mga hunter, pamamahamak tayong lahat,” ang dagdag pa ni Yoga sabay lapit sa himpilan ng iba pero hindi siya pinakinggan ng mga ito kaya naman pinigil na siya at hinila ni Wei, “pare, wag naman ganyan, masyado kang maingay e. Ano bang sinasabi mong sasalakayin tayo?” tanong nito.
“Tama yung narinig mo, sasalakayin tayo ng mga demon fox ngayon, sabihin mo sa kanila na maghanda,” ang sagot ni Yoga sa kanya.
Natawa si Wei. “Pre naman, walang sumasalakay ng ganitong oras. Saka masyadong tahimik ang gabi, hayaan mo na silang magpahinga. Sino ba ang may sabi niyan? Baka naman nananaginip ka lang?” tanong nito.
“Si Soju ang nagsabi sa akin, ramdam niya na sasalakay ang mga kalaban ngayong gabi.”
“Pre, mabuti pa ay pagpahingahin mo na lang muna si Soju, at nagkaroon siya sa face to face encounter ka kanina sa demon fox kaya alam kong natrauma pa siya. Magagalit yung ibang kapitan kapag ipinagpatuloy mo ang pag iingay,” ang tugon ni Wei ako naman ay nakatahimik lang at nakatingin sa kalayuan ng bundok pinakikiramdaman kong mabuti kung kumikilos ang mga kalaban patungo dito.
“Wei, hindi ka ba naniniwala sa akin?” tanong ni Yoga sa kanya.
“Pare, naniniwala ako pero pwedeng relax lang muna?”
“Kung naniniwala ka sa akin ay hawakan mo ito, dahil kakailanganin mo iyan para ipagtanggol ang iyong sarili,” ang seryosong tugon ni Yoga sabay abot ng itak sa kamay ng kaibigan.
“BAKIT AYAW NIYO KUMILOS! HINDI AKO NAGBIBIRO! MAY SASALAKAY SA ATIN DITO! GUMISING KAYO!” ang sigaw ni Yoga dahilan para takpan ni Wei ang kanyang bibig.
“Shhhh, pare ano ba, tama na, hayaan mong magpahinga yung iba. Ilang araw silang nakatoka, kailangan nila ng pahinga,” ang pagpigil ni Wei habang hinihila ito pabalik sa tabi ng bakod.
“Ano bang ingay iyan? Bakit nambubulahaw kayo? Hindi niyo ba alam na pagod yung ibang mga hunter?” ang tanong ni Hamon, lumabas ito at lumapit sa amin.
“Hamon, kapitan may nagbabadyang panganib sa atin dito. Sasalakay ang mga demon fox at malalagay tayo sa alanganin lahat. Gisingin mo yung mga tauhan mo at maghanda tayo,” ang wika ni Yoga pero hindi pa ito tapos magsalita ay bigla siyang sinapak ni Hamon.
PLAK!
Natumba si Yoga, “Eh sino ka ba? Baliw ka ba? Hindi ba’t isa ka doon sa mga mahihinang hunter na tinangay ng mga Demon Bat? Paano kami maniniwala sa iyo? Saka igalang mo yung mga kasamahan mong nagpapahinga dahil ilang araw silang nagpapatrolya! Kung ano anong pinagsasasabi mo! Baliw! Naalog na nga ang utak mo!” ang singhal nito.
Lumapit na rin si Piyo, “Wei, ibalik mo na si Yoga doon sa inyong pwesto. Pasensiya na Hamon, maaari ka na bumalik sa iyong pagpapahinga,” ang mahinahong wika nito.
“Tara na pare, hayaan mo na,” ang pagpigil ni Wei kay Yoga dahil manlalaban ito. Pero mas makabubuting ilayo na lamang siya para walang gusot.
Kung sabagay, sino ba naman ang maniniwala sa akin e maaliwalas at tahimik ang gabi. Sino rin ang maniniwala kay Yoga, sadyang mababa ang tingin sa kanya ng mga kasamahan. Gayon pa man ay sigurado ako na may parating at nararamdaman ko ang kanilang tahimik na pagkilos. “Pasensiya na pero walang naniwala sa akin,” ang wika ni Yoga noong tumabi sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang kanyang labi na may dugo dulot ng pagkakasuntok ng pinuno ng kabilang pangkat na si Hamon, “hayaan mo na sila. Sa pagkakataong ito ay mas mahalaga ang pansariling kaligtasan kaysa sa pangkalahatan. Kung walang naniwala sa iyo ay mas mabuting isalba mo ang iyong sarili,” ang wika ko sabay kuha ng espadang puryoku na ibinigay ni Ringo.
“Sino nga ba ang maniniwala sa akin e mahina lang ako,” ang bulong niya.
“Sa tingin ko ay hindi na mahalaga kung mahina ang malakas ang basehan ng pagiging hunter. Yoga, may malalakas na Gidlis dito sa mundo, nariyan ang mga Abracas, ang mag tusong Land Snake at kung ano ano pa. Kahit maging malakas ang isang demon hunter ay hindi pa rin ito basehan ng kanyang pagiging ligtas. Ang mga demon hunter, dapat ay isinasaalang-alang rin nila ang kanilang kaligtasan at hindi basta laban lang ng laban na wala namang patutunguhan kundi kamatayan. Yoga, sa pagkatataong ito, ang mahalaga ay ang mabuhay at makaligtas. Iisang tabi mo salitang mahina, magaling o malakas,” seryoso kong wika sa kanya.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay napatingin ako sa paligid at natahimik. “Bakit? May problema ba?” tanong niya.
Huminga ng malalim, “Nasa paligid na sila. Isa, dalawa, tatlo, pito, sampu. Hindi, mas marami pa. Walang kaluskos at walang ginagawang mga ingay,” ang wika ko at dito ay hinawakan ko ang espada at ipinahawak kay Yoga ng mas mahigpit.
“Seryoso ka ba talaga? Huwag mo nga akong takutin,” ang tugon niya sa akin.
“Seryoso ako, apat, tatlo..” ang bulong ko.
dalawa..
isa..
“Nandito na sila,” ang dagdag ko pa at dito biglang tumalon sa bakod ang mga demon fox na ikinabigla ng lahat. Ang karamihan ng hunter sa aming pangkat na nakabantay sa bakod ay napugutan ng mga ulo, kinain at pinag fiestahan.
Dito ay nagkagulo na ang buong bayan. “Sinasalakay tayo! Mga GIDLIS!!” ang sigaw ng iba, sinubukan nilang makipaglaban ngunit bale wala lamang.
Nagtatakbo naman si Wei patungo sa amin, “tama ka nga pareng Yoga! Sana ay naniwala kami!” ang wika nito at nagkaroon siya malaking pinsalang kagat sa balikat.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita kong sumusugod sa amin ang halos nasa apat na demon fox kaya naman humarang si Yoga sa akin, hinugot niya ang espada at buong lakas na ginamit ito para pigilan ang mga kalaban. Sa hataw ng kanyang sandata ay nagliliyab ito at mabilis na nahahati ang katawan ng mga kalaban.
Sa isang hataw ay tatlo agad ang napatay niya ng walang kahirap hirap. “Wow, ang husay! Ang ganda ng espadang ito, napakagaan at nagliliyab pa,” ang namamanghang wika ni Yoga at dito ay nagsimula na siyang sumugod sa mga ito.
Gayon pa man ay sobrang dami ng mga demon fox na sumugod sa bayan. Halos hindi na ito mabilang, ang mga tao pinasok na sa loob at ang mga hunter sa ibang pangkat ay mga namatay.
Nagsisigaw si Hamon, hindi ito makapaniwala na totoo ang sinasabi ni Yoga kanina. Ngayon ay lumabas siya sa kanyang tinutuluyan na sugatan, puro dugo ang katawan. Hawak niya ang kanyang sandata ngunit sa laki ng kanyang mga sugat ay hindi na rin niya kakayanin. Dito ay nakita niya kung paano lumaban si Yoga, masigla ito at madaling natutumba ang kalaban.
Lumapit ako kay Hamon, “Tingnan mo ang itsura mo, kung naniniwala ka lang sa iyong kapwa ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tingnan mo ang piligid, ilang pamilya ang mga namatay, ilang hunter ang nawala? At tingnan mo ang itsura mo, nakakaawa ka,” ang wika ko sa kanya.
“Sino ka ba? At anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Ako ay isa sa pinakamahusay na hunter sa aming isla at maraming mga gidlis ang dumaan sa aking kamay. Kung inaakala mong ito na ang katapusan ko ay nagkakamali ka!” ang sigaw niya sabay balibag ng patalim sa akin dahilan para tamaan ako sa aking braso. “Iyan ang nararapat sa katulad mo! Papatayin ko ang lahat ng nais ko kaya huwag kang humarang sa aking daraanan!” ang sigaw niya.
Nagdugo ang aking braso noong hugutin ang patalim na nakatarak dito. “Kung sabagay ang mga katulad mo ay wala rin namang pinagkaiba sa mga Gidlis. Hindi dahil sa ikaw ang pinuno ay hindi ka na maniniwala sa mga taong mas mababa sa iyo. Hindi dahil ikaw ang malakas ay may karapatan ka ng maliitin ang mga tao sa iyong paligid. Ikaw ang dahilan kaya nawasak ang buong bayan ito. Ang inyong misyon dito sa isla ng Leren ay isang malaking BIGO!” ang pang aasar ko.
Lalo siyang nagalit sa akin. “Tumigil ka! Papatayin kitaaa!” ang sigaw niya sabay takbo patungo sa akin.
Isang malakas na tawa lang ang aking isinagot sa kanya at noong malapit na siya sa akin ay nagliwanag ang aking katawan at nagbago ang aking anyo. Nanlaki ang kanyang mata noong makitang naging kalahating ahas ang aking katawan “Isa kang Gidlis? Papatayin kita demonyo ka, isa kang mapagpanggap!!” ang sigaw niya.
“Ang mga katulad mo ay pinapatay, Hamon. Dito na nagtatapos ang pagiging malupit mong hunter,” ang wika ko sabay lingkis sa kanyang katawan at naging yelo ito, unti unting nabasag sa maliit na piraso. Mabilis lamang ang aking ginawa, wala pang isang kisap mata. Sinugurado kong walang sino man ang nakakita ko nakapansin.
Kanina pa ako gigil na gigil kay Hamon, kung naniwala lamang siya kay Yoga ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Ngayon, ang bayan ng Leren ay wasak na at halos wala ng natira dito. Nagkalat ang mga bangkay at iilan lamang ang mga nabubuhay.
Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko kay Hamon, ito ang nararapat sa kanya at paulit ulit ko itong gagawin kung sakaling makita ko siyang buhay.
Patuloy pa rin ang kaguluhan, nagsimula ng masunog ang mga kabahayan at kung susumahin ay wala rin mapapakinabangan pa sa mga ito. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may naramdaman akong taong nakatayo sa aking likuran.
Hindi na ako humarap sa kanya, binati ko na lamang ito, “kumusta ka na? Padre de familia? Masaya ka na ba sa ginawa mong pagtatawag ng mga kalahi mo?” tanong ko sa kanya.
Natawa ito, “tawagin mo akong Elias, ako ang pinuno ng pangat ng mga demon fox dito sa isla. Tumawag lang ako ng resbak para alam mo na, patayin ka. Ayaw kong naiinsulto ako lalo na ng isang Gidlis rin na katulad mo,” ang wika nito.
“Ang unang patakaran sa pagiging Gidlis ay bawal patayin at kalabanin ang bawat isa,” ang wika ko sa kanya.
Maya maya ay pumalibot sa akin ang kanyang mga kasamahan na nasa anyong tao pa rin. Dalawa sa aking tagiliran, dalawa sa aking likuran at dalawa rin sa aking harapan. “Pasensiya na ngunit kaming mga demon fox ay may sariling alituntunin. Ang gusto naming patayin ay papatayin namin!” ang natatawang wika ni Elias sabay hinga ng malalim at dito ay bumuga siya ng usok na animo hamog na kumubli sa amin at sa buong paligid. Sa kapal ng hamog ay halos wala ka ng makikita pa.
“Tanda mo, ang nais naming patayin ay papatayin namin sa kahit na anong paraan at walang sinuman ang makapipigil sa amin!” ang boses ni Elias at nagtawanan rin ang kanyang mga kasamahan.
Nakatahimik lamang ako, dito ay naramdaman kong tumaas ang antas ng kanilang lakas, ang ibig sabihin ay nagpalit sila ng anyo bilang mga ganap ng demon fox. Lahat sila ay kumilos at umiikot sa aking paligid, naghahanda para sumalakay.
Nilagyan nila ng kubli ang kanilang mga sarili upang hindi sila makita at hindi malaman ng kanilang mga kalaban ang kanilang gagawing pag atake.
Natawa na lang ako sa kanilang taktika, “ako rin ay may sariling batas na sinusunod sa aking sarili.”
“At ano naman iyon?” ang tanong ni Elias sa akin. Boses lang niya ang aking naririnig dahil tiyak kong nakakubli ito sa mas makapal na hamog.
“Ang aking batas ay..
“Ang mga Gidlis na MAS MAHINA sa akin ay aking papatayin,” ang sagot ko sa kanya at dito ay nagliwanag ang aking katawan at simulang magyelo ang lupa.
Gumapang ang yelo sa sa buong lupain na ikinagulat ng lahat. Ang tubig sa karagatan ay lumamig rin ang bumagsak ang temperatura.
Lalong sumiklab ang asul na awra sa aking katawan at kasabay nito ang katagang paghahamon.
“LAPIT!”
Episode 17: Misyon ng Kabiguan
Episode 17: Misyon ng Kabiguan
SOJU POV
Unti unting gumapang ang malamig na temperatura sa lupa hanggang sa tuluyan itong magyelo. Sa pagkakataong ito ay ramdam na ramdam na ang kakaibang lamig sa buong bayan. “Nais ko lamang ipaalam sa inyo na dalawang libong taon na ang itinagal ko sa mundong ito. Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatay ako sa kapwa ko demonyo,” ang wika ko sa kanila.
“Bakit hindi natin subukan?” ang panghahamon ng demon fox na si Elias.
“Tama nga naman, dapat ay subukan ninyo,” ang pagsang-ayon at dito ay lumundag ang isang kalaban sa aking likuran kaya naman tumubo ang matulis na yelo sa aking paligid at itinuhog ko ang katawan nito. Isang iyak ng lobo ang narinig sa makapal na hamog.
Wala akong makita ngunit ang pakiramdam ko ay lubhang malakas. Sa pagkakataong ito ay dalawa pang demon fox ang sumugod sa akin sa magkaibang direksyon. Dito ay ikinumpas ko ang aking kamay ay umangat mula sa lupa ang matutulis na piraso ng mga yelo na bumaon sa katawan ng mga ito.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan at nakikiramdam lang, ang akala ko ay anim lamang ang mga kalaban sa aking paligid, nagkakamali pala ako dahil marami sila at hindi ko mabilang. Malaking sagabal ang makapal na hamog na kumalat na sa buong isla dahilan para wala ng makita ang iba pa.
“Natahimik ka yata ginoo? Ang akala mo ba ay susugod ako dito na sampung kapanalig lang ang aking dalawa? Nagkakamali ka dahil maraming marami kami!” ang sigaw ni Elias at dito ay lumundag sa aking direksyon ang mas maraming mga demon fox.
“Ganoon ba? Alam mo ba kung ano ang pinakaiba nating dalawa?” tanong ko sa kanya.
“Ano iyon?” ang tanong niya sa akin.
“Iyon ay ang ating edad. Sa kasaysayan, ang pinakamatandang demonyo ang pinaka makapangyarihan sa lahat!” ang sagot ko sa kanya sabay suntok sa lupa. Nagliwanag ang buong paligid at dito ay umangat ang mga matutulis na piraso ng yelo sa lupa ang ilan dito ay nagliparan rin na animo mga patalim.
“Maaaring hindi ko kayo nakikita, ngunit ang aking pakiramdaman ay hindi pumapalya! Kaya’t kung sa tingin niyo ay magiging sagabal ang makapal na amog na inyong ginawa,” ang dagdag ko pa at dito ay huminga ako ng malalim at pinagyelo ang hamog hanggang sa mabawasan ang kapal nito.
At habang tumatagal ay lumalaki ang tipak ng mga yelo na lumilipad sa paligid dahilan para maramdaman kong umatras at dumistansiya ang mga kalaban.
I
pinakita sa senaryo na nagpatuloy ang paglipad ng mga matutulis na yelo sa buong paligid hanggang sa mabawasan ang bilang ng hukbong dala ni Elias. Sumagi rin sa kanilang isipan na tila nagkamali sila ng Gidlis na binangga dahil si Soju ay talagang malakas at imposibleng makalapit sila dito. “Elias, anong klaseng Gidlis ang hinamon mo? Pinahamak mo ang kalahati ng ating lahi!” ang wika ng kanyang kasamahan sabay takbo palayo sa bakod.
Noong mga sandaling iyon ay si Elias na lamang ang natira sa loob ng hamog kaya naman nagdesisyon siyang huwag na lang magsalita at tumakas para sa kanyang buhay. Nagsimula siyang tumakbo ngunit napahinto siya dahil sa kanyang paligid ay lumabas ang isang dambuhalang imahe ng ahas na umiilaw ang mga mata. Hindi niya makita ng malinaw ang anyo ng higanteng ito, bagamat positibong ito ay isang demon snake.
“Saan ka pupunta Elias?” tanong ng ahas sa kanya.
“Nagbibiro lang naman ako, laro laro lang naman ito,” ang natatakot na sagot nito na nanimo aso
ng
na
bahag ang buntot.
“Nagbibiro? Pwes ako ay hindi nagbibiro!” ang sagot at ahas at mabilis na nilingkis niya ang katawan ng kalaban at saka kinain ng buo. Tila naging mabilis ang labanan, unti unting nawala ang hamon at ang lahat ay naging malinaw na. Upang mapaghalataan ay humawak ng patalim si Soju at humiga ito sa lupa na kunwari ay nawalan ng malay. Sana ay sapat na ito upang hindi siya mabuko.
Makalipas ang ilang sandali ay tuluyang luminaw ang buong paligid. Dito ay narinig ko na ang boses ni Yoga na tinatawag na ang aking pangalan. “Soju, Soju nasaan ka?” tanong nito na may boses na nangangamba.
Pinilit kong huwag muna sumagot, nanatili akong nakahiga sa lupa ng walang malay bago niya ako nakita at napansin. “Soju! Ayos ka lang ba? Gumising ka,” ang pagtawag niya habang tinatapik ng marahan ng aking mukha.
“Soju, gising!”
Marahan akong dumilat at agad na luminga linga, “anong nangyari? Nasaan ang mga kalaban? Ang alam ko ay hinabol ako ng dalawang demon fox at noong mapatay ko sila ay sinugod pa ako ng iba pang kalaban at nawalan ako ng malay. Wala rin akong makita dahil sa kapal ng mga hamog,” ang wika ko na kunwari ay natatakot. “Ayos ka lang ba?” tanong ko rin sa kanya.
“Oo naman, wala nga akong gagas, hanep ang lakas ng espada ng ibinigay mo sa niyo sa akin. Nakakainis lang yung hamog, grabe sobrang kapal at halos wala na akong makita kanina. Tapos lumamig pa ng todo, parang nagyeyelo yung lupa. Ang hirap ipaliwanag ng pangyayari pero noong mawala ang makakapal na hamog ay nawala na rin ang mga demon fox sa paligid. Iyon nga lang ay wala silang iniwan, sinira nila ang lahat,” ang malungkot na wika ni Yoga habang nakayakap sa akin.
“Ayos lang ba kayong lahat? Yung may lakas pa, tulungan niyo ang mga buhay! Sa tingin ko kailangan na nating umalis sa islang ito!” ang utos ni Piyo na noon ay pagod na pagod at puro gasgas ang katawan.
Ang pangyayaring naganap sa bayan ay parang isang delubyo. Lahat ng mga bahay ay nasira at halos walang natirang tao maliban sa mga nakatago sa ilalim ng kanilang mga bahay na mayroong matitibay na harang. Ngunit mabibilang mo pa rin sa kamay ang mga nakaligtas.
Sa parte ng mga hunter ay halos bumaba na lamang sa sampu ang kanilang bilang kabilang na si Yoga, Piyo, Wei at ang ilang kasamahan nila. Napatay rin ang ibang pinuno ng mga pangkat kaya sa kabuuan ay matuturing na isang malaking “kabiguan” ang misyong ito. Gayon pa man ay magagawa pa rin nilang ilikas ang ilang mga taong natirang buhay at hayaan na lamang ang isla ng leren na pamugaran ng mga Gidlis dahil wala itong pag-asang malinis pa.
“Pero kapitan, paano tayo makakaalis dito? Ang sabi ay maaari tayong pumasok ngunit hindi tayo makakalabas,” ang wika ng isang miyembro.
“Imposible iyon, tiyak na may paraan upang tayo ay makalabas dito. Yung barkong sinakyan natin ay nagkaroon lang kaunting sira, maaari itong kumpunihin upang magamit muli,” ang wika ni Piyo.
“Pero paano yung mga sirena? Yung mga demon bat? Tiyak aatake na naman silang lahat,” ang nangangambang wika ni Wei habang nakasandal sa bago, duguan at halos hindi na masyadong makagalaw.
“May alam akong paraan upang makaiwas sa mga ito,” ang wika ko dahilan para mapatingin sila sa akin. Pati si Piyo ay napatitig sa aking mukha na parang hindi nawawala ang pagdududa sa kanyang isipan.
“At ano naman ang naisip ng isang mataas na uri ng Hunter na katulad mo? Ang sabi sa akin ni Yoga ay talaga daw mahusay ka kaya’t malaki ang inaasahan ko sa iyo,” ang seryosong salita nito.
“Magaling talaga si Soju, dahil siya ang nakaramdam na sasalakay ang mga demon fox, kung nakinig lamang kayo sa akin ay hindi mangyayari ang ganitong kalalang sitwasyon,” ang dagdag ni Yoga.
“Patawad pare, pero naganap na ang dapat maganap, sana ay wala na lamang sisihan,” ang wika ni Wei.
Maya maya lumapit naman si Piyo sa akin, “mukhang kakaiba ka nga talaga, Soju. Literal na kakaiba at nararamdaman ko ito. Sige, sa pagkakataong ito ay papayagan kitang tumulong sa amin. Ipakita mo kung gaano ka kahusay,” ang salita niya habang nakatingin sa akin ng tuwid. Hindi ko malaman kung hinahamon ba niya ako o sinusubukan lang.
“Ang una nating dapat gawin ay ang kontrahin ang mga bat demon at mga sirena sa kanilang pag atake. Hindi natin sila maaaring suungin ng lakas sa lakas dahil tiyak na wala tayong laban. Iiwasan lamang natin ang kanilang mga kamandag, iyon ang pinakamagandang gawin,” paliwanag ko naman.
“Ngunit paano?” tanong nila.
“Gawin natin ang mga simpleng kaalaman, ngunit tinitiyak kong epektibo ito. Para iwasan ang mga demon bat, kailangan nating palibutan ng maraming sulu na may apoy ang buong barko. Ang mga ito ay takot sa init kaya’t tiyak na mahihirapan silang makalapit sa atin. Iyan rin ang ginawa namin ni Yoga sa aming bangka noong nagtungo kami dito sa Isla ng Leren. At para naman sa mga sirena, kinakailangan nating maglagay ng pulang lumot ng Bernabe sa ating mga tainga.
Ang mga pulang lumot ng Bernabe ay karaniwang makikita sa ilalim ng malalaking mga bato. Pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao na ito ay nagsasala ng mga tunog sa ating paligid. Ginamit rin nila itong pangontra sa mga sirena noong unang panahon,“ ang paliwanag ko sa kanila.
“May tiwala ako sa sinasabi ni Soju, ito ang mga bagay na gamay niya,” ang pagsuporta sa akin ni Yoga.
Noong mga sandaling iyon ay hindi na kami nagpahinga, agad kaming kumilos para simulan ang naturang misyon ng pag-alis dito sa isla ng Leren. Tila ba isang malaking bangungot ang pagtapak nila dito lalo’t una pa lamang ay wala ng natira sa kanila. Gayon pa man ay napatunayan ni Yoga ang kanyang sarili na kahit papaano ay may ibubuga siya pagdating sa pakikipaglaban. Minsan ay dumarating sa punto na pinagdududahan niya ang kanyang kakayahan, pero siguro naman ngayon ay hindi na niya iisipin pa iyon.
KINABUKASAN.
Noong kumagat ang kaunting liwanag bagamat hindi naman talaga sumisikat ng matindi ang araw dito ay tumulak na kami sa malalaki kakahuyang humanap ng pulang lumot ng Bernabe. Karaniwan, ang lumot na ito ay makikita sa ilalim ng karagatan ngunit natuklasan namin nina Ringo na tumutubo rin ito sa ilalim ng malalaking batuhan na may mga basang lupa.
Naghati ang aming grupo, ang iba ay nagtungo sa ibang parte ng kakahuyan upang kumuha ng mga kawayang lalagyan ng sulu, ang iba naman ay naiwan sa bayan lalo na yung may malubhang tama katulad ni Wei. At kami naman ni Yoga ang naghanap ng lumot. Habang umaakyat kami sa mga batuhan ay parang babae niya akong inaalalayan. “Dahan dahan, alam mo bang nag-alala ako sa iyo kagabi?” ang wika niya sa akin.
Natawa ako, “ano ka ba, alam mo naman na kaya ko ang sarili ko. Doon sa aming isla ay wala namang nagtatanggol sa akin kaya natutunan ko na rin ang lumaban,” ang wika ko habang nakangiti.
Tahimik..
“Teka, gusto mo bang sumama sa akin sa aming isla?” tanong niya ulit.
Napaisip ako, “sa palagay ko ay hindi ako maaaring sumama sa iyo sa inyong isla dahil marami pa akong dapat ayusin sa aming lupain. Pero huwag kang mag-alala dahil dadalawin kita doon. Balita ko ay may babae ka daw at marami ka ng nakakatalik na babae doon kaya lahat sila ay hina-hunting ka,” ang hirit ko na may halong paninita.
Natawa siya, “at sino namang tsimoso ang nagsabi nito sa iyo, aber?” tanong niya.
“Si Wei, isa ka daw perpektong babaero,” ang tugon ko naman.
“Gago talaga iyang si Wei, siraan pa ba ako,” pagmamaktol niya.
“Totoo naman diba? Sikat ka nga daw sa isla niyo sa tawag na kantutero ng mga babae,” ang hirit ko pa
“Eh masarap naman kasi ako bumayo diba?” pilyo niya sagot habang nakangisi.
“Sira ka talaga,” ang tugon ko sabay tulak sa isang malaking bato, na halos kasing taas ko na. Dahilan para mapanganga si Yoga, maging ako ay nabigla rin, nawala sa isip ko na tao nga lang pala ako ngayon.
Natumba ang bato sa lupa..
“Tang ina, paano mo nagawa yun?” tanong niya na hindi makapaniwala.
Ngumiti ako at mabilis na umisip ng palusot, “ang bato ay madaling matutulak dahil basa ang lupa, malapit tayo sa ilog diba?”
“Weh, parang hindi naman, paano mo nga nagawa yun?”
“Iyon nga ang dahilan, teka bakit hindi mo subukan? Eto, mas malaki itong bato, subukan mong itulak,” panghahamon ko naman.
“Sa laki niyan ay imposible ang sinasabi mo, Soju.”
“Bakit hindi mo subukan?”
Edi ayun nga, wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa bato at subukang itulak ito. Inipon niya ang lakas sa kanyang braso at buong lakas na itinulak ang malaking bato. Ako naman ay natatawa lang at pasimpleng hinipan ang ilalim nito dahilan para bigla na lamang itong maalis sa pwesto at matumba.
Nagulat si Yoga..
“Diba? Madali lang naman igalaw ang mga bato, simpleng pwersa lang ang kailangan. Ano, bilib ka na ba?” nakangiti kong tanong samantalang nakatingin lang siya sa kanyang kamay ay hindi makapaniwalang nagawa niya ang ganoong bagay.
“Noong una ay akala ko imposible dahil sobrang bigat ng bato. Pero bigla na lang itong gumalaw at natumba,” namamangha niyang sagot.
“Nakita mo na? Magaan lang diba? Kasi basa yung lupa,” ang sagot ko at dito ay kinuha ko ang lahat ng pulang lumot sa ilalim nito saka inilagay sa isang lalagyan.
Sa kabuuan ay limang malalaking bato ang aking itumba para makakuha ng sapat na lumot na kakailanganin namin para gamiting pangontra sa mga sirena. Bagamat bigo ang misyon sa Leren, ang bagong layunin ay makatakas ng buhay mula sa kuta ng mga kalaban.
Episode 18: Ilog ng Kaligayahan
Episode 18:
Ilog ng kaligayahan
YOGA POV
“Siguro sapat na itong lumot, ang dumi dumi ko na, baka hindi na ako maging gwapo sa paningin mo,” ang biro ko habang isinasalin ang mga kinuha namin sa iisang lalagyan.
“Gwapo ka pa rin, kahit madusing,” ang tugon niya habang nakangiti. Samantalang ako naman ay nakatingin lang sa ilog na maganda ang daloy ng tubig, malinaw ito at mukhang presko ang maligo. Iyon nga lang medyo mababaw at maraming batuhan. “Maganda sana doon sa ilog, kaso baka may mga kalabang Gidlis.”
“Masyadong mababaw ang ilog para magkaroon ng Gidlis, sa tingin ko ay ligtas naman itong paliguan,” ang wika ni Soju habang nakatanaw rin sa naturang ilog na parang sinusuyo ito. Medyo malamlam naman ang paligid kaya natuwa ako na parang bata at mabilis na nagtatakbo patungo doon. Agad kong hinubad ang aking mga saplot sa katawan at mabilis na naglunoy sa pinakamalalim na parte nito na hanggang bewang lamang. “Soju, halika na, malamig ang tubig at presko pa,” ang pagyaya ko sa kanya.“
Nakangiti lang siya, lumapit ito sa akin at pinulot isa isa ang aking saplot saka itinabi sa ilalim ng puno. “Alam mo para kang ahas, Yoga, yung mga pinag hunusan mo ay naka-kalat lang lahat dito sa lupa.”
“Pasensiya na masyado kasi akong naexcite. Tara na dito, hindi ako aahon kapag hindi mo ako sinamahan, sige ka ikaw rin,” ang pang pagmamaktol ko kunwari.
Lumapit si Soju sa aking harapan, dito ay agad niyang hinubad ang kanyang saplot dahilan para tumambad sa akin ang kanyang kakikinisan. Napakaputi niya talaga, daig pa niya si Alisa bagamat ang braso ay medyo bilugan at ang dibdib medyo putok rin, ang tiyan ay may abs rin na perpekto ang pagkakagawa. Kung sa bagay ay isa rin siyang mahusay na hunter sa labanan kaya’t ang kanyang katawan ay hinubog sa hirap.
Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko namamalayang nabubuhay na pala ang aking alaga at ngayon ay nakatirik na ito, mabuti na lamang at hanggang bewang tubig sa aking pwesto, hindi ito nakikita.
May mga ilang parte sa ilog na mababaw at maraming batuhan sa paligid kaya hindi naman kami basta basta makikita ng kung sinumang daraan. Lumapit ako ng bahagya kay Soju at saka inalalayan ko siya sa paglusong dito sa ilog. Pareho kaming naglunoy ng kaunti upang maalis ang putik at dumi sa aming mga katawan.
Habang nasa ganoong posisyon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili, gusto ko siyang halikan at yakapin habang pinagmamasdan ko siyang nagkukuskos ng kanyang katawan. Pero sa kabilang banda ay nilalaban ko ito, tangina hindi naman ako abusado, hindi ako malibog at lalong hindi ako nag tatake advantage. Ito ang bulong ko sa aking sarili pero noong mapalingon ako sa aking manoy ay nagwawala na ito at tigas na tigas.
“Tangina kumalma ka, kakapasok mo lang kahapon diba?” ang bulong ko pa habang pinagmamasdan si Soju na nasa batuhan at kinukuskos ang kanyang mga hita.
Lalo lang nagwala ang aking alaga noong makita ko ang kanyang makinis at mabilog na puwetan.
Hindi ko na namalayan na lumalakad ako patungo sa kanya at noong makalapit ako ay agad kong hinimas ang kanyang matambok na likuran. Napatingin lang siya sa akin at hindi naman ito tumutol sa aking ginagawa.
Tila umabot na naman sa ulo ang aking libog noong mga sandaling iyon. Para akong isang mabangis na hayop na sumunggap sa kanyang hubad na katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit agad na sinunggaban ang kanyang mapulang labi. Walang pagtutol, muli niyang ipinaubaya sa akin ang kanyang sarili.
Habang naghahalikan kami ay kinuha ko ang kanyang kamay ay pinahawak sa aking mala-bakal na alaga. Nagtaas baba ang kanyang kamay dito habang ang ako naman ay nakatuon lang sa sibasib sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Nakikita kong nasasarapan na siya sa aking ginagawa kaya naman mas bumaba pa ako sa kanyang dibdib at sinunggaban ang kanyang nipple. Para akong gutom na bata habang sinusungkal ito kaya naman napaungol siya ng husto, nabitawan niya ang aking nagwawalang sandata at napakayakap sa aking katawan ng mahigpit. Naririnig ko rin ang kanyang impit na halinghing tanda ng sarap na nararamdaman.
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa itulak ko ang kanyang ulo pababa sa aking alaga, agad niya itong hinahawakan at isinubo. Sinimulan niyang silindruhin ang pinaka ulo pababa sa matabang katawan nito. Damang dama ko ang init ng kanyang bibig noong mga sandaling iyon kaya naman napatingala na lamang ako habang hawak ko ang kanyang ulo at inaalalayan ito sa kanyang pagtaas baba. Paminsan minsan ay nauubo siya lalo na kapag nadadala ako sa matinding sarap at binabayo ko ang kanyang bibig ng marahas. Hindi rin nakakasawang pagmasdan ang kanyang gwapong mukha habang subo ang aking alaga.
SOJU POV
Hindi na ako nakatanggi dahil ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso gayon rin ang init ng kanyang katawan. Punong puno ang aking bibig dulot ng matigas na alaga ni Yoga, gayon pa man ay ayokong bitinin ang sarap na nararamdaman niya kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagsuso sa kanyang mala adobe sa tigas na kahabaan.
Makalipas ang ilang sandali ay pinasampa niya ako sa batuhan at pinatuwad, ibayong kiliti ang dumaloy sa aking kaibuturan noong maramdaman ko ang dila niya na naglalaro sa paligid ng aking butas. Hindi ko tuloy maiwasan napaungol at mapakagat labi. Paminsan minsan ay ibinubuka niya ito at saka ipapasok ang kanyang daliri upang laruin at padulasin ng husto. Samantalang nanginginig ang aking kalamnan sa matinding sarap, nanghihina rin ang aking tuhod sa matinding kasabikan.
Halos ilang minuto rin niya dinadaliri ang aking butas at noong madulas na ito ay naramdaman ko ang ulo ng kanyang alaga na pumasok dito dahilan para mapa ungol ako ng impit sa kakaibang sakit. Kahit pinasok na niya ako kahapon ay hindi pa rin ako nasasanay. Gayon pa man ay alam na niya ang gagawin upang hindi ako mahirapan ng todo dahil mabagal ang kanyang ginawang pag ulos, kapag nasasaktan ako ay humihinto siya at hinahayaang nakababad sa akin ang kanyang malaking alaga.
Ilang sandali rin niya akong inaalalayan hanggang sa tuluyan niyang naibaon ang kanyang kahabaan sa aking butas. Pakiramdam ko ay may nakatarak na mahaba at matigas na bakal sa aking pwetan at sa tuwing pagtatangkaan kong gumalaw ay humahagod ito na nagbibigay sa aking ng pinaghalong sakit at sarap.
Nagsimulang bumayo ng mabilis si Yoga, ngayon ay para kaming aso sa aming posisyon, masyado akong nakatuwad kaya’t ramdam ko ang bawat pagpasok at pagbaon ng kanyang matabang alaga. Ngayon ay wala ng sakit at puro sarap na lang ang aking nararamdaman. Swabe ito, madulas at nakakabaliw sa pakiramdam.
Ilang minuto rin kami sa patuwad na posisyon bago niya ako hilahin patayo at yakapin ng mahigpit. Tuloy pa rin ang pagbayo niya at sa pagkakataong ito malakas na ang hampas at masidhi ang pasok ng kanyang alaga sa aking butas. Habang mabilis niya akong inaararo ay kinapa niya ang aking alaga at mabilis rin itong sinalsal dahil para labasan agad ako. Habang sumusumpit ang aking katas ay napapaungol siya dahil sumisikip daw ang aking lagusan.
Sunod sunod na marahas na pagbaon at pag ulos ang kanyang ginawa hanggang sa tuluyang sumabog ang kanyang semilya sa aking kaloob looban. Literal siyang napasigaw ng impit habang sumusumpit sa aking kaloob looban ang kanyang katas. At bago niya ito hugutin ay bumayo pa siya ng ilang beses pa.
Muli kaming naghalikan, lumusong kami sa mas malalim na parte ng ilog upang hugasan ang aming mga katawan. At noong matapos ang mainit na tagpong iyon ay nagpasya kaming bumalik sa bayan dala ang pulang lumot ng Bernabe.
“Wow, ngayon lang ako nakakita ng ganitong lumot,” ang namamanghang wika ni Wei.
“Kadalasan ay hindi talaga pinapasin ang lumot na ito dahil hindi nila alam ang gamit. Karaniwan ay babasain ito at ibabalot sa tela. Kailangan ang balot nito ay sakto sa butas ng ating tainga. Ang lumot na ito ay may kakayahang salain ng mga tunog sa ating paligid at papalitan niya ito ng malunay na musikang nakakapag pakalma ng utak. Sa ganitong paraan ay mapipigilan natin ang panghihipnotismo ng mga sirena,” ang wika paliwanag ko.
“Teka ito ba ay nasubukan mo na Soju?” tanong ni Wei.
“Hindi pa, pero sigurado ako sa aking sinasabi,” ang tugon ko naman.
“Pambihira ka naman pala, pero sige pwede na iyan! Kumuha tayo ng maraming tela at bilangin natin kung ilan ang mga taong bibigyan. Sa tingin ko naman ay sapat na ang lumot na dala nina Yoga para mabigyan ng proteksyon ang lahat,” ang dagdag niya habang nakangiti.
At iyon ang set up, noong araw na iyon ay nanguna ako sa paggawa ng proteksyon gamit ang pulang lumot ng Bernabe, inilalagay ko ito sa tela at itinatali upang magkasya sa tainga ng magsusuot. Ngayon ay natuto na rin sila kung paano kokontrahin ang mga sirena at sa pagkakataong ito ay tiyak na lalaganap ang impormasyon sa iba’t ibang bahagi ng isla. “Pero nais ko lamang ipaalam sa inyo na ang musika at himig lamang ng mga sirena ang lalabanan nitong lumot ng Bernabe, kung sakaling mahulog kayo sa karagatan ay kakainin pa rin kayo ng mga sirena kaya hindi pa rin kayo ligtas,” ang paalala ko sa mga taong bayan na natira mula sa trahedya kagabi. Iilan na lamang sila kaya dapat ay ilikas na.
“Eh ano naman ang pangontra sa mga sirena para hindi ka nila kainin kapag nasa dagat na?” tanong ulit ni Wei.
“WALA, ang ilalim ng tubig ay ang teritoryo ng mga sirena, kapag nahulog ka dito ay kakainin ka nila pwera na lang kung malakas ang katawan mo at ikaw ay may kakayahang labanan sila sa ilalim ng tubig. Pero para sa atin na nakasakay sa barko ay malaki ang maitutulong ng pulang lumot na ito,” ang tugon ko naman habang ipinamamahagi ang aking ginawa.
Halos gabi na rin noong dumating ang ibang pangkat sa pamumuno ni Piyo, dito ay ibinalita niya na ang barko ay nakumpuni na at nilagyan na rin nila ito ng maraming tulos na kahoy na may mga tela na maaaring maging sulu sa buong paligid. “Sigurado ka ba sa lumot na iyan?” tanong ni Piyo sa akin.
Natahimik ako pero biglang nagsalita si Yoga, “Sigurado, buo ang tiwala ko sa kaalaman ni Soju. Mainam na yung mayroon tayong proteksyon kaysa sa wala.”
“Kung gayon ay aalis na tayo bukas na bukas rin, ang itong putang inang isla na ito ay ibigay na lamang natin sa mga demonyong iyan!” ang wika ni Piyo sabay alis sa aming harapan.
“Mabuti naman at aalis na tayo, hindi ko na kayang manatili dito ng isang araw pa!” ang dagdag naman ni Wei.
“Sandali, siguro ay hindi magiging madali ang lahat mula ngayon,” ang pagpigil ko sa kanilang lahat.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong sa akin ni Yoga.
“Matatalino ang mga bat demon, kapag alam nilang aalis at tatakas ang kanilang mga pagkain ay sila na mismo ang pupunta sa mga ito,” ang tugon ko sabay turo sa itaas ng kalangitan.
Noong mapatingala silang lahat ay napanganga na lamang ang kanilang mga bibig noong makita ang napakaraming demon bat na lumilipad sa kalangitan at lahat ng ito patungo sa amin. Isang batalyon, nangingitim ang kalangitan na para bang may delubyong parating.
Ang lahat ay napako na lamang sa kanilang kinatatayuan dahil sa matinding pagkabigla. Ako naman ay naghanda na lamang dahil kaunti lamang ang aming bilang at walang pag-asang manalo sa ganitong sitwasyon.
Episode 19: Sandaling Paghihiwalay
Episode 19: Sandaling Paghihiwalay
SOJU POV
“Katulad ng sinabi nila, pwedeng pumasok sa Islang ito pero hindi na maaaring lumabas. Noong matunugan ng nga Bat Demon na tayo ay lilisan na dito ay hindi sila papayag, sila na mismo ang nagpunta sa atin,” ang wika ko habang nakatingala.
“Ano pa bang hinihintay natin? Takbo na!” ang sigaw ni Yoga sabay hila sa akin. “Yung mga nasirang bahay, maaari pang gamitin ang mg ilalim noon!”
“Yung mga bata buhatin niyo! Dito kayo sa underground” ang sigaw naman ni Piyo.
Agad naming inalalayan si Wei dahil hindi pa rin ito makatakbo ng maayos sa pinsalang natamo niya sa mga demon fox kagabi. Kung tutuusin ay kaunti na lamang ang natitira dito sa bahay. Nasa mahigpit kumulang 30 na lamang mga sibilyan, ang mga hunter kabilang sina Yoga, Wei at Piyo ay halos nasa 40 na lamang. Lahat ay nalimas na ng mga Demon Fox kagabi noong sila ay sumalakay. Pwera si Hamon dahil kinain ko siya, naiinis kasi ako sa pagiging swapang at mayabang niya.
“Malapit na sila! Bilisan niyo! Ayoko pang mamatay!” ang sigaw ni Wei.
Malapit na ang mga demon bat, rinig na rinig ang matinding pagaspas ng kanilang mga pakpak. Ang ibang mga hunter ay mabilis na iniangat sa ere at pinag gutay gutay ang mga katawan. “Pasok na!” ang sigaw ni Yoga sabay hataw ng espada sa kalaban palapit sa kanya. Kabila naman ay naroon si Piyo na pinapatay ang mga kalaban sumusugod sa kanilang direksyon. Buo ang loob niyang protektahan ang mga natitirang taong bayan sa pagpasok nito sa lagusan sa ibaba.
“Pasok na Yoga!” ang sigaw ni Wei sabay hila kay Yoga papasok sa butas sa ilalim, agad namin isinara ang pintuan nito ikinandado upang walang makapasok kalaban.
Tahimik.
Hingal na hingal kaming tatlo habang nasa loob.
“Talagang hindi tayo makakaligtas sa dami ng kalaban sa itaas!” ang wika ni Wei habang nakasilip sa maliit na butas sa itaas na pinto.
“Kung mananatili dito ang mg demon bat na iyan ay malabo tayong makaalis ng isla,” ang bulong ni Yoga habang nakasilip sa awang pintuan. Maya maya ay nagulat siya noong malampagin ng kalaban ang aming pintuan.
Mula dito sa ilalim kung saan kami na pwersto ay rinig na rinig namina ng isang katerbang mga demon bat na nag iingay sa buong paligid. Ang mga marurupok na pintuan ng iba ay napapasok nila ng madali kaya maririnig mo rin ang sigawan ang mga kawawang biktima. “Nagtakip ng tainga si Wei, “ayokong marinig! Nakakaawa yung ibang mga bata! Pati yung ibang kaibigan nating hunter ay kinakain na rin!” ang tatakot na wika nito at mas lalo siyang nataranta noong masira ang kandado ng aming pintuan kaya si Yoga ay nakipag hilahan sa mga kalaban. Pilit nila itong binubuksan pero pilit ring hinihila ni Yoga pasara!
Malalakas ang kalampag sa itaas, puro pagaspas ang iyong maririnig na parang nag pipiyesta ang mga bat demon. “Wala talaga silang balak umalis hanggang hindi tayo nalilimas,” ang bulong ni Yoga.
Madilim ang paligid, habang nagkakagulo ang mga demonyo sa labas ay bigla na lamang may flash na liwanag dito, sunod sunod ito at kasabay noon ang katahimikan, para bang naliparan palayo ang mga bat demon. Para bang may nagtaboy sa kanila na hindi ko lubos maunawaan.
“Ano yung liwanag na iyon?” tanong ni Wei kay Yoga habang nakakapit ito sa pintuan.
“Ewan ko, parang may kumidlat e, parang may dumating para itaboy yung mga halimaw,” ang sagot ni Yoga na pilit sinisilip ang kaganapan.
Puro pagaspas palayo ang aming narinig at kasabay noon ang panandaliang katahimikan ng paligid.
Tahimik.
“Ano na ang nangyayari?” tanong ni Wei.
“Wala akong makita, wala rin akong marinig maliban sa kumakalam mong tiyan,” ang sagot ni Yoga sa kanya.
“Pasensiya na pare, nakakagutom talaga ang matinding takot. Buhat noong makagat ako at mapurohan ng mga demon fox kagabi ay parang nabahag na ang buntot ko,” ang malungkot na wika nito.
“Natural lang iyan, kailangan mong magpagaling para makarecover ka ulit,” sagot ni Yoga sa kanya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay may naramdaman akong lumapit sa pintuan ng aming pinagtataguan. Kumatok ito at sumilip saka iniagat ang harang. “Hoy Soju, hanggang kailan mo ba balak mag tago?” tanong nito habang nakangiti.
“Hindi ba’t iyan yung kaibigan mong mangingisda rin? Bakit nandito siya?” Hunter din ba iyan?“ tanong ni Yoga noong makilala ito.
“Ringo! Salamat dumating ka! Ikaw ba ang nagtaboy sa mga Bat Demon?” tanong ko sa kanya.
“Oo pero hindi ako nag iisa,” ang wika niya at dito ay sumilip sa kanyang likuran ang magkapatid na sina Lyra at Loren. “Kasama rin kayo?” tanong ko sa kanila.
“Oo naman, ang mga hunter ay nagtutulungan diba?” ang hirit ng dalawa sabay sa amin paitaas. Sa sobrang saya ay niyakap ko silang tatlo at naglundagan kami na parang mga bata na ngayon lang ulit nagkita kita. “Kumusta ka na Soju? Parang nangayayat ka yata? Siya ba yung lalaking gusto mo? Hmmm, gwapo naman saka parang mabait naman siya,” ang puna ni Lyra habang nakasulyap dito.
“Shhh, huwag kang maingay Lyra, salamat talaga at dumating kayo, kundi ay baka nabulok na kami dito,” ang wika ko naman.
“Naku, kayang kaya mo naman patayin ang lahat ng iyan, isang ice beam lang ang katapat niyan eh!” ang hirit ni Loren dahilan para takpan namin ang bibig nito.
“Sshhh, si Soju ay isang simpleng mangingisda lamang dito. Walang nakakaalam na “you know” siya maliwanag ba? Mag ingat sa pag tukis okay? Kung hindi sigurado ang sasabihin ay close your mouth na lang,“ ang bulong ni Ringo sa kanya.
Tawanan kami..
“Mga hunter din ba iyan? Sigurado ka?” tanong ni Wei sa amin.
“Oo naman, mas mahuhusay sila sa akin,” ang sagot ko habang nakangiti.
“Pero bata lang iyang dalawa,” ang nagtatakang wika nito habang nakatingin kina Lorean at Lyra.
“Excuse me kuya no, 900 years old na ako,” ang hirit ni Loren kaya naman muli naming tinakpan ang bibig nito. Sadyang hindi lamang niya nacocontrol ang kanyang bibig.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay isa isang kinatok ni Ringo ang mga pintuan sa ilalim at pinalabas ang mga taong nakatago dito, “Okay, makinig kayo, aalis na kayo ngayon dito sa Isla ng Leren, dahil ang islang ito hindi na ligtas para sa inyo,” ang wika niya habang nakangiti.
“Eh sino naman itong mga to?” tanong ni Piyo.
“Mga kaibigan kami ni Soju, mga kapwa niya Hunter, alam namin na dito siya nagpunta kaya sinundan namin siya. Kami na rin ang inyong rescue, ngayon oras na para umalis. Wala na tayong oras dahil ang mga bat demon ay tumawag pa ng maraming alyansa,” ang sagot ni Ringo.
Napakunot noon si Piyo, kokontra sana ito ngunit wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod. Marahil ay alam niyang walang paraan para makatakas kundi ang makipagtulungan kahit sa mga taong hindi kilala. Maya maya ay humarap sa akin si Ringo, ginamit niya ang kanyang kakayahang makipag usap sa isipan para magpadala ng mensahe sa akin.
“Kailangan mo na magpaalam kay Yoga, kailangan na nilang umuwi at umalis sa lugar na ito. Pipigilan natin ang mga Bat Demon hanggang sa makasakay sila sa Barko at makaalis. Itutulak naman ni Loren ang barko para mas mabilis itong makalayo sa isla. Tiyak na hahabulin ng mga demon bat ang barko kaya kailangan nating pigilan ang bawat isang lalabas sa islang ito,” ang wika niya sa aking isipan.
“Naunawaan ko, gawin na natin ang plano dahil parating na ang mas malaking hukbo ng kalaban, mas mahihirapan tayo kung maabutan tayo dito,” ang tugon ko naman at dito ay mabilis na nagbigay ng opisyal na plano si Ringo para makatakas sa isla.
Ang lahat ay sumang ayon, naglagay na rin sila ng takip sa kanilang tainga upang pangontra sa mga sirenang naghihintay sa karagatan. Hindi ko akalain na ganitong kabilis matatapos ang misyon, bagamat nabigo ito ay masaya pa rin ako dahil nakasama ko si Yoga at sa sandaling oras na iyon ay inangkin namin ang isa’t isa.
“Parating na sila, tayo na!” ang wika ni Ringo at dito ay nakita namin ang isa pang malaking hukbo ng mga bat demon na lumilipad patungo sa amin.
“Sige na, umalis na kayo, ako na ang bahala dito,” ang wika ni Lyra.
“Hindi pwede! Hindi ka pwedeng iwanan dito,” ang wika ko sa kanya.
“Soj, parte ito ng plano, susunod ako agad,” ang nakangiting sagot niya kaya naman nagsimula na kami umusad patakbo sa kakahuyan. Mabilis ang aming takbo at sa kaluyuan ay nakita kong nagliwanag ang katawan ni Lyra at naglabas ito ng maraming tinik na kulay berde. Lumipad ang lahat ng iyon sa mga kalaban sa itaas. Umuulan ng mga tinik sa paligid, pati sa aming itaas ay bumabagsak ito. “Sira talaga si Lyra, hindi niya makontrol yung ano niya!” ang asar na salita ng kapatid na si Loren habang patuloy kami sa pagtakbo palabas sa isla kung saan naroon ang barko.
Marami pa rin ang mga kalaban sa itaas, ang iba ay dinadagit na kami kaya naman huminto si Ringo. “Sige na umalis na kayo!” ang sigaw nito.
“Teka isasakripisyo mo rin ba ang sarili mo? Katulad ng ginawa ni Lyra?” tanong ko sa kanya, ang pag uusap ay gamit ang aming isipan.
“Sira, hindi pa ako nababaliw para gawin ito. Takbo na, kailangan na nilang makarating sa barko. At huwag kang sasama shuta ka ha, malandi ka rin e!” ang inis na sagot sa akin ni Ringo dahilan para matawa ako.
Ipinagpatuloy namin ang pagtakbo palabas sa kakahuyan hanggang sa makita na namin ang pampang kung saan naroon ang barko. Samantalang noong makalabas kami sa kakahuyan ay bigla na lamang sumiklab ang mga dilaw na liwanag, kumikidlat sa loob nito, gumuguhit rin ang spark ng kuryente sa ere na animo kidlat na tumatama sa mga nagliliparang kalaban.
“Ano yun?” tanong nila.
“Wala ito, isang espesyal na pampasabog na produkto sa aming isla! Iyon ang ginamit ni Ringo para itaboy ang mga kalaban, bilisan niyo umakyat na kayo sa barko!” ang utos ko kanila.
Hinawakan ni Yoga ang aking kamay, “halika na, sumama ka na sa akin, please,” ang pakiusap niya.
Ngumiti ako at bumitiw sa kanyang pagkakahawak, “kailangan kong manatili dito upang tulungan ang mga kasamahan ko. Magkikita pa naman tayong muli, pupuntahan kita doon sa isla niyo,” ang wika ko sa kanya.
Bumakas ang kakaibang lungkot sa mukha ni Yoga noong mga sandaling iyon. “Pero ayokong mawalay sa iyo. Mahal kita Soju, ikaw ang gusto kong makasama sa buhay ko,” ang wika nito.
“Mahal rin kita Yoga, pupuntahan kita pangako, hindi ito ang huling pagkikita natin,” ang wika ko sabay yakap sa kanya. “Sige na, umakyat ka na sa barko, umalis na kayo!”
“Hihintayin kita, Soju,” ang wika niya sa akin at dito ay hinubad niya ang kanyang kwintas saka isinuot sa akin. Ginawaran rin namin ng halik sa bawat isa.
“SHUTA KA SOJU! Paalisin mo na sila!! Sail now, landi later! Bilis naaaaa!” ang sigaw ni Ringo sa aming isipan.
Bumitiw ako ng halik kay Yoga at dito ay nagtatakbo ito paakyat sa barko. Ako naman ay huminga ng malalim at nagsimulang magyelo ang buong paligid. Umakyat ang aking pwersa sa itaas at ang mga bat demon ay nanigas na animo rebulto.
“Loren, ikaw na ang bahala!” ang sigaw ko sa kanyang isipan.
Tumango si Loren, tumalon ito sa tubig at dito ay nagsimulang gumalaw ang barko palayo. “Pwede bang patulong?” boses ni Loren.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“May batalyon ng mga sirena sa tubig, ngayon nagtatangka silang habulin ako,” ang wika nito.
“Diretso ka lang, ako na ang bahala,” ang tugon ko sa kanya at dito ay nagliwanag aking mga mata at nagsimulang magyelo ang tubig.
Ipinakita sa senaryo na gumapang ang yelo sa karagatan kaya naging anyong malaking sawa si Loren at mas binilisan niya ang paghila sa barko. Ang mga sirenang nakasunod sa kanila ay inabot ng yelo at nanigas.
At noong mga sandaling iyon, sina Soju, Ringo, Loren at Lyra ay sa isip lamang nag uusap-usap.
Samantala sa barko ay gulat na gulat ang lahat kung paano nakakagalaw ng mabilis. Hindi rin nila maipaliwanag kung paano nangyaring nagyelo ang paligid ng isa at ang karagatan sa paligid nito. Tumigil lamang ang paggapang ng yelo noong makalayo na ang barko sa paningin ni Soju.
Ibayong lungkot ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Nakatanaw lang ako sa barko na noon ay napuno ng maraming liwanag ng sulu sa paligid. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nararamdaman noong mga sandaling iyon. Tila ba nalungkot ang aking puso, parang bumagsak ang metro ng aking kaligayahan.
Habang nasa ganoong posisyon ako at naramdaman kong inakbayan ako ni Ringo, “umuwi na tayo, Soj. Gigil na gigil na sa atin itong mga demon bat at yung mga sirena sa karagatan.”
“Salamat sa inyong lahat, ngayon ay alam kong ligtas na sila,” ang wika ko at dito ay pumatak ang luha sa aking mga mata dala ng emosyon na hindi ko lubos na maipaliwanag.

