Way Back Home (BXB)
ThePageWriter · 7 chapters · 5,340 words
SYNOPSIS
Note:
PAPASKO
KO PO ITO SA MGA FOLLOWERS KO. I WROTE THIS STORY TWO DAYS AGO. 6 PARTS LANG PO ITO KAYA
SANA
AY
MAGUSTUHAN
NIYO
PO.
-TPW
SYNOPSIS
Matagal ng magkaibigan si Gerard at Neil. Sa katunayan ay para na nga silang magkapatid kung magturingan. Kung nasaan ang isa ay nandoon din ang isa.
Pero sa loob ng pagkakaibigang ’yon nabuo ang pagtingin nila sa isa’t-isa na hindi nila alam kung hanggang kailan nila kayang pigilan at panghawakan dahil habang lumalalim ang nararamdaman nila sa isa’t-isa ay mas nagiging imposible ring maging sila.
PART 1: The Good Boy and the Bad Boy
Part 1: The Good Boy and the Bad Boy
NIEL
Last day ng enrollment ng college namin at kasalukuyan kong pinapanood si Gerard sa ’di kalayuan na nakikipag-usap sa isang ka-block namin na laging nagbibigay ng chocolate at kung anu-ano pa sa kanya kada Linggo. Walang palya ’yon.
Mukang may ngangawa na naman sa’kin next week at hahanapin si Gerard.
Siyempre, ito naman ako, aaluin at papakalmahin ’yong babae. Paulit-ulit lang.
Nakakaumay. Nakakasaid ng pasensya. Nakakawalang gana. Pero ganoon pa man ay wala rin naman akong magawa, kaibigan ko si Gerard eh.
“Okay na?” Iyon ang bungad kong tanong sa kanya nang matapos silang mag-usap no’ng babae.
“Yeah. Plain. Boring. Masyadong may gusto sa’kin. Walang thrill,” aniya bago siya umakbay sa’kin.
“Wala namang bago,” kumento ko sa sinabi niya dahil iyon naman ang totoo. Pagtapos niyang landiin at pakiligin, iiwan niya na sa ere ’yong may mga gusto sa kanya.
Player.
“Sorry na agad,” aniya sabay pisil sa pisngi ko na lagi niyan ginagawa.
“Ahh,” sabi ko at piningot ko ang pisngi niya kaya nauwi sa guluhan ng buhok, tulakan at barusan ang simple naming pisilan.
Habol-hininga kaming dalawa habang nakayuko dahil nagpaunahan kami sa pagtakbo papunta rito sa dormitory kung saan parehas kaming nakatira.
“Talo ka!” Sabi ko.
“Daya!” Aniya kaya siya ang maghuhugas mamaya ng mga plato.
“Bagal mo. Parang hindi ka nagte-training sa campus, eh,” pang-aasar ko dahil iyon naman ang totoo. Member siya ng basketball team ng campus namin pero mas lamang pa ang absent niya ro’n dahil sa pambabae kaya nagtataka rin ako minsan kung bakit siya hindi natatanggal sa varsity eh.
“Anong laban ko sa sprinter?” Reklamo na naman.
“Sino bang hamon ng hamon?” Natawa na lang tuloy ako.
“Okay,” aniya habang nakataas ang dalawang kamay na nangangahulugang suko na siya.
Kinagabihan ay busy sa paghuhugas si Gerard nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
“Hindi mo ba sasagutin ’yong tumatawag?” Tanong ko kaya mabilis siyang nagpunas ng kaniyang basang kamay at sinagot niya ang tumatawag.
“Mamaya?” Tumingin siya sa’kin. “Wala naman. Free ako,” sabi pa niya at ibinaba na niya ang tawag.
“Chicks?” Tanong ko at ngumiti naman siya ng malaki.
“Aalis ako. Lock mo na lang ’yong pinto kasi hindi ako rito tutulog,” aniya at tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
“Bawal kang magpapasok ng iba rito, ha?” Paalala niya pa.
“Gaya mo pa’ko sa’yo,” sabi ko.
“Sabagay, good boy ka nga pala. Boring!” Batos niya.
At ganoon na nga ang nangyari—umalis siya pagkatapos niyang maligo at para lang akong tangang nakatanaw sa pagsakay niya sa motorsiklo niya na bihira niya gamit.
Sobrang espesyal siguro noong babaeng ’yon dahil pupuntahan pa siya ni Gerard.
“Mabilis lang pala ’to. ’Wag mo ng i-lock ang pinto,” sabi niya sa mensahe niya sa akin at wala naman akong ginawang espesyal. Hinintay ko lang siyang dumating at pasado alas onse din siya dumating.
Naligo rin siya at nang matuyo niya ang buhok niya ay tumabi siya sa akin at niyakap niya ako mula sa likod ko.
“Gising ka pa,” aniya.
“Nasampal na naman ako,” aniya pa at seryoso akong humarap sa kanya at nakita kong putok ang gilid ng lower lip niya.
“Masaya ka pa?” Tanong ko sa kanya habang nakahawak ako sa gilid ng labi niya.
“Hindi. Masakit eh,” aniya pa at yumakap siya sa akin ng mahigpit habang ang ulo niya ay nasa dibdib ko.
Bakit ka ba laging ganyan? Tanong ko sa isip ko dahil ayoko na ng ganito pero hindi ko siya matiis dahil ayoko siyang malungkot.
Gerard naman!
Itutuloy…
Part 2: Protector
Part 2: Protector
GERARD
“Tang ina mo!” Nanggagalaiting bungad sa’kin ng kaklase ko sa isang subject last sem kaya nginitian ko siya para lalong mainis.
“Gi-ep ko ’yon, pre!” Aniya pa at natawa ako sa pagkaka-banggit niya sa gf niya.
“Gf mo pala si Aly?” Tanong ko kaya hinawakan niya ako sa kwelyo ng batch-shirt ko at tiningnan ko lang ang muka niya na naiinis. Vitamins ko na ata ’yong makakita ng naiinis na muka ng mga lalaking naiinis sa’kin.
Isang suntok ang ginawad niya sa’kin at sinadya kong hindi gumanti dahil nakita konh maraming mga nakatingin sa posisyon namin.
“Wala akong natatandaang Aly, pre,” maayos na sagot ko gamit ang paawa kong sagot at hitsura kaya nakita ko ang ekspresyon ng ibang dumadaan sa hallway ng college namin.
“Tingnan mo, oh, si Gerard, napag-trip-an na naman eh wala namang ginagawang masama si Gerard,” kumento ng isang babae na hindi ko kilala.
“Oo nga, girl! Kapag pangit laging threatened sa mga pogi!” Kumento naman ng isa na alam kong dinig din ng lalaking nasa harap ko ngayon at nag-amba na naman siya ng sutok kaya naman nang papatama na ang kamao niya sa muka ko ay itinumba ko na ang sarili ko at napasigaw ’yong mga babaeng nanonood sa’min.
“What the fuck!” Sigaw ng isang ka-block section ko na babae at itinulak niya ’yong lalaking katalo ko.
“Sino ka ba?” Tanong ng lalaki.
“I am his classmate and kilala ko si Gerard. He’s the role model of our college kaya back off! Chakang ’to!” Singhal pa ng babae.
“May oras ka rin!” Sabi pa ng lalaki kaya naman napahawak ako sa kilay ko na medyo nadugo.
“Are you okay?” Tanong ng classmate ko.
“I guess?” Sagot ko at inalalayan niya akong tumayo kaya naman napatili ang mga kasama niya.
Another potential victim pero hindi ko siya type dahil masyadong malaki ang boobs niya.
“Salamat!” Iyon lang ang sanabi ko sa kanya at nagmadali akong pumunta sa clinic dahil sa kilay ko na pumutok.
Matapos linisin ang sugat ko ay nag-cut na ako ng klase dahil first day pa lang naman ng second semester. Mamaya na ako magpapaliwanag kay Niel kung bakit absent ako.
Kinahapunan ay dumiretso ako sa bleachers malapit sa oval at pinanood ko ang mga football player ng campus namin at ako ang napapagod sa kanilang lahat dahil pabalil-balik lang sila sa pagtakbo. Ilang minuto pa akong nanood sa kanila hanggang sa dalhin ako ng paa ko sa rest room na malapit sa gymansium.
“Tang ina mo pala eh!” Sigaw ng pamiyar na boses kaya hinanap ko ang kinaroroonan no’n at nakita ko si Niel na nakikipagsuntukan sa lalaking nagpaputok ng kilay ko kanina.
Sunud-sunod ang suntok ni Niel sa lalaki at kitang-kita ko ang pagkainis ni Niel at halos wala ng nagawa ang lalaki kundi ang yumuko at hawakan ang tuhod ni Niel.
“Sa susunod na malaman kong may ginawa kang masama kay Gerard, babasagin ko ’yang muka mo,” pagbabanta pa ni Niel na alam kong kayang-kaya niyang gawin dahil bago siya naging track and field player ay sagana kaming dalawa sa training ng tito niyang boksingero sa Baguio. Idagdag pa ang height niya na 5’10 kaya nakakasindak talaga.
Although 6’0 ako ay talo ako sa pisikalan ni Niel dahil batak na batak siya sa training.
“Woah!” Sabi ko nang makaalis ’yong lalaki at mukang hindi natuwa si Niel sa sinabi ko dahil masama ang tingin niya sa’kin at nilapitan pa niya ako kaya napasandal ako sa pader at nasa ganoong posisyon ako nang hawakan niya ang putok kong kilay.
Iyan ang ayaw ko kay Niel. Sinasanay niya akong lagi niya akong bine-baby kaya hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kahit nga nauwi kami sa Baguio during semestral break ay lagi kaming magkasama. Kahit din may kinakatagpo akong babae, siya pa rin ang iniisip ko. Minsan, naguguluhan din ako sa nararamdama ko kay Niel.
Minsan, alam kong mali ang ginagawa ko sa mga babae pero hindi ako natatakot dahil alam kong nandiyan si Niel para sa’kin.
“Tigas ng ulo mo!” Puna niya sa’kin. “Kailan ka titigil ng katangahan mong ’yan? Kapag basag na ’yang muka mo o baka naman kapag wala na ako?” Aniya pa.
“Huwag kang magbiro ng ganyan,” sabi ko at ngumiti na lang ako at inakbayan ko siya kahit pawis na pawis siya.
“Gutom na na gutom na ako,” pagmamakaawa ko sa kanya habang nakahawak sa tiyan ko.
“Diyan ka lang, kupal,” pagpapaalam niya kaya naman tinanaw ko siyang nagtatatakbo papunta sa kung saan at ilang minuto lang ang lumipas ay dala na niya ang bag niya at nagpalit din siya ng damit na puti at hinayaan ko lang siyang dalhin ako sa kung saan niya gusto. Siya na rin ang nagmaneho ng big bike ko at natagpuan ko ang sarili kong nasa tapat ng paresan.
“Kain na,” aniya at pinanood lang niya akong kumain kaya inayos ko ang pagkain ng libre niyang pares.
“Ahh,” sabi ko at itinapat ko sa bibig niya ang kutsara na may lamang fried rice ay konting laman na kinain niya agad at ngumiti.
“Sarap!” Aniya kaya natawa ako dahil ang cute ng hitsura niya. Normal pa ba’ko dahil gustong-gusto kong nakikita ang mga ngiti niya? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko, masaya ako. Sobrang saya.
“Kupal, kumain ka na muna. Ako na babasag sa muka mo next time!” Aniya at pinitik ako ng mahina sa kilay kaya napaaray ako.
“Protector kita ah? Why are you hurting me?” Sagot ko.
“Protector mo muka mo!” Aniya kaya sabay kaming natawa at nagpalamon sa mundo na binuo naming dalawa.
Itutuloy…
Part 3: Another Girl
Part 3: Another Girl
NIEL
Second week ng 2nd semeter namin bilang mga sophomore students at gaya ng nakasanayan ay agad akong nagpalit ng pan-training na damit dahil malapit na ang inter-campus kung saan lagi kaming overall champion (sabi nila).
“Wala kayong training?” Tanong ko kay Gerard.
“Meron,” sagot niya pero taliwas naman ang kaniyang kilos.
“Bakit hindi ka pa nagpapalit?” Tanong ko.
“Tinatamad akong um-attend ng training,” aniya.
“Sayang scholarship, utoy!” Singhal ko.
“Hindi ko naman ’yong kailangan. Nasa list ako ng university scholar,” sagot niya at totoo naman ’yon pero iba pa rin ’yong sigurado.
“Ikaw ang bahala. Buhay mo ’yan,” sabi ko at tinapik ko siya sa likod at lumabas na ako ng P.E room.
“Sama ako sa’yo,” aniya habang nakahawak sa running shorts ko kaya naman bumaba iyon at na-expose ang boxer brief ko.
“Gagawin mo ro’n?” Tanong ko sa kanya habang itinataas ang shorts ko.
“Manonood lang,” sagot niya habang tumatayo at niyakap niya pa ako mula sa likod at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at matapos iyon ay kiniliti niya ako at nagtatakbo siya papalayo sa’kin kaya hinabol ko siya hanggang sa makarating na kami sa oval.
“Kapagod!” Aniya habang nakahiga sa damuhang bahagi ng oval kaya naman pinagmasdan ko lang siya at nagulat ako nang itinaas niya ang kamay niya sa’kin. Nangangahulugang nagpapatayo siya kaya naman kinuha ko ang kamay niya at akmang hihilahin ko na siya nang bigla niya akong hilahin papababa kaya naman nasubsob ang muka ko sa tiyan niya at tinawanan pa ako ng loko.
“Gago!” Sabi ko kaya napahiga na lang ako sa tabi niya at nagkatitigan kami bago kami tumawa at natigil lang ’yon noong may tumawag sa’kin.
“Niel!! Tawag ng ka-teammate ko kaya naman sabay kaming napatingin do’n ni Gerard.
“Panira ng pagpapahinga,” kumento ni Gerard at ako naman ay tumayo na at tinanaw namin ang isa’t-isa habang naglalakad ako papalayo sa kanya.
Mabilis na saglit lang din ay nakalayo na ako sa kinaroroonan ni Gerard at mula rito sa grandstand ay nakita kong nakaupo pa rin siya habang nakatingin sa langit.
“Warm-up na raw, guys!” Sabi ni Jeron na mas kilala sa tawag na Jollibee dahil masyado raw itong bida-bida at wala naman ako actually-ing kinakausap sa kanilang apat kahit pa si coach at iba pa naming kasabay sa training.
“Jessa, ’yong buhok mo,” sabi ni Jeron at hindi ko naman sila nilingon dahil nagsimula na akong mag-warm up mula ulo at nasa kalagitnaan ako ng pagwa-warm-up nang punahin ako ni Jeron.
Extend mo pa ’yong legs mo,“ aniya kaya naman napatingin ako sa ginagawa niya.
“May bago na palang coach ang team niyo, Niel,” natatawang puna ni Gerard kaya natawa kaming tatlo kabilang si Jessa, Francine at masama naman ang tingin ni Jeron kay Gerard.
“Hindi ko rin alam,” sagot ko kaya lalong sumama ang muka ni Jeron.
“Sagot, Jeron!” Pang-aasar ni Jessa at Francine.
“Pakialam ko,” sagot naman ni Jeron at nagmadali na akong mag-warm up at pumuwesto na ako agad para sa 100m dash kung saan kasabay ko si Gerard na suot ang extra running shoes at shorts ko.
“Ginagawa mo rito?” Tanong ko.
“11 seconds, shet!” Aniya habang hawak ang stopwatch.
“Sprinter ako,” habol hinga kong tugon at pinunasan naman niya ang muka niyang may pawis at sinunod niya ang muka ko.
“Alam ko. Wala namang nagtatanong,” sabi niya pa at pumuwesto na ako uli para sa 200 meter na sprinting.
“Ready, go!” Aniya at nagmadali akong tumakbo papunta sa finish line na kinaroroonan ni Jessa.
“26 seconds! Halimaw!” Sabi ni Jessa at pumalakpak naman si Gerard.
“Walang kupas!” Sabi ni Gerard na inabutan ako ng tubig at binasa ko lang ang labi ko no’n dahil tatakbo pa kami ni Jessa para sa 400 meter dash
“Ready, set, go!” Sigaw ni Francine at mabilis ang ginawa kong pagtakbo hanggang sa marating ko ang finish line.
“46.44 seconds! Astig!” Papuri ni Gerard at ginulo niya pa ang buhok ko kaya ginulo ko rin ang kanya.
Ilang ulit pa akong tumakbo hanggang sa sabay na kaming tumatakbo sa oval ngayon.
Unang ikot ay halos sabay lang kami at nang pangalawang ikot namin ay may kasabay na siyang babae mula sa volleyball team. Parehas silang tumatawa at sa tingin ko ay nagkakapalagayang loob na sila kaya hindi ko na sila inintindi at sumabay na lang ako kay Jessa at inabutan ko siya ng tubig na nakita ni Gerard pero hindi ko iyon pinansin.
“Salamat!” Aniya at ngumiti lang ako at inabutan ko rin ng tubig si Jeron.
“Salamat!” aniya at tumigil kami saglit sa pagtakbo. “Mukang type no’ng si Paula ’yong kaibigan mo,” aniya at tumingin kami sa dalawa.
“Muka nga,” sagot ko at nag-cool down kaming dalawa ni Jeron kaya naman agad kong ipinuwesto ang sarili ko sa unang hakbang ng grandstand at ganoon din si Jeron.
Kasalukuyang kong inaalog-alog ang braso niya at hinila ko pa iyon nang marinig ko si Gerard na magsalita.
“See you later, Paula!” Aniya at nakangiti pa ang loko habang kumakaway kay Paula.
“See?” Sabi ni Jeron at hinila ko naman ang hita niya at minadali na naming dalawa ang pag-a-assist sa isa’t-isa dahil nabi-bwiset na ako kay Gerard na nakatingin sa amin.
“Hindi pala ako sasabay umuwi sa’yo, Niel. May date kami ni Paula…’yung volleyball player,” aniya nang makapagpalit kami ng damit.
“Anong bago?” Tanong gamit ang kalmadong boses ko.
“Wala, share ko lang naman,” aniya sabay tawa kaya nakitawa na lang din ako sa kanya kahit alam kong hindi ako masaya sa ginagawa niya dahl sa loob-loob ako ay nauumay na ako sa kanya.
“Sige na, una na ako. Puntahan mo na ’yong Paula,” sabi ko at naglakad ako agad papalabas ng P.E room kung saan ako nag-iwan ng gamit. Naiwan ko kasi ang susi ng locker ko.
“Ingat!” Sabi ko pa at hindi ko sinasadyang malungkot pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Nawala lang ’yon noong makasalubong ko ’yong Paula at nagtatakbo pa siya dahil nakasunod lang pala sa’kin si Gerard at pagtingin ko sa kanila nakayakap na agad ’yong Paula sa kanya.
Enjoy now, iyak ka later.
Itutuloy…
Part 4: Confused
Part 4: Confused
GERARD
“So… what do you like about me?” Tanong ni Paula habang kumakain kami ng ice cream.
“Everything,” sagot ko at akmang susubuan na niya ako ng ice cream nang pigilan ko siya dahil nadidiri ako sa gano’n. Laway-conscious ako maliban na lang kung nakikipaghalikan ako na bihira ko lang gawin.
“No, I am good,” sabi ko na lang at ngumiti.
“Isa lang. Daya eh,” aniya at mapilit pa rin siya kaya napatayo na lang ako.
“Sa’n ka pupunta?” Tanong niya.
“I don’t know,” sabi ko.
“Akala ko gusto mo’ko?” At iyan na naman ang drama.
“I like you awhile ago, that’s it,” sagot ko sabay tayo pero hinawakan niya ako bigla sa kamay. There. Doon nagsisimula ang problema.
Nasabihan lang na gusto, attach na attach na agad. What’s in their mind?
“Paula, I am sorry. I thought I like you,” mahinahon kong sagot at iniwan ko na siya ng tuluyan.
Akala ko okay ang day na’to pero hindi pala tsaka naiinis ako kanina pa dahil do’n sa bida-bidang ka-team ni Niel. Masyadong pabida at pati si Niel ay basta!
Ayoko sa lokong ’yon.
“Oh, akala ko hating gabi ka pa uuwi?” Bungad ni Niel nang bigla akong pumasok sa pinto ng kwarto namin at imbes na sumagot ay niyakap ko na lang siya at hinimas-himas niya na lang ang ulo ko kaya gumaan ang pakiramdam ko.
“Kumusta kayo no’ng Paula?” Tanong niya habang nakatingin sa muka ko.
“Hindi ko trip,” sagot ko at hindi na siya nagsalita.
“Kumain ka na?” Tanong niya at umiling ako.
“Upo ka muna diyan. Nagluto ako ng spaghetti,” aniya pa at hinayaan niya akong maupo sa maliit naming sofa at ilang minuto lang ay naglapag siya ng platong may lamang spaghetti.
“Kain na,” aniya at pinanood niya akong kumain. Masarap ang lasa ng spaghetti niya dahil sa’ming dalawa, siya ’yong may talent sa pagluluto at ako ay tagakain lang.
“Salamat!” Nagpa-cute pa ako at para akong bata na nakayakap sa kanya mula sa likod niya.
“’Yong totoo, ano’ng problema mo?” Tanong niya.
“Wala. Gusto ko lang kasama ka,” sagot ko.
“Susko, lagi naman tayong magkasama, ah?” Aniya.
“Basta,” sabi ko at nakatulog ako habang nilalaro niya ang buhok ko habang ako naman ay nakayakap sa kanya na parang bata.
Kinabukasan ay nagising ako na may almusal na kaya nagmadali akong hanapin si Niel na natagpuan kong kakalabas lang sa cr.
“Kain na tayo!” Masigla kong singhal.
“Sige,” sabi ko at hinintay ko siyang lagyan ako ng kanin sa plato ko pati na rin ulam.
“Hindi ko talaga kayang mabuhay ng wala ka, Nier,” sabi ko.
“Okay,” iyon lang ang sagot niya.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nag-offer na maghugas ng kinainan namin at hindi naman siya tumutol. Inilabas lang niya ’yong mga uniporme namin pati na rin mga underwear ay inilabas na niya.
“Sa laundry basket ang lagay ng damit, totoy, ha!?” Aniya kaya natawa ako kasi sa nakalimutan ko kahapon na ilagay sa laundry bin ’yong marumi kong damit.
“Yes, master!” Sagot ko at nauna na siyang maligo.
“Una na’ko,” bigla niyang sabi sa’kin.
“Hindi ka sasabay?” Tanong ko.
“Dadaan ako sa dorm ni Jessa. Nasa kanya kasi ’yong dalawa kong tumbler tapos nasa’kin naman ’yong bike ng kapatid niya,” sagot niya.
“Umalis ka ba kagabi?” Tanong ko.
“Oo,” aniya at nagmadali na siyang umalis habang ako ay parang ewan na nakatingin sa sarili ko sa salamin.
“Okay ka pa?” Tanong ko sa sarili ko at ayaw namang sumagot.
Matapos kong ayusing ang buhok ko ay minabuti ko ng umalis at in-lock ko na rin ang kwarto namin. Buti na lang talaga at nasa labas ng campus ’tong dorm namin kaya malaya kaming umuwi kung anong oras naminh gustuhin.
“Yow!” Tawag sa akin ng isang lalaking pamilyar nang makababa ako ng sasakyan ko.
Magsasalita na sana pero napagtanto kong hindi ko naman siya kilala at baka ibang tao ang tinatawag niya.
“Pre!” Tawag pa niya uli kaya tumingin ako aa kanya at itinuro ko ang sarili ko at nagsalita siya.
“Bakit daw hindi ka na um-a-attend ng training sabi ni coach Wat,” aniya at napagtanto kong siya ’yong reserve player.
“Gusto mo bang makapasok na sa line-up ng team?” Bigla kong tanong sa kanya at halata ko na nagulat siya.
“Oo naman, bro!” Sagot niya kaya napangiti ako.
“Balian mo ng buto ’yong team captain kahit sa daliri,” bulong ko sa kanya at mukang hindi siya makapaniwala sa sinabi kong joke.
“Seryoso?” Tanong niya.
“Hindi pero pwede mo ring gawin. Nasa’yo naman ’yon,” sabi ko at iniwan ko siya roon na hindi nakuha ang sagot mula sa’kin kung bakit hindi na ako na-attend ng training.
“Niel, pakopya ng assignmeng sa Calculus,” sabi ng isa kong kaklase bago ako umupo sa tabi ni Niel na busy sa pakikipag-chat kung kanino.
“Sinong ka-chat mo?” Bulong ko sa kanya.
“Si Jessa,” sagot niya kaya tumahimik na lang ako at sinalpak ko ’yong earphones ko sa tenga at in-ignore ko ’yong mga gusto kumopya. Nag-BS Mathematics pa sila.
Habang nakikinig sa music ay ipinatong ko sa desk ko ang ulo braso ko at ipinatong ko naman ang ulo ko at kita ko sa muka ni Niel na masaya siya at hindi ako dahilan no’n.
“Nandiyan na si Ma’am,” sabi ko kay Niel at nag-reply pa siya ro’n sa Jessa bago siya nakinig sa prof namin.
Buong class hours akong lutang at iniisip ko kung bakit ako nabibigatan na masaya si Niel dahil sa iba. Selfish ba’ko kung sasabihin kong gusto ko na ako ang dahilan ng pagngiti niya?
Last course (subject) at tamad na tamad talaga ako dahil hindi kami sabay kumain ni Niel tapos ang tahimik pa niya.
“Wala ka to yatang kalandiang babae ngayon?” Tanong niya habang nagbubukas ng locker.
“Gusto mo ba?” Tanong ko.
“Ikaw. Buhay mo ’yan,” sagot niya at isinandal ko siya sa locker niya at niyakap ko siya ng mahigpit pero tinanggal niya iyon.
“Baka may makakita,” aniya.
“Ano naman?” Sagot ko.
“Alam mo, Gerard, ginugulo mo ang utak ko,” aniya at ang bigat ng mga salita niya pero masarap sa pandinig ko iyon dahil ganoon din ako sa kanya.
“Niel, your action is also confusing,” sabi ko at hinalikan ko siya sa labi ng mariin.
Itutuloy…
Part 5: Friendship Over
Part 5: Friendship over
NIEL
Isang malakas na pagtulak ang ginawa ko kay Gerard dahil sa ginawa niya at nainis ako dahil sa reaksyon niyang nakangiti.
“Probelma mo?” Tanong ko sa kanya.
“Wala,” sagot ko.
“Wala ka naman palang problema kaya tigilan mo’ko, Gerard. Hindi ako isa sa mga babaeng pinapaiyak mo lang pagkatapos mong paglaruan, gago!” Naiinis ko pang sabi dahil kagabi ko napagtanto na dapat ko ng abandunahin ’yong nararamdaman ko sa kanya dahil alam kong ako lang din naman ang matatalo sa huli.
Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita at iniwan ko na siya ro’ng mag-isa.
Hindi ako makapag-focus sa training dahil sa nangyari kaya pinanood ko na lang lahat ng mga student athlete na nasa oval.
Ang sarap abalahin ng sarili ko sa panonood pero bigla kong nakita si Gerard na nasa malayo at papalapit siya sa akin kaya balik training ako pero nainip lang ako dahil sa
“Una na’ko,” paalam ko kay Jeron na um-okay naman.
“Ingat!” Sabay-sabay nilang sabi at hindi na ako nagpalit ng suot ko.
Sinubukan kong dumaan sa second gate ng school pero nandoon na si Gerard at hindi ko man lang siya tiningnan at binigyan ng pansin bago ako sumakay sa pampasaherong tricycle.
“Niel!” Sigaw niya at mukang hindi niya ako titigilan dahil nakabuntot siya sa tricycle na sinasakyan ko.
“Niel, kausapin mo naman ako,” aniya pero hindi ako umimik at inilabas ko ang travelling bag ko at inilagay ko ang ibang gamit ko ro’n.
“Saan ka pupunta?” Aniya.
“Niel naman. Hindi mo kayang mabuhay ng wala ako, ’di ba?” Aniya pa.
“Kaya kong mabuhay ng wala ka, Gerard. Ikaw ang mukang hindi kayang mabuhay ng wala ako!” Naiinis kong sabi at niyakap na naman niya ako pero itinulak ko siya.
“Gerard, ginugulo mo ang isip ko, ano ’yon?” Sabi pa ni Gerard at inulit ang sinabi ko no’ng nakaraan.
“Bakit? Magkaibigan lang naman tayo, ’di ba?” Sabi ko.
“Kaibigan?” Natawa siya. “Hindi na ngayon kasi gusto kita, Niel!” Sabi niya at nanlambot ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.
“Hindi, Gerard. Hindi mo’ko gusto,” sabi ko at hindi ako nagpapigil sa kanya mula sa paglabas.
Kinagabihan ay para akong tangang nakatingin sa langit at nandito ako sa rooftop ng bahay nina Jeron. Sa kanila muna ako dahil gusto munang ikalma ang utak ko.
Alam kong gusto ko si Gerard pero kilala ko siya eh. Kilalang-kilala. Pagkatapos niyang magsawa sa’kin ay doon ma matatapos ang 17 years ng pagkakaibigan namin.
“Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka, ha?” Sabi ni Jeron at tumango naman ako at dumiretso na ako sa loob ng tent ko at kalagitnaan ng paghiga ko ay hinahanap ng katawan ko si Gerard at ang mga yakap niya kaya naman nagmadali akong magpaalam kay Jeron at sumakay ako ng tricycle at sumakay naman ako ng jeep at tinakbo ko na papasok ng subdivision dahil wala namang tricycle ngayon dahil mag-aalas diyes na ng gabi.
Habol-hinga ang ginawa kong pagtakbo at nagulat ako nang wala akong naabutang Gerard sa loob ng kwarto.
“Gerard?” Sabi ko at tumingin ako banyo pero wala siya. Makalat din ang kama at wala ang mga gamit niya kaya tinawagan ko siya at iba ang sumagot.
“Gerard,” panimula ko.
“Niel, nandito sa bahay si Gerard. Nag-away daw kayo,” boses iyon ni mama.
“Ma,” sabi ko.
“Alam ko, nak,” sabi niya kahit wala pa akong sinasabi.
“Ma, sorry po,” sabi ko dahil feeling ko na-disappoint ko siya dahil pinaiyak ko si Gerard.
“Huwag kang mag-sorry, nak. Alam kong may dahilan ka,” sabi pa ni mama kaya naman kinabukasan ay umalis ako agad at umuwi ako sa’min sa Baguio.
Kasabay ng lamig ng hanging tumatama sa katawan ko ang init ng luhang lumalandas sa mga mata ko dahil hindi ko naman sinasadyang mahalin si Gerard. Natutunan ko lang at isang araw, nagising akong hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.
“Ma,” sabi ko kay mama na busy sa pamimitas ng lettuce at nagmano ako sa kanya nang lingunin niya ako.
“Nag-almusal ka na ba, ’nak?” Tanong ni mama at umiling naman ako.
“Sana sa bahay ka na dumiretso. Nandoon ang Tito Jiro mo,” aniya pa at doon din kami sa bahay nagwakas.
Iniwan ni papa si mama noong maliit pa ako sa mismong kasal nila kaya naman lumaki ako sa piling ni tito Jiro na dating boksingero. Sobrang bait niya sa’kin at ganoon din kay Gerard na iniwan din ng tatay niya noong mangibang-bansa ang mama niya na si titi Malanie.
Dito na siya sa’min lumaki at umuuwi lang kami sa kanila kapag naglilinis ng bahay nila.
“Tito!” Sabi ko at niyakap ko siya dahil hindi wala siya rito noong Pasko dahil nasa ibang bansa siya dahil may laban ang bata niya.
“Si Gerard, lasing na lasing kagabi. Nasa kwarto niyo,” aniya nang makabitaw ako sa pagkakayakap kaya naman tumakbo na’ko papasok sa kwarto at paghahampasin ko dapat ng unan si Gerard pero mas pinili ko na lang na yakapin siya at halikan siya sa noo.
“Pasaway ka talaga, Gerard,” reklamo ko sa kanya bago ko siya pisilin sa ilong.
Itutuloy…
Part 6: New Beginning (FINALE)
FINALE
SPG GERARD
“Aray!” Sabi ko nang magising ako dahil sa pagkagat ni Niel sa pisngi ko.
“Bangon na. Kanina ka pang tulog!” Sigaw niya sa muka ko.
Kanina ko pa siya tinitingnan dahil baka hindi siya totoo. Baka ilusyon ko lang lahat pero mali ako dahil nakaramdam ako ng sakit nang hampasin niya ako sa muka.
“Ah,” sabi ko pa lalo na nang dinag-anan niya ako at mayamaya lang ay umiiyak na siya.
“Wuy,” sabi ko pero umiiyak pa rin siya sa dibdib ko.
Usually, ako ’yong laging naglalambing sa kanya pero ngayon, siya ’yong gumagawa no’n kaya pinunasan ko ang muka niya at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Tang ina mo, mahal na mahal kita,” sabi niya habang nakayakap ako sa kanya kaya natigilan ako.
“Mas mahal kita!” Sabi ko at kinutusan niya ako ng isa.
“Sakit no’n,” reklamo ko.
“Puro landi inaatupag mo ang hirap paniwalaang gusto mo’ko,” aniya.
“Gusto mo pala ako, sana noon mo pa sinabi!” Sabi pa niya at bigla akong napatayo at nagmadali akong magsipilyo dahil kakagising ko lang. Pagbalik ko, natawa siya.
“Bakit ka natawa?” Tanong niya.
“Nagsipilyo ka pa eh wala naman akong pakialam sa amoy ng hininga mo,” aniya.
“Mahirap na. Gusto ko ’yong torrid,” diretsahan kong sagot ay in-lock ko ’yong pintuan at agad ko siyang nilapitan.
“Pwede na kitang halikan?” Tanong ko.
“Kahit hindi ka na magtanong,” sabi niya at para kaming mga uhaw na na uhaw sa labi ng isa’t-isa dahil sa pusok ng halikan namin hanggang sa namalayan nalang namin na parehas na naming pinapaligaya ang isa’t-isa.
Noon ding mga sandaling ’yon ay natagpuan namin ang ligaya sa katawan ng isa’t-isa.
“Ah,” sabi ko habang isinusubo niya ang kahabaan ko at nang mangalay siya ay ganoon din ang ginawa ko hanggang sa parehas na naming isinusubo ang ari ng isa’t-isa sa posisyong baliktaran (69). Matapos iyon ay para kaming tanga na nangangapa kung sino ang magpapaubaya dahil kapwa kami takot dahil unang beses lang kaming makikipagtalik sa isa’t-isa.
“May next time pa naman,” sabi niya pero ayoko ko siyang bitinin kaya naman gamit ang lotion na nasa side table ay pinahiran ko ang bukana ng puwetan ko at ganoon din ang ari niya at pumuwesto ako ng pabukaka sa gilid ng kama at nakatingin siya sa akin habang iniuumang ang lampas ani na pulgada niyang ari sa lagusan ko.
“Sigurado ka na ba?” Aniya at tumango lang ako.
Mabagal ang kilos niya. Inunan niyang ipasok ang hinliliit niya sa butas ko at para akong matatae na ewan dahil sa sakit lalo na nang ilabas masok niya iyon sa butas ko.
“Ahhh,” mahina kong daing at halata ko sa kanya na naaawa na siya sa’kin kaya isinubo niya ang alaga ko bago niya ipasok ang alaga niya na talaga namang nagguhit ng sobrang sakit sa’kin.
“Sorry,” aniya at imbes na sumagot ay hinatak ko siya papalapit sa’kin para maibaon niya ang alaga niya at sandali naming pinakiramdaman ang isa’t-isa at talagang masakit pero sa huli ay naghahalo na ang sarap at sakit hanggang sa nagkaroon na ng ritmo ang salpukan ng mga laman at balat namin.
Ilang magkakasunod at mabibilis na ulos pa ang pinakawalan niya bago ko naramdaman ang mainit na kung ano sa loob ko at hinalikan niya pa ako pagkatapos no’n.
“Salamat!” Sabi niya at ngumiti naman ako dahil nakapasok pa ang matigas niyang ari sa loob ko.
“Mamaya na ako babawi,” aniya at inabala niya ang sarili niya sa pagsipsip sa dalawa kong utong at nag-iwan din siya ng kiss mark sa ibabaw ng upper ab ko at nauwi sa round two ang lahat at ngayon ay mas may ritmo at bilis ang ginagawa namin at namalayan ko na lang na nilalabasan na ako kahit hindi ako nagpapalabas.
Matapos ang second round ay magra-round three pa sana kami kaso hindi ko na kaya dahil sobrang sakit na at nagugutom na ako.
“Kumain ka ng marami,” sabi niya habang pinapanood niya akong kumain dito sa kama naming dalawa.
Sobrang laki ng mga ngiti niya sa labi kaya naman ginanahan akong kumain.
NIEL
At doon kami naging official na magkarelasyon. Minsan ay pinapasaya namin ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pagtatalik. Hindi na nambabae si Gerard at hindi na rin ako nag-e-entertain ng kahit na sino sa buhay ko dahil sobra pa sa sapat si Gerard.
Although hindi namin isinasapubliko ang relasyon namin ay masaya na ako na ganito kami. Pribadong relasyon, pribado rin ’yong sakit lalo na noong nahuli ko si Gerard na may kahalikang iba.
Buti na lang at hindi ako naghisterikal dahil ’yong babaeng naghahabol sa kanya ang nanghalik at may tiwala ako kay Gerard.
Nagkakatampuhan. Nag-aaway. Ilan lang ’yon sa nangyayari sa relasyon namin na sana sa pagdating ng panahon ay lagi pa rin kaming magkasama dahil siya ang tahanan ko at ako ang tahanan niya. Maligaw man kaming dalawa ay alam namin ang daan pabalik.
Salamat, hanggang dito na lang.
WAKAS…

