loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Way Back Home (BxB)

Way Back Home (BxB)

Axll Aceberos · 3 chapters · 1,642 words

Way Back Home (BxB)

Work of fiction

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.

Alright reserved. No part of this story maybe reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means. Without the prior permission of the author.

           AXLL_ACEBEROS|A.A.

SYNOPSIS

Synopsis

WAY BACK HOME!

Cydrick Roldan, was in his way back home after spending much of his time abroad for schooling.

While, Andrew Cortez, his childhood best friend was patiently waiting for him to arrive. Andrew, was so excited mixed with so much emotions. Finally, after so many years, the two of them will be united.

But.. could Cydrick be the same as before? A caring, gentle and loving bestfriend? Or he’ll be rude, cold, and heartless one?

One way to find out!

SIMULA

Simula

        “ANO, DREW? LUTO NA BA ’yang adobong manok?” tanong ni Mabel na ina ni Andrew.

“Malapit na, Ma. Konti na lang.” sagot naman ni Andrew na hindi mapinta kung siya ba’y masaya o kinakabahan.

Ngayong araw kasi’y nasabihan na sila ng butihing may-ari ng bahay na si Gia na ina ni Cydrick na kababata niya. Uuwi daw si Cydrick dito sa rest house kaya heto sila’t aligagang nagsasa-ayos at nagluluto ng handa para sa pauwing binata.

“Bakit ba naman kasi hindi agad nagpa-sabi si, Ma’am Gia. Ahay, baka tayo’y hindi pa tapos ’e narito na si Drick!” sambit ni manang Fe na isa rin sa mga katulong dito.

Bale, ang nanay ni Andrew na si Mabel ay ang mayordoma ng rest house na ito. At dahil nga anak si Andrew ay dito na sa bahay na ito siya lumaki. May farm kasi dito ng mga hayop kaya ’di p’wedeng iwan ang rest house. Katulong ang Nanay at Tatay ni Andrew sa pag-aalaga’t pagpapayabong pa ng nasabing lugar.

Ang Nanay ni Andrew kasama ng iba pang mga katulong ang nag-aasikaso ng bahay habang wala ang kanilang mga amo upang mapanatiling malinis at maganda ang loob. Samantalang ang ama ni Andrew na si Andong ay kasa-kasama niya sa pag-aalaga ng mga hayopan dito. Tulad na lamang ng malaking kawan ng baka, kambing, baboy, at ang paborito nilang sakyan ni Cydrick. Ang Kabayo.

Bukod sa mga hayop ay likas din dito sa probinsya ang mga punong mangga. Sa sa mga punong ’yon ang naakyatan na nilang dalawa ni Cydrick noong sila’y mga bata pa lamang.

Naaalala pa ni Andrew ng yayain siya ni Cydrick na mangalakyat ng punong mangga. At heto naman siyang sayang-saya sa alok ng kaibigan at mabilis na sumang-ayon.

Habang nasa itaas silang dalawa ng punong mangga. Hindi alintanang gapok na pala ang nayapakan ni Andrew kaya’t hayun at nalaglag siya. Pasalamat na lamang at hindi mataas ang kaniyang nabagsakan kaya’t nagtamo lang siya ng sugat sa tuhod.

Agad namang bumaba si Cydrick na kinakabahan at nag-aalala. Agad niyang sinuri ang lagay ni Andrew at tinanong kung ayos lang ba ito. Inalalayan ni Cydrick si Andrew pabalik ng kanilang bahay at doo’y ginamot ng kaniyang kaibigan ang kaniyang sugat.

Sa huli pareho silang napagsabihan ng ina ni Andrew. Bakit raw umaakyat ng puno’y kaliliit pa lamang nilang dalawa.

Naalala pa ni Andrew ang mga sinabi ng kaniyang ina noong gabing natutulog na siyang may benda ang natamong sugat. Pabalik-balik daw si Cydrick sa k’warto niya noon at tinatanong sa kaniyang ina kung ayos lang daw ba ang kaniyang lagay.

Well, ganoon naman talaga ang kaibigan niyang si Cydrick. Sobrang mapag-alalahanin nito. He was caring, gentle, and a good friend of him. Nararamdaman ni Andrew ang init ng kanilang pagkakaibigan sa pagiging ganoon sa kaniya ni Cydrick. He’ll enjoyed his company before, but how about now?

Was Cydrick be the same as before? Ganoon parin kaya ang binata sa kaniya? Sana.. sana..

“Anak, iyang niluluto mo, ayos na ba?” tanong muli ni Mabel sa kaniyang anak na kay lalim ng iniisip.

Napukaw naman kaagad ang atensyon ni Andrew. Agad niyang hinalo-halo ang kaniyang niluluto’t pagkatapos ay tinikman.

Napangiti siya ng malasahan ang niluto.

“Masarap na, Ma. Tama na ang lasa.”

“Ay, siya’t hanguin mona..”

Agad siyang tumalima sa utos ng kaniyang ina. Hinango na nga niya ang pagkaing kaniyang niluto.

Walang mapagsidlan ang kaniyang pag-ngiti habang isinasalin ang kaniyang nilutong adobo na batid niyang paboritong-paborito ng kaniyang nakababatang kaibigan. Batid siyang magugustuhan ni Cydrick ang kaniyang niluto.

Tanda pa nga niya noong mga araw na nagluluto ng adobo ang kaniyang Ina bilang kanilang pantanghalian. Bilang isang munting paslit si Andrew at makulit. Nagpaturo siya sa kaniyang ina, mag-luto. She was his guide back then. Tinuruan siya ng ina’t madali naman siyang natuto, pero hindi makakakilos mag-isa. Kailangan paring may naka-alalay sa kaniya.

Tanaw lang siya ng kaibigang si Cydrick habang siya’y nagluluto. Paulit-ulit pa nitong sinasambit sa kaniya na “

sarapan

mo ng luto, Drew.“

Hanggang ngayo’y tandang-tanda parin ni Cydrick ang mga pag-e-encouraged na silitang binitawan ni Cydrick. Matapos ngang maluto ay si Cydrick ang agad na tumikim.

Ligayang-ligaya si Andrew ng marinig mismo sa bibig ng nakababatang kaibigang si Cydrick na ang kaniyang luto daw na adobo ang pinaka-paborito nito sa lahat. Iyon na daw ang pinaka-masarap na adobong natikman nito sa buong buhay nito. Sa susunod daw na araw ay siya na raw ang palaging mag-luto para daw laging masarap.

Kaya ayun at talagang lumaki ang ulo ni Andrew. Ligayang hatid sa kaniyang dibdib ang mga sinambit na ’yon ng kaniyang kaibigan. Talagang simula noon, itinatak na ni Cydrick sa kaniyang isip na itutuloy niya ang kaniyang pagluluto.

So he pursued his career as chef. Kapag naging chef na siya. Ang nakababatang kaibigang si Cydrick ang una niyang patitikmin ng espesyal na lulutuin niya. Dahil dito, nalaman niya kung ano talaga ang hilig niyang gawin.

“Nasa ayos na ba ang lahat?” tanong ni Mabel sa kapwa niya mga katulong.

“Ayos na ho, Ta Mabel. Ayos na rin ho ang k’warto ni Sir. Cydrick.”

“Ay siya kung gayon, mag-bihis kana’t sunduin mona si Sir. Cydrick.” sambit ng inang si Mabel matapos maibaling ang tingin sa kaniya.

Ngumiti naman siya—dinagdagan pa niya ang ngiting naka-ukit na sa kaniyang mga labi.

Agad siyang tumalima sa inutos ng kaniyang ina. Daglian siyang naligo at nag-bihis. Nagpa-bango na rin siya at sinilip ang sariling repleksyon sa salamin. Nang makitang maayos na ang kaniyang itsura ay saka na siya lumabas.

Kinakabahan pero sa kabilang banda’y natutuwa. Sa palagay naman niya’y walang nagbago kay Cydrick. Ito parin naman ang kababata niyang nakilala niya hindi ba? Siya parin naman ’yon. Walang mag babago doon.

Sakay si Andrew ng kotse na ipang susundo niya sa kaibigang si Cydrick. Hanggang ngayo’y hindi parin mawala ang kabang nararamdaman niya.

Shit!

Nakarating si Andrew sa nasabing lugar kung saan niya hihintayin ang kaibigang si Cydrick. Lumabas siya ng sasakyan at iginala ang kaniyang mga mata doon.

“Nasaan na kaya siya?” Tanong niya sa kaniyang isip.

Matagal siyang nag-hintay sa labas habang iginagala-gala niya ang kaniyang paningin upang hanapin ang kaibigang kaniyang susunduin.

Maya-maya pa, nagulat na lamang si Andrew ng marinig niyang nag-start ang makina ng sasakyan niya.

Ng kaniyang lingosin ay agad na ’yong umandar.

“Hoy! Sasakyan ko ’yan!” sigaw pa niyang ganiyan matapos habolin ang sasakyan.

Masyadong mabilis ang nagpapa-takbo ng sasakyan, kaya hindi na niya nagawang mahabol kahit pa kaya sobrang bilis na ng ginawa niyang pagtakbo.

Pagod at hinihingal si Andrew na napahinto. Itinuon niya ang mga kamay sa kaniyang mga tuhod.

“Shit! Shit! Na-carnap pa ako! B’wisit!” inis niyang sambit.

Bakit ba naman kasi hindi niya dinala ang susi sa kaniyang kamay? Bakit ba naman kasi iniwan niya sa loob ng sasakyan? Heto tuloy siyang na-isahan.

Pa’no na lang ’yung sasakyan? Bigay pa naman sa kaniya ’yon ng Ina ng kaniyang kaibigan, at heto’t hindi man lang niya nagawang mapag-ingatan? Pa’no na lang ang susunduin niyang kaibigan? Ano na lang ang sasakyan nilang dalawa?

B’wisit naman, oh! Kapag minamalas nga naman.

Bumalik si Andrew sa hintayan. Hindi na rin naman niya mahahabol ang sasakyang nawala sa kaniya. Tsaka hinihintay pa niya ang kaibigang si Cydrick. Iyon ang mas importante ngayon sa kaniya.

Ang kaninang fresh na bukas ng mukha ni Andrew ay nawala na. Binabagtas na ng pawis ang kaniyang mukha habang ang prastrasyong na nararamdaman niya’y mas lalong lumalago sa mga lumilipas na oras.

Gusto kasi niyang i-report sa pulis ang nangyaring carnap sa kaniyang sasakyan, pero hindi niya magagawa ’yon hangga’t hindi niya nasusundo si Cydrick. Baka kapag pumunta siya sa pulis at mag-report ay magsalisihan sila ni Cydrick.

Sa ngayon si Cydrick ang priority niya.

Ilang oras pa ang lumipas. Nararamdaman na ni Andrew ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Nagugutom na siya dahil kanina pa siyang umaga walang kain. Sa palagay niya’y magtatanghali na at hindi parin siya kumakain. Bukod doon, hindi parin dumarating ang hinihintay niya.

Darating pa kaya ’yon?

Matiyaga pang naghintay si Andrew kay Cydrick. Baka lang na traffic ito o kaya naman ay nagkaroon ng problema. Kailangan niyang hintayin ang kaibigan. Darating ’yon alam niya.

Tumitindi na ang gutom at uhaw ni Andrew sa mga lumilipas pang-oras. Tanging ang tubig na lamang sa kaniyang bibig ang nagpapanatiling basa sa lalamunan niya, ngunit hanggang ngayo’y hindi parin dumarating si Cydrick.

Gustohin man niyang bumili ng pagkain sa malapit na tindahang natatanaw niya ngunit napagtanto niyang hindi niya dala ang wallet. Gusto man niyang tumawag ngunit tulad ng wallet ay hindi rin niya dala ang cell phone.

Kapag minamalas nga naman, ’e, ano? Wala naman siyang balat sa p’wet pero heto’t sunod-sunod ang kamalasang tinatamasa niya.

Walang angal na naghintay pa si Andrew kahit parang may posibilidad na ang kaniyang hinihintay ay hindi na darating. Matiyaga parin niyang inabala ang sarili sa paghihintay sa pananalig na darating ang nakababatang kaibigan. Iisantabi muna ang uhaw at gutom na nararamdaman. Darating ang kaniyang kaibigan. Darating ito alam niya…

                 WAY BACK HOME!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.