loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Wesley's Pages

Wesley's Pages

lipinipatatas · 24 chapters · 13,172 words

Disclamer

This story is a work of fiction: written story about people and events that may not really existing. Characters, things, places and events here in the story is a product of the author’s imagination. Any similarities to people; alive or dead, places and events are quiet coincidental.

This is a LGBTQ+ story, a straightxgay love story, if you are a homophobic or not an open-minded person, please press the back button to exit the book.

This story; all parts, may not be copied, transferred, revised or distributed in any form or system without the author’s written consent or permission.

WESLEY’S

PAGES

All Rights Reserved. ©2020 A story made by: lipinipatatas

1st Entry

September 5, 2018

10:15PM

Hi bitch! So, ayun ikaw muna siguro ang kakausapin ko ngayon. Tutal, one month pa lang ako sa Manila and wala naman akong kakilala dito. Tanging classmates ko lang ang nakakausap ko.

So ayun nga ulit, I’m here sa dorm ko nakapaligo na and ready to sleep. Pero, wala pa yung roommate ko and baka pagdating niya lasing nanaman and magsusungit.

Yes, bitch! May ka roommate ako dito. Boy siya, then may itsura. Matangkad, katamtaman ang kulay, hindi maputi hindi rin naman kayumanggi. Then, matangos ang ilong, faded ang hair.

Pero change the topic. Wala naman tayong mapapala sa kaniya dahil for me, he is the worst roommate ever. Hindi man lang makausap. Lagi atang galit.

So, back tayo sa room namin. Our room has two beds. Siyempre, hindi naman pwedeng isa lang tas dalawa kami. Then, merong two study table. Then isang cr. Tapos may tv, which is pinadala ni daddy dito. Ayaw niya raw kasi ma-bored ako kapag mag-isa lang ako.

Which is hindi naman ako ganoon ka-hilig manood ng tv, and si Tyler lang naman yung gumagamit.

Tyler, siya yung roommate ko.

Shit! I’ll stop writing na and start na lang na matulog, nonsense rin naman ata mga kwento ko. Feeling ko darating na si Tyler mamaya, baka awayin nanaman ako.

So, bye muna bitch!

2nd Entry

September 6, 2018

6:30PM

Hello there, bitch! So, ang aga kitang kinausap ngayon kasi medyo excited ako. May training kasi kami bukas with my classmates. Training yon sa isang subject namin. Hindi ko lang alam kung anong klaseng training pero, ang sabi eh magdala daw kami ng mga gamit na para bang lalabas kami for outing..

So, maaga kami dinismissed kanina ng prof namin para makapaghanda kami ng maaga. So, ayun. Tapos ko na siya and ngayon I’m ready to sleep.

Four-thirty ang call time bukas kaya sana hindi ako ma-late.

And sana, hindi ma-late yung tatlo kong friend. Si Jessie, Isay and Vlad. Yes po, may nga kaibigan ako rito, they are also my classmates.

So, balitaan na lang kita bukas.

Beauty rest muna ang need ko. Baka kasi hindi ako magising ng maaga.

Yie. Excited much ako, wah!

Bye, bitch!

3rd Entry

September 7, 2020

09:15PM

Yes, bitch! Tama nga yung hula ko. Nasa-outing kami ngayon! Three days daw kami dito and wala naman daw dapat ikabahala sa gastusin dahil kasama na raw ito sa binayaran ng parents na tuition fee.

And itong semi-outing na ito ay hindi siya for happiness only, or satisfaction ganon. Activity siya for the NSTP subject. And, need namin ma-accomplished yon. And, ito na rin daw ang midterm examination namin.

And bitch, I have something to tell you! So, ang akala namin kami lang ng mga classmates ko ang nandito. Pero, we are wrong! Kasama din yung ibang courses!

So, these three days na ito, pinagsama daw ang Business Ad Major in Financial Management which is kabilang ako doon and Accountancy.

And in these three days, they formed us per group. Bale, pinag-combined ang BSBA-FM and BSA. And yung group na yun ay yung group na need for the activities. Bale, three days kaming magkakasama, and magkaka-share ng room.

And, ang nakakakaba and nakaka-excite eh, magka-group kami ni Jack.

Yes, si Jack! From BSA. Ngayon ko lang siya nakita, pero sa one month na itinagal ko sa school I’ve never met him before nor see.

Jack Geronimo. ’Yan yung name na sabi nung instructor namin kanina. And ako na sai Wesley Valenzuela ang ka-groupmate niya.

Shit, mukhang gaganahan ako nito bitch. Ang gwapo kasi ni Jack. Medyo build up yung katawan, medyo bad boy ang dating kasi medyo mahaba ang hair. Then maputi, makinis, matangos ilong.

Ahh! For me, ang perfect niya!

But, wait. Need na daw matulog lahat kasi maaga ulit bukas. And need ko na rin pigilin ang sarili kong kiligin dahil nasa isang room lang kami and baka isipin nila na ang tanga ko’t tumatawa ko habang nagsusulat.

Kwentuhan na lang ulit kita bukas, bitch! Bye.

(Bitch,

yan

nga

pala

tawag

ko

sa

diary ko hehe)

4th Entry

September 08, 2018

9:07PM

So ayun, bitch! Napakasaya ng araw na ’to. Hindi lang dahil nakaka-enjoy sa beach. And also, hindi lang dahil sa sarap ng pagkain. Dahil na rin sa sarap ng ka-group ko.

Huhu, and alam mo naman na kung sino yun. Si Jack, bitch! Si Jack!

And ayun, nagkaroon kami kanina ng activities na per group. Then yung last na activity is open forum siya pero per group, and per room. This activity daw eh kailangan para makilala namin ang isa’t-isa.

So ayun, nag-start na kami. Bale lima kaming members nung group. And by the way, magkahiwalay ang mga groups ng mga lalaki and babae. So, ayun lima kaming lalaki rito.

Ako, si James who is kaklase ko, representing BSBA-FM section A.

Tapos, si Hoell na kilala ko naman dahil BSBA-FM din pero he is in the B section.

Then si Jack which is BSA then section A.

Tapos si Leslie na BSA section C.

So, back to the topic. Ang dami naming napag-usapan na lima. Likes or wants, then hobbies, favorite foods or whatever.

And, ang saya lang isipin na ang dami naming pagkakapareho ni Jack. And the thing is, nagkasundo kaming dalawa dahil sa Twilight.

Yes, I’m a fan of the Twilight. Medyo, corny or medyo old-fashion pero, walang pakielaman.

And the thing is, favorite din siya ni Jack.

Ang sarap magkaroon ng ganitong usapan. Nakakagaan ng pakiramdam.

Tapos katapat ko pa si Jack. Tapos ang sarap pa pakinggan ng boses niya dahil ang manly pero ang sweet pakinggan.

Ang sarap niya kasi mag-kwento.

And ngayon, hindi ko alam kung sino ang makakatabi ko.

Kahapon kasi, si James ang katabi ko. Parehas kami sa lapag natulog. Hindi ko lang alam kung sino naman ang matutulog ngayon sa kama.

Ikekwento ko na lang sa’yo ulit bukas bitch! Good night!

5th Entry

September  09, 2018

11:25PM

Bitch!! Isang malaking B I T C H!

Wait, hindi ko talaga mapigilan yung saya ko. And yung kilig.

Nagfa-flashback pa rin sa akin yung nangyari kanina. Nakakakaba na nakakakilig na para bang nakakahiya rin.

So ayu nga! Napamura na lang ako sa nangyari kanina.

Bale yung activity kanina is, role playing. Which is, need namin matutunan na mag-CPR. Doon sa role playing na iyon need ng three actors. Isang kunwareng nalulunod, nagsi-swimming, and isang lifeguard.

Then need namin yun i-shoot. Bale short video siya tungkol sa first aid ng isang tao na which is about to be drown.

Then silang lahat, they pointed me na ako ang kunwareng malulunod.

Then si Hoell ang nag-act na kasama kong nagsi-swimming.

Tapos si James ang cameraman. Bago yun, gumawa muna si Leslie ng skit then lastly, doon ko nabasa na ang lifeguard ay si Jack.

Oo bitch!

Jack did it earlier! That fucking CPR!

And yes, para sa grade, my first kiss was ruined!

Pero, fuck! Hindi maalis sa isip ko.

Yung malambot niyang labi. Tapos yung paraang niya kung paano niya ko i-CPR.

Pero, ayun. Ginawa ko na lang yung best ko para i-act yung need na makita sa video. Then after that, umalis na kaagad ako doon para magbanlaw.

Nakakahiya.

Hindi ko magawang matignan si Jack sa mata. Nahihiya ako, kinakabahan, kinikilig.

Kaya sa one day pa naming natitira dito, hindi ko na alam kung papaano ko pakikisamahan si Jack.

Pero, bitch! Tell me, I’am just overreacting. Tell me!!

And oo nga pala, kami ni Hoell yung magkatabi kagabi. And ngayon, parang alam ko na kung sino yung katabi ko.

Narinig ko kasi na maglalaro si Leslie at James mamaya ng ML, so baka magtabi na silang dalawa.

So, between Hoell and Jack ang makakatabi ko.

Fuck, bitch! Ikwekwento ko na lang sa’yo bukas. Inaantok na ko!

6th Entry

September 10, 2018

2:05AM

Hoy bitch! Si Jack nakatabi ko kagabi! And ngayon, they are all sleeping na and ngayon si Jack ulit ang katabi ko!

It is because nakita niya akong nanonood ng You sa netflix kagabi. And gusto niya rin sanang makinood dahil sa TV lang daw naka-connect yung account niya sa netflix, wala daw siya sa phone kaya he asked me kagabi kung tabi ulit kami.

And the thing is, I said ‘YES’

I just promised myself na lang na I should just act normal. Para kong tanga! Kaya ayun nga, bitch. Nanood kami ng season 2 ng YOU pinanood namin yung episode 1 to episode 3 habang isang earphone lang gamit namin, share lang kami.

Then yung feeling na ang gaan sa pakiramdam dahil ang halos magka-dikit na pisngi namin tapos ang bango pa niya.

Hindi ko na lang naiwasan yung pag-ngiti, and buti na lang hindi niya ’yun nakikita.

Tapos ayun ’di na daw niya kaya yung antok kaya ini-stop ko na ang nakipagkwentuhan saglit sa kaniya.

So, habang nanonood kami kanina, naging light naman ang lahat. Ang cute niya magsabi ng “Uy, shit!”, ang cute lang talaga niya magulat sa mga pangyayari.

Tapos eka niya, ang ganda daw ni Love.

Hindi ko lang masabi, ako naman nagagwapuhan sa’yo.

Naging light naman ang lahat, nagtatawanan kapag may bed scene then after naming manood, nagkwentuhan saglit.

And yung hindi ko makalimutan eh noong inasar niya ako, about the CPR thing.

Bakit daw parang nagulat ako nung ginawa niya yun.

And napangiti na lang ako nung sinabi niyang, “By the way, your lips were soft.”

After that, nag-sabi na siya na matutulog na. And tumango na lang ako at kunware ring matutulog na, pero nagtalukbong lang ako at pinigil yung kilig.

And ayun, I go here and kinausap ka. Hindi ko kasi mapigilan yung kilig parang need ko ikwento kasi feel ko sasabog ako sa kama habang katabi siya.

Pero, I’m a bit sad din. Kasi, this is my last night with him. I mean, last day na nitong activity/outing thing, kasi we need to get back to our regular classes dahil  hinahabol namin yung lessons for midterms.

Hindi na ulit kami magkaka-bonding ni Jack dahil bukod sa magka-iba kami ng course, hindi rin naman kami close. Naging close lang kami dahil sa activity na ito.

And bitch, I’m sure na mami-miss ko ’to.

Good night, bitch!

7th Entry

September 10, 2018

10:50PM

Hi bitch, this day I think is the saddest for me. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako malungkot.

Pero kasi, last day na namin ns nagkita ni Jack ngayon. Siguro yun din yung dahilan. And dahil na rin siguro sa mga examinations na daraan, feeling ko nai-istress ako iniisip ko pa lang.

So, kanina magkatabi kami ni Jack sa bus. He requested for it, kasi daw boring katabi nung mga classmates niya, puro daw ML lang inaatupag.

Movie person kasi kaming dalawa, hindi kami gaanong naglalalaro ng mga ganoon. And, nagkasundo nanaman kami sa panonood. So, we watched Twilight New Moon and Eclipse.

Kahit kailan daw hindi niya pagsasawaan yung Twilight kahit na paulit-ulit niya kung panoorin, and for me ganoon rin naman.

Nakakatuwa dahil hindi mo makikita sa kaniya yung selan sa katawan. We shared earphones, we also shared food, snacks etc.

Kulang na lang mag-share na lang kami sa isang inumin. Bitch, alam mo yung feeling na may nakakapalagayan ka ng loob. Ang sarap sa pakiramdam.

Then ayun, after nun, dumating kami sa school ng mga 6:30PM then, bago kami pina-uwi, pinakain muna kami ng mga prof. Then ayun umabot kami doon ng alas nuebe.

Actually, that time si Jessie, Isay and Vlad na yung mga kasama kong kumain. After ng scene sa bus eh agad naman nang bumaba si Jack dahil niyaya na siya nung iba niyang mga kaibigan.

Nagpaalam naman siya sa akin and also said na, “See you around”

Edi ako naman si todo hiling na sana nga makita kita sa kung saan. Sana hindi ka snob.

Bitch, medyo sad ngayon kasi nga hindi na kami ulit magkakasama ni Jack, but also happy kasi ang dami kong natutunan at nakilala, especially si Jack.

Medyo bad trip din nga pala ngayong araw dahil kay Tyler. Napakalakas niyang humilik. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako.

So, balitaan na lang kita bitch ha?

Good night!

8th Entry

September 12, 2018

5:30PM

What’s up, bitch? Guess who’s happy today? It’s me, yes! It’s me.

So ayun, maaga kami nakauwi ngayon dahil may meeting daw ang mga professors and instructors so, diretso bahay lang ako. Wala naman akong pupuntahang iba.

Pero, kanina nung pauwi na ako, nakasalubong ko si Hoell.

And he handed me an invitation.

He told me na umattend daw ako sa konting celebration ng birthday niya sa Saturday, may kaunting kainan at inuman daw. Nginitian ko siya that time and nagsabing pupunta ako, wala naman pasok kinabukasan eh, so why not?

And bago siya umalis , napangiti ako ng sobra sa sinabi niya a pupunta daw si Leslie, and James.

And lastly, pupunta din daw si Jack.

Napangiti ako ng parang tanga pag katalikd ko kay Hoell. Kaya ayun, takang-taka naman ang mga loka, sila Jessie, Isay at Vlad na bakit daw ang saya ko.

Hays, bitch! Bakit ako na-eexcite. Explain it to me! Please.

Hehe, just kidding!

So ayun, gagawa muna ko assignment bitch ha? Bukas ulit.

9th Entry

September 14, 2018

9:19PM

Nanggaling ako sa Rob Magnolia kanina bitch! And guess who kung sino nakita ko.

Si, Jack!

Nagkasabay kami bumili kanina ng regalo para kay Hoell bukas. And yes, confirmed. Pupunta nga siya bukas.

Kung saan-saan kami naglibot na store para makahanap ng good gift para kay Hoell. And after nun, kumain kami.

Then he treated me a meal.

Is that a date? Unexpected date, ha bitch?

So ayun, kumain kami sa Jollibee. We ordered 2pcs of chickenjoy, bale tag-dalawa kami and tig-isang Yumburger Bacon Cheesy Deluxe.

And after nun, inalok niya ako na ihahatid ako dahil dala niya yung car niya. Sa una, siyempre kunyari nahihiya ako, pero in the end he insisted. Then, hinatid niya ako sa tapat ng dorm ko.

Bago ako tumalikod sa kaniya, may sinabi siyang hindi ko gaanong narinig and when I asked him again, hindi na niya ulit, inulit.

Hindi ko alam kung tatalon ba ko sa tuwa or magwawalling sa kilig. Super unexpected nung mga pabgyayari ngayong araw.

Yung mga tawa niya, yung ngiti niya. Tapos yung amoy niya.

Tapos yung neatness niya and pagka-masinop. Nakita ko yun sa loob ng sasakyan niya. May mga friends akong lalaki dati sa Nueva Ecija and may car sila.

Yung mga kilala kong iyon eh, ang gulo nung loob ng car pero ibahin mo yung kay Jack. Ang gandang tignan kasi ang linis tapos ang gwapo pa nung nagdi-drive.

Hindi ko talaga mapigilang ngumiti.

And nung pa-akyat ako, para kong tangang nakangiti at nakasalubong ko si Tyler.

Ang hilig lang talagang mam-badtrip. Sinabihan ba naman ako ng, “Wow, smiling without reason is like a fucking idiot.”

Napairap na lang ako and hindi na lang pinansin.

Pero, balik tayo kay Jack.

Sana maulit ulit yung nangyari kanina.

10th Entry

September 16, 2018

02:10PM

Walang pasok ngayon dahil Sunday and, wala pa akong ganang magkwento ngayon dahil ang sakit pa rin ng ulo ko.

Pero ang dami ko kasing ike-kwento sa’yo ngayon. Ang daming pangyayari kahapon na super unexpected. Kaya I’ll start na.

Hindi na ako nakapag-kwento kagabi dahil bagsak na bagsak ako dahil sa ininom namin. Naka-ilang bote din ata kami ng Alfonso Light.

So, nung pupunta na ko ng party, paglabas ko ng building ng dorm ko, nakita ko yung car ni Jack sa tapat nito.

Agad ko itong pinuntahan and hindi nga ako nagkamali. Si Jack nga ’yon!

Then nung nakita niya ako, medyo nagulat pa siya pero tinanong ko siya agad kung bakit siya nasa tapat ng dorm ko.

Then he answered na gusto niya nga daw akong isabay dahil wala naman daw suyang gaanong kakilala doon. Ako and si Hoell lang naman daw ang kilala niya. He’s about to text or chat me na nga daw pero wala daw pala akong number sa kaniya and hindi naman daw niya alam name ko sa fb so, inintay niya na lang daw ako na bumaba.

Habang nasa sasakyan kami, hindi ako makahinga ng maayos. Feeling ko, pulang pula ako that time. Kasi mantakin mo, hinatid na ako nung nakaraan, may pasundo pa ngayon.

And nakaka-amaze din dahil ang linis ng kotse niya. Ang neat tignan.

May mga friend akong boys sa Nueva Ecija na mga may ari ng car pero hindi ganito kaayos.

Hindi ko na lang maiwasang mapatingin that time kay Jack habang nagd-drive siya.

Napaka-hot kasi niya!

Pagdating namin doon, iilan-ilan lang din naman yung mga tao. Then sinalubong kami ni Hoell, we gave him our presents and niyaya kami sa loob para kumuha ng food.

Ang regalo ko kay Hoell is isang penshoppe shirt and cologne. Kay Jack naman Bench shirt and cologne. Wala na kasi kaming maisip nung nakaraan na gift kaya pinarehas na lang namin pero magkaiba ng brand.

Then after naming kumain, niyaya kami ni Hoell sa labas ng bahay nila para daw sa last part ng party niya.

So, ano pa nga ba ineexpect ko? Hindi mawawala ang numan sa mga party.

That time na niyaya ako ni Hoell, umayaw ako dahil mahina ang tolerance ko sa alak.

Pero, hinaltak ako ni Jack and tinabi ako sa kaniya. Huwag daw akong mag-alala, malasing man daw ako, iuuwi naman daw niya ako.

And that time, biglang naghiyawan yung mga tao sa circle. Nahiya naman ako bigla and tumango na lang.

I SCREAMED INSIDE!

Then nung naka-ilan na rin kaming bote ng litro ng Alfonso, may napansin akong isang guy. May itsura naman siya. Medyo grew na yung bigote then faded yung hair, matangos yung ilong and mestiso.

Napansin ko siya in the way na kapag ako na yung iinom or hawak ko na yung shot glass and yung baso ng chaser, nakatitig siya ng nakatitig hanggang sa mainom ko yung shot.

Pero that is not a big deal for me. Hindi ko na lang siya pinansin or tinignan ulit. Basta ang alam ko, katabi ko si Jack ngayon and I’m having a good time with Hoell’s friends taking ’bout things.

Then nung time na nararamdaman ko na yung tama nung alak, nagpaalam ako kila Jack na iihi muna.

Gumegewang akong akapunta sa banyo at umihi. Then after kong umihi, nagulat ako nang may biglang pumasok sa banyo.

And guess who? SIYA YUNG GUY NA TUMITINGIN SA AKIN!

Then I asked him kung bakit. May mga sinabi siya pero hindi ko na gaanong naalala or naintindihan. I asked his name too, peri hindi ko na talaga matandaan ngayon.

Then naramdaman ko yung kamay niya na inalalayan ako palabas.

Pero paglabas ko ng banyo may narinig akong malakas na sigawan then bigla na lang akong napasandal sa pader and naramdaman na may humalik sa akin.

OO! BITCH! MAY HUMALIK SA AKIN!

Alam ko yung mga nangyayari that time. Pero blurred na halos lahat kapag pinipilit kong tandaan.

And naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nadipensahan yung sarili ko sa lalaking yun na halatang halata naman na siya yung humalik sa akin.

Then after nung nangyari, narinig ko si Jack na sinabi sa akin na uuwi na raw kami. Naalala ko pa na ini-akbay niya yung braso ko sa kaniya and inalalayan niya akong makasakay ng kotse.

Then pagsakay ko ng koste, hindi ko na alam kung ano pa yung mga nangyari.

Ang natandaan ko na lang eh tinulungan ako ni Jack na makahiga sa kama ko, and nakita ko rin si Tyler na tumulong sa kaniya.

And that was the fucking thing that happened.

11th Entry

September 17, 2018

11:15PM

Bakit ganon, bitch! Bakit hindi sinagot ni Jack yung tanong ko.

Nasa school ako kanina and pumunta ko sa building nila. And nakita ko naman siya agad sa grounds dun na nagbabasa ng book. Agad ko siyang nilapitan para maitanong na nga agad.

Pero, nung lumapit ako sa kaniya at itinanong bigla siyang tumayo and ngnitian ako.

Shit! Nanghina kaagad sa ngiting ’yun.

And, niyaya niya akong kumain kasi nagugutom na daw siya’t hindi siya nagbreakfast.

Then habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa way niya kung paano siya sumubo.

Tapos, ang sexy pa ng lips niya. Napaka-kissable.

Napaiwas na lang agad ako ng tingin nang tinanong niya ako kung kakain daw ba ako o tititig.

Argh! Nakakainis. May electric fan naman sa ceiling pero init na init ako.

Dahil ba sa lalaki sa harap ko?

Then after naming kumain, nagpaalam na siya dahil need na daw niya bumalik sa classroom, dahil malapit na mag-start yung klase niya.

Nagpaalam din naman ako agad, pero bago yun he asked me kung pwede daw bang tumambay sa dorm ko.

Like, wtf?

And the thing is, again… Rumupok nanaman ako and said ‘YES’

12th Entry

September 18, 2018

0

6:44PM

Nasa dorm ko ngayon si Jack!

Oo, nasa dorm ko si Jack!

After ng klase namin ng mga five pm, agad na sana akong uuwi pero nakasalubong ko si Jack. And he asked me kung free ba ako. And dahil free nga lang naman talaga ako, I said yes.

Then he asked me kung pwede daw bang dun muna siya sa dorm ko.

Kaya ayun, kahit na medyo nahihiya ako and tinatanong ko sarili ko kung bakit niya gustong pumunta sa dorm ko eh, um-oo pa rin ako.

And ngayon, kaya napaaga yung pagke-kwento ko sa’yo, bitch eh dahil hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

Like, nakaka-excite isipin na magkasama kami ngayon ng isang masarap na nilalang at nasa iisang kwarto kami. I might lose control kapag nagkataoon.

Pero this time, bumaba muna siya at bibili daw muna ng snacks sa 7/11 malapit dito kaya ako nakapagsulat agad.

So, balitaan na lang kita mamaya, ulit? Susulitin ko lang ’tong araw na ’to.

Magtitimpla muna ako ng lemon juice, bago pa ko mauhaw sa juice niya.

September 18, 2018

02:10AM

So ayun. Ngayon lang ulit kita naka-usap, bitch dahil hanggang ngayon nandito pa si Jack, pero this time nakatulog na siya habang nanonood ng tv. So, lumapit na ko sa’yo ulit para ikwento lahat ng nangyari.

So kanina, pagdating niya galing 7/11, nakita ko sila ni Tyler na magka-akbay at sabay na pumasok sa room namin. And para bang nagkakaron sila ng good time or para bang matagal na silang magkakilala.

And dahil medyo curious ako, I asked them kung anong meron at kung kilala nila ang isa’t-isa. Then they said yes, magkaklase daw sila dati simula elementary ’till high school. So, magkakilala daw sila.

Ah kaya pala nung hinatid ako ni Jack dito nung lasing ako eh, parang okay silang dalawa. Kaya pala!

Then ayun, halos magdamag sila nang dalawa yung nag-uusap, medyo nawala na ako sa paningin ni Jack. Pero, hinayaan ko na lang. Wala naman ako sa posisyon para mainis.

At wait, kaya din pala siguro siya nagtanong sa akin kung pwede siya ngayon dito sa room ko eh, dahil kay Tyler. Siguro, nag-ask siya kay Tyler kung pwedeng tumambay. Pero Tyler said na itanong muna sa akin. Kaya siguro siya nagtanong. ‘Just my theory’

Pero okay na rin na makita ko for the first time si Tyler na masaya, na nakakangiti at tumatawa. Achievement yun.

So ako kanina eh, hindi ko pa rin maiwasang titigan si Jack. Ang sarap pakinggan nung tawa niya, ang sarap tignan yung mga ngiti niya and yung kissable lips niya tapos yung mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.

Sana Jack maging akin ka na lang. I’ll promise you na hindi kita sasaktan.

Bitch! Tama na nga day dreaming. Basta, ikwekwento ko sa’yo ulit lahat.

Medyo inaantok na rin ako at hinihintay na ko nung higaan.

Gusto ko man sanang katabi si Jack pero he insists na sa sofa na lang siya. So, wala na kong nagawa.

And by the way, may itatanong pa pala ako kay Jack about sa nangyari nung birthday ni Hoell.

At dahil nasa room ka namin, wala ka nang madadahilan sa akin para hindi mo masabi yun.

13th Entry

September  19, 2018

9:30PM

Wala, hindi ko pa rin natatanong bitch kung anong nangyari nung birthday ni Hoell.

Paggising ko kasi kanina, umalis na pala siya and nag-iwan na lang ng note sa headboard ng kama ko.

And siyempre, papahuli ba kalandian ko. So, ididikit ko siya dito ha?

Para kong tanga kanina na nakangiti habang pinagmamasdan ’tong little note niya for me, at saka hindi rin mawala sa isip ko na kanina pag-uwi ko, kinuha ko yung laptop ko and nag-online ako sa fb para tignan yung group ng klase mamin para sa Parcor and para i-download lahat ng powerpoint na sinend ng prof namin.

Pero hindi ko nagawa lahat ng ’yon dahil nagpop-up yung mukha ni Jack sa gilid saying na ‘New Friend Request’.

Napagulong ako kanina sa higaan and agad namang in-accept yung request niya hanggang sa mawala ako sa wisyo na i-chat siya.

So, ito yung first convo namin ni Jack. Ss ko lang wait, tapos print ko, then attach ko an rin sa’yo my little diary. Hehehehe.

Habang ka-chat ko siya kanina feeling ko hindi ako makahinga sa kilig. Super intimidating for me bawat reply niya.

Super turned on talaga sa mabilis magreply!

He even made a nickname for me. Walang naka-isip or walang iba na tumawag sa akin ng West.

Super ideal boyfriend din ni Jack.

Sana ako na lang Jack!!

So, nandiyan na lahat ha, Bitch!

Magbubeauty rest na ako. Para fresh ako bukas. Hehe :)

Good night!

14th Entry

September 20, 2018

9:17PM

And ayun nga yung nangyari. Natuloy kami kanina ni Jack. Pagkadismissed ng klase ko kanina, 5pm palang eh nasa gym na kaagad ako ng school namin.

Medyo excited pero, go lang. Pagpasok ko ng gym, nandoon nga ang mga varsity ng school pero hindi ko muna hinanap si Jack doon. Pumunta muna ko sa bleachers para maupo and para makita yung buong game nila.

Then nang nakita ko si Jack, wearing a red jersey shirt and short, tapos makikita mo yung medyo shinny niyang skin dahil pawisan. Tapos, nakatali yung buhok niya na medyo messy yung bangs niya sa forehead.

NAPAKASARAP NI JACK!!

KULANG NA LANG KANIN!

Pero, bigla akong napabalik sa realidad that time nang natingin siya sa direksyon ko. Then I saw him na sumenyas sa coach niya then biglang nag-stop yung laro and agad siyang tumakbo papalapit sa akin

Ninerbyos naman ako bigla. Dahil baka masunggaban ko si Jack nang ’di oras.

Paglapit niya sa akin, he asked me kung kanina pa ko and kung makakapaghintay daw ba ako. Tatapusin lang daw nila yung game. And I said na kakadating ko lang naman ang kaya kong maghintay.

He smiled at me and akmang babalik na sa mga ka-team niya pero bumalik ulit siya asking if may tubig daw ba ako.

And buti na lang bago ako pumunta diro bumili ako ng sky flakes and bottled water sa canteen. And I handed him quickly my water and agad rin naman siyang uminom.

Then nang makalahati niya yung tubig, ibinuhos niya sa mukha niya yung natira.

I SCREAMED INSIDE!!

Bakit naman sa harap ko pa siya naggagaganon? Buti na lang napigilan ko sarili ko. Muntik ko nang nakalimutan na nasa public place kami!

Then nang matapos siya, itatapon na niya sana yung plastic bottle pero pinigilan ko siya dahil pwede namang magpa-refill ng water sa canteen basta may tumbler or bottle ka.

Yun na lang yung dinahilan ko. Pero deep inside, itatago ko talaga yung bottle. Remembrance na nangyari ’tong pangyayaring ’to! Hehe.

Then nang makabalik na siya sa court, wala na ulit laro na naganap, tinipon na sila ng coach nila and siguro nag meeting lang saglit and told them that they are good to go na.

Agad namang pumunta ulit si Jack sa bleachers dala yung bag niya and shoes.

Nang umupo siya sa tabi ko, bigla siyang nagtanggal ng jersey niya na ikinagulat ko.

WTF! BAKIT ANG SARAP?

Hindi na lang ako nagpahalata that time. Ayokong mahalata niya na super akong desperado na matikman siya.

Nang makapagbihis na siya, inayos niya na yung bag niya pero, bago niya ilagay yung jersey niya sa bag niya, naghanap siya ng plastic sa akin. Buti na lang pinaplastic ko kanina yung sky flakes and bottled water kaya I handed it to him.

Then, isasara ko na sana yung bag ko pero he asked me ulit kung pwedeng makisuyo na ilagay muna sa bag ko yung plastic na may laman na jersey niya, towel and short dahil hindi na raw kasya sa bag niya dahil sa another pair of shoes na dala niya. And dahil sa nakalimutan niya daw kasi magdala ng paper bag.

And dahil sa mabait ako and crush kita, pumayag ako.

Paglabas namin ng school, niyaya niya ako sa Food Barn, isang food court lang malapit sa school namin.

He said na, kapag daw gutom siya dito siya lagi pumupunta and kumakain ng cheesy nachos.

Favorite niya daw yun.

Then cookies and cream puff na milk tea.

Now, I know na kung ano yung some of the things na favorite niya.

Kailan niya kaya ako magiging favorite?

Pag-upo ko sa isang table dun, agad naman siyang naka-order ng cheesy nachos and fries then may Cheese Burger pa. Then, may kasama pang dalawang large ng milk tea.

Isang cookies and cream and isang matcha. And, matcha is mine.

He also asked me kanina kung bakit daw gusto ko ng matcha eh lasang damo daw yun. And I said that, wala lang, paborito ko lang talaga.

Pagkaupo namin, nilabas niya yung phone niya and niyaya niya ako for a selfie with him then kita yung food na binili niya.

Then after three shots, in-off niya na yun and tinago.

Shit, paano ko kaya mukuha yun bitch!

That was our first picture together.

Ichachat ko ba? Tapos ipapasend ko yung pictures?

Argh, marami pa namang araw kaya sa susunod ko na isipin.

Anyways, habang nasa gitna kami ng pagkain, naisipan kong itanong na kay Jack yung nakaraan ko pa gustong itanong.

It is about the happenings nung birthday ni Hoell. And I thought kanina na, that is the right moment na itanong ko sa kaniya.

I started it by calling his name calmly. Tas sumagot siya ng “hmm?” dahil kakakagat niya lang ng burger.

Then hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, straightforward akong tao kaya tinanong ko na yung gusto kong itanong.

Nung una mukhang ayaw niya pang magsalita pero, nang marinig niya yung buntong-hininga ko, nagsalita siya agad.

According to him, it’s Flint.

Flint Sandoval.

Second year.

Nursing student.

Kaibigan ni Hoell, nakatira lang sa isang subdivision malapit kila Hoell.

And according to him, kung natatandaan ko pa raw ang mga pangyayari, he is the guy, Flint, who kissed me that night.

And si Jack yung narinig kong parang nakikipag-away. Jack told me that, nang makita niya na pinagsasamantalahan ni Flint yung pagkalasing ko, wala na siyang ibang nagawa kundi paulanan iyon ng suntok.

And that was the thing that happened.

Jack saved me.

That time, habang kumakain kami and kinuwento niya yun, bigla akong napatayo at napayakap sa kaniya. Pero, agad naman akong bumitaw dahil maraming estudyante sa paligid na nakakita sa ginawa ko.

Pagbalik ko sa pagkakaupo, he smiled at me.

The sweetest smile na nakita ko from Jack.

And the word lang na lumabas sa bibig ko that time ay thank you. And he smiled again, yung para bang sa akin lang niya binibigay yung ganoong ngiti dahil I never saw him na ngumiti ng ganon while with others.

And ngayon, ako naman yung parang tangang ngumingiti habang kausap ka my little bitcy diary!

Kung hindi lang siguro talaga straight si Jack, iisipin ko na may gusto rin siya sa akin dahil parang ayaw niya rin akong iwan kanina dahil hinatid niya pa ako hanggang dito sa pinto ng room namin.

And after that, we said, waved goodbyes.

And now, I need to deal with my roommate na lasing nanamang nauwi ngayon-ngayon lang. He can’t even take off his shoes.

Pero bago ’yun, nilagay ko muna yung plastic bottle na inuman ni Jack sa drawer ng table ko.

And now, Tyler! I’ll help him out sa kalasingan muna then bukas na lang ulit, bitchy!

15th Entry

September

 

25, 2018

10:16PM

Walang gaanong ganap.

Sorry, bitch! If hindi muna kita nakwekwentuhan. Wala kasing gaanong ganap dahil malapit na yung mid terms.

Need ko mag-review para makapasa.

Baka kasi ilipat ako ni daddy ng university kapag nalaman niyang mabababa yung scores ko.

Ayoko namang malayo kay Jack.

Hahaha, siyempre di lang kay Jack.

Napamahal na ako sa school ko ngayon, my classmates and friends.

Lalo na si Vlad, na napaka maalalahanin tas sweet pa.

Si Tyler lang naman yung malapit sa akin na hindi ko ka-close.

By the way, hindi pa nasusundan yung chat namin ni Jack. Hanggang doon pa rin sa chat namin nung nakaraan.

Also, hindi rin kami nagkikita lately. Dahil busy ako sa acads, siya naman busy both acads and basketball.

I miss him na!!!!!

Kailan ba kami magkaka-time ulit.

By the way, nasa akin pa rin yung jersey niya and short. Nakalimutan niya nang kunin sa akin. Nakalimutan ko namang ibigay kasi, after nung gabing kumain kami, nilabas ko sa bag ko and nilabhan tas kanina ko lang kinuha sa sampayan. Tiniklop ko na and nilagay sa malinis na paper bag.

Then halos ngayon lang, I chatted him na ibibigay ko sa kaniya bukas yung jersey niya.

Pero he replied na sa akin na muna daw, may extra pa naman daw siya.

Tuwang-tuwa naman ako dahil feel ko nasa room ko pa rin si Jack.

Pero, nung nakaraan, bago ko nilabhan, inamoy ko muna.

Kahit na alam kong puro pawis yun eh, amoy pa rin yung pabango niya. Ang bango pa rin para sa akin!

Then yung bottle nung water na ininuman niya, nilagay ko sa wardrobe ko.

Hehehe, souvenir.

Anyways apura ako landi, may Long Quiz pa pala kami bukas. So, need ko muna mag-review.

16th Entry

September  30, 2020

6:15AM

BITCHY!

GUSTO KO SUMIGAW NG SUPER! PERO HINDI KO MAGAWA DAHIL TULOG PA SI JACK AT TYLER.

Wait, alam kong hindi mo alam kung bakit. Pero ito na nga! Ike-kwento ko na sa’yo.

NANDITO SI JACK NGAYON.

Yes!

Ganito ’yon. Kagabi, maaga ako nakatulog dahil nakakapagod sa school. Ang daming activities and nag-exam kami sa tatlong subject namin.

Then nung nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ko, narinig ko si Tyler na nagsusuka sa banyo.

Tinignan ko yung oras, it’s already 2:15AM.

Pero, hindi ko pinansin. Tumalikod na lang ako at nagtalukbong.

Pero, maya-maya eh naramdaman ko siya na tumabi sa akin. Like, wtf? What’s wrong with Tyler?

Babangon na sana ako para alalayan si Tyler papunta sa kama niya pero bigla akong napahiga ulit dahil hinaltak niya ako at ni-lock ng yakap niya.

Pero all of the sudden, bigla siyang nagsalita.

“Dito ka lang.”

Nung una, inisip ko ba kung si Tyler yun. Dahil hindi niya boses. Parang ibang lalaki or hindi nga si Tyler yung yumakap at tumabi sa akin.

And, humarap ako kaagad para tignan nga kung si Tyler yun.

And pagharap ko, napatakip na lang ako ng bibig dahil sa gulat.

Yung ine-expect kong si Tyler, EH HINDI PALA!!

IT WAS JACK!

AND WE ARE AN INCH APART!

Tangina, bitchy!

Hindi ko alam yung gagawin ko that time. Hindi ako nakagalaw. Para akong naging tuod. Hindi ko alam kung anong move yung gagawin ko. Kakalasin ba yung yakap niya at tatakabo sa kama ni Tyler dahil napansin kong wala pa si Tyler o hahayaan lang yung pangyayaring ’to dahil gusto ko naman?

Pero kahit na kinikilig ako, and gusto ko yung mga nangyayari, naisip kong maling mali pa rin.

Lasing si Jack! Lasing siya kaya ito nangyayari.

Kaya dahan-dahan ko na lang kinuha yung phone ko and tinawagan si Tyler.  Agad naman niyang sinagot pero napaka-cold nanaman nung sagot niya. Tinanong ko kung nasaan siya, then ang sabi niya eh nasa tindahan lang daw siga malapit sa dorm, umiinom ng beer at nagyoyosi. Pero nung kinuwento ko na nasa room namin si Jack, yakap ako at lasing, agad niyang pinatay yung tawag.

Ilang minuto rin yung tinagal naming ganon. Napaka-lapit nang mukha sa akin ni Jack kanina. Like, ilang inches lang talaga. Kaya nakita ko ng super close yung details ng mukha niya.

Napaka-amo.

Medyo bad boy lang dahil sa long hair na naka-tali.

Then, ang tangos ng ilong.

Shaved yung bigote.

Ang kinis.

May iilang maliliit na impurities pero, napaka gwapo pa rin!

Then yung kissable lips.

GUSTONG GUSTO KO SIYA HALIKAN THAT TIME. PERO ALAM KONG MALI.

Niligtas niya ako sa nanamantala sa pagkalasing ko, and ayoko naman na gawin ko sa kaniya na pagsamantalahan siyang lasing.

EKIS YON!

Then, napansin ko yung parang medyo balat niya sa bandang patilya.

Nangingitim yun and para bang peklat or what. Hindi siya balat eh. Parang peklat.

Na-curious ako don and hinawakan yun.

Pero paglapat ng daliri ko, bigla siyang hindi mapakali. Para bang nananaginip. Hanggang sa para bang umiiyak siya at binabangungot.

This time, kinabahan ako. Hindi ako mapakali. I tried to wake him up pero hindi siya magising.

May mahina siyang sinasabi.

“Daddy.”

Puro daddy yung bulong niya.

Umupo ako sa higaan and tried to shout his name. Pero hindi gumagana. Tumayo na ako this time and buti na lang eh dumating agad si Tyler.

Tinanong sa akin ni Tyler kung anong nangyari pero hindi ko siya sinagot.

Bigla siyang lumuhod para magkatapat sila ni Jack at iniunan ang braso niya sa ulo ni Jack at marahan na niyakap at tinapik-tapik.

Agad namang tumahan si Jack at ilang segundo lang ay bumalik ulit sa pagtulog.

Naiyak na rin ako that time dahil sa kaba. Tumayo naman si Tyler after niyang i-ayos ang higa ni Jack. Lumapit siya sa akin and hinimas-himas yung likod ko and told me na everything is fine na.

He also gave me a glass of water na agad ko namang ininom.

Then he insist na sa sofa na siya matutulog. And ako naman raw eh sa kama na lang niya. Huwag rin daw ako mag-alala dahil walang bahid ng dumi at kababuyan yon dahil kapapalit niya lang.

Natawa naman ako and nagpasalamat sa kaniya.

May tinatago naman palang bait ’tong si Tyler. It’s an another achievement for Tyler.

That was tough.

And hanggang ngayon, nandito pa rin yung nerbyos.

Pero, napagdesisyunan ko na ring tumayo ng maaga para makapagluto ng soup or lugaw. Para paggising nitong dalawa eh mahimasmasan naman sila or mawala ang hangover.

Luto muna ko ha.

September 30, 2018

11:18AM

Ere kami ngayon, gising na silang dalawa. Nakapagluto na rin ako ng Crab and corn soup and naka-kain na rin sila.

Nakapagsulat lang ako sa’yo ngayon dahil naliligo si Jack and si Tyler naman nag-uurong. And ako naman eh kunwaring busy about some school stuffs.

Pagkagising kanina ni Jack ng mga alas dyis, halatang masakit na yung ulo niya. Hindi rin niya maalala lahat ng nangyari kagabi. Hindi niya rin alam kung papaano siya napunta dito.

Pero, hindi naman ako nagpahuli. Tinabihan ko siya kanina sa kama and kiniwento lahat nang nangyari.

I asked him too kung ano yung nangyari sa peklat niya sa bandang patilya. Pero it seems na ayaw niyang pag-usapan kaya hindi ko na pinilit.

Then after nun, niyaya ko na siyang kumain. Sumunod naman si Tyler na hinayaan ko na lang din kumuha. Habang kumakain sila, biglang nagtanong si Jack kung nasaan yung mga gamit niya.

Agad namang sumagot si Tyler na iniwan lahat ni Jack yung personal belongings niya sa entrance ng dorm. Buti na lang daw mabait yung nakapulot dahil they surrendered it kay Ate Alice. Siya yung personnel sa baba.

Then ater nilang kumain, tinabihan ako ni Jack sa higaan.

“Sorry.”

Yun yung bungad niya sakin.

Ang sarap sa teynga.

I don’t know kung anong maganda sa word na “sorry” pero napaka-sweet ng boses ni Jack! Napaka-sincere ng tono.

Pero, sinagot ko pa rin. Para saan kako. Then sabi niya dahil daw sa mga pinaggagagawa niya kagabi. Then sabi ko, okay lang ’yon basta kako’t may problema siya and wala siyang malapitan, I told him na nandito lang ako. Pwede niya akong sabihan, and lapitan.

Ngumiti naman siya that time and nagpaalam na maliligo. I told him na okay lang and hindi naman niya kailangang magpaalam.

So, inihanda ko yung mga need niya. Nilabas ko na rin yung short and jersey niya. Meron naman akong bagong set ng undies dito kaya ayun na lang papagamit ko sa kaniya.

Pero sana kasya.

Meron din akong naka-tagong new toothbrush na binili pa ni mommy nung April.

Kinuha ko rin yung malinis na tuwalya sa cabinet ko and binigay sa kaniya.

Ngumiti ulit siya sa akin and ginulo-gulo yung buhok ko.

Pero bago siya pumasok sa banyo, binalik niya sakin yung jersey niya and sinabing.

“Itago mo na lang ’to. Tapos, isuot mo sa intrams. Then, cheer me.”

Wtf, Jack? Bakit mo ba ko pinahihirapan!

17th Entry

October 1, 2020

10:17PM

Bitchy, naiinis ako! Nanggigigil ako.

Kanina, pag-dismissed ng klase, pumunta muna ako sa canteen kasama si Isay at Vlad dahil medyo nagugutom ako, pati rin naman sila.

And para pag-usapan yung group activity namin.

Habang naglalakad kami papunta don, napansin ko yung College of nursing.

Malapit lang yumg canteen na yun sa Nursing. And bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Jack.

He’s a nursing student.

2nd year.

Flint Sandoval.

Yun yung lalaking humalik sa akin. Gusto ko siyang maka-usap, gusto kong malaman kung bakit niya ginawa ’yon? Dahil ba sa libog or what?

Kaya I stopped saglit, nagtaka naman sila Vlad kung bakit. Pero hindi ko sa kanila sinabi. Ayoko namang i-judge nila ako, baka sabihin kay landi ko.

Sinipat ko yung mga naka uniform ng nursing na naglalabasan. Pero wala akong makitang Flint. Pero, ang tanga ko lang sipatin yung taong baka wala naman dito dahil baka walang pasok or maaga uwi.

Hinayaan ko na lang ’yun that time and niyaya na ulit sila Vlad pumunta sa canteen.

Nang nasa canteen na kami, bumili lang ako ng lemonade and egg sandwich. Umupo kaming tatlo and nilabas nila yung mga gamit nila and book para na rin makapag brainstorm kung ano yung mga need sa activity.

While we’re talking about it, may nahagip yung mata ko na parang pamilyar.

He’s wearing a nursing student’s uniform. May bag na hawk which is color black, faded ang buhok and medyo may bigote.

Nung una hinayaan ko lang pero naalala ko bigla yung humalik sa akin.

Kaya tumayo ako at tinawag siya.

“FLINT!”

And hindi nga ako nagkamali. Siya nga ’yun dahil nang marinig niya yung pangalan niya, agad siyang tumingin sa akin at tila ba nagulat.

Umiwas siya agad ng tingin sa akin at hinablot agad yung binili niya at binilisan ang lakad.

Kinuha ko agad yung gamit ko and humingi ng tawad kila Vlad dahil may need kako akong puntahan.

“Flint!”

Sinigaw ko ulit yung pangalan niya and tumakbo ako para maabutan siya. Pero, nang makita niya akong malapit na sa kaniya, tumakbo siya lalo ng mabilis na para bang nakipag-habulan pa sa akin.

FUCK!

Ano bang problema niya?

Gagawa-gawa siya ng kagaguhan tas ngayon, ayaw niyang harapin? Napaka-gago!

Alam ko hindi naman dapat big deal yung kiss na yun dahil lasing kami. And kung ano yung nangyari dapat nung lasing kami eh doon na lang ’yun

Pero, mali kasi. Dahil, hindi ko naman ginustong mahalikan. Lalo na nung gago na ’yun na hindi ko naman kakilala.

Mana pa kung nakipaglaplapan ako, and aware ako sa nangyayari, lalo na kung si Jack yung lumaplap sa akin.

Sorry sa words.

Pero joke lang.

Susubukan ko pa sana siyang habulin ulit pero biglang lumitaw sa harap ko si Jack.

And para kong nakita ng hero.

Tinawag niya yung pangalan ko and tinanong kung bakit daw ako nagmamadali, okay lang daw ba ako at saan ako pupunta?

Kaya sinabi ko kaagad yun sa kaniya

So ganito yung sunod-sunod niyang tanong and usapan namin.

“San ka pupunta? Bakit hingal ka?”

“Jack! Si Flint! I saw Flint! Pero, hindi ko na siya nahabol.”

“What? So you’re saying na hinabol mo si Flint kaya ka ganiyan?”

“Yep. Nakakainis. Bakit ayaw ako kausapin non? Hiyang hiya ba siya sa ginawa niya?”

“Tsk. Para kang ewan. Bakit mo kasi hinabol?”

“Itatanong ko sa kaniya lahat. Bakit?”

“Bakit kailangan mo pang itanong? Hindi ba sinabi ko naman na sayo?”

“Eh sa gusto kong malaman yun mismo sa kaniya. Kung bakit niya ’yon ginawa.”

“Hindi mo ba inisip na baka mamaya may gawin nanaman sa’yong masama yun? Hindi ka ba nag-iisip?”

Wait, so ayun nga.

Parang nag-iba na yung tono ni Jack don.

Tinignan ko siya and nakatingin din siya sa akin.

“Eh bakit parang nagagalit ka?”

“Hindi ako nagagalit. Pinagsasabihan lang kita. Paano kung masundan mo siya tas hilahin ka nanaman sa kung saan tapos halikan ka ulit?”

“Eh bakit ka naman nag-jump agad sa halikan?”

“Pinapaalalahanan lang kita. Ginawa na niya yun once, huwag ka nang gumawa ng bagay na ikapapahamak mo ulit.”

“Kaya ko ang sarili ko!”

“Kaya mo? Pero hindi mo nga napagtanggol sarili mo nung time na hinalikan kita.”

Napatingin ako sa kaniya that time.

And para siyang nagulat.

“Ano kamo? Hinalikan mo ko?”

“Ha? May sinabi ba ako? Mali lang. Hinalikan ka ni Flint.”

“Huwag mo ko linlangin! Alam ko yung narinig ko.”

So, puta! Ere kami ngayon, para kaming mag-jowa na nag-aaway about halikan.

“Ewan ko sa’yo. Bahala ka diyan.”

And iniwan niya ako dito ngayon. Naka-hang na para bang hindi ko alam kung ano yung mga nangyari o pinag-awayan namin.

Sht!

Nag-away kami ni Jack.

Depungal na araw ’to!

Hindi na nga naka-usap at nahabol si Flint, galit pa ngayon si Jack.

Tangina talaga.

18th Entry

October 3, 2018

10:16PM

Maagang natapos klase namin ngayon. Wala namang gaanong naganap. PE class lang maman yung klase namin ngayon and pinag-uusapan yung magaganap sa darating na intramurals.

Lahat halos ng kaklase ko sumali sa mga sports. Gusto ko sana magtry out sa badminton pero baka makapasok ako at hindi ko ma-cheer si  Jack.

Speaking of Jack, nakakalungkot lang dahil hindi niya ako pinansin kanina.

Paglabas ko ng room para umuwi, nakasalubong ko siya na papasok ng building namin pero, tinignan niya lang ako, hindi pinnsin at dinaanan.

Na-hang ako in that moment na hindi ko man lang nakausap si Jack. Hindi man lang ako nakapag-sorry about sa nangyari nung isang araw.

At the first place, kasalanan ko naman talaga dahil alam kong nag-aalala lang naman siya pero hindi ko siya pinakinggan, ginalit ko siya at sinigawan.

Pero, bitchy! Hahanap ako ng tiempo para mag-sorry.

Ewan. Matutulog na lang ako. And sana, magkaroon kami ng time ni Jack na magkausap bukas.

19th Entry

October 4, 2018

11:15PM

Kanina, nung nasa school kami, pinagtripan ako ng mga mabubuti kong kaibigan.

And, iyon eh sa basbas ni Vlad.

Actually, they asked me kung bakit daw parang wala ako kabalak-balak magkaroon ng lovelife?

Bakit daw wala man lang ako pinakikilala sa kanila or kinekwento about crush or what.

By the way, alam nila na I’m gay. Gay na hindi halata. Dahil since nung first day, inamin ko na yun sa kanila when we introduced ourselves.

Kaya ang mga mabubuti kong kaibigan, nag-download ng isang dating app na exclusive for gays and bisexuals.

Grindr ata yung name.

Then gumawa sila ng account na picture ko yung nakalagay, pero hindi kita yung mukha then pinangalanan nilang ‘Jowable’

Like, wtf? Ibubugaw ba ko ng mga ’to?

Guys, may Jack na ako. Hindi niyo ba alam? Pero, joke lang.

I told them to stop and hindi ko kailangan ng jowa or whatever man na gusto nila para sa akin.

Pero hindi pa rin sila tumigil. Hanggang sa may ipakita sila na nag-chat daw sa account ko.

Hinayaan ko na lang silang gawin yung nais nila basta hindi ako sisipot kung gusto man nila na i-meet ko yung taong makaka-chat nila.

Tumayo na ko and sinabihan sila na bahaa kayo diyan. Pero, bigla silang nagulat and nagtayuan nang malaman nilang doon din sa university namin nag-aara yung nag chat sa account na ginawa nila.

And they set time para magkita daw kami bukas sa canteen malapit sa gymnasium. Na, malapit din sa college of nursing.

Di ko alam sa mga ’to. Parang mga ewan.

Pero I’m still asking myself, kakagat ba ko sa mga pakulo ng mga hayop na yon?

20th Entry

October 5, 2018

10:15PM

So kaninang umaga, wala akong kawala sa mga kumag kong kaibigan na nais akong magka-jowa. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Dalawa lang ang klase namin kanina, hindi na dapat ako papasok dahil tinatamad ako at hindi ko rin naman makakausap si Jack dahil for sure, dedeadmahin nanaman ako nun, pero may malakas na katok akong narinig mula sa pinto ko dahilan para bumangon ako ng maaga.

And guess who?

It was Jessie, Isay and Vlad. Silang tatlo ang bumungad sa akin at halatang nagulat dahil kagigising ko lang, hindi pa naliligo at nagbibihis.

Tinanong nila ako kung may balak ba akong pumasok, wala kako, pero mapilit talaga ang mga kumag, agad nilang inihanda yung bag ko and uniform. Kinuha yung tuwalya at ibinato sa akin.

Nagbubulungan silang lahat dahil tulog pa si Tyler. Pero yung bulong nila eh rinig rin sa labas dahilan para tuluyan nang magising si Tyler.

Tinanong pa ni Tyler kung anong meron. Agad namang sinagot ng mga bugaw kong kaklase at kaibigan kung ano nga ba yung agenda ng pagpunta nila dito.

At iyon ay ang ibugaw ako doon sa naka-chat nila sa dating app na yun na ka schoolmate lang namin.

Kilala naman nila si Tyler at ganoon din naman si Tyler. Kasi, madalas sila dito since before mag September. And, okay lang naman yon kay Tyler hangga’t hindi mapapakielaman yung gamit niya.

Lumapit pa ang tatlo kay Tyler and pinakita ang convos and picture nung lalaki.

Napatingin sa akin si Tyler na para bang naguguluhan or para bang may gusto siyang sabihin sa akin.

Nag-send daw ng pictures yung lalaki, pero hindi daw sila nag-send ng true pictures ko. Yung kay Vlad yung ginamit nila.

Sila, alam nila kung sino or yung itsura nung guy pero ako, I’M CLUELESS!!

Surprise daw dapat. Baka daw kasi mapangitan ako or what, baka daw hindi ako pumayag makipag-meet.

Pero sabi naman ni Jessie, yummy naman daw yung boy and sure na kakagatin ko.

Napa-irap na lang ako at agad na naligo. Pagkatapos non ay nagpaalam na kami kay Tyler at humingi ako ng pasensya para sa tatlong kumag.

Pagdating namin sa room, inayos nila ang buhok ko and uniform. Dapat daw neat akong tignan para daw unang meet pa lang, hahabulin na ko nung guy.

Natigil lang sila nang dumating yung prof namin and nagstart na yung klase.

At habang nagkaklase, parang tanga yung tatlo na nag-uusap usap sa GC namin and sinesend doon yung screenshot ng convo sa Grindr.

11:30 yung tapos ng klase namin, and napagpasyahan ni Jessie and nung guy na after class magkita, sa canteen malapit sa College of Nursing ng mga 12:30 tutal naman daw at 01:30 pa ang klase nung guy.

Napa-irap slash natawa na lang ako sa mga kalokohan ng mga mokong na ’to.

Pero habang binabasa ko yung mga convo nila sa group chat, biglang nagpop-up sa messenger ko yung convo namin ni Jack.

NAGCHAT SA AKIN SI JACK!

NAPAKA PA-GIRL KO SA PART NA ’TO.

JACK, SORRY. PINAGBIGYAN KO MUNA TONG MGA KAIBIGAN KO.

Nakonsensiya ako sa convo namin ni Jack!!!

Pero ayun nga, balik tayo sa nangyari.

After ng klase namin. Pinag-polbo at konting lip tint ako ng mga mokong.

Ako naman eh parang robot na sumunod. Okay naman sa akin yung mga nangyayari. Kung magustuhan ko, ede magustuhan. Pero I’m pretty sure walang tatalo kay Jack.

Nang tumungtong na ang 12:30, agad na kaming pumunta sa canteen. Binigay sa akin nung tatlo at ipinush na ako para pumasok.

Ginamit ko yung phone na pang-chat ng “Nandito na ako”, doon sa boy na ka-meet ko daw.

Pero!!!

Pero, bitch!!

Paupo na dapat ako sa gilid pero biglang may nanghaltak sa akin para ma-harap sa kaniya.

IT WAS JACK!!!

JACK!

JACK!

And the conversation goes like this:

“Jack?”

He smirked.

“So, ipagpapalit mo ko para lang sa ime-meet mo dito ngayon ha?”

“Wait, how did you know? Paano?”

“Stop your non-sense! Halika na. Umalis na tayo dito. Shut down your account there and uninstall that application!”

“Wait, bakit ba dinidiktahan mo ko?”

That time, medyo marami nang estudyante ang nakatingin sa amin.

This is the 2nd time we had a fight.

AND FEELING KO MAG-JOWA KAMI AND NAPAKA-GANDA KO.

“Can you minimize your voice? Nakatingin na mga estudyante oh?”

“Eh ano ba kasi problema mo? May kikitain nga ako dito, iwan mo na lang ako.”

“No, please. Umalis na tayo dito!”

“Ayoko. Hindi ka ba nakakaintindi?”

“Eh ikaw lalo? Hindi mo ba maintindihan o maramdaman na gusto ko ako lang makasama mo dahil gusto kita? Gustong-gusto?’

Pagkasabi niya non! Tumigil yung mundo ko. Hindi literal ha!!

Gusto daw ako??

NI JACK?

Hawak niya yung kamay ko that time pero agad niyang binitawan at tumakbo papalayo.

Fuck. Naalala ko nanaman ngayon!! Shet! Paano ba niya kasi yun nalaman?

Bago pa siga makalayo, susubukan ko siyang habulin sana, gusto ko siyang yakapin and mag-sorry.

Pero wala na. Nakalayo na.

Shit.

Ang tanga ko talaga!

21st Entry

October 7, 2020

11:15 PM

Today is Sunday and hindi ako mapalagay simula nung last time na nagkita at nagkasagutan kami ni Jack.

It feels like nangyari pa rin kanina yung mga  naganap that day. Hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi ni Jack sa akin.

He said, he likes me.

So, sino ba naman ang mananahimik lang kapag yung gusto mong tao, magsabi sa iyo ng ganon.

Kaya kaninang tanghali, pinuntahan ko siya sa condo niya, hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa kokote ko, pero wala. Nagpunta ako doon na nakapambahay lang.

Striped shorts and a pink t-shirt lang. Tapos tsinelas lang. Nag-suot lang ako ng relo at earrings para medyo may dating pa din.

Pero bago ako magpatuloy sa pagtahak, dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng snacks, baka sakaling magtagal ako doon at mapasarap ang kwentuhan sa kaniya.

Paglabas ko ng store, nakasalubong ko pa si Vlad na papasok din ng store. We just nodded to each other and agad na nilagpasan ang isa’t-isa.

Habang naglalakad ako that time, ang dami kong conflicts na napagdaanan. Naroong napatid ako, naroong may baliw sa kalsada at hindi ako nakadaan dahil medyo nakakatakot.

Nandoon ding, may banggaan ng jeep at tricycle.

I had that feeling kanina na parang ang malas ng araw ng Linggo. And para bang may tumututol sa akin na pumunta ako sa kung saan man ako pupunta ngayon.

Oo, aaminin ko.

Ang tanga ko.

Siguro dahil inaway ko si Jack. And hindi siya pinagbigyan sa kung ano yung gusto niyang mangyari na samahan ko siya.

Ang tanga ko din dahil, ayun na oh! Yung gwapong nilalang na yung lumalapit sa akin pero lumalayo ako.

I smiled that time.

He’s my crush, pero kinaibigan ko.

Ewan pero, in just a short period of time, parang nalaman ko na, Jack is someone na masasandalan ko. He is someone na hindi ako pababayaan. Ang swerte ko sa kaniya.

Sa totoo lang, dapat hindi ko siya inaway o tinaboy. Fuck! Konsensiya ba ’tong naiisip ko?

Umiling ako that time habang tumingala at tinignan yung entrance ng condo niya at huminga ako ng malalim.

Inisip ko that time na I’ll say sorry, and thank him sa mga bagay na nagawa niya para sa akin.

Kaya hindi na ako nagpahuli pa. I pushed the botton up sa elevator and agad akong dinala sa desired floor na pupuntahan ko.

Nang makatapat ako sa pinto ng room ni Jack, huminga ako ng malalim at kumatok.

I wear a smile pa that time para naman maging positive yung paligid.

After a few seconds, I excitedly smiled and sinipat agad si Jack.

Pero I got back to mu reality that time, I undressed my smile back to normal and para kong tuod na na-stunned sa harap ng isang babae na nagbukas ng pinto niya.

Napaka ganda niya, ang kinis, rosy cheeks. Medyo may katangkaran and ang balingkinitan ng katawan.

“Oh dear. Why? Ano yun?” She asked me.

Then I heard someone’s voice coming from inside na nakilala ko naman agad kung sino, it was Jack.

“Babes? Sino yan?”

Nawala lahat ng gusto kong sabihin, lahat ng sinabi kong positivity sa ngiti na suot ko lang kanina.

“Hey? Are you okay? May need ka ba?”

Then when he tapped my shoulders, napabalik ako sa reyalidad at napatawa ng mahina.

“Ay, sorry miss… Wrong room lang po ako ng nakatok. Pasensya na po.”

Agad akong tumalikod that time and hindi na hinintay ang susunod niyang sasabihin.

I quickly ran sa stairs pababa at huminto.

Sino yun?

Babes?

Girlfriend niya kaya ’yun?

Pero? Bakit ganon?

Sabi niya, he likes me.

Pero bakit may babes?

Fuck you, Jack! Fuck you! Ayoko na. Hinding hindi na ko maniniwala sa’yo!

You just want to fool me.

22nd Entry

October 8, 2018

8:00PM

Maaga ako pumasok kanina dahil may exam kami sa isang subject. Wala sana akong ganang pumasok kanina kung wala lang talagang exam.

Pagdating ko sa school, sinalubong ako ni Vlad, hindi ko alam kung ano yung meron sa mukha niya pero I asked him nalang.

“Anong meron sa’yo Vlad?” I asked him.

“Remember the guy na nakachat natin sa dating app?”

“Oh, ano meron?”

“Nag-sorry ako sa kaniya kagabi, eka ko sorry hindi ako nakapunta. And, ayun okay lang daw.”

“Oh tapos?”

“Then I asked him again kung pwede ulit makipagkita.”

Napakunot ako ng noo that time. Bullshit, akala ko tapos na.

“Then?”

“Then he said yes! Kaya mamaya after ng exam natin, pupunta ka sa KFC. Sabi ko doon na lang kayo magkita.”

Napasapo na lang ako ng noo that time and agad na sanang papasok ng room pero bigla kong natanaw hindi kalayuan si Jack.

Naka-corporate attire siya. Siguro may presentation or what.

Napahinto ako habang patuloy siyang tinitignan. Napaka-linis niya talaga kung manamit. Kahit na ang messy nung buhok nya na nakakalat sa noo, then nakatali yung buhok niya. Napaka-linis pa rin mula ulo hanggang paa.

Pagka-upo niya sa isang bench ’di kalayuan, umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha.

And fuck, nagtama ang paningin namin.

He’s looking at me, nakatitig rin siya sa akin.

Hindi ako pwedeng magkamali. Walang tao sa paligid ko, kaya for sure sa akin siya nakatingin.

Pero bigla na lang parang may kumurot sa dibdib ko, napa-iwas ako ng tingin, kasabay noon ang pagpasok ko sa loob ng room.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Kung nalulungkot ba ako dahil nawalan ako ng kaibigan o dahil sa “Babes” na kasama niya sa condo niya kahapon.

Habang nag-eexam kami kanina, hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kaya kung hindi naman girlfriend yun ni Jack? Paano kung kaibigan lang o kaya naman kamag-anak?

Iniling ko na lang ang ulo ko upang mawala sa isip ko yung mga tagpong iyon.

Pagkatapos ng klase, excited naman akong nilapitan nila Vlad at Isay and Jessie.

“So, sis? Ano na? Ready ka na?” Tanong sa akin ni Isay.

Mukhang wala na talaga kong magagawa kaya nag-ayos na lang ako ng gamit, and medyo sinuklay ang buhok ko para maging presentable naman.

Paglabas namin ng school, sumakay agad kami ng e-bike para makapunta na agad sa KFC. Hindi naman ganoon kalayo yun from the school.

Pagdating namin doon, pumwesto yung tatlo sa dulo, then tumayo si Jessie para umorder ng pagkain. Ako naman eh, iniupo nila malapit sa counter kaya nakikita ko yung mga students na umoorder, medyo malapit din ako sa main entrance.

Habang naghihintay ako ng reply sa cellphone ni Vlad, gamit yung app that they downloaded, nag-backread ako sa convo na ’yun and para rin makita ko na yung picture ng lalaki na makaka-meet ko ngayon.

Habang naglo-loading yung photo, may narinig akong familiar voice na umoorder sa counter, pag-angat ko ng paningin, it’s Jack.

With the girl na nakita ko kahapon.

What the fuck? Nananadya ba siya? Na ipakita sa akin na may jowa siya?

Umiling na lang ako and erased lahat ng nasa isip ko. Makikipagkita ako ngayon sa possible kong maging special someone. Siguro, mag-focus na lang ako dito.

Napabalik ako sa pagtingin sa phone nang bigla itong mag-vibrate.

NursingMustache018

Yun yung username na nagpop-up sa screen, yun yung guy na mami-meet ko ngayon.

From: NursingMustache018

Sorry, ito na ko. Kakababa ko lang ng e-jeep.

Then I replied.

Okay. Nandito ako sa table na may pending number na 16.

Huminga ako ng malalim at naghanda. Medyo kinakabahan din ako dahil first time ko ’to.

Papatayin ko na sana yung phone ko nang biglang nag-appear yung photo na loading kanina.

Wait.

I knew him!

What the fuck?

“Hey are you that Mr.BSBA guy?”

Pag-angat ko ng ulo, nakita ko ang gulat sa kaniyang mata. Hindi ko itatanggi pero pati ako nagulat.

“Flint?”

“Shit? Wesley? Ikaw yung ka-chat ko? Pero bakit iba yung photo? Are you just fooling me?”

“Wait, hindi noh! Pero teka… May itatanong ako.”

Pero shit, hindi niya ako pinansin. Tumalikod siya agad at lumabas. Palabas na rin dapat ako pero biglang may mainit na kamay na humawak sa braso ko.

Sa paghawak pa lang, I knew na agad kung sino yon. Biglang kumabog yung dibdib ko, and the same time nalungkot, galit, at tampo.

“Jack bitawan mo ko!”

“Please Wesley. Wala kang mapapala kapag hinabol mo siya.”

“Jack. Please, let me. I need my inner peace.” Malungkot kong sagot. Hindi ko na siya tinignan pa at tinabig na agad yung kamay niya.

“Teka Flint! Magtatanong lang ako!” Sigaw ko paglabas.

Nang maabutan ko siya sa sidewalk ng highway, agad siyang humarap sa akin.

“Ano ba kasi? Ano ba kasi gusto mong itanong? Ayoko na! Ang hirap na.” Bigla niyang sabi sa akin.

“Wait what? Bakit ikaw pa ang nahihirapan? Hindi ba’t ikaw ang may atraso sa akin?”

“Kaya nga! Ang hirap magtago sa campus. Dahil makita mo ko. Ayoko na.”

“Gusto ko lang naman malaman yung nangyari that night. And kung bakit mo ginawa yun?”

Biglang kumalma ang mukha niya  nang may narinig akong yapak galing sa likod ko.

“Ayan. Jack! Nandito ka naman na. Pwede ba? Huwag na ako yung palabasin mo na masama? Pwede bang sabihin mo na yung totoo? Please. Ayoko na.” Ani ni Flint at sinapo ang sariling noo.

I stunned for a moment. Wait, what? Yung totoo?

Humarap ako kay Jack that time na halatang naguguluhan din.

“Jack? Ano ’to? Totoo? Ano yung totoo?” I asked him. Pero patuloy lang siyang nakatayo, nakatikom.

“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin? Ganoon ba kabigat yung ginawa mo para sa akin mo ipasa?” Tanong ni Flint kay Jack.

“Flint please. Stop!” Mahinahon na sabi ni Jack.

“Ano ba kasi yon? Jack? Ano ba ’to?”

“You want me to stop? Then go, aminin mo. Sabihin mo yung nangyari that night. Sabihin mo kay Wesley yung tunay na nangyari.”

Tumingin ako kay Jack. Nangungusap ang kaniyang mga mata ngunit hindi ko mawari.

“O kaya, gusto mong ako na ang magsabi?” Matapang na tanong ni Flint.

“No, Flint! Please.”

“Jack, ano yon? Ano ba kasi yon?” Tanong ko.

“Flint, ano yon? Just spill it!”

“Mukha namang bahag ang buntot niyang Jack na yan eh. Ako na ba magsasabi, ha! Jack?”

“PLEASE FLINT! STOP!”

Napatigil ako panandalian. Kitang kita sa mukha ni Jack ang galit. Kitang kita sa mata niya yung nerbyos. Ngayon ko lang nakita si Jack na nagalit.

Lalapitan ko sana si Jack para pakalmahin pero bigla akong tinawag ni Flint.

“Wesley!”

Napaharap ako sa kinatatayuan niya at tinignan siyang muli.

“Si Jack. Si Jack yung humalik sayo that night. Hindi ako, Wesley. Hindi ako.”

23rd Entry

October 9, 2018

6:20AM

Hi my diary! This is my 23rd entry. Pasensya na kung naputol kagabi yung kwento ko sa’yo, something came up e. Pero this time itutuloy ko na. I’ll tell you din yung reason kung bakit ako natigil sa pagsusulat kahapon.


“Wesley!”

Napaharap ako sa kinatatayuan niya at tinignan siyang muli.

“Si Jack. Si Jack yung humalik sayo that night. Hindi ako, Wesley. Hindi ako.”

What? Tama ba yung narinig ko? It was Jack and hindi si Flint?

Hindi ko alam that time kung ano ang mararamdaman ko. Napatingin ako kay Jack na nakatikom lang ngayon, nakatingin ng diretso sa akin at kita ang galit sa kaniyang kamao.

“Wes…”

“Totoo ba?” Pagpuputol ko sa dapat na sasabihin niya.

“Wala na ko dapat gawin pa dito. Alam mo na kung ano ang totoo. Kung ’di ka man maniniwala sa akin at sa kasinungalingan ni Jack ka maniniwala, wala na sa akin yun. Basta ako, lumuwag na yung dibdib ko at nasabi ko ang totoo…” Eka ni Flint na akmang paalis na ngunit my sinambit muli.

“Kung gusto mong malaman yung buong kwento, itanong mo diyan kay Jack…”

“…and Jack, make sure na totoo lahat ng sasabihib mo. Hindi lang ako ang may alam, maski kay Hoell… alam din niya yung totoo kaya hindi mo dapat pagtakpan kung ano man yung ginawa mo.”

So all this time. Ako lang pala ang hindi nakakaalam ng totoo. Maski na si Hoell, na tinuring kong kaibigan ay nagsinungaling sa akin. What the fuck?

That time, sa ilalim ng tirik na araw, naiwan kaming dalawa ni Jack. Iwas ang mga paningin habang hindi alam ang parehas na sasabihin hanggang sa may babaeng tumawag sa pangalan niya.

“Jack!”

Si Babes.

Yung babaeng nasa dorm niy kahapon.

Nang makalapit siya sa amin, hahaltakin niya sana si Jack sa isang lilim ngunit pinigilan siya ni Jack.

“Babes…. Sa susunod na lang tayo kumain. I just wanna be alone, sorry.” And agad na pumunta si Jack sa parking lot. Kita naman sa mukha ni Babes ang pagkadismaya na pumasok muli sa loob ng fast food restaurant.

Muli kong tinignan si Jack na kasalukuyang lutang na pinapasok ang susi sa pinto ng sasakyan.

Sinundan ko siya roon at nang maramdamn niyang nasa likod na niya ako, napahinto siya sa kung ano man ang kaniyang ginagawa.

“I don’t wanna talk about it. Wala akong mukhang maiharap sa’yo. Sorry about the lies that I have told you before. If gusto mong malaman kung totoo ang lahat ng sinabi ni Flint….”

“…all of that, it was true. Sorry.”

Pagkasabi niya nun he hopped in sa kaniyang sasakyan at agad na pinaandar ito.

And me, I was left there standing. Walang sagot sa kaisa-isa kong tanong…

“Bakit mo ba ko ginaganito, Jack?”

“Wesley!” Rinig ko ang mahinang pagtawag ni Vlad sa pangalan ko.

Lumapit sila sa akin and para bang alam nila kung ano ang mga nangyari. They gave me a hug. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa dahil alam ko na ang totoo, o dapat bang magalit sa nga taong nagtago ng totoo o dapat bang umiyak dahil feeling ko napagkaisahan ako.

“Kung okay lang sa iyo na i-kwento mo sa amin, nandito lang kami. Sa tagpo kanina, mukhang mahaba-habang kwento. Pero, sa ngayon… siguro need mo munang magpahinga.” Ani ni Jessie at inakay ako papunta sa intayan ng E-bike.

Pagdating  ko sa bahay ng mga alas-tres naligo agad ako at nahiga. Hindi ko feel maglaba kahit na ang dami ko na dapat labhan. Humiga ako sa kama at itinodo yung aircon. Siguro itutulog ko na lang ’to.

Nang magising ako kanina, nakita ko si Tyler na naghahanda ng pagkain sa maliit na dining table naming dalawa.

When I woke up, umupo ako sa gilid ng kama at tinignan ang oras. It’s already 7pm.

“Oh, nagising ka na pala.” Sabi ni Tyler sa akin at sabay ngiti nito.

“I bought you dinner. Gutom ka na ba? Tara kain na tayo…” Dagdag pa niya.

There is something sa tingin sa akin ni Tyler. Bakit kaya bumait sa akin ngayon ’to? He even arrange the table for us. He gave me a glass of water nang maka-upo na ko katapat niya.

“You had a long day, huh?” He asked.

I nodded.

“You should take a rest na ulit after nito. Sorry if I woke you up.” He said.

“Nope. Okay lang. By the way, salamat sa pa-dinner ha.”

Wala na kong narinig pang sagot mula sa kaniya. Ngunit napansin ko ang pasulyap-sulyap niya sa akin. I found it weird pero hinayaan ko na lang. Baka nagbabago na si Tyler, iyon na lang ang inisip ko.

After that, hinugasan ko na yung pinagkainan namin and nakita ko naman si Tyler na pumasok ng banyo para siguro maligo. Pagkatapos ko namang mag-hugas ng pinagkainan, pumunta ako sa study table ko and nag-umpisang magsulat.

And ito na yung dahilan kung bakit ako natigil sa pagsusulat kahapon.

Ngayon, October 9, Tuesday.

6:20AM ako nagsulat ngayon dahil kagigising ko lang.

Naputol yung pagsusulat ko kahapon sa’yo my little diary nang marinig kong tumunog yung phone ni Tyler.

Nakita kong dinampot niya ito sa side table niya. Hindi ko naman sana papansinin ito ngunit bigla siyang napasigaw na para bang may nasagap na masamang balita.

“Ha? Ano? Nasaan siya ngayon?” Tanong niya sa kausap niya sa kabilang linya.

“Okay sige, pupunta na kami.” He said and binaba ang tawag.

“Bakit naman parang nabalisa ka? May problema ba?” I asked.

“Tara, Wesley! Magbihis ka! Dali!” Sabi niya sa akin and agad siyang pumunta sa closet niya at kumuha ng damit at pumasok sa banyo.

Medyo kinabahan naman ako kaya agad kong sinunod yung ginawa niya.

After kong magbihis, sinabihan niya ako na magdala ng essentials na gamit dahil baka need ito sa hospital.

“Wait, what? Bakit hospital? Anong gagawin sa hospital? Sino ang nasa hospital? Bakit tayo pupunta dun?” Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

“Basta, mamaya na kwento. Basta, sundin mo yung sinasabi ko.”

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Kinuha ko lahat ng essentials na dapat. Bulak, alcohol, face mask, extra clothes, medyas, cologne and pati itong diary at ballpen ay nasama ko sa isang back-pack na ginagamit namin for hiking or pagluwas-luwas.

Paglabas namin ng apartment, agad kaming sumakay sa car niya at agad niya itong pinaharurot.

After ilang minutes, narating namin ang St. Paul’s Hospital kalapit lang ng university na pinapasukan namin.

“Hoy! Tyler! Ano ba kasing meron?” Tanong kong muli sa kaniya.

Perp hindi niya ako pinansin, mabilis lang siyang nagtungo sa information para kausapin yung nurse.

“Uhm, Ms., excuse me. Pwede ko po bang makuha yung room number po ni Jack Geronimo?”

Hala?

Tama ba yung narinig ko?

Si Jack? Na-admit dito sa hospital?

Nang marinig ko yun, lumapit ako ng bahagya sa pasimano at pinakinggan kung ano ang sasabihin ng Nurse.

“Nasa may ER parin po siya till now. And after siyang ma-examine ni dok ay agad naman na po siyang ililipat sa ward. But, may I ask po muna kung kaano-ano po kayo ni Mr. Geronimo?”

“Kaibigan niya po kami. Ako po yung Tyler na tinawagan po kanina.”

“Ah, okay po. Sabi po kasi ni Mr. Geronimo na ikaw po ang tawagan namin eh.”

Tumango na lamang si Tyler at umupo sa waiting area, after nun ay biglang lumabas maybe yung doctor na nag-examine at nagbigay ng remedy kay Jack.

“Doc, here’s Mr. Geronimo’s friends na po.” Sabi ng nurse at itinuro kaming dalawa ni Tyler.

“Doc, ano po bang lagay niya? Ano po ba ang nangyari sa kaniya?” Tanong ko.

Inunahan ko na si Tyler dahil may tinapos pa siyang i-message bago siya tumayo.

“Isinugod niya po yung sarili niya dito kanina by a white car, and medyo may damage po yung car niya dahil nabangga sa lamp post po sa parking sa labas. Nung una po severe red marks lang po ang nag-appear all over his body due to an allergic reaction, maybe in some beer or alcoholic drinks, he seems drunk po kasi. Then after that, when the examine begun, bigla na lang po siyang hindi makahinga so we need po na bigyan po siya ng first aid, and karagdagang support for oxygen…”

“… and muntik na pong mag-lock yung throat and airways niya due to his allergies. Kaya po buti na lang ay naagapan. So, after po na matapos dito sa ER, he need to rest po for another 24 hours, para ma-check po yung airways niya if stable na po and hindi na block…

Wtf? Ano bang ganap ni Jack?

“Okay po, doc. Salamat po.” Sagot naman ni Tyler.

“So, now. Ililipat na siya sa ward. Pakifill-up po yung form sa information. Uhm, may I excuse I’ll do the rounds po.”

Nung umalis na si doc, naiwan na lang kami doon ni Tyler, waiting sa paglabas ni Jack sa ER. After ilang minutes, lumabas na siya tulak ng mga nurse sa isang bed. Tulog si Jack and need ng rest sabi ng isa sa mga nurse. Sinundan lang namin sila and agad namang nadala sa room dito lang din naman sa 1st floor. 

Pagdating namin sa room, iniwan na rin naman kami kaagd ng mga staffs and nurse. Umupo naman ako sa isang couch na available sa room na ’to. Medyo malaki yung room and naka-aircon. May sariling cr, may TV and dalawang couch.

“Wesley, can you wait here? Pupunta lang ako sa condo ni Jack para kumuha ng ilan niyang mga gamit. I’ll call tita na rin, he’s mother para na rin makapunta rito. Okay lang ba?”

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. 

Time na rin siguro ’to para mapakita ko kay Jack na I’m concern, may katanungan man sa mga ginawa niya pero hindi naman ako galit. I just want to ask him. 

Bakit niya yun ginawa?

May gusto rin kaya siya sa akin?

Bakit niya ako hinalikan that time?

Umiling ako that time at inisip na lamang ang kalagayan ni Jack. This is not a time for questions, it’s his time to rest. 

Lumapit ako sa kaniya that time at pinagmasdan siyang matulog.

He’s so calm, walang bahid ng galit at lungkot sa kung ano ang nasaksihan ko sa kaniya kahapon.

Umupo ako sa isang upuan malapit sa hinihigaan niya, wala man ako sa lugar para gawin to, pero I held his hand.

“Jack, hindi ako galit. Kaya don’t think too much okay? You should rest well. Okay?”

Tumayo ako that time para bumalik sqa inuupuan ko kanina pero bigla kong naramdaman ang paghigpit ng kamay kaniya sa pagkakahawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya.

He’s eyes were closed, walang imik. Pero ’till now, ramdam ko pa rin yung mahigpit na paghawak ng mainit niyang kamay.

“Jack?” I called him.

Nung una, wala akong response na narinig mulsa sa kaniya ngunit bigla siyang nagsalita nang puwersa ko sanang tatanggalin ang kamay ko.

“Wesley, can you?”

Napatingin ako sa kamay naming nagkapatong patungo sa kaniyang mga mata.

Nakadilat na siya ngayon, nakatingin ng diretso sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin. Bigla akong naging tuod that time nang magtama ang mga paningin namin.

“Alin ba yon?” Patay malisiya kong tanong sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at muling hinigpitan ang hawak sa’king kamay.

“Stay with me… tonight?”

Ngumiti ako that time, napatingin naman siya sa akin.

“Mukha ba kong tanga? Bakit ka ngumingiti?” Medyo crack pa niyang tanong sa akin. Dahil na rin siguro sa tama ng alak at sa allergy niya.

“Nope. You dare to ask pa kasi. Kahit naman hindi mo hilingin. I’m not going anywhere.”

He smiled.

Fuck. I missed those smiles.

“Dito ka matulog, sa tabi ko?“He asked.

“Ha? Single bed lang ’yan oh!”

“Haha, nope! I mean, you can pull the couch here sa tabi ng bed ko then sleep there.”

“Hahaha, okay!”

“Pero wait! Is it just naawa ka sa kalagayan ko ngayon kaya hindi mo ko inaway sa ginawa ko or you’re really concern?

I sighed.

“Jack, kung galit ako sa’yo hindi mo na ko sana nakita dito ngayon. And, you need to rest. Huwag ka muna mag-isip ng kung ano-ano. Oo, marami akong tanong pero huwag muna ’yun. You need to rest.”

“So I’ll take that answer as that you’re concern, huh?”

“Kailan ba ko hindi naging concern sa’yo?”

Napangiti siya that time at iniayos ang higa. Hinaltak ko naman na yung sinasabi niyang couch at itinabi sa bed niya.

“I wanna sleep, Wes. You sleep na rin muna habang hinihintay si Tyler or yung mga nurses.”

“Yes! I need na rin  dahil medyo inaantok na rin ako. You go na! Sleep!” Sabi ko sa kaniya at puwersahan na kinumutan siya. 

Agad naman siyang sumunod. Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata at umupo naman na ako sa couch at iniyuko ang ulo sa bed ni Jack.

That was a long day for me kaya agad akong nakatulog at nagising dahil sa init na nararamdaman ko sa kamay ko.

Pag-angat ko ng aking ulo, napangiti ako at nag-init bigla ang aking mga pisngi.

Jack was holding my hand. He’s sleeping pero mahigpit yung hawak niya sa kamay ko.

Are these already the answers sa mga tanong ko? 

Napa-ikot naman ang ulo ko bigla sa kaliwang bahagi ng room and nakitang andoon na rin pala si Tyler. He’s sleeping in the couch. Habang nakapatong ang paa sa isang coffee table.

Napatingin ako ulit sa kamay namin. Jack was holding my hand that time and hindi ko maiwasang mapangiti, kiligin at kabugan ng dibdib. 

Hindi ko na dapat pang iinda ang ngawit ko dito sa pwestong ’to. Jack was already giving my pain reliever. Kaya bumalik muli ako sa pagtulog at hinayaan ang mga kamay naming magkadaop-palad.

You really are confusing me! 

Kung hindi talaga kita crush, binali ko na mga daliri mo!

Agad naman akong nakatulog that time at nagising na ng alas sais dahil na rin sa nurse na nage-endorse at kumukuha ng blood pressure ni Jack. Gising na si Tyler ganoon na rin si Jack. Wala na ang kamay ni Jack sa akin ngunit ramdam ko pa rin yung init.

“Good morning!” Bati sa akin ni Jack na halata namang inaantok pa,

I greeted him back and pati na rin si Tyler and after that, pumunta ako sa bag ko to get you my little diary and para na rin ikwento sa’yo lahat ng nangyari.

After na lumabas ang mga nurse, nagbalik sa tulog ang dalawa dahil maaga pa. 

And ako, sapat na yung makita kong okay na si Jack

That’s already a big relief for me.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.