loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
When The Earth Touches The Sky

When The Earth Touches The Sky

Axll Aceberos · 17 chapters · 22,551 words

WORK OF FICTION

Work of fiction

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.

Alright reserved. No part of this story maybe reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means. Without the prior permission of the author.

And Another story to be published and completed. When the Earth touches the Sky?

           AXLL_ACEBEROS|A.A.

SYNOPSIS

Synopsis

Sa dinami-rami ng tao sa mundo na pwedeng kong mahalin, bakit si Michael pa ang napili ko?

Sa dami-rami ng guwapo sa mundo, bakit sa pangit ako nagkagusto?

Well i don’t regret even a single thing, dahil si Michael ang pinaka-masayang nangyare sa buhay ko, na hinding hindi ko malilimutan hanggang sa iburol ang katawang lupa ko.

When

The Earth Touches The Sky

SIMULA

Simula

     NAPAHIKAB-HIKAB ako matapos ang mahimbing na pagkakatulog. “Hayyysst!” pakawala ko ng malakas na buntong-hininga habang ang ngiti ay animo’y naka-tape sa mga labi ko.

Napatingin ako sa alarm clock at nakitang ilang minuto na lang ay male-late na ako sa pagpasok.

Napakamot ako sa ulo at mabilis na bumangon. Agad akong dumiretso sa bathroom at doon ay naligo.

Kaming mga magaganda, hindi na kailangan ng kung ano-anong produktong ibubudbod sa mukha o ’di kaya naman ay sa katawan. Sapat na sa’min ang maayos na ligo lang. Hindi na namin kailangan ng mga pampaganda na ’yan.

Sinilip ko sa salamin ang mukha ko matapos kong masuot ang school uniform ko. Talagang ikinangiti ko ng makita ang natural na ganda ko.

Mala-labanos ang kulay ng kutis ko, mamula-mula naman ang pisngi ko, animo’y rosas naman ang kulay ng mga labi ko, kahit hindi mag-apply ng lipstick.

Kung may paligsahan ng ka-look-a-like ni Aphrodite ay baka ako na ang nanalo. Well, sa paligsahan nga ng mga pageant, kung hindi pang first ay ako ang nako-koronahan. Sa taglay na ganda ko ba namang ito tapos may utak pa. Pa’nong hindi ako ang kokoronahan?

Sinuklay ko ang mahaba at medyo ma-brown kong buhok pagkatapos ay hinayaang naka-lugay lang ito. Bagsak naman ang buhok ko, kaya hindi problema sa’kin ang magiging itsura ko.

Inayos ko ang uniporme ko. Napangiti na lang ako. Talagang isa akong dyosa. Dyosa ng kagandahan.

Matapos masigurong ayos na ang suot ko ay lumabas na rin ako ng sarili kong kwarto.

Sa estado sa buhay, hindi kami mayaman, basta ang alam ko lang nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, at nakkaraos sa maghapon. At dahil iisa akong anak, nagsisikap ang mga magulang ko maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ko.

Prinsesa na nga ang turing nila sa’kin e. Prinsesa na walang palasyo.

Naabutan ko ang mga magulang ko sa hapagkainan nag-aagahan.

“Good morning, Pa, Ma,” bati ko sa mga iyon sabay halik sa mga pisngi ng dalawa.

Ngiti naman ang ibinalik sa’kin ng mga magulang ko. Pinag-agahan nila ako hanggang sa matapos at naghanda na ako sa pagpasok.

Paglabas na paglabas ko palang ng bahay ay nakabantay na sa’kin ang panira ng araw ko.

Kung kaninang maganda ang gising ko, ngayon hindi na. Narito na naman kasi ang pangit na lalaking hindi ko ninanais makita araw-araw.

’Yung mukhang mabaho, tapos God-ubod ng pangit. Talagang ubod ng pangit. Ang lakas din ng loob na ligawan ang dyosang tulad ko no?

Yes, Micheal St. Romana ang lalaking isa sa mga masusugid kong manliligaw. Siya lang ’yung makapal ang mukha na hindi nakakaramdam ng hiya. Sa dami-dami ng babae sa mundo, dyosang tulad kopa talaga ang napiling ligawan?

Gusto pa talagang makapamingwit ng malaking isda? Hindi bumagay sa kaniyang dapat kabagayan, ’di ba?

Well, ganun pa man, sa kabila ng kapangitan nito—sa kabila ng ubod nitong kapangitan ay ganun naman ang ubod nitong kabaitan. Marespeto, mabait at lahat-lahat ng mabuting katangian nasa kaniya na. Kinulang nga lang ng kagwapuhan, tsaka ang dumi-dumi pa ng kulay ng katawan.

Kung mag-suot lang ito ng damit na sira-sira ay mapagkakamalan talagang pulibi. Baka nga hagisan pa ng piso e.

Sh*t, sumosobra na ako sa lait.

’Yun na nga. Si Michael ang isa sa mga masusugid kong manliligaw. Hatid sundo niya ko sa school na pinapasukan ko.

Take note, pedicab ang dala-dala niya sa paghatid sa’kin. Kase wala naman siyang ibang trabaho, hindi rin naman siya nakapag-tapos ng pag-aaral. Elementary lang ang natapos niya, anong trabaho ang mahahanap niya? Kaya ayun, bilang pangtustos sa sarili at sa lolo nitong nag-iisang kasama nito sa buhay, ay kailangan nitong magpursigi upang mabuhay, may makain sa pang-araw-araw.

“Angelica, sakay kana.” ani Michael na pinasilay pa ang mapuputing ngipin. Iyon na lang siguro ang maputi dito. “Hatid na kita.”

Syempre sino ba naman ako para tanggihan ang grasiya, hindi ba? Sayang naman sa pamasahe kung magsasakay pa ako sa iba, kung kay Michael ay libre naman ako.

Sumakay na ako sa pedicab niya, kaya ayun pinatakbo na niya.

“Magandang umaga nga pala, Angelica. Kamusta ang araw mo?” aniya.

Napairap naman ako sa hangin. “Maganda ’yung araw ko kanina, pero ngayon hindi na simula ng makita ka.” pagtataray ko.

“Grabe ka naman sa’kin, ganun na ba ako kapangit sa paningin mo?” nagmamaktol nitong sabi.

“Oo!” matigas kong sabi sa kaniya.

Ilang beses ko na ngang pinamukha sa kaniyang ubod siya ng pangit? God! Hindi kona mabilang. Sobrang daming beses konang ipina-realized sa kaniya na siya ang pinaka-pangit na lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Pero imbes na mainis, ma-offend, o masaktan si Micheal sa mga sinasabi ko ay hindi iyon ang nararamdaman nito. Ngingiti lang ito sa’kin at tatangpin anoman ang mga narinig.

Hindi kopa siya nakikitang magalit o mainis. Tanggap niya e, sino ba naman ang hindi matatanggap ang mga paratang na totoo naman.

Totoo naman kasing ubod siya ng pangit. Ilang beses koman na ipagsigawan sa kaniya, na ang pangit niya! Sobra!!!

Natatandaan ko tuloy noong unang pagkikita namin. Naglalakad ako noon papuntang palengke ng pumara siya at inalok kung sasakay daw ako. Ng humarap ako sa kaniya at mag-tama ang mga mata naming dalawa. Napatitig sa kagandahan ko ang mukhang unggoy, talagang humaling na humaling siya sa’kin ng mga araw na iyon. Na love at first sight daw ang p*ta.

Ayun, hindi na ako tinigilan, hanggang sa lakas loob niyang ipinagtapat ang pagkagusto niya sa’kin. Ako naman itong study first. Hoy, study first talaga ako, hindi naman ako ’yung iba dyan, na kapag pangit sinasabing study first, pero pagguwapo, study later na lang.

Ang dami-rami ngang guwapong binabalak akong ligawan, ngunit ni isa ay wala akong sinasagot. Blessing naman kasi ang pagiging single ko, dinadalhan nila ako ng mga pagkain, tulad na lang ng chocolate, tinapay, mga prutas at kung ano-ano pa. May malaking human size teddy bear pa nga akong natanggap sa mga manliligaw ko.

Wala akong sinagot sa kanila, blessing ang pagiging single e, tsaka paninindigan ko ’yung study first na sinasabi ko kanina.

’Yun na nga, nagtapat si Micheal ng pagibig sa’kin. Then sinabi ko, study first ako at hindi parin ako handang pumasok sa isang relasyon. Isa pa kung makikipag-relasyon man ako, hindi sa kaniya. Pipili-pili naman akong patok sa ganda ko ’di ba? Pero upang hindi siya masaktan ay hindi kona lang iyon sinabi sa kaniya. Basta sabi ko study first at hindi pa ako handa.

Sabi naman niya maghihintay daw siya, hanggang sa maging handa na ako. Ayaw ko siyang paasahin, pero ayoko rin naman siyang masaktan. Kaya ayun, hinayaan kona lang siya, dahil tiyak naman akong mapapagod din siya, susukuan din niya ako, kaya hinayaan kona lang.

Pero hindi ko inaakalang sa loob ng tatlong taon, nagawa niya paring maghintay. Nagawa parin niya akong suyuin.

Hinayaan kona lang din. Bahala siyang umasa, choice na ’yun e.

Napukaw ang pag-iisip ko ng maramdaman kong huminto na ang pedicab niya kaya bumaba na rin ako.

“Salamat.” walang buhay na sabi ko.

“Lagi ka namang welcome,” nakangiting sambit nito. “Sa puso ko.” pabanat pa nito.

Tumalikod na lang ako upang itago ang pag-ngiti ko. Sa totoo lang gusto kong tumawa ng ubod lakas. Sobrang pangit na nga, talagang naiisipan pa nitong humugot ng ibabanat, huh?

“Ingat ka, Angelica.” pahabol pa niyang sabi.

Hindi kona lang siya pinansin hanggang sa makapasok ako sa loob ng gate ng bahay.

“Angelica..?” napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Nang aking lingonin, walang iba kundi ang mga kaibigan ko. Zhai, Melanie, at Jasmin. Mga kaibigan kong mga kalog pero maganda. At walang ibang ginawa sa’kin kundi ang tudyuin ako kay Micheal pangit.

“Mukhang hatid ka na naman ng prince charming mong walang palasyo ah?” tudyo ni Zhai sa’kin dahilan ng pagtawa ng lahat.

“Bakit hindi mo paba sagutin si, Kiel? Pogi naman siya e, kapag nakapikit.” biro pa ni Jasmin.

Malakas kaming napatawa lahat.

“Oo nga, Ange, bakit mo pa siya sagutin? Road to heaven ’yung pedicab niya, ilang dekada bago makarating sa langit.” ani Melanie na malakas naming lahat ikinatawa.

Mga kalog talaga niyang mga kaibigan. Walang ginawa kundi ipagtulakan ako sa pangit na iyon.

“Mga luka-luka talaga kayo. Sagutin niyo kung gusto niyo.” sabi kopa at nagsimula na ulit lumakad papasok ng paaralan.

Estudyante kami sa collage, bilang first year collage sa kursong educ. Ito ang napili naming mga magkakaibagan, ang iba naman ay napilitang mag-educ para daw hindi kami magkahiwalay.

Ewan, koba sa mga kalog na ito. Sinundan ang yapak ko ay educ. naman talaga ang gusto ko.

Papasok na sana kaming magkakaibigan ng may tumawag na naman sa akin dahilan para matigilan kami.

“Angelica, for you.” anang manliligaw ko at inabot sa’kin ang bulaklak at toskolate.

Tinanggap ko naman at nagpasalamat. Umalis na rin ito ng may ngiti sa mga labi.

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 1

Kabanata 1

          HINDI NAMAN mabilang ang kilig ng tatlo kong mga kaibigan ng bigyan ako ng bulaklak ni Mike.

Siya ’yung lalaking nasa kaniya na lahat, guwapo, maganda ang hubog ng katawan, and take note, na humaling pa sa’kin. Ang ganda ko talaga no?

“Best, paamoy nga ako ng bulaklak.” hinablot sa’kin ni Zhai ’yung bulaklak na ibinigay sa’kin ni Mike at mabilis nitong inamo’y. Gusto pa yatang isuot sa ilong nito ’yung bulaklak. Hindi nakuntento sa pag-amoy ng hindi dinidikit sa ilong e. “Ang bango, amoy Mike.” anito na halos mamatay na sa kilig.

Napairap na lang ako sa hangin. “Sa’yo na lang ’yan, basta akin itong tsokolate.” sabi niya.

“Talaga? Akin na lang itong bulaklak?” ulit pa nito na naniniguradong totoo ang narinig. Tumango-tango naman ako.

“Pa’no naman kami, Ange? Anong matatanggap namin?” maktol ni Jasmin.

“Paghati-hatian niyo ’yung bulaklak.” sarkastikong sabi ko.

Natawa na lang ako ng gawin nga ng tatlo. Pinag-agawan ’yung bulaklak na ibinigay ni Mike, kaya ang ending, ayun. Nagka-gutaygutay.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga at hindi na pinansin ang tatlong nagsisihan pa. Na kesyo kasalanan daw ni Jasmin dahil hinigit nito, na kesyo kasalanan daw ni Zhai dahil pakialamanin.

Haystt.

Natigil lang ang tatlo sa pagtatalo ng dumating na ang guro namin. At iyon, obligado ang tatlong linisin ang mga nagkalat na bulaklak.

Matapos ang nakaka-boring na pagtuturo ng mga guro ay natapos na rin kami.

Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng paaralan.

Hindi na ako nagulat ng makita si Kiel sa labas ng school, nakaparada ang pang laban nitong pedicab.

Nagtama ang mga mata naming dalawa, masaya at matamis ang pinukol nitong pagngiti sa’kin.

“Hoy, Ange, ang haba talaga ng buhok mo. Nandiyan na ’yung prince charming mong walang palasyo.” sabad ni Zhai na pinag-umpog pa talaga ang balikat naming dalawa.

“Ang guwapo niyang ngumiti no? Para siyang aso.” singit naman ni Jasmin dahilan para ikatawa ng lahat.

“Hindi siya aso, panglaban nga ’yung kaguwapuhan niya, hindi sa mr. Pogi huh? Panlaban sa boxing. E, pambugbugan ’yung mukha niya e.”

Hagalpakan naman ng tawa ang mga kaibigan ko. Maging ako ay hindi na rin napigilan ang sarili kundi ang tumawa. Pa’no ba naman, sobra-sobrang nakakatawa talaga.

“Lika, lalapitan natin. Papalibre tayo ng soft drinks.” pasubong na sabi ni Zhai.

Aawatin kona sana sila pero hindi kona nagawa. Sinundan kona lang sila hanggang malapitan namin si Kiel.

“Hi, Kiel.” anang tatlo na pinapasungaw pa ang mga pekeng ngiti.

“Hi,” sagot naman ni Micheal/Kiel habang ang tingin ay nasa akin nakatuon.

“Libre mo naman kami ng soft drinks. Nauuhaw na kami e.” ani Zhai. “Sige ka, hindi ka sasagutin ni Ange kapag hindi mo kami nilibre.

At dahil sa uto-uto naman itong si Kiel, ay walang nagawa kundi ilibre ang mga may kalog kong kaibigan.

May kalahati ng parte ng katawan kong gustong pigilan sila, dahil ’di ba nga. Pinaghirapan niya ito, tapos igagastos lang sa mga kaibigan ko.

Kung hindi ba naman ito uto-uto. Tatlong taon na ang lumipas ngunit nauuto parin ito ng mga kaibigan ko. Laging panakot ay hindi ko raw siya sasagutin kapag hindi ito nanlibre. Kaya ayun, walang nagawa ang uto-uto kundi ang ilibre ang tatlo.

Nakakaramdam nga ako ng awa para sa kaniya. Kasi pera niya ’yun e, pinaghirapan niya iyon sa pagpasada tapos maglalaho lang ng bigla-bigla ng hindi man lang nito napakikinabangan.

Kilala ko ang mga kaibigan ko, kung ano-ano ang pinabibili nito kay Kiel hanggang sa maubos na ang pera nito.

“Pasensya na. Wala na talaga Jasmin e, saka kona lang kayo ililibre ng isaw kapag may kita na ulit ako.” sabi ni Kiel sa kaibigan ko na marami pang hawak na pagkain ay kung ano-ano pa ang ituturo.

“Sige, ha? Bukas ilibre mo ulit kami. Dahil kapag hindi mo tinupad, hindi ka sasagutin ni Ange. Bahala ka ikaw din.”

“Sigurado ’yun bukas. Ililibre ko kayo, promise.” nakangiting sagot naman ni Kiel.

“Ange, gusto mo?” pag-alok sa’kin ni Zhai ng soft drinks na hawak nito.

Mabilis naman akong tumanggi. “Okay lang, ayos lang ako. Hindi paba kayo uuwi? Uuwi na ako e. Medyo pagod lang.”

“Hatid na kita.” pagsingit ni Kiel.

“Sige na, hatid mona ’yang kaibigan namin. Aalis na rin naman kami.” sambit ni Jasmin at hinila na ang dalawa niyang kaibigan palayo sa kanila.

“Sakay kana, Ange.” alok ni Kiel na malapad parin ang pagkakangiti sa kabila ng pagkawala ng pera nito ng ganun-ganun na lang.

Sa totoo lang gusto ko siyang singhalan. Gusto ko siyang pagsabihan, gusto ko siyang tuktokan upang matauhan siya. Pero ano nga ba ang karapatan ko? Disesyon naman niyang maging uto-uto. Wala na akong pakialam doon.

Napabuntong-hininga na lang ako at sumakay na rin sa pedicab niya.

“Kapit ka, Angelica, baka mapano ka.” anito bago patakbuhin ang sasakyan.

Hindi kona nabigyang pansin ang sinabi niya. Okupado talaga ang isip ko ng mga ginawa ng kaibigan ko. At sa kautuang ginawa ng lalaking ito.

Ewan, hindi ko dapat nararamdaman ang inis pero sa tuwing naaalala ko ’yung mga nangyare, hindi ko mapigilang kainisan siya sa pagiging uto niya.

Madaming beses na itong nangyare, pero hindi parin ito nadadala. Imbis na itabi ang pera upang may ipangtustos ito sa mga pangangailangan nito pero mas pinili pang igastos sa mga kaibigan kong sa takot na hindi ko siya sagutin.

Haysst! Bakit ko nga ba pinoproblema ang mga bagay na ’yun?

Ipinikit kona lang ang mga mata ko at iwinaksi ang mga isipin.

Ilang minuto ang ginugol ng marating namin ang labas ng bahay ko. Pinarada nito ang pedicab nito at doon ay lumabas ako.

“Goodnight, Angelica.” nakangiting banat nito at akmang magmamaneho na paalis.

“Kiel.” tawag ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa’kin. Gusto ko sanang sabihin na huwag na niyang ilibre ’yung mga kaibigan ko. Na huwag na siyang magpa-uto. Ngunit nawala na ako ng boses na maibubuka. “Ingat ka.” iyon na lang at nasabi ko at mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay, kaya hindi kona rin nakita ’yung paghulmang ngiti sa mga labi niya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Naabutan kopa ang papa ko sa salas ng bahay nanunuod ng tv.

“Magan0dang hapon, Pa.” ani ko, lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

“Magandang hapon din.” anang ama. “Hatid kana naman ni Kiel?”

“Opo.”

Tumango-tango lang naman ito kaya umalis na ako papasok sa kwarto ko.

Nagpalit ako ng damit pambahay pagkatapos ay lumabas na ako.

Naabutan ko sa kusina si mama na nagluluto ng kakainin namin.

“Tamang-tama at nandito kana. Bumili ka nga doon ng suka, para dito sa paksiw ko. Hindi kasi ako nakabili e.” sabi ni mama.

At dahil isa ako sa maganda at mabuting anak. Wala akong pagtutol na sinunod ang aking ina.

Humingi ako ng pambayad sa bibilhin ko pagkatapos ay lumabas na ako. Nagtungo ako sa tindahan ni aling pasing.

Habang bumibili ay napukaw ng mata ko si Micheal. Pumapasada.

Nakita ko ’yung tagaktak ng pawis sa mukha niya. At ang hirap sa kabila ng mga pagngiti nito.

Nakakaramdam ako ng inis at awa para sa binata. Kung pwede ko lang talaga siyang lapitan at tuktukan, kung hindi nito inubos ang pera nito sa panlilibre sa mga kaibigan ko. Edi sana hindi na ito nagbibiyahe, lalo’t palalim na rin ang gabi. At batid kong pagod na pagod na siya.

“Angelica, bayad mo. Kanina kapa tulala.” pukaw akin ni aling Pasing dahilan para mauntag ako sa pagiisip.

Mabilis kong dinukot ’yung pambayad. Matapos makuha ang mga binili at ang sukli ko ay tinahak kona ang daan pabalik sa bahay.

Malapit lang naman ang bahay ni aling Pasing sa bahay namin. Walking distance lang kaya madali lang para sa’king makarating.

      KINA-UMAGAHAN, PASOK kona ulit sa school. And as usual, hatid na naman ako ni Kiel. Matapos naming makarating at maihinto nito ang sasakyan sa labas ng school ay lumabas na ako.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ang ekspresyon sa mukha niya. Sa likod ng masaya nitong mukha, makikita ang pagod na tinatago nito.

“Tawagin mo ’yung mga kaibigan mo mamaya. Ililibre ko sila.” nakangiting anito.

“Ma-May pera kaba?” nag-aalangang tanong ko.

“Oo naman, buong gabi kaya akong nagpasada. Marami akong kita kagabi.”

Sasabihin ko sana na ’wag na siyang mag-abala na ilibre ’yung mga kaibigan ko ngunit hindi ko nagawa ng marinig kong tinawag ang pangalan ko ng isa sa mga kaibigan kong si Jasmin.

Hinihingal itong lumapit sa’min. “Hi, Kiel.” pekeng pagbati nito sa binata.

“Kita-kita tayo mamaya sa tindahan, ililibre ko kayo ng isaw.” nakangiting anito na hindi kona nagawang pigilan.

“Naks naman, Kiel. Ang lakas talaga namin sa’yo. Baka sa sunod na taon, sagutin kana nitong si Ange.” pasubong pa ng kaniyang kaibigan dahilan para umasa na namin si Micheal. Nababasa sa mukha nito ang malawak na pagngiti na talagang makikita sa mga taong uto-uto.

Nakakawala naman ng gana. Nakakainis. Gagastusin na naman nito ang pera sa mga taong hindi nito dapat pinagkaka-gastusan. Argh!

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 2

Kabanata 2

       HINDI NAMAN sumira si Kiel sa usapan niya at ng mga kaibigan ko. Nanlibre si Kiel at mas piniling gastusin ang perang pinagkitaan nito sa pamamasada ng sasakyan.

Alam kong mahirap ang pamamasada, kaya nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya sa tuwing gagastusin niya ang pera niyang pinaghirapan hindi para sa sarili niya, kundi para sa mga kaibigan ko dahil lang tinatokot ng mga ito siya na hindi ko sasagutin kung hindi ito manlilibre.

Sa totoo lang, naiinis—nagagalit ako sa pagiging uto-uto niya, pero wala naman ako sa posisyon para pagbawalan siya. Choice niya naman ’yun e. Tsaka bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?

“May pera kapa, Kiel? Libre mo pa ako  ng balat.” sabad ni Jasmin habang may nguya-nguya ito.

“Oo nga, libre ka pa maman dyan, Kiel.” segunda pa ni Zhai.

“Pasensya na kayo, wala na e. Naubos na.” sambit ni Kiel.

Napairap naman sa hangin ang mga kaibigan ko.

“Ganito na lang, kakantahan ka namin, tapos sasayaw ka? Para kay, Ange. Malay mo kapag ginawa mo ’yun sagutin kana ni ng kaibigan kong si Ange.” pasubong naman ng kaibigan kong si Melanie, at lahat sila sumang-ayon.

Naiiling na lang ako. At dahil nga mga kaibigan ko sila, partner in-crime ika nga. Ay nakisabay na lang ako sa kanila.

“’Wag na kaya. Nakakahiya.” ani Kiel na bahagyang kumakamot pa sa ulo nito.

“Hindi ka nga nahiyang ligawan si, Ange, tapos pagsayaw lang hindi mo magawa? Sige na sayaw na.” tudyo ni Jasmin.

At dahil doon. Walang ibang nagawa si Micheal kundi ang sumayaw sa harapan namin. Habang kinakantahan namin siya.

“Sayaw, Kiel, Kiel. Sayaw Kiel, Kiel.” sabay-sabay naming pagkanta.

Habang ito naman parang may sira sa ulo, talagang sinabayan ang trip naming mga magkaka-ibigan. Sumayaw ito, at ang pangit nitong mukha ay mas lalo pa nitong pinapapangit.

Sobrang sakit ng tiyan ko at batid kong pati ang mga kaibigan ko. Tawa-tawa ng tawa na animo’y anumang oras ay mamawalan kami ng hangin sa katawan.

“Sige sayaw pa. Sayaw, Kiel, Kiel. Sayaw, Kiel, Kiel.” sabi ng kaibigan kong si Jasmin na nag-vi-video na pala.

Hinayaan kona lang ang kaibigan ko at nakikanta na lang din sa kanila.

Parang mababaliw kaming lahat sa katatawa. Sobrang laugh trip makitang sumasayaw ang pinaka-pangit na tao sa mundo, na talagang may lakas pang mas lalong papangitin ang itsura.

Hanggang sa pag-uwi ay hindi parin ko parin mapiligan ang sarili ko sa palihim na pag-tawa. Para gustong sumabog ng puso ko sa labis-labis nakakatawa.

And as usual nga, hatid na naman ako ni Kiel, pabalik sa bahay namin, gamit ang pedicab niyang ipinapasada, upang magka-pera habang iginagastos lang sa mga kaibigan ko.

Nakunot ang noo ko ng mapatigil kami sa isang pansitan. Ito ’yung palagi kong pinupuntahan dahil paborito ko talagang kumain ng pansit. At alam kong alam iyon ni Kiel, dahil ilang beses na niya akong binibigyan ng pansit sa tuwing mapapadaan siya sa bahay ko, o ’di kaya naman ay bibilhan niya ako nito sa tuwing ihahatid na niya ako sa bahay ko.

Napakunot lang ang noo ko kung bakit kami pumara dito, gayong alam kong wala naman siyang pera? Lalo’t sabi nito naubos na dahil naibili na nito sa mga kaibigan niya. So..ano pang ginagawa namin dito?

Gusto ko sana siyang tanungin ngunit hindi kona nagawa. Kausap na niya ’yung tindera.

Nakita kong bumili siya ng pansit, at dumukot ng pera sa bulsa niya. Sa napapansin ko’y iyon na siguro ang last na pera niya.

Matapos makapag-bayad at makuha ang binili ay bumalik na ito sa pedicab nito dahilan para maiwas ko ang tingin sa kaniya.

“Angelica, pansit oh.” inabot niya sa’kin ang pansit na binili niya.

“Akala ko wala kanang pera?” kunot noong tanong ko.

“Syempre, hindi ka kumain kanina, kaya nag-tabi ako para sa’yo.”

Patagong napangiti ako, ngunit bigla kong sinaway ang sarili. Bakit ba ako ngingiti sa simpleng bagay lang na iyon?

Tinanggap ko ’yung naka-plastic na pansit. Kaya doon ay sinimulan na niyang muling patakbuhin ang pedicab sa pamamagitan ng kaniyang mga paa. Gamit ang lakas.

“Nandito na tayo.” anunsyo niya ng makarating na kami sa labas ng aming bahay.

Bumaba na ako dala-dala ’yung pansit na bigay niya. Tipid akong ngumiti. “Salamat, tsaka salamat din dito sa pansit.” pagpapasalamat ko.

Binalikan naman niya iyon ng matamis na ngiti, pagkatapos ay sasabihing wala lang ’yon.

Sa tinagal-tagal ng panahong panliligaw niya sa’kin, ni hindi man lang niya naisip na ayaw ko sa kaniya. Ni hindi man lang niya inisip na kaya hindi ko siya sinasagot ay talagang wala ang kagusto-gusto sa kaniya.

Sa ilang taong lumipas, kung gaano siya kasugid manligaw sa’kin noon ay ganun din naman siya ngayon, siguro mas nasobrahan pa nga e. Hindi rin niya itinanong sa’kin, kung may pag-asa ba talaga siya o wala? Ayaw ko namang tanungin kung bakit hanggang ngayon hindi parin niya ako sinusukuan. Kung bakit hanggang ngayon hindi parin siya tumitigil sa panliligaw sa’kin? Like sh*t, ilang taon na siyang nanliligaw sa’kin? Tatlong taon na pero kay sugid pa. Bakit ko pa nga ba tatanungin? Eh, wala rin naman akong pakialam sa kaniya, lalo na sa nararamdaman niya.

Choice niyang magustuhan ako, hindi kona kasalanan ’yun. Lalo’t hindi ko sinabi sa kaniyang umasa siya. Kaya kung masaktan siya, once na handa na akong magmahal, hindi ko kasalanan ’yun, ’di ba?

Well, hindi ko nga lang alam kung kailan darating ’yung panahon na magmamahal ako. Hanggang ngayon kas, kahit si Mike, hindi ko magawang magustuhan. May hinahanap akong hindi ko nakikita sa kaniya. Hindi ko rin iyon nakikita sa iba ko pang manliligaw na gustong masungkit ang matamis kong oo.

Mamatay sila, pero hindi nila makukuha ’yun sa’kin. Itong ganda kong ire? Perpektong Adan ang hanap nito.

Isa pa, sabi ko nga study first muna ako. Kaya ko kayang panindigan ’yung mga sinasabi ko. Hindi katulad ng iba dyan, may matipuhan lang ay sira na ang study first. Study later na lang, study soon, o study never.

Committed na daw sila sa mga mahal nila, na hindi pinag-iisipan ang kahihinatnan.

’Yun na nga. Balik kay Micheal, nalalayo na ako sa topic. Napupunta ako sa iba e.

Sa totoo lang, wala siyang maasahan sa’kin. Lalo’t wala akong balak magmahal ng adan na mabaho ang itsura. Bukod doon, wala din siyang maayos na trabaho, umaasa lang sa pedicab niya. Pa’no ko siya magugustuhan? Kung halos pasan niya ang mundo. Pa’no ko siya magugustuhan kung wala naman siyang maibibigay sa’kin.

Ang sama ng mundo ano? Pangit na nga siya ay wala pang kaangat-angat sa buhay. Pa’no na lang ang future asawa niya? Magiging pulubi? Mamamalimos ang mga anak? Anong ipapakain niya? Pagmamahal?

Diyos ko, natatawa talaga ako sa mga taong pumapasok sa isang relasyong hindi pinag-iisipan. Hala dito, hala doon. Sige dito, sige doon. Basta daw mahal nila ang isa’t-isa kahit naghihirap ay malalampasan daw nila. Kaya ayun sa labis-labis na pagmamahalan, wala ng ginawa kundi ang magpadami ng anak. Bunga daw ng pagmamahal nila sa isa’t-isa. Kaya ang nangyare, anak ang nag-suffer sa tinatawag nilang pagmamahal.

I’m not saying na mali ang magmahal. Ang gusto ko lang sabihin, na ang pagmamahal dapat pinag-iisipan, upang may magandang kalabasan.

Kaya subukan niyong ilagay ang sitwasyon ko. Papatusin niyo ba ang Adan na pangit na nga ay wala pang patutunguhan?

Haha. Bakit ko nga ba naman iniisip ang mga bagay na ’yan? Eh, kahit ano namang mangyare ay hinding-hindi ko siya papatulan. Siguro kapag tumamis na ang dagat, o ’di kaya naman ay naging maalat na ang asukal. Siguro doon ko palang siya papatusin.

Nakahiga na ako matapos kainin ang pansit na binigay niya sa’kin. And as usual, walang kahit anong feelings, nothing special doon sa pansit. Pa’no ba naman magiging romantiko ’yung pansit na ’yon sa’kin? Kung wala namang karoman-romantiko ang itsura ng nagbigay? Ikaw ba naman, bigyan ng pagkain ni Adan na sobrang pangit tatanggapin mopa ba?

Kung hindi ko lang alam na mabait si Micheal at mabuti itong tao baka hindi ko tinanggap ang mga ibinibigay niya.

Matutulog na sana ako ng marinig kong tumunog ang telepono ko. Agad ko ’yung kinuha at tiningnan kung sinong nag-text.

Unknown number?

Binasa ko ’yung mensahe.

“Hi, Angelica? Si Michael ’to tulog kana ba?”

Napairap ako sa hangin ng makita ang mensahe niya. Akala ko kung kanino espesyal na tao nanggaling ang mensahe. Sa pangit lang pala.

Hindi na rin ako magtataka kung kanino niya nakuha ’yung number ko, baka hiningi niya ito sa isa sa mga kaibigan ko. Lalo’t sila lang naman ’yung nakakaalam ng number ng telepono ko.

At dahil nga wala naman load ang cell phone ko, hindi kona siya nagawang i-text pabalik. Tsaka bakit ko nga ba naman siya i-te-text? Kung para sa’kin ang makipag-text sa kaniya ay isang pagkakamali. Tsaka wala rin naman akong load, at kung magkakaroon man ng load ang cell phone ko, never sa buong buhay ko makakatanggap ang pangit na ’yon ng mensahe galing sa’kin.

Kahit “hi”, or “hello” ni kahit isang letra sa alpabetika ay hinding-hindi siya makakatanggap. As in, yeah never.

KABANATA 3

Kabanata 3

       SAME DAY, SAME LIFE, SAME EVENTS, paulit-ulit lang ’yan nangyayare sa buhay ko. Bakit pa ba ako magtataka?

Lumilipas ang mga araw, ganun parin si Micheal sa’kin tulad ng dati. Malaki parin ang gusto niya sa’kin, at hindi ko alam kung magbabago pa ba ’yon.

Ganun ulit, hatid sundo parin niya ako. Umay na umay na nga ako, kung tutuusin lang. Umay na umay na akong makita ang pangit niyang mukha. Walang bago, paggising kona lang siya parin ’yung nakikita ko. Pati ba naman sa pagtulog ko siya parin ’yung nakikita ko?

Hayst. Binabangungot na siguro ako ng kapangitan niya. Siguro kung guwapo siya, baka masabi kopang isa ’yung fairytale na panaginip, pero dahil nga pangit siya. Hindi iyon fairytale. It’s more like, nightmares. Bangungot. Masamang panaginip na hindi kona ipapanalangin na muli ko pang mapanaginipan.

Ayun na nga, sabado ng umaga ng mga araw na gabi ng araw na ’yon. Hindi naman masyadong gabi, siguro mga alas sais palang noon. Puputok na ang gabi anomang oras. Nang pumunta si Michael sa bahay namin.

Wala namang bago, ilang beses na ba siyang pumunta sa bahay namin? Sa loob ng tatlong taon ay hindi kona rin mabilang.

Lakas din ng loob ano?

’Yun na nga, kapag pumupunta siya, siya lang ’yung manliligaw ko na naging magalang sa mga magulang ko.

Babati ito ng magandang gabi, o magandang araw, depende sa araw ’di ba?

Panay din ang pag ‘po’ at ‘opo’ niya sa mga magulang ko sa tuwing kinakausap siya ng mga ito.

Ganun pa man, kahit ilang beses magpunta si pangit sa bahay namin, ay agad din namang pinauunlakan ng mga magulang ko.

Not because they want Micheal for me, but because ginagalang ng mga magulang ko na si Micheal ay isa sa mga manliligaw ko.

Hinahayaan din naman ng mga magulang ko na kausapin ko si Kiel, hinahayaan nila na makipagkita ako sa kaniya, na ihatid at sunduin niya ako pagpasok at pag-uwi ko ng bahay. Hinahayaan din ng mga ito na pumunta si Micheal sa bahay namin. Dahil tawala raw ang mga magulang ko na hinding-hindi ko papatulan si Kiel, na siya naman talagang totoo.

Nangako ako sa harapan ng mga magulang ko at sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakagusto kay Micheal. Na hinding-hindi ko siya mamahalin, kahit ano pang ipakita niya sa’kin. Kahit ilang corny na banat pa ang i-text niya sa’kin. Kahit mapudpod pa ang mga daliri niya sa pagpapa-abot ng corny pick-up lines. Hinding-hindi ako mahuhulog sa kaniya. Never.

“Tita, Tito, aalis na po ako. Salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa’kin.” magalang na pamamaaalam ni Micheal.

“Sige, hijo.” sagot naman ng mga magulang ko.

Tumingin siya sa’kin at ngumiti. Nairik kona lang ang mga mata ko sa hangin.

“Paalam, Angelica. Bukas ulit.” sambit pa niya bago tuluyang lumisan.

Hinayaan kona lang siya na lumabas mag-isa. Siya ang pumunta dito mag-isa kaya siya rin ang dapat lumabas mag-isa. E-e escort ko pa ba siya palabas? Hindi naman siya guwapo.

Matapos niyang makalabas ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Nag-prepare na akong matulog, nakakain na rin naman ako.

Ilang minuto pa nakatanggap ako ng mensahe sa cell phone ko.

Out of curiosity, sinuri ko agad ang cell phone ko at tiningnan kong sino ang nag-message.

And as expected, walang iba. At sino pa ba? Kundi ang nag-iisang masugid kong manliligaw. Walang iba kundi ang pinaka-pangit sa buong mundo. Micheal St. Romana.

Natawa na lang ako sa mga naisip. Bakit nga ganun ano? Biniyayaan ng magandang pangalan, pang mayaman. Siguro kung sinoman ang makakarinig ng pangalang iyon aakalaing mayaman, o ’di kaya naman ay may kaya sa buhay. Pero sabi nga, ’wag paloloko.

Dahil kapag nakita ng mga ito ang mukha sa likod ng magandang pangalan. Talagang madi-disappoint.

By the way, ’yun na nga, kahit hindi ko dapat binabasa ang text niya, binasa ko narin. Lalo’t hindi pa naman ako inaantok. Mas mabuting may pagka-abalahan ako.

“Text-text tayo, Ange. Loadan kita.” pagbasa ko sa pinadala niyang mensahe.

Napabalikwas ako ng bangon. Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag na, sayang lang naman sa gastos, tsaka wala din akong balak makipag-text sa kaniya. Pero pa’no ko ba masasabi? Wala naman akong load para tawagan siya, o kahit man lang pang-text na sabihing hindi niya kailangang loadan ako. Wala naman akong time makipag-plastikan sa kaniya.

Lumipas nga ang ilang minuto. Sunod-sunod ang naging pagtunog ng cell phone ko. Naroon nga’t, nakita kona niloadan na niya ako. Pang-text at pang-tawag.

Napabuntong hininga na lang ako ng malakas. ’Di ba nga, sayang lang sa pera, tsaka pinaghirapan niya ’yun. Tsaka isa pa hindi niya dapat gawin ’yun, wala naman akong oras sa kaniya.

“Natanggap mona ba ’yung load, Angelica?” pagbasa ko sa mensaheng pinadala niya.

Gusto ko siyang sagutin at i-text pabalik, pero bakit ko nga gagawin iyon? Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi siya makakatanggap ng text mula sa’kin, kahit pa nga ni isang letra sa alpabetika ay hinding-hindi niya matatanggap galing sa’kin. Bakit ko naman siya i-te-text?

“Angelica, alam mo bang ikaw lagi ang laman ng panaginip ko?” pagbasa ko ulit sa text na pinapadala nito.

Napairap na lang ako sa kawalan. Heto na naman’t at babanat na naman ito ng pick-up lines. Corny naman.

Nakaka-impressed nga lang sa totoo lang. Hindi talaga siya nawawalan ng pick-up lines. Lahat ng mga text message kong natatatanggap na puro pick-up lines niya ay puro bago. ’Yun nga lang, pagbinabasa kona. Talagang super corny.

Kung siguro, guwapo siya, baka nakaramdam pa ako ng romantiko, pero dahil hindi. Wala akong naramdaman kundi, kabaduyan.

Tumunog muli ang cell phone ko, kaya obligado na naman akong basahin. ’Di ba dapat hindi ko binabasa? Pero wala e, baduy man ay babasahin ko narin. Wala rin naman akong ibang ginagawa.

“Isa ka raw

Diyosa

ng

kagandahan

sa panaginip ko, tapos isa daw akong masamang

elemento

na

nagka-gusto

sa’yo.“

Gusto kong matawa sa mensaheng mga nabasa ko, but at the same time. May kakaiba akong naramdaman dito sa loob ng puso ko. Sa tuwing binabasa ’yung mga baduy na pick-up lines niya, hindi ko maiwasang mapangiti.

Agad ko namang pinipigilan ’yung sarili ko. Bakit ba naman kasi ngingiti e sobrang baduy nga!

Going back, ng mabasa ko ’yung message niya, napangiti nga ako. Sukat ba namang hanggang sa pagpapadala niya ng mensahe ay nire-remind niya sa’kin kung gaano siya kapangit.

Sukat ba namang Diyosa ako ng kagandahan daw sa panaginip niya na siya namang totoo, at masamang elemento daw siya na nagkagusto sa’kin. Well totoo naman talaga. Maihahalintulad siyang masamang elemento, siguro, lamang lupa?

“Angelica… Alam mo bang para kang

asukal

kapag

ngumingiti

?“ pagbasa ko na namang muli sa mensaheng pinadala niya. Obligado na naman akong basahin.

And as usual, hindi ko siya tinext back. Bakit ba?

“Sagot ka naman ng ‘bakit?’ kung gising kapa. Para naman mas maganda ’yung pick-up lines.” sunod na mensaheng pinadala niya.

Sa hindi malamang dahilan napangiti niya ako.

Talagang demanding pa siya, huh? Hindi ba niya alam na ayaw ko siyang i-text? Ni kahit isang letra ayaw kong ipadala sa kaniya, dahil ayaw kong magbigay ng motibo sa kaniya, upang hindi siya umasang magugustuhan ko siya.

Mabilis kong iwinaksi ang pagngiti ko. Hinihintay ko ’yung sunod niyang i-te-text at basahin ’yung baduy na kadugsong ng tinext niya kanina ngunit hindi na ito nag-reply pa.

Na-ba-bother ako habang lumilipas ang ilang segundo, minuto, hanggang sa naging oras na hindi na niya tinuloy ’yung pag-text niya.

Actually talagang nakaramdam ako ng frustration that time, gusto kong mabasa ’yung kadugsong ng pick-up lines niya kahit baduy, kahit walang dating.

Pero bakit nga ba ulit ako napa-frustrate? Bakit ko nga ulit hinihintay ’yung text niya?

Ibinalik kona lang ’yung telepono ko sa bedside table, ng mapagtanto ko na hindi ko dapat hinihintay ang walang kwentang mensahe sa pangit na lalaking iyon.

Mas mabuti na ’yon ’di ba? Para wala ng gumagambala sa gabi ko, ’di ba? Pero bakit iba ang naging reaksyon ng ibang parte ng katawan ko?

Ipinilig kona lang ang ulo sa pag-iisip ko. Ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog.

Ng gabing iyon, nahirapan akong makatulog. Na-bother talaga ako kung bakit hindi na siya nakapag-text pagkatapos noon.

At sa mga ilang gabi ding nag-daan, wala na akong mensaheng natatanggap mula sa kaniya.

Actually sobrang napa-frustrate ako. Na-ba-bother ako kung bakit hindi na niya ako pinapadalhan ng mga corny/baduy pick-up lines niya.

Nakakasama ko naman siya sa tuwing araw, ganun parin nga siya e, hatid sundo parin niya ako. Palagi paring nakangiti sa’kin, tulad ng dati. Kating-kati na ang dila ko na tanungin siya kung may problema ba. Kung bakit hindi na ako nakakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.

Pero bakit ko naman gagawin ’yun? Baka isipin lang niya may gusto pa ako sa kaniya. Kaya hindi ko na lang ginawa.

Tsaka isa pa, sino bang may pake? Kahit hindi siya mag message sa’kin, wala akong pakealam sa kaniya. Mas mabuti nga ito ’di ba? Walang sumisira ng gabi ko? Magiging masarap ang tulog ko?!

             AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 4

Kabanata 4

        NAGING MAHIRAP SA’KIN ang mga nagdaan pang mga gabi. Lalo akong napa-frustrate at talagang na-ba-bother sa mga nangyayare. Wala na talaga akong matanggap na text sa kaniya. Ni isang lerta sa alpabetika ay wala akong natanggap.

Medyo—talagang nahihirapan na ako sa tuwing sasapit ang gabi. Dapat maging masaya ako, ’di ba? Dahil walang gugulo sa gabi ko. Walang mangungulit at mambubwisit ng gabi ko.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ’yon ang nararamdaman ng pagkatao ko. Ayaw kong bigyan ng ibang pakahulugan kung anoman ang nangyayare sa’kin. Wala lang ito, siguro nasanay lang talaga ako na nakakatanggap ng text niya, kaya ayun medyo nangulila ako.

’Yun na nga. Kaya mas lalo akong napapaisip dahil sa umaga. Ayos naman siya sa’kin. Tulad ng dati-hatid sundo niya parin ako sa pedicab niya. Walang nagbago. Mas nadagdagan pa nga e. Wala ring sawa ang panlilibre niya sa’kin ng mga pagkaing kinahiligan kong kainin. Kahit nga ayaw kong gumastos siya para sa’kin, pero sadyang mapilit siyang tao.

Nasa good terms naman kami tuwing umaga hanggang maghapon, pero talagang naikukunot ko ang noo sa tuwing sasapit ang gabi. Parang cold? ’Yun ba ang tawag doon? Parang pag-araw at pag-gabi.

Tuwing umaga, tulad ng araw ay mainit ang pakikitungo niya sa’kin, ngunit tuwing gabi, tulad ng buwan nagiging malamig na siya. Ni walang goodnight man lang.

Isang araw nga ng ihatid niya ako sa bahay namin kagagaling ko lang sa school at ng makababa na ako sa pedicab ay nagpaalam na ito at akmang aalis na.

“Kiel.” pagpigil kong pag-tawag sa kaniya dahilan para mapatigil siya at ibaling ang kaniyang tingin sa’kin.

“Hmmm?” nakangiting aniya habang nagtatanong ang bakas ng mukha.

Lumapit ako sa kaniya matapos mapakawalan ang isang malakas na buntong hininga. Ayoko ng ma-bother mamayang gabi pagtulog ko. Ayaw ko ng makaramdam ng frustration sa gabing lamig ang natatanggap ko. Nasanay na ako sa pangungulit niya, at sa kabila noon. Gusto kong malaman kung anong dahilan niya. Bakit siya tumigil sa pangungulit sa’kin.

Tandang-tanda ko pa ’yung huling pick-up lines niya na hindi na nito natuloy. Gusto kopa sanang malaman ’yung sunod pero hindi na iyon nasundan pa.

Going back, nag-aalangan ako kung itatanong sa kaniya o ’wag na lang ang mga bagay na bumabagabag sa dibdib ko. Sa huli ay nanalo ang pagkanais kong malaman ang dahilan sa likod ng hindi niya pag-text sa’kin.

“Uhmm.. wala kang load?” tanong ko kapag-kuwan.

“Meron naman bakit?” nakangiti nitong tanong sa’kin. Clueless.

Meron naman palang load e? Bakit ni isang letra sa alpabetika ay hindi ko man lang natatanggap mula sa kaniya? Ano, pa VIP lang? Ako pa ang gusto niyang mag-first move.

“Bakit mo nga pala natanong, Angelica?” pukaw niya sa iba kong mga iniisip.

Umiling-iling naman ako. “Wala lang, tinanong kolang.” sagot kopang ganiyan. “Sige na, pasok na ako.” sabi kopa at tumalikod na sa kaniya papasok sa bahay ko.

Sa totoo lang, nagmamaktol ang isip ko. May load naman pala e, bakit ni hindi man lang niya ako mapadalhan ng mensahe? Bakit? Hindi na ba niya ako gusto? May iba na ba siyang babaeng pinapadalhan ng mensahe? Ng mga corny at baduy niyang pick-up lines?

Sa isiping iyon nakaramdam ako ng galit. Ngunit bakit nga ba? ’Di ba dapat akong matuwa, dahil wala ng pangit sa buhay ko na masugid akong liligawan. Kung totoong nakahanap na siya ng babae na siguro ka-level niya. Wala na akong magagawa doon.

I’m happy for him, why wouldn’t i? Iyon naman dapat ang maramdaman ko ’di ba?

Pero bakit taliwas iyon sa mga dapat kong maramdaman? Bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit naiinis ako? Bakit nagagalit ako? Bakit ako nagmamaktol? Anong dahilan? Anong dahilan?

Sobrang kino-confused ng pangit na Kiel na ’yon ’yung utak ko. Hindi kona tuloy alam itong mga lintek na nararamdaman ko. Hindi ko alam, o in-denial lang ako sa mga nararamdaman?

At bakit naman?

Wala akong dapat ibang maramdaman kundi ang maging masaya! Na sa wakas wala ng manggugulo sa buhay ko. Na sa wakas magiging malaya na ako. Walang text, walang baduy na pick-up lines! Wala lahat.

Iyon naman dapat ’di ba?

Hayst!

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ipinikit kona ang mga mata ko pero naisipan kong gumamit ng cell phone.

Napunta ako sa message, napa-scroll ako at napansing halos lahat ng mga mensaheng natatanggap ko ay halos nanggaling lahat sa pangit na ’yun.

Hindi ko alam ko anong ginagawa ko, pero nalaman kona lang na nagbabalik-basa ako ng mga pick-up lines niyang pinapadala sa’kin, that i find it so corny.

“Angelica, kape ka ba? Kasi hindi ako makatulog simula ng makita kita.”

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa dati niyang text na iyon. Para akong timang na binasa pa ang una hanggang huli niyang baduy na pick-up lines. Hindi talaga ako tumigil sa pag-ngiti.

Pagtawa ’yun, hindi pagngiti. Bakit naman ako ngingiti? Tumatawa ako dahil talagang ang lakas-lakas ng loob niya. Eh ng magsabog ng kaguwapuhan ang nasa itaas, ay siguro’t natutulog kita, kaya kahit ni katiting ay hindi ito nakatanggap.

“Angelica,

kamatis

ba ako? Kase namumula ako kapag nakikita kita.“

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang mapigilan ang sisilay na namang ngiti sa mga labi ko.

“Kung magiging kamatis kaman, ikaw ’yung nabubulok!” na sambit ko sa kawalan.

Itinuloy ko ang pagbabasa ko, ewan, naganahan akong balikan ’yung mga gabing nakakatanggap ako ng mga mensahe mula sa kaniya.

Kabayo

ba ako? Kase

p’wede

mo akong

sakyan

o ’di kaya naman ay maging

kalesa

mo para sa karo mo, prinsesa ko.“ anito na ikinangiti ko na naman. “Sige na nga, goodnight na. Tutulog na ako.”

Napangiti na naman ako ng mensaheng iyon. Pansin ko lang, sa lahat ng mga baduy niyang pick-up lines palaging niyang binababa ang sarili niya. ’Yung tipong talagang, totoo siya. Kahit sa pick-up lines never niyang inangat ang sarili niya. Kumbaga, hindi man lang niya kayang ikumpara ang sarili niya sa mas guwapo naman sana sa pandinig.

Tulad na lang ng mga nabasa ko, imbis na maging prinsipe ito at prinsesa siya ay hindi, inako nitong maging isang kabayo, na magiging sakayan ko o ’di kaya naman ay magiging kalesa ng sasakyan ko raw na karo.

Gets niyo ko? ’Yung tipong sa pick-up lines na nga lang niya pagwa-guwapuhin ang sarili niya ay hindi pa niya ginawa. Talagang kung ano siya ay ’yun siya.

Tulad na lang ngayon sa binabasa ko. “

Nanaginip

ako.

Sirena

ka daw, tapos

shokoy

ako, ang ganda-ganda mo, Angelica maging sa panaginip ko.“

Talagang maging sa panaginip niya, ay sobrang pangit niya. Managinip ba naman na shokoy siya samantalang sirena ako.

Pati ba naman ang Diyos ng panaginip hindi siya hinahayaang magging guwapo, kahit sa panaginip lang?

Hindi ba p’wedeng sirena ako sa panaginip niya tapos siya ’yung prinsipeng na in love sa’kin? Parang story ni Ariel? ’Yung sirenang pula ang buhok na maganda dahilan para ma-hooked ang guwapong prinsipe?

Hindi man lang ba talaga naging ganun ang panaginip nito? Sahalip ay shokoy talaga? Grabe namang Diyos ng panaginip ito. Ni hindi man lang pinahintulutan si Kiel maging guwapo.

Napailing na lang ako sa mga naiisip. Para na tuloy akong may sira sa isip sa mga ginagawa ko.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ’yung mga iniisip ko. Lumabas ako ng kwarto ko. Maaga pa naman, mga alas siyete palang.

Nag-tungo ako sa tindihan. “Aling Pasing pabili nga ho.” sabi ko sa tindera.

“Ano ’yun, Angelica?” ani Aling Pasing. Napaisip naman ako ng bibilhin ko. Palinga-linga pa ako, ngunit wala talaga akong maisip, matipuhang bilhin. Bakit pa ako pumunta dito?

“Hija, may itatagal kapa ba d’yan?” anito ng hindi pa ako makasagot sa ilang minuto kong pananatili.

“Uhmmm..” napa-frustrate tuloy ako sa kaniya. Hindi kona tuloy kung anong bibilhin ko.

Sa mga panahong iyon, isa lang ang pumasok sa isip ko. Walang iba kundi ang magpa-load.

“Ate paload na lang pala ako.” sabi ko pang ganiyan.

Matapos kong maibigay ang number ko sa kaniya at makapag-bayad ay umuwi na rin ako. Pumasok na rin naman ’yung load.

Balik sa loob ng k’warto ko. Hindi alam kung anong gagawin, basta kapit-kapit ko lang ’yung selpon ko, habang iniisip kung bakit ako nagpa-load.

Alam ko naman sa sarili ko kung bakit. Isa lang naman ang dahilan. Hindi ko kasi nagawang tanungin si Micheal kanina kung bakit hindi na siya nag-te-text sa’kin, na talagang nagpapa-bother sa’kin tuwing gabi. Gusto ko talagang malaman, e. Hindi naman siguro masamang mag-first move?

Napasambunot ako sa sariling buhok. Ako na prinsesa magpi-first move sa isang pangit? No! Hell no!

Lumipas ang ilang oras, namalayan kona lang ang sarili kong nakatulala sa kisame ng k’warto ko. Hindi alam kung anong gagawin.

Niyapos kona lang ang unan ko at binitiwan ang cell phone ko.

Lumipas pang muli ang ilan pang-minuto. Hindi na ako nakatiis. Kinuha kona ’yung cell phone ko at lakas loob na nag-tipa..

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 5

Kabanata 5

      MAYROONG. “Kiel kamusta kana?”

“Ano gawa mo ngayon?”

“Ba’t hindi mona ako tine-text?”

“Wala kang load no?”

“Hi?”

“Hello, pangit, sunduin mo’ko bukas, huh?”

“Dugyot, txt-txt tayo?”

“Pangit?”

“Busy ka?”

“May gagawin ka?”

“Tulog ka?”

“Pangit!!!!!!!”

Lahat ng mga iyan ay naisipan kong itipa sa telepono ko, pero ni isa ay napagbubura ko. Sobrang hirap naman ng kalagayan ko, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Lalo’t ayaw ko rin mag-first move, baka isipin pa niyang may gusto ako sa kaniya.

Isa pa, ako ang babae, dapat tayong mga babae, dalagang Pilipina. Hindi ’yan bibigay, lalo na sa pangit pa. Bakit naman ako magpapadala ng mensahe sa kaniya? Sino ba siya? Siya lang naman ’yung pangit na masugid kong manliligaw, na pedicab lang ang pinagkakakitaan, na walang magiging buhay pagdating ng panahon!

“Haystt.” pakawala ko ng buntong hininga. Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko.

Siguro kung maliit lang ang kama ko ay kanina pa ako nahulog.

“H.” tinipa ko sa cell phone ko. Hindi ko pa alam kung anong isusunod. Ito na lang kaya? Para isang letra sa alpabetica?

Sa hindi ko sinasadya, napindot ko ang hit button. At sa sobrang kamalasan, mabilis na sent ’yung mensahe iyon. Kahit burahin kopa ay natanggap na rin naman niya.

Kagat ko ang pang-ibabang labi ko matapos mapabalikwas sa pagkakahiga. “Shit naman, baka kung anong isipin ng pangit na ’yun!”

As expected nga, ilang minuto ang lumipas ay nagpadala na rin ng mensahe si pangit. Alam kona ang iniisip nito. Siguro iniisip nito ngayon na may gusto ako sa kaniya. Yuck! Sino ba siya? Ba’t naman ako magkaka-gusto sa isang tulad niya. Kung kay Mike pa, baga doon pa ako magka-gusto.

At dahil nga nagpadala na siya ng mensahe, obligado na akong basahin ’yun. “Hi, Angelica. Magandang gabi :)”

Naningkit ang mga mata ko. Sa totoo lang, gusto kong sambunutan ’yung buhok ko. Nakakainis. Ayan kung ano-ano siguro ang iniisip ng pangit na ’yon! Hmpp!

Nag-isip ako ng magandang kataga na p’wede kong sabihin upang kahit papa’no ay hindi siya mag-isip ng kung ano-ano o ’wag ko na lang kayang i-text, para ’di na humaba?

At dahil nga sa kagustuhan kong i-text siya upang itama kung anoman ang iniisip niya.

“I’m sorry, wrong sent!” text kopang ganiyan pagkatapos pinindot ko ’yung hit button.

Naghintay pa ako ng mga ilang minuto bago muling nakatanggap ng mensahe galing sa kaniya.

“Okay lang kahit wrong sent. At least sa simpleng ‘H’ na ’yun, hindi mo alam, kung gaano mo ako napasaya :>” pagbasa ko sa mensahe niya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang hindi ako mapangiti. Anong p’wedeng i-reply sa pangit na ito? Wala naman akong naiisip.

Ilang minuto ang ginugol na hindi na siya nag-reply, na-bother na naman ako. Wala na naman ulit paramdam.

“Ano gawa mo?” text kopang ganiyan na hindi kona rin alam kung bakit pumasok ’yan sa isip ko.

“Nakahiga na. Ikaw?” he texted back.

“Ah, K!” text ko pabalik.

Umisip muli ako ng maari kong ibanat. Ano nga ba? Hayst! Kay hirap.

“Wala kabang load noong mga nagdaang gabi?” text ko.

“Lagi akong may load.  Bakit?” tanong pa niya.

“Napapaisip lang ako, kung bakit hindi kana nag-te-text.” text kopang ganiyan habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Ang baduy kasi, iniisip ko lang baka hindi mo magustuhan. Baka nakaka-istorbo na ako sa’yo. Baka masira pa ang image ko sa’yo, baka ikagalit mopa.” text niya sa’kin pabalik.

Doon ako nalinawan. Lahat ng mga tanong sa isip ko ay nagkaroon na rin ng kasagutan. Akala ko ba naman may iba na itong nililigawan kaya hindi na niya ako tinetext. ’Yun lang pala ang dahilan.

Well tama naman siya. Buti inamin niyang baduy talaga ’yung mga pick-up lines niya. Saang banga ba niya nahuhugot ang mga iyon?

“HAHA, buti naman alam mo kung ga’no kabaduy? Pero okay naman. Mapagtatyagaan basahin.”

“So p’wede na akong magpadala ng mensahe sa’yo?”

Hindi ko siya sinagot. Kahit nga sarili ko tinatanong ko rin. P’wede ba?

Inilagay kona lang ’yung cell phone ko sa bedside table at kahit naririnig kopa ang pagtutunog niyon ay hindi kona pinansin. It’s getting late na kasi, matutulog na ako.

Tsaka ang purpose ko lang naman ay malaman kung bakit hindi na niya ako tinetext. Ngayong nalaman kona, bakit kopa siya itetext? Guwapo ba siya?

Sumapit pa ang mga nagdaang gabi. Hindi ko naman sinabing gusto kong mag-text siya sa’kin, at hindi ko rin sinabing ayaw ko.

Kaya ayun, na misunderstand ni pangit. Kaya ayun nagtuloy siya sa pagpapadala ng mga corny pick-up lines niya sa’kin. Wala naman akong magawa kundi, obligaduhin ang aking sarili na basahin ang mga text message niya.

Bumalik na naman ako sa pagngiti—pagtawa!

Ngunit hindi tulad ng dati na puro lang ako pagbasa, ngayon sinasabayan kona rin ’yung corny niyang joke.

“Asukal kaba?” text niya.

“Bakit?” sagot ko pang ganiyan habang nakangiti.

“Ang tamis mo kasi lalo na kapag ngumingiti ka.”

Hindi mapigilan ng mga labi ko ang humulmang ngiti. Parang sira lang.

“Corny mo. Pero natawa ako.”

Sa ginagawa koba binibigyan ko siya ng motibo?

Bahala na. Hindi naman ako ang masasaktan sa huli. Hindi rin naman ako kailanman magkakagusto sa kaniya. Sa pangit niyang ’yun.

Kelan nagkagusto ang prinsesa sa isang tagapagsilbi?

Hmmp!

Ipinagsawalang bahala kona lang ’yung mga kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Maya-maya nakatanggap na naman ako ng mensahe mula sa kaniya.

“Kumain kana?”

’Yan ’yung tanong na palagi mong maririnig o makikita sa mga pinaguusapan ng mga taong magkarelasyon. Palagi na lang “kumain kana?” O ’di kaya naman. “Kumain kana, ayaw kong nagugutom ka.” pero ang ending ng relasyon nila sa huli. Ayun, nag-break. Puro pa sweet hanggang doon lang naman. Tch!

“Bakit?” ang naipadala kong mensahe sa kaniya.

“Baka lang naman gusto mong mabusog ng pagmamahal ko.” pagbanat pa niyang ganiyan.

Napangiwi na lang ako, at ang ngiwi ay naging pagngiti. Ang corny no? Saang tadyang kaya nito hinugot ang mga sinasabi nito.

’Yun na nga, gabi-gabi na napapadalas ang pag-uusap naming dalawa. Hindi ko na rin nga alam kung bakit pinahihintulutan ko ang sarili kong i-text o ’di kaya naman ay kausapin siya. Hindi naman siya ganun ka guwapo, i mean hindi naman siya guwapo. Bakit ko oobliga ang sarili kong i-text siya? Bakit kailangan ko pang magpaload para lang maka-text siya.

Sa totoo lang, hindi kona maintindihan ang sarili ko. Hindi ako tanga at hindi rin ako mangmang sa larangan ng ganito. Ayaw kong aminin, dahil habang tumatagal ginugulo niya ’yung isip ko. Habang tumatagal gulong-gulo na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hayaan ang sarili o mas mabuting pigilan?

Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga. Ipinagsawalang bahala kona lang ang mga isipin ko. Bahala na, bahala na.

Minsan pa, ng mga nagdaaang araw, wala kaming pasok nu’n ng yayain niya akong pumunta sa kanila. Birthday daw niya kuno.

Well ng pumunta naman ako sa kanila, sa pamamagitan ng paghatid niya siyempre. Siya ang nag-imbita sa prinsesang katulad ko, kaya siyempre obligado siyang ihatid at sunduin ako.

Tulad nga ng sinabi niya. Talagang birthday nga niya ng mga araw na iyon.

Kokonti lang ang handa, hindi na daw siya nag-abala pa. Dahil silang dalawa lang naman ng Lolo niya ang naroon, tsaka ako na rin bilang inimbitahan niya.

Pansit, puto, tsaka espageti. ’Yan lang ’yung handa niya. At lahat ng iyon ay niluto niya.

Pagpasok ko palang sa loob, ayus naman ’yung bahay. Hindi madumi, hindi makalat, sementado din ’yung sahig. Kung iisipin, pareho silang lalaking nakatira dito ng Lolo niya, pero malinis talaga. Daig pa ako, e sobrang kalat ng kwarto ko. Well prinsesa ako nina mama at papa kaya may mga tagalinis ako. Hindi nga ako gumagalaw sa bahay namin eh. Kaya ganito na lang ka-delicate ’yung skin ko. Malambot din ’yung mga kamay ko. Patunay lang na ni kahit paghugas ng platong pinagkainan ko ay hindi ko magawa.

Going back, ng makita ako ng Lolo niya agad niya akong binata, habang may ngiti sa mga labi niya. Mabuti raw at nakapunta ako. Eh, ito raw na apo niya kanina pa raw balisa habang niluluto ’yung mga handa. Hindi raw mapakali kung tama na raw ba ang lasa, o ’di kaya naman ay kulang pa sa samya. Kung daragdagan pa raw niya.

Kaya ayun. Tawa ako ng tawa habang nagkukwento ng kung ano-ano ’yung Lolo niya. Habang si pangit naman, may di-kamot pa sa ulo, umaaktong nahihiya. Well, siguro nga nahihiya talaga siya.

“Alam mo ba, hija? Muntik ng mapaalat ’yung timpla niyang si Kiel sa pansit. Buti na lang at dumating ako, at natikman ko, sinabi kong ayus na.” natatawang pagkwento ng Lolo niya.

“Hindi ko naman kasi alam, Lo.” singit pa ni Kiel.

Ngiti naman ako, habang ang ngiti ay nagiging pagtawa.

Tutuusin, magalang at marespeto talaga ang Lolo ni Kiel. Tamang-tama ang naging pagpapalaki sa kaniya, talagang kahit pangit, ay bumawi naman sa kagandahang loob.

           AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 6

Kabanata 6

        ’YUN NA NGA, INAYA na ako ni Kiel kumain kasabay ang kaniyang Lolo. Pagpasensayahan kona daw kung ’yun lang daw ang nakayanan niya. Pagpasensyahan kona daw kung hindi masarap ang luto niya. Sabi ko naman ayos lang habang nagsasandok ako ng paborito kong pansit.

In fairness lang huh? Talagang pangmayaman ’yung pansit, kasi may mga sugpong lahok talaga, ’yun ’yung paborito ko sa pansit e. ’Yung may hipon.

Nang magsimula na akong kumain, hindi ko alam kung paano sabihin. God! Ang sarap. Literal. Ang sarap niya magluto. ’Yung parang lutong nanay, ang sarap talaga. Nakuha niya ’yung panlasa ko.

Hindi kona nga namalayan na nakailang subo na pala ako habang puno pa ’yung bibig ko. Hindi ko rin namalayan na nakatingin na pala ’yung mag-Lolo sa’kin habang pinagmamasdan akong kumain.

“Kamusta ang lasa? Masarap ba?” tanong ni Kiel sa’kin na mukhang frustrated na frustrated malaman ’yung isasagot ko.

Well, hindi paba obvious sa mga pagkilos ko? Kulang na nga lang pati pinggan ay kainin ko e.

“Masarap, ang sarap mo magluto ko.” pag-amin ko habang nakangiti.

Nagliwanag naman ang pangit niyang mukha. Akala mo nanalo sa lotto.

Medyo naparami yata ’yung kain ko. Kasi medyo hindi ako makagalaw ng maayos pagtapos, ang bigat sa tiyan noong pansit.

Tinanong ako ni Kiel kung uuwi na raw ba kami. Sagot ko mamaya na lang.

Habang nagliligpit si Kiel ng mga pinagkainan nakipagkwentuhan muna ako sa Lolo niya.

Masarap kausap ’yung Lolo niya. Parang nakikita ko nga sa kaniya ’yung namayapa kong Lolo. Masyado tuloy akong nagungulila kaya nakipag-kwentuhan muna ako.

Lahat-lahat na yata ng tungkol kay Kiel na kwento na ng Lolo niya. Pati ’yung mga mga magulang ni Kiel.

Sanggol palang daw ito ay iniwan na ito ng mga magulang nito sa Lolo at Lola niya. Mga pito o walang taon daw si Kiel simula ng mamayapa ang Lola niya. Sobra daw nalungkot ang binata ng mga panahong iyon.

Actually habang nagkukwento ang Lola niya, gusto kong umiyak. Kasi alam ko ’yung pakiramdam na mawalan ng Lola. Dahil maging ako, matagal koring nakasama ’yung Lolo at Lola ko, hanggang sa iwan na nila ako.

Bakit nga ganu’n ano? Bakit kailangang lumisan ng mga mahal na’ten sa buhay? Hindi ba p’wedeng diyan na lang sila habang buhay sa tabi na’ten nakakasama, nakaka-usap, naghahalikan at nayayakap. Bakit kailangan pang may mawala?

’Yun na nga, sobrang mahal daw ni Kiel ang kaniyang Lola, simula ng mamatay ito, ilang taon nagluksa si Kiel. Minsan balisa, malayo ang takbo ng isip at hindi alam kung anong gagawin. Gan’un daw magmahal si Kiel. Lahat binibigay ng sobra-sobra. Wala daw itinitira para sa sarili niya, kaya kapag nasaktan, triple o di kaya quadruple ang sakit na nararamdaman nito.

Naikwento rin sa’kin ng Lolo niya na pinilit daw nilang mag-aral si Kiel, pero hindi raw ang sarili nitong kapakanan ang inuna nito. Matanda na daw ang Lolo at Lola ni Kiel, kaya sa murang edad napilitan raw itong magtrabaho, upang makatulong sa mga taong tinuring nitong pamilya.

Ganu’n si Kiel, uunahin ang iba kaysa sa sarili niya.

Naniniwala naman ako sa Lolo niya. Dahil kung pa’nong nakita kong inuuna ako ni Kiel intindihin, ihatid at sunduin kahit pa nga dapat ay nagpapasada ito, pero ako parin ang inuna. Doon ko napatunayan na hindi man nabiyayaan si Kiel ng magandang itsura, atleast malinis, at maganda ang loob niya.

Nang mga araw ding iyon, dahil matanda na ang Lolo niya, nakita ko kung pa’no alagaan ni Kiel ang Lolo niya.

Kanina ito pa talaga ang nagsandok sa Lolo niya, tinatanong kung anong gustong kainin, kung may iba pa bang gusto.

Napapangiti ako kanina sa puntong alam ’yun gusto kong umiyak. Kasi kitang-kita ko kung gaano kamahal ni Kiel ’yung Lolo niya.

Nalulungkot ako, hindi man tawag dalangin. Pa’no kung lumisan na ang Lolo niya? Pa’no si Kiel?

Maiisip kopa lang ’yon talagang nalulungkot na ako para kay Kiel. Sobra siyang magmahal, kaya sobrang ding masaktan.

Dahil alam naman na’ten, na hindi matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo, kung hindi ka masasaktan kapag may nangyareng ’di mo inaasahan. At sabi nga, hindi ka masasaktan kung ’di ka nagmamahal.

Parang katulad ng pagkamatay ng tsismosang kapitbahay niyo, masasaktan kaba kapag namatay siya? Gayong hindi mo naman siya mahal? Syempre mararamdaman mo lang ’yung sakit kapag ’yung taong malapit sa puso, mahal mo ang namaalam sa’yo. Kung gaano ka nagmamahal, ganun karin masasaktan.

Mag-aalas tres na ng hapon ng ihatid na ako ni Kiel sa bahay namin. Forbid, na kasi akong lumabas kapag gabi na. Syempre ako lang naman ang nag-iisa nilang prinsesa. Kung baga para sa mga magulang ko, isa akong mamahaling diyamante, iniingatan and at the same time pinahahalagahan. Ganu’n ako kamahal ng mga magulang ko.

Matapos niya akong maihatid ay nagpaalam na siya sa’kin. Mamamasada pa raw siya.

Kung p’wede ko nga lang pahintuin ’yung oras ginawa ko. Kung ako lang si Elsa sa Frozen baka na-freeze ko na ’yung orasan. Kasi naman, birthday na birthday niya, tapos trabaho parin?

Wala naman ako sa lugar para pagbawalan siya, kaya ayun, tanaw kona lang siya sa malayo habang pinapatakbo niya ’yung pedicab niya. Ano nga bang magagawa ko? Bigyan siya ng pera at sabihing ’wag na siyang magtrabaho? Kilatis ko si Kiel, sa ilang taon na ba niya akong kinukulit ay pa-unti-unti kona siyang nakikilala.

Batid kong hindi niya tatanggapin ang pera kung hindi nanggagaling sa dugo at pawis niya. Kahit pangit siya, may pride din siya.

Sumapit ang gabi. Okupado ang isip ko ni Micheal at wala ng iba kundi siya lang. Naalala ko kasi na hindi ko man lang siya nabati ng happy birthday kanina. Madaming pagkakataon ang lumipas ngunit hindi ko nagawa. Dinalaw kasi ako ng hiya. Tsaka nakakahiya din, ni wala man lang akong nabigay na regalo sa kaniya. Ako na nga lang ’yung pangalawa sa importante sa buhay niya, tapos hindi ko man lang na appreciate ’yun.

“Kiel, happy birthday nga pala. Salamat sa pakain mo, pasensya na hindi ako nakabili ng regalo >~<”

Maya-maya pa, parang kidlat na nakatanggap ako ng mensahe galing sa kaniya. “Okay lang, sapat na regalo na sa’kin ’yung pumunta ka sa birthday ko, tsaka ’yung pagbati mo.”

Sa huli, nakagat ko na naman ’yung pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sariling huwag ngumiti. Ayokong ngumiti, mas lalong ginugulo nito ang pagkatao ko.

Sa mga gabing lumipas, mas lalong tumindi ang pagkagulo ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para kay Kiel.

Upang maiwasan siya, hindi na ako nag-te-text sa kaniya kahit patuloy parin ang pagpapadala niya ng text message sa’kin. Hangga’t maari din, tuwing hatid sundo niya ako, iniiwasan kong mag-usap kami.

Isa pa, maaga na rin akong pumasok upang hindi na niya ako maihatid. Sa hapon naman sumasama na ako sa mga kaibigan ko sa pag-uwi upang hindi niya ako maihatid sa bahay ko.

Giulong-gulo na kasi ako. Hindi ko alam, kung ano itong nararamdaman ako. Ayokong bigyan ng pakahulugan pero confusing e. Hindi ko alam kung na’san na si Kiel sa parte ng katawan ko. Hindi ko alam kung saan na ’yung narating niya sa pagkatao ko. Ang hirap.

Kaya talagang lahat ginawa ko upang iwasan siya. Sinagot kona rin si Mike, kahit wala sa sarili kong kagustuhan. Kahit sinabi ko ngang study first muna ako ay hindi kona napanindigan.

Pumasok ako sa pakikipag-relasyon kay Mike ng hindi ko pinag-iisipan, para lang layuan na ako ni Kiel.

Pero hindi iyon naging dahilan para lubayan ako ni Kiel. Palagi ko parin siyang nakikita sa labas ng bahay namin tuwing umaga upang ihatid ako papasok sa school kahit alam niyang may karelasyon na ako. Lagi din siyang nasa labas ng gate ng school namin tuwing hapon upang sunduin at ihatid ako sa bahay namin.

Kaya upang maiwasan ko siya, kinausap ko si Mike na ihatid at sunduin ako hangga’t maari.

“Angelica, hatid na kita.” minsan pang sabi ni Kiel sa’kin noong hapong palabas na ako ng school kasama si Mike.

“Hindi na, ihahatid na rin naman ako ni Mike.” sabi ko sa kaniya habang hindi ko magawang tingnan siya mata sa mata.

Parang tila naiilang na ako sa kaniya, o baka hindi ko lang kayang harapin ’yung totoo?

“Sige, bukas na lang.” pahabol pang sabi ni Kiel at nagsimula na siyang mamasada.

Hindi ko maintindihan kung manhid ba si Kiel. Kung hindi ba niya nakikita ang realidad na ayaw kona nga siyang makita, ayaw kona siyang makausap, ayaw kona sa kaniya.

Kaya ng isang gabi, napilitan akong i-text siya. “Kiel, hanggang kailan mo ako

liligawan

? ’Di mo ba nakikita na may

karelasyon

na ako?“ text ko pang ganiyan. Gusto kona talagang maging malinaw sa’kin ang dahilan niya.

Maya-maya ilang minuto ay tumunog ’yung cell phone ko.

Liligawan

kita hangga’t hindi mo hindi mo

sinasabing

hindi mo’ko gusto. Hangga’t hindi ko naririnig sa’yo na wala akong pag-asa sa’yo.“ mensahe niyang nakapagpa-bato sa kinatatayuan ko.

Sa totoo lang, gusto kong ibigay ang mga hinihiling niya. Gusto kong sabihin ang mga salitang gusto niyang marinig, pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko, hindi ko magawang igalaw ang mga daliri ng kamay ko upang itipa ang mga salitang gusto niyang mabasa.

          

AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 7

Kabanata 7

     BAKIT NGA BA? Iyan ang tanong napaulit-ulit sumasagi sa isip ko. Bakit nga ba hindi ko magawang ibigay ang mga hinihiling niya? Kay dali ’di ba? Pero bakit, hindi ko magawang sabihin o kahit i-text man lang sa kaniya?

Bakit napipigilan ako? Ano bang meron sa kaniya? Ano bang espesyal?

Sa pakikipag-relasyon ko kay Mike, ay hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa kaniya. Sa totoo lang, para lang siyang display sa buhay ko. Minsan kolang siyang makausap, kahit sobrang dami niyang gustong ik’wento at sabihin sa’kin.

Literal na mag-irog kaming dalawa, pero ang katangian ng mga magkasintahan ay wala kami. Ang mga ginagawa ng mga magkasintahan ay hindi namin nagagawa. Ni hug, holding hands, kiss o kahit ano pa ’yan. Hindi ko siya pinahihintulutan na gawin niya ’yon sa’kin. We’re more like strangers. Iyon ang trato ko sa kaniya.

’Yung tipong hindi ko magawang maging sweet sa kaniya. Hindi ko magawang maging romantiko sa paningin niya.

Ng dumaan nga ang hapon, kasabay ko sa pag-uwi si Mike. Medyo malapit ng gumabi ng mga panahong iyon.

Nilibre ako ni Mike ng pagkain, wala naman akong nagawa kundi ang tanggapin.

Ilang oras ang ginugol namin, kaya gabi na rin simula ng mapagpasiyahan naming umuwi. Actually hapon palang gusto konang umuwi, but Mike insisted. Kaya ayun ginabi na kami.

Habang naglalakad kaming dalawa sa madilim na daan, huminto si Mike kaya napahinto rin ako.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya.

Lumapit naman siya sa’kin at bigla na lang niya akong hinatak palapit sa kaniya.

Sa mga oras na ’yon grabeng kaba ang naramdaman ko. “Usap tayo.” sabi pa niya ng akmang magpupumiglas na ako.

Hinila niya ako sa madilim pang parte, doon sa may eskinita na walang katao-tao. Nakakaramdam na ako ng takot sa totoo lang. Takot para kay Mike, hindi ako alam pero takot ang nararamdaman ko.

“Angelica, baka naman p’wedeng pagbigyan mo’ko ngayon.” sabi niya na mas lalong ikinatakot ko. Namumutla ang mukha ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Medyo nakaramdam na rin ako ng pangangatog ng tuhod ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya.

“Mike, uwi na tayo, hinahanap na ako ng mga magulang ko.” pinilit ko ang sariling magpakatatag, kahit bahagyang nanginginig na ang mga labi ko tulad ng pangingilig ng tuhod ko. Maging ang boses na lumabas sa bibig ko ay ganun din ang nangyare.

“Umuwi? Ilang buwan na tayo e. Hindi mo parin ba ako mapagbibigyan? Kahit ngayong gabi lang, ’wag ka lang maingay baka may makarinig sa’tin.” mala dimonyong wika pa niya dahilan para manghina pang lalo ang mga tuhod ko. Nanlalambot ang buong katawan ko, hindi aakalaing masasabi ni Mike sa’kin ang mga bagay na ito.

“Mike, uwi na tayo, please. Hinahanap na ako ng mga magulang ko.” takot kong sabi habang medyo nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko.

Naglumikot na ang kamay ni Mike, naglakbay sa hita ko pataas, dahil nga nakapalda lang ako ay naramdaman ko ’yung kamay niya sa hita ko. “Sige na, kahit ngayong gabi lang—”

Hindi kona siya pinatapos ng pagsasalita. Malakas ko siyang sinampal sa mukha sa kabila ng takot at kabang nararamdaman ko.

Kahit madilim ay nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya. Sobrang nakakatakot, sobra na akong kinakabahan, para akong lantang gulay na nanginginig.

Malakas na sana akong sisigaw ngunit mabilis niyang natakpan ang bibig ko, at doon na niya ako pwersahang babuyin.

Grabe ang pagpupumiglas na ginagawa ko ngunit mas malakas siya.

“Hoy! P-tang *na ka!” bago pa man matuloy ni Mike ang balak niya sa’kin ay may humatak sa kaniya.

Hindi kona sila tiningnan, basta ako nanginginig na napa-upo habang yakap-yakap ko ang binti ko. Nagsisimula na rin akong umiyak sa takot na nararamdaman ko.

Ilang minuto pa may humawak sa’kin sa balikat. Sa sobrang takot na pasigaw ako.

“Angelica, ako ’to, si Kiel.” anito dahilan para bumalik ako sa sariling wisyo. Inangat ko ang tingin ko, kahit hindi ko man siya masyadong maaninag ay alam ko ang boses niya.

Alam ko sa kabila ng guwapo niyang boses ay siya ito. Si Kiel.

Sa sobrang takot at kabang nararamdaman. Napayakap na lang ako sa kaniya ng ubod higpit, pinanlulukuban ng sobra-sobrang takot.

Sa mga panahong iyon hindi ko inaakalang isang pangit pa na tulad niya ang magliligtas sa’kin. At ang inosente at mukhang anghel na si Mike ang magiging dahilan ng kapahamakan ko.

Doon ko napag-tanto na hindi basehan ang itsura sa kung pa’no na’tin husgahan ang isang tao. Dahil kahit gaano pa ’yan kaguwapo, hindi tayo dapat nagpapalinlang sa panlabas niyang itsura, dahil hindi na’ten masisigurong ligtas tayo sa kanila.

Hindi rin porke’t pangit, madungis, at mukhang walang gagawing mabuti ang taong nakita mo lang sa panlabas na anyo ay ibig sabihin na nito ay masamang tao na siya.

Mapanlinlang ang mundo, dapat siguraduhin na’ten kung sino ang dapat pagkatiwalaan at kung sino ang hindi. ’Wag na’ting tingnan ang tao sa panlabas niyang kaanyuan. Hindi porke’t guwapo ay p’wede ng pagkatiwalaan. Hindi porket pangit ay masama na ang intensyon.

Dahil sa takot at kahit medyo kumakalma na ako ay hindi ako nagpahatid sa bahay namin. Doon ako nagpahatid sa bahay nina Kiel.

Sinabi niya sa’kin kung ayus lang ba sa’kin, kung hindi raw magagalit ang mga magulang ko, at marami pa siyang mga sinabi. Sabi ko lang, tiwala ako sa kaniya. Alam kong mabait siyang tao, alam kong hindi niya ako gagawan ng masama.

Matapos naming makapasok sa bahay nila, ay agad niya akong pina-upo sa sofa. Binigyan niya ako ng tubig upang kumalma daw ako.

Matapos kong makainom ay umayos-ayos naman ang pakiramdam ko. Medyo kinakabahan parin nga lang ako dahil hindi ko talaga inaasahan, na sa dami-raming p’wedeng gawan ako ng masama ay ang sarili kopa talagang nobyo. Si Mike pa talaga na mukhang anghel sa paningin ko, siya pa talaga!

Bumaling ako kay Kiel. Nakita kong nag-tamo siya ng mga galos at pasa sa kaniyang mukha. Naawa ako sa kaniya. Lalo’t kung hindi siya tumulong sa’kin ay baka napano na ako.

“Salamat.” sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Humulmang ngiti naman ang mga labi niya. “Wala ’yun. Kulang pa nga ’yung natamo ng gagong ’yun. Kung hindi siya tumakbo baka napuno ng bangas ’yung mukha niya.” sambit nito bago naging seryoso ang mukha. “nasaktan ka ba?” seryosong tanong nito.

Mabilis naman akong umiling. “i’m okay, i’m fine. Medyo natakot lang naman ako kanina.” sabi ko.

“Bukas na bukas, i-re-report na’tin ’yun sa pulis. G*gong ’yun.” bakas sa mukha ni Kiel ang pagkagalit nito.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko kundi ang mapatawa ng mahina. Bumaling naman ito sa’kin, clueless. Nagtatanong ang mga mata.

“Wala, nakakatawa pala ’yung itsura mo kapag galit ka.” sabi ko pa.

Nag-usap pa kaming dalawa hanggang sa yayain na niya akong umuwi.

“Tara, hatid na kita.” turan niya.

“P’wede bang dito muna ako magpalipas ng gabi?” sabi ko pa.

“Naku, hindi p’wede. Magagalit ang mga magulang mo sa’kin. Tsaka baka kung ano pa ang isipin ng mga ’yon. Mawalan pa sila ng tiwala sa’kin. Iuuwi kita, Angelica.” nag-aalalang sabi pa niya.

Napangiti ako sa totoo lang. Hindi ko naisip na ganito talaga ka-respeto si Kiel sa’kin. Talagang kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya kung pa’no rumespeto.

“Natatakot parin ako, Kiel. Please, dito muna ako ngayong gabi?” pamimilit ko sa kaniya.

“Hindi kaba natatakot sa’kin? Na baka may gawin akong masama sa’yo?” sabi pa niya.

Buong loob na kinapitan ko ’yung mga kamay niya. “Bakit may gagawin kabang masama sa’kin?” balik kong tanong sa kaniya na mabilis naman niyang pag-iling bilang tugon.

“Nirerespeto kita, Angelica, dahil ganun kita kamahal. Sa totoo lang, gusto kitang patulugin dito sa bahay, walang malisya. Kaso, natatakot lang ako sa iisipin ng mga magulang mo. May tiwala sila sa’kin, at ayaw kong masira ’yun dahil lang sa maling isipin. Dalaga ka, Angelica at binata ako, normal lang sa’ting dalawa na pag-isipan ng masama. Lalo’t ganito pa ang itsura ko? Ganito pa ako kapangit, baka makasuhan pa ako ng rape.” seryosong sabi niya.

Animo’y may magaang kamay na humaplos sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pananaba niyon, animo’y tila nilukuban ako ng langit.

Right now, i’m sure what i am feeling right now. Mahal ko na rin si Kiel, alam ko. Ramdam ko, mahal kona siya. Nahulog na ako sa kaniya.

Ilang beses kona bang nasabing kailanman ay hindi ko siya magugustuhan dahil sa pangit siya? Well binabawi kona. Nahulog na ako.

Nahulog ako sa mga corny pick-up lines niya, sa kabutihan niya, sa taas ng respetong pinapakita niya, hindi lang sa’kin kundi pati na rin sa mga magulang ko at sa ibang tao.

Alam kong hindi ’yon nakikita ng iba, pero para sa’kin. Kitang-kita at damang-dama ko kung gaano siya kabuting tao sa likod ng kapangitan niya. Kung gaano siya karespeto sa likod ng hindi kaaya-aya niyang mukha.

I admit! I am falling for Micheal St. Romana.

Hindi kona namalayan ang sunod kong ginawa. Dumukwang na lang ako at hinalikan ang mga labi niya.

Isa lang ang nasa isip ko ng mga araw na ’yon. Alam kong siya na, siya na ’yung lalaking matagal konang hinahanap.

Nagbubulagbulagan lang pala akong makita sa kaniya ang katangian ng lalaking hinahanap ko, ngayong mulat na mulat na ang mga mata ko. I finally saw it..

           AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 8

Kabanata 8

        SIMULA NG MANGYARE ang kissed na iyon sa’ming dalawa ni Kiel, naging mas lalong nagkaroon kami ng koneksyon sa isa’t-isa. Well, we’re just in a good terms, pero hindi ko parin sinasabi sa kaniya na sinasagot kona siya. Kung baga hindi pa kami official. Nasa stage palang kami ng pagkilatis sa isa’t-isa. Pag-uusap, ’yung ano…getting to know each other.

At dahil nga nag-aaral pa ako, sabi niya sa’kin handa parin daw siyang maghintay kahit sobrang tagal. ’Wag daw naming madaliin ang mga bagay-bagay. Mas maganda daw ’yung smooth lang, ’yung step by step.

Ganun naman talaga, ’di ba? Mas magiging masarap ang pagmamahal ng tagumpay kapag step by step, smooth lang. Kasi maaring magkaroon ng mali, at hindi pagkakaintindihan sa isa’t-isa kung sakaling humakbang agad sa dulo.

Parang pag-aaral, dapat munang magsimula sa pinakang baba hanggang sa paangat ng paangat. Hindi naman p’wedeng humakbang kana agad sa dulo hindi ba? Masyadong marami kang hindi alam, hindi matututunan kung bibiglain mo.

Sa pagmamahal hindi dapat sugod lang ng sugod, bigla lang ng bigla. Diyan nauuwi kung bakit ang pagmamahal ay nauuwi sa paghihiwalayan.

So if want to love, take step by step, para alam niyo kung pa’no ayusin at kung pa’no mabigyang solusyon ang mga hindi pagkakaunawaan.

Going back to my story. ’Yun na nga, mas naging maaga na ang paghatid at sundo ni Kiel sa’kin, upang hindi na raw maulit ’yung insedenteng nangyare sa’kin.

At dahil nga naawa ako kay Mike, ay hindi kona rin sinumbong sa pulis. Lalo’t kapag nalaman ito ng mga magulang ko madidisappoint sila sa’kin. Kung malalaman nilang nagkaroon na ako ng nobyo. Nasinaway ko ’yung kabilinbilinan nila. Na huwag magkakaroon ng nobyo hanggat hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral.

Napilitan lang naman akong gawing nobyo si Mike upang iwasan na ako ni Kiel, na mali ko palang ginawa.

’Yun na nga. Nag-transfer na rin si Mike ng school, umalis na rin siya sa tinitirhan niya, nagpakalayo-layo at hindi kona alam kung saan siya pumunta. May time paba akong alamin?

Basta ang alam kolang nagpadala siya ng mensahe sa’kin na humihingi ng kapatawaran sa kagaguhang ginawa niya.

Hindi naman ako naniwala na talagang humihingi siya ng tawad. Dahil ang mas kapanipaniwala ang ’yung paghingi ng tawad mismo sa harap mo, upang makita mo sa mukha niya ’yung sinseridad. Hinayaan kona rin naman, umalis na rin naman siya.

Lumipas nga ang mga araw na kasama ko si Kiel, tuwing umaga ay hatid niya ako sa school, tuwing hapon naman ay palagi niya akong dinadala sa mga memorableng mga lugar.

“Angelica, ulam ka ba?” sabi niya sa’kin habang tinutulak niya ’yung swing kung saan ako naka-upo.

“Bakit?” matawa-tawa kong sagot.

“Kase hindi sasarap ang kanin ko kung wala ka.”

Gusto kong magpakawala ng malakas na pag-tawa, ’di ba? Corny? Ang baduy.

Hininto ko ’yung swing at lumapit sa kaniya. Piningot ko siya sa tainga. “balak mo talagang gawin akong pagkain, huh?”

Tawa naman ito ng tawa habang pingot-pingot ko ’yung tainga niya.

Bumabanat pa ng pick-up lines. Baduy naman.

Kapag kasama ko siya, kailanman ay hindi ako nakakaramdam ng takot, sa halip tuwing malapit siya, pakiramdam ko ligtas ako. Pakiramdam ko’y kay gaan-gaan.

Hindi rin nawawala ang mga ngiti sa mga labi ko, ’di rin ako nawawalan ng pagtawa. Sobrang sarap niyang kasama.

Marami na rin akong mga bagay na nalaman sa kaniya, ganun din naman siya sa’kin. Halos lahat na nga siguro ay alam na niya tungkol sa’kin.

Sa mas lumalawak na araw na kasama ko siya, mas lalo namang lumalawak ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Actually hindi siya mahirap mahalin. Hindi man ito nakikita ng iba, pero kung makikilala nila, bibigyan nila ang puso nila ng daan upang makapasok si Kiel, ay makikita ng mga ito kung gaano kamahal-mahal si Kiel.

One time nga, noong hapon na ’yun kapit-kapit ako nina Jasmin, Zhai, at Melanie. Pilit nila akong hinihila at may ipapakita daw sila sa’kin. Ito naman akong panay ang pagtanong kung ano ba ’yun, pero hindi naman sila sumasagot.

Hanggang sa makalabas kami ng gate ng school. Nakatayo doon si Kiel, maayos ang suot at nagmukhang tao, may dala-dala itong bulaklak.

Tinulak ako ng mga kaibigan ko palapit sa kaniya. Ngumiti naman siya kaya nadala na rin ako, nginitan kona rin siya.

“Para sa’yo.” sabay abot niya sa’kin noong bulaklak.

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante roon. Panay ba naman kasi ang pagbanat niya ng pick-up lines niyang hinugot pa yata sa tadyang ng Lola niya.

“Alam mo bang para kang bituin? Napaka-ganda, napaka-kinang pero ang hirap abutin.” banat pa niyang ganiyan.

Aaminin ko, sa bawat bitaw niya ng pick-up lines namula ako. Talagang kinilig ako aaminin ko.

Parang bigla nawala ’yung mga tao sa paligid ko. At siya lang ’yung nakikita ko. Ang taba-taba ng puso ko ng mga panahong iyon. Pakiramdam ko busog na busog ako ng pagmamahal ng mga panahong iyon.

Kahit simpleng surpresa lang ’yun, talagang grabe ang dating sa’kin. Nakakataba ng puso.

Hindi ko na nga pinapansin ’yung mga bulong-bulongan, basta ang alam ko lang, kinikilig ako kay Kiel. Nahuli niya ang kiliti ko e.

Nakakatawa nga lang, kala ko naman magsasabi na siyang “will you be my girlfriend?” pero ginawa lang daw niya ’yon as a surprised. Pinaghirapan daw niya ’yun at pinag-isipan, sa puntong kinuntsaba pa niya ’yung mga kalog kong kaibigan.

Nakakatawa lang, akala ko naman kung para saan. Pero all the way, i still cherish those moments with him. Talagang napasaya niya ako ng mga araw na ’yon. Talagang nasurpresa ako.

“Thank you,” nakangiti kong sambit matapos akong makababa sa pedicab niya, matapos niya akong ihatid sa bahay ko.

“Welcome, Angelica.” nakangiting turan niya.

“Ingat ka.” sabi kopa bago pumasok sa loob ng bahay namin.

Tanaw ko ang bulaklak na binigay niya sa’kin. Just a white rose. Isang piraso lang ’yon pero para sa’kin ’yun na ang pinaka-espesyal na bulaklak na nakita ko sa buong buhay ko.

Kinikilig ba ako? Well isn’t obvious? Of course, i am. Kinikilig ako, kahit batid kong sobrang corny talaga. Sobrang baduy..

      Dumating ang araw ng kaarawan ko. Syempre espesyal na araw ’yun para sa’kin. At dahil iisang anak lang ako ay talagang pinaghandaan iyon ng aking mga magulang. Medyo bongga din ’yung handaan, at talagang may kinuha pa si Mama na magme-make-up sa’kin. Sabi ko ’wag na, pero hindi naman siya pumayag. Kailangan daw ako ’yung pinaka-magandang babae sa buong mundo. E, kung tutuusin mukhang artista naman talaga ako, pati ’yung kutis ko. Hindi kona kailangan ng make-up, o magpaganda pa, dahil maganda na rin naman ako.

Kokonti lang ang aking inimbitahan, bale ’yung mga kalog ko lang na mga kaibigan, tsaka si Kiel, syempre hindi siya mawawala sa listahan.

Kaso tumanggi siya, nahihiya daw siya, kaya hindi daw niya alam kung makakapunta siya, kaya nagpahatid na lang siya ng pagbati sa’kin.

Medyo nalungkot din naman ako, pero syempre, espesyal na araw ito para sa’kin. Kailangan kong mag-enjoy.

Bale, nag-imbita din pala ang mama at papa ko ng ibang mga kakilala nila. Kaya medyo marami ng tao sa loob. May space naman, kaya nagkasiya sila.

Na-set-up na lahat, nakalatag na rin ang mga handa. Pati ako namake-up-an na rin ng kinuha ni mama. Syempre kapag birthday ’di ba red ang dapat suotin? Kaya nag-kulay pink akong dress, para maiba naman ’di ba?

Suot at handa na ako. Talagang bumigay sa’kin ’yung damit. Medyo hapit siya kaya talagang hulmang-hulma ang ganda ng katawan ko. Sobrang ganda ko, sobra-sobra.

Nang makita ako ng mga bisita talagang manghang-mangha ang mga iyon. Kung siguro lalabas ako sa bahay namin, kaiinggitan ako ng mga tsismosa, papangarapin na sana katulad ko na lang kaganda ’yung mga anak nila. Just kidding.

So… The party started. ’Yun lang, nagpabatid lang ng pagbati ’yung mga magulang ko at tsaka ’yung mga halos dumalo. Nagbigay din sila sa’kin ng mga regalo.

Dahil nga sabi ni Kiel, hindi siya sure kung makakapunta siya, kaya there’s a chance parin na pumunta siya. Kaya hinahagilap ng mga mata ko si Kiel, ngunit hindi ko siya makita.

Kaya meaning, hindi nakadalo si Kiel sa birthday ko. Nothing to be sad of. So i just you know, party-party with my friends.

“Ang ganda mo ngayon, best. Sana ganiyan din ako sa’yo kaganda.” sabi ni Melanie na talagang kanina pa paulit-ulit.

“Alam ko naman ’yun. Don’t worry.” sabi ko pa na hinaluan pa ng pagmamataas, pang-asar lang ba.

“Siya sige, ikaw na ang maganda at birthday mo naman ngayon.” sabi pa ni Zhai.

Habang lumilipas ang mga oras unti-unti na ring nagpaalam ’yung mga dumalo sa birthday ko. Siyempre sino ba naman ang hindi, kung mga busog na? Ganun naman talaga kapag may birthday-an? Kapag busog na ’yung mga dumalo, magpapaalam na ’yan, tapos may mga bitbit pa ’yung iba…

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 9

Kabanata 9

          HALOS WALA NG tao. Nakapag-paalam na rin ’yung mga kaibigan kong kalog. Bale iilan na lang ’yung mga narito. ’Yung mga kumpadre ni papa na kainuman niya ngayon. Actually hindi naman talaga mahilig uminom si papa, niyaya lang ng mga ito kaya ayun napasabak na rin.

Naghintay pa ako ng mga ilang oras. Alam ko kasing darating si Kiel. Darating siya, sabi niya kasi baka hindi siya makadalo, kaya may chance parin na makadalo siya kahit tapos na ’yung party.

Nagpakawala ako ng buntong hininga habang nakatitig sa kinakain kong cake. Isang slice lang ’yun pero hindi kopa mauubos-ubos. Pa’no ko ba naman kasi mauubos, e mas lamang pa ’yung pagsilip ko sa bintana ng bahay kaysa sa pagnguya ng cake sa bibig ko. Pakiramdam ko nga kusa na lang silang natutunas ng laway ko tsaka doon kona lang nilulunok.

Isang malakas pang buntong hininga. Mariin kong tinusok ’yung cake gamit ang tinidor na kanina at ilang oras kona ring hawak-hawak. Naglikha ’yon ng ingay kaya napukaw ang atensyon ng mama ko. Babasagin kasi ’yung plato kaya napalakas yata ’yung tunog.

Sana nga lang walang basag, lagot ako nito kay mama.

“Kanina mopa kinakain ’yang cake. Ilang taon mo ba bago maubos ’yan?” untag sa’kin ni mama na nagsisimula ng magligpit.

Hindi kona lang pinansin ang mga sinabi niya. Mas pinili kona lang itanguso ang aking labi sa puntong naiiyak ako.

I don’t know why, i just felt unhappy. I felt emptiness. Parang naging useless lahat ng mga pagbati ng mga dumalo. Pakiramdam ko parang ni isa walang bumati sa’kin kahit pa nga hindi na mabilang ang nagpatid ng pagbati.

Kiel… Nasambit kong ganiyan.

So it was all because of, Kiel. Kaya pakiramdam ko hindi masaya ’yung birthday ko. Hindi kasi dumalo ’yung taong importante sa’kin, ’yung taong pinaka-inaasahan kong dumating. Kahit nga siya na lang ’yung damalo sa birthday ko masaya na ako. Kahit ’wag ng dumalo ’yung mga inimbita ni mama na mga kumare niya na wala namang ibang ginawa kundi ang magsiwalat ng kung ano-ano mga k’wento. Pagtapos magku-k’wento na nga binabago pa o ’di kaya naman ay may dagdag na. Ang lupit, ’di ba? Buti na lang talaga walang ugaling ganoon ang aking ina. Hindi nahawa sa mabukang bibig ng mga kumare niya.

“Anak..?” untag na naman sa’kin ni mama ng ngayon ay akay-akay na si papa na bagsak. Halatang wala ng malay pano’y lasing na lasing na. “Tulungan mo nga ako rito at anong bigat ng papa mo.”

Walang ganang nagpakawala ako ng buntong hininga. Inilapag ko ’yung pinggan na may laman parin na cake hanggang ngayon at isinama kong ilapag ’yung hawak kong tinidor.

Lumapit ako sa gawi nina mama at papa. Tinulungan ko si mama buhatin si papa hanggang sa makarating kami sa loob ng k’warto nila. Matapos maidiposito ay tinulungan ko si mama na ayusin ang lagay ni papa.

“Iyan kasi, Hal. Hindi ka naman marunong mag-inom nakikipag-sabayan kapa.” anang mama ko na hanggang pagtulog ni papa ay talagang may sermong natatanggap.

“Hayaan mona ’ma. Minsan lang naman e,” pag-awat kopa sa pagmamaktol ng ina.

Bumuntong hininga lang si Mama at hindi na rin nagsalita. Tinulungan na lang namin ang isa’t-isang maiayos ng higa si papa at mapunas-punas ang katawan nito.

Natapos kami ni mama.

“’Nak, ’di kapa magpapalit? Magpalit kana.” anang mama ko na napansin ang suot ko.

Ang dahilan kung bakit hindi pa ako nagpapalit hanggang ngayon ay dahil may inaasahan pa akong darating. Alam kong darating si Kiel, at kapag nagkataon makikita niya kung gaano kaganda ang babaeng pinapantasya niya. Kung gaano kaganda sa puntong hindi siya nababagay sa tulad ko. Hindi nga ba?

“Sige ho. Magpapalit na ho ako.” sabi ko. Wala na rin naman. Pagod na ako kahihintay. Hindi na talaga siguro darating ’yung pinakang-pangit na lalaking ’yun sa buong mundo.

Natatawa lang ako, huh? Talagang pa-VIP pa e hindi naman g’wapo. Tch!

“Tao po..”

Napukaw ang aking mga pinag-iisip ng marinig ang pamilyar na baritonong boses na ’yon. Alam ko kung kanino nagmumula ang boses na ’yon. ’Yung g’wapong boses pero kapag nakita mo na ’yung itsura ay nakaka-disappoint. Yes, that’s him. Si Kiel.

Mabilis akong lumapit sa pinto na animo’y excited na excited. Bago ko binuksan ay pasimpleng inayos ko muna ang sarili. Kinapa ang buhok kung may nagulo ba, pinasadahan ng palad ang dress nag-aalala na baka may gusot. Nang masiguro kong okay naman ako, tsaka ko lang binuksan ’yung pinto.

Parang sira lang ako, ’no? Alam ko naman talaga na sobrang ganda ko. Kahit gulo-gulo man ’yung buhok. Tsaka isa pa, hindi naman g’wapo ’yung kahaharapin ko. Kaya bakit kailangan ko pang mas magpaganda pang lalo? Tch.

“Kiel..” sambit kong ganiyan sa ngalan niya ng makita siya sa labas ng pinto ng bahay namin.

Maayos at nagmukhang tao si Kiel sa bihis niya. Naamoy ko rin ’yung matusing niyang pabango, pero sure, mabango din naman. Napansin ko rin na medyo tagaktakan siya ng pawis at animo’y hinihingal.

Sa kabila niyon. Alam kong ng makita ako ni Kiel ay gandang-ganda talaga siya sa’kin. Kitang-kita ko sa bukas ng kaniyang mga mata. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong gandang-ganda talaga siya. As in. Gandang-ganda.

Gayunpaman, agad ko siyang inaya papasok sa bahay. Kumuha ako ng face towel pang-punas sa pawisan niyang mukha at kasama na rin doon ’yung tubig dahil talagang mukhang kakapusin ng hininga si Kiel e.

“O, towel. Punasan mo ’yang mukha mo. Pawis na pawis ka.” inabot ko sa kaniya ’yung towel na mabilis naman niyang tinanggap. Inabot kona rin ’yung tubig at agad naman niyang ininom.

Dumating ang mama ko kaya mabilis na tumayo si Kiel. “Pasensya na po kayo, tita, kung pumasok po ako ng walang pagbati.” ani Kiel na kumakamot pa sa batok nito. “Magandang gabi po, nandito po ako para batiin ang anak niyo.” magalang na turan ni Kiel. Nakakatuwa lang, talagang hindi nawawala kay Kiel ’yung respeto nito.

Ngumiti lang naman si mama. “Sige lang hijo, maiwan ko muna kayo para makapag-usap. Ange, asikasuhin mo ’yang bisita mo may pagkain pa sa loob ng ref pakainin mona rin.” ani mama at matapos makapag-paalam ay iniwan na niya kami.

“Gusto mong kumain? May tira pang handa. Bakit kasi ngayon kalang dumating. Ang dami kayang handa naipagbabalot lang ng mga kapitbahay na dumalo.” pabiro ko pang ganiyan na sinamahan ng pag-ngiti.

“Hindi na kailangan, Angelica. Malalim na rin ang gabi. Nakakahiya naman sa mga magulang mo. Kaya hindi na rin ako magtatagal.” tumayo si Kiel at bahagyang humakbang palapit sa’kin. Binigyan niya ng distansiya ang pagitan naming dalawa.

Such a respectful man.

“Maligayang kaarawan, Angelica. Pasensya na kung natagalan ako ng pagbati. Pasensya na kung natagalan ako sa pagdalo. Kinailangan kopa kasing mamasada para makumpleto ’yung pambili ko sa regalong ito.” sabi ni Kiel at inilabas nito mula sa bulsa ang regalo niya sa’kin.

Unang tingin may kutob na akong k’wintas ’yon. Kasi alam kona agad doon sa lalagyan. Inabot niya ’yon sa’kin at hinayaan niyang ako ang magbukas ng regalong bigay niya.

Sinimulan konang buksan. Hindi nga ako nagkamali. Isang k’wintas nga ’yung tumambad sa’kin.

Namimilog ang mga mata ko ng mapagmasdan ’yung k’wintas. Sliver necklace na may pendant na silver star. Ito ’yung k’wintas na gustong-gusto kong bilhin, pero dahil nga wala akong pera ay napagmamasdan kona lang ito sa shop na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko.

Pa’nong? Paanong…?

Blangko at gulat na gulat akong napatitig kay Kiel at sabay inililipat ko doon sa k’wintas na regalo niya. Hindi lang ako makapaniwala na.. ’yung k’wintas. Ito ’yung gustong-gusto kong bilhin.

Ngumiti si Kiel, simungaw doon ang mapuputi nitong ngipin. “Alam kong gulat ka at iniisip mo kung bakit ’yan ang regalo ko. Tinanong ko kasi ’yung mga kaibigan mo kung ano ’yung magugustuhan mong regalo. Sinabi nila na madalas mo nga raw tingnan ’yang silver necklace na may star na pendant kaya naisip kong ’yan na lang ang iregalo ko. Bago palang kasi dumating ang birthday mo ay matagal konang pinag-iipunan. Mahigit tatlong libo na ’yung ipon ko. Pero mahigit apat na libo ang presyo ng k’wintas. Kaya namasada ako kaninang umaga hanggang ngayon para madagdagan ’yung pera ko. Kaya nahuli ako sa pagdalo.” bahagya pa itong nagpakawala ng mahinang pag-tawa na animo’y may naalala itong nakakatawang karanasan. “Nakipag-agawan pa nga ako doon sa babae na bibilhin din sana ’yan. Pero ako ang na-una kaya sa’kin ibinigay.” ngumiti si Kiel. “Nagustuhan mo ba?” tanong pa nito na animo’y nahihihiya. “Pasenya kana, Angelica. ’Yan lang ’yung nakayanan ko.”

Hindi ko alam. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga araw na ’yon. Pinanlukuban ako ng sari-saring mga emosyon. Sobra akong nasisiyan at na-appreciate ’yung regalong bigay niya sa’kin, pero parang ang hirap lang tanggapin. Kase naman pinaghirapan niya ’yung perang ipinambili para lang may mairegalo sa’kin.

Kung tatanungin niya ako kung nagustuhan ko. Oo. Gustong-gusto ko ’yung regalo sa puntong nakakaramdam ako ng guilty.

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 10

Kabanata 10

        SA MGA ORAS NA ’yun parang gustong-gusto ng mga mata kong lumuha sa labis-labis na kaligayahan. Sobrang nakakataba ng puso ’yung mga sakripisyo at paghihirap na dinanas ni Kiel para lang maabutan ako ng regalo.

“Kiel, okay lang naman sa’kin kahit hindi ganito ’yung regalo mo. Ang mahal nito ah. Dapat inilaan mona lang sana sa lolo mo at sa’yo ’yung pera—”

“Angelica, ’wag mong problemahin ’yun. Hindi ko naman pinababayaan si Lolo at ang sarili ko. ’Yang perang iyan na pinambili ko ay talagang itinabi ko para may regalo ako sa’yo.” sambit niya. “Ano? Nagustuhan mo ba?”

Wala sa sariling napatango-tango na lang ako. Hindi ko expected na mangyayare ito. Hindi ko expected na bibigyan ako ni Kiel ng ganitong klaseng regalo na batid kong nagmula sa dugo’t pawis niya. Sobrang saya ko at kung ano-ano pang emosyon ang lumulukob sa puso ko. Pakiramdam ko ang taba-taba ng puso ko ng mga panahong ’yon. Parang ang gaan-gaan huminga.

“Isusuot kona sa’yo.” Kinuha niya ’yung k’wintas at pumwesto siya sa likod ko. Maingat niyang sinuot ’yung kwintas sa leeg ko at ng masuot ay humarap siyang muli sa’kin.

“Ikaw ’yung pinaka-magandang babaeng nakita ko, Angelica. Happy birthday ulit.” magiliw, puno ng sinseridad nitong pagbati habang naka-plastered ang matatamis nitong pag-ngiti.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nararamdaman ko na anomang oras ay babagsak na ’yung mga luha ko sa sobra-sobrang kasiyahang natatamasa ng puso ko.

Bago pa man lumaglag ang luha sa mga mata ko ay mabilis konang sinugod si Kiel at niyakap siya ng ubod higpit. ’Yung yakap na nagpapabatid kung gaano niya ako pinasaya. ’Yung yakap ng punong-puno ng emosyon.’Yung yakap na pinuno ng pasasalamat sa binata.

Alam ko sa sarili ko sa mga ginagawang iyon ni Kiel ay mas lalong nararamdaman ko ang pintig ng puso ko para sa kaniya na nagsisimula ng magbumilis ng pagtibok. Siya lang ang taong nagpabaliw sa puso ko ng ganito sa kabila ng kaniyang kapangitan.

Aaminin ko. Mahal na mahal ko na si Kiel. Nalulunod na ako sa emosyong nararamdaman para sa kaniya at tiyak na akong siya ang lalaking para sa’kin. Hinding-hindi kona siya hahayaang makawala sa mga bisig ko. Ginising niya ang natutulog kong puso and he have to take the responsibility.

Kung sakaling isang araw malunod ako ng pagmamahal ko para kay Kiel, ay hindi kona hahayaan ang sariling umahon. Hahayaan ko ang sariling malunod sa pagmamahal ko sa kaniya. Mahal na mahal.

“Angelica, baka makita tayo ng mga magulang mo. Baka kung ano pa ang isipin nila. Baka mabawan ’yung ‘pangit points’ ko sa kanila.” pabiro pa niyang sambit.

Tumawa ako ng mahina sa kabila ng paghikbi. Minadali ko ang sariling pinunasan ’yung mga luhang masagana na palang kumawala sa mga mata ko.

Kumalas na ako ng yakap sa kaniya. “Thank you, Kiel.” buong sinseridad kong pagpapasalamat sa kaniya na hinaluan ng buong-buo kong pagmamahal para sa kaniya. “Thank you.”

Ngumiti naman si Kiel na animo’y napawi ang pagod nito na mahigit ilang linggo na rin nitong iniinda dahil sa pamamasada ng pedicab na gamit nito.

“You’re welcome, Angelica.” magiliw na sambit ni Kiel habang naroon parin ang matamis nitong pag-ngiti.

’Yung matamis na ngiti na hinahanap-hanap ko sa kabila ng kapangitan niya. ’Yung ngiti na nagpabilis ng pintig ng puso ko.

Talagang alam ng lalaking ito kung pa’no aatakihin ang puso ko. Talagang sapol na sapol.

“Pa’no, lumalalim na ang gabi. Aalis na ako. Happy birthday ulit.”

Nauntag ako sa reyalidad at bumalik sa katotohanan.

“Saglit lang.”

Minadali ko ang sarili ko hanggang sa makarating ako sa ref namin. Pinagbalot ko siya ng mga natirang pagkain upang matikman naman niya ang handa sa birthday ko.

Matapos maibalot ay muli akong bumalik sa gawi niya. Inabot ko sa kaniya ’yung mga pagkaing binalot ko.

“Hindi na Angelica, aalis na ako—”

“Sige na tanggapin mona. Sige ka, hindi kita sasagutin.” pananakot kopang ganiyan kaya mabilis niyang tinanggap ’yung binigay ko.

“Sige, Angelica. Aalis na ako.”

Hinatid kona siya palabas. Kumaway pa siya sa’kin at alam kong naka-ngiti siya. Kahit naman madilim ay napagmamasdan ko parin ’yung mapuputi niyang ngipin na nakahulmang ngiti.

“Silly! Alam mo naman na ikaw na itong laman ng puso ko. Kiel, hindi mona kailangan matakot. Pag-

aari

mona ako. Mahal ko.“ Mga salitang pumasok sa isip ko bago ngumiti kasabay ng mainit na likidong umagos sa pisngi ko. ’Yung luhang punong-puno ng galak.

I really love this man. I really love him. I really love Micheal St. Romana.

Nakahiga na ako ngunit hindi kopa pinapatay ’yung ilaw sa loob ng k’warto ko. Kanina ko pa kasi pinagmamasdan ’yung regalo sa’kin ni Kiel na kahuhubad ko lang.

Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam ng labis-labis na pagmamahal sa binata habang titig ako sa k’wintas na bigay niya.

Sobrang nakakataba lang ng puso sa isiping lahat ginawa ni Kiel mabili lang ang regalong ito. It looks like, kabibili palang ng k’wintas na ito ay may istorya na agad.

Talagang iingatan ko ang k’wintas na ito. Dahil para sa’kin ito ang pinaka-magandang regalong natanggap ko. Lalo’t sa likod ng k’wintas na ito ay may alaala dito si Kiel.

Kinuha ko ’yung cell phone ko at tinext ko si Kiel.

“Kiel, gising kapa ba?”

And i hit the send button. Maya-maya pa, ay tumunog na ang telepono ko. At alam kong si Kiel iyon.

“Bakit, prinsesa ko?

Namissed

mo ba ako?“

Nakagat ko ’yung pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mapangiti.

“’Yang pangit mong ’yan. Sinong

makaka-miss

sa’yo?“ Pabirong padala ko ng mensahe sa kaniya.

“Ouch!” mensahe niya pabalik na may emoji pa na umiiyak.

“Joke lang. S’yempre. Missed na missed kita.” text ko pabalik. “Bago ako matulog, p’wede mo ba akong

banatan

ng isa pang pick-up line mong corny?“ dugsong ko pa.

Lumipas ang ilang minuto bago ko natanggap ’yung mensahe niya. Mukhang pinag-isipan pa niya. Mukhang hinugot pa sa tadyang ng kanuno-nunuan niya. E, alam ko namang corny parin ’yung kalalabasan.

Orasan

kaba?“

Ngumiti ako bago nag-text pabalik ng “bakit?”

Tapos muli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.

“Hindi ako makatulog dahil sa’yo.”

Napakunot noo ako. Anong connection nung orasan sa hindi siya makatulog?

Sa pag-iisip muli akong nakatanggap ng mensahe.

“24 hours ka kasing

tumatakbo

sa isip ko.“

Humulmang malawak na ngiti ’yung mga labi ko. Hindi na napigilan kahit anong gawin kong pagkagat dito. Talagang ngumiti iyon ng malawak ng mapagtanto ’yung connection ng orasan kung bakit hindi siya makatulog.

“Corny.” text ko pabalik matapos ang ilang minutong kilig na naramdaman ko.

“Sabi kona nga, corny eh.” text niya pabalik na may nahihiyang emoji pa.

Ipinikit ko ’yung mga mata ko. Hindi corny.

Nasapol

mo ’yung puso ko.

      “WOW.. ANG GANDA n’yan. ’Di ba ’yan ’yung tinitingnan mo sa shop? Sinong nagregalo sa’yo niyan? Mama mo? O papa mo?” tanong ni Zhai.

“Oo nga. Kanino galing ’yan? Ang ganda?” dugsong naman ni Melanie na hinawak-hawakan pa ’yung palawit ng k’wintas.

“Sana all. Sinong nagregalo.” banat pang ganiyan ni Jasmin.

Mahina kong tinapik ’yung kamay ni Melanie. “’Wag mong hawakan, baka masira.”

Nag-evil grin naman ang mga luka-luka.

“Something fishy.” ani Jasmin.

“May bago ka na naman bang manliligaw, bukod kay prince charming mong walang palasyo?” si Melanie.

“Galing ’to kay Kiel. Bigay niya sa’kin kagabi. Regalo daw niya sa kaarawan ko.”

Mukha namang nagulat ang tatlong luka-luka na animo’y hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

“Totoo? Kay pogi galing ’yan? Pogi kapag nakapikit?” ani Jasmin.

“Sure ka, Angelica? Baka ninakaw lang ’yan ng prince charming mong walang palasyo?”

“Oo nga. Hindi naman niya afford ’yang ganiyan. Mahal-mahal kaya niyan.” singit naman ni Zhai.

Inirapan ko silang lahat. Mabilis kumulo ’yung dugo ko. Bigla akong nakaramdam ng galit kahit alam kong ang mga sinabi nila ay pabiro lamang. Nakakagalit parin na hinahamak at kay baba ng tingin nila kay Kiel.

“Alam niyo kung wala kayong magandang sasabihin, itikom niyo na lang ’yang mga bibig niyo. Sumosobra na kayo sa panlalait e.”

Kinuha ko na ’yung bag ko matapos makatayo at iniwan kona sila. Nakakainis lang naman kasi ’yung mga binitiwan nilang mga salita. Perpektong mga tao ba sila para manghusga? Diyos ba sila para manghamak?

“Angelica, hintayin mo kami. Nagbibiro lang naman kami e.” pahabol na sambit ni Jasmin at patakbong lumapit sa’kin ang tatlo.

Nagtungo sila sa unahan ko paharap sa’kin. Nakatungo na animo’y nahihiya. “I’m sorry, Angelica. Nagbibiro lang naman kami.” sambit ni Jasmin.

“Sorry..!” dugsong pa ng dalawa.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang patawarin sila. Kahit mga kalog naman ’yang mga kaibigan ko ay alam kong may natitirang kabutihan parin sa mga puso ng mga ito. Kaya wala akong magawa kundi ang tanggapin sila.

“Totoo bang nanggaling kay, Kiel, ’yang k’wintas?” tanong muli ni Zhai out of curiosity.

Sumagot naman ako at ikinwento sa kanilang tatlo lahat-lahat ng mga pangyayare. Sinabi kona rin sa kanila ’yung mga nararamdaman ko para kay Kiel at pasalamat akong malugod naman nilang tinanggap lalo’t nakita rin naman ng mga ito kay Kiel kung gaano ito kabuting tao, karespeto at marami pang mabubuting katangian na talagang titingalain ng kahit sino…

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 11

Kabanata 11

          LUMIPAS ANG MGA ARAW. Ang paglipas ng araw ay naging paglipas ng linggo. Ng linggo at ng ilan pang mga linggo. Nagtataka na ako. Naiinis na ako, nagagalit na ako but at the same time nag-aalala na ako.

Ilang beses ko ng tinawagan si Kiel at ilang beses din akong nagpadala ng mensahe ngunit hindi niya sinasagot. Kahit ni ‘Ha’ ni ‘Ho’ ay wala akong natanggap mula sa kaniya.

Clueless ako, kasi naman, ilang linggo na si Kiel walang paramdam. Hindi kona siya nakikita sa labas ng bahay namin tuwing umaga sa pagpasok ko. Wala na rin siya sa labas ng gate ng school tuwing uuwi ako. Walang Kiel na naghatid at walang Kiel na sumundo sa’kin. Walang Kiel na nanlilibre ng pansit. Wala akong Kiel na nakita ng mga nakaraang linggo. As in—wala.

Wala akong ideya kung saan namamalagi si Kiel. Kaya ng minsang isang araw habang papauwi ako sa bahay namin galing sa pagpasok ay nakita ko ’yung lalaking kasamahan ni Kiel sa pamamasada. Si Jayson, isa ring pedicab driver.

“Jayson..” pagtawag ko pang ganiyan.

Lumapit naman sa’kin ’yung pedicab ni Jayson since nakasakay siya doon, kaya maging siya nakalapit na rin sa gawi ko.

“Sasakay ka? Angelica?” tanong sa’kin ni Jayson.

Kilala na rin niya ako, kilala kona rin naman siya. Si Kiel ang dahilan kung bakit kami nagkakilala. Tulad ni Kiel ay mabait din si Jayson.

“Alam mo ba kung nasaan si Kiel? Ilang linggo kona kasi siyang hindi nakikita e.” tanong kopang ganiyan matapos ang ilang minutong pag-iisip kung itatanong kopa ba o ’wag na lang. Pero mas nanaig ang pagpapasiyang itanong dito.

Nagulantang ako sa mga sinagot sa’kin ni Jayson. Naramdaman ko ’yung lungkot at awa ng marinig si Jayson.

Sabi ni Jayson, ilang linggo na raw ang lumipas simula raw ng mamatay ang lolo ni Kiel. Hindi daw matanggap ni Kiel ’yung pangyayare sa kaniyang lolo, since ang lolo na lang niya ang nag-iisang natitira nitong tinuturing na pamilya. Kaya labis-labis raw ang lungkot ni Kiel. Ilang linggo na raw si Kiel nasa loob ng bahay nila matapos mailibing ang lolo niya, puro pag-iyak at pag-iinom lang daw ang ginagawa nito. Madalang na rin daw itong kumain since wala na daw itong gana.

’Yung mga natitirang pera ni Kiel ay ginastos niya at binili ng alak imbes na ipambili niya ng pagkain para sa sarili niya. Tanging mga abot-abot na pagkain ng kapit bahay ang bumubuhay kay Kiel. Minsan nga ay hindi pa nito kinakain sa tuwing maiisip ang namayapang pinaka-mamahal nitong Lolo. Ang tindi ng naging pagkalugmok ni Kiel. Down na down si Kiel ng mga panahong iyon. Pakiramdam niya ay wala ng saysay ang buhay niya. Sa puntong gusto na rin niyang sumunod sa mga mahal niya sa buhay na namayapa na.

Sino pa nga ba naman ang taong gustong mabuhay kung wala na ang mga mahal sa buhay nila na nagsisilbing lakas upang bumangon sa umaga? Sino nga bang tao ang gaganahang mabuhay mag-isa? Ano’ng saysay ng pananatiling buhay kung wala kanang dahilan para mabuhay?

Bakit ba naman kasi kinuha pa kay Kiel ’yung nag-iisang pamilya nito? Pinagkaitan pa sa binata na makasama pang matagal ang Lolo.

Nang minsan kong dalawin si Kiel sa bahay nila sakay sa pedicab ni Jayson since malayo ’yung bahay nila sa bahay namin. Magkabilang baryo. Nag-abot nga ako ng bayad kay Jayson ngunit hindi nito tinanggap. Isipin na lang daw na tulong na lang nito ito para kay Kiel.

Pagpasok ko palang sa bahay ni Kiel ay mga nagkalat ng bote ng alak ’yung mga nadatnan ko. Ang dumi-dumi at ang kalat-kalat sa loob ng bahay nila. Parang may ilang bagyo ang nanalasa doon.

Nakita ko si Kiel may hawak ng bote ng alak habang pikit ang mga mata nito. Pilit pinagkakasiya ang sarili nito sa maliit na sofa na gawa sa kahoy. Baluktot na ang katawan nito. Halatang nakatulog sa kalasingan.

Hindi ko mapigilang maawa sa kalagayan niya. Sobrang nahabag ’yung puso ko ng makita siya sa ganoong sitwasyon. Ang hirap-hirap palang makita ’yung taong nakasanayan mong makitang palaging masaya na animo’y walang iniindang problema na ngayon ay lugmok na lugmok, parang walang buhay, sobrang down na down.

Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ’yung mga luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ’yun at lumapit sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko ’yung presensya niya. Kahit nakapikit at natutulog ay kitang-kita ko ’yung lungkot at mga sakit na tinatamasa niya.

Hindi ito ang Kiel na nakilala ko. Sinabi ko sa sarili ko kahit mahirap, ibabalik ko ’yung dating sigla niya. Ibabalik ko ’yung dating Kiel na nakilala ko. ’Yung pala ngiti sa kabila ng kapangitan niya. ’Yung animo’y walang problema. ’Yung tila animo’y hindi nakakaramdam ng pagod.

Gusto kong muling makita ’yung dating Kiel na nakilala ko. Kaya kahit mahirap para sa’kin na pangitiin siya ay gagawin ko. Siguro panahon na para ako naman ’yung magsakripisyo sa kabila ng maraming sakripisyong binigay niya sa’kin.

Kumuha ako ng unan sa k’warto ni Kiel. Inilagay ko ’yon sa ulo niya upang kahit papa’no ay maging malambot naman ’yung kinahihigaan ng ulo niya. Inayos ko rin siya ng higa. Kinuha ko ’yung bote ng alak at inilagay sa isang tabi.

Sinimulan kong linisin ’yung bahay niya. Mula sa k’warto niya hanggang sa kabuuhan ng bahay. Medyo nakaramdam ako ng pagod kaya umupo ako sa bangko na katabi ng sofa na kinahihigaan ni Kiel. Bale nasa ulohan niya ako.

Ilang minuto bago ko napagtanto na pinakatitigan kona pala ’yung mukha niya. Maging sa pagtulog niya ay binabangungot parin siya ng nakaraan ng lolo niya.

Naririnig ko sa kabila ng mahinang bulong ni Kiel ’yung mga salitang lumalabas sa bibig niya. Wala itong ibang binanggit kundi ang lolo niya.

Nakagat ko ’yung pang-ibabang labi ko ng maramdamang nagbabadya na naman ’yung luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko parang bumigat ’yung puso ko.

Hindi ko man alam kung anong klaseng sakit ’yung pinagdadaanan ni Kiel ang alam ko lang ay masakit ito para kay Kiel. Lalo’t isa ako sa taong nakakita kung pa’no intindihin ni Kiel ang lolo niya. Isa ako sa mga nakakita kung pa’no magmahal si Kiel. Buhos-todo. ’Yung pagmamahal na hindi nagtitira sa kaniyang sarili, kaya kapag-iniwan, labis-labis na nasasaktan. Labis-labis na nadudurog sa puntong hindi alam kung saan sisimulang hahakbang.

Parang naging bata. Bumalik sa umpisa. Hindi alam kung dapat na ba siyang humakbang—pulutin ang mga pira-pirasong puso? Pero pa’no niya magagawa ’yon kung hindi niya alam kung saan sisimula.

Marahan kong hinaplos ’yung buhok ni Kiel kasabay ng muling paglaglag ng luha sa mga mata ko. Overreacting man sa iba, hindi ko alam kung bakit ako nakikisimpatya. Basta ang alam ko lang, gusto kong akuin ’yung mga nararamdaman ni Kiel. Gusto kong ako na lang ’yung nasa kalagayan niya, baka sakaling muli kong makita ’yung dating Kiel. ’Yung puno ng siglang Kiel.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako habang ang kamay ko ay nasa ulo ni Kiel.

“Angelica.. Angelica..” Rinig kong boses tinatawag ang pangalan ko habang marahan niyuyogyog ’yung katawan ko.

Nagmulat ako ng mga mata at nalamang si Kiel ’yon. Mukhang nahulasan na ito.

Naigala ko ’yung paningin ko. Maghahapon na pala at ilang oras na lang ay gagabi na.

“Bakit nandito ka?” tanong sa’kin ni Kiel na animo’y nahihiya. Kumakamot pa ito sa batok. “Ikaw ba ang naglinis ng bahay ko? Pasensya kana, Angelica, nakita mo’ko sa ganitong sitwasyon.”

Nakagat ko ’yung pang-ibabang labi ko. Pinigilan ang sariling huwag umiyak.

“Ano kaba? Okay lang sa’kin ’yun. Nag-aalala lang ako sa’yo kaya dinalaw kita.”

Tumayo ako at hinawakan ’yung mga kamay ni Kiel kahit nabigla siya sa ginawa ko ay hindi ko parin binitiwan ’yung kamay niya.

“Alam ko naman kung bakit ka naglalasing e. Condolence, Kiel, sa pagkawala ng lolo mo. Alam kong mahirap tanggapin, Kiel, pero hindi mo dapat ginaganito ang sarili mo. Palakas ka, pakatatag ka. Hindi naman kasi tuluyang nawala ’yung lolo mo e.” sabi ko sa kaniya. Sinusubukan kong i-cheer up siya para kahit papa’no mabawasan ’yung bigat sa dibdib niya. “narito pa ang lolo mo, Kiel.” tinuro ko ’yung dibdib ni Kiel. “Nandiyan lang siya..”

Kitang-kita ko ’yung lungkot at sakit sa mga mata ni Kiel. Alam kong sa puntong ’yon gusto niyang umiyak, pero dahil nga kaharap niya ako, pinipigilan niya ’yung sarili.

Sinapo ko ang pisngi niya. “It’s okay, Kiel. Let it out, para mabawasan ’yung mga nararamdaman mo. Hindi masamang umiyak babae ka man o lalaki, ang pag-luha ay patunay lang na may pakiramdam ka. Ilabas mo lang, Kiel. Handa akong makinig, handa kitang pakinggan. Dito lang ako sa tabi mo.”

Unti-unting bumagsak ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ni Kiel.

“Wala na si Lolo. Wala na siya.” malungkot niyang sambit sa kabila ng pagluha niya. Ang lungkot-lungkot ng boses niya. Ang bigat-bigat pakinggan ng mga lumalabas sa bibig niya.

Niyakap ko si Kiel. ’Yung yakap na nagsasabing narito lang ako para sa’yo Kiel. ’Yung yakap na nagpapabatid ng suporta sa kaniya. ’Yung yakap na may higpit at simpatiya.

“Nandito lang ako, Kiel. Hindi ako aalis sa tabi mo, mahal ko.”

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 12

Kabanata 12

         NAGING AYUDERA ANG aking ganap sa buhay ni Kiel. Panay ang pagpapaabot ko ng pagkain sa umaga bago ako pumasok at sa hapon bago ako umuwi ng bahay. Pa-sikretong nagbabalot ako ng mga natirang pagkain sa bahay pagkatapos ay dinadala ko sa bahay ni Kiel, minsan naman ay ipinapadala kona lang kay Jayson kapag ako’y malapit ng ma-late sa aking pagpasok. Sa hapon naman ay bumibili ako ng pansit at idinadaan ito kay Kiel upang meron din siyang makain.

Since wala ngang ganang mag-trabaho si Kiel dahil sa hindi pagkakatanggap ng pagkamatay ng kaniyang Lolo at wala ring bumubuhay sa kaniya kaya obligado pa akong dalhan siya ng makakain. Well, ginusto ko naman ’yon, kahit parati niyang sinasabi na ’wag na daw siyang dalhan. Nakakahiya na daw sa’kin. Hindi ko siya sinunod. Basta hinanda ko ang sarili ko sa pag-suporta sa kaniya sa panahong lugmok pa siya.

Kapag tuwing saturday at sunday naman ay maghapon akong nasa bahay ni Kiel. Hindi naman nalalaman ng mga magulang ko, since magaling naman talaga akong magpalusot.

School project, pupuntahan ang mga kaibigan, or bonding ng mga kaibigan. Since kilala naman ng mga magulang ko ang mga kaibigan ko ay kampante silang pinapayagan ako.

Heto na naman nga’t sakay ako ng pedicab na dinadala ni Jayson patungo sa bahay nina Kiel upang dalhan siya ng pagkain. Sabado naman at wala namang pasok kaya heto’t bumibisita ako sa mahal ko.

Matapos ngang makarating ay agad na akong nagbayad ng pamasahe kay, Jayson. Ayaw pa nga niyang tanggapin ngunit dahil mapilit ako’y wala na rin naman siyang nagawa kundi ang tanggapin na lang rin. Ang layo-layo kaya ng pinadyak niya tapos hindi man lang niya ako sisingilin? Konsensya kopa ’di ba?

Pagpasok na pagpasok kopa lang sa bahay nina Kiel ay kalat na naman ang tumambad sa pagmumukha ko. Napa-iling na lamang ako. Missed konang makita ang bahay na ito na dating malinis noong unang punta ko rito. Hindi ’yung ganitong pinupog ng kalat.

Inilapag ko muna ang aking dalang pagkain sa lamesa at hinanap kung saan naroon si Kiel. Natagpuan ko ang binata na natutulog sa sarili nitong k’warto. Maging ang k’wartong ’yon ay madumi rin. Mas madumi sa labas ng k’warto.

And as usual. Nasanay na akong makita ang alak sa tabi ng kamang kinahihigaan niya. Nagtataka na nga ako kung saan ito kumukuha ng alak. Gusto ko sanang patawan ng korona ang tindahang nagpapautang kay Kiel ng alak dahil kahit alam na ng mga ito na hindi agad-agad mababayaran ni Kiel ay nagpapa-utang parin.

Napailing na lang ako at nagpakawala ng buntong hininga. Inintindi kona lamang siya. Kung ’yon ang paraan para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya. Bakit ipagdadamot kopa? Hindi ko alam kung anong paraan ng pag-mo-move-on ni Kiel, basta gusto kolang ipaalam sa kaniya na nandito lamang ako para sa kaniya. Naka-suporta.

Sinimulan konang linisan ang k’warto ni Kiel. Masusi at maingat akong gumalaw sa loob ng kaniyang k’warto upang kahit papa’no ay hindi magambala ang kaniyang pagtulog.

Matapos malinis ang k’warto ay sinimulan kona ring isunod ang buong bahay. Ilang oras yata ang ginugol ko bago ko ’yon natapos.

Napangiti ako ng makitang kahit papa’no ay nagkaroon ng mukha ang bahay.. Malinis na ulit.

At dahil nga tulog parin si Kiel, napag-isip-isip kong ihanda na lang ang kaniyang pagkain upang sa kaniyang paggising ay kakain na lamang siya.

After non, since, hindi parin naman siya nagigising ay tinakluban kona lang ang hinanda kong pagkain at pumasok ako sa k’warto niya. Ganon parin ng madatnan ko siya. Natutulog parin ang binata.

Umupo ako sa gilid ng kamang kinahihigaan niya. Mamaya’t napansin kona lamang ang aking sarili na pinagmamasdan ang kaniyang pagtulog.

Namalayan kopang humulmang ngiti ang aking mga labi. Naging matamis ang pagngiti kong ’yon, habang iniisip kung bakit sa dinami-rami ng taong magugustuhan ko. Bakit si Kiel pa? Sa dinami-rami ng manliligaw ko, bakit si Kiel pa? Ano bang espesyal kay, Kiel?

Mas lalong lumawak ang naging pag-ngiti ko ng malaman ang kasagutan sa naging tanong ko.

Yes, maraming espesyal na katangian si Kiel na naging dahilan kong bakit ko siya nagustuhan. He is almost perfect, siguro kung g’wapo si Kiel baka sobrang dami ng kababae-han ang pumipila at handang magpa-cute sa kaniya.

Ang matami na pag-ngiti ay unti-unting napalitan ng lungkot.

Kelan kaya babalik si Kiel sa dating Kiel na nakilala ko? ’Yung sobrang corny, sobrang energetic, kahit pangit panay ang ginagawang pag-ngiti. E, basta. Gusto kong bumalik ’yung dating, Kiel na nakilala ko. Hindi ko nga lang alam kung papa’no.

Mabilis kong naiwas ang aking tingin ng maramdaman kong gumagalaw na ang katawan ni Kiel, hudyat na nagsisimula na itong magising.

Naramdaman kong napabalikwas ito ng bangon at bahagyang lumayo sa’kin. Namimilog ang mga mata nito na nagtatanong. “Bakit nandito ka, Angelica?” unang tanong niya.

Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti. “S’yempre, para dalhan ka ng pagkain. Sabado kaya ngayon,”

Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Kiel na napakamot pa ng ulo. “Hindi mona dapat ginagawa ’yon.” nariyan na naman siya.

“Kung hindi ako magdadala, pa’no ka makakakain?” Sagot ko na hinaluan ng sarkasmo. “Sige na.. magbihis kana at kumain na pagkatapos. Hihintayin kita sa labas.”

Nagsimula na akong tumayo at tinungo ang labas ng pinto ng k’warto niya. Pagkatapos ay umupo ako sa sofang gawa sa kahoy, upang doon hintayin si Kiel.

Ilang minuto ang lumipas, lumabas din ang binata. Bihis na ito na kanina lamang ay walang saplot pang-itaas. Nahihiya itong tumingin sa gawi ko dahilan para mag-tama ang tingin naming dalawa.

“Angelica.. baka anong isipin ng mga kapitbahay ko. Hindi ka dapat pumupunta rito, lalo’t babae ka.”

Nakagat kona lang ’yung pang-ibabang labi ko upang maiwasan ang matamis na pag-ngiti na balak sumilay sa’king mga labi.

Hanggang ngayon, ako parin pala ang inaalala niya? Dignidad at kahihiyan ko parin pala ang unang prayoridad niya? Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ko siya.

“Okay lang.” sagot ko. “Wala din naman akong pake kahit anong sabihin nila.” dugsong ng aking isip.

“Kumain kana.”

Tinanggal ko ’yung takip ng pagkaing dala ko at inilahad ang kamay ko. “Bilis..” sabi kopa ng hindi pa siya kumikilos. “Baka naman gusto mong subuan pa kita?”

Natawa na lamang ako ng mabilis siyang umupo sa bangko at nagsimula ng kumain.

Sus.. kahit alam ko naman na gustong-gusto niyang magpasubo sa’kin.

Pinagmasdan kona lamang kumain si Kiel at napapangiti na lang ako bigla-bigla.

Natapos si Kiel sa kaniyang kinakain. Seryosong tumingin siya sa’kin. “Maraming salamat, Angelica. Talagang nakakahiya na sa’yo.”

Ngumiti ako ng malawak. “Ayos lang sa’kin ’yon.” sabi ko. “Maligo kana. Nangangamoy kana.” biro kopang ganiyan sa kaniya. Ang loko-loko naman. Inamoy pa ang sarili niya para malaman.

HAHAHA. Nakakatawa lang.

“Mabango pa naman ako. Hindi na.”

“Maliligo ka o paliliguan kita?” pananakot kopa sa kaniya at dahil nga takot siya sa’kin. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ni Kamahalan.

Andami kong tawa. Kasi naman, namumula din pala ang pisngi ng isang kayumanggi? HAHAHA, ewan.

Mabilis siyang pumulas patungo sa banyo upang maligo. Eto naman akong hindi mapigilan ang pag-ngiti. Kahit alam kong tulad ng kagustuhan niyang magpa-subo sa’kin ay ganon din niya kagustong paliguan ko siya.

    THE NEXT-NEXT DAY, Monday noon at heto’t nasa loob ako ng aking silid aralan. Nakatutok ang aking mga mata sa pader sa unahan kung saan doon nakasabit ang malaking orasan.

Kanina kopa ’yon pinagmamasdan. Kanina kopa hinihintay ang pagtatapos ng aming klase ngayong araw. Napapakamot na lang ako sa aking ulo, at frustrated na minsan pang napapasambunot sa’king buhok.

Bakit ba naman kasi kapag hinihintay mong dumating ’yung oras ay siyang tila animo’y kay bagal-bagal, pero kapag hindi mo naman hinihintay ang bilis-bilis namang lumipas.

Kapag hinihintay mo, sobrang bagal, kapag ayaw gusto mo namang pabagalin t’saka naman ganon kabilis.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ibinaba ang namumuti konang mga mata kakahintay na lumipas ang oras at itinuon na lamang iyon sa desk ng table ko.

“Best, okay ka lang?”

Napalingon na lamang ako ng marinig ko ang boses na ’yon ni Zhai na ngayon nga’y katabi ko.

Matipid akong ngumiti at tumango-tango.

“I bet not,” singit naman sa usapan ni Melanie na nasa kabilang gilid ko, “kanina kapa kaya pasulyap-sulyap sa orasan. Hinihintay mong mag-time ’no?”

“Hindi, ah, ayos lang ako. Makinig na nga lang kayo.” Ininguso kopa ang aking labi sa bandang unahan. Alam niyo na siguro kung sino ’yung nasa unahan ’di ba? As usual, guro.

Itinuon kona lamang ang aking pansin sa aming guro at iniwasan ang sariling huwag sulyapan ang orasan. Mas lamang babagal ang takbo nito.

“Class dismissed.” Huling sinabi sa’min ng aming guro. Hudyat na nagtatapos na ang kaniyang klase.

Napangiti ako at mabilis na inimpake ’yung mga gamit ko. Kailangan kong makarating agad sa bilihan ng pansit lalo’t batid kong ilang minuto na lamang ay magsasara na ’yon. Ipapasalubong kopa ’yon kay Kiel tulad ng nakagawian kong gawin. ’Yun nga’y batid kong hindi pa siya kumakain..

             AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 13

Kabanata 13

        PAGLABAS NA PAGLABAS kopa lang mismo ng gate ng school na aking pinapasukan agad unang bumungad sa’kin ang pedicab na pula at ang sakay niyong bihis na bihis, walang iba kundi si Kiel.

Medyo bahagya pang nanlaki ang mga mata ko ng makita siya sa ganoong ayos. Lalo’t nasanay ako ng ilang linggo na makita siyang animo’y pinagsakluban ng langit at lupa.

Bumaba si Kiel sa pedicab niya at humakbang papalapit sa’kin. Naka-rehistro pa ang ngiti sa mga labi nito dahilan para mapangiti na rin ako.

“K-Kiel..?”

“Miss mo ba ako? Or miss mo lang sumakay sa pedicab ko?” hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Kiel.

Ramdam kong animo’y lumulubo ang aking puso, dahil sa wakas. Sa wakas. Babalik na sa dati ang Kiel na nakilala ko.

Hindi ko napigilan ang aking sarili. Mabilis kong hinakbang ang ilang pulgadang pagitan sa’ming dalawa at mahigpit ko siyang binigyan ng yakap.

Wala akong pakialam kung merong mga estudyanteng nagsisitinginan sa’min or nagbubulungan ng kung ano-ano. All I just care is him. He finally changed back the way he is, and I’m so happy to see it.

“Angelica..?” bahagya akong tinulak ni Kiel palayo sa kaniya dahilan para mas lalo kopang higpitan ang pagkakayakap dito. “Nagtitinginan na sila sa’tin, oh?”

“I don’t care! Mamatay sila sa inggit.” I said that made Kiel chuckled.

“Baka hindi ka nila kaiinggitan, kandidirian kapa.” ani Kiel.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinakatitigan ko siya mata sa mata. “Kiel, kandirian ka man nila, it doesn’t matter. Hindi ako sila, and I don’t care! Langit man ako at lupa ka. Handa akong bumaba para lang makasama ka. Para lang mahalikan ka.” and then, i cupped his face and dipped my lips on his.

I felt a gentle soft lips pressed against mine. Because of overwhelming sensation, I closed my eyes and dipped his lips on mine, even more.

Narinig ko ang mga sigawan ng mga estudyante sa paligid namin ni Kiel. Siguro kung mapagmamasdan ko ang mga mukha ng mga sumisigaw na ’yon ay mababatid kong diring-diri ang itsura nila. O ’di kaya naman ay gulat dahil ang isang magandang prinsesang tulad ko’y nahalikan ng isang palaka?

Nang kumalas ako sa paghalik ko sa kaniya, at maimulat ang aking mga mata. Kitang-kita ko kay Kiel ang gulat. Naging malikot ang tingin nito, pagkatapos sumilay ang bahid ng pula sa pisngi nito.

I smiled. Yeah, he’s blushing! Nagba-blush si Kiel.

Nakakatawa lang, ’di ba dapat ako ang magulat kasi ako naman ’yung babae? ’Di ba dapat ako ’yung mag blush kasi ako naman ’yung babae? Bakit parang baligtad yata ang nangyayare ngayon?

“Let’s go?” nakangiti parin akong hinila siya.

Nakita kong napakamot na lang si Kiel sa ulo bago nito minanipula ang pedicab nito habang sakay-sakay ako sa loob niyon.

I didn’t give a damn, doon sa mga estud’yanteng nakasunod ang tingin sa’min ni Kiel. Just like I said, mamatay sila sa inggit!

Bumaba na ako ng pedicab ni Kiel matapos niya akong maihatid sa harap ng bahay namin.

“So, magta-trabaho kana ulit?” nakangiting tanong ko.

Nag-iwas ng tingin si Kiel sabay kumamot pa ito sa kaniyang batok. “Nahihiya na kasi ako sa’yo, eh. Lagi mo na lang akong dinadalhan ng pagkain. Magta-trabaho na ako para sa sarili ko. At para din sa’yo, Angelica.”

Hindi mapigilan manloob ng dibdib ko. Basta, ang sarap lang marinig galing sa bibig ni Kiel ang mga salitang ’yon. “Buti naman, pagod na akong magpabalik-balik senyo, eh!” pabiro kong sabi.

Natawa na lang si Kiel. “Promise, babalik na ulit ako.”

Lumapit ako kay Kiel at tumingin sa aking paligid. Nang wala akong makitang tao na maaaring makakita sa gagawin ko ay agad ko siyang binigyan ng halik sa kaniyang pisngi.

“Goodbye..” nakangiting sabi ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng aming bahay. Sinulyapan kopa siya na gulat na naman. Napangiti ako.

I really love this man.

He’s my Earth and I’m her Sky. When the Earth touches the Sky.. it feel so safe, so good, so touching, and I feel so loved..

Lumipas ang mga araw hanggang sa nagdaan ang mga linggo. Yeah, masaya na ulit si Kiel. Bumalik na ulit ang Kiel na nakilala ko. Hindi na ulit ako nauubusan ng ngiti sa tuwing kasama siya o kahit wala siya sa tabi ko. Hindi ko nararamdaman na wala siya sa tuwing magpapasada siya at maghihiwalay na kami after kong papasok sa school at uuwi ng bahay. Palagi niya kasi akong tine-text, palagi niya akong tinatawagan. Kaya kailan man hindi ko naramdaman na wala siya sa tabi ko.

He made me feel he’s always been around me. He’s always been beside me. He’s always been in my heart. I like the feeling of having him, honestly.

Attached na attached na ako kay Kiel. Lahat na siguro ng parte ng katawan ko ay siya na ang hinahanap. Ginayuma ba ako? No, tinablan lang ako ng pana ni Kupido.

Sunday morning, maaga akong nagising. At s’yempre maaga palang ay heto na’t ngingiti-ngiti na ako. Heto na ang mga labi ko na parang may sira na halos mapunit na sa pag-ngiti.

Kaaga-aga nga naman.

I checked my phone kung may message na iniwan sa’kin si Kiel. Kagabi kasi hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ’yung tawag namin.

Kaya, s’yempre, I want to check it.

Hindi nga ako nagkamali. Meron ngang minsaheng iniwan sa’kin si Kiel. S’yempre, lahat ’yon binasa ko.

From; Kiel,

     

Nakatulugan

na naman ako ng magandang anghel ko. Goodnight, Angelica, sweet dreams.

Ramdam kong halos mapunit ang mga labi ko sa laki ng ngiting pinakawalan nito. Tinatambol ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Mabilis kong kinuha ’yung unan at sinubsob doon ang mukha ko. Then i shout, “Ahhhhhhh,” sa sobrang kakiligan.

Kinalma ko ang sarili ko at binasa ulit ang next, next, next, next message.

From;

Kiel,

       Magandang umaga, magandang Anghel. Kamusta ang tulog mo? Kain kana d’yan, ah. ’Wag kang papagutom. At ’wag mong kalimutan ang pag-ngiti, mas lalo kang gumaganda pa kapag ngumingiti.“

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hmmm! Kahit hindi naman niya sabihin na ngumiti ako’y kusa parin naman akong ngingiti. Maisip ko lang siya, talagang mapupunit na ang labi ko sa kakangiti.

“Magandang umaga pangit, ingat ka sa pagmamaneho.” I texted back.

Binaba kona ang aking cell phone at bumangon na. Sa pagligo at sa pagkain ay ngiting-ngiti parin ako. Hindi man panlabas, ngunit sa loob-loob ko. Talagang halos lumubo na ang dibdib ko.

“Nak, ano ba ’yan? Sino ba ’yang ka-text mo’t kanina mopa hindi mabitaw-bitawan ’yang cell phone mo?” puna ni Mama sa’kin.

“Ah, wala po.” pagtanggi ko at mabilis na pinatay ang cell phone ko. Inilapag ’yon sa lamesa at itinuloy ang ginagawa kong pagkain.

Umismid lang si Mama samantalang si Papa naman ay iba na ang pagtingin sa’kin. “Baka kung ano na ’yan, Angelica, ha?” nagbabanta ang boses ni Papa.

“Wala po ito, Pa, kausap ko lang po ’yung kaklase ko.” dahilan kona lamang at hindi na pinansin ang aking mga magulang.

Sumapit ang dapit hapon at napagpasiyahan kong dalawin si Kiel. Ewan, siguro miss ko lang talaga siya. Hindi sapat sa’kin ’yung text at tawag lang.

“Ma, punta muna ako sa kaibigan ko.” pagpapaalam ko kay Mama matapos kong makapag bihis.

“Ipagpabukas mona lang ’yan, malapit ng gumabi.” ani Mama.

“Saglit lang naman ho ako, Ma.” pagpupumilit kopa. “Hindi naman ako magtatagal. May kailangan lang po ako kay, Mama.”

Napabuntong hininga na lamang si Mama at hindi niya rin ako natiis. Pinayagan na rin niya ako. Mag-iingat na lamang daw ako at umuwi ng maaga dahil maya-maya ay darating na rin daw si Papa.

Umalis kasi si Papa kanina, pupuntahan lang daw nito ang kumpadre nito.

S’yempre, sumakay na lang ako ng pedicab since wala naman akong makitang tricycle.

Idinala ako pedicab sa bahay nina Kiel. Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako. Dire-diretso ako sa bahay nina Kiel. Diretso ako sa pagpasok.

Nagulat ako ng makita si Kiel na batid kong nagulat din ng makita ako. Pa’no ba namang hindi? Nag-iinom lang naman ang magaling na si Kiel at sa palagay ko’y lasing na ito.

“An-Angelica..?” pupungay-pungay ang mata ni Kiel at mababanaagan ang pagkalasing sa boses nito.

“Anong ginagawa mo? Bakit ka naglalasing?” lumapit ako sa kaniya at inagaw sa kaniya ang bote ng alak na hawak-hawak niya.

Inalalayan ko siya sa pagtayo, “An-Angelica..”

“Halika rito, matutulog kana para mahulasan ka.” ini-akbay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan ko siya patayo.

Medyo may kabigatan si Kiel kaya talagang nahirapan akong alalayan siya. Napagod ako matapos ko siyang mahiga sa higaan niya.

Aalis na sana ako para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig upang ipunas sa kaniya ng mahawakan niya ang kamay ko.

“’Wag kang umalis.” pinilit parin niyang imulat ang mga mata niya kahit ito’y babagsak na. “Pasensya na.. Angelica, gusto ko lang kasing makalimutan si Lolo.. Pasensya..”

Paulit-ulit niyang bukambibig ang salitang pasensya hanggang sa tuluyan na itong makatulog. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lamang.

            AXLL_ACEBEROS|A.A.

KABANATA 14

Kabanata 14

        HABANG ABALA AKO sa pagpupunas sa mukha ni Kiel ng basang bimpo hindi ko namalayan maya-maya na nakatitig na pala ako sa mukha niya.

He’s not cute, either handsome, but why the hell my heart fell for this man?

Siguradong-sigurado na ako. Alam na alam na ng puso ko na hindi awa o kung anopaman ang nararamdaman ko para kay Kiel. Mahal kona talaga siya. Lunod na lunod na talaga ako sa pagmamahal sa kaniya.

Napalunok ako at bumaba ang mga titig ko sa mga labi ni Kiel. Batid kong natikman kona ito ng ilang beses na, ngunit ngayon, hindi ko alam kung bakit tinutulak ng iba’t-ibang parte ng katawan ko na halikan siya. Matikmang muli ang mga labi niya.

Maya-maya, nalaman kona lamang na sinusunod kona nga ang kagustuhan ng katawan ko. Unti-unti kong nilapat ang mga labi ko sa mga labi niya hanggang sa tuluyan iyong naglapat at dumigin.

Unti-unti’y naipikit ko ang mga mata ko, dinadama ang malambot niyang labi sa mga labi ko. Kusang gumagalaw ang mga labi ko na animo’y sinasalat ang labi ni Kiel.

Bahagya akong nagulat ng maya-maya’y naramdaman kona ang mga labi niyang gumagalaw narin. Sumasabay sa paggalaw ng labi ko. Tinutugon na rin nito ang mga halik ko.

And with no second thought, mas lalo kopang pinalalim ang halikang nagagawa. Nalalasahan koman ang alak sa kaniyang bibig ngunit hindi iyon naging hadlang sa aking pagtigil. Naging desperado ang halikan naming dalawa.

Naputol lamang iyon ng magbawi ako ng hininga. Pupungay-pungay ang mata ni Kiel na pinilit iminulat kahit hindi nito kaya. Muli, ay sinakop ng mainit kong bibig ang kaniyang mga labi.

Dala ng init ng katawan, at kagustuhang mag-explore pa ng mas malalim sa halikang ’yon, nalaman kona lamang na hinuhubaran kona pala si Kiel. Walang ng inhibisyon sa katawan, wala pangamba at kung anoman. Tanging nasa isip ko lang ng gabing iyon ay maangkin si Kiel. Ma-explore sa kaniya ang mga bagay na hindi kopa na-e-explore.

Napapalunok at ramdam kong nanginginig ang katawan ko sa mga tagpong ’yon, pero hindi ako nagpatinag. Nilakasan ko ang loob ko. Ginusto ko ito, dapat panindigan ko.

Nginig na hinubad ko ang suot kong damit hanggang sa tuluyan na akong walang saplot na itinira. Pagkatapos ay muli ko siyang hinalikan at dahil kapwa kami walang karanasan. Naging mahirap para sa’min ang gabing iyon.

Masakit, mahapdi, at kay kirot ng pakiramdam ko habang pinapasok niya sa loob ko ang pagkalalaki niya. Ramdam kong parang animo’y napunit ang kaibuturan ko. But with his kisses, it easily fades away.

Natapos ang mainit na gabing ’yon. Pakiramdam ko’y pinagsamantalahan ko si Kiel dahil talagang ako lahat ang kumilos.

Dahil sa kapagurang naramdaman ko. Namalayan kona lamang ang aking sariling unti-unti ng pumikit ang mga mata hanggang sa tuluyang makatulog.

    KINABUKASAN nagising ako ng tila may kung anong ingay sa paligid ko. Pagmulat kopa lang sa mga mata ko, unang bumungad sa’kin ang tumatangis na mukha ni Kiel. Sinusuotan niya ako ng damit.

“I’m sorry, An-Angelica.. hindi ko sinasadya ang nangyare, I’m sorry.” umiiyak na sambit niya habang paulit-ulit bumibigkas ng paumanhin habang sinusuot niya sa’kin ang damit ko.

Bumangon ako’t ngumiti. Hindi niya kasalanan ’yon. Ako ang gumawa ng lahat. Pakiramdam ko tuloy pinagsamantalahan ko ang kalasingan niya.

“Ayos lang sa’kin ’yon, Kiel, ayos lang..” pinilit kong pagaanin ang loob ni Kiel. Hindi siya dapat ma-guilty at humingi ng tawad sa’kin, ako ang nagpasiya ng lahat. “Ginusto ko ito. Dahil mahal kita. Mahal na mahal..” buong sinseridad kong sabi habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Tumigil na siya sa pagtangis na animo’y batang naging maamo ng maalo ng kaniyang Ina.

“Mahal din kita, Angelica, hindi lang tama ’yung ginawa na’tin. Wala sa oras, at wala sa panahon. Gusto ko, maging sagrado ang lahat sa’tin, pero hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Salamat sa pagtitiwala..”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, hindi napigilan ang sarili at tuluyan kona siyang nayakap ng sobrang higit.

Sobrang nakakataba lang ng puso na may ganito pang lalaki sa mundo. Lahat ng magagandang katangian ay nasalo niya at doon ko siya nagustuhan.

“Saan ka galing, kagabi?” tanong ni Papa matapos kong makauwi ng bahay. Gusto akong ihatid ni Kiel sa labas ng bahay namin ngunit hindi ko ginawa. Baka makita pa kami ng mga magulang ko at mag-isip pa sila ng masama.

Aware akong hindi gusto ng mga magulang ko si Kiel para sa’kin. Sa itsura ba naman ni Kiel, tapos sa estado niya sa buhay? Talagang hindi siya magugustuhan ng mga magulang ko para sa’kin.

Kampante sila na hindi ko magugustuhan si Kiel kaya kahit hatid sundo man ako ni Kiel at paminsan-minsa’y dumadalaw siya sa bahay namin ay wala silang pag-angal ukol doon. But little did they know, i fell. I feel in love to the person they didn’t expect me to fell with. Hindi nila alam na nahulog na ang loob ko sa binatang kampanteng-kampante sila na hinding-hindi ko magugustuhan. And to the point na may nangyare na sa’ming dalawa ni Kiel.

“Angelica, tinatanong ka ng Papa mo. Saan ka raw nanggaling?” segundang tanong ni Mama dahilan para bumalik ako sa nakaraan.

“Ahh, ehh, nag-overnight po ako sa bahay nina Zhai. Kami po ng mga babaeng kaibigan ko..” pagpapalusot ko.

Since kilala naman ng mga magulang ko si Zhai at ang iba kopang mga babaeng kaibigan ay hindi na sila nag-usisa pa.

“Ikaw ba ay kumain na? Nag-luto ako ng pagkain.” sambit ni Mama.

“Sige po, magliligo lang po ako.”

Dire-diretso ako hanggang sa makapasok sa loob ng k’warto ko. Sapo-sapo ko ang dibdib ko ng makapasok.

Lumipas ang mga araw. It all went well smoothly. Ganoon parin ang naging takbo ng buhay ko. Sa pagpasok hatid ako ni Kiel. Sa pag-uwi naman ay sundo niya ako. Walang nagbago sa kaniya, kung gaano siya ka-sweet ng makilala ko’y mas lalo pa niyang dinagdagan ang tamis ng pagmamahal niya.

His not a Man na kapag nakuha na ang gusto’y mang-iiwan na. Mga lalaking “experience” lang ang habol sa mga babae. Minsan pa nga’y “katuwaan” lang.

Matapos ang klase namin ay lumabas na ako ng gate ng school. And s’yempre, as expected, naroon na agad nakabungad si Kiel dala ang pedicab niyang gamit niya pangkabuhayan.

“Una na ako sa inyo.” pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko.

“Ingat. Good bye.” sabay-sabay nilang sabi at tuluyan na kaming naghiwa-hiwalay.

Diretso ako kay Kiel na malayo palang ay nakangiti na sa’kin. S’yempre, hindi ko mapigilan ang sarili kundi ang mapangiti rin.

“Para sa’yo..”

Tumuon ang titig ko sa kamay niyang hawak-hawak ang ibinibigay nitong regalo.

Humulmang ngiti ang aking mga labi ng makita ang regalong tinatago niya sa likod niya kanina pa. It’s a red rose. A real one. Pair with sweet chocolate.

Napangiti ako dahil doon at tinanggap ang ibinigay niya.

“Thank you,” hindi naman niya kailangang gawin ito. Ikakasaya ko na palagi siyang nakikita’t nakakasama. Pero s’yempre talagang hindi mawawala kay Kiel ang ganitong ugali nito. So sweet. Kaya nabihag niya ako.

Inalalayan niya akong makasakay sa loob ng pedicab niya hanggang sa manipulahin na niya ito.

Nasa kalagitnaan kami ng kalsada ng maramdaman kong tila kumakalam ang sikmura ko. Animo’y hinahalukay ito. Sa madaling sabi, naduduwal ako. Nasusuka ako sa hindi ko malamang dahilan.

“Kiel, ihinto mo..”

Nagtataka man si Kiel ay sinunod niya ang gusto ko. Agad akong bumaba sa pedicab niya at tumakbo sa gilid ng kalsada. Doo’y hindi kona napigilan ang sarili ko. Doon na ako nagsusuka.

“Angelica? Anong nangyare?” natataranta na ang boses ni Kiel na ngayo’y himas-himas na niya ang likod ko.

Panay lang ako sa pagduwal kahit tubig na ang nilalabas ko.

“D’yan ka lang, Angelica. Kukuha ako ng tubig..”

Umalis si Kiel pagbalik nito’y may dala ng tubig na nasa bote.

“Inom ka.” pag-alok niya sa’kin matapos humupa ang pagsusuka ko. Pinunasan ko ang nangilid na luha sa mga mata ko at ininom ang tubig na bigay niya. Kahit papa’no ay gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko. Ngunit, hindi parin mawawala ang pagkahilo ko at ang pakiramdam na animo’y nanghihina ang katawan ko.

“Anong nangyare sa’yo? May nakain ka bang hindi maganda?” kitang-kita sa mga mata ni Kiel kung gaano ito nag-aalala sa kalagayan ko.

Sinapo ko ang pisngi niya at pinilit ang sariling ngumiti. Just giving him assurance na wala siyang dapat ikabahala. Ayos lang ako.

“Okay lang ako. Siguro may nakain lang ako kanina na hindi ko gusto.” sabi kona lang at inaya na siyang bumalik sa sinakyan namin.

Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay pakiramdam ko’y hindi na mabuti ang nararamdaman ko.

Nahihilo ako sa tuwing may madaraanan kaming lubak na daan. Like hindi ko naman nararanasan sa tuwing dumadaan kami doon. Ilang pabalik-balik na akong dumadaan doon sakay ng pedicab ngunit hindi naman ako nahihilo. Kakatwa na ngayon lang nangyare ito?

I’m aware of everything.. my thought is scaring me. I’m starting to get scared.. What if..?

            AXLL_ACEBEROS|A.A.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.