loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Where the Green Leaves Fall

Where the Green Leaves Fall

sojuniverse · 3 chapters · 2,710 words

Where the Green Leaves Fall

Where the Green Leaves Fall is the first installment of the Hues of Three Collaboration Series. Stand along this work are: White Confetti After Us by kryptonaynt and Across the Purple Lane by rexxsab, despite sharing something in common and approach, each story is independent and can be read in any sequence.

·········⋆༺𓆩❀𓆪༻⋆·········

Readers, pay attention!

This story? The story is entirely fictional. What are the names, characters, events, and locations? All from my head (and possibly too much coffee). If it reminds you of someone in real life, it’s purely coincidental.

Copyright © 2025 sojuniverse.

Translation: Do not steal, copy, distribute, alter, or remix. Respect the art, or I’ll send fictitious ghosts after you.

⚠️ Caution!

This book contains spicy situations, foul language, and some trigger-worthy content. This is not for youngsters. If you are sensitive, use caution. Do not say I did not warn you.

Also, please arrive with an open mind. Please refrain from comparing my characters to those of other authors, as this is not acceptable. Respect the novel; respect me.

💡 Important note!

This is a BL (boys’ love) story. If that’s not your thing, that’s fine; simply exit and read something else. No hard feelings.

Prologue

Prologue


I had never known him before, not genuinely. He was nothing more than a hurricane that blew through my life, loud and irresponsible, the type of person who demanded the world’s attention without even trying. People thought he was arrogant, and I believed it. I loathed the way he held himself, the way his sneer irritated me, and how his mere existence seemed to challenge me at every turn. Every word he said, every thoughtless motion he made—it was as if he existed only to get under my skin. He was a thorn I wished to bury deep in the earth, a flame I wanted to extinguish before it could burn me.

And yet…

Everything changed the instant I spotted him crouched on the pavement, clutching a little stray cat. His typically arrogant eyes softened in an instant. There was regret, almost sympathy, and a momentary vulnerability that I never expected from someone like him. For the first time, I looked past the mask he wore, and in that unguarded stillness, I knew he wasn’t just the antagonist I had portrayed him to be. He was not a monster. He was only human.

My heart has betrayed me since then. When I try to ignore him, it becomes restless, and when he is close, it beats faster and louder. I am unable to identify it, but every look and unintentional touch of his hand feels like the start of something. And the realization dawns on me like a silent storm: maybe I never really detested him. It’s possible that the fury I held onto was really fear—the dread of being brought in closer, of falling for someone I vowed never to do. For perhaps—just possibly—he was never my enemy.

Chapter 1: High School, High Stress

G A V E

Gutom na gutom na ako, parang pakiramdam ko ay makakain ako ng isang buong lechon manok. Ba’t ba kasi antagal natapos ng Philosphy class, ’di ko lang maintindihan na last subject siya sa umaga. Nag-a-adjust pa rin ako sa schedule ko this school year kasi ganito pala ang senior high? ’Di ako na-orient na may mga ganitong subjects pala sa General Academic Strand o mas kilala bilang GAS. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa mga subjects, utak pala ang labanan. Hindi na ako magtataka kapag malalagas na ang mga buhok ko.

Nang marating ko na ang cafeteria ay dali-dali na akong pumasok, bumungad sa ’kin ang napakaraming estudyante na mula rin sa ibang mga strand. Dumiretso na ako sa kung saan nakalagay ang stainless steel na food tray, kumuha na agad ako ng kanin na sakto lang sa ’kin. Kumuha na rin ako ng ulam, pati na rin prutas. Yum! Nahagip ng mata ko na isa na lang ang mangkok na may sabaw ang natitira kaya lumapit na ako para kumuha, pero bago ko pa makuha ang nag-iisang mangkok ng sabaw ay may isang tao ang dali-daling lumapit sa kinaroroonan ng mangkok at walang pag-a-atubili ay kinuha na niya ito.

Tinitigan ko ang tao na kumuha ng mangkok, nakatingin din siya sa ’kin na sobra ang ngiti sa mga labi.

“Pasensya na, nauna ako. Ang bagal mo kasi,” sabay kindat sa ’kin at dali-dali na siyang umalis. Nakatingin lang ako sa lalaki na nagma-madaling bumalik sa pwesto niya. Nang makaupo siya ay tumingin siya sa kinatatayuan ko at kumindat ulit sabay ngiti ng nakakaloko. May itsura sana ang lalaki na ’yon pero pangit ang ugali. Sayang ka, pre.

“Sira ulo,” sabi ko. Pakiramdam niya ay nakakatuwa ang ginawa niya, sa totoo lang ay hindi. Gusto ko siya suntukin sa sikmura hanggang sa dumugo ito. Wala na, nakuha na niya ang gusto ko sana.

At ang isa sa problema ko araw-araw sa school na ’to ay kung saan may bakanteng mesa, nakakabwisit talaga sa totoo lang. Nasa’n na rin kaya ’yong mga kaibigan ko na ’yon? Sana lang ay magkasama ’yong dalawang baliw na ’yon.

Tumitingin-tingin ako sa paligid ko baka sakaling andito lang sila at hindi nila ako nakikita. Hindi na nila kasi ako inantay kasi antagal natapos ng klase ko at sigurado ako na gutom na rin sila.

“Hoy Gave!” agad akong napatingin sa taong kumalabit sa balikat ko. Parang nabunutan ako ng tinik dahil andito ang isa sa mga baliw!

“Hoy ka rin. Kumain ka na ba, AJ? Nasa’n si Yohan? Magkasama kayong dalawa?” sunod-sunod na tanong ko dahil gutom na gutom na ako at gusto ko na makaupo para makakain na, jusko naman.

“Actually, kanina ka pa namin nakita, akala ko nga ay makikita mo agad kami ni Yohan eh,” wika ni AJ.

“Ay, palagi niyo naman talaga akong pinagkakaisahan eh. Ano? Maganda ba sa feeling?” Inirapan ko na lang siya. Ewan ko na lang talaga ba’t naging kaibigan ko ’tong tao na ’to.

“Grabe, galit ka na naman. Akin na bag mo,” kinuha na niya ang bag ko at nauna na siyang maglakad papunta sa mesa na inokupahan nila.

Pagdating ko sa mesa ay isang malaking ngiti ang binungad ng isa ko pang baliw na kaibigan. Ewan ko kung totoong kaibigan ko ba ang mga ito. Kitang-kita ko na sobrang linis ng food tray nila, ibig sabihin ay tapos na silang kumaing dalawa at ako lang hindi pa nakakakain.

Ano pa ba ginagawa ng dalawa rito kung pwede naman na umalis na sila…?

Kumaway si Yoyo na may ngiti sa labi. “Hi Gave, how are you?”

“How are you mo mukha mo,” nilapag ko na sa mesa ang food tray na bitbit ko at naupo na. Hindi na ako nagdalawang-isip na lantakan na ang pagkain ko. Bahala na kayo riyan, basta ako kakain na ako.

“You must be so hungry, hinay-hinay ka lang kumain baka pati ’yang tray ay makain mo,” mahinahon na wika ni Yoyo. May pagka-bitch talaga ’tong bakla na ’to.

“Kaya hayaan mo muna ang grumpy na ’yan dahil nag-iiba ang ugali niyan ’pag gutom,” usal din ni AJ. Buti naman at aware silang dalawa sa ugali ko.

Nilunok ko na muna ang kinakain ko bago ako nagsalita. “Alam niyo, galit na galit ako dahil kinuha ng isang lalaki ang nag-iisang mangkok ng sabaw. Cravings ko pa naman sana ’yon!”

“I think… well-deserved,” sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Yoyo.

“And what happened?” tanong ni AJ. Kitang-kita ko sa mukha niya na gusto na niyang tumawa pero pinipigilan lang niya.

“Wala, nagpaubaya na lang ako. Alangan na aawayin ko pa siya rito? Ayoko mag-eskandalo rito,” bumalik ulit ako sa pagkain ko.

“Well… what can we say? Ikaw na ’yan, eh,” wika naman ni Yoyo.

“Bwisit na bwisit nga ako eh, ’wag mo ’ko inaano riyan, Yohan. ’Pag ako nagalit sa ’yo pasensya ka talaga. Anyway, how’s your day so far, guys?”

“Stressed!” sabay na sagot ng dalawang baliw.

Lahat ng strand ay nakaka-stress naman talaga. Si AJ ang kinuha niyang strand ay Accountancy, Business and Management o ABM, ibig sabihin ay sila ay naka-focus sa business,

finance, marketing at lahat ng related sa business. Ibig sabihin ay hinahanda sila sa mga business-related pagdating sa college.

Kay Yoyo naman ay Humanities and Social Sciences o mas kilala bilang HUMSS. Para sa mga estudyante na gustong mag-aral ng humanities, social sciences, communication studies, naka-focus din ito sa human behavior, culture at society. Bagay ito sa mga gustong maging teacher, pyschologist, journalism at iba pang mga kurso na kailangan ng analytical skills na kailangan ang pagbabasa at pagsusulat.

“Halata nga sa itsura ninyong dalawa. Partida, second week pa lang ngayon. Ano na lang kaya ’pag sa mga susunod pa na mga araw?” wika ko.

“Wow, nahiya naman kami sa ’yo, Gave,” ani AJ.

“Kaya nga, stress ka rin naman eh. Hindi lang kaming dalawa ni AJ,” sabi pa ni Yoyo.

“Uh… hindi halata kasi nga hindi ko masyadong dinidibdib. Atsaka, hello? All-rounder ako, may subject ako na related sa STEM, HUMSS pati na rin sa ABM, kaya ’wag ninyo akong maliitin,” sagot ko sa kanila kaya naman ay sumubo na ulit ako ng pagkain.

“It’s giving undecided,” ani Yoyo. “Tsaka, feeling main character ka riyan sa part na ’yan.”

Tumango-tango ako kay Yohan habang ngumunguya ng pagkain.

“Oh well, we may have a different strands what’s important is we’re friends. I don’t know if you guys think that I am your friend. If not, then, I don’t care about y’all,” salaysay ni AJ. Akala ko ako lang ang naki-question ang pagkakaibigan namin, pero sa totoo lang mabait at matalino silang dalawa kaya nga naging magkaibigan kami eh. Kung hindi lang kami nagkakilala no’ng enrollment eh ’di hindi sana kami magkasama ngayon dito sa cafeteria.

“Ang OA mo sa part na ’yan, Aero. Para kang tanga or trust issues mo ang nagsasabi niyan,” sabi pa ni Yohan.

“Hayaan mo na ’yan siya, Yoyo dahil ako rin naman eh,” sabat ko sa usapan.

“Wow, you guys are just joking, right?”

Tinaas-baba ko ang kilay ko bilang sagot sa tanong ni AJ. Tumapon ang tingin naming dalawa ni Yoyo sa isa pa naming kaibigan.

“What? Why are you guys looking at me like I killed a cat?”

“Explain yourself, Aero James,” pinanliitan siya ng mata ni Yoyo habang ako natatawa na lang habang nakatingin sa kaniya.

“Sorry guys, I was just testing you kung magkaibigan ba talaga tayong tatlo,” sagot naman niya.

“Pakyu ka, Aero James, para bang hindi ka nag-grade two,” wika ko kaya kinuha ko na ang bag ko, isinukbit ko ito sa balikat ko, kinuha ko na rin ang orange juice, dali-daling tumayo at nauna nang umalis sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

Hindi ako galit o anuman. Nasobrahan ako sa kinakain ko kaya tinatawag na ako ng kalikasan, ilang oras lang ang lunch time kaya susulitin ko ang moment na mayroon ako, kasi puro stress ang sasalubungin ko mamaya after ng lunch break.

                                             -ˋˏ

✄┈┈┈

Pocha. Stress na stress na talaga ako, pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko. Pero bago pa mangyari ’yon ay kailangan ko na muna magrelax bago ako masiraan ng bait dahil sa pag-aaral. Buti na lang ay papunta ako ngayon sa paborito ko na café na medyo malapit lang sa Holy

Trinity Learning Institute­­­ —ang school na pinapasukan namin ng mga kaibigan ko. Simula pre-school ay dito na ako nag-aaral, hanggang college na ’to.

Nang marating ko na ang paroroonan ko ay nilagay ko na agad ang bag at laptop sa pwesto na lagi kong inuukopa ’pag ’di ko kasama ang mga kaibigan ko, katabi lang ito ng malaking glass window at makikita mo ang mga sasakyan at pati na rin ang mga taong dumadaan. Nakaka-relax ’pag pinagmamasdan kung ano ang nangyayari sa labas ng glass window.

Pumunta na ako sa counter para mag-order, tumingala ako sa menu board nila.

“Hi sir, good afternoon,” bati ng barista sabay ngiti niya sa ’kin, ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. “Sus, tumingala pa talaga sa menu board kahit ’yon naman parati ang ino-order mo rito,” dagdag pa ni kuya.

Suki na ako rito kaya kilala na ako ni kuya Teddy na siyang may ari ng café. At isa pa, ang cute kaya ng name ng café niya—Mr. Bean. Hindi ko talaga tinatanong si kuya Teddy ba’t ganiyan ang name ng café niya pero kahit ganiyan ang name ay dinadagsa ng mga tao ang café niya at isa na ako ro’n. Palagi ako tumatambay rito bukod sa malakas ang wifi nila napaka-cozy rin ng place at ang ganda pa ng aesthetic at ang interior ay napakaganda rin. Hindi nagtataka kung ba’t maraming tao rito.

“’Wag mo na lang ako pakielaman, kuya Teddy,” tumingin ako sa kaniya. “Isang iced matcha latte size grande, please kuya Teddy,” ngumiti ako kay kuya Teddy dahil basang-basa na niya talaga ako. “Tapos isang red velvet cheesecake na rin, thank you.”

“Himala at hindi chocolate temptation,” wika pa ni kuya Teddy.

“Para maiba naman kuya, ayoko maging redundant ,” sagot ko naman. “Redundant?”

Tumawa siya at sumagot. “Sabagay. Three hundred pesos lahat.” Binigay ko na kaagad ang bayad ko, nagbigay na rin si kuya Teddy ng password ng wifi nila.

“Ba’t ikaw lang mag-isa, kuya Teddy? Asa’n na ang kasama mo?”

“Ay, mamaya pa ang shift niya. Bakit? Miss mo siya?”

Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Nek nek mo.”

Tumawa na lang siya kaya umalis na ako sa counter at naupo na sa pwesto ko. Binuksan ko na ang laptop ko, habang maaga pa kailangan ko na maghanap ng research title. Nasa introduction pa lang kami ng Practical Research pero mas mabuti na ang advance para hindi na sumakit ang ulo ko o ng mga kagrupo ko. Ba’t pa ba kasi nauso ’to?

Habang tutok ako sa laptop ay napatigil ako at napatingin sa taong may dala ng order ko.

“Excuse me, sir. Here’s your drink and your cheesecake. Enjoy,” mahinahon niyang wika nang mailagay niya sa mesa ko ang in-order ko kanina.

“Thank you, ikaw pala ’yan kuya Nicu,” nginitian ko siya dahil siya ang naghatid ng order ko.

“Oo ako nga, kumusta ka?” kitang-kita ko ang laki ng ngiti niya sa ’kin, matagal ko na talaga napapansin ’to sa kaniya.

“Ayos naman, medyo stress lang sa acads, ikaw ba kuya Nicu?”

“Pareho lang tayo, pero kahit papaano ay kaya ko pa naman magpart-time job,” mahinahon na sagot niya. Hindi ko alam kung anong grade na ni kuya Nicu at ang alam ko lang ay pareho kami ng school na pinapasukan.

“Ang sipag mo talaga, kuya Nicu. Sigurado ako na proud na proud sa ’yo ang parents mo,” wika ko dahil mahirap talaga ’pag may pasok ka tapos may trabaho ka pa after school. Hindi ko man siya naranasan pero kita ko na mahirap at nakakapagod talaga ang ginagawa niya.

“Salamat. Kailangan ko talaga kumayod para hindi gaanong mahirapan sa pagbayad ng tuition fee ko sina mama at papa,” wika niya at ngumiti pa ulit siya. Alam kong pagod na pagod siya pero kinakaya niya para sa sarili at sa magulang niya.

“Hep! Hep! Tama na muna ang chikahan ninyong dalawa, marami tayong customer ngayon Nicu, kailangan kita sa counter ngayon na,” natigilan ako dahil biglang sumulpot si kuya Teddy mula sa likod ni kuya Nicu.

“Yes boss,” sagot ni kuya Nicu kay kuya Teddy, bumalik agad ang tingin ni kuya Nicu sa ’kin at ngumiti na naman siya. “Maiwan na muna kita riyan, Gave ah. Enjoy,” wika niya kaya naman ay ngumiti lang ako bilang sagot at bumalik na siya sa counter kasama si kuya Teddy.

Agad ko naman na nilantakan ang iced matcha latte at ang red velvet cheesecake. Hindi ko mapigilan na mapapapikit dahil sa sarap, pakiramdam ko ay nasa langit ako kasama ang mga anghel, oa na kung oa. May iba nga na kailangan pa gumamit ng tao para makapunta sa langit.

Bumalik bigla ang utak ko sa research title. Hindi ko lang gets sa research ay maghahanap kami ng problema tapos kami rin mismo ang gagawa ng solusyon sa problema na nahanap namin. Hindi rin naman namin magagamit ’yan ’pag nasaksak kami sa daan. ’Wag naman sana mangyari ang ganiyan. Pero dahil requirement sa school, no choice.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.