loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Whiskers & Whispers (What if Series #1)

Whiskers & Whispers (What if Series #1)

jseeyou · 4 chapters · 4,063 words

Whiskers & Whispers

This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form without permission in writing from the author of the book.

PLAGIARISM IS A CRIME.

The story is written in Tagl

ish

. I apologize for those who wanted to read my story but they can’t because they don’t understand the language.

If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a malware attack. If you wish to read this story in it’s original, safe, form, please go to:

https://www.wattpad.com/user/

jseeyou

T

HIS IS A BL STORY. Kung hindi malawak ang iyong pananaw sa ganitong klase ng mga kwento, you are free to leave this story with peace.

. . .

Copyright © 2026 jseeyou

Prologue

Sabi nila… may mga bagay sa mundo na kahit gaano ka ka-logical mag-isip, darating at darating sa puntong mapapaisip ka kung sinong baliw ang gumawa ng mga batas ng reyalidad.

Noong una, hindi ako naniniwala dahil… hello? Hindi ako yung tipo ng tao na madaling maniwala sa kung ano-anong kababalaghan.

Hindi ako yung “

uy

baka multo ’yan“ type. I’m more like, the “baka

hangin

lang“ type of person. Sa madaling salita, may sense kumbaga. O praktikal kung sabihin ng iba.

Pero ngayon, parang gusto ko nalang bawiin lahat ng sinabi ko sa buong buhay ko.

Dahil ngayon… sino ba namang matino ang magigising na may nakadagan na hubad na lalaki sa katawan niya?!

Like literal. Hindi imahinasyon. Hindi rin panaginip. As in tao.

Buhay.

Mabigat.

Mainit.

At higit sa lahat… sobrang pogi.

Hindi ako makagalaw ngayon sa puwesto. Hindi dahil gusto ko ha? Hindi lang ako makagalaw dahil parang konting kibot ko lang, baka magising agad siya. At ’pag nagising siya… ano na? Anong sasabihin ko? ’Hi, good morning, bakit ka

nakahubad

sa

ibabaw

ko?’ Ganun? Parang ako pa ang may kasalanan.

Saglit akong pumikit at nagkamot ng mata. Nagbabaka sakaling pagmulat ko ulit, malaman kong namamalikmata lang ako. Na mag isa lang akong nakahiga sa kama ngayon at walang… lalaking mukhang Koreano na nakadagan sa’kin.

Pero pagmulat ko ay ganun pa rin. Nakadagan pa rin siya.

Ay wow. Persistent?

Huminga ako nang malalim na animo’y parang may bomb na kailangang i-defuse. Sobrang lapit niya. Naamoy ko nga rin yung hininga niya. Hindi naman mabaho, amoy malinis pa nga eh. Like, bakit ka fresh kahit tulog ka? May special powers ka ba?

Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa mukha niya… which is mali. Mali ’yon. Hindi pala dapat.

Kasi nung ginawa ko ’yon, mas lalo akong nahirapan huminga.

Grabe.

Ito yung klase ng lalaki na tipong mapapaisip ka kung may casting ba na naganap sa langit tapos siya yung napili. Matangos ang ilong, maayos ang hugis ng labi, at yung mata… ewan ko. Nakapikit eh.

Parang nahiya naman ako na nagmamay-ari ng kwarto at kamang tinutulugan niya. Nagmukha pa akong placemat sa ilalim niya—

Teka nga… paano ba kasi nangyari ang lahat ng ’to?!

Sige, Yuri, isip. Mag-isip ka. Ano bang nangyari kagabi? Uminom ba ako? Hindi naman ako umiinom. Nag-party ba ako? Hindi rin. May dinala ba akong lalaki? Mas lalong hindi. Hindi ako ganun ka-wild. Hindi pa.

Hindi ko alam kung matatawa ako o iiyak. Parang gusto kong magpanic pero nahihiya ako magpanic kasi… ang pogi niya talaga at baka magising siya. Ang petty, pero totoo.

Tumingin ako sa kamay niyang malaki na nakapatong sa tagiliran ko. Sobrang relaxed pa no’n na tila natural lang na naroon talaga dapat iyon. Na parang bang… sanay nang nakapulupot ang braso niya sa katawan ko.

Ano daw?

Bakit parang siya pa yung may karapatan maging kumportable dito?

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko ulit sa mukha niya nang medyo gumalaw siya bahagya. Nagpigil ako ng hininga.

Ilang segundo pa ang lumipas na tahimik lang ako at nakatitig habang siya ay tulog pa rin. Parang wala siyang pake sa existential crisis na dinaranas ko. Sana lahat diba?

Pero lahat ng iyon ay nawaglit nang bigla siyang gumalaw nang tuluyan.

Napasinghap ako nang konti. Hindi ko na alam kung dapat ba akong mag-freeze o tumakbo. Pero hindi rin ako makatakbo kasi… hello? Nasa ibabaw ko nga siya. Paulit-ulit!

Dahan-dahang nagdilat ang mga mata niya.

Mabagal at mapungay iyon. Parang bagong gising lang talaga… well, technically, bagong gising nga.

Nagtagpo ang mga mata namin.

At sa loob ng isang segundo, parang tumigil ang mundo ko.

Hindi siya mukhang nagulat nang makita ako. Hindi rin mukhang magtatanong kung sino ako. Instead… he just smiled softly.

At dahil doon… tuluyang nag-shutdown ang utak ko.

Holy shet.

Chapter 01 : Where’s my cat?

01 : Where’s my cat?

YURI

Hindi ko alam kung anong nag-trigger sa utak ko pero bigla akong natauhan nang… may kakaibang naramdaman.

…sandali.

Sandali lang.

Hindi ko siya nakikita. At mas lalong ayoko ring tingnan, pero bakit parang may… nakadikit sa hita ko?

Mainit.

Matigas.

At hindi siya tuhod.

Hindi rin siko.

At lalong hindi…

Yawa.

“HOY—!” Bigla ko siyang tinulak.

Napaatras naman siya sa ginawa ko at napaupo sa kama habang ako ay parang na-eject sa sarili kong katawan. Hinila ko agad ang kumot papunta sa harap ko na para bang may live audience kami ngayon.

Grabe.

Grabe yung…ano niya.

Dragon ba yun?

Napatingin ako sa kanya at… wow. As in wow talaga dahil mas pogi pa siya ngayon na gising siya.

Sana pangit ka na lang para madali kang palayasin.

“A-anong… ginagawa mo dito? At b-bakit ka nakahubad?!” natataranta kong sabi pero sa halip na tumugon ay hindi siya sumagot. Bagkus, nag-unat siya.

Like… literal na parang pusa.

Yung stretch na naka arms up at likod na nakaarko, tapos may pa-yawn pa na parang kanina lang ay hindi ko siya tinulak ng malakas.

Napakurap ako.

“Hello?” ulit ko. “Naririnig mo ba ’ko, sir?”

Wala pa rin.

Tumingin siya sa paligid na… tila first time palang makapasok sa condo unit. Umangat ang kilay ko.

Ako rin. First time makakita ng problema na ganito ka-pogi.

Mabilis akong naalarma nang bigla siyang lumapit.

“H-hoy… teka, HOY—!”

Napaatras ako pababa ng kama at muntik pa ngang matapilok dahil sa bilis at laki ng hakbang niya.

“Wag kang lalapit! Hindi kita kilala!”

Pero hindi siya nakinig at mas lalo pang lumapit sa’kin. Kaya naman dahil sa taranta ay wala akong nagawa kundi tumakbo palayo sa kanya.

“Tumigil ka nga!” Tumakbo ako paikot ng kama. Halos lumuwa pa ang mga mata ko nang sumunod siya.

Parang tuwang-tuwa pa ang gago.

“Hindi ako nakikipaglaro! Hindi kita pusa—”…wait.

Tumakbo ako papunta sa pinto habang hawak pa rin ang kumot ko na nagmistulang superhero cape.

Binuksan ko ang intercom.

“Hello?! Room service?! May nakapasok po sa condo ko—”

“…Yuri.”

Bahagyang natigilan ako at dahan-dahang lumingon sa direksyon niya.

Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa likod ko at mariing nakatitig sa akin.

Tama ba ako ng dinig?

“Yuri,” tawag niya muli sa pangalan ko.

…okay?

“Sino ka…?” naguguluhan ko nang tanong. Maski ako mismo, hindi na kumbinsido sa tanong ko.

Kilala niya ako?

Saglit kaming nagkatitigan. Kalaunan ay sinubukan niyang lumapit ulit pero hindi na tumatakbo. Samantalang nanatili naman ako sa puwesto ko.

Teka, kilala ko ba siya? Kasi parang… parang kilala ko nga siya.

Pero saan?

Hindi ko maalalang may dinagdag ako na pogi sa buhay ko recently.

Nang makalapit ay huminto siya sa harap ko.

Like as in malapit. Sa sobrang lapit ay napaatras ako ng konti. Napakamot ako sa ulo.

“Okay… hindi ko alam kung anong trip mo pero bago ang lahat, pwede bang…”

Tinuro ko siya.

“Magdamit ka?”

Kumurap siya at napatingin sa sarili niya.

Tapos sa’kin.

Tapos sa paligid.

Hindi ba niya narinig ang sinabi ko?

Napapikit ako sa kanya at tinampal ang noo ko. Sanggol ba ’tong kausap ko?

“MAGDAMIT KA NGA!” ulit ko.

At finally, gumalaw din siya.

Kinuha ko ang oversized shirt ko at shorts, tapos ibinato iyon sa kanya.

“Isuot mo ’yan. Hindi ito free show. Hindi ako ready.”

Habang pinapanood ko siyang magsuot ay nakita ko itong naghihirap sa ginagawa.

Hindi ba niya alam ang left and right? Bakit parang hindi niya alam kung saan ipapasok ang ulo niya?

Ano ’to, need ng tutorial?

Napabuntong-hininga ako.

“Mas marunong pa magdamit yung pamangkin kong three years old kaysa sayo.”

Habang busy siya sa sarili niyang fashion show ay dumiretso ako sa CR. Pagpasok sa loob ay sinara ko agad ang pinto at sumandal.

“Okay…” bulong ko. Recap muna tayo.

Nagising ako at may hubad na lalaking may… malaking junjun situation. Hindi siya marunong magdamit. Hindi ko rin siya kilala pero alam niya ang pangalan ko. Imposible namang kamag-anak ko siya sa kung sino dahil puro babae ang lahat ng mga kamag-anak ko, both sides of the family.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos.

“Baka panaginip,” sabi ko.

Sinampal ko nang malakas ang pisngi ko.

“Hindi panaginip.”

Anong gagawin ko ngayon? Mabuti nalang at wala si tita sa condo ngayon dahil may 2 weeks vacation siya sa Batangas. Ako lang ngayon ang mag-isa sa condo.

Nang mahimasmasan ay lumabas na ako ng CR. Nandoon pa rin siya paglabas ko pero suot na ngayon ang damit kong binigay kanina.

Sablay? oo.

Bagay? pwede na.

Pero bakit… parang mas bagay sa kanya iyong nakahu—nope. Hindi pwede.

“Okay,” ani ko at tumayo nang tuwid. “Last na talaga. Sino ka ba?”

Tumingin lang siya sa akin at nanahimik. Tinignan ko siya sa mga mata.

Parang… may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang alam kung paano.

Kinalma ko ang sarili ko.

“Okay… hindi ka ba marunong magsalita or ayaw mo lang? Kasi kung ayaw mo lang, sabihin mo. May respeto ako sa silent treatment. Pero kung hindi mo talaga kaya, ibang usapan na ’yan.”

Pero wala pa rin.

Sa halip ay napakunot ang noo ko nang makita kong tinaas niya ang kamay niya… at pilit kinakamot ang likod niya. Like, yung desperadong kamot.

“Okay ka lang?” tanong ko habang pinanood siya na parang may hinahanap na hindi niya maabot.

Nang hindi maabot ay ngumiwi siya at walang hiyang humikab ng malaki.

Bakit parang pagod na pagod siya sa buhay, eh wala naman siyang ginawa kundi guluhin lang ang umaga ko?

Maya-maya ay tumingin siya sa bandang pwet niya at may sinubukang hawakan doon.

“Hoy, kuya…” nagtataka kong sabi. “Ano bang hinahanap mo diyan?”

Hindi siya sumagot.

Instead, umikot pa siya ng konti at pilit tinitingnan ang likod niya na parang may nawawalang gamit.

Pagak akong tumawa.

“Ano ba yun? buntot? Wala kang buntot kung iyon ang hinahanap mo. Baliw lang ang mag iisip na may buntot ka, sir.”

Napahinto siya at tumingin sa akin, sabay isip nang malalim. Muling umangat na naman ang isang kilay ko sa kanya.

Bigla ulit siyang lumapit. Napaatras pa ako pero this time, hindi na ako tumakbo.

Akala ko, hindi na ako magugulat sa susunod niyang gagawin, pero joke lang pala dahil halos magulantang ako sa ginawa niya.

Ang amuyin ako… sa gitna.

Sa harap.

Sa… private area ko.

Nanigas ako sa puwesto.

Hayop na yawa talaga.

“ADIK KA BA?!” sigaw ako sabay tulak sa kanya. “Hindi ako free taste! Manyak!”

Napahawak ako sa dibdib ko habang siya ay napatingin lang sa akin na parang nagtataka kung bakit ganoon ako mag-react.

Ako pa ang mali? Ako pa?

“Alam mo, kung trip mo mang-amoy, lumabas ka na lang! ’Wag ako!”

Tinuro ko ang pinto.

“Labas.”

Hindi siya gumalaw.

Oo nga naman. Bakit nga ba siya susunod sa simpleng utos kung pwede naman niyang guluhin ang mental health ko?

“LABAS!”

Pero wala pa rin.

“Tarantado ka ba o hindi ka lang talaga aware sa social cues?”

Ngunit imbis na sumagot ay bigla siyang tumalikod at naglakad papunta sa sala.

Bumagsak ang dalawang balikat ko at napamura nang mahina. Para akong masisiraan ng ulo sa kanya.

Lord… alam ko pong nagdadasal ako minsan na sana may sumulpot biglang lalaki na nakakabaliw ang pogi sa buhay ko… pero ’wag naman po sana yung pogi pero literal na baliw?

Sumunod ako sa lalaki at nag-ready ulit tumakbo kung kinakailangan, habang pinapanood ang siya na parang… batang nawawala sa grocery.

Pinagmasdan ko siyang maglibot sa loob ng condo at kapansin-pansin pa ang pagkislap ng mga mata niya sa tuwing may nahahablot na mga bagay sa gilid. Muling umangat ang kilay ko.

Field trip?

Nang matungtong ang ref ay binuksan niya iyon at kumuha ng bottled water.

Tinignan lang niya muna ang bote bago iyon sinubukang buksan, pero pumalpak. Pinipilit niya pero mali naman ang hawak.

Napahawak ako sa noo ko.

“First time gumamit ng bottled water? Anong lifestyle bang meron ka? Ancient era?”

Tumingin siya sa akin at ngumuso. Umiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga.

Lumapit ako sa kanya at inagaw ang bote.

“Akin na nga.”

Walang kahirap-hirap kong binuksan iyon at tumingin sa kanya.

“Ganun lang.”

Inabot ko sa kanya ang tubig at tinanggap niya iyon. Akala ko okay na pero ang sumunod niyang ginawa ay talaga namang nagpagimbal sa buong sistema ko.

Imbis na uminom… dinilaan niya lang yung butas ng bottled water.

As in… dumila. Hindi inom dahil dila talaga!

Napanganga ako.

“Ano ’yan?!”

Bigla kong inagaw ang bote.

“Hindi ’yan ice cream! Tubig ’yan, iniinom!”

Dahil inagaw ko sa kanya ay napaatras siya at napaungol pa na parang inagawan ko siya ng pagkain.

“Umaangal ka pa?!”

Tinapon ko sa gilid ang tubig.

“Okay. Ayoko na. Lumalampas ka na sa pagiging weird, nasa ibang level ka na.”

Tinuro ko ulit ang pinto.

“Alam mo, lumabas ka nalang, please. Kahit sandali lang. Kailangan kong mag-isip kung anong gagawin ko sayo at kung tatawag na ba ako ng… ewan, exorcist? Psychiatrist?”

Hindi siya gumalaw.

Syempre. Bakit nga ba siya susunod sa kahit anong sinasabi ko? Baliw nga pala ’to. At manyak pa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Mainit pa rin iyon at matipuno.

At bakit ko pa yun pinansin? Focus, Yuri.

“Halika na nga!” ani ko sabay hila sa kanya papunta sa pinto.

Sinubukan pa niyang umangal, pero dahil mas determinado ako ngayon na magkaroon ng peace of mind ay nagawa ko siyang mailabas.

“Yuri—”

Mabilis kong isinara ang pinto nang saktong pagkalabas niya sa hallway. Ni-lock ko pa yun para hindi talaga siya makapasok.

Sumandal ako doon at nakahinga nang maluwag.

Finally.

Wala nang problema.

Wala nang manyak na hindi marunong uminom ng tubig.

Pero agad din akong natigilan at tumingin sa kisame.

“…asan yung pusa ko?”

Chapter 02 : Shiro

02 : Shiro

YURI

Binuksan ko agad yung pinto. At nakitang nando’n pa rin si kuya.

Tahimik lang siyang nakasandal sa pader. Magulo yung buhok, bagsak yung balikat, at yung mata ay parang konti na lang, maiiyak na.

Parang pusa na iniwan sa labas.

“Y-Yuri…!” nakangusong tawag niya. Pinanliitan ko siya ng tingin.

Bakit parang ako pa yung may kasalanan dito?

Hindi ko naman siya inaway. Pinalabas ko lang.

At isa pa, malaki na siya. Six-footer nga. Mukha pang may sariling skincare routine. Hindi ’yan dapat umiiyak sa hallway ng condo.

“Bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ko kahit obvious naman. Hindi ka naman multo na nag-teleport, diba?

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa akin. Yung tingin na parang… kanina pa ako hinahanap.

Ay wow.

Ano ako, emotional support system?

“Tsk… pumasok ka na nga!” Bumuntong-hininga ako. “Mukha ka namang hindi marunong mag-Grab. Baka mapunta ka pa sa kabilang building.”

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang bigla niyang pagyakap sa akin pagpasok niya. As in walang pa-warning, dumiretso lang talaga siyang lumapit at yumakap sa akin nang mahigpit.

“Huy!” Nanigas ako.

“Yuri…” bulong niya.

“Bitaw. Hindi tayo close,” ani ko pero hindi ko rin siya tinulak agad kasi… wala na kayo ro’n.

Makalipas ang ilang segundo ay kumawala na ako sa yakap niya.

“Kumain ka muna,” sabi ko agad para maiba ang topic. “Baka sakaling gumana utak mo ’pag may laman na ang tiyan mo.”

Pinaupo ko siya sa isang upuan sa dining area.

Naglabas ako ng hotdog at itlog sa ref dahil iyon lang naman ang alam kong lutuin. Habang nagluluto ako ay ramdam ko pa rin yung mga titig niya.

Para siyang CCTV ngayon na nakatutok sa’kin pero walang off switch. Hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious sa sarili.

“Anong tinitingin mo d’yan?” sambit ko. “Hindi ako YouTube tutorial. Wala kang matututunan dito.”

“…Yuri.” tawag na naman niya sa pangalan ko. I frowned.

“H’wag mo akong tawagin nang ganyan. Parang may utang ako sayo na hindi ko maalala.”

Sumulyap ako sa kanyang puwesto, pero agad din napahinto nang makitang wala na siya roon sa upuan at nakaupo na ngayon sa sahig.

Sa tabi ng bowl ng pusa ko.

Okay.

Hindi ako

mag-ooverthink

.

Hindi ako

mag-ooverthink

.

Hindi ako mag-ooverthink

.

“Hoy, pusa ka ba? Bumalik ka d’yan sa upuan mo. Mukha ka kayang endorser ng perfume. Tigil-tigilan mo ako ha?”

Sandaling tumingin siya sa bowl bago ibinalik ang tingin sa akin.

“…dito.”

“Hindi! Dito ka sa mesa. Hindi kita pinapalaki para kumain sa sahig—wait, hindi nga kita pinalaki—ay! Basta, dito ka!”

Parang nag-alangan pa siya noong una pero kalaunan tumayo rin at inis na umupo sa upuan.

Nilapag ko yung pagkain sa harapan niya pagtapos kong magluto.

“Kain na.”

Pero tumingin lang siya sa pagkain. Yumuko ito at inamoy-amoy pa muna iyon bago sinubsob ang mukha sa plato. Nanlaki ang mata ko.

“Baliw! May kamay ka diba? Gumamit ka ng kutsara at tinidor!”

Pero patuloy lang siya sa paggamit ng bibig sa plato. May ilan pang nagtalsikan na mga kanin sa gilid.

Para akong nakakita ng multo habang tulala at pinapanood siyang kumain. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o matatakot.

Baka adik nga talaga siya?

Baka nakatira lang siya sa kabilang condo unit at napagkamalan itong room ko na sa kanya at hindi niya lang maalala dahil nag-aadik siya?

Naputol nang bahagya ang pagmumuni ko nang tumigil siya sa pagkain.

“Yuri… mamam.”

Para akong nabingi sa sinabi niya.

“…a-ano?”

Tumingin ulit siya sa’kin.

“Mamam.”

Teka…?

Mamam

.

..

Mamam

.

..

Mamam

.

..

Parang pelikulang nag-replay bigla sa isip ko ang sarili kong boses tuwing…

Lika

,

mamam

ka muna.

“Tubig,

mamam

.“

Tuwing pinapainom ko ng tubig yung… pusa ko.

Hindi.

Hindi.

Hindi ka nababaliw, Yuri.

Hindi ka aabot sa puntong iisipin mong si Shiro na pusa mo ang lalaking pinapakain mo ngayon sa lamesa mo.

“…Yuri.” Napalingon ako sa puwesto ng lalaki at muling nagtama ang aming mga mata.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatae sa puwesto ko.

Kasi kung tama ako…

Wala na. Tapos na.

Game over.

Respawn na lang… charot, corny ko sa part na ’yon.

Huminga akong malalim at napahawak sa ulo.

“Shiro?”

Tumingin ang lalaki sa akin at ngumiti.

“Yuri!”

…okay.

Confirmed.

Game over nga.


Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa kama. Magkatapat ang puwesto namin ni… Shiro.  Nakasandal ako sa headboard ng kama habang nasa kabilang dulo sa paahan naman siya at nakaayos ng upo, tila naguguluhan pa sa aming posisyon kaya’t nagtatakang nakatingin sa akin.

Tinitigan niya ako.

Tinitigan ko siya.

Tinitigan niya ulit ako.

Tinitigan ko ulit siya.

Kung may staring-contest lang ngayon, baka panalo na sana ako sa aming dalawa.

“Yuri—”

“Stop,” sabat ko agad. Tumahimik naman siya at ngumuso.

Yung kamay niya ay naglilikot at parang gusto pa yata akong hawakan pero nagdadalawang-isip lang. Hindi siya lumalapit. Pero base sa expression niya ay halatang gusto niya.

“Stay there,” sabi ko, sabay turo sa puwesto niya. Dahan-dahan naman siyang tumango at nanatili sa puwesto niya.

“Good boy—ay… hindi. Cancel. Basta ’wag kang lalapit.” Napakamot ako sa ulo at pumikit. Para akong sisinatin sa mga nangyayari ngayong araw.

Bakit ba ako nag-guilty sa isang taong literal na dumidila lang ng tubig sa bottled water?

Nang makita ang lungkot sa mukha niya ay umiwas ako ng tingin.

“Hindi kita inaaway,” saad ko. “Nag-a-adjust lang ako. Hindi ako prepared sa ganitong klaseng… sitwasyon.”

“…lapit?” tanong niya.

“Hindi!” mabilis kong angal sa alok niya. “Mamaya. Hindi pa ako emotionally stable.”

Napabuntong-hininga siya.

Saglit ko siyang pinagmasdan sa kanyang puwesto.

Ngayon ko lang na-realize… ang cute din pala ni—hindi.

Hindi pala cute.

Stress.

Stress ang tawag dito.

“Maliligo lang ako,” umalis ako sa kama at tumayo. “Huwag kang gagalaw. Huwag kang gagawa ng kahit anong ikakasira ng ulo ko please.”

Saglit siyang tumingala sa akin.

“…hintay.”

“Good. Stay ka d’yan. Parang furniture lang, go.”

Pumasok ako sa CR at mabilis na naghubad ng damit. Binuksan ko ang shower at hinayaang rumagasa ang tubig sa mukha at katawan ko.

Hindi ko alam kung anong mas malala. Yung fact na pusa ko siya… or yung fact na ang pusa ko ay gwapo pal—joke. Wala akong sinabi.

Mabilis akong umiling at hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumatama sa mukha. Feeling ko talaga, mababaliw na ako.

Kung pusa ko talaga siya… kung siya nga talaga ang Shiro ko… paano?

Bakit naging… ganoon siya? Paano iyon nangyari?

Matapos maligo ay kinuha ko ang damit kong nakasampay sa gilid at sinuot iyon. Nagtoothbrush din at pagtapos ay lumabas na ng CR.

Napatigil ako sa paglalakad.

Makalat. Sobrang kalat. Parang may bagyong dumaan na may personal na galit sa kwarto ko. Yung unan ko ay nasa sahig. Maski yung kumot ay wala sa kama.

At yung mga gamit ko… bakit nakakalat sa kung saan-saan?

Kumuyom ang kamao ko.

“Shiro?”

Pero walang sumagot. Right.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang dambuhala kong pusa. Agad ko naman siyang nahagip at nakita sa isang sulok. Parang baliw na naka-squat… sa tabi ng cat litter.

Nalaglag ang panga ko.

“HOY!” Mabilis akong tumakbo sa kanya at pinatayo siya.

“Anong ginagawa mo?!”

Tumingin siya sa’kin, parang nahuli.

“…Yuri?”

“H’wag!” sigaw ko nang subukan niyang bumalik sa puwesto at hinila siya. “Hindi ’yan CR! Hindi ka na—h-hindi mo na pwedeng gawin ’yan dito!”

Halos kaladkarin ko siya papunta sa banyo.

“Dito! Sa inidoro ka magdumi!”

“…dito?” tanong niya pa na parang nalilito.

“OO, DITO!” sabi ko. “Hindi kita pwedeng hayaan na… basta, hindi pwede, okay?”

Ngumuso naman siya at yumuko lang sa toilet. Hindi pa yata alam kung anong gagawin niya doon kaya pinaupo ko siya at sinabihang ibaba ng konti ang shorts niya. Tumalikod ako pagkatapos at hinintay siyang matapos sa ginagawa niya.

Kung pwede lang siyang iwan dito at lumanghap ng sariwang hangin sa labas, baka kanina ko pa ginawa. Nagtakip nalang ako ng ilong at hinintay siya na matapos sa ginagawa. Baka kung ano pang gawin neto pagkatapos at maghukay ng buhangin sa litter niya.

“Yuri,” tawag niya nang matapos siya.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakitang nakatakip ang dalawang kamay niya sa gitna.

Kinuha ko ang bidet sa gilid niya at pinakita kung paano iyon gamitin.

“Ganito,” sabi ko habang hawak yung bidet. “Pindot. Tubig ang panlinis. Hindi dila. Uulitin ko: HINDI. DILA.”

Tumingin siya sa bidet. Pinanood niya akong buksan ang bidet, at nang lumabas mula roon ang tubig ay bigla siyang napatalon at sumabit sa akin.

“MAMAM!” parang tangang inagaw niya ang bidet at tinaboy iyon sa malayo. Samantalang bumulagta naman ako sa sahig at halos maubusan na ng hininga dahil sa sobrang bigat niya.

“Yuri…” nag-aalalang bulong niya nang makitang nag-e-epilepsy na ako sa baba.

“A-alis… a…lis…!” naghihinalo ko nang giit at gamit ang natitirang lakas, ay buong puwersa siyang tinulak sa pagkakadagan sa akin.

Napalayo naman si Shiro dahil doon, pero nagawang iwasan pa ang nabasang parte ng CR at lumayo sa inidoro. Mabilis akong humugot ng hininga at tinignan siya ng masama.

Tumayo ako sa puwesto at mabibigat ang mga paa na lumapit sa kanya. Nakita ko pa siyang pag-atras pero hindi ko iyon inalintana.

Kumapit ako sa magkabilang balikat niya at muli itong tinulak paupo sa toilet bowl. Kumalabog pa nang malakas ang tatakpan ng inidoro dahil sa sobrang lakas ng tulak ko sa kanya pero hindi ko iyon pinansin.

Naiiyak siyang tumingala sa akin habang nakakapit pa sa magkabilang gilid ng pader.

Dinuro ko ang mukha niya.

“Isang inarte mo pa, malalagutan ka sa’kin, Shiro.”

Napalunok siya ng laway at nanginginig na tumango.

Nagmartsa ako palabas ng CR at sinara iyong pinto. Hindi rin nagtagal nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa loob. Nakahinga ako nang maluwag at nagtungo sa kwarto.

Kinuha ko ang cellphone sa study desk ko at tumipa ng mensahe sa chat namin ng kaibigan ko.

Me:

beh, mababaliw na ata ako.


Return to top?

Part of a series

What If Series

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.