Whispers of Breathless Love - Under Revision.
COVEEEEN · 3 chapters · 10,301 words
Whispers of Breathless Love
Good Trans Series #1
: Whispers of Breathless Love
This story can be read as a
standalone story
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events, locales, and incidents are either products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or to real events is purely coincidental.
All characters and events portrayed in this story are entirely fictional.
CONTENT WARNING
This story is a work of dark romance and contains themes that may be disturbing or uncomfortable for some readers. It includes elements of emotional intensity, power imbalance, manipulation, obsession, jealousy, possessiveness, and morally complex relationships. Certain scenes may depict psychological conflict and situations that challenge healthy boundaries.
The story centers on a complex relationship between a trans woman and a straight man, portrayed within a dark romance dynamic. Their journey explores identity, desire, vulnerability, and connection in ways that may be intense, unconventional, and emotionally charged.
Please note that the characters, their choices, and their actions are fictional and are not intended to represent ideal or healthy real-life relationships. The themes explored in this story should not be interpreted as endorsements of harmful behavior.
Reader discretion
is strongly advised.
If you are sensitive to any of these themes, please proceed with caution.
AUTHOR’S NOTE
This story is currently unedited and may contain grammatical errors, typographical mistakes, or inconsistencies. Thank you for your patience and understanding while reading.
If such errors affect your reading experience, you may wish to wait for a revised version.
COPYRIGHT NOTICE
All rights reserved.
No part of this book may be reproduced, distributed, transmitted, stored in a retrieval system, or used in any form or by any means, whether electronic or mechanical, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations used for reviews, commentary, or other purposes permitted by applicable copyright laws.
———————————————————————————
Bata palang ay ramdam na ni Ari ang pagkakaiba niya sa mga kaklase niya at sa mga lalaking nakakasalamuha niya na nasa pareha niyang edad. Malambot, may pilantik at hindi tigasin kung siya ay gumalaw kaya naman ay naging isa ito sa dahilan kung bakit siya nakaranas nang pangkukutya mula sa mga kamag aral.
Si Kristian, isa tipikal na lalaki. Tigasing, maangas at may mapagmalaki kung gumalaw, isang malaking kabaliktaran sa kung ano ang mayro’n kay Ari. Isang walang masiyahin at puno nang kagaslawan kung umakto ang lalaki.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kumilos ang isa nilang kaklase na maputi, bilugan at may kagandahan na taglay na sa tingin niya ay hindi naman dapat na taglay ng isang lalaki. Naging rason kung bakit pinilit niyang ipasok ang sarili sa mundo ni Ari, kahit pa sa pamamaraan na ikakasakot ng tao.
Paano kung ang pagkakahiwaga niya ay mauuwi sa pagkakaibigan o sa pagkaka-ibigan nilang dalawa. Ang ginusto lang naman dapat niya ay maintindihan ang pagkaka iba nito.
Written by
: COVEEEEN
Chapter 1
CHAPTER 1
Paikot-ikot kong ginuguhit ang dulo ng aking ballpen sa papel habang iniisip kung ano na naman ang puwedeng gawin sa akin ng dalawa kong kaklase na sina Kristian at Oliver ngayong araw. Lunes ngayon, at kasalukuyang nagtuturo ang aming English teacher na si Ma’am Fhey.Habang nakatuon ang atensyon ko sa harapan at nakikinig sa kaniyang leksyon, may papel na tumama sa aking kaliwang balikat.
Napalingon ako at agad iyong pinulot. Pagkadampot ko rito, hinanap ko ang pinanggalingan nito.Iginala ko ang aking paningin sa bandang kanan ng silid upang makita kung sino ang nambato sa akin. Sumisilip ang araw mula sa malalawak na bintanang nakabukas sa kaliwang bahagi ng silid. Malaya ring pumapasok ang preskong hangin na marahang humahaplos sa aming balat.
Hindi kalayuan sa aking pwesto, sa bandang likuran ng silid, ay nakita kong nakasandal si Kristian habang nakatitig sa akin. May kung anong saya sa kaniyang mga mata, habang bahagyang nakaangat ang isang sulok ng kaniyang labi.
Tinagilid niya ang ulo niya habang patuloy akong tinititigan.
Napakunot naman ang noo ko.
Maya-maya ay may dinukot siya mula sa kaniyang ilong at pinagulong iyon sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Saglit ko siyang tiningnan bago muling ibinalik ang atensyon ko sa harapan. Ilang segundo pa lamang ang lumipas nang may panibagong papel na tumama sa aking balikat.
Hindi ko iyon pinansin. Alam ko namang si Kristian na naman ang may pakana.
Ano na naman ba ang trip niya? Ano na naman ba ang pakulo niya at nagsasayang siya ng papel? Hindi ba sila napapagod?
Magbibinata na sila pero ganito pa rin ang kanilang libangan. Ang pagtripan ako. Ano bang nakukuha nila sa pang-aasar at pangungutya sa akin? May pera ba roon? Kung mayroon, dapat hati kami para naman may napapala rin ako sa mga ganito nilang kalokohan. Eme.
Hindi ko na lamang pinansin ang papel at ipinagpatuloy ang pagguhit ng kung anu-anong linya sa aking notebook. Guhit dito. Guhit doon.
Nasa harapan pa rin ang atensyon ko habang paikot-ikot na gumagalaw ang aking ballpen sa papel. Ngunit sa pangatlong pagkakataon, may tumama na naman sa aking batok. At sa pagkakataong iyon, hindi na basta papel ang ibinato sa akin. Basa ito. Oo. Basa.
Nangilabot ako nang maramdaman kong pati ang balat ko ay bahagyang nabasa sa pagtama nito. Agad na pumasok sa isip ko ang isang nakakakilabot na posibilidad.
Huwag naman sanang laway. Nakarinig ako ng mahihinang tawanan mula sa likuran. Mga bulungan na akala mo ay hindi ko naririnig.Mga salitang akala mo ay kaya pa akong saktan matapos ang lahat ng ginawa nila sa akin.
Bata pa lamang ako ay alam ko nang kakaiba ako. Alam kong hindi ako katulad ng ibang anak na lalaki sa aming lugar. Ramdam ko rin na hindi ako katulad ng karamihan sa mga lalaking kaklase ko.
Hindi ako barako kung kumilos. Hindi ako matikas kung tumayo. Hindi rin ako ganoon kumilos o magsalita. Sa puso at isip ko, alam kong babae ako. Isang babaeng nagkataong napunta sa katawan ng isang lalaki. At alam ko ring iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit naging paborito nila akong kutyain.
Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong ito at sa ilang taon ko silang naging kaklase, parang naging normal na lamang sa akin ang ganitong pagtrato nila. Na iba ang tingin nila sa akin. Na para bang may nakakahawa akong sakit.Na para bang may mali sa mismong pag-iral ko.
Pero natuto na rin akong huwag silang pansinin. Hinahayaan ko na lamang sila sa kung ano mang trip nila sa buhay.Bukod sa ayaw kong masangkot sa gulo na ikagagalit ng aking nanay, alam ko ring ako ang dehado kapag lumaban ako.
Ayaw ko pa namang mabugbog. Berna naman.
“Psst! Bakla. Hoy! Aries… chupa!” Sitsit sa akin ni Kristian sa mababang boses, sapat lang para marinig ko. Ito talaga siguro ang isa sa mga bagay na hindi ko kailanman masasanay.
Ang tawagin niya ako kung anu-anong bagay na akala mo naman ay ikinagwapo niya. Hindi naman ako inosente. Alam ko ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. At alam ko ring nakakadiri.
Hindi ko na inabala ang sarili kong lingunin siya. Alam ko naman kung ano ang pakay niya. Sa halip, mas pinili kong intindihin ang tinatalakay ni Ma’am Fhey sa harapan.
Kabisado ko na kasi ang babaeng iyon. Pagkatapos niyang magturo, siguradong may quiz o activity kaming sasagutan. At ayokong bumagsak dahil lang sa isang kulangot na nagkataong nagkaroon ng sariling katawan at pangalan.
“Aries! Psst! Psst!” Narinig ko na naman ang pagsitsit mula sa likuran.
Ano ba ang tingin niya sa akin? Pusa? Makasitsit naman akala mo may balahibo ako at umiinom ng gatas sa platito.
Nang matapos magsalita si Ma’am Fhey at makita kong nagliligpit na siya ng mga libro at notebook niya, agad kong inihanda ang mga kakailanganin ko.
Sa likod ko, tuloy pa rin ang pangungulit ni Kristian. Kung anu-anong salita ang binibitawan niya na para bang wala na siyang ibang libangan sa buhay.
Tamad kong ibinaba ang ballpen ko bago isinara ang notebook at ipinasok iyon sa bag. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang pad paper at pumilas ng isang malinis na papel. Sakto namang inanunsyo ni Ma’am Fhey na may quiz kami.
Dalawampung items. Agad na umalingawngaw ang mga reklamo sa loob ng silid.
Napangiwi ako. Akala mo naman ay inagawan sila ng mana. Patay. Mukhang papel ko na naman ang mauubos.
At hindi nga ako nagkamali. Paglabas na paglabas ko pa lang ng pad paper, nagsimula nang magsilapitan ang mga kaklase ko. Para silang mga langaw na nakakita ng bagong tae.
“Aries! Pahingi ako ng isa!”
“Ako rin! Isa lang! Naubos na kasi ‘yung akin!”
“Pahingi rin, Aries, baby!” Boses iyon ni Oliver. Isa rin siya sa mga paboritong magtrip sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Tahimik akong nagpunit ng mga papel at isa-isang iniabot sa kanila. Mga kaklase kong ginawa akong charity. National Book Store. School supplies section. Complete package.
Seryoso lang ha. Pare-pareho tayong estudyante rito. Bakit parang ako lang ang may responsibilidad magdala ng papel?
May mga magulang naman sila. At sigurado akong mas may kaya pa nga ang ilan sa kanila kaysa sa amin. Samantalang ako, halos bilangin ko na ang bawat piraso para lang tumagal hanggang katapusan ng buwan.
“Isa-isa lang ha,” sabi ko habang nagpupunit ng papel. “Nagtitipid din kasi ako.”
Tumango naman ang ilan. Ang iba, ngumiti lang. Pero wala ni isa ang umatras. Mga chaka!
Akala mo talaga mga pusang naghihintay ng pagkain. O mga asong naghihintay ng butong ihahagis ng amo nila.
“Aries, baby! Pahingi rin ako.” Bigla akong inakbayan ni Oliver. Agad sumingit sa ilong ko ang napakatapang niyang pabango.
Napakurap ako. Grabe. Lakas-lakas mang-bully pero amoy Juicy Cologne na pink.
Ano ka ba talaga, kuya? Gusto ko sanang itanong iyon nang malakas. Kaso baka ako naman ang mawalan ng hininga kapag sinakal niya ako rito. Kaya sa isip ko na lang sinabi.
Napahagikhik tuloy ako mag-isa.
Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakapatong sa balikat ko. Pagkatapos ay tiningnan ko siya nang matalim bago siya inirapan. Napakunot ang noo niya. Parang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. May bakas pa nga ng pagtataka sa mukha niya. Hindi ko na iyon pinansin.Sa halip, ipinagpatuloy ko na lang ang pamimigay ng papel sa mga kaklase kong tila walang balak bumili ng sarili nilang school supplies habang-buhay.
“Guys! Faster! We only have twenty minutes left to finish your quiz. Pereze, tama na ‘yan!” Saway ni Ma’am Fhey. Sabay-sabay namang napaangal ang mga kaklase kong wala pang papel.
Seryoso?Ano ba ako rito? Mukha ba akong sponsor ng papel?
Ibinaba ko ang tingin ko sa pad paper ko at halos malungkot akong napabuntong-hininga. Kakabili pa lang nito ni Nanay noong nakaraang linggo. Ngayon, manipis na agad.
Ano ba naman kasi ang mga kaklase ko? Sa lahat ng puwedeng mawala sa kanila, bakit papel pa? Ang lalakas manghingi. Tapos kapag wala na silang kailangan, parang hindi ka na nila kilala.
Hindi naman sa gusto ko ang atensyon nila. Pero alam mo ‘yon? Kapag wala silang pakinabang sa’yo, para kang hangin. Ni hindi ka lilingunin. Ni hindi ka kakausapin. At higit sa lahat, para kang may nakahahawang sakit dahil lang sa pagiging iba mo.
Bigla akong nakaramdam ng presensya sa tabi ko. Tumayo si Oliver sa aking gilid bago inilapit ang mukha niya sa tainga ko. Agad kong naamoy ang hininga niya.
Grabe. Amoy adobong tatlong araw nang naiwan sa initan. Charot!
Hindi ba ito naturuang magsipilyo? Kahit dalawang beses lang sa isang araw? Bakit parang nakatira pa rin ang adobo sa bibig niya?
“Alam mo, Aries,” bulong niya. “Ang ganda mo pala para sa isang lalaki. Kaya siguro naging bakla ka. Bagay kasi ang mukha mo sa mga tite.” Mahina siyang tumawa. Nanindig ang balahibo ko.
Hindi dahil kinilig ako. Kadiri. Mabaho na nga ang bibig, bastos pa.
Napalingon ako sa kaniya. Tahimik akong nagpunit ng isang pirasong papel at marahang inilapag iyon sa mesa. Agad naman iyong pinulot ni Oliver.
Ngumisi siya. “Thank you, baby. Mamaya ka sa akin.” Kumindat pa siya bago mabilis na naglakad pabalik sa kaniyang upuan. Panibagong kilabot na naman ang dumaan sa katawan ko.
Baby? Alam kong baby-faced ako. Pero hindi ibig sabihin no’n na puwede niya akong tawaging baby. Ew!
Matapos kong bigyan ng papel ang mga ulila kong kaklase sa school supplies department, nagsibalikan na rin sila sa kani-kanilang upuan. Sa wakas.
Nag-umpisa na ang quiz. At dahil sa sobrang dami ng ipinagawa ni Ma’am Fhey, ginawa na lang niyang assignment ang essay portion.
“Your essay must be written in full English. Three hundred words minimum and five hundred words maximum. Ipapasa ninyo iyon bukas. Now clean your desks and wait for your next teacher. Bye, class!” Pagkaalis ni Ma’am Fhey ay agad na nagtayuan ang mga kaklase ko.
Nagtipon-tipon sila sa kani-kanilang grupo at nagsimulang pag-usapan ang quiz. Hindi ko sila pinansin. Mas pinili kong ligpitin ang mga gamit ko. Pero dahil dikit-dikit ang mga upuan namin, rinig na rinig ko pa rin ang usapan ng mga lalaki.
“Sexy ni Ma’am, no? Siguro nakantot na ‘yan ng boyfriend niya.”
Napangiwi ako. Kadiri. Ayan na naman sila. Hindi na naman matigil sa mga bastos nilang usapan. Bakit ba ganito ang karamihan sa mga kaklase kong lalaki? Akala mo walang nanay. Walang kapatid na babae. Hindi ba nila naiisip na pribadong bagay ang mga ganoong usapan?
Grade Seven pa lang kami pero kung magsalita sila, akala mo kung sinong matatanda. Hindi naman ako inosente. Alam ko ang ibig nilang sabihin. Pero hindi ibig sabihin no’n na gusto kong marinig ang mga ganoong klase ng usapan.
Naputol ang pag-iisip ko nang may tumayong muli sa tabi ko. Paglingon ko, si Kristian pala. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin. Tapos na ba siyang magmina ng ginto sa ilong niya?
“Bakla!” yamot niyang tawag. “Bakit hindi mo pinansin ‘yung papel na binabato ko sa’yo kanina?” Nakasalubong ang mga kilay niya. May hiwa ang isa sa mga ito sa gilid. Ang mga mata naman niya ay punong-puno ng pagkainis.
Ano na naman kaya ang problema nito? Ano na naman ang pakulo ni Piccolo?
Napansin kong gumala ang tingin niya sa buong mukha ko. Para bang may sinusuri siya. Nang mapadpad ang mga mata niya sa nunal ko sa pisngi, bahagyang umawang ang labi niya.
May kung anong kislap ang dumaan sa madidilim niyang mga mata. Hindi ko namalayang napatingin din ako sa kaniya. Mula sa maayos niyang gupit. Sa makakapal niyang kilay. Sa matatalim niyang mata na may mahahabang pilikmata. Sa tuwid niyang ilong. At sa mapula niyang labi na parang may lipstick. Maayos din ang pagkakahulma ng kaniyang panga.
Sakto lang. Sakto lang para maging pangit sa paningin ko.
Napalunok ako. Hindi dahil humanga ako. Kinabahan lang ako. Konti. Siguro.
“A-Ah… bakit?” tanong ko. “May kailangan ka ba sa akin, Kristian?”Agad kong iniwas ang tingin ko at nagkunwaring abala sa mesa.
Matunog siyang ngumisi. At wala iyong bahid ng tuwa. “Nakalimutan mo na ata ang usapan natin noong isang linggo.”
Nanlamig ang sikmura ko.
“Ang usapan, usapan. Nangako kang bibilhan mo ako ng pagkain at maiinom. Nasaan na? Nauuhaw na ako, bakla.”
Bahagya niyang sinipa ang gilid ng upuan ko gamit ang paa niya. Hindi naman malakas. Pero sapat para kabahan ako. Hindi niya pa naman ako nasusuntok kahit kailan.
Si Oliver? Oo.
Pero si Kristian? Hindi pa. Kaya nga mas nakakatakot. Hindi ko alam kung kailan siya sasabog.
“Sagot.” Mas malakas na ang boses niya ngayon.
Napalingon pa tuloy ang ilang kaklase namin. Halos manginig ang kamay ko. Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya. Madilim ang ekspresyon niya.
Tiim ang panga.
“K-Kristian…” Nauutal akong napalunok. “Bente pesos lang kasi ang baon ko. Pambili ko rin ‘yon ng pagkain mamayang recess. Hindi ko naman nakakalimutan ang usapan natin, pero sana huwag naman ngayon.” Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Nakakahiya… Nakakatakot… At higit sa lahat, nakakapagod.
Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Parang may kung anong binabasa sa mukha ko. Muling gumala ang tingin niya sa bawat detalye ng aking mukha.
“Wala akong pakialam.” Malamig ang boses niya.
“Bumili ka ng pagkain at maiinom sa canteen habang wala pa si Sir. Bilisan mo.” Pagkasabi no’n ay tumalikod siya at bumalik sa kaniyang upuan. At sa daan ay sinipa pa niya ang isang bakanteng upuan na para bang doon niya inilabas ang galit niya.
Napabuntong-hininga ako. Wala na naman akong nagawa. Tumayo ako mula sa upuan ko at lumabas ng silid.
Mahigpit kong hawak ang nag-iisa kong bente pesos. Kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Wala akong nagawa kundi tumayo at lumabas ng silid para bumili ng mga ipinapabili niya. Kasama ng bente pesos kong baon, dala-dala ko rin ang malakas na kabog ng aking dibdib.
Habang naglalakad sa hallway, may isang pamilyar na pigura ang agad na nakakuha ng aking atensyon. Matangkad at tahimik. At parang laging galit sa mundo.
Nakatayo siya sa gilid ng hallway sa tapat ng Section One, ang seksyon ng mga matatalino. Nakapamulsa siya habang nakikipag-usap sa isa niyang kaklase. Kahit mula sa malayo, kapansin-pansin na agad ang kaniyang presensya.
Papalapit pa lamang ako ay napunta na sa akin ang kaniyang atensyon. Nagtagpo ang aming mga mata. Nanlamig agad ang batok ko. Ang talas niyang tumingin. Para bang isang kutsilyong kayang humiwa ng laman sa isang tingin lang. May kung anong kabang dumaan sa akin.
Mabangis ang kaniyang mga mata. Para siyang leon na tahimik na nagmamasid sa paligid. Ako ang unang umiwas ng tingin. Ibinaling ko ang aking atensyon sa sahig at nagkunwaring abala sa paglalakad. Pero kahit hindi ko siya tinitingnan, ramdam ko pa rin ang kaniyang mga mata habang dumadaan ako sa harapan nila. Ang silid nila ay nasa bandang unahan lamang ng aming classroom. Kaya tuwing papunta sa canteen, imposibleng hindi ko madaanan ang Section One at ang mga estudyanteng naroon.
Pagdating ko sa canteen ay agad akong nagtungo sa counter. Isang Zesto at isang pakete ng biskwit. Iyon lang ang kaya ng bente pesos kong baon.
Pagkatapos magbayad at masuklian, agad akong bumalik sa aming silid. Umaasa akong hindi pa dumarating si Sir Jun.
Habang papalapit ako sa classroom, mas lalo namang lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Kapag nauna si Sir Jun, siguradong mapapagalitan ako. Hindi naman siya istrikto pagdating sa pagkain. Madalas nga niyang sabihin na mas natututo ang estudyante kapag busog.
Pero paano ko ipapaliwanag na hindi naman para sa akin ang pagkain? Na para ito sa lalaking nananakot sa akin?
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Ngunit pagdating ko sa silid ay agad akong napahinto.
Nasa harapan na si Sir Jun. Nagsasalita na siya at halata sa itsura niya na seryoso siya sa kaniyang mga impormasyon na sinasabi. Natigil siya nang makita ako.
Napalunok ako at napangiti nang alanganin.
“H-Hi po, Sir.”
“Oh, Pereze.” Kumunot ang noo niya. “Saan ka galing? Andito ka pala ngayon. Ang sabi ng kaklase mo, absent ka raw.”
Napakunot din ang noo ko. Sinong nagsabi no’n?
“Ah, hindi po, Sir. Pumunta lang po ako sa canteen kasi nagutom po ako.” Itinaas ko ang hawak kong pagkain. “Bumili lang po ako ng Zesto at biskwit.”
Tumango siya.
“Ah, sige. Pumasok ka na. Mag-uumpisa na tayo.”
“Okay po, Sir. Sorry po.” Mabilis akong pumasok sa loob.
Habang naglalakad papunta sa aking upuan, agad kong napansin ang pares ng matang nakatutok sa akin. Si Kristian. May bakas ng aliw sa kaniyang mukha at parang natutuwa pa siya sa kung ano mang nangyari.
Siya kaya ang nagsabing absent ako? Hindi na ako magtataka. Iba talaga ang lalaking iyon. Pagkaupo ko ay pasimple kong inilapag ang Zesto at biskwit sa gilid ng mesa niya. Agad naman niya iyong kinuha.
Ngumisi pa siya. Sabay kindat na akala mo ay kinaguwapo niya. Che! Pangit.
Lumipas ang oras ng Filipino at dumating rin ang recess. Akmang tatayo na ako nang biglang may sumigaw mula sa pinto.
“Aaaaaah! Ari! Tara na! Doon tayo sa tambayan natin! May dala akong pagkain!” Napalingon ako. Si Joy. Nakadungaw siya sa pinto habang kumakaway na parang nanalo sa raffle.
Napangiti ako. Sa lahat ng estudyanteng nakilala ko rito, si Joy lang ang tunay na naging kaibigan ko. Siya lang ang lumapit sa akin nang walang hinihinging kapalit. Siya lang ang hindi tumingin sa akin na para bang may mali sa pagkatao ko.
Hindi kami magkaklase. Nasa Section Two siya habang ako naman ay nasa Section Three.
Nahuli kasi ako sa pagpapa-enroll kaya napunta ako rito. Malas nga naman. Sa dami ng seksyon sa paaralan, dito pa talaga ako napunta kasama ang mga lalaking akala mo ay mga anak ni Pacquiao kung umasta.
Tumayo ako at isinukbit ang bag ko. Halatang-halata ang excitement sa mukha ni Joy. Kung makangiti siya, parang may handaan.
At sa totoo lang, pagkatapos ng umagang iyon, kailangan ko rin ng kaunting saya.
“Ah, Joy. Wala kasi akong pera. Nagastos ko na ang baon ko kanina. Nagutom kasi ako kaya napabili ako,” pagsisinungaling ko.
Tiningnan niya ako nang makahulugan, na para bang alam na alam niya kung bakit nawala ang baon ko. Pasimple pa niyang sinilip ang direksyon ng classroom namin bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
Ngumuso siya. “Ano ka ba, Ari! Okay lang ‘yan. Ang dami kong baon ngayon. Nagluto si Mama at sinabihan ko siyang damihan para may maihati ako sa’yo. You know naman si Mama. Laban na laban ‘yon kapag ikaw ang pinag-uusapan.”
Humagikhik siya matapos sabihin iyon. Hindi na ako nakasagot. Kahit nahihiya ako, wala na rin naman akong nagawa kundi tanggapin ang alok niya. Dahil doon, sumunod na lang ako sa kaniya habang bitbit ang aking bag papunta sa tambayan namin.
Naupo kami sa ilalim ng malaking puno sa likod ng isang gusali. Malamig ang simoy ng hangin at malambot ang damong aming inuupuan. Saglit kong iginala ang aking paningin habang nakikinig sa mga huni ng ibon sa paligid.
“Charaaan!” Agad na naagaw ni Joy ang atensyon ko.
Binuksan niya ang kaniyang baunan at ipinakita iyon sa akin na parang isang treasure chest.
“Look, Ate ko! Ang dami, di ba? Sobra pa nga! Laban na laban ang ulam ko ngayon. Specialty ni Mommy ang chicken curry.” Napatingin ako sa laman ng baunan niya.
Mainit-init pa ang pagkain at bahagya pang umuusok. Mabango. At halatang pinaglaanan ng oras ang pagluluto.
“Oo nga, Joy. Mukhang masarap.” Napangiti ako. “Sigurado ka bang hahatian mo ako? Baka mamaya ikaw ang magutom.” Kaagad siyang napairap.
“Kapal ng mukha mo, ha! Huwag ka nga diyan. Hindi ako matakaw.” Nakasimangot niyang itinuro ako gamit ang kutsara. “At alam ko namang binuraot na naman ni Kristian ang baon mo. Ano na naman ba ang ipinabili niya?” Hindi ako agad nakasagot. Alam ko kasing alam na niya ang sagot. Paulit-ulit na itong nangyayari. At kabisado na ni Joy ang lahat ng mga eksenang ganoon.
Napatingala ako sa mga dahon sa itaas namin.
“Ganun pa rin. Zesto at biskwit.” Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa rin natatapos ‘yung kasunduan na sinasabi niya. Ang natatandaan ko nga, isang beses ko lang naman siyang pinangakuan.”
“Psh.” Napailing siya. “Dapat kasi natuto ka nang tumanggi. Hindi ‘yung hinahayaan mo lang siya. Natuto ka na ngang hindi maging sobrang anghel, sana matuto ka na ring sumagot.”
“Ewan ko ba.” Napakamot ako sa ulo. “Sa isip ko, nasasagot ko naman sila. Ang tapang-tapang ko pa nga roon. Kaso kapag isasaboses ko na, hindi ko talaga kaya.”
Huminto ako sandali bago ngumisi.
“Kalokohan lang ang kaya kong isaboses. Natuto ba naman sa’yo.” Napalingon si Joy sa akin. Ilang segundo siyang natahimik. Pagkatapos ay bigla siyang humalakhak nang napakalakas.
Umalingawngaw ang tawa niya sa paligid.
“Ako pa talaga ang nasisi mo!” reklamo niya habang natatawa. “Kasalanan ko bang influential akong tao?” Tumayo pa siya nang bahagya at itinuro ang sarili.
“Hayaan mo. Iimpluwensiyahan ko ang mga kaklase mo gamit ang GMRC.” Huminto siya para magdramatic pause.
“Good Manners and Rice Cookerings.” Paulit-ulit niyang tinaas-baba ang kilay niya.
Napatawa tuloy ako.
Hindi naging ganap na malungkot ang buhay ko sa paaralan dahil nandiyan si Joy. Kahit gaano kasama ang trato ng ibang tao sa akin, kahit gaano karaming masasakit na salita ang naririnig ko araw-araw, parang gumagaan ang lahat kapag kasama ko siya. Masaya ang buhay kapag may kaibigan kang parang nakatakas mula sa isang mental institution.
Kung anu-anong salita ang lumalabas sa bibig. Kung anu-anong ideya ang naiisip. At kahit minsan ay wala nang sense ang sinasabi, natatawa ka pa rin. Minsan nga tinanong ko siya kung saan niya napupulot ang mga ganoong salita.
Ang sagot niya? Sa TikTok daw. Hindi ko nga alam kung ano iyon noon. Ayon sa kaniya, application daw iyon sa cellphone kung saan kung anu-anong video ang lumalabas. Doon daw niya napupulot ang mga kalokohan niya. At sa malas ko, sa akin niya rin naipapasa.
“Gusto mo ba? Ayain ko ng suntukan si Kristian.” Maloko siyang ngumiti bago sumubo ng pagkain. “Kaya ko ‘yon. Huwag lang siyang gaganti.”
Napailing ako habang natatawa. Kasalukuyan na kaming kumakain. At sa totoo lang, magaan ang pakiramdam ko. Maaliwalas ang panahon. Malamig ang hangin. Masarap ang pagkain. At masaya ang kasama.
Kahit mabigat ang mundo para sa mga katulad ko, may mga sandaling tulad nito na nagpaparamdam na kaya ko pa ring huminga nang maluwag.
Nang matapos kaming kumain, ako na ang nagprisintang magligpit ng pinagkainan namin. May nakapaskil na ngiti sa aking labi habang inaayos ang mga lalagyan. Ngunit unti-unti iyong naglaho nang mapansin kong tila may nakikita si Joy sa likuran ko.
Nakatitig siya sa isang direksyon. At ang kanina niyang masayang ekspresyon ay napalitan ng pagtataka. Nahihiwagaan ko siyang tiningnan. Napansin niya iyon at lalo pang lumawak ang nakakaloko niyang ngiti.
Sumulyap pa siya sa likuran ko bago muling ibinalik ang tingin sa akin. Ano na naman kaya ang mayroon sa babaeng ito?
Sinundan ko ang direksyon ng kaniyang tingin. At halos lumundag palabas ng dibdib ko ang puso ko nang makita ko ang kumpol ng mga lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Ngunit sa kanilang lahat, isang tao lang ang agad kong napansin.
Si Harold. Nakasandal siya sa barandilya habang nakapamulsa. May pinag-uusapan silang magkakaibigan, ngunit ang mga mata niya ay nakatuon sa akin. Para bang matagal na niya akong pinagmamasdan.
Nagtagpo ang aming mga mata. Bahagya niyang itinaas ang isang kilay bago ngumisi.
Agad akong umiwas ng tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kasabay no’n ay ang pag-init ng aking mukha. Jusko! Nahuli pa niya at ako!
Napansin ni Joy ang pananahimik ko. Kaya naman walang awa niya akong binato ng buto ng manok. Tumama iyon sa aking pisngi.
Matalim ko siyang tiningnan. Ang babaeng ito talaga!
“Ano, Ate?” nakakaloko niyang tanong. “Namasa na ba ang kepyas mo dahil sa crush mo?”
Halos lumabas ang mga mata ko sa sobrang gulat. Kasabay no’n ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.
“A-Ano ba’ng pinagsasabi mo?” nauutal kong tanggi. “Crush? Wala akong crush, no!”
Mabilis kong inabala ang sarili ko sa pagligpit ng mga pinagkainan namin. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga ako kadaling basahin. O baka naman masyado lang akong halata.
Humagalpak ng tawa si Joy habang pasimpleng sinusulyapan ang grupo nina Harold. Gusto ko siyang kurutin. O kaya’y hilahin palayo. Kaso alam kong lalo lang siyang magpapakaasar.
“J-Joy…” Lumingon siya sa akin na may pilyang ngiti sa labi.
“Huwag mo akong lokohin, Ari. Alam kong may crush ka sa lalaking ‘yan.”
Pagkatapos ay maarte niyang inayos ang kaniyang buhok.
“Hindi rin naman kita masisisi. Pati nga mga kaklase ko, patay na patay sa singkit na ‘yan.”
Napakunot ang noo ko. “Talaga?”
“Oo.” Tumango siya. “Narinig ko pa nga na mahilig daw silang mag-computer sa bayan.”
Natigilan ako.
“Computer?”
Napairap siya. “Oo nga. Mga computer games. League of Legends, Dota, Crossfire. Mga gano’n.”
Kaswal niyang sinabi iyon na para bang normal lang ang usapan namin.
“Mahilig daw silang tumambay sa computer shop at maglaro.”
Napaisip ako. Posible ba iyon? Mayaman naman sina Harold. At sa tingin ko, mayroon silang sariling computer sa bahay. Mukha rin siyang malayo sa tipo ng lalaking tatambay sa computer shop buong araw. Mula sa maliit niyang salamin ay sinulyapan niya ako.
Tapos ay natawa.
“Ate kong kamatis! Mas may alam pa ako sa’yo sa mga ganiyang bagay.”
Napanguso ako. “Labas-labas din kasi ng bahay, te.” Pakiramdam ko tuloy ay isa akong taong-bato na naninirahan sa kuweba.
Masakit man aminin, may punto siya. Hindi naman kasi talaga ako mahilig lumabas. At wala rin akong gaanong alam sa mga uso.
“Pero paano mo naman nalaman?” tanong ko. “Mukha namang mayaman si Harold. Bakit pa siya pupunta sa computer shop para maglaro?”
“Ate ko!” natatawang sabi ni Joy. “Yung kaklase kong nagsabi sa akin, kamag-anak daw ng may-ari ng computer shop na pinupuntahan nila.”
Tumango-tango siya habang naglalagay ng lip tint.
“Tinanong ko pa nga kung saan. Ang sabi niya, nasa bayan daw.”
Hindi na ako nakipagtalo. Paano kung totoo nga? At saka ano naman kung naglalaro siya sa computer shop? Wala naman akong alam sa mga ganoong bagay. Ang tanging teknolohiya lang na madalas kong gamitin ay ang luma at mabagal nang cellphone ni Nanay. Hindi rin naman ako mahilig maglaro o magbabad sa gadgets. Ginagamit ko lang iyon kapag may assignment o kailangang hanapin.
Muli akong napalingon sa direksyon nina Harold. Nandoon pa rin sila. Nagtatawanan. Nagkukulitan. Kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mukha. Ang mapuputi niyang ngipin. Ang pagkawala ng kaniyang mga mata tuwing tumatawa siya. At ang paraan kung paano siya ngumiti na para bang wala siyang problema sa mundo. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kaniya. Kung hindi pa ako niyugyog ni Joy, baka hindi ko pa maialis ang tingin ko.
“Tara.” Napakurap ako.
“Nga pala, sasamahan mo ako sa canteen. Bibili ako ng softdrinks.”
Napatingin ako sa kaniya. Pagkatapos ay napasulyap muli sa direksyon nina Harold. At sa malas ko, eksaktong nakatingin din siya sa akin nang mga oras na iyon. Pilit kong kinagat ang pisngi ko para matago ang hiya at kaba na nararamdaman ko.
“Tama na ang pagpapantasya, bakla. Saka na ‘yan kapag may bilat ka na.” Natatawa niyang sabi bago tumayo. Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Ang babaeng ito talaga.
Tumayo rin ako at binuhat ang dala niyang lunch box. Naglakad na kami pabalik sa building. Doon ko lang napagtantong madadaanan pala namin ang grupo nila Harold. Wala sa sariling ibinaba ko ang tingin ko sa hawak kong baunan.
Papalapit pa lamang kami sa kanila ay hindi ko naiwasang sumulyap. Naroon pa rin sila. Masaya. Maingay. At tila walang problema sa mundo.
Si Harold ay nakatayo kasama ang mga kaibigan niya. Katulad kanina, kitang-kita ang saya sa kaniyang mukha. Guwapo. Maputi. Matangos ang ilong. Singkit ang mga mata. At may mahahabang pilikmatang parang ipinagdamot sa amin ng langit.
Nang mapansing tila mapapatingin siya sa direksyon namin, mabilis kong iniwas ang tingin ko. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang bahagya niyang pagngisi.
“Ang yabang-yabang no’ng Hacob na ‘yon. Akala mo naman ang lakas mag-mid lane. Ambobo naman.” Tumawa ang isa sa mga kasama niya.
“Nilampaso nga siya ni Harold sa mid gamit Katarina. Pagkatapos no’n, wala nang boses.”
Nagtawanan silang lahat. Pati si Harold. At kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, pakiramdam ko ay nakasunod pa rin ang kaniyang mga mata sa akin. Mga tinging hindi ko maintindihan. Mga tinging tila may gustong sabihin. O baka naman ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa lahat.
“Baliw. Hindi ko na lang pinansin. Baka masaktan ko pa kapag napikon ako.” Si Harold iyon. Malalimat magaspang nang kaunti. At nakakakilabot sa sarap pakinggan.
Napanguso ako. Bakit kapag ako ang kaharap niya, parang natutunaw lang ako? Bakla na nga. Malambot pa. At mukhang malandi pa yata pagdating sa kaniya.
“Gosh!” mahinang tili ni Joy. “Narinig mo ‘yon? Ang pogi talaga ng boses ng Harold mo. Kinilig na naman ang puki mo.”
“Bwisit ka!” singhal ko agad. “Ano-ano na namang pinagsasabi mo? Bilisan na natin para makabili ka na ng softdrinks mo.” Lalong lumawak ang ngiti niya. At lalo akong nainis.
Pagpasok namin sa canteen ay agad siyang pumila sa tindahan. Sumunod naman ako sa kaniya. Marami pa ring estudyante sa loob kaya medyo matagal ang usad ng pila. Habang naghihintay ay inilibot ko ang aking paningin. Malawak ang canteen. Makulay. At puno ng mga estudyanteng nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Maraming mesa at sapat ang mga bentilador kaya hindi gaanong mainit.
Pero para sa akin, mas masarap pa ring tumambay sa ilalim ng puno sa likod ng building. Tahimik. Malamig. At malayo sa mga taong nakakastress.
“Ate, pabili nga po ng dalawang Ecok Omsim.” Napalingon ako kay Joy. Natatawa ang tindera habang inaabot ang binibili niya.
Ewan ko ba kung saan niya napupulot ang mga ganiyang salita. Muli kong inikot ang paningin ko sa paligid. At doon ko naramdaman. May nakatingin sa akin. Matalim. Mabigat. At hindi komportable. Parang may malamig na bagay na dumaan sa likod ko.
Napalingon ako. At agad kong nakita si Kristian. Nakaupo siya sa isang mesa sa dulo ng canteen. Nakatukod ang magkabilang siko sa mesa habang mariing nakatitig sa akin.
Nanlamig ako. Parang biglang bumigat ang hangin. May kakaiba sa tingin niya. Parang may galit. Parang may balak. At parang anumang oras ay puwede niya akong gawing puntirya.
Ngumisi siya nang mapansing nakatingin ako. Tinagilid niya ang ulo niya. Sabay taas ng kilay.
“Bakla.” Wala siyang boses. Ngunit malinaw kong nabasa ang paggalaw ng kaniyang labi.
Bigla namang humarap si Joy. Nagulat ako. Napaatras ako nang kaunti at nawalan ng balanse. Akmang matutumba ako nang may dalawang kamay na humawak sa magkabilang braso ko. Mainit at matatag. At agad akong pinigilan sa pagbagsak.
Napatigil ako. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko.
At doon ko nakita siya. Si Harold na amoy na amoy ko ang pabango niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. At sa unang pagkakataon, nakita ko nang malapitan ang kaniyang mukha. Ang matatalas niyang mata. Ang makapal niyang kilay. At ang diretso niyang mga labi.
Sa isang iglap, nawala ang takot na nararamdaman ko dahil kay Kristian. Napalitan ito ng ibang klase ng kaba. Mas malakas. Mas magulo. At mas nakakalito.
“Are you okay?” Parang biglang natuyo ang lalamunan ko.
Mabilis akong tumuwid at lumayo nang kaunti.
“A-Ayos lang ako.” Napalunok ako. “Thank you.”
Ngumit siya nang bahagya. At inalalayan pa akong makatayo nang maayos.
“You’re welcome.” Pakiramdam ko lalo lang uminit ang mukha ko.
“Be more careful next time.” Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kaniya.
Nakayuko lang ako habang pilit pinapakalma ang sarili. Nakakahiya. Nakakahiya talaga.
“Are you sure you’re okay?” tanong niya ulit, may bahagyang tawa sa boses. “Ang pula kasi ng pisngi mo.” Mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
Napailing ako.
“Okay lang talaga ako. Wala lang ‘to.” Napatawa pa ako nang pilit. “Salamat ulit.” At doon ko tuluyang naranasan ang pinakamalaking kahihiyan sa buong araw na iyon.
Ngumiti siya. Yung tipong ngiting kayang magpatigil ng tibok ng puso. Pagkatapos ay bahagya niyang ikiniling ang ulo niya.
“Ganun ba?”
Tumango ako.
“Sige.” Huminto siya sandali. At saka sinabi ang mga salitang nagpabagsak sa akin mula sa ulap.
“Mag-iingat ka next time, ha…” Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “pre.” Pakiramdam ko may malaking bato na bumagsak diretso sa ulo ko. Pre. PRE?!
Chapter 2
CHAPTER 2
Natataranta akong umalis sa canteen matapos ang nangyari. Hindi ko na hinintay si Joy. Pakiramdam ko kasi ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Unti-unting kumakalat sa buong katawan ko ang kakaibang kiliti na hindi ko maipaliwanag. Sa lahat ng puwedeng sumalo sa akin, si Harold pa talaga. I don’t know why these things are happening.
Kung totoo nga ang sinasabi ni Joy tungkol sa mga nararamdaman ko, hindi pa ako handa. Hindi talaga. Huhu. Napapa-English na ako dahil sa lalaking iyon.
Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng aming silid-aralan.
Nakatulala lang ako habang paulit-ulit na binabalikan ng isip ko ang nangyari kanina. Kung paano niya ako tiningnan. Kung paano niya ako hinawakan. At kung paano ko naamoy ang pabango niya. Hindi siya masakit sa ilong at hindi rin matapang. Sakto lang. Tapos iyong dibdib niya…
Bakit ganoon katigas? Nakakatigas ba talaga ng dibdib ang paglalaro ng online games?
“Uy! Bakit hindi mo ‘ko hinintay?”
Napalingon ako kay Joy. Ramdam ko ang pagiinit ng aking pisngi dahil kahit hindi niya naman naririnig ang kung ano ang sinasabi ko sa aking utak ay para niya akong nahuli.
“Ah… kasi…” Napakamot ako sa ulo. “Ang tagal mo kasi. Tapos ikaw pa ang nakatulala kay Harold habang ako rito namamatay na sa hiya.”
Humagalpak siya ng tawa.
“Kita ko nga ang mukha mo kanina, te. Kulang na lang magliyab sa sobrang pula.”
“Ano ba kasi!”
“Swerte mo naman. Isang Harold Liu ang sumalo sa’yo.” Mas lalo akong namula dahil sa pang-aasar niya.
“Anong swerte doon? Nakakahiya kaya!” Pagtanggi ko dahil sigurado akong para na akong kamatis dahil sa pula ng aking mukha.
Lalo siyang natawa.
“Aminin mo na kasi.” Pagpatuloy niya sa pangaasar sa akin at may pasundot pa sa aking tagiliran.
Inismiran ko siya. “At saka…” Napasimangot ako. “Hindi mo ba narinig ang itinawag niya sa akin?” Huhu! Mas kikiligin sana ako kung tinawag niya akong iba eh, pero kasi… Sa lahat pa talaga ay pre pa ang naisipan niyang itawag sa akin.
“Ano?” Pang-uusisa niya, lumapit pa siya ng bahagya na para bang may kung anong surpresa na lalabas sa aking bibig.
“‘P-Pre.’”
Dramatiko kong inilagay ang isang kamay sa dibdib ko. Nagsalubong ang kilay ni Joy at pawang napatitig lang sa aking ekspresyon.
“‘Pre,’ Joy! Tinawag niya akong pre!”
Napahawak siya sa tiyan habang nagsimulang tumawa ng malakas. Gusto ko siyang sawayin dahil para siyang speaker sa lakas ng boses niya. Samantalang ako ay halos manghina sa sama ng loob. Pero naiintindihan ko naman…
Sa paningin niya, lalaki pa rin ako. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil hindi siya nandidiri sa akin. Hindi siya umatras nang mahawakan niya ako. Hindi siya nagreklamo nang madikit ako sa kaniya.
“Uy, Aries.”
Napakurap ako.
“Kanina pa kita kinakausap. Ang lalim naman ng iniisip mo.”
Napakamot ako sa pisngi. Hindi ko namalayan na nagsisimula na naman na lumipad ang aking isipan.
“W-Wala naman.” Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
Umiling siya habang may bahid ng tawa ang kaniyang mukha. “Hindi ako naniniwala.” Ngunit sa tono ng boses niya ay alam kong siya ang tipong hindi ako tatantanan kung hindi ako aamin.
Napabuntong-hininga ako. “Iniisip ko lang na dapat siguro magpasalamat ako kasi wala siyang ginawang masama nang madikit ako sa kaniya.” Pag amin ko. Dahil totoo lang naman eh… Na dapat ako magpasalamat kesa isipin ang kung anong pangalan ang tinawag niya sa akin. Dahil hindi tulad ng inaasahan kong reaksyon sa kaniya ay ibang iba ang kaniyang ginawa. Na imbes na mandiri o lumayo dahil naiiba ako sa kanilang mga barakong lalaki ay mas inintindi niya ang kalagayan ko.
Napakunot ang noo ni Joy.
“Huh?” Nawala ang mapaglarong tuwa sa kaniyang mukha at nabahiran ng pagtatanong ang kaniyang ekspresyon. Tila hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.
“Bakit mo naman iisipin ‘yon?” Tanong nito at tuluyan nang umayos ang posisyon sa aking gilid.
Hindi ako nakasagot.
“Ari.” Namaywang siya at tumingin sa akin nang diretso. “Hindi katulad ng mga baliw mong kaklase si Harold.” Pagsisimula niya.
Tahimik lang akong nakinig. Kahit pa ang totoo ay nag-uumpisang umapaw ang emosyon sa aking kalooban. Gusto kong matuwa, na maiyak, o kung ano pa man dahil sa buong buhay ko ay unang beses na may isang lalaki ang naging mabait sa akin… Na hindi ako pinandirian.
Naramdaman ko ang pag init ng magkabilaang sulok ng aking mata.
Saglit siyang natigilan nang mapansin ang pamumula ng mata ko. Bumuntong hininga siya kalaunan bago nagpatuloy. “Sa mukha pa lang niya, halata nang mabait siya.” Hindi ko alam kung bakit, pero gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. Hindi na rin namin iyon pinag-usapan. Kalaunan ay napunta na kami sa ibang usapan hanggang sa tuluyang matapos ang klase namin para sa araw na iyon.
Pag-uwi ko, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa hangin. Paulit-ulit kong iniisip kung posible bang gusto ko nga si Harold. Kung oo, bakit? Dahil ba sa hitsura niya? Sa ugali niya? O dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin?
Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko pa naman siya lubos na kilala. Kaya hindi ko rin matukoy kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil kulang pa ang alam ko tungkol sa pagkatao niya… Tyaka masiyado pa kaming mga bata para ro’n sa bagay na iyon.
Isa pang ipinagpasalamat ko ay hindi na ako ginulo nina Kristian at Oliver buong maghapon. Tahimik ang araw ko at mapayapa. Walang pang-aasar. Walang utos na galing sa mga pangit na iyon. Walang pananakot sa aking dibdib dahil sa mga chakaret nilang pagmumukha.
Sana nga ay magtuloy-tuloy na. Simula Grade Two pa lang kami ay magkaklase na kaming tatlo. At simula rin noon ay ginagawa na nila akong laruan. Grade Seven na kami ngayon. Magga-Grade Eight na pero parang hindi pa rin sila nagsasawa. Samantalang ako, pagod na pagod na. Pagod na akong marinig ang parehong mga salita. Pagod na akong utusan. Pagod na akong gawing katulong. Pabili rito. Pakuha roon. Pagtapon ng basura. Lahat na lang. Kung makautos sila, akala mo may sweldo ako. Ang pangit talaga nila. Legit.
Gandang-ganda sa akin sina Nanay at Joy tapos ginawa lang nila akong yaya Ano ako? Maid in High School?
Palabas na ako ng gate nang may mapansin akong pamilyar na likod. Napatigil ako at napatulala sa kaniya. Si Harold na nakasukbit ang bag niya sa isang balikat habang nakatayo malapit sa gate. Mukha siyang may hinihintay, ang mga katropa niya siguro. Hindi ko alam kung sila ba. At hindi ko rin maintindihan kung bakit wala ang mga kaibigan niya.
Nagpasya na lamang akong maglakad. Habang papalapit ako ay mas lalo kong napansin ang kabuuan niya. Malapad ang balikat. Matangkad. At mas malaki ang pangangatawan kumpara sa akin. May hubog pa ang mga braso niya sa ilalim ng uniporme. Ngayon ko lang tuloy naisip. Kapag pinikon ko kaya ang lalaking ito, isang sakal lang niya sa akin, baka maging alamat na ako.
Hmmm? Pero parang hindi rin masamang masakal niya. Tapos ako lang ang—Ay! Aries! Ano ba’ng iniisip mo?!
Napailing ako sa sarili kong kalokohan. Heto na naman ako sa mga kabaliwang bagay na naiisip sa lalaking hindi naman ako siguro makikita bilang babae… Babaeng tingin katulad ng tingin ko sa sarili ko.
Habang papalapit ako ay bigla siyang lumingon. At agad na nagsalubong ang aming mga mata. Parang tumigil ang mundo sa pagikot. Mabilis akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit ramdam ko ang mga mata niyang nakasunod sa bawat hakbang ko. Jusko! Mahabagin. Nagwawala na naman ang puso ko.
Pagkalagpas ko sa kaniya ay napahawak ako sa dibdib ko. Ngayon ko lang napansing kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. May kakaiba talaga kay Harold. Hindi siya katulad nina Kristian at Oliver. Hindi siya katulad ng mga barkada nilang akala mo kung sino. May kung anong tahimik na bigat sa kaniya. Parang mabait. Pero pakiramdam ko, kapag nagalit siya, talagang ikamamatay mo.
Napairap ako sa sariling isip bago nagpatuloy sa paglalakad. Tirik na tirik ang araw. At habang papunta ako sa palengke kung saan nagtatrabaho si Nanay, may nadaanan akong nagtitinda ng fishball. Bigla akong nagutom.
Lumapit ako sa tindero. Mainit-init pa ang mga fishball.
Bagong luto. May mga nakasalang pa sa kawaling puno ng mainit na mantik at mayro’n ring nakasalansan na. At parehas na mukhang masasarap.
Akmang kukuha na sana ako nang maalala kong apat na piso na lang pala ang natira sa akin. Dahil sa pangit na si Kristian na ‘yon! Ang lakas lakas kasi niyang manguha ng baon eh, wala tuloy akong pang fishball.
Napanguso ako at napatitig sa mga fishball na para bang inaaya akong tumusok kahit kulang sa sampumpiso ang aking pera.
“Manong, puwede po bang bumili ng apat na pisong fishball?” Pagbabaka sakali kong tanong.
Tumingin siya sa akin. Pawis na pawis ang kaniyang mukha. Ang tuwalya na puti na nakasukbot paikot sa kaniyang leeg ay ginamit niya iyong pangpunas sa kaniyang mga pawis na parang ulan kung bumagsak mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang leeg.
Kumunot ang noo niya. Hindi ko alam kung naiinis ba siya sa tanong ko o dahil lang talaga sa init. “Limang piso ang minimum dito, hijo.”
Parang gumuho ang mundo ko. Kainis kasi! Fishball na eh, naging Zest-O at Biskwit pa ng pangit.
“Ah… gano’n po ba?” Bagsak balikat kong sagot.
Napatingin ako sa mga fishballl. Napakalapit. Pero napakalayo.
“Sige po. Salamat.” Ani ko at bago nagdesisyong ipaasawa nalang sa diyos ang fishball kong naging meryenda pa ng iba.
Aalis na sana ako nang may biglang tumabi sa akin. “Magandang tanghali po, Manong!” Natigil at napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon.
Isang matangkad na lalaki ang nakangiti sa tabi ko ang sumalubong sa akin.
“Pabili po. Isama niyo na rin iyong sa kaniya.” Ginalaw niya ang ulo niya at pawang nginuso pa ata ako.
Natigilan ako. “Ako?” Tinuro ko pa ang aking sarili para lang makasigurado.
Ngumiti siya. “Oo. Ikaw.” Kumpirma niya. Halos hindi ako makapaniwala.
Nag-init ang pisngi ko, hindi dahil sa hiya o sa kung ano kundi sa hiya na aking nararamdaman. “Ah, Kuya, huwag na po. Okay lang po talaga.” Umiling ako sa kaniya at naiilang na ngumiti. Eeskapo na sana ako ngunit hinawakan niya ang braso ko bago ako makaalis.
Mas lumawak ang ngiti niya. “Sige na. Huwag ka nang mahiya.” Pangeeganyo niya. Aminado akong nagpalakpakan ang aking mga tainga sa tuwa dahil sa ideyang makakakain ako ng fishball na gusto ko. Pero may malaking parte sa puso ko na nahihiya dahil kailanman ay hindi ko naranasan ang ganito.
Napatitig ako sa mukha niya bago ko suriin ang kabuuan niya nang pasimple. May kabaitan sa mga mata niya’t hindi ko alam kung bakit, pero parang totoo iyon. Mga manggas na nakatupi, taingang may hikaw, at balat na kayumanggi. Kung titingnan mo, para siyang taong kayang bumalibag at magtupi ng tao sa walong piraso. Pero kapag nagsalita naman, maamo at parang hindi naghahanap ng gulo.
Hindi katulad ng pangit na si Kristian na ‘yon. Nakakaasar talaga siya! Kung hindi niya ako pinabili ng pagkain niya, may bente pa sana akong pambili ng fishball ngayon!
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa lalaki. Ang tangkad niya, at ang bait pa. Sino kaya siya? Ano kaya ang pangalan niya?
Natigil siya sa pagtusok ng fishball at tila napansin ang tinging ipinupukol ko sa kaniya.
“Uy, anong tinitingnan mo sa mukha ko? May dumi ba? Tumusok ka na ng fishball.” Sunod-sunod ang tanong niya. Napakurap ako at mabilis na umiwas ng tingin bago tumusok ng fishball.
Uminit agad ang aking mga pisngi. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig.
“Uh… W-Wala ah… Salamat, ha… Walong piraso lang kukunin ko.” Ani ko na siya naman nagpakunot ng kaniyang noo.
Ngumisi siya at maangas na tumago. “Dalawampu nga kunin mo kung gusto mo.” Natawa siya matapos niyang sabihin iyon.
Napangiti rin tuloy ako. At sa unang pagkakataon sa buong araw, may ibang lalaki na namang nagpagulo sa isip ko. At hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Kaya noong siya ang magtanong no’n sa akin ay para akong kinabahan.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” Nakatutok ang katawan niya sa mga nakasalansang fishball, pero nasa akin ang atensyon niya. Sisingilin niya ba ako pagkatapos? Sana huwag naman, hindi na sasapat sa baon kong bente pesos pagsisingil niya pa ako. Huhu.
“Aries po ang pangalan ko. Ari na lang po ang itawag ninyo sa akin.” Magalang kong sagot.
Humarap siya sa akin, na dahilan para makita ko nang maayos ang buong mukha niya.
“Ari…” Bahagya siyang ngumiti. “Then, you can call me Renz.” Lumawak ang kaniyang ngiti. Perpekto ang pagkakahubog ng kaniyang panga. May dimples din pala siya at isang maliit na nunal malapit sa kaniyang kilay. Muli ko siyang sinuri mula ulo hanggang paa. Doon ko napansin ang patch sa kuwelyo ng kaniyang uniporme na may nakalagay na numerong siyam. Hindi rin nakabutones ang kaniyang polo kaya litaw na litaw ang puting sando na nakadikit sa kaniyang katawan.
Grade 9 siya. Dalawang baitang ang tanda niya sa akin. Senior ko na pala siya. Pero hindi iyon halata sa mukha niya. Natigil siya sa pagnguya at bahagyang ngumisi.
“Are you done checking me out?” Malalim niyang tanong, sumandal siya sa kahoy na hiligi ng sidecar ni Manong mangfi-fishball at may tuwa akong pinanood. Parang biglang huminto ang mundo ko. At kasabay noon, muntik na rin huminto ang paghinga ko.
Nahihiya kong inalis ang tingin ko sa kaniya. Ano ba ito?! Bakit ba naman kasi titig ka nang titig, Ari? Nakakahiya. Baka isipin nitong si Kuya na pinagnanasaan ko siya. Halata pa naman sa hitsura ko na bading ako. Malambot at siyempre, babaeng-babae. Ako na ‘to, oh!
Pero unfair naman, huh? Englishero siya. Mukhang speaking dollars din tulad ni Harold. Nga lang, mukha siyang basagulero sa porma niya.
“Uh… sorry po,” nguso ko at nahihiyang inabala ang sarili sa fishball na aking hinahain. Tumawa siya sa sagot ko at tumikhim. Tumusok siya ng fishball, saka inilabas ang kaniyang wallet at iniabot ang bayad kay Manong.
“Ito na po ang bayad namin. Tig-sampung piso po kami.”
“Ah… Kuya… limang pi—”
“No. Kuha ka pa para umabot ng sampo. Sige na, alis na ako. Salamat po, Manong!” putol niya sa akin bago mabilis na nagpaalam at umalis.
Hinabol ng tingin ko ang papaalis niyang imahe. Hindi ko namalayang napatagal pala ang pagtitig ko sa kaniya.
“Hijo…” Napalingon ako kay Manong.
“Kuha ka pa. Sayang naman ang binayad ng kaibigan mo,” sabi niya habang hinahalo ang mga fishball sa kawali.
Gusto ko sanang sabihin na hindi ko kaibigan si Renz, pero baka hindi siya maniwala. O kaya naman ay hindi na niya ako bentahan ulit. Wala na akong nagawa kundi kumuha pa ng walong pirasong fishball. Sayang din naman talaga, lalo na’t libre. Ang bait naman ni Kuya. Ano nga ulit ang pangalan niya? Ah… Tama! Renz…
Kuya Renz.
Pagkatapos kong kumain ay nagpatuloy na ako papunta sa palengke. Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang boses ni Nanay. Sumisigaw siya para makahikayat ng mga mamimili sa mga paninda niyang baboy, manok, at isda. Ang trabaho ni Nanay ay magbantay at magbenta sa puwestong pagmamay-ari ng aming kapitbahay.
Tumigil ako sa harap ng puwesto at sinuri ang mga paninda.
“Magkano po sa lahat?” maloko kong tanong.
Agad na napalingon si Nanay.
“Dalawang daan at tatlumpu ang isang kilo ng man— ay ikaw pala ‘yan, anak! Nandiyan ka pala. Ikaw na bata ka, niloloko mo na naman si Nanay.”
Mabilis siyang lumapit at hinalikan niya ako sa pisngi. Kinuha ko naman ang kaniyang kamay at nagmano.
“Eme lang, Nay.” Natatawang biro ko. Nailing lang siya habang pinagmamasdan akong idampi ang palad niya sa aking noo.
“Bakit ka napadpad dito, anak? Dapat dumiretso ka na sa pag-uwi at magpahinga.” May bahid ng pag-aalala ng sinabi niya iyon.
Kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan niya ako. Para bang isa akong mamahaling obra na sinusuri niya nang mabuti. Sinuklay niya ang aking namamawis na buhok at saka suminghot sa aking leeg.
Napahagikhik ako.
“Wala naman po, Nay. Gusto ko lang pong pumunta rito at tumulong. Medyo maaga po kasi kaming pinauwi. Hindi rin po kami nagsabay ni Joy dahil pinapauwi raw po siya agad.”
Sa totoo lang, wala lang talaga sa mood ang babaeng iyon dahil may importante siyang pupuntahan.
At ang “importante” na iyon ay ang Grade 10 niyang nobyo. Isa pa, gusto ko talagang tumulong kay Nanay. Gusto ko ring maranasan ang mga bagay na ginagawa niya araw-araw para mas maintindihan ko kung gaano kahirap kumita ng pera.Sobrang masayahin ng aking nanay. Mabait siya at mapagmahal. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang may kulang sa akin kahit wala akong ama sa tabi ko.
Mahal na mahal ko si Nanay at sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya dahil mag-isa niya akong tinataguyod.
Maingay at mainit sa paligid. Tanging ang nakasabit na electric fan at ang pamaypay na panaboy ng langaw ang nagbibigay-ginhawa kay Nanay.
Nilibot ko ang aking paningin upang pagmasdan ang paligid. Amoy na amoy ang pinaghalong lansa ng isda, karne ng baboy, at manok. Idagdag mo pa ang amoy ng basang sahig ng buong palengke.
Umikot si Nanay at bumalik sa kaniyang puwesto. Sumunod naman ako. Hinubad ko ang aking uniporme upang hindi ito madumihan, at agad naman niya iyong kinuha at tinupi.
“Nanay, kaya po talaga ako pumunta rito dahil gusto ko po kayong tulungan sa pagbebenta,” sabi ko habang inaayos niya ang uniporme ko sa loob ng aking bag.
Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti.
“Sabi ko na nga ba! Naku, anak, hindi mo naman kailangang tumulong kay Nanay. Kaya na ito ni Nanay. Alam mo namang may pagka-Darna ang nanay mo, ‘di ba?” natatawang sabi niya. “At saka, wala ka bang assignment? Gawin mo na lang iyon kung meron.”
Malambing ang kaniyang boses. Kita ko ang pagod sa kaniyang mga mata, ngunit nangingibabaw pa rin ang saya roon.
Sabi nila, kailangan daw ng isang pamilya ng haligi at ilaw ng tahanan. Pero sa palagay ko, hindi naman pala. Dahil kayang gampanan ni Nanay ang pareho. Siya ang haligi at siya rin ang ilaw ng tahanan naming dalawa. Kaya kahit kami lang ang magkasama, hindi ko kailanman naramdamang may kulang sa buhay ko. Hindi ko rin naramdamang may pagkukulang siya bilang magulang dahil sinigurado niyang mapupunan niya ang lahat ng pagmamahal na kailangan ko.
Maganda si Nanay. Marami ring nagsasabing hindi halata na may anak na siya. Totoo naman, dahil mukha pa rin siyang dalaga. Marami rin ang sumusubok na manligaw sa kaniya, ngunit mabilis niya iyong tinatanggihan. Hindi naman niya itinatago na may anak na siya.
Sa katunayan, isa iyon sa mga dahilan kung bakit tumitigil ang ilang lalaking sumusubok manligaw sa kaniya. Kapag nalaman nilang may anak na siya, bigla na lamang silang nawawala na parang bula, na para bang may mabigat siyang pasaning dala.
“Ali! Mag-aala-una na! Hindi ka pa kakain?” tanong ng isang lalaki kay Nanay.
“Kuya Intoy! Kakain na rin mamaya. Isasabay ko na itong anak ko,” sagot ni Nanay habang kinakapâ ang bimpo sa likod ko upang tingnan kung basa na ba ito ng pawis.
“Nandiyan pala ang anak mo, Ali. Ang guwapo namang bata. Manang-mana sa’yo.”
Kumunot ang noo ko. Guwapo? Maganda kaya. Maganda ako. I’m beautiful inside and out.
Gusto ko sanang sabihin iyon, pero baka pagalitan lang ako ni Nanay. Kaya ngumiti na lamang ako bilang paggalang, at sinuklian naman ako ni Kuya Intoy ng malapad na ngiti.
“Alam mo, Ali, hindi talaga mahahalatang may anak ka na. Kung unang beses kang makikita ng tao, iisipin nilang dalaga ka pa rin. Ang ganda mo kasi. At patunay niyan ang hitsura ng anak mo. Siguro guwapo rin ang tatay nito. Ang ganda ng kombinasyon ninyo.”
Napatingin ako kay Nanay at nakita ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang pisngi. Maganda nga talaga ang Nanay. Manang-mana sa anak niya. Proud anak here pero bawal muna mag-boyfriend ang Nanay. Eme!
Ayon kay Nanay, nakuha ko raw sa aking tatay ang kulay ng aking balat at ang aking mga mata. Mahahaba ang aking pilikmata at may pagkasingkit ang aking mga mata. Kapag magkatabi kami ni Nanay, litaw na litaw ang pagkakaiba ng aming kutis. Samantala, kay Nanay ko naman nakuha ang aking ilong, labi, at bilugang mukha. May nunal din ako sa gilid ng aking mata.
Maliit ang katawan ko kaya mapagkakamalan kang payat kapag malayo ang tingin mo. Pero sa totoo lang, malaman naman ako. Laman ako. Ayon pa nga kay Nanay, sa kaniya ko rin daw iyon nakuha.
Nag-usap pa sila ni Kuya Intoy nang ilang minuto bago ito tuluyang umalis. Nanatili naman kaming nakaupo ni Nanay sa loob ng puwestong binabantayan niya.
“Anak, nagugutom ka ba? Gusto mong kumain? Bibili ako ng pagkain sa karinderya.”
“Nay, busog pa po ako. Kumain po ako ng fishball kanina habang papunta rito. Alam mo po—”
“Ate, magkano po ang kalahating kilo ng baboy?” Hindi ko naituloy ang kuwento ko dahil napunta na agad ang atensyon ni Nanay sa mamimili.
Ngumuso ako. Sabik pa naman akong ikuwento sa kaniya ang nangyari kanina. Pero sige na nga. Sa bahay ko na lang ikukuwento. Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa ginagawa ni Nanay. Pinagmamasdan ko siya habang nagbebenta dahil gusto ko talagang matuto. Balak ko kasi, kapag naglabingwalo na ako, magtatrabaho ako. Kahit anong maayos na trabaho. Iyong may disenteng sahod.
Pagkatapos magsukli ni Nanay sa mamimili, muli niya akong nilingon. Namungay ang kaniyang mga mata habang nakangiti sa akin. Bakas ang pagod sa kaniyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal. Basa na rin siya ng pawis dahil sa init ng buong palengke, ngunit parang hindi niya iyon alintana. Gustong-gusto ko nang makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Gusto kong dumating ang araw na hindi na niya kailangang magbenta sa ganitong init. Gusto kong manatili na lang siya sa bahay.
Magpahinga. At hayaan akong ako naman ang mag-alaga sa kaniya.
“Dito ka lang, anak, ha? Bibili lang ako ng kakainin natin. Ikaw muna ang bantay.”
Naghugas siya ng kamay, tinanggal ang kaniyang tapis, at dali-daling umalis.
“Sige po, Nanay. Ako na po muna ang bahala rito.”
Mayabang kong sabi dahil ilang beses ko na rin naman itong nabantayan nang ako lang mag-isa. Habang hinihintay ko si Nanay, naisip kong gawin na lang muna ang assignment ko. Kinuha ko ang papel at ballpen sa aking bag at dumapa sa upuan upang magsulat. At doon ko naalala ang lalaking bigla na lamang sumulpot sa fishballan.
Si Kuya Renz… Ang bait niya. Sana tumagal pa siya sa buhay ko. Luh? Loko ka talaga, Ari.
Napahagikhik na naman ako sa sarili kong iniisip habang nagsusulat.
Habang naglalakad kami ni Joy pabalik sa classroom, napansin ko si Kristian at ang mga kasama niyang mga jejemon na nagkukumpulan sa isang sulok, katapat ng hagdan paakyat sa silid-aralan namin. Galing kami sa punong madalas naming tambayan tuwing recess.
Kunot-noo siya at mukhang iritang-irita habang nakatingin sa isa naming kaklase na may kung anong sinasabi sa kanila. Samantala, sina Oliver at ang iba pa niyang kasama ay tawang-tawa habang nakatingin kay Kristian.
Bigla namang namawis ang kili-kili ko nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Parang gusto ko na lang tumalikod at bumalik sa pinanggalingan namin dahil sa kaba. Pakiramdam ko nga ay maiihi ako sa tindi ng tingin na ipinupukol niya sa akin.
Tinaasan niya ako ng kilay, bahagyang itinagilid ang ulo, at saka ngumisi. Lagot.
Baka kung ano na naman ang gawin niya sa akin. Mukhang hindi pa naman maganda ang timpla niya, tapos nahuli niya pa akong nakatitig sa kaniya. Pero bakit parang natutuwa pa siya?
Huwag naman sanang kunin niya ang baon ko ngayong araw. Nang mapansin kong tila lalong dumidilim ang tingin ni Kristian sa akin, agad kong hinila si Joy upang mabilis kaming makaalis doon. Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang tumayo ang katabi ko. Hindi ko iyon pinansin.
Ngunit nang muli siyang umupo at sinimulang isiksik ang kaniyang siko sa mesa ko, napalingon ako sa kaniya dahil sa pagtataka. Nanlaki ang mga mata ko nang si Kristian pala ang sumalubong sa akin. Ang madidilim niyang mga mata ay nakatutok sa akin habang may nakakalokong ngisi sa kaniyang labi.
“Bakit ganyan ka makatitig sa akin, bakla?” nanunuya niyang tanong.
Napakurap ako at agad na ibinaling ang tingin sa harapan. Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari na lamang akong nakikinig sa guro naming talak nang talak sa harapan habang ipinagpapatuloy ko ang pagsusulat.
Maya-maya ay marahas na naman niyang isiniksik ang siko niya sa mesa ko. Dahil doon ay napausog ang braso kong nakapatong sa notebook at nagulo ang sinusulat ko.
Napalingon tuloy ako ulit sa kaniya. Sinasadya niya na talaga. Mukhang nainis nga siya dahil sa pagtitig ko kanina kaya ngayon ay naghahanap na naman siya ng paraan para asarin ako.
“Uh… K-Kristian, puwede bang iusog mo nang kaunti ang siko mo? Nagsusulat kasi ako,” mahina kong pakiusap. Lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay bago siya ngumisi nang matunog.
Ayan. Napikon pa lalo, Ari.
“Pakialam ko sa ginagawa mo? Edi magsulat ka diyan. Huwag mo akong pakialaman.” Kabado akong tumingin sa kaniya bago dahan-dahang tumango. Wala na akong nagawa kundi ibalik ang tingin sa harapan at ipagpatuloy ang pagsusulat. Hindi ko na rin pinansin ang paulit-ulit niyang pagsiko sa akin.
Hinayaan ko na lang siya. Dahil kung papatulan ko pa siya, baka maging punching bag niya ako rito. Charez.
Nang uwian na, hindi na ako sumabay kay Joy. Pinauna ko na siya dahil alam kong may sundo siya at nahihiya na rin akong makisabay. Nagpalusot na lang ako na may dadaanan akong inutos ni Nanay kaya wala na rin siyang nagawa kundi pumayag. Habang nag-aayos ako ng gamit sa bag, may biglang lumapit sa aking tagiliran.
Bakit nandito siya? Akala ko si Joy. Hindi ba’t sinabi ko na hindi ako sasabay? Ito talagang babaeng iyon. Ang kulit.
“Ah, Joy. Hindi nga ako sasabay dahil may dadaanan pa ako. Mauna ka na. Alam kong naghihintay na rin ang sundo mo.”
“Bakit? Sino ang dadaanan mo?”
Nanlaki agad ang mga mata ko. Ibang boses iyon. Taliwas sa boses na inaasahan ko. Bigla akong kinabahan. Akala ko si Joy. Ano ba naman itong lalaking ito? Parang kabute kung sumulpot. Basta na lang lumilitaw kung saan-saan.
“Uh… Ikaw pala.” Peke akong natawa habang pasulyap ako sa kanya.
Magulo ang buhok niya at wala na naman sa pagkakabutones ang uniporme niya. Litaw na litaw tuloy ang hubog ng kaniyang dibdib sa ilalim ng suot niyang sando.
Nagsalubong ang mga kilay niya at tumalim ang tingin sa akin. Agad kong iniwas ang aking paningin at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.
“Saan ka pupunta?” Madilim at may kung anong banta sa kaniyang boses. Bahagya siyang yumuko upang mapantayan ang mukha ko.
“Sino ang dadaanan mo, bakla?”

