loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]

WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]

IThinkJaimenlove · 42 chapters · 58,116 words

PRE-ORDER DETAILS!

✨ PRE-ORDER✨

(Reservation and payment will start this April 6,

2022

to May 6,

2022

)

WIFE SERIES: The Annulment

Written by:

IThinkJaimenLove

Published under

TDP

Publishing House

She thought life would be perfect if she marries the man she love. Pero hindi alam ni Emilia Palmiero na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na rin niyang mahalin. Roman Garces was too heartless to realize that there’s someone who loves him, who waited for him, and who understands him.

Pero sabi nga ng iba, hindi lahat nang bagay sa mundo ay mananatiling permanente. Ten years is just too much of waiting, ten years is enough for her to end their marriage. Tao lang si Emilia; puwedeng mapagod at magpahinga. Kaya mas pipiliin na lang niyang pakawalan si Roman dahil alam niyang walang pag-asa na mahalin siya nito pabalik.

But what if things will changed? The truth about their marriage will reveal. Muli kaya siyang kakapit o itutuloy ang planong pakawalan na ito?

Title: WIFE SERIES: The Annulment

Genre: Romance

Author: IthinkJaimenlove

Book Details:

  • Glossy

  • 5x8 Size

  • White Paper

  • Price: PHP 395 + Shipping Fee

Inclusion/s:

  • Bookmarks

  • Postcard

  • Exclusive Freebie from

TDP

Publishing House

🛒 How to order?

Fill out the form after you’ve sent the payment. Take note: You cannot fill the ordering form without proof of payment.

Reminder: This book will take 1 - 3 months processing. If you’re willing to wait, then place your order now!

Ordering form: https://forms.gle/qPZJELmzqswvH6iL6

Blurb

Wife Series: The Annulment

Written by:

IthinkJaimenlove

Description

She thought life would be perfect if she marry the man she loved. Pero hindi alam ni

Emilia Palmiero

na hindi ibig sabihin nang pinakasalan ka ay mahal ka na niya. Hindi porket nabuntis ka nito at pinanagutan ay kaya ka na rin niyang mahalin.

Roman Garces

was too heartless to realize that there’s someone who loves him, who waited for him, and who understand him.

Pero ika nga nila, hindi lahat nang nakikita mo sa mundo at nararamdaman mo’y nananatili. Ten years is just too much of waiting, ten years is enough. Hindi siya bato na kapag sinipa mo’y ikaw lang ang masasaktan o isang halaman na may tinik na kapag niyakap mo’y ikaw ang lang din ang masusugatan. Tao lang si Emilia, napapagod sa paghihintay, napapagod na hintayin na baling araw ay mamahalin siya pabalik ni Roman. She realized that she should not chase people and she should not wait for the guy to love him. Kaya mas pinili na lang niyang makipag hiwalay, to let him go. Sapat na ang sampong pagtitiis.

But what if things change? Their world turns up-side down. Will she still continue her plan or will she stay and wait for him?

DISCLAIMERS

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are all products of the author’s imagination. Kung may

pagkakatulad

man ito sa totoong tao,

patay

man o buhay, businesses, lugar,

pangyayari

at

insidente

ay

nagkataon

lamang

.

WARNING:

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which may disturbing to some readers.

It’s also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!

READ AT YOUR OWN RISK!

Prologue

Emilia

“Sumusuko ka na ba?”

Sumusuko na ba ako? Hindi ako alam. Pagod ako pero ’di ko alam kung sumusuko na ba ako, kung tama na ba?

“H-Hindi ko alam.” Napayuko ako.

Nagbabadya ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Pagod na pagod na ako pero ’di ko kayang bumitaw dahil mahal ko.

Martyr na ba ako kung tawagin? Iyon ba ang tawag sa mga taong nagmamahal lang ng lubos?

“Papaanong hindi mo alam, bakla ka! Kita na sa ’yong sumusuko ka na. Tignan mo iyang itsura mo, losyang na losyang na. Wala ka na sa ayos! My gad ka!”

Pinaikutan niya ako ng mga mata. Nag-de kuwatro siya habang umiinom sa kapeng hawak nasa tasa.

Tumayo ako, hindi pinansin ang sinabi nito sa akin. Kinuha ko ang bag ko saka ako tumingin kay Andoy, ang nag-iisang kaibigan kong bakla.

“Sige, Andoy. Mauuna na ako sa ’yo, baka hinahanap na ako ni Roman.” Tumalikod na ako ngunit natigilan ako ng magsalita siya.

“Kung alam mong sumusuko ka na, Emilia, tama na. Huwag mo nang hintayin na lumalim pa ang sugat diyan sa puso mo.”

Hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ang sinabi ni Andoy sa akin. Tumatakbo pa rin ito sa aking isipan. Naguguluhan at hindi alam ang gagawin.

Pinapakiramdaman ko naman ang sarili ko kung sumusuko na ba ako pero bakit ’di ko maramdaman? Pagod ako? Oo, dahil isa akong asawa na may isang anak na inaalagaan. Nakakapagod pero kinakaya ko dahil mahal ko ang pamilya ko.

“Where have you been?!” Masamang tingin ang bumungad sa akin ng makapasok ako sa aming bahay rito sa south ridge village.

“N-Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan,” sagot ko.

Lumapit ako sa kaniya para sana’y humalik sa kaniyang pisngi ngunit tinabig na niya ako.

“Kaibigan? O baka kabit? Bagong biktima?”

Umiling ako. “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Kaibigan ko ’yun. Si Andoy, kilala mo naman siya ’di ba?”

Nasasaktan ako sa mga pambibintang niya ngunit kailangan kong tatagan ang sarili ko at patunayang hindi totoo ang lahat ng mga pinagsasabi niya.

“Tss!”

Napabuntong-hininga ako ng umalis ito sa harapan ko at pumasok sa loob ng bahay. Nakayuko akong sumunod sa kaniya.

“Momma!” Inangat ko ang tingin ng sinalubong ako ng aking limang taong anak na lalaki. “Where have you been po?”

Yumuko ako upang halikan siya sa kaniyang pisngi bago ko siya binuhat dahil itinaas nito ang mga kamay.

“Nakipagkita lang ako kay Tita Doy mo, ’nak.” Ngumiti ako.

Naglakad ako papuntang kusina kung saan naabutan ko si Roman na naninigarilyo. May upos pa ng sigarilyo sa sahig at bote ng alak na nagkalat.

Ibinaba ko si Rowan, ang limang taong gulang kong anak, anak namin ni Roman. Bago ako lumapit sa harapan niya at pinulot isa-isa ang bote ng alak na nagkalat.

“H-Hindi mo man lang ba alam na puwedeng magkasakit ang anak mo dahil sa paninigarilyo mo rito sa loob ng bahay?” tanong ko sa kaniya nang harapin ko ’to.

Mahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko nang tumingin ito sa akin, walang buhay, malamig.

“It’s not my fault, lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay kasalanan mo.”

“Kasalanan na pa lang magmahal ngayon? Pasensiya na, mahal lang kita.”

Tumayo ito at masamang tumingin sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko nang makalapit siya sa akin.

“Stop telling me your lies. Hindi mo ako mahal dahil ginamit mo lang ako para sa pansarili mong kagustuhan!”

Pabagsak niyang binitiwan ang braso ko at umalis sa harapan ko. Mabilis akong nilapit ni Rowan at mahigpit ng niyakap ang aking mga tuhod.

“M-Momma…” Yumuko ako at nakita ko ang mumunting luha sa kaniyang mga mata. “I-I’m sorry po.”

Ngumiti ako. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayan na bumuhos na pala. Pinantayan ko ang tangkad niya at hinawakan ang kanyang mukha nang bitiwan ko ang mga boteng hawak kanina.

“Ssshh,” pagpapatahan ko. “Hindi mo kailangan mag-sorry. Totoo namang kasalanan ko ang lahat ng nangyari pero huwag kang mag-aalala, matatapos din ang lahat ng ito.”

Matatapos din ang lahat dahil ngayon, alam ko na sa sarili kong pagod na ako’t gusto ko ng makalaya. Hindi na ako puwedeng manatili pa dahil tama si Andoy, hindi ko dapat na hayaang lumalim ang sugat sa puso ko.

Pagod na ako, siguro nama’y sapat na ang lahat ng nagawa at pagsisisi ko para pagbayaran ang kasalanang aking nagawa.

Chapter 1

Emilia

“Good morning, Momma!” masiglang bati ng anak ko nang pumasok siya rito sa kusina.

Sinalubong ko naman ito ng halik sa kaniyang pisngi at inalalayan siyang makaupo sa harap ng hapag.

Nakahanda na ang lahat, ang mga pagkaing kadalasan kong niluluto tuwing umaga para sa aking mag-ama.

“Good morning!” Ngumiti ako. Ginulo ko ang buhok niya bago ko siya tinalikuran. “Where’s your papa, Rowan?”

“He’s still upstairs po. Narinig ko may kausap po siya sa kaniyang cellphone,” sagot nito.

“Okay. Let’s wait for him first bago tayo kumain.” Hinarap ko ito nang makuha ko ang tinimpla kong gatas para sa kaniya.

“Yes po!” Malawak ang pagkakangiti niya, ganito siya palagi tuwing umaga. Napakasiglang bata.

Matapos kong iabot ang gatas ni Rowan ay tumalikod akong muli upang magtimpla naman ng kape para kay Ramon.

Ito ang madalas kong ginagawa, ang pagsilbihan silang dalawa tuwing umaga. Maaga akong gumigising upang ipagluto sila bago ako umalis para pumunta sa aking trabaho, ang magtinda sa palengke ng gulay at mga isda.

Kahit nakatalikod ako’y ramdam ko ang presensiya niya nang pumasok ito sa kusina. Alam kong masama na naman ng timpla nito tuwing umaga.

“Good morning, Papa!” bati ng anak namin.

Humarap ako upang salubungin ang tingin nito, malamig at walang emosyon.

“Good morning.” Kahit Kinakabahan ay pinilit kong ngumiti at huwag mautal.

Sa tuwing malapit kami sa isa’t isa ay natatakot ako na baka saktan niya ako ngunit hindi naman niya ginagawa. Pinagkakasya na lang ang sarili sa masamang tingin at malamig na pakikitungo.

“Where’s my coffee?” Umupo siya sa tabi ng anak, ipinatong ang mga kamay sa mesa.

Mabilis akong kumilos at inilapag ang kapeng tinimpla para sa kaniya. Pagkatapos kong maiabot ang kape ay inihanda ko na rin sa harapan nila ang mga pagkain.

“May pupuntahan ako ngayon. Hindi ko mababantayan si Rowan,” sabi nito habang humihigop sa kapeng tinimpla ko.

“Sino ang magbabantay sa kaniya? Hindi siya puwede sa palengke,” sagot ko. Nanatili akong nakatayo sa harapan nila.

Inangat niya ang tingin sa akin, ang malamig at walang buhay nitong tingin ay ngayo’y nakatuon sa akin.

“Kung gusto mo ipabantay mo roon sa baklang kaibigan mo o iwan mo sa mga lalaki mo. It’s up to you, I don’t really care!”

Malamig pero may diin.

“Ilang beses ko pa bang sabihin sa ’yo na wala akong lalaki?” Ikinuyum ko ang kamao.

Palagi na lamang niya akong pinagbibintangang may lalaki. Hindi ako bayaran at kahit kailan ay hindi ko magawang maghanap ng lalaki dahil alam niya sa sarili niyang mahal ko siya, na mariin naman niyang itinatanggi.

“You’re lying again.” Masama na ang kanyang tingin.

“Momma, Papa, huwag na po kayo mag-fight.”

Napatingin ako sa anak ko, ikinalma ko ang sarili upang hindi siya matakot. Mabilis ko siyang nilapitan at hinaplos ang magkabila nitong pisngi.

“Hindi kami nagpa-fight, baby. Kumain kana dahil isasama ka ni Tita Andoy mo today, mamamasyal kayo.” Ngumiti ako.

Nakahinga ako ng maluwag dahil naintindihan nito ang sinabi ko. Napansin kong kumakain na rin si Roman. Umayos na rin ako ng tayo at kinuha ang cellphone ko na malapit sa lababo, dahil kanina ay kausap ko rin si Andoy, ang baklang kaibigan ko simula pa ng high school at siyang tumutulong sa akin kay Rowan kapag wala akong mapag-iwanan sa bata dahil busy ang ama nito sa hindi ko malamang dahilan.

Nag-text ako kay Andoy na siya muna ang bahala anak ko, mabuti na lang dahil gustong-gusto nito ang bata na alagaan kaya pumayag siya agad.

Pagkatapos naming kumain, nauna lang si Roman, ni hindi nito natapos ang pagkain dahil agad siyang umalis ng wala man lang paalam. Hindi ko alam kung saan siya pupunta at wala ring saysay kung tatanungin ko siya dahil sino ba ako sa kaniya?

Isa lang akong asawa, ina ng anak nito at ikinasal kaming dalawa pero ’di ko naramdaman mahal niya ba talaga ako. Pumayag lang siyang pakasalan ako dahil sa batang dinadala ko noon.

Akala ko noon ay makukuha ko ang puso niya pero mali pala ako. Miserable na ang buhay ko noon at mas lalong naging miserable ngayon sa piling ni Roman.

Mayroong parte sa puso kong masaya dahil kapiling ko siya, pero mas nananaig ang sakit sa araw-araw na ipinapakita niyang malamig na pakikitungo.

Hindi ko ginusto ang lahat. Kasalanan, oo pero ’di ako ang may gusto. Sinunod ko lang gusto ng babaeng ’yun dahil sa mga payong binigay niya.

Tanga ako, eh. Mahal ko, kaya ginawa ko. Pero kapalit pala ng sarap na dinanas sa gabing iyon ay siya namang paghihirap ang dinaranas ko ngayon.

“Friend, aalis na kami nitong poge kong inaanak! Nag-i-imagine ka pa rin diyan.”

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Andoy, matinis na boses na pinipilit maging boses babae pero ’di pa rin nito naitatago ang malalim niyang boses.

Kinuha ko ang bag ng anak ko at iniabot iyon sa kaniya. Nilapitan ko rin si Rowan upang halikan ito sa kaniyang pisngi.

“Behave ka roon, okay?” Tumango lang siya at ngumiti. Umayos ako ng tayo upang pantayan si Andoy. “Ingatan mo ang anak, ’Doy. Huwag mo siyang paglalaruin sa labas parlor mo baka kung ano pa ang mangyari–”

“Hep!” Pinigil niya ako gamit ang kaliwa niya kamay, dahil hawak nito sa kanan ang inabot kong bag. “Ikaw ang dapat mag-ingat, Emilia. Dahil durog na durog na iyang puso mo.”

“Kung ano-ano na naman iyang sinasabi mo. Umalis na lang kayo dahil magtitinda pa ako,” sabi ko. Hindi pinansin ang sinabi nito dahil kahit itanggi ko ay totoo ang kanyang sinabi.

“Oh siya! Babush na. Ihahatid ko na lang ang bata, huwag ka ng mag-abala pang kunin siya sa parlor.”

Tumango lang ako. Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako sa anak ko, hinalikan muli ang kaniyang pisngi bago sila lumabas ng bahay.

Maingay ang paligid at amoy ng karne at isda ang siyang malalanghap mo rito. Ito ang palaging scenario dito sa palengke kung saan ako nagtitinda ng gulay at isda.

Simula nang ikasal kami ni Roman at nanirahan sa South Ridge Village ay kinailangan kong kumayod para sa pamilya namin. Dahil na rin sa wala siyang trabaho.

Hindi pa naman nag-aaral si Rowan kaya nakatulong iyon upang mabawasan ang ibang gastusin at nagpapasalamat na lang ako dahil marami akong suki rito sa palengke. Hindi lang naman ito ang trabahong pinapasukan ko dahil tuwing sabado at linggo, sa isang bar naman ako nagtatrabaho.

“Magkano itong gulay, miss?” Tumingin ako rito.

“Ikaw pala iyan, King. 25 pesos lang iyang isang kumpol ng sitaw,” sagot ko. Kinuha ko ang sitaw na inabot niya at ibinalot iyon sa supot.

“Ang ganda mo talaga, Emilia.” Umiwas ako ng tingin. Inayos ko ang tumagas kong buhok sa aking tainga.

“Sira! Ano pa bang bibilhin mo?” tanong ko.

“Isang pack ng toyo na rin dahil gusto ni Mama na mag-adobo ng sitaw,” sabi niya.

Hindi nawawala ang tingin nito sa akin. Kaya todo ang iwas ko at ayaw kong magtama ang tingin naming dalawa.

Ibinalot ko na ang binili nito at saka ko ibinigay sa kaniya. “Salamat,” sabi ko.

“Kung wala ka lang asawa ay liligawan talaga pero may nauna na sa puso mo,” aniya. Diretso ang tingin sa aking mga mata.

“Ano ba iyang pinagsasabi mo, King. Alam mo ng may-asawa na ako, kasal na ’ko, oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang singsing na bilang tanda na kasal na ako. “Saka kahit wala naman akong asawa ay kaibigan lang ang maibibigay ko sa ’yo.”

“Busted na agad.” Tumawa siya. Inabot na rin niya ang bayad saka siya nagpaalam na uuwi na.

Hindi ko maitatangging may itsura si King, katulad ng aking asawa ay maganda ang kanyang pangangatawan ngunit kung titimbangin ay kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.

Isa siya sa mga suki ko magmula ng magsimula akong magtinda rito sa palengke. Araw-araw na yata siyang bumabalik at dito bumibili. Kaya naging magkaibigan na kaming dalawa.

Inabala ko na lang sarili sa pagtitinda. Marami ang bumibili kaya hindi mapagkasya ang sarili at nagpapasalamat akl dahil hindi sila nagagalit kapag matagal kong naiabot ang kanilang binili.

Pawisan ako ng sumapit ang hapon. Naubos ang paninda kong karne kaya kailangan kong mag-order sa mga nagde-deliver ng karne rito. Kaya isinarado ko na ang puwesto ko bago ako umalis doon.

Napahawak ako sa aking tiyan ng kumalam iyon. Ngayon ko lang naalalang hindi pala ako nagtanghalian kanina upang makatipid ako.

Dahil hapon na rin ay tiniis ko na lang ang gutom. Sakay ng tricycle ay umuwi ako sa aming bahay. Nag-text na rin ako kay Andoy na nakauwi na ako, tinignan ko rin kung may natanggap akong mensahe mula kay Roman ngunit wala man lang akong nakita ni isa.

Siguro’y hindi na naman siya uuwi ngayon dahil kasama niya ang taong totoong nagpapasaya sa kaniya, ’yung taong nilalaman ng kanyang puso at hindi ako iyon.

To be continued…

Author’s note!

Feel free to comment anything po. Gusto ko malaman kung ano reaction niyo sa

storyang

ito.

Salamaat

!

Chapter 2

Emilia

Marami akong pangarap noon sa buhay ko, magmula ng magkamuwang ako’t malaman kung ano bang halaga ko rito sa mundo. Gustong makapagtapos ng pag-aaral kahit na wala ng sumusuporta sa akin, dahil is ana akong ulilang lubos. Gusto kong maging isang guro noon na magtuturo sa mga bata kung alin ang tama at mali.

Makahanap ng isang lalaking magmamahal sa akin ng lubos, magiging isang mabuting asawa at ina sa magiging mga anak naming.

Ngunit lahat ng ’yun ay hindi natupad, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa trabaho. Hindi sapat ang perang nakukuha ko sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon, kahit hindi ko gusto ay wala akong magagawa dahil ’yun lang ang trabahong tumanggap sa akin noon.

Nakahanap nga ako ng lalaki, ngunit hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal. Tanging ang batang dinadala ko lang noon ang naging koneksiyon naming dalawa.

“Momma, can you tell me a story po?” Napatingin ako sa anak kong nakahiga sa aking braso, narito kami ngayon sa kaniyang kuwarto upang patulugin na. Ngunit humiling pa na kuwentuhan ko siya na palagi kong ginagawa kapag patutulugin ko na siya.

“Anong kuwento ang gusto mong marinig?” Hinalikan ko ang ulo nito at marahang sinusuklay ang kaniyang malambot at makapal na buhok. Manang-mana sa kaniyang ama, kaya ang Rowan ang ipinangalan ko dahil malapit ito sa Roman.

“I want a different story, like, how did you met Papa?”

Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kisame ng kaniyang kuwarto, may mga glowing in the dark stars na nakadikit at nagkalat dito. Gusto niya raw nakikita ang mga bituin kahit na nasa loob lang siya ng kaniyang kuwarto. Kaya heto ang inilagay ko nang hilingin niya ito.

“Papaano ba?” Tumingin ako kay Rowan, nakatingala siya sa akin at nakikita ko ang kislap sa mga mata nito na kuhang-kuha ang mga mat ani Roman.

“How did you two met po ba, Momma? I wanna know it po,” pag-uulit nito sa hiling dahil hindi ko agad nasundan ang sasabihin ko.

“Sa bar kami nagkakilala noon ng Papa mo…”

Hindi ko na matandaan ang eksaktong araw noon nang makita ko siyang umiinom kasama ang mga kaibigan nitong lalaki at mga babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya noon ay mabilis na ang takbo ng aking puso, hindi ko maintindihan pero excited ako sa tuwing papasok ako sa bar upang magtrabaho at masilayan siya.

Tuwing sabado at linggo ang trabaho ko kaya sa tuwing nasisilayan ko siya noon ay hindi mapakali ang puso ko. ’Di ko pinapalampas ang pagkakataon na ako ang nauutusan upang kunin ang order nila at ibayong kilig ang dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.

Isang gabi noon na mag-isa lang siyang umiinom at ’yun ang gabi na hindi ko inaasahan. Ang nagpabago sa takbo ng aming mga buhay.

Matapos ang trabaho ko noon ay lumabas na ako sa bar, malapit sa parking lot ang waiting shed kung saan ako palaging naghihintay ng masasakyang tricycle. Kaya nang makarating ako roon ay hindi ko inaasahan na makikita ko siyang nakasandig sa kaniyang kotse.

Alam kong marami siyang nainom sa gabing ’yun dahil halata sa kaniyang mukha ang pamumula nito. Inilibot ko ang paningin sa paligid at wala ng mga taong naririto, dahil maaga silang nagsiuwian kahit hindi pa naman malalim ang gabi.

Akala ko, ang pagpapakita ko ng malasakit sa kaniya noon ay ang simula ng aming pagkakaibigan ngunit mali. Nagpadalo-dalos ako sa aking desisyon, hindi ko naisip ang mga bagay na puwedeng mangyari.

Dahil hindi ko siya puwedeng iwan noon na mag-isa at lasing pa siya. Hindi rin ako marunong magmaneho ng kotse kaya dinala ko siya sa isang hotel nang makita kong nahihirapan na ito. Hirap na hirap akong alalayan siya habang papasok kami sa kuwarto ng isang hotel, dahil babae ako at mabigat siya para sa katulad ko.

Matagumpay ko siyang naipasok sa kuwarto ng hotel, at tulad sa mga dramang pelikula na napapanood ko lang. May mga pangyayaring bigla-bigla na lang gugulat sa atin na hindi inaasahan.

Aalis n asana ako noon upang makauwi na sa isang maliit na apartment na inuupahan ko ngunit mabilis ang kamay nito at hinatak ako hanggang sa ako na ang nakahiga sa malambot na kama at nakapatong siya sa akin.

“Where are you going?” Tandang-tanda ko pa ang naging usapan namin noon. Hindi ko ’yun malilimutan.

“U-Uuwi na,” sagot ko sa kaniya, malakas ang kabog ng aking dibdib. Nadagdagan pa ’yun dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa at amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang hininga.

“Don’t leave me, please?”

“K-Kailangan ko nang umuwi.” Nanginginig ang kamay ko upang itulak siya ngunit mabilis niya itong nakuha gamit ang isa niyang kamay. Ngayo’y walang-wala akong kawala.

“B-But I need you.”

Gulat. Nanlaki ang mga mata ko sa mga mabilis na pangyayari.

Siguro’y tanga ako, hindi nag-iisip at mabilis na nagdedesisyon. Dahil nagpadala ako sa agos ng aking nararamdaman nang hindi man lang pinag-iisipan. Mabilis kong ibinigay ang sarili, na hindi man lang naisip kung ano nga ba ang kahihinatnan. Ipinikit ko na lang ang mga mata at dinama ang bawat hagod nito sa katawan ko habang naglalabas-masok ang kanyang kahabaan sa loob ko.

Walang pag-aalinlangang ibinigay ang sarili dahil gusto ko siya, kahit na paulit-ulit kong naririnig sa kaniya noon ang ibang pangalan ng babae.

“Pero hindi ko pinagsisihan na nabuo ka,” sabi ko, pero nang tignan ko na ’to ay mahimbing ng natutulog. Napangiti ako at saka dahan-dahan na inayos ang kaniyang pagkakahiga, inayos ang kumot at saka ako umalis sa kaniyang kama.

Hinalikan ko muna ito sa kaniyang noo bago ko pinatay ang ilaw sa kaniyang kuwarto at tanging ang lamp shade na lang ang nagbibigay liwanag dito. Naglakad na ako papalabas ng pinto, binuksan ko ito at tuluyang lumabas sa kuwarto ni Rowan.

Naglakad ako sa hallway nitong second floor ng aming bahay upang pumunta na sa aking kuwarto. Ngunit bago ako makakarating doon ay madadaanan ko muna ang hagdan at ang diretso ng ay ang main door ng aming bahay na saktong bumukas at pumasok si Roman doon.

Dali-dali akong bumaba upang lapitan siya. “K-Kumain kana? May itinabi akong pagkain kanina para sa ’yo,” sabi ko.

Kahit hindi ko inaasahan na uuwi siya ngayong gabi ay nagtatabi pa rin ako ng pagkain para sa kaniya.

Hindi ako nito pinansin dahil nagdire-diretso siya ng lakad na parang hangin lang ako sa kaniyang paligid. Nararamdaman niya ngunit hindi niya nakikita. Sinundan ko siya ng tingin ng umakyat siya sa second floor at narinig ko ang pagbukas-sara ng kaniyang kuwarto.

Wala akong nagawa kundi ang lapitan ang nakabukas na pinto ng bahay at isirado ’yun dahil iniwan lang niyang nakaawang ito. Umakyat na rin ako at pumasok sa aking kuwarto.

Kahit mag-asawa na kami, sa papel lang, ay magkaiba pa rin ang kuwarto naming dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Rowan ’yun at ipinagpapasalamat ko na lang na hindi nagtatanong ang bata kung bakit hindi kami nagtatabi ng ama.

Walang sariling banyo ang aking kuwarto kaya kailangan ko pang bumaba upang doon maligo. Nang makakuha ako ng tuwalya ay ay agad akong lumabas sa aking kuwarto, saktong bumukas ang pintuan ni Roman.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniyang nakakunot ang noo nang makita kong may dala siyang bag na sa tingin ko’y naglalaman ng kaniyang mga damit.

Malamig siyang tumingin sa akin. “Wala kang pakialam, who are you to ask me that?”

Sumikip na naman ang dibdib ko, sa tuwing binabato niya ako ng masasakit na salita ay bumubulusok iyon sa aking puso na nagbibigay ng malalim na sugat. Ngunit iniinda ko, dahil ayokong iwan ang anak ko at may katiting na pag-asa akong kinakapitan.

“Uuwi ka ba?” Hindi ko pinansin ang sinabi nito.

“Can you please stop asking me? I need to go dahil nagmamadali ako. You won’t even care if I go home or not.”

Iniwan ako nitong hindi nakasagot sa kaniyang sinabi. Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha sa aking mga mata. Sanay na akong pakitunguan niya ng masama ngunit sadyang mababaw lang talaga ang mga luha ko.

Kailan ka? Kalian kaya darating ’yung araw na magiging masaya ako na walang iniindang kirot sa aking puso. Dahil magmula nang mamatay ang mga magulang ko hanggang ngayon ay puro na lamang pasakit ang pinagdadaanan ko.

to be continued…


Thank you for reading. let me know your comment!

Chapter 3

Emilia

Palagi akong bumubulong sa hangin na sana’y hindi na lang nangyari ang lahat, sana’y hindi na lang ako nagmalasakit noon at hindi nauwi sa ganito na nasasaktan ako. Pero ano pa ba ang magagawa ko, kundi ang tanggapin na ito na ang kapalaran ko.

Laking pasalamat ko na lang dahil isang blessing para sa akin ang anak ko. Dahil sa kaniya ay nakaramdam ako na hindi ako nag-iisa. Magmula nang isilang ko siya ay ang lungkot na nadarama ko’t pasakit na ipinadama ng kaniyang ama ay unti-unting naglaho, nang masilayan ko ang maamong mukha ni Rowan.

“Momma, can you cook me a banana cue po? I want banana cue!” Malawak ang pagkakangiti nito sa kaniyang labi habang hawak-hawak ang laruan niya sa kaniyang kamay. Nakaupo si Rowan sa isang mataas na upuan dito sa kusina.

Hapon na at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Roman. Sinabi ko na lang sa bata na may trabaho itong pinuntahan dahil maging ako’y hindi ko rin alam kung bakit ba siya umalis kagabi. Nang tanungin ko pa siya’y wala akong nakuhang sagot kundi ang masasamang titig.

Hindi ako pumunta sa palengke upang magtinda dahil walang kasama ang bata, busy si Andoy ngayon araw at hindi ko puwedeng iwan sa kaniya ang bata dahil baka makaabala lang. Malaki ang naitulong niya sa akin at hindi ko naman puwedeng abusuhin ito. Hindi ko rin naman puwedeng dalhin si Rowan sa palengke dahil marami ang tao roon, baka malingat lang ako saglit ay wala na siya sa tabi ko.

“Oo naman! Para sa pinakaguwapo kong anak,” nakangiti kong sabi. Nilapitan ko pa ito at kinurot ang kaniyang maputing pisngi. Manang-mana ito sa kaniyang ama, ang tanging nakuha lang niya sa akin ay ang maputi nitong balat.

Napanguso siya kaya natawa ako. Iniwan ko na rin siya sa puwesto niya at lumapit na sa ref upang kunin ang saging dahil gusto nga nito ng banana cue.

“Momma, kailan po ba uuwi si Papa?”

Abala ako sa pagbabalat ng saging nang magtanong ito. Hindi ako kaagad na nakasagot dahil hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutin. Napatingin ako sa hawak kong kutsliyo at ang nabalatan ng saging bago ako bumuntong-hininga’t lumingon kay Rowan.

“Baka busy lang ang Papa mo sa trabaho, siguro maya-maya ay nandito na rin iyon.” Mapait akong ngumiti, naninikip ang dibdib ko.

Nasasaktan ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak ko. Ayokong lumaki itong walang ama na kasa-kasama at ayoko rin naman iwan siya sa puder ng ama. Ayokong iparanas sa kaniya ang hindi kompleto ang magulang kaya kahit hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ay nandito pa rin ako. Dahil para lang ito sa anak ko.

“I hope Papa will buy me toys,” bulong nito. Kahit mahina lang iyon ay naririnig ko pa rin naman dahil hindi naman malayo ang kaniyang puwesto sa akin.

Hindi na lang ako sumagot at inabala ko na lang ang sarili sa pagluluto ng pangmeryenda nito. At, nang matapos ko itong lutuin ay agad kong inihanda ito kay Rowan. Nagtimpla lang ako ng juice bago niya ito sinimulan na kainina.

Naupo na rin ako sa harapan at pinagsaluhan naming dalawa ang niluto kong banana cue nang tumunog ang door bell. Dali-dali akong nagpaalam sa bata na hindi na ako pinansin dahil masyado na niyang naituon ang sarili sa pagkain. Kaya lumabas na lang ako ng kusina at naglakad papalabas ng pinto para pagbuksan kung sino mang nag-door bell sa labas ng gate. Paglapit ko sa gate ng aming bahay ay agad ko itong binuksan.

“Hi.” Nakangiti niyang bungad. Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat nang makita ko si King sa harapan ng amin. May hawak-hawak itong paper bag na ipinagtataka ko. “Hey!”

Mabilis akong napabalik sa reyalidad nang tinawag niya ang pansin ko. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko.

“P-Puwedeng pumasok na muna?” Tumingin siya sa loob. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi. Wala akong nagawa kundi ang lakihan ang pagkakabukas ng tarangkahan at papasukin ito sa loob ng aming bakuran. “Thanks,” sabi pa nito.

“B-Bakit ka nandito at papaano mo natuntun ang bahay naming?” tanong ko sa kaniya nang maisara kong muli ang gate at harapin si King na pinagmamasdan na ang bakuran naming.

“Hindi naman mahirap hanapin itong South Ridge Village dahil sikat ito. At saka may kaibigan din ako na rito nakatira, at naalala ko na sinabi mo sa akin ang bahay niyo kaya dumalaw ako ngayon,” paliwanag nito. Tumingin siya ulit at ngumiti. “Hindi naman masama iyon ‘di ba?”

“H-Hindi naman. T-Tara sa loob dahil nagluto ako ng miryenda,” sabi ko. Nauna na akong maglakad at napansin kong sumunod na rin naman siya sa akin. Pumasok kami sa bahay at dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko si Rowan na nagkalat na ang banana cue sa harapan niya.

Mabilis kong nilapitan ang anak ko at nilinis ang nagkalat na pagkain. Sinabihan ko siya na huwag siyang makalat dahil may bisita kami.

“Who is he po, Momma?” bulong ng anak ko nang mapansin si King na nakatayo lang sa tabi at pinagmamasdan ang kusina namin.

“Si Tito King mo. Suki ni Momma sa palengke kaya magpakabait ka para sa atin lang siya bumili, okay?” pagbibiro ko kaya nakuha ko ang atensiyon ni King at napatingin ito sa amin. “Maupo ka pala. Pasensiya ka na dahil medyo makalat, wala kasi kaming kasama ngayon.”

“No, it’s okay. Ako dapat ang manghingi ng tawad dahil mukhang nakakaabala ako sa inyo,” aniya at naupo na rin siya sa palaging puwesto ni Roman. “And, by the way, I brought some food.” Inilapag niya ang kanina pa niyang hawak na paper bag sa mesang aming kaharap na naglalaman pala ng kung anong pagkain.

“N-Nag-abala ka pa,” sabi ko.

“Just don’t mind it. We’re friends na rin naman ‘di ba?” Kahit naguguluhan ako sa kinikilos niya ay napatango na lang ako. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

Sa palengke lang naman kami nagkikita at nagkakausap dahil naging suki ko na rin siya. At, kahit gano’n ay itinuturing ko na siyang kaibigan. Lahat ng mga bumibili sa paninda ko’y kinakaibigan ko.

Habang inuubos namin ang niluto kong banana cue ay nag-uusap si King at Rowan. Dahil mukhang nakuha agad ni King ang loob ng anak ko ay mabilis silang nagkapalagayan ng loob sa maikling panahon.

Nilinis ko na lang ang mesa nang matapos kaming kumain. Leche plan ang dalang pagkain ni King na inubos lang din naming tatlo. Si Rowan ang maraming nakain at sarap na sarap siya dahil iyon pa lang ang unang beses na makakatikim siya nito. Hindi naman kasi kami madalas na kumain sa labas o ‘di kaya’y magluto ng masasarap na pagkain ay sakto lang ang perang kinikita ko sa pagtitinda. Ipinagpapasalamat ko na lang na kahit papaano ay nakakain kami, kahit na minsan ay silang mag-ama lang ang kumakain kapag hindi sapat ang kita.

Hindi rin naman gaanong kalakihan itong bahay na siyang huling ibinigay ng mga magulang ni Roman ng matapos ang simpleng kasal naming dalawa. Pagkatapos nun ay wala ng sumunod pa, nang mag-birthday si Rowan ay hindi na rin sila nagparamdam. Hindi ko na lang tinanong dahil alam ko namang ayaw nila sa akin ngunit wala silang nagawa nang pumayag na magpakasal si Roman.

“I need to go. Malapit na pa lang mag-alas-sais.” Tumawa pa si King matapos niyang tignan ang relo sa kamay at tumingin kay Rowan na nakaupo sa kaniyang hita.

Nasa sala na kaming tatlo habang naglalaro ang dalawa. Tahimik lang din ako na pinagmamasdan sila at minsan nama’y nakikisali na rin sa kuwentuhan nila.

“Dito ka na lang po mag-dinner, Tito King,” nalulungkot na sabi ni Rowan.

Kinurot ni King ang pisngi nito at ginulo ang kaniyang buhok. “Sa susunod na lang, Rowan. May gagawin pa kasi si Tito, eh.”

“But-“

Magsasalita pa sana si Rowan nang magbukas ang pinto ng aming bahay. Pumasok roon si Roman at nang mapadako ang tingin niya sa sala ay biglang sumama ang kaniyang tingin. Dumagundong naman ang dibdib ko sa kaba at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.


Baka

palagi

na ang updates ko kaya stay tune! Thank you for reading. Much appreciated kapag nag-comment pa kayo. Muah!

Chapter 4

Emilia

Kanina pa nakauwi si King at nasa loob ako ng kuwarto ni Rowan dahil pinapatulog ko na ito. Saktong paglingon ko rito ay mahimbing na siyang natutulog.

Dahan-dahan akong umalis sa kaniyang kama at inayos ang pagkakakumot sa kaniya. Huminga ako nang malalim at saka ako lumabas ng kaniyang kuwarto.

Kinakabahan man ay kailangan ko siyang harapin. Alam kong galit ito.

Kanina nang maabutan niya kami sa sala ay masama lang niya akong tinignan at saka nilampasan. Dumiretso ito sa kaniyang kuwarto bitbit ang kaniyang bag.

“Sino iyon?” Nagulat ako dahil naabutan ko si Roman sa labas ng pinto ng kuwarto ni Rowan. Nakasandig ito sa pader habang masamang nakatingin sa akin.

Mas lalong bumilis ang kabog sa dibdib ko kaya hindi agad ako nakasagot.

“I’m asking you, Emilia. Who’s that fucking guy? Lalaki mo?” mariin ulit niyang tanong, hindi ito sumisigaw pero alam kong galit ito.

“Kaibigan ko lang si King,” mahinahon kong sagot. Naisara ko na rin ang pinto ng kuwarto ni Rowan at maglalakad na sana ako papasok sa aking kuwarto ngunit hinila nito ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

“Friends with benefits? Dahil ba sa hindi mo ako nakaka-sex kaya ka naghahanap ng iba?” Masama na siyang nakatingin sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso.

Hindi ko napigilan ang sarili na itulak siya at sampalin. Tinapatan ko ang masama nitong tingin at hindi man lang siya natinag sa ginawa ko.

“Naririnig mo ba iyong sinasabi mo?! Ano tingin mo sa akin, malandi?!” hasik ko dahil sa galit. Hindi ko na natitiis pa ang pagtawag nito sa akin ng malandi at bayaran.

Tumawa siya at mabilis niyang hinawakan ang aking panga. Hindi ako nagpatinag, pinakita ko kay Roman na hindi ako natatakot sa kahit ano’ng gawin niya. Pagod na akong maging mahina.

“Oo! Kung hindi dahil sa kalandian mo, wala ako ngayon dito sa walang kuwentang buhay na ’to!”

Sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makasagot dahil hawak niya ang aking panga, nasasaktan ako ngunit hindi ko iyon ipinapakita sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis ito sa pagkakahawak sa aking panga.

“Minsan ba ay pinakinggan mo ang paliwanag ko?” tanong ko. Diretso ang tingin sa kaniyang mga mata, alam kong nagulat ito dahil sa mga luhang hindi ko namalayang dumaloy rito.

“Bakit ako makikinig sa ’yo? You’re liar!”

“K-Kung ayaw mo pala sa buhay na mayroon ka ngayon, bakit mo ako pinakasalan? Bakit mo ako pinanagutan? Kung puwede mo naman akong balewalain noon. Ni minsan ay hindi ako nagmakaawa sa ’yong mahalin ako, pero naisip mo bang tao lang din naman ako na nasasaktan?”

Natigilan ito sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Pero wala na akong pakialam pa roon, pagod na akong magpakatanga. Tama si Andoy na tigilan ko na itong katangahan ko sa kaniya.

“Siguro, mas mabuti pang tapusin na lang natin ’to, Roman. K-Kung ipagpapatuloy pa natin ang lahat, wala ring saysay. At least, k-kapag natapos na ’to, makakalaya ka na at puwede na kayong magpakasal ng babaeng mahal mo.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil agad akong umalis sa kaniyang harapan.

Pumasok ako sa kuwarto ko at agad ko iyong isinarado. Napahugot ako nang malalim na buntonghininga at sumandal sa nakasaradong pintuan. Unti-unting bumuhos ang mga luha sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan.

Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Ang hirap-hirap umiyak na pinipigilang kumalawa ang boses. At nahihirapan akong tanggapin at isipin, na kapag tapos na kaming dalawa ay hindi ko alam kung ano pang buhay ang maibibigay ko sa anak ko.

Naiintindihan ko naman siyang nahihirapan siyang tanggapin ang lahat pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan pa niya akong pakasalan kung puwede naman niya akong balewalain. Dahil ba sa mapapahiya ang kaniyang pamilya?

Ni wala ngang pakialam ang mga magulan niya sa amin matapos ang kasal. Tila ba, itinakwil na siya ng mga ito dahil sa isang babae lang na katulad ko siya napunta. Hindi ko maintindihan ang mga mayayaman, ang dali para sa kanila na husgahan kaming mahihirap.

Naglakad ako papunta sa aking kama kahit na ang mga tuhod ko’y nanghihina na. Ang mga mata ko’y hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak, maging ang puso’y hindi ko alam kung buo pa ba ito o wasak-wasak na.

Nang gabing iyon ay natulog ako na may sama ng loob. Matagal naman akong may sama ng loob ngunit sinasarili ko na lang, kaya minsan ay hindi ko napipigilan ang sarili kong sumabog na lang ng tuluyan.

––

“Momma, I want fried chicken po?” request ng anak ko nang makaupo ito sa high chair dito sa kusina. Abala ako sa pagluluto ng agahan namin na saktong pumasok silang dalawa ni Roman.

“Okay po,” sabi ko at ngumiti sa bata. “G-Gusto mo ba ng kape?” kinakabahan kong tanong kay Roman.

Kahit na may hindi kami magandang naging usapan kagabi ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang obligasyon ko bilang asawa niya, asawa lang niya.

Tumingin ito sa direksiyon ko at tumango. Kaya inabala ko na ang sarili ko upang pagsilbihan silang dalawa. At habang nagluluto ako ay nag-uusap ang mga ito kaya hindi ko maiwasan na hindi sila mapakinggan.

“Where do you want to go, young man?” tanong niya sa anak.

“I-I don’t know po, Papa.”

“How about, out of town?” Narinig ko ang pagsisigaw ni Rowan dahil sa sinabi ng ama. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya pero natutuwa akong marinig na isasama nito ang bata para mamasyal.

Naipapasyal ko naman si Rowan ngunit hindi pa kami nakakapunta sa beach o sa isang swimming pool dahil hindi na kasama iyon sa budget na kinikita ko sa pagtitinda. Hindi naman nagrereklamo ang bata na siyang ikinatutuwa ko sa kaniya. Tinuruan ko kasi ito na kung ano ang mayroon, huwag na siyang maghanap pa ng iba. Maging kontento lang siya sa kung ano lang ang nasa harapan niya dahil hindi lahat ng tao, nararanasan ang nararanasan niya.

“Ask your mom if she wanted to come with us,” sabi nito sa bata.

Kumuha ako ng plato at hinarap silang dalawa. Nakatingin na silang pareho sa direksiyon ko at nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila.

“Momma, are you coming with us po? We’re going to the beach!” masiglang anunsiyo ni Rowan habang nakataas ang kamay at nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako pabalik at ibinaling ang tingin sa ama. “K-Kayo na lang siguro. M-Marami pa akong trabaho sa puwesto at may babayaran pa tayong kuryente,” sagot ko na ikinalungkot ni Rowan.

Inilagay ko sa harapan ni Roman ang tinimpla kong kape at ang niluto kong fried chicken naman sa harapan ni Rowan. Naupo na rin ako at kumuha ng tinapay na maaga kong binili kanina.

“You’re coming with us,” sabi ni Roman kaya naibaling ko ang tingin sa kaniya. “Baka papuntahin mo lang dito ang mga lalaki mo habang wala kami.”

Gusto kong matuwa, gusto kong magbunyi at magtatalon sa sinabi nito pero hindi ko magawa. Dahil sa huli, hinusgahan lang niya ako. Parang wala lang sa kaniya ang mga binitiwan kong salita kagabi at nakuha niya pang sabihin iyon sa harapan mismo ng aming anak.

Napakawalang-hiya talaga ng lalaking ’to.


Yes, opo!

Natagalan

sa updates. Walang-hiya si author kasi

tamad

. Char! Tell me, kung medyo

naiiba

ako ng

landas

sa

kwentong

’to. Para

maituwid

ko po kahit hindi ako

tuwid

.

Salamaaat

!

Chapter 5

Emilia

“Makikipaghiwalay na ako sa kaniya,” sabi ko kay Andoy nang magkita kami nito kinabukasan. Sumaglit lang naman ako dahil pinuntahan ko ang puwesto ko sa palengke para ubusin ang mga natitirang gulay at mabuti na lang dahil mabilis itong nabenta.

Kakaunti na lang naman iyon dahil hindi na ako kumuha pa ng bago. Baka masira lang kasi ang mga ito kung iiwanan ko lang ng ilang araw. Isasama kasi nila ako sa pupuntahan nilang mag-ama, kaya heto’t nandito ako sa parlor ni Andoy para na rin magpaalam at sabihin sa kaniya ang plano ko pagbalik namin.

“MABUTI NAMAN, EMILIA MY FRIEND!!!” hysterical nitong sabi habang pumapalpak at nakangiti akong tinignan.

“Hoy! Bakla, h’wag ka ngang maingay riyan. Kita mong natutulog ang mga costumer, eh!” singhal sa kaniya ng kasama sa trabaho dahil sa ginawa nitong pagsigaw. Habang ako’y tahimik lang na pinagmamasdan sila. Ibinaling naman ni Andoy rito ang tingin at tinaasan ng kilay.

“Hoy ka rin! Parlor ko ’to, ’te. Pinapasuweldo lang kita at saka hindi ito hotel para dito pa matulog ang mga costumer. Gisingin na mga ’yan at tapusin niyo ang trabaho. I’m a busy person, don’t bother me. Okay?!”

Natawa ako dahil sa sinabi ni Andoy sa kasama na pinaikutan lang siya ng mga mata. Masama itong tinignan ni Andoy bago niya ibinalik ang tingin sa akin.

“So, where are we?” tanong niya habang nakataas pa rin ang kaliwang kilay. Ang mga kamay niya’y nakapatong sa nakatiklop niyang mga hita at maarteng nakatingin sa akin.

Bumuntonghininga ako bago ko siya sinagot. “Makikipaghiwalay na ako kay Roman.” Umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa labas ng glass wall.

“Tumingin ka sa akin, Emilia.” Gamit ang mautoridad na boses nito’y napatingin ako sa kaniya.

Kung hindi lang naging bakla itong si Andoy ay baka maraming babaeng magkakagusto sa kaniya. Mayroon kasi itong natural na mahahabang pilik mata at magagandang mga mata, dahil na rin sa amerikano nitong ama na iniwan lang sila.

“Totoo bang wala nang pumipigil sa ’yo sa desisyon mong iyan?” tanong nito na diretsong nakatingin sa aking mga mata. “Dahil nakikita ko sa mga mata mo na iba ang sinasabi niya, hindi ito sumasang-ayon sa gusto mo.”

“Hindi ba’y ito rin naman ang gusto mo? Na hiwalayan ko na lang siya dahil mas lalo lang akong masasaktan. A-At saka, hindi ko na kaya. Suko na ako, Andoy.” Yumuko ako at mabilis na pinunasan ang mga luhang lumandas na naman sa mga mata ko.

“Gusto ko dahil concern ako sa ’yo bilang kaibigan mo at kaya kita tinatanong kung gusto mo ba ito? Dahil pakiramdam ko’y napipilitan ka lang,” anito.

Umiling ako bilang sagot. Kung napipilitan lang ako’y agad ko naman itong malalaman dahil mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa pagkakakilanlan niya sa akin. Alam kong hindi ako napipilitan na hiwalayan si Roman.

Totoong pagod na ako, hindi ko na kayang magtiis. Iyong siya ay masaya sa piling ng iba, habang ako’y nagdurusa dahil sa pagkakamaling hindi ko naman sinasadya.

“Totoong pagod na ako, Andoy. Palagi na lang akong nagtitiis sa lahat ng mga binibitiwan niyang salita. Kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako kayang mahalin at patawarin?”

Wala nang nagawa si Andoy sa desisyon ko. Masaya raw siya para sa akin dahil natauhan na ako sa kahibangang matagal ko nang ginagawa. Kaya tutulungan ako nitong makahanap ng abogado na mag-aasikaso sa divorce paper na pipirmahan naming dalawa ni Roman.

Nagpapasalamat ako dahil may katulad ni Andoy sa buhay ko, kung hindi dahil sa kaniya na palaging nagpapaalalang hindi dapat ako nagpapakatanga. Baka hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong naghihintay na balang araw, mamahalin ako ni Roman at patatawarin sa kung ano mang kasalanan na nagawa ko sa kaniya.

“Where have you been? Kanina pa naghihintay ang anak mo,” bungad nito sa akin nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nasa sala ito habang nanonood ng television, hawak niya rin sa isa niyang kamay ang cellphone nito.

“Inubos ko lang ang panindan ko sa puwesto dahil masasayang lang ’to. At saka, para na rin may sapat tayong pera na magagamit. M-May ipon din ako,” sabi ko sa kaniya habang naglalakad papalapit. Naupo ako sa pang-isahang sofa at tumingin sa pinapanood nito.

“What do you think of me, Emilia. I have no money to spend on where we are going?” Lumingon ako rito at ngumiti.

“Hindi naman sa gano’n. Ayoko lang na iasa sa ’yo ang lahat, ’di ba nga’y wala ka pang trabaho?” Kinuha nito ang remote ng TV at pinatay. Masama siyang bumaling ng tingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.

Pinagmasdan ko lang ang kabuuan ng mukha ni Roman. May balbas na ito ngunit bagay na bagay pa rin sa kaniya at ang pinakamagandang pagmasdan dito’y ang kaniyang mga mata na isa sa gustong-gusto ko noon.

“Iniinsulto mo ba ako? Kaya nga magbabakasyon tayo dahil may trabaho na ako. May maipapakain na ako sa inyo at hindi mo kailangan pumunta pa sa palengke para lang makipaglandian sa gago mong mga costumer!”

Bumuntonghininga ako. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang mga binitiwan niyang salita dahil alam ko sa sarili kong wala namang katotoohanan ito lahat. Alam nito na hindi ako katulad nang iniisip niya, na hindi ako maduming babae. Dahil simula’t sapol ay siya lang ang nakagalaw sa akin.

“Masaya ako at may trabaho ka na. Pero hindi mo kailangan na buhayin kami ni Rowan dahil pagkatapos ng bakasyon na gagawin natin ay magpa-file na ako ng annulment,” sabi ko. Wala nang saysay pa para itago ko ang plano ko, para saan pa’t malalaman din niya ito dahil kailangan ko ang pirma niya para tuluyan nang mapawalang bisa ang kasal naming dalawa.

“So, are you really going to continue the plan to divorce with me?” Tumango ako kaya bigla itong napasandal sa sofang kinauupuan niya.

“Pero may hihilingin sa ako,” sabi ko na siyang ikinatingin ulit niya sa direksiyon ko. Lumunok muna ako bago ko sinabi ang gusto kong sabihin. “Puwede bang magpakaama kay Rowan habang nando’n tayo? Gusto ko kasing iparanas sa bata na kahit magkahiwalay na tayo’y hindi ka niya kakamuhian at kakalimutan.”

Hindi ito sumagot, padabog lang siyang tumayo at iniwan akong tulala. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya o pumapayag ba ito sa gusto ko. Pero kung hindi naman siya magpapaka-ama kay Rowan ay itutuloy ko pa rin ang plano kong hiwalayan siya. Ipaparamdam ko na lang sa bata na kahit hindi na kami ni Roman, nandito pa rin ako bilang ama at ina niya.

Maaga akong nagising kinabukasan at inihanda ang mga pagkaing lulutuin ko para sa dadalhin naming tatlo. Maaga raw kasi kaming aalis kaya heto’t bitbit ang mga tupperware na may lamang pagkain ay agad akong lumabas ng bahay at naglakad papunta sa kotseng nakaparada sa labas ng gate.

Inilagay ko ang mga iyon sa likod kung saan nakaupo si Rowan sa isang car seat at hindi na ako nito pinapansin nang isarado ko ang pinto. Tumingin muna ako sa likod ko kung saan nakasunod pala sa akin si Roman bitbit ang kaniyang bag at ang susi ng bahay na agad niyang ibinigay sa akin pagkalapit.

“I already locked the house. Wala ka na sigurong naiwan sa loob?” tanong nito at umiling lang ako bilang sagot, dahil kanina ko pa nakuha ang mga gamit na dadalhin namin.

Bago kami umalis ay muli kong siniguro ang gate ng bahay kung naka-locked ba ’to at nang masiguro ay agad akong pumasok sa front seat kung saan nakaupo na si Roman sa driver’s seat.

“Where are we going po pala, Papa?” tanong ni Rowan na nasa car seat. Nasa byahe na kami at nakalabas na kami ng village.

“To the place where Papa will be a father to you and a husband for your mother.”


Bahala na kayong

umintindi

hahahaha don’t forget to leave your comments. Thank you and muah

muah!

Chapter 6

Emilia

Tumigil ang sinasakyan namin sa pier. Bumaba kami at sinalubong kami ng isang lalaki kung saan ibinigay ni Roman ang susi ng kotse nito.

“Papa, are we going to ride that big ship po?” tanong anak namin nang makita nito ang isang puting malaking bark na sinasakyan ng mga tao.

“Yes, son. We’re going to the island,” sagot niya.

Hindi ako nagsalita. Sumunod lang ako kay Roman na bitbit ang mga gamit nito habang pasakay kami sa barko. Buhat-buhat ko naman si Rowan na hindi magkanda-ugaga sa pagtingin-tingin sa paligid. Nakarating kami sa isang kuwarto kung saan inilapag ni Roman ang mga bag namin sa isang malambot na malaking kama. Kasya na siguro ang isang pamilya rito.

“P-Papaano ka nakakuha ng ganitong kuwarto? Sa pagkakaalam ko ay mahal ang ganito,” sabi ko habang inililibot ang paningin sa loob. Hindi naman ito malaki. May iilang cabinet kung saan puwede mo ilagay ang mga gamit mo, may banyo at ang maganda rito ay ang bintana niya kung saan puwede mong pagmasdan ang karagatan.

“You’re questioning my decision, Emilia?” Umiling ako at yumuko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya lalo na’t matalim itong nakatingin sa akin.

“H-Hindi naman sa gano’n. N-Nagtataka lang kasi ako,” sabi ko sa mahinang boses.

“Stop asking nonsense questions. Alagaan mo na lang ang bata dahil iyan lang ang trabaho mo sa ngayon,” sabi nito at hindi ko na naramdaman ang presensiya n’ya sa loob. Lumabas ito nang hindi man lang nagpaaalam.

Ano pa bang ipaaalam niya? Noon pa man ay wala na siyang pakialam sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil nagiging ama siya sa anak naming dalawa. Kahit na palagi ako nitong sinasabihan nang masasakit na salita, nagbingi-bingihan na lang ako dahil kahit papaano’y nandiyan siya para kay Rowan.

Ngunit ngayon, mas gugustuhin ko na lang na iwan niya kami. Na sa babaeng mahal na lang niya s’ya pumunta. Dahil sa tuwing magkasama kami, imbes na saya ang maramdaman ko ay kabaliktaran nito ang dumadaloy sa puso ko.

“Momma, it’s okay po. I’m always here for you.” Mabilis kong pinunasan ang luhang dumaloy nang hindi ko namamalayan sa mga mata ko at hinarap ko si Rowan na nakaupo lang sa isang tabi.

Bumuntonghininga ako. Nilapitan ko siya at pinantayan ito. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at tinignan ang kaniyang mga mata bago ko siya paulit-ulit na hinahalikan sa ulo. Mahigpit kong niyakap ang anak ko na siya ring gumanti sa pagkakayakap sa akin.

“Nandito rin ako para sa ’yo, ’nak. Kahit na ano’ng mangyari, hindi aalis is momma sa tabi mo.”

––

Nanatili lang kami ni Rowan sa loob ng kuwarto kung saan kami iniwan ni Roman. At hanggang ngayon na magtatanghalian na’y hindi pa rin ito bumabalik. Gusto ko siyang hanapin sa labas ngunit hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula dahil malaki itong barkong sinasakyan namin at baka maligaw lang ako’t hindi na makabalik.

“Momma, I’m hungry na po.”

Sasagutin ko na sana si Rowan nang biglang bumukas ang pintuan nitong kuwarto. Pumasok doon si Roman na may dala-dalang food tray. May laman itong maraming pagkain at tubig.

“Papa! I’m hungry na po. Sa atin po iyan?” tanong ng bata nang makita si Roman.

Lumapit si Roman isang mesa rito sa loob at saka inilagay ko roon ang mga pagkain na nasa food tray. Nang matapos siya’y tumingin ito sa gawi namin na nakakunot ang kaniyang noo.

“Why are you guys still there? Let’s eat at pagkatapos ay lumabas tayo,” sabi nito.

Kaya hindi ko napigilan pa si Rowan na bumaba sa kama at mabilis na nilapitan ang ama. Tinulungan ni Roman na makaupo ang bata sa isang mesa habang nilalagyan ng pagkain ang platong nasa kaniyang harapan.

Sumumod naman ako at naglakad papalapit sa kanila. Naupo ako sa tabi ni Rowan at nang aakmang kukuha ako ng pagkain ay pinigilan ako ni Roman.

“Ako na.” Hinayaan ko na lang siyang lagyan ng mga pagkain ang plato ko bago ito naupo sa harapan ko’t kumain na rin.

Hindi kami nagpansinan hanggang sa matapos kaming kumain. Tanging si Rowan lang ang nagtatanong at halos si Roman ang tinatanong nito. Malugod naman siyang sinasagot ng ama ngunit may iilang tanong na hindi niya sinasagot ang bata.

“Papa, saan po tayo pupunta?” tanong ni Rowan sa ama habang buhat-buhat siya nito sa kaniyang bisig.

Naglalakad kami ngayon sa isang pasilyo rito sa loob ng barko hanggang sa makarating kami sa isang hagdan ay umakyat kami rito.

“On the outside, young man. Magpapahangin muna tayo,” sagot nito sa bata.

Hindi na nagtanong pa si Rowan hanggang sa makarating kami sa parang rooftop nitong barko. Maraming tao ang nandito habang nakatanaw sa karagatan. Malakas din hangin kaya natatangay ang mahaba at medyo kulot kong buhok.

Naglakad kami sa gilid kung saan may nakalagay na payong doon para hindi kami mainitan. Mayroon ding mga upuan na puwede mong puwestuhan kung napapagod ka nang tumayo.

Hinayaan naman ni Roman ang bata na tumingin sa karagatan, may nakaharang din naman kasi rito kaya kampante itong hindi mahuhulog si Rowan. Sinabihan niya rin ang anak na huwag malikot. Kaya heto ako’t pinagmamasdan si Rowan sa malayo habang nakatingin sa dagat.

“I’m sorry.” Bigla akong napatingin sa tabi ko nang magsalita si Roman. Nakatingin din ito sa akin habang sinseridad na humihinga ng tawad. “I’m sorry for yelling at you earlier. Don’t worry, pagdating natin sa isla. Susubukan kong maging ama sa anak natin at maging asawa para sa ’yo.”

Ngumiti ako ngunit hindi iyon abot sa aking mga mata. Yumuko ako’t pinagsaklop ang mga palad ko.

Masaya ako na narinig ko ito mula sa kaniya. Na susubukan niyang maging ama at asawa para sa anak namin at sa akin. Ngunit iyong sayang nararamdaman ko ay nagpapalitan ng kirot sa aking puso.

Iyong saya na dapat, noon ko pa nararanasan ngunit huli na ang lahat. Hindi na niya kailangan pang subukan na maging asawa sa akin dahil nasanay na akong kasal lang kami sa papel. Kahit na para lang kay Rowan, iyon lang ay siyang gusto kong makita kahit na panandalian lang.

“M-Masaya ako…” Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Roman. “Masaya ako dahil sinusubukan mo nang maging ama sa anak natin pero hindi mo kailangan na subukan maging asawa. Kasi hindi naman kami magtatagal sa piling mo, buo na ang desisyon ko, Roman. Pakakawalan na kita para hindi puro pasakit na lang ang dala ko sa ’yo. Tuluyan ka ng maging malaya at maaari mo nang pasakalan ang babaeng mahal mo.”

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresiyon nito ngunit tumayo ako at hindi na lang iyon inintindi. Iniwan ko ito roon at nilapitan ko si Rowan na ngayo’y may kausap ng bata.

Chapter 7

Emilia

Narating namin ang isang isla kinabukasan. Maaga pa lang ay nasa pantalan na kami ng mga barko at agad kaming nakalabas dito. Nagulat ako nang may sumalubong sa aming lalaki, sakay ng isang kotseng itim. Hindi ito iyong katulad ng sinakyan namin pero alam ko na mamahalin ang mga ’to. Nasa likod kami ni Rowan habang si Roman nama’y nasa harapan katabi ng driver’s seat.

Magmula pa kahapon nang mag-usap kami sa rooftop ng barko ay naging tahimik na ako. Tanging ang anak ko na lang ang kausap ko at nagkulong kami sa loob ng kuwartong kinuha ni Roman. Habang siya’y hindi ko alam kung saan siya pumunta at kung saan siya natulog dahil nagising na lang kami kinabukasan na nagbibihis na ito ng kaniyang jacket.

Hanggang dito sa byahe ay namin papunta sa hindi ko alam na lugar. Tahimik lang akong nakamasid sa labas at ineengganyo ang sarili sa mga nagtataasang bundok at mga puno sa paligid.

“Momma…” Tumingin ako sa tabi ko at nakitang gising na pala si Rowan. Kinukusot-kusot nito ang kaniyang mga mata at nang naging malinaw na ang paningin ay tumingin siya sa labas ng bintana. “Where are we na po?”

“Hindi ko alam, ’nak. Pero nasa isla na tayo at papunta na tayo ngayon sa bahay na pagbabakasyunan natin,” sagot ko sa kaniya. Hindi rin ako sigurado kung tama bang magbabaskayon kami rito o hindi.

Muling akong tumingin sa labas ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang mga mata ni Roman sa rear view mirror sa hadapa na agad ding nawala.

Magmula nang sabihin ko sa kaniya ang balak kong makipaghiwalay. May nag-iba sa kaniyang mga mata. Kung noon, palaging may lamig ang mga titig nito. Ngayo’y hindi ko mawari kung ano ba ang ibig nitong sabihin.

Nalulungkot? Dahil ba sa kapag nagkahiwalay kami’y hindi na niya ako masasabihan nang masasakit na salita? Hindi na niya puwedeng ipamukha sa aking isa akong bayaran, kahit na alam naman nitong hindi iyon totoo.

Dahil sa malalim ang iniisip ko. Kung hindi ko pa narinig ang pagbukas ng pinto ng kotse sa harapan. Hindi ko namalayan na tumigil ang isang kotse sa isang harap ng isang bahay na may dalawang palapag.

Gawa ang iilang bahagi nito sa matibay na kahoy. May malawak na bakuran na puwedeng pagtanman ng mga gulay at halaman.

“Thank you, Vlad.” Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Roman iyon habang pinapasalamatan iyong naghatid sa amin dito.

Na sa labas na kami ng bahay at bitbit na ni Roman ang mga gamit namin habang mahigpit ang kapit ni Rowan sa aking kamay.

“You’re welcome, man. Make sure to know the answer before it’s too late,” sabi ng lalaki bago ito sumakay sa kaniyang kotse at umalis. Tumango muna siya sa akin at nginitian ko lang bago nawala sa aming paningin.

“Let’s get inside. Malamig dito sa labas,” sabi ni Roman na siyang sinunod namin ng anak.

Nauna itong umalis at pumasok sa loob dahil siya rin ang nagbukas ng main door nitong bahay. Pagpasok namin ay sala agad ang bubungad sa ’yo. At napakaganda rito sa loob dahil halos lahat ng gamit ay gawa sa matitibay na kahoy. Mula sa cabinet na pinaglalagyan sa TV hanggang sa iilang sofa nitong gawa sa kawayan.

Sa dulo naman ay ang hagdan papunta sa ikalawang palapag kung saan dumiretso si Roman. Sumunod lang kami sa kaniya ni Rowan hanggang sa makarating kami sa taas. May hallway na maliit dito at may apat na kuwarto. Nasisiguro kong guestroom ang dalawa at para kay Roman ang isa at sa amin ang anak niya ’yung pangalawa.

Gawa sa kahoy ang mga pinto nito ngunit ang sahid mula sa first floor hanggang dito sa taas ay tiles. Matibay ang bahay, maganda ang pagkakadesisyon at sapat lang ito para sa iisang pamilya. Katulad din ito ng bahay namin sa South Ridge Village. Ngunit itong bahay ay pinaghalo ang moderno at mga bahay sa isang probinsiya.

“Sa dulo ang magiging kuwarto ni Rowan, while you and I are in the same room.” Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.

Minsan ko na rin naman siyang makatabi sa kuwarto sa tuwing gusto ng anak namin noon na magtabi kaming tatlo. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko dahil sa sinabi niya.

Mayroon namang available na kuwarto at alam kong ayaw niya rin akong makatabi. Dahil minsan na rin niyang ipinamukha sa akin na sa tuwing magkatabi kami, palagi niyang naaalala ang nagyari sa amin noon. Ipanapamukha niyang kasalanan ko ang lahat, na ako ang nagplano at para may mahuthut ako sa kaniya.

Gusto ko sanang umangal at sabihing tatabi na lang ako sa kay Rowan ngunit nagmadali itong pumasok sa pinakaunang kuwarto rito bitbit ang mga gamit namin. Wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga at inihatid si Rowan sa magiging kuwarto niya.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang maliit lang na kuwarto. May isang kama sa dulo, cabinet at mayroon ding banyo rito sa loob. Maganda rin ito dahil sa kaniyang bintana na nakikita mo iyong mga bundok kung saan papasikat ang araw.

“Dito ka matutulog, ’nak. Gusto mo ba rito?” tanong ko sa kaniya habang papalapit kami sa kama na nasa tabi ng bintana. Gawa ito sa kahoy at may malambot na kutson para hindi matigas sa likod kapag nahiga ka.

“I like it po pero medyo sad because I didn’t bring my toys,” sabi nito nang iupo ko siya sa kama.

Naupo naman ako sa tabi nito. Hinawi ko ang buhok niyang tumatakip sa kaniyang mukha dahil medyo may kahabaan na ito ngayon. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at tinignan sa kaniyang mga mata.

“Tiis-tiis ka na lang muna, ’nak. Aalis din naman tayo rito kaagad. At kapag nakabalik tayo sa syudad, ibibili kita ng mga bagong toys mo. Okay?”

Tumango ang bata kaya napangiti ako. Kahit na may lungkot pa rin sa kaniyang mga mata ay alam kong wala na itong magagawa kundi ang sumang-ayon. Tinuruan ko kasi siyang magtiis at magpasalamat sa kung alin ang mayroon.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ni Rowan sa kaniyang magiging kuwarto ay agad na kaming lumabas. Alas-nuwebe pa lang ng umaga at kanina pa raw siya nagugutom. Kaya nandito kami sa kusina para sana maghanap ng puwedeng lutuin.

Madali lang naman itong hanapin dahil magkarugtong lang ang sala at ang kusina. Maging ang dining table at ang paglutuan ay nasa iisang kuwarto na rin, dito sa kusina. Kaya hindi ka maliligaw rito.

Pinaupo ko lang si Rowan sa high chair at binuksan ang ref. Ngunit nadismaya ako dahil wala itong laman na kahit ano. Maging ang tubig ay wala ring laman.

“I didn’t store any food here. Wala rin namang nakatira dito kaya masasayang lang ang pagkain. But now that we are, bukas ay mag-grocery tayo. Sa ngayon, ito na munang pina-deliver ko ang kainin natin.”

Napalingon ako rito at nakita si Roman na may bitbit na supot. May laman itong pagkain nang ilagay niya sa mesa at buksan iyon. Agad siyang naupo sa harapan ni Rowan at nagsimulang kumain. Binigyan niya rin ng pagkain ang anak na ganadong ng kumakain.

Habang ako ay natukod sa kinatatayuan ko at pinagmamasdan siya. Hindi kasi ako sanay na nakikita siyang hubad baro na tanging jogging pants lang ang suot-suot.

“While are you still standing there, Emilia? Gusto mo pa bang subuan kita para kumain?”

Mabilis akong umiling at umalis sa harapan ng ref. Naupo ako sa tabi ni Rowan at saka nagsimulang kumain. Para akong tangang hindi makatingin sa kaniya lalo na’t napansin ko ang bigla nitong pagngisi na parang demonyo.


Nabasa ko mga comments nito sa last part kaya

natutuwa

ako. So, here’s the update po. Hope you like it!

Chapter 8

Emilia

Tatlong araw na magmula nang makarating kami rito sa isla. Tatlong araw na katabi ko si Roman sa iisang kama, kasama namin siya sa bahay at nakikipaglaro sa anak namin. Alam kong bumabawi siya sa mga nagdaang taon. Magkasama naman sila palagi noon sa bahay sa Sout Ridge Village pero hindi sila madalas mag-usap. Dahil palaging abala si Roman sa kaniyang laptop noon na hindi ko alam kung bakit.

Nakapamili na rin kami ng mga groceries para sa bahay at iilang gamit na kakailangin namin. Tila bago pa kasi itong bahay at halos walang mga gamit maliban sa mga cabinet na walang laman. Nagtanim din ako ng mga halaman at gulay sa paligid para kahit papaano ay maganda tignan itong bakuran sa labas ng bahay.

Hindi ko nga alam kung bakit nagtanim pa ako. Kasi hindi naman kami mananatili rito nang matagal. Hahanap lang ako nang pagkakataon na makausap si Roman para makabalik na kami sa syudad at makapag-file na ng annulment. Dahil sa tuwing ginagawa kong kausapin siya’y hindi niya ako sumasagot at hindi ko alam kung bakit.

Mas maganda nga iyon para tuluyan na siyang makalaya at mapakasalan na niya ang babaeng tunay niyang mahal. Hindi niya kailangan na pahirapan pa ako ng ganito dahil ako na ang kusang bumibitaw. Mahal ko siya ngunit hindi sapat ang pagmamahal ko para manatili pa at saktan nang paulit-ulit ang sarili ko.

“What are you still doing there, Emilia? Magtatanghalian na, wala ka bang balak na magluto ng pagkain?” Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Roman na nakakunot ang kaniyang noong nakatingin sa akin.

Sa loob nang tatlong araw na pagsasama namin dito ay hindi pa rin naman nagbabago ang pakikitungo nito. Ngunit nababawasan na iyong masasakit na salitang sinasabi nito.

“P-Pasensiya na. Binabantayan ko kasi si Rowan dahil naglalaro siya kasama ng mga anak ng kapitbahay natin,” sabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isang plastic na upuan. “S-Sige. Magluluto lang ako. Pakitawag na lang si Rowan para sa akin.”

Mabuti na lang at tumabi ito sa pinto para makadaan ako. Kaya mabilis kong binuhat ang upuan at naglakad papunta sa pintuan. Bago ako tuluyan makapasok sa loob ay hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang pabango nito.

Hindi naman kasi siya sa naglalagay nang pabango sa katawan noon at hindi ko alam kung bakit ngayon ay naglalagay na siya. Aminim ko man o hindi, nagugustuhan ko ang amoy nito hindi katulad noon na amoy sigarilyo siya at alak.

Inabala ko ang sarili ko sa kusina. Nagsaing ako at nagluto ng uulamin namin ngayon. Ito lang naman ang gawain ko rito, nagluluto, nililinisan ang buong bahay, naglalaba at dinidiligan ang mga tanim ko sa labas. Habang ang mag-ama ay naglalaro lang at nag-uusap. Hindi naman ako nagrereklamo dahil pakiramdam ko’y bumabawi si Roman sa bata ngunit may kaunting kabang nabubuo sa dibdib ko na baka kinukuha nito ang loob ni Rowan at ilayo sa akin.

Ayokong mangyari iyon. Si Rowan na lang ang natitirang pamilya ko. Siya na lang ang sasandalan ko bukod kay Andoy na kaibigan ko. Kaya hindi ko hahayaan na ilayo niya sa akin ang bata dahil para na rin niyang hinuhugot paunti-unti ang aking hininga.

“Momma, look at me!” Napatingin ako rito at nakita kong nakatayo anak ko sa tabi ng kaniyang papa.

“Nakung bata ka! Ano’ng ginawa mo?” sabi ko rito at naiinis na tinignan si Rowan ngunit ngumiti lang ito habang itinaas pa ang kamay niyang may nakasuksuk na mga tsinelas sa kaniyang braso. Marumi rin ang suot nitong damit at ang mukha nito’y madungis din.

“We played langit-lupa po tapos ako ang taya at hinabol sila. Ang saya po, momma!” sabi nito  at kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mga mata.

Napangiti ako bago tumingin kay Rowan na nakatingin din pala sa akin. Kaya napaiwas akong muli. Noon pa man ay hindi ko na kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal dahil para nitong hinahalukay ang buo kong pagkatao sa paraan nang kaniyang pagkakatitig.

“P-Pakilinisan na muna siya. Malapit na rin namang matapos itong niluluto ko,” sabi ko at saka mabilis na tumalikod sa kanilang puwesto.

“Let’s go, young man. I’ll clean you first before we eat lunch.”

Hindi ko naramdaman ang presensiya nila kaya muli ko nang inabala ang sarili sa kusina. Naghanda na rin ako ng mga plato at kutsara sa hapag nang maluto na ang niluluto ko.

Sakto namang dumating ang dalawa na nakapagpalit na ng damit si Rowan. Inalalayan niya itong maupo sa isang high chair bago siya naupo sa tabi nito. Nagsandok na rin ako nang kanin at saka kami kumain matapos mag-pray ni Rowan.

Tahimik lang kaming tatlo na tanging ang mga kubyertos lang ang naririnig mong ingay. Ganito naman kami palagi, tanging ang anak lang niya ang maingay sa tuwing kumakain kami. Hindi ko nga alam kung saan nakuha ni Rowan ang pagiging madaldal niya dahil hindi naman ako masyadong nagsasalita.

“I will be working starting tomorrow.” Natigilan ako dahil sa narinig ko. Kaya naingat ko ang aking ulo para salubungin ang tingin ni Rowan.

“A-Anong trabaho mo? S-Sa syudad ba?” sunod-sunod kong tanong dahil hindi ko naman makuha ang ibig nitong sabihin bukod sa magtatrabaho na nga siya bukas.

“No. Kaya tayo nandito dahil sa trabahong nakuha ko. I have a project here that my friend gave me,” sabi niya.

Naguguluhan pa rin ako ngunit bigla kong naalala na isa nga pala siyang Engineering student. Hindi ko lang alam kung itinuloy niya ba iyong pag-aaral niya dahil studyante pa lang naman siya noon nang ikasal kaming dalawa.

Gusto ko sana siyang tanungin kung papaano siya nakakuha ng trabaho pero pinigilan ko na ang sarili ko. Baka isipin na naman niyang kinukuwestiyon ko ang mga desisyon niya. Kaya hinayaan ko na lang ito.

“C-Congrats. Masaya ako para sa ’yo,” sabi ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain ngunit muli akong natigilan dahil sa sinabi nito.

“I studied online because I wanted to fulfill my promise to my parents to become an Engineer someday.”

Bigla kong naisip noon ang pagiging tutok nito sa kaniyang laptop. Wala naman kaming wifi sa bahay dahil hindi ito sapat sa gastos namin noon. Araw-araw ay sa kaniyang laptop lang siya nakatutok at sa tuwing nililinisan ko ang kuwarto nito’y maraming nagkalat na mga papel. Hindi ko naman alam na nag-aaral pala siya noon.

“Pasensiya ka na,” bigla kong sabi. Gusto kong humingi nang tawad dahil alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit kami nauwi sa ganito. “Pasensiya ka na dahil nagpakita pa ako sa ’yo noon para sabihin sa ’yong buntis ako. Kung hindi ko lang sana ginawa iyon ay sana hindi ka mahihirapan na tuparin ang mga pangarap mo.”

Parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon sa kaniya. Mabuti na lang at hindi kami napapansin ng anak namin na abala sa kaniyang kinakain dahil baka magtaka ito kung bakit may butil ng luhang lumandas sa mata ko. Mabilis ko itong pinunasan.

“P-Pero huwag kang mag-aalala. Tatapusin na rin naman natin ang lahat. Hindi na kami makakaabala pa sa ’yo at malaya mo nang maabot ang mga pangarap mo.”

Nakita ko ang pagsama ng tingin nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang kaniyang ekspresiyon ay nag-iba. Iyong Roman na malamig ang tingin ay tila nagpapakita nang emosiyon sa kaniyang mukha.

“Why are you always insisting that fcking annulment?! Hindi ka pa ba masaya na finally, I got my job at kaya ko na kayong buhayin? Hindi ka na ba masaya sa akin, Emilia. Kaya mas gusto mong makipaghiwalay and finally you can be with that guy freely?”

Sa pagkakataong ito’y sinamaan ko siya ng tingin.

“N-Nasa tabi mo lang ang bata, Roman. Kung iyon lang pala ang sasabihin mo habang kumakain tayo. Congrats!” Ibinagsak ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Mabilis akong uminom ng tubig at saka tumayo mula sa pagkakaupo.

Nilapitan ko ang bata at saka tinulungan itong makababa sa kaniyang upuan. Mabilis itong naglakad papalabas kahit hindi ko man sinasabihan.

“S-Sana kung wala kang magandang sasahihin sa akin ay huwag sa harapan ng anak ko, Roman. Dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya.” Hindi ko siya nilingon dahil agad kong sinundan ang bata sa labas ng kusina.

Chapter 9

Emilia

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tinignan ko si Roman sa tabi ko at tulog pa ito. Pinagmamasdan ko ang payapa nitong mukha bago ako napangiti. Bahagya kasi itong nakaharap sa direksiyon ko at sa tulong nang sinag ng araw sa bintana ay napagmamasdan ko ang kaniyang itsura.

Sa loob nang sampong taon na pagsasama naming dalawa, marami ang nagbago sa features ng mukha nito. Noong pinagmamasdan ko pa lang siya sa bar na dati kong pinagtatrabauhan ay hindi pa masyadong maganda ang pangangatawan nito. Wala pa siyang balbas ngunit ngayo’y may balbas na siya na kakaahit lang niya kahapon.

Matangos ang ilong nito na kuhang-kuha ni Rowan sa kaniya. Ang labi niya hindi manipis at hindi rin naman makapal. Hindi ko alam kung may lahi ba silang Spanish pero may nakikita akong iilang features ng mga Español sa kaniya. Nakakadagdag sa kaniyang kaguwapuhan ang mga mata nito noon na kumikislap ngunit ngayon ay tila may lungkot na akong nakikita.

Hindi na rin katulad noong mga panahong nasa malayo pa ako. Habang pinagmamasdan ko siya. Wala na iyong Roman na palaging nakangiti sa mga kasama niya habang nakikipag-inimuan, iyong Roman na sa tuwing naghahatid ako ng alak sa kanilang mesa ay palaging madaldal. Siguro’y sa kaniya nakuha ni Rowan ang pagiging madaldal ngunit nang magsama kami ay hindi na siya madalas magsalita.

Alam kong kasalanan ko kung bakit siya naging ganito. Biglang nagbago at malamig ang pakikitungo nito sa lahat ng taong nakakasalamuha niya. Ngunit sinubukan ko naman, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang maiparamdam sa kaniyang mahal ko siya noon. Siguro’y masyado lang matigas ang kaniyang puso at malalim ang galit nito dahil nabuntis niya ako’t ikinasal nang sapilitan.

Kung maibabalik ko nga lang ang oras. Hinding-hindi ko siya lalapitan noon para tulungan, kung ganito lang naman pala ang kahihinatnan. Kung puro sakit lang pala ang mararanasan ko. Sana pala ay pinigila ko na ang sarili ko habang maaga pa.

Ngunit sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. At ngayo’y nagsisisi ako na hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya nang lubos. Ngunit hindi ko pinagsisihan na may batang nabuo sa tiyan ko noon at kasa-kasama ko na ngayon.

Gumalaw ito nang bahagya kaya napabalik ako sa aking ulirat. Dahan-dahan akong umalis sa kama at lumabas sa aming kuwarto. Alas-singko pa lang naman ng umaga at kailangan ay maaga akong magising dahil simula ngayo’y magtatrabaho na si Roman.

Pinuntahan ko muna si Rowan sa kaniyang kuwarto at nakitang tulog pa ito. Kaya bumaba na ako’t dumiretso sa kusina nitong bahay. Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto ng agahan at nagluto rin ako para sa lunch ni Roman sa kaniyang trabaho.

Masaya ako para sa kaniya na sa wakas ay may trabaho na ito. Hindi ko naman alam na ang palaging pagtutok nito sa kaniyang laptop ay nag-aaral pala siya. Kaya kahit sa ganitong paraan man lang na ipagluto siya nang dadalhin niyang pagkain ay gagawin ko para na rin humingi nang kapatawaran sa kung ano man ang naging kasalanan ko sa kaniya.

“Good morning, momma.” Napalingon ako sa maliit at tila paos na boses na nagsalita sa likod. Nakita ko ang anak kong kinukusot-kusot pa nito ang mga mata habang naglalakad papalapit sa akin.

Agad ko siyang hinagkan sa kaniyang magkabilang pisngi. Saka ko ito inalalayan papaupo sa kaniyang high chair.

“Good morning, ’nak. Kamusta ang tulog mo?” tanong ko sa kaniya at bumalik na ako sa pagpiprito ng isda.

“I have a nightmare po,” sabi nito.

Pinahina ko muna ang apoy sa kalan bago ko siya nilingon. Malungkot ang mukha nito nang tignan ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang mukha at saka ako ngumiti.

“Ano ba iyong napanaginipan mo?” tanong ko sa kaniya nang mahinahon. Marahan ko ring hinahaplos ang kaniyang mukha para ipadama na nandito lang ako sa tabi nito. Kahit na ano mang mangyari, hinding-hindi ko magagawang iwan ang anak ko.

“I-I dreamed that we left Papa and I saw that he was crying. Even though he sometimes treats us badly and coldly, momma. I can’t leave him po.”

Natigilan ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

Ano’ng isasagot ko? Na hindi na ako masaya sa piling ng ama nito. Kaya mas gusto ko na lang lumayo at lumimot? Na gusto kong tuluyan na akong sumaya at gusto kong makita ang ama nitong sumaya ulit sa piling ng babaeng mahal niya.

“P-Panaginip lang iyon. Walang katotohanan ang panaginip. Okay? H-Hindi tayo aalis,” sabi ko nang pahina nang pahina ang boses ko.

Gusto kong sabihin sa kaniyang, hindi ko alam. Hindi ko hawak ang oras at ang hinaharap kung ano ba ang kahihinatnan naming dalawa. Kung hindi lang dahil sa bata at sa umaasang mamahalin niya ako pabalik. Matagal na siguro akong umalis, matagal na akong lumayo at matagal nang nakapagsimula ulit.

––

“I want a lot of toys po, Papa. Please, buy me a toy po when you go home.”

Nasa bisig ni Roman ang anak nito habang nagpapaalam siya rito. Papaalis na kasi ito papunta sa kaniyang trabaho at humirit pa ang anak nito habang buhat-buhat niya.

“I will, young man. Basta magpakabait ka. Okay?” Tumango-tango naman si Rowan bilang sagot sa ama bago ito bumaba at nagtatakbo papalabas ng bahay.

Kinuha ko naman ang bag na naglalaman ng pagkaing niluto ko para sa kaniya. May tupperware ito sa loob kung saan nakalagay ang pagkain. Iniabot ko ito kay Roman na agad naman niyang kinuha sa kamay ko.

“M-Mag-iingat ka. A-At good luck sa trabaho mo. G-Galingan mo,” nauutal kong sabi. Hindi pa ako makatingin sa kaniya nang maayos dahil nakatitig ito sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit.

“Mag-iingat din kayo rito. I’ll just call you when I get there,” anito. Tumango lang ako at nanatiling sa ibang direksiyon ang tingin ko. “Look at me first…” Hindi ko alam kung bakit napalingon ako sa kaniya at nakipagtitigan sa kaniyang mga mata. “Gusto ko, pag-uwi ko rito ay nandito pa rin kayo ng anak ko, Emilia. Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ko kayo naabutan.”

Hindi ko alam kung para saan ang sinabi nito ngunit tumango lang ako bilang sagot. Hindi naman kasi ako basta-basta aalis dito nang hindi siya nakakausap nang maayos. Gusto ko, bago kami maghiwalay ay maganda ang maging samahan naming dalawa. At, ayaw kong sumama rin ang loob sa akin ni Rowan dahil sinabi ko ritong hindi namin iiwan ang ama niya.

Agad na rin naman siyang umalis kaya nakahinga ako nang maluwag. Naging abala ako sa paglilinis ng buong bahay. Naglaba ako at nagdilig din ng mga halaman sa labas.

Abala ako sa pagdidilig nang nagkukumahog na tumatakbo si Rowan papunta sa direksiyon ko. Kumunot ang noo ko dahil sa hawak nito at nang makalapit siya sa akin ay nalaman kong isa itong isda na nakalagay sa supot.

“Momma, look! I got a fish po!” Masaya niyang ipinakita ang hawak nitong isda na nakalagay sa isang supot na may tubig.

“Saan mo nakuha iyan, aber?” tanong ko sa kaniya. Pinatay ko muna ang host na dinadaluyan ng tubig bago ako lumapit sa kaniya.

“My friend’s father gave it to me po. He’s a fisherman and I saw this small fish on his boat po and gave it to me.”

“Talaga?” Tumango-tango naman ito habang pinagmamasdan ang isdang lumalangoy-langoy sa supot. “Tara sa loob at hanapan natin nang mapaglagyan sa kaniya.” Sinamahan ko naman ang anak ko sa loob ng bahay para maghanap ng mapaglalagyan sa isdang alaga nito na ibinigay kuno ng tatay ng kaniyang kaibigan.

Nang mailagay namin ang isda sa isang bote na pabilog at dinala iyon sa sala. Iyon na ang pinagtuunan ng pansin ni Rowan kaya hindi ko na ito inabala pa. Muli akong lumabas ng bahay para tapusin ang ginagawa kong pagdidilig sa mga halaman sa labas.

Saktong pagbukas ko ng pinto nang may nag-doorbell sa gate. Kaya imbes na sa mga halaman ako dumiretso ay ang gate na muna ang pinuntahan ko’t pinagbuksan ang kung sino mang taong maliligaw sa bahay namin. Nang buksan ko ito ay isang lalaking nakasuot ng kulay asul na camisa de chino at sa pang-ibaba nama’y isang maong na shorts ang suot. May suot din siyang sumbrero na gawa sa dahon ng anahaw.

“Ano pong kailangan nila?” tanong ko rito dahil hindi siya nagsasalita.

Itinaas nito ang kamay at nakita ang isang malaking isdang nakalambitin sa isang tali.

“I-Ipinabibigay pala ni n-nanay,” anito at napapakamot pa sa kaniyang ulo. Ngumiti ito kaya lumitaw ang pantay-pantay niyang mga ngipin at ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

“Auhmm…” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko pa naman sila kilala rito. Halos mag-iisang linggo pa lang naman kami at si Rowan lang ang palaging lumabas ng bahay para makipaglaro sa mga anak ng aming kapitbahay.

“Kunin mo na. Nangangalay na kasi ang kamay ko.” Tumawa ito kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang kaniyang ibinigay na malaking isda.

“Salamat. Saan pala ang bahay niyo para mapuntahan ko ang ina mo’t pasalamatan siya nang personal,” sabi ko. Tumingin ako sa mga kabahayan na gawa sa mga kahoy.

“S-Sumama ka na lang kay Rowan mamayang hapon. Birthday kasi ng pamangkin ko, iyong kaibigan niya.”

“Sige. Salamat pala rito.” Ipinakita ko ang isdang hawak ko at ngumiti sa kaniya.

Tumango lang ito saka nagpaalam na. Isinarado ko naman ang gate at agad nang pumasok sa loob. Inilagay ko sa lababo ang isdang ibinigay nito. Lilinisan ko kasi muna bago ko ilagay sa ref para kapag lulutuin na’y hindi na ako mahihirapan pang maglinis at mag-alis ng mga hasang nito.

——

Alas-tres ng hapon nang magising si Rowan. Pinatulog ko kasi muna ito pagkatapos naming kumain. Nang magising ay agad kong nilinisan at binihisan ng damit.

Sinabi rin kasi niya na birthday raw ng kaibigan niya at invited siya. Kaya sinabi kong sasamahan ko siya papunta roon para na rin personal na magpasalamat sa ina ng lalaking nagbigay sa amin ng isda.

Pinasuot ko lang siya ng simpleng t-shirt at shorts. Hindi ko kasi dinala ang mga bago nitong damit dahil akala namin ay uuwi rin kami agad. Pagkatapos ko siyang bihisan ay ako naman ang naligo at nagbihis.

Napili kong suotin ang dress na iniregalo sa akin ni Andoy noong birthday ko. Isa itong dress na hanggang tuhod ang haba at ang manggas nito’y hanggang siko naman. May desenyo itong mga bulaklak. Ngayon ko lang ito susuotin dahil hindi naman ako nakakapunta sa mga party noon. Dinala ko lang ito dahil pakiramdam ko’y magagamit ko ito.

Inilugay ko lang ang makapal at mahaba kong buhok na hanggang siko rin ang haba. Hindi ito straight dahil sa dulo nito’y kulot. Nagsuot lang din ako ng sandal na dala ko bago ako bumaba para puntahan si Rowan na naghihintay sa sala.

“You’re beautiful po, momma.” Napangiti ako sa komento nito nang makita niya ang suot-suot ko.

Kinurot ko ang pisngi niya na nagpangiwi sa kaniya. Hinawi niya ang kamay ko at inirapan ko kaya tumawa ako.

“Salamat. Ang guwapo mo rin sa suot mo kahit na simple lang.”

“Mana po ako kay Papa,” anito.

“Nama-”

“Where are you both going?” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may malalim na boses na nagpatigil sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon sa direksiyon ni Roman. Nakatayo ito sa pintuan ng bahay habang matalim na nakatingin sa amin ngunit napansin ko ang pagkislap ng mga mata nito. Agad din naman iyong nawala at mas lalong tumalim ang tinging pinapakawalan niya.


Thank you po sa 2k reads. Ito na po ang

pambawi

ko sa inyo sa

mabagal

na updates. Maraming salamat po💖

Chapter 10

Emilia

“Uulitin ko, Emilia. Saan kayo pupunta?” may diin nitong pagkakasabi nang hindi ko siya nakuhang sagutin.

Natigilan kasi ako dahil akala ko’y hindi mapapaaga ang uwi nito. Alas-tres pa lang namang nang hapon kaya nakakapagtaka na ang aga nitong umuwi. Ngunit hindi ko na pala dapat itanong iyon dahil hindi ko naman alam kung ano’ng totoo. Mas mabuti nga iyon na maaga siya nakakauwi dahil marami siyang oras para magpahinga.

“We’re going on a party po, papa. My friend invited us to go to his birthday party po. Please, papa, I wanted to go?” Nagulat ako nang si Rowan ang sumagot. Nilapitan pa nito ang ama na walang pag-aalinlangan at saka itinaas nito ang kamay. Tanda na gusto nitong magpabuhat.

“Nak, pagod ang papa mo. H’wag-” Hindi ko na naman naituloy ang gusto kong sabihin nang binuhat ni Roman ang bata.

Naglakad silang dalawa papalapit sa puwesto ko. Tumigil si Rowan sa harapan ko. Kaya nakatingala akong nakatingin sa kaniya dahil mas mataas siya sa akin.

“Wait me here, I’m coming with you.” Tumango lang ako at kinuha si Rowan sa kaniya nang iabot niya sa akin ang bata. Hindi naman ito mabigat at sakto lang para makayanan kong buhatin.

Tumabi ako para paraanin siya na agad naman niya akong nilampasan at nagmadali sa pag-akyat sa hagdan.

Nang matapos magpalit ng damit si Roman ay agad kaming umalis ng bahay. Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan ni Rowan kaya nilakad lang namin ito at saka wala naman kaming kotse para sumakay pa.

Buhat-buhat ni Rowan ang bata habang nakasunod lang ako sa kanila. Nakarating din kami kaagad sa isang simpleng bahay lang na gawa sa semento at may malawak na bakuran. Nasa iisang palapag lang ito at ang bakuran nila ay maraming tao.

“Rowaaaann!” Napatingin kami sa sumigaw at nakita ang isang batang babae na malawak ang ngiti. Mabilis itong nagtatakbo sa amin nang makita niya kami at si Rowan na buhat-buhat ng ama niya’y parang bulate na binudburan ng asin.

“Hi, Alyana. Happy birthday!” masiglang bati ng anak ko at iniabot ang isang paper bag sa batang nagngangalang Alyana.

Jacket ni Rowan iyon na ibinalot lang namin sa paper bag. Hindi pa niya naman ito nagagamit kaya iyong ang pinili niyang iregalo sa kaibigan. Dahil sa hindi kami nakalabas at biglaan din ang pag-imbita nila sa amin dito.

“Salamat. Tara sa loob, nando’n na sila Mikay at Mikoy. Marami kaming inihandang pagkain,” sabi ni Alyana at saka hinawakan sa kamay ang anak ko. Nakita ko ang biglaang pamumula ng pisngi ni Rowan dahil sa ginawa ng batang babae.

Agad silang umalis nang tumango ang anak ko at mabilis na nawala sa paningin ko. Napailing na lang ako dahil bigla na lang kaming kinalimutan ng ama pagkakita sa kaibigan at hindi man lang nakuhang magpaalam sa amin. Kung papayagan ba namin siyang maglaro kasama ng mga kaibigan nito.

“Nandito na pala kayo.” Naibaling ko ang tingin ko sa nagsalita at nakita ang lalaking nagbigay sa akin ng isda kanina. “Tara sa loob. Sasamahan ko kayo kay Inay.”

Agad naman kaming sumunod sa kaniya. Napansin ko pa ang pagbabago ng mukha ni Roman sa tabi ko. Tahimik lang ito ngunit alam kong iba na naman ang iniisip niya. Kaya pinabayaan ko na lang at saka sumunod na lang din sa lalaking naghatid ng isda sa amin.

Pumasok kami sa bahay nila at nakarating sa sala. Kakaunti lang ang mga taong nandito sa loob, hindi katulad sa labas na marami ang bisita.

“Nay, nandito na po ang mga magulang ni Rowan,” anito nang makalapit kami sa isang matanda na nakaupo sa sofa habang kumakain ng spaghetti.

Mabilis itong lumingon sa direksiyon namin at ibinaba ang hawak-hawak na plato. Tumayo siya’t naglakad sa puwesto namin. Pinunasan pa nito ang mga kamay kahit na wala namang madumi.

“Mabuti nakarating kayo. Ako nga pala si Asunta. Lola ako ni Alyana at nanay naman ako nitong si Agatep,” pakilala nito habang nakikipagkamay sa aming dalawa ni Roman.

“Emilia po at ito naman si Roman…” Tumigil ako sa saglit dahil napaisip ako kung ano bang dapat na itawag ko kay Roman.

Alam ko kasing ayaw na ayaw nitong ipinapakilala ko siya bilang asawa ko. Nang minsan kasing ipinakilala ko siya bilang asawa ko sa mga kaibigan ni Andoy sa saloon nito ay nagalit siya pagkauwi namin sa bahay. Kaya simula noon, hindi ko na siya pinapakilala sa iilang kakilala bilang asawa.

Wala rin namang nakakaalam na kasal kaming dalawa. Maging ang pagkakaroon ng anak ay tanging si Andoy lang ang may alam at ang mga magulang nito na hindi ko alam kung tanggap ba nila o hindi. Sila ang gumastos sa kasal namin ngunit sa judge lang naman iyon nangyari. Si Andoy at ang mga magulang lang ni Roman ang naroroon noon.

Iyon na rin ang una at huli ko silang makita. Dahil pagkatapos noon ay hindi na sila muli pang nagpakita. Nang manganak nga ako’y si Andoy lang din ang kasama ko.

“Her husband.” Natigilan ako sa sinabi nito. Parang may biglang kiliting dumaloy sa katawan ko’t dumiretso sa puso ko na biglang nagtatalon sa tuwa.

“Ikinagagalak ko kayong makilala. Hali kayo’t maupo. Magpapakuha lang ako ng makakain niyo. Nasaan nga pala ang anak niyo?”

“Kasama po ang apo niyo, ’nay. At saka, salamat nga po pala sa ibinigay ninyong isda,” sabi ko nang makaupo kami sa sofa. Inutusan naman nito si Agatep na kumuha ng pagkain.

“Naku, iha. Wala iyon at saka natutuwa rin kasi ako sa anak niyo.” Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa amin.

Hindi ko naman maiwasan na hindi mapangiti. Dahil ito rin ang kauna-unahang makapunta kami sa aming kapitbahay. Sa village kasi ay malalayo ang puwesto ng bahay sa isa’t isa. Kaya hindi kami nabibigyan ng pagkakataon na makasalamuha ang iilang kapitbahay naming naroroon. Mayayaman din kasi ang iba samantalang kami’y ang bahay lang ang siyang malaki dahil ang bulsa’y walang laman.

Kami lang dalawa ang nag-uusap dahil tahimik lang si Roman sa tabi ko. Alam kong nakikinig naman ito sa usapan namin ni nanay Asunta. Dahil minsan ay sumasagot din ito sa tanong ng Ginang.

Dumating din kaagad ang pagkaing ipinakuha niya sa anak. Kaya agad kaming kumain at nagulat ako nang lagyan ni Roman ang plato ko ng pagkain saka iyon iniabot sa akin.

“S-Salamat,” sabi ko at ngumiti.

“Nakatuwa kayong dalawa dahil mukhang masaya ang pagsasama niyo. Kanina ko pa kasi napapansin ang paraan ng pagkakatingin sa ’yo ng asawa mo. Katulad na katulad siya nang namayapa kong asawa, ’yung tipong ayaw na ayaw niya akong mawala sa paningin niya.”

Napako ako sa kinauupuan ko. Dahil sa sinabi ni nanay Asunta Kung alam lang nito kung gaano ka miserable ang buhay namin ni Roman, kung alam lang niya na kahit nagsasama kaming dalawa’y ni minsan hindi namin naranasan ang magsaya at kung alam lang niyang pagod na pagod na ako. Malamang ay hindi ko maririnig sa kaniya ang komento nito.

Tumawa lang ako nang mapait. “Naku po, h-hindi po kayo nagkakamali. A-Ayaw na ayaw nga po niya akong mawala sa paningin niya.”

Ayaw na ayaw niya akong mawala dahil aakalain niyang iiwan ko siya. Para hindi ko pagdusaan ang kasalanang nabuntis niya ako at ipasok siya sa miserableng buhay mag-asawa.

Iyan sana ang sasabihin ko kay nanay Asunta ngunit hindi ko na ginawa. Ayaw kong mag-away pa kaming dalawa ni Roman. Dahil nakakapagod na rin, nakakapagod na magpaliwanag sa kaniya at hindi man lang ako pinakikinggan at pinaniniwalaan.

Nang sumapit ang alas-singko ay nagpaalam na kaming aalis na. Gusto pa sana nila kaming pakainin pa ng hapunan ngunit tumanggi na ako. Alam ko kasing pagod si Roman kaya kailangan na naming umuwi para makapagpahinga pa siya.

“What was that?” bungad nitong tanong nang makapasok kami sa bahay. Dumiretso naman si Rowan sa kaniyang kuwarto para muling maglinis ng katawan dahil marumi na naman ang damit nito nang lumapit sa amin.

“Ang alin na naman ang ikinakagalit mo?” Pinantayan ko ang tingin nito ngunit umiwas ito ng tingin. Hinilot nito ang sintido na tila ba masakit ang kaniyang ulo. “A-Ayos ka lang?” may bahid nang pag-aalala sa boses ko.

“I’m okay. Pagod lang ako,” sagot nito. “Magluto ka na ng pagkain, may tatapusin lang ako sa taas.” Tumango lang ako at nilampasan na niya ako.


Medyo

sabaw

’to. Pasensiya na

kayoo

hahaha thank you sa pagbabasa.

Chapter 11

Emilia

Simula pagkabata, hindi ko naranasan na maging masaya, ang magkaroon ng kompletong pamilya, at maramdaman kung papaano ba mahalin pabalik. Dahil simula nang mamatay ang mga magulang na siyang nag-aruga sa akin, sa lansangan ako nanirahan nang halos limang taon bago ko makilala si Andoy.

Nang makilala ko si Roman at nabuo si Rowan. Ipinangako ko noon sa sarili kong mamahalin ko sila at ibibigay ko ang lahat nang makakaya ko. Kahit na maubos na ang para sa sarili ko, makita ko lang silang masaya ay pakiramdam ko, masayang-masaya na rin ako.

Ngunit hanggang ngayo’y hindi ko man lang nakikitang masaya si Roman nang magsam kaming dalawa. Ginawa ko na ang lahat, ibinigay ko ang lahat nang makakaya ko ngunit hindi iyon sapat. Ang dami kong ibinigay na pagkakataon sa kaniya at ang tagal na panahon akong naghintay na makita siyang ngumiti kahit na isang beses lang.

Gusto kong ibalik iyong Roman nang makilala ko siya. ’Yung Roman na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi, iyong Roman na walang lungkot at pagsisisi na nakikita sa kaniyang mga mata at iyon Roman na una kong minahal.

Ngunit habang tumatagal ang pagsasama naming dalawa. Unti-unti kong nalalaman na hindi ako ang babaeng para sa kaniya at hindi ako iyong babaeng magpapasaya sa kaniya.

Tama nga siya, ako lang iyong babaeng nag-take advantage dahil lasing siya nang may mangyari sa amin at mabuo ang anak namin. Hindi dapat ako iyong nandito ngayon at kasama siya. Kundi iyong babaeng nilalaman ng kaniyang puso, iyong babaeng totoo niyang mahal.

“Momma, you look sad po.” Napabalik ako reyalidad nang tawagin ako ng anak ko. Napatingin ako rito at saka ako ngumiti sa kaniya.

“Bakit naman ako malulungkot, ’nak? Kasama kita ngayon at wala rin trabaho ang Papa mo kaya masaya si Momma dahil ipagluluto ko kayo ng masarap na pagkain,” sabi ko at saka kinurot ang pisngi niya pero hinawi lang niya iyon na ikinatawa niya.

“I’ll help you.” Umangat ang tingin ko at ibinaling naman ang tingin kay Roman. Nakatayo ito malapit sa pintuan ng kusina.

Sabado ngayon at nag-request si Rowan nag magkaroon daw kami ng family day. Gusto niya na buong araw ay magkasama lang kaming lahat. Nalaman kasi niya na tuwing Sabado at Linggo ay mayroong family bond ang mga kaibigan nito kaya heto’t gusto rin daw niyang magkaroon.

Minsan lang siyang humiling sa amin at wala kaming nagawa kundi ang payagan ito. Mabuti na lang dahil pumayag din si Roman sa gusto ng anak nito.

“Me too po! I wanna help momma kasi si Alyana, she always help her Lola sa kitchen.”

Tumango na lang ako sa kanilang dalawa. Sinabi ko naman kung ano ang puwede nilang gawin at ganadong-ganado si Rowan habang tumutulong ito sa pagluluto. Wala naman siyang ginagawa dahil pinapatikim ko lang sa kaniya ang niluluto ko pero tuwang-tuwa na siya roon.

“Fuck!” Napatingin ako nang napasigaw si Roman. Mabilis ko  siyang nilapitan at kinuha ang kamay nitong nasugatan niya. Pinapahiwa ko kasi sa kaniya ang patatas at heto, pati ata ang  daliri niya’y gusto niyang hiwain.

Hinila ko siya papalapit sa lababo para hugasan ang kamay daliri nitong nasugatan. Ayaw kasing tumigil ang pagdurugo kahit na maliit lang naman iyong sugat.

“M-Masakit ba?” tanong ko sa mahinahon at may pag-aalalang boses. Pinatay ko muna ang gripo at saka ko tinignan ang kamay daliri nito.

“I heard Papa’s voice po. What happened, momma?” tanong nang kakapasok lang na Rowan. Galing kasi ito sa taas dahil may kukunin daw siya at mayroon nga siyang dalang papel sa kaniyang kamay nang bumalik ito.

“I-I’m okay. You can let go of my hands. Malayo iyan sa bituka,” narinig kong sabi ni Roman kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya at sa kamay nitong hanggang ngayo’y hawak-hawak ko pa rin.

Mabilis ko itong nabitawan. “Malayo sa bituka? Pero kung makasigaw, daig mo pa ang nanganganak na kambing,” pagbibiro ko ngunit masamang tingin lang ang natanggap kong sagot.

“Nagulat lang ako.” Natawa ako nang mahina sa sagot niya at saka siya tinalikuran.

“Okay. Nagulat lang pala ang Papa mo, ’nak. Akala siguro niya sa kamay niya ay patatas,” sabi ko habang bumabalik sa niluluto ko. Patapos na rin naman ito at hinihintay ko na lang na kumulo.

“Fine! I hurt.” Natigilan ako saglit sa paghahalo nang niluluto ko. Dahil pakiramdam ko, may iba pang ibig sabihin para sa akin ang sinabi nito ngunit agad kong iwinaksi sa isip ko iyon.

“Lagyan mo na lang ng band aid ’yang sugat mo. Nasa cabinet sa taas ang first aid kit,” sabi ko at saka itinuon na ang sarili sa niluluto kong ulam.

“Yieeh! Si momma concern kay papa!” Pinatay ko ang stove nang tumili ang anak ko. Nilingon ko ito habang nakangiting nakatingin sa amin. Napansin ko si Roman na nakatingin din kay Rowan. May hawak na itong first aid kit sa kamay niya na kinuha niya sa cabinet na nasa itaas lang ng lababo.

“Ikaw talagang bata ka. Ano ba iyang ipapakita mo?” kunwari ay pagtataray ko sa kaniya pero hindi naman siya natakot.

Ipinakita lang nito ang hawak-hawak na papel. May nakaguhit doon gamit ang krayola. Tatlong tao ang nandoon na magkakahawak ng mga kamay at may nakasulat sa ibaba nito nang; Momma, Rowan, at Papa.

“I borrowed Alyana’s colors po then I drew this one. It’s our family picture po,” aniya.

Napalingon ako kay Roman at nagulat ako dahil may nakita akong pagkaawa sa mga mata niya. Ako rin naman, naaawa ako kay Rowan. Dahil may kompleto nga siyang pamilya ngunit alam kong pakiramdam niya’y hindi siya buo.

Hindi naranasan ng bata nag magkaroon ng isang masayang pamilya. Palagi kasi nitong nakikita na nag-aaway kami ng ama niya, palagi niyang naririnig ang sigawan naming dalawa at palagi niya akong nakikita na umiiyak noon.

Ni minsan ay hindi nito naranasan na lumabas kasama ako at ang kaniyang ama. Ni minsan ay hindi niya naranasan na magkaroon ng isang masayang birthday party dahil noon ay dalawa lang kaming nagbi-birthday. Busy kasi palagi si Andoy at pinapadalhan lang ang bata ng regalo, maging si Rowan ay minsan wala ito sa bahay ngunit umuuwi naman itong mah regalo sa bata. Pero alam kong hindi iyon sapat para sa anak, gusto nito na magkaroon ng isang masayang pamilya katulad ng mga kaibigan niya.

“P-Puwede ba kitang makausap?” pagtawag ko sa pansin ni Rowan na abala sa paghuhugas ng mga pinggan. Inihatid ko kasi muna si Rowan sa kaniyang kuwarto dahil gusto nitong matulog at pintulog ko na muna bago ako bumalik dito. Hindi ko naman siya sinabihan na maghugas dahil magmula nang ipakita ni Rowan ang drawing nito’y hindi na ito nagsalita pa.

“If it’s about the annulment na gusto mong mangyari. I don’t want to talk to you, Emilia. Nakakarindi ang tung-”

“Tungkol kay Rowan, sa anak natin, Roman. Gusto ko siyang magkaroon ng masayang pamilya, gusto kong iparanasan sa kaniya ang bagay na hindi ko naranasan noon. Maari ba iyon? Puwedeng bang kahit sa maikling panahon lang, Roman. Iparanasan naman natin sa bata ang isang buo at masayang pamilya.”

Pinatay nito ang gripo sa lababo at pinunasan naman niya ang kamay niya. Bago siya humarap ay isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Iyon ngiti na noon ko pa gustong makitang muli, iyong ngiti na may maputi at pantay-pantay na mga ngipin, at iyong ngiti na siyang isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya.

“Can I also be your husband and make you feel like you have  one?”


Kinikilig

ako.

Nakakadalawang

updates ako

today!

Chapter 12

Emilia

“Momma, look! Heart shaped cookie!” Napangiti ako sa ipinakita ni Rowan sa akin. Hawak-hawak kasi nito ang heart shaped cookie na siya ang gumawa. Isa ’to sa mga request niyang gawin sa araw na ’to, ang mag-bake raw kami ng cookies.

Kaya kasama ko siya ngayon dito sa kusina habang nagmamasa ng harina. Ang ama naman nito’y lumabas lang dahil tinawagan daw siya ng kaniyang boss.

“Tara, i-bake na natin?” sabi ko sa kaniya nang matapos kaming dalawa. Tumango lang ito at pinagtulungan na naming ilagay ang mga ginawa naming cookies sa isang tray para lutuin na sa oven.

Mabuti na lang dahil kompleto sa gamit itong kusina nang bahay. May iilang gamit sa pagluluto ang mayroon dito ngunit wala sa dati naming bahay. Kaya nakakatuwang magluto lalo pa’t kasama ko ang anak ko. Sa dati kasi naming bahay ay hindi namin ’to nagagawa, hindi kami nabibigyan nang pagkakataon na magkasamang magluto. Dahil palagi akong nasa trabaho habang kasama naman nito ang kaniyang ama.

“Are you guys done?” tanong nang kakapasok pa lang na Roman sa kusina.

Narinig kong tumawa si Rowan sa tabi ko nang makita nito ang ama. Kumunot ang noo ko kaya naman itinuro ni si Roman na nasa tabi ng pinto. Nang makita ko ang ibig nitong sabihin ay natawa rin ako dahil sa itsura ng kaniyang ama. Bago ito lumabas kanina ay tumutulong din ito sa pagmamasa ng harina kaya ang mukha nito’y may harina.

“What? Bakit kayo tumatawa?” aniya habang papalapit sa pwesto namin kaya mas naging visible ’yung mga harinang nagkalat sa kaniyang mukha. At, mas lalong lumakas ang bungisngis ni Rowan sa tabi.

Dahan-dahan kong itinuro ang mukha niya habang pinipigilan ko ang pagngisi. Ayaw ko kasing baka magalit ito dahil tinatawanan ko siya. Gusto ko na buong maghapon ay masaya lang dapat kami. Ayaw kong masira ang araw na ’to dahil lang sa hindi maganda ang samahan naming dalawa.

“Y-You have flour on your face po, Papa.” Pagkatapos sabihin iyon ni Rowan ay nagmadaling lumapit si Roman sa may salamin dito sa kusina at nang makita nito ang kaniyang mukha’y humarap siya sa amin na nakakunot ang noo.

“Why didn’t you tell me, young man? Nakipag-video call ako sa boss kong may flour sa mukha.”

“Eh, kasi po, Papa. You’re in a hurry po kanina kaya hindi ko na po nasabi. Momma, will clean it na lang for you.” Natigilan ako sa sinabi nang anak ko at napatingin kay Roman. Biglang nagtama ang mga mata naming dalawa kaya mabilis akong umiwas.

Lumapit ako sa isang cabinet na pinaglalagyan ko ng table napkin. Wala kasi akong mahanap na pamunas kaya ito na lang ipampupunas niya sa mukha niya. At, sandali, hindi ibig sabihin na kukuha ako nang pamunas ay ako na ang magpupunas sa madumi niyang mukha. Malapit lang ang puwesto ko sa cabinet kaya ako na ang kukuha para ibigay sa kaniya.

“Ito pamunas. Punasan mo na ’yang mukha mo dahil nagmumukha kang cookies,” sabi ko sabay abot sa kaniya nang kinuha kong table napkin. Naglakad naman ito papalapit sa akin ngunit hindi niya kinuha ang hawak ko bagkus ay ipinuwesto niya sa harapan ko ang kaniyang mukha.

“Clean it for me. I can’t see it,” anito habang unti-unting gumuguhit ang ngisi sa kaniyang labi. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil sa biglang pagbilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag siya sa gusto ng anak niya. Samantalang noon ay kahit magtabi lang kaming dalawa ay masama na siyang nakatingin sa akin. “Bilisan mo na, Emilia. Our son is looking.”

Bumalik ako sa reyalidad at dahan-dahan na nilapit ang pamunas sa kaniyang mukha. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto ng anak namin, ang punasan ang mukha ng ama nitong kanina pa nakangisi sa harapan ko.

Ang bilis mong mahulog sa mga bitag niya, Emilia. H’wag kang papaloko dahil ang lahat ng ito’y palabas lang.

“A-Ayan, malinis na. A-At saka bakit hindi ka na lang maghilamos?”

“It’s our son’s request, Emilia. Tapos mo na rin naman, bakit ngayon mo pa sinabi ’yan? ’Di ba ginagawa mo rin sa akin ’to kapag umuuwi ako ng lasing?” Pinaikutan ko siya ng mga mata at saka tinalikuran.

Akala ko’y hindi nito nararamdaman ang ginagawa kong pagpunas at pagpapalit sa kaniya ng damit sa tuwing umuuwi siya ng lasing noon. Ginagawa ko lang naman ’yun dahil asawa niya ako at umaasang sa pamamagitan noon ay alam nitong may taong kahit pagod sa trabaho ay kaya pa rin siyang alagaan. Gusto kong iparamdam sa kaniya na palagi lang akong nasa tabi n’ya noon.

Buong maghapon ay magkasama lang kaming tatlo sa bahay at napapansin ko ang tila pagiging close ng dalawa sa isa’t isa. Palagi naman kasi silang magkasama noon sa bahay sa tuwing nasa palengke ako para magtinda. Pero hindi naman sila madalas na mag-usap dahil ilap din sa kaniya si Rowan.

“Talaga po, Papa? Are we going to the beach tomorrow?!” Nagsisigaw si Rowan nang tumango ang ama nito. Sinabi kasi ni Roman na pupunta kami sa dalampasigan bukas dahil Linggo bukas at wala pa rin siyang pasok.

Malapit Lang naman ang dagat dito ngunit hindi ko pinapayagan na pumunta roon ang bata dahil hindi natatanaw ’yun dito. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya. Kaya hanggang sa mga kapitbahay lang namin siya pumupunta. Kahit na matagal na ’tong nagsasabi na gusto niya raw maligo sa dagat.

’Yehey! Teach me how to swim po, momma!“ sabi niya nang ibaling naman nito ang tingin sa akin. Nakaupo siya katabi ng ama rito sa sala habang may hawak na cookies sa magkabila nitong kamay.

Napangiti ako. “H-Hindi kasi ako marunong lumangoy, ’nak. B-Baka pareho lang tayong malulunod kapag tinuruan pa kita. Gusto mob a ’yun?” tanong ko at tumawa nang mahina ngunit agad din akong natigil dahil napansin kong nakatingin sa akin si Roman.

“Then…” Tumingin si Rowan sa ama na nakaupo sa tabi nito. “Papa will teach us po. I know he’s good at swimming because I saw his pictures in his phone po. Nasa beach sila,” pagkukuwento nito.

Hindi ko masyadong kilala si Roman. Kung paano ko nalaman ang pangalan nito ay dahil lang sa narinig kong pagtawag sa kaniya ng kaibigan niya. Hindi ko alam ang mga ayaw nito at mga gusto niya. Tanging ang alam ko lang ay ayaw niya sa akin, sa mga ginagawa ko at sa buong pagkatao ko ay ayaw niya.

Kakatapos ko lang maligo nang saktong magbukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok doon si Roman na nakasuot lang ng maikling shorts at walang suot na pang-itaas. Habang ako’y nakasuot na ng damit pangtulog nang lumabas ako ng banyo.

“B-Bakit ka nakahubad?” kinakabahan kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko magawang ibaba pa ang tingin ko dahil sa hubad niyang katawan.

Magsisinungalin ako kung sasabihin kong hindi maganda ang katawan ni Roman. Kahit na madalas itong magsuot ng damit dahil ayaw niyang ipakita ito sa akin. Nahahalata pa rin ang hubog nito sa suot na manipis na mga t-shirt. At ngayo’y nakabalandra sa harapan ko ang bubad niyang katawan. Isang magandang Adonis ang nakatayo sa harapan ng nakasaradong pinto at sumisigaw ang mga pandesal nito sa katawan.

“Mainit ang panahon, Emilia. Ano’ng gusto mong gawin ko? magsuot ng sweater habang natutulog?” masungit niyang sabi at saka ito naglakad papunta sa kama at doon naupo sa gilid nito.

“H-Hindi lang ako sanay na nakahubad ka. K-Kahit nga na mainit ang panahon noon ay naka-t-shirt ka pa rin,” pag-amin ko. Naglakad na rin ako papalapit sa kama, sa kabila ako pumunta kung saan nakaharap ako sa bintana.

“Why you don’t like it? Mas gusto mo ba ’yung naka-t-shirt ako?” Hindi ko pinansin ang sinabi nito.

“M-Matulog ka na. Wala na rito si Rowan para magpakitang gilas ka. Puwede mo nang ilabas ang totoong ugali mo dahil tayong dalawa na lang.” Nahiga ako sa kama at agad na tumalikod sa kaniya.

“I can’t go with you tomorrow.” Naimulat ko ang mga mata ko sa sinabi nito. Dahan-dahan akong tumagilid papaharap sa kaniya. Nakaupo pa rin ito sa gilid ng kama habang nakatalikod sa akin ngunit nang maramdaman siguro nito ang paggalaw ko’y humarap din siya sa puwesto ko.

“P-Paaasahin mo ba si Rowan?” tanong ko. “H-Hindi mo na pala kailangan na sagutin dahil noon pa man ay pinapaasa mo na ang bata. H-uwag kang mag-aalala dahil ipapaliwanag ko sa kaniya dahil ayaw kong—”

“Stop it!” may diin nitong sabi na ikinatigil ko. Ito na ’yung Roman na kilala ko, ’yung Roman na masamang nakatingin sa akin at malaki ang galit sa akin. “Ayokong marinig pa sa ’yo ’yan. Huwag mo ipamukha sa akin ang pagiging walang kwentang ama because you don’t know my sacrifices, Emilia.”

Bumangon ako sa pagkakahiga at nakipagtitigan sa kaniya. Masama pa rin itong nakatingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.

“H-Hindi ko ipinapamukha sa ’yong wala kang kwentang ama. Ang gusto ko lang ipaintindi sa ’yo, sana marunong kang tumupad sa mga pangako. Hindi ka makakapunta dahil ano? Dahil makikipagkita ka sa boss mo bukas?” Tumawa ako at mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko maintindihan kung bakit biglang lumandas sa lapastangan kong mga mata.

“A-Alam kong tanga ako dahil minahal ko ang katulad mo pero hindi ako bobo. Marunong akong umintindi na hindi naman talaga trabaho ang pinunta natin dito. K-Kasi nandito siya, R-Roman. N-Nandito ’yung babaeng mahal mo.”

Alam kong hindi trabaho ang pinunta namin dito. Dahil nakita ko siya kahapon nang umuwi ito, inihatid siya ng babaeng ’yun. Ayoko lang sabihin sa kaniya dahil ayaw kong pag-awayan namin ’yun. Wala rin akong karapatang magalit dahil sino ba ako? Ina lang ako ng anak niya at kahit bali-baliktarin ko man ang mundo, hindi ako ’yung babaeng mahal niya, hindi ako iyong babaeng matagal na niyang pinapangarap, at ’yung babaeng gusto niyang bigyan ng magarbong kasal. Ako lang ’yung babaeng nabuntis niya at sumira sa mga pangarap niya.

Chapter 13

Emilia

Alas-otso na nang magising ako kinabukasan. Dahil siguro sa hindi ako makatulog kakaisip at sa tahimik na pag-iyak sa kama para lang hindi niya ako marinig. Kaya hindi napaaga ang gising ko at nang bumangon ako’t tumingin sa tabi ay wala na si Roman doon.

Bumuntonghininga ako nang maalala kong hindi nga pala siya makakasama sa amin ng anak niya. Dahil kailangan daw siya ng kaniyang boss. Naiintindihan ko naman kung ’yun nga ang totoo pero nang makita ko noong Biyernes kung sino ang naghatid sa kaniya ay hindi ko maiwasang hindi malungkot at mainis.

Hindi naman na bago sa paningin ko ang kotseng puti at babaeng humahatid sa kaniya sa tuwing uuwi siya sa amin. Tila ba isa na itong normal na nakasanayan para sa mga mata ko. Dahil noon pa man, tanaw ko sila sa dati naming bahay kapag naririnig ko na ang busina ng kotse at aminin ko man o hindi, nasasaktan ako. Pero habang nakakasanayan ko ’yun at sinasabi sa sariling kahit isang pursiyento ay walang-wala ako sa babae, pinabayaan ko na lang. Nagbulag-bulagan na lang ako sa lahat ng mga nakikita ko noon.

Ayos lang sa akin kung hindi siya nangako ngunit nangako siya sa anak nito na sasama siya ngayon. Na buong weekends ay kami lang ang uunahin niya. Pero ika nga nila na lahat ng pangako ay napapako. Kaya bakit pa ako aasang tutuparin niya ’yun?

Muli akong napahugot nang malalim na buntonghininga at saka bumaba na sa kama. Masyado nang napalalim ang iniisip ko at hindi ko man lang namalayan ang pagtakbo ng oras. Kailangan ko pang maghanda para sa anak ko dahil kahit na hindi namin kasama ang ama niya’y gagawin ko ang lahat, mapasaya ko lang ’to.

Lumabas ako ng kuwarto at agad akong bumaba papuntang kusina. Nang makapasok ako ay nagulat ako sa nakita kong nakaupo sa hapag. Naroroon si Roman at Rowan na magkatabing nakaupo sa harapan ng mesa. Habang maraming nakahandang pagkain sa mesa. Napukaw ko ang atensiyon ng mga ito dahil abala sila sa paglalagay ng iilang pagkain sa mga Tupperware na nakapatong din sa mesa.

“Momma!” sigaw ng anak ko nang makita niya ako. Tinulungan siyang makabab ng ama at nagmadali siyang lumapit sa akin. “We prepared the foods that we are bringing to the beach po. Papa and I cooked it. Halika po, tikman niyo dahil masarap po ’to lahat.”

Nagpahila ako kay Rowan nang hawakan niya ako sa kamay at lumapit kaming dalawa sa puwesto ni Roman na nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Ang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa gulat na nandito siya ngayon at nagluto pa para sa dadalhin namin mamaya.

“A-Akala ko may pupuntahan ka ngayon?” mahina kong tanong nang makaupo ako sa harapan niya. Sumulyap ako sa anak ko na nakangiti lang sa tabi habang tinitignan ang mga pagkaing nasa harapan.

Ibinaba ni niya ang hawak niyang kutsara at saka tumingin ulit sa akin. Bumuntonghininga muna ito bago ngumiti. Hindi ko maintindihan pero sa oras na ’to nang ngumiti siya sa harapan ko’y parang nagkaroon ng liwanag ang paligid ko at tanging siya lang ang nakikita ko. Ang kanina bilis nang kabog sa dibdib ko ay mas lalong dumadagundong.

“I cancelled my meeting. Gusto kong bumawi sa inyo,” sagot niya kaya napangiti rin ako.

“S-Salamat.”

Hindi ko man lubos na maintindihan kung bakit ito ginawa ni Roman. Masaya ako kahit sa ganitong paraan ay bumabawi siya, kahit na hindi na para sa akin dahil alam kong hindi naman kami magtatagal dito at kinakailangan din naming maghiwalay. Kahit na para lang sa anak naming dalawa.

Kasama namin sina nanay Asunta at ang apo nitong si Alyana, narating namin ang dagat na malapit dito sa lugar nila. Hindi kasi namin alam ang daan papunta rito kaya pinuntahan muna namin sila at mabuti na lang dahil naabutan namin ang mga ’to. Kaya niyaya na rin namin sila para may kasama kami.

“Ang ganda po pala dito,” sabi ko nang marating namin ang tabing dagat. Puti ang buhanging inaapakan namin at ang dagat ay asul na asul. May iilang kubo at mga puno rito na puwedeng sumilong kapag ayaw mong magbilad sa araw.

“Oo, maganda talaga rito. Ipinagbawal kasi ng aming barangay ang pagtayo ng bahay sa tabing dagat. Minsan kasi ay high tide ang tubig tagat at baka hindi namin mapansin na lubog na pala kami sa baha.” Tumango-tango ako sa ikinuwento ni nanay Asunta. Mabuti nga ’yun na may kalayuan ang mga kabahayan sa dagat dahil hindi natin alam kung kailan darating ang sakuna. Mas mabuti na tayo ang palaging handa.

Napili naming ilagay ang mga gamit namin sa isang kubo rito. Gawa ito sa matibay na kawayan at mukhang pinasadya talaga ito dahil na rin sa nasa sampo ang nakatayong ganito. Maliit lang din ito at sakto lang para sa mga gamit namin.

“Momma, I wanna go the beach na po!” Tumingin ako kay Rowan na nakatingala sa akin at nakanguso pa ito. Sumusulyap-sulyap din siya sa dagat. Inilagay ko muna ang hawak kong basket sa mesang nasa gitna kung saan ang iilang gamit namin at saka ko siya muling hinarap.

“Magpasama ka muna kay papa mo, ’nak. Alam mo naman hindi ako marunong lumangoy,” sabi ko at nilingon si Roman na nakatayo lang sa tabi habang pinagmamasdan ang paligid. “S-Samahan mo muna ang mga bata.” Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko pero mukhang narinig naman niya dahil lumingon ito sa akin.

“And you? Aren’t you want to learn how to swim?” tanong nito. Ngumiti ako at saka umiling.

“Susunod na lang ako mamaya. Medyo masakit kasi ang ulo ko,” sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya minsan ay ganito ang nagiging epekto. Sumasakit ang ulo ko ngunit hindi naman ito ’yung nakakabiyak na ng ulo.

“Are you okay? We can go home if you’re not feeling well.” Natigilan ako dahil sa naging tono ng boses niya. Para bang nag-aalala ito sa kalagayan ko pero nang mapansin kong nakatingin lang sa amin si Rowan ay naalala kong kailangan pala naming magpanggap para sa bata.

“Ayos lang ako. May dala rin akong gamot para sa sakit ng ulo kaya huwag mo na akong intindihin. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata.” Kahit parang nag-aalinlangan ang mga mata nito ay wala itong nagawa nang humawak sa kaniya ang anak niya’t hinila ito. Kasama si Alyana ay umalis silang tatlo para pumunta sa dagat. Nang makalayo-layo na sila’y saka pa lang ako tumalikod at inayos ang mga dala namin sa mesa.

“Talagang mahal ka ng asawa mo , Iha.” Nilingon ko si nanay Asunta na abala sa pagbabalat ng dinala nitong prutas kanina.

“P-Paano niyo po nasabi, ’nay?” tanong ko dahil sa pagkakaalam ko’y kinamumuhian ako ng ama ng anak ko. Kasal lang kaming dalawa dahil sa bata pero ang totoo’y hindi naman niya ako mahal. Kaya nakakapagtaka kung papaano niya nasasabi na mahal ako ni Roman. At kung totoo man ’yun. Isa na siguro ako sa mga masusuwerteng babaeng nagmahal at minahal pabalik.

“Sa paraan ng tingin nito sa ’yo. Gano’n na gano’n ako tignan ng asawa ko noon.” Ngumisi ito at saka inabot sa akin ang binalatan nitong prutas.

Isang sinserong ngiti lang ang isinagot ko kay nanay Asunta. Dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko at ayaw ko ring ipaalam na salungat ang nararanasan ko sa nakikita niya. Kung natutupad lang sana ang mga kahilingan ko, masaya ko siyang sasagutin nang, “’nay, tama ho kayo. Masuwerte nga ako dahil mahal ako ng asawa ko. At kung totoo man ang reincarnation kapag namatay ka, siya at siya pa rin ang mamahalin ko.”

Pero hindi totoo ang nakikita niya o kung ano man ang iniisip niya. Ang lahat ng ’yun ay pakitang tao lamang at hanggang sa mga pangarap ko na lang ’yun na kahit kailan ay hinding-hindi matutupad.

Chapter 14

Emilia

“Bakla! Nasaan ka ba? Ba’t walang paramdam, ’te? Nagkalimutan na?” Natawa ako dahil sa sinabi ni Andoy. Nang sagutin ko ang tawag nito.

Naririto pa rin ako sa kubong pinupuwestuhan namin at ang mga kasama ko’y nasa tabing dagat pa rin at naglalaro. Aalis na sana ako kanina para pumunta sa kanila ngunit tumawag ito. Kaya wala akong nagawa kundi sagutin at saka, naalala kong hindi pala ako nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan kami.

“Nasa isang isla lang ako, Doy. Kumusta ka?” sagot ko at tanong na rin sa kaniya.

“Aba naman, friend! Ano ginagawa mo riyan at bakit ka napadpad sa isang isla? Lumayo ka ba sa asawa mo?” Muli akong tumawa dahil sa boses nito. Iyong parang maarteng senyorita sa isang telenovela pero ang itsura at pustura ni Andoy ay lalaking-lalaki.

“Hindi. Isinama kami rito dahil dito siya nagtatrabaho.”

“Isinama?! Nagpapakatanga ka na naman? Akala ko ba’y makikipaghiwalay ka na?” Napansin kong nakatingin si Roman sa puwesto ko nang tumingin ako sa kanilang direksiyon.

“B-Bumabawi lang siya sa bata, Doy. At saka dalawang buwan lang naman kaming mananatili rito. Pagkatapos ng lahat ay aalis na kami ng anak ko,” sagot ko sa kaniya.

“Mabuti naman at naiisip mo pa ’yan. Mag-iingat kayo riyan at kung magkaroon man nang problema ay ’wag kang magdadalawang-isip na tawagan ako,” sabi nito sa kabilang linya.

“Salamat,” ang tanging naisagot ko at hindi ko namalayan na nakalapit na si Roman sa kubo. “Sige, Doy. Asikasuhin ko na muna sila.”

Hindi ko na hinintay pa ang pagsagot nito. Dahil agad kong nang ibinaba ang tawag at humarap kay Roman. Ngunit agad din akong umiwas dahil sa itsura nito. Nakasuot ito nang polong asul na nakabukas lahat ng butones at lantad na lantad ang maganda niyang hubog.

“Who’s that?” tanong nito at ramdam ko ang diin sa boses nito.

“Ah, s-si Andoy. Nangangamusta lang,” sagot ko sa kaniya.

“May balak ba siyang kunin kayo rito?” Muli akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong nito. Hindi ko mabasa ang mga mata niya dahil nakasuot na ito ng sun glasses ngunit nakikita ko ang magkasalubong niyang kilay.

“Hindi alam ni Andoy ang lugar na ’to at saka, kaibigan ko iyon. Natural lang na tatawag siya sa akin dahil nag-aalala,” sagot ko sa kaniya. Tinapangan ko rin ang pakikipagtitigan dito para alam nitong nagsasabi ako ng totoo.

“Mabuti naman, Emilia. Because if he tried to get you and my son here. I won’t allow him. Dahil hindi pa man siya nakakaapak sa pantalan ay lulunurin ko na siya dagat.”

Naestatwa ako sa kinauupuan ako at hindi man lang nakasagot sa sinabi niya. Dahil agad ako nitong iniwan at bumalik sa mga bata na binabantayan ni nanay Asunta.

Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa biglang pagsalakay ng inis sa katawan ko. Isang matalim at nakakamatay na tingin lang ang nagawa kong isunod sa kaniya. Kung maaari lang na pukpukin ang ulo nito ng bato ay matagal ko nang ginawa.

Bakit ba ang hirap sa kaniyang intindihin iyong sinabi ko?

“Momma, let’s play!” sigaw ng anak ko habang papalapit ito sa akin.

Kaya inayos ko ang itsura kong nakabusangot at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Sinalubong ko ito ng ngiti at lumapit din sa kaniya. May dala-dala itong bola sa kaniyang kamay.

“Let’s play beach volleyball po!” sabi nito habang itinataas ang hawak niyang malaking bola na stripes. Iyong magaan lang ito na bola, hindi katulad ng mga bola ng volleyball at basketball.

“Sinong kalaban natin?” tanong ko at pinantay siya. Ibinaba nito ang bola at sinundan ko naman ng tingin ang hintuturo nito. Kung saan nakapuwesto si Roman at Alyana, kasama nila si nanay Asunta.

“Kami po ni papa ang magkasama sa isang team tapos po kayo ni Alyana ang magkasama,” sagot nito sa akin.

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Kaya sinabi kong susunod ako sa kaniya. Dahil aayusin ko muna ang sarili ko. Nakasuot kasi ako ng bistida dahil sa una pa lang ay wala akong balak na maligo. Ngunit hindi naman ako makakapaglaro nang maayos kung ito ang suot ko.

Mabuti na lang dahil may dinala akong gamit. Kung saka-sakaling gustuhin ko ang magtampisaw sa tubig. Isang maiklikh shorts na maong at isang bra. Ayaw ko kasing magsuot ng two pieces kahit na confident naman akong kaya kong makisabayan sa iilang babaeng magaganda ang katawan.

Noong nagtatrabaho ako sa bar ay maikling maong na shorts lang ang suot ko at isang checkered polo na itinalis sa may bandang pusod naman ang pang-itaas.

Hinubad ko lang ang suot kong bestida bago ako naglakad papunta sa direksiyon nina Rowan. Nakita ko ang biglang pag-alis ni Roman sa suot nitong sun glasses at napansin ko ang pagtaas-baba ng Adam’s apple nito.

May narinig akong nagsigawan ngunit hindi ko iyon pinansin. Nilapitan ko ang mga bata na abala sa pagpasa-pasahan ng bolang gagamitin namin.

“Rowan, tara na? Laro na tayo?” sabi ko para kunin ang atensiyon ng mga ito. Kaya tumigil silang dalawa at tumango naman si Rowan sa akin. Tumakbo ito papalapit sa ama habang bitbit pa rin ang bola.

“Let’s play na po, Papa!” sigaw nito at nagtatapon-talon pa. Hindi siya pinansin ng ama dahil nakatingin pa rin ito sa akin. Alam na alam ko ang klase ng tinging ibinibigay nito. Katulad na katulad ito ng mga lalaking nagiging costumer noon sa bar.

Ngumisi ako at saka niyaya na si Alyana para pumuwesto na kaming dalawa. Naibalik lang ni Roman ang sarili sa reyalidad nang batuhin siya ng anak gamit ang bolang hawak niya.

Si nanay Alyana ang naging scorer naming apat. Walang net sa gitna kaya gumuhit lang si Roman para makita namin kung kaninong score mapupunta kapag hindi naibalik ang bola.

“Yes!” sigaw ko at nakipag-apir pa sa kakampi kong bata. Binelatan ni Alyana si Rowan na masamang tingin ang ibinigay nito.

“Papa, galingan mo naman!” Natawa ako dahil sa inis nito sa ama. Kanina pa kasi kami nakaka-score samantalang sila ay wala pa. Minsan kasi ay napapansin ko ang biglang pagtigil ni Roman at nakatitig lang ito sa amin.

“I-I’m sorry.”

“You’re always looking at momma. I know she’s beautiful but focus on our game! Matatalo tayo nito, eh!” Parang gusto nang maiyak ng anak ko pero natatawa lang kaming dalawa ni Alyana. Dahil ang cute tignan ni Rowan habang pinapagalitan ang ama.

Muling nagpatuloy ang laro at sa pagkakataong ito ay kami naman ang hindi maka-score. Kaya ang ending ay sila pa rin ang nanalo. Tuwang-tuwa si Rowan dahil natalo kami. Kaya ang kasama kong si Alyana ay hindi pinapansin ang anak ko.

Mga batang ’to talaga.

“Kumain na muna tayo bago kayo maglaro ulit,” sabi ni nanay Asunta. Kaya lahat kami ay naglakad na papunta sa kubo. Naunang tumakbo ang dalawang bata habang nakasunod naman si nanay Asunta sa kanila.

“Why are you wearing those clothes, Emilia?” Sumulyap ako sa kaniya saglit at hindi ko namalayan na kasabay ko na pala itong naglalakad.

“Bakit? May masama ba?” tanong ko rito at binilisan na ang paglalakad.

“Yes because you are attractive.” Tumigil ako at lumingon ulit kay Roman. Dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito.

“A-Ano’ng sabi mo?” Muli ko siyang tinignan nang masama pero isang ngisi lang ang isinagot nito at inunahan ako sa paglalakad.

––

Buong maghapon ay nasa tabing dagat lang kami. Alas-tres na ngayon at hinayaan na namin ang mga bata na maglaro pa sa buhanginan. Bumubuo ang mga ng sand castle at nagpapaligsahan na naman sila.

“Salamat po pala sa pagsama sa amin dito, ’nay Asunta,” sabi ko habang kasama ko itong nakaupo rito sa kubo. Nasa kabilang banda siya nakaupo. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

“Ano ka ba. Wala iyon.” Ipinalo pa niya ang kamay sa hangin at nakangiting tumingin sa akin. “Masaya ako nandito kayo at naging kaibigan. At saka wala rin kaming ginagawa sa bahay.”

Isang ngiti lang ang isinukli ko dahil wala na akong alam na sasahihin pa. Hinihintay na lang namin si Roman na umalis saglit at hindi ko na itinanong kung saan ito pumunta. Pero ilang saglit lang ay nakabalik na rin ito.

“Let’s go home?” Tumango lang ako bilang sagot. Nailigpit na namin ang mga dala naming gamit. Kaya nang tawagin nito ang mga bata ay agad kaming umalis.

Nang makarating kami sa harapan ng bahay nina nanay Asunta ay muli akong nagpasalamat. Bago kami umalis at umuwi sa aming bahay.

Agad na dumiretso si Rowan sa taas ng kaniyang kuwarto nang makapasok kami. Kaya kinuha ko ang pagkakataong ito para na rin magpasalamat kay Roman, sa pagsama nito sa amin doon.

“Auhmmm, salamat nga pala,” sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Nakatayo kaming pareho sa harapan ng hagdan papaakyat.

“For what?”

“Sa pagsama sa amin ni Rowan.” Inangat ko ang tingin sa kaniya at ngumiti.

“Responsibilidad ko iyon bilang ama ng anak ko at asawa mo.” Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko lubos na nauunawaan noong una ngunit agad din nag-sink in sa akin.

“S-Sige. Aakyat na ako. Salamat ulit.” Mabilis akong umalis sa harapan niya at umakyat sa aming kuwarto namin.


Sorry na-late. Medyo

naging

busy lang sa ibang bagay hahaha.

Pagpasensiyahan

niyo na poo :(

Chapter 15

Emilia

Palagi kong tinatanong ang sarili ko noon; kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako? Kung bakit hanggang ngayon ay kumakapit pa rin ako? At kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong balang araw, mamahalin din niya ako katulad nang pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya noon.

Pero ngayon, lahat ng mga katanungan iyon ay nasagot ko. Kumakapit ako dahil sa anak ko, nandito pa rin ako dahil sa anak ko, at umaasa ako dahil sa anak ko. Lahat ng sakripisyong ginagawa ko ay para sa anak ko.

Gano’n naman ang mga magulang. Kayang gawin ang lahat o kayang ibigay ang lahat kahit mapagod at maubos na sila. Maibigay lang ang makakapagpasaya sa kanilang mga anak.

Kaya kahit nahihirapan na ako, makita ko lang na masaya ang anak ko. Gagawin ko para sa kaniya iyon. Palagi ko naman itong sinasabi at paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko.

“Momma, bakit ka po malungkot?” Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Rowan. Nakatingala itong nakatingin sa akin at malungkot ang ekspresiyong ipinapakita niya.

Ngumiti ako pero hindi iyong ngiting abot hanggang tainga. “Bakit naman ako malulungkot?” Naupo ako at pinantayan ang anak ko. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at marahan ko iyong hinahaplos-haplos.

“Eh, kasi po. Mag-wo-work na si Papa. That’s why you are sad,” aniya at nilingon ang ama nitong nakatayo lang sa tabi.

Nakasuot na ito ng uniporme niya. Isang three pieces suit na bumagay sa kaniya at nagmukha siyang modelo ng mga formal attire. Lunes ngayon ay may trabaho na siya. Kaya heto kami ng anak niya sa kaniyang harapan dahil magpapaalam na itong aalis na siya.

“Masaya ako, ’nak. Nandiyan ka naman, eh. At saka, babalik din si Papa mo kaya hindi dapat tayo malungkot.”

“Tama po! Hindi dapat tayo malungkot because he’s doing this for us. ’Di ba po, Papa?” tanong ni sa ama kaya unti-unti kong inangat ang tingin ko at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.

Wala akong nakikitang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi.

“Yes, son. Kaya dapat alagaan mo ang mama mo. I’ll be back as soon as my work is done,” sagot nito nang ibaling na niya ang tingin sa anak.

Ngumiti lang si Rowan dito at mabilis na nilapitan ang ama. Niyakap niya ito sa binti dahil hindi pa naman abot ng bata ang baywang ni Roman. Binuhat naman ito ng ama gamit ang kaniyang iisang braso. Tumayo na ako sa pagkakaupo nang naglakad sila papalapit sa puwesto ko.

“Alagaan mo ang bata.” Tumango lang ako at kukunin na sana sa kaniya si Rowan pero yumakap ito sa leeg ng ama.

“Rowan.” Tinignan ko ito pero umiling-iling at bigla akong napasampal sa noo ko dahil hindi ko maintindihan ang batang ’to. “Aalis na si Papa mo, halika na. Tayo na lang ang maglalaro,” sabi ko at aakmang kukunin ngunit sumiksik ito sa leeg ni Roman at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya rito.

“You should kiss Papa first before I let him go.” Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito. Napatingin ako kay Roman na hanggang ngayo’y wala pa ring reaksiyon sa kaniyang mukha.

“S-Sabihan mo iyong bata,” bulong ko rito. Alam kong narinig nito ang sinabi ko pero hindi man lang ito natinag kahit pinandilatan ko na ng mga mata.

“Young man, listen to your-”

“No! I saw Alyana’s parents. When her Papa go to work, her mom kissed him first.” Nagmamatigas talaga ang batang ’to kaya wala akong nagawa kundi ang mabilis siyang kunin sa ama nito.

Mahigpit ko itong niyakap at hindi naman nagpumiglas dahil hawak niya sa damit si Roman.

“Rowan! Paalisin mo na ang papa mo, ’nak. Ma-la-late na siya!” sabi ko rito ngunit hindi pa rin ito bumibitaw sa damit ng Papa niya.

“But, Momma! If you love Papa, you should kiss him!” Napailing ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Alam kong impossible ang hinihiling nito. Kahit gaano ko kamahal ang anak ko ay minsan, hindi ko siya kayang pabigyan lalo pa’t tungkol ito sa kaniyang ama.

“Mas lalo akong ma-la-late, Emilia. Kung hindi mo pagbibigyan ang bata. Just a kiss, nothing’s wrong with that.” Inilapit nito ang sarili sa amin ni Rowan.

Ang bilis nang tibok ng puso ko ay hindi ko na mahabol. Para akong isang teenagers kung makaramdam nang kiliti sa loob ng tiyan ko at hindi ko maintindihan kung bakit gano’n?

Marahan kong inilapit ang mukha ko sa pisngi ni Roman nang makita kong nakatingin sa amin ang anak ko. Hinalikan ko ito sa pisngi, idinampo ko lang naman ang labi ko roon at sa tingin ko’y sapat na iyon. Dahil nakita kong napangiti ang bata at unti-unti na nitong binitawan ang damit ng ama.

“Thanks. I have to go. Take care of yourself,” sabi nito bago kami iniwan at lumabas na ng bahay.

Nakahinga ako nang maluwag at masamang tinignang ang anak kong malawak ang pagkakangiti. Abot hanggang tainga nito ang mga ngiti niya. Kaya hindi ko na nagawa pang pagalitan ito dahil sa kalokohang ginawa.

Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang kausapin ang anak ko at makipaglaro. Gusto ko sanang maghanap ng trabaho o hindi kaya’y magtayo ng maliit na tindahan dito sa amin. Dahil wala akong nakikitang nagtitinda ng mga barbecue o kahit na anong puwedeng pagkakitaan dito.

Gusto kong makaipon dahil kapag dumating ang araw na aalis na kami rito ng anak ko. May sapat akong pera para sa aming dalawa. Hindi ko kailangan na umasa kay Roman dahil hindi na rin naman magtatagal ang pananatili ko.

“MOMMA! LOOK!” Nilingon ko ang anak ko na dali-daling bumababa sa hagdan at may bitbit itong papel sa kaniyang kamay. Nagpaalam kasi itong aakyat lang sa taas dahil may kukunin siya sa kuwarto niya.

“Ano ’yan?” tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot at inabot lang sa akin ang papel na hawak niya.

“I found this in the garbage in your room po. What is it, momma? I-I can’t read po kasi,” aniya.

Kinuha ko iyong papel at napansin kong madumi na ang papel at may punit na ang iba nitong parte pero hindi naman nawawala ang mga nakasulat doon. Kitang-kita ko at nababasa ko ang lahat ng mga nakasulat ngunit ko maintindihan kung bakit itinapon niya ito?

“Ano po ’yan, Momma? I was finding my spiderman po kasi and I thought I left in your room po tapos I saw that paper.”

Mabilis kong tinupi ang papel sa gitna at tumingin sa anak ko. Ngumiti ako para ipakitang wala lang itong papel na nahanap niya.

“Wala, ’nak. Lyrics lang ’to ng kanta.” Tumawa ako at pasimpleng inilagay sa bulsa ko ang papel bago ko ito pinantayan.

“Then… Can I borrow it? I wanna read the song lyrics po,” sabi niya pero umiling lang ako.

“Hindi mo mababasa kasi nakasulat sa Korean language. Gawan na lang kita nung pinapanood mong I have two hands, the left and the right.” Kinanta ko pa at pumapalakpak sa harapan niya para lang mapaniwalang wala lang talaga itong papel na kinuha niya sa basurahan.

Hindi ko alam kung papaano nahanap ni Roman ang Annulment process na pasimple kong hiningi noon kay Andoy. Pina-print ko ito sa kaniya para mabasa ko ang process dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mabuti na lang at may kaibigan akong tulad niya na tutulungan ako sa process na ’to.

Ang complicated nito lalo pa’t wala akong sapat na rason para hiwalayan si Roman. Hindi niya ako sinasaktan sa pisikal na pananakit. Hindi niya ako pinipilit makipagtalik at higit sa lahat ay wala namang problema sa kasal namin. Ang tanging nakikita ko lang na problema ay hindi niya ako magawang mahalin kaya gusto ko nang makalaya sa kaniya. Sapat na siguro iyon para palayain ko ang sarili ko at tuluyan na maging masaya?

Sa kakaisip ko tungkol sa annulment process na napulot ni Rowan sa basurahan ay hindi ko namalayang alas-singko na pala ng gabi. Ngunit hindi pa dumarating si Roman kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagluluto ng hapunan namin habang nanonood si Rowan sa labas.

“PAPA!” narinig kong sigaw ng anak ko sa labas. Hindi naman kasi kalakihan itong bahay. Kaya maririnig at maririnig mo ang sigaw mula sa living room nito.

Inayos ko na muna ang mga pagkain sa hapag bago ako naglakad papalabas. Naabutan ko ang dalawa na naglalaro na sa living room.

“D-Dumating ka na pala,” sabi ko habang papalapit sa kanila. Nakuha ko ang atensiyon ng mga ito. Kaya umangat ang tingin ni Roman sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakatingin nito.

Alam kong alam nitong akin ang papel na itinapon niya sa basurahan. At mas alam kong sasabihan na naman ako nito nang masasakit na salita kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Hindi ako sigurado kung ano ang pumapasok sa isip niya pero kinakabahan na ako. Dahil hindi ako sanay na hindi niya ako napagsasalitaan nang masasakit na salita kapag may nalaman siyang ginawa ko na ayaw niya.

“Momma, Papa is tired po. He needs your powerful kisses to shoo his tired away.” Matalim na tingin ang ibinaling ko sa anak ko ngunit nakangisi lang ito sa akin.

“Kumain na tayo. Tapos na akong magluto at ikaw Rowan, tigil-tigilan mo na ’yang kalokohan mo.” Iniwan ko silang dalawa roon at nauna nang bumalik sa kusina.


Sorry na

natagalan

. Maraming ginawa sa

kabila

hahaha thank you 4k reads. Sana

dumami

pa kayo.

Chapter 16

Emilia

Nagpatuloy ang gano’ng sitwasyon sa aming tatlo. Tila ba unti-unting nagbabago iyong Roman na pinakasalan ko. Kahit na hindi ko man maramdamang mahal niya ako, ramdam ko naman kung gaano nito kamahal ang anak naming dalawa.

Iyon naman ang mahalaga para sa akin. Kahit hindi na ako, kahit ang anak ko na lang. Matagal na akong tumigil sa kakapanaginip ng gising na sana, balang araw ay mahalin niya rin ako. Ang gusto ko na lang makita at maramdaman ay mayroon din siyang pagmamahal sa anak naming dalawa.

“Wala ka pong work today, Papa?” tanong ni Rowan habang kumakain kaming tatlo. Sabado ngayon at walang trabaho si Roman, tulad ng ipinangako nito sa bata ay papasyal kami.

Ilang Linggo na ba kaming nandito? Hindi ko na matandaan dahil hindi naman ako madalas lumabas at baka maligaw rin ako. Si Roman lang palagi ang pumupunta sa bayan nitong Isla para mag-grocery. Madalas ay sa bakuran lang ako upang diligan ang mga halaman at pananim ko pero mas madalas ay sa loob lang ako ng bahay.

“Yes. Where do you want to go, young man?”

Tumigil sa pagkain si Rowan at tumingin ito sa taas. Tila ba nag-iisip nang malalim dahil inilagay pa nito ang hintuturo sa kaniyang sintido. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ito dahil sa kaniyang ginagawa.

“Madalas ka nang ngumiti ngayon, Emilia. Are you seeing someone that makes you smile?” Nawala ang ngiti ko at lumingon kay Roman na seryosong nakatingin sa akin.

“Ano’ng sab–”

“I don’t know po, Papa. Do you know some places here na super ganda po?” Hindi ko naituloy ang sabihin ko dahil agad na nagsalita si Rowan. Nakatingin na ito sa ama nang ibaling ko ang tingin sa kaniya.

Ngunit si Roman ay hindi pa rin tinatanggal ang seryoso nitong tingin sa direksiyon ko. Naiilang ako ngunit iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang mga sinabi nito. Kahit ituloy ko ang sasabihin ko kanina ay mas paniniwalaan pa rin nito ang kung ano sa tingin niya ang alam niya.

“We’ll go somewhere here. Ipapasyal ko kayo kaya bilisan mo nang kumain at maligo ka na roon,” sabi nito at tuluyan nang umiwas ng tingin sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa nito at nagpatuloy na kaming tatlo sa pagkain.

Akala ko’y hindi na ako kasama dahil hindi na ako nag-abala pang magbihis. Ngunit nang bumaba ako mula sa second floor kanina dahil binihisan ko si Rowan. Naabutan ko si Roman na nakatingin sa akin at nakakunot ang kaniyang noo.

“What are you wearing, Emilia?” tanong nito matapos suriin ang suot ko. Nakasuot lang kasi ako ng daster na palagi ko naman suot kapag nasa bahay ako. At saka, mas komportable akong suotin ito dahil maaliwalas sa pakiramdam.

“P-Pambahay. Bakit?” sagot at tanong ko rito. Tuluyan na akong nakababa at lumapit sa kanila.

“’Yan ba ang suuotin mo habang nasa labas tayo? We’re going out, Emilia. Finding something decent for you to wear. Ayokong magmukha kang yaya ng anak ko,” sabi nito.

“S-Sige,” sagot ko dahil hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya.

Pumanhik ulit ako sa aming kuwarto at mabilisan lang akong naligo. Kumuha lang ako ng simpleng jeans at T-shirt na kulay asul. Isinuot ko rin ang sandals ko. Ganito lang kasi ang mga dinala ko rito bukod sa mga daster at iyong isang dress na suot ko noon sa birthday ni Alyana. Wala kasi akong sapat na pera para bilhan pa ang sarili ko ng mga bagong damit. Mas gugustuhin kong may makain kami kaysa sa pansarili kong kagustuhan.

Sinulklay ko lang ang nakalugay kong buhok at saka ako bumaba. Kinuha lang din ang shoulder bag na bigay rin ni Andoy sa akin noong birthday ko. Naabutan ko ang dalawa sa living room na naghihintay.

Nakasuot ang anak ko ng polong itim at si shorts sa baba na pinaresan ng sapatos. Habang si Roman naman ay simpleng collared T-shirt na kulay abot, hapit na hapit ito kaniyang katawan, at sa baba naman ay jeans din ang suot at sapatos.

“Momma!” Excited akong nilapitan ng anak ko at hinawakan ang aking kamay. “I am so excited for this day! Tara na po!”

Tumawa lang ako at nagpahila na sa kaniya. Napansin kong tumayo na rin si Rowan sa kaniyang kinauupuan at saka sumunod sa amin. Isinarado muna namin ang pinto ng bahay at ang gate nang makalabas kaming tatlo.

Ilang sandali lang din ang hinintay namin at may dumating na itim na kotse sa aming harapan. Pamilyar itong kotse dahil ito ang naghatid sa amin dito mula sa pantalan noon. Sumakay kami ng anak ko sa likod habang si Roman naman ay sa tabi ng driver’s seat.

“Take us to the mall, Edward.”

“Sure, boss.” Agad nitong pinaandar ang kaniyang kotse at saka kami umalis doon.

Tahimik lang kaming dalawa ng anak ko sa byahe. Nakatingin ito sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga bundok at iilang kabahayaang nadadaanan namin. Habang ako’y nakatingin lang ako sa kaniya dahil baka bigla nitong buksan ang bintana at kung mapano pa ito.

“Papa, where are we going po?” Umayos ito ng upo at tumingin sa harapan. Kaya medyo nakahinga ako nang maluwag at tumingin na rin ako sa harapan ngunit bigla akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Roman mula sa rear view mirror nitong kotse.

“We’re going to the Mall, son.” Natuwa naman ang anak ko sa narinig niyang sagot mula kay Roman.

“Behave ka roon, ’nak, ah? Wala tayong pera,” bulong ko rito.

“Yes, Momma! Okay lang po na hindi ako makabili ng toys po. As long as you’re with me and Papa po, I’m so happy na!” Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang malalambot na buhok.

Tinuruan ko kasi ito kung papaano makuntento sa kung ano’ng mayroon. Minsan, hindi maiwasan na manghingi ito ng kung ano-ano ngunit kapag ipinaliwanag ko naman sa kaniya na hindi ko kaya. Naiintindihan na nito at alam niyang hindi lahat ng bagay ay puwede niyang makuha.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang naging byahe namin. Dahil buong byahe ay nakatuon lang ang pansin ko sa anak ko na maraming kinukuwento. Kaya hindi ko namalayan na nasa mall na pala kami kung hindi ko lang naramdaman ang pagtigil ng sinasakyan namin.

Agad naman kaming lumabas at pumasok sa loob. Maliit lang itong mall kumpara sa syudad kung saan kami nanggaling ngunit marami rin naman ang pumapasok at lumalabas. Karamihan sa nakikita ko ay mukhang mga turista dahil sa kanilang suot.

Mahigpit ang pagkakahawak ko kay Rowan habang nakasunod kami sa kaniyang ama. Hindi na sumama sa amin si Edward dahil may pupuntahan pa raw ito. Hindi ko nga alam kung ano’ng ugnayan nila ni Roman. Wala rin akong balak na itanong pa iyon sa kaniya dahil baka isipin na naman niyang pinapakialaman ko ang buhay niya.

“Momma…” Napatigil ako dahil biglang tumigil si Rowan. Napansin kong napalingon sa direksiyon namin si Roman at kumunot ang kaniyang noo. “I’m tired of walking. Buhat mo po ako.”

Ngumiti ako at yuyuko na sana upang buhatin ito ngunit may humawak sa braso ako. Kaya natigilan ako’t tumingin sa kaniya.

“Ako na,” sabi nito. Kaya tumabi ko upang lumayo sa kaniya dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa. Biglang tumalbog ang puso ko sa kaba.

Nang buhatin ni Roman ang bata ay muli kaming naglakad. Nakayakap sa leeg nito si Rowan at tumitingin-tingin sa paligid. Makikita rin ang saya sa mukha nito dahil alam kong ito rin ang unang beses na nakapunta siya sa mall na kasama kami ng Papa niya.

“Mr. and Mrs. Garces.” Parehas kaming natigilan ni Roman dahil sa boses na iyon. Napatingin kami rito at nagulat ako nang makita iyong Attorney sa kasal namin noon. Nakasuot ito ng polo at shorts.

“Attt. Kraius Montreal.” Nakangiting nilapitan ito ni Roman at gamit ang libre nitong kamay ay nakipagkamay siya kay Atty. Montreal, iyong nagpapirma sa amin noon ng marriage contract matapos ang kasal namin ni Roman.

“Long time no see, Roman. How are you?”

“We’re doing good, Atty.”

“That’s good. I have to go.” Tumango lang si Roman. “See you around, Mr. and Mrs. Garces.”

Agad din naman itong umalis dahil mukhang nagmamadali. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mawala ito sa paningin namin. Nakaka-intimidate kasi ito kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.

“Sino po iyon, Papa?” tanong ng anak ko kay Roman. Nang magpatuloy kami sa paglalakad at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

“He’s Atty. Kraius Montreal, son.”

“Okay po,” sabi ng anak ko.

Nakarating kami sa isang shop st pumasok kami roon. Halo-halo na ang nandito, may damit ng mga bata at matatanda. Kilala rin ang brand nito kaya nakakalula ang presyo ng mga damit.

Ibinaba ni Roman ang anak na agad namang lumapit sa akin at hawakan ang kamay ko. Hinila ako nito sa women’s section na malapit lang sa puwesto ni Roman.

“Momma, bagay na bagay po ito sa inyo. I want to buy this for you po if I have a lot of money.” Nalusaw ang puso ko sa sinabi nito. May lungkot sa boses nito dahil siguro sa hindi niya kayang bilhin sa akin ang damit na tinutukoy nito.

“A-Ayos lang, ’nak. Hindi naman kailangan ni Momma ng damit na ganito kamahal. Ayos na ako sa ukay-ukay.” Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi nito.

“Take it. I’ll buy everything you want, just choose what you like.” Napaayos ako ng tayo at tumingin sa nagsalita. Seryosong tingin ulit ang ibinabato nito sa akin. “’Wag mo akong titigan ng ganiyan, Emilia. I am only doing this because my child wants it.”

Ngumiti ako. Tama. Bakit ko ba kasi naisip iyon na dahil sa akin kaya niya bibilhin ang lahat ng gusto ko? Napipilitan lang pala siya dahil sa gusto ng bata, bakit niya pa gagawin?

Minsan, hindi ko ito maintindihan. Malabo sigurong maintindihan ko kung ano ang nais niya. Mas lalo lang akong naguguluhan sa pabago-bago niyang ugali.

“S-Salamat,” mahina kong sabi. Sapat lang naman iyon para marinig niya. “Pero hindi ko kailangan ng mamahaling damit. Kahit na ang bata na lang.”


Thank you for reading.

Labyu

!

Chapter 17

Emilia

“Ang dami nating nabili, Momma! I can’t wait to play with my toys when we got home!” Tuwang-tuwa ang anak ko habang nasa loob na kami ng kotseng sinakyan namin kanina.

Totoong marami kaming nabili at halos lahat ng iyon ay mga damit at laruan ni Rowan. Sinubukan kong ’wag na lang akong bilhan ni Roman dahil hindi naman kailangan at sino ba ako sa buhay niya? Pero hindi ito nakinig sa akin, siya na halos lahat ang kumuha ng mga damit na gusto nito.

Kaya heto, habang binabaybay namin ang daan papunta sa kung saan man. Hindi na magkamayaw sa tuwa ang anak ko habang tinitignan ang mga paper bags dito sa likod kung saan kami nakasakay. May kinuha pa nga itong laruan doon na mukhang kanina pa niya gustong laruin.

“Saan niyo gustong kumain?” Napatingin ako sa harapan nang magsalita si Roman. Nakatingin ito sa amin gamit ang rear view mirror sa harapan. Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung sino ang tinatanong nito.

“Anywhere po, Papa. Basta po kasama ko kayo ni momma.” Umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa anak ko. Nakangiti itong nakatingin sa ama niya sa harapan at saka tumingin din sa akin.

Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi nito. Alam na alam nito kung papaano makuntento sa mga bagay na mayroon siya.

Narinig kong kinausap ni Roman si Edward. Kaya hindi ko na pinansin at itinuon na lang ang sarili sa pagtingin ng anak ko. Malikot kasi ito dahil may hawak siyang laruan kaya kailangan kong tutukan at baka kung mapano pa ito.

Hindi nagtagal iyong naging byahe at muling tumigil ang sinasakyan namin sa isang restaurant. Hindi modern ang dating nito sa labas ngunit sa tingin ko pa lang ay mukhang mamahalin na ang mga pagkaing inihahain. May iilang mga turista kasi ang labas-masok sa loob kaya roon ko naisip na mahal nga siguro ang inihahanda nila.

Pero iwinaksi ko na iyon sa isipan ko. Dahil alam kong kahit tumanggi pa ako’y wala akong magagawa. Tutal, hindi naman ako ang magbabayad ng kung ano mang gagastusin namin sa loob.

Pumasok kami sa loob at sa pagkakataong ito’y sumama na sa amin si Edward. Magtatanghalian na rin naman ay mukhang kanina pa nagugutom ang anak ko. Pagpasok namin, bumungad sa amin ang magandang interior design ng restaurant. Kahit gawa ito sa kahoy, alam kong matitibay ang mga ’to. Sa dulo ay maganda pa ang tanawin dahil makikita mo ang mga bundok at iilang kagubatan dito sa Isla.

Pumuwesto kami sa isang squared wooden table, malapit sa bintana dahil ang sarap kumain kapag may magandang tanawin kang natatanaw. Magkatabi kami ng anak kong naupo at sa harapan namin ay sina Edward at si Roman na naupo sa tapat ko.

Nilapitan kami ng isang waiter. Kinuha ko ang ibinigay nitong menu at saka nagpasalamat. Nang buklatin ko ang menu ay gusto kong isarado ito at ’wag na lang kumain. Tama nga ako. Nakakalula naman kasi ang mga pagkaing niluluto nila.

Saan ba galing ang bakang niluluto nila para sa isang order ng beefsteak? Isang libro para lang sa maliit na piraso ng baka? Kung ibibili lang ng karne ng baka ang isang libro sa palengke roon sa puwesto ko, marami nang makukuha iyon.

Napatingin ako sa harapan ko at nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam ang gagawin ko.

“What do you want?” tanong nito sa akin.

“M-Mahal,” bigla kong nasabi.

“What?! Mahal mo ’ko?” Napapikit ako nang mariin dahil sinabi nito at ngumisi pa siya.

Mabilis kong inalis sa isipan ko iyon ngunit ang puso ko ay ayaw na niyang kalimutan. May sarili rin bang isip ang puso? Nakatatak na sa kaniya ang biglang sinabi ni Roman.

“Just pick what you want, Emilia. Edward will pay for it,” anito at tumawa pa. Natigilan ako dahil narinig ko itong tumawa na tila ang saya-saya niya.

“Bro, kung wala lang akong utang sa ’yo. I’ll never pay for your foods and everything. May pera ka naman, why don’t you used it?”

Tumingin dito si Roman nang tumigil ito sa pagtawa. “Bayaran mo na lang ang utang mo. Wala ng libre ngayon,” sabi niya rito.

Hindi na rin kami nag-usap pa at sinabi na namin ang oder sa naghihintay na waiter. Pagkatapos niyang makuha ang order namin ay agad itong umalis.

“Papa…” Napatingin ako kay Rowan at gano’n din ang dalawang kasama namin.

“Yes, young man?”

“That women is looking at us po. K-Kanina pa po siya nakatingin dito,” sabi nito at gamit ang kaniyang nguso ay may itinuro ito. Sinundan ko naman ng tingin ang itinuro niya at nakita ko ang babaeng sinasabi ng anak ko.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napagtanto kong tama nga ang sinasabi kong nandito nga siya.

Kristina Rachel Evangelista.

Bago pa man may mangyari sa aming dalawa ni Roman. Siya ang babaeng mahal nito at saksi ako roon kung papaano sila maghalikan sa bar na pinagtatrabauhan ko. Siya ang nauna at alam kong hindi magtatagal ay babalik si Roman sa kaniya.

Dahil sino ba naman ako? Ako lang iyong pinakasalan dahil nabuntis ngunit hindi ako iyong mahal. Ako lang iyong nanira ng relasyon at dapat silang dalawa ang pumirma sa isang marriage contract.

Hindi ako. Kahit baliktarin ang mundo. Wala ang pangalan ko sa kwento nilang dalawa.

“Hi.” Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa puwesto namin at nakangiting nagpalipat-lipat ang tingin. “It’s nice to see you guys here,” sabi pa nitong nagbigay kilabot sa buo kong katawan.

Hindi ko maintindihan at gusto ko na lang na umalis kami ng anak ko. Nandito siya at dapat ay wala ako rito, kami ng anak ko.

“Kris! Kris Aquino!” biglang sabi ni Edward na nagpabalik sa amin sa reyalidad. Biglang bumalik sa akin ang alaala noon sa bar kung saan tinawag niya itong Kris Aquino at napagtanto kong naroroon nga si Edward noon.

Malaki na ang pinagbago niya ngayon. Kaya hindi ko agad siya nakilala.

“Shut up, Ed Caluag. Umalis ka riyan at mauupo ako.” Agas namang umalis si Edward at kinuha nito ang isang pang-isahang upuan sa bakanteng mesa at inilagay iyon sa tabi ni Rowan.

Habang si Kristina ay naupo sa tabi ni Roman. Ang kabang kaninang nararamdaman ko ay unti-unting naglaho at napalitan ng isang kirot sa dibdib. Nakikita ko kasi silang dalawa, magkatabi sa iisang upuan at nakatingin sa isa’t isa. Nai-imagine ko ang buhay nila na wala kami roon.

Kung hindi kaya ako nabuntis noon? Siguro, kasal na silang dalawa, may mga anak na at masayang nagsasama.

“She’s really pretty po, momma!” sabi ng anak ko na agad kong sinang-ayunan.

Totoo namang maganda si Kristina. May maputi siya balat, magagandang mga mata at makinis na kutis. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan at galing pa siya sa isang mayamang pamilya. Kaya kahit ano ang gawin ko, walang-wala akong laban sa kaniya.

Pinakasalan lang ngunit hindi minahal.

“Thank you. You’re really cute. Nagsasabi ka ng totoo,” sagot nito sa bata nang ibaling niya ang tingin dito. “You must be, Rowan Emil Garces?”

“Yes po!” sagot ng anak ko matapos nitong marinig ang buo niyang pangalan. Tumawa si Kristina at ibinaling nito ang tingin sa akin. Kaya agad akong napaayos ng upo at hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

“And you must be his mom? Emilia Palmiero Garces? Correct me if I’m wrong,” aniya na tinanguan ko lang. “Oh, nice to meet you.”

“I-Ikinagagalak ko rin na makilala ka, K-Kristina.” Tila ba may nakabara sa lalamuna ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ang sikip-sikip na rin ng dibdib ko. Gusto kong umalis ngunit ayaw namang gumalaw ng mga paa ko. Ayaw ko ring mag-eskandalo at ayaw ko ring magtanong sa akin ang anak ko ng mga bagay na hindi ko kayang sagutin.

Kaya kahit hindi ko kayang tignan ang eksena habang kumikislap ang mga mata ni Roman na nakatingin sa kaniya. Tinitiis ko dahil lang sa anak ko.


Ayan na,

pumasok

na si Ate Girl!

Chapter 18

Emilia

Nakayuko lang ako habang kumakain. Tahimik lang ako at ayaw kong mag-angat dahil naninikip ang dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit maging ang anak ko’y tahimik din sa tabi ko. Siguro’y nakakaramdam ito na wala sa kaniya ang buong atensiyon ni Roman.

“Nga pala, there’s party para sa mga empyelado this week. A welcome party for those new employees. You should come, Romano. Para sa inyo iyong party,” narinig kong sabi ni Kristina.

Nang dumating ang order namin ay hindi na ito umalis sa kaniyang puwesto. Bagkus, nag-order din ito ng kaniya at sa amin na nakisabay. Kanina pa rin ito nagsasalita at tanging si Roman lang ang kaniyang kinakausap.

Alam kong nasa iisang trabaho lang silang dalawa. Hindi ako bulag o tanga. Ayaw ko lang na magtanong dahil alam ko ang lugar ko, kasal lang kaming dalawa sa papel.

“I’ll think about it, Chel.”

“Sure. I’m looking forward for it. I hope to see you there,” sagot ni Kristina.

Mabilis na tumakbo ang oras. Sa buong durasyon nito’y tahimik lang kami ng anak ko, maging si Edward ay bigla rin ang pananahimik. Para bang wala kami sa kanilang tabi at nag-uusap lang na parang magkaibigan lang. Ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang parehong kislap sa kanilang mga mata.

May mga eksenang pumapasok sa isipan ko ngunit agad ko ring iwinaksi. May mga ideyang tumatakbo rito ngunit mabilis kong kinakalimutan. Ayaw kong mag-conclude dahil hangga’t wala akong sapat na ebedensiya, wala akong maipangtatapat sa kaniya.

Hindi ako manhid at ramdam ko iyon. Ramdam kong hanggang ngayo’y mahal pa rin ni Roman si Kristina.

“M-Mahal mo pa ba siya?” agad kong tanong nang makauwi kaming tatlo. Agad naman umakyat ang anak ko sa taas dahil sa excitement na nararamdaman nito sa kaniyang mga biniling laruan.

“What do you mean?” Ngumiti ako. Naglakad ako papalapit sa pang-isahang sofa at naupo roon.

“Si Kristina. M-Mahal mo pa ba?” tukoy ko sa babaeng minahal niya nang una at hanggang ngayo’y mahal pa rin niya.

“Will you stop asking nonsense –”

“Sagutin mo na lang ang tanong ko, Roman! M-Mahal mo pa ba?” pagpuputol ko sa sasabihin nito at medyo napalakas ang boses ko. Kaya nakita ko ang pagbabago sa kaniyang ekspresiyon na kanina lang ay kalmado.

Ngayo’y napapansin ko ang naghahalong emosiyon sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero nakakakita ako ng takot, galit at lungkot sa mga mata niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Ang gusto ko lang malaman ay kung mahal pa ba niya at hanggang doon lang iyon.

“Why are you asking me all of a sudden, Emilia?” Naglakad ito sa direksiyon ngunit nang nasa likod na siya ng mahabang sofa ay tumigil siya roon.

“G-Gusto ko lang malaman p-para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko,” sagot ko at umiwas ng tingin. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga mata.

“Tss!” Iyon lang ang narinig ko at ang mga hakbang nito papakyat sa hagdan.

Bumagsak ang mga balikat ko dahil doon. Parang nanghihina ang katawan ko dahil wala man lang akong nakuhang sagot. Ang mga luhang paisa-isa lang ang pagbagsak ay unti-unting bumuhos nang sabay-sabay. Ang dibdib ko’y naninikip dahil sa sobrang kirot ng puso ko.

Hindi ko na siya mahal pero bakit ako nagkakaganito? Dahil sa anak ko. Ayaw kong magkaroon ng isang pamilya si Rowan na hiwalay ang mga magulan ngunit gusto ko nang kumawala. Gusto ko nang palayain siya dahil kahit sa ganoong paraan lang ay mapagbayaran ko ang mga kasalanan ko sa kaniya.

Nang sumapit ang gabing iyon ay tahimik lang dalawa. Walang nagsasalita at tanging ang anak lang namin ang palaging nagkukuwento. Hindi rin ito nagtagal sa hapag dahil agad siyang umalis nang matapos siyang kumain.

Sa kuwarto naman ako ni Rowan natulog. Hindi naman ito nagtanong o hindi naman niya ako pinigilan kaya nakahinga ako nang maluwag. Malaki naman ang kama ng anak ko kaya kasya kaming dalawa. Nami-miss ko na ring makatabi ito sa pagtulog.

“Momma, nag-away po kayo ni Papa?” tanong nito. Nakahiga na kaming pareho sa kaniyang kama.

Tumingin ako sa bintana dahil binuksan ko ito para makita ang labas. May glass namang nakatapi rito kaya hindi makakapasok ang lamok. Kita ko ang langit na punong-puno nang bituin. Iniisip kong sana ang isa sa kanila ay ang mga magulang ko at idinadalangin na sana’y palayain ako sa masakit na mundong ginagalawan ko.

“Momma…” Napatingin ako sa anak ko. “You’re crying. Papa shouldn’t do this you!”

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. “Masaya lang si Momma, ’nak. Ano ka ba? ’Wag na ’wag kang magagalit sa Papa mo dahil ama mo siya, okay?”

“Pero pinaiyak ka po niya! A real man should never hurt a girl like you po.” Natawa ako dahil bumangon pa ito at ipinakita pa niya ang kamao. “I’ll teach Papa a lesson, momma! Don’t worry. You should huss now because I won’t ever leave you. No matter what.”

Imbes na matuwa ay mas lalo lang akong naiyak dahil sinabi nito. Sobrang mahal na mahal ko si Rowan at lahat ay gagawin ko para lang makasama ko ’to hanggang sa pagtanda. Siya na lang ang natitirang mahal ko sa buhay, kasama ni Andoy. Kaya kahit na ano’ng mangyari, hindi ko kakayaning iwanan ang anak ko kay Roman.

Hindi ko lubos na kilala si Kristina at baka kapag ginawa ko iyon. ’Tapos nagsama na silang dalawa, hindi ko kayang marinig na sinasaktan nito ang anak ko. Kaya kahit mahitap, titiisin ko hanggang sa dumating na iyong araw na aalis kami rito.

Hinalikan ko ang noo ni Rowan nang makatulog ito sa tabi. Inayos ko na rin ang pagkakahiga ngunit napatingin muna ako sa pinto dahil bahagya itong nakabukas at mabilis na nawala ang parang anino roon. Hindi ko lang alam kung namamalikmata lang ako pero pakiramdam ko’y may nagmamasid sa aming dalawa ni Rowan.

Umiling na lang ako at mabilis na iwinaksi iyon. Agad din naman akong nakatulog habang yakap-yakap ko ang anak ko.

Kinabukasan ay wala na si Rowan sa tabi ko. Agad akong bumangon nang mapatingin ako sa orasan nito. Malapit na kasing mag-alas-otso at eight-thirty ang pasok ni Roman.

Mabilis lang akong naghilamos sa banyo ng anak ko dahil wala na akong oras. Agad kong binuksan ang pinto ngunit nagulat ako sa nakita ko.

“Good morning, Momma!” masiglang bati ni Rowan sa akin ngunit wala roon ang atensiyon ko. Na kay Roman na nakatayo sa harapan ko habang may hawak ito ng bungkos ng bulaklak. Ito iyong mga bulaklak na itinanim ko sa labas.

“I don’t have time to buy flowers. Our son punch me when I woke up. He told me, you were crying last night because of me. So, I wanna say sorry.” Nakita ko ang maliit na pasa sa pisngi nito kaya bigla akong napatingin sa anak kong nakangisi sa tabi.

“Because you hurt momma! And you deserved that punch, Papa!” Tumawa pa si Rowan at sumusuntok-suntok pa ito sa hangin.

“Rowan… Alam mong bad iyon, ’nak.” Tumigil ito kaya yumuko. Nag-sorry din naman siya sa ginawa niya sa kaniyang ama kaya nakahinga ako nang maluwag. Kahit maliit lang ang kamao nito para kay Roman, nagmarka pa rin ang maliit na pasa sa pisngi nito.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Roman. Hanggang ngayon kasi ay nakaangat pa rin ang kamay niyang may hawak ng mga bulaklak.

“S-Salamat,” mahina kong sabi. Kinuha ko ito at ngumiti.

“Yieeeh! Kiss na ’yan!”

Sabay naming ibinaling ang tingin kay Rowan at sinamaan ko ito ng tingin ngunit si Roman ay nginitian lang ang anak.


Thank you po sa mga comments. ’Wag na kayo

mainis

, ito na

pambawi

ko

hahaha

Chapter 19

Emilia

“Nak…” tawag ko kay Rowan na abala sa pagkukulay ng kaniyang drawing book. Binili niya ito noong magpunta kami sa mall kasama ni Roman.

Tumingala ito sa akin mula sa pagkakadala sa sahid. May hawak siyang pangkulay sa kaniyang kamay.

“Bakit po, momma?” Ngumiti siya sa akin at ramdam ko ang sayang nararamdaman niya.

Lumunok muna ako bago ako naglakas nang loob magtanong.

“K-Kapag naghiwalay ba kami ng Papa mo, ayos lang sa ’yo?” Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang ekspresiyon.

Hindi ko alam kung bakit ko ito itinatanong sa kaniya. Ang alam ko lang, karapatan niyang malaman ang mga ’to. Magsasampong taon na ang anak ko sa susunod na buwan at kahit minsan, nagiging makulit ito, alam kong maiintindihan niya pa rin ang lahat.

“Why are you asking me that question? Aren’t you happy with Papa?” Umiling ako at tumabi sa kaniya. Nakaupo na kasi ito kaya hinawakan ko ang mga kamay niya.

“M-Masaya ako p-pero hindi ko alam kung hanggang kailan.” Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata.

Mabilis niya akong niyakap kaya biglang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko siya nang mahigpit at dinama ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko kapag wala si Rowan sa tabi ko.

“Huwag ka pong mag-aalala, momma. Everything will be alright. Trust me,” aniya. Hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos. Hindi na ako sumagot at mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap sa anak ko.

Kumalas ako sa pagkakayapos kay Rowan nang may mag-doorbell sa labas. Kaya agad akong nagpaaalam sa kaniya. Tumayo na ako at bumalik naman ito sa kaniyang ginagawa. Lumabas ako ng bahay. Pinuntahan ko kung sino man itong taong hindi naman namin inaasahang pumunta.

Bumungad si nanay Asunta sa akin nang buksan ko ang gate. Kasama nito sa Alyana na may nakasabit na bag sa kaniyang balikat.

“Nay, naparito ho kayo?” tanong ko nang ibaling ko ang tingin sa kaniya.

“Kasi itatanong lang namin kung hindi mo ba paaaralin ang anak mo?” tanong niya pabalik.

Kaya bigla akong napaisip. Malapit na pala ang pasukan at hindi puwedeng tumigil ang anak ko sa pag-aaral. Pinapapasok ko naman ito noong nasa syudad pa kami dahil ayaw kong matulad ito sa akin. Ngunit natigil lang ito nang pumunta kami rito. Magsasampong taon na ito at nasa ikalawang baitang pa lang.

Noon kasi na dapat ay paaralin ko na siya. Ipinaalam ko ito kay Roman ngunit hindi siya pumayag. Aniya’y hindi kakasya sa budget para pag-aralin pa ang bata. Kaya wala akong nagawa kun’di ang maging guro ng sarili kong anak. Itinuturo ko lang naman kung ano ang mga nalalaman ko. Dahil maging ako’y hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral.

Ngunit nang tumuntong ito sa walo. Hindi ko na ipinaaalam kay Roman. Kusa kong ipinasok ito sa isang public school na malapit sa saloon ni Andoy dahil gusto rin nitong bantayan ang anak ko. Nalaman din naman iyon ni Roman at akala ko magagalit siya sa akin pero wala akong narinig sa kaniya.

“P-Paaralin ko po,” sagot ko kay nanay Asunta.

“Osiya, kung gano’n ay sumama na kayo sa amin. Mamimili kami ngayon ng mga gamit sa skwela at ipapa-enroll ko na rin itong si Alyana. Mas mabuti nang masamahan ko kayo para hindi kayo mawala.”

Ngumiti lang ako at saka pinapasok na muna silang dalawa. Dumiretso kami sa sala kung saan naabutan namin si Rowan na inililigpit ang mga gamit niya.

“Alyana! Nanay!” Mabilis itong tumayo at tumabi sa akin. “What are you guys doing here?”

Tumawa si nanay Asunta at tumingin sa akin. Tila ba sinasabi nito na ako na ang magsasabi sa bata nang magandang balita. Kaya tumingin ako kay Rowan at pinantayan ko ito.

“Gusto mo ba mag-aral ulit?” tanong ko rito kaya nakita ko ang biglang pagkislap sa mga mata niya.

“Yes po, momma! P-Pero I don’t knos how am I going to go to school.”

“Sasamahan kita. Kaya magpalit ka roon ng damit at mamimili tayo ng mga gamit mo,” sabi ko rito.

“Really?”

“Yes.” Tumango ako kaya dali-dali itong umalis sa harapan ko at tumakbo papaakyat sa kaniyang kuwarto. Tumayo naman ako at tinignan sina nanay Asunta at ang apo niya. “Maupo ho muna kayo, ’Nay. Magpapalit din po muna ako ng damit.”

Inalalayan ko naman silang maupo sa sofa at dali-dali rin akong pumasok sa kusina. Kumuha ako ng juice at cookies. Inilapag ko iyon sa mesang nasa harapan nila.

“Naku, Emilia. Hindi mo naman kailangan mag-”

“Ano ho ba kayo, ’Nay. Bisita kayo at saka matatagalan iyon si Rowan sa pagligo.” Tumawa pa ako kaya nakita ko ang biglang pagbabago sa mga mata nito.

“Ang ganda niyo po kapag nakangiti.” Napatingin ako kay Alyana nang magsalita ito.

“Salamat.” Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. “S-Sige po. Magpapalit na muna ako.” Umalis na ako nang hindi hinihintay ang kanilang sagot.

Nang makapagpalit kami ni Rowan. Agad din kaming umalis ng bahay.

“Malapit lang po ba ang Elementary dito, ’nay?” tanong ko habang nasa tricycle kami. Tricycle ito na minamaneho ni Agatep, iyong pangalawang anak ni nanay Asunta.

Nakasakay kami sa loob at magkatabi kami ni Nanay sa harapan habang nasa likod naman ang dalawang bata. Hindi naman sila mahuhulog dahil may harang din ito at saka sinabihan ko si Rowan na huwag malikot.

“Na sa palengke rin. Isang sakayan lang naman papunta roon at saka huwag kang mag-aalala, ihahatid naman ni Atep ang mga bata papunta roon.”

“Hindi ho ba nakakahiya sa anak niyo, ’Nay? Naaabala pa po namin siya,” sabi ko dahil totoong nahihiya ako. Marami na silang naitulong sa amin at hindi ko na siguro hahayaan pa na pati ang paghatid sa anak ko ay iaasa ko pa sa kanila.

“Huwag ka mag-aalala. Hindi iyon nakakahiya,” sagot ni Agatep na abala sa pagmamaneho. Tumawa pa ito kaya natawa rin si nanay Asunta.

Hindi naman nagtagal ang byahe namin at ilang sandali lang ay narating namin ang pamilihan dito. Bigla kong naalala ang palengke kung saan ako nagtitinda sa syudad. Ang mga naging suki ko at si King na hindi ko na alam kung kumusta na ba siya?

“May alam po ba kayong trabaho na malapit sa eskwelahan, ’nay? Para kahit papaano ay may dagdag kita rin ako.”

“Bakit ka pa magtatrabaho? Kita ko naman na maganda ang trabaho ng asawa mo,” sagot nito. Nakababa na kami ng tricycle at hawak-hawak ko sa kanyang kamay si Rowan.

“Ah-eh, marami po kasi kaming kailangan gastusan,” pagdadahilan ko. Alam kong hindi totoo iyon. Gusto ko lang naman magtrabaho dahil unang-una ay hindi dapat ako umasa kay Roman.

Maraming pangangailan si Rowan na hindi ko puwedeng iasa na lang sa kaniya. Mabuti na nga dahil may sapat akong pera para sa mga gamit na bibilhin namin ngayon. Ipon ko ito noong nagtitinda pa ako sa palengke at ilang Linggo lang ang itatagal nito kung sa tutuusin.

“Sige. Susubukan kong itanong sa babae kong anak kung may alam siyang trabaho na bagay sa ’yo. Rito rin kasi iyo nagtatrabaho. Sa isang restaurant malapit dito,” anito. Ngumiti ako’t nagpasalamat sa sagot niya.

Agad kaming naghanap ng mga school supplies nang makapasok kami sa loob. Marami ang mga nandito dahil siguro sa susunod na Linggo ay pasukan na ng mga bata. Kaya ang karamihan ay mga bumibili ng mga gamit.

“Rowan, h’wag kang bibitaw sa kamay ko.”

“Yes, momma,” sagot nito. Kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Nakahinga lang ako nang maluwag nang marating namin ang isang tindahan ng mga gamit sa skwela.

Tumagal kami ng halos isang oras sa pamimili ng mga gamit. Nakahinga lang kami nang maluwag nang makalabas kami sa pelengke bitbit ang mga pinamili namin. Tuwang-tuwa ang mga bata sa mga gamit nila sa eskwela at maging ako rin ay natutuwa. Ito kasi ang kauna-uanahang masasamahan ko si Rowan sa pamimili ng mga gamit niya. Noon kasi ay minsan si Andoy lang ang bumibili at sa kaniyang saloon lang namin ito kinukuha.

Kaya laking pasasalamat ko sa kaniya. Dahil kahit magkaibigang lang kaming dalawa, marami siyang naitutulong sa akin.

“M-Magmeryenda na muna tayo,” hinihingal na sabi ni nanay Asunta. Pinagpapawisan na rin ito habang bitbit sa kaniyang mga kamay ang dalawang supot.

“A-Ayos lang kayo, ’nay?” tanong ko. Nilapitan ko pa ito at tinulungang punasan ang mga pawis sa kaniyang noo.

“Ayos lang ako, ’Nak. Medyo napagod lang ako. Saan n’yo gustong magmeryenda?” Bumuntonghininga ako. Kinabahan kasi ako dahil halos hindi na siya makahinga pa kanina.

“Papaano po ang enrollment ng mga bata?” tanong ko. Tumayo ito nang maayos.

“Tapos na!” Napatingin ako rito at nakita si Agatep na may hawak na mga folder sa kaniyang kamay. Hindi pala namin ito kasama kanina at hindi ko alam kung saan nagpunta.

“Nandiyan na pala si Atep. Inutusan ko kasi siya na kumuha ng mga forms sa school. Fill up lang tapos ihahatid lang natin bukas,” sagot ni nanay Asunta kaya nakuha ko naman ito kaagad.

Kaya napagdesisyunan namin na magmeryenda sa isang kilalang halo-halo restaurant dito sa kanilang lugar. Doon din daw kasi nagtatrabaho ang anak ni nanay Asunta na babae at baka puwede naming itanong kung ano ang puwede kong maging trabaho.

Nakarating din kami kaagad at pumuwesto kami malapit sa isang wall fan dahil mainit sa labas kanina. Naupo kaming lahat na agad ding lumapit sa amin ang isang babaeng kasing tangkad ko lang, may morenang balat at maganda ang hugis ng kaniyang mukha.

“Nay, ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong nito kay nanay Asunta. Nagpalipat-lipat pa ang kaniyang tingin.

“Magmemeryenda kami. Sinamahan kasi namin ang mga bata sa pamimili ng mga gamit nila sa eskwela at siya nga pala, si Emilia, nakatira iyan sa magandang bahay sa bario natin. Emilia-”

“Rehannah pero tawagin mo na lang akong Hannah,” anito. Nakipagkamay naman ako at ipinakilala ko rin ang anak ko sa kaniya.

“Tatlong halo-halo sa amin at dalawang mais con yelo naman para sa mga bata,” sabi ni nanay Asunta. Kaya agad na nagpaalam si Hannah para kunin ang mga order namin.

“Momma… Is that papa?” biglang sabi ng anak ko at gamit ang kaniyang hintuturo ay sinundan ko ng tingin ang kamay nito. Hanggang sa makita ko kung sino ang itinuturo niya.

Kahit nakatalikod ito sa puwesto namin ay kilalang-kilala ko pa rin kung sino siya. Hindi ako puwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko na ang bulto ni Roman at maging ang suot nitong polo ay alam na alam ko.

Pero ang nakakapagtaka ay mag-isa lang siya. Ngunit akala ko lang pala dahil agad na dumating ang isang babaeng mukhang kanina pa niya hinihintay.

Kristina.

Chapter 20

Emilia

Martyr na ba ako kung tawagin? Dahil sa araw-araw na nagsasama kaming dalawa ay araw-araw din akong nagbubulag-bulagan. Simula kasi nang magising ako sa katotohanang hindi niya ako kayang mahalin pabalik kahit kailan, naging manhid na rin ang puso ko sa sakit. Kahit na minsan, nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa, iniinda ko ‘yun at pinipilit na kalimutan.

“Momma, it was papa! Let’s go back there and talk to him.”

“Nak, hindi si papa mo ‘yun. namamalikmata ka lang,” sagot ko sa kaniya. Sakay na kami ng tricycle nina nanay Asunta at papauwi na kami sa bario. Ngunit itong si Rowan ay kanina pa niya sinasabi na ang ama nito ang nakita niya.

“B-But, I know it was him. I know it was his shirts and I know it his friend Kristina.”

Hindi ko na lang ito pinansin at nang makarating kami sa bario ay agad kaming nagpaalam sa kina nanay Asunta. “Maraming salamat po sa pagsama sa amin, ‘nay.”

Ngumiti si nanay Asunta at nagulat ako nang kunin nito ang pareho kong mga kamay. Nasa lupa kasi iyong mga pinamili namin. “Nak, makinig ka sa akin. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaintindihan, palagi mong ipapaliwanag sa kaniya ang lahat at pakinggan mo rin ang paliwanag niya. Sa paraang ‘yun, magiging maayos ang ugnayan niyong dalawa.”

“S-Salamat po pero ayos lang naman po ang lahat,” sabi ko sa kaniya ngunit umiling lang ito.

“Nakikita ko sa mga mata mo, Emila. Kahit hindi mo sabihin kung ano ang nasa likod ng mga ngiti mo, alam na alam ko. Ganyan na ganyan kaya ‘yung mga pinapanood kong telenovela.” Binitiwan na niya ang mga kamay ko. “Oh siya, magpapaalam na kami. Kung may kailangan ka, h’wag kang mahihiyang pumunta sa bahay.”

Tumango lang ako at umalis na sila. Sa tapat ng bahay nila kami inihatid at nang mawala na sila sa paningin namin ay agad akong bumaling sa anak ko. Nakaupo na ito sa kalsada at nakanguso habang nilalaro ang lupa.

“Rowan, marumig ‘yan,” suway ko ngunit hindi niya ako pinakinggang. “Gusto mo ba ng masarap na tinolang manok mamaya?” Napangiti ako nang mag-angat ito ng tingin at ngumiti.

“Talaga, momma?” Tumango ako. Kaya dali-dali siyang tumayo at kinuha ang isang supot sa lupat. “Tara na po. Let’s prepare for our dinner later.”

Tumawa ako at saka sumunod na sa kaniya nang mauna itong maglakad. Pumasok kami sa loob. Iniwan ko siya sa sala at sa kusina ako dumiretso. Mag-a-alas-singko na nang hapon kaya kailangan ko pang maghanda ng hapunan naming tatlo. Tulad nang sabi ko kay Rowan ay nagluto ako ng tinolang manok at nagluto rin ako ng sinigang para naman kay Roman. Ito kasi ang paborito nilang dalawa.

Natapos kong ihanda sa hapag ang mga pagkain at saktong pumasok sina Roman at Rowan. Buhat-buhat nito ang bata habang papasok silang dalawa. Tahimik. Naupo ang mga ito sa harapan ng mesa at nagsimulang kumain. Tumingin ako kay Rowan ngunit nakatingin lang din ito sa kaniyang pagkain.

“You should eat too. Don’t mind him. Pagod lang siguro sa lakad niyo,” sabi ni Roman at may iba sa boses niya. Kaya kahit kinakabahan ako ay naupo na rin ako sa aking puwesto. Tahimik lang kaming tatlo at nangangahalati na ako sa pagkain ko nang magsalita si Roman.

“Pagkatapos mo. Patulugin mo na ang bata. I’ll do the dishes,” anito. Marahan lang akong tumango dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko kasi maintindihan ang biglaan nitong pakikitungo sa akin at maging ang anak ko ay tahimik din sa pagkain.

“Rowan…Ba’t ang tahimik mo?” tanong ko rito. Nakahiga na kaming dalawa sa kaniyang kama at pinapatulog ko na siya. Kaya naman niyang matulog mag-isa ngunit iyon ang sabi ni Roman.

“W-Wala po, momma. Pagod lang po siguro ako. Good night po,” aniya at ipinikit na ang kaniyang mga mata.

Bumuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ang paghaplos sa kaniyang malalambot na buhok. Kinakantahan ko rin ito hanggang sa maramdaman ko na ang malalalim niyang hininga at ibig sabihin ay malalim na itong nakatulog. Bago ako umalis sa kaniyang kama ay hinalikan ko muna ang kaniyang noo. Inayos ko ang kumot nito at saka ako umalis doon.

“You saw us.” Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Napahawak ako sa akijg dibdib at saka siya masamang tinignan. Nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip ang kaniyang mga kamay sa dibdib.

“B-Ba’t ka ba nanggugulat?” Bumuntonghininga ako.

“I-I’m sorry…” Natigilan ako dahil nakaramdam ako nang sinseridad sa kaniyang boses. “I just wanna ask kung totoo iyong sinabi ng anak natin. You saw us, right?”

Yumuko ako dahil sa biglang paninikip ng dibdib ko. “H-Hindi namin sinasadya. S-Sumama lang kami kay nanay Asunta para mamili ng mga gamit ni Rowan sa eskwela. ’Wag kang mag-aalala, n-nasabi ko naman sa bata na hindi ikaw iyon kaya puwede-”

“Emilia…” Tumigil ako at unti-unting inaangat ang tingin. Nagtama ang mga mata namin at ang kaninang kabang nararamdaman ko’y hindi ko na maintindihan ang takbo. Kakaiba ang tono ng boses nito. “You don’t have to explain. Ako dapat ang magpaliwanag sa ’yo. It was a meeting together with other employees pero nauna kaming dumating ni Kristina. There’s nothing between.”

“H-Hindi ka galit dahil nakita ko kayo?”

“Why would I? Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Hindi ka ba galit?” Umiling ako.

“W-Wala naman kasi akong karapatan na magalit. D-Desisyon mong makipagkita sa kaniya. Sa susunod, hindi ko na kayo hahayaang makita-”

“Kapag hindi ka titigil, hahalikan kita.” Biglang nanlaki ang mga mata ko at itinikom ang bibig. Nakita ko ang pagngisi nito.

Agad ko siyang iniwan doon at nagmadaling pumasok sa aming kuwarto. Pagkasarado ko sa pinto ay napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi na tumigil ang pagkabog nito.

“Hey! I was just kidding. Masyado ka kasing seryoso.”

“K-Kung hindi ka pa matutulog. Doon ka muna sa sala. Manood ka ng TV o kung a-ano!” Narinig ko ang pagtawa nito sa kabila ng pintong nakasarado.

“Fine but let me bring my laptop, please?” Napalunok ako. Gusto kong huwag siyang papasukin dahil baka lumabas na ang puso ko sa aking dibdib ngunit kuwarto namin itong dalawa. Kaya wala akong nagawa kun’di ang humarap sa pinto at pagbuksan iyon.

“B-Bilisan mo,” sabi ko rito. Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa loob. Kinuha naman nito ang kaniyang laptop at naglakad ulit pabalik sa pinto. Ngunit hindi siya tuluyang lumabas dahil tumihil pa ito sa harapan ko. “B-Bakit?”

“You’re blushing.” Mabilis itong lumabas habang tumatawa. Napansin ko pang tila may binubulong ito ngunit hindi ko naman marinig.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang maisara ko na muli ang pinto. Napasandal ako roon at napahawak sa namumula kong pisngi. Nakakahiya!

Bago pa man ako maabutan muli ni Roman ay agad na akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.

Chapter 21

Emilia

Dalawang araw ang lumipas at wala namang nagbago sa amin. Minsan, hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip ni Roman. Tuluyan na kasi itong bumabalik sa dati, sa kung papaano ko s’ya nakilala noon sa bar. Iyong Roman na mapagbiro, madaldal at higit sa lahat ay palagi na siyang nakangiti.

Tuwing umaga, mas maaga pa itong nagigising sa akin at naabutan ko na lang siya sa kusina. Minsan ay siya na rin ang nagdidilig sa mga halaman ko sa labas at naglilinis sa bahay.

“Sa Lunes na ang pasok ni Rowan. Gusto mo bang ihatid ko siya bago ako pumunta sa trabaho?”

Ito pa ang isa sa mga nakakapanibago sa kaniya. Sa tuwing may gusto ito, tinatanong na muna niya ako bago siya gagawa ng desisyon. Kaya ang kaba ko noong nakaraang araw ay hindi na mawala-wala. Maging ang isip ko ay naguguluhan na rin sa ipinapakita niyang pakikitungo sa amin, sa akin.

Nalaman na rin niya ang pagpapa-enroll ko kay Rowan sa isang public school. Akala ko ay magagalit ito at pipigilan ako ngunit aniya’y sabihin ko lang sa kaniya kung kailangan namin ng pera para sa mga gastusin. Natuwa rin ito dahil pag-aaralin ko ang bata.

“Huwag ka nang mag-abala pa. I-Ihahatid siya ni Agatep,” sagot ko at nagbago naman ang timpla ng mukha nito.

“Who’s Agatep?” mariin niyang tanong.

“Iyong anak ni nanay Asunta.”

“I don’t like his name,” mabilis niyang sagot. Umiwas ako ng tingin nang masama itong tumingin sa akin. “Stay away from him, Emilia.”

“M-Mabait naman s’ya. At saka, ihahatid lang naman si Rowan.”

“Kasama ka?” Tumango ako. Hindi ko puwedeng iwan ang anak ko lalo pa’t bago lang kami sa bayan na ’to. Baka kung mapano pa ito kapag hinayaan ko siyang mag-isa. Kahit na kasama pa nito si Alyana, hindi pa rin ako kampante dahil mga bata lang iyon.

“H-Hindi ko puwedeng iwan si Rowan,” sagot ko pa. Humarap ako sa kaniya ngunit siya naman ang umiwas ng tingin.

“J-Just don’t let other guy near you.”

“Hah?” naguguluhan ko na sabi. Dahil hindi ko siya marinig. Mahina ang boses nito at parang bumubulong lang.

“N-Nothing… Kumain ka na, aalis na ako. Take care,” sabi nito at kumunot ang noo ko nang mabilis itong umalis sa harapan ng hapag. Nakakapagtaka dahil kakaibang Roman ata ang kasama namin sa bahay. Gustuhin ko mang itanong kung bakit siya nagbago ngunit hinayaan ko na lang.

Kahit papaano ay nakikita ko ang unti-unting pagbabago niya. Pakiramdam ko’y unti-unti ring nawawala ang galit sa kaniyang puso. Ipinapanalangin ko na lang na balang araw, tuluyan nang maglaho kung ano mang galit ang mayroon siya sa akin.

Inabala ko na ang sarili ko sa paglilinis. May pasok ngayon si Roman kaya ako na lang ang mag-isang naiwan sa bahay. Si Rowan naman ay pagkatapos nitong kumain ay agad na pumunta sa kina nanay Asunta. Pupunta raw kasi sila sa bukid para manguha ng prutas. Gusto ko sanang sumama ngunit mas marami pa pala akong gagawin sa bahay.

Kaya nang matapos ako sa pagwawalis sa sala ay umakyat naman ako at pumasok sa kuwarto namin ni Roman. Hindi naman makalat dito pero marami na kaming damit na hindi na nalalabhan. Lumapit ako sa basket na naglalaman ng mga maruruming dumit ngunit natigilan ako nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

“Hello?” sagot ko nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

“Shit! Emilia?” Agad kong nabosesan ang nasa kabilang linya.

“R-Roman?” mahina kong sagot. Hindi ko alam kung bakit pero nagulat ako. Nagulat ako kung papaano niya nakuha ang number ko at kung bakit ito napatawag sa akin. Noon kasi ay kahit minsan lang, hindi ako nakakatanggap ng tawag mula sa kaniya o ’di kaya’y text message.

“Yes. It’s me. M-May iuutos ako, naiwan ko kasi iyong papers sa study table ko. P-Puwede bang ihatid mo sa akin ’yan dito?”

Nagsalubong ang kilay ko, kakaiba ang boses nito at parang kinakabahan siya habang kausap ko. Tumingin naman ako sa mesang tinutukoy nito, malapit ito sa bintana at nakita ko ang isang brown folder doon. Baka iyon ang tinutukoy niya kaya agad ko itong nilapita.

“I-Ito bang final reports ang nakasulat?” tanong ko. Binuklat ko pa para tignan ang nilalaman ngunit hindi ko maintindihan.

“That’s it. Please, take it to the office. I’ll send you the address.” Agad akong pumayag sa gusto nito. Baka kaya ito kinakabahan ay importante ang mga pepeles na ’to.

Kaya nang ibinaba nito ang tawag ay agad akong nagpalit ng damit. Siguro’y mamaya na lang ako maglalaba. Nakatanggap din naman ako ng mensahe mula sa kaniya. Kaya nang lumabas ako ng bahay ay saktong may dumaang tricycle. Sumakay ako roon at sinabi ang address.

“Sure, ma’am!” Napatingin ako sa nagmamaneho at nakitang nakangiting si Agatep habang pinapaandar na ang motor.

“Baliw!” bigla kong nasabi at natawa lang ito. Hindi ko alam na namamasada pala ito.

“Kumusta naman kayo ng asawa mo?” bigla nitong tanong sa kalagitnaan ng byahe namin. “Ay, sorry. Masyado ba akong tsimoso?” Tumawa pa siya.

“H-Hindi naman pero parang gano’ng na nga.” Tumawa muna ako bago ko sinagot ang tanong niya. “Wala naman kaming problema. S’ya ang may problema dahil naiwan n’ya itong mga pepeles niya,” sabi ko at ipinakita ko pa ang folder na hawak ko.

Tumawa ito. “May humor ka rin pala sa katawan. Akala ko kasi ay puro seryosong mukha lang ang ipapakita mo o ’di naman kaya’y iyong nakangiti ngunit malungkot naman ang mga mata.”

Hindi ako sumagot hanggang sa makarating kami sa isang kompanya. Hindi naman mataas ang building na ’to dahil hindi naman syudad itong lugar pero nakakapagtaka dahil may building dito sa lugar. Dahil siguro iyon sa mga hotels at iilang beach resorts dito.

“Magkano?” tanong ko kay Agatep at iniabot ko na rin ang bayad ko sa kaniya ngunit tinanggihan nito.

“Number mo na lang.” Kumunot ang noo ko. “Ang ibig ko sabihin, number mo para tawagan mo na lang ako kung gusto mo sumabay sa akin papauwi mamaya.”

Nakahinga ako nang maluwag dahil akala ko ay kung ano ang ibig niyang sabibin. Ibinigay ko naman ang number ko at ang bayad ko na mabuti na lang ay tinaggap niya. Ipinilit ko kasi dahil nakakahiya na sa kaniya.

Umalis na rin naman ito nang sabihin kong tatawagan ko na lang siya kapag uuwi na ako. Pero huli na nang maalala kong wala pala akong pantawag.

Mabilis lang akong nakapasok sa loob ng lobby. Akala ko ay haharangan ako sa pinto ngunit hindi nila ako pinansin. Kaya dumiretso ako sa parang receptionist at nagtanong.

“Miss, kilala niyo si Roman Garces?” tanong ko sa babaeng nagtitipa sa kaniyang computer. Agad itong humarap sa akin at ngumiti.

“Ano pong kailangan niyo sa kaniya, ma’am?” tanong niya.

Ipinakita ko naman ang hawak ko. “Naiwan niya kasi ito sa bahay. Mukhang importante kaya inihatid ko rito?” Tumango naman ito at agad na ibinalik ang tingin sa kaniyang computer.

Sandali lang siyang tumingin doon at agad na humarap sa akin. “Nasa meeting pa po siya, ma’am. Sa waiting area po muna kayo maghintay. We’ll notify him na nandito po kayo,” aniya.

Ngumiti lang ako at umalis na sa harapan niya. Agad naman akong pumunta sa waiting area nila rito sa lobby. May iilang napapatingin sa akin ngunit hindi ko na lang sila pinansin. Alam ko kasing ibang-iba ang ayos ko sa mga ayos nila, ano’ng magagawa ko? Ito lang ang nahanap kong damit kanina nang umalis ako. Isang puting t-shirt at pantaloon. Nakalimutan ko nga lang magsuot ng sandals dahil sa pagmamadali.

Naupo ako sa isang upuan at tumingin-tingin sa paligid. Pinapangarap ko noon na kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay sa isang malaking kompanya ko gustong magtrabaho. Dahil naririnig ko kasi na malaki ang sinasahod nila. Lalo na kapag ka na-promote ka.

Pero ang lahat ng iyon ay pangarap lang. Ni hindi ko nga natapos ang high school dahil maaga akong nabuntis. Kawalan din ng pera dahil sa hirap ng buhay.

Labing-pito ako noong magdalang tao. At ngayo’y nasa dalawampu’t pito na ako. Kaya impossibleng maabot ko pa ang pangarap kong iyon.

Bilib nga ako kay Roman. Dahil sa kahit gaano ang hirap nang buhay namin noon ay nakaya pa rin niyang mag-aral. Kung alam ko lang na ito pala ang pinagkakaabalahan niya noon ay sana nasuportahan ko siya.

Abala ako sa pagtingin-tingin sa paligid nang may tumigil sa harapan ko. Kaya roon ako napatingin at bigla akong kinabahan nang makita ko ito sa harapan ko.

“Hi, Emilia, right?” tanong niya at malawak ang pagkakangiti nito sa akin.

“K-Kristina?” sabi ko. Mas lalo siyang napangiti at tumango.

“You recognized me,” aniya. Naupo ito sa tabi ko. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

Kinakabahan ako kung bakit ganito niya ako pakitunguhan. Alam ko kasi na dahil sa akin ay nasira ko ang relasyon nilang dalawa. Kaya siguro ganito ako makaramdam ng kaba, na para bang may masama siyang binabalak sa ’kin.

Mabait naman siya noon. Nakikita ko iyon. Pero hindi ko na alam kung iyong Kristina na kilala ko noong mga panahong iyon ay gano’n pa rin hanggang ngayon.

“I-Ihahatid ko lang itong mga papeles ni Roman,” sagot ko sa kaniya. Umiwas ako ng tingin at sa paa ko na lang iyon itinuon.

“You must be really in love with Romano,” aniya bigla. Kaya napaangat ako ng tingin. Nakangiti pa rin siya pero kakaibang ngiti na ang ipinapakita niya.

“A-Ano’ng ibig mong sabihib? A-Alam mo kung ano ang nangyari noon.” Nilakasan ko ang loob kong sagutin siya. Hindi naman kami napapansin ng mga tao dahil hindi naman kami nagsisigawang dalawa.

“Nothing…” Tumingin siya sa ibaba ngunit agad ding nag-angat ng tingin. “Gusto ko lang sabihin na, habang maaga pa. You should know the truth behind your marriage. This is just a warning Emilia. I know, I’m not in the right position to tell you this but-”

“Emilia!” Hindi natapos ni Kristina ang sasabihin niya nang may tumawag sa pangalan ko. Kaya sabay kaming napalingon doon. Nakita ko si Roman na dali-daling lumapit sa amin. “Where’s the papers?”

Tumingin muna ako kay Kristina bago ko inabot kay Roman ang mga folder. Agad nitong tinignan ang laman.

“Thank you but I have to go. Tara na, Tina. They’re waiting for us,” sabi niya lang at hinawakan sa braso si Kristina.

Nagkatinginan muna kami ni Kristina bago sila umalis dalawa. Bumuntonghininga ako. Akala ko, nagbabago na. Akala ko, ibang Roman na ang kasama namin sa bahay. Ngunit sa bahay lang pala iyon, ibang Roman pala siya sa labas. Siguro, dahil maraming nakakakita? O dahil sa suot ko ngayon na malayo sa suot nilang pareho?

Isa pang gumugulo sa isipan ko ay ang sinabi ni Kristina sa akin. Hindi ko alam kung ano pang nalalaman niya. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi iyon sa akin. Kung gusto niya kaming sirain ni Roman, madali lang niya itong magagawa dahil alam kong kusang sasama si Roman sa kaniya pero tila ba hindi. Tila ba may gusto pa siyang iparating bukod pa roon.

Kaya bago pa man ako mabaliw sa kakaisip ay umalis na ako roon. Iisipin ko na lang kung papaano ko malalaman ang lahat ng ’to.


Konte

na lang talaga!

Makakalaya

na s’ya.

Abangaaan

!

Chapter 22

Emilia

Akala ko, tatanungin ako nito kung ano ang naging usapan namin ni Kristina noon sa loob ng company. Ngunit isang araw ang lumipas, nanatiling tikom ang bibig nito tungkol doon. Akala ko, pagagalitan ako o ’di kaya’y sisigawan ngunit walang nagbago sa pakikitungo niya sa amin ng anak ko.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin panatag ang loob ko sa lahat ng mga nangyayari. Hindi ako mapakali lalo pa’t pakiramdam ko, may dapat akong malaman.

“I’m going. Mag-iingat kayo,” paaalam ni Roman. Nakasuot na ito ng isang royal blue three pieces suit.

“Sandali,” pagpigil ko at mabilis ko siyang nilapitan. Hindi ko alam kung bakit ko ’to ginawa. Ang pag-ayos sa suot niyang neck tie. “B-Baka magtaka sila kung bakit hindi maayos ang pagkakasuot mo.”

“Thank you,” mahinang sabi nito. Agad din naman akong lumayo at ngumiti sa kaniya.

“M-Mag-iingat ka,” aniko at tumango lang ito. Muli siyang nagpaalam sa amin at saka lumabas na ng bahay.

“Momma, saan po pupunta si papa?” tanong ng anak kong kanina pa tahimik. Nakapantulog na ’to dahil gabi na rin at hindi siya puwedeng magpuyat.

“Sa party, ’nak.” Ngumiti ako. “Gusto mo ba mag-overnight kina Alyana?” tanong ko.

Agad nagliwanag ang kaniyang mukha. Kaya ilang sandali lang ay may nag-door bell na. Kinuha ko naman ang inihanda ko nang mga gamit ni Rowan at saka kami sabay na lumabas ng bahay. Naabutan ko si Agatep sa labas na may dalang flashlight.

“Good evening,” bati nito at ngumit na abot hanggang tainga.

“Momma, aren’t you coming with us?” tanong ng anak ko nang mapansin siguro nitong wala akong dalang gamit.

Umiling ako’t pinantayan siya. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang kamay at tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

“May gagawin lang si momma, ’nak. Kaya do’n ka na muna sa kanila, okay? Babalik din ako.”

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya ngunit hindi ako nagpapigil. Tumayo ako at tinignan si Agatep na mukhang naghihintay rin.

“Bantayan niyo s’ya para sa akin. Babalik din ako,” sabi ko rito.

“’Wag kang mag-aalala, ako’ng bahala sa anak mo.” Ngumiti ako at nagpasalamat. Agad din naman silang umalis. Akala ko’y magtatanong pa ang anak ko ngunit mukhang excited din na doon muna makitulog kina nanay Asunta.

Kaya nang mawala sila sa paningin ko’y agad akong pumasok sa loob ng bahay. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa TV at nakitang hindi pa nagsisimula ang party.

Balak ko kasing pumunta roon ngayon. Alam ko naman ang lokasyon nito dahil nakita ko iyon sa invitation na nakalagay sa ibinigay nila kay Roman. Pinagplanuhan ko na ’tong mabuti. Itong gabing ito ang tamang panahon para malaman ko kung ano man itong gumugulo sa isipan ko.

Naihanda ko na ang lahat ng susuotin ko. Mabuti na lang at hindi nagtanong si Roman kung bakit inaayos ko ang mga gamit namin kaninang umaga. Kaya sa tingin ko, nakikiayon sa akin ang bawat oras.

Nagsuot lang ako ng isang royal blue gown na may may lace sa kaniyang balikat. Hapit ito sa aking katawan at hulmang-hulma nito ang maliit kong balakang. Ito ang kauna-unahang magsusuot ako ng ganito. Binili ito ni Roman noong pumunta kami sa mall at mabuti, magagamit ko ito ngayong gabi.

Marunong din naman akong maglagay ng make up. Kaya naglagay ako ng light make up lang sa aking mukha. Nang tignan ko ang sarili ko, inayos ko muna ang buhaghag kong buhok at saka ako ngumiti.

Alam kong mukha akong kontrabida sa ayos ko. Pero ito lang ang pagkakataon ko para tapusin kung ano man itong gumugulo sa akin. Hindi ako gagawa ng eskandalo, ang gusto kong malaman ay kung ano nga ba’ng totoo.

Agad akong lumabas ng bahay nang makita kong maayos na ang itsura ko. Masuwerte ako dahil hindi dinala ni Roman ang invitation na ibinigay sa kaniya. Nang ma-locked ko ang gate ng bahay ay agad naman lumapit ang isang tricycle.

Kinausap ko ito kanina na kung puwede ay ihatid niya ako sa lokasyon. Mabuti na lang din at pumayag siya kahit gabi na.

“Manong, tara na po,” sabi ko nang makasakay ako. Nang muli niya itong pinaandar ay agad kaming umalis ng bahay.

Kinakabahan ako. Alam kong maraming mangyayari sa gabing ’to. Pakiramdam ko kasing matagal na akong niloloko, matagal na akong nabubuhay sa isang kasinungalingan. Kaya ang gabing ’to ang tamang pagkakataon para dito.

Tinatagan ko ang loob ko. Ginagawa ko lang ito hindi para makalaya na ako kay Roman kun’di para na rin sa anak ko. Kahit ayaw ko mang lumaki siya na walang ama, hindi ko rin naman maatim na mabuhay kaming dalawa sa isang kasinungalingan lang.

“Nandito na ho tayo,” sabi ni manong kaya agad akong bumaba.

“P-Puwede pong hintayin niyo ako? Saglit lang ako sa loob. Babayaran ko na lang kayo nang malaki,” sabi ko rito. Nakita ko ang pag-aalinlangan nito noong una ngunit agad din namang tumango.

Nagpaalam na ako at bitbit ang invitation sa kamay ko ay agad akong pumasok. Tumitingin-tingin ako sa paligid. Nag-iingat na baka makita ako ni Roman o ’di kaya’y si Kristina.

Kaya sa gilid ako dumaan at hindi na ako nakipagsiksikan pa sa mga taong nandirito ngayon.

Ang theme ng party na ’to ay royal blue. Kaya halos lahat ng nandirito ay nakasuot ng asul, may iilang hindi sumunod ngunit mas marami naman ang sumunod. Para ito sa mga bagong empleyado ng kompanyang pinagtatrabauhan ni Roman.

Lahat nang nandito ay mga emplyado ngunit may iilang investors din ang dumalo. Nabasa ko ang mga pangalan nila sa invitation at hindi ako puwedeng magkamali na nandito ang mga magulang ni Roman.

Sila rin ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. Alam kong hindi ko magagawang komprontahin ang mga ’to pero kung magkakaroon man ako ng pagkakataon, gagawin ko ang bagay na ’yun.

Nasa isang tabi lang ako at tago ang puwesto ko. Kumuha lang ako ng wine sa waiter na umiikot para magkaroon ako nang lakas ng loob. Hindi naman ito ang unang beses na iinom ako, dahil noong hindi pa kami kasal ni Roman at noong nagtatrabaho pa ako. Madalas kaming umiinom nina Andoy pero hindi katulad ng mga iniinom ng mayayaman.

Muli kong inilibot ang paningin ko at hindi nakatakas sa aking mga mata, ang agaw pansing pagkakapulupot ng kaniyang mga braso sa kaniya. May kirot sa puso ki ngunit mas nangingibabaw ang galit nararamdaman ko ngayon.

“Look at those couple,” narinig kong sabi ng mga matatandang malapit sa, puwesto ko. Pagtingin ko ay gulat na gulat ako nang makita ko ang mga magulang ni Roman.

“Bagay na bagay sila sa isa’t isa,” sabi ng mama ni Roman, Amanda Garces. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kaniyang itsura.

Ang masungit ngunit hindi pa rin naitatago ang ganda nitong mukha. Hinding-hindi ko makakalimutan kung papaano niya ako titiginan noon na para bang isa akong maruming bagay na hindi puwedeng lumapit sa kaniya.

“I thought, Roman is married to the mother of his son?”

Tumawa si Amanda. “That Emilia Palmiero? Their marriage was fake. Pinakasalan lang n’ya ang babaeng iyon para hindi mapahiya ang pamilya namin.”

Naikuyom ko ang mga kamao ko at hindi ko napansin nabitiwan ko na ang hawak kong wine glass. Naging sanhi nang pagkabasag ng basong hawak ko ang pagkuha sa atensiyon ng iilang nandito ngayon malapit sa akin. At, isa sa mga nakuha ko ang atensiyon ay ang mama ni Roman.

May kakaiba sa tingin nila na hindi ko mawari. Kaya bago pa man mapunta sa akin ang lahat, agad akong tumalikod at umalis doon.

Iyon lang naman ang gusto kong marinig. Akala ko, hindi ko agad malalaman pero galing na mismo sa bibig ng magulang ni Roman. Totoong ngang hindi totoo ang kasal naming dalawa. Ako lang pala itong matagal nang nagpapaloko.

Nang sabihin kasi ni Kristina na may dapat akong malaman sa kasal namin ni Roman. Agad kong tiniwagan si Andoy at nagpatulong akong alalim ang totoo. Pinahanap ko sa kaniya si Atty. Kraius Montreal, inalam ko ang lahat ng mga gumugulo sa isipan ko at alam kong ito lang din ang makakasagot sa mga iyon.

Hinala ko nang peke ang kasal. Dahil ano pa bang dapat kong malaman bukod doon? Kaya nang malaman kong hindi totoong kasal ako sa kaniya, hindi ako nagdalawang-isip na pumunta rito ngayon.

“Manong, alis na po tayo rito.” Mabilis akong sumakay sa tricycle at umalis kami roon. Pinunasan ko lang ang luhang bumuhos sa mga mata ko. Mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sampong taong akong nagtitiis, sampong taon akong naghintay na balang araw ay kaya niya rin akong mahalin at sampong taon akong nagpaloko.

Kung ganito lang pala ang gagawin niya sa akin, sana noon pa ako umalis. Sana noon ko pa ginawang lumayo at hindi na muling magkapakita. Kung ito lang pala ang magiging kahihitnan ng pagtitiis ko para lang sa anak namin, sana noon ko pa ginawang makalaya sa kaniya.

Hindi nagtagal ang byahe namin ng tricycle. Imbes na sa bahay ako dumiretso ay sa bahay kami nina nanay Asunta huminto. Nagbayad lang ako sa tricycle at agad na akong kumatok sa pinto ng bahay.

Inayos ko na muna ang itsura ko at nang magbukas ito’y si Agatep ang bumungad sa akin.

“Wow! Ang ganda mo,” anito. Gusto ko sanang tumawa ngunit wala na akong panahon.

“Nasaan ang anak ko?” tanong ko sa kaniya.

Napakamot ito sa kaniyang batok at nahihiyang tumingin sa akin.

“Tulog na, eh. Gigising ko pa ba?” Umiling ako.

“N-Naihanda mo ba?” Tumango naman ito sa tanong. “Salamat. Ngayon gabi kami aalis.”

“P-Pero…”

“Ayoko nang manatili rito. Kung magtatagal pa kami ng anak ko, baka hindi ko na kayanin iyong sakit. Kaya please, Agatep, tulungan mo kaming makaalis ngayon.”

“S-Sige. Kunin mo na ang anak mo at ihahanda ko lang ang bangka,” anito. Nagpasalamat naman ako at nang umalis siya sa harapan ko’y agad akong pumasok sa loob.

Nasa may sala natutulog si Rowan at Alyana. Mukhang nakatulog na ang mga ito habang nanonood ng TV. Tinabihan ko ito at marahang niyugyog ang kaniyang balikat. Mabuti na lang at mabilis ko itong nagising.

“M-Momma?” Gamit ang paos nitong boses.

“Tara na, ’nak. Aalis na tayo rito,” bulong ko dahil ayaw kong magising ang mahimbing nang natutulog na si Alyana.

Agad naman itong bumangon. Hinanap ko ang bag nitong ipinadala ko at kinuha ang jacket ko doon na inilagay ko. Agad kong ipinasuot iyon sa kaniya at saka kami umalis.

“Where are we going, momma?” tanong nito nang mapansing imbes na sa bahay kami uuwi ay sa dalampagsigan ang punta naming dalawa.

“S-Sa malayo, ’nak.”

“But, where’s papa?” Natigilan ako. Sa dami nang iniisip ko kanina ay hindi agad pumasok sa isipan kong maaari nitong hanapin ang ama.

“S-Susunod s’ya sa atin,” sabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad at narating namin ang dalampasigan kung saan naghihintay si Agatep. Nasa dagat na ang kaniyang bangka na sasakyan namin sa paglalayag.

“Naisakay mo iyong mga gamit namin?” tanong ko sa kaniya na agad din naman niyang tinanguan. “S-Salamat,” sabi ko pa.

“Wala iyon. Alam mo namang kaibigan at pamilya na rin ang turing namin sa inyo. Nakakalungkot lang na aalis na kayo rito,” anito.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko at agad na kaming sumakay ng anak ko sa bangka. Si Agatep ang maghahatid sa amin sa syudad kung saan naghihintay si Andoy ngayon doon.

Kinuha ko ang jacket na inilagay ko sa bag na dala namin at sinuot ko iyon. Naihanda ko na ito kanina pa at si Agatep din ang naglagay nito rito.

Naiplano ko na ang lahat. Kinausap ko na ito kaninang umaga na aalis kami ngayong gabi. Marami siyang naging tanong at sinagot ko naman siya. Laking pasasalamat ko na lang dahil pumayag ito.

Paalis na ang bangka nang may maaninag akong ilaw na nagmamadaling tumakbo.

“EMILIAAA!”

“Agatep, pakibilisan,” mabilis kong sabi na siyang sinunod niya.

“PAPA!” sigaw ng anak ko nang makita ang ama at marinig ang boses nito.

“EMILIAAA, STOP!”

Hindi ko ito pinakinggan.

“Momma, stop the boat. Papa’s there!”

“Hindi s’ya iyon. Bad guy iyon, ’nak,” sabi ko rito. Nakatingin ako sa dalampasigan kung saan nandoon si Roman. Hindi ko makita ang mukha nito dahil madilim na. Tanging ang hawak nitong cellphone na umiilaw lang ang nakikita ko.

“But–”

“Ssshh…” Niyakap ko ang anak ko at naramdaman kong umiiyak na ito. Maging ako man, naiiyak din sa nangyayari ngunit tinatagan ko lang ang loob ko.

Ayokong magmukhang kawawa.

“W-Why are w-we leaving papa without saying goodbye?” Hindi ko siya sinagot. Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

Pagod na ako. Kung ito lang ang paraan para makalaya na ako, gagawin ko. Ipapaliwanag ko na lang sa anak ko ang lahat.

“Ano’ng oras tayo makakarating?” tanong ko kay Agatep na abala sa pagmamando ng bangkang de motor na sinasakyan namin.

“Siguro umaga na.” Tumango lang ako. Sumulyap lang ako sa anak ko at mukhang natutulog na ito habang nakayakap sa akin.

Naaawa ako ngunit ayaw kong lumaki ito sa kasinungalingan ng ama. Ayaw kong malaman niyang hindi totoo ang pinapakita ni Roman at ang lahat ng iyon ay para lang hindi mapahiya ang pamilya niya.

Ang babaw ng kanilang dahilan.

Tumingin ako sa malayo. Mariing pumikit at pinakiramdaman ang sarili. Pakiramdam ko, ubos na ang luha ko. At, naisip kong hindi dapat ako nagsasayang ng luha sa mga taong katulad nila.

Sampong taon akong naging tanga at nagpaloko. Kaya siguro, tama lang na lumayo ako. Tama lang na lumaya ako.


Wow lame chapter hahaha ang

bilis

ko, yes opo! Thank you sa mga nagbabasa at

naghihintay

. You comments are highly appreciated. I love you all!

Chapter 23

Third-person Point Of View.

Ten years ago.

Sa saliw ng musika. Abala ang bawat isa sa pakikipagsayaw sa kani-kanilang kapareha. Hindi alintana ang lakas ng musika at halos wala na sa ritmo ang pagsayaw ng mga ito.

Abala ang bawat naririto sa loob ng Starry Hub, isang sikat na bar dito sa syudad. Na ang lahat ng mga pumapasok ay kilalang mga tao, mayayaman at malakas ang impluwensiya.

“Dude, hindi ka ba sasayaw?” Parang baliw na turan ni Edward habang tumatango-tango ito, sinasabayan ang musikang pinapatugtog ng DJ sa entablado.

“I’m tired. Gusto ko lang mag-inom.”

“Nag-away kayo?” Edward asked. Tumigil na ito sa pag-head bang at tinitiginan ang kaibigan nang mariin. Sinusuri ito kung bakit tila malungkot ang expression na ipinapakita niya ngayon.

Hindi kasi ito sanay na makita ang kaibigan na ganito ang inaakto. Kilala niya si Roman na madaldal, halos lahat na ata ng kuwentong alam nito’y nasabi na niya. Hindi ito naglilihim sa mga kaibigan ngunit ngayon ay tila ba iba ang ipinapakita niya. Para bang may malalim itong iniisip.

“Hindi…” Bumuntonghininga si Roman at tumingin sa baba. Nakasandal ang mga ito sa railings ng second floor kung saan nakikita ang mga taong abala sa first floor nitong bar. “Nag-away lang kami ni Dad,” anito.

“Sus! Palagi naman kayong nag-aaway n’yang dad mo. Wala na bang bago?” Tumawa pa si Edward ngunit hindi man lang natinag si Edward sa pagkakasandal. Emotionless ito at alam ni Edward na malaking problema ang dinadala nito.

“Auhm… W-What’s the reason?” tanong ni Edward dahil nanahimik ang kaibigan. Nilingon muna niya ang mga kasama sa isang couch at abala ang mga ito sa kani-kanilang mga babae.

“I told him that I wanted to break up with Kristina,” sagot ni Roman. Hindi agad nakapag-react si Edward dahil sa gulat.

Alam nito kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa. Kaya nagtataka siya kung bakit sa isang iglap lang ay tila ba balak nitong hiwalayan ang babae. They were childhood sweethearts, simula pa nang sila’y nasa kinder pa lang ay kilala na nila ang isa’t isa.

“But… Why, dude?”

“She’s not the right girl.”

Gustong sapukin ni Edward ang bungo ng kaibigan dahil sa naging sagot nito. Pero nanatili siyang tahimik. Alam niya kung papaano rumespeto nang desisyon ng isang tao. Kahit nahihirapan siyang alamin kung bakit sa hinaba-haba ng relasyon nilang dalawa ay ganito lang pala ang kahahantungan.

Nakarinig sila ng pagkabasag kaya mabilis silang lumingon dito. Nakita nila ang nagkakanda-ugagang waitress ng bar dahil nahulog nito ang order sa isang tray.

“P-Pasensiya na po,” sabi nito at pupulutin na sana niya ang mga butil ng nabasag na plato ngunit mabilis na kumilos si Roman at pinigilan ang kamay nito.

Sa paraang iyon. Nabasa ni Roman ang nakasulat na name tag sa suot niyang uniform.

“Masusugatan ka, E-Emilia. Kumuha ka na lang ng dustpan at walis. Don’t mint this,” sabi Roman. Kaya dahan-dahang napatingin si Emilia sa lalaki at doon nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi alam ni Emilia ang gagawin. Gusto niyang tumayo ngunit nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Hindi siya makawala sa pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang kamay, dahil na rin sa kabang nararamdaman niya.

“’Wag na kayo magtitigan diyan. Nakakaisang minuto na kayo, eh!” pabirong turan ni Edward sa dalawa. Nagtawanan naman ang mga kasama nila.

Parang sinampal naman ang mga ito dahil sa narinig. Kaya dali-daling umalis doon si Emilia at bumaba. Pumasok siya sa storage room kung saan nakalagay ang mga walis at dustpan.

“Teh, bakit nagmamadali ka?” Napatingin siya rito. Nakita niya ang kaibigan si Andoy na nakakunot ang noo. Nakasuot ito ng unipormeng katulad nang kaniya.

“M-May nabasag ako sa taas. Kaya kailangan kong linisin,” sagot nito. Aalis na sana siya ngunit hinawakan ni Andoy ang kaniyang palapulsuhan.

“Namumula ka?! Magkuwento ka nga kung ano’ng nangyari?”

“N-Nagkatitigan kami,” diretso niyang sagot. Hindi siya makatingin sa kaibihan dahil ayaw niyang nakikita ang nakangisi nitong labi. Nahihiya kasi siya. Ito ang kauna-unahang naramdaman niya ang balat ni Roman.

“Aba’y mag-ingat ka, Emilia. Hindi mo kilala ’yang mga mayayamang ’yan. Kung ako sa ’yo, umiwas ka.”

“Wala naman akong ginagawa, ’Doy. Wala sa plano kong pumatol sa mga katulad nila. Ayaw ko nang komplekadong mundo,” sagot niya sa kaibigan. Mahigpit din ang hawak nito sa walis at dustpan sa kamay.

Alam ni Emilia ang buhay ng mayayaman. Hindi man siya ipinanganak na ginto ang kutsarang ginagamit. Alam nito kung papaano ilulugar ang sarili. Komplekado ang buhay na mayroon sila.

“Mabuti. O siya, linisin mo na iyon nang makauwi na tayo. Hihintayin kita sa locker,” sabi ng kaibigan at saka ito umalis.

Bumuntonghininga na muna si Emilia bago siya bumalik sa taas. Naroroon pa rin sina Roman, kasama ang iilang kaibigan nito. Hindi nila ginalaw ang nabasag na plato sa sahig kaya agad niya itong nilapitan. Kinakabahan man, dahil nararamdaman niyang may nakatitig sa kaniya. Nagawa pa rin nitong linisin ang kalat sa sahig.

Sa araw-araw na pagtatrabaho ni Emilia sa bar na iyon ay araw-araw din niyang nakikita si Roman. Hindi niya namamalayan na tinitigan na niya ito minsan. Alam niyang may girlfriend na ito kaya hanggang doon lang ang kaniyang lugar, ang pagmasdan ang lalaki sa malayo.

Ngunit hindi nito alam, na sa araw-araw na pagpasok niya sa loob upang magtrabaho. Araw-araw din siyang ninanakawan ni Roman ng tingin. Hindi niya iyon pansin dahil minsan ay abala siya sa pagkuha ng mga order.

“Maganda ba?” tanong ni Rupert, isa sa mga kaibigan ni Roman. Pareho nilang pinagmamasdan si Emilia na abala sa pagtatrabaho. Nasa first floor ito ng bar at halata sa kaniya ang pagod ngunit hindi pa rin sumusuko.

“Y-Yes.” Napangiti si Roman. “She’s really beautiful. I never saw a woman like her.”

“You like her?”

“I don’t know. May girlfriend ako, pre. This is not right.” Nawala ang ngiti niya nang maalala si Kristina.

“I know you didn’t love Kristina, Dude. Ang mga magulang mo lang ay may gusto sa kaniya that’s why you were dating her. Kung sabihin mo kaya sa kanila na sila na lang magpakasal kay Kristina.”

Masama niyang tinignan ang kaibigan pero ngumisi lang si Rupert. Nilingon naman niya si Emilia na ngayo’y nakikipag-usap na sa iisang kalalakihan sa baba.

Gustong bumaba ni Roman para hilain ito at paaalisin sa lugar na ’to. Pero nanatili siyang nakatayo at masamang tinignan ang mga lalaking alam niyang interesado rin sa babae.

“Kung gusto mo siya, stop doubting yourself, dude. Gumawa ka ng paraan dahil baka hindi mo alam,

nauubusan

ka na ng oras.“

Present.

Nagising si Roman mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi siya agad bumangon mula sa kaniya kama.

“FUCK!!! I HATE EVERYTHING!” sigaw niya at hindi namalayan ang unti-unting pagbuhos ng luha mula sa kaniyang mga mata.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ngayon na iniwan na siya ng kaniyang mag-ina, para bang dumilim ang kaniyang mundo.

Ginawa naman niya ang lahat para lang maiparamdam sa mga ito na mahal niya ang mag-ina. Ngunit, maraming mga taong gustong pumigil sa kaniya para gawin ang bagay na iyon.

Hinayaan lang niyang bumuhos ang mga luha. Ito ang matagal na niyang ikinakatakot. Na baka isang araw, magising na lang siyang wala na si Emilia sa kaniyang tabi.

Kaya niya lang naman dinala ang mag-ina rito sa Isla dahil gusto niyang bumawi. Ang daming taong, araw, at oras ang nasayang dahil lang sa walang kwentang dahilan ng kaniyang mga magulang.

Ngayon na may lakas na siya ng loob. Doon naman nawala ang mag-ina. Binalak niya noong sabihin ang totoo ngunit natatakot siya. Natatakot siyang imbes na maintindihan siya ni Emilia ay baka mas lalo siya nitong kamuhian.

“I-I’m sorry…” mahina niyang sabi habang patuloy na lumuluha. “THIS IS ALL MY FUCKING FAULT!”

“Bro!” Mabilis na nagbukas ang pinto ng kaniyang kuwarto. “HOY! PARA KANG TANGA. SABI KO NAMAN SA ’YO DATI NA GUMAWA KA NA AGAD NG PARAAN ,” singhal ni Rupert na kakapasok lang ng kaniyang kuwarto.

Umiiling itong naupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang tila batang umiiyak na kaibigan. Hindi ito ang kauna-unahang nakita niya itong umiiyak. Noon pa man, sa tuwing nag-aaway sila ni Emilia. Takbuhan na niya si Rupert para sabihin ang lahat ng nararamdaman nito. Kaya alam ni Rupert kung gaano kamahal ni Roman ang babae.

“T-They leave me…”

“That’s because you’re stupid! Alam mo, kung hindi ka tatayo riyan at kung hindi mo sisimulang hanapin ang mag-ina mo. Nothing will happen to you.”

Natigilan si Roman. Dalawang linggo na siyang ganito, ni hindi na ito pumapasok sa trabaho. Tinawagan lang niya ang kaibigan noong isang araw at mabuti’t dumating ito ngayon.

Sa loob nang dalawang linggo, hindi niya alam kung papaano magsisimula. Sinubukan niyang tanungin si Agatep ngunit wala siyang nakuhang sagot. Sinubukan niyang humingin ng tulong sa kaniyang magulang pero hindi ito pumayag. Ayaw ng mga magulang ni Roman kay Emilia kaya malabong gagawin nila iyon.

Mabuti na lang at hindi na pinapakialam ng mga ito kung ano ang plano niya sa buhay. Ngunit kahit na ganoon, iniwan pa rin siya ng babae dahil sa kasalanan niya.

“I found their location. Kung may balak kang puntahan sila, ayus-ayusin mo iyang buhay mo. And I want you to show them how much you love them. This is your last chance, bro. I know marami nang naibigay na pagkakataon ang asawa mo na sana, hindi mo sinayang pero puro takot iyang iniisip mo.” Gustong suntukin ni Rupert ang kaibigan dahil sa inis pero nanatili itong nakaupo sa gilid ng kama.

“Hindi ka na pakikialam ng mga magulang mo. Remember, they agreed to you na kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral, hindi na sila makikialam? So this is you last chance, Roman. Kahit sa anak mo lang.”


Surprised

:)

Chapter 24

Emilia

One month later.

Isang buwan ang lumipas pero para bang isang taon ang nagdaan. Ang daming nagbago sa loob ng isang buwang iyon at masaya ako dahil unti-unti kong nababawi iyong mga nasayang na oras noong nasa piling pa niya ako.

Alam kong hindi pa rin nawawala iyong galit sa puso ko. Sinusubukan ko namang magpatawad ngunit hindi ko kaya, sampong taon ang nasayang. Kaya hindi ko alam kung kailan maghihilom iyong sugat sa puso ko.

“Ayos lang ba kayo rito?” Tumingin ako rito at nakitang nagsusuot na siya ng kaniyang business suit.

Tumingin naman ako sa loob ng bahay at nakangiting ibinalik ang tingin kay King.

“Ayos lang. S-Salamat,” sabi ko. Tumigil ito at nilingon ang direksiyon ko. Ngumiti lang siya at lumapit siya sa puwesto ko.

“Anything for you, Emilia.”

Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan si King. Marami siyang naitulong sa amin ng anak ko, kaya hindi ko alam kung papaano sisimulan ang pagbawi ko.

Alam ko ang nararamdaman nito ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya at sana, huwag niya iyon mamasamain kung hindi ko siya kayang suklian.

“Sige na. Umalis ka na, baka mahuli ka pa sa trabaho.” Tinapik ko ang balikat niya at saka ito nilagpasan. “Kung maaari, huwag mo na rin bilhan ng laruan si Rowan pag-uwi mo. Wala akong maibabayad sa ’yo, masyado na ring nakaka-”

“Hayaan mo na akong gawin ito para sa inyo. You don’t have to pay me back. Gusto ko lang na makitang masaya,” aniya. Kaya hindi ako kaagad na nakasagot.

Ngumiti ako at saka tumango. Kung makikipag-argumento pa ako ay matatalo lang ako. Kilala ko si King na ayaw na ayaw nitong pinigilan siya sa kaniyang gustong gawin. Kaya kung ito man ang makakapagpasaya sa kaniya ay hahayaan ko na lang.

Umalis na rin naman kaagad ito. Kaya inabala ko na rin ang sarili sa paglilinis nitong bahay na tinitirhan namin.

Katulad ito ng bahay namin sa South Ridge Village ngunit malayo ito roon. Malayo ito sa syudad at malayo ito sa kaniya. Tanging ang nakakaalam lang nito ay si Andoy at King.

Noong umalis kami ng Isla, silang dalawa ang naghihintay sa amin ng anak ko sa syudad. Dinala kami ng mga ito rito sa bahay kung saan nakatira si King. Mag-isa lang niya rito kaya rito na rin kami tumira ng anak ko.

Sa loob ng isang buwan, unti-unti kong natatanggap ang naging kahihitnan namin. At unti-unti ko ring tinatanggap na wala ng pag-asa, hindi na dapat pa akong umasa. Bakit pa? Kung puro lang naman kasinungalingan ang ipapakita niya’y mas mabuti nang lumayo kami ng anak ko.

Pagkatapos kong maglinis sa first floor. Umakyat naman ako bitbit ang walis at dustpan sa kamay ko. Dumiretso ako sa kuwarto namin ng anak ko. Dalawa lang kasi ang kuwarto rito sa taas, iyong isa ay kay King at itong isa naman ay naging kuwarto na namin ni Rowan.

“Rowan… ’Nak,” tawag ko rito ngunit walang sumasagot. Kaya napabuntonghininga ako at saka ko binuksan ang pintuan ng kuwarto.

Naabutan ko itong nakaupo sa isang silya na malapit sa bintana nitong kuwarto. Bahagya itong nakatalikod sa akin at nakatingin sa labas.

Marami ang nagbago at isa na roon ang ugali ni Rowan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pagtrato nito sa akin. Hindi na ako kinakausap o ’di kaya’y pinapansin. Minsan kapag kausap nito si King, palagi niyang bukambibig ang ama. Gusto na raw niya itong makita ngunit ayaw ko raw siyang payanggan.

Alam kong galit ito sa akin. Araw-araw kong sinusubukang kausapin ang anak ko. Palagi kong pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon na hindi lahat ng bagay ay nananatiling permanente.

“ʼNak, gusto mo bang mamasyal tayo?” tanong ko rito ngunit hindi pa rin ito lumilingon sa akin. Nakasandal na ngayon ang baba niya sa kaniyang mga palad habang nakatingin pa rin sa labas.

“I want papa back,” malamig niyang tugon. Napabuntonghininga ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Nakalaya nga ako kay Roman ngunit sa anak naman niya ako nahihirapan.

“G-Gusto mo bang pumunta sa park?” tanong ko, hindi ko pinansin ang naging sagot nito kanina. Napakagat ako ibabang labi ko dahil sa kabang dumadaloy sa katawan ko. Mabilis ang tibok ng aking puso.

“If papa’s here, we will go to the park together but he’s not.”

“R-Rowan…” Nilapitan ko ito ngunit hindi naman niya ako pinansin. Niyakap ko siya at mabuti na lang ay hindi ito pumalag sa ginawa ko. “H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ’nak. Gusto kong makasama mo ang papa mo at gusto kong mabuo iyong pamilya natin kahit na maraming gusot. Ngunit hindi kaya ni momma na lumaki ka sa isang kasinungalingan. Hindi ko kaya kapag lumaki ka at nalaman mo ang totoo ay baka kamuhian mo kami.”

Hindi ito sumagot bagkus naramdaman ko ang pagganti nito sa aking yakap. Kaya ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay biglang bumuhos dahil sa kaniyang ginawa.

Naglaho ang pagod at paghihirap ko sa lahat ng bagay. Dahil sa mahigpit nitong pagyakap sa akin. Si Rowan ang nagiging sandalan ko at nang magtampo ito sa akin ay wala akong nagagawa kun’di ang hintayin kung kailan niya maiintindihan ang lahat. Kaya nang maramdaman ko ang pagganti nito sa yakap ko, nawala ang pagod at ang kaunting kirot dito sa aking puso.

Nag-usap lang kami saglit ni Rowan bago kami sabay na bumaba. Magtatanghalian na, kaya kailangan ko pang maghanda ng kakain naming dalawa. Nang makababa kami ay saktong may nag-doorbell sa labas.

Nagpaalam naman ako rito at nang tumango siya’y agad na akong lumabas ng bahay. Sa loob pa lang, kita ko na si Andoy na naghihintay sa labas. Kaya dali-dali ko nang binuksan ang gate at nagulat ako dahil may hawak itong bulaklak at paperbags.

“May nililigawan ka?” nagtataka kong tanong. Kaya tumingin ito sa akin nang masama.

“Gaga! Nakita ko lang ito rito sa labas at nabasa kong para sa inyo pero wala namang nakalagay kung saan galing?” Iniabot niya ito sa akin at kinuha ko naman. Sabay na kaming pumasok sa loob.

Halos isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang may araw-araw na nagpapadala rito. Hindi ko alam kung kanino ito galing. Minsan kung hindi bulaklak ang pinapadala, mga tula naman at kadalasan ay laruan   na ibinibigay ko kay Rowan.

Kinakabahan ako siyempre. Dahil lahat ng mga nagpapadal nito’y walang nakasulat kung kanino galing.

“Kumusta naman kayo rito?” biglang tanong ni Andoy na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

Sumunod pala ito sa akin papasok ng kusina.

“Mabuti naman. Pinapansin na ako ng anak ko,” sagot ko sa kaniya. Kinuha ko ang iilang sangkap na inilabas ko mula sa rer at dinala iyon sa lababo para hugasan.

“Well, mabuti naman kung gano’n. Eh, ’yang puso mo, ’day?” Natigilan ako sa paghuhugas ng carrots at napalingon kay Andoy.

Kinakain na nito ang chocolates sa paperbag kanina na kinuha niya raw sa labas ng gate. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito at pilit na pinapakiramdaman ang sarili. Hindi ko alam pero maging ako’y gusto ko rin malaman kung kumusta na ba itong puso ko?

“A-Ano’ng ibig mong sabihin?” sabi ko dahil wala akong maisip na tamang sagot sa kaniya.

Tumigil ito sa pagkain at tumingin sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at saka ibinalik sa aking mukha ang tingin.

“Wala…” Umiling ito. “Sabi ko, CEO na pala iyong ex-fake-husband mo!”

Hindi ako nakasagot. Wala akong mahanap na kahit anong salita sa dila ko. Pero alam kong masaya ako sa nalaman ko, kung totoo man iyon.

“M-Mabuti iyon para sa kaniya. M-Matutupad na niya ang pangarap nila ni Kristina,” sabi ko pagkaraan ng ilang sandali at tinalikuran si Andoy.

“Papaano kung hanapin ka niya-” Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad akong naglita.

“Hindi n’ya gagawin iyon. Sino ba kami ng anak n’ya para hanapin pa? Kung kasinungalingan lang ang sasabihin n’ya. Mas mabuting ’wag na lang s’yang magpakita pa kahit kailan.”

Akala ko’y unti-unti kong mabubura sa puso ko ang galit ngunit sa tuwing naririnig ko ang tungkol sa kaniya. Para bang sinisilaban ang dibdib ko sa galit, hindi lamang sa kaniya kun’di maging sa mga magulang niya.

“Chill ka lang, ’teh. At saka, alam kong hindi niya kayo mahahanap pa rito. Tago kaya itong lugar, unless ikaw mismo ang magpapahanap.”

“Tulungan mo na lang akong magluto hindi iyong kung ano-ano ang sinasabi mo riyan,” sabi ko rito. Ayaw ko na kasing makarinig pa ng tungkol sa kaniya.

Hindi sa iniiwasan ko ngunit parang gano’n na nga. Sinisimulan ko nang baguhin ang mundo ko nang wala siya. Kaya kahit na anong paraan pa iyan, gagawin ko para lang makalimutan si Roman.


I, apologize dahil

maikli

lang ito. I’ll try to upload the next chapters tomorrow. Medyo busy lang kasi ako dahil enrollment namin. Thank you 7K reads. I, really appreciate your love.

Jaii

Chapter 25

Third Point Of View.

Mula sa malayo. Tanaw niya ang mag-ina na nakaupo sa parke nitong village kung saan sila kasalukuyang nakatira. Hindi niya magawang lumapit dahil natatakot siyang baka mas lalo lang itong lumayo.

Alam ni Roman na marami siyang naging kasalanan at gusto niyang bumawi kina Rowan at Emilia. Pero papaano? Gayong nang sinubukan niyang bumawi at nagkandaletse-letse naman ang lahat.

Nalaman ni Emilia na hindi sila totoong kasal. Kaya heto, nasa malayo lang siya nakapuwesto habang pinagmamasdan ang dalawa.

Gustuhin man niyang magpakita, gustuhin man niyang magpaliwanag at gustong-gusto niyang ibalik ang mag-ina sa piling niya. Hindi niya iyon magawa. May sapat naman siyang lakas ng loob para gawin iyon ngunit natatakot siya na baka mas lalo lang lumayo si Emilia. Na baka mas lalo lang siyang kamuhian ng babaeng mahal niya.

“Dude, ano? Magpapa-araw na lang ba tayo rito hanggang sa mangitim tayo?” reklamo ng kaibigan si Rupert. Kasama niya ito magmula nang umalis ang mag-ina sa Isla ngunit hindi naman sila nagtagal doon dahil agad silang pumalaot at pumunta rito.

Nang mahanap nila ito, halos araw-araw padalhan ni Roman si Emilia ng mga bulaklak at mga tulang ginagawa niya. Corny pero naisip niyang kahit sa ganoong paraan, maiparamdam niya sa babaeng may nagmamahal sa kaniya.

“Shut up, dude! Kung gusto mo, umalis ka na lang. I can stay here as long as I want,” sagot niya rito nang hindi nag-abalang lumingon sa direksiyon niya.

Ayaw niya kasing mawala sa paningin niya ang dalawa. Ayaw niyang baka paglumingon siya sa iba, wala na si Emilia sa puwesto nito.

“Tsk! Baliw na baliw ka rin kay Emilia, ’no? Kaya mo ba nagawang planuhin iyong paglalasing-lasingan mo noon para lang mabuntis siya?”

“I was drunk that night, Rup!” singhal niya. Totoong lasing siya noong gabing iyon at hindi alam ang mga nangyari. Nagising na lang siyang mag-isa sa hotel at walang kahit na anong suot na damit.

“Eh, ano ba kasing plano mo? I can’t read you, Rom. What if sabihin mo sa akin para matulungan kita?”

Tuluyan nang hinarap ni Roman si Rupert. Nakasandal ito sa kaniyang kotse at naka-crossed arms pa.

“I-I don’t know. Maybe, I’ll just stare at them?” naguguluhan sagot ni Roman dahil maging siya, hindi rin alam kung ano ba ang gagawin.

“Nagsasayang ka na naman ng oras! Magpakalalaki ka naman minsan. Nothing will ever happen kung hindi mo susubukan,” pangaral sa kaniya ng kaibigan.

“H-Hindi ko alam. I’m too scared that if I’ll show up on them, mas lalo lang lumayo ang mag-ina ko. I know this is crazy pero natatakot ako,” mahina nitong sabi. Muli niyang nilingon ang mag-ina sa malayo ngunit agad na nagtangis ang panga niya nang makita kung sino ang naroroon. “Fuck!”

Gusto niyang sugurin ang lalaking katabi ni Emilia sa bench habang umiinom ang mga ito ng buko juice. Nakita rin ni Roman kung papaano punasan ni King ang gilid ng labi ni Emilia gamit ang daliri nito.

“Shit! I will kill that man!”

“Chill, dude.” Hinawakan ni Rupert ang balikat niya para pakalmahin. “Have you ever realized that time is running? Kung hindi ka pa gagawa ng paraan, that guy might steal your girl. Kung ako sa ’yo, ligawan mo. Hindi mo ginawa iyan noon, right?”

Parang sinampal si Roman dahil sa sinabi ng kaibigan. Kung natatakot siyang lumayo pa lalo si Emilia, mas natatakot siyang baka isang araw ay hindi na niya ito mababawi. Dahil nasa piling na ito ng ibang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya, baka mapatay pa niya ang magiging lalaki ni Emilia.

Emilia’s Point of View.

Luminga-linga ako sa paligid dahil pakiramdam ko may kanina pa nakatingin sa akin. Ngunit wala naman akong nakikita. Wala ngang kabayahan dito o mga taong tumatambay rito. Malayo kasi ito sa mismong mga bahay dahil itong Village na tinitirhan namin ay bago pa lang.

“Sigurado kang walang multo rito?” tanong ko kay King. Nakaupo kaming pareho sa isang bench at si Rowan naman ay nasa playground kasama si Andoy.

“Why?” tanong nito pabalik.

“Para kasing may kanina pa nakatingin sa akin. Wala ka bang nararamdaman?” Dahil sa sinabi ko ay nilibot din nito ang paningin. Ngunit nang makitang wala namang nakatingin sa amin ay nagkibit-balikat lang siya.

“Don’t mind it.” Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya.

“Mommaa!” Napalingon ako sa anak ko nang tawagin niya ako. Tumatakbo ito papalapit sa akin at kahit pinagpapawisan ng ang kaniyang buong mukha ngunit hindi nito alintana dahil sa kasiyahang nadarama. “I SAW PAPA! HE WAS HERE!”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Biglang dumaloy ang kaba at takot sa katawan ko. Tila ba may karerang nagaganap sa puso ko dahil sa lakas nang dagundong nito. Hindi agad ako nakagalaw nang makita ko si Roman mula sa malayo.

Tama nga si Rowan. Nandito siya. Ngunit ano ang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay abala na ito sa buhay niya? Sa magiging kasal nila ni Kristina at bubuo na sila ng masayang pamilya?

Bago pa man nito mapansing nakatingin ako sa kaniya, dahil bahagya itong nakatalikod mula sa direksiyon namin. Dali-dali kong kinuha ang gamit ni Rowan at hinawakan naman ang anak ko sa kaniyang kamay.

“Umuwi na tayo,” bigla kong sabi. Hindi ko na hinintay pang makasagot sila dahil agad akong naglakad.

“But… I saw papa! He’s here. Kukunin na–”

“Hindi siya ang papa mo, ’nak. Namamalikmata ka lang,” pagputol ko sa sasabihin nito.

“Let’s go home, Rowan. Pagod lang ang momma, okay?” narinig kong sabi ni King at naramdaman ko ang pagbuhat nito sa bata dahilan para mabitiwan ko ito.

“Tara na! Umuwi na tayo. Mukhang may balak pa silang lumapit dito!” histerikal na ani ni Andoy at nauna na itong maglakad.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon ulit sa direksiyon nina Roman. Dahil agad kaming umalis doon.

Hindi ko na magawang lumabas dahil sa takot na baka nasa labas ng bahay si Roman. Kaya nananatili lang kami ni Rowan sa loob ng bahay ni King.

Marami ang naging tanong ng anak ko pero lahat ng iyon ay wala akong nasagot na tama. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pa sa kaniya. Kaya minsan, nagagawa kong magsinungaling. Hanggang ngayon kasi’y hindi pa rin nito alam kung totoong rason kung bakit kami lumalayo sa ama.

“Can we talk?” Lumingon ako sa kakapasok lang sa kusina, si King. Dumiretso ito sa hapag at agad na naupo roon sa upuan. Ipinatong niya rin ang mga kamay sa mesa habang diretsong nakatingin sa akin.

“Ano’ng pag-uusapan natin?” tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla itong naging seryoso.

Hindi ko lubos na kilala si King, kung nasaan ang pamilya niya at mga kamag-anak. Naging magkaibigan lang kami dahil sa suki ko siya noon sa palengke kung saan ako nagtitinda. At, hindi ko alam na marami siyang maitutulong sa amin ng anak ko.

Kaya laking pasasalamat ko sa kaniya, sa kanila ni Andoy. Dahil sila ang tumulong sa akin para makapagtago kay Roman.

“Why are you hiding from him?” tanong nitong biglang nakapagpatigil sa akin. Naguguluhan ako kung bakit niya ito tinatanong. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko.

“B-Bakit mo naman naitanong ’yan?”

“I just wanted to know, Emilia. Kung bakit ka nagtatago sa kaniya? May kasalanan ka ba? You should face him, talked to him, and tapos na!”

“Hindi gano’n kadali iyon, King,” sabi ko. Dahil iyon naman ang totoo.

Kung para sa iba, madali lang na gawin ang sinasabi nila pero para sa akin, hindi madaling makipag-usap kay Roman. Hindi madaling sabihin sa kaniya na tigilan na kami at gawin na lang ang makapapagpasaya sa kaniya.

Natatakot kasi ako. Natatakot na ako na kaya kami nito hinahanap ay dahil gusto niyang kunin sa akin si Rowan.

“But why? Bakit?”

“Dahil natatakot akong baka kunin niya ang custody ng bata. Ayaw kong mapalayo sa akin ang anak ko, King. Siya na lang ang natitirang pamilya ko kaya kahit na ikamatay ko man, gagawin ko para lang hindi niya makuha ang anak ko.”


Mamaya naman kung

kakayanin

pa. Thank you for reading.

Chapter 26

Emilia

“Rowan… ’Wag masyadong makulit,” suway ko kay Rowan dahil hindi na nito maitago ang excitement ngayong araw.

Naisipan ko kasing ipasok ito sa isang Public School malapit dito sa lugar. Para na rin mailayo ang atensiyon nito sa ama at hindi ito hanap-hanapin pa. At saka ayaw ko rin na lumaki ang anak kong hindi man lang nakakapag-aral. Magsasampong taon na ito sa susunod na linggo at nasa unang baitang pa rin siya.

“I just can’t help it, momma!” Nagtatalon-talon pa ito kaya hindi ko na naibubutones ang kaniyang polo.

“Hayst! Basta ’wag kang makulit at huwag na huwag kang makipag-away,” sabi ko sa kaniya. Nang matapos kong maibutones ang kaniyang puting polo, kinuha ko naman ang bag nitong spiderman sa aming kama at isinukbit iyon sa kaniyang balikat.

“I won’t, momma! I promised,” aniya. Napangiti ako at ginulo ang kaniyang buhok pero sumimangot lang naman ito.

“Tara na, naghihintay na sa atin si tito King mo,” sabi ko. Sabay na kaming bumaba pagkakuha ko sa aking bag.

Para masuportahan ko ang pag-aaral ng anak ko, kahit na nasa Public School lang naman ito nag-aaral. Alam kong libre lang pero papaano ang kaniyang baon, mga ibang bayarin at pangangailangan?

Kaya nagpatulong ako kay Andoy na maghanap ng trabaho. Masuwerte ako’t nakuha akong waitress sa isang coffee shop malapit sa saloon ni Andoy.

At ngayon din ang unang araw ko sa trabaho.

“Handa na kayo?” tanong ni King nang makababa kaming dalawa ng anak ko.

“Yes po, tito!” hyper na sagot ng anak ko. Nauna na itong maglakad papunta sa labas bitbit ang kaniyang bag sa balikat.

“Kukunin ko lang iyong lunch box niya. Mauna na kayo sa labas,” sabi ko kay King na tinanguan lang niya bilang sagot.

Hindi na rin ako naghintay pa’t agad na akong pumasok sa kusina. Kinuha ko ang dalawang lunch box doon, iyong isa ay para kay King. Dahil gusto ko na kahit sa ganitong paraan lang ay makakapagpasalamat ako sa kaniya. Maliit lang ito kumpara sa ibang bagay pero alam ko, magugustuhan niya ito.

Lalabas na sana ako nang may  bigla na lang akong maalala.

P apasok na ako sa trabaho, tatlong buwan ang nakalipas matapos akong manganak. Hindi naman puwedeng manatili na lang ako sa bahay kaya kahit mahirap, nangutang ako kay Andoy para sa magiging puhunan ko.

Ito ang unang araw na magtitinda ako sa isang palengke rito sa lugar. Mabuti na lang at mura lang ang renta sa puwesto nakuha ko. Mga gulay, sibuyas, at bawang ang binebenta ko. Kung susuwertihin ay balak kong dagdagan ng karne kapag marami na akong benta.

Kinuha ko na ang bag ko sa kama at saka ako lumabas ng kuwarto. Naabutan ko sa baba si Roman na karga-karga nito ang anak ko at may nakasabit na bimpo sa kaniyang balikat. Magulo ang kaniyang buhok ngunit hindi pa rin naman nababawasan ang guwapo po nitong mukha.

“A-Aalis na ako,” paalam ko kaya nakuha ko ang kaniyang atensiyon. Tumingin ito sa akin nang walang emosiyon, ganito naman siya palagi sa araw-araw na pagsasama naming dalawa.

“Have you eaten already?” tanong niya.

“S-Sa isang karenderya na lang ako kakain,” sabi ko. Kinakabahan kasi ako dahil sa paraan ng tinging ipinupukol niya. Walang emosiyon at ang bawat pagbigkas niya sa mga salitang sinasabi ay may diin.

Simula nang manganak ako ay hindi na ako nito madalas sigawan. Tanging walang emosiyon at malamig na pakikutungo lang ang ginagawa nito sa akin. Hindi ko siya lubos na naiintindihan pero masaya ako na hindi ko siya nakikitaan ng galit sa anak namin.

“It’s a waste of money, Emilia. I cooked for your breakfast. Kung hindi mo kakainin, dalhin mo na lang para makatipid ka.”

“MOMMA! BA’T ANG TAGAL MO?” Napabalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Rowan.

Mabilis kong kinuha ang lunch boxes at saka dali-daling lumapit sa anak ko. Iwinaksi ko sa isipan ko ang alaalang iyon, wala nang dahilan pa para balikan ang mga iyon.

“P-Pasensiya na, ’nak. Tara na, baka ma-late ka pa,” sabi ko at hinawakan na ang kaniyang kamay. Sabay na kaming lumabas at saka sumakay sa kotse ni King.

“Iyong mga sinabi ko sa ’yo, palag–”

“I know… I remembered everything.” Tumawa ako at saka niyakap si Rowan. Hindi ko alam na may ganito itong ugali, masungit.

“Oh siya, mag-iingat ka at huwag na huwag kang sasama kahit kanino. Kukunin kita mamaya pagkatapos ng klase mo,” muli kong paalala na siyang tinanguhan lang niya bilang sagot.

“Bye, momma! Bye, tito!” Kumaway lang ako bilang paalam sa papalayong si Rowan. Bitbit nito ang kaniyang lunch box sa kaliwang kamay at nakasukbit naman ang kaniyang bag sa kaniyang balikat.

Agad din itong nawala sa paningin namin nang makapasok na siya sa gate ng kanilang eskwelahan.

Sana ay marami siyang maging kaibigan. Friendly naman ito pero iyon nga, may pagkamasungit din minsan.

“Tara, ihahatid na kita.” Tumango lang ako sa sinabi ni King at sabay na kaming sumakay sa kaniyang kotse.

Agad din niya itong pinaalis sa harapan ng eskwelahan at tinahak na ang daan papunta sa isang coffee shop kung saan ako magtatrabaho.

“A-Ano pala ang work mo?” Sumulyap ito sa akin. “G-Gusto ko lang malaman,” dagdag ko.

“Isa akong manager,” sagot nito. Tumango-tango lang ako at saka ibinaling ang tingin sa labas.

Hindi rin nagtagal ang byahe naming dalawa at narating namin ang isang coffee shop. Nag-park si King na siyang ikinakunot ng noo ko.

“Bakit ka pa nag-park?” tanong ko dahil ang alam ko kasi ay ihahatid lang niya ako.

“Ah…” Tumawa ito nang mahina. “I worked here. Ako ang manager sa coffee shop na pinagtatrabauhan mo,” aniya na nakapagpalaglag sa aking panga.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ko alam na siya pala ang boss ko.

“B-Bakit hindi mo sinabi agad?!” mahina ngunit may diin kong sabi. Tumawa lang ito at saka inialis na niya ang seat belt.

“Para hindi mo isipin na kaya ka nakapasok sa trabahong ito ay dahil sa akin. I just really wanted to help you, Emilia.”

Bigla akong nahiya sa sinabi nito. Kung sinabi nga nito kaagad ay iyon ang iisipin ko. Ayaw ko rin namang maging unfair sa ibang naghahanap ng trabaho na hindi nakapasok dahil walang tumulong sa kanila o kakilala.

“S-Salamat.” Ngumiti ako.

Ngumiti lang siya bilang sagot at sabay na kaming lumabas ng kaniyang kotse. Sa likod kami ng coffee shop dumaan dahil diretso na ito sa locker ng mga nagtatrabaho rito at katabi rin nito ang office ng manager.

“Good morning, boss!” bati sa kaniya ng isang waiter. Tinanguan lang ito ni King at saka ito umalis sa harapan namin.

“S-Sige, boss. Dito na ako,” sabi ko kaya napatingin si King sa direksiyon ko. Nasa harapan na kami ng locker ng mga waiter.

“Don’t call me boss when we are in work,” anito pero umiling ako.

“Boss ka, empleyado mo ’ko. Hayaan mo na ako. Huwag ka nang umangal pa. Masasanay ka rin,” sabi ko at ngumiti lang sa kaniya. Hindi ko na hinintay pang makasagot ito dahil agad akong pumasok sa locker area.

Alam ko na rin naman ang gagawin ko dahil noong isang araw ay nakapag-demo na ako. Kukuha lang naman ako ng orders ng mga customers at ihahatid ito sa kanila. Katulad din ng ginagawa ko noon sa bar, ang kaibahan lang nito’y hindi maikling shorts ang suot at mahigpit na damit.

Isang mint green na t-shirt, pantaloon, at may mint green ding panyo sa ulo. Ang ganda ng kulay, kakulay ito ng mga dahon ng tea.

Agad na rin akong lumabas ng maisuot ko ang uniform. Dumiretso ako sa waiting area at naabutan ko roon ang isang waiter na nakaupo lang. Maaga pa kaya kakaunti pa lang ang pumapasok dito sa loob.

“Uyy, ikaw iyong bago?” Tumango ako. “EO nga pala,” aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang pangalan.

“EO? Iyong salamin sa mata?” Tumawa siya at ipinalo pa sa hangin ang kaniyang kaliwang kamay.

“Sira! Joker ka girl? EO means Erica Owesome!”

Mas lalo akong naguluhan at nagsalubong na ang mga kilay ko.

“’Di ba, A ang simula nung awesome?”

“Binago na, girl. Kung ako sa ’yo, huwag mo na akong pakialam.” Tumawa lang ito. “Ikaw, what’s your name pala?”

Ngumiti ako at iniabot sa kaniya ang kamay ko. Tanda na gusto kong makipagkamay.

“Masyado kang pormal, ah! Ni hindi mo pa nga sinasabi ang pangalan mo.” Natawa ako nang mahina at saka ako nagpakilala.

EO na lang daw itawag ko sa kaniya dahil iyong ang gusto nito. Kaya wala na akong nagawa. Mukhang mabait naman si EO, medyo kwela lang katulad ni Andoy. Sa tingin ko, bagay silang dalawa?

Sa tuwing nagbubukas-sara ang glass door ay tumutunog ito gawa ng bell sa itaas niya. Kaya napatingin kami rito nang magbukas ang door. Lumingon-lingon ito sa paligid na tila ba may hinahanap siyang tao.

“Ang guwapo!” bulong ni EO na hindi nakatakas sa pandinig ko.

Totoo ang kaniyang sinasabi, guwapo ngunit hindi niya alam na sinungaling ang taong hinahangaan niya agad.

At hindi ko alam kung bakit ito nandito?

Bigla akong kinabahan ng dumako ang tingin niya sa direksiyon ko. Gusto kong umalis sa kinauupuan ko ngunit para akong naestatwa na rito. Hindi ko rin matanggal ang tingin ko sa kaniya.

Ibang-iba ang Roman na nakikita ko ngayon. Wala na iyong balbas niya, malinis na rin ang pagkakagupit niya at ang suot niyang polo ay ang polong ibinigay ko noon sa kaniya.

“Hi, can you take my orders please?” Hindi ko namalayan nakalapit na pala ito sa puwesto ko. Nakangiti at ang aliwalas ng kaniyang itsura.

“Hoy, te! Order niya, kunin mo. Landi mo, ah!” bulong ulit ni EO at tinapik pa nang mahina ang balikat ko.

Agad akong napabalik sa reyalidad at saka umalis sa pagkakaupo.

“S-Sure, sir!” mabilis kong sagot. Tatalikuran ko na sana ito pero bigla niya akong hinawakan sa braso.

“Sandali…” Napatingin ako rito nang masama. Agad kong hinila ang braso kong hawak niya. Nakaramdam kasi ako ng kuryenteng dumaloy mula sa kaniya. “Oh, sorry. H-Hindi mo pa kasi tinatanong kung ano’ng order ko,” anito.

Bumuntonghininga ako. Gustuhin ko mang umalis na lang dito ngunit hindi iyon puwede. Dito ako nagtatrabaho at hindi ko alam bakit sa dinami-rami ng coffee shops sa mundo, rito pa niya naisipang pumasok.

“M-Maghanap ka na lang po ng puwesto, sir. Kukunin ko lang ang menu,” sagot ko at umiwas na ng tingin.

Hindi ko na hinintay pang makasagot si Roman dahil agad akong tumalikod. Muli akong bumuntonghininga at pinaklma ang sarili.

‘Kalma, Emilia! Wala kang dapat ikatakot. Wala kang kasalanan sa kaniya.’

Chapter 27

Third Point Of View.

Mula sa pinakataas ng building, nakatayo siya malapit sa glass wall ng kaniyang opisina. He was wearing hid three piece suit na bagay na bagay sa kaniya. He’s the new CEO of Garces Construction Co., Ltd.

But Roman isn’t happy kung nasaan siya ngayon. Nakuha nga niya ang matagal na niyang pangarap mula pa nang bata siya but Emilia and his son wasn’t his side.

Hindi sapat ang posisyong mayroon siya ngayon dahil wala sa tabi niya ang babaeng mahal niya.

Bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok doon ang kaniyang sekretarya. Napalingon siya rito.

“Good morning, sir. Ipapaalala ko lang na may meeting po kayo kasama ng mga magulang ninyo in a minute,” anito. May bitbit siyang ipad sa kaniyang braso dahil doon nakalagay ang scheduled ni Roman.

“I’ll be there,” sagot niya rito. Tumango lang ang sekretarya at agad ding nagpaalam sa kaniya.

Hindi maiwasang hindi mapahugot nang malalim na paghinga si Roman. Akala niya noong una’y hindi na siya pakikialaman ng kaniyang magulang. Napapikit siya nang mariin at napahawak sa kaniyang sintido nang muli na naman niyang maalala ang naging usapan nila ng kaniyang mga magulang.

Dalawang buwan ang lumipas matapos may mangyari sa kanila ni Emilia. He checked her and found out that she was pregnant. Alam niyang siya ang ama kahit hindi sabihin ni Emilia at masaya siya sa nalaman. Kaya agad siyang umuwi sa kanilang mansion to tell the news to his parents.

“Mom! Dad!” Halata ang tuwa sa kaniyang boses. Hindi niya iyon maitago dahil sa aliwalas ng kaniyang mukha at ang sila ng kaniyang boses.

“What?” maarteng sagot ng kaniyang ina. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata mo na rito ang pagiging maarte at striktong ina.

“You seemed happy today, Romano?” mahinahong tanong naman ng ama.

Sa kanilang pamilya, ang ina nito ang nasusunod sa lahat ng bagay. Dahil ang ama niya’y ibang-iba sa ugali ng kaniyang ina. Nakuha ni Roman ang halos ugali ng ama.

“Well…” Mabilis siyang naupo sa pang-isahang sofa at tumingin sa mga magulang. “I got her pregnant. Magiging tatay na ako!” he screamed.

Nanlaki ang mga mata ng kaniyang magulang. Lalo na ang ina nito na gulat na gulat sa sinabi ng anak. Roman is just an eighteen years of age at hindi niya kayang makitang magiging teenage parents ang kaniyang anak. Hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral at marami siyang pangarap para dito.

“WHAT?! WAIT! NABUNTIS MO SI KRISTINA? GOD!” eksaherada nitong reaksiyon. Kinuha niya pa ang mamahaling pamaypay sa center table at pinaypayan ang sarili kahit na malamig naman sa loob.

“Congrats, Son.” Nakangiti ang ama nito sa naging balita ng anak. “Magkakaapo na ako,” aniya pa.

“Tell me, Romano! Si Kristina ba ang nabuntis mo?” Lumingon si Roman sa kaniyang ina na magkasalubong na ang mga kilay.

“No. It’s not her, mom. This is different and I love this girl. She made me feel that no matter how hard life is, I should keep going.”

Kumurap-kurap ang kaniyang ina. Hindi siya makapaniwa na nasasabi ito ng kaniyang anak. She knew Roman dahil siya ang nagluwal nito but she never thought of hearing these words from him.

“No! Kahihiyan ito sa pamilya natin. We’re following tradition. One must marry a girl that his/her parents wanted.”

“Amanda my dear, it was a long time ago. We doesn’t need to follow those stupid things.” Lumingon ito nang masama si Sonora, ang ina ni Roman.

“Stupid? Felipe, my god! ’Yang sinasabi mong stupid ay ’yan ang naglagay sa ’yo sa posisyong mayroon. Don’t ever call our tradition like that!”

“Mom, hear me out…” Kay Roman naman natuon ang atensiyon ni Sonora. Hindi pa rin nawawala ang masama nitong tingin sa mag-ama. “I wanna marry this girl.”

Umiling ang ina ni Roman. Tanda na hindi talaga ito sang-ayon sa plano ng anak.

“You can’t, son. Remember, you supposed to finish your study before marrying. And, I want you to marry Kristina. She’s that right–”

“I don’t love her! Naiintindihan mo? Hindi ko siya mahal, kayo lang ang may gusto sa kaniya. If you, ikaw na lang magpakasal kay Kristina kung gusto niyo.” Narinig niyang tumawa su Felipe sa tabi kaya bumaling dito nang masama si Sonora.

Tumayo ang babae.

“Tapos na ’tong usapang ito. My answer is final,” aniya at aalis na sana siya ngunit napigilan siya ni Roman.

“Kahit fake marriage lang, mom! J-Just let me marry her.” Dahan-dahan ang paglingon niya sa anak. “Kung ayaw niyong mapahiya ang buong angkan natin,” dagdag niya pa.

“Sir, they’re all waiting for you.” Napabalik siya sa reyalidad nang marinig ulit ang pagbukas at pagsilip ng kaniyang sekretarya.

He nodded as an answer and sighed. Wala siyang nagawa kun’di ang pumunta sa conference room ng kaniyang kompanya. Kahit hindi niya alam kung ano ang pag-uusapan nila ng kaniyang mga magulang.

Mabilis natapos ang meetings. Wala namang importanteng napag-usapan. Kaya agad siyang lumabas at kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa. Pumunta siya agad sa contacts at hinanap ang number ng kaibigan. Tinawagan niya ito.

“Did you find her?” agad na bungad niya nang sagutin nang nasa kabilang linya ang tawag.

“Chill! Bakit parang nagmamadali ka?” Rupert asked.

Dumiretso si Roman sa kaniyang opisina at naupo sa kaniyang swivel chair. Kausap pa rin niya ang kaibigan.

“You told me to make my move, dude! Kaya sabihin mo na, where she is?” Narinig niya ang hagikgik ng kaibigan pero hindi niya ito pinansin. Ang gusto lang niyang malaman ay kung nasaan si Emilia sa mga oras na ’to.

“She’s working at a coffee shop. Mr. Bean’s coffee,” sagot ng kaibigan. “I’ll send you the location.” Agad nitong ibinaba ang tawag at ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaibigan.

Napangiti siyan at hindi na siya nagtagal pa sa kaniyang opisina dahil agad niyang kinuha ang susi ng kaniyang kotse at lumabas.

“Sir, may meeting pa po kayo mamaya. Saan po kayo pupunta?” Tumigil siya at tumingin sa sekretarya niya.

“Just cancel all my meetings for this week. I have some important things to do,” sagot niya rito. Isang ngiti muna ang ibinigay niya bago siya nagmadaling umalis ng kompanya.

Emilia

Hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil sa nakakailang na tingin ni Roman. Magdadalawang-oras na ata itong nandito at tatlong kape na ang kaniyang naubos.

Kaya kanina ay muntik ko nang mahulog ang dala-dala kong orders dahil sa panghihina ng tuhod ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Naguguluhan ako, ano ba kasing ginagawa ng lalaking ’to rito? Wala ba siyang trabaho? Hindi ba’y ipinasa na sa kaniya ang pagiging CEO ng kanilang kompanya?

“Girl, sa tingin mo. Daks ba si sir?” Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay EO. Nakaupo kaming dalawa sa aming mga puwesto dahil kakaunti lang ang pumapasok na costumer. Tatlo lang kaming waitress dito, si Amber ang isa na ibang-iba rito kay EO.

“A-Ano ba ’yang pinagsasabi mo? Sinong sir?” sunod-sunod kong tanong dahil hindi ko siya lubos na naiintindihan.

Gamit ang nguso nito’y may itinuro siya. Kaya para malaman ko kung sino ba ang tinutukoy niya’y sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Mas lalo akong nagulat dahil bumungad sa akin si Roman na nakangiti at bigla pang kumaway sa amin.

“Tangina, girl! Nakita mo iyon? Huhu! Namamasa panty ko,” sabi ng katabi ko. Gusto kong tumawa pero hindi ko mahanap ang tuwa dahil halos lumabas na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.

“Manahimik ka nga, EO! Napakabasura talaga niyang bunganga mo.” Lumingon kami sa nagsalita at si Joem iyon. Siya ang nakatoka sa counter at barista nitong coffee shop.

“Tse!” Umalis si EO at nilapitan ang kakaupo pa lang na costumer.

“Napapansin ko kanina ka pa tinitignan nung isang costumer. Magkakilala kayo?” Kumunot ang noo ko at bigla itong tumawa nang mahina. Napansin ko rin ang biglang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. “Ay! P-Pasensiya na. Ang tsismoso ko ba?” Tumawa pa siya.

Umiling lang ako. Hindi ko na sinagot ang tanong nito. Wala na rin namang saysay pa iyon. Hindi na mahalaga kung kilala ko o hindi si Roman.

Para mawala sa isipan ko si Roman ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng mga orders. Nakahinga lang ako nang maluwag nang mawala ito sa shop. Malapit na kasing magtanghalian kaya  agad na rin akong pumunta sa locker area.

Kinuha ko ang bag ko. Balak ko kasing kumain sa saloon nina Andoy. Lumabas ako ng locker at saktong nagbukas ang pinto ng opisina ni King.

“Where are you going?” agad nitong tanong.

“Kakain na, boss. Lunch,” sabi ko. “Sa saloon ako ni Andoy papunta. Kayo ba?”

Kumamot ito sa kaniyang batok. “I was planning on eating with you. Sayang din na marami itong ginawa mong lunch para sa akin. Thanks for this by the way.”

Ngumiti ako. Sinulyapan ko muna ang bitbit nitong bag kung saan nakalagay ang lunch box na niglyan ko ng pagkain niya.

“Maliit lang na bagay ’yan kumpara sa mga naitulong mo sa akin. Kaya salamat,” sabi ko.

“So… Mag-isa lang akong kakain?”

“Kung gusto mo, sumabay ka na rin sa amin?” Nagliwanag ang mukha nito. Kaya natawa ako. Tumango ito nang sunod-sunod.

“Let’s go! Gutom na ako kanina p.”

Imbes na sa likod kami dumaan ay muli kaming pumunta sa harapang pinto nitong coffee shop. Ngunit mabilis akong natigilan dahil sa nakita kong naghihintay sa labas.

“MOMMAAA! I’M WITH PAPA!”


Akala ko bukas pa ako

makakapag

-update but here it is. Medyo lame lang ito. Pasensiya na kayo. Thank you sa support!

Chapter 28

Emilia

Nakasandal ito sa kaniyang mamahaling kotse at nakalagay sa kaniyang mga bulsa ang magkabilang kamay. Nakatingin ito sa direksiyon ko at hindi ko rin maialis ang tingin sa kaniya.

Alam kong marami siyang damit na suot pero hindi niya kailangan magpalit-palit. Kanina ay nakapolo ito, ngayo’y nakasuot na lang siya ng collared t-shirt at may suot pang shades sa mga mata.

“Momma!” Naibaling ko ang tingin sa anak kong nakasuot ng school uniform. Mabilis ko itong pinantayan.

“B-Bakit kasama mo ’yan, Rowan?” tanong ko.

Ngumiti ito sa akin. “He’s my papa, Momma. It’s normal that he was with me,” aniya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sagot niya. Sarkastiko kasi ito at katulad ng kaniyang ama ay nakangisi na siya.

“I heard that–”

“Hindi ikaw ang kausap ko at saka saan mo narinig?” mabilis pa sa alas-kuwatro kong sagot. Sa kaniya na ako tumingin at tila isang tuta ito na nawala ang ngisi at napalitan ng takot.

“Momma, why are you treating pala like that po ba? He’s here because he was sorry for what he had done,” sabi ng anak ko. Para itong matanda sa kaniyang sinasabi kahit na siyam na taong gulang pa lang ito.

“I-I’m sorry,” mahinang sabi ni Roman. Umayos na ito ng tayo at yumuko.

“Mabuti pa, kumain na lang tayo. I know you guys are hungry?” Binasag ni King ang tension sa sinabi nito. Kaya tumango lang ako rito.

Hinawakan ko sa kamay si Rowan at sumunod kami kay King na lumapit sa kaniyang kotse. Binuksan nito ang pinto at papasok na sana kami ngunit mabilis kaming napigilan ni Roman.

“Saan mo dadalhin ang pamilya ko?” malamig na tanong nito. Kaya sabay-sabay kaming lumingon sa kaniya.

Masama itong nakatingin sa amin, o kay King lang?

“Kung mang-iistorbo ka lang, umuwu ka na. Marami pa kaming gagawin,” ako na ang sumagot. Kahit na may biglang kumirot sa dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinansin.

Natutuwa ako na marinig sa kaniya ang mga bagay na iyon. Pamilya niya raw kami? Pero ni hindi niya nagawang magpakatotoo sa amin ng anak niya. Matatanggap ko pa sana kung mas napaaga ang katotohanan pero sampong taon? Hindi ko alam.

“Pre, hayaan mo na–”

“Shut up! They’re my family. Kaya huwag kang makialam sa amin.” Nagtangis ang bagang nito at ramdam ko ang tila kuryenteng dumadaloy sa kaniyang mga mata.

Kinakabahan na ako. Wala namang mga tao rito ngunit ayaw kong baka rito pa sila magsuntukan. Hindi ko kakayanin na awatin silang dalawa.

“M-Momma, let papa come with us po?” Nawala ang atensiyon ko kay Roman na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay King. Ibinaling ko ang pansin sa anak ko. “I don’t want them to hurt each other po,” sabi pa nito.

Napahugot ako nang malalim na buntonghininga at saka ako muling lumingon kay Roman.

“Kung gusto mong sumama. Sumama ka na. Ayaw kong magkagulo pa kayo rito,” mahinahon kong sabi. Nakita ko ang pagliwanag sa kaniyang mukha at mabilis na nilapitan ang anak ko. Binuhat niya ito at bumalik sa kaniyang kotse ngunit agad ding bumaling ang tingin niya sa akin.

“Why are you still standing there? Sa akin ka sasakay.” Nanlaki ang mga mata ko at agad akong umiwas ng tingin. Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niyo. Iba kasi ang pagkakaintindi ko.

“Sa kotse ako ni King sasakay. Sa Andy’s Saloon lang tayo.” Mabilis akong sumakay sa front seat ng kotse nang mabuksan ko ito.

Pumikit ako’t umiling-iling. Emilia, ’wag mong intindihin ang sinabi nito! Suway ko sa sarili ngunit hindi mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Roman.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang hindi na ito umangal pa. Nang makapasok si King ay agad kaming umalis doon ngunit imbes na sa saloon kami ni Andoy pumunta ay nilampasan niya ito.

“Teka, saan tayo pupunta?” tanong kong nagtataka. Tumingin ako kay King na abala sa pagmamaneho.

“You husban–”

“Hindi ko siya asawa,” mabilis kong sagot dahil ayokong patapusin ang sasabihin nito. Tumawa siya at bumuntonghininga.

“Okay. Sabi nito na ihatid na lang kita sa isang restaurant. He wants to talk to you privately and I respect that.” Hindi ko siya maintindihan kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana nitong kotse niya.

Ilang minuto pa’y tumigil ang kaniyang kotse sa isang fancy restaurant na hindi ko pa napapasukan sa tanang buhay ko. Ni minsan, hindi pa ako nakakakain ng mamahaling pagkain. Hanggang karendirya lang ako noon, minsan pa nga’y hindi na ako kumakain kapag tanghali dahil gusto kong makatipid ng pera para sa anak ko.

“Hindi na ako sasama sa inyo. Tawagan mo lang ako kapag gusto mong sunduin kita rito,” sabi ni King.

Kumunot ang noo ko. Wala akong nagawa kun’di ang lumabas ng kaniyang kotse.

“Salamat,” sabi ko at tumango lang ito. Agad ko ring isinara ang kotse at saka niya muling pinaandar ang kaniyang kotse at umalis.

Sumunod namang tumigil sa harapan ko ay ang kotse ni Roman. Nag-park ito at ilang sandali lang ay lumabas ang mag-ama. Buhat-buhat nito si Rowan na mahigpit ang kapit sa leeg ng ama.

Sinamaan ko ito ng tingin nang makalapit silang dalawa. Kung hindi lang nito kasama ang anak ko’y hindi ako papayag na sumama rito kasama siya. Kung bakit pa kasi kailangan niya pang magpakita?

“Let’s get inside?” tanong nito. Nakangiti ito at ang aliwalas talaga ng mukha niya.

Tingin niya ba ay wala siyang kasalanan sa akin? Sa amin ng anak niya?

Umiwas ako ng tingin at marahang tumango. Nauna na itong maglakad kaya sumunod naman ako. May iilang nakatingin kaya napayuko ako. Nahihiya kasi ako sa suot ko, naka-uniform ako ng coffee shop at habang sina Roman at Rowan ay nagmumukhang anak mayaman. Anak mayaman talaga sila, kaya nga ang hindi ako nararapat sa mundo niya.

Nakapasok na kami sa loob at hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang interior designs nito. Maganda at halos lahat ng nakikita mo’y mamahalin. May iilang kumakain dahil nga sa mahal ang kanilang pagkain dito.

Nilapitan kami ng isang waitress.

“Good day, ma’am and sirs. Welcome to TDP Restaurant. How may I help you?”

“Reservation for Romano Garces please,” sabi ni Roman. Tumango lang ang waitress na lumapit sa amin.

Tumalikod ito at naunang maglakad. Kaya sumunod si Roman dito at gano’n din ang ginawa ko. Yumuko ako ulit nang mapansing nakatingin ang iilang kumakain dito. Sino bang hindi mapapatingin lalo na kung si Roman ang dadaan sa harapan mo?

“Look, is that Engineer Romano Garces?” narinig kong sabi ng iba.

“Oo nga! May anak na pala s’ya?”

“Sayang nga, eh. Ang suwerte ng babaeng pinakasalan niya. I hope that he’s a single parent so I can flirt with him.” Narinig ko pang tumawa ito.

Gustuhin ko mang lingunin kung sino ang nagsalita ngunit nanatili akong nakayuko. Ayokong gumawa ng kahihiyan dito lalo pa’t wala naman akong maipagmamalaki.

Sino ba ako? Isang ulila na aksidenteng nabuntis ng isang mayaman, pinakasalan ngunit peke lang naman pala at ngayo’y wala na akong papel sa buhay niya. Matagal na pala akong walang papel sa buhay niya. Ako lang itong nag-iilusiyon.

“Don’t mind them. They can say whatever they want. Umupo ka na, we have something more important to talk.” Sa kakaisip ko ay hindi ko pala napansin ang pagtigil ng mga ito sa isang mesa. Mukhang reservation nga ito sa kaniya dahil may nakapatong na ‘reserved’ sa mesa.

Naupo kaming tatlo. Tumabi sa akin ang anak ko at harapan naman namin si Roman. Hindi pa rin ako nagsasalita.

“Sir, what are your orders?” tanong ng waitress. Akala ko ay umalis na ito. Kaya roon ako napatingin, nakangiti ito at diretsong nakatingin kay Roman na napansin kong sa akin na naman nakatingin.

“Ask my wife what she wanted,” anitong nakalaglag ng panga ko. Nag-init ang magkabila kong pisngi sa sinabi niya at hindi nakatakas sa paningin ko ang ngiti nitong labas ang pantay-pantay na mga ngipin.

Kung ano man itong ginagawa niya, sana’y tigilan na niya. Ayaw kong umasa. Alam kong masakit iyon dahil sampong taon akong umaasa at naghihintay.


Maikli

lang ito.

Bawi

ulit next time hahaha thank you for reading!

Chapter 29

Emilia

.

“Papa told me that you weren’t married.” Nagulat ako sa biglang sinabi ng anak ko. Natigilan ako sa paghaplos sa kaniyang malambot na buhok.

Nakahiga na kaming pareho sa aming kama at balak na naming matulog. Ngunit ang batang ito’y gusto pang magkuwento hanggang sa ito na ang sasabihin niya? Hindi ako makapaniwala. At, ano na namang gustong iparating ng lalaking iyon?

Binaliktad ba niya ako sa anak ko? ’Yan ang mga katanungan sa isipan ko.

“A-Ano ba ’yang pinagsasabi mo, Rowan. Masyado ka pang bata para sa mga usapang ’yan,” imbes na sagutin ang tanong nito’y iyan ang sinabi ko. Ayaw ko lang marumihan ang isipan nito. Kaya hangga’t maaari, ayokong pag-usapan namin ang tungkol doon.

“I just wanted to know. My classmates have a completed family. They were so happy. Gusto ko rin po nang gano’n, momma. Ayoko po na ganito kayo ni papa. Please, gave him a chance po?”

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Humugot ako nang malalim na buntonghingina. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Roman at kung bakit hindi pa rin kami nito hinahayaan na lang?

“Rowan…” Dumilat ako’t tumingin sa kaniya. Nakahiga ito sa tabi ko habang hawak-hawak niya ang dulo ng kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Nakatingala rin siya dahil nakaunan ako sa aking isang kamay at bahagyang nakatagilid dito.

“P-Please po, momma?” ani pa nito. Nakikita ko sa mga mata niya na umaasa siyang pagbibigyan ko ang ama nito.

“Hindi kasi gano’n kadali, ’nak. Malalim ang sugat na nagawa ng tatay mo. Hindi ko alam kung kailan iyon maghihilom. Kung wala ka, siguro’y tuluyan nang sumuko si momma sa kaniyang buhay.” Isa-isang tumulo ang mga luhang matagal ko ring pinigilang huwag bumuhos.

“G-Gusto kitang bigyan nang isang kompletong pamilya, gusto kong maranasan mo iyong pamilyang masaya at walang dinadalang problema. Gusto ko iyon para sa ’yo dahil hindi ko naranasan iyon pero  ito ang nakatadhana para sa atin, ’nak–”

“B-But papa told me that he loves you. I even saw it in his eyes how much he wanted you to come back. He said, he will do everything to win us back, momma. So, please…” Umiiyak ito na mas lalong nagpaiyak sa akin. “Give him a chance to prove himself. I love you and papa, too.”

Wala akong masabi. Mas lalong nanikip ang dibdib ko habang nakikita kong umiiyak ang anak ko. Tumatanda na ito. Naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay at alam kong ginagawa lang niya ito dahil gusto niyang magkaroon kami ng kompletong pamilya.

Niyakap ko ang anak ko. Pinatahan ito sa pag-iyak kahit na maging ako’y hindi rin matigil sa pagluha. Muli ko na namang naalala iyong naging pag-uusap namin ni Roman sa restaurant.

“Ask my wife what she wanted.”

Narinig ko ang pagsinghap ng iilang malapit sa puwesto namin nang marinig ang sinabi nito. Gusto ko itong suwayin ngunit nang makita ko ang ngiti sa labi niya’y hindi ko na nagawa. Hindi ko maibuka ang bibig dahil sa labis-labis na kaba.

“I-Ikaw na lang ang bahala,” sabi ko pagkaraan ng ilang segundo at nang mapansin kong mukhang naiinip na ang waitress.

Hindi nagtagal ay umalis ang waitress nang makuha nito ang order namin. Yumuko naman ako at pinaglaruan ang mga kamay sa ilalim ng mesa. Ayokong iangat ang tingin dahil ayokong nakikita ang mukha nito.

May iilan ding nakatingin sa direksiyon namin. Nagtataka ang iilan ngunit karamihan ay nakataas ang isang kilay. Nararamdaman ko ang mapangmata nilang tingin na mas lalo kong ikinahiya.

Alam kong hindi ako mayamang tao. Alam ko rin kung saan ko ilulugar ang sarili. Kaya nga heto’t sinusubukan kong lumayo sa kaniya ngunit ito naman ang kusang lumalapit sa akin.

“Didn’t I tell you to ignored them?” Inangat ko ang tingin ko’t nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Kumabog muli ang puso ko na agad ko ring sinuway. “They don’t have the right to speak whatever they want to you. I promise you that, Emilia.”

“Tama po si papa, Momma. Papa will protect us po.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Rowan. Nanatiling nakatuktok ang mga mata ko sa kaharap ko.

“Ano ba talagang gusto mo?” tanong ko. Gusto ko lang malaman kung bakit niya pa kami ginugulo. Hindi pa ba sapat ang paghihirap ko?

“Ikaw,” aniyang nakapagpatayo sa balahibo ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi ko makita ang pagbibiro sa kaniya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. “I want you back with my son, Emilia. I want to start with you. I will marry you again but this time, it’s for real. Everything will be real.”

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi ko pala namalayang nakatulog kaming dalawa ni Rowan na magkayakap. Masakit nang kaunti ang mga mata ko dahilan nang pag-iyak ko kagabi ngunit unti-unti itong nababawasan hanggang sa makapag-adjust ako.

Tumingin ako sa aking tabi. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kaya napagmasdan ko ang kaniyang itsura. Kuhang-kuha niya ang hugis ng labi ni Roman, ang mahahaba niyang pilik mata at ang matangos nitong ilong. Halos lahat ay namana niya kay Roman.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi nito kagabi. Kaya naguguluhan ako. Ayokong pagbigyan si Rowan sa gusto nito dahil alam kong masasaktan lang din ako ngunit mas ayaw ko namang masaktan ang bata. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanais na magkaroon ulit ng kompletong pamilya.

Kaya bago pa man ako mabaliw sa kakaisip. Iwinaksi ko na lang iyon. Hinalikan ko muna sa noo si Rowan bago ako pumasok sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos.

Lumabas na rin ako ng kuwarto namin nang matapos ako. Natutulog pa si Rowan. Siguro’y dahil napuyat ito kakakausap sa akin; kakapilit na bumalik sa ama niya.

Naabutan kong nagkakape si King sa hapag nang makapasok ako ngunit ang mas ikinagulat ko’y kung bakit nandito si Roman ngayon?

“Good morning, honey!” masigla niyang bati. Kaya napatingin ako kay King.

“Alas-kuwatro pa lang ay nandito na ’yan,” anito na naging dahilan nang pagkalaglag ng aking mga balikat sa gulat.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” matigas kong tanong. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Nanatili pa rin ako sa pintuan ng kusina.

Nakangiti ito at suot-suot na naman ang maaliwalas nitong mukha.

“I want you to come with me,” sagot niya.

“May trabaho ako at alam kong mayroon ka ring trabaho. Hindi ba’y CEO ka na ng kompanya niyo?” Naglakad ako papunta sa lagayan ng mga baso at sinundan ko nito ng tingin.

“S-Sa labas na muna ako,” narinig kong sabi ni King at hindi na ito naghintay pa dahil agad siyang umalis ng kusina.

“I am the CEO and I am also the time.”

“Diresuhin mo na ako. Kung ano man ang binabalak mo, maaaring itigil mo na lang? Hinding-hindi ko ibibigay si Rowa–”

“Hindi ko kukunin ang anak natin.” Lumingon ako rito matapos kong magtimpla ng kape. “Kung kukunin ko siya, I want you to come with us also. Our son wants a complete family, Emilia. Kaya pagbigyan natin.”

Bumuntonghininga ako. Naglakad ako papalapit sa kaniya at inilapag ang isang baso sa kaniyang harapan. Napansin ko kasing wala itong kape kaya pinagtimplahan ko na.

“Makikihati ako sa oras ng anak ko. Puwede siyang sumama sa iyo kahit hindi ako kasama. S-Sumusuko na ako. H-Hindi ko kayang makasama ka pa ulit sa iisang bubong dahil naalala ko lang ang mga sakrispisyong ginawa ko,” sabi ko. Mahina lang ito ngunit alam kong narinig pa rin niya.

“E-Emilia…”

“Magkape ka na. Ikaw na ang maghahatid kay Rowan sa eskwelahan,” sabi ko na hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

“Hindi ako susuko. I will win you back. I sacrificed a lot for you, Emilia. I even fight for you kaya hindi ko sasayangin ang bawat araw para iparamdam sa ’yo na mahal kita.”

Mahal niya raw ako? Nakakatawa. Gusto kong maniwala sa sinabi nito ngunit bingi na siguro akong maituturing at sarado na ang damdamin ko. Hindi ko na mahanap iyong kilig sa mga sinasabi niya.

Hindi na ako teenagers pa para magpaloko. Sa loob ng sampong taon, ni minsan ay hindi ko maramdaman ang pagmamahal na iyon. Kaya ano pa bang saysay para sabihin niya ito sa akin ngayon? Wala na dahil huli na ang lahat.


Nagpapakilig

tapos

nananakit

. Ako po ’yan.

Chapter 30

Emilia

Isang linggo rin ang lumipas at halos araw-araw na yatang naririto si Roman. Hindi napapagod. Kung hindi bulaklak ang dala, mga laruan naman para sa bata ang bitbit niya.

Mas maaga pa siya sa pagsikat ng araw at pagtilaok ng manok. Kaya nagrereklamo na si King dahil siya ang nagigising kapag maaga itong nagdo-doorbell.

“What’s your plan tomorrow?” tanong nito habang sumisimsim sa kaniyang iniinom na kape.

Gustuhin ko man siyang itaboy ngunit hindi ko iyon magawa. Nakikita ko kasing masigla si Rowan at kahit man lang ito ang maibigay ko sa kaniya. Birthday niya kasi bukas at wala akong pera pang handa. Siguroʼy kakain na lang kaming dalawa sa labas. May kakaunti pa naman akong ipon na sakto lang para sa aming dalawa.

“Wala kang pakialam,” sagot ko kay Roman. Hindi ako nag-abalang lingunin ito dahil abala ako sa pagluluto ng agahan namin.

“He’s also my son, Emilia. I wanna what’s your plan on his birthday.”

Pinatay ko ang stove at mapait akong tumingin sa kaniya. Bumuntonghininga ako. Sa bawat taon na dumarating ang kaarawan ni Rowan ay wala siya sa bahay. Hindi man naranasan ng anak ko ang isang engrandeng birthday party ngunit kahit papaano ay ginagawan ko pa rin nang paraan para lang makapaghanda kami. Iyong simple lang ngunit mula sa puso ko ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya.

Malaking tulong din si Andoy noon sa akin. Dahil sa taon-taon niya akong binibigyan ng pera sa tuwing malapit na ang birthday ni Rowan.

Tapos itong taong ’to? Kung makapagtanong na kung ano ang plano ko bukas?

“Kakain lang kamin––”

“I want my son to celebrate his birthday. Bibigyan natin sʼya ng isang magandang birthday party,” pagputol nito sa sasabihin ko.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi man lang siya natinag sa kinauupuan niya. Nakangiti pa ito habang sinasalubong ang tingin ko.

“Kung gusto mo, mag-celebrate ka mag-isa mo. Gusto kong makasama ang anak ko na kaming dalawa lang.” Nagbago ang ekspresiyon nito sa mukha. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya.

“Emilia…” Nakaramdam ako ng takot ngunit mas nangingibabaw ang kakaibang pakiramdam ng mga teenagers ngayon sa tuwing nilalambing sila ng taong gusto nila. “Bumabawi ako sa inyo ng anak natin. Give me another chance to prove myself.”

Umiling na ako. Ayokong magpaloko sa nakakawa na niyang tingin. Ayokong masira iyong pader sa pagitan naming dalawa. Kung maaari nga lang na lumayo ako ulit, gagawin ko. Pero hindi ko naman alam kung sino pa ang tatakbuhan ko. Kung sino pang hihingian ko ng tulong. Nahihiya na ako kay Andoy at King, marami na silang naitulong sa akin.

“Papa!” Hindi ako nakasagot nang biglang pumasok ang kagigising pa lang na Rowan. Agad itong tumakbo papalapit sa ama at sumampa sa kaniyang mga hita. Malaki nito ngunit kung umakto sa ama ay parang nasa limang taong gulang pa lang siya.

“Good morning, Son. How’s your sleep?” Nakangiti si Roman dito, palagi naman simula noong magpakita itong muli sa amin.

“Great! I had a dreams po. Napanaginipan ko po na we’re finally living together,” sagot ng anak ko.

May kakaunting kirot akong nararamdaman sa tuwing nagsasabi ito ng mga ganito. Ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lang ang mga iyon. Hindi ko na kakayanin pa kung makakasama ko ulit si Roman sa iisang bubong. Dito pa nga lang, ang sikip na agad nang paligid para sa aming dalawa.

“Soon, Son.” Hinaplos nang marahan ni Roman ang buhok ng bata.

Agad akong tumalikod. Nangingilid kasi ang mga luha sa aking mga mata. Kung patatagalin ko pa ang pagtitig sa kanilang dalawa ay baka bumigay ako nang tuluyan.

“What are your wishes on your birthday?” narinig kong sabi ni Roman.

Kinuha ko ang mga plato at saka ako muling humarap sa kanila. Naglakad ako papalapit sa hapag at inilagay iyon sa mesa.

Nakaupo na si Rowan sa tabi ng ama habang nakatingin ito sa akin na ikinagulat ko. May kislap sa kaniyang mga mata habang nakangiti naman ang kaniyang labi.

“You already know the answer, Papa. I want you and momma to be together again po.”

Hindi na nakakagulat. Ito naman talaga iyong palagi niyang sinasabi sa akin noon. Palagi niyang hinihiling noong iwan namin ang ama, na sana raw ay magkabalikan na kami ni Roman.

“H-Hindi ko ala–”

“I know it’s impossible to wish this po pero mahal ko po kayong dalawa. Ayaw kong maghiwalay kayo even though your marriage was fake. You love each other, right? You should at least give it a chance again?”

“Kumain na lang tayo,” mabilis kong sagot at muling tumalikod. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon hangga’t maaari. Alam nitong si Rowan ang kahinaan ko. At, baka kapag itinuloy niya ang tumatakbo sa isipan ko’y hindi na ako makakapagdalawang isip pa.

––

Hindi na rin ako pumasok sa trabaho kahapon dahil namili kami ng mga lulutuin para sa birthday ni Rowan. Oo, wala akong nagawa kundi ang payagan si Roman na bigyan ng magandang handa ang bata.

Humiling lang ako na hindi na engrande dahil wala naman kaming kilalang mga tao na iimbitahan namin. Kami-kami lang nina King, Andoy, Roman, at ako. Mabuti na lang din na pinagbigyan niya ako ngunit hindi ko na siya na napigilan na sa isang malaking bahay kami uuwi kinahapuan.

Maganda ang bahay, malawak ang living room, ang sala, ang garahe, kusina at bawat kuwarto. Hindi nakakapagtaka na mayaman ang nakatira dito. Malayong-malayo sa naging bahay namin noon.

“Who’s house is this, Papa? Is so big. Ang ganda rin po ng swimming pool.” Sumang-ayon ako kay Rowan. Hindi maipagkakaila na maganda nga itong bahay, moderno ang halos desenyo. May dalawang palapag kung saan sa second floor ang mga kuwarto.

“Our home,” sabi ni Roman. Nakangiti ito. “Welcome home,” aniya pa. Doon ko lang din naintindihan ang sinabi nito.

Mabilis kong hinawakan sa kamay si Rowan na nakatayo sa tabi ko. “Uuwi na kami,” sabi ko at tatalikod na sana ngunit mabilis ang naging kilos niya’t nahawakan ako sa aking braso.

“Emilia, wait. Please, stay. J-Just for this night. B-Besides, we were celebrating my son’s birthday here.” Napansin ko ang tila balisa at takot sa kaniyang mukha habang sinasabi ang mga iyon.

“Oo nga po, Momma. Gusto ko pong makasama si Papa,” pagsang-ayon naman ng anak kong may malungkot ding tono ng boses.

“Kaya mo ba kami dinala rito?” may diin kong tanong. Marahan ko ring hinila ang braso ko na siyang naging dahilang nang pagbitiw nito rito.

Napakamot ito sa kaniyang batok at bigla akong napalunok nang makita ko ang muscles nito sa braso.

’ Emilia, galit ka sa kaniya! Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa tulad niyang sinungaling.

“I’m sorry…” Kinagat nito ang ibabang labi habang nakatingin sa akin nang deretso. “Kapag kasi ipinaalam ko pa sa ’yo, baka hindi kayo sumama sa akin ng anak ko.”

Bumuntonghininga akoʼt umiwas ng tingin. Hindi ko na natatagalan pa ang pagtitig sa kaniya. Kung hindi naninikip ang dibdib koʼy iba naman ang dumadaloy sa katawan koʼt ayaw ko iyon.

“Saan ang kuwarto namin. Matutulog na ako,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang ganito ang pakikitungo ko sa kaniya samantalang noon ay mahina ako sa paningin niya.

Siguroʼy hinubog na ako nang panahon na maging matapang. Sawa na rin akong maging mahina dahil parati na lang akong niloloko.

“Auhmm… Hindi ka ba kakain na muna?” tanong nito. Mahina lang at ramdam kong umaasa itong sabayan ko silang kumain ng kaniyang anak.

Umiling lang ako at nilingon ang anak ko. “Nak, gusto mo na bang matulog?” Umiling lang ito kaya tumango naman ako’t binitiwan na ang kaniyang kamay.

May lumapit naman sa aming katulong at sa kaniya ako nagpasama sa taas kung saan ang kuwarto. Nang makapasok ako sa loob ay agad akong naupo sa naroroong malambot na kama. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kanina ko pa nararamdamang kaba.

Buong maghapon kaming magkasama ni Roman. At, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako masaya?


Kahapon sana ’to kaso ngayon ko lang natapos. Thank you for patiently waiting. Thank you 10k

reads!

Chapter 31

Emilia

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tumingin muna ako sa aking tabi at napagtanto kong hindi ko kasamang natulog si Rowan dito. Kaya ibinaling ko ang paningin sa wall clock na malapit sa pinto at nakitang mag-a-alas-kuwatro na nang umaga.

Mula rito sa kama ay kita ang labas ng balkonahe dahil wall glass lang ang dinamit. Ang kurtina ay hindi naman nakasarado. Kaya nakikita kong madilim pa rin sa labas.

Bumangon na ako’t agad na pumasok sa banyo upang maghilamos. Hindi naman madilim dito sa loob dahil nakalimutan kong patayin ang ilaw kanina. Nang matapos akong maghugas at magsipilyo, may nakita kasi akong sipilyong hindi pa nabubuksan kaya iyon na ang ginamit ko. Wala naman sigurong masama roon?

Agad akong lumabas. Hindi ako makakalimutin kaya madali kong natandaan ang pinanggalingan namin nang ihatid ako ng katulong dito kahapon. Naglakad ako sa kahabaan nitong hallway habang inililibot ang paningin. May iilang paintings akong nakikita ngunit ang nakaagaw sa atensiyon ko nang makarating ako sa hagdanan ay ang malaking portrait na nakasabit sa wall.

Hindi ko ito nakita kahapon at ngayoʼy malinaw na malinaw sa akin kung sino ang nakaguhit doon. Hindi ako puwedeng magkamali, ako at si Roman ang naroroon. Portrait lang ito dahil wala akong natatandaang may picture kaming dalawa. Pagkatapos ng kasal, wala ng picture taking dahil mabilis lang ang mga pangyayari.

Bumuntonghininga ako. Nakakaramdam ako nang paninikip ng dibdib dahil sa nakikita ko. Siguro, kung hindi lang nagsinungaling si Roman sa akin, masaya kaya ako? Kung noon pa sana siya nagpakatotoo sa nararamdaman niya, mapapagod kaya akong mahalin siya?

Marami pa rin ang tanong sa isipan ko ngunit kahit isa’y walang nasagot. Isa lang ang pumapasok sa isipan ko ngayon, iyon ay ang palaging hinihiling ni Rowan. Natatakot ako, dahil ayokong masaktan ngunit ayaw ko rin namang biguin ang anak ko.

Nagtatalo pa rin ang isip at puso ko ngunit kailangan kong sundin ang isinisigaw ng isipan ko; ang sundin ang gusto ng anak ko.

Bumaba na ako nang tuluyan at agad kong hinanap ang kusina. Nakakapagtaka dahil nakailaw na halos lahat dito sa loob kaya hindi madilim. Sabagay, malapit nang sumikat ang araw kaya gising na siguro ang iilang katulong dito.

Mabilis ko lang nahanap ang kusina ngunit hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan ay agad akong natigilan sa boses na narinig ko sa loob. Nanatili ako sa pinto, hindi ako nito nakikita.

“Mom, I do love her…” Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ako puwedeng magkamali, si Roman ang nasa loob ng kusina. “I know kaya please ’wag niyo na kaming guluhin pa. Sinusubukan kong ayusin ang pamilya ko, I wanted to live with them until my last breath.”

Nakaramdam ako ng tuwa pero agad ko ring iwinaksi iyon. Ilang sandali lang ang lumipas at hindi ko na ito narinig pang magsalita. Kaya huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina.

Naabutan ko roon si Roman na nakaupo sa harapang ng hapag. May laptop sa kaniyang harapan, may kape rin na nakapatong sa tabi ng kaniyang laptop at nakatuktok siya rito.

“Auhmm… A-Ang aga mo yatang nagigising?” tanong ko na kumuha sa kaniyang atensiyon. Ang mga mata niya’y mapupungay ngunit mahahalata mo pa rin ang pagod doon.

Ngumiti siya. “You’re awake?“ Tumango ako. Obvious naman kasing gising na ako. “I-I mean, I wasn’t dreaming the whole time?”

Kumunot ang noo ko. Umupo ako kaharap nito at saka tinitigan siya nang matagal. Saka ko lang na-realized na nakatitig pala ako sa kaniya nang mapansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha.

“N-Namumula ka? M-May sakit ka ba?” kinakabahan ako’t nag-aalala rin. Gusto ko sana siyang sapuhin ngunit pinigilan ko na ang sarili ko, natatakot akong baka magalit ito kapag hinawakan ko siya.

“N-No. I don’t have. Nakatingin ka kasi sa akin kaya ako namumula,” sagot nitong ikinatigil ko’t mabilis na umiwas ng tingin.

Bakit ngayon ay ang straightforward niya sa mga sinasabi niya? Ang dami ngang nagbago sa kaniya. Ito iyong Roman na gustong-gusto ko noon, iyong side nitong tapat at hindi mo makikitaan ng galit ang kaniyang mga mata.

“A-Auhm… Magluluto lang ako ng almusal,” pag-iwas ko sa usapan. Nang aakma akong tatayo ay mabilis naman niya akong nahawakan sa kamay. Hindi ako nag-abalang tumingin sa kaniya dahil kinakabahan ako’t baka mabasa nito ang tumatakbo sa isipan ko.

“You don’t have to those anymore, honey. I hired maids para may magsilbi sa ’yo. You just have to take care of yourself, our son and me.” Hindi ko alam kung saan nagmumula ang mga sinasabi nito ngayon.

Lumingon ako rito. Marahan kong hinila ang kamay kong hawak-hawak niya. Kaya umayos siya nang pagkakaupo. Tila ba kinakabahan at ngayon lang niya napagtanto ang mga sinabi. Gusto kong matawa pero pinigilan ko na ang sarili ko. Nakakatuwa pala siyang pagmasdan sa tuwing kinakabahan, isa sa mga personality ni Roman na hindi ko nakikita noon.

“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. Nilakasan ko lang ang loob ko upang hindi mautal. Nag-aalinlangan din akong itanong iyon ngunit wala na akong magagawa dahil nasabi ko na sa kaniya.

Sunod-sunod siyang tumango. Tulad ng isang bata na siguradong-sigurado sa kaniyang mga sinasabi.

“I am. Matagal na akong sigurado sa ’yo, Emilia. I am fcking contented to you, na kaya kong isakripisyo ang lahat ng bagay para lang makasama ka.”

Naramdaman ko ang unti-unti pagbagsak ng mga luha ko. Matagal akong nagpigil, marami akong isinakripisyo noon. Siguro, karapat-dapat din ako para sumaya? Karapat-dapat din ako para mahalin ng taong mahal ko.

Paulit-ulit kong sinasabing hindi ko na siya gusto at hindi na siya ang mahal ko. Ngunit, ang totoo’y pinaglololoko lang din ang sarili. Dahil araw-araw akong umaasa, na sana’y isang araw ay mahalin niya ako. Sana’y kahit na panandalian lang, maranasan ko man lang kung ano ang pakiramdam nang pinamahal pabalik.

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresiyon nito. May pag-aalala at pag-aalinlangan akong nakikita. Ngunit nanatili siya sa kaniyang puwesto.

“A-Alam mo bang matagal na panahon akong nangarap noon?” Pinunasan ko muna ang mga luha ko nang mapansin kong nakikinig ito. “P-Pinangarap kong magkaroon ng masayang pamilya, iyong tipong kahit hindi kami mayaman ay mahal namin ang isa’t isa. Hindi ko kasi naranasan ang magkaroon noon. Kaya ipinangako ko sa sarili ko, na kapag nakapag-asawa ako ay ipaparamdam ko sa kaniyang mahal na mahal ko siya.”

Lagi ko itong sinasabi at lagi kong ikinukuwento noon kay Andoy nang maging magkaibigan kaming dalawa. Alam ni Andoy ang lahat ng pangarap ko at mga bagay na gusto kong maabot. Naikuwento ko iyon sa kaniya lahat-lahat.

“Kaya nga noong malaman kong buntis ako, ang saya ko. Kahit na aksidente lang iyon ay hindi pa rin matawarang sayang nararamdaman ko. H-Hindi ko inisip na sabihin sa ’yong ikaw ang ama, masaya ako na magkakaroon ako ng anak. Pero dumating ka, sinabi mong pakakasalan mo ’ko. Alam mo ba kung ano’ng nararamdaman ko noon?”

Umiling ito. Nakikita ko pa rin ang pag-aalala na may halong lungkot sa kaniyang mga mata.

“S-Sobrang saya ko, kasi alam mo bang kahit malayo iyong estado ng buhay mo sa buhay ko. Ikaw pa rin iyong gusto ko. Iyong tinitingala ko noon sa second floor ng bar, iniisip ko na ako iyong kasama mo’t hindi si Kristina.”

“We’re the same, Emilia. I was also looking at you back then, thinking that you and I are meant for each other. I know I was ruthless but I’ve changed. Mahal kita. Kayo ng anak ko. You’re my dream also.”

Hindi na tumigil sa pagbuhos ang mga luha sa aking mga mata. Kaya pinunasan ko ito. Wala akong pakialam kung nakikita niya akong umiiyak sa harapan niya. Gusto ko lang malaman niya ang totoo kong nararamdaman.

Hindi ko naman namalayan ang paglapit nito sa akin at ang pagyakap nito bigla. Mahigpit niya akong niyakap kaya ang mukha ko’y nasa banda niyang tiyan.

“J-Just give me another chance to prove myself, Emilia. This time, I promise that I will do everything to make everything worth it for us.”


Balikan

na ba? Totoong

kasal

na kaya ang

mangyayari

?

Chapter 32

Emilia

Alam kong hindi man kami lubos na nagkaintindihan ni Roman, alam kong alam na nito kung ano’ng gusto kong ipahiwatig. Nais kong malaman niyang binibigyan ko siya ng isa at huling pagkakataon, na sana’y ingata niya. Dahil sa oras na masira pa iyon, hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa amin.

Bago sumikat ang araw ay dumating ang cake na ipina-customize ni Roman kahapon. Captain America ang halos desenyo nito dahil iyon ang paborito ni Rowan, halos lahat na ata ng movie ng Captain America ay napanood na niya.

Agad din kaming nagluto, tinulungan ko na kasi ang mga kasambahay sa pagluluto. Lalo pa’t mas alam ko kung ano ang mga paboritong pagkain ni Rowan. Hindi naman na ako pinigilan ni Roman dahil ito rin ang gusto ko. Habang siya nama’y bumalik sa kaniyang laptop at mukhang may tinapos lang na trabaho roon.

“Ang suwerte niyo po kay sir, ma’am.” Napatingin ako sa nagsalita habang kasalukuyan kong hinahalo gamit ang sandok itong niluluto ko.

“Bakit po? At saka ’wag niyo na akong tawaging ma’am. Emilia na lang po,” sabi rito. Ngumiti siya habang hinuhugasan ang mga nagamit naming mga gamit sa pagluluto. Patapos na rin kasi kami at malapit nang magising si Rowan.

“Kasi po ang bait-bait niya. Alam niyo po bang may mga babaeng pumupunta rito pero agad niyang pinapalayas. Ipinapakita niya ang portrait niyo sa may dingding. Hindi ako makapaniwala na sobrang ganda niyo po pala sa personal,” sagot nito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga sinabi niya.

“S-Salamat po.” Ngumiti ako na mula sa aking puso. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa ugali ni Roman ngunit masaya ako na nagbago siya.

Ang hindi ko lang maintindihan, kung mahal niya ako noon pa man. Bakit kaya gano’n na lang niya ako tratuhin? Bakit kaya pinatagal pa niya nang sampong taon bago niya sabihin sa akin ang totoo?

Umiling na ako sa aking isipan at itinuon na lang ang sarili sa pagluluto. Ilang minuto rin ang lumipas at natapos namin ang lahat. Nakakapagod pero masaya ako dahil ito ang kauna-unahang birthday ni Rowan na kasama ang kaniyang papa, na kompleto kaming tatlo.

“GOOD MORNING PEOPLE! YUHOOO!” Mabilis akong naghugas ng kamay at pinunasan ang sarili. Lumabas ako ng dirty kitchen at saka nagtuloy-tuloy papasok hanggang sa makarating ako sa sala nitong bahay.

Kumunot ang noo ko sa lalaking dumating, may kasama rin itong babae na hawak niya sa baywang. Dumating naman si Roman bago pa nila ako mapansin.

“Your voice was so loud, Rupert! Umayos ka. You’re in my territory!” nakakatakot na sabi ni Roman at nagulat ako nang tumingin ito sa akin ngunit lumambot din ang ekspresiyon niya sa mukha. “Are you done?” tanong nito’t lumapit pa sa puwesto ko.

Nagulat ako nang gamit ang kamay niya’y bigla nitong pinunasan ang nasa pisngi ko. Hindi ko iyon napaghandaan kaya bago ko pa mahawi ang kamay niya’y natapos na niya akong punasan.

“You have dirt on your face. I told that you should rest. But still, you’re beautiful kahit na may marumi sa mukha mo.” Ngumiti siya.

“Ehem! Hey! Nandito kami. Respeto naman po!”

Doon ko lang naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Para akong binuhusan ng malamig na tumig dahil sa hiya. Kung maaari lang ay puwede na akong lamunin ng lupa para makawala ako sa kahihiyan.

“A-Aakyat lang ako kay-kay Rowan,” mabilis kong sabi at hindi na hinintay pang makasagot si Roman. Dahil agad akong nagtatakbo papaakyat sa second floor. Nang makapagtago ako sa hallway ay bigla akong napasandal sa mismong pinto ng isang kuwarto.

Huminga ako nang malalim ngunit hindi nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Napahawak pa ako sa aking pisngi dahil tila ba bumakat ang kamay ni Roman doon at patuloy ko pa ring nararamdaman ang marahan niyang pagpunas sa aking mukha.

Hindi naman ako teenager pero kung makaramdam ako ng tinatawag nilang kilig ay talo ko pa ang isang teenager na hinalikan ng kaniyang crush. Ganito pala ang pakiramdam? Parang may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan.

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagbukas ng pintong nasa harapan ko. Iniluwa niyon si Rowan na kumukusot-kusot pa ng kaniyang kaliwang mata. Nakasuot siya ng pampatulog na may desensiyon Captain America.

“G-Good morning, ’nak! Happy birthday!” masigla kong bati at hindi pa man niya ako napapansin ay agad na akong lumapit sa kaniya. Mabilis ko rin itong niyakap at hinalik-halikan ang kaniyang magkabilang pisngi.

“Momma! Stop! I just woke up,” masungit nitong sabi. Ganito talaga ito minsan kapag bagong gising pero hindi ko siya pinansin dahil patuloy ko lang siyang pinugpog ng halik.

Hindi ako makapaniwala na unti-unti nang lumalaki si Rowan. Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil tinulungan niya akong patatagin ang sarili ko para sa aking anak.

“Thank you, momma.” Tumigil ako sa paghalik sa kaniyang pisngi at tumingin ako rito. Kumunot ang noo ko. Nakangiti naman ito sa akin. “Thank you for staying with me and papa today. I love you po!” Niyakap niya ako kaya agad din naman akong yumakap pabalik.

Isa pang nakakapagtaka, ang galing nitong magsalita ng wikang Ingles. Samantalang nanagalog naman ako sa tuwing kausap ko siya. Siguro’y noong nagsimula akong magtinda, palagi nitong kasama si Roman at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila maghapon. Naabutan ko na lang ang mga ito na natutulog sa sala ng bahay at kung minsan ay nahuhuli ko silang dalawa na magkausap. Kaya hindi na nakakapatagka kung saan namana ni Rowan ang halos lahat ng ugaling mayroon siya.

“Kahit na ano pa’ng mangyari, nasa tabi mo lang ako. Kasama mo ako hanggang sa pagtanda, ’nak. Hinding-hindi kita iiwan.”

“Ako ba? Hindi mo ba ako isasama hanggang sa pagtanda?” Natigilan ako roon. Malalim ang boses niya kaya mabilis akong lumingon sa dereksiyon ni Roman. Nakapamulsa ito habang nakangiting nakatingin sa amin.

“Papa!” Agad na tumakbo papalapit si Rowan sa kaniya. Binuhat naman ito ni Roman. Alam kong may kabigatan na ang anak ko dahil nakita ko ang pagtigas ng mga braso ni Roman na siyang mabilis kong ikinaiwas ng tingin.

“Happy birthday, young man!”

“Thank you po, Papa! Thank you po for giving me gifts sa tuwing birthday ko at holidays!” Kumunot ang noo ko sa sinabi ng anak ko. Kaya nilingon ko silang dalawa.

“Tuwing birthday mo?” naguguluhan kong tanong. “A-Ano’ng sinasabi mo, ’nak?”

Tumawa lang ang mga ito. “Papa was sending me gifts every year, momma. He wasn’t there but he’s still giving me gifts. Tito Andoy told me, iyong mga gifts na ibinibigay niya ay galing kay Papa.”

Biglang bumalik sa mga alaala ko iyong mga panahong birthday ni Roman. Palagi nga itong nakatanggap ng regalo muna kay Andoy, taon-taon. Nakakapagtaka rin na ang mamahal ng mga laruan, sapatos, at mga damit na iyon. Pero hindi ko tinanong si Andoy dahil akaka ko sa kaniya iyon galing. Ngunit ngayon, nalinawan na ako.

“I was just busy that time with my online classes and I have no time to go with you. Sinabi ko rin naman iyon kay Rowan and he understands the situation. Pero ngayon, Emilia. I, promise, kung nasaan man kayo, naroroon din ako.”

Kahit naguguluhan ako. Tumango lang ako bilang sagot. Na naging dahilan nang pagngiti nilang dalawa.

––

Unti-unting dumating ang mga bisita na hindi ko naman inaasahan. Sina Andoy at King lang ang alam kong pupunta ngunig hindi ko alam na pati ang iilang kaibigan ni Roman ay nandito. Ang mas nakakagulat pa’y dumating din ang kaniyang mga magulang.

Mabuti na lang ay nakapagpalit na ako ng damit na nakita ko sa kuwartong tinulugan ko. Isang puting dress na hapit sa aking katawan. Nakasuot din ako ng glass shoes na may two inches ang takong. Ang ganda nitong damit ngunit sa tingin ko’y hindi bagay sa tulad kong mahirap.

Maagang dumating sina Andoy kanina kaya siya ang nag-ayos sa akin. Light make up lang ang inilagay nito kaya komportable ako.

“Ang ganda mo talaga, friend! Pakagat nga!” Nakangiti si Andoy at pinalo pa ang balikat ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa pamumula ng pisngi ko.

Kanina pa kasi nakatingin ang iilan sa akin, lalo na ang mga magulang ni Roman na hindi ko pa nilalapitan. Baka kung pang masasakit na salita ang sabihin nila. Ayokong masira ang selebrasyon ng anak ko.

Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin ang mag-ama ko. Kanina lang ay nandito sila ngunit ngayo’y hindi ko na makita. Nasa living area kami dahil dito gaganapin ang birthday celebration ni Rowan. Marami ang pumunta na hindi ko inaasahan.

Ang buong akala ko’y simpleng selebrasyon lang ito.

“Good day, everyone!” Napatingin kami sa hagdan na nagsisilbing entablado nitong loob.

Nasa tabi nito si Rowan na nakangiti sa amin. Kamukhang-kamukha niya ang ama, lalo pa ngayon na halos magkapareho na silang dalawa ng suot na three piece suit. Puti ang kulay ng mga ito na mas nakaagaw ng pansin.

“I would like to announce that this day is a very special day for me. Nagpapasalamat ako dahil naririto kayo ngayon kasama namin sa kaarawan ng anak ko.” May iilang napasinghap dahil siguro sa gulat pero may iilang nanatili lang ang ekspresiyon.

Ako naman ay kinabakabahan. Natatakot ako sa sasabihin ng iba tungkol sa anak ko. Lalo pa’t nandito ang mga magulang ni Roman.

“And also this day, I would like you to meet my wife, Emilia Palmiero Garces.” Nagulat ako nang bumaba si Rowan sa hagdan at mabilis itong lumapit sa puwesto ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Kaya hinawakan niya ako sa kamay at marahan naman akong itinulak ni Andoy sa balikat. Lahat sila’y sa akin na ulit nakatuktok. Lahat sila’y nakikitaan ko nang pagtataka, panghuhusga, at pagkadismaya. Gustuhin ko mang umalis at tumakbo na lang pero kaarawan ito ng anak ko. Ayokong sirain.

Kaya wala akong nagawa kundi ang makiayon na lang sa takbo ng oras. Idinadaling ko na lang na sana’y mabilis itong matapos.

Nang makarating kami sa puwesto ni Roman ay agad kong naramdaman ang pagdausdos ng kaniyang palad sa baywang ko’t hinapit niya ako papalapit.

“This girl beside me is the mother of my child. You are all invited to our wedding soon.” Nagulat ako nang magpalakpakan ang iba ngunit hindi pa rin nawawala ang takot at pangamba na naririto ngayon.

Ito ang kauna-unahan na ipakilala kami ni Roman ngunit hindi ko maramdaman ang saya. Pinilit ko na lang na ngumiti kahit na may takot pa rin sa akin na baka may masamang mangyari, na baka may sumira sa pamilyang mayroon kami. Wala akong laban.

Nang ilibot ko pa ang paningin ko’y hindi nakatakas sa akin ang tila nakakamatay nitong tingin. Kanina pa siya nandito dahil kaibigan siya ni Roman. Kanina pa siya masamang nakatingin sa akin, sa amin.

Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Kristina. Gusto kong i-enjoy itong araw na ’to dahil hindi ko alam kung tuloy-tuloy pa ba itong kasiyahang nadarama ko.


Hakdog

ni Kristina.

Nakiki

-birthday!

Chapter 33

Emilia

Gabi na nang magsiuwian ang mga bisita ni Rowan. Kaya nakakahinga na ako nang maluwag. Kanina pa kasi ako kinakabahan, natatakot ako’ng baka makagawa ako nang mali at makarinig pa nang masasakit na salita. Ayokong masira ang espesiyal na araw ng anak ko. Kaya kahit na gusto nang lumabas ng puso ko sa aking didbib dahil sa kaba, tiniis ko hanggang sa matapos ang okasiyon.

Naririto pa rin naman kami ni Rowan sa bahay ni Roman. Gusto ko nga sanang sumama kay Andoy kanina para makauwi na kami sa bahay ni King pero bantay sarado si Roman. Nang matapos niya kaming ipakilala sa marami bilang pamilya niya, hindi na ako nito nilubayan. Napanatag naman ang loob ko dahil doon. Pakiramdam ko’y kapag nasa tabi ko si Roman ay ligtas ako sa lahat.

Sa lahat nang mapanghusgang tingin, sa mga taong ayaw sa akin at sa kahit na anong kapahamakan. Maging ang kakaibang tingin na ipinapakita ni Kristina sa akin ay nakalimutan ko, nawala ’yun sa aking isipan.

“Hon, kumain ka na?” Napatingin ako sa dereksiyon ni Roman. Kakababa lang nito mula sa hagdan at nakapagpalit na rin nang damit pangbahay. Kahit na ano’ng suotin nito ay bagay na bagay sa kaniya.

Umiwas ako ng tingin dahil napatagal yata ang pagtitig ko sa kaniya. Nakasuot lang ito ng sanding kulay abo at maikling shorts.

“Nasaan ang anak ko?” tanong ko, hindi ko pinansin ang naging tanong nito. Ayokong malaman niya na parang musika sa pandinig ko ang bawat pagtawag nito sa akin.

Nagulat ako nang maupo ito sa tabi ko, nakaupo ako sa may mahabang sofa. Napansin ko rin ang pagtitig nito sa akin at ang ngiti niyang hindi na nawawala pa kanina pa.

“He’s tired kaya nakatulog na sa kuwarto niya. Ikaw hindi ka pa ba pagod? Puwede na tayong matulog,” anito gamit ang malumanay at may halong lambing ang boses. Kaya hindi na naman maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ’to.

“Bakit ka biglang nagbago?” lakas loob kong tanong. Ito rin siguro ang magandang pagkakataon para itanong sa kaniya ang lahat ng iba pang katanungan na matagal nang nasa isipan ko.

Kung mahal niya ako, bakit iba siya kung makitungo noon sa akin? Bakit pakiramdam ko’y ni katiting na porsiyento’y hindi ko maramdaman ang pagmamahal sa kaniya. Bakit noong may mangyari sa amin ay ibang pangalan ang binanggit nito? Ang dami kong tanong na gumugulo sa akin hanggang ngayon.

“W-What do you mean?” Napasinghap ako nang bigla nitong ipulupot ang braso sa baywang ko’t hinapit ako papalapit sa kaniya. “You can ask me anything, Hon.”

Hinawakan ko ang kamay nitong nasa baywang ko at inalis iyon doon. Tuluyan akong tumagilid at humarap sa kaniyang dereksiyon. Nakikita ko ngayon ang Roman na una kong nakilala, may kislap sa kaniyang mga mata at wala na ’yung galit na hindi ko alam kung saan noon nagmula.

“B-Bakit gano’n mo ako itrato noon kung talagang mahal mo ako?” deretsahan kong tanong na siyang ikinatigil nito. Napansin ko ang pagbuntong hininga niya bago mabilis na kinuha ang mga kamay ko’t mahigpit niyang hinawakan.

“I wasn’t mad at you…” Deretso ang tingin nito sa mata ko. Ramdam ko ang sinseradad sa kaniyang boses. “I was jealous that time, that I couldn’t forget what I saw. Pumunta ako noon sa palengke kung saan ka nagtitinda, it was your birthday. Pero nang dumating ako ay kasama mo iyong putanginang King na ’yun. I really wanted to surprise you that day pero pinangunahan ako ng selos.”

Biglang bumalik sa aking alaala ang araw na ’yun, birthday ko noon at pumunta si King sa puwesto ko para bigyan ako ng mga bulaklak at tsokolate. Naging matalik na kasing magkaibigan ni King kaya niya ako binigyan niyon. At, hindi ko alam na nakita pala iyon ni Roman na naging dahilan kung bakit halos araw-araw na lang akong nakakatanggap nang masasakit na salita galing sa kaniya.

“B-Bakit hindi mo sinabi para makapagpaliwanag ako?” Sa sobrang babaw ng luha ko’y hindi ko napigilan ang umiyak. “A-Alam mo bang gabi-gabi akong umiiyak noon, naguguluhan dahil gano’n mo na lang ako itrato na parang wala lang sa buhay mo?!” Hinila ko ang kamay ko at pinalo ito ngunit ako lang yata ang nasaktan dahil sa tigas ng kaniyang braso.

“Hon, I-I’m really sorry. It was all my fault. Pinagsisihan ko lahat ng mga nagawa ko sa ’yo. Please, give me a chance to prove myself to you that I’m crazy in love with you.”

Napatigil ako ngunit ang mga luha ko’y hindi pa rin tumitigil sa pagbuhos. Tumingin akong muli sa kaniyang mga mata. Nakikita ko ang pag-aasam na marinig ang sagot ko, katulad ito noon ng mga mata kong umaasa na mahalin ako ni Roman. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya, ang kaibahan lang nito’y may lakas siya ng loob na sabihin ang nararamdaman niya.

“N-Natatakot ako…” Yumuko ako. Nilakasan ko lang ang loob kong sabihin ’yun sa kaniya. “Natatakot ako sa maaaring mangyari sa atin. Ayokong magkaroon ng hindi kompletong pamilya ang anak natin ngunit ayaw ko ring masaktan.”

Nagulat ako sa mabilis nitong pagyakap na naman sa akin. Naramdaman ko rin ang pagdami ng labi niya sa aking noo. Kaya naipikit ko ang mga mata ko, pinakiramdaman kong muli ang sarili. Unti-unting nawawala iyong takot at pangamba. Ito iyong pakiramdam na matagal ko nang inaasam-asam, kasiyahan na wala ’yung takot.

“Shhhh…” Paulit-ulit nitong hinahalikan ang noo ko. “Nandito lang ako, Hon. I’ll never leave you and I will always choose you.”

Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko’t gumanti sa kaniyang yakap. “S-Salamat,” bulong ko at alam kong nakuha na nito ang ibig kong sabihin. Ayoko na rin namang magpahabol pa. Ano pa’ng saysay nun kung alam ko sa sarili kong hindi ako tumigil sa pagmamahal ko sa kaniya?

Ika nga nila, na sa huli ang pagsisisi . Kaya ayaw kong magsisi huli na siya ang mapagod sa paghahabol. Ayokong matulad siya sa akin, sampong taong umasa at nagtiis.

Kinabukasan ay masaya akong gumising, ang gaan ng pakiramdam ko. Kaya sa kusina agad ako dumeretso at tumulong sa paghahanda ng almusal. Alam kong tulog pa ’yung mag-ama pero maya-maya ay nandito na ang mga ’yun.

Hindi naman ako nagkamali dahil saktong natapos akong maghanda, dumating ang dalawa na nakasuot na ng kanilang uniporme. Si Rowan ay ang school uniform nito at si Roman naman ay ang three piece suit niya.

Agad na lumapit si Roman sa akin at mabilis ang naging kilos nito. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya at hinalikan sa aking pisngi. Mabuti na lang ay naligo na muna ako kanina bago ako bumaba.

“A-Ano ba!” suway ko at saka siya itinulak papalayo. “Amoy pinirito ako.” Lumayo ako dahil ayaw kong makita nito ang pamumula agad ng aking pisngi.

Tumawa ito at maging ang anak ko’y nakisali na rin. “Momma, you’re blushing po,” anito.

“Kahit ano pa’ng amoy mo, Hon. I still love you.” Sinamaan ko na lang silang dalawa ng tingin bago ko ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga plato sa hapag. Naupo na rin naman si Roman sa tabi ni Rowan.

Agad kaming nagsimulang kumain nang maihanda ko ang lahat. Si Rowan lang ang nagkukuwento at ibinibida nito ang natanggap niyang mga regalo mula sa bisita kahapon. May natanggap daw siyang laptop at mga gadgets.

“It was from your Lolita and Lolito,” sabi ni Roman. Hindi na ako nagulat.

“Talaga po, Papa? I want to thank them po!” masiglang sagot ni Rowan.

“We’ll visit them soon. My father wants to meet you.”

Kahit hindi ko man sabihin ay isa rin sila sa kinakatakutan ko. Lalo na ang ina ni Roman, baka kung ano pa’ng sabihin na naman nito sa amin. Hindi koi to masyadong nakita kahapon dahil lumalayo ako sa kanila, ayokong magkaroon kami nang conversation. At, mabuti na lang din dahil hindi iyon nangyari.

Natapos kaming kumain kaya lumabas na kaming lahat ng kusina. May tatlong katulong naman si Roman dito kaya sila na ang bahalang maglilinis doon.

“We’re going now,” sabi ni Roman.

“Sandali, kukunin ko lang ang bag ko.” Aalis na sana ako pero nahawakan nito ang aking braso.

“You should stay here, Hon. Hindi ka na magtatrabaho roon.” Bumuntonghininga ako. Gusto kong tumanggi dahil ayaw kong iasa sa kaniya ang lahat ngunit wala akong magagawa, sunod-sunuran lang ako.

Tumango ako. At sa huling pagkakataon ay pareho silang lumapit ni Rowan sa akin. Hinalikan ako ng mga ito at saka sila umalis ng bahay.

“Ate, may maitutulong ho ba ako sa inyo?” tanong ko sa isa sa katulong nang dumaan ito sa harapan ko. Tumigil ito at tumingin sa akin.

“Sinabihan po kami ni Sir na ’wag na ’wag daw po kayong pagtatrabauhin, ma’am. Kaya pasensiya na po,” sagot nito at nagpaalam na. Muli akong bumuntonghininga. Aakyat na sana ako sa second floor ngunit narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Kaya mabilis akong naglakad papalabas.

“Ako na po ang magbubukas,” sabi ko sa isang katulong nang aakma itong uunahan ako sa paglabas.

Lumabas ako ng bahay at lumapit sa gate. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon pero baka importante ito. Kaya binuksan ko na ang maliit na gate rito at nagulat ako sa aking nakita.

Chapter 34

Emilia

Hindi ko siya nagawang batiin nang magtuloy-tuloy itong pumasok sa loob. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya pagkatapos kong isara muli ang maliit na gate nitong bahay ni Roman. Sinundan ko ang ina ni Roman sa living room nitong bahay. Naabutan ko itong inililibot ang kaniyang paningin sa loob habang nakaupo sa pahabang sofa. Ang kaniyang mamahaling bag ay nakapatong naman sa center table na gawa sa glass.

Napakaganda niya sa suot na damit. Sumisigaw ang karangyaan. Isang mayamang babae, maarte at sa unang tingin pa lang ay alam mo nang masungit siya. Kaya napahigpit na ang hawak ko sa laylayan ng suot na damit dahil sa kaba at takot.

Ano’ng ginagawa niya rito? Balak ba niya akong sabihan na layuan si Roman? Wala siyang pinagkaiba sa mga mayayamang pamilya na gagawin ang lahat, makuha lang ang kanilang gusto. At, kung iyon man ang gagawin niya’y hindi na ako makakapayag sa pagkakataong ito. Ngayong alam ko na ang lahat, alam ko nang may panghahawakan ako . Hinding-hindi na ako matatakot na ipaglaban ang kung ano man ang dapat na sa akin.

“A-Ano pong gusto niyong maiinom?” tanong ko rito nang mapansin kong hindi pa rin siya nagsasalita. Nakuha ko naman ang kaniyang atensiyon. Kaya lumingon ito sa dereksiyon ko’t nakataas ang kaniyang kilay.

“Tama ba na kausapin mo ako sa likuran ko? And I don’t want anything, just sit here. We have something to talk,” sagot niyang mas dumoble pa yata sa kabang nararamdaman ko. Sa sinabi niyang iyon, alam ko na agad kung ano ang pakay niya. Alam ko na kaagad kung bakit siya naririto; iyon ay ang paghiwalayin kami ni Roman.

Nagtagumpay nga siyang sirain kami ni Roman, magmula pa noon. Ngunit wala ring saysay iyon dahil bumalik pa rin sa akin ang anak niya. At, alam kong sa pagkakataong ito ay may gagawin na naman siya na alam kong ikakasira naming dalawa ni Roman. Kaya kahit ano’ng mangyari, sa abot nang makakaya ko ay ipaglalaban ko na ang kasal namin.

Bilang respeto na rin ay sinunod ko ang gusto niya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng mga sofa at naupo sa isang single na sofa. Ipinatong ko rin ang dalawang kamay ko sa aking magkadikit na mga hita at nakayuko lang.

“K-Kung balak niyo pong paghiwalayin kami ni Roman. Pasensiya na po kayo dahil sa pagkakataong ito’y hindi niyo na po iyon magagawa pa.” Katahimikan ang sumunod at ilang sandali lang ay narinig ko ang mahihina niyang pagtawa.

Kaya marahan kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tumingin kay Amanda Garces, ang ina ni Roman. May hawak na itong pamaypay sa kaniyang kanang kamay at ginagamit iyon upang takpan ang bibig mula sa pagtawa. Lahat ng kilos niya’y maarte kaya hindi na nakakapagtaka pa iyon.

Pero ang gumugulo sa isipan ko’y kung bakit siya tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Alam kong mahirap silang kalaban lalo pa’t isa akong ulila, walang natapos at mahirap. Tanging ang anak ko na lang at mga kakilala ang kinakapitan ko upang magpakatatag. Kaya kahit wala akong kakayahang lumaban pagdating sa kayamanan, alam kong may laban ako dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay ako ang pipiliin ng pamilya ko.

“B-Bakit po?” tanong ko pagkaraan ng ilang segundo. Kaya tumigil naman siya sa pagtawa at tumingin sa akin. Ganoon pa rin ang awra nito, mayabang dahil may ipagmamayabang, maarte at masungit. Ngunit ngayo’y may kakaiba na sa kaniyang tingin. Tila ba isang pangungulila ng ina. Nararamdaman ko iyon lalo pa’t isa rin akong ina katulad niya.

“I didn’t know na katulad mo pala ang tipo ng anak ko,” aniya. Hindi ko siya lubos na maintindihan kaya tumahimik ako at nakatuon lang ang pansin ko sa kaniya. “You were lucky because he loves you, samantalang ako na kaniyang ina. Kinamumuhian niya ako for everything I’ve done.”

Natigilan ako ng magsimula itong umiyak. Hindi ko magawang tumayo upang kumuha man lang ng tissue dahil nakita ko siyang may hawak na ng panyo. Pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Ramdam ko ang hinagpis ng ina ni Roman. Tama nga ang nararamdaman ko kanina, na nangungulila siya sa kaniyang anak. Gustohin ko mang aluhin siya ngunit hindi ko alam kung papaano ko iyon gagawin. Natatakot ako na baka saktan niya ako o ’di kaya’y itulak na lang ng walang dahilan.

“I know I’ve done so much in you, Emilia. Kung hindi lang ako pinigilan ng asawa ko noon, baka matagal na kayong nasira ng anak ko. I-I’m really sorry.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko’t kusa na akong tumayo’t lumapit sa kaniya. Naupo ako sa tabi nito at nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Kaya wala akong nagawa kundi ang haplusin ang kaniyang likuran upang patahanin siya mula sa pag-iyak.

“N-Naiintindihan ko po ang lahat ng ginawa ninyo. Katulad ninyo, isa rin akong ina na gagawin ang lahat mapabuti lang ang anak ko. Ang ginawa niyong pagprotekta kay Roman ay hindi masama, natatakot lang kayo na baka walang marating ang anak niyo sa hinaharap. Pero sa susunod po, hayaan mong pumili si Roman sa kung ano ang gusto niya. Kailangan niyo lang pong gawin ay suportahan ang anak niyo sa gano’ng bagay.”

Kumalas siya ng dahan-dahan mula sa pagkakayakap sa akin. Kaya lumayo ako nang kaunti dahil bigla akong nahiya sa itsura ko. Gano’n pa rin ang kaniyang mga mata, may mga mumunting luha pa rin doon ngunit mabilis din naman niya itong pinunasan.

“Roman did choose well. I-I’m sorry,” sabi niya. Hindi na ganoon ang boses nitong mapangmata. “C-Can I ask a favor?”

Ngumiti ako. “Sa abot po ng makakaya ko,” sagot ko. Tumingin siya nang derekta sa aking mga mata. Ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mga mata ni Roman ngunit magkaiba naman sila ng personalidad. Sa tingin ko kasi ay namana ni Roman sa ama ang halos lahat ng kaniyang ugali.

“G-Gusto kong magkaayos kami ng anak ko. P-Please, help me.”

“Gagawin ko po ang makakaya ko,” mabilis kong sagot sa kaniya kaya nakita ko naman ang isang ngiti sa kaniyang labi.

Gabi na at kakatapos lang naming kumaing tatlo. Kakatapos ko lang ding maligo nang maabutan ko si Roman sa loob ng kuwarto kung saan ako natutulog. Wala siyang pang-itaas na damit at tanging isang loose pajama na kulay abo lang ang suot. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard ng kama habang may hawak libro sa kaniyang kaliwang kamay, nakasuot din siya ng reading glasses.

“A-Ano’ng ginagawa mo rito?” kinakabahan kong tanong.

Nakuha ko ang atensiyon niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin at kinabahan ako sa kakaibang paraan ng kaniyang tingin. Isang manipis na pampatulog naman ang suot ko sa mga oras na ’to. Mabuti na lang din at nakasuot na ako nang lumabas ako ng banyo. Ngumiti si Roman na siyang mas lalo ko pang ikinakaba. Inilagay niya ang librong binabasa kanina sa side table at bumaba siya sa kama.

“L-Lumabas ka, m-matutulog na ako,” sabi ko ngunit parang wala siyang narinig nang dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Malalaki ang hakbang na ginawa niya kaya hindi kaagad ako nakaatras at naabuta niya ako. Mabilis niyang ipinulupot ang kaliwang braso sa aking baywang at hinapit niya ako papalapit.

Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin mula sa bintana, nakabukas kasi iyon, ngunit hindi ko halos iyon napagtuunan ng pansin. Dahil ang tibok ng puso ko’y hindi ko na mahabol sa sobrang bilis. Lalo na ngayon na ang lapit ni Roman sa akin. Ang braso niya’y nakapulupot sa aking baywang at nararamdaman ko ang hininga nito sa aking leeg.

“Ang bango naman ng asawa ko,” aniya gamit ang malalim na boses na tumagos sa aking dibdib. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. “Puwede ba akong tumabi sa ’yo, mahal ko?”

“M-Matulog na tayo,” ang tanging naging sagot ko. Ayaw ko nang makipagtalo pa. Para saan pa kung siya pa rin naman ang masusunod sa huli? Kaya wala akong nagawa kundi itabi siya sa pagtulog nang gabing ’yun.


Charan! Nag-update na ako. Malapit na rin naman kasi ang wakas nito. Huhu! Thank youu 15k reads!

Chapter 35

Emilia

“’Nak, ano sa tingin mo? Ayos na ba itong suot ko?” tanong ko kay Rowan na kanina pa ako pinagmamasdan, nakaupo siya sa kama habang nakahawak siya sa kaniyang baba. Para siyang matanda na kung mag-isip nang malalim. Kaya napangiti ako ng hindi ko man lang namamalayan.

Nakasuot ako ng simpleng off shoulder dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Natuto rin akong maglagay ng light make up dahil sa kaibigan kong si Andoy. Bagsak at nakalugay naman ang mahaba kong buhok na hanggang sa aking siko.

“Kahit ano po ang isiuot niyo, Momma. You’re indeed beautiful,” sagot niya. Lumapit ako rito at kinurot siya sa magkabilang pisngi na siyang ikinangiwi niya. Sumimangot siya nang bitiwan ko na ang mga matataba niyang pisngi.

“Napakabolero mo, manang-mana ka sa Papa mo!”

“Our son is just saying the truth, Hon. Your beauty is breathtaking.” Napairap ako nang pumasok si Roman sa eksena. Galing siya sa labas dahil may dumating na delivery kanina at siya na ang nag-volunteer na kumuha dahil para naman daw iyon sa kaniya.

“E-Ewan ko sa inyong dalawa.” Namumula ang pisngi ko dahil sa mga ngiting ibinibigay nila. Nilapitan ako ni Roman at agad na ibinalot ang isa nitong braso sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya humiwalay at kinuha na ang susi ng kaniyang kotse.

“Let’s go. They’re waiting for us.” Tumango lang kami sa sinabi ni Roman at agad ko nang nilapitan si Rowan. Hinawakan ko siya sa kamay at sabay-sabay na kaming lumabas sa kuwarto namin ni Roman.

Tatlong araw na rin ang nakalipas nang kausapin ako ng Mama ni Roman. At, sa loob ng tatlong araw na ’yun ay wala akong ginawa kundi ang pilitin si Roman na bumisita sa kaniyang mga magulang. Nagtataka ito sa akin noong una pero sinabi ko naman ang totoo, na pumunta rito ang kaniyang Ina upang humingi sa akin ng tawad.

Hindi naman mahirap magpatawad. Siguro nga’y naririto pa rin iyong mga alaala nang mga nangyari pero hindi ibig sabihin nun ay mananatili na lang ako roon. Kailangan mo ring magpatuloy at magsimula ng bago. At pagpapatawad ang pinakaunang hakbang para unti-unting maghilom iyong sugat na gawa ng kahapon mong pagkakabagsak.

Kaya mahalaga ang araw na ’to dahil sa wakas ay napapayag ko na siyang pumunta kami sa kanilang bahay, sa bahay mismo ng kaniyang mga magulang. Sakay na kaming tatlo ng kotse ni Roman. Sa harapan kaming dalawa ni Rowan naupo dahil ayaw niya sa likod kasi wala siyang kasama. Kaya kandong-kandong ko siya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

“Mababait po ba ang grandparents ko, Momma? I didn’t see them on my birthday po kasi,” biglang tanong ni Rowan, nakatingala na ito sa akin at tila ba sabik na sabik malaman ang mga sagot ko.

“They’re kind, especially my dad. He loves kids. Nang malaman nga nitong magkakaroon ako ng anak sa Momma mo, he’s really happy and excited to see you. He even gave you a present every holiday and on your birthdays,” ang sagot ni Roman bigla. Nagulat ako dahil hindi ko alam ang mga bagay na ’yun, dahil ang buong akala ko’y kinamumuhian ako ng mga magulang niya dahil sa isa akong ulilang lubos at mahirap pa.

“P-Pasensiya na, hindi ko alam ang tungkol doon,” sabi ko at umiwas ng tingin kay Roman.

“It’s not that big deal, hon. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ko ipinapaalam sa ’yo ang mga ’yun.” Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Napangiti rin ito at itinuon na ang atensiyon sa daan.

Marami pang tanong si Rowan tungkol sa Lolo’t Lola niya. Maging ang mga magulang ko’y itinanong niya at sinabi ko naman ang totoo na nasa langit na sila. Napagod din ito kakatanong at nakatulog habang kandong ko. Kahit nahihirapan ako dahil lumalaki na siya’y tinitiis ko na lang.

“Are you okey, hon?” Napatingin ako kay Roman. Bumagal ang takbo ng kotse dahil nakatingin ito sa akin. Napansin pala nito na parang hirap na hirap na ako habang kinakandong ko ang anak namin.

Napangiti ako at tinignan si Rowan na nakapikit ang mga mata at bahagyang nakanguso ang labi niya. “A-ang bigat na pala ng batang ’to. Parang kailan lang,” sabi ko, imbes na sagutin ang tanong niya.

Narinig ko ang tawa niya kaya naiangat ko ang tingin papunta sa kaniya. “Guwapo rin, manang-mana sa akin. ’Di ba?” Napatitig ako sa mukha ni Roman, may matangos siyang ilong, may iilang tumutubo nang bigote sa kaniya ngunit bagay naman iyon sa kaniya at may namumula siyang labi. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

“M-Mag focus ka nga sa pagmamaneho, b-baka madisgrasya pa tayo.” Tumawa lang ito at pinabilis na ang takbo ng kotse.

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa isang puti at malaking gate. Nang makilala ng guard kung sino ang sakay ng kotse ay agad na nagbukas ang gate. Pagpasok namin ay mahabang sementadong daan ang bubungad, kasama na ang malaki at putting bahay, at ang fountain na nasa gitna. Kahit nasa loob pa lang ako ng kotse, makikitamo na kaagad ang ganda ng kanilang bahay, para na nga itong mansion kung sa tutuosin at ang mga magulang lang ni Roman ang nakatira sa ganito kalaking bahay. Kasama na siyempre doon ang mga kasambahay.

Ginising ko na rin si Rowan at katulad ko’y nagulat din siya sa laki ng bahay na nasa harapan namin. Nang tumigil ay kotse sa harapan mismo ng main door ay hindi na makapaghintay pa ang bata at agad nang bumaba sa kotse. Sumunod naman ako at ganoon din ang ginawa ni Roman. Nilapitan lang siyang isang nakaunipormeng lalaki na parang bodyguard at ibinigay roon ang susi ng kotse.

“Papa, ang laki-laki po ng bahay. It’s bigger than ours po!” excited na turan ni Rowan. Tinitingala niya ang kabuuan ng bahay at palipat-lipat ang tingin sa bahay at sa fountain.

Ginulo lang ni Roman ang buhok niya at ngumiti. “Let’s get inside. Mukhang naghihintay na sina Papa sa loob.”

Nakahawak na si Rowan sa kamay ng kaniyang Papa at nauna silang maglakad sa akin. Kaya sumunod na rin ako. Kung maganda sa labas ng bahay, mas maganda naman ang interior design sa loob. May malaking chandelier sa gitna ng bahay. Ginto at puti lang ang makikita mo. Kahit na hindi sabihin, hindi sapat ang isa o dalawang kidney sa halaga ng mga bagay rito sa loob. Hindi ko alam na ganito pala sila kayaman.

“Son!” Sabay kaming tatlong napalingon sa dalawang taong kakapasok lang dito sa living room ng kanilang bahay. Pareho silang nakangiti at masayang-masaya na nandito ang anak nila.

“Pa, Mom…” Napasinghap ako sa biglang pagpulupot ng braso ni Roman sa baywang ko at hinapit ako papalapit.

“Easy ka lang sa asawa mo, ’Nak. Wala naman kaming gagawin sa inyo.” Tumawa ang Papa ni Roman sa kaniyang sinabi. Tumingin ako sa Ina ni Roman na nakangiti sa akin at tinanguan ako. Sinuklian ko ang ngiti niya ng isang matamis na ngiti. Natutuwa ako dahil kahit papaano’y nakatulong ako na papuntahin si Roman dito upang makapag-usap man lang silang tatlo.

“Let’s sit first. Have you eaten yet?” Umiling ako dahil hindi pa kami kumakain ng pananghalian pero kung agahan ay kumain na muna kami sa isang fastfood kanina habang papunta kami rito. “Nagpahanda ako ng maraming pagkain.”

“M-Maraming salamat po,” sabi ko. Nakaupo na kaming lahat, kami sa mahabang sofa habang ang mag-asawa naman ay sa isa pang mahabang sofa rin nakaupo. Nilingon ko si Rowan na kanina pa tahimik nang makapasok kami rito. “Nak, hindi ka ba magpapakilala sa Lolo’t Lola mo?” bulong ko pa.

“Bakit niyo kami pinatawag dito? Balak niyo ba kaming paghiwalayin ng asawa ko nang harap-harapan?” Naibaling ko ang atensiyon ko kay Roman nang magtanong ito. Hindi ko nababasa kung ano ang nasa isip niya pero kinakabahan ako dahil para bang napakaseryoso niya sa mga oras na ito.

“Bakit naman namin gagawin iyon, Romano? I know you were happy now with your family, and we don’t have right to stop your happiness. Nais lang namin na makasama ka at makilala kami ng apo namin,” sagot ng nanay ni Roman, si tita Amanda.

“T-Talaga po?” biglang pagsingit ng anak ko. Kumislap din ang magaganda nitong mga mata habang nakatingin sa dalawa. “You’re not going to ruin my family?”

Kinabahan ako kaya mabilis akong humingi nang paumanhin sa sinabi ng anak ko. Ngunit wala rin iyon nagawa dahil nginitian lang ako ng mag-asawa. Kakaibang-kakaiba sila ngayon kumpara sa mga nakaraang pagtatagpo ng mga landas namin.

“Let him speak, Emilia. Mukhang namana rin ng anak niyo ang pagiging madaldal ng Papa niya noong bata pa siya.” Tumawa na naman ang ama ni Roman at mukhang pati sa kaniya’y nagmana rin ang dalawa. “Apo, gusto mo bang maglaro na muna tayo? I have a lot of toys in Roman’s room when he a kid like you.”

“Talaga po?” Nang makita ni Rowan ang pagtango ng kaniyang Lolo ay tumingin naman siya sa akin at nag-puppy eyes. “Can I go with Lolo po, Momma?” Tumango rin ako bilang pagsang-ayon at sa isang iglap lang ay bumaba ito sa upuan at nilapitan ang kaniyang Lolo Felipe.

“Thank you, Emilia for helping us. Ngayon sigurado na ako na nasa tamang tao ang anak ko,” sabi ni tita Amanda nang magpaalam na kami papauwi. Hawak niya ang mga kamay ko at nakatingin nang deretso sa aking mga mata. Ramdam ko rin ang kasiyahan niya sa pagpunta namin dito.

“Masaya po ako na nakatulong po ako. Maraming salamat din sa pagtanggap. Huwag ho kayong mag-aalala, kapag nagkaroon po kami ng oras ay bibisita po kami ulit.” Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay niyakap ako ni tita Amanda na ikinagulat ko ngunit agad din akong napayakap sa kaniya.

Nagpaalam na kaming uuwi na kami. Balak pa sana nilang doon na kami matulog kahit isang gabi man lang ngunit sinabi ko na may pasok pa si Rowan kinabukasan at baka mahuli ito sa klase kung dito pa kami magmumula. Maging ang anak ko’y ayaw pa niyang umuwi pero wala naman siyang nagagawa.

Sakay na kaming muli ng kotse, sa likod na pumuwesto si Rowan dahil kasama na nito ang mga laruang ibinigay sa kaniya ng Lolo.

“Can you tell me the location of your parent’s grave,” tanong ni Roman sa kalagitnaan ng aming byahe. Kaya kumunot ang noo kong napatingin sa kaniya.

“B-Bakit?”

“I wanted to meet them, too. I wanted to talked to them.” Kahit na nakakapagtaka ay sinabi ko na rin kung saan nakalibing sina Mama at Papa. Hindi naman iyon kalayuan dito sa bayan kaya tatlumpong minuto lang ay narating namin ang malawak na sementeryo.

“Momma, what are we doing here?” tanong ni Rowan, nakatingin ito sa labas. “It’s creepy.”

“Ewan ko ba sa Papa mo, ’nak. Gusto raw niyang makilala sina mama at papa.”

Tumigil ang kotse sa lilim ng puno. Bumaba na kaming tatlo at agad na humawak sa aking mga kamay ang mag-ama. Sabay na ring kaming naglakad papalapit sa magkatabing lapida ng mga magulang ko. Dala-dala naman ni Roman ang mga dinaanan naming mga bulaklak at kandila.

Matagal na rin pala simula noong makapunta ako rito. Nawawala sa isip ko at saka’y nahihiya akong magpakita sa kanila dahil hindi man lang ako nakapagtapos ng college. Kumukupas na nga rin ang lapida at halos hindi na rin mabasa ang mga nakasulat dito.

“Nay, Tay…” Ngumiti ako. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa mga kamay ng mag-ama ko nang umihip ang hangin. “P-Pasensiya na po kung ngayon lang ako magpapakita sa inyo matapos ang ilang taon pero nandito na po ako. Gusto ko pong ipakilala sa inyo ang pamilya ko.”

Hinawakan ako ni Roman muli sa baywang. Lahat kami’y nakatingin sa lapida matapos naming sindihan ang mga kandila at mailagay ang mga bulaklak. “H-Hello po. A-Ako nga po—”

“Papa, natatakot ka ba?” Natawa ako sa sinabing iyon ni Rowan at sinamaan naman siya ng tingin ni Roman.

“It’s my first time to meet them. Natural na natatakot ako kahit na alam kong wala naman silang gagawing masama sa akin. I just wanted them to know that I’m thankful dahil nakilala ko anak nila, at gusto ko rin malaman nila na mahal na mahal ko ito at pakakasalan ko siya ulit.”

Chapter 36 - Last Chapter

Emilia

Tulala akong nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya habang minamaneho ang kaniyang kotse papauwi sa aming bahay. Kanina pa ako tahimik at patuloy na pinoproseso ng isipan ko ang mga binitiwan niyang salita sa harapan ng mga puntod ng aking mga magulang.

Hindi ko lubos na maintindihan at ang puso ko’y hindi na rin matigil sa pagtibok nang mabilis. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit pinangungunahan ako ng kaba.

Kakaibang kaba na matagal ko nang gustong maramdaman. Kaba na hindi takot ang ibig sabihin kundi kasiyahan. Masaya ako dahil sa wakas, sa tagal na panahon akong nagtiis ay mararanasan ko na rin na mahalin pabalik.

Sampong taon ang hinintay ko, umaasa at patuloy na kumakapit kahit na araw-araw niya akong winawasak. Sampong taon ang tiniis ko. Sampong taong nangarap na darating din ang araw na ito.

“Ang tahimik mo yata.” Tumingin ako sa labas ng bintana. Madilim na sa labas at ang mga ilaw sa bawat gusali, street lights at ang buwan ang siyang nagsisilbi nang liwanag sa paligid.

“M-May iniisip lang ako,” sagot ko.

“Ako ba ’yan?” Mabilis akong napalingon kay Roman na ngayo’y nakangisi na. Ibang-iba sa dating masama kung makatingin sa akin at tila kinasusuklaman ako. Nakangiti siya habang deretso pa rin ang tingin sa harapan.

Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya. “Hindi…” ani ko na siyang nagpalaho sa mga ngiti niya. Mas lalo akong napangiti dahil sa pag-iiba ng timpla ng kaniyang mukha. “Ang totoo niyan, iniisip ko si Kristina,” may katotohanan kong sabi.

May pangamba pa rin sa puso ko na baka sa mga susunod na araw ay hindi pala ako ang mahal niya.

“What’s with her?”

Tumungo ako at bumuntonghininga. “Natatakot lang ako na baka bawiin ka niya sa amin ng anak ko,” sagot ko.

Naramdaman ko ang pagtigil ng kotse. Nang tumingin ako sa labas ay nasa tapat na pala kami ng bahay niya. Tumingin naman ako sa kaniya dahil hindi pa rin nito ipinapasok ang kotse at nakatingin din siya sa akin.

“Marami akong pagkakamali at pagkukulang sa inyo ng anak natin. And I won’t make any mistakes again, Emilia. This time, I promise that I will never hurt nor leave you.”

Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang sinseradad sa bawat sa salitang kaniyang binibigkas. Ramdam ko ang kasiguraduhan sa kaniyang sinasabi. Kaya isang ngiti lang ang nagawa ko bago ako tumango at bumaling ng tingin kay Rowan, na mahimbing na natutulog sa mga hita ko.

“Panghahawakan namin ng anak mo ang mga sinasabi mo.”

——

Kinabukasan ay nagtaka ako nang wala na si Roman sa tabi ko. Magkatabi na kaming natutulog dahil iyon ang kaniyang gusto.

Tuluyan na rin akong bumangon at sumaglit lang sa banyo upang maghilamos. Mamaya na lang ako maliligo dahil uunahin ko muna ang paghahanda ng agahan namin.

Lumabas ako ng aming kuwarto at naglakad ng ilang hakbang sa pasilyo para marating ko ang kuwarto ni Rowan. Pumasok ako roon at nagtaka ako nang hindi ko ito naabutan sa loob. Hindi ko rin narinig ang lagaslas ng tubig sa kaniyang banyo kaya muli akong lumabas.

Nakakuno ang noo kong bumaba papunta sa kusina pero wala akong naabutan doon. Tahimik.

“Ate, saan po sina Rowan at Roman po?” tanong ko sa kasama namin sa bahay nang pumasok ito sa kusina bitbit ang mga panlinis sa kaniyang magkabilang kamay.

“Magandang umaga po, ma’am. Maaga po silang umalis kanina. Inihatid na po ng inyong asawa si sir Rowan sa eskwelahan.” Tumango lang ako at umalis na ito upang magpatuloy sa paglilinis.

Wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga. Nakakapagtaka na hindi man ako ginising ng dalawang iyon. Lumapit na lang ako sa refrigerator upang maghanap ng makakain ko.

Nang buksan ko ito’y isang cake ang bumungad sa akin at may nakasulat na note sa plastik na nakabalot dito. Kinuha ko iyon at binasa.

“Good morning, Hon. Here’s a sweet cake for my beautiful wife. Thank you for coming into my life. I love you!” Kumunot ang noo ko ngunit ang labi ko’y may nakaguhit ng mga ngiti, hindi lang abot sa aking mga tainga kundi maging sa aking puso.

Nakakatawa at nakakakilig. Sino ba kasing kakain ng matamis na cake sa umaga? Hindi ba dapat ay agahan ang kaniyang ginawa?

Itinabi ko na lang iyong cake dahil mamaya ko na lang siguro iyon kakainin. Nagluto lang ako ng kakainin ko at saka ako pumunta ng living room nang matapos akong kumain.

Nanood na lang ako ng TV dahil wala naman akong gagawin ngayong araw. Ni hindi na nga ako pumapasok sa coffee shop ni King dahil na rin kay Roman, na ipinagbawalan ako. Kaya maghapon akong tutunganga at maghihintay pag-uwi ng mag-ama ko.

Ang bilis din pala nang oras kung tumakbo. Parang dati lang noon, nagtatrabaho pa ako sa pelengke. Kumusta na kaya ang mga paninda ko? Parang kailan lang, naghahangad pa ako ng masayang pamilya at kompleto. Dahil simula nang mamatay ang mga magulang ko’y hindi ko man lang naranasan iyon.

Masaya naman kami ng pamilya ko ngunit mabilis lang iyon natapos noon. Kaya ipinangako ko na kapag nagkaroon ako ng sarili kong pamilya, aalagan ko sila at mamahalin habang-buhay.

At sampong taon muna ang tiniis ko bago ko unti-unting nararanasan ang mga bagay na hinahangad ko. Kaya hindi rin ako nagdalawang-isip na bigyan si Roman nang isa pang pagkakataon na patunayan ang kaniyang sarili, dahil alam ko na sa pagkakataong ito’y hindi na magiging tulad ng dati.

Napabalik ako sa reyalidad nang may mag-doorbell. Agad akong tumayo at nagmadaling pumunta sa labas upang pagbuksan ito.

“Kristina…” Mabilis na dumaloy ang kaba sa dibdib ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Tulad pa rin siya ng dati, nang makilala ko siya at nang makita ko siya noon sa isla.

“Emilia,” nakangiti niyang pagbati. Ngunit ako ay hindi ko magawang ngumiti dahil sa takot na nararamdaman ko. Hindi ko mabasa kung ano ang ipinapahawatig ng kaniyang mga mata.

“A-Anoʼng ginagawa mo rito? W-Wala si Roman,” sabi ko.

Mahina siyang tumawa. “Hindi ako naparito para kay Roman. I am here because of you, I wanted to talk to you.”

“P-Pumasok ka na muna.” Nilakihan ko ang pagbukas ko ng gate at pinapasok siya nang tuluyan. Pumasok naman siya at nauna na itong pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan ko siyang tumitingin-tingin sa paligid. Pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay na ipinatayo ni Roman para sa aming pamilya.

“Your house was big. A perfect house for a happy family,” sabi nito. Nakangiti siyang lumingon sa puwesto ko. Seryoso lang naman akong nakatingin sa kaniya dahil ayokong maging plastik sa harapan niya.

“D-Deretsuhin mo na ako. A-Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko.

“You seemed tensed, Emilia.” Tumawa na naman siya. “Huwag kang mag-aalala, hindi ako naparito para sabihan kang lumayo kay Roman at hiwalayan siya. Magpapaalam lang ako nang maayos.”

Gulat akong napatingin sa kaniya. Naglakad ito papunta sa living room at naupo sa mahabang sofa. Inilapag nito ang bag sa center table. At prenteng naupo roon. Sumunod ako sa kaniya at naupo naman ako sa single sofa.

“Ano ang ibig mong sabihing magpapaalam?”

Ngumiti siya at humawak sa kaniyang tiyan. Hinimas niya iyon at napansin ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

“I’m pregnant…” Napatayo ako dahil sa gulat.

“A-Ano?”

“Don’t worry. Hindi si Roman ang ama nitong dinadala ko. Roman was just a friend of mine simula nang maghiwalay kaming dalawa. Na-fall out of love rin ako sa kaniya nang makita kong masaya siya sa piling mo. Hindi ako masamang tao, siguro nga, noon galit ako dahil nalaman akong hiniwalayan niya ako dahil lang sa isang babae. But then, I realized that I shouldn’t force someone to love me back. Ang nanay lang naman niya ang may gusto sa relasyon naming dalawa noon.”

Napabalik ako sa pag-upo at tahimik na nakatingin sa kaniya. Akala ko’y babawiin niya si Roman sa akin noon. Ngunit hindi naman pala. Hindi naman siya katulad ng mga babaeng napapanood ko sa mga telenobela, na gagawin ang lahat masira lang ang relasyon ng isang pamilya.

“P-Patawad…” ang siyang nasabi ko lang nang maintindihan ko na ang lahat-lahat. “Kasalanan ko kung bakit kayo naghiwalay noon. K-Kung nag-iisip lang ako nang tama, siguro’y hanggang ngayon ay kayo pa ring dalawa.”

Kasalanan ko ang lahat. Siguro kung pinigilan ko lang noon ang damdamin ko. Ganito kaya ang sitwasyon namin ngayon?

“Emilia, you don’t have to feel sorry for what happened to the past. Walang may gusto nang lahat. Masaya ka na ngayon at masaya na rin ako. Sana kalimutan na natin ang lahat-lahat. We have to start our new life, magpatuloy lang tayong dalawa.”

“M-Maraming salamat, K-Kristina.” Ngumiti ako at gano’n din ang ginawa niya.

Naglaho na rin ang mga takot na nararamdaman ko. Mga pangamba na biglang naglaho. Tanging kasiyahan lang ang nararamdaman ko ngayon, dahil sa wakas ay alam ko na kung saan ako muling magsisimula.

** **

Author’s note.

Epilogue will be the next chapter. Thank you for reading this story! I love you all. Muah! THANK YOU 20K READS!

Epilogue

Third-person Point Of View.

“Handa na po ang lahat. Pumunta na po tayo sa ating mga puwesto at magsisimula na ang kasal,” anunsiyo ng organizer ng kasal.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Ang maranasan niya ang kasal na matagal na niyang pinapangarap. Pangalawang beses at alam ng lahat na ito ang pinakahindi niya makakalimutan.

Maraming pinagdaanang dagok sa buhay si Emilia. Sampong taon ang tiniis niya para lang makamit ang totoong kasiyahang minimithi niya. Maraming beses na pumasok sa isipan niya ang sumuko ngunit nanatili pa rin siya at naniwala na balang araw ay darating ang araw na ’to.

“You ready?” tanong ni King, na naririto pa lang sa labas ng simbahan. Tumango lang siya at sa huling pagkakataon ay niyakap muna niya ito bago sila naghiwalay at naunang pumasok ang binata.

“Sa loob nang tatlong segundo ay bubuksan na natin ang pintuan,” sabi pa ng organizer. At nagsimula na rin itong magbilang. “In 3… 2… 1.”

Unti-unting bumukas ang pintuan. Ang kabang nararamdaman niya magmula pa kanina ay mas dumoble o tumriple pa sa mga oras na ’to. Hindi siya makapaniwala, na darating ang araw na maglalakad siya sa red carpet habang hinihintay siya ng lalaking pinakamamahal niya sa altar.

Muling bumalik ang mga alaala, mula sa masasakit  hanggang sa araw na hingin muli ni Roman ang kamay niya para sa kasal na ito.

“T-Thank you, Emilia. I wish you all the best,“ ani Kristina nang magpaalam siyang aalis na. Ngiti at tango lang ang isinagot ni Emilia. Sa huling pagkakataon ay nagyakapan silang dalawa bago ito umalis at lumipad papuntang ibang bansa.

Nang sumapit ang hapong iyon ay tumulong siya sa paghahanda ng kanilang hapunang pamilya. Ngunit natigilan siya nang may mag-door bell sa kanilang gate. Nagpresinta siyang buksan ito. Kaya agad niyang tinungo ang labas ng bahay at pagbuksan ang hindi niya inaasahang bisita.

“Agatep?!” gulat niyang sabi nang makita ang binatang naging kaibigan niya sa Isla, nakasuot ito ng polong puti at itim na slacks. May nakaparada ring mamahaling kotse sa gilid ng kalsada.

“Magandang hapon, ma’am.”

“A-Ano’ng ginagawa mo rito?” agad na tanong ni Emilia sa binata. Hindi siya makapaniwala na nandito ito ngayon.

“Sinusundo po kayo,” sagot niya. Kumunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang mga kilay dahil sa naguguluhan siya.

“Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.”

Napakamot sa likod ng batok nito si Agatep at nahihiyang ngumiti kay Emilia. Nais man niyang sagutin ang tanong niya pero sinabi sa kaniya ng amo na huwag na huwag sasabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nito sinusundo.

“Bawal ko pong sabihin, eh. Ang sabi lang ay sundiin ka.”

Napahawak sa baywang niya si Emilia at mas lalong pinagsalubong ang kaniyang kilay. “Sabihin mo muna kung ano ang ginagawa mo rito sa syudad at bakit ibang-iba ang ayos mo ngayon.”

Walang nagawa si Agatep at sinabi na niya rito kung bakit siya nasa syudad. Kinuha siyang personal driver ni Rowan dahil matumal na raw ang isda sa islang pinagmulan niya. Kaya nagpapasalamat siya na tinanggap siya nito at mabuti na lang dahil minsan na rin siyang naging driver sa isang kompanya noon sa Isla.

“Nasaan sina Anya at nanay Asunta?” tanong pa ni Emilia. Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansion.

“Nasa Isla pa rin sila.” Tumango lang si Emilia. Nagpaalam siya na magpapalit muna ito ng damit dahil iyon ang sinabi ni Agatep na magpalit ng presintableng damit.

––

Alas-sais na nang umalis sila kanina at seven-thirty nang dumating sila sa lugar. Isang kilalang restaurant na may kalayuan din sa kanilang village. Nagtaka si Emilia kung ano ang ginagawa nila rito ngunit hindi na siya nakapagtanong pa nang lumabas si Agatep at pagbuksan siya ng pinto.

“Salamat. Ano palang ginagawa natin dito at sino ang pupuntahan natin?” tanong niya, nakatingin siya sa labas ng restaurant. Nagtataka siya kung bakit parang sila lang ang taong nandito ngayon dahil walang kahit na anong klase ng kotse ang nasa labas.

Ngiti lang ang sagot ni Agatep at nagsimula na silang maglakad papunta sa pintuan ng resto. Nauuna siyang maglakad kaya hindi niya napansin ang pag-alis ni Agatep kung hindi pa siya lumingon sa kaniyang likuran.

“Agatep?” tawag niya ngunit walang sumagot. Lumingon-lingon pa siya paligid ngunit hindi na niya nakita pa ang binata. “Nasaan na iyon?”

“Nandito lang ako tapos iba pa ang hinahanap mo. You want me to fired him?” Mabilis siyang lumingon sa nagsalita at gulat nang makita si Roman na nakatayo at may hawak na bouquet ng mga bulaklak.

Nakangiti ito kaya bumilis ang tibok ng puso ni Emilia. Tila ba bumagal ang oras nang maglakad ito papalapit sa kaniya at mas lalo pang dumoble ang kaba niya nang malapit na ito sa kaniya at amoy na amoy ang pabangong ginamit.

“A-Ano ito?” tanong ni Emilia, gulong-gulo na siya sa mga oras na ito. May kung anong excitement din siyang nararamdaman dahil ito ang kauna-unahang mararanasan niya ito.

“May 17th, the day where I first met you.” Kumunot ang noo ni Emilia dahil hindi na niya iyon maalala sa tagal nang panahon na ang lumipas.

“H-Hindi ko na maala iyon,” sabi niya rito.

Tumabi si Roman sa kaniya at hinawakan siya nito sa baywang. “It’s okay, hon. I still remembered that day where you are the most beautiful person I’ve ever seen. Let’s go?”

Naglakad na silang pareho at narating nila ang mismong loob ng restaurant. May malaking chandelier sa gitna na may palamuting nakasabit. Silver ang kulay nito. Sa interior designs pa lang ng restaurant, malalaman mo nang mamahalin ang mga pagkaing inihanda rito. Mukha itong Italian restaurant na may halong Japanese na mga desenyo.

Naglakad silang dalawa papunta sa gitna kung saan may nakahanda ng pagkain. Sa isipan ni Emilia ay hindi siya nababagay sa mga ganitong klase ng restaurant dahil sa simple ng kaniyang suot na dress ngunit alam niya na naroroon si Roman, na ipapaalala sa kaniyang hindi siya iba.

Nang makaupo silang dalawa ay nagsilabasan ang mga waiters na may dala-dala ang mga pagkain. Sumunod naman ang isang grupo ng mga musicians na may mga instrumentong violin at iba pang melodic ang mga tunog. Nagsimula itong magpatugtog ng isang instrumental na kanta at nakaka-in love ang kantang iyon, bagay na bagay sa atmosphere sa paligid.

Gulat at pagkamangha ang siyang reaksiyon ni Emilia. Hindi siya makapaniwala dahil noon ay pinapangarap lang niya ang bagay na ito ngunit ngayon ay nararanasan na niya.

“You liked it?” tanong ni Roman, nakangiti ito na abot hanggang tainga at kumikislap ang mga matang nakatingin kay Emilia.

“Ito ang kauna-unahang mararanasan ko ito. Sobra pa yata sa gusto ko ang bagay na nangyayari ngayon,” ang masayang sagot niya.

“I prepared this day for us.”

Alam na iyon ni Emilia dahil sa silang dalawa lang ang tao kumakain ngayon dito restaurant.

“Salamat, Roman.” Ngumiti siya, iyong ngiti na hindi na katulad noon na may bahid ng kirot sa likod nito. Ngiting puro kasiyahan ang siyang makikita mo sa kaniyang mga mata.

“You’re always welcome, hon. Let’s eat first,” anito.

Nagsimula na silang kumain habang patuloy lang tumutugtog ang mga musicians. Parehong mabilis ang tibok ng kanilang mga puso at tila ba sa mga oras na ito’y silang dalawa lang ang tao sa mundo.

Nang matapos silang dalawa ay niyaya siya ni Roman na magsayaw. Kaya nakahawak si Emilia sa balikat ni Roman at marahan silang nagsasayaw. Nakatitigan at parehong may saya sa kanilang mga mata. Umaapaw ang kasiyahan na kanilang nadarama.

“I am so happy right now that you’re with me…” panimula ni Roman. Patuloy lang silang nagsasayaw. “I am not a romantic man. Kung hindi pa ako sinabihan ng anak natin ay wala akong maiisip na paraan.”

Nakatingin lang si Emilia sa kaniya. “Nasaan pala si Rowan?”

“He’s with your friend. Baka nasa bahay na sila ngayon.”

Lumipas ang ilang minuto at tumigil silang dalawa. Ngunit hindi pa rin sila naghihiwalay. Humakbang lang si Roman paatras at unti-unting lumuluhod habang kinukuha sa kaniyang bulsa ang isang red velvet na box.

Binuksan ni Roman ang box at ipinakita ang isang gold na singsing na may maliit na diamond sa gitna. Alam ni Emilia na mamahalin ang singsing na iyon.

“I know it’s not too late to do this thing. Emilia Palmiero, can I take your hand to wear this ring of promise that I will never ever hurt you again. Can I prove myself to you and to our son that I will be the man of your dream. Can I put my last name on your name and live with me for the rest of our lives…”

Alam ni Emilia ang nangyayari sa mga oras na ito. Kaya ang mga luha niya ay nagsimulang bumuhos. Naghahalo-halo na ang nararamdaman niya at hindi na niya alam ang gagawin.

“Hon, will you marry for the second time around? But this time, I’ll give you the wedding that every girls dreamt.”

Mabilis na lumapit si Emilia at niyakap ang lalaki. “Y-Yes! P-Pakakasalan kita nang kahit ilang beses mo gusto.”

––

“Ma’am, please stand by as you will be the next to walk on the red carpet.”

Napabalik si Emilia sa reyalidad nang tinawag siya ng organizer. Agad naman siyang pumuwesto sa harapan ng pintuan dahil muli nila itong sinarado. Hawak ang puting mga rosas, suot ang pinangarap niyang wedding gown, at ang simbahan na paulit-ulit niyang pinupuntahan noon dahil gusto niya na rito siya ikasal balang araw.

At nang oras na nag pagbubukas ng pintuan ay inihanda ni Emilia ang sarili.

“Kaya mo iyan, Emilia!”

Unti-unting bumukas ang pinto kaya unti-unti rin niyang nasisilayan ang kabuuan ng simbahan. May red carpet, puno ng bulaklak sa paligid, at ang naroroon sa altar ang lalaking nais niyang makasama habang buhay.

Nang ihakbang niya ang paa ay iyon din ang pagsisimula ng isang kanta.

I found a love for me.

Oh darling, just dive right in and follow my lead.

Well, I found a girl, beautiful and sweet.

Oh, I never knew you were the someone waiting for me.

Naglakad siya nang dahan-dahan. Na tila ba sa kaniya ang mundo ngayon. Ang mga mata’y nakatutok lang sa dulo kung saan naroroon si Roman na naghihintay sa kaniya. Nagpupunas ng mga luha dahil hindi nito napigilan ang mapaiyak habang nakatingin kay Emilia. Para sa kaniya, siya ang pinakamagandang babaeng nakilala niya.

Maging ang mga bisita ay mangha ring nakatingin sa Bride. Naroroon si Rowan na siyang ring bearer, si Kristina na siyang bride’s maid, at si Andoy na siyang make up artist ni Emilia.

Lahat ng naging parte ng buhay niya ay naroroon. At kung may hihilingin siya, sana ay buhay pa ang kaniyang mga magulang at kasa-kasama niya sana ang mga ito habang naglalakad.

Lumapit naman sa kaniya ang ama ni Roman. Dahil siya ang maghahatid sa kaniya kay Roman.

“Salamat po, tito.”

“It’s my pleasure to be give your hand on my son.”

Naglakad na silang muli at ilang sandali lang ay nasa harapan na sila ng altar kung saan naroroon si Roman, gwapong-guwapo sa suot niyang puting tuxedo.

“Take care of her, son or you’ll never find a woman like your wife.”

“You don’t have to remind me that, ’Pa. No matter what happened, I’ll be with her and our son forever.” Tuluyan nang ibinigay ni Felipe ang kamay ni Emilia kay Roman.

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath.

But you heard it, darling, you look perfect tonight.

“You’re perfect,” bulong ni Roman bago sila naglakad papalapit sa Pari na magkakasal sa kanila.

Marami ang nagbago sa nagdaang sampong taon. Hindi man maganda ang simula nilang dalawa ngunit sa mga oras na ito’y pareho silang nangangako na aalagaan nila ang bawat isa sa abot ng kanilang makakaya.

Nasaktan silang dalawa dahil sa mga maling pagkakamali. Ngunit hindi niyon nabawasan kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Kung gaano nila kagustong makasama ang bawat isa sa pang habang buhay at bumuo ng isang masayang pamilya.

Alam ni Emilia na kahit ilang beses mang magkamali si Roman, tatanggapin pa rin niya ito. At kahit ilang beses man niyang subukang makipaghiwalay ay ganoon din karami siya nitong pakakasalan ulit.

Hindi ang Annulment papers ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa. Alam nila iyon.

“I can’t believe that you’re still with me. Sa dinami-rami nang mga kasalanan ko sa ’yo. Sa mga pananakit ko sa damdamin mo. Nandito ka’t hawak ang mga kamay ko. I was so coward not to fight our love in the first place but I’m happy. Masaya ako dahil hindi mo ako sinukuan. Kahit naman na sumuko ka at makipaghiwalay sa akin. I’ll marry you again and again. I’ll promise you that, hon.” Tumawa si Roman bago nagpatuloy.

“Palagi mong tatandaan, if the worlds against us, I will never listen to them again. Dahil sa ’yo lang ako makikinig, sa ’yo lang ako maniniwala at sa ’yo ko lang sasabihin na mahal na mahal kita, Emilia.”

Hindi na rin napigilan ni Emilia ang mapaiyak nang magsimulang bumuhos ang mga luha ng kaniyang asawa. Kinuha nito ang mikropono at siya naman ang nagsalita.

“P-Pinangarap ko lang ito noon pero ngayon na nangyayari na, hindi ako makapaniwala. Akala ko, wala nang magkakagusto sa akin dahil sa mahirap ako’t wala ng ni isang pamilya. Ngunit dumating ka, nakita at nakilala kita. Nagsisi man ako noong una ngunit nabago iyon nang araw-araw na kitang minahal at araw-araw na akong umaasa na sana balang araw ay mahalin mo rin ako pagbalik.” Nanginginig ang mga kamay ni Emilia habang hawak ang mikropono at nakatingin nang deretso sa mga mata ni Roman.

“Maraming beses konng subukang sumuko at mas maraming beses akong lumuha nang dahil sa ’yo. Masakit ngunit nakaya ako. Nandito pa rin ako sa harapan mo’t hawak ang kamay mo. Na ipapangakong mamahalin kita kahit na maputi na ang buhok nating dalawa. Roman, walang perpekto sa mundong ito ngunit nang makilala kita’y ikaw na ang pinakaperektong tao na mahal ko at mamahalin ko hanggang dulo.”

Umaapaw ang kasiyahan kanilang nadarama. Kahit na gaano pa kasakit ang pinagdaanan nila, matatag silang pareho hanggang sa marating nila ang puntong ito.

“And as the power that vested in me. I pronounced you Mr. And Mrs. Garces. You may now kissed the Bride.”

Hindi na nag-aksaya ng oras si Roman at agad nang hinalikan si Emilia. Halik na paulit-ulit niyang gagawin at ipaparamdam kung gaano niya ito kamahal.

Nagpalakpakan ang mga bisitang naroroon. Masaya dahil sa nasaksihan ang pag-iisang dibdib muli ng dalawa.

Nagulat si Emilia nang buhatin siya ni Roman. At mabilis na tumakbo papalabas.

“WHOOOO! CONGRATS! HONEYMOON NAA!”

Nang makalabas silang dalawa. Iyon ang hudyat nang pagsasara ng pinto ngunit hindi iyon ang pagtatapos ng kanilang kwento, dahil ang iyon ang pagsisimula ng bagong yugto ng kanilang buhay. Bagong yugto na hindi puro pasakit kundi puro kasiyahan na lang.

The end

.

A THANK YOU AND ANNOUNCEMENT

First thing I wanted to say po ay “first” kasi iyon ang first word.

Char!

A BIG THANK YOU! sa lahat ng mga sumuporta sa THE ANNULMENT at Iba pang entry ng WIFE SERIES. We’re so grateful that you guys are always there for us. Hindi namin matatapos ang mga libro kung hindi dahil sa suporta niyo.

Another things is, nagpapasalamat ako na palagi niyong hinihintay ang updates ko. Binabasa ko po lahat ng comments ninyo, na-appreciate ko po lahat ng mga votes ninyo pati na rin ang pag-follow ninyo sa akin. Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Huwag po kayong mag-aalala. I know that this story isn’t that perfect dahil ang dami pang kulang, there’s so much need to improve. Pero hindi po ako titigil sa pagsusulat.

And lastly, gusto ko lang sana ipaalam sa inyo na this story will be PUBLISHED! YES PO! WILL BE PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE. Details will be posted soon on their Facebook page.

Ano’ng mayroon sa libro? A special chapters. Their honeymoon and a secrets! Char.

Excited lang akong sabihin ito sa inyo. Hihi!

KAYA SALAMAT PO SA LAHAT-LAHAT!

SUPPORT NIYO RIN PO PALA IYONG UPCOMING SERIES NAMIN NA

HOT MEN SOCIETY

SERIES.

AVAILABLE NA PO ANG IBA!

Follow me on

Instagram: IthinkJaimenlove Facebook page: IthinkJaimenlove Facebook account: Jaime Kawit

TDP PUBLISHING HOUSE

Facebook: TDP Publishing House Email for self-publish and traditional: Tdppublishinghouse@gmail.com

BOOK COVER REVEAL

WIFE SERIES: The Annulment

W

ritten and Owned by

IthinkJaimenlove

To be published under

TDP

Publishing House!

Right now, I’m so grateful that finally… The long wait is over! Masasabi ko nang isa akong tunay na manunulat.

This is a dream come true. I can’t wait to hold this book in physical form. Sana ay suportahan ninyo ako kapag ka sinimulan nang i-pre-order ito.

This is my first published book and I hope that there will be more to come! Maraming-maraming salamat sa suporta ninyo, sa WIFE SERIES avid readers! Salamat po sa inyo!

Follow teamdolyarpayaman on their Facebook page for updates. Next year po ilalabas ang libro! Next year.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.