Wild Addiction Series 1: Diego Sanderson (SPG)
xxriegozzxx · 8 chapters · 11,211 words
Disclaimer
❗
EXCLUSIVE ONLY
ON DREAME❗
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used
in fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.
This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I’m
not professional
writer so please bear with me.
Thank you!
Dreame
Acc: XXRIEGOZZXX
Facebook: Cruz Wp
Copyright ©️ 2024 by XXRIEGOZZXX
All rights reserved.
Prologue
NAHIHILO NA ako dahil sa alak na iniinom namin ng mga ka trabaho ko ngunit wala parin akong plano umuwi. Celebration namin ngayon dahil malaki ang kita ng bar kung saan ako nag tra-trabaho. Kahit parang nasusuka na ako sa iniinom ko at ayaw na ng tiyan ko ay tuloy parin ako sa pag inom ng alak. Ayaw ko naman kasing maging kj sa mga kasamahan ko sa trabaho.
Marunong naman ako makisama at mabait naman akong babae. Kaya nga din ako nagtagal sa trabaho ko bilang waitress dahil na din sa ugali ko. Lahat ng mga kasama ko sa bar ay kasundo ko lahat. Kahit pa nga minsan ay napagkakamalan akong bayarang babae sa trabaho ko.
Sa trabaho namin ay hindi ipinagbabawal ni boss ang ganoong kalakaran. Kung gustong kumita samin ng ibang pera ay pwede naming gawin yun. Yung iba kong kasama na mga waitress ay ginagawa nila yun pwera nalang sa ’kin. Ayaw ko talaga, sapat naman ang sinasahod ko bilang waitress. Sarili ko lang naman din ang binubuhay ko dahil inabanduna ako ng mga nanay ko simula pa lang ng nine years old pa lang ako. Naging palaboy ako sa kalsada hanggang sa napunta sa bahay ampunan.
’‘Uy, Violet! May sasabihin pala ako sa’yo.’’ Sabi ng ka trabaho ko na si Luke.
’’Ano yun? Wag mong sabihin may gusto ka sa ’kin? Kita mo ’tong bote na ’to?“ Tanong ko habang pinapakita ang bote na hawak ko. ’’Ipapalo ko ’to sa ulo mo. Kaya umayos ka!“ Banta ko sakanya kaya natawa siya ng malakas.
“Gaga! Hindi tayo talo. Alam mo naman.. Kalahi ako ni Eva.” Maarte niyang sabi habang maarteng hinawi ang invisible niyang buhok.
“Eh ano ba sasabihin mo?” Tanong ko sabay kuha ng baso na may lamang alak.
“Naalala mo yung gwapong yummy na ubod ng gwapo na pumupunta palagi dito sa bar?” Tanong sa ’kin ni accla.
“Hindi. May gwapo ba na pumupunta dito sa bar?” Tanong ko habang nag iisip kung meron ba talaga. “Parang wala naman.” Dagdag ko pang sabi.
“Gaga ka talaga! Yung gwapo na matipuno ang katawan. Moreno ang kulay ng balat at may piercing sa ilong. Yung kapag ngumiti ay diretso tuwad ang mangyayari.” Sabi niya na dine-describe ang itsura ng lalaki. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
“Hinay-hinay naman eh no! Alam mong virgin ako eh. Tapos tuwad-tuwad ang sinasabi mo diyan! Gusto mo itumba kita?!” Pabiro kong banta sakanya. Sanay naman na sa ’kin si Luke at masaya ako dahil isa siya sa napili ni boss na kasama kong inilipat sa Bicol.
“Ayy oo nga pala. Virgin ka nga pala sa grupo,” sabi niya at binuntutan pa talaga ng tawa.
“Eh yun na nga.. Yung lalaking sinasabi ko sa’yo na lalaki na laging ikaw ang gustong mag serve sakanya ng alak.” Sabi niya kaya agad akong napangiwi ng pumasok sa isipan ko ang hambog na lalaking yun na walang ginawa kundi buhatin ang sarili niyang bangko. Paanong hindi ako maiirita eh napaka babaero dahil pa iba-iba ang kasamang babae. Akala talaga niya kina gwapo niya ang ginagawa niya sa mga babae.
“Pwede bang change topic? Nakakasira ng gabi ang sinasabi mo eh,” saad ko sa aking kaibigan.
“Bakit ba ang init ng ulo mo sa gwapong lalaking yun? Nong isang gabi din nakita ko na inaway mo siya. Ano ba talaga meron sa inyong dalawa?‘’ Kunot noo na tanong ni Luke.
“Wala. At wala akong pakialam sa lalaking yun. Bad vibes yun kaya wag mo ng subukan pag usapan.” Irap kong sabi. Nilagyan naman ni Luke ng alak ang baso na para sa ’kin at mabilis ko naman ininom yun.
“Yung gwapo kasing lalaki na yun ay panay ang tanong sa pangalan mo. Hindi lang siya sa ’kin nag tanong kundi sa iba pa nating ka trabaho. Kahit itanong mo pa sakanila at magsasabi sila ng totoo.” Pag kwe-kwento ng kaibigan ko.
Napa ayos naman ako ng upo sa sinabi ng kaibigan ko. ’’Bakit daw? Bakit niya tinatanong ang pangalan ko“ Tanong ko kahit alam ko naman na wala ding masasagot ang kaibigan ko.
“Ewan ko din. Baka may gusto sa’yo at gusto kang bakuran. Kaloka, talaga. Ang swerte mo kung ganun ha!‘’ Pang aasar ng kaibigan ko na sinundot pa talaga ang tagiliran ko.
Hindi nalang ako sumagot at pinagpatuloy nalang ang pag inom ng alak. Baka ma bwisit lang ako kapag inisip ko pa ang babaerong yun.
Ilang sandali lang ay tuluyan akong nalasing. Ang kanina na nahihilo ay mas dumoble pa. Umiikot na talaga ang paningin ko kaya napagpasyahan ko na umuwi na. Iniwan ko ang mga kasamahan ko na nag kakasiyahan pa. Medyo malayo na kasi ako nakatira at hindi na kami magkakasama pa sa iisang apartment. Kaya ayos lang kung mamaya pa sila umuwi.
Hindi kasi kami nag bukas ng bar ngayon ayon na din sa utos ng boss namin. Pinag pahinga kami pero inuman muna bago pahinga. Ayos din ‘tong boss namin eh, lakas mantrip. Lasing na tuloy ako. Problema ko ngayon kung kaya ko bang umuwi mag-isa.
Pasuray-suray akong naglalakad palabas ng bar habang pilit na dinidilat ang mga mata ko. Muntik pa akong matisod dahil sa kalasingan ko. Tuluyan akong nakalabas ng bar at nakahinga ng maluwag ng makalanghap ako ng sariwang hangin. Sa loob kasi ay puro sigarilyo ang nasisinghot ko.
Maglalakad na sana ako ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa harapan ko. Kinusot ko pa ang dalawa kong mata at baka namamalikmata lang pala ako.
“Hey!” Bati niya sa ’kin kaya agad nalukot ang mukha ko.
“Ikaw na n-naman.. mukha mo na naman makikita ko kahit pauwi na akoh..” saad ko na hindi ko na maayos mabigkas dahil sa kalasingan ko.
“Akala ko open ang bar niyo. Ang malas ko, close pala.” Sabi niya na hindi pinansin ang sinabi ko.
Itinaas ko ang kamay ko at para bang pusa na pinapaalis siya. “Alis.. kita mong c-closehh ehh..” saad ko pa sabay hakbang para maghanap ng tricycle. Gusto ko na talagang umuwi at mahiga sa kama.
Ngunit sa kamalas-malasan ay wala akong mahanap na tricycle. Mga lasing din yata at wala sila ngayon. Paano kaya ako uuwi nito kung wala akong masakyan. Kainis na buhay talaga.
“Uuwi ka na ba?” Tanong sa ’kin ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Wala din naman akong balak alamin ang pangalan niya. Ayos na siguro siyang tawaging feeling pogi.
“Oo. bakit? May problema ka ba do’n?” Tanong ko habang nagtatapang-tapangan at pilit na minumulat ang mga mata.
Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya inirapan ko siya at tinalikuran ang binata. Tingin ako ng tingin sa kalsada ngunit wala talagang masasakyan.
“Pauwi din ako, baka gusto mong sumakay.” Sabi niya kaya napalingon ako sakanya.
Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Saan?” Tanong ko.
“Sa kotse ko. Pero pwede din sa ibang bagay ka sumakay sa ’kin.” Sabi niya habang nakangiti. Ayan na naman ang ngiti niya na feeling lahat ng babae ay nagkakagusto sakanya.
“Anong iba?” Tanong ko ulit.
“Sa alaga ko. Wanna ride?” Tanong niya sa pilyong boses.
“Neknek mo! Baka maliit yan. Nakakahiya naman kung maliit yan tapos napaka babaero mo.” Natatawa kong sabi.
“Hindi ’to maliit, malaki ’to. Baka magulat ka kapag nakita mo.” Seryoso niyang sabi.
“Lumayo ka nga sa ‘kin. Bastos mo!’’ Inis kong sabi sabay talikod ulit sakanya.
“Halika na kasi.. Sumabay ka na sa ’kin. Hindi naman ako masamang tao eh,” sabi niya sabay lapit sa ’kin.
Nairita naman ako dahil sobrang lapit talaga niya sa ’kin. ’’Lumayo ka nga! Wag kang masyadong lumapit sa ’kin. Sasabay ako sa’yo pero magbibigay ako ng pamasahe. Ayaw ko magka utang na loob sa’yo no! At wag kang magkakamali na may gawin sa ‘kin kundi puputulin ko kamay mo.’’ Banta ko sakanya kaya itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko sa ’kin.
Inalalayan niya ako papunta sa kotse niya na nakaparada pa talaga sa harap ng bar namin. Isusumbong ko talaga siya sa mga bouncer namin para masakal siya. Malamang mauubusan siya ng hininga do’n dahil malalaki katawan ng mga bouncer namin.
Sumakay ako sa kotse niya kahit pa nga wala akong tiwala sa gago. Pero uwing-uwi na talaga ako. Gusto ko ng humiga sa kama dahil nahihilo na talaga ako. Kung hindi lang sana ako uminom nuncang sasakay ako sa kotse ng kinaiinisan kong lalaki. Panay pa naman ang kindat niya sa ‘kin kapag nasa bar siya at umiinom kasama ang mga babae na halatang malandi din katulad niya. Kadiri talaga ang lalaking ’to eh.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. Nakapikit lang ang mga mata ko habang nakasandal ang likod ko sa upuan. Ayaw ko ng idilat pa dahil feeling ko ay masusuka ako. Ayaw ko din gumalaw sa kianuupuan ko.
“Bakit ka nag lasing? Brokenhearted ka ba?” Tanong pa niya sa ’kin.
“Nag inom lang, broken na agad?” Tanong ko din naman sakanya.
“Malay ko. Baka lang naman kasi,” sagot niya habang nakatuon ang mga mata niya sa daan.
Sasagot na sana ako ng bumaba ang tingin ko sa gitna ng pantalon niya. Ang laki kasi ng bukol no’n at hindi ko sure kung ano yun. Napaka imposible naman kasi kung ari niya yun dahil malaki ang bukol. Nakita ko naman ang mga kasamahan kong lalaki kapag nakaupo pero hindi naman ganyan. Siguro may dala siya at dyan lang niya inilagay sa loob ng brief niya.
“Anong laman ng brief mo? Bakit ang laki ng bukol?” Tanong ko pa sakanya.
“Bukol? Anong ibig mong sabihin?” Tanong naman niya.
“Yung nasa gitna mo.. bakit ganyan? Masyadong malaki ang bukol? May nilagay ka ba diyan?” Tanong ko sa nagtatakang boses.
Tumawa siya ng malakas kaya napanguso ako. Nagtatanong lang naman ako pero tinawanan ako.
“Alaga ko yan. Gusto mo bang himasin?” Tanong niya sa ’kin.
“Himasin? Alaga mo? Wee.. hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Masyadong maliit yan kaya wag ka ng mangarap.” Sabi ko na parang sure na sure na maliit ang alaga niya.
Nagulat nalang ako ng igilid niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at inihinto. Naguguluhan naman akong tumingin sakanya at halos nanlaki ang mga mata ko ng ilabas niya ang namumukol sa pantalon niya.
Agad akong napatakip sa mata ko dahil kitang-kita ko ang ulo ng alaga niya. Shit! First time kong makakita ng alaga ng lalaki. At hindi ko inaasahan na sa lalaking kinaiinisan ko pa talaga.
“Oh bakit ka nagtatakip ng mga mata mo? Akala ko ba maliit lang ang alaga ko?” Tanong niya na halatang inaasar ako.
“Walangya ka! Ibalik mo yan sa loob ng pantalon mo! Puputulin ko talaga yan!” Galit kong sigaw sakanya.
“Hindi mo nga matignan, putulan pa kaya..” saad niya kaya masama ko siyang tinignan. “Takot ka pala eh,” dagdag pa niyang sabi kaya inalis ko ang kamay na nakatakip sa mga mata ko.
“Hindi ako takot!” Sigaw ko sa inis na boses.
“Sige nga.. kung hindi ka takot, hawakan mo nga.” Panghahamon niya sa ’kin. Napalunok ako ng ilang beses at tumingin sa tarugo niya na tayong-tayo. Hihimatayin yata ako dahil sa maugat niyang pagkalalaki.
Yung kamay ko ay kusang gumalaw na hindi ko mapigilan. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ko ang katawan ng alaga niya.
Narinig ko pa ang mura ng lalaki dahil sa ginawa ko. Akala ko ay mahigpit kong nahawakan ang pagkalalaki niya kaya niluwagan ko ng kunti. Hindi ko alam ang gagawin ngunit naalala ko ang sinabi ni Luke kapag may kalandian siyang lalaki at kung anong ginagawa niya.
Sinunod ko yun at itinaas baba ko ang nanginginig kong palad. Tumingin ako sa lalaki at matapang siyang tinignan. “Hindi ako takot, feeling gwapo.” Saad ko habang itinataas baba parin ang palad.
“What did you say?” Tanong niya.
“Feeling gwapo. Feeling gwapo ka naman talaga. Pero hindi ko inaasahan na malaki pala ang alaga mo.” Saad ko saka tumingin sa hawak ko. “Ano kaya lasa nito?” Tanong ko pa dahil naalala ko ang sinabi ni Luke.
“Tikman mo para malaman mo ang lasa.” Saad niya sabay hawak sa buhok ko at hinaplos yun.
Dala na siguro ng kalasingan ay inilapit ko ang mukha ko sa ulo ng alaga niya at inamoy yun. Nagdadalawang isip man pero inilabas ko ang aking dila at dinilaan ang maliit na butas sa ulo ng alaga niya.
Narinig ko ang ungol ng binata kaya lihim akong napangiti habang pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ginawa kong lollipop ang ulo ng alaga niya at pinapaikot ko ang dulo ng dila ko sa ulo ng alaga niya.
Halatang sarap na sarap ang binata dahil naririnig ko siyang umuungol. Hindi ko na kayang pigilan pa at ipinasok ko sa loob ng bibig ko ang mahaba at mataba niyang alaga at wala ng pakialam sa paligid.
Sana lang ay hindi ko pagsisihan ang ginagawa ko ngayon lalo na’t tuwang-tuwa ako dahil may lalaking umuungol sa ginagawa ko.
Chapter 1
Violet’s Pov
NAGISING ako ng 6PM para pumasok ng trabaho. Kung sa iba ay sa umaga sila pumapasok ng trabaho, ako naman ay sa gabi pumapasok. Hindi call center pero isang waitress sa isang bar dito sa probinsya kung saan ako naninirahan mag isa.
Ang totoo niyang ay taga Manila talaga ako ngunit nag bukas ng bar ang boss ko sa probinsya ng Bicol at isa ako sa napili niya na ilipat dito. Wala naman akong magawa dahil gusto ko ang trabaho ko na waitress. Dito kasi talaga ako nag tagal kahit pa nga lagi akong puyat nong una. Pero nasanay naman na ako at masaya ako habang nag tra-trabaho.
Saktuhan lang naman ang sahod ko pero sa tip ako bumabawi. Sa bar na pinapasukan ko ay uso ang magpa renta ng katawan. Yung iba kong mga kasama na waitress ay yun ang ginagawa pero depende parin naman samin kung gusto namin gawin ang bagay na yun.
Ang iba ay nagbebenta ng katawan habang ako naman ay hindi. Ayaw ko talaga sa mga bagay na ganun kahit nga minsan ay napagkakamalan ako na bayaran na babae. Kahit nga hawakan ako ay nandidiri na ako paano pa kaya kung halikan at pumatong sa ibabaw ko. Baka tadyakan ko pa mukha ng lalaking mag tatangka sa ’kin.
Wala naman akong paki sa mga iniisip ng ibang tao. Pagod akong e-explain ang buhay ko kaya kung anong alam nila tungkol sa ‘kin o iniisip nila sa ‘kin ay yun na yun. Kahit masama yun ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay kumikita ako ng pera at may ipon ako. Wala akong paki sa ibang tao na puro satsat lang naman pero wala namang makain.
Isang taon na din ako dito sa Bicol at nasanay na din ako na dito ako nakatira. Wala naman akong pamilya dahil lumaki ako sa bahay ampunan. Iniwan lang kasi ako ng nanay ko sa lansangan kaya naging palaboy ako bago ako napunta sa bahay ampunan. Matagal din ako naging palaboy sa kalsada at nakaka survive lang ako sa napupulot kong pagkain sa basurahan.
May nakakita lang sa ’kin na taga bahay ampunan kaya dinala ako na agad ko naman ikinapayag dahil pagod na pagod na din ako maging palaboy. Wala din kasi akong matulugan at pinapapaalis ng mga batang matatapang sa kalsada kapag humiga ako ay sasabihin nila na territoryo daw nila.
Hindi naman ako makapalag lalo na’t bata pa lang ako at bagong salta lang ako sa kalsada. Naiinis ako sa nanay ko dahil sa ginawa niya. Ginawa lang niya akong pusa na iniligaw nalang sa ibang lugar para hindi makauwi sa bahay.
Nag tagal ako sa bahay ampunan ng tatlong buwan hanggang sa may umampon sa ‘kin na mag-asawa na walang anak kaya ako nakalabas sa ampunan. Ngunit hindi pa lang ako nagtatagal sa bahay na yun ay lagi kong naririnig na nag aaway ang mag asawa. Minsan naman ay nasasaktan ako ng lalaki kapag nalasing siya kaya napag pasyahan ko na tumakas sakanila. Mas gusto ko pa kasing mamuhay mag isa sa lansangan kaysa naman ampunin ako pero lagi naman nag aaway at nagmumurahan. Ayaw ko kasi ng ganun, ayaw ko ng maingay at lalong lalo na ang sinasaktan ako.
Kaya balik palaboy ako sa kalsada hanggang sa nag nine years old ako. Sinubukan kong pumasok sa mga maliliit na tindahan para maglinis. Kahit 10 pesos lang ang suhol sa ‘kin ay ayos lang basta may pangbili ako ng tinapay. Hanggang nga sa lumaki ako ay natuto akong mag banat ng buto para sa sarili ko. Wala naman kasi akong aasahan kundi ang sarili ko.
Hanggang sa may nakilala ako na mag asawa sa simbahan. Wala din silang anak kaya inalok nila ako mag aral dahil naawa sila sa ’kin. Laking tuwa ko no’n dahil makakapag aral na ako. Ngunit hanggang high school lang ang tinapos ko dahil sa biglaang pagkamatay ng mag asawa. Na aksidente kasi ang mga ito sa kotse kaya talagang umiyak ako dahil silang dalawa lang ang itinuring akong pamilya tapos nawala pa.
Nakapagtapos ako ng high school at hindi ko na sinubukan pa mag aral ng college dahil alam kong wala akong perang pang suporta sa sarili ko. Kung ano-ano ang pinasukan kung trabaho para lang magkaroon ako ng pera. Hanggang sa nag apply ako bilang waitress sa boss ko. Dalawang taon din ako do’n sa bar niya sa Manila bago niya ako inilipat sa Bicol.
Wala din akong boyfriend since birth. Masakit lang sa ulo ang mga lalaki at takot din ako na baka pag nag asawa ako ay ang mapangasawa ko ay nanakit kaya mabuti ng wag nalang. Plano ko sa buhay ay maging single hanggang sa mamatay, hindi lang single kundi maraming pera.
Hindi naman sa galit ako sa mga lalaki dahil may mga kasama naman ako sa trabaho na mga lalaki din. Mga close ko pa nga sila at lahat sila ay dumaan sa panliligaw sa ’kin at lahat ng yun ay hindi ko sinagot. Swerte naman nila kung may sagutin ako kahit isa sakanila.
Pero may kinaiinisan talaga ako na lalaki. Hindi ko nga alam kung bakit ako galit na galit sa lalaking yun. Makita ko palang ang mukha niya ay kumukulo na ang dugo ko.
Naging customer kasi siya sa bar na pinag tra-trabahuan ko. Ako ang unang nag serve sa kanya ng inorder niya at nainis ako sa pagkamahangin ng gago. Feeling gwapo kasi ang potek. Oo, alam kung gwapo nga siya. Pero hindi naman niya kailangan ipagmayabang yun na parang tanga. Inis na inis pa ako dahil kapag nagtatagpo ang tingin namin dalawa ay kinikindatan niya ako. Sa inis ko ay iniirapan ko talaga siya at hindi pinapansin.
Pakiramdam ko ay talagang sinasadya niya akong asarin dahil panay ang punta ng lalaki sa bar. Napaka babaero pa dahil iba-iba ang kasamang babae na kasama niya. Naglalandian pa talaga kaya mas lalo lang kumukulo ang dugo ko sa lalaki. Iniisip ko nga na baka maliit naman ang putotoy niya pero ang lakas ng loob niya mag iba-iba ng babae. Mga lalaki talaga ay hindi talaga nakokontento sa isang babae. Dapat talaga nilalagyan ng sili ang putotoy nila para magtanda.
Akala ko nga ay sa bar ko lang makikita ang lalaki pero kahit pala sa pagpunta ko sa grocery ay makikita ko siya. Ganun parin, may kasama parin siyang babae na halos makita na ang dibdib dahil sa suot nito. Papalit palit talaga ng babae ang lalaki na para bang nagpapalit lang ng damit.
Kaya nasabi ko nalang talaga sa sarili ko ay tanga lang ang papatol sa lalaking pogi slash babaero. Gusto lang nila matikman ang lalaki kaya siguro pumapayag sila kahit pa nga alam nila na babaero ang lalaki. Pero kung ako yun baka sinipa ko na ang mukha niya ng magtanda siya.
Akala naman niya lahat ng babae ay magkakagusto sakanya. Hindi porke’t meron siyang angkin na kagwapuhan at matipunong katawan ay magkakagusto na ako sakanya. Malaking ekis siya sa ’kin lalo na’t napaka babaero niya. Sana nga ay hindi na siya pumunta ng bar para hindi na masira ang gabi ko. Mukha pa lang niya kasi ay nakakasira na ng gabi.
Inunahan ko na ang mga kasamahan ko sa apartment maligo dahil ang babagal nilang kumilos. Sa iisang apartment kasi ay magkakasama ang mga babae, sa ibang room naman ay ang mga lalaki. Boss namin ang nagbabayad ng upa para samin.
Ngunit ang iingay talaga ng mga kasama kong babae kaya naiinis ako. Bago pa yan sila matulog ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan pa yan sila.
Pumasok ako ng banyo at agad na nagtanggal ng saplot sa katawan. Itinabi ko lang din ang susuotin kong itim na skirt at red polo blouse. Ito kasi ang uniform namin, maikli kaya lagi akong nag c-cycling. Mahirap na baka masilipan pa ako ng mga manyak sa bar.
Mabilisan ang ligo ko lalo na’t alam ko na may susunod pa sa ’kin. Kanya- kanya kami ng gamit ng sabon, yung iba kasi nag iisahan eh hindi naman sila magkakamag anak. Napaka eww kaya yun lalo na’t kung sino- sino pa naman ang gumagamit sakanila.
Hindi ko naman sila masisisi at hinahayaan sila sa gusto nila. Wala namang problema yun sa ’kin pero gamitan ng sabon iba ng usapan yun. Lahat naman kasi kami kailangan ng pera parang ako din. Gustong gusto ko kasing lumipat ng titirahan. Yung boss ko kasi ay talagang dito na talaga ko inassign sa Bicol kaya gusto ko ng bumili ng bahay kahit maliit lang.
Wala naman din kasi akong pamilya na babalikan sa Manila. Hindi katulad sa mga kasamahan ko na may mga pamilya na kailangan balikan, parang si Luke nando’n ang mga magulang niya kaya gusto niya magbakasyon do’n kahit papano. Lahat naman ng mga kasama ko ay may mga pamilya sa Manila, yung iba nga may mga asawa eh pero nagpapatira pa din sa ibang lalaki dahil kapalit no’n ay pera.
Kaya nasa kanila talaga yun kung gusto nilang ibenta ang katawan nila. Basta wag lang sila saktan ng mga customer nila at talagang tutulong si boss namin.
Natapos akong maligo kaya kinuha ko ang t’walya at pinunasan ang katawan ko. Pati ang mahaba kong buhok ay pinunasan ko para mawala kunti ang basa.
Nang matapos yun ay agad akong nag bihis. Sa banyo na ako nagbihis para naman hindi ako haharang-harang do’n sa labas.
Natapos akong magbihis kaya pinaikot- ikot ko ang t’walya sa buhok ko. Lumabas ako ng banyo at nakita ang isa kong kasama na nakahanda na din ang t’walya at halatang hinihintay akong lumabas.
Tinungo ko ang kama namin saka ko umupo. Kinuha ko din ang make up kit ko para ayusan ang mukha ko. Blush on at lipstick lang ang ginagawa ko sa mukha ko at baka tigyawatin ako pag maraming make up akong ilagay sa mukha. Light lang talaga ang ginagawa ko, minsan nga ay lipstick lang ang ginagawa ko.
Inaayusan ko lang ang sarili ko at tinanggal ang t’walya na nasa buhok ko para suklayin at patuyuin dahil itatatali ko ang buhok ko sa bun. Mahaba kasi ang buhok ko at ayaw ko ng sagabal sa mukha ko kapag may trabaho ako.
Yung mga kasamahan ko ay busy na kung sino ang susunod na maliligo. Lima kasi kami sa apartment. Yung ibang mga kasama namin ay taga Bicol naman kaya may mga bahay sila na inuuwian. Kami lang na galing sa Manila ang nasa apartment. Sa boys naman na room at apat sila kaya tuwang- tuwa si Luke dahil all boys daw kasama niya. Ang lantod talaga ng baklitang yun. Si Luke lang talaga ang close ko, friend ko naman silang lahat pero mas close ako kay baks.
Alam nga niya talambuhay ko eh, at naawa siya sa ’kin dahil sa ginawa ng nanay kong magaling. Ngayon nga na malaki na ako ay naisip ko na mabuti na lang din na iniwan niya ako sa kalsada. Dahil sa ginawa niya kasi ay mas naging matatag ako sa buhay kahit mag isa ako. Wala na akong balak hanapin pa siya, para saan pa, eh iniwan na nga niya ako sa kalsada kaya ibig sabihin lang no’n ay ayaw niya sa ’kin.
Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa mga taong hindi ako gusto. Mamuhay nalang ako ng mag- isa total naman kaya ko naman buhayin ang sarili ko.
Alam ko naman na utang na loob ko din sa nanay ko na pinanganak niya ako sa mundo pero sana nga hindi na niya ako pinanganak kung hindi naman pala niya ako kayang buhayin. Ganun lang naman yun eh, matapos bumukaka at umungol sa sarap ay itatapon na kapag may nabuo. Mga siraulo din sila eh, papasok sa ganong bagay pero hindi naman pala mapangatawanan ang pagiging magulang.
Natapos na ako mag ayos kaya hinihintay ko nalang ang mga kasama ko na matapos para sabay- sabay na kami pumunta sa bar. Malapit lang naman mula dito sa tinutuluyan naming apartment. Kaya kayang-kaya lakarin.
Natapos na din sa wakas ang mga kasamahan ko kaya lumabas na kami ng apartment. Yung isang kasama ko na ang nag lock ng pinto. Yung mga kasamahan ko naman na lalaki ay nauna na pala samin pumunta ng bar kaya kami nalang mga babae ang pupunta.
Dapat kasi talaga maaga sila kaysa samin para sila ang mga open ng bar. Sila ang mag ayos ng mga table.
Lumabas kami ng apartment at agad na naglakad patungo sa bar na pinapasukan namin. Nasa unahan ako naglalakad ng tahimik habang ang mga kasamahan ko ay nasa likuran ko at panay ang daldal ng kung ano-ano. Hindi ako sumasagot dahil ang topic nila ay tungkol sa cliente nila kagabi. Ako lang kasi ang umuwi ng 6AM sa apartment dahil silang apat ay may mga cliente. Kaya 10AM na sila naka uwi sa apartment namin.
Ayos na din yun dahil nakatulog ako ng maayos at walang maingay sa loob ng apartment. Ewan ko ba, ayaw ko ng maingay pero sa bar naman ako nag tra-trabaho na mas maingay pa. Magulo din talaga ako minsan.
Ganito lang ang daily routine ko, tulog sa umaga, gising sa gabi para mag serve ng alak sa mga customer na minsan ay masarap paluin ng bote dahil sa lagi akong tinatanong kung magkano daw ang gabi ko.
Chapter 2
Violet’s Pov
MAINGAY at maraming lasing ang nakikita ko sa loob ng bar at halatang nagkakasiyahan.
Hating gabi na at mas lalo lang dumarami ang mga customer namin. Kanina pa ako walang pahinga at sine-serve ang mga inoorder nilang alak. Panay din ang tawag nila sa ‘kin at tinatanong kung pwede ba daw akong ka table.
Naiinis na talaga ako sa mga tanong na paulit-ulit. Sinabi ng hindi ako bayarang babae at waitress lang ang trabaho ko. Tinuturo ko ang mga kaibigan ko para sila ang lapitan nila kung gusto nila magpalabas ng libog sa katawan ngunit ayaw naman nila dahil natikman na daw nila at maluwag na daw. Napaka bastos talaga ng ibang lalaki kaya minsan ang sarap ipalo ng bote sa ulo nila.
Kaya ang ginagawa ko ay nag wa-walk out ako at baka makapatay na talaga ako pag hindi pa nila ako tinigilan.
Umupo na muna ako sa gilid kung saan ang pwesto ng bartender dahil ang sakit na talaga ng mga paa ko. Kung pwede lang talaga mag day off at matulog buong gabi at umaga ay ginawa ko na. Pero may pangarap ako na gusto kong makuha kaya hindi ako pwedeng tamarin at mapagod.
Natigilan ako ng may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ang kaibigan kong si Luke. Ngumuso ako sa harap niya dahil sobrang pagod na talaga ako. “Anong nangyari sayong bakla ka?” Tanong niya sa ’kin na umupo pa talaga sa bakanteng upuan na katabi ko.
Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa kaibigan ko. “Wala naman. Napagod lang talaga ako sa trabaho. Ang sakit kasi ng heels sa papa eh,” sagot ko sakanya.
“Ganun talaga. Ako nga gusto ko mag suot ng heels habang nag se-serve ng alak na baklita ka.” Sabi niya na hinila pa talaga ang buhok ko.
“Gaga! Eh ’di ikaw na magsuot ng heels, ako na magsuot sa sapatos mo. Palit tayo.” Sabi ko naman na sinabunutan din ang buhok niya.
“Nakakahina nga naman din kasi mag trabaho. Ako nga din nanghihina eh,” sabi niya na madramang boses.
“At bakit naman daw?” Tanong ko naman sakanya.
“Eh kasi naman teh.. tignan mo mga customer natin, walang mga gwapo. Pambihira talaga!” Saad pa niya kaya mahina akong natawa sa kalokohan ng baklang ‘to. Ganyan talaga siya, nagtra-trabaho pero naghahanap ng yummy na pwede daw niyang hilain sa banyo. Ewan ko nalang talaga sa kaibigan ko na napaka landi talaga niya. Pero sobrang bait at madaling lapitan kapag may problema ako.
Bumalik kami sa trabaho ni Luke ng makita namin na mas lalo pang dumami ang customer. Grabe na talaga ang mga lalaki at kahit pa mga babae ay nandito din sa bar nag iinuman. Napapatanong na nga lang ako sa aking sarili kung wala bang naghahanap na pamilya sakanila at ang iba sa kanila ay magdamagang talaga na nandito sa bar hanggang sa magsara kami.
Ang dami ko ng nakitang mga lalaki na lasing na hinihila ng mga bouncer namin palabas dahil sa hindi na kayang maglakad dahil sa kalasingan. Yung iba naman ay nanghahamon na ng away at ang mas worst pa ay pati ang bote ng alak ay binabasag. Nakaka stress minsan ang trabaho pero alam ko naman kayang kaya solusyunan ng mga kasamahan ko ang mga nag wawalang mga customer.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bar at hinanap ang table na umorder sa kasama ko. Nag cr muna kasi siya kaya ako na muna ang maghahatid sa alak.
Nahanap ko ang table ng lalaki na nakatalikod sa gawi ko kaya tinungo ko yun habang naka plastar ang ngiti sa labi ko.
Nakarating ako sa harap ng lalaki at agad nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang lalaking yun. Halos napamura ako dahil hindi ko man lang napansin na pumasok siya sa loob ng bar. Siguro ay pumasok siya nang pumunta ako ng banyo kaya hindi ko siya nakita. Ang malas ko naman ngayong gabi at siya pa talaga ang nakita ko.
Agad na ngumiti sa ’kin ang lalaki at kuminang ang hikaw niya sa kanyang ilong. Nakakainis talaga ang mukha niya at nakaka init ng ulo.
“Hi!” Bati pa niya sa ’kin habang nakangiti.
Ngumiti ako ng napipilitan at inilapag sa table niya ang inorder niyang alak. Kailangan ko paring ngumiti kahit gustong gusto ko na siyang palabasin ng bar. Hindi naman ako ganun ka bastos sakanya basta ba wag lang niya iha-harang ang mukha niya na feeling gwapo.
“Ito na po ang order mong alak, sir. Enjoy your drinks.” Saad ko pa at akmang tatalikod na sana sakanya para makaalis na ng tumikhim siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatigil ako sa paghakbang at tumingin sa kamay ko na hawak na niya.
“Off limits po ang kamay ko, sir. Kaya sana bitawan mo bago ko tawagin ang bouncer namin dito sa bar.” Saad ko habang walang emosyon na nakatingin sa lalaki.
“Oopss.. Sorry. By the way, sasabihin ko lang sana na hindi yan ang inorder ko na alak. Wrong table ka yata, miss. Gusto mo ireklamo kita sa manager mo?” Tanong pa niya habang nakangisi. Binitawan din niya ang kamay ko kaya napa atras ako ng konti palayo sakanya.
Medyo napahiya ako sa sinabi niya dahil mali pala ang dala ko. Sakalin ko talaga ang kasama ko at mali ang binigay sa ’kin na info.
Yumukod ako sa harap niya para humingi ng pasensya. “Sorry po, sir. Hindi ko po alam dahil piansa lang ’to ng kasamahan ko. Baka nagkamali lang po siya ng sabi ng table. Pwede ko po bang malaman kung ano po talaga ang order mo para maibigay ko po.” Saad ko sa magalang na boses.
Napasunod ang tingin ko sa kamay niya na inilagay sa kanyang baba na para bang may iniisip. Kumunot pa ang noo ng binata kaya naghihintay ako kung anong o-orderin niya.
“Pwede ba akong umorder ng kahit ano diba?” Tanong pa niya sa ’kin kaya tumango ako.
“Oo naman po, sir. Sabihin mo lang po.” Sagot ko naman habang napipilitan parin na nakangiti sa lalaki. Nilibot ko pa ang tingin sa pwesto ng mga kasamahan ko kung lumabas na si Chimmy para siya na ang mag asikaso sa lalaking ’to. Hindi ko talaga kayang makipag plastikan ng ngiti sa lalaking ’to kaya dapat lang na iba ang waitress na mag entertain sakanya.
“Okay. Alam ko na ang gusto kung orderin, Ms. Sungit.” Sabi pa niya sa ’kin na ginawan pa ako ng alyas.
Yung ngiti kong peke ay nawala at pinukol ko siya ng masamang tingin. “Pwede ba.. Hindi ako masungit kaya wag mo akong tatawaging Ms. Sungit.” Saad ko habang pinipigilan na masipa ang mukha niya. Ngunit naisip ko na baka makita niya ang panty ko kaya wag nalang. Manyakis pa naman ang tingin ko sakanya. Manyakis na gwapo na ubod ng hangin na feeling pogi. Ang dami ko na talagang tawag sakanya dahil kainis talaga mukha niya. Ang sarap kalmutin dahil ang kinis. Bagay din sakanya ang kulay ng balat niyang moreno kaya mas lalong nakaka inis dahil ang daming tangang babae na nagkakagusto sakanya kahit babaero naman ang lalaki.
“O may pangalan ka pala. Ano ba name mo para hindi na kita tawaging Ms. Sungit.” Sabi niya habang matamis na nakangiti sa ’kin. Akala naman niya madadala niya ako sa ganyan eh hindi naman ako katulad sa ibang babae niya na isang kindat lang niya ay sumasama agad. Kung ako lang yun ay kanina ko pa tinusok mata niya gamit ang abridor.
“At bakit ko naman sasabihin sa’yo? Umorder ka nalang, sir. Para matapos na ang pag uusap natin,” bored kong sabi.
Halatang naaliw talaga siya sa ’kin dahil narinig ko ang mahina niyan tawa. “Ikaw ang order ko. Pwede ba yun?” Tanong niya kaya inirapan ko siya. Sakto naman na nakita ko si Chimmy na papalapit sa pwesto ko.
Agad akong lumapit sa kasamahan ko sa trabaho at binigay ko sakanya ang hawak kong tray. “Ikaw na makipag usap sa customer. Natatae ako eh,” palusot ko saka ako umalis agad at tumakbo papunta sa cr ng pangbabae. Narinig ko pa ang boses ng lalaki na tinatawag ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
Pumasok ako sa banyo at umupo sa toilet bowl. Hindi naman talaga ako natatae, umiiwas lang talaga ako sa lalaking tinawag ako na Ms. Sungit.
Nagpalipas lang ako ng ilang minuto sa banyo ng maisipan kung lumabas na ng banyo. Naghugas na muna ako ng kamay at inayos ko na din ang buhok ko habang nakatitig sa malaking salamin. Nang matapos ako ay lumabas na ako at nakita si Chimmy na nakatayo sa gilid ng pintuan.
Kumunot ang noo ko dahil para siyang may hinihintay. “Magbabanyo ka din ba?” Tanong ko pa sakanya.
Umiling naman siya bilang sagot. “Hindi. Ikaw talaga hinihintay ko, Violet. Yung customer kasi kanina ay ikaw ang ino-order eh. Hayp na yan! Nagbayad ng 250k para lang maka table ka. Kaya puntahan mo na do’n dahil bayad na yun.‘’ Sabi ni Chimmy kaya nanlaki ang mga mata ko.
“What?” Gulat na gulat kong tanong. Piste talaga ang lalaking yun. Talagang gusto na niyang makita si San Pedro dahil sa ginagawa niya.
Gusto ko na talaga siyang banatan at baliin ang mga buto niya sa daliri. Ang hayop na yun! Ang kapal ng mukha para bayaran niya ako. Nang gigil talaga ako sa lalaking yun. Bahala siya sa buhay niya maghintay sa ’kin. Anong akala niya sa ’kin, easy to get na agad lalapit kapag may pera. Baka gusto yata niya ipakain ko sakanya ang binayad niyang pera ng magtanda siya.
Chapter 3
Violet’s Pov
NAKAUWI na ako galing sa bar na pinapasukan ko at ako na naman mag-isang naglalakad pauwi kanina. Wala yung mga kasama kong babae dahil may humila sakanila papunta sa hotel. Si Luke naman ay may pupuntahan pa daw kaya hindi ko siya kasabay din umuwi.
Nang makapasok ako sa loob ng apartment ay agad akong umupo sa kama habang tinatanggal ang suot kong heels. Ang sakit na talaga dahil sa kakalakad ko kanina. Idagdag pa talaga ang todo iwas ko sa mongoloid na lalaki na nagbayad ng 250k para maka table lang ako.
Hindi ako lumapit sa table niya kaya napagalitan ako ng boss namin. Tinatanong niya ako kung bakit hindi daw ako pumayag eh makikipag usap lang naman daw at hindi naman ako dadalhin sa kung saan. Kung sa ibang lalaki yun at ganun lang naman ang gusto ay papayag ako. Pero kung ang mayabang lang din naman ay wag na. Ibalik ko nalang ang 250k niya at maghanap nalang siya ng ibang babae na pwede niyang kausapin.
Pabagsak akong humiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. Napabuga pa ako ng hangin dahil sa pagod na nararamdaman ko. Minsan talaga gusto ko ng sumuko at maging kamote nalang sa paligid.
Tinatamad na akong magpalit ng damit pero dahil galing ako sa bar ay bumangon nalang ako at lumapit sa lagayan ko ng damit at kumuha ng cycling at malaking tshirt. Nang makakuha ako ay agad akong pumasok sa banyo para maghilamos na din ng mukha dahil sa make up. Nag half bath na din ako para malinis na din ang katawan ko.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng banyo at agad na humiga sa kama. Inaantok na talaga ako kaya hindi na ako kakain pa.
Namimigat ang talukap ng aking mga mata kaya hinayaan ko na lamang at tuluyang nagpalamon ng antok.
Naalimpungatan lamang ako ng may marinig akong katok sa labas ng pinto. Sigurado ako na mga kasamahan ko yun kaya kahit antok na antok pa ay bumangon pa din ako. May mga duplicate naman sila ng susi pero hindi parin naman nila mabubuksan ang pinto dahil nag double lock ako dito sa loob.
“Violet..” tawag nila sa ’kin habang kumakatok parin sa labas ng pinto. Naglakad ako papunta sa pinto saka ko binuksan yun. Nakita ko ang mga kasamahan ko sa trabaho na halatang pagod na pagod. Alam ko naman ang ginawa nila kaya tumalikod na ako at bumalik sa kama.
Humiga ako habang ang mga kasamahan ko ay pumasok sa loob. Nagising na talaga ang diwa ko kaya kinuha ko ang aking cellphone na nasa tabi ko lang din at tinignan kung anong oras na. Nakita ko naman na alas 11 na pala.
Huling pumasok si Chimmy na may dala pang bouquet. Nakahanap yata ng mayamang matanda dahil halata sa pagkaka ayos ng bulaklak ay mamahalin.
Ngunit agad na kumunot ang noo ko ng lumapit siya sa ’kin at inabot ang bouquet. “Anong akala mo sa ’kin.. patay?” Pagbibiro ko pa.
“Gaga! Pinapabigay ng lalaki na gusto ka na maka table kagabi.” Sabi niya kaya nalukot ang mukha ko at hindi ko tinanggap ang bouquet.
“Naku, sa’yo nalang yan. O kung gusto mo itapon mo nalang. Ayaw ko niyan!” Saad ko saka ako tumagilid ng higa.
“Masyado ka talagang harsh do’n kay papa pogi. Ang swerte mo nga eh, ikaw ang gusto makausap. Kung ako lang yun ay naku, baka hindi lang usap ang gawin ko.” Sabi ng isa kong kasama sa trabaho na lima ang anak sa Manila. Pero puro panganay.
“Eh gusto mo pala eh ’di ikaw makipag usap.” Sagot ko naman sa sinabi niya.
“Yun na nga eh, ayaw naman niya sa ‘kin. Ikaw ang gusto pero maarte ka naman.” Sabi niya kaya pumitik ang ugat ko sa noo.
“Maarte? Ako? Talaga! Hindi kasi ako katulad mo na mabilis mauto.” Saad ko na may halong pang aasar. Uto-uto naman talaga siya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at narinig ko lang ang mahina niyang sinasabi. Pabulong-bulong pa siya. Kung may gusto pa siyang sabihin ay lakasan niya. Pumasok pa talaga siya sa banyo at malakas na isinara ang pinto.
“Naku, nasaktan ang damdamin ni ateng..” natatawang sabi ni Chim. Lumingon siya sa ’kin at inabot na naman ang hawak niyang bouquet. “Kunin mo na ’to, be. Baka pagalitan ako ni pogi at baka sabihin na hindi ko inabot sa’yo.” Saad pa niya kaya napabuga ako ng hangin saka ako bumangon.
Kinuha ko nalang ang bulaklak kahit labag sa kalooban ko. Inilapag ko lang din sa sahig at pinabayaan ko lang do’n.
“Uy, Chim, baka tinatanong ng lalaki ang pangalan ko ha! Wag mong sasabihin ha!” Sabi ko kay Chim.
“Nagtanong nga, pero wag kang mag alala hindi ko sinabi ang pangalan mo. Ang sinabi ko lang ay baka magalit ka. Kaya ayon, hindi na niya ako pinilit pa.” Nakangiting sagot ni Chim kaya tumango ako.
Ayaw ko talagang malaman ng lalaking yun ang pangalan ko, ayaw ko din malaman ang pangalan niya.
Natulog nalang ulit ako para may lakas ako mamaya para pumasok ng trabaho. Tanging hiling ko lang talaga ay sana hindi pumunta ang lalaking yun sa bar. Kahit sana isang beses man lang.
Dumating ang gabi at duty na naman. Nauna na kami ni Chim pumunta sa bar dahil ang babagal ng mga kasama namin kumilos. Nauna kasi akong naligo at sumunod si Chim sa ‘kin. Hindi din ako iniimikan ng babaeng na kasagutan ko kanina at wala naman akong planong mag sorry sakanya. Hindi naman mapapanis ang laway ko kung hindi kami mag iimikan. Duh
Inayos ko na agad ang mga kailangan dahil ako ngayon ang cashier. Mabuti nalang din para hindi ako mag serve ng mga alak. Masakit pa kasi ang mga paa ko at binabalak ko pa sana na mag day off ngayon. Hindi lang kasi masakit ang mga paa ko kundi masakit din ang puson ko kaya siguro mabilis uminit ang ulo ko. Meron kasi ako ngayon kaya mabuti nalang din at nasa cashier ako naka assign.
Nag umpisa ng pumasok ang mga customer kaya yung mga kasama ko ay kinuha na ang mga order nila. May dj naman din kami at ang lakas ng music para makatawag atensyon ng mga tao at maglasing dito sa bar namin.
May katabi pa kasi kaming bar na tinapatan ang bar ng boss namin kaya dapat talaga galingan ng dj namin. Kaya nga kahit ayaw ko sa isang tao ay napipilitan akong ngumiti kahit inis na inis ako.
Pagabi ng pagabi at padami din ng padami ang customer na pumapasok. Hindi naman ako masyadong pagod dahil may upuan naman ako. Susulitin ko na cashier ako ngayong gabi dahil malamang bukas ay serve na naman ako.
Nag ce-cellphone ako at nag s-scroll ng SPA para naman makapag relax ako. Balak ko talagang mag day off bukas. Habang seryoso akong naghahanap ay may narinig akong tumikhim sa harapan ko. Dali-dali akong nag angat ng tingin at nakita ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko. Nakangiti pa talaga siya sa ’kin habang nakatayo sa harapan ng bar counter.
“Good evening, Ms. Sungit.” Bati niya sa ’kin at matamis akong nginitian. Akala naman niya ang gwapo niya sa ngiti niya.
“Evening din,” napipilitan kong sabi at ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone ko. Hindi naman siya mahalagang tao kaya bahala siya.
“Gusto ko malaman ang pangalan mo, Ms. Sungit. Pwede ko bang malaman?” Tanong niya sa ’kin.
Nag angat ulit ako ng mukha at walang emosyon ko siyang tinignan. “Paano kung sabihin ko na ayaw ko. Titigilan mo na ba ako?” Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
“Wala sa vocabulary ko nag sumuko, Ms. Sungit. Tiyak ako na kapag nagbigay ako ng pera isa man sa mga kasamahan mo dito sa bar ay sigurado ako na ibibigay nila ang pangalan mo.” Sagot niya at ako naman ang tinaasan ng kilay.
“Bakla ka ba? Bagay sa’yo magtaas ng kilay,” pag iiba ko sa usapan.
“Bakla? Gusto mo lips to lips tayo. Isali mo na din ang kagatan ng labi at sipsipan ng dila.” Saad pa niya kaya napa irap ako. Kadiri! Ilang babae na kaya naka lips to lips ng butchokoy na ‘to.
“No thanks. Baka magalit boyfriend ko eh,” sagot ko saka ngumiti sakanya.
“Tsk. boyfriend? Eh sabi ng kasama mo sa trabaho na wala ka daw jowa since birth.” Sabi niya na parang inaasar ako. Napamura naman ako sa isipan ko dahil sa sinabi ng lalaki. Malamang si Chim ang nagsabi sakanya. Humanda talaga sa ‘kin yun mamaya.
Hindi tuloy ako nakasagot at agad akong nag iwas ng tingin. Tumikhim ako habang nag iisip kung paano ko iibahin ang topic. “May order ka po ba, sir?” Pag iiba ko sa usapan.
“Ikaw nga yung order ko diba? Kagabi pa nga eh,” sagot niya. Naikuyom ko ang kamao ko dahil ayaw talaga niya akong tigilan. Nagdasal pa ako kanina na sana wag siyang pumunta ngayon tapos nandito na naman siya.
“Hindi po ako kasali sa alak o pulutan, sir. Kaya pwede po ba, umalis ka na sa harapan ko PO.” Saad ko na pinagdiinan pa ang dulo.
“Ano muna pangalan mo? Gusto ko malaman. Kapag nakuha ko na name mo saka ako aalis sa harapan mo,” sabi niya na inuubos talaga ang pasensya ko.
Napabuga naman akong hangin habang nag iisip. “Lorelai. Yun ang pangalan ko,” pagsisinungaling ko.
Kumunot naman ang noo niya na para bang hindi naniniwala sa ‘kin. “Lorelai? Ang ganda-ganda mong babae pero ang bantot ng pangalan mo.” Sabi niya habang natatawa pa.
Inirapan ko ang gago at hindi na siya pinansin pa. Inangat ko lang ang kamay ko at para ko siyang pinapaalis sa harapan ko na parang aso. Natawa naman siya sa ginawa ko at hindi ako makapaniwala sa sunod na ginawa niya.
Hinuli kasi niya ang kamay ko at dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Nanlaki ang mga mata ko at dali-dali kong hinila ang kamay ko at nandidiring pinunasan yun sa suot kong skirt. “Manyak! Lumayas ka nga sa harap ko! Alam mo na ang pangalan ko kaya pwede ba, umalis ka na!” Galit kong pag papaalis sakanya. Wala akong pakialam kung customer pa siya. Hindi ako natutuwa sa ginawa niya.
“See you around, Lorelai.” Sabi niya saka tumalikod sa ’kin at nagsimulang maglakad.
Nakasunod lang ang tingin ko sa lalaki hanggang sa makarating siya sa table na may dalawang babae at umupo do’n. Napaka babaero talaga ng gago! Ang sarap niyang ingudngud sa putikan para mabura ang ngiti niya sa labi.
Chapter 4
Violet’s Pov
NATULOY ang day off ko mamayang gabi kay ngayong 2PM ay binabalak kong umalis para narin gumala at pasayahin ko ang sarili ko. Deserve ko naman din yata na mag pahinga at itreat ang sarili ko sa nakakapagod na trabaho.
Matagal- tagal na din kasi akong hindi nakakapag day off, ilang buwan din kasi na straight ako dahil na din sa nasasayangan ako. Pero ngayon ay napagod talaga ako at stress sa lalaking hambog na palaging sinisira ang gabi ko sa bar.
Sino ba naman hindi ma hi-highblood kung ipagkalat niya sa mga tricycle driver na jowa daw niya ako. Kung di ba naman kalahating tanga ang animal. Pag nakita ko talaga yun ay pupunitin ko ang mukha niya.
Nakaupo ako sa kama at habang nagsusuklay sa mahaba kong buhok. Nakaligo na kasi ako at nakabihis na din. Nilugay ko lang ang buhok ko para naman maiba dahil palagi nalang nakatali ang buhok ko sa trabaho. Pwede naman nakalugay pero ayaw ko kasi ng sagabal habang nag tra-trabaho ako kaya mas gusto ko na nakatali.
Nang matapos akong mag ayos ay kinuha ko na ang sling bag ko at isinukbit sa balikat ko. Dahan-dahan ang kilos ko na naglakad palapit sa pinto para lumabas ng apartment. Tulog kasi ang mga kasamahan ko sa trabaho kaya hindi ako gumagawa ng ingay.
Isinara ko nalang ang pinto saka ako naglakad palabas ng apartment. Naglakad lang ako dahil nasa city naman na ako at kayang-kaya naman lakarin ang unang pupuntahan ko.
Gusto ko kasi ilibre ang sarili ko ng masarap na pagkain. Kaya nag hanap ako ng restaurant kanina sa cellphone ko at tinignan na din kung anong mga pagkain. Sakto naman na malapit lang din naman at kayang-kaya lakarin kaya pinuntahan ko na.
Ilang sandali lang ay nakarating ako sa restaurant na napili ko at dali-dali akong pumasok sa loob. Agad akong naghanap ng bakanteng table na malapit sa glass wall. Sa may likod ako ng restaurant pumwesto dahil kung sa harap ay ang view ay kalsada, sa likod naman ay seaside. Gusto kong kumain habang pinapanood ang mga taong naglalakad do’n.
Umupo na ako at agad naman may lumapit na waiter sa ‘kin at inabot ang menu. Dali-dali akong umorder ng pagkain at sinabi ko yun sa waiter saka siya umalis sa harapan ko na may ngiti sa labi.
Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay ko ang inorder kong pagkain. Magpapakabusog talaga ako ngayon saka ako pupunta ng mall para bilhin ang gusto kong damit saka ako pupunta ng SPA.
Dumating na ang pagkain ko at agad akong kumain. Napapapikit pa talaga ako sa bawat subo dahil sa sobrang sarap. Tama lang talaga na dito ako pumunta. Yung order ko ay pang tatlohang tao kahit ako lang naman talaga mag-isa.
Kaya ko naman ubusin ang pagkain lalo na’t ayaw ko ng may nasasayang na pagkain. Sunod-sunod ang ginagawa kong subo at hindi pinapansin ang bagong customer na umupo sa katabi kong table.
Inabot ko ang softdrinks na inorder ko ng makaramdam ako na parang uubuhin ako. Uminom ako at halos mailuwa ang ininom ko ng paglingon ko sa kabilang table ay nakita ko na naman ang lalaking kinaiinisan ko.
Ngumiti pa talaga siya sa ’kin sabay kindat pa. Piste talaga. “Ikaw na naman? Hanggang dito ba naman.. Mukha mo makikita ko.” Inis kong sabi sa lalaki.
“Bakit? Ikaw lang ba pwedeng kumain dito sa restaurant na ‘to? I think hindi siguro. And FYI regular customer nila ako dito. Baka nga ikaw ang pumunta dito dahil alam mo na dito ako kumakain.” Sabi niya na tumawa ng mahina.
“At bakit ko naman gagawin yun? Eh nakakairita nga yang mukha mo eh. Nakakasawa pa tignan.” Pangbabara ko sa kahinganan niya.
“Nakakasawa daw. Pero panay titig sa ’kin kapag may dalang alak sa ibang table. Kunwari ka pa talaga, Ms. Sungit. Kunwari galit sa ’kin pero ang totoo ay may gusto naman pala.” Mahangin niyang sabi. Hindi lang siya mahangin, feeling din siya. Feeling lahat ng babae ay nagkaka gusto sakanya.
“Mukha mo! Nakakasuka naman oh, nakakawalang gana kumain.” Saad ko sabay ibinalik ang tingin sa labas ng view.
“Nakakawalang gana daw, baka naman kinikilig ka na diyan, Ms. Sungit.” Pang aasar niya sa ’kin.
“Managinip ka lang diyan.” Sagot ko naman saka ako sumubo ng pagkain. Hindi ko nalang papansinin ang lalaking pangit at kumain nalang kaysa naman iwanan ko lahat ng mga inorder ko dahil lang nasa kabilang table lang siya. Sayang yung pera lalo na ang pagkain kaya titiisin ko na muna medyo malapit kaming dalawa.
“By the way, your name is fake. Hindi naman pala Lorelai pangalan mo. Akala ko talaga ikaw yung baliw sa kalsada dahil magkapangalan kasi kayo.” Sabi pa niya kaya tumingin ako sakanya at inirapan ko.
“Ganun talaga pag hindi ko type ang isang tao, hindi ko talaga sinasabi ang totoo kung pangalan.” Nakangisi kong sabi kaya nalukot ang mukha niya.
Sasagot pa sana siya ng may biglang sumulpot na lalaki na matangkad sa table ng pangit na lalaki. Ang gwapo ng lalaki at tulad ng lalaking kinaiinisan ko ay may piercing din siya sa ilong. Messy hair ang kulay brown niyang buhok at ang puti ng lalaki.
“Hey, buddy!” Bati ng lalaki sa hambog na lalaki na kinaiinisan ko. Magkakilala yata silang dalawa at wala akong pakialam. Kapag gwapo ay malamang babaero at habulin ng babae.
Ibinalik ko nalang ang tingin sa pagkain ko at hindi na pinakinggan pa ang pag uusap ng dalawa. Nasulyapan ko lang sa gilid ng mata ko na umupo ang kaibigan niya sa katabi niyang upuan at nag uusap.
Habang seryoso akong kumakain ay nasulyapan ko na dumating na ang inorder nilang pagkain. Nagulat pa ako ng lumapit ang waiter sa harap ko at inilapag ang isang order ng halo-halo.
“Naku, wala po akong order na halo-halo, sir.” Saad ko pa sa waiter habang pinipigilan siya na ilapag sa mesa ang dala niya.
“Pinapabigay po ng gwapong lalaki na crush mo daw po.” Saad ng waiter kaya agad kumunot ang noo ko. Mabuti pa ang waiter, alam na may crush ako. Ako nga hindi ko alam eh.
“Naku, kuya.. naliligaw ka lang po. Paki ali—”
“Para sa’yo talaga yan, Ms. Sungit. Para naman mawala ang inis mo sa ’kin. Masyado kasing mainit eh,” biglang sabat ng lalaking feeling pogi.
“No, thanks. Hindi ko kailangan ng libre mo. Kaya kong bumili ng halo-halo sa sarili kong pera.” Walang emosyon kong sabi.
“Wala ka pala, bud eh. Akala ko ba lahat nakukuha mo.” Natatawang sabi ng lalaki na kasama niya.
“Shut up, Death. Ililibing kita kapag hindi ka tumahimik.” Saad pa ng lalaking feeling pogi. Nagulat naman ako sa pangalan ng kasama niya. Hindi ko alam kung totoo pero ang weird naman kung pangalan talaga niya ay Death.
“Ikwe-kwento ko ’to kay Ziven at Declan.” Sagot naman ng lalaki na may pangalang Death. Siniko naman siya ng lalaking feeling pogi habang nakatingin sa ’kin. Ang seryoso ng mukha niya at inirapan ko siya saka ako umiwas ng tingin.
Chapter 5
Violet’s Pov
NATAPOS akong kumain at agad kong binayaran ang mga inorder ko. Ang hambog na lalaki ay gusto pa sana niyang bayaran ang pagkain ko. Ngunit pinukol ko siya ng masamang tingin kaya hindi na niya tinuloy.
Tawa naman ng tawa ang kasama niyang lalaki na si Death at sinabing hindi daw maka porma ang kaibigan niya sa ’kin. Halata pa sa mukha ng mayabang na yun na naiinis sa sinabi ng kaibigan niya. Buti nga sakanya, akala niya siguro lahat ng babae ay makukuha niya agad sa isang kindat niya.
Nang matapos akong kumain ay dumeritso na muna ako sa mall para bilhin ang mga gusto ko. Magtatagal kasi ako sa Spa kaya uunahin ko na ang pamimili.
Nakapasok agad ako sa mall at agad hinanap ang kailangan ko. Nag search naman na ako kaya alam ko na kung saan ako pupunta at ano ang mga latest ba bibilhin ko. Gusto ko din kasi bumili ng perfume kaya pumunta din ako dito. Malapit na kasing maubos ang perfume ko at gusto ko mag iba ng amoy.
Tinungo ko na muna ang gusto kong bilhin na damit at baka maunahan ako. Pumasok ako sa shop at agad na kinuha yun. Kumuha pa ako ng ibang damit saka lang ako pumunta ng counter para bayaran ang pinamili ko.
Natapos ako sa shop kaya ang hinahanap ko na naman ay ang perfume. Pumunta agad ako sa store kung saan ako bumibili talaga. Ang tagal kasi matanggal ng perfume nila at matagal na din kasi ako bumibili sa shop nila. Kaya subok ko na ang mga binebenta nilang perfume.
Pumasok ako sa shop at agad akong inasisst ng babae. Binigyan din niya ako na parang maliit na papel na medyo matigas para ipaamoy sa ‘kin ng makapili ako.
Nagtagal ako ng 30 minutes dahil naguguluhan ako kung anong pipiliin ko. Ang dami din kasing mabango kaya naguguluhan ako.
Nakapili na ako at nagdadalawang isip parin ako kung ‘to ba talaga ang pipiliin ko. Bumalik ako do’n sa isa ko pang napili at tinitigan yun at nag iisip parin.
“Mas mabango yung isa, Ms. Sungit.”
Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses na yun.
“Ayy palaka!” Sigaw ko sa gulat ng paglingon ko ay sobrang lapit niya sa ’kin. Agad akong umatras palayo sakanya at baka isipin pa ng mga tao ay jowa ko siya. Eww.
“Ano na naman ginagawa mo dito? Sinusundan mo talaga ako no?!” Tanong ko sakanya habang masamang nakatingin sakanya.
Tumingin naman siya sa ibang deriksyon at parang may tinuturo. “Sinasamahan ko lang ang kaibigan ko bumili ng perfume.” Sagot niya kaya napasunod ako sa tinuro niya. Nakita ko naman ang kaibigan niyang si Death na seryosong tumitingin sa mga perfume sa di kalayuan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa pangit na nasa harapan ko. “Ahh.. yung pogi.” Sagot ko pa kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Gwapo na sa’yo yun?” Tanong pa niya sa walang emosyon na boses.
“Oo. Ang gwapo kaya ng kaibigan mo. Ang yummy pa. By the way, single ba siya? Ireto mo naman ako sakanya.” Pang aasar ko dahil halatang naiinis siya. Hindi ko alam kung bakit siya naiinis pero nag e-enjoy ako na asarin siya. Ito lang pala ang katapat niya.
“May mahal na yun. Since birth ng babaeng mahal niya kaya wag ka ng umasa!” Sagot niya sa pagalit na boses.
Ngumuso naman ako. “Sayang naman! Ang gwapo kasi talaga niya. Alam mo yun nang makita ko siya kanina ay nag heart-heart ang mga mata ko.” Pang aasar ko na naman kahit hindi naman totoo.
Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko at napag desisyonan na yung isa nalang talaga ang kukunin ko.
“Eh ako? Gwapo ba ako?” Biglang tanong ng lalaki kaya muntik kong mabitawan ang hawak kong perfume. Lihim akong natawa dahil sa boses niya na parang nagtatampo.
Tumingin ako sakanya at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. “Hindi. Puro kahanginan lang ang nakikita ko sa’yo eh,” sagot ko saka ako umalis sa harap niya.
Natatawa talaga ako sa pagmumukha niya.
Pumunta ako sa counter at mas lalong natuwa dahil wala pang customer na nagbabayad. Dali-dali akong pumunta do’n at inilapag sa table ang pinili ko. Kumuha na din ako ng pera saka ko inabot sa babaeng cashier.
Ngunit habang naghihintay ako ay biglang may matigas na bagay ang dumikit sa likuran ko. Nanlaki pa ang mga mata ko ng maramdaman ko ang mas matigas na bagay na tumama sa may balakang ko.
Alam ko kung ano yun at naiinis ako dahil ari yun. Pakiramdam ko ay sinadya niyang idikit ang katawan niya sa likod ko.
“Pasali na din nito, miss.” Sabi ng lalaking bastos. Sa boses palang niya ay kilala ko na kung sino.
Agad kong nilingon ang lalaki at pinukol siya ng masamang tingin. “Bastos!” Galit ba sigaw ko sakanya.
“Oops, sorry. Nasagi.” Sabi niya na halatang labas sa ilong ang pag so-sorry.
“May malaki namang space ahh.. bakit dito ka pa talaga didikit sa likod ko!” Sigaw ko sakanya. Bahala na kung lumapit ang guard samin. Ipapadampot ko talaga ang bastos na ‘to.
“Hindi ko naman sinasadya, Ms. Sungit. Akala ko kasi pader ka na nakatayo diyan eh,” sabi niya na halatang nagkukunwari. Makakapatay na talaga ako ng tao ngayon. Damang dama ko pa naman ang matigas na bagay sa gitna ng mga hita niya.
Agad kong iniwas ang mukha ko ng pumasok sa isipan ko kung gaano kalaki ang alaga niya. Piste! Hindi na yata mawawala sa isipan ko ang imagination ko patungkol sa batuta niya. Baka mabatuta pa ako.
Hindi na ako sumagot pa at dali-dali kong inabot sa babae ang binili kong perfume. Lumabas ako ng shop at deri-deritso ang lakad ko para makalayo ako sa lalaking yun.
Sa sobrang pagmamadali ko ay nawala sa isip ko ang sukli. Kasalanan talaga ‘to ng manyak na yun eh. Sayang din ang 100, pambili ko ng ulam mamaya.
Nang makalabas ako ng mall ay agad akong sumakay ng triycle para magpahatid sa napili kong Spa. Medyo malayo kasi kaya kailangan ko ng sumakay.
Naiinis parin ako habang naalala ang bakat na bakat na alaga ng hinayupak na yun. Kailangan ko talagang hugasan ng maayos ang pang- upo ko mamaya kapag nakauwi ako ng apartment. Kadiri talaga ang lalaking yun. Sinusumpa ko talaga siya na sana lumiit ang sandata niya.
Chapter 6
Violet’s Pov
DUTY ko na naman sa bar at tamad na tamad akong kumilos para maligo. Dapat kasi ay mag re-relax ako sa Spa na pupuntahan ko ngunit hindi na natuloy dahil sa biglang pagsulpot ng manyak na lalaki.
Inis na inis ako dahil ako pa talaga ang sinabihan niya na sinusundan ko daw siya kahit saan daw siya magpunta. Ang kapal talaga ng mukha ng hayop na yun. Nag walk out nalang ako at hindi na tumuloy pa sa inis ko.
Stress tuloy ako lalo dahil sakanya. Sana nga hindi na kami magkita ng lalaking yun dahil parang gusto ko na siyang balatan ng buhay. Baka sa susunod na pagkikita namin ay mabato ko na talaga siya nga alak.
Isa din sa dahilan kung bakit ako tinatamad ay sigurado ako na pupunta na naman ang gagong yun para sairain ang gabi ko. Wala na talagang magawang matino ang lokong yun.
Kahit tamad na tamad ako ay bumangon parin ako para maligo. Dapat nga ay una akong naliligo sa mga kasamahan ko eh, pero ngayon ay ako nag panghuli na naligo. Parang gusto ko pa mag day off at matulog ulit.
Pumasok nalang ako sa banyo at agad na hinubad ang saplot ko sa katawan. Dali-dali akong nagbuhos ng tubig kaya nagising na talaga ang diwa ko. Bumalik sa isipan ko na kailangan ko pala mag sipag dahil gusto ko magka bahay. Sa tuwing naiisip ko talaga ang goal ko sa buhay ay bigla akong sinasapian ng kasipagan.
Mabilis lang ako naligo at agad na pinunasan ng tuyong twalya ang katawan ko. Sa loob na din ako ng banyo nag bihis. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo para mag ayos ng sarili. Nakita ko pa mga kasamahan ko na malapit na sila matapos.
Dali-dali kong inayusan ang sarili ko at nagsusuklay ng buhok. Basa pa ang buhok ko kaya naisipan ko na do’n nalang ako sa magtatali ng buhok kapag nasa bar na ako.
Nang matapos kami ay sabay- sabay na kami lumabas ng apartment. Ang kasama ko na ang nag lock ng pinto at nauna na akong bumaba sa hagdan pababa. Sumunod naman si Chim sa ’kin saka sumunod ang mga kasamahan namin.
Kasabay kong maglakad si Chim na panay ang tingin sa loob ng dala niyang bag. Kumunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya. “Anong hinahanap mo?” Tanong ko sakanya dahil kanina pa niya kasi ginagawa yun habang bumababa kami ng hagdan.
“Yung pera ko kasi, Violet eh, nawawala. Tinignan ko na kanina sa lagayan ko sa apartment natin pero wala talaga. Pangatlong beses ko na nga hinahalughog ang kong ‘to eh pero wala talaga.” Sagot niya habang malungkot na nakatingin sa ‘kin.
“Saan mo ba kasi nilagay? Baka naman nahulog mo?” Tanong ko pa.
“Sumasakit na talaga ulo ko sa kakahanap kung saan ang perang yun. Ipapadala ko pa naman sana yun sa mama ko dapat kanina pero wala talaga sa bag ko eh,” malungkot na sabi ni Chim at itinigil na ang paghahanap sa bag niya.
“Mahirap kumita ng pera kaya dapat nag iingat ka kung saan mo ilalagay ang pera mo.” Payo ko sakanya dahil totoo naman talaga. Lalo na siya na todo kayod magtrabaho para madagdagan lang ang sinasahod niya.
“Ang sakit ng singit ko dahil sa pagbukaka ko tapos mawawala lang na parang bula ang pera ko. Putragis talaga!” Inis niyang sabi.
Ako kasi ay hindi ko nilalagay ang pera ko sa bag. Hindi ko masyadong kilala ang background ng mga kasamahan ko. Baka kasi nagkukunwari lang sila pero may tinatago pala. Kaya ang pera ko talaga ay nasa atm. Maglalabas lang ako ng pang budget ko.
Bahala na kung tawagin akong judgemental sa mga kasama ko pero talagang nag iingat lang talaga ako dahil ang hirap kumita ng pera.
Nakarating kami sa harap ng bar at halos may mga lalaki na naman na naka abang sa labas at naghihintay na magbukas ang bar namin.
Pumasok na ang mga kasama ko pati na din si Chim pero ako ay nasa labas parin dahil may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko yun at nakita ang isang waiter na kilala ko. Nasa kabilang bar lang siya at matagal ko na siyang kilala. Naging magkaibigan kami sa hindi ko malamang dahilan.
“Work na?” Tanong pa sa ’kin ni Mario ng makalapit siya sa ’kin.
“Oo eh. Papasok kahit nakakatamad.” Sagot ko habang nakanguso.
“Nag day off ka pala kagabi?” Tanong niya kaya tumango ako.
“Oo. Nagpahinga ako at mag re-relax sana pero hindi natuloy dahil may asungot.” Sagot ko at talagang nalukot pa ang mukha ko ng maalala ko na naman ang mukha ng feeling pogi.
“Ahh kaya pala. Pumunta kasi ako kagabi sa bar niyo. Dumating kasi ate ko galing abroad at may ibibigay sana ako sayong chocolate. Pero dahil wala ka naman hindi ko na pinaabot sa kasama mo at baka hindi dumating sayo. Kay heto.. para sa’yo.” Mahaba niyang sabi sabay abot sa ’kin ng hawak niyang paper bag.
Inabot ko naman yun habang may ngiti sa labi. Syempre, chocolate na yun eh.
“Uyy salamat, Mario ha! Hindi mo talaga ako kinalimutan sa chocolate.” Nakangiti kong pasasalamat.
“Syempre, ikaw pa ba. Enjoy ka sa chocolate m—”
“Mas mahal pa ang chocolate ko diyan eh!”
Sabay kaming napalingon ni Mario ng marinig namin ang nagsalitang lalaki. Sa boses palang niya ay kilala ko na kung sino yun.
Napapikit nalang ako dahil hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho ay nakita ko na naman ang pagmumukha niya.
“Abroad chocolate? Tsk.” Sabi pa niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin saka ko ibinalik ang tingin ko kay Mario.
“Salamat dito ha! Kakainin ko talaga ‘to, Mario. Hayaan mo ba yang isa diyan na kulang sa aruga kaya papansin.” Nakangiti kong sabi sa kaibigan ko.
Ngumiti lang sa ’kin si Mario saka ginulo ang buhok ko. Narinig ko pa ang mura ng pangit na lalaki slash papansin pero hindi ko siya papansin. Bahala siya sa buhay niya. Masyado siyang epal.
Nagpaalam lang ako kay Mario at agad ba pumasok sa loob ng bar. Hindi pa naman pinapapasok ang mga customer dahil mag-aayos pa kasi kami sa loob.
Nang makapasok ako ay inilagay ko muna ang bag ko sa lagayan ng mga gamit namin. Yung chocolate naman ay inilagay ko na din sa bag ko, mahirap na baka mabawasan pa.
Lumabas na din ako sa room at tumulong na ako sa mga kasamahan ko. Hindi ako naka pwesto sa counter ngayon kaya alak girl na naman ako mamaya. Goodluck na naman sa paa ko na lakad ng lakad.
Habang inaayos ko ang mga tray na gagamitin at pinupunasan isa-isa ay nakita ko na pinapasok na ang mga customer na uhaw sa alak. Pumasok din ang lalaking kinaiinisan ko, ito talaga ay hindi uhaw sa alak pero uhaw sa atensyon dahil papansin. Makirat sana mata niya dahil panay ang kindat sa ’kin. Maihipan sana ng masamang elemento. Tatawanan ko talaga siya kapag nangyari yun.
A/N: Good morning po!❤️

