loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Wild At Heart (BL)

Wild At Heart (BL)

Brictorique · 14 chapters · 30,167 words

WILD AT HEART (BL)

WILD AT HEART

written by BRICTORIQUE.

DISCLAIMER: Ano mang pangyayari, bagay, o pangalan na nakasaad sa kwentong ito ay pawang imahinasyon lamang at hindi kinuha sa totoong istorya ng buhay kaya ano pa man ang pagkakahawig na inyong mababasa ay hindi sadya dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang manunulat na may weirdong pagiisip. Maraming salamat.


ABOUT THE STORY:

This story was originally written in 2016 kaso kinailangan ko siyang i-unpublish dahil hindi ko siya kinayang tapusin due to personal reasons. This is a BL story kaya kung hilig mo ang ganitong tema ay mangyari lamang na i-add ito sa iyong reading list para iyong masubaybayan. Kahit hindi mo na ako i-follow ay okay lang. Respeto nalang sa aking likha.

Short-story lang ito and thankfully, this time around in 2025, I am proud to say na heto na, kaya ko ng tapusin ang kwentong minsan ko ng tinalikuran. All thanks to that one song na nagpabalik ng spark ko sa kwentong ito.

As said earlier, BL themed ito so kung homophobe ka, please do yourself a favor and maghanap ka ng aangkop sa taste mo.

Wala akong specific character in real life na maaaring ihalintulad sa mga tauhan dito sa kwento na mas gusto ko rin kasi gusto kong gumawa kayo ng imahe sa inyong isipan na aayon sa inyong panlasa. Iyon lang.

Date Created: July 17, 2016

WILD AT HEART • Chapter One

“You can’t do this to me! You cannot just divorce me all of a sudden and threw me out from my position in the company and in your life, Don! You need me and you know that! Kayo ng mga anak mo! Paano nalang kayo kung wala ako ha? Nakalimutan mo na ba na kung hindi dahil sa akin matagal na sanang wala sa inyo ng pamilya mo ang kompanyang ito!” galit na usal ni Nestor sa luob ng conference room kung nasaan sila ng kanya na ngayong magiging ex-husband na si Donomie na poker face lang na nakatitig sa kanya at napa irap sa ginagawa niyang pang FAMAS Award na actingan.

Mabuti at tinted at sound proof ang conference room kundi sobrang nakakahiya sa mga makakarinig at makakakita kay Nestor ang mga pinagga-gagawa nito sa harap niya nila ni Silas. Minsan nagtataka siya sa sarili paano niya nagawang sikmurahin na mag settle sa ganitong klaseng lalaki. Oh well, some things just happened and will remain a mystery.

“And who told you I need you and my kids to survive? Baka nakakalimutan mo Nestor na lalaki pa rin ako! Nagkataon lang na hindi ko tipo ang mga babae gaya mo na tinitira mo sa likuran ko!”

Nanlaki ang mga mata ni Nestor sa narinig na sinabi sa kanya ni Donomie.

“Saan mo nakuha ’yan? I never cheated on you! Busy ako sa pagta-trabaho ko dito sa kompanya natin, Don! What the hell! Do I look like I have time for such things! Sino ba nagsabi sa inyo n’yan at nilason ’yang utak mo at ang relasyon natin! Walang katotohanan ang binibintang nila sa akin! Mas maniniwala ka sa kanila kesa sa akin na asawa mo? Matagal na tayong magkasama ngayon ka pa ba maniniwala sa chismis na wala namang pruweba?”

Mapanuyang ngumisi si Donomie sa narinig. Hindi makapaniwala na harap-harapan siya nitong tatarantaduhin. Of course, he has evidences! Hindi niya ugali ang mangbintang without proof. Pero kung sabagay, at some point alam niyang maaaring mangyari ang ganitong bagay sa kanya dahil naituro na ito sa kanya nuon ng kanyang magulang that at some point in his life, maaari siyang gaguhin ng mga taong nakapaligid sa kanya, na malapit sa kanya at pinagkatiwalaan niya, kaya nga, hindi siya dapat gaanong nagtitiwala kahit pa sa tinuturing niyang asawa. Bakit? Kung ang tunay nga na babae natatarantado, siya pa kaya na bakla? Nilingon nito ang kanang-kamay/boyguard niya na si Silas at agad nitong inabot sa kanya ang isang brown envelope.

“That’s exactly why paniniwalaan ko ang mga naririnig ko, Nestor.” panuyang panimula nito, “Hindi naman basta kakalat ang chismis kung walang nakakita. Isa pa, aanhin ko ang ilang taon na magkasama tayo kung itong kompanya naman talaga ang agenda mo simula’t-sapul? Buti nalang at hindi ako utu-uto gaya ng akala mo kaya kung inaakala mong masasaktan ako kapag nawala ka, hindi. Hindi, Nestor kasi parehas lang tayo nag gamitan at ngayong kaya ko na uli, binabawi ko na kung anong akin at magpakasasa ka na sa kalandian mo dahil simula sa araw na ito, sa oras na ito, ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo dito sa kompanya ko at sa pamamahay ko,” litanya niya sabay hagis ng envelope sa direksyon ni Nestor na may lamang mga litrato nito at ng kanyang ka-affair sa kompanya ng pamilya ni Donomie. What a disgusting man! Such a shame! If only Donomie could puke right now.

Nang una, sinubukan pang bilugin ni Nestor si Donomie ngunit sa huli ay wala siyang nagawa kundi pagmumurahin ito sa galit at pagbabantaan matapos niya itong hindi patulan sa pagaaktong biktima nito sa sitwasyon kahit na ang totoo, alam ni Nestor ang ginawa niya at mangyayari sa kanya once na mahuli siya ni Donomie. Siguro ay inakala niyang magtatanga-tangahan ito at sisikmurahin ang pangga-gago niya which he underestimated.

To Donomie, to love and be cheated on are two different things. Love for a partner should not overrule respect to one’s self.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya habang hinihilot ang kanyang sentido. Alam niyang magiging malaking kawalan si Nestor sa posisyon nito bilang kasalukuyang tumatayong CEO pero hindi na siya papayag na hawakan ng iba ang kompanyang pinaghirapang buuin ng pamilya niya para sa kanya at sa mga susunod pang hahawak ng kompanya nila.

Alam niyang mauubos ang oras niya sa napakaraming nakabinbin na trabahong pinabayaan ni Nestor pero hindi bale, alam niyang kaya niya. Naniniwala siya sa sarili niya at alam niyang may mga naniniwala at umaasa sa kanya. Isa na duon ang kambal niyang anak na ngayon ay kakailanganin niyang hanapan na ng yaya para makasigurado siyang ayos ang mga ito habang abala siya sa trabaho.

Hindi niya akalaing after ng ilang years mula ng dumating ang mga ito sa buhay niya, darating din ang araw na iiwanan niya na ang mga ito sa kamay ng ibang tao imbis na siya dapat ang mag alaga sa mga ito. Nanikip ang dibdib niya sa konsensya at realidad ng pagiging isang magulang na kinakailangang magbanat ng buto para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

“Silas, pakitawagan na ’yung agency. Paki sabi open na ako tumanggap ng mga magaapply bilang taga alaga ng kambal ko,” sabi niya, habang tinatapos na pirmahan ang mga kailangan niyang matapos na trabaho ngayong araw.

Agad na tumango si Silas at lumabas ng silid para gawin ang iniutos ng kanyang amo sa kanya.

Nang si Donomie nalang mag isa ang na sa luob ng conference room ay saka palang tumulo ang luha niya na kanina pa niya pinipigilang bumagsak mula sa mga mata niya. Ayaw niyang may makakita sa kanya na kahit na sino na umiiyak siya. Ayaw niyang ipakita sa kanila na mahina siya dahil may mga umaasa sa kanya so for now, hahayaan nalang muna niya na sarili niya mismo ang umalo sa kanya.

• • •

“Gagu ka talaga, pre! Balak mo bang ma-evict dito sa atin? Ang dami mo ng kaaway gagu! Hinay-hinay ka lang kasi ang hot mo lagi eh buti nalang gwapo ka kaya kahit may bangas ka ang angas mo pa rin tignan,” nagaalalang sita sa kanya ng kaibigan habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada galing barangay hall.

May mga mumunting bangas sa mukha ang kaibigan niya dahil nakipag sapakan ito sa may ari ng panaderyang dati nitong pinapasukan. Hindi kasi binayaran ng tama ang kaibigan niya gaya ng pinangako ng may-ari dito. Napangisi naman ang kaibigan niya sa kanya sa sinabi niya.

“Tangina mo, Jace ah! Hindi kita type umayos ka. Tropa lang tayo nililinaw ko na sa iyo pero oo nga, buti nalang ang gwapo ko pa rin pero tangina pa rin ng hayop na ’yun! Akala ba niya sa akin nagpapa cute sa mga chikas? Gago, nagbubuhat ako ng sako ng harina niya na pagkabigat-bigat!”

“Pero kasi pre, kalma-kalma din! ’Yun na nga ’yung last na kumuha sa iyo dito sa atin na hindi mo kailangang bumiyahe pa kung saan para lang magka trabaho at kumita ng pera sana man lang hinabaan mo pasensya mo,”

“Kupal kasi ng mga nakatira dito sa atin! Magbabayad lang naman sila ng maayos! Maguutos lang ng maayos hindi pa nila magawa akala mo CEO ng malaking kompanya ang astahan eh!”

“Eh paano na ngayon ’yan? Saan ka kukuha ng trabaho para may pambili ka ng gamot ni Lola Tasing?”

“Bukas ko na pag isipan kapag hindi na ako badtrip.. aish! Putangina, ang sakit ng sapak niya ah pero mas malala ’yung sapak ko sa kanya putok labi niya eh!” nagtawanan silang mag kaibigan habang patuloy silang naglalakad pauwi sa kanila ng bigla nalang may malakas na tunog ng nagsu-swerve na sasakyan na papunta sa direksyon nila ang kumuha ng atensyon nila.

By instinct, agad itinulak ni Darius ang kaibigan para hindi ito mabangga at napapikit nalang siya ng makitang papalaki na ang sakop ng ilaw na papunta sa kanya.

“Darius!” dinig niyang sigaw ng kaibigan.

Pigil-hininga na idinilat ni Darius ang mga mata niya ng mapansing walang kahit na anong masakit sa katawan niya. Next thing he saw was may papalapit na poging lalaki sa kanya. Artistahin!

“Hey, are you okay?” nagaalalang tanong nito sa kanya. Bigla naman siyang nainis. Muntik na siyang mamatay dahil dito tapos ganito ang tanong sa kanya. Gago ba ito? Kahit gwapo ito at malambing ang boses nito dahil sa pagaalala eh papatulan niya ito ’no!

“Sira ba ulo mo ha? Mukha ba akong okay? Muntik mo lang naman ako masagasaan! Lasing ka ’no? Alam mo bang bawal mag biyahe ng nakainom? Paano ka nakakuha ng lisensya?” akusa nito kay Donomie na kinanganga nito sa gulat. Kalaunan ng makabwelo ito ay tinaasan niya ito ng kilay at pumamewang.

“I was just asking para kung hindi madala kita sa hospital! Buti nga chineck pa kita at hindi ako gaya ng iba na nilalagpasan lang yung nabangga nila and excuse me! Hindi ako naka inom! It’s just that nasira ang preno ng kotse ko!”

“Ang ganda-ganda ng kotse mo sira preno? Ulul! Kahit yata bata hindi maniniwala sa palusot mo!”

“What the—? Ang bastos ng bibig mo ha!”

“Paanong bastos? May nakasubo bang epep sa bibig ko para mabastusan ka?”

Tarantang lumapit si Jace sa dalawa at agad na pumagitna sa kanila dahil kung hindi niya pa iyon ginawa, paniguradong baka madadagdagan ng bangas sa mukha ang kaibigan niya.

“Uh, Sir, pasensya na po kayo dito sa kaibigan ko! Badtrip lang kasi siya kasi galing kaming barangay eh pero mukhang okay—”

“Anong okay? Mukha ba—”

“— pero uh, nabanggit ninyo pong nasira preno ng kotse ninyo? Kung mahihintay ninyo po, kaya ko pong ayusin ’yan!”

“Really? Can you?” nagaalangan na tinignan ni Donomie ang dalawa lalo na si Darius. Kapag kuwan ay napabuntung-hininga.

“Oo naman, Sir! Kaya lang willing to wait po ba kayo? Baka kasi may pamilya pa kayong uuwian.”

“Huy, Jace! Bakit ka nagooffer na ayusin sasakyan n’yan eh muntik na nga tayong patayin nyan?”

“I heard that!”

“Nyenyenye! I heard that!” pangaasar na bulong ni Darius with matching eye roll pa kay Donomie kaso agad siyang kinurot ni Jace para awatin.

“Kawawa naman kasi, pre! Mukhang malayo pa dito si Sir. O’sya, maiwan ko na muna kayo,” sabay nahihiyang yumuko kay Donomie, “Iwan ko muna kayo saglit Sir kasama mo naman ’tong si Darius kunin ko lang mga gamit ko sa bahay para maayos ko kotse ninyo. Malapit lang naman bahay namin dito. Saglit lang po!”

“Hoy! Wag mo akong—”

“Dyan ka lang para may kasama si Sir!”

Napanguso at malakas na napa buntung-hininga si Darius na walang nagawa kundi samahan ito habang may isang metro ang layo nila ni Donomie sa isa’t-isa na panay ang sipat sa kanya.

“Tinitingin-tingin mo? Wag mo sabihing crush mo ako? Bakla ka ’no?”

“No wonder bakit ka galing sa barangay. Mukhang bayolente kang tao at saka ano meron sa bakla? Insulto ba ’yun? Insulto na iyon sa iyo? Lame,” inirapan siya nito at sumandal sa hood ng kanyang kotse.

“Aba’t! T’chk, at least basagulero hindi mamamatay tao!”

Nagtitigan sila sa paraang kung meron mang insekto na dumaan sa pagitan nila ay siguradong dead on the spot.

It took one and a half hour para maayos ni Jace ang sasakyan ni Donomie mula ng makabalik ito katulong si Darius and the next thing they know, bumubunot na ito ng iilang perang papel sa kanyang wallet.

Nakangangang nagkatinginan sina Jace.

“Here. Sabihin ninyo lang kung kulang pa pwede naman ako mag abot nalang ng cheque,” inabot nito ang 20k sa kanila at nahihiyang inabot pabalik ni Jace ang pera kay Donomie, “Ay Sir, okay lang! Wag mo na kami bayaran! Basta safe kang makauwi sa inyo ayus na sa amin iyon.”

Agad namang umalma si Darius kaya nilingon siya ni Donomie.

“Luh, par! Huy! Nakakapagod ’yung pagaayos natin ng sasakyan niya! Ano iyon? Bakit libre?” agad siyang siniko ng kaibigan.

“Hayaan mo na! Saka para makauwi na din tayo. Inaantok na ako,” bulong nito sa kanya.

Habang nagtatalo sina Darius at Jace, kinuha ni Donomie ang isang pirasong cheque sa luob ng sasakyan niya at ballpen at sinulat ang pangalan at number niya sa likod nu’n. Ayaw niyang ipilit sa kanila na kunin ang bayad lalo na kung mismong ang mabait na si Jace ang tumangging kunin iyon kaya ang naisip nalang niya ay ibigay ang pangalan at cellphone number niya sa kanila kung sakaling magbago ang isip nila at kailanganin nila ng pera.

“Heto. Kontakin ninyo ako sa number na ’yan kung kailanganin ninyo ng tulong. Ako na ang bahala sa inyo. So, uh.. paano? Mauna na ako?”

Hindi pa man nakakalayo ang kotse niya mula ng makasakay siya at iwan ang dalawa hindi niya mapigilan na hindi tignan sa side mirror niya si Darius at mapabuntung- hininga. What an ironic day indeed!

WILD AT HEART • Chapter Two

“Pre, ano? Tawagan mo na kaya? Siya naman nagsabi, ’di ba? Tawagan natin siya kung kailangan natin ng tulong at siya na ang bahala,” sabi ni Jace habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa harap nila sa hospital kung nasaan sila.

“Eh paano kung scam ’yon? Tapos sabihin niyang hindi niya tayo kilala?”

“Hindi naman siguro! Ito naman! Masyadong nega mag isip! ’O, kumain ka na nga lang muna baka gutom lang ’yan.” sabay abot nito sa kaibigan ng tingi-tinging super delights na butterscotch-brownie na binili niya kanina sa canteen sa luob ng hospital.

“Thanks, pre! Maaasahan ka talaga,” sabi nito at nakipag bro-handshake sa kaibigan.

“Wala ’yun. Nang kinailangan ko din ng kadamay ikaw ’yung nandyan eh.”

“Kaya sa’yo ako eh!” nakangising sabi nito habang may kagat-kagat na brownie sa bibig.

“Tado! Bakla ka ba?”

“Insulto ba ’yan? Lame ah,”

“Ay wow! Putangina ka! Big word! Kanino mo natutunan ’yan?” natatawang sagot ni Jace sa kanya.

Biglang naalala ni Darius si Donomie dahil sa kanya niya narinig ang ganitong klase ng sagot. Napangisi siya sa naalala.

Kalaunan ay nagpaalam siya sa kaibigan na ito muna ang magbantay sa kanyang Lola dahil may aasikasuhin lang siya saglit sa kanila pero ang totoo, umuwi siya para magbihis at subukang maghanap ng trabaho kung saan siya maaaring pwede.

• • •

“Sorry pero wala pa kaming hiring ngayon eh,” sabi ng babaeng nag interview sa kanya, “Pero kung gusto mo i-message kita kapag nagkaruon na kami ng opening para dito ka sa amin.”

“Uh, sige, sige. Thank you.” isang pilit na ngiti ang binigay ni Donomie bago siya tuluyang lumabas ng naturang establishment.

Napabuntung-hininga siya dahil narealise niyang ang hirap pala mag apply ng trabaho lalo at kulang-kulang ang requirements. Wala naman kasi siyang maaasahang ibang tao na pwedeng tumulong sa kanila ng Lola niya kaya niya ito ginagawa ngayon dahil pakiwari niya ay may mga magiging bayarin siya sa hospital kahit na nasa public ito naka confined. Ayaw niya sanang magtrabaho sa malayo given na walang magbabantay sa Lola niya kaya nga pinagtsyagaan niyang magtrabaho sa kanila kaso hindi naman patas magpasahod o trumato ang mga napasukan niya sa mga empleyado nito.

Kumakalam na ang sikmura niya dahil anong oras na rin at tirik pa ang araw sa labas kaya hindi na nakapagta-takang makaramdam siya ng pagka hilo. Mabuti at may malapit na waiting shed sa kanya kaya duon niya muna naisipan na tumambay para palipasin ang gutom at pagod.

Muli niyang kinuha sa bulsa niya ang nakatuping papel na inabot sa kanya kanina ni Jace at tinitigan ang pangalan na nakatala.

Hmm, tawagan ko kaya? ani sa sarili pero agad ding binawi ng may dalawang batang kumuha ng atensyon niya. Paanong hindi makukuha ang atensyon niya, mga inglishero’t-inglishera. Halatang anak mayaman pero anong ginagawa ng mga ito dito sa labas ng walang kasamang bantay?

“Kuya! I wanna go home na! I told you naman kasi we shouldn’t have sneak out sa school gate eh! Mie for sure is worried na.”

“We’re going home na nga! We just have to look for a taxi na alam ’yung way papunta sa house.”

“But you’ve been telling that for like an hour na. My feet is sore na! Look, I can’t walk na ng maayos.”

Sabay napalingon ang kambal kay Darius ng marinig nila itong humalakhak. Mabilis na nilihis ni Darius ang tingin palayo sa kambal ng mapansin niyang nakatingin pa rin ang mga ito sa kanya. Bigla siyang nailang.

“What?” shemay, mapapalaban pa yata ako sa englishan sa mga ’to, ani sarili.

“Were you laughing at us?” masungit na tanong ng batang lalaki sa kanya.

“Hi, Mister! I’m Leora and he’s my twin brother, Zadkiel! How about you? What’s your name?” energetic na pakilala naman ng batang babae, kabaligtaran sa kuya nito.

“Hey! You shouldn’t be giving out our names to strangers! What if he’s a bad person?”

“You! You’re a judger ah,” sita ni Darius sa batang lalaki, “Don’t be like that. It’s bad.”

“How come it is bad eh we don’t know you nga eh!”

“Eh how am I suppose to introduce myself sinusungitan mo ako, young man?”

Agad namula ang pisngi ng batang lalaki at napanguso samantalang napahagikhik naman ang kakambal nito sa kanya.

“Anyway, I’m Darius Caelestis but you can call me Kuya Darius.” nakangiti niyang pakilala sa kanila.

“We’re not going to call you Kuya! Mie said to not refer to anyone Kuya or Ate unless they are blood-related.”

“Eh di don’t,” patol ni Darius sa batang lalaki sabay belat dito. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya sa pagka masungit nito.

Muli namang napahagikhik sa kanilang dalawa ang batang babae.

“You’re funny po,” sabi ni Leora sa kanya.

“I haven’t even joke pa nga pero funny na agad sa’yo. What more kapag nag joke ako.”

“Coooorrrnnnyyyy!” sabat ni Zadkiel.

Muling binelatan ni Darius ang batang lalaki but this time imbis na palampasin ay binawian na rin siya nito.

“Anyway, change topic. What are you kids doing here? Shouldn’t you be in school at ’di ba dapat may kasama kayong adult?” alala niyang tanong sa kanila.

Nagkatinginan ang kambal sa isa’t-isa.

“No! Don’t tell him! What if he kidnaps us?” dinig niyang bulong nito kay Leora.

“Ayan tayo eh! Judger much, Kiel? Do I look like a kidnapper to you?”

Mabilis siyang nilingon ng batang lalaki.

“It’s Zadkiel for you not Kiel! Only Mie can call me Kiel! And yes, what if you really are? Some bad guys have decent faces, you know. It’s not always the bad looking ones.”

Napansin ni Darius na kahit may pagka masungit si Zadkiel eh may point ang sinasabi nito. Nga naman, ’di ba? And, napangisi siya at the back of his head ’coz well, a kid just told him he is good looking. Masungit man ang bata but a compliment is a compliment. Pogi daw, naks! ani sarili.

“Kuya and I were supposed to go to the mall eh. That’s the reason why we sneaked out habang our nanny hasn’t arrive pa kasi she would not bring us there even if we ask kasi matao daw at bawal kami there. Me and Kuya want kasi to play sa arcade kaso when we went there, they didn’t allow us and asks for our guardian kasi bawal pa daw ang kids sa mall ng ganitong time.” nakangusong sagot ni Leora sa kanya.

“Huh? Paano nangyaring nakapasok kayo sa arcade? Hindi nila chineck kung may kasama kayo na adult or wala bago kayo pinapasol ng mismong mall?” gulat na tanong ni Darius, nakalimutan ng sagutin si Leora pabalik in english. Good thing is, nakaka intindi ng tagalog ang dalawa.

“Nope! Typical mall guards. They don’t even check nga the bags properly whenever we go to the mall with Mie.” sagot ni Zadkiel.

“So.. uh, pauwi na kayo? You should get yourselves home na. Baka mataranta ’yung sundo ninyo kapag nalamang tumakas kayo pauwi ng wala siya. For sure magaalala din parents ninyo and that’s not good.”

“That’s what I’ve been telling to Kuya po kaso I think he still really wants to get inside the mall para makapag arcade kami.”

“Ano ba meron sa arcade na ’yan kasi, Kiel?”

“It’s Zadkiel!” nag eye roll pa ito sa kanya na kina ngisi niya,“I just want to go there. That’s all.”

“He misses those days kasi that we spend our Sundays there with Mie kasi nowadays he is busy with work na. We no longer have family bonding!”

“Leora! Shut up! He doesn’t need to know that,”

“I’m just telling the truth! Mie said not to lie when being asks and he is asking nicely,”

Inikot ni Darius ang tingin niya sa paligid. Hindi na ganun katirik ang araw but for some reason walang dumadaan na bakanteng taxi kung saan pwede niyang pasakayin sina Leora pauwi sa kanila and somehow, there’s his instinct too, na ayaw niyang iwan ang mga ito mag isa sa taxi. Mamaya ano pang mangyari sa mga ito.

“Okay so, here’s a deal. I’ll accompany you sa mall para makapag arcade kayo then sasama ako pauwi sa inyo. It’s not safe na wala kayong kasamang adult sa sasakyan. Delikado. Mamaya ano pang mangyari and I promise, I will not kidnap you two or papasok sa bahay ninyo. You just have to make sure na magso-sorry kayo sa pinanic ninyong sundo ninyo at parents ninyo, okay? Do we have a deal?”

“Really? You will do that?” namilog ang mga mata ni Leora at nagpa-palakpak sa saya.

“I still don’t trust you but sure. You seem lonely anyways,” Zadkiel snickers before the three of them left the waiting shed.

WILD AT HEART • Chapter Three

Napatigil si Darius sa kanyang paglalaro sa lot machine at nakangiting pagmasdan ang kambal habang enjoy na enjoy ang mga ito sa paglalaro sa arcade. Somehow it gave him a familiar feeling at hindi niya maintindihan kung bakit. Baka dala lang ng nami-miss niyang maging bata o estudyante ulit na wala pang masyadong obligasyon sa buhay. 

Muli siyang napatingin sa orasan sa cellphone niya at nakitang pasado ala singko na ng hapon kaya agad niya ng tinawag ang dalawang bata para ayain na itong umuwi. Gustuhin man niya na mamaya nalang umuwi ay hindi pwede. May obligasyon pa siya pag uwi at baka nagpapanic na ang mga magulang nina Zadkiel. Hindi man siya magulang pero alam niya ’yung feeling na kabahan dahil may nawawala sa iyong importanteng bagay. 

“Thank you, Da.” abot-tengang ngiting pasalamat ni Leora sa kanya habang naglalakad sila palabas ng mall para maghanap ng masasakyan pauwi. Nakahawak ito sa kamay niya habang ang isa pa nitong kamay ay nakahawak kay Zadkiel. Bale nasa gitna nila ito. Siya ang nagdala ng mga napanalunan ng mga ito sa mga nilaro nila. Hindi niya rin hinayaan na ang mga bata gumastos kahit na nagulat siyang meron ng sariling mga atm card ang mga ito. Gipit siya sa pera, oo, pero hindi niya hahayaang mga bata ang gumastos. Sinigurado din niyang makakain ang mga ito kahit simpleng waffle lang. Hindi niya na binilhan ang sarili dahil baka ma-short sila sa pamasahe pauwi sa bahay ng kambal. 

Mabuti nalang at alam ng mga ito ang address nila kaya hindi siya nahirapan sabihin sa taxi driver ang destinasyon nila pauwi. Napangiti siya ng marealise na nakatulog na si Leora sa hita niya yakap ang napanalunan niya para dito na rabbit na stuff toy samantalang tahimik lang na nakasiksik sa kanya si Zadkiel at walang violent reaction na naka akbay siya dito. Palibhasa abala manuod ng anime sa cellphone niya. Well, kahit siya din naman hook sa pinapanuod nito kahit makailang beses niya na ito napanuod.

• • •

“Sir, huwag po kayo masyadong mag alala at ginagawa na po namin lahat ng makakaya namin para mahanap ang kambal ninyo,” kalmadong sabi ni Silas sa kanyang amo na kanina pa hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Mula kasi ng tumawag ang hinire niyang nanny ng mga anak niya ay pakiramdam niya, nagkulang siya bilang magulang. Na mali nga siguro ang desisyon niya na inuna niya ang pride niya at hinayaan na ibang tao ang mag alaga sa anak niya. Alam niya sa sarili na hindi niya pwedeng ituro lahat ang pagkukulang sa bantay ng mga anak niya pero kung sana ay dumating lang ito ng tama sa oras o kaya mas maaga sa oras sa pagsusundo sa mga anak niya, hindi sana siya nagkaka ganito ngayon na pakiramdam niya napaka unfair ng mundo dahil isa na namang importanteng tao sa buhay niya ang kinuha.

Wala ba siyang karapatan maging masaya? Ang kambal na nga lang ang tanging pinanghuhugutan niya ng lakas, bakit kailangang magka ganito pa? Ano bang maling ginawa niya sa buhay niyang ito? Nagmahal lang naman siya pero bakit? Masama ba siyang tao sa past life niya kaya siya pinaparusahan ng ganito? Hindi niya alam. Wala siyang mahugot na sagot sa kahit na kanino maging sa sarili niya bakit ganito ka-unfair ang buhay sa kanya pero isa lang ang alam niya, na sa oras na makabalik sa kanya ang mga anak niya, kahit na bumigay pa ang katawan niya sa sobrang pagod, hindi niya na hahayaan na ipahawak sa iba ang mga ito.

Habang nakapatong ang mukha niya sa magkasalikop niyang palad, para itago sa lahat ang nagbabadya niyang pag iyak ay bigla nalang nagtatakbong lumapit sa kanya ang kasambahay niyang si Manang Bertha. From the sound of her voice, para itong nabunutan ng tinik sa kanyang lalamunan. The old woman was ecstatic to announce a good news to them.

“Sir Mie! Sir Mie! Nasa labas ’yung kam—” hindi pa nito tapos ang inuulat niya ay mabilis na tumakbo si Donomie palabas ng bahay. Muntikan pa siyang matalisod pero ayos lang kasi that’s the least of his priorities. 

Nang masilayan niya na ang kambal ay para bang bumalik lahat ng nawalang oxygen sa katawan niya lalo pa at nakita niyang mukhang masaya ang mga ito kung saan man sila nanggaling at sino man ang nasamahan nila.

Saka palang umangat ang tingin niya sa taong kasama nila na hanggang ngayon ay naka hawak pa rin ang kamay sa kambal. Inaalisa kung tama ba ang nakikita ng kanyang mga mata sa nasabing magulang ng kambal. Pati siya ay nagulat. Hindi makapaniwala sa nakikita. Impossibleng makalimutan niya ang mukha nito.

“IKAW?” sabay nilang tanong sa isa’t-isa.

“Oo ako nga! May iba pa ba?” sarkastikong sagot ni Darius.

“Bakit nasa iyo ang mga anak ko?” masungit at mapang akusa na tanong ni Donomie.

Marahil ang na-sense ng kambal na mag aaway ang dalawang matanda at bilang mas sensitive si Leora kesa kay Zadkiel ay agad nitong niyakap ang hita ni Darius na kinagulat nilang lahat lalo pa at dumating na ang iba pang kasama sa bahay ni Donomie.

Kahit sa gitna ng nagbabadyang gulo sa pagitan nila ni Donomie, nagawa pa rin ni Darius mapangisi sa isip niya ng mapansin ang gulat na reaksyon ng mga tao sa kanya ng makita siya. Aba malamang! Sino bang hindi maii-starstruck sa kanya sa kagwapuhan niya. Nakuha nga siyang extra nuon sa isang palabas sa pelikula ng may mag shooting na malapit sa kanila nuon.

“Mie! Please don’t away him! Da didn’t kidnap us and he also didn’t do any harm against me and Kuya Kiel.” nakangusong pakiusap nito na parang maiiyak pa.

Agad naman siyang inalo ni Darius.

“Ay, ayus lang, Leora. Please don’t cry. I can fight for myself if your Mie wants to fight,” nakangiti nitong sabi kaso bigla siyang pinalo sa hita ni Zadkiel. Nakanguso ito.

“Hey! You can’t away our Mie! Bakit mo siya aawayin? I will not let you!” sabi nito at nag cross arms pa. Napakamot naman sa ulo niya si Darius.

“Sir Mie!” tawag nila Silas kay Donomie ng lumakad ito palapit kay Darius. Halos kaunti lang ang distansya nilang dalawa at maaari na nilang mahalikan ang isa’t-isa sa maling galaw ng sino man sa kanila. Napalunok si Darius sa malagkit na titig sa kanya ni Donomie habang ang isa naman ay inaalisa kung hindi ba planado ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanila ng pamilya niya given na may on-going na divorce sa pagitan niya at ni Nestor.

Napabuntung-hininga si Donomie at kalaunan ay napatingin sa kambal.

“Magkano kailangan mo?”

“Huh?”

“Sabi ko magkano kailangan mo at ibibigay ko sa iyo,”

Agad kumunot ang nuo ni Darius sa narinig.

“Teka, ito ba ’yung part na pinagbibintangan mo ako kasi akala mo planado ’tong pagkikita natin ulit kasi sa dinami-dami ng pwedeng maghatid sa anak mo eh ako ’yung naghatid? Ay wow! Napaka ungrateful mo! Dapat pala pinabayaan ko nalang ’tong mga anak mo sa labas kanina at bumalik nalang ako sa hospital kung saan mas kailangan ako. Wow ha? Ganyan ba kayong mayayaman puro pera lang ang nasa isip ninyo at unting inconvenience lang akala ninyo madadaan ninyo lahat sa pera? T’chk,” inis na inirapan ni Darius si Donomie na kinagulat nito maging nila Silas at saka ito tumingin sa kambal.

“Paano ba ’yan? Aalis na ako ah. Pakabait kayo sa tatay ninyong judger,” ismid nito at binitawan ang kamay ni Leora at ipunta sa tabi ng kakambal niyang si Zadkiel. Agad itong tumalikod at lumakad palayo sa kanila.

“Mie! What are you doing? I already told you Da’s not a bad person nga eh!” says Leora, throwing tantrums infront of them. Napapikit si Darius dahil pinipigilan niya ang sarili na lumingon kahit na parang pinipiga ang puso niya marinig ang pagtatampo ni Leora kay Donomie. Technically, wala naman talaga siyang ginawang masama sa kanila at naiintindihan niya ang side nito bilang magulang pero nag husgahan siya after everything he did? Wow! Just wow.

“Leora!” sita ng kakambal sa kanya.

“I hate you!” nakangusong sabi nito kay Donomie na kinagulat ng ama at saka ito tumingin sa kakambal, “I hate you too! He was good to us and yet you didn’t defend him? Coward!”

“Leora!” tawag ni Donomie sa anak na babae but the girl’s too occupied with her anger that she didn’t even look back when she was being called. Pati sila Silas nilagpasan lang nito without acknowledging their presence which is the first time she did.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie. Sure, he has already calmed down knowing na safe ang mga anak niya but to see one of them at marinig na galit ito sa kanya is a big deal to him especially Leora’s the bubbly and sweetest person between the twins. Napatingin siya kay Zadkiel ng hilain nito ang dulo ng damit niya. The boy looks guilty. His eyes watery as he juts his lips.

“Leora’s right. He was good to us. For a stranger like him, he was really nice. Didn’t let us spare any money even when he’s obviously short of it.” pagkuwan ay umiyak na ito ng tuluyan. Donomie was quick to hug Zadkiel dahil sa kambal ito naman ang bihirang umiyak. Always keeping his emotions at bay dahil sa lalaki ito at pinanindigan talaga ang pagiging kuya kaya naman hindi nakapagtataka na umiyak ito ng marinig na awayin siya ni Leora.

“Silas,”

“Yes, Sir Mie!”

“Tingin mo nakalayo na siya?”

WILD AT HEART • Chapter Four

Namimilog ang mga matang napatayo si Jace sa kinauupuan niya ng makita ang pamilyar na mukha sa paanan ng hospital bed ng Lola ni Darius. Hindi lang siya ang nagulat kundi maging ibang pasyente at pamilya ng mga ito na kasama nila sa silid kung saan sila nakalagak dito sa luob ng public hospital. Halata kasing mayaman ang bisita nila.

“Uh, hello po sa inyo, mga Sir!” bati niya at awtomatikong napatingin sa bintana sa labas. Nagtataka bakit nandito ang mga ito sa dis oras ng gabi. Technically, it was already 4 AM but still, ano meron at napasugod ang mga ito dito? Hindi niya rin makitang kasama ng mga ito ang kaibigan kaya kinabahan siya na baka may nangyaring masama dito.

Childhood friend niya kasi si Darius at magkapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa kaya nga wala lang sa kanya kahit isang buong araw siyang nagbantay dito at na panaka-naka lang ang pangangamusta nito sa kanila ng Lola niya dahil alam niya, gumagawa ito ng paraan para matustusan ang pangangailangan nila kahit hindi nito sabihin sa kanya.

“Ano po meron at nadayo kayo dito?”

Saglit na ngkatinginan sina Donomie at Silas.

“Si Darius..? Nasaan siya?”

“Po? A.. e.. akala kasama ninyo?”

Muling nagkatinginan ang mag amo.

“Pumunta ako dito para personal sanang humingi ng apology sa kanya. Napagsalitaan ko kasi siya ng hindi maganda ng hinatid niya sa bahay yung mga anak ko.”

Napanganga si Jace sa narinig. Hindi makapaniwala na yung sinabi sa kanya sa text ng kaibigan na dalawang chikiting na na-meet nito sa waiting shed at sinamahan sa mall para maglaro sa arcade ay anak ng lalaking tinulungan nila ng nakaraan.

“Uh, hey? Are you alright?”

“O-oo! Ayos lang po ako. Sorry! Nabigla lang ako ano, kasi.. parang serye sa tv eh! Nasabi nga niya sa akin na may sinamahan siyang dalawang bata maglaro sa arcade. Hindi ko naman alam na anak ninyo po pala.”

Napabuntung-hininga si Donomie. Now he knows na mukha naman talagang walang masamang intensyon ang binata kahit na hindi maganda ang unang pagkikita nila. Napatingin siya sa matandang mahimbing na natutulog at may nakasaksak na dextrose sa likod ng kamay nito. Agad siyang nahabag. Muli na namang nag flashback sa kanya ang sinabi ni Darius ng akusahan niya ito ng walang pruweba.

“Gaano na siya katagal dito?”

“Mag iisang linggo na rin. Naabutan namin siya ni Darius na walang malay isang araw after ng ayusin namin yung kotse mo po.”

“Uh, sorry. What was your name again?”

“Jace po.”

“Jace.. please don’t call me Sir or use po or opo. Mukhang magka edad lang tayo and kung hindi man please, let’s just not use honorifics. Just speak to me like how you speak to Darius.”

“Uh, sige po este okay.” naiilang na tugon ni Jace kay Donomie na nakatitig pa rin sa matanda na nasa hospital bed.

“She has Leukemia?”

“Paano mo nalaman?” namimilog ang mga matang tanong ni Jace kay Donomie.

“Just a wild guess,” kibit-balikat nitong sagot while Silas clears his throat, “So uh, do you think papansinin ako ni Darius if magkita kami like, right now?”

“Oo naman! Kahit may pagka masungit ’yon si Darius, hindi niya nagagawang magtanim ng sama ng luob sa kahit na kanino.”

Donomie don’t know why but he smiled hearing those words from Jace. You really can’t judge a book by its cover ika nga.

It didn’t took awhile para magpasama si Donomie kay Jace papunta sa tinutuluyang bahay ni Darius at iwan si Silas para bantayan ang Lola nito na mahimbing pa rin na natutulog. Hindi maiwasan na mapangiti ni Donomie sa reaksyon ni Jace ng makita nito ang gamit niya ngayon na sasakyan. Para kasi itong inosenteng bata. Habang nasa biyahe sila ay narealise niyang parang si Leora si Jace. Madaldal, but in a good way.

“Kumusta ka naman, Mie? For sure nakakapagod mapunta sa sitwasyon mo pero at the same time nakaka amaze kasi nakakayanan mo.”

“Kailangan e. Ako lang inaasahan ng mga anak ko saka mahirap na maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Kapag bumitaw ako, mahihirapan din si Silas saka Manang Bertha na makahanap ng bago nilang magiging amo. Mamaya du’n pa sila sa mahirap pakisamahan mapunta.”

“Wow! Ang bait mo naman, Mie! Bihira ’yung ganyan mag isip na gaya mo. May mga nakilala at napasukan na din kasi kami ni Darius nuon na mga mayayaman pero baka nga mas mayaman ka pa sa kanila or sila sa iyo pero wow! First time kong makakita in real life ng mabait na mayaman!”

“Marami na pala kayong napasukan na trabaho?”

Agad tumango si Jace, “Marami! Naging magkatrabaho na nga kami nyan kaso dahil fair and square na tao si Darius madalas siyang mapag initan sa trabaho kapag may napapansin siyang hindi tama na ginagawa ng ibang empleyado kaya madalas pinagkakaisahan siya dahilan para matanggal siya. Ako naman kahit wala silang problema sa akin o kung balak man nila ako isunod dahil magkaibigan kami ni Darius, umaalis nalang din kasi, ewan ko. Feeling ko unfair na siya nawalan ng trabaho tapos ako na retain. Madalas sinasabi ng mga tao ang tanga ko sa ganuong thinking pero kasi hindi nila alam, ng walang-wala ako at pamilya ko nuon, si Darius ang nag iisang tumulong sa amin at Lola niya. Kaya nagsumikap ako magtayo ng talyer para hindi na namin kailangan mamasukan kaso ayaw ni Darius ng ganuon kahit pa mabuti ang intensyon ko. Gusto niya ’yung pinaghihirapan niya talaga mula sa pagpasok hanggang sa pagtatrabaho kaya nga lang, unfair talaga ang buhay eh. Lahat ng pwedeng mapasukan na malapit sa amin, napasukan niya na at lahat ng iyon may bad blood sa kanya. Well, not his fault though. Parehas may mali. Si Darius kasi dinadaan agad sa taas ng boses at dahas. ’Yung may ari naman dinadaan sa pagiging matigas at ma-pera nila kaya pasensya ka na kung hindi maganda ang unang pagkikita ninyo ha? Napaaway kasi siya nu’n sa dating pinasukan niya hindi kasi siya binayaran ng maayos. Pang tustos niya kasi iyon sa gamutan ng Lola niya kaya hindi na.”

“Mukha namang parehas kayong may tinapusan, bakit kayo nagsesettle lang sa maliit lang na sahod at panget na treatment?”

“2 years vocational lang ang tinapos namin ni Darius. Hindi gaya ng sa iba na four years o five years. Syempre mas pipiliin ng mga kilalang company ang may maayos na tinapusan at galing sa kilalang school bukod lang sa may hitsura. Plus, wala din kasi magbabantay kay Lola kapag nagtrabaho sa malayo si Darius. Iyon talaga main reason bakit siya pumayag magtrabaho sa malapit at mababa ang pasahod. ’Yung mga kagaya kasi namin, kailangan namin maka survive kesa sa unahin pa namin yung mga hindi naman kailangan gaya ng titulo sa trabaho o maayos na pakitungo ng amo.”

Saglit na tumahimik sa luob ng sasakyan dahil iniintindi mabuti ni Donomie ang mga sinabi sa kanya ni Jace. Naalala nga niya naka postura nuon si Darius ng makita niya at kwento sa kanya ni Leora ay galing pa ito sa paghahanap ng trabaho at nagpapahinga lang ng ma-meet niya ang kambal sa ilalim ng waiting shed. Lalo tuloy siyang na-guilty sa nagawa niya sa lalaki.

“Ganuon na ba karami ang may ayaw kay Darius para hindi na siya makahanap ng trabaho malapit sa inyo?”

Agad tumango si Jace.

“Oo! Kaya nga hindi na ako nagulat ng magpaalam siya kahapon ng umaga na aalis siya saglit. Alam ko na nu’n na maghahanap soya ng trabaho kahit hindi niya sabihin sa akin kasi nakita ko ’yung hitsura niya ng kausapin siya ng doctor ni Lola. Sa totoo nga lang, sinabihan ko na siya na tawagan ka du’n sa number na binigay mo sa amin kasi baka matulungan mo siya pero ayaw niya kasi daw baka scam ka.” hindi na nagulat pa si Jace ng mabilis siyang lingunin ni Donomie at mukhanh magtataray ito sa kanya sa narinig na sinabi niya.

“Ako? Scam? Sinabi niya talaga ’yon?”

“A.. e.. may trust issue lang kasi siya kaya ganuon kasi nga baka sabihin mo pineperahan ka lang niya.”

“I don’t care what he thinks basta hindi ako scam! Sa mukha kong ito? Ako? Scam? Humanda ’yang lalaki na ’yan sa akin!”

• • •

“Pre! Anong nangyari sa iyo?” tarantang sabi ni Jace ng pagbukas nito ng pinto ng bahay nila ay makita nilang may bangas ang mukha nito at may benda sa may bandang tagiliran. Tanda na nasaksak ito.

“O bakit nandito ka? Sino kasama ni Lola? Saka bakit nandito ito?” masungit na tanong nito ng makita si Donomie kasama ni Jace.

“Ah, pre! Pwedeng papasukin mo muna kami ng makaupo kami? Nakakapagod kaya tumayo,” pilosopong sagot ni Jace. Napabuntung-hininga nalang si Darius at niluwagan ang bukas ng pinto at kahit labag man sa luob niya ay inirapan nalang niya si Donomie ng papasukin niya ito sa bahay nila ng Lola niya. Hindi sila bati ’no!

Agad nilibot ni Donomie ang tingin niya sa luob ng bahay at pasimpleng dinulas ang kamay niya sa table na malapit sa kanila bukod sa kinauupuan nila ni Jace. Impressive. For a house na halos kasing laki lang ng cr nila, he didn’t expect na malinis ito given na ang Lola ni Darius ay nasa hospital. Expected niya na kasi na basta lalaki makalat bukod pa sa y’know, nakatira sila sa hindi magandang location. He thought he was subtle about it but Jace was quick to understand what Donomie’s doing.

“OC ’yan si pareng Darius,” bulong nito na may impit na ngiti sa kanyang labi bago muling tinuon ang atensyon niya sa kaibigan na ngayon ay may dala ng dalawang tasa ng kape at iniabot sa kanila.

“Wala akong mamahaling inumin dito kaya pagtiyagaan mo na ’yang kape.” masungit na sabi nito kay Donomie. Hindi naman ito umimik at inabot nalang at tasa at naiilang na tinikman ang kape. Masyadong matamis!

“3-in-1? Sana ’yung may gatas na binili mo,”

“Mukha ba akong may budget? Pang brown sugar lang kaya ko sa 3-in-1.” sagot nito at umupo sa monoblock na katapat nila Jace.

“So ayun nga pre, ano muna nangyari iyo?”

“Eh sabihin mo muna sa akin bakit ka nandito kasama ’yan at sinong bantay ng Lola ko?”

“Si Silas ang naiwan sa Lola mo. Siya ang nagbabantay sa kanya ngayon. Pumunta ako du’n para sana humingi ng apology sa iyo dahil naalala ko may nasabi ka about hospital ng nanduon ka sa bahay. Look, I didn’t mean to say those nasty words at you. It’s just that, dala na rin ng pagod at kaba kaya ko nasabi ’yon and I’m truly sorry for accusing you of something you didn’t do and you aren’t. Tinry kitang habulin but I guess, we were too late at nakaalis ka na papunta sa Lola mo so, we decided na puntahan ka nalang diretso sa hospital but I saw Jace instead of you kaya ako ang nag request sa kanya na samahan ako para makausap ka.”

“Okay.” kibit-balikat na tugon ni Darius. At least, marunong din palang mahiya at mag sorry ang lalaking nasa harap siya na aba syempre, dapat lang. Where are his delikadesa kapag hindi niya ’yon ginawa? Unless, matapobre talaga ang mga gaya niyang mayayaman na hindi self-aware na hindi sila perpektong tao.

“O-okay? Okay na? That’s it?” gulat na tanong ni Donomie. He was expecting na makikipag bangayan pa sa kanya somehow si Darius but nope, he didn’t.

“Oo, that’s it. Pwede ka ng umuwi sa inyo.” sabi nito at tumingin sa gawin ng kaibigan, “Jace, hatid mo na muna siya kay baka madagdagan tama ko pag lumabas ako ng bahay.”

“Sabi sa’yo eh! Hindi mapagtanim ng galit si pareng Darius,” nakangiting siko at bulong ni Jace kay Donomie kaso hindi ito natinag at nanatiling nakatitig kay Darius. He don’t why pero iba siya sa nga nakilala niya ng lalaki and no, those boys are not only from rich families but also from average ones. Iba siya sa kanya , is what his mind says.

How ironic. May mga taong magkaka pareha pero magkakaiba ang kilos at ugali.

“Nasaksak ka?” straight forward niyang tanong which, to Darius, took it bilang nangaasar si Donomir sa kanya. Agad niya itong tinaasan ng kilay.

“Ay hindi! Nabangga lang ako sa kanto ng lamesa,” sarkastikong sagot niya dito.

“Hey! Matino akong nagtatanong ha!”

Napanganga si Jace sa dalawa at napatampal sa nuo niya. Magka away na naman sila! Parang hindi yata lilipas ang isang oras na hindi sila pwedeng hindi mag away na dalawa.

“D’yan nagsimula Lolo-Lola ko eh. Sa asaran,” sabi nito ng hindi kalakasan pero narinig ng dalawa at agad siyang nilingon na masama ang tingin sa kanya. Yikes!

“Eww! I would rather drop dead!”

“Tangina! Kilabutan ka naman, Jace!”

Napailing nalang si Jace sa dalawa bago sumeryoso ang tingin sa tama ni Darius sa tagiliran.

“Ilan umabang sa’yo, pre?”

Saglit na nag iwas ng tingin si Darius.

“Madami pero kita mo naman, I’m still standing ,” pakantang sagot nito na kinangisi ng kaibigan. Muntikan ng mamatay, nagagawa pa rin magbiro.

“Paano ’yan? Papahinga ka muna?” muli nitong tanong at agad nakuha ni Darius ang tinutumbok ng kaibigan.

“Hindi, ’par. Walang magtutustos sa Lola ko kapag hindi pa ako nakahanap ng trabaho.”

“Take a rest muna. H’wag mong ipilit. Baka bumuka ’yang tahi sa iyo at lalo ka madisgrasya.” sabat ni Donomie.

“Sabi ng may trabaho,” ismid ni Darius.

“Binibigyan na nga kita ng freedom magpahinga bago ka magtrabaho sa akin eh!” mataray nitong ganti.

Kenkoy na ginaya ni Darius ang sinabi sa kanya ni Donomie at napatigil midway ng marealise ang sinabi nito. Nanlalaki ang mga matang tinignan ang lalaki.

“Huh?” nakanganga nitong tanong. Pati si Jace napanganga din sa gulat sa narinig niyang sinabi ni Donomie sa kaibigan.

“Yes, you heard it right. I’m offering you a job. I want you to work for me.”

WILD AT HEART • Chapter Five

“Lasing ka ba?” tanong ni Darius.

“Do I look drunk to you?”

“Naninigurado lang! Nakakagulat at bigla kang magooffer ng trabaho sa akin eh kailan lang naman tayo nagkakilala saka ni hindi mo pa nga alam background ko. Paano kung kidnapper pala ako?”

Donomie sighed in defeat. He can’t with his man. One second ayos itong kausap, the second gusto niya itong sakalin.

“So should I get you arrested then dahil kinidnap mo mga anak ko?” mapang hamon niyang tanong dito.

“Aba, sabi ko na eh! Bitag talaga ’yang offer mo. Gusto mo talaga ako ipahuli! May nalalaman ka pang offer ng trabaho ah!”

Inihilamos nalang ni Donomie niya ang magkabilang palad sa mukha niya sa inis sa lalaking kaharap. Gusto nita itong sakalin!

“Could you.. could you please, just please! Be grateful I’m offering you a job? I’m helping you out here with your Lola’s hospital bills!”

Napangisi si Darius, seeing how fun it is to annoy Donomie. Hindi naman sa ayaw niya tanggapin ang trabaho, it’s just that, hindi niya inexpect na oofferan siya nito despite the fact na hinfi maganda ang unang pagkikita nila at napagkamalan siya nitong kidnapper at sinabihan ng hindi maganda, may it be dahil nakokonsesya ito sa nagawa but a job is a job kaya sino siya para tanggihan iyon lalo pa at ito na ang lumalapit kesa siya, right?

“Hindi ka ba natatakot? Kukunin mo akong empleyado mo pero hindi mo alam gaano karami ang may galit sa akin, dito palang sa street namin. Pwedeng mapahamak ang mga anak mo.”

“My decision is final. I want you to work for me. Specifically, to be a nanny for my twins.”

“Nanny? Teka, ’di ba yaya iyon?” sabat ni Jace.

Tumango si Donomie.

“Yes. I pretty much prefer na lalaki ang maging taga alaga ng mga anak ko kesa sa babae. I think mas mapoprotektahan ng lalaking nanny ang mga anak ko if incase something happens and I think he, is more than qualified for the job bukod sa basagulero siya eh gusto siya ng kambal ko.”

“FYI, si Leora lang.”

“Kiel also likes you. He just have a hard time trusting other people.”

“Hindi na ako magugulat kung dahil sa pangaral mo.”

“I wish it was because of that,” saglit na lumungkot ang mukha nito.

“O paano ’yan pre? Trabaho na itong inooffer sa iyo! Huwag mong sasabihing tatanggihan mo?” tanong ni Jace sa kaibigan.

“Sinong nagsabing tatanggihan ko? Hindi naman ako mapili sa trabaho basta ’yung sahod maipangbubuhay ko sa aming dalawa ni Lola, ayos na ’yun.”

Excited na pumalakpak si Jace para sa kaibigan, “So kailan siya magiistart?” tanong nito kay Donomie.

“Pahilumin niya muna ’yang sugat niya saka siya pwede nag start sa akin saka para mabantayan na rin niya Lola niya habang nakapahinga siya.”

“Sure ka na ba talaga sa desisyon mo kasi baka mamaya magbago ’yang isip mo?” paninigurado ni Darius, “Kasi y’know, ngayon ko palang narealise ang dami ko palang kaaway baka mapahamak ko mga anak mo.”

Donomie sighed.

“Just… protect my kids and I’ll protect you from your enemies. “

“Aba! Nadinig mo ’yun, pre? Ang angas! Parang mga boss sa action film ’yung salitaan!” sabi ni Jace na may nagniningning na mga matang nakatingin kay Donomie.

• • •

“Luh, gagu pre! Lalo kang gumwapo!” nakangangang compliment ni Jace sa kaibigan paglabas nito ng barber shop.

“Naman! Tinakot ko ba naman ’yung barbero eh,” biro ni Darius.

“Baka naman ma-inlove sa iyo si Mie n’yan.”

“Gago lang, Jace? Mukhang may asawa ’yung taong iyon. May anak eh,”

“Wala siyang asawa. Well, meron before pero kwento niya on-process daw ’yung divorce nila.”

“Kawawa naman ’yung babae pero ayus na rin. At least naging totoo siya sa sarili niya na bakla siya.”

Weirdo naman siyang tinignan ng kaibigan.

“O bakit? May nasabi ba akong mali?” takang tanong ni Darius.

“Aware akong part siya ng LGBT pero asawang babae? Saan mo nakuha ’yan? Lalaki ’yung asawa niya.”

Napanganga si Darius sa gulat.

“Huh? Eh paano nangyaring may anak sila? Ano iyon? Nakabuntis ’yung asawa niya ng ibang babae? Kaya ba napa file siya ng divorce kasi napagod na siya sa pagiging babaero? Eh bakit siya umaako ng responsibilidad kung hindi naman niya anak iyon?”

Napailing si Jace sa kaibigan at tinapik-tapik ang balikat nito ng makailang ulit.

“Pre, ever heard of s urrogacy ?”

“Ano ’yun?”

Napatampal sa nuo niya si Jace.

“Pre! Naalala mo ’yung pinanuod natin before sa TV ’yung celebrity na lalaki na maraming anak tapos magkakaiba nanay saka lahi? Ganuon!”

“Ah! Nagpa surrogate pala. Eh bakit pa sila nagpa ganuon eh parehas naman silang lalaki pwede naman silang makipag one night stand without feelings?”

“Aba malay ko ’pre. Baka kasi gaya lang din sila ng sa normal na couple. Hindi nila bet makipag jugjugan sa iba kasi nga couple sila. Mag asawa. Ganuon!”

“Pero nagloko pa rin naman ’yung asawa niya, right?”

“Pre, kahit naman sa normal na relasyon sa pagitan ng babae at lalaki, may nangangaliwa din. Hindi makuntento sa isa.”

“Kaya pala nagtataka ako hindi niya kahawig ’yung mga bata.”

“Pero ang swerte ng mga batang ’yun kasi hindi sila pinapabayaan ni Mie. Very hands-on niya sa kanila ’yun nga lang dahil sa divorce, napilitan mag trabaho at mag overtime ni Mie kaya no choice siya kundi maghanap ng magbabantay sa anak niya.”

“Ang gago naman ng partner nu’n! Nagloko na nga pinabayaan pa ’yung mga anak niya duon sa kanya. So ibig sabihin pala hindi pa siya nagpa surrogate ng sarili niya? ’Yung partner lang niya?”

“Oo. But!”

“But?”

“’Yung asawa niya ngayon na dinidivorce niya, hindi din naman kasi iyon ang biological father ng mga anak niya.”

“Weh? Tangina, pre? Saglit lang kayo nagkasama nasagap mo na lahat ng tsismis sa personal life niya? Iba ka pre!”

“Gago! Hindi naman lahat. Saka siya din nagkwento dahil nga sa naging misunderstanding ninyo ng inihatid mo ’yung kambal. Iyon nalang daw kasi meron siya na memory niya sa unang asawa niya kaya ganuon nalang din takot niya ng malaman niya na umeskapo mga chikiting niya sa school at inabot na nga ng gabi bago nakauwi. Buti at ikaw nakakita sa kanila.”

“Ah, so pangalawa pala niya itong dinidivorce niya? Anong nangyari duon sa una?”

“Naaksidente. Nadeads. Ayun, naging biyudo at nakahanap ng panibago.”

Tumangu-tango lang si Darius.

“Kaya nga ’pre, ngayon palang papayuhan na kita. Baka ma-inlove ’yan iyo kasi ikaw magaalaga ng mga anak niya and all. Kung wala kang balak na patulan siya, mabuti ng linawin mo na agad as early as now kasi kawawa ’yung tao. Dalawang beses ng na-heartbroken saka ’yung mga anak din niya baka umasa na magkakaruon sila ng panibagong Daddy.” kibit-balikat na payo ni Jace sa kaibigan.

“Loko! Trabaho ang pinasok ko sa kanila hindi love life. Isa pa, mukha bang magkaka inlovean kami eh lagi kaming nagbabangayan?”

“Uy!” nakangiting sinundot ni Jace ang tagiliran ng kaibigan, “Hindi tinangging pwede siyang mainlove sa amo niya.”

“2024 na Jace! Alangan namang maging weirdo pa rin mainlove sa kapwa mo eh for all we know impossibleng mula ng unang panahon walang jumowa ng same gender? Kadugo nga nagtitirahan eh.”

“Bibig mo! Huy!” natatawang sita ni Jace.

“Pero impossible namang mainlove pa rin ’yun after everything ng nangyari sa kanya? Dalawang beses ka na ngang nadapa eh alangan naman sa ikatlo ganuon pa rin? Baka hindi lang talaga para sa kanya ang may asawa. Baka destined lang siya maging tatay sa mga anak niya.”

“Well, we never know. Malay natin. Ikaw lang pala hinihintay niya, nila.”

“Ewan ko sa’yo, pre! Cheesy mo!”

“Pero pre! Seryoso malay mo lang!”

“Impossible ’yan, boy! Langit-lupa din agwat namin.”

“Huwag nagsasalita ng tapos, Darius! Alam mong pagdating sa pag ibig, nagiging bulag tayo at handang hamakin ang lahat hanggang sa simbahan pa rin ang bagsak.”

WILD AT HEART • Chapter Six

“Ang gwapo mo talaga, Sir!” nakangiting compliment ni Manang Bertha kay Darius after niya itong pagbuksan ng gate. Ngayon ang unang araw ng pagiging nanny niya sa kambal na anak ni Donomie at akala niya hindi siya kakabahan pero habang papalapit siya ng papalapit sa bahay ng mga ito kanina ay pakiramdam niya hihimatayin siya sa kaba. Syempre aware na siya na hindi basta-bastang mayaman lang ang nasabing pamilya kaya hindi na siya magtataka kung may magtangkang mangidnap sa mga ito.

“Naku, kayo nga po eh. Ang bata ninyo po pa rin tignan para sa edad ninyo.”

“Aysus! Nambola pa! Dami mo na siguro naging babae.”

“Ay naku, wala po. No jowa since birth po.”

“Talaga ba? Sa pogi mong ’yan? Baka naman hindi babae trip mo?” nagtaas-baba ito ng kilay at agad niyang nagets ang ibig nitong sabihin kaya napatawa’t-iling siya.

“Naku, hindi rin po. Sadyang busy lang po ako. Wala po sa isip ko na mag lovelife. Sakit lang po sa ulo at bulsa ’yan.”

“Ay naku sinabi mo pa! Pero syempre kapag nasa tamang tao ka hindi mo na maiisip ’yan.”

“Siguro po?”

Sabay silang pumasok ng dining area at naabutan nila si Silas na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.

“Silas! Nandito na si Darius! Saan si Sir Mie?”

“Ay, hello! Gandang umaga, pre!” bati nito sa kanya at nakipag kamay bago tumingin kay Manang Bertha, “Nasa taas pa, ’Nay. Ginigising ’yung kambal.”

“O siya. Iwan ko na muna kayong dalawa. Tulungan ko lang si Sir sa pag gising.” paalam nito at saka lumabas ng dining area.

“Kabado?” tanong ni Silas sa kanya pagbalik nito sa lamesa na may dalang kape para sa kanya. Agad naman siyang nagpasalamat bago sumimsim ng kaunti.

“Medyo.”

“Ganyan din ako ng unang beses ako pinabantay kina Ma’am Leora. Ang kukulit kasi ng mga ’yan kaya good luck nalang sa energy mo.”

Sabay silang napatingin na dalawa sa pinto ng dining area ng biglang may maligalig na tili ang papunta sa kinaruruonan nila. Walang duda. Si Leora ang tumitili.

“Hi! Good morning, Silas!” energetic nitong bati at halos manlaki ang mata sa gulat ng makita niya si Darius, hindi lang basta dahil namumukaan niya ito (dahil nga iba na ang hairstyle nito mula ng una silang magkita) ay na starstruck siya sa kagwapuhan nito.

“Owemji! You’re so pogi!” namumulang sabi nito na biglang kinahiya ni Darius at kinatawa naman ni Silas. Agad tumingin sa ibang direksyon si Leora bago sumigaw, “Mie! Who’s the pogi that is with Silas?”

Sunod naman silang nakarinig na mabibilis na yabag mula sa direksyon kung saan nakatingin si Leora.

“We have a visitor?” makakas na tanong ni Zadkiel sa kakambal. Nang makarating ito sa kinatatayuan ni Leora ay agad nitong hinanap ang sinasabi ni Leora at naniningkit na pinagmasdan si Darius. Gaya ng kakambal ay namumukaan niya ito pero hindi niya lang din maalala saan niya nakita ang lalaki, “I’m still more handsome thou.”

“Kiel! I told you no running in the hallway! Mamaya madulas ka mabagok ’yang ulo mo,” sermon ni Donomie sa anak at halos hindi makatingin si Darius ng makita niya ang outfit nito ng tuluyan na itong makalapit sa pwesto nila kasama ang dalawang bata.

It’s not like nakahubad ito o daring ang suot. But there’s something weird Darius felt ng makita niyang naka roba lang ang amo kahit na disenteng roba naman ito ay naka pajamas ang pang ibaba. Maybe because of his collarbone? ’Yung awra niyang mukhang bagong ligo? He don’t know.

“Mie! Who is he? Who is he?” kulit na tanong ni Leora habang hinihila-hila ang dulo ng roba ng kanyang ama.

“You don’t remember him?” taas kilay nitong tanong na may mapaglarong ngiti sa kanyang labi bago mabilis na tumingin kay Darius na nakatingin sa kambal.

Sabay na umiling ang kambal.

“Really? Is he that unrecognisable and more handsome now that he had a haircut?”

Napatikhim si Darius. Pinagtitripan yata siya ng kanyang amo. Not that he’s mad thou.

Tumango si Leora samantalang si Zadkiel ay nanlaki ang mata ng marealise sino ang lalaking nasa harap nila.

“You?” nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Darius at kay Donomie, “What is Mr. Stranger doing here?”

Natawa naman sila Silas sa reaksyon ng bata samantalang napangiwi naman si Darius.

“He’s going to be your new nanny. Didn’t we talked about it last night?”

“Oh! Hello, Da!” masayang bati ni Leora sa kanya ng marealise niya na din ang narealise ng kakambal at mabilis na tumungo kay Darius at yakapin ito, “I miss you!”

“I miss you too,” nakangiting tugon niya at hinaplos ang ulo nito. Halos maglabasan ang gums ni Leora sa saya samantalang si Zadkiel naman ay binelatan lang siya at nagtago sa likuran ni Donomie. Nailing lang si Darius dahil magkaibang-magkaiba ang kambal. ’Yung isa in favor sa kanya, ’yung isa hindi.

• • •

“Can we go to the mall again after you sundo us, Da?” nakangusong tanong ni Leora sa backseat ng kotse katabi ang kakambal niya na dina-drive ni Darius. Mabuti nalang talaga at ’yung kinuha niyang vocational course nuon ay related sa mga sasakyan kaya hindi lang siya marunong magkumpuni, marunong din siya mag maneho. Buti nalang at hindi pa expired ang lisensya niya kahit na hindi naman siya namamasada kumuha siya for emergency. Hindi niya akalain na magagamit niya iyon ngayon bilang nanny ng ipagamit sa kanya ni Donomie ang isa sa mga sasakyan na nanduduon sa pamamahay nito.

Napangisi siya ng maalala paano niya pinakitaan ng driving skills ang amo kanina ng mag alangan ito sa kanya ng sinabi niyang marunong siyang mag maneho at may lisensya siya.

“As long walang homework na marami, we will.”

“Yehey!” energetic na response ni Leora samantalang si Zadkiel tahimik lang na naglalaro ng kanyang psp.

Pagdating nila sa tapat ng school gate kung saan nagaaral ang kambal ay napanganga siya laki at sa engrande nito considering na school ito from kids to senior high. Hindi na siya magtataka kung libu-libo ang tuition dito o kung makakita siya ng anak ng mayor, congressman o artista.

“Kiel,” tawag niya dito ng mapansin niyang busy pa rin ito sa pagdutdot ng kanyang psp.

“Kuya!” segunda ni Leora.

Binelatan nito si Darius bago inayos ang kanyang backpack, “It’s Zadkiel!”

Inulit ni Darius ang response sa kanya ng batang lalaki na may kasamang belat na kinatawa ni Leora while Zadkiel himself was flabbergasted.

“Iwanan mo ’yan,” paalala niya ng makitang hawak pa rin nito ang kanyang psp.

Rarason pa sana ito pero mabilis niyang inagawa ang gadget nito.

“May oras sa paglalaro, Kiel. Mamaya ulit pagsundo ko sa inyo kahit hanggang dumating pa Papa ninyo.”

“It’s Zadkiel for you nga! But really? You will let me?”

“Oo, I will let you. Sige na. Labas na kayo. Baka ma-late pa kayo. Ingat!”

“Ba-bye, Da!” sabi ni Leora at niyakap siya ng mahigpit samantalang inirapan at binelatan lang siya ni Zadkiel. Nailing nalang siya sa kalokohan nito.

After makaalis ni Darius ng school ng kambal ay agad siyang dumiretso sa hospital para kamustahin ang lagay ng kanyang Lola. Hindi na ito sa public hospital nakalagak kundi sa isang private hospital ayon na din sa kagustuhan ni Donomie para mas maalagaan ito ng mga espesyalista.

“La,” bati niya ng makapasok siya sa luob ng silid nito at nakitang nanunuod ito ng tv kasama si Jace na kumakain ng ubas.

“Uy pre! Lalo tayo pumogi ah,” bati ni Jace sa kanya ng makita nito ang suit and tie outfit ng kaibigan.

“Ito daw uniform ko eh,” kibit-balikat nitong sagot at nakipag bro shake kay Jace bago humalik sa nuo ng kanyang Lola na nakangiting pinagmamasdan siya.

“Bagay sa’yo, Apo.”

Halos tatlong oras din siyang lumagi sa hospital bago nagpaalam na muli ng aalis para naman umuwi sa bahay ng kanyang amo. Nagulat pa si Manang Bertha ng makita siya. Abala kasi ito sa pagliligpit ng mga nilabhan habang nanunuod ng teleserye sa tv.

“Gusto mo kumain, ’nak?” nakangiting tanong nito sa kanya at akmang tatayo na pero pinigilan siya ni Darius.

“Naku, hindi na po. Malapit na din naman po uwian nila Leora. Sumaglit lang po ako para sana tignan kung may pagkain ba na pwede dalhin sa kanila. Merienda ba paglabas nila.”

“Ay, sige tulungan na kita.”

“Huwag na po. Ako nalang para matapos din po kayo agad sa ginagawa ninyo.”

“Sige na nga.” she replied in defeat at itinuro saan makikita ni Darius ang mga pagkain na maaari nitong dalhin para sa kambal.

Agad naman siyang natapos sa pagpa-pack at tinulungan si Manang Bertha na kinatuwa nito dahil mas napabilis siya sa pagliligpit. Hindi kalaunan ay nagpaalam na siya para bumalik sa school at sunduin ang kambal.

Kumunot ang nuo niya ng marealise na lagpas ten minutes na pero ni anino ng kambal ay hindi niya pa rin nakikita sa parking lot gaya ng napag usapan nilang kitaan nila kaya kinakabahan siyang lumabas ng kotse at nagtanong sa guard. Laking gulat niya ng bigyan siya nitong pass para makapasok sa mismong luob para hanapin ang kinaruruonan ng kambal.

Hindi kaya tinakasan siya ng mga ito gaya ng ginawa nila nuon sa una nitong nanny?

But lo and behold ng may makita siyang nagkukumpulan na mga kabataan na animo’y may away na nagaganap at ng naisipan niyang lapitan para lang sana maki usyoso, laking gulat niya ng makita si Zadkiel na nakikipag suntukan sa di hamak na mas matanda sa kanya na bata at mas malaki. Napanganga siya at taranta sanang aawat kaso nakita si Leora na umiiyak sa gilid kaya inuna niya itong aluin.

“Da!” agad siya nitong niyakap, “Please don’t scold Kuya Kiel! It’s not hia fault! Sila una nag start ng away!”

Nilibot niya ang tingin sa mga batang hype na hype manuod sa ka-schoolmate nilang nagbubugbugan. Napailing siya dahil parang typical lang yata na may ganitong eksena kahit na sabihin pang private school pero ang kinabigla niya ay may mga kasing edad niya rin naman na nanduduon pero walang umaawat. Muling bumalik ang tingin niya kay Kiel. May bangas na ang mukha nito. T’chk. Malayung-malayo sa kanya na never nagka bangas ang mukha kahit na nakikipag basagan siya ng ulo nuong bata pa siya.

Nag isip siya ng paraan paano niya matutulungan ang alaga niya ng hindi siya nasasabihang nakikisali sa away bata.

“Kiel!” sigaw niya. Agad naglingunan ang mga bata sa kanya pati na mismo si Zadkiel.

“What are—” bulong nito.

Sinenyasan niya ito na patirin ang kaaway at sipain sa manhood nito. Yes, it’s foul but it was already foul anyway dahil mas matanda at malaki ang kaaway nito so kailangan para makaganti ang tulad niya dapat mas mautak siya. Tumingin kay Zadkiel ang kaaway nito dahil akala nito ay hindi nito gagawin ang utos sa kanya dahil alam ng lahat na may pagka mayabang ito at hindi basta-basta nakikinig kung kani-kanino pero laking gulat nila ng ginawa nito ang inutos ng lalaki na ngayon lang nila nakita ang mukha.

“Kiel! That’s enough.”

“But—” napanguso si Zadkiel at kahit labag man sa luob nito ay umalis na siya sa pagkakapatong sa kaaway niya na may bangas na rin sa mukha gaya niya at agad na tumabi sa kakambal na tumigil na din sa pag iyak.

Masama namang tumingin kay Darius ang batang kaaway nito pati ang mga kaibigan nito samantalang patuloy lang na nakikinuod sa kanila ang karamihan na nanduduon. Nag aabang anong susunod na mangyayari.

“You! It’s your fault! I’ll make sure to tell my parents about you!”

“Hey! Why are you making like it’s our eh ikaw nga itong bad guy here!” sagot ni Leora.

“Whatever! Stupid!” sabi naman ni Zadkiel na may pag irap habang inaayos ang kwelyo ng uniform niya.

“Call me whatever but thank goodness my parents are not a fag! And they love each me unlike your parents that’s why they’re going through a divorce eh kasi you both are just nuisance na to either of them!”

Nahabag si Darius ng makitang iiyak ulit si Leora samantalang nagbabalak na namang sumugod ni Zadkiel para makipag buno despite na may mga bangas na ito.

Agd niyang inawat si Zadkiel at tinago ang dalawang bata sa likuran niya at tinitigan ang bata na nagsalita at siyang mukhang leader ng mga bully. Huminga muna siya ng malalim.

“Boy,” agad itong tumingin sa kanya at nakaramdam ng kakaibang nginig sa katawan sa tingin niya dito, pati ang ibang kaibigan at nanunuod sa away, kinabahan sa ineemit niyang awra, “Listen carefully, okay? I want you to get this deep into your head.”

He lower down his voice on purpose, similar sa mga karakter sa pelikula kapag galit na sila but they want to remain calm and collected and somehow it bought shiver to every kid that was in there including the twins kahit na alam nilang hindi naman nila kailangan matakot sa kanya dahil nanny nila siya. Hindi naman kukuha ang Papa nila ng hindi trustworthy na tao, right?

“I hope that the reason why you’re picking fights with people you think are lower than you is because you want to feel in control of the things, that in reality you cannot in real life, wherein either your Mother or Father is not giving you enough attention that picking fights in school will. I hope that they will remain sickenly inlove with each other and not fall out love and blame you as the cause of it when in reality, they’re to blame because either one of them is a cheater and fucking with another partner or is simply gay and just wants to be true to themselves. I hope that none of these is true because if it is, trust me, I’ll be in the front seat to mock you and laugh at you while your parents sit beside me because it’s okay with them seeing you hurt because they don’t love you like you think they do.”

Bago sila tuluyang makalayo ay muli niyang nilingon ’yung batang lalaki at nginisian ito.

“Bye, Malfoy ! Let your father hear about this,” lalong tumaas ang ngisi niya ng marecognize ng mga bata ang binitawan niyang linya at naghagikhikan.

• • •

“It’s true, Mie! Da really made those bullies of Kuya Kiel stop! He’s really cool nga kanina eh!” kwento ni Leora kay Donomie habang ginagamot nito ang pisngi ni Zadkiel.

“Cooler than Tito Tor?”

“Was there a time he was cool?” sarkastikong sagot ni Kiel.

“Yes! He’s way, waaaaayyyy cooler than him! You didn’t away naman Da when you asked us to leave the living room kanina, right?”

“No, I didn’t.” lie . Inaway niya si Darius kanina ng makita ang bangas sa mukha ni Zadkiel but he was surprise na sa kabila ng galit niya, tahimik lang ito at pinagtanggol ang anak niya without using Zadkiel in defending himself. Genuine ang pagtatanggol nito sa bata. Naalala pa niya na bago ito umuwi ay sinabihan siya nitong kausapin ang mga anak niya sa nangyayari sa kanila ng asawa niya (Nestor) and give them a bit of reality, make them understand so they will not feel hurt kapag may sumusubok na sirain ang confidence nila dahil sa gulo ng mga matatanda.

“Good! Because I like Da!” nakangiting sabi ni Leora.

“How about you, Kiel?”

“A little, I guess. He helped me fight my bully so yeah, a little. His strategy is foul but still,” sagot nito na namumula ang pisngi.

WILD AT HEART • Chapter Seven

It has been five months since Darius started working as a nanny for Donomie’s twins and true enough since he started working for him, tinupad nito ang pangako nito sa kanya na basta alagaan niya lang ang mga anak niya, ito na ang bahala sa mga kaaway niya.

It was kind of subtle but those who had wronged Darius, something happened to them or with their businesses. First one on the list was the group of idiots who stabbed Darius but was unsuccessful to kill him all because of a stupid reason. Galit sila dito lalo na ang pinaka leader ng grupong iyon sa binata because their girlfriends pretty much defends Darius for what they think his petty fights with the business owners of who the group thinks are right are wrong. In short, they are being bias all because they were jealous that their girlfriends do not go with what they are trying to put in to their heads. The second one was the owner who only did not paid him for a month of labour, also delayed and gave Darius only half of what he had worked for. And of course, the list goes on. Some are already having hints that the incidents pretty much all relates to the man and instead of them trying to get back at him, they all know it’s going to be useless.

Why? Mataas na tao ang nasa likod ni Darius who, not only doesn’t give a shit about how important what they have and why it cannot be this and that, Donomie seems to be having fun of what he is doing to them that he is willing to take it to the unthinkable, even ruining everyone’s name in the family there is to the whole fucking nation just because of a selfish thing they did to Darius.

They try to make amends subtly to Darius too but since the man is always not home and Jace, his bestfriend also see through the acts of those people, they pretty much really can’t do anything about to getaway from their situation which they themselves put in because karma will always find a way for you to pay . Yes, others did try to get out of the place but that didn’t do much. It only made their situation worse.

“What is that?” tanong ni Zadkiel kay Darius ng makita niya ito mag isa garden at kumakain ng puto cheese. Muntik mabulunan ang lalaki sa gulat sa pagsulpot ng bata sa tabi niya.

“How long have you been there?”

“Not too long ago. May I have one?”

“Ayaw ko nga! Hindi mo nga ako binigyan ng pringles kahapon,” ismid niya dito.

Napanguso si Zadkiel at saka umupo sa tabi niya at kinalikot ang dala nitong psp.

“Sige, but I’ll tell Mie that I heard you talking to your friend Jace that you’re planning to play sick tomorrow so that you’ll not go with Mie sa party niya,” kibit-balikat nitong sabi.

Mabilis na nilingon ni Darius ang bata.

“Narinig mo?”

Tumango ito.

“Yeah,” sagot nito at nire-enact kung paano niya narinig ang nga sinabi kahapon ni Darius sa phone sa kaibigan, na kahit baliko ito mag tagalog, nagawa nitong pangitiin ang lalaki sa tabi niya hindi dahil natatawa siya sa accent nito, he finds it cute actually.

“Grabe! Galing mo na mag tagalog ah,”

“I still prefer English thou,”

Napanguso si Darius but he is happy still na kahit papaano nakakasalita na ito ng tagalog not just by understanding when it is being use in a conversation.

“So why don’t you tell Mie nalang that you don’t like to go to that party instead of you lying that you’re sick?” Zadkiel asks, staring at Darius who smiled at him as he ran his hand onto his hair to gently pat a few times. Kumuha din ito ng isang pirasong puto cheese na kinakain niya at isinubo sa bata na siya namang tinanggap nito without any questions. He just gladly accepts the food.

“Surprise, surprise! I’m not a fan of crowded places and your Mie, when he told me na magkakaruon ng party ang newly acquired company niya na which mind you, he worked hard for, I couldn’t say no the moment he asked me to join him kasi why would you ruin such happiness? I’m sure you’ve seen several times your Papa smile and it’s really rare to see such genuine happiness like his so long story short, now that I really think about it, hindi ako ready bukas na makasalamuha ng sobrang daming tao and I might just hinder your Mie in doing what he needs to do with all those people he will meet just because nagaalala siya sa akin on how I’ll be acting tomorrow and I don’t want that. Ayaw kong macompromise siya because of his kids nanny.”

“Then I’ll just ask Mie to bring us with you guys then so that he can still do his thing while we do ours too on the side.”

“Hindi pwede, Kiel. They’ll be serving liquors there. We can’t take chances. Some people get stupid when they have those nasties.”

“So does Mie count? Mie drinks too.”

“Hey!” pinandilatan niya ito ng mata na kinahagikhik ni Zadkiel.

“How about you? Do you get stupid too when you drink?”

Agad siyang umiling.

“No. That’ll be the death of me.”

“Huh?”

“Allergic ako sa alak.”

“Sucks,” nakanguso nitong sabi.

“Hindi ko rin naman gusto lasa. It’s tastes like the drink that you hate.”

“Lemonade? Eww! Maybe I’ll just be allergic too just like you,” sabi nito with disgust in his face na kinatawa ni Darius.

Unbeknowst to the boys, Donomie was looking at them from the window with Manang Bertha na abala sa pagtutupi ng mga nilabhan niyang damit.

“Cute nila ’no, Sir Mie?”

“Huh?” nilingon ito ni Donomie ng may pagtataka.

“Kako si Darius at si Sir Kiel. Ang cute nila tignan lalo pa nakasundo nila ang isa’t-isa.”

“Honestly, it was a miracle, ’Nay. Knowing how stubborn Kiel is, I’m surprise na nakasundo siya ni Darius knowing how aggressive that man is at times but only because he cares for the people around him na also, like Kiel, he feels comfortable with. It’s like they share the same attitude kahit na hindi naman sila mag ama.”

“Pero maraming napagkakamalan silang mag ama.” malaman nitong segunda.

“Actually. One of my employees saw my twins the other day and guess what? She thought si Darius ang ama ng mga bata.”

“Masisisi mo ba sila, ’Nak? Kahawig ni Darius ang biological father nila. Pinagkaiba, ’di hamak na mas gwapo itong si Darius saka mas lamang sa ugali kesa dun sa isa.”

“Nay,” Donomie warns.

“’Yan bang si Darius, napa background check mo na? Baka mamaya kagaya siya ng sa mga teleserye na napapanuod ko ’yung akala namatay sa aksidente tapos ’yun pala buhay at nagka amnesia lang.”

Imbis na magalit, natawa si Donomie.

“Don’t worry, ’Nay. Napa background check ko na siya thoroughly. Magkahawig lang talaga sila.”

Tumango ang matanda sa kanya.

“Sabi mo eh. Pero, paano pala bukas? Sigurado ka bang gusto mo siyang isama sa party? Sigurado akong may mga magtataka at magugulat kapag nakita siya.”

• • •

“Tangina, pre! Iba ka na talaga! Hindi ka ma-reach!” masayang hype ng kaibigan sa kanya ng i-video call niya ito para ipakita sa kanya ang whole fit niya para sa party na halos dalawang oras nalang ay magsisimula na. Kabado siyang napatawa sa sinabi nito.

“Gagu! Kinakabahan na nga ako eh! Baka imbis na walang makapansin sa akin lalo ako mapansin ng mga tao du’n!”

“Eh di maganda! Baka d’yan ka makahanap ng tsikabebe mo,” sabi nito habang nagkukumpuni ng motor na iniwan sa talyer.

“Kung makahanap! Pre, ginawa akong 2-in-1 escort, bodyguard ni Mie!”

“Ay? Hindi kasama si Silas? Kayo lang dalawa? Shuta, pre! Mukhang hindi ako updated sa love life mo ah!”

“Gago! Trabaho inaatupag ko dito!”

“Ayun na nga eh! Baka kakatrabaho mo hindi mo na napansing may humahanga na pala sa iyo sa tabi-tabi! Naalala mo ’yung usapan natin before bago ka magsimula d’yan sa trabaho mo na iyan?”

Nailing lang si Darius sa sinabi ng kaibigan. Impossible. Strictly work at civil lang sila parehas ni Donomie. Wala lang naman ’yung mga times na hinahatid-sundo niya sa trabaho si Donomie kapag wala si Silas, minsan kasama pa nila ang mga bata. Mga times na silang apat lang ang nasa bahay at pinaglulutuan niya ang mga ito. Mga sandaling maabutan sila ni Donomie na tulog at kukumutan sila nito at tahimik na pagmamasdan at tatabihan, magigising nalang na abala ito sa pagtatrabaho habang nakatabi sa kanila. Mga times na lalabas sila na silang apat lang. Oo, civil at parte lang iyon ng trabaho ang sinasabi ni Darius sa sarili niya pero syempre kung titignan ito sa perspective ng mga taong nakapaligid sa kanila, iba ang sasabihin ng mga ito sa nakikita nila sa kanila.

“Loko! Baka nga magkabalikan sila ng asawa  niya na ito. Ayaw pirmahan ’yung divorce papers eh. Mahal pa siguro siya ng isa. Baka narealise niyang katangahan ’yung nagawa niya at buti naman natauhan siya.”

“Eh ang tanong gusto pa rin ba siyang pabalikin ni Mie? Ikaw na din nagsabi na ni pagmumukha nga niya ayaw ng makita ng isa kaya hanggang ngayon clueless ka anong hitsura ng lalaking ’yon.”

Napalingon si Darius ng marinig niya ang boses ni Donomie na tinatawag siya kasabay ng katok sa pinto.

“O’sya pre. Tawagan nalang kita ulit saka pakita mo kay Lola pics na sinend ko ah.”

“Ako ng bahala, ’pre! Enjoy sa date ninyo.”

“Gago!”

Pag off ni Darius ng tawag ay saglit muna siyang humarap sa salamin para ayusin ang sarili kahit na wala at hindi naman kailangan. Pagbukas niya ng pinto ay muntik na niyang makalimutan paano magsalita ng makita ang hitsura ng kanyang amo. Napaka layo sa usual na awrahan nito sa pang araw-araw na naka suit and tie ito. It’s like, there’s something different tonight maybe because his style tonight is way more slick back, comfortable ganuon hindi ’yung usual uptight Donomie na nakikita niya.

“You look good. I mean, breath taking este pogi.” sabi niya at tumangu-tango habang iniiscan ang hitsura ng amo from head to toe. Natawa naman si Donomie sa reaksyon niya dahil hindi ito makapag decide ng sasabihin sa kanya dahil mukhang naguguluhan ang binata. Good. That’s the reaction he wants from him.

“You want me to take a picture of you? You look like you’ll be collecting hearts tonight,” there’s a hint of possessive on Donomie’s.

“Why not the two of us? Baka isipin ko crush mo ako n’yan kapag ako lang balak mong kunan,” he jokes, smirking.

“Oh wow, scandalous! Hindi ka takot na baka masabihan ka na bagong boylet kita? Not afraid to enrage my husband?” he asks, seductively, purposefully cornering Darius.

Darius laughs.

“Should I? Baka bago pa ako malapitan ng asawa mo, ipaligpit mo na siya.”

Donomie shook his head in disbelief. This has been the very first time he experienced what they call tension in a good way. How ironic that it wasn’t just of lust but something more. He wants to rile him more just to see who will first wave the white flag. Such a dangerous game for them but more to him. He had been here before pero iba talaga ang kiliting hatid ni Darius sa kanya even when he looks similar to his first love.

Sabay silang napalingon ng marinig nila ang tili ng kambal.

“Mie! Picture! I want picture with you two!”

“Da! See? It’s good you didn’t get sick or else Mie will not have a date tonight.”

Naiilang na naglayo ang dalawa at hindi makatingin sa isa’t-isa.

• • •

It isn’t like it’s the first thing something similar like this happened, ’yung may maiistarstruck pag nakita siya but the vibe its giving him is different.

“And here to provide his speech, let’s all welcome our CEO, Mister Aude Donomie Louis.”

Nagsipalakpakan ang lahat ng nanduduon at  habang abala siya sa pakikinig sa first half ng speech ni Donomie ay bigla nalang may babae na lumapit sa kanya na halata sa mukha nito ang gulat at excitement. Maganda ito, oo pero hindi ’yung tipong type ng isang Darius.

“Hmm?”

“Is it really you Elijah? I thought you.. passed .” huh? Anong pinagsasasabi nitong babae sa harap niya? Actually, kanina pa talaga siya nagtataka din dahil may mga tumawag sa kanya ng pangalan na binanggit nitong babae na nasa harap niya but then apogise afterwards ng tignan niya ito ng kakaiba, without even a word coming out from Donomie himself.

Who the hell is Elijah? Artista ba iyon? Musikero? Because from the looks of it mukhanh kahawig niya ang Elijah na iyon. He better ask Donomie later dahil baka kilala ng isang iyon sino si Elijah.

Dahil hindi niya alam ang isasagot sa babae ay nagpaalam siya dito na pupunta ng washroom kahit na wala naman talaga siyang gagawin duon maliban sa tumambay. Medyo matagal pa yata ang speech ng amo niya at ayaw naman niyang makita nito na may kausap siyang babae at kung ano ang isipin sa kanya. Not that he mind though. Well, that is what he says to himself.

Habang inaayos niya ang sarili sa harap ng salamin, para namang nakakita ng multo ang lalaking kapapasok lang ng washroom.

“Elijah? What the fuck are you doing here?” nukhang galit ito at agad siyang kinwelyuhan. Bigla siyang nairita sa lalaking nasa harap niya sa ginawa nito. Kaaayos niya lang ng damit niya eh!

“I should be the one asking you that! What the fuck are you doing?” inis niyang tugon at tinulak ito palayo sa kanya.

“Are you seriously asking me that? Akala ko ba may usapan tayo na after helping you escape from your goddamn husband, hindi ka na magpapakita sa kanya dahil tutal hindi mo naman talaga siya minahal gaya ng dini-delusyon niya at pinakisamahan mo lang siya dahil utos ng parents mo so, answer me! Why the fuck are you here? Don’t tell me balak mong kuhain ulit ang kompanya na pinangako mong sa akin na? Look, I know we’re going into a divorce, I admit, like you hindi ko kinaya na siya lang. I need a goddamn woman who can bear children not a fag but still! May usapan tayo na sa akin na ang kompanyang iniwan mo. May pera ka naman na enough for your bitch so I don’t see any reason bakit bigla kang susulpot out of nowhere!”

Pinaningkitan niya ito ng mata. What the hell? Anong katarantaduhan pinaggagagawa ng Elijah na ito at mukhang pati siya na kahawig ng lalaking ito nadadamay?

He was about to answer but Donomie magically appeared at nagulat pa ng makita nito ang lalaking nasa harapan nila parehas.

“What the hell are you doing here?”

“I told you I’ll be seeing you, right? Ayaw ko ma-miss ang achievement mo na ito. I mean, I didn’t expect you to really make it but still, I am proud na nagawa mo.”

Donomie rolled his eyes.

“Yeah, yeah. As you can see, I made it without you. Remember what you told me? Hindi ko kaya ng walang tulong mo? Well, I dare you to repeat it to my face again. Do it.”

And that’s when Darius realised, the man infront of him, he is Donomie’s husband. And now that he is replaying what this man told him few minutes ago in his head, that’s when it hits him. Donomie was played. Played by the people he had loved.

Napalingon si Donomie kay Darius ng mapansin nitong parang may hindi tama sa binata at agad na nilapitan ito.

“Are you alright?” nagaalalang tanong niya dito.

“What the fuck is going on here really?” galit na sabat ni Nestor, “He can’t be Elijah, right? He is dead! We all know it! Don’t tell me nagdedelusyon ka na si Elijah ’yang kasama mo ngayon because there is no way that is him! It can’t be!”

Kahit na galit ito halata din ang kaba sa kanya dahil what if siya pala ang niloko ng mag asawang nasa harapan niya? What if all this time pinaglalaruan nila siya at balak nilang gamitin sa kanya ang pagpayag nito na tulungan si Elijah sa pagpapanggap na namatay ito sa aksidente at gawin itong pang blackmail sa kanya para kuhain ang natitirang ari-arian at businesses na meron siya at ang pamilya niya? No, it cannot be!

“Darius,” biglang sabi ni Donomie ng hatakin siya palabas ng washroom ng lalaki. Hindi ito umiimik. Ang alam lang niya sumama ang pakiramdam niya. Sumakit ang ulo niya habang ang daming katanungan na tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon.

WILD AT HEART • Chapter Eight

“So, who’s Elijah?” basag ni Darius sa pagitan nila ni Donomie ng makabalik sila sa table nila sa party. Good thing is, walang gustong mang abala at that exact moment ng komprontahin niya ang kanyang amo.

“That’s.. none of your business.”

“Yeah, yeah. Alam ko naman. Expected ko na rin na ’yan ang sasabihin mo at okay lang sana na hindi ko na pansinin but that man accused me of something I didn’t even know. Isa pa, mula ng dumating tayo kanina, hindi naman ako manhid para hindi ako maapektuhan sa mga tingin na pinupukol nila sa akin at ’yung pagtawag nila sa akin ng Elijah. Sa katunayan, may lumapit pa talaga sa akin na babae kanina habang nagiispeech ka at tinanong kung ako ba talaga si Elijah kasi from what that woman knew, he is—.”

“— dead. “ isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi nito. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie samantalang inilayo naman saglit ni Darius ang tingin niya sa amo at isinandal ng husto ang sarili sa kinauupuan.

“And I assume siya ’yung una mong asawa? Ang tatay nila Kiel?” kahit hindi na ito lingunin pa ni Darius, sa peripheral palang niya, alam niyang tumango ang amo niya. Saka palang napabuntung-hininga si Darius.

“Kung kahawig ko ang unang asawa mo, ibig sabihin alam din nila Silas?”

Muling tumango si Donomie.

“Eh yung mga bata? Alam ba nila?”

Sa pagkakataong ito, umiling ang amo niya. Ewan ba ni Darius sa sarili niya at nakaramdam siya ng unting relief na hindi aware ang mga ito na kahawig niya ang biological father nila. Kaya naman pala, sa tuwing kasama niya ang kambal, pati siya nagtataka na maraming nagsasabing magkahawig sila ng mga bata. Napansin na rin naman niya ng may unang tatlong beses na pumuna at isinantabi niya lang ito ng una sa isiping baka dahil ito sa lagi silang magkasama ng mga bata kaya nagkakahawig na sila at baka dahil sira lang ’yung screen ng cellphone niya (na hindi naman) sa tuwing tititigan niya maigi ang mga pictures niya kasama sina Leora.

“Sabihin mo nga sa akin.. ang pinaka rason ba kaya ka nagdesisyon na kunin akong nanny nina Leora kasi nakikita mo sa akin ’yung una mong asawa? ’Yung siyang dapat na kasama mo pa rin ngayon at ng kambal?”

“Darius..”

“Sagutin mo ’yung tanong ko,” may himig ng inis ang tono ng pananalita nito na kinasikip ng dibdib ni Donomie. Parang hindi siya makahinga bigla. Parang sumikip ang kaninang maluwang na venue. At parang bilang lumamig ang temperatura, nanginginig ang kalamnan niya sa simpleng tanong lang na iyon ni Darius sa kanya.

“Yes, but that was only at first—” nataranta siya bigla ng makitang tumayo ang binata at lingunin siya.

“Tara na. Hatid na kita. Baka inaabangan nila Kiel pag uwi natin. Hindi maganda sa mga iyon magpuyat pati na sa’yo. Mukhang matira matibay nalang ’yung mga nagiistay dito. May naalala din akong gagawin ko pa pala pag uwi.” kalmadong sabi nito but Donomie knew better. Actually both of them but no one wants to address the elephant in the room baka mag away na naman sila. Tonight was supposed to be a ceasefire. A fun night pero ng dahil sa pagsulpot ni Nestor, oo, sinisisi ni Donomie ang lalaking iyon ay nasira ang masaya sana nilang gabi ni Darius. Goddamnit!

• • •

“O pre? Ano nangyari bakit mo ako pinapunta dito? At saka ’di dapat nasa party ka pa kasama si Mie?” taka at nagaalalang tanong ni Jace pagdating niya sa labas ng 7-11 kung saan may mga designated tables and chairs kung saan naghihintay sa kanya ang kaibigan. Napatingin siya sa hawak nitong alak in a can at nanlaki ang mata niya ng makitang naninigarilyo na muli ang kaibigan. May katagalan na rin kasi mula ng huli itong humithit. Ito pa ’yung mga panahong una nilang nalaman na may Leukemia ang Lola ni Darius.

“Ano gusto mo? Libre ko,” sabi lang nito at akmang tatayo na kaso pinigilan siya ng kaibigan. Napansin nitong may tatlo ng lata ng alak ang naubos nito. Mukhang kanina pa ito nagsimulang uminom at ramdam ni Jace na mukhang may malalim na iniinda si Darius at pakiramdam niya may kinalaman ito kay Donomie o kung hindi man baka sa kambal na alaga niya. Mula kasi ng magtrabaho ito sa pamilya nila, wala na itong bukambibig kundi ang kambal o si Donomie na madalas niyang makasagutan. Away aso’t-pusa ba. Kaya nga hindi siya nakakalimot na asarin si Darius pag may pagkakataon dahil ramdam niyang may something na marahil sa dalawa na hindi lang pinapaalam ng kaibigan. For Jace, it’s not a big deal kung hindi pa handa magkwento ang kaibigan. Syempre hindi naman sa lahat ng oras alam niya ang nangyayari sa buhay nito at vice versa.

Siya na ang nag volunteer na bumili tutal pera naman ni Darius ang gamit niya at pagbalik niya sa pwesto nila, dala ang mga pinamili niya, agad kinuha ni Darius ang isa pa ulit na lata ng alak na dala niya at agad itong binuksan at nilagok ng isahan.

“Gagu ka, pre! Hinay-hinay ka lang. Wala ka bang pasok bukas?” paalala ni Jace.

“Meron,” sagot nito at ngumuso. Tinititigan ang isa sa mga tsitsiryang nakalagay sa lapag.

“Hindi iyan bubukas kung hindi mo bubuksan,” ani Jace at kinuha ang tsitsiryang tinitignan ng kaibigan at binuksan ito para makain nila dahil gaya nga ng sinabi niya, hindi ito bubukas kung hindi bubuksan. Agad kumuha si Darius ng iilang piraso para kainin.

“So?”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Darius bago tinitigan ang kaibigan. Tinatansya kung maikukwento ba niya ang nangyari ng hindi nagmumukhang mahina o tanga sa harap ni Jace but knowing his friend, alam niyang hindi siya nito huhusgahan o pagtatawanan so here goes nothing.

• • •

“Mie?” agad napalingon si Donomie sa anak at nagulat ng mapagtantong gising ito. Anong oras na din kasi mula ng makauwi sila ni Darius kanina. Laking pasalamat niya ng paghatid nito sa kanya ay tulog na ang kambal kaya hindi nakita ng mga ito ang tension sa pagitan nilang dalawa na hindi maganda. It’s not the usual tension they have between them. It’s cold and defeaning. Bothering and heartbreaking even.

Gusto man niya isisi lahat ng nangyayari ngayon kay Nestor, he knows he is also at fault. Hindi niya naikwento ng buo ang tungkol sa nakaraan niya. Ayaw na rin naman niya kasi itong alalahanin at pag usapan pa. It’s unfair, really, lalo pa at lahat ng maaaring ikwento ni Darius tungkol sa kanya ay naikwento niya na kay Donomie in that span of five months while he, he remained parts of his past a secret. Masisisi ba siya ng iba kung mas pipiliin niyang mabuhay sa present kesa sa nakaraan? Ano bang magandang maidudulot sa kanya sa pagtanaw sa past? He’s no longer in that sad situation anymore so why? But he guesses, the past likes haunting him, doesn’t want him to be happy and now here’s the result of it. Everyone knows, especially they themselves, that there’s something between them to which whether they’ll be vocal about it or not, halatang-halata they there’s something going on between them beyond employer-employee/friends relationship.

That is why, somehow he understands bakit ganuon ang reaksyon ni Darius sa nalaman. That is why, here he is, natutuliro sa kung paano ang gagawin magkaayos lang silang dalawa ng lalaki. The mere thought of Darius leaving and giving up on him, his kids, pakiramdam niya hindi siya makahinga. It is no longer because nakikita niya si Darius bilang ang unang lalaking minahal niya, no. Maybe before but now? He is sure that Darius is way beyond the man he used to love. They’re two different person who just happened to share the same face. Kung nasa isa man siyang game show at papapiliin siya between Elijah and Darius, he will choose the latter in a heart beat with no doubts why.

“Yes, Kiel?”

“Where is Da?” nakangusong itong nakayakap sa braso niya habang ang kakambal naman nitong si Leora ay sobrang himbing ng tulog sa tabi nila.

“He went to visit his Lola,” he replied, lying, unsure if duon nga talaga pumunta ang lalaki. Galit ito sa kanya eh so baka hindi ito dumiretso duon. Baka.. nagpapakasasa sa piling ng babae? Isipin niya palang na maaaring iyon nga ang sitwasyon ngayon ni Darius ay pakiramdam niya hindi na siya makahinga sa sikip ng dibdib niya. Parang may nakabara.

“You two didn’t fight, right?”

“What made you think that?”

Nagkibit-balikat si Zadkiel.

“Because I’m already used to Da being here like he’s a permanent person in our house. Like, Nanay Beth and Uncle Silas but more than that. Like.. like..”

“… like he is Dad?” pagtatapos ni Donomie sa nais sabihin ni Zadkiel. Agad namula ang bata. Hindi niya napigilang ngumiti sa reaksyon ng anak. Parang kailan lang nagsusungit pa si Zadkiel kay Darius pero as days goes by, lumambot din ang puso nito sa lalaki like Leora which is surprising given na never niya itong ginawa kay Nestor.

Nahihiyang tumango si Zadkiel.

“Do you want him to be your and Leora’s Daddy?” muling tumango si Zadkiel.

“Why? I thought you don’t want to have a Daddy? That I’m enough for you and Leora? What made you change your mind?” kunwaring nagtatampong tugon niya rito.

“I noticed you’ve been smiling more ever since Da came in our life. The type of smile I never saw when Uncle Nestor was around and if I’m being honest, I like seeing you happy not just because he took good care of us but because of something more.”

Napa awang ang bibig ni Donomie sa narinig at sabay silang napatingin ni Zadkiel kay Leora ng bigla itong magsalita. Nakangiting nakatitig sa kanila ng kakambal niya.

“Mie, you love Da don’t you? So what’s stopping you?”

• • •

“Gagu ka talaga, pre! Buti hindi tayo napansin ng nagbabantay na guard!” nakahingang-maluwag na sabi ni Jace habang inaalalayan maglakad ang kaibigan papunta sa silid ng kanyang Lola sa hospital kung saan ito nakalagak.

“Hindi naman kasi ako ganuon kalasing,”

“Anong hindi? Gago ka? Halos yakapin mo na nga yung semento kanina after mo tawagin lahat ng kaibigan mong uwak!”

Natawa naman si Darius sa narinig. Totoo naman kasi ang sinasabi nito. Akala nga niya nasa bahay niya na siya at ayaw niya magpahawak kay Jace. Pinagtutulakan na nga niya ito kaso may nakita siya sa peripheral niya na hindi niya alam kung dala lang ba ng kalasingan pero parang nakita niya ang sarili niya sa hindi kalayuan na naglalakad at parang tuliro.

Hindi niya alam kung nakikita ba niya ang sarili niya nuon o sadyang lasing na talaga siya pero dahil duon ay kahit papaano nagising siya sa pagkalango sa alak.

Pagpasok nila sa kwarto ay sinikap ni Darius na tumayo at umakto ng maayos sa harap ng kanyang natutulog na Lola. Nahihiya siyang ipakita dito ang kalokohan niya. Ayaw naman niyang hanggang sa huling hininga nito ay aalalahanin pa rin nito ang apo niya na may pagka pasaway. Ganuon pa man, hindi pa rin siya handa kung sakali mang mangyari ang araw na iyon. Binigyan na kasi ang Lola niya ng taning ng doktor nito na tanging siya at si Jace lang ang nakakaalam dahil nga dala na rin ng katandaan nito ay hindi na kakayanin ng katawan niya ang operasyon lalo pa at wala din namang mahanap na compatible bone marrow donor para rito kaya nga, hanggat kaya, kahit nakakapagod at nakaka walang pag-asa ay sinisikap pa rin niyang bigyan ng masasayang memories ang Lola niya pati na rin siya mismo para naman hindi gaanong masakit kapag nawala ito. Ito lang kasi simula’t-sapul ang kinalakihan niya dahil sanggol pa lamang siya ng mawala parehas ang mga magulang niya ayon dito.

Dahil tulog ang matanda, napagpasyahan nalang nila na magsi pahinga. Si Jace natulog sa couch samantalang sa tabi naman ng kanyang Lola natulog si Darius kaya naman ng maramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa buhok niya ay agad siyang nagising. Medyo masakit ang ulo niya pero tolerable naman kaya isinantabi nalanh niya ang nararamdaman.

“La? Kumain ka na? Gusto mo na kumain?” tanong niya at saglit na napatingin sa gawi ng kaibigan na nakangangang matulog. Napangisi siya.

Umiling ang matanda at pinagmasdan ang binata sa harapan niya. Kapag kuwan ay impit itong napangiti.

“Kahawig na kahawig mo talaga ang tatay mo pero buti nalang at sa nanay mo ikaw nagmana ng ugali kahit na may pagka makulit ka,” sabi nito na halos pabulong.

“Eh ’La, paano ko macoconfirm na totoo nga ’yang sinasabi ninyo eh hindi ko naman nakita at nakilala mama at papa ko?” nakangusong sabi nito. Natawa naman ang matanda at napatulala na parang may inaalala na kapag kuwan ay lumungkot ng bahagya ang mukha nito.

“Apo?”

“Po?”

Napuno ng pagtataka si Darius ng bigla siyang yakapin ng kanyang Lola. Marahan lang ngunit mahigpit. Yakap na parang may halong pagaalala at pamamaalam sa kanya.

WILD AT HEART • Chapter Nine

Nakangiting pinagmamasdan ni Manang Bertha ang kambal na nakatawa at pilit na hinihila si Darius papunta sa pool. Malamang ay natutuwa sa pinapakita nitong kahinaan sa pag langoy. Maski siya ay nagulat na sa natural na pagka malaki ng katawan nito ay takot ito sa pool o baka na rin sa dagat dahil hindi ito marunong na lumangoy hindi gaya ng kaibigan nito na si Jace na tuwang-tuwa at nakikipag karera pa sa pabilisan ng paglangoy kay Silas.

“Mabuti nalang talaga at hindi tinuloy ni Darius ang pag alis niya,” bigla nitong sabi na siyang nadinig ni Donomie na kakarating lang tabi niya at agad na naupo sa sun lounger.

“Mabuti nalang talaga dahil halos lahat ng kinuha kong temporary na taga alaga sa kambal sinusungitan ni Kiel,” nakatawang sabi ni Donomie but deep inside kahit siya ay natuwa ng mag decide si Darius na mag stay sa kanila. Afterall, gaya ng sinabi nito sa kanya, ang pamilya niya ang sunod nitong tinuturing niyang pamilya after ng kanyang Lola at ni Jace. Aaminin niya, medyo kinabahan siya na baka nga tuluyang mag resign sa kanila si Darius after mawala ng Lola nito anim na buwan na ang nakakaraan. Hindi na kasi kinaya ng katawan nito ang sakit niya kahit na magagaling na doktor na ang tumitingin sa kanya at mga branded na gamot at kumpleto ito sa mga kailangan niyang attendan na therapy. Kung sabagay, Leukemia ang sakit nito. Bihira ang gumagaling at nabubuhay sa sakit na ito dahil kanser ito sa dugo.

Natawa si Manang Bertha, “Si Darius lang talaga ang fit na taga alaga nila sa lahat ng nakuha mong taga alaga nila. Minsan naiisip ko hindinkaya dahil hawig siya ni—. Pero hindi eh. Kung iisipin, hindi aware ang kambal tungkol sa biological dad nila kung anong hitsura nito. Tanging pangalan lang ang alam nila. Ewan ko din ba sa kambal mo at hindi sila interesado makita ang mukha ng biological father nila.”

Napatikhim si Donomie.

“Ang totoo nyan, meron kasi kaming kasunduan ng kambal. They’re comfortable these past few years na pangalan lang ng biological father nila ang pinanghahawakan nila pero I promised them na sa 7th birthday nila, I’ll show them a picture of Elijah. Ngayon hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kambal sa oras na mangyari na ang moment na iyon since hawig ni Darius si Elijah.”

Makahulugan na tinignan ni Manang Bertha si Donomie.

“Pero iba si Darius kay Elijah, hindi ba? Sa ating dalawa, maging kay Silas, alam kong mas alam mo ang tinutukoy ko.” tumango si Donomie dahil alam niyang tama ang matanda. Kung papapiliin siya sa dalawa, pipiliin niya si Darius hindi dahil hawig siya ng lalaking minsang niyang minahal kundi dahil sa kanilang dalawa, hindi hamak na mas lalaki pa ito kesa kina Elijah at Nestor. Oo nga at si Elijah ang una niyang naging asawa, ang kanyang first love pero kung titignan at ngayon na narealise niya ng tumagal sa pagtatrabaho para sa kanila si Darius, mas nagpaka tatay pa ito sa mga anak ni Elijah kesa sa nasabing biological father ng kambal. Afterall, kaya lang naman din sila naging mag asawa ay dahil bukod sa mas mayaman ang pamilya niya sa pamilya ni Elijah ay pinilit niya din talaga na ikasal sila sa pagaakalang magugustuhan din siya nito ng buo. Turns out, hanggang sa huli alam niyang ang “ pagmamahal“ lang na meron ito para sa kanya at sa biological na mga anak niya ay mababaw, kaiba sa magiging akto niya siguro kung ang pinakasalan nito ay tunay na babae at mahal niya talaga pero wala, pinilit niya kasi ang gusto niya.

Aaminin niya, tunay siyang nangulila ng mamatay ito dahil sa isang car accident, minsan iniisip niya sana ay buhay pa ito at nasa kung saan lang at nagkaruon ng amnesia at kalaunan ay magkikita ulit sila gaya ng sa mga pelikula o libro at sa pagkakataong iyon ay maiibigan na rin siya ni Elijah ng tunay kaya ganuon nalang ang gulat niya ng muntikan na siyang maaksidente isang gabi habang pauwi at makilala niya si Darius. Part of the reason kaya niya kinuhang taga alaga ng kambal niya si Darius, bukod sa kahawig nito si Elijah at agad nakapalagayan ng luob ni Leora at kahit na skeptical si Zadkiel sa kanya ng una, nanduon ’yung kaunting isipin niya baka si Darius ay si Elijah but as days and months goes by, narealise niya, malayung-malayo kay Elijah si Darius at lalo na kay Nestor.

“Mie,” mabilis pa sa alas kwatro nilingon ni Donomie si Darius ng tawagin siya nito sa palayaw niya. It’s not like there’s no chances na banggitin ito ng binata but still, hearing his nickname from him makes him all but jiggly.

“Yes?” muntikan pa siyang mautal.

“Ikaw muna dito sa mga bata. Tulungan ko lang si Silas mag ihaw.”

“Eh?” unimpressed na sabat ni Kiel, “Mie! Da is making excuses ’coz he cannot swim!”

Humahagikhik naman na sinang ayunan ni Leora ang sinabi ng kakambal.

“Don’t let him get away, Mie!” dagdag ni Leora na para bang double meaning ang sinabi nito kay Donomie.

Natawa lang si Donomie sa kambal at tinulungan si Darius na makawala sa mga ito para matulungan niya diumano si Silas.

“Mie! You shouldn’t have let him get away!” nakangusong sabi ni Kiel, halatang nagtatampo dahil hindi sila kinampihan nito. Natawa lang muli si Donomie.

“O? Buti nakawala ka du’n sa dalawa,” bati ni Silas kay Darius ng makalapit ito sa tabi niya.

“Saved by Bossing,” nakatawang sabi nito sabay kuha ng abanicong pamaypay sa gilid para tulungan ito sa pagiihaw.

“Buti nalang kundi baka nilulunod ka na nila ngayon,” biro nito.

“Kaya nga eh! G na G ’yung dalawa palanguyin ako.”

“Baka naman kasi may balak sila na turuan ka lumangoy?”

“Wag na! Hindi ko naman kailangan matuto n’yan. Ang laki ko na para ngayon pa ako magpaturo.”

“Eh malay mo kailanganin mo. Baka mamaya magka emergency na need mo lumangoy. Alam mo naman ang aksidente hindi mo masabi saka kahit marunong lumangoy minsan naaaksidente pa rin.”

Natahimik si Darius dahil may punto si Silas sa kanyang sinabi. Napatingin siya sa gawi ng kambal na masayang naghaharutan sa pool. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa mga bata lalo pa at nasa private resort sila at nasa pambatang pool ang mga ito at naka supervise silang mga matatanda.

Napataas ang isang kilay ni Darius sa kuryosidad ng makita niyang may kausap si Donomie sa phone at mukhang seryoso iyon dahil nakita niya pa itong lumayo sa mga bata. Nakita din niyang nagaalalang sumunod sa kanya si Manang Bertha.

“Da!” agad nabaling ang atensyon niya kay Leora ng patakbo itong lumapit sa kanila.

“No hotdogs na?” nakangusong tanong nito sa kanila. Natawa naman sila parehas ni Silas dahil sa ka-cutean nito.

“You want pa ba?” tanong ni Silas.

Agad na tumango si Leora, “Yes, please!”

“Sige, kuha lang ako sa cottage natin.” paalam nito kaso humabol si Leora sa kanya at naiwan si Darius mag isa at si Zadkiel na nasa gilid ng pool at abala maglaro ng dala nitong laruan na dump truck.

“Kiel! Dito ka sa tabi ko maglaro baka mabangga ka dyan ng mga dumadaan.”

“It’s fine, Da. I’m careful naman and I can swim unlike you,” hagikhik nitong sabi. Napailing nalang si Darius at muling pinilit ang bata na maglaro sa tabi niya ngunit sadyang matigas ang ulo nito kaya hinayaan nalang niya at panaka-nakang tinitignan si Zadkiel habang binabantayan ang iniihaw sa grill. Lagpas sampung minuto ang nakalipas mula ng maiwan silang dalawa ni Zadkiel at nalingat lang siya saglit dahil hindi sinasadyang nahulog nito ang gamit niyang pamaypay ng biglang humangin ng malakas, ay pag angat niya para sana muling tignan ang ginagawa ni Zadkiel ay hindi niya na ito makita. Agad na kumunot ang nuo niya.

Parang kanina lang ay nakita niya pa itong tumatakbo-takbo habang pinapaandar nito ng mabilis manually ang laruan niyang truck sa gilid ng pool, impossible namang bigla itong mawala lalo pa at hindi niya makita ang laruan nito nor narinig na tinawag siya nito para magpaalam pero bakit ganuon? Pakiramdam niya may mali. May hindi siya maipaliwanag na kaba habang nakatitig siya sa pool.

Nagaalalang binitawan muna ni Darius ang hawak niyang pamaypay at lumakad papunta sa pool. Para kasing may humihila sa kanya na gawin iyon. Dahan-dahan siyang sumilip sa ilalim ng pool at laking gulat niya ng maaninag niya si Zadkiel na mukhang walang malay na may bakas ng dugo na humalo sa tubig mula sa ulo nito. Sa panic niya ay walang pagdadalawang isip siyang sumisid para iligtas si Zadkiel.

Hindi niya pa ito nahahawakan ay halos mahirapan na siyang makahinga sa ilalim ng pool. Mabuti nalang at mapilit din siya sa gusto niya at sa wakas nahawakan niya na ang dulo ng kamay nito bago pa ito bumagsak sa flooring. Unfortunately, dahil nga hindi siya sanay lumangoy at nasa pool sila, bukod sa nahirapan na talaga siyang huminga at makakita dahil sa chlorine, ramdam na rin niya na any moment from now ay baka mamatay na siya dahil sa pagkalunod. Buti sana kung siya lang kaso hindi. Kailangan niyang iligtas si Zadkiel pero paano?

Just as his eyes were about to give up, same with his breathing, naramdaman niyang may humatak sa katawan niya paitaas at ganuon din kay Zadkiel. Maubu-ubo siya ng makalabas siya sa pool at unang hinanap ng mata niya ay si Zadkiel at kita niya kung paanong nagaalalang nire-resuscitate ni Donomie ang anak. Saka lang siya napatingin sa gilid niya ng rumehistro sa kanya na may nagligtas sa kanila ng bata.

“Gagu ka, pre! Akala ko bakit ka duma-dive bigla eh! Ano? Okay ka na?”

Sabay silang napatingin sa gawi nila Donomie ng marinig nila ang pag ubo ni Zadkiel. Agad silang lumapit dito samantalang agad na niyapos ng yakap ni Donomie ang anak. Mangiyak-ngiyak din na nakiyakap si Leora sa kakambal.

Lalapitan na sana ni Darius si Zadkiel para kamustahin ito pero bigla nalang siyang galit na inutusan ni Donomie na huwag lumapit sa anak at ng nagtanong siya kung bakit ay nagulat siya ng bigla siya nitong talakan. Hindi tuloy napigilan ni Darius na mapakunot ang nuo at makaramdam ng inis sa kanyang amo. Hindi naman niya gusto mangyari ang nangyari kan-kanina lang pero bakit kung pagsalitaan siya nito ay para bang sinadya niyang ipahamak ang bata?

Heto na naman sila at nagaaway. Matagal na ang nakalipas mula ng huli silang mag bangayan pero this time, seryoso ito dahil buhay ng bata ang nalagay sa alanganin kanina. Pero kung tutuusin wala naman dapat na sisihin. Aksidente ang nangyari pero bilang tao na hindi perpekto na kinabahan sa maaaring pagkawala ng kanyang anak ay pinili ni Donomie na manisi ng kung sino kahit na alam niya sa sarili niya na maaaring hundred percent walang kasalanan si Darius.

“Tama na, Donomie. Ayos naman na si Kiel,” pangaalo ni Manang Bertha sa kanya.

“Pero ’Nang!”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Darius at tumayo. Saglit niyang tinignan ang kambal bago nag decide na lumakad palayo sa kanila. Kailangan niya munang magpalamig at ayaw niyang sabayan ang galit ni Donomie dahil baka may masabi siyang ika-regret niya samantalang si Donomie naman mismo ay nakaramdam ng inis sa inasta ng lalaki dahil for some reason, he wants him na salubungin ang galit niya at aluin siya like the man is obligated to do so with him, with them ng mga anak niya.

Pagtalikod ni Donomie sa kanila, sinubukan ni Zadkiel na bumangon para sana pigilan si Darius sa pag alis kaso pagtayo nito at bigla itong nakaramdam ng pamilyar na pagkahilo at bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ni Donomie at ang paglingon ni Darius.

“Kiel! Kiel, wake up! Baby, wake up please!” kinakabahan at mangiyak-ngiyak na ginigising ni Donomie ang anak habang buhat-buhat ito ni Darius papunta sa kotse.

Hindi na sila pa nag take pa ng chances lalo pa at halata namang tumama ang ulo nito panigurado sa gilid ng pool kaya ito nawalan ng malay at nahulog sa pool.

Nagpapanic man ay pinanatili ni Darius na kalmado ang sarili sa kasalukuyang sitwasyon lalo pa at wala itong maitutulong sa inaakto ngayon ni Donomie. Ngunit hindi ibig sabihin ay hindi siya nagaalala para sa bata at nagagalit sa sarili. Masaya pa rin sana silang nagbobonding sa pool kundi lang siya nalingat ng tingin. Hindi siguro ganito kalala ang sitwasyon kung naagapan niya at agad siyang sumisid para kuhain ang bata. Hindi sana ganito kung marunong siya lumangoy. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa inis lalo pa at naabutan sila ng stoplight. Napamura siya at nagbabalak ng lumabag sa batas trapiko ng bigla siyang matauhan ng maramdaman niya ang paghawak ni Donomie sa balikat niya at nagaalala siyang tinignan kahit na kanina lang ay halos awayin na siya nito.

“Sorry,” ani Darius at hinawakan ang kamay ni Donomie na nasa balikat niya para haplusin ito. Para kahit papaano ay pakalmahin ito, kahit na alam niyang ano man ang gawin niya hindi niya ito mapapakalma dahil ito mismo ang magulang ni Zadkiel at mas may karapatan ito mag alala kesa sa kanya.

Pagdating nila sa hospital ay agad dinala sa ER ang bata. Sasamahan pa sana niya si Donomie na makipag usap sa doktor na magaasikaso kay Zadkiel kaso inutusan siya nito na tawagan sila Silas para ipaalam sa mga ito na nasa hospital na sila. Bigla niyang naalala si Leora. Malamang ay grabe na ang pagaalala nito sa kakambal. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya at hinilot ang sentido niya bago niya kunin sa bulsa ng kanyang suot ang kanyang cellphone at kontakin si Silas.

“Ano gusto mo kainin?” tanong niya kay Donomie habang hinihintay nila lumabas ang doktor mula sa luob ng ER kung nasaan si Zadkiel kasama ang iilang mga nurse.

Matamlay itong umiling habang nakatulala sa sahig. May namumuong luha sa mga mata nito na halatang pinipigilan nitong tumulo. Napabuntung-hininga si Darius ay tumabi sa kanya. Marahan nitong hinagod ang likod niya habang panaka-nakang tinitignan ang pintuan ng ER.

“Masama ba akong tao, Darius?”

“Iyon ba iniisip mo kaya nangyayari ito sa iyo?” tugon nito ng hindi tinitignan ang amo. Agad na tumango si Donomie.

“Siguro, ewan ko.” mabilis pa sa alas kwatro siyang nilingon nito. Natawa lang si Darius sa reaksyon nito pero hindi pa kasi tapos ang gusto niyang sabihin, “… para sa akin mahirap sagutin ang tanong na iyan. Mahirap sabihin kung masama o mabuti ang isang tao kasi lahat naman nakakaranas ng hirap sa mabuhay. Depende nalang siguro kung paano tayo nakikita ng mga taong itinrato natin. Maaaring sa ibang tao masama ka pero sa mga nakaka kilala sa iyo ng tunay ay down to earth ka. Iisipin mo pa ba ang tingin sa iyo ng ibang tao kesa sa alam mo na kung sino ka at alam ng mga anak mo? Oo, naiintindihan ko hindi deserve ni Kiel na malagay sa ganitong sitwasyon ngayon pero wala naman tayong magagawa dahil aksidente ang nangyari. Ang aksidente nangyayari sa kahit na sino. Mabait ka man o hindi. Alisto ka man o hindi.”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie bago niya isinandal ang sarili sa balikat ni Darius ng buong tapang amidst the fact na nasa hospital sila at maraming tao na maaaring makakita sa kanila, sa ginawa niya at husgahan sila because at that moment walang ibang mahalaga kundi ang marinig niya ang mga salitang hindi niya inakalang magbibigay ng comfort sa kanya mula sa taong higit niyang kailangan sa mga oras na iyon at iyon ay walang iba kundi si Darius.

“Thank you,” hindi niya na napigilan pa at napaiyak na siya. Marahan namang hinahaplos ni Darius ang bunbunan ni Donomie habang naka akbay dito.

“Hindi mo naman kai—”

Marahas na umiling si Donomie.

“Salamat at nandyan ka.” sa mga panahon kahit na pinagtulakan kita, nandyan ka at hindi mo ako iniwan gaya nila, ang gusto sana niyang sabihin pero sadyang wala na siyang sapat na lakas at pinili nalang niya na iparamdam dito ang pasasalamat niya sa pagdating nito sa buhay nila ng kambal.

WILD AT HEART • Chapter Ten

“Ano? Kamusta na ’yung dalawang chikiting mo?” tanong ni Jace sa kaibigan pagdating nito sa hospital kung saan nakatambay si Dairus mula sa mga nakahilerang bakanteng upuan malapit sa ICU kung saan nakalagak si Zadkiel. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ng kaibigan bago isinandal ang kanyang katawan sa upuan.

Isang linggo na ang nakakalipas mula ng mangyari ang aksidente sa resort na pinuntahan nila, dahilan kung bakit nandito ang bata sa hospital and since then, hindi pa rin stable ang kondisyon nito. Wala segundo, minuto at oras na hindi sinisisi ni Darius ang sarili kahit na maka ilang ulit na siyang sinabihan nila Silas na hindi niya ito kasalanan, maging si Donomie na siyang magulang nito na napagsalitaan siya ng hindi maganda dala ng pagkabigla sa nangyari ay laging pinapaalala sa kanya tuwing may pagkakataon na walang may gusto ng nangyari at kahit na ba marunong siyang lumangoy ay wala pa ring magagawa iyon sa sitwasyon na kinalalagyan ni Zadkiel dahil sa naging pagtama ng ulo nito gilid ng pool, dahilan para magka hemmorhage ang bata at humantong sa dati na nitong sakit na natrigger dahil sa nangyari.

“Ganuon pa rin, ’par. Hindi pa rin gumigising si Kiel.”

“Mmh,” isang malalim na buntung-hininga ang ginawa ni Jace bago marahang hinaplos ang balikat ng kaibigan. Tanda na nakikiramay ito sa sitwasyon, “H’wag ka mag alala. Malakas na bata si Kiel. I’m sure ’pag gising n’yan akala mo walang nangyari sa kanya.”

Impit na napangiti si Darius sa pangaalo ng kaibigan. Buti nalang at may kaibigan siyang masasandalan sa mga ganitong sandali ng buhay niya. Maswerte pa rin siya at hindi siya pinapabayaan ng may kapal. Kung tutuusin, higit pa sa kaibigan ang turingan nila ni Jace sa isa’t-isa kahit nuon pa man. Magkaiba man ang magulang na pinagmulan nila, masasabing magkapatid ang turingan nila. Walang iwan, maganda o hindi man ang sitwasyon.

“S’ya nga pala, kumain ka na ba? Parang kulang ka na nga sa tulog, kulang ka din sa kain.”

Sakto namang napa hikab si Darius, “Ayos lang ako. Nag kape naman ako kanina.”

“Anong oras ka nagkape?”

“Alas dos ng madaling araw?” hindi nito siguradong sagot sa kaibigan.

“Gago! Anong oras na! Eleven na kaya! Tara na muna sa canteen at ng maka-kain ka. Mamaya isa ka na din sa bibisitahin namin kapag inabuso mo pa ’yang katawan mo,” aya nito sabay hila patayo sa kaibigan nito sa upuan. Nagaalangan na nilingon ni Darius ang ICU.

“Mabilis lang tayo, ’pre. Sige na! Para makabalik din tayo agad saka huwag ka mag alala. Maraming nurse dito na nakabantay hindi gaya ng sa public hospital.”

Pagdating nila sa canteen ay hinayaan lang ni Jace ang kaibigan na maiwan sa table at siya na mismo ang umorder ng makakain nila. Panay hikab naman si Darius habang hinihintay na bumalik ang kaibigan dala ang order nitong mga pagkain. Ngayon na malayo siya sa ICU ay saka palang niya naramdaman ang pagod ng katawan niya.

Hindi naman talaga siya ang dapat na bantay ngayon kundi si Manang Bertha. Ang kaso, sa tingin niya, kung yung matanda ang nandito, walang magaasikaso kay Leora sa bahay dahil kapag umuwi siya, hindi niya ito mababantayan dahil tulog siya o kung hindi man, impossibleng hindi ito sumama sa pagbabantay sa kakambal na maaaring magresulta sa puyat ng bata at iyon naman ang ayaw niya kahit ba sabihing may karapatan itong gawin ito dahil kakambal niya ang nasa ICU kaya heto, isinakripisyo niya ang sarili bilang kabayaran na rin sa nangyari kay Zadkiel dahil ano pa man ang sabihin nila sa kanya, alam niya, may kasalanan pa rin siya sa nangyari.

• • •

“Magkano ba ang gusto mo?” inis na turan ni Donomie kay Nestor.

“Bakit ba atat na atat ka? Is this because of that man you’re with that looks exactly like Elijah? Umaasa kang siya si Elijah?”

“What the fuck are you talking about?” lalong na-badtrip si Donomie dahil first of all, nililihis na naman nito ang usapan nila para hindi na naman nito mapirmahan ang divorce papers na inihain niya dahil sa pagwa-walkout nito. Nope, not this time. Hindi siya papayag na gawin na naman nito ang ginawa ni Nestor last time.

Second, what the fuck is this man talking about? Patay na si Elijah pero isinali pa nitong lalaking ito sa usapan nila. What is he up to? However hindi niya ito pwedeng basta nalang isantabi because for some reason, ganito din halos ang akusa nito sa kanya the first time Nestor saw Darius.

Did he knew something he didn’t?

“At ano namang masama kung ganun nga?”

“Because it can’t be! Hindi pwede! Hindi ako papayag dahil putangina niya kung siya nga talaga si Elijah at nagpapanggap lang siya na ibang tao sa harap mo at sa harap nating lahat! Hindi niya ako pwedeng igaya sa iyo o sa ibang tao na tatanga-tanga! Hindi!”

“Hold on, what do you mean by that?” agad nagsalubong ang kilay ni Donomie sa narinig. For some reason, his heart stammered nervously. No, it can’t be! Pina background check niya si Darius ng husto at impossible namang nagsinungaling sa kanya ang private investigator na kinuha niya although bukod sa masyadong kahawig ni Darius si Elijah, there’s something nostalgic about him that he can’t pinpoint until now.

Ngunit hindi maitatangging galing din sa mayamang pamilya si Elijah at may kakayahan mag bayad sa private investigator. Oh no, please! Hindi niya kakayaning malaman na si Elijah at Darius ay iisa at pinaglaruan siya ng lalaki.

“Nestor! Get back here! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!” pigil niya sa lalako ngunit nakalabas na ito ng kanyang office.

Agad napa upo sa kanyanh recliner si Donomie at inihalamos ang palad niya sa mukha niya. He’s confused and stressed!

• • •

Nagising si Jace na parang may nakatitig sa kanya and true enough, ng idilat niya ang mga mata niya ay nakita niyang nakatitig sa kanila si Donomie na hindi niya mawari ang mood nito sa paraan ng pagtitig nito sa kanila. Agad niyang nilingon ang kaibigan pero laking gulat niya ng marealise na nakasandal pala ito sa balikat niya. Yikes!

Hindi naman sa may something sa kanila ng kaibigan at hindi rin sa pagiging assuming pero baka nagpupuyos ang puso ng amo nito sa naabutan niyang eksena nilang mag kaibigan kaya dali-dali niyang nilinaw dito kung bakit ganito ang posisyon nila ni Darius. Sana lang ay maniwala si Donomie.

“Kumain na kayo?” tanong nito.

“Oo, kanina. Kung hindi ko pa pinilit ’tong si Darius wala pa sana siyang balak na kumain.”

“Kanina?” nagtataka niyang tinignan ang natutulog na si Darius.

“Oo. Dumating ako dito mage-eleven ng umaga. Siya ang bantay. Bakit?”

Nagkatinginan si Donomie at Silas.

“Si Manang Bertha kasi dapat ang kapalitan niya.”

“Ganuon? Ah baka naisip niya lang si Leora na hindi niya mababantayan kaya siguro sinabihan niya si Manang Bertha na siya nalang,”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie. Masyadong mabait si Darius. Ito ba yung pinaghi hinalaan niya dahil lang sa sinabi ni Nestor?

Darius don’t deserve him.

Maya-maya pa ay sabay silang napatingin kay Darius na agad napatayo sa upuan niya para batiin si Donomie.

“Sorry nakatulog ako. Kanina ka pa?” alalang tanong nito at saka nilingon ang kaibigan, “Bakit hindi mo ako ginising?”

“Wala pang five minutes mula ng dumating kami,” sagot ni Silas.

Napatango si Darius agad inoffer ang kanina’y pwesto niya kay Donomie. Tumanggi ito at sinabing sisilipin niya muna ang anak na siya ginawa naman niya at pagkatapos ay inaya ang tatlo na mag dinner sa labas.

“Bakit hindi mo ako sinabihan na itutuloy mo pala pagbabantay kay Kiel sa hospital? Sana man lang sinabihan mo ako para pinadalhan kita ng makakain mo kanina,” inis na sabi ni Donomie habang nakapila sila sa isang counter sa pinasukan nilang fastfood chain habang sina Silas at Jace ay naiwan sa kinuha nilang pwesto.

Napakamot sa batok niya si Darius.

“Marami ka na kasing ginagawa ayaw ko ng maistorbo ka pa. Isa pa, pwede naman akong kumain sa canteen hindi mo na kailangan pang abalahin si Manang Bertha,”

Napa irap si Donomie.

“Hindi lang naman si Kiel ang binabantayan mo, Darius. Si Leora din. Halos hindi ka na umuwi sa bahay. Nami-miss ka din ng isa.”

“Alam ko naman ’yon. Kaya lang kung uuwi naman ako ng pagod, hindi rin naman okay ’yun dahil hindi kami makakapaglaro ni Leora o usap man lang dahil makakatulog ako agad. Ayaw mo naman ng ganu’n.”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie.

“So ano? Hahayaan mo nalang si Leora at hindi ka uuwi ng bahay dahil sa dahilan mo na ’yan?”

Nagulat naman si Darius sa inasta ni Donomie dahil kung magsalita ito ay para bang malaking kasalanan ang ginawa niya. Na para bang isa siyang pabayang ama sa mga anak niya.

Okay lang sana kaso may mga nakarinig sa pinaguusapan nila dahil medyo napataas ang boses sa kanya ng lalaki. Hindi naman sa nahihiya siya o naiilang mas lalong hindi dahil galit siya na baka mahusgahan siya, ang kanya lang ang ganitong bagay ay dapat nilang pinaguusapan ng sila lang dalawa at ng mahinahon.

“Bumalik ka na dun kila Silas. Ako nalang dito. Sige na,” kalmado niyang utos na kinabigla at kinahiya no Donomie ng marealise niya ang ginawa niya.

Hindi niya sinasadya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ganito ang naging reaksyon niya.

“H-Hindi. Sasamahan kita,” nahihiya at pabulong niyang sabi.

Nagkatitigan sila ni Darius.

“Sige na, Mie. Ako na dito.”

“Sorry,” nakangusong sabi ni Donomie bago tuluyang umalis na parang tutang napagalitan. Napangiti lang si Darius sa kanya sa isip niya.

• • •

“Da!” masayang sinalubong ni Leora si Darius ng makita niyang kasama ’tong umuwi ni Donomie. Naiwan kasi sa hospital sina Jace at Silas para sila ang magbantay kay Zadkiel.

“Hello! Na-miss mo ako?” agad na tumango ang bata at isiniksik ang sarili niya sa tagapag alaga.

“Hindi ka naman nagpasaway habang wala kami?” malambing niyang tanong sa bata na ngayon ay karga-karga niya na.

Nagkatinginan sina Donomie at Manang Bertha sa nakita. At some point, Leora stopped wanting to be carried by anyone except Donomie and seeing how she just let Darius carry her speaks volume to them.

“Hindi po! Ikaw, Da? Behave ka ba habang binabantayan mo si Kuya? Baka nangchi-chiks ka ha!” nakangusong akusa nito na kinatawa ni Darius.

“Hey! Saan mo natutunan yan ha? That’s bad, Leora.”

“Narinig ko lang sa school sabi ng girl du’n sa boyfriend niya.” inosente nitong sagot.

Ginulo ni Darius ang buhok ni Leora.

“Da!” nakanguso nitong reklamo.

“You’re not suppose to say or learn that yet kasi hindi ka pa teenager and even when you reach that point in your life, hindi ka dapat naghihinala sa partner mo kasi that means you do not trust the person. Do you not trust Da?” patampong tanong nito.

Mabilis na umiling si Leora sa kanya.

“No! I trust Da! I trust you aside from kila Mie unlike Uncle,”

“What do you mean?” takang tanong ni Darius at saka inupo si Leora sa couch.

Kinakabahang umiling ang bata.

“Nothing, Da. I just trust you more. You’re not going to leave us, ’di ba?”

“Of course not. Bibilhan ba kita nito kung may balak ako na umalis?” sabay abot ng pulang box na may naka imprentang logo ng bubuyog kay Leora. Agad nanlaki ang mata ni Leora sa saya.

“For me?”

Nakangiting tumango si Darius.

“Oh my gosh!” masayang turan nito ng makita niya ang laman, “It’s Po!”

Masaya itong tumakbo papunta sa direksyon ni Donomie para ipakita ang binili sa kanya ni Darius.

“Mie! Look! Da bought me Po!”

“And what do you say to Da?” nakangiting tanong niya sa anak.

“Oh, right!” tumakbo ito pabalik kay Darius at niyakap ang lalaki, “Thank you, Da! You’re the best! I love you!”

“You’re welcome,”

“How about Kuya? Where’s his?”

“Here. Makakalimutan ko ba siyang bilhan?”

Para namang maiiyak na tinignan ni Leora si Darius at mas lalong hinigpitan ang yakap nito sa kanya na siya namang ginantihan ni Darius.

“I wish you’re our Daddy nalang,” bulong nito na silang dalawa lang ang nakakarinig. Nagulat naman si Darius pero hindi naman niya itatangging minsan sumasagi sa isip niya na sana siya na nga lang ang Tatay ng mga bata aside from Donomie.

• • •

“Nagaadik ka?” biro ni Donomie ng makita niya si Darius na nakatambay sa may garden ng bahay nila. Malalim ang iniisip at may hawak na sigarilyo sa kamay. Tinabihan niya ito kahit na ayaw niya sa mga taong naninigarilyo but with Darius it’s fine.

Halatang nagulat si Darius sa biglaang pagsulpot niya at agad na inupos ang sigarilyong hawak niya at lumayo ng bahagya dito at pagpagin ang suot niyang damit para alisin ang amoy ng sigarilyo na kumapit sa damit niya even though it doesn’t work that way. He knew how Donomie hates people who smokes kaya nga patago niya itong ginagawa kung minsan kapag naisipan niya. Abut-abot ang kaba niya dahil ngayon alam na nitong naninigarilyo siya.

“May kailangan ka?” he asks, trying to keep himself calm.

“Hindi ka pa yata tapos manigarilyo?”

“Hindi, tapos na.”

“Mmh,” napanguso siya habang nakatitig kay Darius. Gusto pa naman niya makita upclose manigarilyo ang lalaki. Damn, he looks so hot from afar. Hindi naman niya akalaing wrong move pala ang ginawa niyang paglapit.

“Magpahinga ka na. Wala ka bang pasok bukas?” ani Darius at saka bumalik sa pag upo sa tabi ni Donomie.

“Meron. Ikaw din naman kailangan mong magpahinga. ’Di ba sabi mo ikaw magbabantay ulit kay Kiel?”

“Oo, pero pwede naman ako umidlip habang nagbabantay. Ikaw, pwede ka bang umidlip habang nasa trabaho ka? Knowing how workaholic you are,”

“Pwede naman. Hindi naman laging may empleyadong bumibisita sa office ko.”

“Pero matatambakan ka ng trabaho. Alam nating parehas na hindi ka nawawalan ng gagawin kapag nasa office.”

“Wala eh. Ako lang kasi may kayang humawak ng posisyon ko.”

“Sabagay. Ang galing mo nga eh kung ako ’yan baka binigay ko nalang sa iba posisyon ko.”

“Bakit naman? Maraming gaya mo na gustong mapunta sa posisyon ko.”

“Sila ’yon. Mas gugustuhin ko pang mag alaga nalang ng mga anak mo kesa makisalamuha ako sa kung sinu-sino na pera ang habol kaya dumidikit sa’yo. Don’t get me wrong. Alam kong kailangan mo ’yon para may pangtustos ka sa lifestyle ninyong pamilya but all I want is a family, an almost happy one. Wala naman kasing perpektong family gaya ng iniisip ng karamihan.”

“Dahil ba sa lumaki ka sa Lola mo?”

“Siguro, pero siguro kahit nagkaruon ako ng kumpletong pamilya, mas pipiliin ko pa ring maging masaya kesa sa mapunta ako sa posisyon na meron nga ako lahat, pero hindi naman ako tunay na masaya.” nakatitig na sabi nito sa kanya and for the first time in his life, he finally felt understood.

Hearing those words from Donomie feels comforting. Para siyang binabalot ng kumot sa malamig na gabi. That’s when it hits him. This man cannot be Elijah and he is hundred percent sure of it. Oo, magka hawig nga sila but he isn’t the same person he fell inlove with. Nakakahiya na nahulog siya sa isang ’yon dahil sigurado siyang kung nakilala lang niya si Darius ng mas maaga o kasabay ni Elijah, even if this man infront of him doesn’t have the money or anything he could brag in front of his parents or other people, siya ang pipiliin niya.

“Darius..”

“Hmm?”

“Could you..”

Marahan siyang hinila ni Darius palapit sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Oh, those eyes. Such eyes that sees him even when he tries so hard to hide even to himself. Such eyes that made his dead heart beat again. Makes his heart go wild again.

“Sorry, I don’t smell ideal right now,”

“Even if you aren’t, I’ll still want you.”

And finally, right then and there, even if the setting isn’t ideal, given the current situation Donomie’s family is facing, to him having Darius by his side is such a dream come true especially now that their lips are one.

WILD AT HEART • Chapter Eleven

It’s not surprising, really, kung magkaruon man ng relasyon sina Donomie at Darius after their shared kiss a few nights ago. It’s about time na rin naman ika nga ng mga taong malalapit sa kanila. They’re both adults. They can decide whatever they want as long as wala silang nasasaktan na inosenteng tao. Plus, both are single. Well, legally speaking, si Darius lang ang single since married pa rin ang status ni Donomie not unless pirmahan na ni Nestor ang divorce papers nila na makailang pilit niya ng pina pirmahan sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasang ayunan.

Talagang ayaw siya nitong pakawalan sa kabila ng nagawa nitong pambabae. Kung si Donomie ang tatanungin, he don’t care kung ano mang negatibong salita ang marinig niya sa ibang tao dahil siya, si Darius at ang mga malalapit sa kanya ang nakakaalam ng totoong estado ng buhay niya but on the otherhand, kahit na gusto niyang ipagsigawan sa mundo na finally and hopefully this time around si Darius na ang huling lalaking pagbubuksan niya ng puso niya, he cannot.

Why? Because he cannot risk na madamay ang mga anak niya sa mga salitang masasabi sa kanya ng ibang tao. Even Darius, ayaw nito na may marinig siyang hindi maganda kay Donomie at sa mga anak nito. The man will raise hell sa oras na makarinig ito ng hindi maganda sa maga-ama, so they decided to keep things lowkey but not a secret. Iba naman kasi ang tinatago sa halata pero hindi masyadong halata na kayo, ’di ba? At least in that way, people who have bad intentions against their relationship will think twice na baka hindi sila when in fact, sila talaga. It’s just that they don’t have to make everything obvious. People who are keen observers na makaka alam ng tungkol sa relasyon na meron sila will understand the situation why it needs to be kept the way their relationship is na hoperfully, soon, they no longer have to be lowkey about it.

“Sure ka ayaw mong samahan ko kayo ni Silas?” muling tanong ni Darius kay Donomie pagka abot niya ng tinimpla niyang kape para rito at umupo sa tabi nito. Nakangiting umiling si Donomie.

“Ayos nga lang kahit kami lang ni Silas. Saka mabilis lang naman kami duon. Magtitingin lang kami ng pinapabili ng doktor ni Kiel sa akin. Saka kapag sumama ka, sinong kasama ni Jace? Baka mamaya gumising bigla si Kiel alam mo naman ’yung isang ’yon.”

“Sabagay, baka tarayan pa niya si Jace,” nakatawang pag sang ayon nito sa nobyo.

Nilapit ni Donomie ang sarili kay Darius at marahang hinaplos ang pisngi nito habang nakatingin sa kanyang mga mata. If only Darius knew kung anong sitwasyon ni Zadkiel, kung saan sila pupunta ngayon ni Silas, he bet maghihinanakit at magagalit sa kanya si Darius sa paglilihim niya dito but he can’t bring himself na sabihin sa nobyo ang totoong lagay ng kanyang anak. Afterall, hindi naman obligasyon ni Darius ang mga anak niya because in reality, responsibilidad niya sila dahil kailan lang naman dumating ang lalaki sa buhay niya. He just hopes na sana ay swertihin siya ngayong araw. It had been two days mula ng ipaalam sa kanya ng doktor na kakailanganin ni Zadkiel ng donor dahil hindi kakayanin ng mumurahin nitong katawan ang mga therapy na sana ay pwede sa kanya. Ayaw din i-risk ng doktor ni Zadkiel na mas lumala ang sakit ng anak niya dahil sa makukuha nitong radiation dahil walang kasiguraduhan kung magagawa nga nitong pagalingin ang anak kumpara sa kung makakahanap sila ng compatible donor nito. Kung sana lang ay inalam niya nuon sino ang surrogate mother ng kambal, kung sana lang nandito pa si Elijah kahit hindi na sila, mabilis sanang masosolusyunan ang problema nila ng anak.

Kaya kung iisipin ang dahilan kung bakit niya agad nalaman ang sakit ng Lola ni Darius ng una niya itong nakita dati ay dahil parehas ito ng sakit ng kanyang anak. Mabuti na nga lang at hindi pinagtaka ni Jace kung paano niya nalaman ang sakit ng Lola ng nobya nuon.

Pagkatapos nilang mag almusal ay agad ng nagpaalam si Donomie kasama si Silas para tunguin ang pupuntahan nila samantalang nagpaiwan naman saglit si Donomie para tulungan sa pag asikaso si Manang Bertha kay Leora.

Napahilamos si Donomie sa mukha niya out of frustation ng wala ulit sila makitang compatible na donor para kay Zadkiel. Time is running out at ayaw man niya isipin ngunit ngayon palang napapa isip na siya how much of failure he is as a parent to Zadkiel kung hindi niya magagawang mailigtas ito sa sakit niya. Yes, he doesn’t have anything to do with it. Hindi rin naman niya kadugo ang bata kung iisipin but he was the one who raised him, who raised the twins and those kids made him complete, made him feel like they are his own and it is such a shame kung hindi niya magawang ibigay sa mga ito ang buhay na gusto niya para sa kanila. A life where they can be free to live and love whoever they want. Pero paano niya ’yon mapaparanas sa kanila kung ngayon palang, binibigyan na siya ng pahiwatig ng tadhana sa maaaring mangyari kay Zadkiel?

Napa angat siya ng tingin sa taong tumapik sa balikat niya.

“H’wag kang mawalan ng pag asa, Mie. Hindi pwede. Kailangan mo maging matatag. Hindi mo pwedeng ipakita sa universe na magpapatalo ka sa balak niya. Kailangan mong isipin na sa pagkakataong ito, ikaw ang mananalo sa laro ng tadhana. Hindi ka mawawalan ulit gaya ng nangyari nuon. Ngayon ka pa ba papatalo kung kailan unti-unti mo ng nababawi yung kaligayahan mo na bahagyang nawala ng nawala si Sir Elijah?”

Napatitig si Donomie kay Silas at sa mga nangungusap nitong mga ito. Lumaki siyang only child, introverted at ang mga kaibigan niya ay halos hanggang eskwelahan lang kaya naman ever since si Manang Bertha ang simula’t-sapul na maituturing niyang kaibigan niya bukod sa ito ang pangalawang tagapag alaga niya kapag wala ang parents niya at abala sa kani-kanilang mga trabaho. Naalala niya pa ang unang beses na pagkikita nila dahil ito ang bodyguard ni Elijah nuon ay agad silang nag click nito at mula nu’n, ito na ang kasa-kasama niya. Gaya ni Manang Bertha alam nito kung sino ang isang Donomie in a personal level and he is thankful na kailan man never siya nitong hinusgahan kung sino siya at sa mga choices niya sa buhay. Maituturing niyang isang kaibigan at parang nakatatandang kapatid si Silas and what he is saying to him right now gave him hope. He is happy to realise na hindi siya nagiisa sa laban niya.

• • •

Akala ni Donomie ng makauwi sila ni Silas ay makakapag pahinga na siya mula sa lakad nila at sa isipin niya kung paano sila makakakuha ng donor para kay Zadkiel kahit ilang oras lang bago sila pumunta ng hospital para bisitahin ang anak kasama sila Manang Bertha at ang kakambal nitong si Leora pero laking gulat nila ng pagdating nila ay nakaka-kabang katahimikan sa buong bahay ay sumalubong sa kanila. By instinct, agad kinapa ni Silas sa gilid ng suot niyang damit ang nakatagong baril niya just in case na may nakapasok ng masamang luob ay mapo-protektahan niya agad ang amo pero laking gulat nila parehas ng makitang mahigpit na yakap ni Manang Bertha si Leora na umiiyak at halatang takut na takot sa dalawang lalaking nakatayo sa harapan ng mga ito. Agad nakilala ni Donomie ang isa sa mga ito. Walang dudang si Nestor ito pero sino ang kasama nito at bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya na para bang ikabibigla niya? And sure enough, ng mapansin ng mga ito na hindi na sa kanila nakatingin sina Manang Bertha at ang bata ay agad nilang nilingon ang tinitignan ng mga ito.

“Nand’yan na pala kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay,” nakangising sabi ni Nestor.

Halos maestatwa si Donomie sa kinatatayuan niya ng makilala sino ang lalaking nakatayo sa harap niya, na kasama ng kanyang asawa. Impossible! What kind of fuckery is going on? Ang daming tanong na ngayon ay tumatakbo sa utak niya at ang unti-unting galit na ngayon ay umaakyat papunta sa kamao niya. Hindi siya bayolenteng tao pero sa pagkakataong ito, gusto niyang magpaka bayolente. Magkamukha man sila, alam niya at ramdam niya hindi ito ang minamahal niyang si Darius. The man who was supposed to be dead years ago is now standing infront of him. It was Elijah.

“Hi, Don. How have you been?” panimula nito na may ngiting gusto niyang burahin sa labi nito.

• • •

“Ano ba ’yan, ’pre! Kanina ka pa ikut ng ikot. Kung natatae ka, pumunta ka na ng cr.” ani Jace sa kaibigan na kanina pa hindi mapakali sa hindi nila malaman parehas na dahilan.

“Tarantado, hindi nga!”

“Nagugutom ka ba? Kasi kung oo, iwan muna kita ako pupunta ng canteen. Bibili ako machi-chica natin.”

“Hindi rin. Ewan ko, ’pre. Uwi kaya muna ako? Parang kailangan ko munang umuwi ng bahay.”

“Siguro nga. Baka kulang ka pa sa tulog.” pag sang-ayon sa kanya ni Jace kaso ng palabas na siya ng silid nila, sakto namang dumating ang primary doctor ni Zadkiel at halatang hindi ito nanduduon lang para i-check ang kondisyon ng bata. Mukhang may kailangan itong i-discuss na importante. Napatingin siya sa wall clock at napakunot ang nuo. Lagpas na sa usapan nilang oras ang dating nila Donomie. Hanggang ngayon wala pa ang mga ito. Naisip niyang baka inabot sila ng traffic sa daan however knowing how skilled Silas is on the road, sa mga alam nitong pasikut-sikot, impossibleng ma-late sila ng halos apat na oras. Probably that was the reason bakit kanina pa siya hindi mapakali. Kaya imbis na siya ang uuwi ng bahay para i-check ang lagay nila Donomie dahil hindi pa ito sumasagot din mula ng huling usap nila ay si Jace nalang ang inutusan niyang magtingin sa kanila na agad namang tumalima sa pakiusap niya.

Makalipas ang higit isang oras mula ng makaalis si Jace ng hospital papunta sa bahay nila Donomie ay sa wakas nakarating din siya. Laking gulat niya ng maabutan niyang bukas ang gate ng bahay at nakarinig siya ng malakas na pagtatalo mula sa luob. Hindi siya nagdalawang isip na magsend ng text kay Darius na nakarating na siya ng bahay nila ni Donomie at sumunod ng uwi sakali mang hindi siya makapag reply after fifteen to thirty minutes dahil kilala siya ng kaibigan biglang mabilis magreply ano man ang sitwasyon except for emergency na kailangan ang presence niya.

Anong nangyayari? tanong niya sarili, at dahil likas sa kanya ang pagiging mausisa, dahan-dahan siyang pumasok sa luob at laking gulat niya ng makitang napuruhan si Silas, halatang pinagtulungan at ganuon din si Donomie, dahil may mga tama ito sa mukha at si Manang Bertha at Leora ay nasa isang sulok lang at halatang hapo na mula sa kanina pang pag iyak.

What in the fucking world is going on?

Syempre kahit alam ni Jace na maaari siyang mapahawak sa pakikisali niya para protektahan sila Donomie, ay gagawin pa rin niya. Hindi ito ang oras para magpaka duwag lalo pa at may bata na kailangan patahanin. Isa pa, malaki ang tiwala sa kanya ng kaibigan. Ayaw niyang biguin ito gaya ng hindi nito pagbigo sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawang lalaking nakatalikod mula sa kanya at humanap ng maaari niyang gamitin sa mga ito. Of course, hindi niya nakalimutang tumawag sa mga pulis bago niya gawin ang plano niya. Mabuti nalang talaga at mahilig siyang mag save ng numero ng mga nasa gobyerno gaya ng police station, fire station at kung anu-ano pa na maaaring makatulong sa kanya o sa mga malalapit sa kanya incase na magkaproblema at ’tong araw na ito ang isa sa mga araw na iyon.

Nang makahanap na siya ng pamalong gagamitin para maprotektahan ang sarili laban sa misteryosong dalawang lalaki at pasugod na siya sa kanila, laking gulat niya ng pagtingin niya sa side view ng isa sa kanila ay mukha ni Darius ang nakita niya.

Impossible! Nasa ospital ang kaibigan niya, paanong napunta ito dito? Namalik-mata lang ba siya? Hindi naman siya puyat. Hindi din siya gutom. Mas lalong hindi siya naka inom kaya paanong nangyaring ang mukha ng isa sa mga lalaking nanakit kila Donomie ay kawangis ng mukha ng kaibigan?

Isa lang ang naisip ni Jace na lohikal na sagot sa mga katanungan sa isip niya. Maaaring kakambal ito ni Darius o nagkataong kahawig lang talaga niya. Kung sabagay, may mga ganuon naman talaga kahit na hindi magka dugo. And that is because, they share similar genetic variations in the DNA responsible for facial features but still, nakaka mangha na nakaka kilabot kung iisipin.

Hapo man na sila parehas ni Silas sa pagprotekta sa isa’t-isa at kina Manang Bertha at Leora, ay hindi papayag si Donomie na kunin ni Elijah ang isa sa kambal na parang wala lang ang ginawa nitong pagtataksil at pagpapanggap na patay na siya para lang makasama ang kerida niya na siyang tinulungan nuon ni Nestor for the sake na mapunta dito ang kompanyang pinaghirapan ng magulang niya para sa kanya at hindi ng ibang tao.

Nakakasuka! Hindi nararapat na maging kamukha ni Elijah si Darius because from the time he met him, tumatak na sa kanya na ang mukhang iyon ay ang mukha ng isang taong umintindi at nagmahal sa kanya ng tunay at sa kambal regardless of what he and his family has. Nakalimutan niya ng ang mukhang din iyon ang mukha ng first love niya na nanakit sa kanya. So why is this happening now? Naguguluhan siya.

Nagpupuyos ang kanyang dadamdamin pero nasasaktan din at the same time na makitang hindi naiintindihan ni Leora ang nangyayari, bakit ang mukhang iyon, ang mukha ni Darius ay nasa harap nila ngayon kasama si Nestor ay tinatakot at sinasaktan sila ni Silas sa harap niya. She kept on pleading and calling Elijah as Darius kahit na makailang ulit niya ng sinabi dito na hindi ito si Darius. Halatang lito at trauma na ang bata sa nakikita.

However, Leora is a bright child like his twin. Nalilito man gaya ng naiisip ng kanyang ama na si Donomie sa nakikita niyang pagkakawangis ng mukha ni Darius at Elijah sa isa’t-isa, she knew this couldn’t be their caretaker. The man who she secretly wishes her father and ships with Donomie. Especially when that said man is standing next to the person who secretly assaults her whenever she’s alone by herself and threatens her to do something dangerous kapag sinubukan niyang magsumbong sa kahit na kanino especially to Donomie. She knew Darius would never allow her, or anyone anymore to stand next to Nestor if he knew what he did to her! That man is way too protective of her, Zadkiel, and Donomie.

“Don, how many times do I have to tell you? Ibigay mo na sa akin ang mga anak ko and I will stop everthing! This! Ibigay mo sa akin sina Leora at Zadkiel. Anak ko sila! You have them because of me! Mas may karapatan ako sa kanila kesa sa iyo! From what Nestor told me, meron ka naman ng bago hindi ba? My copy cat. Why don’t you just move on and be with him instead.”

“Tangina mo, Elijah! Naririnig mo ba ang mga pinagsasasabi mo na, gago ka? Anak mo sila? Oh now, you acknowledged them na anak mo sila kasi gusto mo lang ifulfill ang ipinangako mo sa hayop na Nestor na ’yan! Hindi laruan ang mga anak ko para lang iwan at kunin mo pabalik! Mga tao sila, mga bata! Tarantado!” sigaw niya sa galit, pinipigil ang sarili na huwag tumulo ang luha sa sobrang sama ng luob niya.

Gustong kunin pabalik ni Elijah ang mga anak matapos ang ilang taon na pagpapanggap nito na patay na mula sa aksidenteng pinlano nilang ipalabas sa lahat para makawala ito sa marriage nila ni Donomie at makasama ang “totoong” mahal nito na “nabuntis” niya. Turns out, Elijah recently found out na hindi siya ang ama ng bata na inakala niyang sa kanya and now he wants his life, his kids back to somehow and possibly live for the better. Technically, mayaman pa rin ang lalaki, namana nito ang halos 50% na mana mula sa magulang niya although the remaining 50% ay makukuha niya, technically ng mga anak niya once na mag legal age ang mga ito na siyang gusto niyang kunin mula sa mga ito.

Now, Nestor’s great plan was to use Elijah’s plan to his advantage. Para mapilitan si Donomie na hindi ituloy ang divorce na isinampa nito laban sa kanya and for Donomie to sign the company’s ownership to his name instead para tuluyan na nitong maisakatuparan ang orihinal nilang planong dalawa nuon ni Elijah.

What a fucked up plan. What a fucked up situation he is in and his children!

Bigla siyang napatingin sa bintana and he was surprised and kind of terrified ng marealise niyang gabi na. Fuck! Hindi sila nakapunta ng hospital gaya ng usapan nila ni Darius. Siguradong nagaalala na iyon. Baka nga pauwi na iyon at isa pa iyon sa alalahanin niya dahil hindi niya alam anong magiging reaksyon ni Darius kapag nakita ang sitwasyon nila at si Elijah at Nestor!

Sa gitna ng pagaalala niya at pagnanais na makaalis na sa kinalalagyan nilang sitwasyon ay nakita niya sa peripheral niya si Jace na may hawak na baseball bat na hindi nito alam saan galing. Nakita niyang tinatalian nito ng mabilisan ng binata ang hawakan nito ng industrial rubber band na again, hindi niya alam saan nito nakuha but it made him smile, it gave him hope.

Kung nandito ito, maaaring nandito na din si Darius and somehow amidst the nervousness and other things he is worrying on, gumaan ang isipin niya.

He purposely tap Silas’s knuckles and luckily he easily picked up on what was happening kaya ng tuluyan ng sumulpot si Jace sa likod ng dalawa at hampasin si Nestor dahilan para mawala ng saglit ang focus ni Elijah sa kanila ay agad dinambahan ni Donomie ang lalaki at pasigaw na inutusan si Manang Bertha at Leora na tumakas at iwan na sila at sila na ang bahala sa sitwasyon ay narinig pa niya ang pagpupumiglas ni Leora para puntahan siya pero dahil nais na din ni Manang Bertha na mapabuti ang sitwasyon ng bata ay sinunod nito ang utos ng amo.

“Shit! Hindi ko kaya! Mukha ng bestfriend ko nakikita ko!” nagaalangan na sabi ni Jace ng tumigil siya midway na hampasin ang mukha ni Elijah para sana tulungan si Donomie dahil kaya na daw ni Silas ang sa kanila ni Nestor. Nestor doesn’t fight that good anyway unlike Elijah. Guess, nasa dugo talaga ng magka wangis ang pakikipag away.

“Akin na! Ibigay mo sa akin ’yan at ako ang hahampas!” maangas na sabi nito sabay punas sa dugo na nasa gilid ng labi nito.

Napangisi si Elijah ng makita ang katapangan ng dating asawa. Iba sa nakilala niya nuon. Guess, change is the constant thing in this world, isn’t it?

“Sigurado ka bang kaya mo? Talaga bang wala na ang pagmamahal mo sa akin, Don? Remember, ako ang una mo sa lahat. Kaya kung nagmahal ka ng kamukha ko, malamang sa malamang ako pa rin ang laman ng puso mo. ’Ni hindi mo nga kayang ibigay sa akin ang sarili kong mga anak,”

“Oo, minahal kita pero nuon ’yon dahil tanga pa ako ng mga panahon na iyon! Sige, tama ka naman eh ikaw ang una sa lahat pero huwag na huwag mong ikukumpara ang pagmamahal ko sa iyo at kay Darius dahil walang-wala ka sa kalingkingan niya. Magka mukha lang kayo pero magkaiba ang puso ninyo at ugali ninyo! Huwag na huwag mong matawag ang mga bata na anak mo dahil sperm donor ka lang, ako ang tumayong magulang nila at mas nagpaka tatay pa si Darius kesa sa iyo o ni Nestor dahil ang totoong nagmamahal, walang reserba, walang pagaalinlangan! Alisin mo sa dila mo ang pagkukumpara mo ng sarili mo kay Darius dahil nakakasuka galing sa isang taong patay na na nabuhay ulit! Pwe!”

“Kung ganuon, wala na palang saysay na paikutin ka gamit ang katangahan mo nuon sa akin,”

“Oo, wala na talaga dahil natuto na ako!”

Bago pa mahawakan ni Donomie ang pamalo mula kay Jace ay inunahan na siya ni Elijah at pinuruhan si Jace sa sikmura para hindi ito makatulong sa balak niyang gawin kay Donomie.

One downside of being in a private subdivision, walang pakialamanan ang mga tao sa mga kapit bahay nila. It’s like, your business is not my business and so do mine to you ika nga, kaya kahit nagsisigawan na at nagkakasakitan na ang mga nasa luob ng bahay magmula pa kanina ay walang nangingialam unless one neighbor gets annoyed of too much noise or they hear police sirens on of the houses nearby, saka palang pasimpleng lalabas ang mga so-called kapit bahay para maki usyoso sa nangyayari.

Hinihingal man mula ng makababa ng habal si Darius sa gate ng subdivision patungo sa bahay nila Donomie sa pagaalala niya dahil sa nakuhang text sa kaibigan, mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo niya ng makitang may mga pulis sa tapat ng bahay at nasa labas sina Manang Bertha karga si Leora na pilit niyang pinapatahan at kapwa balot ng puting twalya.

“’Nay, anong nangyari?” nagaalalang tanong ni Darius ng makalapit siya sa kanila. Namilog parehas ang mata ng dalawa ng makita siya and it was relief that can be seen through their eyes instead of other things despite the horror that they had just escaped minutes ago. Marahang hinimas ni Darius ang likod ng matanda at hinalikan ang nuo ni Leora na nakapagpatigil sa pag iyak nito, “.. Sila Mie? Nasaan po sila?”

The answer was obvious, but Darius didn’t hesitate to ask. He just wants to be sure bago siya sumugod sa luob para siguraduhin ng personal na ayos lang ang nobyo but we all know it was far from being okay.

“Da, Mie-” naiiyak na sagot ni Leora na napakapit pa sa damit ni Darius to stop herself from crying and he immediately understood the assignment. He quickly tap Manang Bertha’s shoulders as if saying to her na ito muna ang bahala kay Leora as he kissed the child’s knuckles, letting her know everything’s going to be alright bago siya nagmamadaling nakipag buno ng saglit sa mga pulis na nakabantay sa labas para wala ng ibang makapasok sa luob bukod sa mga naunang kasama nila na sinusubukang pahupain ang sitwasyon.

Sakto namang nakita niyang hawak na ng ibang pulis kanya-kanya sila Silas, Nestor at Jace to safety, para hindi na rin sila makisali sa dalawa pang pilit na inaamo ng ibang pulis and it was no other than Elijah taking Donomie as hostage with a gun on his hand.

The scene terrified Darius what what stunned him the most is seeing the man who Donomie told him he shares a face with, the man who was supposedly dead years ago.

Paanong buhay pa ito? What demands he and Nestor had para mauwi ang lahat sa ganito? Does Donomie knew he was alive all along? Iiwan na ba siya nito? Agad niyang winaksi ang mga katanungang unti-unting ginugulo ang isip niya because whatever happens this, is Donomie’s decision, it’s inevitable, and however painful the outcome maybe to him, he will accept it because that is how much he respects Donomie and his children but right now, he needs to make sure his man will be safe so he did what he thinks is the best thing to do.

Divert the attention and anger Elijah has with Donomie to him. After all, if Donomie didn’t met him, it might have turned out differently for Donomie and the twins.

Siya ang dapat na sisihin dahil he made Donomie fall for him, someone who shares the same face of the first man he fell in love with. It’s all on him and he cannot risk getting Donomie hurt more than he already was. He would risks his life for the man he loves and if he gets hurt then it’s okay, at least he did something to protect him. To show him that at the end of the day, there’s someone that is willing to fight for him.

That’s just how wild at heart Darius is to him.

WILD AT HEART • Chapter Twelve

“Wait, why can’t I see the patient? I’m his boyfriend for fuck sake!” galit na turan ni Donomie lalo pa’t bukod sa wala pa siyang tulog ay wala pa din siyang kain.

Matapos kasi ang mga nangyari ilang oras na ang nakakalipas, mula ng mabaril si Darius sa pagprotekta nito kay Donomie, ay agad siyang nakipag kita sa kanyang lawyer at pumunta ng prisinto kung saan kasalukuyang naka ditena sina Elijah at Nestor. Halos kinailangan siyang pigilan hindi lang ng kanyang abogado at ni Silas kundi pati na rin ng ibang pulis sa istasyon para lang hindi nito mabugbog ng husto o mapatay ang sino man sa dalawa, lalung-lalo na si Elijah. Kita sa mga mata nito ang galit na kailan man hindi inakala ng dalawang lalaki na makikita nila sa mga mata niya.

It was more than just hatred. More than vengeance or betrayal. It’s like they unleashed something inside Donomie they shouldn’t have had, and all of this was because Darius was seriously harmed not just the twins or Manang Bertha and Silas.

Nakahanda na rin ang Plan B sa utak ni Donomie na kung sakali man na umapela at maghain ng Not Guilty Plea ang dalawa o bayaran ang Judge para mabaliktad ang patung-patong na kasong sinampa niya laban sa dalawa, magkano lang naman umupa ng hired killer para ipatumba sila. Kakalimutan niya munang magpakatao at ang salitang awa makaganti lang sa ginawang kawalang-hiyaan ng mga ito sa kanya at sa pamilya niya. Oo, pamilya kahit na hindi pa man official na pamilyang matatawag sila nila Darius dahil para sa kanya subra-sobra na ang nagawa nito para sa kanila, maging ang kaibigan nitong si Jace. Hindi siya papayag na mauwi sa wala ang lahat lalo na ang pagsasakripisyo ng kanyang nobyo sa buhay nito mailigtas lang siya. Darius didn’t deserve to be in that fucking hospital bed. He didn’t deserve to be hurt. If anything, sina Elijah at Nestor dapat iyon. Bakit ba kasi hindi nalang natuluyan nuon si Elijah? Bakit hindi nalang si Nestor ang tinamaan ng balang pinutok ni Elijah na dapat sana ay para sa kanya?

“Utos po kasi ng Doktor. Pasensya na po, Sir. Sumusunod lang po kami sa utos. At saka po, bawal din po talaga ang bisita lalo kakagaling lang po niya sa pangalawang operasyon. Kailangan pa po i-monitor ang pasyente kung naging successful po yung ginawa sa kanya. Sa kanila,” paliwanag sa kanya ng nurse na siyang kinalito niya.

“Ha? Pangalawang operasyon? Hindi ba na-stitch na siya kanina sa ER? Nag open ba ulit yung wound niya?” natataranta at nagaalala niyang tanong.

Napakunut-nuo naman ang nurse na kausap niya, “Po? Hindi po. Hindi po ba kayo aware sa mga ginawang procedure sa pasyente?”

Napailing si Donomie at biglang nahiya sa inasal niya sa nurse. Syempre hindi niya alam dahil after niyang makiusap sa mga doktor na iligtas ang buhay ng kanyang nobyo ay dali-dali niyang tinawagan ang kanyang lawyer para asikasuhin ang isasampa niyang kaso kina Elijah at Nestor. He would never let them get away. He wants them to rot in hell until their last breath.

“Mas maganda po siguro yung kasama ninyo po na matanda yung tanungin ninyo saka po yung lalaki. Sila po kasi ang kausap kanina ni Dr. Marasigan,” sagot nito, “Sige po. Mauna na po ako.”

“Ah, sige. Sorry sa inasal ko kani-kanina and thank you.”

“Wala po ’yun. Kain na din po muna kayo. Mukhang wala pa kayong kain at pahinga.”

Nakangiting tumango nalang si Donomie sa nasabing nurse at pinagmasdan ang likuran nito hanggang sa hindi niya na ito makita kung saan nagpunta. Saka palang siya napatingin sa damit na suot niya at napahilamos sa mukha niya ng palad niya. Walang pagdadalawang isip na naupo siya sa pasilyo, katapat ng kwarto kung nasaan si Darius na hindi niya pa pwedeng makita.

Duon na siya tuluyang napa iyak muli. Ang iyak niyang kinailangan niyang pigilan kanina para makasigurado siyang mapapanagot niya ang mga may sala sa kanila at dahilan kung bakit nandito ngayon sa ospital si Darius at nakaratay gaya ng anak niyang si Zadkiel. Hindi niya tuloy maiwasang sisihin ang sarili sa lahat ng mga nangyayari but at the same time, alam niyang kailangan niyang iwaksi ang ganitong isipin dahil kung siya ang nasa posisyon ni Darius, siguradong baka mas malala pa ang naiisip ngayon ni Darius kesa sa kanya. Don’t get him wrong. It’s not that he’s comparing kung sino ang mas problemado sana sa kanila ngayon o mas natatakot at nasasaktan sa mga maaaring mangyari, but the mere fact na nangyayari ito without the other being capable of being their shoulder to share on the problem and resolve it together, duon… duon siya naiinis.

“Darius…” naibulong nalang niya sa sarili habang yakap-yakap ang tuhod niya. Like whispering his lover’s name is like a plea to whoever gods that might be listening na huwag kunin ang lalaki sa kanya. Kunin nalang nito sina Nestor or Elijah, the hell he care about them but not Darius. Baka mawalan na siya ng paniniwala sa pag ibig o sa diyos (kung meron man).

“Mie! Kamusta? Nakapasok ka ba sa luob?” dinig niyang tanong ni Silas ng patakbo itong lumapit sa kanya at lumuhod para maging magka level sila. Agad nitong kinuha sa bulsa ng pantalon niya ang panyo para iabot kay Donomie ng makita nitong umiiyak ang kanyang amo.

Humiwalay kasi si Silas sa kanya pagkarating nila sa ospital dahil inutos niyang i-check muna ang mga kasama nila bago siya dahil kaya naman niya. Dahik akala niya makikita niya na sana si Darius. Nakakatawa nga dahil mapaglaro ang tadhana. Dinala si Darius sa ospital kung saan nakalagak si Zadkiel. Siguro dahil na rin sa ito din ang malapit sa ospital sa kung saan sila nakatira. Hindi ito sobrang lapit pero sapat para magawa nilang makapunta at makauwi ng hindi ganuon kalayo ang kailangang baybayin na direksyon.

“Hindi. Bawal pa daw ang bisita sa luob. Katatapos lang daw kasi halos ng sunod niyang operation,” sagot niya, “And about that, kailangan nating puntahan sina Manang Bertha. Sila daw kasi ang tanungin ko sabi ng nurse dito na naabutan ko.”

“Uhm,” napakamot si Silas sa likod ng batok niya. Hindi alam kung tama bang siya na ang magsabi dahil nagkita na sila ni Jace at nasabi nito dito ang mga nangyari habang wala sila kanina.

“Bakit? Anong meron?” takang tanong ni Donomie ng mapansin niya ang reaksyon nito sa sinabi niya.

“Silas..” may himig ng nagbabadyang magalit na nanay na tawag nito dito ng hindi ito sumagot sa kanya.

“Ano kasi.. nakasakubong ko kani-kanina lang si Jace sa canteen tapos ano..”

“Ano?”

“Nasabi niyang nahanapan na daw ng donor si Kiel.”

Nanlaki ang mata ni Donomie sa gulat. Napalitan ito ng magkahalong saya at pagtataka.

“Talaga? Saan sila nakahanap? Kailan daw gagawin yung operation? Okay ba yung donor na nakuha? Magkano daw ang kailangan ng magbibigay kay Kiel?” sunud-sunod niyang tanong hanggang sa may marealise siya.

“Wait, how did Jace knew?”

Pakiramdam ni Donomie biglang hinila siya ng mas malalim sa bangin na kinabagsakan niya matapos siyang hayaang makaramdam ng kasiyahan sa luob ng isang minuto.

“Silas, how did Jace knew? Tayo lang ang may alam tungkol sa sitwasyon ni Kiel. Tayo lang nila Manang Bertha and you guys swore to not tell anyone about Kiel’s condition. Ikaw at ako palang ang nakaka alam na hirap tayong makahanap ng donor for him dahil lahat incompatible. Silas… Silas, tumingin ka sa akin at sabihin mo bakit alam ni Jace ang tungkol sa donor na kailangan ni Kiel?” nagsisimula ng manginig at tumaas ang boses ni Donomie sa takot. Umaamba na rin ang mga luha niya sa kanyang mata na mahulog.

“He and Darius found out from Kiel’s Doctor,” sagot nito ng hindi makatingin sa kanya.

“What? Kiel’s Doctor did what now?”

“It was an urgent matter that Kiel’s doctor needs to discuss with you sabi ni Jace kaso dahil nga ang tagal nating dumating kahapon dahil sa nangyayaring gulo sa bahay, at dahil na rin sa pagpupumilit ni Darius na malaman ang totoo dahil sa hindi pa rin nagigising si Kiel mula ng mangyari yung insidente sa pool, nalaman niya yung kondisyon ni Kiel. Nalaman niya yung about sa pangangailangan ni Kiel ng donor at dahil-”

“Stop! Please, stop! Ayaw ko madinig,” sumamo nito dahil alam niya na anong kasunod ng sasabihin sa kanya ni Silas. Na gets niya na anong ibig sabihin ng nurse sa kanya kanina. Na Darius offered to give Kiel his bone marrow kahit na hindi niya ito kaanu-ano personally because that’s just how Darius good of a person is, and because of that, pakiramdam niya pinagti-tripan na talaga siya ng mundo. He cried, feeling all sorts of emotions his body could provide to him until he passed out.


“Mie, kumain ka muna.” pakiusap ni Jace at inabutan ito ng naka tray na pagkain mula sa canteen, “Baka sakalin ako ni Darius once na gumising ’yun at malamang hindi kita inasikaso habang sleeping beauty siya.”

Impit na napangiti si Donomie sa pahapyaw na biro nito tungkol sa nobyo.

“I’m fine, Jace. Busog pa ako.”

“Busog? Ang unti lang ng kinain mo kaya saka ilang oras ng nakalipas mula ng huling kain mo. Kaya sige na. Kainin mo na ito. Hindi lang naman ako yung nagaalala sa iyo,” paalala nito.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie bago hilain papunta sa kanya ang dalang tray ni Jace at magsimulang kainin ang dala nitong pagkain. Si Jace naman tahimik lang na pinagmamasdan si Donomie. Napansin naman agad ito ng isa at naiilang na nagtaas-kilay sa kanya sa kuryosidad.

“Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”

Natawang nailing naman si Jace.

“Wala. Naa-amaze lang kasi ako. Sobrang mahal na mahal ninyo ni Darius ang isa’t-isa. Akala ko nga dati, before ka dumating sa buhay namin, magpa-pari siya eh. Paano kasi, parang hindi interesado sa pagkakaruon ng love life. Pero ng dumating ka, parang na-puppy love times ten siya. Nakakatuwa nga siya pakinggan saka pagmasdan kapag nagkukwento. Kahit ng una sinasabi niya na trabaho lang yada-yada, basta todo deny pa siya pero halata namang crush ka tapos habang tumatagal nahuhulog na sa iyo. Mahal na ka na, ganun.”

Bigla namang nakaramdam ng hiya at kilig si Donomie sa sinabi ni Jace.

“Talaga ba? Akala ko nagjo-joke lang siya ng sinabi niyang never pa siyang na-inlove or may naging jowa or ka-situationship,”

“Seryoso ’yun. Naf-friendzone niya by accident yung mga may gusto sa kanya. Kapag umamin naman diretsyahan, tinatanggihan niya. Ewan ko ba duon. Dati di ko rin maintindihan bakit ganuon siya. ’Yung para bang sobrang preserved niyang tao when it comes to romantic relationships pero ng makita ko kung paano ka niya i-trato, duon ko na-realise na, tama lang pala na hinintay ka din niya para ikaw unang maging boyfriend niya. Hindi ko ma-imagine kung sa iba ’yun tapos hindi ma-reciprocate. Kawawa naman bestfriend ko.”

“Siguro nga. Ang swerte ko dahil kahit dalawang beses na akong nadapa sa pagmamahal, ng akala ko hindi na ako ulit magmamahal kasi pagod na ako masaktan, biglang dumating siya tapos itinama yung standards ko na dapat para sa sarili ko at sa hinahanap ko sa tao na makakasama ko sa buhay. Kaiba sa standards na meron ako nuon and for that, I’m thankful, grateful even na dumating kayo ni Darius sa buhay ko, sa buhay namin.”

Isang buntung-hininga ang pinakawalan ni Donomie with eyes full of determination.

“Kaya hindi ako papayag na kalimutan nalang ang mga ginawa ng dalawang hayop na yun sa atin lalo na kay Darius at magsimula ulit ng hindi ako nakakaganti sa kanila. Kailangan nilang matuto at ako ang magtuturo nu’n sa kanila. Hindi ko hahayaan na makalabas pa sila at maka perwisyo ng ibang tao.”

“Desisyon mo yan, Mie. Kung saan ka mas makakampante, kayo ng mga anak mo.”

Sabay na napatingin si Jace at Donomie sa hospital bed ni Zadkiel ng may marinig sila na impit na ungol mula dito. Agad na napatakbo palapit si Donomie sa anak ng makita niyang tuluyan ng gumalaw ang kamay nito samantalang si Jace naman ay agad na nagsalita sa speaker para balitaan ang mga nurse na nasa labas.

“M-Mie? Si Da?” tanong nito sa kanya ng tuluyan na itong magising after almost 2 weeks na tulog ito at matapos ang successful niyang bone marrow operation kahapon na si Darius mismo ang kanyang donor.


“Why is he still not waking up, Mie? He’s okay, right? He’s not gonna die because he gave some of his organ to me?” nagaalalang tanong ni Zadkiel habang nasa luob sila ng room kung saan nakalagak si Darius.

Marahang hinaplos ni Donomie and buhok ng anak.

“No, silly. He won’t. Da’s strong. He wouldn’t give you his organ if he’s not strong enough to handle and of course, because he loves you.”

“I know,” nahihiyang pag sang-ayon nito, “But, Mie…”

“Hmm?”

“Is it true? Da still insists to give me his organ, even when he can refuse last minute to save himself after being shot by the man who looks exactly as him? Just like what Leora said,”

“Yes. Yes, he did. That’s how important you two are to him. He treats like his own like I do to you two.”

Nahabag si Donomie ng makitang umiiyak ang anak. Sa kanilang magkambal kasi, siguro dala na rin ng pagiging ‘matanda’ sa kanilanng kambal at sa kung ano man ang nasabi sa kanya ni Nestor ng nasa pamamahay pa nila ito, ay bihira niya ito makita na umiyak.

“Hey, Kiel..” tawag niya dito para patahanin habang pinupunasan ang luha nito gamit ang kanyang palad, “Are you not happy Da loves you the way I do?”

“I.. I am.. it’s just that I.. I can’t imagine how someone who looks like Da is the opposite of him. That man hurt my twin and I wasn’t there to protect her again.”

“ Again? “ napakunut-nuo si Donomie.

Zadkiel nods but then he realised the grave mistake of what he did. Shit . He shouldn’t have said that. It was supposed to be a secret between him and Leora. She will be so mad once Donomie learned about the secret but he guessed it’s time for him to know.

Zadkiel nods.

“Darling, is there anything you want to tell me? Anything that you or Leora haven’t told me yet?”

Zadkiel was about to respond when the door swung open and revealed Leora. Saglit itong napatingin sa kanila bago nalipat ang tingin sa higaan kung nasaan si Darius. Her eyes went round and wide ng makita niyang gumagalaw ang ulo nito. Probably already walking up from his slumber.

“Da!” she happily screamed and that made Donomie and Zadkiel turned their heads to Darius direction. That scream of joy made Darius smile weakly, completely waking him up from his slumber. Happy to know that he’s still alive and will be able to join Donomie and the twins in their life.


“Darius! Just because dinischarge kayo ng doktor hindi ibig sabihin pwede ka na ulit gumawa ng kung anu-ano. You still need to rest. Paano kung bumuka ’yang tahi mo ha?” sermon nito ng makitang nagbibihis ng pang alis ang nobyo.

Inirapan lang ni Darius si Donomie at nagpatuloy sa pagaayos ng kanyang damit.

“Paanong bubuka eh isang linggo na mula ng madischarge kami? Besides, baka isipin ng mga tao isa sa kanila boyfriend mo eh ako ’tong boyfriend kaso di pinapasama sa mga punta niya sa hearing. Bakit kaya?” may himig ng pagtatampo at pangaasar nitong sabi na kinapula ng pisngi ni Donomie ng mapagtanto niya anong tinutumbok niya.

“Sira ka! Kinamunuhian ko na nga to the highest level yung dalawang panget na ’yun tapos pagseselosan mo pa isa o parehas sila?”

“Panget? Kamukha ko yung isa du’n tapos sasabihin mo panget si Elijah?”

Natawa si Donomie ng makita ang kakatuwang reaksyon ni Darius sa sinabi niya. Not to be cheesy, yes mag kamukha sila ni Elijah pero mas angat naman sa ugali si Darius and that makes him more handsome in the eyes of Donomie than Elijah.

Like what he’d been telling himself after meeting Darius…

Elijah who? Nestor who? No one else comes close to Darius. He’s the one and only.

“Alright, alright. H’wag ka ng magselos lover boy. Ikaw na isasama ko today. Pero today lang muna. Baka mamaya may makita o marinig ka from them na ikapag wala mo du’n naku, sinasabi ko sa iyo Darius ’pag ikaw nasugod uli sa ospital.”

“That won’t happen again, baby . Ayaw kong pagalalahanin ka ulit. Kayo nila Kiel.” seryoso nitong sabi bago kabigin palapit sa kanya ang nobyo at dampian ng halik ang labi nito. Napangiti nalamang si Donomie.

But Darius promise didn’t last ng malaman nila ang resulta mula sa ginawang psych test sa kambal, especially kay Leora. Napa awang nalang ang bibig ni Donomie at halos sumpain si Nestor while Darius? Well, obviously, pagkakita nila sa Hearing, wala anu-ano niyang inindaan ng suntok sa sikmura si Nestor. Muntik pang hindi matuloy ang Hearing dahil sa pisikalang naganap sa pagitan nila. Even Elijah, was surprised at hindi nakapag pigil na undayan din ng suntok si Nestor. After all, he’s their biological father and it was disgusting to hear how a grown man sexually assaulted a child. It was sickening.

It took a couple of more Hearings until a decision was made and it was in favor of Donomie’s. He finally got his and his twins justice. They can finally live the life they had always wanted. ’Yung tahimik at malayo sa gulo. As for Leora, it might take a while to heal the wounds Nestor did but she’s a strong and brave girl even for her age so Donomie’s confident that later on, she’ll be able to overcome whatever happened in the past. Zadkiel’s also there to help his twin.


Few years had passed and the twins are now graduating primary school. He and Darius are now married. Well, just over a year ago. Tinapos kasi muna lahat ni Donomie ang mga nakabinbin na trabaho sa kompanya bago sila nag decide na i-seal na ang deal between the two of them kahit hindi naman na kailangan dahil kahit nuon pa man na hindi pa sila kasal, akala ng mga tao ay matagal na silang kasal dahil sa nakakatuwang pagmasdan ang pagmamahalan nila sa mata ng iba.

Who would’ve thought na sa kakambal pala ni Elijah ang bagsak niya? Yes, you’re reading it right. Magkambal sina Elijah at Darius. Nang pinanganak sila, their Father decided na isa lang ang aakuin niya sa kambal for some strange tradition. Negative sa buhay sa kanila ang magkaruon ng kambal at napagpasyahan nito na kunin ang ‘panganay’ at iyon ay si Elijah. Ayaw pumayag ng Nanay nila na iiwan ang isa sa pangangalaga ng ibang tao kaya nakipag hiwalay ang Nanay nila sa Tatay nila at bumalik sa magulang niya dala ang nuo’y si Darius. Kaso dahil sa sakit, maaga itong namatay at mula nuon, ang Lola na ni Darius ang nagpalaki sa kanya samantalang lumaki naman sa karangyaan si Elijah sa puder ng Tatay niya at kinilaka nitong Nanay na siya pala nitong Step-Mom.

Natawa siya dahil nagtugma ang nuo’y hiling niya na siya palang realidad talaga. Naalala niya nuong sanggol palang ang kambal, at siya na ang nagaalaga dito at hindi maganda ang pakiki trato sa kanya ni Elijah dahil nga sa forced marriage sila, lagi niyang hinihiling imbis na sana ay magbago ito at dumating ang araw na mahalin siya, wini-wish niya na sana nagkaruon ito ng kakambal gaya ng sa mga fairytale kumbaga at ito yung para talaga sa kanya at hindi si Elijah. Para bang si Princess Diana at Prince Edward. Hindi naman niya lubos akalain na magkakatotoo pala. Na higit na mas nakabuti na sa kakambal siya napunta.

Kailan lang din niya nalaman ang tungkol dito ng ikwento sa kanya ni Darius. Bago sila ikasal sinabi ng binata sa kanya ang nalaman niya mula sa kanyang Lola para malaman kung gugustuhin pa rin ba siya ni Donomie but of course, Donomie’s already head over heels to Darius pretty much like the man infronf of him now kaya ano pa ba ang kailangan patunayan ni Darius sa kanya para lang manatili siya sa tabi nito? Wala na. Matagal ng napatunayan ng lalaki ang sarili niya sa kanya sa pamamagitan ng kambal na siyang pamangkin niya na ngayon ay opisyal niya ng mga anak. Kaya hindi na rin nakapagtataka na compatible ang organ niya kay Zadkiel dahil magkadugo sila.

“Da! Look si Kuya o! Kinikilig sa pinapanuod niya,” bungisngis na sumbong ni Leora sa kakambal niya na nakatutok ang atensyon sa kanyang cellphone. Nasa backseat sila parehas kasama sina Jace, Silas at Manang Bertha para sa kanilang weekend get away/early graduation celebration ng kambal. Papunta sila sa resort na binili ni Donomie na si Jace ang magma-manage dahil gaya ng sinabi niya nuon dito, ayaw niyang manatili lang ang kaibigan ng asawa sa talyer. Gusto niyang ma-expand ang experience nito sa ibang bagay. Nuong una ayaw pang pumayag nito sa hiya pero ng malamang tuturuan at tutulungan siya ni Silas sa pagma-manage ay medyo nakahinga na ito ng maluwag. Ayaw niyang pangunahan ang mga bagay-bagay pero pakiramdam niya may namumuo ng something sa dalawa but again, hihintayin nalang niya sila na mismo ang magsabi.

“Ano ba yang pinapanuod ninyo ng Kuya mo?” kuryosong tanong ni Donomie.

“Ay ’yung dati pa nilang pinapanuod ’yan, Mie. Yung lalaki na puti buhok na may sungay-sungay,” singit ni Manang Bertha.

“Ha?”

“Inuyasha, Mie.” natatawang tugon ni Jace, “Grabe naman sa sungay ’Nang. Tenga niya kasi iyon.”

“Nagbibinata’t nagdadalaga na itong kambal mo. Kilig na kilig sa moments nila ni Kagome na dati di nila napapansin,” dagdag ni Silas. Hindi nakatakas sa paningin nila ni Darius na napatingin sa rearview ang kamay nitong nakaakbay kay Jace.

Nailing lang na nangisi si Darius na siyang nagda-drive ng sinasakyan nilang kotse. Hawak nito ang kaliwang kamay ni Donomie na siyang nasa shotgun seat. Nilapit niya ang kamay ng asawa sa labi niya at dinampian ng halik ang likod ng kamay nito.

“I love you,” bulong niya dito at mabilis pero malalim na pinagkatitigan si Donomie.

“I love you too,” tugon nito at sinuklian siya ng matamis na ngiti.

“Shit, ang lagkit!” segunda ni Jace.

“Psst, bibig mo! Mga anak ko naririnig ka o,”

Nagkatawanan nalang sa luob dahil imbis na tumahimik na si Jace ay sinegundahan ng pang aasar ni Leora at Manang Bertha ang mag asawa.

“Hay, bahala kayo d’yan. Mags-soundtrip nalang kami ni Mie. Ang iingay ninyo d’yan sa likod. Ayos lang ba sa iyo Kiek mukhang tutok na tutok ka dyan,” ani Darius ay hinintay ang sagot nito bago binuksan ang radyo para magpatugtog. Sakto namang inspired sa anime na pinapanuod ng kambal ang tunugtog.

“Yown! Ayan, kambal pakinggan ninyo ’yan. Inspired yung kantang ’yan sa Inuyasha.”

“What the Title po?” tanong ni Leora.

“ Kagome ,“ sagot ni Donomie, as he lovingly stared at Darius. He still remember the first time niyang marinig ang kantang ’yan na pinapakinggan ng asawa. It was somewhat Darius favorite song.

But for Donomie? It is definitely his favorite song dedicated to his Husband. He’s thankful nakilala niya si Darius at the most imperfect timing in his life dahil kung hindi, he’s pretty sure he’s still out there looking for romantic love or perhaps rotting alone and cold, nurturing his loved ones but not himself.

For Darius is his Kagome that pulled him out of the darkness and made him who was he supposed to be- loved and cared for.

Muling nagtama ang mata nila ng asawa and before they knew it, they leaned towards each other for a quick but meaningful kiss. Napangiti nalang sila ng marinig ang hiyawan ng mga nasa backseat. It was just like on their wedding day.

Dahil ’pag ikaw ang kasama ay wala na

Wala nang hahanapin pang iba, gusto ko sana

Gusto ka sana lumalalim ang ating pagsasama

Kaya dito ka na lang manatili hanggang umaga

….

Eh paano kung, hindi, hindi ka nakilala

Siguro nakakulong pa din, sa nakaraan ’di makalaya

Eh paano kung, hindi, hindi ka nakilala

Siguro nakakulong pa din, sa nakaraan ’di makalaya

WILD AT HEART (BL)

WILD AT HEART

written by BRICTORIQUE.

DISCLAIMER: Ano mang pangyayari, bagay, o pangalan na nakasaad sa kwentong ito ay pawang imahinasyon lamang at hindi kinuha sa totoong istorya ng buhay kaya ano pa man ang pagkakahawig na inyong mababasa ay hindi sadya dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang manunulat na may weirdong pagiisip. Maraming salamat.


FROM THE AUTHOR:

Taos puso ang aking pasasalamat sa mga taong nagbasa, sumubaybay at nagsi-comment sa kwento nina Darius at Donomie Morelli.

Sa mga nabitin, pasensya na ganuon talaga. Short story lang ang kwentong ito at sa tingin ko naman ay nailagay ko lahat ng gusto kong ilagay/ibigay para sa kwentong ito so, yeah. Sana nagustuhan ninyo ang kwento at maraming salamat at napakinggan ko ’yung kantang Kagome ni Lo Ki at ewan ko ba, bigla kong naisipan i-edit at tapusin ang kwentong ito ko na natengga ng ilang taon sa drafts ko.

Hanggang sa muli.

Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.