loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
WILD STAMPEDE #1: Claim Me As Yours, Rusty

WILD STAMPEDE #1: Claim Me As Yours, Rusty

orange-horizon · 9 chapters · 5,193 words

✬EPIGRAPH✬

✬✬✬

as the harsh winds blows, my body and mind just shows, how it craves to feel your touches lemme claim you as mine

✬✬✬

WS1ClaimMeAsYoursRusty

© All Rights Reserved

✬DISCLAIMER✬

READERS DISCRETION IS ADVISED!

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form of by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

#WS1ClaimMeAsYoursRusty

© All Rights Reserved

KABANATA UNO

Kabanata

1: Handsome Intruder

✬✬✬✬✬✬✬✬✬

LIMA SILANG magkakapatid sa pamilyang Laxamana. Puro pa ito mga lalaki. Mga malalaki ang pangangatawan nila dahil sa trabahong bukid, maganda ang reputasyon sa kanilang lugar dahil sa mga magulang, habulin ng mga babae o mapa-binabae, nakakapigtas ng panty ang dala nilang mga ngiti at marami pang magagandang katangian sa isang lalaki. Except for their youngest sibling. Si Lexus.

Si Lexus ay spoiled dahil sa pagiging bunso. Ayaw niya sa mabibigat na trabaho ng hacienda nila. Halos din hindi ito nagbibilad sa araw. In short, he’s a brat. Isang señorito sa kanilang munting mansyon.

Ngunit sa kabila ng kaniyang personalidad, mabuting anak naman ito sa kaniyang magulang.

May admirers ba siya?

Marami!

Kapag dumadaan siya, halos ang mata ng mga lalaki ay napupunta sa kaniya. Hindi man ganap na babae, may katangian siyang ganda na parang isang dalaga; makurbang katawan, makinis na balat, matambok na pang upo, nakakalulang pagmasdan na mga mata at nakaka-akit na mga ngiti.

Maraming naghahabol sa kaniyang lalaki, at natutuwa siya rito. What he loves about men are their horses. Kapag nakikita niyang malaki at inalagaan ng maayos ang kabayo mo, suwerte ka na lang dahil sasakyan niya ito. He loves riding horses. Parang double meaning, ah? HUHU.

But who really captured him ay si Russell Villarta, o mas kilala bilang Rusty. Si Rusty ay isang tipikal na lalaki sa isang rancho. Makisig, guwapo at nakaka-akit na karisma. But what depicts him from the rest? Anong mayroon sa kaniya na nagpabihag kay Lexus na gano’n-gano’n na lang?

Well, marami. Ang isang malaking rason ay sa pagiging babaero nito. Kahit sinong babae ay kaya nitong idala sa kaniyang kama at bigyan ng naglalagablab na gabi. And Lexus loves that spice. May problema nga lang.

Hindi ito pumapatol sa kapwa lalaki o sa kagaya ni Lexus. He’s a woman kind of person. Straight as a steel pole.

But Lexus loves that challenge. The more that the guy isn’t attracted to him, mas lalo siyang ginaganahan na angkinin ito. Gagawin niya ang lahat para lang sa kaniya babagsak ang lalaki.


ISANG ARAW ng nakaraan, pinatitipon ang lahat ng mga kakilala ng pamilya ng Laxamana upang ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ng isang anak nila. Si Rover Laxamana — ikatlong panganay nila.

Halos lahat sa bayan nila ay imbitado. Marami silang handa, mga kinatay na baboy, baka, kambing, manok o kahit na kabayo para lang magpakain ng mga bisita. Siyempre, hindi nawawala ang mga cases ng mga beers at alak. Todo bigay talaga ang pamilya Laxamana kada may okasyon dahil sa yaman nilang taglay.

Kakatungtong pa lang ni Rover sa edad na dise-otso at natanggap na nito ang ina-asam na kotse galing sa mga magulang bilang regalo. Handa na rin itong sumabak sa kolehiyo at mag-aral sa sikat na paaralan ng Central Mindanao University ngayong pasokan. Doon din nag-aaral ang dalawa niyang mga kuya. Sina Beatle at Bentley Laxamana.

Kung hindi n’yo napapansin; yup. Puro hango sa mga sasakyan ang pangalan ng mga magkakapatid. Ang ikalawang pangalan din nila ay hango sa mga Greek gods and names. Blame that to their father.

Si Lexus ay labing-lima pa lang sa mga panahon na iyon, ngunit mulat na rin sa mga ibang bagay. He’s too matured for his age, sabi nila. Ang dahilan nito ay dahil sa pagkalunod niya sa kakabasa ng mga erotic na novels — or any genres and tropes. Mapa straight hanggang sa MM romance. He loves to read and collects book, kaya you cannot blame him.

Ini-iwasan niya ang mga kumpol o atensyon ng mga tao, kaya sa kaniyang sariling kuwarto lang siya nagkukulong sa buong gabi ng selebrasyon ng kaniyang kuya. May hawak na libro, he delve into the world of fantasy and fiction without the care of the outside world.

Lalong dumidilim ang gabi, ngunit ang mga tao sa ibaba ay nagsisiyahan pa rin habang umi-inom ng alak. Puno pa rin ng tawa at mga tunog ng karaoke ang buong hacienda nila kahit malapit na maghahating-gabi. Buti na lang wala pang pasok, baka madisturbo pa ang tulog niya.

Nang nakapasya na siyang matulog na, agad niyang ibinalik ang libro sa istante niya kasama ang iba pa niyang sankatutak na mga libro. Pinatay niya ang mga ilaw ng silid at agad na binalot ang katawan sa malambot at bagong labang kumot.

He was about to drift to sleep, ngunit naramdaman na lang niya ang pagbukas ng pintoan ng kaniyang kuwarto. Tinamad na siyang imulat ang mata at hinayaan na lang ang nanghihimasok sa kung anong ginagawa nito. But he is alert.

Ramdam niyang naglalakad ito sa kung anong sulok ng kuwarto niya at parang may hinahanap. May kinakapa ito, hanggang sa narinig niya ang pagpihit ng isang pinto. Ang sariling palikuran niya!

Hindi nagtagal, nakarinig siya ng isang lagasgas ng isang ihi. Sa kaniyang kuwarto pa talaga ito nagbabawas ng ihi, kaloka. Mumura na sana siya kung hindi ito mag-flush ng inidoro niya, pero buti na lang narinig niya ang pag-flush ng toilet. That was good enough.

Handa na sana niyang ipikit ang mga mata upang matulog na, when someone throws themselves into his bed, and then casually sheltering themselves into his comforter. Hindi nagtagal, narinig ni Lexus ang isang malakas na hilik dahilan upang mapabalikwas siya ng upo sa kama. Ano ang ginagawa ng isang estranghero sa kaniyang kama? Nakikigamit na nga siya ng banyo, tapos ito pa?

Agad niyang binuhay ang lamp sa bedside siya upang makita kung sino itong makapal na mukha ang natutulog na lang sa ibabaw ng kama niya. Swear, he’ll gonna drag this person out of his room kahit pa doble ang laki nito kaysa sa kaniya. To hell with that.

Nang ma-ilawan ang ilang parte ng kaniyang silid gamit ang lampara, agad niyang hinarap ang misteryosong tao na nanghihimasok na lang bigla sa kaniyang silid. The light shown an intriguing figure of a man on his bed.

The man was gorgeous, nonetheless his snoring. Tang-ina, ang guwapo ng binatang nasa ibabaw ng kama niya. His jaw was refined, his lips looks like plumpy but thin that it might be mind-blowing to kiss, his nose had a nice bridge that he can clearly see because of his side-profile, his lashes are long and those brows! Those brows! It’s a perfection of bushy and thick na nagpapa-guwapo sa isang ito. Para siyang leading man sa mga novels na binabasa niya. Para itong lumabas sa darkest desire niya about men in books. A perfect definition of a man out of the books, that even men in real life couldn’t achieve. But this mysterious man, easily crossed all that qualities that an ideal fictional man has.

Damn!

Right at that moment, Lexus’ heart skipped a bit from the image of this man beside of him, that only the books can do to him. Para siyang lunod na lunod sa guwapong taglay nitong misteryosong binata. He’s like drawned to him by bound. There’s just something about this guy, kahit na knock out cold na ito.

Hindi niya napansin, nakabuka na pala ang bibig niya habang pinagmasdan ang lalaki. Nahiya naman siya at agad na tinikom ang bibig at parang pinunasan ang imaginary laway sa baba niya. Nakakahiya!

Agad napabalik ang tingin niya sa binata na kasama niya sa ibabaw ng kama. Hindi niya ma-alis ang mga tingin dito sa hindi niya malamang dahilan. May kung ano ang binata na napupunta ang tingin niya rito.

And so, he stared at him the whole night until his eyes got droopy and fell asleep, too.


THE NEXT morning, nagising si Lexus na wala na ang sinasabing misteryosong binata sa tabi niya. Ngunit na-iwan ang mabangong pabango nito sa ibabaw ng kama at hindi na niya gustong palitan ang kaniyang bedsheets sa gabing iyon.

He likes his scent. It was fragrant, with woody and musky scent pero to the point na hindi naman masakit sa ilong. He loves how something inside him feels warm and tingly while sniffing it off his bed. He didn’t intended that to be creepy and weird.

Puno ng good mood at enthusiasm, agad siyang bumaba sa kusina nila matapos niyang maghilamos upang mag-almusal na siya. Agad siyang umupo sa isang stool ng kanilang counter island na mataas-taas kaya hindi abot ng mga paa ni Lexus ang malamig na sahig. Siya pa lang ang nandoon hanggang sa dumating ang isa sa mga kuya niya. It was the birthday boy.

“Morning,” Rover begrudgingly greeted him nang makita siya nito. Ang kaniyang kuya ay nakasuot ng malaking puting shirt at grey sweatpants. Magulo pa ang buhok nito na halatang bagong gising.

“Good morning,” balik na bati niya sa kuya.

“Asan ka nga pala kagabi?” tanong ni Rover sa kaniya. Agad itong pumaroon sa refrigerator nila upang kumuha ng malamig na tubig upang inomin. “Hindi kita nakita sa buong magdamag, ah? Marami pa namang naghahanap sa iyo.”

Napakagat si Lexus sa kaniyang labi sa narinig. “Tinatamad akong harapin ang mga bisita natin, eh. Kaya sa kuwarto na lang ako at nagbabasa ng libro.”

“Really? Libro na naman ang ina-atupag mo? Kaya wala kang boyfriend, eh.”

“Sorry,” panuksong sabi niya. “Men in real life are boring and bland to even laid my eyes to. They do not deserve all of me.”

Napatawa ng mahina si Rover dahil dito at lumapit sa counter island ng kusina nila kung nasaan ang bunsong kapatid. “Ang sabihin mo, wala lang talagang malakas ang loob na ligawan ka. Subokan lang nila, kami nila Papa ang haharap sa kanila bago ka nila ma-angkin.”

“Ang bad n’yo naman,” aniya habang nakanguso.

“Pino-protektahan lang ang Prinsesa namin,” sabi naman nito.

“Kung Prinsesa ako, punong kawal lang kayo nila kuya.” May halong sarkasmo ang boses ni Lexus. Bunso siya, pero na-iirita siya kapag tinatawag na ‘Prinsesa’ o ‘Baby Brother’ nicknames. For him, he’s a matured young adult already.

“Ulol,” natatawang sambit ni Rover at ginulo ang buhok ng kapatid.

“Magulo na nga ang buhok ko galing sa tulog, ginulo mo pa. Hmpt.”

·

CMAYRKab1

My gorgeous boy Rusty Villarta:

I promise y’all, may full body illustration ito na soon ko pa ire-reveal. sobrang hot niya roon, may naked with

tumatayong

Rusty Junior kasi iyon. UwU.

btw, DO NOT STEAL!

KABANATA DOS

Kabanata

2:

Second

Sight

✬✬✬✬✬✬✬✬✬

     “ NGA PALA , kuya Robb,“ tawag niya matapos may matandaan. He’s been dying to ask one of his kuya tungkol dito.

“Hm?”

Hindi alam ni Lexus kung paano i-describe iyong misteryosong binata sa ibabaw ng kama noong gabi sa kuya niya ngayon. Ang protective pa naman nito, baka bigla nitong saktan or anohin iyong binata kung sakali. Kawawa ang gwapo no’ng mukha.

Napa-urong ang dila niya sa tatanongin at kilalanin sana kung sino iyong binata.

“Wala na lang pala,” ang sabi na lang niya at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang sandali lang ay biglang pumasok sa kusina nila ang panganay sa kanilang magkakapatid na naka-topless lang. Dakilang hubadero ito sa kanilang bahay, kaya wala nang nagagawa ang iba sa kanila. Kung ikaw ba naman may magandang kisig ng katawan at malaki ang muscles, hindi mo ba ibalandera?

Their eldest sibling headed straight kay Lexus at hinalikan nito ang ibabaw niyang ulo. Kumunot naman ang ilong niya sa ginawa ng kuya.

“Morning,” ang sabi lang nito at dumiritso sa refrigerator at kumuha ng isang soda in can. Ang aga-aga, iyan ang ininom nito, even though carbonated drinks also has caffeine in them like coffee does.

“Good morning din sa ‘yo, kuya Bentley,” ang bati na lang ni Lexus. “And please, malaki na ako para sa mga head kisses. That’s kadiri na.”

“Nah-uh. You’re still our baby brother,” sabi lang nito at umalis na roon sa kusina bitbit sa isang kamay ang soda can nito habang tinutungga iyon.

Natawa lang ang kuya Rover niya sa tapat niyang upoan kaya sinamaan niya ito ng tingin. Lalo lang itong natawa at inabot ang ulo niya upang gulohin ang mga buhok. Na-iinis niyang tinabig ang kamay ng kapatid at lalo itong sinamaan ng tingin.

“Bakit ba tina-trato n’yo pa rin akong parang bata? I’m already fifteen and four months. Jeez,” frustrated na maktol niya roon.

“Sabi nga ni kuya, baby brother ka pa rin namin. Prinsesa ka nina Papa at Mama kaya ini-ingatan ka lang namin,” paliwanag ni Rover sa kaniya.

That’s messed up. “Whatever,” he murmured.

Ilang sandali lang ay tinapos na ni Lexus ang kaniyang almusal. Marami naman silang maids kaya sila na bahala sa pinagkainan niya. Si Rover ay hindi pa tapos sa kinakain nito.

“Papanhik na ako sa silid ko,” pama-alam niya sa kapatid. Hindi niya alam kung saan ang ibang miyembro ng pamilya nila, so hindi na niya inabala pa. Ready na naman ang mga pagkain kung sakaling mag-almusal sila. “And by the way, does a kid knows what are moans, thrusts, cock, dick, blowjob, fingering, nine inches, BDSM, double-pene — HUWAG KANG LALAPIT!”

Agad na tumakbo si Lexus nang makitang tumayo sa inu-upoan si Rover upang lapitan siya. Salubong na salubong ang mga kilay nito sa narinig galing sa kapatid. Those were so vulgar words, jusko.

“Lumapit ka rito! Saan mo natutuhan iyong mga salita na iyon? Siguro galing sa mga librong binabasa mo, ano? HOY, BUMALIK KA RITO!” sigaw pa ni Rover sa kapatid, ngunit mabilis nang pumanhik sa i-taas ang kapatid.

Natawa na lang si Lexus sa ginawa niyang kalokohan.

Let’s be honest, most minors nowadays are exposed to erotic novels or contents. The big problem to that is when they romanticized and fetishized it, and apply it to the real world. We need to lecture them to don’t engage into such sexual innuendos until they’re in legal ages. Or there will be great consequences talaga.


     “ DALIAN

MO nga riyan, Lex! Kung hindi, iiwanan ka na lang namin!“

“Oo na, bababa na nga!” sigaw ni Lexus pabalik sa kuya niya. “Para namang ano itong si kuya, eh. Nakalimutan ko lang ang wallet ko sa i-taas, eh. Sana nga maraming bagong libro roon sa bookstore.”

Nagmamaktol doon si Lexus habang bumababa sa hagdan nila at pumaroon sa entrada ng kanilang mansyon. Bihis na bihis siya, lalo na ang mga kuya niya. Nag-anyaya kasi itong mga kuya niya na pumunta sa lungsod — Malaybalay city — upang mag-unwind muna sa bundok life nila. Agad namang sumang-ayon si Lexus kasi gusto niyang bumili ulit ng mga libro. Ang mahirap kasi sa sitwasyon niya, ang layo ng hacienda nila sa mga gusali at moderno’ng mga sangkap. Kailangan pang bumyahe ng ilang oras o minuto upang makarating sa lungsod. But he loves their provincial life.

“Librehan n’yo ako ng McDo, ah?” sabi roon ni Lexus nang makarating sa tabi ng dalawang kuya niya.

“Kanya-kanya tayong gasto, hoy,” tugon ng kuya niyang si Beatle. The guy hates his first name, kaya mas gusto nitong tawagin sa second name nito. Alcaeus . “Iiwanan ka talaga namin kapag magpapabili ka sa amin, sige ka.”

“Ang damot,” maktol ulit ni Lexus.

“Mga libro lang naman ang bibilhin mo roon, eh. Sumbong na talaga kita kila Papa sa mga natutuhan mo sa mga binabasa mo.”

Sasagot na sana si Lexus sa kuya Rover niya nang bigla na lang ginulo ng isa pang kapatid nila ang buhok ni Lexus doon. Napakunot naman ang ilong niya sa ginawa ng kuya nito. “Huwag n’yo ngang awayin ang baby brother natin. Baka magsumbong ’to kila Mama, babawasan ang allowance natin,” nang-u-udyok na salita nito sa kanila. It was Maserati, the second eldest son.

“Subokan n’yo lang talaga.”

He crossed his arms para intimidante kuno siya sa harap ng tatlong kuya niya. Their eldest, Bentley, ang hinihintay nila sa harap ng mansyon dahil ang kotse nito ang gagamitin.

“SAKAY NA KAYO!” Bigla na lang may sasakyan na pumarada sa harapan nila. It was Bentley with his well-groomed car.

Agad na pumaroon sila sa sasakyan. Nag-away pa sila Rover at Maserati kung sino ang sasakay sa shotgun ng kotse. Sa huli, natalo si Rover gamit ang “eldest son technique” ni Maserati. Madalas niya itong ginagamit na pang-blackmail sa kanila, eh. Ang unfair lang daw porque’t siya ang ikalawang nakakatanda, gagamitin nito ang technique bilang pandurugas nito sa kanila.

Lexus also wanted the shotgun seat, ngunit he knows better not to argue with his kuya Maserati. In the end, pinaggigitnaan siya sa dalawa niyang kuya na sina Rover at Alcaeus. Gusto niya ang malapit sa bintana ang puwesto upang makatanaw sa mga tanawin habang nasa biyahe, eh!

Wala siyang dalang libro upang basahin sa gitna ng biyahe, kaya ang boring ng ride niya. Kahit gusto niyang hiramin ang cellphone ng kuya Bentley niya ay hindi niya magawa. Nakakasawa na kasi ang games doon. Kaya natulog na lang siya sa buong biyahe nila.


     “ PRINCESS

LEXI , gising na po. We have forth arrived at our destination.“

May boses na nagpagising sa kaniya na may kasamang mahinang alog. Nakatulog siya habang nakasandal sa kuya Rover niya. Buti na lang mabait ito sa kaniya kaya hinayaan siyang makatulog sa balikat nito. Kung ibang kapatid ito, baka lumipad na ang ulo nilang nakasandal sa balikat nito.

Napamulat siya at ang mukha ng kuya Alcaeus ang bumungad sa kaniya. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at humikab pa ng ka-onti bago umupo ng matuwid sa likod ng sasakyan. Nasa labas na ang ibang kapatid niya, at siya na lang ang nandoon sa kotse.

He observed the surroundings, at nasa lungsod na nga sila ng Malaybalay. Naka-park ngayon ang kotse ng kuya niya malapit sa Capitol Grounds ng lungsod. Agad siyang bumaba at agad nilapitan ang tatlong kuya niya — si Maserati missing — at umupo sa malapad na bermuda grass ng Capitol Grounds. Palaging maraming tao ang bumibisita at nagtatambay sa Capitol kaya may nakikita siyang mga bata na naglalaro.

“Asan nga pala si kuya Maserati?” tanong niya roon sa mga kuya niya.

“Nandoon sa kabilang kalsada. May bibilhin daw muna,” ang sagot ni Bentley sa kanya.

“Pagkain ba?” tanong niya rito. He’s quite hungry dahil na rin malapit nang mag-alas singko sa gabi.

“Ulol,” biglang pumagitna si Alcaeus. “Gutom na ba ang Prinsesa namin? Pwes, mangisay ka muna riyan kasi may hinihintay pa tayong ibang panauhin.”

“Kuya Bentley, oh, ina-away na naman ako nitong pangit,” sumbong ni Lexus sa nakakatanda nila at nilapitan ito tsaka niyakap sa beywang.

“Hayaan mo lang iyan, kulang palagi sa pansin, eh,” ang sabi ni Bentley sa kaniya habang natatawa.

“Aba, aba! Sinong kulang sa pansin? I am loved by all kaya, kaya no need upang maging uhaw sa atensyon,” hambog na sambit ni Alcaeus doon.

“Pangit ka naman! Mukhang unggoy!” sigaw ni Lexus dito sabay labas ng dila niya.

“Mukhang unggoy pala, ha!”

Nilapitan siya ni Alcaeus at mukhang kikilitiin, kaya agad siyang bumitaw sa beywang ng kuya Bentley at agad na tumakbo sa malawak na bermuda grass. Hinabol naman siya agad ni Alcaeus kaya ang nangyari ay naghahabolan sila roong parang bata sa Capitol Grounds.

Nang mapatid ng mga sariling binti si Lexus, nadapa siya sa damohan dahilan upang ma-abotan siya ni Alcaeus at kiniliti hanggang sa magsawa ito.

“Tama na, please!” natatawang sigaw ni Lexus.

“Sino ngang pangit? Sino nga iyong mukhang unggoy?” tanong ni Alcaeus doon habang kinikiliti pa rin ang kapatid.

“Si kuya Rover! Siya ang pangit at mukhang unggoy!” natatawang sigaw pa ni Lexus kahit hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin.

“That’s right.” Tinigil na ni Alcaeus ang pag kiliti sa kaniya at tumayo na roon.

Tumayo na rin doon si Lexus habang hawak ang balakang kung saan kiniliti ni Alcaeus at may malaking ngiti pa rin sa mukha galing kakatawa.

“Ikaw pala ang pangit. Kahit maligo ka pa ng ilang beses, mukha ka pa ring unggoy!”

“Ah, talaga lang, ha?! Humanda ka!”

Tumakbo si Lexus pabalik sa mga kuya niya, ngunit napansin niyang may iba na itong mga kasama. Marami-rami na sila ngayon.

Hinarap niya ang kuya Alcaeus sa likod at binelatan lang ito upang inisin kuno. Nakangisi naman na hinabol pa ni Alcaeus si Lexus. Pagkaharap ni Lexus sa harapan ay nabunggo siya sa isang matipunong mga dibdib. The impact wasn’t brutal naman, kaya ayos lang silang dalawa.

Napa-upo siya sa damo at buti hindi napurohan ang pang-upo niya kasi medyo makapal ang mga damo. Pag angat niya ng tingin, nabato-balani siya sa nasilayan. Nagkatagpo ang mga mata nila at parang hinigit ang kaniyang hininga.

It was the mysterious man on his bed on the other night!

·

CMAYRKab2

KABANATA TRES

Kabanata

3: Meet The Boys

✬✬✬✬✬✬✬✬✬

     HE COULDN’T believe his eyes. Sigurado siyang ito ang lalaking bigla-bigla na lang na gumamit ng banyo sa silid niya at natulog pa sa kama niya. Ngayon na gising ito, ang guwapo niya sa bigay na liwanag ng palubog na araw. His features are smoothen by the orange rays of the setting sun. So ethereal and out of this world.

But there is a present frown sa guwapong mukha nito. Mukhang na-inis ito dahil sa pagkabunggo niya sa lalaki.

“Lexus, ayos ka lang ba?” Agad siyang nilapitan ni Alcaeus at pinatayo upang tignan kung napurohan ito.

Hindi makasagot si Lexus sa kapatid niya dahil napako ang paningin niya sa lalaki.

“Ayan kasi, ang

kukulit

n’yong dalawa, eh.“

Na-

alog

yata si Lexus. Tignan mo, Al, kung

ayos

lang ba.“

Bunso

n’yo ba iyan, pare?“

“Oo naman. Sa aming lima, siya lang

nagmana

sa maganda naming Mama.“

“Wow, amazing! Is that so? Why don’t you say so?! Day to night to morning, keep with me in the moment~!”

Baliw

ka talaga, pare’ng Hurricane.“

“Ang

puti

niya, ah. Mana nga kay

Doña

Esmeralda!“

“Para ring babae sa ganda ang kapatid namin, uy! Kung babae lang iyan, siguro maraming

manliligaw

d’yan.“

“Hoy?” Nawala lang ang tingin niya sa guwapong nilalang nang biglang pinihit ng kung sino ang mukha niya papunta rito. Ang mga nag-aalalang mga mata ni Alcaeus ang natapunan niya ng tingin.

“Huh?” wala sa sariling tanong niya. He immediately snapped at it when he realized what he’d done.

“May masakit ba sa katawan mo? Ikaw naman kasi, eh,” ang nag-aalalang tanong sa kaniya nito.

“A-ayos lang ako,” ang tugon ni Lexus.

“Sure ka, ha? Baka gusto mong pumunta tayo kila Tatay Walter upang magpahilot sa ’yo pagkatapos nating mamasyal?” ang sunod pa nitong mga tanong.

Umiling lang siya at binaling ang tingin sa misteryosong binata. Hindi na ito nakatingin sa kaniya at kina-usap lang sila Bentley sa unahan. Hindi niya narinig na siya ang pinag-usapan ng mga ito.

“Buti naman.” Napa-hinga ng maluwang si Alcaeus. “Akala ko napano ka na dahil sa impact ng pagkabonggo mo kay pare’ng Rusty, eh.”

Rusty? Iyong ba ang pangalan ng misteryosong binata? Ang bagay sa kaniya ang pangalan lalo pa’t sa ka-gwapohan nitong taglay.

“Lexus, may ipapakilala ako sa iyo! Lumapit ka nga muna rito!” bigla na lang tawag sa kaniya ng kuya Bentley.

Ngayon n’ya pa lang makikilala ang mga kaibigan ng mga kuya niya. Nakadalo ito sa birthday ni Rover, ngunit nasa loob nga lang siya ng silid kaya hindi niya nakilala ang mga ito. Ang mga guwapo nilang lahat, walang tapon, aakalain mong para silang mga artista na nagtitipon doon.

Lumapit naman silang dalawa ni Alcaeus sa mga grupo ng mga lalaki roon. Lahat ng mga tingin nila ay napunta sa kaniya, pati na iyong sinasabing misteryosong binata. Guwapo silang lahat, pero sa tingin lang ng binata siya hindi komportable. Parang may epekto ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan.

Bigla siyang hinila ni Bentley at pinulupot ang isang braso nito upang hindi siya makawala sa tabi nito. “Ito nga pala ang bunso namin, si Lexus Hyacinth. Menor pa ito kaya bawal n’yong anohin, kung hindi kami ang kakaltok sa inyo,” pakilala ni Bentley kay Lexus sa kanila.

Kahit nahihiya, nginitian niya sila at iniwas na lang ang tingin sa isang partikyular na binata. Mukhang mga magka-edad lang nila ang mga kuya niya, maliban sa isa na mukhang ka-edad niya. Ang pogi rin ng binata.

“Hello, lalaki na version ni Doña Esmeralda!” biglang bati ng isa kaya nakatanggap ito ng siko sa katabi nito. Inirapan naman nito ang nagsiko sa kaniya. “Nga pala, ako si kuya Dominique mo. Tawagan mo na lang akong kuya Dom, kung gusto mo. Nice to meet you,” pakilala nito sabay alok ng kamay sa kaniya. Inabot niya naman ang kamay nito.

“Nice to meet you po, kuya Dom,” wika niya sa tinatawag na Dom.

“Nice, me too,” sambit nito na may ngiti sa mga labi. He looks like a typical heartbreaker playboy.

“Matatagalan tayo nito, eh,” biglang singit na lang ni Rover sa tabi. “Iyang tabi ni Dominique ay si Helios,” inip na pakilala ni Rover. Tinuro pa niya ang ibang nandoon. “Tapos iyan si Zareem, Stuart, Cooper, Hurricane, Kennedy at si Russell. Iyang maliit na bubwit at kaparehas mo ng edad ay kapatid iyan ni Russell, si Weston.”

Nakatanggap ng kaltok si Rover galing kay Bentley. “Ulol mo. May sariling mga bibig naman ang mga iyan upang nagpakilala kay Bunso. Sana ako na lang ang diritsahang nagpakilala sa kanila kung ayaw ko ng interaksyon sa kanila, ano? Atat ka ba?” inis na sermon ni Bentley sa kapatid. “Bobo mo talaga.”

Natawa ang iba sa kanila sa bangayan ng magkapatid. Ang tabil naman ng dila ni Bentley, oo.

Napakamot na lang ito sa batok nito sabay sabing, “Ito naman, ang initin ng ulo mo. Sorry na nga. Tsk.”

“Yow! Anong nangyayari rito?” Bigla na lang dumating ang nawawalang kapatid nila pagkagising ni Lexus kanina. Si Maserati.

And guess what, may dala itong bottled beer at kaswal na tinunga sa tabi. Jusko, hindi pa nga nagsisimulang dumilim ng tuloyan, umi-inom na ito ng alak. Iyan ba ang rason n’ya sa kabilang kalsada? May bar nga naman sa unahan sa kanila.

“Mga baliw,” ang sambit ni Hurricane sa kanilang Laxamana brothers. Except daw kay Lexus kasi mukha siya lang ang desenti sa kanilang lima.


     “ HI, I’M Weston,“ biglang bumati iyong ka-edad ni Lexus. Ito iyong kapatid ni Rusty or Russell — whatever his real name is. But his name suits his gorgeous face.

“Hello,” bati pabalik ni Lexus sa kaniya. The guy isn’t bad looking also, pero mas naga-guwapohan pa rin siya sa kuya nito.

Since dumidilim na, na-isipan muna nilang kumain. Sa

YAKA

Malaybalay Chill Spot

nilang napilian na kumain. Maganda ang lugar at relaxing ang ambiance ng lugar dahil may music na pinapatugtog sa background ng restaurant.

YAKA

offers a great experience mainly with great music, alcoholic beverages, and juicy burgers.

Ang ganda lang ng experience ng lugar dahil walang mga upoan, uupo ka lang doon gamit ang pang-upo mo at naka-ekis ang mga paa upang magkasya sa mababa na lamesa. Don’t worry, may mga throw pillow na pwede mong upoan at carpet upang hindi sumakit ang pang-upo n’yo. Malinis naman ang sahig dahil kawayan ito at nasa mga shoe racks na itinalaga ng may-ari ng restaurant ang mga sapin sa paa ng mga customers.

Ito ang paboritong tambayan ng mga kuya niya at mga kaibigan nito kapag nasa Malaybalay sila. Masasarap din kasi ang pagkain nila.

Ang in-order lang ni Lexus ay cheese burger, nacho cheese fries at Sprite can. Ang iba sa kasamahan niya ay nag-order ng mga alak, kaya sinamaan niya ng tingin ang pasimuno na si Maserati. Ito kasi iyong umalis na lang bigla at bumalik na lang na may dalang beer.

Medyo malilit ang mesang nakatalaga roon kaya mga apat lang sila kada mesa. Iyon nga, si Lexus, nakakabatang kapatid ni Rusty na si Weston, kuya Rover niya at si Helios ang kasama nila sa lamesa. Si Rover ay may light flavored beer ding in-order pati iyong si Helios.

Nasa unahang mesa si Rusty, kaya medyo nalungkot si Lexus. Gusto sana niyang nasa iisang mesa sila upang malapit lang ito sa kaniya. Gusto niya kasing pagmasdan ang guwapo nitong mukha sa malapitan.

“Tama nga pala. Magka-edad lang kayong dalawa, ano?” sambit bigla ni Rover sa dalawa roon. Napunta ang tingin nina Lexus at Weston kay Rover.

Tumango si Lexus na nag-aalinlangan, habang si Weston ay sinagot ito ng, “Opo. Sabi nga raw po nila.”

“Nice. Bagay kayo.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lexus sa narinig at sinamaan ng tingin ang kapatid. Si Weston naman sa tabi ay medyo namula sa sinabi nito.

“Suntokin kita d’yan, eh,” banta kuno ni Lexus doon. “We are barely friends, tapos sasabihin parang may namamagitan sa amin? Baliw.”

“Ang defensive naman,” natatawang sambit nito sa kaniya. “Naga-guwapohan ka sa kanya, ano? Tignan mo, oh, medyo nahihiya sa ’yo si Weston. Ang cute n’yong dalawa.”

Tinignan ni Lexus si Weston at medyo ini-iwasan nga nito ang tingin niya. There’s a hint of blush sa pisngi nito. Actually, he’s not bad nga. Kung ang kaniyang kuya ay parang Greek god na bumaba sa lupa, itong kapatid niya ay parang nililok ng isang professional sculpture upang magkaroon nitong masterpiece.

“Nahihiya lang siya. Ginagawan mo naman ng malisya,” inis na sambit doon ni Lexus.

“I can tell when a guy is nervous around someone they believe is pretty, baby brother. You can see it naman, and it shows,” nakangising wika ni Rover. “Kaya huwag ako, hoy.”

“Huwag mo nga akong tawaging ‘baby brother’! Nakakahiya,” singhal ng mahina ni Lexus sa kapatid.

“Nahihiya rin naman pala iyang kapatid n’yo sa kapatid ni Rusty, brad,” malakas na bulong no’ng Helios kay Rover, at rinig nilang dalawa roon. “Ang halata na.”

Napa-awang ang bibig ni Lexus sa narinig. They’re taking it out of context!

“Sige kayo, isusumbong ko kayo kay kuya Bentley na binu-bully n’yo ako,” banta n’ya na sa dalawa.

“Titigil na nga.” Sumuko na nga si Rover. Tumawa pa ito bago kumuha ng fries sa plato niya. “Kumain ka na d’yan nang sa ganoon ay lumaki ka pa.”

“Fries ko iyan, eh.” Ngumuso siya sa kuya niya. Tinaas-baba lang nito ang kilay sa kaniya kaya wala na siyang magawa.

Hinarap niya iyong si Weston at laking gulat niya na nakatingin na pala ito sa kaniya. Parehas silang nagulat kaya nag-iwas sila ng tingin sa isa’t-isa at namumula ang mga pisngi.

Ang awkward lang, yawards.

·

CMAYRKab3

A/N:

don’t forget to vote every chapters para ganahan akers! muahx!

I’ll be dropping all the chapters this month talaga after kong ma-finalized and revised ang whole story, like, short story lang naman kasi ang mga installment ng Wild Stampede na

pwedeng

basahin as standalones (

puwede

nang hindi basahin ang ibang stories na

nakapaloob

sa series

konbaga

). iyon langs, ingats kayo parati! love y’all! muahx!


Return to top?

Part of a series

Wild Stampede

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.