WILDEST DATE
Aboutfictionx · 7 chapters · 6,279 words
WARNING:
WILDEST DATE Mr. Calvin Mac Mendoza ( BL and MPREG story )
This story is all about male to male relationship or boyslove. Male pregnancy po ito kaya kung hindi kayo komportable sa ganitong klase ng istorya, you are free to click the exit button po.
In addition, this story contains strong terminologies, harassment at sexual intercourse ng lalaki at kapwa nito lalaki na hindi po pwede sa mga menor de edad na mambabasa.
For reader’s: You might encounter this word/s inside the story chapters.
Carrier/s
- ito po ang lalaki na may kakayahan na magdala ng anak or mabuntis. Sa kwento na ito lamang po ito lumalabas. Ibig sabihin, kathang-isip lamang po ito.
WILDEST DATE
BY: ABOUTFICTIONX Date start: June 24, 2022 Date finish:
Mr. Calvin Mac Mendoza
PROLOGUE:
Dickson’s POV
Papasok na ako sa malaking building ng mga Mendoza, dito kasi nagaganap ang mga meetings regarding sa Ndoza Report. Binibilisan ko na ang lakad ko dahil baka ma-late pa ako. Dala-dala ko ang laptop ko at inaayos ng necktie ko ngayon. Hindi ko akalain na tumagal ako dito sa Mendoza Company, akala ko hindi ko magugustuhan yung trabaho. Sadyang hindi kolang gusto yung nagpapatakbo nito.
Bago pa ako makapasok sa glass door, may napansin akong bata sa kotse. Sobrang cute nito at may suot na bag. Kung titignan ang bata halatang mayaman dahil mukhang naiingatan ito ng maayos. Nakatingin lamang ito saakin kaya nginitian ko siya. Pero hindi niya ako pinansin.
Napag-desisyunan ko na lapitan yung bata. Sobrang cute talaga to the point na gusto ko syang nakawin ngayon. Nasaan ba kasi ang magulang ng batang ito?
“ Sir huwag niyo po syang lalapitan, baka umiyak po. “ Hinarangan ako ng body guard. Amoy na amoy ko ang pawisan nitong leeg. Sobrang asim lang talaga.
“ Bibigyan kolang naman ng lollipop e, tsaka di ko ’yan kukunin. “ Inikutan ko ng mata yung body guard kaya wala na syang nagawa. Hindi ba niya alam na anak ako ng mafia boss? Char, anak lang talaga ako ni Ricabel.
“ Hi, was yur neym? “ Trying hard ako mag-english. Oo nagtatrabaho ako sa company pero assistant lang talaga ako ni Sir Calvin.
Medyo nabigo ako dahil hindi sumagot ang bata, sa oras na ito gusto ko na syang sapakin dahil hindi pinansin ang napakaganda kong english language.
Iniabot ko sakanya ang lollipop at kinuha naman niya iyon. Sinusubukan nyang buksan pero hindi niya magawa kaya pinalunok ko nalang ng buo sakanya. Magdusa ka, char. Kinuha ito sakanya at binuksan iyon para sakanya. Medyo naninibago ako sa bata na ito kasi hindi siya nagsasalita. Parang hindi rin ata kumikilos.
Gusto kong magtanong doon sa guard pero ayokong kausap ’yon dahil mabaho ang bibig non.
Binuksan ng bata ang kotse at hinila ako papasok doon. Ipinakita niya ang mga toys niya saakin na galing doon sa bag pero hindi pa rin ’yon nagsasalita. Sabi ni Kuya guard, ngayon lang daw hindi natakot sa tao yung bata.
Nakipag-laro ang bata saakin, naglalaro siya pero hindi nagsasalita.
“ Where’s Carl? “ Hindi pa nakakasagot ang guard pero sumilip na yung lalaking nagtanong doon sa Carl. Pagdungaw nung lalaki nagulat ako dahil tumambad saakin ang lalaking kinababaliwan ko. Si Sir Calvin na sobrang gwapo. Brown ang mata at may may bigote na talagang bumabagay sakanya. Pinkish din ang labi niya. Pero hindi siya yung tipo ng tao na magsasalita ng walang kwentang bagay. Kasi ako kahit ano napapansin ko. Tulad ng pagkain ng kuko ni Kuya Guard ngayon.
“ Carl? Dickson? “ Hindi ako makapaniwala sa reaction ni Sir Calvin ngayon. Nakangiti siya, ngayon kolang nakita na ngumiti siya.
Bumaba ako dahil sa palagay ko dapat akong humingi ng pasensya kay Sir dahil pumasok ako sa sasakyan nila at kinausap ko si Carl.
“ Sorry sir fo’r entering in your kotse na pangmayaman. “
“ You don’t need to apologize. Mr. Ocampo, ngayon kolang nakita ang anak ko makipag-laro kahit hindi ito nagsasalita. Sa palagay ko, isa ka sa taong makakatulong sakanya. “
“ Mr. Ocampo, be my son’s nanny. “
“ Sir, hindi kop- “ hindi na niya ako pinatapos pa at nagsalita na siya.
“ One hundrend thousand per month plus free meals at sa bahay ka titira. “
“ Hindi po ako mahirap kausap. I will accept the- opo tinatanggap ko. Hehe. “
“ Good. “ Tsaka siya kumindat.
CHAPTER 1:
Dickson’s POV
Mula sa pagtira ko dito sa bahay ni Sir Calvin, hindi pa rin nagsasalita ang anak niya. Nagsimula daw ito noong nabangga ang sasakyan nila kasama ang mama niya. Naawa ako sa bata, dahil itong katulong na kausap niya ngayon ay grabe ang hininga. Nananapak ang amoy ng bibig, kaya ang ginawa ko tinapon ko sa labas itong katulong at ako na ang nagpakain kay Carl. Syempre biro lang ’yon.
“ Ako nalang magpapakain kay Carl, “ inikutan ako ng mata ni Yaya Ann. “ Attitude ka na naman no, “ sa loob ng ilang weeks naging kaibigan ko siya kaya komportable kami sa isa’t-isa.
“ Nagluto kanaba ng pagkain ni Sir Calvin? “ Tanong ko dito at tumango naman siya.
“ Baka nilagyan mo ng lason ha? “ Tanong ko dito at natawa naman siya.
“ Hindi ko lalasunin ang crush ko, siguro ikaw pwede pa. “ Lumapit ako sakanya at walang awa ko syang tinulak sa pool. Pero syempre biro lang.
Habang nagbibiruan kami, si Carl naman nakatingin lang saamin at mukhang naiintindihan kami. Ang goal ko sa taon na ito dapat makapag-salita itong si Carl. Natitiis nyang hindi magsalita, jusko mapapanis ang laway niya.
“ Carl, after mo kumain iinom tayo ng vitamins mo ha? “ Hindi niya ako sinagot, inaasahan kona ’yan dahil hindi naman talaga siya sumasagot o nag-sasalita.
“ So ano, pati ikaw iinom ng vitamins ni Carl? Takaw mo talaga, “ atungal ni yaya Ann kaya sinapak ko siya. Char.
“ Kung walang maayos na sasabihin ’yang bibig mo na mabaho, tumahimik k- “ hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil may isang ulam na bumaba sa hagdan. Bumaba si Sir Calvin na walang damit at tanging boxer short lamang ang suot niya. Makikita ang umbok mula sa boxer nito at mukhang nakakatakot iyon. Kakagising lang niya pero magkadikit agad ang kilay niya, ganyan ba siya ka-bwesit sa aswang na katulong niya?
“ Hoy chakadal, yung laway mo. “ Bulong ko kay Yaya Ann, aminado ako na sobrang gwapo ni Sir Calvin kahit saang anggulo mo siya tignan. Maskulado rin si Sir Calvin tapos ang puti rin ng balat. Dinaig pa ang babae sa complexion ng balat niya.
“ Good morning, baby. “ Tsaka niya hinalikan si Carl. Sana ako rin, HAHAHAHA. Hindi pwede ’yon dahil homophobic ang lalaki na ’to. Nakikita ko ng pandidiri sa mukha niya kapag nakikita niya akong nag li-liptint. Pero ayos lang.
“ Huwag kanang aasa na hahalikan ka rin ni Sir Calvin, mwehehehe. “ Ang panget talaga ng amoy ng bibig ni Yaya Ann.
“ Ipapakain ko itong plato sayo kapag hindi ka tumahimik dyan. “ Pinag-handa ko ang mag-ama ko ng pagkain, char. Nakasanayan ko na pinag-hahanda ko sila tuwing umaga.
“ Carl, how are you? Did you miss your mommy? “ Tanong ni Sir Calvin sa anak nito, naging emosyonal lang si Carl. Nakita ko kasi na pumatak ang luha sa mukha niya.
“ Sir Calvin, huwag niyo munang babanggitin ang mama niya. Feeling ko tinutulungan naman niya ang sarili niya na kalimutan yung mga nakita niya noong araw na na-aksidente sila. “ Nakinig lang si Sir Calvin saakin.
“ Anak ko ’yan, kilala ko ’yan. Wala kang pakielam dito. You are just a fucking gay. Wala kang alam. “ Kalmadong sagot niya saakin.
“ What? Paanong kilala mo siya? Bakit siya umiiyak ngayon kung kilala mo ang anak mo? “ Tanong ko dito at ngumisi lang saakin. “ Wala karin karapatan sabihan akong bakla. Kasi in the first place ginusto ko ito kasi gusto kong matulungan ang anak mo. “
“ Talaga? Hindi ba dahil sa pera na in-offer ko sayo? “ Napatayo na ako ngayon.
“ Well, kahit hindi mo ako bayaran mabubuhay ako. Tutulungan ko rin ang anak mo kahit hindi mo ako bayaran. “
“ You’re lying, marami akong kilala na bakla na nagpapagamit lang. Actually, marami na akong inuwi dito na bakla at mga babae at ang tanging gusto lang nila ay kayaman. Pera ko, “ tumawa ulit siya kaya mas nainis ako sakanya.
Lumapit ako sakanya, kaunting distansya nalang magdidikit na ang mukha namin.
“ Teka, what are you doing? “ Napa-atras siya.
“ Ibahin mo ako sa mga nakilala at inuuwi mo dito. “ Lumapit ako sakanya at inilapit ang labi ko sa labi niya pero bago kopa nagawa ’yon, pinugilan kona agad ang sarili ko.
“ I will not let my lips, kiss yours. Hindi ako papatol sa isang gwapong homophobic na lalaki, mamamatay nalang akong virgin. “ Inikutan ko siya ng mata at bumalik sa upuan para subuan si Carl at para maka-inom narin siya ng vitamins. Matagal talaga kumain si Carl kaya kahit nangangalay ako, pinapakain ko parin siya dahil ayokong pumayat siya.
Sadyang homophobic lang ang daddy niya kaya nagiging masama ako kapag kausap ko ang daddy niya.
CHAPTER 2:
Dickson’s POV
Malalim na ang gabi pero wala pa rin si Calvin, sanay ako na hinihintay siya. Dito ko nalang siya hinintay sa salas habang hinahawi ko ang buhok ni Carl na tahimik lang ngayon na nag-cocolor sa mga coloring book na pinabili ko kay Calvin noong isang araw.
“ Yaya Ann, bakit nakatualala ka dyan? Para kang aso, HAHAHAHA, “ biro ko sakanya.
“ Ayos lang, asawa naman ako ni Sir Calvin bleh, “ dinilaan niya ako.
“ Sayo na yung gwapo homophobic na ’yon! “ Sigaw ko, sakto naman at bumukas ang pinto.
“ I’m handsome? “ Seryosong tanong ni Calvin. “ You’re not the first gay na sinabihan ako ng ganyan. “ Patuloy pa niya.
“ Hindi ikaw ang sinabihan ko ng gwapo, walang gwapong homophobic. “ Giit ko. Itong si Carl naman biglang umiyak ng malakas kaya napalapit kaming lahat sakanya. Umakto ito na magpapa-buhat saakin kaya binuhat ko siya, hindi naman niya pinansin ang daddy niya.
“ Ngayon lang siya umiyak ulit, Sir Dickson. “ Giit ni Yaya Ann kaya nanlaki ang mga mata ko dahil may improvement naman kahit papaano.
“ I will add 50 thousand pesos to your ATM card. “ Anunsyo ni Calvin at tinalikuran ako. Nakatingin lang si Carl sa Daddy niya na papasok sa kwarto.
“ Bakit ka umiyak, ’nak? “ Tanong ko kay Carl habang pinupunasan ang luha niya sa cheek. Ang cute naman niya kaso hindi talaga siya nagsasalita.
“ Oo nga pala, gusto mobang magbasa ako ng bedtime story? Tara! “ Patakbo akong naglakad papunta sa kwarto ni Calvin para magbasa ng bed time story at para narin makatulog na siya dahil 9:30 na nang gabi. Nagbasa lang ako at mabilis naman syang nakatulog. Itinabi ko ang story book niya at kinumutan siya ng maayos.
Dahan-dahan akong tumakas sa kwarto niya, pinihit ko ang doorknob para lumabas na nang makita ko ang saging ni Sir Calvin na kinatatakutan ko.
“ Good evening sir, hehe “ wala akong masabi dahil naka-boxer short lang si Sir Calvin ngayon na color gray. Ang lakas ng dating nito para sa mga katulad ko na adik sa saging.
“ Tulog na ba si Carl? “ Hindi ba niya nakikita na hindi na nagsasalita ang anak niya? Natural tulog na. Ayy, hindi pala talaga ito nagsasalita.
“ Oo, nakatulog siya habang nagbabasa ng bedtime story. “
“ Alright, magpahinga kana rin. “ Hahakbang na sana ako nang biglang may dumaan na ipis dahilan para tumakbo ako kay Calvin at mapahawak sa braso niya ng mahigpit.
“ It’s just small insect. “ Malamig na giit ni Calvin na nakatingin lang ng diretsyo. “ Bitawan mo ako. I hate gay. Be responsible, baka maging tulad mo ang anak ko. “
Sa sinabi ni Sir Calvin, napabitaw ako hindi dahil sinabi. Dahil doon sa sinabi niya na ayaw niya maging katulad ko ang anak niya. Ano ba ang mali saakin? Nakaka-stress lang. Kaya naisip kong kuhanin ang liptint ko sa bulsa ko tsaka nag-apply para naman hindi ako maputla tignan.
“ Hindi ko rin gusto ang taong tulad mo. “ Tsaka ako tumalikod palayo sakanya. Sa simpleng salita ni Calvin, nagagawa niya akong saktan. Yung mga pamilya ko never kong narinig na sinabi saakin ’yan. Sinusuportahan pa nga nila ako.
“ Much better. Wanting me is a sin. I am warning you, don’t fall in love with me. “
As if naman magugustuhan ko ang taong tulad niya. Hindi kona siya pinansin pa at pumunta sa kwarto ni Carl para tabihan siya. Dito nalang ako matutulog.
Tumabi ako sakanya. Tsaka ko naramdaman ang malakas na kulog kaya tumayo ako ara tignan sa bintana ang klima ng panahon. It was raining hard. Tama nga ako, may bagyo.
Babalik na sana ako sa kama pero naisipan ko na uminom ng tubig sa baba at umihi. Bumaba ako at tumungo sa refrigerator para makakuha ng tubig sa lalagyan.
Habang umiinom ako, pilit na pumapasok sa isip ko ang boses ni Sir Calvin at ang mga sinabi niya.
“ Bitawan mo ako. I hate gay. Be responsible, baka maging tulad mo ang anak ko. “
Naririnig ko pa rin ang lakas ng kulog kaya bumalik na ako baka kasi magising si Carl at umiyak. Hindi mo kasi maririnig si Carl na umiyak, minsan may kaunting boses na lumalabas sa bibig niya pero sobrang hina lang.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Carl, tulad ng nasa isip ko. Umiiyak na ito at nakayakap doon sa human size teddy bear niya. Kaya napatakbo ako papalapit sakanya.
“ Don’t cry baby Carl. It’s just a storm. Normal disaster ’yan, huwag kang matatakot. “ Tumahan siya sa pag-iyak pero hindi pa rin ito humihiga.
“ Remember this one, when the storm is strong. Pray and If you can’t sleep here alone you can go in your Daddy’s room. “ Wala pa rin itong interaction saakin pero nahiga na ito kaya kinumutan ko siya ng maayos.
Kanina ko pa gustong mahiga pero laging nauudlot, tulad ngayon may kumakatok sa pinto ng kwarto ni Carl.
“ Come in. “ giit ko kaya laging gulat ko nalang nang biglang bumungad saakin si Sir Calvin na walang pang-itaas na damit at naka-short lang ito na color black yakap-yakap rin niya ang malaking unan niya.
“ Anong kailangan mo, Sir? “
“ Can I sleep here? I mean, I can sleep here without your permission. “ Pagkasabi niya ng mga salita na ’yan, biglang kumulog ng nalakas dahilan para tumakbo siya papalapit saakin at tumabi sa kama. Halatang gulat na gulat rin ang anak niya sa ginawa nito.
Ang laking tao ni Calvin pero takot sa kulog. Like father like son ika nga.
“ Ikaw pala ang gay e. Takot sa kulog,haha. “ Bulong ko sa sarili ko bago nahiga. Ang pwesto namin ngayon ay nakagitna ako sakanilang mag-ama dahil parehas silang takot sa kulog.
“ What did you say? “ Tanong nito saakin. “ Kung iniisip mo na ka-baklaan ang ginawa ko well hindi, each indivuals has fear. “
“ You’re right. Everyone has fear like me. Natatakot ako sa mga salitang naririnig ko sayo na hindi ko narinig sa labas. Hindi ako nagsisisi na tinutulungan ko ang anak mo. I am fortunate to have Carl, parang anak ko na rin. “
Hi guys, new on-going story na naman, hihi. Sana suportahan niyo pa din ako.
Thank you!
Please do vote, comment your thoughts and share my pen name/stories.
-Aboutfictionx
CHAPTER 3:
Dickson’s POV
“ Dickson, pinakain mo na si Carl? “ Tanong ni Yaya Ann saakin kahit nakikita naman niya na kasalukuyan na kumakain si Carl.
“ Yaya Ann, alam mo minsan ang sarap mong itulak sa pool. Nakakastress yung mga tanong mo. “ Atungal ko dito kaya tumawa nalang siya.
“ Mabuti nalang pinakain ako ni Sir Calvin, actually sinubuan niya ak- “ napahinto si Yaya sa sinasabi niya dahil sa biglang pagdating ni Calvin na halatang badtrip na naman kahit kakagising lang.
“ Coffee. “ Kaya na-alarma kaming dalawa ni Yaya at sabay pa kami na pumunta sa kusina. Iniwanan ko na muna si Carl doon sa dining area dahil kasama naman niya ang Daddy niya.
“ Oh, alam mong timplahin ni Sir Calvin nyan? “
“ Oo, pero yung hininga mo hindi ko kayang pigilan ng amoy. “ Pagbibiro ko dito kaya nakatanggap ako ng kurok sa tagiliran.
“ Ako nga tinitiis ko yung mabahong unan mo kapag matutulog tayo sa maid’s quarter e. “ Pang-aasar ni Yaya Ann saakin. “ Oo ng pala, Dickson mabuti at sa maid’s quarter ka natutulog? “
“ Doon raw dapat e, sabi kasi ni Sir na hindi daw ako pwedeng matulog sa kwarto ni Carl. Pinapaliwanag kong ng sarili ko na nakatulog lang ako doon dahil sa sobrang pagod at ayaw akong paalisin ni Carl. Umiiyak kasi kapag tatayo na ako. “ Paliwanag ko sakanya pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kaya ginawa ko ang lahat para masakal siya. Charot.
“ Hindi ’yan ang sagot na hinihingi. “
“ Bahala ka dyan, ang arte mopa sa sagot. “ Lumakad ako paalis sa kusina dala-dala ang kape nang magsalita muli itong si Yaya Ann.
“ Ibig kong sabihin, nakapagtapos ka ng pag-aaral. Bakit nandito ka? Bakit hinayaan mo si Sir Calvin na gawin ’to sayo? “
“ Actually, ayos lang bayad ako dito. Pero alam mo ba kahit hindi niya ako bayaran, willing ako na bantayan ang anak niya. Gusto niya habang buhay pa e. “
“ Talaga? “ Nagulat kami ni Yaya Ann at napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. It was Calvin, nakangiti ito ng nakakaloko.
“ Willing to take care of my son without any payment? May ganyan na mindset na pala ang mga mahihirap. “ Nakakaasar ang boses ni Calvin ngayon.
“ To tell you honestly, kahit pakainin mo lang ako at may matutulugan ako. Ayos lang, mabait naman ang anak mo. “ Giit ko dito tsaka ako tinignan ng masama ni Yaya Ann senyales na huwag na akong sasagot pa.
“ Bakit ganyan ka makipag-usap? Ahh! You’re a gay that is why you keep answering and protesting. You know what we don’t have a debate here. “ Shet, hindi ko ata kakayanin. Pwedeng si Yaya Ann na muna ang main character?
“ Dickson and Ann, ako ang nagpapasahod sainyo. Kaya wala kayong karapatan na sagutin ako. Do you understand? “ Sumagot si Yaya Ann pero ako nananatiling tahimik dahil nasasaktan ako at feeling ko anytime babagsak ang luha ko.
Nagulat nalang ako nang bigla akong kinwelyuhan ni Calvin kaya na-igalaw ko ang tasa na hawak ko, dahilan para matapos ang ibang laman nito sa kamay ko.
“ Sir Calvin, tama na po. Tignan niyo po yung kamay ni Dickson, pulang-pula na. Huwag mong ibaling ’yang init ng ulo mo kay Dickson. Ang bait nanga ng tao ganyan kapa.“ Agad akong nilapitan ni Yaya Ann at niyaya niya ako sa maid’s quarter para lagyan ng ointment yung kamay ko. Naiwan si Calvin na nakatulala doon at minabuti nyang tignan ang anak niya.
“ Ikaw naman kasi, huwag monang sasagutin si Sir. Kasalanan mo rin kasi e. “ Bulyaw saakin ni Ate Ann habang amoy na amoy ko ang leeg nito. Ang asim ng leeg, nakaka-stress.
“ Nakakainis kasi siya, sikat nga siya, mayaman at nakapag-aral rin naman siya pero ganito siya makitungo sa mga tao. Tsaka isa pa, totoo lahat ng sinabi ko. “
“ Huwag kanang sasagot nyan sakanya. Kung ako sayo, huwag mo nalang pansinin ’yan. Mag-focus ka kay Carl at huwag kang puro harot. Ayy shet, oo bga pala may parating na driver, balita ko gwapo ’yon. “ May halong kilig ang pagsabi ni Yaya Ann kaya agad ko syang binalihan ng leeg at itinapon mula sa second floor. Charot.
“ Mapapasaakin ’yon, Yaya Ann. “
“ Bahala ka. ’Yan sugat mo ayos na ba? “ Para talaga akong may ate. Medyo namumula pa kasi itong kamay ko kaya siguro naitanong niya. Sobrang sakit kasi ng nangyari kanina. Yung salita sobrang sakit, mas masakit pa sa paso mula sa kape.
Nasaan na pala si Carl? Isa pa ’yon, baka natutulog na sa sahig ’yon. Charot.
“ Carl? Bebe? “ Pag-tawag ko dito, kanina kasi kasama palang niya ang Daddymonyo niya.
“ I said, read this at loud! “ Sigaw ni Calvin kaya napatakbo ako papunta doon sa lugar kung saan ko narinig yung boses.
Pagdating ko sa garden, nakita kong umiiyak si Carl na kinalungkot ng puso ko dahil tinuturuan siya ng Daddy niya.
“ Sir Calvin, huwag mong sigawan. Paano niya mababasa ’yan kung hindi naman siya nakakapag-salita? “
“ Nakikisali ka na naman? Paano mo masasabi na hindi siya nagsasalita e nagagawa nga nyang umiyak! “ Sigaw ni Calvin saakin.
“ Sabi ni Doc, it takes time para bumalik ang motor development at motor skills niya. Kaya huwag mong pilitin si Carl na basahin ’yan! Bakit ka ba kasi nagmamadali? “
Hindi na nagsalita pa si Calvin at pumunta sa pwesto ko. Doon ako nakaramdam ng malakas na suntok mula sakanya. Hindi ko naramdaman ang sakit ngayon pero mas nararamdaman ko ang pagpupumilit niya kay Carl na basahin ang bagay na ’yon.
“ Ikaw bakla, uulitin ko. Wala kang karapatan na turuan ako, dahil hindi ikaw ang magulang at lalong hindi ikaw ang teacher nito. Anong alam mo sa mga bagay na ’to? Hindi kalang pala bakla, you’re also a stupid. “
Hindi ko pinalampas ang bagay na ito tsaka ko siya sinampal ng malakas.
Hi guys!
Gusto kolang kayo sabihan na nababasa ko yung mga comments niyo sa story na ito. For now, madalang muna ang pag-uupdate ko since nag-start na ako sa new work ko.
Sana maintindihan niyo, pero I’ll make time para makapagsulat.
Thankyou and have a great one!
CHAPTER 4:
Dickson’s POV
“ Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko na nasampal mo si Sir Calvin. Sa tagal ko dito hindi ko nagawa ’yan. “ Saad saakin ni Yaya Ann na abala sa pagpupunas ng refrigerator.
“ Bakit may balak ka? “ Tsaka kami nagtawanan dalawa matapos kong itanong ’yan. Kasunod naman nito ay ang pagpasok ni Carl agad itong nagpagarda saakin.
“ Good morning, Carl! Kamusta ang tulog mo? “ Ngumiti lang ito saakin. Hindi na ako umasa na sasagot pa ito.
“ Ayos lang ang tulog ko. “
“ I’m not asking you Sir Calvin. “ Pag-susungit ko dito na ngayon ay boxer short lang suot at mukhang bagong ligo. Ganito ba talaga kasarap si Sir Calvin? Nakakagutom naman.
“ Hoy aswang, mauubos si Sir. “ Bulong saakin ni Yaya Ann at inikutan ko siya ng mata dahil sa amoy ng bibig niya.
“ Bebe Carl, ipag-reready kita ng food mo. Pakakainin kita okay? “ Tinignan lang ako ni Carl which is madalas niya itong gawin.
Kinarga ko si Carl at pinaupo sa upuan na malapit saakin at sinimulan kong pakainin. Tinitignan lang kami ng daddy niya, bahala siya mainggit dyan. Ganyan ang nangyayari sa mga masusungit.
“ Sir Calvin, any time today darating po yung bagong driver dito sa bahay niyo. “ Hindi talaga bagay mag-english ni Yaya Ann, pinapahaba niya lang ang usapan.
“ Noted. Kapag dumating pakainin niyo sasamahan ka ni Dickson. Sabihan niyo rin na hintayin niya ako, I need to talk to him. “ Tumango nalang si Yaya Ann dahil yung ibang words ni Sir Calvin ay hindi na niya maintindihan.
“ Dickson, narinig moba ako? “ Tanong ni Sir Calvin habang hinahalo ang kape niya.
“ Opo. “ Matipid kong sagot. “ Carl, after mo kumain maliligo kana ha? Huwag mong hahayaan na maging maasim ka katulad ng isa dyan. Tamang punas lang ng lamesa pero hindi naliligo. “ Giit ko kay Carl dahilan para maibuga ni Sir Calvin ang kape na iniinom niya. Tinignan naman ako ng masama ni Yaya Ann.
“ Tara na bebe, “ tumayo kami at iniwan si Sir Calvin na pulang-pula ang mukha at iniwan rin namin si Yaya Ann na nagpupunas pa rin. Malalagot ako mamaya sakanya, pero lalaban ako. HAHAHAHA.
…
“ Carl bebe, may ituturo ako sayo. “ Tinitignan lang ako ng bata. Umupo ako sa harapan niya habang binibihisan ko siya dahil katatapos lang niya maligo. “ Kapag may itatanong ako sayo kung oo ang sagot, do this. “ Tsaka ako nag-thumbs up at tinignan naman niya ang ginawa ko. Nakakarinig naman si Carl pero hindi nagsasalita.
“ At kapag hindi naman ang sagot mo, gawin mo ito. “ Tsaka naman ako nag-thumbs up. “ Sa ngayon ayan muna ang ituturo ko sayo, konti-kontihin natin para magawa mo ng maayos. “
“ Okay ba ’yon? “ Hinihintay ko siya na sumagot at dahan-dahan nyang ini-angat ang kamay niya tsaka nag-thumbs up. Natuwa naman ako kaya nayakap ko siya.
“ Very good ka Carl! Mahal moba ako? “ Tanong ko sakanya at mabilis naman syang nag-thumbs up ulit. Blangko ang mukha niya, hindi man lang naka-ngiti pero ayos lang atleast may improvement kahit papaano.
“ Carl, “ tawag ko sakanya habang nilalagyan ko siya ng polbo sa leeg at likuran.
“ Do you love your dad too? “ Tsaka siya dahan-dahan na ini-angat ang kamay niya.
“ Oh, why? “ Nag-thumbs down siya. Nako, hindi na pala niya masasagot itong follow up question ko.
“ Carl, si Calvin daddy mo siya. Mahal ka niya. Kaya you should provide the same thing too, “ inayos ko kamay niya para maging thumbs-up ito.
“ Kahit anong gawin saatin ng mga mahal natin sa buhay, hindi magbabago na may relasyon tayo sakanila. Just like you and your dad, mag-tatay kayo. Siguro, impatience lang ang daddy mo sayo pero mahal ka niya. “ Tumingin si Carl sa bandang pinto palabas sa kwarto niya kaya napatingin rin ako sa gawi na ’yon. Calvin is standing in the door. Feeling ko kanina pa siya doon.
“ Sir Calvin, “
“ May improvement na naman sa anak ko, you’re doing well. I want to recognize your hardwork with my son. May I invite you, punta tayo sa mall kasama ang bata. “ Hindi ito nakangiti at naka-crossed arm. May gagawin pa naman ako, pero mukhang hindi pwedeng humindi sakanya kung hindi masusuntok ako. Biro lang.
“ Okay sige, bihisan kolang rin si Carl nang pang-alis. Tapos ako naman. “ Giit ko dito at tumango.
“ Dress me up too, “ mahina pero narinig ko ang sinabi niya. Pero kunwari hindi ko narinig.
“ Ang tanda mona para ako pa magbihis sayo, duh! “ Bulong ko.
“ What did you say? “ Humiling naman ako. Tsaka ko siya nilayasan. Magbibihis pa kami ng anak niya.
…
Kanina pa kami sa mall at ngayon kasalukuyan kaming namimili ng mga gamit sa bahay kasama si Carl na nasa cart ngayon at tinutulak naman ni Sir Calvin ang push cart.
Nabusog ako sa kinain namin, sa buffet pa naman kumain. Nirefill konga yung tumbler ni Carl. Sayang naman 700 per head pa naman.
“ Dickson, if you need something just grab it and put it in the cart. “
“ Ay hindi sir, kukuha nalang ako ng mga bagay na magagamit po ni Bebe Carl. “ After ko masabi ’yon nadaan kami sa book section at nakita ko ang mga story books na talagang makakatulong kay Carl, babasahin ko ang mga ito para sakanya. Kumuha na rin ako ng coloring book at mga crayons. Inilagay ko naman ’yon sa push cart. Si Sir Calvin, nagtitingin rin ng mga gamit. Lagay siya ng lagay hindi man lang tinitignan ang presyo. Halos gamit niya ang mga kinuha niya, pang-shave, towel tsaka mga boxer shorts.
Habang naglalakad-lakad ako dito, may nakita ako na pillow kneck na dati kopa gustong bilhin kasi madalas ako makatulog kapag nanonood ako tapos naka-upo. Tapos may nakita pa akong phone case ang cute ng design. Next time bibilhin ko mga ’yan.
Dumaan rin kami sa stuff toy center at kumuha ako ng kumot na may ulo ni Doraemon. Para ito kay Carl. Napatakbo naman ako sa isang istante dahil may nakita akong ice cream na stuff toy, ang cute kasi. Ayan rin bibilhin ko sa susunod. Ang lambot pa naman.
Nasaan naba ang nagtatay na ’yon? Jusko, hindi ko alam kung ako ba ang nawawala o sila. Baka iwanan ako wala akong pera na dala.
Umikot ako at na-stock lang pala sila doon sa mga phone cases area siguro bumili siya ng bagong case sa phone or laptop niya.
Since nakita kona sila, pupunta ako doon sa mga perfume. Last time na pumunta ako dito talagang may scents ako na nagustuhan, as in halos lahat ng scents gustong-gusto ko. Mahilig ako sa pambabae na pabango kaya talagang ginamit ko ang tester tsaka pasimple akong nag-spray sa damit ko at sa leeg.
“ Next time bibilhin ko kayo. Hindi ngayon, pero malapit na. “
Iniwan kona ang mga pabango doon pero naglagay ako sa bag ko kasi shop lifter ako, gusto kona makulong. Biro lang, iniwan ko doon.
Nasaan naba sila? Hindi ko na naman makita ang mag-tatay na ’to. Sumasakit ulo ko.
Kaka-ikot ko, napansin ko nalang na papunta na pala sila sa cashier para magbayad kaya pinuntahan kona sila. Nagulat nalang ako sa laman ng cart ngayon. Hindi dahil sa mga price pero sa mismong mga items, nandito yung pillow kneck na hinawakan ko pati yung ice cream stuff toy. Nandito rin yung phone case at nandito lahat ng scents na tinry ko.
“ Don’t complain, it’s all yours. “ Meaning, habang busy ako sa pag ta-try at pagtingin sa mga bagay na gusto ko, kinukuha niya at inilalagay sa cart?
“ I don’t know what scent you like because you’ve tried them all. I couldn’t guess what you liked so I took them all. “ Mag-iinarte paba ako?
“ Salamat, Sir Calvin. “
“ No, thank you for taking care to my son. We’re fortunate to have you. “
Hindi ko maintindihan pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano ba naman itong pinaparamdam ni Sor Calvin, ito yung first time na may gumawa saakin nito. Siguro swerte nga ako sakanya at sa anak niya. Mabait sila, pero may red flag pa rin si Sir which is hindi lahat perfect.
“ Carl, ayos ka lang ba? “ Tanong ko dito kaya nag-thumbs up siya. Kinarga ko naman siya habang si Calvin, buhat ang mga pinamili niya.
Hello fictionxbabies,
Sorry ngayon lang nakapag-update, nag-aaral na kasi ako at the same time call center sa gabi. Sana nagustuhan niyo yung update. Want to hear some thoughts with you guys!
- Aboutfictionx
CHAPTER 5:
Dickson’s POV
“ Kanino ba kasi galing yung mga pabango na ’yan at ang dami? “
“ Ano ba naman ’yan Yaya Ann, sobrang lapit naman ng bibig mo sa mukha ko. Amoy isda pa naman, “ biro ko dito kaya tumawa nalang at mas lalo pa nyang inilapit yung bibig niya. Hindi kona matiis dapat na nitong malunod sa swimming pool.
Kaya ang ginawa ko, pinalapa ko siya sa aso at inihagis sa swimming pool. Biro lang baka wala na akong kasama dito. Hindi pa naman nag-sasalita itong bata na ’to. Pero kung akong tatanungin, ayos na saakin itong si Carl at least wala akong naaamoy na mabaho.
“ Galing doon sa lalaki na ’yon oh, “ tinuro ko naman si Calvin na busy ngayon sa pagkain ng kuko niy- what?
Walang ano-ano, nilapitan ko siya at inalis ko ang tinabing ko ang kamay niya kaya tinignan lang niya ako.
“ Huwag kanang magreklamo sir, madumi ang kuko huwag mo kainin. May nail cutter naman dyan, “ nakatingin lang ito saakin, tapos biglang ngumiti. Nako po, nakakatakot mga tao dito bigla ngumingiti parang si Yaya Ann.
“ Sa susunod ayokong makita kita na ginagawang snacks yung kuko mo ha? “ Giit ko dito, pinagmamasdan kami ng anak niya ngayon pati na rin si Yaya na sobrang bango.
“ Noted boss. “ Sagot ni Sir Calvin kaya bigla akong bumalik sa realidad na hindi pala ako ang amo dito. Pero madumi kasi talaga ang kuko, yung sakanya lang ata ang maputi. Kasi saamin ni Yaya Ann wala e, madumi talaga.
“ Anyway, I’ll to talk both of you later. Balikan niyo ako after niyo sa mga mga gawain niyo dito. Understand? “ Ano na naman kaya ipapagawa nito? Napapagod na’ko. Pagdating sa Daddy nakakapagod, pero sa anak hindi ako nakakaramdam ng pagod.
Iniwan ko muna si Sir Calvin doon dahil kailangan kong kamustahin sila Mama. Baka nag-aalala na ang mga ’yon lalo na matagal-tagal ko silamg hindi nakamusta. Pero alam naman nila yung sitwasyon ko dito. Nakaka-miss tuloy si Nanay at Tatay. Minsan bibisita ako sakanila kapag hindi na busy dito tsaka ipapaalam ko muna kay Sir para at least makapag-overtime? Ay hindi over-sleep? Ano ba tawag doon? Yung matutulog ka sa isang bahay tapos bukas ka uuwi? Sleep ano ba kasi ’yon? Ah oo, sleep owner? Basta ayon.
“ Hay bakit hindi sumasagot sila mama? Nag ri-ring lang. “
“ Eh bakit mo saakin itinatanong, itanong mo sa nanay mo. “
“ Hindi ko sayo itinatanong Yaya Ann, nababaliw kana ’te. “ Giit ko dito tsaka ko siya tinulak sa kanal. Pero hindi natuloy kasi hindi ko naman talaga gagawin.
“ Ikaw ang nababaliw kasi kinakausap mo yung cellphone mo. “ Tsaka siya nagwalk out.
“ Hey, Yaya Ann and Dickson. “ Sigaw ni Malaking tao.
“ Yes ser? “ Tanong ni Yaya Ann.
“ Starting today, no vernacular words. You must speak in English at all times especially when you are speaking to me. Kay Carl, ayos na ang taglish. “ Si sir naman, parang matatawa na ewan sa sinabi niya. Parang nagpipigil.
“ Copy sir Calvin, “ giit ko. Hoy sir, marunong naman ako ng basic english no. Nakakalimutan kolang yung ibang words.
“ How about you Yaya Ann? Do you understand? “ Tanong nito kay Yaya Ann. Si Yaya Ann parang gusto pa kumopya sa sinagot ko kanina.
“ I’m payn ser. How are you two? “ Pigil na pigil ako sa pagtawa ngayon at si Sir Calvin pulang-pula na ng buong mukha niya. He’s trying to be professional at all times.
“ Go ahead, back to work. “
Iniwan na namin sa salas si Sir at nilapitan ko si Yaya Ann.
“ Yaya, tinatanong niya sayo kung naiintindihan mo ba daw hindi ka niya kinakamusta. “
“ Hayaan mona, magkaiba naman kami ng school. Buti pa nga nakasagot pa ako e. “ Sarap talaga itulak nito sa swimming pool. Nakakairita pa naman ang buhok niya, buhaghag tapos kati pa siya ng kati. Siguro sakanya lahat itong buhok na nasa salas. Pero walang kulay sa buhok si Yaya Ann, pure black ang buhok niya.
“ Eh kanino hibla ng buhok ’to? “
“ What’s the problem? “
“ Oh, no problem sir. I am just picking the dirt here. “ Sagot ko kaya napatango nalang siya.
“ Alright then. And also, kindly give me two glasses of Juice. Paki-hatid nalang sa room ko. “ Utos ni Sir pero biglang nakisali na naman itong si Aswang.
“ I thenk, I can du et ser. “
“ Oh sure. “
Teka, bakit dalawa? Ang takaw naman ni Sir kung dalawa ang juice na iinumin niya.
“ Yaya ako na maghatid nyan. “ Hindi pa siya sumasagot kinuha kona agad tsaka ko siya sinipa ng sobrang lakas.
Dapat pala hindi nalang ako ang naghatid, medyo masakit sa paa ang pag-panik sa hagdan. Pagdating ko, kumatok muna ako pero hindi sumasagot si Sir. Nakita kolang siya kanina na pumasok dito ha? Nasaan ba yung malaking tao na ’yon?
Binuksan ko nalang ang pinto para iwanan nalang sa lamesa ang juice na pinatimpla niya.
Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan na may babaeng nakapatong kay Sir Calvin which is hindi naman big deal para saakin. Kunwari wala akong nakita. Lumabas ako ng maayos at hindi nagsasalita. Matanda na rin naman si Sir Calvin, pero ang iniisip ko dapat naka-focus siya sa anak niya dahil may trauma pa ang bata dahil sa nangyaring aksidente. Teka, nabisita naba ni Sir Calvin ang asawa niya sa sementeryo?
“ Dickson na ganda-gandahan, umiiyak si Carl. Puntahan mo saglit. Hindi kona kaya mag-english, tigilan na natin ’to mukhang inaasar lang naman tayo ni Ser Calvin e. “
“ Sige heto na. “
Bumaba ako at tinanong si Carl kung ayos lang ba siya at nag-thumbs down naman ito. Talagang nakikinig siya sa mga instructions ko which is magandang improvements ’yon.
“ May masakit ba sayo? “ Tumango naman siya. Wow! Nagagawa na nyang tumango. Dahan-dahan naman nyang iginalaw ang kamay niya pati na rin ang pagbukas ng palad niya at itinuro niya ang paa niya. Kaya nilapitan ko naman ito.
Kaya pala umiiyak itong bata nakagat pala ito ng langgam, bamula tuloy ang balat nito.
“ Tara buhatin kita, hanapin natin ang ointmenrt sa kwarto mo. Maglilinis kami mamayang pagtulog mo. Dumadami na ang insekto sa bahay. “ Giit ko dito kaya tumango naman itong si Carl. Mukhang naririnig niya ako ng maayos, hindi lang talaga siya makapag-salita.
Hiningal ako sa bigat ni Carl tapos humakyat pa kami dito sa second floor para kunin yung ointment niya, habang pinapahiran ko siya biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni Carl at pumasok ang Daddy nito na puno ng kagat rin sa leeg.
“ What happened? “
Hey there!
Sorry ngayon lang ulit nakapag-update. Sana may nagbabasa pa rin kahit papaano.
Merry Christmas and Happy new year!
Namiss ko kayooooo :>

