Womanizer Series #2 : Crius Irvin Holt
mhadztngsn · 47 chapters · 62,885 words
Notes
Womanizer Series #2: Crius Irvin Holt
This story is intended for mature audiences only. It contains strong language and adult themes that may not be suitable for readers under 18. Reader discretion is advised .
For updates and more work by the author, you may follow:
•Facebook Page: Mhadz;
•TikTok: @itsme.mhadz
•X (Twitter): @itsme_mhadz
•Instagram: @mhadztngsn
•Facebook Group for Readers: Mhadicz
A Man’s POV Story
If you prefer flawless characters and perfectly structured plots, this story may not be for you. My works embrace imperfections both in the characters and in the narrative itself. Each story is written with authenticity rather than perfection.
If you find that this style doesn’t resonate with you, you are free to discontinue reading. Please extend respect to both the story and its author. Thank you for understanding.
═════════•°•⚠️•°•═════════
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or to real events is purely coincidental.
No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods without the prior written permission of the author, except for brief quotations used in reviews or other noncommercial contexts permitted by copyright law.
All Rights Reserved © 2023
mhadztngsn
Prologue
“What?” I asked the girl in front of me.
“Naku! Huwag mo ako ma-english english ispekening d’yan at baka mapalaban ka sa ’kin! Sinasabi ko sa ’yo!” mayabang nitong tugon. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nagtatakang nakatingin sa babae.
“Are you crazy? What are you talking about?”
“Oh, bakit? Hindi ba may gusto ka sa ’kin kaya panay ang tingin mo? Naku! Huwag ako, boy! Alam ko na ang mga galawang gan’yan!”
“You’re unbelievable! Have you seen yourself?”
“Aba! Alangan! Lagi ko kayang kinakausap ang sarili ko sa salamin! Magkasundong-magkasundo nga kami, e!”
She’s really something… Baliw ba ’to?
“Never akong magkakagusto sa kagaya mo! Look at you! Mas mukha ka pang lalaki sa ’kin! You’re not my type!” I said while looking at her from head to toe.
“Wow!” sarkastiko niyang sabi. “Grabe naman ’yon! Sagad hanggang balunbalunan, boy! Pogi yarn? Gagi ’to, a!”
Para talaga siyang lalaki kung umasta. Tss. And she thinks I like her? Fuck! I’m not insulting her, but for fuck sake! She’s not really my type.
“Look, woman… I’m sorry, okay? It’s not my intention to insult you. I’m here because I’m looking for someone.”
“Ganyan naman kayong mga lalaki. Pagkatapos nyong gumawa ng kalokohan, akala niyo mabubura ng simpleng sorry lamang ang lahat. Paano naman ang feelings naming mga babae? Nasasaktan din kami. May puso at kaluluwa—”
“Stop!” sigaw ko dahil sa dirediretso nitong pagsasalita na tila nagdadrama pa. Natigil naman ito dahil sa gulat sa pagkakasigaw ko. Nag echo pa ito sa buong shop kung saan kami naroroon.
“Pwede ba? Hindi ako nagpunta rito para makinig sa mga drama mo? I’m looking to my friend who owned this old shop. So, just call him and stop acting in front of me because, I’m not a movie Director. Okay?” nauubusang pasensya na wika ko sa babae.
“Tss. Yabang naman nito! Banatan kita riyan, e!” bulong nito na hindi ko masyado naintindihan.
“What?”
“Wala! Tsismoso ka rin, e. Tatawagin ko na si Boss. Baka tumirik ka na riyan kasalanan ko pa!” At padabog itong umalis sa harapan ko.
Tss. Sino ba ang babaeng ’yon? Bakit may babaeng tauhan ang mokong na iyon dito sa shop niya? Hindi naman pwedeng model ng sasakyan ang klaseng iyon. Mukhang tomboy, madungis dahil may mga kulay itim ang mukha nito. Nakasuot ng malaking t-shirt at pants na maong na sira ang tuhod. May magulong buhok na daig pa ang nakipag-away.
Tinignan lang naman feeling may gusto na sa kanya. Napatingin lang naman ako dahil nga madungis siya. Tss. Never akong magkakagusto sa ganoong klase ng babae. Matapang pa sa mga lalaki at parang palengkera. Sakit sa ulo ang mga ganyan.
Naupo na lamang ako sa isang sofa at hinintay ang paglabas ng pakay ko habang tinitingnan ang buong shop na puro tambak ng tools.
Chapter 1
“Hey! Dude, tulala ka na naman d’yan,” ani Rio.
“Oo nga. Iniisip mo na naman ba ’yong naka one night stand mo na virgin?” Gavriel asked while grinning.
“Woah! Gusto mo umulit?” Sinamaan ko nang tingin si Rio dahil sa tanong nito.
Bakit ba silang dalawa pa ang available sa mga kaibigan ko? Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito.
“Tumigil nga kayo! Nasaan ba si Cassian?” Tanong ko sa dalawa habang nilalaro ang yelo sa aking baso na may alak.
“Busy. May meeting pa sa mga empleyado niya.” Si Gavriel.
Napaka hands on talaga ng isang iyon sa business niya.
“Si Kurt?”
“Busy din.”
“Saan?”
“Sa pagpapantasya sa secretary niya!” sagot ni Rio at sabay silang tumawa ni Gavriel.
“Tss.”
“Baka nakabaon pa!” ani Rio.
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naging sagot ng dalawa. Wala talaga akong mapapala sa dalawang ito. Puro kalokohan ang alam.
“Hindi nga, Dude, ito seryoso na. Bakit mo ba iniisip ’yong naka-one night stand mo?” Biglang sumeryoso ang boses ni Rio.
“Naisip ko lang, paano kung nabuntis ko pala ’yon?”
“Dude! Hahanapin ka no’n kung nabuntis mo siya. Pero hindi ka naman hinahanap, ’di ba? Mag-iisang buwan na. Malamang alam na kung buntis iyon o hindi.”
Sabagay. May point naman si Rio. Siguro nga hindi naman sumablay ’yong helmet ko noong time na ’yon. Sana nga…
“May point si Rio, dude. Saka, masyado kang problemado sa posibleng pagiging ama, e, hindi ka pa naman sure! Excited ka na ba maging daddy?” tanong ni Gavriel habang bahagya pang natatawa.
“Sira ulo!” bulyaw ko rito. “Ayoko lang dumating ’yung time na bigla na lamang may magpapakilala sa ’kin na anak ko. Hindi dahil ayoko ng anak, kundi dahil ayoko sa isipin na lumaki siya na wala ako sa tabi niya.”
“Naks! Ang sarap naman pala maging daddy nito. Paampon naman ako!”
“Gago!”
“Huwag mo muna problemahin ang problema na wala pa naman. Nakakapangit ’yan, dude! Nakakabawas pogi kaya ikalma mo ang sundalo mo—”
“Gago! Kalmado ang sundalo ko!” pagpuputol ko sa sinasabi ni Gav.
“Ay! Sorry, mali pala. Ikalma mo pala ang sarili at isip mo. Binibigyan mo lang ng sakit ng ulo ang sarili mo kahit hindi naman dapat. Let’s just enjoy our life.”
“Sa susunod nga, itanong mo muna kung virgin o hindi bago mo suungin ang kuweba, huh. Para hindi ka namomroblema ng ganyan d’yan!” si Rio.
“Paanong tanong, dude? Ganito ba?” tumikhim si Gav bago nagsalita.
“Miss gorgeous, mawalang galang na sa iyo. Ang iyong kuweba ba ay napasukan na ng galit na sundalo? Dahil kung hindi pa, pass ako riyan!”
“Tangina!” nasambit ni Rio dahil sa turan ni Gav. Napapailing na lamang ako dahil sa narinig. Mayamaya pa ay humalakhak nang malakas ang dalawang sira ulo.
Tatanda ako ng maaga sa mga ito. Wala rin talagang makukuhang maayos na sagot o payo. Tss.
Siguro naman hindi buntis ’yong babae. Pero hahanapin ko pa rin siya para makasigurado. Lasing na lasing ang babae at wala sa sarili, lasing din ako. Baka mamaya may kapalpakan pala akong nagawa. Ayoko lang tumakbo sa responsibilidad kung kaya ko naman harapin. Mahirap na.
Pero… paano ko pala hahanapin ang taong kahit pangalan ay hindi ko alam? Tss.
Puro kasi kalibugan pinaiiral!
Tumayo ako sa aking kinauupuan. Nagtataka naman akong tiningala ng dalawa.
“Saan punta mo? Maaga pa, a?” tanong ni Gavriel.
“Oo nga!”
“Hindi pwedeng mag CR? Gusto niyo sa harapan niyo ako umihi?” Kunwari naman na bubuksan ko ang zipper ng aking pants kaya nanlalaki ang mga mata ng mga ito. Hindi alam kung tatakpan ang mata o tatalikod na lang.
“Hoy! Putangina naman, Crius! Hindi namin kailangan makita ’yan! Mayroon din kami niyan gago ka!” bulyaw ni Rio.
“Daks din kami kaya ’wag mong ipagyabang sa ’min ang sundalo mo!” saad naman ni Gavriel.
“Hindi ka sure, Gav, akin ata ang pinaka daks.” Sagot ko habang natatawa sa reaksyon ng dalawa na parang nandidiri.
“Tss. Oh, edi, ikaw na! Wala naman sa size ’yan! Nasa performance!”
“Performance my ass!” Sagot ko na lamang kay Gav bago ko sila talikuran.
Nagtungo ako sa banyo para umihi. Pala ihi talaga ako kapag beer ang iniinom. Tss.
Pagkatapos ko maghugas ng kamay ay lumabas na agad ako. Pero natigilan ako sa bigla na lamang sumunggab sa ’kin sa labas ng CR.
“Hmmm…” ungol ko habang hinahalikan ako ng isang babae na hindi ko kilala. Naghalo ang amoy ng alak at pabango nito.
Hinawakan ko ito sa may puwet at pinisil ito ng bahagya. Napaungol naman ito sa aking ginawa.
“Hmm…” pinulupot pa nito ang kanyang kamay sa aking batok. Lumalalim na ang halikan namin nang bigla na lamang may tumikhim sa gilid namin.
“Excuse me, baka puwedeng magtira kayo ng way papunta sa cr?” tanong ng babae kaya natigilan ako.
“Tss.” Reklamo ng babaeng kahalikan ko at inirapan pa ’yung babaeng nakikiraan.
Natigilan ako nang makilala ko ang babae na nagsalita. Agad kong inilayo sa ’kin ang nakalingkis na babae habang nakatitig doon sa isa.
“Thanks!” Naglakad ito at pumasok sa banyo. Habol naman ang tingin ko sa kanya.
Siya nga ’yon!
“Excuse, Miss, mag c-cr pa pala ako.” Pumasok ako sa banyo at hindi na hinintay pa ang sagot nang babae na nakasimangot na dahil sa ginawa ko. Nagpapalipas lamang ako ng ilang segundo at sinilip kung umalis na ang babaeng lumingkis sa akin kanina.
Pagkaalis nga nito ay agad akong lumabas at tumambay sa labas ng cr ng mga babae. Nakasisiguro ako na siya ’yong na virgin ko. Kaya hihintayin ko siyang makalabas.
Makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto kaya napatayo ako nang maayos.
“Hi!” agad na salubong ko sa babae.
“Hi?” patanong na sagot nito.
“You…”
“Me?” she asked.
“Yeah… Ahm… How can I ask this? Shit! Tss!” Hindi ko alam ang gagawin o ang sasabihin ng hindi siya mababastos.
“Wait… Minumura mo ba ako?” tanong ng babae.
“What? No!”
“Tss. Kung wala kang kailangan, baka pwedeng makiraan?” she asked in irritating voice. Napatikhim ako.
“Wait…” I stopped her. “I just wanna ask you something,” I don’t know why but I feel nervous.
“What?”
Napalunok ako habang nakatitig sa babae. Nakataas na ang isang kilay nito.
“Ahm… Do you remember the time you were devirginized?” The girl looks shocked.
“Why do you need to know?” mataray nitong tanong.
“I know medyo private pero… I’m the one who devirginized you. You’re drunk that night—”
“And so? That was just a one night stand. It’s normal!”
“C-Can… I ask?” kinakabahan kong tanong.
“Ano?”
“You’re not… p-pregnant, right?”
Nag salubong ang mga kilay nito. Mayamaya pa ay bigla na lamang itong tumawa nang malakas. Tawa na akala mo nagpatawa ako sa aking tanong. Ako naman ang nag salubong ang kilay dahil sa pagtataka rito.
“Why are you laughing?”
Tumikhim ito at pilit na ikinakalma ang sarili mula sa pagtawa.
“I’m sorry… And no! I’m not pregnant for fuck sake! Are you kidding me? Akala mo talaga mabubuntis ako ng dahil lang sa one night stand?” tanong nito sabay tawa muli.
Nakatingin lamang ako sa babae pero napabuga rin ng malalim na hininga.
Thanks, God! Hindi na bullseye!
“Okay… Thank you, iyon lang talaga ang gusto kong malaman,” saad ko na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.
“Okay! No problem! Thanks by the way! Don’t think too much. Hindi porque na-virgin mo ay mabubuntis mo na rin. Patawa ka!” Tumatawa nitong sabi bago ako nito iwan sa may tapat ng cr.
Fuck! Nakakahiya ata ang ginawa ko! Shit!
Chapter 2
I’ve been busy these past few days. Minsan ay hindi ako nakakasama sa mga kaibigan ko. I help my mom manage our business. But most of the time I let her rest and let her enjoy her day with her friends. She also has her own business…a jewelry store.
“Sir, we’re lacking mechanics in our main branch. None of the applicants are passing our standards for this position.”
One of my staff said while I was checking with the new car. I sighed. I think I have no choice. Isang tao na lamang ang kilala kong maraming kilala na mekaniko.
“Okay. I’ll talk with one of my friends to help us.”
“Okay, sir.”
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang taong ’yon. Dati siyang may malaking shop kaya marami siyang kilala. Pero dahil sa problema sa pera dahil sa kanyang ama ay nagtayo na lamang ito ng kanyang sarili. Maliit kumpara sa dati. Pero dahil magaling din naman siya ay marami pa rin siyang client.
Sa pagsagot niya ng tawag, ingay agad ng sasakyan ang bumungad sa pandinig ko.
“Hey! Ano ang maipaglilingkod ko sa ’yo? Makikipag sosyo ka ba? Nalulugi kana ba?” malakas na tanong nito.
“Ulol! Asa ka naman na malulugi ako?” humagalpak naman ito ng tawa.
“So, ano ang dahilan ng iyong pagtawag?”
“I need to talk to you. Are you free?” I asked.
“Me? Of course! I’m always free. Pumunta ka rito sa RTC mamaya, may laban ang bata ko.”
“Tss. Makakapag-usap ba tayo ng maayos d’yan? Maingay.”
“Syempre pagkatapos! Saka, hindi naman siguro ’yan sensitive topic, right?”
“Hindi naman…”
“Okay! Hintayin kita rito mamaya. See you!”
Agad kong itinago ang phone ko sa aking bulsa at bumalik sa office ko. Tatapusin ko muna ang trabaho ko para makaalis na agad mamaya. I looked at my phone, someone is calling.
Izaac Kurt…
Tss. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito?
“Yes?”
“Hey, dude! Are you free tonight?”
“Nah… I have important things to do. Maybe next time,” I answered.
“Woah! You’ve been busy these past few days. Baka naman may serious girlfriend kana at itinatago mo lang?”
“Shut up. I don’t need a girl to be busy. You know how busy I am, dude. Just go. Ask Rio or Gav—”
“Tss. Kung sila lang dalawa ang magiging available, mabuti pang magsolo na lamang. I’ll ask Cassian first. Sige na.”
“Okay! Bye!”
After an hour, I closed my laptop and prepared myself for leaving my office.
“Justin, I need to go. If someone asks for me, tell them that I am busy. You can go home earlier too if you want,” sabi ko sa secretary ko.
“Yes, sir. Ingat po.”
Tumango lamang ako bago naglakad paalis ng office. Balak ko muna umuwi para maligo at magpalit ng kotse. Wala naman akong plano na sumalang sa racing ngayon pero para rin sigurado ay isa sa sports car ko ang dadalhin ko.
Nang makarating sa bahay ay hindi ko nakita si mommy. Kaya bago umalis ay tinawagan ko agad ito.
“Mom… Where are you, po?” tanong ko habang kinukuha ang susi ko.
“I’m with my friends, hijo. Why?”
“Okay, po. But please go home by nine, okay? Don’t drink too much. Don’t forget to call me when you get home.”
Rinig ko ang mahina nitong tawa.
“Yes, son. Don’t worry. You always remind me that, I will never forget my curfew,” natatawa na sabi nito.
“Mom…” I said in a warning tone.
“Okay! Okay! I’ll be home by nine.”
“No boys… Please…” nakikiusap kong usal.
“Yes, po…”
“Okay. Bye, mom. I need to go somewhere. See you later. Love you, po!”
“Okay! Take care! Love you more, son. Bye!”
I only have my mom… My dad left us to build a new family of his own. Tss. My mom got depressed and devastated because of him. So as long as I can protect her, I will. I don’t want her to get hurt again. I don’t want her to feel the pain again. I love my mom. And I don’t know what to do if I see her crying in pain again because of a man.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko palabas ng village namin. Half hour lang naman ang biyahe papunta sa RTC kaya agad akong nakarating. Rebolusyon agad ng mga sasakyan ang sumalubong sa akin. Pagka park ko ng aking sasakyan sa bakanteng parking space ay agad kong hinahanap ang ipinunta ko. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko ito sa kumpol ng mga tao na nakapalibot sa kotse niya.
Bago pa ako makalapit ay nag-alisan na ang mga tao hudyat na magsisimula na ang laban. Agad naupo ang lalaki sa bleachers kaya sumunod ako.
“Oh? Nandito kana pala! Akala ko mamaya kapa!” Nakipag fist bump lang naman ako rito bago naupo sa tabi niya. May katabi pa itong babae sa kabila na lumilingkis sa braso niya.
“Bakit hindi ikaw ang driver ng kotse mo, Darwin?” Tanong ko habang nakatanaw sa nakapilang mga sasakyan.
“Mas panatag ako kapag ang hinete ko ang driver. Panatag na mananalo,” mayabang nitong sabi habang nakangisi.
“Kampante ka masyado. Tss.”
“Of course! ’Yang mekaniko ko na ’yan ang lagi kong hinete at never pang natalo! Just watch, dude!”
May dalawang babae ang pumunta sa gitna na may hawak na magkaibang kulay ng panyo. Isang pula at isa ay asul. Nagsimula nang mag-ingay ang mga sasakyan. At nang umilaw ang signal light at naging kulay pula, agad ibinaba ng mga babae ang kanilang mga kamay na may hawak na panyo hudyat para sa pag-umpisa ng race. Apat na sasakyan ang nag-uunahan.
Darwin’s car is now in the second spot. His car drifts smoothly when it comes to the curves of the track. Hell! It’s in the first spot now, leading the way. The car hit the long drift smoothly on the last curve, which made its break make a loud noise because of a powerslide.
Woah! Impressive! Who the hell was that, driving Darwin’s car?
“Did you see that?” manghang-manghang tanong ni Darwin. Hindi naman ako sumagot at nakatitig lamang sa kanyang sasakyan.
Darwin’s car got first into the finished line.
“Wohooh!” masayang sigaw ni Darwin nang bigla itong tumayo. “Tara, dude! Sabi sa ’yo mananalo ako, e!”
Agad itong bumaba para lapitan ang kanyang sasakyan. Dahil curious din ako sa driver niya, sumunod ako rito palapit sa kanyang sasakyan.
Bumaba ang naka itim na racer suit sa pulang kotse ni Darwin. Nang hubarin nito ang racing helmet na itim ay parang bumagal ang pag-angat ng helmet sa kanyang ulo. Nakatalikod pa ito sa gawi ko kaya kahit pagbagsak ng kanyang buhok ay naging mabagal sa aking paningin.
A woman? Darwin’s driver and mechanic is a woman?! What the…
Natigilan ako sa paghakbang nang humarap na ang babae. Nakangiti na ito at nakipag apir kay Darwin.
“Boss! Ayos ba?” tanong nito kay Darwin.
Siya?
“Iba ka talaga! Walang kupas!” Sagot ni Darwin at inakbayan pa ang babae habang ang helmet ay hawak nito sa tagiliran.
That woman? I saw her once…in Darwin’s shop. Pero maamos siya no’n, gulo ang nakapusod na buhok at marumi rin ang suot na sirang pantalon. She looks different now…
A woman with wavy, long black hair; she is shorter than me, Morena, with a dimple in her right cheek. She looks like a Korean because of her chinky eyes and thin, pointed nose. Her cute and thin lips fit perfectly on her perfect set of white teeth.
“Dude! Meet my best friend, my hinete, my mechanic… Kael.”
Napakurap-kurap ako nang magsalita si Darwin. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sila. Napatingin ako sa babaeng ipinakilala niya. Nakaakbay pa rin ito rito.
His best friend?
The woman looked at me with her left eyebrow raised. She smirked. I think she remembers me. The way she looks at me now…
“Kael, meet my friend, Crius.”
“Nice to meet you…again, sir.” Tumango lamang ito sa akin parang lalaki. Maangas at nakangisi.
Ako lang ba o tunog sarkastiko talaga ang pagpapakilala niya? Tss. Mukhang masama pa rin ang loob niya sa huli naming pagkikita.
“Yeah…” tanging naisagot ko.
“Ano nga pala ang ipinunta mo?” Darwin asked. The girl named Kael is still looking at me, sarcastically.
“Can you find me a great mechanic for my main branch? The biggest one…”
“Woah! Hindi mo pa naman siguro kailangan ngayon ng sagot, ’di ba?” tanong nito.
“Yeah… Of course! Take your time. Just call me when you find one for my shop. That person you’ll suggest will be assigned to the main branch. So I hope you can send me the one who perfectly fit on this field…”
“Crap! Mukhang mabusising paghahanap ang gagawin ko sa mga kilala kong mekaniko para riyan. Nakakahiya naman sa one of the biggest and well known car dealer company here in the Philippines. Don’t worry… I’ll find the best for your company!”
“Sure! Thank you, Darwin!”
“Si Kael pa lang kasi ang sigurado akong best mechanics.” Sabi nito kaya napatingin ako sa babaeng katabi nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Kael. “Gusto mo bang lumipat sa mas kilalang shop?” tanong nito sa babae.
“No, thanks. Okay na ako sa shop mo. Mabait kang amo, wala ng ganyan ngayon.”
Parang iba talaga ang tono ng kanyang pagsasalita. Para laging may diin at nagpaparinig sa akin. Tss.
“I need the best mechanic, Darwin. She’s not fit for it.”
“Ha! Hindi talaga! Dahil mas best pa ako sa best. Baka ikayaman mo pa kapag ako ang naging mekaniko mo ro’n! ’Wag na, oy!”
“As if naman na gusto kitang kunin? Asa!”
“As if naman na gusto ko rin? Mas asa!”
“Wait nga! Have you guys met before?”
“Hindi!”
“No!”
Sabay naming sagot ng babaeng akala mo’y ipinaglihi sa pagkabilib sa sarili. Tss.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Darwin sa aming dalawa ng kaibigan niya.
“Hindi? Para kayong sasabog kapag maglalapat ng tingin, a!”
“I’ll go ahead, Darwin. Just call me if you have news. Thanks!”
“Mabuti pa nga! Para naman medyo umaliwalas naman dito. Tss. Maalinsangan, oh!” sinamaan ko nang tingin si Kael. Tinaasan naman ako nito ng isang kilay.
Tinalikuran ko na lamang sila bago ko pa siya mapatulan.
Napakayabang! Luminis lang ngayon at hinangaan sa galing sa pagmamaneho at pagiging mekaniko, akala mo na kung sino. Akala mo hindi nagmukhang taong grasa nang una naming pagkikita. Tss.
Chapter 3
“Napakayabang! As if it’s not tsamba!” Inis kong sabi habang nagmamaneho paalis sa lugar na iyon.
That woman! She’s getting into my nerves! Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa babae—wait, babae ba ’yon? Parang hindi naman. Tss.
Dumiretso na lamang ako sa bahay para maaga rin makapagpahinga. Pagkarating ko ay tinignan ko agad ang oras para malaman kung nakauwi na ba si Mommy. It’s already 9:30. I expected that my mom was already in her room, sleeping peacefully with her eye mask.
Tahimik na ang buong bahay. Wala na rin ang maids sa kusina, siguro ay nagpapahinga na sa maids quarter. Dumiretso ako sa taas kung nasaan ang room namin ni Mommy.
When I turned the doorknob slowly and opened it, a dark room welcomed me. When mommy sleeps, there is light somehow from her lampshade that is on the side table of the bed. However, you can’t really see anything now. “Mom?” I called softly at the same moment as there was a soft knock on her room. I can’t hear anything.
“Oh, shit! It’s already 9:30, Mom. Where are you?” tanong ko sa sarili. Binuksan ko pa ang ilaw para makasigurado na wala pa nga ito. Wala talaga.
Napakagat ako sa aking labi at agad na kinuha ang phone ko para tawagan si Mommy. Ilang segundo pa bago niya ito sinagot.
“Mom, do you know what time it is?”
“Son! I’m sorry.” Mahihimigan ang saya sa boses nito. Parang galing pa sa pagtawa.
“Where are you po?”
Nakahinga ako ng malalim. Mabuti naman at mukhang okay naman siya. Akala ko kung napaano na kaya wala pa.
“Paalis na rito, Hijo. Sorry. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kwentuhan namin. But yeah, don’t worry, pauwi na ako. Nandito na ang driver.”
“Okay po. I’ll wait for you here.”
“Okay. Bye!”
I just shook my head. I went down to the living room and went straight to the kitchen to make coffee. I texted Mommy’s driver first to be careful while driving.
Nang makatimpla ng kape ay naupo na muna ako sa sofa para roon na hintayin si Mommy.
“Si Mommy talaga. I could have been angry if I hadn’t noticed that she was having fun.”
Okay na rin ’to. Kahit papaano ay nakakalimot na siya sa sakit na binigay sa kanya ng ex niya. Mas gusto ko pa na ginagabi siya ng uwi dahil sa pakikipag bonding kaysa gabihin sa pag-iinom habang umiiyak.
“Hi there, Son!”
“You are late, Mom.”
“I apologize; I know. Hijo, I was enjoying myself, not realizing the time.” She planted a peck on my cheek and took a seat next to me. She closed her eyes and rested her head on my shoulder. I grinned. She really had fun, huh?
“It’s okay, Mom. I understand.” I kissed her head. “Magpahinga kana po sa room mo.”
Wala akong narinig na tugon kundi ang malalim na paghinga.
“That fast?” mahina kong usal. Napailing na lamang ako. Hinayaan ko lang siya sa balikat ko ng ilang minuto bago ko napagpasyahan na buhatin na lang si Mommy paakyat sa kanyang kwarto.
Binuhat ko si Mommy na parang sa mga bagong kasal, maingat at marahan.
“Mukhang kailangan mo na mag diet, mom.” Nakangiti kong sabi sa walang malay na si mommy.
I gently and carefully put her down on her bed. I bent down to take off her red shoes and covered her with her comforter.
Tumayo ako roon ng ilang segundo at pinanood siyang mahimbing na natutulog.
Taking care of you and showing you my love are things I will always be passionate about, Mom. But all of this is not enough for the life you have given me. Kulang na kulang pa ito para sa pagtitiis mo noon sa walangya kong tatay, huwag lang akong lumaki na walang ama. I promise you… I will never be like him.
KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa trabaho. Tinapos ko ang mga trabaho ko ng umaga at lumabas pagkatapos para naman sa lunch. Kaya lang ay natigilan ako sa may lobby nang makita ko si Darwin na prenteng nakaupo sa sofa habang palinga-linga.
Ano naman kaya ang ipinunta nito? Kausap ko lang siya kagabi, ah? Hindi kaya… May nahanap na siyang mekaniko?
“Darwin!”
“Hey! Buti naman lumabas kana sa lungga mo!” Natatawang sabi nito at tumayo sa pagkakaupo nang lapitan ko.
“May dala kana bang magaling na mekaniko?”
“Iyon na nga…” Panimula nito sabay kamot sa kaniyang batok, tila nag-aalangan o…nahihiya?
“What?”
“Ano kasi…”
Humalukipkip ako at pinakatitigan ang lalaki na kaharap. “Magsasalita ka ba o puputulin ko na ng diretso ang dila mo?”
“Ito naman ang bilis maubos ng pasensya. Kumalma ka nga!”
“Paano ako kakalma, e, para kang constipated na utal dyan! Ano bang problema?”
“Tss. Pwede bang maupo muna tayo?” Hindi ako sumagot at nagbuntong hininga na lamang bago naupo.
“May pa kape ba kayo rito?” Napataas ang kilay ko pero nginitian lamang ako ng mokong. Sa huli ay tumawag ako ng tauhan para magtimpla ng kape naming dalawa.
“Speak now, Darwin. I’m a busy person. Don’t waste my time.” Seryoso kong sabi at tinignan ko siya ng seryoso.
“Ganito kasi…” Umaayos pa ito ng pagkakaupo. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang problema niya. Bakit parang hirap na hirap siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.
“May ginawa ka bang kalokohan?” tanong ko.
“Huh?”
“Nagda-drugs ka ba?”
“Ano?!” Nanlalaking matang tanong nito.
“O… Nakapatay ka ba?”
Lalong nanlaki ang mga mata nito kumpara sa normal niyang bilugang mata. Luminga pa ito sa paligid.
“Anong sinasabi mo? Ganyan na ba kasama ang tingin mo sa akin? Sa itsura kong ito?” Itinuro pa nito ang kaniyang kabuuan.
Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Sa suot nitong puting polo na bukas pa ang tatlong butones, maong na pantalon na may nakalawit pang silver chain, naka black shoes at ang buhok ay kulay tanso. Maganda naman siyang lalaki pero hindi ko talaga gusto ang taste niya sa pananamit.
“Sa itsura mo…hindi naman. Medyo lang.”
“Ano?!”
“Pero kasi sa kilos mo kanina pa, balisa ka na para kang may tinataguan. Para kang maghahatid ng masamang balita. Tss.”
“Grabe ka talaga sa akin, dude!”
“Fuck, Darwin! Just spill it! Nakarating na ’yong kape pero wala ka pa rin sinasabi!”
“Wait!”
Kinuha muna nito ang kaniyang kape na kalalapag lang sa center table. Napaso pa ang mokong sa kaniyang katangahan. Tss. Pagbaba ng kanyang kape pabalik sa mesa ay tumikhim ito.
“May ipapakiusap kasi sana ako. Alam ko kasing mahihirapan akong kumbinsihin ka sa ipapakiusap kong ito sa ’yo.” Seryoso na ang tinig nito.
Nagsalubong ang kilay ko. “Ano ’yon?”
“Ahm… Pwede bang si Kael na lang ang kunin mong mekaniko?”
“Ano?!” Medyo napalakas pa ang boses ko.
Kael? ’Yong mayabang na babaeng iyon? No way!
“No, dude! No fucking way!”
“Makinig ka. Siya lang ang kilala kong bagay sa posisyon na hinahanap mo. Hinding-hindi ako mapapahiya sa ’yo, dude. Promise! Kaya niya lahat—”
“At wala akong pakialam, Darwin. Basta ayoko!”
“Please… Aalis kasi ako. May aasikasuhin ako sa ibang bansa kaya mawawalan siya ng trabaho. Dude, hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. May binubuhay siyang pamilya. Pagbalik ko, kukunin ko siya ulit sa ’yo. Babawiin ko ulit sa ’yo ang best friend ko.”
Binubuhay na pamilya? May asawa at anak na siya?
Nagbuntong hininga ako at napahimas sa aking sintido.
“Fine. Papuntahan mo siya rito para ma-interview.”
“Talaga? Salamat, dude!”
“Yeah, yeah!”
“May…isa pa palang problema…”
“Ano na naman?”
“Tulungan mo akong kumbinsihin siya.”
“What?! Fuck, Darwin! Hindi ko na problema ’yan! Bahala kana riyan!”
Chapter 4
Kanina pa ako nagpupuyos sa galit sa lalaking ’to. Masakit na ang panga ko sa kagagalaw dahil kanina ko pa gustong basagin ang mukha ni Darwin.
Ako ang boss tapos ako ang makikiusap sa babaeng ’to para lang maging mekaniko sa shop ko? Ha! Sabi ko never kong gagawin, e!
Pero ito at nandito ako sa shop ng hayop na lalaking ito para raw tulongan siyang kumbinsihin ang nag-iinarting babaeng ito. Akala mo naman bagay! Tss. Yung mukha kang gangster sa kanto tapos nag-iinarte? The fuck?!
“Ayoko nga, Darwin. Bakit ba pinipilit mo ako na pumasok sa shop ng lalaki na ’yan?” saad ng babae habang masama ang tingin sa akin.
Problema nito? Palagi na lang galit, para akong kakainin ng buhay. Tss.
“Kasi nga pansamantala ko ngang isasara ang shop na ’to. Hindi ba nasabi ko na sa ’yo na aalis ako? May aasikasuhin ako sa ibang bansa, Kael.”
“Oh? Pansamantala lang naman pala. Edi, maghihintay na lamang ako kung kelan ka ulit magbubukas. Problema ba ’yon?” Maangas na sagot ng babae bago naupo sa hood ng kotse na kanyang ginagawa.
Mayabang talaga!
Napabuntonghininga si Darwin na parang nauubusan ng pasensya bago tumingin sa akin. Prente akong nakaupo sa kaniyang lumang sofa habang naka de kwatro. Pinagtaasan ko ito ng kilay dahil hindi ko gusto ang tingin niya habang nakatingin ito sa akin. Parang may iba siyang naiisip na gusto ipagawa sa akin.
Tangina, Darwin! Ipupulupot ko talaga sa leeg mo ang silver chain na nakalawit d’yan sa pants mo!
“Alam mo kasi, Kael, kailangang-kailangan nitong si Crius ng kagaya mo sa shop niya.”
Nasamid ako sa sarili kong laway matapos marinig ’yon. Nang lingunin ko silang dalawa ay pareho ng masama ang tingin nila sa akin. Si Darwin na parang nakikiusap na sang-ayunan siya. At si Kael ay parang gusto na akong sunggaban para gilitan.
Oo kailangan ko pero hindi siya ang kailangan ko. Asa! Hindi ko kailangan ng mala dragon sa shop ko.
“Talaga ba?” Sarkastikong tanong ni Kael, nakatingin sa akin nang patagilid. “Parang hindi naman? Kayang-kaya na niya ’yon, Darwin, kaya hihintayin na lang kita.”
“Kailangan mo siya, ’di ba, Dude?” tanong sa akin ni Darwin na may makahulugang tingin. Pilit ako nitong pinatatango.
“Ha? Oo, sabi mo, e.”
Napatampal si Darwin sa kanyang noo.
“Alam mo, Darwin, ’wag na. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo.”
“Makakapaghintay naman pala siya, Dude. Hayaan mo na,” agad naman na sagot ko.
“Mas mabuti pang maghintay kaysa naman payamanin kita dahil sa galing ko!”
Napataas ang aking kilay sa kayabangan nito. Nang makita niyang apektado ako sa kanyang sinabi ay mas niyabangan pa niya ang tingin sa akin. Bahagyang kumurba patagilid ang labi nito.
“Ha! Baka lang hindi mo alam, Miss, mayaman na ako. Kahit wala ka ay mas yayaman ako!” pagyayabang ko pero mukhang hindi siya apektado.
“Talaga ba? Sa yaman mong ’yan, hindi ka makapagpahanap ng magaling na mekaniko?” she smirked.
Kung ibang babae ’to ay maangas ang datingan niya pero dahil SIYA ’yan, mukha lang siyang mayabang para sa akin!
Sinusubukan talaga ng babaeng ’to ang pasensya ko. Magsasalita na sana ako nang bigla muli itong magsalita.
“Sabagay, iisa lang kasi ako sa mundo kaya mahihirapan ka talaga.” Mayabang pa nitong dugtong. Tumalon ito para makababa sa hood ng kotse at mayabang na naghalukipkip. Napaupo ako ng maayos.
The nerve of this woman! Ang liit-liit na babae pero ang kaniyang yabang ay mataas pa sa kaniya!
“Masyado kang bilib sa sarili mo, babae. Napuri ka lang nitong kaibigan mo, akala mo naman ganun na ang tingin ng lahat sa ’yo?”
“Hindi lang siya ang nagsabi at nakakaalam na magaling ako. Marami!” Bawat kilos niya ay may yabang na dating… O, sa akin lang?
Saan ba niya hinuhugot ang napakadami niyang baon na yabang?
“Maybe they’re those people who were your clients. Of course they would say that.”
“Luh! Ba’t nag-e-english? Pangit mo naman ka bonding, boy!”
Nagsalubong ang kilay ko. “Me? A boy?”
“Oh, bakit? Ano ba ang gusto mo? Girl? E, bading naman pala ang isang ’to, e!” sabay tingin nito sa katabi nitong kanina pa ata nagpipigil ng kanyang tawa. Namumula na ang mukha ni Darwin at panay ang tikhim.
“Ako? Bading? Are you out of your mind?! Kanina kapa, a!” Napatayo na ako dahil sa nararamdaman kong inis sa babaeng ito. Agad naman na gumitna si Darwin.
“E, maligalig ka palang kausap! Tinawag kitang boy, ayaw mo. Ngayon, tinatanong kita kung gusto mo girl, nagagalit ka pa rin? Ano? Sa edad mong ’yan hindi ka pa rin ba sigurado sa kasarian mo? Tanda mo na, oy!”
“The fuck?! What is wrong with you?!”
“Dude dude dude! Wait! Kalma! Babae ’yan!” awat sa akin ni Darwin nang akmang lalapitan ko ang kaibigan niya.
“Babae? Sino? Yan?” tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, “saang banda?”
Mukhang siya naman ngayon ang nagalit at susugod sa akin kaya agad siyang niyakap ni Darwin.
“Aba’y gago ’to, a!”
“Kael, tama na! Ano ba!”
Kailangan ba talagang payakap ang awat kapag sa babae? Tss.
“I’m done, Darwin. Hindi siya ang kailangan ko sa shop ko.”
“Dude, wait. Pag-usapan natin ng maayos.” Tumingin naman ito sa babae. “Kael, please… Kumalma muna kayong dalawa. Paano tayo magkakausap ng maayos kung puro kayo bangayan? Para kayong aso’t-pusa.”
“Pagsabihan mo ’yang kaibigan mo, Darwin. Ako pa rin ang boss sa shop na gusto mong pasukan niya. Hindi naman pwedeng mas matapang pa siya sa boss niya. Kung sa ’yo okay lang ’yang ganyan, sa akin hindi.”
“At sino naman ang may sabing magiging boss kita? Hindi nga ako sang-ayon na maging mekaniko mo—”
“Kael!”
Natigilan ang babae sa bahagyang pagtaas ng boses ni Darwin. Seryosong-seryoso na ang mukha nito habang nakatingin sa kaibigan. Samantalang ang babae ay nakasalubong pa rin ang kilay na nakatingin sa akin at unti-unting bumabaling ang tingin sa mukha ni Darwin na parang nagulat.
Napalunok si Darwin nang unti-unting naging malamig ang paraan nang pagtingin ng babae. Ang kaninang galit at mapang-asar niyang mukha ay hindi ko na makita ngayon. Kahit ang kanyang mga mata na sumasabay sa pagngiti ng labi niya ay naging walang buhay.
“Kael, please… Kailangan kong umalis at kailangan mo ng trabaho—”
“Kailangan ko ng trabaho, oo. Pero hindi ko kailangan maki-fit in sa mundong hindi naman ako nababagay. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa ’kin.” Malamig nitong tugon. Tinignan ako nito mula sa gilid ng kanyang mga mata bago padarag na umalis sa shop na yon.
“Kael!” tawag pa sa kanya ni Darwin pero hindi niya ito nilingon.
Hindi ko alam kung bakit pero, parang nakaramdam ako ng hiya sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko may malalim na hugot ang binitawan niyang salita.
Wait… Bakit parang kasalanan ko na ngayon? Siya ang unang nang-away sa aming dalawa, a?
“Pasensya kana, dude. May trauma kasi siya sa mga taong… inayawan siya. Pero sana huwag mo muna ibigay ang posisyon na ’yon sa iba. Kakausapin ko na lang muna siya. Pasensya na talaga.” Nagtatakbo na ito para siguro sundan si Kael.
Sa haba ng kanyang sinabi, ang tumatak sa akin ay ang trauma raw ni Kael. May ganoong trauma pala? Pwede pala talagang ma trauma ang isang tao sa ganoong treatment ng iba sa kanila? And she’s the living proof. She was traumatized by how people treat her… That was… sad…
Kahit na naiinis ako sa yabang niya, nakakaramdam pa rin ako ng awa. Pero mas napansin ko ang mabilis na pagpapalit niya ng mood.
She’s moody. Talent ba ’yon ng mga babae? Tss.
Chapter 5
Dahil naiinip na ako sa kahihintay sa dalawa ay umalis na lamang ako. Maaga pa naman kaya napagpasyahan kong pumunta sa bar ni Cassian. At kung minamalas ka nga naman ay nandoon din pala ang dalawang mokong na si Rio at Gav.
“Hey, lover boy! Long time no see!” agad na bati sa akin ni Gav. Nakipag fist bumped ako sa mga ito nang makalapit na ako.
“Oo nga. Ano ang pinagkakaabalahan mo at hindi kana nakikipag date sa amin, ha?”
Napalingon ako kay Rio dahil sa narinig.
“Date your ass!” Tinawanan lang ako ng mokong.
Natigilan si Cassian na sana ay dadaanan lamang ang table namin nang makita ako.
“Hello my friend!” bati ni Rio rito. “Sabi ni Kurt!” dugtong pa nito sabay ngisi. Napailing na lamang si Cassian at nilingon muli ako.
“Problem?” he asked.
“Nothing…”
“Then, what bad air brought you here?” he asked again then looked into his metal wrist watch. “It’s too early, dude.”
“Bakit kami ni Gav hindi mo tinatanong ng ganiyan? Favoritism na ba tayo rito?” naghihimutok na saad ni Rio.
“Oo nga. Parang hindi friend!” agad naman na second the motion nitong si Gav. Ayaw talagang patalo. Tss.
“Sanay na ako sa inyong dalawa. Gawin niyo ba namang rest house ’tong bar ko pagkakatapos niyo sa trabaho niyo!” said Cassian.
“Grabe siya!” ani Rio.
“Where’s Kurt?” tanong ko na lamang. Naupo naman sa tapat ko si Cassian.
“Wala pa akong balita.” Sagot niya kaya sa dalawang itlog ako tumingin.
“Ayon! Dinadama pa rin ang pagiging heart broken kahit hindi naman naging sila.” Si Gav ang sumagot bago uminom sa bote ng beer na hawak nito.
“Pwede pala ’yon?” tanong ni Rio kay Gav.
“Ang alin?”
“Ang ma broken hearted kahit hindi naging sila? Parang tanga naman ang ganoon?”
“For someone who becomes that attached, even if they aren’t in a relationship, it’s a reasonable emotion. You wouldn’t understand,” I explained.
Napakurap-kurap ang dalawa habang nakatitig sa akin. Natawa naman si Cassian dahil sa itsura nang dalawa.
“Alam mo, kapag ikaw ang nagsasalita sa atin, parang napakasama naming tao ni Gav. Grabe kana sa amin. Para kang si Kurt. Insecure siguro kayong dalawa sa amin, ’no?” Parang may sama ng loob ang unang pananalita nitong si Rio pero biglang naging mayabang. Hindi na talaga maiiwasan.
“At saan namang parte kami mai-insecure sa ’yo?”
“Sa…” napaisip ang mokong. Matagal.
“Tss.” Nasabi ko na lamang dahil wala siyang maisip.
“Mahirap mag-isip kung wala kang isip. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo, dude.” Tinapik-tapik ni Gav ang balikat ni Rio. Sinamaan naman siya nito ng tingin.
Umorder na lamang si Cassian ng alak para sa aming apat at nag tuloy kami sa pag-uusap.
Naaawa ako kay Kurt dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na babalik ang secretary niya. Tinulungan naman namin siya pero sadya talaga sigurong kapag ayaw magpakita ay hindi mo talaga mahahanap. First time ma in-love nang kaibigan naming iyon tapos sa maling tao pa.
Siya ang kauna-unahang nag seryoso sa amin sa isang babae. Pero parang mas gusto kong makita na ma in-love ang dalawang ito sa harapan ko tapos ay iiwan din. Tatawanan ko talaga sila.
Madalang na kaming makumpleto. Bukod sa busy sa aming mga trabaho, may isang parang naiwala ang sarili ng dahil sa babae. Tss. I refuse to allow myself to suffer that fate due to a woman. I don’t give a damn if you don’t like me. Go find a man who is capable of loving you as much as I do. Hindi kita kailangan pilitin. At hindi kita hahabulin.
DAYS have passed since the day I talked to Darwin. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa dalawa kung nakumbinsi ba ni Darwin ang mayabang na babaeng iyon.
Who cares anyway? Tss. Sino ba ang magugutom dahil walang trabaho? Ang arte!
“Sir, gusto ka raw po makausap ng mommy niyo.” Ito ang bungad ng secretary ko sa akin pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa company building.
“Kailan daw ba?”
“Ngayon po. Nasa office niyo na po.”
Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang lalaki.
“Kanina pa?” tanong ko.
“Mga 30 minutes na po siguro.”
Napabuntong hininga na lamang ako at tumuloy na patungong elevator. Hindi sa bahay natulog si mommy dahil kasama niya ang ilan naming kamag-anak sa isang party. Nakakapagtaka rin na sinadya pa niya ako rito para lamang makausap kung pwede naman sa bahay na lang mamaya.
“Mom…” agaw pansin ko rito pagkapasok ko sa aking office. Agad itong ngumiti. Nilapitan ko ito at hinagkan sa noo. “What brought you here?” tanong ko pa.
“I just want to talk to you, hijo. Are you busy?” she asked. Naupo naman ako sa swivel chair ko habang nasa sofa naman si Mommy.
“Not that busy, mom. Is it really important? I mean, is that an important matter you want to talk to? Hindi po ba makapaghintay na sa bahay na lang pag-usapan?”
“I’m just this excited to tell you something, that’s why I went here early today.”
Nagtataka na ako sa maganda nitong ngiti. Sorry to say this mom but, her smile gives a creepy vibes. Iyon bang tulad sa mga movies kapag may balak na masama? Ganoon.
Napaupo ako nang maayos sa aking kinauupuan. Lumipat naman si Mommy sa may upuan sa harapan mismo ng table ko nang nakangiti. Kinabahan na ako.
“Uhm… M-Mom… What do you want?”
“Relax, hijo.”
“How can I relax with your creepy smile, Mom?”
“What? Creepy? Am I creepy?” Hinawakan nito ang kanyang pisngi.
“No. Forget it. Let’s proceed with your concern. So, ano po ba ’yon?”
Nagpalumbaba ito sa aking mesa at ngumiti na naman. “Do you remember your ninang? Ninang Lussi?”
She’s referring to my godmother and also her best friend. I’ve never seen her after college because they migrated to Canada. She’s my closest ninang.
“Yeah. But what about her?”
“Uuwi siya, hijo. And, kasama niya ang kanyang anak. Remember Jassie? Her unica hija? She’s your age or a year younger than you, right?”
Bakit parang alam ko na kung saan patungo ang usapan na ’to?
“She’s… two years younger, mom. Yeah, I remember her.” We weren’t exactly best friends, but we got along just fine. We talked politely to one another. She used to be polite to me, therefore I never treated her badly.
“Did I sense it correctly?” I enquired. “I bet you want me to go out with her?” She grinned broadly.
Oh come on!
“You got it right, hijo! You are so smart like me!” tumatawang sabi nito.
Tumayo ako humarap sa glass wall sa likod ko. Nagbuntong hininga ako bago muli humarap sa aking ina. “Mom… Alam niyo naman na ayoko sa mga reto na ganiyan, ’di ba? Akala ko po ba pumayag kayo na hindi niyo ako irereto kahit kanino?”
“Yeah, I know. Pero kasi wala kapa ring girlfriend o dine-date manlang, hijo. Ano bang plano niyo magkakaibigan? Patagalan maikasal? My gosh! You guys are not getting any younger!”
Kung alam mo lang, Mom. Busy sa ibang bagay ang mga kaibigan ko. Sa babae pa rin naman pero hindi para makipag-date. Tss.
“Mom, I’m just 25. Hindi naman po ako nagmamadali—”
“Pero matanda na ako, Crius. I want a baby boy from you. Pwede rin naman baby girl—”
“Mom!” bulyaw ko. Nagulat naman ito.
“What? Sinisigawan mo ’ko?” Nakataas na kilay na tanong nito. Napaupo ako pabalik sa swivel chair ko.
“H-Hindi po. Pero, mom. Bakit nasa anak kana agad? Wala nga akong girlfriend, ’di ba?”
“Exactly! Kaya nga ide-date mo ang anak ng ninang mo. Getting to know each other more. Matagal na rin naman nang huli kayong nagkita. I want you to date a fine and classy woman, like Jassie.”
Minsan na nga lang mag request ’tong nanay ko ’yong hindi ko pa magugustuhan na gawin. Ayoko talaga sa mga reto. Ayoko talaga ’yong pinagkakasundo lang.
“Please, hijo? Just give it a try. Kapag hindi talaga nag work, fine. Hindi ko siya ipipilit. Pero gusto ko kung hindi man kayo mag work ni Jassie ay maghahanap ka ng babae na kasing classy niya. ’Yong mayumi kumilos, dalagang-dalaga.”
“Bakit may requirements, mom?” nababagot kong tanong. “Hindi ba pwedeng kung sino ang nakakapagpasaya sa akin regardless of her looks and status in life?” I commented. “I want a woman with words. A woman who can stay no matter how hard life is to be with me. A woman like you, mom. May paninindigan. A woman who, despite seeing the worst of me, will decide to stay.”
My mom was somewhat taken aback. She proudly gazed at me. Later, she began to cry, but her lips curled into a tiny smile. I went over to stand by her side and gently dabbed at her tears.
“But I’ll try dating Jassie for you. However, I pledge never to guarantee that it will work. As your son, I only want to fulfill your first request for me.”
Tumango-tango lamang ito bilang sagot bago ako niyakap sa aking bewang. Nakatayo ako sa kanyang harapan habang nakaupo pa rin siya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok bago ito dampian ng magaan na halik sa tuktok ng kanyang ulo.
I love you, mom… I only have you.
Chapter 6
Mom told me that Ninang Lussie and Jassie will come back here next week. So, ibig sabihin ay kailangan maging maluwag ang schedule ko by that time. And my problem is…hindi ko pa rin alam ang plano sa naging usapan namin ni Darwin. Almost one week na rin nang huli ko silang nakausap pero hindi pa rin tumatawag ang mokong kung ano na ba ang plano ng kaibigan niya. Dahil kung wala ay hahanap na ako ng iba para sa posisyon na iyon.
Sa mga lumipas na raw ay madalas na rin akong hindi sumasama sa mga kaibigan ko. Hindi rin nila alam ang tungkol sa gusto ni mommy na pakikipag date ko kay Jassie. Kilala nila si Jassie, actually, naging crush nga siya nang isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung ipapaalam ko pa sa kanila na uuwi ito.
Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na lamang ang aking sarili na nagmamaneho patungo sa shop ni Darwin. Siguro para alamin kung nakaalis na siya? Yeah. Iyon nga.
“He’s still here?” tanong ko pagbaba ng aking sasakyan. Bukas ang shop ni Darwin kahit walang customer kaya sa tingin ko ay nandito pa siya.
Pumasok ako sa loob ng shop at napalinga sa paligid. Walang tao at walang kahit isang customer. Pero may ilang tools ang nakakalat sa sahig at may mahinang music na nanggagaling sa maliit na speaker na may rainbow color na ilaw, nakapatong sa isang mesa.
“Hoy!”
“Shit!” bulyaw ko dahil sa gulat. Bigla na lamang may nag hoy mula sa may likuran ko. Napapikit ako sa inis dahil sa pagkabigla. Hindi pa man ako lumilingon ay naglalakad na patungo sa aking harapan ang nagmamay-ari ng boses.
Hindi siya gaano maamos ngayon. Hindi rin nakapusod ang mahaba nitong buhok na medyo kulot. Napansin kong may kulay pala iyon sa ilalim na kulay pula. Naka itim ito na top tunk at cargo pants na kulay kaki. Nakatingin ito sa akin ng malamig dahilan para umurong ang inis ko dahil sa pagkakagulat. Naalala ko bigla na hindi nga pala maganda ang huli naming usap.
“Ang daming pwedeng maging buena mano ko, ikaw pa? Ang aga namang malas. Tss.” Tila dismayado nitong sabi habang napapailing pa.
Nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi nito.
“What? I’m not here to be your customer, Miss Minion!”
Nagtagis ang bagang nito at masama akong tinignan. Parang ano mang oras ay susunggaban na ako sa kinatatayuan ko.
“Minion? Pauso ka rin, e, ’no?”
Pigil na pigil ang ngiti ko. “It suits you. Ang liit liit mo pero ang ingay-ingay mo. Tss.”
“Alam mo, ke aga-aga pero nandito ka at naghahatid ng malas. Ano ba ang kailangan mo? Kung hindi ka naman magpapagawa, ano’ng kailangan mo?”
Napakayabang talaga ng babaeng ’to! Mukha namang okay na siya dahil nakakapagyabang na ulit.
“Malamang hindi ikaw ang ipinunta ko rito,” saad ko. Pinagtaasan ako nito ng kilay at naghalukipkip pa ng kanyang mga braso.
“Ah, talaga ba? Kunwari kapa, e, magpapapansin ka lang naman.”
“What? Ha! At kanino ako magpapapansin? Sa ’yo? The hell! Asa!”
“Wow, ha! Kung maka asta ka parang lugi kapa? Huwag ako, oy! Wala ka namang ibang sasadyain dito.”
Iba rin talaga ang bilib nito sa sarili niya. Lalo na siguro kung ang ganda niya ay nahihilera sa ganda nina Anne Curtis. Lalo na siguro nagyabang ’to. E, kahit ata paltos sa paa nun hindi pa siya umabot. Tss.
“Woah! You are praising yourself so much. I won’t waste my time for you, Minion!”
“Ang aga-aga umi-english kana naman! Pwede ba? Maaga pa! Kaunti lang ang baon ko, uubusin mo pa?”
Nagsalubong ang kilay ko. “What?”
“ What? “ panggagaya nito, nang-aasar. “Watawat! Puro ka what ! Leche Flan ka!” inis na sabi pa nito. “Anong kailangan mo? Kung hindi mo pa alam, bumatsi na si Darwin nang isang araw pa!”
“Buma-what?” naguguluhan kong tanong. Para naman itong nauubusan ng pasensya.
Same here, Minion!
“Anak ka ng kulog! Puro ka what ! Bumatsi! Lumipad, lumayas, nag flight na. Ano pa? Ang bobo mo naman kung hindi mo pa na gets!”
“Hey! Watch your words!” Pero ang minion na ito, lalo pang nang-asar. She make face, mocking me.
“Sandali nga, kung umalis na si Darwin, bakit bukas pa rin ang shop niya?” seryosong tanong ko. Naglakad ito na parang isang model palapit sa sofa na nandoon habang nasa bulsa ng kanyang cargo pants ang kanyang dalawang kamay. Pabagsak itong naupo at tinignan ako ng seryoso.
“Alam mo, kapag ikaw ang kausap ko, parang napaka talino ko. Tss. Malamang, nakikita mo naman na nandito ako, ’di ba? Edi, iniwan niya sa akin. Susginoo ka!”
More patience, please… Calm down self.
“Ipinagkatiwala niya sa ’yo ang shop niya?”
“Aba! Anong palagay mo sa ’kin? Kawatan? Sira ulo ka ba? Matagal na kaming magkaibigan ni Darwin at madalas niya iwan sa akin ang lahat ng pag-aari niya.” Naupo ito ng maayos at nagsimulang pusudin ang kaniyang buhok habang nakatitig sa ’kin. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa pagkailang.
Kung gaano kami kadumi mag-usap ng mga kaibigan ko minsan, mas malala pa pala ang isang ’to. Literal na dirty talk ang tabas ng dila. Tss.
“Ganoon naman pala. Bakit kapa niya inihabilin sa akin?” Natigilan siya sa ginagawa na sakto namang tapos na ata. Medyo pinaningkitan niya ako ng kanyang singkit na mga mata.
“Inihahabilin ako ni Darwin sa ’yo? Ano ako, bata?”
“Sa trabaho, minion. Dahil kailangan mo raw ng trabaho habang wala siya kaya inihahabilin ka muna niya sa akin.” Naglakad ako palapit sa gawi niya at naupo sa silya na katapat lamang niya.
“Inalok ba kitang maupo?” seryosong tanong nito kaya agad akong tumayo ulit. “Maupo kana. Baka sabihin mo naman ang sama ng ugali ko.”
Naupo ako ulit. “Hindi pa ba ng lagay na ’yan?”
Pinagtaasan ako nito ng kilay kaya inilinga ko agad ang aking paningin sa paligid ng shop. Baka hindi na ako makalabas ng buhay dahil sa talim ng kanyang tingin.
“Tigilan mo katatawag sa akin ng minion dahil baka ’di kita matantya! Saka, kaya ko naman mag-isa rito sa shop niya.”
“You’re still a woman. You wouldn’t know what other men would do to you when you are all alone here.”
“Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako kagaya ng ibang babae na puro paganda lang ang alam at puro pa cute. Huwag mo akong igaya sa kanila,” seryosong saad nito.
Sa nakikita ko nga ay kakaiba naman talaga ang personality niya sa ibang babae. Hindi ko naman minamaliit ang kaya niyang gawin pero hindi rin niya pwedeng maliitin ang kayang gawin ng mga lalaking may masamang balak.
Wait… Why do I care anyway? Tss. Siguro dahil kay Darwin, sa pakiusap nito. Tama.
“Wala naman akong sinabi na hindi mo kaya ang sarili mo. Ang akin lang, hindi mo rin alam kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki. Lalo na kung may masamang plano hindi lang sa ’yo kundi pati na rin sa shop ni Darwin.”
“Sus! So, ang concern mo talaga ay ang shop ni Darwin hindi ako? Dami mo pang sinasabi!”
“Huh? Syempre sa ’yo rin-”
“Bakit ka concern sa ’kin? Aber?”
“Dahil nga ibinilin ka sa akin ni Darwin,” sagot ko.
“Trabaho ko ang concern niya kaya niya ako binilin sa ’yo pero hindi niya ako pinababantayan sa ’yo.”
Hindi ako makapagsalita. Oo nga pala. Tss. Sinabi ko bang babantayan ko siya? Parang hindi naman? Hindi nga ba?
Tumayo ako at kinuha ang calling card ko at inilapag sa mesa na nasa pagitan namin. Tinignan niya ito bago tumingala sa akin.
“Kung magbabago ang isip mo, just call me. Mahirap magtrabaho ng mag-isa lalo na kung inaabot ng gabi. Baka ako pa ang masisi ni Darwin kapag may nangyari sa ’yo.”
I didn’t wait for her answer and left that shop. When I got into my car, I felt as if I had been holding my breath for a while.
“Saan ba galing mga pinagsasabi ko? Ano namang pake ko kung mapahamak ang mayabang na ’yon? Tss.”
Pero kapag minamalas ka nga naman…
“Shit! Bakit ayaw mag start? Bakit ngayon pa?”
Chapter 7
“Ugh! What the fuck is wrong with this day?! Of all the places na pwede akong masiraan, dito? Dito pa talaga?!” Napahampas ako sa aking manibela dahil sa frustration.
I’d try and try several times but still, it won’t start!
“Kung tatawag ako sa mga staff ko sa shop, hassle para sa kanila dahil medyo malayo ’yun dito. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang ’to rito. Ahhh! The hell! I can’t even think better!”
Napayuko ako sa aking manibela. Nagsisimula na rin akong pawisan sa loob.
Think! Think! Think!
“Bullshit!” Napabalikwas ako sa gulat nang bigla na lamang kinatok ng malakas ang bintana ng aking sasakyan. Kung makakatok ito sa salamin ng bintana parang gusto ng basagin.
Nang makita ko kung sino ang may gawa nun ay nag salubong ang kilay ko.
“What the… Bakit ba ang hilig manggulat ng minion na ’to? Ang bigat ng kamay!”
I opened the door and immediately went out.
“Hoy! Bakit hanggang ngayon nandito kapa rin? Ano ka, nagawa ng music video sa loob ng sasakyan? May pasubsob effect?” nang-aasar na saad nito.
“Hoy rin! Bakit ba ang hilig mong manggulat? Basta ka na lamang nasulpot.”
“Kakakape mo ’yan! Kape pa! Hindi naman ako nanggugulat, nerbyoso ka lang! Kanina pa ako nakatok nang mahina hindi mo naririnig kaya medyo nilakasan ko ng kaunti.” Paliwanag nito.
“ Medyo nilakasan ? Kaunti ? Medyo pa lang ’yon sa ’yo, e, halos basagin mo na nga ang bintana ko sa lakas?“ Napahawak ako sa aking bewang habang ang isang kamay at itinuturo ang aking sasakyan, gigil na nakikipagtalo sa babaeng ito.
She looked at my window and examined it like she was a detective. Tss.
“Ang OA mo sa part na halos mabasag, huh? Imbento ka! Napakahina pa nga nun, e. Dahil kung malakas ’yan, malamang wala ng salamin ’yan ngayon. Gusto mo ba subukan ko?”
At nang makita ko na umangat na ang kanyang braso at handa ng hampasin ang aking bintana ay agad ko syang inawat. Hinawakan ko ang kanyang pulsuhan.
“Hey! Hey! Hey! Stop! What the hell is wrong with you?!” bulyaw ko rito.
“Ipapakita ko lang yung pinagkaiba ng mahinang katok at sa malakas kong katok. OA ka, e.” Bwelta nito habang nakatingala sa akin.
Doon ko napansin na medyo malapit pala kami sa isa’t isa. Hawak ko ang kamay niya na nakataas pa rin hanggang ngayon. Dahil naka tank top lang siya na itim, kitang-kita na ngayon ang makinis at maputi nitong kili kili. She noticed where I looked at so she immediately withdrew her hand.
“Mabango ’yan at malinis!”
“May sinabi ba ako?” bawi ko.
“Mapanghusga ’yang mga mata mo, e!”
“What? Of course not! Sa ’yo nga, bibig mo ang mapanghusga. Ang sarap linisin,” bulong ko sa huling salita na ikinatigil ko. Nagulat din sa aking sinabi.
“Ano?”
“W-Wala!”
“E, bakit nga nandito ka pa? Nag-e-emote sa kotse mo?” Sumandal ito sa aking sasakyan at naghalukipkip.
What the fuck is emote? Short for emotion? Or, emoticons?
“Hoy!”
“Hoy!” sigaw ko rin sa gulat. Natigilan siya at mayamaya ay bigla na lamang humagalpak ng tawa.
Weird!
I stared at her for a moment. She’s better when she smiles.
“Alam mo ikaw? Ginagawa mo sigurong tubig ang kape, ’no? Bawas-bawasan mo ’yan!” tumatawa nitong sabi.
Napatikhim ako at ibinaling ang tingin sa harapan, sa hood ng aking kotse. “I love coffee, pero kapag nagtatrabaho lang ako.”
“Oh? Hindi halata sa ’yo!” Pilit na pinapakalma ang sarili mula sa pagtawa.
“Why?”
“Lagi kang nagugulat, e!”
“Tss.”
Ang hirap naman nito. Paano ko ba sasabihin ang problema ko? Baka imbis na tulungan ako ng isang ito ay tawanan lang ako at asarin.
“Hindi mag start ang kotse mo?” Agad akong napatingin sa kanya. Mula sa kotse ko ay ibinaling din niya ang kanyang tingin sa akin. Nang hindi ako naka sagot ay pinagtaasan ako nito ng kilay.
Paano niya nalaman?
“P-Paano mo nalaman?”
“Doctor ako,” simpleng sagot nito.
Nagsalubong ang kilay ko. “Doctor?”
Nagpapatawa ba sya? Hindi bagay sa kanya maging doctor. Baka mamaya kapag hindi niya na revive ang pasyente ay uminit ang ulo nya at pasyente pa ang sisihin. Tss. Kalokohan—!
“Doctor ng sasakyan! ’Yang mga mata mo talaga judgemental, e. Sino ba ang gumagawa kapag may sira ang sasakyan?” Nakapamewang na tanong nito sa akin.
“Mekaniko.”
“Korekok!” Humampas pa ito sa aking sasakyan bago ako itinuro.
Korekok? Tunog palaka. Bakit may sariling language ’to?
“Parang tao lang din ang mga sasakyan natin. Nagkakasakit sila at kailangan ibisita sa doctor nila kapag masama ang lagay, at ’yun ay ang mga mekaniko.”
Oo nga ’no?
She opened my car and got inside. I was surprised that she didn’t ask if I needed help. Kagaya ng ginawa ko kanina ay ilang beses din nyang in-start ang sasakyan ko pero hindi pa rin gumana. Mayamaya lamang ay lumabas na rin ito. Napatingin ako sa kanyang noo na may butil butil na pawis. Napakapa ako sa bulsa ko kung may panyo, meron, pero… ’Wag na lang. Baka masuntok ako nito.
“Mukhang battery ang sakit nito,” sabi pa nito habang binubuksan ang hood ng aking sasakyan. Sumunod naman ako at nakisilip.
“Battery? Paanong nangyari?”
“May naiwan ka sigurong bukas na ilaw rito. Baka head light,” saad nito.
“So, ano ang dapat gawin?”
Itinaas nito ang kanyang paa at itinuntong sa nakabukas na hood ng kotse, ipinatong ang knyang siko na parang lalaki.
“Akala ko ba may talyer ka?” salubong ang kilay na tanong nito.
“Yeah.”
“E, bakit hindi mo alam ang gagawin?”
“May mga mekaniko ako, hindi naman ako ang gumagawa.” I explained but she raised an eyebrow at me and smirked slightly.
“Iba ka rin, e, ’no? Nagtayo ka ng talyer pero hindi ka marunong mag gawa?”
“Sasakyan ang business ko. Nagbebenta ako ng mga sasakyan kaya kailangan ko rin ng mga mekaniko. Saka, marunong naman ako pero… Konti lang,” mahina kong sabi sa huli.
“Tsk! Hindi sapat ’yang konti lang. Gumagamit ka ng sasakyan kaya dapat pag-aralan mo rin. Para kahit saan ka masiraan ay may idea ka kung ano ang dapat mong gawin.” Pangangaral nito sa akin.
“O-Okay.”
“Samahan mo ako sa loob.”
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Bakit? A-Anong gagawin namin sa loob?
“Hoy! Magpapausong lang ako sa ’yo sa battery na gagamitin ko pang parallel dito sa sasakyan mo. Linisin mo ’yang utak mo, ha! May walis at dustpan dito.” Tinalikuran ako nito at nauna na sa loob ng shop ni Darwin.
Napakurap-kurap ako. Bakit ang bilis nyang malaman ang naiisip ko kapag tinititigan nya ’ko?
Teka… Wala pa naman akong iniisip na masama, a? Mapanghusga talaga ang bibig! Tss.
Sumunod ako sa loob at tinulungan syang buhatin ang isang battery ng sasakyan palabas. Bumalik muli ito sa loob at paglabas ay may dala na itong jumper wire. Pinagkonek niya lamang ang nilabas niyang battery sa battery ng aking sasakyan gamit ang jumper wire. Ipinaliwanag pa nito sa akin para raw alam ko na sa susunod.
“Pumasok ka sa loob at i-start mo hanggang sa magtuloy-tuloy.” Sumunod naman ako sa utos nito at ginawa ang kanyang sinabi.
Finally! It has started!
“Sa susunod i-check mo muna kung may maiiwan kang bukas na ilaw bago ka bumaba ng sasakyan. Kung matagal na ’yang battery mo, palitan mo na.”
“S-Salamat…” Natigilan ito at nakatitig sa akin. She just smirked before turned her back on me.
Suplada! Nag thank you na nga!
Tinulungan ko syang ibalik ang mga ginamit pabalik sa loob ng shop.
“Ako ang buena mano mo, ’di ba? How much, then?”
“Huwag na. Hindi naman ganun kahirap ang ginawa ko,” she answered while wiping her sweat.
“Kahit na, naabala pa rin kita.”
“Kapag pinilit mo ang gusto mo, bubutasin ko ang gulong ng BMW mo.” Seryosong pagbabanta nito.
“What? Ang brutal mo naman sa sasakyan ko! Ayoko lang naman magka utang na loob kahit kanino.”
“Tumutulong ako hindi para magbigay ng utang na loob kahit kanino. Minsan lang ako mabait, mamaya lang, expired na ’to kaya ’wag kang makulit. Alis.”
Bakit kahit naiinis ako sa kanya, hindi ko pa rin maitanggi sa sarili ko na palagi akong pinapahanga ng babaeng ito sa iba’t ibang paraan.
Pero… Bakit parang aso naman ako kung itaboy? Nag expired agad yung good side nya? Ang bilis naman!
“Alis na!”
“Ito na nga, aalis na! Para kang nagtataboy ng aso.” Reklamo ko habang naglalakad na paalis doon.
“Ingat sila sa ’yo!” sigaw nito.
Chapter 8
“Ito na ba ang lahat ng sasakyan na inorder natin?” tanong ko.
“Yes, sir.” Sagot naman ni Justin na nakasunod sa aking paglalakad habang isa-isa kong tinitignan ang bagong dating na mga sasakyan.
“May mekaniko na ba na naka duty para i-check ang mga ito?”
“Ahm…”
Natigilan ako sa paglalakad at tinignan si Justine na bigla namang yumuko.
“What? Is there any problem?”
“Sir, busy po ang lahat ng mekaniko natin kaya hindi pa po nila matignan ang mga bagong dating na sasakyan.”
I closed my eyes and held the bridge of my nose and sigh deeply.
Oo nga pala. Maraming naka line up at maraming schedule for PMS ngayon. Kulang na kulang talaga kami sa mekaniko rito sa garage.
“Sige. Ako na ang bahala. Bumalik kana sa office at i-check mo kung may mga kailangan pa ba akong pirmahan. Ako na ang bahala rito sa Holt Garage .”
Yumuko ito nang bahagya, “Sige po, sir. Mauna na po ako,” sabi nito at tumango lamang ako bilang sagot.
Ilang mekaniko na ang sumubok na magtrabaho rito pero hindi naman pumasa sa standard na hinahanap ko at ng mga mekaniko rito. Kagaya ko, ang gusto nila ay ’yung hindi baguhan sa ganitong trabaho, mabilis kumilos at syempre ’yung maraming alam sa sasakyan.
Natigilan ako. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko na may ganoong kakayahan. Kaya lang… Mataas pa sa kanya ang pride nya kaya nahihirapan akong kumbinsihin. Tss. Lalo na kung nakatangkad ang minion na ’yon! Lalo na siguro ’yun nag-inarte.
Chineck ko ang phone ko kung may unknown number manlang ba na nagtext pero wala. Puro text lamang ng mga kaibigan ko.
“Tss. Hindi ba talaga magbabago ang isip nya?”
Napailing na lamang ako at muling itinago ang aking cellphone.
Nang mga nakaraang araw ay madalas kong samahan at kumustahin si Kurt. Mahirap na. Baka mamaya bigla na lamang mautas ang isang iyon dahil iniwan nang hindi naman niya naging girlfriend. Tsk.
Kidding aside, naaawa na rin naman ako sa kaibigan ko na ’yon. Oo at nakikipaglandian na sya ulit sa ibang babae pero makikita mong may nag-iba. Parang nabaguhan sya. Parang napipilitan na lamang sya. Ginagawa na lamang nya siguro ’yon para makalimot. Makalimutan kahit papaano na nasasaktan sya. I hope he can handle this one and get through it. It’s gonna be hard, but I know he can.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Dahil linggo naman at walang trabaho, naka off ang alarm ko at hindi rin ako pinapagising ni Mommy dahil nga rest day. Buong team and workers ay day off ng sunday. Ibinigay ko ang araw na iyon para naman makaroon sila ng time sa kanikanilang pamilya. They deserve a break.
“Where are you going?” my mom asked.
Dala ang susi ng aking big bike at helmet, naabutan ko si Mommy sa sala habang nagkakape.
“Short ride lang, Mom.”
“Mm… Okay. Ingat sa pagda-drive, okay?”
I nodded and approached her to kiss her forehead. “Yes po.” Sabi ko pa bago lumabas ng bahay.
Lumapit ako sa malawak na garahe namin at tinanggal ang nakabalot sa aking motor. My red Ducati Superleggera V4. Kahit two years na sya sa akin ay parang bago pa rin dahil madalang ko na lamang magamit.
I decided that I would stop by Cassian’s bar first before continuing on the short ride even though there was no planned place to go.
Nang inabot ako ng stop light ay may tumigil na big bike sa tabi ko. Ducati rin ang motor pero kulay itim. Mula sa motor ay umangat ang aking tingin sa driver nito. Naka hoodie na black, naka cargo pants na itim at itim na helmet. Sa suot nito ay hindi mo makikilala kung sino ang driver at hindi malalaman kung babae ba o lalaki ang driver. Pero sa tingin ko sa kanyang porma ay lalaki ito.
Naramdaman nya siguro ang tingin ko kaya dahan-dahan itong lumingon sa gawi ko. Mukhang kinikilala ako nito dahil sa tagal nyang nakapaling sa gawi ko pero dahil tinted ang salamin ng helmet ko kagaya nang sa kanya, hindi kami magkakitaan manlang kahit mata.
Problema nito?
Mayamaya pa ay bigla nitong nilaro ang kanyang silinyador at pinaingay, hudyat na naghahamon ng karera.
I smirked and do the same. Kahit sino pa sya ay hindi ko sya uurungan. Matagal na rin naman nang huli kong ginawa ito.
Nang mag go signal na ay bumisina ito bago humarurot. Agad ko naman itong hinabol. Mabuti na lamang at maluwag ang daan at hindi traffic kaya medyo smooth naman ang habulan na akala mo nasa race track. Nang mauna ito sa akin ay napatingin ako sa plaka ng kanyang motor.
“Pamilyar? Saan ko nga ba nakita ang motor na ’yon?”
Nanlaki ang mga mata ko nang nag overtake sya sa track na nasa harapan namin kahit may makakasalubong ito.
Shit! Parang sanay na sanay syang makipag karera sa highway!
Agad ko naman itong sinundan. Nang magpantay ulit kami ay tinignan lang ako nito saglit bago muli humarurot. Parang hinintay lamang ako bago ulit magmabilis.
Yabang! Tss.
Dahil sa habulan na iyon ay nakalimutan ko ng dumaan sa bar ni Cassian. Doon ko lamang napansin na puro puno na ang nadaraanan namin pero sementado pa rin naman ang daan.
Bumagal ang takbo ng itim na motor na tila may planong tumigil. Mayamaya pa nga ay tumigil ito sa isang malaking puno kaya agad naman akong sumunod. Nakasakay pa rin sya sa kanyang motor at suot pa rin ang helmet, tila hinihintay ang pagdating ko. Pumarada ako sa tabi nito.
Sabay naming tinanggal ang aming helmet at doon bumagsak ang nakatirintas nitong buhok. Natigilan ako.
“Y-You?”
“Oh! Ikaw pala ’yan? Kaya pala mahina, e. Tss.“ mayabang nitong sabi sabay ngisi.
Hindi ako nakapagsalita at napatitig lamang sa kanya.
Hindi malalaman na babae ang driver kanina dahil sa galing nyang magmaneho na walang takot. Ang buhok pa nya na mahaba ay nakatago sa helmet na napansin kong madalas nyang gawin, kagaya nang una ko syang makitang nakipag karera gamit naman ang kotse ni Darwin.
“Oh? Teka, anong tingin yan? Na in love kana ba agad? Ang bilis ah!”
Napakurap ako.
Agad nagsalubong ang aking kilay. “What?”
“Joke lang! Mata nito, parang papatay ng tao!” natatawa nitong sabi. Bumaba ito sa motor at sumandal dito paharap sa akin. Isinabit ang kanyang helmet sa manibela.
“Lagi mo na lang napapansin ang mata ko. May problema kaba sa mga mata ko?”
She smirked. Tumagilid ng kaunti ang ulo nito at direkta akong tinignan sa mata. Bigla akong parang kinabahan at napalunok.
“Ang ganda kasi ng mga mata mo. Saka madaling mabasa kapag tumitingin. Parang maingay ang mga mata mo kahit hindi ka naman nagsasalita, ganon! Kuha mo ba?”
Wait… Expresive ba ang mga mata ko? Iyon ba ang gusto nyang iparating?
“Tss.” Iyon na lamang ang nasabi ko dahil hindi ko rin naman alam ang irereact ko.
Napailing naman ito habang nakangiti.
“Salamat sa race. Na practice naman ako kahit papaano.”
Kahit papaano?! Kahit papaano lang?! Ang yabang talaga e!
“Oh! Pati kilay mo tumataas na rin ngayon, ah! Tsk. Ang ingay siguro ng isip mo, ’no? Pinapatay mo na ata ako sa utak mo.”
“Ang dami mong alam!”
“Ay! Ang taray! Kalalaking tao.” Tumawa pa. Tss. Pero imbis na mainsulto ay napatitig ako. Hindi ko alam kung bakit nahihila ng mga tawa niya ang atensyon ko.
Nang mapansin ko iyon ay tumikhim ako at bumaba ng aking motor. Ipinatong ko lamang ang aking helmet sa upuan at bumaling sa harapan. Doon ko pa lamang nakita ang view ng aming tinigilan.
Malawak na dagat sa baba at ang mga building. Overview. Para kaming nasa bundok pero nasa tabi pa rin kami ng kalsada.
Ang ganda sigurado nito sa gabi dahil sa mga
ilaw
.
Naglakad si Kael palapit sa bangin at naupo sa may damuhan bago sumandal sa isa pang puno roon.
Mukhang madalas sya rito.
Bigla ako nitong nilingon.
“Pwede kanang umalis kung gusto mo pero pwede ka rin mag stay. Maghihintay pa kasi ako rito sa paglubog ng araw.”
Nagtaka ako. “Bakit?”
Nagtaka rin sya. “Anong bakit? Bakit ka pwedeng mag stay o bakit ako maghihintay nang paglubog ng araw?”
“Bakit ka maghihintay pa ng paglubog ng araw?” tanong ko.
“Trip ko lang.” Nakangisi nitong sagot. Napabuntonghininga na lamang ako.
Nandito na rin lang naman, siguro makikitambay na lang muna ako kasama ang minion na ito.
Kaya naman naglakad ako palapit sa kanya at nakiupo.
“Oh, bakit ka nandito pa?” tanong nya. Tinignan ko naman sya.
“Trip ko lang.” Sagot ko lamang at sumandal na lamang sa katawan ng puno bago pumikit.
“Paraparaan ’to. Ayaw pa sabihin na gusto lamang akong makasama.”
Mahina nitong sabi pero rinig ko naman dahil wala namang isang dipa ang layo namin sa isa’t isa.
Napangiti ako habang nakapikit.
Tigas din ng mukha nito, e! Tsk.
Chapter 9
“Can I ask you?” Dumilat ako at nilingon sya habang nakasandal pa rin ang aking ulo sa puno. Dahil sa tanong ko ay unti-unti itong dumilat at bumaling ang ulo sa gawi ko.
She just stared at me emotionless.
“Ano?” parang lalaki na tanong nito sa akin.
“Pamilyar sa akin ang motor mo…” I cut it off when I saw her lips stretched into smirks.
“Malamang hindi mo makakalimutan ’yan. Minsan kana nyan nilampaso sa field, ’di ba?”
Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at napansin naman nya ’yon.
“Kay Darwin ’yan, niregalo lang nya sa akin last year matapos kang ilampaso. Tss.” Tumawa pa ito nang bahagya, tila nang-iinis.
Yabang!
Kaya pala pamilyar sa akin ang plate number.
“Ganoon na kayo ka close para iregalo lamang nya ang motor nya sa ’yo?” Nilingon ko pa ang kanyang motor na katabi lamang ang akin.
“Ganoon sya kabait. Konti na lang ang mabait sa mundo, ang malas mo lang at hindi ka napabilang.”
Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Nagsalubong muli ang kilay ko dahil sa narinig. I sigh. Hindi na ata kami magkakaroon ng usapan na hindi nagpipikunan. Tss.
“I’m trying to be nice here.”
Para syang nagulat. “Talaga? Hindi bagay!”
Ang lakas talaga mang-asar nito akala mo hindi pikon e.
Ako na lamang ang sumuko at tumigil at baka mauwi na naman sa bangayan. Pumikit muli ako. Ramdam ko pa rin na nakatingin sya sa akin.
“Joke lang!” sabi nito bigla pero hindi ko pinansin. “Iyan ang ipinambayad nya sa akin nang pumayag akong maging hinete nya sa tuwing may race sya at may malaking pusta.” Doon na ako dumilat para tignan sya. Nakatingin na ito sa harapan namin kung saan nagsisimula ng magbago ang kulay ng langit. “Alam niya kasi na forte ko ang sasakyan lalo na ang racing kaya nakiusap sya sa akin.”
The sunkissed in her face because of sunset makes her chinky eyes shine in color brown.
“Gaano na kayo katagal magkakilala?” I asked.
Hindi ako umaasa na sasagot sya nang maayos sa tanong ko dahil iyon ang madalas nyang gawin. Pero nagulat ako nang ngumiti ito nang bahagya habang nakatanaw sa sunset pero may lungkot ang mga mata.
“High school. High school kami noon at tumayo syang fake boyfriend ko hanggang sa maka graduate.” Bumuntong hininga pa ito.
Fake boyfriend?
“Why? I mean… Bakit kailangan nyong magpanggap the whole high school year nyo?” I’m really curious. Bakit kaya hindi na lang nila tinotoo?
Nagbuntong hininga muli ito at napalunok. Parang ayaw ng balikan ang nakaraan.
“Uhm… It’s okay if you’re not comfortable to talk about it. I won’t mind…“ Kahit ang totoo ay gusto ko rin malaman dahil sa naging reaksyon nya.
Tumingin ito sa akin at tinitigan ako sa mata ng ilang segundo. Mukhang may takot at nagdadalawang isip na sabihin na lalong nagpa curious sa akin. Pero ayoko naman syang pilitin lalo na kung hindi pa sya handang magkwento tapos sa akin pa.
“Sabi nila… Mas okay raw mag-open up sa hindi kakilala o hindi kaibigan.” Habang sinasabi niya ito ay hindi niya inaalis ang titig sa mata ko. Napalunok ako.
Yeah… Naniniwala rin ako roon dahil sabi nila pagkatapos mo magkwento sa strangers hindi na muli kayong magkikita at hindi ka nya huhusgahan.
“Biktima ako ng harassment noong high school…”
Iyon pa lamang ang kanyang sinasabi ay nagpanting agad ang tenga ko. Naiintindihan ko na kung bakit may takot sa mga mata nya kanina bago magsimula. High school? Ang bata pa nya nun!
“Ligawin ako noong high school. May isa akong sinagot noon dahil akala ko seryoso, e.” Umismid ito. “Tapos nalaman ko na may pustahan lang pala sila. Pinagpustahan nila ng mga kaibigan nya na maikakama ako ng sira ulo kong ex.”
What the hell! My jaw clenched in anger.
“D-Did he?” Nag-aalinlangan kong tanong dahilan para lingunin nya muli ako.
“Hindi.”
Parang nabunutan ako ng tinik at pasimpleng bumuga ng hangin.
Good girl.
“Minahal ko ’yung mokong dahil first boyfriend ko sya. Pero dahil sa nangyari, hindi na ako nagtiwala sa mga iba pang sumubok na manligaw sa akin. Doon na nagsimula ang lahat…”
Sa kabang nararamdaman ko sa bawat kwento nya, daig ko pang nakikinig sa horror story. Tss. Kaba lang ba talaga ’to o may galit din? Parang ang sarap kasing putulan ng… Nevermind!
“Muntik na akong…” napapikit ito. She licked her lips na parang nagtitimpi dahilan para lumabas ang dimple nito. Parang alam ko na…
“Muntik na akong magahasa nung ex ko nang ikulong kami ng mga kaibigan nya sa rest room.”
Napasandal ako sa puno at napapikit. Shit! I can’t imagine her being harassed at her young age.
Ang sarap mambasag ng mukha!
Nakita ko syang pasimpleng pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata. Gusto ko man syang patigilin sa pagkekwento pero mukhang kailangan nya rin mai-release ang bigat ng kanyang nararamdaman.
“Pakiramdam ko… Ang dumi dumi ko ng mga panahon na ’yon kahit hindi naman natuloy ang plano nya. Iyak ako nang iyak habang sumisigaw ng tulong hanggang sa… May isang lalaki ang lumabas ng cubicle. Si Darwin.” Bahagya syang nangiti.
Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kwento nyang… Iyak sya nang iyak habang humihingi ng tulong. Tangina! Bakit ang sakit? Parang nakikita ko ang eksena.
“Akala ko nung una kasama nila pero nang makita kong bigla nyang hiniklat yung hayop kong ex at binugbog, doon ko lang nalaman na mukhang hindi nila chineck ang bawat cubicle ng banyo. Binugbog ni Darwin ang ex ko hanggang sa hindi na makabangon bago ako hinila palabas kung nasaan naman ang mga kaibigan nung lalaki. Sa takot nila ay hindi na sila lumaban at hinayaan kaming makaalis. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Darwin. Pinagkalat nya na boyfriend ko sya para lang wala ng lumapit sa akin.“ Mahabang kwento nito.
Salamat na lang pala at may Darwin na tumulong. Kaya siguro sobra ang pag-aalala nung mokong na maiwang mag-isa ang minion na ito. Naiintindihan ko na.
“Hindi ba kayo nagdemanda? Anong sabi ng parents mo?”
“Tss. Wala!” mapait nitong sabi na nagpasalubong ng aking kilay.
“Seriously? Wala? Pero—”
“Dahil wala naman silang pakialam sa akin!”
Natigilan ako. Magkahalong galit at sakit ang nakikita ko sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.
Paanong…
“Hindi lahat pinalad ng masaya at magandang pamilya. Kasamaang palad… Isa ako roon…”
“W-What do you mean?”
“Iniwan kami ng tatay ko nang malaman na nabuntis nya ang nanay ko. Galit sa akin ang nanay ko dahil sinira ko raw ang buhay nya sa pagdating ko. Ako raw ang malas nya. In short…” Bumaling sya muli sa akin. “Ayaw nila sa akin kahit na ilang beses akong nagmakaawa na mahalin din ako…”
Fuck! Parang sinuntok ang puso ko… Kung ganito kasakit sa akin, paano na lang sa kanya?
Imagine a girl begging and crying for love from her parents that she truly deserves in the first place. Like? The hell!
Naalala ko ang sinabi ni Darwin… Nagka trauma si Kael sa mga taong umaayaw sa kanya. Dahil siguro sa mga magulang nya?
Walang sabi sabi ay marahan ko syang hinila at niyakap. Mamaya na lang ako magsosorry. Alam kong kailangan nya rin ’to.
Ramdam kong natigilan sya sa ginawa ko. Nakaupo pa rin kaming dalawa at tuluyan ng lumubog ang araw. Malamig na ang hangin at city lights na lamang ang nakikita mula rito.
“I know it was hard… I know how painful it is but… I just wanna ask… Okay ka lang ba?”
Sa tanong kong iyon… She burst into tears. Humagulgol sya ng iyak sa aking dibdib. Iyak na kung ibabase mo sa pagkatao nya ay malabo mong makita. Iyak na mararamdaman mo ang sakit sa bawat patak ng kanyang luha.
Kahit alam kong hindi sya okay matapos ng kanyang kwento, alam ko at ramdam ko na kailangan nya rin marinig ang tanong na iyon. Alam kong gusto nya rin marinig ang tanong na iyon para maramdaman na may nag-aalala sa kanya.
And just like that… Because of that simple question she will feel her worth even for a while with the stranger…
Chapter 10
It’s been three days since what happened. I mean… When Kael opened up about her life. I’m still waiting for her call if she changes her mind about working here. Pero wala. Kahit anino niya ay walang paramdam.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang nangyari.
I hugged her…
Pagkatapos niyang umiyak ay nanahimik na lamang kaming dalawa habang pinapanood ang mga ilaw ng ilang minuto. Dahil malamig na ay nag-aya na rin siyang umalis.
“Uhm…”
Napatingin ako sa kaniya pagkasakay ko sa aking motor. Nakasakay na rin ito sa kanya habang hawak ang itim na helmet. Tumaas ang aking kilay, naghihintay ng kaniyang sasabihin.
“Salamat,” dugtong nito at ngumiti nang bahagya. Ilang segundo pa akong natigilan bago tumango, hindi alam ang isasagot.
Nang isusuot na niya ang kaniyang helmet ay ako naman ang nagsalita dahilan para hindi niya naituloy ang pagsusuot nito.
“K-Kael…” kinakabahan kong tawag. I feel like this is the first time I called her by her name.
“Oh?” maangas naman nitong tanong. Bumalik na agad siya sa dati. Tss. Kinabahan ako lalo.
“Uhm… B-baka magbago pa ang isip mo. Laging bukas ang Holt Garage para sa ’yo. Just give me a beep.“ Tinitigan ako nito na lalo lamang nagpakaba sa akin. “A-ano… D-delikado ka kasi sa shop ni Darwin lalo at mag-isa ka lang.” Napalunok ako matapos nun. Daig ko pa nag p-present sa conference room. Shit!
Ngumiti ito, “Sige, pag-iisipan ko. Una na ako, ha! Ingat ka.”
“S-Sige.”
Pero tatlong araw na, wala pa rin siya.
Napabuntong hininga ako at sumandal sa aking swivel chair.
“Ayaw yata talaga ako nun maging boss. Tss.”
Bumukas ang pinto at dumungaw si Justin.
“Sir—”
“Am I a bad boss, Justin?” I asked him randomly.
“P-po?” nagtataka nitong tanong at ilang beses kumurap-kurap.
“Kung masama ba akong boss? You know?”
Tinitigan pa ako nitong mabuti tila inaalam kung ako ba talaga ang kausap. Tss.
“What?”
“Po? H-hindi, sir. H-hindi naman. Bakit po?”
Naningkit ang aking mga mata. “Are you sure? Baka naman sinasabi mo lang ’yan para hindi ako magalit?” Pinagtaasan ko ito ng kilay at humalukipkip.
“B-Bakit parang may pagbabanta, sir?”
“What? No!” Agad kong ibinaba ang aking braso at naupo nang maayos.
Ngumiti ito at napakamot sa kaniyang sentido. “Joke lang po! Syempre po hindi. Hindi naman po ako magtatagal sa inyo kung masama kayong boss. Bakit nyo nga po pala natanong?”
“Uhm… W-Wala naman. Natanong ko lang. Teka—bakit ka nga pala nandito? May problema ba?”
Napatayo ito nang maayos at doon pa lamang naalala kung bakit sya nasa office ko.
“Oo nga pala! May tawag po mula sa Garage Holt, may applicant daw po roon ngayon.”
“And?” walang gana kong tanong. Bakit ako kailangan, e may sariling HR naman ang garage?
“Babae raw po at kayo ang hanap—”
“What?!” Agad akong napatayo. “Are you sure na babae ang applicant?”naniningkit na matang tanong ko.
Nagtaka ito. “Opo. Mekaniko raw po—”
“Okay! Okay! Cancel all of my meeting for today, Justin. Magiging busy ako sa garage.” Nagmamadali akong lumabas sa aking opisina.
“Pero—”
Hindi ko na hinintay ang sagot nito at agad na lumabas.
Sigurado akong siya na ’yon!
Pagpasok ko sa elevator ay sinipat ko ang aking sarili sa reflection sa harapan at inayos ang aking buhok at long sleeve polo. Pero agad din naman natigialn nang mapansin ko ang inaakto ko.
Wait. Why do I feel so excited? She’s just an applicant, right?
She will be one of your mechanic, Crius! Just.your.me-cha-nic.okay? Okay!
“Whoa!”
Dahil nasa likod lamang ng company ang garage ay nilalakad ko lamang ito pagbaba ng elevator. Nang papasok na ako ay huminga ako ng malalim at naglakad papasok na parang walang pakialam sa paligid. Nakita ko ang mga tao ko na nakatayo at may pinagkukumpulan. Nakatalikod silang lahat sa gawi ko. May ilang nagsasalita, bulungan, tulakan at may ilang tumatawa.
Tumaas ang aking kilay sa pagtataka. Walang kahit isa ang nagtatrabaho dahil magkakasama sila sa iisang lugar at nakapalibot.
“What’s going on here?”
Lahat sila ay napalingon sa akin. Doon ko lamang nalaman ang dahilan ng kanilang pinagkukumpulan nang tumayo na ito mula sa likod ng mga trabahador ng garage.
“Morning!” nakangiti nitong bati sa akin.
Nilingon sya ng mga taong nandito at nagsingitian na akala mo sila ang binati. Nagsalubong ang kilay ko.
What the heck is wrong with these people?
“Back to work. Now!”
Nagulat sila sa bahagya kong pagsigaw dahil nag echo ito sa buong garage. Nataranta sila at agad na nag-alisan. May ilan pang nagkabanggaan dahil sa pagmamadali. Tss.
Natatawa naman silang pinanonood ng bagong aplikante. Si Kael. Kumakaway pa ito sa ilan habang natatawa.
Lakas talaga mang-asar ng babaeng ito.
Naka black cargo pants ito, ang suot na damit ay may disenyo na kalahating itim at kalahati naman ay puti. Naka baseball cap na puti at nakalugay ang medyo wavy na buhok. Paborito yata nito ang converse shoes. Minsan kasi puti ang suot niya, minsan naman ay itim. At ngayon ay puti ang kanyang suot. May nakasukbit na itim na bag sa kanyang katawan.
Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatitig sa kanya dahil natauhan na lamang ako nang nasa harapan ko na sya.
“Good morning!” bati nito kaya natauhan ako. Napatayo ako nang maayos at napatikhim.
“K-Kanina kapa ba rito?”
“Sa harapan mo? Oo kanina pa—”
“Sa garage. Sa garage, Kael.” Putol ko agad dahil mukhang mang-aasar na naman ito.
“Oh! Medyo. Mga… Ahm… Isang oras?” inosente nitong sagot.
“What?! Isang oras? Seriously?!” Ganoon katagal? Akala ko naman mga five minutes lang dahil sabi niya medyo lang. Ang hirap talaga kausap nito!
“Seriously!” nakangiti nitong sagot na parang isang minuto lamang syang naghintay.
“Hindi ka ba nainip?”
“Hindi naman.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Bakit?”
Pero mas nagsalubong ang kilay niya dahil sa tanong ko. “Huh? Anong bakit?”
Nagbuntong hininga ako. “Bakit hindi ka nainip? Isang oras ka naghintay, ’di ba?”
“E, bakit ako maiinip?”
Napatampal na lamang ako sa aking noo. Sagutin din ba naman ng tanong ang tanong ko. Edi hindi na kami matatapos magtanungan nito? Tss.
Hindi pa nagsisimula ang isang ito mukhang alam ko na ang magiging dahilan ng pagkakasakit ko, ah? Dahil sa stress. Tsk!
“Nevermind! Mukhang nalibang ka naman sa mga lalaking kaharap mo kanina kaya hindi ka nainip.” Sabi ko sabay talikod at naglakad palapit sa hagdan kung saan papunta sa office ko rito sa garage.
Natigilan ako nang hindi ko manlang naramdaman na sumunod ito. At nang lingunin ko sya ay nakatitig lamang sya sa akin. Kung babasahin mo ang itsura niya ngayon ay tila may nakapatong na malaking question mark sa kanyang ulo. Takang taka.
“Bakit hindi ka nasunod?” tanong ko.
“Bakit ako susunod? Pinasusunod mo ba ako?”
Tss. Hindi ba dapat sumunod na sya? Bakit hindi niya na gets? Argh! Kainis!
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis.
“Come with me. Kakausapin kita sa office ko.”
“Okay.” Saka pa lamang ito nagsimulang maglakad. Nagbuntong hininga na lamang ako at napapailing na nagtuloy sa paglalakad.
Tatanda ata ako ng maaga nito. Kumuha pa ako ng batong ipupukpok sa ulo ko. Tss.
Loft type ang Garage Holt at ang nag-iisang kuwarto sa taas ay ang office ko lamang. Sa baba naman ang napakalawak na parte nitong building kung saan nakaparada ang mga sasakyan na bagong dating. Pinapacheck ko muna ang lahat ng mga iyon sa mga mekaniko bago ibenta.
“Buti naman at nagbago na ang isip mo?” tanong ko.
“Dito ba ako magtatrabaho?”
“Yeah.”
“Doon ka sa company mo sa kabilang building, ’di ba?”
“Yeah. Why?”
“Oh! Buti naman. Sabi nila hindi ka naman madalas dito, tama ba?” tanong muli nito. Nagtaka na ako.
“Oo, bakit?”
Ngumiti ito, “Mabuti naman kung ganoon! Mukhang makakasundo ko naman silang lahat dito.”
Anong mabuti naman? Ayaw niya akong nakikita sa sarili kong garahe? Tss. Makakasundo nyang lahat?
“Pero mapapadalas na ako rito ngayon,” sabi ko. Nawala ang mga ngiti nito sa labi.
“At bakit?”
“Dahil i-checheck ko kung maayos ang trabaho mo. Ako ang boss, Kael. Hindi mo dapat question-in ang pagpunta ko rito kahit araw-araw pa.”
“Tss. Okay. Sabi ko nga. Saka para sabihin ko sa ’yo, wala kang poproblemahin sa trabaho ko dahil buhay ko na ang pagiging mekaniko. Kahit ikaw kaya kong gawin.” Bulong pa nito sa huli na narinig ko naman.
“Wala akong sira, minion.”
Sinamaan ako nito nang tingin.
“Akala mo lang wala, pero meron! Malaki!”
“Malaki?” Nagtataka kong tanong.
“Oo, malaki!”
“Isa lang naman ang alam kong malaki sa akin,” I smirked. Nanlaki ang mga mata nito kaya pasimple akong natawa.
Madumi ang utak ng babaeng ito. Tss.
“I-Ikaw!” Nanggigil na turo nito sa akin. “Agh! Bastos ka!” Nakataas na ang kamao nito at handa ng manapak. Napaatras ako.
“Anong bastos? Ang tinutukoy kong malaki ay ang business ko. Paanong naging bastos ’yon? Ikaw ang bastos, e. Kung anu-ano agad naisip mo.” Nakangiti kong sabi.
Hindi ito nagsalita at tinitigan lamang ako ng masama. Tingin na parang pinapatay na ako sa kanyang isip.
Kung nkakasugat ang tingin, laslas na ang leeg ko sa tingin ng minion na ’to.
“Dyan kana nga! Magsisimula na ako sa trabaho ko! Dumudumi ang utak ko sa ’yo! Bwisit!” Padabog itong lumabas ng office at doon ko pa lamang pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilan na tawa.
“Tss. Pikon talaga!” Napapailing na lamang ako. Ang cute talaga magalit nang maliit na ’yon.
Chapter 11
Where is she?
Palinga-linga ako habang bumababa ng hagdan mula sa office ko rito sa Holt Garage. Magla-lunch na rin at katatapos ko lang mag check ng mga emails.
Pagbaba ay nakasalubong ko si Jeff at Jayson, ang dalawa sa mga mekaniko rito.
“Hey! Where is she?” They looked to each other, confused. “Isa lang ang babae sa garaheng ito, Jeff and Jayson.”
“Ah! Si Kael po?” Tanong ni Jeff. “Nasa ilalim po nang Ford Ranger pick up.” Pagtutukoy nito sa bagong dating na sasakyan. Nagsalubong ang kilay ko. Sa ilalim?
“Sa ilalim?”
“Opo, sir. Sinisimulan na niya i-check ang mga bagong dating na sasakyan.” Sagot naman ni Jayson.
“Pero… Bakit siya ang nasa ilalim ng sasakyan?”
“Dahil mekaniko po siya,” agad naman na sagot ni Jeff kaya tinitigan ko ito. Mabilis na napalingon sa kaniya si Jayson dahil sa gulat. “H-Hindi po ba?”
I know! Tss. This man! Pero bakit hindi sila ang humiga sa ilalim?
Huminga na lamang ako ng malalim at nilampasan na silang dalawa.
Lumapit ako sa nasabing sasakyan at nakita ko nga ang kalhati ng katawan ni Kael. Naka bend ang isa nitong tuhod at isa naman ay prenteng nakalapat sa sahig.
Kung titignan ay parang lalaki ang nagmamay-ari ng kalahati nang katawan.
Mahina kong sinipa ang kanyang paa. Sobrang hina lang naman para malaman niyang tinatawag ko siya.
“Minion!”
Itinulak nito ang sarili na nakahiga sa creep mula sa ilalim ng sasakyan palabas kaya umusog ako ng kaunti. May suot itong gloves at may hawak na tools. May kaunting grasa na rin sa kaniyang pisngi. Naalala ko bigla nang una ko siyang nakita sa shop ni Darwin. Mas maamos nga lang siya noon.
“Oh?” parang lalaki nitong tanong.
“Bakit nandyan kapa sa ilalim?”
“Aba, malamang naggagawa! Alangan namang nagsa-sun bathing?” sagot naman nito.
Ito na. Kasisimula pa lamang sa trabaho mukhang magsisimula na rin ang sakit ng ulo ko sa babaeng ’to.
“I mean, lunch break na. Mabubusog ka ba sa ilalim ng sasakyan?”
“Kapag ininom ko siguro ’yung langis?”
“Kael.” Nauubusang pasensya na tawag ko sa kanyang pangalan. Nginitan pa ako!
Naupo ito at sumandal sa sasakyan. Ipinatong pa ang isang kamay sa kaniyang tuhod habang nakatingala sa akin.
“Alam mo, tatanda ka ng maaga.” Nakangiti nitong sabi. Nakakaasar ’yung ngiti niya!
Naghalukipkip ako. “At siguro alam mo kung bakit?”
“Oh! Ako na naman sisisihin mo e ikaw ’tong palaging galit.”
“Dahil hindi ka makausap ng matino.”
“Dahil hindi ka naman matino magtanong.”
Napapikit ako sabay buntong hininga. Palagi talaga siyang may rebat sa mga sinasabi ko. Iyon ang nakakainis sa babaeng ’to.
“Mag lunch kana.” Iyon na lamang ang nasabi ko. Nakatitig na ito sa akin. Naningkit ang mga mata nito.
“Huwag mo ako masyadong alalahanin. Hindi pa ako mamatay kung hindi ako kakain ngayon. Masyado kang concern sa akin.”
Napataas ako ng kilay. “Concern? Sino? Ako? Ha!” Itinuro ko pa ang sarili.
“Hindi ba?” she smirked.
“Asa!”
“Okay. Edi hindi. Sige na. Mag lunch kana kung nagugutom ka.”
“Teka! Bakit ba hindi ka muna mag lunch?”
“Maaga pa—”
“Twelve na! Anong maaga pa?”
Tumayo ito at sumandal muli sa sasakyan.
“Wala namang time rule sa pagkain. Tao lang ang nagset na dapat ganitong oras ang almusal, dapat ganitong oras ang lunch at ang gabihan. Kahit anong oras ka kumain basta nakaramdam ka ng gutom.”
“Ang dami mong alam! Anong oras ka ba nag la-lunch?” tanong ko muli.
“Ala una o alas dos.”
“What?!”
Natawa ito sa reaksyon ko.
“Grabe sa gulat, huh! Ang OA!”
“Tss.”
“Alam mo, pwede mo namang sabihin na… Kael, pwede mo ba akong sabayan mag lunch? Wala namang problema sa akin kung gusto mo lang naman pala ako makasabay kumain.” Nakangisi nitong sabi.
“You’re so full of yourself, minion! Bahala ka mamatay sa gutom!”
Tinalikuran ko na ito.
“Baka umiyak ka!” sigaw pa nito.
Asa! Tss.
Bumalik na lamang ako sa company. Siya na nga ang pinapaalalahan na kumain sa tamang oras. Baka mamaya sabihin pa ni Darwin pinababayaan ko ang best friend niya.
Ginugol ko na lamang ang buong oras ko sa trabaho hanggang sa mag-uwian na.
Natigilan ako sa pagsakay ng aking sasakyan nang mapansin na umuulan na pala. Naagaw rin ng atensyon ko ang isang motor sa may mismong exit kung saan karugtong ng Holt Garage.
Nakasakay si Kael sa kanyang motor pero hindi ito naka start. Nakasabit ang kaniyang helmet sa may manibela habang pinapanood nito ang patak ng ulan sa labas. Napatingin din ako roon at nakitang parang mas lumalakas pa ito.
“Paano siya uuwi?” tanong ko.
Naglakad ako palapit sa gawi niya at mukhang hindi pa niya ako napapansin dahil tulala ito sa ulan.
“Minion,” tawag ko rito. Nilingon naman ako nito.
“Oh? Ba’t nandito ka pa?”
Tss. Siya nga nandito pa rin e.
“Kalalabas ko lang. Paano ka uuwi?”
“Malamang magmomotor.” Pabalang na naman nitong sagot.
“Pero malakas ang ulan. Delikado.”
“Sanay na ako magmaneho kahit madulas ang daan.”
Matigas talaga ang ulo nito!
“Kahit na. Delikado pa rin at pwede kang magkasakit.”
Tinitigan ako nito.
“Hindi nakakamatay ang ulan.”
“Ihahatid na lang kita. Balikan mo na lang bukas ang motor mo—”
“Hindi na.” Putol nito sa sinasabi ko. Seryoso itong nakatingin sa akin habang kinukuha ang kaniyang helmet sa manibela.
Hindi talaga siya magpapapigil.
Isinuot nito ang kaniyang helmet kaya napabuntong hininga ako. Desidido talaga siyang magmaneho kahit malakas ang ulan.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.”
In-start nito ang kaniyang motor at nilingon muli ako.
“Empleyado mo ako rito kaya huwag ka masyadong mabait sa akin. Ituring mo ako kung paano mo ituring yung iba. Ingat ka… Boss.” Seryoso nitong sabi bago ibaba ang salamin ng kaniyang helmet at lumabas na ng building.
Natigilan ako habang tinatanaw siyang papalayo sa akin.
“What did she mean?”
Nag-aalala lang naman ako na madisgrasya siya sa daan pauwi dahil sa lakas ng ulan. Nagkataon lang na siya ang nandito. Pero kung ibang empleyado ko ang nasa sitwasyon niya aalukin ko rin naman na sumabay… Siguro? Tss.
“Wala namang espesyal sa treatment ko sa kaniya, ah? Ano bang sinasabi nun? Tss. Bahala siya! Ang tigas ng ulo!”
Napapailing na lamang akong bumalik sa aking sasakyan at nagmaneho na rin pauwi. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi nung minion na ’yon.
Nakauwi ako sa amin na malakas pa rin ang ulan. Nakasilip lamang ako sa bintana sa aking kwarto.
“Nakauwi na kaya siya?”
Chapter 12
“Balita? Napabisita ka?” Ito agad ang bungad sa akin ni Cassian pagkarating ko sa kaniyang bar. Mukhang kabubukas pa lamang nito dahil nagpupunas pa siya ng mga baso sa counter niya.
Nagkibit-balikat ako. “Wala lang. Bawal na ba ako rito?”
“Sira ulo! Wala ka bang trabaho kaya ako ang pinupurwisyo mo ngayon? Akala ko makakapahinga ako sa dalawang kulugo pero dumating ka naman.” Napapailing nitong saad sabay lapag sa aking harapan ng basong may lamang alak.
“Para namang pasaway ako e ako ang pinakamabait sa atin.“
“Sabagay… I have no say about that because that is fact.”
“Dude, saan nakakabili ng pasensya?” tanong ko na nagpatigil sa kaniyang ginagawa. Nawiwirduhan ako nitong tinignan.
“Pardon?”
“Saan ako makakabili ng pasensya?” ulit ko.
He leaned closer, his eyes suspisciously looked at me.
“Ikaw ang may pinakamahabang pasensya sa atin, nagkulang pa rin? Bakit? Wait. Baka ang tamang tanong ay… Sino ang dahilan?”
“Kailangan lang. Medyo nakaka stress lang ang trabaho ko lately.” Sabi ko na lamang habang nakatingin sa hawak kong baso.
“Ah…” tumatangong sagot nito. “Wait! Pansin ko lang parang sanay na sanay kana magtagalog ngayon ah!”
Ang dami namang napapansin nito. Ang tagal na naming hindi nagkakausap-usap pero kahit maliit na bagay na nagbago sa akin ay napapansin niya.
Nagbuntonghininga ako. “Kailangan masanay e.” Sagot ko lamang. Pagtingin ko rito ay nawiwirduhan na naman niya akong tinignan.
“Talk shit ka, dude. Hindi required sa field of work mo ang magaling magtagalog. Anong meron?”
Wala yata akong maitatago sa mokong na ’to. Tss.
“Fine. May isang empleyado lang ako na sinisita ang way ko ng pakikipag-usap dahil mas madalas na english.”
“At nagpaapekto ka? Sa empleyado mo? Really? The one and only heir of Holt? The bachelor billionaire of Holt naapektuhan sa kaniyang trabahador?” Tumawa pa ito kaya napailing na lamang ako at nanahimik.
I really don’t know why I need to do this thing—the adjustment for a woman.
After two hours ay nagpaalam na rin ako sa kaibigan at dumiretso na sa garahe. Naabutan ko pa si Kael na naghahanda na namang mahiga sa creep sa ilalim ng sasakyan. Natigilan ito nang makita akong papasok ng garahe.
“May problema ba ang sasakyan na ’yan?” tanong ko.
Pero imbes na sumagot ay tinitigan na naman ako nito. Napahakbang ako ng isa palikod at bahagyang nanlaki ang mga mata nang ilapit nito ang kaniyang mukha sa akin. Bumilis rin ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nito.
“B-Bakit?”
Suminghot ito. “Ang aga, ah! May problema ka?” tanong nito.
“H-Huh?”
“Hakdog! Ang aga mo mag-inom, bossing. Mabigat ba ang problema mo?”
Sasagot na sana ako nang pareho kaming natigilan at napalingon sa pinto ng garahe nang may babaeng tumawag sa pangalan ko.
“Crius!”
Jassie
…
Naglakad ito palapit sa amin habang may nakasukbit na bag sa kaliwang braso. Lahat ng nandoon ay natigilan sa ginagawa at pinanood ang babae.
Hindi naman maitatago na maganda talaga si Jassie. Mahaba ang tuwid nitong buhok na kulay itim, maganda ang mga mata na itim na itim din. Matangos ang ilong, medyo matangkad, maputi at sexy manamit. Pero kahit kailan ay hindi ko ito nagustuhan.
Gulat ako nang bigla itong tumiyad nang kaunti para lamang bumeso.
“How are you, Crius? It’s been a long time.”
Lumampas ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makita ko si Kael sa likod nito. Walang emosyon itong nakatingin kay Jassie at mayamaya pa ay lumipat ang tingin sa akin. Wala pa ring emosyon. Napalunok ako.
“Hey! Crius!”
Napabalik ang tingin ko kay Jassie dahil doon.
“O-Oh, hey! S-Sinong kasama mo? What brought you here?”
Akala ko next month pa ang dating niya?
“Change of plan. Mom and I got back last night and I came to see you in your office today but your secretary told me that you must be here, so… Yeah!”
Lumapit si Jayson kay Kael kaya naagaw ng mga ito ang atensyon ko.
“Kael, pwede mo ba ako tulungan sa isang sasakyan? Maalam ka mag tune, ’di ba?” mahinang tanong nito.
“Oo. Sige, tara!” agad naman na sagot ni Kael at walang lingon lingon na umalis kasama si Jayson.
Hindi ko napigilan na sundan sila ng tingin at napansin pala ’yon ni Jassie.
“Why do you have a girl employee here? Is she one of your mechanic?” Nilingon ko ito.
“Yeah.”
“But… She’s a girl—”
“She’s not just a girl like what you’ve been picturing. She’s a skilled mechanic and a talented woman. Don’t underestimate her, otherwise you might just be embarrassed.”
“Chill! I won’t say anything. Okay?” natatawa nitong sabi pero seryoso ko lamang siyang tinignan.
“Why are you here? What do you need?”
Since I’m not in the mood, I’d try not to come across as rude.
“Well, your mom asked me and my mom for dinner later. And I think of spending my day here until our dinner came.”
“What?”
Bakit kailangan niyang maghintay rito hanggang sa dinner? Magla-lunch time pa lang. It means, she will stay here for more hours?
“Why?” she asked innocently.
“Wala ka bang ibang gagawin? Pwede naman na magkita na lamang tayo mamaya kung saan ang dinner.”
“We’re going to eat dinner together later; I figured I’d spend my time here because I have nothing else to do. Not only would our mother be pleased to see us together, but it is more convenient.”
I sigh. My mom want me to date this woman and I promised her that I will try. But spending more time with her? Shit! I’m not comfortable. I don’t know why.
Mabait naman siya. Pero ilang taon na rin ang lumipas. Pwedeng may nagbago na sa samahan naming dalawa. Kagaya na lang ng nararamdaman ko ngayon. Dati ay ayos lang sa akin na casual kami pero ngayon hindi na ako komportable dahil alam kong ipinipilit ng mga magulang namin na mag-date kami.
“Fine. Let’s go to my office.”
“There?” turo nito sa taas.
“No. Sa office ko sa company.”
“But… You are working here today, right?”
Napatingin ako kung nasaan sina Jayson at Kael. Nakasakay si Kael sa kotse habang may hawak na laptop, nagtu-tune. Samantalang nakadungaw naman doon si Jayson habang nagpapaliwanag si Kael. Sobrang lapit sa isa’t isa.
Tama nga si Darwin. Maraming alam sa sasakyan si Kael at maraming kayang gawin. Dahil nga racer siya ay maalam din siya mag tune ng mga kotseng pangkarera.
“Change of plan. Marami pala akong naiwan na trabaho sa office.”
“Oh… Okay. Then, let’s go?”
“Hmm.” Sagot ko at tumango lamang ng isang beses habang nakatingin pa rin sa direksyon kung nasaan sina Jayson.
Sakit niyo sa mata! Tss.
Nang inangkla na ni Jassie ang kaniyang kamay sa aking braso ay wala na akong nagawa kundi ang magpahila rito palabas ng garahe.
••• Next month na ulit ang ulit 🤣 Follow me on my social media for more updates! FB Page: Mhadz ;
IG: mhadztngsn
TikTok: mhadztk
FB Group for readers: Mhadz’s Warriors
Chapter 13
Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain nang magsimula ng magsalita ang Mommy ni Jassie. Akala ko’y tahimik na matatapos ang aking gabihan… pero malabo talagang mangyari.
“What if, you spend your date on a trip? Like, out of town?” she suggested and looked to my Mom for approval.
Ngumiti naman agad si Mommy. “Sounds great!“
Natigilan ako. Sounds great? Really?
“Mom, I’m busy. I have no time for that thing—”
“Leave it to me,” putol nito sa sinasabi ko.
“What?“
“Just leave it to me. Marami naman tayong trusted employee and I can handle that. Give yourself a break. Just a week, okay?” Nakangiti nitong saad na parang wala syang ibinibigay na ibang choice.
A week? Napabuntong hininga ako. Si Jassie at ang Mommy nito ay nakatingin na sa akin, naghihintay ng aking sagot.
“We can date here every after office hour. There’s no need to go on a trip. If you still insist, then, no date. Excuse me.” Pagtatapos ko sa usapan bago sila iwan.
Damn it! I really hate setting me up on a date. It’s quite suffocating as hell! I love my mom. But if I feel that she’s controlling me and crossing the line, I’ll set her the boundaries she needs for her to know her limits. I hate being controlled.
Hindi ko alam kung saan ang punta ko. Ayoko pang umuwi. Kung pupunta naman ako sa bar ni Cassian at nandoon ang dalawa ni Rio at Gav, baka makagawa na naman ng kasalanan. Tss. Idiniretso ko na lamang ang pagmamaneho hanggang sa tumigil ako sa race track kung saan kami nagkita noon ni Darwin.
“Tamang tama mukhang may laban ngayon. Manonood na lamang ako,” saad ko bago bumaba ng sasakyan.
Ilang tao ang bumati sa akin habang papasok ako sa loob. Dahil dati akong tambay rito ay marami na rin ang nakakakilala sa akin, dahil na rin siguro kay Darwin.
“Hey, bro! Long time no see! Lalaro ka?” It was Denis, isa sa mga ipinakilala sa akin noon ni Darwin. Isa rin sa nakalaban ko sa race.
“No. I just want a distraction. Ikaw, may laban ka?” I asked back. Nakatayo lamang kami sa gilid ng race track.
“Naku, may espesyal na laban ngayon. One versus one.”
Nagsalubong ang kilay ko. Madalang lang naman ang ganoong laban. Maliban na lamang kung malaki talaga ang pusta nang naghamon.
“Big time ba ang naghamon?” tanong ko.
“Oo. Pero hindi pera ang pusta. Hindi kaya ng pera. Tss.”
“What do you mean?”
Nagbuntong hininga ito. “Sabi nila, kapag wala ang pusa naglalaro ang daga. Ngayong wala ang pusa ay nilalaro ng ligaw na pusa ang kanyang daga. Sinasamantala nila na walang susunggab sa kanila sa pagkakataon na ito.” Napapailing na saad nito.
Napatingin ako sa dalawang sasakyan na nasa gitna. Sino ang tinutukoy nito?
“Anong pusta?” tanong ko muli.
“Kapag natalo ng puting kotse ang itim, pagmamay-ari na sya nito—”
“Yung itim na kotse?” iyon lang pala—
“Ang driver nung itim na kotse.” Seryosong saad nito habang tutok sa dalawang kotse na nagsimula nang maghabulan.
What? ’Yong driver ang pusta? What the heck! Anong mapapala nila sa pusta na ’yon?
“Good luck na lang sa kanya. Mukhang malabo nyang matalo ang itim na kotse na ’yon. Halimaw sa race track ang driver nun e.” Nakangisi nitong sabi.
Hindi na ako nagsalita at gaya niya ay pinanood ko na lamang ang laban.
Pilit na bina-block nung puting kotse ang itim na sasakyan. Kapag alam nitong malalagpasan sya nito ay agad nito itong gigitgitin. Konting pagkakamali lamang ay maaaring bumaliktad ang itim na kotse dahil sa ginagawa nung kalaban nya.
Damn! Bakit ako kinakabahan? Tss.
Kahit itong katabi ko ay hindi na mapakali at panay ang mura kapag nagigitgit ang itim na kotse.
Nang kakaliwa na ang itim na sasakyan ay ay kumaliwa rin ang kalaban, pero agad naman kumabig pakanan ang itim na kotse dahilan para makalampas ito. Sya naman ngayon ang nambablock sa kalaban ngayon hanggang sa matapos ang kanilang race.
“Woah! That’s his girl!” sigaw ni Denis habang nakaturo sa itim na kotse. Unti-unti namang nahahawi ang usok hanggang sa mawala na ito at makita na muli ang dalawang sasakyan.
His girl? Babae ang driver? His? Girlfriend nino?
“His girl?” Naguguluhan kong tanong sa nakangiting si Denis.
“Yeah. Darwin’s girl, bro!”
“D-darwin’s girl?”
May girlfriend si Darwin? Racer din?
Naghiyawan ang mga nandoon. Naguguluhan man ay pinanood ko na lamang sila hanggang sa lumabas ang mga driver nung parehong sasakyan.
Lumabas ang lalaki sa kanyang kotse at mabagal na lumapit sa itim na sasakyan, nag-aabang sa paglabas ng driver nito. He smirked.
Is he proud with the black car driver or annoyed because he lose the bet? Ohh… His eyes tell the last one.
Bumaba na ang driver nung itim na sasakyan.
“K-Kael?” nasabi ko na lamang nang lumabas na ito.
“Oh, you know her?” Denis asked but I didn’t respond.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Denis, ang dahilan at bet ng race na ’to.
So, this man want to owned this girl? By defeating her on a race? What the fuck?
Seryosong tinitigan ni Kael ang lalaki na nakangiti naman sa kanya.
“Malinaw ang pustahan, Ced. Paano ba ’yan, talo ka…ulit?” she smirked. Nawala ang magandang ngiti nung lalaki.
“Hindi ito ang huli, babe. Pinagbigyan lang kita ngayon. Next time hindi na ako magiging mabait.” Sagot naman nang lalaki.
Ha! Pinagbigyan?
“Next time? Sinong may sabi sa ’yo na may next game pa? Natalo kana. Malinaw naman ang usapan kaya tanggapin mo na lang na kahit anong gawin mo hindi mo ako matatalo at hindi mo ako makukuha. Kesa magsayang ka ng oras na makuha ako, bakit hindi ka na lang magpractice araw-araw? Baka may pag-asa pa?” mayabang na saad ni Kael dahilan para tignan sya ng masama nang kausap.
Hindi talaga sya maaapi kahit saan dalhin. Bakit nag-aalala pa si Darwin sa isang ’to? Mukha namang hindi talaga magpapaapi ang babaeng ’to.
Umalis ang lalaki na tila napahiya dahil sa tawanan at kantyaw ng mga naroon. Nang mapalingon sa gawi ko si Kael ay nagulat pa ito.
“Oh, bossing!” naglakad ito palapit sa kung nasaan ako.
“Bossing?” nagtataka namang tanong ni Denis.
“Ah, sa kanya ako nagtatrabaho habang wala pa si Darwin.”
“Ah…”
“Uy, bossing! Bakit ka nandito?” nakangiti nitong bati sa akin. Tinitigan ko ito.
Nakakangiti pa sya nang lagay na ’yon? Sarili niya ang nakapusta sa race na ’yon pero parang wala lang sa kanya?
“Uh… Mauna na muna ako,” agad na sabat ni Denis bago umalis.
“Teka, kasama mo ba ang jowa mo?” tanong pa nito sabay lingon sa aking likuran na parang may hinahanap.
“She’s not my girlfriend.”
“Huh?”
“Bakit ka pumayag sa race na ’yon?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Dahil kailangan—”
“Kailangan? Paanong naging kailangan?”
Nagtaka ito. Tumabingi pa ng kaunti ang ulo nito habang kumukurap-kurap at tinitigan ako. “Bakit ka galit?”
Damn! She looks like a cute innocent kitten!
Tumikhim ako.
“Minion, sarili mo ang nakapusta. Tapos wala ka manlang suot na kahit anong protection gear? Kahit helmet? Hindi mo ba nakita kung gaano kadelikado ang race nyo kanina?”
Hindi manlang nagbago ang reaksyon nito. Ramdam ko na medyo naiinis na ako pero heto sya at parang ligaw na pusa kung makatingin.
“Kael.”
“Oh?”
Nagbuntonghininga ako. “Nakikinig ka ba?”
“Ba’t ka muna galit?”
“I’m not.”
Ngumiti ito dahilan para lumabas ang kanyang dimple. Agad akong umiwas nang tingin.
“Okay. Sabi mo e.”
“Tss.”
“Wala akong suot na kahit anong gear kasi biglaan lang ’to at galit ako kanina kaya hindi na ako nag-abala na maghanda.”
Galit sya?
“Pumayag naman ako sa pusta dahil iyon na lang ang alam kong paraan para tigilan ako ng abnoy na ’yon. Alam kasi nila na wala si Darwin kaya ngayon nila ako kinukulit.” Pagtutuloy pa nito.
Denis said that she’s Darwin’s girl?
“Are you… Darwin’s g-girlfriend?” nag-aalinlangan kong tanong. Tinignan na naman ako nito na parang binabasa ang aking reaksyon. Nailang ako. “W-well… That’s what I heard earlier. You’re Darwin’s girl.”
Pero imbis na sumagot ay ngumiti lamang ito habang napapailing sa akin.
Is she?
Chapter 14
“Hey! Hey, Minion!” Tawag ko rito habang naglalakad kami palabas nung race track pero hindi manlang ako nito nililingon.
“Ang ingay mo! Ano bang problema mo?” sagot nito habang nauuna sa akin maglakad. Ang liit liit pero ang bilis maglakad. Tsk.
“I’m asking you, are you Darwin’s girlfriend?”
Bigla itong tumigil sa paglalakad kaya tumigil rin ako nang muntik na akong bumangga sa kanya. Bumuntong hininga pa ito bago ako harapin.
Humakbang ito ng isang beses dahilan para mas lumiit ang pagitan namin. Dahil maliit ito ay kailangan pa nyang tumingala at kailangan ko namang yumuko nang bahagya. Pero nang magtagpo na ang aming mga mata ay ito na naman ang pakiramdam ko, kinakabahan sa hindi malamang dahilan.
Ilang segundo itong seryosong nakatingin sa akin bago ngumiti ng kaunti, napalunok ako.
“Bakit ba interisadong interisado kang malaman kung girlfriend ako ni Darwin?” malumanay nitong tanong dahil sa sobrang lapit lang namin.
Hindi ako nakasagot pero hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kanya.
Ang ganda ng singkit nyang mga mata…
“Kaya mo bang panindigan ang mga titig mo na ’yan?” tanong nito na nagpakurap sa akin.
“H-huh?”
Dahil sa naging reaksyon ko ay tumawa ito at humakbang palayo sa akin.
“Gandang-ganda kana naman sa ’kin, bossing!”
Napalunok ako at nagsalubong ang kilay, “w-what?!”
“Hindi vitamins ang ganda ko, huwag mong araw-arawing titigan.” Saad nito sabay tawa.
Minsan lang talaga sya tumawa nang ganito kapag magkausap kami kaya hindi ko maiwasan na mapatingin. Kaya lang ay hindi na mawala ang pagyayabang nya para lamang inisin ako. Naging hobby na nya talaga ’yon.
“Asa! Kung ikaw lang din naman ang vitamins, no thanks.”
“Ganda ko ang sinasabi ko, hindi ako. Ako ba mismo ang gusto mong gawing vitamins?” nakangisi nitong tanong.
“What the…” Lalo lamang itong tumawa dahil sa reaksyon ko. Nagbuntong hininga ako, nagpipigil ng inis. Ang hirap manalo sa isang ’to.
“Oh, sya, uuwi na ako at may trabaho pa bukas. Umuwi kana rin.”
“Wait,” pigil ko sa akma nitong pagtalikod sa akin. “Naka motor ka ba?” tanong ko.
“Oo. Huwag kang mag-alala may helmet ako sa motor ko.”
“Sinong nag-aalala? Tss.” Pilit nyang pinipigilan ang kanyang tawa.
“Hindi ka nag-aalala. Sino nga bang may sabi na nag-aalala ka? Dahil wala akong suot na helmet kanina sa race? Dahil delikado at wala akong suot na kahit anong gear? Syempre hindi ka nag-aalala, ano ka ba!” sarkastiko nitong sabi sabay yuko, nagpipigil ng tawa.
“Ewan ko sa ’yo! Uuwi na ako, bahala ka sa buhay mo!” inis na sabi ko.
Sa pagtalikod ko ay doon ko na narinig ang halakhak nito. Natigilan ako at gusto sana syang panoorin sa paghalakhak pero pinigilan ko ang sarili.
“Ingat, bossing!” She shouted. Feeling ko nakangiti pa rin ito.
Nagbuntong hininga na lamang ako at napapailing na umalis.
That woman. She can make me annoyed in every conversation. But I can’t deny that I want it if we had a little fight. I feel like she can’t make me seriously mad at her with her silly attitude.
Napangiti ako habang nagmamaneho pauwi.
“Damn it, Crius! She’s Darwin’s girl! Don’t cross the line that has never been aligned for you in the first place!”
Should I need to distance myself? My action and this feeling could disrespect Darwin’s. Wait, what? What feeling?
“Shit!”
I’d got confused after that night. Sa tuwing pupunta ako sa garage at makakasalubong ko sya ay hindi ako makatingin. Sa tuwing tatawagin nya ako ay para akong nagpapanic attack. At kapag nasa iisang spot kami kasama ng iba kagaya sa mga meeting ay hindi ako komportable. Ang ending, iniiwasan ko sya. I don’t know if she noticed it.
Habang busy ako sa mga pinipirmahan ko sa office sa garage ay may biglang kumatok.
“Come in,” walang pag-aalinlangan kong sagot habang tuloy-tuloy sa ginagawa.
“Bossing,” rinig kong sabi nang pumasok dahilan para mabitawan ang hawak kong ballpen.
Ito na naman ang pakiramdam na para akong nagpapanic dahil sa prisensya nya.
Hindi ako tumunghay at pilit na pinakalma ang sarili bago pinulot ang nalaglag na ballpen. Habang pinupulot ay nakita ko ang sapatos nito mula sa ilalim ng lamesa na tumigil. Nataranta ako dahilan para tumama ang aking noo sa kantuhan ng mesa.
“Oh, shit!” daing ko habang nakapikit at sapo ang aking noo.
“Bossing!” rinig kong bulyaw ni Kael. Narinig ko ang mabilis na yabag ng paa nito. Mayamya lamang ay naramdaman ko na ang kanyang kamay sa aking mukha.
“Okay ka lang, bossing?” tanong nito. Ramdam ko ang hininga nito sa aking mukha kaya dahan-dahan akong dumilat.
Siya ata ang magiging sanhi ng pagkakaroon ko ng sakit sa puso. Para akong aatakihin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit nya.
Habang nakaupo ako sa swivel chair ay bahagya naman syang nakayuko para magpantay kami. Titig na titig ito sa aking noo habang sobrang lapit ng kanyang labi sa aking ilong. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Napababa ang tingin ko sa labi nito na bahagyang nakaawang. Napalunok ako.
“O-okay lang ako,” mahina kong saad.
Bumaba ang tingin nito sa akin kaya napabaling naman sa iba ang mata ko.
“May first aid kit kaba rito sa office mo?” tanong pa nito. Parang ako lang talaga ang apektado sa aming dalawa sa ganitong kalapit.
“O-okay lang ako—”
“May first aid kit kaba?” tanong na parang may pagbabanta. Dahil sa tono na iyon ay agad kong naituro kung nasaan ang first aid kit ng walang pag-aalinlangan. Parang baby na napagalitan ng kanyang parents. Tss.
Nagmadali itong lumapit sa drawer at kinuha ang kailangan. Lumapit agad ito sa akin dala ang hindi naman kalakihan na lalagyan. Kumuha ng bettadine at bulak bago sinimulan gamotin ang aking noo.
“Gasgas lang naman yata—aww!” Napadaing ako ng sadyain nitong diinan ang bulak.
“Gasgas? E kung lagyan ko kaya ng gasgas ang kabilahg side ng noo mo para makita mo ang pinagkaiba ng gasgas sa putok?” Inis nitong tanong.
“Tss. Ang bayolente mo talagang babae!”
“Ay, wow! Salamat sa compliment ha?” sarkastiko nitong sagot bago takpan ng gasa na may tape ang aking noo. “Tatanga-tanga kasi—”
“Sino?” agap na tanong ko habang salubong ang aking kilay. Niligpit nito ang mga gamit at ibinalik sa drawer.
“Ang mesa mo.” Nakangisi nitong sagot. “Kung saan nakamana. Tsk.”
Akala mo naman hindi nag-alala kanina.
“Bakit ka nandito?” Pag-iiba ko sa usapan dahil hindi nito inaalis ang tingin sa akin. Bumalik naman ako sa pagpirma habang tahimik na dinaramdam ang sakit sa aking noo.
Shit! Hindi nga ata gasgas lang ’to, ah?
“May tanong muna ako.” Naglakad ito palapit muli sa mesa kung nasaan ako. Pasimple kong tinitignan ang kanyang humahakba na paa habang nakayuko.
“A-ano ’yon?”
Tumigil ito sa tapat ng aking mesa. “Iniiwasan mo ba ako?”
Natigilan ako. “H-hindi. Bakit kita iiwasan?” Hindi pa rin ako tumutunghay sa kanya.
“Talaga? Kung makaiwas ka kasi sa akin para akong may nakakahawang sakit o kaya may anghit. Hindi naman ako mabaho,” sabi pa nito.
Gustong-gusto ko nga ang amoy nya. Hindi sya katulad ng ibang babae na sobrang tamis ng pabangong ginagamit.
“Guni-guni mo lang ’yon,” sagot ko na lamang.
“Okay.” Doon pa lamang ako tumunghay para tignan sya.
Nang magtagpo ang mga mata namin ay iyon na naman ang kanyang tingin na parang curious na pusa. Parang binabasa niya ako sa mata. Ang cute nya talaga kapag ganito kaya hindi ko maialis ang tingin sa kanya.
“Bossing…”
“O-oh?” napakurap-kurap ako.
“Magpapaalam lang ako.”
Nagsalubong ang aking kilay. “Magpapaalam?”
“Hmm,” sagot naman nito sabay tango. “Mag-a-out ako ng maaga ngayong araw.” Ngumiti ito. Ngiti ng batang nagpapaalam at umaasang papayagan. Ganoon ang itsura nya ngayon.
“For what reason?”
“Uhm… May schedule kasi ako ng laban mamaya,” saad nito sabay kamot sa kanyang kilay.
“Laban?”
“Race, bossing. Pero ngayon ay motorbike race,” ngumisi pa ito na akala mo maglalaro lang sa labas.
What the heck?! Parang laro lang sa kanya ’yung mga ganoong bagay.
Ilang segundo ko syang tinignan at nag-isip.
“Okay—”
“Yes!”
“But! In one condition,” agap ko.
“Ano ’yon, bossing?”
“Sasama ako.”
Unti-unting nabura ang maganda nitong ngiti dahil sa aking sinabi.
“Eh?” iyon na lamang ang kanyang naisagot habang nagtataka.
Para saan ang pag-iwas mo ng ilang araw, Crius? Tss.
Chapter 15
From: Jassie
Will you pick me up later or I’ll come to your office?
Kanina pa akong tulala rito sa office ko. Matapos ang usapan namin kanina ni Kael ay agad kong tinapos ang mga pinipirmahan ko at natulala dahil sa text ni Jassie. Nakalimutan ko na may dinner kami pagkatapos ng aking trabaho pero nasabi ko na rin kay Kael na sasama ako mamaya sa kanya.
“What now, Crius?”
Sabihin ko na lang kaya na may importante akong lakad mamaya kaya hindi muna kami tuloy? Halos araw-araw na rin naman kaming nagkikita.
“Importanteng lakad? Talaga ba?” tanong ko rin sa sarili. “Ugh! Bahala na nga! Itetext ko na lang s’ya na may lakad ako ngayon.”
I picked up my phone on my table and composed a text message for Jassie.
To Jassie:
Sorry, Jassie, but I have urgent meeting with someone today. Maybe next time? I’m sorry
.
Naglakad ako patungong sofa at pagod na isinandal ang aking batok. Halos nakahiga na ang kalhati ng aking katawan nang biglang may kumatok sabay bukas ng pinto.
“Bossing!” Dahil sa gulat ay napaupo ako nang maayos. Natigilan si Kael nang mapansin nito ang gulat ko. “Uh, tutulog ka ba?”
“Huh? N-no!”
“Weh? Hindi nga?” Naglakad ito papasok at naupo sa single sofa na malapit sa akin.
“No.”
“Kung tutulog ka okay lang naman. Mauna na ako roon kasi magreready pa ako. Okay lang naman na hindi ka makasama—”
“Let’s go!” Saad ko sabay tayo dahilan para matigilan sya sa pagsasalita. Napakurap-kurap ito habang nakatingala sa akin. “What? Let’s go! Aren’t you coming?”
“Ang bilis mong tumayo ha!” Nagtataka itong tumayo at nauna nang naglakad palabas kaya sumunod naman agad ako.
Dumiretso kami sa parking area. Dumiretso ito sa kanyang motor na hindi naman kalayuan sa kotse ko.
“Wait. Where’s your helmet?” tanong ko nang mapansin kong sumakay na ito sa kanyang motor pero walang dalang helmet.
Napakamot ito sa kanyang kilay at pilit na ngumiti. “A-ah… Naiwan ko pala,” sabi pa nito.
Naghalukipkip ako at nagsalubong ang kilay. “Naiwan o iniwan?”
“Both?” ngumisi pa ito.
“What the hell is wrong with you?” inis kong sabi. Hindi ko alam kung may siyam na buhay rin ba ang isang ito para hindi mag-ingat. Palagi na lamang syang walang suot na protection gear.
“Oh? Bakit ka na naman galit?”
“Bakit, nakakatuwa ba ang ginagawa mo?”
“Ano na namang ginawa ko sa ’yo?”
Shit! Seriously? Wala bang araw na hindi sya magpapasaway kapag magkasama kami? Para akong may alagang seven years old! Damn it!
“Minion! Wala kana namang helmet. Seriously? Ilan ba ang buhay mo para hindi ka mag-ingat, ha? Kahit na sabihin mong maingat ka magmaneho kung hindi maingat ang kasalubong mo, maaaksidente ka pa rin. Do you get that? You must protect yourself.”
Sa haba ng aking sinabi, eto sya at nakapout lamang habang nagkukutkot sa laylayan ng kanyang damit. Mabagal na dinuduyan ang nakalutang na mga paa sa pagkakaupo sa kanyang motor. Parang batang nakikinig sa sermon ng kanyang magulang.
I’m mad but…
Napabuntonghininga ako at pasimpleng napangiti. I don’t know if she’s aware that she looks cute every time I nagged her. Kung pwede ko lang syang sermonan araw-araw para lamang makita ang soft and cute size nya. Tss.
“Fine. Drive safe, okay? Huwag kang mag-o-over take sa mga sasakyan.”
“Okay!” Masigla at nakangiti na nitong sagot.
“Kael.” I called her name with warning tone. She sigh.
“Yes, bossing! Promise, mamatay ka man!”
“What?!”
“Ay! Wrong send. Sige na, baka ma-late pa ako. Taralets!”
Napapailing akong sumakay sa aking kotse at sinundan ang kanyang pagmomotor.
Kawawa siguro sa babaeng ito si Darwin? Dapat ang magiging boyfriend nito may mahabang pasensya. Yung maraming stocks. Napakapasaway!
Nang mapansin kong mag-o-overtake ito sa isang kotse ay agad ko itong binusinahan. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin at bumalik sa lane.
Nang makarating na kami ay idiniretso nito ang kanyang motor sa loob habang nagpark lang ako sa parking area bago sumunod. Naabutan ko itong kalalabas lamang habang isinusuot ang kanyang racer suit na may kulay na black and white.
“Bossing, sa taas ka na lang pumwesto para hindi masikip.” Saad nito habang nag-aayos ng kanyang buhok.
Napansin ko ang gloves at helmet nito sa katabing mesa kaya kinuha ko iyon. Kinuha ko ang kanyang kamay at ako na mismo ang nagsuot ng kanyang gloves.
“Naninigurado kana ah?” pang-aasar nito kaya sinamaan ko sya ng tingin.
“Mahirap na, matigas pa naman ’yang ulo mo.”
“Grabe sya! Wala namang malambot na ulo, tss.” Bulong nito sa huling linya pero narinig ko pa rin naman dahil sa lapit namin sa isa’t isa.
Agad ko itong pinitik nang mahina sa kanyang noo.
“Aray!” daing nito na akala mo naman ay masakit talaga.
“Ang dami mong sinasabi. Kapag ikaw nag slide at nagkasugat sa kayabangan mo, hindi lang noo mo ang pipitikin ko!” pagbabanta ko. Ilang segundo itong nagulat pero mayamaya lamang ay biglang ngumisi na tila may kalokohang naisip.
“Oy, bossing, ha! May iba kapang gustong pitikin sa akin. Naku—aguy!” Pinitik ko muli ito sa kanyang noo. Ngayon ay may kalakasan na.
“Tigil-tigilan mo kagaganyan mo, Minion. Baka ganyan ka rin makipag-usap sa iba?”
Ngumuso ito habang hinahaplos ang kanyang noo. Napatingin ako roon at nakitang namumula ito.
Tss. Napalakas nga ata.
“Hindi ako ganito makipag-usap sa iba dahil hindi naman sila ganyan makipag-usap sa ’kin.“ Tinig nagmamaktol nyang saad. Mula sa kanyang noo ay napabalik ang aking tingin sa kanyang mata dahik sa narinig.
Anong ibig nyang sabihin?
Nang tatanongin ko na sana sya ay tinawag na ng kanyang kasamahan ang kanyang pangalan para sabihing maghanda na.
“Papasok na ako sa race track, bossing. Doon ka sa taas ha? Para hindi ka masiksik dyan mamaya.”
Inisang hakbang ko ang pagitan namin dahilan para bahagya syang magulat at muntik nang matumba. Hinawakan ko naman agad ang kanyang bewang.
“B-bossing…”
Hinaplos ko ang kanyang noo. “Sorry, napalakas ata. Lagyan natin ng yelo mamaya,” mahina kong saad habang mabagal at magaan na hinahaplos ang namumula nitong noo.
“O-okay,” nauutal nitong saad. Nang ibaba ko ang aking tingin ay doon ko lamang napansin na sobrang lapit namin. Nakaharang ang kanyang dalawang kamay sa pagitan namin habang nakatingin lamang sya sa aking leeg, kinakabahan. Napangiti ako at dahan-dahan syang binitiwan.
“Tandaan mo ang sinabi ko, minion.”
“A-ang alin?” Tanong nito sabay kamot sa kanyang kilay.
Namumula ang tenga niya? Cute.
“Bawal kang maaksidente at magkasugat sa race na ’to.”
“Ah… Oo naman, bossing. Sige na!”
Tumango lamang ako bilang sagot. Nang tumalikod na ito ay saka pa lamang ako ngumiti dahil sa namumula nyang tenga.
“Damn, Kael. You’re too dangerous for me.”
Umakyat ako sa bench kung saan ako itinuturo ni Kael para maupo. Medyo nahirapan pa ako makadaan dahil sa ilang mga kababaihan ang nagtutulakan para maharangan ako. Kung noon ay binibigyan ko ng pansin ang mga ganitong babae, ngayon ay parang nawalan na ako ng gana. Pero kung sa mga kaibigan ko ’to, wala na rito ang mga babaeng ito. Tss.
Nang makarating na ako sa pwesto ko ay hinanap agad ng aking paningin kung nasaan si Kael. Walo silang maglalaban ngayon at nasa pang apat ang hinahanap ko, diretsong nakatingin sa pwesto ko.
Nang makita nyang nakita ko na sya ay saka pa lamang ito nagsuot ng kanyang helmet at sumakay sa motor.
Shit! Ako ang kinakabahan para sa kanya. Dati na rin akong lumalaban sa ganito kaya alam kong delikado kung hindi mabilis ang kaniyang pandinig at pakiramdam sa kalaban.
“Hey!”
Gulat akong napatingin sa taong tumabi sa akin at biglang umakbay.
Nagsalubong ang kilay ko. “What are you doing here?”
••• Sorry sa matagal na update. My anxiety always win against my will to write ツ Follow and interact with me on my FB Page ▶▶▶ Mhadz ;
Chapter 16
“What are you doing here?” Ang alam ko ay nasa ibang bansa sya para sa kanyang photoshoot doon. Ngumisi naman ang mokong.
“Ano bang ginagawa rito? Hindi naman ako pwedeng matulog dito, dude.” Sinamaan ko ito ng tingin. “Chill! I’m just kidding.”
“Akala ko ba nasa abroad kayo para sa photoshoot? Teka, sinong kasama mo rito?” Napalinga ako sa paligid at baka kasama nya pa ang tatlo pero wala akong nakita. So, it’s just Rio.
“Ako lang. Gav is still on his photoshoot, Kurt is busy in the fast food chain, nagpapataba ata ang isang iyon. And ofcourse, Cassian, busy magpayaman habang nilalango sa alak ang mga tao sa kanyang bar. Ikaw? Hindi ka busy?” Mahaba nitong saad. Napatingin na ako sa race track nang magsimula na ang laban.
“Tapos na ang trabaho ko. Why are you here?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Kael.
“I’m bored. Saka may nabalitaan ako na magandang chicks na racer na lalaban ngayon kaya gusto kong makilala.” Doon na ako mabilis na napalingon sa kaibigan. Mula sa panonood sa field ay nakangiti itong lumingon sa akin habang nagtataas-baba ng kanyang kilay.
“Saan mo naman nabalitaan yan?”
“Ano ka ba, dude? Maraming co-models ko ang nanoonood ng mga ganitong laban lalo na kung babae ang driver. And then I heard them admiring this one girl…”
Kasabay nang kalabog ng aking dibdib ay ang pagsalubong ng aking kilay. Konti lang ang babaeng racer dito at si Kael na ang pinkasikat sa kanila. Sya rin ang may pinakaangat ang ganda at may pinakamalakas ang dating. Knowing now that there are so many boys admiring her makes me uneasy.
“They describe her as a feisty woman on the racetrack. Halimaw sa race pero may angelic face,” pagtutuloy nito sabay balik nang tingin sa mga naglalaban. Napalunok ako.
Damn! That’s my Kael he was talking about. Why? Why on earth is it always Rio? Rio is the one who had a crush on Jassie, and now on Kael? Seriously?
“How about you? Akala ko ba hindi kana interisadong bumalik sa race? Bakit ka nandito?”
Tumingin ako kung nasaan si Kael at pinakatitigan ang bawat galaw nito sa racetrack.
“I’m here to support my girl.”
Ramdam ko ang paglingon nito sa akin dahil sa narinig. Alam kong gusto nitong magtanong. Tsismoso pa naman ang isang ito. Pero dahil hindi ko na sya nilingon ay nanood na lamang din ito sa mga nagkakarera.
Kahit sobrang ingay nang paligid ay parang hindi ko ito naririnig. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi nitong si Rio at ang nalaman ko na isa sya sa interisado kay Kael.
I can’t deny the fact that I’m starting to feel something unfamiliar with Kael. It’s different from other girls from my past, so it’s an unfamiliar feeling for me.
Sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip ay bigla akong napatayo nang makitang gumewang ang motor ni Kael dahil sa paggitgit nang kalaban.
“Shit!”
Tumigil lamang ito saglit at agad ding humarurot nang alis. Last lap na ’to at kung hindi sya makakahabol ay matatalo sya.
“Woah! I think that’s the girl I was talking about. Grabe! Totoo nga ang tsismis!” Doon ko lamang napansin na kanina pang nakatayo si Rio habang nanonood at hindi inaalis ang tingin kay Kael.
Dahil sa mahabang buhok ni Kael na nakatirintas lamang ay malalaman talagang babae ang driver nung itim na motor nito.
“Yes! Wohoo! Ang galing mo!” sigaw ni Rio.
Nakahabol si Kael at sya ang nag first. Nag second lamang ang gumitgit sa kanya na lalaki pala ang driver. Tss.
Agad akong bumaba sa bleacher para puntahan si Kael.
“Hey, dude, wait for me!” agad namang sumunod si Rio.
Pagbaba ko ay napalibutan na agad ng mga tao si Kael. Masayang binabati sya ng mga ito dahil sa pagkapanalo. Ang ilan naman ay nanalo sa kani-kanilang pusta kaya nagsasaya at nagpapasalamat. Napangiti na lamang ako habang naiiling.
Nang medyo humupa ang tao at napansin na ako ni Kael ay sya na mismo ang naglakad palapit sa gawi ko. Pero bago pa man ako makahakbang palapit para salubungin sya ay humarang na ang likod ni Rio sa aking harapan.
“Hi! Nice race!” Masigla nitong salubong kay Kael. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng dalaga dahil marahil hindi pamilyar sa kanya ang bumati.
Napilitan itong ngumiti. “Uh… Salamat.”
“I’m Rio, by the way. And you are?” tanong ni Rio. Inilahad pa nito ang kanyang kanang kamay.
Tss. Ito na. This is Rio’s first move.
Tinignan ni Kael ang nakalahad nitong kamay bago lampasan ang tingin dito na diretso sa akin. Kinabahan ako. Rio is every girls ideal man because he’s a model. Wala pang babae ang nang reject sa kanya sa tuwing nagfi-first move ’to. Napalunok ako pero…
“Bossing!” Nakangiti nitong bati sa akin at hindi tinanggap ang kamay ni Rio. Unti-unti ay nawala ang kaba ko at pasimpleng napangiti.
The first girl who rejected Rio’s charm. That’s my girl!
Nilampasan nito si Rio at agad akong nilapitan. Dahan-dahan namang humarap sa gawi ko si Rio nang lampasan sya ni Kael. I give him a smirked. Pinanood ko si Kael na lumapit sa akin.
“Paano ba ’yan, bossing, panalo ako? Walang galos kahit konti! Ha! Walang pitik na magaganap!” pagyayabang nito. “Maawa ka sa noo ko. Pakiramdam ko tuloy may lalabas na sungay rito dahil sa sakit nang pagkakapitik mo.” Dugtong pa nito sabay haplos sa kanyang noo.
Titig na titig lamang ako rito habang pinakikinggan ang kanyang mga pagmamaktol. Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako kung hindi ko pa narinig ang bulong ng impaktong si Rio na nasa tabi ko na pala.
“Kakaiba ang ngiti na ’yan, dude. Ngayon ko lang nakita ’yan sa ’yo, ah?” mahinang saad nito. Napatikhim ako. Bigla namang nawala ang magandang ngiti ni Kael at nagtatakang nakatingin sa amin ni Rio.
“Ahm… He’s my friend, Rio.” Sabi ko kay Kael sabay turo sa katabi ko na nakangiti na ngayon kay Kael habang kumakaway.
“What’s her name, dude?” tanong ni Rio.
“Why not ask her yourself?” hamon ko rito. Sa tingin ni Kael na walang emosyon sa kaibigan ko, alam ko na.
“Tss. You have seen what she did, right? She rejected me earlier. And it’s fucking hurt my ego.” Mahinang saad nito sa akin habang panay sulyap kay Kael.
“Words, Rio.” I warned him.
“Oh, wow! You’re a good boy now?”
“I’m a man, dude. And I’m always and the only good man in our circle. Remember? And you are the worst. Tss.”
Napatingin ito sa akin. “Grabe ka naman sa worst! Just tell me her name, dude.”
Tinignan ko si Kael. Mula sa walang emosyon nitong tingin kay Rio ay nilingon ako nito at ngumiti nang bahagya.
“Meet Kael, dude. She’s working with me under Holt Garage.”
“Really? An HR or your secretary? Wait—may secretary kana, ’di ba?”
“Yeah, Justin is still my secretary.” Sagot ko naman.
“So, she’s the new HR? Iyon lang naman ang pwede sa kanya roon.”
“She’s one of my mechanic.”
Natigilan si Rio dahil sa aking sinabi. Mayamaya pa ay parang kuminang ang mga mata nito at lumingon kay Kael.
“Wow! A racer and a mechanic woman? No wonder why my co-models really like you. You’re one of a kind!”
“Rio.” Tawag ko sa pangalan nito dahil ramdam at kita ko sa mga mata ni Kael na hindi niya gusto ang naririnig.
“Nice to finally meet you, Miss Kael. My friend’s girl?” Agad ko itong nasiko sa tagiliran. “Oh!”
Nilingon ako ni Kael. Napatikhim naman ako at agad na nilingon ang kaibigan.
“Rio, we need to go. I think you need to go too, right? Hinihintay kana nina Cassian sa bar nya—”
“Huh?”
“Oo, nagtext sa ’kin. Sige na. Ingat ka, drive safe. Okay? Bye!” At sapilitan ko itong itinalikod kay Kael paharap sa exit. “I’ll talk to you soon. But now, just go before I kill you, bastard!” mahina ngunit may diin kong sabi. Tinawanan naman ako ng siraulo.
“Oh! Great wall of Crius, huh?”
“Just go!”
Tumawa na naman ito. “Okay, okay! Bye! Bye, Miss Kael! Nice to meet you, Miss Monster Racer!”
Nagsalubong ang kilay ni Kael sa narinig.
“What the fuck, Rio!” Dinagdagan pa nito ang kailangan kong ipaliwanag mamaya! I’m going to kill this man for sure!
“Shh! Words, Crius.” Panggagaya nito sa akin.
“Get lost, Rio!”
“Okay, okay! Bye!” Natatawang sabi nito at tuluyan na ngang umalis.
Napabuntonghininga naman ako. Pagharap ko ay nakahalukikip na si Kael habang nakataas ang kilay, nakatingin na sa akin.
Oh, great! I’m dead.
Chapter 17
“Uhm… Gabi na, ihahatid na kita. Bukas mo na lang kunin ang motor mo.” Alok ko kay Kael habang nanunuri ang tingin nito sa akin.
“Ano ’yon?” tanong nito.
“A-ang alin?” Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Nagtaas ito ng kanyang kilay, mabagal na humahakbang palapit sa gawi ko habang nakahalukipkip. Napapaatras ako sa maliliit na paraan dahil sa paglapit nito.
“ His friend’s girl ?” May diin nitong tanong.
Napalunok ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Mabuti na lamang at maliit ang babaeng ito kaya hindi mahirap umiwas ng tingin.
“You heard it wrong, Minion. I told him that you’re my mechanic. A girl mechanic.”
“Ohh… Mali pala ang rinig ko?” Nakangisi nitong tanong na parang nang-aasar na naman.
“Tss. Tara na, hindi pa tayo nagdi-dinner. Dahil nanalo ka ngayon, treat kita for dinner. Okay ba?”
Naningkit pa lalo ang mga mata nito dahil sa pagpapalit ko ng aming usapan.
“Naku, ikaw bossing ha! Umayos ka, ’wag kang maglaro ng hide and seek at baka hindi mo makita.”
“Why?”
“Dahil baka wala namang nagtatago, maghahanap ka sa wala.”
Tinalikuran ako nito matapos nyang sabihin ’yon. Natulala naman ako habang pinapanood ang kanyang likod papalayo sa akin.
Is that a sign? An answer?
Wala pang nagsisimula pero tinapos na? O siguro dahil nahanap at hawak na ng iba kaya wala naman akong mahahanap?
Tahimik kaming dalawa sa loob ng aking sasakyan. Nakatingin lamang sya sa labas ng bintana.
Ayoko ng ganito kami. Hindi ako sanay na tahimik sya. Hindi ako sanay na parang nagsisimula na naman akong kilalanin sya.
“Saan mo gustong kumain?” I asked her. Sumulyap ako saglit sa kanya.
Pumihit ito paharap sa gawi ko at ngumiti. “Pwede bang mag bar na lang tayo?” tanong nito.
“Hindi ka pa kumakain, Minion. Wala pang laman ang tyan mo.”
“Hindi naman ako gutom e. Ang tagal ko na kayang hindi nakakapag-inom. Feeling ko napapabayaan ko na ang sarili ko.”
Napalingon ako sa gawi nya dahil sa narinig. Nakanguso na ito ngayon, nagpapaawa.
“What the heck? Hindi ka lang nakakainom, napabayaan mo na ang sarili mo? Seriously, Minion?”
Kakaiba talaga mag-isip ang isang ito. Gusto atang gawing vitamins ang alak.
“Oo kaya! Ang dry sa lalamunan, tapos yung atay ko parang kumakatok na sya. Parang naririnig kong sinasabi nyang… Alak
!
Alak
!
Alak
!
Uhaw
na ako!”
Natawa ako dahil sa kalokohan ng babaeng ito. Ang daming alam! Napaisip ako kung sa bar ni Cassian ko sya dadalhin. Baka nga pumunta roon si Rio dahil sa sinabi ko kanina. Pero lagay ang loob ko na nasa safe syang bar kung doon ko dadalhin.
“Fine. Pero doon tayo sa bar ng kaibigan ko.”
“Yes! Let’s go!”
“Kelan ka ba huling nag-inom?” tanong ko. Baka nga nagsasabi sya ng totoo na matagal na.
“Nang nandito pa si Darwin. Hindi ako nag-iinom ng wala sya sa paligid o hindi sya kasama.”
“A-ah…” Natahimik ako dahil sa narinig.
Siguro pinagbawalan sya ni Darwin na mag-inom nang hindi sya kasama. He’s a protective kind of boyfriend. Not bad. Pero bakit ngayon? Wala naman si Darwin pero mag-iinom sya.
“Darwin is not around. Hindi ba sya magagalit kung malalaman nyang mag-iinom ka?”
“Nandyan ka naman e.”
“Huh?” What did she mean by that?
“Kaya lang naman ako hindi nag-iinom ng wala si Darwin kasi madalas akong bastusin ng mga lalaki. Minsan may magbibigay ng alak pero malalaman kong may gamot pala. May pilit akong hihilahin sa gitna para isayaw. Kapag hindi pa ako masyado lasing, nakakapang banat pa ako. Naipagtatanggol ko pa ang sarili ko habang nasa likod ko lang si Darwin. Pero kapag lasing na, si Darwin na ang nagawa sa lahat.” Mahabang kwento nito.
It feels like Darwin lets her do whatever she wants but keeps an eye on her to feel her safe. And she can do anything without worrying because of Darwin’s presence.
“Do you trust me?” I asked her. Sakto naman na nasa parking area na kami ng bar. Pagtigil ng sasakyan ay pumihit ako sa gawi nya, naghihintay ng sagot.
Ilang segundo ako nitong tinitigan bago ngumiti.
“Oo naman, bossing!” Her answer makes me calm. At least she trusted me aside from Darwin.
“Thank you.”
Sinabayan ko ito sa pagpasok ng bar. Hindi pa naman masyado crowded kaya hindi pa ako nag-aalala na mabubundol sya nang kung sino.
Napailing ako nang makita ko sa isang table ang aking mga kaibigan.
Shit! Kumpleto sila. Akala ko ba nasa ibang bansa si Gav at busy si Kurt? Tss.
Si Rio ang unang nakapansin sa ’kin na agad ngumisi ng nakakaloko dahilan para mapatingin din sa gawi namin ang iba.
“Hey!” bati ko sa mga ito. Lumampas ang tingin nila sa akin para tignan ang kasama ko na nasa aking likuran. Kaya naman marahan kong hinila si Kael palapit sa ’kin.
“Hinahanap pala ako, ha?” Pang-aasar ni Rio.
“Guys, meet Kael.”
“Hi!” Sabay-sabay nilang bati habang kumakaway. Kita ko pa ang pasimple nilang panunuyod ng tingi sa kabuuan ni Kael bago tumingin sa akin na tila nagtatanong.
Sigurado akong nagtataka sila dahil hindi kagaya ng mga babaeng dinadala ko rito noon ang kasama ko ngayon. Hindi nakasuot ng sexy na dress. Hindi naka make-up na makapal at higit sa lahat, nakatingin lamang sa kanila ng walang emosyon. That’s Kael. Wearing her oversized shirt, cargo pants and converse shoes. Can wander around without make-up and look at you with her emotionless eyes is her trade mark. That makes her unique.
“Kael, mga kaibigan ko. Si Rio, ’yung pinakilala ko sa ’yo kanina. Si Gav, si Kurt and si Cassian. May ari ng bar na ’to.” Pagpapakilala ko naman sa mga kaibigan ko. Doon pa lamang ito ngumiti nang bahagya at mabilis lamang.
“Have a seat,” alok ni Cassian.
Pinaupo ko si Kael sa pinakadulo ng sofa bago ako na katabi naman si Cassian.
“ Friend mo?” Nakakalokong tanong ni Rio sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin dahilan para humalakhak ito.
Pahamak talaga!
“Cassian, pwede mo bang pahatidan muna kami ng pagkain dito sa table natin?” tanong ko.
“Sure!”
Tumawag ito sa isang waiter at bumulong. Ang tatlo sa tapat namin na si Gav, Rio at Kurt ay panay ang ngisi habang nakatingin sa akin bago titingin kay Kael.
Sana lang ay hindi ma offend si Kael sa action ng mga kaibigan ko.
“Ahm… Miss Kael, if you don’t mind me asking. Are you friend with our friend Crius?” Tanong ni Kurt.
Patay! Inenglish pa!
“Hindi.”
“Ohh…” Sabay-sabay nilang sabi. Napabuntonghiningan na lamang ako.
“If you’re not a friend, then you must be the girlfriend?” Tanong naman ni Gav.
Gusto ko na agad hilahin palabas si Kael at ilayo sa mga kaibigan ko.
“Hindi rin.”
“Huh?”
“Boss ko sya, mekaniko nya ko.” Sagot lamang ni Kael.
“M-Mekaniko?” Sabay na tanong ni Gav at Kurt. Si Rio naman ay hindi na nagulat dahil. Nasabi ko na kanina.
“Seryoso?” tanong naman ni Cassian.
“Yeah.” I answered.
“She’s also a racer. Kagagaling lang nya sa laban at sya ang nanalo, right, Crius?” ani Rio.
“Hmm.” Tumatango kong sagot.
Kitang-kita ang pagkamangha ng mga kaibigan ko sa nalaman habang wala namang pakialam si Kael. What do I expect? That’s Kael.
Mayamaya pa ay dumating na ang pagkain kasunod ang mga alak.
“Hindi ka iinom hangga’t hindi ka kumakain. Okay?”
Lumabi pa ito bago tinignan ang mga pagkain bago tumango. “Okay!”
“Woah!” rinig kong reaction ng mga kaibigan ko kaya pasimple ko silang sinamaan ng tingin.
“Ang istrikto naman ni Boss !” Nakakalokong sabi ni Gav na sinabayan naman ni Rio ng tawa.
Pigil na pigil ko ang aking sarili na dambahin ang tatlo sa aming harapan. Ang lalakas mang-asar! Hihintayin ko talaga ang dalawang ’to na ma in love at masaktan, tatawanan ko talaga sila.
Chapter 18
“Hey, are you still okay?” Tanong ko kay Kael nang mapansin kong mapula na ang mukha nito.
“Oo naman, bossing! Ikaw? Okay ka pa?”
“O-oo. Okay pa naman ako.” Nag-aalinlangan kong sagot. Mukhang tinamaan na talaga sya sa aming iniinom.
“Miss Kael, pwedeng magtanong?”
Mabilis akong napalingon kay Kurt at agad na pinagtaasan ito ng kilay, nagtatanong ang aking tingin.
“Relax, okay? Wala pa. Sabi kasi nila nagsasabi ng totoo ang mga babae kapag may tama na ng alak.”
“Mag-ingat ka sa mga itatanong mo, Kurt. Ibabaon talaga kita sa pwesto mo kasama ang dalawang ’yan!”
“Oh, bakit pati kami? Nananahimik na nga kami e.” Agad na sagot ni Gav.
“Oo nga. Makikinig na nga lang kami sa itatanong ni Kurt, hindi na kami sasali. Kung hindi kailangan.” Sagot naman ni Rio sabay ngisi.
“Hoy, kayong tatlo, umayos kayo ha. Babae pa rin ’yan at kasama ni Crius, mahiya kayo.” Ito naman ang banta ni Cassian sa mga ito.
“Huwag nga kayong OA! Wala pa nga e,” ani Kurt.
Tumingin muli ito sa katabi ko na katatapos lang ubusin ang laman ng kanyang baso. Tss. Hindi ko napansin ’yon ah!
“Miss Kael, pwedeng magtanong?”
Tinignan ni Kael si Kurt ng ilang segundo. Akala ko’y hindi ito papayag pero mayamaya lamang ay sumagot din ito.
“Sige basta ’wag mo akong englishin at baka hindi kita matantsa!”
Patago akong natawa dahil sa kanyang naging sagot. Bumulong naman sa akin si Cassian na katabi ko sa kabila.
“So, sya pala ang dahilan kung bakit sinasanay mo ang sarili mo magtalog?” Tumango naman ako. Napapailing itong nakangiti dahil sa sagot ko.
“Sige. Tagalog tayo.” Sagot ni Kurt sabay tikhim. “Miss Kael, kung hindi ka girlfriend nitong kaibigan namin, may boyfriend ka ba?”
Napalunok ako dahil sa tanong na iyon lalo na sa tingin ng mga kaibigan ko. Alam kong ramdam na agad nila na gusto ko si Kael kaya nila natanong ang bagay na ’yon. Napatingin ako kay Kael na hindi na maka focus marahil dahil sa dami nang nainom.
“Boyfriend?” Tanong pa nito kaya tumango naman ang tatlong ugok. “Hmm… Wala.”
Daig ko pang nabunutan ng tinik sa dibdib matapos kong marinig ang sagot na iyon ni Kael. Pero… Akala ko si Darwin?
“Wait. Wala? E si Darwin?” Hindi ko na napigilan pang itanong.
“Who is Darwin?” Tanong ni Kurt pero hindi ko sinagot dahil naghihintay ako sa sagot ni Kael.
“Darwin?” Tumango ako. Bigla naman itong tumawa kaya pare-pareho kaming nagtaka. “Si Darwin na palaging napagkakamalang boyfriend ko?”
Napagkakamalang boyfriend?
“Hindi ba?”
“Hindi. Best friend ko si Darwin. Sinasabi lang namin na boyfriend ko sya sa mga lalaking umaaligid sa akin para protektahan ako. Pero hindi ko talaga sya boyfriend. Bestfriend.”
“Mukhang may nabunutan ng tinik sa tabi-tabi rito ah?” Pang-aasar ni Kurt. Pinakyuhan ko naman ’to.
“E, bakit wala kang boyfriend?” Tanong naman ni Gavriel.
“Hoy! Akala ko ba hindi kayo makikisali at makikinig lamang?” Tanong ko pero nagkibit-balikat lamang ito.
“Bakit nga ba wala pa ’kong boyfriend?” Tanong pa nito. Mukhang lasing na talaga sya. Mukha pa itong nag-iisip kaya natawa ang mga kaibigan ko dahil alam nilang lasing na si Kael.
“She’s so cute when she’s drunk.” Natatawang saad ni Cassian.
“Yeah. Kapag walang inom nakakatakot kausapin e. Parang babanggain ka nalang bigla sa daan kapag nagkamali ka ng sagot.” Sabi naman ni Gavriel at sabay-sabay pa kaming nagtawanan. Mga siraulo talaga.
“Teka. Mga lasing na kayo! Tawa kayo nang tawa. Ang lalakas ng tama ng mga ’to. Adik ba kayo?” Lasing na tanong ni Kael kaya pare-pareho kaming nagulat.
“Hey! Baka may makarinig sa ’yo at maniwala.” Saway ni Kurt.
“She’s just drunk, dude.” Ani Cassian.
“Bakit? Hindi ba kayo adik?”
“No!” Sabay-sabay na sagot ng tatlo.
“Maka No nman kayo. Napaka OA po ng no nyo!” Tumatawang sagot naman nitong si Kael kaya napailing na lamang ako sa kanyang kakulitan.
“Oh, marunong pala tumawa ’to e. She’s so pretty when she smiles. Look at her eyes and dimple!” Namamanghang puna naman ni Kurt kaya pinagtaasan ko ito ng kilay.
“Luh, may nagseselos kahit walang karapatan, oh! Parang si Kurt lang ah!” Ani Rio. Nakatanggap naman agad ito ng batok kay Kurt.
“Pasmado ka! Pwede namang manahimik na lang.”
“Miss Kael, ang ganda mo pala kapag nakangiti. Pero bakit wala ka ngang boyfriend? Gusto mo ba, ako na lang?”
Nasamid ako sa naging suggestion ni Gavriel kay Kael.
“Lakas ah! Hindi ka ba natatakot para sa buhay mo, dude?” Tanong ni Kurt kay Gav. Dahan-dahan naman akong nilingon ni Gav at ngumisi.
“Ikaw?” Tanong ni Kael kaya natahimik kaming lahat. Parang napigil ko naman ang aking paghinga.
Tumingin sa akin si Kael. “Sa palagay mo, bossing?”
“H-huh?”
“Ano sa palagay mo na sya ang boyfriend ko?”
Hindi ako nakasagot.
“A-ah… Naku, Miss Kael, mahalaga ang buhay ng isang tao dahil iisa lamang ito, hindi ba, Gavriel?” Tanong ni Kurt.
“O-oo. Oo.”
“Kaya, yang bossing mo na lang ang gawin mong boyfriend.”
Itinuro ako ni Kael. “Si Bossing?”
“Yeah. The one and only, Crius the great!”
“The great wall of Crius kamo!” Salida nitong si Rio dahilan upang magtawanan ang mga mokong. Napapailing na lamang ako at si Cassian.
“Hindi pwede.”
Natigilan sa pagtawa ang tatlo kaya napatingin din ako muli kay Kael.
“Huh? Bakit hindi pwede?” Tanong ni Gav.
“E kasi may girlfriend na si Bossing.”
“May girlfriend kana, dude?” Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ko.
“Hindi nyo alam? Anong klase kayong mga kaibigan? Hindi nyo alam na may dine-date na sexy at magandang babae itong si Bossing? Mahihinang nilalang!” Lasing na kwento pa ni Kael kaya napatampal ako sa aking noo sabay buntonghininga.
Nagulat ako nang dumukwang ang mga kaibigan ko upang ilapit ang kanilang mga mukha. Napailag naman ako.
“Sino yung maganda?” Tanong ni Gav.
“Yung sexy?” Tanong ni Rio.
“May dine-date ka?” Si Kurt.
“Kelan pa?” Cassian.
Nang tignan ko si Kael ay nakasubsob na ito sa mesa.
“Lasing na sya. Kailangan ko na syang ihatid–”
“Not so fast, Mister Holt.” Pigil ni cassian.
Mukhang hindi talaga ako makakaalis nang hindi sinasagot ang kanilang mga katanungan kaya napabuntong hininga ako dahil mukhang wala akong choice.
“Hindi ko sya girlfriend, okay?”
“So, may dine-date ka nga?” tanog ni Kurt.
“Meron. Pero hindi dahil gusto ko syang maging girlfriend.”
“Huh? E bakit mo dine-date?” Asik naman ni Gavriel.
Napatingin ako kay Rio. Hindi ko na sana idedetalye pero alam kong hindi kami makakaalis ni Kael kung hindi makukuha ng mga kaibigan ko ang sagot na gusto nilang marinig.
“Request lang ng Mom ko. Anak sya ng ninang ko which is bestfriend din ni Mom. Kauuwi lamang nila dito sa pinas at gusto ng mga Mom namin na mag-date kami hanggang sa mag workout. But, for me, it won’t work out.”
“Dahil hindi mo sya gusto at pinagbibigyan mo lang ang Mommy mo? Ganoon ba?” Tanong naman ni Cassian.
“Yeah.”
Kita kong malalim ang iniisip ni Rio kaya nagsalit muli ako.
“The girl I’m talking about is Jassie, Rio.”
“What?!” Sabay-sabay na tanong ng kaibigan ko maliban kay Rio na natigilan dahil sa gulat.
“Rio, are you okay?” Cassian asked.
“Huh? Yeah, of course. Saka, past is past. Hindi ko naman sya naging girlfriend.”
“At hindi rin naman si Jassie ang gusto ko.” Sagot ko naman sabay tingin sa babaeng nakasubsub sa mesa. Sabay-sabay rin itong nilingon ng mga kaibigan ko.
“Bakit hindi sya ang i-date mo?” Tanong ni Cassian.
“Hindi nga nya alam na gusto ko sya. Kelan ko lang din na confirm sa sarili ko.”
“Then, tell her! Ang hina mo naman, dude!” Asik naman ni Kurt.
“Hindi ganoon kadali ’yun lalo na at nagsimula kami sa away.”
“Nagsimula sa away?”
Mukhang mahaba-habang usapan pa ’to kung sisimulan ko kung paano kami nagkakilala nitong si Minion.
“Mahabang kwento, mga dude.”
“May oras kami.” Sagot nilang apat.
Napabuntong hininga ako. Hindi talaga makatakas sa mga mokong na ’to.
Chapter 19
“You mean, mala aso’t pusa kayo nyan noon?” tanong ni Gavriel na tinanguan ko naman.
“At ang lakas ng loob mong insultuhin na mukhang taong grasa pero patay na patay ka naman ngayon?” Mapang-asar na sabi naman ni Kurt kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Tss. Kahit naman kayo ang nakakita sa kanya noon yun din ang masasabi nyo.”
“Hindi rin!” Asik naman ni Rio. “Sa ganda nyang ’yan, kahit dungisan mo pa maganda pa rin.”
“Tigilan mo pagpapantasya mo sa kanya, Rio, ha!” Banta ko.
“Ulol! Sinabi lang maganda pantasya agad?”
“Bakit? Hindi ba?” Tanong naman ni Gav sa kanya.
“Syempre… N-nung una. Noong hindi ko pa alam na sya pala ang kinababaliwan ng lover boy natin na ’to.”
“Paano pala kung hindi itong si Crius ang naging kaagaw mo?” Tanong naman sa kanya ni Cassian.
“Ibang usapan na ’yon. Aagawin ko talaga sya!”
Napataas ang kilay ko. Nakangisi naman akong tinignan nina Cassian, Kurt at Gav.
“Mukhang ikaw ’tong patay na patay ah?” tanong ko.
“Tss. Hindi naman. Type ko lang talaga sya. Kaya mag-ingat ka, dude. Kapag pinakawalan mo ’yan makikita mo na lang na isa ka sa mga abay sa kasal namin.”
Napatayo ako. “Ulol! Mauuna muna ang burol mo bago mangyari ’yon!”
“Woah!” Sabay-sabay nilang sabi.
“Coming from a guy na hindi makaamin na may gusto sya sa kanyang mekaniko? Really, huh?” Pang-aasar pa ni Rio.
“Timeee!” Sabat ni Gav na akala mo nanonood ng battle. Tss. Siraulo talaga.
“It takes time, Rio. Hindi minamadali ang lahat. It’s better to wait for the right moment so there’s no room for mistakes at the end.” Yumuko ako para magpantay ang tingin namin bago ko tinapik ang kanyang balikat. “Wag sunggab nang sunggab. Hindi lahat nang nakahain ay worth eating. Baka malason ka.”
“Tama!” Segunda ni Cassian. Panay naman ang tango nina Gav at Kurt na akala mo naintindihan talaga nila.
Lumapit ako sa mahimbing na natutulog sa mesa na si Kael at marahang hinaplos ang pisngi nito.
“Hey! Hey! Wake up!” panggigising ko rito sa mahina at malambing na paraan.
Dahan-dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata nang hindi kumikilos. Napalunok ako nang magtama ang aming paningin at nakipagtitigan pa ito sa akin gamit ang singkit at mapungay na mga mata.
“Umaga na ba, bossing?”
Lasing pa rin sya kahit nakatulog na? Cute. Napangiti ako.
“Nasa bar pa tayo. Tara na, ihahatid na kita.”
Dahan-dahan itong naupo nang maayos at tinignan ang paligid. Natigil ang paningin nito sa mga kaibigan ko na nakatingin na rin sa kanya habang nakangiti.
“Oh! Nandito pa rin kayo? Dito ba kayo natutulog?” tanong nito sa mga kaibigan ko. Tumawa naman ang mga mokong.
“Cute mo talaga!” Tumatawang saad ni Gav.
“Lakad na, Miss Kael, ihahatid kana ni Crius.” Ani Cassian kaya tumingin muli sa akin si Kael.
“Ikaw, bakit nandito ka pa?” tanong nito sa akin.
“Kasi nandito ka pa.”
“Ah… Ganoon ba ’yun?”
Inalalayan ko itong tumayo. Isinampay ko ang braso nito sa aking balikat at hinawakan sya sa bewang.
Sorry,
Kael
. Kailangan
kitang
hawakan
ngayon para hindi ka
matumba
.
“Mauna na kami, mga dude. Ingat kayo sa pag-uwi nyo ha!”
“Ingat, mga dude ni bossing ko!” lasing na sabi ni Kael kaya natatawang kumaway ang mga kaibigan ko.
“Ingat ka sa kasama mo, Miss Kael!” Ani Rio.
“Ulol!”
“Ssh! Bad ’yun, bossing! Kukunin ka ni Lord!” saway sa akin ni Kael. Dahil sobrang lapit namin ay amoy na amoy ko ang hininga nito na amoy alak pa.
“Narinig mo? Bad ’yun! Kukunin ka ni Lord!” Sabi ni Rio sabay tawa na sinabayan naman ng mga siraulo.
“Tara na, Kael, habang nakakapagpigil pa ko. Baka may mauna pa sa akin na makuha si Lord.”
“Sige na. Ingat kayo. Hindi pa ako handa makiramay kay Rio.” Natatawang saad ni Cassian.
“Bye, mga dude ni bossing ko!”
Bossing ko…
“Bye, Miss Kael!” Sabay-sabay nilang paalam.
Inalalayan ko itong makasakay sa kotse. Nang ikakabit ko na ang kanyang seatbelt ay napatitig ako sa mukha nito. Nakapikit na ang singkit nitong mga mata. Namumula ang kanyang pisngi, ang manipis at matangos nyang ilong. Napatigil ang tingin ko sa mapula at medyo basa nyang labi. Napalunok ako at madaling ikinabit ang kanyang seatbelt bago umayos ng upo. Napabuntong hininga ako.
“No. I’ll wait until the right time that I can call her mine.”
Hindi kagaya noon kapag ako lamang mag-isa na galing sa bar, ngayon ay maingat at hindi kabilisan ang aking pagmamaneho. Maya’tmaya rin ang tingin ko kay Kael dahil baka bigla itong mapasubsob.
“Wait. Saan ba sya nakatira?”
Dahil hindi ko alam kung saan sya ihahatid ay marahan ko itong ginigising.
“Hey! Kael. Kael… Saan kita ihahatid?” Pero kahit konting ingay ay wala akong narinig. Ilang beses ko pa iyon ginawa pero hindi talaga sya sumagot.
“No choice. I’m sorry. Alam kong magagalit at magugulat ka kinabukasan.”
Idineretso ko ang pagmamaneho sa condo ko kung sa minsan ko lamang tulugan. Hindi ko na sya ginising at marahan ko na lamang binuhat na pa bridal style paakyat sa unit ko.
“Kumakain ka pa ba? Mas mabigat pa si mommy sa ’yo.”
Mabuti na lamang at may isa akong guest room kaya roon ko sya dinala. Marahan ko itong ibinaba sa kama bago inalisan ng sapatos at kinumutan.
“Hindi naman kita pwedeng palitan ng walang permiso mo kaya bukas ka na lang magbihis.” Pagkausap ko rito. Hinawawi ko ang nakaharang nitong buhok sa kanyang noo.
“Kaya pala hindi ka maiwan ni Darwin kapag lasing. Ni hindi ka manlang nagising sa sasakyan hanggang sa maalisan na kita ng sapatos. Paano na lang kung ibang lalaki ang nag-uwi sa ’yo? Tss.” Napapailing kong saad habang pinapanood syang mahimbing na natutulog.
Ngumiti ako bago sya talikuran. Pinatay ko ang ilaw at tanging lamp shade lamang ang iniwang bukas bago lumabas ng kuwarto.
Dumiretso ako sa kuwarto ko at naligo. Pagkatapos ay kumuha ako ng bagong damit at sweatpants. Bumalik ako sa kuwarto kung nasaan si Kael at maingat na ibinaba ang damit sa side table.
“Good night, Minion ko.” Bulong ko at magaan syang hinagkan sa kanyang noo.
Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina upang magtimpla ng kape. Hindi ko alam kung bakit na bo-bother ako sa sinabi ni Rio kahit na alam ko namang hindi na nya susulutin sa akin si Kael.
“Alam kong malakas ang tama ni Kael sa kanya pero sigurado naman ako na hindi sya gagawa ng kalokohan dahil kaibigan ko sya. Hindi ba? Hindi naman siguro nya sisirain ang pagkakaibigan namin para sa isang babae?”
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa aking mga tanong.
“Wala naman siguro akong dapat ikabahala. Tss.”
Chapter 20
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Habang nagluluto ay nagkakape na rin. Hindi ko na muna kinatok si Kael sa kwarto habang hindi pa ako nakakaluto. Pero mayamaya lamang ay nakita ko na itong lumabas ng kuwarto habang palinga-linga sa paligid suot ang iniwan kong pamalit na damit at sweat pants kagabi.
“Good morning!”
“Ay kabayo!” gulat nitong naibulyaw sabay tingin sa akin. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Natawa ako.
“Sorry.”
“Bossing, bahay mo ’to?
“Yeah.”
“Hala! Ang ganda! Teka. Bakit nga pala ako nandito?” Naglakad ito papalapit sa akin sa may kusina.
“You were drunk last night. Hindi kita matanong kung saan kita ihahatid kaya… dito na lamang kita dineretso.”
“E saan ka natulog? Huwag mong sabihing tumabi ka sa akin? Papupulis kita!”
“What? Of course not! Syempre nandoon ako sa kwarto ko.”
“Ah… Magaling na ’yung malinaw.”
“Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong ko habang pinagtitimpla ko siya ng kape.
Kinapa naman nito ang kanyang ulo kaya nagtaka ako.
“Hmm… Hindi naman sya masakit. Bakit? Nauntog ba ako kagabi?”
Natawa ako sabay lapag ng kanyang kape sa kanyang tapat.
“I’m not asking for literal pain, Minion. I mean, a headache because of a hangover?”
“Ah, yun ba? Hmm… Hindi naman. Salamat sa kape.”
“Siguro dahil nakatulog kana ng matagal sa bar kagabi bago tayo umuwi. ” Tinalikuran ko muli ito para ipagpatuloy ang niluluto ko.
“Ako? Natulog sa bar kagabi?” tanong nito kaya tumango naman ako bago sya sinulyapan.
Nanlaki ang kanyang mga mata kaya napapailing ako habang natatawa. Mukhang hindi rin niya maalala.
“Hala! Gagi! Nakakahiya sa mga kaibigan mo! Bakit mo ’ko hinayaang matulog?”
“Nag-uusap pa kasi kami ng mga kaibigan ko kaya hinayaan muna kita matulog.”
“Siomai! Anong sabi ng mga kaibigan mo?”
“Hmm… Wala naman, ang cute mo raw.” Naalala ko na naman kung gaano sila tuwang-tuwa at cute na cute kay Kael.
“Cute? Ano ako? Aso?”
“Hindi. Minion.”
Pagtingin ko sa gawi nya ay nakahalukipkip na ito at masamang nakatingin sa akin. Agad kong ibinalik ang tingin sa aking niluluto habang nagpipigil ng ngiti.
Crius. Crius. Crius. Tanggal ang angas pagdating sa makulit niyang mekaniko. Tsk.
“Oo nga pala, uuwi na ako pagkatapos ko magkape ha? Kukunin ko pa motor ko e.”
Agad akong napabalik ng tingin sa kanya. “Mamaya na pagkatapos natin kumain. Ihahatid kita.”
“Naku! Hindi na, bossing. Kaya ko naman mag biyahe.”
“Alam kong kaya mo pero ihahatid pa rin kita.”
“Baka kasi mamaya may makakita sa atin tapos isumbong ka sa girlfriend mo tapos bigla na lamang akong sugurin.”
“Natatakot kang baka saktan ka? Hindi mangyayari ’yon.”
“Tss. Natatakot ako na baka kung ano ang magawa ko sa babae, ’no! Hindi naman ako papayag na malapatan ng palad niya ang mukha ko.”
Natawa ako. “Alam ko naman yun. Pero malabo naman kasing mangyari ang imagination mo dahil wala naman akong girlfriend.”
Nagtataka niya akong tinignan habang isinasalin ko sa plato ang aming mga pagkain.
“Ako nga ay ’wag mong talkshitin, bossing. E palaging nasa garahe yung babae tapos idedeny mo lang siya ng ganun? Naku! Masakit ’yan ha! Huwag ganun!”
“Huh? Hindi ko sya idedeny kung girlfriend ko sya, Minion, pero hindi. Hindi ko talaga sya girlfriend. We’re…w-we’re just d-dating.” Nag-aalinlangan ko pang sabi.
“Dating?”
“Y-yeah”
“Magkaiba pa ba ’yon? Hindi ba ang nagdedate lang naman ay ang magshota? Edi shota mo na!”
“S-shota?”
“Aist! Oo! Girlfriend!”
“N-no. I’d date her just because of my mom request it.”
“Ano?!”
Nagulat ako sa naging reaksyon nito. “W-why? W-what?”
“Idinedate mo ang tao dahil lang request ng mommy mo? Ang bad mo!”
“H-huh? W-why?”
Naupo ito ng maayos at bahagyang nilapit ang katawan sa mesa upang dumukwang ng konti palapit sa akin.
“Dapat ang dinedate lamang ay ang taong gusto nila hindi yung dahil lamang sa inutos ng kung sino. Wala ka bang sariling desisyon sa buhay? Alam ko na nanay mo yun kaya lang…ikaw yan. Puso mo pa rin naman ang pipili. Ikaw pa rin ang makikisama hindi naman ang nanay mo. Tsaka, paano kung sa babae pala ay seryoso ang date na iyon? May gusto pala sa ’yo pero ang nasa isip mo ay dahil lamang sa utos ng nanay mo?”
May gusto nga sya…
“Hindi naman sa nakikialam ako. Babae pa rin naman ako kaya naaawa lang ako sa dinedate mo. Pero…ikaw bahala. Buhay mo naman ’yan. Gusto ko lang ipaalala na mahirap kalaban ang karma.”
Hindi ako nakasagot sa usapan na iyon hanggang sa matapos kaming kumain. Paano ko idedate ang taong gusto ko kung hindi naman ako gusto? Paano ko siya yayayain makipag date sa akin kung boss ang tingin niya sa akin kahit sa labas ng trabaho?
Kael…kung alam mo lang. Kung papayag ka lang sana ititigil ko na ang pakikipag date kay Jassie para sa ’yo. Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na itanong iyon sa ’yo. Hindi ko alam kung kailan ko maaamin sa ’yo na gusto kita dahil kailan ko lang din iyon naamin sa sarili ko.
“Saan kita ihahatid?”
“Sa racetrack circuit, bossing. Kukunin ko kasi ang motor ko. Pwede kana mauna pagkahatid mo.”
“Huh? Bakit?”
“Uuwi pa kasi ako sa bahay, dala ko na naman nun ang motor ko kaya okay na kahit mauna kanang umalis. Baka kasi may kausapin pa rin ako sa loob.”
“Ganoon ba? Sige.”
Pero hindi iyon ang nangyari. Pagkababa ko sa kanya ay kunwari’y umalis na ako pero nagpark lamang ako sa malayo para hintayin sya. Nang makita ko na syang drive ang kanyang motor ay sinundan ko na ito. Hinintay ko talaga sya para masigurado kong safe syang makakakauwi pero…
“Damn it! Ang bilis naman nyang magmaneho! Nakalimutan ba niyang wala naman siya sa racetrack?” Reklamo ko habang pilit na hinahabol ang motor nito.
Tumigil ito sa isang apartment building. Pagka park ng kanyang motor ay pumasok na ito sa apartment na katapat ng kanyang motor. Sinuri ko pa ang buong building at mukha naman syang safe.
“Wait. Sa likod lang ’to ng shop ni Darwin ah?” Saad ko nang mapansin ang lugar. “Kaya ba hindi siya nag-aalala noon na mag-isa lamang sya sa shop na iyon dahil malapit lang naman pala sa kanyang tinitirhan? Pero kahit na. Babae pa rin sya. Bigyan ko kaya sya ng condo? Hindi ba masyado naman akong obvious nun? Tsk! What the hell is wrong with you, Crius?!”
Napapailing akong umalis sa lugar na iyon para umuwi muna. Kakausapin ko muna si mommy. Baka ito pa ang maging dahilan na mag minus points ako kay Kael ko. Tsk.
Chapter 21
Kinabukasan ay dumiretso muna ako sa office para tapusin ang trabaho ko bago pumunta sa garahe nung tanghali. Naabutan ko ang mga ito na nagkwekwentuhan habang nakaupo si Kael sa hood ng isang kotse na naroon, nakikipag tawanan sa mga katrabaho katabi si Jayson kaya awtomatikong nagsalubong ang aking kilay.
“Bossing!” nakangiting bati sa akin ni Kael kaya naman nilingon ako ng mga nandoon.
“Wala ba kayong trabaho na gagawin?”
“Kalma, bossing. Kakakain lang namin. Baka lumuwa naman ang bituka namin nyan?” Sagot naman ni Kael kaya natawa ang mga tauhan na nandoon.
“Ah, ganun ba? O-okay.”
“Ikaw, bossing? Kumain ka na ba?”
Natigilan ako at napatingin sa mga nandoon na pinapanood na kami. Bumalik ang tingin ko kay Kael.
“H-hindi pa. Nakalimutan ko.”
Nagsalubong ang kilay nito na nakatingin sa ’kin.
“Nakalimutan? Ayos ah? Hindi ba pinaalala ng gutom mo na kailangan mo palang kumain?”
“Tss. Okay lang, hindi naman ako gutom.” Sagot ko na lamang at nilampasan ito para dumiretso sa aking office.
Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lamang naging mainit ang ulo ko kay Jayson na dati ay hindi naman. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko silang magkausap ni Minion.
Nagbuntong hininga ako at napapikit, isinandal ang aking batok sa swivel chair. Parang bigla na lamang akong nakaramdam ng pagod.
“Okay naman ako kanina ah? Pero bakit ngayon parang pagod na pagod ako?” Tanong ko sa sarili habang hinihilot ang aking noo.
Nakaramdam na ako ng antok at malapit na sanang makatulog nang biglang may kumatok. Napabuga ako ng hangin dahil sa inis pero hindi ako sumagot at hindi rin nagmulat ng mga mata.
“Bossing, kain na.” Mahinahong utos ng isang boses babae.
Dahil isa lang naman ang natawag sa akin ng bossing at isa lang naman ang empleyado kong babae, kilala ko na agad kung sino ’yon. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at bumungad sa akin ang nakatayong si Kael sa harapan ng table ko, hawak ang isang tray na may lamang pagkain at tubig. Napaupo ako ng maayos.
“B-bakit nagdala ka pa ng pagkain?”
Ibinaba nito ang tray sa mesa ko. “Hindi ka pa kumakain, ’di ba? Kaya ayan, dinalhan kita.” Ngumiti pa ito.
“B-bakit?”
“Aba, syempre, kapag namatay ka sa gutom sino na lang ang magpapasahod sa amin? Tsaka, baka mamaya kami pa ang mapagbintangan ng pagkamatay mo. Kaya kumain ka na.”
“Wow. Ramdam ko ang concern mo sa part na ’yan.” Sarkastiko kong saad, tumawa naman ito. Lakas talaga mang-inis.
“Joke lang. Kumain ka na. Hindi ba sabi mo sa akin masama ang nalilipasan ng gutom? Bahala ka, ikaw rin. Kapag nagkasakit ka, hindi ka makakapasok tapos hindi mo ako makikita. Edi mamimiss mo ’ko? Ang lungkot ng buhay mo nun!”
“Payapa nga e.”
“Luh! Kung makapayapa ka naman daig mo pa ang stress ah?”
“Hindi ba obvious?” Nakataas kilay kong tanong.
“M-medyo obvious nga, bossing. Kaya nga kumain ka na para mabawasan ang stress mo. Dali na! Gusto mo pa ata subuan e. Airplane airplane pa ba ang gusto mo?” Handa na sana itong kunin ang kutsara kaya pinigilan ko ito.
“Hep! Huwag na. K-kaya ko nang kumain ng mag-isa.”
“Yown! Very good ka riyan, bossing. Kumain ka na ha? Babalik muna ako sa trabaho. Ang hindi kumain mababaog!”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Nakangisi naman itong lumabas ng office ko.
“Grabe manumpa ah? Ayaw ba niyang magka-anak kami? Wait–what? Tss. Makakain na nga, baka mabaog pa.”
Matapos kong kumain ay lumabas din naman agad ako upang tignan kung ano na ang kanilang ginagawa lalo na si Minion. Napangiti ako nang makita kong kalalabas lamang nito mula sa ilalim ng isang sasakyan.
“Favourite nya talaga ang maggawa sa ilalim ng sasakyan. Tss.”
Nakangiti akong naglakad papalapit sa kanya. Nang mapansin naman nya ako ay ngumiti rin ito. Pero bago pa man ako makalapit kung nasaan si Kael ay bigla na lamang sumulpot sa aking harapan si Jassie.
“Hey, Crius!”
Natigilan ako at nagtataka syang tinignan. “J-jassie? Anong ginagawa mo rito?” Napasilip ako sa likuran nito upang tignan si Kael. Nawala ang ngiti nito at tumalikod sa gawi ko para pumunta sa ibang naggagawa. Napabuntong hininga nalamang ako at hinarap muli si Jassie.
“Why? Am I not allowed to visit you here?” Tanong pa nito.
“Pero wala tayong usapan.”
“I know.”
“Jassie, can we talk in my office?” Seryoso kong tanong. Nagtaka naman ito bago ngumiti.
“Sure.”
Bago tumalikod ay tinignan ko muli kung nasaan si Kael at nakita kong kausap nito sina Jayson na tila may tinuturo sa parts ng isang kotse.
I’ll make this clear for you, Minion ko. Saad ko sa aking isip bago sinundan si Jassie paakyat sa aking office.
“Anong gusto mong pag-usapan natin?” Nakangiting tanong ni Jassie bago maarteng naupo sa mahabang sofa kaya sa single sofa ako naupo.
“Can we stop this?”
Nagtaas ito ng kilay. “Stop what?”
“This. The thing between us. I mean, the date? Can we stop dating?”
“W-why? Our parents want us to date.”
“But I don’t.”
Nagsalubong ang kilay nito dahil sa mabilis kong nasabi.
“W-what?”
Nagbuntong hininga ako. “I-Im sorry, okay? Una pa lang naman hindi na ako sang-ayon sa date na ’yan pero nakiusap lang si Mommy na subukan ko muna. But, to tell you frankly? It really doesn’t work.”
“What do you mean? Ilang months pa lang naman tayo nag de-date, right? How can you say that? Crius, hindi naman talaga agad magwowork ang isang relasyon na ilang buwan pa lang nag de-date.”
“You wouldn’t understand, Jassie.”
“Then make me understand-”
“Because I like someone else.” Natigilan ito dahil sa aking sinabi. Titig na titig ito sa akin na tila ba inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. “I really do like someone, Jassie. Alam ko na alam mong hindi naman talaga kita gusto, ’di ba? Napilitan ka lang rin naman na makipagdate dahil sa mommy mo?”
“No.” Sagot naman nito kaya ako naman ang natigilan at naguluhan.
“W-what do you mean by no?”
“I’d agree dating you not just because of my mom and your mom. But because I like you, Crius.”
Nagsalubong ang kilay ko. “What? Akala ko ba ginagawa lang natin ’to para pagbigyan ang parents natin?”
“Because I asked my mom about it.”
“A-ano?” Lalo akong naguluhan at nakaramdam ng inis.
“I’m sorry for not telling you the truth, Crius. But I asked my mom to talk with your mom and ask you to date me.”
“You did that?” Hindi makapaniwala kong tanong sa kausap.
“Yes. Because I like you and I want us to work for it.”
“But it doesn’t work, Jassie. Kahit ano pa ang dahilan mo, walang mangyayari dahil hindi ikaw ang gusto ko. I’d already talked my mom about this. I’m sorry but we need to stop this, Jassie.”
Hindi agad ito nakasagot at tila nasaktan dahil sa aking naging desisyon. Hindi ko sya gustong saktan pero alam ko na iyon lang ang mararamdaman nya pagkatapos ng usapan naming ito. At wala na akong magagawa pa roon.
“Is this the girl mechanic you’re talking about? The one you like?” Tanong pa nito kaya hindi naman ako nakasagot agad. Ayokong madamay si Kael sa kahit anong problema namin ni Jassie. “Alam ba ni Tita na ang gusto mong babae ay hamak na mekaniko lamang-”
“Stop insulting her.” May diin kong saad na nagpatigil sa kanya. “You don’t know her enough. Just leave, Jassie. And don’t ever try to come back here. Please, leave.” Nagpipipigil na inis kong utos. Tila nagpanting ang tenga ko nang madamay sa usapan si Kael.
Padarag naman tumayo si Jassie at sinamaan ako ng tingin bago nagmartsa palabas ng office. Padabog pa nitong sinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang ako at napahilot sa aking noo.
“Don’t mess with my girl. She suffered enough without me. Hindi ko hahayaang maranasan nya ulit ang hirap at sakit na ’yon ngayong nandito na sya sa akin.”
After this, it’s my turn to talk with you, Minion…
Chapter 22
Pagkatapos namin mag-usap ni Jassie ay lumabas ako para hanapin si Kael. Nakita ko itong naggagawa ng isang sasakyan kaya naupo muna ako kung saan malaya ko siyang mapapanood ng hindi siya naaabala at nilalapitan. Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang naging usapan namin ni Jassie. Iyon ang unang beses na nagalit ako sa dalaga dahil sa pang-iinsulto at panghahamak nito kay Kael.
Nawala ako sa sarili at natulala dahil sa pag-iisip kaya hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na si Kael na nagbaba ng isang tasa ng kape.
“M-minion… K-kanina ka pa ba riyan?”
“Kahapon pa.”
Napabuntong hininga ako dahil sa naging sagot nito. Naupo ito sa isang upuan na mataas na parang lalaki.
“Hindi mo manlang naramdaman o narinig ang paglapit ko?” Umiling ako. “Ay grabe namang pagkamanhid mo, bossing! Magigripuhan ka na ata hindi mo pa rin alam. May sakit ka ba?” Tanong pa nito.
“W-wala.”
Nagsalubong ang kilay nito. “E bakit para kang lutang?”
“H-ha? H-hindi. Wala lang ’to.”
Pinaningkitan ako nito ng kanyang maliliit na mata na tila hindi naniniwala. “Ay alam ko na! Nag break kayo ng shota mo, ’no?”
Ako naman ngayon ang nagtaka. “Ha? Sino?”
“Aysus! Yung nagpunta kaninang magandang bae! Yung laging napunta rito. Binreak ka siguro kanina kaya ka ganyan ngayon. Tsk. Tsk. Tsk.” Umiling iling pa ito habang tumatayo. “Ganyan talaga ang bohai, bossing. Walang forever. Alak lang katapat niyan.” Nagtaas-baba pa ito ng kanyang kilay.
“Hindi ko nga siya girlfriend, minion. Ang kulit.”
“Ala, edi bahala ka kung anong gusto mong itawag sa kanya. Basta ang suggestion ko, kung masama ang loob mo o may problema ka…alak lang ang katapat niyan. Ano? G?” Nakangiti pa nitong tanong na akala mo nag-aaya lamang kumain ng fishball.
Pinitik ko ng mahina ang kanyang noo. “Diyan ka magaling! Jamming ka para makapag-inom ka lang ulit. Puro ka alak!”
“Tss. Ang KJ mo naman, bossing! Dadamayan lang naman kita dahil broken hearted ka, ayaw pa mo?”
“Ano?”
“Tsk. Ibig kong sabihin, ikaw na nga itong dadamayan ko sa panahong naghihinagpis ka at sawi, ayaw mo pa?”
Napangibit ako habang pinapanood siyang palakad-lakad sa harapan ko. “Bakit ba pinipilit mo na broken hearted ako kahit hindi naman? Hindi ko nga girlfriend si Jassie kaya walang break-up na nangyari. Ginagamit mo lang ata ’yon para samahan kita mag-inom e.”
Tumigil ito sa paglalakad at dinuro ako. “Ay! Mapanghusga ka talagang nilalang. Ako na nga ’tong nagmamagandang loob e.”
“Ewan ko sa ’yo, Minion. Sumasakit ang ulo ko kapag kausap ka.” Napahilot pa ako kunwari sa aking noo kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong tumawa. Ang plano kong kausapin siya ng masinsinan ay nawala dahil na naman sa kanyang kalokohan.
Ngumuso ito at bumalik sa pagkakaupo. “Tsk. Oo na, panalo ka na. Sinusubukan ko lang naman kung uubra para makalibre ulit ng alak. Pero ito seryoso, bossing. May problema ka ba? Okay ka lang ba?” Seryoso nga nitong tanong kaya natigilan ako. Mukhang ito talaga ang gusto niyang itanong kanina pero nilibang niya muna ako dahil alam niyang hindi ako okay.
“O-oo. Bakit?”
“Weh? Peksman? Mamatay man?”
“Sino?”
“Aba, malamang ikaw! Mamatay ka man? Nagsasabi ka ng totoo?”
Natawa ako. “Oo nga. Bakit ba ang kulit mo?”
Naghalukipkip ito at nagtaas ng kilay. “E bakit mukha ka namang hindi okay matapos niyong mag-usap nung si gandang bae? Tapos lumabas pa siya kanina na salubong ang kilay at masama ang tingin sa akin. Daig pang may apoy sa ulo. Kamukha niya tuloy si Anger kanina.”
Nawala ang ngiti ko. “Masama ang tingin sa ’yo?”
“Ang haba ng sinabi ko pero yun ang naalala mo? Oo, masama ang tingin niya sa akin kanina nung mapatingin siya sa gawi ko.”
Napabuntong hininga ako at kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin ng babaeng iyon kay Kael matapos naming mag-usap kanina. Sigurado ako kahit hindi ko direktang inamin, alam niyang si Kael ang gusto ko. At natatakot ako na baka naging dahilan pa ’yon para magulo ang buhay ni Minion.
“Minion…”
“O-oh? Nakakagulat ka naman, bossing. Bakit? Mag-iinom na ba tayo?”
“Pwede mo bang ipangako sa akin na kapag nilapitan ka ni Jassie, ipapaalam mo agad sa akin?”
Napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
“T-teka…bakit?”
“Wala lang. Gusto ko lang malaman. Promise mo ha?”
“Sige, kung manlilibre ka.”
Napabuntong hininga ako dahil sa kanyang kondisyon. Mukhang hindi ko na matatanggihan ’to ngayon.
“Fine. After ng dinner. Kapag hindi kumain, walang alak.”
“Okay! Deal!”
Napangiti na lamang ako dahil sa naging usapan naming iyon bago siya bumalik sa kanyang ginagawa. Napapailing pa ako dahil postponed na naman ang pag-amin ko. Kailangan ko munang malaman kung may gagawing hindi maganda si Jassie kay Kael. Ayoko namang ipagsa walang bahala ang nangyari. Dahil kapag may nangyaring hindi maganda kay Minion dahil sa akin na gawa ni Jassie, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Gaya ng napag-usapan, pagkatapos ng aming trabaho ay dumiretso kami sa isang kainan.
“B-bakit dito?” Nagtataka kong tanong ng isama ako nito sa isang karinderya sa tabing kalsada.
“Masarap ang pares dito lalo na kapag may sinangag.”
“P-pares?” Salubong na kilay kong tanong bago naupo sa tapat niya.
“Oo, bossing. Pares! The best ang pares dito. Hindi mo alam ’yon, ’no? Rich kid ka kasi e. Hayaan mo, tuturuan kitang kumain ng mga pagkain ng mga totoong tao.”
Totoong tao? Anong palagay niya sa akin, fake?
Umorder ito ng tinatawag niyang pares na may kanin at ilang saglit lang ay agad na itong naihain sa amin. Mukha siyang lugaw pero hindi kanin ang laman. Ginaya ko lang kung ano ang mga inilagay niya sa pares na iyon.
“Bossing, kung hindi ka mahilig sa maanghang huwag mo dadamihan ang lagay niyang chili oil. Baka umusok ang ilong mo.”
Dahil sa sinabing iyon ni Minion ay konting patak lamangng chili oil ang inilagay ko. Napatitig pa ako sa kanya nang sarap na sarap itong kumain na akala mo’y sabaw ng sinigang ang sabaw ng kanyang kanin.
“Aba, kain na, bossing. Ang sarap, promise! Makakalimutan mo ang pangalan mo.”
“Ang OA naman nun.” Sagot ko bago dahan-dahang tinikman ang pares. Natigilan ako.
“Ano? Kumusta ang lasa? Huy! Magsalita ka, bossing! Mauutas ka na ba?” Sunod-sunod nitong tanong.
“Pwedeng sandali? Hindi ba pwedeng namnamin para malasahan ng ayos?”
“Ah, ganun ba ’yon? Hindi kasi uso sa akin ’yon. Sige, namnam well.”
Not bad. Really.
“Masarap nga.”
Dahil sa sinabi ko ay napangiti naman si Minion na kanina pa nag-aabang ng aking komento.
“Sabi ko sa ’yo e! Bukod sa mura, masarap pa.”
“Madalas ka ba rito?” Tanong ko habang kumakain kami.
“Oo. Kulang na nga lang dito na ako tumira e.”
Napailing ako. Kakaiba talaga ang sagutan ng isang ito. Kung hindi mo siya kilala ay mao-offend ka.
Matapos namin kumain ay dumiretso na kami sa bar ni Cassian para lamnan ng alak ang uhaw na raw niyang atay. Tsk.
Chapter 23
“Oh? Kayo na naman?” bungad sa amin ni Cassian pagkarating namin sa kanyang bar.
“Bakit parang ayaw mong nandito kami?” tanong ko rito. Napatingin ito sa kasama ko na panay ang linga sa paligid.
“Good luck naman sayo mamaya. Mukhang magiging caregiver ka na naman. Sabagay, mukhang bet na bet mo naman ang sideline mo na ’yon.”
“Sira ulo! Kailangan ko rin ng kausap.”
“Bakit hindi mo kausapin ’yang kasama mo?” Inginuso pa nito si Kael sa tabi. Ramdam ko ang kapit nito sa laylayan ng damit ko.
Tsk. Ano kami, mag-ama?
“Mahirap kausap ang isang ’to. Tsaka damay sya e.”
Nagsalubong ang kilay ni Cassian dahil sa narinig. “Damay? Mukhang seryoso ’yan ah? Maupo na kayo at kukuha na ako ng alak.”
“Sige.”
Humarap ito kay Kael at tinignan ang kamay na nakakapit sa laylayan ng aking damit. Tinignan din naman iyon ni Kael.
“S-sorry, bossing. Baka kasi mawala ako e.” Saad nito bago dahan-dahang bumitaw sa damit ko.
“Kahit mawala ka rito may magsasauli naman sayo. Alam nung owner nitong bar kung saan ka isasauli.” Sagot ko naman bago nagsimulang maglakad patungo sa table namin. Ramdam ko naman ang pagsunod nito dahil kumapit na naman ito sa dulo ng damit ko.
“Bossing, nandito rin iba ang mga kaibigan mo?” tanong nito pagkaupo namin.
“Sana wala. Mas okay na wala. Sana.”
Natawa si Kael. “Grabe! Parang ayaw na ayaw mong makita ang mga kaibigan mo ah?”
“Tatanda ako ng maaga kapag kumpleto kami. Kay Gavriel at Rio na nga lamang sumasakit na ang ulo ko e.”
Naputol ang aming pag-uusap nang dumating na si Cassian na may dalang alak at pulutan.
“Teka, kumain na ba ’yan si Kael? O mag-oorder ako ng pagkain niya?” Tanong ni Cassian.
Ngumiti naman si Kael. “Okay na ako. Kumain na kami bago pumunta rito. Salamat.”
Tumingin sa akin si Cassian kaya tinaasan ko ito ng kilay. Umiiling-iling naman itong nakangiti.
“Ano nga pala ang problema mo?” Mahinang tanong pa nito sa akin.
Tinignan ko muna si Kael. Nang makita na busy na ito sa alak habang nanonood sa mga nasa dance floor ay saka pa lamang ako nagkwento kay Cassian.
“Kilala mo naman si Jassie, ’di ba?”
Nagsalubong ang kilay ni Cassian at bahagyang napaisip. “Jassie na crush ni Rio?”
“Oo. Siya nga.”
“Oh? Anong meron sa kanya?”
Nagbuntong hininga ako at pinanonood si Kael na nakangiti habang pinapanood yung magkakaibigang bakla na nagsasayaw.
“Nag date kami for month? I’m not sure kung month or weeks lang.”
“Wait. What? Nakipag date ka kay Jassie?” Gulat na gulat na tanong ni Cassian sa akin. Sinenyesan ko agad ito na hinaan ang boses.
“Listen to me first, okay?”
“O-okay. Go ahead.”
“Our parents planned that. That’s what I thought. Pero plano pala talaga ni Jassie ’yon para maipakasal kaming dalawa. Inamin niya sa akin iyon nung gusto ko ng tapusin ang pakikipagdate sa kanya dahil wala namang magbabago.”
“Kaya niya inamin na siya ang nagplano nun? Akala niya siguro magbabago ang isip mo.”
“Kaya nga e. Hindi naman siya ang inaalala ko pagkatapos nung pagtatalo namin e.” Saad ko pa at hinarap ang kaibigan.
“Ano?”
“Galit na galit sya dahil sa sinabi ko na hindi ko naman siya gusto kaya tinigil ko na ang pakikipag date. Alam niya kung sino talaga ang gusto ko kaya natatakot ako para sa kanya.” Sabi ko sabay tingin kay Kael.
“Matatakot ka para sa kanya? Sure ka? E mukhang mas dapat matakot sa kanya si Jassie e.” Natatawang saad pa nito.
“Bro, hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin. Baka mamaya gumamit ’yon ng pera niya at bumayad kung kanino para guluhin ang nananahimik na buhay ni Kael dahil lang sa ’kin. Hindi ko naman mababantayan si Minion 24/7.”
Nagbuntong hininga si Cassian bago lumagok ng alak sa hawak niyang baso. “E anong plano mong gawin ngayon? Paano kung paglabas pa lang niya ng bahay niya ay may naka-abang na sa kanya?”
Napatitig ako kay Minion na busy sa pagpapak ng fries bago iinom sa hawak na baso ng alak. “Kung doon ko kaya patigilin sa condo ko?”
Nasamid si Cassian. Nagulat naman si Kael kaya napatingin ito sa amin.
“O-okay ka lang?” tanong nito kay Cassian.
“O-oo. O-okay lang.” Inuubong sagot naman ni Cassian bago tumingin sa akin.
“Gago ka ba? Bakit mo ititira sa ’yo?”
Dumampot ako ng durog na yelo at ibinato ko sa kanya. “Alam mo ang dumi agad ng utak mo e!”
“Bakit? Malinis ’yang sa ’yo?” Tanong nito pabalik.
“Makinig ka nga muna!” Naiinis kong sabi sa kausap.
“Oo na.”
“May guestroom sa condo ko, okay? Hindi niyo na ako katulad. Para lang makasigurado ako na hindi siya magagalaw ni Jassie. Gets?” Tanong ko sa kaibigan na kung makatingin sa akin ay para akong hinuhusgahan sa kanyang isip.
“Mga hindi na raw katulad namin. Tss. Dati ka pa ring ganun! Ang tanong ngayon e kung papayag ’yan.” Inginuso ni Cassian si Kael. Bigla itong tumingin sa amin.
“B-bakit? H-hindi pa ako lasing, ’wag kayong mag-alala. “ Agad na sabi ni Kael.
Ngumiti naman agad si Cassian. “Take your time. Magpakalasing ka lang, no problem. Safe ka rito.”
Nagningning naman agad ang mga mata ng Minion kaya napabuntong hininga ako at sinamaan ng tingin si Cassian na nagkibit balikat lamang.
“Talaga? Salamat!” Sagot pa ni Minion.
“Paano mo mapapapayag ’yan na doon tumira sa ’yo? Hagya mo na nga napilit na magtrabaho sa ’yo ’yan noon e.” Napaisip ako dahil sa sinabi na iyon ni Cassian kaya hindi na ako nakasagot.
Pero naisip ko rin na hindi pa naman kami close noon. Iba na ngayon. Siguro naman mapapapayag ko siya? Ang problema ko na lang ay kung ano ang idadahilan ko kung bakit sa akin ko siya patitirahin.
“Ito na siguro ang pagkakataon na iuwi mo siya sa condo mo, bro.” Saad ni Cassian habang hinahatid kami papunta sa sasakyan ko. Lasing na naman kasi si Minion.
“Iuuwi ko naman siya talaga ngayon dahil sa lagay niya. Ang problema siguradong bukas uuwi na ’to. Hindi pa ako nakakaisip ng idadahilan sa kanya kung bakit sa akin ko siya patitirahin e.” Mahabang wika ko sa kaibigan habang hawak ko sa bewang si Minion, inaakay.
“Bukas mo na lang siguro problemahin ’yan. Baka naman hindi na siya magtanong. Sana. Kaya lang, sa klase niyang si Kael palaging may tanong e. Bahala kana. Pati ako binigyan mo ng problema e hindi naman ako nahingi.”
Natawa ako dahil sa kanyang sinabi. “Tsismoso ka e kaya gusto mo lagi makisali sa problema ng iba. O edi ’yan, hinatian kita.”
“Tss. Ewan ko sayo! Bahala ka na nga sa problema mo. Kayang-kaya mo naman ’yan. Sa ating lima ikaw yung hindi na kailangan ng tulong dahil alam mo na agad ang gagawin.”
“Hindi lagi.” Sagot ko naman agad.
“Kapag hindi mo na kaya saka na lamang kami ttutulong. Sige na, ingat sa pagdadrive ha? Sasakyan lang ang idadrive. Baka may iba kang byahe pag-uwi nyo? Byaheng langit—aray!”
“Gago!” agad ko itong binatukan dahil sa kanyang mga pinagsasasabi. “Hindi nyo ako katulad na hindi pa rin nagbabago. Tigilan mo ’ko! Matagal ko ng kinalimutan ang gawain na iyan.”
“Ay sus! Si Kael lang pala ang gamot mo.”
“Mahahanap mo rin ang gamot mo.” Natatawa kong sabi matapos kong maalalayan si Kael na maupo sa loob ng sasakyan.
“Huwag na muna siyang darating ngayon, hindi pa ako ready.”
Nagtawanan na lamang kaming dalawa bago ako tuluyang umalis sa bar na iyon na Cassian.
“Paano ka ba papayag na sa akin na muna tumira habang hindi ako nakakasigurado na safe ka?” Tanong ko sa tulog na si Kael habang ako’y nagmamaneho. “Hindi ako mapapakali sa bahay habang naiisip ko na mag-isa ka lang sa bahay mo, Minion. Kung hindi ka papayag, babantayan ko na lamang ang labas ng bahay mo.”
Nababaliw na siguro ako dahil sa mga nasasabi ko. Pero ganun siguro talaga kapag sobrang nag-aalala ka sa isang tao. Ganun ata talaga kapag natatakot ka na mawala o masaktan ang isang tao na ayaw mong makita na masaktan ulit.
Oh, Minion! What did you do to me?
Chapter 24
While cooking something for breakfast, narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa guest room kaya nilingon ko ito. Lumabas ang humihikab na si Kael habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri.
“Good morning, Minion.” Bati ko rito kaya agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Natawa naman ako.
“B-bossing… Gising ka na pala. G-good morning din.” Nahihiya nitong bati pabalik.
“Bakit ang aga mo? Wala namang tayong pasok ngayon ah?” Tanong ko pa habang tinatapos ang aking niluluto.
“Nasa ibang bahay kasi ako kaya ganun. T-teka… M-may kalokohan ba akong ginawa kagabi? May n-nasabi ba ako?”
“Huh? Bakit? Meron ka bang hindi dapat masabi?” Tanong ko pabalik.
“Ha? Wala naman. T-teka nga, bossing! Tanong ko, tanong mo rin?” Naupo ito sa high stool at nilapagan ko naman sya ng timpla ng kape. Natawa pa ako sa kanyang reaksyon na para bang krimen na yung ginawa ko.
“Relax. Okay. Wala kang ginawang weird o nasabing kahit ano. Humaharok ka lang.”
“A-ako? Humaharok? Oy, bossing, ’wag kang pala gawa ng kwento ha! Hindi ako humaharok.”
Tumawa ako. Hindi talaga madaling maloko ang isang ’to.
Nang nagsisimula na kaming kumain ay nag-iisip pa rin ako kung paano ko siya mapapapayag na dito na muna tumira. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na may banta sa buhay niya dahil hindi pa naman ako sigurado. Pero gusto ko pa rin masigurado na ligtas siya habang inaalam ko ang totoo.
“Uhm… Minion, do you need extra work?”
Natigil sa ere ang kutsarang sana’y isusubo na niya dahil sa tanong ko. “Extra work? Uutasin mo ba ako, bossing?”
“H-ha? H-hindi. Baka lang kailangan mo ng extra kita. Ganun.”
Agad naman itong naging interisado bigla at bahagya humilig papalapit. Basta sa pera. Tsk.
“Extrang kita? Legal ba naman ’yan?”
“O-oo naman!” Agad na sagot ko.
Naningkit ang kanyang mga mata, nanunuri. “Duda ako.”
“B-bakit? Sa akin ka pa talaga tamang duda?”
“Sa panahon kasi ngayon, bossing, illegal na lang ang trabahong mabilis kumita. Ang bilis nga magpayaman e.”
Napabuntong hininga ako. Hindi alam kung matatawa ba sa mindset niya sa mga oras na ito. But I need to try harder para mapapayag ko siya. If I need to double the salary, I will.
“It’s legal, don’t worry. “
“Talaga? Anong trabaho?” Mukha pa rin siyang nagdududa.
“Dito sa condo ko. Maglilinis at magluluto.”
Napakurap-kurap ito ng ilang beses bago inilibot ang kanyang paningin sa aking condo. Kinabahan ako dahil parang hindi ko siya nakumbinsi. Sa ilalim ng mesa ay nag cross finger ako habang nagdadasal ng walang ingay na sana ay pumayag siya.
“Taga linis? E madudulas na nga ang langaw sa sobrang linis nito e. Taga luto? Marunong ka naman magluto, bossing, ah?”
“May naglilinis kasi pero once a week lang. Gusto ko sana araw-araw may nag-aalaga sa condo ko pati na rin sa mga halaman na nasa veranda. Sa pagluluto naman, kaya kailangan ko ng taga luto para naman pag-uwi ko magpapahinga na lamang ako at kakain. Gets mo ba?”
Ngumibit ito. “Ang sabihin mo tamad ka lang talaga, bossing.”
Natigilan ako at pigil na pigil ang sarili na mapatampal sa aking noo. This girl. Tsk. I can’t with her humor. Buti na lang talaga sanay na ako.
“Just tell me if you want extra income.”
“Teka. Now na ba?”
“Yup!”
Gulat niya akong tiningnan, tila hindi makapaniwala.
“Agad? Ba’t naman nagmamadali ka, bossing? May lakad ka ba? Hindi pa naman makalat ’tong bahay mo ah?”
“Para naman makapagpahinga rin ako. Free ang tulugan, free ang pagkain, electricity bill…lahat! Free.”
“T-teka, sandali. Free? Ibigsabihin dito titira?”
“Oo. Bakit?” tanong ko pa.
“May bahay naman ako ah?” Sagot naman niya habang salubong ang kilay.
Feeling ko ay mauubusan na ako ng idadahilan sa babaeng ’to pero hindi ko pa rin siya napapapayag. Kailangan talaga ng mahabang pasensya kapag siya ang kausap.
“I know. Pero less hassle kung hindi kana babiyahe balikan araw-araw, ’di ba?”
Parang napaisip naman ito kaya nag cross finger muli ako sa ilalim ng mesa habang naghihintay ng kanyang sagot.
Please, pumayag kana, Minion, dahil kung hindi, baka ako ang tumira sa bahay mo.
“P-paano ang gamit ko?“
“Sasamahan kitang kunin. Hindi mo naman madadala yun sa motor mo, ’di ba?”
“Baka magalit sa akin si Darwin, Bossing, kapag nalamang pinagpalit ko yung apartment niya sa condo mo.”
Napabuntong hininga ako. “I’ll talk to him.”
Tiningnan ako nito na parang hindi naniniwala. “Weh? Paano e nasa ibang bansa ’yon?”
“I have my ways, Minion.”
“Tss. Ano ka, BDO?”
Napataas ang kilay ko. “Medyo corny.”
Pabiro itong umirap. “Pangit mo ka bonding, bossing.”
Natawa naman ako sa kanyang baging reaksyon.
“Ano? Kunin na natin ngayon ang gamit mo?”
Nasamid ito sa tubig na kanyang iniinom dahil sa sinabi ko kaya panay ang ubo nito. Agad naman akong kumuha ng tissue at bagong tubig para sa kanya.
“Are you okay, Minion?” Nag-aalala kong tanong dahil namumula na ito sa ka uubo.
Uminom ito ng tubig at pilit na pinakalma ang sarili. “Seryoso ka pala talaga sa offer mo, bossing? Akala ko naman joke time lang.”
“Huh? Kanina pa tayo nag-uusap, hindi mo pala sineseryoso ang sinasabi ko?”
“H-hindi?” Patanong pa nitong sagot na parang hindi sigurado sa buhay.
Napatampal ako sa aking noo at napasandal sa aking kinauupuan. Halos mabalian na ako ng daliri sa kaka cross finger sa ilalim ng mesa, naubos na ang dahilan na gagamitin ko pero eto siya, hindi na naman seryoso sa buhay.
Siya naman ang tumayo para abutan ako ng tubig habang pilit na nakangiti sa akin na parang batang pilit inaamo ang galit na ama. Tsk.
Mag-ama na naman kami? Shit!
She looks like a lost cat na para bang naghahanap ng bagong amo.
“My god, Minion! Feeling ko maaga akong tatanda sayo e.”
“Kaya nga, Bossing. Feeling ko rin. Kaya siguro mas okay na mag-isa ka lang dito. Baka mamaya mautas ka ng maaga, kasalanan ko pa.”
“No!”
“Ay No!” gulat niyang naibulyaw dahil sa naging sagot ko. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib at napataas pa ang paa sa upuan. “Ano ba, bossing! Nakakagulat ka naman!”
Dahil sa kanyang itsura na mukhang pusa na natakot, pigil na pigil ko ang aking tawa.
“S-sorry. I didn’t meant to scare you. So, kunin na natin ang gamit mo?”
“Luh! Seryoso talaga siya sa buhay.”
“Of course! Deal or deal?”
Nagsalubong ang kilay nito at inulit pa ang aking tanong. “T-teka, ba’t walang no deal sa choices mo?”
“Not available at this moment.” Nakangiti kong sagot.
Ngumibit ito. “Hindi talaga bagay sayo maging joker. Tsk. Okay. Tara na! Pwedeng ako ang mag drive, bossing?”
“No. Mahal ko pa ang buhay ko, Minion.”
“Grabe ka naman! Akala mo naman kaskasero ako mag drive—”
“Bakit? Hindi ba?” I cut her off.
“S-sabi ko nga ikaw na ang mag drive, ’di ba? Masakit ang kamay ko, bawal mag drive. Tara na! Dapat malaki ang sahod ko, bossing ha! Mas malaki sa garahe mo bilang mekaniko.” Saad pa nito habang naglalakad na kami papunta sa elevator.
“Yeah, yeah. I know. Tss. Libre na nga lahat nag demand pa ng double salary.” Biro ko pa.
“Ay! Edi ’wag na lang magtrabaho sa bahay mo. Nakakahiya naman sa tamad kong bossing. Baka maubusan ng kwarta.”
Nang magbukas ang elevator ay inakbayan ko ito at bahagyang niyakap sa leeg at marahan na hinila papasok. “Oo na, oo na. Okay na nga, ’di ba? Ang dami pang sinasabi.”
“Aray! Iyan ba yung yayakapin sa leeg hanggang mag violet?” Agad ko naman siyang binitiwan.
“Nasaktan ka? Hindi naman mahigpit ah?” Medyo may pag-aalala kong tanong at pasimple pang tiningnan ang kanyang leeg kahit alam ko naman na maluwag naman talaga ang pagkakayakap ko roon.
“OA! Syempre hindi! Bago mo pa ako mapa kulay violet dito, namumula kana ’no!” Natatawang saad pa nito na para bang sanay na sanay sa brutal niyang pananalita.
Sanay nga pala siya. Tsk.
“Ang brutal mo talaga! Kung may ibang makarinig sayo baka bigla ka na lang ipadampot sa pulis.”
Ngumibit ito at naghalukipkip. “Nandyan ka naman, bossing. Pyansahan mo na lang ako.” Sabi pa nito bago humalakhak.
Napatitig na naman ako sa maganda niyang mukha habang tumatawa. Sana pwedeng ganito na lang kami palagi. Masaya at walang iniisip na ibang tao na pwedeng manakit sa kanya.
Pero hindi… Malabong mangyari ang gusto ko. As long as I want to keep the happy her, that precious smile, I can’t…for now. But I’ll make sure I will protect her and make her smile everyday.
I will keep her…
Chapter 25
“Iyan na lahat ang gamit na dadalhin mo?” tanong ko nang makita na isang gym bag at isang malaking backpack lang ang dala niya.
Tiningnan pa niya ang mga iyon bago sumagot. “Ito lang din naman ang dinala ko rito noon e. Alangan namang dalhin ko ang mga gamit ni Darwin?”
“What do you mean? Lumipat ka sa apartment na ’to na damit lang talaga ang dala mo?”
“Bakit? Kailangan ba dala ko pati appliances ng may-ari ng bahay at ng kapitbahay?”
Napabuntong-hininga ako at tumango na lang.
“O-okay… Sige, tara na. Ayos na ’yan. Kumpleto naman ang gamit sa bahay ko.”
“May washing machine ka rin ba?” tanong niya.
“Oo. Bakit?”
“Buti naman. Hindi na ako magkukusot. Masakit na nga ang kamay ko sa kaka-kalikot ng makina sa garahe mo, masakit pa sa pagkukusot ng mga damit ko pag-uwi. Pagamit ako ng washing machine mo, bossing, ha?” Nakangisi pa siya habang nagtataas-baba ng kilay.
“Oo na. May magagawa pa ba ako?”
“Syempre wala! Pinili mo ’to e, kaya magtiis ka!” tumawa pa ito bago naunang sumakay sa kotse.
Napapailing na lang ako, nakangiti. Hindi ko naman siguro pagsisisihan ’to, ’no? Tsk. Bahala na nga! Choice ko ’to e. Uso naman ang magsisi sa huli.
Pagpasok ko sa kotse, nagmaneho na rin agad ako paalis.
“Kain muna tayo bago umuwi. Okay lang?” tanong ko.
“Mabuti pa nga, bossing. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom e.”
“Huh? Bakit hindi mo agad sinabi na gutom ka na? Sana kanina pa tayo kumain.”
“OA! Ngayon pa lang naman ako nagugutom.”
“A-ah…”
“Oo nga pala, bossing. Nasaan na nga pala si Gandang Bae?”
Nagsalubong ang kilay ko. “Who?”
“Yung shota mo. Hindi ko na siya nakikitang pumupunta sa garahe e.”
Napalunok ako at hindi agad nakasagot dahil sa tanong na iyon.
“Hoy, bossing! Narinig mo ba ako?”
“H-ha?”
“Luh! Hotdog! Sabi ko, yung shota mong si Gandang Bae, nasaan na? Bakit hindi na naliligaw sa garahe?”
“I told you, she’s not my girlfriend, minion.”
“Oh, edi hindi. Eh nasaan na nga siya? Pinagbawalan mong pumunta sa garahe? Uyy! Siguro nagseselos ka sa mga empleyado na tumitingin sa kanya roon, ’no?”
No. Not to her. But to you. If only you knew. Tsk. Ikaw sana ang
ikukulong
ko sa bahay para
makalayo
sa mga
mokong
na ’yon.
“Hindi ah! Wala naman akong pakialam kahit sino pa kausapin niya. Tsaka, hindi ko alam kung nasaan siya.”
“Luh! Bakit hindi mo alam? Akala ko nagde-date kayo?” Tanong pa muli niya na para bang napaka interisado sa topic na iyon.
“I told you, tinigil ko na.”
“Tsk. Ang mga lalaki talaga, oh! Buti pa kayo may choice kung sino ang gusto niyong i-date at kung kailan niyo gustong tigilan yung babae, ’no? Sana all!”
And she made me feel bad. Fuck.
“W-what? For your information, minion, hindi ko siya niyaya na makipag-date. It was her. Pinagbigyan ko lang.”
“Dahil nga kamo utos ng mommy mo? Laki-laki mo na, hindi ka pa marunong magdesisyon sa buhay?”
Napasulyap ako. “Bakit parang ang sama-sama kong tao sa paningin mo? Listen, okay? I told her I don’t like her, so we need to stop dating. I’ve been honest. Better that than hurt her with a lie. Yeah?”
“S-sandali naman. Nag-um-English ka na naman d’yan! Duduguin ako sa’yo, bossing. Okay, gets ko na. Kalma lang, okay? Pero hindi ba nasaktan mo rin siya sa pagiging honest mo?”
“Mas okay na ’yon.”
“Grabe… Kaya ba hindi na siya nagpupunta sa garahe?”
“Maybe?” sagot ko, alanganin.
“Nakakaawa naman si Gandang Bae.”
She’s not. Mas
nakakaawa
ka kung pati ikaw
idadamay
niya sa
kabaliwan
niya.
Pagdating namin sa condo, dumiretso agad siya sa washing machine.
“Wait. Anong gagawin mo?” Pigil ko sa kanya kaya naman natigilan siya.
Dahan-dahan niya aking nilingon bago sumagot. “Maglalaba?”
“M-maglalaba? Magpahinga ka muna, kararating lang natin.”
“Ang OA, bossing! Hindi naman tayo naglakad papunta at pabalik. Hindi ako napagod. Sayang ang araw oh! Mabilis matutuyo ang mga sinampay sa ganda ng sikat ng araw. Bukas may pasok na ako, hindi na ako makakalaba.”
“Tsk. Ang tigas talaga ng ulo.” Napakamot ako at naupo sa sofa.
Rinig ko pa ang pakanta-kanta niya na minsan ay sablay sa tono.
“Wala talagang ginawang perpekto si Lord,” bulong ko habang pinakikinggan siya.
Maya-maya, lumabas siya bitbit ang laundry basket.
“Bossing, saan pwedeng magsampay?”
“Sa veranda.”
“Ah, okay.”
Nang paalis na siya, napansin kong naka-paa na lamang siya.
“Wait.” Agad na pigil ko sa kanyang pagpunta sana sa veranda.
“Oh? Bakit?”
“Where’s your slipper?” Salubong ang kilay kong tanong.
“Nandoon, malapit sa washing.” Inginuso pa nito ang kanyang pinanggalingan, sa washing area.
“Malamig ang sahig, minion.”
“Keri lang, bossing.” Ssagot lamang nito at dumiretso na palabas ng veranda.
Tumayo ako at pumunta sa washing area, kinuha ang tsinelas, at sinundan siya sa veranda.
“Wear it. Malamig ang sahig.”
Ngumuso siya. “Apaka-OA mo. Naglalaro nga ako dati nang walang tsinelas sa lupa e. Dito pa kaya na walang alikabok?”
“Dati ’yon, minion. Tigilan mo ’ko sa mga dahilan mo at isuot mo na ’yan. O gusto mo ako pa ang magsuot niyan sa’yo?”
Agad niyang sinuot ang tsinelas. “Oh, nasuot na. Okay na?”
“Good.” Nakangiti ako, natatawa sa nataranta niyang reaksyon.
“Tss. Daming alam. Pumasok ka na at mainit dito. Baka mamaya kasalanan ko pa kapag nasunog ka.”
“Manonood lang ako. Huwag ka masyadong magbilad sa araw at baka magkasakit ka.”
Tinitigan niya ako nang may pagtataka, kaya iniwan ko na lang siya at pumasok na sa loob para manood sa living area. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya nagbuntong-hininga ako para kalmahin ang sarili.
Habang nanonood, panay ang sulyap ko sa veranda. Nagsasampay pa rin siya habang kumakanta. Dahilan kung bakit hindi ako makafocus.
Feeling ko kasama ko si Anne Curtis e. Tsk.
“Bakit parang bagong kasal kami at bagong lipat sa bahay—wait. What?! What the fuck, Crius?!” saway ko agad sa sarili at hindi na muling sinulyapan si Minion.
Kung anu-ano na lang ang naiisip ko dahil sa babaeng ‘yun! Unang araw pa lang namin na magkasama parang sasakit na ang ulo ko sa mga scenario na pumapasok sa utak ko. Tsk.
This is not good. Not good for my mental health and… for my heart, I guess?
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa sofa, tinitigan ang kisame.
“Good luck, self. Bukod sa kailangan mo laging mag charge ng mahabang pasensya, kailangan mo rin magpigil. Kagaya ng sinabi ni minion, pinili ko ’to kaya kailangan kong magtiis. Tsk.”
Chapter 26
I woke up earlier than usual and waited for her in the living room while sipping my coffee. Humihikab pa ako dahil hindi naman talaga ako sanay gumising nang ganito kaaga. Kaya hindi ko na ikinagulat nang halos lumuwa ang mata ni Minion nang abutan niya akong nagkakape sa sala.
“Oh? Bossing? Bakit ang aga mo?” tanong niya, halatang nagtataka habang lumabas mula sa kanyang kwarto.
I straightened up and placed my mug on the center table. “Uh, I’m waiting for you.”
Her brows arched. “W-waiting? F-for me?”
“Yeah.”
Napakurap siya nang ilang beses bago dahan-dahang lumapit at naupo sa single sofa sa tapat ko.
“Anong meron, bossing?”
“H-huh?” I blinked, confused.
“Kasi ang aga mo. Tapos naghihintay ka pa sa ’kin. Anong meron?”
“A-ah… papasok sa trabaho.”
“Eh?” Umangat lalo ang kilay niya.
“Why?”
Tumayo siya at dumiretso sa kusina, marahil para magtimpla ng kape. “Akala ko naman kung ano na. Nakakapanibago lang kasi, bossing. Usually alas-nuebe ka na pumapasok. Ala-sais pa lang ngayon. Baka lagnatin ka n’yan.”
I chuckled. She’s right. This isn’t me, and this isn’t normal. A few minutes later bumalik siya sa sala, may hawak nang tasa ng kape, at muling naupo.
“Anong trip mo at gusto mong sumabay ng ganito kaaga, bossing? May katagpo ka ba?”
“Wala.”
“E bakit ang aga mo?”
“Gusto ko lang. Masama ba?”
She eyed me for a moment, then shrugged. “Hindi naman. Naninibago lang ako.” Humigop siya ng kape.
I laughed. “Masanay ka na.”
“Ha? Bakit? Nagbagong-buhay ka na ba, bossing?”
Her wide-eyed expression made me laugh even more. “Oo. At simula ngayon, sabay na tayo aalis at uuwi ng bahay.”
Wait… parang gawain ng mag-asawa ang sinabi ko. Tsk. Never mind. I just want to make sure she’s safe.
“Oh? Sa kotse mo?”
“Yeah.”
“Ay bet ko ’yan! Hindi na ako mapapagod magmaneho, makakatipid pa sa gasolina. Tamang desisyon ’yan, bossing.” She grinned from ear to ear.
Pagkatapos naming magkape ay agad din kaming umalis ng bahay. Kahit ang mga empleyado sa garahe ay nagtaka nang makita kaming dumating nang sabay at nang ganoon kaaga.
Sa opisina ay pinili kong maging abala. Kahit ang nagdala ng lunch ko ay ibang tao at hindi si Minion, hindi na ako nagtanong pa. Pero habang lumilipas ang mga oras, napansin ko ang katahimikan. Wala akong naririnig na malakas na boses ni Minion. Wala ang ingay na nakasanayan ko mula sa ibaba. Tahimik. Masyadong tahimik.
“Jayson,” tawag ko sa isa sa mga mekaniko pagkababa ko mula sa office ko. “Nakita mo ba si Kael? Bakit parang hindi ko naririnig ang boses niya?”
Napakamot ito sa kanyang batok. “Wala pa nga po, sir. Kanina pa umalis.”
I frowned. “Umalis? Saan nagpunta?”
“May tumawag daw po e. Nasiraan daw. Humingi ng tulong dito sa atin tapos siya po ang gusto nung client na mag rescue. Pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik, sir.”
Napakagat ako sa labi. Bigla akong kinabahan. “Kilala niyo ba kung sino ang tumawag?”
“Hindi po, sir. Pero narinig ko, babae raw yung client kasi tinawag niyang ma’am.”
I sighed, though my chest felt heavier. “Try to contact her.” Utos ko.
“Yes, sir.”
Pagbalik ko sa opisina, agad ko ring sinubukan tawagan si Minion. Pero naka-off ang phone niya. Lalong lumakas ang kaba ko.
“Fuck! Where are you, Minion? Bakit ka umaalis nang hindi nagpapaalam?” I slammed the phone on the table, frustration bubbling in my chest.
Maya-maya pa ay hingal na pumasok si Jayson, ni hindi na kumatok. Takot at kaba ang makikita sa mukha niya.
“S-sir!”
“O-oh? Bakit?”
“Hindi ko po ma-contact si Kael pero…”
I scowled. “Pero ano?!” Alam ko na kung bakit inis na inis si Minion kapag nabibitin sa kausap. Nakakainis nga pala. Tsk.
Napalunok siya. “M-may tumawag po sa landline. Nasa o-ospital daw po si Kael.”
Agad akong napatayo. “What?!”
“N-naaksidente raw po sa sinasakyang motor.”
My brows furrowed. “Motor? Pero wala siyang dalang motor kanina nung pumasok.”
“N-nanghiram daw po, sir. Para raw mabilis.”
“Fuck it! Saang ospital?!”
“South Medical, sir.”
Wala na akong inaksaya pang oras. Kinuha ko ang susi at cellphone ko, at halos walang nakikita sa paligid sa pagmamadali habang nagmamaneho papunta roon. Malakas ang kutob ko…hindi ito basta aksidente.
At nang makita ko si Kael sa hospital bed, halos gumuho ako. Walang malay, marahil ay natutulog. Pero ang braso niyang naka-benda, ang paa niyang naka-cast, at ang mga sugat sa kanyang mukha—masyadong malala.
Aksidente? No. Parang sinadya.
My jaw tightened, fists clenching in rage. Whoever did this… I’ll find them. And I’ll drag them to hell myself.
Lumapit ako, marahang hinawakan ang kamay niya. Pinigil ko ang luha na gustong kumawala.
“M-minion…” My voice cracked, lips trembling. “W-what happened? Who did this to you?”
I stroked her wounded face, then her bandaged arm.
“I’m sorry…” I whispered, guilt tearing through me.
“What happened?”
Napalingon ako sa pamilyar na boses. Cassian walked in, followed by the others. Mga mukhang nag-aalala.
“H-how did you guys know?” I asked.
“Galing kami sa garahe mo. They said naaksidente si Kael. Pero paano?” Cassian frowned.
They examined her quietly.
“Grabe ang tama ah. Nahuli na ba ang nakabangga sa kanya?” Kurt asked.
I shook my head. Nakabangga… o bumangga?
“What? Bakit hindi pa?” Rio’s voice rose, making me snap my head toward him.
“Tone it down, you fucker! Kapag ’yan nagising sa boses mo, magkakapalit kayo ng kalagayan.”
Rio gulped, zipped his mouth, and sat. The others chuckled at his expense.
I exhaled deeply. “I don’t think it was a simple accident.”
“Aba! Hindi nga! Paanong simpleng aksidente kung halos lumpuhin na si Miss Kael?” Gav blurted out too loud. I shot him a glare until his voice softened. “S-sabi ko nga. Hinaan.”
“Ang ingay niyo kasi,” Kurt scolded. “Alam niyo namang nagpapahinga si Kael.”
“Wait,” Cassian cut in. “What do you mean by that?”
I sighed. “Do you remember the last time we talked?”
“About Jassie?”
“Yeah.”
That name caught Rio’s attention. “Jassie?!”
“Yeah. Your TOTGA,” I said flatly.
His face darkened. “What about her?”
I stood, moving a little away from Kael’s bed, facing them. “I told Cassian before. She set us up for a date. At first, I thought it was because of our parents. But later I found out… it’s because she liked me.”
“Wait, what? She liked you? You dated? But what’s the connection to Kael’s accident?” Rio’s voice was thick with confusion.
Kurt and Cassian exchanged a knowing look, both serious. They already got my point.
“She’s the mastermind. And this wasn’t an accident—it was intentional,” Kurt said.
I nodded grimly.
“W-what?!” Gav and Rio said in unison.
“But I still need proof. Could you guys help me?”
“Of course,” Cassian said immediately. Kurt nodded beside him.
“O-oo naman,” Gav stammered.
All eyes turned to Rio.
“I know you liked her,” I told him, voice sharp. “But you also know I can’t let this slide, Rio.”
He looked at me, hesitant. “Of course, I know. Sure. I’ll help.”
Maybe I’m paranoid, but something about the way he said it felt uncertain. Still, even if no one helps me, I’ll find the truth. I’ll make sure whoever did this to Minion pays.
Chapter 27
Sinuyod namin ni Cassian ang posibleng dinaanan ni Minion bago ang aksidente, habang isa-isang tinitingnan ang mga kuha ng CCTV. Sa kabilang banda, sina Kurt, Rio, at Gav ay abala sa pakikipag-usap sa mga pulis na may hawak ng kaso.
“Wait. Rewind that part. Slow motion,” utos ko sa lalaki na naka-duty sa control room.
Sumilip kami ni Cassian sa screen. Doon, sa gilid ng kalsada, may isang sasakyang nakaparada. Bumaba ang bintana, at lumitaw ang mukha ng isang babae. Nakatingin siya nang diretso sa aksidenteng kinasangkutan ni Kael-parang pinapanood niya ang lahat mula sa simula.
“A woman? Who is she?” bulong ni Cassian, halatang naguguluhan.
Pero ang mas nakakagulat ay ang driver ng kotse na bumangga kay Kael ay agad na tumakas at sumakay sa parehong sasakyan. At naroon, naghihintay ang babae.
Nagkatinginan kami ni Cassian. Walang salita, pero mukhang iisa ang nasa isip. Mukhang tama ang aming hinala.
“Okay na po ba, sir?” tanong ng lalaking nag-o-operate ng CCTV.
“Ah, oo. Thank you,” sagot ko, sabay hila kay Cassian palabas.
Walang naitalang plate number ang CCTV dahil hindi kita sa anggulo ng pwesto nito. At sa lahat ng footage na nakita namin, ito lang ang may malinaw at medyo malapit na kuha.
“The woman isn’t that clear but-”
I cut him off. “She’s familiar.”
Cassian’s brows furrowed. “Yeah. I think so.”
“I’ve seen that car before. Two, maybe three times. It looks familiar.”
Agad akong nilingon ni Cassian. “Really? Saan?”
Huminga ako nang malalim habang inaalala kung saan ko nakita ang sasakyan. “When Jassie and I were dating.”
Nanlaki ang mga mata ni Cassian. “W-what? You mean…”
I gave a slow nod. “Yeah. I think she’s the woman in that car-the one who helped the bastard who hit Kael get away.”
Napatakip ng bibig si Cassian, halos hindi makapaniwala sa narinig. “Seriously? That Jassie is such a psycho! She really stooped that low-for what? Ego? What the fuck?!”
I clenched my jaw. “Kahit ako, noong una, hindi ko maisip na kaya niyang gawin ‘to. Pero naaalala ko pa kung paano niya ako pinaikot noon. She made it look like it was our parents’ idea for us to date, when in reality, lahat ng iyon ay plano niya. The reason? Dahil daw gusto niya ako. Pathetic.”
Cassian let out a heavy sigh, eyes narrowing. “Are we telling this to Rio?”
“That we suspect Jassie for Kael’s accident? Of course,” mabilis kong sagot. The words came out sharp, unshakable. I won’t let this slide.
“P-paano kung hindi siya maniwala?”
“I don’t care,” mariin kong tugon. “I don’t need anyone’s approval. Whoever did this, they will pay. Kael is innocent. All she did was try to help that woman pretending to be a customer. And now? She’s lying in a hospital bed. I promised Darwin I’d protect her, but look at us-look at her. And I can’t even find the strength to tell Darwin yet.” My fists trembled as I spoke. Damn it. I’m losing it. And Minion… she didn’t deserve this shit either.
Cassian stepped closer and placed a steadying hand on my shoulder. “Relax, dude. We’ll get Kael the justice she deserves. Pero… sabihin mo na muna kay Darwin. He has the right to know. He’s the only one Kael had before he met you.”
I swallowed hard, forcing myself to nod. “I know. I’ll tell him. I’ll just… wait until Kael wakes up.”
Cassian gave a firm nod in return. “Good. Now let’s go. Balik muna tayo sa ospital. We need to talk to the others, plan this out-properly.”
“Okay,” was all I managed to say. Cassian took the keys and slid into the driver’s seat, steering us back to the hospital.
Two days had passed, and Minion still hadn’t woken up. Each day that ticked by only fueled my anger at the people who did this to her. If not for my friends keeping me grounded, I probably would’ve done something reckless by now.
Nag-iwan ako ng tauhan na magbabantay sa labas ng kwarto ni Minion at mahigpit kong bilin na walang papapasukin maliban sa mga kaibigan ko. Pagdating namin ni Cassian, kakaupo pa lang namin nang dumating na ang tatlo. Si Minion? Wala pa ring malay. The doctors had explained that the fall caused some internal bleeding, which they were able to control. But their warning lingered: he has one week . If he didn’t wake up within that time, things could get worse. Two days had passed, and not even his fingers had moved.
“Anong balita? May nakuha ba kayo sa mga police?” Tanong ni Cassian sa tatlo.
Kurt dropped onto the sofa with a groan. “Nothing. No plate number, no fingerprints on the steering wheel. They’re still reviewing CCTV footage.”
“Kayo? Anong naging balita sa lakad nyo?” tanong naman ni Rio bago uminom ng tubig.
Cassian gave me a look, silently pushing me to speak. I exhaled heavily before starting. “There was one building with a clearer view of the accident.”
“And?” Kurt sat upright, suddenly attentive. Gav and Rio both leaned forward, waiting. I kept my eyes on Rio, watching closely for his reaction.
“There was a car near the scene. A woman was behind the wheel.”
Rio’s brows furrowed.
“Woman?” sabay na tanong nina Gav at Kurt. Tumango kami ni Cassian, habang ako’y patuloy na nakatitig kay Rio na nakikipagsukatan ng tingin sa akin.
“The man who hit Kael got into that woman’s car like nothing happened. And that car… it’s familiar. I’ve seen it before.”
“Really?” Rio asked.
“Yeah. It was Jassie’s. Back when we were dating.”
The room fell into a heavy silence. Rio froze. Gav looked from him to me, clearly unsettled. Even Kurt’s usually calm demeanor hardened, his eyes now locked on Rio, who seemed lost in thought.
“J-Jassie? Jassie ni…” naguguluhang tanong ni Gav sabay turo kay Rio. Tumango naman si Cassian. Seryosong-seryoso si Kurt habang nakatitig kay Rio, na ngayo’y malalim ang iniisip.
Kurt leaned forward, serious now. “So what do we do? Kael hasn’t woken up in two days, and that bastard is still out there.”
“I’ll find Jassie,” I said without hesitation.
Rio’s voice cut through the air, sharp and cold. “And do you really think she’ll tell you the truth if you confront her?”
“What do you mean?” Cassian asked.
Rio’s eyes were steady, calculating. “Sino bang umaamin agad sa krimen na ginawa nila? Wala. Hangga’t wala tayong konkretong ebidensya, itatanggi niya ’yan.”
“Rio has a point,” sagot ni Kurt. “Huwag kang padalos-dalos, Crius. Kailangan nating pagplanuhan ang bawat hakbang, gaya ng maingat nilang pagpaplano kay Kael. Wala man lang fingerprint na naiwan sa krimen.”
I sighed, my eyes falling to Kael’s unconscious body. She looked so fragile, and I hated myself for feeling helpless. If it weren’t for my friends, I’d already be out there, storming blindly.
“Relax, okay?” Rio’s voice softened, though his expression remained firm. “We’ll get them. Whoever did this to Kael… they’ll pay.”
I looked at him, his words echoing in the silence. Gav and Kurt nodded in agreement, their trust binding us together in that moment.
“Yeah,” I muttered at last. “I’ll trust your words.”
But deep down, doubt gnawed at me. I knew I shouldn’t question my friends… yet I couldn’t help it. Maybe it was the stress. Or maybe it was because Kael still hadn’t woken up. I really don’t know anymore!
Chapter 28
“Can you please sit down? Kanina ka pa lakad nang lakad diyan na parang nagle-labor, nahihilo na kami sa ’yo!” reklamo ni Kurt kaya napaupo rin ako sa wakas. They’d been watching me for a while now, tracing the same path over and over inside the room where Kael was confined.
“Ano bang problema?” Cassian asked, his brows knitted together.
“P-Paano ko sasabihin kay Darwin?”
Sabay-sabay silang napabuntong-hininga.
“We don’t know either, man,” Rio said from where he was leaning against the wall. “Pero siguro mas okay kung diretsahan mo na lang.”
“Sasabihin ko na ba kahit hindi pa nagigising si Minion? Baka mag-hysterical ’yung gunggong na ’yon… OA pa naman ’yon madalas.”
“Dude,” sabat ni Kurt, “kahit sino namang kaibigan, magiging OA kapag nalaman ang ganitong sitwasyon ni Kael. Natural lang ’yon, kaya mas mabuting ihanda mo na rin ang sarili mo.”
I froze, torn between calling Darwin right now or waiting a little longer.
“Do it,” Gav urged, his tone carrying a hint of warning. “Pag nagkataon na sa iba pa niya nalaman, mas lagot ka pa.”
I drew in a deep breath, my chest tightening with every second that passed, and slowly reached for my phone. I scrolled through my contacts until I found Darwin’s number, the one he’d given me before he left, just in case anything ever happened to Kael. I’d never once used it… and now, the first time I did, it would be to deliver news he’d never want to hear.
Habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag, ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Parang bawat tik-tak ng orasan ay dagundong sa dibdib ko. Tahimik lang ang mga kaibigan ko, lahat sila nakatitig sa akin, pare-parehong naghihintay kung ano’ng mangyayari kapag sinagot na ni Darwin ang tawag.
“Hello?”
Iyon pa lang ang narinig ko, pero agad akong napalunok. Napatingin ako sa mga kasama ko, habang sila naman ay nagsusulyapan at nagtatanong sa akin sa pamamagitan ng tingin.
“U-uhm… Darwin?”
“Yes? Ako nga. Sino ‘to? Kung scammer ka na naman na
maniningil
, tigilan mo na ako, ha? Wala na akong utang.”
“It’s me… Crius.”
“Crius?”
Napabuntong-hininga ako. “O-oo.”
“Hello, my friend! Bakit ngayon ka lang
nagparamdam
? Buti na lang nakaka-chat ko
paminsan-minsan
si Kael. Teka,
asan
na nga pala ‘yon? Ilang araw nang hindi
sumasagot
sa chat ko, ah!
Pinahihirapan
mo na naman ba masyado sa
trabaho
ang Kael ko?”
Sa narinig ko, mas lalo akong kinabahan. Ramdam iyon ng mga kaibigan ko kaya agad akong inabutan ng tubig ni Gav.
“Namumutla ka, bro. Uminom ka muna, baka mamaya ikaw pa ang saksakan namin ng swero,” bulong niya.
Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Agad kong ininom ang tubig, umaasang kahit papaano ay maibsan ang panginginig ng kamay ko.
“Crius, bro.
Nandiyan
ka pa ba?”
“H-ha? O-oo.”
“Bakit ka nga pala
napatawag
? Kasama mo ba si Kael?
Pakausap
nga ako.”
Napalingon ako sa higaan ni Minion at napalunok ulit. “D-Darwin… ano kasi…”
“Bakit? May problema ba?
Ina
away
ka pa rin ba hanggang ngayon ni Kael?”
“H-hindi.”
“Hindi? E anong problema?”
“She’s… i-in a coma.”
Walang kahit anong tunog mula sa kabilang linya. Tila pati hangin ay tumigil. Lalong bumigat ang dibdib ko sa katahimikan na ‘yon.
“A-ano? Anong sabi?” tanong ni Kurt, bakas sa mukha ang pag-aalala. Lahat sila ay naghintay sa susunod kong sasabihin.
“D-Darwin? You still there?” Tinignan ko pa kung nag-end na ang tawag, pero naka-on pa rin.
“A-anong sinasabi mo na coma? P-paano? Kailan? Bakit?
Tangina
, Crius! Anong ginawa mo kay Kael?!”
Dahil sa sigaw ni Darwin, napilitan akong ilayo ang cellphone sa tenga ko.
“Oh… kung nandito lang ‘yan sa harapan natin, siguradong bugbog ka na.” Saad ni Cassian. Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad siyang natahimik.
Hindi sila nakakatulong sa kabang nararamdaman ko. Tsk.
“D-Darwin, calm down. Wala akong ginawa kay Kael.”
“Calm down? Ngayon mo lang ako
tinawagan
para lang sabihin na coma si Kael tapos
uutusan
mo pa akong
kumalma
?! Crius naman! Sobra na ang
pinagdaanan
ng taong ‘yon noon. Hanggang ngayon ba naman kung kailan wala ako sa tabi niya?!”
I lowered my head, guilt creeping in with every word he said. I couldn’t bring myself to respond. A heavy sigh came from the other end of the line.
“Uuwi ako. Gusto kong
ipaliwanag
mo sa akin ang lahat ng nangyari. At kapag
nagising
siya, babawiin ko na siya sa’yo. Dito ko na lang siya
tutulungan
maghanap
ng trabaho, sigurado pa ako na
mababantayan
ko siya.”
“H-ha? P-pero, Darwin—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang binaba ang tawag.
Frustration hit me hard. I raked my fingers through my hair, nearly dropping my phone. My friends were quick to rush toward me.
“What happened? What did he say?” Cassian asked.
“He’s coming home… He wants to hear the whole story about what happened to Kael.”
“Tsk. Patay tayo diyan. Paano mo ‘yan ikukwento ngayon? Baka hindi ka pa nagsisimula, nakatikim ka na agad sa isang ‘yon,” sabi ni Kurt sabay kamot sa batok.
“Ipapanood na lang natin yung kuha ng CCTV,” suhestyon naman ni Gav. “Hindi naman natin alam ang buong pangyayari, e. Umaasa pa lang tayo sa footage sa ngayon.”
Hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi nila. Umiikot pa rin sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Darwin.
“Hey, Crius. You okay?” Rio’s voice snapped me back. “D-did he say anything else?”
Everyone turned to me, waiting for an answer.
I sighed, my gaze shifting toward Kael, lying there, unconscious, as if peacefully asleep. I didn’t know if I could handle it if she were taken away from me.
“Uuwi siya… hindi lang para malaman ang totoo. Uuwi rin siya para… para bawiin si Kael sa akin. Isasama niya pabalik sa ibang bansa.”
“What?!”
“Ano?!”
Sabay-sabay nilang reaksyon.
“Papayag ka?” tanong ni Kurt, hindi makapaniwala.
Napatingin ako sa kanilang lahat. “Kaya lang naman nandito sa akin si Kael dahil inihabilin siya sa akin ni Darwin habang wala siya. He’s been her family and her friend for years, the one who protected her, looked after her. Tell me, what right do I have to stop him from taking her back?”
Walang nakasagot. Tahimik silang lahat.
I knew they were right. But more than that, I knew I had no right. Still, the thought of not seeing her again…it was unbearable. Yet if staying by my side only meant more pain, more fear, more danger… then maybe I’d rather let her go than see her broken, bleeding, and suffering because of me.
Yes, I can protect her. But I can’t promise she’ll always be safe. Dahil may mga taong duwag…sumusugod lang kapag alam nilang mahina ka.
Chapter 29
“T-tubig…” mahinang tinig na halos pabulong, puno ng panghihina.
Pagkatapos kong makausap si Darwin at masabi ang lahat sa mga kaibigan ko, natahimik kami. Parang biglang bumigat ang paligid. Kaya nang marinig naming may mahinang boses na humihingi ng tubig, sabay-sabay kaming napabalikwas, gulat na gulat, at agad na napalingon sa aming pasyente.
“T-tubig…” ulit niya, kaya dali-dali akong lumapit.
“Minion? Gising ka na!” halos pasigaw kong sabi, hindi maitago ang pag-asa sa boses ko.
“Ay hindi, bro! Nag-sleep talk lang siya. Oo.” Salida na naman ni Gav, kaya agad siyang tinamaan ng sabayang batok mula kina Rio at Kurt.
“Kapag di ka tumahimik, baka mag-sleep ka na rin ng dire-diretso at di na maka-talk. Gusto mo?” banta ni Kurt, kaya mabilis na natahimik si Gav.
Kumuha ako ng bulak at dahan-dahang binasa iyon ng tubig, saka marahang idinampi sa tuyong labi ni Kael. “Tiis ka muna, ha? Tatanungin ko muna sa doktor kung kailan ka puwedeng painumin nang maayos.”
“Wait, I’ll call the doctor,” Cassian said before quickly rushing out of the room.
When the doctor returned, we immediately stepped back to give him space. We watched in silence as he examined Minion, every second stretching in quiet tension.
After a moment, he turned to us, ready to speak.
“Don’t give her too much water yet,” the doctor instructed calmly. “Just small sips for now, until she’s fully regained consciousness.”
“P-pero, Doc… gising na siya. Ibig sabihin, okay na rin siya, ‘di ba?” tanong ko, halatang may kaba sa boses.
“Yeah, she’s finally awake,” sagot ng doktor, kalmado pero seryoso ang tono. “Pero kailangan pa rin siyang obserbahan. Nagkaroon siya ng internal bleeding na naagapan naman, pero mas mabuting makasigurado.”
Napatingin ako kay Kael. Nakatitig lang siya sa kisame, parang inaaninag pa ang paligid. Wala pa talaga sa wisyo.
“Don’t worry, she’ll be fine,” sabi ng doktor, marahil ay napansin ang pagkabahala sa mukha ko. Napilit akong ngumiti.
“Salamat, Doc.”
“Hintayin n’yo lang na bumalik ang ulirat niya. Maya-maya lang makakausap n’yo na siya. Dahan-dahan lang din sa pagpapainom ng tubig para makabawi siya ng lakas.”
“Sige, Doc.”
“Maiiwan ko na muna kayo. Tawag lang sa mga nurse kung may kakaiba kayong mapansin.”
“Sige po, salamat.”
Pagkaalis ng doktor, halos magkarera ang mga kaibigan kong lumapit sa kama ni Kael, at ako, muntik nang matumba sa gilid dahil sa pagmamadali nila.
“Kulang na lang itulak n’yo ‘ko palabas, ah?” reklamo ko, pero parang hangin lang ako, walang pumansin.
“Kael, okay ka na ba? May masakit ba?” tanong ni Kurt, may halong pag-aalala.
“Miss Kael, ilan ‘to?” sabat ni Gav habang nakataas ang dalawang daliri. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya, salubong ang mga kilay.
“Ano ‘yan, Gav? Akala mo ba lasing si Kael?” iritadong tanong ni Rio.
“Hindi, noh! Sinusubukan ko lang kung nasa wisyo na siya. Kapag ‘di niya nasagot ng tama, ibig sabihin may blur effect pa ang paningin niya.”
Napangiwi ako. “B-blur effect?! Hindi naman siya tinanggalan ng katarata, gunggong ka!”
“Ang bobobo n’yo ha!” balik ni Gav, taas-noo pa.
“Ano?!” sabay-sabay naming sigaw, kaya agad siyang napaatras.
“A-ay, sorry! Nadala lang! U-uhaw na ata si Miss Kael, painumin ko lang.”
We all shot him sharp, disapproving looks as he nonchalantly helped Kael drink, careful and composed as if he hadn’t just done anything wrong. Natigil lang kami sa planong pagsugod kay Gav nang biglang magsalita si Kael.
“K-kaninong bahay ‘to?” mahina at basag ang boses, habang dahan-dahang iniikot ang tingin sa paligid ng kwarto.
“Nasa ospital ka, Kael,” sagot ni Cassian, mahinahon ang tono.
Nagsalubong ang mga kilay ni Kael. She looked down at herself from the white hospital gown to the bandages and casts on her arms and legs. She froze, as if fighting back the urge to cry. Kita ko kung paano nanubig ang mga mata niya, pilit na nilulunok ang sakit.
Tahimik ang lahat. Walang kumikilos. Ako lang ang nakatitig sa kanya at habang pinagmamasdan ko ang bawat paghinga niya, dahan-dahang bumabalik sa akin ang galit. Galit sa taong may kagagawan ng lahat ng ‘to.
I walked toward her slowly. She still wouldn’t look at me, her eyes fixed on her wounds as if she still couldn’t believe they were hers. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang tumango. Alam na nila ang ibig kong sabihin kaya isa-isa silang naglabasan, hanggang kami na lang ang naiwan.
“M-Minon…” I called softly, almost in a whisper.
She looked at me, her lips trembling. “A-ang naaalala ko lang… gusto ko lang naman tumulong, bossing. Pero bakit ganito ang kabayaran? H-hindi naman ako masamang tao para paulit-ulit na bigyan ng ganitong klaseng problema e.” Humigpit ang hawak niya sa kumot, nanginginig ang kamay. “Ang gusto ko lang naman… mabuhay nang tahimik. Kahit ako na lang mag-isa. Pero bakit ang hirap, kahit lumalaban ka naman nang patas?”
This is the second time I’ve seen her cry. The first was when she told me about everything she’d been through. And now, I’m here again, watching her get hurt all over. The most painful part? Noon, hindi ko siya kilala kaya hindi ko siya natulungan. Ngayon, kilala ko na siya. Nandito ako. Pero wala pa rin akong nagawa.
Mas mabigat pala ‘yung gano’n… ‘yung nandiyan ka lang naman, pero hindi mo siya nailigtas.
“M-Minon, I’m sorry.”
Napatingin siya sa akin, halatang naguguluhan. “Bakit ka nagsosorry, bossing? Hindi naman ikaw ‘yung bumangga sa’kin.”
Ako naman ang natigilan. “B-bumangga?” tanong ko, kahit may kutob na ako sa sagot.
Tumango siya nang marahan. “Nangangarera ako, bossing. Alam mo kung paano ako magmaneho, ‘di ba? Pero kahit ganun alam ko rin kung kailan ako nasa alanganin.” Huminga siya nang malalim. “Alam kong sinadya akong banggain.”
Nanlamig ang mga kamay ko. “P-paano mo nasabi?”
“Nagbagal na ako, bossing,” mahina niyang sabi, nanginginig pa ang boses. “Gumilid ako kasi alam kong mabilis ‘yung kasunod kong sasakyan. Pero sinundan pa rin niya ako. Narinig ko…”
Tumigil siya. The silence between us felt like the still air before a storm.
I slowly sat on the edge of the bed, trying to steady my nerves. “W-what did you hear, Minion?” I asked softly.
Her tear-filled eyes met mine directly. “N-narinig ko… bago magdilim ang paningin ko,” mahina niyang sabi, nanginginig pa rin ang tinig. “Sinabi nung driver na… n-nagawa na raw niya ang napag-usapan. Habang naglalakad papunta sa isang itim na kotse.”
Napakuyom ako ng kamao. Ramdam ko ang panginginig ng panga ko sa sobrang galit. Pakiramdam ko, kaya kong pumatay sa sandaling iyon. So tama nga ako, pinagplanuhan talaga ang buhay niya.
“Nakita mo ba kung sino ‘yung kausap niya sa kotse?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na sa inis.
Nagbuntong-hininga si Kael. “Hindi malinaw, pero alam kong babae. Siya siguro ‘yung tumawag sa shop…‘yung nagpapa-rescue.”
Napakunot ang noo ko. “Pero… bakit ikaw ang pumunta?”
Tumingala siya sa akin, marahang ngumiti pero halatang may halong sakit. “Bakit parang kilala niya ako?”
Napakurap ako. “A-anong ibig mong sabihin?”
“Dahil ako ang ni-request na mag-rescue,” sagot niya, diretso ang tingin. “Hindi naman ako dapat ang pupunta e, pero sabi raw ng customer… ako ang gusto niya.”
Doon ako tuluyang natigilan. Parang unti-unting naglalaro sa isip ko ang mga piraso ng palaisipan, at sa bawat tagpong buo ko nang naiintindihan, mas lalo akong nagngingitngit. Alam ko na. May isang taong gustong saktan si Minion, at kilala ko kung sino.
I took a deep breath, forcing myself to keep my emotions in check. “Don’t worry,” I said quietly. “I’ll do everything I can to make the person who did this to you pay. Hmm?”
But instead of easing my anxiety, it only grew heavier.
May kung anong kakaiba sa tingin ni Kael. Yung mga mata niyang dati kong nakikitang puno ng buhay, ngayon ay parang walang laman… malamig, walang emosyon. At hindi ko alam kung bakit… pero kinilabutan ako.
“M-Minon… b-bakit?”
Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin bago siya sumagot. “Gusto kong makausap si Darwin,” mahina niyang sabi. “Kailangan kong makita at makausap si Darwin.”
Parang biglang naglaho ang galit at takot sa dibdib ko. Napalitan ito ng kakaibang sakit na hindi ko maipaliwanag. All this time… I was the one by her side, the one who worried, the one who could barely sleep. Yet in the end, it’s still Darwin she’s looking for.
Pagkatapos ba nito… ito na rin ba ang huli naming pagkikita?
Sa ganitong mga sandali, si Darwin lang ba talaga ang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng kaligtasan? Is Darwin the only one she can trust with her heart?
I wish I were her safe place. The one she trusts, the one she chooses even in the middle of all the pain and fear.
I wish it were me.
But I’m not, am I? No matter how hard I try to protect her, no matter how much I want her to feel safe with me… It’s still him she looks for. Never me.
Sana… ako na lang…
Chapter 30
Simula nang magising si Kael, hindi ko pa nakikita ang dating siya — ’yung maingay, palabati, at makulit. Ngayon, palagi na lang siyang tahimik, tulala, at kapag kinakausap ko, isang tanong, isang sagot lang. At araw-araw kong nasasaksihan ang bago niyang bersyon… isang Kael na parang unti-unting nawawala. The guilt is killing me.
Paano na lang kapag nalaman niya na ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan? Na ako ang dahilan kung bakit may taong sa kanya ibinubunton ang galit? Baka mas malala pa ang Kael na makikita ko kapag nangyari ’yon.
Tsk. Pakiramdam ko, ang layo-layo niya, kahit abot-kamay ko lang naman siya.
“Do you have any cravings? I’ll buy anything you want to eat,” mahinahon kong tanong, naninimbang sa mood niya.
Pilit siyang ngumiti. “Wala, bossing.”
“P-pero… wala ka pa masyadong kinakain e.”
“Okay lang ako,” sagot niya ulit bago pumikit — senyales na ayaw na niyang makipag-usap kaya nanahimik ako.
Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kanya. Ilang araw na siyang ganito. Pero hindi ko rin siya masisisi. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Alam kong nahihirapan na siya.
Nagulat ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa at sinagot ang tawag.
“Cassian, any progress?” agad kong tanong sa kabilang linya.
“It’s confirmed.”
Nagsalubong ang kilay ko, sinusubukang unawain ang ibig niyang sabihin. “C-confirmed what?”
“It’s her. Jassie. The mastermind behind Kael’s incident.”
Agad akong napatingin kay Minion na nakapikit pa rin at mukhang tulog na. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para hindi siya magising habang kausap si Cassian.
“Wait, how can you be so sure? Did you find any solid CCTV footage of them?”
“Yeah. Let’s just meet at the hospital lobby. Doon tayo mag-usap.”
“Okay. Papunta na ako. Doon na lang kita hihintayin.”
Sinilip ko muna ulit si Minion. Nang masiguro kong mahimbing pa rin siyang natutulog, saka ako tuluyang lumabas. Pagdating ko sa lobby, limang minuto pa lang ang nakalilipas nang dumating si Cassian.
“Here.” Iniabot niya sa akin ang cellphone niya. Kinuha ko iyon at agad kaming naupo. Pinanood namin ang video nang sabay.
Malinaw ang kuha kahit medyo mula sa gilid, kita ang mukha ni Jassie. Ang lalaking kasama niya, hindi ko makilala dahil sa suot nitong sumbrero. Ramdam ko agad ang pag-igting ng galit ko. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ni Cassian nang hindi ko namamalayan.
“Hey! Let go of my phone, dude. Baka mabasag mo. Kapapalit ko lang niyan e.” Pilit na inaagaw ang kanyang cellphone sa kamay ko.
Nabigla ako sa boses niya, kaya agad ko itong bintiwan. Napabuntong-hininga ako, pilit pinapakalma ang sarili.
Gusto ko na talagang mahanap si Jassie. Gusto kong pagbayarin siya sa ginawa niya kay Kael. Wala na akong pakialam kahit anak pa siya ng ninang kong kaibigan ng mommy ko. Wala akong pakialam kahit babae siya. Gusto kong maramdaman niya ’yung sakit na pinagdadaanan ngayon ni Kael — ’yung hirap na ako naman talaga mismo ang dahilan.
“Calm down, Crius,” sabi ni Cassian, mahinahon pero matigas ang tono. “Baka maging kriminal ka rin kapag nagpadalos-dalos ka. Hindi matutuwa si Kael nun. Baka sisihin pa niya ang sarili niya kapag nangyari ’yon.”
Natahimik ako.
Si Kael… siya na lang ang dahilan kung bakit nakakaya ko pang magpigil. Siya lang ang naiisip ko. Ayokong madagdagan pa ang bigat ng dinadala niya. Tama na ’yung ako na ang dahilan kung bakit siya baldado ngayon.
“Anong gagawin ko, Cassian?” tanong ko, halos pabulong. “Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng hayaan ko lang ang nangyari. Hindi pwede!”
“I know, I know. Calm down, okay?” sagot niya. “Hindi ka mag-isa sa laban na ’to. Sasamahan ka namin. Pero kailangan natin ng plano. Lalo pa’t hindi natin alam kung nasaan si Jassie ngayon, kung nagtatago ba ’yan sa palda ng nanay niya o nagpaplano nang bumalik sa ibang bansa.”
Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa frustration.
Sa totoo lang, ayoko nang patagalin pa ’to. Pero kung ang pagmamadali ko lang ang maglalagay kay Kael o sa mga kaibigan ko sa panganib, mas mabuti pang maghintay muna.
Tinapik ni Cassian ang balikat ko. “I’ll compile all the footage we have. Bumalik ka na kay Kael, baka hanapin ka na nun. Alam mo namang hindi pa siya nakakalakad at kailangan laging may kasama.”
“Salamat, dude.”
“No worries. I’ll send it to your email later. Sabihan ko rin sina Kurt na sila na muna ang kumausap sa police bago natin ipakita ’yung bagong footage.”
Tumango ako, may pilit na ngiti. “Okay. Thank you. Ingat sa pagmamaneho.”
“Sige.”
Bago ako bumalik sa kuwarto ni Kael, lumabas muna ako sandali para bumili ng kape sa katapat na café. Pagkakuha ko ng order, agad din akong nagmadaling bumalik sa ospital dahil baka may kailangan siya, baka hinahanap niya ako.
Paglapit ko sa pinto, hawak ko na ang doorknob at handa na sanang pumasok, pero natigilan ako nang marinig ko ang dalawang boses mula sa loob. Ang isa’y kay Kael—mahina, garalgal, parang umiiyak. Ang isa naman ay boses ng isang lalaki. Napakunot ang noo ko.
“Who’s with her?” mahina kong bulong sa sarili.
“Wala akong ginagawang masama, Darwin. Promise! Gusto ko lang tumulong.”
Darwin?
“Alam ko, alam ko. Huwag kang mag-alala, nandito na ulit ako.”
“Darwin…”
“Hmm?”
“Pwede bang isama mo na lang ako sa inyo? Sa ibang bansa. Doon na lang ako magtatrabaho. Kahit anong trabaho, basta malapit ako sa’yo. Para sure akong safe ako. Please?”
Doon, tuluyan kong nabitawan ang pinto. Hindi ko na nagawang pumasok.
It’s her. It’s her wish, not Darwin’s. She wants to leave… with him. And I can’t do anything about it. She said she feels safe with him, and the accident happened while she was with me.
How can I ask her to stay… when I’m the very thing that makes her feel unsafe?
“Iyon naman talaga ang balak ko. Pero ang nasa isip ko, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero mukhang nakapag-desisyon ka na bago pa ako bumalik para kausapin ka. Sure ka na?” tanong ni Darwin, malinaw na malinaw mula sa pinto.
“Oo. Mag-isa na lang din naman ako rito e. Ikaw lang ang meron ako, alam mo ’yan. Pero iniwan mo pa ako. Kasalanan mo ’to e!”
“Naging kasalanan ko bigla?” natatawang sagot ni Darwin.
“Basta, kasalanan mo ’to kaya isama mo ako pagbalik mo. Hindi puwedeng hindi. Baka mamatay ako nang maaga rito.”
“Oo na, oo na! Aayusin natin ang mga requirements mo.”
I didn’t finish listening with their conversation. I turned away, walking slowly and with my head down, leaving that room with a weight so heavy it felt like it was pulling me under.
Chapter 31
Days after Darwin and Kael talked, minion got discharged at the hospital. Pero hindi na siya sa bahay ko umuwi, kundi sa bahay na ni Darwin. Isang araw bago ito lumabas ng hospital, kinausap ako ni Darwin.
“Bro, pasensya na. Sana alam mong hindi ko siya pinilit na sa akin umuwi, desisyon niya ’yon.”
A small smile formed on my lips. “I understand. Alam kong mas panatag siya sa puder mo.”
Ngumiti rin siya pabalik. “Salamat. Salamat din sa pagtitiis mo sa katigasan ng ulo niya at sa pag-aalaga sa kanya. At… sorry. Sorry kasi hindi ko siya mapilit na mag stay na lang dito, sayo.”
I sighed. A heavy one. Cause I feel a different kind of pain. Knowing that My Minion will be no longer with me after this and I don’t know if we can see each other again. “No worries, I truly understand, bro. Just… Just stay with her and protect her like you used to, back then. Balitaan mo na lang ako kapag paalis na kayo. Hindi man ako makakapagpakita pa nun, sana malaman ko pa rin kung kailan ang alis niyo.”
“Sige. Itetext kita agad. Salamat. Pero, Crius… Isa lang sana ang huling hiling ko…”
Natigilan ako sa bigla nitong pagseseryoso at bahagyang kinabahan.
“A-ano?”
“Sana mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Kael. Wala akong pakialam sa kung paanong paraan, ang gusto ko lang, makuha niya ang hustisya na dapat niyang makuha. Wala na akong pakialam sa mararamdaman ng iba. At kung hindi niyo yun magagawa, babalik ako para ako mismo ang gumawa nun. Dahil hindi ko ’to mapapalampas. Wala akong pinalampas pagdating kay Kael, para lang alam mo.”
Iyon ang huli niyang sinabi nung araw na ’yon. Doon, naisip ko na baka kaya ganun na lang ka kampante sa kanya si Kael dahil lagi niyang nabibigyan ng hustisya kapag may nangyayari kay Kael. Ganun siguro talaga siya ka protective sa kanya. Kaya wala akong karapatan na pigilan siyang mas piliin si Darwin. Wala akong karapatan dahil ano lang ba ang nagawa ko na para sa kanya? Wala.
“Ganun na lang ’yon? Pumayag kang umalis si Kael kasama ni Darwin?” tanong sa akin ni Kurt. Nasa bar kami ni Cassian. Niyaya ko ang mga ito matapos kong makatanggap ng text mula kay Darwin na nasa airport na sila ni Kael.
“What do you expect me to do? Beg Darwin not to bring Kael, even when Kael herself volunteered to come? Hindi ba ang selfish ko naman sa part na pipilitin ko syang mag stay sa akin pagkatapos nung nangyari? Which, until now, still hasn’t been given justice because of that fucking Jassie and her accomplice are in hiding?”
“Crius is right. He made the right decision.” Agad na sabi ni Cassian nang matahimik ang mga kaibigan namin dahil sa sinabi ko. “Hindi para kay Darwin ang desisyon na ginawa niya, kundi para kay Kael. Para mapanatag siya at maramdamang safe habang nagpapagaling. After that incident, Crius doesn’t have the right to be selfish. It’s about the safety of a person—Kael.”
Pansin ko naman na natauhan silang lahat dahil sa narinig mula sa amin ni Cassian kaya napahinga ako ng malalim. Alam ko naman na hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. Pero hindi ko maiwasan dahil alam kong ginawa yun ni Jassie ng dahil sa akin. At habang hindi ko sya napapagbayad sa ginawa niya kay Kael, sarili ko pa rin ang sisisihin ko.
“Wala pa rin bang nakukuhang lead kung nasaan na ang babaeng ’yon?” ramdam sa tono ni Gav ang inis.
“Wala pa rin nga e,” sagot naman ni Rio.
I’ve come up with a plan to lure Jassie out, but I’m not sure if it will work. And I’m not sure whether I should tell my friends about it.
“Wala ba tayong ibang gagawin? Wala ka bang ibang plano, Crius? Maghihintay ka na lang ba sa balita mula sa mga pulis?” tanong ni Kurt.
“Ang mga pulis pa naman dito parang mga pulis sa TV e. Laging late na. Saka pa mararamdaman kapag tapos na at na solusyunan na. Tsk.” Ani Gav.
Yung wala pa naman sana akong planong sabihin sa kanila ang nabuo kong plano pero dahil sa nakikita kong frustration sa kanila, mukhang kailangan ko na talagang sabihin. Mukha kasi silang basta na lamang manghihila sa gilid at paglalabasan ng inis ang mahihila nila gamit ang kanilang kamao.
Mukhang napansin naman ni Cassian na malalim ang iniisip ko.
“Mukhang may plano ka ah? Care to share?” tanong nito kaya naman nakuha nun ang atensyon nang lahat at sa akin napunta.
“Uhm… I’m honestly not sure if this will actually work.”
“Sabihin mo na. Kapag galing sayo, 20% lang yung chance na hindi mag work. So, ano ba yun?” Sabi naman ni Kurt. Ang iba ay naghihintay na rin sa aking sasabihin.
I sigh deeply. Is this really right? Will my plan succeed? Tsk. It has to… there’s no other choice. Kahit anong mangyari kailangang gumana ng planong ’to para mahuli na ang babaeng iyon. Baka kung ano pa ang magawa sa kanya ni Darwin kapag si Darwin ang kumilos. Gusto ko pa syang makita na pinagbabayaran ang kanyang ginawa.
“Hindi ko alam kung gagana ang naisip ko pero… Kakausapin ko ang parents namin ni Jassie.”
“Ano?!” sabay-sabay na sagot ng mga ito na tila hindi makapaniwala.
“Baliw ka ba?! Paano kung hindi lalo magpakita ang babaeng iyon at itago ng magulang?” Halata sa boses ni Rio ang pag-aalala sa akin pati na rin ang inis kay Jassie.
“Oo nga. Minsan pala may laman din na masustansya ’yang utak mo, ’no?” saad naman ni Gav kaya nabatukan na naman ito nina Kurt.
Salubong naman ang kilay ni Rio kay Gav. “Mas madalas talaga na wala ka sa hulog e! Mag lock ka nga muna sa kwarto huwag muna magpakita ng isang linggo! Sisikmuraan na kita e.”
Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Gav at nanahimik. Naramdaman siguro ang tensyon sa mga kaibigan namin na mukhang isang beses lang ulit magkamali itong si Gav ay dadalawin ko na siya sa hospital. Sigurado ako roon. Tsk. Sa ikli ng pasensya ng mga mokong na ’to e.
“Okay. Ganito ang plano ko. Kakausapin ko ang Mommy ko at Mommy ni Jassie. Sasabihin ko na gusto kong madaliin na nila ang kasal namin.”
“Ha? Baliw ka na ba talaga?”
Agad naman hinawakan ni Cassian ang braso ni Kurt para pabalikin sa pagkakaupo. “Kumalma ka nga. Patapusin niyo muna kasi. Grabe naman kasing mga pasensya ’yan, ang iikli! De puta naman!” Sigaw nito na para bang napakahaba ng pasensya niya sa lagay na ’yan.
Saka ko pa lang naituloy ang sinasabi kong plano nang kumalma na sila at parang handa na akong patapusin, habang panay ang sulyap nila kay Cassian.
Nagbuntong hininga ako. “Iyon na nga. I’ll push them to fast-track the wedding they want, giving his mother no choice but to find a way to get her child out wherever the fuck she is. Sigurado akong gagawa sila ng paraan dahil iyon ang gusto nila. Ang makasal kami. Pero ako ang mag-aasikaso para maging fake marriage lang ang lahat. Kayo na ang bahalang kumausap sa mga pulis na umistambay ng hindi nahahalata. I’ll record the entire conversation while forcing Jassie to admit what she did, so we can secure solid evidence.”
Nagkatinginan silang lahat bago sabay-sabay na tumingin sa akin at dahan-dahang tumango na para bang sang-ayon sila sa plano ko. Isa na lang ang hiling ko sa mga oras na ’to, sana magtagumpay ako sa planong ’to sa tulong ng mga kaibigan ko… para kay Kael. Para may mukha naman akong maihaharap sa kanya.
___–
Kabote ka talaga, anteh! Nag update sha! Nag update! Tapos bigla na lang ulit yan mawawala 🫠
Chapter 32
“Come again, Crius? Did I hear it right?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Mommy habang magkausap kami sa sala. “Akala ko ba ayaw mo sa arranged marriage thingy na ’yan kaya nagalit ka sa amin ng ninang mo? Ano’t gusto mong madaliin na namin ang kasal niyo ni Jassie ngayon?”
Alam kong hindi titigil sa pagtatanong si Mommy hangga’t hindi siya na sa-satisfied sa sagot ko kaya naman pinag-aralan ko na ang isasagot pati na rin ang facial expression na tila natural lang.
Ngumiti ako. “I was just thinking… Baka tumanda akong binata at hindi na kita mabigyan ng apo kung magiging pihikan ako. Pero… okay lang din kung ayaw mo pa. Baka ayaw na rin ni ninang dahil sa tinaggihan ko siya. Baka lang naman, kasi pakiramdam ko ready na ako. Pero…sige po, kung ayaw nyo- “
“No!” Agad na sagot ni Mommy. “Kakausapin ko ang ninang mo para pauwiin si Jassie.”
Nagsalubong ang kilay ko. So, wala na dito ang babaeng iyon? “P-pauwiin? What do you mean, mom?”
“Naku! Nag-away ang mag-ina dahil nagasgasan na naman ni Jassie ang isa sa sasakyan nila nung minsang mag drive ng lasing. Ayon, pinabalik sa ibang bansa. Pero huwag kang mag-alala, I’ll talk to your ninang, okay?”
“S-sige po. Balitaan niyo po agad ako para ako na ang bahalang mag-asikaso ng lahat.”
Dahil sa sinabi ko ay mas lumapad ang ngiti ni Mommy. “Sure! Sure! Ako ang bahala, hijo.”
Napangiti ako sa naging sagot ni Mommy. Alam kong maiintindihan niya ako kapag nalaman niya ang totoo. At alam ko na gagawin niya ang lahat para maibigay ang gusto ko. Wala silang ideya ni ninang kung ano talaga ang nangyari at alam ko, hindi iyon sasabihin ni Jassie kaya siguradong mapipilitan siyang umuwi para hindi siya pagdudahan ng ina.
I guess Jassie didn’t knew I was suspecting her. At magandang ideya iyon para mas mapaniwala ko siya at mapadali ang mga plano namin.
We’ve been carefully planning for days while waiting for updates from my mom. We’ve also coordinated with the police, who may escort Jassie afterward. As much as possible, we want everything to go smoothly and safely, without anyone getting hurt and I’m holding onto that hope.
I don’t want my mom or any of my friends to be hurt again. I won’t let that happen.
Kaya naman nang tawagan ako ni mommy para makipagkita sa kanila ni ninang ay hindi na ako nagdalawang isip. Pumunta agad ako sa bahay nila kung nasaan nandoon din si Mommy.
“Ninang, Mom!” I greeted them as I entered. My mom gave me a hug and a peck on the cheek. Ninang just gave me a peck and not the hug.
“Have a seat.”
Nakaramdam ako ng kaba sa seryosong tono na iyon sa boses ni ninang. Ibang-iba noong mga araw na nag de-date kami ng kanyang anak kapag sinasalubong niya ako.
“So, what made you change your mind, hijo? I thought you didn’t want to marry my daughter?”
Naisip ko na magdududa sila. Kahit naman sino. Pero kailangan ko silang mapaniwala dahil wala na akong maisip na iba pang paraan. Gusto ko ’tong matapos na hindi dadaan sa karahasan. Hindi ko gagawin ang ginawa nila. Dahil kung gaganti ako sa paraan ng katulad nila, wala akong pinagkaiba sa mga taong ’yon. Hindi nila ako kasing baba at kasing dumi.
“I’m sorry for what I said before, Ninang. I guess… I just wasn’t ready back then. But now, I’m starting to think maybe you were right all along, that we’re meant to end up together. Naisip ko rin po… maybe if we get married, Jassie might finally listen to you, won’t she?”
Sa totoo lang, itong mga sinsabi ko ay on the spot ko na lang naisip. Hindi ko alam kung bakit ang mga inaral kong dahilan ay hindi na lumabas sa bibig ko. Na mental block na ako. Pero mabuti na lamang at nakaisip pa rin ako ng idadahilan, kahit hindi sigurado kung kakagatin ba nila.
Please… just this once, believe the lies I’m telling. I swear I won’t do this again. I just need to keep everyone safe…especially my Kael.
Kinabahan ako sa tinginan nila at sa buntong hininga ni Ninang. Kita kong nagdadalawang isip ito pero parang may part na gusto niya rin sumang-ayon.
She let out another heavy sigh. “Fine. Let’s do that. Just make sure you don’t change your mind again, Crius. I’ll call Jassie later but I won’t tell her yet. It’ll be a surprise when she comes back.”
I forced a smile as she and Mom basked in their excitement.
Yeah… some surprise it would be.
Jassie.
Ibinalita ko agad ang naging-usapan namin sa mga kaibigan ko. Ramdam ko na nabawasan ang kanilang pag-aalala dahil sa aking ibinalita.
Konti na lang… Malapit na, Kael. Mapaparusahan din ang gumawa niyan sa’yo. Hindi man sa parehong paraan, sisiguraduhin ko pa rin na pagbabayarin nila ang sinira nilang buhay sa legal na paraan.
I’m sorry for what happened, my Minion… and I’m sorry I had to let you go. But when the right time finally finds us again, I’ll never loosen my hold on your hand. This time, I’ll choose you… your safety, your happiness over everything, over everyone.
“Wala ka bang balita kay Miss Kael?” tanong ni Cassian sa akin nang dalawin ko ’to sa kanyang bar ng walang pasabi.
“Wala e.”
Ramdam ko ang kanyang tingin dahil sa matamlay kong pagsagot pero hindi ko s’ya tiningnan pabalik dahil ayokong makita na kinakaawaan niya ako.
“Everything will be alright, dude. Just be patient, things have a way of falling into place.”
I managed a faint smile. “Yeah… I know. I just—” I swallowed, the words catching in my throat. “I just miss her.”
“Miss na rin namin ang makulit na ’yon. Maybe… this just isn’t the right time for the two of you. And who knows? Maybe God is simply redirecting your paths, saving you both for the perfect time… the perfect moment that will finally hold you together.”
From that moment on, I looked at him differently.
Because I realized… he was right.
I needed those words—something to hold on to, something to remind myself every day while I wait.
“Thank you, dude. Salamat at hindi nyo ako pinabayaang mag-isa.”
“Because you never abandoned us either. That’s how it’s always been…an unspoken balance, a golden give-and-take between us, man.”
Natigilan kami nang biglang mag ring ang cellphone ko. Kinabahan ako nang makita ang caller. It’s my mom.
“Mom?”
“Crius, hijo. Good news! Jassie’s coming home tomorrow. So make a reservation for a date, okay?”
For a moment, I couldn’t speak. The words hit harder than they should have. I glanced at my friend, already watching me with a questioning look.
“Crius? Are you still there?”
“Y-yes, Mom. Okay… I’ll take care of it. Thanks.”
“No worries, hijo. OMG, I’m so excited!” she squealed from the other end before the call dropped.
The line went dead.
But the noise in my chest didn’t.
“What? What was that call all about?” Kinakabahan na ring tanong ni Cassian.
Nakaramdam ako ng kakaiba. I couldn’t tell which weighed heavier—excitement or fear. But one thought kept echoing in my mind: at last, the day had come. The day justice would finally be served. And that alone filled me with a hope I had been holding onto for so long.
“The game for justice is finally starting, dude. Jassie’s coming back tomorrow.”
✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
I guess I’m finally back on track.
Sorry for making you wait this long. Just know that I’m always trying—we all are, in our own ways.
Enjoy reading. ᥫ᭡
Follow me on my SNS for more updates 🥀
• FB: Mhadz WP
• Page: Mhadz;
• TikTok: itsme.mhadz
Mhadztngsn ᥫ᭡
Chapter 33
“It’s been a while, Crius.” Nakangiting bati sa akin ni Jassie habang bumababa ng kanilang hagdan. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kanilang sofa.
I thought it would be easy, to hold back the anger, to pretend I was fine. But it wasn’t. Because every time I saw her smiling like nothing had happened, my chest tightened, my heartbeat quickening with rage. My jaw ached from clenching, my fists trembling as I fought the urge to let them curl tight.
And then Kael’s face…twisted in pain, flashed in my mind.
And just like that… the anger burned even hotter.
But no. Kailangan kong magtimpi. Kailangan kong labanan ang galit na ’to para mag success ang plano.
Ngumiti rin ako. “Yeah, it’s been a while. Kauuwi mo lang daw?”
“Ah, yeah.”
“Bakit? I mean, bakit ka bumalik sa Canada? Akala ko dito na kayo for good?”
She dropped onto the sofa in front of me, so I took a seat as well. I caught the way she avoided my gaze.
“U-uh… Mom scolded me. I went out drinking with my friends and I still drove myself home.” She let out a weak, awkward breath. “Yeah… I got into an accident. But I’m totally fine though.”
“You got into an accident, huh?” I let the words settle, watching her carefully. So this is how a criminal stands in front of the people they’ve wronged… and lies.
“So… shall we go? It’s our lunch date, right?”
That was when it hit me… the reason I was here. For a second, I almost lost myself again, the anger clawing its way back up my throat.
“Yeah,” I said, steadying my voice. “Let’s go.”
“U-uh… bakit dito?” maingat niyang tanong, pilit na pinapakalma ang sarili habang pasimpleng sinusuyod ng mga mata ang paligid. Ang mismong lugar na pilit niyang gustong kalimutan.
I’m watching you, Jassie…
“Bakit naman hindi?” sagot ko, kaswal ang tono pero may nakatagong talim. “May problema ba? Masarap naman ang pagkain dito.”
“Ha? W-wala,” agad niyang iwas at parang napalunok pa. “I mean… okay lang. Basta masarap ang food.”
“Good, then,” I replied calmly, my gaze never leaving her. Studying every movement, every flicker of unease on her face.
I could see it in the way her shoulders stiffened, in how she forced herself to sit properly despite the restlessness she couldn’t hide. She didn’t need to say a word. The weight of this place was already pressing down on her.
The place makes her uncomfortable.
Tama lang. You deserve that, bitch.
“So, Jassie… buti pumayag ka na ituloy ang plano nina Ninang? I mean… the marriage?”
“Of course.” Agad ang sagot niya, parang matagal nang handa. “Ikaw lang naman ang umatras noon, ’di ba? What made you change your mind now?”
Para pagbayarin ka.
Para maramdaman mo kahit kaunti ang bahagi ng sakit nang ginawa mo.
Hindi pwedeng ikaw lang ang magpatuloy sa buhay na parang walang nangyari, habang siya… halos hindi na makalakad. Hindi na niya magawa ang mga bagay na dati niyang ginagawa.
Wala ng libre sa panahon ngayon. Lahat kailangan pinagbabayaran.
I smiled, a carefully shaped expression, just enough to hide the storm brewing inside me.
“Oh, nothing special,” I said casually. “I just thought I’d give Mom what she wanted… and why not give it a try, right?”
She smiled back. Bright. Relaxed. Completely at ease.
Like she was already winning a game she didn’t even realize had just begun.
“Of course,” sabi niya, halos may halong tuwa. “I told you, we can always give it a try. I know it’ll work.”
“Yeah…” bahagya kong ibinaba ang tingin, pinipigil ang kung anong gustong kumawala sa mga mata ko bago ko muling itinaas iyon sa kanya.
“It’ll work.”
The plan will work. I’ll make it work.
In the days that followed, everything moved quickly… wedding preparations unfolding one after another: fabrics being chosen, flowers arranged, invitations printed, and smiles I had to force through every decision they made.
I refused to have it held in a church. I made it seem like I simply preferred a garden wedding—simpler, more intimate, more free. And they believed me easily enough.
Dahil hindi siya ang babaeng nais kong iharap sa altar.
Someone is more deserving walking down the aisle with me.
Kaya hindi pwedeng maging banal ang kasalang ito.
Kumuha ako ng pekeng pari. Tahimik, walang tanong, bayad para manahimik. Nagpagawa ako ng pekeng marriage contract… papel na walang saysay, pirma na walang bigat. Isang kasal na walang bisa, mula umpisa hanggang dulo.
Lahat ay peke.
Dahil iyon ang nararapat sa kanya.
Isang pangakong walang katotohanan. Isang seremonyang walang bisa. Isang pag-iisang hindi kailanman totoo.
At sa gitna ng lahat ng iyon, ako ang maghahawak ng bawat hibla ng kasinungalingan… hanggang sa tuluyan siyang malunod dito.
And with each passing day, the silence grew heavier.
Every hour felt stretched thin, every day blurred into the next, and each week seemed to drag on endlessly… like time itself had stopped moving forward. And through all of it, there was still no word from Kael.
I didn’t know how she was.
Kung nagsisimula na ba siyang mag-therapy… Kung unti-unti na bang bumabalik ang lakas niya… Kung… maayos na ba siya.
Sinubukan kong kontakin si Darwin, pero wala. Patay na ang linya. Walang sagot. Parang bigla na lang silang naglaho, parang sinadya nilang burahin ang kahit anong koneksyon sa akin.
Pinili ba nilang manahimik?
O… siya mismo ang may gusto?
Si Kael ba ulit ang nagdesisyon na putulin na lang ang lahat para tuluyan na akong mawala sa mundo niya?
Even just thinking about it felt like something was squeezing my chest.
And that was when it hit me even harder…
The sadness. The longing. And the pain I had been running from… only to be pulled back into again and again.
“Matapos lang ang lahat ng ito… hahanapin ko siya,” mahina kong sabi, halos nalunod sa tunog ng mga basong nagkikiskisan at alak na dahan-dahang nauubos. “Hindi para guluhin ang buhay niya… kundi para lang malaman kung… maayos na ba siya.”
Doon natahimik ang apat.
No one spoke. All of them were just staring at me… serious, heavy-eyed, while I kept my gaze fixed on the glass in front of me, slowly swirling its contents as if the answers I was looking for might somehow appear there.
“Paano kung…” basag ni Kurt sa katahimikan.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Kita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya, parang tinatantya kung dapat pa ba niyang ituloy. Pero kalaunan, bumuntong-hininga siya at nagsalita rin.
“Paano kung… ayaw talaga niyang magpakita?” he asked slowly, carefully, as if afraid of the answer. “O ayaw na talaga niyang magkaroon pa ng ugnayan sa mga naiwan niya rito?”
Sandaling tumigil ang mundo ko sa mga salitang iyon.
“Paano kung… mas pinili na niya ang buhay niya doon, kasama si Darwin?” dagdag pa niya, mas mahinahon pero mas tumatagos. “Tahimik… at ligtas.”
Parang may malamig na kamay na humawak sa dibdib ko.
Tahimik kong hinigpitan ang hawak sa baso, pilit pinipigilan ang kung anong gustong kumawala sa loob ko.
“Kung gano’n…” halos pabulong kong tugon, pero sapat para marinig nila.
“…eh ’di mas mabuti.”
But behind those words, something in me slowly began to crack… what little was left holding me together, slipping piece by piece.
I forced a smile, but it was unmistakably hollow. A smile that couldn’t hide the pain I was trying so hard to bury.
“Then… I’ll let her,” mahina kong sabi, kahit ramdam kong bawat salita ay kumakayod sa dibdib ko. “I won’t bother her.” Sandali akong napahinto, saka bahagyang napailing. “Hindi ko naman siya masisisi,” dugtong ko pa, mas marahan. “Because her life has been… traumatic since the day she met me.”
Parang may kumurot sa lalamunan ko, pero pinilit kong ituloy.
“And a life away from this… cruel world of mine?” bahagya akong napangiti, pero walang saya sa mga mata ko. “She deserves that.”
Silence wrapped around the group once more.
No one spoke. No one objected. It was as if they had all chosen to simply let the words settle… each one quietly breaking pieces of me, while they stood by and watched it happen.
“If letting her go means a better life for her… if it means she’ll finally be happy, then so be it.”
Bahagya kong ibinaba ang tingin ko sa baso, pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon na tila hindi ko na kilala.
“It’s not because I don’t care…” mahina, halos pabulong. “It’s because I care…” Sandali akong napapikit, saka ko tinapos. “And I love her too much to keep her where she feels trapped.”
At sa pagkakataong iyon, kahit walang tumulo, ramdam kong may tuluyan nang bumigay sa loob ko.
When did my love for her deepen like this?
Nakakalunod… parang biglang nahulog nang hindi ko namalayan ang lalim. At mas nakakatakot pa, dahil kahit alam kong nalulunod na ako…
ayaw ko pa ring umahon.
Parang sa gitna ng sakit at bigat, doon pa rin ako kumakapit… sa kanya, sa alaala, sa kung ano na lang ang natira sa aming dalawa.
Chapter 34
The day has come. And strangely, I don’t know what I’m supposed to feel.
I stand before the full-length mirror, eyes locked on my own reflection, searching for something… certainty, maybe, or even just a hint of the right emotion to hold onto. But there’s nothing. Just me, staring back, unsure.
Ito na ang araw na matagal kong hinintay, ang araw ng pekeng kasal namin ni Jassie.
My chest tightens at the thought. Nervousness coils deep within me, laced with a quiet dread of everything that could go wrong. And beyond that… my mind drifts further, already chasing what comes after.
Saan nga ba ako pupunta pagkatapos nito? Paano ako magsisimula ulit?
“Okay ka lang?”
Napapikit ako sandali bago napabalik sa wisyo dahil sa boses ni Cassian.
“H-ha? Y-yeah… I’m okay.”
He studies me for a moment. “Are you ready?”
Napabuntong-hininga ako, pilit na pinipirmi ang sarili. “Yeah. Matagal nating hinintay ang araw na ’to.” I paused, my voice quieter this time. “Sana matapos na ’to ngayon.”
Ngumiti si Cassian, steady and reassuring. “Tiwala lang. Matatapos na ’to ngayong araw.”
I let out a faint, almost fragile smile.
“Na wala sanang masasaktan.”
He didn’t answer right away. And somehow, that silence said more than words ever could.
“Hindi tayo sigurado d’yan,” he admitted softly. “Pero—hopefully… yes.”
“Naka-ready na ba ang lahat?”
“Yeah. Even the police are on standby. Wala ka nang ibang dapat isipin kundi ’yung role mo sa planong ’to. Relax muna, dude, baka makalimutan mo pa ang gagawin mo.”
“S-sige… salamat.”
“No worries. Babalik na ako sa labas. Maya-maya raw ay magsisimula na.”
“Okay… sige.”
Tama si Cassian.
Kailangan munang matapos ang planong ’to. Mamaya ko na iisipin ang susunod na hakbang kapag naging successful na ’to. Hindi puwedeng mawala ang focus ko ngayon. Isang maling galaw lang, puwedeng masira ang lahat.
Sayang ang lahat ng pinaghirapan namin. Sayang ang oras… at ang tiwalang ibinigay ng mga kasabwat ko.
Nagsimula na ang programa. Hindi karamihan ang mga bisita kagaya ng gusto ko.
Habang naglalakad palapit si Jassie, may nakapaskil na napakagandang ngiti sa kanyang mga labi… ngiting kayang manlinlang, ngiting kayang magtago ng kung anong kagagahan. At sa bawat hakbang niya, unti-unting bumabalik sa akin ang alaala noong araw na makita ko si Kael na namimilipit sa sakit.
Smile, Jassie. Smile as long as you can.
Because later on, you’ll become the most miserable version of yourself…
the version you deserve.
Habang binibigkas niya ang kanyang vow, iyon na rin ang naging hudyat ng simula.
Dahan-dahang umilaw ang malaking LED screen sa gilid. At sa isang iglap, nagsimula itong mag-play ng mga footage. Mga alaala. Mga kasalanang pilit nilang ibinaon sa limot. Lahat ng ginawa nila kay Kael… pinagsama-sama namin.
Unti-unting nagbago ang ihip ng hangin sa buong lugar.
Nagkatinginan ang mga bisita. Nagsimulang magbulungan.
“Who is that?” “What is this?”
At pagkatapos ay ilang imahe at isang video.
Si Kael.
Balot ng benda ang katawan. Halos hindi na makilala. Ang mukha’y sadyang pinalabo pero hindi sapat para itago ang sakit na malinaw na sumisigaw sa bawat galaw niya.
“W-what is the meaning of this?” nagtatakang tanong ni Ninang Lussie.
Unti-unting nawawala ang kulay sa mukha ni Jassie. Ang kaninang matamis na ngiti ay napalitan nang bakas ng pagkabalisa. Ang mga bisita, pati si Mommy ay naguguluhan na ring nakatingin sa akin, lalo na’t hindi ko inaalis ang titig ko kay Jassie.
“Do you remember that night?” I asked, my voice low but cutting straight through the noise.
“Wait… that car looks familiar,” sambit ni Tita Lussie habang pilit na inaaninaw ang video. “T-that’s our car… W-what is the meaning of this, Crius?”
Bahagya akong ngumiti, isang ngiting walang init.
“Bakit hindi natin itanong sa anak mo, Ninang?” marahan kong tugon. “Sigurado ako… alam niya ’yan.”
Napalingon si Ninang Lussie kay Jassie, halatang naghahanap ng sagot. Ngunit ang nadatnan niya ay isang anak na unti-unting gumuho. Panay ang atras na tila nawawala sa sarili, sunod-sunod ang iling, at nanginginig ang mga kamay.
“No… no, that’s not—” bulong ni Jassie, halos hindi na marinig.
Pero huli na.
Dahil sa likod niya, patuloy na umaandar ang video, tila inuukit ang katotohanan sa harap ng lahat.
“J-Jassie?” mahinang tawag ni Ninang Lussie, nanginginig ang boses.
“N-no, Mom! H-hindi ako ’yan! Wala akong alam diyan! Hindi ako ang bumangga sa babaeng ’yan!” sigaw ni Jassie, nanginginig ang kamay habang nakaturo sa video ni Kael.
Gotcha.
“What? Jassie, I’m not asking you if you hit that girl,” litong tugon ni Ninang Lussie. “I’m asking about our car. Bakit nand’yan sa video? W-what are you talking about?”
Bahagya akong humakbang palapit, hindi inaalis ang tingin kay Jassie.
“Your daughter is a criminal, Ninang.”
“No!” agad na sigaw ni Jassie, halos pumiyok.
“W-what?” bulong ni Ninang Lussie, tila hindi pa rin maiproseso ang nangyayari.
“She’s a murderer,” mariin kong dagdag, bawat salita’y sinadya kong lagyan ng bigat. “She tried to kill my… m-my employee.”
Saglit akong napahinto, pinipigil ang galit na gustong kumawala.
“The woman in that video, she’s my employee. She was hit and run over by your daughter.” Napakuyom ang kamao ko. “No. Hindi lang iyon simpleng hit and run. Nagbayad siya ng tao… para sadyang sagasaan ang mekaniko ko.”
Tumahimik ang buong paligid.
At sa katahimikang iyon, mas lalong umingay ang katotohanan.
“No… no…” panay ang tanggi ni Jassie, paulit-ulit, tila iyon na lang ang kaya niyang panghawakan habang unti-unting gumuguho ang mundo niya. Lalong lumakas ang bulungan sa paligid, parang alon na hindi na mapipigilan.
“M-murder? Is that true, Jassie?” nanginginig na tanong ni Ninang Lussie.
Panay ang iling ni Jassie habang paatras nang paatras hanggang sa bigla siyang tumalikod at kumaripas ng takbo habang hawak ang laylayan ng kanyang wedding gown.
Pero handa kami.
Bago pa siya makalayo, hinarangan na ng mga kaibigan ko ang bawat posibleng daanan niya, kasama ang ilang pulis na naka-civilian. Wala siyang nakitang malulusutan. Sa isang iglap, nahuli siya at lalo lamang siyang nagwala, nagpupumiglas, sumisigaw, parang isang hayop na naipit sa sariling bitag.
“Crius, hijo… baka puwedeng pag-usapan natin ’to?” halos pakiusap na sabi ni Ninang Lussie, basag ang tinig.
Dahan-dahan ko siyang nilingon na may seryoso at malamig na tingin.
“Pag-usapan?” ulit ko, mapait ang tono. “Maibabalik ba nun ang nawala? Ang mga nabaling buto ng mekaniko ko, Ninang? Ang trauma na iniwan ng anak mo sa biktima, mabubura ba ’yon?!”
Sumigaw ako, at sa lakas ng boses ko, napaatras siya, napatalon ang balikat sa gulat.
“At kahit anong pag-uusap ang gawin natin… hindi na mababago ang ginawa niya.”
Mom rushed to my side at once, gripping my arm as if she could hold back the anger surging inside me.
“C-crius, anak, kumalma ka. Ano ba ang nangyayari?”
Napapikit ako saglit, pilit inaayos ang paghinga.
“Mahabang istorya, Mom,” mariin kong sagot. “Pero to cut it short… Jassie paid a man to murder my employee.”
“W-what?” napahigpit ang hawak niya sa akin. “W-why?”
Napatawa ako, isang tuyong tawa na walang bakas ng saya.
“Dahil ayoko siyang pakasalan. Dahil hindi ako pumayag sa gusto niyang relasyon.” Napailing ako, puno ng panggagalaiti. “And you want me to marry a crazy woman? Saksakin n’yo na lang ako!”
I didn’t wait for their reaction.
I walked past them and headed straight to my friends, who were escorting Jassie. Behind me, I could still hear Ninang Lussie’s pleas… her voice breaking, desperately asking for consideration over and over again.
Pero sarado na ang isip ko.
Tapos na ako sa pag-intindi.
At hindi pa ito ang katapusan.
Dahil sisiguraduhin kong kakanta ang anak niya, isasambit niya ang pangalan ng lalaking binayaran niya.
At sa oras na mangyari iyon, mas marami pang katotohanan ang mabubunyag.
Chapter 35
Akala ko, kapag nahuli na si Jassie, aayos na ang lahat. Akala ko, iyon na ang katapusan. Hindi pa pala. Dahil hindi lang kami ang nahihirapan, mas lalo ang mga pulis na kausapin siya. Para bang may kung anong pumipigil sa kanya, isang bagay na pilit niyang kinikimkim.
“Sino kaya ’yung lalaking inutusan niya? Bakit hindi pa niya ikanta, eh nahuli na siya?” nagtatakang tanong ni Gav mula sa likuran ko.
“Dude, sa tingin mo, bakit parang pinoprotektahan ni Jassie ’yung lalaki?” singit naman ni Kurt sa kaliwa ko.
Hindi ako nakasagot. Ako mismo, kanina pa naguguluhan habang pinagmamasdan si Jassie sa loob ng silid. Nasa likod lang kami ng salaming naghihiwalay sa amin, tahimik na saksi sa eksenang unti-unting bumibigat.
Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok si Ninang Lassie. Napakunot ang noo ko… Bakit siya narito? Bakit siya nasa loob?
Napatingin ako kay Jassie.
She looked at her mom but not the same way as before. Her hands were trembling, and her eyes refused to meet her mother’s gaze.
What’s wrong with her? Sino ba talaga ’yung lalaking pinoprotektahan niya—o mas tamang sabihing, tinatakasan niya mula sa sariling ina?
Kitang-kita sa mukha ni Ninang Lassie ang pagpipigil ng luha habang nakatitig sa anak. Mabagal ang bawat hakbang niya palapit, parang bawat segundo ay may kasamang bigat na hindi kayang ipaliwanag.
“J-Jassie, anak… p-please, tell me—tell us. Who’s that guy with you that night? W-why? Why did you do that?”
Tuluyan nang bumigay si Ninang Lassie. Kasabay ng paglabas ng mga salitang iyon, sunod-sunod na ring pumatak ang kanyang mga luha.
Pero nanatiling tahimik si Jassie.
Hindi ko matukoy kung pinipili niyang manahimik para protektahan ang lalaki… o kung takot lang talaga ang pumipigil sa kanya na magsalita.
“Anak, please… kailangan mong makipagtulungan para matapos na ’to. Para magawan ng paraan—”
“M-Mom…” nanginginig na tawag ni Jassie, halos pabulong, na para bang bawat letra ay hirap na hirap kumawala sa kanyang lalamunan.
“What are they doing?” nagtatakang tanong ni Cassian sa kanan ko.
Nakunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila mula sa kabilang side ng interrogation room. The tension inside was suffocating, and the way Jassie looked at her mother made it even worse.
Parang hindi lang siya takot.
Parang may mas malalim pa siyang kinatatakutan na tuluyang mabunyag.
“What’s stopping her from telling them who that man is?” mahina kong tanong. “And why does she look so scared to tell it to her own mom?”
Maya-maya lang, natigilan kaming lahat. Lalong-lalo na si Ninang Lassie dahil sa mga sumunod na salitang lumabas sa bibig ni Jassie.
At doon ko na-realize…
This whole situation was far more messed up than we thought.
She really ruined everything out of desperation.
“M-Mom…”
“Yes, anak. Tell me… who is he? Hmm?”
“J-Jared…”
“W-what?”
“It was Jared, Mom!”
Napatakip si Ninang Lassie sa kanyang bibig, para bang nawalan ng hangin ang kanyang dibdib sa bigat ng pangalang iyon.
Ako naman ay napatingin sa kawalan. Kumunot ang noo ko habang pilit hinahalungkat ang alaala kung saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon.
“Jared?” mahina kong nasambit.
Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko, halatang nalilito.
“Why? You know him?” tanong ni Kurt.
“His name sounds familiar… pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig.” Napahinto ako, saka biglang nanlaki ang mata ko. “What the—”
“What? Why? Who is he?” sunod-sunod na tanong ni Gav, sabay-sabay silang napatingin sa akin, naghihintay.
Nilunok ko ang kaba bago nagsalita.
“H-he’s Jassie’s stepbrother… anak ng asawa ni Ninang sa first wife nito.”
“What?!” sabay-sabay nilang bulalas.
Pero agad ding naputol ang gulat namin nang magsalita muli ang mag-ina sa loob.
Unti-unting bumigat ang hangin sa pagitan nila, parang may paparating na mas malalang katotohanan.
At sa paraan ng pagtitig ni Ninang Lassie kay Jassie… alam kong hindi pa doon nagtatapos ang lahat.
“J-Jassie… tell me you’re just making this up—”
“No, Mom! It’s really him! Siya ’yung kasama ko no’n. W-we talked… and he agreed to do it.”
“B-but why?! Anong sinabi mo para mapapayag mo siyang bumalik dito at gumawa ng kalokohan?! Tell me, Jassie!” sigaw ni Ninang Lassie, pero ang sumunod na sagot ng anak ay lalo lamang nagpatindi ng kanyang pag-iyak. “N-no… no, no, no. Tell me it’s not what I think, Jassie?”
“It is, Mom.” Mahina pero malinaw ang boses ni Jassie at iyon ang tuluyang nagpahina kay Ninang Lassie.
“Y-you… you used him? You took advantage of his feelings dahil mahal ka niya para gawin ’to? What’s wrong with you?!” Halos mabasag ang boses ni Ninang sa galit at sakit.
“What the actual hell?” hindi napigilang bulalas ni Rius. “They’re step-siblings and… in love?”
“Sounds one-sided,” singit ni Gav, napapailing. “But still—what the hell?”
Hindi ako nakisali.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa loob—kay Ninang Lassie na halos bumigay na, at kay Jassie na nakayuko, nanginginig, pero hindi na umatras sa mga salitang binitiwan niya.
Anong nangyayari sa’yo, Jassie?
Is this desperation… or something far worse?
Dahil sa mga mata niya, hindi lang takot ang nando’n.
Parang may bahagi sa kanya na matagal nang nabasag at ngayon lang tuluyang gumuho.
“Jassie naman! Ano na lang ang sasabihin ng daddy niya sa’yo? Sa atin? Lalo na ang mommy niya? Ha?! Hindi ka ba nag-iisip?!”
“It’s all your fault!” sigaw ni Jassie sa kanyang ina, puno ng galit at sama ng loob ang boses. “It was all your fault, Mom. I became someone I never even wanted to be because of you!”
“W-what?”
“Palagi na lang iniisip ng iba! How about me? Huh? How about my feelings?” nanginginig niyang sigaw. “You kept forcing me into things without even asking what I wanted. Palagi na lang. Kailangan lagi akong sumunod dahil ano? Dahil anak lang ako at ikaw ang ina na laging may alam kung ano ang tama at makakabuti?”
Napailing siya habang umiiyak, halos mawalan na ng kontrol sa emosyon.
“Now look at what you’ve made!” tuloy niya, basag na ang boses. “A daughter who turned into a monster because all her life she kept obeying her mother… just to be loved. Just to prove she was enough. And that’s your fault!”
Natahimik ang buong paligid.
Parang kahit ang hangin sa loob ng istasyon ay biglang bumigat.
Hindi agad nakapagsalita si Ninang Lassie. Nakatulala lang siya sa anak, tila hindi niya alam kung paano haharapin ang bawat salitang ibinabato sa kanya.
At ako…
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.
Galit? Gulat? Awa?
Everything happened so fast.
Hindi ko inasahan na hahantong sa ganito ang lahat… na sa ilalim ng kaguluhan, may mas malalim pa palang sugat na matagal nang nabubulok sa pagitan nilang mag-ina.
But this wasn’t my problem anymore.
I didn’t care whatever issues they had between them. Whatever pain Jassie carried, whatever mistakes Ninang Lassie made as a mother… it didn’t erase what they did to Kael.
They still had to face the consequences.
That should’ve been the end of it for me.
But then… I heard my name again.
“You knew Jared and I were in love, but you forced us to let go of each other,” umiiyak na sigaw ni Jassie sa kanyang ina. “You pushed me toward your friend’s son—Crius. You wanted me to make him fall in love with me because that’s what you and your friends promised each other!”
Napahigpit ang panga ko nang marinig ang pangalan ko mula sa bibig niya.
“But again, I failed,” dugtong niya, napapatawa sa pagitan ng hikbi. “Nasaktan na naman ako. Hindi ko na alam kung may lugar pa ba talaga ako. Hindi ko na alam kung may bagay pa bang kaya kong gawin na magpapasaya sa’yo… na magugustuhan mo.” Bumagsak ang balikat niya habang tuloy-tuloy ang luha. “I’m so fucking tired, Mom…”
“W-wow…” napailing si Gav sa tabi ko. “Grabe naman pala. Literal na nagbabagang balita ’tong nasaksihan natin.”
“Dude,” seryosong saad ni Cassian habang nakatingin sa loob, “this isn’t your problem anymore. Hayaan mong sila ang mag-ayos ng gulong ginawa nila. Just do what you need to do.”
Napatingin siya sa akin.
“Send them to jail. No matter what.”
Tahimik akong tumango.
Tama siya.
Whatever their story was, whatever twisted feelings and broken family they had behind all of this… it still didn’t justify what happened to Kael.
And I wasn’t about to let sympathy erase accountability.
Chapter 36
Akala ko, kagaya ng sinasabi nang iba, walang magulang ang kayang tiisin ang anak. Pero ngayon, masasabi kong hindi pala lahat gano’n.
Dahil sa nangyari, agad na umuwi ng Pilipinas ang asawa ni Ninang Lassie kasama ang anak nitong si Jared. Kaya naman nilang magpiyansa, kaya halos sigurado kaming ilalabas nila agad ang dalawa.
Pero mali kami.
“I won’t bail any of them.” Mariing saad ng ama ni Jared habang malamig na nakatingin sa dalawang nasa loob ng presinto. “Let them learn from what they’ve done. I won’t tolerate a murderer.”
“B-but, Dad…” mahinang tawag ni Jared sa ama.
“This wasn’t a simple mistake, Jared,” matigas nitong sagot. “Someone could’ve died because of the selfishness of the two of you.” Humigpit ang panga nito bago muling nagsalita. “Do you expect me to take your side? No.”
Tahimik ang buong paligid habang patuloy ang malamig nitong mga salita.
“You had the guts to do that shameless thing out of so-called love? Then have the courage to face the consequences of it. Feel it. Learn from it.” Saglit siyang napatingin kay Ninang Lassie. “Let’s go, Lassie.”
Sa paraan ng pagtitig ni Jassie sa ina, parang matagal na niyang alam ang magiging desisyon nito.
Wala nang pagmamakaawa.
Wala nang pag-asa na may magtatanggol pa sa kanya.
At nang sumunod si Ninang Lassie sa asawa palabas ng presinto, doon ko nakita kung paano tuluyang nawalan ng emosyon ang mukha ni Jassie.
Parang may kung anong namatay sa loob niya.
Tahimik siyang pumasok muli sa loob habang sunod-sunod pa rin ang pagtawag ni Jared sa ama—pero ni isang beses, hindi siya nilingon nito.
“Woah! Madali naman palang kausap ’yon?” saad ni Gavriel.
Mabilis na pinitik ni Rius ang tenga nito. “Shut the hell up. Read the room, idiot.”
Napailing na lang ako at biglang napatingin kay Cassian nang akbayan niya ako.
“We won, dude,” sabi niya, bahagyang nakangiti. “We got the justice Kael deserved.”
“Y-yeah…” mahina kong sagot. “We did.”
Naghalukipkip naman si Kurt habang nakasandal sa mesa. “So, what’s your next plan? Hahanapin mo ba siya or…”
“Hahayaan mo na lang silang maging masaya ni Darwin?” dugtong ni Rius.
Hindi agad ako nakasagot.
Because honestly, I didn’t know.
Gustong-gusto ko siyang hanapin. Gustong-gusto ko siyang sundan kahit saan siya magpunta. Pero kasabay no’n ang takot na baka hindi naman niya ako kailangan.
Na baka kapag nakita niya ako… ipagtabuyan niya lang ako.
“Kumalma nga kayo,” singit ni Cassian bago pa sila muling magsalita. “Pagpahingahin n’yo muna ’yung tao. Hindi pa nga ’yan makapag-isip nang maayos matapos nating habulin si Jassie nitong mga nakaraang araw.” Napabuntong-hininga siya. “Tsaka kailangan pa nilang mag-usap ng mommy niya.”
Doon ko lang naalala.
Hindi ko pa pala talaga nakakausap nang maayos si Mommy matapos ang lahat nang nangyari.
Tsk.
“Oo nga pala,” sabat ni Kurt. “Kausapin mo muna si Tita, dude.”
Tumango na lang ako.
Kaya matapos naming ayusin ang lahat sa presinto at tuluyang ma-settle ang kaso, dumiretso ako ng bahay.
Because before anything else… I needed to face my mom first.
Alam kong may mali rin si Mommy sa lahat ng nangyari. Especially noong ipinagkasundo niya ako sa anak ng kaibigan niya dahil sa pangakong ginawa nila noon sa isa’t isa.
Pero kilala ko ang mommy ko. Alam kong ginawa niya lang iyon dahil iniisip niyang iyon ang makakabuti para sa akin.
At higit sa lahat, alam ko rin na kahit ano pa ang piliin ko, kahit saan ako dalhin ng desisyon ko, kahit sino pa ang taong nagpapasaya sa akin… My mom will always be there for me.
Supporting me.
Loving me.
Because we only have each other. At ayokong masira iyon dahil lang sa kahit na sino.
I also want my mom to know something.
Na may isang babae na mahal na mahal ko.
A woman I’m willing to chase no matter how far she runs.
A woman I can already picture in my future.
The woman I want to build my dreams with… and someday, marry.
“Mom?” agad kong tawag pagkapasok pa lang sa bahay.
Nakasalubong ko ang personal maid ni Mommy pati ang bodyguard niya na tila kagagaling lang sa kwarto nito.
“Where’s Mom?”
Nagkatinginan ang dalawa, dahilan para kumunot agad ang noo ko.
“N-nasa kwarto niya po, sir,” sagot ng bodyguard. “Masama po kasi ang pakiramdam ni Ma’am.”
“Medyo tumaas din po ang dugo niya,” dagdag naman ng maid, halatang nag-aalala.
I froze.
Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili kong problema… habang desperado akong habulin ang hustisyang kailangan ni Kael…
Nandito si Mommy. Nakahiga sa kama at ilang araw ng lumalaban nang mag-isa.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa realization na iyon.
How long has she been like this?
At nasaan ako habang kailangan niya ako?
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Mabilis ko silang nilampasan at nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto ni Mommy.
Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng katahimikan. Mahimbing na siyang natutulog.
Tahimik lang siya roon, nakahiga sa kama habang bahagyang tinatamaan ng ilaw mula sa lampshade ang mukha niya. Pero kahit natutulog siya, kitang-kita pa rin ang pagod sa kanyang itsura.
At sa unang pagkakataon matapos ang lahat nang nangyari… nakaramdam ako ng guilt.
Because while I was busy trying to protect the woman I love…
I almost forgot the woman who spent her whole life protecting me.
Maingat at walang ingay akong naupo sa tabi ng kama niya. Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang kamay at marahang hinaplos iyon.
“I’m sorry, Mom…” halos pabulong kong saad.
Parang biglang bumigat ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya.
Sa dami nang nangyari, ngayon ko lang ulit naramdaman kung gaano ako kapagod.
Kaya naman sumubsob ako sa gilid ng higaan ni mommy, nanatiling hawak ang kamay niya hanggang sa unti-unting nilamon ng antok ang katawan ko.
At tuluyan na akong nakatulog sa gano’ng posisyon.
Kinabukasan, magaang haplos sa buhok ko ang gumising sa akin. Pagdilat ko, agad bumungad ang nakangiting mukha ni Mommy.
“M-Mom…”
“Bakit diyan ka natulog?” malambing nitong tanong, para bang ang batang ako ang kausap niya. “Hindi ba sumakit ang leeg at likod mo?”
Napangiti ako.
“Hindi po. Okay lang ako.” Umayos ako ng upo bago siya tiningnan. “Kumusta po ang pakiramdam mo?”
“Okay na,” mahinahon niyang sagot.
Agad akong tumayo para tulungan siyang makaupo nang maayos at makasandal sa headboard ng kama.
“What happened?” tanong niya maya-maya. “Okay na ba ang kaso? I mean… nahuli na ba ang dapat mahuli?”
Tumango ako at bahagyang ngumiti.
“Opo.”
Saglit akong napayuko bago muling nagsalita. “Pasensya na po kung napabayaan ko kayo no’ng mga nakaraang araw.”
“It’s okay, son.” Ngumiti siya nang mahina. “Kaya ko ang sarili ko. Mas importante ’yung kaso na ’yon. Empleyado mo ang biktima kaya kailangan mo talagang tutukan.”
Natahimik ako.
Empleyado.
Yeah… Kael was my employee.
“Anak…”
“Hm?” Napatingin ako kay Mommy.
Ramdam kong may gusto siyang sabihin, pero tila nag-aalangan.
Parang may mga salitang matagal nang nasa isip niya pero hindi niya alam kung paano sisimulan.
“Mom?” mahinahon kong tawag. “What is it?”
“I’m… I’m sorry…”
Napakunot ang noo ko. “Huh? Sorry? For what po?”
Napalunok si Mommy at bahagyang umiwas ng tingin, tila pilit pinipigilan ang maluha.
“F-for setting you up with Jassie,” mahina niyang saad. “For pushing you to date her and hoping that someday you’d marry her… just like what me and Lassie promised each other back then.”
Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.
“I’m sorry. I had no idea what was really happening in their family. Lassie never told me anything… and I didn’t bother asking anymore.”
Unti-unti nang gumagaralgal ang boses niya, para bang hindi niya alam kung paano pa ipapaliwanag ang guilt na matagal na niyang pasan.
Kaya agad kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti para pakalmahin siya.
“Mom…” marahan kong tawag. “I know.”
Tumingin siya sa akin, nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Hindi mo naman gugustuhing mapahamak ako. Kung alam mo lang ang totoo, hindi mo naman gagawin ’yon.” Bahagya akong ngumiti. “I know you.”
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
“And you told me before…” mahinahon kong dugtong, “that after everything that happened, I became your reason to keep living and be happy again.”
Napababa siya ng tingin habang tuluyan nang tumutulo ang luha.
“And I promised too,” pagpapatuloy ko, “that I would never make you feel less as a person, and especially as a mother. Hindi ko hahayaang maramdaman mong hindi ka naa-appreciate… katulad ng pinaramdam sa’yo ng ex mo.”
Tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha habang nakatitig sa akin.
Agad kong pinunasan ang kanyang pisngi at bahagyang natawa.
“Mom… tahan na,” mahina kong sabi. “We only have each other, remember?”
At sa sandaling iyon, parang nawala lahat ng bigat na matagal naming pasan.
Hindi dahil naging okay na ang lahat… kundi dahil kahit gaano kami nasaktan ng mundo, may isa pa rin kaming uuwian…sa isa’t isa.
“Oh! And I have something to tell you, Mom.”
Bahagya siyang natigilan at napatingin nang diretso sa akin, tila hinihintay ang susunod kong sasabihin.
“That woman… my employee. The victim of Jassie and Jared’s mess…” Napalunok ako habang kinakabahan sa pwedeng maging reaksyon ni Mommy na seryosong nakatitig sa akin. “S-she’s the woman I love, Mom.”
Napakurap siya nang ilang beses, tila hindi agad naproseso ang narinig.
“H-huh?”
“My employee…” mahina kong ulit. “The woman who got dragged into everything Jassie did… she’s the woman I’m in love with.”
“R-really?” Halatang nagulat siya. “I mean… girlfriend mo ba siya? Kailan pa?”
Doon ako napayuko.
“N-no.”
Napakunot agad ang noo niya. “Huh? No? What do you mean no?”
“She’s not my girlfriend, Mom.” Napabuntong-hininga ako bago mapait na napangiti. “And she doesn’t even know that I like her.” Napailing ako. “No… not just like. She doesn’t know that I love her.”
“What?” bulalas niya. “W-why?”
“I never got the chance to tell her.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa sarili kong kamay. “And then the accident happened.”
Biglang bumigat ulit ang dibdib ko sa alaala.
“And because of that…” mahina kong dugtong, “I don’t even know where she is right now.”
Natahimik si Mommy habang nakatingin lang sa akin.
At sa unang pagkakataon simula nang umuwi ako… doon niya siguro nakita kung gaano ako kaseryoso sa isang babae.
Kung gaano ako naapektuhan sa pagkawala nito sa buhay ko. Natahimik saglit si mommy.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mommy habang nakatitig siya sa akin.
Awa ba?
Guilt?
O baka pag-aalala.
I honestly didn’t know.
“And you just let that happen?” tanong niya maya-maya.
“Po?”
“Wala ka bang gagawin para makausap at makita siya ulit?” Bahagya siyang ngumiti. “Hindi mo ba siya hahanapin para pormal ko siyang makilala?”
Napatitig ako sa kanya.
She wants me… to chase Kael?
To find her and bring her into our lives?
“M-Mom…”
Ngumiti siya nang mas malambing bago hinawakan ang kamay ko.
“Go and chase her, son,” mahina niyang sabi. “Tell her your feelings.”
“B-but…” Napayuko ako. “What if… what if hindi naman kami pareho ng nararamdaman?”
Hindi agad siya nagsalita.
Sa halip, mas hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko, parang gusto niyang ipadama na nandito lang siya, anuman ang mangyari.
“At least you tried,” mahinahon niyang sagot. “At least ginawa mo ’yung parte mo.”
Napangiti siya nang bahagya kahit may lungkot sa mga mata niya.
“Mas okay nang masaktan ka sa malalaman mong katotohanan kaysa habang-buhay kang magsisi dahil pinalampas mo ang pagkakataon na hindi mo man lang sinubukan.”
Natahimik ako habang pinakikinggan siya.
“As long as you love her,” dugtong niya habang marahang hinahaplos ang kamay ko, “don’t get tired of chasing.”
Huminga siya nang malalim bago ngumiti.
“Because someday… all the pain, all the waiting, and all the chasing will finally make sense.”
Tumingin siya nang diretso sa akin.
“And when that day comes, you’ll realize it was all worth it.”
Chapter 37
How can I convince myself that my mom was right? That I should chase Kael and finally tell her how I truly feel? Because what does it even mean that for months, I’ve been wandering around, holding on to luck and hope just to find her again?
Pakiramdam ko, niloloko ko na lang ang sarili ko. I keep telling myself that I’ll see her again someday, that our paths will cross one more time. But months have already passed, and there’s still nothing. Not even the faintest trace of her scent. Not a single echo of her voice in the crowd. Even her shadow remains impossible to find.
Maybe Kurt was right when he said, based on his own experience, that you can never find a woman who doesn’t want to be found in the first place.
Maybe… just maybe… she’s genuinely happy now.
And maybe I’m the only one still stuck in the place where she left me.
“Wala ka pa rin bang balita?” tanong ni Kurt. Ka-video call ko silang apat habang nasa kwarto ako, samantalang sila naman ay mukhang nasa VIP room ng bar ni Cassian.
Malungkot akong ngumiti. “Wala e.”
“Pang-ilang bansa mo na ba ’yang Canada, dude?” tanong ni Gav habang nakaupo sa armrest ng sofa ni Kurt. “Balak mo ba talagang libutin ang buong mundo?”
“It’s been eight months, dude,” seryosong saad ni Cassian. “Do you really think makikita mo pa siya kung wala ka namang kahit anong alam tungkol kay Darwin, lalo na kay Kael?”
Napayuko ako.
Paano ko nga ba siya mahahanap kung kahit address nila ay hindi ipinaalam sa akin? Hindi rin naman kasi ako naging interesado noon sa buhay ni Darwin, kaya ni pamilya niya ay halos wala akong alam.
And yeah, I’ve been wandering through different countries that I remembered Darwin once mentioned before… hoping that maybe, just maybe, one of those places became their home.
“Oo nga,” singit ni Gav. “Hindi ka man lang ba tinext ni Darwin noong nakaalis na sila ng bansa para man lang ma-trace natin kung nasaan sila?”
“Hindi e. Ang una’t huling text na natanggap ko lang ay noong nasa airport na sila. Pagkatapos no’n, wala na. Hindi ko na rin ma-contact ang number na ginamit niya.”
“I guess it’s hopeless now,” maya-maya’y sabi ni Kurt. “Ang tanging magagawa mo na lang talaga ay hintayin na bumalik sila rito, dude.”
“Kung may plano pa silang bumalik,” singit naman ni Rius dahilan para tuluyan akong matahimik. “I mean, after everything that happened to her… sa tingin mo ba hindi siya na-trauma? Sa tingin n’yo, gugustuhin pa niyang bumalik dito?”
Walang nakasagot.
At tama siya.
Kahit sino siguro ang mapunta sa ganoong sitwasyon, mawawalan ng ganang bumalik… lalo na kung wala na ring dahilan para gawin iyon.
Natapos ang usapan namin nang gabing iyon nang walang malinaw na plano. At doon ko napagdesisyunan na pansamantala munang itigil ang paghahanap sa kanya at sulitin na lang ang mga natitira kong araw sa Canada bago bumalik ng Pilipinas.
Kung nakatakda talagang magkita kaming muli, gaano man katagal ang lumipas at kahit ano pa ang maging sitwasyon namin… magtatagpo at magtatagpo rin kami.
But when I decided to stop for a while, destiny refused to let me. It made its move without warning, in the most unexpected way imaginable.
As I was on my way to a café, someone caught my attention. She looked strikingly familiar… like the person I had been searching for for months. For a moment, I thought it was just a coincidence, that she simply looked like her. But it wasn’t. It was truly her.
“K-Kael?”
Mahina kong nasambit ang pangalan niya habang habol ng tingin ang pigurang papatawid ng kalsada.
Ibang-iba siya sa Kael na nakilala ko noon.
Nakasuot siya ng mahabang itim na coat, may puting beanie na bahagyang natatakpan ang kanyang noo, at ang mahaba niyang kulot-kulot na buhok na kulay brown ay malayang sumasayaw sa hangin. Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng coat habang kalmado siyang naglalakad sa gitna ng tawiran.
Hindi ako agad nakagalaw. Para bang biglang tumigil ang oras sa paligid ko at nanigas ang buo kong katawan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Ngunit nang tuluyan akong matauhan, agad akong tumakbo.
“S-sorry!”
Sunod-sunod akong humingi ng paumanhin sa mga taong nababangga ko habang pilit na hinahabol ang kanyang papalayong anyo. Hindi ko man lang magawang alisin ang tingin ko sa kanya, natatakot na baka maglaho siyang parang bula sa oras na kumurap ako.
Ngunit bago pa man ako makalapit, unti-unti akong napahinto.
Nawalan ng lakas ang mga paa ko nang masaksihan ang bagay na iyon…
Sinalubong si Kael ng isang binata sa kabilang panig ng kalsada.
Wala itong pag-aalinlangang niyakap siya, at masaya namang tinanggap ni Kael ang yakap na iyon, saka siya yumakap pabalik.
At iyon lang ang kailangan para mapatigil ako sa kahibangan kong ’to. Bigla akong napatigil.
Parang may humigpit sa dibdib ko, dahilan upang tila mahirapan akong huminga. Kasabay noon ay tila saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa eksena sa harapan ko.
Masaya siya.
Masaya siya sa piling ng iba.
“I-Is he… her boyfriend?” halos pabulong kong tanong sa sarili, unti-unting nilalamon ng kawalan ng pag-asa.
Napayuko ako habang pilit na nilulunok ang mapait na pakiramdam na bumabalot sa akin.
“Am I too late?” mahina kong bulong.
Napalunok ako.
“So late… that before I could even tell her how I feel, someone else had already reached her first.”
Muli kong itinaas ang tingin sa kanilang dalawa.
“Someone else had already claimed the place beside her… and became the reason behind that smile.”
At sa pagkakataong iyon, mas masakit pa roon ang katotohanang mukhang masaya siya.
But what right did I have to complain?
All this time, all I had ever wished for was her happiness. And there she was.
Smiling.
Laughing.
Happy.
Wasn’t that what I wanted? So why did it hurt so much?
I lowered my gaze and clenched my fists.
Even if I wasn’t the reason behind that happiness… Even if someone else had taken the place I once dreamed of having…
She still found her happiness in the end.
And maybe that was enough…
Maybe loving her also meant accepting that her happiness didn’t have to include me.
Bago pa man tuluyang tumulo ang mga luha sa aking mga mata, pinili kong tumalikod.
Tinalikuran ko siya.
Ang taong kailanman ay hindi ko naisip na kaya kong talikuran.
Mabigat ang bawat hakbang na ginawa ko, ngunit pinilit kong magpatuloy. Dahil kung magtatagal pa ako roon, baka tuluyan nang mabasag ang natitirang piraso sa puso kong pilit pang kumakapit.
Siguro nga, tama sila.
Minsan, para maging tunay na masaya ang taong mahal mo, kailangan mong magparaya.
Sometimes, you have no choice but to let go.
No matter how unbearable the pain may be. No matter how every step away from them feels like losing a piece of yourself.
Because if their happiness lies at the end of that sacrifice, you learn to silence the ache within your own heart.
You learn to wear a smile despite the sorrow you carry. And eventually, you learn to make peace with the fact that you were never the one they chose.
Dahil sa huli, ang pagmamahal ay hindi lamang tungkol sa pananatili. Minsan, ito rin ay tungkol sa pagpapaalam.
At sa araw na iyon, habang papalayo ako sa kanya, iyon ang pinili kong gawin.
Ang tahimik na magpaalam sa kanya at sa mga damdaming hindi man lang nabigyan ng pagkakataong marinig.
Sa mga salitang ilang beses kong inensayo ngunit hindi kailanman naisambit.
Sa pag-asang matagal kong iningatan ngunit hindi man lang nabigyan ng pagkakataong mabuhay.
Masakit.
Sobra.
Pero hindi ko ito pagsisisihan. Dahil kung ang kapalit nito ay makita siyang masaya, handa akong akuin ang sakit na ito.
Kung ang kapalit nito ay ang mga ngiti niyang matagal kong hiniling na muling masilayan, sapat na iyon para sa akin.
Perhaps I was never destined to be part of the happiness she had found.
But knowing that she had found it at all was enough.
As I slowly turned away, carrying the weight of countless words that would never be spoken, a small, bittersweet smile tugged at my lips.
Because even if I was not the one who brought her joy… Even if I was not the reason her eyes shone so brightly…
I was still happy to see that, after everything, she was finally happy.
Chapter 38
Kael’s
It’s been a year…
Isang taon na rin simula nang magdesisyon akong sumama kay Darwin at manirahan dito sa Canada matapos ang lahat ng nangyari.
Hindi naging madali ang lahat. Ilang buwan din akong nagtiis, hindi lang sa pisikal na sakit na iniwan ng pangyayaring iyon, kundi pati na rin sa emosyonal na sugat at trauma na gabi-gabing bumabagabag sa akin.
Because of the pain and fear, I chose to put myself first. I chose to walk away… away from the people who would not hesitate to hurt me, and away from a world that had never made me feel enough, accepted, or truly safe.
Ngayon, makalipas ang isang taon, dala ko pa rin ang mga alaala. Yet I also carried with me the resilience, strength, and hope I gradually discovered as I painstakingly rebuilt myself from the pieces I once thought were beyond repair. Lahat ng iyon ay utang na loob ko sa nag-iisang tao na naniwala sa akin. Sa taong hindi ako iniwan at mas pinili akong protektahan.
Muling bumalik ang alaala kung saan ako nagsimula at kung paano ko nakilala si Darwin. Kung gaano ka miserable ang buhay ko bago ako ilayo ni Darwin sa ganoong sitwasyon…
Pag-uwi ko galing sa school, nadatnan ko na naman si Nanay na nag-iinom. Agad akong napapikit at napabuntong-hininga. Sigurado akong wala na namang ligtas ang tenga ko sa mga salitang matagal nang sumusugat sa puso ko.
Sanay na ako.
O iyon lang ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.
Pero sa totoo lang, masakit pa rin.
At nakakapagod na.
“Nag-iinom na naman po kayo,” mahina kong sabi pagpasok ng bahay. Aabutin ko na sana ang kamay niya para magmano, ngunit mabilis niya itong tinampal palayo.
“Wala kang pakialam! At bakit ba aral ka pa nang aral? Nagsasayang ka lang ng pera. Mag-aasawa ka rin lang naman at sisira ulit ng buhay!” lasing niyang sigaw.
Napalunok ako at dahan-dahang yumuko.
Araw-araw niya akong pinapaalalahanan na kasalanan ang buhay ko. Na kasalanan ang pagdating ko sa mundo. Buong buhay niya, pinanindigan niyang ako ang sumira sa mga pangarap niya.
At habang lumilipas ang mga taon, unti-unti ko ring pinaniwalaan iyon.
Na baka nga kasalanan ko ang lahat.
Kasalanan ko kung bakit iniwan kami ng aking ama nang malaman niyang buntis si Nanay. Kasalanan ko kung bakit hindi na siya nakabalik sa pagmomodelo. Kasalanan ko rin kung bakit itinakwil siya ng sarili niyang pamilya.
Sa tagal kong naririnig iyon, tinanggap ko na lang.
Tinanggap kong ako ang may kasalanan.
Pero…
Hanggang kailan ko ba dapat dalhin ang bigat na iyon?
Hanggang kailan ko ba kailangang tiisin ang sakit ng mga salitang paulit-ulit na ipinupukol sa akin?
Dahil sa totoo lang, hindi ko maintindihan.
Bakit kailangan kong pagbayaran ang kasalanang hindi ko naman ginusto? Hindi ko naman hiniling na mabuo. Hindi ko naman piniling maging anak ninuman para maranasan ang lahat ng ito mula mismo sa taong dapat unang nagmamahal at nagtatanggol sa akin.
Araw-araw, ganoon ang eksena sa bahay tuwing uuwi ako. Paulit-ulit. Parang sirang plaka na hindi marunong tumigil.
At sa totoo lang, kung may iba lang akong mapupuntahan, matagal na akong hindi umuuwi.
Matagal na akong tumakas.
Kaya nang dumating si Harry sa buhay ko, inakala kong sa wakas ay may taong makakaintindi sa akin. May taong handang makinig sa mga kwentong hindi ko masabi kahit kanino. May taong pwede kong takbuhan kapag hindi ko na kayang buhatin mag-isa ang bigat ng mundo.
Akala ko nakahanap na ako ng kakampi.
Akala ko nakahanap na ako ng tahanan sa isang tao. Si Harry na una kong boyfriend.
Isang araw, pumasok akong mabigat ang pakiramdam dahil na naman kay Nanay. Hindi niya ako pinayagang mag-almusal dahil itinabi na raw niya ang pagkain para sa magiging tanghalian niya.
“Umagang-umaga, nakasimangot na agad ang maganda kong girlfriend.”
Napalingon ako at nakita si Harry na nakasandal sa gate ng paaralan. Ngumiti siya bago ako akbayan. Hindi ko man lang napansing naghihintay pala siya.
“Ah… si Nanay kasi.”
“Na naman?” tanong niya habang sabay kaming naglalakad papasok. “Ano naman ang pinag-awayan n’yo ngayon?”
Napansin kong nakasunod na naman sa amin ang mga kaibigan niya. Sanay na akong palagi silang nasa paligid. Kahit oras naming dalawa, parang hindi kumpleto kapag wala sila.
Nagbuntong-hininga ako.
“Hindi niya ako pinag-almusal. Itinabi niya raw kasi ’yung pagkain para sa tanghalian niya.”
“Sus! Para ’yon lang naman pala.” Napailing siya at bahagyang natawa. “Halika na nga. Kakain tayo sa canteen.”
Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kumirot sa dibdib ko.
’Yon lang?
Maliit na bagay lang ba talaga iyon?
Siguro kung minsan lang nangyari, oo. Pero hindi niya alam na hindi pagkain ang ipinagdadalamhati ko. Hindi ang kawalan ng almusal ang masakit.
Ang masakit ay ang paulit-ulit na pakiramdam na wala akong lugar sa sarili kong bahay. Na kahit kaunting pag-aalaga ay tila sobra sa hinihingi ko.
Gusto kong ipaliwanag iyon sa kanya.
Gusto kong sabihin na hindi naman talaga pagkain ang problema.
Pero nanahimik na lamang ako.
Hinayaan kong hilahin niya ako papunta sa canteen dahil alam kong wala rin namang mangyayari kapag tumanggi ako.
May ugali si Harry na unti-unti ko lamang nakilala habang tumatagal kami.
Siya iyong klase ng tao na gustong nasusunod ang gusto niya. Kapag may naisip na siya, bihira siyang makinig sa opinyon ng iba. At kapag tumanggi ka, para bang ikaw pa ang nagiging mali.
Noong una, inisip kong normal lang iyon. Baka ganoon lang talaga siya magmahal.
Pero habang mas nakikilala ko siya, lalo kong nararamdaman ang isang bagay na hindi ko maipaliwanag noon.
Unti-unti akong hindi nagiging komportable sa kanya.
At sa halip na maramdaman kong ligtas ako kapag kasama siya, may mga pagkakataong pakiramdam ko’y kailangan ko na namang mag-ingat sa bawat salitang sasabihin ko.
“Ingat ka sa pag-uwi. Hindi na kita maihahatid ngayon. May lakad kasi kami ng tropa.”
Ngumiti ako at bahagyang tumango.
Sanay na rin naman ako.
Noong unang linggo lang ng relasyon namin naging madalas ang paghahatid niya sa akin. Pagkatapos noon, palagi na siyang may dahilan. Minsan may practice, minsan may lakad, minsan naman biglaan daw na nagyaya ang mga kaibigan niya.
“O-okay lang,” mahinang sagot ko. “Sige.”
“Sige, mauna na ako.”
Hindi na siya naghintay ng iba ko pang sasabihin. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo.
Tahimik ko siyang pinagmasdan.
Pagkalapit niya sa mga kaibigan niya, agad siyang sinalubong ng tawanan at malalaking ngiti. Maya-maya lang ay magkakasabay na silang naglalakad habang nagkukulitan.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait.
Sana all may kaibigan.
Wala kasi akong maituturing na kaibigan.
Wala iyong taong pwede kong yayain kumain kapag malungkot ako. Wala iyong taong makikinig kapag gusto kong maglabas ng sama ng loob. Wala iyong taong magtatanong kung kumusta ba talaga ako.
Kaya nang dumating si Harry sa buhay ko, kumapit ako sa kanya nang buong-buo.
At marahil iyon ang naging pinakamalaki kong pagkakamali.
Dahil kapag iisang tao lang ang nagsisilbing mundo mo, hindi mo namamalayang unti-unti mo nang kinakalimutan ang sarili mo para lang hindi siya mawala.
Ibinigay ko kay Harry ang buong tiwala ko—walang alinlangan, walang pagdududa.
Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan niya iyong winasak.
Hindi lamang ang tiwala ko. Kundi pati ang pagkatao ko.
“S-saan ba tayo pupunta, Harry? Halos nag-uwian na ang lahat,” kinakabahan kong tanong habang akbay niya akong isinasama kung saan. Parang wala lang sa kanya ang lahat habang walang tigil sa pagsipol.
“Sandali lang tayo. Ihahatid pa kita pagkatapos nito.”
Napakunot ang noo ko.
“H-ha? Pagkatapos ng ano?”
Ngunit hindi siya sumagot.
Sa halip, nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Nasa likuran namin ang apat niyang kaibigan. Nagtatawanan sila at nagbibiruan na para bang may bagay silang alam na hindi ko alam.
Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko.
“T-teka… sandali.” Napahinto ako nang mapansing sa maling direksyon kami papunta. “A-anong gagawin natin dito? Panlalaking CR ’to. Bakit kasama pa ako?”
Lumingon ako sa kanya, umaasang may paliwanag siya.
“H-Harry?”
Ngunit sa halip na sumagot, hinila niya lang ako paloob.
Nanlamig ang buo kong katawan.
Sa gilid ng paningin ko, nakita kong nanatili sa labas ang mga kaibigan niya. Para bang may binabantayan sila.
Bigla akong kinabahan.
“Harry, ano ba? Nasasaktan na ako!”
Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya, ngunit mas lalo lamang niya iyong hinigpitan.
“Huwag ka kasing maarte,” iritado niyang sagot. “Madali lang ’to.”
Madali lang.
Dalawang simpleng salita.
Pero sa paraan ng pagkakasabi niya, para bang wala siyang pakialam kung natatakot ako. Para bang wala siyang pakialam kung komportable ba ako o hindi.
At doon ko unang naramdaman ang isang bagay na hindi ko kailanman naramdaman kapag kasama siya noon.
Takot.
Hindi takot sa lugar.
Hindi takot sa kung ano ang mangyayari.
Kundi takot sa taong nasa harapan ko.
Sa taong minahal ko. Sa taong pinagkatiwalaan ko ng lahat.
At sa unang pagkakataon, naisip ko…
Baka hindi ko talaga siya kilala.
Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko, hanggang sa halos mawalan na ako ng lakas para kumawala.
“Harry! Bitiwan mo ako! Ano ba?!”
Nagpupumiglas ako, umiiyak, nanginginig ang buong katawan ko habang pilit na lumalayo sa kanya.
“T-tulong! Tulungan n’yo ako!” sigaw ko, desperado, umaasang may makaririnig.
Ngunit imbes na tumigil, lalo siyang nagalit.
“Tumahimik ka!” mariin niyang utos kasabay ng malakas na sampal.
Nanlamig ako sa takot.
Parang biglang nawala ang lahat ng boses sa paligid. Parang wala nang tao. Parang wala nang makakarinig sa akin.
“Harry… tama na…pakiusap…” halos pabulong kong sabi, pilit na kinokontrol ang paghinga ko habang umiiyak.
Nang akmang bubuksan na nito ang botones ng blouse ko, bigla na lamang itong nawala sa harapan ko at biglang tumilapon. Isang lalaki ang padarag na lumabas mula sa isang cubicle at hinatak sa buhok si Harry at tinapon na parang laruan.
Dahil sa lakas ng tilapon ay nagpasukan ang mga kaibigan nito.
“Sinabi naman ng babae na nasasaktan sya, ’di ba? Pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo. Gago ka ba?!” Sigaw ng lalaki na may kulay brown na buhok at may hikaw sa bandang taas ng kanyang kaliwang tenga.
Napaupo ako sa panghihina, halos hindi ko na maramdaman ang sariling katawan sa sobrang takot. Lumulutang ang isip ko, hindi ko na masundan ang mga sumunod na nangyari.
Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na may malambot na tela na ipinatong sa balikat ko. Isang polo, ibinalot sa akin na parang panangga sa lamig at sa panginginig ko.
Doon ko lang unti-unting naaninag ang paligid.
Nakita ko si Harry at ang mga kaibigan niyanna nakaupo sa sahig, tila napipilitang manatili roon habang daing at reklamo ang maririnig sa kanila.
“Tara na. Masyado nang hapon,” malamig na sabi ng lalaki.
Tinulungan niya akong tumayo. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko, pero inalalayan niya ako nang maayos, hindi ako binitawan kahit isang sandali.
Bago kami tuluyang makalabas, bahagya pa niyang sinipa ang paa ni Harry na tila nakaharang sa daan.
“Kapag basura, diretso sa basurahan. Hindi ’yong ikinakalat pa kung saan-saan.”
Hindi ako nakapagsalita.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot, maawa, o matulala lang.
Basta ang alam ko, gusto ko na lang makaalis.
Paglabas namin ng paaralan, doon ko lang naramdaman ang bigat na kanina ko pa pinipigilan.
Ligtas na ako.
O kahit paano, wala na ako roon.
Dinala niya ako sa isang convenience store malapit at inalalayan akong maupo sa labas. Tahimik lang ang paligid, malayo sa ingay na kanina ay sumisira sa isip ko.
Hindi pa rin ako makatingin nang diretso. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa sa akin iyon ni Harry. Ang kauna-unahang taong pinagkatiwalaan at minahal ko.
“Relax ka lang dyan ha? Bibili lang kita ng tubig sa loob. Hintayin mo ako, huwag kang aalis. Kakaltukan kita. Madali lang ako.”
Hindi ako nakasagot at tiningnan lamang ang lalaki na pumasok. Hindi naman nga ito nagtagal at paglabas may dala na itong tubig at sandwich. Binuksan nya muna ang tubig bago iabot sa akin, ganoon din naman ang sandwich.
“Uminom ka muna tapos kainin mo na rin ang sandwich na ’yan bago kita ihatid sa inyo.”
“S-salamat.”
Hindi ko alam kung bakit pero…pakiramdam ko ay ligtas ako sa lalaking ito. Payapa ang isip ko, kalmado na ang puso ko kumpara kanina.
Salamat sa lalaking ’to na parang palabunutang sisiw sa pyestahan dahil sa buhok…
Ligtas na ako.
••~~
Thank you for waiting! 🥀 Please follow me on my FB Page ☟
Written by
Mhadz
Chapter 39
Hinatid ako ng taong-sisiw na ngayo’y nalaman kong Darwin pala ang pangalan hanggang sa may kanto malapit sa amin. Hindi ako nagpahatid mismo sa tapat ng bahay. Baka kung ano pa ang masabi ni Nanay kapag nakita niya itong kasama ko.
“Salamat sa paghahatid… pati na rin sa pagtulong mo kanina.”
Bahagyang ngumiti si Darwin bago isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.
“Wala ’yon,” aniya. “Basta hiwalayan mo na ang mokong na ’yon. Huwag kang matakot. Simula bukas, ako na ang bahala sa’yo.”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Ngunit sa kabila ng lahat, aaminin kong may kung anong bigat sa dibdib ko ang nabawasan dahil sa mga sinabi niya. Sa unang pagkakataon matapos ang nangyari, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa.
“Salamat,” mahina kong tugon. “Ingat ka sa pag-uwi.”
“Sige. Kita-kits bukas!”
Pagkaalis ni Darwin, napabuntong-hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
At gaya ng inaasahan, amoy alak agad ang sumalubong sa akin—kasabay ng presensya ng aking inang muli na namang lasing.
“At bakit ngayon ka lang?” singhal niya. “Ha? Kanina pa tapos ang klase, ah! Alam mong marami ka pang gagawin dito, tapos inuna mo pang maglakwatsa!”
“Hindi po ako naglakwatsa, Nay.” Napayuko ako habang pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “M-may nangyari po kasi sa akin kanina… at muntik na po akong mapahamak.”
Umismid siya.
“Bakit? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?” matalim niyang sagot. “Puro katangahan na naman siguro ang pinagkakaabalahan mo kaya muntik ka nang mapahamak. Tsk. Kung ikaw lang sana ang napapahamak, eh. Ang masama, nandadamay ka pa ng ibang tao!”
Napatitig lang ako sa kaniya.
Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit… ang takot na naramdaman ko kanina o ang katotohanang kahit minsan, hindi man lang niya naisip na tanungin kung ayos lang ba ako.
Hindi ko naman inaasahan na mag-aalala siya para sa akin.
Matagal ko nang alam kung gaano kaliit ang espasyong inilaan niya para sa akin sa buhay niya. Kaya wala naman talaga akong karapatang umasang may maririnig akong pag-aalala mula sa kaniya.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit, sa kaibuturan ng puso ko, may munting bahagi pa ring umaasa.
Umaasang kahit isang beses lang ay tatanungin niya ako kung ayos lang ba ako.
Kung nasaktan ba ako.
Kung natatakot ba ako.
O kahit itanong man lang kung sino ang gumawa nito sa akin.
Pero…
Wala.
Wala siyang sinabi.
Wala siyang itinanong.
Wala siyang pakialam.
Parang kahit mamatay ako sa harap niya, hindi man lang siya lilingon upang tingnan kung humihinga pa ba ako.
At gaya ng dati, ako na naman ang may kasalanan.
Ako ang may pagkukulang.
Ako ang pabaya.
Ako ang dahilan kung bakit ako napahamak sa kamay ni Harry.
Kasalanan ko.
Kasalanan ko na naman.
Paulit-ulit kong ibinulong iyon sa sarili ko, na para bang kapag sapat na beses ko iyong pinaniwalaan, mas magiging madali itong tanggapin.
Ngunit sa kung anong sulok ng isip ko, may munting tinig na pilit lumalaban.
Bakit hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang mga salitang alam kong malabong dumating?
“Anak, ayos ka lang ba?”
Kahit isang beses o kahit pilitin kong hukayin ang bawat sulok ng alaala ko, wala akong maalalang kinumusta niya ako.
Wala akong maalalang tinanong niya kung kumain na ba ako, kung napapagod ba ako, o kung masaya ba ako.
Wala akong maalalang niyakap niya ako dahil natatakot ako.
Wala akong maalalang ipinaramdam niyang anak niya ako.
Na tao rin ako.
Wala akong magandang alaala kasama siya bilang isang ina.
Siguro kaya dumating sa puntong tumigil na rin akong magsalita. Tumigil akong magkuwento tungkol sa araw ko, sa mga problema ko, at sa mga bagay na nagpapasaya sa akin. Dahil paulit-ulit kong natutunan na kahit magsalita ako, wala rin namang makikinig.
Simula noon, hindi na ako nagsabi ng kahit ano kay Nanay.
At gaya ng sinabi ni Darwin, palagi siyang nasa tabi ko.
Balak ko na sana talagang makipaghiwalay kay Harry. Ngunit bago ko pa man iyon magawa, kumalat na ang usap-usapan sa eskuwelahan.
Pinagpustahan lang pala ako.
Isa lang akong biro sa pagitan ng mga kaibigan niya.
Parang bigla na lang gumuho ang natitira kong tiwala sa sarili.
Nasaktan ako nang sobra.
Ilang araw akong umiiyak. Ilang gabing kinukuwestiyon kung ano bang mali sa akin at kung bakit parang napakadaling paglaruan ng mga tao ang nararamdaman ko.
Pero sa lahat ng mga araw na iyon, hindi ako iniwan ni Darwin.
Nanatili siya.
Tahimik na nakikinig sa mga iyak ko, binibigyan ako ng pagkain kapag wala akong ganang kumain, at pinapatawa ako sa mga oras na pakiramdam ko ay wala na akong dahilan para ngumiti.
Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ako sa balitang siya mismo ang nagpakalat na may relasyon kami.
“B-bakit mo ipinagkalat na may relasyon tayo?” takang tanong ko.
“Para protektahan ka,” nakangiti niyang sagot.
“Huwag kang assuming, ha! Hindi sa ayaw ko sa’yo. Maganda ka naman talaga…” Sandali siyang huminto bago nagkunwaring seryoso. “Kaya lang kasi… choosy ako.”
Napangiwi ako sa sinabi niya, dahilan para matawa siya nang malakas.
“Joke lang!” natatawa niyang dagdag. “Gusto lang talaga kitang protektahan sa mga mokong na ’yon. Alam mo kasi, wala akong kapatid na babae. Kaya huwag kang mag-alala. Kapatid lang ang tingin ko sa’yo. Safe ka sa akin.”
Hindi naman ako nadismaya.
Sa totoo lang, mas gumaan pa ang pakiramdam ko nang marinig iyon.
Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko, may isang taong piniling manatili nang walang hinihinging kapalit.
Hindi dahil may gusto siya sa akin.
Hindi dahil may inaasahan siyang makukuha.
Kundi dahil mahalaga ako sa kaniya bilang tao.
At kung tutuusin, sapat na iyon.
Dahil lumaki akong walang ideya kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng pamilyang masasandalan.
Kaya nang sabihin ni Darwin na kapatid ang tingin niya sa akin, hindi ako nakaramdam ng lungkot. Sa halip, may kung anong init na bumalot sa dibdib ko.
At least… Sa wakas, mayroon na akong maituturing na pamilya.
At may isang taong piniling ituring din akong bahagi ng kaniyang buhay. Hindi dahil sa dugo o obligasyon, kundi dahil gusto niya.
Sa mundong paulit-ulit akong pinaparamdam na wala akong halaga, si Darwin ang unang taong nagparamdam sa akin na karapat-dapat din pala akong alagaan.
Na maaari rin pala akong piliin.
At mahalin sa paraang hindi nananakit. Sa paraang kahit papaano ay deserve ko rin.
Bago pa man ako makatapos ng high school, napilitan akong umalis sa puder ni Nanay. Nagsimula na kasi siyang manakit tuwing nauubusan siya ng pambili ng alak. Sa murang edad, kinailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.
Tinulungan ako ni Darwin na makahanap ng trabaho habang ipinagpapatuloy ko ang pag-aaral. Noong una, tutol siya sa ideya. SDahil gusto niya ay siya na raw ang bahala sa akin at ayaw niyang mahirapan pa ako. Pero hindi ako pumayag. Ayokong maging pabigat sa kahit na sino.
Dahil doon, ipinasok niya ako sa kanilang talyer. Doon, hindi lamang ako natutong magkumpuni at gumawa ng iba’t ibang sasakyan. Tinuruan din niya akong magmaneho at binigyan ng mga kasanayang naging sandigan ko sa pagharap sa aking araw-araw.
Akala ko, magiging maayos na ang lahat matapos kong makapagtapos at magkaroon ng sariling pagkakakitaan. Akala ko, tapos na ang pinakamahirap na bahagi ng buhay ko.
Ngunit nagkamali ako.
Bigla na lamang akong kinontak ni Nanay. Paulit-ulit siyang humihingi ng pera at umaasa sa akin para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan, pati na rin sa gastusin ng bago niyang anak.
Nabuntis siya ng isa sa mga nakainuman niya, at tulad ng ginawa ng aking ama noon, iniwan din siya ng lalaking iyon nang malaman nitong may dinadala siyang bata.
Kahit labag sa loob ko ang tulungan si Nanay, ginawa ko pa rin, hindi para sa kanya, kundi para sa kapatid ko. Dahil alam kong, gaya ko, maaaring dumating ang araw na maranasan niya rin ang mga sakit at pagkukulang na naranasan ko kay Nanay.
At kung may isang bagay mang ayokong maipamana sa kanya, iyon ay ang pakiramdam na lumaking naghihintay ng pagmamahal mula sa isang taong dapat sana’y kusang nagbibigay nito.
At hindi na dapat nililimos pa…
Chapter 40
Hi, everyone! Sorry for keeping you waiting. I’m still not feeling well, so updates have been slower than I’d like. Thank you so much for your patience and understanding. I’ll be back with another chapters as soon as I’m feeling better. Until then, please take care of yourselves, too. 🤍
Here’s an update for youuu 🥀
─── ・ 。゚☆: .☽ . :☆゚. ───
Sa paglipas ng mga taon, mas lalo kong naunawaan kung gaano naging hindi patas ang buhay para sa akin. Isa-isa kong nakita ang mga bagay na ipinagkait nito, ang mga sugat na iniwan nito, at ang mga pagkakataong kailangan kong lumaban nang mag-isa.
Pero kahit kailan, hindi ako nagreklamo. Hindi ko rin Siya sinisi.
Tinanggap ko ang lahat nang tahimik, umaasang may dahilan ang bawat sakit at pagsubok na ipinapasan sa akin.
Pero siguro naman, mauunawaan Niya kung dumating man ang araw na mapagod ako. Kung dumating man ang panahon na hindi ko na kayang ngumiti at magpanggap na matatag. Dahil kahit gaano kalakas ang isang tao, may hangganan din ang kakayahan niyang magdala ng problema.
“Bakit ngayon ka lang nagpakita kay Ate, ha, Kate?” malambing kong tanong sa kapatid ko. “May problema ba?”
Halos dalawang linggo rin siyang hindi nagparamdam matapos kong abutan ng pambaon at panggastos. Alam kong sapat na iyon para sa isang buwan, pero ilang beses ko pa rin siyang sinabihan na kahit wala siyang kailangan ay magpakita siya sa akin paminsan-minsan para makapag-bonding kami.
Pero ngayon lang ulit siya nagpakita.
At sa unang tingin ko pa lang, may kakaiba na agad akong napansin.
Tahimik siya.
Hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin, tila may bagay na pilit niyang itinatago.
“Kate?” mahinahon kong tawag. “Huwag kang matakot kay ate. Hindi ako magagalit. May problema ka ba sa school?”
Mabilis itong umiling, ngunit hindi pa rin maitaas ang tingin. Nakayuko lamang ito habang mahigpit na pinaglalaruan ang laylayan ng kanyang damit.
Grade five na siya ngayon. Isang taon na lang at magtatapos na siya ng elementarya. Kaya naman mas lalo kong pinagsisikapan ang pagtatrabaho sa talyer para masigurong hindi siya pumapasok sa paaralan na walang laman ang tiyan at walang baon sa bulsa. Ayokong maranasan niya ang mga hirap na naranasan ko noon.
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong hindi pala tungkol sa eskwela ang problema. Ngunit kasabay noon ay ang mas mabigat na pangamba.
Dahil kung hindi sa school…
Malamang ay sa bahay.
“Si nanay ba?”
Doon lang siya dahan-dahang tumingala.
Nagtagpo ang mga mata namin, at bago pa man siya makapagsalita ay tila humihingi na ng tawad ang kanyang mga mata. Diretso siyang nakatingin sa akin, puno ng lungkot, takot, at kung anong bigat na hindi kayang ilabas ng kanyang mga salita.
At sa isang iglap, parang naunawaan ko na ang lahat.
“A-ate…”
“Hm?” mahinahon kong tugon. “Ano ’yon?”
“A-ayaw kasi ni nanay na makipag-bonding ako sa’yo.” Nanginginig ang boses nito habang pilit na pinipigilan ang pagluha. “P-pumunta lang daw ako sa’yo kapag hihingi ng pera. P-pero… hindi naman po maganda ’yun, ’di ba, ate? Tsaka…”
Muli itong napayuko at mahigpit na pinagpupuyos ang maliliit nitong mga kamay sa kanyang kandungan.
“Tsaka?” marahan kong tanong. “May iba pa bang problema?”
Napakagat ito sa labi bago dahan-dahang tumango.
“Kapag sinasabi ko kasi ’yun kay nanay, galit na galit siya sa akin.” Tuluyan nang nanginig ang boses nito. “S-sinisigawan niya ako, ate. Sinasabi niya na iyon na nga lang daw ang pakinabang ko sa kanya, hindi ko pa raw magawa.”
Para akong binuhusan ng kumukulong tubig.
Napakuyom ang mga kamao ko at mariing nagngitngit ang mga ngipin. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong puntahan si nanay at itanong kung paano niya nagagawang sabihin ang ganoong bagay sa sarili niyang anak.
Ngunit nang bigla na lamang humagulhol si Kate, naglaho ang lahat ng galit na iyon.
Pinalitan iyon ng isang mas mabigat na pakiramdam.
Sakit.
Matinding sakit.
Habang pinagmamasdan ko siyang umiiyak sa harapan ko, pakiramdam ko’y nakatingin ako sa sarili kong repleksyon-sa batang ako na minsang umasa ring maramdaman ang pagmamahal ng isang ina, ngunit paulit-ulit na nabigo.
Iyon nga lang, may isang malaking pagkakaiba.
Si Kate, may ate na maaari niyang iyakan.
Samantalang ako noon…
Wala.
Walang yumayakap sa akin kapag umiiyak ako.
Walang nagsasabing magiging maayos din ang lahat.
At higit sa lahat, wala akong ate na tatayo sa pagitan ko at ng sakit na pilit akong dinudurog araw-araw.
Dahil walang ate si ate…
Simula nang araw na iyon, mas lalo kong ibinuhos ang sarili ko sa trabaho.
Kung dati ay sapat na sa akin ang regular na oras sa talyer, ngayon ay halos wala na akong pinapalampas na pagkakataong kumita. Kahit sarado na ang shop, tumatanggap pa rin ako ng home service at rumiresponde sa mga sasakyang nasisiraan sa daan. Hangga’t kaya ng katawan ko, nagtatrabaho ako.
Hindi para sa sarili ko.
Kundi para kay Kate.
Ayokong maranasan niya ang mga bagay na naranasan ko. Ayokong dumating ang araw na mapipilitan siyang tiisin ang pananakit at pangmamaliit dahil lamang wala siyang ibang mapuntahan.
Pero habang sinusubukan kong pagaanin ang buhay namin, isa na namang mabigat na balita ang dumating.
At sa pagkakataong ito, si Darwin naman ang may dala.
“Kael, usap muna tayo.”
Napalingon ako sa kanya habang nagliligpit ng mga gamit para magsara ng talyer. Nakapamulsa siya at tila may kung anong seryosong iniisip.
Nagtaka man, agad kong itinigil ang ginagawa ko.
“Bakit?” tanong ko. “May laban ba ulit?”
Ang tinutukoy ko ay ang mga car race na sinalihan namin noon. Noong mga nakaraang buwan, muli akong naging hinete ni Darwin sa mga karera. Hindi naman iyon ang unang beses.
At sa totoo lang, nagpapasalamat ako dahil simula nang ako ang piliin niyang maging driver, ni minsan ay hindi pa kami natatalo.
Kaya naman nang tawanan niya nang mahina ang tanong ko at umiling, agad akong napakunot-noo.
“Hindi tungkol sa karera.”
Lalong lumalim ang pagtataka ko lalo na nung sumeryoso ito.
“Nagka problema kasi sina papa sa Canda at pinapakiusapan ako na baka raw pwede ko muna silang tulungan.”
“G-ganun ba? O edi, sige. Tulungan mo sila, anong problema?”
Napabuntong hininga si Darwin, tila nagdadalawang-isip sa kanyang sasabihin.
“A-ahm. Iyon na nga. A-ano kasi, Kael, kailangan kong isara ang talyer habang wala ako.”
Kaya ba halos naghakot na ng mga gamit nila ang ilang kasama ko rito?
“W-wait… Nakausap mo na ang iba?”
“Oo. Alam na nila. H-hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin sa’yo. Alam ko kasi na may binubuhay kang kapatid e. Pero pwede ka naman doon muna sa kaibigan ko e. Mas malaki ang sahod at mas maganda ang shop.”
“Kung ang tinutukoy mo ang yung hambog na mukhang anak aircon, hindi na, Darwin. Kaya ko naman mag-isa rito e.”
“Kael naman… Delikado kang mag-isa rito.”
“Hindi. Never akong magtatrabaho sa asbag na ’yon!”
Iyon ang sinabi ko… Pero sa huli, sa shop pa rin ni Crius ang bagsak ko.
Noong una, aminado akong sobrang nayayabangan ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit, pero ganoon talaga ang unang impresyon ko… parang ang yabang ng dating niya. Ilang beses pa kaming nagbangayan, na para bang aso’t pusa, bago namin unti-unting nakuha ang loob ng isa’t isa.
Nagbago lang ang lahat nang minsang makausap ko siya sa paborito kong tambayan. Doon ko unti-unting napagtanto na hindi naman pala siya katulad ng iniisip ko. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naging madali para sa akin na mag-open up sa taong minsan ko ring kinasuklaman.
Pero sa totoo lang, wala akong pinagsisisihan. Dahil sa pagkakataong iyon, mas nakilala ko si Crius. Habang lumilipas ang panahon, mas lalo naming nakilala ang isa’t isa. Nakilala ko rin ang mga kaibigan niya, at unti-unti akong naging bahagi ng mundong ginagalawan niya.
Gayunpaman, sa tuwing nararamdaman kong tila lumalampas na sa simpleng pag-aalaga ang ipinapakita niya sa akin, kusa akong naglalagay ng hangganan sa pagitan namin. Para bang may alarm na awtomatikong tumutunog sa tuwing pakiramdam ko ay masyado na akong napapalapit. Marahil, dala pa rin iyon ng mga sugat ng nakaraan… ng panahong nasira ang tiwala ko at natuto akong protektahan ang sarili ko. Alam kong wala syang kasalanan, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili dahil may takot pa rin at ang sugat ay hindi pa rin naghihilom.
Chapter 41
Totoo pala na kapag pilit mong pinipigilan ang nararamdaman, mas lalo lamang itong lumalalim.
Habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong mahulog sa boss ko, doon ko naman unang naramdaman ang selos, isang selos na wala naman akong karapatang maramdaman. Hindi ko maamin sa sarili ko, lalo na sa kanya, na nasasaktan akong makita at malamang nagde-date sila ng anak ng kanyang ninang. Alam kong napansin iyon ng babae sa paraan ng mga tingin ko at sa bigla kong pananahimik, pero hindi ko iyon kailanman inamin. Dahil sino lang ba ako para magselos?
Hindi ko rin ipinahalata kay Crius ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko ipinakita na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Natatakot akong malaman na baka ako lang pala ang may nararamdaman. Natatakot din akong may isang babaeng masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa ang nararamdaman ko. Kaya pinili kong manahimik. Pinili kong ibaon ang lahat sa dibdib, umaasang balang araw ay mawawala rin. Ngunit hindi ko inakalang ang pananahimik ko rin pala ang magiging dahilan ng mas matinding sakit na haharapin ko.
Sa kagustuhan kong kumita pa para mas madalas kong makita ang kapatid ko—dahil iyon lamang ang tanging paraan, at sa hangarin ko ring makatulong sa mga taong hindi na kayang dalhin ang mga sasakyan nila sa shop namin, naging isang tawag lang ako sa kahit sinong masiraan ng sasakyan. Hindi ako nag-aatubiling tanggapin ang bawat trabaho, gaano man ito kalayo o kagabi.
Ngunit isang gabi, sa gitna ng katahimikan at sa isang malawak na kalsadang halos wala nang dumaraang sasakyan, nagbago ang lahat.
Habang minamaneho ko ang motorsiklo ko papunta sana sa isang service call na natanggap namin sa shop, bigla na lamang may rumaragasang sasakyan na tila sinadya akong banggain. Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang katawan ko mula sa motorsiklo at ilang ulit na gumulong sa sementadong kalsada. Halos mawalan ako ng malay sa tindi ng sakit. Nang pilitin kong gumalaw, hindi na ako makatayo. Hindi ko na maigalaw nang maayos ang mga binti ko, habang unti-unting bumabalot ang hapdi ng mga sugat at pasa sa buong katawan ko.
Bago tuluyang nilamon ng dilim ang paningin ko, isang malamig na boses ng lalaki ang narinig kong bumulong malapit sa akin.
“Kung alam mo lang sana kung saan ang lugar mo… kung hindi mo lang pilit pinapasok ang mundo ni Crius, hindi ka sana mapapahamak.”
Parang patalim na bumaon sa isip ko ang bawat salitang iyon.
At iyon na ang huling narinig ko bago tuluyan akong mawalan ng malay.
Bakit?
Bakit ako?
Ano bang kasalanan ko?
Wala naman akong tinapakang tao. Namuhay naman akong marangal. Lumaban ako nang patas sa buhay at sinikap kong maging mabuting tao.
Pero bakit…
Bakit ako pa rin ang kailangang magdusa?
Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga tanong na iyon sa isip ko habang unti-unti akong nagigising sa katotohanang hindi pala aksidente ang nangyari sa akin.
May taong gustong alisin ako sa landas niya.
May taong handang pumatay… dahil lang sa taong minahal ko.
Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin. Hindi ko rin alam kung may saysay pa bang maghanap ng may kasalanan. Ang alam ko lang, pagod na pagod na ako.
Pagod na akong matakot.
Pagod na akong maging dahilan ng galit ng ibang tao.
Pagod na akong mabuhay na tila kasalanan ang pagdating ko sa mundo.
Sa mga panahong iyon, iisa na lang ang gusto ko.
Ang makaalis.
Ang makalayo sa mga taong hindi nag-aatubiling saktan ako.
Sa mga taong hindi matanggap na maaari akong maging bahagi ng mundo nila at mamuhay nang tahimik at normal katulad nila.
Kaya nang sabihin ni Darwin na uuwi na siya, hindi na ako nagdalawang-isip na magdesisyon. Sumama ako sa kanya.
Hindi dahil tumatakbo ako.
Kundi dahil sa unang pagkakataon, pinili ko namang unahin ang sarili ko. Pinili kong lumayo bago tuluyan akong mawalan ng lahat—hindi lang ng buhay, kundi pati ng natitira kong pagkatao.
Isinama ako ni Darwin sa Canada upang doon ipagpatuloy ang pagpapagamot ko.
Dahil matagal na rin akong kilala ng pamilya niya, hindi nila ako itinuring na isang estranghero. Sa halip, tinanggap nila ako na parang isa na rin sa kanilang pamilya. Ang pag-aalagang ipinakita nila sa akin ay higit pa sa inaasahan ko—isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman.
Pagdating doon, isang pakiusap agad ang sinabi ko kay Darwin.
“Darwin… puwede ba nating putulin muna ang lahat ng koneksyon natin sa Pilipinas?”
Napakunot-noo siya.
“Kahit kay Crius… at kahit sa kapatid mo?”
Marahan akong tumango.
“Kahit sa kanila.”
Hindi man alam ni Crius na may kapatid ako, natatakot pa rin akong baka iyon ang maging paraan para matunton niya ako. Mas lalo akong natakot na baka ang mga taong gustong manakit sa akin ay gamitin din ang mga taong mahal ko para mahanap ako.
Matagal na akong namuhay sa takot.
At sa pagkakataong iyon, gusto ko namang mabuhay nang payapa.
“Sigurado ka ba?” nag-aalalang tanong ni Darwin. “Paano naman ang kapatid mo?”
Napayuko ako.
“Matagal na rin akong walang balita sa kanya, Darwin. Siguro… hindi pa kailangan ni Nanay ng pera kaya hindi pa niya pinapapunta sa akin si Kate.”
Napapikit ako sandali bago muling nagsalita.
“Pero hahanapin ko siya. Kapag kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa at kapag nakaipon na ako. Pangako.”
Matagal akong tinitigan ni Darwin bago siya bumuntong-hininga.
Kung may hindi man siya nagustuhan sa naging desisyon ko, hindi na niya iyon ipinakita.
“Sige,” mahina niyang tugon. “Kung iyan ang makapagbibigay sa’yo ng kapayapaan, susuportahan kita.”
Ngumiti ako nang bahagya.
Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming nangyari, pakiramdam ko ay may isang taong handang samahan ako sa pagbangon. At ang taong iyon din ang unang tao na hindi nagdalawang isip noon na tulungan ako.
Nangako rin ako sa pamilya ni Darwin na sa oras na makalakad na akong muli at tuluyan nang gumaling, babawi ako sa lahat ng kabutihang ipinakita nila sa akin.
Hindi man nila iyon hinihingi, gusto kong suklian ang pagmamahal at pagtanggap na ibinigay nila sa isang taong halos nawalan na ng pag-asang mabuhay.
Inabot ako ng limang buwan sa ospital.
Limang buwan ng operasyon, therapy, at walang sawang pagsubok na muling makatayo sa sarili kong mga paa.
Hindi naging madali ang bawat araw. May mga pagkakataong gusto ko nang sumuko sa sobrang sakit at pagod. Pero sa tuwing naiisip kong hindi maaaring doon na lang magtapos ang buhay ko, pinipilit kong bumangon at ipagpatuloy ang laban.
At matapos ang limang buwan, nagawa kong muling maglakad.
Pakiramdam ko, binigyan ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon.
Hindi ko iyon sinayang.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital, agad kong kinausap si Darwin. Nakiusap akong tulungan niya akong makahanap ng trabaho.
Ilang beses pa niya akong tinanggihan.
“Magpahinga ka muna,” paulit-ulit niyang sabi. “Hindi pa ganap na nakakabawi ang katawan mo.”
Pero kilala na niya ako.
Kapag may gusto akong gawin, mahirap na akong pigilan.
Ilang araw din kaming nagtalo tungkol doon hanggang sa tuluyan na rin siyang sumuko sa katigasan ng ulo ko.
Sa huli, ipinakilala niya ako sa isang matalik na kaibigan ng kanilang pamilya. Doon ako sumailalim sa tatlong buwang training bilang paghahanda sa magiging trabaho ko.
At doon ko rin unang nakilala si Wystan.
Siya ang matalik na kaibigan ni Darwin at nagkataon ding nag-iisang anak ng may-ari ng kumpanyang papasukan ko.
Siya mismo ang nag-training sa akin.
Sa loob ng tatlong buwan, hindi niya ako itinuring na baguhan. Mahigpit siya, pero patas. Hindi niya ako pinalampas sa bawat pagkakamali, ngunit hindi rin siya nagkulang sa pagtuturo. Dahil doon, mas lalo kong minahal ang trabahong pinasok ko.
Pagkatapos ng training, tuluyan na akong naging empleyado ng kanilang automobile company, isang kumpanyang namamahala sa pagre-release ng iba’t ibang sasakyan at ng mga accessories at piyesa nito.
Hindi naging mahirap para sa akin ang trabaho.
Matagal ko nang hilig ang mga sasakyan. Sanay na ang mga kamay ko sa paghawak ng iba’t ibang piyesa at sa pag-unawa kung paano gumagana ang bawat makina.
Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ko ay unti-unti ko nang binubuo ang panibagong buhay na matagal kong hinanap.
Isang buhay na malayo sa sakit, sa takot, at sa mga alaalang pilit kong iniwan sa Pilipinas.
Chapter 42
“Saan ang punta mo at bihis na bihis ka? Day off mo ah?” tanong ni Darwin nang makita akong nagsusuot ng coat. Dahil sa sobrang lamig ngayon dito, hindi puwedeng lumabas nang hindi doble ang suot.
“Magkikita kami ni Wystan.”
Agad siyang naalarma sa narinig, dahilan para mapatawa na naman ang mama niya.
“Ano? Magkikita na naman kayo? Bakit? Para saan? Naku, Kael, sinasabi ko sa’yo, huwag kang masyadong magtiwala sa isang iyon.”
“High blood na naman ’yang kuya mo, Kael,” natatawang sabi ng mama ni Darwin, dahilan para lalo akong matawa. Lalong ikinainis iyon ni Darwin.
“Ano bang problema mo? Kaibigan mo naman ’yon. At saka kakain lang kami at mamamasyal. Ikaw nga, simula nang dumating ako rito, hindi mo pa ako naipapasyal.”
“Dahil hindi ka pa nga tuluyang magaling, nagtrabaho ka na agad. At saka, iyon na nga, kaibigan ko ’yon, kaya kilalang-kilala ko na ’yon.”
“Ay, hindi ka sure.”
“Ano?”
Ngumiti lang ako. “Wala. Aalis na ako. Naghihintay na si Wystan. Bye, Tita!”
“Sige, mag-iingat ka.”
“Ma? Pinayagan mo talaga?” reklamo pa ni Darwin sa kanyang mama.
“Hindi na bata si Kael, anak. Ano’ng gusto mo, ikulong ko siya?” natatawang sabi nito. “Kumalma ka nga. Sige na, hija, ako na ang bahala sa isang ’to.”
“Maaaa!”
“Sige po. Bye!”
Kumaway ako sa mag-ina bago tuluyang lumabas ng bahay upang puntahan si Wystan, na malamang ay naghihintay na sa napagkasunduan naming tagpuan.
Ganito na lang palagi ang eksena sa bahay tuwing lalabas ako nang hindi si Darwin ang kasama. Daig pa niya ang totoong kuya kung mag-alala at maghimutok, kaya imbes na mainis, tinatawanan na lang namin siya.
Hindi ko tuloy napigilang mapangiti habang masayang naglalakad patawid ng kalsada. Nai-imagine ko na naman kasi ang mukha ni Darwin, siguradong umuusok na naman ang ilong at tenga sa inis.
“Kaeliii, my girl! Hello!”
Masiglang bati ni Wystan nang makita niya ako. Agad ko rin siyang sinalubong ng mahigpit na yakap habang nakangiti.
“Hello, Wyns!”
Pagkalayo namin sa yakap, nakangiti ko siyang tiningnan.
“So, where do we go for our date today?”
“Wherever you want.”
Nagkatinginan kami sandali. Maya-maya, sabay kaming natawa na para bang nagkaintindihan sa isang tinginan lang.
Sa tagal na nilang magkaibigan ni Darwin, napilitan na ring matuto si Wystan ng Tagalog. Magaling naman na siyang magsalita, pero halata pa rin ang pagka slang niya sa ilang salita.
“So, nagwala na naman ba ang mokong na ’yon nang malaman niyang lalabas ulit tayo ngayon?” natatawang tanong niya.
“Ano pa nga ba? Gano’n talaga kapag tumatandang binata… mainitin ang ulo, lalo na kapag usapang lovelife.”
Sabay kaming natawa habang ini-imagine ang mukhang nagngingitngit na naman si Darwin.
Maya-maya, napalitan ng pagiging seryoso ang pag-uusap namin.
“Bakit kasi hindi mo pa aminin?”
Napabuntong-hininga siya. “Natatakot ako.”
“Natatakot saan? Na malaman niyang pusong mamon ka pala?”
Napailing lang siya habang nakangiting nahihiya.
Oo. Bakla si Wystan, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob na mag-out.
Marahil iyon din ang dahilan kung bakit naging ganoon kami kalapit. Ako ang kauna-unahang taong nakapansin at diretsahang nagtanong tungkol sa tunay niyang pagkatao. Ewan ko ba, parang may radar lang talaga ako pagdating sa mga katulad niya. Amoy na amoy ko ang mga kagaya niya. At ang talipandas oong dila ay hindi matatali kapag hindi ko sya natanong. Tsk. Hindi rin naman niya iyon itinanggi.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit, sa tagal nilang magkaibigan ni Darwin, hindi niya man lang nagawang sabihin dito ang totoo.
“I’m afraid of losing him, Kaelii.”
Seryoso ang boses ni Wystan. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang sinasabi iyon.
“Natatakot akong hindi niya matanggap kung sino talaga ako… at mawala ang kung anong meron kami ngayon. Masaya ako sa kung ano kami, kaya natatakot akong isugal iyon.”
“Pero… mahal mo siya, ’di ba?”
Napayuko siya. Ilang segundo muna siyang natahimik bago dahan-dahang tumango at muling tumingin sa akin.
“Yes, i love him. But that’s not enough to make him understand… or accept that his one and only best friend is gay and has been in love with him all this time.”
“Pero hindi mo pa naman nasusubukan. Malay mo naman, ’di ba? Wyns… maiintindihan ka ni Darwin.”
“And risk the friendship we’ve built?” mapait siyang natawa. “No. Kapag hindi niya ako natanggap, malamang pati pagkakaibigan namin mawala rin.”
Hindi ko napigilang malungkot sa narinig.
“So… itatago mo na lang habambuhay? Hindi ka na mag-a-out?”
“Because that’s the only choice I have.” Mahina siyang ngumiti, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. “At least I have you…the only person who accepted me and stayed after knowing everything. I guess… one is enough.”
Pilit akong ngumiti at marahang tumango bilang paggalang sa naging desisyon niya.
Naiintindihan ko naman siya.
Hindi madali para sa mga katulad niya ang maglantad ng tunay na pagkatao sa mundong puno ng mapanghusgang tingin at matatalim na salita… mga taong laging handang manghusga kapag nagkamali ka ng isang beses nang hindi inaalam ang iyong paliwanag o dahilan.
Hindi ko tuloy naiwasang maalala ang sarili kong sitwasyon.
Ako rin naman ay piniling itago ang totoong nararamdaman ko dahil sa takot. Takot na baka, tulad ng mundong kinalakihan ko, maramdaman kong hindi rin pala ako tatanggapin. Na hindi rin pala ako welcome.
At sa totoo lang, isa iyon sa pinakamasakit na pakiramdam ng mga tao na walang ibang gusto kundi maramdamang deserve rin nilang mahalin.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na isang taon na pala ang lumipas simula nang dumating ako rito sa Canada.
Ilang beses kong sinubukang hanapin ang kapatid ko sa social media, pero kahit anong gawin ko, wala akong makita ni isang bakas niya.
Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang buhay ko rito.
Mas lalo akong nagsumikap sa trabaho, nag-ipon, tumulong sa pamilya ni Darwin sa mga gastusin, at unti-unting inihanda ang sarili para sa araw na makakabalik ako ng Pilipinas.
Iisa lang ang dahilan ng lahat ng iyon.
Hahanapin ko ang kapatid ko.
At kung papalarin, gusto ko siyang isama pabalik ng Canada upang magsimula kaming muli nang magkasama.
Tatlong taon ang lumipas.
Sa wakas, sapat na ang naipon ko para maisakatuparan ang matagal ko nang plano.
Inihanda ko ang sarili ko sa pag-uwi ng Pilipinas. Siyempre, hindi pumayag ang pamilya ni Darwin na pauwiin akong mag-isa, lalo na si Darwin. Kaya ang ending, kasama ko siya.
Nakisama rin si Wystan. Ang sabi niya, matagal na rin daw siyang hindi nakakapagbakasyon.
Tsk. Kunwari pa. Alam kong gusto lang talaga niyang makasama si Darwin.
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
Balak ko pa naman sanang gumawa ng paraan para maipag-date ang dalawang ito nang hindi halatang date ang setup. Kaso, tuluyan nang naglaho ang plano ko dahil sa ginawa ni Darwin.
“Kayo na ba?”
Biglang tanong ni Darwin isang gabi, habang naghahanda kami para sa flight namin kinabukasan.
“Ha?”
Sabay kaming napalingon ni Wystan sa kanya.
“Tsk. Never mind. Ganito na lang ang gagawin natin pagdating sa Pilipinas.” Umayos siya ng upo at tinuro kaming dalawa. “Mag-fiancé kayo. Okay?”
“What?!”
“A-ano?”
Sabay kaming napabulalas ni Wystan, dahilan para mapakunot ang noo ni Darwin.
“Baliw ka ba?” agad kong tanong. “Anong mag-fiancé?”
Ano na namang kabaliwan ang pumasok sa isip ng taong ito?
“Makinig ka muna kasi.” Napailing siya. “Kayong dalawa, makinig muna bago kumuda.”
Nagkatinginan muna kami ni Wystan bago sabay na tumango.
“O-okay…”
“Hindi naman kayo awkward sa isa’t isa, kaya hindi kayo mahihirapang umarte.” Tila seryoso talaga siya sa binabalak. “Ganito ang kuwento. Mag-fiancé kayo pagdating natin doon. Sabihin n’yo, matagal na kayong magkakilala. Kung gaano na kayo katagal magkakilala, ganoon din katagal kayong nag-date. Tapos last year lang kayo na-engaged. Gets?”
“Para saan ba ’yan? Bakit kailangan pa naming magpanggap?” naguguluhan kong tanong.
“Oo nga. Ano’ng meron?” singit din ni Wystan.
Huminga nang malalim si Darwin bago seryosong tumingin sa akin.
“Kael, hindi tayo sigurado kung safe ka na pagbalik natin ng Pilipinas. Kaya dapat kumalat ang balita na engaged ka na sa isang foreigner sa Canada.” Bahagya siyang napahinto bago muling nagsalita. “Malay ba natin? Baka naghihintay pa rin sa pagbalik mo ang taong gumawa no’n sa’yo.”
Natigilan ako.
Tama siya.
Paano kung iniisip pa rin ng taong iyon na babalik ako para kay Crius?
Muling sumagi sa isip ko ang huling mga salitang ibinulong sa akin bago ako mawalan ng malay.
At sa lahat ng taong puwede kong paghinalaan, iisa lang ang pumapasok sa isip ko.
Si Jassie.
Siya lang naman ang desperadang habol nang habol kay Crius, at siya rin ang laging masama ang tingin sa akin.
“Sabagay… may punto ka.” Napalingon ako kay Wystan. “Pero okay lang ba sa’yo?”
“H-ha?” Bahagya siyang natigilan bago ngumiti. “O-oo naman. Okay lang sa akin. Ikaw naman ’yan e.”
“Tsk.” Napailing si Darwin. “Bakit hindi n’yo na lang totohanin kaysa panay ang landian n’yo sa harapan ko?”
Pareho kaming napatingin ni Wystan sa kanya.
“Tsk. Matulog na nga kayo. Maaga pa ang alis natin bukas.”
Tumayo na siya at iniwan kami sa sala.
Nagkatinginan muna kami ni Wystan. Pagkatapos ay sabay kaming natawa.
“May saltik na naman ang kuya mong allergic sa atin,” natatawang sabi ni Wystan.
“Kaya nga.” Napailing ako. “Hayaan mo na siya. Good luck sa atin. Galingan mo ang pagganap bilang fiancé ko, ha?”
“Oo naman.” Napatawa rin siya. “Para namang hindi pa natin ilang beses ginawa ang fake relationship na ’yan.”
“Sabagay.”
Tama naman siya.
Hindi ito ang unang beses na magpapanggap kaming magkasintahan. Ilang beses na niya akong hinila para ipakilala bilang girlfriend niya sa iba’t ibang event kasama ang mga kaibigan niya. Dahil doon, hanggang sa opisina ay kumalat ang tsismis na may relasyon kami.
Napabuntong-hininga ako.
Handa na nga ba talaga akong muling tumapak sa Pilipinas matapos ang tatlong taon?
Handa na ba akong muling magkrus ang landas namin?
Siguro… oo.
Sa pagkakataong ito, gusto kong paniwalaan na wala na akong mararamdaman kapag nakita ko siyang muli.
Hindi rin naman iyon ang pakay ko sa pag-uwi. Ang tanging dahilan ko ay ang hanapin ang kapatid ko.
Pero kung sakaling paglaruan na naman kami ng tadhana at muli kaming pagtagpuin…
Tsk.
Sana nga mapatunayan ko sa sarili ko na wala na talaga.
『••✎••』
Stay updated and interact with the writer (me), follow/add me here…
FB Page: Written by Mhadz
FB official: Mhadz
WP
Chapter 43
Crius’
It’s been three years. Three years and three months, to be exact, since the last time I saw her.
At lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong nakalimutan ko na siya. Because I haven’t. Not a single day passes without her crossing my mind.
Kumusta na kaya siya?
Kumain na kaya siya?
Magaling na… magaling na kaya siya?
At…
Babalik pa kaya siya?
Pero sa tuwing natatapos ang bawat tanong, agad din akong binabalik ng realidad. Ako rin ang sumasagot sa mga ito.
Bakit pa siya babalik?
At higit sa lahat…
Para kanino?
If being away from her without ever getting the chance to tell her how I truly felt is enough to break me…
Then how much greater must have been the pain she carried back then because of me?
And I wasn’t even there to take care of her.
Anong karapatan kong mangulila?
Anong karapatan kong magreklamo na nasasaktan ako, na nami-miss ko siya, kung noong mga panahong siya ang pinakamasakit ang pinagdaraanan, wala akong nagawa para sa kanya?
I let out a weary sigh.
Maybe this is my karma.
Maybe this loneliness, this regret, is the punishment I deserve.
And if it is…
Then I’ll accept it.
“Alam mo, magtropa talaga kayo ni Kurt, ’no?” sabi ni Rio habang nakatambay kami sa condo niya matapos kaming magpakalasing kagabi.
Napatingin ako sa kanya habang hinihilot ang aking sintido. Halos nakahandusay na ako sa sofa, pilit nilalabanan ang matinding hangover. Ang ilan sa amin ay tahimik nang humihigop ng kape, samantalang kami ni Gav ay wala pang balak bumangon dahil sa kumakabog naming mga ulo.
“Para namang hindi ka rin tropa ni Kurt, ungas ka,” banat agad ni Gav nang hindi man lang iminulat ang mga mata.
Napalingon kaming lahat kay Kurt. Nakaupo ito sa isang sulok, may hawak na tasa ng kape habang matalim ang tinging ipinupukol kay Rio, tila hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
“Bobo!” iritadong sagot ni Rio. “Ang ibig kong sabihin, pareho sila ni Kurt. Hindi maka-move on sa babaeng hindi naman naging girlfriend. Pfft.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong sapat na energy para makipagsagutan sa abnormal na ’to.
Pero mukhang si Kurt, na kalahati na ang nauubos sa kape niya, ay unti-unti nang bumabalik ang lakas.
At halatang wala rin itong balak magpatalo.
“Hoy, gunggong ka!” sabat agad ni Kurt. “Nananahimik na nga ako, napansin mo pa rin? Kapag kayo talaga ni Gav ang na-in love tapos nasaktan, ha! Kami ang unang-unang hahagalpak ng tawa!”
“Oh? Ba’t naman ako nadamay?” reklamo ni Gav habang nakapikit pa rin. “Ang tahimik ng buhay ko rito, umiikot na nga ang paningin ko, idadamay n’yo pa. Hustisya naman!”
“Asa!” balik ni Rio na may kasamang pang-aasar.
Napailing na lang kami ni Cassian sa dalawa. Kahit pare-pareho kaming wasak sa hangover, may lakas pa rin silang mag-asaran.
Makalipas ang ilang sandali, iniabot sa akin ni Cassian ang isang tasa ng mainit na kape.
“Okay ka lang?” tanong niya bago umupo sa single sofa sa tabi ko.
Tinanggap ko ang tasa at dahan-dahang humigop bago umayos ng upo.
“Salamat. Oo… masakit lang talaga ang ulo ko.”
Umiling siya.
“No, I mean… are you really okay?” Mahina ang boses niya. “It’s been three years, dude. At sa lahat ng blind dates na ni-reto namin sa’yo, ni isa walang umabot ng second date.”
Napababa ang tingin ko sa hawak kong tasa.
Yeah.
For three years, they kept trying to set me up with someone. But no one ever lasted.
Not because there was something wrong with them…
It was because of me.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit parang may hinahanap akong pakiramdam, isang bagay na hindi ko makita sa lahat ng babaeng naka-date ko.
O baka naman kasalanan ko rin talaga.
Isang araw pa lang, sumusuko na ako. Hindi ko man lang sila binibigyan ng pagkakataong makilala nang lubos.
Tsk.
Napatawa si Kurt.
“Balak na lang yata nitong maging matandang binata.”
“Sayang ang lahi!” sabat naman ni Gav habang tumatayo at nag-uunat ng katawan.
“Huwag n’yo nga akong problemahin,” natatawa kong sagot. “Kaya ko ang sarili ko. Habang nasa kalendaryo pa ang edad ko, may pag-asa pa.”
Sabay-sabay kaming natawa.
“Maiba tayo,” ani Kurt habang ibinababa ang tasa ng kape. “Balita ko may pinulot ka raw na babae sa labas ng bar mo, Cassian?”
Agad na napunta kay Cassian ang atensyon naming lahat.
Narinig na rin namin ang balitang iyon noong nakaraang linggo, pero wala pa kaming pagkakataong mausisa siya tungkol doon.
“Maganda ba?” biglang usisa ni Gav, halatang nabuhayan. “Baka puwede na ’yon sa akin o kay Crius. Ano sa tingin mo?”
Napailing na lang si Cassian, tila inaasahan na ang ganoong klaseng tanong.
“Gago!” napailing si Cassian. “Bata pa ’yon, tigilan mo nga.”
Tinuro pa niya si Gav na tila nananaway.
“At ano’ng pinulot ? Tao ’yon, siraulo ka, Kurt.” Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy. “I saw her outside the bar. Two men were trying to force her to go with them, but she struggled desperately, crying as she fought to break free from their grip.”
Biglang nawala ang biro sa paligid.
“Tinulungan ko, siyempre.” Humigop muna siya ng kape. “No’ng mailayo ko siya, saka ko lang napansin na punit-punit ang suot niyang damit. “She was covered in bruises, and there was a cut on her lip…” He paused for a moment. “It looked like… she had been slapped over and over again.”
The moment those words left his mouth, a heavy silence settled over us.
Unti-unti silang lumapit sa kinauupuan namin ni Cassian, seryoso na ang lahat.
“Wait…” ako ang unang nagsalita. “Sa tingin mo, ilang taon siya?”
Napaisip siya saglit.
“Hmm… Mukhang high school pa lang. Hindi ko pa siya masyadong nakakausap, pero dalawang araw na siyang nagpa-part-time sa bar. After kong maipachek-up.”
“Huh?” kunot-noong sabi ni Kurt. “Minor pa pala, bakit mo pinayagang magtrabaho sa bar?”
“Hindi naman talaga ako pumayag noong una,” paliwanag ni Cassian. “Pero sinabi niyang hindi siya komportableng magtrabaho sa ibang lugar. Natatakot daw siya.”
Bahagya siyang napabuntong-hininga.
“Pakiramdam ko, may kinalaman ’yon sa nangyari sa kanya noong gabing nakita ko siya.”
Saglit siyang tumingin sa amin bago muling nagsalita.
“She only works as a waitress during the day. I make sure she goes home by seven every evening. She stays at my house with the caretaker, and I entrusted her to their care.”
“What do you think happened to her?” I asked. “Is she still attending school?”
Umiling si Cassian.
“Ayaw na niyang bumalik sa school. Para bang… may tinataguan siya.” Sandali siyang tumahimik bago nagpatuloy. “Hindi ko na rin siya pinilit. Hangga’t hindi ko alam ang buong kuwento, ayokong manghimasok. Hinihintay ko na lang na dumating siya sa puntong handa na siyang magsalita.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Kapag nangyari ’yon, mas malalaman ko kung anong klaseng tulong ang talagang kailangan niya. Right?”
“Naks!” natatawang sabi ni Rio. “Bigla kang naging instant kuya, dude.”
Napangiti rin ako.
“Kapag may oras, dadalaw ako sa bar mo. Baka sakaling may maitulong din ako.”
Tumango si Cassian.
“Anytime.”
“Sama kami!” sabay singit ni Gav.
“Ako rin,” dagdag ni Kurt.
“Count me in,” ani Rio.
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang isa-isang nagprisintang sumama.
Mukhang magiging maingay na naman ang bar ni Cassian sa mga susunod na araw.
Pero kung makakatulong iyon sa batang iyon…
Wala naman sigurong masama.
Rage surges through me whenever I hear about a woman being abused, especially someone too vulnerable to fight back.
Tsk.
Hindi ko maiwasang maalala ang kuwento ni Kael tungkol sa mga pinagdaanan niya sa kamay ng ex niya.
Paano kung ganoon din ang nangyari sa batang nakita ni Cassian?
Ang kaibahan lang…
Paano kung wala siyang kaibigan kagaya ni Darwin na sumalo at tumulong sa kanya kaya sya puro pasa?
Napabuntong-hininga ako.
Kung tutuusin, baka ganoon din ang kinahinatnan ni Kael noon kung walang dumating na Darwin sa buhay niya.
Wait.
Why her… again?
Why is it that, no matter what happens, she’s always the first person who comes to mind?
Tangina. Baliw amputa!
Paano ako makaka-move on kung halos lahat ng nakikita ko, naihahambing ko sa kanya?
Napailing ako at napatawa sa sarili.
Baliw ka talaga, Crius. Move on? Nakakatawa ka rin. Hindi nga naging kayo e.
Chapter 44
“What the heck?”
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa mga kaibigan ko nang makita ang kani-kanilang bitbit.
“Hindi naman pasyente ang dadalawin natin, ah? Bakit ang dami n’yong dalang pagkain at prutas?”
Sabay-sabay silang napatingin sa mga hawak nila.
“Prutas lang ang dala ko,” depensa ni Kurt.
“Prutas lang? Lang? E dalawang basket ’yan!” Tinuro ko ang dalawang basket na halos hindi na niya mabuhat.
Napatingin naman si Rio sa dalawang plastic bag na hawak niya. “K-konting grocery lang.”
“Konti? Grocery?” Napahawak ako sa noo ko. “Dude, hindi tayo pupunta sa evacuation center!”
Tangina. Nakaka-stress talaga ang mga ’to.
Cassian only said that we stopped by today so we could meet the woman he had helped. Apparently, word had gotten around that one of her relatives had been looking for her, and there was a chance they might come to take her home later this afternoon.
Pero etong mga gagong kasama ko? Kung anu-ano ang dala-dala. Para kaming magre-relief operation kaysa bibisita lang.
Tsk.
“A-ako, ano…” Nag-angat si Gav ng dala niya. “Mga hygiene kit lang.”
“Isa ka pa.” Napailing ako. “Magsama nga kayo ni Rio, tapos maghanap kayo ng evacuation center.”
Nagkatinginan silang tatlo.
“Nasa puder siya ng kaibigan nating si Cassian. Sa tingin n’yo ba, hindi pa naibibigay ni Cassian ang lahat ng kailangan niya? O baka gusto n’yo ring padalhan ng relief goods ang buong barangay?”
Wala ni isa sa kanila ang nakasagot. Napakamot na lang sila sa kani-kanilang ulo.
“Tsk. Tara na nga.” Kumaway ako bilang hudyat na umalis na kami. “Bitbitin n’yo na rin ’yan. Sayang ang pera kung iiwan n’yo lang. Ibigay n’yo na lang sa staff ni Cassian sa bar.”
Napapailing na lamang ako habang naglalakad pabalik sa sasakyan. We decided to take only one van so we could all travel together. Thankfully, I had thought to bring mine, especially considering everything we were carrying with us. It was a good thing, too, because there was no way we would have managed to fit everything into a smaller vehicle. Tsk.
“Sabi ni Cassian, may pamilya raw na naghanap doon sa babae, ’di ba?” tanong ni Kurt mula sa passenger seat habang tahimik akong nakatutok sa daan.
“Oo. Baka raw sunduin na mamaya.”
Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.
“Wait… Paano kung pamilya niya pala ang dahilan ng mga pasa at sugat niya noong gabing iyon?”
Napahigpit nang kaunti ang hawak ko sa manibela.
“Sigurado ba si Cassian na isosoli na lang niya siya nang gano’n?”
I couldn’t answer right away.
Truthfully, that was the first thought that had crossed my mind as well. If her family had nothing to do with what had happened to her, wouldn’t they have been the first people she ran to, the people she would have turned to for help?
“Kaya nga, eh,” sagot ko matapos ang ilang segundo. “Malalaman natin mamaya. Parang may gusto pa sanang sabihin si Cassian, pero ayaw niyang pag-usapan sa tawag.”
“Talaga?” Bahagyang kumunot ang noo ni Kurt. “Ano kaya ’yon?”
Umiling siya, saka napabuntong-hininga.
“Tsk. Pabitin din talaga ang isang ’yon e.”
Hindi ko naman napigilang matawa.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumitaw sa aming harapan ang pamilyar na gusali ng bar ni Cassian. Pagkaparada ko ng sasakyan, halos sabay-sabay kaming bumaba.
Pagpasok namin sa bar, agad kaming sinalubong ni Cassian at ilang segundo pa lamang ay napakunot na ang noo niya.
“A-anong… Bakit ang dami n’yong dala?”
Mula sa mga basket hanggang sa ilang plastic bags, sunod-sunod niyang tiningnan ang mga bitbit ng mga kaibigan namin na ngayo’y nakangisi lamang na parang walang ginawang kakaiba.
Napatingin siya sa akin, tila humihingi ng paliwanag. Ngunit nagkibit-balikat lamang ako.
Wala rin akong alam kung bakit biglang nagdala ng kung anu-ano ang mga gunggong na ’to.
Napabuntong-hininga si Cassian at umiling, tila tuluyan nang sumuko sa kalokohan ng mga kaibigan namin.
“Fine,” sabi niya, sabay talikod. “Pumasok na kayo.”
“How did you find out that she has a family, anyway? Wait… what was her name again?” I asked as we walked inside.
Since it was still early, only the restaurant area was open. The bar wouldn’t start operating until six that evening..
“Ah… Nasabi lang ng ibang staff ko na may isang lalaki at babae raw na nagtatanong-tanong tungkol sa isang babae. Tapos, may ipinakitang picture.” Sandaling nag-isip si Cassian. “Kamukha raw ni Kate ’yung nasa picture na ipinakita nila sa cellphone.”
“Sinong Kate?” tanong ni Gav.
“’Yung tinulungan ko ngani.”
“Ay, sorry. Iyon pala ang pinag-uusapan n’yo.”
Pinalo ni Rio ang dila ng sumblero ni Gav.
“Sumasabat ka kasi nang sumasabat. Hindi ka naman kasali.”
“Tsk. Gusto ko ngani kasing makisali.”
Habang nagbabangayan ang dalawa sa likuran namin, kaming tatlo nina Kurt at Cassian ay napailing na lamang at nagpatuloy sa pag-uusap.
“Tapos? Sinabi ba nilang nandito siya?” tanong ni Kurt.
“They said she apparently looks exactly like someone who works here, and even shares the same name. That’s why they’re coming back later to see for themselves.”
He briefly glanced around before speaking again.
“Have a seat for now. I’ll just go get Kate.”
“Sige.”
Kakaripas na sana si Cassian nang biglang sumigaw si Gav mula sa likuran.
“Dala ka ng beer, dude!”
“Hoy! Maaga pa!” agad na saway ni Rio. “Hindi tayo pumunta rito para uminom.”
“Ano?” napakunot ang noo ni Gav. “Magbibigay ba tayo ng relief goods?”
Natahimik kaming lahat.
Imbes na sagutin siya, kanya-kanya kaming naglabas ng cellphone at nagpanggap na abala.
“Luh!” reklamo ni Gav. “Ang sasama ng ugali n’yo!”
Napailing na lamang ako habang pinipigilan ang sarili kong matawa.
Maya-maya lamang ay bumalik na si Cassian, ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siyang isang babae.
Dalaga na siya, pero sa unang tingin pa lang ay halatang nasa high school pa lamang.
“Kate, mga kaibigan ko nga pala.” Isa-isang itinuro ni Cassian ang bawat isa. “Si Kurt, si Crius, si Rio at…”
Saglit siyang natigilan bago napatingin kay Gav.
“Hindi ko kilala.”
Nanlaki ang mga mata ni Gav, habang kaming lahat naman ay pigil na pigil ang tawa.
“Hoy! Ang sasama talaga ng ugali n’yo e, ’no?” reklamo niya, halatang inis na inis. Pagkatapos ay bumaling siya kay Kate at biglang ngumiti na parang walang nangyari.
“Ako nga pala ang pinakabata at pinakapogi sa amin. Gav nga pala. Nice to meet you, Kate.”
Sabay-sabay kaming nagtaasan ng kilay at matalim na napatingin sa kanya.
“O-oh?” Napaatras nang kaunti si Gav. “Bakit? Kalmahan n’yo. Alam kong bata pa. Kalma, okay?”
“Dapat lang,” sabay-sabay naming sagot.
Kumunot ang noo niya at kumibit ang labi bago tuluyang tumalikod sa amin.
Tsk.
Napatawa naman si Kate sa aming kalokohan.
At nang makita ko ang ngiti niya, hindi ko napigilang mapatitig sa kanyang mga mata.
I froze for a brief moment.
Why did their eyes look so much alike?
Those eyes that seemed to disappear whenever she laughed.
I quickly looked away.
Ayan ka na naman, Crius.
Lahat na lang napapansin mo!
Lahat na lang
tungkol
sa kanya!
Nagpahanda si Cassian ng meryenda habang patuloy kaming nakikipagkuwentuhan kay Kate.
Doon namin unti-unting nalaman ang tungkol sa kanyang buhay.
Lumayas siya sa kanilang bahay dahil palagi raw siyang sinasaktan ng kanyang ina at ng kinakasama nito. At habang nasa kalsada, muntik pa siyang mapahamak sa kamay ng dalawang lasing na lalaki na gusto syang pagsamantalahan. Mabuti na lamang at nanlaban siya at nakatakas.
The entire table fell silent.
We all lowered our gazes, unsure of what to say.
She was still so young, yet life had already forced her to endure more than anyone her age ever should have had to face.
Like her…
“Pero…” maingat kong tanong. “May naghahanap daw sa ’yo na kamag-anak mo. Paano kung nanay mo pala ’yon?”
Umiling agad si Kate.
“Hindi ako sasama.” Bahagya siyang napayuko. “Magpapahatid na lang ako kay Sir Cassian sa DSWD kaysa ibalik niya ako sa nanay ko.”
“Wala ka bang ibang kamag-anak?” tanong naman ni Rio.
“Hindi ko alam kung nasaan na siya,” sagot niya sabay yuko. “Hindi kasi ako pinapayagan ni Nanay na makipagkita sa kanya. Hanggang sa… hindi ko na siya makontak.”
Napabuntong-hininga kami.
Marahil ay mayroon pa siyang kapatid, ngunit sa mga sinabi niya, mukhang matagal na rin silang nawalay sa isa’t isa.
“Kami na lang ang magkakampi noon,” pagpapatuloy niya, bahagyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Pero inilayo pa ako ni Nanay sa kanya. Ako na lang ’yung meron siya dahil ayaw sa kanya ni Nanay.”
Sandali siyang natahimik.
“Pero naiwan ko siya sa ere… nang hindi ko sinasadya.”
Ramdam na ramdam namin ang bigat ng bawat salita niya. Walang sinuman sa amin ang nakapagsalita.
“Kapatid mo ba?” tanong ko.
Ngunit bago pa siya nakasagot, isang staff ni Cassian ang biglang lumapit.
“Sir, nandito na po ’yung naghahanap kay Kate.”
Napatingala si Kate.
Mabilis siyang napatingin sa likuran ko, sa direksyon ng entrance.
Napansin kong agad na nagsalubong ang mga kilay ni Cassian habang nakatingin sa babaeng nasa may pintuan. Pagkatapos, mabilis siyang napatingin sa akin.
“Ate?” mahinang tanong ni Kate.
“K-Kate?”
Isang boses mula sa likuran ko ang nagpatindig ng balahibo ko.
Sobrang pamilyar ng boses na iyon.
Unti-unti akong nanigas sa kinauupuan ko dahil sa pamilyar na boses.
I didn’t need to turn around to know who it was. The reactions of my friends were more than enough to confirm my suspicion.
My heart pounding with a mixture of nerves and anticipation, I slowly turned around, finally ready to see her for myself.
At doon ko siya nakita.
Ang babaeng matagal ko nang gustong makita ay nasa harapan ko na makalipas ang tatlong taon.
Umiiyak siya habang mahigpit na yakap ang kapatid. May dalawang lalaking nakaalalay sa kanya, si Darwin at…
Napako ang tingin ko sa isa pa.
Ang lalaking niyakap niya tatlong taon na ang nakalipas. Tama. Siya yung lalaking niyakap ni Kael, three years ago.
Unti-unting nawala ang excitement na kanina lamang ay bumabalot sa akin.
“Dude…” mahinang tanong ni Kurt sa tabi ko. “Siya ba ’yung sinasabi mong lalaking nakita mong niyakap niya three years ago?”
Napalunok ako.
“Yeah.”
“Wow. Going strong–aray!”
Napahawak sa tagiliran niya si Gav nang bigla siyang sikmuraan ni Rio gamit ang likod ng kanyang palad.
“Wala ka na naman sa hulog,” singhal ni Rio. “Manahimik ka na lang. Hindi naman kailangan ng opinion dito.”
“Tsk. Sabi ko nga.”
Hindi ako makagalaw.
Gusto kong tumayo. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya. Gusto kong yakapin siya at sabihin kung gaano ko siya katagal hinintay.
But I remained in my seat.
It was as though something unseen was holding me back, keeping me from making even the slightest move.
Maya-maya, marahang tinapik ni Cassian ang balikat ko bago siya tumayo at lumakad palapit sa kanila.
“Ikaw pala ang tinutukoy niyang kapatid, Kael?” mahinahon na tanong ni Cassian.
Ngumiti si Kael.
“Salamat, Cassian, sa pagkupkop mo sa kapatid ko.”
“Wala ’yon. Pero akala ko nasa ibang bansa kayo?”
“Kababalik lang namin kahapon,” sagot ni Darwin. “Gusto lang talaga ni Kael na hanapin muna ang kapatid niya.”
“Ah, gano’n ba.” Bahagyang tumango si Cassian. “Akala ko ’yung nanay n’yo ang naghahanap sa kanya. Nakiusap pa nga siya sa akin na huwag ko raw siyang ibalik kung nanay n’yo ang susundo sa kanya rito.”
“Malabong maghanap ’yon,” malamig na sagot ni Kael. “Pero salamat ulit, Cassian. At sa inyong lahat.”
Tiningnan niya kami isa-isa. Pero parang saglit lang na dumaan ang tingin niya sa akin.
Pero sapat na para maramdaman kong parang may kung anong humigpit sa dibdib ko.
Napansin ko rin si Darwin na tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
“Babalik na ba kayo sa ibang bansa?” tanong muli ni Cassian. “Isasama nyo na si Kate?”
“May aasikasuhin pa sila ng fiancé niya bago kami magsibalikan,” sagot ni Darwin.
“Fiancé?”
Sabay-sabay, ngunit mahinang ulit ng mga kaibigan ko.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
Fiancé?
“Fiancé?” ulit ni Cassian, tila hindi rin makapaniwala.
“Oo.” Tumango si Darwin. “Oo nga pala, kaibigan ko, si Wystan. Fiancé ni Kael.”
“O-oh…” Bahagyang napatigil si Cassian bago iniabot ang kamay niya sa lalaki. “Nice to meet you, bro.”
Ngumiti naman ang lalaki.
“Nice to meet you.”
“Sige, Cassian. Mauuna na kami. Maraming salamat ulit.”
“Sige lang. Ingat kayo at congrats.”
Ngumiti lamang ang mga ito bago tuluyang tumalikod.
Hindi ko na napansin kung ano ang pinag-uusapan nina Cassian at Kate bago sila umalis.
Hindi ko na rin marinig ang paligid.
Nakatitig lang ako kay Kael at sa lalaking katabi niya.
Sa kamay nitong tila sanay na sanay nang nakapulupot sa baywang niya habang sabay silang naglalakad palayo.
Hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko.
Tatlong taon.
Tatlong taon akong naghintay na makita siyang muli.
“That should be me holding your hand! That should be me-ouch!”
Napangiwi si Gav nang muli na naman siyang tamaan kay Rio.
“Grabe! Nakakailan ka na, ha!”
“Masakit na nga, nilagyan mo pa ng background music!” singhal ni Rio. “Ba’t hindi mo pa binigti na lang sana ’yang isang ’yan?”
“Pwede na ba akong mag-inom, Cassian?” tanong ko.
Halos pahiga na ako sa sofa, nakapikit habang nakasandal ang ulo ko sa sandalan.
Agad na natahimik ang lahat. Ilang segundong walang nagsalita bago tuluyang sumagot si Cassian.
“S-sige lang. Libre ko na.”
“Yown!” agad na singit ni Gav, muling bumalik ang ngisi. “Sana araw-araw may brokenhearted dito!”
Hindi niya man lang inalintana ang masamang tinging ipinukol sa kanya ni Rio.
Fiancé?
Mapait akong natawa sa sarili ko.
Tangina.
Ano pang laban ko kung fiancé na niya ’yon?
Tatlong taon akong naghintay.
For three years, I held on to the hope that maybe, someday, I would see her again… that perhaps there was still a chance for us.
But now, it took only a single word to shatter everything I had spent all those years hoping for.
Fiancé.
Mapapakanta ka na lang talaga ng…
How can I move on when I’m still in love with you?
~
The man who can’t be move ang atake ko for three fucking years.
Napapikit ako nang mariin.
Damn.
Fate really knows how to play, huh?
At sa pagkakataong ’to, wala akong ibang masabi kundi-
That fucking hurts, man.
Chapter 45
Days have passed, but the pain I felt that day is still here.
But what can I do? Nothing.
The best thing I can do is be happy for her.
I know how hard it is-to be genuinely happy for someone you’ve loved for years when they’re already happy in someone else’s arms. Dahil lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong walang pait, walang kirot.
Dahil meron.
Meron pa rin. At hindi ko alam kung mawawala pa ba ito.
Siguro, oo.
Kung sisimulan kong tanggapin na wala na talagang pag-asa. Kung matututuhan kong tanggapin na tapos na at magsisimula na ulit ako sa buhay na parang dumaan lang siya sandali sa isang chapter ng buhay ko… isang chapter na minsan kong pinangarap na hindi matapos.
That’s when I made my decision.
To start dating someone.
Because staying behind for someone who was never waiting for you is a kind of torture no one sees. Walang bakas sa balat, walang sugat na kayang ipakita, pero bawat paghihintay ay may kirot na unti-unting kumakain sa iyo.
Waiting for someone who never asked you to wait is a foolish thing to do when the love has always been one-sided.
And maybe, it’s time I stopped waiting.
Not just for her, but for myself… to finally give myself a chance to be happy after all these years.
Tiningnan ko muli ang aking sarili sa salamin ng sasakyan at isinuot ang Ray-Ban bago tuluyang lumabas.
Napatingin pa ako sa kabuuan ng restaurant na napili ng ka-date ko para sa araw na iyon.
It’s not my first time here.
Hindi ko alam kung bakit paborito itong tagpuan ng mga nakaka-date ko. Wala namang duda pagdating sa pagkain dahil pang-high-class naman talaga ang restaurant na ito. Kaya lang, aminado akong nauumay na rin ako.
Pero ayoko namang pangunahan ang mga babae sa gusto nilang restaurant para sa first date namin, kaya… I’m here again.
Same place. Different person.
But this will officially be my first date after finally accepting that we’re really over.
Or maybe that it’s over for me.
Either way, this is where I choose to start again.
What I hate most about dating? Waiting alone for minutes or sometimes even an hour at a table for someone who isn’t even sure if they’re going to show up.
But, to my surprise, the woman I was supposed to meet was already waiting at our table ten minutes before our agreed time.
At ngayon lang nangyari sa akin ’to.
Parang… nakakahiya pala kapag ikaw naman ang nahuhuli. Tsk.
“I’m sorry. Have you been waiting long?” I asked, genuinely concerned as I approached the woman waiting at our table.
Agad siyang tumayo para bumati sa akin nang mapansin niya ako.
She smiled. “No. Kararating ko lang din.”
“Oh, really?” Napatingin ako sa relo ko bago bahagyang ngumiti. “Buti naman. Sige, upo ka na.”
The first thing I noticed was the dress.
White, simple, and elegant. It fell just above her knees, with sheer, long sleeves that softened the look and a wide bow tied delicately across her chest. The off-the-shoulder neckline left her collarbones bare, while the fitted waist gave the dress a graceful silhouette without appearing too contrived.
Her long brown hair fell loosely down her back, half of it pulled away from her face with a small white flower tucked into it. Even her shoes and handbag matched the simplicity of her dress.
And I admit it. She looked… pretty.
Not the kind of pretty that demanded attention. The kind that made you look twice without realizing you had.
Izel Mirren Montclaire, twenty-four, the youngest of the three Montclaire siblings.
Ibinigay sa akin ni Mommy ang lahat ng impormasyong kailangan kong malaman tungkol sa kanya. And I know her parents did the same.
Ganito nila i-set up ang kanilang mga anak: ipinakikilala sa mga anak ng kanilang mga business partners, hoping that something more than a simple arrangement might come out of it.
We talked about all sorts of things while eating. Akala ko noong una ay tahimik siya at mahiyain. Pero nang tila naging komportable na siya sa presensya ko, nagsimula na siyang makipag-usap na para bang matagal na kaming magkakilala.
And honestly, ngayon lang ako hindi na-bored sa isang date.
Iba siya sa mga naka-date ko before. Kadalasan, umiikot lang sa sarili namin ang mga napag-uusapan… work, family, achievements, at kung anu-ano pang mabababaw na bagay. Pero itong ka-date ko, mukhang maraming kuwentong baon.
She had stories about almost everything. And somehow, I found myself genuinely listening.
Hindi ko na namalayan kung kailan kami parehong naging komportable sa isa’t isa. One moment, we were simply talking; the next, pareho na kaming nagtatawanan na para bang matagal na talaga kaming magkakilala.
“Wait. Hindi ba solong anak ka?” Maya-maya’y tanong niya.
“Oo. Bakit?”
“Hindi ka ba bored na ikaw lang? I mean, wala kang kukulitin, iinisin, o kaaway sa bahay n’yo noon?”
Bahagya akong natawa. Oo, dati, madalas kong hinahangad na sana ay magkaroon ako ng kapatid-isang makakausap, makakasama, at makukulit kapag bored ako.
Pero nang makilala ko ’yong apat?
Parang nagsisi ako na minsan kong hiniling iyon. Tsk.
“Uh? Bakit ka natatawa sa tanong ko?”
“H-ha? Wala.” Umiling ako, pinipigilan ang sarili kong ngumiti. “Naalala ko lang na minsan akong nangarap na magkaroon ng kapatid. Kaya lang, noong nabigyan ako, hindi lang isa, kundi apat pa, parang nagsisi ako bigla.”
Nagsalubong ang kanyang mga kilay at natigil sa pag-inom. “Ha? May kapatid ka? Apat? Akala ko only child ka?”
“Hindi naman literal na kapatid.” Napangiti ako habang naaalala ang apat kong kaibigang matagal ko nang itinuturing na pamilya. “I mean, hindi sila biological siblings. Mga kaibigan ko sila na para ko na ring mga kapatid.”
Napailing ako, may bahagyang ngiti sa labi.
“Believe me, minsan mas gugustuhin ko pang maging only child ulit kaysa makipagtalo sa apat na ’yon.” Tsk.
“Oh… really? Ang saya n’yo siguro kapag magkakasama.”
“Hindi ko rin sure, eh.”
“Huh?”
Natawa ako. “Wala. Huwag na nating pag-usapan ang mga mokong na ’yon. Wala namang importanteng pag-uusapan tungkol sa mga ’yon.”
Natawa rin siya sa sinabi ko. “Typical siblings-coded, indeed. I feel you.”
Pagkatapos naming kumain at makapagpahinga nang kaunti, napagpasyahan ko na rin siyang ihatid pauwi.
Nagtatawanan pa rin kami habang naglalakad papunta sa pinto.
Pero habang papalapit kami sa exit, unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
Napatigil ang mga paa ko.
Ang bawat paghakbang ay biglang bumigat, hanggang sa tuluyan akong bumagal.
Dahil sa table na malapit lamang sa pinto ng restaurant, may isang taong agad na nakakuha ng atensyon ko.
At sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.
Kael … and her fiancé.
Nakatingin na siya sa akin, para bang kanina pa niya ako napansin o kanina pa niya ako pinagmamasdan mula sa kinauupuan niya.
Fuck.
Is this how destiny plays with my feelings? Just when I was finally trying to move on with my life, our paths crossed again.
For what?
Para saktan na naman ako? To remind me of what I lost?
Pilit kong ibinalik ang sarili ko sa huwisyo at inalis ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko na hinintay pang magtagpo ulit ang mga mata namin. Sa halip, ibinaling ko ang atensyon ko sa kasama ko.
Pagdating namin sa sasakyan, agad ko itong pinagbuksan ng pinto at inalalayan na makapasok bago ako umikot sa kabilang side at pumunta sa driver’s seat.
Pero nang makaupo na ako, natigilan na naman ako.
Napatingin muli ako sa direksyon niya.
She was looking in my direction, pero hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nasa mga mata niya. My car was heavily tinted, so she had no way of knowing that I was sitting inside, looking at her too.
At sa pagitan ng madilim na salamin ng kotse at ng distansyang naghihiwalay sa amin, ilang segundo lang kaming parehong nanatiling nakatingin.
Parehong pinanonood ang isa’t isa mula sa malayo.
“Is she… your ex?” maingat na tanong ni Izel, dahilan para tuluyan akong matauhan.
“H-ha?”
“Napansin ko kasi ’yung tinginan n’yo sa isa’t isa kanina sa loob.” Sandali siyang nag-isip bago bahagyang ngumiti. “It was like… what would I call that? Hmm… yearning?”
Mapait akong natawa.
“Tss. That’s impossible on her side.”
“Huh? What do you mean?”
Isinuot ko ang seatbelt ko at ganoon din naman ang ginawa niya.
“It was one-sided love.” Bahagya akong napabuntong-hininga. “Though I don’t regret it. I was the happiest version of myself whenever I was with her back then. I just didn’t know I was going to fall this hard…”
Napahinto ako sandali, pilit nilulunok ang bigat na muling sumiksik sa dibdib ko.
“And I was fully aware that, one day, she would never catch me.”
Hindi na siya nakasagot. At wala na rin naman akong ibang sinabi.
Bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan, isang huling sulyap ang ibinigay ko kay Kael.
No.
This will be the last time I watch her from afar. After I leave this place, I won’t look back anymore.
I won’t chase her.
Because she’s finally found someone.
And I have to be happy for her.
I must be.

