WRS: When She Gratified the Sinner [Completed]
ice-freeze · 34 chapters · 65,775 words
When She Gratified the Sinner
“Wrecked by pain, tainted by hate, walked through the fire, but redemption flared and fiercer they came.”
**
A woman with ambitions, goals, and perseverance—that’s Shan Kassidy Alvarez. Wala siyang ibang hiling sa buhay kung hindi ang mapabuti ang lagay ng kaniyang pamilya, kahit pa hindi naman nakikita ng mga ito ang bawat sakripisyong ginagawa niya.
Shan never knew she was living a constricted life until she met Zeev Alejandro Arcanghel. Binago nito ang pananaw niya sa buhay. Zeev became her breather and escape. He breathed freedom into her life. He made her feel so many things she never knew she could feel.
But little did she know… he would also be her greatest downfall and worst nightmare.
Shan got pregnant—and when she’s about to confront Zeev about it, she found out that she meant nothing to him. Para sa lalaki, isa lamang siyang laro, side chick, other woman-someone who would sate and satisfy his carnal urges. Shan’s world crumbled beneath her feet. She lost herself when all she ever did was love him.
Nang malaman ng ama ni Shan na isa na siyang disgrasyada sa edad na disiotso, lahat ng masasakit na salita ay ibinato nito sa kaniya. Tinanggap iyon lahat ni Shan-maski ang pamimisikal nito. She’s the one to blame. She gratified the sinner without knowing his real motive. Pero ang nakakatawa, mahal na mahal pa rin niya si Zeev.
Lumipas ang taon, gusto lamang ni Shan na palakihin nang maayos ang anak, ngunit paulit-ulit na ibinabalik ng kaniyang ama ang naging kasalanan niya at pilit pang inilalayo sa kaniya ang sarili niyang anak.
Paano kung totoong bumalik ang kasalanan ng nakaraan, maging ang taong inakala niya’y nilimot na ng panahon? Paano niya mapu-protektahan ang munting puso ng kaniyang anak na hindi masaktan? Paano siya makakaahon?
▪︎▪︎
Trigger Warning: This preceding novel contains multiple forms of trauma, including intergenerational trauma, sexual assault, and issues on mental health.
The following story contains mature situations/themes and is intended for an older youth audience. The opinions expressed here do not necessarily reflect the views of author. Reader’s discretion is advised.
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
▪︎▪︎
Wrecked Reality Series is a collaboration between the following authors/writers:
When She Gratified the Sinner
Ice_Freeze
When She Embraced Hell
TheMargauxDy
When She Craved for Sire
thexwhys
When He Caught the Wave
Lena0209
When She was Torn by the Thorns
Vampiriaxx
When She was Gone by the Wind
LegendArie
When She Played with Fire
- PrincessThirteen00
**
PROLOGUE
M
ALAKAS na sampal ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa pintuan ng bahay namin.
“Saan ka na naman nanggaling? Nagpakaputa ka na naman?” Hindi ako agad nakahuma dahil sa lakas ng sampal na natanggap ko.
“H-Hindi po, Tay. May inasikaso lang po ako-”
Ano? Masaya ka na? Masaya kang kinakaladkad mo na naman ang apelyido ko sa kahihiyan? ’Tang ina mo! Matanda kang walang pinagkatandaan!“ galit na galit na wika ni Tatay sa akin.
Hindi ako makapanglaban. Mas pinili ko na lamang umiyak. Kasalanan ko-alam kong kasalanan ko kaya ko nararanasan ngayon ang bagay na ito.
“A-Aakyat na po ako-” Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil hinatak niya ang buhok ko kaya’t pabalagbag akong napasandal sa pinto. Ramdam ko ang sakit ng likod ko, ngunit mas nananaig ang sakit na nasa dibdib ko.
Anim na taon. Anim na taon na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nila ako napapatawad. Hindi pa rin nabubura sa kanila ang kasalanang ginawa ko noon. Sa tuwing may mangyayaring hindi maganda, sa akin ang bato ng sisi, sa akin ang bato ng masasakit na salita.
“PUNYETA KANG DISGRASYADA KA! ANG LAKAS NG LOOB MONG UMALEMBONG, AT TALAGANG SA ANAK PA NG KAPITAN! HINDI MO NA ’KO BINIGYAN NG KAHIHIYAN!” sigaw niya sa akin. Nakainom na naman siya, at siguradong sa inuman na naman niya narinig ang mga salitang ibinabato niya sa akin ngayon.
“Tay, hindi po ako lumalandi at mas lalong hindi ko po kilala ang anak ni kapitan. May tinapos po kaming report sa school kaya ngayon lang ako-” Isang sampal na naman ang natanggap ko na nagpahinto sa akin sa pagsasalita.
“MAGDADAHILAN KA PA! PALAMUNIN PA KITA, BABAE! HANGGA’T NASA PODER KITA, SUSUNDIN MO ’KO! HANGGA’T NASA PODER KITA, HINDI AKO ANG SUSUNOD SA’YO!” aniya saka muli na naman niya akong sinampal at doon ko na nalasahan ang dugo mula sa labi ko.
Namamanhid na ako sa sakit. Namamanhid na ako sa talim ng bawat salita. Gusto kong sumagot. Gusto kong magbato ng sumbat, pero hindi ko magawa… mahina ako.
“LUMAYAS KA SA PANINGIN KO AT BAKA MAPATAY PA KITANG MALANDI KA!” Wala na akong sinayang na pagkakataon. Agad akong umakyat sa silid namin ng kapatid kong si Sharry.
“Ate? Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Sharry nang maramdaman niya ang pagpasok ko.
Nginitian ko siya saka ako tumango. “Oo naman. ’Di ba, lagi kong sinasabi sa’yo mas matatag na ngayon ang ate?” sagot ko saka ko kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko mula sa pag-iyak. “Kaya, Shar, ’wag gagaya kay ate, ha? Mag-aral ka nang mabuti. Saka ka na mag-boyfriend kapag alam mong kaya mo na. Tignan mo ’tong nangyari sa akin. Ni hindi ko man lang makasama si Keev,” dagdag ko pa saka ako lumunok. Sa tuwing maaalala ko ang anak ko, parang may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko.
Kinuha ko ang wallet ko at tumungo sa banyo. Inilabas ko ang larawan ng anak ko at doon na rumagasa ang mga luha ko. Sa tuwinang nararamdaman ko na nanghihina ako, pinagmamasdan ko lamang ang larawan niya upang makahugot ako ng lakas na magpatuloy. Siya lang ang meron ako… siya lang ang natatanging masasabi kong akin.
Anak, pasensya na kung hindi malakas ang Mama, ha? Pasensya ka na kung hindi kita magawang ipaglaban sa kanila. Natatakot kasi ang Mama na baka pati ikaw saktan ka nila. Konting panahon na lang, anak, hintayin mo ang Mama. Mahal na mahal kita.
Keev Aldreen Alvarez is my life-my whole world. He’s my strength. Sukong-suko na ako sa buhay ko, pero dahil may anak akong kailangan kong protektahan, pinipilit ko pa rin na magpatuloy… kahit ang sakit-sakit na… kahit sobra na… para sa kaniya, lahat pagtitiisan ko, lahat kakayanin ko. Kahit kalayaan ko, isasakripisyo ko.
Nag-ayos ako ng sarili ko saka ako muling bumalik sa silid namin ni Sharry. Nagpalit ako ng damit at nakita kong nakalingon na pala siya sa akin.
“Ate, namumula na naman ’yang likod mo. Gusto mo bang pahiran ko ng ointment?” tanong niya sa akin ngunit ngumiti lamang ako saka ako umiling.
“Magluluto na muna ako ng hapunan. Nakabalik na ba ang kuya Seph?” tanong ko sa kaniya ngunit umiling siya sa akin.
“Ate, bakit gano’n, ’no? Akala natin perfect couple na si kuya Seph at ate Rina pero naghiwalay pa rin sila,” aniya sa akin.
“Kasi Shar, hindi naman nang lahat ng inaakala nating nasa ayos, iyon na talaga sila-”
“Gaya ba ate noong nakikita kitang ngumingiti sa iba, tapos biglang nahuli kita sa banyo na magbibigti sana pero buti napigilan kita?” Nabakas ko ang lungkot sa tinig ni Sharry kaya’t mgumiti ako sa kaniya ng mapait at bahagya kong ginulo ang buhok niya.
“Habang-buhay kong tatanawin na utang na loob sa ’yo ’yon, Shar, kahit pa ang bata mo pa noon para masaksihan ’yon. Kung wala ka noon, baka wala na kami ni Keev ngayon,” wika ko sa kaniya.
“Mahal kita, ate. Kahit minsan hindi kita maipagtanggol sa Nanay at Tatay, gusto ko lang malaman mo na mahal ko kayo ni Keev. Kahit na eighteen pa lang ako, lagi lang akong nandito para sa ’yo, ate,” aniya at biglang tumayo sa kinauupuan niya at yumakap sa akin.
Ginantihan ko siya ng yakap saka ko siya hinalikan sa noo. “O’siya, huwag na tayong magdrama. Magagalit lang si Tatay lalo kapag hindi pa ’ko nakapagluto,” wika ko sa kaniya saka na ako nagpasya na tumungo sa kusina.
Habang naghihiwa ako ng mga gulay ay hindi mo maiwasan na maisip ang mga bagay-bagay. Gaya na lang kung bakit hindi pa rin ako makaalis sa bahay na ito, kung bakit hindi ko pa rin makuha ang anak ko, kung bakit nananatili pa rin akong mahina, kung bakit tinitiis ko pa rin ang lahat.
Hindi kami mayaman na pamilya. Lumaki ako na napaka-istrikto ng Nanay at Tatay ko sa aming tatlong magkakapatid. Mananahi si Nanay, magsasaka naman ang Tatay. Ayaw ko man aminin, pero sa aming tatlo, paborito nina Nanay at Tatay ang kuya Seph dahil siya ang pinakamatalino, siya ang magaling sa larangan ng sports, siya ang nagpapaulan sa kanila ng mga medalya at parangal. Suki si kuya Seph ng mga contest sa eskwelahan nang nag-aaral pa siya. Sinusuportahan din naman kami ni Sharry nina Tatay at Nanay pero hindi kasing tutok ng suporta nila kay kuya Seph.
Minsan kong sinubukan lumaban sa pampalakasan, pero sinabi nilang itigil ko dahil hindi naman ako kasing galing ng kuya ko. Naniwala akong hindi ko kaya, dahil sinabi nilang hindi ko kaya. Hindi ako matalino, pero masipag akong mag-aral. Nawawalan lang ako ng oportunidad, dahil madalas kung hindi kami kapos-naitustos na nila sa mga kailangan ni kuya Seph ang para sana sa akin.
Hindi ako kailanman nakaramdam ng inis, galit o panibugho sa kuya ko, dahil para sa akin, basta napapasaya niya ang Nanay at Tatay, masaya na rin ako.
Tig-anim na taon ang pagitan naming magkakapatid. Twenty-four na ako ngayon, eighteen si Sharry, at thirty na si kuya Seph. Marami na ang nangyari pero nandito pa rin ako sa poder nila. Hindi ko man mahanap ang kongkretong dahilan, siguro dahil sila ang pamilya ko. Pamilya pa rin ang uuwian natin kahit na gaano kagulo.
Naabutan ako ni Nanay na naghahain na ng pagkain sa may mesa.
“Nay, kain na po-”
“Kailan mo balak magbigay sa tita Divine mo ng pangdagdag sa panggastos ng anak mo?” putol niya sa akin saka siya naupo.
“Nay, hindi pa rin po ba natin pwedeng kuhanin si Keev-”
“Kaya mo ba? Sarili mo nga hindi mo maayos, iuuwi mo pa ang anak mo? Mag-isip ka, huwag kang makasarili. Hindi ka na nga nakakatulong, magdadagdag ka pa ng palamunin,” anito sa akin at hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko. Paulit-ulit… Paulit-ulit nilang ipinamumukha sa akin na wala akong silbi.
Kinuha ko ang bag ko na nakasabit sa gilid ng pinto at kumuha ng kaunting naipon ko saka ko iyon iniabot kay Nanay.
“Idagdag n’yo po muna sa pambili ng bigas. Ako na lang po ang kakausap kay tita Divine sa ibibigay ko para kay Keev kapag lumabas na po ’yong sweldo ko sa pagiging student assistant at part time, para madalaw ko rin po ang anak ko,” wika ko at tinanguan lamang ako nito. “Tatawagin ko lang po ang Tatay-”
“Tulog na sa kalasingan ’yon. Si Sharry na lang ang tawagin mo,” putol niya sa akin.
Sinunod ko siya at tinawag ko si Sharry para kumain na. Agad naman sumunod ang kapatid ko at tumabi kay Nanay.
“Ate, ikaw, hindi ka ba kakain?” tanong ni Sharry sa akin.
“Hindi na, Shar. Nag-takeout kasi si Ma’am Nocom, kinain ko na sa jeep kaninang papauwi ako-”
“Tignan mo ’yang kadupangan mo. Sa jeep mo kinain dahil ayaw mo talagang mamigay,” sabat ni Nanay na ikinatahimik ko.
“Nay, baka gutom lang talaga si ate-”
“Hindi ka kausap! Itigil mo ’yang pakikialam mo,” sita niya kay Sharry kaya’t tinignan ko si Sharry at bahagya akong umiling na para bang sinasabi ko na huwag na siyang sumagot.
Tumalikod na lang ako at kinuha ang iilan kong nakasampay na damit saka ito isa-isang itinupi bago inilagay sa may, may kalakihan kong bag. “Saan ang punta mo? Bakit nag-aayos ka ng mga damit sa malaking bag mo? Lalayas ka na?” tanong ni Nanay na mukhang tapos nang kumain.
“May pupuntahan lang po akong camp para sa survey questionnaire ni Ma’am Nocom. Mga ilang araw po ako roon-”
“Pa’no ’yong part time mo sa jollibee? Paano ’yong kitaan mo r’yan? Siguraduhin mo lang na trabaho ’yan at talagang kikita ka, Shan. Kapag nalaman kong buntis ka na naman, palalayasin na kita!” singhal niya sa akin saka siya nagtuloy sa labas ng bahay.
Ipininid ko lamang ang mga labi ko. Hindi ako pwedeng maging bastos, hindi ako pwedeng masaktan. Kahit gaano ako saktan ng mundo, wala akong pwedeng gawin kung hindi ang maging matatag, dahil may anak ako na umaasa sa akin.
Umakyat ako sa silid ko at nakita ko ang brochure ng camp na pupuntahan ko.
Redemption Island.
Napangiti ako ng mapait nang mabasa ko ang nakasulat na iyon. Kung sana ganoon lang kadaling maibalik ang lahat- iyong sarili ko na nawala nang mahalin ko siya, iyong ako na puno ng buhay, iyong ako na puno ng pag-asa. Dahil ngayon ubos na ’ko… halos wala na akong maramdaman… wala nang natira sa akin. Masakit man pakinggan, ngunit iyon ang katotohan. We keep losing ourselves for others. How I wish we could easily redeem ourselves back after we lost it, kaso hindi. Life doesn’t work that way.
Ang tanga ko kasi. Kasalanan ko- Sarili ko lang ang pwede kong sisihin. These are all the consequences. . .
WHEN I GRATIFIED THE SINNER.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 1
SHAN
EXCITED akong pumasok sa unang klase ko. Gustong-gusto ko talaga ang kurso kong ito dahil bukod sa mahilig akong mag-obserba ng mga tao, pakiramdam ko pa ay ang tali-talino ko kahit pa ang totoo ay masipag lang naman akong mag-aral.
“Cyst!” sigaw sa akin ni Mikmik—kaibigan ko. Tumakbo ako papalapit sa kanila at nakita ko si Dash na masama na naman ang tingin sa akin.
“Hoy, Michael Angelo Bermudez, lagyan mo nga ng lipstick ang losyang na ’yan. Mukha na namang hihimlay sa kabaong sa pagkaputla ang gaga,” ani Dash at dali-dali naman na may inilabas na lipstick si Mikmik mula sa bag niya at agad akong pinahiran sa mga labi ko, bago siya muling bumaling kay Dash at nameywang dito. “Hoy, Dashinel Jaramillo, sinabi ko nang huwag mo ’kong tinatawag sa buo kong pangalan! Nakakadiri! Nakakasuka, girl! Para akong myembro ng ninja turtles, samantalang pang-powerpufff girls ang ganda ko!” angil ni Mikmik sa kaniya. “Wala akong pake! Tara na doon sa open auditorium. May pa kinemeng orientation pa, akala mo naman ikagaganda natin ’yon. Mabuti sana kung makeup tutorial, e,” inis na wika ni Dash saka niya kami hinatak ni Mikmik. Mag-aanim na buwan ko na rin na kaibigan ang dalawang ito. Si Mikmik, bakla siya, pero hindi siya nagko-cross dress at makeup. Nagdadala lamang siya ng mga pampalantong para ayusan kami ni Dash. Guwapo si Mikmik, maganda ang mapungay niyang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang maliliit niyang mga labi. Maraming nagkakagusto sa kaniya pero lagi niyang sinasagot na pareho raw ang bet nila. Si Dash naman ay parang ate kung umasta. Strong ang personality niya, maganda siya, mayaman, at higit sa lahat akala mo modelo sa ganda ng katawan. Matagal na raw silang magkaibigan ni Mikmik simula pa highschool sila. Silang dalawa lang ang kumausap at kumaibigan sa akin noong magsimula ang klase. Magkaka-edad kami—disiotso, at talaga namang napakabait nila sa akin. Narating namin ang auditorium at nagsisimula na ang career orientation. Maraming mga estudyante ang narito kaya’t hinila ako nitong dalawa sa pinakaunahan. Siga talaga sila kahit na kailan. Naupo na kami at nagsimulang makinig. Naaaliw ako sa minsang pagjo-joke ng speaker na animo inaalis niya ang boredom ng mga estudyante. . . nang makuha n’ong isang lalaki ang atensyon ko. Naroon siya sa tabi ng nagsasalita at mukhang siya ang nag-aasikaso ng naka-flash sa screen na powerpoint presentation. Napalingon siya sa gawi ko at nagkatinginan kami kaya’t agad akong nagbaba ng tingin. “Ay, wafu!” dinig kong wika ni Mikmik at mukhang doon din siya sa lalaki nakatingin. “Tamang pantasya lang, cyst. Kasi kahit tumuwad ka sa harap niyan, hindi ka papatulan niyan,” pambabara sa kaniya ni Dash. “Gaga, hindi para sa akin. Para rito kay Shan!” banat niya naman kay Dash na ikinagulat ko. “A–Anong ako?” utal na tanong ko. “Halatang na crush-at-first-sight ka, cyst. Huwag mo nang i-deny,” bulong ni Mikmik sa akin at naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. “May tanong ba kayo?” dinig kong wika ng speaker. Nagulat na lamang ako nang biglang magtaas ng kamay si Mikmik kaya’t nakuha niya ang atensyon ng speaker. “Yes, Mister. . .?” “Miss po ako, Sir,” pagtatama ni Mikmik na ikinatawa ng ibang estudyante. “Oh, sorry. Ano pong tanong n’yo?” anang speaker habang nakangiti. “Ano raw pong pangalan niyang nakaupo sa harap ng laptop, pinatatanong po ng kaibigan ko,” aniya at nanlaki ng literal ang mata ko sa sobrang gulat. Napakalakas na rin nang tibok ng dibdib ko na animo mas nangingibabaw sa tainga ko ang tunog. “Ah, si Zeev?” anang speaker saka bumaling doon sa lalake. “Zeev, magpakilala ka naman sa kanila.” Tumayo ang lalaki at kinuha ang mic sa speaker saka ito naglakad papalapit sa amin. Napatulala ako sa kaniya—at sa bawat paghakbang niya, papalakas nang papalakas at papabilis nang papabilis ang tibok ng puso ko. Sobrang guwapo niya. Matangkad siya na tipong hanggang dibdib lang ako sa height kong 5’7, nakakaakit ang mga mata niya na animo laging inaantok dahil sa pagkapungay, matangos ang ilong niya na bagay na bagay sa maninipis niyang nakatimid na mga labi. Nakataas din ang buhok niya na animo pinahiran ng madaming wax na bumagay sa suot niyang plane na white shirt at maong pants. Nang nasa harap ko na siya ay bigla akong napalunok ng laway. “Cyst, sarap na sarap? Gutom na gutom? Uhaw na uhaw?” dinig kong pabulong na kantiyaw sa akin ni Mikmik. “Hi. I’m Zeev Alejandro Arcanghel, Zeev for short,” aniya at naglatag pa ng kamay sa harap ko. Narinig ko ang tilian ng mga estudyante rito sa auditorium kaya’t hindi ko alam kung aabutin ko ba ang kamay niya o hindi. “Abutin mo ’yan, girl, o ako’ng sasagpang diyan,” dinig kong pang-aasar ni Dash kaya’t mabilis kong inabot ang kamay niya. “S–Shan. . . Shan Kassidy Alvarez,” wika ko at akmang babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya rito. Kinabig niya ako ng bahagya saka niya iniumang ang mga labi niya sa punong tainga ko. “Meet me later around 1pm at your department’s library. You’re a psychology major, right? I want to know you better,” bulong niya sa akin at gulat na gulat talaga ako. Hindi ko alam ang iaakto ko! Nang makabawi ako ay wala na siya sa harap ko at mapang-asar na ngisi ni Mikmik ang sumalubong sa akin. “B–Bakit?” “Na-inlove na nga yata ang gaga,” ani Dash saka na ako hinatak palabas ng auditorium.
NAKAUPO kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyang kumakain ng tanghalian.
“Aroooy! Talande ang bruha! Hindi makakain! Nabusog na yata sa sightseeing!” pang-aasar ni Mikmik sa akin. Hindi ko kasi nagagalaw ang pagkain ko kanina pa.
“Tipikal na playboy ang datingan n’ong Zeev na ‘yon,” sabat naman ni Dash habang patuloy na kumakain. “Sus! Baka type mo rin, ah? Tatampalin kita. May girls’ code tayo!” ani Mikmik. “Gaga! Hindi ko type ’yon! Hindi ako mahilig sa malaki!” sagot ni Dash. “Saan ka mahilig, aber?”
“Sa malaki ang kargada, bakla! Aano ka pa?” pambabara niya kay Mikmik na ikinatawa namin.
“So makikipagkita ka?” tanong ni Mikmik dahil nasabi ko na sa kanila kung anong ibinulong ni Zeev sa akin.
“H–Hindi ko alam,” utal na sagot ko sa kanila at mahinang sapok ang natanggap ko galing kay Dash.
“Gaga! Playboy ’yon—” “Sabi mo lang ’yon. Malay mo hindi naman,” putol sa kaniya ni Mikmik. “G–Ganito na lang,” sabat ko dahil mukhang magtatalo na sila. “Kikitain ko na lang siya tapos kapag negative, hindi na natin siya babanggitin kahit kailan. Wala naman masama kung usap lang,” wika ko at bahagyang napatango-tango si Mikmik samantalang si Dash ay nakakunot ang noo sa akin.
“Hindi ka marupok?” paglilinaw ni Dash kaya ngumiti ako sa kaniya at nag-scout salute pa.
“Hindi po, madam,” sagot ko. “K, fine. Basta kapag hindi maganda ang kakalabasan, phone a friend agad. Okay?” ani Dash at sunud-sunod akong tumango. Natapos kaming kumain at nang mag-one pm na ay sila mismo ang naghatid sa akin sa library. Nang mag-okay sign ako sa kanila ay umalis na sila patungo marahil sa gym dahil may laro ang basketball boys. Saktong papasok na ako sa loob ng library nang bigla na lamang may humatak sa akin at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa bandang tagong parte ng eskwelahan kung saan bibihira ang estudyante.
“Hi. Natakot ba kita?” ani Zeev na siyang humatak sa akin.
“H–Hindi naman. Nagulat lang ako,” sagot ko sa kaniya saka ko binawi ang kamay ko at bahagyang dumistansya. Masyado kasi siyang malapit sa akin.
“How old are you, Shan?” tanong niya sa akin.
“E–Eighteen po,” sagot ko at nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng ngiti niya.
“Interesting. I’m twenty-four, by the way,” aniya at sumandal sa pader na narito. “P–Pasensya ka na sa kaibigan ko, ha? Gano’n lang ’yon pero mabait naman ’yon. Mahilig lang talagang manukso—” “Actually, I liked what he did. It lead us here,” putol niya sa akin saka ako tinitigan. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang, ngunit kahit pa gustuhin kong ibaba ang mga mata ko ay hindi ko magawa dahil sa nakakahalina niyang mga mata. “N–Nag-aaral ka pa ba?” tanong ko kahit pa nauutal ako dahil wala akong maisip na makakapag pababa ng tensyon sa amin. “Nope. Graduate na. Business administration, major in marketing management,” sagot niya sa akin nang nakangiti. Wala na akong maitanong kaya’t napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi ko. Unang beses ko ’tong makipag-usap nang sarilinan sa lalaking. . . natipuhan ko, kaya hindi ko alam ang iaakto ko. “A–Aalis na ’ko. May klase pa ’ko—” “Do you have a boyfriend?” tanong niya kaya’t hindi ko natapos ang sasabihin ko. “W–Wala.” “Good. Puwede pala kitang ligawan.” Nagulantang ako sa narinig kong iyon mula sa kaniya. Para kong namamaligno dahil sa kalituhan. “A–Ano?” Imbes na sumagot ay lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Iniangat niya ang mukha ko kaya’t muling nagtama ang mga mata namin—nang mas malapit. “I want to be frank. I think. . . I like you, Ms. Shan Kassidy Alvarez, and I want to court you,” aniya at naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Para silang naging jellyace na nagpapahirap sa akin na tumayo ng tuwid. Kakaiba rin ang tibok ng puso ko na wari bang lalabas ito ano mang oras. Gusto ko sanang humakbang patalikod ngunit dahil nga tila nangangatog ang mga tuhod ko, napakapit na lamang ako sa kaniya at tila hinatak ko lang siya lalo palapit—kahit hindi naman iyon ang intensyon ko! “H–Hindi ko alam ang isasagot ko,” wika ko na bahagya niyang ikinatawa. “It’s okay, love. This must be your first time entertaining a suitor. Mas lalo kitang nagugustuhan sa pagiging totoo mo,” aniya at binitawan niya ang baba ko at tinulungan niya akong makatayo ng tuwid.
“A–Aalis na talaga ako. M–Male-late ako sa klase ko,” utal-utal na wika ko at saka na ako sana aalis nang hablutin niya ang kamay ko at may inilagay siyang papel doon.
“That’s my number, Shan. Just text me anytime you are ready,” aniya at tuluyan akong umalis. Nanginginig ako pero hindi sa takot. Nanginginig ako at tila hindi ko maipaliwanag ang kakaibang rigidon ng puso ko. Para siyang naghuhurumentado at hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin para tuluyan itong mapakalma. Hindi ako nalalapitan ng mga lalaki kahit noong nasa sekondarya pa ’ko dahil halos karamihan sa kanila ay nangingilag sa kuya ko, kaya ngayon na may ganito, hindi ko alam kung paano ko pakikitunguan ang sitwasyon. Naglalakad na ako patungo sa classroom at nadaan ako sa isang malaking salamin. Napatingin ako roon at nakita ko ang sarili kong repleksyon.
Maputi ako, kahit paano ay masasabi kong maganda ang mukha ko kahit pa maliit ito para sa iba, maganda naman kahit paano ang hubog ng katawan ko. Siguro nga kahit paano ay kagusto-gusto naman ako. Napadako ang tingin ko sa nakakuyom kong kamay at naalala kong bigla ang papel na ibinigay niya. Binuklat ko iyon at nakita ko nga ang numero niya maging ang buo niyang pangalan na nakasulat.
Zeev Alejandro Arcanghel
- 09566802300
Nabasa ko pa lamang ang pangalan niya ay bumalik na naman ang paghuhurumentado ng puso ko.
“That’s my number, Shan. Just text me anytime you are ready.” Tila narinig kong muli ang tinig niya at ang huli niyang sinabi. Muli akong napabaling sa repleksyon ko at hindi ko napigilan na kausapin ang sarili ko.
“Ano nang gagawin mo?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 2
SHAN
KATATAPOS kong magplantsa ng mga damit naming pamasok nina kuya Seph at Sharry nang magdesisyon ako na tumungo sa sala para makausap si Nanay tungkol sa tuition fee ko.
“Nay?” abala ko sa kaniya habang nanonood siya ng telebisyon at nagkakape. Hindi siya nakasabay sa agahan namin kanina dahil may hinahabol siyang tahi na kailangan niyang tapusin.
“Bakit?” tanong niya sa akin saka ako nilingon matapos siyang humigop sa iniinom niyang kape.
“Naalala n’yo po ’yong hiniram n’yo na pambili ng tela na dapat pang-tuition ko na galing kay Mayor? Tatanungin ko lang po sana, Nay, kung kailan ko po puwedeng makuha? Hindi po kasi ako makakapag-exam kapag hindi po ako nakapagbayad—” “Kung singilin kaya kita sa lahat nang kinakain mo? Kung makasingil akala mo sino! Baka kulang pang kabayaran ang buhay mo kapag ako na ang naningil sa ’yo!” putol niya sa akin saka ako padabog na tinalikuran. Napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa isinagot niya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad roon, hindi ko alam kung paano ako makakapag-exam. Nag-ayos na lamang ako at maagang pumasok sa eskwelahan habang nag-iisip kung saang kamay ng Diyos ko kukuhanin ang pang-tuition ko ngayon.
May mga part time naman ako, siguro sasagarin ko na lang muna ang sarili ko sa overtime para makabale.
Nakarating ako sa classroom at naupo saka nagmuni-muni.
“Awow! Mukhang hindi maganda ang umaga ng bruha,” ani Mikmik nang madatnan nila ako.
Lumingon ako sa kanila saka ko sila binigyan ng tipid na ngiti. Naupo na sila ni Dash sa magkabilang-upuan ng kinauupuan ko.
“Bakit ang aga mo at sambakol ’yang pagmumukha mo?” tanong ni Dash sa akin. “May iniisip lang,” tipid na sagot ko na mukhang hindi nila pinaniwalaan. “At ano naman ’yon, aber? Tungkol ba do’n sa playboy?” tanong muli niya. “Ay! Totoo ngang tinamaan ang bruha! Jusmiyo, patawarin!” segunda naman ni Mkmik.
Sinimangutan ko sila saka ako ngumuso. “Ang sabi niya i-text ko siya sa numerong ibinigay niya, pero hindi naman nag-reply,” wika ko at kurot sa tagiliran ang natanggap ko kay Dash. Iyon na lamang din ang sinabi ko kahit na ang tuition ang totoo kong inaalala. Ayaw ko kasing malaman nila Dash at Mikmik ’yon, dahil kakagalitan na naman nila ako.
“Hindi raw marupok ang gaga, pero nai-text na agad-agad at ngayon sambakol ang pagmumukha dahil hindi nireplyan. Oo nga, Shan Kassidy, hindi ka nga marupok!” singhal niya sa akin saka pa niya ako inirapan.
“Hindi naman. Inisip ko lang na baka naghintay siya ng text ko,” depensa ko. “Ano bang itinext mo kasi?” tanong ni Mikmik kaya’t nilabas ko ang telepono ko at pinakita sa kaniya. “Ay, jusmiyo mahabagin! Hi!? Hi lang tapos naghihintay kang ma-replyan?” gigil na wika ni Mikmik saka niya biglang pinindot ang call na naging dahilan ng panlalaki ng mga mata ko.
“H–Hala, Mik! Anong ginagawa mo?” saka ko tinangkang agawin ang telepono ko ngunit bigla na lamang may sumagot sa kabilang linya kaya’t napatigil ako. Nai-loud speaker na pala niya agad.
“Hello. Who’s this?” tanong nito at nang marinig ko ang tinig na iyon ay para na naman akong namamaligno dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko. “Pakshet! Pati talaga ang boses, ang wafu!” bulong ni Mikmik sa akin saka ako tinustusan na sumagot. Umiling ako nang makailang beses pero kapwa nila ako pinandilatan ni Dash ng mata kaya’t napilitan akong magsalita.
“H–Hello. S–Si Shan ’to,” pakilala ko at saglit na namayani ang katahimikan.
“Oh, shit! Ikaw ’yong nag-text kagabi? I’m sorry for not replying, I thought it was a spam message,” aniya at hindi ko na alam ang isasagot ko. Lumingon ako kina Dash at Mikmik at tila ako nagmamakaawa na tulungan nila ako sa isasagot ko.
“Sabihin mo keri lang, hindi ka naman nag-expect, kahit ang totoo may pa-tantrums ka,” bulong na angil sa akin ni Dash.
“A–Ayos lang naman ’yon. Hindi ko rin naman inasahan na re-replyan mo ’ko,” sagot ko sa kaniya.
“Are you available today? Nandito pa naman ako sa vacation house ng Daddy ko. Just a simple date with you sana,” anito at parang nalunok ko ang dila ko sa narinig ko.
Nakita kong mas nauna pang kinilig sa akin si Mikmik. Pinaghahampas niya pa ako sa braso kasabay ng mga impit na pagtili niya.
“A–Ahmm… H–Hindi ko alam, e
—“
“Hanggang anong oras ba ang klase mo?” putol na tanong niya sa akin.
“H–Hanggang two pm,” utal na sagot ko.
“Okay. I’ll be at your school gate before two. I will wait for you. See you,” aniya at hindi na ako hinintay na tumanggi o pumayag dahil maagap na niyang napatay ang tawag.
“Sheeeeeeet! May first date na ang bruha!” kinikilig na wika ni Mikmik at bigla niyang inilabas lahat ng laman ng bag niya. “At dahil diyan, oplan pagandahin si Shan.”
Nakita kong napangiwi si Dash sa inakto ni Mikmik pero sa huli ay tumulong na lamang siya sa pag-aayos sa akin. Sa ilang buwan na kakilala ko si Dash, alam kong magaling siyang mangilatis ng tao kaya nakakaramdam ako ng bahagyang kaba dahil tila hindi niya gusto si Zeev.
NATAPOS ang klase ko at ngayon ay naglalakad na ako patungo sa may gate ng eskwelahan. Nakayuko lamang ako dahil hindi ko talagang ugali na maglakad na animo walang nakikita sa paligid. Nagulat ako nang mabangga ako sa isang tao kaya mas lalo akong napayuko at humingi ng dispensa. “Sorry po. Sorry po—” “Raise your head. Masyado kang maganda para itago mo ’yang mukha mo sa pagyuko,” anang isang tinig na nagbigay na naman nang kakaibang dagundong sa dibdib ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Zeev na nakangiti sa akin. Hindi ko na naman mapigilan ang mapatitig sa kaniya lalo na sa lakas ng dating na isinisigaw ng pormahan niya. He’s wearing a sun glasses, a navy polo shirt and a maong pants. Para siyang artista na parang ang hirap dikitan dahil baka magmukha kang alila.
“Z–Zeev…”
“Ang ganda mo,” he said out of nowhere at naramdaman ko agad ang pag-iinit ng mga pisngi ko. “Posible pala talaga. . .” aniya at saglit na huminto.
“A–Ang alin?” tanong ko.
“Posible pala na mahulog ka ulit sa isang tao kahit nahulog ka na rito,” sagot niya at itinaas niya ang salamin niya sa buhok niya. Bumungad na naman sa akin ang tila inaantok niyang mata maging ang kakaibang emosyon na nababasa ko rito.
“K–Kakakilala lang natin,” sagot ko sa kaniya saka ko itinuon ang mata ko sa ibang parte dahil tila ako hinihikayat ng mga mata niya na gumawa ng mga bagay na hindi ko maintindihan.
“And that’s okay. Kikilalanin kita lalo,” aniya at hindi ko mahanap kung anong isasagot ko. “Don’t be shy, Shan. Sakay ka na,” aniya at may inabot siya sa akin na helmet. “I brought my motorbike. Let’s escape the suffocating world for a while.”
Kinuha ko iyon at isinuot. Naka-skirt ako kaya’t patagilid ang naging pagsakay ko sa moto niya.
“Yumakap ka sa akin,” aniya dahil siguro bahagya akong naglilikot.
“H–Hindi na. D–Dito na lang sa bakal sa likod,” sagot ko ngunit bigla na lamang niyang kinuha ang mga kamay ko saka niya iyon pinaikot sa bewang niya. Dama ko ang kakaibang kuryente sa buong katawan ko nang magdikit ang mga katawan namin. Para siyang may ibinubugang shockwave na sapat na para mangatog ako at makaramdam ng pamumula sa pisngi ko.
“Just trust me. Okay?” aniya at sinimulan na niyang paandarin ang motor. Habang nasa byahe kami ay tahimik lamang ako at lihim na napapangiti. I never knew that escaping life would be this satisfying. Nakakagaan pala ng pakiramdam. Iyong bawat tama ng hangin sa balat, pakiramdam mo tinataboy na rin paalis lahat ng alalahanin. Lihim akong nagpapasalamat kay Zeev for doing this to me—for helping me escape my life just for the mean time—for giving me back my freedom na matagal ko nang ipinagdamot sa sarili ko. Nagpapasalamat ako kahit pa wala naman siyang ideya kung anong klaseng buhay ang mayroon ako.
Nakarating kami sa tila paanan ng bundok. May nakasalubong pa kaming mga Aeta na mukhang kakatapos lamang mangahoy. “Bakit dito?” tanong ko sa kaniya. “Wala lang. Mukha ka kasing suffocated,” sagot niya sa akin saka siya bumaba kaya’t inalis ko ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nang makababa na siya ay bumaling siya sa akin saka niya inalis ang helmet na suot ko. Hindi ko alam kung bakit ito na naman ako at nakatitig sa mga mata niya. “Don’t look at me that way, baka isipin kong sinasagot mo na ’ko,” aniya nang nakangiti at bigla akong nahiya kaya nagbaba ako ng tingin.
“Sorry—” “Don’t be. Let’s go,” aya niya sa akin saka niya kinuha ang kamay ko at iniwan ang helmet sa may side mirror. Nilakbay namin ang bundok na hindi naman gaanong matarik at namangha na lamang ako nang makita ko ang isang ilog na napakalinis ng tubig. “Ang ganda,” wala sa sariling naibulalas ko dahil sa pagkamangha sa paligid. “Oo nga. Ang ganda,” aniya kaya’t napalingon ako sa kaniya. Naabutan kong nakatingin pala siya sa akin. “You look so beautiful and innocent, Shan. Kahit sinong lalaki gugustuhin na kasama ka nila ngayon,” pagpapatuloy niya saka bahagyang humakbang papalapit sa akin.
“Z–Zeev. . .” Kinakabahan ako sa paglapit niya. Hindi ko maipaliwanag, ngunit kakaibang kaba.
Bigla na lamang niya akong hinatak at niyakap ng sobrang higpit. “You look so beautiful, but your eyes shout sadness. Ang lungkot. Ngumingiti ka pero malungkot pa rin ang mga mata mo. Kung may iniisip ka, let it out. Kung may problema ka, then I can be shoulder for you to cry on. Ang ganda mo pero parang takot na takot ka sa mundo,” aniya at naramdaman ko na lamang ang mga labi niya sa buhok ko. Hindi ko siya magawang itulak dahil para akong nakahanap ng tahanan sa mga bisig niya—tahanan na tila masasabi kong tiyak ang seguridad ko. Hindi ko alam, pero panatag ako sa mga bisig niya. “Salamat, Zeev,” tanging nasabi ko. Inilayo niya ako sa kaniya saka niya hinawi ang iilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko patungo sa likod ng tainga ko. “You don’t have to thank me. I told you I like you, and I really do. It must be a love-at-first-sight,” aniya saka bahagya pa siyang tumawa. “Sa dami ng tao sa auditorium na ’yon, ikaw lang ang nakakuha ng atensyon ko,” dagdag niya at narito na naman ang pagwawala ng puso ko na sinamahan pa ng pamumula ng pisngi ko. “H–Hindi ko alam kung anong sasabibin ko sa ’yo—” “Nope,” aniya saka ngumiti. “You don’t have to say anything for now. Pakiramdaman mo lang kung anong gusto mo. Just let me be. . . ako ang magpaparamdam, tatanggap ka lang,” aniya saka bigla na lamang marahan na hinalikan ako sa noo. Nang lumayo siya sa akin ay kumuha siya ng maliit na bato at hinagis ito sa ilog. “I found this place when I had to run away from my responsibilities, but this place will no longer be my sanctuary alone. . . sa atin na. . . atin nang dalawa,” aniya at lumingon sa akin saka ito ngumiti. Sa bawat pagngiti niya, tila nakakatakas ako sa iilang problema na mayroon ako. Sa bawat tingin niya sa akin ay tila nararamdaman ko na mahalaga ako—na may dahilan kung bakit ako narito. He could make me feel that I do matter—that I am valuable. . . na puwede akong magmahal at mahalin. Napaka-aga pa para masabi ko ang mga bagay na ito, pero pakiramdam ko nalulunod ang puso ko sa galak na nakilala ko siya. I feel like drowning in my own emotion. Mahirap umahon, at ayaw kong umahon.
He’s making me feel the love, concern and care that I’ve been dying to feel. Ang hirap na masanay na hindi ka pinapahalagahan, dahil ngayong may nagpapahalaga sa akin, parang ayaw ko nang pakawalan.
“Zeev. . .” tawag ko sa kaniya dahil nagtitingin siya ng mga tuyong sanga na mukhang papabagain niya.
“Hmmm?” aniya nang lumingon siya sa akin.
“G–Gusto na yata kita.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 3
SHAN
“G–GUSTO na yata kita.” Nakita ko kung gaano biglang nanlaki ang mga mata niya saka unti-unting nagliwanag ang mukha niya dahil sa ngiting bigla na lamang naging pinakamagandang atraksyon para sa akin.
Marahan siyang humakbang papalapit sa akin saka siya huminto sa tapat ko. “You’re not joking, right?” aniya sa akin at marahan akong tumango at ngumiti nang alanganin sa kaniya. “H–Hindi ko alam kung tama ba ’ko,” wika ko saka ako yumuko. “G–Gusto ba ’yon kapag pakiramdam ko ligtas ako sa ’yo kahit pa kakakilala lang nating dalawa? G–Gusto ba ’yon kapag sa tuwing titingin ako sa mga mata mo parang ang bagal ng galaw ng mundo? G–Gusto ba ’yon kapag pakiramdam ko palagay ang buo kong sistema sa ’yo—” Hindi ko nagawang matapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niyang akong niyapos ng mahigpit. “I feel the same way towards you,” aniya sa akin. “This may seem so fast to everyone, but yeah, nakita pa lang kita noong nakaraan, iba na agad ang naramdaman ko. It was like you captivated my whole being. I couldn’t fully define it but you must’ve bewitched me for me to be insanely into you,” dagdag niya at dama ko ang bawat paghinga niya maging ang tibok ng puso niya dahil dito nakahimlay ang ulo ko gawa nang ang tangkad niya.
Marahan niya akong inilayo mula sa kaniya saka niya ako nginitian. Alanganin kong tinugon ang tingin niyang iyon dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Zeev. . .” “It’s okay, Shan. Gusto mo ’ko, and that’s the most important thing to me right now. Hindi mo kailangan ma-pressure at sabihin na sinasagot mo na ’ko. Just go your own pace, I’m willing to wait,” aniya at hinalikan ako sa noo. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang nararamdaman ko. . . dahil alam ko masyadong mabilis, masyadong naaagad. Siguro nga’t bata pa talaga ako at nasa kasagsagan ng kapusukan—puro nararamdaman ang iniisip, kaya’t hindi ko alam kung paano ko kahit paano ikakalma ang nararamdaman kong ito. Unang beses kong maramdaman ang ganito—ang pag-alayan ng pagmamahal na animo sapat ako, mahalaga ako, na deserve ko rin na maging masaya. Saglit niya pa akong iniikot sa paligid hanggang sa mapagdesisyonan namin na uuwi na ’ko. Maaga rin kasi ang duty ko sa trabaho bukas. Narating namin ang kanto hindi kalayuan sa bahay ng mga alas singko ng hapon. Ibinigay ko sa kaniya ang helmet at nginitian siya. “I’ll call you,” aniya at marahan akong tumango. “P–Pasensya ka na. Istrikto ang Nanay at Tatay ko—” “That’s okay. One day, I will eventually get to meet them to properly introduce myself as your suitor—or maybe your lover,” aniya at ngunitian na naman ako nang ngiti niyang nakaka-engganyong pagmasdan at nakakahalina. “S–Sige na, baka mamaya ay gabihin ka pa,” wika ko saka na ako tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya. Natatakot akong baka hindi ko na maitago ang kilig na nararamdaman ko sa harap mismo niya. Nakarating ako ng bahay at wala pa ang Nanay at Tatay. Agad akong tumuloy sa kwarto namin ni Sharry at doon ako dumapa sa unan saka tumili at nagpapadyak. Hindi ko kaya. . . hindi ko talaga kayang pigilan ang kakaibang galak na bumabalot sa puso ko ngayon. Para akong nakalutang sa alapaap sa saya. Ganito pala. . . ganito pala ang pakiramdam na gustohin o mahalin ka pabalik ng taong gusto mo rin. Natigil ang pagmumuni-muni ko at pangangarap nang gising nang bigla na lamang tumunog ang telepono ko na nasa bag ko. Halos mapagot yata ang hininga ko nang makita kong numero ni Zeev ang nakarehistro sa caller.
“H–Hello,” utal na sagot ko at narinig ko ang bahagya niyang pagtawa sa kabilang linya.
“Please, Shan, huwag ka nang kinakabahan sa akin. I want you to be at ease whenever you are talking to me. Let me be your comfort zone,” aniya at tila nawalan na naman ako ng dila dahil sa narinig kong iyon. Pakiramdam ko kaya niyang lusawin ang puso ko sa mga salita at gawi niya.
“Anong oras kang nakauwi?” tanong ko habang pinipilit ko ang sarili mo na huwag mautal.
“Halos ngayon-ngayon lang, naisipan ko agad na tawagan ka kasi. . .” aniya na mukhang sinadyang bitinin ang sinasabi.
“K–Kasi?”
“I miss you, Shan. I already miss your smile, your voice, your sad eyes, the way you act so innocently. . . namimiss na kita agad,” sagot niya at tila lumundag yata ang puso ko palabas dahil sa narinig kong iyon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko na madalas kong gawin sa tuwing gusto kong umiyak, ngunit ngayon ay ginagawa ko dahil gusto ko lang naman magpigil ng kilig at kakaibang saya.
“Are you still there?” aniya nang hindi ako magsalita.
“O–Oo,” utal ko na naman na sagot.
“Okay, love. I’m gonna hang up now para makapagpahinga ka na rin ng maaga. Dream of me, Shan. Good night. Don’t worry, paggising mo bukas, nandito pa rin ako, ikaw pa rin ang gusto ko,” paalam niya at tuluyan na yatang lumabas ang puso ko dahil sa sobrang galak.
“Good night,” tanging nasabi ko saka ko mabilis na pinatay ang tawag. Natatakot akong baka ano na naman ang masabi ko na hindi pa napapanahon. . . pero kailangan ko na yata talagang tanggapin. . . totoong hulog na ako.
NAGHIHIKAB ako nang makita ko sila Mikmik at Dash na papalapit sa akin. Kapwa nakakunot ang mga noo nila na wari bang uusigin ako ano mang oras. “Alas onse ng tanghali, naghihikab? Bakit? Napagod ka ba? Nakipag-SOP?” tanong ni Dash nang tuluyan na silang makalapit sa akin.
“Ito si gaga ang nega! Malay mo naman nangabayo saka nagtatakbo kaya napagod,” wika naman ni Mikmik na mukhang pang-aasar din ang laman.
Umiling ako sa kanila saka ako ngumiti. “5am kasi ang duty ko kanina sa jollibee—” “Wala kang maloloko rito, Shan Kassidy. Dati ka nang dumuduty nang ganoong oras pero hindi ka ganiyan ka-haggard,” pambabara ni Dash kaya’t napanguso ako. Wala ka talagang maitatago sa kanila.
“Hindi kasi ako makatulog,” sagot ko. “Dahil?” tanong ni Mikmik. “Ano pa, bakla? E ’di nag-iisip si gaga ng mga senaryo sa utak niya na hindi naman mangyayari in reality kaya’t hindi makatulog. Para ka lang nangangarap nang gising,” pambabara na naman ni Dash. Siya yata talaga ang reyna ng realtalk. “Ang sama mo talaga,” wika ko kay Dash pero tinawanan lang niya ako saka ako kinurot sa pisngi. “Hinahayaan kita kasi nakikita kong masaya ka pa, cyst. Pero sinasabi ko lang sa ’yo ang totoo. Ayaw kong iiyak-iyak ka na lang bigla sa akin sa huli tapos magpapa-advice na hindi mo naman din susundin. Manila boy si Zeev, mahirap mag-expect,” aniya sa akin saka binitiwan ang pisngi ko. “Hayaan mo siya, Dashinel. Kaya nga yata tayo pinadala sa buhay nito ni Shan, para kapag nasaktan ang bruha, tayo ang takbuhan,” wika naman ni Mikmik saka ako inakbayan. “Hindi naman ako masasaktan,” nakanguso kong wika. “Hindi. . . pa. Syempre puro saya muna kasi sa una. Girl, lahat ng relasyon masaya sa umpisa, para kapag nasaktan ka sa huli, humagupit talaga sa sakit. Ganoon ’yon,” ani Dash at tila naumid ang dila ko. May punto siya, at malinaw na malinaw ang punto niya. “Ay! Ang bitterana naman ng ate mo Dash,” ani Mikmik. “Anong bitterana?” tanong ko. “Bitter na veterans na sa pagiging bitter, bitterana!” sagot naman ni Mikmik na ikinatawa ko at ikinailing. “Bakla, nagsasabi lang ako ng totoo. Sa una lang naman talaga masaya, sa ligawan lang naman talaga thrilling. Kapag naumay na kayo, wala na, ayaw n’yo na, pagod na, sawa na. Gano’n ’yon. Sa mundong ’to, bihira na lang ’yong relasyon na matatawag na consistent,” pagpapatuloy ni Dash. “Taray, may pinaglalaban! Sige na, ito na ang korona, ikaw na ang bida!” ani Mikmik at nagkunwari pang may ipinutong na korona sa ulo ni Dash.
“Sinagot mo na ba?” tanong sa akin ni Dash matapos niyang hampasin ang kamay ni Mikmik.
“H–Hindi pa,” sagot ko.
“Taray! May balak talaga! Cyst, kahit naman suportado ko ang pagkerengkeng mo, dahan-dahan lang. Mag-iisang buwan pa lang kayong magkakilala, tapos lagi pang nasa Maynila dahil may trabaho,” ani Mikmik sa akin.
“Naiintindihan ko naman ’yon. Hindi naman napapatid ang text at tawag niya kaya ayos lang naman sa akin—”
“Ay wow! May pagdepensa,” putol sa akin ni Dash na ikinanguso ko na naman.
“Mabait si Zeev. Sa halos isang buwan na kilala ko siya, at sa mga araw na nakakasama ko siya, wala kong masabi kung hindi napakabait niya. He’s always after my happiness. Lagi niyang iniisip ang mga bagay na alam niyang ikasasaya ko. Lagi niyang priority ang mga bagay-bagay na alam niyang gusto ko—”
“Natural! Nanliligaw nga, e. Meron ba naman nanliligaw tapos papakitaan niya nang hindi maganda ang nililigawan niya? Wala, cyst. Don’t get me wrong, hindi ko sinasabing ayaw ko ’yang manliligaw mong hilaw. Ayos nga sa akin dahil napapasaya ka niya, na kahit paano natutulungan ka niyang maging masaya dahil hindi mo ’yon nararanasan sa pamilya mo. Ang akin lang, ayaw kong masaktan ka sa huli. Masyado kang inosente at marupok para bigla na lang mabasag. Kapatid na ang turing ko sa ’yo, kapag may nangyari sa ’yo, baka makapanakit ako,” seryosong turan ni Dash at hindi ko napigilan ang sarili ko na bigla siyang yakapin.
“Thank you, Dash—”
“Ay, naku! Ang baduy! Usog do’n, usog!” pagtataboy niya sa akin na ikinatawa ko. Nahihiya at nababaduyan talaga siya sa mga ganito.
“Ang dami mo talagang knows, Dash. Minsan napapaisip ako kung paano kang namulat sa makamundong kasalanan—” “Gaga!” ani Dash na pumutol sa kaniya sabay siya sinapok nito. Kahit minsan napapangiwi ako sa mga banat nila, atleast alam kong totoo silang kaibigan sa akin.
NATAPOS ang klase ko sa araw na ito at ngayon ay naglalakad na ako patungo sa sakayan. Wala akong duty dahil day off ko. Sa burger machine naman ay nakiusap ang karelyebo ko na siya muna ang dumuty dahil birthday ng anak niya bukas. Nasa waiting shed ako nang bigla na lamang may humintong magandang itim na sasakyan sa harap ko. Napahakbang pa ako patalikod dahil baka kung anong gawin sa akin. Nagbaba ng bintana ang nasa loob ng sasakyan at nanlaki nang literal ang mga mata ko nang makita ko si Zeev ang siyang nasa driver’s seat. Kaya ba hindi siya nagre-reply mula kanina?
Bumaba siya mula sa sasakyan at ito na naman ang paghuhurumentado ng puso ko. Para akong nasasaniban na makita siya ulit matapos nang ilang linggo na hindi ko siya nakita. Itinaas niya sa buhok niya ang shades na suot niya kaya’t nagtama ang mga mata namin, at para na lalong lalabas ang puso ko sa dibdib ko.
He’s wearing a black plain shirt, maong straight cut pants, and a pair of nike shoes. “Z–Zeev,” gulat na wika ko.
“Get in, Shan. Day off mo, ’di ba?” aniya sa akin at napatango ako. “Early dinner tayo,” pag-aya niya saka ako iginiya pasakay ng sasakyan. Umikot siya para sumakay na rin saka pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ako buong byahe dahil mas nananaig ang tunog ng kabog ng dibdib ko.
“Are you okay?” tanong niya sa akin nang naramdaman kong inihinto niya ang sasakyan. Tinanggal niya ang seatbelt niya saka bumaling sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nag-aalalang nakatingin sa akin.
“A–Ayos lang ako—” “I missed you so damn much, love,” putol niya sa akin na ikinabigla ko. “I feel like getting insane for those days that I couldn’t take a glimpse at your face. Nakakabaliw. Gusto ko lagi na lang kitang kasama. Gusto ko lagi na lang kitang nakikita, nayayakap. . . nahahalikan,” aniya sa seryosong tono at unti-unting bumababa ang mga labi niya patungo sa mga labi ko. Napapikit na lamang ako nang tuluyan na itong dumampi sa mga labi ko. Kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Para akong idinuduyan sa lambot ng mga labi niya na marahang gumagalaw sa mga labi ko. Kakaibang kilabot at kuryente ang dulot nito sa buo kong sistema kahit pa hindi ko alam kung paano ko ba ito tutugunin. Sandali siyang humiwalay sa akin saka ako hinalikan sa noo bago ako tinitigan sa mga mata. “I love you, Shan. I’m so damn in love with you.” “M–Mahal din kita,” nakita ko ang gulat sa mga mata niya na ikinatango at ikinangiti ko. “Does it mean—”
“It’s a yes, Zeev. Tayo na.”
–
M A Y O R A
I C E _ FR E E Z E
Kabanata 4
SHAN
HAWAK niya ang kamay ko nang pumasok kami sa isang restaurant. Minsan pa siyang lumilingon-lingon sa akin sabay ngingiti at animo kinikilig.
“Damn. I. . . I just couldn’t believe it,” aniya nang makaupo na kami. Sa istilo niya ay parang hindi pa rin siya makapaniwala na um-oo na ako sa kaniya.
“G–Gusto mo bang bawiin ko?” inosente kong tanong sa kaniya. Hindi ko kasi mabasa ang ekspresyon niya. Mabilis naman siyang umiling sa akin saka ako nginitian.
“I feel so lucky being your boyfriend,” aniya direkta sa mga mata ko at nakaramdam ako ng hiya.
“Hindi naman ako ispesyal—”
“But you are to me, Shan. You are the most special woman for me,” putol niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. “Hindi lang talaga ako makapaniwala na matapos ang mahigit isang buwan na ipakilala ko sa ’yo ang sarili ko, ito ka at tinanggap na ang pagmamahal ko.”
Ngumiti ako sa kaniya at umiling. “You showed me enough. Siguro para sa marami ang bilis ng mga nangyari, but for me I was given enough time to know your real intention towards me,” sagot ko sa kaniya at sobrang laking pasalamat ko na hindi na ako nauutal pa. I feel like getting more and more and more comfortable around him.
Dumating ang mga order namin at napalingon ako sa waiter. “Hi, Shan!” bati nito sa akin na mukhang nagulat din na narito ako ngayon.
“H–Hello, Martyn,” utal na wika ko. Kaibigan siya ni kuya Seph at nanginginig ako sa mga oras na ito. Paano kung sabihin niya sa kuya ko?
“Huy, sis, kain na! Baka lumamig ang julam nateyn, bahala ka diyan! Marami pa tayis aayusin na sa research,” nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Zeev ng gay lingo. Marahil ay naintindihan niya ang kinaroroonan kong sitwasyon.
“A–Ah oo,” wika ko saka ko pa sinundan nang awkward na tawa. “Kain na muna kami, Martyn,” paalam ko sa kaibigan ni kuya at tumango naman ito bago umalis.
Magandang kumakain si Zeev nang magsalita akong muli. “Thank you sa ginawa mo,” nakangiting wika ko sa kaniya kaya’t napahinto siya sa pagkain.
“I don’t really want to hide, but I am doing this for you. You’re still eighteen years old and I don’t want people to throw stones at you for falling in love at a young age,” nakangiting sagot din niya sa akin. “I felt the tension kaya nagpanggap na lang ako,” dagdag pa niya.
“Hindi ko gustong itago ka, Zeev—”
“I know, love. You don’t have to feel guilty at all. I wanted this. I chose this,” aniya at muling ibanaling ang tuon niya sa pagkain.
Itinuon ko na lang din ang pansin ko sa pagkain ko kahit pa nakakaramdam ako nang hiya sa kaniya. Kasasagot ko pa lamang sa kaniya ngunit ito kami at kailangan kong itago siya.
The most painful part of this relationship is, I want to tell the whole wide world that I finally found the man I love, but I can’t. . . hindi puwede. Just like what Zeev told me, people would only mock me for feeling this love at this age.
Natapos namin ang pagkain at muli na kaming sumakay ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami tutungo dahil hindi kami kapwa kumikibo sa biyahe.
Narating namin ang tulay kung saan tanaw na tanaw ang mga bahay. Minsan talaga napapaisip ako kung siya ba talaga ang taga-rito sa amin sa Pampanga o ako. Mas marami pa siyang nalalaman na mga lugar kaysa sa akin.
“G–Galit ka ba sa akin, Zeev?” tanong ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumikibo. Nakahawak lamang siya sa railings ng tulay at nakatanaw sa umaagos na tubig ng ilog.
“I’m not mad, love. I understand,” aniya at biglang humarap sa akin. “I’m just sad that I have to leave you again. The truth is, ayaw ko nang mawalay sa ’yo kahit isang segundo. I want to be by your side twenty-four hours a day and enjoy your company.” Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya nang masabi niya ang nais niyang sabihin.
Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. “Puwede naman tayong magkita kapag okay ang schedule mo sa trabaho. Hindi mo kailangang ipilit kung hindi kaya. Ang importante, alam kong mahal mo ’ko at alam mong mahal kita,” nakangiti kong tugon sa kaniya at hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya.
“I don’t know why are you so mature but I really love that attitude of yours. Never did I ever hear you complain nor ask for my time during the past month I was courting you, though you have all the rights to demand. You’re just too good to be true, love. I had my exes and no one ever treated me like this. They always want my attention and that fucks me to death. And now. . . I met the most understanding woman,” aniya at unti-unti niyang ibinaba ang mga labi niya patungo sa mga labi ko.
Pumikit ako at hinintay kong lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Para akong nasa alapaap. Para akong idinuduyan ng mga ulap sa kakaibang pakiramdam na dulot ng mga labi niya.
Sinimulan niyang igalaw ang mga labi niya sa mga labi ko at ginaya ko iyon kahit pa wala akong ideya kung ano bang dapat kong gawin.
Napakatamis ng mga labi niya. Para niya akong inaambunan ng iba’t ibang emosyon at ekspresyon sa paraan ng pagsakop niya sa mga labi ko. Nakakadarang. . . nakakadala. . . nakakahalina.
Matapos ang sa palagay ko ay isang minuto, humiwalay siya sa akin at sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. “I love you, Shan. Thank you for coming into my life. Thank you for making me feel alive again. Thank you for bringing back the Zeev that I lost before,” aniya sa akin at napangiti ako kahit pa wala akong ideya sa huling katagang sinabi niya.
Yumakap ako sa kaniya bago ako nagsalita. “Salamat din, Zeev. Salamat sa pagbibigay mo sa akin nang pagmamahal na hindi ko makuha sa mga taong inaasahan ko. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na mahalaga ako. Salamat, Zeev.”
MALAWAK ang ngiti ko at hindi ko iyon maitago kahit pa anong gawin ko.
“Ay ang taray, abot hanggang Jupiter ang saya, cyst!” pang-ookray sa akin ni Mikmik nang dumating siya at naupo sa tabi ko.
“Hindi naman. Maganda lang ang naging gising ko—”
“Haler! Talaga bang uutuin mo pa ’ko? Kyompalin kaya kita ng kawali diyan para malaman mo kung ano ang kaibahan nang maganda ang gising at nang may nagpapasaya?” putol niya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay na animo mang-aasar pa siya. “Spill the tea, cyst! Kung ako lang ibang tea-tea ang gusto ko,” aniya na ikinatawa ko talaga.
Magsasalita na sana ako nang pumasok bigla sa pintuan ng room si Dash at todo ang postura. Mukhang kakagaling niya lang sa shoot at hindi na siya nakapag-alis ng make up niya. “Tea-tea! Gaga ka! Iyong mga pino-prospect ko, mas malaki pa ang iyo! Humanap ka ng tea na dadaigin ka at hindi dadaigin mo kapag nag-sex na kayo!” walang prenong wika ni Dash saka pabagsak na naupo sa tabi namin ni Mikmik. “Pagod ako, ayos-ayusin n’yo mga balita n’yo ngayon o pag-uuntigin ko kayong dalawa.”
Kapwa kami natawa ni Mikmik sa inakto niya dahil halata naman talagang pagod na pagod siya. “Naku, cyst, wala akong tea na ii-spill, pero meron akong nasagap na tea na alam kong magkakainteres kayo,” ani Mikmik na mukhang ikinabuhay ng dugo ni Dash. Mahilig talaga ito sa chismisan.
“Sabihin mo na agad-agad. Huwag kang pasabik, hindi ka masarap, bakla!” singhal niya kay Mikmik dahil mukhang balak pa ni Mikmik ng pa-suspense.
“Ito na nga! Si Prof Zhander Alipio, iyong guwapo at yummy na prof ng economics, may jowang estudyante ng psych!” aniya at nagtitili pa na parang kilig na kilig. Makikikilig din sana ako nang makita ko ang pamumutla bigla ni Dash.
Dumulog ako sa kaniya at hinagod ang likod niya. “Okay ka lang ba, Dash? May masakit ba?” tanong ko sa kaniya.
“No. No. I’m okay. Tuloy n’yo lang ang chismis,” aniya sa akin.
Tumikhim ako kaya’t napunta ang atensyon nila sa akin. “M–May sasabihin pala ako,” wika ko at awtomatiko ang pag-arko ng kilay ni Dash sa akin.
“Ano ’yon aber?” tanong ni Mikmik.
“S–Sinagot ko na si Zeev noong makalawa pa—”
“Ay putang ina ang rupok!” putok sa akin ni Dash at aambaan pa ako ng sampal na ikinangiti ko na animo natatakot sa kaniya. “Alam mo, girl, kung puwede ka lang talagang patayuan ng monumento? Dalawang monumento ang itatayo ko para sa ’yo. Una, sa pagiging martyr mo sa pamilya mo, ikalawa, sa pagiging marupok mo! Aba’y para kang palayan habang el niño—tuyot na tuyot at gustong-gusto nang dilig!” aniya sa akin na ikinahalakhak ni Mikmik.
Ngumuso ako sa kaniya at tinaasan niya lang ulit ako ng kilay. “Hindi naman kami magse-sex. Huwag mong isipin ’yon—”
“Gaga!” singhal sa akin ni Mikmik. “Ngayon mo lang nasasabi ’yan kasi wala pa kayo sa intimate moment n’yo, pero kapag nandoon na, wala ka nang maiisip na prinsipyo. Lahat nang maiisip mo, tawag na ng laman at pagnanasa. Huwag mo kaming etchosin, makyo-kyompal ka talaga sa akin!” dagdag na sermon niya.
“Oh, bakit ngayon sa akin ka na kumakampi? Akala ko ba bet mo iyong si Manila boy para kay Shan?” angil sa kaniya ni Dash.
“Hindi naman ganoon, gaga! Ang akin lang, sana hindi niya muna hayaang mawasak ang Bataan. Mahirap na. Baka fuck and leave ang gawin ni Zeev. Pinapangaralan ko lang,” sagot ni Mikmik at kapwa ko sila sinibangutan.
“Usap na usap kayo sa bagay na iyan, samantalang wala nga akong ideya at balak na gawin iyan sa ngayon. Gusto ko na munang i-enjoy kung anong meron kami. Ayaw kong mag-isip ng mga negatibo. Mahal ko siya at ramdam ko naman na mahal niya ’ko,” buwelta ko sa kanilang dalawa at kapwa sila nanahimik.
Nang hindi sila magsalita ay binunot ko ang telepono ko mula sa bulsa ko at tinignan ko kung may text na sa akin si Zeev.
Zeev:
- Love, kain ka po ng lunch. My lunch meeting kami ngayon kaya hindi kita matatawagan. Medyo masikip ang sched ko ngayon. Tawag agad ako kapag okay na. I love you.
Awtomatiko akong napangiti sa text niya. He keeps me posted and updated. Hindi niya hinahayaan na maramdaman ko na parang wala lang ako.
Me:
- Ingat ka, Zeev. Hintayin ko na lang ang text o tawag mo. I love you too.
Mabilis kong itinago ang telepono ko dahil dumating na ang prof namin at nagsimula nang mag-discuss. Sina Dash at Mikmik ay nakikinig lang. Ito naman ang gusto ko sa kanila, basta’t usapang aral, nag-aaral talaga sila.
Natapos ang lecture at nagdesisyon ang mga kaibigan ko na tumungo na muna sa 7/11 para mamili ng maiinom. Papasok na rin ako maya-maya sa Jollibee. Naghihintay lang ako ng oras.
“Ayaw ko na ng gulp. Sawang-sawa na ’ko! Mogu-mogu ang sa akin,” ani Dash at agad ko naman siyang ikinuha ng sa kaniya. May bitbit kasi siyang bag ng laptop.
Patungo na kami sa cashier nang bigla na lamang sunud-sunod na tumunog ang telepono ko kaya’t iniabot ko kay Mikmik ang mga bibilhin namin at sinenyasan ko silang sasagutin ko lang ang tawag na ikinatango nila.
Lumabas ako ng store at pagkakita kong si Zeev ang nasa tawag ay agad ko itong sinagot.
“Love, I want to see you right now,” aniya pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag. Mababakas sa boses niya ang pagod at tila panghihina.
“Anong nangyari, Zeev? You can always talk to me.”
“I. . . I just want to see you right now. Can you not go to work? I badly want to be with you. I feel so fucked up,” sagot niya at ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya base sa boses niya.
“Sige. Gagamitin mo ba ang sasakyan mo—”
“No, love. I will commute,” putol niya sa akin.
Bumuntonghininga na muna ako bago ako nagsalita. “Mag-iingat ka. Hihintayin kita sa terminal.”
“Thank you, love. Thank you for being my escape.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Kabanata 5
SHAN
SINALUBONG ko si Zeev nang may pag-aalala nang bumaba siya mula sa bus na kanina ko pa inaabangan. Agaran niya akong niyakap at ginawaran ng halik sa aking kanang pisngi. “I missed you, love,” aniya sa akin saka ako pinakawalan at pinagsalikop ang mga kamay namin.
“Na-miss din kita. Akala ko kung ano nang nangyari sa ’yo dahil sa pananalita mo sa tawag,” nakangusong wika ko sa kaniya ngunit nginitian lamang niya ako. Ang mga ngiti niya ay ang mga ngiti na hindi ka magsasawang titigan kahit buong maghapon mo pa iyong pagmasdan. Mahal na mahal ko siya. He’s the only guy I want to spend the rest of my life with.
“Saan nga pala ako tutuloy? Hindi ko nakuha ’yong susi ng vacation house kay Mommy Belle dahil gagabihin ako kapag hinintay ko pa sila,” aniya at tila naman ako natuliro. Hindi ko siya maaaring dalhin sa bahay. Bukod sa napakaliit lamang ng bahay namin, istrikto si Tatay at hindi niya alam na may nobyo ako.
“May mga paupahang kwarto naman sa bayan. Puwede kitang samahan na maghanap,” nakangiti kong sagot sa kaniya. Mabuti na lamang at mabilis ang utak ko sa mga ganitong sitwasyon, dahil kung hindi ay baka magtalo pa kami. “Hindi ka ba nagugutom?” pukaw niya sa atensyon ko nang madaanan namin ang isang fastfood chain. “Ayos lang ako, Zeev. Mas magandang makahanap na tayo ng tutulugan mo dahil kapag gumabi mas hihirapin tayo,” wika ko sa kaniya na ikinatango niya. “Fine. Magpa-deliver na lang tayo kapag naayos na ang tutulugan ko,” pagsang-ayon niya sa akin. Madali naman kaming nakahanap ng kuwartong tutulugan niya, dahil kahit pa mahal ang renta, wala siyang pakialam sa pera. Tinutulungan ko siya ngayon sa pag-aayos ng kamang hihigaan niya maging ang pagsasalansan ng mga damit niya sa maliit na kabinet na narito.
“How’s your school these days?” tanong niya habang prente siyang nakaupo sa maliit na sofa at ako ay nagtitiklop ng ibang nagusot niyang damit.
“Ayos naman. Medyo nahihirapan lang ako sa ibang subject pero okay lang naman—” “Ginugulo ka pa rin ba ni Calvin?” putol niya sa akin kaya’t napalingon ako sa kaniya. Naroon na naman ang madilim na titig niya sa akin kaya’t binigyan ko siya ng isang maalwang ngiti.
Si Calvin ay anak ni kapitan na minsan niyang nahuli na nagpipilit na ihatid ako sa bahay.
“Kumalma ka po. Mula po noong sinabi kong nobyo na kita, tumigil na siya sa pangungulit sa akin. Isa pa, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Huwag na pong magselos,” wika ko saka ko binitawan ang damit niya at naglakad patungo sa gawi niya para gawaran siya ng mabilis na halik sa labi. Hindi ko alam paano ko naalis ang kahihiyan ko sa kaniya, basta bigla na lang ramdam kong sobrang kumportable ko na sa kaniya para gawin at sabihin ang mga bagay.
Humiwalay ako sa kaniya at tinitigan siyang muli sa mga mata. Doon ko nakita ang kakaibang emosyon na ngayon ko lamang nakita.
“I love you, Shan Kassidy Alvarez. I love you so damn much,” aniya at hinapit ako sa bewang saka niya ako iniupo sa hita niya. “I love you too, Zeev Alejandro Arcanghel,” sagot ko saka ako yumakap ng mahigpit sa kaniya. “Zeev, may sasabihin ka ba sa akin?” tanong ko sa kaniya dahil kanina ko pa nararamdaman na napakabalisa niya.
Sa halip na sumagot agad ay niyakap niya pa ako nang mas mahigpit pa. “I fucked up. I failed the project, love. Pakiramdam ko ang tanga at ang bobo ko,” aniya at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
Kahit minsan, hindi ako nagtanong ukol sa trabaho niya o kung anong posisyon meron siya o kung ano pa man ang ginagawa niya. Tiwala ako sa kaniya at sa kakayahan niya. Hindi rin naman siya nagsasabi kaya’t hindi ako nanghihimasok.
“Magiging okay rin ang lahat, Zeev. Siguro kaya ka hindi nag-succeed ngayon kasi mas may better opportunity pa para sa ’yo. I believe in you. Naniniwala ako sa ’yo,” pagpapakalma ko sa kaniya.
Marahan niya akong inilayo sa kaniya at tinitigan sa mga mata. “I am really so lucky to have you, love. Sobrang mahal na mahal po kita.”
Ngumiti ako sa narinig kong iyon mula sa kaniya. “At mahal na mahal din po kita. Kapag kasama kita, pakiramdam ko masaya at kumpleto ako.”
“You are indeed my happiness in this fucked up world, Shan. I love you. . . I really do,” aniya at muli akong niyakap nang mahigpit.
[WARNING! R-18
]
Naramdaman ko bigla ang halik niya sa leeg ko at ang mga kamay niyang nagsisimulang gumala sa katawan ko. Nabigla ako sa ginawa niya ngunit hindi ko siya magawang pigilan. Nakakadarang pala ang ganito, tila ako nakakalimot sa mundo. Naroon ang pakiramdam na tila ako napapaso sa haplos niya kahit pa may suot akong damit.
“Shan,” he called my name using his sexy voice and I couldn’t say a word. Hindi. . . hindi ko lang alam paano pakitunguhan ang ganitong pakiramdam. Nailislis na pala niya ang isang manggas ng suot kong damit nang hindi ko napapansin. Humiwalay siya sandali sa akin saka niya ako tinitigan sa mga mata. “Z–Zeev. . .” kabadong pagtawag ko sa kaniya na sinuklian niya ng isang nakakaakit na ngiti. Those perfect set of teeth, nakakahulog lalo. “Don’t be afraid, love. I’m here. I will always be here. . . I love you,” aniya at binuhat ako upang marahang ihiga sa kama saka muling tinitigan sa mga mata. Nakapangko ang mga braso niya sa magkabilang gilid ng ulo ko. “M–Mahal din kita. Mahal na mahal kita,” wika ko saka ako na ang kusang umabot ng mga labi niya at ginawaran iyon ng halik. Hindi ko inakalang aabot kami sa bagay na ito. Hindi ko inakalang dadating sa punto na magpapaubaya ako.
Malamyos at magaan ang halik na iginagawad niya sa akin hanggang sa unti-unti na itong naging mapusok, kasabay ng mga kamay niya na gumagalugad na sa katawan ko at inaalis ang mga saplot na suot ko.
“You’re too beautiful, love,” aniya sa akin nang nahantad sa kaniya ang kabuoan ko. Sinubukan kong takpan ang sarili ko dahil sa hiya ngunit pinigilan niya ako at umiling siya sa akin saka ngumiti.
“N–Natatakot ako,” utal na wika ko ngunit imbes na magsalita ay hinaplos niya ang buhok ko.
“You don’t have to. I love you,” aniya saka ako hinalikan sa noo. “I love you,” saka sunod na hinalikan ang tungki ng ilong ko. Ang mga halik niya ay tila nagpapahiwatag ng kasiguraduhan kaya’t unti-unting napapanatag ang loob ko. “I love you, Shan,” at ginawaran niya ng halik ang mga labi ko bago siya tumayo at hinubad lahat ng saplot na mayroon siya.
My eyes widened as I saw his little soldier saluting at me. I didn’t expect that hugeness.
“Don’t look at him that way, love. It turns him on,” aniya saka siya pumaibabaw sa akin.
“Zeev—” He kissed me to keep me from talking.
Naramdaman ko ang pagkatok ng mumunting dila niya sa bukana ng labi ko. Tila naman ako namahika at inawang ito upang magawa niya ang nais niya.
He started fondling my breast and I was lost. For the first time in my life, I felt this unidentified pleasure. Para niya aking dinadala sa alapaap sa paraan ng paghaplos niya sa mga dibdib ko.
He played with my bosoms while his tongue was still inside my mouth. . . haunting for treasure.
Zeev suddenly left my lips and I found his lips at my crowns. He started sucking them, and all I could do was arch my body in too much pleasure.
Hindi ko magawang magpatalo. Sinimulan kong igalaw ang mga kamay ko sa katawan niya. I want to gratify him in exchange of what he is doing to me. I could hear his moans when my right hand went down his buttocks. He liked it.
Gusto ko pa sanang galugarin ang katawan niya ngunit nagulat na lamang ako nang iposisyon na niya ang sarili niya sa pagitan ng mga hita ko. “I love you, Shan Kassidy,” aniya at unti-unti niyang ipinasok ang kaniya sa pagkababae ko.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Init, sakit, at hindi maipaliwanag na emosyon. Hinatak ko siya saka ko siya niyakap dahil tila nahahati ang buo kong pagkatao. “Zeev. . .” “Love. . .” aniya at doon ko napagtanto na nakatitig na pala siya sa akin habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Hinalikan niya ang noo ko maging ang mga luhang tumulo mula sa akin. “I love you,” aniya at nagsimula na siyang gumalaw sa ibabaw ko. Ang kaninang sakit ay unti-unting napalitan ng hindi maipaliwanag na gaan at sarap sa pakiramdam. He then started pushing and pulling freely inside of me.
“Zeev. . . naiihi ako—” “It’s your orgasm, love. Let it go,” putol niya sa akin at tila go signal iyon dahil naramdaman ko ang pagragasa ng isang alon mula sa puson ko.
“I’m cumming too,” aniya sa akin at naging mas mabilis pa ang bawat paggalaw niya. Ilang pag-ulos pa at nangibabaw ang ungol niya. Naramdaman ko ang pagsabog niya sa loob ko kasabay ng mainit na likido na pumuno sa pagkababae ko. “I love you, Shan Kassidy. . . my love. . . my savior.”
“I love you, Zeev Alejandro. . . my paradise. . . my escape.”
NAGISING ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Zeev. Nakaramdam agad ako ng hiya nang bigla na lamang rumagasa sa utak ko ang naganap kagabi.
“Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” tanong niya sa akin nang may pag-aalala.
“Alam nilang night shift ako sa trabaho,” sagot ko.
“I’m leaving before lunch, love. Tumawag ang secretary ng company at may client meeting kami ng two pm,” aniya sa akin at ayaw ko man ay nakaramdam ako ng lungkot. “Masakit pa ba?” tanong niya na bahagyang nakapagpapula ng mga pisngi ko.
“M–Medyo,” utal na sagot ko. Ang totoo ay masakit pa dahil pakiramdan ko ay may pinunit na balat sa ibaba ko.
“I guess, I can’t have my round two before I leave kung masakit pa,” aniya at ngumisi sa akin nang nakakaloko kaya’t lalong uminit ang mga pisngi ko. May pagkapilyo talaga siya kung minsan.
Yumakap ako sa kaniya at ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya. Kapwa pa rin pala kami walang mga saplot. “Puwede bang huwag ka na munang umalis?” pakiusap ko sa kaniya.
Naramdaman kong hinagod niya ang likuran ko at hinalikan niya ang buhok ko. “As much as I wanted to stay, love, may mga trabahador na nakasalalay sa mga kamay ko. They can lose their jobs once I fail again, at ayaw kong mangyari iyon,” aniya sa akin at bahagya akong napatango. Naiintindihan ko. Alam kong kailangan niya ngayon ang pang-intindi ko.
Lumayo ako sa kaniya at tumingala ako upang magtagpo ang mga mata namin. “I understand and I will wait for you, Zeev. Don’t you ever lose you self-confidence again. Basta kung kailangan mo lang ng taong magpapaalala sa ’yo na ang guwapo-guwapo mo at ang galing-galing mo, kausapin mo lang po ako. Ipapaalala ko na ikaw ang nag-iisang Zeev Alejandro ng isang Shan Kassidy,” nakangiti kong turan sa kaniya at bigla na lamang niya akong siniil ng isang matamis na halik.
“I will, love.”
Yayakapin ko sana siyang muli nang bigla na lamang tumunog ang telepono niya kaya’t nabaling doon ang atensyon niya.
Nakita ko ang pagbabago ng masayang awra niya nang makita niya kung sino ang nasa tawag.
Sinagot niya iyon saka tumayo at tumungo sa banyo. Hindi ko ugaling makialam sa mga usap na ganito ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko na makibalita kung ano ba iyon dahil sa nakita kong reaksyon niya.
“I will attend the meeting. Don’t worry. . . Yeah, I already said I am fucking coming so save your nagging. I don’t want to hear any of it right now!” Bahagya akong kinabahan sa pagtaan ng boses niya. Ramdam agad na mayroong mali at may hindi magandang nangyayari.
Kakatok na sana ako nang marinig ko ang huling sinabi niya na halos ikapagot ng hininga ko.
“F–Fuck! I’m sorry, babe. Don’t. . . Don’t cry. I’m coming for you now. I’m sorry.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 6
SHAN
NAKAALIS si Zeev pero hindi ko nagawang magtanong sa kaniya. Hindi ko alam, pero hindi ko kaya. Natatakot ako sa maaaring marinig ko. Natatakot ako sa maaaring isagot niya sa akin. Katangahan mang maituturing, pero takot ako sa katotohanan. . . na baka tama ang hinala ko base sa narinig ko.
“HOY!” Napaigtad ako sa panggugulat na iyon sa akin ni Mikmik. Alam kong kanina pa ako tulala. Hindi ko kasi maiwasang isipin ang narinig ko.
“Bakit ka tulala, Shan Kassidy? Punyeta ang aga-aga para kang nababalutan ng masamang espirito,” sabat ni Dash at pabagsak na inilapag ang bag niya sa harap ko.
“W–Wala. May iniisip lang—”
“Lokohin mo na lahat pero huwag ako! Iba ang itsura mo ngayon. Para kang bagong dilig pero disappointed kasi maliit,” putol niya sa akin saka pa ako tinaasan ng kilay na ikinakaba ko. Ganoon kalakas ang instinct ni Dash. Para siyang nanay na nanghuhusga at nangingilatis.
Napalunok ako at inilihis ko ang tingin ko patungo sa ibang bagay. “Huwag n’yo ’kong isipin. Alam n’yo naman na ganito lang ako,” alibi ko. Ang hirap talaga kapag ganito na sila, parang gusto ko na lang biglang sumabog at magsumbong. Sila lang kasi ang sa palagay ko ay nakakaintindi sa akin nang husto.
“Iyan ang ayaw na ayaw ko talaga sa ugali mo, cyst! Para kang clown na magpapanggap na masaya pero deep down, nilalamon ng problema. Ikakamatay mo ang pananarili niyan, sinasasabi ko sa ’yo!” sumabat sa akin ni Mikmik kaya’t agaran akong napabuntonghininga.
“Tungkol kay—”
“Sa jowa mong hilaw,” putol sa akin ni Dash saka niya inikot ang mga mata niya na animo napipikon na sa akin. “Nasaktan ka na?”
Muli akong bumuntonghininga at umiling sa kaniya. “Hindi. Hindi naman gano’n. Baka mali lang ako,” sagot ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagkalito sa mata ni Mikmik dahil sa sinabi ko. Alam kong gusto niya lang akong maging masaya kaya ngayong may ganito akong iniinda, alam kong iisipin niyang may kasalanan siya.
“Shan—”
“Pero okay lang ako. Ayos lang. Wala naman problema. Utak ko lang ang gumagawa ng problema. Overthinking,” putol ko kay Mikmik.
Lumapit sa akin nang mas malapit si Dash saka ako hinawakan sa braso. Ramdam ko na tila nagpipigil siyang sigawan ako. “Ibinigay mo?” bulong niya na totoong nagpakabog sa dibdib ko nang malakas.
“D–Dash. . .”
“Ay putang ina talaga!” galit na bulalas niya at napahilamos pa sa mukha niya. Alam mong hindi naiintindihan ni Mikmik ang pinag-uusapan namin ngayon kaya kita lalo sa mga mata niya na naguguluhan siya.
“Punyemas kayong mga babae kayo, i-explain n’yo sa akin! Hindi ko ma-gets kung napapano na kayo!” entrada ni Mikmik at inalos pa si Dash sa balikat.
Tumingin ako kay Dash at nakita kong masama ang tingin niya sa akin. “I–I’m sorry. . .” utal kong wika sa kaniya.
Nakita kong pumikit siya at huminga nang malalim bago ako muling tinignan. “Hindi ako nagagalit na ang tanga mo at ang rupok mo, Shan. Nagagalit ako kasi nagamit ang mga ’yon para makuha ang gusto sa ’yo. Naiinis ako sa sobrang inosente mo. Sinabi ko na sa ’yong mag-ingat ka tapos ganito bigla ang mangyayari,” aniya at napahawi pa siya sa buhok niya. “Nasaan ba ang hayop na ’yon? Bibigyan ko lang ng isa sa mukha!”
“SANDALE! ANO BA KASI ANG TOPIC AT PROBLEMA? HINDI AKO MAKASABAY MGA BRUHA KAYO!” singhal sa amin ni Mikmik.
“Iyang kaibigan mong kulang sa aruga, nagpabakuna sa puke sa jowa niyang hilaw!” sagot sa kaniya ni Dash at bigla nitong kinuha ang bag at nilayasan kami ni Mikmik.
Gusto kong maiyak sa inakto ni Dash pero alam kong nagagalit siya dahil mahalaga ako sa kaniya.
Naramdaman kong yumapos sa akin ang mga braso ni Mikmik kaya’t yumapos din ako sa kaniya. “Pagpasensyahan mo na ang ate mo Dash, cyst. Alam mo naman na bunso kung ituring ka n’on. Ayaw niyang masaktan ka at ayaw niyang magamit ka. Intindihin mo na lang,” ani Mikmik sa akin at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. Tumango ako at mas yumakap sa kaniya nang mahigpit.
Ilang saglit ay inalayo ako ni Mikmik sa kaniya saka niya inilagay sa likod ng tainga ko sa mga nalaglag na hibla ng buhok ko.
“Kaya nga pala kami nandito kahit hindi naman klase, pinapatawag ka kasi ni Ma’am Nocom. May iaalok yata sa ’yo,” aniya sa akin at napatango naman ako.
Inayos ko lang sandali ang sarili ko bago na ako tumungo sa faculty ng mga teacher na iika-ika, kung saan naroon si Ma’am Noeme Nocom—isa sa mga prof namin na magaan ang loob ko. Ang alam ko ay kilala niya ang pamilya ko dahil malapit lang ang bahay niya sa bahay namin. Sabi-sabi rin ng mga estudyante na namatayan ng anak na babae si Ma’am Nocom kaya raw malapit ito sa mga babaeng estudyante.
“Good morning po, Ma’am,” bati ko sa kaniya nang makapasok ako ng faculty.
“Anak, halika rito,” aniya at sinenyasan ako na lumapit sa table niya na agad ko namang ginawa. “Anak, kailangan ko kasi ng encoder ngayon. Don’t worry ipapahiram ko naman itong laptop ko sa ’yo then I will be paying for your tuition fee as my payment. Alam kong hindi mo naman tatanggapin kung iaabot ko,” paliwanag niya sa akin at lubos ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat.
“P–Po?” hindi makapaniwalang wika ko.
“Hindi ko na kasi kaya ang mag-encode, anak. Sumasakit ang likod at mata ko sa pagkakaupo sa harap ng kompyuter. Balak ko nga rin sanang kuhanin kang student assistant ko kapag may dissertation na ’ko. For now ito munang encoding ang maibibigay kong trabaho sa ’yo,” mahabang turan niya at hindi ko alam kung ito na ba ang kapalit nang pag-iisip ko ng hindi maganda kanina.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapayakap kay Ma’am Nocom at magpasalamat dito. Hindi ko na rin iintindihin sa wakas ang tuition fee ko.
KASALUKUYAN akong nasa trabaho ngayon. Tanghali ang shift ko at medyo nakakaramdam ako ng antok nang bigla na lamang nag-vibrate ang telepono ko na nasa bulsa. Naipu-puslit ko ito kapag wala ang manager.
“Bea, sagutin ko lang ’to,” senyas ko kay Bea na nasa kabilang cashier. Tumango naman ito sa akin kaya’t mabilis akong tumungo ng banyo.
Pagkakita ko ng pangalan ni Zeev sa call register ay agad sunud-sunod na kumabog ang dibdib ko. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o hindi.
“H–Hello?” nanginginig na wika ko nang sagutin ko ang tawag.
“Hi, love. How are you?” tanong niya sa akin sa masiglang tono.
“A–Ayos lang ako. Bakit hindi ka nag-text kung nakarating ka na? Nag-alala ako,” wika ko ngunit ang totoo, alam kong hindi iyon ang mga salitang nais lumabas sa mga labi ko.
“I immediately joined the meeting, love, and guess what? My project has been approved. You are indeed my lucky charm!” masayang wika niya ngunit hindi ko magawang maging masaya. Paano naman akong sasaya hindi ba? Hindi ko nga sigurado kung ako ba talaga ang tinutukoy niya. Ayaw ko man mag-isip pero hindi ko mapigilan.
“C–Congrats! Sabi ko naman sa ’yo kaya mo, hindi ba?” pagkukunwaring bati ko.
“Yes, love. Well, it’s all because of you. You keep believing in me kahit ako mismo sa sarili ko, hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko,” aniya at hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman para sa mga salitang iyon.
Dahil siguro sa sobrang pag-iisip ko, iba ang nagiging dating sa akin ng mga salitang iyon.
“Love, are you still there?” tanong niya nang makalipas ang ilang segundo na hindi ako nagsasalita.
“Oo. Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya.
“Yeah. I already ate—”
“With whom?” Ako mismo ay nagulat sa ginawa kong pagputol sa kaniya sa pagsasalita.
“With the clients, of course. By the way, love, can you go here in Manila for three days? I will secure a place for you to stay. I just want to be with you. Nanghingi kasi ako ng three days na pahinga and I want to spend those days with you. . . and no one else but you,” paliwanag niya at ang hindi ko maintindihan sa puso ko. . . nalulunod na naman sa mga salita niya. Para akong nagagayuma at nagagawa niyang ipakalimot sa akin ang pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil tatlong araw ang hinihingi niya sa akin. Hindi ko alam kung paano kong malulusutan si Nanay at Tatay na mawawala ako ng tatlong araw.
“H–Hindi ko alam paano ako magpapaalam—”
“I already arranged that for you, love. I sent an invitation to your house. Sinulat ko roon na meron kang three-day-seminar dito sa Manila at lahat ng gagastusin mo ay sagot ng kumpanya. I also wrote there na bibigyan ka ng magandang posisyon kung magugustuhan ang performance mo sa seminar to make the invitation more appealing,” putol niya sa akin. Hindi ko sigurado kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga ipinaliwanag niya. Parang naplano na niya ang lahat at parang wala akong ibang puwedeng gawin kung hindi ang pumayag.
Katangahan man na ipagsawalang-kibo ko ang mga iniisip ko at mga pagdududa ko. . . sa huli ay pumayag ako. Gusto ko lang. . . gusto ko lang din makasama ang taong mahal ko. . . kahit nakaw. . . kahit bawal.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 7
SHAN
NAKARATING ako ng siyudad at namamangha ako sa bilang ng mga taong narito. Mas higit pang nakakalula ang bilang nila higit pa sa mga nagtataasang mga gusali.
May humintong itim na sasakyan sa harap ko at bumaba mula roon si Zeev na maluwag ang pagkakangiti sa akin. “Hi, love. Thank you for coming,” salubong niya sa akin saka niya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Ngumiti lamang ako nang tipid sa kaniya saka na ako sumakay.
Habang daan ay tahimik lamang ako at nakamasid sa magulong siyudad. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na tumira sa ganitong lugar. Kuntento ako sa katahimikan ng Pampanga at sa mga oportunidad na kayang ialok nito sa akin.
“How was your travel?” pukaw niya sa atensyon ko.
“Ayos lang naman,” tipid na sagot ko ngunit hindi ko naman siya nilingon.
“Love, may problema ba?” tanong niyang muli kaya’t doon na ako napalingon sa kaniya.
Magkakasunod akong umiling saka ko siya nginitian. Siguro nga at forte ko na rin sa ngayon ang pagiging mapagpanggap. “Wala naman. Iniisip ko lang ang naging pagsisinungaling ko sa Nanay at Tatay,” sagot ko sa kaniya.
“I’m sorry that you have to lie, Shan. I just wanted to be with you. I know that you knew that you are my greatest escape. Gusto ko lang tumakaw muna sa pagod, and you are my only way out,” aniya at itinuon na ang paningin sa kalsada.
Hindi na ako muling kumibo hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakataas na gusali. “Bababa na ba ’ko?” tanong ko sa kaniya.
“Yes, love. Wait for me at the entrance. I’ll just park my car,” sagot niya at tumango ako.
Bumaba ako mula sa sasakyan at tumuloy sa may entrada ng building. Nginitian pa ako ng guwardiya na nagbubukas ng pintuan na animo ba kilala na ako nito.
“Good day po, Ma’am,” bati nito sa akin. Yumuko lamang ako ng kaunti saka ako ngumiti rito. “Kasama po kayo ni Sir Zeev?” tanong nito at tumango naman ako. Ayaw kong magsalita at ayaw kong makipag-usap. Hindi ko alam ngunit iba ang pakiramdam ko ngayon.
Naramdaman yata nito na ayaw kong magsalita dahil hindi na ako nito muling kinausap.
“Love!” Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Zeev ba humahangos patungo sa akin. “Sorry for making you wait,” aniya sa akin saka kinuha ang kamay ko at magkapanabay naming binagtas papasok ang building.
“SIR ZEEV!” Kapwa kami napalingon ni Zeev sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin ang guwardiya na patungo sa pinaghintuan namin.
“Ano po iyon, Mang Agosto?” tanong ni Zeev dito.
“Tumawag po si Ma’am Re—”
“I’ve already talked to her. Thank you,” putol niya sa guwardiya at hinatak na niya ako paalis. Naguguluhan man ako ay nagpatianod na lamang ako sa paghila niya sa akin. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na tanungin at kuwestiyonin siya sa mga gagawin at sasabihin niya lalo pa at ako mismo ang dumayo upang makasama siya.
“Zeev—”
“We’re here,” aniya sa akin nang marating namin ang isang unit. “Our love nest.”
NAKATANAW lamang ako sa makulay na siyudad habang nakasalumbaba sa railings. Katatapos ko lamang maligo at hindi pa rin bumabalik si Zeev. Siya ang nagsabing gusto niya akong makasama ngunit magli-limang oras na siyang wala.
Pinipilit kong iwaksi lahat nang pagdududa ko sa kaniya lalo pa’t ipinararamdam naman niya sa akin na gagawin niya ang lahat nang kaya niya para lamang makasama ako. Tanga, marupok, bobo, lahat na yata ng mga salitang iyan ay ako ngunit nauubusan na ako nang pakialam. Mas nananaig pa rin ang kagustuhan kong maging masaya at ang pakiramdam na maging mahalaga.
Have you ever this felt way? Iyong pakiramdam na para kang uhaw sa pagmamahal, kaya ngayong ipinararamdam sa iyo, kahit pa nakakakita o nakakaalam ka ng mga bagay na alam mong dapat mong ipagkabahala ay pipiliin mo na lang na hindi pansinin? Iyong gusto mo na lang enjoyin ang katangahan dahil ngayon mo lang naman naranasan maging masaya at mapahalagahan? ’Cause I do. Right at this moment.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya’t napalingon ako roon. Nabungaran ko si Zeev na may dalang mga plastic na mukhang galing nag-grocery at may dala rin siyang bouquet ng mga dilaw na rosas.
Dumulog ako sa kaniya at aabutin sana ang mga plastic na dala niya nang iabot niya bigla sa akin ang bulaklak saka ako hinalikan sa noo. “I love you, Shan,” aniya bago na tumuloy sa kusina. Para na namang nalulusaw ang puso ko sa mga ginagawa at sinasabi niya.
Dala-dala ko ang mga bulaklak at agad akong sumunod sa kaniya. Naabutan ko siyang inilalagay sa ref ang mga binili niya.
“Bakit hindi mo sinabing maggo-grocery ka? Sana nasamahan man lang kita—”
“I want you to rest, love. I brought you here to relax at hindi para samahan akong umintindi ng mga bagay-bagay. I bought foods that will be sufficient for your three-day stay here,” baling niya sa akin saka naglakad papalapit. Hinawakan niya ang pisngi ko nang tuluyan na niyang marating ang gawi ko. “You just have to relax. . . and oh, you also have to love me deeper,” nakangiti niyang turan bago unti-unting bumaba ang mga labi niya patungo sa mga labi ko at hinagkan niya iyon nang marahan.
Ilang segundo ang lumipas at humiwalay na siya sa akin. “Zeev. . .” Hindi ko mawari ang sarili ko kung bakit tinawag ko siya nang ganoon.
“Don’t seduce me through the way you call me, Shan. I might not be able to hold on,” aniya at muli nang bumaling sa inaasikaso niyang mga grocery.
Hindi ko alam kung anong iniisip ko, basta’t bigla ko na lamang binitawan ang mga bulaklak at yumakap ako sa kaniya mula sa likuran at hinimlay ko ang ulo ko sa likuran niya.
“Mahal na mahal kita, Zeev. Mahal ko lahat ng sa iyo, pati mga bagay na hindi mo masabi sa akin. . . pipiliin at pipilitin kong mahalin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, and I want to cherish this feeling for the rest of my life,” turan ko sa kaniya at ramdam na ramdam ko kung paano siyang tila natuod sa narinig niya mula sa akin.
“Shan—”
“Kung makakahanap ka ng ibang babaeng gusto mong piliin kaysa sa akin, just tell me, Zeev. Hindi ako makasariling tao. Sanay akong magpaubaya. Hindi mo kailangan na maglihim sa akin kung mayroon kang ibang napupusuan. Kaya kong tanggapin at kaya kong lumayo para sa ikasasaya mo—” Naputol ako sa pagsasalita dahil bigla na lamang niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap ako.
“Where did those words come from?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. “You are the only one I love and I will always choose you over anything, Shan. Stop thinking low about yourself. Mahal kita. Mahal na mahal kita and I want you to always keep that in mind. Kung may mamahalin pa ako nang higit sa ’yo. . . that would be our child, Shan.”
Bigla ko siyang niyakap nang napakahigpit dahil sa mga sinabi niya sa akin. I no longer care about my intuition. I must have been overthinking without proper proofs.
“Zeev. . . Don’t leave me. . . ever. Baka hindi ko kayanin.”
Inilayo niya ako sa kaniya saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.
“I won’t, love. I won’t,” sagot niya sa akin saka ako siniil ng isang halik na tila mapaghanap at nakakaakit.
“Hmmmm. . .”
“I love you, Shan. . .”
NAGISING ako dahil sa pag-ring ng telepono ko. Dahan-dahan ko itong kinuha dahil baka magising si Zeev na nasa tabi ko.
Nakita kong pangalan ni Dash ang nakarehistro sa caller ID kaya’y agad ko itong sinagot bago ako bumangon.
Sinuot ko ang bathrobe na nakasabit sa may cabinet dahil wala pa akong saplot sa mga oras na ’to bago ako tumungo sa veranda.
“PUNYETA KA!” salubong na mura sa akin ni Dash sa kabilang linya. “Hindi ka man lang nagsabi na may alok-alok kang nagaganap na ganiyan kung hindi ko pa nakausap si Sharry!”
“Dash. . .”
“Punyemas. Hindi ko gusto iyang mga ganiyan mong tono!” singhal niya sa akin.
“Hindi totoong may alok ako rito sa Manila. Kasama ko ngayon si Zeev. Nagsinungaling ako kay Nanay at Tatay—”
“’Tang ina talaga. Kapag tinamaan ka naman pala talaga ng lintek. Ang talino mo, Shan, pero bakit ang bobo mo ngayon?” Ramdam ko ang iritasyon niya sa mga binibitawan niyang salita. “Pagrarausan ka lang niyan nang makailang ulit kaya ka niya dinala diyan. Dito kasi sa atin limited ang oras na puwede ka niyang gamitin nang gamitin. Jusko, girl! Parang gusto na lang kitang ikandado sa basement ng bahay namin para hindi na magkanda letse-letse iyang mga desisyon mo sa buhay!”
“Totoong mahal ko siya, Dash. Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung ano bang ginagawa ko, pero totoong nalulunod ako sa pagmamahal na meron ako para sa kaniya. I could go against my parents and principles for him. Hindi ko alam. . . Hindi ko na alam,” sagot ko kay Dash at narinig ko ang malalim niyang buntonghininga mula sa kabilang linya.
“Kaibigan lang ako. Wala na akong magagawa sa katigasan ng ulo mo. Ang sa akin lang, mag-iingat ka,” aniya na may himig pagtatampo bago niya pinatay ang tawag.
Napabuntonghininga na lamang din ako bago ako bumalik sa loob. Naabutan kong gising na si Zeev at nakaupo sa gilid ng kama.
“Good morning, love,” bati niya sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko.
“Good morning. Anong gusto mong almusalin?” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw po sana. Ayos lang po ba?” aniya at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa isinagot niya.
“Z–Zeev naman,” nahihiya kong wika sa kaniya at napayuko ko.
Tumawa siya at lumapit sa akin saka hinawakan ang baba ko at pinagtama ang mga mata namin. “I’m just kidding, love. Hindi tayo rito mag-aalmusal,” wika niya at bahagya akong naguluhan sa narinig ko.
“S–Saan?”
“Sa bahay. My mom wants to meet you.”
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 8
SHAN
“PAANO itong gaga mong kaibigan, binalak lang iharap sa nanay ng jowa niyang hilaw, akala mo nasa alapaap na, kaya noong hindi natuloy, ito at akala mo semana santa na sa kaniya!” ani Dash may Mikmik. Katatapos kong magkuwento sa kaniya at saktong kadarating lang ni Mikmik at tinatanong kung bakit parang wala raw ako sa sarili. Narito kasi kami sa ilalim ng malaking puno ng Narra.
“Tsaka nga pala, cyst, akala ko ba tatlong araw ka roon bakit isang araw lang nandito ka na?” tanong sa akin ni Mikmik.
“May emergency business meeting kasi siya sa Siargao—”
“At naniwala ka naman? Sabagay, uto-uto ka nga palang talaga,” angil sa akin ni Dash.
“Alam mo, Dashinel, lagi ka na lang masungit. Para kang laging may dalaw. Natural na maging uto-uto ’tong si Shan, first time, e. Isa pa, hindi mo naman maalis sa kaniya ang maniwala, bukod sa mahal niya, nabilog na ni manila boy ang ulo niya. Wala namang masama—”
“ANONG WALANG MASAMA? GAGA, NAGING PARAUSAN IYANG KAIBIGAN MO ROON, TAPOS SASABIHIN MO WALANG MASAMA? KUNG TUMBUNGAN KAYA KITA TAPOS SABIHIN MO SA AKIN NA WALANG MASAMA SA GINAWA KO?” putol niya kay Mikmik saka pa siya umirap.
Nakita kong nag-make face si Mikmik habang nakatingin kay Dash kaya’y bahagya akong napangiti. “Hayaan n’yo lang ako. Masaya ako sa nangyayari at sa ginagawa ko,” marahan kong turan sa kanila kaya’y sabay silang napalingon sa akin.
“Happy now, hinagpis later,” masungit na pahayag ni Dash. “Hinatid ka ba?” tanong niya.
“Nag-commute lang ulit ako pabalik. Kailangan niya kasing humabol sa flight,” sagot ko sa kaniya.
“Flight o baka may ibang kinakalantari? Alam mo, girl, minsan may mga iwinawagayway naman na talagang red flag pero pinipili nating huwag tignan kasi tanga tayo kapag nagmamahal. Sa kaso mo, baka may mga clue na pero nagtatanga-tangahan ka lang muna,” aniyang muli sa akin at unti-unting rumehistro sa isip ko ang mga naging agam-agam ko nang minsan.
Yumuko ako bago ako nagsalita. “H–Hindi ko alam.”
“Dahan-dahan namin kasi, Dash! Matatampal din kitang bruha ka, e. Hindi lahat kasing tigas ng puso mo. Pareho kayong disiotso pero hindi gaya mo, late namulat ang isang ’to,” sita sa kaniya ni Mikmik kaya’y napa-angat ako ng tingin.
Nakita kong pumikit si Dash at bununtonghininga. “Minsan ko lang sasabihin ’to maya makinig kayo. Okay?” aniya nang makadilat at tumingin sa amin.
“Okay, gora!” sagot ni Mikmik.
“Alam kong nagtataka kayo kung bakit ang bitter ko, kung bakit lahat ng lumalabas sa bibig ko at negatibo, pero kasi lahat iyon. . . galing sa experience ko.”
“So totoong na-broken ka noon?” tanong ni Mikmik sa kaniya at ako naman ay tahimik lamang at nakikinig.
“I was raped. . . by my boyfriend at the age of sixteen. . . we’re both sixteen,” aniya na ikinagulat namin ni Mikmik nang husto. Literal akong napanganga at naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. “Huwag n’yo ’kong kaawaan. Hindi ko ’yan kailangan,” masungit at taas-kilay na sita niya sa amin.
“Anong nangyari?” Bigla ang paghina ng boses ni Mikmik na wari bang nakikisimpatya.
“He told me he loves me. He told me that I am the meaning of world for him. He gave me so much sweet words that I felt so damn important,” panimula niya nang pagku-kuwento.
“Totoong nakakauto-uto ang pagmamahal?” singit ni Mikmik.
Tumango si Dash sa kaniya at ngumiti nang mapait. “Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko at napakahalaga ko. Pakiramdam ko mahal na mahal na mahal niya ’ko dahil sa mga sinasabi at ipinapakita niya. . . but I was wrong. I was fooled,” patuloy ni Dash at ramdam ko na ang pagkabasag ng boses niya.
“Kung hindi kaya, Dash, huwag mo nang ituloy,” sabat ko at umiling siya sa akin na tila sinasabi niyang itutuloy niya.
“He only did and said the actions and words that I wanted to see and hear to completely fool me and be his slave. Sinabi niya lang ang mga salitang gusto kong marinig para tuluyan akong mahulog at bumigay. . . and when I did, he took advantage of my vulnerability and naiveness. Natatakot akong iyon ang mangyari sa ’yo, Shan. Natatakot akong pagkatapos mong mabilis na ibinigay ang lahat, maiwan kang mag-isa at durog na durog.”
Bigla akong yumakap kay Dash at umiyak sa balikat niya. “Akala ko hobby mo lang na kagalitan ako sa mga katangahan ko, pero lahat pala nang sinasabi mo ay naranasan mo kaya ayaw mong maranasan ko.”
“Hindi puwedeng padalos-dalos ang mga desisyon. Hindi puwedeng porke’t ginusto mo, tama ka na at gagawin mo na. Hindi porke’t pinaramdaman ka nang kakarampot na pagmamahal, akala mo totoo na. Hindi dahil pinakitaan ka ng kabaitan, akala mo iyon na hanggang dulo. I don’t want to sound bitter but it’s the reality of life, Shan,” aniya at hinagod ang likuran ko.
“Ang drama n’yo naman!” ani Mikmik at nakiyakap na rin sa amin.
“We tend to decide things base on what we feel and not with what we think is right and appropriate, kaya madalas tayong napapahamak. Minsan sa sobrang lunod natin sa galak o sa sakit, nakakalimutan na nating mag-isip nang tama. Basta kung anong tumakbo sa utak natin, iyon na ang gagawin natin at wala nang bawian. Hindi ganoon, Shan. Baka kung anong bilis nang akala mong pagmamahalan n’yo ay siya ring bilis nang paglagpak. Take it slowly and surely,” mahabang turan niya at doon na lalong bumuhos ang mga luha namin. Para kaming sirang tatlo na nag-iiyakan sa lilim ng malaking puno.
NAABUTAN kong nanahi si Nanay nang makarating ako sa bahay. Normal sa kaniyang hindi kumibo kahit pa makita niya akong dumating kaya’t tuloy-tuloy na lamang akong nagmano sa kaniya.
Paakyat na sana ako ng silid namin ni Sharry nang bigla na lamang siyang magsalita na umagaw ng atensyon ko. “Baka may naitatabi kang pera diyan?”
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang patuloy pa rin na nananahi. “May naitatago po akong pera ngayon, Nay, pero gagamitin ko po siya para sa feasibility study po namin—”
“Huwag na. Masyado kang maraming sinasabi,” putol niya sa akin at pabagsak pang binitawan ang gunting.
“Ipapahiram mo na lang muna po sa inyo—”
“Huwag na! Baka sumbatan mo pa ’ko!” aniya at parang nakaramdam ako ng panlulumo. Ang hirap lang nang ganito. Sa tuwinang manghihiram siya sa akin kahit la gagamitin ko, ibibigay ko, ngayon lang ako nakatanggi ng ganito pero parang ang sama ko na agad na anak.
Tumuloy ako sa silid namin ni Sharry at hindi ko naabutan ang kapatid ko. Maaga lang siguro akong nakauwi.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan at tumingin lamang ako sa kawalan.
Minsan hindi ko alam kung ano ba ako sa nanay at tatay ko. Nawala ako ng isang araq ngunit hindi man lamang nila pakibalitaan kung anong naging ganap ko roon o kung anong nangyari sa akin. Gusto ko nang makaramdam nang pagtatampo pero pinipilit kong iwaksi iyon sa utak ko.
Bumangon ako at kinuha ko ang telepono ko sa bag ko. Kanina pa rin ako naghihintay ng text o tawag ni Zeev ngunit wala pa rin talaga akong natatanggap mula sa kaniya.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla na lamang tumunog ang telepono ko at awtomatiko ang naging pagsilay ng ngiti sa mga labi ko nang makita kong pangalan ni Zeev ang rumehistro sa caller ID.
“Hello?”
“Hi, love! I’m sorry I have to sent you alone. Hindi ko rin naman inaasahan na magkakaroon ng emergency meeting dito sa Siargao—”
“Ayos lang, Zeev. Hindi mo kailangan magpaliwanag. Naiintindihan ko,” putol ko sa kaniya.
“Love. . . alam kong merong problema kahit hindi mo sabihin. Nararamdaman kong balisa ka kahit pa magkasama tayo. Kung hindi makakasakit sa ’yo, can you tell me what is it? Gusto ko lang na damayan ka,” aniya at hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. . . kung dapat ba akong matuwa na alam niyang may mali sa pagitan namin o masaktan dahil tila siya nagpapanggap na ayos lamang ang lahat.
“Zeev, alam mong ikaw ang una ko sa lahat, hindi ba?” tanong ko sa kaniya.
“Of course, love. I felt it, and I am so grateful about it. Pakiramdam ko nga ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo dahil pag-aari kita,” tugon niya sa akin.
“Do you think na ang tanga ko dahil bumigay agad ako sa ’yo kahit pa mag-iilang buwan pa lamang ang relasyon natin?” tanong kong muli at napakagat labi pa ako sa dahil sa pagiging deretso mg mga tanong ko.
“No. No, love! Of course not. Pinatunayan mo lang talaga na mahal mo ’ko kaya mo ginagawa iyon. Binigyan mo lang din ako ng sapat na karapatan para matawag kitang sa akin,” sagot niya sa akin mula sa kabilang linya.
“Iiwan mo ba ’ko? Lolokohin mo rin ba ’ko? Sasaktan mo rin ba ’ko? Hindi ko alam kung kakayanin kong kayanin kung darating man tayo sa puntong iyan, Zeev. Iniisip ko pa lang, parang nahihirapan na akong huminga. Iniisip ko pa lang pero parang ang sakit-sakit na,” wika ko at napatutop pa ako sa mga labi ko dahil natatakot akong baka may tumakas na hikbi mula sa akin. Ayaw kong isipin niyang nag-iinarte ako.
Ayaw ko man bigyan ng kahulugan, ngunit nakaramdam ako nang pangamba nang hindi siya agad sumagot mula sa kabilang linya.
“N–No, love. I’m not gonna leave you. I–I will never cheat on you. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, ’hindi ba?” sagot niya sa akin ngunit hindi n’on nagawang pagaanin ang loob ko lalo pa at narinig ko siyang bahagyang nanga-utal sa pagsagot sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago ko tuluyang sinabi ang mga salitang noon pa nais kumawala mula sa akin. “Sino siya, Zeev? Sino ang babaeng tumawag sa ’yo at tinawag mong babe—”
“Who are you talking to, babe? Answer me! Who are you talking to, Zeev!?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 9
SHAN
MATULIN na lumipas ang isang buwan at hindi man lamang ako kinontak ni Zeev. Sinubukan ko siyang tawagan nang makailang ulit ngunit out of reach na ang telepono niya. Gabi-gabi akong umiiyak dahil pakiramdam ko bigla na lamang nawala ang huling taong inaasahan kong makakapitan ko hanggang dulo.
“Shan Kassidy Alvarez,” narinig ko ang tinig na iyon pero para talaga akong hinihila ng antok kaya’t kahit pagsasabi ng present ay hindi ko magawa.
“Huy, cyst!” Tila ako bumalik sa reyalidad nang marinig ko ang singhal na iyon sa akin ni Mikmik.
“P–Present po!” sigaw ko na ikinagulat pa ng klase. Nakita ko ang pangungunot ng noo ng karamihan na mukhang nawirdohan sa iginawi ko. Hiyang-hiya tuloy ako na napaupo.
“Ano bang iniisip mo, cyst? Para kang lutang, gaga!” sita sa akin ni Mikmik nang matapos na ang klase namin.
“Sa pagod siguro ng bobaytang ’yan. Sinabi na kasing isang part time na lang ang kuhanin tutal SA naman na siya ni Ma’am Nocom at may sweldo rin, aba talagang kinarir. Pumapasok pa rin sa burger machine! Pero maiba ako, Shan, ilang araw ko nang napapansin ’to, feeling ko may mali talaga sa ’yo. Alam mong ’yong parang hindi lang all about work. Ngayon may patulala at antok effect ka pa. Pa-mysterious ka rin na gaga ka, e.” sermon naman ni Dash.
“Hindi naman. Pagod lang lagi talaga, hayaan n’yo na. Alam n’yo naman na kailangan ko talaga ng pera. Hindi naman ako kasing yaman n’yong dalawa. Kung hindi nga ako scholar baka hindi ako nakapag-aral—”
“Ay, ewan ko sa ’yo! Pagsabihan mo ’yang kaibigan mo, Michael Angelo. Nakakapikon masyado ang kabaitan!” putol na singhal ni Dash. Mukhang ang tinutukoy na naman niya ay ang paghingi-hingi sa akin nila Nanay ng pera.
“Gaga naman, Dashinel! Buong-buo at lalaking-lalaki. Dimunyu ka. Sinabing huwag mo ’kong tawagin sa ganiyang pangalan! Barako ba ’ko? Pang-snow white and the seven dwarfs kaya ang ganda ko!” angil naman ni Mikmik kay Dash.
Kung wala siguro ang dalawang kaibigan ko na ’to, lalo ko nang dinibdib ang pagkawala na lang bigla ni Zeev. Kung wala sila para mapagsabihan ko ng sakit, baka matagal na akong nalugmok ng sobra.
“Huwag na kayong mag-away. Vacant natin, gusto n’yong kumain ng kwek-kwek?” tanong ko sa kanila.
“Manlilibre ka ba?” tanong ni Dash pabalik sa akin at nakataas pa ang isqng kilay.
“Hoy, babaeng bakla, nakita mo naman na problemado ’tong tao sa pera, huhuthutan mo pa!”
“Si bakla naman, hindi mabiro. Tara na nga!” aya ni Dash saka nila ako inangklahan sa magkabila kong braso.
Nang makita ko ang kwek-kwek ay para akong lumutang bigla sa saya. Hindi ko nga mabilang kung nakailan na ’ko. Basta ang alam ko lang ay nakakarami na ’ko.
“Awow! Patay-gutom ka, cyst? Para kang aagawan, ah?” puna sa akin ni Mikmik pero hindi ko siya pinansin. Mas nakatuon ang pansin ko sa sarap ng kwek-kwek.
“Kakalamon mo na ’yan lalo kang lolobo, gaga! Itlog pa ng pugo ang tinira, e ang taas ng calories niyan!” sabat naman ni Dash pero busy talaga ako sa pagkain. Talo-talo muna.
“Parang gusto ko ng guyabano shake?” wika ko nang bumaling ako sa kanila. Tapos na akong kumain at busog na busog na ’ko.
“Para kang naglilihi—” Hindi natapos ni Mikmik ang sasabihin niya dahil hinampas siya ni Dash at para silang nagka-unawaan sa tinginan nila.
Hindi nila ako pinagbigyan, bagkus ay inaya nila akong magpahinga sa full house ng eskwelahan, pero ramdam ko na agad na may nag-iba sa awra nila.
“Magsasalita ka o matatampal ka?” seryosong wika ni Dash na hindi ko alam kung saan nanggaling.
“Cyst, si Shan ka ba talaga? Hindi ka ganiyan katakaw noon, at mas lalo naman na hindi ka lumolobo dahil tagtag ka sa trabaho. Anyare? Magsalita ka,” wika naman ni Mikmik at kunot-noo lamang akong napatingin sa kanila.
“Anong—”
“Buntis ka ba?” deretsong tanong ni Dash at para akong hinambalos ng dos-por-dos sa narinig ko.
“H–Hindi,” maagap na sagot ko ngunit hindi nawala ang mga mapang-usig nilang tingin sa akin.
“Ako nga huwag mong pinaglololoko, Shan! Expert ako sa panloloko. Nafe-fake ko nga ang orgasm ko sa jowa kong gago tapos lolokohin mo ’ko. I-fe-friendship over talaga kita!” singhal sa aking muli ni Dash. Ramdam kong nanggagalaiti na siya.
“Baby cyst, umamin ka na kasi. Hindi naman kaso ’yon—”
“H–Hindi talaga ako buntis,” putol ko saka ako napayuko. “Hindi. . . hindi yata. Hindi ko alam.”
“Anong hindi, tapos hindi yata, ngayon hindi mo alam? Punyemas, Shan Kassidy! Nawiwindang ako sa mga ganap mo sa life!” ani Dash. Kita ko sa mata niya ang frustration dahil sa mga isinagot ko.
“Sinong ama? Isang buwan na mula nang mawala ang gago mong jowang deputa! Huwag mo rin akong babanatan na aksidente ’yan, dahil imposibleng makabunggo ka ng tite sa daan!” wika naman ni Mikmik at para akong nanglulumo. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila.
“Sumagot ka, susmaryosep! Shan naman, halos baby-hin ka nga namin nito ni Michael Angelo tapos biglang ganito? Kailan ka huling dinatnan? Kailan kayo huling nag-chukchakan? Noong lumuwas ka pa-Manila? Punyeta talaga!”
“S–Si Zeev. Sigurado ako. Sa kaniya ko lang naman ginawa—”
“Ay, punyawa! Ang jowa niyang hilaw na lulubog-lilitaw tapos biglang nawala!” putol sa akin ni Dash saka ako inismiran. Nahihiya ako sa kaniya. . . sa kanila.
Hindi na ako nagtaka nang sinabi nila na huwag na kaming pumasok sa last subject. Alam kong nais na nilang kumpirmahin kung totoo nga ang pagbubuntis ko.
Nauna kaming tumungo sa botika. Namili si Dash ng pregnancy test kit, at siya na rin ang nagbayad.
“Hindi mo kami kasama noong nasasarapan ka, cyst. Pero itong mudra mo Dash, go na go,” bulong sa akin ni Mikmik nang nasa jeep na kami patungo sa apartment niya.
Nang marating namin ang apartment ni Mikmik ay agad inabot ni Dash sa akin ang kit. “Oh, alam mo bang gamitin ’yan?” tanong niya.
“H–Hindi,” utal kong sagot dahil ang utak ko ay naroon na sa resulta.
“Makukurot ko na talaga ’yang singit mo!” aniya at pinanlakihan pa ako ng mga mata. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kit. “Umihi ka rito sa plastic cup tapos ito ’yong dropper, para hindi makalat sa pagkuha ng ihi mo. Cyst, iyong gitnang ihi mo ang saluhin mo para mas legit ang resulta. Itong bilog na maliit, dito mo ipapatak ’yong ihi mo. Kapag gumapang na ’yong ihi at dalawang guhit na pula ’yan, welcome motherhood ka na and hello abugbog Nanay at Tatay ka pa,” pagtuturo niya sa akin na may halong kasarkastikuhan.
Nakuha ko naman lahat ng mga sinabi at itinuro niya saka na ako tuluyang pumasok ng banyo at sinunod ang mga iyon.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko ang dalawang pulang guhit sa PT. Agad akong lumabas at pinakita ito kina Dash at Mikmik.
“Ay, sheeeet! Buntis nga ang bruha!” ani Mikmik at hindi ko maipaliwanag ang emosyon niya.
“Matulis at asintado ang jowa mong bugok pa sa lahat nang bugok,” iiling-iling na reaksyon ni Dash.
Kung ako ang tatanungin, para akong masayang-masaya na takot na takot. Nangingig nga rin ang mga kamay ko habang hawak ko ang kit. Hindi ko rin maipaliwanag ang tibok ng puso ko. Ang daming gumugulo sa akin ngayon. Ang daming tanong na hindi ko mahanapan ng sagot.
Kaya ko ba?
Paano na ang pag-aaral ko?
Handa ba ako sa responsibilidad?
Paano ang mga pangarap ko para sarili ko at kapatid ko?
Disiotso lamang ako at hindi pa sigurado sa lahat ng mga nais mangyari sa buhay. . . tapos magkakaroon na ako ng isang responsibilidad.
Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Zeev lalo pa at hindi ko siya makontak kahit na anong gawin ko. Hindi ko rin alam kung paano kong aaminin kay Nanay at Tatay na nagdadalang-tao ako. Tiyak na papatayin nila ako sa galit dahil wala silang malay nagkaroon ako ng nobyo.
“Masaya ako para sa’yo, Shan, pero natatakot din ako. Alam naman natin ang mga magulang mo. Hindi ko alam kung anong magagawa nila sa’yo,” malungkot na pahayag ni Mikmik. “Kaya hindi rin maganda talaga na sobrang istrikto ng mga magulang. Mostly, most strict parents raised the best liars. Sa sobrang istrikto, napipilitan magsinungaling ang mga bata para lang magawa ang mga gusto.”
Napakagat ako sa pang-ilalim na labi ko. Nararamdaman ko na agad na kasusuklaman ako ni Nanay at Tatay dahil dito. Siguradong ipapamukha nila na wala pa akong napapatunayan, na wala pa akong maipagmamalaki, na wala pa ’kong karapatan dahil kargo pa rin nila ako hanggang ngayon, at higit sa lahat, ipapamukha nilang wala pa akong naitutulong.
Tumingin ako kina Dash at Mikmik. Nakita ko ang awa sa mga mata nila. “Hindi ko alam ang gagawin ko—”
“Gaga ka pala, e! Natural sasabihin mo sa tatay niyang anak mo ang sitwasyon para mapanagutan ka niya!” angil naman ni Dash.
Yumuko lang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Hindi ko alam saan ako magsisimula.
“Alam n’yong isang buwan ko na siyang hindi makontak. . .”
“Puntahan natin, ’tang ina niya! Ano ’to? Sa kaniya amg sarap, sa ’yo ang hirap? Siya ang magpapakasasa, ikaw ang magdurusa? Pupuntahan natin ang animal na ’yon!” ani Dash at dinig ko ang pagkabasag ng boses niya na wari bang siya ang nasasaktan para sa akin.
Nagulat na lamang ako nang bigla nila akong niyakap na dalawa. Mahigpit na mahigpit na tipong ramdam ko ang concern at pagmamahal.
“Mabuti pa’t umuwi ka na para makapagpahinga. Kahit wala akong matris, mauuna pa akong makunan sa mga pasabog mo,” ani Mikmik nang humiwalay sila sa akin.
“Tara nga’t ihahatid ka namin sa sakayan,” dagdag naman ni Dash na ikinatango ko.
Naisakay na nila ako ng jeep at ngayon ay unti-unti nang nag-sink in sa akin ang lahat. Buntis nga ako. Gusto ko mang pumalahaw ng iyak, ngunit nandito na ’to, at hindi ko ito dapat pagsisihan kahit na kailan.
Lihim akong napakapa sa tiyan ko, at bahagyang ngumiti.
“Anak, kapit lang ha? Ipapaalam natin sa Papa mo na narito ka na sa mundo. . . sana tanggapin at mahalin ka niya. Hindi ka pa naisisilang, anak, pero mahal na mahal na kita.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 10
SHAN
HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para makiusap kay Dash na samahan ako ngayon dito sa Maynila. Dinala namin ang sasakyan ng Daddy niya. Mabuti na lang din talaga at may lisensya si Dash.
“Nanggigigil ako sa lalaking ’yan. Sinasabi ko sa ’yo, Shan, oras na magtapo kami, talagang makakatikim sa akin ang hayop na ’yon! Lakas magpasarap, ngayong may responsibilidad na, bigla na lang mawawala ang hayop,” gigil na wika ni Dash.
Binabagtas namin ang daan ngayon patungo sa pinagdalhan niyang condo unit dati sa akin. Mabuti nga at naiwan ang location nito sa history ng waze ko kaya agad namin itong natunton. Kung ako lang, hindi ako matandain sa daan lalo pa’t napakalaki ng siyudad.
“Hindi naman siguro niya sinadya na hindi ako kontakin. Sa palagay ay may valid reason naman siya—”
“Itigil mo ’yang katangan mo, punyeta! Ibabalik ko talaga ’tong sasakyan, makita mo!” putol na singhal sa akin ni Dash. “Hindi sinadya? ’Tang ina, isang buwan hindi nagparamdam sa ’yo, tapos hindi sinadya? Gaga ka talaga!” Damang-dama ko ang gigil niya pero wala siyang magawa. Damang-dama ko ang pagkapikon niya sa paraan ng pag-iisip ko, pero nandito pa rin siya para sa akin.
Nanahimik na lamang ako at hindi na sumagot pa. Mahirap kapag si Dash ang tinopak. Ayaw kong pati siya ay maging kalaban ko pa.
Ilang oras pa ay narating na namin ang condo unit na pinagdalhan noon sa akin ni Zeev. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang pamilyar na guwardya na nasa mismong entrada.
“Magandang araw po,” bati ko rito.
“Magandang araw rin naman ho, Ma’am. Ano pong sa atin?” magalang na tanong sa akin nito. Mukhang hindi niya ako nakikilala at naaalala.
“Mang Agosto, ako po iyong kasama ni Zeev noon. Hindi n’yo po ba ako naaalala?” tanong ko sa kaniya at tila nagulat naman siya.
“Ay oo nga ho, Ma’am. Sabi ko na nga ba at parang pamilyar ho kayo,” ika nito sa akin na ikinatuwa ko. “Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong nitong muli.
Dalawang beses muna akong nagbuntonghininga bago ko narinig ang pagtikhim ni Dash na wari bang sinasabi niyang magmadali na ako. “N–Nariyan po ba sa condo unit niya si Zeev ngayon?” utal na tanong ko.
“Ay, Ma’am, hindi man po rito ang condo unit ni Sir Zeev,” sagot nito na nakapagpalumo sa akin. “Condo unit po iyon ni Sir Cholo, iyong kaibigan niya po.”
“Ay tinamaan nga naman ng lintek,” dinig kong pikon na bulong ni Dash.
Napaipaghawak ko ang mga kamay ko dala ng kaba. Pakiramdam ko ay gusto kong himatayin sa mga oras na ito dahil sa matinding kabog ng dibdib ko.
Mukhang nararamdaman ng anak ko ang takpt na nararamdaman ko dahil sumasakit nang sobrang ang puson ko.
“D–Dash. . .” Agad akong napakapit kay Dash. “A–Ang sakit ng puson ko. . .” daing ko sa kaniya. Mabilis naman niya akong inalalayan na tila natataranta.
“Umayos ka, Shan! Kapag iyang anak mo nawala sa ’yo baka hindi ko mapigilan ang magagawa ko sa hayop na ’yon,” gigil na bulong sa akin ni Dash kaya’t pinilit kong tatagan ang loob ko.
“Ayos lang po ba kayo, Ma’am?” tanong ni Mang Agosto. “Hindi ko po alam na babalik kayo ngayon, dahil ang sabi po ni Sir Zeev, three-day-seminar lang naman daw po ang ipinunta n’yo rito sa siyudad. Nagtaka nga rin po ako dahil agad din kayong umalis noon,” anito at naguluhan ako ng sobra.
Lumunok ako ng tatlong ulit saka nagbuntonghininga ng isang beses.
“Ano ho bang pakilala ni Zeev sa kaibagan ko sa inyo?” pakikialam ni Dash. Gusto ko man siyang pigilan ay tila nawawalan ako ng sapat na lakas.
“Sinabi ho sa amin ni Sir Zeev na intern daw po niya itong si Ma’am at sa condo muna ni Sir Cholo mamamalagi dahil po hindi niya kabisado ang lungsod—”
“Grabe! Grabe naman!” putol ni Dash. Hindi ko maipaliwanag ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko sa narinig ko. Gusto kong pumalahaw ng iyak pero tila naiipon lahat ng sakit sa dibdib ko.
Mukhang naguluhan na rin si Mang Agosto dahil nag-iba ang timpla ng mukha nito. “Kung mahalaga po ang ipinunta n’yo rito, maaari ko pong ibigay ang numero niya sa inyo na alam kong ginagamit niya. Nakikiusap lang po akong huwag n’yo sanang sabihin na sa akin ninyo nakuha dahil mahal ko po ang trabaho ko. Tatlong anak ko pa po ang nag-aaral. Nakikita ko lang po talagang mukhang importanteng makausap ninyo si Sir Zeev,” anang matanda at sunod-sunod akong tumango.
Kumuha ito ng papel at isinulat doon ang numbero saka niya iniabot sa akin. “Maraming salamat po,” wika ko rito saka na ako iginiya ni Dash patungo sa sasakyan.
Nang makasakay kami ay bumuhos ang matinding luha ng sakit mula sa akin. Hindi ko matanggap na ganito. Ang sakit. . . sobrang sakit.
“Punyeta! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Paiibigin ka saka ka iiwang may laman ang tiyan! Hindi ka kasi nakinig sa akin. And what? Intern? So damn kabobohan! He introduced you to them as his freaking intern? Wow! Manipulative freak of all times! ’Tang ina ang sarap niyang balatan ng buhay at ipagulong sa kalamansi at asin!” galit na bulalas ni Dash saka ako biglang hinarap at kinabig para yakapin.
“D–Dash. . . hindi ko alam. A–Ano na bang gagawin ko?” naguguluhang wika ko kasabay ng mga paghikbi ko. Naramdaman ko na hinaplos niya ang likod ko.
“Naiinis ako sa ’yo, pero nangingibabaw ang pakiramdam ng pagiging ate ko sa ’yo. Bakit naman kasi hindi ka nag-iingat? Kabilin-bilinan ko sa ’yo, pag-ingatan mo ang sarili mo pero hindi ka nakinig. Masyado kang nalunod sa kapusukan. Masyado mong ninamnam ’yong pagmamahal na akala mo hanggang dulo na,” sermon niya ngunit ang sermon na iyon ay punung-puno ng pagmamahal.
Inihiwalay niya ako sa kaniya saka niya pinahiran ang mga luha ko. “Hindi ko na alam ano pang gagawin ko. . .”
“Call him now,” utos niya sa akin at tumango ako.
Kinuha ko ang telepono ko at sinubukan kong tawagan ang numerong ibinigay ni Mang Agosto. Halos magbunyi ang buo kong pagkatao nang mag-ring ang telepono niya sa kabilang linya.
Bumuntonghininga ako at pinipilit patigilin ang sarili ko mula sa paghikbi. Ayaw kong isipin niyang umiiyak ako kahit iyon pa ang totoo. Ayaw kong maging problema ni Zeev kung sakali man na makontak ko siya. Hangga’t maaari, ang nais ko lamang ay bigyan siya ng kasiyahan na malaman na magkaka-anak na kaming dalawa.
Kung pantasya man iyong matuturing, hindi ko alam. Basta sa mga oras na ito, ang nais ko lang naman ay tanggapin at mahalin niya ang bunga ng pagmamahalan namin. . . kahit pa hindi ko alam kung naging totoo ba siya sa akin.
Natapos ang unang tawag nang hindi sinasagot ni Zeev ang telepono niya, kaya’t muli akong sumubok. . . ngunit tila nagkamali ako sa muli kong pagsubok dahil sa tinig na sumagot mula sa kabilang linya.
“Hi? Who’s this?” Nakaramdam agad ako ng hindi maipaliwanag na kaba sa tinig na iyon. Isang babae, at ramdam ko ang kakaibang awra sa tinig niya.
“Si Shan po ito. Hindi po ba’t telepono ni Zeev ’to?” tanong ko. Pinilit kong iayos ang pananalita ko kahit iba na ang kabog ng dibdib ko. Iba na rin ang tingin ni Dash na para bang gusto niyang agawin sa akin ang telepono.
“Yes, this is his phone. Who’s Shan?”
“Girlfriend niya po,” sagot ko. Pilit kong pinatatag ang boses ko dahil nararamdaman ko nang may mali.
“Girlfriend your face, Miss. Stop messing with me. I have no time for this prank,” anito sa pikon na tono.
“N–Nagsasabi po ako ng totoo.” Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko dahil tila may nakabara sa lalamunan ko.
“You’re not funny. I am his fiancé and my name is Rebecca. Ang layo ng Shan sa Rebecca! I’m gonna block you, bitch!” anito at pinatay na ang tawag.
Napatulala ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin. Lahat na yata ng dapat magunaw sa akin, nagsimula nang mawasak. Lahat ng pasakit, inisang bagsak.
“PUTANG INA TALAGA!” galit na hiyaw ni Dash saka niya inagaw ang telepono sa akin at sabay niyang kinuha ang laptop niya sa backseat.
Ikinonekta niya ang telepono ko sa laptop niya at marami siyang ginawa roon na halos hindi ko na masundan. Bumubuhos lamang ang mga luha ko habang nakatingin sa ginagawa niya.
Ilang saglit pa ay bigla na siyang huminto sa ginagawa niya at ibinalik na niya ang telopono ko sa akin at ang laptop naman niya sa backseat.
“Got you, stupid motherfuckers!” gigil na wika niya.
“D–Dash, anong ginawa mo?” tanong ko sa pagitan ng mga paghikbi ko.
“I traced their location,” tipid na sagot ni Dash sa akin at mas binilisan pa ang takbo ng saskyan.
KUMAIN siguro kami ng tatlumpong minuto bago namin narating ang isang fastfood chain. Marami ang tao roon gaya rin sa workplace ko.
“Ayusin mo ’yang sarili mo. Pahirin mo lahat ng luha mo!” utos niya sa akin na agad kong ikinatalima. Nakakatakot ang isinisigaw na awra ni Dash. Parang handa siyang pumatay para sa akin.
Bumaba siya ng sasakyan kaya’t agaran naman akong sumunod. Malapit na kami sa pintuan ng Jollibee nang bigla na lamang akong mapahinto sa nakita ko.
“Z–Zeev. . .” utal na wika ko habang nakatingin ako sa ama ng anak ko na masayang kumakain ng tanghalian kasama ang isang magandang babae. Sopistikada ang istura nito. Malayong-malayo sa akin na tila nakatira sa iskwater.
Maganda ito. Maiksi lamang ang buhok na hanggang balikat ngunit bumagay sa maliit nitong mukha. Tila siya isang buhay na manikin.
Hinatak ako ni Dash para pumasok ngunit pinigilan ko siya. Lumingon naman siya sa akin at sunod-sunod akong umiling habang sunod-sunod na rin ang pagtulo ng mga luha ko.
“ANO!? ’TANG INA NAMAN, SHAN! TARA NA KASI!” gigil na wika niya ngunit umiiling pa rin ako at tikom ang mga labi.
Hindi ko makapagsalita—hindi ko magawang magsalita dahil tila may malaking tipak ng bato ang nakabara sa lalamunan ko. Ang sakit-sakit. . . sobra.
Masakit na ang mga nakalipas na araw na hindi ko man lamang siya makausap, pero mas masakit pala ang ganito. . . mas masakit pala na makita mo ang taong akala mong sentro ka ng kaligayahan niya. . . pero nakikita mong masaya siya sa iba. Durog na durog ang pakiramdam ko.
Akala ko mahal niya ’ko.
Akala ko ako lang.
Akala ko sa akin lang niya gugustuhing maging masaya.
Akala ko dahil ibinuhos ko na lahat ng mayroon ako. . . sa akin na iinog ang mundo niya.
Akala ko. . . akala ko lang pala.
Binitawan ko si Dash at napahawak ako sa tiyan ko. Hindi. . . hindi na siya masakit. . . pero awang-awa ako sa anak ko. Awang-awa ako dahil nagtataka ako kung bakit ganito. . .
Bakit kailangan kitang ipanglimos ng pagmamahal sa sarili mong ama, anak ko? Bakit kailangan kitang ipanglimos ng atensyon sa kaniya? Anak, patawarin mo ’ko. Patawarin mo ang Mama.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil ang hina ko. Gusto kong lumuhod sa Diyos ay magmakaawa na alisin ang sakit ng dibdib na nararanasan ko. Gusto kong makalimot. . . gusto ko nang bumigay.
“Shan, sinasabi ko sa ’yo! Tara na kasi!” ani Dash na tila handa nang sumugod.
Umiling lamang ako sa kaniya at mapait na ngumiti. “U–Umuwi na tayo—”
“Punyeta naman, Shan! Nandito na tayo, oh! Lilinawin lang natin sa hayop na ’yon lahat, tapos mag-move on ka na! Ipapamukha lang natin sa kaniya kung gaano siya kawalang-kwentang tao! Kailangan malaman ng babae niya na isa siyang gago at ubod ng hayop na nilalang na hindi na dapat nabubuhay sa mundo! Putang ina niya! Ginawa ka pang side chick!” galit na galit na wika ni Dash. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao dahil sa paghihisterya niya.
“D–Dash. . . tama na. U–Umuwi na lang tayo. N–Napapagod na ’ko. D–Dash please,” pagmamakaawa ko sa kaniya.
Nagbuntonghininga muna siya nang makailang beses bago niya napakalma ang sarili niya.
“Naaawa na ’ko sa ’yo, Shan. Bakit hinahayaan mo ang ganito?” tanong niya sa akin.
Hinayaan ko munang sunod-sunod na pumatak ang mga luha buhat sa mga mata ko bago ako sumagot sa kaniya habang nakangiti ng mapait.
“Hindi naman natin siya puwedeng pilitin na piliin ako. . . kami ng anak ko. Hindi ko naman puwedeng ipanglimos ng pagmamahal ang anak ko. . . tama nang naaawa na ’ko sa sarili ko. Ayaw kong iparanas iyon sa anak ko. Hayaan na natin si Zeev—”
“Zeev? That’s my fiancé. That’s a rare name para pag-usapan na lang bigla sa kalsada.” Kapwa kami napalingon ni Dash sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin ang magandang babaeng kasama ni Zeev kaninang kumakain. “So, who are you?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 11
SYREEN
“ZEEV? That’s my fiancé. That’s a rare name para pag-usapan na lang bigla sa kalsada.” Kapwa kami napalingon ni Dash sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin ang magandang babaeng kasama ni Zeev kaninang kumakain. “So, who are you?”
“Shan, sasaktan ko ’to!” galit na bulalas ni Dash.
“Oh! Shan? Ikaw ba ’yong tumawag? The so-called-girlfriend of my fiancé? Damn! Please, Miss, gumising ka sa ilusyon mo. Hinding-hindi ka papatulan ng fiancé ko,” mapanghamak na wika nito at lalo akong nanliit sa sarili ko dahil sa narinig kong iyon.
Hinatak ko si Dash at pinipilit na sumakay na kami ng sasakyan. Napapagod na ’ko. Napapagod na ’ko ng sobra. “D–Dash, tara na. U–Uwi na tayo. P–Please—”
“Ang tatapang, damn! Madalas talaga kung sino ang side chick at kabit, sila pa ang mga tanga na akala mong privilege! Hello woman, please wake up. My fiancé only played with you kung totoo ngang girlfriend ka niya, and ikaw naman ’tong si uto-uto, bumigay!” anito sa akin at wala akong magawa kung hindi tanggapin ang mga salitang iyon kahit gaano pa kasakit.
Kasalanan ko. . . kasalanan ko naman talaga kung bakit umabot sa ganito. Hindi ko pa lubusang kilala si Zeev pero ibinigay ko na ang lahat sa kaniya. Kasalanan ko. . . sobrang kasalanan ko dahil nagpalamon ako sa kapusukan at padalos-dalos kong mga desisyon. Wala naman akong dapat pang sisihin. . . kung hindi sarili ko lang.
“Mawalang galang na sa ’yo. Kung anong kinaganda mo, siyang kinabaho ng ugali mong gaga ka!” sabat ni Dash at kinabig niya sa akin ang kamay niyang hawak ko bago niya tinulak ang babae sa balikat. “Pareho kayong biktima ng kaibigan ko rito pero kung makapanghamak ka, para bang okay na okay lang sa ’yong nambababae ’yang hayop na mapapangasawa mo!”
“D–Dash, tama na!”
“Yuck! Squammy!” tili nito kay Dash at may biglang inilabas sa may supot na dala niya at walang habas niya itong ibinatos bigla sa amin ni Dash.
Nakita ko ang panggigigil ni Dash sa ginawa nito lalo pa at naliligo kami ngayon ng soup ni Dash. “HAYOP KA! HAYOP KANG BABAE KA!”
“Leave now, squammies! And don’t you ever dare come near my Zeev again!” sigaw nitong muli sa amin at tinalikuran na kami.
Akma pa siyang hahabulin ng sabunot ni Dash ngunit pinigilan ko na siya. “D–Dash, tama na. N–Nasasaktan na ’ko. G–Ginagawa ko na lang katatawanan ang sarili ko. T–Tama na. . . please. U–Uwi na tayo. . .” pagmamakaawa ko sa kaniya.
Gusto ko nang bumigay. Gusto ko na lang maglaho ngayon. Gunaw na gunaw ang mundong inaakala kong mabubuo ko kasama siya.
Ang sakit-sakit na akala kong mahal na mahal niya ’ko. . . tapos ako pala ang pangalawa. Ako pala ang umaapak sa dignidad ng kapwa ko babae. Ako pala ang naninira ng relasyon. Akala ko ako lang. . . ako pala ang hindi dapat narito.
Bakit, Zeev? Paano mong nagawa sa akin—sa amin ’to? Binigay ko ng buo ko ang pagmamahal ko. Binigay ko lahat ng kaya ko. Inalay ko lahat sa ’yo kahit pa sandalian pa lang kitang nakikilala. . . pero bakit kailangan mo ’kong durugin at pahirapan ng ganito? Sana. . . sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko. Sana hindi na lang kita nakilala.
Nakarating
ako sa bahay namin ngunit agad akong dumeretso sa kuwarto. Hindi ko alam kung naraanan ko ba ang Nanay at Tatay sa sala, basta’t dumeretso ako sa silid namin ni Sharry. Malaki ang pasasalamat ko na wala rito nag kapatid ko, dahil hindi ko alam kung kakayanin kong hindi niya makita ang pagkadurog ko.
Dumapa ako saka ko ibinaon sa unan ang mukha ko at agad na ibinuhos lahat ng mga luha kong naipon.
Daig ko pa ang pinaulanan ng maraming patalim sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ito na ba ang kabayaran sa mga desisyon ko? Ito na ba ang kabayaran sa pagiging padalos-dalos ko? Bakit ganito kasakit? Bakit ganito ang hatid sa buong sistema ko? Nakakapangsuko. Ayaw ko na. . . ayaw ko na.
Hindi ko namalayan na sa pag-iyak ko ay nakatulog na pala ako.
NAGISING ako sa malakas na sigaw ni Nanay mula sa labas ng kuwarto ko.
“KAKAIN NA! AYAW BA N’YONG MAGSIKAIN? IPAPATUKA KO SA MGA BIBE ’TO!” galit na bulalas ni Nanay kaya’t napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko ang telepono ko at pasado alas-syete na rin ng gabi.
Inayos ko ang sarili ko at agad akong tumungo sa kusina. Nadatnan ko na roon sina Nanay at Tatay maging si Sharry. Si kuya Seph ay siguradong nasa eskwelahan niya pa rin hanggang ngayon. Madalas naman talagang hindi siya nakakasabay kumain sa amin.
Naupo na ako sa puwesto ko at sumandok ng pagkain.
“Pinatatawag ako ng teacher mo, Sharry. Anong katarantaduhan ang ginawa mo?” ani Nanay na halata ang iritasyon sa kaniya.
“Hindi po, Nay! Wala akong ginawa. Sasabihin lang po yata sana sa inyo ni Ma’am na isasama po niya ako sa Regional Jamboree, kasi po ako ang chief girl scout—”
“Itigil mo ’yan. Wala akong perang ipangtutustos diyan,” istriktong saway sa kaniya ni Tatay habang ang atensyon nito ay nasa pagkain.
Nakita ko ang disappointment ni Sharry. Sa aming tatlo, si Sharry ang palasagot at ayaw magpapatalo. “Pero, Tatay naman! Hindi naman kayo gagastos doon! Sagot naman ng school lahat—”
“Itigil mo ’yang bunganga mong bata ka! Sinabi ko nang hindi, kaya hindi! Jamboree? Hindi ko mababantayan ang gagawin mo ro’n! Malay ko kung sa edad mong ’yan may alam ka na sa mga kalastudan! Maraming high school ngayon ang kebabata pero kelalandi! Manahimik ka rito sa bahay!” putol ni Tatay sa sinasabi na naman niya.
Awang-awa ako kay Sharry. Ang gusto lang namam niya ay maranasan ang mga ganoong bagay, pero. . . siguro nga may dahilan ang Nanay at Tatay kaya ayaw siyang payagan.
Nanahimik na lang si Sharry at kumain na lang. Tipid lang din ang pagkain ko. Gusto ko na rin matapos para makabalik sa kuwarto. Gusto kong magpahinga. Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako.
Patapos na ako nang lagyan ni Sharry ng ginisang talbos ng kamote ang plato ko. Hindi kasi ako kumuha n’on. . . dahil ayaw ko lang.
“Paborito mo ’yan, ate. Hayaan mo na si kuya Seph. Kainin mo na ’yan,” aniya sa akin at hindi ako makasagot. Nakikita ko pa lamg ang talbos ng kamote ay parang bumabaligtad na ang sikmura ko.
“Ayaw ko niyan!” Medyo malakas ang pagkakasabi ko n’on kaya’t napalingon ang Nanay at Tatay. Hindi ko napigilan. Hindi ko sinadya. “N–Nahihirapan akong tunawin sa gabi,” alibi ko kahit pa ramdam kong nagulat sila sa iginawi ko.
“Kaartehan mong punyeta ka! Kapag wala ka nang makain, saka ka lalamon ng mga ganiyan,” angil sa akin ni Nanay pero pinili ko na lamang ang manahimik. Baka kung ano pang lumabas na naman sa bibig ko ang hindi ko mapigilan.
Matapos kumain ay si Sharry ang nag-imis at ako naman ang natoka sa paghuhugas ng plato.
“Ate,” tawag niya sa akin habang nakaharap ako sa lababo at siya naman ay nakabantay lang.
“Hmm?”
“May problema ka ba?” tanong niya at sandali akong napatigil sa pagkuskos ng plato.
“W–Wala naman. Bakit?” utal na sagot ko sa kaniya.
“Pakiramdam ko lang kasi meron. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap, ha? Kapatid mo ’ko kahit hindi pa ’ko gaanong nakakaintindi,” aniya sa akin kaya’t lumingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang kinukutkot ang linoleum ng lamesa.
“Shar, huwag mong ganiyanin ’yan. Kapag nalaman ni Nanay na nasira ’yan malilintikan ka na naman,” sita ko sa kaniya.
Ngumuso siya sa akin saka ako tinitigan. “May problema ka, e. Sigurado ako. Magang-maga ’yang mata mo, oh. Siguro hindi mapapansin ni Nanay tsaka ni Tatay, pero sigurado akong namamaga ’yang mga mata mo,” aniya sa akin at hindi ko alam kung bakit may mga namumuo na namang luha sa mga mata ko. “Bumagsak ka ba sa subject mo? Nawalan ka ba ng trabaho?” magkasunod na tanong niya.
Umiling na muna ako sa kaniya at nagpunas ng mga mata bago nagsalita. “Hindi naman. Iniisip ko lang kung makaka-graduate ba ako sa sobrang hirap ng buhay natin. Bayaran na naman ang miscellaneous fee mo, ’di ba? Hintayin mo na lang muna ’yong sahod ko sa Jollibee. Ibibigay ko agad sa ’yo,” turan ko sa kaniya at bigla na lang tumayo ang kapatid ko at niyakap ako.
“Buti na lang ikaw ang ate ko. Kung si ate Donna lang ang naging ate ko, baka huminto na akong mag-aral ngayon,” aniya sa akin. Ang tinutukoy niya ay ang pamangkin ni Tatay na nag-abroad at tuluyan nang kinalimutan ang mga kapatid niya rito sa Pampanga.
“Nambola ka pa. Hayaan mo kapag nagkaroon ako ng extra, bibilhin natin ’yong t-shirt na gusto mo sa Worship Generation para pambawi sa hindi mo pagpunta sa Regional Jamboree,” wika ko saka ko pa hinalikan ang buhok niya.
“Ate. . . huwag kang mawawala sa akin, ha? Dapat lagi ka lang nandito. Dapat lagi mo lang akong mahal,” aniya at hindi ko na naman napigilan ang pagkakaroon ng bara sa lalamunan ko.
“O–Oo naman. N–Nandito lang naman palagi ang ate,” sagot ko sa kaniya.
Hindi ko maiwasan hindi masaktan sa sinabi ni Sharry. . . dahil sa mga oras na ’to, gusto ko nang tapusin ang buhay ko.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 12
SHAN
TATLONG araw na ang matuling lumipas at damang-dama ko ang concern ng dalawang taong ito na ngayon ay nasa harapan ko.
“Kainin mo na ’to bago pa kita mabatukan diyan, buntis!” singhal sa akin ni Dash saka ako inabutan ng tinidor na may nakatusok na kiwi.
Alagang-alaga nila ako at hindi iniiwan. Narito kaming tatlo sa may auditorium dahil nilalayo raw nila ako sa maraming tao. Mahirap na raw at baka makakuha pa ako ng virus.
Inabot ko ang tinidor na inaabot sa akin ni Dash at kinain iyon. “Salamat,” wika ko habang ngumunguya.
“Maiba ako, mga cyst. Puwede bang huwag na huwag n’yong ipapakilala ang baby natin sa lalaking ’yon? Hindi naman niya nalaman na buntis si Shan, hindi ba? Siguro puwede naman na hindi natin siya ipakilala. Sa atin lang ang baby natin,” ani Mikmik ngunit kakahimigan mo talaga ng lungkot ang tinig niya. Madalang lang siyang magseryoso, at isa ang mga oras na ’to.
Nagbuntonghininga na muna ako bago ako sumagot sa kaniya. “Hindi ko rin naman alam kung paano pa niya malalaman. Siguro mga para sa kaniya isa lang akong pampalipas oras. Ang naging mali ko lang. . . minahal ko siya nang totoo,” pahayag ko at biglang napabitaw si Dash sa tinidor na hawak niya saka ako tinitigan.
“Hindi ang pagmamahal ang naging mali mo, girl. Ang naging mali mo, iyang mga desisyon mong padalos-dalos. Sa sobrang pag-aakala natin na kaya at alam na natin lahat, nadidisgrasya tayo. Kaya minsan hindi ko rin masisi ang mga matatanda kapag nagagalit sa mga katangahan ng mga bata. Kasi siyempre, napagdaanan na nila ’yon. Pero hayaan na. Nandiyan na ang baby natin, hindi natin puwedeng iparamdam sa kaniya na nagsisisi tayo sa pagdating niya,” aniya at kinuha sa kamay ko ang tinidor saka ipinagtusok na naman ako ng bago.
Sa tuwing sasabihin nila ni Mikmik na anak naming tatlo ang anak ko, parang gusto kong malunod sa saya. Sa tuwing ipapakita nila ang saya nila sa batang dinadala ko, pakiramdam ko kakayanin ko. Kaibigan lamang sila, pero masasabi kong wagas ang mga ipinapakita nilang pagmamahal at suporta sa akin.
“A–Ang iniisip ko lang nito. . . paano na ang pag-aaral ko?” utal na pag-iiba ko ng usapan at kapwa sila napalingon sa akin.
“Siguradong hindi ka hahayaan ng Tatay mo na maglakad-lakad sa eskwelahan na ’to habang malaki ang tiyan mo. Tiyak na patitigilin ka nila,” sagot sa akin ni Mikmik at hinawakan ang kamay ko. “Gusto mo ba ilapit natin ’yan sa mga prof at hilingin kung puwedeng modular ka na lang?”
“Hindi ang pag-aaral mo ang iniisip ko, Shan,” sabat ni Dash at kami naman ni Mikmik ang napatingin sa kaniya. Iba ang awra ng boses niya na wari bang may sasabihin siya na hindi ko magugustuhan.
“Ano naman, cyst? Pakaba ka rin, e!”
“Sigurado ka bang hindi susubukang ipatanggal ng mga magulang mo ’yan? Knowing them? Sorry kung masasabi ko ’to about sa parents mo. . . but I think they are really capable of killing their own grandchild just for the sake of their pride. Natatakot akong sa oras na malaman nila, pilitin ka nilang tanggaling ang bata dahil lang sa takot nila sa sasabihin ng madla. Hindi ba’t binabalak pang tumakbo ng kuya mo sa politiko? That’s another thing, Shan,” malungkot na pahayag ni Dash at kitang-kita ko ang pinag-uugatan ng punto niya.
Nabalutan ako ng sobrang kaba habang iniisip ko ang mga narinig ko. Hindi na ito patungkol sa pag-iisip ng negatibo. Tungkol na ito sa kung anong kaya nilang gawin na hindi maganda. . . at natatakot akong kami ng magiging anak ko ang biktima.
Naipagsalikop ko ang mga kamay ko dala ng kakaibang klase ng kaba. Nasa dibdib ko ang pagkataranta at panlalamig. Pakiramdam ko nilalamon ako nang buong-buo ng mga iniisip ko.
“A–Anong gagawin ko? H–Hindi ko alam kung anong gagawin ko. . . Dash. . . Mikmik. . . hindi ko alam. N–Natatakot ako,” nanginginig na wika ko at kapwa nila ako niyakap na dalawa.
“Nandito lang kami kahit na ano pa ang mangyari. Nandito lang kami at huwag na huwag mong iisipin na mag-isa ka. Nandito lang kami, Shan. Hindi ka namin iiwan at pababayaan,” ani Mikmik at naramdaman kong hinagod pa niya ang buhok ko.
“Mahal ka namin, Shan. Hindi ka namin iiwan sa ere,” anas naman ni Dash at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa buhok ko maging ang paghawak niya sa tiyan ko.
Nanginginig man ako sa takot sa pamilya ko, pero sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay ang suwerte ko.
LAMPAS alas-sais na ng umaga nang magising ako. Mabilis akong napabangon dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko. Napatakbo ako sa lababo at doon ako dumuwal ng napakapait na hindi ko maintindihan.
Palabas na sana ako ng kusina nang makasalubong ko si Nanay na iba ang tingin sa akin.
“Nay—” Bigla na lamang niya akong sinampal na ikinagulat ko. Nabingi ako sa lakas ng sampal na iyon at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
“Putang ina mo ka!” galit na galit na bulalas niya. Nagsimula akong umiyak dahil sa mga oras na ito, alam ko. . . alam kong may ideya na siya. Nanay ko siya at sigurado akong kung may biglang magbabago sa akin, agad niya iyong mapapansin.
“Nay, huwag po kayong magalit. Makakasama po sa inyo—” Muli na naman niya akong sinampal.
“Putang ina mong malandi ka! Ilang araw na—Ilang araw ko nang inoobserbahan ’yang mga kinikilos mo! Biglaan ’yang paglaki ng balakang mo! Napakaselan ng pang-amoy mo! Kung anu-anong pagkain ’yang kinakalkal mo! Babae ako at alam ko lahat ng sintomas na ’yan, punyeta kang babae ka! Huwag kang makadahi-dahilan sa akin! Napakahayup mo! Palamunin ka pa pero nakuha mo nang maglandi!” galit na galit na wika niya saka biglang hinablot ang buhok ko at kinaladkad ako patungo sa sala. “Domingo! Itong putang inang anak mo, buntis!” histerya niya kay Tatay na nagbabasa ng diyaryo.
“Ano!?” gulat na bulalas ni Tatay sabay pa itong napatayo sa kinauupuan.
Nanginginig na ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Natatakot na ’ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin na protektahan—kung ang sarili ko ba, o ang bata na nasa sinapupunan ko.
Huwag ang anak ko. Diyos ko, huwag ang anak ko. . .
Pabalya akong binitawan ni Nanay sa upuan. Nakayuko ako, nakatupi ang mga tuhod habang ang mga braso ko ay nasa magkabilang bahagi ng ulo ko. Kahit man lang sa ganito, maprotektahan ko ang anak ko.
“T–Tama na po,” pagmamakaawa ko nang makita kong hinugot ni Tatay ang sinturon niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nanginginig na ako sa takot para sa sarili ko at para sa anak ko.
Anak. . . anak patawarin mo ang Mama. Alam kong nakalaramdam ka rin ng takot. Patawarin mo ’ko. . . hindi ko na alam kung paano pa kita mapo-protektahan. Patawarin mo ’ko. . .
“Putang ina mo. Pinalaki at pinag-aral kita hindi para magpabuntis ng maaga at lumandi!” ani Tatay sa akin at huli na para maiwasan ko ang paghagupit niya ng sinturon sa akin.
“Ahh!” ingit ko dahil sa sakit. Ramdam ko ang paglatay nito sa braso ko.
“Sino ang putang inang ama niyang bastardong batang ’yan!? Putang ina mo, Shan! Nanginginig itong mga laman ko sa kahayupan mong bata ka!” galit na bulalas nito at muli ay hinataw niya ako ng sinturon ngunit pati ang bakal nito ay tumama sa hita ko. Napa-igik ako sa sakit at hapdi, ngunit wala akong magawa kung hindi umiyak.
“P–Parang awa n’yo na. T–Tama na po,” patuloy kong pagmamakaawa.
“Ilaglag mo ’yang putang inang bastardong ’yan! Kung hindi mo ilalaglag ’yan, lumayas ka na sa pamamahay ko! Palamunin kang naturingan pero iyang putang inang kalandian mo, sagaran!”
Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay napa-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Nanay. Kita ko ang galit at pagkamuhi sa mga mata nila.
“A–Anak n’yo ’ko. . . pero bakit pinaparamdam n’yo sa akin na parang hindi?” Sinampal ako ni Nanay dahil sa sinabi ko. Ngayon lang. . . ngayon lang ako sumagot nang ganito. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.
“Ang galing mong sumagot putang ina ka! Bakit? Kung nasa matino ka bang utak, bakit ka magpapabuntis sa edad mong ’yan!? Wala ka ngang kayang ipagmalaki sa amin! Wala kang kayang ibida! Wala ka pang napapatunayan para kumerengkeng kang malandi ka! Nakita mo ang kuya Seph mo? Maayos ang lagay! Ikaw, ano? Wala! Tapos nagdala ka pa ng kahihiyan, putang ina mo!” ani Nanay at bawat salita niya ay tila bumabaon na parang patalim sa akin.
Anak nila ako. . . pero paano nilang nasasabi ang mga salitang ito sa akin? Paano. . .
“N–Nay, bakit ka ganiyan? B–Bakit mo kami laging kinukumpara ni kuya? D–Dahil po ba ganito lang ako? Ito lang ang utak na meron ako, Nay. I–Ito lang ang kaya ko. Hindi naman ako si kuya na humahakot ng mga medalya. H–Hindi naman ako gaya ni kuya na kaya n’yong ipagmalaki. . . kasi Nay, ito lang po ang kaya ko. I–Ito lang ang kaya kong ipakita at gawin para sa inyo.”
Bawat salitang binibitawan ko ay puno ng pait at sakit. Bawat salita ko ay may paghikbi. Ngayon lang—sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nasabi ang mga bagay na ito.
“Iyon nga, putang ina mo! Iyan ka na nga lang, kahihiyan pa ang dinala mo! Wala ka na ngang kwenta, wala ka pang utak! Hinakot mo lahat ng kabobohan sa mundo! Lumayas ka sa paningin ko, aatakihin ako sa puso sa ’yo!” ani Nanay sa akin at nakahawak pa siya sa dibdib niya kaya’t nakaramdam ako ng takot sa maaaring mangyari sa kaniya.
“Maghahanap ako ng maglalaglag sa batang ’yan! Sinasabi ko sa ’yo, kailangang mawala niyan!” ani Tatay saka ako muling hinaplit sa katawan ng hawak niyang sinturon.
Gusto kong pumalahaw. . . gusto ko nang bumigay sa sakit na bumabaon sa buo kong pagkatao.
“H–Hindi, Tay! H–Hindi n’yo puwedeng ipalaglag ang anak ko! Patayin n’yo na lang ako!” utal na pagsagot ko saka ako patakbong tumungo sa silid namin ni Sharry.
“PUNYETA KA! WALA KANG MODO! WALA KANG UTAK!” dinig kong habol na sigaw ni Nanay at mas lalo akong nilamon ng takot.
Nahiga ako at doon ko pina-agos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Mula pagkabata wala na akong kwenta sa paningin nila. Mula pagkabata para akong nangangapa sa pagmamahal ng mga magulang.
Ang sakit. . . kasi akala ko magulang ko ang unang makakaintindi sa akin. Mali pala. Minsan pala, ang totoong pamilya, sa mga kaibigan mo makikita.
Sinilip ko ang latay ng sinturon sa braso ko, at nakita ko ang pamumula nito. Sinilip ko rin ang tinamaan ng bakal ng sinturon sa hita ko at nakita ko na nagsisimula na itong maging pasa. Napangiti ako ng mapait. Napakasakit ng kapalit ng kasalanan ko. . . pero sanay na ako. Kahit pa noon lagi na akong nasasaktan. Pananakit na hindi disiplina. Pananakit na walang halong pagmamahal.
Hinawakan ko ang tiyan ko at lalong umagos ang masaganang luha ko. Kung anu-ano na ang mga senaryong pumapasok sa isip ko. Kung anu-ano na ang mga negatibong bagay ang nangingibabaw sa akin.
“Anak ko. . . gusto mo bang takasan na lang natin kung gaano kasalimuot at kalupit ang buhay na ’to? Gusto mo na lang din bang mawala. . . gaya nang gusto ko?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 13
SHAN
NAGISING ako dahil sa biglaang pagtapik sa hita ko. Nabungaran ko si Nanay na nakakunot ang noo nang imulat ko ang mga mata ko.
“B–Bakit po, Nay?” utal tanong ko sa kaniya. May naramdaman agad akong kakaiba sa paraan ng pagkakakunot ng noo niya.
Sa tantya ko ay wala pang alas-singko ng umaga. Halos kabisado na kasi ng katawan ko ang paggising ng ganoong oras.
“Bumangon ka riyan. Inumin mo ’to. Lagukin mo lahat,” aniya sa akin at hindi ko nagustuhan ang tono niya. Ramdam ko na agad na may mali.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo. May inaabot siya sa akin na bote ng RC pero hindi naman softdrinks ang nasa loob. Tila ito tubig na nagkulay kayumanggi dahil sa kung ano man ang nakahalo rito.
“A–Ano po ’yan?” Hindi ko maiwasan ang pagka-utal dahil sa takot na unti-unting bumabalot sa akin. Nagsisimula na naman akong atakihin ng samot-saring pangamba at isipin.
“Punyeta ka! Ang dami mong tanong! Basta’t inumin mo ’yan, dahil napagod akong maghanap niyan para lang ilaga at ipalaklak sa ’yo! Bilisan mo!” utos niya at kulang na lamang ay ipagtulakan niya sa akin ang bote. “Mas magandang inumin ’yan sa ganitong oras na walang laman ’yang tiyan mo!” pamimilit niya pa kaya’t imbes na inumin ko ang inaabot niya ay tinapon ko ito na naging dahilan ng pagkahulog nito at pagkabasag.
“Nay—” Ngunit sinampal na niya ako kaya’t hindi ko na nagawang makapagsalita pa. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.
“Tarantada ka! Akala mo ba ganoon kadaling makahanap ng makabuhay na ’yan!” galit na galit na wika niya sa akin. “Gusto mo pa yatang gumastos sa naglalaglag kaysa rito sa mas madaling paraan! Napakawala mong utak talaga! Hindi ka nag-iisip!” Damang-dama ko ang gigil niya sa akin.
“S–Sinabi ko na po sa inyo hindi ko ilalaglag ang anak ko. N–Nay, parang awa n’yo na po. . . makinig naman po kayo sa akin,” lumuluhang wika ko saka ako lumuhod sa harapan niya. “N–Nagmamakaawa ako sa ’yo, Nay, itong anak ko lang ang mayroon ako. H–Huwag n’yo naman na po siyang ipagdamot sa akin. . . parang n’yo nang awa. M–Mas pipiliin kong mamatay na lang din kung kukuhanin n’yo siya sa akin. . . N–Nay, parang awa mo na.”
Bigla lamang niyang itinulak ng hintuturo niya ang sintido ko saka ako muling sinampal. “Kung makapagmakaawa ka talagang akala mo kaya mo na! Hoy Shan, palamunin ka pa! Huwag kang umasta-asta sa akin na akala mo talagang kaya mo nang maging ina! Hindi mo nga kayang buhayin ’yang sarili mo! Sa una mo lang gusto ’yang batang ’yan, pero sa oras na makaramdam ka na ng hirap, sasabihin mong sana nakinig ka na lang sa akin! Nakakapundi ka!” aniya saka ako tinalikuran at lumabas na ng silid.
Anak. . . hanggang kailan kita kayang protektahan?
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at pinunasan ang mga luha ko. Kinuha ko ang walis at dustpan para linisin ang bubog na nasa sahig.
Habang nililinis ko ang mga basag na bubog ay mariin akong napahawak sa isa na naging dahilan nang pagdurugo ng daliri ko. Imbes na humangos sa banyo at gamutin ito ay napangiti lamang ako ng mapait at hinayaan ang umaagos na dugo mula rito. Masakit pero mas nananaig ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Samot-sari ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito habang nakatitig sa dugo na nagmumula sa akin, maging sa mga piraso ng bubog na nasa harap ko.
Kung magpakamatay na lang kaya ako?
Kung tapusin ko na lang kaya lahat nang paghihirap ko?
Mas ikakagaan ba ng loob nila kung mawawala na ang taong nagbibigay sa kanila ng kahihiyan?
Mas magiging maayos ba ang lahat kung mawawala na lang kaming pareho ng anak ko?
Anong naging kasalanan ko bakit pinararanas sa akin ang lahat ng ito?
Pumikit ako at pinipilit iwaksi ang mga isiping iyon sa utak ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at doon ko naramdaman ang biglaang pagpintig nito na ikinangiti ko kasabay ng mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko.
Marahil ay nararamdaman niya. . . marahil ay gaya ko, natatakot at nasasaktan din ang anak ko.
“Anak, pipilitin kong kayanin. Kahit ang hirap, kahit ang sakit. . . pipilitin ko para sa ’yo. Poprotektahan kita hangga’t kaya ko. Patuloy akong lalaban para sa ’yo. Kapit lang, basta’t kumapit ka lang anak ko. Sa pagkapit mo nang mahigpit, binibigyan mo na rin ako ng lakas,” mahinang bulong ko at muli na naman pumintig ang tiyan ko na lalong ikinakibot ng dibdib ko. “Salamat, anak. Mahal na mahal kita.”
Napalingon ako may Sharry na himbing na himbing ang tulog. Ngayon ko gustong magpasalamat na naglalagay siya ng earphones sa tuwing matutulog siya, dahil ako mismo, ayaw kong marinig niya ang naging pag-uusap namin ni Nanay. Ayaw kong mag-iba ang tingin niya kay Nanay. Ayaw kong isipin ni Sharry na may mali. Kahit saang anggulo ko tignan, nanay pa rin namin siya.
Nag-ayos lamang ako ng sarili ko bago ako nagdesisyon na bumaba na. Maaga ang klase ko ngayon, at hindi ako maaaring pumasok na namamaga ang mga mata dahil kailangan kong mag-report sa isang subject.
Inaayos ko ang mesa para sa mga iniluto kong almusal nang mabungaran ko si kuya Seph na nakatitig na pala sa akin.
“Anong katarantaduhan ang ginawa mo?” walang ligoy na tanong niya sa akin.
“K–Kuya,” wika ko saka ako lumapit sa kaniya at tangkang yayakapin ko siya ngunit tinulak niya ako palayo. Lumakad siya patungo sa upuan at naupo.
“Hindi gagana sa akin ang drama mo na ’yan. Sinong ama niyang batang ’yan?” walang emosyon na wika niya sa akin.
“T–Taga-Maynila, kuya—”
Ngumisi siya saka umiling. “Saksakan ka pala ng uto-uto. Nakuha mong magpakama agad-agad? Sinabi bang papanagutan ka?” tanong niya. Parang hindi ko siya makilala sa mga oras na ito. Parang hindi siya ang Kuya Seph ko na maaari kong makausap kapag may problema ako.
“Kuya—”
“Niligawan ka ng anak ni Konsehal Duran noon, sinabi kong sagutin mo dahil puwede ko iyon magamit na backer sa susunod na halalan pero nakinig ka ba? Hindi. Ngayon nagpabuntis ka na rin lang, doon pa sa hindi ka papanagutan at hindi mo mahahabol. Ang utak, Shan, hindi ’yan dini-display, pinapagana ’yan!” aniya at napayuko ako saka ngumiti nang mapait. Iyon pala talaga ang rason kung bakit siya naiinis sa akin ngayon. Akala ko iintindihin niya ako, pero binabalak niya rin pala akong ibala sa mga plano niya noon pa.
“May sarili naman akong desisyon. Hindi ko kahit kailan gugustuhin si Calvin—” Napahinto ako sa pagsasalita dahil ibinato niya ang baso sa mismong gilid ng kinatatayuan ko na ikinagulat ko.
“Tama lang na ilaglag mo ’yang batang ’yan. Ayokong maging butas ’yan sa paghabol ko bilang konsehal. Makinig ka kina Nanay at Tatay. Ilaglag mo ’yan hangga’t hindi pa nahahalata—”
“H–Hindi! Ayoko!” putol ko sa kaniya saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya ngunit galit niyang mga mata ng sumalubong sa akin.
“Ayaw mo? Kung ayaw mong ilaglag iyang bastardo mo, magpakama ka kay Calvin saka natin ipapasagot sa kaniya ang batang ’yan! May matawag man lang na ama ’yang anak mo! ’Tang ina, Shan. Para kang tumatandang paurong! Nawawalan ka ng utak!”
Halos manginig ang buong sistema ko sa suhestiyon ni kuya Seph. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Kapatid niya pa rin ako. . . akala ko poprotektahan niya ’ko, pero mukhang nilamon na siya ng politiko.
“Kuya, kailangan ko bang magmakaawa rin sa ’yo para lang hayaan mo kami ng anak ko?”
“Huwag mong hintayin na ako ang mapikon sa iyo. Baka pati pag-aaral mo, ipahinto ko!” aniya at tuluyan na niya akong tinalikuran.
Pakiramdam ko talunan ako. Pakiramdam ko wala nang mangyayari sa buhay ko. Kung lahat na lang kalaban ko. . . paano na kami ng anak ko?
TULALA akong nakamasid sa mga taong naglalaro ng soccer sa field. May klase sina Mikmik at Dash kaya dito ko na lang pinili na maghintay sa kanila.
“Hi, Shan!” Awtomatiko akong napalingon sa tinig na iyon at bumungad sa akin si Calvin na malawak ang pagkakangiti.
Mabait si Calvin kung sa mabait. May kaguwapuhan din ito at kutis mayaman. Ang problema ko lang kung minsan sa kaniya, may taglay siyang kakulitan at kayabangan.
“Hello,” tipid na sagot ko at muling bumaling sa mga naglalaro ng soccer.
Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
“Okay ka lang ba? Napansin ko kasi nitong mga nakaraan parang amg lungkot mo,” aniya sa akin ngunit hindi ko naman siya nilingon.
“Okay lang naman. Nakausap mo ba amg kuya Seph ko kaya kinakausap mo ’ko ngayon?” prangka kong tanong dito. Ayaw kong isipin na si kuya Seph ang dahilan nang biglaan niyang pagsulpot ngayon dito.
“Uy, hindi ah. May dapat ba kaming pag-usapan ni Seph?” takang tanong niya sa akin at mukhang hindi nga sila nagkausap pa.
Umiling ako. “Wala. Baka lang isumbong mo ’ko kay kuya na puro tulala lang ang ginagawa ko,” alibi na biro ko na mukhang binili naman niya.
Nakikinood-nood din siya sa mga naglalaro nang muli siyang magsalita. “Kayo pa ba n’ong dayo?” Doon na ako lumingon muli sa kaniya at nakita ko ang malamlam nitong mga mata.
Ngumiti na muna ako ng tipid sa kaniya saka ako umiling. “Siguro may mga darating sa buhay natin para bigyan lang talaga tayo ng aral tapos mawawala rin.”
“At may mga darating na puwedeng makasama mo naman hanggang dulo,” maagap na dugsong niya.
“Bata pa ako, Calvin. Wala pa nga ako sa kalahati ng buhay ko rito sa mundo kaya hindi madaling masabi ang salitang dulo, “ anas ko sa kaniya at nakita ko siyang nagkibit-balikat.
“Alam ko namang alam mong gusto kita, ’di ba? Marunong lang akong rumespeto sa kapwa ko lalake kaya huminto ako sa pagsuyo sa ’yo nang malaman kong may nobyo ka,” aniya at hindi ko nagugustuhan kung saan ang tungo nitong usapan namin.
“Calvin—”
“Hindi kita pipilitin o pinipilit, Shan. Don’t worry. Maghihintay lang ako kung kailan ka handa,” anito saka ginulo ng kanang kamay niya ang buhok ko. “Twenty-two na ako, apat na taon din ang tanda ko sa ’yo, at masasabi kong lumaki ka talagang mabait at maganda. Hindi na nakakapagtaka kung bakit agad kang ginusto n’ong dayo na ’yon. Huwag ka na lang sana niya ulit lalapitan, hindi mo bagay ang malungkot. Nakakabawas ng ganda,” dagdag pa nito saka may kinuha sa bag na dala niya at inabot ito sa akin.
“Ano ’to?”
“Baon ko lang ’yan kasi may exam kami mamaya, nakaka-boost daw ng talino, pero kung mabu-boost naman niyan ang mood mo, sa ’yo na. Mas kailangan mo ’yan,” aniya at tumayo na saka naglakad paalis.
Malaking tsokolate kasi ang ibinigay niya sa akin at kahit paano ay totoong napangiti ako. Ilang araw ko nang gustong kumain nito ngunit hindi ako makabili dahil iniipit ko ang pera ko para sa miscellaneous ni Sharry.
Binabalak ko na sanang buksan ang tsokolate nang bigla na lamang tumunog namg tumunog ang telepono ko na nasa tabi ko kaya’t agad ko itong nilingon.
Halos magimbal ang buo kong pagkatao nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na agad iyong sagutin kahit pa nanginginig ang buong sistema ko.
“H–Hello. . .”
“Shan, it’s Zeev. I’m here in Pampanga right now. Can we talk?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 14
TRIGGER WARNING AHEAD!
IF YOU’RE NOT COMFORTABLE, HUWAG NANG ITULOY ANG PAGBABASA. I WAS TRIGGERED. NATATAKOT AKONG BAKA GANOON DIN ANG MANGYARI SA INYO KAPAG ITINULOY NINYO LALO SA MGA MAY ANXIETY AND DEPRESSION.
–
SHAN
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa isang bench at naghihintay sa pagdating niya. Hindi ako umaasa ng isa pang pagkakataon. . . gusto ko lang ng kaliwanagan at usap.
Ang hirap magpatuloy na hindi mo alam kung saan ka ba tutungo. Ang hirap magpakatatag nang hindi mo nalalaman kung ano ba ang siyang magpapahina na lang bigla sa ’yo. Ang hirap kumapit lalo pa’t hindi mo alam kung sino o ano ba ang dapat mong kapitan.
“Shan. . .” Halos matulala ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Gusto kong pumalahaw ng iyak pero hindi ko magawa. Gusto kong sugurin siya ng yakap, pero alam kong bawal. Sa huli, ngumiti lamang ako sa kaniya ng tipid at tinapik ang gilid ko na wari bang pinauupo ko siya sa tabi ko, na agad naman niyang sinunod.
“K–Kumusta ka?” utal na tanong ko sa kaniya ngunit nakatingin na ako sa kawalan.
“I’m all good. Ikaw, kumusta ka?” kaswal na tanong niya pabalik sa akin. Napapangiti ako ng mapait sa loob ko.
Nilaro-laro ko ang strap ng bag kong nasa kandungan ko at naroon lang ang pansin ko bago ako muling nagsalita. “B–Bakit nandito ka, Zeev?”
Hahawakan na sana niya ang kamay ko nang ako na mismo ang naglislis nito palayo. Ayoko. . . ayokong madantayan niya ako. . . ayokong muling maging mahina na naman sa kaniya kapag naramdaman kong muli na mahalaga ako. Ayoko na. . . pagod na ’ko.
“I. . . I have something to tell you, Shan. I’m sorry. I really am,” aniya at bigla na lamang niyang inihilamos ang mga palad niya sa mukha niya. “I shouldn’t have. . . hindi dapat. . . hindi dapat kita pinakialaman. I am so damn sorry,” patuloy niya na animo hirap na hirap.
Sa mga oras na ’to ay lalo kong gustong masaktan. Sobra niyang pinagsisisihan ang bagay na akala kong ginawa niya dahil mahal na mahal niya ako. Sising-sisi siya sa bagay na iyon na animo ba isa akong malaking kasalanan na dumaan sa buhay niya.
“S–Siguro nga nadala lang tayong pareho,” kunwaring wala lang na sagot ko. Itinukod ko ang mga kamay ko sa magkabilang espasyo sa gilid ko saka ako tumingala sa kalangitan at mapait na ngumiti. Pinipigilan ko rin ang mga luha kong gusto nang bumagsak sa mga oras na ’to. “W–Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman kailangan mag-sorry, Zeev. Okay lang ako. O–Okay naman tayo. Wala naman sigurong problema—”
“I’m leaving tomorrow, Shan.”
Napapitlag ako sa itinuran niyang iyon. Hindi ko mawari pero iba ang dating sa akin ng sinabi niyang iyon.
“S–Saan ang punta mo?” tanong ko nang hindi pa rin siya nililingon.
Sumandal siya sa bench at tumingin din sa kalangitan gaya ng ginagawa ko bago sumagot sa akin. “California. Ako ang mag-aasikaso ng mga dapat asikasuhin doon. Three years. . . three years ang kontrata,” anito at parang pinipiga na naman ang puso ko sa sakit sa narinig ko. . . dahil hindi ko sigurado, kung totoo ba ang sinasabi niya. Nawalan na ako ng tiwala. . . ayaw ko nang magtiwala sa mga sasabihin pa niya.
“Ganoon ba?”
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang sakit sa mga mata niya ngunit hindi ko mabasa kung para saan ba ang mga iyon. Ayokong isipin na nasasaktan siya dahil sa nangyayari sa amin. . . dahil hindi naman ako si Rebecca.
Tumingin din siya sa akin at nagtama ang mga mata naming dalawa. “Please. . . please, break up with me, Shan.”
Doon ko na hindi napigilang tumulo ang mga luha ko. Doon ko na hindi napigilan ang pagsakop ng sakit at pait sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango nang sunod-sunod. “Hindi mo kailangan magmakaawa, Zeev. Hindi mo kailangan gawin ’yan,” wika ko saka ako tumayo at muling tumingin sa kalangitan. “Salamat sa mga araw na ipinaramdam mong mahal mo ’ko at napakahalaga ko. Salamat, Zeev. . . pinapalaya na kita.”
Naglakad na ako palayo habang hinahaplos ko ang tiyan ko.
Anak, mula ngayon. . . tayong dalawa na lang talaga. Tayo na lang. . .
MALUTONG na mura ni Nanay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay namin.
“Putang ina mo kang bata ka! Kanina pa ako tawag nang tawag sa ’yo! Hindi mo alam kung gaano kahirap makakuha ng oras sa putang inang naglalaglag tapos hindi ka makontak!?” galit na bulalas niya sa akin.
Hindi ko magawang sumagot. Nanlulumo ako. Halos hindi pa ako nakakahinga sa sakit na nararamdaman ko, at ito na naman. . . mayroon na naman akong kailangan harapin. Napapagod na ’ko.
“M–Marami lang pong ginawa sa school—” Sinampal niya ako ng ubod nang lakas na ikinatabingi ng ulo ko at halos ikabingi ko.
“School? Putang ina mo, kapag hindi mo ’yan natanggal, hihinto ka sa punyetang pag-aaral mo! Kapag hindi mo tinanggal ’yan, lahat ng putang inang gusto mo, hindi mo na magagawa! Putang ina ka, Shan, hindi ka nag-iisip!” nanggagalaiting anas niya sa akin.
Walang emosyon akong tumingin sa kaniya at muling nagsalita. “Hindi ko po tatanggalin ang anak ko. Kung gusto n’yo pong mawala siya, patayin n’yo na lang din ako,” malamig na turan ko na ikinagulat ni Nanay.
“PUTANG INA MO KA! Talagang papatayin kita! Papatayin na lang kita kaysa magdala ka ng kahihiyan sa pamilyang ’to! Papatayin na lang kita kaysa ako ang maghirap sa mga kaputang inahan mo!”
Lahat ng salita niya ay parang mga patalim na umuukit sa buong pagkatao ko. Tanggap kong nagkamali ako. Ang hindi ko matanggap. . . bakit kailangan maging ganito ang trato sa akin? Bakit parang hindi niya ako anak? Bakit kung makapagbitaw siya ng mga salita. . . parang hindi niya naranasan ang maging ina?
Parang pinipiga ang dibdib ko sa isiping iyon. Siya ang inaasahan kong iintindi sa akin dahil nanay ko siya. . . at ang akala ko ay walang inang makakatiis sa anak. . . pero tila siya pa mismo ang nagtutulak sa akin sa dulo ng bangin. . . sa dulo palayo sa naiiwang pag-asa para sa akin.
“H–Hindi ko kahit kailan naisip. . . na pipiliin n’yo ang kahihiyan ninyo, kaysa sa akin na anak n’yo,” halos pabulong kong turan saka ako tuloy-tuloy na umakyat sa silod namin ni Sharry.
Wala ang kapatid ko rito sa kuwarto kaya’t naupo ako sa harap ng study table niya matapos kong bitawan ang bag ko.
Nakakita ako ng maliit na note sa lamesa niya kaya’t binasa ko iyon.
Ate, nandito po ako kina
ninang Divine dahil ang sabi po ni Nanay dito muna ako matulog kasi may bisita ka. I love you. - Shar ganda xx
Ang sarap bumalik sa pagkabata. Ang sarap bumalik sa edad na tanging pagkadapa lang ang iniiyakan at notebook lang ang gusto mong ingatan sa ulanan.
Hinawakan ko ang tiyan ko at tumingin sa paligid ng kuwarto ko. Para akong dinudurog sa mga iniisip ko. Para akong nilalatayan sa dibdib sa bawat senaryo sa imahinasyon ko.
“Anak. . . pasensya na kung pakiramdam mo ayaw nila sa ’yo. Pasensya na kung habang nasa tiyan ka pa lang ng mama, pakiramdam mo wala nang nagmamahal sa ’yo. Patawarin mo ’ko kasi mahina ako. Patawarin mo ang mama kasi hindi kita magawang ilaban. Patawarin mo ’ko, anak, kung mahina ako. Patawarin mo ’ko. . . gusto ko nang sumuko, anak. Gusto ko nang ibigay ang gusto nila. . . gusto ko nang mawala. . . gusto ko nang tumakas. Napapagod na ’ko. . . pagod na pagod na ’ko.”
Sunod-sunod na ang naging pagpatak ng mga luha ko habang nakikipag-usap ako sa anak ko.
Nagawi ang mga mata ko sa isang bagay na pakiramdam ko ay tatapos ng lahat ng paghihirap na nararamdaman ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha iyon.
Lubid.
Hinaplos ko pa iyon ng marahan bago ako ngumiti ng mapait.
Wala na. . . wala na akong nakikitang iba pang solusyon para wakasan ang paghihirap namin ng anak ko.
Wala na akong nakikita pang ibang paraan para matapos na lang lahat ng ito at kapwa na lang matahimik ang lahat.
Gusto ko na lang ng katahimikan.
Gusto ko na lang ng kapayapaan.
Gusto ko na nang. . . magpahinga. Pagod na pagod na ’ko.
Umakyat ako sa ibabaw ng double deck kung nasaan ang higaan ni Sharry para maitali ko ang lubid sa kahoy ng ilaw.
Ito na lang ang magagawa ko. Sa paraan na ito hindi na nila masasaktan ang anak ko. . . hindi na nila siya makukuha pa sa akin. . . hindi na nila siya mapagbabalakan ng masama.
Nang masiguro kong mahigpit na ang pagkakatali ay bumaba ako at kinuha ang upuan na inuupuan ko kanina saka ko iyon inilagay sa tapat ng lubid na itinali ko.
Mariin akong pumikit nang maka-akyat na ako sa upuan.
Patawarin Mo po sana ako sa gagawin ko. Patawarin Mo po sa ako. . . hindi ko na kaya. Ubos na ubos na ’ko. Hindi ko na mahanap ang rason ko para magpatuloy. Patawin Mo po ako. Paulit-ulit po akong hihingi ng tawad sa Iyo. Patawad. . . patawad at mahina po ako.
Inilagay ko ang lubid sa leeg ko at muli ay sunod-sunod ang naging pagtulo ng luha ko. Hindi ko magawang dumilat. Hindi ko magawang muli pang tignan ang paligid.
Masyadong masalimuot ang buhay na ibinigay sa akin ng mundong ito. . . nakakatakot na sa mundong ito ko rin dapat palakihin ang anak ko. Ang hirap. . . ang sakit.
Ilang ulit kong kinailangang mabasag.
Ilang ulit kong kinailangang maramdaman na hindi ako importante. . . na hindi ako mahalaga.
Ilang ulit kong kinailangan na maramdaman na hindi ako sapat. . . na kahit anong gawin ko sa kahit na sino. . . hindi magiging sapag lahat ng kaya kong ibigay sa kanila.
Ilang ulit kong kinailangang maubos.
Ilang ulit kong kinailangang masaktan ng pisikal at emosyonal.
Pagod na ’ko. . . o higit pa sa salitang pagod ang nararamdaman ko.
Ang ganid ng mundo. Hindi ako naghahangad ng malaki. Hindi ako naghahangad ng magarbo.
Ang gusto ko lang. . . mahalin at pahalagahan ako sa paraan na dapat kong matanggap. . . pero bakit ang damot sa akin ng mundo? Ang gusto ko lang magmahal at mahalin. . . pero bakit hindi iyon maibigay sa akin. . . sa amin ng anak ko? Bakit ganito?
Hinawakan kong muli ang tiyan ko sa huling pagkakataon bago umusal ng mga salita para sa anak ko.
“Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal. . . na mahal ka ng mama. Walang kayang pumantay ng pagmamahal ko para sa ’yo. Patawarin mo ’ko at sobrang hina ’ko. Patawarin mo ’ko dahil ito na lang ang solusyon na maibibigay ko sa ’yo. . . Mahal kita, anak ko. Pagod na ’ko. . . magpahinga na tayo. . . “
“ATEEEEEEEEEE!!”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
**
Kabanata 15
SHAN
“ATE!!!!!!!”
Nilingon ko ang tinig na iyon na narinig ko habang puno ng luha ang mga mata ko. Nakita ko si Sharry na nanginginig habang nakaluhod.
“A–Ate, parang awa mo na. . . bumaba ka diyan. A–Ate, parang awa mo na. . . nagmamakaawa ako sa ’yo!”
Gusto ko nang sipain ang upuan na kinatatayuan ko. Nanginginig ako. Gusto ko nang bumigay. Gusto kong matapos na ’to.
“A–Ate, sabi mo hindi mo ’ko iiwan. S–Sabi mo lagi ka lang nandito para sa ’kin. A–Ate, hindi mo ’ko iiwan, ’di ba? S–Sabi mo ’yon. S–Sabi mo. P–Parang awa mo na bumaba ka na riyan. P–Parang awa mo na. . . Ate. . .”
Muli akong pumikit at hindi ko malaman ang gagawin ko. Muli akong pumikit dahil awang-awa na ’ko sa sarili ko. Sukong-suko na ’ko pero patuloy pa rin akong kinakapitan ni Sharry.
“A–Ate. . . mahal na mahal kita. M–Meron ka pang ako. U–Umuwi ako kasi alam ko, ’di ka makakatulog kapag mag-isa ka lang. . . A–Ate, baba na. P–Please, ate. B–Bumaba ka na. . .”
Inalis ko ang lubid sa leeg ko at bumaba sa upuan. Mabilis namang tumayo si Sharry at niyakap ako nang sobrang higpit.
“S–Shar. . . ayaw ko na. P–Pagod na ang ate. P–Pagod na ’ko.”
“Nandito lang naman ako. Kausapin mo ’ko lagi. Magkaka-anak ka na, ’di ba? Narinig ko sila kuya at Nanay na nag-uusap. Bakit mo gagawin ’yon, ate? Ayaw mo ba sa baby mo—”
“S–Sila. . . Sila ang may ayaw sa anak ko, Shar. Gusto nila siyang mawala. Gusto nila siyang alisin sa akin,” halos pabulong na wika ko. Parang pinipiga ang puso ko. “A–Ang gusto ko lang, Shar, makapagpahinga na. P–Pagod na ’ko. Ubos na ang lakas ko para magpatuloy.”
“Huwag mo nang ulit gagawin ’yon, ate. Mababaliw ako. Hindi ko kayang makita kang wala ng buhay. Hindi ko kaya, ate. Mawawala ako sa sarili ko.”
Naramdaman ko ang paghaplos ni Shar sa likod ko. Nahihiya ako sa kapatid ko. Nahihiya ako na kailangan pa niyang masaksihan ang kahinaan ko. Nahihiya ako. . . pakiramdam ko habang buhay tatanim sa utak niya ang nakita niyang dapat gagawin ko.
“P–Pasensya na, Shar. M–Mahina ang ate sa problema. P–Pasensya ka na kung agad akong bumibigay. . . p–pasensya na.”
Hindi ko kahit kailan naisip na sa isang magtetrese anyos na bata pa ako makakahanap ng kanlungan at seguridad.
“Hindi mo naman kailangan mag-sorry, ate. May kaniya-kaniya tayong tolerance sa sakit. Sabi nga r’on sa facebook post na nabasa ko, hindi dahil kinaya ng iba ang problema, kailangan mo na rin kayanin. Minsan kailangan tayong mag-let go para gumaan ’yong dinadala natin. Basta, ate, nandito lang ako lagi. Hindi kita iiwan. Lagi mo ’kong kakampi,” aniya saka pa mas humigpit ang pagkakakapit niya sa akin.
“S–Salamat, Shar. Salamat. . .”
Siguro. . . siguro mayroon pa Siyang sapat na dahilan para hindi ko maituloy ang binabalak ko. Siguro may plano Siya sa akin. Siguro may dapat pa akong maiayos dito sa mundo kaya’t hindi pa Niya ako kailangan sa piling niya.
Gabayan Mo po sana ako. . . at patawarin Mo ’ko.
HINDI ko alam kung paano ko nagawang makapasok ngayon. Masakit ang ulo ko, ang balakang ko, at kaninang umaga ay suka rin ako nang suka.
“Shan,” tawag sa akin ni Mikmik. “Kung may problema ka, alam mong handang-handa akong makinig sa ’yo, hindi ba?” anito at tipid na ngiti lamang ang sinagot ko.
“Nakausap ko si Sharry,” ani Dash at tila blangko lamang ang boses nito. Kinabahan agad ako. Malapot si Shar kay Dash kaya siguradong nasabi ng kapatid ko ang nangyari nang nagdaang gabi.
“Dash—”
“Hindi kami display ni Mikmik sa buhay mo. Hindi kami nandito lang kapag masaya ka. Nandito kami kapag kailangan mo ng kausap, kapag malungkot ka, kapag gulong-gulo ka na. Nandito naman kami, Shan. . . pero bakit naisipan mong gawin ’yon?” aniya na puno ng sumbat. . . at sa unang pagkakataon, nakita ko ang mga luha ni Dash na sunod-sunod ang pagpatak.
Naguguluhang tiningnan ako ni Mikmik. “Anong ginawa mo?”
Yumuko ako dahil hindi ko masalubong ang mga mata nila. Nahihiya ako. Natatakot ako. Huhusgahan nila panigurado ang naging desisyon ko. . . ayaw kong masaktan ko sila. Ayaw kong ma-disappoint sila sa akin.
“Paano kung hindi ka nakita ni Sharry? Bangkay ka na naming dadalawin ngayon? Parang hindi mo kami kaibigan sa ginawa mo!” aniya at dinig ko pa rin ang bawat hagulgol at hikbi niya.
May mga sakit. . . na gusto natin na sa atin lang. May mga istorya na gusto natin tayo lang ang may alam. May mga nakatagong isipin sa utak natin na ayaw nating malaman ng iba. Hindi ko alam kung parte ba ito ng pagiging tao. . . pero may mga pakiramdam na hindi natin kayang ipaliwanag sa iba.
Hindi ko ginawa iyon dahil gusto ko lang. Sobra na akong nasasaktan. Puno na ng iba’t ibang isipin ang utak ko. Nauubos na ako at hindi ko na alam ang dapat kong gawin. . . at ang pinakamasakit sa lahat. . . pakiramdam ko namanhid na ako sa sakit at pagkadurog. Wala nang tila pumipiga sa dibdib ko. Wala na. Ang tanging isipin na lang na mayroon ako n’on. . . gusto kong matapos na, gusto kong magpahinga na. Dahil wala na akong nararamdaman. . . gusto ko na lang magpahinga.
Pero hindi iyan maiintindihan ng iba.
“P. . . Pasensya na—” Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil bigla na lamang akong kinabig ni Dash at niyakap nang napakahigpit.
“Kapag nasasaktan ka, saktan mo ’ko—kami ni Mikmik. Kapag gusto mong murahin ang mundo, makikinig kami sa ’yo. Kapag gusto mong kumawala sa lahat ng sakit, handa kong nakawin ang sasakyan ni Daddy para lang maigala ka. Just don’t do it again, Shan. Kung iniisip mong mag-isa na lang kayo ng anak mo. . . huwag. Nandito ako, nandito kami ni Mikmik. Kaibigan mo kami kahit na anong mangyari. Hindi mo kami pinapabayaan tuwing exam, hinding-hindi ka rin namin papabayaan ngayong kailangan mo kami. Hindi na lang ikaw ngayon, Shan. Dalawa na kayo. May isa ka pang kailangang protektahan. May little Shan kang kailangan pa ng pagmamahal mo. Kahit hindi na kami, kahit ang anak mo na lang. Kahit siya na lang. . . panghawakan mo sana.”
“I’m getting the gist of it, at ang masasabi ko lang ay ayaw ko nang ginawa mo, Shan. Kung kailangan mo ng clown para magpasaya sa ’yo, handang-handa ako. Just don’t do it ever again. As in ever. Talagang kukurutin kita sa singit at mag-aasawa ako ng babae. . . EWWWWWW!” ani Mikmik kaya’t napahiwalay kami ni Dash at bahagyang natawa sa kaniya.
Sa kanila hindi ko kailangan magpanggap, kaya’t hindi ko makuha kung bakit ganoon ang trato sa akin ni Nanay at Tatay. Malabong ampon ako dahil kamukhang-kamukha ko ang Tatay.
Siguro. . . Siguro hindi lang talaga ako ang anak na gusto nila. Hindi ako ang tipo ng anak na pinangarap nila, tapos ay nagdala pa ako ng ganitong problema.
Totoong malaki ang kasalanan ko. Una ay nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Ikalawa ay nagpadalos-dalos ako ng desisyon, at ikatlo, nagpadala ako sa kapusukan na hindi ko naman dapat ginawa lalo pa sa edad ko.
Nasasaktan din ako na malaman na ako pala ang pangalawa. Nagmistulan akong kabit kahit pa hindi sila kasal. Nagmistulan akong tanga sa pag-aakala na akin siya ng buo. Mali pala ako. . . maling-mali, dahil ako pala ang nakikihati.
“Tama na muna ang emote. Tara sa court. May laro ang volleyball boys natin versus sa east,” ani Mikmik na mukhang excited. Siya pa mismo ang nagbitbit ng mga bag namin ni Dash.
Habang naglalakad kami ay naka-angkla sa braso ko si Dash na tila ayaw ako nitong pakawalan.
“Hindi po ako mawawala. Hindi rin po ako tatakbo,” asar ko sa kaniya ngunit sinamaan lamang niya ako ng tingin.
“We almost lost you last night without us getting any hint kaya huwag mo ’kong asarin nang ganiyan. Sa oras na ulitin mo ’yon, patay ka na, papatayin pa kita. Double dead talaga ang labas ko sa ’king gaga ka,” angil niya na ikinangiti ko na lamang.
She’s indeed an older sister for me.
Nakarating kami sa court at naubo sa bleacher. Tamang cheer lang si Mikmik at Dash habang ako ay nakaupo lamang at tahimik na nanunuod.
“Ang lakas talagang lulundag ni Franco, shit! Ang sarap niya!” dinig kong wika ni Dash kay Mikmik. Crush niya kasi ang isa sa mga player kahit may boyfriend siya. Ang katwiran niya, crush lang naman daw.
“Cyst, mas mas masarap si Zoren! Ang puti! Parang ang sarap hagurin!” ani Mikmik at parang tuwang-tuwa pa nang ilislis ni Zoren ang damit niya para magpunas ng pawis. “WAAAAAAH! EIGHT PACK ABS!”
“Bakla ka. Hindi ka papatulan niyan kahit i-offer mo pa ang butas ng puwet mo,” asar sa kaniya ni Dash.
“BUNGANGA MO, DASHINEL! NAKALULON KA NG TAE? AMBANTOT NG LUMALABAS SA BUNGANGA MO!” asar na wika ni Mikmik na lalong ikinatawa ni Dash.
“WOOOOOOOOOOOHHHHHHH!” tilian ng karamihan nang bigla na lamang magpakawala si Calvin nang matalim na spike.
“I LOVE YOU, CALVIN!”
“CALVIN, MAHAL NA KITA!”
Maraming sigawan ang nangingibabaw, nginit nagulat ako nang lumingon siya sa puwesto ko—o baka assuming lang ako, at ngumiti na animo napaka-genuine ng ngiti na iyon.
Bigla na lang naupo sina Mikmik at Dash sa magkabilang gilid ko at inilapit ang mga mukha nila sa akin.
“Pinopormahan ka pa rin ba n’on?” tanong sa akin ni Dash. Walang ligoy.
“Alam ba niyang buntis ka?” tanong naman ni Mikmik.
“Hindi po, at isa pang hindi po. Marami na akong problema, at hindi ko na balak sanang dagdagan pa,” sagot ko aa kanila at kapwa sila tila nakahinga nang maluwag.
“Ayaw lang namin na makita ka na namang nasasaktan. Mabait naman iyang si Vermillo, pero hindi ko gusto ang pagiging marumi sa politiko ng pamilya niya,” ani Dash at sunod-sunod ang naging pagtango ko. “Ang hindi ko lang magandang natutunugan, dikit daw sila ng kuya seph mo dahil balak yatang gawing kaalyado ang kuya mo dahil malakas sa lugar n’yo.”
“Alam mo naman na hindi ako nakikialam sa mga ganoon, hindi ba?” anas ko sa kaniya at nagkibit-balikat na lamang siya.
“Huwag ka lang sanang ireto sa kaniya ng kuya mo para ipasalo ’yang anak mo. Ayaw kong magkaroon ka na naman ng bagong problema at bagong dahilan para mawala na naman sa sarili,” aniya at ngumiti naman ako.
Natapos ang laro at halos sisilim na. Day-off ko ngayon kaya wala akong duty sa Jollibee. Wala akong balak mag-resign. Kailangan na kailangan kong makaipon dahil hindi ko alam kung gagastusan ba nila Nanay ang panganganak ko. Maigi na ang may madudukot ako.
Naiwan ako sa waiting shed dahil ang tagal ng jeep na dadaan sa bahay namin. Nauna na tuloy nakaalis sina Dash at Mikmik kahit pa ayaw pa nila akong iwanan.
“SHAN!” Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Calvin na habol-habol pa ang hininga at napayukod sa mga tuhod nang makarating sa harap ko.
“Ano ’yon, Calvin? Bakit tumatakbo ka?” tanong ko sa kaniya. “Congrats nga pala kanina,” bati ko dahil MVP of the game siya kanina.
“Thank you. Nga pala, Shan. . .,” Nagkamot na muna ito ng ulo bago muling nagsalita. “. . . puwede ba kitang ihatid pauwi? Promise hatid lang talaga, pero kung gusto mong kumain na muna sa turo-turo ayos lang sa akin,” anito na puno ng alinlangan. Ngumiti ako sa kaniya saka umiling.
“Ayos lang ako, Calvin. Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid. Mauna ka na. Alam kong napagod—”
“Gusto. . . Gusto ko sana siyang palitan sa buhay mo. Ang kaso, mukhang hindi ka pa handa. Huwag kang mag-alala, Shan. Hindi naman ako nagmamadali. Hindi kita pipilitin sa kahit na ano. Maghihintay lang ako,” aniya nang nakangiti at hindi ako nakakibo.
Masabi mo pa kaya ’yan, kapag nalaman mong buntis ako. . . sa taong gusto mong palitan sa buhay ko?
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 16
SHAN
WALA akong kasama ngayon habang kasalukuyan akong kumain ng tanghalian dito sa cafeteria. Nakakalungkot dahil na-timing-an pa na may klase sina Mikmik at Dash sa modern philosophy.
Hindi ko gusto ang mga pagkain pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang kainin ito dahil kanina pa ako nagugutom. Ayaw kong isipin na pinagtataguan ako nila Nanay ng pagkain, pero sa tuwinang magluluto sana ako para sa almusal, tapos na silang kumain.
Hindi ko gustong mag-isip nang hindi maganda pero iba talaga ang pakiramdam ko, at ayaw ko rin kumain ng mga nakikita kong pagkain sa bahay dahil natatakot ako sa maaari nilang ihalo roon.
“Hi, Shan.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Calvin na malawak ang pagkakangiti sa akin habang may hawak na isang pirasong rosas at mga tsokolate naman sa kabilang kamay.
Tipid akong ngumiti sa kaniya at naupo naman siya sa katapat kong upuan.
“Calvin—”
“Para nga pala sa ’yo, Shan,” anito at inabot sa akin ang mga dala-dala niya. Wala akong balak tanggapin ito kung hindi pa maraming naki-usyoso. Ayaw ko lang na mapahiya siya sa mga nakakakita.
“S–Salamat,” anas ko at yumuko muli sa pagkain ko.
Hindi ako komportable na may ibang tao sa paligid ko lalo pa sa sitwasyon na mayroon ako ngayon. Hindi sa gusto kong itago ang anak ko. Ang gusto ko lang naman ay protektahan siya.
Nitong mga nakaraan ay mas naging maselan ang sikmura at pang-amoy ko. Kaunting bagay na hindi ko magustuhan ang lasa o amoy, agad akong sumusuka. Ayaw kong may makakita niyon. Ayaw kong malagay na naman sa hindi magandang sitwasyon ang anak ko.
“Shan, namumutla ka. May masakit ba sa ’yo?” tanong niya sa akin. Gusto kong umiling pero hindi ko magawa. Umiikot ang paningin ko at masakit na masakit ang ulo at batok ko. Pakiramdam ko ano mang oras ay tutumba na lang akong bigla.
“C–Calvin, puwede ko ba akong dalhin sa clinic?” tanong ko sa kaniya at sunod-sunod naman siyang tumango saka na ako inalalayan para tumayo.
Hawak-hawak niya ako sa braso hanggang sapitin namin ang clinic kung saan wala naman ang attending nurse kaya’y iniupo na lamang niya ako sa isa sa mga clinic bed.
“Dito ka lang, ha? Hahanapin ko lang ang nurse,” aniya at tumango naman ako bilang tugon.
Nararanasan ko ngayon ang hirap sa pagbubuntis na dati ay sa mga libro ko lamang nakikita. Totoo pala na mayroon mga babaeng maselan magbuntis.
Nakatanghod lang ako sa bintana ng clinic at nakikita ko si Calvin na tila hilo at takbo nang takbo sa paghahanap sa nurse. Nakita ko naman na totoong nag-aalala siya sa akin. Kita naman talaga sa mga mata niya ang sinseridad. . . pero hindi ko alam. . . hindi ko talaga siya makapa sa kahit saang parte ng puso ko.
Siguro kahit na anong sakit ng nangyari sa pagitan namin ni Zeev. . . alam kong siya pa rin. . . siya lang.
Ilang saglit pa ay dumating si Calvin kasama na ang attending nurse saka nila ako nilapitan.
“Namumutla ho siya kanina, Nurse Richel. Tapos itsura po siyang parang bigla na lang tataob,” imporma niya sa nurse kaya’t mabilis na tiningnan at kinapa ng nurse ang pulso ko.
Bahagya akong nakaramdam ng kaba nang manlaki ang mga nito sa akin na wari bang gulat na gulat. Iba ang pakiramdam ko. . . mukhang nalaman nito ang sitwasyon ko.
May katandaan na rin kasi ang nurse kaya’t siguradong eksperto na ito sa mga bagay-bagay.
“Ibibili ko na po ba siya ng anti-flu? Sandali lamg po—” Pinigilan siya ng nurse nang akmang tatakbo na siya paalis.
“Mukhang maselan ang balat ng pasyente. Mayroon akong available na gamot para sa kaniya,” anas nito kay Calvin ngunit alam kong nais lamang ako nitong pagtakpan. “Sa ngayon ay lumabas ka na muna at hintayin mo na lang na tawagin kita para alalayan siya,” dagdag pa nito kaya walang nagawa si Calvin kung hindi tumango at lumabas ng clinic.
Tinalikuran ako ng nurse at nagkalkal sa drawer nito.
“Nurse—”
“Try this,” anito saka ako inabutan ng pregnancy test kit.
“Ano pong—”
“Dalawang magkasunod na pintig ang bawat pintig na pulso mo. Nangyayari lamang iyan kung buntis ang babae kaya’t subukan mo na ’to,” putol nito sa akin at napayuko ako.
“H–Hindi na po kailangan. Alam ko naman pong buntis ako,” halos pabulong na anas ko sa nurse nang mag-angat akong muli ng tingin at nagkibit-balikat ito sa akin saka ito tumango.
“Ilang buwan na?”
“Magdadalawa po,” tipid na sagot ko.
“Ang lalaking nasa labas ba ang ama?” tanong nitong muli sa akin at umiling ako.
“Hindi po. Hindi ko po karelasyon ang lalaking nasa labas. Anak po siya ng kapitan sa barangay namin—”
“Pero, iha, mukhang type ka ng bagets na ’yon. Alam ba niyang buntis ka? Sa istilo niya, mukhang nililigawan ka niya,” muling pang-iintriga nto sa akin pero itinikom ko na lamang ang mga labi ko. “Pasensya na. Mukhang ayaw mo pa yatang pag-usapan,” anito nang hindi na ako magsalita.
Inabutan niya ako ng paracetamol na safe naman daw inumin ng buntis kaya’t kinuha ko iyon at ininom.
Ilang minuto lang ang pinalipas ko ay tinawag na niya si Calvin para tulungan akong makalabas ng clinic.
“Shan, gusto. . . gusto mo bang maglibot muna? Kung may oras ka lang. Para lang kahit paano makahinga-hinga ka—”
“Hindi na, Calvin. Ayos lang naman ako. Huwag mo na ’kong intindihin. Wala rin naman akong duty ngayon. Makakauwi ako nang maaga at makakapagpahinga,” putol ko sa kaniya at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya pero pinili niya pa rin na ngumiti sa akin.
“Sige, Shan, pero please. . . hayaan mong ihatid kita ngayon, ha? Ayaw kong iwan ka na lang bigla at kung anong mangyari sa ’yo,” anito at tumango ako sa kaniya.
Pumasok ako sa klase ko habang naroon lang siya sa ilalim ng puno ng acacia at naghihintay na matapos ang klase ko.
Hindi ko alam pero kahit paano ay nakakaramdam ako ng konsensya sa nangyayaring ito, lalo pa’t wala siyang alam sa sitwasyon ko.
Ayaw kong magpaasa ng tao lalo pa’t alam ko kung gaano nakakamatay ang pakiramdam na bigla na lang maiwan sa ere. Iyong nakakadurog na pakiramdam na kahit na anong iwas ang gusto mo hindi mo maiiwasan dahil parang naka-ukit na iyon sa buo mong sistema at hindi mo maaaring takbuhan.
Natapos ang klase namin at maingat akong lumabas ng classroom namin dahil mayroong janitor na kasalukuyang naglilinis ng pathwalk.
Sinalubong ako ni Calvin at kinuha niya sa akin ang mga gamit ko. “Okay ka lang ba?” tanong niya at agad naman akong tumango.
“Yiiiiieeeeeee. Kayo ba ni Shan, Calvin?” tanong sa kaniya ni Mich, kaklase ko sa subject na ’to.
“Hindi. Huwag n’yo laming kantyawan at nahihiya si Shan. Masakit lang ang ulo niya kaya sasamahan ko,” sagot niya naman dito at iginiya na ako paalis.
Pumara siya ng tricycle nang makalabas na kami ng university at agad kaming sumakay roon. Dahil may kalakihan si Calvin ay halos hindi kami magkasya sa tricycle.
“Pasensya ka na, hindi ko pa kasi kaya ang magkaroon ng sasakyan kaya hanggang tricycle lang muna tayo,” ani Calvin kaya’t hindi ko maiwasang lingonin siya at ngitian.
“Hindi naman kailangan, at hindi mo kailangan mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ako ganoong klase ng babae,” wika ko sa kaniya at bigla niyang inilagay ang malaki niyang palad sa buhok ko at ginulo iyon.
“Joke lang po,” aniya saka pa ako nginitian.
Nang makarating kami ng bahay ay nadatnan namin sina kuya Seph at Tatay na nagkakape sa harap bahay namin.
“CALVIN!” sigaw ni kuya Seph saka pa siya tumayo at sinalubong si Calvin ng fist bump. “Napadalaw ka, ’tol?” tanong niya.
Papasok na sana ako sa bahay nang hawakan ako ni kuya Seph sa braso.
“Hinatid ko lang si Shan, nahilo kasi kanina,” sagot sa kaniya ni Calvin. “Aalis naman na rin ako at ayokong maka-abala pa,” dagdag pa nito at yumukod ng kaunti para bumati kay Tatay.
“Hindi, ’tol. Dito ka na maghapunan. Sandali lang,” ani kuya Seph at walang nagawa si Calvin kung hindi tumango.
Pumasok kaming tatlo sa bahay at ako naman ay nagpaalam na dederetso sa kuwarto ko para magpalit na muna ng damit at saglit na makapagpahinga. . . ang kaso ay nakasunod pala si kuya Seph sa akin.
“Kuya—”
“Tsansa mo na ’to para hindi lumaking bastardo iyang batang ’yan,” pabulongna singhal niya sa akin saka pa siya nameywang na animo nauubusan na talaga ng pasensya sa akin. “Hindi ko inakalang pagaganahin mo rin sa wakas ang utak mo,” dagdag pa nito sa akin saka sumandal sa cabinet ko nang akma akong kukuha ng pamalit na damit.
“H–Hindi ko iyon gagawin at hindi nandito sa Calvin dahil may pagkakaunawaan na kami. A–Alam mong hindi ako kahit kailan gagamit ng tao para lang sa ikaka-ayos ko. K–Kuya Seph, hindi ganitong—” Sinampal niya ako at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi nila gustong nagmamatigas ako. . . gusto nila ay paulit-ulit akong maging sunod-sunuran.
“Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, hihinto ka sa pag-aaral at sa oras na isilang iyang anak mo, sinasabi ko sa ’yo, ipaaampon ko ’yan at kahit kailan ay hindi mo na ’yan makikita!” banta niya sa akin at parang nanginig ako sa narinig kong iyon.
Sa tuwina na lang na mapag-uusapan ang anak ko at ang mga balak sa kaniya, nanghihina ako at parang hindi ko magawang lumaban. Nahihirapan ako kapag nadadawit na ang kapakanan niya. Kahit gusto kong lumaban, paulit-ulit akong naduduwag at gusto na lang magpatianod.
Laging ang laman ng utak ko ngayon. . . puro sa kapakanan ng anak ko. Ang hirap magmatigas kung siya ang laging ibinabala at ipinangbabanta sa akin. Para akong sinasakal at ang hirap huminga ng normal.
Kung nandito ka lang sana, Zeev, kahit paano ay magkakaroon ako ng lakas na gawin ang makakaya ko para sa anak natin dahil mayroon akong ikaw na maaari kong takbuhan kung sakaling talikuran ako ng lahat. . . pero pati ikaw. . . nawala. . . umalis. . . iniwan sa akin lahat ng responsibilidad.
“H–Hindi ko kayang ipakargo kay Calvin ang batang hindi naman kaniya. H–Hindi ko kayang ipaako sa kaniya ang responsibilidad na hindi naman siya ang gumawa para lang sa ikaaayos ng lahat sa ’yo, kuya Seph. A–Ano bang akala mo sa amin ng anak ko? Life line mo? Kung hindi lumitaw ang batang ito, ibabala mo pa rin ba ’ko?” lumuluhang wika ko. Hindi makayanan ng isip at puso ko na pati ang sarili kong kapatid ay ganito ang magiging trato sa akin.
“Kung hindi mo pa naiisip, puwes ipapaintindi ko sa makitid mong utak,” anito saka pa pinagduduro ng daliri niya ang sintindo ko. “Hindi mo mapapalaki ng maayos iyang batang ’yan dahil wala sa pamilyang ’to ang susuporta sa iyo. Manganganak ka? Palagay mo gagastusan ka namin? Pagkatapos mong lumandi, kami ang magdurusa? Hindi gan’on ang buhay, Shan. Hindi kasing dali ng iniisip mo ang lahat! Ngayon, kung talagan nag-iisip ka at gusto mong masigurado ang kapakanan ng anak mo. . . makisama ka kay Calvin hangga’t hindi pa malaki ang tiyan mo! Gawin mo lahat para hindi siya magduda na hindi kaniya ang batang ’yan!” mahaba nitong turan sa akin saka siya lumabas ng silid ko at pabalibag na ibinagsak ang pintuan.
Nawalan ako ng sasabihin. Naubusan ako ng iisipin. Naiintindihan ko ang punto niya. . . ang hindi ko maintindihan. . . bakit hindi nila ako tutulungan? Kahit gaano kalaking kasalanan ang nagawa ko. . . pamilya kami rito. . . o baka ako lang ang nag-iisip n’on?
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 17
SHAN
KAGAGALING ko sa duty at umuwi ako para magpalit ng damit dahil hapon pa naman ang klase ko. Pinipilit kong kumilos ng normal dahil ayaw kong pilitin na naman nila akong ilaglag ko ang anak ko.
“May pasok ka?” tanong sa akin ni Nanay nang paakyat sana ako sa kuwarto. May iba sa tono niya na hindi ko mapagtanto kung ano.
“Meron po, pero mamaya pa pong alas tres,” sagot ko sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko dahil ngayon lang niya ako ulit kinausap mula nang sagot-sagutin ko siya. Wala rin akong ideya kung alam ba niya ang ginawa kong nasaksihan ni Sharry.
“Mabuti kung gayon. Nasabi na sa akin ng kuya Seph mo ang plano n’yo,” aniya at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
“P–Plano? W–Wala po kaming plano,” maagap kong turan. Natatakot ako sa kung ano man ang ipinarating ni kuya Seph sa kaniya.
“Huwag ka nang mag-inarte. Wala ka sa lugar para mag-inarte pa na parang napakalinis mo,” aniya sa akin at nakita ko ang pagbabago ng timpla niya. “Kung si Calvin lang ang paraan para maiayos mo ’yang pesteng buhay mo, suungan mo. Sa dami na ng nangyari, nagpakita ba rito ang hayop na nakabuntis sa ’yo? Hindi. Kaya huwag kang umasta na akala mo may ipagmamalaki ka. Magpasalamat ka nga at nakahanap ang kuya Seph mo ng paraan para ilayo ka sa kahihiyan. Iayos mo ’yang pag-uutak mo. Huwag mo ’kong pikunin, sinasabi ko sa ’yo,” mahaba niyang turan na may kasamang pagbabanta.
Napayuko ako bago ako nagsalita. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin ni Nanay. Pakiramdam ko ay kaya akong saktan ng mga mata niya.
“H–Hindi po ba kayo nakokonsensya na gagamitin n’yo ang pagkakagusto sa akin ni Calvin para lang lokohin siya at ang pamilya niya? N–Nay, hindi n’yo ako gan’on pinalaki, kaya ang hirap-hirap para sa akin ang magpanggap—” Napahinto ako dahil bigla na lamang niyang itinulak ng daliri niya ang sintido ko.
“Iyan, diyan ka magaling, punyeta ka! Sa pag-iinarte mo! Ngayon ka pa ba magda-drama nang ganiyan? Kung kailan ito na at ayos na? Punyeta ka! Noong ginagawa mo ’yang pesteng bata na ’yan wala kaming kamalay-malay tapos ngayon na isa na ’yang problema, kasama mo kaming magpapasan? ’Tang ina, Shan. Huwag mo ’kong galitin!” aniya at unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko makuha kung bakit kulang na lang ay wala na akong makuhang respeto at pang-intindi sa kanila.
Hindi ko magawang sumagot. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Akala ko nang mga nakaraang araw na tahimik sila sa pakikialam sa nais ko ay huminto na sila. . . mali pala ako. Bumubuwelo lamang pala sila ng paraan para makuha ang mga nais nila mula sa akin.
Minsan naiisip ko, paano kung hindi ako nabuntis ni Zeev? Ganito pa rin kaya ang gagawin nila? Ipagkakanulo pa rin kaya nila ako kay Calvin dahil may mapapakinabangan sila sa pamilya niya?
Sa tuwing iisipin ko iyon, pakiramdam ko ang bigat ng mga pinagdaraanan ko. Hindi ko matatawag na katuwang ko si Sharry dahil napakabata pa ng kapatid ko para bigyan ko siya ng mga ganitong klase ng problema.
“Darating dito ang pamilya ni Kapitan kasama si Calvin para dito mananghalian. Siguraduhin mong naka-ayos ka, dahil kung hindi, sinasabi ko sa ’yo, sa ayaw at sa gusto mo, kakaladlarin kita papunta kina Aling Nita para ipatanggal ’yang pesteng bata na ’yan!” ani Nanay at nagulat ako sa narinig ko.
Ipagpipilitan pa rin nila ang plano, gustohin ko man o hindi. Wala akong laban. Ang hirap. Ang bigat. Kahit na anong gawin ko. . . hindi ko magagawang takbuhan ang sitwasyon na ’to. . . dahil sobrang hina ko.
NAKASUOT lamang ako ng pambahay na t-shirt at jogging pants habang naghahanda ng mga pagkain na ilalagay sa lamesa nang mapansin ako ni Tatay. Hindi ito kumibo, tiningnan lamang niya ako nang mataman na animo inuusig niya ako.
“Dalian n’yo riyan!” sigaw ni Nanay mula sa labas ng bahay. Doon kasi inilagay ang mesa para magkasya ang marami.
“Magpalit ka ng damit mo,” tipid na wika ni Tatay nang dumaan siya sa harap ko. “Huwag mo nang lalo pang ipahiya ang pamilya ’ko.”
Ang mga salitang iyon ay nilunok ko. Wala akong pagpipilian kung hindi tanggapin iyon at patuloy na isiksik sa utak ko, dahil alam ko namang karapat-dapat kong matanggap ang mga salitang iyon. Nagkamali ako. Ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyayaring ito.
Umakyat ako sa silid ko at nagpalit ako ng damit. Isinuot ko ang kulay peach na dress na iniregalo sa akin ni Mikmik nang kaarawan ko. Ipinusod ko ang buhok ko saka na ako bumaba.
Saktong nasa sala na ako nang makita kong dumating sina Calvin maging ang pamilya nito. Kasama nito sina Kapitan maging ang esposa nito.
Napadako ang tingin sa akin ni Calvin kaya’t tipid ko siyang nginitian. Inuusig ako ng konsensya ko sa mga plano ng pamilya ko. Hindi ko alam. . . pero hindi ko talaga kayang gumamit ng ibang tao para lang sa pansarili kong interes.
Naglakad siya patungo sa akin at nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko kahit pa nakapusod na ito. “Hindi mo kailangan magsuot ng ganiyan dahil lang darating ang pamilya ko. Doon ka sa kung saan komportable ka,” aniya at muli akong nginitian.
“Calvin—” Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko kay Calvin dahil bigla na lamang dumating si kuya Seph at inakbayan ako.
“Alam kong maganda ang kapatid ko, ’tol. Punasan mo ’yang laway mo,” pang-aasar niya kay Calvin kaya’t napatawa ito.
“Bata pa lang ’yan, alam kong lalaki iyang magandang dalaga, at hindi nga ako nagkamali,” ani Calvin saka ako tiningnan at nginitian.
“Kung makapagsalita ka naman, para apat na taon lang naman ang tanda mo sa kaniya. Suwerte mo, ’tol, mukhang ikaw rin ang type nitonv kapatid ko,” patuloy ni kuya Seph at hindi ko nagugustuhan ang sinasabi niya. Lalo niya lamang binibigyan ng malisya ang utak ni Calvin.
“’Tol, hindi ko minamadali si Shan. Bata pa naman siya. Ayos lang sa akin kung kailan siya magiging handa. Hindi ko siya pipilitin sa mga bagay na hindi niya handang ibigay kahit iyon pa ay ang pag-oo niya sa panliligaw ko. Hindi natin siya kailangang madaliin. Kuntento na ako na kahit paano ay nakakalapit ako sa kaniya,” ani Calvin at naramdaman ko ang pagpisil ni kuya Seph sa balikat ko. Naiintindihan kong nararamdaman niyang nanganganib ang plano niya kung hindi magbabago ang isip ni Calvin.
“KUMAIN NA!” sigaw ni Tatay kaya’t tinungo naming tatlo ang labas kung saan nakaupo na ang mga matatanda sa harap ng hapag-kainan.
Tatabi sana ako kay Nanay nang bigla na lamang akong unahan ni kuya Seph kaya’t napilitan akong maupo sa tabi ni Calvin.
“Napakagandang dalaga talaga nitong si Shan, ano?” anang asawa ni Kapitan kaya’t nahihiya akong napayuko. Ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ako. Parang binabalot ng takot ang dibdib ko.
“Sinabi mo pa. Ang dami ngang nagtatangkang manligaw sa batang iyan, mabuti na lamang at istrikto ang tatay niya kaya hindi malapitan,” sagot naman ni Nanay at lihim akong napapakagat sa pang-ibabang labi ko.
Hindi ko magawang lunukin ang mga kasinungalingan na iyon lalo pa’t para lang iyon sa kagustuhan nila na gamitin ang pamilya ni Calvin.
Naramdaman kong umumang sa tainga ko si Calvin saka ito mahinang bumulong. “Pasensya na kung nahihiya ka at hindi ka makakain. Hayaan mo, ililibre na lang kita sa tusok-tusok pagkatapos natin dito,” anas niya at aaminin kong kahit paano ay nakahinga-hinga ako sa sinabi niya.
Ipinagsandok ako ni Calvin ng pagkain na mukhang nagustuhan ng mga matatanda maging ni kuya Seph. Nararamdaman at nakikita kong nais nila kaming ipagkasundo, pero hindi ko iyon masisikmura. Hindi ko puwedeng ipaako sa iba ang responsibilidad na hindi naman sa kanila. Tanga na kung tanga, pero hindi ko puwedeng gamitin si Calvin para lang makaligtas ako sa kahihiyan. Isang malaking kasalanan iyon, at. . . hindi ko na balak pang dagdag ang mga kasalanan ko.
Natapos ang tanghalian na iyon at nagpaiwan si Calvin sa mga magulang niya. Iniwan ko siya sa sala at umakyat naman ako sa silid ko para magpalit ng damit at para na rin kuhanin ko ang mga gamit at libro ko.
Matapos kobg magpalit ay palabas na sana ako nang bigla na lamang pumasok ng silid ang Nanay at kuya Seph.
“Kailangan may mangyari sa inyo sa lalo’t madaling panahon hangga’t hindi pa lumalaki ng tuluyan ang tiyan mo para hindi siya magduda sa ’yo,” ani Nanay at gumapang ang kilabot sa akin sa itinuran niya.
“N–Nay, ano pong sinasabi n’yo—”
“Huwag mo na lalong pahirapan ang sitwasyon mo. Ito na lang ang paraan kung ayaw mo talagang tanggalin ang anak mo sa ’yo. Utak mo ang paganahin mo. Hindi na ulit darating sa ’yo ang pagkakataon na ’to!” putol sa akin ni kuya Seph saka na nila ako iniwan ni Nanay na nanginginig at may mga nagbabadya na namang mga luha sa mga mata.
MALAKAS ang ulan at na-stranded kami ni Calvin sa harap ng isang silong habang basang-basa. Wala kaming dalang payong dahil hindi rin naman namin inaasahan na lalakas ang ulan na ito.
“P–Pasensya na. Sinabi ko na kasing hindi mo naman ako kailangan pang sunduin—”
“Gusto kong sunduin ka. Hayaan mo na ’ko,” putol niya sa akin. “Shan, malayo pa ang sa inyo, kung may tiwala ka sa akin at kung gusto mo, may transient diyan sa malapit, maligo ka na muna roon at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka,” aniya sa akin at nakita ko naman sa mga mata niya na sinsero siya.
Natatakot din akong magkasakit dahil siguradomg hihirapin ako lalo pa’t buntis ako. Natatakot din akong baka kung anong mangyari sa anak ko kaya’t napatango na lamang ako sa kaniya.
Tinungo namin ang sinasabi niyang transient at umupa siya ng isang kuwarto. Magka-agapay naming tinungo iyon nang makuha na niya ang susi.
“Ito na lang muna ang suotin mo. Mauna ka nang maligo,” aniya habang inaabot sa akin ang isang roba na nakuha niya sa cabinet na narito.
Kinakabahan man ay kinuha ko iyon maging ang bag ko at tumungo sa banyo para maligo at makapagpalit.
Halos kalahating oras ang iginugol ko sa loob ng banyo dahil kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa naranasan ang ganito sa tanang buhay ko.
Matapos kong maligo ay lumabas ako at nadatnan ko si Calvin na walang pang-itaas. Marahil ay giniginaw na rin siguro siya kaya’t ganoon.
“P–Puwede ka nang maligo, Calvin—”
“Shan. . .” tawag niya sa akin na pumutol sa akin sa pagsasalita. Nawala ang sinserong mga mata niya at may kakaiba akong nakikita roon. Hindi ko maipaliwanag.
Natatakot ako. . . sobrang natatakot ako.
Nanginginig akong humakbang papaurong, patungo sa pintuan ng banyo.
“C–Calvin, anong nangyayari sa ’yo?”
Imbes na sumagot ito ay bigla na lamang iting suminghot at kinuskos naman niya ang ilong niya. Luminga ako sa paligid at nagulat ako nang may makita akong pakete ng foil na madalas ko lamang nakikita sa balita.
“Hindi ko alam na ganito kadali kitang makukuha. Kailangan lang pala talaga nang mabubulaklak na mga salita para mapa-amo ka,” anito saka nagsimulang humakbang patungo sa akin.
Tila ako papanawan ng ulirat sa kakaibang takot. Nanginginig na ako. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Binabalot na ng takot at pangamba ang buo kong sistema.
“C–Calvin. . . para mo nang awa. H–Huwag ganito—”
“’Tang ina! Ang tagal-tagal kitang inasam-asam, alam mo ba ’yon? Gusto kong pilipitin ang leeg ng putang inang Manileño na ’yon!” sigaw nito sa akin.
Gulantang ako sa nakikita ko. Nawala ang Calvin na masayang ngumingiti sa akin. Nawala ang Calvin na nagsasabing hinding-hindi niya ako pipilitin. Tila demonyo ang nasa harap ko ngayon. . . o baka mas masahol pa sa demonyo.
Napahawak ako sa seradura ng pintuan ng banyo dahil tila bibigay na ang mga tuhod ko.
Akma niya akong dadambahin nang lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa. “C–Calvin, parang awa mo na. B–Buntis ako. H–Huwag mo kaming sasaktan—AHH!” bigla na lamang ako nitong sinampal ng ubod nang lakas. Para akong nabingi sa ginawa niyang iyon, idagdag pa ang takot na nangingibabaw sa akin.
“PUTANG INA MO! MALANDI KA PA LANG POKPOK KA!” sigaw nito na mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko. “PUTANG INA, AKALA KO, AKO ANG MAKAKAUNA SA ’YO! PUTANG INA TALAGA!” galit na bulalas niya saka ako muling nakatikim ng sampal sa kaniya.
“P–Parang awa mo na—AHH!” Bigla niya akong sinabunutan at halos matanggal ang anit ko sa sakit niyon.
“’TANG INA, ANG TAGAL. . . ANG TAGAL KONG NAGHINTAY, ’TANG INA! BATA KA PA LANG GUSTONG-GUSTO NA KITANG TIKMAN! PINILIT KONG MAGPAKATINO SA TUWING KAHARAP KA, TAPOS ’TANG INA MAY NAKAUNA NA PALA?”
Gusto kong pumalahaw ng daing lalo pa nang itayo niya ako habang sabu-sabunot niya ang buhok ko.
Nararamdaman kong malapit na akong takasan ng malay-tao ngunit nagpapakatatag ako para amin ng anak ko.
Hindi ko inaasahan. . . na diablo pala ang taong iniisip ng pamilya ko na makakapagligtas sa akin sa kahihiyan.
Inipon ko lahat ng lakas na mayroon ako at itinulak siya sa abot ng makakaya ko saka ko mabilis na pinihit ang seradura ng banyo at pumasok doon bago ko iyon ini-lock.
Nanginginig akong dumulog sa gamit ko na narito. Nananalangin akong sana ay gumagana amg telepono ko.
“PUTANG INA MONG POKPOK KA! BUKSAN MO ’TO! HUWAG KANG PA-HARD-TO-GET, ’TANG INA KA!” sigaw ni Calvin sa loob kasabay ng pangangalabog niya sa pinto.
Nanginginig akong pumindot sa telepono ko. Halo-halong takot ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan mangyari sa akin ang bagay na ito. Hindi ko alam. . . Bakit? Bakit ako? Bakit kami pa ng anak ko?
“H–Hello. . . Dash? D–Dash, tulungan n’yo ’ko, parang awa n’yo na. T–Tulungan n’yo kami ng anak ko.”
“SHAN!? SHAN? NASAAN KA?”
Halos mapagot ang hininga ko nang unti-unti nang umaangat ang kawit ng banyo sa lakas ng pangangalabog ni Calvin dito.
Minahal lang kita, Zeev. Ibinigay ko lang ang lahat sa ’yo. . . pero napakasakit ng mga nangyayari sa akin dahil lang. . . dahil lang minahal kita ng totoo.
“’TANG INA MO, POKPOK KA! KAPAG NABUKSAN KO ’TO, PAGSASAWAAN KITA NG HUSTO!”
“SHAN!? SHAN!?”
“S–Sa transient malapit sa eskwelahan, D–Dash. P–Parang awa n’yo na, bilisan n’yo. . . Parang awa n’yo na. . .”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
**
NOTE: PRESENT NA NEXT CHAPTER. THANK YOU.
Kabanata 18
NOTE: SALUBONG NA SA PROLOGUE ITO. PRESENT DAYS (6 YEARS LATER).
–
SHAN
PASADO alas nuebe na nang makarating ako ng terminal kung saan ko kikitain si Ma’am Nocom.
“Ready na ba lahat ng dadalhin mo?” tanong sa akin ni Ma’am Nocom. Siya ang prof na tinutulungan ko sa dissertation.
Malaking-malali ang pasalamat ko sa kaniya na kahit dalawang taon akong humintong mag-aral, hindi siya nawala ng tiwala sa akin na muli niyang kunin bilang student assistant niya.
“Yes po, madam,” sagot ko at nginitian ko siya.
“Shan, may bangas ka na naman sa mukha. Ano na naman iyan?” tanong niya sa akin ngunit mabilis lamang akong umiling-iling.
“Wala po ’to, madam. Kaka-cellphone ko nabangga ako sa pinto,” alibi ko na mukhang bumenta naman sa kaniya.
“Naku pong bata ka! Sa susunod nga ay mag-ingat ka. Sayang ang ganda kung lagi kang may bangas!” sermon niya na ikinatawa ko. Para na siyang ina sa akin. Naramdaman ko sa kaniya ang pagmamahal ng isang magulang. Alam niyang may anak ako at hindi niya ako hinusgahan sa bagay na iyon.
“Aalis na po ako,” paalam ko saka na ako sumakay ng sasakyan na nirentahan niya.
Ang sabi sa akin ni Ma’am Nocom, isla raw ang pupuntahan ko at naayos na niya mismo ang tutuluyan ko roon. Nais niyang mamigay ako ng survey questionnaires sa mga dumadayong turista r’on dahil napag-alaman niyang ang isla na iyon ay puntahan ng mga taong may mga hinaing sa buhay at mga taong gustong mag-unwind. Ang focus kasi ng dissertation ni Ma’am Nocom ay tungkol sa depression and anxiety.
Kung tutuusin, pwede namang siya ang tumungo sa isla ngunit mas ginusto niyang ako ang ipadala. Siguro kahit hindi ako magsalita, nararamdaman niya ako. . . nararamdaman niyang may dinadala akong mabigat na emosyon sa dibdib ko. Sumakay na ako ng bus. Naglagay ako ng earphones saka ako nagpatugtog. Papikit na ako nang biglang nagpreno ang driver ng bus at narinig kong nagmura ito nang malakas. Sapat ang lakas para marinig ko kahit pa naka-earphones ako.
“’Tang inang babae ’to. Magpapakamatay rin lang naman yata, mandadamay pa! Papabuntis ng murang edad tapos ngayon ngangawa sa daan!” dinig kong singhal nito nang hinaan ko ang volume ng tugtog.
Napadungaw tuloy ako sa unahan at nakakita ako ng babaeng buntis na nasa gitna ng daan. Hindi siya mukhang baliw, pero mukha siyang wasak, at desperada.
Napangiti ako ng mapait. Ang dali kasing magsalita para iba, pero kapag naranasan nila, hindi nila alam kung gaano nakakamatay ang sakit.
Mahaba-haba ang naging biyahe ko bago ko narating ang isang bayan na hindi rin pamilyar sa akin. Sinusundan ko lang naman ang mapa na ibinigay ni Ma’am Nocom.
Bitbit ko ang may kalakihan kong bag nang manlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa isang maliit na tindahan.
“MIKMIK!” sigaw ko at napalingon ito saka kumaway sa akin. Agad akong napatakbo sa gawi niya at sinalubong naman niya ako ng yakap.
“Ang bango mo,” wika ko nang makalayo ako sa kaniya at nakita ko ang pandidiri sa mukha niya.
“Lumubay ka, cyst. Tatampalin kita riyan!” aniya na ikinatawa ko. Psychology professor na siya ngayon kaya guwapong-guwapo na talaga siya. Manly ang datingan niya, barber’s cut ang buhok, napanatili niya ang mapupula niyang mga labi kahit pa hindi niya iyon pahiran ng kadalasan niyang dalang lip gloss, at naroon pa rin ang mapupungay niyang mga mata at matangos na ilong. Kung hindi ko nga alam na gwapo rin ang gusto niya, baka puwede ko na siyang i-recruit na Daddy ni Keev.
“Anong ginagawa mo rito? May dissertation ka rin?” tanong ko sa kaniya.
“Excuse me! I’m on leave. Nai-hanash lang ni Ma’am Nocom na gogora ka here kaya sinabi ko sa kaniya na jo-join force akes,” sagot niya sa akin na ikinangiti ko.
“So, nandito ka para sa ’kin talaga?” manghang tanong ko at maarte siyang napatango.
“Opkors! Sino pa bang dadamay sa ’yo sa pagso-soul searching mo kung hindi ang Mikmik mong beauty queen,” sagot niya sa akin saka pa niya pinaikot ang mga mata niya. Natutuwa talaga ako sa kanila ni Dash. Si Dash kasi ay naka-graduate na rin pero hindi niya sinunod ang daan na tinahak nito ni Mikmik. She’s a model now. Madalang namin siyang nakakasama, pero lagi pa rin siyang gumagawa ng oras para sa amin ni Mikmik. Ako lang ang naiwan sa aming tatlo dahil nga sa pagbubuntis at panganganak ko kay Keev.
“Oh, tara na pala. Sakay raw tayo ng tricycle para makarating sa mismong isla,” wika ko.
“Okay, gora,” aniya saka siya pumara nang tricycle na paraan.
“Manong, sa may Redemption Island po,” turan ko sa driver at agad naman itong tumango.
“Bente-singko po isang tao papunta roon, Ma’am,” sagot nito sa akin at agad naman akong sumang-ayon.
“Ayos lang po, Manong. Anak po ng presidente ang kasama ko,” pagbibiro ko kaya bahagya pa akong kinurot ni Mikmik sa tagiliran bago kami tuluyang nakasakay.
“Gaga ka talaga. Kapag may bumaril sa akin dito, kasalanan mo!” hirit niya na ikinatawa ko.
Bumaling ako sa kalsada at hindi ko maitago ang mangha sa mukha ko. Malayong-malayo ang itsura ng probinsya na ito sa mga karatig lungsod. Dito, ramdam mo na tila ka nasa sinaunang panahon dahil sa lamyos ng hangin na tumatama sa balat. Para ka rin nasa isang paraiso dahil pawang mga matatayog at mayayabong na puno ang madaraanan.
“Nangangarap ka na naman ng gising, cyst! Hindi ka makakapag-asawa ng porenjer kahit anong gawin mo,” pang-aasar ni Mikmik na pumukaw ng atensyon ko.
“Wala naman akong balak na mag-asawa—”
“Chika mo! Baka ’ka mo walang balak ’yang mga magulang mo na pag-asawahin ka kasi hindi ka pa nila napapakinabangan nang husto. Naku! Kung hindi nga lang ako madedemanda, matagal ko na kayong inampon ng pogi kong inaanak kaysa nandiyan ka sa pamilya mong walang pakialam sa ’yo!” putol niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya saka bahagyang ngumiti. “Ayos lang. Kaya ko pa naman.”
Kaya ko pa. . . ?
“Punyeta! Punyeta! Punyeta!” dinig kong galit na galit na wika ni Dash pero hindi ko siya mapigilan. Mas iniintindi ko ang bawat hilab ng tiyan ko.
“Bakit ba ganitey ang pamilya mo, cyst? Jusko! Lalabas ang egg ko sa kanila!” histerya rin ni Mikmik.
Manganganak na ako at kailangan ng consent dahil i-cesarean ako dahil malaki ang bata at hindi kakayanin ng bata kong katawan. Baka dalawa raw kaming mamatay kapag nagkataon.
“H–Hayaan n’yo na—”
“HAYAAN!? KAILANGAN NGA NATIN NG PUNYETANG PIRMA NILA! KUNG PUWEDE LANG AKO, HINDING-HINDI KO NA KAYO IBABALIK SA PAMILYA MO!” sigaw ni Dash at may nangingilid na mga luha sa mga mata niya. Alam kong awang-awa na sila sa akin.
“P–Pasensya na kayo—”
“NOONG MUNTIK KANG GAHASAIN NG HAYOP NA CALVIN NA ’YON, HINDI MAN LANG NILA SINAMPAHAN NG KASO DAHIL LANG ANAK NG KAPITAN! ’TANG INA, TAPOS NGAYON ITO NA LANG ANG KABAYARAN NILA SA MUNTIK MONG PAGKAKAPAHAMAK, HINDI PA RIN NILA MAGAWA!?”
Kung hindi sila agad dumating ni Mikmik nang araw na iyon. . . siguradong may masama nang nangyari sa amin ng anak ko.
“Baka puwedemg emergency CS? Hindi naman puwedeng hintayin pa natin—”
“K–Kuya Mik, ate Dash,” agad kaming napalingong tatlo sa pinanggalingan ng tinig at nakita namin si Sharry na pawis na pawis pa at naka-uniporme. “K–Kaya ko pong gayahin ang pirma ni Nanay,” humihingal na wika nito.
Hindi na nagdalawang-isip si Dash at mabilis niyanh inabot kay Sharry ang consent form habang ako ay humihigpit ang pisil sa braso ni Mikmik dahil sa sakit.
Ginulo ni Dash ang buhok ni Sharry at ngumiti siya sa kapatid ko. “Salamat, Shar. Huwag mo nang intindihin ang pambayad dito sa ospital. Kaya naming bayaran ’to at may ipon din naman ang ate mo.”
“Pasensya na po talaga kayo. Hindi ko rin po alam na kaya nilang tiisin si ate nang ganito. Hindi ko na rin po alam ano pong mali sa nanay at tatay ko,” ani Sharry at lumapit sa akin saka ako niyakap nang mahigpit.
“Hindi mo pa rin ba kinukuha ang anak mo sa tiyahin mo?” tanong niya at magkakasunod akong umiling.
Magbuhat nang maglimang buwan ang anak ko ay ibinigay na nila ang anak kong si Keev kay tita Divine dahil sinabi nilang babalik ako sa pag-aaral. Naniwala ako sa kanila dahil akala ko ay para sa kapakanan ng anak ko ang iniisip nila ngunit mali ako.
Matapos nilang ipaubaya kay tita Divine ang anak ko, ipinasok nila ako ng trabaho sa kung saan-saan para matustusan ko ang mga pangangailangan ni Keev maging ang pag-aaral ni Sharry. Wala akong nagawa. . . naki-ayon ako sa mga kagustuhan nila dahil lagin nilang ibinabala sa akin ang kahinaan ko. . . ang anak ko at ang kinabukasan ni Sharry. Dalawang taon. . . dalawang taon akong nakipanulungan sa kung saan-saan hanggang sa makatanggap muli ako ng iskolar mula kay Mayor.
“Ayaw ni Nanay. Mahirap daw magdagdag ng isa pang papakainin,” pahayag ko. Pinipilit kong iwaksi ang lungkot sa tono ko. Ayaw kong mabahiran ng lungkot ang sandaling bakasyon na ito.
“Mudra mo kung makapagsalita akala mo hindi apo ’yong pinag-uusapan. Naaawa na ’ko sa inyong mag-ina. Limang taon na ’yong anak mo pero madalang pa sa patak ng ulan kung makasama mo.” Ramdam ko ang inis sa tono ni Mikmik pero gaya nga ng kadalasan kong sinasabi, wala naman akong magagawa. Para sa mga magulang ko, hindi ko hawak ang buhay ko—sila ang nagmamay-ari sa akin at ang magdedesisyon para sa akin.
“Naniniwala naman akong darating ang araw na makakasama ko ang anak ko, at maipaparamdam ko sa kaniya ang pagiging ina ko,” sagot ko.
Magsasalita pa sana si Mikmik ngunit huminto na ang tricycle at sinabihan kami ng driver na narito na kami sa destinasyon kaya’t bumaba na kami.
Nag-abot si Mikmik ng isang daan sa driver at hindi na niya ito hiningian ng sukli.
Magkapanabay namin tinahak ang entrada ng isla at may isang napakaguwapong lalaki ang sumalubong sa amin ni Mikmik. Naka-polo ito na kulay dilaw at berde na mukhang uniporme nila rito sa isla, pati na rin itim na pants. Matangkad ito, siguro kakayanin nitong mauntog sa pintuan ng bahay namin. Maputi, mapuputi rin ang mga ngipin niya na kitang-kita dahil sa lawak ng ngiti niya, at medyo mahaba ang bahagyang kulot na buhok.
“Ay sheeeet! Ang wafu! Kapag ba VIP, wafu talaga ang taga-welcome?” tili ni Mikmik na nasa gilid ko.
“Huyy!” sita ko sa kaniya habang natatawa. Kahit kailan talaga, malinaw ang mga mata niya sa mga ganito.
“Good day!” bati ni Mikmik sa lalaki.
“Hi, good afternoon! My name is DZ, welcome to Redemption Island! Kumusta po ang biyahe?”
“Ayos na ayos lang lalo na kung kasing wafu mo ang sasalubong! Shongal agad ang pagod!” sagot ni Mikmik, at nahihiya ako sa inaasal niya. Totoong kinikilig talaga siya sa lalaki.
May inilabas na clipboard si DZ at muling bumaling sa amin nang nakangiti.
“Mr. Michael Angelo Bermudez and Ms. Shan Kassidy Alvarez?” tanong nito sa amin kaya’t naglabas kami ni Mikmik ng mga id namin. “Thank you for confirming your identity.”
“Salamat din.”
“By the way, Sir Bermudez and Ma’am Alvarez, I’m your island guide for today and will support you during the tour. I promise you are going to enjoy your stay here in Redemption Island. I will tell you all about the things you will see here. And if you have any questions, please ask. It’s my job to answer them. All my time is free to talk to you.”
“Wow! Wafu na, inglisero pa. Parang ang yummy naman n’on—OMG! Maghunos-dili ka, Michael Angelo! Professor ka!” Natawa ako nang siya mismo ang manermon sa sarili niya.
“Tara na. Ang harot-harot mo!” sita ko sa kaniya at hinampas niya ako sa braso.
“Ayokong mamatay na single gaya mo, cyst. Kiber na sa pagharot ko,” angil niya sa akin kaya napailing-iling na lamang ako habang nakangiti.
“Okay lang naman ba sa Mommy mo na mag-boyfriend ka?” tanong ko sa kaniya.
“Ay cyst, kung alam mo lang! Mudrakels ko pa ang nagpu-push na mag-jowa ako. Ayaw niya raw na malungkot ang buhay ko!” sagot niya at bahagya akong namangha.
Minsan hinihiling ko na magkaroon ng mga magulang na gaya ng mga magulang ni Mikmik. Iyong maintindihin, iyong mga magulang na tanggap ka sa kung ano ka at sa kung ano lang kaya mong ibigay sa kanila. Sa tuwing magku-kuwento si Mikmik sa kung gaano siya katanggap at kamahal ng mga magulang niya, naiinggit ako. Ayaw ko man magkumpara pero nagagawa ko dahil sa mga pasakit na naranasan ko mula mismo sa mga magulang ko.
“HUY!” singhal ni Mikmik ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. “Para ka na namang namaligno diyan. Nabanggit lang ang mudrakels ko, parang nasapian ka na naman!”
Ngumiti ako sa kaniya at doon ko lang napagtanto na nasa isang silid na pala kami. Ibinaba ko ang mga gamit ko at isasalansan ko sana ang mga damit ko sa kabinet na narito nang makaramdam ako ng kamay sa braso ko.
“Cyst, ayaw na ayaw ko sa lahat iyang pananahimik mo. Parang mas mauuna akong maloloka sa ’yo,” aniya kaya’t napaupo ako bigla sa kama na narito.
“Naisip ko lang kasi, bakit kailangan ko pang tumakas ng ganito para lang makalimutan ko kahit sandali lahat ng mga nangyari—at patuloy na nangyayari sa akin? Bakit ko natitiis na malayo ako sa anak ko gayong malakas ang loob ko na ipaglaban siya noon? Bakit kung kailan dapat mas matatag na ako, bakit ako naging mas takot pa ngayon? Ang hirap lang—”
“Huwag mong isipin na mas naging mahina ka ngayon kaysa noon, kasi cyst, that’s a big no no. Kaya ka takot ngayon, kasi mas malaki na ang puwedeng mawala sa ’yo. Alam mo na. . . ’yong junakis mo. Isa pa, alam mo kasing sa ’yo lang siya umaasa. Minsan kasi, the more na iniisip natin na may nakadepende na sa atin, doon tayo nagiging mas maingat sa mga susunod nating hakbang,” putol niya sa akin saka niya ako niyakap at hinaplos-haplos ang likod ko. “Huwag ka nang magdrama diyan. Nandito tayo para sa reasearch n’yo at para na rin kahit paano makalimot ka,” dagdag niya.
“Salamat, Mik. Salamat kasi kung wala kayo ni Dash noon para sumalo sa akin, baka hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.”
Inilayo niya ako sa kaniya saka siya ngumiti sa akin na animo batang nagpapacute. “Kiber na, cyst! Bakit nga pala Redemption Island ang napili n’yo ni Ma’am Nocom?”
“Naisip ko na rin ’yang tanong na ’yan. Bakit niya ako rito pinadala? Bakit dito niya napili? Siguro may ideya siya. . . na dito ko mahahanap ’yong sarili ko na matagal ko nang nakalimutan.”
Sarili ko nga lang ba ang gusto kong maibalik? O maging ang mga panahon na dapat sana’y naging mapili ako sa mga desisyon na ginawa ko?
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 19
SHAN
IKALAWANG araw namin ngayon ni Mikmik dito sa Redemption Island at ito rin ang araw para makapag-distribute ako ng questionnaires. Mukhang hindi naman ako mahihirapan dahil base sa mga nakita kong tao kahapon, approachable naman sila.
“Saan tayo magsisimula, cyst?” tanong sa akin ni Mikmik.
Napalinga ako sa paligid at tila tinatawag ako ng tanawin sa gilid ng dagat. “Puwede bang pumunta muna tayo r’on?” tanong ko kay Mikmik saka ko itinuro ang dagat. Para bang sa pagtingin ko rito ay napapanatag ako.
Lumakad ako patungo r’on at huminto ako nang tinatamaan na ng alon ang mga paa ko.
“Ang taray. Pinanindigan ang pag-soul searching,” ani Mikmik na nakasunod na agad sa akin.
“Alam mo, Mik, ang payapa sa lugar na ’to. Parang lahat ng problema kaya mong ibuga sa hangin tapos saka ka sasagap ng sariwang hangin na parang magbibigay sa ’yo ng panibagong simula,” anas ko sa kaniya saka inangat ang kamay ko sa ere na wari bang ninamnam ko ang pagdampi ng hangin sa palad ko.
“Ngayon ka lang kasi nakalaya, cyst, kaya ang tingin mo sa bakasyon na ito, parang kalayaan mo. Ilang taon ka bang halos puro kayod at pag-aasikaso lang sa pamilya mo ang ginagawa? Hindi ko nga alam paano natitiis lahat ng iyon. Kasi kung ako ang nasa lugar mo, matagal na akong lumayas, matagal ko na silang nilayasan. Kiber na sa tinatawag nilang close family ties, kasi kung ang pamilya na gaya ng pamilya mo ang meron ako, baka matagal nang sumuko ang utak ko,” mahabang wika ni Mikmik saka pa naglakad papaharap at biglang humarap sa akin.
“Ang sarap maging malaya—”
“Matagal ka naman nang malaya. Ikaw lang talaga ang nagkulong sa sarili mo sa mga responsibilidad na hindi mo naman dapat yakapin. Feeling hero ka kasi,” ani Mikmik saka naiiling na nginitian ako.
Tumingala ako sa makulimlim na kaulapan at ngumiti ng mapait. “Hindi ko alam. Hindi ko magawang abandunahin sila kahit pa anong pilit ng utak ko sa akin. Paulit-ulit akong bumabalik sa pag-iisip na pamilya ko na lang ang meron ako, sila lang ang natitira sa akin—”
“Gumagana lang iyang ganiyang isipin kapag ang pamilyang sinasabi mo, hindi ka dadalhin sa kapahamakan at mahal ka nang totoo. Sorry, cyst, pero tatalab lang ’yang sa utak mo na ’yan kapag nasa tamang pamilya ka, kaso hindi, e. Sa dami ng pamilya na mayroon sa mundo, dispalinghado pa ang napunta sa ’yo,” putol niya sa akin kaya’t nagbaba ako ng tingin sa kaniya. “Hindi naman kita tinuturuan na magrebelde. Ang sa akin lang. Sana. . . sana lang ngayon na nasa edad ka na, kayanin mo nang piliinang tama. Hindi ka iyong disiotso anyos na Shan na padalos-dalos sa pagdedesisyon. You’re twenty-four now. You are ready and matured enough to decide for you own.”
Lumapit ako sa kaniya at bigla ko siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit. “Alam ng Diyos kung gaano ako nagpapasalamat na dumating kayo ni Dash sa buhay ko. Alam Niya kung gaano ako kasaya na mayroon akomg kayo kahit pa maka-ilang beses akong tinalikuran ng pamilya ko. Thank you, Mik.”
“Hala, cyst! Napakadrama naman! Tara na nga at mamigay na tayo nitong mga questionnaires mo. Itey naman talaga ang pinunta natin here, maliban na lang kung papayagan akong gapangin si DZ later—OMG, Michael Angelo! Para kang tanga! Professor ka, bakla! Umayos ka!”
Natatawa akong kumalas sa kaniya. Alam na alam niyang pagalitan ang sarili niya sa tuwing mangingibabaw ang kaharutan sa kaniya.
Inakay na niya ako patungo sa mga tao sa isla at nagulat kami nang makarinig kami ng mga nagsisigawan. Napakagulo at parang may mga nag-aaway pa.
“Ito ang pagsabihan mo! Kanina pa ’to, tapos ako ang aawatin mo? Kung ikaw kaya ang sampalin ko ng paint brush, ha?!” anang magandang babae na tila malaki ang hinaing sa mundo.
“Jusko, cyst. Warfreak si girlalu. Parang na-pak tapos iniwan,” ani Mikmik na nasa gabi ko.
“Miss Sambrano, naiintindihan ko naman—”
“Hindi mo naiintindihan, tanga! Tangina, kung naiintindihan mo, e di sana di ako ang inaawat mo ngayon! Ang bobo mo naman!” putol niyong dalaga kay Candy—isa rin sa receptionist. Mabait si Candy nang makausap ko siya noong nakaraan kahit pa halata naman sa kaniyang kapag binangga mo siya ay lalabas ang kasupladahang taglay niya.
Sa itsura pa lang nila, parang malaki talaga ang problema n’ong magandang dalaga. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako o ano.
“Saglit lang ho, ma’am. Kumalma lang ho tayo kung maaari.” Dumulog na si DZ sa nagtatalo. Tila forte naman talaga ni DZ ang magpakalma ng sitwasyon.
“O! Saksak mo sa baga mo, tangina ka!” galit na bulalas nito. Kung tinawag siyang Miss Sambrano, siguro ay siya ang Zerena Railee Sambrano na nakita kong nakapirma sa ibabaw ng pinapirmahan ni DZ sa akin. Magulo ang penmanship niya. . . marahil magulo rin ang kasalukuyang nasa utak niya.
“Saglit ho!” sigaw ni DZ at nakita kong agaran niyang hinarangan si Candy bago pa ito tuluyang masabuyan ng hawak ng dalaga na pintura.
Bigla akong nakaramdam ng awa kay DZ nang siya ang sumalo ng pintura. Ang hirap talaga ng trabaho niya.
“OMG, Shan! Huwag na huwag mo ’yang aabutan ng questionnaire. Baka mamaya hindi ka pa nakakalapit, nagilitan na niya ang leeg mo. Kaloka ang bilatchi na itey. Parang carry niya ang earthsung sa balikat niya. Jusko, day!” ani Mikmik.
Ang totoo ay parang gusto ko sana siyang interview-hin. Parang gusto kong malaman kung anong pinagdadaanan niya dahil tila poot ang mga nasa mata niya. Tipong kahit ano pang sitwasyon, hindi niya magagawa ayusin sa maayos na paraan dahil tila gulong-gulo ang isip niya.
“Tara na,” aya ko kay Mikmik saka kami tumungo sa may sightseeing area kung saan kaunti lamang ang mga tao pero alam mo naman na nagmumuni-muni.
Nasa may railings ako at nakasandal dahil naghahanap ako ng puwedeng bigyan ng questionnaire nang bigla na lamang may mahagip ang mga mata ko. Isang babae na sa malayo nakatingin at mugtong-mugto ang mga mata.
“Cyst, kilala ko ’yan. Kausap ’yan kanina n’ong babaeng nanggugulo at mukhang galit sa mundo. Narinig ko sila nila DZ at ang namesung niyan base sa narinig ko, Maria Klaudine Gamboa,” ani Mikmik na mukhang ang dami nang nasagap na impormasyon. “Partida, umihi lang ako n’on,” pagyayabang pa niya sa akin.
“Alam mo, Mik, pamilyar sa akin ’yong mga mata niya,” anas ko kay Mikmik habang patuloy akong nakatunghay sa babae.
“Anong pamilyar?”
“Ganiyan iyong mga matang meron ako noong mga panahon na gusto ko nang wakasan ang lahat pero may pumipigil sa akin. Ganiyan ang mga mata na mayroon ako noong ginusto ko na lang maglaho sa mundo. Nakikita mo ba ’yon? Hawak niya ang tiyan niya. Kahit hindi ko tanungin, alam kong nagdadalang-tao siya. . . dahil iyon ang mga matang gusto na lang bumigay ngunit patuloy na kumakapit dahil may ibinigay na dahilan para magpatuloy,” sagot ko kay Mikmik.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata na minsan kong nakita sa sarili ko. Mata na tila na wala nang natitirang pag-asa at mga matang tila susuko na. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na kung ano man ang iniisip niya ay huwag niyang ituloy. . . pero wala ako sa posisyon para gawin iyon. . . dahil minsan ko na ring na-traydor ang sarili ko. . . at sinukuan ko ang buhay na ibinigay sa akin. Kung hindi lang talaga dahil kay Sharry, walang Keev. . . wala ako. . . wala na. Hindi kasalanang maging mahina, ngunit malaking kasalanan ang magpatalo sa kahinaan.
“Pero alam mo, cyst, bilib pa rin ako sa ’yo kahit ano pang nagawa mo noon. Kasi nandito ka ngayon, pinipilit na mag-go with the flow pa rin. Kaya lavarn! Para sa graduation! Promise kapag naka-graduate ka na, getlakin agad kita as prof sa pinapasukan ko. Marami tayong backer, don’t worry. Oki?” ani Mikmik saka ngumiti kaya’t nginitian ko rin siya.
Kahit naman anong bigat, kailangan pa rin natin magpatuloy, ’di ba?
ABALA ako sa paghihiwalay ng mga nasagutan nang questionnaires, nang dumating si Mikmik at parang hinihingal pa.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya.
Hindi ka kasi puwedeng mag-text dito sa isla, dahil wala naman telepono rito at wala rin sa amin ang cellphone namin. Sa entrance pa lang, kinukuha na. Hindi rin naman masisisi ang mga namamahala, marahil ay gusto lang nilang ma-maintain ang kagandahan ng lugar o gusto nilang manatili itong tago sa mata ng nakararami, dahil kung ako man ang may-ari nito, gugustuhin ko talagang solohin ang lugar na ito dahil para itong paraiso na maaari mong pagpahingahan kapag pagod ka na sa mundo.
“C–Cyst, tawag ka sa help desk,” utal na wika niya awtomatiko akong kinabahan sa istura niya. Tila siya namumutla at hindi alam kung ano ba ang dapat sabihin sa akin.
“B–Bakit daw? Anong problema?” sagot ko sa kaniya at agaran kong binitawan ang mva papel na hawak ko.
Hindi makasagot si Mikmik kaya’t agad kong kinuha ko ang purse ko at lumabas na ng kwarto saka ako nagtatakbo patungo sa help desk.
Pagdating ko ay nakita ko si Candy na tila namumutla at parang kinakabahan nang makita ako.
“Ikaw si Shan Alvarez, hindi ba?” aniya at agaran naman akong tumango sa kaniya.
“B–Bakit? May problema ba? M–May nagawa ba ’ko?” kabado kong tugon sa kaniya.
“May tumawag dito sa amin dahil hindi ka raw makontak. Mrs. Noeme Nocom at siya raw ang nagpadala sa ’yo rito,” aniya at lalo akong kinabahan nang mabanggit niya ang pangalan ni Ma’am Nocom.
“M–Miss, pakisabi na anong problema,” utal na wika ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko at parang nanlalambot ako. Kakaiba ang kaba ko at hindi ko mawari kung bakit ganito.
“Tumawag daw ang kapatid mo sa kaniya na si Sharry, pinapasabi raw na nasa ospital ang anak mong si Keev. May severe dengue raw ang bata at kasalukuyang bagsak na ang platelet count ngayon sa ospital,” aniya na tila ayaw pang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon.
Gusto kong mapa-upo dahil sa narinig ko. Parang nagunaw na naman ang mundo ko.
“SHAN!” Nalingunan ko si Mikmik at agad niya akong dinaluhan.
“S–Si Keev. . . M–Mik, si Keev. . .”
“Magiging ayos din siya. Uuwi na tayo—”
“O n–negative. . . O negative ang blood type ng anak ko, Mik. A–Anong gagawin ko?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 20
SHAN
NANGINGINIG ako habang nakaupo sa taxi na inupahan ni Mikmik. Hindi ko maikalma ang sarili ko. Para akong pinagbagsakan ng langit. Pakiramdam ko sobra na ang mga pasakit na nararanasan ko.
Kayang-kaya kong tiisin ang lahat. Kayang-kaya kong kayanin at pilitin intindihin ang lahat kung ano lang, pero kung kasama ang anak ko. . . pakiramdam ko guguho na nang tuluyan ang mundo ko.
Nanghihina ako. Natatakot ako. Hindi ko kaya.
Diyos ko, huwag po ang anak ko. Lahat na po nang pasakit ibagsak Mo na sa akin, huwag lang pong madadamay ang anak ko. Ikakamatay ko po kung siya na ang kukuhanin Mo sa ’kin. Hindi ko po kaya. Hindi ko kakayanin. Ikamamatay ko. Huwag ang anak ko. . . huwag po siya.
Sa buong byahe ay nakakapit lamang ako kay Mikmik habang siya naman ay naka-akbay sa akin at pilit akong pinapakalma.
“Cyst, magiging ayos din si Keev. Kumalma ka. Hindi puwede pagdating natin sa ospital ay mahina ka. Mas kailangan ka ngayon ng anak mo,” aniya sa akin at kahit gusto kong pigilan ang mga luha ko ay lalo lamang itong pumatak nang sunod-sunod.
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan nang marating namin ang ospital na sinabi ni Sharry.
Sinalubong ako ng kapatid ko na puro luha sa mga mata niya. Hindi ko alam pero agad akong napayakap sa kaniya dahil marahil sa takot.
“K–Kumusta na raw si Keev, Shar? K–Kumusta na raw ang anak ko?” nanginginig na tanong ko sa kaniya nang humiwalay siya sa akin.
“Ate, mas maigi siguro kung kakausapin mo na muna ang doktor. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa ’yo dahil hindi ko rin naiintindihan ang sinabi ng doktor gawa nang kay Ninang Divine siya nagsabi,” ani Sharry kaya’t napatango ako sa kaniya saka ko pinunasan ang mga luha ko.
Natanaw ko si tita Divine na nakaupo sa isang sulok ng waiting area kaya’t lumapit ako sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang bigat ng dibdib ko nang harapin ko siya.
“Ano pong nangyari sa anak ko?” tanong ko sa kaniya at matatalim ang mga tingin na ipinukol nito sa akin.
Tumayo ito saka humalukipkip sa akin. “Huwag mo ’kong maganiyan-ganiyan, babae. Hindi ka ulirang ina para ganiyan-ganiyanin mo ’ko!” angil nito sa akin at parang umaakyat na yata lahat ng sama ng loob at sakit sa utak ko.
“Wala ho akong sinabi na ulirang ina ako, pero nasa pangangalaga n’yo po ang anak ko dahil ipinagpilitan n’yo sa nanay ko na kukuhanin n’yo siya—”
“ABA, PUNYETA KANG BABAE KA! ANG LAKAS NG LOOB MONG INTRIMITADAHIN AKO. ANO BANG NAGAWA MO PARA SA ANAK MO? BAKA NAKAKALIMUTAN MONG LUMAKI NG GANIYAN ANG ANAK MO DAHIL SA AKIN! PALAMON AT PAARAL KO ’YANG ANAK MO KAHIT WALA KAYONG NAITUTULONG SA AKIN! PESTENG ITO!” galit na wika niya sa akin.
Napakagat-labi ako dahil sa galit na nangingibabaw sa akin. “Pinagpilitan n’yong kuhanin ang anak ko kahit pa ayaw ko—”
“Sino pong kamag-anak ni Keev Aldreen Alvarez?” Naputol ako sa pagsasalita nang biglang dumating ang doktor.
“Ako po ang Mama niya—”
“Ako ang nagpalaki sa kaniya,” pigil sa akin ni tita Divine.
“Sorry po, Ma’am, pero sa policy po ng ospital, mas may power po ang immediate family over saga tagapag-alaga,” anas sa kaniya ng doktor saka bumaling sa akin. “Sama muna po kayo sa akin sa office ko,” anito at agad akong tumango para sumunod.
“Samahan na kita, cyst,” ani Mikmik kaya’t tumango ako. Pakiramdam ko ngayon ay sobrang nanghihina ako.
Narating namin ang opisina ng doktor at naupo kami ni Mikmik sa harap niya. Bigla itong mayroong kinuha sa bulsa niya na mga larawan at inilapag sa harap ko. Kinuha ko ang mga iyon at isa-isang tiningnan.
“Bago ko po kayo kausapin tungkol sa lagay ng anak n’yo tungkol sa dengue, gusto ko pong makita n’yo ’yan. Hindi po ako normal na nakikialam sa mga problemang pampamilya, pero hindi ko lang po kayang makita na ang limang taong gulang na bata ay makakaranas ng ganiyan,” anito at parang nadudurog ang puso ko sa mga nakita ko sa litrato.
Sunod-sunod ang naging pagpatak ng luha ko sa mga nakikita ko. Sumisikip din ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano pa bang nararamdaman ko. Awang-awa ako sa anak ko.
“M–Mik. . . B–Bakit ganito? B–Bakit kailangan danasin ng anak ko ’to?”
“Those are the signs of abuse, Ma’am. Habang ginagamot ko po ang anak n’yo, nakita ko po ang mga ’yan. Makikita n’yo diyan sa litrato ang mga pasa niya at maging ang mga sugat niya na ang iba ay halos kakahilom lang. Masyado pang bata ang anak ninyo at sa mura niyang katawan, mahirap kung lagi niyang dadanasin ang ganiyan. Imposible po kung sasabihin sa akin ng tagapag-alaga na dahil iyan sa kalikutan ng anak n’yo. Nag-conduct din po ako ng test sa dugo ng anak n’yo at wala namang kahit anong sign na may anemia siya o leukemia para magkaroon n’yan,” anang doktor at gusto kong magwala sa kakaibang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko na kaya. Hindi na. Hindi ko na hihintayin na mamatay pa ang anak ko sa kamay nila.
Mabilis akong tumayo. Narinig ko pang pinipigilan ako ng doktor at ni Mikmik ngunit hindi ako nagpaawat.
Agad akong tumungo sa pinag-iwanan ko kay tita Divine at nakita kong naroon na rin ang Nanay.
“Oh! Mabuti nandito ka na—”
“Kukuhanin ko na ang anak ko pati si Sharry. Hinding-hindi ko na hahayaan na saktan n’yo pa siya!” galit na wika ko saka ibinato kay tita Divine lahat ng kuha ng pasa at sugat ni Keev. “Napakawala n’yong puso! Masahol pa kayo sa diablo!” Galit na galit ako pero tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang pigilan. Naghahalo ang galit ko sa kanila at ang awa ko para sa anak ko.
“Anong pinagsasasabi mo—”
“Inaabuso n’yo ang anak ko! Ang bata pa niya para makaranas ng pananakit mula sa inyo! Anak ba kayo ng demonyo—” Bigla akong sinampal ni Nanay ngunit umiling lamang ako sa kaniya. “Kahit saktan n’yo pa ako nang saktan, hindi n’on mababago ang katotohan na halang ang mga kaluluwa n’yo!”
“Aba, putang inang bata ’to, walang utang na loob—”
“Kung utang na loob din lang, matagal na matagal na matagal na panahon na akong bayad sa inyo! Wala na akong itinira para sa sarili ko! Lahat ibinuhos ko sa inyo! Kahit pangsarili kong kaligayahan, tinitikis ko dahil hindi n’yo gusto! Gustong-gusto kong makasama ang anak ko at magpaka-ina sa kaniya pero dahil ayaw n’yo, sinunod ko! Tapos ganito ang malalaman ko? Na inaabuso, sinasaktan at pinagmamalupitan ang anak ko? Kahit pa kadugo ko kayo, hinding-hindi ko ipagpapalit ang anak ko sa inyo! Wala na akong modo kung wala! Wala na akong utang na loob kung wala, pero kukuhanin ko na ang anak ko! HINDING-HINDI KO NA HAHAYAAN NA SAKTAN PA SIYA NG KAHIT NA SINO!” mahabang bulalas ko sa kanila na nakita kong ikinagulat nila.
Ngayon lang. . . ngayon lang naalog ang utak ko at kinailangan ko nang lumaban. Hindi na para sa akin ang laban na ’to. Para na sa anak ko. Matitiis kong masaktan ako, pero hindi si Keev. Hindi ang anak ko. Para sa kaniya handa akong maging malakas. Kung kailangan na pumatay ako para sa ikaka-ayos ng buhay ng anak ko, gagawin ko. Mahal na mahal ko siya, at kung huli man bago mo siya tinayuan, paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa kaniya.
“Ate, kumalma ka na muna—”
“Hindi na, Sharry. Matagal na panahon akong nanahimik at tinanggap lahat ng pasakit at masasakit na salitang ibinabato sa akin dahil mahal ko ang pamilya ko at dahil pakiramdam ko deserve kong matanggap iyon dahil nagkamali ako, pero hindi na ngayon. Anak ko na ang pinag-uusapan dito. Itataguyod ko siyang mag-isa. Itataguyod ko siya na wala ang tulong ng mga taong akala kong may malasakit sa anak ko. Hindi na—”
“Hindi ko ibibigay sa ’yo si Keev. Ilalaban kong naging wala kang kuwentang ina!” ani tita Divine at parang gusto ko lalong mawalan ng galang.
“EXCUSE ME SA ’YO, MADAM NA MUKHANG PUYAT! SINASAKTAN MO ANG INAANAK KO TAPOS MAY PA GANIYAN KANG DRAMA? HUWOW! SAAN MO BA HINUHUGOT ANG KAPAL NG MUKHA MO?” Nagulat ako sa biglaang pag-entrada ni Mikmik saka pa tumayosa harap ko.
“Manahimik ka, bakla—”
“So, shall I call you child abuser? Ang kapal ng mukha mo! Kung hindi ka idedemanda ni Shan, ako na ang magdedemanda sa ’yo! May katibayan naman kaming sinasaktan mo ang bata! Mabubulok ka talaga sa kulungan! Letse!” putol ni Mikmik kay tita Divine.
Bunaling ako kay Nanay na tila hindi makapaniwala sa sitwasyon. “Kapag naging maayos na ang anak ko, uuwi ako para kuhanin na lahat ng gamit ko, at kailangan n’yong ibigay si Sharry sa akin kung ayaw n’yong i-report ko lahat ng ’to. Hindi ko hahayaan na magdusa pa ang kapatid ko sa kamay n’yo. Mga wala kayong konsensya!” bulalas ko sako hinawakan si Sharry sa pupulsuhan at tuluyan na namin silang tinalikuran.
KAHARAP kong muli ngayon ang doktor na tumitingin kay Keev. Nahihiya ako sa inasal ko kanina, ngunit palagay ko naman ay naiintindihan niya ako.
“Ma’am, aware naman po kayo na O negative po ang blood type ng anak n’yo, ’di po ba? Nalalaman iyon sa new born screening,” anas nito at tumango ako.
“Malala po ba ang lagay niya?” tanong ko rito.
“Hindi ko po masabing malala, pero hindi rin naman po maayos. Bagsak na po ang platelet count ng anak ninyo at subject na po siya for blood transfusion, pero dahil nga po O negative ang anak ninyo, wala po kaming makuhanan ng dugo kahit pa sa blood bank. Kung AB negative nga po ay ako na lang mismo ang magdo-donate, ang kaso ay nataon pong O negative ang bata. Alam po ba ninyo ang blood type ninyo? Baka po maaari kayong mag-donate sa anak ninyo—”
“Doc, kung ka-type ko lang po sana ng dugo ang anak ko, kahit pa ibigay ko na lang sa kaniya, ang kaso hindi po. A positive po ako,” putol ko rito at tumango-tango ito sa akin.
“Kung gayon po, malaking-malaki ang posibilidad na ka-bloodtype niya ang tatay niya.”
“Shan, O negative ’yon si Zeev. Nakita namin ni Dash noong naghahanap kami ng info about sa kaniya,” singit ni Mikmik at hindi ko alam kung daoat ba akong matuwa r’on o hindi.
“Kung gayon po, puwede n’yo pong dalhin ang tatay ng bata para naman po maging maayos na ang anak ninyo? May 36 hours pa po ang anak ninyo para mahintay ang dugo, bago natin masabi na totoong nasa alanganin na siya,” anang doktor at hindi ko alam kung ano bang dapat ang maging desistyon ko sa mga oras na ito.
Hindi ko alam saan at paano ko siya hahanapin. Sa anim na taon, wala akong alam kung nasaan na siya, kung ano na bang ginagawa niya, o kung. . . narito nga ba siya sa Pilipinas. Wala akong ideya. Hindi ko siya tinangkang hanapin simula pa nang araw na nagdesisyon siyang talikuran o iwan na ako—kami.
“Wala na po bang paraan? Kahit po magkano, handa ko pong bayaran—”
“Ma’am, blood transfusion na lang po ang last resort namin para sa anak ninyo. Hindi po kami Diyos. Hindi po namin kayang magmilagro,” anang doktor at napayuko ako.
“M–Mik. . .”
“Mahahanap natin si Zeev. Ako ang bahala. Magiging ayos ang inaanak ko. Itaga mo man sa pes nitong poging doktor na ’to.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 21
SHAN
SAKAY ako ng sasakyan ni Mikmik at kasalukuyan naming binabagtas ang daan patungo sa lugar base sa impormasyon na nakuha ni Mikmik.
“Ready na ba ang speech mo, cyst?” agaw niya sa atensyon ko. Nakatingin kasi ako sa mga malalaking building na nadadaanan namin.
Nilingon ko siya saka ako payak na ngumiti. “Kailangan pa bang mag-speech? Hindi niya alam amg tungkol kay Keev. Hindi ko rin alam paano ko ipapaalam sa kaniya. Naiisip ko ngang bigla na lang akong manghingi ng dugo,” anas ko at nakita kong natawa si Mikmik.
“Gaga ka. Ano ka, Philippine red cross?” asar niya sa akin.
Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa nangyayari ngunit malaking-malaki talaga ang pasasalamat ko at mayroon akong mga kaibigan na maasahan ko sa mga ganitong sitwasyon.
Si Dash, ipinagpaliban ang shoot niya para sa araw na ’to para lang siya ang tumingin kay Keev. Sa totoo lang, sila ang hindi ko alam kung paano ko bang dapat na pasalamatan. Pakiramdam ko, sa kanila ako dapat tumanaw ng malaking utang na loob dahil mula pa noon, hanggang ngayon, hindi nila kami iniwan at pinabayaan ng anak ko kahit wala naman silang hinihingi na kahit ano pang kapalit.
Sabi ko nga, siguro talagang iniadya ng Nasa Itaas na magkaroon ako ng ganoong klaseng pamilya dahil aambunan naman Niya ako ng ganitong klaseng mga kaibigan na hindi ko na kailangan pang magsalita. . . sila ang kusang mag-aabot ng kamay para tumulong.
“Cyst, paano kapag hindi ang inaasahan mo ang madadatnan natin?” tanong niya sa akin at muli kong naituon ang pansin ko sa labas ng bintana.
“Inaasahan? Wala naman akong inaasahan, Mik. Hindi naman natin siya pupuntahan para magkabalikan kami o magka-ayos. Nandito ako para sa dugo niya na kailangang-kailangan ng anak ko, hindi para sa kahit ano pang dahilan—”
“Paano kung wafu pa rin ang Zeev Alejandro? Bubukaka ka ba ulit?” putol na pang-aasar niya sa akin kaya’t natatawang napapailing ako.
“Alam mong hindi ko na gagawin pa ’yan. Sa dami nang pinagdaanan ko sa buhay ko, namulat na ako sa reyalidad na hindi lahat ng bagay na naisin natin, makukuha natin sa paraan na gusto natin,” sagot ko sa kaniya.
“Kiber lang naman kung magkabalikan kayo. May anak kaya kayo,” sagot niyang muli kaya’t muli akong napalingon sa kaniya.
Bahagya ko siyang hinampas sa braso niyang nakahawak sa manibela bago ako nagsalita. “Noon, ayaw na ayaw n’yo kay Zeev at ayaw na ayaw n’yong malaman niya ang tungkol sa anak ko. Galit na galit pa kayo at sinabing huwag na huwag kong ipapaalam sa kaniya na may anak kami at ayaw na ayaw n’yong iapelyido sa kaniya ang anak ko. Naku, Mikmik, ha!”
“Cyst, that was the eighteen-year-old version of Dash and me. Ang immature kaya naming mag-isip noon. Kapag kaaway mo, dapat kaaway namin. Kapag sinaktan ka, dapag saktan din namin. Life is no longer like that as we grew older. Sa edad natin ngayon, kung anong makakapag-ayos ng lahat, iyon ang pipiliin natin. Kung anong ikatatahimik ng mga nasa paligid nagin, iyon ang priority. Hindi na tayo warfreak or mga rough decision makers. Tumatanda na tayo and we have to think and decide maturely,” mahaba niyang wika sa akin at napatango ako. “But before anything else, syempre hindi mo naman idi-disregard lahat ng pain na naranasan at inabot mo. You still have to consider those variables before deciding. Nasa iyo pa rin naman ang huling desisyon. Matanda ka na. Alam mo na ’yan,” pahabol pa niya saka mas binilisan ang pagpapatakbo.
NAKARATING kami sa isang magarbong bahay at sinalubong kami ng isang kasambahay na naka-uniporme.
“Magandang araw po,” ani Mikmik dito.
“Magandang araw rin po naman. Ano pong sadya nila?” magalang na tanong nito sa amin.
“Nandiyan po ba si Mr. Arcanghel? May pinadadala po kasi siyang importanteng dokumento rito sa bahay niya,” ani Mikmik at sa gulat ko ay may inilabas pa siyang folder mula sa kung saan. Ibang klase talaga ang kaibigan kong ito.
“Si Sir Zeev po? Ay, Sir, nagtungo po siya sa resort na mina-manage niya ngayon,” kamot-ulong sagot nito sa amin.
Nakita kong naglungkot-lungkutan ng mukha si Mikmik sa kasambahay. “Paano po kaya ito? Alam ko po ay kailangang-kailangan ito ni Mr. Arcanghel dahil isa po ito sa immediate project nila. Makakagalitan po ako at mawawalan ng trabaho kapag nagkataon,” paawa niya rito.
Bumuntonghininga na muna ang babae bago nagsalita. “Diyan lang po sa may bandang Sta. Mesa ang resort na iyon. Maaari n’yo naman pong ipagtanong. Sabihin n’yo lang po sa mga tricycle driver, alam po nila kung saan matatagpuan ang AA Resort,” anito at bigla siyang niyakap ni Mikmik.
“Maraming salamat po!” anas niya saka na niya ako hinatak paalis ng bahay na iyon.
Sumakay kami ng sasakyan at mabilis niyang pinaandar iyon patungo sa resort na sinasabing kinaroroonan ni Zeev. Hindi ko naman ikakaila na kakaiba ang tibok ng dibdib ko mula pa kanina. Totoong kinakabahan ako sa komprontasyon na maaaring mangyari sa amin.
Nahinto kami sa isang malaking gate kung saan may nakasulat na AA Resort and Restobar. Agad kaming bumaba ni Mikmik ng sasakyan.
Nasa entrance kami nang may mahagip na pamilyar na bulto ng katawan ang mga mata ko.
“Good morning po,” bati sa amin ng receptionist.
“Good morning. I don’t have an appoinment. Do you accept walk in? By the way, we’re husband and wife,” ani Mikmik sa receptionist at hindi ko na iyon kinontra. He has his own ways of dealing things.
“Yes, Sir. Just fill in this form and you may swipe your card here,” sagot ng receptionist at mabilis naman tumalima si Mikmik para gawin iyon.
“Thank you,” ani Mikmik nang matapos na siyang mag-fill up.
Iginiya niya ako papasok ng resort at ako naman ay namangha. “Ang ganda—”
“Maganda talaga. Maganda rin ang presyo, cyst. Sampung libo isang tao,” sarkastiko niyang wika.
Tumungo kami sa bulwagan kung saan madalas pumupunta ang mga owners ng resort at hindi nga ako nagkamali. Nahagip ng mata ko si Zeev. Hindi ako maaaring magkamali na siya iyon.
For six years, walang gaanong ipinagbago ang mukha niya maliban lang sa mas lalong lumakas ang dating niya. He’s thirty years old now, hindi na iyon nakakapagtaka. Gumanda rin ang katawan niya na animo batak na batak sa gym. . .
. . . at may karga-karga siyang batang babae habang nasa tabi niya si Rebecca.
“OMG, who’s that girl?” tanong ni Mikmik sa tabi ko habang nakamasid sa pinagmamasdan ko.
“Si Rebecca ’yon. Iyong fiancé niya na muntik nang awayin ni Dash. Ang ganda niya, ’no?” sagot ko sa kaniya.
“Wala akong time sa pag-admire sa kaniya. Wititit siya maganda. Mas diyosa ka,” aniya na ikinangiti ko. “Lalapitan na ba natin?”
Bigla ko siyang pinigilan sa braso nang akmang lalakad na siya. “Mik. . . hindi kaya makakagulo tayo sa pamilya niya? Halatang kasal na sila ni Rebecca at anak na nila ang batang ’yon,” wika ko sa kaniya.
“Cyst, hindi mo naman siya kukuhanin sa kanila. Hihingi ka lang ng dugo niya tapos end na. No more, no less. Kailangan lang ng anak niya ng dugo, kung hindi lang talaga, hindi ka naman manggugulo. Isipin mo na ginagawa mo ’to para sa anak mo,” ani Mikmik sa akin.
Tumango ako sa kaniya at nagsimulang maglakad patungo kay Zeev ngunit may dalawang malalaking lalaki ang humarang sa amin.
“May problema po ba?” tanong ng isa sa mga ito.
“K–Kakausapin ko lang po si Mr. Arcanghel,” sagot ko at kumunot ang kilay ng isa sa kanila at bumulong sa isa pa.
“Excuse me. We’ll get you Ma’am Rebecca for it,” sagot ng isa saka kami tinalikuran.
Kabadong-kabado ako na tipong nais nang tumalon ng puso ko palabas sa dibdib ko.
Habang naghihintay kami ay biglang tumunog ang telepono ko kaya’t agad ko itong kinuha at sinagot.
“Dash?”
“S–Shan, si Keev. . . si Keev nangungumbulsyon,” ani Dash at parang gumunaw na naman ang mundo ko. Nanginginig ako at hindi ko malaman kung anong gagawin ko.
“P–Pakisabi sa doktor, s–sagipin ang anak ko. G–Gagawin ko lahat,” anas ko at puro hikbi ni Dash ang naririnig ko sa kabilang linya.
“Who’s looking for Zeev?” Tinig pa lang na iyon ay alam ko na agad kung kanino.
“R–Rebecca,” tawag ko rito at mukhang namukhaan ako nito dahil agad na tumaas ang kilay nito pagkita sa akin.
“Oh, the slut. What are you doing here? Why are you looking. . . for my husband?” anito at kahit hindi ko gusto ay may kumudlit sa dibdib ko.
“R–Rebecca, kailangan ko si Zeev. K–Kailangan siya ng anak niya ngayon. N–Nag-aagaw buhay sa ospital ang anak ko. Kailangan siyang masalinan ng dugo at tanging dugo lang ni Zeev ang makakasalba sa kaniya,” lumuluhang wika ko ngunit nginisian lamang ako nito.
“Anak? So may anak kayo? Mukhang wala namang alam si Zeev na may anak kayo,” anito sa akin.
“Excuse me lang ha—”
“I’m not talking to you!” putol niya kay Mikmik.
“Well, I am talking to you! Hindi ka maganda, huwag kang ambisyosa! Isa pa, hindi ikaw ang kailangan namin dito kundi si Zeev! Ilabas mo ang tatay ng inaanak ko kung ayaw mong magkagulo tayo!” sagot ni Mikmik sa kaniya ngunit tinawanan lamang siya ni Rebecca.
“No wonder, birds of the same feather flock together. Such a lowclass friendship,” anito at nakita kong lalong nanggalaiti si Mikmik.
Pinigilan ko siya sa braso nang akma niyang susugurin si Rebecca. Napapagod na ’ko. Nag-aagaw buhay ang anak ko sa ospital at kailangang-kailangan na madala ko si Zeev doon kahit ano pa man ang mangyari.
Nilunok ko lahat ng mayroon ako saka ako biglang lumuhod sa harap ni Rebecca.
“N–Nagmamakaawa ako sa ’yo. H–Hayaan mong makausap ko si Zeev para mabuhay ang anak ko. K–Kung kailangan kong isangla ang buhat ko sa ’yo, gagawin ko, maging maayos lang ang anak ko. N–Nagmamakaawa ako sa ’yo, Rebecca. P–Parang awa mo na—”
“You ruined my life, slut. Did you really think that I would help you now? Dream on! Ilabas n’yo ’to at huwag na huwag n’yo nang papapasukin iyan dito kung hindi sisisantehin ko kayong lahat!” galit na wika nito at parang lalong gumuho ang mundo ko.
Nang mapagtanto kong wala talagang mangyayari kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin ko, tumayo ako saka ako sumigaw nang sumigaw para makuha ko ang atensyon ni Zeev. Desperada na ’ko. Hindi ko ’to ginagawa para kung kanino lang. Ginagawa ko ’to para sa anak ko na kailangan ako.
“ZEEV! ZEEV! SI SHAN ’TO—” Bigla akong sinampal ni Rebecca at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
“Lumayas ka rito!”
“ZEEV! PARANG AWA MO NA! ZEEV!”
Ngunit bigo ako. Hanggang sa nailabas kami ni Mikmik ng resort ay walang Zeev na tumungo sa kinaroroonan ko. Naglalambot na ako. Hindi mo na alam saan pa ako dapat kumapit. Kailangan ako ni Keev. Kailangan niya ng dugo ng tatay niya. Gusto ko nang sumuko. . . gusto ko nang bumigay pero hindi maaari dahil walang aalalay sa anak ko.
“Cyst. . .”
Napayuko ako sa dashboard ng sasakyan at doon ay inilabas ko lahat ng luha ko.
“B–Bakit. . . B–Bakit ba ang damot-damot sa akin ng mundo? H–Hindi ako kahit kailan nanghingi ng sobra. G–Gusto ko lang maging maayos ang anak ko. . . Bakit ganito? B–Bakit pilit akong pinagkakaitan ng pagkakataon na maging masaya? S–Si Keev lang ang kaligayahan ko. S–Si Keev lang ang nagbibigay buhat sa akin. K–Kapag nawala sa akin ang anak ko. . . ikamamatay ko.”
Biglang tumunog ang telepono ni Mikmik at agad niyang sinagot iyon. Nakita ko ang pagbabago ng mukha niya at hindi ko alam kung dapat bang mapanatag ako.
“Cyst, nakahanap si Mommy ng O negative sa anak ng isa sa mga amiga niya. Papunta na sila ngayon sa ospital,” aniya at tila lumukso ang puso ko sa sobrang galak.
“Maraming-maraming salamat, Mik,” anas ko at sinimulan niyang paandarin ang sasakyan.
“Hindi ka pa rin pinababayaan ng Diyos. Alam niyang ang anak mo lang ang tanging lakas mo,” aniya at napausal ako ng tahimik na pasasalamat.
Saktong paalis na kami nang makita ko sa side mirror. . . si Zeev na tila humahangos na lumabas ng malaking gate.
“Cyst, si Zeev—”
“Tara na, Mik. Mas kailangan ako ng anak ko kaysa magmakaawa at magpaliwanag ako sa kaniya,” anas ko at muli ko nang itinuon ang pansin ko sa harapan.
Baka hindi na talaga nakatadhana na ibalik pa kitang muli sa buhay naming mag-ina, Zeev.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 22
SHAN
ISANG linggo na mula nang maka-recover ang anak ko at isang linggo na rin kami rito sa bahay ng mga magulang ni Mikmik.
“Anak? Halika na’t kumain,” aya sa akin ni tita Melly habang nagdidilig ako ng mga halaman bakuran. Ito lang kasi ang maitutulong ko sa kanila.
“Tatapusin ko lang po ’to, tita—”
“Ikaw! Ikaw!” aniya at narahan akong pinagkukurot sa tagiliran. “Hindi ko naman pinagagawa sa ’yo ’yan. May mga puwedeng gumawa niyan. Hindi kayo nagpunta ng pogi mong anak dito para mangutulungan. Bisita kayo ng anak ko, kaya bisita ko rin kayo,” dagdag nito saka ako hinatak patungo sa dining area.
Naroon na silang lahat, maging si Keev na masayang binibigyan ng pagkain ni tito Brandon.
“Cyst, lafus na us! Sasamahan pa kita sa interview mo mamaya. Maigi na rin na makahanap ka ng trabaho tutal ay graduation mo na rin naman sa susunod na araw,” aniya at ngumiti ako saka tumango.
Mas maaga ang graduation ko kaysa sa mga regular student dahil itinuloy ko lang naman ang hindi ko natapos noon.
Naupo na ako saka na kami nagsimulang kumain. Wala akong masasabi sa pamilya ni Mikmik. Malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanila sa pagkakaligtas ng anak ko. Hinding-hindi ko makakalimutan na sila ang nakapitan ko nang kinailangan ko ng taong handang tumulong sa akin.
“Tita Mel, puwede ko po bang mahingi ang address ng anak ng amiga n’yo? Padadalhan ko lang po ng simpleng regalo kapag po nagsweldo na ’ko,” anas ko at nakangiting tumango naman ito sa akin.
“Cyst, hiring nga rin pala sa kabilang umiversity, malaki ang suweldo, ang problema, masyadong mahigpit,” pukaw sa atensyon ko ni Mikmik habang naghihiwa siya ng tocino. “Pero siguro, keri mo naman makapasok doon sa utak na meron ka. Try mo lang. Wala naman mawawala,” aniya at tumango naman ako.
“Sige, sige. Pero papasok muna ako sa Jollibee ng nine to three. Ite-text na lang kita,” wika ko at tumango naman siya.
Natapos kaming kumain at agad kong nilapitan si Keev na ngayon ay ang dusing-dusing.
“Anak, maiiwan ka muna kay tita Mel at tito Brandon, ha? Magwo-work lang muna ang mama para may pambili ka ng toys,” paliwanag ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit tila nag-aalangan siyang tumango sa akin kaya’t kinarga ko siya saka dinala sa banyo para liguan at bimpohin.
Habang kinukuskos ko ang mga braso niya ng bimpo ay muli na namang bumalik sa alaala ko ang mga larawan kung saan may mga pasa siya.
“Anak, natatakot ka bang maiwan kina tita Mel at tito Brandon?” tanong ko sa kaniya at magkakasunod na tumango ang anak ko kaya’t parang nadudurog na naman ang puso ko. Pyschology ang inaaral ko, kaya’t alam ko na na-trauma ang anak ko.
“Baka saktan po ako, Mama,” inosenteng wika niya at doon na tumulo ang mga luha ko. “Si mama Divine, kapag bad ako, papalo niya ’ko ng sandok saka walis dito, saka dito, saka po dito,tsaka pa po dito, tapos dito,” anang anak ko kasabay nang pagtuturo niya sa braso niya, sa tagiliran, sa bewang, sa hita at sa puwetan. Gusto kong sumigaw at magwala. Gusto kong panagutin ang gumawa nito sa anak ko. Gusto kong gumanti.
Niyapos ko siya kahit pa basang-basa siya saka ko hinagod ang likpd niya. “Sorry, anak, ha? Sorry kasi mahina si Mama noon, pero ngayon ipaglalaban na kita kahit kanino. Hindi ka na nila puwedeng saktan. Love na love na love ka ni Mama,” anas ko saka ko siya hinalikan sa ulo at bahagya nang lumayo.
“Ayaw ko na po kay mama Divine, Mama. Kapag hindi ko ubos ’yong kanin, ginagan’on niya ’ko sa plato,” muli niyang wika at nakagat ko ang ibabang labi ko sa awa sa anak ko. Hindi ko alam bakit kailangan nilang iparanas sa kaniya ang ganoong pasakit samantalang limang taon lang naman siya.
Matangkad ang anak ko sa edad na limang taon ngunit masasabi mo pa rin na batang-bata siya dahil sa amo ng mukha niya. Kamukhang-kamukha siya ni Zeev at nakuha niya ang maputi kong balat.
“Hindi na ikaw ibabalik ni Mama kay mama Divine. Hindi na ikaw sasaktan ni mama Divine kasi nandito na si Mama. Si tita Mel at tito Brandon, love ka nila. Hindi nila ikaw sasaktan. Promise ni Mama ’yan,” anas ko at tumango-tango siya sa akin nang nakangiti.
“Opo, Mama. I love you,” aniya at hinalikan ako sa ilong ko.
Hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano ang kaligayahan na mayroon ako na ngayon ay kasama ko na ang anak ko.
TULALA ako sa counter nang may lumapit na isang babae at isang lalaki sa akin. Mga two pm na rin at walang nakapila kaya may time ako para tumulala.
“Good afternoon po. Welcome to Jollibee. Order po natin, Madam?” tanong ko sa babae dahil siya ang mismong nakaharap sa akin.
Maganda ang babae at kung susumain ko, kayang-kaya niyang makipagsabayan kay Dash sa pagiging modelo. Idagdag pa na mukha itong mayaman. Ang lalaki naman ay puwede mong akalain na isang aktor dahil sa itsura nito. Halata mong magkarelasyon sila base na rin sa body language nila. Medyo nakakapagtaka rin na sa Jollibee nila napiling kumain, gayong mukhang kaya naman nila sa mga mamahaling restaurant.
“Anong gusto mo?” tanong ng lalaki sa kasama babaeng nakaharap sa menu at tila naghahanap ng puwede at nais niyang kainin.
“Uhmmm. Iyong C5 na lang,” sagot naman ng babae.
“Iyon lang po ba? Any additional?” tanong ko sa kanila at ang lalaki ang mas lumapit sa harapan ko para magbigay ng order.
“Make that two C5. Tsaka pa-add na lang ng large fries, jolly hotdog and regular burger yum,” anang lalaki at agad ko itong itinipa machine.
“Drinks po ng C5, Sir? Large na rin po ba?” tanong ko rito.
“Pineapple for both. Oo, gawin mong large,” sagot nito sa akin saka bumaling sa kasama nitong babae. “May gusto ka pa?” tanong nito sa kasama ngunit umiling lamang ito saka na muling bumaling sa akin. “Iyon na lang.”
“Noted po, Sir. Repeat ko lang po ang orders nila. Two C5 with large pineapple juice, one large fries, one jolly hotdog, and one regular burger yum. Okay na po ba? Name po nila?”
“Yes. Okay na ’yan. Samantha na lang,” sagot nito sa akin at nagbayad kaya’t kumuha ako ng tray at ng number saka ko ito inabot sa kanila.
“Pakihintay na lang po ang orders nila. Thank you.”
Sinulat ko ang pangalan na Samantha saka ko ito ibinigay sa kitchen para mai-ready na nila.
Busy ang kitchen crew sa pag-aayos ng in-order sa akin kaya ako ay tulala na naman. Hindi ko alam pero para talaga akong sobrang pagod na pagod lately.
Hindi ko maiwasang maisip ang Redemption Island. Parang ang sarap-sarap bumalik doon. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na namamayani sa akin dahil tila nake-cleanse sa lugar na ’yon ang puso ko.
Kumuha ako ng tissue paper at wala sa sariling napasulat doon.
Redemption Island:
“A place to unwind, a place to hide and a place where you can shout your feelings out there in the wild.”
Ang sarap mong balik-balikan. Sana makabalik ako ulit.
“Shan! Orders ready!” dinig kong wika mula sa kitchen kaya’t agad kong inayos ang order sa tray at naglagay ng plastik na kutsara at tinidor pati na rin ketchup at tissue.
Tumawag ako ng dining crew at hinayaan na itong siyang magdala ng mga orders doon sa babae at lalake.
Natapos ang duty ko. Agad kong tinawagan si Mikmik ngunit out of reach ito. Saktong paglabas ko ng backdoor for crews ay tumunog ang telepono ko.
“Hello po?”
“Shan, si Ma’am Noeme ito. Puwede ka bang pumunta ngayon sa eskwelahan? Ngayon kasi ibibigay ang cheke para sa mga iskolar. Hindi na puwedeng ipakuha na lang gaya nang ginagawa natin dati. Ngayon kailangan, ikaw talaga ang kumuha,” anito at tila namilog ang mga mata ko. Kailangan ko pa man din ng pera ngayon. Saktong-sakto.
“Yes po, Madam. Papunta na po. Kaka-out ko lang po sa trabaho. Ibibigay ko rin po sana sa inyo iyong flashdrive na kopya ng mga na-encode ko for dissertation,” sagot ko saka ko na pinatay ang tawag.
Mabilis akong tumawag ng tricycle at agad sumakay. Sasabihan ko na lang si Mikmik na mas importante muna ito sa ngayon.
Nang makarating ako ng eskwelahan ay dumeretso ako sa close auditorium kung saan sinabi ng guard na idinadaos ang issuance of check. Buwan-buwan ay may natatanggap akong ten thousand mula roon kaya’t nakakabayad ako ng tuition at miscellanous fee at kaya rin nasasagot ko ang baon ni Sharry pati ang sarili niyang miscellanous fee. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit bukod sa sahod ko sa Jollibee ay may naiaabot pa ako kay Nanay at para kay Keev noong nasa pangangalaga pa siya ni tita Divine.
Marami na ring tao kaya’t naupo na lang ako sa may mga bakanteng puwesto.
Mula nang makuha ko si Keev, parang mas naging malakas ako at parang kayang-kaya kong harapin ang kahit ano para kaniya. Hindi ko alam kung bakit. . . siguro parte ito ng pagiging ina.
Magarbo pala ang pamamahagi ni Mayor ng cheke. Ngayon lang kasi ako naka-attend ng ganito. Noon ay lagi ko lang pinakikisuyo may Ma’am Nocom o hindi naman kaya ay nagbibigay ako ng authorization letter sa isang kaklase ko dahil madalas ay may duty ako sa tuwing gaganapin ito.
Marami na ang natatawag na pangalan ngunit wala pa rin ang sa akin kaya’t nagtataka ako. Alvarez ang apelyido ko kaya’t siguradong dapat ay kanina pa ako natawag ngunit wala pa rin. Nasa letter K na. Hindi rin naman ako nalagpasan dahil Abenido pa lang nang dumating ako.
Agad akong umalis sa kinauupuan ko at tumungo sa opisina ni Ma’am Nocom. Mukhang nagulat pa ito sa pagdating ko.
“Bakit naman ngayon ka lang, anak? Kanina pa kita tinawagan, ah?” aniya at nangunot ang noo ko.
“Nagtuloy po ako sa auditorium dahim sabi po ni guard doon daw po dinaos ang program ni Mayor—”
“Sino bang nagsabi na iskolar ka ni Mayor? Hindi ka ba nagtataka na laging tatlong libo lang ang nakukuha ng mga iskolar niya pero sa ’yo ay sampung libo? Special scholarship ang nakuha mo. Mayroon kang sponsor. Maupo ka na muna,” aniya at sinunod ko naman iyon.
Tahimik lang akong nakaupo sa sofa nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ma’am Nocom, at iniluwa n’on ang huling taong inaasahan ko na makakadaupang palad ko pa.
“Z–Zeev. . .” bulong ko.
“Good day, Mr. Arcanghel. This is Shan Kassidy Alvarez. You finally met her after almost four years of being her sponsor,” ani Ma’am Nocom at parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong pagkatao.
“S–Sponsor? I–Ikaw ang sponsor—”
“Hi, Shan. I missed you.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
**
From this chapter at sa mga susunod pa, fiction na lang ito na nagaganap sa utak ko, but the previous chapters were all based from real events. 😊 Kailangan ko na kasing maglagay ng fictitious events para hindi na masyadong mahirapan si Shan sa buhay niya. Naaawa na ’ko. Hehehe.
Kabanata 23
SHAN
HINDI ko magawang ngumiti kahit pa nasa harapan ko siya ngayon. Parang noong nakaraang linggo lang ay halos nagmakaawa akong makita siya.
“He’s your four-year sponsor, Shan. He’s Mr. Zeev Alejandro Arcanghel,” ani Ma’am Nocom at hindi ko alam kung may boses pa ba akong mailalabas.
“M–Mula po nang bumalik ako sa pag-aaral at nag-apply ng iskolar—”
“Oh yes, iha. Si Mr. Arcanghel ang nag-process ng mga papel mo na ipinasa mo sa registrar at nagbigay ng sponsorship sa ’yo,” putol sa akin ni Ma’am Nocom at hindi ako makapaniwala. Parang isang malaking kalokohan lamang ang naririnig ko at hindi ko malaman kung paano ko ba dapat iproseso.
Nilingon ko si Zeev at may hindi mabasang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pasalamatan o ano. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya.
Tumayo ako at kinuha ko sa bag ko ang flashdrive na ibibigay ko kay Ma’am Nocom. “Ito na po iyong data.” Inabot ko iyon. “Aalis na po ako. Salamat po,” anas ko saka ako agad na tumungo sa pinto.
“Shan, iha—” Hindi ko na pinatapos si Ma’am Nocom. Lumabas na agad ako ng opisina at mabilis na naglakad. Bumagal lang ako nang makalabas na ako ng gate ng school at narito na ako banda sa parking area na mapuno.
Nanginginig ako. Hindi ko alam kung paano ko ba siyang dapat na pakitunguhan o kausapin man lang. Kahit pa nakita ko siya nang nakaraang linggo, iba pa rin ang makita ko siya nang malapitan.
Itinuon ko ang pansin ko sa bag ko dahil hinahanap ko ang wala ko nang bigla na lamang akongmay mabangga na bulto ng tao sa harapan ko.
“Sorry po—”
“Shan,” tawag niya sa akin at dinig ko pa ang hingal niya sa paghinga.
“A–Anong ginagawa mo rito?” utal na tanong ko saka pa ako napahakbang papalayo sa kaniya.
“Kumusta. . . Kumusta ka na?” tanong niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko magawang tumingin pabalik sa kaniya. Ayaw kong muli na naman akong tangayin ng mga mata niya palayo.
“Hindi natin kailangan mag-usap, Zeev. Layuan mo na ’ko,” wika ko at akmang lalagpasan ko sana siya nang bigla na lamang niya akong yakapin nang mahigpit na mahigpit.
“You’re finally achieving your goal,” aniya habang nakayapos sa akin. “I was afraid six years ago that you might end up giving up your study because of me,” aniya at napakunot ako ng noo kahit pa kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Marahas ko siyang itinulak palayo.
“Huwag mo na akong paikutin na naman, Zeev. Tapos na ako sa parteng iyan ng buhay ko. Kung gusto mong magpasalamat ako sa pagpapaaral mo sa akin, sige. Salamat sa ’yo. Maraming-maraming salamat dahil sa wakas ay makakatapos na ako sa tulong mo,” anas ko sa kaniya at tila hindi naman iyon ang hinihintay niya mula sa akin. “Hindi ko alam bakit mo ginawa iyon, pero totoong nagpapasalamat ako. Dahil kung hindi sa tulong ng pera mo, hindi ako makakatapos ng pag-aaral ko at hindi ko mababayaran ang ibang gastusin ko,” patuloy ko.
“Why. . . Why did you change so much?” tanong niya sa akin na tila biglang-bigla siya sa inakto ko.
Anim na taon. . . anim na taon ang lumipas, at inaasahan pa rin niya na ako pa rin ang batang babae na walang ibang ginawa kung hindi mahalin siya?
“Zeev, wala na akong oras sa ganito. Marami akong kailangang gawin at hindi ito parte ng mga plano ko para sa araw na ito. Pasensya na. Aalis na ’ko—”
“Just please answer this question before you leave,” putol niya sa akin kaya’t lalong naging mataman ang pagtingin ko sa mga mata niya. “Why did it take you six years before you finally graduated? May naging problema ba n’ong makipaghiwalay ako sa ’yo? Was it because of me? Huminto ka bang mag-aral dahil sa akin?” tanong niya at bahagya akong nakahinga nang maluwag.
Doon ko napagtanto na wala siyang alam tungkol kay Keev. Isa rin kasi iyon sa dahilan kung bakit gusto kong tumakbo palayo sa kaniya. Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa anak namin. Ayaw ko. Sa akin lang ang anak ko.
“H–Hindi. K–Kinapos kami noon kaya’t kailangan kong huminto,” pagsisinungaling na sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang nagbuntonghininga.
“I’m really glad about it. Magiging mabigat para sa akin kung malaman ko na huminto ka ng pag-aaral dahil lang sa nangyari sa atin,” anas niya at napayuko ako.
“Aalis na ’ko,” wika ko at mabilis ko siyang nilagpasan. Ramdam kong gusto niya akong habulin kaya’y nagpapasalamat ako na hindi niya ginawa. . . dahil hindi ko na alam kung ano pa bang dapat na sabihin ko.
Tumungo ako sa waiting shed. Naupo ako sa tabi ng babae na mukhang nag-aabang din ng masasakyan.
Kapwa lang kami tahimik nang bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng malakas na hangin. Kapwa kami nataranta nang umabot ang anggi ng ulan sa amin. Basang-basa tuloy kami pati ang mga damit namin.
“Hala! Bakat ’yong bra mo!” puna niya sa akin at napatingin nga ako sa sarili ko at tama siya.
“Ikaw rin,” tumatawang wika ko na ikinatawa niya rin.
“Ang lakas kong mang-okray, ako rin pala,” aniya at nagpagpag pa ng sarili.
Ang ganda niya. Para siyang manika kung titingnan pero kung iaanalisa mo ang mga mata niya, parang may mga mabigat siyang pinagdaanan—sabagay, sino ba naman ang wala?
“Here,” abot niya sa akin ng isang libro na medyo malaki kaysa sa mga novel sizes. “Pangtakip mo na muna sa bra mong kulay neon orange. Ang weird ng taste mo, sister!” aniya at bigla naman akong nahiya kaya agad ko iyong kinuha.
“Salamat,” nahihiyang wika ko at ngumiti naman siya sa akin.
“No worries. O’siya, aalis na rin ako tutal basa naman na ako,” anas nitong muli saka kumaway at iniwan na ako.
Tiningnan ko ang libro ay may nakita akong pangalan na nasa front cover nito.
Phoebe Cuevas. Ito siguro ang pangalan niya. Masasabi mong pang mayaman.
“Thank you, Phoebe,” mahinang usal ko.
“GRABE! Daig ko pa ang nanay na proud na proud sa anak, pero girl, proud na proud talaga ako sa ’yo. At long last, nandito ka na!” ani Dash habang inaayos ang sumbrero na pares ng toga na suot ko.
“Ako rin, cyst. Gustong-gusto ko talagang sabihin na sobrang nakaka-proud ka. Sa dami ng mga pinagdaanan mo, you still pursued education. Kaya hindi ako naniniwala na kapag batang naging ina, wala nang magiging kinabukasan. Nakabase talaga iyan sa pagpupursige ng tao—”
“At sa klase ng kaibigan o pamilyang meron. Malaki lang talaga ang pasalamat ko dahil nandiyan kayong dalawa ni Dash. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ng anak ko kung wala kayong dalawa,” wika ko saka ko pa sila niyakap na dalawa.
“Nasaan na nga pala si Keev at Sharry?” tanong ni Dash.
“Kanina ko pa pinaupo sa loob. Mangangawit lang sila kung pati sila makikipila,” sagot ni Mikmik. “By the way, Dash, knows mo bang nakipagbantaan pa ako sa mudrakels nito ni Shan bago namin nakuha si Sharry kahapon?” tsismis niya kay Dash.
“Paanong nakipagbantaan?” curious na tanong ni Dash.
“Girl, kinailangan ko pang sabihin na itutuloy namin ang kaso sa kanila ng Dibinang anak ng diablo na ’yon kapag hindi nila ipinaubaya kay Shan si Sharry. Iyon. Na-warshock yata. Sila pa ang naglabas mismo ng mga gamit ni Sharry,” pagkuwento ni Mikmik na ikinatawa ni Dash.
“’Tang ina, ganoon lang pala kadaling takutin ang mga ’yon, sana noon pa natin ginawa,” ani Dash. “Well, ngayon nga lang pala tayo nagkaroon ng sapat na rason para takutin sila. Hindi naman sa nagpapasalamat akong nakaranas ng bugbog ang guwapo kong inaanak sa kamay nila, pero nagpapasalamat ako na dahil doon, namulat itong mga mata ng gaga na ’to sa katotohanan na puwede naman siyanv lumaban,” patuloy ni Dash na sinang-ayunan ni Mikmik.
Napapangiti akong napapailing sa kanila. Wala talagang pinipiling lugar ang pagtsitsismisan nila.
Nagsimula ang pagmamartsa mg mga graduants kaya’t nagsimula na rin akong kuhanan ng litrato ng dalawa kong kaibigan. Alam na alam kong proud na proud sila sa akin. Nandoon sila sa lahat ng phase ng buhay ko. Sa hirap, sa saya, sa iyakan, sa tawanan, maging sa lahat ng problemang kinaharap ko.
Hindi man ako swerte sa kinabilangan kong pamilya, sila naman ang inalaan para kahit paano maalala ko pa rin na hindi pa rin ako kinakalimutan ng Diyos.
Nang makapasok kami sa loob ng malaking venue ay naupo ako kahanay ng mga graduants at sila naman ay naupo kasama nina Sharry at Keev. Kitang-kita kong manghang-mangha ang anak ko sa mga ilaw at palamuti sa paligid.
Nagsasalita ang guest speaker namin nang may mahagip na pamilyar na bulto ang mga mata ko sa stage. Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil sa kaba.
Agad kong binunot ang cellphone ko at tinext ko si Mikmik, ngunit nang ise-send ko na sana ay unable to send. Pag-check ko sa signal ay wala.
Para akong natataranta na hindi ko malaman.
Nagpatuloy ang program pero tila wala na talaga r’on ang atensyon ko. Nandoon na ako sa takot at pangamba na sumasalakay sa akin.
“Shan Kassidy Alvarez. Bachelor of Science in Psychology major in Clinical Psychology,” anonnounce ng host kaya’t tumayo ako, maging si Dash at Mikmik para tumungo sa stage para kuhanan ako ng litrato.
“Bakit para kang natatae na ewan?” sita sa akin ni Dash nang magkasabay kami sa paglalakad.
“N–Nandiyan si Zeev sa stage. Natatakot akong baka magkita sila ni Keev,” nangangatog na wika ko.
“Kumalma ka nga! Nandoon si Keev kay Sharry!” aniya sa akin hanggang sa sapitin namin ang stage.
Lalo pa akong kinabahan ng si Zeev ang nasa dulo ng pila ng mga kakamayan at siya rin ang may hawak sa diploma na ibibigay sa akin.
“Congratulations, Shan!” ani Ma’am Nocom at niyakap pa ako nang mahigpit saka kami nagpakuha ng litrato.
Nang marating ko na si Zeev ay inabot niya sa akin ang kamay niya kaya’t kinuha ko naman iyon kahit pa gusto ko na lang tumakbo palayo sa kakaibang dagundong ng dibdib ko. Nakakanginig sa kaba. Pakiramdam ko rin ay nanglalambot na ang mga tuhod ko at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
“S–Salamat po—”
“Congratulations. . . love,” aniya saka inabot sa akin ang diploma. Sobra akong nagulat sa narinig ko na hindi ko nga alam kung tama ba ang pagkakarinig ko.
May asawa na siya at anak. Hindi niya maaaring gawin ito. Kung noon ay hinayaan ko dahil hindi ko naman alam na may nobya siya, ngayon ay hindi na maaari pa iyon. Hindi na. Hindi kahit na kailan.
Saktong pababa na sana ako ng stage kahit hindi pa binibitawan ni Zeev ang kamay ko, nang biglang manglaki ang mga mata ko nang mamataan ko kung sino ang naghihintay sa akin mula sa kabilang dulo ng hagdanan. . . si Keev at Sharry na malawak ang pagkakangiti sa akin.
“MAMA! YEHEY! TAPOS NA ISKUL MAMA!” sigaw ni Keev na kumuha halos ng pansin ng mga kaguruan na nasa entablado.
“Oh my gosh. Iyan na ba ang anak mo, Shan?” tanong ni Ma’am Nocom at naramdaman ko ang biglaang paghigpit ng kapit sa kamay ko ng kamay ni Zeev.
“S–Sir. . . ang kamay ko po—” Bigla niya akong hinatak pasandig sa kaniya na sobrang ikinagulat ko.
“Why did you lie to me?” bulong niya.
“S–Sir—”
“Is he my son, Shan? Is he our son?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 24
SHAN
NANGINGINIG akong hindi makasagot sa kaniya kaya’t agaran kong binawi ang kamay ko sa kaniya at mabilis akong bumaba ng hagdanan.
Kinuha ko kay Sharry si Keev at kinarga. Tumakbo ako palabas ng pinadarausan ng graduation habang buhat ko si Keev na mukhang nagtataka sa ginagawa ko.
“Aano tayo, Mama?” tanong niya sa akin ngunit hindi sumagot.
Mabilis akong pumara ng tricycle at sumakay roon.
Hindik ko alam pero ito lang ang magagawa ko. Natatakot ako. Natatakot akong malaman niya ang katotohanan. Natatakot ako. . . sobra.
Paano kapag nalaman niya ang tungkol kay Keev?
Paano kung kuhanin niya ang anak ko?
Paano kapag inilaban niya ito sa korte at matalo ako dahil malalaman niya kung anong klaseng environment ang pinanggalingan ni Keev?
Iniisip ko pa lang pero parang hindi ko na kakayanin. Pakiramdam ko mamamatay ako. Parang nasisira ang buo kong sistema.
Kung hindi ko ikakamatay kapag nawala ang anak ko, sigurado ako, ikababaliw ko.
“SHAAAAAAAN!” dinig kong tawag at nalingunan ko si Zeevna hinahabol ang sinasakyan namin na tricycle.
“Ma’am, humahabol po yata sa inyo ’yong lalake,” anang driver sa akin at lalo akong nanginig.
“M–Manong, deretso lang po. Huwag n’yo pong hihinto. Kukuhanin niya ang anak ko,” pagmamakaawa ko at mas binilisan ng driver ang pagpapatakbo.
Nakarating kami sa bahay nila Mikmik. Wala ang parents niya rito ngayon kaya’t pinag-eempake ko na lang basta ang mga gamit namin maging ang kay Sharry.
Hirap na hirap man ako ay nailabas ko naman silang lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kuntano bang dapat kong gawin. Ang gusto ko lang. . . lubusang makalayo sa kaniya. Ayaw ko nang danasin komg muli ang lahat ng sakit na naranasan ko. Hindi ko na kakayanin.
Tine-text kong kasalukuyan si Sharry na umuwi na silang tatlo rito nila Dash at Mikmik dahil nasa harap na ako ng gate nang bigla na lamang may humatak ng telepono ko.
“Enough of running, Shan.” Muli akong nanginig nang marinig ko ang tinig na iyon. Awtomatiko kong nahatak si Keev at niyapos.
“A–Anong ginagawa mo rito? P–Paano mo nalaman ito?” utal-utal na tanong ko sa kaniya.
“Why are you running? Ayaw mo bang ipaalam sa akin ang totoo? Dapat ba magbulag-bulagan na lang ako?” tanong niya sa akin at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Inabot niya sa akin ang telepono ko at agad ko naman iyong kinuha. “I just want the truth, Shan. Gusto ko lang naman ng totoo. Hindi mo ba iyon kayang ibigay?” aniya at parang sasabog na ang dibdib ko.
Tumingin ako sa anak ko na nahihiwagaan sa mga nangyayari kaya’t lumuhod ako sa harap niya at kinausap siya. “Anak, pasok ka muna sa loob, ha? May kakausapin lang ang Mama. Okay po ba ’yon?” anas ko kay Keev at nakangiting tumango sa akin ang anak ko.
Tumayo ako at ipinasok ko siya sa loob ng gate at nakita ko siyang tumakbo papasok ng bahay nila Mikmik. Naroon naman ang ibang kasambahay.
Muli akong bumaling kay Zeev na ngayon ay punong-puno ng katanungan ang mga mata.
“Is he our son, Shan? A–Anak ba natin siya?” tanong niya at naroon na naman lahat ng pangamba na sumalakay sa akin.
“Anak ko lang, Zeev. Akin lang siya. Wala kang kahit na katiting na karapatan sa kaniya,” matapang na pahayag ko kahit pa ang totoo ay parang tataob na ako sa panglalambot ng mga tuhod ko dahil sa kaba.
“B–Bakit mo siya itinago sa akin?” tanong niya at parang doon na yata sumabog lahat nang dapat sumabog sa buo kong pagkatao.
“Itinago?” anas ko saka sunod-sunod akong umiling sa kaniya. “Hindi ko siya itinago sa ’yo, Zeev. Alam ng Diyos kung anong pinagdaanan ko para lang maipaalam sa ’yo na nagdadalang-tao ako. Alam Niya kung anong naging hirap ko para lang malaman mo. Pero alam mo ba, Zeev, kung anong ginawa mo noong nagkaroon na ako ng tsansa na sabihin sa ’yo ang tungkol sa kaniya? Nagmakaawa ka. . . nagmakaawa ka sa akin na hiwalayan kita.”
Doon na tuluyang bumuhos ang masaganang luha ko. Napakasakit na alalahanin pa ang mga araw na iyon.
“I–Imbes na sana masaya tayo dahil ibabalita kong magkaka-anak na tayo. . . bigla kang nagmakaawa sa akin na hiwalayan kita. . . na palayain kita. . . na para bang isa akong malaking hadlang sa mga plano mo,” anas ko at nakita kong nangingilid na rin sa luha ang mga mata niya.
“I–I didn’t know. I–I’m sorry—”
“Hindi lang ako ang binalewala mo nang araw na iyon. Hindi lang ako ang nakaramdam na parang malaking kasalanan na mahalin ka at paglaanan ng lahat. . . pati si Keev. Ang sakit. . . wala siyang kinalaman sa lahat ng desisyon ko, pero. . . sobra siyang naapektuhan. Kaya paano, Zeev? Paano kita haharapin? Paano mo masasabi na anak mo siya? Paano mo siyang maaari na sa ’yo. . . kung noong mga panahon dapat nagpapaka-ama ka. . . nasa kandungan ka ng iba. Paano?”
Hindi ako masamabg tao. Lahat kaya kong intindihin. Kaya kong tumanggap ng paulit-ulit na sakit. Hindi ako makasarili. Hangga’t abot ng pang-unawa ko, gagawin ko lahat. . . pero hindi ko na kayang tikisin ang sarili ko. Kailangan kong maibato ang mga salitang ito dahil kung hindi ko gagawin. . . mawawala na lang ako bigla sa sarili ko.
Inangat niya ang kamay niya at mukhang balak niyang punasan ang mga luha sa mga mata ko ngunit humakbang ako palayo sa kaniya at umiling.
“I’m sorry, Shan. Hindi ko alam paanong paghingi ng tawad ang dapat kong gawin. Hindi ko alam—”
“TALAGANG HINDI MO ALAM, HAYOP KA!”
Kapwa kami napalingon nang makita namin sina Dash at Mikmik na palapit sa amin.
“Dash, please—”
“Ano bang alam mo, samantalang isa lang malaking ’tang ina! Lahat ng pinagdaanan ng kaibigan ko? LAHAT WALA KANG ALAM! Kaya anong ginagawa mo rito ngayon? ’Tang ina mo, bago pa magdilim ang paningin ko, parang awa mo na, maglaho ka na lang!” ani Dash at tumungo sila ni Mikmik sa tabi ko.
Tiningnan ako sa mga mata ni Zeev. Nagmamakaawa ang mga matang iyon. Ramdam ko. . . ramdam kong kinukurot ang puso niya ngayon.
“I just want to meet my son—”
“Son? Son mo mukha mo. Hindi niya kailangan ng tatay! Sapat na kami sa kaniya!” putol ni Mikmik sa kaniya.
“P–Please. Tumigil na kayo,” awat ko sa kanila. Nanglalambot na ako.
“Gusto ko lang siyang mayakap. Kahit iyon lang. Gusto ko lang talaga siyang makita at mayakap,” pagmamakaawa niya saka pa siya biglang lumuhod sa harap naming tatlo. “Nagmamakaawa ako. Gusto ko lang siyang makita.”
Tulo lang nang tulo ang mga luha ko. Ang sakit ng dibdib ko. Para akong tino-torture nang paulit-ulit.
“L–Lumuhod din ako, Zeev. Nagmanik-luhod ako sa harap ni Rebecca para lang ipakausap ka sa akin dahil nasa bingit ng kamatayan ang anak ko. Lumuhod ako. . . nagmakaawa ako. . . ibinaba ko ang sarili ko dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay. Kailangan ka niya nang araw na ’yon. . . kailangan ng tinitawag mong anak ang dugo mo. . . pero sa huling pagkakataon, binigo mo na naman ako,” lumuluhang pahayag ko sa kaniya. Ang sakit-sakit. Ang bigat-bigat. Unti-unti akong nauubusan ng lakas. Ayaw ko nang balikan ang nakaraan ko, pero ngayon narito siya sa harap ko, parang wala akong pagpipilian.
“At alam mo bang ’tang ina ka? Iyang putang inang Rebecca na fiancé mo ang dahilan nang muntik pagkalaglag ng anak n’yo? Noong araw na dapat sasabihin ni Shan na buntis siya, nakita namin ang putang inang kalandian mo sa fastfood! At ano na nga ulit? Ah oo. Sinabihan niya ng masasakit na salita ang kaibigan ko. Bitch. Malandi. Pokpok. SAMANTALANG WALANG ALAM SI SHAN NA PINAGSASABAY MO SILANG DALAWA! ’TANG INA, ANG SARAP MONG PATAYIN, HAYOP KA!”
“Isa pa, Zeev, ayaw kong maging bias sa ’yo, pero totoong wala ka naman sa buhay ni Shan noong naghihirap siya. Bakit ngayon bigla ka na lang bumabalik? Nasaan ka noong binubugbog siya ng magulang niya dahil lang nabuntis siya habang nag-aaral? Nasaan ka noong pinipilit ipalaglag ng magulang niya ang batang nasa sinapupunan niya dahil lang hindi mo siya pinanagutan? Nasaan ko noong magpasya siyang wakasan ang buhay niya? Nasaan ka noong kinailangan niya ng tulong dahil mayroong nagtangkang gahasain siya? Nasaan ka nang walang ang pamilya niya lara subaybayan at samahan siyang ilabas ang anak n’yo sa mundong ’to? Nasaan ka noong wala siyang makakapitan kung hindi ang sarili niya? Nasaan ka noon, Zeev? Ahh, oo nga pala. Naroon ka kay Rebecca at masayang-masaya kayong dalawa habang ang kaibigan ko, lahat ng hirap pinagdaanan dahil lang sa batang ipinunla mo. Dalawa kayong nagkamali pero siya lang naging ka-awa-awa. Siya na nagpauto sa makasalanang gaya mo na kaya palang pagsabayin ang mga babae, at ikaw na walang konsensya na hanggang sex lang ang alam,” ani Mikmik ss kaniya.
Hindi ko maintindihan ang reaksyon ni Zeev sa mga naririnig niya. Hindi ko siya mabasa.
Damang-dama ang suklam na nararamdaman ni Dash para kay Zeev, ngunit ako ay hindi maiwasan ang pagkapit sa braso ni Mikmik dahil nanglalambot na ako. Sumasabay pa ang hilab ng tiyan ko na hindi ko alam kung dahil ba sa gutom, hilo, tensyon o kung ano.
“Please, Zeev. Tumayo ka riyan at umalis ka na. Pagod na akong makipagtalo. G–Gusto ko na lang magpahinga.”
“S–Shan. . . wala akong alam tungkol sa mga naririnig ko,” aniya at kaming tatlo naman nila Mikmik at Dash ang nagulat sa narinig namin.
“Anong wala kang alam? Tinatarantado mo ba kami, ha?” ani Dash sa kaniya.
Tumayo siya mula sa pagkalaluhod at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi niya.
“Hindi ko niloko si Shan. Wala akong isinabay sa kaniya. Alam kong alam niya naman sarili niya na siya lang. . . siya lang ang gusto at mahal ko n’on,” aniya at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan o ano.
Wala na akong tiwala. . . matagal nang naubos. Matagal nang nawala.
“Parang awa mo na. Huwag ka nang magsinungaling. Ilang beses kitang nahuli sa telepono na may kausap. Ilang beses iyon, Zeev. Ilang beses,” puno ng hinanakit na pahayag ko. “Bumalik ka na lang sa asawa’t anak mo. Patahimikin mo na kami ng anak ko. Hindi niya kailangan ng ama, Zeev. Masaya na kaming dalawa lang.”
Umiling-iling siya sa akin at kinuha ang mga kamay ko. “Wala akong asawa at anak, Shan. Mula noon ikaw pa rin. Kahit gaano katagal ang inilagi ko sa Canada, ikaw pa rin ang mahal ko. Kahit anong kalimot ang gawin ko, ikaw lang talaga. Rebecca? She’s a business partner and nothing else. Hindi ko siya kahit na kailan mamahalin. Hindi, Shan.”
Gulong-gulo ako at alam kong ganoon din sina Dash at Mikmik.
“H–Hindi kita makuha. Umalis ka na—”
“Maybe you heard me calling Zeeria babe. Didn’t you? Zeeria Alexandra Archanghel is my younger sibling, Shan. She’s stubborn, childish and self-centered. She was diagnosed with leukemia and I had no other choice but to bring her to California. Kaya nagmakaawa ako sa ’yong hiwalayan mo na ako noon dahil kung ako lang. . . hindi kita magagawang iwan at hiwalayan. . . hindi ko kayang malayo sa ’yo. Gusto kong saktan mo ’ko para magkaroon ako ng rason na umali. Zeer needs me. She wants my attention only for her. . . and she died three years ago. Hindi niya na kinaya,” aniya at bigla akong nagulantang sa narinig ko.
Hindi ko. . . kayang maniwala.
“U–Umalis ka na—”
“My pain may be nothing compared to yours. . . but I had my own pain too, Shan. I have to love you, miss you, and need you every fucking day of my life but I couldn’t do anything. . . not when my own blood wishes for me to stay by her side. Gusto kitang mahalin sa malapit. Gusto kitang makita araw-araw. Gusto kong sabihin na mahal na mahal kita, pero hindi ko magawa. . . kasi kailangan niya ’ko. . . kasi ako lang ang mayroon si Zeer.”
“N–Nagsisinungaling ka lang! G–Gusto mo na naman akong paikutin! G–Gusto mo lang makuha si Keev sa akin! S–Sinungaling ka, Zeev! Sinungaling ka!” bulalas ko saka ko marahas na binawi sa kaniya ang mga kamay ko.
“Shan. . . I’m begging you. Hear me out—”
“U–Umalis ka na. Nagmakakaawa ako sa ’yo. M–Masaya kami ni Keev nang kami lang. . . h–hindi ka namin kailangan. U–Umalis ka na!”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E EZ E
**
Six more chapters to go then epilogue na po. Thank you! 🖤
Btw, sa mga hindi nakakaalam. Ang theme song po ng story na ’to:
FAR AWAY by Nickelback.
Kabanata 25
SHAN
AKALA ko ay susundin niya ang gusto ko na umalis siya ngunit nagkamali ako. Bigla na lamang niya akong hinatak at niyakap nang napakahigpit.
“Shan—”
“P–Please. . . Umalis ka na, Zeev. U–Umalis ka na lang!” anas ko habang nagpipilit na kumawala mula sa kaniya.
“I’m begging you. Hear me out. Please. Kahit ngayon lang pakinggan mo naman ako,” aniya at nararamdaman ko na ang paggaralgal ng tinig niya maging ang pagyugyog ng balikat niya.
Sunod-sunod akong umiling saka ko siya marahas na itinulak at humakbang patalikod.
“Hindi na, Zeev. H–Hindi ko na hahayaan na bilugin mo na naman ang ulo ko. T–Tama nang nasira ang buhay ko. . . pero magpapasalamat ako sa ’yo. S–Salamat dahil ibinigay mo si Keev sa akin,” wika ko at hindi ko na siyang hinintay na sumagot pa. Mabilis na akong pumasok sa loob ng gate at tumungo sa loob ng bahay.
Dumeretso ako sa sala kung saan nakita kong tahimik na nakaupo ang anak ko.
Napakagat-labi ako habang nakamasid sa kaniya. Naaawa ako sa anak ko kahit na ayaw kong maramdaman ’to. Sa murang edad niya naranasan niyang pagmalupitan, at sa mura niyang edad, ganito ang klase ng buhay at pamilya ang kaya ko lang ibigay sa kaniya.
Akala ko sa mga teleserye lang nakakaawa ang mga bata kapag naghihiwalay ang mga magulang. . . hindi pala. Sa totoong buhay pala, ang mga bata ang pinaka nasasaktan at pinaka-apektado. Sila ang walang magagawa kung hindi tanggapin at mag-adjust sa sitwasyon na pagdedesisyonan ng mga magulang nila. Sa huli. . . sila ang magiging tila goma na paghihilahan kapag hindi magkasundo ang mga magulang.
Lumapit ako sa kaniya saka ko siya kinarga at niyakap. “Mama?”
“Mahal na mahal kita,” wika ko saka ko siya hinalikan sa ulo. “Mahal na mahal ka ni Mama, Keev. Hinding-hindi gagawa si mama ng mga bagay na ikakasakit mo. Lagi mo ’yon tatandaan, ha?”
Alam kong hindi pa niya ako lubos na naiintindihan. Alam kong wala pa siyang alam sa mga nangyayari. . . at isa iyon sa mga dahilan kung bakit naaawa ako lalo sa kaniya. Bakit kailangan siyang magdusa sa mga desisyon ko? Bakit hindi ko alam kung paano ko poprotektahan ang munti niyang damdamin?
Pinakawalan ko siya at tiningnan sa mga mata. Kukurap-kurap siyang ngumuso sa akin at hinawakan niya ng maliit niyang kaliwang kamay ang kanang pisngi ko.
“Bakit naiyak ka, Mama? Gagalit ka ba sa ’kin?” aniya at umiling ako sala ngumiti sa kaniya.
“Hindi, anak. Bakit naman magagalit ang mama? Mahal na mahal ni Mama si Keev. Hindi magagalit si Mama kay Keev,” nakangiti kong turan sa kaniya.
“Mama, ’yong tatay kanina po parang ako po,” wika niya sa akin habang nilalaro ng maliliit niyang daliri ang ilong ko. Sa totoo lang ay nabigla ako sa narinig ko. Hindi ko inakalang ma-o-obserbahan pa niya iyon.
Inupo ko siya sa sofa at hinaplos ang buhok niya nang marahan. “Anak, gusto mo bang makilala si Papa?” tanong ko sa kaniya at sa gulat ko ay sunod-sunod siyang umiling sa akin.
“Sabi po Mama Divine bad po Papa ko. Hindi po lab ni Papa si Keev,” aniya at muli ay tila na naman ako nadurog sa narinig ko.
Hindi ko makuha bakit kailangan nilang magtanim ng galit sa puso ng anak ko.
“Shan?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Mikmik at Dash na may lungkot sa mga mata.
“A–Ayos lang ako—”
“Hindi ka ba nagsisisi na hindi mo siya pinakinggan?” tanong ni Dash sa akin saka siya naupo sa tabi ko at niyakap ako sa bewang saka isinandal ang baba niya sa balikat ko. “Did I just go overboard? Sobra ba amg naging pakikialam ko?” tanong niyang muli.
Inabot ko ang buhok niya at ginulo-gulo iyon.
“Bakit mo naman iisipin ’yon? Alam ko naman na sinabi mo lang ang gusto mong sabihin dahil mahal mo ’ko at sa nakalipas na taon sa buhay ko, hindi kayo nawalang dalawa ni Mikmik. Sa lahat lagi kayong nariyan para suportahan at alalayan ako,” anas ko.
Nakita kong naglakad si Mikmik palapit sa amin at naupo siya sa harap ko—sa tabi ni Keev.
“Pasensya ka na kung nasabi namin iyon kay Zeev. Hindi ko na rin kasi nakontrol. Kalerki! Parang bumalik lahat ng painlalu ng lifesung mo sa akin. Sorry talaga. Kapag naiisip ko kasi lahat ng pinagdaanan mo, feeling ko lang, walang kahit na sinong lalaking deserve ang pagmamahal mo. Like, I mean, it will take the most courageous man, ganern? Feeling ko kapag nag-settle ka sa lalaking kung sino lang, tatampalin kita to death? Ewan ko. Basta iyon na ’yon!” aniya at hindi namin naiwasan ni Dash ang matawa sa kaniya. Hirap na hirap talaga siyang magseryoso at naiintindihan ko naman iyon dahil hindi iyon ang personalidad niya.
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Dash sa akin.
Napatitig ako kay Keev na nakikinig lang kahit na hindi naman niya naiintindihan ang nangyayari at pinag-uusapan namin.
“Hindi ko alam. Wala akong ideya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong unahin. Hindi ko nga alam saan ako magsisimula. Pakiramdam ko nabablangko ako. Pakiramdam ko dead end na,” wika ko at biglang ngumisi sa akin si Mikmik na ipinagtaka ko.
“Unahin mong magtanggal ng toga, cyst. Tapos kakain tayo sa labas. Hulas-hulasan na rin iyang make up mo! Ayusin mo bago kita matampal. Let’s go!” aniya at napapailing na lang ako sa kaniya.
Kung wala sila ni Dash? Wala na. Tuluyan na siguro akong nawalan ng lakas.
“Teka, Mik! Nasaan si Sharry?”
“Don’t worry. Pinauna ko na sa resto. Ayaw ko naman na marinig niya kayong nagtatalo ni Zeev. Predicted ko na ’yon, e.”
LIMANG araw na ang nakakalipas at kasalukuyan akong naghahanap ng malilipatan naming bahay nina Keev at Sharry sa internet. Ang alam ko ay marami naman talagang puwedeng malipatan, ang kaso ay mapili talaga ako lalo pa kung para sa environment ni Keev.
Marami akong naitatabing ipon. Kahit paano naman ay sasapat na iyon sa upa at panggastos namin bago ako makahanap ng trabaho.
“Miss Shan, may naghahanap po sa inyo sa gate,” wika ng isang kasambahay nina Mikmik sa akin.
“Sino raw po?” tanong ko.
“Hindi po nagpakilala, Miss Shan. Isang babae po at isang lalaki,” anito at agad ang kabog ng dibdib ko. Hindi naman siguro ang Nanay at Tatay iyon hindi ba?
Binitawan ko ang laptop ni Mikmik. Wala sila ngayon. Kasama niya sina Sharry at Keev. Ipinasyal niya muna dahil na-i-stress daw siya sa gawaan ng grade ng mga estudyante niya.
Lumabas ako ng bahay at nakayuko along tumungo sa gate. Iba ang kabog ng dibdib ko. . . may halong takot.
Nag-angat ako ng tingin nang nasa gate na ako at halos gumbalin ang buong sistema ko nang makita ko kung sino ang narito sa harapan ko.
“A–Anong ginagawa n’yo rito?” utal na tanong ko.
“I’m here to explain my side of the story, Shan. I need you to know that I am innocent. Hindi ko kayang tanggapin na mali ang mga nalaman mo. Hindi ko ’yon kahit na kailan tatanggapin,” ani Zeev sa akin at kita ko ang sakit sa mga mata niya.
“Why do you even have to drag me here if she’s not yet ready to listen—”
“You shut your damn mouth, Rebecca! She misunderstood everything because of your lies!” galit na putol sa kaniya ni Zeev.
Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang papasukin sila sa bahay. Dumeretso kami sa sala at pinaupo ko sila.
Alam ko naman na wala akong karapatang tumanggap ng bisita dahil hindi ko naman bahay ito, pero wala naman akong pagpipilian.
Siguro nga. . . siguro mga mas maigi pa rin na marinig ko ang lahat kaysa habang buhay kong dalhin na naguguluhan ako at hindi malinaw sa akin ang sitwasyon.
Nakita kong naglapag ng juice sa harap namin ang kasambahay kahit hindi ko naman inutos ito.
“Bilin po ni Sir Mikmik na kapag mayroon po kayong naging bisita, pagsilbihan po namin,” nakangiti nitong turan sa akin. Marahil ay nabasa nito ang gulat sa mga mata ko.
Oo nga pala. . . napakadali ko nga lang pala kasi talagang basahin.
“Salamat po,” anas ko at umalis naman na ito.
“Hindi naman kami nagpunta rito para maki-inom ng juice—”
“Hindi ko rin naman kayo pinaupo rito, Rebecca, para painumin ng juice,” putol ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa o kung paano ko iyon nasabi.
“Shan, I am here to explain. Wala talagang namamagitan sa amin ni Rebecca. Mula noon hanggang ngayon. . . wala talaga. Walang-wala,” ani Zeev at kulang na lang ay magmakaawa siya sa paraan ng higpit nang pagkakasalikop ng mga kamay niya.
Humalukipkip si Rebecca saka niya ako tinaasan ng kilay. “Bakit mo ba kailangan magpaliwanag kung hindi ka naman papakinggan? Gosh, Zeev! Are you this freaking low?” aniya habang deretsong nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ngiti ba ang ginawa ko. Basta alam ko ay nginitian ko siya. “May anak kami, Rebecca. Alam mo ’yon, hindi ba?”
Nakita ko ang pamumutla nito sa kakarampot na sinabi ko. “S–So?”
“Natatandaan mo ba kung paano mo kami bunuhusan ng soup ni Dash dahil lang gusto kong ipaalam kay Zeev na buntis ako?” wila ko at nakita kong mas lalo itong kinabahan. Marahil ay ayaw niyang marinig ni Zeev ang mga sinasabi ko.
“Are you fucking lunatic, Rebecca?” anas ni Zeev sa kaniya at kita ko ang pagpipigil niyang huwag saktan si Rebecca.
“S–She’s lying!” anito at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para lang mapigilan ang galit na gustong kumawala sa akin.
Bumaling ako kay Zeev at nagtagpo naman ang mga mata niya. Lumunok ako nang dalawang sunod bago ako nagsalita.
“Kamakailan lang, na-dengue si Keev. Bumagsak ang platelet count niya. Kinailangan niya ng blood transfusion, pero ang masakit, nakuha ng anak mo ang type ng dugo mo. Pareho kayong O negative. Pinahanap kita kay Mikmik dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Mamamatay siya kung hindi ako gagawa ng paraan. Wala akong mahanap na dugo. Wala sa kahit na anong blood bank,” anas ko at unti-unti na namang sumisikip ang dibdib ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko.
“Go on. . . please, go on,” ani Zeev sa akin.
“Nahanap ka namin. Nalaman namin kung saan ka nakatira, pero sabi ng kasambahay mo, naroon ka raw sa resort mo kaya pumunta kami. Nakita kita roon. . . pero noong dapat na lalapitan na kita para ipaghingi ng dugo ang anak mong naghihingalo sa ospital. . . hinarang ako ng babaeng ito. H–Hindi siya naawa na mamamatay ang anak ko. N–Nagmakaawa ako. L–Lumuhod ako sa harap niya. N–Nanghingi ako ng habag dahil iyon lang ang magagawa ko. M–Mamamatay si Keev kung hindi ako kikilos. W–Wala akong balak na agawin ka n’on. Ang gusto ko lang matulungan mo ang anak mo. . . pero, Zeev, nabigo mo na naman ako. Kinailangan ka ng anak mo, pero ang babaeng iyan na naman ang nakaharap ko,” mahabang turan ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
“I’m sorry. I’m so damn sorry, Shan—”
“Ang masakit lang para sa akin ngayon. . . kahit ano pang matuklasan ko tungkol sa ’yo. . . kahit ano pang malaman ko. . . hindi ko alam kung mapapatawad kita. Masisisi mo ba ’ko? Muntik nang mawala sa akin ang anak ko. . . at ikaw na inaasahan kong tutulong sa akin, binigo na naman ako,” wika ko sa kaniya at nakita kong nagsimula na rin tumulo ang mga luha niya.
“I’m a shit, Shan. Tanggap ko naman. Kung hindi ko hinayaan na pumasok si Rebecca sa buhay ko, hindi naman mangyayari ’to, kaya alam kong kasalanan ko—”
“Kung mag-usap kayo, parang wala ako? Kasalanan ko bang tatanga-tanga ang pag-aalaga nila sa batang iyon at magkakaroon ng dengue—OH MY GOD!”
Hindi ko napigilan ang sarili ko na isaboy sa kaniya ang baso ng juice na nasa harap ko.
Muli ay nginitian ko siya bago ako nagsalita.
“Huwag sanang mapunta sa bingit ng kamatayan ang anak mo, dahil oras na mangyari sa ’yo ang naranasan ko—na huwag naman sanang pahintulutan ng Diyos, Rebecca. . . ikakamatay mo. Kapag anak mo na ang nasa bingit ng kamatayan. . . kahit kay satanas, isasangla mo ang kaluluwa mo.”
Nakita ko ang pagngingitngit niya na tila hindi intindi ang sinabi ko.
“Makakaalis ka na, Rebecca . .
. . . maiwan ka, Zeev. Ipapakilala kita sa anak mo. Iyon lang ang kaya kong i-offer sa ’yo para sa mga nalaman ko.“
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
**
May kasunod pa ’to. I’m planning to finish this novel until tomorrow or the next next day. Btw, the ENTIRE EPILOGUE will be Zeev’s POV. Just so you know. Hehehe.
Kabanata 26
SHAN
NAKAALIS na si Rebecca ngunit hindi pa rin umiimik si Zeev. Sa tagal naming hindi nagkita, ngayon lang kami tunay na napagsolo.
“Hindi mo naman kailangan na dalhin pa siya rito,” basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
“I have to and I need to. I need you to believe me and she’s the only living proof that I don’t have even the slightest idea of what she did to you. I you were to ask me, I wanted her to get the punishment she deserves. I want her to taste hell for making you suffer,” aniya sa akin at sunod-sunod akong umiling.
“Hindi naman kailangan,” anas ko at umayos ng pagkakaupo.
“Do you still hate me, Shan?” tanong niya sa akin at parang sandali akong hindi makahanap ng isasagot sa kaniya.
Kinamumuhian ko nga ba talaga siya? Totoo bang kinasusuklaman ko siya gaya ng nakatanim sa utak ko?
Sa tuwing maiisip ko lahat ng napagdaanan ko. . . pakiramdam ko namumuo ang galit—galit nga ba talaga? O. . . panghihinayang at disapppointment? Hindi ko alam. Hindi ko matukoy.
“Bakit ka nag-sponsor sa pag-aaral ko, Zeev? Bakit mo ginawa iyon?” balik na tanong ko sa kaniya.
“I need to. That’s the only compensation I could ever think of. Pakiramdam ko kasi. . . nang pinakailaman kita, iyon din ang araw na dapat ay responsibilidad na kita, pero hindi ko nagawa. Zeer needed me, and all I could do for you was to support your study and your financial needs. Iyon lang ang makakaya ko noon. . . kahit na gustohin kitang mahalin at suportahan sa malapit, hindi ko magagawa,” sagot niya sa akin.
Hindi ko naman ipagkakaila na totoong may kakaibang sikdo ang naramdaman ko sa dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan. Hindi ko magawang iwasan kahit na gustuhin ko.
“B–Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo tungkol sa kapatid mo? I–Iniisip mo bang hindi ko maiintindihan? Akala mo ba hindi kita hahayaan sa gusto mo—”
“I didn’t want you to suffer, Shan. Tama nang ako na lang, huwag lang ikaw. I will endure those three hell years away from you, and you just have to hate me. . . iyon lang ang nasa isip ko. Wala akong alam na mas mapapasama ka pa pala sa ginawa ko. I didn’t know you are pregnant, because if I did? I would not have left. I will choose you and our baby. Call me selfish, but I will choose you both, then I will think of some alternative ways to take care of Zeer. Kaso. . . hindi ko nalaman. That was where things fallen out of place,” aniya sa akin at napayuko siya. “If only I explained, and if only you had the courage to tell me you’re pregnant with my child, our situation might have been different.”
Kahit naman anong pagsisisi namin ngayon. . . wala na. Anim na taon na ang nawala sa amin. Kahit naman anong gawin naming pareho, hindi na maibabalik ang nakalipas naming dalawa.
“Magsisi man tayong dalawa. . . huli na, Zeev. Hindi na natin maitatama ’to. Hindi na natin maiaayos. Ang magagawa ko na lang sa ngayon ay ipakilala ka sa anak mo. Sana hindi ka na lang maghangad pa ng iba. . . dahil hindi ko iyon maibibigay. Sa tuwing sasariwain ko lahat ng naranasan ko. . . paulit-ulit bumabalik sa akin. . . na wala ka noong mga panahon na hirap na hirap akong ipaglaban siya sa masalimuot na mundo.”
Tumayo ako at tutungo sana sa silid para kuhanin ang telepono ko at nang matawagan si Mikmik, nang biglang magsalita si Zeev na ikinahinto ko.
“I must’ve had hurted you so much in a way that you can no longer go back to the person you once were. I must’ve had caused you too much trauma. I’m. . . I’m really sorry, Shan. I’m sorry for destroying your vulnerability and naiveness. I’m sorry for stealing your happiness. I’m sorry for wrecking your innonence. When all you did was love me. . . I chose to hurt and betray you. When all you wanted was a companion you could lean on, I wasn’t present. I’m sorry. Hindi ko na alam kung paano pang paghingi ng tawad ang sasabihin ko sa ’yo. . . hindi ko na alam. Sana mapatawad mo ’ko. . . iyon lang ang magiging kahilingan ko mula ngayon.”
Nagbuntonghininga ako bago ako humarap sa kaniya at ngumiti. . . isang ngiti na alam kong kababakasan ng lungkot.
“Hindi mo kailangang humingi ng tawag sa akin nang paulit-ulit, Zeev. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo at maging ang loob mo sa paghingi sa akin ng tawad. Mas dapat kang humingi ng tawad kay Keev. Siya ang taong mas pinagkakautangan mo ng malaki kumpara sa akin. Sa kaniya ka bumawi at paulit-ulit na humingi ng kapatawaran. Kung ako lang. . . wala na akong maiaalok sa ’yo. Naibuhos ko na noon, at naubos na ’ko,” wika ko saka ko na siya tuluyang tinalikuran.
NARINIG ko ang tunog ng sasakyan ni Mikmik kaya’t lumabas ako ng silid. Nakita kong naroon pa rin si Zeev sa sala at nakaupo lang habang nakatingin sa kawalan.
“Narito na sila,” pukaw ko sa atensyon niya.
Kitang-kita ko kung paano siya tilang nataranta. Nawala bigla ang Zeevna kilala kong mayabang, malakas ang loob, matapang na kayang harapin ang lahat, at ang awra na akala mo ay kayang banggain ang kahit na sino.
“I’m sorry to ask this to you. . . but do I look okay, Shan? Hindi ba ako mukhang nakakahiya na haharap sa kaniya?” sunod-sunod na tanong niya. Alam kong kinakabahan siya. Mababasa mo iyon sa ekspresyon niya.
“Okay lang. Kumalma ka na muna. Bata pa si Keev. Hindi ka niya huhusgahan,” nakangiti kong wika sa kaniya saka na ako lumabas ng bahay.
Nakita kong bumaba si Sharry ng sasakyan karga si Keev. Nakit niya rin ako kaya’t ibimaba niya ang anak ko at hinayaan niyang tumakbo ito patungo sa akin.
“MAMA! DAMI KO PO LARUAN!” sigaw niya hanggang sa tuluyan na siyang yumakap sa tuhod ko.
Yumuko ako sala ko siya kinuha at binuhat. “Binili ka yata ni Ninong Mikmik—”
“Yuck! Ninang kasi, cyst! Ang sama-sama ng ugali mo!” putol sa akin ni Mikmik na kakababa rin ng sasakyan.
“Oo na,” tumatawang sagot ko sa kaniya.
Buhat ko si Keev nang pumasok kami ng bahay. Tumungo kami sa sala kung saan naghihintay si Zeev.
“Zeev,” pagkuha ko na naman sa atensyon niya dahil muli na naman siyang nakatingin sa kawalan.
“Y–Yeah?”
Bumaling ako kay Keev na karga ko at saka ko siya kinausap. “May ipapakilala si Mama sa ’yo, anak, ha? Hug mo siya tapos kiss mo nang maraming-marami. Okay po ba ’yon?” nakangiti kong wika sa kaniya.
“Bakit kiss siya ni Keev?” tanong niya sa akin.
“Kasi, anak, miss na miss na niya si Keev tapos mahal na mahal niya rin si Keev parang ganito sa lab ni Mama,” sagot ko sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit.
“Okay po, Mama.”
Pinakawalan ko si Keev at ibinaba ko siya bago ako muling bumaling kay Zeev.
“He’s Keev Aldreen Alvarez, Zeev. Your son,” anas ko saka ko marahang tinulak si Keev palakad sa ama niya. “Siya si Papa, anak. Love na love ka niya. Hindi naman magla-lie si mama sa ’yo, ’di ba?” wika ko habang nakatalikod sa alin ang anak ko. Ramdam kong nag-aalinlangan siyang lumapit kay Zeev.
“K–Keev,” ani Zeev at hindi na niya hinintay na si Keev pa ang lumapit sa kaniya. Kusa na niya itong nilapitan sala binuhat at niyakap. “M–My son. . .” aniya at nakita ko ang pagpatak na mga luha niya. “. . . I’m sorry. I’m sorry. . . I was late. . . I was too late.”
Ang inaakala ko ay magpapapasag si Keev dahil isang estranghero para sa kaniya si Zeev, isa pa, siguradong nakatanim pa rin sa utak niya ang mga sinabi ni tita Divine. . . ngunit niyapos din niya ang ama niya at doon na rin tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko inakala kahit na kailan na dadating pa kami sa puntong ito. Hindi ko kahit na kailan na inasahan na dadating ang araw na makikila pa ni Keev si Zeev.
“Lab na lab ni Keev si Papa po,” anang bigla ng anak ko at doon ko na narinig ang hagulgol ni Zeev. Para siyang batang pumapalahaw habang hawak-hawak niya sa mga bisig niya ang anak niya.
Tumalikod ako sa kanila nang muli na naman humilab ang tiyan ko. Nakakaramdam na naman siguro ako ng tensyon kaya ganito. Isa pa, sumasalakay sa akin ang kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naranasan. Hindi ko alam na ganito ang mararamdaman ko sa pagtatagpo nila. . . wala akong takot na nararamdaman, wala akong iniisip na kukuhanin niya sa akin ang anak ko, at wala akong naiisip na gagawa siya ng hakbang para makuha sa akin si Keev.
“Buo na ang pamilya mo, cyst,” ani Mikmik sa akin na nasa tabi ko na.
“Babalik ka ba sa kaniya?” tanong naman ni Sharry sa akin.
Umiling-iling ako sa kanila saka ako ngumiti ng mapait.
“May mga sugat na kahit anong daan ng panahon. . . hindi magawang maghilom.”
ISINAMA ko na muna ngayon si Keev sa Jollibee dahil day off ko at gusto niyang kumain dito. Isasama siya ni Zeev mamaya, at sinabi konh dito na lang niya daanan ang anak niya.
Oo, pumayag ako sa ganoong set-up. Pumayag ako na paminsan-minsan ay hihiramin niya si Zeev para makasama naman niya. Ayos na ako r’on, basta’t hindi niya kukuhanin sa akin ang anak ko.
Biglang tumawag ang teacher ni Keev sa akin kaya’t natuon ang atensyon ko sa telepono ko. Sakto naman na kumakain si Keev ng burger.
“Hello po?”
“Ms. Alvarez, puwede n’yo na pong makuha ang report card ni Keev sa akin by tomorrow,” anito sa akin.
“Salamat po, Ma’am Queen. Thank you po—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil nakita ko na lang bigla si Keev na nasa kabilang lamesa ng mukhang mag-asawa!
“Hala, Keev!” Napatakbo ako kay Keev at hinawakan sa magkabilang balikat ang anak ko. “Anak naman, bakit naman nangunguha ka riyan. Nalingat lang naman ako nang bahagya.”
“Sowi, Mama,” aniya sa akin at kumurap-kurap pa.
Bumaling ako sa mag-asawa at agad na nagsalita. “Pasensya na po kayo sa anak ko. Hindi ko po napansin na umalis siya sa table namin dahil kausap ko po ang teacher niya sa phone.”
“It’s okay, he can have more,” nakangiting wika ng babae at inabot pa ang fries kay Keev. “He’s such a cute kid! Ilang taon na siya?”
“Five years old na po siya, Ma’am, kaya po medyo nasa edad nang kakulitan,” nahihiyang sagot ko rito.
“Hindi man ako kulit po, Mama!” depensa ng anak ko at lalo akong nahiya.
“Aw, he’s so cute!” kilig na sambit ng babae tapos bumalingay bumaling sa lalaki. “’Di ba, hon?”
Napangiti rin ang lalaki at hinaplos ang buhok ng babae. “Yes, he is.”
Bumaling muli sa akin ang babae saka nagsalita. “Ang cute-cute ng baby mo! May I ask his name?”
“Keev po ang pangalan niya, Ma’am. Medyo bibo lang po talaga at makulit—Oh my gosh! Sabi ko na nga po at pamilyar kayo sa akin. Cashier po ako sa Jollibee sa harap ng Hilton Mcrei. Nag-order na po kayo noon sa akin. Ang galing naman ng coincidence na ’to,” wika ko at ngumiti ako sa babae, at kung tama ang alala ko, siya si Samantha.
Nakita kong natigilan si Samantha sa narinig mula sa akin at parang nangilabot. “Ha? Sa branch sa harap ng Hilton Mcrei?”
“Nagpunta ka sa university?” takang tanong ng lalaki sa kaniya.
Napalunok si Samantha at tumango-tango. “Oo, weeks ago bago ako pumunta sa isla.”
Napatango rin ang lalaki at umupo nang maayos. “I see. . .”
“Ang sarap po siguro na may kapatid na sweet sa inyo, ano po? Ang kuya ko po kasi hindi n’on gusto na kumakain kasama ko. Nahihiya. Ang swerte n’yo po sa kapatid n’yo,” pagpapatuloy ko dahil ang naaalala ko ay hindi ito ang asawang lalaki na kasama noon ni Samantha. . . pero tila may hawig.
Nangunot ang noo ni Sam sa sinabi ko kaya’t bigla akong kinabahan. “H–ha? Wala akong kapatid.”
Tumikhim ang lalaki at may kalituhan na rin sa mukha. “Only child lang ang asawa ko, Ma’am. Sinong kapatid ang tinutukoy mo?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. “A–Akala ko po magkapatid kayo. . . dahil akala ko po ay asawa ni Ma’am ang kasama niya nang minsang mag-order siya sa akin,” kabadong sagot ko dahil pakiramdam ko ay may naipapahamak na akong tao sa mga oras na ’to.
Nang-iwas ng tingin sa akin si Samantha at tila hindi na siya kumportable na narito ako.
“I’m her husband. You must have seen an acquaintance previously,” malamig na sagot ng lalaki sa akin matapos nitong hawakan ang kamay ni Samantha.
“S–Siguro nga po. P–Pasensya na po. N–Nag-assume ako ng mali,” utal na paghingi ng dispensa ko at yumuko pa. “B–Balik na po kami sa table namin ng anak ko,” paalam ko saka na pumihit patungo sa mesa namin ni Keev.
Patapos na kaming kumain nang makita kong paalis na ang mag-asawa. Huminto pa sila sa mesa namin.
“Here’s a little something. I really find your baby cute,” nakangiting saad ni Samantha.
“I apologize if you felt uncomfortable in anyway, Ma’am. Naglilihi lang ang asawa ko kaya’t halo-halo ang emosyon,” wika ng lalaki habang nakahawak sa baywang ni Samantha.
“Wala pong problema, Sir. Pasensya na rin po kayo at maraming salamat po sa fries. Ingat po and praying for a safe delivery for Ma’am,” paalam ko sa mga ito.
Natapos kaming kumain at nakaalis na rin iyong mag-asawa nang tumawag si Zeev sa akin. Oo, ibinigay ko ang number ko para madali ko siyang ma-update tungkol kay Keev.
“Love, narito na ’ko,” aniya sa kabilang linya pagkasagot ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa gulat. “I–I mean Shan. I’m sorry. I got confused,” bigla niyang bawi.
Hindi na ako sumagot pa. Ibinaba ko ang tawag at buhat ko si Keev nang lumabas kami ng Jollibee.
Nakita ko naman agad siya dahil nakasandal siya sa pintuan ng sasakyan niya.
“Ito ang gamit niya,” anas ko matapos kong ipasa si Keev sa kaniya. “Aalis na ’ko. May kailangan akong puntahan—”
“Can’t we just be a whole family? Kahit. . . Kahit ngayong araw lang na ’to. Hindi ba puwede, Shan?”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
**
Last 4 chaps. 😊
Kabanata 27
SHAN
PARANG hindi ko mapaniwalaan ang narinig ko mula sa kaniya. Alam kong kitang-kita ngayon ang kalituhan sa mukha ko.
“A–Anong sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. “Hindi ba’t nag-usap na tayo?”
“Nagbabaka sakali lang ako. If you’re not comfortable with it, I’m sorry,” aniya at nakita ko pa ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya na agad din namang nawala.
“Iwan ikaw, Mama?” tanong sa akin ni Keev nang akmang tatalikuran ko na sila.
“May gagawin kasi ang Mama, anak. Enjoy kayo ni Papa, ha? Huwag kang makulit. Behave ka lang kay Papa. Okay po ba ’yon—”
“Sama ikaw, Mama. Hindi makulit Keev kapag kasama po ikaw, Mama,” putol sa akinng anak ko at ngumiti pa. Nakita tuloy ang maliliit niyang mga ngipin.
Napalingon ako kay Zeev na mukhang namamangha sa ginagawa ng anak niya. “Hindi ba talaga puwede? Kahit ngayong araw lang na ’to?” tanong niyang muli sa akin.
Napakagat-labi ako saka ako tumango sa kaniya. Siguro nga kahit ngayon lang. . . ibibigay ko ang kaligayahan ng anak ko. Anak ko nga lang ba talaga? O pati kaligayahan niya?
Ipinasok niya sa backseat si Keev at nilagyan ng seatbelt. Balak ko sanang doon maupo sa tabi ni Keev nang biglang magsalita si Zeev.
“Hindi naman makakasakit sa ’yo kung dito ka sa harap mauupo, ’di ba?” seryosong wika niya sa akin saka siya umikot at pinagbuksan ako ng pinto.
Napabuntonghiningang sumunod na lang ako sa kaniya. Kahit ngayon lang. . . ngayong araw lang. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.
Sakto lang ang bilis ng pagmamaneho niya. Marahil ay iniintindi niya rin na kasama namin ang anak niya na ngayon ay nanonood lamang ng cocomelon sa telepono ko.
“Where do you want to eat, Love—I mean, Shan?” basag niya sa katahimikan habang ang tuon ng pansin niya ay nasa kalsada.
“K–Kakakain lang namin ni Keev. Hindi pa kami nagugutom. Ikaw ba? G–Gutom ka na ba?” Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko sa kaniya. Narito kasi ang agam-agam sa dibdib ko na dapat ay piliin ko ang mga salitang sasabihin ko sa kaniya dahil ayaw kong magkaroon siya ng dahilan para sabihin na mayroon pang pag-asa sa pagitan naming dalawa. . . dahil kahit hindi niya sabihin, kitang-kita ko sa mga kilos niya na nais niyang ibalik kung ano kami dati.
“Ayos lang. Busog pa naman ako. Dalhin na lang muna natin siya sa toy kingdom,” sagot niya sa akin at bigla akong sandali na nilingon saka nginitian at kinindatan. Agad tuloy akong napalingon sa bintana dahil sa ginawa niya.
Pagsasabihan ko na lang siya mamaya pagkatapos ng araw na ’to na huwag na niyang gagawin ulit iyon at lilinawin ko sa kaniya na hanggang ganitong set-up lang ang kaya kong maibigay sa kaniya.
Ayaw kong pakaisipin pa ang ginagawa ni Zeev dahil ayaw kong muli na naman akong malunod sa galak. . . dahil sa tuwing nagiging masaya ako, isang malaking unos ang kapalit na para bang wala akong karapatan na lumigaya. Sa tuwing pipilii ko ang sumaya sa paraan na gusto ko, nauuwi ako sa hindi magandang sitwasyon. . . at ayaw ko nang muli pang mangyari iyon.
Tama na siguro ang makailang beses akong nahirapan at nasaktan. Isa pa. . . sa anim na taon, sigurado akong maraming nagbago na hindi pa lang namin kapwa napapansin.
NAKAMASID lang ako habang nagtitingin silang mag-ama ng mga action figure ng One Piece at Naruto. Hindi ko alam ang mga iyon, nakita ko lang sa sign na nakalagay.
“Papa, mayroon akong toys po tapos soldier,” bida ni Keev sa ama niya. Ang tinutukoy niya siguro ay iyong mga sunda-sundaluhang maliliit na laruan na binibili ko sa kaniya. Tig-piso lang naman ang mga iyon kaya marami akong nabibili sa kaniya, at kahit ganoon ay nakikita ko naman na nasisiyahan siya.
“Talaga? Sinong bumili, anak?”
“Mama po, Papa. Kapag po pupunta si Mama sa house ni Mama Divine,” sagot naman sa kaniya ng anak niya.
Hindi ko pa pala nasasabi ang tungkol doon kay Zeev. Hindi ko rin naman alam anong hakbang ang maaari niyang gawin lalo pa’t alam kong may kakayahan siya para idemanda si tita Divine.
Natapos silang magtingin-tingin at ang daming nabili ni Zeev para sa anak niya kahit ano pang pigil ang gawin ko.
“Gutom ka na ba, anak?” masayang tanong ni Zeev at sunod-sunod na tumango naman si Keev. “Saan mo gustong kumain?” Akala ko ay para kay Keev ang tanong na iyon ngunit nakabaling na siya sa akin saka nakangiti.
“K–Kahit saan,” utal na tugon ko sa kaniya. Hindi ko magagawang masanay sa mga pangiti-ngiti niya lalo pa’t hindi naman ganito ang inaasahan kong magiging trato niya sa akin.
Lumabas sila ng store at nauuna niyang naglalakad habang buhat-buhat si Keev. Ako naman kasi ay nakasunod lamang sa kanila.
“Hi, Miss. Puwede bang magtanong?” Napahinto ako sa paglalakad nang may lumapit sa aking dalawang matataas na lalaki.
“Ano ho iyon?” tanong ko sa kanila.
“Saan po rito sa mall iyong store ng Samsung? Kanina pa kasi kami umiikot, hindi naman mahanap,” anang isa na blonde ang buhok.
Nag-isip ako sandali dahil parang nadaanan nga namin iyon kanina. “Ay oo, doon sa may right wing. Katabi siya bg Tokyo-tokyo,” nakangiti kong sagot dito.
“Salamat po. Puwede pa po bang isa pang tanong?” anang lalaking may hikaw sa tainga. “Single po ba kayo? Puwede pong makuha ang number n’yo—”
“No. I’m her husband.” Napakislot pa ako nang bigla akong hapitin ni Zeev sa bewang para ilapit sa kaniya. “Got any problem with my wife?”
Hindi na sumagot ang dalawang lalaki, bagkus ay bigla na lamang silang sumibat ng alis.
“S–Salamat,” wika ko at inalis naman niya ang pagkakahapit niya sa bewang ko. . . para lang pala pagsalikupin niya ang kaliwang kamay niya at kanang kamay ko dahil buhat niya sa kabila si Keev. “Zeev, ang kamay ko—”
“I need to hold you. Baka mamaya may dumagit sa ’yong iba. We may not be okay, but I easily get jealous, love,” aniya at saka na ako hinatak patungo sa restaurant na napili niyang kainan.
Hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko. Nagwawala ang puso ko sa loob at parang galit na galit at gustong lumundag papalabas.
Iba rin ang pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Parang bumabalik ang dating kuryente na naramdaman ko sa para sa kaniya. . . na ayaw ko na sanang maramdaman pa kahit na kanino. Hindi ako handa para sa ganito. . . ayaw ko.
Nakapasok kami ng restaurant at naka-order na rin siya ng mga gusto ng anak niya. Halos naman lahat ng in-order niya ay itinuro at pinili ng anak niya.
“Nag-e-enjoy ka ba, anak?” nakangiti kong tanong kay Keev habang nakaupo siya sa baby chair na ni-request ni Zeev.
Nakangiting tumango ang anak ko nag-flying kiss pa sa amin ng Papa niya. “Thank you, Mama, Papa. Lab kayo ni Keev nang madaming-madaming-madami po!”
Nginitian ko si Keev at bigla na naman akong binalot ng kaba nang hawakan muli ni Zeev sa ilalim ng mesa ang kamay ko.
Hindi ko nagawang tumanggi o alisin iyon. Nagpaubaya ako sa kaniya na hawakan niya iyon. . . dahil na rin siguro gusto ko kahit pa sinasabi ng utak ko na ayaw ko. Sabi nga niya, ngayon lang ito. . . ngayon lang .
Dumating na ang mga order niya at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko tuloy alam paano ako kakain.
“Z–Zeev, iyong kamay ko,” puna ko at tila doon niya lang napagtanto. Binitawan niya iyon saka niya inasikaso ang pagpapakain kay Keev.
“Just eat, love. Ako na ang bahala sa anak natin,” aniya habang hinihipan ang soup na isusubo niya kay Keev.
“S–Salamat—”
“Can we talk after this?”
Tumango na lamang ako at sinimulan na ang kumain. Bigla kasi akong hindi naging komportable sa pagseryoso ng tinig niya. Kinakabahan ako.
NAKARATING kami sa bahay nina Mikmik na tulog na tulog na si Keev. Marahil ay sa pagod at kakatawa kasama ang Papa niya. Kita ko rin kung gaano kasaya si Zeev na makasama ang anak niya.
Alam kong katangahan ang naging desisyon ko na hindi ipagkait si Keev sa kaniya, pero kahit ulitin at bigyan ako ng pagkakataon, ito pa ring desisyon na ’to ang pipiliin ko.
Hinding-hindi ako nagsisisi na nakikita ko silang kapwa masaya ng anak ko dahil nahanap nila ang pagmamahal ng isa’t isa.
“Shar, ipasok mo na muna si Keev. Mag-uusap lang muna kami sandali ng Papa niya,” wika ko kay Sharry at nakangiti siyang tumango habang may panunukso ang mga mata.
“Hindi masamang sumubok kahit pa natatakot ka, ate. Tao ka lang. Normal naman sa tao ang paulit-ulit na magkamali, pero atleast natututo. Mas okay na sumubok kaysa tinitikis ang sarili,” nakangiti niyang wika saka na niya ako tuluyang tinalikuran habang buhay niya si Keev.
Nakangiting napailing ako sa panunukso niya at naglakad na ako pabalik sa gate kung nasaan si Zeev.
“Anong pag-uusapan natin—”
“Can we talk at some other place? Wala akong gagawing masama. I swear,” aniya at pumorma pa na animo nanumumpa.
Ngumiti ako sa kaniya saka na ako ang kusang sumakay ng sasakyan.
Sumakay na rin naman siya at pinaandar ito. Kalmado lang ako buong biyahe at hindi rin naman siya nagsasalita.
Tumungo kami sa isang parke kung saan wala na ring mga tao dahil madilim na rin naman.
Naupo kami sa isang pampublikong upuan sa ilalim ng poste.
“Hindi mo naman siguro kukuhanin ang kustodiya ni Keev kaya ka makikipag-usap, hindi ba?” basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
“No, of course not. Masyado na kitang nasaktan, hindi na ako gagawa pa ng mga bagay na lalo mong ikakasakit pa,” aniya habang nakatingin sa kawalan.
“Anong gusto mong pag-usapan?” tanong ko sa kaniya at doon na siya humarap sa akin kaya’t nagtagpo ang mga mata namin.
“Gusto ko sana kayong ikuha ng bahay. Alam kong nahihiya ka na rin sa kaibigan mo at sa pamilya niya. And no, I won’t pay for it. Bibigyan kita ng trabaho as a consultant sa resort natin—I mean resort ko, para makaipon ka rin ng pambayad sa bahay. Kung gusto mo lang naman. I am doing this—”
“Para kay Keev. Alam ko naman iyon, Zeev. Alam kong masyado mo lang mahal ang anak mo kaya’t ginagawa mo ito,” nakangiti kong wika sa kaniya.
Nagagawa kong ngumiti kahit pa nakatitig ako sa mga mata niya. Tuluyan na nga siguro akong nagbago at naging komportable. . . o siguro dala ng pagtanda at sa mga naranasan ko sa nakalipas na mga taon.
Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. “No. I am doing this for the both of you, not just for our son. . . and I know you knew it, ayaw ko lang tanggapin,” aniya sa akin muli ay may gumuhit na namang sakit sa mga mata niya.
“Tinatanggap ko ang alok mo, pero may kailangan kang sagutin sa akin, Zeev. Psychology graduate ako. Napapansin ko ang pinakamaliliit na pagkakamali,” nakangiti kong wika sa kaniya saka ko marahang binawi ang kamay ko sa kaniya at sumandal sa upuan saka tumingin sa kalangitan na walang mga bituin.
“What is it, Shan?”
“Anong resort natin? Anong ibig sabihin ng resort NATIN at ano ang meaning ng AA sa pangalan ng resort mo?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko man siya lingunin ay alam ko naman na ikinagulat niya iyon.
“Hmmm.” Bigla niya akong dinukwang kaya’t naharangan ang pagtingin ko sa kalangitan ng mukha niya.
“Z–Zeev!”
“Graduation gift ko sana sa ’yo iyong resort na ’yon. It was supposed to be an anonymous gift kaso nalaman mong ako ang may ari—hindi pala. Sa iyo ko nga pala iyon pinangalan,” siwalat niya at para akong nanginig sa kaba sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na ito ang sasabihib niya.
“A–Anong ibig mong sabihin—”
“AA simply means, Arcanghel and Alvarez. Kahit man lang sa apelyido ay makasama kita. Iyon lang sana ang gusto ko. . . but now that you are here in front of me, gusto na kitang halikan. . . yakapin. . . at pakasalan.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 28
SHAN
NAUMID ang dila ko sa narinig ko sa kaniya. Hindi rin ako magalaw lalo pa’t sobrang lapit niya. Isang maling galaw ko lamang ay magtatama ang mga labi namin.
“Z–Zeev?”
“Pero alam ko naman na tatanggi ka. Nagbaka sakali lang naman ako,” nakangiti niyang tugon sa akin saka siya lumayo at naupo nang maayos.
Napalunok ako at napahinga ng malalim sa sinabi niyang iyon. Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko na para ba akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan.
“B–Bakit mo ginawa iyon? B–Bakit kailangan mong ipangalan sa akin ang resort?” tanong ko sa kaniya nang lingunin ko siya. “A–At bakit kailangan mong gamitin ang apelyido ko?”
Siya naman ngayon ang tumingin sa kalangitan at nakita kong ngumiti siya. Isang totoong ngiti na kakikitaan mo ng galak.
“Hinding-hindi ko pinagsisisihan na ipinangalan ko sa ’yo iyon, dahil iyon ang unang naipundar ko na masasabi kong akin talaga at hindi lang ipinamana. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko noon, basta ang alam ko. . . I want you to be part of my every success. Kahit hindi tayo magkasama. . . kahit na wala kang alam sa mga ginagawa ko para sa ’yo. . . kahit na ang nasa utak mo ay ginago kita. . . gusto kong maging parte ka pa rin ng buhay ko. Kahit na patago, kahit na palihim. . . masayang-masaya na ’ko,” aniya at animo ba ay sinasariwa niya ang mga panahon na sinabi niya.
Hindi ko maipagkakaila na sobrang tumatagos sa akin ang lahat ng sinasabi niya. Pakiramdam ko, ibang Zeev na ang kaharap ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko, ito ang Zeev na mahal na mahal ako. . . kaming dalawa ni Keev.
“B–Bakit? H–Hindi mo naman alam na may anak tayo, hindi ba? B–Bakit kailangan mong gawin ’yon? W–Wala ka namang utang sa akin na dapat mong bayaran, at para maging dahilan para paglaanan mo ako ng—”
“Mahal na mahal kita, e. Hindi siguro nasabi ng Zeev na twenty-four years old sa ’yo ’to, pero mahal na mahal na mahal kita, Shan. I love you so much that making you hurt and hate me was the only way I could ever think of para lang makalayo ako sa ’yo. Sobrang mahal na mahal kita. . . higit pa sa inaakala mo. . . higit pa sa mga naipakita ko noon. I was twenty-four and you were just eighteen. Gusto kitang itakas sa tuwing makikita ko ang lungkot sa mga mata mo. Gusto kitang angkinin at gawan ng sarili mong mundo na matatawag mong sa ’yo sa sobrang pagmamahal ko. . . pero sa tuwing maiisip ko na may sarili kang pangarap para sa sarili mo. . . naduduwag ako. . . dahil alam kong kung ikukumpara sa akin at sa pangarap mo, pipiliin mo ’ko dahil iyon ang mga oras na nalulunod ka sa pagmamahalan natin. . . at ayaw ko n’on. Ayaw kong sirain ka. Ayaw kong maging hadlang sa mga gusto mo pang gawin. I left hurting. . . but I always tell myself. . . it was for you. It was for the only woman I ever loved.”
Tumulo na ang mga luha ko. Tuloy-tuloy at walang patid. Gusto kong pumalahaw. Gusto kong saktan ang sarili ko.
Sa mga nakalipas na taon, ang alam ko. . . ako ang nasasaktan at ako lang ang nagsasakripisyo. Ang alam ko, walang kahit na anong makakapantay sa sakit na dinanas ko. . . pero mali ako. Pareho pala kaming nasasaktan. Pareho pala kaming nahihirapan. Pareho pala kaming may mga isinakripisyo.
“S–Sana sinabi mo noon, Zeev. . . sana—” Bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap ng napakahigpit.
“We could never turn back the time, Shan. Kahit anong gustuhin natin, hindi na natin maibabalik ang anim na taon. Kahit anong sabihin ko, puro na lang pagsisisi ang mararamdaman natin. Hindi kita mamadaliin na tanggapin at mahalin mo ulit ako. . . uunti-untiin natin. Hindi na natin itutulad sa nakaraan na naging mabilis ang lahat at nagpadalos-dalos tayo. Unti-unti. . . hanggang sa maramdaman mong mahal mo na ulit ako. . . hanggang sa ako na ulit na ang nasa puso mo,” aniya at naramdaman kong hinagkan niya ako sa ulo ko.
Mahal kita, Zeev. Hindi naulit at mas lalong hindi biglaan. . . dahil kahit lokohin ko pa ang sarili ko na kinamumuhian kita. . . tanggap ko nang hindi talaga nawala ang pagmamahal ko. Mahal kita. . . mahal pa rin kita. Hindi nagbago. . . mula noon at magpahanggang ngayon.
MATULING lumipas ang dalawang buwan. Narito na kami sa sariling bahay namin na kinuha ni Zeev pero kada ikalawang linggong buwan ay binabayaran ko sa kaniya.
“Ate, si kuya Mikmik po at ate Dash ay nasa sala na. Pinapasok ko na po,” ani Sharry sa akin dahil kasalukuyan akong nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan naming dalawa.
“Sige, Shar. Pakisabi mo na lang na sandali lang—”
“Kumusta ka, bakla ng taon?” putol sa akin ni Mikmik na kakapasok ng kusina. Hindi talaga uso sa kaniya ang kaseryosohan.
Nginitian ko sila ni Dash at naupo naman sila sa harap ng lamesa.
Kulang isang buwan na rin mula nang makita ko silang dalawa dahil nagtatrabaho na ako sa resort ni Zeev at silang dalawa naman ay naging sobrang busy sa mga trabaho rin nila, lalo na si Mikmik. Na-promote kasi siyang college dean ng Social and Behavioral Sciences.
“Ayos naman ako. Mabuti at na-timing-an n’yong day off ko,” anas ko sa kanila at nagpunas ng kamay dahil tapos na rin ako maghugas. “Gusto n’yo ba ng juice—”
“Shan, maputla ka. May sakit ka ba?” putol sa akin ni Dash at nalingunan ko siyang nakakunot ang noo sa akin.
Umiling-iling ako sa kaniya at ngumuso. “Ito naman! Nadalas lang ako siguro ako sa aircon kaya medyo pumuti,” pagbibiro ko pero hindi nawala ang pangungunot ng noo niya sa akin.
“Kilala kita. Kahit paghinga mo, kabisadong-kabisado ko, Shan Kassidy Alvarez,” aniya sa akin narinig ko pa siyang pumalatak. “Magpa-check-up ka. Akong gagastos—”
“Ako na, cyst. May free consultation voucher ako kung nahihiya ka. Ikakamatay mo ’yang sobrang pagtitipid mo,” putol naman ni Mikmik kay Dash.
“Ayos nga lang ako. Siguro napapagod lang ako dahil peak season na at summer pa,” nakangiting tugon ko at naupo sa tabi ni Dash. “Huwag na pong mag-alala. Ayos na ayos lang ako. Kayo ba? Kumusta?” tanong ko.
“Haaay, cyst. Mas stress pa ako ngayon kaysa noong may estudyante ako. Mas matigas pala ang ulo ng professor kaysa students. Lumuluwa na ang mata ko sa gigil, wala pa rin silang kiber. May gulay!” reklamo ni Mikmik na ikinatawa ko pero hindi ni Dash. Mataman lang siyang nakamasid sa akin.
Kinurot ko siya sa pisngi at pinanggigilan ko pa iyon kaya’t sininghalan niya ako. “Bwiset ka talaga!” aniya at tumawa ako nang tumawa.
“Ikaw, cyst? Anong progress n’yo ni Zeev? Sorry kung magiging balimbing ako, ha? Pero grabe ang effort niya. Kung ako lang talaga ikaw? Bubukaka ako kahit anong angle,” ani Mikmik sa akin.
“Malandi ka namam talaga. Kahit hindi kay Zeev at kahit walang effort, bubukaka ka. Ilan nga ba ang booking mo this week?” asar sa kaniya ni Dash.
Inambaan niyang sasampalin niya si Dash at nagkunwari pa siyang gigil na gigil na ikinailing ko habang tumatawa. “Panira ka talaga, letse! At anong booking? Excuse me! Sa ganda kong ’to, ako ang ibinu-book, hindi ako ang nagbu-booking!”
“Sus! Susubo lang ng tite pinakaka-arte pa,” sagot ni Dash sa kaniya.
Ibang klase talaga silang dalawa. Wala akong masabi. Mula noon hanggang ngayon, malaki talaga ang ambag nila sa kasiyahan ko sa buhay.
Inaya ko sila sa sala at sumama naman sila sa akin. Wala si Keev ngayon. Kinuha siya ni Zeev dahil balak niya yatang ibili ang anak niya ng kiddie pool. Si Sharry naman ay siguradong nasa kwarto niya at gumagawa ng mga activities niya sa school.
“Kinontak daw ng Nanay si Sharry noong makalawa,” pag-imporma ko sa kanila at nakita ko kung paano tila biglang nag-init ang ulo nila.
“Tumawag because? Sorry, cyst. Pero dapat talaga pinakulong mo na sila!” ani Mikmik sa akin. Bakas ang inis at galit.
“Hindi ko nga ba alam dito kay Shan bakit hinayaan niya pang hindi sila makulong,” sabat naman ni Dash.
Nginitian ko sila at kapwa ko hinimas ang mga likod nila dahil nasa gitna naman nila ako. “Hindi sa ganoon. Huling regalo ko na lang sa kanila ang pagbibigay kalayaan sa kanila. Huli na ’yon, kaya nang tumawag sila sa kay Sharry at pinasasabi sa akin na bigyan sila ng pera, si Sharry na mismo ang nagsabi sa kanilang aasikasuhin ko ang family registry naming magkapatid. Aalisin na namin sila,” anas ko at tatango-tango naman sila sa akin.
“Aanhin daw ang pera?” tanong naman ni Dash.
“Pipiyansahan daw ang kuya Seph. Nasangkot sa usaping droga,” sagot ko sa kanila at mukhang hindi naman na nila ikinagulat iyon.
Magsasalita pa sana si Mikmik nang biglang tumunog ang telepono ko at nakita kong si Zeev ang tumatawag.
“Saglit lang,” wika ko sa dalawa saka ko sinagot ang tawag.
“Hello—”
“Shan, I’m sorry to bother you on your day off it can you please drop by at the resort? Naiwan ko kasi iyong ireregalo para kay Sharry,” aniya sa kabilang linya. Darating na nga pala kasi ang kaarawan ni Shar sa linggo.
“Sige, sige. Magpapasama na lang ako kina Mikmik at Dash,” sagot ko saka ko na pinatay ang tawag.
Humarap ako sa dalawa na mukhang may pinag-uusapan dahil kapwa sila seryoso. Hindi na ako magtataka kung tungkol iyon sa pamilya ko.
“Samahan n’yo ako sa resort. May kukuhanin lang. Free kayo r’on. Akong bahala,” nakangiting wika ko sa kanila.
“Siguraduhin mo lang, cyst. Wala akong sampung libo ngayon,” sagot ni Mikmik na ikinatawa ko.
NAKARATING kami ng resort at sinalubong ako ni Belinda, iyong receptionist.
“Good day, Ma’am Shan. Akala ko po day off n’yo?” salubong na tanong niya sa akin.
“May pinakukuha si Sir Zeev,” nakangiting tipid na sagot ko sa kaniya at inaya ko na sila Mikmik at Dash sa loob.
First time ni Dash dito kaya’t nakita ko kung paano siya namangha sa paligid. Malalaking kliyente ang dumadayo rito sa resort at hi di ko rin naman sila masisisi. Maganda talaga rito.
Si Rebecca? Inalis siya ni Zeev sa resort magbuhat nang dumating ako. Nakatoka si Rebecca sa ibang business. Hindi siya basta maialis ni Zeev dahil mula noon ay magkasosyo na sila sa negosyo.
Tumuloy ako sa opisina ni Zeev dito at nakasunod naman sa akin ang dalawa.
“Sheeeet! Pati ang office, mabango!” ani Mikmik at hindi ko napigilang matawa.
Saktong kukuhanin ko na sana ang nakita kong kulay pink na box sa ibabaw ng mesa niya nang bigla na lamang lumabas si Keev at Zeev mula sa kung saan habang may dala-dalang cake.
“Happy mother’s day, love,” ani Zeev na ikinagulat ko. Awtomatiko akong napatingin sa dalawa at nakita kong nakakunot ang mga noo nila at may nakakalokong pang-uusig ang mga mata.
Umiling-iling ako sa kanila na ikinangisi nila. “H–Hindi! H–Hindi pa kami nagkakabalikan!” depensa ko.
“Hindi pa? So, baka bukas? Ganern?” pang-aasar ni Mikmik sa akin.
“Happy Mama’s day po, Mama!” ani Keev saka inilapit sa akin ang cake. “Blow po ’yong candle, Mama!” utos niya sa akin na ikinangiti ko.
“Inaanak, si Ninang Mikmik may gusto ring i-blow pero hindi candle—ARAY! PUNYEMAS!” Natawa ako nang hampasin bigla ni Mikmik si Dash na ikinatawa ko.
Sa mga oras na ito ay nalulunod ang puso ko sa galak. Hindi ko malaman kung ito na ba ang kapalit ng lahat ng sakit na naranasan ko. . . dahil tila sobra-sobra pa.
Narito sa paligid ko ang mga taong alam kong malaking-malaking parte ng pagkatao ko at ang mga dahilan kung bakit narito ako ngayon.
Sobrang saya ko. . . sobra, o higit pa sa salitang sobra. Para akong idinuyan sa sobrang galak at kasiyahan. Wala na akong mahihiling pa sa mga oras na ito.
Saktong hihipan ko na sana ang kandila sa cake nang bigla na lamang akong makaramdam ng napakasakit na pagguhit ng sakit sa may tiyan ko.
“Shan? Ayos ka lang ba?”
Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasakit na hilab. Dati ay hindi naman ganito.
“Shan? Anong nangyayari sa ’yo?”
Bigla itong mas sumakit na halos hindi ko na matiis pa kaya’t napakapit ako sa mesang nasa gilid ko.
“Ahhh!” Naramdaman ko na ang pagtumba ko maging ang unti-unting pagkawala ng ulirat ko.
“SHAAAAAAAANNNN!!!!”
“MAMAAAAA!!!!”
Ang hirap maging masaya. . . ang hirap.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Last 2 chaps.
Kabanata 29
SHAN
NAGISING ako na tila ang bigat-bigat ng talukap ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay muli nila akong hinahanatak sa pagtulog.
“S–Shan? Gising na please naman!” narinig ko ang garalgal na tinig ni Dash kaya’t pilit kong ibinuka ang mga mata ko.
Nakita kong napapalibutan na nila ako. Si Zeev habang karga si Keev, si Sharry, si Dash at Mikmik.
“Anong nangyari?” tanong ko nang tuluyan ko nang maidilat ang mga mata ko.
“SA WAKAS!” sigaw ni Sharry at dama ko rin ang hindi maipaliwanag na kaba sa tinig niya.
Minasdan ko sila at lahat sila ay parang namatayan kung titingnan. May hindi magandang awra na bumabalot sa kanila. Para bang binagsakan sila ng hindi magandang balita.
Pinilit kong maupo at tinulungan naman ako nina Mikmik. . . tama nga ako ng hinala, nasa ospital ako.
“Anong problema? Bakit ganiyan ang mga mukha n’yo?” tanong ko sa kanila saka ko sila nginitian na may halong pagtataka.
Nakita kong nakagat ni Dash ang labi niya bago ako binalingan na mayroon nang tumutulong mga luha mula sa mga mata niya. “Sabi ko magpatingin ka na, ’di ba? Bakit ba hindi ka laging nakikinig sa akin! ’Tang ina, Shan! Bakit ba ganiyan ka! Bakit ba lahat na lang ng pasakit ng mundo, sinalo mo! Hindi ko na alam ano pang gagawin ko sa ’yo!” bulalas niya sa akin na sinundan pa ng mga paghikbi niya. “A–Ang tagal ng panahon na lumipas para maging masaya ka, pero bakit ganito na naman? ’Tang ina, Shan. Lahat na lang ng kamalasan sa mundong ’to, kinuha mo! Bakit ka ba ganiyan, ha!?” dagdag pa niya na lalong gumimbal sa akin lalo pa’t sinabayan na rin siya sa pag-iyak ni Sharry.
“Ano bang nangyayari? Bakit hindi n’yo naman sabihin sa akin?” tanong ko sa kanila. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman o isipin sa mga nakikita at naririnig ko.
Ibinigay ni Zeev si Keev kay Sharry at naupo siya sa hinihigaan ko bago ako kinabig at niyakap ng sobrang higpit. . . tipo bang ayaw na niya akong pakawalan pa kahit na kailangan.
“C–Can He not grant you to be happy with me? I–I’m more than willing to give my whole life to you. . . basta ibigay ka lang Niya sa akin. . . basta ipaubaya Niya na lang ang kaligayahan mo sa akin. H–Hindi ko kaya, Shan. H–Hindi ko kakayanin. N–Naiisip ko pa lang, parang ikakamatay ko,” aniya habang nakayakap at damang-dama ko ang bawat paghikbi niya.
Marahan ko siyang inilayo sa akin at tiningnan ko sila na parang nagmamakaawa ako sa kung ano bang hindi nila masabi-sabi sa akin.
Nalingunan ko si Mikmik at nakita kong napatingala siya sa kisame na animo pinipigilan niya ang mga luha niya sa pagbagsak.
“Colon cancer, cyst,” aniya at halos pabulong lang ang pagkakasabi niya n’on. . . pabulong ngunit parang nabingi ako nang marinig ko iyon.
“C–Colon cancer? N–Nagbibiro ka ba?” hindi makapaniwalang wika ko ngunit kasabay niyon ay ang pagguhit na naman ng matinding sakit sa tiyan ko.
“The. . . The tumor has already spread beyond the lining of your colon to nearby lymph nodes,” ani Zeev habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.
Tinitikis ko lang ang pag-iyak ko pero gusto ko nang magwala. Gusto kong sumigaw at pumalahaw ng iyak.
Bakit ba ang damot sa akin ng pagkakataon? Bakit ganito? Bakit sa tuwing mararanasan ko na ang sumaya. . . bakit bigla na lang babawiin sa akin? Hindi ba puwedeng. . . kahit minsan sa buhay ko ay maranasan ko namang maging maligaya ng totoo? Ito na ba. . . Ito na ba ang kabayaran sa pagtatangka ko sa buhay ko ay sa buhay ng anak ko noon? Ito na ba ang parusa ko? Tuluyan na bang kukuhanin itong buhay ko? Dito na ba matatapos ang lahat? Hanggang dito na lang ba ako. . . Hindi ba puwedeng magmakaawa? Hindi ba puwedeng makiusap?
Gusto ko pang makasama ang mag-ama ko. . . Gusto ko pang makitang lumaki ang anak ko. . . Hindi ba maaari iyon?
“M–May taning na ba ako?” nanginginig na tanong ko kay Zeev.
Halos kitang-kita sa mga mata nila kung ano bang sagot sa tanong ko kaya’t lalo akong nawala sa sarili ko.
“W–We’ll do everything para lang gumaling ka. I–If I have to bargain my life to the devil. . . I would,” aniya at muli niya akong niyakap ng mahigpit.
Zeev. . . did we really have the right love at the wrong situation and time?
NAKANGITI ako habang nakamasid kay Zeev at Keev na kapwa naliligo sa may malaking kiddie pool dito sa garden ng bahay. Nakaupo lamang ako rito sa terrace at umiinom ng tsaa.
“Ate?” Napalingon ako kay Sharry at inabutan niya ako ng gamot ko. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Dito raw po ulit matutulog sina ate Dash at kuya Mik pagkatapos ng work nila,” wika niya at napatango ako.
Mula nang malaman nilang lahat ang sakit ko ay halos hindi na nila ako iniiwan. Ang pakiramdam ko tuloy ay sinusulit nila ang mga natitira kong oras dito sa mundo.
“Shar, kapag nawala amg ate, huwag na huwag mong pababayaan si Keev, ha?” anas ko at ngumiti ako ng mapait habang nakatunghay ako sa anak ko. “Lagi mo siyang titingnan dahil madalas kung ano-ano ang isinusubo niya sa bibig niya. Huwag mo siyang gaanong hahayaan na magpawis dahil mabilis siyang ubuhin. Kapag may gusto siyang ipabili, may mga naipon ako para sa kaniya, buksan mo lang—”
“HINDI KA MAMAMATAY!” sigaw ni Sharry at tiningnan ako ng masama habang may mga luha sa mga mata nita. “H–Hindi ka mamamatay. H–Hindi mo ’ko iiwan. S–Sabi mo ’yon, ’di ba? S–Sabi mo ’yon! Lagi ka lang nasa tabi ko, hindi mo ’ko iiwan at pababayaan! H–Huwag mong sisirain ang pangako mo sa akin, ate!”
“Shar. . . hangga’t narito ako, kailangan mo nang tanggapin. Mas magiging mahirap para sa inyo kung hindi n’yo tatanggapin sa mga sarili n’yo na malaki ang posibilidad na mawala ako. Shar, ikaw ang pinakainaasahan kong magmamahal at kakalinga sa anak ko,” sagot ko sa kaniya saka ko pa hinaplos ang pisngi niya para pahirin ang mga luha niya. “Mahalin mo si Keev. Deserve ng anak ko na mahalin. Ibigaya. . . Ibigay mo ’yong pagmamahal ng isang ina na hindi ko na maibibigay sa kaniya. Mahal na mahal kita, Shar. . . mahal na mahal ka ng ate.”
Bigla niya akong dinamba ng yakap saka siya sumubsob sa dibdib ko at doon pumalahaw nang pumalahaw ng pag-iyak. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya.
Alam kong masakit at alam ko kung gaano kabigat. . . dahil mas higit pa sa mga nararamdaman nila ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko hindi ko kaya. . . naiisip ko pa lang na iiwan ko sila. . . parang hindi ko na kakayanin.
Lumayo sa akin si Sharry at nagtatakbo papasok ng kuwarto niya. Sigurado akong doon na naman niya iiiyak ang lahat. Sa mga nakalipas na araw, kahit na hindi niya sabihin sa akin, alam na alam mo kung paano siya umiyak ng tahimik gabi-gabi dahil sa sitwasyon ko. . . at mas nasasaktan ako sa kaalaman na iyon.
Tumayo ako at tumungo sa kuwarto namin ni Keev. Magpapahinga na lang siguro muna ako.
Mula nang malaman namin ang sitwasyon ko ay tila doon ko lang unti-unting napansin ang mga sintomas na noon ko pa dapat nakita.
Humiga ako sa kama at kinuha ang larawan ng anak ko na nasa wallet ko saka dinala iyon sa dibdib ko. Pumikit ako habang may iba’t ibang isipin ang tumatakbo sa utak ko.
Kapag nawala ako, siguradong ikaw ang pinakamahihirapan, anak. Sana. . . Sana kayanin mo na wala ang Mama. Sana. . . Sana lumaki kang malaki ang takot sa Diyos at sana ay habangbuhay ka Niyang gabayan.
IMINULAT ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na may marahang paghaplos sa buhok ko. Nabungaran ko si Zeev na seryosong nakatitig sa akin.
“Zeev?”
“I love you, Shan Kassidy Alvarez. I love you so much that seeing you like this pains me to death,” aniya sa akin saka niya hinaplos ang mukha ko. “Puwede. . . Puwede bang magmakaawa ako sa ’yong mabuhay ka nang matagal na matagal?” dagdag niya kasabay ng mapait na ngiti na gumuhit sa mga labi niya.
“Zeev. . . Do you want to get married?” tanong ko sa kaniya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
“S–Shan. . . Are you really asking me this?” hindi makapaniwalang wika niya sa akin.
Tumango ako sa kaniya saka ko saka ko pinadaanan ng kanang palad ko sa ang kaliwang pisngi niya. “Handa ka ba kung itatali kita sa akin kahit pa mawawala naman na ako rito sa mundo?” muli kong tanong sa kaniya ngunit imbes na sumagot ay bigla na lamang niyang siniil ng halik ang mga labi ko.
Magaan ang halik niya. . . ngunit kasabay niyon ay ang pagkabasa ng mga pisngi ko mula sa mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya.
Humiwalay siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. “I wouldn’t want to give anyone my surname aside from you, my love. Wala akong ibang gustong angkinin sa mundong ’to na maging asawa ko, maliban sa ’yo. Ikaw lang ang gusto kong mahalin. . . ngayon at sa mga susunod pang panahon. I don’t want any other woman aside from you, Shan. It’s always you. . . I pray for. Wala akong ibang hihilingin sa Diyos kung hindi ikaw lang. . . kahit na ang sakit, kahit na ang hirap, kahit na sobrang nakakagago ang sitwasyon. . . ikaw lang ang paulit-ulit kong hihilingin at ipagdarasal. Ikaw lang. . . kaya kung kailangan kong magmakaawa na huwag mo akong iwan. . . gagawin ko. Kung kinakailangan kong magmakaawa sa Nasa Itaas na kahit ilang taon pa sana, para lang makasama kita. . . gagawin ko. I love you so much, Shan. I love you much that it pains me knowing that you’ll eventually leave me.”
Patawarin mo ’ko kung magiging makasarili na muna ako ngayon, Zeev. Patawarin mo sana ako kung itatali kita sa akin kahit pa alam ko naman na mawawala rin ako. . . Patawarin mo ’ko. . . kahit ito lang sana. . . ito lang ay gusto ko nang panghawakan.
“M–Magpakasal tayo.”
“We will, love. We will. . . the soonest.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Kabanata 30
SHAN
NASA kabilang dulo siya ng simbahan pero kitang-kita ko ang mga mata niyang lumuluha habang may ngiti sa mga labi niya. Alam ko naman na masaya pero. . . kasabay ng pakiramdam na iyon ay nasasaktan din siya.
Nagsimula akong maglakad sa gitna ng nakalatag na pulang tela nang dahan-dahan. Ninanamnam ko ang bawat paghakbang ko patungo sa lalaking mahal ko.
Nagsimulang tumugtog ang kantang siya mismo ang namili. Sinabi niya sa akin na ito ang nais niyang kanta para sa kasal namin dahil ito raw ang kanta na halos nagrerepresenta kung anong nangyari sa pagmamahalan namin.
Maybe This Time
by: Michael Martin Murphey
Two old friends meet again
Wearin’ older faces
And talk about the places they’ve been
Tumutulo ang mga luha ko pero pinipilit kong pigilan dahil gusto kong humarap sa harap ng Diyos na masaya ako. . . gusto kong humarap kaming dalawa ni Zeev sa Kaniya na alam maipaparamdam namin sa Kaniya na nagpapasalamat kaming muli niyan kaming pinagtagpo. . . kahit pa ganito ang sitwasyon.
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they’d meet again
And have a need for more than reminiscin’
Napangiti ako nang makita ko ang anak namin na nasa gilid niya habang hawak siya nito sa kamay at tila kinakalma.
Maybe this time
It’ll be lovin’ they’ll find
Maybe now they can be more than just friends
She’s back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won’t end
Hangga’t nabubuhay akong magpapasalamat na ibinigay Niya sa akin si Keev. Habangbuhay kong ipagpapasalamat na ipinaranas niya sa akin ang pagmamahal ng isang anak kahit pa naging sobrang sakit ng mga pinagdaanan ko. Habangbuhay. . . Habangbuhay kong ipagpapasalamat na sa dami ng sakit na naranasan ko, binigyan pa rin ako Diyos ng pagkakataon na makapaglakad patungo sa nag-iisang lalaking minahal ko nang higit pa sa kaya king ibigay.
It’s the same old feeling back again
It’s the one that they had way back when
They were too young to know when love is real
But somehow, some things never change
And even time hasn’t cooled the flame
It’s burnin’ even brighter than it did before
It got another chance, and if they take it…
Nakita ko ang dalawang kaibigan ko. . . ang dalawang taong kahit kailan ay hindi ako nagawang iwan at pabayaan. Ang mga taong laging ang kapakanan ko ang inuuna. Ang mga taong kahit na kailan ay hindi ako nagawang sumbatan sa lahat ng tulong at sakripisyo nila.
Maybe this time
It’ll be lovin’ they’ll find
Maybe now they can be more than just friends
She’s back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won’t end
Nagpapasalamat ako na kahit mawawala ako sa mundong ito. . . may mga taong alam kong hinding-hindi pababayaan ang anak ko.
Nadaanan ko sina Mikmik at Dash. Bumulong ako ng salitang ‘thank you’ at nakita ko kung paano nila ako biglang nilapitan at niyakap ng mahigpit.
She’s smilin’ like she used to smile way back then
She’s feelin’ like she used to feel way back when
They tried, but somethin’ kept them
Waiting for this magic moment
“Please be happy, Shan. I–Ito lang ang hihingin kong kabayaran para sa lahat ng nagawa ko para sa ’yo. . . maging masaya ka lang at mabuhay pa. . . wala akong hihilingin pa,” ani Dash habang patuloy sa paghikbi. “Mahal na mahal kita, Shan Kassidy.”
“C–Cyst. . . puwede bang itakbo ka na lang namin palayo? Puwede bang ipagdamot ka na lang namin para mas makasama ka namin ng matagal? Hindi, ano? Kasi may sarili kang kaligayahan. . . at alam mo naman na lagi ka naming susuportahan. Mahal ka namin. Mahal na mahal, cyst.”
Kumawala ako sa kanila at binigyan sila ng isang totoong ngiti bago ako nagpatuloy sa paglalakad ko papalapit sa lalaking handang isuko sa akin ang lahat.
Maybe this time
It’ll be lovin’ they’ll find
Maybe now they can be more than just friends
She’s back in his life
And it feels so right
Maybe this time…
Maybe this time
Maybe this time love won’t end. . .
Nakita kong binuhat niya si Keev at hinalikan naman ako ng anak ko saka niyakap.
“I love you, Mama!” sigaw niya sa akin at lumitaw ang ngiti sa mga labi niya.
Biglang gumihit ang napakasakit na kung ano sa tiyan ko ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kahit na sino. Ngumiti lamang ako.
“I love you too, Keev. Mahal na mahal ka ni Mama, anak. Mahal na mahal na mahal,” anas ko at ginawaran ko rin siya ng halik sa noo.
Kinuha ni Zeev si Keev at inabot niya ito kay Sharry na ngayon ay umiiyak na rin.
Inabot naman ni Zeev ang kamay ko at inakay ako patungo sa harapan ng altar. . . sa harapan ng Diyos.
“All stand, including our couple and witnesses,” anang pari. “Dearly beloved, you have come together into the house of the Church so that in the presence of the Church’s minister and the community your intention to enter into Marriage may be strengthened by the Lord with a sacred seal. Christ abundantly blesses the love that binds you. Through a special Sacrament, he enriches and strengthens those he has already consecrated by Holy Baptism, that they may; be faithful to each other for ever and assume all the responsibilities of married life.”
“Zeev Alejandro Arcanghel and Shan Kassidy Alvarez, have you come here to enter into marriage without coercion, freely and wholeheartedly?”
“I have.”
“I have,” sabay naming sagot ni Zeev sa pari at ngumiti naman ito sa amin.
“Are you prepared, as you follow the path of Marriage, tolove and honor each other for as long as you both shall live?”
“I am.”
“I am.”
“Since it is your intention to enter the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church,” anang pari saka niya pinag-isa ang kamay namin ni Zeev.
“S–Shan. . .” damang-dama ang garalgal na tinig niya. “God knows how much I want to spend the rest of my life with you. Mahal na mahal kita. Sobra. . . na kahit ang kamatayan, hindi iyon magagawang baguhin. You changed me. . . your love did. Remember those times when I begged you to leave me? You smiled, love. You smiled and gave me what I want despite of your own pain. Ang dami kong dapat ihingi ng tawad sa ’yo. Ang dami kong kailangan ibawi sa ’yo. . . ang dami-dami kong gustong gawin para sa ’yo, and this marriage is a part of it. This is all I could do for you. Ito na lang. . . hanggang dito na lang. I love you. I love you so much, Shan. I will love you for the rest of my life,” aniya saka siya nagpunas ng luha.
“Zeev—”
“I want to ask the Lord now, why does it has to be you? Bakit ikaw pa ang kukunin niya? Bakit ikaw pa? You sacrificed your whole life for other people. . . binigay mo lahat kahit nauubos ka na, inintindi mo lahat. . . kahit na wala ka nang itinira sa sarili mo. . . kaya gusto kong malaman kung bakit ikaw? Why are you leaving me now, love? Can’t you stay? Can’t we just go on and be happy? Ang kaso. . . hindi kasi talaga puwede, ano? All I can do for now is to make you happy on your remaining days. All I can for you is to give everything I have while you are still here with me. I want to love you forever, Shan. . . but why does our forever have to be now? C–Can’t we. . . Can’t we extend it?”
Lumuluha man ay inabot niya ang singsing at unti-unti itong isinuot sa akin.
“Zeev Alejandro Arcanghel, do you take Shan Kassidy Alvarez to be your lawfully wedded-wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”
“I–I do, Father,” sagot niya.
Itinaas ko ang belo ko kahit na hindi naman dapat saka ko siya tinitigan sa lumuluha niyang mga mata.
Inangat ko ang kamat ko at pinahid ang mga luha niya.
“S–Sabi ko noon, kahit na wala ka. . . masaya na kami ng anak natin, pero mali ako. Ikaw pala ang kukumpleto sa kung anong nawawala sa akin—sa amin. Patawarin mo ’ko na kung hindi pa ako nagkaroon ng sakit. . . hindi ko pa maiisip ang magpatawad,” nakangiti kong wika sa kaniya. “Zeev. . . puwede bang huwag na huwag mong pababayaan ang anak natin? Puwede mo ba siyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal mo sa ’kin? Wala akong ibang hihilingin sa ’yo. . . kung hindi mahalin at alagaan mo ang bunga ng pagmamahal ko sa ’yo.”
“I will. . . I will, love.”
“I’m sorry. . . I’m sorry I have to leave you. . . ayaw ko, e. Ayaw kong iwan ka. . . kayo, pero ano namang laban ko? Hindi kasi kayang talunin ng pagmamahal ko ang kamatayan. . . hindi rin iyan kayang talunin ng mga sakripisyo ko. I’m sorry, Zeev. I’m sorry if I have to leave you when you all ever want is to spend the rest of your life with me. P–Patawarin mo ’ko. S–Sana. . . Sana balang-araw. . . makahanap ka ng babaeng mamahalin at aalagaan ka, higit pa sa kaya ko. Make her happy, Zeev. Make the woman next to me. . . the most happiest woman. I–I’m sorry. . . hanggang dito lang tayo. Patawarin mo ’ko. . . kung hanggang dito lang ang happily ever after na kaya kong i-offer sa ’yo. . . I love you, Zeev. I love you more than everything that had happened between us. I love you. . . I–I love you. . .”
“SHAN!!!!!!!!!”
“MAMA!!!!!!”
“SHAAAAAAN!!!!!!”
“ATEEEEEEEEE!!!”
“Shan. . . please wake up, love.”
Naulinagan ko ang tinig na iyon at pinilit kong imulat ang mga mata ko. Nasa bisig niya ako, nasa bisig ako ng lalaking mahal na mahal ko.
“Zeev. . . I–I’m leaving now. I’m sorry.”
“No! No! No, please. God, no!”
“S–Shan, punyemas ka! Tumayo ka r’yan! Hindi pa tapos ang kasal mo!”
I want to. . . I badly want to. . . but the pain. . . It was asking me to rest now. . . Gusto ko nang magpahinga.
“L–Let me rest now. . . Zeev. T–This is where our forever stops. . . I love you.”
“NO. . . ! SHAAAAAAAAN!”
I. . . love you. I will never regret. . . that I once gratified the sinner.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
EPILOGUE
ZEEV
KASALUKUYAN kaming nagpapasok ng mga equipments sa open auditorium nang may mahagip ang mga mata ko na isang babae.
Ang ganda niya. Wala sa sariling naiusal ko sa isip ko. Para siyang maamong anghel na ibinaba sa lupa.
“Zeev! Bilisan mo!” dinig kong tawag sa akin ni Cholo kaya’t agad akong sumunod sa kaniya.
Honestly speaking, I have a very tight schedule but as per Rebecca’s request, naisingit ko kahit paano itong program na ’to. Rebecca is my business partner. Malaki ang naitulong niya sa akin kaya’t sa tuwing may hihilingin siyang ganitong bagay na kaya ko naman at ginagawa ko na lang.
Natapos kaming mag-ayos at ngayon ay kasalukuyang nagpapaliwanag si Cholo sa mga estudyante nang mahagip na naman ng mga mata ko ang babaeng nakita ko kanina. May kasama siyang isang babae at isang lalake at kadarating lang nila.
She has this alluring eyes that I would want to stare the whole day and night. . . pero hindi mo maaalis na tila may lungkot sa mga matang iyon. It was like, she’s manipulating her eyes to stay alluring and captivatibg but sad and the same time.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya nang maglilipat na ako ng slide, ngunit agad ko rin binalik at hindi ko inaasahan na nakatingin na pala siya sa akin. Tinitigan ko siya ngunit agad naman siyang nagbaba ng tingin niya na ikinangiti ko. She’s too pure and shy.
“May tanong ba kayo?” tanong ni Cholo.
Nakita kong nagtaas ng kamay iyong kasama niyang lalaki—o baka hindi lalaki.
“Yes, Mister. . . ?”
“Miss po ako, Sir,” sagot naman nito at pinigilan ko ang matawa.
“Oh, sorry. Ano pong tanong n’yo?” tanong ni Cholo rito.
“Ano raw pong pangalan niyang nakaupo sa harap ng laptop? Pinatatanong po ng kaibigan ko,” anito at sa hindi malamang dahilan ay gustong lumundag ng puso ko palabas. Marahil ay siguro iniisip ko rin na baka iyong babae ang nagpapatanong.
“Ah, si Zeev?” ani Cholo saka bumaling sa akin. Nagkinwari naman akong walang narinig sa uspaan nila. “Zeev, magpakilala ka naman sa kanila.” Tumayo ako at kinuha ang mic kay Cholo saka ako naglakad papalapit sa babaeng kanina pa kinukuha ang atensyon ko. Kitang-kita ko na napatulala siya sa akin kaya’t lalo niyang nakuha ang atensyon ko. “Hi. I’m Zeev Alejandro Arcanghel, Zeev for short,” pakilala ko sa kaniya at inilahad ko la ang kamay ko sa harapan niya. Narinig ko ang tilian ng mga estudyante pero wala roon ang atensyon ko. Narito sa babaeng kaharap ko. “S–Shan. . . Shan Kassidy Alvarez,” sagot niya sa akin at akmang babawiin na sana niya ang kamay niya pero mas hinigpitan ko ang kapit ko roon. Kinabig ko siya nang bahagya saka ko ibinaba ang mga labi ko patungo sa tainga niya at bumulong. “Meet me later around 1pm at your department’s library. You’re a psychology major, right? I want to know you better.”
Damn! That was the first time I ever did that thing. She really caught me. It was like she’s a natural stealer.
KANINA pa ako naghihintay sa kaniya dito sa gilid ng building ng library. Nakuha na akong pagtinginan dito dahil siguro alam nilang dayo ako, pero wala akong pakialam. I want to get to know that woman better.
Nakita ko siyang papasok na ng library kaya’t hinawakan ko siya sa braso at maingat ko siyang hinatak patungo sa tagong parte ng eskwelahan. Wala naman akong balak gawan siya ng masama. Gusto ko lang ng tahimik.
“Hi. Natakot ba kita?” tanong ko sa kanoya dahil halata naman nagulat siya sa akin.
“H–Hindi naman. Nagulat lang ako,” sagot niya at kinuha niya ang kamay niya sa akin. Humakbang din siya patalikod na animo ay natatakot.
“How old are you, Shan?” tanong ko dahil nasa itsura naman niyang bata pa siya.
“E–Eighteen po,” utal na sagot niya sa akin na ikinangiti ko.
“Interesting. I’m twenty-four, by the way,” anas ko at sumandal sa pader na narito. “P–Pasensya ka na sa kaibigan ko, ha? Gano’n lang ’yon pero mabait naman ’yon. Mahilig lang talagang manukso—” “Actually, I liked what he did. It lead us here,” putol niya sa kaniya at tinitigan ko siya sa mga mata. Ang ganda talaga ng mga mata niya. She’s just too damn beautiful! She’s so captivating!
“N–Nag-aaral ka pa ba?” tanong niya sa akin. “Nope. Graduate na. Business administration, major in marketing management,” sagot ko at ngumiti. Natahimik siya at ako naman ay tila naubusan din ng sasabihin. Gusto ko na lang talaga siyang titigan maghapon. “A–Aalis na ’ko. May klase pa ’ko—” “Do you have a boyfriend?” biglang naitanong ko. Naalarma kasi ako nang sabihin niyang aalis na siya. “W–Wala.” “Good. Puwede pala kitang ligawan,” deretsong pahayag ko. “A–Ano?” Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon para hawakan ang baba niya at iangat ang mukha niya para magtama ang mga mata naming dalawa. I want to stare at her and this is the only way I could think of. “I want to be frank. I think. . . I like you, Ms. Shan Kassidy Alvarez, and I want to court you,” pahayag ko na mukhang mas lalo niya pang ikinagulat pero walang problema sa akin. I am stating a fact here! “H–Hindi ko alam ang isasagot ko,” sagot niya sa akin at hindi ko napigilan amg matawa. “It’s okay, love. This must be your first time entertaining a suitor. Mas lalo kitang nagugustuhan sa pagiging totoo mo.”
“A–Aalis na talaga ako. M–Male-late ako sa klase ko,” utal-utal na paalam niya pero sa halip at kinuha ko ang kamay niya at may inilagay akong kapirasong papel doon.
“That’s my number, Shan. Just text me anytime you are ready,” anas ko at nangingiti akong hinayaan na siyang makaalis.
This may sound so fucking gay, but fuck it! I fucking like her. Her innocence and alluring eyes are like gems.
NAGKAUSAP kami sa telopono kanina at ang sinabi niya sa akin kung anong oras matatapos ang klase niya kaya ngayon ay narito ako sa harap ng gate ng university. Sa susunod na araw pa raw ang alis namin pauwing Manila.
Sinadya kong humarang sa harap niya para mabangga niya dahil nakauyo siya habang naglalakad.
“Sorry po. Sorry po—” “Raise your head. Masyado kang maganda para itago mo ’yang mukha mo sa pagyuko,” wika ko at nakita ko kung paano siyang namula sa sinabi ko.
“Z–Zeev. . .”
“Ang ganda mo,” anas ko nang matitigan ko na naman ang mukha niya. “Posible pala talaga. . .” Sinadya kong bitinin ang sinasabi ko.
“A–Ang alin?” tanong niya sa akin na tila kinakabahan.
“Posible pala na mahulog ka ulit sa isang tao kahit nahulog ka na rito,” sagot ko sa kaniya na ikanapula niya at tila siya nabalisa.
“K–Kakakilala lang natin.”
“And that’s okay. Kikilalanin kita. Don’t be shy, Shan. Sakay ka na,” anas ko at inabot ko sa kaniya ang helmet na dala ko. “I brought my motorbike. Let’s escape the suffocating world for a while.”
I don’t know but I have this feeling that I want to help her escape her world. Parang ang sarap niyang itakas dahil iyon ang sinasabi ng mga mata niya sa akin.
“Yumakap ka sa akin,” utos ko sa kaniya.
“H–Hindi na. D–Dito na lang sa bakal sa likod,” sagot niya pero hindi ako pumayag. Kinuha ko ang mga kamay niya at iniyakap sa akin.
“Just trust me. Okay?” wika ko at sinimulan na nang paandarin ang motor.
Dinala ko siya sa bundok kung saan ako madalas pumunta kahit noong mas bata-bata pa ako. “Bakit dito?” tanong niya sa akin. “Wala lang. Mukha ka kasing suffocated,” sagot ko, pero ang taman ng titig niya sa akin. “Don’t look at me that way, baka isipin kong sinasagot mo na ’ko,” pang-aasar ko.
“Sorry—”
“Don’t be. Let’s go,” aya ko sa kaniya. Nilakbay namin ang bundok na hindi naman gaanong matarik at kita kong namangha siya nang makita niya ng isang ilog na madalas kong pagliguan. “Ang ganda,” aniya habang nakamasig sa agos nito. “Oo nga. Ang ganda,” segunda ko, pero ang titig ko ay nasa kaniya. “You look so beautiful and innocent, Shan. Kahit sinong lalaki gugustuhin na kasama ka nila ngayon,” dagdag ko pa ay humakbang ako papalapit sa kaniya.
“Z–Zeev.” Halatang kinakabahan siya sa akin at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon.
Hindi ko na napigil ang sarili ko. Bigla ko siyang hinatak at niyakao ng mahigpit. “You look so beautiful, but your eyes shout sadness. Ang lungkot. Ngumingiti ka pero malungkot pa rin ang mga mata mo. Kung may iniisip ka, let it out. Kung may problema ka, then I can be shoulder for you to cry on. Ang ganda mo pero parang takot na takot ka sa mundo,” anas ko at ginawaran ko siya ng mabilis na halik sa buhok niya.
“Salamat, Zeev.” “You don’t have to thank me. I told you I like you, and I really do. It must be a love-at-first-sight. Sa dami ng tao sa auditorium na ’yon, ikaw lang ang nakakuha ng atensyon ko.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay dapat sabihin ko sa kaniya ang totoo. . . kaya’t ginawa ko. “H–Hindi ko alam kung anong sasabibin ko sa ’yo—” “Nope. You don’t have to say anything for now. Pakiramdaman mo lang kung anong gusto mo. Just let me be. . . ako ang magpaparamdam, tatanggap ka lang,” putol ko sa kaniya at ginawaran ko siya nang marahan na halik sa noo. Lumayo ako sa kaniya at kumuha ng maliit na bato saka ko iyon hinagis sa ilog. “I found this place when I had to run away from my responsibilities, but this place will no longer be my sanctuary alone. . . sa atin na. . . atin nang dalawa,” anas ko saka ko siya nilingon at nginitian. “Zeev. . .”
“Hmmm?”
“G–Gusto na yata kita.”
Doon nagsimulang lalong yumabong ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nadala ako ng pagiging totoo niya.
Hindi ko siya lubusang kilala. . . pero may humihiyaw sa loob ko, na siya lang ang gusto ko at wala ng iba pa.
UNANG beses na may nangyari sa amin, at hindi matawaran ang galak na nararamdaman ko.
Alam kong mali na pinakialaman ko siya lalo pa’t bago pa lang kaming magkasintahan. Idagdag pa roon na bata pa rin siya sa edad niyang disiotso at hindi ko pa nakikilala ang mga magulang niya. Siguro nga ay nadala ako ng sobra kong pagmamahal sa kaniya. . . na ngayon ko lang naramdaman.
Gustong-gusto kong iparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Gusto kong ipakilala ang totoong ako at totoong estado ko ngunit natatakot akong baka kung anong isipin niya sa akin.
Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kaniya may kaya ako at may mga sariling ari-arian, isipin niyang ginagamit ko lamang siya bilang pampalipas oras kaya’t sinabi kong empleyado lamang ako kahit na ang totoo ay may sarili akong mga negosyo.
Nataranta ako nang makita kong tumunod ang telepono ko at rumehistro r’on ang pangalan ni Zeer.
“Kuya! Nasaan ka na ba!? Kanina ka pa nila hinahanap sa akin! Saan-saan ka ba nagsususuot!?”
“I will attend the meeting. Don’t worry. . .”
“FASTER! Nakakainis ka na!”
“Yeah, I already said I am fucking coming so save your nagging. I don’t want to hear any of it right now!”
“Are you shouting at me? Are you mad? I am just concern! I hate you!” aniya at narinig ko pa siyang humikbi sa kabilang linya.
“F–Fuck! I’m sorry, babe. Don’t. . . Don’t cry. I’m coming for you now. I’m sorry.”
Wala akong nagawa noon kung hindi iwan si Shan kahit pa gustong-gusto ko siyang makasama. Napilitan akong bumalik na Manila para lang asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin.
I just can’t make Zeer so emotional. She has leukemia and getting stress is so fucking forbidden.
Zeeria Alexandra Arcanghel is my only sibling. She’s already twenty and yet still stubborn. I spoiled her too much. Gusto niya sa kaniya lang ang atensyon ko. Ayaw na ayaw niyang may napapalapit sa akin na babae, kahit pa si Rebecca kaya’t hindi ko magawang ipakilala si Shan sa kaniya. I was 13 and she was just 9 when our parents died in a plane crash. From then on, I had to act as her parent. Gladly, we have Mommy Belle. Siya ang nag-alaga sa amin hanggang sa tuluyan akong magkaisip at matutunan ang mga bagay-bagay.
Isang araw ay pakiramdam ko na ang daming problema sa mga negosyo ay pinaluwas ko si Shan sa Manila. Ginawan ko ng paraan ang lahat para lang makasama ko siya. I hate myself for being selfish. . . gusto ko lang talaga siyang makasama at makita dahil kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ay nawawala lahat ng hirap na nararamdaman ko sa paligid ko.
I asked Cholo if I could borrow his condo and he said yes. I even told the guard that Shan is an intern, para kung magtanong si Zeer ay walang magiging aberya. Ayaw ko kasing dalhin si Shan sa bahay o sa condo ko dahil ayokong bigla na lang kaming mabulaga sa pagsulpot ni Zeer. Ayaw kong magkaroon ng gulo lalo pa’t hindi ko pa nasasabi sa kaniya na may nobya na ako. She’s childish. Natatakot akong hindo niya maintindihan at baka anong mangyari sa kaniya.
That day she came here, may nangyari na naman sa amin. . . pero gaya noong una, wala akong pinagsisisihan. I badly want her to feel hoe much I love her and how much I long for her.
Sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko siya kay Mommy Belle at nakita ko pang nagulat siya. . . pero hindi natuloy. Mommy Belle died that day. She was 81 and she died in her sleep. Hindi ko sinabi iyon kay Shan. Nagluksa kaming magkapatid sa pagkawala ng nag-iisang taong kumalinga sa amin. Pakiramdam ko nagunaw ang mundo ko noon. Pakiramdam ko wala na akong masasandalan pa. Kinuha na sa akin ang mga magulang ko, pati ang tumayong magulang namin ng kapatid ko, kinuha rin sa akin.
Isang buwan kong hindi kinontak si Shan. Isang buwan akong parang gago na nangangapa sa dilim sa pagkawala ng taong sinasandalan ko. . . at tila lalo pa akong binagsakan ng lahat-lahat nang isugod sa ospital si Zeer at sinabi ng doktor na nasa last stage na siya ng leukemia. Pakiramdam ko, lahat na lang ng kamalasan sa mundo ay nasa akin.
Bawat mahal ko ay binabawi ng kamatayan sa akin. Ang damot-damot sa akin ng kaligayahan.
ISANG araw nagpasya na lang akong mamaalam kay Shan. Hindi ko siya puwedeng tuluyang itali sa akin. Ramdam kong mahal na mahal niya ako. Ramdam kong gusto niya akong makasama sa kahit na anong sitwasyon. . . pero paano ko magagawa iyon kung kailangan kong umalis. . . kailangan kong ipagamot si Zeer sa ibang bansa.
I called her and ask her kung puwede ba siyang makipagkita sa akin and she agreed.
“Shan. K–Kumusta ka?”
“I’m all good. Ikaw, kumusta ka?” Alam kong nilalakasan lamang niya ang loob niya. Alam ko naman na nagtatapang-tapangan lang siya. “B–Bakit nandito ka, Zeev?”
“I. . . I have something to tell you, Shan. I’m sorry. I really am. I shouldn’t have. . . hindi dapat. . . hindi dapat kita pinakialaman. I am so damn sorry.”
Hindi, mahal ko. Hindi ko kahit kailanman pinagsisisihan na inangkin kita dahil totoong mahal na mahal kita. . . pero maiipit ka sa sitwasyon ko. Ikaw ang maiiwang luhaan. Ikaw ang masasaktan kung aalis ako na wala kang itatanim na galit sa akin. Kailangan mo ’kong makalimutan.
“S–Siguro nga nadala lang tayong pareho. W–Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman kailangan mag-sorry, Zeev. Okay lang ako. O–Okay naman tayo. Wala naman sigurong problema—”
“I’m leaving tomorrow, Shan.” Pinutol ko ang sinasabi niya dahil tila ako nadudurog sa naririnig ko mula sa kaniya. Hindi ko kayang marinig iyon. Hindi ko kaya na okay lang sa kaniya ang lahat. Ang sakit-sakit, putang ina!
“S–Saan ang punta mo?
“California. Ako ang mag-aasikaso ng mga dapat asikasuhin doon. Three years. . . three years ang kontrata.”
Nagsisinungaling ako, mahal ko. Kailangan kitang pakawalan kung hindi mas mahihirapan at masasaktan ka dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ang ilalagi ko roon.
“Ganoon ba?”
“Please. . . please, break up with me, Shan.” I begged. I have to and I need to. Kailangan kong gawin ito kung hindi ay lalong hindi ko kakayanin na mapalayo sa kaniya.
“Hindi mo kailangan magmakaawa, Zeev. Hindi mo kailangan gawin ’yan. Salamat sa mga araw na ipinaramdam mong mahal mo ’ko at napakahalaga ko. Salamat, Zeev. . . pinapalaya na kita.”
Tumayo siya at tuluyan na akong iniwan at doon na sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.
“I love you, Shan Kassidy Alvarez. I love you so much. . . and it fucking hurts.”
DALAWANG taon na akong naninirahan sa California at patuloy ang paggagamot ni Zeer.
“Kuya, may tumawag form Philippines. May pina-process ka bang papel sa isang university?” tanong niya sa akin.
“Yeah—”
“Your girlfriend’s scholarship?” Nagulat ako sa sinabi niya.
“You knew?”
“You love her so much. You could just have leave me, kuya. I may be your present, but she’s your future. You should’ve chose her over me,” ani Zeer sa akin saka niya ako tinalikuran. “Coward.”
I am not coward, Zeer. I chose you because you are the only family I have.
Nagpapasalamat ako na walamg aberya sa scholarship niya. Nang malaman ko kasing huminto siya sa pag-aaral ay agad kong naisip na baka dahil iyon sa nangyari sa amin, kaya’t ngayon na gusto niyang sumubok ulit ay nais ko siyang suportahan. . . kahit pa sa malayo. . . kahit pa hindi niya alam. Gusto kong mahalin pa rin siya, kahit na ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa.
Naging maayos ang mga negosyo at pagsusustento ko sa pag-aaral ni Shan, maging iyong resort na ipinapatayo ko at balak ipangalan sa kaniya, pero ang problema. . . lumalala ang sitwasyon ni Zeer.
It was a year later, when she finally gave in and that was the same year that I decided to go back to the Philippines.
I have to move on. I have to. Wala na akong magagawa pa sa mga nawala sa buhay ko. Kailangan ko na lang ay magpatuloy.
I am really glad when I got to meet Shan again and she was too surprised that I was her sponsor. . . but nothing surprised me more when I learned that we have a child.
I begged her and I explained my side of the story that she doesn’t knew was existing.
I despised and hated Rebecca for what she did to her and to my life. I almost sued her but she begged me not to and promised me that she will stay away from our lives from then on.
Things are getting better not until the woman I love was diagnosed of colon cancer. My world just crumbled underneath my feet. I felt so lost.
I felt like. . . this cruel world will never be in my favor. Never.
NAKATULALA lamang ako sa puntod niya nang may yumakap na maliliit na kamay sa akin.
Years may have passed so quickly but thank you for all the love you gave me. Thank you for all the unending support. I will love you until my last breath. I will love you. . . always.
“Papa!” tawag nito kaya’t napangiti ako. Yumuko ako saka ko siya binuhat at kiniliti. Tumawa naman ito ng tumawa na tila naliligayahan.
“Have you eaten?” I asked.
“Opo, Papa. Ikaw po? Nagugutom na po ikaw?”
“Opo. Uwi na ba tayo?” tanong ko rito at nakangiti itong tumango-tango sa akin.
Isinakay ko siya ng sasakyan at sumakay na rin ako. Habang daan ay hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin sa kaniya sa rearview mirror. Kung ito ang kapalit ng lahat ng sakit, ayos lang. Siguro ito talaga ang nakatadhana.
“Anak, mahal na mahal ka ni Papa.”
“Lab na lab ko rin po ikaw, Papa!” masiglang wika nito sa akin sa backseat.
Nakarating kami ng bahay at agad ko siyang binuhat at pumasok na kami ng bahay. Sinalubong kami nina Dash at Michael na may mga dalang bulaklak.
“Nagpunta ka na sa puntod niya?” tanong ni Dash sa akin at tumango ako. “Hindi mo man lang talaga kami hinintay! Magagalit na naman si Shan niyan!” singhal niya na ikinangiti ko na lang.
“Humanda ka talaga kay, cyst! Mapang-iwan ka talaga, Zeev! Tatadyakan kita, e! O’siya, kami naman ang dadalaw, ikaw naman ang maiwan, letse!” ani Michael at lumabas na sila ng bahay.
Ibinaba ko ang anak ko at tumakbo naman ito sa kwarto samantalang ako ay tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig.
“Napagod ka?” tanong sa akin ng isamg tinig at nalingunan ko siyang nakangiti sa akin.
“Oo. Ang kulit ng anak mo. Takbo nang takbo,” sagot ko sa kaniya na lalo niyang ikinangiti. Sumilay na naman ang gandang taglay niya na kahit ang nagdaang panahon ay hindi magawang sirain.
“Saan pa ba iyon magmamana? Sa iyo lang naman. Kung ako lang naman po, alam na alam mong sobrang bait ko,” sagot niya sa akin saka lumapit sa akin at nagkunyapit sa bewang ko.
“Nasaan ba si Keev?” tanong ko da kaniya at ngumuso siya sa akin.
“Nakaharap na naman sa computer niya. Si Leevy ba nasaan?” tanong naman niya sa akin.
“Nasa kuwarto. Baka naglalaro ng mga manika niya,” sagot ko ay niyakap ko siya nang mahigpit. “I love you, Mrs. Shan Kassidy Alvarez– Arcanghel. Thank you for giving me Keev Aldreen and Leevy Alexa,” emosyonal na wika ko sa kaniya saka ko siya hinagkan sa mga labi niya.
Nang bumitaw ako sa halik ay nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin. “Hmp! Sige lang utuin mo ’ko, kahit pa tinakasan mo ’ko sa pagpunta sa puntod ni Zeer. Masisipa na talaga kita, Zeev! Limang taon na tayong kasal pero malihim ka pa rin!” singhal niya na ikinatawa ko na lang.
Yeah. Shan Kassidy Alvarez– Arcanghel is a colon cancer survivor. She survived. God may have been listening to our prayers all along. The tumor didn’t spread to her other organs that gave us 70% of survival rate, and yes, with God’s grace and guidance, she made it.
Niyakap ko siya nang mahigpit. This is the real treasure that no money could ever buy.
Indeed, when she gratified the sinner was a huge mistake. . . but when the sinner fell in love, that’s another story to tell.
Thank you for hearing our not-so-awesome story. We will now live in love and peace.
My Shan, Keev, and Leevy are now the center of my own universe.
I will never forget the day they told me I lost her. . . but she was revived.
Nakatulala ako sa pintuan ng emergency room habang pinakikinggan ko ang paborito niyang kanta sa telepono ko. This must be her favorite because she new it was all about me and her. . . it was all about our pain and tragedy.
Far Away
By: Nickelback
This time, this place
Misused, mistakes
Too long, too late
Who was I to make you wait?
Just one chance, just one breath
Just in case there’s just one left
’Cause you know, you know, you know
That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away, for far too long
I love you so much, my love. Please hang in there. Please be alive. . . I am begging you!
I keep dreaming you’ll be with me
And you’ll never go
Stop breathing if I don’t see you anymore
On my knees, I’ll ask
Last chance for one last dance
’Cause with you; I’d withstand
All of hell to hold your hand
Just this once, Shan. Please give it to me and Keev. Please. . . please stay. I am begging you!
I’d give it all; I’d give for us
Give anything, but I won’t give up
’Cause you know, you know, you know
That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away, for far too long
I keep dreaming you’ll be with me
And you’ll never go
Stop breathing if I don’t see you anymore
So far away, so far away
Been far away, for far too long
So far away, so far away
Been far away, for far too long
Ayaw ko nang malayo pa sa ’yo. Hindi ko kakayanin, Shan. . . hindi ko kaya. This is just too much pain. I need you. Our son needs you. Please. . . stay!
But you know, you know, you know
I wanted, I’d wanted you to stay
’Cause I needed
I need to hear you say
That I love you (That I love you)
I have loved you all along
And I forgive you (And I forgive you)
For being away, for far too long
So keep breathing
’Cause I’m not leaving you anymore
Believe it
Hold on to me and never let me go
Please, keep breathing. Please. . . Shan. Please. . . Don’t go away. Stay with us.
Keep breathing
’Cause I’m not leaving you anymore
Believe it
Hold on to me and never let me go
Keep breathing
Hold on to me and never let me go
Keep breathing
Hold on to me and never let me go
God please. . . make her stay. I am begging You. She’s all I have now.
“Mr. Arcanghel. . . Time of death, 11:05am.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
DITO KO NA LANG ISISINGIT ITONG NOTE NA ’TO DAHIL NAKUKUNSUMI NA ’KO.
- HAPPY ENDING ITO AT END GAME ANG MGA BIDA! BASAHIN NINYO NANG MABUTI ANG EPILOGUE! BASAHIN N’YO NANG MABUTI PARA HINDI KAYO LITONG-LITO NA HINAHANAP SA AKIN KUNG ANO BA ANG ENDING. NAKUHA KONG NAKUNSUMI SA HATE COMMENTS NA ANG PAG-INTINDI N’YO NAMAN SA ENDING ANG PROBLEMA. 🙂
M A Y O R A
Havres/WRS readers,
Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ng istorya na ’to kahit pa umikot-ikot ang emosyon ninyo. Nawa’y na-enjoy n’yo ito at sana ay patuloy po ninyong suportahan ang lahat ng Wrecked Reality Series Novels .
Mahal na mahal ko po kayo. Sana ay nakuha ni Shan at Zeev ang ending na deserve nila. Birthday gift ko na sa kanila ang ending na iyon. Hehehe. 🖤
Salamat sa pagtitiwala.
Salamat sa pagtitiyaga.
Salamat sa pang-unawa.
Salamat sa pagmamahal.
Salamat sa pagsuporta.
Mahal na mahal ko kayo lagi.
Dito na po natatapos ang hindi normal na istorya nina Shan Kassidy Alvarez at Zeev Alejandro Arcanghel. Hanggang sa muli! 🖤
- Mayora / Ice_Freeze / Jelay 🥀
Names, places, events, and other information used in this novel were all due to the author’s wild imagination. Any of these things similar to yours or to anyone are already out of the author’s control and purely coincidental.
Copyright © 2021, Ice_Freeze.
All rights reserved.Reproduction or transmission of this book in whole or in part in any form or medium without express written permission by the writer is totally prohibited.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!
![Cover of WRS: When She Gratified the Sinner [Completed]](/story-covers/wrs-when-she-gratified-the-sinner-completed_263765314.webp)
