Wyrdmark (The Aeyndral Saga #1)
jseeyou · 10 chapters · 16,028 words
Wyrdmark: Introduction
Title:
Wyrdmark
Genres: Boys’ Love, Fantasy, Mystery, Adventure
Written by: jseeyou
Date Written: September 17, 2025
. . .
“
Some threads are never meant to be spun.
“
. . .
Eirwen has lived a quiet life in the woods, raised by a woman whose past is shrouded in silence.
But when time itself fractures and a mysterious boy steps from the chaos, the mark on his chest begins to shimmer.
Marked by something ancient, hunted by forces unseen, Eirwen is about to awaken into a world that was never meant to hold him.
. . .
This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form without permission in writing from the author of the book.
PLAGIARISM IS A CRIME.
The story is written in Taglish . I apologize for those who wanted to read my story but they can’t because they don’t understand the language.
If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a malware attack . If you wish to read this story in it’s original, safe, form, please go to:
https://www.wattpad.com/user/jseeyou
THIS IS A BXB FANTASY STORY. Kung hindi malawak ang iyong pananaw sa ganitong klase ng mga kwento, you are free to leave this story with peace.
. . .
Copyright © 2025 jseeyou
Wyrdmark: Guide Map
The
World of Aeyndral
Map
. . .
NORTHERN PART
Iscaltherra
Kingdom
- A frozen kingdom etched into the face of a glacier. Roads are bridges of crystal. Runes glow faintly beneath the ice.
Caelwyn
- A sky-suspended city only accessible by wind-bridges and tethered skywhales.
Spindlewood
- A shifting, timeless forest in the west. Trees whisper, and paths loop endlessly.
Dawnreach
- A quiet, glowing forest filled with ancient magic and secrets hidden in the light.
WESTERN PART
Emberveil
Kingdom
- Carved into red cliffs, its walls breathe with ancient fire spirits. Kingdom lights glow like coals at night.
Radiant
Plateu
- A bright, open highland that acts as the gateway leading into the wide Radiant Expanse.
EASTERN PART
Lunareth
Kingdom
- Built atop cliffs beneath a never-setting moon. Dreamweavers cast magic into the sea below.
Veilshore
- Half-submerged city; its buildings emerge from still waters. Home of illusionists and watercallers.
SOUTHERN PART
Radiant Expanse
- A desert where shadows move unnaturally, filled with forgotten clockwork ruins.
CENTRAL PART
Velmiris Kingdom
- The “City of Hours.” Floating crystals refract illusions; no one ever looks the same twice here.
Loomspire
- A hidden magical place encircled by towering walls, where arcane powers are studied and woven within a vast magical academy.
. . .
Wyrdmark: Prologue
I was running. Fast. Faster than I ever had. The cold clung to my breath, and the thick fog was catching on my torn sleeves. Branches lashed past my face, and the night forest twisted around me like something alive. Every step was a stumble, and I was panting hard. Hindi ko alam kung ano o sino ang tinatakbuhan ko. Tanging sinusunod ko lamang ang kutob ko.
Habang tumatakbo, biglang bumalik sa’kin ang mga alaala tungkol sa isang gubat na minsan nang nabanggit sa akin ng nagmistula kong ina; si Mira. Isa itong delikadong lugar kung saan ang mga nilalang na naninirahan doon ay mapanganib, at ang takbo ng oras ay hindi maayos.
Saglit kong pinagmasdan ang paligid at huminga nang malalim. Hindi ako nagkakamali. Nandito ako ngayon sa Spindlewood .
Pero… paano ako nakarating dito? I shouldn’t be here. I was sure I hadn’t been…
But how?
I was about to continue running when suddenly, one of my feet stumbled on a stone. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakatalima pa at nahulog nang malakas sa mabasang damuhan. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang matinding kirot at hapdi matapos bumagsak ng buong katawan ko. Napaungol ako sa sakit at sinubukang hawakan ang nasugatan kong paa, pero agad ko rin binitiwan iyon nang makarinig ng sunod-sunod na yapak ng mga paa. Napasinghap ako sa kaba.
Ang sakit na kanina’y nararamdaman ko sa kanang paa ay tila biglang nawala. Buong pwersa kong pinilit ang sariling makatayo sa pagkadapa. Umatras ako at nagtago sa likod ng malalaking talahib ng mga halaman. Kasabay ng papalapit na mga yapak ay ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Kung sino man ang naglalakad, sigurado akong hindi siya basta-bastang naghahanap lang.
Alam niya kung nasaan ako.
And I knew my hunch was right when the figure stopped right in front of me.
“Found you,” a whispering voice said, like a secret slipping from the dark.
Mabilis akong napayuko sa matinding takot nang hawiin nito ang mga dahong nagtatakip sa aking katawan. Gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo nung oras na iyon pero hindi ko magawa dahil sa matinding pagod ng katawan ko. Ayokong tumingin. Ayokong makita kung sino ang nakatingin ngayon sa akin.
Pero kalaunan ay dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at nakita ang isang malaking bulto ng lalaki na nakatayo sa harapan ko.
He looked so shocked by the way he stared at me. Matagal kaming nagkatitigan, animo’y kinikilatis ang bawat isa.
It was still blurry when I first saw him. All I could make out was his large figure, almost blocking the cold air from touching my body. Hanggang sa unti-unting nag-adjust ang paningin ko at tuluyang lumitaw ang kabuuan ng itsura niya. Ang kaninang takot sa mukha ko ay bahagyang napalitan ng purong kuryosidad. Tila naging likas na sa akin ang sumuri sa isang tao.
He was a tall man with a strong built, and his big, steady hands were reaching out for mine. Tanned skin, neatly cut black hair, thick eyebrows, a pointed nose, and soft, pink lips. Natigilan ako sa pagtitig nang mapansin ko ang kanyang mga mata na ngayon ay may halong pag-aalala habang nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko.
“Are you alright?” I heard him ask while checking my weakened, trembling body. Pero hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik at tulala sa presensya niya.
How could someone… be this good-looking and still feel dangerous at the same time?
I wanted to say something. I had so many things to ask him. So many questions running through my mind. But as soon as he closed the gap between us, my body suddenly felt numb.
Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari. But all I know is that my body gave in. And then I lost consciousness.
Chapter 1: The Boy in the Middle of the Forest
“Mira, Mira! Ano ’yang ginagawa mo?” tanong ko kay Mira habang pinapanood siyang abala sa ginagawa niya sa loob ng aming bahay. Bumaling siya sa akin at maamong ngumiti.
“Ito ba, Eirwen? Ang tawag dito ay pagniniting,” sagot niya habang ipinapakita ang paborito niyang karayom sa pagniniting, kasabay ng tela na kasalukuyan niyang hinahabi. Bahagyang kumislap naman ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko ito nang mabuti.
“Gusto mong turuan kita?” nakangiti niyang tanong nang mapansin ang interes ko sa ginagawa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na tumango sa kanya.
“Opo!”
“Hey!”
Dagli akong napamulat ng mata at natutulirong inilibot ang tingin sa paligid. Subalit natigil din iyon nang mahagip ng paningin ko ang lalaking gumising sa akin.
Sandali ko itong pinasadahan ng tingin at kalaunan ay nakahinga nang maluwag.
Panaginip lang pala. Akala ko ay totoong kasama ko na ulit si Mira habang payapang namumuhay sa gitna ng tahimik na kakahuyan. Akala ko… bumalik na sa dating normal ang lahat.
Pero panaginip lang pala.
“Hey, I’m talking to you.” Muling nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ang lalaki sa harapan ko. He was looking at me like I was something that’s new and alien to see. Pinaningkitan ko siya ng mata.
Ano ba’ng problema niya?
Inirapan ko siya nang mapagtantong wala siyang balak na ilihis ang tingin sa akin at binigyang pansin na lamang ang kalagayan ko.
Ngayon ko lang napagtantong nakasandal ako sa isang malaking sanga ng puno. Nakasuot na ako ng isang itim na balabal na nagtatakip sa marumi at sira-sira kong damit, at ang kanang tuhod ko na may sugat at ngayo’y nakabalot na ng benda.
Napatingin ako sa aking dalawang kamay na ngayon ay nakaposas sa isa’t isa at kumurap.
“I tied your hands just incase you do something bad. Remember? I still don’t know you.” Napatingin ulit ako sa lalaki nang bigla na naman siyang magsalita habang nakatingin ng mariin sa akin. Mukhang napansin niya ang pagtataka ko nang makitang nakatitig lang ako sa nakaposas kong kamay.
“Who are you?” He asked after taking a long stare at me. Tiningnan ko naman siya pabalik at direktang tumingin sa kanyang mga mata.
Who am I?
Sino… nga ba ako?
Makalipas ang ilang minutong pakikipag titigan sa kanya ay napabuntong-hininga siya at inis na tumayo mula sa pagkakasandal sa kabilang puno.
Pinagpagan niya ang kanyang pwetan at nagsalita. “If you’re not going to tell me, then that’s it.” Isinukbit niya sa balikat ang isang malaki at lumang lambana bago magsimulang maglakad palayo sa aming pwesto. Agad naman akong nakaramdam ng kaba habang pinapanood siyang makalayo sa akin.
“S-sandali…” mahinang bulong ko.
Pero sapat na para marinig niya at mapahinto sa kanyang kinatatayuan.
He turned his gaze towards me and slowly went back to my direction.
“Nagsasalita naman pala,” iritadong giit niya.
Nang makalapit sa aking pwesto ay yumuko ito at bahagyang nag-squat sa aking tapat. Nang iwasan ko ang mga tingin niya ay hinawakan ng isang kamay nito ang baba ko at marahang iniharap ulit sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko at walang nagawa kundi mapatitig sa kanyang mga mata.
“Sino ka?“maawtoridad niyang tanong. Animo’y walang ibang sagot na tatanggapin bukod sa mga sagot sa katanungang isinumbat niya. Napalunok ako.
“E-Eirwen…”
He stared at me for a second before finally proceeding to his next question.
“Why are you here? In the middle of Spindlewood?”
Spindlewood? Saglit akong napaisip sa sinabi niya at yumuko.
Tama… tama nga ang hinala ko. Nandito kami ngayon sa Spindlewood. Sa isang kagubatang kung saan matagal na akong binalaan ni Mira na huwag kong pupuntahan kahit kailan dahil mapanganib.
“Answer me.” Muli akong napatingin sa lalaki nang agawin nito ang atensyon ko.
“N-naligaw ako…” mahinang tugon ko.
Narinig ko naman ang pagak niyang pagtawa at masamang tumingin sa akin. “Lost, really? Are you fucking with me?”
Kagat-labing napalunok ako ulit sa sinabi niya. Napansin kong bumaba ang tingin nito sa aking mga labi bago binalik sa mga mata ko ang tingin at bumulas.
“Damn it…”
Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking baba at umayos ng tayo. Samantalang napasandal naman ako ulit sa sanga ng puno at saglit na huminga nang malalim dahil sa kabang pakiramdam. Sinubukan kong tumingala sa kanya at tiningnan ang malapad nitong likuran.
Iiwan na ba niya akong mag-isa rito?
“A-ano… pogi…” sinubukan kong tawagin siya. Tila mukhang hindi naman nito inaasahan ang pagtawag ko at muling lumingon sa akin.
I heard him chuckle after looking at me like I just said something crazy. But then, immediately stopped himself when he saw my nervous face.
He frowned.
“What?”
“H-h’wag mo akong iwan…” nauutal kong pakiusap. Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko at tiningnan ako sa huling pagkakataon. Then he removed his gaze on me and sighed.
“…fine.”
Isinuot niya paharap ang kanyang lambana at pagkatapos ay muling lumapit sa akin, bago tumalikod at umupo nang nakayuko.
“Sakay sa likod,” utos niya. Agad ko namang naintindihan ang tinutukoy niya kaya dagli akong kumilos at sumampa sa likuran niya.
Maingat nitong inangat ang kanyang katawan upang hindi ako mahulog. Pero muntik pa rin akong nahulog nang hindi ko inaasahang may katangkaran pala siya kaya umayos ako ng pagkapit sa kanyang leeg. Mabuti na lang at nakaposas ang dalawang kamay ko kaya hindi agad ako nahulog. Hindi naman siya tumutol sa ginawa ko at nagsimula nang maglakad sa daan.
Mahigit ilang oras din siyang naglakad sa gitna ng kagubatan, at ilang mga passages din ang aming dinaanan bago makarating sa aming destinasyon.
“Pogi,” sinubukan kong agawin ang atensyon niya.
“What? Stop calling me pogi . Call me Zeno,” he muttered while still looking straightforward at the tracks. Tumango naman ako kahit na hindi niya ako nakikita.
Zeno … Zeno pala ang pangalan niya.
“Zeno… saan tayo pupunta?” puno ng kuryosidad kong tanong sa kanya. Saglit niya akong binalingan kaya napaatras ako ng konti upang hindi magtama ang aming mukha.
“The Hidden Sanctum,” tipid niyang saad.
“Sanctum?” ulit ko.
Napahinto siya sa paglalakad at saglit na pinag-isipan ang tanong ko.
“You… you’re not from here,” he said like it has been bothering him for a while. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.
“Tell me, where you from Velmiris?” he guessed. But I still got confused as I don’t recall any places that has a name Velmiris
.
“Velmiris?”
He stopped.
It took him a matter of seconds before finally realizing what is happening.
“You… don’t know?” Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya.
The Hidden
Sanctum…
Velmiris…
I don’t have any idea or knowledge about those places… but I know this forest, Spindlewood. And knowing that we are in Spindlewood right now, gave me a bunch of hints where I am and what’s really happening right now.
But I need to double check first.
“Wala… wala akong matandaan,” pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung kakagat ba siya sa kasinungalingan ko pero may parteng totoo rin naman sa sinabi ko na wala akong matandaan. Or more like… may kulang sa aking natatandaan.
Hindi na nagsalita pa si Zeno pagkatapos ng sinabi ko. May parte sa aking gustong tanungin kung anong iniisip niya, pero mas mabuti na rin sigurong hayaan ko siyang mag-isip nang malalim kaysa pag-usapan pa namin ang bagay na iyon.
Makalipas ang ilang oras ng paglalakad ay sa wakas at huminto na si Zeno sa paglalakad. Ibinaba niya ako sa kanyang likuran at sumilip naman ako mula sa likod niya upang makita kung nasaan kami.
“We’re here,” he said.
Nasa harap namin ngayon ang isang malaki, luma at abandonadong pinto. At first glance, you might not notice the gates because of the vines and plants that’s covering it, even though it is very tall. Para itong nag-camouflage sa mga malalaking halaman kaya kung titingnan sa malayo ay hindi mo ito mahahalata.
Hinawi ni Zeno ang ilang mga halamang nakaharang sa daan at lumapit doon sa pinto. Saglit itong may hinanap sa pinto at nang makapa ang isang bagay ay biglang bumukas nang mabagal ang pinto. Sandaling umatras si Zeno at hinintay na magbukas ang pinto.
When it opened, lumapit agad sa pwesto ko si Zeno at may inabot sa bandang likuran ko. Napaatras pa ako ng hakbang nung una dahil hindi ko alam kung anong binabalak niya pero hindi niya iyon pinansin. Marahan niyang ipinatong sa ulo ko ang hood ng balabal kong suot at inobserbahan ang itsura ko.
“Don’t remove your hood once we get inside,” he said. I nodded and followed him.
Pagpasok sa loob ng pinto ay wala ako masyadong makita dahil sa dilim ng paligid. All I could see were those little lights that are flickering and floating in the air. It was very dark, to the point that I had to get close to Zeno’s back since I can’t see the floor we are walking.
Bahagya akong nakaramdam ng lamig nang kusang magsara ang pinto sa likuran namin. I silently followed Zeno and all I could hear was our footseps echoing on the room.
“S-salamat pala sa pagsuot mo ng balabal sa ’kin,” ani ko sa gitna ng walang katigilan naming paglalakad. Sumagot naman siya makalipas ang ilang segundo.
“You’ve slept for three days and looked cold so I let you wore one of my cloaks. Why are you even wandering in the forest with torn and dirty clothes?” he asked suspiciously and side eyed me for a while. Hindi ako nakasagot.
So it’s been three days?
Nang makalapit sa bandang gitna ng loob ay huminto na kami sa paglalakad. Pasimple kong pinasadahan ng tingin si Zeno nang makita itong pumikit at saglit na may binigkas.
“Open the path,” he said like he’s talking to someone.
Maya-maya ay unti-unting lumitaw ang mga ilaw sa aming tinatapakan. Nanlaki ang mga mata ko at pinanood na kumalat ang ilaw na nagmumula sa mga linyang nakaukit sa sahig ng silid. That’s when I realized we are stepping inside a magic circle. Napasinghap ako sa nasaksihan.
It was the first time… I’ve seen a magic spell.
Nang matapos umilaw ang magic cirle ay mas kuminang pa ito ng sobra, kaya napapikit ako nang wala sa oras. It was so bright that my eyes were blinded for a second. And then, the next thing I knew, we were not inside the Sanctum anymore and got transported to a different place.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang naestatwa sa kinatatayuan nang tuluyang makita ang nasa harapan namin.
Right in front of us, is a very tall and wide walls that are spreading miles and miles away, and inside those walls is an incredibly big, huge, glowing castle. It was glowing so bright in blue, considering that it is already nighttime. As if the castle was made out of mirror and the stars are reflecting on it. It was so… breathtaking!
Sa sobrang mangha ko ay hindi ko napansing napanganga na pala ako at kanina pa ako pinagmamasdan ng katabi ko. Mabilis naman akong napatikom ng bibig at napaiwas ng tingin kay Zeno.
“Let’s go,” I heard him said so I followed him behind once again.
Habang papalapit sa direksyon ng kastilyo ay hindi ko maiwasang pagmasdan pa rin ang estraktura nito. Even though we are not yet close to the walls surrounding the castle, kitang-kita mo pa rin ito mula sa labas, at kahit ang malalaking pader na nagsisilbing bakod ng kastilyo ay hindi rin magpapatalo sa kataasan. It looks like a kingdom, in simpler words.
When we got closer to the main gate at the fortress walls, napansin ko na may isang taong nakatayo, hindi kalayuan sa aming pwesto. Tila may inaabangan itong importanteng tao na hinihintay, bago tuluyang dumiretso papasok sa loob. Saglit kong pinagmasdan ang kanyang pigura at tumikhim.
He looks like a man in the same age as Zeno. An ash brown-colored hair, also tall, thick eyebrows, pointed nose, and pink lips. He’s also wearing the same black cloak we are wearing. Tumingin ako sa ibaba niya at nakita ang isang armas na natatakluban ng kanyang balabal. It was a long sword, but I can’t see it properly because of the cloak.
“Took you long enough,” aniya nang makalapit kami ni Zeno sa kanya. Pinasadahan niya ako saglit ng tingin bago muling ibinaling ang tingin sa kasama ko.
“I saw him lost in the forest,” Zeno explained, pertaining to me. Muling tumingin naman sa akin ang lalaki kaya yumuko ako.
“Quite strange to be lost in a forest,” he muttered suspiciously. Lumapit ito sa akin at nagsalita, “what’s your name, kid?”
“Eirwen.”
“Well then… welcome to the Loomspire, I guess.” He smirked, at sumabay sa paglalakad namin.
. . .
To be continued.
Chapter 2: Loomspire School of Arcane Crafting
“Paano ka nakapunta sa Spindlewood forest?” Napatingin ako sa lalaking kakasabay lang namin sa paglalakad at umismid.
“Unfortunately, he doesn’t remember how.” Si Zeno ang sumagot sa tanong ng lalaki nang mapagtantong wala akong balak sumagot. The guy smirked.
“Curious…” He said while staring at me. Umiwas ako ng tingin.
Pumasok kami sa loob ng malaki at makapal na pader na nagsisilbing harang sa pagitan ng kagubatan at kaharian. It was a bit of a long walk dahil sa di hamak na kakapalang taglay ng mga poste. When we finally got inside, napapikit ako saglit dahil sa sinag na nanggagaling mula sa loob ng lugar. Napasinghap ako sa nasaksihan.
It was a town. A town with full of crowds wondering outside the castle.
Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang kapaligiran. There are food stalls scattered in town. May nakahilera ring mga stores na mukhang hindi pangkaraniwan ang binebenta dahil hindi ako pamilyar sa mga produkto nila. There were books, herbs, and bags getting selled by other stores. May nakita pa nga akong nagbebenta ng mga bottled potions at wands sa isang tabi. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan, but get excited at the same time.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. That I really am living inside a world full of magic and mystery. In a place that I was once just imagining inside my head.
Is this… really real ?
“Hey, no time for spacing out.” Mabilis akong nabalik sa reyalidad nang muling magsalita ang lalaki sa harapan ko. Tumango ako sa kanya at lakad-takbong lumapit sa kanilang pwesto.
Habang naglalakad sa gitna ng bayan ay napansin ko ang ilang mga taong naglalakad at nakakasalubong namin. May ilang mga taong napapatingin sa aming pwesto, at may iba ring nagbubulungan pa habang nakatingin sa robang suot namin.
“Hey, it’s them.”
“Isn’t that the Sentinels?”
“Sina Zeno at Cross ’yon, ’di ba?”
“They’re back?”
“Sino yung tao sa likod nila?
“
Napalingon ako kay Zeno nang lumapit ito at kumapit sa kaliwang braso ko.
“Move faster,” utos niya at mas inayos ang pagtaklob ng hood sa ulo ko. Tumango naman ako at mas binilisan ang paglakad tulad nila.
Are they popular here? Nakilala agad sila ng mga taong nakakasalubong namin eh.
Ipinagsawalang bahala ko na lang muna ang katanungan sa isip ko at nagpokus sa paglalakad. Masasagot ko rin ang lahat ng mga katanungan ko once na makapunta kami sa aming destinasyon. At base sa daang tinatahak namin, mukhang alam ko na rin kung saan kami patungong tatlo; doon sa malaking kastilyo na kanina pa umaagaw ng pansin ko.
Nang makarating sa mismong gates ng malaking kastilyo ay binasa ko ang mga salitang nakaukit sa taas ng pinto.
Loomspire: School of Arcane Crafting.
This big, giant castle… is just a school?
Hindi na ako nag abalang tumingala pa kung gaano kataas ang eskwelahan nila dahil paniguradong mababali lang ang leeg ko.
Pumasok kami sa loob ng paaralan at pagpasok, agad na bumungad sa amin ay ang isang malaking lobby. I looked up and saw a big chandelier that’s made up of glass but it’s not currently lighting. Tanging ang mga torches lamang sa bawat sulok ng silid ang nagsisilbing ilaw sa loob ng paaralan. How ironic to see that the school was literally shining outside, yet so dark inside.
Sumunod ako sa dalawang lalaki nang lumapit ang mga ito doon sa isang desk, hindi kalayuan sa mga pinto. There, we saw a middle-aged woman in glasses that’s currently asleep in her desk. Is she the one guarding the school?
“Miss Laura,” tawag ni Zeno doon sa babaeng nakatungo sa counter. Agad naman itong napabalikwas ng bangon at inayos ang kanyang salamin bago tumingin sa aming direksyon.
“Zeno Crane and Cross Flint, you’re back,” she called.
“Yes, can we speak with the headmaster? It’s uh…” Zeno turned his gaze at me for a second. “…urgent.”
Sinundan naman nung babae ang tingin ni Zeno at bumaling sa akin. She then noticed my hands that are currently handcuffed.
“I see… wait for a minute,” she said. May hinalungkat ito sa kanyang desk at maya-maya’y naglabas ng isang papel. Sandaling nagsulat ito doon sa papel at pagkaraan ng ilang segundo ay bigla iyong nasunog na ikinalaki ng mga mata ko.
Maya-maya lang ay biglang may lumitaw na namang papel sa harapan niya, katulad lamang noong papel na nasunog kanina. Napakurap ako ng ilang beses sa nakita.
What did just happen?
Binuklat ng babae ang papel at tahimik na binasa ang nakasulat.
“You may speak to him. He’s currently at the headmaster’s office,” ani ng babae pagkatapos basahin ang nakasulat sa papel. Tumango naman ang dalawang binata at muling nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ako sa likod ng dalawa at bago tuluyang makalayo ay sandali kong tiningnan ang babaeng nagbabantay.
She was staring at me with such curiosity that sent shivers to my spine. Mabilis akong umiwas ng tingin at lumapit kila Zeno.
Sumakay kami sa isang elevator at umakyat hanggang makarating sa palapag kung saan ang headmaster’s office.
The guy, Cross, knocked on the office’s door three times before we heard a man’s voice saying come in .
Pumasok kami sa loob ng silid at saglit na isinara iyon bago nagpatuloy sa paglalakad. Inikot ko ang paningin ko sa paligid marahil sa kuryosidad. It looks just like any other typical offices. There are books and papers scattered in some shelves, and some equipments that I’m not familiar with. There’s also a big, wide, opened windows where you can see the whole town, and just beside it, was a tall, standing man, looking outside the windows.
“I see you’ve brought someone.” His deep, stern voice echoed around the whole room, without looking at us. Hindi naman sumagot ang dalawang binata at nanatiling nakatayo sa kanyang likuran. He slowly turned towards us and smiled.
He looks like a man in his mid-40s or 50s. He was tall, at medyo magulo ang itim na buhok nito gawa ng hangin mula sa bintana. Although he’s quite aged, kapansin-pansin pa ring may itsura ito at halatang pinapangalagaan pa rin ang pangangatawan. He looks muscular and a bit too young for his age. Kung hindi lang dahil sa medyo wrinkled nitong mukha ay aakalain mong bata pa ito.
“Headmaster Alaric,” Zeno called him.
Inangat nito ang sleeves ng kanyang damit at umupo sa isang swivel chair, malapit sa kanyang lamesa.
“I found him unconscious and lost in the Spindlewood forest,” he continued.
“And what’s his name?” the headmaster asked.
“Eirwen,” Zeno answered.
“Eirwen… hmm.” The man looked at me from head to foot. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napaatras ng isang hakbang nang magtama ang aming mga mata.
Those scarlet red eyes… I sensed danger.
“What kind of arcane do you possess, Eirwen?” he asked as if one wrong answer, and I will be gone forever. Muling nagtaasan ang mga balahibo ko.
Arcane
? What is he talking about?
Anong ibig-sabihin niya?
“A-arcane…?” My voice faltered a bit.
“Special or unique abilities. Powers that you possess, Eirwen,” Headmaster Crane explained. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Paano kung…
Paano kung wala ako ng mga iyon?
Those special abilities… or any powers that can be possessed.
Now that it has come to realization, I felt like millions of needles were struck at me.
Tama… wala akong ability. Wala akong hidden talent. Wala akong kahit anong kakayahan na nanggagaling sa katawan ko. Because I don’t belong here. I never belonged in this place.
I have no arcane.
“W-wala ako no’n…” I muttered out of nowhere. Nanatili akong nakayuko at nakapikit habang namamayani ang katahimikan sa buong paligid.
“I see… you don’t have any,” I heard him said after a long minute of silence. Napadilat ako ng mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kanya at nakita itong nakangiti.
“Then, how did you end up in the middle of the forest?” He asked another question that made me shut my mouth once again.
“How did you manage to go out of Spindlewood with just a scratch on one of your foot? How are you alive after walking out of the forest without any abilities?” Tumayo ito sa kanyang pwesto at tumingin sa aking kinatatayuan.
“There are too many questions left unanswered. Too many dangers lying ahead because one answer that you cannot answer. So tell me,” lumapit ito sa akin at yumuko sa direksyon ko.
“What arcane do you possess, Eirwen?”
All of a sudden, the gravity just felt too heavy, which made me knock all of my senses and kneel in front of the old man.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napakapit sa sahig dahil sa bigat ng atmosperang pumapaligid sa akin. Sa sobrang bigat ay napasuka ako ng maraming dugo at sinubukang huminga nang malalim habang nakaluhod. The gravity was so heavy to the point that I can’t breathe normally. Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko.
“I-I d-don’t… r-remem… ber…” I was choking and gasping for air as I tried to speak for the truth. Gamit ang natitirang lakas ko ay sinubukan kong tumingala at tingnan ang matandang lalaki.
Is he the one doing all of this?
Does he have the ability to control gravity? Or atmosphere?
I looked at his red eyes one last time with all my might. And just for a split second, I saw him flickered while looking at my eyes.
And then he immediately stopped using his ability.
Agad na bumagsak ang katawan ko sa harapan niya. I was gasping so much for air as I try to cope up with my breathing.
Naramdaman kong may tumulong bumuhat sa aking katawan, hanggang sa mapagtanto kong buhat-buhat na ako ng kung sino at isinukbit ang isang braso ko sa leeg niya. Nahihilong tumingin ako sa taong iyon at wala sa sariling napatitig sa kanyang mga mata.
Zeno…
“Take him to the clinic. Let’s talk again after this.” I heard the headmaster’s last words before I finally lost consciousness.
Marahan akong nagmulat ng mata at naalimpungatan dahil sa sinag ng araw na dumapo sa mukha ko, mula sa siwang ng bintana. Nangingiwing kinusot ko ang aking mga mata at sandaling nag-adjust ang paningin sa paligid. Nang mahimasmasan ay napaupo ako sa kamang pinaghigaan ko at pinilit alalahanin ang nangyari.
We went inside the office to see the headmaster of the school but when I was asked about my special ability, I failed to answer so the old man pressured me. And then I fainted.
Mabilis naman akong natauhan sa naisip at nagmamadaling ininspeksyunan ang kalagayan ng katawan ko. I’m not wearing the cloak now but a new set of paired clean clothes. Kumunot ang noo ko. Did someone tried to dress me when I was unconscious?
Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. No, I shouldn’t be worrying about that right now. Sinubukan kong angatin ang suot kong pajama at nakitang wala akong kahit anong galos ng mga gasgas o sugat. Maski ang sugat ko sa bandang paa ay magaling na at walang kahit anong bahid ng galos. Tila nawala iyon na parang bula.
I was cured. But how?
Muli kong naalala ang naganap nung gabing ’yon at ang pagsabi ni Headmaster Alaric kay Zeno na dalhin ako sa clinic. He said they will talk about something after taking me to the clinic. I wonder what that is. And speaking of Zeno… where is he?
Nasa ganoon akong akto nang bigla bumukas ang pinto ng kwarto, at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng puting roba. He was wearing that radiant smile while holding a black clipboard as he walked towards my clinical bed.
“Gising ka na pala,” he casually said and placed the clipboard on the desk beside me. “I’m Lucien, the school nurse of Loomspire. How are you feeling?”
“O-okay lang po…” Hindi ako nakasagot agad dahil masyado akong namamangha sa pigura niya. He has a bit of a brown long hair that’s braided loosely, and just a bit taller than me. Umupo ito sa isang upuan at tumapat sa akin. He held one of my hand and stared at it for a second.
“Hmm… you’re completely healed. You were brought here last night bleeding. Mabuti na lang at hindi malala ang kalagayan mo dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon, hindi ka pa rin magaling,” he explained. Mabagal akong tumango.
“By the way, before I forgot, the headmaster wanted to give this to you.” Kinapa niya ang bulsa ng suot niyang labgown at may kinuhang isang papel. Tinanggap ko naman iyon pagkabigay niya at tumayo na siya pagkatapos.
“Well, I’ll leave now since I have other things to do. Pwede ka na ring umalis ng clinic dahil maayos na ang lagay mo. Kung may kailangan ka pang iba, you can call me outside,” paalam niya at iniwan na ako sa loob ng silid.
Napatingin naman ako sa hawak ko ngayon at binuklat iyong papel upang basahin ang nakasulat.
~ • ~
’
To the Bearer of Arcane
,
You are hereby invited to attend
Loomspire
, where the gifted are taught to shape the hidden threads of magic.
Arrive at the
Hall
of West Wing
before the next full moon. This letter is your key.
Welcome to the beginning of everything.
-Headmaster Alaric Silas Halford
Loomspire: School of Arcane Crafting
’
~ • ~
Bigla akong natulala sa kawalan matapos basahin ang imbitasyong nakasulat sa papel.
I am… invited to what?
. . .
To be continued.
Chapter 3: Entering the Hall of West Wing
Sinipa ko ang ilang mga bato sa lupa habang naglalakad sa gitna ng kawalan. Tumingala ako at napabuntong-hininga. I stared at the birds flying high in the sky. Hanggang ngayon, paulit-ulit pa ring umiiral ang isang bagay sa isipan ko.
I am invited to Loomspire.
To the school where extraordinary things can be seen and happen, and where ‘not-so-normal’ people are all studying.
Mahigit ilang oras na akong naglalakad sa labas ng Loomspire. At hanggang ngayon, tila hindi pa rin ako makapaniwala. It just feels… weird. Na para bang masyadong mabilis para sa akin ang lahat ng mga nangyayari.
Almost a week ago, I was just living alone, quiet in the woods. And when the clock strikes 12 at midnight, on the exact day of my 18th birthday, everything just… changed. I suddenly got transported into a very dark and strange forest. And realized I’m somewhat in a scary place where there are glowing things and magical stuff happening.
…and now I ended up becoming a student in this school that doesn’t even look like school; more like a kingdom with a castle inside.
Baka naman nananaginip lang talaga ako? Nasa loob ng isang matagal at nakakakilabot na panaginip na minsan ay pinangarap ko nang magising na lang.
Just… where exactly am I?
“Strange…”
Napabalikwas ako sa gulat at mabilis na lumingon sa likod ko.
There I saw a girl wearing a light-colored sweatshirt and white pants. She has a black wavy hair and pale skin. She looks like a model while holding a big paperbag on her right hand.
“New face. Bago ka lang dito?” She asked out of curiosity. Hindi naman ako nakasagot agad at nanatiling nakatitig sa kanya.
“Well, you should be heading inside now since it’s gonna get dark pretty soon.” Nilagpasan ako nito at muling nagpatuloy sa paglalakad. She’s heading towards the gates of Loomspire. Napakurap naman ako.
Nang makahanap ng tamang tyempo ay huminga ako nang malalim bago sumunod sa likuran niya.
“S-sandali…” mahinang bulong ko pero sapat na para marinig niya. Huminto naman siya sa paglalakad at bumaling sa ’kin.
“Let’s go?” she asked, which made me stop again. Naguguluhan man dahil sa kanyang inakto pero tumango pa rin ako at sumabay sa lakad niya. Bakit parang wala siyang kamuwang-muwang sa mga tao? Hindi naman kami magkakilala pero kung makipag-usap siya ay animo kilala talaga ako.
When we got inside the school, she was about to walk away when I stopped her once again.
“Bakit?” tanong niya. Hindi ako nakasagot agad at sandaling napaisip.
“Saan… s-saan pwedeng kumain dito?” Kagat-labi kong tanong at umiwas ng tingin. Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid. Kalaunan ay imbis na sumagot siya ay narinig ko lang ang pagtawa niya.
“Follow me,” she gestured, so I followed reluctantly.
Habang naglalakad sa hallway ay bigla niyang tinanong ang pangalan ko.
“Eirwen? Cute name.” Inayos niya ang bitbit na paperbag sa kanyang balikat at nagpatuloy sa pagsalita. “I’m Rian. Class B student.”
“Class B…?” Sinilip niya ako nang mapansin ang kalituhan sa tono ko.
“Uhh… sorry, nakalimutan kong new student ka lang dito. Sa Loomspire, meron tayong tinatawag na classes. It was ranked from D to A; D being the lowest, and A being the highest class. That’s how we scale our arcane powers,” she explained as simply as she could. Mabagal naman akong tumango at saglit na iprinoseso sa utak ang sinabi niya.
“Paano mo malalaman kung anong class ka, Rian?” I asked. Napangiti siya, not because of my question, but I guessed it’s because I mentioned her name.
“You won’t immediately know it. Malalaman mo lang kung anong class ka once na magsimula ang exam ng school. But since you’re new here, I’m sure you’ll be first introduced as a Class D student.”
Pumasok kami sa loob ng isang silid at agad na nalipat doon ang atensyon ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kabuuan ng silid. Sobrang lawak kainan nila at ang lalaki ng mga lamesa!
“Nagaganap ang exam every after a week on the first day of classes here in Loomspire. Nakadepende sa arcane mo ang magiging test na ibibigay sayo sa exam. In my case, the exam is always hell. Palagi kasi akong tine-test kung hanggang saan ang inaabot ng arcane ko.” She turned her gaze at me and smiled.
“My arcane is Barrier Casting. I can project forcefields and magical walls.”
Sandali akong natigilan sa paglalakad kaya napatigil din siya. She laughed when she saw my reaction about what she said.
“Why are you so shocked? There’s nothing to be shocked about my arcane. It’s not even an offensive type,” Rian giggled.
“Sorry… h-hindi lang ako siguro makapaniwala,” natutulala ko pang paliwanag sa kanya. Tumango naman siya.
“I get it, it’s your first time coming here anyway. Natawa lang din siguro ako dahil sa reaction mo. Parang hindi ka pa kasi nakakakita ng arcane buong buhay mo.”
“Oo… tama ka—”
“Anyway, I have to go now! Aayusin ko pa kasi itong mga pinamili ko sa dormitory. Nice meeting you again, Eirwen!” Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla itong magpaalam. Napakurap naman ako ng ilang beses pero kalaunan ay mabilis na tumango at kumaway kay Rian.
“S-sige… salamat sa paghatid, Rian.” She waved back at me before finally vanishing on thin air.
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko
nasabi
sa kanyang hindi pa talaga ako
nakakakita
ng arcane buong buhay ko.
Pero siguro nga, nakakita na ako na may gumamit ng arcane before. Iyong ginawa ni Headmaster Alaric sa ’kin. I guess the headmaster holds the arcane that is related to gravity. Dahil sa sobrang bigat ng paligid at katawan ko noon ay nawalan pa ako ng malay.
Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at inikot ang tingin sa paligid. There is no presence of anyone lurking in the hallway. Umupo ako sa isang mahabang upuan at hindi ko maiwasang manlaki na naman ang mga mata nang biglang may lumabas sa harap ko na pagkain. It was as if the table knew what I was looking for and all of a sudden, there was food.
So this… is magic.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari sa totoong buhay ito.
Kinuha ko ang mga kubyertos at nagsimulang kainin kung ano man ang pagkaing nasa hapagkainan ko. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi kanina ni Rian bago ito umuwi.
I wonder… what class are Zeno and Cross part of?
As soon as I finished filling my stomach, I went immediately to the Hall of West Wing. Napansin ko kasing pababa na rin ang araw kaya nagpasya akong tumungo sa destinasyon ko. As much as wanted to rest and sleep already, wala pa rin akong kaalam-alam at hindi ko pa rin sigurado hanggang ngayon kung kailan sasapit ang tinutukoy na next full moon doon sa invitation letter ng Loomspire.
Muli kong binuklat ang imbitasyon at tumingin sa likurang bahagi nito. Doon ay biglang may umukit at unti-unting lumabas ang isang larawan ng mapa: ang map of Loomspire. Kanina ko lang din nalaman na mayroong mapa roon nang aksidente kong mahulog ang papel habang kumakain.
Ang sabi sa imbitasyon, kailangan ko raw pumunta sa Hall of West Wing ng Loomspire at itong papel ang magsisilbing susi ko para makapasok doon.
Binaba ko ang mapa at tumingala sa nasa harapan ko.
Isang malaking pinto.
Muli kong tiningnan ang mapa at nakitang nandito na ako sa tapat ng West Wing. Huminga ako nang malalim.
This must be it.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at inangat ang mapang hawak ko. Suddenly, the map I’m holding melted in my hands, until it turns into a red key. Napanganga ako sa sobrang mangha. It literally changed like clay in my hand!
Napalunok ako bago itinusok papasok ang hawak na susi sa pinto. Seconds later, the two big doors opened and I slowly walked inside.
Pagpasok ay sinalubong ako ng isang napakahabang hallway. Nang makitang walang tao ay sinara ko ang pinto at muling isinukbit sa bulsa ang susi. Kahit walang kasiguraduhan ay tinahak ko pa rin ang mahabang daan hanggang sa makarating ako sa bandang dulo.
At the end of the hallway was a big hole or tunnel, with some flying papers surrounding it. Agad akong napaatras naman at humawak sa pader nang mapayuko ako at makita kung gaano kalalim iyong lugar.
Halos malula ako dahil sa sobrang lalim ng lagusan ay hindi ko na makita ang pinakadulong parte nito. Tanging dilim na lamang ang maaaninag mo at wala nang iba. Kumunot ang noo ko.
Akala ko ba, nasa unang palapag ako ng Loomspire? Bakit may mas malalim pang parte rito?
Mabilis akong nabalik sa ulirat nang may biglang nagsalita sa likuran ko.
“What are you doing?”
Natutulirong napalingon naman ako at tumingin sa lalaking ngayon ay tinitingnan ako na parang baliw.
Nagmamadaling napaayos naman ako ng tayo at nahihiyang umiwas ng tingin. Saka ko lang na-realize na parang isang palaka pala ang pwesto ko kanina.
“First time?” Muling bumaling ang tingin ko sa kanya nang magtanong ito. Matagal akong hindi nakasagot pero kalaunan ay mabagal na tumango.
“Do you have your own key?” He asked again. Tumango naman agad ako at mabilis na kinuha ang susi ko bago pinakita sa kanya.
Lumapit siya sa tabi ko at sa isang iglap, biglang may tumigil na isang papel mula sa mga nagliliparang papel at huminto sa harapan niya.
How did he do that?
“Hold your key and place it in the tunnel. That key will lead you to your designated room,” he explained as he watched me do what he instructed me to do.
“Hold it carefully.” Tumingin ako sa kanya sa huling pagkakataon nang muli niya akong paalalahanan. Tumango naman ako.
As soon as I slowly extended my hand with the key on the tunnel, the key suddenly shifted again into a paper. Napanganga nalang ako nang biglang lumipad ito, at sa sobrang lakas at bilis nung papel ay tinangay ako nito pataas.
“Aaaaaaaahhh!” I screamed in shock and fear.
It was so fast that I was almost about to puke when the paper suddenly stopped and a sudden force pushed me again back to the wall.
Walang sabi-sabing bumagsak ang buong katawan ko sa sahig na para bang basahan. I groaned in pain.
I could sense the paper I’m holding a while ago was laughing with no sounds. Sinamaan ko ito ng tingin at namimilipit na sinubukang tumayo ng maayos. Lumipad naman na ang papel at sumama na doon sa mga iba pang nagliliparang papel.
Kung alam ko lang na ganoon pala ang mangyayari, edi sana napaghandaan ko pa ang sarili ko. Now I know why that man ordered me to hold tightly.
But speaking of him… hindi ko natanong kung anong pangalan niya! How would I thank him now for teaching me?
Pinagpagan ko ang damit kong ngayon ay nadikitan ng mga alikabok at nagsimulang maglakad. Pasasalamatan ko na lang siguro si kuya kapag magkita kami ulit.
I walked straight past the hallway where the paper left me behind. May ilang mga pinto akong nadadaanan pero hindi ko pinupuntahan. Hindi ko naman kasi alam kung ano nang susunod kong gawin dahil wala na ang papel ko.
So… saan na ako?
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Tumingin sa gawi ko ang lalaking kakalabas lang ng pintuan at saglit na pinagmasdan ang itsura ko, animo’y inoobserba ang bawat anggulo ng mukha ko. Binalingan ko rin siya pabalik, at ang unang napansin ko ay ang makapal nitong kilay at kulay itim na mata. He was holding a brown backpack on one of his shoulders.
“Uh… hi?” he scratched his head after a minute of long silence. Muli akong napakurap sa kanya.
“Are you lost?” He asked when he noticed I was walking empty-handed. Tumango ako pagkaraan ng ilang segundo sa tanong niya. He was awed and nodded.
Wala nang nagsalita ulit sa aming dalawa pagkatapos no’n. Tiningnan ko ulit siya sa huling pagkakataon at nakita itong parang natutuliro kaya nagsalita na ako.
“Nasaan…”
His face immediately brightened up when he heard me speak.
“N-nasaan ang banyo?” I cleared my throat. Matagal niya akong tinitigan bago sumagot.
“There’s no bathroom here. Pero meron sa loob ng designated room mo rito.” He answered. Napatikom ako ng bibig.
“Is this your first time here?” Tumango ako sa kanya.
Isinukbit niya ng maayos ang bag sa likod niya at ngumiti.
“Welcome to the boy’s dormitories.”
. . .
To be continued.
Chapter 4: Loomspire Library
“Paano… malaman kung anong room mo…?” nahihiyang bulong ko pero sapat na para marinig niya ng klaro.
“Actually, you don’t have to since I already know what room would you be in.” He smiled. Umangat ang mga kilay ko.
“This will be your new room now.” He gestures his hand towards the door he just came outside. Sandali naman akong natigilan at prinoseso ang sinabi niya.
Doon sa… pinanggalingan niya? Ibig-sabihin ba no’n ay… may makakasama ako sa matutuluyan ko? At siya iyon?
“Uhh… the truth is, I was supposed to leave the room as I requested for another space because I don’t want to have a roommate. But now that I’ve seen the new person who’s going to be with me in my room… I guess I changed my mind. Come in!” Pumasok ito pabalik sa loob at iniwan akong tulala sa kawalan.
Siguro… mas mabuting sundin ko na lang muna siya?
Pinihit ko ang pinto at mabagal na pumasok sa pintuan. I roamed my gaze around the place and observed the corners of the room.
Kulay vintage ang istraktura ng buong room. There is a small living room and kitchen on the other side. Sa dulo ay may isang pinto na hula ko ay ang tinutukoy niyang banyo. May second floor din at doon ay kita ko ang dalawang malaking kama. It’s almost constructed like you could live forever in this house. Kumpleto ang lahat ng mga kagamitan.
Is this even a dorm? This looks like a complete, full-package house!
“You should sit, it’s cozy here.” Nabalik ang tingin ko sa lalaki nang ibaba nito ang bag sa sala at umupo doon sa mahabang sofa. Mabagal naman akong sumunod sa kanya at tahimik na umupo sa kabilang sofa.
“Ano…” tawag ko sa kanya.
“It’s Kian,” he introduced his name. Tumango naman ako.
“Paano mo pala nalamang ako ang magiging ka-roommate mo, Kian?”
Tumingin ito sa akin bago ngumisi at may tinuro sa pintuan. Bumaling naman ako roon.
“You’ll see the names of the students that will reside on the room in every dormitories. And I see a new name so… already figured you’re a new one,” he explained while I was still looking at the back of the door.
May dalawang kahoy na nakapaskil sa likod ng pinto, at nakaukit doon ang dalawang pangalan. Ang una ay ‘Kian’ ang nakasulat, habang sa pangalawang kahoy naman ay ‘Eirwen’.
It… really is my name.
“Nice to meet you, Eirwen.” Lumingon ako sa kanya nang batiin niya ako at nilahad ang isang kamay. Tiningnan ko naman iyon nang matagal at binigyan siya ng nagtatakang tingin. He stopped for a second.
“You… you don’t know…?” he seemed confused while waiting for something. Subalit kumurap lamang ako sa kanya.
Anong… hindi ko alam?
He sighed before finally reaching one of my hands. Akmang pipigilan ko na sana siya pero huli na dahil nahuli nito ang isang kamay ko at pinaglapat ang aming mga palad. Napahinto naman ako.
Ahh… so ito pala ang tinutukoy niya.
At dahil hindi ko na ulit alam kung ano ang kasunod na gagawin doon ay ako na ang naunang nagkalas ng kamay namin. Nakita ko namang tumango si Kian at muling nagkamot ng ulo bago umiwas ng tingin.
“Parang
sanggol
lang…“ I heard him murmured to himself pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
“Ano yun?”
“Ahh… wala. Sabi ko ang lambot ng kamay mo, parang siopao.”
“Siopao?”
“So, now that you’ve meet your handsome roommate and a place to settle, what’s your plan?” Tanong nito, binabago na agad ang usapan. Mukhang ayaw na magpaliwag kung ano ang siopao na tinutukoy niya kaya napailing na lang ako. Pero dahil sa tanong din ni Kian ay natigilan ako at napaisip ng malalim.
He is right. Ngayong dinala na ako ng invitation letter dito at nahanap ko na ang pansamantalang matutuuluyan ko, ano na ang susunod kong plano?
In the first place, why didn’t I even stop myself from going here?
Muli kong inalala kung bakit nga ba ako nakarating sa puntong ito.
To the reason how I ended up getting here.
That night, was my 18th birthday. I was alone, living in the woods. Just got back home from searching where to find Mira when suddenly, a mysterious void showed up in front of me.
Sobrang hindi pangkaraniwan ng pangyayaring iyon. All my life, I’ve been searching and searching around the forest for years after the disappearance of Mira. Nagbabaka sakaling mahanap ko ito sa gitna ng madilim at malawak na kagubatan. I was looking for answers and whereabouts of her. Pero wala naman akong mapagtanungan dahil tanging kaming dalawa lamang ni Mira ang nakatira sa lugar na iyon.
In the middle of the forest, we’ve been living peacefully ever since I was a child. Dati pa lang ay sinabihan na ako ni Mira na hindi siya ang tunay kong magulang. Ngunit pinaramdam niya sa akin kung ano ang pakiramdam ng mahalin at alagaan ng isang ina. She always reads me book every time we go to sleep. Tinuruan niya akong magbasa, magsulat, magluto, at maglinis ng bahay. We were so happy and contented, and because of that, I considered her as my one and only family.
Kaya naman isang malaking katanungan sa isip ko ang dahilan kung bakit bigla na lamang siya nawala na parang bula. I was left alone, scared and hurt in our small house, in the middle of the woods. All I can remember was her last night in our house. She seemed unease while knotting threads like she always used to do. Tila sobrang pokus nito at malalim ang iniisip. And then the next day, she’s gone. Not even a single trace of her presence was left.
And so I started searching in the woods.
Inabot ako ng ilang taon sa paghahanap kay Mira. Sa sobrang tagal ay natuto na akong mamuhay ng mag-isa sa kakahuyan. The forest and the nature I was once scared of roaming around became part of my normal day. I learned how to live on my own, always thanking all of the lessons Mira have taught me.
And when my 18th birthday comes, it was exactly midnight when that happens.
When a black void suddenly showed in front of me. Right in the middle of my search to Mira.
It was as if my life was turned into a mess after getting sucked accidentally inside that void. Then the next thing I knew, I stumbled on my feet, and a tall, good-looking man was standing in front of me.
And the rest was history.
Bumalik ang tingin ko kay Kian na ngayon ay kanina pang naghihintay ng sagot ko. Huminga ako nang malalim.
“Can you help me find information about this place?”
“What, you mean the dorm?” he confusedly asked. Umiling ako.
“I mean, this world.” I said like it was a normal thing to say. Natulala ito sa sinabi ko.
“…what?”
“Welcome to the Loomspire library,” Kian said with sarcasm on his tone. Nanatiling nakatikom ang bibig ko at inilibot ang tingin sa paligid.
The moment I stepped my feet inside the library, I was immediately stunned by the sight I was seeing.
Napanganga ako dahil sa laki ng silid-aklatan nila. Sa sobrang laki ay nagmistulang mga buildings ang bawat bookshelves na nakahanay sa loob. I could even see some floating books midair.
This place will never fail to amaze me.
“So… can I ask why you wanna read some nursery history class?” hindi na mapigilan pang tanungin ni Kian habang sinusundan ko itong maglakad.
“Wala lang… n-na-miss ko lang basahin,” kagat-labi kong sagot.
Bigla siyang huminto sa paglalakad.
“What class type are you right now?” He turned his gaze at me. Umiwas ako ng tingin.
“Ewan.”
“Hah.” He looked at me unbelievably. “I thought you’re new here in this school, but I never thought that you’re literally NEW here,” he said sarcastically once again. Mas lalong napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
Well… what he said was entirely true. Hindi lang talaga ako bago sa paaralang ito kundi bago talaga ang lahat ng ito sa akin. This place was literally the kind of story I was just listening to when I was a kid. Except I just need confirmation. Even a slight confirmation would do.
In order to know where am I exactly.
To know what truly happened that night.
To know where that void came from.
To know… where Mira finally is.
Huminto kami sa paglalakad at may kinuha na kung anong bagay si Kian sa bulsa niya. It was a pen.
Nagtatakang tiningnan ko siya pero isang ngisi lamang ang isinukli nito sa akin.
He tapped the tip of his pen and suddenly, it turned into a portal! Napa-wow ako sa ginawa niya. He just chuckled.
Saglit nitong pinasok ang ulo at kalahati ng katawan nito kaya mabilis ko itong sinilip sa portal. I saw a bunch of books inside it and he took some books before moving away from the portal.
“Here.” Nilahad niya sa akin ang apat na makakapal na libro at dali-dali ko naman iyong binuhat. He clicked his pen again and then the portal closed.
“Those books are all about the boring history of the world. Goodluck reading all of them.” He stared down at the books I am holding and looked at it with disgust.
“Paano mo nagawa iyon?” I was tempted to ask dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita.
“Well, I used my arcane. I can make a portal using my pen and go to any place that I want. Except I need to see first where I’m going at least once, para makagawa ako ng portal doon,” aniya. Hindi naman ako nakatugon ulit sa sinabi niya dahil nags-sink in pa ang lahat sa utak ko.
“Unless you wanna walk up those stairs…” Tinuro niya ang mga hagdan na sobrang haba papunta sa pinakatuktok ng isang bookshelf… bookshelf pa nga ba ang tawag dito? Parang tower of books na nga iyon.
But speaking of his arcane… kaya niyang makagawa ng mga portals pero kailangan niya at least makita kung saan yung lugar na iyon?
Hindi ko alam kung bakit pero bumagsak ang balikat ko.
I mean… okay, inaamin ko na noong makita ko ang kakayahan ni Kian, a sliver of hope was filled in my chest. Na baka sakali… pwede niyang magamit ang arcane niya para makabalik ako sa bahay ko. Sa tunay na bahay ko. Nangsagayon ay makauwi na ako at makapagpatuloy sa paghahanap kay Mira. Pero noong sabihin niya na kailangan niya munang makita ang lugar… I felt sad.
Akala ko kasi… may pag-asa pa.
Mariin kong pinilig ang ulo at bumuntong-hininga. Ngumiti ako ng pilit kay Kian at muling umiwas ng tingin.
“A-ang galing naman…”
“It’s not even amazing. I’m just a Class C.” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumalikod si Kian.
“Kian—”
“Marami pa pala akong kailangang gawin. Babalik na ako sa dorm. Maiwan muna kita rito, Eirwen?” he said while not looking at me. Napatango naman ako.
“S-sige… salamat.” Pinanood ko itong maglakad palabas ng library at naguguluhang nag-isip.
May mali ba sa sinabi ko? Ang sabi ko lang naman ay ang galing niya ah?
O ’di kaya… masyado nilang pinahahalagahan dito ang kanilang mga rankings at sa tingin niya… hindi totoong magaling siya dahil Class C lang siya?
Napakagat-labi ulit ako. That must be it. Masyadong niyang binababaan ang sarili niya dahil sa kasalukuyang ranggo niya.
But it really was cool for me. Hihingi na lang siguro ako ng tawad kay Kian dahil naging iba ang dating ng sinabi ko sa kanya.
Lumapit ako sa isang mahabang lamesa at nilapag ang mga librong binigay ni Kian. I looked at one of the books he gave me and I was stunned when I read the title of the book.
The Origin of
Aeyndral
.
Paanong…?
Nanginginig akong umupo sa upuan at dahan-dahang binuklat ang unang pahina ng libro.
Aeyndral
… was the name of the world from one of Mira’s bedtime stories.
. . .
To be continued.
Chapter 5: The World of Aeyndral
Matagal na namayani ang katahimikan sa buong paligid. Tanging mabibigat na paghinga ko lamang ang maririnig noong oras na iyon.
Habang binabasa ang mga letrang nakasulat sa bawat pahina ay mas lalo ko lang nakukumpirma kung nasaan talaga ako.
That my hunch was right.
That
I
am in
Aeyndral
. In a world, full of magic and mysteries.
Noong bata ako, madalas akong kwentuhan ni Mira tungkol sa isang lugar na punong-puno ng hiwaga at misteryo. Sa isang mundo kung saan maraming mga tao at nilalang ang namumuhay sa paraang hindi pangkaraniwan.
Magical forests…
Dungeons…
Dragons…
Unknown creatures…
Wizards…
Witches…
Powers and abilities…
The world of
Aeyndral
.
Sa simula’t sapul, noong unang tungtong ko pa lamang sa kagubatan, malakas na ang kutob ko kung nasaan ako. Pero ayokong maniwala. Ayokong kainin ng sariling imahinasyon ang isip ko.
Pero nang banggitin ni Zeno ang pangalan ng misteryosong kagubatan noon… doon ko tuluyan napagtanto ang lahat.
I really am in Aeyndral. Sa mundong dati lang ay palagi kong pinapakwento kay Mira noong bata upang makatulog.
Pero… paano ako nakapunta rito?
Paanong… naging totoo ang lugar na dati lang ay isa sa mga naging paborito kong kwento ni Mira?
Nilipat ko sa kabilang pahina ang libro at binasa ang nasa konteksto.
There are four kingdoms in the world of
Aeyndral
: The
Iscaltherra
,
Emberveil
,
Lunareth
, and
Velmiris
Kingdom.
But then, there is one more Kingdom, located in the central part of the world. But hidden, strange, and cannot be easily find. It can be only accessed through limited passages and Sanctum.
The Loomspire Kingdom.
And right now… I am at the heart of this kingdom. The Loomspire School of Arcane Crafting.
Sinara ko ang librong binabasa at tumungo sa lamesa. Everything was just so hard to fill inside my head. Parang bawat impormasyong nalalaman ko ay mas nagbibigay lang ng bigat at kirot sa ulo ko.
It was so bad that I could just sleep and rest for the rest of the day. Nakakapagod mag-isip.
Dati, pinapangarap ko pa na sana ay makita at maranasan ko rin kung paano mamuhay sa mundo ng mga hiwagang kinukwento ni Mira. Pero ngayong nangyayari na ay parang mas gugustuhin ko pang bumalik na lang ang lahat sa dati.
Nakakatakot. Nakakatakot ngayong alam ko na ang pakiramdam.
Pero dahil alam ko na kung nasaan ako, mas lumalakas din ang loob ko na mas napapalapit ako kay Mira.
Is this the first step? Is this really the sign that I’m finally having a progress on finding my mother?
Are all of this really connected?
“Done reading?” tanong ni Kian, pagpasok na pagpasok ko pa lang ng kwarto namin. Tumango ako sa kanya at pagod na humiga sa bakanteng kama.
“What arcane do you possess?”
“Wala.”
“Wow. Great talk.” I could sense him rolling his eyes at me even though I can’t see him.
“Wala nga,” tiningnan ko siya sa kabilang kama at biglang bumalik ang tingin nito sa aklat na binabasa niya.
“Sorry.”
“Huh? Sorry saan?”
“Sorry, hindi gano’n yung ibig-sabihin noon,” ulit kong sabi sa kanya. Tumahimik siya.
“Sobrang nagalingan talaga ako sayo kanina dahil wala naman akong arcane tulad mo.” Sinubukan kong sabihin iyon sa kanya sa paraang seryoso at kalmado upang mabatid niya ang pinupunto ko.
He later on looked at me slowly.
“It’s alright. Maybe… you just don’t know it yet. May mga ganoong cases talaga ng arcane. Baka late bloomer lang iyong sayo,” he tried to joke but I know what he said was sincere. I smiled.
“Hindi ganoon iyon.” Dahil
imposibleng
magkaroon
talaga ako.
Dahil hindi ako totoong
nanggaling
sa
mundong
niyo.
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at natawa na lang din sa joke niya.
“Ano nga pala yung late bloomer?” nakangiting tanong ko sa kanya. He frowned.
“What are you, an elder? How come you don’t know what that means?” Tiningnan niya ako na parang nakakita ng hibang. Inirapan ko siya.
“Huwag mo na sagutin. Naantok ako magbasa kanina.” Muli kong ipinatong ang ulo sa unan at nagtulog-tulugan.
“Right. Sleep tight dahil bukas ay simula na ng mga klase natin.” Narinig kong sabi niya. Mabilis akong napadilat ng mata at nag-angat ng mukha.
“Bukas?” gulat kong saad. Tumango siya.
“Yup. So get ready for your first day. Since it’s been a while since we’ve seen a new student in the middle of a semester break,” aniya at sinara na ang binabasang libro.
“Goodnight, Eirwen.” He smirked and closed the lamp between our beds. I responded absentmindedly.
“G-goodnight.”
First day of class… in Loomspire?
“Okay ka na?”
Tumingin ako kay Kian nang tanungin niya ako. I saw him wearing a forest green colored cloak, and underneath is just a plain black long sleeved polo with the Loomspire logo, and a black pants. Gusto ko sanang sabihin na ang pogi niya at bumagay sa kanya ang suot niyang cloak, hindi ko na lang tinuloy at baka lumaki na naman ang ulo.
Humarap ako sa salamin matapos suotin ang itim na sapatos ko. I’m wearing the same black polo and black pants as him, except the color of my cloak which is an ash gray. Inikot ko ang sarili sa salamin at nakita rin na may logo doon sa likod ng cloak ko. But instead of the Loomspire logo, it is the logo of Shade Squad . Habang ang logo naman ng nasa cloak ni Kian ay Strider Squad .
Tumango ako sa kanya at isinukbit na sa balikat ang bag ko. Kian did the same thing at pinauna akong maglakad palabas ng kuwarto. Sabay kaming lumabas ng dormitory gamit ang mga papel na lumilipad sa tunnel ng dormitory. Ang sabi ni Kian, they call it the spindlepage
. Ipinangalan daw ang mga papel mula sa Spindlewood forest dahil galing sa lugar na iyon ang mga materyales na ginamit sa mga papel. And just like the magical forest, it is also a magical paper dahil sa kakayahan nitong maging mapa, susi, o papel na may kakayahang lumipad at gamitin pangtransportasyon.
Habang pababa ng tunnel ay in-explain sa akin ni Kian kung paano lumakad ang sistema ng paaralan.
“Class Types are classified into four. Class D to Class A. Your class types will determine how masterful you are on your arcane. And right now, you are a Class D since you are just beginning on finding your own arcane. Sa Class D nabibilang ang lahat ng mga arcanists na hindi pa tuluyang nadidiscover ang sariling arcane nila.” ani Kian.
Tumango naman ako at nakinig nang mabuti sa mga sinasabi niya.
“Class D simply means initiates or beginners . Class D is the lowest rank and Class A as the highest. In my case, I’m currently a Class C arcanist dahil nadiscover ko na ang arcane ko, which is by making portals for teleportation.” paliwanag niya. Tumango ulit ako.
“There are four squads in Loomspire. First, ay ang squad na kinabibilangan mo, which is the Shade squad . Dito nabibilang ang mga students na hindi pa nadidiscover ang sariling arcane nila. Their study classes focuses on the elemental basics and foundation of magic. Tuturuan kayo ng mga teachers niyo kung paano bumuo ng mga mahika. And your squad color is gray, as you can see on the color of your cloak.” Tukoy niya sa suot ko ngayong balabal. Yumuko naman ako at tulad niya ay tinignan ko ang suot ko na cloak.
Nakalimutan kong banggitin na kinuha ko nga pala ang uniporme ko, pati na ang cloak at bag ko sa cabinet ng aming kuwarto. Tig-isa raw kami ng cabinet doon at nang buksan ko ang cabinet ay nagulat ako nang makita ang isang set ng kumpletong kagamitan para sa akin. Even the worn-out clothes I was wearing before getting transported in this world was there. Maski ang kulay itim na cloak na pinahiram sa akin ni Zeno ay nandoon at maayos pa ang tupi. It was as if the moment I stepped inside Loomspire, everything was already planned out and organized for me. And now that I think about it, it’s actually quite a bit scary.
Nang makababa kami ng tunnel ay bumaba ako sa pagkakaupo sa spindlepage at lihim na nagpasalamat nang hindi ako ngayon ibato na parang basahan. Nakakahiya naman kung mangyari pa ulit iyon dahil may kasama akong iba.
Mabilis akong naglakad at sumunod sa likuran ni Kian.
“Ikaw, Kian… anong squad mo?” kuryoso kong tanong.
“Me? I’m part of the Strider squad . Green is our color. We specializes in agility-based, stealth, speed, or support arcana,” he responded. Umawang naman ang labi ko at muling tumango.
“Then, we have the Warden squad for those arcanists with defensive, barrier, or protective arcana. The color of their cloak is steel blue. And lastly, the Vanguard squad . They possess offensive, combative, or battlefield-dominant arcana. Their color is crimson red.” Lumiko siya ng daan kaya lumiko rin ako at sumunod sa kanya. But before we proceed outside the dormitories, tumigil siya sa paglalakad.
I stopped when he stopped. He turned his gaze on me and looked at me seriously.
“Listen carefully, Eirwen. We’re not going to be on the same class dahil magkaiba tayo ng squad. In the shade squad, I guarantee you that all students are still developing their arcanes like you. But unlike you, they are not new to magic. So try to not make any fuss on your fellow classmates. Wala pa naman ako sa tabi mo. Walang magbabantay sayo.”
“Kaya ko ang sarili ko,” diretso kong saad kay Kian matapos marinig ang sinabi niya. Bahagyang natigilan naman ito sa ’kin pero kalaunan ay napangiti.
“Right. I guess so,” he said with sarcasm in his tone. Sumimangot ako.
“Totoo nga–”
“Let’s go. Baka ma-late pa tayo sa mga klase natin,” he interrupted me. Natahimik naman ako at tumango sa kanya.
We left the west wing of the Loomspire at nagtungo sa central wing, kung saan sumakay kami sa isang elevator paakyat ng palapag. We stopped after a couple of minutes and went out of the elevator. Gaya kanina ay sumunod lang ulit ako sa likod ni Kian.
Nang tumigil ito sa tapat ng isang malaking pinto ay tumigil din ako sa paglalakad. I looked up straight on the door and saw the same logo in my ash gray cloak. Tumikhim ako.
“Welcome to the Shade Room.” Lumingon si Kian sa ’kin at hindi nakaligtas sa paningin niya ang sandaling pangamba at takot sa ekspresyon ko. His shoulder loosened.
“Calm down, Eirwen. Hindi nangangain ang mga tao d’yan,” natatawang pag-alo niya sabay bulong sa tenga ko.
“H’wag mo lang sila galitin.” He winked at me. Tumaas ang balahibo ko sa katawan sa sinabi niya.
“Kian!”
“I’ll meet you at the cafeteria later. Just relax and enjoy your first day!” His last sentence echoed inside my head until he finally went back to the elevator. Naiwan akong nakatayo at tulala ngayon sa tapat ng malaking pinto ng Shade room.
How can I relax when he mentioned some students might turn their heads on me?! Baliw talaga siya!
Bumuntong hininga na lang ako at muling tumingala sa logo ng pinto.
Will I really be okay? Will somebody try to take their chances and fight me?
But at the same time, I’m also having this feeling of determination to go inside and test myself.
If I really want to go back from where I was…
If I want to know the truth behind everything… then I have to take all the risks.
. . .
To be continued.
Chapter 6: Training Grounds
When I got inside the classroom, I was immediately taken back when I saw no one inside.
No one… as in no one, except for one person.
Nang mapagtantong kanina pa pala ako nakatunganga sa pintuan ay nagmamadali kong sinara ang pinto ng silid. Muli kong nilingon ang nag-iisang tao na nakaupo sa gitna ng mga upuan at kasalukuyang nakatungo sa kanyang desk. Batid ko ay natutulog dahil hindi manlang ito gumalaw at tumingin sa direksyon ko.
I slowly walked pass to him and sat quietly at the last row of the chairs. Pumwesto ako sa pinakagilid kung saan malapit ang malalaki’t mahahaba nilang mga bintana at inilapag sa tabing upuan ang bag.
Kaming dalawa pa lang ang nasa loob ng silid. Was I too early? Kumagat-labi ako at pinagmasdan ang nakatungong lalaki sa bandang harapan. I guess he was too asleep that he didn’t bother waking up even though napalakas ng kaunti ang pagsara ko sa pinto kanina.
Walang ano-ano’y ginaya ko ito at tumungo rin sa taas ng mesa. I shifted my gaze towards the window and watched the clouds in the sky.
I wonder what I will learn later. Matututo ba talaga akong gumawa ng mahika? Is the system of their world even applicable to me? Pinikit ko ang mga mata ko at wala sa sariling napahikab.
Malamang ay hindi. I am just a normal person. A nobody. And so I’m wishing na sana ay hindi ako ang bigyang pansin ng magtuturo at ibang tao na lang dahil wala silang mapapala sa akin. I am simply just studying here since I have no other choice and nowhere else to go.
Sana ay matapos nang maaga ang klaseng ito.
Dahan dahan akong naalimpungatan nang maramdamang may humawi sa hibla ng buhok ko. I heard a small chuckle when I tried to open my squinting eyes.
Nang tuluyang luminaw ang paningin ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang lapit ng mukha nung lalaki sa akin. As if he was looking at my face while observing every inch of my moves. Napaayos naman ako ng upo at umayos din siya ng upo niya habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
I cleared my throat.
Gising na pala siya at ako naman ang nakatulog. Teka… hindi ba’t…?
“I-ikaw ang nagturo sa akin kung pa’no gamitin ang spin… spindlepage.” Tila wala pa sa katinuan kong sabi. He stopped for a second.
He nodded.
Umawang ang bibig ko. Siya nga!
“A-ahh… ano, salamat pala sa pagturo sa ’kin paano gumamit no’n.” I finally said to him, but instead of answering me, he just stared at my face again. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha at mahiya. Ano bang meron sa mukha ko? May problema ba? May tulo ba ng laway?
Mabilis kong kinapa kung may panis nga na laway sa pisngi ko pero wala naman. Naguguluhang tiningnan ko siya, and the same goes for him.
“What are you doing?” He asked curiously, pertaining to what I just did earlier. Kumurap ako ng mata. Favorite niya talagang itanong iyon sa akin.
“Wala… nahimasmasan lang.” sabay peke ng ubo at inikot ang tingin sa Shade room. “Nasaan pala ang mga kaklase natin? Pati iyong magtuturo? Hindi ko naman siguro natulugan ang buong klase, ’no?”
Pero imbis na sumagot ay tumahimik lang ulit ito. Naningkit ang mga mata ko.
Ano ba ’tong si kuya, palaging natutulala.
“There are no students in Class D… other than us,” he finally answered after a long minute of silence. Natigilan ako sa sinabi niya.
“Huh?”
“We’re the only students in Class D.” He smirked. Agad nanlaki ang mata ko.
“A-ano?!”
“And the teacher is probably not coming today. Since you are a new student, they’ve probably forgotten about you already as there’s usually no students below Class C,” paliwanag niya. Sa tagal naming pag-uusap, iyon na ata ang pinakamahabang sinabi niya. Pero totoo ba talaga iyong sinabi niya?
“So… tayo lang talaga ang… Class… D sa lahat-lahat? Wala nang iba?”
Tumango ito nang marahan.
“B-bakit?”
“Because it’s obvious that everybody already figured their arcanes. No one has ever been a new student here in Loomspire for years.” Muling natigilan ako sa sinabi niya.
It was exactly what Kian said before. That I am the first new student in this school after such a long time. Mukhang totoo nga at hindi exaggeration ang pinagsasabi niya sa’kin kagabi.
Pero ang sabi ni Kian… base sa mga pananakot niya sa akin…
Napakuyom ako ng kamao. Sinungaling naman siya!
Naiinis na kinuha ko ang bag sa tabi at tumayo sa upuan.
“Where are you going?”
“Aalis na. Wala naman pala tayong pag-aaralan ngayong araw.” Nagdadabog na naglakad ako paalis ng Shade room. May pasabi-sabi pa si Kian na hindi raw nangangain mga kaklase ko dito, wala naman palang kaklase talaga! Tinakot pa ako!
“I…” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig na magsalita ang lalaki. “I can teach you.”
Dahan dahan kong nilingon siya at nakitang nakatingin na naman ito sa akin.
“I can teach you the basics… on finding your arcane” Umiwas ito ng tingin matapos ulitin ang sinabi niya. Napakurap ako sa kanya.
Is he really… willing to do that? For me?
Naguguluhang tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He has a burgundy-colored hair. Kapansin-pansin din ang kulay hazel nitong mata at matangos na ilong. He also has thin lips, and his body somehow reminds me of… Zeno. There’s definitely no question that he has looks for himself.
He was sitting properly like a good kid and can’t even look at person he’s talking to.
“Bakit gusto mo ako turuan?”
“I… I…” He was trying to say something, but then decided not to and just looked at me.
“Not… today.”
Saglit na namayani ang katahimikan. I just stared back at him before finally nodding and leaving him alone in the room.
As much as I want to question a lot of things about him, I find it hard to stay any longer dahil medyo naiilang ako sa malalim na pagtitig niya at nahihirapan din akong kausapin siya. I mean, not in a bad way but… there’s just something about him that’s giving me a… feeling.
What was he trying to say? He’ll try to teach me? But why would he waste his time for that? Ganoon ba siya kabait sa mga tao para magturo sa isang tulad ko na kakakilala niya lang?
Mabilis kong pinilig ang ulo ko at yumuko. I shouldn’t overthink it. Masyado ko lang sigurong pinag-iisipan nang malalim ang sinabi niya.
“Didn’t expect that, did you?” malokong sabi ni Kian nang maabutan niya akong nakaupo sa cafeteria. Hindi naman ako nakasagot at nanatiling tulala sa kawalan.
After thinking about what happened earlier, I just realized I hadn’t asked for the guy’s name in the Shade room again. Ang… pogi at bait pa naman.
Pero sigurado naman ako na magkikita pa kami dalawa ulit dahil kaming dalawa lang ang magkaklase doon. At isa pa, sinabi niya ring tuturuan niya ako na mapalabas ang arcane ko… kung meron man.
“Wow, tahimik natin ah… napagalitan ka siguro?”
“Haha, funny. Hindi nga sumulpot ang prof,” sarkastikong saad ko. Humalakhak naman siya at umupo sa tabi ko.
“Not surprised by that,” ngising aniya.
Instead of giving my attention on what he said, I looked around and saw a bunch of students lurking around the place. Ngayon ko lang nakita actually ang mga estudyante rito dahil wala kami gaanong naabutan kaninang umaga. I mean, hindi na rin siguro nakakagulat dahil sa laki ba naman ng kastilyo ng Loomspire ay hindi mo aakalaing isa itong paaralan.
Some students are just eating on tables, while some are roaming around, chit-chatting. May iba pa nga akong nakikita na dumadaan sa harapan ko at napapatingin sa akin. Iniiwas ko na lang ang tingin para hindi na mag-aksaya pang makipag-usap sa kanila. It never occurred to me how hard it was to communicate with other people, until now. Siguro ay dahil hindi ako sanay sa presensya ng ibang tao. All my life, I’ve been talking with Mira, and only Mira alone. Kaya naman simula noong pagtungtong ko rito sa mundong kinatatayuan ko, I’ve been giving my best to try communicate with them kahit pakiramdam ko ay nakaka-drain everytime.
Parang gusto ko na nga lang magkulong sa dorm namin ni Kian at magbreak-down sa sobrang homesick. Pero buti na lang at dinadaldal pa ako kahit papaano ni Kian para malihis manlang ang atensyon ko. I think he’s somehow sensing my mood so he tries his best to entertain me.
Kumagat ako sa pagkain ko at ngumuso.
Sana… makita ko na si Mira. O kahit… makabalik na lang sana sa mundo ko, ayos na.
Matapos naming kumain ni Kian ay umalis na kami ng cafeteria at naisipang maglakad-lakad sa Loomspire. Ang sabi niya kanina ay balak daw niya akong i-tour sa paaralan kaya sumang-ayon na lang din ako at wala naman akong ibang gagawin ngayon.
“This is the training grounds,” ani Kian habang pababa kami ng hagdan at may nakitang ilang mga pinto sa dulo. Kahit nakasara pa iyon at malayo ay maririnig mo na agad ang ilang mga tunog at pagsabog na nanggagaling sa loob.
When we got inside, my eyes immediately widen at the view.
Mula sa aming pwesto ay dumungay ako sa ibaba at doon nakita ang isang napakalawak na stadium. At sa ibabang ’yon ay may mga students na nageensayo ng kani-kanilang mga arcanes.
I saw one student trying to produce some big fireballs, while the other one was making some earth walls. May iba ring mga arcanists na nagcacast ng spells and then suddenly, there are energy waves blasting in every corners of the ground. My mouth gasped in awe.
Ang galing nila.
We walked inside the training grounds to see a closer look on them. Sa gilid lang kami dumaan para hindi makaabala sa mga nageensayo. We were silently watching them when suddenly, a big sharp spear made of ice was coming straight at me. My eyes widened in shock.
“Eirwen!” I heard Kian’s voice shouting at me, pero hindi na ako naka-react pa at tanging pagpikit na lamang ang nagawa sa gulat.
I was already bracing for impact when I realized nothing was coming towards me.
Unti-unti kong minulat ang mga mata at nagulat nang may makitang isang portal sa harapan ko. I looked at Kian’s direction and saw him panting very hard while holding his pen. Muli akong tumingin sa portal sa harapan ko at nakitang doon tumama ang spear na dapat ay tatama sa akin. Napaupo ako sa sahig.
M-muntikan na…
“Ooops! Sorry, it slipped on my hand,” dinig kong sambit ng isang lalaki kasabay ng ilang mga halakhak. Dumako ang tingin ko sa kanila at nakita ang isang grupo ng mga estudyante na ngayon ay walang tigil sa tawanan habang nakatingin sa akin.
For a second, I felt heat crawling inside my body, but it eventually vanished when I realized something.
Umiwas ako ng tingin sa kanila at sinubukang tumayo kahit nangangatog pa ang mga tuhod. Kian helped me get up on my feet so I silently thanked him. Pinagpagan ko ang puwetan ko at bumaling sa kanila sa huling pagkakataon bago tuluyang umalis ng silid. Kian silently followed me on my back.
“Mas mabuti siguro kung pumunta tayo ng clinic para matingnan kung may sugat ka–” he said once we got outside the grounds, but I stopped him.
“Okay lang talaga ako, Kian. Pasensya na kung natakot kita.”
“Hindi, ako dapat ang mag-sorry. Hindi na sana kita pinunta roon kung alam ko lang na may gagawa sayo ng gano’n,” he said apologetically. Napangiti ako sa kanya.
“Salamat, Kian. Niligtas mo ako kanina.”
Tumingin ito sa akin at unti-unting napangiti. “You’re welcome… let’s walk outside?”
Tumango ako sa anyaya niya at sa isang iglap lang ay bumalik na ulit ang kakulitan nito. We both headed towards the main gate of the Loomspire.
Habang naglalakad ay muling umiral ang nangyari kanina sa isip ko.
As much as possible, I should avoid getting into trouble with people. Lalo na’t hindi normal ang mga tao rito.
I have nothing to fight back against them. Mas mapapalapit lang ako sa peligro kung papatol ako sa kanila.
I just need to focus on my search for now. At oras na magkaroon ako ng impormasyon kung ano o kung sino man ang gumawa noong void na pinasukan ko sa kakahuyan, then I’ll leave this place quietly and peacefully.
I just need to gather more information and find the source of that void before so I could go back, and everything will return to normal. To the way it was supposed to be.
I hope.
. . .
To be continued.
Chapter 7: The Garden of Loomspire
The following day, I woke up early from bed and wore the uniform in my closet. Mabilis akong nag-ayos ng sarili upang makapasok agad sa una at huling klase ko.
Kian was even surprised to see me finishing my get up because I was normally the one who’s always late between us.
“Excited?” he asked with curiosity plastered on his face. Umiling ako.
“May pupuntahan lang,” tipid kong ani at nauna nang magpaalam sa kanya. Naglakad ako papunta sa tunnel at umupo sa spindlepage pagkarating doon. It immediately led me to the hall of the west wing.
Ang totoo kasi niyan, balak kong pumasok sana nang maaga sa Shade room para masilip kung may professor na bang magtuturo. At kapag wala ay tutungo agad ako sa library upang magkalap ng panibagong impormasyon. I was planning on finishing the four books Kian gave me last time. The faster I finished reading those, the faster my time here will be gone.
Pagkarating sa Shade room, mabagal kong binuksan ang pinto at saglit na dinungay ang ulo sa loob.
I looked around and so no one. Yes!
Dali dali kong sinara ang pinto. I was about to go out of the place but the moment I shifted my gaze away from the door, I jumped in surprise as I saw the man from yesterday, standing in front of me.
Kumurap ako ng ilang beses habang nakatitig sa kanya.
Kailan pa siya nakarating sa likuran ko?!
He looked at me with his usual stare and facial expression.
“…are you not going inside?” he asked innocently. Napalunok naman ako ng laway at tinuyo ang lalamunan.
“A-ano kasi… hindi yata dadating ang prof natin kaya aalis na lang ako…” kagat-labing paliwanag ko at nagpatuloy na sa paglalakad. But he stopped me by holding my wrist.
“Where are you going then?”
I blinked and looked at him. His face remained the same. But I could see in his eyes that he seemed interested to where I am going next. Napaisip naman ako nang malalim.
“Library.” I said to him. He then thought for a second.
“…I’m coming with you.”
Inayos niya ang bag sa likod niya at tumalikod na rin sa classroom. Nanlaki ang mata ko.
“H-ha? Hindi… baka may kailangan kang gawin–”
“I don’t. I want to follow you,” he said like it was the most casual thing to say. Napakurap ako.
Ganito ba talaga siya magsalita? Masyadong straight forward?
I cleared my throat and smiled awkwardly at him. “S-sige… pero baka tamarin ka mamaya dahil magbabasa lang naman ako.”
I might be seeing things but I really thought I saw his eyes flickering before following my footsteps.
“I know. But I want to go with you.”
Hindi na ako sumagot at nanatiling nakatikom na lang ng bibig. Hindi ko na rin binigyan ng pansin ang sinabi niya at muling nagpatuloy sa paglalakad. He walked with me until we got inside the library.
“What book are you reading?” I heard him asked as I opened one of the four books Kian gave me. Itinago ko lang kasi ang apat na iyon sa isang sulok ng bookshelf para madaling makuha ko agad.
I looked at him briefly before taking back my gaze.
“History book,” tipid kong saad ulit. He just nodded and took one of the books I got, and read it on the other side of the table. Magkaharap kami ngayong nagbabasa ng libro.
Hindi ko na lang siya binigyang pansin at nagsimulang magbasa ng libro.
In the middle of reading, I heard him ask something.
“Why did you come here?” he asked out of nowhere. Tiningnan ko siya.
“Magbabasa nga—”
“No, I mean why did you come to this place?”
Napahinto ako sa sinabi niya.
Right. Why did I come to this place?
Itinago ko ang ulo sa libro binabasa ko at sinagot ang tanong niya. “Hindi ko alam.”
When I sensed he’s not doing anything, sinilip ko siya. I found him staring at me again.
“You don’t know?” he asked, but more carefully. I slowly nodded.
“Hindi ko alam. It really was… vivid to me. Ang natatandaan ko lang, kaarawan ko noon at nasa labas ako ng bahay nang biglang may sumulpot na kung ano, tapos…” saglit akong napahinto at napaisip sa sinabi ko.
Is it really okay to tell him the truth?
“Tapos… bigla akong napunta rito.” Yumuko ako at tumitig sa librong hawak ko. He didn’t say anything after listening to my story. Napabuntong hininga ako. Bakit nga ba ako nag-eexpect na maintindihan niya ako?
Sinara ko ang librong hawak ko at seryosong tumingin sa kanya. He immediately closed the book he’s holding too and looked at me, as if he was waiting for this exact moment to happen.
“May… kilala ka bang may kakayahan gumawa ng…” Tiningnan ko siya nang nagbabaka sakali at hinintay naman nito ang sasabihin ko.
“Ng…?”
Binuka ko ang bibig ko pero makalipas ang ilang segundo ay nanatiling nakabuka lamang iyon. Napaiwas ako ng tingin at nagtikom ng bibig.
“Wala… k-kalimutan mo na ’yon,” ani ko. His shoulder loosened.
Pinanood niya akong ayusin ang mga librong nakakalat at muling sinuot ang bag sa likuran ko. He didn’t say a word even after I finished returning the books on the shelf.
“Gusto mo kumain?” alok ko sa kanya. But he just remained sat on his seat.
“No. I’ll probably stay here,” he said after a long minute of silence. Dahan dahang tumango naman ako at nagsimulang tahakin ang daan palabas.
I gripped on my bag tightly as I left the room with a heavy feeling. Kahit nakalayo na ako sa kanya ay ramdam ko pa rin ang mariing pagtingin niya kaya mas minabuti kong hindi na lumingon at dumiretso palabas ng library.
I breathed heavily when I finally got outside. Hinaplos ko ang dibdib ko habang tulirong naglalakad sa gitna ng hallway.
Why is it so hard to ask something to him? Pero tama lang ba na sabihin ko sa kanya ang totoong nangyari? What if he could actually help me with my case?
And I forgot to ask for his name again!
I was in the middle of my thoughts when suddenly, I accidentally bumped into someone.
I was about to say sorry to that person when suddenly, an invisible force pushed my entire body away from her. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napangiwi sa sakit nang tumama ang likod ko sa malamig na sahig. I growled in pain.
Napakapit ako sa sahig habang nanghihinang tumingala kung kanino nanggaling ang invisible force na iyon. I could hear some people murmuring around us, and I could see some students looking towards our direction.
Pagkatingin sa taong nasa harapan ko ay unang umagaw agad ng atensyon ko ang suot nitong kulay pula na balabal. I was stunned as my eyes met her fiery gaze at me. She looked so disgusted at my whole presence.
She’s… part of the Vanguard squad. Those arcanists who specializes on offensive type spells.
Nanginginig kong sinuporta ang katawan sa sahig habang nakatitig pa rin sa kanya. She raised one of her eyebrows.
“The hell are you looking at? Paharang-harang ka kasi sa daan,” she said furiously. Dagli naman akong napayuko.
“S-sorry… hindi ko sinasadya–” I didn’t finish my talking when she suddenly interrupted me.
“I don’t need your explanation. Just get out of my sight.” Sinipa pa nito ang isang paa ko na medyo nakaharang sa pwesto niya kaya naman mabilis kong hinila iyon at hinayaan siyang maglakad palayo sa pwesto ko.
Kahit sobrang nanghihina ang katawan ay pinilit ko pa ring makatayo nang dahan dahan. Hindi ko na pinansin pa ang ilang mga taong nakakita sa eksena at nagmamadaling umalis ng hallway doon.
I tried to stop my tears from falling in my eyes but failed eventually. Pinunasan ko ang pisngi ko at tumakbo palayo sa lugar na iyon. I ran so fast that I forgot where I was going and found my place outside the Loomspire.
Nang makakita ng isang malaking puno ay doon ako nagtungo at pagod na isinandal ang likod ko. I sat there quietly as I let my tears to fall from my eyes. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Both physically, emotionally, and mentally. Tila lahat ng pagod at sakit na kinikimkim ko ay sabay-sabay na bumuhos sa buong katawan ko.
Bakit ba nangyayari sa akin ito? May nagawa ba akong kasalanan sa kanila?
Bakit kailangan ko pang maranasan ang lahat ng ’to?
Ang daming katanungang pumapasok sa isipan ko. But I don’t have a single answer to all questions. I don’t even know how to answer any of it.
Inabot ko ang mga tuhod ko at niyakap iyon bago tumungo.
I just want everything to go back to normal. I just… want to go home.
I was crying and sobbing for I don’t know how long, when I sensed some presence looking down at me.
Saglit ko namang pinigilan ang pag iyak at nilibot ang tingin sa paligid.
“Done crying?” A cold, but familiar voice suddenly spoke out of nowhere. I stopped.
That voice…
Nang mapagtanto kung kanino nagmula ang boses na iyon ay unti-unti kong inangat ang paningin sa bandang itaas ng punong sinasandalan ko.
Right there, on top of the tree, was the boy I had once interacted with.
“K-Kuya pogi…”
I saw a faint smile on his lips, but eventually vanished and his eyebrows knitted.
“It’s Zeno,” he said, slightly annoyed. Or… not really annoyed? But he somehow sounded annoyed to me.
“S-sorry…”
Tumalon ito pababa ng puno at pinagpagan sandali ang kanyang cloak na itim. Nung una ay nagulat pa ako nang bigla itong tumalon mula sa tuktok ng malaking puno, pero kumalma din pagkatapos nang makitang parang wala lang sa kanya ang pagtalong iyon. Nakalimutan ko, kakaiba nga pala ang mga tao rito.
He turned his gaze back at me when he finished cleaning himself and sighed.
“Your eyes are red,” he said calmly. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at nagpunas ng mukha. I think he sensed that I was a bit hesitant to talk kaya ginamitan ako nito ng kalmadong boses.
“Sorry.”
“Why do you always say sorry?”
Hindi naman ako nakasagot agad sa kanya at yumuko.
“H-hindi ko alam…” nahihiyang sabi ko. He then just stared at me. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha.
Why is everyone staring at me? Gano’n ba talaga sila hindi kasanay na makakita ng bagong estudyante sa Loomspire?
Para kasing lahat na lang ng mga tao rito ay grabe kung makatitig. Kung tutuusin nga, ako dapat ang tititig sa kanila dahil sa mga itsura nila. Parang lahat kasi ay mga pogi at maganda. E wala naman akong itsura. Baka pangit siguro ako sa paningin nila kaya ’di sila tumitigil sa pagtitig sa’kin.
Binaling ko na lamang ang tingin ko sa paligid at nakita ang ilang mga halamang nakatanim sa mga paso.
I just realized we were inside a garden full of plants and unique flowers. May ilan pang mga punong nakatanim at nagsisilbing pang silong ang mga dahon sa sikat ng araw, ngunit mas higit na malaki at mataas itong punong sinandalan ko sa gitna ng hardin. And surrounding this big tree is a body of clear water, and a single bridge in order to reach this tree. Iyon ang dinaanan ko kanina para makarating sa malaking puno.
I think… this is the Garden of Loomspire.
The place was so magical and ethereal that I almost forgot I was with someone.
Habang nakatulalang pinagmamasdan ang kabuuan ng hardin ay narinig kong tumikhim ang matangkad na lalaki sa tabi ko.
“Where did you get those wounds?” Muling bumalik ang atensyon ko nang magsalita si Zeno, at sinundan ng tingin ang tinitignan niya.
Nakita ko ang ilang mga daplis ng sugat ko sa kanang binti. Dali dali ko namang itinago iyon sa kanya, pero mukhang wala na ring saysay dahil hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mga gasgas sa bandang siko ko. Napaiwas na lamang ako ng tingin.
“Sor…” Bahagyang humina ang boses ko nang makita ang masamang tingin niya sa akin. Napatikom ulit ako ng bibig.
Ayaw nga pala niyang nagsasabi ako ng sorry.
Naglakad ito palapit sa akin at marahang hinaplos ang isang siko ko. Napaatras pa ako noong una dahil sa sobrang lapit niya, pero hindi niya iyon pinansin at muling lumapit sa akin.
I jolted when he suddenly closed the remaining gap between us and held me up in bridal position. Nanlaki ang mga mata ko.
“H-huy! Baliw! I-ibaba mo ako!” aligaga kong saad kay Zeno at sinubukan pang kumawala sa pagkakabuhat niya pero nabigo.
“Stay still,” he commanded me. Lumapit ito sa lawa habang buhat-buhat ako at pagdating doon ay binaba ako. Agad naman akong napaayos ng tayo at akmang lalayo na sana sa pwesto ni Zeno, subalit mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila na naman palapit sa kanya.
Walang kahirap-hirap nitong hinila ako, at saktong sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. He sighed once again.
Bago pa man ako maka-react ay niluhod nito ang isang tuhod sa damuhan at nagsimulang tanggalin ang suot kong mga sapatos. I was taken back for a second when he grabbed both of my shoes and placed it somewhere in his back.
“A-anong ginagawa mo?” naguguluhang tanong ko sa kanya. He didn’t say anything. Instead, he just continued removing my socks and rolled up my torn pants until it was above my bleeding wounds.
“Sit,” he commanded me once again. I rolled my eyes.
Nagdadabog akong umupo tulad ng sabi niya. He noticed my tantrums at first, but decided not to mentioned it.
Pag-upo ko sa damuhan ay inabot nito ang kanang paa ko na may mas malaking sugat at marahan iyong ibinabad sa tubig ng lawa. And then after a moment of soaking my right leg in the water, my wounds… miraculously healed.
Napaawang ang bibig ko sa nakita at wala sa sariling napahawak sa paa ko na ngayon ay tuluyan nang naghilom. My eyes widened in shock.
Does the water here… have the power to heal any wounds?
Habang tulala pa rin sa nasaksihan ay inabot ni Zeno ang kabilang paa ko at ibinabad iyon sa tubig. I even washed my elbows in the water, and all my bruises immediately vanished.
“A-ang galing…” I said absentmindedly.
He nodded. “This is where I brought you first after meeting with the headmaster. I cleaned you up here before taking you to the clinic.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. A-anong cleaned up ang sinasabi niya?
. . .
To be continued.

