XEVEN
hoizned · 7 chapters · 16,957 words
CHAPTER 1 SET HIM FREE
Sa pagbubukas ng kwentong ito,hayaan ninyong balikan natin ang nakaraang kwento ng magkapatid na Simyeon at Xeven.
Namuhay ng masaya sa iisang bubong si Simyeon at Nikko kasama pa rin asi nanay Rizza at alagang si Xeven.
Patuloy na naging sikat ang magkapatid sa kani-kaniyang larangan. Ang isa ay sa pagmomodelo at ang isa ay musika.
Katuwang pa rin sa buhay ng magkaptid si Nikko hindi bilang isang kasambahay kundi isang partner o kasama na ni Simyeon sa buhay.
May ilang nanghinayang at kumontra sa kanilang pagmamahalan ngunit pinili nilang ipaglaban ang kanilang damdamin, hanggang sa tanggapin ng madla kung ano talaga ang kanilang pagtitinginan sa isa’isa.
Iniwanan tayo ng unang kwento ng malulungkot na kasaysayn nila noon hanggang sa makarating sila sa tagumpay.
Umahon mula sa kahirapan at namuhay ng masaya.
At ngayon…
Tatalon tayo pagkalipas ng maraming taon at ngayoy nasa edad 16 na ang ating bidang henyo sa larangan ng pagtugtog violin.
Madami man kaganapan noon kanilang buhay,bibigyan ko ng pansin kung paano umikot ang mundo ni Xeven at kung papaano niya nalampasan ang mga balakid na kaniyang kinakaharap sa mundo ng mga ‘normal’.
SIMYEON
Lulan kami ng kapatid ko sa aking sasakyan patungo sa unang araw ng kaniyang pagpasok sa eskwela.
Excited na kabado dahil magsisimula na siyang pumasok sa isang special learning school.
Abiso ng espesyalista na kailangang masanay si Xeven sa pakikisalamuha habang natututo sa mga aralin.
Ibang case ang autism niya. May angkin siyang talino. Savant syndrome kaya madali sa kaniya ang makapick-up ng aralin.
Patunay na diyan ang galing niya sa pagtugtog ng violin.
Sinangguni rin ng espeyalista na kung hahayaan lang namin si Xeven, madidiscover niya ng kusa kung ano pa ang maari niyang matutunan. Hindi insidente matuto siya ng tumugtog kundi natuklasan lang niya iyon ng makakita ng violin
Hindi na bata ang kapatid ko.
Ibang-iba na siya ngayon kesa noong siya ay maliit pa.
Sa tulong ni Nikko,nasanay siya sa maraming tao nakapaligid sa kaniya.
Tanggap niya na hindi siya gaya ng normal na bata.
Alam niya na may autism siya.
Alam niya ang tama sa mali.
Alam niya ang nakasisiya at nakakasama ng loob sa kapwa.
Alam niya ang kung ano ang kakulangan niya.
At tanggap niya ang lahat ng iyon .
Bagamat binata na ang kaniyang hitsura hindi halatang may autism pala ang kapatid ko. Malalaman lamang kung paano siya tumingin at sa mga gestures ng kaniyang mga kamay.
Pero minsan nagugulat ako sa pinamamalas niyang character na kakaiba na malayo sa mga kagaya niyang may kapansanan o kahit sa isang normal pa.
Ayon sa espesyalista,iba ang case ni Xeven. Malaki ang chance na maaring umangat sa pag-aaral, makapagtrabaho at makapag-asawa pa kung papalarin.
Isang genious nga si Xeven bagamat kakaiba kung kumilos at magsalita ay kaya nitong makipagsabayan sa iba.
Marunong siyang gumamit ng basic computer.Kaya na rin niyang makipagsabayan sa mga conversation at kung minsan pa nga ako pa ang nauubusan.
Dumaan din ako sa ilang counselling. Inihanda ako sa maaring mangyari sa magiging buhay ng kapatid ko. Tinuruan din ako kung paano tratuhin ng tama si Xeven.
Hindi na nga pala siya baby. Malaki na nga talaga ang kapatid ko. Kaya na niyang makipagkilala at makisama sa iba at gumawa ng paraan sa pakikipagkaibigan.
Nakarating na kami sa lugar na papasukan ni Xeven.
Sa isang village malapit sa amin ang paaralan ni Xeven.
Exclusive para sa mga kagaya ng kapatid ko.
Dito matuturuan silang kumilos ng tama,makisalamuha sa ibang tao,paghusayin ang kanikanilang mga talento,magkaroon ng diploma at tumayo sa kanilang mga gustong pangarap.
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba.
Ito na ang simula na unti-unti ng mababago ang nakagawian ko na lagi siyang kasama.
Bumaba kami ng sasakyan. Dala ko ang kaniyang bag at isang lunch box para sa kaniyang mirrienda.
Hiling pa ni Xeven sa kuya Nikko niya na ipagbaon siya ng isang tuna sandwhich,konting ubas,saging at chocolate drink.
May ilang sasakyan ding nakaparada malapit sa center kaya paniguradong naroon na rin ang magiging kaklase ni Xeven.
Sinalubong kami agad ng isang guro at sinamahan sa opisina ng center.
Binigyan ako ng maliit orientation tungkol sa mga gagawin ni Xeven sa klase. Parang review na rin iyon dahil sinabi na rin sa akin ang mga detalye ng i-enroll ko ang kapatid ko.
Maari kong bantayan si Xeven sa klase sakaling manibago ito sa kaniyang paligid. Maari akong mag-assist sa kaniya kung magtantrums,magpakain o tumabi kung kailangan.
Maari din naman akong umuwi at ipaubaya sa mga bantay ang kapatid ko.
Pero bago ko ipagkatiwala si Xeven ay inuna ko na noon na alamin ang background ng center. Maging ang mga guro at mga tagapagbantay ng facility.
Dito ko siya ipinasok dahil maganda ang feedback na naririnig ko sa mga tao na alaga ang mga batang nandito.
May kamahalan man ang program para sa katulad ni Xeven ay di ko ipagsasapalaran sa ibang mumurahing center na naabuso at napapabayaan naman.
May walong classroom ang center. Bukod ang babae sa lalake at kung ano ang edad.Sa bawat room ay nasa apat hangang anim ang mga estudyanteng tuturuan. Bawat room ay may tigdalawang bantay na nanny/teacher/caregiver.
Kinakabahan ako ng ihatid ko na si Xeven sa kaniyang room na magkahawak kamay.
Malaki na ang kapatid ko na halos umabot na siya sa taas ko ng ilang pulgada.
Binata na talaga siya at para pa rin siyang musmos sa aking paningin.
Hindi talaga ako makapaniwala na makakapasok na si Xeven sa pag-aaral.
Ito ang unang pagkakataon para sa kaniya na papasok sa isang special na klase.
Kabado dahil hindi ko alam ang expectations niya sa bagong paligid na makikita.
Baka mailang siya sa guro.
Baka mang-away ng kaklase,masama siya ang awayin.
Baka mang-agaw o agawan ng gamit.
Natatakot ako na baka mapahiya siya ,matrauma at umayaw na.
Baka magyaya pa na umuwi kaagad.
Di ko alam…
Sa harap ng pinto ay napatigil kami sandali.
Hinihintay ko ang reaction ni Xeven.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga makukulay na drawing sa mga dingding.
Hinimas niya ang kaniyang dibdib senyales na natutuwa siya sa nakikita.
Out of curiosity ay nilapitan pa niya ang pader at hinipo ang makukulay na mural nito.
Tumingin din siya sa mga nakangiting bantay at guro na magiging pansamantala niyang magulang sa oras ng klase.
Kilala si Xeven ng mga namamahala dito dahil sa kaniyang kasikatan.
Natuwa sila dahil ito ang napili kong center na ipasok ang kapatid ko.
Tiwala din ako sa record nila na matulungan ang kagaya mga ni Xeven.
“ Xeven,start na ang klase niny o,upo ka na doon sa pwesto mo.“
Bulong ko sa kaniya.
Sumunod siya agad.
Nang maupo ay nakiramdam muna ako. Unti-unti akong lumayo ng ilang hakbang at naghihintay sa mangyayari.
Wala…
Nakaupo lang siya at patingin-tingin sa paligid.
“ Psstt…Xeven … dito lang ako ha…“
Tumango lang siya at muling tumingin sa mga kalapit na kaklase.
Di ko ineexpect yun ah?
“Lalabas na ako ha?”
Muli kong bulong sa kaniya.
Tumingin muli sa akin at ibinalik sa harap ang atensyon at kumaway pa sa gurong nagsasalita.
Medyo nainis ako dahil di ako pinapansin ng kapatid ko.
“Uuwi na ako Xeven….Uuwi na kuya.”
Lumingon siya sa akin.
Pinalapit ako at hinawakan ang aking magkabilang pisngi at saka nagsalita ng pabulong.
“ Sunduin mo ako kuya mamaya ha. Iingat ka sa driving.“
Napakunot ang noo ko sa sagot niya.
“ Paano pag may isusulat kayo?“
“Kaya ko na yun kuya.”
“What if my recitation?”
“I can do that.”
“E pag may drawing, sa break time nyo, hindi na kita babantayan?”
“Sige na uwi ka na,start na kami”
Hindi ko akalain na masasabihan ako ni Xeven ng ganoon.
Halos madurog ang puso ko ng sabihin niya sa akin ganoong mga sagot.
Para akong maiiyak
Hinalikan ko siya sa noo at lumabas ng silid na parang sasabog ang aking dibdib sa pagkabigla.
Doon sa playground agad akong nagtungo para ibinuhos ang nararamdaman ko.
“ Sunduin mo ako kuya mamaya ha. Iingat ka sa driving. “
Dinig ko isip ang kaniyang mga sinabi.
Nabigla talaga ako.
Nakakaiyak na nakakatawa.
Natatawa ako kay Xeven at sa sarili ko.
Naliligayahan ako sa nangyari.
Ako pala ang nageexpect ng mali para sa kapatid ko.
Akala ko ay hindi niya kakayaning mag-adjust sa bagong paligid.
Ang makisalamuha sa bagong makikilala.
Ang manibago sa paligid na hindi kinasanayan.
Ang umasa,na lagi niya akong tatawagin para tabihan siya.
Natatawa ako…
Kulang na lang siguro na pagtabuyan na ako ni Xeven at sabihang “Kuya umuwi ka na at magsisimula na kami.”
Natawa na talaga.
Ibang-iba na si Xeven.
Wala naman talaga akong balak na iwan siya o umuwi.
Gusto ko lang hanapin niya ako at sabihing huwag akong umalis sa tabi niya.
Ako pala ang hindi makapag-adjust.
Ako pala ang may kakulangan sa pagtitiwala.
Kulang ako sa aral ha ha ha!
I should have trusted him.
Kaya na niya.
Kayang-kaya na niya ang mag-aral ng wala ako sa tabi.
Sa unang pagkakataon…
Pinagtabuyan ako ng kapatid ko,ha ha ha!
Ilang oras ang lumipas ay nagring ang bell,hudyat ng kanilang recess.
Doon ako sa office nagtungo upang magtago.
Ayaw kong makita niya ako.
Doon sila sa lamesa ng playground sabay-sabay silang kumain ng mga kaklase niya kasama ang mga bantay.
Maayos naman kinain ni Xeven ang mga baon.
Pagkatapos ay maayos na ibinalik sa kaniyang lunchbox ang mga pinagbalutan ng sandwich at tetra pack ng chocolait milk na baon.
Nag-eexpect pa rin talaga ako sa gagawin ni Xeven kung sakaling magkaproblema at tatakbo sa kaniya na parang bayani kung kakailanganin ng tulong ko.
Hanggang sa kausapin ako ng head ng school.
Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari at pinayuhan ako.
Nagulat ako sa kaniyang tugon.
“ May potential si Xeven na magmature kahit di nakikita ng isang normal na tao na nakapaligid sa kaniya. Mabilis ang obsorption niya lalo na sa pag-aaral. Example na lang ang pagka-genius niya sa pagtugtog ng violin. Asahan na rin sa academic o maging sa sports maaring madevelop niya. Mataas ang score niya sa intelectual test, lalo pa sa emotional test na binigay namin. Yung talino ay para sa kaniya at ang emotional ay para sa mga mahal niya sa buhay. Maswerte kayo sir at iba ang kapatid ninyo sa mga batang narito. Let us hope na sana handa ang society na tumanggap kay Xeven sa oras na handa at gusto na niyang magtrabaho.“
Marami pa akong nalaman sa case ni Xeven na nagpalakas ng aking kalooban.
Hindi na ako matatakot kung sakaling dumating na ang araw ng full maturity ng kapatid ko.
Ang saya ko dahil maaring balang araw,hindi na ako kailanganin ni Xeven at tumayo na siya sa sarili niyang mga paa.
Ang bilis ng oras at uwian na pala ng mga bata.
Hindi na nga pala siya bata.
Binata na siya.
Agad akong bumalik sa kaniyang clasaroom.
Nadoon siya nakaupo mag-isa sa kanilang silid
Tumayo siya ng makita niya ako at binitbit ang bag at lunchbox.
Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.
“ Thank you kuya…see us daw uli on our next class.“
Tumulo na ang luha ko ng yakapin ko rin siya ng mahigpit.
“ Oo bukas,hahatid kita uli bro.“
Ngayon ko lang siya tinawag na bro.
Si Xeven na kapatid ko,na inalagaan ko noong maliit pa. Na isang sanggol lagi sa aking paningin at ngayoy may sariling desposisyon sa sarili.
Hindi na siya alagain.
Iba na ang pagtingin ko sa kaniya.
May paggalang at respeto bilang individual na bahagi ng aking buhay.
“ Tara na uwi na tayo. Naghihintay na sina kuya Nikko sa bahay.“
Hinawakan ko muli ang kaniyang kamay.
Huling kasiyahan na maghawakan kami ngayon dahil balang araw di na niya kailangan ng alalay ko.
Dahil ngayon araw na ito,natutunan ko ang magtiwala sa iyo Xeven…hindi bilang isang kapatid, kundi bilang isa ring kaibigan.
Hi dear fans ni Xeven! Eto na ang start ng pinakahihintay ninyong lahat. New story new drama,new characters sa buhay ng ating bida. Feel free to comment your reaction. Salamat pong muli sa inyong lahat!!!
CHAPTER 2 X BABY BOY
NIKKO
Masaya ako ng ikwento sa akin ni kuya Simyeon ang nangyari kanina sa unang araw ni Xeven sa school.
Nakakatawa naman talaga ang baby ko kung paano niya pauwiin ang kuya niya.
Ang laki na talaga ng mga pinagbago niya.
Noon kaya pa namin siya kandungin,subuan,paliguan at tratuhing baby talaga.
Napag-usapan namin ng kuya na kailangang mature na rin dapat ang treatment namin kung kakausapin at pakikitunguhan siya.
Kung sabagay,napansin ko na rin iyon kay Xeven. Siya na ang naghahanda ng sarili niyang papampaligo,ng susuutin. Marunong siyang gumamit ng phone,kaya niyang bumili at tumawad ng mag-isa. Napagkakatiwalaang ng lumabas ng bahay at makipaghalubilo sa mga kapitbahay.
Matino ang mga sagot kung tatanungin.
Marunong ding mahiya at kiligin kung itutukso siya sa mga nagkakacrush sa kaniya.
Naroon pa rin ang pag-iwas niya sa mga taong hindi niya gaanong kilala.
Ayaw niyang nadidikit kanino man. OC siya sa oras. Laging sakto ang minuto kapag naliligo o nagsisipilyo. Nakatiklop ang mga damit ng ayon sa shade ng kulay. Masinop sa pag aayos ng gamit. Ayaw niya ng makalat. Lalo na kung pangungunahan siya sa personal niyang gamit sa kwarto.
Pagkaniya,kaniya lang.
Naku di mo pwede siya hingian ng kinakain. Hindi sa matakaw o madamot siya,may reason kasi kung bakit siya ganoon.
“ It’s my ration for the day.nasaan yung sa iyo?“
Hindi ka mananalo sa debate pagdi acceptable sa kanita ang reason mo na mababaw.
“ Nakita kita kumain kanina. Tapos hihinga ka? Hindi ka pa busog? Katakawan yan. Masama yan.“
Makakahingi ka pa ba pagganoon?
Kaya giliw na giliw ang mga kapitbahay namin sa kaniya kasi iba ang pananaw niya sa mundo.
May kakaiba talaga siyang charm.
Sikat at lalong humuhusay sa pagpapamalas niya sa violin. May isang private organization kasing nagbibigay ng sponsorship sa kaniyang medical, insurance at mga kakailanganin sa pag-aaral.
Malaking tulong talaga ang foundation na iyon dahil may nakalaan na financial support sa baby namin at sa mga kagaya ni Xeven.
Bukod pa sa mga tagahanga na laging nakasuporta sa kaniya.
Di rin nawawala ang mga imbitasyon niya sa mga konsyerto.
Tapos nandiyan pa ang kuya niya.
Kahit nahinto na sa pagmomodelo ay malaki na rin ang mga naipon niya, at sikat na rin siyang fashion photographer.
Masaya nga ako ng magdesisyon si kuya na huwag ng tumanggap ng modelling stint. Matutukan niya si Xeven at siempre ako.
Oo kasama ako.
Nakakaselos din kaya kung laging nasa abroad yung lalaking yun.
Kahit sabihin pang OA ako,naku sa gwapo ba naman ni kuya Simyeon di ako mag-aalala na baka may umaaligid na namang kuhol sa buhay namin.
Pero mas sikat ang alaga ko.
Madami ang fans na laging sumusulat sa kaniyang fanpage. Siempre ako ang presidente ng official page at ako rin ang moderator.
May youtube channel din ako ng mga activities ni Xeven na para sa mga magulang na may anak na kagaya niya.
Pinayagan na ako ni kuya sa magkaroon ng media flatform ang kapatid niya dahil bukas na naman buhay namin sa madla.
Malaking tulong ang magagawa namin sa autism awarenes.
May abogado at social worker kami na tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ni Xeven. Hindi rin kasi maiiwasan na pulaan kami na baka ginagamit lang namin ang kapansanan ng alaga ko.
Malinis ang konsensya namin na ang lahat ng aming ginagawa ay para kay Xeven. Para sa kaniyang kinabukasan.
Alam na rin ng nakakarami kung ano ang relasyon namin kaya paraan na rin iyon upang di na siya tanungin ng paulit-ulit ng mga intriga.
Dami kasing umaasa na pwedeng mag-artista ang kuya pero tinanggihan niya ang mga offers.
“ Hindi naman talent ko ang pagkakatitaan nila e. Baka abs ko lang ang laging ipakita ha ha ha!“
Tama naman si kuya dahil minsan katawan ang madalas idisplay sa ilang mga palabas kesa sa pag-arte.
Nakakapanibago talaga at hindi na alagain ang baby namin.
Nakagabay na lang kami sa mga gagawin niya.
Isa lang ang hindi nagbabago sa dating gawain ng magkapatid.
Ayun at nakahiga na naman sila sa may pintuan.
Casual ng yakapan,wala ng kulitan at napalitan na ng casual na usapan.
“ Kuya, huwag mo na akong ipagbaon ng lunchbox bukas ha.“
Naintriga ako sa usapan nila at itinutok ko talaga ang aking tenga sa kanilang kwentuhan.
“ Di ka na ipagbabaon ni kuya Nikko? Ayaw mo ng hinahanda ka niya ng pagkain?“
“May canteen sa school,pwede naman ako bumili na lang doon.”
“Baka magtampo si kuya Nikko. Paano kung magtampo yun?”
“Maaga kasi siyang nagigising ngayon. Kawawa naman kasi napuyat yun sa fanpage kagabi. Pwede naman ako bumili na lang para mahaba tulog ninyo.”
“Ummm…ikaw na magsabi sa kaniya.”
“Magagalit kaya siya?”
“Hindi naman siguro…usa pa malaki ka na at alam mo ng gagawin.”
“Sige ako na lang magsasabi…bigyan mo na lang ako ng allowance para ako na bahala bumili bukas ng meal.”
“Okay po.”
Tumulo ang luha ko.
Hindi dahil ihihinto ko na ang paghahanda ng babaunin ni Xeven tuwing umaga.
Naiiyak ako dahil kapakapanan ko pala ang iniisip niya.
Napapansin siguro niya ang mga oras ko sa gabi sa pag-aasikaso sa kaniyang fanpage.
Ako kasi ang nag-aayos ng schedule niya sa mga advance invitation para kaniyang pagtugtog.
Ano ba yan Xeven,nakakamiss naman noong maliit ka.
Tapos ngayon ganito ka na agad mag-isip?
Ganito ka na magsalita?
“ O,napano ka? Bakit naiyak ka dyan?“
Tanong ng nanay.
Patay malisyang pinagpatuloy ko ang paghahanda ng pananghalian.
“ Wala ho,masaya lang ho ako at nakauwi na yung baby ko.?“
“Baby?Ay sus,sino si Simyeon?”
“Nay, si Xeven ho tinutukoy ko.”
“Kunwari ka pang hindi yang asawa mo tinutukoy ko. Talaga kayo e di na mapaghiwalay ano.”
“Hala ang inay,si Xeven nga po ang tinutukoy ko.”
“ Si Seben ba? Akala ko ymsi Simyeon e,ah-ha ha ha. Ayos na ba yang naluto mo? Maghain ka na at ng gutom na siguro ang mga alaga mo. Simyeon! Seben parine at kakain na. Maghain na at aayusin ko muna yung sinampay sa likod.“
Nqiiyak talaga ako pagdating kay Xeven.
Namimiss ko lang yung dati naming nakasanayan.
Noon sama-sama kaming tatlo sa iisang kwarto. Ngayon ay nakabukod na siya sa amin. Sa kaniya na ang kwarto nilang magakapatid at kami ni kuya ay silid ng tita Ramona.
Naalala ko tuloy ng sabihan ko siyang bawal siyang maglock ng pinto kung natutulog para sa lagi ko siyang nasisilip kung maayos siya. Pero ibabalik niya sa akin ang tanong,
“Bakit kayo ni kuya naglalock ng pinto?”.
Kaya mula noon di na talaga kami nagla-lock ng kwarto.
Ibang-iba na talaga ngayon ang sitwasyon.
Nagpapasalamat ako at hindi nag-uusisa si Xeven noon pa kung bakit kami nagsasama na ng kuya. Kung bakit hindi babae ang kaniyang kasama matulog. Kung bakit ako ang mahal ng kuya niya.
Napahinto ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may nakatayo sa aking likuran.
Si X at nakaupo na pala sa kainan si kuya Simyeon.
“ Umiiyak ka daw kuya Nikko? Baket? Narinig mo ba yung sinabi ko?“
“Oo bey-e-X…kasi siempre parang ayaw mo na yata sa hinahanda ko sa iyo.”
Ayan na at tumulo na naman luha ko.
“ Hala si X nay Rizza o pinaiyak kuya Nikko niya.“
Tukso ni kuya Simyeon.
“ It’s not that i dont like you to prepare meals for me kuya. Ayaw ko lang napapagod ka….Sige,every morning ipagbaon mo ako ng fruits. Maganda sa katawan ang fruits.“
Sagot niya sa akin habang kumukuha ng plato na para ihanda sa lamesa.
“Bakit wala bang fresh fruits sa school nyo?:
“Banana que lang meron sila. Hindi na fresh fruits yun pagganoon.”
Natawa na ako sa sagot ng binatang nagaayos ng hapag kainan.
“ Sige na nga,basta assignment ko ipaghanda ka ng fresh fruits pagpapasok.“
“See…we solved the problem.Fruits and so be it.”
Napangiti kami ni kuya sa tatas magsalita ni X at paano niya solusyunan ang simpleng problema.
Kung tutuusin ay wala naman talagang issue kundi namimiss ko lang ang dating style ng pag-aalaga sa kaniya.
Ang bilis talaga niyang magmature.
Patunay nadiyan noong mawalan ng ina. Ang bilis niyang makamove on Tanggapin na pumanaw na si Tota Ramona.
Alam niya ang kahulugan ng buhay at kamatayan.
Ang makaramdam ng kaligayahan at kalungkutan.
Alam din niya kung ano ang mabuti at masama.
Wala pa siyang pinakikita sa akin na maling ginawa. Wala nga akong matandaan na sinaway ko siya noong maliit pa.
“ Sige na,maghugas na kayo ng kamay at kakainan na tayo.“
Nagpatuloy na ako sa paghahain at sabay-sabay kami nagsalo ng pananghalian.
Sa hapon,matutulog siya at paggising ay ang pagsasanay ng violin.
Patuloy pa rin ang mentorship niya mula kay tatay Kanor. Kailangan din nasa tabi lang ang matanda para sa pagtotono ng violin.
Isang oras na pagsasanay pagkatapos ay mirienda.
Wala assignment na kailangang gawin dahil iba ang sistema ng pag-aaral ni X.
Ang kuya Simyeon naman ay sa hapon ang iterinary jobs ang inaasikaso. Kung hindi nasa agency ay nasa photoshoot.
Gusto ko ngang bumalik na siya sa pagtuturo pero exclusive pa rin ang contract niya sa Boom modelling agency bilang photographer.
Ako,eto dakilang kasama sa buhay ng dalawa.
Para na kaming mag-asawa ni Kuya. Kuya ang tawag ko sa kaniya at pangalan ko lang tawag niya sa akin. Walang terms of endearment kasi ganoon naman talaga kami.
Di na ako maghahangad siguro na magkaanak at si X lang ang baby ng buhay ko.
Kung sakaling gusto ni Kuya ng bagong baby,open naman ako kung maisipan niyang mag-ampon. Ang dami kayang mfa sanggol na pinababayaan na lang.
Maswerte si X dahil hindi siya pinabayaan ng ina noon.
Walang kapatawaran ang pabayaan ang isang Xeven sa mundo.
Pagkatapos ng practice ay mamasahihin ko naman ang mga kamay ng alaga ko.
May namuo na ngang mga kalyo sa kaniyang mga daliri kakatutog kaya alaga ko ang kaniyang mga kamay na huwag mapasma.
Sa gabi tatlo kami ng inay na magkakasalo sa hapunan. Si kuya mga hatinggabi o madaling araw naman siguro yun makakauwi myka sa trabaho.
Patutulugin ko si X at pagdumating naman ang kuya niya ang aasikasuhin ko.
Hindi na ako swelduhan dito pero ako ang treasurer niya. Sa akin sinusurrender ni kuya ang atm at credit card at parang estudyante na hihingi na kang ng allowance sa pang araw-araw o di kaya ay kung may gusto siyang bilhin.
Hindi rin naman siya magastos sa mga damit at sponsored siya ng mga ito. Nandyan pa si Xeven na malaki din ang kinikita sa tuwing naiimbitahan sa mga concierto at allowance mymula sa foundation.
Malayo na rin ang narating nila mula noong yumao ang ina.
Naranasan kong makitang hirap na hirap kumayod si kuya. Pero ni minsan ay hindi niya pinaramdam sa amin ang sumuko. Nagsumikap siya talaga kaya natatamasa nila ngayon ang ganitong buhay.
May magarang kotse ng nakapaparada sa garahe,napaayos at napaganda na ang bahay,naipasok si X sa isang exclusive school,maging lahat kami ay nakapunta na sa ibang bansa dito sa asia para magbakasyon.
Ganoon na kaprogresibo ang buhay nila.
Buhay nga naman…
Basta mabuti kang tao,malayo amg mararating mo.
Patunay diyan ang dalawang magkapatid.
Pero tingin ko…
Mas malayo ang mararating niya kesa inaakala naming lahat.
May kakaiba kasi sa kaniya…
Kung magkagayon man, sana maligaya ang baby ko sa mga darating niyang kapalaran.
Abangan ang mga bagong character na bubuo ng ating kwento.
CHAPTER 3 NEW FRIEND
NIKKO
Ako muna ang naghatid kay X sa kaniyang klase. May inasikaso kasing photoshoot ang kuya.
Siempre di rin ako napigilang ipagbaon si X ng makakain dahil hindi ko pa alam ang siniserve sa canteen.
Tinandaan ko ang kaniyang bilin na magmasid lang ako sa malayo dahil indepedent naman si X kung oras ng kaniyang klase.
May lounge para sa mga yaya at magulang na pwedeng tambayan habang naghihintay.
May nakakilala kay Xeven na mga naroroon at nagapaalam sa akin kung maari silang magpalitrato kasama siya.
Sinabi ko na lang na depende sa alaga ko kung gugustuhin dahil mahiyain siya. Naunawan naman nila ang sitwasyon ni X at willing silang maghintay kung papayag ang binata ko.
Pagkatapos ay nagtungo ako sa canteen upang alamin kung ano ang kanilang pagkain.
Masustansya naman at pangmayaman ang pwedeng mabili. May pancakes,konting pastries,lasagana,karne,manok,isda at gulay.
Hindi nga nawala ang banana que at halatang mabentang mirienda sa mga yaya o driver na naghihintay ng kanilang mga alaga.
May kinausap akong staff ng maliit nilang canteen.
Nagrequest ako kung maaring mag-advance ng bayad sa mga kakainin ni X. Pwede naman daw iyon pero sa office mismo ako magrerequest para sa menu at diet ni Xeven.
May kaunti munang interview pa akong ginawa,marami akong inusisa kung iniinit ba nila ang mga kinakain dito. Oo daw at may microwave sila. Nagrequest ako na kung maari na sa maliit na oven nila iinit ang kakainin ng alaga ko dahil ayaw kong sa microwave ito isasalang.
Nagbigay ako ng listahan diet meal ni X na pwede nilang ihain.
Pwede naman daw silang mag-adjust dahil iba-iba ang kundisyon ng mga studyante nila.
Hindi kasi nagsasabi sa amin si X pag may nararamdaman.
Kahit may nararamdamang masakit ay hindi niya pinapaalam sa amin at sadya niyang inililihim. Dalawang beses ko pa lang siya nakitang umiyak dahil sa sama ng loob.
Pero ang maiyak physically ay hindi pa.
Minsan nga paranoid na ako pag may pinipindot siyang bahagi sa tiyan. Yun pala ay masakit ito dahil sa nakaing matamis. Kaya minsan wala sa tamang konsentrasyon pag may ginagawa.
Kaya maging ngipin niya ay alaga sa check up dahil sadyang malihim si X sa nararamdamang sakit.
Tinitiis niya huwag lang kaming magkagulo o mataranta ss pag-aalala.
“ Baka kasi umalis ka na naman pagpinagalitan ka ni kuya.“
Yun ang dahilan kaya ayaw niyang nakikita kami pagmataas minsan ang boses ng kuya. Akala niya nag-aaway kami.
Ganoon kasi si kuya.mahilig sisihin ang sarili kapag may maling nangyayari sa kapatid.
Nagtatalo kami minsan pagwala na rin siya sa hulog.
Dala ng stress sa bago niyang trabaho.
Mas lalo ko siyang nakilala. Alam ko na kung paano siya lambingin kung may mali ako. Ganoon din siya sa akin. Wala namang perpektong tao. Maliban siguro sa mga kagaya ni Xeven dahil talagang inosente sila.
Alam ni Xeven na mahal ko ang kuya niya hindi lang bilang kaibigan. Alam niya na para na kaming mag-asawa. Tanggap niya na ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian.
Hindi ko alam kung paano pero tanggap at alam niya.
“ Mahal mo siya e.“
Isang niyang sagot ng magpaalam kami na magagalit ba siya kung maging magboyfriend kami?
Ganoon siya katalino.
Kaya mahal na mahal ko ang aming baby. Ay, binata na pala.
Natapos ko na ang mga paalala sa mga gagawin ng kitchen staff at nagtungo na ako sa office para sa bayarin.
Doon nagpakilala ako na isa sa guardian ni Xeven.
Pagkatapos ay muling bumalik sa waiting lounge.
Oras ng kainan at nagtungo ako sa garden kung saan nakain si X.
Isang guro ang katapat niya sa lamesang kasabay niyang nakain.
“ Hello po sir,Im teacher Gina.“
“Hi,teacher ka ba ni Xeven?”
“Assistant lang po. Bale OJT lang po ako.”
Maganda si teacher Gina,mahinhin at kimi ang boses kung magsalita. Accomodating at mukhang edukado. Cute na babae at parang kaedarin pa nga ni X.
“Nasaan yung ibang mga bata,bakit si Xeven lang ang kasama mo?”
“Ang totoo, ayaw po humiwalay sa akin ni Xeven,Ayaw din niya kasalo ang iba.”
Nacurios ako dahil parang bumalik na naman yata ang ugali ni X na aloof sa mga tao.
“ X,bakit si teacher Gina lang kasalo mo?
Ayaw mo ba sa mga classmate mo?“
Tanong ko.
“They are like kids kuya,ang kulit-kulit nila. Hindi sila advance.”
Napaupo naman ako bigla sa sagot ni X.
“ Anong hindi sila advance?“
“Hindi sila advance like me.You cannot talk with them,you cannot touch them,they cannot even look at you. I can see some folks laughing or pitty them. Ayaw ko na gawin nila sa akin yun. Hindi ako slow so I have to distance my self with them. Kasi baka kaawaan din nila ako.”
Napalingon ako bigla sa kumpulan ng mga yaya at driver. Kung paano nila tingnan ang ibang bata na hindi nila kadugo.
Tumulo ang luha ko sa narinig ko.
Ikalawang araw palang niya sa school ay nakikita na niya kaagad ang sitwasyon ng mga kagaya niya na maaring nakikita rin niya sa labas ng paaralang ito.
Tumalikod naman si Teacher Gina. Halatang naluha din sa narinig dahil nagpupunas na ito ng mga mata.
Hinalikan ko si X sa noo.
Proud ako sa ginawa niyang katapangan na ipaglaban ang kaniyang sarili sa mga mata ng mga mabababaw.
Na hindi dapat kaaawan o pagtawanan ang sino mang may kapansanan.
Humarap muli si Teacher Gina.
“ Kung gusto ninyo sir bigyan natin ng isa pang exam si Xeven about his IQ. Kasi parang kakaiba ho talaga ang talino niya e.“
Suggestion niya.
“ Kaylan pwede sa tingin mo?“
“Kahit after his meal pwede ko siyang bigyan. Magrerequest muna ako sa head office para sa record niya. Then your consent para sa waiver. After that malalaman na natin ang result.”
“Sige-sige payag ako.X magtake ka ng exam after your meal ha ,para malaman natin ang IQ mo talaga.”
Paalam ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang ulo.
Nagpaalam si teacher Gina na pupunta ng office para ipagpaalan ang kukuning exam,pero bago umalis ay kumuha muna siya ng ilang ubas na nasa harapan ni Xeven.
Napatingin si X at napatayo.
“That’s my grapes…”
Nakatingin siya kay teacher Gina na palayo sa amin.
Natakot ako na baka magwala ang alaga ko.
Kilala ko siya na hindi mo pwede galawin ang sa kaniya.
Hindi mo siya pwedeng kuhanan ng pagkain dahil iyon ay kaniya.
Halos mamula ang ilong niya at tainga sa galit.
Kinabahan ako na baka magwala siyang talaga.
Naupo siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Papalapit na muli si Teacher Gina. Dali-daling ibinulsa ni X ang mga ubas.
“Sir okay na po prepared na po ang exam. Ano Xeven ready ka na ba?”
Patuloy lang si X sa pagkain ng ubas na dinudukot niya sa bulsa ng pantalon.
Hindi siya tumitingin kay Teacher Gina.
Eto na at nakahanda na ang braso ko na humarang sakaling magalit si X.
Pero huminga ng malalim ang alaga ko na parang pinapakalma ang sarili.
Tumayo ito at lumapit sa guro.
Pumagitna ako.
Magkasing taas sila ng magkaharap sila ng malapitan.
Hinawakan niya sa kamay ang babae at hinila.
Papunta sa canteen.
Patakbo ko silang sinundan dahil mabilis ang kanilang lakad.
Hindi makatangi si teacher Gina dahil malakas si Xeven.
Sa tapat food counter ay iniharap niya doon si Teacher Gina. Sa ibabaw doon ay may nakadisplay na mga basket ng prutas.
Itinuro ni X ang basket ng ubas. Ilang sandaling katahimikan at siya ay nagsalita.
“ Gawain mo ba kumuha ng grapes,dito ang dami oh. Bakit sa akin ka kumuha ng hindi nanghihingi. Hindi mo ba alam na masama yun? Ibalik mo yung grapes ko? “
Bigla akong natawa ng namewang pa ang kanang kamay at ilahad ang kaliwang kamay sa harap ng nagtatakang babae.
Parang nakita ko ang ganitong arte. Kay nanay!
Napatingin siya sa akin.
“ Is this about your grapes?“
Tanong ni Gina na halos matawa din.
“ Its not about my grapes,its about my lunch. You took away a part of my lunch. Kuya Nikko prepared that lunch. So its not jus t a grape.Ibalik mo ang grapes ko.“
Matapang na sinabi ni Xeven sa kaharap na dalaga.
“ Ookkayyy,babalik ko ang nakain ko stay cool,wag ka magalit.Sorry…ate pabili nga po ng kalahating grapes.“
Inabot ng staff ang nabiling grapes kay Gina.
“O ayan na,wag ka na magalit.”
Binuksan ni Xeven ang plastic ng ubas at kumuha lang siya ng apat at ibinalik muli kay Teacher Gina. Kinain niya ang isa at ibinulsa ang tatlo.
Lumapit siya sa harap ni Gina naglapit ang kanilang mga mukha at nagsabi ng…
“ QUITS!“
Sabay lakad palayo pabalik sa garden.
Napatananga kami pareho ni Gina habang sinusundan ng tingin si X na parang walang nagyaring pagtatalo ng dahil lang sa apat na pirasong ubas.
Hindi ako makapagsalita sa nangyari dahil sa ikalawang pagkakataon, diplomasya naman ang pinairal ngayon ni Xeven. Ang nakakatuwa ay kung paano hinandle ni Gina si X na parang normal lang sa kaniya ang kaharap.
Si X na parang highschooler na nakikipagbangayan sa kaklase.
Wala akong masabi talaga.
Excuse muna si X sa klase para sa ibibigay na IQ test niya.
Tahimik na binasa niya ang exam at sinagutan ito ng mabilis.
Nang matapos ay dumaan ito sa checking. Naghintay sandali at lumabas ang result.
“Mataas ang nakuha niya sa exam, hindi average ang talino niya. 183 ang mark ng IQ test ni Xeven. Means Profoundly gifted talaga siya. Mahusay siya sa solving problem.
Ganoon katalino Si X?
Kaya pala ibang-iba siya sa mga kagaya niya.
Agad kong itinawag kay kuya ang magandang balita.
Sinabi ko na rin na hindi na isasabay sa regular class si X at hindi basic ang special learning na ibibigay sa kaniya.
One on one ang pagtuturo kaya matutukan pa lalo ang kaniyang pag-aaral.
Gusto na kaagad umuwi ni kuya upang macongratulate ng personal ang kapatid at makapagcelebrate kami mamaya.
“ Xeven may request ka ba na teacher na gusto mong magtuturo sa iyo ng one on one class gusto,mo ba si teacher Gina na lang magturo sa iyo?“
Tanong ng head officer kay Xeven.
“Sure mam,okay na naman kami ni teacher Gina eh.”
Nagtaka ang head sa sagot ni X.
“ Okay po,si teacher Gina na po amg magtuturo.“
Sabat ko na lang dahil baka mapagalitan pa si Gina sa nangyari kanina.
Gusto ko rin si Gina ang magturo.
Very normal ang approach niya kay X. Alam nita kung paano tratuhin ang estudyante niya.
Parang may chemistry ang ugali nilang dalawa ni Xeven na pwedeng magvibe.
Tingnan mo nga at naacept na agad ni X na okay na sila. Na wala ng grape issue sa pagitan nilang dalawa.
Lumabas kami ng room para umuwi dahil di na kailangan ni X bumalik ng regular class kasama ang ibang kasabayan bata.
Sa labas ay naghihintay sa amin si Teacher Gina.
“Ano balita X? Mataas ba nakuha mo?”
Tanong niya.
“Of course,genious ako eh. Kay ikaw na daw ang one on one teacher ko.”
Napatingin sa akin si Gina at napatalon sa tuwa sa balitang mataas ang nakuha ni Xeven sa IQ test.
Sa katuwaan ay niyakap niya si Xeven.
Akala ko ay matatakot o lalayo siya sa pagkakayakap ngunit tahimik lang siya na parang nahihiya. Hindi siya nakatingin sa akin at kakaiba din ang kaniyang mga ngiti sa sandaling ito.
“ ANG GALING-GALING MO TALAGA!CONGRATULATIONS!
Gigil ni Gina habang yakap si Xeven.
“ Teacher your choking me.“
“Ay,sorry! Natuwa lang! Sorry! Sige,uuwi na kayo di ba? Sige,babay! See you bukas! Huwag mo na nga pala dalhin yung mga books mo iba na pala ang ituturo sa iyo bukas. Sige na ingat ka. Ayy ang saya! Ang galing! Ingat po sir. Ingat po!Bye Xeven.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Tumigil si X at nilingon si Teacher Gina. Nakatingin sa amin nakumaway habang kami ay papalayo.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni X.
“ Girls…“
At nagpatuloy siya ng paglalakad na may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
Ano ba to!
Parang kinikilig ako sa nangyayari sa alaga ko ha ha ha!
Ano kaya ang kwentong ibabahagi ni Teacher Gina sa buhay ni X.
ABANGAN!!!
CHAPTER 4 ONE ON ONE
Hindi maipagkakaila na isang genius si Xeven.
Para siyang bulak na ina-absorve ng lahat ng itinuturo sa kaniya.
Maraming test ang ibinigay na kinakitaan ng maraming potential. Abstract reasoning, vocabulary,spelling,secondary mathematical problems,memorization,reading at comprehension,maliban lang sa current events at social studies. Hindi siya gaanong expose sa mga nangyayaring pampulitika,showbiz o sports dahil na rin sa ayaw ni Simyeon na may tv sila sa bahay.
Halos ilang linggo din siyang tinuruan ni teacher Gina sa mga aralin.
Hindi siya hirap sa pagbabantay kay Xeven.
Kaya nga lang may mga maliliit na bagay ang minsang napupunta sa diskusyon at pagtatalo.
MS.GINA
“ Very good!“
Papuri ko kay Xeven ng matapos niyang sagutan ang kaniyang excercise manual.
Kung mas maaga niyang natatapos ang one on one tutoring,maari na siyang makihalubilo sa ibang mga bata para makipaglaro.
Well,hindi naman talaga siya nakikipaglaro.
Mas gusto pa niyang nakaupo lang habang pinapanood niya ang ibang mga bata kapag oras ng play time.
Hindi mahilig si Xeven ng parallel games.
Ang gusto niya ay mag-isang nagsosolve ng puzzle,rubics cube, magkulay at ang maupo lang talaga sa isang tabi.
Pabor sa akin ang kaniyang gusto dahil ako ang kaniyang bantay,hindi rin ako mapapagod.
Habang abala siya sa pagbubuo ng puzzle ay naisisngit ko minsan ang personal na buhay ko ng patago.
Alam ko oras ng trabaho,pero di ko lang mahindian ang sandaling video call ng manliligaw ko dahil dito siya bibisita lagi.
Natuwa lang ako dahil sa center na ito iikot ang kaniyang thesis kaya may pagkakataon na makasama ko siya.
Hindi pansin ni Xeven na may kausap na pala akong iba sa kaniyang harapan.
Ingat din baka makita din ako ng head teacher kaya mabilis lang ang usapan namin gamit ang ear peice.
Nagpaalam na akong may binabantayan pang bata at sinabihan ko na lang na mamaya na kami mag-usap pag-oras ng break time.
Ngunit makulit si lalake at every 10 minutes ay tawag ng tawag.
Huling sagot ko na ito sana sa kaniya.
Korean exchange student si Yeob sa school nqmin at nakasama ko sa isang seminar.
Kagaya ko siya ng kursong child psychology kaya madalas kaming nagkakasalubong sa iisang building.
Ayun, salamat sa mga classmate ko na madaldal, nalaman niya na may crush ako sa kaniya kaya nililigawan ako.
Ayaw ko namang hadlangan ang panliligaw niya dahil aminado din naman siyang may nararamdaman din pala siya sa akin.
Sa ngayon nasa ligawan stage pa lang kami.
Hinihintay ko pa ang right sign kung siya na nga.
Sa sobrang libang ko yata na kausap si Yeob ay nakapunta na nasa likuran ko si Xeven at pinapanood na pala kami ng kausap ko sa video call.
“ Who’s he?“
Tanong niya sa akin kaya bigla kong pinutol ang pag-uusap namin ni Yeob.
Kinabahan ako, kaya todo tanggi na may kausap ako habang nagbabantay sa kaniya.
Ayaw ko makarating sa faculty na tumanggap ako ng tawag habang nag babantay at naguturo.
“ Xeven…huwag mo sasabihin na may kausap ako habang naglalaro tayo ha.“
“May kausap ka naman talaga e.”
“ Hindi,ano lang yun…Kaibigan ko lang yun sa video call. May tinanong lang sa about sa exam.“
“I saw you smiling and blushing.
Sabi mo pa nga na bawal ka sunduin kasi bawal ka ligawan sa school. Teacher Gina masama nagsisinungaling.
Hindi exam ang pinag-uusapan nyo?“
Eto na nga ba sinasabi ko.
Bilin sa amin na mag-ingat sa mga salita pagdating kay Xeven at matalas ang memorya at pakikinig nito.
Kasi naman kung bakit nag-entertain ako ng tawag.
“ I will treat you for an ice cream gusto mo ba yun?
Pero promise na huwag mo sasabihin yung narinig mo ha.
Hindi ba tag team tayo?
Hindi ba best buddy mo rin ako?
Secret lang natin ha, kaya huwag mo sasabihin sa iba.“
“I like ice cream.”
“So hindi mo na sasabihin yung narinig mo sa head teacher o kahit kanino ha? Promise?”
Hindi na siya sumagot at nagtaas na lang siya ng kamay na parang nanunumpa na hindi ipagsasabi ang nalaman niya.
Nakahinga ako ng maluwag.
Alam ko na susunod siya sa napagkasunduan namin.
Number one rule ng center na bawal ang tumanggap ng tawag habang nagbabantay maliban kung emergency.
Ngayon lang ako tumanggap ng tawag dahil kay Yeob.
Ngayon lang may nanligaw sa akin at guwapong Koreano pa.
I know parang mababaw pero promising ang looks ni Yeob kaya di ko lang matiis na hindi sagutin.
Isa pa, tungkol din sa gagawing thesis niya ang pinag-uusapan namin dahil ang center na ito ang napili niyang lugar para sa data ng kaniyang report documents.
Gaya ng pangako ko,ibinili ko si Xeven double dutch ice cream na paborito daw niya.
Naubos niya ito bago magsimula ang last class niya sa akin.
Nasa kalagitnaan kami ng klase ng sumilip ang sundo niya,si sir Nikko kasama ang head teacher para mag-obserba sa amin.
“ Oh,how nice,talagang bantay na bantay mo talaga ang alaga mo Gina.“
Papuri ni head teacher sa akin habang pinapanood si Xeven.
Nakangiti lang si Sir Nikko habang pinapanood kami.
Ilang sandali ay huminto si Xeven sa kaniyang ginagawang pag-aaral at dumaing.
Inirereklamo niya na masakit ang kaniyang tiyan.
Bigla kaming nagpanic at agad namin siyang dinala sa clinic upang maobserbahan kung bakit.
Ayon sa nurse ay nag-alburoto o nalamigan ang kaniyang tiyan kaya sumakit ito.
Wala akong nagawa kundi sabahin na pinakain ko siya ng ice cream kanina.
Galit na galit sa akin ang head teacher sa ginawa ko pero naintindihan naman daw iyon ni Sir Nikko.
Hindi ako makakontra sa conclussion ni sir Nikko na baka hiniling daw iyon ni Xeven na pinagbigyan ko lang kaya huwag na daw akong pagalitan at sisihin.
“ Next time pag humiling si X,mam Gina,siguro mga kaunti lang ang ibigay mo ha.“
Humingi ako ng paumanhin dahil baka nga napasobra yung 1 pint na kinain ni Xeven kanina kaya sumama ang tiyan.
“ Pasensya na sir Nikko ha, this won’t happen again. Medyo natuwa lang siguro si Gina kaya nagbigay ng prize sa bata.“
Pero sumagot si Xeven sa aming usapan.
“ Treat kasi ni mam Gina yung ice cream, basta huwag ko daw sasabihin na tumawag yung manliligaw niya kanina habang binabantayan niya ako.“
Nagtayuan yata lahat ng buhok ko sa katawan ng sabihin ni Xeven ang sikretong usapan namin.
“ GINA! Anong ibig sabihin nito?
Hindi ka na nahiya?
You disobyed the rules ng school, at ang masama, sinuhulan mo ang bata para magsinungaling?
Nakakahiya!
Sir Nikko I’m so sorry kung pati si Xeven ay nadamay sa kapabayaan ni Ms.Gina.“
Ngayon ko na realize na ang pagtatago ng katotohanan ay maaaring lumabas na isang kasinungalingan sa paningin ni Xeven.
At lumalabas na kinuntsaba ko pa si Xeven sa isang sensitibong kasunduan ng hindi niya nalalaman.
Naiyak ako at humingi ng paumanhin.
Hindi ko naman talaga sinasadya na magsinungaling lalo na idamay pa ang binabantayan ko.
Hindi ako nag-iisip ng maaring magkaroon ng impact ang ginawa ko kay Xeven.
Nagkamali ako.
Wala akong maiharap na mukha sa kanilang dalawa lalo na kay Xeven na nakatingin sa akin.
Ngayon ko nakita ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.
Mga mata na naaapektuhan ng aking pag-iyak.
Muli akong humingi ng paumanhin at sa hiya ay patakbo akong lumabas.
Hindi ako galit kay Xeven.
Hindi ko masisisi si Xeven sa kaniyang nagawa dahil nagsabi lang siya ng totoo.
Feeling ko ang sama kong impluwensya sa isang walang muwang na isip tungkol sa pagsasabi ng totoo sa hindi.
Nakakahiya.
Mali…
Maling-mali talaga ang nagawa ko.
NIKKO
Umiiyak ng talikuran kami ni Ms.Gina dahil sa nangyari.
Hindi ako makapagsalita.
Gusto kong magalit ng malaman ko ang ginawa niya.
Pero inuna ko ang kapakanan ni X.
Nalungkot siya ng pagalitan si Gina ng kaniyang head teacher dahil sa ginawa nito.
Niyakap ko ang alaga ko.
“ It’s okay…ginawa mo lang ang tama. Nagsabi ka lang ng totoo kaya huwag ka na malungkot.“
Ang sabi ko sa kaniya.
“Bakit ganoon?
Nagsabi lang ako ng totoo…pero bakit ang sakit dito…nalilito ako…ayaw ko ng ganitong pakiramdam kuya.“
Nabigla ako sa sinabi ni X habang tinuturo niya ang kaniyang dibdib.
Ngayon lang siya nakasaksi ng ganitong pagtatalo.
Na ang pagsasabi ng katotohanan ay may kapalit din pala ng sama ng loob.
Tumayo siya at tumakbo palabas.
Sumunod kami ng head teacher kung saan pupunta si X.
Patungo siya sa loob ng faculty kung saan naabutan naming nandoon nakupo si Ms. Gina na umiiyak.
Lumuhod si X sa harap ng dalaga at inabot dito ang baon niyang puting panyo.
“ Ms.Gina don’t cry…hindi na masakit ang tiyan ko… Please…don’t cry…“
Tahimik.kaming pinanood ang dalawa.
Tinanggap ni Ms.Gina ang panyo at ipinahid sa kaniyang mga luha.
“ Naging bad teacher ako Xeven kaya ako naiyak…sorry kung nakalimutan ko yung obligation ko as your guardian dito sa school…sorry po mam,sir…hindi ko po talaga sinasadya yung mga nasabi ko…maging sa pagtanggap ko ng tawag…sana mapatawad nyo po ako…“
Humarap si X sa amin.
Tumingin muna siya sa akin at pagkatapos ay sa kawalan na.
“ Kuya…she’s sorry na…tell her na wag na umiyak dali.“
Hiling ni X sa akin.
Magsasalita sana ang head teacher pero pinigilan ko.
Lumapit ako at kinausap si Ms.Gina.
“ Huwag ka na umiyak…its okay…basta next time hindi na muulit yung nangyari kanina ha…tahan na…ayaw ni Xeven ng may umiiyak kaya tahan na.“
Unti-unti na ring nakalma si Gina kaya huminto na rin siya sa pag-iyak.
Pinaalalahanan ko siya sa mga dapat niyang tandaan lalo na sa harap ni Xeven.
Ikinuwento ko sa kaniya ang sinabi ni X sa hindi niya narinig ng umalis siya sa clinic.
Muli siyang naiyak at niyakap si X.
“ Tahan ni Ms.Gina. It’s okay. Hindi na masakit ang tiyan ko. Okay na siya. Tahan na.“
Dinaan ni Gina ang paghingi ng sorry sa pag-iyak kaya di na ako namagitan pa.
Nakalma ko na rin ang head teacher at pinakiusapan na huwag na niyang pagalitan pa ang guro.
Ang mahalaga ay may natutunan kami sa nangyari lalo na sa sinabi ni X.
Nagiging sensitibo si X sa kaniyang paligid at nararamdaman.
Tama nga si kuya sa desisyon niyang pag-aralin ang kapatid upang dumami ang kaalaman.
Narealize ko na maging kaming nakapaligid ay may matutunan din pala sa mga nararanasan niya.
Ibang-iba talaga si X.
Nakakaproud dahil kahit sa maliit na bagay, imumulat niya ang iyong mga mata sa kamalayan na madalas na nating binabalewala o sinasamantala.
Masakit man sa kalooban, na ang pagsasabi ng katotohanan ang magpapalaya sa iyo.
*** MS.GINA***
Kinausap ako at pinangaralan ng maayos ng aming head teacher tungkol sa nangyari.
Mabuti na at lang at hiniling ni Sir Nikko na patawarin ako sa nagawa kong pagkakamali at nangako na di na mauulit ang lahat ng iyon.
Ang problema ko naman ngayon ay ng dumating si Yeob sa kaniyang research dito sa center para sa kaniyang thesis.
Walang alam naman ang head na ang nagpapasa ng permit para sa kaniyang research ay ang manliligaw ko na kausap ko sa cellphone noong isang araw.
Hindi alam ni Yeob na may nangyaring hindi maganda noong araw na iyon dahil sa pangungulit niya.
Dahil sa break time ko ay ako tuloy ang nautusang ilibot si Yeob sa center.
Sinabihan ko siya na bawal dito ang ligawan lalo pa sa harap ng mga estudyante.
Nahiya din siya ng ipaalam ko ang nangyari sa binabantayan ko pagkatapos ko siyang pakainin ng ice cream.
Nacurious siya kay Xeven dahil kilala niya ito bilang celebrity at nais niyang makita ang sikat na estudyante ng aming school.
Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Xeven.
Dahil play time ay sa picnic table malapit sa canteen nakapuwesto si Xeven at ang co-teacher ko na si Ms.Maine.
“ Hi Xeven,Teacher Maine…ano…this is Teacher Yeob…schoolmate ko siya. He’s here para sa reaserch na kailangan niya sa thesis.“
“Hi Xeven…ako si Teacher Sam Yeob Sal. Can we be friends?”
Biglang natawa si Xeven.
“ Ang galing ng name mo teacher…parang eat all you can, ha ha ha!“
Pigil ang tawa ni Ms. Maine.
Maging ako pinigil din ang tawa.
Ilang buwan ko na rin kilala si Yeob pero ngayon ko lang nalaman ang buo niyang pangalan na katunog pa ng kinakain ng mga koreano.
Maging siya Yeob ay napapatawa rin at napapakamot ng ulo sa nangyari.
Hindi na kami pinansin ni Xeven at nagpatuloy na siya sa pagkukulay ng kaniyang coloring book kayat minamubuti na naming magpaalam para maglibot pa sa facility ng center.
NIKKO
Dahil sa nangyari noong isang araw ay lalong naging dedicated si Gina sa pagtuturo kay Xeven.
Nagkausap na sila ng head teacher at pinatawad sa kaniyang nagawa.
Nangako naman ang huli na hindi na uulitin ang nagawa lalo na sa harap ni Xeven o kahit sino mang mga bata.
Nagbago ang pananaw at pagtingin niya kay Xeven. Yung bibiglain ka at maiiyak dahil sa mga ipinapakita niyang karunungan na para bang nagbabalat ka ng isang sibuyas.
Maingat na siya ngayon sa mga sensitibong bagay dahil nasa stage ng pagdidiscover si Xeven.
Dahil sa nangyari ay nagkaroon tuloy ng salitan ng pagtuturo at pagbabantay para kay Xeven.
Hindi na pinaubaya ang full teaching kay Ms.Gina bagkus nahati ang tutorial sa dalawang guro.
Sa academics si Ms.Gina at si Ms. Maine sa mga curicular activities.
Iniiwas na kasama si Ms. Gina sa curicular activities dahil kailangan ng mas tutok na pagbabantay dito lalo na sa physical activities ni Xeven.
Naawa tuloy ako kay Gina dahil sa nangyari kaya tuloy maging si Xeven ay nagtatanong kung bakit may bago siyang guro.
Pero mahusay din si Miss Maine dahil napapanatili niyang mahinahon si Xeven at napapanatili niya ito sa pakikinig at pagsunod sa mga activities.
Mahusay din siyang magturo at maganda rin gaya ni Gina.
Malambing at maasikaso din sa bawat pangangailangan.
Tiwala ako na hindi na mauulit ang nangyari kaya kampante ako sa desisyon ng head teacher na maging dalawa ang bantay at guro ni Xeven.
Kaya nga lang…
“ Kuya, wag ka maingay ha.
Crush ko si teacher Maine.“
Halos maibuga ko ang kinakain ko ng marinig ko ang sinabi ni Xeven habang nakain kami sa kusina.
Nagpapasalamat ako at hindi pa nadating ang kaniyang kuya Simyeon.
“ Kasi maganda at mabait siya.“
Muli akong nasamid.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mula sa kaniyang bibig na masabi niya ang ganitong bagay.
Hindi ko alam na may ganitong damdamin din pala ang mga kagaya ni Xeven.
Ang magkagusto.
Ang masama, sa teacher pa niya.
Problema na naman ito pagnagkataon.
Oh no? Nagbibinata na si X at may crush na siya.
Problema kaya o blessing?
Paano nga kaya mainlove ang isang kagaya ni Xeven?
ABANGAN!!!
Alam ko galit na kayo sa akin dahil ang tagal ng update na ito.
Pasensya na at bihira kasi ako lumabas ng bahay at pumunta sa kuya ko para makiwifi.
Wala po kasi akong pangload para sa sa magupdate sa wattpad kaya extra tipid ako.
Sa mga naiinis bakit ang bagal ng update. Ayaw ko po naglalabas at case ng covid sa subdivison namin. Ayaw ko po mahawa.
Uunahin ko po muna ang pambili ng bigas kesa magpaload ano po.
Sa mga matyaga,salamat po muli at abang na lang po sa mga update.
Muli maraming salamat!!!
CHAPTER 5 KID NO MORE
Sa saliw ng isang masayang kpop song na “cheer Up” ng Twice ay makikita si Xeven na sumsabay sa kanta habang siya ay naliligo.
Bagamat wala sa tono ay naroon nag tiempo niya sa nasaulong lyrics nito.
Nagsabon,nagshampoo at nagbanlaw.
Nagpatuyo gamit ang puting tuwalya na sakto sa pagkakatapos ng pinapakinggang tugtugin.
Nagsipilyo ng dalawang beses at saka lumabas ng banyo at nagbihis sa kaniyang kwarto.
Nagsuot ng panloob at saka namili ng pantalong susuutin.
Isang itim na slacks,puting short sleeves polo at itim na leather shoes ang kaniyang napiling ipangpasok sa school.
Lumabas at niyaya ang kaniyang kuya Simyeon na handa na siya para umalis.
Agad namang nagpaalam si Simyeon sa kaniyang partner na si Nikko na ihahatid na ang kapatid sa school.
Ihahatid lang niya ang kapatid at ang susundo naman mamaya sa pag-uwi ay si Nikko.
“ See you later kuya Nikko. See you later nanay Riza. Papasok na po ako. Papasok na.“
Paalam ni Xeven.
Humalik naman ang mag-inang Nikko at Nanay Riza sa binata.
“ Ay! Bat ang bango naman ng baby ko?“
Puna ng nanay Riza kay Xeven.
“ Naku mamaya ko na ikukuwento nay.“
Hindi na nagtanong si Simyeon sa narinig at lumabas na ito.
Si Nikko na ang nagbukas ng gate ng garahe para makalabas na ang kotseng sinasakyan ng magkapatid.
Bago umalis ay humalik muna si Nikko kay Simyeon bilang pamamaalam.
“ Mga 6pm na ako makakauwi ha.“
Paalaala ni Simyeon kay Nikko.
“ Ingat sa biyahe. Tatawag ako mamaya. Love you. Love you X!“
Paalam ni Nikko sa magkapatid.
Sabay ding tumugon ng “love you” ang dalawa kay Nikko at saka lumabas na ng garahe ang sasakyan.
Naiwan si Nikkong isinasara ang gate at bumalik sa loob upang ikwento ang nabanggit niyang hindi alam ng ina.
NIKKO
“
AYYY!AHAHAY!BINATA NA ANG BABY XEVEN KO! AYYY! ANO BA YAN!KINIKILIG AKO AHAHAY!“
Bigla akong natawa sa reaction ng inay tungkol sa sinabi sa akin ni X kanina.
Ako man ay nakaramdam din ng kilig para kay X.
Mula pa ng pitong taon siya ay nasubaybayan ko na ang kaniyang paglaki.
Ngayon ay labing anim na taon na siya at masasabing ganap ng binatilyo.
Gwapo si X gaya ng kuya niya.
Mas maputi ito at makinis ang balat.
Bahagyang may tunutubo na ngang bigote at linya ng manipis na balabas sa kaniyang patilya papunta sa kaniyang baba at ilalim ng labi.
Bantay sarado ko pa nga kung may nagkakagusto sa kaniyang mga dalaga sa lugar at nagiging tampulan ng tukso.
Si X lang ang umaayaw dahil bata pa raw siya.
Sa akin ay mga biruan lang ang ganoong mga tukso.
Hindi namin iniisip ang mga ganoon dahil alam namin kung sino si X.
Sa aming mga mata, bata pa siya.
Pero ng marinig ko na may crush siya ay talagang nakakagulat.
Hindi ito itinuro ng sino man kundi ito ay talaga niyang naramdaman sa isang babae.
“ Alam na ba ito ng asawa mo?“
Tanong ng inay.
“ Hindi ko pa po nasasabi sa kaniya, pero mamayang gabi ikukuwento ko. Gusto ko din kasing makita ang reaksyon niya tungkol sa kapatid niya. Panigurado na magugulat din yun.“
“ Sino ba namang hindi magugulat?
E dati kinakargakarga ko lang areng bata na yan t apos may kras-kras ng nalaman.“
“Natutuwa ho ako sa mga pagbabago ni X nay. Hindi ho malayong balang araw pwedeng makapag-asawa at magkaroon ng pamilya ang alaga ko.”
“Naku…huwag kang pumukol sa buwan.”
“Bakit ho?”
“ Alam mo…na alam natin ang kalagayan ni X. Aminin natin na iba ang mundo niya sa mundo ng…normal. Huwag nating seryusohin ang mga sinasabi ni X.“
Naisip ko na baka tama ang nanay.
Bakit ko nga ba seseryusohin ang mga ganoong bagay.
Maaring magka-crush si X.
Maaring umibig at maaring mabigo.
Maaring makaranas ng sakit ng damdamin.
Naalala ko tuloy ang sinabi niya na sumakit ang dibdib niya ng magsinungaling sa amin tungkol kay mam Gina.
Hindi pa nakakaranas ng kabiguan si Xeven pagdating sa pag-ibig.
Ayaw kong makita ang alaga ko na nasasaktan physically lalo pa kung emotional.
Ayaw ko…
Nakakatakot na masaksihan kong ganoon nga ang mangyayari.
Dapat ko nga sigurong subaybayan si X pagdating sa mga ganitong bagay.
Halos hilahin ko ang ang oras para masundo ko na si Xeven.
Nagmamadali akong pumunta sa kaniyang school.
Ngayong oras ang break time nila at may isang oras pa para sa kaniyang physical education.
Nang nakarating doon ay nasa kalagitnaan na sila ng breaktime.
Naabutan ko si X na kumakain mag-isa sa paborito niyang pwesto malapit sa canteen.
Humalik ako sa kaniyang noo at tinabihan siya sa kaniyang pagkakaupo.
Yakap ang ibinalik niya sa akin at muling kumain ng kaniyang mirienda.
“ Naging good boy ba ikaw X?
Hindi ka ba naging pasaway kay Ms.Gina?“
Tanong ko sa kaniya.
“ Yes kuya mabait ako.
Si Ms.Gina…ummm,she’s with Mr. Yeob sa office. Ms.Maine is preparing our yoga mat. Kuya may yoga class kami later sali ka ha.“
“Talaga may yoga kayo?
Good yun para flexible ka.
Kaso bawal kami sumali sa inyo kasi di naman kami student ng school.
Para sa inyo lang yung exercise na yun. Panonoorin na lang kita ha.“
“Okay kuya!”
Hindi na ako mapakali sa mga naiisip ko tungkol sa sinabi ni X sa akin.
“ Xeven…hindi ba sabi mo sa akin…may crush ka na dito sa school…umm…sino ba yung crush mo.“
Biglang napahinto si X sa kaniyang pagkain at biglang tinakpan ang bibig ko.
Tumayo pa siya na parang naninigurado na walang nakarinig ng sinabi ko.
Halos mapatili ako dahil ang alaga ko ay marunong ng maglihim ng ganitong nararamdaman na para bang nakakahiya na marinig ng iba.
Pigil ko ang aking tawa.
Hindi talaga ako makapaniwala na may ganitong chracter pala na lalabas kay Xeven pagdating sa pagbibinata.
“ Secret kuya…hindi pa niya alam…secret lang natin yun.“
Bulong niya.
Inalis niya ang pagkakatakip sa aking bibig.
“Sino ba ang crush mo? Si Ms.Gina?”
Pabulong kong tanong .
Luminga-linga pa si X at palihim niyang itinuro sa ang lugar kung saan naroon ang crush niya.
Napaluwa ang mata ko ng makita ko ang isang gwapong lalake na naglalakad patungo sa amin. Namukhaan ko siya na isa sa bantay ng mga bata dito.
Kinabahan ako dahil iba ang ineexpect kong crush niya na isang babae.
Malalagot kami oras na malaman ni kuya na lalake din ang nagpapatibok sa puso ni Xeven.
Nakalagpas na ang lalake at pumasok sa canteen at muli kong tiningnan si X.
Ngunit nakaturo pa rin siya sa lugar kung saan nagmula ang lalake.
Hindi ko napansin na naroon pala si Ms.Maine na kausap ng isang kapwa guro.
Ibinalik ko muli kay X ang aking paningin.
Nakangiti siya at dahan-dahang binawi ang kamay na nakaturo at itinago ito sa ilalim ng lamesa.
Oh my God!!!!
Muntik talaga akong mapasigaw sa kasiyahan at hindi ang lalaking dumaan sa aming harapan ang crush niya.
Si miss Maine!
Si miss Maine ang crush ni X!
Nakahinga ako ng maluwag.
Nawala ang aking kaba sa pag-aakalang kagaya namin si X.
Nakahinga ako ng maluwag at nagpasalamat sa langit.
Straight ang alaga ko!!!
Gusto kong magtatalon dahil straight siya.
Hindi na ako mapapaaway ng matindi oras na husgahan ang alaga ko pagdating sa kaniyang kasarian.
Napatawa ako at bigla siyang niyakap ng makita ko pang namula ang kaniyang mga pisngi.
Lumalim ang nakikita kong development ni X.
Marunong na siyang mahiya at magblush.
“ Binata na ang Xeven ko…uy…ha ha ha! Naku matutuwa si kuya Simyeon pagnalaman niya na may crush ka na.“
Muli na namang tinakpan ni X ang bibig ko.
“ No…no…dont tell kuya. Magagalit si kuya.“
“Magagalit? Ayaw mo ba malaman ni kuya na may crush ka na dito?”
“Just dont tell kuya…kasi si kuya maiinis sa crush ko. Baka di na niya ako papasukin.”
Hala!
At may ganitong idea si X pagdating sa kuya niya?
“ Bakit ako,di ba sinabi mo sa akin na may crush ka kay Ms.Maine?
Bakit ayaw mo malaman ni kuya Simyeon?“
“Kasi i know you kuya Nikko.
You can keep a secret.“
Napahiya naman ako sa sinabi niya na kaya kong magtago ng sekreto.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinasabi ni X.
Bagamat iba ang respeto niya sa amin ng kuya niya ay naroon pa rin pagpapasalamat ko dahil pinagkatiwalaan niya ako sa mga ganitong bagay.
Natapos na siya sa pagkain at nagpahinga ng kalahating oras bago ang yoga class nila ay pinagpalit ko muna si ng P.E. uniform.
Kung dati ay sinasamahan ko siyang magbihis ngayon ay pribado na niya itong ginagawa.
Sa loob ng classoom ay nasa limang bata ang naroon na kasama ni X na nageehersisyo sa pangunguna ni Ms.Maine.
Ako ang kinikilig sa tuwing pinupuri ng instructor si Xeven at makikita kong nagpapakitang gilas ito sa harap ng kaniyang crush.
Siya lang ang hindi kailangan ng pagtuunan ng pansin na di gaya ng iba na kailangan ng assisant o bantay na yaya.
Hindi naman mabigat ang mga pinagawa sa kanila sa yoga.
Mga calesthenic work outs at stretching lang ang mga pinagawa sa kanila kaya hindi rin gaanong pagod ang mga tinuruan.
Pinagpahinga sandali bago matapos ang klase.
Lihim akong natutuwa sa mga kilos ni X dahil pansin na pansin ang mga gingawa niya.
Naroong abutan niya ng tubig si Ms.Maine. Makipag-unahang pulutin ang nalaglag na ballpen. Ang punasan ng pawis ang noo at tumulong sa pag-lilikom ng mga yoga mat.
Niyaya ko na siyang umuwi ngunit tumanggi pa siya.
“ Hatid muna natin siya kuya.“
May pahatid pa ang mayor?
Binuhat na payakap pa ni X ang mga yoga mat na ginamit at sumabay pa palabas kay Ms.Maine papunta ng office.
Iba talaga nagagawa kapag tumibok ang puso.
Napapailing na lang ako.
Nagpasalamat si Ms. Maine sa ginawa ni Xeven hanggang sa magpaalam na kami na uuwi.
Nalaman ko pa na sadyang iniiwan sa classroom ang yoga mat ngunit laging ini-insist ni Xeven na dalhin ito.
Naku…paraparaan.
Natuwa naman ako dahil hinahayaan naman ito ni Ms.Maine.
Magandang gesture daw ang ganoon para makasanayan ng mga bata ang tumulong sa maliit na paraan ng kusa.
Pero iba ang nasa isip ko kung bakit kusang ginagawa ito ni X.
Napapailing na lang talaga ako.
Papauwi ay sumakay kami ng tricycle.
Normal at masayang naunang bumaba si X at tumulong pa sa pagdala ng kaniyang mga gamit.
Derecho sa kusina at kumuha ng tetra packed juice sa ref at tumayo sa tabi ng nanay na abala sa pagluluto ng pananghalian.
“ Uminom ka agad ng juice, mamaya kaunti lang makain mong bata ka. Paamoy nga? Hay! Amuy lumot na eh!“
Naalala ko ang mga ganitong eksena noong bata pa si Xeven.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang inay kung paano niya pagsabihan at lambingin si X.
Naiisip ko na ganito rin kaya ang trato sa kaniya sakaling magkaroon siya ng asawa.
Yung concern ng tunay na pagmamahal na ina lang ang maaring magbigay.
Paano kung hindi?
Oo nga…
Malabo nga siguro na magkaroon si X ng ganoong love life.
Maaring ang nararamdaman lang niya ay pansamantala at maari pang mabago.
Hindi ko na siguro dapat ikwento kay kuya Simyeon ang nasabi sa akin ng kapatid niya.
Baka pagalitan lang ako nun na nangungunsinti.
Masyadong maingat si kuya pagdating sa kapatid.
Kaya huwag na muna at baka mabenga ako.
Sumapit ang gabi habang naghihintay sa pag-uwi ng kuya ay nakatanggap ako ng isang tawag.
“ Hello sir Nikko. Si Maine po ito.
Bale po birthday ko po sa this coming Saturday.
Imbitahan ko po kasi kayo with Xeven sa salo-salo dito sa bahay.
Eh masaya po sana kung makaka-attend si Xeven with his classmate.
Kasama din po ang mga co-teachers ng school kaya mababantayan din po sila. Ano po,pwede po ba kayo makaattend.“
Pinaalam ko na sasabihin ko muna kay kuya kung papayag na makaattend si Xeven sa party.
Kung papayag ay tatawag ako muli.
Dumating si kuya at sinabi ko ang tungkol imbitasyon.
Masaya ako na pumayag siya dahil unang party ito ni Xeven kasama ang mga kaklase na magkakaattend ng party na para sa kanila.
Walang masama dahil naroon din ang kaniyang mga guro at ibang mga yaya ng kanilang kaklase.
Sa tuwa ako ay ipinaalam ko kay X na tumawag si Mam Maine.
Tuwang-tuwa siya ng malaman na imbitado siya sa gaganaping birthday party sa bahay ni Ms. Maine.
Excited siya dahil malaking bagay sa kaniya na maimbitahan lalo pa bg babaeng crush na crush niya.
Sumapit ang araw ng kaarawan ni teacher Maine.
Sa school kami nagtipon-tipon ang mga kaklase ni X para ihatid ng service van nila papunta sa bahay ng celebrant.
Hindi naman kalayuan ang lugar kayat madali rin kaming nakarating.
Hindi ako nangangamba dahil naroon din ang ilang mga guro na imbitado na isa-isang binabantayan ang mga bisitang special children.
Masaya ang mga bata sa mga palaro at palabas ng magician.
Tanging si X lang ang naiba dahil hindi siya umaalis sa tabi ko.
Sa pagkanta ng happy birthday at pagbibigay ng regalo lang siya nagparticipate.
Medyo natawa pa ako ng magkaroon ng tuksuhan tungkol sa dalawa ng ibaabot ni Xeven ang kaniyang regalo at halikan ito sa pisngi ni Ms.Maine.
Balewala sa akin ang ganoong biro kahit namumula sa hiya ang alaga ko.
Talagang ngang crush niya ang dalaga.
Masaya na sana ngunit bigla namang umulan kayat lahat kami ay nagsipasukan na sa loob ng bahay.
Sa kabila ng malakas na ulan ay nagpaalam na ang mga bata at mga kasamang yaya nila na uuwi na kayat mga kakalse na lang ni Ms.Gina at Ms.Maine ang naiwan.
Medyo sumikip ang sasakyang naghatid sa amin kanina dahil nakisabay na rin ang ibang co- teachers kayat second batch kami na ihahatid.
Sakto naman ang tawag ni kuya na susunduin na lang niya kami kaya kami nagpaiwan.
Mahina ang signal sa pwesto namin kayat laging napuputol ang aming usapan.
Hindi alam ni kuya papunta dito.
Nagbilin ako na lalabas upang makahanap ng magandang signal.
Inihabilin ko muna kay Ms.Gina si X kasama ng kaniyang mga kaklase.
Sa labas ay nakahanap ako ng magandang pwesto para makausap ng malinaw si kuya.
Ilang sandali pa muki akong pumasok ng bqkuran at naabutan ko si Ms.Gina at X na tila nag-aaway sa labas ng bahay.
Kapwa sila basa sa ulan na nagtitigan sa isa’t-isa.
Anong nangyayari dun?
Bakit naiyak si Gina?
May pagbabagong magaganap kay Xeven!
Abangan!!!!
CHAPTER 6 NEW DISCOVERIES
GINA***
Abala ako sa pagtulong sa paghahanda para sa birthday party ni Maine na gaganapin ngayong hapon.
Para maiba naman naisipan niyang isama ang mga estudyante namin sa maliit na salo-salo at dito sa bahay nila gaganapin ang handaan.
Siniguro namin na safe at nakasunod kami sa protocol ng school para sa aming mga special na bisita.
Payag ang school management dahil mga child psychology din naman kaming magbabantay at mag-aasikaso sa kanila.
Katuwang din namin ang dalawa kong kaklase na barkada ni Yeob sa mga mabibigat na task sa pag-aayos dito sa party.
Sila ang nakatoka sa mga lamesa,pabitin,mga palaro at paglilinis mamaya.
Kami ni Maine at ng dalawa pa naming mga kasamang babae ang toka sa pagluluto, pagpapakain at program.
Alas dos ang simula ng salo-salo kayat maaga ding nakarating ang van na pinahiram sa amin ng school na sinakyan ng mga bata at ng mga kasama nila papunta dito.
Magiliw kaming nagwelcome sa aming mga estudyante at pinaupo sa kani-kanilang mga pwesto.
Hindi nakadalo ang iba dahil sa mga malalayo pa ang pagmumulan kaya ilan lang ang nakadalo. Gayun pa man ay masaya na rin kami at hindi napahiya dahil nakadalo ang ilan.
Parang childrens party lang naman mangyayari.
May kabagalan lang ang programa dahil sa ilang technicalities sa koneksyon ng kuryente.
Nang maayos na ay nagsimula na ang programa.
Una ay palaro,gaya ng pabitin at bring me.
Pagkatapos ay isang palabas naman mula sa inimbitahang magician kaibigan ni Maine.
Bandang alas tres ay nagsimula na sa kainan.
Nakakapagod pala ang ganitong sistema lalo na kung ang aasikasuhin mo ay mga special children.
Naroon na para kang lagare na paroot-parito sa tuwing tatawagin kami ng mga bata.
Hindi sila pwedeng tanggihan o hindi lapitan oras na ikaw ay tinawag mula sa kanilang pagkakaupo.
Kailangang kausapin sandali o pakikiusapan kung nagtatantrums.
Kahit sabihin pa na may mga kasamang bantay sila ay kailangan mo pa rin silang paramdaman ng iyong presensya.
Namumukod tangi lang talaga sa kanila ay si Xeven.
Very firm at behave lang siya sa tabi ni Sir Nikko na nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa na ugali niya kahiy sa schoolnna.masaya ng nanonood sa karamihan.
Halos hindi nga naging pabigat sa amin at talagang masunurin sa kaniyang kuya.
Pagkatapos ay inihain na ang mga pagkain at ang pag-aabot ng regalo.
Nakakatuwa at nagkakatuksuhan pa ng mag-abot ng regalo si Xeven kay Maine.
“ Uyyyy!!!“
Halos maihi ako sa kakatawa sa pamumula ni Xeven at patakbo pa na tumabi sa kaniyang kuya nanhalos magtago sa hiya.
Napansin kasi namin na iba ang treatment ni Xeven kay Maine.
Kita sa mga gesture niya kung paano kumilos at tumingin at halata mong may crush talaga siya sa co-techer ko.
Napansin ko na ito noong unang araw pa ng ihandle niya ang ilang subjects ni Xeven.
“ Kiss! Kiss! Kiss!“
Loko rin itong si Yeob at itinukso pa lalo. Nakisawsaw pa ang iba niyang mga kasama sa panunukso.
Sinaway ko na sila at mukhang napapahiya na ang estudyante ko.
Kinausap ko si Yeob na huwag taniman ang mga kaisipan ng mga batang naroon ng ganoong malisya at baka hindi nila maintindihan ang ganoon biro.
Medyo na turn off ako ng makalapit sa kaniya.
Naamoy kong alak sa kaniyang pagsasalita.
Napansin kong palihim palang nag-aabutan silang tatlong magbabarkada ng tagay.
Hindi maitatanggi na patago na pala silang nag-iinuman sa party.
Sa inis ko ay pinapasok ko sila sa loob ng bahay.
Nadismaya ako dahil bakit sa mga ganitong pagkakataon pa nila dinala ang ganitong uri ng pagsasaya gayong may mga kasama kaming mga bata.
Pasalamat na lang at hindi sila napapansin ng mga bisita.
Mabuti na lang at sumunod ang mga iyon at pumasok na ng bahay.
Galit din si Maine sa inasta kasama naming lalake na kung tutuusin ay kabilin-bilinan niyang bawal ang inuman sa party dahil wala ang kaniyang mga magulang.
Halos paubos na pala ang ikalawang bote na itinago nila sa isang halaman na inihahalo nila sa iniinom na cola kaya hindi namin sila nahahalata.
Masama pa ay biglang umambon kaya’t nataranta na kami.
Ang ilan ay bigla na lang nagdesisyon umuwi bago pa lumakas ang ulan.
Sinamahan ko ng ihatid ang bisita sa sasakayan kasama ng ilang co-teachers na babae para siguraduhin na maayos makakauwi ang mga dumalo.
Tanging nagpaiwan sa kanila ay si sir Nikko at Xeven at ang tatlong lasing na magbabarkada.
“ Pakitingnan naman sa loob si Xeven Mam Gina. Hindi ko kasi makausap si kuya Simyeon ng maayos. Hindi kasi niya alam papunta dito kaya naggaguide ako sa tawag. Pakitingnan na lang sa loob ang alaga ko ha.“
Pakiusap ni Sir Nikko ng magkasalubong kami sa may gate at doon siya sa waiting shed sa harap ng bahay naghintay sa kanilang parating na sundo.
Ako nama’y patakbong bumalik na sa loob ng bahay dahil malakas na talaga ang ulan.
Nakarating ako sa harap ng nakasarang aluminum screened door at nakita ko kung ano ang ginagawa ng mga naiwan sa loob.
Sa loob ng bahay ay naaubutan ko na pinapalibutan nina Yeob at ng mga kasama nito si Xeven.
“ You want a kiss from Maine right?
You have a crush on her do you?
Just close your eyes and you can have a kiss from her.“
Ang narinig kong sabi ni Yeob kaharap si Xeven na tahimik lang na nakatayo.
Lasing na nga sila sa kanilang mga ginagawa.
Hindi makakilos si Maine dahil hawak siya ng isa naming kaklase na malapit din sa harap ni Xeven.
“ Just close your eyes and you can get a kiss ftom mam Maine.“
Pumikit naman si Xeven sa pag-aakalang hahalikan nga siya ni Maine.
Ngunit agad na binuhat ni Yeob ang alagang pusa ni Maine at ipinuwesto ang puwitan nito sa mukha ng walang muwang na nakapikit.
Agad akong pumasok at patakbong itinulak ang mukha ni Yeob kaya siya napatumba sa mga kasamang nasa likuran niya.
Iyak ng iyak si Maine dahil alam kong hindi niya gusto ang mga ginagawa ng aming mga kasamang lalake.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Xeven at hinila palabas ng bahay papunta kay Sir Nikko ngunit umayaw siya ng makalabas kami.
“ Halika na. Dun na tayo sa kuya mo.“
Naiiyak ako dahil hindi pa ako nakakarecover sa nagawang kasalan sa kaniya noong isang beses at ngayon ito na naman kami.
“ Hintay ko pa kiss ni Ms.Maine.
Kikiss pa niya ako.“
Mahina niyang sabi.
Nakakinis!
Awang-awa na ako sa kaniya.
Wala siyang alam na muntik na siyang makahalik ng pwet ng isang pusa.
Ilang sandali lang akong nawala ganoon na kaagad ang ginawa sa kaniya ng mga sira ulo yun.
Nainis ako sa sarili ko na parang wala akong silbing guro.
Muli ko siyang hinila ngunit malakas si Xeven at pinaglalaban niya na gusto niyang mahalikan siya ni Maine.
Wala siyang alam na ginagago na pala siya sa loob ng mga taong akala ko ay matuwid.
“ Sumama ka na kasi sabi,ano ba!“
Sigaw ko sa kaniya.
Subalit ayaw talaga niyang matinag.
“ Kikiss pa ako miss Maine!“
Sa unang pagkakataon ay sinigawan niya ako.
Naiiyak na ako sa awa dahil sa pag-aakalang gusto siyang halikan ni Maine.
Sa inis ko ay ako na ang lumapit. Hinapit ko ang kaniyang leeg palapit sa aking mukha at hinalikan siya sa labi.
Hindi siya makakilos sa aking ginawa.
Dumilat ako ng makita kong nakapikit ang kaniyang mga mata ng maglapat ang aming mga labi.
Natauhan ako at biglang kakaiba ang aking maramdaman kay Xeven.
Nanlambot ang aking mga hita.
Unti-unti bumitiw ang aking kamay at napatingin sa kaniyang nakapikit pa ring mga mata.
Iba ang kaniyang aura.
Parang hindi siya ang Xeven na tinuturuan ko sa klase.
Hindi isang bata si Xeven na nasa aking harapan.
Ibang-iba ang rehistro ng kaniyang pagkatao habang dinadaanan ng tubig ulan ang kaniyang mukha.
Para siyang tunay na matinee idol sa isang pelikula.
Ngayon ko lang napansin na ganito pala kagwapo si Xeven kung pagmamasdan at isasangtabi ang kaniyang kapansanan.
Ang tanging nakikita ko lang ay ang pagiging special child sa kaniya at hindi ang makisig niyang facial feature bilang isang ganap na binata.
Nahiya ako sa aking ginawa.
Nabigla lang ako.
Hindi ko sinasadya ang ginawa ko.
Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakatitigan kami.
Bihira siyang tumingin ng mata sa mata.
Bigla siyang namula at yumuko.
“ Gina…Xeven?“
Boses ni Sir Nikko mula sa entrada ng gate.
Nagkaroon ng lakas ang aking mga binti, tumakbo palayo pabalik sa loob ng bahay.
Basang-basa ako ng ulan ng pumasok sa loob.
Basang basa din ang aking mga pisngi dahil sa luhang pumapatak sa aking mga mata.
Nakaupo si Maine na iyak ng iyak sa nangyari.
Hinarap ko sina Yeob at ang mga gumawa ng katarantaduhan sa kaniya at kay Xeven.
“ Hindi na kayo nahiya!
Naturingan kayong child physcology student tapos ganyan ang mga asal nyo!
Mga wala kayong pinag-aralan!
Mga bastos kayo!
Putang ina mo kang koreano ka!
Napakagago mong walang hiya ka!
Ganyan ba talaga pag-uugali mong beho ka!
Ruiz! Burahin mo yang video mo na yan gago ka!
Nakita kita na vini-video mo ang ginagawa nyo kay Xeven!
Burahin mo yan!
Oras na kumalat ang video na yan makakatikim talaga kayo sa akin!
Ang kakapal ninyong abusuhin si Xeven!
Tumalikod lang ako kung ano-ano na ginawa ninyo sa bata!
Laruan ba si Xeven?!
Laruan ba?!
Ganyan ba kayo ka abnormal?!
Mga putang ina nyo!
Lumayas kayo dito!
Ayaw ko kayong makita!
Ayaw ko kayong makita!“
Sa galit ko ay talagang pinagtulakan ko sila palabas ng bahay.
Wala na akong pakialam kung ano ang tumama sa kanila ng batuhin ko sila ng kung ano ang madampot ko dahil sa ginawa nila.
Napakawalang-hiya talaga nila.
Niyakap ako ni Maine para awatin.
Wala siyang nagawa kanina dahil hawak siya sa magkabilang braso ng isa naming kaklase kaya panay ang hingi niya ng sorry.
Agad akong lumabas at naabutan kong paalis na ang sasakyan ng mga pinalayas ko.
Hindi ko na rin naabutan si Xeven dahil nakaalis na rin pala sila ng kaniyang kuya.
Nanginginig pa rin ako sa galit.
Naiiyak din sa awa para kay Xeven.
Ang mga ganitong pangyayari ang dahilan kaya ako kumuha ng ganitong career para sa mga katulad ni Xeven.
Paano kung hindi ko naabutan ang ginagawa nila.
Ang gawing kakatawanan ang mga kagaya ni Xeven.
Nakakainis…
Nakakainis talaga sila.
SIMYEON***
Pagdating ko sa lugar na sinasabi ni Nikko ay naabutan ko silang tumawid ng kalsada at sumilong sa waiting shed.
“ Bat kayo sumugod sa ulan? Basang-basa tuloy kayo?“
Puna sa dalawa ng pumasok ng kotse.
“ Inaabangan kita sa shed kaso nagbasa din pala itong si X.
Bakit ba kayo nagbasa ni teacher Gina?
Nag-away ba kayo?“
Tanong ni Nikko sa kapatid ko ngunit nanatili lang itong tahimik at nakatingin sa bintana ng kotse.
May baon akong tuwalya at damit na pamalit kung may shooting ako kayat pinagpatuyo siya ni Nikko at binihisan.
Sandali lang naman ang biyahe at pagdating sa bahay ay pinag-hot shower ko sila agad upang mawala ang lamig na dulot ng pagkakabasa mula sa ulan.
Napansin ko ang pananahimik ni Xeven mula ng sunduin ko sila.
“ Ano ba ang nangyari at tahimik naman yata sobra si Xeven?“
Usisa ko kay Nikko.
“ Nung after tayo mag-usap bumalik ako ng bahay.
Then nakita ko sila ni Ms.Gina na nasa ulanan na.
Tapos patakbong pumasok si babae na iniwan si X.
Itong si X ayaw ng pumasok sa bahay kaya naabutan mo na kami sa waiting shed.
Mukhang inaway ata ni X si Ms.Gina kanina.
Kasi naiyak itong teacher,si X naman namumula ang mukha.“
Sagot ni Nikko sa akin.
Nakakapanibago ang gabi sa loob ng bahay.
Pagkatapos kasi maligo ni Xeven ay hindi na siya lumabas ng silid kayat kinatok namin ang pinto ng kaniyang kwarto at pumasok na kaming dalawa ni Nikko upang kamustahin siya.
Naabutan naming nakahiga lang siya sa kaniyang kama na may nakatakip na unan sa kaniyang mukha.
Umupo sa tagiliran si Nikko habang ako ay nakatayo sa kaniyang paanan.
“ X…baby…inaway ka ba ni mam Gina?…huy…ano nangyayari sa iyo bat di ka nakibo kanina pa nung kausap ka ng mga kuya…X?“
Malumanay na tanong ni Nikko sa kapatid ko.
Dumapa lang siya na para bang ayaw niyang ipakita ang kaniyang mukha sa amin.
Hinaplos ni Nikko ang braso ni Xeven.
“ Ayan na nga ba e…nilalagnat ka na palang bata ka.
Kaya ka siguro pinagalitan ni Mam Gina kasi sumunod ka sa akin sa ulan ano?“
Sabi ni Nikko ng may pag-aalala.
Napahipo na rin ako sa paanan at kompirmadong nilalagnat nga ang kapatid ko.
Agad kong hinanap sa cabinet ang thermometer at ipinaipit ito sa kaniyang kilikili.
Nasa 104 ang body temperature ng basahin ko sa electric thermometer.
May slight fever nga si Seven kaya pinainom na namin siya ng gamot at pinunasan ng malamig na tubig na may halong alcohol ang kaniyang katawan at nilagyan ng bulsa de yelo sa noo.
Hindi siya gaanong nagkikilos at masama talaga ang pakiramdam.
Mukhang nalamigan nga ang kapatid ko sa pagkakabasa niya sa ulan kanina.
Sakto naman na tinola ang nailuto ng nanay Rizza kaya mainam na mapapahigop namin siya ng sabaw na may luya.
Kahit paano ay humupa na ang init ng kaniyang katawan. Medyo hindi lang siya komportable sa nararamdamang lagnat.
Napagkasunduan naming samahan na lang siya matulog sa kaniyang kwarto.
Matagal-tagal na rin ang huli kaming nagsama-sama sa iisang silid.
Pandalawahan lang ang kama at si Nikko ang gustong katabi ni Xeven.
Sa sahig na sinapinan ng comforter ako pumuwesto malapit kay Nikko.
Siniguro ko munang komportable sila sa kanilang pwesto. Hindi ko na pinatay ang ilaw at nahiga na ako para matulog.
**
NIKKO***
Nagising ako bigla ng makaramdam ako ng yugyog sa aking balikat.
Naalimpungatan pa ako ng maramdaman kong gising na si Xeven na nakaupo sa tabi ko.
“ Oh bakit? Bakit gising ka na?“
Tanong ko sa kaniya.
“ Kuya ang sakit…“
Ang mahina niyang sabi.
Napabalikwas agad ako ng bangon sa narinig ko na may masakit sa kaniya.
Hinipo ko ang kaniyang mga pisngi. May kaunti pa rin siyang lagnat sa kaniyang katawan.
“ Ano masakit?
Masakit ba ulo mo?
Masakit ba likod mo?
Masakit ba tiyqn mo?
Nqgugutom ka ba?
Sabihin mo, ano masakit?“
Taranta kong tanong sa kaniya.
“ Kuya masakit…tapos nag-ihi ako.
Lalo akong nataranta sa narinig ko na umihi siya sa kama.
Hinanap ko ang nabasang bahagi ng kama ngunit wala akong makitang bakas ng ihi niya.
“ Wala naman ah? Saan ka ba umihi?“
“Sa pyjama ko kuya…tsaka ang sakit sakit ng bird ko.”
Nagulat ako sa sinabi niya na umihi siya sa kaniyang pantulog at masakit ang bird niya.
Inalis ko ang nakatakip na kumot sa kaniyang harapan.
Lalo akong nagulat sa aking nakita.
May bakas ng pagkabasa ang baby blue niyang pantulog.
Hindi ito basa ng ihi kundi basa ng lalakeng nagbibinata.
Ang nakakagulat pa ay bakat na bakat doon ang ulo at matigas niyang harapan.
Ayy!
Ayyyy!!
AYYYYYY!!!
Agad kong ginising si kuya.
“ Kuya…Kuya…gising…emergency …“
Ang tapik ko sa kaniyang pisngi.
Nagising siya at sinilip kami sa kama
“Bakit? Anong nangyari?”
Nakapikit pa ang isa niyang mata ng magtanong sa amin.
“ Kuya si Xeven…nagwet dream…
Mahina kong sabi sa kaniya.
Agad naman siyang bumangon at nagmamadaling lalabas ng pinto.
“ Saan ka pupunta?“
“Sa kitchen,kukuha ng tubig na maiinom”
“Kuya…nagwet dream si X hindi nag bad dream.”
“Wet dream…wet dream?!”
Bigla siyang napabalik sa kama at napaluhod sa aming paanan ng matauhan sa sinabi ko.
“ Hindi nga?“
Tanong niya.
“ Kuya sorry…naihi ako sa kama.“
Paumanhin ni X sa kaniyang kiya.
Hilong-talilong si kuya sa kaniyang reaction ng malaman niyang nilabasan si X sa pagtulog.
Para makasigurado ay muling ipinakita ni X ang kaniyang harapan.
Bigla akong naconcious ng makita kong nakasungaw sa garter ng pyjama niya ang mapulang ulo ng ari nito na basa pa ng semilya at pareho pa kami ni kuya na napatingin sa kisame.
Halatang sariwa pa ang likidong lumabas sa kaniya kayat basang-basa pa ang harapan ng kaniyang suot na pantulog.
Nagising siguro si X ng isang kakaibang pakiramdam kaya akala niya na siya ay naihi.
Agad na tinakpan muli ni kuya ng comforter ang maselang bahagi ng kapatid.
“ Ano…hindi ka naihi…ano yan…umm…binata ka na X…I mean…yung bird mo malaki na…I mean paano ko ba e-explain..“
Bigla akong tiningnan ni kuya na parang humihingi ng tulong na magpaliwanag sa kapatid.
Natatawa ako sa mukha niya na parang galit dahil hindi niya maexplain ng maayos ang nangyari.
Ako na ang sumalo.
“ Xeven…hindi ka nag-ihi sa bed…ang tawag diyan wet dream.
Ibig sabihin binata ka na.
At kapag binata ka na hindi na pwede ang magpakita ng bird sa iba.
May mga feelings ka na mararamdaman na di na gaya ng dati. Hindi ba sabi mo may…may crush ka na kay mam Maine…(napatingin ako kay kuya na ikinalaki ng kaniyang mga mata.)mamaya ko na e-explain.(ang agad kong sabi sa kaniya)
Ibig sabihin nun hindi ka na bata. Nagmamature ka na.
Gaya namin ng mga kuya.
Tumatanda ka na rin.“
Matalino si X kayat alam ko na maiintindihan niya ang ibig kong sabihin.
“ Ang sakit kasi ng bird ko kuya. Pagising ko ang tigas-tigas kasi…“
Ang angal niya habang hawak sa ilalim ng comforter ang kaniyang pagkalalake.
“ Mawawala rin yan.
Lalambot din yan.
Punta ka muna sa banyo tapos hugasan mo na lang siya para lumambot, tapos magpalit ka na lang uli ng pantulog.
Tumayo siya at kumuha ng pantulog sa kaniyang damitan.
Lihim kaming natatawa ni kuya dahil naka-angulo ang matigas na ari ni X sa kaniyang Pyjama.
Mana si X sa kuya niya dahil bata pa ay may ipagmamalaki rin.
Lumabas siya ng silid para maglinis sa banyo.
Naiwan kami ni kuya.
“ Ano yung crush niya si Ms.Maine?“
Hindi ako nakaligtas sa kadaladalan ko.
Ipinaliwanag ko kay kuya ang sinabi sa akin ni X noong nakaraang araw.
Ipinaliwanag ko kung bakit hindi ko nabanggit sa kaniya ang tunkol sa crush-crush sa pag-aakalang baka naglalaro lang siya ng senaryo. Maging ako man ay nagulat dahil dala pala iyon ng pagbibinata ni Xeven.
“ Paano to?“
Tanong ni kuya.
“ Anong paano?“
Balik kong tanong.
“Paano kung maulit ang ganito?”
“ E di ulitin niya.
Wala namang masama sa wet dream kuya.
Tulog siya at hindi masama yun.“
“Paano kung magsimula siyang…”
Sign language ni kuya ng pagmamasturbate.
“ Sino ba naman ang hindi gumawa ng ganoon.
Kung gagawin man ni Xeven yun…sabihan na lang natin na keep it a secret and private.
Its normal kaya huwag nating pigilan.
Mawawala rin yun kung may makita siyang ibang paglilibangan.“
“So we have to make him busy…ganoon?”
“Basta paliwanagan na lang natin. Medyo late ang puberty ni Xeven kaya dapat din siguro maturuan siya pagdating sa pagababago ng katawan habang nagbibinata.
Teacher ka kaya alam mo yun. Ikaw ang magturo.“
“Physics ang handle ko,paano ako magtuturo ng sex education sa kapatid ko?”
“E di paliwanag mo yung mga naramdaman mo noong nagbibinata ka.”
“Nakaranas ka rin naman ng ganoon ah?”
“Kuya mas maiintindihan ka niya.
Mas obligasyon mo na turuan siya pagdating sa mga ganitong bagay.“
Napapakamot na lang si kuya sa ulo dahil expected na niya maraming tanong ang dapat niyang sagutin pagdating sa curiosity ni Xeven.
Bigla kaming natahimik ng bumalik si X suot ang bagong pyjama.
Hindi na matigas ang kaniyang bird.
Narelax na ito ng malinis niya ng tubig.
Muli siyang nahiga na parang walang nangyari.
Kinumutan ko siya sa pagkakahiga at hinaplos ang kaniyang leeg at noo kung bumaba na ang kaniyang lagnat.
Medyo mainit pa siya at hindi pa nawawala ang sakit.
Maaring hindi pa siya makakapasok bukas.
“ Matulog na tayo kuya.“
Nahiga na lang ako at pinagpabukas na lang ang usapin tungkol sa wet dreams ng aming bunso.
Bago mahiga ay humalik muna ako kay kuya sa labi.
“ Thank you.“
Ang bulong ni kuya sa akin.
Pero bago siya nahiga ay naglagay muna siya ng unan sa pagitan ng hita ng kapatid.
“ Ginagawa mo?“
“Pinapaipit ko yung unan sa hita niya…mamaya tulog na kayo di mo nararamdaman iba na pala ginagawa ni Xeven sa likuran mo.”
Natawa ako sa sinabi niya.
“ Loko ka kuya ha, ano tayo threesome?“
N atawa din siya sa kaniyang ginagawa at nasabi.
“Sa gwapo ba naman ng kaptid ko at laki ng alaga niyan baka maagawan pa ako ng asawa.Naninigurado lang”
Biro niya.
Kinilig ako sa sinabi ni kuya kayat sa tuwa ay kinurot ko ang kaniyang pisngi.
Napaaray pa siya ng malakas at natawa sa ginawa ko.
Bigla niya akong kinabig at hinalikan sa labi.
Ilang minuto din iyon at sabay pa kaming nilingon si X na baka nakita kami sa aming ginagawa.
Tulog na tulog siya sa pagkakatagilid.
Nagkatitigan kami ni kuya at iisa ang laman ng aming utak.
Dahandahan pa kaming bumangon sa aming pwesto at ingat na huwag makagawa ng ingay.
Lilipat na muna kami ng aming kwarto upang gumawa ng sex education.
Pagkatapos naming magtalik ay muli kaming bumalik sa silid ni X para bantayan ang kaniyang paggaling.
Sa aking pagkakahiga ay naiisip ko na bagong hamon pala ito para sa aming lahat pagdating sa kapakanan ng pagbibinata ni X.
Hay naku X. Ang swerte ni Ms. Maine kung magkakataong magustuhan ka rin niya.
Kampante at tiwala ako na mababantayan namin si X sa nararansan niyang pagbabago.
Dapat ko pa lang kausapin si Mam Maine sakaling magparamdam si X.
Mahirap na at baka mabigla pa yun kung balang araw manligaw ang agad ang alaga ko.
Hay naku…
Nagagawa nga naman ng pag-ibig…
Naku, mukhang naiba yata ang landas ng pag-ibig ni Xeven ah? Ayaw ko na munang magkwento.
ABANGAN!!!
coming soon na po ang next chapter ng BOSSY!!!
CHAPTER 7 HEAD TURN
GINA
Nakatanggap ako ng isang text kay sir Nikko na hindi makakapasok ngayon si Xeven.
Kinabahan ako ng malaman ko na nilamig pala siya dahil sa pagkalabasa sa ulan kahapon kaya siya nilagnat.
Parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila sakaling makita ko si sir Nikko dahil muli na naman akong nagpabaya sa kaniyang mga bilin.
Lalo na kay Xeven…
Nang halikan ko siya…
Kasi naman bakit kung ano ang maisipan niya kahit na ginagago na ay sige pa rin ang gusto.
Wala pa ring nakakaalam ng nangyaring kaguluhan kahapon sa mga ginawa nin Yeob kay Xeven dito sa school.
Sapat na siguro ang ginawa ko sa kanila.
Oras na kantiin nila si Xeven ay ako na talaga ang makakaaway nila.
Nakakapanibago ang maghapon ko sa pagtuturo dahil wala siya sa oras ng kaniyang klase.
Kinausap ko si Maine at ikinuwento ko na nilagnat si Xeven.
Napagkasunduan naming dalawin siya pagkatapos ng klase.
Malapit lang naman ang bahay nila dito sa school kayat madali naman siguro naming mahahanap ang kanilang initirahan.
Ipinaalam ko sa head teacher ang kalagayan ni Xeven kayat pinayagan kami na maari namin siyang bisitahin .
Pagkatapos ng klase ay namili muna kami ng maari naming ibigay sa dadalawing may sakit.
May nadaanan kaming palengke at bumili.
Naalala ko na mahilig si Xeven sa prutas kaya iyon na lang ang aming dadalhin.
Bumili si Maine ng limang mansanas at isang piling na saging.
Pakiramdam ni Maine na siya ang dahilan kung bakit nilagnat ang bisita niya kahapon kaya naparami yata ang nabili niyang pasalubong.
Napangiti ako ng may makita akong ubas.
Naalala ko ang unang araw ng inaway ako ni Xeven dahil dito.
Buti na lang hindi napansin ni Maine na nakangiti ako habang nabili na pandagdag sa pasalubong namin.
Bandang ala sais na ng gabi ng matapos kami sa pamimili.
Hindi kami nahirapan na ipagtanong sa tricycle driver papasok ng subdivision ang bahay nila sir Nikko.
Kilalang-kilala pala talaga si Xeven sa lugar.
Ngayon ako nakaramdam ng maliit na pagmamayabang bilang guro niya dahil isang sikat na celebrity pala talaga ang mag-aaral namin.
Kinakabahan ako ng makarating sa harap ng bahay.
Bumaba kami ng tricycle at lumapit sa gate.
Nagdoorbell at isang babae ang nagbukas ng pinto.
“ Magandang hapon po, kami po yung teacher ni Xeven. Nabalitaan po kasi namin na nilagnat siya kaya magdala po kami ng prutas.“
Ang sabi ni Maine.
Masaya kaming pinapasok ng matanda sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa sa may sala.
Pumasok yung babae sa isang kwarto at naiwan kami sandali.
Sabay pa kami ni Maine na napatayo ng lumabas si Sir Nikko at yung aleng nagpapasok sa amin.
Nanay pala ni Sir Nikko yung matandang babae.
“ Good afternoon po sir Nikko,may lagnat daw po kasi si Xeven kaya nagdala po kami ng pwede niyang makain. Ano po…mga prutas po sir.“
Si Maine uli.
Ano ba…
Hindi na ako makapagsalita.
Ang totoo ay kinakabahan talaga ako.
Baka nakapagkwento na si Xeven tungkol sa ginawa sa kaniya nina Yeob at kami na ang masisi dahil hindi namin siya nabantayan ng maayos.
“ Nakakahiya naman mam at nag-abala pa kayo. Pero salamat po ng marami at matutuwa si X dito. Paborito niya ang mga ito lalo na itong grapes. Salamat miss Maine ha.“
Kay Maine lang?
Walang thank you sa akin?
“ Akin kaya yung favorite ni Xeven.“
Sa loob ko.
Ikinuwento ni sir Nikko kung bakit nilagnat si Xeven.
Napagtanto ko na walang ikinukwento sa kaniya ang kaniyang kapatid.
Kahit paano ay nakahinga kami ng maluwag ni Maine ng iwan kami sandali ni Sir Nikko.
Tapos bumalik siya na may dalang maiinom na juice at cupcake.
“ Tara sa loob para makita nyo yung alaga ko. Kakagising lang niya at doon na kayo magmirrienda.“
Paanyaya niya sa amin.
Bumalik ang kaba ko ng pumasok kami sa loob at maabutan namin si Xeven na nakupo sa kama.
Bigla siyang nagtakip ng kumot sa mukha ng makita kami.
“ Ay sus…nahiya pa si X.
Hindi good manners ang magtago sa guest X.
May dala pa naman sila pasalubong sa iyo.“
Kapwa kami napangiti ni Maine sa kilos ni Xeven.
May pagkamahiyain pala siya.
Unti-unti pa niya kaming sinilip at saka tuluyan ng inalis ang kumot sa kaniyang mukha.
Hindi siya tumingin sa amin na para bang nakikiramdam.
Ako rin nakikiramdam.
“ Eto o may apple,banana at grapes si Maine na dala.
Para sa iyo lahat ito para gumaling ka na agad at makapasok sa school.
Namimiss ka na kaya sa school.“
Paglalambing ni sir Nikko habang isa-isang ipinapakita ang mga dala naming prutas.
Pero akin pa rin yung ubas.
“Kamusta ka na Xeven?
Sorry ha kung nabasa ka ng ulan after ng…nung umattend ka kahapon kaya tuloy nilagnat ka.“
Tingnan mo itong si Maine muntik pang madulas sa mga pinagsasabi.
Hindi ako makaimik dahil hindi natingin si Xeven sa amin.
Wala ng lagnat si Xeven.
Pahinga na daw lang ang kailangan sabi ni sir Nikko.
“ Dito na raw kayo maghapunan sabi ng nanay ha. Maiwan ko muna kayo diyan at tutulong muna ako sa kusina para makapaghanda ng makakain.“
Paalam ni sir Nikko.
Hindi kami makakatanggi dahil kailangan naming makabawi kay Xeven.
Naiwan kami sa loob na kasama siya.
Nahiya ako tumingin sa kaniya ng maalaala ko ang nangyari kahapon.
Nacoconcious ako dahil parang ang tagal naming hindi nagkita gayong kanina lang siya umabsent sa klase.
Ngayon lang ako nakadama ng kakulangan sa isang araw na gawain.
Palihim ko siyang sinulapan…parang gumugwapo pa siya lalo kahit magulo ang kaniyang buhok at sa suot na pambahay.
Ewan kung dala yata ng liwanag ng ilaw kaya lalo siyang pumuti o kuminis pa lalo ang kaniyang balat.
Iniwas ko ang aking paningin at pinag-abalahang tingnan ang mga larawang nakasabit sa dingding.
Doon ay nakasabit ang mga larawan ng mga artista at politician na katabi niya sa mga larawan.
O baka sila ang nagpapicture kasama si Xeven.
Grabe at maging ang pangulo ay nakita na niya ng personal noong bata pa siya.
Sa murang edad ay may nakakasalumuha na siyang mga sikat na personalidad.
Samantalang ako kahit yata sa graduation rites,maski OIC ng campus di ko magagawang magpapicture.
Tahimik lang ako at si Maine lang ang tanging nagkukuwento sa mga nangyari sa school kahit walang imik si Xeven.
Nakikinig lang siya habang nakatingin sa dala naming prutas.
Ramdam ko na bumabawi din si Maine sa nangyaring gulo.
Nakikiramdam din na baka may alam na ang mga kuya nito tungkol sa mga lasingero naming kasama at yu g eksena na paglaruan siya at sa pusa.
Ang masama ay yung nahalikan ko siya.
Patay talaga ako pagnagkataon.
E mukhang hindi ako papauwiin ni sir Nikko oras na malaman niya ang lahat.
Muntik akong mapatalon ng magbukas ang pinto
“ Tara sa kusina nakapaghanda na ang nanay, kain na tayo. X bangon na dyan at kakain na sabi ng nanay.
Tara na Ms.Maine,Ms. Gina.“
Nagmamadali naman si X na tumayo at lumabas agad ng kusina.
Muntik pa niya mabangga si Sir Nikko mabuti na lang at nakaiwas ito sa may pintuan.
Nagkatawanan pa kaming tatlo at sumunod papunta sa kainan.
Naabutan namin si Xeven na inaayos ang bangko habang tinitingnan siya ng nanay ni sir Nikko.
Pinagtabi niya ang dalawang bangko.
Pinaupo ako ni X sa isang silya at si Maine naman ay pinapwesto sa pinagtabing upuan.
Nahiya pa si Maine na umupo pero napilit din siya dahil dun din siya pinaupo ni sir Nikko.
Tatlo silang magkakakatabi sa dalawang upuan.
Ganoon daw talaga si Xeven pag may bagong dating.
Hindi nagpapaupo basta-basta.
Halos hirap tuloy si Sir Nikko na hainan si Xeven kaya si Maine na ang nagsilbi ng pagkain sa mga katabi niya.
Para akong extra sa pelikula habang asikasong-asikaso ni Maine ang dalawa.
“ Huwag kayong mahihiya ha.
Masaya ang ganito kasi bihira ang may bumisita kay X namin lalo na kung mga dalaga.
Eto Ms.Maine,si nanay ang nagluto nito kaya tikman mo.
Ikaw din ms.Gina kuha ka kang diyan.“
Parang baligtad yata.
Di ba kami ang may atraso?
Bakit kung makakilos si Sir Nikko parang siya ang may ginawang kasalanan sa amin?
Mula sa ulam, kanin at inumin ay asikasong-asikaso kami.
Tahimik na lang akong kumain.
Hindi ako makaimik dahil masarap ang afritadang bakang ulam na inihain. Sakto ang timpla at kalaiba na ngayon ko lang natikman.
Pagkatapos kumain ay tumayo si Xeven at pumasok ng kwarto.
Bumalik na dala ang plastic bag ng mga dala naming prutas. Inabutan ni si Sir Nikko,Maine at nanay ng mansanas.
Tapos ang sa akin ay tatlong saging.
Tahimik niyang iniligpit ang pinagkain at inilagay sa lababo.
Napikitan tuloy kami ja madakiin ang pagakin namin.
Nangangalahati pa lang ako sa saging na kinakain ko ng may sabihin si Xeven.
“Kuya Nikko hindi pa sila uuwi? Hintayin pa nila si Kuya?”
Sabi ni Xeven.
“ No…hindi sila guest ni kuya Simyeon X. Nandito sila to visit you.“
Sagot ni Sir Nikko.
“San sila matutulog?”
Tanong niya.
“ Uuwi din kami after this Xeven
.
Kasi bukas may klase pa.
Kaya pwede ka pumasok bukas.
You can go now to your room para makapagpahinga na.“
Sagot ko.
Bakit ba ako napasagot?
“ Okay…see you tomorrow ms.Gina. sleep na ako ha. Thanks sa grapes.“
Hindi na kami nakapagsalita ng tumalikod si Xeven sa amin.
Pinanood lang namin siya ng pumasok sa banyo.
Tahimik kaming nakiramdam sa kaniyang pagsisipilyo.
Pagkatapos ay muling nagpakita sa amin at nagpaalam na magpapahinga na raw siya.
Pero bago umalis ay dala na niya pabalik sa kwarto ang mga ubas na nasa plastic bag.
Nakakatuwa dahil kabisadong kabisado ni Sir Nikko ang routine Xeven.
X ang tawag niya kay Xeven.
At bukod sa pangalan niya ay may nakwento pa siyang lubos naming ikinagulat.
Akala namin ay tatlo silang magkakapatid.
Yun pala ay maglive-in partner pala si Sir Nikko at Sir Simyeon.
Na dating yaya ni X si sir Nikko at ngayon ay full time brother in law na pala.
Nagulat talaga ako.
Ang swerte ni sir Nikko dahil mababait ang kaniyang mga nakasama niyang amo noon.
Lalo yata akong natakot sa kanilang kabaitan.
Ang sabi kasi,yung mga taong mababait daw,masama kung magalit.
Tapos involve pa si X.
Halatang alagang-alaga ito na halos maski lamok yata ay kaya nilang awayin.
Matatapos yata ang career ko sa pamilyang ito…oras na malaman talaga nila ang nangyari.
Hindi na namin ginambala pa si X ng magpaalam na kami para umuwi.
Nagbilin na lang kami na maari lang pumasok si X kung maayos na talaga ang pakiramdam at gagawan na lang namin ni Maine ng paraan na makahabol siya sa klaseng naiwan.
Tutal ay friday bukas kaya kahit lumiban siya ay pwede at sa lunes ay maaring nakabawi na siya ng lakas para pumasok.
Hindi na namin nahintay pa si Sir Simyeon at gabi na rin kaya umalis na kami.
Nangangamaba ako dahil walang pagkakataon na makausap ko si Xeven.
May inabot pang ulam na pauwi si Sir Nikko kay Maine.
Naiinggit tuloy ako kung bakit may pabalot si Maine samanatlang ako ay wala.
Muki akong kinabaham dahil baka alam na ni Sir Nikko ang nangyari kahapon kaya ganito ang trato niya sa akin.
Alam na kaya niya?
Umuwi akong parang nalagasan ng isang buhay dahil pihadong alam na ni sir Nikko ang bago kong nagawang kasalanan sa alaga nila….
NIKKO
Pagkauwi ng aming bisita ay binalikan ko si X sa kaniyang silid na nakaupo muli at kandong ang plastic bag ng ubas.
Ipinaalam ko na kakaalis lang ng kaniyang mga teacher.
Inayos ko ang unan sa kaniyang likuran na sinasandalan at tumabi sa kaniyang pagkakaupo.
“ Oh,bakit mo pinapanood yang nga grapes?Ayaw mo bang tikman?“
Kumuha siya ng isa at isinubo.
Pagkatapos ay muling kumuha ng isa at isinubo naman sa akin.
Kinain ko ito.
“ Hmmm..ang sarap,ang tamis.“
Pagkatapos ay itinali na niya ang plastic bag.
“ Oh,ayaw mo na?“
“Nagbrush na kasi ako kuya.”
“Kung gusto mo pa kumain sige lang. Magbrush ka na lang uli.”
Muli niya itong binuksan at kumuha ng ilang piraso at inabot sa akin.
“ Ikaw na lang kuya,bukas na lang ako kakain. Rest na ako para makapasok bukas.“
“Okay…sige iwan na kita dito ha. Hintayin ko pa si kuya Simyeon. Papauwi na rin siya. Kung gising ka pa balikan ka namin dito ha.”
Humalik ako sa kaniyang noo bago lumabas.
Isang oras ang lumipas at dumating na si kuya Simyeon.
Natuwa siya ng malaman niyang binisita ng dalawang guro ang kaniyang kapatid.
Habang nakain ay ikinuwento ko ang nangyari.
Natuwa siya dahil sa concern ng mga guro.
Pagkatapos kumain ay sinilip namin si X.
Inalam niya ang kaniyang kondisyon.
Maayos na ito at mukhang pwede ng pumasok.
Kinabukasan ay inihatid kami ni kuya sa school.
Nagpasalamat ng personal si kuya sa dalawang guro sa pagbisita nila kahapon.
Naiwan ako upang hintaying matapos ang klase.
Bago kami iwan ng dalawang guro ay inabutan ko si Ms. Maine ng sadwhich na gaya ng baon ni X.
Bilin ko na paborito ni X ang sandwhich na gawa ko kaya gusto kong matikman din niya ito.
Actually,ginagawa kong mapalapit sa kaniya kasi nga crush siya ni Xeven. Kaya pabor ako na sakaling magkagusto rin siya sa alaga ko.
Hindi ko ibinubugaw si X,ikinukundisyon ko lang ang maaring mangyari.
Walang imposible sa pag-ibig dahil proof ako na totoo dahil kay kuya Simyeon.
Maganda at mabait si Maine.
Gwapo din naman ang alaga ko at mabait pa.
Naiwan ako at naghintay.
Sumapit ang recess at ako na ang nagbantay kay Xeven sa mirienda.
Sandwich,chocolate drink tubig at ubas na dala nina Ms.Maine ang baon ni Xeven.
Pinapanood ko lang siya ng lumapit si Ms.Gina sa aming pwesto upang iaabot ang pipirmahan kong excuse form ni Xeven sa pagliban kahapon.
Nagpasalamat ako.
Kinamusta rin niya si Xeven dahil siya na ang sususnod na magtuturo.
Pero bago umalis ay kumuha muli ng ubas si Ms.Gina.
Naku!
Nagulat ako ng wala akong narinig na salita kay X.
Nakatingin lang siya sa guro na naglalakad palayo sa amin.
“ Umm…X…tapatin mo nga ako. Di ba crush mo si Ms.Maine?“
Umiling siya ng tipid sa akin.
Nalilito ako sa kilos ni niya ngayon.
“ Kuya remember when i told you the truth one time about Ms.Gina and the iceream,and my heart felt bad…“
“Yeah…tapos?”
“ Kasi…i felt bad here in my stomach now everytime i see Ms.Gina.
It felt wierd kuya…
my legs is shaking…and then…gone ng umalis siya.“
Namumula ang mukha niya ng humarap sa akin.
Hinipo ko siya sa noo kung bumalik ba ang kaniyang lagnat.
Wala naman.
Napaisip ako.
Bigla akong nawindang ng maalaala ko ang gabing magkakasama kami sa hapagkainan.
Pinaupo si Maine sa aming gitna.
Pinaupo ni Xeven sa silya ng mama nila si Ms.Gina na imposibleng payagan ito.
Bihira ang ganoon unless ituring ka na bahagi ng pamilyang gusto isama ni Xeven.
Hindi siya nagalit ng nakaligtaan ni Ms.Gina ang tungkol sa ubas na kinuha niya kanina.
Ngayon naman nakakaramdam ng ganito si X?
Hala!!!!
Hindi nilalagnat si X.
Ibang sakit ito!
LOVE SICK ITO!!!
INLOVE SI XEVEN KAY MS.GINA!!!
Gusto kong isigaw ang nalaman ko.
Nabaligtad na ang sitwasyon.
Inlababo ang bida sa kaniyang guro.
Paano yan Nikko,may dapat na bang malaman si Simyeon tungkol dito?
ABANGAN!!!

