loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Yesterday Once More (Christmas Special)

Yesterday Once More (Christmas Special)

Nickolai214 · 5 chapters · 5,576 words

List of Characters

Major Characters:

Raven Rigor as Kyle Alonzo

( Robbie Lopez Past Timeline)

Brent Manalo as Justin Cardenoza

(Past Timeline)

Miko Raval as Justin Cardenoza

(Present Timeline)

Miggy

Jimenez as John Lopez (Past Timeline)

Kaloy

Tingcungco

as Robbie Lopez (Present Timeline)

Chantal

Videla as Dianne Cardenoza

(Past Timeline)

Supporting Characters:

Albert Lopez Helena Lopez Billy Lopez (Present) Anita Cardenoza Lannie Alonzo Louie Alonzo Kiana Alonzo Rachel Jaime Tony (Present)

Manuscript

Robbie never celebrated Christmas since he was five. Namatay kasi ang kuya niya sa mismong araw ng pasko fifteen years ago. Base sa childhood memories niya ay isang maalaga at mapagmahal na kuya sa kanya si John.

Kaya naman labis ang galit na naramdaman niya nang makarating sa kanya ang balita na nakalaya na mula sa bilangguan si Justin Cardenoza, his late brother’s murderer.

Sa pag-uwi niya sa Carmen ay binalak niyang iset-up si Justin upang maibalik ito sa bilangguan ngunit sa kanya bumalik ang masamang plano niya.

When Justin confronts him, he tried to escape pero nasagasaan siya ng isang rumaragasang sasakyan.

Nagising na lamang siya na nasa katawan na siya ni Kyle Alonzo, Justin’s bestfriend.

Ngunit hindi pa doon natatapos ang magical moments sa buhay niya dahil natuklasan niya na nasa year 2007 siya. The same year when Justin murdered his brother.

Paano niya ililigtas si John kung sa bawat araw na lumilipas ay nahuhulog ang loob niya kay Justin?

Prologue

Preview

Robbie

Lopez

December 24, 2007

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Peace on earth and mercy mild

God and sinners reconciled

Joyful all ye nations rise

Join the triumph of the skies

With angelic

host

proclaim

Christ is born in Bethlehem

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Hail the heaven-born Prince of Peace!

Hail the Sun of Righteousness!

Light and life to all He brings

Risen with healing in His wings

Mild He lays His glory by

Born that man no more may die

Born to raise the sons of earth

Born to give

them second

birth

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Peace on earth and mercy mild

God and sinners reconciled

Joyful all ye nations rise

Join the triumph of the skies

With angelic

host

proclaim

Christ is born in Bethlehem

Hark! The herald angels sing

Glory to the new-born king

Glory to the new-born king

Nakatitig lang ako sa pagsayaw ng mga ilaw mula sa christmas lights na nakasabit sa malaking christmas tree na nakatayo sa living room ng aming bahay.

Kasabay ng pagtitig ko sa nakakawiling pagkislap ng mga ilaw ay ang pag-awit naman ng mga choir mula sa nakabukas na tv.

Nanonood kasi si Lola ng tv habang nahbuburda ng tela na nakahiligan na niyang gawin.

Sa edad ko na lima ay wala pa akong masyadong alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Basta ang alam ko lang ay isang tulog na lang at pasko na.

Nakatambay ako sa sala ng bahay namin kasama ni Lola. Hindi kasi ako pinapapunta sa kusina dahil busy sina Mama sa pagluluto ng mga ihahanda para bukas.

Nakadapa lang ako sa mahabang sofa habang nakatitig sa christmas tree.

“Robbie, magbihis ka na apo. Magsisimba na tayo mag-aalas otso na.” paalala ni Lola.

Alas-nueve ang simula ng misa sa plaza at ako palagi ang isinasama niya sa tuwing magsisimba siya ng gabi.

Mabilis akong napaupo nang marinig ko ang pagbukas ng main door saka pumasok doon si Kuya John.

Natataranta ako na tumayo saka ako tumakbo palapit sa kanya. “Kuya!” masiglang sigaw ko sa pangalan niya.

Nakangiti naman niya akong sinalubong. Yumakap ako kay Kuya John. Niyakap din niya ako bago ako kinarga. Pagkatapos ay hinalikan niya ako ng tatlong beses mula sa leeg hanggang sa bilugan ko na pisngi.

“Kumusta na tong makulit kong kapatid ha? Hmm! Namiss kita.” sabi niya saka niya ako mas nilambing pa kaya humagikgik ako nang tawa dahil nakikiliti ako sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko.

“Naku! Binola mo na naman ang kapatid mo. Bihisan mo na yan at isasama ko siya na magsimba. Magsimba ka rin para mabawasan ang mga kasalanan mo.” sabi ni Lola.

Natawa si Kuya saka siya sumagot kay Lola. “Lola naman, baka maniwala sayo tong si Robbie.” sabi niya saka siya bumaling sa akin. “Huwag kang maniwala kay Lola, mabait si Kuya diba?”

Tumango ako saka ko siya niyakap.

“May pasalubong ako sa baby brother ko.” masiglang sabi niya saka niya kinuha mula sa bulsa niya ang isang supot ng chocolate.

Tuwang-tuwa ako nang inabot niya sa akin iyon. Kaya mas lalo kong minahal ang Kuya ko dahil sa tuwing umuuwi siya ay hindi siya pumapalya sa pagbibigay ng candy at tsokolate sa akin.

“Naku, masisira ang ngipin ng batang ’yan binigyan mo na naman ng tsokolate.” sermon ni Lola.

“Hayaan mo na ’La. Yan na nga lang ang kaligayahan ng bata eh. Saka di naman pasaway tong kapatid ko. Mabait nga to kaya mahal na mahal ko eh.” sabi ni Kuya saka niya ako hinele na parang baby.

Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ako saka siya bumulong sa tenga ko. “Magbihis ka na. Baka magalit na naman si Lola mag-transform siya at maging dragon.” sabi niya.

Humalakhak ako dahil sa biro niya. “Shhhh! Quiet ka lang baka magalit ang dragon.” sabi niya.

Tumawa na naman ako saka na niya ako inakay papasok sa silid namin ni Lola. Si Kuya John na rin ang nagbihis sa akin at hinaharot din niya ako habang nilalagyan ng baby powder ang katawan ko.

Nang maisuot na niya sa akin ang t-shirt ko ay kinuha niya ang bote ng pabango ko saka niya ako winisikan.

Nilanghap pa niya ako saka siya nagsalita. “Bango na ng baby brother ko. Sige na pumunta ka na kay Lola baka mainip na yun.” sabi niya.

Mabilis akong tumakbo palabas sana ng silid pero tinawag niya ako.

“Hep! Hep! Hep! May nakalimutan ka yata.” sabi niya.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kama saka ko siya binigyan ng isang malutong na kiss sa pisngi niya.

Nang matapos niyang guluhin ang buhok ko ay tumakbo na ako palabas ng kwarto saka ko na pinuntahan si Lola.

(1) Dazed

Chapter 1

Robbie Lopez

August

16 , 2022

Tumitipa ang mga daliri ko sa mesa habang nakatingin ako sa menu ng resto bar na kinaroroonan ko.

Palihim kong sinusuri ang lalaking nakatayo ngayon sa tabi ko habang hinihintay ang order ko na sinasadya ko na tagalan.

Sa totoo lang ay wala ako sa mood na pumili ng pagkain na nasa menu. Naka-focus ang isip ko sa lalaking matiyaga na naghihintay sa oorderin ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Naramdaman naman niya ang ginawa ko kaya nagbaba siya ng tingin sa akin saka niya inagat ang notebook at ballpen na hawak niya.

Ilang sandali ko siyang napagmasdan. Well, hindi ko inexpect na ganito pala kagwapo sa personal si Justin.

Matangkad siya, makinis pero hindi na siya katulad ng naaalala ko noon na maputi ang balat niya. Ngayon ay medyo tan siya na bumabagay pa rin sa itsura niya.

Maraming mga babae pa rin ang mapupukaw ang atensyon sa simpleng pagtitig lang sa maamo niyang mukha.

But, looks can be decieving. Sa kabila ng kakisigan at kagwapuhan niya idagdag pa ang maamo niyang mukha ay nakatago ang isang demonyong mamamatay tao.

Sabi ni Mama ay kasing edad siya ni Kuya John at magkaklase daw sila noon sa highschool. Kuya John turns 33 last month. So, si Justin ay nasa ganoong edad na rin ngayon.

“Please, give me a bucket of smirnoff beer and Sirloin steak.” sabi ko in a polite tone pero sa totoo lang ay gusto ko na siyang sigawan at pagmumurahin.

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon sa kapatid ko. Gusto ko siyang sumbatan at gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya deserve na makalaya.

Pero syempre hindi ko pwedeng gawin iyon lalo na at nasa public place kami. Marami rin ang customers nila at kanina ko pa napapansin ang panakaw na sulyap sa kanya ng mga babae sa kabilang table.

“Yun lang po ba, Sir?” nakangiting tanong niya matapos niyang maisulat ang order ko. “Any additional order po ba? Masarap po yung sisig namin dito.”

Muli ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Nasabi ko na ang order ko. Ayoko ng additional order and please pakibilisan ang service.” malditang sagot ko.

Nawala ang matamis na ngiti sa labi niya. Well, kahit hindi siya nakangiti ay cute pa rin siya.

Kagaya ng mga babae na nasa kabilang table lang ay hindi rin ako immune sa charm ng lalaking ito pero kapag naaalala ko ang kasalanan niya sa pamilya ko ay umiinit ang dugo ko.

“Okay po sir, sorry po kung nakukulitan kayo sakin.” polite pa rin na sagot niya saka na siya mabilis na naglakad pabalik sa counter.

Good thing na hindi niya inulit ang order ko kaya madali ko nang magagawa ang evil plan na naiisip ko.

Halos ilang minuto rin ang hinintay ko. Nakikita ko si Justin na busy sa ibang customers nila. Sabado kaya marami ang tao.

Maingay na rin sa loob dahil nagsisimula nang tumugtog ang mga banda nila.

Ilang sandali pa ay nakita ko na papalapit na sa akin si Justin dala ang bucket ng mule na inorder ko.

Habang busy siya sa paglalapag ng order ko ay hindi niya napansin ang pag-shoot ko ng gold necklace ko sa bulsa ng apron niya.

Then, the long night have already started.


Nagising ako sa huni ng mga ibon sa labas ng bintana ng kwarto ko. Halos limang bote ng mule ang nainom ko kagabi bago ako gumawa ng eskandalo na nagpahamak kay Justin.

Napangiti ako habang inaalala ko ang itsura niya kagabi sa presinto. Naiimagine ko pa kung gaano siya nilalamig sa madilim na selda habang ako ay mahimbing na nakatulog dito sa ancestral house namin sa Carmen.

Mabilis na akong bumangon saka ko na ginawa ang morning routine ko. Dahil kahapon pa lang ako nakauwi dito sa Carmen ay hindi pa ako nakapamili ng supplies ko para sa binabalak ko na 1 week stay dito.

Sabi ni Mama ay tuwing wednesday dumarating ang tagalinis ng bahay pero sabi niya ay tatawagan niya ito para maasikaso ako.

But for now, kailangan ko munang lumabas at ako mismo ang bibili ng mga supplies na kakailanganin ko.

Narinig ko sa forecast kagabi na ngayong araw papasok sa bansa ang bagyo at dito sa Norte tatama iyon kaya nagdala na ako ng payong at nagsuot ako ng windbreaker na jacket.

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay nang bigla na lang ay hinatak ng isang malakas na kamay ang braso ko dahilan upang mapasubsob ang mukha ko sa matigas na dibdib ng pangahas na lalaki.

Kung sa ibang pagkakataon lang ay maaappreciate ko ang napakabangong aroma ng katawan niya pero hindi ko gusto ang ginawa niya kaya mabilis akong tumingala sa kanya at sumalubong sa akin ang galit na mga titig niya.

Sinubukan ko na magpumiglas pero malakas ang lalaking ito. Hinatak niya ako papalapit sa kanya at halos magkayakap na kami dahil sa ginawa niya.

Magkahinang pa rin ang mga tingin namin at nakakadama na ako ng pagkailang dahil sa pagdaloy ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko dulot ng mahigpit na pagyakap niya sa akin.

“Let me go or you’ll be sorry!” matapang na banta ko sa kanya.

Hinamon ko ang galit na mga titig niya ng naniningkit na mga mata ko. Natawa naman siya saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Halos katiting na lamang ang pagitan ng mga labi namin dahil sa sobrang lapit niya sa mukha ko.

“Dinala ng boss ko sa presinto ang kopya ng cctv sa store kagabi. Nakita doon ang ginawa mong pagset-up sa akin. Sabihin mo sa akin kung ano ang naglalaro sa utak mo at ginawa mo iyon.” kalmado pero kababakasan mo ng galit ang paraan ng pagsasalita niya.

“Deserve mo iyon. Deserve mo na mabulok sa kulungan.” matapang na sagot ko habang nakatingala ako sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi niya. Tila ba isang ngiti pero hindi iyon totoong ngiti kundi pang-uuyam.

“Hindi mo ba naisip na dahil sa ginawa mo ay mas deserve mo na mabulok doon?” sagot niya ngunit sa pagkakataong ito ay nawala na ang mabalasik na anyo niya kanina.

Ang nasa harapan ko na lang ay ang nagdududa at nanunuri na anyo ng lalaking ito.

Tumawa siya pero halatang walang buhay, pilit at hindi mo kakikitaan ng sigla.

“Hindi mo ba naisip na sa ginawa mo ay pwede kong ibalik sayo ang reklamo na ginawa mo sa presinto? Pero hindi kagaya mo ay may hawak kaming ebidensya.”

Kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Kaya ko siyang labanan sa korte. Mayaman ang pamilya namin at magaling na abogado ang isa sa mga pinsan ko sa Maynila.

Ngumisi ako para ipakita kay Justine na hindi ako naba-bother sa mga sinasabi niya.

“Go ahead! Sue me!” sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkainis sa gwapong mukha niya.

Hindi ko alam pero napalunok ako nang mapadako sa mapulang labi niya ang mga mata ko.

The way those sexy lips moved in anger made my heart become dazed. I wonder kung gaano ba iyon kasarap humalik.

Shit! Mabilis kong sinaway ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko at dahil sa kakapiglas ko ay naramdaman ko na lamang ang mabilis na pagsayad ng basang labi niya sa nakabukang mga labi ko.

“Are you sure?” he murmur then he stole a brief kiss on my lips.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkalat ng kakaibang kilabot sa bawat himaymay ng katawan ko. Halos mawalan ako ng lakas at kung hindi lang niya ako hawak nang mahigpit ay siguradong babagsak ako sa kinatatayuan ko.

Mabilis lang ang halik na iyon pero pakiramdam ko ay tumigil sandali ang oras habang inaangkin niya ang mga labi ko.

Napapikit ako upang lasapin ang napakasarap niyang paghalik. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na marahan niyang inilayo ang mukha niya sa akin.

Napakurap ako habang pinagmamasdan ko ang anyo ng pangahas na lalaking nagnakaw ng first kiss ko.

Napakagwapo pala ni Justin lalo na kapag napagmamasdam mo siya nang malapitan. Pero hindi ako dapat na nagpapalinlang sa itsura niya. Isa pa rin siyang kriminal at hindi na mababago pa iyon.

“Pakawalan mo ko. Ano ba?” galit na sigaw ko sa kanya.

“Pakakawalan kita kapag humingi ka ng tawad sa akin sa ginawa mo kagabi.” matigas na sagot niya.

“Hell! N-Nooo!” mabilis na hiyaw ko. Puno pa rin ako ng pride at wala akong balak na ibaba iyon para sa lalaking ito.

Not with this ruthless criminal.

“Sabihin mo sa akin kung bakit mo ginawa sa akin iyon? Wala akong ginagawang masama sayo, Robbie Lopez.” diin niya sa pangalan ko.

Sinalubong ko ang mga nanghahamon niyang tingin. Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingala ako sa kanya.

Hawak pa rin niya ako at nakayakap pa rin siya sa katawan ko. Tumigas ang anyo ko aaka ko siya sinigawan.

“Sa akin wala. Pero sa kapatid ko meron. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko siya nakasama habang lumalaki ako. Ikaw ang dahilan kung bakit nabuhay sa lungkot ang Mama ko. You fucking murderer!” galit na sagot ko sa kanya saka ko siya tinuhod sa pagitan ng mga hita niya.

Napasigaw si Justin kasabay ng pagbitaw niya sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon. Tinulak ko siya saka ako tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Nakita ko na kahit iniinda niya ang sakit na dulot ng ginawa ko ay nakatayo na siya at sinusubukan niya ako na habulin.

“Bumalik ka dito!” sigaw niya. “Robbie!”

Hindi ako nag-abala na huminto sa pagtakbo. Nakita ko na tumatakbo na rin siya habang sinasabi niya sa akin na huminto ako at kailangan naming magkausap.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang palingon-lingon ako sa kanya na ngayon ay lumiliit na ang distansya mula sa akin.

Hanggang sa paglingon ko sa harapan ko ay isang mabilis na sasakyan ang bigla na lamang lumitaw kasunod ng pagsigaw ni Justin sa pangalan ko.

“Robbieeeee!”

Naramdaman ko na lamang na tumilapon na ako sa ere kasunod ng pagtalsik ko sa isang matigas na bagay. Nagdilim ang buong paligid ko pero naririnig ko pa rin ang boses ni Justin.

“Robbie? Robbie!” sambit niya sa pangalan ko sa tinig na kababakasan ng matinding pag-aalala.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay pero nagising na lamang ang diwa ko dahil sa muling pag-alingawngaw ng tinig ni Justin.

“Kyle,” sambit niya. “Kyle!” ulit niya ngunit sa mas malakas na tinig.

Napakabigat ng katawan ko. Nakakaramdam ako ng pananakit ng katawan ko. Gusto kong buksan ang mga mata ko ngunit napakabigat ng mga iyon.

“Kyle?” muli ay sambit ni Justin ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko mabuksan ang mga mata ko.

Nagsimula na akong dumaing hanggang sa isang magaspang na palad ang bigla na lamang ay humaplos sa mukha ko.

Nakaramdam ako ng matinding antok hanggang sa wala na akong matandaan.


Nagising ako sa isang tahimik na silid. Binuksan ko ang mga mata ko at isang maliwanag na puting kisame ang unang tumambad sa akin.

Dahil nasilaw ako ay muli akong pumikit. Ilang sandali pa ay sinubukan ko muling buksan ang mga mata ko.

Iginala ko ang tingin ko sa isang maganda at tahimik na silid.

Alam ko na nasa ospital ako. Dahil sariwa pa rin sa isip ko ang nangyaring aksidente sa akin. Nararamdaman ko pa ang epekto nito sa buong katawan ko.

Sinubukan ko na bumangon pero matinding kirot ang naramdaman ko sa ulo ko.

“Kyle,” narinig kong sambit ng isang midde aged woman nakapapasok lang sa silid na kinaroroonan ko.

“Kyle,” muli ay sambit niya ngunit sa pagkakataong iyon ay naging masigla na ang tinig niya.

Nagmamadali siya na lumabas ng silid at narinig ko pa ang pagtawag niya sa doktor.

Nalaman ko na nabangga ako ng isang kotse malapit sa ancestral house namin sa Carmen.

Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit narito sa silid ko ang babaeng ito at siya ang nag-aasikaso sa akin mula pa kanina.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit mula pa kanina ay Kyle na ang tawag niya sa akin maging ang doktor na sumuri sa akin ay Kyle ang itinawag sa akin.

Naguguluhan man ako ay hindi ko na masyado pang binigyan nang kahulugan iyon dahil sa mga sandaling ito ay nararamdaman ko na kailangan kong gumamit ng banyo.

Sinubukan akong alalayan ng babae pero pinigilan ko siya at sinabi ko na kaya ko na.

Bukod sa masakit pa rin ang mga pasa at sugat sa katawan ko ay wala naman daw silang nakita na damage lalo na sa ulo ko na ipinagtataka rin ng doktor kanina.

Sabi niya ay halos maligo daw ako sa sarili kong dugo nang dalhin ako sa ospital three days ago.

Mabilis na akong bumaba mula sa hospital bed saka ako marahan na naglakad patungo sa banyo.

Nakagamit naman ako ng banyo nang hindi nakakaabala sa iba.

Ngunit nang maghuhugas na ako ng kamay mula sa sink ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

Nakatitig lang ako sa salamin at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Isang gwapong binatilyo ang nakikita ko ngayon sa salamin. Mabilis kong hinawakan ang mukha ko. Hindi ako nananaginip lang. Totoo ang nakikita ko.

Hindi ko alam kung sino ang taong nasa salamin pero hindi ako ito.

Napasinghap ako saka ko naihilamos ang mga palad ko sa mukha ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

Paanong? Shit! Hindi ako ito. Hindi ito ang katawan ko.

“Kyle, matagal ka pa ba diyan? Tumawag na ako Daddy mo. Pauwi na raw siya dito sa Carmen. Gusto ka daw niyang makita.” sigaw ng middle aged na babae mula sa labas ng pinto.

“K-Kyle?” naiiyak na bulong ko.

(2) Riot

Chapter 2

Kyle

Alonzo

August 28, 2007

Ilang araw mula nang makalabas ako sa ospital ay napag-alaman ko na ang nagmamay-ari ng katawan na kinaroroonan ko ngayon ay si Kyle Alonzo.

Hindi lang doon natatapos ang mga kakaibang nangyayari sa akin dahil bumalik ang panahon fifteen years mula sa araw na naaksidente ako.

Nagising ako sa katawan ng ibang tao at nasa taong 2007 ako ngayon. Kaparehomg taon kung kailan napatay ni Justin si Kuya John.

Naninibago ako sa paligid ko. Nasa isang lugar ako kung saan wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko.

Basta ang alam ko lang ay ako na ngayon si Kyle at nagpanggap na lamang ako sa mga magulang niya na wala akong natatandaan.

Nakalabas na rin ako sa ospital at kasalukuyan akong nagpapahinga sa bahay ng mga Alonzo.

Sabi ni Tita Arlene, mama ni Kyle ay nakausap na daw niya ang dean sa school nina Kyle.

Sabi niya ay pwede na raw akong pumasok sa school bukas. At dahil nga ako na si Kyle sa panahon na ito ay wala akong choice kundi pasukan ang mga klase niya.

Tutulungan naman daw ako ng school na makapag-adjust dahil nasabi na rin ni Tita Arlene sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko.

Naisip ko rin na kailangan ko nga na pasukan ang mga iyon. Bukod sa naiinip ako dito sa bahay ay baka sa school ko mahanap ang sagot sa mga tanong sa isip ko.

Bakit ako napunta sa katawan ni Kyle at bakit ako nagbalik sa panahong ito?

Kung tutuusin ay sigurado ako na buhay na ako sa panahon na ito. Year 2002 ako ipinanganak kaya sa panahon na ito ay five years old na ako.

Kailangan kong mahanap ang sarili ko. Kailangan kong makumpirma kung nag-eexist ba sa panahon na ito ang five years old na Robbie Lopez.

Mabilis akong bumangon mula sa kama saka ako lumabas ng bahay. Nasa trabaho ang parents ni Kyle at mula nang umuwi kami dito sa bahay at halos mga maid na lang ang nakikita ko.

Sabi nila ay ganito daw talaga ang buhay ni Kyle. Nag-leave lang daw ng ilang araw sa trabaho si Tita Arlene nang maaksidente si Kyle.

Hindi naman nakakapagtaka na workaholic ang parents niya dahil sa nakikita ko ay mayaman sila.

Napakalaki ng bahay nila at kung ibabase ko sa panahon na kinaroroonan ko ang mga kagamitan nila ay masasabi ko na high-tech ang mga ito.

Hindi ko kabisado ang lugar dito sa Carmen dahil ilang buwan mula nang mailibing si Kuya John ay isinama na ako nina Mama sa Maynila at doon na kami tumira.

Pero sigurado ako na malapit lang dito sa bahay nina Kyle ang bahay namin dahil nakita ko na dinaanan namin ang plaza nung araw na umuwi kami galing ospital.

Pagkalabas ko sa gate ay napahinto ako sa paghakbang nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.

Napahinto rin siya sa paghakbang ngunit hindi maialis sa akin ang titig niya.

“Kyle,” may pag-aalalang sambit niya.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Hindi ko inasahan na mangyayari ito. Hindi ko inasahan na magkikita kami ni Justin nang ganito kabilis.

“Justin,” wala sa loob na sambit ko habang nakatitig ako sa kanya.

Basketball shorts at jersey lang ang suot niya. Naka-rubber shoes siya at may nakasukbit na malaking bag sa balikat niya.

“Kyle,” masiglang tawag niya. Ibinaba niya sa gilid ng daan ang bag niya saka siya nagmamadali na naglakad palapit sa akin.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Basta ang alam ko na lang ay mahigpit akong niyayakap ngayon ni Justin.

Dahil hindi ko inasahan na gagawin iyon ni Justin ay hindi kaagad ako nakapag-react. Pero nang marealize ko ang nangyayari ay mabilis ko siyang tinulak palayo.

Nagtataka siya na tumingin sa akin at sinalubong ko naman ang tingin niya.

“K-Kyle?” naguguluhang tanong niya.

“Hindi ako si Kyle at layuan mo ako pwede ba?” inis na sagot ko sa kanya saka ko siya mabilis na iniwanan pero hinabol niya ako at pinigilan niya ako sa braso.

“Sandali lang. Ano bang nangyayari sayo? Bat ka ba nagagalit?” seryosong tanong niya habang hawak pa rin niya ang braso ko.

Sasagutin ko sana siya pero naalala ko na hindi nga pala ako ang nakikita niya kundi si Kyle.

Marahan ko na lang na hinawakan ang kamay niya saka ko iyon inalis sa pagkakahawak niya sa braso ko.

“Pagod ako Justin. Wag ka munang sasabay. Please lang!” mahina ngunit madiin na sambit ko.

Nagtataka man ay hindi na niya ako tinangka pa na habulin nang muli na akong naglakad palayo sa kanya.

Tinalunton ko ang daan patungo sa plaza ng Carmen. Mula doon ay alam ko na ang daan patungo sa bahay namin. Baka sakali na makita ko doon ang batang sarili ko.

Hindi naman pala kalayuan mula sa plaza ang bahay nina Kyle kaya mabilis ako na nakarating doon.

Nagsisimula nang dumilim sa buong kalangitan dahil 6:30 na ng gabi. Mabilis ko nang tinahak ang daan patungo sa barangay namin pero nasa may tapat pa lang ako ng mini grocery ng bayan ay napahinto na ako sa paglalakad.

Isang pamilyar na tao ang nakita ko na naglalakad pasalubong sa akin. Hubad baro siya at kitang-kita kung gaano kaganda ang katawan niya na marahil ay bunga ng regular na paggygym.

Sigurado ako na maraming pinaiyak na babae ang kapatid ko sa mga panahon na ito dahil sa taglay niyang kakisigan.

Kasama niya ang nasa limang grupo ng mga lalaki na halos kaedaran lang niya. Papalapit sila ngayon sa dalawang lalaki na nakatambay sa may waiting shed.

Napangiti ako dahil sa tuwa na nararamdaman ko nang sa wakas ay muli kong nasilayan na buhay si Kuya John.

Lalapitan ko sana sila nang bigla na lamang ay sinuntok niya ang isa sa mga lalaki at ang sumunod na eksena ay gumanti ang mga ito hanggang sa magkarambulan na sila.

May mga nakita ako na ilang lalaki na tumakbo papalapit sa kanila at may dalang dos por dos ang isa sa kanila.

Nang marealize ko na sina Kuya John ang target nila ay mabilis akong tumakbo para sana awatin sila pero isang malakas na kamay ang humatak sa akin papalayo sa lugar na iyon.

Marahas ako na napabaling sa kanya at nakita ko ang nag-aalalang anyo ni Justin habang hinahatak niya ako palayo.

“Saan mo ako dadalhin? Ano ba, bitawan mo ko! Kailangan kong tulungan si Kuya!” hiyaw ko pero napakahigpit ng hawak niya sa braso ko habang hinahatak niya ako palayo sa mga nagrarambulan.

Sinubukan ko na kumawala pero malakas si Justin bukod pa sa napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Dahil sa inis ko ay kinalmot ko siya at nakita ko na bumakas sa leeg niya ang mga kuko ko.

Napahiyaw siya saka niya nabitawan ang braso ko. Mabilis akong tumakbo palapit kina Kuya John pero mabilis din na nakasunod si Justin.

“Kyle! Kyle! Ayy putcha!” sigaw niya bago niya ako naabutan at naramdaman ko na lang na mahigpit na siyang nakayakap sa katawan ko.

Muli ay hinatak niya ako papalayo kina Kuya John. Wala na akong nagawa nang dalhin niya ako sa isang makipot na eskinita.

Isinandal niya ako sa pader saka niya ako ipinako sa kinatatayuan namin. Nagtama ang mga tingin namin.

Mababakas ang pag-aalala sa gwapong mukha niya samantalang sa akin ay inis ang nakarehistro.

“Ano bang nangyayari sayo? Gusto mo bang madamay sa rambol nina John? Kagagaling mo lang sa ospital gusto mo ulit bumalik?” matigas ngunit mahinang sermon niya sa akin.

“Bakit ka ba nakikialam?” galit na sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang disappointment sa anyo niya dahil sa sinabi ko. Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga kasabay ng pagtingala niya sa ere bago siya muling tumitig sa akin.

At sa seryosong tinig ay nagsalita siya. “Wala na ba akong karapatan na mag-alala sayo? Galit ka pa rin ba dahil sa sinabi ko sayo nung bugbugin ka ni John?”

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang ako na nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung tungkol saan ang sinasabi niya pero dahil narinig ko ang pangalan ni Kuya ay nagkaroon ako ng interes na malaman iyon.

“A-Anong sinabi mo sakin?” tanong ko sa kanya.

Napakurap si Justin. Hawak pa rin niya ang braso ko at halos nakayakap na siya sa katawan ko dahil sa posisyon namin.

“Tigilan mo na si John. Masasaktan ka lang kapag itinuloy mo yang kabaliwan mo. Baka sa susunod ay mapatay ka na niya.” puno ng pag-aalala na sabi niya.

Mapatay? Bakit naman ako sasaktan ni Kuya? I mean si Kyle? Ano bang nagyari sa panahon na ito? Sino si Kyle? Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Pero nang maalala ko ang nangyari sa kapatid ko ay bumangon na naman ang galit sa dibdib ko para kay Justin.

No! Sinungaling ang lalaking ito? Hindi magagawa ni Kuya ang ibinibintang niya. Pero ang lalaking kaharap ko ngayon, kaya niya. Pinatay nga niya si Kuya diba?

“Tigilan mo na ko. Simula ngayon wag mo na kong papakialaman.” inis na sambit ko saka ko siya tinuhod kaya natumba siya sa gitna ng eskinita.

Mabilis na akong tumakbo pabalik sa kinaroroonan nina Kuya pero natigilan ako nang makita ko ang malakas na paghampas ni Kuya John sa ulo ng isang lalaki dahilan upang bumagsak ito sa gitna ng kalsada.

Napasinghap ako saka ko naitakip sa bibig ko ang kamay ko. Napaupo ako pabagsak sa kinatatayuan ko habang nakikita ko ang malademonyong ngisi ng kapatid ko habang pinagmamasdan niya ang nakahandusay na lalaki.

Nakarinig ako ng malakas na pagpito mula sa di kalayuan. Mabilis na nagsitakbuhan sina Kuya John.

Naiwan na nakahandusay sa gitna ng kalsada ang limang lalaki. Lahat sila ay puno ng sugat at pasa na marahil ay dahil sa riot na naganap.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Paano nagawa ni Kuya John iyon? Kahit gaano pa katindi ang away nila ay hindi niya dapat pinaabot ang pakikipag-away niya sa ganito kabrutal na paraan.

Nanlulumo ako na nakatanaw lang sa nangyayari sa paligid ko hanggang sa maramdaman ko na lamang na may humila sa akin patayo saka niya ako hinatak palayo sa lugar na iyon.

Wala ako sa sarili na nagpatianod na lang sa pagtakbo. Hanggang sa makarating kami sa isang tago na lugar.

Napatingala ako kay Justin at sumalubong sa akin ang mga titig niya na puno ng pag-aalala.

“Nababaliw ka na ba talaga?” galit na sermon niya sa akin. “Naalog ba sa pagkaka-aksidente mo ang utak mo kaya hindi ka na nakakapag-isip nang maayos? Lalapitan mo pa talaga si John pagkatapos ng ginawa niya sayo?”

“Anong ginawa niya? Huwag mo akong pakialaman. Wala kang alam! Wala kang alam!” frustrated na hiyaw ko saka ko siya pinagsusuntok sa dibdib.

Sinasalag niya ang mga suntok ko pero kahit minsan ay hindi niya ako pinagtangkaan na saktan.

Hanggang sa maramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang isang braso ko pagkatapos ay dumapo sa pisngi ko ang isang malakas na sampal.

Sabay kaming natigilan ni Justin dahil sa ginawa niya. Nang marealize ko kung ano ang nangyari ay marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.

Namuo ang mga luha mula sa mga mata ko kasunod ng sunud-sunod na pagpatak ng mga ito.

Marahas akong hinila ni Justin palapit sa katawan niya saka ko naramdaman ang mahigpit ngunit may pagsuyong paraan ng pagyakap niya sa akin.

Napapikit ako habang patuloy na umiiyak. Naramdaman ko naman na sinisikap na pagaanin ni Justin ang nararamdaman ko.

I wonder kung ano ba ang totoong relasyon niya kay Kyle at kung bakit ganito katinding concern na lang ang ipinapakita niya.

Kahit na galit ako sa kanya ay hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa taglay niyang dedication sa pag-protekta kay Kyle.

At si Kuya John. Bakit ba siya napatay ni Justin? Ano ang dahilan ni Justin? Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

Nagsisimula na akong maguluhan lalo na at nakita ko nang harapan ang evil side ni Kuya John na hindi ko nakikita noong bata pa ako.

At ang batang sarili ko, kailangan ko siyang makita at maprotektahan dahil kung totoo ang nangyayari sa akin at hindi ito panaginip ay sigurado na makaapekto sa future naming lahat ang ano mang magagawa kong pagkakamali sa panahon na ito.

Nanlulumo ako na nag-angat ng tingin sa lalaking nakayakap sa akin ngayon. Sino ka ba talaga Justin Cardenoza? Bakit kailangan kong mapunta sa sitwasyon na ito at bakit kailangan kong masaksihan ang other side ng kwento ninyo ni Kuya?

Sa pagkakataong ito ay nagsisimula nang luminaw sa isipan ko ang mga nangyayari. Sa palagay ko ay may mali sa nakaraan na kailangan maiayos kaya ako bumalik sa panahon na ito.

Pero bakit sa katawan ng ibang tao? Sino si Kyle? Nasaan ang totoong Kyle? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay hindi pa masamang tao si Justin sa mga sandaling ito.

Bakit mo ba ginawa iyon? Ano ang

nagtulak

sayo para

patayin

mo si Kuya John? sambit ko sa isip ko habang nakatitig ako sa maamong anyo niya.

Hindi ko maintindihan pero bigla na lamang ay niyakap ko si Justin nang mahigpit. Naramdaman ko ang kakaibang init na nagmumula sa matipunong katawan niya patungo sa katawan ko.

Kung ano man ang maging dahilan mo ay kailangan kitang mapigilan. Kailangan kong mailigtas ang kapatid ko. Kailangan kitang

mailigtas

sa kasalanan na gagawin mo.


Second Part Release Date

Chapter 3-5

December 15, 2022


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.