loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~

YOU ARE MY DREAM (Short Story) ~FIN~

YorTzekai · 17 chapters · 14,781 words

YOU ARE MY DREAM

Hello! This will be my 2nd story here sa wattpad =)

gusto ko lang talaga magsulat, at ang kwentong ito ay Sequel ng JUST BELIEVE.

dto sa kwentong ito mababasa naten ang side story nina Honey at Dex. Same time frame po sya.

Sana po mag enjoy kayo :))

YAMD 01

Chapter 01

DISCLAIMER: This story is a work of

fiction. Any resemblance to any

person, place, or written works are

purely coincidental. The author

retains all rights to the work, and

requests that in any use of this material that my rights are

respected. Please do not copy or use

this story in any manner without my

permission.


“alam mo ikaw kahit kailan ang daldal mong bakla ka!” irita kong sita kay Pipay, ang bakla sa tropahan namin.

Pano ba naman? Kanina sa cafeteria, Halos ilaglag na ako kanina sa crush ko eh nandun din yung tropa ni crush, first day of class pa lang at yun lang din ang kauna unahang pagkakataon na nakasama ko siya! Hihi kakilig talaga! Epal lang si Pipay eh!

Ako nga pala si Honey Joyce Alegre, 4th year college,sa kursong Education kasama ang mga kaibigang sina Arvin,Pipay at Ira na mga kaibigan ko na since High School.

Ngayon pabalik na kami sa department namin,masaya kaming lahat kasi sinabi nina crush na tropa na daw kami. Ang cool diba? May isa lang na KJ eh! Si Arvin palibhasa mortal enemy nya si Kevin na tropa ni crush.

Sino nga ba si crush? Ahmm let me get it right,hindi crush, sinisinta! Haha baduy ba? Pasensya na matagal ko na kasi syang ina admire, happily contented loving him from afar na nga ang Peg ko nung high school sa kanya, kaya laking tuwa ko nung dito din sya sa St.Adams University nag aral.

Ang crush ko ay walang iba kundi si Rhon Dexter Montenegro! Ayiih! Gwapo,mabaet,simpatiko,laging mabango! Kahit nasa malayo pag nakita ko sya bumibilis na tibok ng puso ko at nanlalambot ang tuhod ko.

Kaya nga lang hindi naman nya ako kilala kahit nung high school, kahit nga mula first year to third year college eh hindi din naman niya ako pinapansin, ang saklap lang! Kaya laking tuwa ko ng kausapin nila kami kanina sa cafeteria.

“sus! Kunyari ka pa! If I know naman halos mamatay ka sa kilig!” depensa ni Pipay sa sinabi ko. Hindi na ako sumagot at naupo na kami sa mga silya namen, ito ang last subject namen para sa araw na ito.

Napalingon ako kay Arvin at hindi pa din maipinta mukha nito.

Problema ba nun?

Napailing na lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa profesor naming putak ng putak. Pero kahit anong gawin kong pag concentrate ay hindi ko na magawa. Masyado ng inukopa ni Dex ang isipan ko. Hays Dex! Ahihi xD

siyempre natapos ang klase ng wala ako naintindihan,at alam kong hindi ako nag iisa dun,pati sina Pipay at Ira alam kong walang naintindihan,maliban kay Arvin, scholar kasi tong kaibigan naming to eh!

At ayan na nga,uwian na, nakita ko naman na padating na ang grupo nina Dex,ibayong kilig na naman ang mararanasan ko haha! :D

“oh,anong atin?” salubong agad ni Ira sa mga ito,naunahan sya ah?!

“wala naman,naisip lang namin na since isang grupo na tayo ay baka pwede na tayo magbonding,sabay sabay na tayo palabas ng campus” si Kevin ang sumagot, ang dakilang bully sa grupo nina Dex, nakakapagtaka lang na kay Arvin sya nakatingin.

HMMMN? I smell something …

Pero mamaya na yan! Sakin tumabi si Dex sa paglalakad! Gosh! Nanlalambot ang tuhod ko! Pwede bang magpabuhat sa kanya? Hahahaha! =D

AN/ yan po muna,tingnan ko kung maganda, pag hindi, ay hindi ko na itutuloy :)

YAMD 02

Chapter II.

Syempre kinabukasan,maaga ako pumasok hahaha! Mas inspired ako ngayon kasi naman nasa isang tropahan na lang kami! Lalo na kahapon nung pauwi tinabihan nya pa ako sa paglalakad, uber kilig talaga! :DD

Pagkapasok ko sa classroom ay swerte naman na wala pa ang Prof,nakita naman agad ako nina Ira at Pipay kaya lapitan agad ang mga bruha.

“oh anong meron at sobra ka kung makangiti?” umpisa ni Ira.

“syempre masaya yan teh,makakasama na nya crush nya” sagot ni Pipay, lalo naman lumawak ang pagkaka ngiti nya dahil dito.

“Si Dex ba ang crush mo ning?” - Ira.

Syempre ng marinig ang pangalan ng iniibig ay nagliwanag lalo ang mukha nya at nagningning ang kanyang mga mata.

“correction.Hindi lang crush,iniirog!” bara ko sa kanila. Hay Dex sana gusto mo din ako >.<

“kawalang gana ah,nabaliw na tong isang ito, ito namang si Arvin kakadating lang hindi na maipinta ang mukha” rinig ko pang dada ni Ira. Hindi ko na lang inintindi dahil nga inspired ako diba?

Totoo nga bagong dating lang ang hunghang na si Arvin, kasunod ang Prof namin. Sa totoo lang napaka gwapo ni Arvin, medyo naging crush ko din ito nung high school, medyo lang naman, pano ba naman kasi napaka babaero ng gago! Si Arvin ang perfect example ng Matalinong Naughty na Hottie. Hindi ko nga akalain magiging tropa ko yan eh!

Nako malamang nakita na naman ni Arvin si Kevin hahaha! Hindi ko masisisi ang kaibigan ko, mula first year lagi na syang pinagtitripan ni Kevin, kahit siguro ako magiging badtrip lagi nun hoho! X)

Bago magsimula ang lecture ni prof ay may pinakilala samin ito,mga transferee, parehong mukhang galing sa mayamang pamilya, napag alaman naming kambal pala ito at ang mga magulang ay parehong lalake.

Pwede pala yon?

Ng matapos magpakilala ang bago naming mga kaklase ay umupo ang kambal sa tabi ni Arvin, I know inggit ang mga kaklase namin haha! Mamaya makikipag close agad ako sa dalawa XD

“Bakla, may mga new students na want mag try out sa Pep squad,wag ka mawawala mamaya ah” ani Ira habang naglalakad sila papuntang cafeteria.

“ayon! Buti pinaalala mo,sige sabay na lang tayo” sagot nya.

Pagkapasok namin sa cafeteria ay nagniningning agad ang aking mga mata, nandun na din ang grupo nina Dex. Agad kaming pumila at kumuha ng pagkain, syempre dun kami sa lamesa nila umupo.

“ang tagal nyo naman” ani Dex na sakin nakatingin. My Gawd! Huwag kang ganyan baka himatayin ako :/

“ano kasi,may mga bago kaming kaklase,mga transferee,kambal, ininterogate pa ni prof kaya natagalan” sagot ko at sinimulan ko na ang pagkain, ayaw ko muna sya tingnan baka hindi ako makakain ng maayos at sa tingin pa lang sa kanya eh baka mabusog nako.

Dami mong alam! Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

“ganun ba?” - Dex

-yup- ako. Hihi kelangan magtipid.

“mamaya papakilala namin kayo sa kanila,mukha naman silang mabait. Nakaka intriga lang parehong lalaki ang mga magulang nila” singit ni Pipay, kahit kailan talaga walang preno bibig ng baklang to!

“sige teh! Itsismis mo kagad para ma expel ka dito sa school” bara ni Ira kay Pipay, napahagikgik na lang ako.

“Hindi naman imposible yon” singit din ni Kevin, nagtaasan lahat ng kilay namin sa narinig.

“what do you mean bro?”- si Bryle yan na sa pagkaka alam ko eh type si Ira. Galing ko nuh? Hahaha ganun talaga! =_=

“I mean hindi imposible yung same sex relationship, may ganyan talaga” sagot ni Kevin na nakita ko pang palihim na sumulyap kay Arvin,ng tingnan ko si Arvin nag iwas naman ito ng tingin.

Teka nga? Anong meron?

“sabagay.Kalat din sila sa campus, at may katibayan tayo dyan” naka ngising pag sang ayon ni Brian ay inginuso si Pipay na busy sa pagkain. Nagkatawanan na lang kami.

Sa grupo ni Dex,si Brian ang pinakamakulit at madaldal,kumbaga sa grupo namin si Pipay ang katapat nya, ang kewl diba? Hahaha!

Syempre at habang nangyayari ang lahat ng ito ay pasimple kong tinitingnan si Dex. Shit lang bawat anggulo ang gwapo nya,kahit sa pagsubo ng pagkain at pag nguya ang gwapo ng gago! I cant help it! Kelangan ko ng kumilos bago mahuli ang lahat! Hindi nya ako masyadong kinakausap pero sakin sya dumidikit,dun pa lang may puntos na ako haha! So kelangan ko ng gumawa ng paraan!.

Ng matapos ang klase namin para sa araw na iyon ay nagpakilala kami sa kambal, mabaet naman pala talaga ang mga ito, at inalok namin kung gusto maki tropa, at pumayag ang mga ito.

Kaya ng dumating sina Dex para sunduin kami ay pinakilala namin sila sa bawat isa, agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

“Honey,pwede bang makuha ang number mo?” mahinang wika ni Dex ng tumabi sakin. Halos maglulundag naman ang puso ko.

YES! This is it!

ITUTULOY . . .

YAMD 03

A/N ~ pasensya na medyo natagalan, medyo lang naman :/ hindi padin kasi ako maka get over sa SHE’S DATING THE GANGSTER ni miss SGWANNABE. Anyways sana may magbasa,vote at comment po kahit na wala ako cover photo para dito, mobile lang kasi gamit ko, bago ko ipublished nag upload nko ng cover,pero ewan bakit wala nalabas? :( pero yaan na nga, as long as may nagbasa nito okay nko, comment po sana so I should know kung itutuloy ko ba o hindi, salamat po ^^,

  • Tzekaaaii

Chapter 03

The moment na hiningi ni Dex ang mobile number ko halos mamatay na ako sa kilig, pero uh-oh hindi dapat ipahalata, pangit naman sa babae na ipakita na mag swoon sya sa harap ng taong gusto nya diba? Mahirap na, baka ma turn-off sa akin si Dex. So dapat ipakita kong passive lang ako at kalmado. Tama ganun nga dapat! Ang galing ko hihi =))

“Sure! Yon lang pala eh” naka ngiti nyang tugon dito, nakita nyang nagliwanag ang mukha nito.

Damnit! Ang gwapo nya!

Pagkatapos ko ibigay dito ang number ko ay ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Kita at ramdam ko na ang mga mata ng tao ay nasa grupo namin nakatingin. I can’t blame them, hot guys ang kasama namin at mga campus crush pa. Plus the fact na sikat din naman sila ni Ira dahil sila ang leaders ng Pep Squad ng St.Adams University.

“hala!” bulalas ko at napatigil sa paglalakad,tiningnan naman ako ng mga kasama ko. Wow ah?

“bakit?”- Ira.

“diba may practice tayo?” sagot ko kay Ira. Tingnan mo tong babaeng to, sya nagpa alala sakin na huwag kalimutan eh sya din naman pala makakalimot? Ang adik lang ah? Sabagay maski ako nakalimot dahil sa presensya ni Dex! Waaahh! Ano ba yan! Hihi XD

“ah yun ba? Nagtext na ako kanina kay Sir na tom na lang, marami pa namang araw eh” sagot ni sakin ni Ira at naglakad na ulit.

“ganun ba?” nasabi ko na lang, ang galing ah? Mautak din talaga tong babaeng to hihi.

“Honey akin na yung mga books mo,ako na magbibitbit” sabi sakin ni Dex na ikina ngiti ko, inabot ko naman ito sa kanya at nagpasalamat.

Ng makarating kami sa parking ng campus nagpaalam na kami sa isa’t isa. Ang kambal ay may kotse din pala, ako at si Honey ay kay Dex na sumakay, si Pipay at Brian naman ay kay Bryle, and I bet tuwang tuwa si Pipay,lahat kasi sila crush nya hahaha!

Si Kevin solo sa kotse, si Arvin naman nagmamadali ng umuwi. Commute lang sya kasi hindi naman sya mayaman,average lang, at yon ang nagustuhan namin kay Arvin, napaka down na tao at mabait.

Pagdating ko sa bahay nagdinner lang ako with my kuya Nathan, dalawa lang kaming magkapatid and as usual, wala parents namin parehong busy sa work, pero naiintindihan naman namin yon ni Kuya, alam naming theyre just doing it for us!

“uy sis mukhang lagi ka ng naka ngiti ah? How was school?” tanong sakin ni kuya, gwapo si Kuya madaming naghahabol na babae at bakla,kaso walang stable relationship, ewan ko ba dito,wala ata plano magpamilya?

“syempre naman kuya,new friends na nadagdag eh,saka yung crush ko katropa na namin! Life is so ironic,parang kelan lang hindi nila kami pinapansin” kinikilig ko pang sagot kay kuya bago ituloy ang pagkain.

“Psshh! Crush!” - si kuya yan,kung maka react lang ah? Ano naman kung may crush? Hindi na nga crush yun diba? Pagmamahal na hihi xP

“BAKET?” - ako.

“si Dex pa din ba yan?” iritang sabi ni Kuya na pinagtaka ko, problema ba nito?

“oo” sagot ko.

“tagal mo ng crush yan ah? Akala ko matatapos na ngayon yung pagbibida mo dun, mas lalala pa pala” naka ngising sagot ni kuya.

Tamo tong kuya ko,imbis na suportahan ako may paganyan ganyan pa,kainis!

“yabang mo ah?!” sagot ko sabay irap, at tinawanan lang nya ako. Napaka supportive na kapatid!

kahit puyat at kulang ako sa tulog ay maaga pa din ako gumising.

Gosh! Ang hapdi sa mata ah?

Sino ba nagsabi sayong magpuyat ka? Kontra ng kabilang bahagi ng utak ko.

Kasi naman,masyado ako na excite,diba nga hiningi ni Dex ang number ko? So nag expect ako na magtetext o tatawag sya, napuyat na lang ako kakahintay pero wala ako natanggap ni isang text at ring!

Pero ganun pa man, hindi pa din ako mawawalan ng pag-asa. Madami pang araw,at madami pang mangyayari.

Masaya akong pumasok sa araw na iyon na inspired pa din, naisip ko na mamaya pupunta ako sa Engineering department para makita si Dex! Hihi!

Ng mag break time na agad kong niyaya sina Ira at Pipay para samahan ako, alam ko namang hindi tatanggi ang mga ito,lalo na si Pipay,alam kong ultimate crush nya si Kevin haha!

Hindi din namin makita si Arvin,bahala nga sya sa buhay nya.

Lakad takbo kami para marating lang ang Engineering department, grabi nasa 3rd floor pa! Pagdating namin kita agad namin ang mga campus crush, pinapalibutan ng mga babae.

“grabe lang sila ah” komento ni Pipay,sus! If i know ganyan din sya XD

Papalapit na kami ng mapatingin samin si Bryle, agad kami nitong tinawag lumapit samin, natural nagtinginan din samin yung mga fangirls nila!

Mamatay kayo sa inggit! Haha!

ITUTULOY . . .

YAMD 04

Chapter 4.

“Yow! Girls!” bati samin ni Bryle then tumingin kay Pipay.

“Im one of them,so dont give that look” taas ang kanang kilay ni Pipay ng banggitin yan, nag smile lang at peace sign si Bryle then itinuon na nya ang atensyon kay Dex, busy nga lang ito kakapindot sa cellphone. Kaasar lang! :/

“tara sa cafeteria” yaya ni Brian at sumunod na kami dito,habang naglalakad palihim kong sinusulyapan si Dex.

Sino kaya katext nun? Hayst.

Ng marating namin ang cafeteria,agad kaming bumili ng makakain, then nag start na din kumain.

“Napadaan ba sa building nyo si Kevin?” umpisa ni Dex,syempre nagpasikat ako.Ako ang sumagot haha!

“hindi eh,bakit? Si Arvin nga din biglang nawala eh”

“ang weird ng dalawang yon,hindi talaga pwedeng magsama laging may gyera” si Dex.

“malamang,3 years na silang ganyan eh, kaya imposibleng pagsamahin” ako ulit hihi! Hindi ko muna hahayaan ang kahit sino na mag interrupt samin,tutal kaming dalawa na lang talaga ang nag uusap dahil tahimik na kumakain ang mga kasama namin haha!

Sasagot na sana si Dex ng may biglang sumingit samin, napaka good timing nya infairness!

“Hey Honey,Ira and Pips” anito at nilingon namin. It was Prinz Altamerano, ang escort ng room namin, he was one of the craziest guy na nakilala ko, walang papantay sa kabaliwan nya!

“oh,anong meron?” - Pipay

kumindat muna ito kay Pipay bago sumagot.

Haha! See? Walang pinapatawad,ni hindi man lang inisip na may iba kaming kasama? Umismid lang ang baklang Pipay,sa lahat ata ng gwapo kay Prinz lang sya hindi nagkagusto. Nakakapagtaka.

“nakita ko si Arvin kasama si Kevin kanina paalis nagmamadali, may affair ba ang dalawang yon?” - Prinz

Lahat kami nanlaki ang mga mata at literal na napa nganga sa sinabi nito. Hindi namin naisip yung ganung posibilidad,though medyo may napapansin nga sya.

“Sigurado ka ba dyan bro? San mo nakita?” sabi ni Brian ng makabawi siguro sa pagka shock.

“Oo naman bro! Sa parking,parang ang sweet nga eh” kampanteng sagot ni Prinz, wala siguro sya idea na pinag isip nya kami lalo ng bongga.

Sakto naman dumating ang kambal,si Jiian at Angel at niyaya na din namin kumain, nagpaalam na din si Prinz, pupunta na daw sya sa classroom.

wew! Pagod na pagod kaming dalawa ni Ira matapos ang practice ng sayaw, nag start na kasi kami para naman may mapagka abalahan na din, tutal ito na ang last year namin sa Pep squad.

Matapos kami maligo at makapagpalit ay lumabas na kami ng gym para maka uwi na. Hindi din namin mahagilap si Pipay lalo na si Arvin! Hay nako!

Syempre kwentuhang wagas kami ni Ira habang naglalakad, then pagliko namin papunta sa gate may napansin ako bigla at napahinto ako.

“diba si Dex yon?” turo ko kay Ira, nasa may bandang dulo ng parking iyon, may kahalikan itong babae. Medyo nakaramdam ako ng ibayong selos at inis. Pero ano bang karapatan ko diba? Wala naman.

“oo nga noh? Tss! Akala ko pa naman his different” - Ira.

“tara na!” dugtong pa nito at hinablot pa ako at naglakad na kami hanggang makalabas sa gate ng campus.

“girl,mauna na ako ah? Text me when youre home” ani Ira ng makasakay sa jeep, tango lang ang tugon ko kasi hindi pa din mawala sa isip ko yung nakita kanina.

Bakit nga ba ako mag a-assume na sana gusto nya din ako kung kabi kabila naman ang mga babaeng ginaganun nya? Ang sakit lang sa damdamin,nakaka bigla,hindi ko inaasahan na ganun sya, mapaglaro din pala :(

Ilang minuto na ko naghihintay ng jeep na dadaan pero nangawit na lang ako sa kakatayo ay wala pa din.

“bakit naman ngayon pa walang jeep? Uwing uwi na ako eh” hindi ko maiwasang maisatinig, baka kasi naghihintay na din si kuya, alam pa naman nun schedule ng pagpasok at pag uwi ko,kelangan pag mahuhuli ako ng uwi makapag text man lang ako sa kanya,kaso battery empty na yung phone ko, nakakatakot pa naman si kuya pag nag bi-beastmode XD

“Honey? Nandito ka pa?” nagulat ako ng tumigil ang isang kotse,si Dex pala, ng makita ko sya naalala ko na naman yung nakita namin kanina,nakaramdam na naman ako ng inis kaya hindi ko sya pinansin.

“bakit nandito kapa?” - Dex. Makulit sya nuh? Wala naman ako magagawa kundi ang sumagot na lang kahit inis na inis ako! Pff!

“naghihintay ako ng masasakyan,pero wala pa din dumadaan hanggang ngayon” I said without looking at him.

“ganun ba? Pasok ka,ihatid na kita” anito at nag flash ng ngiti.

Damn! So irresistable!

“huwag na, okay lang,maghihintay na lang ako”

“I insist, c’mon sakay na”

Nakaramdam na din ako ng gutom kaya hindi na ako nag inarte,saka for sure galit na galit na si kuya.

“baka magalit ang girlfriend mo” out of the blue ay nabanggit ko, ewan ko ba?!

“wala akong girlfriend,so theres nothing to worry about, san ba ang inyo?” sagot nya.

Sinungaling!

At sinabi ko nga sa kanya kung san ako nakatira. Wala kaming imikan sa sasakyan nya, ayoko din mag start ng conversation dahil nga inis pa din ako at pansin ko ding ayaw naman nya, para san pa? Masayang lang laway ko,dibale ng mapanis kesa sakyan ko kasinungalingan nya.

Pagkahatid nya sakin sa tapat ng bahay ay nagpasalamat lang ako at tumalikod na.

Hindi ko na kaya no! Gutom nako saka alam kong nang gigilaiti na si kuya, 9pm na e dapat 8pm pa lang nakauwi na ako.

Ano namang idadahilan ko?

Pagpasok ko sa bahay nagulat pa ko sa nabungaran ko sa living room.

“what the?”

“huwag ka umarte,dito kami mag overnight” - Pipay

“bakit ang tagal mo? Kanina pa kami dito” - Ira

“San ka galing?” - Angel

Ang sarap lang pag untugin ng mga impakta! Bahay ko kaya to pero mas nauna pa sila?

“walang masakyan eh!” nasabi ko na lang at dumiretso sa dining room at naghanda na ng makakain,nagsunuran naman sakin ang mga hitad.

“si kuya?” ako.

“maagang umakyat sa kwarto nya” sagot ni Pipay na nangingislap ang mata,alam ko ibig sabihin nun!

“tara kain” yaya ko sa kanila para hindi naman nakakahiya sa kanila, may manners naman ako no?

“sige tapos na kami,kasabay namin kuya mo”- Ira

Great!

Minsan nagsisisi ako na pinabayaan ko mga to na maging feel at home eh, sobra na minsan akala mo bahay talaga nila? =__=buti na lang si Angel bago pa lang at hindi nahahawaan ng virus ng mga ito.

“diba si Dex yun? Kotse ni Dex yon eh,bakit ka niya hinatid” ayan na naman si Pipay nag sisimula na naman.

“I thought may girlfriend yun? Sabi ni Ira nakita nyo daw na may kahalikan yon” - Angel.

“wow ha? Nabroadcast agad?” ako. Tiningnan ko lang si Ira na ngumisi at nag peace sign,tsismosa talaga! Humagikgik lang din si Angel,nako! Magiging baliw din to pag nagtagal. “ may pagka tsismosa ka din pala“ naka ngiti ko pang dugtong.

“haha! Sort of”- Angel.

“hindi yan ang issue, sagutin mo ang tanong” singit pa din ni Pipay.

“wala nga masakyan at nakita nya ako, yun lang yon,wag bigyan ng kulay, saka may girlfriend nga yun diba?” sagot ko,hindi tuloy ako matapos sa pagkain dahil sa mga ito.

“ah ganun ba,eh bakit parang nanghihinayang ka?” naka ngising sabi ni Pipay, tahiin ko kaya bibig nito ng matahamik? Daldal eh!

“Effifanio!” sigaw ko hihi! Alam ko titigil na yan.

Hindi nga ako nabigo, nanahimik sya at sumimangot.

“Sige teh! Ulitin mo pa! Buti na lang tayo lang nandito at walang ibang nakarinig,kung hindi,sira na karir at image ko! Kainis ka naman eh” - Pipay.

Hagalpakan tuloy kami ng tawa! Napaka effective talaga nun para matahimik sya.

Ng matapos ay umakyat na kami sa kwarto ko,konting kwentuhan pa about love,school, syempre sinisingit nila si Dex, hindi na lang ako nagrereact para wala silang masabi.

ITUTULOY . . .

YAMD 05

Chapter 05


Monday@St.Adams Univ.

I was walking steadily,not minding the people around me,lutang ang isip ko eh, bakit lagi nagkakaganun kaya? Last friday diba nag over night ang mga bruha samin? Nag over night ulit sila nung saturday, syempre wala si Angel.

Puro Bryle and Kevin ang topic namin,seriously? Crush talaga ni Pipay si Kevin? And hindi ko din pansin na may lihim na pagtingin din pala itong si Ira kay Bryle ah? Such a good keeper!

Syempre bago makarating sa building namin,madadaanan namin ang Engineering department, hindi ko man sinasadya, pero nakita ko ulit si Dex with that girl again! Damn! Wala na! Ititigil ko na talaga pangangarap ko.

Dali dali ako pumunta sa building namin,sakto pagpasok ko sa room wala pang prof at kanya kanyang daldalan mga classmates ko ^^,

Inayos ko gamit ko at inilabas na ang libro para makapag advance reading. Deadma muna sa mga tropa ko, kelangan ko din naman mag aral noh!

Siguro mga 20 minutes na din ako sa pagbabasa ng mapansin kong may humahagikgik sa bandang kanan ko. And nung tingnan ko, it was Arvin! Busy sa kakapindot at humahagikgik? Sinong katext ng baliw na to?

At dahil may pagka tsismosa ang lola nyo, pasimple kong tiningnan kung sino katext nya.

BINGO!

Hindi ko nakita! Biglang dumating ang prof namin! Psh!

Palihim kong kinuha ang phone ko at nagtext.

To: Pipay;Angel;Jiian;Ira

Anung nangyayari kay Arvin? We need to know! Look at him! o.O)

Message Sent!

Lumingon nga ang mga ito kay Arvin,then lumingon sila sakin at tumango bilang pag sang ayon! Hihi Im so clever! XD

Lunch break at sabay sabay na kaming nagpunta sa cafeteria,nandun na sina Dex,Bryle,Brian at Kevin.

Medyo naiilang na ako sa presensya ni Dex at narealize ko din na para na akong tanga na gustong gusto sya ay may girlfriend naman pala, thank god at hindi pa sya nagtetext mula nung hingiin nya number ko.

After kumuha ng pagkain,nagkanya kanya na kaming pwesto ng upo sa hapag, masaya silang nag uusap,pag kinakausap ako sasagot ako, pag kailangan tumawa,makikitawa ako. Nahuhuli ko pa si Dex na nakatingin sakin, iiwas agad ako ng tingin.

Syempre hindi ako nakaligtas sa malakas na pakiramdam ng kambal, I can see them sa gilid ng mga mata ko na nakatingin at nakataas ang kilay.

Oh well,Alam naman na ni Angel yung tungkol kay Dex, pero sa tingin ko nagtataka din sila kung bakit medyo aloof na ako kay Dex hindi tulad nung una.

Ewan ko din sa sarili ko, I know I dont have to act like this dahil in the first place, hindi nya alam na gusto ko sya, second wala ako karapatan mag selos. Pero masisisi nyo ba ako? Ewan basta naguguluhan din ako! Help me :(

Ng uwian na, binanggit ko kina Ira,Pipay,Jiian at Angel ang plano bout Arvin. And guess what? Tumanggi silang samahan akong mag imbistiga! Napaka supportive nilang kaibigan grabe!

Dahil nga Im so clever, ng umalis na si Arvin ay palihim ko syang sinundan. Gosh! Ang bilis lang nya maglakad! Tuloy tuloy hanggang sa labas ng campus!

Maya maya may tumawag kay Arvin sa phone.

“Okay! Sige sa mall tayo magkita sa shakeys”- Arvin.

Oh! Sosyal ng kaibigan ko diba? May ka meet? Pa eyeball eyeball na lang. Sumakay ng jeep si Arvin at sumakay din ako sa sumunod na jeep then I texted kuya na malelate ako ng uwi dahil may pupuntahan lang.

Ng nasa mall na ako,agad akong nagpunta sa shakeys at pumwesto sa hindi ako mapapansin.

Naka upo lang si Arvin at nagtetext, maya maya may lumapit na lalaki sa kanya.

OMG! Si KEVIN!

Literal akong napanganga ng halikan ng smack ni Kevin sa lips si Arvin. Mga walangya,hindi man lang inisip na maraming nakakita sa kanila.

“So, the rumors are true”

napalundag naman ako sa gulat sa nagsalita. Ng lingunin ko si Dex!

“anong ginagawa mo dito?” cold kong tanong sa kanya.

“naka tanggap ako ng text kay Jiian, iimbistigahan mo daw si Arvin” - Dex. At umupo na sa harap ko.

JIIAN! ANG DALDAL MO! Grr!

“ah eh,” wala ako maisagot. Bigla ako nakaramdam ng gutom.

“kumain ka na ba?” iling lang sagot ko. “okay,order lang ako” dugtong pa niya pero pinigilan ko sya.

“why?” -Dex

“baka makita ka nung dalawa? Maya na lang tayo kumain pagka alis nila” alangan kong sagot, ngumiti lang sya.

“hindi yan, akong bahala” ani Dex at isinuot ang cap nya at pumunta na sa counter para mag order.

Palihim ko namang tiningnan ang pwesto nina Arvin at Kevin.

Ang galing! Nawala sila bigla!

Si Dex naman ang tiningnan ko na busy sa pag order. Hayst, if he keeps on getting closer and closer to me,baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Hayst! Hindi dapat! Kahit na pangarap ko talaga na maging akin sya at makasama sya. Pero mukhang malabo, andyan ang girlfriend eh :/

“hey! Tulala ka na” nakabalik na pala sya. Inilipag nya ang pagkain then I started eating ng hindi sya kinakausap. Gutom na talaga ako!

“dahan dahan” biro ni Dex sakin at sinagot ko lang sya na gutom ako, bumungisngis lang sya.

“about dun sa nakita natin,ano plano mo?” - Dex

nagkibit balikat ako bago sumagot.

“wala,pabayaan ko na lang,kunyari wala ako alam,pati dapat ikaw, pabayaan nating sila magsabi satin” sagot ko at itinuloy ang pagkain.

“sa bagay tama ka” pag sang ayon ni Dex at saka ngumiti.

Tang ina lang! Parang nanlambot ang tuhod ko sa ngiting yon!

Syempre,hindi ako dapat magpahalata,ako na mag start dumakdak para may mapala naman ako haha!

“uhm Dex, dont you find it odd? May girlfriend ka pero ako kasama mo, baka magalit yon” mahinhin kong sabi hikhik >:D

Parang nagulat naman ito sa sinabi ko,kitang kita sa mukha eh!

“diba sabi ko sayo wala ako girlfriend” sagot nito.

Sinungaling talaga! Sa ganyan nya siguro nauuto mga naging girlfriends nya? Ay! Sorry masyado na ako naghuhusga. Pero dapat ko bang sabihin yung nakita ko?

Para ano pa? May karapatan ka ba? Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

Hayst! Oo nga naman.

“uhm,okay sabi mo eh” nasabi ko na lang. Ayoko na magsalita,baka madulas pa ako.

“you dont believe me,dont you?” - Dex.

Sasagutin ko ba? Hmm.. Hinga ng malalim Honey, go! Kaya mo yan!

ITUTULOY . . .

YAMD 06

Chapter 06


“importante pa ba yon?” kinakabahan kong sagot.

Ano ba to? Kainis naman. Ganun ba ka importante sa kanya kung naniniwala ako o hindi? What’s the use diba? Kung nakikita ko naman pero itatanggi nya, duhh?

Bakit ba ako nagrereact ng ganito? Psh!

Bumuntong hininga muna si Dex bago muling tumingin sakin at nagsalita.

“oo,dahil hindi lahat ng nakikita ng mga mata natin ay tama”

huhhh?! Ano daw? Whatever wala na ako paki alam. Nalusaw na yung pagkagusto ko sa kanya. Pinili ko na lang manahimik para hindi na humaba ang usapan.Nakahalata naman siguro sya.

“okay, ubusin mo na lang yan para maihatid na kita pauwi”- si Dex. Buti hndi na sya sumagot, wala na din ako gana makipag debate sa kanya.

“thanks but no thanks,sige na,uwi na ako,ingat sa pagda-drive” wika ko at umalis na.

Nakakainis! Ang tagal ko iningatan yung pagmamahal ko sa kanya,ang tagal ko sya pinangarap,ngayong abot kamay ko na sya, boplaks naman! Bakit ba kasi nawala sa isip ko na isa nga pala sya sa mga campus crush at hindi imposibleng may girlfriend sya? Idagdag pa yung pagiging sinungaling nya, wala daw girlfriend pero kitang kita naman! I never knew na ganun pala ugali nya. Hayst T.T

Pagkarating ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko, nagtataka siguro si kuya kasi nilampasan ko lang sya sa may sala.

Ano ba naman kasi nangyayari sakin? Dahil kay Dex nagkakaganito ako? Hindi ata napa buti yung pagiging magkasama namin sa iisang grupo eh :|


Napaka boring ng araw na toh hayst! Lahat ng subjects ang lectures namin hindi nag sink in sakin, inantok lang ako.

Lunch break na at lahat sila ay nag si alisan na sa classroom,pero ako? Eto nakaupo parin at walang gana.

“bakla! Hindi ka magla-lunch?” tanong sakin ni Ira,iling lang sagot ko. Mataman ako nitong tiningnan.

“ganon ba? Sige,mauna na kami, may sasabihin daw sakin si Bryle eh” anito. Buti pa si Ira mukhang nagkakamabutihan sila ni Bryle,dahil dun napa buntong hininga na lang ako.

“may problema ba girl?” - Pipay

“care to tell us?” - Angel

“wala,ang adik nyo! Sige na mag lunch na kayo,okay lang ako.” nasabi ko na lang,tumango na lang sila at lumabas na.

“hoy!”

Napatayo ako sa gulat. Nilingon ko kung sino. Si Arvin kasama si Kevin. Ahem, alam na.

“hayop ka din eh! Huwag ka nga nang gugulat!” asik ko sa kanya,humagikgik lang silang dalawa ni Kevin.

Tarantado tong dalawang to ah?

“ang tahimik mo kasi eh, naka salubong namin sina Jiian hindi ka daw magla lunch, masama ba pakiramdam mo?” ani Arvin at tumabi sakin. Grabeng Jiian yun talaga, simpleng daldal din eh!

“hindi naman, wala lang ako sa mood” sagot ko “ay! Teka! Kevin bakit hindi mo sila kasama?” sabay baling ko kay Kevin.

“nakakasawa mukha ng mga gagong yon eh, kaya dito muna ako kay bok,hindi nakakasawa ang mukha” naka ngiting sagot sakin ni Kevin,syempre tumaas ang kanang kilay ko dahil dun.

“ganon? Sasabihin ko yan sa kanila na nagsasawa kana sa pagmumukha nila” then I grin.

“huwag naman! Sige ka! Hindi kita tutulungan kay Dex” ani Kevin na naka ngisi sakin at taas baba pa ang dalawang kilay.

“anong sinasabi mo dyan?” pag deny ko saka ko binaling sa libro ang paningin ko. Nakakahalata na din pala ang mga impaktong to eh.Grrr!

“hahaha! Denial ka din eh!” sabay nilang sabi. Bagay sila, sarap nilang pag umpugin sa totoo lang hihi.

“sus! Parang kayo lang” bara ko. Hihi! Oh see natahimik silang dalawa.

Sakto nag ring na ang bell,hudyat na para sa sunod na subject, dalawang subject na lang at uwian na. Nagpaalam na samin ni Arvin si Kevin at bumalik na ito sa Department nya.


Wala naman masyadong magandang nangyari ngayong week,though Im still avoiding Dex wala naman ako magawa kundi ang sumama pa din sa tropa,ayoko ko naman na maging KJ,dahil lang sakin magkukulang ang tropa.

Ngayon friday na at nagyayaya ang mga impakto na gumimik, syempre hindi ako tumanggi,namimiss ko na din gumimik no!

Nandito kami ngayon sa La Familia Bar, isa ang mommy ng kambal sa may ari nito. At sa maniwala kayo o hindi, dalawang dekada na ang bar na ito pero hindi mahahalata dahil akala mo bagong tayo lang.

Dahil weekend,maraming tao,karamihan mga ka edad din namin, syempre dahil sa gusto ko mag enjoy ng bongga,nagpaalam talaga ako kay kuya, buti nga hindi sya kumontra.

Tatlong tower ng beer ang inorder namin, grabe! Ang lalakasan uminum ng mga ito parang hindi nalalasing.

Nagpunta sila sa dance floor, and to my surprise kaming dalawa lang ni Dex ang naiwan sa table,parang planado ng mga kurimaw na yon na iwanan kami.

Dahil sa may tama na din ako ng espiritu ng alak,ako na nag start ng usapan saming dalawa.

Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko eh,I flirted with him,nung una nagulat sya. Naisip ko, kung hindi man sya maging akin, kahit man lang sana isang gabi lang. Stupid idea right? I know.

The next thing I knew,nasa sasakyan na nya kami,papunta sa bahay nila.

Iniwanan namin ang tropa,and I bet,nagtataka na siguro sila kung nasan kami ni Dex.

Wala ng atrasan toh, ito na ang una at huli.

Isang gabi lang naman eh,after this,titigil na ako,I just want to make him feel how much I love him,kahit pa ang ibig sabihin ay ang pagsuko ko sa kanya ng pagkababae ko.

ITUTULOY . . .

YAMD 07

Chapter 07


Para lang akong timang diba? Inis na inis ako sa kanya dahil nagdedeny syang wala syang girlfriend.

Pero ito ako,wala kaming relasyon pero magpapa ubaya ako. Wala din ako pinagkaiba sa mga naging babae nya. Mababaw na dahilan diba? Pero anong magagawa ko? Nagmahal lang ako, at lahat naman ng nagmamahal nagiging tanga diba?

Mabilis ang pangyayari, basta bawat halik at haplos ni Dex ay tinutugon ko. Oo! Aaminin ko hindi talaga ako marunong sa ganito, pero sa mga katulad kong baguhan sa ganito, nagkakaroon ng sariling isip ang aking labi,kamay at katawan.

Nakakawala ng katinuan ang bawat halik ni Dex, sa aking tenga,pababa sa leeg, sa aking dibdib.

DAMN! Parang natunaw na ang mga buto ko sa tuhod ng diladilaan nya ang tuktok ng aking dibdib habang ang isa nyang kamay ay abala sa pag papaligaya sa kabila ko namang dibdib.

Hindi ko na mapigilan ang sensasyong rumaragasa sa aking kaibuturan kaya napa ungol ako and I saw him smile.

Napansin ko na lang na kapwa na pala kami walang saplot. Nakaramdam ako ng hiya ngunit saglit lang. Nandito na eh,ngayon pa ba ako mahihiya? Psh!

Tiningnan nya ang hubad kong katawan,and I saw his eyes with over flowing passion and desire.

He positioned his self on top of me.

Then he kiss me again, syempre na tinugon ko naman. Ayaw ko magpaka ipokrita.

Then finally,sa unang pag ulos nya ay napakapit ako ng matindi sa likuran nya. Masakit, sobrang sakit!

Halatang nagulat sya dahil hindi na sya gumalaw ulit.

“f-first time mo?” - Dex

tumango ako bilang tugon.

“just go on” dugtong ko pa. Sayang ang pagtitiis ko kung titigil sya.

“sorry,I’ll be gentle” at tinuloy na nya, tiniis ko ang sakit at hapdi para maparamdam sa kanya na binigay ko ito ng kusa dahil mahal ko sya. Mahal na mahal.

He started kissing me again,sa lips,cheeks,neck at dibdib, hindi nagtagal ay hindi ko na nararamdaman ang hapdi at sakit,bagkus ay pinalitan ito ng sensasyong hindi ko mabigyan ng pangalan. Basta! It feels so good.

Ng marating namin ang sukdulan ay pakiramdam ko napada usdos ako sa isang napaka gandang lugar na hindi ko akalaing mapupuntahan ko kasama sya.

“I love you Dex” anas ko ng matapos kami,ramdam ko ang pagod kaya madali akong nakatulog, masakit nga lang na wala sya naging tugon. Ano pa nga ba ang aasahan ko diba? Wala,nganga lang >.<


Nagising ako sa sunod sunod na ring sa phone ko, agad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan sa screen kung sino ang tumawag.

“Hello?” -ako.

“ANONG HELLO? NASAN KA? BAKIT HINDI KA UMUWI?!” Sigaw ng nasa kabilang linya, nagulat ako, agad kong tiningnan kung sino ang tumawag,ganun na lang ang takot ko ng makita kung sino ito.

“Kuya!” dahil napalakas ang boses ko nagising si Dex. Nagtaka pa ako nung una, pero bigla kong naalala ang nangyari kagabi,tinalikuran ko sya sa sobrang hiya at muling kinausap si Kuya.

“ano kasi kuya,dito ako kina Pipay nakatulog, hindi ko na kayang umuwi kagabi eh” pagdadahilan ako. Pff! Patay talaga ako nito huhu T.T

“UMUWI KA NA! HIHINTAYIN KITA” at binaba na ni kuya. Dali dali akong nagbihis ng hindi tinatapunan ng tingin si Dex,alam ko nakatingin sya sa bawat kilos ko.

“hatid na kita honey” ani Dex at tumayo na din para magbihis,pagtayo nya nakita ko pa sa kama ang bakas ng dugo, bakas sa nawala kong virginity,hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko.

“h-ha? Huwag na magagalit si kuya” atubili kong sagot,lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwa sina Bryle,Kevin at Brian.

Kung nabigla ako,mas nabigla sila! Napako ako sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko may glue mga paa ko,hindi talaga ako makakilos.

Shit naman! Pano na to?!


“Honey?” sabay na sabi ng tatlo, napayuko na lang ako at agad silang nilampasan para makalabas ng kwarto.

Dire diretso ako hanggang makalabas ng bahay,agad kong tinawagan si Pipay para magpasundo, nagtataka man ang bakla ay wala din nagawa.

“ano nangyari bakit nandun ka? Sya ba kasama mo ng mawala ka kagabi?” ani Pipay sakin, tango lang ang sagot.

“gaga ka! Pano yan? Teka bakit ako nga pala?”- Pipay

“Bahala na, eh kasi sabi ko kay kuya sa inyo ako natulog” sagot ko.

“ano pa ba magagawa ko? Huwag lang sana ako balatan ng buhay ng kuya mo,impakta ka talaga!”

Hindi na lang ako sumagot,pinili kong manahimik, ang iisipin ko muna ay ang galit ni Kuya.

Ng makarating kami ni Pipay sa bahay, nakita ko agad si kuya Nathan na nasa may pintuan at halatang hinihintay ako.

Nanginginig man ay naglakad na ako, nasa likod ko si Pipay.

“bakit ganyan ka maglakad teh?” bulong nya sakin, napansin siguro nyang medyo hindi ayos ang paglakad ko, pano ba naman kasi masakit pa,pakiramdam ko namamaga sya,hindi ko naman inaasahan na ganun ang alaga ni Dex! Gosh >.<

“huwag ka ng matanong” ganting bulong ko. Ng makalapit kami kay kuya ay agad itong nagsalita.

“Anong nangyari sayo at nagpakalasing ka kagabi? Bakit ganyan ka maglakad?” ani kuya. Ibayong kaba ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Wala ako maisagot.

“ahm kuya napadami kasi inom namin kaya nalasing sya,saka nagkulitan pa kami kagabi,naitulak ko sya tumama yung pwet nya sa kanto ng study table ko” si Pipay ang sumagot.

Thanks bakla! You saved me!

Binigyan lamang kami ni kuya ng hindi makapaniwalang tingin saka nagsalita bago pumasok sa loob ng bahay.

“next time dito na lang kayo mag inom kung gusto nyo,para kampante ako na nakikita kayo”

“opo” sabay naming sagot ni Pipay.

Saka lamang ako nakahinga ng maayos.

Sa bahay na pinag lunch ni kuya si Pipay at pagkatapos umuwi na din ito. Ako naman umakyat na sa kwarto ko at naglock agad para hindi na ako ma interogate ni kuya.

Habang nakahiga ay muli kong naisip ang nangyari kagabi at yung pagkakahuli nila samin. Ngayon tuloy hindi ko na alam kung pano pakikitunguhan si Dex at nahihiya din ako magpakita sa tropa.

Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yon?

Because of love. Sagot ng kabilang bahagi ng aking isip.

Hindi ko na din namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip.


Monday na naman,may pasok na naman, makikita ko na naman si Dex.

Hindi pa ako nakaka ilang hakbang mula sa covered walk ng may tumawag sakin. Parang gusto ko na lang biglang maglaho o kaya naman ay matunaw sa kinatatayuan ko. Ilang sandali pa nakalapit na sya sakin.

“Goodmorning honey” ubod na tamis na sabi ni Dex sa akin.

“G-goo-goodmorning d-din” hayst! Bakit ako nauutal??

“nagbreakfast ka na ba? Tara kain muna tayo, maaga pa naman eh” - Dex

“Ha?” natanga ako shit!

“sabi ko tara kain tayo” ulit nito at hinila na ako papunta sa cafeteria,wala naman ako nagawa kundi sumunod, nakakailang lang na samin nakatutok ang tingin ng lahat!

Porket may nangyari samin bigla sya nakipag close sakin? Ganon ba talaga yon?

Wala ako imik ng kumakain kami, ng matapos ay hinatid na nya ako sa room, naabutan pa namin dun si Bryle at Brian.

Bago pa sila umalis ay hinalikan pa nya ako sa labi.

Sumama lang pakiramdam ko,dahil pakiramdam ko, dahil may nangyari sa amin ay pwede na nyang gawin sa akin ang lahat ng gusto nya. Pakiramdam ko his taking advantage of the situation.

Pinilit ko itutok ang atensyon ko sa pakikinig sa mga lectures ng mga prof namin.

Ramdam ko din ang maya’t mayang pag sulyap sakin nina Jiian,Angel,Arvin,Pipay at Ira.

Alam na kaya nila? Naidaldal kaya ni Pipay? O ni Dex?

Matapos ang klase ay nakatanggap ako ng text,hindi naka register sakin ang sender.

“Hintayin kita sa parking” sabi sa text.

Nagtataka man ay pinili ko na lamang na puntahan kung sino yun,nagpaalam na ako sa kanila na una na akong uuwi.

Pagdating dun ay nakita ko agad si Dex. Sya pala ang nagtext.

“sakay na, tara mamamasyal tayo” salubong nya sakin at binuksan ang pinto sa passenger’s side para papasukin ako.

Ewan ko din ba sa tanga kong puso at agad akong nagpadala. Sabi ko titigil na ako diba? Pero paano? Kung sya naman ngayon ang lapit ng lapit?

ITUTULOY . . .

YAMD 08

Chapter 08


Dinala ako ni Dex sa isang magarang restaurant. Although sanay ako sa mga ganitong uri ng restaurant. Hindi ko mapigilang ma amazed. Napaka romantic kasi eh. Pakiramdam ko napaka special ko para sa kanya.

Nawala bigla ang mga pag a-agam agam ko tungkol sa mga nangyari.

“anong sayo?” tanong sakin ni Dex,hindi pa din ako makapili,dahil lahat mukhang masasarap ^^,

“wala ako mapili eh,ikaw na lang bahala” sagot ko naman sa kanya.

“alright” saka sya ngumiti at sinabi sa waiter ang order namin,ilang saglit pa bumalik na ang waiter dala ang order namin.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Dex.

“about sa nangyari” aniya na titig na titig sakin. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko.

“ayos lang yon,pareho naman nating ginusto yon at walang kaso sakin yon” sagot ko at muling binalik ang atensyon sa pagkain,bigla kasi ako natense? Kinabahan?

“no,gusto kong malaman mo na hindi ayos sakin yon”- Dex.

Napatigil ako sa pagkain at napa angat ang tingin sa kanya. Ano daw? Hindi okay sa kanya? Psh!

“what do you mean?” kunot noo kong tanong sa kanya. Alam ko naman na ako ang nag insist nun,pero ang awkward naman kasi kung ipapamukha pa nya sakin yon. Sana hindi na lang nya ako inimbitahan sa dinner date na ito kung ganun lang din pala.

“ako ang naka una sayo,at hindi ako papayag na may iba pang maka angkin sayo,mula ngayon, akin kana,girlfriend na kita” dirediretso nyang sabi. Natulala ako, hindi ko alam sasabihin ko, ayoko naman ng ganito na dahil sa sya naka una sakin ay magiging kami, ayoko maging selfish,at ayokong dahil dun kaya naging kami.

“ha? Alam mo ba sinasabi mo?” nasabi ko na lang.

“oo alam ko,at sigurado ako” sagot naman nya.

“Dex,look,ayoko na itali ka sa ganito ng dahil lang sa bagay na yon,pangit ang isang relasyon na walang pagmamahal” sabi ko naman.

“walang pagmamahal? Bakit mo ibinigay kung ganun?” sya ulit. Hayst? Sasabihin ko na ba? Siguro dapat nga, ayoko ng patagalin pa to,parang sasabog ang puso ko eh.

Napayuko ako. “d-dahil mahal kita” sagot ko. Hinintay ko reaction nya pero wala, parang nung after lang may mangyari samin diba sinabi ko din yon pero wala syang sagot.

Nag angat ulit ako ng tingin at nakita ko syang naka ngiti.

“then its settled then,akin kana,boyfriend mo na ako” sabi nya na ikinanganga ko. Ano ba ito? Hindi ba sya nag iisip? Hindi ba nya iniisip na masasaktan ako?

“Pero–” -ako.

“wala ng pero pero,tapos na ang usapan” putol nya sa sasabihin ko. Hindi na ako naka sagot, mukha naman syang diterminado. Kainis lang,hindi man lang kami dumaan sa ligawan stage.

Matapos namin mag dinner date ay namasyal pa kami. Sumaya naman ako dahil madaldal sya,nasa may park kami at nagkekwento sya ng tungkol sa kanya, nadagdagan tuloy mga nalalaman ko hihi XD

After nun ay inihatid na nya ako,pinakilala ko sya kay Kuya bilang boyfriend. Nagulat pa si kuya ng sabihin ko yon. Niyaya nya saglit sa labas si Dex kakausapin daw nya, ako naman dumiretso na lang sa sala para manood ng tv.

Ng bumalik si kuya hindi na nya kasama si Dex kaya nagtaka ako.

“umuwi na sya” sabi ni Kuya.

Ano ba yun? Hindi man lang nagpaalam sakin? Kainis lang. Tango na lang sinagot ko kay kuya,ayokong mahalata nya na nainis ako.

“sya nga pala Honey,aalis ako ngayon,2days ako mawawala,be a good girl okay?” maya maya ay sabi ni kuya.

“san ka pupunta?” tanong ko.

“pinapasunod ako nina Dad sa states,may aasikasuhin lang”

“ah ganun ba? Sige,pasalubong ko ah?” naka ngiti kong tugon.

“ikaw talaga! Mukha kang pasalubong, sige na,kukunin ko lang sa kwarto gamit ko at aalis na ako” ani kuya at hinalikan ako sa noo.

Hay naku! Mag isa na naman ako,gusto ko sana papuntahin sina Ira kaso gabi na,bukas ko na lang sila yayain.

Ng maka alis na si kuya ay umakyat na din ako sa kwarto para matulog. Maaga pa ang pasok bukas.

Nagising ako sa tawag sa cellphone ko.

Anong oras n ba? Pagtingin ko sa wall clock 11:35pm na.

Sinagot ko na ang tawag,ayaw tumigil eh!

“Honey,nandito ako sa labas ng bahay nyo” sabi ng nasa kabilang linya.

“Dex?”

“Oo ako nga”

“sige saglit”

dali dali ako lumabas para puntahan sya. Nakita ko sya sa may labas ng gate.

“anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah?” salubong ko sa kanya.

“dito ako matutulog para sabay tayong papasok bukas” naka ngiti pa nitong sabi, may dala pa syang maliit na bag,damit nya siguro?

“ha? Adik ka ba? Magagalit si kuya” protesta ko sa kanya. Lalo lang naman lumapad pagkaka ngiti nya.

“alam kong umalis ang kuya mo,tara na,inaantok na ako” sagot nya at pumasok na,sinara ko ang gate,at hinila na nya ako papasok sa loob ng bahay.

“san ang kwarto mo?” tanong nya pagkapasok. Medyo kinabahan ako dun ah? Kaya hindi ako sumagot.

“Honey hoy! San ang kwarto mo? Inaantok na ko” ulit nya.

“sa taas” wala sa sariling naisagot ko, ngumiti sya at hinila na ulit ako.

Pagdating sa kwarto agad syang nahiga sa kama ko. Feel at home ah? Naiilang man ay tumabi na ako sa kanya,antok na din ako eh.

Pagkahiga ko,bigla naman nya ako niyakap.

“oy!” tinanggal ko pagkakayakap nya at tumalikod ng pagkakahiga,muli niyakap nya ako. Infairness,ang sarap sa pakiramdam pag niyakap ka ng taong mahal mo.

“payakap lang,nawala antok ko eh” bulong nya sa tenga ko tapos hinalik halikan nya,hindi ako makagalaw,nakaramdam kasi ako ng kiliti eh. Tapos iniharap nya ako,bigla sya pumatong sakin, damang dama ko sa tyan ko ang buhay na bagay sa pagitan ng kanyang mga hita.

He started planting small kisses sa mukha ko hanggang natunton nya aking labi. Dun na nagsimulang rumagasa ulit sa pagkatao ko ang kakaibang init. Tinugon ko ng walang pag aalinlangan ang halik nya. Bakit ba diba? Boyfriend ko na sya.

Sa pangalawang pagkakataon,nagpaubaya ako, ilang beses din kaming umulit and Damn! It feels so good parang ayoko na matapos pa.

Pagod syang humiga sa tabi ko,hinalikan ako at sinabing “youre mine,sa akin ka lang”

Nadisapoint ako because I was expecting na ‘i love you’ ang sasabihin nya. But I was wrong.

Niyakap nya ako muli,nakapikit na sya, ng maramdaman kong tulog na sya,saka ako pumikit para matulog na din.

ITUTULOY . . .

YAMD 09

Chapter 09

A/N ~ waaahh? May nagbabasa naman pala, mag iwan po kayo ng comment,pampagana! Maraming maraming salamat po! Pasensya na hindi pansinin mga story ko, wala kasi cover photo, ewan nag e-error pag nag a-upload ako? :/ mobile lang kasi gamit ko eh, again,pasensya po and thank you sa pagbabasa ^____^


“Hoy Dex! Gising na! Baka ma-late tayo!” yugyog ko kay Dex, napasarap ang tulog ni gago ah? Sa bagay napagod sya,maski naman ako eh hihi XP

Aandap andap pa ito at nagmulat ng mata,pagtingin sakin ay buong tamis na ngumiti.

“goodmorning babe” ani Dex at nag smack sa lips ko. Nakaramdam naman ako ng pamumula ng pisngi dahil dun.

“goodmorning din” sagot ko.

“youre blushing,lalo ka gumaganda” dugtong pa nito.

Aga aga binobola ako? Syempre gusto ko din naman noh? Haha! :D

“Ha? Bumangon ka na dyan,maliligo na ako,maligo ka na din sa kabilang kwarto sa guest room!” sabi ko na lang at tumayo na, pero mas mabilis ang ginawa nyang pagkilos, binuhat ako at pumasok sa banya then binuksan ang shower.

Wala na ako nagawa,hinalikan na naman nya ako,ewan ko ba,halik pa lang nya nakakalimot na ako. At muli inangkin nya ako.


Mabuti na lang at maaga talaga kami nagising at hindi kami na late, may 45mins pa bago ang first subject.

Magkahawak kamay kami pagbaba sa kotse nya, and again, nakatingin na naman silang lahat samin, whats new? Ganito naman talaga sila.

Hindi ako nagpa apekto,naka ngiti pa din ako,masarap at maganda kasi ang pakiramdam ko, nilingon ko si Dex nakangiti din sya habang naglalakad kami.

Malapit na kami sa Education Department ng makasalubong namin ang isang babae.

Sya yung babaeng kahalikan ni Dex nung nakita namin ni Ira,sya din yung nakita kong kausap ni Dex dati sa corridor.

“Jean” sabi ni Dex, samantalang ako walang kibo at inaabangan lang ang mangyayari.

“Dex pwede ba tayong mag usap?” wika nung Jean.

“Tungkol san?” kalmanteng sabi ni Dex,hinigpitan pa nya ang pagkakahawak sa aking kamay.

“Sa ating dalawa” sagot ni Jean.

“Sa ating dalawa? Wala tayong dapat pag usapan,sabi ko naman sayo umpisa pa lang kaibigan na turing ko sayo,ikaw lang yung nag assume ng kung ano ano, if youll excuse us,ihahatid ko pa girlfriend ko” dire diretsong sabi ni Dex dito. Nakaramdam naman ako ng kirot dun sa word na assume,naawa din ako dun sa babae and at the same time,relieve ako na hindi nga sya girlfriend ni Dex.

Nagulat pa si Jean pero saglit lang at tinapunan ako ng masamang tingin, napayuko na lang ako ng lampasan namin sya ni Dex.

Ano ba yan? Mukhang magiging masalimuot ang buhay ko nito ah? Tss!


Walang naka alam sa tropa na samin natulog si Dex,at wala pa din nakakaalam ng estado namin. Ewan ko lang kina Brian, panigurado alam na nila.

Kaya nung Lunch break ay hinanda ko na ang sarili ko para sa interogation.

“San ka natulog bro? Wala ka senyo” si Bryle

“kina Honey” simpleng sagot ni Dex at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nanlaki ang mata ng tropa at binigyan ako ng tingin na kailangan kong magpaliwanag.

“ahm.. Kasi…” hindi ko maituloy ang sasabihin ko,para kasing may naka bara sa lalamunan ko at parang pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig.

“OMG! Dont tell may nang.. Ulit?” exagerated na sabi ni Pipay kaya napatingin sa kanya ang tropa, ako naman naka yuko lang.

“ulit?” sabay nilang sabi,lalo ako nakaramdam ng hiya.

“anong masama? Girlfriend ko sya” naka ngiting sagot ni Dex. Sa totoo lang gusto ko sya batukan, hindi man lang nahiya ang mokong,samantalang ako gusto ko ng lumubog sa lupa.

“GIRLFRIEND?” Sabay sabay na naman nilang sabi sa malakas na boses,naglingunan tuloy samin ang mga tao.

“Yup!” proud na sabi ni Dex.

“kelan pa?” si Brian at Kevin.

“nung naabutan nyo sa kwarto” sagot ulit nito,Gosh! Lalo ako nahiya, tinitigan ako ni Ira na para bang nagbabanta bakit hindi ko sinabi sa kanya? Well si Pipay naman eh alam na talaga.

“nung isang araw yon ah”- Kevin. Tamo toh! Painosente din,hindi nga ba’t nagbiro pa sya nun na tutulungan nya ako kay Dex? Aish! Palibhasa busy kay Arvin.

“huwag nyo na isipin yon, ang mahalaga,kami na” si Dex yan,hayst sa buong conversation na ito hindi ko man lang nasabi ang side ko? Kaasar! >.<

“well,that calls for a celebration” sa wakas nagsalita si Jiian. Iba din ito eh noh? Sala sa init,sala sa lamig.

“congrats to the two of you” magiliw na bati ni Angel,ngiti na lang naging tugon ko hihi :’> “ikaw Bryle? Papahuli ka ba?” dugtong pa nito. Dyan! Dyan silang dalawa ng kambal nya magaling haha! Natawa na lang kami, si Ira napayuko at si Bryle napakamot sa ulo.

“Makapag salita ka naman Angel parang ikaw wala ah? Diba Brian?” singit ni Arvin. Ayan nagsimula na silang magtuksuhan.

Nag ring na ang bell at bumalik na kami sa kanya kanyang klase. Ayaw naman ako tantanan nina Ira at Pipay kakatanong ng kung ano ano.

“sa bahay na lang kayo matulog para makapag kwentuhan tayo” nasabi ko na lang para tumigil na sila, ang kukulit kasi eh!

ITUTULOY . . .

YAMD 10

Chapter 10


“so ano na?” sabay sabay na sigaw nina Ira at Pipay nung nasa kwarto na kami. Tulad ng sinabi ko, dito sila matutulog,sayang nga lang at wala si Angel, ang kj kasi ni Jiian, mawawalan daw sya ng taga luto?! Duhh? Ginawa naman nyang tagaluto kakambal nya,timang din yon eh.

Umupo ako sa kama bago magsalita, halatang excited ang mga gaga dahil kitang kita sa mga mata nila,daig pa ako eh.

“yon na nga,biglang naging kami ng hindi inaasahan,after nung may unang mangyari samin” sabi ko at saka kinain ang pringles na dala namin.

Tumaas ang kilay ni Ira sa sinabi ko, I know isa sya sa magbibigay ng violent reaction.

“gaga ka! Anong pumasok sa isip mo at nagpaganun ka kay Dex?!” - Ira habang kumuha na din ng pringles.

“Hindi ko alam,mahal ko eh,wala naman ako pinag sisihan,its just that.. I dont like the idea na kami,dahil lang may nangyari samin” pag amin ko,alam ko namang sila lang makaka intindi sakin ngayon.

“mahal mo? Mahal ka ba nya? Ingat ingat ka ning,baka mabuntis ka nyan”- Ira. Tahimik na nakikinig lang si Pipay samin na kumakain din ng pringles.

“Oo, yun nga eh,he never said that he loves me,pero lagi nyang sinasabi na Sa kanya lang daw ako, hayst ang hirap ng ganito,one sided love” sabi ko pa, pero nanahimik na si Ira at parang may malalim na iniisip.

“hoy Ira!” untag ko sa kanya.

“for the meantime,yun na lang muna panghawakan mong salita nya, hindi ka naman nya siguro papabayaan,basta when it comes to doing ‘IT’ konting ingat kung gusto mo maka graduate” seryosong sabi ni Ira sakin.

“oo naman noh! Hindi naman siguro gugustuhin ni Dex na maging maagang ama” sagot ko.

“gumamit ba kayo ng proteksyon?” - si Pipay yan, green minded kasi to eh,nabubuhay ang dugo at kalamnan pag ganito na usapan. Iling na lang sinagot ko.

“OMG! Grabe ka bakla! How does it feels? Ilang beses na may nangyari??” exagerated pang dagdag ni Pipay. I told you,buhay na buhay sya pag ganyan.

“hindi ko alam” nahihiya ko pang sabi,hindi din talaga kasi ako sanay sa mga ganito.“at hindi ko na din mabilang” dagdag ko.

Nagulat na lang ako ng sabay nila akong hilahin sa buhok.

“aray! Bakit ba?” -ako.

“bruha ka eh!” si Pipay.

“napapadalas ah?” si Ira.

“hindi ko din alam! Basta pag hinalikan na nya ako nanlalambot na ako,mabilis gumuguho depensa ko, ganun kalakas epekto nya sa akin,ganun ko sya kamahal! Palibhasa hindi pa kayo nagmamahal” sabi ko pa na ikina kunot ng mga noo nila.

“hindi totoo yan” - Ira.

“sinungaling” - Pipay

“ha?” taka kong tanong. May mali ba sa sinabi ko? Ang labo din kausap ng mga gagang to eh!

“nainlove na ako no!” kinikilig na sabi ni Pipay at humiga pa sa kama ko at niyakap ang throw pillow ko.

“kanino naman?” sabay na sabi namin ni Ira.

“kay Bryle” diretsong sagot nito,bigla hinablot ni Ira si Pipay na ikinatawa ko.

“Pakyu ka Effifanio! Walang sulutan!” nanlalaki ang mata ni Ira ng sabihin yan. Tingnan mo nga naman,mukhang sila din ang magkakatuluyan ni Bryle.

“Char lang teh! Ang bayolente mo! Dapat hindi ka sa pep squad eh! Dapat sa taekwando o judo ka eh! Si kevin ang type ko at alam nyo yan!” sabi ni Pipay, pinili ko na lang na wag magreact. Dahil panigurado once na masabi ko sa kanila ang tungkol kay Arvin at Kevin kakalat agad yon. At ayoko naman ng ganun.

Nasa ganun akong pag iisip ng may mag doorbell.

“may inaasahan ka bang bisita?” sabi ni Ira. Tumayo ako at umiling, lumabas na ako ng kwarto at sumunod sila sakin.

Paglabas,nakita ko si Dex sa gate na ngiting ngiti. Ang gwapo talaga ni gago,nakaka inis xD

May dala na naman syang maliit na bag,panigurado dito na naman ito matutulog. Pinatuloy ko sya, pumunta kami sa living room, kina kausap sya ng dalawa habang ako ay naka upo lang at nakikinig.

“kumain kana ba?” tanong ko sa kanya. Buti na lang talaga at wala pa si kuya,kung hindi,deads ako malamang.

“hindi pa eh,gutom na nga ako” sagot ni Dex at umusog pa talaga sa tabi ko at inakbayan ako. Ang bango shit!

Kita ko naman kung pano ngumisi ang dalawang bruha samin, alam ko tumatakbo sa utak nila!

“Honey,antok na kami,una na kami sa taas” paalam nila at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko. Alam ko naman mga iniisip nila.

“mabuti pa nga!” pahabol na sigaw ni Dex sa dalawa,nilingon lang sya ng mga ito at nag dirty finger sign,tumawa lang si Dex. Gawd! Pati pagtawa nya parang napaka perfect!

“tara na,dun tayo sa guest room nyo magkainan” bulong sakin ni Dex na sinundan ng pilyong ngiti. Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko papunta sa aking pisngi. Takte talaga! Nagiging abnormal ang sistema ko pag kasama ko talaga ang lalaking to!

“youre blushing Babe” tukso pa nito. Gggrr!

“tse! Tara na nga inaantok na ako” sabay tayo ko at nagpatiuna na papunta sa living room. Tawa lang ang sinagot ng timang na yon.

Yung totoo? Retarded ba boyfriend ko? >.

A/N ~ Pasensya kung maikli po :( medyo nawawalan ako ng gana eh,may nagbabasa naman pala pero wala talaga comment :| wait nyo na lang po ang next update :)

YAMD 11

Chapter 11


It was a busy day that time.Kakagaling lang namin ni Ira sa gym para magpraktice ng cheer dance kasama ang Pep Squad.

Ngayon nandito lang kami ni Pipay,Ira,Arvin,Angel at Jiian sa cafeteria,tamang kwentuhan lang before going home. Wala sina Dex, may ball practice, sorry hindi ko nasabi na Varsity sila ng campus.

Masaya kaming nagkekwentuhan at tawanan dahil si Pipay at Arvin ang nag aasaran. Well, birds with the same feather,eat birds together! XD

“Kamusta naman ang sulotera’t mang aagaw?” napalingon kami sa malakas na boses ng babae.

Si Jean,kasama mga alipores nya.

“Jean?” sabi ko, samantalang ang tropa tahimik lang.

“Enjoying the bed with Dex huh? Sa ngayon pagbibigyan kita,dahil hindi magtatagal ay magsasawa sya sayo at babalik sya sakin!” mataray na sabi pa ni Jean. Napayuko ako dahil sa sobrang hiya, alam ko samin na nakatingin lahat ng tao dito sa cafeteria.

“anong karapatan mo pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko?” mataray na sagot ni Ira,

“insecure ka ba? Wala ka kasing sex appeal kaya ka iniwan ni Dex” dagdag pa ni Pipay, nilingon ko sila at pinigilan, kita kong tumaas na din ang kilay ng kambal.

“Hindi kayo mga kausap ko mga tanga, Oh,and by the way, hindi porket nasa Pep squad ka at kilala ka ng lahat ay aatrasan kita, nagkamali ka ng binangga Honey Alegre!” mataray na sabi nito,kita sa mga mata nito ang galit. Wala ako nagawa,ayoko sumagot,ayoko ng away, nanatili lang akong nakayuko at walang masabi. Hinagod ni Pipay at Ira ang likuran ko.

Bigla humalakhak si Jean bago nagsalita “Oh wala ka masabi? Kasi totoo,kawawa ka naman, and dont worry hindi pa ito ang huli, hindi pa ako tapos”

Tatalikod na sana si Jean ng bigla sya hablutin ni Angel at sapakin. Nagulat ako pati sina Ira at Pipay pati mga taong nanood.

Napasadsad si Jean sa sahig at napa atras ang mga alipores nya. Wow! Ang tapang ni Angel!

“Masyado kang madaldal,nakakairita na nga ang pagmumukha mo,nakakairita pa ang boses mo!” kalmadong sabi ni Angel, wow Darna lang?!

“Ang kapal ng mukha mo! Magbabayad ka!” tumayo ito at akmang gaganti ngunit nahawakan agad ni Jiian ang kamay nito.

“Miss,kung may natitira ka pang respeto sa sarili mo,umalis kana kasama mga alipores mo at huwag mo ng guguluhin ang kaibigan namin” mahinahong sabi ni Jiian.

“And before I forgot,kahit tingin wag na wag mong gagawin sa kaibigan namin kung ayaw mong ikaw ang magbayad” naka ngisingi, walang sabi sabing lumabas ng cafeteria si Jean kasama mga alipores nito.

Palakpakan naman at hiyawan mga tao sa canteen habang ako tulala sa pangyayari.

“okay ka lang?” Jiian at Angel.

“oo,shocked lang ako” sagot ko, napahagikgik ang kambal.

“ang galing ng ginawa mo Angel! Pakiramdam ko kanina ang tingin ko sayo naka Darna costume! Nasan ang bato?” ani Pipay, kahit papano natawa ako sa banat nya.

“haha! Baliw,hindi lang ako sanay sa madaming satsat,kairita” -Angel at umupo na ulit sa harapan ko.

“baka isumbong ka nya at mapapunta ka sa guidance office” nag aalala namang singit ni Ira.

“haharapin ko parusa,ang mahalaga eh ngayon takot na sya” - Angel

“at saka si Daddy na bahala dun” dagdag ni Jiian.

“kayo na mayaman” nasabi ko na lang at nag ngitian kami.

Kahit papano naman nakahinga ako ng maluwag. Napaka swerte ko sa mga kaibigan ko at hindi ako pinapabayaan kahit pa mga baliw ang mga to.

“Nasan si Arvin? May sasabihin ako eh” biglang sabi ni Pipay.

“baka nag CR” - ako.

“Ayan na pala si Arvin, kasama na sina Dex” ani Jiian sabay turo sa labas. Kita ko naman na nagmamadali si Dex papasok sa cafeteria.

“Okay ka lang babe? Nasaktan ka ba?” sabi ni Dex sakin ng makalapit, agad akong niyakap “sorry” dugtong pa nya.

“okay lang ako huwag ka mag alala” at hinalikan ko sya ng mabilisan sa lips, napangiti na lang si Dex. Gawd! How I love this man!

“sinundo ko sila” ani Arvin samin, as usual naka akbay sa kanya si Kevin xD

“Kaya pala nawala kang impakto ka”- Pipay.

A/N ~ Try ko ulit mag update later, tatapusin ko na po ito agad para masimulan ko na yung new story, sa Compshop nko gagawa para mkagawa at upload na din ng cover photo,baka pag may cover photo na may mga mag comments at read na hihi ka frustrate ih :) see you later po! Mwa! :**

YAMD 12

Chapter 12


Five months na ang mabilis lumipas, five months na din kami ni Dex, would you believe that? Syempre may konting away din,hindi mawawala yun dahil yun ang magpapatatag sa isang relasyon diba? At sa 5 months na yon,tuluyan nakong nahulog sa kanya,and I can feel na mahal din nya ako,laki nga ng pinagbago nya, kahit sa harap ng tropa nilalambing nya ako,telling sweet nothings,which is nagpapakilig sakin. Wala na ata ako mahihiling pa, naging open sya sa bahay, kahit si kuya ka close na nya, pag sunday naman andun mga boys samin.Naglalaro sila nina kuya ng basketball, pero mas madalas pa ding sa bahay ng kambal kami tumatambay.

At ang nakakatuwa din, two months na sina Ira at Bryle,ewan bakit ang tagal sinagot ni Ira si Bryle, pero mukhang worth it naman, not unlike Brian and Angel haha! Mukhang nahihirapan si Brian.,eh kung si Pipay na lang kasi dapat nililigawan nya edi masaya pa? HAHAHA :D

Ilang araw na lang sem break na,sakto sa christmas season. Dalawa lang kami ni Ira ngayon at tamang shopping sa mall. Wala kasi kami magawa eh ang boring.,biglang nag ring ang phone ko,agad ko itong sinagot kahit hindi naka register sa phone ko.

“Hello? Who’s this?”-ako.

“Honey? Girl? OhMyGawd! I miss you! I miss Ira,Pipay and ofcourse my bebs Arvin” dire diretsong sabi ng nasa kabilang linya, nangunot ang noo ko, isa lang ang kilala naming ganito.

Nakabalik na pala sya? Na excite ako bigla,namiss ko din sya eh.

“Ikhai?” - ako at nilingon si Ira,halata namang nagulat ito ng marinig ang pangalan ni Ikhai.

“yup its me! Im back!” magiliw pang sabi nito, nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang pang iiwan nya dati kay Arvin,pero sa tingin ko past is past ,kaya lang pano na sina Arvin at kevin?

Masyadong madaldal si Ikhai kaya si Ira naman pinaka usap ko habang tumitingin ako ng damit na pwedeng ibigay kay Dex.

Anu na kaya ginagawa nun?


“ang sarap ng sem break! Anung balaknyo guys?” ani Dex habang sinusubuansi ako ng mr.Chipz,nasa terrace kami ng kambal.

“what if mag swimming tayo? Sulitin naten,dahil after this graduation na”suhistyon ni Pipay, sumang ayon kaminglahat syempre, magigin masaya yun panigurado.

“so ano ba plano? Convoy o arkila na lang tayo ng mini bus?” singit ni Kevin na naka akbay sa kay Arvin, tumingin kami ng buong tropa sa kanila nanaka taas ang mga kilay. Mukhang malapit na silang umamin ah? :P

“Bakit?”- Arvin .

“wala lang,anong drama yan? Dati para kayong aso’t pusa,tapos naging close, ngayon naman sobrang close ata?” ani Jiian.Adik talaga neto,galing mag interogate.

“Syempre tol ganun talaga,ano gusto nyo lagi kaming nagbabangayan ni Kevin?” sagot naman ni Arvin dito.Napapangiti na lang ako.

“kung hindi lang namen kayo kilala at kaibigan,iisipin namen bromance na yan” singit naman ni Bryle.

“tama! Pero imposible din,alam naman naten kung ganu sila kahayok sa babae” dagdag ni Brian.

“kesa naman hayok sila sa lalaki?” bara ni Ira,lahat tuloy kami ay napatingin kay Pipay.

“Porket hayok sa lalaki ako agad? Mga impaktong to!” protesta ni Pipay na ikinatawa namin lalo,ang baliw lang eh.


sinabi ko na din kay Arvin ang pagbalik ni Ikhai,halatang nagulat sya at pati si Kevin hindi maipinta ang mukha.

Nagisa na naman si Arvin, gusto din ng iba na mameet si Ikhai so sinabi na lang ni Pips na isasama si Ikhai, which is I think a not so good idea.

Over all,naplano naming mabuti ang outing at excited na kami!


“uy,mukhang excited ka Babe sa outing natin ah?” ani Dex at tumabi sakin sa ng upo sa kama at niyakap ako. Napangiti na lang ako kasi hindi sya nagbago, lalo sya naging sweet.

Isinara ko muna ang bag bago humarap at sumagot sa kanya.

“syempre,first outing ko yun kasama kayo, at first outing ko yun kasama ka” sagot ko. Nagliwanag naman ang mukha nya then he gave me a quick smack.

“lahat ng first sakin mo pala naranasan” pilyong sabi nito, namula ako dun at kinurot ko sya.

“aray Babe!”- Dex

“ang dami mong alam,sige na,matulog kana sa guest room kung ayaw mong mahuli ka ni kuya” sabi ko, agad naman syang tumayo at hinalikan ako sa noo.

“goodnight Babe,5am gisingin na kita,para naman mauna tayo sa tropa, i love you” - Dex

“I love you too,sige na,goodnight” at isinara na ni Dex ang pinto ng kwarto ko.

Nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi.

N/A ~ Malapit na sya matapos ^__^ comments and votes po! Thank you! Mwa! ;**

YAMD 13

Chapter 13


Alam nyo bang 1 week na ang nakalipas since that outing? Hanggang ngayon high pa din ako sa nangyari dun. Ang truth or dare na halikan ni Kevin at Arvin, halos himatayin sila eh! Lalo na si Ikhai, panong hindi? Eh sila na pala ulet ni Arvin,baliw talaga yung babaeng yun,buti na lang tahimik lang kami ni Dex tulad ng pinag usapan namin before diba na papabayaan namin na sila mismo ang umamin.

Pero ang pinaka the best dun ay yung mga ginagawang paglalambing sakin ni Dex, I dont know kung dahil ba sa ambiance ng resort ng kambal kaya ganun sya o trip lang nya,but I dont care about that na,ang mahalaga masaya ako talaga kay Dex,I never thought na magiging ganito kami hihi :’>

everyday he makes me feel special,he makes me feel how much he love me. Pero kahit papano medyo nangangamba na din ako, malapit na graduation at wala pa kami napag uusapan kung anong gagawin namin pagka graduate.

Ang tropa naman parang hindi din yun masyado iniisip. Siguro saka ko na lang din iisipin haha! :D enjoy enjoy na muna ako XD

Ngayon katatapos lang ng dance rehearsal namin ni Ira kasama ang ibang Pep squad,at sinundo kami ng mga impakto, sabay sabay na kaming naglalakad papunta sa parking lot ng campus ng may mapansin at madinig kami.

“Yuri maniwala ka naman oh,totoo lahat ng sinasabi ko” sabi nung gwapong binata,siguro nasa 3rd o 4th year high school na ito,may high school din kasi sa St.Adams.

“No,hindi ako naniniwala,walang lalaki ang magkakagusto sa akin,kaya tigilan mo na yan” sagot nung Yuri. Wow! Akala ko babae sya ah,napakaganda at feminine ng mukha kahit walang make up. Kung hindi lang sa uniform nun iisipin ko talaga na babae yun.

Tumakbo yung Yuri ngunit hindi hinabol nung binata,naiwan itong tulala,halatang malungkot, nagulat na lang sila ng lapitan ito ni Dex.

Magkakilala sila?

Tiningnan ko isa isa ang tropa,tahimik lang din ang mga ito,pero ang pinaka tiningnan ko ay sina Pipay,Kevin at Arvin, bakit hindi? I know naka relate sila :p

Ipinatong ni Dex ang kamay sa balikat nung binata,medyo nagtaka na ako,pero ang mas ikinagulat ko ay ang sinabi nito.

“Kuya,pasensya kana” nakatungong sabi nito.

Kuya? I didnt know na may kapatid sya? Hindi ko din napapansin sa bahay nila at hindi din naman binabanggit sakin ni Dex kahit na nina Brian. Pero mukhang alam ko na kung bakit nag so-sorry yun.

“Siya ba yung sinasabi mong gusto mo Kurt?” - Dex.

“opo kuya,sorry” sagot naman nung Kurt.

“okay,itext mo mama mo na sa bahay ka muna tutuloy ngayong gabi,mag uusap tayo” sabi ng mahal kong si Dex at tinalikuran ang kausap. Ay nako! Mamaya na nga ako makiki chismis haha :D


Wooohh! Yes! February 14 na, Valentines day na! Excited nako hihi!

Dali dali akong naligo at nagbihis,gusto ko kasi maaga makarating sa school. This is my first Valentines na may boyfriend! Alam nyo yan!

Nagmamadali pa akong bumaba ng hagdan ng madinig kong may magsalita.

“Honey hindi ka man lang ba kakain?” si kuya habang nagkakape sa living room at may binabasang tabloid.

“hindi na kuya,sa school na lang saka nagmamadali din kasi ako” sagot ko at nag madali na akong umalis,excited na ako eh.

Ng makarating na ako sa school ang dami ng nagtitinda ng mga roses sa labas ng campus. Iba’t ibang kulay ng rose,ang gaganda.

Ano kayang kulay ng rose ang ibibigay sakin ni Dex? Waaahhh! Hindi na ako makapag hintay! XD

Pagpasok ko nakita ko naman si Kurt na may dalang dalawang rosas,isang red at white.

Okay din naman pala na kinausap namin sya ni Dex,uhm si Kurt po ay kapatid ni Dex pero ang nag alaga ay ang mga tito at tita nya,hindi kasi biniyiyaan na magka anak.

Nagconfess samin ng kuya nya si Kurt na nainlove nga daw sya sa beki, yung Yuri, ofcourse nagulat si Dex,pero pina alala ko sa kanya si Kevin at Arvin kahit hindi pa din umaamin hanggang ngayon,isama pa si Pipay diba? Saka dapat tanggapin na yun ni Dex,nung maliwanagan naman ang mahal ko eh pinayuhan na lang nya si Kurt, naging malapit din sakin si Kurt dahil panay din ang tanong kung pano daw paamuhin at ligawan ang mga bakla, aba malay ko? Beki ba ako? Hoho xD

“Kurt!” tawag ko sa gwapong binatilyo,tama nga ako 4th year high school sya. Tumingin naman sya at lumapit sakin.

“Uy ate! Kanina pa kita hinahanap eh” sabi nito na naka ngiti,nagtaka naman ako kung bakit.

“bakit?”- ako

“Pinapabigay ni Kuya,happy Valentines daw! Yan na lang daw muna dahil mamaya na yung iba” sagot ni Kurt sakin sabay abot ng Red rose.

Kahit hindi mismong si Dex ang nagbigay,napangiti pa din ako at kinilig,nag effort pa talaga sya mag utos ah?

“haha! Baliw talaga ng kuya mo,happy valentines din” sagot ko.“ para kay Yuri ba yan?“ dugtong ko pa na ang tinutukoy ay ang white rose.

Nagliwanag naman ang mata nito at ngumiti. Inlove nga ang mokong.

“oo ate,kahit hanggang ngayon masungit pa din sya! Sige ate hanapin ko pa yun eh! Happy valentines ulit!” wika ni Kurt at umalis na,hindi man lang ako hinintay sumagot =__=

Hawak ang red rose at inaamoy amoy ko pa ay naglakad na ako papunta sa Bldg. namin, pagdating ko sa room may mga rose and chocolates din mga babae kong classmates.

Nakita ko na sina Pipay,Jiian,Angel at Ira pero hindi ko muna pinansin, wala pa pala si Arvin.

Umupo na ako at nag isip kung ano kaya ang ibibigay ni Dex mamaya? Hay! I cant wait!

Nawala ako sa pag iisip ng madinig ko sina Pipay at Prinz na nagsisinghalan. Nabanggit ko ba sa inyo kung gano ka abnormal ang escort ng room namin na si Prinz?

“Oy?! Walang flowers and chocolates? Kawawa ka naman” - Prinz.

Naku Prinz! Baliw ka! Mukhang badtrip pa naman si Pips,hayst wala na naman siguro nagbigay ng flower o chocolate sa pobre kong kaibigan,buti pa si Kurt bibigyan si Yuri.

“Ano bang pakialam mo? Umalis alis ka nga sa harapan ko baka hindi kita matantyang kumag ka”asik na sagot ni Pipay kay Prinz,ayan naging predatora na si Pipay haha!

“Syempre may paki alam ako, 3years na kitang nakikita na ganyan every Valentines day,kaya naawa naman ako sayo,may ibibigay ako sayo,pero hindi rose ochocolate” nakangisi pa ding tugon ni Prinz kay Pipay,tigas ng bungo ah?

“Eh kung ihambalos ko kaya sayo tong upuan para makita mo kung sino dapat kaawaan? Umalis ka nga dyan!” malakas ng sabi ni Pipay dahilan para sa kanila mabaling ang atensyon ng mga kaklase namin.

“oopps! Easy lang Effifanio,sige ka,pinagtitinginan na tayo oh” si Prinz.

“Pwede ba? Tantanan mo nga ak–” hindi na naituloy ng pobre kong kaibigan ang sasabihin dahil bigla itong hinalikan sa labini Prinz, nanlaki mata ko sa nakita,ano ba yun? O_O Naghiyawan ang mga kaklase namen at nagpalakpakan, napalingon ako sa paligid,andito na pala si Arvin,si Ira parang nagulat din na tulad,ang kambal na Jiian at Angel naman ay nakangiti lang,kelan kaya magiging energetic tong kambal na to?

Paglingon ko kay Pipay nakatulala ang bakla! Haha Im happy for you girl! Haba ng hair mo!.

“There, Happy Valentines Pips” naka ngiting sabi ni Prinz ng matapos halikan si Pipay saka ito kumindat at bumalik sa kanyang upuan, muling umalingawngaw ang sigawan at tuksuhan sa classroom namin.


Natapos na mga klase namin, nauna na daw sina Dex sa mini park sa likod ng gym, as usual nauna na din dun si Arvin, hay naku kumplikado ng lovelife nya! May Ikhai na may Kevin pa.

Syempre ang nakakaloka sumama pa samin si Prinz,ihahatid daw nya si Pipay, ang sweet ah? Napapangiti na lang kami kasi panay pangungulit nya kay Pipay, at ang beki parang tumiklop ang dila.

Ng makarating kami sa mini park ay pinakilala na ni Pipay si Prinz,then kunting kwentuhan,nauna mag date si Brian at Angel.

Nagdesisyon na din kaming mag siuwi na para nga sa mga dates namin! Haha sulitin na syempre.

Ngayon nandito na kami ni Dex sa kotse nya at ihahatid nya ako, maya na date namin at talagang na e-excite na ako.

“Babe,happy valentines” ani Dex habang nagmamaneho at ang kanang kamay naman ay hawak kamay ko. Grabe lang sa pakiramdam na everytime na hahawakan nya ang kamay ko nandun pa din yung kakaibang kuryente at bilis ng tibok ng puso ko, I wonder if ganun din nararamdaman nya?

“Happy valentines din” sagot ko pa at binigyan sya ng napaka tamis kong ngiti.

“Be ready for our date later” sabi pa nya sakin sabay kindat bago ibalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Gawd! Thank you Lord for giving this man to me!

A/N ~ tatapusin ko na po sya hanggang chapter 15 lang,sadyang tinamad na po talaga ako, may writing is really not for me, hindi ko din kasi ito malagyan ng big twist,heavy dramas kasi parang hindi ko talaga kaya,basta siguro mag sulat na lang ulit ako pag mas inspired nko at mas motivated na,uhm si Yuri at Kurt mga characters sana sila sa next story na pang BoyXboy/tropahan/teens ang theme, pero bahala na talaga, Thank you po ng madami kung nagbabasa ka hanggang dito :)

YAMD 14

Chapter 14


7pm sakto dumating si Dex para sunduin ako. Wala din si kuya Nathan, may date din ata haha! Syempre gwapo kuya ko kaya imposibleng wala date yun no? XD

Ng bumusina sya ay lumabas na ako,nilock ang pinto.

Lumabas na din sya sa kotse nya,and Oh my Gawd! He’s so handsome sa suot nyang polo na 3/4 at pantalon with matching black pointed shoes. Napasinghap na lang ako ng lumapit sya sakin at naamoy ko ang pabango nya na nakapag palambot sa tuhod ko :/

“you look so stunning gorgeous babe,happy valentines” aniya sakin sabay flash ng pamatay na ngiti,bigla na naman bumilis tibok ng puso ko,parang gusto na nga lumabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok eh.

“salamat babe,ikaw din,ang gwapo mo” nahihiya ko pang sagot.

Ngumiti naman sya at pinagbugsan ako ng pinto ng passengers seat at inlalayan makapasok at umupo saka sya umikot at tumungo sa drivers seat.

Ang saya lang sa pakiramdam,kontento na ako sa pagmamahal nya and I couldnt ask for more. Pero napansin nyo bang wala syang binigay na flower? Bakit kaya?

Bago paandarin ang kotse ay may kinuha syang panyo.

“para san yan?” takang tanong ko sa kanya. Ano na naman kaya to?

“blindfold, my surprise kasi ako so be patient my babe” aniya at itinakip na iyon sa aking mga mata.

“ikaw talaga,ang dami mong pakulo” nasabi ko na lang,then I heard him chuckled.

“ganun talaga” sabi nya at pina andar na ang sasakyan.

Ako naman panay isip kung ano yung sinasabi nyang surprise, na e-excite kasi ako na ewan. Ganito pala pakiramdam ng wala kang ideya sa makikita mo at sa magaganap.

Siguro after 20 minutes ay huminto na ang sasakyan.

“were here” ani Dex at narinig kong bumukas sara ang pinto sa drivers seat at bumukas ang pinto sa gilid ko, naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko para alalayan makalabas.

“be carefull” aniya,hindi ako nagsalita, inalalayan nya ako sa paglalakad, hala sige lakad,mga limang minuto din ata yun bago kami tumigil.

Ng tinanggal nya ang blindfold ay sabay ko naman nadinig ang pagtugtog ng violin,kumurap kurap pa ako dahil pakiramdam ko ay namamalikmata lamang ako.

Inilibot ko ang paningin, nasa gitna kami ng isang lugar,may lamesang maliit na pabilog with candles, may tumutugtog ng violin,at ang buong paligid ay puro bulaklak! Nilingon ko si Dex na nakatingin sakin.

“Do you like it? Happy Valentines” aniya. At sa tuwa ko agad ko syang niyakap.

“happy valentines din,maraming salamat” maluha luha kong sagot.

“anything for you, at ang lahat ng nakikita mong bulaklak ay sayo,ayoko kasi ng bibigyan kita ng isa o isang bouqet ng bulaklak,masyado yung kaunti” sagot nya sa akin. Kinilig naman ako ng todo dun, sakin na ang mga bulaklak na ito?

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

“lets start our date” aniya at giniya na ako sa may table sa gitna habang patuloy pa din ung pagtugtog ng lalaki sa violin.

A/N ~ waaahh! Yan muna! Wala nko mapiga sa utak ko, wala nko mailagay T.T thanks po sa pagbabasa :)

YAMD 15

Chapter 15


Pagkatapos ng Valentines date namin ni Dex ay dinala nya ako sa bahay nila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasi sabi nya ipapakilala na nya ako sa parents nya, at kung sakali ito ang unang pagkakataon talaga na makikilala ko sila.

“Dex,kinakabahan ako,baka ayaw nila sa akin?” sabi ko kay Dex ng tumigil ang kotse nya sa tapat ng isang mansion.

Hinawakan nya ang kamay ko,ngumiti at saka sinabing.

“You worry to much babe, wag ka kabahan,Im sure they will like you” aniya sabay halik sa akin, nauna syang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako. Napaka gentleman talaga ng mahal ko :D

Inutusan ni Dex ang driver nila na nag aabang na ipasok sa garahe ang kotse nya, pumasok kami sa loob ng bahay at sinalubong ng katulong.

“Sir hinihintay po kayo nina Senyor at Senyora sa may living room” anito at tinungo na nga namin ang living room,lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko,ngunit ng pisilin ni Dex ang kamay ko na hawak nya ay nakaramdam ako ng relief.

Ng lumapit kami ay tutok ang tingin sa amin ng mga magulang nya, pakiramdam ko para akong ginigisa,samantalang si Dex ay cool na cool lang. Pano nya nagagawa yun?

“Mom,Dad, si Honey, girlfriend ko” masayang bati ni Dex, nagmuwestra ang Daddy nya na maupo kami,hawak pa din ni Dex ang kamay ko.

“Goodevening po” alangang bati ko.

“Goodevening din ija” sabay na sagot sakin ng mga ito.

“You must be Honey Joice Alegre,ang babaeng tagapagmana ng mga Alegre”- Daddy ni Dex.

“Opo”

“I know youre Parents pati ang kuya mo,minsan na namin silang nakasama sa isang bussiness gathering” patuloy ng Daddy ni Dex samantalang tahimik na nakikinig lamang ang Mommy nito, nung tingnan ko ang mommy ni Dex ay naka ngiti ito sakin kaya naman sinuklian ko din ng matamis na ngiti,dahilan para mawala ang uneasy kong nararamdaman.

“And mabait sila,tulad mo” sabi pa nito na ikinangiti ko “so kamusta ang Valentines day? Nagpropose na ba ang anak ko?” dagdag pa nitong biro at alam ko na namula ako, then narinig kong humagikgik ang mommy nya.

Waaahh! Nakakahiya! >.<

“Dad!” saway ni Dex.

“Oh bakit Dexter? Boto naman kami ng Mommy mo para kay Honey, dun din naman patungo yun hindi ba Love?” anito at bumaling sa asawa.

“Tama Daddy mo anak,nasa inyo na ang pagpayag namin, oh well I have to call youre parents ija para mapag usapan ang kasal” pag sang ayon pa nito. Jusme! Nakakaloka mga parents ni Dex! Hindi ako makapag salita nagtawanan pa mga ito huhu!

“Mom,Dad inuunahan nyo ako,but I guess tama kayo, after graduation na lang po siguro” - Dex.

Napalingon ako kay Dex ng wala sa oras, tingnan mo tong hunghang na to! Hindi pa nga nagpopropose nakisakay na sa planong kasal, kaloka!


Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay kasama si Dex, inihatid kasi nya ako, at mukhang wala pa din naman si kuya Nathan.

“Ikaw baliw ka ah? Kasal na agad wala pa ngang propose” sabi ko sa kanya habang nakatayo kami sa harap ng gate.

“Ganon talaga babe,bakit ayaw mo ba? Tama naman sina Dad,dun din punta natin, lalo na at madalas tayo mag ganun,baka mabuntis pa kita” sagot nito sakin.

Nanlaki bigla mata ko at naihampas ko sa kanya yung pouch ko.

“Anung mag ganon? Waahh! Hindi ka na nahiya!” sabi ko ng ganyan,alam ko pulang pula na ako dahil sa hiya,at ang impakto humagikgik lang, grr!

“totoo naman ah? Maganda na yung handa” naka ngisi pang sagot nito. Sa inis at hiya ko ay tinalikuran ko sya at akma na akong papasok sa loob ng gate ng hawakan nya kamay ko at iharap nya ako.

Wrong move,dahil pagharap ko labi nya ang sumalubong sa labi ko. Halos matanggal na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito. Nakakaasar dahil kahit ilang beses ko ng maramdaman ito ay hindi pa din ako masanay sanay.

“See you tom sa school babe,goodnight and dream of me” ani Dex ng maghiwalay ang mga labi namin at dumiretso na sya sa kotse nya at pinaharurot ito palayo.

Napangiti at napahawak na lang ako sa aking labi.

Haaayy! Napaka perfect na Valentines day for me ^__^

With that thought masaya akong pumasok sa loob ng bahay.

A/N ~ Sabi ko short story to at hanggang chapter 15 lang,but I changed my mind, subukan ko pa itong palawakin at pahabain, sana po suportahan nyo ako :))

YAMD Final Chapter

YOU ARE MY DREAM

Final Chapter


kinabukasan maaga ako pumasok at excited,bakit hindi? Maaga pa lang ay tumawag si Dex para ibalita na tinawagan daw nya ang mga parents ko para hingin ang aking mga kamay, nagulat ako nun kasi hindi ko naman ine-expect na ganun sya kaseryoso dun sa kasal issue. At nung nasa daan na ako papunta sa school sina Mama at Papa naman ang tumawag at sinabing nakausap nga daw nila si Dex at ang parents nito. Uuwi na lang daw sila sa Graduation at engagement party namin. Nabilisan man ako sa pangyayari,wala naman pagsidlan ang kaligayahan ko,nag uumapaw,ang gaan ng pakiramdam ko,para akong lumulutang.

Lahat ng makasalubong ko at bumabati sakin ay ngini ngitian ko ng bongga.

Pagkapasok ko sa room agad ako sinalubong ng mga kurimaw pwera kay Arvin at Jiian na subsob sa pag aaral,psh! Mga grade concious HAHAHA! :D

“hoy hoy! Anong meron? Sobra pagkaka ngiti ah?” - Ira.

“Tama! Nag toot kayo no?” - Pipay

“Mga baliw! Masaya lang ako no” naka ngiti ko pang sabi at umupo na sa chair ko.

“May importante daw announcement maya si Dex,kaya dapat kumpleto tayo,dun tayo samin” ani Angel.

Ano kaya yun? Wala naman nabanggit sakin si Dex ah? Ang adik nun ah? Naglilihim na sa akin.

Maya maya pa ay dumating na ang prof namin para sa next subject.

Dahil high pa ako sa mga nangyari nung Valentines hindi ko magawang maifocus sa lecture ang isipan ko.

Napalingon ako sa katabi kong si Arvin.

Aba? Ano na kaya nangyari sa isang to? Hindi na ako updated sa kanya ah? Pati si Ikhai ay hindi pa din nagpaparamdam. Hay nako sana naman makapili na tong kaibigan namin,hindi naman sinasadya nito na ma inlove sa kapwa lalaki eh. Nakaka awa tuloy :/

“Bakit?” - Arvin

“huh? Anong bakit?” - ako.

“anong huh? Kanina mo pa ako tinitingnan,adik ka ba Honey?” kunot noo na sagot sakin ni Arvin. Hala? Anu sasabihin ko?

“wala naman,kamusta kayo ni Ikhai?” nasabi ko na lang na ganyan.

Ngumiti sya at sumagot.

“ayos naman,kaso napaka over protective na,kahit sa lalaki nagseselos” sagot nito.

“dahil ba sa nangyari nung nag outing tayo?” tanong ko,at tuluyan ng nawala sa lecture ang atensyon ko.

“oo,ganon na nga” - Arvin

“dapat nga ba sya magselos? Especially kay Kevin?” late na ng marealize ko kung ano ang nasabi ko.

“anong ibig mong sabihin?” takang tanong nya sa akin. Hindi na lang ako sumagot. Bahala na sya mag isip kung ano ibig kong sabihin.

Mabilis na lumipas ang oras, sinundo kami nina Kevin,Dex,Brian at Bryle sa room namin. Excited sila sa kung ano man ang announcement ni Dex,kahit naman ako walang idea kung ano yon eh.

“Sandali!!” sigaw ni Pipay na ikinahinto namin sa paglalakad.

“hintayin natin si Prinz!” dugtong pa nito. Napapalatak na lang ang tropa eh HAHAHA!


Nandito na kami ngayon sa bahay ng kambal, as usual sa favorite spot namin sa terrace, nagkekwentuhan na sila at nilalantakan ang mga pagkaing nakahain,puro pang meryenda.

“Pare ano ba yung announcement mo?” hindi makapag hintay na sabi ni Brian habang naka akbay kay Angel. Hmm sila na siguro,Im happy for them ^_^

Hinawakan ni Dex ang kamay ko at ngumiti,sabay sabing

“Guys,after graduation,magpapakasal na kami ni Honey”

Halata namang nagulat ang lahat,mga hindi nakapag react,kinuha ni Dex ang pagkakataon,tumayo at lumuhod sa harap ko.

“Honey,gusto kong malaman mo kung gano kita kamahal,hindi man tayo nagsimula sa maganda,hindi naman ibig sabihin nun ay matatapos tayo sa hindi maganda” ani Dex na punung puno ng damdamin ang mga mata,hindi ko magawang makapag salita,kita ko sa mukha ng tropa ang pagka gulat,amused at tuwa.

“Maaaring hindi tayo dumaan sa ligawan stage at sa kama tayo nagsimula” sabi pa nya at talagang namula ako ng husto at hinampas ko sya sa braso! Hindi na nahiya ang kumag! >.< naghagikgikan pa ang tropa. Ang sama nyo!!

“but seriously,it doesnt matter naman,ang mahalaga ay mahal natin ang isa’t isa, mahal kita. At sa harap ng mga kurimaw na to…” aniya at tumigil,may dinukot sa bulsa. Isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Kahit inaasahan ko na ito,iba pa din pala pag nasa sitwasyon ka na. Parang may mga fireworks na nagputukan sa aking dibdib,

“sa harapan ng mga kurimaw na to,tatanggapin mo ba akong maging katuwang sa habang buhay? Will you be my other half? Will you marry me?” madamdamin nyang sabi.

Wala akong maapuhap na salita,sobrang saya ng pakiramdam ko,naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko then bigla niya ako niyakap ng mahigpit.

“YES! Yes Dex I will,kung alam mo lang,you are my dream” sagot ko.

Dinig ko pang nagpalakpakan at naghiyawan ang tropa. Wala na akong mahihiling pa, may mapag mahal akong pamilya at kaibigan,higit sa lahat mahal na mahal ko ang lalaking mahal na mahal din ako, yun lang sapat na para sa akin. Kung ano man ang mga darating pang pagsubok ay sabay at magkasama namin itong haharapin.

FINISHED. . .


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.