loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
You dont know me

You dont know me

Develish Yang · 10 chapters · 13,916 words

characters

Sapphire Adams aka Sappie [isang transgender nagiisang anak ng mag asawang bilyonaryo.]

Manuel Jacob Villaruez [ang lalaking magpapa ibig at iibig sa ating bida.mayabang pero maginoo.]

Meilin Cordonez [bestfriend ni sappie,pranka pero maaasahang kaibigan.]

Xheno Red Merdona [first boyfriend ni Sappie na manloloko sa kanya na ginawa lang siyang panakip butas.]

Xera Merdona [model sister ni Xheno ]

Leo Versoza aka lele [transgeder ex ni xheno na isang sikat na designer ]

Gregory Adams and Samantha Adams [sappie’s parents]

xheno’s family

Sappie

           “Naku teh tigilan mo na nga yang pagiging mangmang mo.“pambubuska sa akin ng kaibigan kung si meilin.isang babaeng bungangera na siyang minahal ko sa kanya.ewan pero kasi sa tuwing bubuka ang bibig niya ay alam mong walang halong pambobola kahit na alam niyang masasaktan ang taong sasabihan niya.pranka kumbaga.“alam naman natin na ginagamit ka lang ng xheno na yan.at alam kong alam mo rin na hanggang ngayon ay naguusap parin sila ng palihim ni leo.“pagpapatuloy nitong wika habang naglalakad kami.

        "

Mei,matagal ng walang ugnayan sina xheno at leo.saka di gagawin sa akin ni xheno yun.“huminto ako saglit at tumingin sa kanya.“mahal ko si xheno at nakikita ko naman sa kanya na mahal niya rin ako.“yumuko siya ng bahagya habang hinahaplos ang noo.

         "Mahal?sis bulag ka sa kanya dahil sa pagmamahal na yan.tinitiis mo lahat para kanya pero parang di niya nakikita yun,hindi niya alam na ikaw ang nagdala sa kanya sa kinaroroonan niya ngayon at lalong di niya alam kung sino si Sapphire Ad....."pinutol ko na agad ang anu pa mang sasabihin niya.

          "Mas ok na hindi niya alam kung sino ako,Atleast nasasabi kong mahal niya ako sa akung ano man ang pagkakalilala niya sa akin ngayon

. “nakangiti kong wika at nagpatuloy muli sa paglalakad.humabol naman siya at pinantayan ang lakad ko.

         "Teh maganda ka lang talaga pero bobo ka pag siya na ang pinaguusapan."natapik ko siya sa balikat dahil sa tunuran niya.

        Hello,ako si Sapphire Sappie for short,isang transgender at si xheno ang mahal ko na lubos na nagpapaligaya sa akin first boyfriend ko.

flashback

 Nagkakilala kami sa isang coffee shop, well imemeet ko sana si daddy doon,pero pumasok si xheno na may namumulang mga mata, parang galing sa pag-iyak. napansin yata niyang may nakatingin sa kanya kaya inikot nito ang paningin.hanggang sa mapadako ito sa akin.kita kong nangunot ang noo niya kaya agad akong umiwas ng tingin.habang abala ako sa pagtipa sa cellphone ko ay may nagpatong ng coffee cup sa table ko.kaya automatic na napatingin ako sa taong naglapag nun.nagulat ako ng makitang nakangiti ang lalaking ito na nakatitig sa akin.

            "I assumed that you drink coffee latte."wika nito.nahihiya akong tumango."are you waiting for someone?can i sit here?."magkasunod na tanong nito. muli ay tumango ako."can't you speak?" tanong nito muli pagkaupo niya.

            "Hindi naman sa ganun, nahihiya lang ako at ngayon lang din tayo nagkita , I don't even know your name. and about sa unang tanong mo,yes may hinihintay ako."sagot ko.tatayo na sana siya ng sabihin ko yun."daddy ko,pero mukhang masyado na naman siyang busy at hindi makatayo sa upuan niya upang imeet ako."pagpapatuloy ko.

           "Ah so pwede pala ako maupo since hindi na yata darating ang daddy mo. xheno nga pala."nilahad nito ang kanyang kamay pagkaupo niya.

“sappie.“pagpapakilala ko naman.

“ahm, I hope you don’t mind me asking but….are you gay?“tanong nito.

“transgender is the proper word to describe me.you know boys who undergoes some procedure or treatments transforming themselves to become ladies and soon become a women physically.“paliwanag ko.

“hahaha, sorry about that hindi ko kasi alam.by the way you’re beautiful.“deretsong turan nito.nahihiya naman akong yumuko baka kasi namumula na ako sa tinuran niya.“hey, wag kang yumuko you should be proud for what you have.“dagdag pa nito at hinawakan ako sa chin ko upang iangat muli ang mukha ko mula sa pagkakayuko.

 doon ay nagusap kami ng mga bagay bagay na akala mo ay matagal na kaming magkakilala.magaan ang loob ko sa kanya at nagsimula sa mga oras na yun nabuo ang unang pag ibig ko.nalaman ko din sa kanya na kaya pala mapula ang mga mata niya dahil naghiwalay sila ng karelasyon niya at ang ikinagulat ko pa ulit ay katulad kong trans ang tinutukoy niyang leo.pinakita pa niya sa akin ang picture nung leo at masasabi ko na mukha rin itong babae.

                                                                                                                                                              end of flashback

        "Teh mamaya ka na managinip.bilisan na natin at ihahanda mo yang mga pagkain ng inlaws mo."panggigising ni mei sa pagbabalik tanaw ko.

        "Inlaws talaga."nakangiting wika ko,kinilig ako sa inlaws.hahaha.

        "Eh anu pa ba itatawag mo doon? nakatira kayo ni xheno sa iisang bahay,para kayong mag asawa oh eh di inlaws mo pamilya niya."kalokohan talaga ng babaeng to.

        Nagpatuloy na kami sa paglalakad haggang sa matapat na kami sa bahay na tinitirahan namin ni xheno.bahay ito ng kapatid ng mama niya na ipinamana na kay xheno since walang anak ang tiyahin niya na ngayun ay nasa canada na upang doon manirahan.

         “ oh siya mauna na ako.di na kita matutulungan at alam ko namang hindi ka rin magpapatulong.“paalam ni mei sa akin.

           “Pahatid na kita kay kuya badong.“pag awat ko dito na tinanggihan naman niya. si kuya badong ang personal driver ko na matagal ko na rin di nakikita gawa ng sinabihan ko sila daddy na kay xheno na ako titira pero pwede ko naman siya tawagan.naalala ko pa noon na labis ang galit ni daddy at halos manghina naman si mommy sa naging disisyon ko.bata pa lang kasi ako ng maospital ako at malaman namin na may kakayahan akong magbuntis. since di ko naman naiintindihan noon ang kalagayan ko ay parang wala lang din sa akin ang lahat hanggang sa lumaki akong ingat na ingat ng aking mga magulang lalo at lumaki nga akong may pusong babae kaya mas maaaring mangyari nga ang kinatatakutan nila na magbuntis ako ng dahil lang sa kapusukan.

                Lahat ng kailangan ko binigay ng mga magulang ko.pati sa process ng pagpapakababae ko ay hindi naging problema sa kanila.nag iisa lang kasi akong anak.pero siguro kaya ako atat ng ganito sa relasyon na meron ako ngayon kay xheno ay dahil din sa sobrang higpit nila.natatakot silang may mangyari sa akin lalo na at mapupusok na raw kaming mga kabataan ngayun.simula ng maging kami ni xheno sa loob ng isa at kalahating taon namin na nagsasama ay never pang may nagyari sa amin.minsan napapaisip na lang ako na baka totoo ang sinasabi sa akin ni meilin na di niya talaga ako mahal,at ginagamit lang niya ako upang kalimutan si leo.

                    Simula ng lumipat ako dito sa bahay ni xheno ay pinakita naman niya sa akin ang pagmamahal niya.ramdam ko mahal niya ako.although nitong mga nakaraang buwan ay nababawasan na iyon.minsan parang di na niya ako nakikita.pero pag kinausap ko siya ay ngumingiti naman ito at sinasabing stress lang daw siya sa sobrang dami ng trabaho nila sa kumpanya.well kinausap ko kasi si daddy na kung pweding ipasok niya si xheno sa kumpanya ng isa sa mga kabusiness partner niya dahil nawalan ito ng trabaho noong mga panahong dinaramdam pa raw nito ang paghihiwalay nila ni leo.balita ko ring nasa italy na si leo at doon tinuloy ang career na designer nito.

                      Pagkapasok ko sa bahay ay umalingawngaw ang katahimikan since wala pa namang tao.nasa trabaho pa xheno habang mamayang 9 pm pa darating ang mama at daddy niya pati na rin ang kapatid niyang si xera na kasalukuyang nagtatrabaho ngayon bilang isang modelo.inumpisahan ko ng ihanda lahat ng kakailanganin ko sa pagluluto.(wag na kayo magtaka kung bakit marunong akong magluto.dahil nagtake ako ng isang taong pag aaral sa pagluluto dahil wala naman akong pagkakaabalahan.)so umpisahan ko na ang pagluluto.see yah sa susunod na kabanata..

Xheno’s family pt.2

sappie’s pov;

         " xheno andito ka na pala.aayusin ko na lang itong mga niluto ko parating na rin siguro sina mama at papa diba?."wika ko pagkakita ko kay xheno ng pumasok ito ng pinto.xheno raw ang itawag ko sa kanya at ayaw niya ng iba.minsan ay nagalit siya sa akin ng tawagin ko siya sa pangalawang pangalan niya na red.ewan ang OA lang.

            "Sige maliligo lang ako saglit."nawala ng bahagya ang ngiti ko ng parang walang gana itong dinaanan ako upang umakyat sa silid namin.

         Mukhang laging pagod si xheno.tawagan ko kaya si daddy para sabihan niya yung pinagtatrabahuhan ni xheno na bawasan ang trabaho nito.mukhang nahihirapan na siya eh.pero naisip ko naman na baka isipin ni daddy na ; hayyy wag na nga lang.

    Nagtungo na ako sa kusina at inayos ko na lahat ng dapat ayusin ng magring ang doorbell.tutunguhin ko na sana ang pinto ng nagmamadaling tinungo ni xheno ang pinto.

          "Sige na ituloy mo na ginagawa mo ako na bahala sa kanila.."wika pa nito.mukhang biglang naging maganda ang mood nito.di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.maya-maya lang din ay dinig ko na ang boses nila na alam kong patungo na rito sa kusina.unang bumungad ang si xheno kasabay ang mama niya kasunod ang papa niya at kapatid nitong si xera.yumuko ako bilang pagbibigay galang sa kanila.

             "Magandang gabi po tito,titaf,xera."magalang  na pagbati ko.tinitigan lang nila ako.lumapit ako upang abutin sana ang kamay ng mama niya upang magmano ngunit mabilis silang kumilos upang maupo sa hapagkainan.nabastusan ako pero di ko na lang inintindi.

             "Kumusta ka naman dito anak.?"tanong ni mama kay xheno.

             "Okay lang kami ma."sagot naman ni xheno.

            "Bat kasi hindi ka kumuha ng katulong dito lalo na sa pagluluto.mukhang nangangayayat ka na."sagot muli ng mama niya.akmang sasagot na sana si xheno ng sumingit ako.

              "Hindi na po kailangan tita,kaya ko naman po.wala naman po kasi akong masyadong pinagkakaabalahan."wika ko.tumingin ito sa akin na para bang mayroon itong sobrang galit sa akin.

             "Abat,hindi pweding pinagtitiyagaan na lang niya ang mga luto mo.dapat kumain siya ng maayos na pagkain.hindi yung mga ganitong luto."pang uuyam nito.napayuko naman akosa pagkakapahiya.

            "Sabi ko naman na kasi sayo ma,sa labas na lang dapat tayo kumain at tinawagan mo na lang si kuya."singit ni xera.pangit ba lasa ng niluto ko eh bakit nakadalawang sandok na yata siya.habang ang papa naman niya ay tahimik lang na kumakain."ah kuya look what i am wearing."biglang excited na wika ni xera at tumayo ito at umikot ng bahagya upang ipakita ang suot nitong silver dress na bumagay naman sa kapayatan nito since isa nga siyang modelo.

             "May iba pa ba xera."mapanuksong sagot naman ni xheno.habang napangiti ang mama niya.napangiti rin ako kahit papano dahil para silang mga batang paslit kung magkulitan.ang sarap siguro ng may kapatid.

             
               "Kainis naman to,pero sige ganito na lang,guess who's the designer of this dress."naupo itong muli at nanunuksong kinindatan ang kuya niya.

     
                "So,may bagong kumpanya na naman ba ang kumuha sayo para magmodel?"tanong pabalik ni xheno.

                "Nope,it's a gift from someone who is very famous pagdating sa mga creations niya ng mga bagong designs at style ng mga damit."masayang turan nito.

                "Walang alam ang kuya mo pagdating sa mga clothing brand xera lalo na sa mga designers.basta na lang yan bumibili ng kung anu ang matipuhan niya."maligalig na singit ko.

               "Well i think no,may kilalang kilala si kuya na designer,at siguro hindi mo napapansin pero kalimitan sa mga damit ni kuya ay gawa ng designer na tinutukoy ko."medyo pagtataray nito.napaisip naman ako dahil hindi ko naman tinitignan ang ganyang mga bagay."right kuya?"baling nito muli kay xheno.napatikhim naman si xheno sa tinanong ng kapatid."actually andoon sa paper bag na dala ko ang mga padala niya for you."pagpapatuloy pa nito.

             "Ah sorry pero hindi ko kasi napapansin yun."pagsingit ko muli sa biglaang pananahimik ng paligid.

             "LV,stands for leo versosa."parang nawalan ng tubig ang bibig ko sa narinig kaya inabot ko ang baso ko at nagsalin ng inumin at agad yun nilagok.napatingin ako kay xheno at kita kong umaliwalas ang mukha nito pero napalitan yun ng pagkunot ng mapatingin sa akin.

               "Xera,stop it.lets continue eating."turan ni xheno.

               "There is nothing wrong with it ijo.its just a gift,right sappie?"may lamang wika ng mama niya.

               "Ahem,well actually meron siyang pinadala rin para sayo sappie.its newly released scarf collection ni leo."medyo nahihiya na sinabi ng papa niya.

               "Ahm,no its okay with me,there is nothing wrong with it.excuse lang po saglit may kukunin lang ako sa kwarto."paalam ko at tumayo na.

                "Leo is someone na dapat talagang ipagmalaki hindi gaya ng iba diyan."makahulugan pang wika ni xera bago ko tuluyang lisanin ang dining.

                Nanginginig kong narating ang silid namin ni xheno at doon inilabas ang sakit na nararamdaman ko.hindi ako tanggap ng pamilya niya pero mas masakit na parang handa silang tanggapin muli ang taong nanakit sa anak nila noon at dagdagan pa ang pananahimik ng taong minamahal ko habang halatang halata naman na harapan akong pakitaan ng di maganda ng pamilya niya.

               "Hey,okay ka lang ba?"agad kong pinunasan ang pisngi ko upang mapalis ang luha at humarap kay xheno.

               "Ah yeah,naalala ko lang bigla sina mommy and daddy."pagsisinungaling ko.

               "Ah ganun ba,okay ka na ba?halika na sa baba."hinawakan nito ang kamay ko pero inalis ko iyon kaya nilingon niya ako."may problema ba?"tanong niya ng may pagtataka sa inasal ko.

                "Minahal mo ba talaga ako.?"tanong ko bigla.kita ko naman na nangunot ang noo niya sa tanong ko.

                 "Ofcourse."maiksing sagot niya.

                "Bakit hinahayaan mo lang na ganunin ako ng pamilya mo?"tanong ko muli"bakit hinahayaan mo lang na pagusapan nila sa harapan natin ang ex mo.?"dugot na tanong ko.

                 "Teka lang ha,leo is already my passed.bakit kailangan mo pang dibdibin ang sinasabi nila."sagot niya na ramdam mong nauubusan na ng pasensiya sa mga tanong ko.

                  "Hindi naman yun ang dinidibdib ko,kundi yung nakikita kong nag eenjoy yung mahal ko sa mga kwento ng pamilya niya tungkol sa ex niya at parang walang pakialam na nakaharap ang kasalukuyang karelasyon niya."wika ko.

                  "Hindi sa ganun,matagal na kaming wala at tayo na ngayon for almost 2 years zam anu pa bang kulang?"galit na sagot niya.

                 "Magdadalawang taon pero ni minsan wala pang nangyayari sa atin.dahil ba sa lagi kang pagod or hindi ka pa handa or ayaw mo lang dahil siya pa rin ang laman niyan."duro ko sa puso niya.

                "Pwede ba sappie,kung yan ang iniisip mo then fine we can do it later.kung don ka sasaya.!"malakas na wika niya sabay labas ng silid.

        Naiwan akong napatulala,parang lumalabas na tuloy na ako pa yung gutom sa bagay na yun.napasabunot ako sa ulo ko at muling pinunasan ang kumawalang luha ko saka inayos ang sarili at lumabas muli.

         Nasa sala na sila ng bumaba ako.nakatingin sila sa akin habang nakatingin naman ako kay xheno na abala sa kakatingin ng mga damit na padala daw sa kanya ng ex niya.kumirot muli ang puso ko pero deretso akong nagtungo sa dining upang imisin ang kalat.

         Naririnig ko silang masayang nag uusap na dahilan upang hilingin ko na lang na sana ay bingi na lang ako.

            “Alam parin niya ang size mo kuya.“dinig kong turan ni xera.

           “Medyo mahigpit lang ng konti.“sahot ni xheno rito.patungkol siguro sa damit na sinusukat niya.

            “You know what kuya,i have one more thing to tell you.“napatigil ako saglit sa pagpupunas ng lamesa sa narinig ko.ayaw ko man ay nagawa ko pa ring makinig dahil halata namang nilakasan pa talaga ni xera ang pagkakasabi nun.“leo is coming back para sa new collection niya.“halos mabingi ako sa narinig.babalik siya?babalik na ang taong alam kong hanggang ngayon ay minamahal parin ng taong mahal ko.

Leo

sappie’s pov;

           “Kaya mo ba ako tinawagan at papuntahin dito para lang ipagmalaki yang katangahan mo sap?“iritang wika ni mei.heto kasi siya ang kasama ko sa bahay dahil umuwi na ang pamilya ni xheno at siya ang naghatid sa mga ito.naka inom na kasi ang papa niya naginom silang mag ama.at hanggang ngayon ay wala pa siya.di man lang magreply sa mensahe ko kung uuwi ba siya o hindi.alas tres na rin ng madaling araw kaya binulabog ko si meilin upang samahan ako rito.takot kasi ako mag isa at alam ni xheno yun.

            “Sorry na mei,baka hindi na siya pinauwi at nakainom rin naman siya.“sagot ko rito.

             “Naku ang sabihin mo inilalayo talaga nila sayo yang jowa mo.ewan ko ba kasi sayo ba’t hindi mo pa magawang iwan ang gagong yan.“nangigigil na turan nito.“tsk,wag ka ng sumagot sap at alam ko naman na kung anu ang sasabihin mo.“dagdag pa nito.

              “Halika na nga at matulog na tayo..“pag aaya ko rito.

(kinabukasan)

               Maagang umalis si meilin dahil may pupuntahan pa raw siya.so heto at nagluluto ako ng almusal naming dalawa ni xheno mamaya pagdating niya.

               “Goodmorning xheno.halika kain na tayo.“pagbati ko rito pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa pinto.

                “Kumain na ako sa bahay nila mama.kumain ka na at mag aayos na ako para pumasok.“turan niya na parang nagmamadali.

                  “Off day mo ngayon mahal di ba?“may pagtataka naman na tanong ko.

                  “Ah oo,pero tinawagan kasi ako ni boss kanina at may kailangan daw tapusin sa opisina.“sagot nito ng di makatingin sa akin.

                   Di na ako nakapagsalitang muli dahil mabilis na itong nagtungo sa silid.di ko na rin nagawang kumain dahil nawalan na ako ng gana.nagtungo na lang ako sa sala at nagpatugtog ng musika saka ako naupo sa sofa.pero tumayo akong muli sa kinauupuan ko at kumuha ng baso at nilagyan ito ng yelo.tinungo ang lagayan ng mga alak sa bar kumuha ng whiskey at nagsalin ako ng hanggang kalahati nung baso saka muling bumalik sa sala at naupo.taimtim akong sumisimsim sa inumin ng may umagaw sa basong hawak ko.

                   “Kailan ka pa natutong uminom?“tanong ni xheno habang kunot ang noo.

                    “Ah ngayon lang mahal.nakakadala kasi ang musika.“sagot ko.pero ang totoo niyan umiinom naman talaga ako noon pa lalo pag kausap ko si daddy.“gusto mong sumayaw?“tanong ko pa sa kanya spreading may hands pero tinignan lang ako nito mula ulo haggang paa.

                    “Magbihis ka na hindi magandang ganyan ang suot mo lalo na at mag isa ka rito.“sabi na lang nito.nakamaiksing short lang ako pantulog at puting sando na nagpapabakat sa dibdib kong gawa. “Aalis na ako baka malate pa ako.” Paalam niya sa akin.hindi man lang nagawang humalik sa pisngi ko.

Pagkaalis niya ay muli kong kinuha ang baso ng alak at isang lagukan ko itong ininom.

After several hours na walang magawa ay nagtungo ako sa kusina dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.kakamukmok ko ay di ko na namalayan na alas dos na pala ng hapon.nakaidlip akong  kaunti dahil sa alak na nainom ko.ininit ko ang kaninang niluto ko.naghahanap ako ng softdrink sa ref ngunit ubos na pala ang stock namin kaya tinungo ko ang drawer sa may malapit sa sala upang kumuha ng pera.bibili na lang ako malapit lang naman ang tindahan.

            Lumabas ako ng ganun parin ang suot na damit.nagtitinginan naman ang mga tsismosa na kunwari ay nagwawalis sa harapan ng bahay pero ang totoo ay nangangalap lang ng mapag-uusapan. Pagkarating ko sa tindahan ay may mga kalalakihan na nakatambay at naninigarilyo.umiwas ako ng bahagya dahil ayokong naaamoy ang usok nito.nakakahilo.

               “Ate pabili nga po softdrink yung 1.5 liters po.“wika ko sa ale na nakita ko sa loob ng tindahan.inabot ko ang sinabi nitong presyo saka akmang aalis ng maramdaman ko ang paghaplos ng sino man sa hita ko na nakalantad dahil sa iksi ng suot ko.“ay anu ba!“gulat na turan ko saka mabilis na umiwas.kita kong ngumisi ang lalaki.

                “Hoy manuel,ki-aga-aga eh!“sigaw ng ale sa binata.

                 “Oh kasalanan ko ba?susuot-suot ng ganyan tapos ayaw mabastos eh kabastos bastos naman.“nakangisi paring wika nito.natitigan ko ang mukha nitong nakangiting aso.gwapo ang lalaking ito,ang tangos ng ilong,makapal na kilay na bumabagay sa mukha nito.at ang katawan na mala adonis.“eh mas bastos pala to ate silvia eh.nangangain ng buhay ang mga mata.” Napailing ako sa tinuran nito.yung tipong ginigising ang sarili upang bumalik sa katotohanan.“saka miss hindi ako ang humaplos sa legs mo.ayan oh.“turo nito sa isa pang lalaking asa likuran ko.lumayo naman ako dahil bumuga ito ng usok mula sa sigarilyo na hawak nito. “Toy,ilayo mo yang usok mo at nakakahiya kay miss maarti,saka sa susunod wag kang basta basta nanghahawak ng hita.naku ikakapahamak mo yan.” Pagtuturo nito sa binata.

              “Pasensiya na kuya manuel,ang puti kasi eh.“sagot ng binata rito saka umalis.

                “At ikaw umuwi ka na at magbihis ng maayos.para kang pokpok sa tanghali.“nainis ako sa tinuran nito.kaya di sinasadyang umangat ang kamay ko at nasampal ko siya.

                “Bastos!hindi ako pokpok!” Bulyaw ko bago mabilis na umalis pauwi.narinig ko pa siyang sumigaw ng thank you.

Inis akong nakarating ng kusina pabulong bulong sa bwisit dahil sa kakaisip sa gagong lalaki na yun.ngayon lang ako nasabihan ng ganun.

Nakakailang subo na ako ng pagkain ng tumunog ang cellphone ko.

                  “ Magbihis ka bilisan mo at pumunta ka ngayun dito sa ******cafe.“ Bakit

na naman kaya parang nagmamadali tong gagang to.si meilin kasi ang tumawag.at ang loka binabaan din ako ng cellphone.

               Naligo ako ng mabilisan saka nagbihis.simpleng skinny jeans at white tshirt lang sinuot ko.tinungo ko ang lugar na sinabi ni meilin malapit lang naman ito at ang loka panay ang tawag dahil kakupad ko raw.

              “Hinihingal ako,anu ba kasi yun?“agad kong bungad ng makita ko si meilin habang nakaharap ito sa labas at may tinitignan.sinundan ko naman ang tingin nito at nakita kong sa isang kilalang hotel ito nakatingin.“hoy!“pagkuha ko sa atensyon nito.

                “Halika,samahan mo ako.“hinila na naman ako nito palabas ng cafe at halos mapatid na ako kakahila niya kaya iwinasiwas ko ang kamay kong hawak niya dahilan para mapahinto kami..

                  “Kanina pa ako hinihingal,anu ba kasing gagawin natin diyan?“tanong ko.

                  “Nandiyan lang naman po kasi ang boyfriend niyo sa loob na ipinagtataka ko.kanina pa siya diyan.nakita ko siya nung pumasok ako diyan sa cafe,hindi ko talaga inalis ang mata ko sa entrance ng hotel baka masalisihan ako.“mahabang turan nito ng walang hingahan.

                   “Huh?anu naman ang gagawin ni xheno diyan?saka mei asa opisina si xheno.“sagot ko.

                   “Naku hindi ako pweding magkamali.“matigas na sagot niya saka muli akong hinila.nagpatianod na lang din ako.

                   Naupo kami sa recieving area medyo malayo sa reception upang di kami agad makita ni xheno if siya nga ang nakita ni meilin.

                 Ilang saglit lang din ng kalabitin ako nito at tinuro ang lalaking nakatalikod sa amin kausap ang nasa reception.tama nga siya si xheno nga.pero bakit siya narito?tatayo na sana ako ng pigilan ako nito.

               “Padalos-dalos ka na naman.hintayin natin siya makaalis saka natin alamin ang sinadya niya rito.“naupo ako muli.agad naman kumuha kami ng tig isang magazine na itatakip sa mukha namin ng makitang humarap ito sa lugar na kinaroroonan namin.sana di niya kami nakilala. “Wala na siya.“agad tumayo si meilin at naglakad patungo sa reception at sinundan ko naman ito.

                “Hello po maam,anu po maitutulong ko sa inyo?“tanong ng receptionist.

                “Magtatanong lang po sana.“sagot ni meilin.

                 “Yes po ano po yun?“magalang na tanong ng babae.

                 “Anu po ang ginagawa dito ni mr. Merdona?“tanong ni meilin.

                  “Sorry po maam pero di ko po masasagot yan,pivacy po kasi ng customer yun.“sagot ng babae.“kaanu-ano po ba kayo ni mr. Merdona?“tanong nito pabalik.

                  “Ah ito po sappie friend ko po lover ni mr. Merdona.“sagot ni meilin.

                   “Ah ganun po ba.pasensiya na po talaga maam pero bawal po kasi.patakaran po kasi ng hotel namin.“magalang na turan ng babae.

                   “Ah sige miss ok lang.itatanong ko na lang sa kanya mamaya.“pagsingit ko dahil mukhang magtataray na naman tong babaeng kasama ko.

                 Nilisan na namin ang lugar at nagmamadali na rin ako dahil baka umuwi na si xheno at hindi niya ako maabutan sa bahay.

Leo pt.2

sappie’s pov;

               7 pm ng maramdaman kong may pumasok sa bahay.asa likod kasi ako sa may laundry.

               “Ang aga mo ngayon.“wika ko kay xheno na kasalukuyang nagtatanggal ng sapatos.

               “Oo since nagtulungan kaming matapos agad ang lahat ng trabaho ng mga kasama ko.kaya pinayagan na rin akong umuwi agad.“sagot nito at tinungo ang sofa upang magpahinga ng kaunti.

                “Ipaghahain na ba kita?“tanong ko at tumabi sa kanya.

                “Wag na busog pa naman ako dahil nagpaluto si boss ng pagkain namin kanina.“sagot niya.isinandal niya ang ulo niya sa sofa at bahagyang pumikit.

                  “Wala ka na bang ibang dinaanan kanina?“tanong ko.may sorpresa ba siya sa akin?

                 “What do you mean?“kunot noong tanong niya.

                “Ah wala natanong ko lang,baka napadaan ka sa cake shop or somewhere.”

                 “wala na akong ibang dinaanan kanina kailangan kasing matapos kaagad ang trabaho upang makauwi ng maaga.“medyo natahimik ako sa sinabi niya bakit kailangan niyang magsinungaling?

                 hindi na ako umimik pa tumayo na rin siya saka nagpaalam na maaga siyang matutulog dahil pagod siya.

                 isang linggo na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang sinasabi tungkol sa hotel issue na yan.para na akong tanga na nagaabang na baka sakaling isorpresa niya ako or something.

                gaya ng dati heto ako sa maliit na garden dito sa likod ng bahay.kasalukuyan akong nagdidilig ng halaman na tanim ko ng magring ang telepono ko sa bulsa ng suot kong pajama.

                “hello”sagot ko ng makitang si meilin ang natawag.

                “sap wag kang magugulat.teka andiyan ba ang magaling mong boyfriend?“tanong nito sa kabilang linya.

                “pumasok siya bakit?“tanong ko naman pabalik sa kanya.

                “nabalitaan ko kasi mula sa tsismosa kong katrabaho na darating sa bansa ang ex ng jowa mo.naririnig ko kasi kanina since fan sila ng haliparot na leo na yun.“sagot nito.

                “alam ko na yan, actually nabanggit ni xera na darating nga siya dito pero ang hindi ko alam ay kung kailan.“sagot ko.

                “well according sa source ko,mamaya na ang dating niya,11pm.“turan niya.“so ganito ang gagawin natin pag hindi umuwi ang jowa mo sa oras ng uwi niya diyan at pupuntahan natin yung hotel kung saan natin siya nakita dati.“mahabang turan nito.

                 “sa tingin mo ba ay para sa kanya(leo) kung bakit nagpunta roon si xheno?“tanong ko na parang nasasakal.

                 “well,ayoko man isipin pero sana ay hindi dahil ayoko naman masaktan ka sis,pero kasi noon pa man ramdam ko ng ginagamit ka lang ng lalaking yan.nagmukha ka ng katulong sa bahay niya.hindi ko gusto yun sap alam mo yan,mas gusto ko ang sappie na kilala ko noon.“paliwanag ni meilin.“oh siya sige na at may gagawin pa ako.8pm at hindi siya dumating kailangan puntahan na natin yung hotel ng mas maaga para mauna tayo bago sila dumating.”

                 lumipas ang mahabang oras at heto balisang balisa na ako.9:35 na ng gabi at wala pa si xheno.wag naman sana.tanging dasal ko.tatawagan ko na sana siya ng magring ang phone ko at si xheno yun.nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag.

                  “hello xheno asan ka na ba?lalamig na ang pagkain.“pinilit kong kalmahin ang boses ko dahil ayokong maghinala siya.

                  “sorry pero malalate ako ng uwi may tinatapos pa akong report,kailangan kong matapos ito at kailangan na ni boss bukas.“bumagsak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.nagsisinungaling na naman ba siya.“hello….hello andiyan ka pa ba?“tanong nito ng di ako nakasagot.

                    “ah oo.“maiksing sagot ko. “sige mauna na akong kumain.initin mo na lang mamaya kung dumating ka.“di ko na siya hinintay pang sumagot at pinutol ko na ang linya.

nagring muli ang phone ko and this time ay si meilin na.

                    “hello sap.“wika nito ng masagot ko na ang tawag.

                     “hello mei.“walang ganang sagot ko.

                     “so anu na, andiyan na ba si xheno?“tanong nito.nagpipigil ng hikbi ay sinagot ko siya na wala pa.“hay sinasabi ko na nga ba eh.naku humanda talaga sa akin ang lalaking yan pag napatunayan natin ang hinala natin.“gumayak ka na darating ako diyan sampung minuto lang okay.“di na ako sumagot at pinatay ko na agad ang linya.

                       nagtungo ako sa kwarto at nagpalit ng jeans at nagsuot ako ng hoodie,maya maya lang ay may businang sasakyan sa labas malamang si meilin na yan .bumaba na ako at lumabas ng bahay.nilock ko ang pinto saka sumakay na sa kotse ni meilin.

                      ilang minuto rin ang itininagal ng byahe namin dahil di naman ito kalayuan.sinadya ni meilin na magparada sa may harapan ng hotel upag makita namin ang mga taong lalabas at papasok ng main entrance.

                      1:18am ng makita ko ang sasakyan ni xheno.

                       “shit!“naibulalas ko ng makumpirmang  si xheno nga ang bumaba ng sasakyan at nagtungo ito ng likuran ng kotse at ilabas mula roon ang dalawang malalaking maleta.

                      “sinasabi ko na nga ba.“may tunong galit sa boses ni meilin.at doon ay lumabas ng sasakyan ang nakangiting si leo.sabay silang pumasok ng hotel.“halika.“hinawakan ko si meilin sa kamay ng akmang bababa ito ng sasakyan.

                     “saan ka pupunta?“tanong ko rito.

                     “saan pa ba eh di para kumprontahin yang gago mong jowa.“sagot nito.

                     “wag na,iuwi mo na ako.“umiling na lang si meilin at muling binuhay ang sasakyan at nagmaneho.kahit hilam sa luha ang mga mata ay tanya kong hindi ito ang daan pauwi ng bahay namin ni xheno.“saan tayo pupunta?“tanong ko rito.

                    “ano hahayaan na lang kitang mag isa sa bahay na yun ng ganyan ang itsura.sis now na pinamukha na sayo ng lalaking yun na mas matimbang parin ang leo na yun kaysa sayo sa puso niya baka naman pweding palayain mo na ang sarili mo.prinsesa ang turing sayo ng mga magulang mo tapos nagpapakababa ka para lang sa taong di naman nakikita ang worth mo.“di na ako umimik pa at nagpatuloy na sa pagmamaneho si meilin pauwi ng bahay nila.

                    painagbuksan kami ng gate at ng makapasok ay nakita ko kaagad ang parents ni meilin na nakaabang sa maindoor ng bahay nila.kaya napatingin ako kay meilin ng may nagtatanong na mga mata.

                    “yes,they know everything pero wag kang mag-alala dahil malinaw naman ang usapan namin na hindi sila makikialam.“tinutukoy nito ay ang mga magulang niya.

                    pagbaba namin ng sasakyan ay agad lumapit sa akin si tita at yumakap.

                    “how are you?“tanong nito sa akin ng kumalas na siya sa pagyakap sa akin.sila ang pangalawang tumatayong magulang ko since naging magbestfriend kami ng anak nila na si meilin.

                    “I’m okay tita thank you.“sagot ko at nagmano rito nilingon ko si tito at nagmano na rin ako rito.

                     “tara at pumasok na tayo at mahamog na.“pag aaya ni tito.

                     pagkapasok sa loob ng mansion nina meilin ay inalalayan nila akong maupo sa sofa.

                     “napakagago ng lalaking  yan,ipinagpalit niya ang dyamante sa isang ordinaryong bato.“makahulugang wika ni tita.

                      “wala siyang alam ma,ultimo apelyido ni sap  yata ay hindi nito alam.“sagot ni meilin

                     “what! nagtagal kayo ng ganun na hindi ka man lang niya lubos na kilala.“nagtatakang tanong ni tita.tumango lang naman ako.

                      “never naman siya nagkaroon ng time na kilalanin ako ng lubusan tita.tanging alam lang niya ay mahal ko siya at tinalikuran ko ang parents ko for him.“paliwanag ko.

                       “so what is your plan now?“tanong ni tito kaya napabaling ako rito.“do you want to stay here for a while or you want us to take you home.your real home?“tanong ni tito.umiling ako bago muling nagsalita.

                       “I want to try it for the last time tito,I want to give our relationship a chance.maybe his only doing this just because they had past.“wika na ikinatahimik ng mag asawa.

                         “I told you ma,pa,ganyan siya katanga pagdating sa lalaking yun.“turan ni meilin.umiiling naman si tita na lubos na di makapaniwala sa tinuran ko.

                         “but if it doesnt work po,then maybe I consider introducing my self to them in a proper way.“kita kong napangisi si meilin sa tinuran ko.“the way ADAMS family do.”

liar

leo’s pov:

siguro its already time para bumalik ako ng pilipinas.namimiss ko na rin doon.matagal na rin ako rito at kahit papanu ay nagawa ko naman na ang pangarap ko na bumuo ng sarili kong panagalan sa larangan ng pagdedesinyo ng damit.kumusta na kaya ang mahal kong si xheno.?alam ko naman na natanggap na niya ang dahilan ng paglayo ko pansamantala.pero ang kinaiinis ko lang ay ang malaman na nagawa niyang pumatol sa iba para lang subukan na kalimutan ako.but knowing xheno labis akong mahal nun.at hindi nga ako nagkamali dahil panay parin naman ang tawag nito sa akin sa videocall.lagi niyang sinasabi sa akin na kahit kailan ay di niya daw ako magagawang ipagpalit at ni minsan daw ay hindi sumagi sa isip niya na patulan sa kama ang sappie na yun.naalala ko pa noong nag away kami habang magkausap sa video,pinipilit kasi niya ako na umuwi na since kaya naman daw niya na buhayin ako.ayoko ng ganun isa akong trans at hindi ko maibibigay ang pamilya na nais niya.pero mapilit siya at may paraan naman daw para magkaanak kami.desidido na daw kasi siya na ako ang nais niyang makasama habang buhay.mataas na ang posesyon niya sa kumpanyang pinapasukan niya.at nagbabalak na rin siyang magtayo ng sarili niyang kumpanya dahil malaki laki na rin ang naipon niya. pero ang sabi ko sa kanya that time na bigyan pa noiiya ako ng konting panahon na sobrang ikinagalit niya.pag hindi daw ako umuwi agad ay ipagpapalit niya daw ako.at sinabi ko sa kanya na gawin niya ang gusto niya na ginawa nga niya at nagpapasa pa siya sa aking stolen picture ng sappie na yun.pero nung tinawagan niya akong muli ay naayos naman namin ang lahat at pinagpatuloy na lang niya ang kung anong meron daw sila ni sappie dahil nakakatulong ito sa kanya lalo na sa mga gawaing bahay, nangako naman siya sa akin na hindi niya kailanman gagalawin si sappie dahil ako parin ang hanap niya.

out of curiosity ay inistalk ko ang mga posibleng account ng sappie na yun sa kahit saang online platform at nagawa ko naman mahanap ang instagram account nito.masasabi kong maganda ito kahit sa mga post nito ay kadalasang ang bold ng kuha.walang make up simpleng kasuotan pero masasabi kung outstanding ang beauty ng ate niyo.kahit isa ay wala man lang itong post na kasama ang pinaniniwalaan niyang boyfriend.nakakaawa naman.ginagamit lang siya.

nakausap ko nung nakaraan si xera kapatid ni xeno at nasabi ko na rin sa kanya na uuwi ako.may mga bago na naman akong collection at gusto kong sa pinas ilaunch ito.nagpadala na rin ako ng mga sample nito sa kanila.

kasalukuyan

naghihintay na ako dito sa labas ng airport dahil ang sabi ni xheno ay susunsuin daw niya ako.di rin naman gaanu nagtagal ang paghihintay ko nag makita ko itong kumakaway papunta sa kinaroroonan ko.

“sorry medyo natraffic lang ng konti.“wika nito agad.humalik naman ako sa pisngi niya at niyakap ko siya.

“i miss you.“tanging naturan ko.

“i miss you more.“sagot niya at gumanti ng yakap.naramdaman ko pang humalik siya sa ulo ko.“tara na ng makapagpahinga ka na at alam kong pagod ka.“kinuha nito ang maleta ko at nagtungo na kami sa kung saan man niya pinark ang sasakyan niya.

nakarating kami sa hotel kung saan ako mag stay for awhile.hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong parang may nakatingin sa amin ng makababa ako ng sasakyan.luminga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa isang sasakyan na kapark sa kabilang kalsada tapat ng hotel na ito.

“something wrong”tanong ni xheno ng makalapit ito sa akin hila-hila ang dalawang maleta ko.

“ah wala.tara na.“pag aaya ako sa kanya.

xheno’s pov;

masaya ako na nandito ng muli sa piling ko si leo.pero bat ganun ramdam ko ang guilt sa ginagawa ko para kay sappie.bakit ngayon ko pa naramdaman ito kung kelan naman bumalik ang taong mahal ko.siguro ay kahit papano ay napalapit na rin ako sa kanya.at aaminin ko na may mga pagkakataon na naakit din ako kay sappie,hindi naman mapagkakaila na maganda talaga si sappie.malas lang niya at may ibang nagmamay ari ng puso ko.actually nung time na nagkakilala kami ay wala naman akong balak na ligawan siya.nagkataon lang talaga na naghahanap ako ng makakausap at makasasama ng mga oras na yun.at nawalan rin ako ng trabaho dahil sa kapabayaan ko,pero noong mga panahon na yun ay parang naging magaan lahat sa akin simula ng dumating siya sa buhay ko.tinawagan ako ng isang malaking kumpanya upang manager,hanggang sa mapromote ulit akong general manager.nag iisip na rin akong magtayo ng sarili kong kumapanya para na rin sa kinabukasan namin ni leo.kailangan ko na lang ngayon ng magandang pagkakataon upang makipaghiwalay kay sappie, masama na kung masama pero kailangan kong gawin yun upang di tuluyang mabaliw sa pangungulila,nung tanungin ako noon ni sappie kung seryoso ba ako sa kanya ay sinagot ko ng oo dahil nais ko lang naman magloko upang panandaliang makalimot dahil sa naging away namin noon ni leo.

                 pero nung isang araw na tawagan niya ako upang makipagkita sa kanya ay nagulat ako ng may dala itong maleta. nang tanungin ko kung bakit may dala siyang maleta ang tanging sagot lang niya ay sasama na raw siya sa akin dahil kung hindi ay ilalayo daw siya ng daddy niya.wala na rin ako sa katinuan at ayoko namang isipin niya na masama akong tao lalo na at tinalikuran niya ang pamilya niya para sa sakin.

“babe.“pagtawag sa akin ni leo.

“hmmmm.“sagot ko at naputol ang pagbabalik tanaw.

“dito ka ba matutulog”tanong nito.di ako agad nakasagot.paano kung maghintay si sappie,takot pa namang mag isa yun..hay bakit ko pa ba iniisip yun.“sige na babe dito ka na matulog namiss kita eh.“paglalambing nito sa akin saka naupo sa kandungan ko.di ko man lang namalayan nakapagpalit na pala ito ng manipis na pantulog.

“ofcourse.“tanging nasagot ko bago ko siya siilin ng halik.halik na may pananabik halik na mapaghanap.

binuhat ko siya papunta sa malambot na kama.sabik na sabik ako sa kanya.agad kong hinubad ang aking kasuotan at dumagan sa kanya.muli ay inangkin ko ang kanyang mga labi at marahas na pinunit ang suot nito hanggang sa wala ng matirang saplot sa katawan niya.

sappie’s po;

nagising ako kinabukasan at agad nagtungo sa banyo upang maghilamos ng mukha. mahimbing pa rin ang tulog ni meilin kaya dahan-dahan lang din ako sa mga kilos ko upang di siya magising alam kong napuyat siya dahil sa lakad namin kagabi.

mugto ang mga mata kong humarap sa salamin.mukha akong nakakaawa sa itsura ko ngayon.muli na namang nagbalik sa utak ko ang nasaksihan namin kagabi.tumulo ang luha ko kaya mabilis kong binasa ang mukha ko tubig,hindi pweding ganito ang itsura ko pag nagkita kami mamaya ni xheno.

paglabas ko banyo ay tulog parin si mei kaya lumabas na rin ako ng silid niya tutal ay alas syete naman na ng umaga.naabutan ko ang parents ni meilin sa dining table habang nag aalmusal.nakita ako ni tita kaya agad ako nitong tinawag upang dumalo sa hapag.

“goodmorning po tito,tita.“magalang kong bati saka naupo sa isang upuan.

“sapphire,okay ka lang ba talaga? sa ganyang itsura mo ngayon at makita ka ng daddy  mo naku baka matagpuan na lang yang lalaking yan na palutang-lutang sa pasig river.” wika ni patungkol kay xheno.

“yun na nga po tita,hindi pweding malaman ng parents ko ito.“sagot ko

“wag kang mag-alala dahil di kami makiki-alam sa anu mang desisyon mo.wag lang dumating sa puntong pisikal na ang pananakit na gagawin niya sayo dahil baka ako na mismo ang makapatay sa gagong yun.“napabaling naman ako kay tito sa sinabi niyang yun.

“naku kung ako naman ang tatanungin pisikal o  emosyunal dapat talagang managot ang gagong yun, pa.“singit bigla ng kakagising lang na si meilin.“manang patimpla naman kami ng kape ni sappie, salamat.“utos ni sa yaya nila na nag abot sa akin kanina ng plato.

“goodmorning.“pasarkastikong turan ni tita sa anak niya.

“goodmorning ma,pa.“bati na lang nito sa magulang niya saka  naupo malapit sa akin.

natapos ang almusal namin na puro na lang tungkol sa kung paanu at anu na ang gagawin ko  at balak ko.

“aalis na po ako tita,tito,mei.“paalam ko ng maihatid nila ako sa labas.nagpatawag na lang ako ng taxi upang di ko na maabala si meilin sa paghahatid sa akin.sumakay na ako sa taxi pero bago ko man maisara ang pinto ay inawat ako ni meilin.

“dito ka na lang kaya sap habang di ka pa handang bumalik sa bahay ng parents mo.“nag-aalalang turan nito.

“anu ka ba naman mei,wag ka na masyadong mag-alala,kaya ko naman ang sarili ko.saka nangako naman ako sayo na tatawagan agad kita anu man ang mangyari.“sagot ko.ngumuso ito na parang bata. “kailangan kong gawin to mei, kailangan namin mag-usap at kung talagang nais niyang ipagpatuloy ang kung meron kami ay mapapatawad ko siya sa kasinungalingan na nagawa niya.pero kung ipagpapatuloy niya ang pagsisinungaling sa akin ay ako na mismo ang puputol sa anu mang ugnayan namin.“turan ko.

“ipangako mo sa akin na magiging matatag ka gaya ng dati.tutulungan kitang rumesbak sa tandaan mo yan.nangangati palad ko sa hayup na leo na yan.“napangiti ako rito dahil sa sinabi niya.tuluyan na akong sumakay sa taxi at sinabi sa driver location na pupuntahan ko.

habang nasa byahe ay napapaisiip ako.paano ko kaya siya haharapin ng di niya nahahalata ang nalaman ko at ang nararamdaman ko.galit ako pero bakit di ko magawang sugurin sila kaninang madaling araw upang deretsahin sila.gusto ko silang saktan pero natatakot ako na pag ginawa ko yun ay mas lalong tuluyan na akong iwan ni xheno.iniisip ko kasi na baka magkaibigan na lang naman sila at tanging si xheno lang ang pweding sumundo sa kanya.pero di kasi maitago ang katotohanan na inilihim niya sa akin ang mga ito.pero kung totoo mang may relasyon parin sila bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin?pwede naman niya kong deretsyahin upang malaya silang gawin to.pero bakit di niya ginawa,dahil ba mahal niya talaga ako kaya ayaw niyang malaman ko na siya ang sumundo kay leo na ikakagalit ko o baka naman natutuwa lang siya na lokohn ako.?

“hay sappie…ibalik mo na si sapphire.“bulong ko na kastigo sa sarili.

manuel

sappie’s pov;

nakalocked parin ang maindoor ng dumating ako kaya kinuha ko ang susi sa lagayan namin na paso.pagbukas ko ay tahimik ang buong bahay.hindi ba siya umuwi?

“xheno!” tawag ko sakali man na andito siya ngunit walang sagot,10 am na at maagang nagigising yun,pumasok na kaya siya?

nagtungo ako sa kusina upang muling magtimpla ng kape,naiistress kasi ako kakaisip kaya kape ulit.matapos kung magtimpla ay inilapag ko ang tasa ng kape sa center table ng sala at nagtungo sa kwarto namin ni xheno.

maayus ang kama at ni walang gusot.ibig sabihin ay hindi siya umuwi.isipin ko pa lang na doon siya natulog ay sumisikip na ang dibdib ko.“kaya mo to.gusto ko lang makasiguro kung minahal ba talaga niya ako,pero kung hindi kahit konti mula sa umpisa ay magbabayad sila.“wika kong pabulong.

bumaba na lang akong muli sa sala at ininom ang kape.malapit ko ng maubos ang kape ng nagbukas ang pinto at pumasok si xheno.nagulat siya ng bahagya ng makita ako.

“goodmorning.“bati niya sa akin at naglakad na patungong kwarto.

“bat ngayon ka lang,wag mong sabihin sa akin na inabot ng ganitong oras ang overtime mo sa opisina.“pagsita ko sa kanya kaya muli siyang humarap sa akin.

“sorry kung ngayon lang ako nakauwi.nagyaya kasi ng inuman si carlo pag out ko ng trabaho kaya nag okay ako,bihira lang naman magyaya si carlo kaya pinagbigyan ko na.“muling parang tinusok ang puso ko sa pagsisinungaling niya.

“ah ok masarap siguro ang inuman kaya naparami ka at doon na natulog sa bahay ni carlo.sige tatawagan ko na lang siya mamaya upang magpasalamat sa pag aasikaso sayo ng malasing ka.“turan ko na ikinabalisa niya.akmang kukunin ko ang cellphone ko ng mabilis siyang lumapit sa akin at agawin ang phone ko.

“sappie wag na dahil tulog pa yun ng umalis ako sa bahay niya,baka maistorbo lang nakakahiya naman.“sabi niya at inilapag muli ang phone ko.“sige na magkape ka na diyan at matutulog ako ng kaunti at masakit ang ulo ko dahil sa alak.“mabilis siyang umakyat pero sumunod lang ako.naubutan ko siyang nagtatanggal ng suot niyang puting poloshirt kaya kahit may tampo ay nilapitan ko siya at tinulungang magtanggal ng butones ng mapansin ko na may kulay mapusyaw na pula ang nakamantsa sa malapit sa shoulder ng damit niya lipstick yun di ako pweding magkamali.

ng mahubad niya ito ay naamoy ko rin ang pabangong alam kong hindi kay xheno dahil pambabae ito.inilapit ko sa ilong ko ng makasigurado.at di nga ako nagkakamali.so ibig sabihin ay may nangyari nga sa kanila.lalo lang parang sinakal ang puso ko.

“may problema ba?“tanong nito na nakatapis na lang ng twalya sa bewang.napatingin ako sa dibdib niya partikular sa dalawang pahabang galos doon na parang kinalmot at ang namumulang kagat malapit sa gasgas na yun.tumalikod ako dahil di ko na naipigilan ang kumawalang luha sa mata ko.

“wala,sige na maligo ka na at ng makapagpahinga ka.“tanging nasabi ko.naramdaman kong tumalima na ito paputang banyo.inilapag ko ang shirt niya sa kama at nakaharap ang parting may lipstick na sinadya ko upang makita niya.

lumabas ako ng bahay,nais kong maglakad-lakad.

ng medyo makalayo ako sa bahay ay may nakita akong mayabong na puno ng mangga at may pahabang upuan sa lilim nito.tinungo ko yun saka naupo at doon ko inilabas lahat ng luha na kaya kung ilabas sa mga oras na ito.ang sakit lang isipin.di ko alam ang gagawin ko.

“gamitin mo to.“nagulat ako sa malalim na boses na nagsalita na yun.di ako tumungin dahil nahihiya akong may nakakita pala sa akin habang umiiyak.nakakahiya.nakayuko lang ako dahil ayokong tignan ang sino mang taong nasa harapan ko ngayon dahil ayokong makita ang awa sa mga mata nito kung sakali man na matitigan niya ang mukha kong puno ng luha.“take it.“medyo may pagtataas na sa boses nito kaya medyo nairita na rin ako at lakas loob na tumingin sa inaabot nito.

kulay asul na panyo ang hawak nito na inaabot niya sa akin.tumingin ako sa mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

“ikaw!“naibulalas ko ng makita ko ito.siya yung lalaking tumawag sa akin ng pokpok sa may tindahan nung minsang bumili ako ng softdrinks.iniwas ko ang tingin ko dahil biglang nagbalik ang inis ko rito.“i dont need that.“hindi siya kumibo kaya tinignan ko siyang muli nakatingin lang ito na blanko ang ekspresyon ng mukha.

di ko inaasahan ng hawakan ako nito sa mukha at punasan ang luha ko gamit ang panyong hawak niya.

“ang arte mo,feeling totoong babae kung umarte.“bulong nito habang patuloy sa pagpupunas ng mukha ko.

manuel’s pov;

kakatapos ko lang magjogging at heto’t naglalakad na ako pabalik ng mahagip ng paningin ko yung baklang sumampal sa akin dati sa may tindahan.biglang nagka ideya ako na muli itong asarin.well alam kong bakla ito or ewan ano ba tawag nila sa ganyan,yung mukhang babae pero hindi naman babae basta yun na yun madalas kasi pag usapan ito ng mga tsismosa na naririnig ko lang naman tuwing natambay ako sa tinadahan ni ate silvia.

nakita ko itong naupo doon sa ilalim ng punong mangga kaya dahan dahan lang akong lumalapit dito.napansin kong tinakip nito ang kamay sa mukha,teka umiiyak ba siya?dinala ako ng mga paa ko sa harapan niya at doon ay nakita kong sobra ang pag iyak nito na parang labis ang kinikimkim na sakit na ngayon lang inilabas.

“gamitin mo to.” wala sa loob na turan ko sabay abot ng panyong dala ko.di ito umimik at nanatiling nakayuko.“take it.“medyo napalakas ng turan ko kaya napatingala ito sa akin.

“ikaw!“napatigtig ako sa mukha niya,maganda siya walang duda pero mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak kaya medyo nakaramdam ako ng awa.iniwas nito ang tingin.“I dont need that.“turan pa nito.kusang kumilos ang kamay ko at hinawakan siya sa chin at inangat ang mukha upang punasan ang luha niya.napatulala naman siya at bahagyang bumuka ang bibig niya.napatitig ako doon parang ang sarap halikan.napabalik ako sa katinuan ng mapagtanto ang iniisip ko.kaya  inasar ko siya upang mawala yung nakakahiyang iniisip ko kanina.

“ang arte mo,feeling totoong babae kung umarte.”

xheno’s pov;

bahagya akong nagulat ng madatnan ko si sappie sa sala at nagkakape.binati ko siya saka naglakad na patungo sana ng silid namin ng magtanong ito bigla kung bakit inumaga na ako ng uwi.nagsinungaling na naman ako sa kanya na nakipag inuman ako sa isa sa mga katrabaho ko at sa tingin ko ay naniwala naman siya umakyat na ako sa silid namin at nag nagtatanggal na ako ng damit ng lumapit ito sa akin at tulungan ako sa pag tanggal ng suot kong polo shirt.medyo napahinto ito ng bahagya at nakita ko pang medyo inilapit niya ang shirt na hinubad ko sa mukha niya.anu ba ang ginagawa niya?nakatapis ;ang ng twalya nais ko sanang maghalf bath muna bago matulog.pagod ako at halos di ko na alam kung ilang beses may nangyari sa amin ni leo kaninang madaling araw.

natulala na naman siya ng tumingin sa akin,pero nagbawi rin siya ng tingin ewan pero parang namamasa ang mata niya.tumalima na ako upang maligo at naramdaman ko naman na lumabas na siya ng silid.

ng matapat ako sa shower na may maligamgam na tubig ay medyo kumalma ang pagod kong katawan,inabot ko ang sabon nat napaigtad ako ng kaunti ng makaramdam ako ng hapdi sa bandang dibdib ko.n naalala ko lang parang dito nakatingin kanina si sappie ng matulala siyang nakatingin sa akin. nacurious ako kaya humarap ako sa full body size mirror namin dito sa banyo.doon ay nakita ko ang dalawang mahabang kalmot sa dibdib ko at may lovebite pa ito na katabi.

“shit.“tanging naibulalas ko.hindi na napansin ito kanina.how am I going to explain this to sappie?“what if i tell him na nambabae kami?“pagkausap ko sa sarili.hay mas okay na yung malaman niyang nambabae ako kesa naman malaman niyang si leo ang may gawa nito.tinapos ko na agad ang pagliligo,nagtuyo ako ng katawan at nagtapis muli ng twalya.

nagbihis ako ng pambahay na damit inilapag ko ang twalya sa kama ng mapansin  ko ang shirt kung kulay puti na may bakas naman ng lipstick ni leo.napasapo ako ng ulo.“katangahan naman o.“turan ko muli sa sarili.naamoy ko pa ang pabango ni leo sa damit na to.

inihagis ko na iyon sa laundry basket at lumabas ng silid.hinanap ko si saapie pero wala ito.siguro ay lumabas siya upang maglabas ng sama ng loob.actually balak ko na rin siyang kausapin tungkol dito at gusto ko ng tapusin ang lahat ng kung anong meron sa amin.

di sinasadya na napaharap ako sa bintana kung saan makikita rito ang labas ng gate at nakita kong nakatayo patalikod dito si sappie at may kausap na lalaki.hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko.kita ko pang nakipagshakehands siya dito at may inabot na kung anu na kulay asul na bagay sa lalaki.di ko kilala ang lalaking ito.

ang kaninang iniisip ko na pakikipaghiwalay ay parang napalitan ng galit na parang ayoko muna siyang pakawalan.hayyyy…di ko na nakontrol ang sarili ko at mabilis akong lumabas ng ng bahay at pinuntahan ang mga ito.

“pumasok ka sa loob ng bahay.magtatanghaling tapat nakikipaglandian ka sa tapat ng bahay.marami pa naman nakakakita na kapit bahay,bigyan mo naman ako ng kahihiyan.“inis na turan ko na ikinalingon nilang dalawa sa akin.di ko talaga kilala ang lalaking to ngayon ko pa lang siya nakita.

“ah bro,sorry pero hindi naman kami naglalandian.may konti lang namang nakwento itong si sappie.saka magkaibigan naman kami so wala akong nakikitang mali doon.“gagong sagot ng lalaking to.

“aha ganun ba,eh kung bangasan ko kaya yang mukha mo.“lalapit sana ako ng hawakan ni asppi ang braso ko upang umawat.

“teka lang xheno,nagmamagandang loob lang naman tong si manuel sa paghatid sa akin dito.“turan sappie habang inaawat ako.

“paghatid?bakit baguhan ka ba rito para hindi mo malaman ang daan pauwi ng bahay?“inis na pagharap ko rito.

“xheno teka lang kumalma ka nga,may mga nakatingin ng kapit bahay nakakahiya.“sabi pa nito habang umiikot ang tingin sa mga taong nakatingin sa amin.

“buti at marunong ka pang mahiya,halika!“mahigpit ko siya hinawakan sa braso at hinila papasok ng bahay.

“aray! sandali xheno bitawan mo ako at nasasaktan na ako,ang higpit ng hawak mo.“pakiusap nito sa akin.

“teka lang pre dahan dahan naman.“saway ng gagong lalaki sa amin.

“wag kang maki-alam dito kung aywa mong madamay.“baling ko rito.

“ah manuel sige na umuwi ka na,salamat ulit sa paghahatid.“paalam pa ni sappie sa gago kaya mas lalo akong naiinis at mabilis na hakbang ang ginawa ko habang hila-hila ko si sappie papasok ng bahay.

marahas ko siyang itinulak sa sofa at isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha niya.

medyo natulala ako sa ginawa ko dahil nabalot na ako ng galit.hindi ko alam  kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

“sa susunod na makipagkita ka pa sa lalaking yun o kahit na sino mang lalaki ay hindi lang yan ang aabutin mo sa akin.“pagbabanta ko sa kanya bago ko siya talikuran at nagtungio na ako sa aming silid.

piano

sappie’ pov;

hanggang ngayon ay di pa rin mawala as isip ko ang nangyari nitong nakaraang araw.parang ang oa lang lang pero hanggang ngayon ay ramdam ko parin sa mukha ko ang palad ni xheno nung sinampal niya ako.

unang beses simula ng naging kami na pagbuhatan niya ako ng kamay.nasasaktan ako na isiping kaya niya akong saktan ng pisikal,but at the same time ay para akong tanga na kinikilig dahil pakiramdam ko ay nagselos siya dahil nakikipag usap ako sa ibang lalaki.yun ay kung nagseselos ba talaga siya or natamaan ko lang ang ego niya bilang isang lalaki.

kasalukuyan akong asa mall.suot ko ay isang skinny tattered black jeans at white off shoulder shirt.gamit ko ang saddlebag ng isang kilalang brand na regalo pa sa akin ni mommy noong minsang magpunta kami ng hongkong for my birthday.

wala akong magawa sa bahay dahil tapos ko  naman na ang mga gawain ko.di ko na rin ginambala pa si meilin dahil alam kong asa opisina pa yun sa sarili nilang kumpanya.

habang nagiikot ako ay may nakita akong isang magandang dress na kulay rosas sa isang mamahaling boutique.kusang humakbang ang aking mga paa papasok sa shop at nilapitan ko ang naturang dress na nakita ko ng biglang may nagsalita sa likod ang isang babae.

“miss sapphire ikaw po ba yan?“tanong nito.

“ah yes and you are?“sagot at tanong ko pabalik.

“ah sorry po,i am liezel,maybe you can’t remember me anymore since matagal na po yata yung huling punta niyo dito.staff po ako dito maam,at ako po ang kadalasang nag aasist sa inyo ng mommy niyo tuwing narito po kayo.“magalang na sagot nito.oo nga matagal na rin yata yung huling punta ko rito simula noong umalis ako ng bahay at tumira kasama ni xheno.nakontento na ako na asa bahay lang at upang ayusin lahat gn mga kailangan ng boyfriend ko.

“ah ganun ba,ah naging busy na rin kasi lately.“sagot ko.

“napansin ko po miss na nakatingin kayo dito,latest collection po namin ito.“turan nito patungkol sa dress na asa harapan namin.

“ah oo,nagagandahan nga ako.maganda kasi ang detalye at cut nito kaya kahit na sino ay mapapansin ito.“sagot ko.

“maganda lang po talaga ang taste niyo miss sa mga ganitong bagay.gusto niyo po ba ito miss?gusto po ninyong isukat?“tanong pa nito.tinanong nito ang sukat ko bago ito tumalima upang kumuha ng size na sinabi ko.“here miss,this way po ang changeroom.“pumasok ako sa fitting room at isinukat ko na ang dress.pinusod ko ng paitaas ang buhok kong may kahabaan na rin upang makita ko ang fit nito mula sa likuran ng maayus.lumabas ang ng fitting room at nakaabang naman sa akin si liezel. “hala ang ganda niyo po miss sapphire,bagay na bagay pom sa inyo pati ang kulay mas lalo pong lumabas ang ganda ng kulay ng inyong balat.“wika nito na halata sa mata ang pagkamangha.

“salamat.“tinitigan ko ang aking reflection sa salamin at masasabi kong bagay nga sa akin ito,hindi siya magarbo napakasimple lang nito kung tutuuusin pero napaka eligante kung titignan.yung tipong hindi siya basta basta pwede isuot ng lahat,may built ng katawan na babagayan.“sigo kukunin ko na.“wika ko at bumalik sa loob upang hubarin ito.

asa counter na ako at inaayus na ni liezel ang binili ko.

“cash or card po maam?“tanong nito habang usy pagtipa sa monitor sa harap niya.

“card.“sagot ko.at iniabot ko ang isang vip card ko dito.

“okay miss,bale 21***k po.“turan nito at inabot nito ang card ko saka nagswipe sa machine.“ahm miss sapphire sorry po pero decline po itong card niyo,may iba pa po ba kayong card?tanong nito na ikinagulat ko.hindi kaya nakafreeze ang card ko na galing kay daddy.hayyy nakakahiya.

“ah ganun ba,saglit yung ibang card ko na lang.“sagot ko at hinanap ko sa loob ng bag ko ang cardholder ko ng may magsalita mula sa likuran ko.

manuel’s pov;

“here use my card.“inabot ko ang card ko staff at kita ko namang nabigla si sappie sa akin.

kanina ko pa siya pinapanood simula ng di sinasadyang makita ko siya na pumasok sa shop na ito.bumagay sa kanya ang damit kanina at aaminin ko saglit akong natulala ng lumabas siya sa fiiting room suot ang damit na napili niya.wala siyang masyadong make up pero kahit ganun ay di nabawasan ang gandang taglay niya.hindi ko alam kong may pinagawa siya sa mukha niya pero kung titigan mong mabuti ay wala kang mapapansin na dumaan sa retoke ang kahit na saang parte ng mukha niya.natural na mamula-mula ang pisngi niya ang hugis puso at mapupula niyang labi,ang bilugan niyang mga mata na parang laging nangungusap na binagayan ng mahahaba nitong mga pilik-mata.

“manuel.“naibulalas lang niya habang nakatitig sa akin ng may pagtataka.

“miss use my card.“utos ko sa staff na nakatulala sa akin.

“okay po mr. jacob.“sagot ng staff

“mr. jacob?“nagtataka naman na wika ni sappie na humarap sa staff.

“ah kasi kakilala ko ang may-ari ng shop na ito at madalas ako rito kaya siguro kilala ako ni ate.“singit ko at kindatan ang babae.at mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.

“ah opo,kaibigan siya ni boss.“turan nito ng babae.

“ah ganun ba hindi ko alam na nakikipagkaibagan din pala si mr. harold sa mas bata sa kanya.“wika nito patungkol sa may-ari ng shop na ito.ako naman ang nagtaka ngayon kung bakut ang isang tulad niya ay kilala ang may ari nito na kung banggitin niya ang pangalan ni harold ay aakalin mong kakilala niya ito ng personal.tumingin ito sa akin ng maramdaman siguro nitong nakatingin lang ako sa kanya.“ah kasi di ba kilalang signature ng damit ang shop na ito kaya kahit na sino eh aalamin kong sino ang may ari.siguro ay napakayaman na ng may ari nito na si mr. harold kasi pati mga kilalang personalidad ay bumibili dito.“wika nito.

“pero miss di ba personal naman po ninyong.“singit ng staff pero muling nagsalita si sappie ng di pinapatapos ang sasabihin sana nito.

“ah ito yung card ko ito na lang ang gamitin mo.“inabot nito nito ang card pero hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng card niya upang wag niyang ituloy ang pag abot sa babae ng card niya.

“just this once,bayad ko at paghingi ko ng sorry sa ginawa kong gulo noong nakaraan.“patungkol ko sa nangyaring pagpipilit kong ihatid siya noong nakaraan na naging dahilan pa yata ng away nilang magkasintahan.

“anu ka ba wala yun,sadyang ganun lang talaga si xheno.wala kang kasalanan.saka ako pa nga dapat ang humingi ng sorry sayo kasi nakita mo pa ang ganun sa amin ni xheno.“ang cute niya tuwing mas lalong namumula tuwing nahihiya.

“please.“pag insist ko.

“ah okay.“pagbigay nito sa kakulitan ko at ibinalik ang card na hawak niya sa card holder niya.

nagswipe ang babae at ng okay na ang payment ay ibinalik nito ang card ko sa akin.ganun din ang ginawa nito sa card na inabot kanina sa kanya ni sappie.napatingin naman ako sa kulay gintong card ng kunot ang noo.

bago pa man niya mahawakan ang ard na iniaabot sa kanya ay inunahan ko na siya.tinitigan kong mabuti ang card.

“paanu ka nagkaroon ng card vip bank card na ganito?tanging ang mga matataas lang sa business industry ang may access sa ganitong card.“tanong ko at tumingin sa kanya.

“ah eh,kay xheno ito.pinagamit niya sa akin nung sinabi kong pupunta ako rito upang bumili ng something na makita ko.“utal na sagot niya.nagtataka man at hindi kumbinsido sa sagot niya ay pinagsawalang bahala ko na lang dahil kita ko sa kanyang hindi siya kumportable sa usapan.

“ah okay.so lets go?“turan ko.

“huh.“napakunot noo siya sa tinuran ko.

“may pupuntahan ka pa ba bukod dito?“tanong ko.

“well,siguro ay uuwi na rin ako.nakakaboring din kasi mag ikot ng mag isa.“sagot niya

“then let me accompany you.“pag boluntaryo ko.

“ah hindi okay lang ako.uuwi na lang ako.“mabilis na sagot niya.

“dont tell me hanggang dito sa loob ng mall ay mata ang jowa mo.saka wala naman tayong ginagawang masama,we are friends now right?“pagpupumilit ko.kita kong hindi pa rin siya papayag pero sinubukan kong kumbinsihin pa siya dahil masaya akong kasama siya. she is an intelligent person base on how she communicate with me.masasabi mong may mataas na pinag aralan kung paano siya kumilos at magsalita,masarap siya kausap kaya nakuha kaagad nito ang respeto ko.

naalala ko tuloy noong unang encounter namin a harapan ng tindahan.well naging judgemental ako aaminin ko,di niyo naman ako masisi noong una ko siya nakita,nakasuot ng napaka iksing short na pantulog tapos bakat pa ang dibdib nito sa suot nitong damit,magulo ang pagkakapusod ng buhok niya that time so napagkamalan ko siyang malandi at unang beses kong masampal at yun ay galing sa kanya.napangiti akong bahagya dahil sa ala-alang yun.

“ah sige kong hindi naman nakaka-storbo sayo.“pagsang ayun nito na mas ikinangiti ko ng maluwag.“thank you liezel.“paalam niya sa staff bago kami lumabas ng boutique.

“saan mo gustong pumunta?“tanong ko rito.nag isip muna ito bago maglakad.nasunod lang naman ako sa kanya.

hanggang sa huminto kami sa harap ng isang musical instrument shop.

“do you know how to play any musical instrument?“tanong ko sa kaniya.sasagot na sana siya ng magring bigla ang telepono ko.tinignan ko ito at si dad pala.

“its okay you sagutin mo na muna baka importante.“turan niya tumalikod sa ako saglit saka sinagot ang tawag ni dad.may may mga binilin lang naman ito patungkol sa proposal na ipinapatrabaho niya sa akin.habang kausap ko si dad sa telepono ay nakatingin ako kay sappie na ngayon ay may kausap na lalaki na base sa uniform na suot nito ay nagtarabaho ito sa shop ng mga musical instrument kug san huminto si sappie.inalalayan ng binata si sappie at may pahawak pa ito sa likuran ni sappie upang igiya nito papasok ng shop si sappie

“ok dad,for now i need to go i will come to you once i’m done here.“paalam ko bago tuluyang putulin ang linya.nagtungo sa loob ng shop at hinanap ko si sappie.nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng isang kulay puting piano.lumayo sa kanya bahagya ang binata na kausap niya kanina at doon ay umalingawngaw ang tunog ng piano.napakaganda ng bawat nota ng tinutugtog niya,di ko man kabisado ang kanta pero labis akong nadadala.masarap siya sa tenga pakinggan pero naroon ang lungkot ng pangungulila.

unti-unti akong lumapit sa kinaroonan nniya at doon ko lang napansin na may mga tao na palang tahimik na nakikinig sa kanyang pagtugtog.karamihan sa kanila ay staff ng naturang shop habang iba naman ay mga customer na marahil ay namimili sa mga oras na ito ngunit napahinto sila lahat at heto’t nalilibang sa pakikinig.

huminto ako sa harapan ng piano at doon ay nakita ko si sappie habang ang mga daliri ay propesyunal na tumitipa sa keys ng piano,napadako ako sa kanyang mukha,nakapikit siya habang tumutugtog ngunit isa lang ang umagaw ng pansin ko ng tuluyan,yun ay kanyang mga luha na malayang naglalandas sa kanyang makinis na pisngi.bakit siya umiiyak?

surprise!

sappie’s pov;

habang tinutugtog ko ang isang kanta sa piano ay biglang nag pop-up sa aking alaala ang oras kung saan nakita namin ni meilin si xheno na masaya habang nakikipag usap kay leo,yun yung time na sinundo at hinatid ni xheno si leo sa hotel kung saan ito mag stay.

naramdaman ko ang malayang paglandas ng luha sa aking pisngi pero hinayaan ko lang ito.nais kong ilabas ang sakit na nadarama ko.

nang matapos ako sa pagtugtog ay biglang nagpalakpakan kaya awtomatikong umikot ang paningin ko sa paligid at makita ang mga taong nakapaligid sa akin pero nahinto ako kay manuel na nakakunot ang noo at titig na titig sa akin kaya mabilis kong pinalis ang luha sa aking  mukha. 

nahihiya akong yumuko at naglakad palabas ng shop na yun.

“hey! sappie saglit.“tawag pa nito sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paghawak nito sa siko ko at inikot ako nito paharap sa kanya.

“sorry.“tanging nasabi ko ng di tumitingin sa kanya.

“para saan.?“tanong naman nito na ngayon ay nakahawak na sa aking balikat.

“ah wala.“sagot ko bago inalis ang pagkakahawak nito sa akin.parang hindi kasi maganda kung sakali mang may makakita sa akin na lalo na kung kakilala nila ako.

“napakaganda ng musika na tinugtog mo. I know na hindi ka kumportable na pag-usapan ang anumang dahilan ng pagluha mo so hindi na ako magtatanong about that.pero ang galing mo.“napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

“my mom taught me how to play the piano hanggang sa namamalayan ko na lang na ipagpatuloy ang pag-aaral sa pagtugtog nito,bukod kasi sa napamahal na ako sa pagtugtog nito ay paborito ito ng mom and dad ko so ayun.“mahabang paliwanang ko sa papuri nito sa pagtugtog ko ng piano.

magsasalita sana siya muli ng biglang magring ang phone ko.it was dad.kaya agad ko na rin sinagot baka importante.

“yes dad napatawag ka?“tanong ko

“wala man lang hello dad?how are u?“pamimilosopo nito sa akin.

“dad come on tell me na kung bakit napatawag ka.“turan ko muli.

“hahahahaha,kaihit kailan talaga manang-mana ka sa mommy mo napakaiksi ng pasensiya.“sagot nito.“well I just wanna ask you kung ikaw ba ang may pakana ng pag alok sa akin ng tinatawag mong lover ng partnership sa kumpanyang tinatayo nito.?“medyo napakunot ang noo ko doon dahil wala namang nababanggit sa akin si xheno tungkol sa pagtatayo ng sarili nitong kumpanya.

“ahm,yes dad.napag usapan kasi namin na maybe its time for us to grow and buiild our own company para na rin sa future.you know.“pagsisinungaling ko.

“sige pag iisipan ko.“sagot ni daddy.

“dad…!“pagmamaktol ko sa tinuran nito.“marami pa naman siyang kailangan ayusin anak kaya wag kang atat.besides mamaya na ang event niyo ng tuluyang pagpapakilala ng kumpanyang itatayo niyo.so I guess marami kayong naimbitahang potential investors am I right”mas lalong nangunot ang noo ko sa nalaman.bakit wala akong alam sa mga ito.bakit sinasarili niya lahat ng ito?

“ah yes dad.“maiksing sagot ko.

“ok so magkikita tayo mamaya doon,me and your mom will be there.“what should I do now?“sige na at may gagawin pa ako.call your mom sweetie.“paalam ni dad bago pinutol ang linya ng telepono.

“something wrong?“tanong sa akin ni manuel na kasama ko pa pala.

“ah nothing. ahm thank you for your time manuel,pero kasi kailangan ko ng umalis.“paalam ko rito.

“teka ihahatid na kita.“turan naman nito.

“naku wag na baka makita na naman tayo ni xheno mahirap na.“pagtanggi ko. bago tuluyang maglakad palayo rito.

habang pauwi ay ilang beses ko ng tinatawagan si xheno pero di nito sinasagot ang tawag.naiinis na ako sa inaasal niya,nagbalik lang ang ex niya ay nagagawa na nitong balewalain ang presinsiya ko.

pagbukas ko ng pinto ay wala pa rin siya.naglakad ako patungo sa silid at ng makapasok ay naamoy ko ang hindi pamilyar na amoy ng pabango sa loob ng kwarto namin.nag iba ba siya ng pabango?wala sa sariling tanong ko sa hangin.inilapag ko sa kama ang binili ko at muli ko na sana siyang tatawagan ng may makita akong maliit na envelope na  nakapatong sa unan.

kinuha ko ito at kinakabahang binuksan.imbitasyon ito sa magaganap na event mamaya.napangiti ako sa isiping isosorpresa niya pala ako nagkataon lang na malaman ko lahat ng dahil kay daddy.si daddy talaga panira.kastigo ko pa sa sarili.

buti na na lang ay bumili pala ako ng ang dress,yun na lang ang susuotin ko mamaya.

leo’s pov;

sinundo ako ni xheno dito sa hotel na inuukupahan ko pagkatapos niyang ayusin ang mga kailangan ayusin para sa event ng itatayong kumpanya niya mamaya,well marami na rin naman akong kilalang mga pweding maging investor upang maging matagumpay ang itatayong kumpanya ni xheno.ngayon ay tinawagan ko siya upang sunduin ako upang isama sa bahay na tinitirahan nila ng hinayupak na sappie na yan.

siya rin naman ang nagsabi na kung sakaling naroon si bakla ay wala na kaming magagawa kung hindi ang ilabas ang totoo sa kanya.i feel sorry for him pero anung magagawa natin kung andito na ang totoong minamahal.

pero dumating kami sa bahay nila ng walang tao so malaya akong nakapag ikot.saan kaya nagsuot ang baklitang yun?pero infairness kay bakla malinis at maayos ang buong bahay.

sinundan ko si xheno papasok sa isang silid at nadatnan ko siyang nagpapalit ng tshirt.

“babe,sigurado ka ba na hindi na natin siya iimbitahan?“patungkol ko kay sappie

“babe,wala naman siyang maitutulong doon,wala naman siyang alam when it comes to business ayokong masira ang pagkakataon na ito lalo na at makikita ka niya doon baka manggulo lang siya.“sagot nito.pumasok siya sa banyo at naupo naman ako sa gilid ng bed.

nang may naisip ako,kinuha ko ang isang maliit na envelope na naglalaman ng imbitasyon para sa event mamaya inisprihan ko pa ito ng pabango na gamit ko saka ito inilapag sa ibabaw ng unan.

“your welcome sis.“pabulong na turan ko habang iniimagine ang itsura ni sappie mamaya pag nagpunta siya.

“babe dalhin mo na mga kailangan at pagbibihisan mo sa hotel ka na mag ayus,baka maabutan pa tayo dito ng jowa mo daw.“pag aaya ko kay xheno ng lumabas ito ng banyo

“okay,naiayos ko naman na,daanan na lang natin yung susuotin ko doon sa shop.“sagot niya at gumayak na kami.

sappie’s pov;

matapos kung maligo ay naupo na ako sa harap ng salamin upang mag ayos ng sarili,matagal tagal na rin ang huli nung nag-ayos ako ng sarili.isinaksan ko na ang hairblower upang magpatuyo ng buhok ng magring ang phone ko.si meilin pala.

“hoy kanina pa ako tumatawag sayo ah!“reklamo nito ng masagot ko ang tawag.

“pasensiya naman,nasa banyo kasi ako.“sagot ko.naliligo siguro ako nung time na tumatawag siya.

“nag-aayos ka na ba?“tanong nito.

“OO bakit?“tanong ko naman.ah siguro naimbitahan ang pamilya nila.

“hello kung makapagtanong ka naman anu wala ka talagang balak  imbitahan ako ng personal?“turan nito.

“actually,wala rin akong alam mei,sorpresa pala lahat ito sa akin ni xheno.nalaman ko lang ng tawagan ako ni daddy.“sagot ko.

“paano mo naman nasabi na sorpresa niya to sayo?“sa tanong nito.

“well,pag uwi ko rito nakita ko itong invitation ko,tapos di niya sinasagot ang tawag ko marahil para di ako magtanong,so later pagdating doon ay kailangan umakto akong walang alam.dahil ayokong masira ang excitement sa paghahanda niya ng lahat ng ito.“masayang turan ko.

“naku,eh di ikaw na ang babae sa ating dalawa.“babae naman talaga ako dahil kaya kong magbuntis,wala pa nga lang akong keferut/.” siya nga pala magpaganda ka dahil for sure imbitado rin ang ex.“medyo naputol ang ngiti ko sa sinabi ni meilin,oo nga pala malamang sa malamang ay imbitado siya.

“yeah I know.“sagot ko lang.

“and your parents also,malamang imbitado sila,ipapakilala mo na ba ng personal ang jowa mo sa kanila.ewan ko ba kung bakit ni minsan di nagtanong ang daddy at mommy mo tungkol sa lalaki mo.”-mei

“siguro time na rin,since magtatayo na kami ng sarili naming kumpanya at mataas ang posibilidad na maging magpartner ang kumpanya namin at ng kay xheno.“sagot ko.

“oh siya mag ayos ka na daanan kita diyan mamaya,kung bakit naman kasi biglaan ang pa event ng lalaki mo.“ito talagang babaetang to walang respeto kay xheno.lagi na kang siyang galit eh wala namang ginagawa sa kanya yung tao.lalo na siguro pag sinabi ko ang ginawang pagbubuhat sa akin ng kamay ni xheno noong nakaraan.nararapat lang talaga na itago ko na ito sa kanya.

after halos dalawang oras na pag aayus ay ready na ko.sinipat ko ang sarili ko sa salamin at namangha ako dahil ang ganda ko.hahahaha char lang.

inayos ko ng pataas ang buhok ko nagiwan ako ng mga mumunting buhok na na kinulot ko ng bahagya.sinuot ko ang diamond earrings ko na matagal na rin nakatago sa maleta ko gayun din ang bracelet na katerno nito.regalo sa akin ito ni daddy nung ika 17th birthday ko.tinernuhan ko ng makintab na highheels ko at ginamit ko na rin ang silver clutchbag ko.sinisipat ko pa muli ang sarili ng makarinig ako ng pagbusina ng sasakyan sa harap ng bahay.malamng si meilin na na yan.

lumabas na ako ng bahay at di nga ako nagkamali ng makita ko si meilin na nakatayo sa labas ng sasakyan niya.

“ganda naman yan.“masayang pagbungad nito.

“syempre special eh.“ganting turan ko

sumakay na kami at pinaandar na ng driver niya ang sasakyan.

dumating kami sa venue at marami ng taong pumapasok sa entrance ng hotel kung saan gaganapin ang event.

naglakad na kami papasok ng may tumawag sa akin.

“what a pleasant suprised seeing you,the heiress of ADAMS CORP ang pinakamalaking kumpanya sa buong pilipinas..“it was ninong robin,business partner ni daddy na ninong ko sa binyag, kung saan pinasok ng trabaho si xheno.at nasa tabi naman nito ang butihing maybahay nito.nagmano ako sa kanila.

“napakaganda mo pa rin inaanak.bat di na lang kasi ang anak kung si Ron ang pinili mo.“nakangiting turan ni ninang sa akin patungkol sa anak nitong binata na ubod ng kayabangan na lagi na lang akong inaasar simula pa noong bata pa kami.kahit sina daddy and mommy ay siya ang nerereto sa akin,but sad to say that,hindi natuturuan ang puso.haahahaha

“tara na po sa loob.“pag-aaya ko sa kanila.

A|N

hello guys hope you enjoy reading and feel free to write any comments and suggestion para sa ikakaganda ng kwentong gawagawa lang aking isipan.caio…..

surprise! .2

sappie’s pov;

binigay ko na ang imbistasyon sa guard na nagbabantay sa may entrance ng venue.ngumuti pa ito sa akin.

“wow,tignan mo nga naman at ang kapal talaga ng mukha ng isa diyan,nagpunta ka pa talaga dito noh.“napahinto ako ganun din sila ninang,meilin at ninong ng magsalita ang ngayon ay nasa harapan na naming si xera kasama ang mga magulang nito.

“sinong nag-imbita sa iyo dito?“masungit na singit naman ng mama ni xheno.

“tito,tita..I do have an invitation po from xheno.“magalang pa rin na turan ko.

“syempre dapat lang na magpunta siya dahil siya lang naman ang karelasyon ng anak niyo.at kung hindi dahil sa bestfriend ko ay wala sa kinalalagyan niya ngayon ang anak niyo.“ganti ni meilin at hinawakan ko lang naman ito sa siko pahiwatig na wag. na niya patulan ang mga ito.”

“kung ako sa iyo umuwi ka na lang at wag mo ng ipahiya ang sarili mo rito.ginamit mo pa talaga ang pera ng kuya ko upang ibili niyang mga suot mo.kahit na ano pa mang isuot mo ay di na mababago na basura ka pa rin.“medyo malakas na wika ni xera.

“teka lang sapphire inaanak,sino ba ang mga taong ito at kinakaya ka nilang pagsalitaan ng ganyan?hindi ba nila kilala kung sinong tinatawag nilang basura?“medyo may pagtataka at kaunting inis na mababanaag sa boses ni ninang.

“kaya nga tita,pag alam lang nila kung sino ang kaharap nila ngayon malamang ay kanina pa sila  nakayuko sa hiya.“panggagatong naman ni meilin na kinunutan ko na ng noo.

“wow,kanino sa baklang to?at sa inyo naman na hindi nakakakilala sa amin,kami lang naman ang pamilya ng taong dahilan ng event na to.“pagyayabang na turan ni xera.

“teka ija,magdahan-dahan ka sa pananalita mo,unang-una sa lahat,bago pa lang at hindi pa kilala ang kumpanyang itatayo ng kuya mo.at sapphire anak,ito ba ang pamilya ng lalaking kinakasama mo?“halata na ang inis kay ninang.

“ah ninang ninong mauna na po kayo sa loob susunod na lamang po ako,meilin pakisamahan naman sila.“baling ko sa kanila dahil unti-unti ng lumalala ang usapan,

“okay,but you have a lot of explanation to do after this sapphire kung ayaw mong makarating to sa parents mo.“wika ni ninang bago umiirap na binalingan ang pamilya ni xheno.

“tara na nga rin sa loob,ayokong mabawasan ang ganda ko hindi pa man din nag-uumpisa ang event.xera lets go hayaan mo na ang isang yan.“pag-aaya ng mama ni xheno at tunalikuran nila ako.inarapan pa ako ng xera na ito bago ako lagpasan at sadyaing banggain ako sa balikat.

naalala ko bigla sina mom and dad,nilabas ko ang telepono ko at tinawagan sila.naka ilang ring din bago ito sinagot ni mommy.

“hello ija,buti at napatawag ka.“pagsagot ni mom sa tawag ko.

“mom,papunta na po ba kayo ni daddy dito?“tanong ko naman.

“naku yun na nga ija,hindi ko alam kung magagawa pa naming humabol ng dad mo diyan dahil may emergency sa kumpanya,until now ay nandito pa kami.“sagot ni mom.narinig ko si dad na nagsasalita at tinatanong si mommy kung sino ang kausap nito.maya-maya lang din ay siya na ang nasa kabilang linya.

“hello sapphire anak.“wika nito.

“yes dad.“sagot ko.

“i’m really sorry alam kong importante sayo ang gabing to pero anak baka di kami umabot ng mommy diyan.marami kasi akong kailangang ayusin dito,honestly I need you here right now but I understand that your boyfriend needs you there as well.“mahabang turan ni dad.

“no worries dad,ako na nag bahalang mag explain kay xheno mamaya.at kug may time ako pupuntahan kita agad sa kung anu mang sinasabi mo na maitutulong ko para sa kumpanya,please dont think na hindi importante sa akin ang kumpanya natin it’s just that kailangan din kasi ako dito ngayon ni xheno dad para sa pag uumpisa niya.“malungkot na turan ko pero kahit papanu ay nakahinga ako ng maluwag dahil hidni pa sila magkakaharap ngayin ng pamilya ni xheno dabhil kung magkataon ay malaking gulo.

“we understand,but sapphire anak you should also consider and understand na ikaw lang ang nag iisang anak namin na siyang magmamana sa  lahat ng kung anong meron kami ng mommy mo ayokong dumating ang araw na wala na kami sa tabi mo ng di namin nailalagay lahat sa ayos ,we want your happiness pero kailangan din namin isaalang-lang ang safety at future mo.’”

“okay dad,after this uuwi ako sa bahay to see you.dad I need to go.“paalam ko at hindi ko na nahintay pa ang sagot nito sa kabilang linya dahil pinutol ko agad at mukhang magsisimula nag event.agad akong pumasok at hinanap ko sina  meilin at nakita ko rin ang table nila kaya agad na akong nagtungo roon.

“mei…mei hoy.“tawag ko rito dahil di yata napansin nito ang pagdating ko at pag upo sa mesang nakalaan sa kanila.“tulala ka diyan may problema ba?“tanong ko ng di man lang ako nito tinapunan ng tingin.sinundan ko naman kung saan ito nakatingin at doon ay kitang-kita ko na masayang nakikipag usap si xheno kay leo at may pahawak pa talaga ng kamay.umiwas ako ng tingin ng mapansin kong napagawi sa kinaroroonan namin ang atensyon ni xera na katable lang din ng kuya niya at ni leo kasama ang mga magulang niya.

“goodevening ladies and gentlemen!“biglang nagsalita ang lalaking nasa may entablado na di ko na gaanu naririnig kung anu ang sinasabi dahil nabibingi ako sa kaba hindi ko alam kung bat ako nakakaramdam ng pinaghalong excitement at takot.

“sap,jowa mong higad nagsasalita na makinig ka na baka bigla kang tawagin.“pamumukaw ni meilin sa iniiisip ko tumingin ako sa entablado at naroon na nga si xheno na masayang nagtatalumpati at bumabati pa sa lahat.

“you know what?simula pa noon ay pinangarap ko ng magkaroon ng sariling negosyo ng kumpanyang matatawag kong akin,hindi upang makilala ang pangalan ko sa industriyang ito kundi upang maipagmalaki ako ng taong mahal ko na hindi siya nagkamali sa pagpili sa akin.“mga salitang nagbigay ng masigabong palakpakan sa lahat ng narito,tuloy parin ang tambol ng puso,bawat salita niya ay tagos sa puso,noon pa man ay pinagmamalaki na kita at kahit anu pa ang kahinatnan ay mamahalin parin naman kita xheno turan ko pa sa aking isp.

“so lahat po ng naririto I would like to welcome you all here at LX GROUP!“pagkasabi niya nun ay  lumantad sa malaking screen ang pangalan ng kumpanya LX?leo and xheno?

“WHAT!“gulat na turan ni meilin at ako naman ay nakatulala lang na nakatingin sa harapan kung saan siya naroon.

“i would like to welcome here on stage the person that i am talking about,siya ang taong lubos kung minahal simula pa noon magpasahanggang ngayon.LEO VERSOZA!“halos mabingi ako sa sinabi niya.bigla naman nagbulangan ang paligid dahil may mga taong narito ang nakakakilala sa amin lalo na yung mga katrabaho ni xheno sa kumpanya kung saan ko siya ipinasok.

parang nilalamukos ang puso ko sa sakit na nadarama ko sa dibdib.

“eh gago pala tong hayup na to eh!“malakas na turan ni meilin kaya napalingon ang ibang naririto.hinawakan naman ni ninang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

“i think we should go now ija,“turan ni ninong.

“pero ninang,i think i should talk to him.“tatayo pa sana ako upang puntahan siya ng awatin ako ni ninang.

“anak na ang turing ko sayo sapphire at hindi ko kailan man palalagpasin ang kabaliwang ito.hindi nila alam kung sino ang binabangga nila.tatawagan ko ngayon din ang mommy mo.”

“no!“malakas na turan ko ng akmang magdial ito sa telepono niya.ayokong ibalik sa dati ang pagkatao ko.nang dahil sa pagmamahal ko kay xheno ay binago ko lahat.nagpakumbaba ako na dati ay kinakatakutan ako ng sino mang nakakakilala sa akin.“this is my personal life and i hope  that you all understand what it means.“galit na pagpapatuloy ko.kita ko pang napapangiti si mei dahil sa nakikita nito sa akin na kanina ay halos nangangatog na sa kaba pero ngayun ay parang ibang katauhan naman.

“pero ija,ibang usapan na ito,isang ADAMS ang binabastos nila.“singit ni ninong.

hindi ko na pinansin ang sinabi nila at nagtungo ako sa kinaroroonan nila xheno ngayon.

“w-why?“utal na tanong ko ng makaharap ako sa kanila.

“s-sappie.“halos di niya mabanggit ang pangalan ko.

“bakit?“pag-uulit ko ng di inaalis ang tingin sa mata niya.

“tsk,hindi pa rin ba malinaw sayo?kahit kailan talaga tanga ka eh no.“wika ni xera na nasa kanan ko.“okay since medyo nahihirapan ka yatang intindihin ang lahat kaya ipapaliwanag ko sayo,siya si leo versoza na totoong minamahal ng kuya ko,at ikaw gaya ng sinabi ko kanina ay basura ka lang.“pagpapatuloy pa nito na may paduro-duro pa sa balikat ko.pero di ko inalis ang tingin kay xheno.

“hindi ikaw ang tinatanong ko kaya wag kang nakikialam.“matapang na turan ko pero di ko siya tinitignan,ayokong alisin ang tingin ko sa lalaking dahilan ng kirot na nararamdamn ko ngayon.

“aba eh gago ka pala eh.“akmang sasampalin ako nito ng sinalo ni meilin ang kamay niya bago pa man dumapo ang palad niya sa mukha ko.

“for the last time i am asking you xheno,WHY!“turan ko at di ko na napigil na kumawala ang luha sa mata ko.”

“alam mo..“magsasalita sana ang katabi ni xheno na si leo ng awatin niya ito.

“gaya ng sabi ng kapatid ko sayo,hindi kita mahal at hindi kailanman kita mamahalin.si leo ang mahal ko.“sagot niya at isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.

“how dare you!“galit na turan ni leo at akmang susugod sa akin ng hawakan siya ni xheno at ilayo sa akin.

sino ba kasi yan?ang lakas ng loob niyang manggulo rito,

kaya nga,eh wala naman siyang panama sa sikat na si leo versoza

nakakahiya naman siya,pinipilit pa niya ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kanya,

umuwi ka na hoy,doon ka sa kalsada kung saan ka nararapat .

bakit naman nagawa ni xheno to kay sappie,napakabait ni sappie para danasin niya to.

gago din tong si pareng xheno

yan ang mga naririnig kong ingay sa paligid.

“sa mga hindi nakakakilala sa akin,ipapakilala ko sa inyo kung sino talaga ko!“turan ko at kinuha ko ang basong may lamang alak at agad sinaboy sa mukha ni xera na ikinabigla nito.“and for you.“binasag ko ang ang kopeta at agad nitong hinarang ang sarili para protektahan si leo na mas lalong nagpaliyab ng galit sa dibdib ko. hinawakan ko ng madiin ang basag na kopeta na naiwan sa palad ko na  naging dahilan ng mabilis na pagtulo ng dugo mula rito.

“I am blessing your company with my own blood so you should be thankful.”

“crazy.“turan ni leo na nasa likuran ni xheno.

humakbang ako palapit kay xheno at bumulong sa tenga nito dahil hindi naman ito umiwas.

“you will regret this.“turan ko.

“hindi ako natatakot sayo sappie at hindi ko kasalanan na tanga ka,“sagot niya.

tinalikuran ko na siya pero may naalala ako kaya muli akong tumingin sa kanya.

“SAPPHIRE, THATS MY NAME, TI’L WE MEET AGAIN.“at tuluyan ko ng nilisan ang lugar na yun.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.