loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
You Look Good Tonight

You Look Good Tonight

akosimarl · 24 chapters · 61,151 words

You Look Good Tonight

ㅡㅡㅡㅡㅡ

Disclaimer:

This story is work of fiction. All names, characters, places and incidents are used factiously. Any resemblance to the names or characteristic of actual person or businesses or to events or locals, is entirely co-incidental and unintended.

Ang nilalaman ng kuwentong ito ay umiikot sa pagmamahalan ng dalawang mag kaparehas na kasarian.

Do you believe in

second chance

, do you believe in

one more chance

?

ㅡㅡㅡㅡㅡ

Trailer

ㅡㅡㅡ

https://www.youtube.com/watch?v=EWOzBAV3G24

To my readers of You Look Good Tonight, it’s been a years simula ng mag pause ako na sulatin ang istorya nila Ian at Omar.

But now…itutuloy na natin, itutuloy ko na ang istorya nila Omar at Ian.

ㅡㅡㅡ note : the chapters are being revised, may ilang senaryo ang nadagdag.

Chapter 1

ㅡㅡㅡ

Tatlong Puting Rosas

Alas-otso ng umaga.

Love is a gamble, not a game because you are supposed to take some risk not play  ’yan ang nabasa ko sa isang website na punong-puno ng hugot patungkol sa pagmamahalan.

Madami pa akong nababasa roon, mayroon pa nga na ang pagmamahal ay isang laro dahil may mga natatalo at may nanalo.

Tapos meron pa na love is like a journey, love is like an animal and love is like a food.

Pero ikaw? Kung tatanungin ka na anong tingin mo sa love, anong isasagot mo?

Kasi ako?

Kung ako ang tatanungin kung anong tingin ko sa love ang isasagot ko ay “Love is like a Panghimagas”

Ang paborito kong pang himagas na Halo-Halo!

Bakit Halo-Halo ang tingin ko sa pagmamahal?

Dahil nandoon na lahat ang mga sangkap na bumubuo o nagpapasarap sa isang panghimagas na maihahalintulad mo sa isang pagmamahal.kung saan halo-halo na rin ang mga sangkap na bumubuo sa salitang pagmamahal.

Pero alam niyo ba na kapag kulang ang sangkap ng isang Halo-Halo ay hindi mo malalasap ang tunay na sarap ng panghimagas na ito, dapat kumpleto, walang kulang at walang labis.

Tulad ng pagmamahal hindi dapat nagkukulang at hindi rin lumalabis.

Ang pagmamahal ay hindi lang puro saya.

“Yes this it! Malaya na tayo! Magagawa na natin ang lahat ng gusto natin!”

“Anong gusto mong ulam natin mamaya? Isaw? Betamax? Porkchop? Alam mo bang may tindang Halo-Halo ngayon sila Regina? Ibibili kita mamaya!”

“Hindi! Hindi! Bawas-bawasan na natin ang pagkain ng street food dahil nakakasama ito kapag araw-araw, may gulay naman kayong pinitas sa taniman kaya ’yan nalang siguro lutuin natin, bulanglang na gulay!”

“Okay po Doktor Ian! Masusunod po ang utos niyo, pero teka? Kailan natin kukuhanin yung TV niyo? Baka malagpasan natin ang inaabangan nating palabas”

“Bukas nalang, baka gabihin pa tayo sa daan”

Ang pagmamahal ay hindi lang puro ligaya.

“Ipangako niyo sakin na aalagaan niyo itong bahay natin, dahil pinamana pa sa ’kin ito ng mga lolo at lola niyo, mangako kayo”

“Pangako Mamang”

“Aalagaan ko po kayong dalawa ni Tito, aalagaan ko po si Ian at aalagaan ko rin po itong bahay niyo”

“Baka naman magtampo ang mga magulang mo niyan, sila rin dapat ay alagaan mo lalo na ang Nanay mo”

Ang sangkap na saya at ligaya ng pagmamahal ay may kaakibat na lungkot at takot.

“Bakit naman ganun yung sinabi mo sa harapan ng mga kaibigan mo? Napaka-insensitive, parang hindi mo ako kilala ah”

“Ayoko lang malaman nila na ano…na bakla ako!”

“Ikaw? Sarili mo na naman ang iniisip mo, hindi mo ba alam kung anong nararamdaman ko?”

“Hindi mo kasi ako maintindi—”

“Naiintindihan kita!”

Sa likod ng lungkot at takot ay nandoon ang galit at poot.

“Putanginang takot ’yan! Anong mapapala mo diyan sa pagiging duwag mo!?”

“Iwanan mo nalang ako kung pagod kana! Iwanan mo nalang ako kung ayaw mo na!”

“’Yan! Diyan ka magaling eh! Ang dali mo lang sabihin ng mga salitang ’yan! Magaling kang tumakas! Ang galing-galing mong tumakbo! Ang sabihin mo wala kang bayag! Duwag ka! Duwag!”

Hindi mawawala sa sangkap ng pamamahal ang sakit at paghihinagpis.

“Wag mo akong iwan Ian, dito ka nalang pakiusap, dito nalang tayo, wag mo akong iwan mag-isa rito.”

“Para sa ikabubuti ko ’to, para sa ikabubuti natin.”

“Pero mawawala ka, iiwanan mo akong mag-isa.”

“Hindi kita iiwan, babalikan kita kaya maghintay ka lang at hintayin mo akong bumalik ha.”

Karamihan sa mga pangako ay napapako at karamihan sa lahat ng mga totoo ay nagiging loko-loko.

Kung ang halo-halo ay may ube kung saan ito ang huling sangkap na magpapasarap sa panghimagas, ang sugat naman ng kahapon ang kukumpleto sa isang pagmamahal na nasira ng tuluyan.

Sugat na magpapaliwanag sa iyong mundong madilim, sugat na magpapaliwanag kung ano talaga ang totoong hangarin at sugat na magiging daan upang ikaw ay matututo sa mga sakit at maling nagawa mo na pinagsisihan mo rin.

==

Pagmulat ng aking mga mata ay doon sumalubong sa akin ang kahoy na kisame ng aming mansyon dito sa Rambo Hacienda sa Probinsya ng Rizal.

Literal na awtomatikong sumilay sa aking mga labi ang sigla at saya habang damang-dama ko ang malambot na kama.

Sino bang hindi matutuwa kung sa nakalipas na limang taon na hindi ako umuuwi rito sa Hacienda.

I’m finally home!

“I’m finally home!” mabilis akong bumalikwas nang bangon at doon ko nilanghap ang preskong hangin na nanggagaling sa harapan ko kung saan bukas ang bintana ng kwartong ito.

Doon ako lumanghap ng hangin at hindi ko maiwasang mapapapikit muli dahil sa sobrang presko at napakasarap na hangin dito sa probinsya.

Muli kong iminulat ang aking mata at doon ako bumaling ng tingin sa labas ng bintana, puro luntian ang aking nakikita.

Nagsisimula na ring pumasok at kainin ng liwanag ang kwartong ito dahil sumisikat na ang araw sa silangan.

Umaalingangaw na rin ang tilaok ng mga manok isama mo pa ang tila pag-awit ng mga ibon na nanggagaling sa labas ng kwartong ito.

Probinsya. Muli akong napapikit dahil hindi ko maisip na sa loob ng limang taon ay ngayon nalang ulit ako nakauwi dito sa probinsya.

Hindi ko pa nalilibot ang buong hacienda dahil gabi na rin noong dumating ako dito sa mansyon, pati baka abutin ako ng isang araw para matapos kong libutin ang buong kalupaan ng Rambo Hacienda.

Nasa ganoon akong senaryo ng mapaigtad ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan, napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kwarto dahil doon nanggagaling ang ingay.

“Senyorito, pinapatawag na po kayo ni Don Benjamin para sa inyong umagahan at para makapag handa na rin po kayo sa seremonya” wika ng isang babae sa labas ng aking kwarto.

Ngumiti ako dahil na-missed ko na ring may tumatawag sa akin sa pangalang senyorito “Opo, sige po Manang susunod na ako” magalang kong tugon, bago ko narinig ang mga hakbang niyang papaalis.

Muli akong bumaling sa labas ng bintana para panoorin ang mga punong sumasayaw dahil sa hangin.

Sobra rin akong nangulila sa mansyong ito, hinahanap-hanap ko rin ang amoy ng pinaghalong kahoy at pabango rito sa aking kwarto.

Muli akong lumanghap ng hangin at doon ako muling napapikit dahil may pamilyar na aromang nilalanghap ang aking ilong.

“Rosas” ang aking wika at doon nagmulat.

Mabilis akong bumaling sa kanan kung saan doon ko nakita sa study table ang tatlong puting rosas na nakalagay sa transparent na vase.

“Shet.” wika ko at doon ako mabilis na bumangon para humakbang papunta sa aking study table.

Mabilis kong kinuha ang tatlong puting rosas sa vase at doon ko ito inamoy, tila para akong si Snow White dahil sa aking ikinikilos.

“Saan galing ’to?” wika ko at doon ko nasilayan ang isang dilaw papel na nakapatong sa ilalim ng vase.

Dahan-dahan kong kinuha ang dilaw na papel na iyon at doon ko ito binasa “Welcome home, I miss you” pagbasa ko rito.

“Welcome home, I miss you? Saan naman galing ’to?” pagtataka kong wika at doon nalang muling inilapag ang papel sa lamesa.

“Baka kay Papang.” pagkukumbinsi ko sa aking sarili at napangiti nalang ako.

Muling akong napaigtad dahil sa sunod-sunod na pagkatok.

Bumaling ako ng tingin sa pintuan at doon pinakinggan kung sino ang magsasalita.

“Anak mukhang napasarap ang tulog mo diyan! Aba’y Bumangon kana at maghanda! Naghihintay na ang mga tauhan sa labas, isuot mo na rin ang uniporme mong pang Doktor para malaman nila kung anong misyon mo rito sa Hacienda” matanda at baritong boses ang nanggaling sa labas ng kwartong ito.

Napangiti ako “Sige po Papang, susunod na ako. Bigyan niyo lang ako ng limang minuto.” ang aking tugon at doon ko narinig ang tila pagtanggi niya

“Nako! Bahala ka, bilisan mo na diyan at madami na ang naghihintay sa ’yo!” tila pagsuko nito at napabungisngis nalang ako.

Nang maramdaman kong lumisan na si Papang sa harapan ng pintuan ay doon ko nalang muli inamoy ang tatlong puting rosas na hawak-hawak ko.

“Ang bango talaga ng amoy ng rosas” nakangiti kong wika at doon inilibot ang aking paningin sa loob ng kwartong ito.

Hinahanap-hanap ko rin talaga ang kwartong ito dito sa mansyon. Gawa sa kahoy ang mga kisame, pader, sahig at mismong bintana.

Masasabi kong hindi magarbo, pero matibay dahil ilang bagyo na ang dumaan ngunit hindi ito nagigiba.

Ang kwartong ito na punong-puno ng larawan na kuha ko mula sa aking kamera.

Puro larawan ng kapaligiran, mga batang naglalaro sa damuhan, mga prutas na hinog sa puno, mga hayop na pagmamay-ari ni Papang at ilang mga taong naging espesyal sa buhay ko.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kaliwang bahagi ng kwarto dahil mayroon doong malaking picture frame kung saan nakalagay ang larawan ng aming pamilya.

Hawak-hawak ko sa aking kaliwang kamay ang rosas habang ang aking kanang kamay naman ay dahan-dahang idinadampi sa mukha ng isa sa pinakamamahal ko sa buong mundo.

“I miss you Mamang.” nakangiti kong wika sa aking namayapang Nanay.

“I miss you Papang.” wika ko din sa aking malakas at matatag na Tatay.

“I miss you Ian.” wika ko sa labing dalawang edad na ako.

Kaming tatlo lang nila Mamang at Papang ang nandito sa larawan dahil wala na naman kaming iba pang isasama rito.

Ako lang ang nag-iisang anak nila dahil halos mamatay na si Mamang noong ipinanganak ako, kaya natakot na siyang sundan pa ako ng kapatid.

Nakakalungkot mang isipin pero ako lang talaga ang anak nila. Ngunit madami namang anak si Papang dahil siya palagi ang kinukuhang Ninong ng kanyang mga kumpare rito sa Hacienda.

Pagkatapos kong titigan ang larawan naming tatlo ay muli kong inamoy ang rosas na hawak-hawak ko.

“Ang bango talaga” nakangiti kong wika dahil sa amoy nito “Nag abala pa talaga si Papang na bigyan ako ng bulaklak, saan niya kaya ito nakuha?” segunda ko pa.

Muli akong humakbang para tingnan pa ang ibang mga larawan na naka dikit dito sa kwarto. Dahil sa tuwing nakakakuha ako ng magagandang larawan gamit ang aking kamera ay idinidikit ko ito rito sa pader.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa aking nakikita, sino ba naman kasing hindi matutuwa kung sa halos limang taon na hindi ka umuwi dito ay ganito ang bubungad sa ’yo.

Nakangiti lang akong nagmamasid sa mga larawan habang inaamoy-amoy pa ang bulaklak nang biglang magbago ang ekspresyon ng aking mukha.

Lahat ng bagay dito sa aking kwarto ay hinahanap-hanap ko, maliban nalang sa aking nakikita ngayon.

Ang aking pagkakangiti ay napalitan ng pag-kainis, kumunot ang aking noo at doon nakataas ang aking mga kilay “Bakit nandiyan pa ’yan?!” inis kong wika sa malaking larawan na naka frame.

Larawan ng dalawang tatanga-tangang lalaki na kumakain ng pakwan habang nakaupo sa damuhan.

“Bakit nandiyan pa ’yan?” inis kong wika at doon ko pa ito inisnaban.

Dahil sa inis na nararamdaman ko ay bumaling nalang akong muli ng tingin sa ibang larawan habang itinuloy ang pag-amoy sa puting rosas na hawak ko.

Nasa ganoon lang akong pagmamasid nang muling may kumatok sa aking pintuan.

Bumaling ako ng tingin doon at inabangan kung sinong magsasalita, kahit malapit na rin naman ako sa pinto ay hindi ko ito binubuksan.

Nakatingin lang ako rito habang hinihintay kung sinong magsasalita.

Katok lang ng katok ang taong nasa labas “Sino ’yan?” pagtatanong ko at doon ako humakbang papalapit sa pintuan.

“Teka lang naman!” inis kong wika dahil tila sisirain na nito ang pintuan dahil sa lakas ng pagkakakatok niya.

Nang makalapit ako sa pintuan ay iniilahad ko ang aking kanang kamay sa doorknob at hindi na ako nag atubili pang buksan ang pinto.

Nang bumukas ang pintuan ay doon ko hindi malaman kung bakit ang hawak-hawak kong rosas ay mabilis kong hinampas sa pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko.

Nagtaasan ang mga dapat magtaasan sa aking katawan, tumaas ang kilay dahil sa inis, tumaas ang aking dugo dahil sa galit at tumaas ang aking mga balahibo dahil sa kilabot.

Tila nagulat siya sa aking ginawang paghampas dahil naglalakihan ang kanyang mga mata.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at doon sumigaw nang malakas sa aming mansyon.

“Papang! Bakit ka nagpapasok ng peste dito sa mansyon!?”

ㅡㅡㅡ

Chapter 2

ㅡㅡㅡ

Ang

Peste

sa

Mansyon

One evening earlier.

“Pustahan tayo isang libong piso, kay Doc Ian nakatingin yung lalaki”

“Sige pusta ako, bulag ’yang lalaking ’yan”

Alas sais y media na at nakatayo ako sa Nurse station ng General Surgeon Department ngayon dahil nag hihintay kami ng mga pasyenteng dadating.

Pasalamat kami dahil walang masyadong pasyente ang aasikasuhin dahil hindi pa rin kami lubos na nakakapag pahinga ng maayos dulot ng katatapos lamang ng mahigit isang taong pandemyang covid-nineteen dito sa Pilipinas.

Kahit hindi sakop sa propesyon namin bilang General Surgeon ang nasabing virus ay wala kaming nagawa kung hindi ang tumulong na sa pag aasikaso ng mga pasyenteng positibo sa virus dahil sa kakulangan ng facility at doktor noong dumagsa ang pagtaas ng kaso.

Alam niyo ba na ang covid-nineteen ang naging paraan para mamulat ang mga nagbubulag-bulagan? Dito natin nalaman sa pandemyang iyon kung sino talaga ang mga karapat-dapat na umupo sa posisyon doon sa gobyerno.

“Kylo pustahan talaga tayo na kay Doc Ian nakatingin yung lalaki.” napaigtad ako ng marinig ko ang dalawang kambal na nurse na patuloy ang kanilang kulitan at pag-yayabangan sa aking likuran.

Nasa harapan kasi ako ng station at counter nila at nakatalikod habang suot-suot ang puting doctor gown na kung saan nakapatong sa kulay itim kong polo at black pants na pang-ibaba.

“Mali ka! Bulag talaga ’yang lalaki, Mylo! Tingnan mo hindi pumipikit” wika naman ng isa pang kambal. Si Mylo at Kylo na sobrang kukulit na mga nurse.

Kanina pa sila nag tatalo dahil sa kanilang nasasaksihan.

May isa kasing lalaki na nakaupo sa bench ng waiting area rito sa loob General Surgeon Department.

Pinagtatalunan nilang dalawa kung kanino ba talaga nakatingin ang lalaking iyon, kanina pa kasi siya nakabaling ng tingin dito sa aming pwesto na ilang metro lang ang layo.

Nakatingin lang din ako sa lalaki dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya.

“Mukhang probinsyano, mistiso, gwapo at mukhang masarap.” wika ng binabaeng si Mylo na tila kinikilig pa.

“Sige paandarin mo na naman ’yang kabaklaan mo.” segunda naman ng straight pa sa pole na si Nurse Kylo “Ang sabihin mo mukhang probinsyano at mukhang gago.” hirit pa nito na ikinainis lang ni Nurse Mylo.

“Sus! Basta pusta akong kay Doc Ian nakatingin ’yang lalaki! Doc kilala mo ba ’yan?” muling wika ni Nurse Mylo at doon pa tinawag ang aking pansin.

Umiling nalang ako habang diretso parin ang aking tingin doon sa sinasabi niyang mukhang probinsyano.

“Hindi ko siya kilala.” tugon ko kay Nuse Mylo habang diretso parin ang aking tingin sa kanya.

Sakin ba talaga nakatingin ang lalaki?

Malapad ang pagkakangiti niya habang nakasuot ito ng asul na polo at nakasuot din siya ng black pants na pang-ibaba. Tila pupunta siyang job interview dahil sa suot niya.

Mukha nga siyang probinsyano dahil sa kulay ng kanyang balat, hindi maitim kundi kayumanggi.

Bakat na bakat din sa polo nito ang kanyang dibdib na umuumbok, habang ang kanyang buhok ay bagsak na bagsak at doon pa naka hati sa gitna na parang si Kimpy.

“Anong ginagawa niya rito?” wika ko sa aking sarili at doon lang siya tinitingnan dahil hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita sa kanya.

Gulat parin ako, gulat na gulat.

Habang patuloy ang pagkukulitan ng dalawang Nurse sa aking likuran ay doon ako napaigtad dahil may kung sinong umakbay sa akin na sobrang bigat ng braso.

Inalis ko ang tingin sa lalaking nakatingin dito sa amin at doon ako bumaling sa lalaking umakbay sa akin.

“Hi Doc Ernest!” sabay na pagbati ng dalawang Nurse sa aking likod at doon pa sila sabay na tumungo.

“Hello, good evening” tugon naman ng lalaking umakbay sa akin.

Humarap ako sa kanan kung saan doon siya nakatayo at doon ko marahas na tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.

Ngiting-ngiti na naman ito ng wagas na tila walang bukas kaya binigyan ko nalang siya ng pagtaas ng aking kilay.

“Nandito ka naman! Nandito ka na naman!” doon ko nilahad ang aking mga kamay sa kanyang tagiliran para siya ay sunod-sunod na kurutin.

“Aray! Stop it! Ouch! Ian stop!” maarte at natatawang daing ni Ernest sa aking ginagawang pagkurot dito.

Rinig ko ang tawanan at bungisngisan ng dalawang Nurse sa aming gilid dahil sa kanilang nasasaksihan.

Itinigil ko ang aking ginagawang pagkurot sa kanya at doon ako umayos ng tayo sa harapan nito.

Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking bewang at doon siya hinarap ng parang isang nanay.

“Ano na naman bang ginagawa mo dito? Mag mula nang bumalik ka rito sa ospital ay wala ka nang ibang inatupag kung hindi ang pumunta rito sa department namin, oras-oras, minuminuto!” saway ko sa aking bestfriend na si Ernest.

Mag bestfriend kaming dalawa at mag aanim na taon na kaming nagkukulitan mula pa nung kami ay nasa Amerika, doon nagsimula ang aming pagkakaibigan noong nag aaral at intern pa kami.

Magkaiba kami ng specialization ni Ernest dahil isa siyang Neurosurgeon samantalang General Seurgeon naman ako.

Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas mula noong umuwi kami dito galing sa Amerika para rito na kami mag trabaho sa sarili nilang Ospital.

TOP Medical Center ang tawag sa Hospital na ito kung saan ay pag mamay-ari ng mga magulang ni Ernest na isa ring Neurosurgeon Doctor.

“Bakit masama bang pumunta rito? Gusto kaya kitang makita! Halos apat na buwan akong nakulong sa bahay kasama si Kokoy” pag-arte nitong lalaking ito at dinamay pa ang kanyang kapatid.

“Oo masamang pumunta rito! Wala kang agenda sa department niyo?! Dami mong time ha!” inis kong tugon dito.

Umiling si Ernest habang malungkot ang kanyang mukha na parang tuta “Wala akong agenda, maghapon akong nagmomonitor kay Kokoy doon sa kwarto niya” patukoy nito sa kapatid niyang naka-confine sa kanilang ICU.

Tumango ako sa kanya “Kumusta na pala siya? Kumusta na si Kokoy? Hindi ako nakadalaw sa kanya ng dalawang araw.” patukoy ko sa kanyang kapatid na si Kokoy.

Muling umiling si Ernest “Buhay na buhay ang gago dahil maghapong kasama si Nathaniel.” patukoy naman niya sa kasintahan ng kanyang kapatid.

Malapit ako sa pamilya nila Ernest kaya kilalang-kilala ko na rin kung sino ang mga tao sa bahay nila.

“Dadaan ako mamaya sa kanya, mag papaalam ako.” wika ko sa kanya at doon ko kita ang pagtaas ng kanyang dalawang kilay.

“Bakit pala mas nauna pang malaman nila Papi at Daddy na mag li-leave ka ng isang Linggo!? Bakit hindi mo sakin agad sinabi?!” inis na wika ni Ernest sa harapan ko at doon ko narinig ang bungisngisan ng dalawang Nurse sa gilid dahil tila may batang galit sa harapan namin.

Tinaasan ko rin siya ng kilay “Bakit ko naman sasabihin sa ’yo? Sino kaba sa buhay ko?” pang-iinis ko pa sa kanya at doon ako inirapan.

“Gusto mo bang halikan kita?” nakangisi at wala sa kontekstong wika ni Ernest sa harapan naming tatlo.

Umiling ako sa kanya “Kaya ayokong sabihin sa ’yo! Nako Ernest! Kapag lang talaga ako nako! Kapag lang talaga nag selos sa akin ’yang girlfriend mo!” inis kong paglalahad sa kanya na ikinatawa nito.

Ang landi-landi kasi ng lalaking ito kahit na may girlfriend na siya, kaya kahit ang kapatid niyang si Kokoy ay pinag-iisipan kaming dalawa ng kuya niya ng masama.

“Pati hindi pa ba sinasabi sayo nila Tito–I mean Doc na kailangan mong sumunod sa akin doon sa probinsiya? Hinihiram kita sa kanila para mag check up ka rin ng mga trabahador nila Papang, dahil baka hindi ko kayanin kung mag isa lang ako” serysong lahad ko naman sa kanya at doon siya tumango.

“Sinabi na sa akin nila Papi pero bakit isang araw lang?” hirit pa niya at doon ako inakbayan papatalikod doon sa kambal.

Hindi na ako nag protesta pa at doon nalang ako sumuko sa kanyang mabibigat na braso.

“Isang araw lang, kasi ako na ang bahala sa ibang araw. May scheduling na mangyayari at kung mabuti ay sa Sabado na kayo pumunta dahil yun ang last day ko sa Hacienda.” pagpapaliwanag ko pa rito at tumango naman siya.

“Noted babe.” malanding wika niya sa aking tenga at doon ko narinig ang sigaw ni Nurse Mylo sa aming likuran.

“Oh! Ilabas mo na ang isang libong pusta mo Kylo! Sabi ko sa ’yo eh kay Doc Ian nakatingin yung lalaki! Tingnan mo papunta siya pwesto nila Doc ngayon at mukhang galit na galit!” dahil sa sinabi ni Mylo ay doon nga ako napatingin sa lalaking humahakbang na papunta sa puwesto namin.

Tila galit na galit ang lalaking ito kaya doon nalang ako napatitig sa kanya habang patuloy lang si Ernest sa kaharutan niya sa akin.

“Malawak ba doon sa Hacienda niyo Babe? Madami ba kayong tanim na buko? Pag walang buko uuwi nalang ako.” malanding wika ni Ernest sa aking tenga habang diresto lang akong nakatingin sa lalaki na papalapit na sa pwesto namin.

Sasagot palang ako sa tanong ni Ernest nang makita ko ang aking sarili na kinakaladkad na ng isang lalaki.

“The fuck?! Hoy!”

“Doc Ian!”

Wika nilang tatlo nang tangayin ako ng lalaking galit na galit, mahigpit ang pag kakahawak niya sa aking kaliwang pulsuhan habang patuloy na hinihila papunta sa kung saan.

Walang akong ibang ginawa kundi ang magpaanod sa kanya, habang nakatingin sa kanyang galit na galit na pagmumukha.

Anong problema niya?

Doon ko nalang nakita ang aming sarili na nakatigil at nakatayo sa likurang bahagi ng ospital kung saan nakaparada ang ilang mga sasakyan.

Nandito kami sa parking lot kung saan itinigil niya ako sa isang itim na motorbike, madilim na ang kalangitan ngunit may mga ilaw namang nagbibigay liwanag mula sa mga poste na sapat lang para makita ko ang mukha ng lalaki.

Marahas kong tinanggal ang pagkakakapit niya sa aking kaliwang pulsuhan.

Nagtaas ang aking kilay ganoon din ang aking boses “Ano bang problema mo!?” hiyaw ko sa kanya at doon ito sumagot ng seryoso.

“Sakay” tanging tugon niya sa akin na ipinagtataka ko.

“Ano? Pinagtitripan mo ba ako? Pati bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?” sunod-sunod na aking pagtatanong sa boses na inis na inis dahil sa kanyang kabastusang pinairal kanina.

Seryosong tingin lang ang itinutugon niya sa akin “Sabi ko sakay, ihahatid kita” wika nito na mas lalo kong ipinagtataka.

Muli sana akong sasagot sa kanya ng mag-ring ang aking cellphone na naka lagay sa bulsa ng aking suot na Doctor Gown na malapit sa dibdib.

Kinuha ko ang aking telepono at doon ko tiningnan kung sinong tumatawag.

‘Papang is calling’ iyan ang naka rehistro sa aking phone kaya mabilis kong sinagot ang tawag.

“Hello Papang?” inis kong pagbati sa kanya dahil sa lalaking nakangisi sa aking harapan.

“Hello Anak aba’y nandiyan na ba si Omar? Siya ang susundo sayo diyan papunta dine sa Mansyon.” matigas at baritong boses ni Papang ang tumugon sa akin.

Mas lalong nagtaas ang aking kilay at doon bumaling sa mukhang asong nasa harapan “Ikaw ang nagpadala ng peste dito Papang? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng sumundo sa akin bakit ito pa?” inis kong wika at doon ko kitang umiling ang mukhang aso.

“May inaasikaso din kasing papeles iyang si Omar anak, kaya siya na rin ang inutusan kong sumundo sayo papunta dine, nag aasikaso kasi iyan para sa kanya—”

“Whatever Papang. Sige na po ibababa ko na ’tong tawag, mag aayos na ako ng mga gamit.” hindi na ako nag atubili pa at doon ko mabilis na pinatay ang tawag.

Inisnaban ko ang lalaking nasa harapan at doon ko siya tinalikuran.

Ngunit hahakbang palang ako ng maramdaman ko ulit na hinawakan niya ako sa aking kaliwang pulsuhan kaya marahas ko ulit iyong tinanggal at hinarap siya.

“Ano ba?” inis kong wika sa kanya na ikinangisi niya.

“Sakay na ikaw” nakangiti niyang wika sa akin kaya mas lalo akong nainis.

“Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Sabi ko mag aayos muna ako ng gamit bago umalis at sumama sayo!” inis kong wika sa kanya na ikinatawa nito.

Nang-aasar ba siya?

Muli ko siyang inirapan at doon tumalikod sa kanyang pwesto, ngunit bago palang ulit ako hahakbang ay naramdaman kong pinigilan niya naman ako sa aking kaliwang balikat.

Humarap ako sa kanya at doon muling marahas na tinanggal ang pagkaka-hawak niya sa balikat ko.

“Ano ba? Nang-aasar ka ba?” iritadong-iritado kong wika sa kanya dahil sa katangahan nito “Anong bang problema mo? Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko mag aayos lang ako ng gam—”

“You look good tonight” nakangiti niyang wika sa akin na lalong ikinagalit ng loob ko.

Dahil sa pinaghalong inis at galit na aking nararamdaman ay doon ko mabilis na inilahad ang aking kaliwang palad para siya ay bigyan ng sampal sa kanyang kanang pisngi dahil alam kong kailangan niya iyon.

Nang bumukas ang pintuan ay doon ko hindi malaman kung bakit ang hawak-hawak kong rosas sa kaliwang kamay ay mabilis kong hinampas sa pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko.

“Papang! Bakit ka nagpapasok ng peste dito sa mansyon!” malakas kong sigaw dahil nasa harapan ko ngayon ang lalaking naka suot ng puting polo shirt na kagabi pa ako ginagago.

Malawak ang pagkakangiti ng lalaking nasa harapan ko kahit na nakatanggap siya ng pagsampal ng roses sa kanyang mukha.

Inisnaban ko ang lalaking nakaharang sa pinto at doon ako lumakad papalabas ng aking kwarto, sinadya kong banggain siya dahil nakaharang ito sa aking lalakaran.

Binaybay ko ang daan kung saan naroroon si Papang.

“Papang bakit ka nagpapasok ng peste dito?” inis kong wika ng makita kong kumakain siya ng umagahan doon sa kusina.

Kahoy ang sahig ng aming mansyon kung kaya’t rinig na rinig ko ang matitigas na paghakbang ko dito.

“Alam mo namang ayaw na ayaw ni Mamang ng peste sa bahay dahil baka masira ang mansyon” dagdag ko pa ng makalapit ako sa kanya.

“Hindi na importante ’yan Anak, ika’y pumarine na dine at kumain ng umagahan dahil madami nang nagihihintay sayo sa labas kaya halika kana dine at tigilan mo na ang arte” wika ni Papang habang kumakain ng umagahan.

Nakaupo si Papang doon sa upuan kung saan dapat nakaupo ang mga haligi ng tahanan.

Padabog akong lumapit sa kanyang pwesto sa kanan dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon.

“Cynthia bigyan mo ng plato itong si Ian” utos ni Papang sa isang kasambahay na nakatayo sa likuran niya.

Hindi na naman tumugon si Manang at doon siya kumilos para ako’y bigyan ng plato.

“Thank you po” magalang kong pasasalamat sa Manang at doon siya muling bumalik sa likuran ni Papang.

Hindi ako nagsandok ng pagkain at doon ko lang binalingan ng tingin si Papang na diretsong kumakain.

“Eh bakit nga kasi nandito? ’Yang peste na ’yan Papang, hindi ko ’yan kilala. Kaya bakit siya ang sumundo sa akin kagabi?” inis kong turan sa kanya na ikinailing nito.

Seryosong humarap sa akin si Papang “Una sa lahat Anak, hindi peste iyang si Omar dahil siya na ngayon ang bago kong kanang kamay dito sa Hacienda dahil siya ang pumalit sa Tatay Franco niya” lahad ni Papang na ipinagtaka ko.

“Bagong kanang kamay? Manloloko at tarantado ang ipinalit mong bagong kanang kamay mo Papang?” inis kong wika sa kanya na ikinagulat nito.

Miski si Manang Cynthia sa likuran ni Papang ay tila nagugulantang sa mga salitang binibigkas ng aking bibig.

“Anak ang bibig mo nasa harapan ka ng grasya!” inis na tugon ni Papang sa akin kaya napakagat ako ng labi.

“Kung ano-anong sinasabi mo diyan pati hindi manloloko at tarantado iyang si Omar dahil magmula ng mawala ang Tatay Franco niya ay mas naging masipag iyang batang iyan, pati may pangalan siya Anak hindi peste ang tawag sa kanya” lahad ni Papang na ikinatameme ko na lamang.

Sa bagay limang taon na rin naman ang nakalilipas mula ng wala akong balita rito sa Hacienda, tanging si Papang lang naman ang inaalala ko rito.

“Okay” tanging nasabi ko nalang at doon ako sumandok ng sinangag na naka-handa sa harapan.

May mga longganisa, atchara, hotdog at maalat na itlog ang nakahain sa harapan.

Nasa ganoon lang akong pagsasandok ng pagkain sa aking plato nang makarinig ako ng mga hakbang sa aking likuran na tila papalapit sa aming puwesto.

“Papang mauuna na po muna ako doon sa baba, baka ho kasi naghihintay na ang mga tao doon” wika ng isang lalaki sa aking likuran.

Hindi ko nalang iyon pinansin at itinuloy ko nalang ang pagkuha sa mga ulam sa lamesa.

Kita ko sa peripheral vision na binalingan ni Papang ang lalaking peste “Kumain ka muna rito Omar at sabayan mo kami nitong si Ian dahil tiyak na miss na miss ka nitong anak ko” tila pang-aasar ni Papang kaya doon ko siya binigyan ng nakakamatay na tingin.

Rinig ko pa si Manang Cynthia na tila bumubungisngis.

“Nakakahiya po kay Senyorito Ian kung makikisabay po ako sa inyong kumain Papang” tugon ng lalaking peste sa aking likuran.

“Buti naman at marunong kang mahiya” masama at mahina kong wika at doon ko nalang muli ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagkuha sa mga ulam.

“Bakit ka naman mahihiya Omar? Sige na pumarine kana at sabayan mo kaming kumain” huling wika ni Papang at doon ko nalang narinig ang mga paghakbang papunta doon sa unahang bahagi ng aking kinauupuan.

Talagang hindi siya marunong mahiya.

Hindi ako nakatingin sa kanya pero pinapakiramdaman ko siya.

Nang maramdaman kong tinitingnan niya ako ay doon ko nalang pinagpatuloy ang aking ginagawang pagkuha sa ulam.

Nang matapos ako sa pagkuha ng pagkain ay doon ko nakitang inisod ng peste ang upuan sa aking harapan para siya ay makaupo.

Nang maka-upo siya sa upuan ay doon ako kumilos patayo. Kita kong napatingin sa akin ang tatlong tao na nandito at doon ko binalingan ng tingin si Papang.

“Busog pa po ako Papang mamaya nalang ako kakain” seryosong wika ko sa kanya at doon niya ito ipinagtaka.

“Hindi ka pa nga sumusubo kahit hotdog, tapos sasabihin mong busog kana anak?” takang wika ni Papang sa akin at doon ako tumango.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at ako huminga ng malalim para sa susunod na akong sasabihin.

“Hindi ko maaatim na kumain habang may peste sa harapan ko” pagpaparinig ko sa malaking peste na kanina pa nakatitig sa akin.

Sabay pa more.

“Excuse me” hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin ni Papang at doon na ako humakbang papaalis sa hapagkainan.

Tinumbok ng aking mga paa ang daan papunta sa banyo kung saan malapit lang din dito sa kusina.

“Pasenya na po Papang sige po mauuna na ako sa baba” rinig kong wika ng peste habang ako ay naglalakad papasok sa banyo.

“Pasensya na rin Omar baka hindi lang maganda ang gising ng Anak ko” habol ni Papang at doon na ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

Mabilis kong isinara ang pintuan at doon ko inilahad ang aking katawan sa likod ng pinto.

Napapikit ako at doon ko hinakawan ang aking dibdib dahil may kirot akong nararamdaman sa aking looban.

Tama lang ba yung ginawa ko?

Hindi naman ako ganito, hindi naman ganitong kabastos ang bibig ko.

“Shet” tanging wika ko nalang dahil sa mga nangyayari.

Habol-habol ko ang aking paghinga dahil sa may nararamdman akong kaba.

Sa loob ng limang taon bakit nagpakita pa siya?

Sa loob ng limang taon, gaano naging kakapal ang pagmumukha niya para magpakita pa sa harapan ko?

Paano ba kami nagsimula?

Paano rin kami nahantong sa ganito?

ㅡㅡㅡ

this chapter is dedicated to

KaizerPaul25

Chapter 3

ㅡㅡㅡ

The Doctor of Hacienda

“Mga kabaryo, kasama, kapamilya, kapuso at kapatid malugod kong ipinapakilala sa inyo ang butihin at nag-iisa kong anak na si Ian” tila proud na proud na pagpapakilala sa akin ni Papang sa harapan ng hindi naman karamihang tao.

Nasa labas kami ng mansyon kung saan may munting programa ang kanilang ipinagdiriwang ngayon dahil sa aking muling pagbabalik dito sa Rambo Hacienda.

Nandito kami ni Papang sa harapan nila kung saan nakatayo sa maliit na entablado dahil nga ako’y ipinapakilala ni Papang sa kanila.

Hawak-hawak ni Papang sa kaliwang kamay ang itim na mikropono habang sa kanan naman ay ang kanyang kahoy na tungkod, hirap na kasing maglakad si Papang dahil na din sa kanyang katandaan.

Ngunit ang hindi ko mawari ay kung bakit may pesteng nakatayo sa likod namin ni Papang. Daig pa niya ang security guard, hindi ko nalang iyon binabalingan ng pansin.

Ngiting-ngiti ako sa harapan ng iba’t-ibang tao habang nakasuot ako ng puting polo at black pants sa pang-baba kung saan pinapatungan iyon ng Doctor Gown.

Nasa harapan namin ni Papang ang iba’t-ibang tagapangala ng Hacienda, tandang-tanda ko pa ang iba sa kanila dahil dito din naman ako lumaki.

Doon ko kita sa harapan si Mang Junel na tagapamahala sa pangangalaga ng iba’t-ibang hayop ni Papang dito sa Hacienda.

Mayroong mga kabayo, baboy, baka, manok at iba pang hayop dito na kung saan inaangkat ng iba’t-ibang industriya roon sa Maynila.

Doon ko rin kita sa harapan si Ka Dureng na tagapamahala naman sa pangangalaga ng iba’t-ibang gulay dito sa aming Hacienda, kung tatanungin niyo kung anong mga tanim na gulay dito sa amin ay kumpleto ang Haciendang ito sa mga gulay doon sa kantang Bahay Kubo.

Nandito rin si Mang Andoy na tagapangasiwa ng iba’t-ibang prutas. Pinya ang pangunahing pananim namin dito sa Hacienda.

Si Mang Andoy ang sumunod na namumuno sa pangangalaga ng prutas dahil ang nangunguna talaga roon ay si Tito Franco na ama ng pesteng nasa likuran ko.

Tulad ng isiniwalat sa akin ni Papang na patay na raw si Tito Franco na kanang kamay niya rito sa Hacienda, gulat na gulat naman ako dahil hindi ko iyon nabalitaan noong nasa ibang bansa pa ako.

Ibig sabihin nag-iisa nalang sa buhay ang peste ng buhay ko?

Bukod sa mga nangunguna sa tagapangalaga ng iba’t-ibang produkto namin dito sa Hacienda ay nakikita ko rin sa harapan ang ilan sa mga tauhan na hindi pamilyar sa akin dahil mga bago siguro sila rito.

May hinahanap ang aking mga mata ngunit hindi ko sila makita.

“Batid kong kilala niyo na itong si Ian dahil dine na naman iyan lumaki sa Rambo” tuloy lang si Papang sa pagbibigay ng introduksyon sa akin.

“Halos mag aanim na tao na ring hindi umuuwi ang Anak ko dine sa Hacienda kaya ang ilan sa inyo ay hindi siya kilala” tuloy lang si Papang sa kanyang pagsasalita at doon lang ako naka-alalay sa kanyang likuran habang ngiting-ngiti sa aming harapan.

“Oh siya sige, ang anak ko na ang bahalang mag pakilala sa inyo para malaman niyo rin kung anong misyon ng anak ko dine sa Hacienda” huling wika ni Papang bago niya ibigay sa akin ang mikropono.

Doon ko kitang umalalay ang pesteng nasa likuran ko kay Papang nang magdesisyon itong bumaba.

“Galingan mo Anak” huling wika ni Papang nang bumaba sila ng peste dito sa entablado.

Tumango naman ako sa kanya bago muling bumaling ng tingin sa harapan para pormal na magpakilala sa mga tauhan at tagapamahala ni Papang dito sa Rambo Hacienda.

Umayos ako ng tayo bago ko ilahad ang mikropono sa aking bibig para roon magsalita.

“Magandang umaga po sa inyong lahat, gusto ko pong sabihin na ang dami na pong nagbago rito sa Hacienda na parang kailan lang po noong umalis ako rito para mag-aral sa ibang bansa” nakangiti kong bungad sa kanila at doon ko kita sa kanilang mga mukha ang pagiging masaya kung saan batid kong natutuwa ang mga ito sa aking pagbabalik.

“Tulad nga po ng sabi ni Papang na batid kong kilala pa po ako ng ilan sa inyo” nakangiti kong wika sa kanila at doon sila nag tanguan sa aking sinabi “Pero para sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ako po ay pormal na magpapakilala sa inyo” segunda ko pa bago ako magpakilala sa kanila.

“Ako po si Ian Saya-Saya Montealegre at tulad po nang inyong nakikita sa aking kasuotan ako po ay isang Doktor doon sa mataas na Ospital ng TOP Medical Center sa Quezon City” pormal kong pagpapakilala sa kanila at doon ko kita ang ilan sa pagkamangha ng kanilang mukha.

Ano nga bang ginagawa ko rito sa Hacienda?

“Hindi ko na po sasayangin ang inyong oras, sasabihin ko na po sa inyo kung anong misyon ko at nagbalik ako rito sa Rambo” nakangiti kong wika sa kanila bago ko isiniwalat ang misyon ko rito.

“Humingi po sa akin si Papang ng isang malaking pabor para sa inyong lahat” una kong wika sa kanila at doon ko kitang nakangiti lang silang nakikinig sa akin na tila hinihintay ang aking mga sasabihin.

“Ako po ay naatasan ni Papang na magkaroon ng check-up program para sa inyong lahat dahil alam naman po nating isang taon na matapos ang pandemyang covid dito sa ating bansa at nagagalak po ako na wala sa inyo o sa atin ang natamaan ng virus na ito” pagpapatuloy ko sa aking sinasabi.

“Ang target patient po ng programang ito ay ang mga bata at mga matatandang kinakailangan ng solusyong medikal, maari at karapat dapat lang din pong lumapit sa akin ang ilan sa inyong may nararamdamang hindi maganda sa pangangatawan” propesyonal na pagsisiwalat ko sa kanila.

Ito ang dahilan kung bakit ako muling bumalik dito sa Hacienda, ito lang talaga at wala ng iba.

“Ako po ay mamalagi rito sa Hacienda sa loob lamang ng isang Linggo at sa huling araw ko rito kung saan Sabado ay may isa pa pong Doktor akong kinausap para ako’y tulungan sa huling araw ng programang ito at sa araw ding pong iyon ay magkakaroon po tayo ng maliit na kasiyahan at salo-salo” nakangiti kong wika sa kanila at doon ko narinig at nasilayan ang kanilang pag papalakpakan.

Batid kong masaya sila sa aking inilalahad.

“Kung itatanong niyo po kung kailan magsisimula” unang wika ko sa kanila “Bukas na bukas po araw ng Linggo ay magsisimula na po akong mag check-up para sa mga kinakailangang bigyan ng solusyong medikal” nakangiti kong wika sa kanila bago ko narinig ang pagtatanong ng isang matanda sa aking harapan.

“Doc Ian paano po ang transaksyon ng inyong programa? May bayad po ba ’yan? Pati saan po kayo titingin ng pasyente? Dito ba kami pupunta sa Mansyon?” nakangiting pagtatanong ni Mang Junel at doon ako umiling sa kanya.

“Wala pong bayad ito dahil libre at sagot ko po ang lahat ng magagastos ko rito. May mga gamot po akong nakahanda rito para sa ilang mga sakit na madadaan sa simpleng gamutan” nakangiti kong salaysay sa kanila bago ko muling narinig ang kanilang masigabong palakpakan at hiyawan.

“Ako po mismo ang pupunta sa inyo para sa check-up” lahad ko at doon sila nagtanguan “Pupunta po ako sa kanya-kanyang bahay tanggapan ng inyong sakop na produksyon para roon po kayo pupunta sa pa check-up” segunda ko pa sa kanila.

Bawat produksyon kasi rito sa aming Hacienda ay may kanya-kanya silang bahay tanggapan.

Ano nga ba ang bahay tanggapan? Dito sila nag uusap-usap at dito rin nila ipinagdaraos ang ilan sa kanilang mga kasiyahan na sakop lamang ng kanilang pinangangalagaan.

Ang produkyon sa gulay ay may sarling bahay tanggapan.

Ang produksyon sa prutas ay may sariling bahay tanggapan at ganun din naman sa produksyon sa hayop.

“Malinaw na po ba sa inyong lahat? May mga katanungan pa po ba kayo?” nakangiti kong wika sa kanila bago ko nakita ang isang babae na kanina pa hinahanap ng aking mga mata.

Nakangiti itong nakatayo kung saan doon siya nagtanong sa akin.

Ang ganda parin ng babaeng ito, jusko.

“Doc Ian saan po kayo tutuloy na bahay? Saan ka mamamalagi? Alam naman po natin na malayo rito sa mansyon ang iba’t-ibang bahay tanggapan at baka abutin pa kayo ng gabi kung uuwi kayo rito sa mansyon galing sa inyong check-up” hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanyang pagtatanong.

Tila may bahid ng pang-aasar ang wika ng babaeng na parang doon siya may gustong ipalabas na ibang bagay.

Doon ako ngumiti sa kanya bago nagsalita “Sa ngayon ay hindi ko pa sigurado kung saan ako titigil” ang aking tugon dahil hindi ko nga alam kung saan ako tutuloy.

Malayo kasi talaga ang agwat mula mansyon papunta sa isang bahay tanggapan, napakalawak kasi ng lupaing meroon si Papang.

Kaya ang tanong ay saan nga ba ako titira sa loob ng isang Linggo?

ㅡㅡㅡ

“Papang naman! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng tuluyan bakit doon pa?” inis kong wika kay Papang habang papasok kami ng mansyon.

“Doon lang ang bakante Anak pati wala kang ibang matutuluyan at tanging doon lang talaga ang pwede” nakasunod si Papang sa aking likuran habang ang peste ay doon siya inaalalayan.

Mag mula nang sabihin ni Papang kung saan ako titigil sa loob ng isang Linggo ay hindi ko na alam kung anong magiging reaction ko.

Bakit kasi doon pa?

Magmula din nang mag sink-in sa akin kung saan ako tutuloy ay sobra ang pagkainis ko at may halong galit na ang nararamdaman ko.

“Wala nang iba Papang? Kahit saan pwede ako, basta wag lang po doonsss” matigas ko paring wika sa kanya habang patuloy na papasok sa loob.

Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko?

“Ano bang masama kung doon ka tumigil Ian? Bahay din natin yun dati diba? Pati bigay sayo ng Mamang mo ang bahay na ’yon kaya wala kang ibang pamimilian pa kundi roon tumira ng isang Linggo” tila inis na rin sa akin si Papang.

Namalayan ko nalang na nakapasok na pala ako sa loob ng aking kwarto habang doon si Papang na nakasunod sa akin papasok.

“Sige Omar, salamat sa paghatid kausapin ko lang muna itong si Ian” nakatalikod ako sa kanila dahil inaayos ko na ang aking mga gamit na nakalapag sa kahoy na sahig.

“Sige po Papang, lalabas muna ako” tugon naman ng peste.

May malaking itim na maleta ang nakalapag sa sahig kung saan laman nito ang iba’t-ibang gamot at bitamina na ipamamamahagi ko sa mga trabahador dito sa Hacienda.

May mga alcohol, bandage at ilan paripernalya na mga kagamitang pang ospital ang meroon dito sa aking itim na maleta kung saan akin ngayong inaayos.

Nakatalikod ako kay Papang habang inaayos ko ang mga ito, inis na inis ako.

“Sabihin mo nga sakin Anak bakit ayaw mong manatili doon? Bahay din natin yun diba?” wika ni Papang sa aking likuran at doon ako tumayo para tumbukin ang kamang nasa gilid.

Umupo ako sa gilid ng kama “Hindi mo ako naiitindihan Papang” nakatungo kong wika sa kanya at doon ko namalayan na naka-upo na rin siya sa tabi ko.

“Naiintindihan kita Anak at alam ko rin ang gusto mong ipahiwatig” tila pagsusumamo sa akin ni Papang kaya doon ko siya binalingan ng tingin suot ang aking malungkot na ekspresyon.

“Naiintindihan mo pala ako Papang pero bakit mo pa pinagpipilitang doon ako manatili?” wika ko sa kanya at doon ko siya kitang ngumiti at umiling.

Ayoko na talaga sa bahay na iyon, kahit na bigay iyon ni Mamang ay ayoko na talaga.

“Ano bang dahilan Anak kung bakit kita pinapunta rito sa Hacienda?” nakangiting wika sa akin ni Papang at doon ako sumagot.

“Para po mag check-up ng mga trabahor” tanging tugon ko sa kanya at doon ito tumango sa akin.

“Iyan lang ba?” tila paninigurado niya sa akin at doon ako tumango.

“Opo Papang yun lang, wala nang iba” segunda ko sa kanya at doon siya muling tumango.

“Iyon naman pala. Mag che-check-up ka lang ng trabahor, yun lang at wala ng iba. Madali lang at wala nang dahilan para mag-inarte” tugon sa akin ni Papang at doon ako umiling.

“Pero hindi yun madali Papang, hindi ganoon kadali” pagsusumamo ko sa kanya at doon ko tinutumbok ang ibang pahiwatig.

“Paanong hindi madali Anak? Ikaw na ang nagsabi na mag che-check-up ka lang, yun lang at wala nang iba. Dibale nalang kung may iba kang agenda dine sa Hacienda, meron ba?” paninigurado pa ni Papang at doon nalang ako tumango.

“Wala po” tanging tugon ko sa kanya at doon ko naramdaman ang paghagod ng kamay ni Papang sa aking likuran.

“Oh sabi mo ’yan Ian, wala kang ibang agenda kaya hindi ka dapat tumatanggi na doon ka mananatili sa bahay natin dati. Pati may makakasama ka naman doon, nandun si Omar mabait na tao at ipagtatanggol ka” dahil sa huling wika ni Papang ay napatingin ako sa kanya.

Tila nabingi ako dahil sa huling salitang binigkas ni Papang, mabait? ipagtatanggol?

“Iyan na nga Papang! ’Yan ang gusto kong sabihin sa inyo! Ayoko Papang na may kasamang peste! Ayokong may peste sa bahay ko at ayokong may makikitang peste sa paligid ko” inis na inis kong wika kay Papang patukoy sa kanyang bagong kanang kamay.

“Pero bahay niya rin yun Anak, bahay din ni Omar ’yon. Dahil kung hindi ako nagkakamali ay nakapangalan sa inyong dalawa yung bahay natin doon” ’yan ang gusto kong sabihin ni Papang, iyan ang dahilan kung bakit hindi ako pabor na doon manatili sa bahay na ibinigay sa amin ni Mamang.

“Bakit kasi masyadong naniwala si Mamang na pang forever ang love team naming dalawa ng pesteng ’yon?” inis kong lahad kay Papang at doon ako muling tumungo.

“Anak nakalipas na ’yon, tapos na ’yon saka wala na kayo, kalimutan mo na Anak” muling hinahagod ni Papang ang aking likuran at doon ako umiling.

“Papang madaling sabihin pero mahirap gawin” patukoy ko sa kanyang sinabi “Mahirap kalimutan yung sakit na iniwan ng kahapon Papang” malungkot kong segunda sa kanya.

Patuloy lang si Papang sa pag hagod ng aking likuran “Pero nagbago na siya Anak at hindi na siya yung Omar na kilala mo” pangungumbinsi pa niya sa akin at doon ako muling umiling.

“Wala akong pakialam Papang. KIung nagbago na siya ay wala na rin naman siyang lugar sa puso ko, kahit na sabihin niyo pa ang mga bagay na ’yan” nakatungo ko paring wika sa kanya at doon ko nalang siyang narinig na nagpalatak.

“Kung wala na siyang lugar sa puso mo Anak, edi wala ka na dapat ipag-alala kung doon ka tutuloy sa bahay niyo” pangungumbinsi niya muli sa akin at doon nalang ako napailing.

“Hay” buntong hininga ni Papang sa aking gilid kaya doon ako napatingin.

“Papang” muli kong wika sa kanya suot ang aking malungkot na ekspresyon.

“Kung pwede lang na ihatid-sundo kita roon sa bahay tanggapan edi sana nagawa ko na” wika niya sa akin na tila nagsusumamo.

“Ayoko Papang hindi na pwede, hindi mo na kayang mag drive kaya sana ako nalang, marunong naman ako mag maneho” tugon ko sa kanya at doon siya umiling.

“Ayoko rin na mag mamaneho ka, alam mo ’yan” muling pag-papaalala sa akin ni Papang.

Sa buong buhay ko ay isang beses palang ako nakakahawak ng manibela at yung isang beses na iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ako nila Mamang at Papang na maneho.

May senaryo kasing muntikan na akong maaksidente noong panahong tinuturuan ako ni Papang na mag maneho sa murang edad.

“Doon ka nalang manatili sa bahay niyo Anak, nag mamakaawa ako sa ’yo. Ayoko namang ipaghatid sundo kita kay Omar dahil may mga bagay din siyang inaasikaso” pagsusumamo niya sa akin at doon pa hinawakan ang aking mga kamay.

“Hindi mo ba nami-missed ang bahay natin dati? Doon ka kaya lumaki” nakangiti niyang pangungumbinsi sa akin at doon nalang ako tumango.

“Miss ko Papang, miss na miss ko ang bahay natin dati pero iba na ngayon dahil may peste nang nakatira roon at malay ba natin na sinira na pala niya ’yon” patukoy ko sa lalaking peste sa buhay ko at doon umiling si Papang.

“Mag mula noong umalis ka five years ago wala nang tumira sa bahay na ’yon Anak, hindi roon namalagi si Omar” lahad ni Papang at doon nalang ako muling napatungo.

I guess wala na akong magagawa kundi ang manatili sa bahay na ’yon kasama ang peste.

“Pag isipan mo Anak, mamayang dapit-hapon ang alis niyo” huling wika ni Papang bago ko naramdamang tumayo siya sa pag kaka-upo.

Nakatungo lang ako at doon ko naramdamang ginulo ni Papang ang aking buhok bago siya humakbang ng dahan-dahan papalabas ng kwarto.

Nakatungo lang ako habang pinapakiramdaman si Papang na makalabas ng tuluyan sa aking kwarto at nang maramdaman kong wala na siya ay doon ako tumunghay at tumingin sa pintuan.

Tulad nang aking inaasahan ay may nakatayong lalaki roon sa labas ng aking kwarto.

Ang peste na hindi pa ’ata naliligo dahil sa itsura niya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya doon ko siya binigyan ng may pagtatakang mukha para ipahitawag kung anong tinitingin-tingin niya sa akin.

“Ano ’yon?” pabalang kong wika sa kanya.

Ayoko sa peste, inis na inis ako sa peste.

Mag mula pa naman noong nasa edad labing walo ako ay peste na talaga siya sa buhay ko, walang ipinagbago dahil peste parin siya hanggang ngayon.

Ano nga bang kwento namin ng pesteng ’to?

ㅡㅡㅡ

2011 Ten Years Ago

“Anak siya ang mag hahatid at sundo sa ’yo papunta sa school pauwi rito sa mansyon, ichendes mercedes ha?” natatawang wika ni Mamang sa akin habang may ipinapakilala siyang lalaki sa harapan ko.

Nandito kami sa sala ng aming mansyon kung saan suot-suot ko ang pang pasok ko sa eskwelahan, Grade Twelve na ako sa strand na HUMMS.

Unang araw ng pasukan at ngayon nga ay may ipinapakilala sa akin si Mamang na maghahatid at sundo sa akin dahil hindi na ako pwedeng humawak ng manibela.

Mula ng muntikan na akong maaksidente dalawang buwan ang makalipas ay mahigpit na nila akong pinagbawalan na humawak ng kahit anong sasakyan namin.

“Tatay niya si Franco na kanang kamay ni Papang mo at inaanak niya rin itong si Omar” paglalahad ni Mamang sa lalaking nagngangalang Omar.

Hindi ko ba alam kung maiinis o matutuwa ba ako sa lalaking nasa harapan ko.

Nakangiti kasi ito na sobrang nakaka-gago, nakasuot din siya ng unipormeng kaparehas ng suot ko.

“Mabait at mapagmahal itong si Omar Anak kaya ikaw na ang bahala kung mahuhu—” hindi ko na inintindi pa ang sunod na sinabi ni Mamang dahil pana’y kalokohan lang ang sinasabi niya sa akin.

Mabait at mapagmahal?

Nagkakamali ’ata si Mamang dahil sa paglipas ng araw ay doon ko nakita ang masahol pa sa hayop na pag-uugali ng Omar na ito.

Para siyang peste na masarap tirisin. Peste na masarap sunugin sa nagbabagang apoy.

“Bilis-bilisan mo na naman! ’Wag nang pabakla-bakla! Nakaka-inis!” inis na inis na wika ng pesteng si Omar habang doon naghihintay sa akin na matapos sa ginagawa ko rito sa library ng aming school.

Naka-upo siya sa tabi ko habang doon ako ginugulo.

Inis kong binalingan siya ng tingin dahil kanina pa niya ako iniistorbo “Gago ka ba? Sabi ko matagal pa ako dahil hindi pa ako tapos sa chapter three, mauna ka na” inis at bulong kong wika sa kanya dahil baka marinig kami ng librarian.

Kita ko naman ang pagkairita niya dahil inis na inis siyang napakamot sa kanyang ulo “Kung hindi ka lang anak ng may ari ng hacienda baka nasapak na kita, kakainis!” inis niya paring wika at doon nalang siya tumungo sa lamesang nasa aming harapan.

Ganyan ang ugali na ipinapakita sa akin ng pesteng Omar na ’yan, hindi ako nagsusumbong dahil baka may masamang mangyari kila Tito Franco na tatay niya.

Malapit ako sa tatay ng pesteng si Omar dahil napakabait niya sa akin kaya nakakahiya kung sasabihin ko kila Papang ang tunay na ugali ng Omar na iyon, baka mapahamak pa si Tito.

Araw-araw ay ganito ang trato niya sa akin kaya ginagantihan ko nalang siya, hindi naman niya ako sinasaktan pisikal pero minsan sa looban ko ay nasasaktan ako.

Minsan niya kasi akong pinapahiya sa mga gago niyang kaibigan sa school. Harap-harapan niya akong ipinapahiya.

“Mauna ka na bakla, sumakay ka nalang ng jeep mag iinom pa kami roon sa Blue Horse Bar, baka hindi kita maihatid alis na!” pagtataboy ng pesteng si Omar habang nasa likod niya ang kanyang mga kaibigan.

Nandito kami sa basketball court ng school kung saan may naglalaro rito, nanonood sila Omar kaya pinuntahan ko siya dahil kailangan ko ng umuwi sa bahay.

“Naubos nga yung pera ko, kaya bilisan mo na at tumayo ka na diyan. Ihatid mo na ako” pagkausap ko pa sa kanya at doon nalang ito napailing.

May nararamdaman na akong hiya dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng mga kasama niyang katulad nitong gago.

Kay pesteng Omar lang ako nakatingin kung saan iling ng iling “Bingi ka ba? Sabi ko mauna ka na at may gagawin pa kami!” inis niyang wika sa akin dahilan para mas mainis ako.

“Bingi ka rin? Sabi ko naubos yung pera ko kaya wala akong pamasahe, kaya tumayo ka na diyan at ihatid mo na ako” inis kong tugon sa kanya at doon ko pansin ang dinudukot niya sa bulsa ng kanyang itim na pantalon.

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaabangan kung anong kukuhanin niya sa bulsa.

“Oh ’yan tangina ka! Napakaulit mo! Babae ka? Babae ka ba? Kung umarte ka para kang chicks ah!” nagulat nalang ako nang may mga baryang dumampi sa aking pag mumukha, inihagis niya sa aking ang mga barya.

Tanginang peste ’yan!

Binalingan ko siya ng tingin kung saan nag papahiwatig na ‘Tangina mo rin! Mamatay ka na, mamatay ka na’

Inisnaban ko nalang ang pesteng si Omar bago ko pulutin ang mga baryang binato niya sa akin.

Habang nagpupulot ako ay rinig ko ang ilang mga tawanan ng mga gago niya ring kaibigan.

Mga walang modo.

Nasa ganoon lang akong pagpupulot nang may naramdaman akong tumabi sa akin at doon ako tinulungan sa pagdampot ng mga barya.

Napatingin ako sa lalaking iyon at doon nalang ako napangiti “Tulungan na kita” nakangiti niyang wika sa akin at doon kami nagpulot ng barya.

Mabilis lang ang pagpupulot namin habang hindi napuputol ang titig ko sa kanya, dahil sa lahat ng mga kaibigang nakikita kong kasama ni Omar ay siya lang ang matino sa lahat.

Siya si Jerico, anak ni Mang Junel na tagapangalaga ng hayop namin doon sa Hacienda.

“Pass na muna ako ngayon mga pre. Omar ako na lang maghahatid kay Ian doon sa mansyon, birthday rin kasi ni Tatay kaya kailangan ko ng umuwi” pagpapaalam ni Jerico sa kanila ng makatayo kami.

Nakatingin parin ako sa kanya dahil hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko.

“Bahala ka” rinig kong wika ng peste sa harapan namin pero hindi ko na siya binigyan pa ng pansin.

“Tara na Ian?” nakangiti niyang baling sa akin at doon nalang ako parang tanga na tumango.

Mag mula noon ay madalas na si Jerico na ang naghahatid sundo sa akin na ikinatutuwa ko naman dahil nababawasan ang stress ko sa katawan.

Akala ko noon na hindi ko na poproblemahin ang pesteng iyon, dahil mula noong si Jerico ang nakakasabay ko pagpasok ay mas lalo namang naging peste ang pag-uugali ni Omar.

Mas lumala ang pagpapahiya niya sa akin sa harap ng barkada niya sa tuwing nakakasalubong ko siya, ngunit pasalamat ko nalang dahil madalas akong ipagtatanggol ni Jerico.

Yung sinabi ni Mamang na mabait at mapagmahal? Maling-mali si Mamang.

“Omar pahawak naman muna ako nitong libro, natanggal kasi yung sintas ko eh” paghingi ko ng pabor sa lalaking nasa unahan ko ngayon.

Hindi ko kasabay si Jerico dahil may group study silang mag kakaklase, wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumabay nalang din dito sa peste.

Ngayon ay binabaybay na namin ang daan papunta sa mansyon, hindi kami nakasakay sa motor dahil putik na putik ang daan na dinadaanan namin. Baka madulas lang ang motor at ma-aksidente pa kami. Kaya nag desisyon kaming maglakad dahil medyo malapit nalang din naman ang daan pauwi.

“Omar sige na please, hawakan mo muna itong libro ko” paghingi ko pa ng pabor sa kanya pero hindi niya ako nililingon.

Mag mula pa noong isang Linggo ay hindi na niya ako kinikibo o kinakausap man lang na kung saan ay pabor na pabor naman sa akin.

Tuloy lang siya sa paglalakad sa aking harapan at hindi niya ako kinikibo. Parang hindi niya ako naririnig.

Hirap na hirap na akong maglakad dahil bukod sa maputik ay tanggal na ang dalawang sintas ng aking suot na puting sapatos.

“Omar kapag nadapa ako ikaw sisisihin ko! Kaya sige na hawakan mo muna itong libro ko!” inis ko ng wika sa kanya dahil parang wala siyang timang na hindi makarinig.

Napabuntong hininga nalang ako dahil wala na naman akong magagawa pa kundi ituloy nalang muli ang paglalakad ko.

Wala talagang puso ang pesteng ito.

Kaya siguro palagi siyang iniiwan ng mga girlfriend niya dahil wala siyang pagmamahal, alam niyo ba na halos linggo-linggo ay iba’t-ibang babae ang nakikita kong kalandian niya? At lahat ng babaeng iyon ay iniwan siya, gago kasi at napaka-peste ng ugali.

“Mamatay kana, mamatay kana” mahinang pagmumura ko sa kanya habang siya ay diretso lang sa paglalakad.

Ilang beses ko siyang minumura sa paglalakad namin hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong nakadapa sa putikan.

“Putaragis aray!” daing ko ng bumagsak ako sa putikan na aming nilalakaran.

Walang sinanto ang putik na ito dahil miski ang aking mukha ay punong-puno ng putik, ang mga libro na hawak-hawak ko ay nagkakasiyahan na sa putikan.

Dahan-dahan akong bumaling sa harapan at doon ko kita ang tila gulat at gagong mukha ni Omar “Ano ba ’yan! Para ka namang tanga! Tumayo ka nga diyan!” tila gago niyang pag-aalala sa akin at doon siya mabilis na lumapit sa akin para tulungan.

Habang tinutulungan niya ako ay doon ako naglagay ng putik sa aking palad upang ipahid sa mukha ng pesteng nasa harapan ko.

“Bwiset ka! Peste ka talaga sa buhay ko!”

2021, Alas-singko ng hapon.

“Ako na ang magdadala niyan Ian” wika ng lalaki sa aking gilid habang patuloy kami sa paglalakad.

“I can manage” tugon ko sa kanya at doon nalang siya napatahimik.

Dapit-hapon na at dumidilim na rin ang kapaligiran, ilang oras mula noong umalis ako doon sa mansyon.

I have no choice kundi ang sumama sa lalaking peste sa buhay ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa putikan dahil umulan ng mga trenta minutos kanina, hindi na namin pinasok ang motor dahil baka madulas at maaksidente lang kami.

Bitbit ko ang itim na maleta na naglalaman ng mga gamot at mga kagamitan na ginagamit sa medikal, may ilang damit din akong inilagay dito bukod sa nakasakbit na travel bag sa aking likuran.

“Sigurado ka? Ako na ang magdadala ng maleta mo tiyak na mabigat ’ata ;yang bag mo sa likod” muling pagkausap sa akin ng lalaki sa gilid habang patuloy lang kami sa paglalakad.

Hindi ko siya binabalingan ng tingin “Sabi ko, I can manage” seryosong wika ko sa kanya habang nakatingin lang sa harapan.

Pinapaligiran na ng mga puno ang aming nilalakaran dahilan para mas dumilim ang paligid, dapit-hapon na kaya ganito ang liwanag na ibinibigay ng kalangitan.

Gusto ko sanang kuhanan ng litrato ang aming nilalakaran gamit ang camera na nakasabit sa aking leeg ngunit bitbit ko naman ang maleta.

Nasa ganoon lang kaming paglalakad ng maramdaman kong kinukuha ng lalaki ang bitbit kong maleta.

“Ako na diyan Ian, baka nahihirapan kana” dahil sa kanyang sinabi ay binalingan ko na siya ng tingin suot ang serysong mukha.

“Sabi ko kaya ko, hindi mo ba naiintindihan” wika ko sa kanya at doon siya tumango.

Seryoso lang din ang kanyang mukha “Naintindihan ko pero nahihirapan ka, kaya ako na ang magdadala” tugon nito at doon niya inaagaw sa akin ang maleta.

“Ako na kaya ko na” seryosong baling ko sa kanya at doon siya umiling.

“Hindi ako na” tugon niya sa akin at doon niya muling inaagaw ang maleta sa akin pero inilalayo ko iyon sa kanya.

“Ang kulit mo! Sabing ako na eh!” dito na ako nagsisimulang mainis.

“Ako na nga kasi!” inis niyang tugon sa akin at doon niya muling pilit na inaagaw ang maleta.

“Ako na nga! Lumayo ka nga! Wag kang lumapit sa akin!” pagtataboy ko sa kanya pero tuloy parin siya sa pangungulit niya.

“Ako na kasi! Ibigay mo na sa akin, nahihirapan ka na kaya ako na, ako—”

“Oh sa ’yo na! Sa ’yo na! Ikaw na! Ikaw na!” doon ko marahas na ibinigay sa kanya ang maleta, dahilan para masaksihan ko ang ngiti niyang nakakagago.

Inisnaban ko nalang siya at doon humarap sa harapan para ituloy ang paglalakad.

“Ibibigay din pala, gusto kukulitin pa” rinig kong pang gagago ng peste sa aking gilid kaya doon ko siya inis na binalingan ng tingin.

“May sinasabi ka?” inis kong wika at doon nalang siya umiling habang bitbit na niya ang aking maleta.

“Ang sabi ko kumuha ka na ng mga picture gamit ’yang kamera mo tapos kuhanan mo na rin ako ng larawan para may souvenir ka” nabigla naman ako sa binibigkas niyang mga salita.

“Mas pipiliin ko nalang kumuha ng picture ng tae kesa sa pagmumukha mo, baka pumutok lang ang lens ng camera ko” tugon ko sa kanya at doon ko muli siyang inirapan.

Muli akong bumaling sa unahan para kumuha na ng mga litrato sa aming dinadaanan.

“Ikaw din baka pagsisihan mo. Mas gwapo naman ako sa tae” rinig kong bulong niya pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Pinagpatuloy nalang namin ang paglalakad at halos ilang minuto na rin kaming hindi nagkikibuan.

Nasa ganoong pagkuha ako ng larawan nang mapatigil ako sa paglalakad, batid kong napatigil din ang peste sa gilid ko.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko na sa lens ng aking camera ang bahay na tutuluyan ko.

Ang bahay na nakapangalan sa pesteng katabi ko.

Ang bahay na ibinigay sa amin ni Mamang.

Ang bahay na punong-puno ng alaala.

Sakit at sayang na mga alaala.

“Ian, naglinis na ako kahapon bago kita sunduin doon sa ospital”

ㅡㅡㅡ

this chapter is dedicated to Blake257

Chapter 4

ㅡㅡㅡ

Just the Two of Us

2011 Ten Years Ago

“Anak siya ang mag hahatid at sundo sa ’yo papunta sa school pauwi rito sa mansyon, ichendes mercedes ha?” natatawang wika ni Mamang sa akin habang may ipinapakilala siyang lalaki sa harapan ko.

Suot ko na ang pang pasok ko paaralan gayundin ang lalaking nasa harapan ko, ibinalita sa akin ni Mamang na itong lalaking ’to ay siyang mag hahatid at sundo sa akin.

Nakatitig lang ako sa mukha niyang nakangiti na parang nakakagago.

“Tatay niya si Franco na kanang kamay ni Papang mo at inaanak niya rin itong si Omar” paglalahad pa ni Mamang sa lalaki.

“Mabait at mapagmahal itong si Omar Anak kaya ikaw na ang bahala kung mahuhulog ka sa kanya, pero tandaan mo na magpakita ka naman ng pagpapakipot at kung kayo man ang magkakatuluyan, ibibigay ko yung bahay natin doon sa gitna ng pinyahan at doon kayo tumira ni Omar para magawa niyo lahat ng gustuhin niyo” hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Mamang.

Basta ang masasabi ko lang sa kanya ay siya ang pinaka the best na Nanay sa buong mundo at bagay na bagay sa kanya ang ‘Ulirang Ina Award’

Tanggap nila Papang at Mamang ang pagkatao ko at wala silang pag-aalinlangan na tanggapin kung ano at sino ako.

Ang suwerte ko sa kanila, lalo na kay Mamang dahil siya pa mismo ang nag udyok sa akin na maging ganito ako.

“Walang mali sa ’yo Anak dahil ikaw ’yan, buhay mo ’yan at wala kaming ibang gagawin ng Papang mo kung hindi ang suportahan ka namin” iyan ang wika ni Mamang sa akin noong oras na sabihin ko sa kanila kung ano ang sekswalidad ko.

Babaeng anak talaga ang gusto ni Mamang pero dahil nahirapan siya noon sa pagpapanganak sakin ay hindi na niya ako nasundan pa, kaya ang resulta ay pinipilit niyang iudyok sa akin na maging ganito ako.

“Sige na Anak umalis na kayo nitong si Omar dahil baka mahuli pa kayo sa klase” pagbasag ni Mamang sa pagkakatulala ko sa lalaki.

Naniniwala ba kayo sa love at first sight?

Kasi ako?

Oo ang sagot ko, naniniwala ako sa love at first sight dahil hindi ko alam kung bakit idinidigta ng isipan ko na ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking makakatuluyan ko.

Nababaliw na ba ako kung sabihin ko sa inyong crush ko si Omar?

Si Omar na ngayon ko lang nakita rito sa Hacienda, si Omar na hindi ko pa lubos na kilala.

Well love at first sight, so it means sa una lang ang lahat. Parang first impression.

Tama nga dahil sa una lang pala ang pag kahanga ko sa kanya, nadala lang ako siguro ng mga ngiti niya at ng kulay ng kanyang morenong balat.

Sa una lang ang pagkahanga ko sa kanya dahil sa paglipas ng mga araw ay doon ko nakilala ang pag uugali ng isang Omar, ang tanging masasabi ko lang sa kanya ay isa siyang Peste.

He is such a bully at mahilig siyang ipahiya ako sa mga gago niyang kaibigan, palagi niya ring ipinagdidiinan sa akin na mali ang pagiging bakla at sa tuwing sasabihin niya iyon ay hindi ko nalang siya binibigyan pa ng pansin.

Mag sasayang lang ako ng oras kung pagtutuunan ko siya ng pansin, dahil mas pipiliin ko pang kabisaduhin ang makakapal na libro ng aking mga medical books kaysa siya ay kausapin.

Hindi ko sinusumbong kila Mamang at Papang ang ginagawa sa akin ni Omar dahil kaya ko naman ang sarili ko, kaya kong ipaglaban ang sarili ko.

Baka si Ian ’to?

Ayoko ring masira ang reputasyon nila Tito Franco at Tita Helen kila Papang dahil mabait naman sa akin ang mga magulang ni Omar, pati may sakit kasi si Tita Helen at ayoko nang dagdagan pa ang pasakit sa kanila.

Hindi lang sa akin pasaway si Omar dahil miski sa kanyang tatay at nanay ay pasaway siya, kaya dumating sa puntong ayoko nang siya ang maghahatid sa akin.

Si Jerico, siya lang ang matinong kaibigan ni Omar at si Jerico rin ang dahilan para magkaroon pa ako ng mga kaibigan dito sa Hacienda.

Hate na hate ako ni Omar at hate na hate ko rin naman siya, so? It’s a tie!

Pero sabi nga ng ilan na the more you hate, the more you love.

ㅡㅡㅡ

“Omar pahawak muna ako nitong libro ko, natanggal kasi yung sintas ko eh” paghingi ko ng pabor sa lalaking nasa unahan ko ngayon.

Hapon na at uwian na namin sa school, ngayon ay binabaybay na namin ang daan papunta sa mansyon.

Hindi kami nakasakay sa motor dahil putik na putik ang daan na dinadaanan namin, baka madulas lang ang motor at magsemplang pa kami.

Kaya nag desisyon nalang kaming maglakad dahil medyo malapit nalang din naman ang daan pauwi, dapit hapon na rin kaya nagsisimula ng dumilim ang paligid.

Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko dahil baka ako ay matapid o madulas dahil ang sintas kasi ng aking sapatos ay natanggal.

“Omar sige na please, hawakan mo muna itong libro ko” paghingi ko pa ng pabor sa kanya pero hindi niya ako nililingon.

Mag mula noong isang Linggo kung saan si Jerico na ang naghahatid sa akin ay hindi na niya ako kinikibo o kinakausap.

Hindi ko kasabay si Jerico dahil may group study silang mag kakaklase, wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumabay nalang din dito sa peste.

“Omar kapag nadapa ako ikaw sisisihin ko! Kaya sige na hawakan mo muna itong libro ko!” inis ko ng wika sa kanya dahil parang wala siyang timang na hindi makarinig.

“Putaragis aray!” doon ko nalang nakita ang sarili kong bumagsak sa putikan na aming nilalakaran.

Walang sinanto ang putik na ito dahil miski ang aking mukha ay punong-puno ng putik, ang mga libro na hawak-hawak ko ay nagkakasiyahan na sa putikan.

Dahan-dahan akong bumaling sa harapan at doon ko kita ang tila gulat at gagong mukha ni Omar “Ano ba ’yan! Para ka namang tanga! Tumayo ka nga diyan!” tila gago niyang pag-aalala sa akin at doon siya mabilis na lumapit sa akin para tulungan.

Matalim ang pagkakatitig ko sa kanya ng mabilis siyang lumapit sa akin para ako’y tulungan, habang tinutulungan niya akong tumayo ay doon ako naglagay ng putik sa aking palad para ipahid sa mukha ng pesteng nasa harapan ko.

“Bwiset ka! Peste ka talaga sa buhay ko!” inis at natatawa kong wika sa kanya nang ipahid ko ang putik sa kanyang mukha.

Mabilis kong inalalayan ang sarili ko at doon ako tumayo ng diretso.

“Taragis na ’yan! Gusto mo bang halikan kita diyan!? Ikaw na nga ang tinutulungan!” inis niyang wika sa akin at doon niya pinapahiran ang mukha niyang may putik.

Hindi ko alam kung bakit napatawa nalang ako sa reaksyon niya kahit na gulat na gulat sa kanyang sinabi.

Inis lang siyang nagpapahid ng putik sa kanyang mukha ng muli kong inilahad ang aking palad sa kanyang leeg para doon ipunas ang natitirang putik.

Nakangisi lang ako habang hinihintay ang kanyang reaksyon “Gusto mo talagang halikan kita ano? Sige ’yan pala ang gusto mo ha” feeling close na wika sa akin ng peste at doon siya humakbang papalapit sa akin.

Dahil sa gulat ko sa kanyang ipinapakita ay doon ako nagtatakbo papalayo sa kanya “Ah! Manyak! Rape!” natatawang sigaw ko habang nagpapahabol sa kanya.

Bitbit ko ang mga librong putikan habang ako ay mabilis na tumatakbo.

Hindi ko na narinig pa ang boses ng pesteng iyon kaya batid kong nakalayo na ako sa kanya, nang makaramdam ako ng pagod ay doon muna ako tumigil para pakalmahin ang aking sarili.

“Anong meron sa kanya?” taka kong wika dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina.

Sa loob ng ilang Linggo niyang hindi pagpansin sa akin, tapos ganoon ang maririnig ko sa kanya? Hahalikan niya raw ako?

“Parang gago” wika ko at doon ako tumalikod para tingnan kung nakasunod ba siya sa akin.

Napangiti ako ng wala akong makitang Omar na nakasunod sa akin.

Nagdesisyon akong humarap at doon ko iyon pinagsisihan.

“Ang bagal mo namang tumakbo” iyan ang bumungad sa akin ng makaharap ako ng diretso.

Gulat na gulat ako dahilan para muling mabitawan ko ang mga librong hawak-hawak ko.

“Putaragis ka Omar! Manyak ka! Bastos! Gago! Peste!” sunod-sunod kong sigaw sa kanya habang ito ay papalayo na sa aking kinatatayuan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil tila nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.

Ang aking kanang kamay na putikan ay inilahad ko sa aking labi at doon mabilis na pinunasan ang naiwang marka na ibinigay sa akin ni Omar.

Ang halik na ibinigay ni Omar sa akin ang naging dahilan para magbago ang takbo ng aming relasyon.

ㅡㅡㅡ

Lumipas ang araw, lumipas ang panahon and after that incident that seems like confession ay doon na nagbago ang trato sa akin ni Omar, gulat na gulat ako kung bakit ganito ang kanyang pagbabago.

He insist na siya na palagi ang maghahatid at sundo sa akin dito sa mansyon papunta sa school, mula sa school pauwi sa mansyon.

“Hindi ko ’to ginagawa dahil utos ni Mamang, ginagawa ko ito bilang manliligaw mo” iyan ang sinasabi niya sa akin tuwing siya ang maghahatid at sundo sa akin.

Palagi niya akong tinutulungan sa mga school works ko lalo na kapag magkakabisado ako ng mga medical terms at ganun din naman ako, dahil palagi ko rin siyang tinutulungan sa mga school works niya.

Lumipas pa ang taon at dumating na ang araw na College na kami ni Omar at kumukuha ako ng kursong pagdodoktor samantalang agrikultura naman ang kanyang kinuha.

Hindi ako bobo at hindi rin ako manhid para hindi malaman kung ano ba talaga ang ipinapakita sa akin ni Omar, tulad ng sabi niya ay manliligaw ko raw siya.

Hindi ko na siya tinanong pa kung bakit bigla-bigla nalang naging ganito ang kanyang trato sa akin dahil naniniwala nalang ako sa katagang ‘The more you hate, the more you love’

Matiyaga at masipag si Omar at yun ang isa sa mga napansin ko sa kanya mag mula ng maging malapit kami sa isa’t-isa.

Nandiyan siya kapag kailangan ko siya at nandiyan din siya kahit na ayaw ko minsan sa ugali niya.

Matapang si Omar at kahit anong mangyari ay hindi siya sumusuko sa ginagawa niya.

May paninindigan si Omar dahil kahit sa mga magulang ko ay sipsip ang pesteng ito.

At alam nito ba? Nakita ko kay Omar ang mga bagay na hinahanap ko sa isang lalaki and that’s the reason why my heart is now pounding for him.

Dumating nga sa puntong nasabi ko sa sarili kong “Siya na, siya na yung lalaking hinihintay ko”

Paanong hindi ka mahuhulog kung palagi ka niyang binibigyan ng paborito mong bulaklak na puting rosas.

Sinong hindi mahuhulog kung palagi ko siyang nauutong sumayaw sa harapan ko kahit na parehas saliwa ang kanyang mga paa.

Sinong hindi mahuhulog kung pinipilit niya ang kanyang sarili na tumugtog ng gitara at kumanta ng paborito kong kanta kahit na wala siyang passion pagdating sa bagay na ito.

At sinong hindi mahuhulog kung tatratuhin ka niya bilang espesyal sa oras na kayong dalawa lang magkasama?

Sino? Sabihin niyo sakin at sasabunutan ko.

Nakangiti lang ako habang nakatitig sa lalaking nasa tabi ko, nasa ilalim kami ng puno ng mangga rito sa aming hacienda.

Nakangiti lang ako dahil kanina pa siya asar na asar sa gitarang hawak niya, pinipilit na naman niya kasi ang kanyang sarili na tumugtog para sa akin.

Nakangiti lang ako at doon umiling bago ko inilapit ang aking bibig para siya ay bigyan ng halik sa kanyang labi.

Doon ko sinabi sa aking sarili na “Okay fine! Kami na! Oo na! Sinasagot ko na siya! Tama na ang arte! Siya na ang gustong makasama! Mahal ko na siya!”

ㅡㅡㅡ

Minutes turned into hours, hours turned into days, days into weeks, weeks into months and months into years

Naalala niyo yung sinabi sa akin ni Mamang noong unang pagpapakilala sa aming dalawa ni Omar?

“Kung kayo ’man ang magkakatuluyan ni Omar ay ibibigay ko sa inyo yung bahay natin doon sa gitna ng pinyahan at doon kayo tumira ni Omar para magawa niyo lahat ng gustuhin niyo”

Tulad nga ng pangako ni Mamang ay ibinigay niya ang bahay namin dati sa aming dalawa ni Omar, kakalipat lamang namin noong isang Linggo kaya hindi pa kumpleto ang mga kagamitan namin doon sa bahay.

Gabi na at naglalakad na ako pauwi sa bahay naming dalawa ni Omar, bitbit ko ang makakapal kong libro habang suot ko ang puting-puting uniporme tanda na isa akong medical student.

Hindi ko kasabay si Omar dahil wala na siya sa university noong tinanong ko siya sa mga kaibigan niya.

Hindi ko naman maiwasang maging malungkot dahil mula kaninang umaga ay hindi niya ako kinakausap, nag-away kasi kami kagabi kaya may alitan pa kaming dalawa.

Mas lalo pa akong nagiging malungkot dahil napaka-espesyal ang araw na ito para sa aming dalawa, ngunit ito ako ngayon at naglalakad mag-isa.

Nang makarating ako sa harapan ng bahay namin ni Omar ay tumigil muna ako sa labas ng pintuan.

Napatingin ako sa gilid ng pinto kung saan kalapit nito ang salamin na sarado, walang liwanag akong nakikita sa loob tanda ng wala pang tao rito.

Napailing nalang ako dahil sa aking nararamdaman, hindi ko kasi maiwasang maging emosyonal dahil sa nangyayari mag mula pa kagabi.

Hindi na ako nag-atubili pang ilahad ang aking kanang kamay sa door knob ng pinto at mabilis ko itong binuksan.

Sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy na ipinagtataka ko kung bakit may ganoon dito.

Wala akong makita sa loob kaya doon ko inilahad ang aking kanang kamay para abutin ang switch na nasa gilid lang ng pintuan.

Nang mabuksan ko ang ilaw ay doon sumalubong sa akin ang mga bagay na naging dahilan para mas lalo pa akong maging emosyonal.

Nabitawan ko ang hawak kong mga libro at doon ko inilahad ang dalawang palad sa aking bibig para pigilan ang emosyong gustong makawala sa aking kaloob-looban.

“Happy Anniversary Ian” wika ng isang gwapong anghel habang may hawak-hawak na tatlong puting rosas.

Hindi ko na napigilan ang aking emosyon at doon na nagsimulang magbagsakan ang mga luha sa aking mga mata.

“Omar ano ’to?” nahihiya at naluluha kong wika sa kanya dahil sa aking nasasaksihan.

Punong-puno ng puting rosas ang salas ng bahay naming dalawa, kaya pala pagpasok ko sa pintuan ay ganito ang amoy na bumungad sa akin.

“Anniversary natin kaya may ganito” nakangiti niyang tugon sa akin dahilan para mapatawa ako habang lumuluha.

“Alam ko, pero bakit may pa ganito?” wika ko sa kanya at doon ako humakbang nang mabilis papunta sa kanyang pwesto.

“Sabi ko naman sa ’yo diba na espesyal ka sakin, kaya lahat ng gusto mo gagawin ko” tugon niya sa akin at doon ko siya binigyan ng napagkahigpit na yakap.

Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang kaliwang leeg at doon ko ibinuhos ang mga emosyon ko sa kanya “Okay lang naman kahit walang ganito, okay na sa akin yung magkasama tayong dalawa sa araw na ’to” emosyanal kong wika sa kanya.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Omar sa aking bewang “Alam ko, pero gusto ko lang ipakita sa ’yo at kila Mamang na seryoso talaga ang pagmamahal ko sayo” tugon niya sa akin dahilan para mas higpitan ko ang pag-yakap ko sa kanya.

“Thank you, I love you” nakapikit kong wika sa kanya dahil sa tuwang nararamdaman ko.

“Mahal din kita Ian” tugon naman niya sa akin at doon ko pinaramdam sa aking pagkakayakap ang pagmamahal ko sa kanya.

Nakapikit lang ako habang inisiksik ang aking ulo sa kanyang leeg nang may marinig akong pamilyar na kanta ang bigla nalang tumugtog.

Napamulat ako at doon ko binaling ang aking tingin sa likuran ni Omar.

“Mamang?” gulat kong wika ng makita ko si Mamang na nakatayo roon sa lumang radyo, siya ang nagpatugtog ng paborito kong kanta ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’ awitin ni Rey Valera.

Inalis ko ang pagkakayakap kay Omar at doon ako humakbang papalapit kay Mamang na lumalakad papunta rito sa aming pwesto.

“Anong ginagawa mo rito Mamang?” nakangiti at gulat kong wika sa kanya at doon nalang siya tumawa.

“Niyaya kasi ako nitong jowa mo para ipagdiwang ang isang taon niyong pagsasama, pasunod na rin ang Papang at ang Tito Franco mo dala-dala ang pagkain natin” tugon niya sa akin at doon nalang ako napangiti.

“Mamang naman” naluluha kong wika sa kanya at doon ko siya binigyan ng mahigpit na yakap “Mas lalo akong naiiyak” emosyonal kong segunda sa kanya habang yakap-yakap ko ito.

Sobrang swerte ko kay Mamang, sobra.

“Sabi ko naman sa ’yo diba na suportado kita sa lahat ng mangyayari sa ’yo, kaya ako nandito kasama niyo para ipagdiwang ang espesyal niyong araw. Para kapag nawala na ako rito sa mundo ay makikita ko na masaya ka kasama ang taong mag aalaga sa ’yo” tugon sa akin ni Mamang at doon ako mas lalong naging emosyonal.

“Mamang naman, wag ka namang ganyan” naluluha kong wika sa kanya.

Si Mamang ay may sakit, stage three bone cancer.

Ayaw magpagamot ni Mamang dahil sa personal niyang dahilan, ayaw niyang malalagyan ng kemikal o kung ano mang gamot ang kanyang pangangatawan.

Si Mamang din ang dahilan kung bakit ko gustong maging isang Doktor, para matulungan at malunasan ang mga katulad ni Mamang na may sakit.

“Nag sasabi lang naman ako ng totoo Anak, malay ba natin na baka bukas ay wala na ako rito sa mundo na baka mamatay na ako kaya nagpapasalamat ako da—”

“Wala pong mamatay Tita, wala pong mawawala Mamang” doon ko nalang nakitang nakayakap na rin si Omar sa gilid namin ni Mamang

Napangiti ako dahil sa aking nasasaksihan, napaka-swerte ko.

Binalingan ko ng tingin si Omar, doon ako mas lalong napangiti nang bigyan niya ako ng halik sa aking pisngi at pinunasan niya ang luhang umaagos sa aking mga mata.

Nakatitig lang ako sa mga mata ni Omar habang doon siya kinakausap ni Mamang.

“Ipangako mo sakin na hindi mo iiwan ang anak ko Omar” wika ni Mamang kay Omar at doon siya tumango habang nakatitig sa akin.

“Pangako po Mamang, hindi ko po iiwan si Ian” kitang-kita ko ang sensiridad sa mga mata ni Omar.

Doon ko nalang nakita na ang pagkakayakap naming tatlo nila Mamang ay umiindayog na para sumabay sa kanta.

“Ipangako niyo sa akin na tatanda kayo nang magkasama at kahit na pumuti ang mga buhok niyo ay hindi niyo bibitawan ang mga pangako sa isa’t-isa” napabaling ako ng tingin kay Mamang na hindi napuputol ang mga ngiti ko sa labi.

“Pangako po Mamang”

“Pangako Tita” sabay naming tugon ni Omar at doon siya napangiti ng mas malapad.

“Ipangako niyo sakin na aalagaan niyo itong bahay natin ha, dahil pamana pa sakin ito ng mga Lolo at Lola niyo. Mangako kayong dalawa”

“Pangako Mamang” nakangiti ko muling tugon kay Mamang at doon ko narinig ang tila isang magandang pag-awit na tugon ni Omar.

“Aalagaan ko po kayong dalawa ni Tito. Aalagaan ko po si Ian at aalagaan ko rin po itong bahay niyo Tita” damang-dama ko ang pagiging seryoso ni Omar sa mga salitang binanggit niya, dahilan para mas matunaw ang aking puso.

“Baka naman magtampo ang mga magulang mo niyan, sila rin dapat ay alagaan mo lalong-lalo na ang Nanay mo Omar, tumatanda na kami kaya kailangan namin ng pag-aalaga” wika ni Mamang at doon tumango si Omar.

“Dapat ang mga pangako niyo ay hindi mapapako dahil kapag nangyari iyon ay dadalawin ko kayong dalawa sa mga panaginip niyo, kapag nawala na ako dito sa mundo” segunda pa ni Mamang sa aming dalawa ni Omar.

“Mamang naman! Huwag mong sabihin ’yan!”

“Tutuparin ko po ang mga pangako ko sa inyo Mamang”

ㅡㅡㅡ

Nanindigan si Omar sa mga pangako niya kay Mamang dahil sino bang hindi matatakot kung sabihin sa inyo na dadalawin kayo ng isang multo?

Kaya pinanindigan ni Omar lahat ng mga pangako niya.

Lumipas ang panahon, lumipas ang taon ay magkasama kaming tumatanda ni Omar.

Minsan kaming hindi nagkakainitindihan na normal lang naman sa isang relasyon at minsan naman sobra-sobra ang pagmamahalan na nagagawa naming dalawa.

Sabi nga ni Mamang na may mga bagyo at unos na dumadating pero after that disaster may magandang kinabukasan ang ating haharapin.

Mamang passed away two years ago and i am so devastated that time dahil sino bang hindi mababaliw kung mawawalan ka ng espesyal sa buhay mo.

Ngunit tulad ng sinabi ni Mamang na may mga umaalis at may mga dumadating and I’m so lucky na si Omar ang dumating sa buhay ko.

Nawala si Mamang, may Omar naman ako.

May mga pangakong iniwan sa akin si Mamang na gusto at dapat kong tuparin tulad na lamang ng pagpunta ko sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng medisina.

“Ganito pala kasarap ano?” wika ng isang lalaki sa aking tabi.

“Anong masarap?” tugon ko sa kanya habang nakatitig parin sa aking librong binabasa.

Nandito kami sa ilalim ng puno ng mangga para tumambay at magpahinga, katatapos lamang namin magtanim ng mga pinya kahapon sa malawak na taniman sa harapan lang ng aming bahay.

Tinulungan namin si Tito Franco at ang ibang trabahador sa pagtatanim, payag na payag namin si Papang sa aking ginawang pagtulong kahapon.

Nakasuot ako ng pulang damit na may white stripe samantalang naka puting polo naman ang gwapong-gwapo kong kasintahan.

May rambutan din sa aking harapan na kinuha niya roon sa puno kanina.

Nakadapa ako habang nagbabasa dahil malapit na ang final week namin bilang fifth year student sa kursong medikal.

Samantalang nakahiga naman si Omar sa aking gilid habang doon nakatitig sa makulimlim na kalangitan at wala siyang ibang ginagawa kundi ang guluhin ako sa pagbabasa.

“I mean ganito pala ang feeling kapag kasama mo yung taong mahal mo, am i right Bal?” paglilinaw niya sa sinabi niya kanina at doon ako napatango.

“Bal?” taka kong tugon at doon ako bumaling ng tingin sa kanya.

Bumalikwas ng bangon si Omar at doon siya umupo sa gilid ko, gulat ako ng inalalayan niya ang aking katawan pahiga sa kandungan niya.

“Bal as in balance? Balingkinitan? Balcony? Balakubak?” natatawa kong wika sa kanya habang nakatingin sa taas kung saan doon ko nasisilayan ang gwapong mukha ni Omar.

Napailing nalang siya sa mga sinabi ko at doon niya sinabi ang Bal na wika niya.

“Bal means honey, endearment Bal nako-nako” natatawa niyang turan sa akin na ipinagtaka ko.

“Saan mo naman po napulot iyan? Pati kailan pa naging Bal ang Honey?” taka kong tugon sa kanya at doon niya ako sinagot.

“Ibig sabihin ng Bal sa Turkey ay honey, nabasa ko lang kanina sa internet” tugon niya sa akin at doon nalang ako napatango.

Medyo cheesy pala itong si Omar “Medyo cheesy ka pala Bal” nakangiti kong pang-aasar sa kanya kaya doon ako nakatanggap ng pagkurot sa aking tagiliran.

“Aray” daing ko sa ginawa niyang pagkurot sa akin.

“Inaasar mo na naman ako eh” natatawa at tila inis niyang wika sa akin kaya bumalikwas ako ng bangon at doon ko inlahad ang aking sarili para umupo sa kandungan ni Omar.

Inilingkis ko ang aking balikat sa leeg ni Omar at doon ko naramdaman ang pagkapit niya ng mahigpit sa aking likuran.

“I love you Bal” nakangiti kong wika sa kanya at doon ko inilahad ang aking ilong sa kanyang ilong at doon pinagdikit.

Madalas namin gawin ang bagay na ito lalo na kapag sinusuyo ko siya.

“Mahal din kita Bal” tugon naman niya sa akin at doon ako muling umayos ng tayo.

Umupo ako sa gilid ni Omar at doon ko idinantay ang aking ulo sa kanyang kaliwang balikat.

Diretso ang aming mga paa at doon pinanonood ang mga nagsasayawang puno sa aming harapan.

Tanaw na tanaw din namin dito ang bahay na nakatayo sa gitna ng pinyahan na bigay sa amin ni Mamang.

“Bal kita mo ’yang nakikita mo? Iyang malawak na kalupaan?” wika ni Omar sa aking tabi habang diretso lang kaming nakatingin doon.

“Hindi ako bulag kaya nakikita ko” tugon ko sa kanya na ikina-inis nito.

“Bal naman! Babanat kaya ako, panira ka!” nagtatampong wika niya sa akin at doon ko nalang siya binalingan ng tingin.

“Sorry Bal” tugon ko sa kanya at doon ko muling idinantay ang aking ulo sa kanyang balikat “Opo nakikita ko nga” segunda ko naman sa tanong niya kanina at doon niya itinuloy ang sasabihin niya.

“Isipin mo Bal na nasa gitna tayo ng taniman tapos pagod na pagod tayo sa pagtatanim ng mga pinya, tapos tatawagin tayo ng mga anak natin kasi kakain na tayo ng tanghalian” batid ko ang kasiyahan ni Omar sa kanyang pagsasalita.

Doon ako napatango sa kanyang mga sinasabi at ang aking mga kamay ay doon ko inilahad para hawakan ang kamay ni Omar.

“Pero hindi, mali pala. Dahil ako lang ang magtatanim at kakayod sa ating dalawa kasi ayokong mapapagod ang asawa ko” bumaling ako ng tingin kay Omar at doon ko lang siya kitang nakatingin sa paligid na tila doon iniisip ang mga bagay na sinasabi niya.

“Ang tanging gagawin mo lang ay aalagaan kami ng mga anak natin, ikaw ang magluluto, ikaw ang maglalaba ng mga damit natin lalo na yung mga ma-aasim kong brief at ikaw ang mag-aasikaso sa mga gawaing bahay” seryoso lang niyang wika sa akin at doon ako umiling.

“Asawa kita kaya lahat ng gusto kong gawin sa ’yo ay susundin mo lalo na kapag kantutan day natin, papagudin kita at babarurutin ko ang butas mo dahil asawa mo ako, iiyak ka sa sarap at doon mo isisigaw ang pangalan ko” segunda niya sa akin para makatanggap siya ng batok sa ulo.

“Diyan ka magaling! Puro sex ang laman ng utak mo! Wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagudin ako!” inis kong wika sa kanya at doon ako muling dumantay sa kanya.

Iniisip ko kung paano kaya kung mag asawa na nga kaming dalawa, tiyak na mamatay ako ng maaga dahil sa mga kamanyakan niya.

Kung ngayon ngang magkasintahan kami ay inaraw-araw niya ako roon sa kama, paano pa kaya kung mag asawa na kaming dalawa.

“Bal ikaw lang naman ang laman ng utak ko. Ian, sex, Ian, sex, Ian at sex lang ang laman nito” wika niya sa akin na ikina-kunot ng noo ko.

“Bal hindi sex ang batayan ng relasyon, paano nalang kung hindi ko na maibigay sa ’yo yun?” baling ko sa kanya at doon ako nagulat sa kanyang sagot.

“Maghahanap ako ng iba” wika niya sa akin at doon siya nakatanggap muli ng batok.

“Gago kaba?” inis kong wika sa kanya at doon nalang siya tumawa.

Sa ilang taong pagsasama namin ni Omar ay doon ko pa nadidiskubri ang tunay na kulay at baho ng pesteng ito.

Bastos, manyak at minsan siyang gago kapag magkasama kaming dalawa.

Tahimik at hindi siya kumikibo kapag kaharap namin ang mga gago niyang kaibigan sa school.

Hindi siya nagsasalita kapag may mali siyang nagawa.

“Joke lang Bal! Hinding-hindi na ako makakahanap pa ng katulad mo!” pang-susuyo niya sa akin at doon ako pilit na niyayakap.

“Pati pupuntahan pa natin yung paborito mong lugar kaya hinding-hindi kita iiwan” segunda pa niya sa akin at doon lang ako seryosong nakatingin sa kanya.

Nandiyan si Omar sa tabi ko kapag malungkot ako, nandiyan siya kapag masaya ako at mayroon akong tinatawag na Omar kapag kinakailangan ko siya.

Ganun din naman ako dahil nandiyan din ako sa tabi niya kapag malungkot siya, kapag masaya siya at kapag may kailangan siya.

Lumipas pa ang panahon at doon kami gumigising ni Omar na magkasama, doon pa namin lubos na kinikilala ang isa’t-isa.

Hindi ako nag-sasawa, hindi ako nag-sasawa.

Sa paglipas pa ng oras ay nagising nalang ako ng isang araw na parang may nagbago.

Bisyo? Barkada? Gago?

Umuuwi ng lasing.

Dumating sa puntong napagbubuhatan na niya ako ng kamay.

Nasabi ko sa sarili ko na ‘Hindi ko na siya kilala, hindi na siya yung nakilala ko and he is now falling apart from the man the he promised for’

ㅡㅡㅡ

Chapter 5

ㅡㅡㅡ

The Broken Promises

2016 Six Years Ago

Nandiyan si Omar sa tabi ko kapag malungkot ako, nandiyan siya kapag masaya ako at mayroon akong natatawag na Omar kapag may kailangan ako.

Ganoon din naman ako sa kanya dahil nasa tabi niya rin ako kapag masaya siya, kapag may kailangan siya at kapag malungkot siya lalo na noong namatay ang kanyang may sakit na Ina.

May sakit din kasi si Tita Helen at hindi na kinaya pa ng katawan niya, kaya nakakalungkot mang isipin ay bumigay na rin siya.

Noong namatay si Tita Helen ay doon mas naging pasayaw si Omar.

Sa paglipas ng panahon doon ko pa mas nakilala ang tunay na ugali niya, kung gaano kalaki ang pagkagusto ko sa kanya ay ganoon din ang katumbas kung bakit ako nakararamdam ng galit sa kanya.

“Kung hindi pa sakin sinabi ni Jerico na nandoon ka sa bar edi hindi ka talaga uuwi?” inis kong wika sa lalaking nasa likuran ko.

“Kung hindi ka umalis, edi hindi mangyayari ’to!” tugon nito habang nakasunod sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa bahay naming dalawa, alas-dose na ng madaling araw at buhay na buhay pa ang mga diwa naming dalawa.

Nasa gitna na kami ng pinyahan kung saan malapit na rin kaming makadating sa bahay.

Napatigil ako sa aking paglalakad at doon ko siya hinarap, hindi naman siya lasing kaya hindi na niya kailangan pang alalayan.

Inis na inis ako sa kanya dahil ginising pa ako ni Jerico para sabihing nag-iinom na naman si Omar.

“Sabi ko naman diba sa ’yo na kailangan kong mag review, dahil finals na namin next week. Kailangan ko ng katahimikan kaya umuwi muna ako roon sa mansyon!” inis kong wika sa kanya at doon ko nalang nakita ang kanyang pagngisi.

“Finals-finals ang sabihin mo wala ka nang oras sakin” tatanga-tanga nitong wika sa akin kaya mas lalo akong nainis.

“Anong pinagsasabi mo?” inis at seyosong tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang kanyang pag-iling habang nakatingin din sa akin.

“Tsss..” pag-ngisi niya sa akin.

Inis akong napailing “Omar, dalawang araw lang yung hiningi kong pabor sa ’yo na uuwi muna ako roon sa mansyon dahil ang ingay-ingay niyo sa bahay” paano ba naman kasi ako makakapag-review kung palagi silang nag-iingay ng mga gago niyang barkada roon sa bahay.

Pana’y inuman, tawanan at kwentuhan ng mga bagay na hindi naman dapat pinag-kukwentuhan.

Hindi ako bobo o bulag para hindi mapansin ang pagbabago ni Omar sa akin, mag mula noong namatay si Tita Helen noong isang buwan ay doon na nagsimula ang lahat.

Naging tahimik at hindi ma-kwento sa akin si Omar kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

Naging pasaway siya dahil kapag inuutusan ko ito ay hindi niya ako sinusunod at ganun din siya sa kanyang Ama.

Kapag may nagagawa siyang mali ay hindi niya ito inaamin at minsang itinitikom nalang ang bibig.

Palagi niyang kasama ang mga kabarkada niyang lulong sa bisyo kaya isang araw ay nahuli ko si Omar na naninigarilyo roon sa likod bahay and that time ay galit na galit ako sa kanya.

Kapag nag-aaway kaming dalawa ni Omar ay doon ako nabibigla tuwing nagagawa niya akong itulak, dahilan para masaktan ako ng pisikal at hindi lang mental.

Hindi na siya yung Omar na nakilala kong maalaga at mapagmahal kaya nasabi ko nalang sa sarili ko na “Hindi ko na siya kilala, hindi na siya yung nakilala ko and he is now falling apart from the man that he promised for”

“Kinakausap pa kita Omar wag kang bastos!” inis kong wika sa kanya dahil inunahan na niya ako sa paglalakad naming dalawa.

“Manahimik kana naririndi na ako!” tugon nito sa akin kaya doon nalang ako napailing.

Diretso lang kami sa paglalakad habang nakatingin lang ako sa kanyang likuran, kung ano-anong mga kongklusyon ang pumapasok sa isipan ko.

Alam niyo bang mag mula noong isang Linggo ay si Jerico na ang kasabay kong pumasok papuntang university? Wala akong Omar na nakakasabay sa umaga na pumasok.

“Sa lahat ng mga kaibigan mo ay si Jerico lang ang matino” wika ko sa kanya at doon ko nakitang nasa harapan na pala kami ng bahay.

“Doon kana” tugon nito sa akin at doon siya diretsong pumasok sa pinto.

Nakasunod lang ako sa kanya at doon sumalubong sa akin ang mapanghing amoy ng bahay namin dalawa, patay ang ilaw kaya roon ko binuksan ang switch.

Pagkabukas ko ng ilaw ay doon ko nakitang pumasok ng diretso si Omar sa aming kwarto kaya napailing nalang ako.

Sa aking ginagawang pag-iling ay doon kinuha nang aking atensyon ang sala ng aming bahay.

Literal na nalaglag ang aking panga dahil sa aking nakikita.

Punong-puno ng kalat ang aming sala, mga bote ng alak, upos ng mga sigarilyo, mga basong pinupugadan na ng ipis, mga platong pinagkaininan na may nabubulok ng pagkain at mga balat ng sitsiryang nagkalat.

Hindi ko napigilang mapaluha sa aking nakikita, hindi nalang ako nagsalita at doon na ako kumilos para ligpitin ang mga kalat niya.

Oo mabigat, mabigat sa aking loob na makitang ganito ang nangyayari sa aming dalawa.

Parang kahapon lang na sobrang saya namin habang nasa ilalim kami ng puno ng mangga at doon pinag-uusapan ang mga bagay na gusto naming mangyari sa future.

Bitbit ang mga plato at baso ay doon ako naglakad papunta sa lababo para doon hugasan ang mga kalat na ginawa ni Omar.

Napangiti nalang ako ng mapait at doon ipinagpatuloy ang paghuhugas ng mga kalat.

Napapikit pa ako dahil inaasahan kong panaginip lang ang nangyayari sa aming dalawa, pero hindi.

Dumating pa ang mga araw na ganito ang senaryo naming dalawa ni Omar.

ㅡㅡㅡ

“Bakit naman ganoon yung sinabi ng gago mong kaibigan sa akin?” inis kong wika kay Omar habang kami ay nasa sala.

Nakatayo kaming dalawa rito at doon nag-aargumento.

Kauuwi lang naming dalawa at inabot kami ng alas-otso imedya ng gabi dahil sa katarantaduhan ng lalaking nasa harapan ko, dapat alas-tres palang ng hapon ay nakauwi na ako dahil na rin sa ginagawa kong pag-rerebyu.

“Ano bang pinagsasabi mo? Kanina ka pa eh! Pati diba sabi ko sa ’yo na hintayin mo ako roon sa gate!” tugon niya sa akin at doon ko kita ang inis niyang pagmumukha dahil pinagtataasan na niya rin ako ng boses.

Napatangis ang aking mga bagang at doon ako napailing “Gago ka ba? Hinintay kita roon sa labas ng gate at limang oras akong naghintay doon!” inis kong tugon sa kanya at doon ko nakita ang pagngisi niya.

“Sinungaling! Limang oras? Limang oras mo akong hinintay o limang oras kang nakipaglandian kay Jerico?” gulat ako sa kanyang nilahad kaya doon ako mas nakaramdam ng galit sa kanya.

Kita kong nagulat din naman siya sa kanyang sinabi.

“Gago ka pala! Kahit itanong mo pa roon sa guard kung ilang oras akong naghintay sa ’yo! Kahit itanong mo pa roon sa gago mong kaibigan na sinabihan akong kaibigan mo lang ako? Bakit? Ipinakilala mo ba ako sa mga kaibigan mo bilang kaibigan lang? Ipinakilala mo ba ako ng maayos sa mga kaibigan mo?” maniniwala ba kayo kung sasabihin ko sa inyong narinig kong sinabi ni Omar sa mga gago niyang kaibigan na kaibigan niya lang ako?

Narinig ko ito noong nag iinuman sila mismo rito sa loob ng bahay, mga lasing na kaya kung ano-anong pinagsasasabi.

Hindi na napigilang lumandas ng mga luha ko dahil sa halo-halo kong nararamdaman, pagod, inis, galit at sakit.

Sinong hindi mapapagod kung naghintay ka ng limang oras para sa lalaking hindi naman dumating.

Sinong hindi magagalit kung pinaasa ka niyang kakain kayo sa labas kaya naghintay ako ng limang oras para lang makasama siya.

Sinong hindi maiinis kung ganito ka-gago ang ipinapakita niya.

Sinong hindi magagalit na sa loob ng ilang taon niyong pagsasama ay malalaman mong kaibigan lang pala ang pagkakakilala sa ’yo ng mga kaibigan niya at sinong hindi masasaktan kung ganitong walang pagmamahal ang mga lumalabas sa bibig niya.

“Paano mo nasasabing nakikipaglandian ako sa iba? Paano mo ako napagdududahang nakikipaglandian kay Jerico?” inis at lumuluha kong wika sa kanya habang siya ay tila gulat pa sa kanyang mga nasabi kanina.

“Alam mo ba kung bakit umalis na ako kanina? Alam mo ba kung bakit kay Jerico ako sumabay? At alam mo ba na nakita ng dalawang mata ko na may babaeng naka-angkla sa mga braso mo? Diba si Jessica ’yon? Yung gusto mo dating taga architecture!?” paglalahad ko sa kanya at doon nalang ito napatungo.

Napailing ako dahil sa nakikita ng mga mata ko, ibang-iba na talaga siya.

Nagpahid ako ng mga luha sa aking mata at doon ako seryosong nagsalita sa kanya.

“Sabihin mo nga sakin Omar kung nahahawa ka na sa mga gago mong kaibigan? Diba sabi ko naman sa ’yo na layuan mo na sila, natatakot ka ba? Naduduwag kaba Omar?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya at doon ako nagulat ng tumango siya sa akin.

Isa ito sa mga ginagawa niya kapag may nagagawa siyang mali, tatango at hindi mag-uusap.

“Putanginang takot ’yan! Anong mapapala mo diyan Omar! Anong mapapala mo sa pagiging duwag mo!” galit kong wika sa kanya habang nagtitimping saktan ko siya ng pisikal.

Nakatungo lang ito ng marinig ko ang kanyang sagot.

“Iwanan mo nalang ako kung pagod kana, iwanan mo nalang ako kung ayaw mo na” tila normal at walang pakundangang wika ni Omar sa akin na lalong ikinagalit ko.

Nagtatasaan na ang mga dapat mag taasan sa akin dahil sa galit na aking nadarama.

“Iyan! Diyan ka magaling! Ang dali mo lang sabihin ng mga salitang ’yan Omar! Magaling kang tumakas! Ang galing-galing tumakbo! Ang galing mong umiwas!” galit na galit kong wika sa nakatungong si Omar.

Galit na galit ang puso ko sa kanya “Ang sabihin mo wala kang bayag! Duwag ka! Duwag ka Omar! Duwag ka!” huling wika ko sa kanya at doon ako mabilis na humakbang papunta sa loob ng kwarto.

Mabilis kong isinara ang pinto at doon ko ito nilock.

Sumosobra na siya, sumosobra na.

Napaupo ako at doon nalang umiyak.

Akala ko ito na yung huli naming argumento, akala ko ito na ang huli naming pag-aaway at akala ko ito na ang huling sakit na mararamdaman ko.

Pero hindi pala, nagkamali ako.

Dahil dumating ang espesyal na araw para sa akin ngunit ang espesyal na araw na iyon ay hinding-hindi ko naramdaman.

ㅡㅡㅡ

“Aray ko Omar! Ang sakit! Nasasaktan ako Omar ano ba! Ang kamay mo!” daing ko sa lalaking hinihila ako papasok sa loob ng bahay.

Mag mula noong umalis kami sa university ay ganito na si Omar, pagkababa namin sa motor ay doon niya ako mabilis na hinigit sa aking kaliwang braso papasok sa loob ng bahay.

“Manahimik ka tangina mo!” malutong niyang pagmumura sa akin at doon niya ako tinulak sa pintuan ng banyo na nakasara.

Nandito kami sa kusina kung saan nandito na rin ang banyo.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa malakas niyang pagkakatulak sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang mukhang demonyo na galit na galit sa aking harapan.

Nagsisimula ng magbagsakan ang mga luha sa aking mata dahil wala na akong nakikita na kaunting pagmamahal sa lalaking nasa harapan ko.

“Ano bang problema mo? Kanina pa ah! Wala naman akong ginagawang masama sa ’yo ah! Hindi na nga kita pinapansin diba? Ano pa bang gusto mo?” masakit sa loob ko ang mga salitang binigkas ko sa kanya.

Pabalik-balik si Omar sa aking harapan at doon mo makikitang galit na galit siya sa oras na ito, napapasabunot pa siya sa kanyang buhok at doon napapahilamos sa kanyang mukha.

Hindi ako makakibo dahil baka makatanggap ako ng pasakit sa katawan.

“Omar ano bang gusto mo? Sabihin mo” mahinahon kong wika sa kanya at doon ako nagulat sa kanyang ginawa.

Mabilis siyang lumapit sa harapan ko at doon nilahad ang kanyang mga kamay sa bulsa ng aking puting pants.

Doon niya kinuha ang bagay na gusto niyang kuhanin.

“Saan galing ’to?” seryoso ngunit madiing wika ni Omar sa akin at doon niya inilahad ang tatlong pakete ng paborito kong tsokolate na Kit Kat.

Kitang-kita ko sa mata ni Omar na maya-maya lang ay makakatanggap ako ng mga masasakit na salita sa kanya.

“Bigay ’yan sakin ni Jerico” tugon ko sa kanyang tanong at doon ko pinatikom ang aking mga kamao.

Nakatingin lang ako sa mukha ni Omar ng makita ko ang kanyang pagngisi.

Nagulat ako ng ilaglag niya sa sahig ang tatlong Kit Kat at doon niya iyon tinapaktapakan habang paulit-ulit sa kanyang pagmumura.

“Putangina mo! Gago! Tangina ang landi-landi mo! Gago ka!” sigaw niya habang inaapak-apakan niya ang tatlong pakete ng tsokolate sa sahig.

“Ano bang ginagawa mo Omar? Ano bang problema mo!” itinulak ko siya sa aking harapan ngunit doon ko nalang muli nakita ang aking sarili na napahawak sa aking dibdib dahil ako ay muli niyang itinulak sa pinto ng banyo.

“Anong ginagawa ko?” tila sarkastiko niyang tugon.

“Ano ba kasi ’yon?” pagsuko ko sa kanya at doon ako nagulat sa kanyang inilahad.

“Ano ba kasi ’yon? Gago ka ba? Sa tingin mo bulag ako para hindi makita ang paglalandian niyo ni Jerico ha!” diretsong wika niya sa at doon niya inilalapit ang kanyang mukha sa akin.

“Anong landian?” taka kong wika sa kanya at doon siya napangisi.

“Itatanggi mo? Itatanggi mo? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo yakapin si Jerico, gago!” nilahad niya sa akin ang dahilan kung bakit ganito siya kanina pa.

Napataas ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi “Anong masama roon? Anong masama kung yakapin ko si Jerico? Kaibigan ko naman din ’yon” tugon ko sa kanya at doon nalang siya napailing.

“Anong masama? Gago kaba? May gusto sa ’yo yung tao tangina mo! Tapos ano? May pa-tsokolate pa? Nililigawan kana ba niya?” inis na inis niyang lahad sa akin habang dinuduro pa ako sa aking mata.

“Ano?” turan ko sa kanya at doon ako nagulat sa sunod niyang sinabi.

“Wag ka nang tumanggi bakla! Tangina mo! Maghahanap ka nalang din ng ibang ma-chuchupa tapos kaibigan ko pa? Ano nag kakantutan na ba kayo? Kinakantot kana ba niya? Mas masarap ba siya sa akin? Sumagot ka tangina mo? Sumagot ka! Suma—”

Lumagutok ang isang malakas na sampal na ibinigay ko kay Omar dahil sa mga salitang nang-gagaling sa bibig niya.

Hinding-hindi ko maisip na maririnig ko ang mga salitang iyan na nagmumula mismo sa lalaking isinuko ko ang aking pagkatao.

Humugot ako ng napakalalim na hininga bago ko siya muling bigyan pa ng isa pang sampal dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Pagod na pagod na ako sa aming dalawa, hindi ko na kaya.

“Anong nangyayari sa ’yo Omar?” mahinahon kong wika sa kanya habang siya ngayon ay nakatungo na sa aking harapan.

“Anong nangyayari sa ’yo?” muli kong wika sa kanya suot ang aking malumanay na ekspresyon.

Hindi na magkandamayaw ang mga luhang maiinit na bumabagsak sa aking magkabilang mata dahil sa pagod na akong nadarama.

Hindi sumasagot si Omar sa aking harapan sa kadahilanang siya lang ang nakakaalam.

Ang emosyong kong nararamdaman ay unti-unti ng sumisibol dahil nakita ko nalang ang aking sarili na sinusuntok na ng paulit-ulit ang dibdib ni Omar.

“Anong nangyayari sa ’yo Omar? Anong nangyayari sa ’yo!?” sunod-sunod ang ginagawa kong pagsuntok sa dibdib niya at hindi niya iyon pinipigilan.

“Anong nangyayari sa ’yo Omar! Anong nangyayari sa ’yo! Putangina! Anong nangayayari sa ’yo!?” nang mapagod ako sa ginagawa kong pagsuntok ay doon ako dahan-dahan na umupo sa harapan niya.

Hindi parin pumapasok sa isipan ko kung bakit niya nasasabi ang mga salitang ’yan.

Ang mga salitang magpuputol sa relasyon naming dalawa.

“May mali ba sakin Omar? May pagkukulang ba ako sa ’yo? Wala naman diba?” lumuluha kong wika sa harapan niya habang ako ay nakaupo dito.

“Wala naman akong maling ginawa diba? Wala naman akong nasabing mali sa ’yo para maging ganyan ka diba. Hindi naman ako siguro nagkulang sa ’yo diba?” segunda ko pa sa kanya at doon ko ramdam ang sakit sa aking kaloob-looban. Tila pinupunit ang aking puso sa nangyayari sa amin ngayon.

Napatingin ako sa tatlong pakete ng tsokolate na kaninang tinapak-tapakan ni Omar, inilahad ko ang aking mga kamay doon para ito ay kuhanin.

Nang makuha ko ang tsokolate ay doon ako tumitig dito habang nasasaktan parin sa nangyayari sa aming dalawa ni Omar.

“Paano mo nakakayang sabihin ang mga salitang iyan sa harapan ko Omar?” patukoy ko sa huling sinabi niya kanina.

Rinig ko ang mga hikbi ni Omar sa harapan ko na tila natatauhan sa kanyang ginawa.

“Ganoon na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin Omar? Ganoon na ba ang tingin mo sa akin?” para akong tangang kinakausap ang tatlong pakete ng tsokolate na bigay sa akin ni Jerico kanina.

“Omar, nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba kung anong meron ngayon?” nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa aking mga mata dahil ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa dating si Omar.

“Omar, birthday ko ngayon…nakalimutan mo na ba?” dito na ako humagulgol sa aking sunod na sinabi “Birthday ko ngayon Omar, kaarawan ko ngayon” segunda ko pa sa kanya.

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong tsokolate ng doon ko nakita si Omar na pilit akong niyayapos dahil sa inilahad ko sa kanya.

“Pasensya na Ian, pasenya na Ian, patawarin mo ako” pilit na isinisiksik ni Omar ang kanyang ulo sa aking leeg ngunit hindi ko iyon pinansin.

“Wala ka man lang ibinigay kahit halo-halo lang, hindi mo rin ba naisip na bumili kahit isaw-isaw man lang Omar. Sabagay, ano pa bang aasahan ko sa ’yo kung ganiyan ka na kagago?” doon ko mas naramdaman ang higpit ng pagkakayakap ni Omar sa akin.

“Patawarin mo ako Ian, patawarin mo ako Bal, hindi na mauulit…pangako” humahagulgol na wika ni Omar sa aking balikat at doon ako napailing.

“Pagod na akong maniwala sa mga pangako mo Omar” tugon ko sa kanya at doon ko inaalis ang pagkakayakap niya sa akin, pero malakas siya kaya hindi ko iyon magawa.

“Pagod na akong sumalo sa mga kaduwagan mo Omar, pagod na akong umintindi sa mga karakas mo, pagod na akong maniwala pa sa mga pangako mo at pakiramdam ko sinasayang ko nalang ang buhay ko sa relasyon na ’to” pilit ko paring inaalis ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi ako nagtatagumpay.

“Hindi Ian! Wag mong sabihin ’yan. Patawarin mo ako, hindi na mauulit please ’wag kang ganyan” pilit niyang idinidiin ang kanyang sarili sa akin habang doon patuloy na lumuluha.

Napailing nalang akong muli bago ko sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin “Sa makalawa, aalis na ako papuntang Amerika para tuparin yung mga iniwang habilin ni Mamang sa akin. Magagawa mo na ang gusto mo, magagawa mo na lahat ng gustuhin mo nang walang pumipigil sa ’yo”

ㅡㅡㅡ

Makalipas ang dalawang Linggo ay dumating na ang araw ng aking pag-alis at dala-dala ko na ang lahat ng aking mga gamit na dadalhin papalipad sa Amerika.

“Wala ka nang nakalimutan Anak?” wika ni Papa na nakasakay sa harapan ng passenger seat.

Nasa loob na kami ng kotse at doon kami ipinagmamaneho ni Tito Franco.

“Wala na po Papang” nakangiti kong wika sa kanya at doon muli inayos ang aking pagkakaupo sa likurang bahagi.

Kakaalis lang namin doon sa mansyon dahil umulan kanina kaya tiyak na maputik ang mga gulong ng kotse ni Papang dahil sa aming dinadaanan.

Suot ko ang mga damit na iniregalo sa akin ni Papang noong aking kaarawan, dalawang linggo na rin kasi akong nanatili sa mansyon para ihanda ang aking sarili sa paglipad papuntang Amerika.

Nakatingin lang ako sa harapan ng may tumunog sa aking cellphone tanda na may nag mensahe.

Kinuha ko iyon sa aking bulsa at doon ko nakitang si Regina pala ang nag message sa akin, si Regina ang isa sa mga naging kabigan ko rito sa Hacienda.

“Ingat ka Bakla uwian mo ako ng madaming snow ha. Kung hindi snow ay lalaki nalang ang ibigay mo sa akin” iyan ang mensahe ni Regina sa akin at mabilis ko itong nireplayan.

Hindi lang si Regina ang nag iwan ng mensahe dahil meroon din sila Caloy at Jerico na inaasam ang aking muling pagbabalik dito sa Hacienda, aabutin ng mga anim o limang taon bago ako muling bumalik dito.

“Ian! Ian!”

Pagkatapos kong replayan ang mga mensahe nila ay doon ako nagdesisyong mag suot ng headphone para makinig ng paborito kong musika.

Nang magsisimula na sana ako sa pakikinig ng musika ay doon ko tila naririnig ang pagtawag sa aking pangalan.

Mabilis akong gumayak para tumingin sa likuran kung saan doon nagmumula ang pagtawag sa aking pangalan.

Nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ay doon napalaki ang aking mga mata.

Ang lalaking binigyan ako ng sakit makalipas ang dalawang Linggo.

Muli akong umayos ng upo para doon isipin kung anong gagawin ko sa lalaking mabilis na nagpapatakbo ng kanyang motorsiklo.

“May problema ba Anak?” baling sa akin ni Papang at doon ako napailing.

Tumango naman siya sa aking turan bago ko muling inilahad ang aking sarili na tumingin sa likuran.

“Ian! Ian!” rinig kong pagtawag sa akin ng lalaki at doon nalang ako napasigaw dahil sa aking nasaksihan.

“Tito Franco itigil mo! Itigil mo ang sasakyan!” itinigil naman iyon ni Tito Franco at doon ako mabilis na lumabas sa loob ng kotse.

Kahit maputik ay hindi ko iyon pinansin at mabilis akong tumakbo papunta sa nag semplang na si Omar.

Natumba ang kanyang motor sa putikan dahilan para siya ay malaglag dito.

Nang makalapit ako sa kanyang pwesto ay doon ko nalang nakitang nakayapos na siya sa akin ng mahigpit habang doon tila batang humahagulgol sa iyak.

“Wag mo akong iwan Ian! Dito ka na lang! Dito na lang tayo, wag mo akong iwan mag-isa rito” lumuluha niyang wika sa akin at doon siya mahigpit na nakayapos.

Hindi ko na pinansin pa ang putik sa kanyang katawan na dumadampi sa akin, inilahad ko ang aking mga kamay sa kanyang ulo para doon patahanin.

“Para sa ikabubuti ko ’to Omar, para sa ikabubuti natin” nagsisimula na ring lumabas ang mga luha sa aking mata.

“Pero mawawala ka, maiiwan akong mag-isa” segunda niya sa akin at doon niya pilit na isinisiksik ang kanyang sarili sa akin.

“Hindi kita iiwan Omar babalikan kita, kaya please maghintay ka. Hintayin mo akong bumalik ha” huling pag-papaalala ko sa kanya at doon ko nalang nakita ang aking sarili na nakasay na sa eroplano papunta sa aking pupuntahan.

ㅡㅡㅡ

Lumipas ang panahon ay doon ko nababalitaan ang iba’t-ibang impormasyon na dapat kong malaman.

Si Papang na hirap na sa paglalakad.

Ang Hacienda na patuloy na nagbabago, lumalago at lumalawak.

Mga taong nawala at mga bago Roon sa hacienda.

At ang peste na akala ko ay hihintayin ang pagbabalik ko, pero nagkamali ako.

ㅡㅡㅡ this chapter is dedicated to walangforevermar

Chapter 6

ㅡㅡㅡ

Their Home

2021, Alas-singko imedya ng hapon.

Kinakain na ng dilim ang kalangitan dahilan para dumilim na ang kapaligiran.

Kung paano dumidilim ang langit ay ganoon din dumidilim ang paningin ko sa lalaking kasama ko.

Kanina pa siya salita ng salita mag mula noong naglalakad kami mula sa mansyon papunta rito sa aming pupuntahan, feeling close siya sa kung paano umasta mag mula pa kanina.

Epal, papansin, feeling at kupal ang mga salitang mag lalarawan sa kanya.

Epal means a person who goes into situation where in his presence is not needed or in a place he does not belong. This person maybe annoying or in that instance.

Kupal used to describe an annoying, stupid, dumb or a foolish person.

“Kung mapapansin mo Ian malinis na itong bahay, naglinis pa kasi ako ng kaunti rito kahapon bago kita sunduin doon sa Ospital” wika ng papansing peste sa aking unahan nang makapasok kami rito sa loob ng bahay.

Pagkapasok at pagkabukas palang ng ilaw ay doon ko na mabilis na iginala ang aking mga mata para roon bigyang pansin ang mga bawat sulok sa loob ng bahay.

“Nagpatulong din ako kila Caloy at Jerico sa pagpipintura at pagkukumpuni ng ilang mga nasirang gamit dito” dagdag pa ng peste habang bitbit parin ang aking itim na maleta.

Hindi ko siya tinatapunan ng tingin at doon lang ako nakatingin sa bawat gamit dito sa sala.

“Yung t.v mo ay pinaayos ko lang doon sa mangagawa noong isang Linggo kasi nginatngat na ng daga yung ilang kable pero ayos parin naman kahit matagal nang nakatambak dito. Tapos yung sofa na binili natin dati ay nilabhan ko rin noong isang Linggo, ang dami na kasing alikabok eh” wika pa niya at doon ako napatingin sa mga bagay na tinutukoy niya.

Ang flat screen kong t.v na nakapatong sa lamesang stante at ang kulay tsokolateng sofa na kasya lamang ang dalawang tao.

Napapikit ako ng mabilis dahil pinipigilan kong alalahanin ang mga alaalang meron kami rito sa sofa.

Muli akong nagmulat ng magtagumpay ako sa pagpigil sa traydor na alaala.

Pansin ko lang na sa lahat ng nakita kong pagbabago rito sa Hacienda ay itong bahay namin dati nila Mamang ang tila walang pagbabago, mukhang ganoon parin noong lumisan ako rito.

Iginagala ko pa ang aking paningin sa aming sala ng doon na naman nagpapansin ang peste na kasama ko.

“Grabe Ian! Kung nakita mo lang yung paglilinis namin dito nila Jerico aba’y masusuka ka! Kasi grabe yung mga ipis at ilang anay na nanirahan dito sa bahay, wala na rin kasing tumira dito noong umalis ka eh” dahil sa huling salitang kanyang sinabi ay doon ako napatingin sa kanya.

Seryoso lang ang tingin na ibinibigay ko sa kanya, samantalang para siyang tanga sa malawak niyang pagkakangiti sa akin.

Sinusuklian ko lang siya ng tingin na nagsasabing “Oh ano ngayon? Kasalan ko kung bakit puro ipis at anay?” iyan ang sinasabi ng paningin ko.

Batid kong alam niya ang aking sasabihin kaya nakita ko nalang siyang may kinukuha sa kanyang bulsa.

“Pakita ko sa ’yo yung mga ipis at anay Ian, kinuhanan ko kasi ng picture eh” galak niyang wika habang doon siya pumipindot sa kanyang telepono.

Nakatingin lang ako sa kanya at doon inabot nang ilang segundo bago niya bitawan ang pagkakahawak niya sa aking maleta at doon siya humakbang papalapit sa akin para roon ipakita ang gusto niyang ipakita.

“Tingnan mo Ian, grabe talaga yung dami niyan! Nadapuan na nga kami nila Jerico at Caloyss” doon ako tumingin sa screen ng kanyang cellphone at kitang-kita ko nga ang mga sangkatutak na ipis at anay dito.

“Kaya nag disinfect kami rito nila Jerico para mamatay at umalis yung mga peste” wala akong pakialam sa sinasabi niya at doon lang ako nakatingin sa mga larawan na ipinapakita niya.

“Diba ang dami?” wika niya at doon siya pumindot para alisin na ang kanyang ipinapakita.

Hindi mga ipis at anay ang nakuha ng aking atensyon dahil hindi ko alam kung sinasadya niya bang ipakita sa akin kung ano, o sino yung wallpaper niya sa kanyang cellphone.

Napatingin ako sa kanya at doon parin ito nakangiti na parang tanga.

“Doon naman tayo sa kusina” turan niya at doon nalang ako nito tinalikuran.

Nakasunod lang ako sa kanya habang siya ay nagsasalita.

Nakarating kami sa kusina at doon na naman ito nagpapansin.

“Yung ref natin Ian, buo pa siya tapos nilagyan ko na rin ng ilang frozen foods, sinabay ko sa pamimili ko ng pintura doon sa bayan. Binigyan din ako ni Papang ng pangbili ng ilang pagkain gawa ng dito ka nga raw titigil for one week” napatingin ako sa ref na sinasabi niya.

Ang ref na binili namin kasabay ng pagbili ng sofa roon sa bayan. Tama nga siya dahil buo at tila wala pang sira ang bagay na ito.

“Yung oven toaster at kalan natin ay buo pa rin Ian, bumili na rin ako ng gasul doon sa bayan para kapag nagutom ka ay pwede kang magluto” doon ko kitang bumaling siya sa akin suot-suot ang nakakagago niyang ngiti.

Binalingan ko rin naman ito ng tingin suot ang seryosong mukha, gusto ko sanang sabihin sa kanya na “Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo” pero pinili ko nalang na hindi sabihin.

“Inayos ko na rin yung mga butas na hose sa banyo at lababo, tapos inayos ko na rin yung daluyan ng tubig para kapag maliligo ka ay hindi mo na kailangan mag-igib, nilinis ko na rin pala yung banyo Ian” dagdag pa niya sa akin habang hindi napuputol ang kanyang pagkakangiti.

Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon kaya mas nakita ko pa ang tatanga-tanga niyang pagkasabik sa mga pagpapapansin niya.

“Ian, gusto mo bang ipagluto kita ngayon ng adobo? Alam kong miss na miss mo na rin ang luto ko, kaya nagpakatay na ako ng ilang manok doon sa manukan para itambak sa freezer” pagbibigay niya sa akin ng suhestiyon pero hindi ko iyon tinugunan.

“Hindi ka ba nagugutom ngayon, Ian?” pangungulit pa niya pero hindi ko ito sinasagot.

Napakamot nalang siya ng ulo at doon parang tanga na ngumingiti sa harapan ko.

“Mukhang hindi ka naman gutom kaya, sige. Bukas nalang kita ipagluluto dahil nakalagay naman sa freezer yung mga manok na––”

“I can do it by myself” unang salita na binigkas ko sa kanya matapos ang aking pananahimik magmula pa kanina.

Halatang nagtataka naman siya sa aking sinabi dahil muli itong nagkamot ng kanyang ulo “Ano?” wika niya at doon ako muling sumagot.

“Sabi ko hindi mo na kailangan gawin. Ako na ang magluluto para sarili ko at hindi ko na kailangan pa ng tulong mo” seryosong wika ko sa kanya at doon nalang ito napatango habang nakangiti parin.

Kita ko sa mukha niya ang mapait na pagkakangiti “Uhm…okay, sige” tugon nito sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya ng muli siyang ngumiti ng maayos “Tara sa kwarto? Nandoon pa yung ilang mga gamit mo at kahit isa ay wala akong ginalaw sa mga iyon” pag iiba niya ng usapin bago siya muling humakbang papatalikod sa akin.

Wala akong ibang nagawa kung ’di ang sumunod sa kanya.

Iisang palapag lang itong bahay namin pero malawak ang sukat, sapat para magkasya ang salas, kusina, banyo at isang may kalawakang kwarto.

Doon ko nakitang binuksan ng peste ang pintuan ng kwarto, wala akong nagawa kung ’di ang pumasok sa kwartong madaming iniwang alaala.

Ihahanda ko nalang muli ang aking sarili.

Nang makapasok ako sa loob ay doon sumalubong sa akin ang kwartong halos walang ipinagbago sa loob ng limang taon.

Sa kanan ay ang malaking higaan at sa tabi nito ay ang mga lamesa at ilang patungan ng mga kagamitan.

Sa kaliwang bahagi pagpasok sa pintuan ay doon sasalubong sa ’yo ang cabinet na mas matanda pa kila Mamang at Papang.

“Ian, yung ilang mga gamit mo ay inayos ko na at inilagay ko sa ilalim ng higaan. Tapos yung mga damit na pinaglumaan mo ay inayos ko na rin dito sa loob ng cabinet” wika ng peste habang nandoon siya sa harapan ng binuksan niyang cabinet habang doon ipinapakita ang mga gusto niyang ipakita sa akin.s

Wala akong ibang tugon sa kanya kung ’di ang tumango na lamang. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na “Hindi mo naman siguro pinaghandaan ang pagdating ko ano?” pero pinili kong nalang na hindi sabihin.

Isinara niyang muli ang cabinet at doon naman siya humakbang papunta sa higaan “Ian pinalitan ko na yung mga punda ng unan at itong panlatag sa higaan ay pinalitan ko na rin para mas komportable ka sa pagtulog” wika niya sa akin at doon na naman ito nagpapansin.

“Grabe Ian yung mga alikabok at bukbok dito sa kwarto! Kaya hirap na hirap kaming maglinis nila Caloy dito. Tapos muntikan pa akong hikain dahil sa mga alikabok, alam mo naman na hikain ako diba kaya kung makikita mo lang ang mukha ko ay matatawa ka” hindi ko alam kung maainis o matatawa ba ako dahil sa parang gago niyang pagsasalita sa aking harapan.

Para siyang batang nagpapansin sa mga matatanda.

Hindi ko nalang siya pinansin at doon nalang umagaw ng aking atensyon ang malaking itim na bag na nakatapong sa higaan, batid ko namang napansin iyon ng peste dahil mabilis niya iyong inalis sa ibabaw ng higaan.

“Mga damit at shorts ko ito Ian, naghanda na kasi ako noong isang Linggo pa noong sinabi ni Papang na babalik ka rito sa hacienda. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng malaman kong babalik ka rito, mas napatalon pa ako sa saya noong sinabi ni Papang na rito ka mananatili sa bahay nating dalawa” nakangiti niyang wika at hindi ko nalang iyon pinansin.

“I’ll stay here for only one week. You don’t need to be bother with me, okay lang na mag-isa ako since nasanay na naman ako manirahan mag-isa roon sa Amerika. So, pwede kanang umalis at umuwi kung saang lupalop ka naka—”

“Hindi. I will stay here, hanggat nandito ka” biglang naging seryoso ang mukha ng pesteng ito kaya roon nalang ako napatawa.

“Stay with your face! Isa pa, could please stop this timid politeness? Dahil alam mo naman na kilala natin ang baho ng isa’t-isa, nakakasuka” sarkastikong wika ko sa kanya sa pagmumukha niyang parang tanga.

“Pati hindi ka naman ganito dati diba?” natatawang segunda ko pa rito “Hindi ka ganito kumilos, hindi ka ganito umasta, hindi ka ganito ka-bait, hindi ka ganito ka-resperespoeto, kaya please lang tigilan mo na ang pag-arte hindi bagay sa ’yo. Hindi bagay sa pangalan mo at hinding-hindi bagay sa pag-uugali mo” inis ko nang wika sa kanya dahil sa mga ipinapakita nito magmula pa kanina.

Kita ko naman sa mga mata niya na alam kong naapektuhan siya sa mga sinabi ko “But I already change. Nagbago na ako Ian, hindi na ako yung dating kilala mo at hindi na ako yung pasaway na Omar na nakilala mo” seryosong tugon niya sa akin at doon ako muling napatawa.

Itinaas ko ang aking kilay “So what? Ano ngayon kung nagbago kana? Wala akong pakialam sa pagbabago mo, wala akong pakialam sa mga manlolokong kagaya mo. Kung hindi ako nagkakamali ay dito mo dinadala sa bahay ang mga babae mo diba?” inis kong wika sa kanya.

“Alam kong nagkamali ako dati Ian, pero pinagsisihan ko na ’yon pati hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi mo ako iniwan basta-basta” gago niyang tugon sa akin dahilan para mas mainis ako sa kanya.

“Oh gad! Let me rephrase it Mister manloloko dahil hindi kita iniwan basta-basta, iniwan kita at nagpaalam ako sa ’yo so technically speaking magkaiba ’yon” natatawang wika ko rito habang umiiling pa.

“Kung aalahanin mo yung sinabi ko sayo five years ago, I said na aalis ako at babalikan kita, kaya maghintay ka. Pero anong nabalitaan ko noong nasa Amerika ako? Stupidness and foolishness” segunda kong gatong sa kanya dahilan para makita ko ang pagtungo nito habang bitbit ang kanyang itim na bag. Ito ang hudyat na talo siya sa diskusyon naming dalawa.

Napailing nalang ako at doon ko siya tinalikuran, ngunit pagtalikod ko ay doon ako sinampal ng malakas sa aking mga nakikita.

Literal na napalaki ang aking mga mata ng makita ko ang iba’t-ibang picture frame na nakasabit sa dingding.

Mga larawan na kuha mula sa aking kamera.

Hindi lang basta larawan iyon dahil may mga kwento at mga pangako ang nasa likod ng mga larawang nakadisenyo rito.

Larawan namin ng pesteng ito habang naka-upo kami sa bagong bili naming sofa.

Larawan namin kung saan kumakain kami ng pakwan habang nasa ilalim ng puno ng mangga.

Larawan kung saan nakaupo kaming dalawa sa puno ng mangga habang may hawak-hawak siyang gitara.

At isang larawan kung saan magkadikit ang amin noo at doon matamis ang pagkakangiti habang taimtim na magkatitigan ang aming mga mata.

Mabilis akong napapikit at umiling dahil iniiwasan kong muling alalahanin ang mga traydor na alaalang iyon.

Iminulat ko ang aking mga mata at doon nag-wika habang nakatingin sa mga larawan.

“Bakit hindi mo pa inaalis ang mga basurang ’to?” seryosong wika ko at doon ako humarap sa kanya.

Nakatingin din siya sa mga larawan na nakadikit sa pader.

“I said bakit hindi mo pa inaalis ang mga basurang ’yan?” pag-uulit ko sa kanya at doon niya ako binalingan ng tingin.

Seryoso ang kanyang mukha na hindi tulad kanina na para siyang gago.

“Hindi siya mga basura sa akin Ian. Dahil mga kayaman ko ’yan, kasiyahan ko ’yan, buhay ko ’yan at iyan nalang ang tanging alaala nating dalawa noong magkasama at masaya pa tayong” hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi ng pesteng ito.

Napalunok nalang ako dahil sa kanyang sinabi dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari.

“What’s the reason behind of this? Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?” seryosong wika ko sa kanya at doon ako nabigla sa kanyang tugon.

“Because I want you back, Ian” walang pakundangang tugon niya sa akin “Gusto ko ulit maging tayo Ian. Gusto kong ibalik yung tayo, gusto kong maging masaya ulit tayong dalawa at gusto kong ibalik yung dati nating pagsasama” segunda pa niya sa akin dahilan para hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata at doon ko binabasa ang kanyang sinseridad sa kanyang mga sinabi.

Muli akong napalunok dahil batid kong sincere nga siya sa kanyang mga iwinika.

“Patawarin mo ako Ian. Pagpaasenyahan mo na ako sa mga nagawa ko sa ’yo” hindi ko pinansin ang mga salitang binagkas nito dahil ayaw ko iyong pakinggan.

Tinalikuran ko siya at doon ko nalang muli tinitigan ang mga basurang nakakabit sa pader.

Ngunit ang pagkatalikod ko ay isang maling galaw dahil doon ko nalang nakita ang mga brasong nakapulupot sa aking katawan.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang katawan ng peste sa aking likuran habang ang kanyang ulo ay pilit na isinisiksik sa aking leeg.

Mas lalo akong napapikit ng magsalita ito sa aking kaliwang bahaging tenga.

“I miss you Ian. I miss you Bal” dahil sa huling wika niya ay doon ako napamulat.

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ng peste sa aking katawan at doon madiin na nag-wika “Kung ayaw mong sampalin kita, lumabas ka na rito sa loob ng kwarto” wika ko sa kanya dahilan para matauhan ang gagong lalaking ito.

Nakatingin lang ako sa mga basurang nakasabit sa pader habang ramdam ko ang mabilis na pagkilos ng gagong lalaki palabas dito sa loob ng kwarto.

Kita ko sa aking peripheral vision na nasa pintuan na siya habang bitbit ang kanyang itim na bag.

“Ian tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka ha, nandito lang ako sa labas” wika niya at doon nito isinara ang pintuan.

Kasabay ng pagsara ay doon ako napapikit dahil sa nangyaring kalokohan.

“Shet” pagmumura ko dahil sa bilis ng tibok ng aking puso “Sabi ko na, hindi tama ’tong desisyon kong dito tumigil” segunda ko pa dahil alam kong hindi tama ang pananatili ko rito sa bahay naming dalawa.

Lalakasan ko nalang ang loob ko at titiisin na makasama ang peste rito sa bahay.

Iiwasan ko ang mga patibong niya dahil ayaw ko ng muling masaktan pa.

ㅡㅡㅡ na miss ko ang pag iingay mo! alkie02 <3

Chapter 7

ㅡㅡㅡ

Masarap na Adobo

Linggo ng umaga at hinding-hindi ko maitatanggi na sobrang sarap gumising dito sa probinsya dahil bukod sa halos limang taon akong hindi umuwi rito ay muli kong nalalasap ang malamig na klima, preskong hangin at ang mga ingay na nagmumula sa hayop na sa probinsya mo lamang maririnig.

Nakahiga ako ng diretso sa kama habang nakabaling ang aking paningin roon sa paanang bahagi dahil pinagmamasdan kong muli ang mga larawan na nakasabit sa pader.

Hindi ko maiwasang maalala yung mga sinabi ng peste kagabi “Because I want you back, Ian. Gusto ko ulit maging tayo Ian. Gusto kong ibalik yung tayo, gusto kong maging masaya ulit tayong dalawa at gusto kong ibalik yung dati nating pagsasama”

Inis at pagkabastos ang naramdaman ko sa kanya kagabi dahil sa mga inilahad nito. Hindi ko maisip na may kakapalan siya ng mukha para sabihin niya sa harap-harapan ko ang mga salitang iyon.

Hindi mawala sa isipan ko na maling-mali ang pagpayag kong makasama ang lalaking peste sa buhay ko.

Dahil hindi ko itatanggi na sa loob ng isang Linggo ay may posibilad na mahulog ako sa mga patibong niya, tulad sa mga pelikulang napapanood ko.

Titibayan at pipigilan ko nalang ang aking damdamin para makaiwas sa mga patibong niya na kahit na alam kong tatraydurin ako ng aking puso.

Oo na, ako na yung marupok. Marupok ako at alam nila Regina at Ernest ang bagay na iyon. Sagana lang ako minsan sa salita ngunit sa huli naman ay tinatraydor lang ako ng aking puso.

Napapikit nalang ako dahil may nalalanghap akong pamilyar na aroma.

“Roses” wika ko at doon ako nagmulat.

Mabilis akong bumalikwas nang bangon at napatingin sa kanang bahagi ng kwarto kung saan nandoon ang study table.

Awtomatikong napangiti ang aking labi ng makita kong may tatlong puting rosas ang nakapatong sa ibabaw ng aking mga librong pang medikal.

Umalis ako sa ibabaw ng kama at doon tinumbok ang study table para roon kuhanin ang tatlong bulalaklak. Pumikit ako at inamoy ang mga ito “Bango” napangiti ako at doon nagmulat.

Nang bumaling ako ng tingin sa aking mga gamit rito sa lamesa ay doon umagaw ng aking atensyon ang isang ’di pamilyar na picture frame na nakatayo rito. May dilaw na sticker paper ang nakadikit sa picture frame kaya ito ay aking kinuha.

Inilapag kong muli ang mga rosas sa ibabaw ng libro at doon binasa ang nakasulat sa papel.

“Good morning” pagbasa ko at doon pa may simbolo ng puso sa huling salita.

Napalunok nalang ako at umiling bago inilagay ang sticker paper sa isang pahina ng aking libro, hindi na naman ako mag-iisip pa ng iba dahil alam kong sa kanya ito galing.

Kahapon, noong gumising ako na may tatlong rosas ang sumalubong sa akin. Alam kong sa kanya rin iyon galing.

Pagkatapos kong isingit ang sticker paper sa aking libro ay binalingan ko na nang tingin ang picture frame na nakatayo rito sa lamesa, wala naman ito kagabi noong inayos ko ang mga gamit ko rito.

Napataas nalang ang aking kilay at doon inilahad ang aking kanang kamay sa picture frame bago ko ito itinaob dahil nakakasuka ang larawang meron dito.

Larawan namin ng peste habang magkadikit ang aming mga labi. Ito na ba ang simula ng aking kalbaryo sa mga pang-aasar niya?

Napailing nalang ako dahil imbis na inisin ko ang aking sarili sa umaga ay naglakad na ako papunta sa cabinet upang kumuha ng tuwalya at damit na aking susuotin mamaya sa unang araw ng check up.

Habang kinukuha ko ang mga dapat kong kuhanin ay doon rumehistro sa aking ilong ang mabango at masarap na lutuin.

Napapikit pa ako dahil ngayon ko nalang muli naamoy ang pamilyar na lutuing iyon.

Isinakbit ko ang tuwalya sa aking leeg at doon nagdesisyong humakbang papalabas ng kwarto.

Tila nasa isa akong cartoon movie at isa akong cartoon character habang doon sinusundan ang masarap at humahalimuyak na mabangong amoy.

Pagkalabas ko ng kwarto ay doon pa sumiklab lalo sa aking ilong ang mabangong ulam na iyon kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sundan ito.

Dinala ako ng aking mga paa sa kusina at doon ko nakitang bukas ang kalan habang may nakasalang na kaldero.

Mabilis akong humakbang papalapit sa kalan upang kumpirmahin nga ang naaamoy ko.

Adobong manok ang meron dito.

Napangiti ako dahil ilang taon na akong nangungulila sa mga lutong bahay. Lalo na sa adobo at sinigang.

Kinuha ko ang sandok sa gilid at doon ko hinalo-halo ang kumukulong ulam na iyon.

Nakangiti lang ako habang ginagawa ang paghahalo ng makarinig ako ng pagbukas ng pintuan sa kanang bahagi ng kusina kung saan nandoon ang banyo, ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Pagkatapos kong haluin ay inilahad ko ang sandok sa aking bibig upang tikman ang adobong manok na ito.

Hinipan-hipan ko pa ang sandok dahil mainit ito, ilang segundo pa ay tinikman ko na kung anong lasa ng adobong ilang taon ko nang ikinangungulila.

Muli akong napapikit dahil dinadamdam ko ang pagtikim sa adobong manok na ito.

“Ang sarap” napamulat ako dahil hindi ako makapaniwala na sa loob ng limang taon ay ganito parin ang lutuin niya.

Hindi ko itatanggi na masarap talagang magluto ang pesteng iyon. Masama ba kung ipaalam ko sa inyo na masarap magluto ang pesteng ito?

“Masarap ba?” napaigtad ako nang may nagsalita sa aking likuran.

Hawak-hawak ko sa kanang kamay ang sandok at doon ako dahan-dahang humarap sa likuran kung saan doon nanggaling ang boses na iyon.

“Ha?” bungad ko sa kanya suot ang seryosong mukha.

“Sabi ko kung masarap?” hindi ko alam kung may gusto siyang ibang ipahiwatig sa kanyang winika.

Hindi ko rin alam kung bakit imbis na sa mukha niya ako tumingin ay doon awtomatikong pinasadahan ng aking mga mata ang kanyang katawan mula ulo hangang paa.

Itinikom ko ang aking mga kamao dahil sa aking nasasaksihan.

Nakahubad ito dahilan para lumantad sa akin ang kanyang nag-uumbukang muscles sa katawan.

Napatikiom ang aking labi dahil sa anim na pandesal na tila nakadikit sa kanyang tiyan na wala naman noong magkasama pa kaming dalawa.

Sunod na sinuri ng aking mga mata ang kanyang braso na tila aking mga hita dahil sa lapad at laki nito, ngunit may umagaw ng pansin sa aking paningin dahil sa kanyang kanang braso na may tattoo.

Ang hugis ng kanyang tattoo ay tila isang chinese dragon na itim.

Doon ako tila inaasar ng peste dahil ang kanyang mga braso inilagay sa kanyang likuran ng ulo dahilan upang lumantad sa akin ang kanyang maputing kili-kili.

May buhok ito ngunit hindi naman ganoon kakapal, bago pa ako makagawa ng hindi maganda ay doon ko naman sinuri ang ibabang bahagi ng kanyang katawan na aking pinagsisihan.

Nakasuot lamang ng itim na boxer brief ang pesteng ito dahilan para doon bumakat ang tila malaki at mahabang dragon na itinatago sa likod ng itim na saplopt.

Literal na sunod-sunod ang aking paglunok dahil sa aking nasasaksihan.

Bakit ganyan na ang katawan niya? Bakit sobrang laki ng ipinagbago ng katawan niya?

“Ian, masarap ba?” rinig kong pang-aasar niya at doon ako sumagot habang nakatitig sa kanyang kaibigang peste.

“Oo, masarap” iyan ang mga salitang lumabas sa aking bibig.

“Okay” tugon niya sa akin at doon nalang ako napangiti habang titig na titig parin sa kanyang ibabang parte ng katawan.

Nakatitig lang ako roon habang pino-proseso ang mga salitang sinabi ko sa kanya.

“Gusto mo bang hawakan?” rinig ko pang wika niya dahilan para maproseso ko na sa aking utak ang kabastusan niyang iyon.

Mabilis akong tumingin sa kanya ng diretso at doon nagtaasan ang aking mga kilay.

“Manahimik ka na” inis kong wika sa kanya habang hawak-hawak ko parin ang sandok.

“Ha?” tila natatawang pagtataka niya sa akin at doon ko nalang mabilis na ibinigay sa kanya ang sandok.

“Gago!” huling wika ko rito bago ako umalis sa kanyang harapan at doon mabilis na tinumbok ang daan papunta sa banyo.

Narinig ko pa siyang nagsalita bago ako pumasok sa loob ng banyo “Sabi ko na nga ba masarap parin ako” wika nito.

“Ian, masarap ba ang tulog mo?” wika ng lalaki sa aking harapan. Tumango ako bilang tugon habang tuloy lang ako sa pagbabasa ng mga tweets sa twitter.

Nakaupo na kaming dalawa rito sa hapagkainan habang nakahain sa amin ang niluto niyang adobong manok at kanin.

Katatapos ko lang din maligo at nakapagbihis na ako, kulay rosas na polo bilang pang taas at itim na pants naman sa pang-baba.

Papatungan ko nalang ito ng doctor gown mamaya kapag nakarating na kami roon sa unang bahay tanggapan na pag che-check-upan ko.

“Ian, komportable ba yung higaan na tinulugan mo?” wika muli ng lalaki sa aking harapan habang patuloy lang ako sa pagpindot sa aking telepono habang sumusubo ng pagkain.

Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon, salita kasi siya ng salita mag mula pa kanina kahit na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.

“Pinalitan ko na yung foam kasi luma na ’yon. Tapos kinumpuni ko yung papag kasi bukbuk na rin at pinamahayan ng anay. Baka masira pa kapag humiga ka, kaya inayos ko na” muli niyang wika at doon nalang ako tumango.

Hindi ko malaman sa kanya kung bakit hindi pa rin siya nagbibihis ng damit, akala mo naman ikina-gwapo niya ang paghuhubad baro sa harapan ko.

“Nakita mo ba yung tatlong puting rosas na binigay ko sa ’yo?” wika niyang muli at doon ako tumango.

Kumakain ako habang nagbabasa ng mga tweets ng aking mga kaibigan at ng ilang mga sikat na personalidad.

Puro rants sa gobyerno, drama tungkol sa pag-ibig at puro kalaswaan ang nakikita ko rito sa twitter. Magulo, magulo ang mundo ng social media.

“Diba paborito mo yung puting rosas? Kumuha ako roon sa mga tinanim ko doon sa may puno ng mangga, yung palagi nating pinagtatambayan dati. Kaya sana Ian, bago ka bumalik sa siyudad ay makatambay ulit tayo doon tulad ng dati” muling pagsasalita ng peste at doon ako muling tumango kahit hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Tanging pagtango lang ang isinasagot ko dahil hindi ko siya gustong kausapin. Bukod kasi sa pagkapahiya ko sa kanya kanina ay ito ang isang paraan upang hindi ako mahulog sa mga patibong niya.

Batid kong alam niya at ramdam ng pesteng ito na ayaw ko siyang kausapin, ngunit ito siyang makulit na nagpupursigi na siya ay aking kausapin.

“Alam mo ba noong nagpakatay ako ng manok doon sa manukan, noong sinabi kong para sa ’yo ito ay gusto nilang katayin lahat” tila natatawa niyang wika at doon nalang ako tumango dahil kahit kasabawan lang ang ikinukuwento niya.

Nakatitig lang ako sa aking cellphone at doon ko kita sa peripheral vision na kumakain na rin ang pesteng ito.

“Ian, alam mo ba noong sinabi ni Papang na babalik ka rito sa hacienda ay hindi ko napigilang umiyak, kasi alam mo naman na matagal na kitang hinihintay na umuwi” paglalahad na naman niya at doon ako muling tumango.

Patuloy lang ako sa pagpindot sa aking phone nang doon rumehistro ang chat head na pagmumukha ni Ernest, tiyak na babastusin na naman ako ng gagong iyon.

“Ian, masaya ba sa Amerika?” muling tanong ng peste at hindi ko na iyon pinansin.

Napangiti ako ng pindutin ko ang mensahe sa akin ni Ernest at doon ko iyon binasa sa aking isipan.

“Babe pagdating ko diyan gusto ko ikuha mo ako ng buko ha. Kapag walang buko uuwi na ako at hindi kita tutulungan sa check-up” iyan ang mensahe sa akin ni Ernest at doon ako nakangiting ni replayan ito.

“Ian, nag pa-tattoo ako noong isang taon, maganda naman diba? Iniisip ko nga kung itutuloy ko, kasi alam kong magagalit ka kapag nalaman mong may tattoo ako. Diba ayaw mong may tattoo ako?” muli niyang wika at hindi ko ito sinasagot.

“Pagdating mo rito sa Sabado ay ibabato ko sa pagmumukha mo ang buko para hindi kana makauwi” iyan ang reply ko kay Ernest at maya-maya pa ay nag send siya sa akin ng picture.

Napatawa pa ako dahil kabastusang larawan niya iyon.

Sa sobrang kakomportable sa akin ni Ernest ay lahat ng mga kabastusan niya ay alam na alam ko. Magkasama lang kami ni Ernest sa iisang apartment noong nasa Amerika pa kaming dalawa at kung tatanungin niyo kung nakita ko na ba ang kayamanan ni Ernest ang sagot ko ay oo.

“Puro kabastusan ka na naman diyan! Kapag talaga ako sinugod ng girlfriend mo ay masasapak kita” reply ko sa kanya at doon pa ito nag mensahe.

Pangiti-ngiti lang ako dahil sa mga kagaguhan at kabastusan ni Ernest habang salita naman ng salita ang peste sa aking harapan.

Nag mumukha na siyang tanga pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakasalita.

“Sino ’yan?” napatigil ako sa pagtipa sa aking cellphone ng doon ko marinig ang pagtatanong niya tungkol sa ginagawa ko.

Dahan-dahan ko siyang binalingan ng tingin at doon ko ito binigyan ng tingin na nagsasabing “Pakialam mo?”

“Pwede ba?” seryosong wika ko sa kanya habang nakangiti lang siya na parang tanga.

“Anong pwede ba?” nakangiti niyang tugon sa akin.

“Puwede bang manahimik ka muna? Kanina ka pa salita ng salita diyan, sino bang kausap mo?” taas kilay kong wika sa kanya na ipinagtaka naman nito.

“Bakit? Masama ka bang kausapin?” tugon nito sa akin at doon pa siya ngumiti ng nakakagago.

“Oo, masama akong kausapin. Masama kung ikaw ang kakausap sa akin” tugon ko sa kanya at hindi ko maiwasang mapatingin doon sa dragon na tattoo nito sa kaliwang braso.

“Pwede bang magbihis ka ng damit? Nakakawala ka ng gana sa pagkain”

“Sus sinabihan mo nga ako kanina nang masarap, tapos ngayon pinagbibihis mo ako kasi nawawalan ka ng gan? Unbelievable!” pang-aasar niyang tugon sa akin dahilan para mabilaukan ako sa manok na aking kinakain.

Mabilis akong kumuha ng tubig at doon ko ito ininom.

“Pati bakit ka naiilang sa hubad kong katawan? Hindi ba’t gustong-gusto mo akong nakahubad kaya kahit pagkain natin dati ay naka hubo’t-hubad ako. Tapos saan ka naka-upo? Dito sa kandungan ko ikaw naka-upo habang kuma—”

Hindi na naituloy ng peste ang kanyang pagsasalita nang mabugahan ko siya ng tubig sa kanyang mukha dahil sa kabastusan nito.

“Gusto mong saksakin kita nitong tinidor?” wika ko sa kanya at doon ko inamba ang hawak kong tinidor.

Wala siyang ibang reaksyon kundi ang mapatawa habang nagpupunas siya ng mukha gamit ang kanyang kamay.

“Gusto ko lang ipaalala sa ’yo Mister Manloloko na lahat ng mga sinasabi mo ay nakalipas na, nakalipas ibig sabihin ay tapos na. Kaya saan ka nakakakuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang ’yan? Knowing na hindi na kita gustong makausap o makita” inis kong wika sa kanya at doon ako tumayo sa pagkakaupo.

Padabog akong tumayo dahilan para marinig dito sa kusina ang mabibigat kong pagkilos, kita ko naman sa mukha niya ang tila tatanga-tangang pagkapahiya.

Nang makatayo ako ay doon ako humakbang papalabas ng kusina.

Hindi pa ako nakalalayo nang doon ko narinig ang marahas din nitong pagtayo sa kanyang pwesto. Nasa likuran ko ito kaya’t hindi ko kita ang kanyang itsura.

Napatigil ako sa paghakbang dahil rinig ko ang kanyang pagsasalita.

“Ian, lahat ng mga sinabi ko sa ’yo kagabi ay totoo. Lahat ng mga gusto kong gawin sa ’yo ay totoo at ang sinasabi ko sa ’yong gusto kitang balikan ay totoo” batid kong seryoso ang kanyang mukha dahil sa paraan ng kanyang pananalita.

Wala akong nagawa kundi itikom ang aking mga kamao.

“Kaya kahit mag mukha pa akong tanga sa harapan mo ay titiisin ko, basta maging akin kang muli” napapikit naman ako dahil sa mga sinabi niya.

“Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit. Kahit na sigawan mo pa ako ng walang kupas, kahit na hindi mo ako kausapin, kahit na ilang beses mo akong ipagtabuyan at kahit bastusin mo ako, basta ipinapangako ko sa ’yo na pag-alis mo rito sa hacienda ay matatawag kong akin kang muli” napamulat naman ako dahil sa huli niyang sinabi.

Nagtaas ang aking kilay at doon inilahad sa kanya ang aking tugon.

“Then try me Mister Feliciano. Tingnan natin kung sinong mananalo sa huli” huling wika ko rito bago ko tinumbok ang daan papunta sa kwarto para ihanda na ang mga dadalhin ko sa check-up.

ㅡㅡㅡ this chapter is dedicated to RalphMateo5

Chapter 8

ㅡㅡㅡ

Masarap na

Tinola

“Ian, maari ko bang malaman kung anong magiging schedule mo?” pagtatanong ng lalaki sa aking tabi.

Nandito na kaming dalawa sa harapan ng bahay habang nakasakay sa mini truck na pag mamay-ari ng produksyon sa prutas.

Hinintay ko pa siya kanina rito dahil kinuha pa nito ang truck na gagamitin namin papunta sa unang bahay tanggapan.

Hindi kasi kakayanin kung sasakay lang kami sa motor, dala-dala ko kasi ang maleta na naglalaman ng ilang mga gamot na posible kong maibigay sa kanila.

May emergency kit din sa aking bag na naglalaman ng ilang medical tools kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari.

“Ian, sabi ko kung puwede kong malaman ang schedule mo?” wika pa niya sa akin ngunit hindi ko ito pinapansin.

Nakabaling lang ang aking atensyon sa librong medikal na aking binabasa.

Hindi pa kami umaalis dahil nga tinatanong niya kung anong magiging schedule ko sa buong Linggong pananatili ko rito sa hacienda.

Hindi ko ba alam sa kanya kung bakit pormang-porma siya sa suot niyang white polo at brown shorts, naka sandals pa siyang itim at may suot-suot na black shades sa mata na akala mo ay invited sa outing ngunit wala namang ambag.

“Ian, tinatanong kita kung anong magiging schedule mo, parang wala akong kausap. Para na akong tanga” muling wika ng lalaki ngunit ’di ko ito binibigyang pansin.

Patuloy lang ako sa pagbabasa. Hindi ko siya masisisi kung mag mukha siyang tanga diyan dahil anong sabi niya sa akin kanina?

“Kahit mag mukha pa akong tanga sa harapan mo ay titiisin ko basta maging akin kang muli” So? manigas siya diyan!

“Ian, anong schedule mo?” tila pagsuko na ang tono ng boses niya kaya doon na ako nagsalita habang titig parin sa aking libro.

“Linggo at Lunes ay sa hayop, Martes at Miyerkules sa—”

“Bagalan mo naman Ian!” pagsigaw niya ang pumutol sa mabilis kong pagsasalita kaya ito’y binalingan ko ng tingin.

“Close tayo?” sarkastikong wika ko sa kanya habang naka taas ang aking kilay “Kung makasigaw ka diyan akala mo close tayo” huling wika ko sa kanya bago ko muling ibalik ang aking baling sa pagbabasa.

“Pasensya na po” paghingi nito ng tawad kaya itinuloy ko nalang ang aking ginagawa.

“Ian, puwede bang malaman ang schedule mo? Pero dahan-dahanin mo naman ang pagsasalita dahil hindi ko kayang magtipa ng mabilis sa keyboard ng cellphone ko” muli niyang wika sa akin kaya napailing nalang ako.

Pinaghintay ko siya ng ilang minuto at doon na ako nagsalita ng maayos habang patuloy akong nagbabasa.

“Sunday at Monday doon sa produksyon sa hayop, Tuesday at Wednesday sa produksyon ng gulay tapos Thursday hanggang Sabado rito sa produksyon ng Prutas” pagsasalita ko sa kanya at doon nalang ako nakarinig ng mahihinang bungisngis.

Dahan-dahan kong binalingan nang tingin ang peste at doon ko siya nakitang nakangiti ng matamis habang ang kanyang cellphone ay nakatutok sa aking pagmumukha.

“Anong ginagawa mo?” seryosong tanong ko sa kanya at doon siya natatawang sumagot sa akin.

“Ang bilis mo kasing magsalita kaya kinuhanan nalang kita ng bidyo” nakangiti niyang tugon sa akin dahilan para muling mag taasan ang aking kilay at doon kumunot ang noo.

“Anong trip mo? Akin na nga ’yan!” aktong kukuhanin ko sa kanya ang phone ay doon niya hinarang ang kanyang kamay sa aking mukha.

“Hep! Hep! Walang pakialamanan ng personal na gamit” parang gago niyang wika sa akin at mabilis niyang ibinulsa sa short ang phone.

Mabilis ko namang kinuha ang libro at doon sinimulang paghahampasin ang katawan ng pesteng ito.

“Gago ka talaga kahit kailan! Ang bastos mo! Bastos!” wala siyang nagawa kundi iwasan ang aking ginagawang paghampas, bago ko roon nakitang pinaandar na niya ang truck habang natatawa.

ㅡㅡㅡ

Inabot ng ilang minuto ang aking pagtitiis sa lalaking sira-ulo bago kami nakarating dito sa unang bahay tanggapan na aking pagche-check-upan.

“Nandito na tayo” wika ng peste ng tumigil kami rito sa harapan ng bahay tanggapan ng produksyon sa hayop.

“Kita ko, hindi ako bulag” pasinghal kong wika sa kanya bago ako nag desisyong lumabas dito sa loob ng mini truck.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay doon bumungad sa akin ang mga tauhang nasa harapan ng bahay tanggapan, tiyak na sabik na sabik sila sa aking pagdating dahil nakangiti silang sumalubong sa akin.

Ang doctor gown kong hawak-hawak ay doon ko na isinuot habang ibinabalandra ko ang aking ngiti sa mga taong nasa harapan ko.

Ang bahay tanggapan ay parang isang covered court na gawa sa mga kahoy at palapa ng niyog bilang pang bubong, parang isang malaking bahay kubo kung inyong iisipin.

Kumakaway pa ako bilang tugon sa ilang mga trabahador na kumakaway rin sa akin.

Karamihan sa mga tauhan ng tagapangalaga sa hayop ay mga matatandang lalaki.

Nakangiti lang ako sa kanila nang makita ko ang dalawang lalaki na papalapit sa aking pwesto. Ang pagkakangiti ng isang lalaki ay tila mapupunit na sa tamis.

“Magandang umaga po Mang Junel” nakangiti kong pagbati sa matandang lalaki at doon ko inabot ang aking kanang kamay tanda ng pagbati.

“Magandang umaga rin po sa inyo Senyorito Ian” nakangiti nitong tugon na ikinailing ko ng ulo.

“Doc Ian nalang po, Mang Junel” nakangiti kong pagtatama sa kanya at doon ko narinig ang pagsagot ng lalaki sa kanyang tabi na kanina pa matamis ang pagkakangiti.

“Good morning, Doc Ian” bumaling ako ng tingin sa lalaking katabi ni Mang Junel at doon awtomatikong gumalaw ang aking katawan upang yapusin ang lalaking ito.

“I miss you Jerico” galak kong tugon sa kanya habang niyayapos ko ito ng mahigpit.

Ramdam ko rin ang pagtugon niya sa aking yakap.

“Parang hindi tayo nag uusap sa cellphone” tugon nito sa akin habang kami ay nasa ganoong pwesto.

Ang aking mga kamay ay pinagapang ko sa kanyang tagiliran para siya ay bigyan ng kilitiin dahil madalas ko itong ginagawa sa kanya noong nandito pa ako.

“Aray! Ito na naman po tayo” natatawang wika ni Jerico habang patuloy lang ako sa ginagawa ko.

“Sinisigurado ko lang kung meron ka parin bang kiliti” natatawa kong tugon sa kanya habang ipinagpapatuloy ang pagkiliti ko rito na tinatawanan nalang ng ama niyang si Mang Junel.

Nasa ganoong kaming senaryo ng marinig ko ang pekeng pag-ubo ng isang lalaki na tumabi sa akin at doon bitbit ang maletang naglalaman ng mga gamit ko sa pang-check-up.

“Giyang na giyang pare, syota mo?” pagbibiro ng peste kay Jerico matapos silang mag kamayan.

“Siyempre pare, halos limang taon din kaming mag ka-phone pal nitong si Ian eh” nakangiti niyang tugon sa peste habang kami ni Mang Junel ay pinapanood lang sila.

“Ano namang pinaguusapan niyo?” tanong nito kay Jerico at walang siyang pakundangang sinagot nito. “Ikaw” tila pang-aasar ang tugon ni Jerico sa peste.

Napangiti nalang ako dahil sa sinagot niya at doon bumaling ng tingin ang peste sa akin na tila sinisigurado kung tama nga ba ang sinabi ni Jerico.

“Pinaguusapan niyo ako Ian? Ano namang sinasabi mo?” nakangiti siyang parang tanga na tila masayang narinig na siya ang pinaguusapan namin ni Jerico.

Seryoso lang ang tingin ko sa kanya at hindi sinagot ang katanungan nito “Pakidala nalang ng maleta doon sa loob para makapagsimula na ako” utos ko sa kanya at doon ko muling binalingan si Jerico.

“Sinisiraan ka namin pare, ako ang nagsusumbong dito kay Ian sa lahat ng mga kagaguhan mo” sabat ni Jerico sa kanya kaya napangiti nalang ako.

“Jerico, nasaan sila Regina? Sila Caloy? Pupunta ba sila dito?” nakangiti kong wika kay Jerico habang nakatingin parin siya sa peste.

“Gago” rinig kong wika ng lalaki bago ko siya nakitang naglalakad papunta na sa loob ng bahay tanggapan kasama si Mang Junel.

Nakatingin lang ako tagos sa likuran ni Jerico ng magsalita ito sa akin “Ano kaya mo pa Ian? Makulit, ano? Sinabi ko naman sa ’yo na sa halos ilang taong pagkawala mo rito ay malaki na ang pinagbago ng gagong ’yan. Naging roller coaster ang buhay niyan dito sa hacienda” makahulugang wika nito sa akin bago ko siya binalingan nang tingin.

“Oo malaki na ang pinagbago, mas naging gago” natatawang tugon ko sa kanya bago ko muling itinanong ang sinasabi ko kanina.

“Pero nasaan nga sila Regina? Sila Caloy?” nakangiti kong wika rito at doon siya tumango.

“Nandoon sa bayan, nag papa-check up” tugon niya sa akin na ipinagtaka ko.

“Nag papa-check up? Anong meron sa kanila? Bakit hindi sa akin?” wika ko sa kanya at doon siya umiling.

“Sikretong malupet. Kailan ba ang check up mo sa produksyon sa gulay?” patukoy niya kung anong produksyon ang kinabibilangan ni Regina.

“Tuesday and Wednesday” tugon ko sa kanya at doon nalang ito napangiti.

“Pagpunta mo roon sa kanila ay saka mo nalang malalaman. Basta surprise ’yon” lahad pa nito sa akin dahilan para mas umiral ang aking pagtataka. Napakamot nalang ako ng ulo habang nakangiti lang sa akin si Jerico.

Batid ko naman na alam ni Jerico ang aking pagkabalisa kaya ako ay inakbayan nito “’Wag mo na munang isipin ’yon Ian. Nandito ka sa produksyon namin at kami ang dapat at kinakailangan mong intindihin” wika nito sa akin habang kami ay naglalakad na papasok sa loob.

Sa nilalakaran palang namin ay masasabi mong produksyon nga sa hayop ang kinalalagyan ko dahil nagkalat ang mga inahing manok, ang anak nilang mga sisiw, mga pabo, gansa at bibe ang sumasabay sa aming paglalakad.

“Ian, tingnan mo si Omar parang papatay ng tao sa titig niya sa ating dalawa” wika pa ni Jerico at doon ko nga kita ang pesteng matalim ang pagkakatitig niya sa amin. Para siyang tanga.

ㅡㅡㅡ

Ilang oras na mula noong mag simula ang pagtingin ko sa mga kalusugan at pangangatawan ng mga tauhan dito sa produkyon sa hayop.

Halos lahat ng aking mga nahawakan ay mga matatandang lalaki na alam kong beterano sa pag-aalaga ng mga hayop.

Ang ilan sa aking mga nahahawakan ay kilala ako kaya ganoon nalang ang maikling pagkukwentuhan namin kung sino ang aking chine-check up.

Bago magsimula kanina ay nagkaroon pa ng maikling pagpapakilala tulad noong kahapon doon sa mansyon.

Halos nasa isang daang katao ang nandito sa loob ng bahay tanggapan na kayang-kaya ko naman matapos sa loob lamang ng isang araw.

Nandito ako sa harapang bahagi ng bahay tanggapan habang nakaupo sa upuan at katabi ko ang mahabang lamesa na pinagpapatugan ng mga gamot at ilang mga kagamitan sa ospital.

May sampung upuan ang nakahilera sa harapan at doon pa sinundan ng sampung upuan sa likuran, nasa isang daang upuan ang naka-ayos ang hilera rito.

“Hinga po tayo ng malalim” wika ko sa may katandaang lalaki sa aking harapan habang ang aking suot na stethoscope ay aking inilalahad sa kanyang dibdib para doon pakinggan ang kanyang paghinga.

Hindi ko lang mabatid kung bakit ang lalaking peste ay nasa aking likuran, na para siyang tanga roon na nakatayo sa likod ng aking inuupuan.

Para siyang bodyguard sa aking likod habang dinadaldal ang ilan sa mga pasyenteng aking chine-check up.

“Mang Wen, sa makalawa pala ang dating ng aangkat ng mga baka ah” wika ng lalaki sa aking likuran at doon niya kinakausap ang matanda na aking chine-check up.

Ang stethoscope ay nakalahad parin sa dibdib ng matanda kaya doon ko rinig na rinig ang sagot nito sa peste. “Oo nga Omar, sinabi ko na rin sa akin ni Papang noong isang araw” napapikit nalang ako dahil sa lakas ng aking naririnig.

“Balato naman Mang Wen! Painom ka!” pang-gugulo pa ng peste sa likuran.

“Pasaway ka talaga Omar” muling tugon ng matanda kaya doon ako nagdesisyong tanggalin ang stethoscope sa dibdib nito at mabilis kong hinarap ang peste sa aking likuran.

“Ikaw nalang ang mag-check up, gusto mo?” inis kong wika sa kanya at doon nalang ito umiling habang nakangiti “Kung dadaldalin mo ang mga pasyente ko ay mabuting doon ka nalang muna sa labas, pwede ba? Hindi yung nang-gugulo ka diyan” seryosong segunda ko pa bago siya humingi ng dispensa.

“Pasensya na Doc” nakangiti parin niyang tugon kaya inisnaban ko nalang ito.

Muli akong humarap kay Mang Wen at doon itinuloy ang pagbasa sa kanyang paghinga dahil may mali akong naririnig dito.

“Omar wag mong pinag-iinit ang ulo nitong si Senyorito, baka isumbong ka nito kay Papang” natatawang wika ni Mang Wen bago ko ipagpatuloy ang aking ginagawa.

“Hinga po ulit tayo ng malalim” malumanay kong wika sa kanya at doon ako nito sinunod. Habang pinapakinggan ko ang paghinga ng matanda ay doon ito umubo dahilan para marinig ko ang mali sa kanyang kaloob-looban.

Napatango ako bago ko siya hinarap, kinuha ko ang maliit na led flash light sa bulsa ng suot kong doctor gown. “Mang Wen, ilabas niyo po ang dila niyo” wika ko sa matanda bago ako nito sinunod.

Mabilis kong inilahad ang ilaw sa loob ng kanyang bunganga at doon binasa ang mali sa kanyang pangangatawan. Napatango pa ako bago ko isinulat sa maliit na papel ang mga kongklusyon o sintomas na aking nababasa.

“May problema po ba Senyorito? May komplikasyon ba sa pangangatawan ko Doc?” wika ni Mang Wen sa akin bago ko siya hinarap.

“Ilang Linggo na po ang ubo niyo?” pagtatanong ko sa kanya at doon ako nito sinagot.

“Mga tatlong Linggo na siguro Doc, nagkaroon ako matapos noong kasiyahan namin dito sa bahay tanggapan” wika nito sa akin at doon kami natigil sa pag-uusap ng may bumagsak sa kanyang bulsa.

Napatingin naman ako doon sa bagay na bumagsak at doon nalang ako napatango dahil tama ang mga kongklusyon o diagnose na nabuo sa mga nabasa ko sa pangangatawan ni Mang Wen.

“Matagal na po ba kayong naninigarilyo Mang Wen?” wika ko sa kanya patukoy sa dalawang paketeng sigarilyo ang bumagsak sa kanyang bulsa.

Tumango naman ito sa akin “Oo Senyorito, matagal na rin noong nagsimula ako manigarilyo tiyak noong kabataan ko pa, mga labing limang taon na rin Doc” tugon nito sa akin at doon ako muling napatango.

“May problema po ba Doc? May sakit po ba ako?” segunda pa niya sa akin at doon nalang ako napatango.

“Mang Wen, hirap na po ba kayo sa pag-akyat sa hagdan? O kahit sa paglalakad? Mabilis na po ba kayong mapagod?” pagtatanong ko pa sa kanya para masigurado ko kung tama nga ang aking diagnose.

“Oo Doc mabilis na akong napapagod kapag naglalakad, kaya madalas ay nakasakay nalang ako sa kabayo” tugon niya sa akin at doon ako napatango.

“Mang Wen, base po sa mga sintomas at mga nabasa ko sa paghinga niyo ay hirap na po kayo sa paghinga dahil may mga plema po ang naka-dikit sa inyong baga” unang paglalahad ko sa kanya at doon siya tumugon.

“Pero wala po akong sipon, Senyorito” tugon nito sa akin at doon ako tumango.

“Hindi lang po sipon o lamig ang dahilan kung bakit po tayo nagkakaroon ng plema, dahil ang paninigarilyo po ay isang paraan para tayo ay magka-plema at mahirapan sa paghinga” sunod kong paglalahad sa kanya at doon nalang ito napakamot ng ulo.

“Pwede po bang diretsuhin niyo na ako, Senyorito?” wika ni Mang Wen at doon ako tumango.

“Kung hindi po ako nagkakamali ay may COPD po kayo Mang Wen” lahad ko sa kanya at doon siya tumango. “Sabi niyo na mabilis na kayong mapagod kapag naglalakad kayo, hirap na kayo sa paghinga at nababasa ko po sa loob ng katawan niyo namamaga na rin ang bronchial tubes niyo kung saan doon po dumadaloy ang hangin” malumanay kong pagpapaliwanag kay Mang Wen.

“Malala po ba iyon Senyorito?” pag-aalala ng matanda sa akin.

“Kung maagapan po ay hindi magiging malala Mang Wen, pero ang COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease ay massive at maaring maging dahilan para kayo ay mawalan ng buhay dahil sa hirap sa paghinga. Bukod po sa COPD ay may Emphysema kayo dahil basa ko po na unti-unting sinisira ang air sacs ng baga niyo at iyon po ang dahilan kung bakit mabilis kayong mapagod kapag naglalakad” propesyonal na paglalahad ko kay Mang Wen.

“Meron din po kayong Chronic Bronchitis dahil sa pamamaga ng bronchial tubes niyo at sa pagdami po ng plemang bumabara rito” huling pagpapaliwanag ko sa sakit na meron si Mang Wen.

“Ano pong kailangang gawin ko Doc para maagapan po at hindi na lumala ang sakit ko?” wika niya sa akin at doon ako ngumiti.

“Madali lang po Mang Wen kung gugustuhin niyo. Matagal na po kayong naninigarilyo kaya nararapat na unti-untiin niyo na po ang pag-take ng sigarilyo sa katawan” nakangiting lahad ko sa kanya.

“Bakit unti-unti lang Doc? Hindi po bang pwedeng itigil na agad?” tugon sa akin ni Mang Wen at doon ako tumango.

“Masama po kung ititigil niyo agad-agad ang paninigarilyo, Mang Wen. May posibilad pong mas lumala at lumabas ang mga sakit na meroon kayo” pagpapaliwanag ko pa sa kanya “Kaya kung kakayanin po ay unti-untiin niyong bawasan. Kumain nang tama at maganda po kung mag eehersisyo kayo ng mabuti” nakangiti kong lahad sa kanya bago ako bumaling sa papel na aking sinusulatan.

“Bibigyan ko po kayo ng gamot para plemang nakabara sa inyong baga at maari rin po itong sa ubo. Kung may oras po kayo sa Sabado ay pumunta kayo roon sa bahay tanggapan sa produksyon ng prutas dahil may mga gamot pong dadating at tiyak na meroon pong mga gamot doon para malunasan ang ilang sakit niyo” nakangiti kong wika sa kanya bago ako kumuha ng ilang banig ng Carbocisteine para ibagay kay Mang Wen.

“Maraming salamat po Senyorito, makakaasa po kayo na pupunta ako sa Sabado” huling wika ni Mang Wen bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

Nakangiti naman akong nagpaalam sa kanya bago naghanda sa susunod na pasyente.

Habang inaayos ko ang mga papel na aking sinusulatan ay doon ko narinig na nagsalita ang peste sa aking gilid. “Ian” pagtawag niya kaya taas kilay ko siyang binalingan ng tingin.

“Ano?” walang emosyon kong tugon bago ko nakita ang inilalahad niya sa akin.

“Tubig, baka uhaw kana” nakangiti niyang wika sa akin habang doon inilalahad ang baso ng tubig.

Wala naman akong ibang nagawa kundi tanggapin ang basong iyon “Thanks” maikli kong tugon bago bumaling sa binatang umupo sa harapan ko.

“May kailangan ka pa Ian?” rinig ko pang wika niya sa tabi ko pero hindi ko na iyon pinansin dahil bumati na ang lalaki sa harapan ko.

“Good morning po, Doc Ian” nakangiti niyang wika sa akin bago ako ngumiti sa kanya.

“Magandang umaga” nakangiti kong tugon bago nagsimula ang pagsusuri ko sa kanya.

ㅡㅡㅡ

Inabot ng halos siyam na oras ang pagtingin ko sa mga pasyente at hindi ko maitatanggi na kahit sanay ako sa dire-diretsong pagtingin sa pasyente sa ospital ay nakakaramdam na ako ng pagod ngayon.

Nakakaramdam ako ng pagod ngunit namumutawi naman ang saya sa aking puso.

Matapos ang huling pasyente ay doon ako nakahinga ng maluwag dahil tapos na ang unang araw ko rito sa hacienda.

Nakatayo ako ngayon at nag-uunat ng buto dahil sa halos siyam na oras kong pag-upo sa upuan.

Iilan nalang ang tauhan dito sa loob ng bahay tanggapan dahil naglilinis na sila, nililikom na nila ang ilang upuan dahil kaunti nalang ang mga pasyente na darating bukas base sa sinabi sa akin ni Mang Junel.

Kasalukuyan kong kasama ngayon si Jerico habang nasa unahan kami ng mahabang lamesa.

Tinutulungan na niya akong ligpitin ang mga gamot at ilang kagamitan ko sa ospital, isinisilid namin ito sa aking malaking itim na maleta.

“Pagod ka, Ian?” wika ni Jerico sa akin habang patuloy kami sa pagliligpit.

“Yes” tugon ko sa kanya.

“Pero bakit parang mas pagod ang bodyguard mo?” wika pa ni Jerico kaya binalingan ko siya ng tingin. “Ha?” taka kong wika sa kanya at doon siya ngumiti sa akin.

“Sabi ko, bakit parang mas pagod si Omar sa ’yo? Ikaw naman ’tong tumitingin sa pasyente pero bakit mas mukha siyang lantang gulay?” paglilinaw niya sa akin at doon ako napatango.

Muli akong bumaling sa pag-aayos “Sino ba naman kasing may sabing tumayo siya sa likod ko? Ilang oras din ’ata siyang parang tanga na nakabantay sa akin. Dinadaldal pa ang mga pasyente ko na parang hindi sila nagkikita-kita” tugon ko sa kanya at doon ko nalang narinig ang pagbungisngis nito.

“Ian, tingnan mo si Omar” muling wika ni Jerico sa tabi ko bago ko balingan ng tingin ang itinuturo niya. “Bigyan mo ng tubig, Ian. Mukhang pagod na pagod ang pare ko aba, mahina pa naman ang resistensya niyan” makabuluhang wika ni Jerico na ikinailing ko nalang.

Binalingan ko ng tingin ang kinauupuan ng pesting iyon, doon siya nakaupo sa unang hilera ng upuan habang nakatungo ito at doon minamasahe ang kanyang binti.

“Sino ba naman kasing may sabi na tumayo siya sa likod ko?” doon ko nalang nakita ang aking sarili ko na humahakbang papalapit sa kanyang pwesto habang may bitbit na bote ng mineral water.

Hindi napuputol ang tingin ko sa kanya habang ito ay nakatungo parin at doon minamasahe ang kanyang binti.

Nang makalapit ako sa kanya ay doon ko ito tinawag “Omar” ito ’ata ang unang beses na tinawag ko siya sa pangalan niya.

Mabilis ang ginawang pagbaling ng peste sa akin at doon pa siya tumayo sa kanyang pag-kakaupo.

“May kailangan ka ba Ian? Napagod ka ba? Na uuhaw ka ba? Teka ikuha kita ng tu—”

“Hindi, oh” pagputol ko sa kanya at doon ko inilahad sa pagmumukha niya ang bote ng tubig “Bilisan lang namin ni Jerico para maka-uwi na tayo” huling wika ko sa kanya bago ko ito tinalikuran.

Hindi ko nalang pinansin pa ang sinabi nito pero nababatid kong nakangiti na naman siya na parang tanga.

ㅡㅡㅡ

Alas-syete sa kusina ng bahay nila Omar at Ian.

Katatapos ko lang maligo at imbis na sabon dito sa banyo ang naamoy ko, halimuyak ng lutong bahay na naman ang rumerehistro sa aking ilong.

Pagkatapos kong maisuot ang puting sando at itim na short ay nagdesisyon na akong lumabas ng banyo at ang aking tuwalyang ginamit ay isinabit ko sa pako rito sa likod ng pintuan.

Pagkalabas ko ng banyo ay walang peste ang bumungad sa akin, tanging bukas na kalan at kumukulong niluluto niya ang nandito.

Humakbang ako papunta sa kalan at doon sinilip kung anong niluluto niya.

“Oohhh…” manghang reaksyon ko nang makitang tinolang manok ang niluluto niya “Walang malunggay?” segunda ko matapos suriin ang mga kasangkapang na nasa kaldero.

Kumuha ako ng kutsara sa kawayang lalagyan ng mga pinaghugasan ng plato at kutsara “Ano kayang lasa nito?” wika ko nang makuha ko ang kutsara, isinandok ko ito sa kumukulong tinola at doon taimtim na tinikman ang lasa.

Tumango-tango pa ako dahil hindi ko maitatanggi na masarap ang luto niya.

Inilagay ko na ang kutsara sa lababo na katabi lang nitong kalan bago ko narinig ang pagtawag ng peste sa akin.

“Ian?” tumalikod ako para balingan siya ng tingin.

Nakangiti ito habang may hawak-hawak na malunggay sa kanyang kanang kamay, batid kong napansin niya ang aking pagtingin sa hawak niya.

“Lumabas lang ako saglit at wala pala akong nakuhang malunggay kanina. Hindi kumpleto ang tinolang manok kapag walang malunggay” nakangiti at pabibong wika niya.

Tumango nalang ako bilang tugon at humakbang para lagpasan siya pumunta sa lamesa kung saan nakapatong ang mga iniwan kong libro.

“Tapos ka nang maligo, Ian?” pagsasalita niya sa aking likuran nang makapuwesto ako sa lamesa.

“Sa tingin mo?” pabalang kong sagot sa kanya habang unti-unting nililigpit ang mga librong nakapatong sa lamesa.

Batid kong itinuloy na niya ang kanyang pagluluto dahil tumahimik na ito at tanging sandok at pagkulo lang ang naririnig ko.

Humakbang naman ako papunta sa gilid ng lamesa upang abutin ang ilang mga papel na ginamit ko kanina sa pagsusulat ng ilang mga detalye at report ko ngayong unang araw sa hacienda.

Kita sa kaliwang peripheral vision ko ang pwesto ng peste na nakatayo habang nakabaling ang tingin sa akin na tila sinusuri ang aking katawan.

Napakunot ako ng noo kaya binalingan ko ito nang tingin, mabilis naman siyang umayos nang tayo at doon ako tinalikuran.

Napangisi nalang ako dahil hindi ako nagkakamali kung anong pinagmamasdan ng peste sa aking katawan.

Hindi ko siya masisisi dahil sa halos ilang taon na paninirahan ko sa America ay napilit ako ni Ernest na samahan siya sa kanyang pag-eehersisyo sa gym. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganoon nalang ang lagkit ng kanyang tingin sa aking katawan.

Napangisi nalang ako nang may maisip na kabaliwan, kailangan kong bumawi sa nagawa kong kahihiyan kaninang umaga sa kanya.

Hindi pwedeng ako lang ang magmumukhang tanga dahil sa ganda ng kanyang katawan.

Umayos ako ng tayo at sinasadya kong ituwad nang bahagya ang aking matambok na pang-upo.

Napailing nalang ako dahil sa aking pinaplano.

“Omar” pagtawag ko sa pangalan niya at doon ko ipinagpatuloy ang kunwaring pag-aayos ko ng mga papel at libro.

“Bakit, Ian?” giyang na giyang niyang tugon sa akin at kita kong humarap siya habang patuloy sa paghahalo ng kanyang niluluto.

Dahan-dahan akong bumaling sa kanyang paningin at doon nga ako hindi nagkakamali, nakatingin siya sa aking pang-upo.

Napangisi nalang ako “Salamat sa pagsama mo kanina sa akin kahit na alam kong napagod ka” unang wika ko.

“Okay lang ako, salamat din” tugon niya habang patuloy siya sa kanyang ginagawang paghalo at pagtingin sa aking matambok na pang-upo.

“Pero sana ’wag ka nang tumayo sa likod ko at kausapin ang mga pasyente ko, ginugulo mo ang check-up ko sa kanila” segundang wika ko.

“Okay” tanging tugon niya na parang tanga.

Mas lalo akong napangisi “Kung pwede lang sana ay ’wag ka nang sumama, pwede namang si Jerico nalang ang maghatid at sundo sa akin” ikatlong wika ko rito.

“Okay” tugon nito na wala sa kanyang wisyo.

“Okay, sabi mo ’yan ha. Kung pwede rin sana ay umalis ka na rito sa bahay dahil hindi ko naman kailangan ang presensya mo. Naiirata lang ako sa ’yo” seryosong wika ko sa kanya.

“O––aray!” bumalik ang peste sa kanyang katinuan nang makita kong napaso siya sa kalderong nakasalang sa kalan.

Nabitawan niya ang sandok na hawak-hawak niya at doon mabilis na sinubo ang kanyang daliri na napaso sa kaldero.

Humarap ito sa akin suot ang tila batang napaso sa apoy “A–ano ngang sinasabi mo, Ian?” wika nito at napangisi nalang ako.

Oo na, panalo na ako at nakabawi na ako sa kahihiyan na nagawa ko kaninang umaga.

Batid ko namang mahapdi ang pagkakapaso ng daliri niya sa kaldero dahil kita ko ang pagdaing ng kanyang mga mata. Napangiti nalang ako dahil sa katangahan niya.

“May sinasabi ka ba, Ian?” paguulit nito at doon ako umiling ng nakangisi.

Kinuha ko ang mga libro at papel sa ibabaw ng lamesa at doon nagwika sa peste “Tingin pa more” bago tuluyang humakbang papunta sa kwarto para doon ilagay ang mga bagay na ito.

“Tawagin nalang kita kapag kakainin m—kapag kakain na tayo, Ian” rinig kong habol nito bago ako makapasok sa loob ng kwarto.

ㅡㅡㅡ

Alas-otso na ng gabi at kasalukuyan na akong kumakain habang kaharap ang peste sa hapagkainan.

Pagkatapos niya akong tawagin na luto na ang kanyang nilutong tinola ay hindi na kami nag-usap at nagkibuan pa.

Kaya tanging tunog lang ng kubyertos, plato, paghigop ng sabaw at mahinang tunog sa pinapanood kong pelikula ang namumutawing ingay dito sa kusina.

Hindi ko mawari kung bakit siya tahimik at hindi nag-uusap, na pabor naman sa akin dahil busy ako sa panonood ng pelikula habang kumakain.

Hawak ko sa kaliwang kamay ang cellphone habang ang kanan naman ang nagsusubo sa aking bibig.

Wala akong choice kundi ibaling sa ibang bagay ang aking atensyon dahil hanggang sa ngayon ay hindi parin ako komportableng kausapin siya.

Inabot pa ng ilang minuto ang ganoong senaryo ng mabatid kong kanina pa siya nakatingin sa akin na tila may gustong sabihin.

“May gusto ka bang sabihin? Kanina ka pa nakantingin sakin?” saglit kong ipinause ang pelikula at doon binalingan ang peste.

Nakangiti naman siyang umiling “Anong pinapanood mo Ian?” patukoy niya sa pelikula.

“Bakit? Papanoodin mo rin?” seryosong tugon sa kanya at ito’y umiling.

“Hindi naman sa ganoon. Mukhang masaya ka diyan sa pinanonood mo eh, kaya na curious lang ako” nakangiti niyang tugon “Minsan kasi ay hindi na ako nakakanood ng mga palabas at pelikula, gawa ng mga utos at gawain dito sa hacienda” segunda niya.

“Oh, ano ngayon?” tugon ko. “Ngayong nandito ka ay saka lang lumuwag nang bahagya ang oras ko, sabagay dapat kasi ay sa ’yo lang ang oras ko” natatawa nitong wika na ikinakunot ng noo ko.

“Joke time yan?” tugon ko at umiling nalang siya bago tumungo na tila napahiya sa kanyang mga sinabi. Muli ko nalang ibinaling ang aking atensyon sa panonood at doon din ipinagpatuloy ang pagkain.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang doon ko nalang naramdaman na ang pagkakahawak ko sa cellphone ay napalitan ng mahigpit na hawak ng kanyang kamay nang doon biglang namatay ang ilaw dahilan para dumilim ang paligid.

“Ian…Ian” boses iyon ng peste na tila naghahabol ng hingina.

Mula sa liwanag na ibinibigay ng cellphone at liwanag na nang gagaling sa bilog na buwan ay tila bumagal ang oras nang makita ko ang nakapikit at naghahabol na hininga na si Omar.

Mahigpit ang pagkakakapit niya sa aking kanang kamay at ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot na kanyang hinaharap ngayon.

Seryosong tingin lang ang ibinabaling ko sa kanya habang pinagmamasdan ang nakapikit at takot na takot na kanyang mukha.

Ilang beses na niya rin binanggit ang pangalan ko habang mas lalong hinihigpitan ang pagkakakapit sa aking kamay.

Kusa nalang gumalaw ang hinlalaki ng aking kanang kamay upang doon ihagod sa balat ng kamay ni Omar upang iparamdam sa kanya na nandito ang presensya ko para ikalma niya ang kanyang sarili sa takot na nararamdaman niya.

Batid kong epektibo naman ang aking ginawa dahil doon ko kita ang dahan-dahang pagbukas ng mata ni Omar na kasabay ng pag-alis nito sa pagkakahawak niya sa aking kamay.

“Pasensya na, Ian” diretsong wika niya sa akin at doon nalang muling bumalik ang liwanag ng ilaw dito sa bahay.

Napatango nalang ako at doon itinuloy ang pagkain at panonood.

ㅡㅡㅡ

Chapter 9

ㅡㅡㅡ

Night Boy

2012 Nine Years Ago

Hindi ko alam kung matatawa, maiiyak, maiinis at maluluha ba ako sa nangyayari ngayon.

May isa kasing lalaki sa aking tabi na tila parang bata na takot na takot.

Alas-dose na ng madaling araw at nandito pa ako sa kusina habang nakaupo sa upuan dito sa hapag-kainan, nakalatag sa lamesa ang makakapal kong librong pang medikal habang hawak ang isang tablet at doon binibigyang pansin ang mga larawang naka flash sa screen.

Malakas ang ulan at sinamahan pa ng pagkidlat at kulog dahilan para mas lumamig ang temperatura ngayon.

Walang kuryente at tanging gasera na nakapatong sa lamesa ang tanging nagsisilbing liwanag dito sa aming pwesto.

Hindi nabuksan ang generator kanina dahil ubos na ang gasolina. Hindi rin naman kami na sabihan na mawawalan ng kuryente.

“Bal, tulog na kasi tayo” wika ng isang lalaki sa aking tabi na tila isang Koala dahil sa kanyang mahigpit na pagkakayapos sa aking katawan.

“Hindi pa ako tapot, Bal” mahinahong tugon ko sa kanya habang nakatingin parin sa screen ng tablet.

Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin “Kasi naman ih! Bilisan mo na kasi diyan” utos pa nito na tila isang bata.

Nakasuot na kaming dalawa ng pang-tulog, white tshirt at pajama.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa kanya dahil ilang oras na siyang nakalingkis sa aking katawan.

Nakaupo siya sa katabing upuan, habang doon inaabot ng kanyang braso ang aking bewang.

“Bal, mauna kana kasi doon sa kwarto dahil matagal pa ako rito. Dalhin mo nalang itong gasera dahil may flashlight naman ako” bumaling na ako sa kanya at doon hinimas ang kanyang buhok sa ulo upang pakalmahin.

Nakapikit siya at doon nito nilalabanan ang antok at ang kanyang takot na nararamdaman.

Si Omar ay may takot sa dilim. Meron siyang nyctophobia at halos hindi siya makahinga ng maayos kapag biglaang dumilim ang paligid niya.

Masasabi kong isa sa remedy sa kanyang phobia ay ang aking presensya. Madalas niyang binabanggit ang aking pangalan at doon lumilingkis sa aking katawan.

Kaya hindi ko na alam kapag naghiwalay kaming dalawa at doon siya atakihin ng kanyang phobia. Wala naman ako sa tabi niya para yakapin at pakalmahin siya.

“Pero gusto kong yakap-yakap ka lang, Bal. Ikaw lang ang nakakapagpakalma sa akin” parang bata na naman nitong pagsasalita at doon ko inilahad ang aking bibig sa kanyang pisngi para doon siya bigyan ng mabilisang halik.

“Okay sige, hug mo nalang muna ako habang nagrereview. Kailangan ko na kasing matapos ito dahil bukas na ang actual exam namin, Bal” tugon ko sa kanya at doon naman ito tumango.

Actual exam namin bukas kaya matinding pag-rereview ako ngayon kahit na may Koala ang nakayakap sa akin.

Tapos ko na namang basahin at aralin ang ilang mga nasa libro. Ngayon naman ay nagkakabisado nalang ako ng mga medical tools dito sa aking tablet.

“Bal, help mo nalang kaya akong mag review para mabilis na akong matapos at makapagpahinga na tayo” baling ko sa nakapikit na si Omar.

Inalalayan ko itong umalis sa pagkakayapos ko at doon siya umupo ng ayos sa harapan ko.

“Ano pong gagawin ko?” tugon ni Omar ng ibigay ko sa kanya ang tablet.

“Ipapakita mo lang sakin ’yang mga picture, then swipe mo lang kapag ililipat mo na” nakangiting wika ko sa kanya at doon nalang siya tumango.

Madalas akong tulungan ni Omar sa pag-rerebyu ko tuwing may exam, kaya kabisado at alam na rin niya ang mga bagay na ginagamit sa ospital.

Nasa kaliwang balikat ni Omar ang table at doon siya nagtatanong sa akin habang ipinapakita ang naka flash sa screen.

“Ano ’to?” pagsisimula ni Omar at doon naka flash sa screen ang isang larawan.

“That is scalpel and scalpel is is a small and extremely sharp bladed instrument used for surgery, anatomical dissection, podiatry and also for various arts and crafts” nakangiting sagot ko sa kanya at doon tumango si Omar.

“Bal, bakit parang meron nito roon sa pagupitan? Si Mang Bong meron nito ah” pagtatanong nito tungkol sa scalpel.

“Anong meron?” pagtataka kong tugon sa kanya.

“Yung ginagamit sa pang-ahit, pagkatapos gupitan” paglilinaw naman niya sa akin at doon nalang ako napailing.

“Baliw, kamukha lang naman. Blade din ’yang scalpel, Bal” tugon ko sa kanya at ito’y muling napatango.

“Ito naman bakit parang kurtina?” pagbibirong wika ni Omar ng ilipat niya ang larawan.

“Engot! Surgical Drape ang tawag diyan at ginagamit iyan pangtakip sa pasyenteng inooperahan. That is for to prevent contact with unprepared surfaces and to maintain the sterility of environmental surfaces” nakangiting sagot ko sa kanya at doon nalang ito tumango.

“Ang daming alam” natatawang wika niya at inilipat ang sunod “Ito bakit mukhang grinder? Nag kukumpuni ba kayo kapag nag-oopera, Bal?” pagtatanong nito sa akin.

“Sternal Saw naman ang tawag diya. Ginagamit iyan pang cut ng bones and that is used to perform median sternotomy, opening the patients chest by splitting the breastbone or sternum” tugon ko naman dito at wala na naman siyang nagawa kundi ang tumango at ilipat ang sumusunod.

“Ito ano?” wika niya sa akin at doon ako nakangiting sumagot.

“That is Bovie and it is electrosurgical unit or battery operated cautery, enables surgeons to select the optimal instrument for a specific procedure, providing the greatest potential for a successful outcome” tugon ko sa kanya at doon ito umiling.

“Mukhang ballpen na umuusok naman ito” lahad nito sa akin at doon pa namin ipinagpatuloy ang pagtatanungan.

Inabot lang ng ilang minuto ang pagtulong sa akin ni Omar bago kami natapos sa aming ginagawa.

“Tapos na, tulog na tayo” wika ni Omar at doon niya kinuha ang kanang kamay ko.

“Sige, ligpitin ko muna ’tong mga libro” nakangiting tugon ko naman sa kanya bago ko maramdaman sa aking kanang palad ang bagay na pinapahawakan sa akin ni Omar.

“Sex tayo Bal. Nag pass ka kagabi kaya wala ka nang kawala ngayon” rinig kong wika ni Omar habang nililigpit ko ang mga libro gamit ang aking kaliwang kamay.

Hindi naman ako umimik sa sinabi ni Omar dahil tama naman siya, tinanggihan ko ang kanyang alok kagabi dahil pagod na pagod ako.

Ikinukuskos lang ni Omar ang aking kanang palad sa kanyang ari habang siya ay doon nakatingala at sarap na sarap na umuungol.

“Ang init talaga ng palad mo Bal, ang sarap” tila libog na libog na pagsasalita ni Omar.

Napangisi nalang ako at doon may na-isip na kalokohang gagawin.

Tuloy lang si Omar sa pagkuskos ng aking palad sa kanyang ari habang tirik na tirik ang kanyang mata, doon ko nirehistro ang aking palad sa kanyang tigas na tigas na talong para ito ay kurutin.

“Putaragis aray Bal!” inis na sigaw ni Omar sa akin at tinawanan ko nalang iyon.

Dahil sa pagtawa kong iyon ay doon ko nalang nakita ang hubot-hubad na pangangatawan namin ni Omar sa ibabaw ng lamesa habang doon siya mabilis na bumubulusok sa pagpasok sa aking loob.

Tila siya ay nangangarera sa bilis ng pag-indayog ng kanyang katawan.

ㅡㅡㅡ

Chapter 10

ㅡㅡㅡ

Ang

Operasyon

Lunes ng umaga at ito ang pangatlong araw ko rito sa hacienda, ikalawang araw ko sa pag tingin sa mga kalusugan ng mga trabahador sa produksyon ng hayop.

“Bilisan mo na! Bilisan mo! Bilis!” inis at nagmamadali kong sigaw sa lalaking katabi ko.

“Saglit ito na! Ito na! Malapit na” tugon niya sa akin habang diretso lang akong nakatingin sa unahan.

Tila kaming dalawa ay nangangabayo sa bilis ng pagpapatakbo ng pesteng katabi ko rito sa mini truck.

Hindi ko mapigilang mapatikom ang aking mga kamao dahil sa bilis ng takbo nitong sinasakyan naming dalawa.

Bakit nga ba kami nagmamadali?

Tumawag sa akin si Jerico kanina pagkagising ko at doon niya ibinalita ang isang aksidenteng nangyari.

Hindi na kami nakakain ng umagahan kahit ang pag ligo ay aming nilaktawan dahil importante ang bagay na ito.

Buhay ng tao ang nakataya dito.

Nang matanaw ko na sa unahan na malapit na kami sa bahay tanggapan ay doon ko na inayos ang aking sarili.

Kitang-kita ko mula rito na nag kakagulo at nagtutumpukan na ang mga tao doon sa labas ng bahay tanggapan.

Isinuot ko na nang maayos ang aking doctor gown at doon sinakbit ang stethoscope sa aking leeg.

Ilang segundo pang pagmamahaneho ng peste ay doon ko nakita ang aking sarili na mabilis bumaba sa loob ng sasakyan.

“Isunod mo sakin ’yang maleta” habol kong habilin sa peste at doon ako mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay tanggapan.

Doon ako sinalubong ni Jerico kung saan kitang-kita ang duguan sa kanyang puting damit.

Hingal na hingal akong sinalubong ni Jerico at doon siya tarantang nag wika sa akin.

“Ian tumawag na kami ng ambulansya, thirty minutes ay nandito na raw sila!” tarantang wika ni Jerico sa akin habang doon namin sinasalubong ang mga nagkukumpulang mga tauhan “Tabi! Tabi! Tumabi kayo!” nakatingin lang ako kay Jerico habang doon kami humahakbang ng mabilis.

“Nasaan na!? Saan niyo nilagay?” tugon ko sa kanya habang diretso sa paglalakad.

“Nandoon sa loob pinahiga muna namin sa lamesa at hirap na siyang ng huminga Ian!” wika ni Jerico sa akin at doon na kami tuluyang nakapasok sa loob ng bahay tanggapan.

Kita ko doon na nagkukumpulan sila sa mahabang lamesa sa unahan, kita kong may nakahiga doon habang duguan ang kanyang dibdib.

Ibinalita sa akin ni Jerico kanina na si Mang Bong daw ay nasuwag ng sungay ng toro kanina sa kanyang dibdib.

Si Mang Bong ang isa sa tagapangalaga ng mga baka kung kaya’t ito ang nangyari sa kanya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at mabilis na akong pumunta kay Mang Bong na tila naghihingalo na.

“Jerico palabasin mo muna sila, walang papasok hanggat hindi pa dumadating ang ambulansya” mabilis kong habilin kay Jerico at doon ko kitang nagpapalabas na rin si Omar ng mga tauhan dito sa loob.

“Labas muna tayo mga pre! Hintayin natin ang ambulansya!” wika ng peste habang papunta rito sa aming pwesto.

“Lumabas muna kayo! Labas muna!” wika naman ni Jerico sa kanila.

Hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin at doon ko na pinagtuunan si Mang Bong.

“Mang Bong? Mang Bong?” wika ko sa matanda habang tinatapik ang kanyang pisingi.

Umuungot ito na tila dumadaing sa sakit ng kanyang nararamdaman.

Nakahubad si Mang Bong habang may mga damit na duguang tumatapal sa kanyang butas na dibdib.

Mabilis kong inilahad ang aking stethoscope para pakinggan ang tibok ng puso ni Mang Bong.

Nang mabasa ko ang bilis ng pag-tibok ng puso ni Mang Bong ay doon ako bumaling sa peste “Omar! Akin na ’yang maleta!” sigaw ko sa kanya at doon siya mabilis na lumapit sa akin.

“Shet, shet” nakakaramdam ako ng taranta dahil hindi ako na inform na ganitong emegency ang mangyayari rito sa hacienda.

Nang makalapit si Omar sa akin ay doon ko mabilis na binuksan ang maleta at doon kinuha ang mask pump oxygen at portable echocardiogram na ginagamit pang ultrasound sa katawan.

Inilapag ko ang echocardiogram sa ibabaw ng lamesa katabi ng matanda at doon bumaling kay Jerico na nagpapalabas parin ng mga tauhan.

“Jerico! Halika rito bilis!” wika ko sa kanya at doon ito mabilis na humakbang papunta sa aking tabi.

“Pump mo lang ’tong oxygen sa bibig ni Mang Bong, ’wag mong aalisin hanggat hindi ko sinasabi” mabilis kong ibinigay kay Jerico ang pump mask oxygen at doon siya pumunta sa ulunan ng matanda.

“Padaan pre!” wika nito sa pesteng nakatayo sa ulunan ng matanda, tumabi naman ito sa gilid at doon kami pinapanood.

Hindi ko na iyon pinansin at doon ko binuksan ang echocardiogram para basahin kung anong nangyayari sa dibdib ni Mang Bong.

Nagpahid muna ako ng jel sa dibdib ng matanda at doon inilahad ang device upang basahin ang nasa loob.

Bumaling ako ng tingin sa screen ng portable echocardiogram at doon ko kitang may mali sa puso ng matanda.

“Shete! Cardiac Tamponade” wika ko habang binabasa ang ipinapakita ng echocardiogram.

Cardiac Tamponade is a pressure on the heart that occurs when blood or fluid builds up in the space between the heart muscle and the outer covering sac of the heart.

Bumaling ako kay Jerico na tila taranta parin sa kanyang ginagawa, pawisan na ito habang patuloy sa pag-pupump ng oxygen.

“Matagal pa ba yung ambulansya?” hindi ko rin mapigilang makaramdam ng pagkataranta dahil hindi ko talaga ito inaasahan.

“Oo eh” tugon nito sa akin at doon nalang ako napapikit.

Napasapo ako sa aking noo “Shete naman!” frustrated kong wika kay Jerico.

“Ano bang kailangan gawin? Hindi ba pwedeng first aid muna? Paunang lunas?!” wika ni Jerico.

“Pwedeng mag first aid pero hindi ganun kadali, kailangan kong buksan ang dibdib ni Mang Bong at kailangang matanggal yung mga dugo na namuo sa puso niya, kailangang i-staple para tumigil!” tugon ko sa kanya at doon ko kita sa likod ang pesteng nakatayo lamang.

“Edi gawin mo na Ian! Baka mapasama pa itong si Mang Bong!” tarantang tugon ni Jerico at doon ako napailing.

“Hindi ganun kadali Jerico! Wala akong assistant! Wala akong katulong dahil mahirap kapag mag-isa ka lang gagawin ang operasyon, walang mag-aabot ng mga gamit” lahad ko kay Jerico at doon ito umiling.

“Patay tayo diyan! Wala akong alam sa mga gamit mo dahil hindi naman ako Doctor, pero ano si ano…si Omar! Oo si Omar marunong ’yan!” binabalingan ni Jerico ng tingin ang peste sa likuran.

“Diba sabi mo pre tinutulungan mo ’tong si Ian sa pag-rerebyu niya? Baka alam mo yung mga gamit na pang ospital, kaya ikaw na ang gumawa!” segunda pa ni Ian sa peste.

“Ha? Ako?” tugon ng peste habang tinuturo niya ang kanyang sarili, napatingin siya sa akin at doon ito nagsalita “Oo alam ko, oo Ian ako nalang!” segunda niya at doon siya mabilis na lumapit sa kanang pwesto ni Mang Bong.

“Anong kailangang gawin?” tila masigla nitong wika na may halong pagkataranta.

Hindi ko siya sinagot at doon ko muna kinuha sa maleta ang portable life monitor para malaman ko ang mga vitals, mga saline, anethesia at pericardiosentis.

Nang makuha ko iyon ay mabilis kong ibinigay ang aking maleta sa peste para siya ang mag-aabot sa akin ng mga tools na kakailanganin ko.

“Ibibigay mo lang sakin lahat ng mga sasabihin ko” pag-papalala ko sa kanya habang kinakabit ko na kay Mang Bong ang portable life monitor.

“Sige, Ian” tugon nito sa akin habang doon ko binabasa ang vitals na nag flash sa life monitor.

“Eighty over fourty five, one hundred thirty five beats” pagbasa ko sa vitals at doon ko na inayos ang aking sarili para turukan ng anesthesia si Mang Bong.

Tuloy lang si Jerico sa pag-pump ng oxygen sa matanda.

Inalis ko na ang mga damit na nakapatong sa dibdib ni Mang Bong at doon umagos ang mga dugong nag-uunahan lumabas sa butas ng kanyang dibdib.

“Gasa Omar! Bilis pahinging gasa!” wika ko sa peste at doon siya mabilis na kumilos para kuhanin ang gauge doon sa aking maleta. Tagumpay namang naibigay ng peste iyon kaya mabilis kong tinapalan ng gasa ang nagdudugong butas sa dibdib ng matanda.

Malalalim ang ginagawa kong paghinga habang pinipigilang lumabas ang mga dugo sa kanyang dibdib.

Madami na akong nahawakang ganitong kaso, yung iba ay nasasaksak pa ng mga kutsilyo o kung ano mang mga matatalas na bagay kaya gamay na gamay at alam na alam ko ang ginagawa ko.

Kaibahan lang na wala akong assistant doctor at nurse, kaya batid kong mahihirapan ako rito.

Nang masigurado ko nang tumalab ang anesthesia sa dibdib ni Mang Bong ay doon na ako nag-suot ng gloves para simulan ang gagawing surgery.

Hinubad ko ang Doctor gown kong suot dahil tiyak na madudumihan ito, lalabhan ko nalang mamaya.

Pinapanood lang ako ng dalawa habang inaayos ko ang aking sarili, binigyan ko na rin sila ng surgical mask dahil kailangan nilang mag-suot nito.

“Okay, let’s start” wika ko sa kanila at doon ito tumango.

“Antiseptic” wika ko sa pesteng nasa unahan ko at doon ko nilahad ang aking kaliwang kamay.

“Ha?” tanging tugon nito dahil hindi niya alam ang kukuhanin niya sa maleta.

“Alcohol, sabi ko” tugon ko sa kanya at doon niya mabilis na kinuha ang alcohol sa maleta.

“Ikaw ang maglagay sa kamay ko” utos ko rito at doon naman niya ginawa.

Matapos malagyan ng alcohol ang aking kamay ay doon ko ipinunas sa dibdib ni Mang Bong.

“Akin na yung Drape” sunod kong utos sa kanya at doon ako binigyan ng tatanga-tangang tugon.

“Ha?” tugon nito dahil hindi na namam niya alam ang ibibigay sa akin.

“Drape sabi ko” pag-uulit ko sa kanya at doon ko kita ang kanyang pagkamot sa ulo.

“Alin dito yung Drape?” tugon nito sa akin at napa-iling nalang ako.

Nakatangin lang ako sa kanya ng may kusang pumasok na alaala sa aking isipan.

Napailing nalang ako at muling nagwika “Iyang telang asul akin na” tugon ko sa kanya at doon niya kinuha sa maleta ang drape “Hawakan mo ’yang gilid” segunda ko at doon nagpatulong na takluban ang katawan ni Mang Bong.

Tanging dibdib lang ang makikita sa butas ng drape na iyon habang patuloy lang si Jerico sa pag-pump ng oxygen sa matanda.

Muli kong inahanda ang aking sarili dahil sisimulan ko na ang surgery na ito, rito mismo sa loob ng bahay tanggapan ng hayop.

Dito sa Hacienda Rambo.

“Scalpel” muli kong baling sa peste at doon inilahad ang aking kaliwang kamay.

Doon kumilos ang peste para kuhanin ang sinasabi ko sa maleta.

“Iyan ba?” wika niya sa akin ng maglagay siya ng maling kagamitan sa aking kamay.

Napailing ako at hindi ko mapigilang mainis “Ang sabi ko scalpel hindi elevator! Ano ba Omar akala ko ba alam mo? Akala ko ba marunong ka? Ayusin mo naman para kang tanga!” galit kong wika sa kanya na alam kong ikinagulat nilang dalawa.

“Pasensya na Ian, hindi ko naman kasi alam eh. Hindi naman ganito yung inaral natin dati eh, alin ba dito yung Scalpel?” paghingi nito ng pasenya at doon kinuha ang elevator sa aking kamay.

Napapikit ako dahil muli niyang ipinaalala ang iniisip ko kanina “Yung mukhang pang ahit sa pagupitan akin na” doon ko nilahad ang deskripsyon ni Omar sa scalpel nine years ago.

Nagmulat ako ng aking mata at doon ko nakitang nasa kamay ko na ang scalpel.

Hindi ko nalang binalingan ng pansin ang peste sa aking harapan at doon na ako nagsimulang ayusin ang aking ginagawa.

Inilahad ko ang matalas na blade sa dibdib ni Mang Bong na may butas at doon sinimulang buksan ang balat ng kanyang dibdib.

Nagsimulang maglabasan ang mga dugo sa kanyang balat kung kaya’t muli akong nag-utos sa peste “Akin na ang Bovie” wika ko sa kanya at doon muling namayani ang ilang segundong katahimikan dahil hindi nito alam ang ibibigay sa akin.

“Yung mukhang ballpen na umuusok akin na” muli kong lahad sa deskripsyon niya sa bovie nine years ago.

Mabilis niyang ibinigay ang mukhang ballpen na umuusok na iyon kung kaya’t dali-dali kong inilahad ang Bovie sa balat ng dibdib ni Mang Bong para pigilan ang pagdudugo.

Matapos kong gawin iyon ay muli akong nag-utos sa kanya “Akin na yung mukhang grinder” tugon ko sa deskripsyon niya sa sternal saw na pang hati sa buto ng dibdib ni Mang Bong.

Mabilis niyang ibinigay sa akin ang bagay na iyon at doon ko na nilahad ito sa dibdib ng matanda banda sa kanyang puso.

Sinimulan kong hiwain ang buto sa dibdib ni Mang Bong hanggang makita ko ang puso nito.

Hindi ko naiwasang marinig ang tila pandidiri at pagkamangha ng dalawang lalaking kasama ko.

Tuloy lang ako sa paghiwa ng buto nang doon ko na makita ang puso ni Mang Bong na mabilis ang pagtibok.

Ibinigay ko sa peste ang Sternal Saw “Sternal Rectractor akin na, yung pang kalang sa dibdib” muli kong utos dito at tagumpay niyang naibigay ang hinihingi ko.

Mabilis kong ikinabit ang sternal rectractor sa dibdib ni Mang Bong para mapanatili nitong bukas ang hiwa sa kanyang balat.

Nang matagumpay kong mabuksan iyon ay doon ko sila pina-alalahanan.

“Mas madaming dugo ang lalabas this time kapag nahiwa ko na ang sac ng puso ni Mang Bong” wika ko sa kanilang dalawa at doon binalingan ang peste “Ihanda mo ang madaming gasa, ang suction o panghigop sa dugo at ang staple okay?” segunda ko at doon siya tumango.

“Akin na ang gunting” utos ko sa peste at doon ibinigay sa akin ang medical scissor.

Matapos kong makuha iyon ay doon ko mabilis na inilahad ang gunting sa tumitibok na puso ni Mang Bong.

Huminga muna ako ng malalim bago ko gawin ang bagay na ito.

Nang maihanda ko ang aking sarili ay doon ko na binutas ang sac ng puso ni Mang Bong para doon lumabas ang mga namuong dugo.

“Putangina kadiri!”

“Taragis! Aray!”

Reaksyon nilang dalawa ng doon tumalsik ang dugo sa sac ng puso ni Mang Bong.

Mabilis kong kinuha ang gasa sa kamay ng peste at doon pinupunasan ang lumalabas na dugo sa loob ng matanda.

Hindi ko mapigilang mataranta dahil sa pag-sigaw ng dalawang lalaking kasama ko “Tangina, wag kayong sumigaw” wika ko sa kanila habang patuloy lang sa pagtatalsikan nang dugo mula sa loob.

Ang aking mukha ay ilang beses na natatalsikan ng dugo kaya napapapikit nalang ako.

“Akin na ang staple bilis!”

ㅡㅡㅡ

“Doctor Ian Montealegre from TOP Medical Center and here is my card if they ask kung sinong gumawa ng first aid” wika ko sa lalaking rescuer na kadadating lang ng kanilang ambulanysa.

“Thank you Doc!” nakangiting tugon nito sa akin at doon ako tumango.

Napatingin ako sa loob ng ambulansya kung saan doon ipinasok si Mang Bong.

Lumapit ako doon para kausapin ang asawa niyang si Ka Nemie na kanina pa iyak ng iyak.

“Maraming salamat Senyorito, bigay ka po ng langit sa amin, kung hindi dahil sa ’yo ay wala na ang asawa ko ngayon” galak na galak na wika ni Ka Nemie habang doon umiiyak at hinahawakan nang mahigpit ang aking kamay.

Ngumiti ako sa kanya ng matamis para ipabatid ang aking pasasalamat “Walang anuman po, ginawa ko lang po ang trabaho ko” tugon ko naman sa kanya at doon ako nito nginitian.

“Sabihin niyo lang po Senyorito kung anong kailangan niyo para mabayadan po namin ang aming utang na loob” muli nitong pagkausap sa akin at doon ako umiling.

“Hindi niyo na po kailangang gawin iyon” tugon ko sa kanya at doon ako muling ngumiti “Sabihin niyo lang po sa akin o kay Papang kung magkano ang nagastos niyo doon ospital para ako na po ang magbabayad” segunda kong lahad sa kanya dahilan para mas maging emosyonal si Ka Nemie.

“Jusko ang bait-bait niyo po talaga Senyorito! Ipagdadasal ko nalang po sa panginoon na bigyan ka ng mahabang buhay para mas madami po kayong matulungan” huling wika ni Ka Nemie bago nag desisyon ang ambulansya na lumisan dito.

Nakatingin lang ako sa ambulansyang papalayo nang marinig ko ang sunod-sunod na palakpakan sa aking paligid.

Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti at mapatungo dahil sa hiyang aking nararamdaman.

Pinapalakpakan ako ng mga trabahador na nakasaksi sa kabayanihang ginawa ko kanina.

Ang iba sa kanila ay lumalapit pa sa akin para makipag kamay “Mabuhay ka Senyorito” iyan ang mga salitang naririnig ko sa kanila.

Matapos ang maikling pagpupuring naganap ay nagdesisyon akong pumasok muli sa loob ng bahay tanggapan suot ang aking matamis na pagkakangiti.

Nang makapasok ako sa loob ay doon ko kitang nagliligpit na sila ng kagamitan dito sa loob ng bahay tanggapan, ito na nga pala ang huling araw ko rito sa produksyon sa hayop.

Inaayos ng ilang mga tauhan ang upuan habang ang ilan naman ay nag pupunas ng sementong sahig.

Nakatingin lang ako sa kanila ng mapunta ang aking atensyon sa lalaking naka-upo patalikod sa akin.

Nagdesisyon akong humakbang papunta roon sa pesteng iyon para humingi ng pasensya sa ginawa kong pagsigaw sa kanya kanina.

Nakita ko nalang ang aking sarili na nasa harapan niya habang kita kong nakatungo ito habang minamasahe ang kanyang nangangalay na binti.

Inabot kasi ng humigit dalawang oras ang ginawa kong first move surgery kanina.

“Omar” ito ang pangalawang beses na tinawag ko ang kanyang pangalan sa malumanay na tono.

Mabilis ang ginawang pagbaling ni Omar sa akin at doon pa siya tumayo sa kanyang pag-kakaupo.

“May kailangan ka ba Ian? Napagod ka ba? Na uuhaw ka ba? Teka ikuha kita ng tubig” ito ang kaparehong linya na sinabi niya sa akin kahapon.

Aktong aalis siya sa harapan ko para kuhanin ang sinasabi niya ng ito’y pigilan ko.

“Nope, hindi ako nauuhaw” tugon ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa kanyang mukha “I just want to say sorry sa pagsigaw ko sa ’yo kanina” direstong lahad ko sa kanya dahil ayaw ko ng pahabain pa.

“Okay lang yun Ian, wala ’yon sa akin. Hindi naman tagos sa bituka ang pag-sigaw mo” nakangiti niyang wika sa akin at doon ko basang-basa sa kanyang mata na nagsisinungaling ito.

Napalunok nalang ako bago muling magsalita “Hindi ka naman mukhang tanga, actually you did a great job kanina” ito ang unang beses na ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti naman ito sa akin at doon pa nagkamot ng ulo “Wala ’yon, naalala ko lang kasi yung dati na nagrerebyu ka para sa actual exam niyo” tugon nito sa akin na ikinalunok ko.

“Naalala mo ’yon, Ian? Yung walang kuryente tapos tinutulungan kitang mag review noong mga ginagamit sa ospital” segunda pa niya sa akin.

Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya kaya tumango nalang ako.

“Ayusin ko lang yung mga gamit ko para maka-uwi na tayo” iyan ang lumabas sa aking bibig at doon siya tinalikuran.

Bakit niya sinasabi ang mga bagay na iyan?

Humahakbang ako papalayo sa kanya ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

“Ian” pagtawag niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at doon ko kitang papalapit siya sa akin.

“Yes?” tugon ko sa kanya nang tumigil ito sa harapan ko.

Nakangiti lang ako sa peste nang may kung ano siyang kinukuha sa kanyang bulsa.

Nang tagumpay niyang makuha ang bagay na nasa bulsa niya ay mabilis niyang inilahad iyon sa aking mukha.

“Puro dugo itong mukha mo” wika niya sa akin habang pinupunasan ni Omar ang dugo sa aking mukha gamit ang kanyang panyo.

ㅡㅡㅡ

Note : This story is all fiction, I’m not a Doctor, I’m a writer. Kung ano mang nabasa niyo rito ay hindi angkop sa ilang ginagawa ng mga Doktor.

this is dedicated to

Picantos hi! thank you!

Chapter 11

ㅡㅡㅡ Choco Butternut

Tuesday morning at katatapos ko lang gawin ang mga bagay na ginagawa sa umaga, kumain akong mag-isa at naligo akong mag-isa.

Ngayon nga ay kasalukuyan na akong naka harap sa salamin ng aparador habang may nakasabit na towel sa aking leeg at naka suot lamang ng puting boxer brief, nag papahid kasi ako ng body lotion sa aking katawan.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ng salamin ng bigla ko nalang muling naalala ang hindi ko inaasahang emergency kahapon doon sa produksyon ng hayop.

Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon ang emergency ang mararanasan ko rito sa hacienda. Buti nalang talaga at tama ang aking desisyon na dalhin ang portable tools na gamit ko sa ospital.

Hindi ko rin inaakala na may mag pi-feeling close na naman sa akin kahapon.

May isa kasing peste na akala mo close kami kung umasta, don’t get me wrong pero hindi ako nag papunas sa kanya ng matagal.

Mabilis kong inalis ang aking mukha sa kanyang pagpupunas kahapon at doon siya sininghalan dahil sino ba siya para gawin sa akin iyon.

“Puro dugo itong mukha mo” wika ko sa harapan ng salamin patukoy doon sa wika ng peste kahapon.

“Puro dugo itong mukha mo, parang tanga” wika ko pa habang ginagaya ang boses ng pesteng iyon.

“Paduguin ko mukha niya eh” segunda ko pa habang tuloy lang sa paglalagay ng lotion sa katawan.

Wala akong pesteng nabungadan kaninang paglabas ko ng kwarto, tanging bag niyang itim lang na nakapatong sa sofa ang nabungadan ko.

Kung itatanong niyo kung saan natutulog yung lalaking ’yon, saan pa ba? Kung hindi sa sofa.

May dala naman ’ata siyang kumot at unan kaya hindi ko na siya kailangang alalahanin pa.

Hindi ko naman dapat siya alalahanin, dahil hindi naman ang pesteng iyon ang pinunta ko dito.

“I’m done” wika ko sa aking sarili matapos ang aking ginagawang pag lalagay ng lotion sa katawan.

Sunod kong kinuha ay ang brush sa buhok na nakapatong sa study table kung saan naririto parin ang aking mga medical books at ilang mga gamit ko sa sarili, nandito parin yung picture frame na itinaob ko.

Muli akong humakbang papunta sa harapan ng salamin para mag suklay ng aking buhok sa ulo.

Nakangiti lang ako habang nag ha-huming ng isang lullaby song ‘Twinkle-Twinkle Little Star’ na madalas kantahin sa akin ni Mamang noon.

“Up above the world the world so high” pagkanta ko habang nakangiting nag susuklay ng aking buhok “Like a diamond in the sky” segunda ko pa habang tuloy sa aking ginagawa.

“Twinkle Twinkle little—” hindi ko na naituloy ang aking pag-awit ng doon nagbukas ang pintuan ng kwarto.

Nakatingin lang ako sa repleksyon ng salamin kung saan doon iniluwa ang hugis star na peste sa buhay ko.

Literal na tumaas ang aking mga balahibo kasama na ang aking kilay at ang aking dugo.

“Hindi ka ba marunong kumatok!?” tila rinig hanggang mansyon at mga bahay tanggapan ang aking ginawang pag-sigaw.

Kita ko sa repleksyon ang pinaghalong gulat at pagkataranta ng lalaking peste na iyon.

Taranta dahil sa aking pag sigaw.

Gulat dahil halos naka hubo’t hubad pa ako.

“So-Sorry pasenya na! Teka” kitang-kita ko sa repleksyon ang mukha ng peste na mabilisang pinasadahan nang tingin ang aking katawan.

Dali-daling lumabas ang pesteng iyon sa aking kwarto kaya doon ko na kinuha ang opurtunidad para itapis ang towel sa aking bewang.

Nakataas ang aking kilay ng humarap ako doon sa pintuan kung saan may tatanga-tangang kumakatok.

Ilang pagkatok lang iyon ng muling bumukas ang pinto at doon iniluwa ang peste.

“Papansin ka?” inis kong wika sa kanya at doon ito napakamot at nakangiting parang aso.

“Sabi mo kasi kumatok ako eh” nakangiti nitong tugon sa akin, naka suot siya ng white shirt at pajama na halatang hindi pa naliligo.

“Pinopilosipo mo na ako? Bingi ka? Ang sabi ko kung hindi ka marunong kumatok at hindi ko sinabing kumatok ka, papansin ka lang eh” inis ko pang wika niya na tinawanan lang nito.

Taas kilay lang akong nakatingin sa kanya habang kita ko sa mga mata niya na sa katawan ko ito nakatingin.

Manyak at bastos parin talaga ang pesteng ito.

Hindi ko naman maitatanggi sa inyo kung bakit para siyang naglalaway ngayon sa katawan ko, dahil kung siya ay may anim na pandesal sa kanyang tiyan ako naman ay may apat na bunga mula pagpilit sa akin ni Ernest na mag gym.

“May sasabihin ka ba?” taas kilay kong wika sa kanya at doon ito tumango habang nakatingin parin sa katawan ko “Ano ’yon? Sabihin mo na para hindi pa maubos ang oras ko” segunda ko pa sa kanya at doon lang siya nakatingin sa katawan ko.

“Ang sarap mo” tugon niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.

“Ano!?” pagtaas ko ng boses dahilan para mabasag ang kanyang pagpapantasya sa akin.

“Ha? Ano? Hindi!” taranta niyang wika habang kaliwa’t-kanan ang pag galaw ng kanyang mga mata.

Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking magkabilang bewang at doon ako tumugon sa kanya.

“Ano bang gusto mo? May sasabihin ka ba?” wika kong muli.

Nagkakamot pa ito ng ulo na tila nahihiya sa kabastusang ginawa niya “Oo, meron kasi ano…Ian…ah” utal nitong wika sa akin na ikinainis ko.

“Ano ’yon?”

Doon na niya ako binalingan ng diretso “Ian, kasi ano…baka hindi muna kita masamahan ngayon doon sa produksyon ng gulay kasi dadating yung truck ng mga pataba ng lupa dahil magtatanim na kasi ng pinya sa isang araw, eh kailangan ko ’yong asikasuhin” wika niya sa akin at doon ako tumango.

“Sige”

“Ian, ipapahatid nalang kita ngayon kay Jerico dahil nandiyan na naman siya labas, pero mamayang hapon ako na ang susundo sayo basta hintayin mo lang ako dahil baka mataga—”

“Mag papahatid nalang din ako kay Jerico pauwi, para hindi ka na maistorbo pa” pagputol ko sa kanyang sinasabi at doon siya umiling.

“Hindi! Ako na ang susundo sayo mamaya mabilis lang naman yung pagbababa ng mga pataba basta dumating lang sila ng maaga” nakangiti niyang wika sa akin at doon ko nalang siya tinanguan.

“Bahala ka” tugon ko sa kanya at ito’y aking tinalikuran.

Muli kong itinuloy ang pag susuklay sa aking buhok habang kita ko parin sa repleksyon ng salamin ang kanyang bulto.

“May sasabihin ka pa?” wika ko sa kanya sa repleksyon nito sa salamin.

“Kumain ka na ba ng umagahan, Ian? Bumili kasi ako doon kila Aling Selya ng sopas baka gusto mo akong sabayan kumain” wika niya sa akin at hindi ko na iyon pinansin.

“Pakisara nalang ng pinto” tugon ko sa tanong niya.

Doon ko nalang nakita sa repleksyon ang kanyang pag-tango suot ang mapait na ngiti bago niya isinara ang pintuan.

ㅡㅡㅡ

Nakasuot ako ng puting polo at black pants, naka sapatos din akong itim habang diretso ang tingin sa aking cellphone.

Nandito na ako sa labas habang nakasay sa mini truck, katabi ko sa kabilang upuan si Jerico na kanina pa naghihintay sa akin.

Hindi pa kami umaalis dahil nag-uusap pa si Jerico at ang pesteng naka-dungaw sa bintana ng driver seat.

Hindi ko sila pinapansin dahil kanina pa nangungulit si Ernest sa message, umagang-umaga ay puro kabastusan na naman ang kanyang mensahe sa akin.

“Pre paki-ingatan nalang ’yang kasama mo ha” rinig kong habilin ng peste kay Jerico.

“Igaya mo naman ako sayo pre, hindi ako manloloko kagaya mo” rinig kong pagbibiro ni Jerico sa peste na ikinatawa nilang dalawa.

“Gago!” tugon ng peste.

’Babe anong gusto mong dalhin ko sa ‘yo sa Sabado bukod sa mga halik at gamot?’ nakatuon lang ang aking atensyon sa converstation naming dalawa ni Ernest.

Napangiti naman ako dahil sa mensahe ng bastos na iyon “Choco Butternut, okay na sa akin” iyan ang reply ko sa kanya at mabilis naman itong tumugon.

’Wala ka na bang ibang gustong flavor ng doughnut? Almost six years na ‘atang choco butternut ang hinihingi mo sakin, baka isang araw gumising ka na choco butternut kana’ iyan ang reply sa akin ni Ernest at mabilis ko iyong nireplayan.

Nakangiti lang ako habang nag titipa sa keyboard “Masisi mo ba ako? ’Yon ang gusto namin dalawa ni Mamang, pati choco butternut at halo-halo na ang dumadaloy sa dugo ko. Kung wala kang dala wag ka nalang pumunta dito” reply ko sa kanya habang tumatawa pa.

“Tanong mo nga pre kung anong gusto niya” boses iyon ng peste.

’Sus, baka ang sabihin mo paborito niyo ng gago mong ex? Ginagamit mo pa si Mamang eh patay na ‘yon, pati diba kinuwento mo sa akin na nag tatalik kayo dati ng gago mong ex habang kumakain ng choco butternut?’ napalaki ang aking mga mata dahil sa reply ni Ernest.

“Ian, ano raw gusto mo sabi ni Omar?” rinig kong wika naman ni Jerico pero hindi ko iyon pinapansin.

“Baka gusto niya ng halo-halo” wika pa ng peste.

“Gago, edi natunaw ’yon” tugon ni Jerico.

“Gago ka talaga, ang bastos-bastos mo! Isusumbong talaga kita kay Papang pagpunta mo rito!” iyan ang mensahe ko sa kanya bago ako makarinig ng sunod-sunod na busina.

Dahil sa lakas ng businang iyon ay doon ako napatingin sa dalawang lalaki na nakatingin sa akin.

Si Jerico ang pumipindot ng busina kaya siya ang binalingan ng aking tingin “Ano ’yon Jerico? Aalis na ba tayo?” wika ko sa kanya at doon siya tumango.

“Oo aalis na tayo, pero hindi ka naman nakikinig dahil busy ka diyan sa kausap mo, sino ba ’yan?” tila panunuya niya sa akin.

Itinago ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking pants bago ko sinagot ang kanyang tanong “Kaibigan ko” tugon ko sa kanya.

Tumango naman ito bago muling nagwika “Kanina ka pa tinatanong ni Omar pero hindi mo naman pinapansin dahil busy ka nga diyan sa kausap mo” sabi ni Jerico at doon ako napatingin sa peste na seryoso ang mukha.

“Tinatanong niya kung ano daw gusto mo dahil pupunta siya sa palengke roon sa bayan para bumili ng ilang gagamitin sa pagtatanim sa isang araw” wika ni Jerico at doon ko siya muling binalingan ng tingin.

“Wala akong gusto” nakangiting tugon ko kay Jerico at muling umayos ng upo.

“Oh pre, rinig mo naman ha. Wala daw gusto sa ’yo si Ian” rinig kong pang-aasar nito sa peste.

“Gago! Umalis na nga kayo baka masapak lang kita!” rinig kong pagmumura ng lalaki na tinawanan lang naman ni Jerico.

ㅡㅡㅡ

“Naghanda kami ng tanghalian para sa inyo Senyorito” galak na galak na wika ni Ka Dureng nang makababa ako sa sasakyan.

Si Ka Dureng ang nangunguna sa pamamahala ng gulay.

“Maraming salamat po Ka Dureng, hindi niyo na naman po kailangang maghanda pa” nakangiti at nahihiya kong tugon sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad.

Pagbaba ko palang ng mini truck na sinasakyan namin ni Jerico ay doon na ako sinalubong ng mga tauhan na labis ang pagkatuwa sa muli kong pagbabalik.

May nagsabit pa nga sa akinng leeg ng sari-saring bulaklak na necklace na akala mo naman ay mayor na dadalo sa graduation.

Kung sa produksyon ng hayop ay puro matatandang lalaki, rito naman sa produksyon ng gulay ay puro matatandang babae at ilang mga bata.

Mga asawa kasi nila yung mga tagapangalaga ng hayop, tulad nitong si Ka Dureng na asawa si Mang Junel kaya nanay ni Jerico itong sumalubong sa amin.

“Ma, may mga bangko at lamesa na ba roon sa loob?” wika ni Jerico sa aking tabi habang bitbit nito ang aking maleta.

Nasa gitna ako ng dalawang mag-ina.

“Oo anak, naayos na nila roon” sagot nito kay Jerico bago siya bumaling sa akin.

“Mauna na ako doon sa loob Ian, ayusin ko na ’tong mga gamit mo” nakangiting wika nito sa akin at doon ako tumango.

“Thank you, Jerico” pasasalamat ko sa kanya bago siya umalis sa aming pwesto.

Nakatingin lang ako sa likuran ni Jerico nang muling nagsalita si Ka Dureng sa aming paglalakad.

“Senyorito, nasaan si Omar? Bakit hindi siya ang naghatid sa ’yo rito?” nakangiting wika ng matanda sa akin.

Bago ko palang sasagutin ang tanong na iyon ay doon na ako nakarinig ng malakas na pagtawag sa aking pangalan.

“Ian! Bakla! Bakla! Bakla ka Ian!” boses palang sa malayo ay alam ko na kung kanino nang-gagaling ang boses na iyon.

“Oh siya sige na mauna na ako sa inyo Senyorito, aayusin ko na muna ang ang mga mag papa-check up sa loob” pagpapaalam sa akin ni Ka Dureng dahil papalapit sa aming pwesto ang isang babae at isang lalaki.

“Sige po, salamat po” pasasalamat ko sa kanya bago ito lumisan.

Tumigil ako sa paglalakad habang nakatingin sa isang babae na nakasuot ng malaking bistida habang pinapayungan siya ng isang lalaki na papalapit din sa aking pwesto.

Sunod-sunod ang ginagawa nilang pagkaway na tinugunan ko naman, ngiting-ngiti silang dalawa kaya’t nakangiti rin ako rito.

Malayo palang ay kitang-kita ko na ang sinasabing sikreto na itinatago sa akin ng bruhang babaeng ito.

Ilang segundo pang paghihintay ay nakalapit na sila sa aking pwedto “Omaygad bakla! Mas maganda ka talaga sa personal! Maganda ka na nga sa picture, mas pinaganda ka pa sa personal! Kabogera ka day!” bungad niya sa akin at doon ako binigyan ng halik sa pisngi.

Napatawa naman ako dahil sa sinabi ng bruhang si Regina “So, ito pala ang sinasabi niyong sikreto? Akala ko ang pagiging mag-asawa niyo lang ang tinatago niyo sa akin pero hindi ko alam na ganito ka na pala” makahulugang wika ko kay Regina at doon ko hinawakan ang kanyang bilog na bilog na tiyan.

“Tell me, ilang buwan na ’to?” wika ko kay Regina habang nanunuya ang aking mata.

“Hindi ba kapag Doctor alam niyo kung ilang buwan na ang bata sa loob?” nakangiting hirit sa akin ni Regina na ikinatawa ng asawa niyang si Caloy.

Natatawang umiling ako rito sa bruha “Bakla ka! Hindi ako ob-gyn doctor ’no, General Surgeon Doctor ako!” wika ko sa kanya na ikinatango niya.

An OB-GYN, or obstetrician-gynecologist, is a doctor who specializes in women’s health including menstruation, childbirth, and menopause. OB-GYNs provide care for all of this and more.

“Alam ko gaga ka rin! Lahat ng tungkol sa ’yo alam naming lahat” hirit pa niya sabay baling ni Caloy sa akin.

“Kumusta kana Ian? Matagal na rin simula noong umalis ka rito” nakangiting bati niya sa akin at doon naman ako ngumiti.

“Maayos na maayos ako, kayo ang kumusta na? Talagang hindi niyo sa akin sinabi na mag kakaanak na pala kayo” tugon ko sa kanya at doon nito binalingan si Regina.

“Gusto ka raw sorpresahin nitong si Regina, kaya wala akong nagawa kundi tumahimik nalang din tuwing nag-uusap tayo sa telepono” wika pa ni Caloy bago ko naramdaman na hinawakan ni Regina ang magkabila kong kamay.

Binalingan ko siya ng tingin at doon tila hindi makapaniwala na nasa harapan na niya ako, naluluha pa ito na tila galak na galak akong makita.

“Miss na miss na miss na miss kita Ian” ramdam ko ang saya sa boses ni Regina kaya doon ko nalang siya muling niyapos.

“Miss you too Bakla” tugon ko sa kanya at muli naming hinawakan ang kamay ng bawat isa.

“Baka sa isang Linggo o sa darating na Sabado ay mailabas ko na itong baby ko” lahad niya sa akin na ikinalaki ng aking mata.

“Totoo?!” gulat na gulat kong wika sa kanya at doon siya tumango.

“Oo! Gusto ko ikaw ang mag papaanak sa akin, bakla ha! O kaya nandoon ka nalang habang nanganganak ako!” tuwang-tuwang wika ni Regina at doon ako tumango.

“Nasaan nga pala si Omar, Ian? Bakit hindi mo kasama?” wika sa akin ni Caloy at doon ko itinaas ang aking kilay.

“Bakit ba hinahanap niyo yung pesteng ’yon? Kanina si Ka Dureng tapos ngayon ikaw naman?” natatawang tugon ko kay Caloy.

ㅡㅡㅡ

Ilang oras na rin ang nakalipas mula noong mag simula ang pagtingin ko sa mga kalusugan at pangangatawan ng mga tauhan dito sa produkyon sa prutas.

Bago rin nagsimula kanina ay nagkaroon pa ng maikling pagpapakilala at ilang instruction sa gagawin kong check up.

Halos lahat ng aking mga nahawakan ay mga matatandang babae, dalaga at binata, mga malilit na bata at ilang mga buntis tulad ni Regina.

Nakikipag-kwentuhan din ako sa ilang mga natatandaan kong mga mukha rito sa produksyon nila.

Halos nasa isang daang katao rin ang nandito sa loob ng bahay tanggapan na kayang-kaya ko namang matapos sa loob lamang ng isang araw.

Hindi tulad noong nasa produksyon ako ng hayop ay meroon akong nauutusan, dito sa produksyon ng prutas ay wala.

Walang bodyguard na mukhang tanga sa likuran ko.

Umalis na kanina pa si Jerico dahil kailangan niyang magdala ng mga kalabaw doon sa taniman ng pinya malapit sa bahay na tinutuluyan ko ngayon, kailangan kasing araruhin ang lupa at gumawa ng tudling para sa tataniman ng salo ng pinya sa isang araw.

Hindi ko naman mautusan si Regina dahil baka mapasama lang iyon sa kanyang dinadala, kaya si Caloy ang madalas kong hingian ng utos tuwing may kinakailangan ako.

Ilang oras pa ang lumipas ay doon kami natapos sa maliit na salo-salo ng ilang mga tauhan dito sa kanilang produksyon, puro gulay ang mga ulam na nakahain na sobrang ikinatuwa ko naman.

Tila nakain ko ang lahat ng mga gulay doon sa kantang bahay kubo sa isang tayuan lang dahil nag boodle fight kami kanina.

Ibinalita rin sa akin ni Ka Dureng na bukas ay may kaunting salo-salo ang mangyayari eito sa kanilang produksyon para ipagdiwang ang fifty years wedding anniversary nilang dalawa ni Mang Junel.

Sinabi nito sa akin na mapupuno ang hapagkainan ng mga seafoods, karne at ilang mga putaheng masustansya bukas na bukas.

Matapos ang tanghalian ay muli kong itinuloy ang pagtingin sa mga pasyente.

Kadalasan ay puro may mga ubo at sipon ang aking nahahawakan na karamihan ay mga bata, binibigyan ko sila ng gamot at ilang paalala na ’wag nang maglalaro tuwing gabi dahil malamig ang klima na maaring makasama sa kalusugan nila.

Paiba-iba kasi ang klima rito sa aming lugar, may araw na malamig at may araw din namang mainit.

ㅡㅡㅡ

Dumaan ang maghapon ay doon ko nalang nakita ang aking sarili na nakatayo sa labas ng bahay tanggapan habang doon ko kasama si Regina na naka-upo sa puting monoblock at diretso ang tingin sa aking cellphone na kinuha niya.

“Ang tagal naman ng pesteng ’yon” wika ko habang pabalik-balik sa unahan ni Regina.

Mag dadapit-hapon na kasi at lulubog na ang araw pero wala paring peste na sumusundo sa akin.

Gusto sana akong ihatid ni Caloy gamit ang kanyang motor pero hindi kaya dahil sa aking malaking maleta, kaya sinadya ni Caloy na puntahan ang peste roon sa produksyon sa prutas.

Wala pa si Jerico na dala-dala ang sinakyan namin kanina.

Wala rin dito ang mini truck na pag mamay-ari ng produksyon ng gulay dahil nasa delivery station daw iyon ngayon. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang maghintay sa lalaking isang oras ko nang hinihintay.

Hindi ko ba alam dito kay Regina kung bakit wala siyang pakialam kung isang oras na kaming naghihintay rito sa labas.

“Alam mo ba Ian na ako ang nahihilo sa ’yo? Kanina ka papabalik-balik sa unahan ko, natatae ka ba?” wika sa akin ni Regina habang nakatingin parin sa aking cellphone.

“Ang tagal kasi! Naiinis na ako! Ayoko ng pinaghihintay” tila batang inis kong wika kay Regina.

“Ay ganda ’yan? Taray ha, lakas maka-jowa” panunuya niya sa akin at doon ako nag desisyong lapitan siya para tingnan ang ginagawa nito.

Nang makapit ako sa gilid ni Regina ay doon ko kitang tinitingnan niya ang mga pictures ko roon noong ako’y nasa America pa.

“Ganito ba talaga kayo ka-sweet ng bestfriend mo? Ano nga ulit pangalan nito?” wika ni Regina habang doon ko kitang tinitingnan niya ang mga larawan namin ni Ernest.

“Si Ernest ’yan” tugon ko sa pangalan ng madalas kong ikwento kay Regina “Sobrang clingy talaga niyang lalaking ’yan kaya kahit kapatid niya pinag-dududahan na kami” segunda ko pa at doon siya tumango.

“Kaya naman pala sobra ang pagkaselos nitong si Omar dahil gwapo itong si Ernest” wika ni Regina na ipinagtaka ko.

“Ano?” tugon ko habang diretso parin ang tingin niya sa aking phone.

“Noong time na umalis ka mga three years ang lumipas ay may pinakita sa amin si Omar na picture at kayo ’yon dalawa nitong si Ernest” lahad naman ni Regina sa akin kahit hindi ko tinatanong.

“Oh? Anong nangyari?”

“Wala naman dahil akala niya boyfriend mo, akala niya pinagpalit mo na siya” tugon naman nito sa akin at doon nalang ako napatango.

Namayani ang ilang minutong katahimikan bago siya muling nagsalita.

“Gulat na gulat talaga kami nila Jerico noon, Ian. Dahil isang araw nakita namin na may kasamang iba si Omar” tugon nito sa akin at napatango nalang ako.

Kahit wala ako rito sa hacienda ay may contact parin ako sa ilang mga taong malalapit sa akin, tulad nila Regina, Caloy at Jerico.

Sa kanila ko rin nabalitaan na niloko na pala ako ng gagong pesteng iyon that’s why sobra ang pinagtataka ko kung bakit gusto niya ulit kaming magbalikan.

“Pero isang araw, lumapit sa amin si Omar at doon niya sinabi na pinagsisisihan niya ang nagawa niya, pero sabi namin sa kanya na sa ’yo siya dapat humingi ng tawad dahil ikaw ang ginawan niya ng kasalanan” lahad pa sa akin ni Regina na hindi ko alam kung para saan.

Tumango nalang ako sa kanya habang patuloy parin siyang tumitingin ng mga picture sa aking cellphone.

“Wala tayong magagawa dahil lalaki si Omar, alam naman natin na wala siyang paninindigan dati, duwag siya tulad nga sabi mo tapos medyo gago at tarantado” wika pa ni Regina na ikinataas ng aking kilay.

Hindi dahilan yung pagiging lalaki niya para humanap ng iba, dahil una sa lahat ay nagpaalam ako sa kanya na babalikan ko siya.

Pero anong nalaman ko? Kagagaguhan at katarantaduhan, marupok ba siya? o sadyang gago lang talaga?

Napapikit nalang ako dahil ayaw ko ng balikan pa ang traydor na alaalang iyon.

“Sinabi namin kay Omar dati na magbago siya at patunayan sa ’yo na pagbalik mo rito sa hacienda ay iba na ang Omar na nakilala mo, pero inabot ng ilang taon bago ka hindi umuwi kaya ganoon nalang ang pagkalungkot namin” paglalahad pa ni Regina sa akin habang nakatayo lang ako sa kanyang gilid.

“Lumipas ang panahon at namatay si Tito Franco at mas lalong naging grabe yung pangungulila ni Omar noon sa ’yo Ian. Kulang nalang na lumipad siya ng Amerika para lang maka-usap at yakapin ka, kaso that time ay pinutol mo na ang connection mo sa kanya kaya hindi nalang siya tumuloy” lahad niya sa akin at doon ko hindi malaman kung anong mararamdaman ko.

“Sabi namin kay Omar na maghintay nalang siya sa pagbabalik mo para maayos na ang lahat” wika pa nito habang tuloy sa pagtingin ng samu’t-saring larawan.

“Kaya noong ibinalita sa amin ni Papang na babalik ka rito sa hacienda ay hindi malaman ni Omar ang mararamdaman niya, halos mabaliw nga sa tuwa ang gagong ’yon eh. Kung may taong excited na excited na makauwi ka rito sa Hacienda, hindi si Papang mo dahil si Omar ’yon” natatawang lahad ni Regina sa akin at doon nalang ako muling tumango.

“Saan natutulog si Omar, Bakla?” out of the blue na pagtatanong ni Regina sa akin bago niya ako balingan ng tingin.

“Ano namang tanong ’yan?” tugon ko sa kanya at doon nito inabot sa akin ang phone.

Ngumiti ito “Wala lang, gusto ko lang malaman” panunuya niyang wika sa akin at doon nalang ako napailing.

“Doon siya natutulog sa sofa, alangang sa kwarto? Hello?” tugon ko kay Regina.

“Grabe ka naman kay Omar, buti at nakakaya niyang matulog doon sa sofa? Diba takot sa dilim yung gagong ’yon?” tila may pag-aalala sa boses ni Regina na ikinataas ng aking kilay.

“Bakla, matanda na ’yon. Kaya na niya ang sarili niya” tugon ko naman kay Regina habang inaayos ko ang balabal na nakatakip sa kanyang ulo.

“Grabe ka Bakla! Sa inyong dalawa naka-pangalan yung bahay kaya may karapatan siyang matulog sa tabi mo” tugon niya sa akin na mas lalong ipinagtataka ko.

“Tapatin mo nga ako Regina, kanino ka ba kumkampi ha? Doon sa gagong ’yon o sa akin? Kanina ko pa pansin na kinokonsesnya mo ako” inis kong lahad kay Regina habang natatawa.

“Syempre sa ’yo! Ikaw lang naman itong nakaka-intindi sa akin eh” natatawang tugon sa akin ni Regina kaya doon ko siya binigyan ng kaunting sabunot sa kanyang buhok.

“Aray bakla ha, naramdaman ko ’yon. Bunutin ko bulbol mo eh!” natatawang tugon sa akin ni Regina at aktong ilalapit niya ang kanyang kamay sa aking alaga ay doon ako sumigaw ng malakas.

“Ah!” malakas kong sigaw at alam kong rinig iyon sa aming mansyon.

“Kahit kailan talaga napaka-iskandalosa mo!” wika sa akin ni Regina at doon kami nagtawanang dalawa.

Mula noon hanggang ngayon ay hinding-hindi ka magsasawang pakisamahan itong bruhang ito.

Masiyahin, mabait, kalog, mapagmahal at mukhang bruha itong si Regina kaya ano pang hinahanap mo?

Nasa ganoong tawanan kami ni Regina ng biglang sumeryoso ang kanyang mukha na muling ipinagtaka ko.

“Pero seryoso Ian, bibigyan mo pa ba ng one more chance si Omar? Nagbago na siya at alam kong pansin mo ’yon” seryosong wika sa akin ni Regina at doon ako umiling.

“Oo nga’t nagbago siya, pero kahit na tumalon pa siya sa bangin ay hinding-hindi siya mkaririnig sa akin na bibigyan ko pa siya ng isang pagkakataon” natatawang lahad ko sa kanya at tanging pagtaas lang ng kanyang kilay ang natanggap ko.

“Wag magsalita ng tapos, Bakla. Dahil kung wala na siyang pagkakataon edi tapos na itong kwentong niyo at wala nang susunod na mangyayari pa. The end na” seryosong lahad pa sa akin ni Regina at muli akong umiling.

“Regina, siya na ang maysabi na kahit magmukha pa siyang tanga sa harapan ko basta bigyan ko lang siya ng pagkakataon. Wala na siyang lugar sa puso ko at alam mo ’yan dahil mula noong sinabi niyo na nagloko ang gagong iyon ay binura ko na siya sa buhay ko” lahad ko sa kanya at doon ako napalunok ng mga dalawang beses.

“Kahit bigyan ka pa niya ng paborito mong pagkain, hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon?” pagbibirong wika sa akin ni Regina at bago palang ako sasagot ay nakarinig na kami ng sunod-sunod na pag busina.

Sabay kaming napatingin ng baklang ito sa unahan at doon namin kitang nakatigil na pala ang mini truck at motor sa aming harapan.

Dahan-dahang tumayo si Regina sa kanyang pagkakaupo dahil doon papalapit sa amin ang dalawang lalaki na madungis at madumi ang itsura.

“Bakit naman ganyan ang itsura mo, Mahal?” salubong ni Regina kay Caloy ng makalapit sila sa amin.

Ang peste naman ay diretsong pumunta sa gilid ko at doon ko kitang hawak-hawak na ang maleta ko.

“Ang daming pataba na idineliver eh, kaya tinulungan ko na itong sila Omar sa pagbaba” tugon ni Caloy habang pinapagpagan ni Regina ang maduming damit ng kanyang asawa.

“Nako ang baho mo pa, amoy ipot ka!” natatawang wika ni Regina na ikinatawa namin habang pinupunasan niya ang mukha ng kanyang asawa.

Ang pataba kasi na ginagamit sa lupa ay gawa mula sa ipot ng mga manok.

“Hindi lang naman ako ang amoy ipot Mahal! Iyang si Omar oh! Mas mabaho ’yan sakin dahil kanina pa sila nag bababa ng mga pataba roon, humabol lang naman ako eh” pagturo ni Caloy sa peste at doon namin siya binalingan ng tingin.

Tulad nga ng sabi nitong si Caloy ay mas madumi at mabaho nga ang amoy nitong pesteng ito, gulo-gulo pa ang kanyang buhok na tila hindi sinusuklay, madumi rin ang kanyang damit parehas ng kanyang mukha na nag-uuling.

“Gago!” natatawang tugon ng peste kay Caloy habang naka-hawak sa aking maleta.

“Tama na ang dada! Mag gagabi na! Umuwi na tayo!” sunod-sunod na wika ni Regina at doon niya kinaladkad papaalis si Caloy sa aming pwesto.

Nakatingin lang ako roon sa dalawa “Diyan na kayo mga Bakla! Uuwi na kami!” huling hirit pa ni Regina bago ko nakitang sumakay silang dalawa sa motorsiklo.

Angas ano? Manganganak na sa susunod na Linggo yan, pero nagagawa paring umangkas sa motor.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa nang tuluyang hindi ko na makita ang kanilang sinasakyan, kinakain na rin kasi ng dilim ang paligid dahil lumulubog na ang araw.

Nasa ganoong pagtingin ako sa harapan ng marinig kong basagin ng peste ang katahimikan.

“Ian, pasensya na kung medyo natagalan ha” wika nito sa akin kaya doon ako dahan-dahang bumaling sa kanya “Ang tagal din kasing dumating nung delivery truck, edi sana nahatid pa kita kaninang umaga” segunda pa niya sa akin habang doon ko pinapansin ang dumi sa kanyang katawan.

“Nagmadali na rin ako kanina kaya hindi na ako nakaligo, kaya pasensya na kung mabaho” wika pa niya habang tinatawanan ang kanyang sarili.

“Tara na? Uwi na tayo?” nakangiting wika niya sa akin at doon nalang ako tumango.

Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod niyang sasabihin at doon na ako naglakad pauna sa kanya, papunta sa mini truck.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na ito, hindi parin kasi nagsisink-in sa akin yung mga nilahad ni Regina kanina. Alam kong nagbibiro lang ito ngunit may ibang gusto siyang ipahiwatig sa akin.

Nakita ko nalang ang aking sarili na nasa loob ng mini truck habang ang peste ay doon inilalagay ang aking maleta sa likod ng compartment.

“Ian, buksan mo nalang yung bintana para pumasok yung hangin” wika ng peste sa aking likuran kung saan doon inaayos ang aking maleta.

Wala naman akong ibang ginawa kundi sundin ang kanyang utos, pagkatapos kong buksan ang bintana ay doon nalang ako bumaling ng tingin sa labas.

Nakatingin lang ako sa luntiang puno na kinakain na ng dilim, naramdaman kong pumasok na sa loob ng sasakyan ang peste.

“Pasensya na talaga Ian kung nahuli ang dating ko ha, hindi ko naman kasi alam na matatagalan yung delivery truck” wika niya sa akin kahit na hindi ko tinatanong.

Tumango nalang ako sa kanya habang nakabaling sa labas.

“Napagod ka ba? Sabi sakin ni Caloy ang dami mo raw pasyente ngayon ah” rinig ko ang sigla sa boses ng pesteng ito na tila gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa.

Muli akong tumango bilang tugon sa kanya.

“Sinabi rin sa akin ni Caloy na nag boodle fight pala kayo, sayang talaga at wala ako. Tiyak na mapupuno na naman ang tiyan ko sa luto ni Ka Dureng” wika na naman niya kahit na hindi ko iyon gustong malaman.

Tumango nalang ako bilang tugon.

“Nagugutom ka ba, Ian?” rinig kong pagtatanong niya at doon ko siya sinagot.

“No” tugon ko rito.

“Buti ka pa busog na busog, ako kasi ay hindi pa kumakain ng tanghalian dahil sa dami ng mga patabang kailangang ibaba” wika pa niya sa akin.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na “Ano naman? Hindi ko tinatanong” pero pinili ko lang na hindi sabihin.

“Wala lang, sinasabi ko lang sa ’yo” rinig kong tugon niya sa akin.

Napapikit nalang ako dahil nasabi ko pala ang mga salitang iyon sa kanya.

“Ian” pagtawag niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin “Uy, Ian” segundo pa niya sa akin habang diretso lang ang tingin ko sa mga punong kinakain na ng dilim.

“Humarap ka naman sakin, Ian” dahil sa nakaiinis na boses nito ay doon ko siya mabilis na hinarap.

“Pwede ba? Magmaneho ka nalang, hindi yung salita ka diyan ng salita nang kung ano-ano, hindi ako inte—” hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang doon niya inilahad ang isang kahon sa aking harapan.

“Pasenya na kung natagalan ako, bumili pa rin kasi ako niyan sa bayan. Nakalimutan ko kasi, baka magustuhan mo “ wika niya akin habang nakalahad ang box ng isang kilalang brand doughnuts.

Alam kong choco butternut ang laman ng kahong iyon.

“Nangangalay na yung kamay ko, Ian” wika pa niya at doon kusang inabot ng aking kaliwang kamay ang box na iyon.

Doon ko nakita ang maduming mukha ni Omar habang matamis ang kanyang pagkakangiti.

Hawak-hawak ko na ang box na iyon at doon lang ako nakatingin sa kanyang harapan.

Susuklian ko na sana ito ng ngiti ngunit naaasar ako sa pagmumukha niya.

Mabilis nalang akong bumaling ng tingin sa labas ng bintana habang hawak ang kahon ng doughnuts.

“May pinadalang ulam si Ka Dureng nandoon sa maleta, kainin mo nalang pag uwi natin kung nagugutom ka” malumanay kong wika sa kanya at doon ko hindi malaman kung bakit sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi.

ㅡㅡㅡ

Chapter 12

ㅡㅡㅡ

Makulit

na Omar

“Alam mo ba Ian, naiinis ako roon sa operator ng mga pataba kanina, gustong bilisan ng operator ang pagbababa ng mga pataba eh sila naman yung hapon na dumating” masiglang pagkukwento sa akin ng lalaki sa harapan.

Pagtango ang aking naisagot sa kanya habang nakabaling ang tingin sa hawak kong cellphone.

Nandito kaming dalawa sa hapagkainan dahil pinilit ako nitong kumain ng gabihan, bukod sa kinain niya ang pinadalang pagkain ni Ka Dureng kanina ay nagluto ito ng chopsuey bilang ulam namin ngayon.

Handa na sana ako sa pagtulog dahil nakapaglinis na ako ng katawan, nakahiga na ako sa higaan ngunit binulabog ako nito ng katok sa kwarto at doon pinilit na kumain ng gabihan, kaya ito ako ngayon, nakaupo sa harapan niya habang para siyang tanga na kukwento..

“Muntikan na nga akong mabalian Ian, binigla ba naman ako ni Caloy na buhatin yung dalawang sako ng pataba eh napaka bigat niyon, kaunti lang kasi kami kanina kaya hirap din kami sa pagbaba ng mga pataba” rinig na rinig ko ang sigla ng kanyang pagkukwento sa akin.

Muli ay pagtango ang akin isinagot habang busy sa pagbabasa ng mga post.

Sinasadya kong hindi siya balingan ng tingin dahil sa kadahilanang ayoko siyang tingnan, naasar at naiinis lang kasi ako sa kanya sa tuwing nakikita ko itong nakangiti na parang tanga.

“Oo nga pala Ian, bukas ay ako na ulit ang mag hahatid sa ’yo roon, sinabihan din kasi ako ni Caloy na anniversary ng mga magulang niya kaya may kaunting salo-salo, alam mo na malakas akong kumain kaya ready na ready ako sa handaan” galak na galak na naman niyang wika sa harapan ko.

Pagtango muli ang aking isinagot sa kanya.

Binibilisan ko na rin ang aking pagsubo ng pagkain dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda sa atmosperang kinauupuan ko, dahil bukod sa ayaw ko siyang makita ay nakabalandra ang hubad niyang katawan sa harapan ko.

“Ian, anong plano mo sa Sabado? Huling araw mo ’yon dito diba? Kung pwede sana ay makasama at ma-solo kita kahit isang araw lang bago ka muling bumalik doon sa Manila” dahil sa sinabi nito ay doon ako napatigil sa pagsubo ng pagkain.

Tila napantig ang aking tenga sa mga salitang hindi niya pinagisipang sabihin.

Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa at doon dahan-dahan na hinarap ang gagong lalaking ito.

“Anong pinagsasabi mo?” seryoso kong wika sa kanya habang doon siya nakangiti na parang tanga.

“Alin? Yung ready ako sa handaan? O yung kung pwede sana makasama kita kahit isang araw lang bago ka umalis––”

“Ang sabi ko anong pinagsasasabi mo?” pagputol ko sa kanya at doon siya tila nagulat sa sunod kong sinabi “Paano mo nasasabi ’yan sa harapan ko? Makasama sa isang araw? Excuse me? Alam mo ba ’yang mga salitang sinasabi mo? Yung sarili mo na naman ba ang iniisip mo? Hindi mo ba nararamdaman na hindi ako interesado?” dahil sa sunod-sunod kong pagtatanong ay doon ko nakita ang pag-awang ng bibig ng lalaking ito.

Nakatingin ako sa kanyang mga mata at doon binabasa ang emosyong gusto niyang ipakita.

Kahit ako ay nabigla rin sa mga sinabi ko, pero hindi ko iyon pinagsisihan.

Ilang paglunok ang nasaksihan ko sa lalaking nasa harapan ko bago siya muling magsalita.

Ngumiti ito ng mapait “Ian…ano..baka nakakalimutan mo kung anong meron sa Sabado, kaya….ah..sana humihiling ako sa ’yo na kung maari na ano, na pwedeng makasama ka bago ikaw bumalik sa Manila” utal nitong wika sa akin habang nakatingin parin ako ng diretso sa kanyang mata.

Kitang-kita ko ang nararamdamang sakit ng lalaking nasa harapan ko, dahil kapag gusto naming malaman dalawa ang emosyon at nararamdaman ng isa’t-isa ay babasahin lang namin ang kanya-kanyang mata.

Nasasaktan ang lalaking nasa harapan ko at iyon ang gusto kong makita, iyon ang isa sa dahilan ng pag-uwi ko rito sa Hacienda.

Gusto kong ibalik ang sakit na naramdaman ko noon sa kanya.

Alam niyo na na noong unang beses ko siyang nakita sa ospital ay gustong-gusto ko siyang saktan at pagsalitaan ng mga masasamang salita, tulad ngayon na gusto ko siyang sigawan ng hindi magagandang salita pero pinili ko nalang na itikom ang aking bibig.

Nasa ganoon kaming pagtititigan ng doon tumunog ang aking telepono tanda ng may tumatawag dito.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at doon ako tumayo sa pagkakaupo, kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at doon iyon sinagot sa harapan niya.

“Hello, Ernest?” nakangiting bungad ko sa tawag habang nakatingin ang lalaking tanga sa akin.

“Babe nagtatanong sila Papi at Daddy kung gusto mo raw silang pumunta diyan para tulungan tayo sa pagche-check up ng pasyente” wika ni Ernesto.

Tinalikuran ko ang malaking peste at doon humakbang papalabas ng bahay para kausapin ang engot na lalaking ito.

Nang makalabas ako ng bahay ay doon ako pumwesto sa may ilalim ng puno ng mangga kung saan may kawayan na upuan.

Madilim na ang paligid at tanging ilaw lang sa loob ng bahay ang nagsisilbing liwanag dito sa gitna ng pinyahan, malamig na rin ang simoy ng hangin.

Nang makaupo ako ay doon ko kita ang peste na nakatingin sa akin habang patuloy na kumakain.

“Ano ulit ’yon, Ernest?” pagkausap ko sa kabilang linya at doon bumaling ng tingin sa lupa.

“Ang sabi ko kung gusto mong tumulong sila Papi at Daddy sa pag tingin ng mga pasyente diyan sa inyo, sinabihan kasi ako kanina na itanong sa ’yo kung gusto mo” pag-uulit niya sa akin at doon ako napatango.

“Nakakahiya naman kila Doc, mas kailangan sila doon sa hospital Ernest, pati kaya na naman nating dalawa ’yon” tugon ko sa kanya habang iwinawagayway ko ang aking mga paa sa ere.

“Iyon na nga ang sinabi ko kila Papi kanina, pero gusto nilang malaman kung anong sagot mo” wika niya sa akin at doon ako tumango “Oo nga pala baka sumabay sa akin si Kokoy papunta diyan sa Pililla” segunda nito sa akin.

“Nakalabas na si Kokoy?” hirit ko rito.

“Oo kanina lang at atat na atat nang mag Sabado dahil pupunta siya kay Nathaniel, taga Pililla rin siya, remember?” patukoy nito sa boyfriend ng kapatid niya.

Tumango ako habang nakatingin parin sa lupa “Okay sige, sige”

“Alright, sige na Babe tatawag nalang ako sayo mamaya at nagda-drive kasi ako” wika nito sa akin at doon ako tumango.

“Sige na, ingat ka sa pag-uwi pasaway ka talaga. Message mo ako kapag naka-uwi kana ha” pag-papaalala ko sa kanya at doon pa ito nagsalita ng ‘I love you’ bago niya patayin ang tawag.

Ganito kami kalapit ni Ernest sa isa’t-isa, kaya madalas talagang pag hinalaan na mag karelasyon kami.

Umalis na ako sa pag kaka-upo at doon humakbang papasok ulit sa loob ng bahay, ibinulsa ko na ang aking cellphone.

Dire-diretso ako roon sa hapagkainan ng hindi binabalingan ng tingin ang lalaking patuloy na kumakain.

Tapos na akong kumain kaya nililigpit ko na ang pinagkainan ko.

“Tapos ka nang kumain Ian?” pagtatanong ng peste.

“Anong sa tingin mo?” wika ko sa kanya habang tuloy parin sa pagliligpit.

“Nagliligpit ka na kasi tapos ka nang kumain” tugon niya sa akin at doon ko ito binalingan ng tingin.

“Hindi ka naman pala bulag” taas kilay kong wika sa kanya bago ko ito inisnaban at humakbang papunta sa lababo.

“Iwan mo nalang diyan ang pinagkainan mo Ian, ako na ang maghuhugas” hirit pa nito sa akin ng makarating ako sa lababo.

“Anong tingin mo sakin tamad?” gatong ko sa kanya habang sinisimulan nang hugasan ang pinagkainan ko.

“Hindi naman sa ganon Ian, gusto lang kitang tulungan” nababatid ko na sa boses ng pesteng ito na maya-maya lang ay sasabog na siya.

“Pero hindi ko kailangan ng tulong mo” muli kong wika rito habang sinasabon ng mabuti ang pinggan na aking kinainan.

“Pero gusto kitang tulungan, Ian” hirit niya.

“Gusto mo, pero ayoko ko” huling wika ko bago ko narinig ang isang malakas na dabog mula sa kanya.

Napapikit ako bago muling nagsalita “Kung hindi mo na kaya ay mabuting umalis ka na rito, hindi kita kailangan at walang may pakialam sa ’yo rito” wika ko sa kanya habang binabanlawan na ang pinggan.

Hindi ito sumagot sa sinabi ko kaya dahan-dahan akong lumingon sa pwesto niya.

“Nag walk out na pala” wika ko ng makita kong wala na pala siya sa lamesa.

Hinanap ng aking mga mata ang kinalalagyan ng pesteng iyon at doon ko siya natagpuan sa labas ng bahay.

Naka-upo ito roon sa kawayang inupuan ko kanina.

“Hindi niya tinigil ang paninigarilyo niya?” wika ko sa hangin dahil sa aking nasasaksihan.

Ang peste ay malayo ang tanaw habang may hinihithit sa sigarilyo sa kanyang bibig.

Hindi ko na iyon pinansin pa at doon nalang ipinagpatuloy ang paghuhugas ko ng pinggan.

Napailing nalang ako dahil sa nangyayari ngayon.

Sa tatlong araw kong pananatili rito sa Hacienda ay pansin na pansin ko na ang madaming pagbabago, tulad ng lalaking pesteng iyan mula sa pagkakaron niya ng tattoo hanggang sa paninigarilyo.

ㅡㅡㅡ

Alas-dyis na ng gabi at hindi ako makatulog, hindi ako mapakali sa aking pwesto dahil sa dami ng iniisip ko ngayong araw. kaya nagdesisyon nalang akong magwalis sa buong bahay kahit na gabi.

Bukod sa hindi ako makatulog ay binubulabog ako ng malakas na volume ng telebisyon sa salas, nanonood kasi ang peste at kanina pa ito tawa ng tawa na kinaiinis ko.

“Gago talaga” wika ng lalaki na sunod-sunod ang paghalakhak sa palabas na kanyang pinapanood, nakaupo ito ng diretso sa sofa habang kalapit ang mga gamit niyang pinataas ko dahil ako nga ay nagwawalis.

Kasalukuyan ko na kasing winawalisan ang salas kaya kita ko ang kanyang pinapanood.

Napapailing nalang ako dahil gusto ko ng matapos ang ginagawa ko, kung pwede ko lang sanang walisin ang pesteng ito palabas ay nagawa ko na. Pero hindi eh, matigas siya at masyadong papansin.

Nasa bandang pintuan na ako nagwawalis at doon ko nakikita ang pinapanood ng lalaking ito.

Napalaki naman ang aking mata dahil iyon ang pelikulang paborito naming palabas dati, bida dito ang komedyanteng si Dolpinoy na Aktor sa ABS-SBS channel.

Dahil sa aking nasaksihan ay doon ako napatigil sa ginagawa kong pag-wawalis.

Literal na napangiti ako dahil sa palabas na iyon, bilang Doktor kasi ay wala na kaming masyadong oras para makanood ng mga ganyang palabas.

Puro kami pagpapasok ng mga bagong kaalaman kada araw kaya minsan ay wala kaming oras para sa aming mga sarili.

Pwede namang humingi ng vacation pero pinipili kong hindi iyon gawin.

Nakatayo ako habang parang tanga na nanonood sa palabas.

“Ian, upo ka dito oh” wika ng lalaki na nakaupo sofa.

Napatingin ako sa kanya at doon ko nakitang ibinagsak niya sa sahig ang mga gamit na nakapatong sa katabi niya para bigyan ako ng espasyo.

“Dito oh, malawak” muli niyang wika habang pinapalo-palo pa ang sofa na tila doon ipinapahiwatig na ako ay umupo.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at doon ako mabilis na kumilos patabi sa kanya.

Kinuha ko muna ang cellphone sa aking bulsa at doon inilapag sa gitna naming dalawa para magsilbing barrier.

Hindi ko na pinansin ang lalaking katabi ko at itinutok ko na ang aking sarili sa panonood ng palabas.

“Tuwing alas-dyis Ian ay ipinapalabas yung mga makalumang pelikula diyan sa ABS-SBS, minsan nga yung mga ninetys pa” wika nito sa akin at doon ko kita sa peripheral vision na nakatingin ito sa akin.

“Kaya kapag sasapit ang ganitong oras ay hindi ko pinapalagpas ang ilan sa mga pelikula kahit na mapuyat pa ako, sabi ko nga sa ’yo na wala na rin ako minsang oras sa panonood dahil sa dami ng gawain” wika nito sa akin ngunit hindi ko iyon pinapansin.

Nakatutok ang aking atensyon sa palabas sa telebisyon.

“Ian, kahit matigas ka ay hinding-hindi ako susuko kahit na anong mangyari. Ipinapangako ko na sa pag alis mo rito sa Hacienda ay napatawad mo na ako” hindi ko iyon narinig.

Napatawa ako dahil sa senaryong nangyayari doon sa pelikula.

“Kahit na magmukha talaga akong tanga sa harapan mo ay hindi ako susuko Ian, babawiin ko yung mga nasayang na oras nating dalawa” muling pagsasalita ng peste.

Ilang minuto kaming ganoon ang senaryo ng lalaking ito.

Usap siya ng usap kahit na hindi ko iyon pinakikinggan, diretso ang aking tingin sa telebisyon at doon nakabaling ang aking atensyon.

Hindi na ako nag protesta pa sa pesteng ito kahit na ilang minuto siyang nakatingin sa akin na tila ako ang kanyang pinanonood.

Hindi na rin ako nakipagtalo pa kahit na nararamdaman kong gusto niya akong hawakan, dahil ang kanyang braso ay ipinapatong niya sa likuran ng aking kinauupuan.

“Ian may tumatawag sa cellphone mo” ito ang salitang nag-istorbo sa aking pinanonood.

Bumaling ako ng tingin sa lalaking katabi ko at doon niya hawak-hawak ang aking phone, nakalahad ito sa akin habang naka flash sa screen ang pangalan ng tumatawag.

Alam kong nakatingin ang pesteng ito sa screen ng aking cellphone at hindi siya bulag para hindi mabasa ang pangalang naka flash sa screen.

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa kanyang kamay at doon ito tiningnan.

Nakangiti ito ng mapait at doon tumango-tango.

‘Babe’ ang nakapangalan sa contact ni Ernest.

ㅡㅡㅡ

Chapter 13

ㅡㅡㅡ

Wedding Anniversary

Miyerkules ng tanghali at doon kaliwa’t-kanan ang pagiging abala ng mga trabahador dito sa bahay tanggapan ng gulay. Ito rin ang huling araw ko rito sa kanilang area, dahil bukas at hanggang sa Sabado ay sa bahay tanggapan na ako ng prutas.

“Say ah” utos ko sa batang na hasarapn ko.

Ipinasok ko ang kelly forceps sa kanyang bunganga para roon kuhanin ang nakausling tinik na bumara sa kanyang lalamunan. “Mommy, pahawak ako ng kamay ni Maymay” utos sa ko sa nanay ng batang nasa harapan ko para ito’y pakalmahin.

“Say ah, Maymay” muli kong utos sa bata habang sinisipat ng forceps ang tinik na bumaon dito “Malapit na, kaunti nalang” pagpapagaan ko ng loob sa bata ng maclip ko na ang tinik sa kanyang lalamunan.

“Okay” wika ko ng matagumpay kong naalis ang tinik sa lalamunan ng bata “Diba, sabi ko sa ’yo na hindi naman masakit” segunda ko sa bata.

“Hindi nga po Doc, matapang kaya ako. Babae ako at matapang, hindi ako mahina tulad ng sinasabi ni Justine” bibong tugon ng batang ito kaya napangiti nalang ako.

“Tama ka Maymay, matapang ka hindi tulad ng sinasabi ni Justine” nakangiti kong wika sabay kuha ng ilang chocolate doon sa aking maleta “At dahil diyan, ito ang para sa ’yo” segunda ko sabay bigay ng ilang pakete ng tsokolate sa bata.

“Wow, salamat po Doc” masiglang wika nito.

“’Wag mong kakalimutan mag toothbrush after mong kumain niyan, baka mabulok ang ngipin mo kapag ’di ka nag toothbrush” habilin ko sa bata at ito’y tumango.

Kumuha naman ako ng ilang vitamins at gamot sa aking bag at doon inabot sa kanyang nanay “Mommy, ito po ang ilang vitamins na pwede niyong ipainom kay Maymay, nandito na rin po ang ilang gamot sa ubo at sakit” wika ko rito at masaya niya iyong inabot.

“Thank you po, Senyorito”

Nakangiti akong tumango “Kung may oras po kayo sa Sabado, punta po kayo sa bahay tanggapan ng prutas para mabigyan pa po namin kayo ng ilang supply ng gamot” huling habilin ko sa kanya bago sila umalis ng may pagpapasalamat.

Sila ang huling pasyente ko ngayong tanghali dahil maya-maya lang ay magsisimula ang kasiyahan na mangyayari sa labas ng bahay tangapan.

Tulad ng sinabi ni Ka Dureng kahapon ay ngayon ang selebrasyon para sa fifty years wedding anniversary nilang dalawa ni Mang Junel. Kaya tanaw na tanaw ko sa labas ng bahay tanggapan ang mahabang lamesa na doon magaganap ang boodle fight, maya-maya lang.

Tumayo ako sa pagkakaupo at doon inunat ang aking katawan. Hinubad ko ang suot kong doctor gown at ipinatong sa aking kinauupuan. Tanging gray shirt at black jeans ang suot ko habang puting-puti ang sapatos.

Humakbang ako sa papunta sa mga gamit kong nakapatapong dito sa lamesa at doon kinuha ang aking camera na dala-dala ko. Naisipan kong kumuha ng mga larawan dahil may nangyayaring kasiyahan.

“Hello po Senyorito” pagbati ng mga kabataang aking nadadaanan sa pagkuha ko ng mga larawan “Picture, Doc. Kuhanan mo kami ng picture” utos nila sa akin dahilan para mapangiti ako.

“Okay, smile” wika ko sa kanila at doon pa nagbilang bago kuhanan ng larawan.

“Thank you, Doc”

Doon ko iginala ang aking mga mata para kuhanan ng larawan ang busy na mga tao rito sa bahay tanggapan. Kaliwa’t kanan ang pag-picture ko sa mga nakangiting bata, matanda at ilang mga kabataang busy sa kani-kanilang mundo.

Nahahagip din ng aking camera ang pesteng busy sa kabubuhat ng ilang mga kahoy na panggatong at pag-aayos ng lamesa roon sa kakainan sa labas.

Maya-maya pa ay kita kong papalapit ang pesteng iyon sa aking pwesto suot ang kanyang mukhang tangang pagkakangiti.

Ibinaling ko nalang sa iba ang direksyon ng camera at doon patuloy na kumukuha ng larawan.

Noong umaga sa bahay, bago kami pumunta rito sa bahay tanggapan ng gulay ay muli akong naasar sa pesteng iyon. Kung ano-ano na naman kasi ang kanyang pinagsasasabi na walang katuturan at ayokong marinig.

Kagabi rin ay nagkaroon kami ng hindi inaasahang pagtatalo dahil sa kakulitan ng kanyang apdo. Bakit kasi nagpupumilit pa siyang isiksik ang kanyang sarili sa akin, lantad na lantad na nga ang pangtataboy ko sa kanya ngunit tila isa siyang bato na mahirap durugin.

Muli kong sinilip ang peste sa pwesto niya kanina ngunit wala na ito roon. Naramdaman ko nalang na may nakaluhod sa harapan ko, binalingan ko iyon ng tingin at doon ko kita ang peste na inaayos ang sintas ng aking sapatos.

Hindi na naman ako nagprotesta pa dahil mabilis niya lang ginawa ang bagay na iyon, tumayo siyang muli at doon ngumiti ng malapad sa aking harapan kahit na pawisan ang kanyang katawan.

Iniwas ko ang aking tingin at ipinagpatuloy ang pagkuha ng larawan.

“Ian. Tinatanong sa akin kanina ni Ka Dureng kung may pagkain ka raw na hindi kinakain, mga seafoods at gulay kasi ang putahe, eh baka may allergic ka raw sa mga ’yon” wika nito at doon nalang ako umiling.

“Iyon na nga ang sabi ko sa kanya, na wala kang pinipiling pagkain. Hindi ka pihikan pagdating sa mga pagkain” segunda niya at ’di na iyon pinansin “Tapos kana mag check up?” muli nitong wika.

Tanging pagtango lang ang isinagot ko sa kanya dahil busy ako sa pagkuha ng larawan.

Kita ko naman sa harapan na papunta si Jerico rito sa aming pwesto, tulad ng peste ay pawisan din ito at nakangiti nang tila wala nang bukas.

“Kanina ka pa kuha nang kuha ng larawan, Ian. Akin na nga ’yan at kayo namang dalawa ni Omar ang kukuhanan ko” doon ko nalang nakita na hawak-hawak na ni Jerico ang aking camera.

“Umayos kayo ng pwesto, Ian at Omar. Pre umayos ka na, once in a lifetime lang ’to” natatawang wika ni Jerico at doon ko naman siya sinunod para umayos ng tayo.

Seryosong mukha lang ang ipinapakita ko kay Jerico dahil inaantay ko siyang bumilang sa pagkuha ng larawan “Omar! Umayos ka naman” protesta nito sa pesteng katabi ko na malayo ang agwat sa akin.

“Gago, basa nang pawis ang katawan ko” tila nahihiya nitong wika.

Siya? Ang pesteng ito nahihiya?

“Anong connect? ’Di mo naman yayapusin si Ian. Lalapit ka lang dahil ang layo ng agwat mo sa kanya, pangit sa picture” paglilinaw ni Jerico kaya walang nagawa ang pesteng ito kundi lumapit sa akin “Ayan, edi maganda” segunda niya at doon na sinipat ni Jerico ang camera.

“Wala nang gagalaw. Okay, one, two, three” ang pagbilang ni Jerico kasabay ng pag-flash ng camera.

ㅡㅡㅡ

“Congratulations po ulit Mang Junel at Ka Dureng” nakangiti kong pagbati sa dalawang mag-asawa para sa kanilang fifty years wedding anniversarry “Pasensya na po at wala akong dalang regalo sa inyo, pero sa Sabado po ay inaasahan ko kayo roon sa bahay tanggapan sa prutas” segunda ko pa.

Kasalukuyan na akong nakatayo rito sa dulo ng mahabang lamesa kung saan nakahanda ang naguumapaw na mga pagkain, seafoods at mga gulay sa harapan at nakalagay sa dahon ng saging.

Tilapia, hipon, lobster, alimango, suso at ilan pang uri ng isda ang nakahain sa harapan. Samantalang mga ginataang gulay, pakbet at ilang bulanglang ang ulam na gulay rito.

Nasa kanan ko ang mag-asawang Mang Junel at Ka Dureng, sa kaliwa ko naman ay ang peste habang nasa unahan ko sila Regina, Caloy at Jerico. Sa mahabang lamesang ito ay tinatayang nasa singkweta katao ang sabay-sabay na kumakain.

“Nako Senyorito! Presensya at pagtingin niyo lang po sa mga tao rito sa amin ay isa nang malaking regalo sa aming mag-asawa. Hindi niyo na po kailangang mag-alala pa sa materyal na regalo para sa amin” galak na galak na wika ni Ka Dureng habang patuloy sa pagkain.

“Ka Dureng” sabat ng peste sa aking kaliwa na kanina pa pinapakialaman ang aking pagkain, pinagbabalat ako nito ng hipon kahit na hindi ko inuutos sa kanya.

“Ano ’yon, Omar?” nakangiting tugon niya rito.

“Salamat po pala sa pinadala niyong ulam kahapon, the best po talaga kayong magluto” wika ng peste at doon nalang ako napatungo.

“Anong ulam, Omar? Anong pinadala?” takang wika ng matanda. Batid kong mapang-asar na ang tingin na ibinabato sa akin nila Regina at Jerico.

“Yung ipinadala niyo po kay Ian, yung ginataang gabi” paglilinaw ng peste at napasubo nalang ako ng hipon na binalatan niya.

“Ay ’yon ba? Hindi, hindi ako ang nagbalot noon. Itong si Senyorito ang nagbalot gawa nang baka raw ay hindi ka pa kumakain” napapikit nalang ako sa inilahad ni Ka Dureng.

“Ganoon po ba” batid kong nakangiti na namang parang tanga ang pesteng ito.

Tumunghay akong muli para balingan ng tingin si Regina. Tulad ng aking inaasahan ay mapang-asar ang ibinabaling niya sa akin.

“Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay, Regina?” wika ko rito habang patuloy sa pagkain.

“Nag titinda ako ng halo-halo at mga ihaw-ihaw. Sa ngayon ay si Arabelle ang nagbabantay sa tindahan dahil baka mapasama kay baby kapag ako ang magtitinda” patukoy naman niya sa kanyang kapatid.

Tumango nalang ako bilang tugon.

“Pupunta pala kami sa inyo bukas, Ian” nakangiting segunda nito.

“Bukas?” tugon ko.

“Oo, hindi pa ba sinasabi sa ’yo ni Omar?” wika niya at ako’y umiling “Tatambay kami sa bahay niyo bukas after ng check up mo sa umaga, umaga lang daw ang check up mo sa bahay tanggapan ng prutas sabi ni Omar” segundang muli ni Regina at napatango nalang ako.

“Senyorito Ian” rinig kong pagtawag naman ni Mang Junel sa akin.

“Bakit po?” nakangiti kong tugon rito.

“Kumusta po ang pananatili niyo sa Amerika? Tiyak na masaya kayo roon” pangangamusta ng matanda sa akin.

Ngumiti ako “Mabuti po ako roon, madaming natutunang bago at naging masaya naman ang pag-aaral at pananatili ko sa Amerika” tugon ko rito at siya’y napatango.

“Tiyak na madaming namamanhikan sa ’yo roon, Senyorito. Napakinis ng inyong balat at napakabuti ng puso” sabat naman ni Ka Dureng at napangiti nalang ako.

“Hindi naman po sa ganoon, hindi po iyon ang pinunta ko sa Amerika. Aral lang po talaga” nahihiya kong tugon dito at rinig ko ang pagsabat ni Jerico.

“May isang parang asong nakangiti diyan sa gilid” pang-aasar ni Jerico.

“Gago!” atungal ng lalaking peste sa kaliwa ko.

“Luh? Natamaan, ’di naman ako nag drop name” pang-aasar pang muli ng lalaking ito.

“Mabuti naman Senyorito kung ganoon, dahil kung pipili po kayo ng inyong magiging kasintahan ay mabuting si Omar na ang piliin niyo. Bukod sa may itsura ay masipag at matiyaga ang lalaking ’yan” wika ni Ka Dureng at hindi ko alam ang sasabihin.

“Mahal, ’wag mong pangunahan si Senyorito. Hayaan mo siyang magdesisyon sa mga bagay na personal sa kanya” sabat naman ni Mang Junel at napangiti nalang ako.

“Ay bakit hindi? Pamilya tayo rito, alam ko ang mga istorya ng bawat isa” muling wika ni Ka Dureng at doon mahinang humingi ng pasensya ang asawa niya.

“Pasensya na Senyorito, sadyang matalas lang ang dila ng asawa ko” natatawang wika ng matanda at napangiti nalang ako.

“Oo nga pala Omar, anong plano mo sa kaarawan mo sa Sabado? May handaan bang magaganap? Isasabay mo ba sa kasiyang gagawin ni Senyorito?”

ㅡㅡㅡ

Chapter 14

ㅡㅡㅡ

Welcoming Party

Alas-tres ng hapon sa malawak na pinyahan sa lupain ng mga prutas dito sa Rambo Hacienda.

Sa aking nilalakaran ay matatanaw mo lang dito ang bahay na aking tinutuluyan dahil malapit mismo rito sa pinyahan nakatayo ang bahay na ito.

Kahit tirik ang araw ay bitbit ko ang isang eco bag na naglalaman ng mga tinapay at inumin. Ngayong Huwebes nakatakdang itanim ang mga salo ng pinya, kaya nag kalat sa aking nilalakaran ang mga katatanim palang na mga pinya.

Kaninang umaga ay nasa tatlong-pu ang mga taong nagtutulong-tulong sa pagtatanim dito, ngayon ay nasa kalahati nalang dahil sa katirikan ng araw.

Mabilis lang din akong nakapag-check up kaninang umaga dahil hindi ganoon karami ang mga tao doon sa bahay tanggapan ng prutas, nandito kasi ang karamihan para sa pagtatanim at pagbubuhat ng pinya.

Nakasuot nalang ako ng pambahay dahil bago ako pumunta rito sa taniman ay nagpalit na ako ng damit.

“Magandang hapon po, Senyorito. Ano pong meroon at naparito kayo sa taniman? Tirik na tirik po ang araw” ito ang salubong sa akin ni Mang Andoy nang tagumpay akong makapunta rito sa kanilang sinisilungan na puno ng langka.

“Magandang hapon po Mang Andoy, magandang hapon din po sa inyo” bati ko sa anim na kataong nagpapahinga rito.

“Magandang hapon din po, Senyorito” tugon nila sa akin. Balot na balot ang kanilang katawan dahil sa sikat ng araw. Ang kanilang mukha ay mababatid kong pagod na dahil namumula na ang kanilang balat ganoon din kabasa ang kanilang mga buhok.

“Ito po ang sadya ko sa inyo” doon ko inabot kay Mang Andoy ang dala kong eco bag “Meryenda po muna kayo” segunda kong wika at tila roon sila ginanahan.

“Nako salamat po, Senyorito” “Salamat po” “Ayun, salamat po”

Iyan ang sabay-sabay nilang pasasalamat sa akin kaya napangiti nalang ako.

“Si Omar po, Senyorito? Hindi niyo po ba hinahanap?” ang nakangiting pagbibiro ni Mang Andoy sa akin.

Nakangiti nalang akong umiling dahil sa kanyang tinuran “Hindi po siya ang sadya ko rito Mang Andoy, kayo po ang sadya ko at halatang pagod na pagod na kayo sa pagtatanim mula pa kaninang umaga” paglilinaw ko naman sa kanya.

Nakangiti lang itong tumango bago siya humarap sa pinyahan at doon may itinuturo sa aking harapan “Iyon po si Omar, Senyorito” wala naman akong nagawa kundi sipatin din ng aking mata ang kinapupwestuhan ng pesteng iyon.

Tulad ng aking inaasahan ay balot na balot ang kanyang katawan.

Nakasuot ito ng itim na jacket at doon nakabalot sa kanyang mukha ang puting damit bilang pangsaga sa tirik na tirik na araw.

“Omar! Omar!” ang pagtawag ni Mang Andoy sa peste kaya napaiwas nalang ako ng tingin “Hinahanap ka ni Senyorito Ian, may dalang meryenda para sa ‘yo! Pumunta ka na rito! Awat na diyan, pahinga ka na muna!” muling pagbibiro ni Mang Andoy kaya napailing nalang ako.

“Pasaway kayo Mang Andoy, baka umasa lang ‘yang lalaking ‘yan” ang natatawa kong wika na ikinatawa ng mga trabahador dito.

“Kaawa naman si Pareng Omar, ilang taon ding bukambibig ang Senyorito Ian natin” sabat ng isang pamilyar na lalaki.

Napatawa nalang ako bago muling tingnan ang pwesto ng peste kanina na ngayon ay humahakbang na papunta rito sa aming pwesto.

Mabilis akong humarap kay Mang Andoy at doon nagpaalam sa kanila “Sige po, una na po ako sa inyo” hindi ko alam kung bakit natataranta ako sa aking wika.

“Hindi niyo na po hihintayin si Omar?” tugon ni Mang Andoy at umiling nalang ako.

Hindi ko na sila hinintay pang magsalita ng doon ako tumalikod at sinimulan ang paglalakad pabalik doon sa bahay na aking tinutuluyan. 

“Bagal mo Pareng Omar, ‘di mo tuloy nakita si Senyorito. Kunwaring meryenda raw ang pakay niya rito, pero alam naman naming ikaw ang gusto niyang makita. Ito mag meryenda ka at kanina ka pa nakabilad sa araw” rinig kong wika ng isang lalaki kaya napakagat nalang ako ng labi at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sabi ko na nga ba’t pagsisisihan ko lang ang ginawa kong pagpunta ko rito, imbis na manatili ako sa bahay at hintaying dumating sila Regina ay hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa.

Kaninang umaga ay wala akong naabutang peste sa bahay, mula umaga pa kasi ay patuloy at walang putol ang kanilang pagtatrabaho sa katirikan na araw. Hindi ko nga alam kung kumain na ba siya ng umagahan at tanghalian.

“So concern ka, bakla?” alas-sais ng hapon at ito ang tugon ni Regina matapos kong ikuwento sa kanya ang ginawa kong kahihiyan kanina.

Dumidilim na ang paligid dahil lumulubog na si haring araw. 

“Hindi naman sa ganoon, gusto ko lang talagang bigya–”

“So concern ka nga talaga, ‘di mo na kailangan pang ipaliwanag” nakangiti nitong pagputol sa aking eksplenasyon.

Napailing nalang ako kasabay ng pagbaling ko sa screen ng laptop at pagsubo ng inihaw na bitukang manok na dala-dala ni Regina para sa akin.

Kasalukuyan kaming nandito sa kusina. Nakaupo ako sa kaliwang dulo ng lamesa kung saan nakaupo ang padre de pamilya, nasa likuran ko ang lababo at kalan samantalang nasa kaliwang bahagi ko naman si Regina patalikod sa banyo, paharap sa salas. 

“Masanay ka na kay Omar, bakla ka. Ganyan talaga ‘yan kapag tutok sa trabaho, kahit si Papang at Mang Andoy ay pinapagalitan si Omar dahil sa sobrang sipag at nakakalimutan nang kumain” salaysay ni Regina at napatango nalang ako “Ang tagal naman nila Caloy” segunda niya patukoy sa kanyang asawa.

Wala pa kasi ang tatlo dahil may binibili sa labasan, mag-iinom daw kasi ang mga ito sabi ni Regina. Welcoming party raw sabi ni Jerico dahil sa halos anim na taon kong hindi pag-uwi rito sa hacienda.

“Basta lahat ng picture ipasa mo sa akin, lahat-lahat” ito ang dahilan kung bakit ako nakaharap sa laptop. Ipinapapasa ni Regina ang mga picture na kinuhanan ko kahapon doon sa selebrasyon na naganap.

Siya na raw kasi ang magpo-post sa social media dahil tiyak na itatambak ko lang daw ito sa laptop, na tama naman siya dahil hindi ako ganoon ka-ingay sa mga social media.

Wala akong choice kundi ipasa ang mga larawan, itinitira ko nalang ang ilan sa mga ipiprint ko at nagustuhan kong kuha mula sa aking kamera.

“Basta lahat ha, lahat-lahat ipasa mo” muling habilin nito na ipinagtataka ko. Ito na kasi ang bungad niya kanina noong pagpunta niya rito.

“Paulit-ulit, ito na nga diba ipapasa na lahat” tugon ko sa kanya na ikinatawa nito.

Habang ipinapasa ko ang mga larawan sa cellphone ni Regina ay muli nitong iginala ang tingin dito sa loob ng bahay. Kanina pa rin siya kuwento ng kuwento kung paano walang nagbago sa istura ng bahay na ito, kung paano walang tumira rito matapos ang pag-alis ko.

“Kahit si Papang at Omar ay hindi pabor sa pag-giba ng bahay na ito, kaya kahit ilang bagyo ang dumaan ay patuloy lang sila pag-kumpuni ng mga nasirang haligi ng bahay niyo” wika pa niya at napatango nalang ako “So pinangangatawanan mo pala talagang sa sofa natutulog si Omar” segunda ni Regina ng mahagip siguro ng kanyang mata ang bag ng peste doon sa sofa.

“Kailan ba ako nag sinungaling?” tugon ko sa kanya na ikinabungisngis nito.

“Kanina lang” wika niya kaya ito’y binalingan ko.

“At ano ‘yon? Anong kasinungalingan ang sinabi ko?” pagkukumpirma ko rito at doon siya nakangiting sumagot.

“Na hindi naman talaga meryenda nila Mang Andoy ang ipinunta mo kanina doon sa taniman, gusto mo lang talagang makita si Omar at siguraduhing humihinga pa dahil hindi pa siya kumakain ng umagahan at tanghalian” dahil sa sinabi nito ay hindi nalang ako nakaimik.

Kasabay ng aking pananahimik ay doon na dumating ang tatlong lalaki na tawa ng tawa.

“Ian!” ang tila excited na wika ni Jerico at doon sila humakbang ni Caloy papunta rito sa pwesto namin sa kusina. Nagpaiwan ang peste sa salas dahil inaayos niya ang kanilang pag-iinuman.  

“Ano, nakabili kayo? Anong binili niyo?” usisa ni Regina sa kanila.

“Nako! Itanong mo kay Omar kung anong binili. Akala ko ay malalasing kami ngayong araw dahil sa welcoming party ni Ian, pero beer? Weakshit ka ba Omar?” ang tila inis at natatawang tugon ni Jerico.

“Beer ang binili ni Omar, Mahal. Ayaw kaming lasingin dahil nakakahiya raw kay Ian kapag kami’y nalasing. Tiyak na walang mag-aasikaso sa kanya kapag tumumba siya sa sahig” ang tugon naman ni Caloy na ikinatawa ng bruhang babaeng ito.

“Anong ginagawa mo, Ian?” ang usisa ni Jerico sa akin.

“Ipinapasa ko kay Regina yung mga picture kahapon” tugon ko sa kanya habang patuloy ako sa pagpasa ng mga larawan.

“Ah. Ipasa mo rin yung picture niyong dalawa ni Omar kay Regina ha. Binayaran kasi nitong si Omar si Regina para lang makuha ‘yang picture niyo kahapon, tiyak na hindi mo kasi iyan ibibigay kay Omar. War parin kayo diba?” ang lahad ni Jerico kaya bumaling ako ng tingin kay Regina.

“Gago ka Jerico!” rinig kong natatawang atungal ng peste roon sa salas.

Si Regina naman ay nakangiti lang na tila ipinapakitang totoo nga ang sinabi ni Jerico.

ㅡㅡㅡ

“Apat na araw ka nang nandito, wala parin kayong matinong napag-uusapan? Bakla ka talaga” ang wika ni Regina sa pwesto niya magmula pa kanina.

Alas-otso na ng gabi at katatapos lang namin magsabay-sabay na kumain ng gabihan. Ang tatlong loko-lokong lalaki naman ay nandoon sa labas ng bahay sa ilalim ng puno ng mangga at doon iniinom ang binili nilang beer.

Ang peste ang nagdesisyong doon sila mag-inom sa labas dahil baka raw ay madumihan ang kanyang hinihigaan. 

“Apat na araw na kayong walang pansinan? Hindi niyo binubuksan ang usapin tungkol sa pagbabalikan niyong dalawa?” hindi ko alam kay Regina kung magkano ang binayad sa kanya ng peste para pagsalitain ito tungkol sa aming dalawa.

“Una sa lahat, hindi siya ang pinunta ko rito. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako muling bumalik dito sa hacienda” muli kong paalala sa kanya dahil sa loob ng dalawang oras ay ito lang ang napag-uusapan namin.

“Kahit na, alam ko sa puso mo na—”

“Tigilan mo na nga, ayoko nang pag-usapan ang bagay na involve ang lalaking iyan” may inis na sa tono ng aking pananalita “Anong ipapangalan mo kay baby boy mo?” segunda ko sa kanya at doon ako muling bumaling sa kanyang bilugang tiyan.

Ibanalita sa akin nito na lalaki ang magiging anak nilang dalawa ni Caloy.

“Hindi ko pa alam, Ian” tugon niya at nakita ko naman ang kanyang pagngiti “Gusto ko yung may koneksyon sa pangalan niyong dalawa ni Omar” segunda niya at napasapo nalang ako sa aking noo.

“Bakit ba gustong-gusto mo kami nang pesteng iyon?” natatawa at may halong inis kong wika sa kanya.

“Ian. Noong college palang kayong dalawa ni Omar ay baklang-bakla na ako para sa inyo, alam mo bang kasama kayong dalawa sa orasyon at pagdadasal ko? Tapos hinihiling ko na sana hanggang pagtanda ay magkasama kayong dalawa, na mahahawakan niyong dalawa ni Omar ang magiging anak ko, na magiging ninong kayong dalawa ng magiging anak ko” ang nakangiti nitong tugon sa akin.

Nakita ko nalang ang aking sarili na nakabaling ang tingin sa labas ng bahay kung saan nandoon ang peste na tila pilit ang kanyang pagtawa sa dalawang lalaking kaharap niya.

Tila naman bumabagal ang oras sa aking paligid habang doon patuloy kong naririnig ang mga litanya ni Regina rito sa aking tabi.

“Ian, hindi mo ba nababasa ang kalungkutan sa mga mata ni Omar? Alam mo bang siya ang unang tao rito sa Hacienda na hinihintay ang muling pagbabalik mo” ang una nitong wika habang nakabaling ang aking tingin sa peste na patuloy ang pagtawa.

“Halos mabaliw nga iyan sa sobrang pagkasabik sa muling pagbabalik mo rito eh. Halos ipagsigawan niya sa buong hacienda na muli kang babalik dito, na muli ka niyang makikita at ipagpapatuloy ang naudlot niyong masayang pagsasama” ang ikalawang litanya ni Regina.

“Hindi pa ba humihingi ng kapatawaran si Omar? O humingi na siya ng kapatawaran ngunit hindi mo pa siya pinakikinggan?” ikatlong wika nito.

Dahan-dahan akong umiling habang nakabaling parin ang tingin sa pesteng iyon.

“Ian, naaalala mo pa ba yung mga payong binigay mo sa akin dati? Na kapag may isang taong gumawa ng kasalan sa akin ay dapat kong hayaan na ipaliwanag niya ang bagay kung bakit niya nagawa ‘yon. Dahil sa isang relasyon ang komunikasyon ang isa sa pinakamahalaga sa lahat, komunikasyon at pagtitiwala” ang ikaapat nitong wika bago ko nakita ang dahan-dahang pagbaling ng peste sa aking pagtingin.

Tulad ng aking inaasahan ay ngumiti na naman ito na parang tanga.

“Ian. Absence makes the heart grow fonder, but presence put the hearts in danger. Kaya ‘wag mong sasabihin sa akin na hindi ka na mahu—”

“Hindi na ako mahuhulog pa sa kanya. Hindi na ako magpapahulog sa mga patibong niya” bumalik sa reyalidad ang mabagal na takbo ng oras. Mabilis akong bumaling ng tingin kay Regina at doon ngumiti na tila pinapangatawanan ang bagay na sinabi ko.

Napatawa nalang si Regina “Talaga ba? Tingnan nalang natin pag-alis mo rito sa Hacienda. May pustahan kayong dalawa ni Omar diba? Good luck Ian, good luck bakla” ang makahulugang wika nito sa akin.

ㅡㅡㅡ

Alas-dyis ng gabi sa kwarto ni Ian.

Hindi nga ba talaga ako mahuhulog sa kanya? O pinipigilan ko lang ang sarili ko na mahulog sa mga patibong niya?

Anong ‘tong ginagawa ko ngayon habang nakaupo rito sa upuan ng study table ng kwarto? Ilang minuto ko na ‘atang pinagmamasdan ang picture frame na nakapatong dito sa lamesa, ang larawan naming dalawa ng peste na magkadikit ang mga labi.

Mabilis ko iyong itinumba sa pagkakatayo at napasapo nalang ako ng aking noo.

Kahit kailan talaga ay bwiset si Regina sa mga ganitong bagay, malakas siyang mangonsensya ng tao at mapapatanong ka talaga sa sarili mo kung tama ba ang ginagawa mo.

Pumikit ako “I won’ fall inlove again, I won’t fall for him again, Ian” mahinang wika ko sa aking sarili dahil kinukwestiyon ko ang aking damdamin para sa pesteng iyon.

“Talaga ba? Tingnan nalang natin pag-alis mo rito sa Hacienda. May pustahan kayong dalawa ni Omar diba? Good luck Ian, good luck bakla ” pagkatapos kong bigsakasin ang mga salitang iyon ay boses naman ni Regina ang pumasok sa isipan ko.

Napamulat ako ng aking mata at doon taimtim na huminga ng malalim. Umiiling ako at doon pinapalakas ang loob upang sundin ang mga salitang binigkas ko na hindi na ako mahuhulog sa kanya.

Nasa ganoon akong pagtulala ng makarinig ako ng mahihinang pagtipa ng gitara roon sa labas.

“Gabi na, bakit gising pa siya?” ang aking wika ng marinig ko ang mahinang pagtugtog ng gitara. Pinakinggan ko pa iyon ng ilang minuto nang aking mahulaan kung anong awitin ang paulit-ulit niyang tinitipa sa gitara.

“Naiihi ako” ang aking wika at doon tumayo sa pagkakaupo rito sa upuan.

Suot ang puting oversized na shirt at blue short ay doon ako nagdesisyong humakbang papalabas ng kwarto dahil nakakaramdam ako ng pag-ihi sa katawan.

Mabilis ko namang binuksan ang pinto at doon binalingan ng tingin ang pesteng tumigil sa pagtipa ng gitara at doon tila gulat na nakatingin sa akin.

“Ian. Gising ka pa? Nagising ka ba? Maingay ba ako? Pasensya na, hindi ako makatulog eh” sunod-sunod nitong wika sa suot niyang itim na sando at puting pajama.

Hindi ako tumugon at doon nalang humakbang papunta sa kusina kung saan nandoon ang banyo.

Halatang ‘di nga siya makatulog dahil may isa pang bote ng beer ang nasa lamesita kung saan iniinom niya. 

Tagumpay akong nakapasok ng banyo at doon ginawa ang dapat kong gawin. Habang ako’y umiihi ay muli kong narinig ang pagtipa ng peste sa hawak-hawak nitong gitara.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang tugtuging iyon. Nakatutuwa lang na hindi na nakakairita ang kanyang pagtugtog ng gitara, kung dati ay pahirapan siyang humawak at tumipa rito, ngayon ay alam kong inaral niya ng mabuti at mahusay na siyang humawak ng instrumentong ito.

Sa aking pag-ihi ay patuloy lang ang pagtugtog ng gitara, nang makalabas ako ng banyo ay roon ko na narinig ang kanyang mahinang pag-awit dahilan para ako’y mapatigil sa labas ng banyo.

“Minsan sinabi natin, Walang ibang mamahalin. Tulad ng himig ng hangin, Dati ko nang napapansin. Naririnig ko sa awit ang buhay natin”

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa may pasukan ng kusina upang doon makita ang pesteng umaawit ng isa sa mga espesyal na awitin naming dalawa.

“Biglang nag-isa ang buhay, Nagkasundong maghiwalay. Ipilit man, ‘di sanay, ‘Di magtagpo mga kamay. Pangako ng awit noon ay hindi nabigay”

Doon naman ako dahan-dahang humakbang papunta sa may pintuan ng aking kwarto habang nakatingin parin sa peste. Dahan-dahan siyang bumaling ng tingin sa akin habang seryoso sa kanyang pag-awit.

“Mahirap mangako na ‘di na kita iisipin, Wala ring mapapala kung uulitin lang natin. Ngayon ay aking aaminin, Sa isip na lang kita makakapiling, Tuwing maririnig ang awit natin.”

Doon natapos ang kanyang pagkanta ng may ngiti sa labi, nakatingin siya sa akin na tila hinihintay ang aking sasabihin.

“Tapos ka na? Pwede na ba akong matulog? Ang ingay mo, nariri—”

“Ian” seryoso niyang paputol sa sinasabi ko.

Namayani ang ilang minutong katahimikan bago niya muling ipagpatuloy ang kanyang sinasabi.

“Gusto ko lang sabihin na you look good tonight. Pwede ka nang matulog, titigil na rin ako sa pag-iingay, pasensya na at hindi lang talaga ako makatulog” wika nito at doon pa siya ngumiti bago ipatong ang gitara sa ibabaw ng lamesita.

Hindi ko na iyon pinansin pa at doon ako mabilis na pumasok sa loob ng kwarto.

Kasabay ng malakas na pagsara sa pintuan ay doon sumabay ang mabilisang pagtibok ng aking puso dahil sa katagang sinabi niya.

Habang nakasandal ako sa likod ng pintuan at hawak-hawak ang aking dibdib ay doon ko nalang narinig ang malakas na pagkulog ng langit at ang maingay na pagbuhos ng ulan sa kalangitan.

Nakatingala lang ako sa yerong bubong dahil hindi ko malaman kung bakit naging ganito ang panahon, maya-maya pa ay bigla nalang namatay ang ilaw na tila hudyat na may bagyong nangyayari ngayong oras. 

ㅡㅡㅡ

this chapter is dedicated to arjayvilla

Chapter 15

ㅡㅡㅡ

Lampara

Alas dose ng gabi rito sa aking kwarto, hindi ako makatulog dahil sa ingay ng malalakas na pagbagsak ng ulan.

Dalawang oras na ang patuloy at walang tigil na kulog at ulan na tila bumabagyo na, ganoon din ang pagsakob ng kadiliman sa buong bahay dahil nawalan ng kuryente.

Bukod sa kadahilanang hindi ako makatulog dahil sa ingay ng pag-ulan ay doon ako nakaririnig ng ilang beses na pagbagsak at pagdadabog sa labas ng kwarto kung saan nandoon ang peste na hindi ko alam kung anong ginagawa.

Hindi ko itatanggi na nag-aalala ako sa kanya ngunit hindi ko naman magawang lumabas ng kwarto para tingnan kung anong ginagawa niya. Hindi ko magawang lumabas dahil pinapangatawanan ko ang kagustuhan kong mangyari sa kanya.

Balot na balot ang aking katawan ng makapal na kumot dahil sa sobrang lamig ng atmospera. Diretso lang akong nakahiga habang nakatitig sa yero na maingay, ang aking cellphone ay bukas ang flashlight upang magsilbing liwanag dito sa kwarto.

Nasa ganoon akong pwesto ng maalala ko ang nangayari noong Linggo ng gabi, batid kong hindi parin nawawala ang takot ng pesteng iyon sa dilim. Alam ko kung gaano siya takot na takot tuwing biglaang dumidilim ang paligid niya, ako lang at ang sarili niyang katapangan ang nagpapawala sa takot nito sa dilim.

Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako sa oras na ito, napakagat nalang ako ng aking labi at doon mabilis na pinunasan ang luhang umaagos sa aking mata.

Doon ko nalang nakita ang aking sarili na nakatayo sa pintuan ng kwarto upang tingnan ang lagay ng peste na nasa labas.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto.

Tulad ng aking inaasahan, pagkabukas ko ng pintuan ay doon nakatayo ang pesteng sa labas ng pinto na tila kakatok dahil nakataas ang kanyang kaliwang kamay habang bitbit ang isang lampara sa kanan niyang kamay.

Binalingan ko ang kanyang mukha na batid kong takot na takot siya sa kanyang kinapupwestuhan. Malalim ang kanyang paghinga at kitang-kita ko ang mga pawis na namumuo sa kanyang mukha. Basa rin ang kanyang buhok na tila lumusob sa ulan.

“Ian” pagbigkas niya sa aking ngalan na hingal na hingal “Okay ka lang? May kailangan ka ba? Nawalan ng kuryente kaya madilim, gusto mo ba nitong lampara?” ang pag-aalala nitong wika.

Dahan-dahan akong umiling habang diretso ang tingin sa kanyang mata “Okay lang ako” tugon ko rito “Ikaw, okay ka lang?” segunda kong wika sa kanya.

Ngumiti ito ng pilit at doon tumango “Okay pa ako, maayos pa” tugon niya habang hingal na hingal.

Tumango akong muli “Sige, tutulog na ako” hindi ko alam kung bakit ito ang nasabi ko sa kanya.

Nakita ko nalang ang aking sarili na dahan-dahang isinasara ang pintuan habang nakatingin parin ng diretso sa mga matang takot ng lalaking iyon. 

“Ian” pagtawag niya sa aking ngalan na tila humihingi ng tulong ngunit tuluyan ko nang isinara ang pintuan.

Napapikit nalang ako habang hawak-hawak ng aking kanang kamay ang dibdib kong kumikirot “Anong ginagawa ko? Anong ginagawa mo Ian?” ang aking wika na tila hinihingal din.

Ginusto ko ‘to, kaya papangatawan ko.

Sinaktan niya ako at sinira niya ang tiwala ko. Dapat lang na maramdaman niya kung gaano ako nasaktan sa kanya, kung gaano ako nangulila sa kanya, kung gaano karami ang mga luhang ibinuhos ko sa kanya.

Tama lang ‘to, tama lang ang ginagawa ko.

ㅡㅡㅡ

Alas-tres ng madaling araw.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako tinatamaan ng antok, ilang oras na rin mula ng tumigil ang pag-ulan, kinakain na ng katahimikan ang buong paligid ngunit hindi parin bumabalik ang kuryente.

Kasabay ng pagtila kanina ng ulan ay doon din tumigil ang pagbuhos ng aking luha sa hindi ko malaman na kadahilanan. Mabigat ang aking damdamin dahil tila ako ay may nagawang kasalanan.

Hindi ko gusto ‘to, hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito.

Bumalikwas ako ng bangon at doon humakbang papunta sa malaking cabinet dito sa loob ng kwarto. Hindi ko na binuksan ang flashlight ng aking phone dahil may liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan na pumapasok dito sa kwarto.

Nang mabuksan ko ang cabinet ay doon ko kinuha ang isang kumot na nakapatong lang sa ibabaw nito. Hinawakan ko ito sa kanang kamay bago muling isara ang cabinet.

Nakita ko nalang ang aking sarili na binubuksan ang pintuan ng kwarto at doon dahan-dahang sinilip ang pwesto ng pesteng nakahiga sa sofa.

Tagumpay kong nabuksan ang pinto at doon ko ilang minutong pinagmasdan ang kinahihigaan ng peste sa tsokolateng upuan.

Nakabaluktot ang kanyang katawan na tila pinagkakasya ang sarili sa sofa, nakahiga ito patagilid at nakaharap sa lamparang nakapatong sa lamesita.

Saksi ko ang malimit niyang panginginig dahil ang tanging bumabalot sa kanyang katawan ay ang ginagamit nitong tuwalya sa paliligo.  

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa harapan ng sofa, doon ko pansin ang pagkakayapos niya sa kanyang cellphone na tila mahuhulog na. Inosenteng-inosente ang kanyang mukhang natutulog, na tila ‘walang katarantaduhan sa pangangatawan. 

Bago ko gawin ang dapat kong gawin ay dahan-dahan ko munang kinuha ang phone sa kanyang bisig at doon ipinatong sa lamesita katabi ng lampara.

Ang hawak-hawak kong puting kumot sa kanang kamay ay doon ko inaayos sa nanlalamig na katawan ng peste. Mabilis ko lang ginawa ang bagay na iyon bago ko siya tinalikuran.

Naagaw naman nang aking atensyon ang cellphone nitong ipinatong ko sa lamesita.

Kusa nalang inabot ng aking kamay ang phone ng pesteng ito. Habang nakatalikod ako sa kanya ay doon ako nagdesisyong buksan ito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sumalubong sa aking screenlock wallpaper ng kanyang phone.

Ito ang larawan naming dalawa ni Omar kahapon doon sa wedding aniversary nila Mang Junel at Ka Dureng. Tama nga si Jerico kanina dahil kaya gustong-gusto ipapasa ni Regina ang lahat ng pictures kahapon ay doon siya binayaran nitong pesteng ito.

Imbis na mainis ay doon ako napangiti sa hindi ko malamang dahilan.

Umiral pa ang aking pagiging tsismoso kung kaya’t binuksan ko ang kanyang phone, wala itong password tulad ng aking inaasahan. Sumalubong naman sa akin ang homescreen wallpaper niyang mga pinya na tiyak na siya ang kumuha ng larawang ito.

Hindi na ako nagtagal pa at doon ko na pinuntahan ang gallery ng kanyang cellphone.

Pagbukas ko palang ay sumalubong na sa akin ang recently watched niyang video, ito ang bidyo na kinuhanan niya noong tinatanong nito sa akin ang schedule ko rito sa hacienda.

“Ian, puwede bang malaman ang schedule mo? Pero

dahan

dahanin

mo naman ang pagsasalita dahil hindi ko kayang magtipa ng mabilis sa keyboard ng cellphone ko”

“Sunday at Monday doon sa produksyon sa hayop, Tuesday at Wednesday sa produksyon ng gulay tapos Thursday hanggang Sabado rito sa produksyon ng

Prutas

“Anong ginagawa mo?”

“Ang bilis mo kasing magsalita kaya

kinuhanan

nalang kita ng bidyo”

“Anong trip mo? Akin na nga ‘yan!”

Tahimik naman akong napahalikhik dahil kitang-kita ang katarayan at kasungitan ko sa video. Napailing nalang ako bago tinumbok ng aking daliri ang mga larawang nasa kanyang cellphone.

Tulad ng akong inaasahan ay mga picture ko itong ninakaw niya sa aking facebook at ilang social media accounts, mga picture ko noong nasa America pa ako.

Napapailing nalang ako dahil may mga larawan pa ako rito habang na nag checheck up ng mga pasyente sa mga bawat bahay tanggapan. Tila patago niya akong kinukuhanan ng larawan dahil ang ibang picture ay nakatalikod ako at ang iba naman ay malayo at nakazoom ang camera “Anong trip ng pesteng ‘to?” wika ko na lamang. 

Patuloy pa ako sa pagtingin ng samu’t saring larawan sa kanyang cellphone. Ang mga hayop na inaalagan dito sa hacienda, mga gulay na sobrang lulusog at masusustansya at ang mga puno ng prutas na humihitik sa bunga. Lahat ng ito ay kuha sa camera ng cellphone ng peste.

Napapangiti nalang ako dahil may mga selfie siya rito na mukhang tanga sa pagkakangiti, nakataas pa ang kanyang dalawang daliri na tila naka peace sign habang kinukuhahan niya nang picture ang kanyang sarili.

Napapalunok nalang ako sa ilang picture nitong hubad na tila pinagmamayabang ang kanyang tatoo sa balikat at ang abs nitong namumutok “Ang yabang naman” ang aking wika.

May mga larawan pa ritong kuha niya sa ilang mga kasiyahan na naganap dito sa hacienda. Mga group pictures nila Regina, Jerico, Caloy at ang pesteng nakangiti na parang tanga “Parang tito vibes ang mga pictures” ang aking komento sa paraan ng pagkuha niya ng litrato.

Na-eengganyo ako sa pagkalikot ng mga larawan ng doon naagaw ng aking atensyon ang isang album na nakasave sa kanyang phone na may titulong ‘Rosas’.

“Ano ‘to?” pagtataka kong wika ng binuksan ko ito.

Mga larawan na bilang at isang video.

“Saan ‘to?” muli kong usisa ng simulan kong tingnan ang mga larawang kuha niya sa cellphone.

Ang mga larawang ito ay mga rosas na puti kung saan nakatanim sa hindi ko malaman na parte ng hacienda.

Seryoso lang ang aking baling sa pagtingin ng mga larawan “Ang ganda” tanging komento ko sa aking nasasaksihan sa kanyang cellphone “Saan kaya ‘to” segunda kong wika.

Nasa ganoon akong mag browse ng picture ng mapapunta ako sa isang video na tila bigla akong kinutuban. Kitang-kita ko sa thumbnail ang pagkakaupo ng peste sa ilalim ng puno kung saan doon nakatanim sa paligid ang mga rosas.

Ngunit pipindutin ko palang ito ng doon ko narinig ang pagtawag ng peste sa aking likuran “Ian”.

ㅡㅡㅡ this chapter is dedicated to explorer88

Chapter 16

ㅡㅡㅡ

The Secret Flight

Biyernes ng umaga sa Rambo Hacienda.

Alas-syete ng umaga at kagigising ko lang sa masarap na pagkakahiga sa kama. Ngayon ay nasa harapan ako ng cabinet at doon kinukuha ang aking susuotin para sa araw na ito.

Nakasakbit na sa akin ang puting tuwalya dahil handa na ako sa pagligo.

Mabibilang lang ang oras ng aking itinulog dahil sa mga nangyari kagabi, tila may dumaang bagyo dahil sa lakas ng ulan, bumalik na rin naman ang kuryente nang mga alas-singko ng umaga dahil nakapag charged na ako ng phone.

Hindi naman ako nakararamdam ng antok at pagod dahil sanay na sanay na akong ilang oras lang ang itinutulog, hello? Doktor kaya ako.

Bukas. Sabado.

Bukas ng Sabado ang huling araw ko rito sa Hacienda at sa ngayon ay hindi ko alam kung anong dapat ang maramdaman ko sa muli kong paglisan dito sa lugar na ito.

Nagugulumihanan ako. May bumabagabag sa isip at puso ko na hindi ko ginugusto.

Pagkatapos kong kuhanin ang aking susuotin ay inilapag ko muna ito sa higaan bago humakbang papunta sa pintuan, dahan-dahan kong binubuksan ang pinto dahil tiyak na may natutulog pa sa labas.

Tama nga ang aking hinala dahil balot na balot ang buong katawan ng peste na nakahiga sa sofa. Kahit ang ulo nito ay nakabalot din na tila lamig na lamig sa klimang meron ngayon. Hindi ko siya masisisi dahil napakalamig nga ng atmospera ngayong araw.

Hindi na ako nag aksaya pang tapunan siya ng tingin, nagdesisyon na akong humakbang papunta sa banyo para doon gawin ang mga dapat kong gawin.

ㅡㅡㅡ

Alas-nuebe ng umaga sa bahay tanggapan ng prutas.

Suot ang puting jacket, black pants, crocs na puti sa paa habang nakapatong ang doctor gown sa aking katawan ay doon na patuloy ang pagtingin ko sa mga trabahador dito sa area ng lupain ng prutas.

Walang pesteng naghatid sa akin dahil kaya ko namang lakarin ang bahay tanggapan na ito. Aabutin lang ng tatlong minuto ang paglalakad mula sa bahay papunta rito.

Isa pa ay masarap ang kanyang pagkakahiga doon sa sofa, dahil kahit paglabas ko ng bahay ay nakabalot parin ang kanyang katawan.

Kakaunti parin ang mga taong nagpapatingin ng kanilang kalusugan dahil patuloy parin ang pagtatanim ng pinya doon sa taniman. Kaya bilang na bilang ang mga trabahador dito at tiyak na aabutin lang ako ng tanghali bago ko matapos ang trabaho ko.

“Bukas po ay ’wag niyong kakalimutang bumalik dito para sa iba pang gamot at maintenance niyo” ang nakangiti kong wika sa isang matandang babae.

“Ay siya sige po Senyorito Ian, babalik po ako rito bukas” ang may kabagalan na tugon sa akin ng matanda.

Tumango ako “Basta ’wag niyo pong kalilimutan ang ilang habilin ko. Huwag niyo na pong pupwersahin ang inyong katawan at kapag nakararamdaman na kayo ng pagod ay magpahinga na” habilin ko pa rito bago hawakan ng matanda ang aking kamay.

“Kayo rin po Senyorito, huwag niyo na pong puwersahin ang sarili niyo. ’Wag niyo pong pigilan ang nararamdaman niyo, dahil tiyak na ikaw ang matatalo” ang makahulugang wika ng matanda “Malapit sa akin si Omar, Senyorito. Saksi ako sa mga katarantaduhan niya noong umalis kayo rito sa Hacienda, ngunit saksi rin ako kung paano siya nagsisi at naghintay sa muling pagbabalik mo” segunda ng matanda kaya napangiti nalang ako.

“Maraming salamat po” tanging tugon ko rito bago siya dahan-dahang tumayo at nagpa-akay sa kanyang apong lalaki na nasa tabi “Aasahan ko po kayo bukas” segunda kong wika bago ko pagmasdan ang kanilang likuran na palabas sa bahay tanggapan.

Nasa ganoon akong pagtingin sa harapan ng makita ko ang bulto ni Jerico na papunta sa aking pwesto.

Nakangiti ito ngunit hinihingal na tila galing sa pagtakbo.

“Ian!” pagtawag niya sa aking pansin habang mabilis ang kanyang paghakbang papunta sa aking pwesto.

“Bakit, Jerico?” ang aking salubong ng makapunta siya sa aking harapan.

“Si Mister Cidrick papunta rito” tugon ni Jerico na hindi ko maunawaan.

“Mister Cidrick? Sino ’yon?” taka kong wika sa kanya.

Sasagot palang si Jerico ng doon na ako nakarinig ng tunog ng isang sports car, bumaling ako ng tingin sa labas at hindi nga ako nagkamali. Isang itim na may sports car ang tumigil sa harapan ng bahay tanggapan.

“Siya si Mister Cidrick” ang wika ni Jerico bago ako iwanan sa aking pwesto at doon siya mabilis na humakbang papunta sa labas upang salubungin ang lalaking nakasuot ng pulang basketball jersey na lumabas sa minamanehong sports car.

Nakabaling lang ang aking tingin habang sinisipat ang itsura ng sinasabi niyang Mister Cidrick “Sino ’yan?” ang aking wika.

Tila magkasing edad lang si Jerico at yung lalaking tinawag niyang Mister Cidrick dahil batid kong hindi pa lagpas sa trenta ang kanyang edad. Mukha pang binata lalo na sa suot niyang basketball jersey at shorts.

Napaigtad nalang ako ng itinuro ni Jerico ang aking pwesto na binalingan naman nang tingin ng lalaking kasama niya, ngumiti ito sa akin kaya sinuklian ko naman ng ngiti.

Papunta na sila rito sa aking pwesto kaya umayos ako ng aking upo at doon hinintay ang kanilang pagdating.

Nang malapit na sila sa aking harapan ay doon na ako nagdesisyong tumayo upang salubungin ang sinasabi ni Jerico na Mister Cidrick.

“Are you the Doctor of the town?” nakangiting salubong ng lalaki sa akin at ako’y napatango “I heard from your father na umuwi raw ang anak niyang Doctor dito after a many years. If I’m not mistaken, you graduated at America, currently residing on one of the best hospital in the Philippines and also in the state which is the TOP Medical Center. You’re wearing doctor gown so I’m assuming na ikaw nga ang doktor na tinutukoy ni Don Benjamin” ang mahabang wika ng lalaki na tila kilalang-kilala ako.

“Doctor Ian Montealegre” nakangiti kong tugon bago ko inabot ang naka-abang niyang kamay na tila nakikipagkamay.

“I’m Cidrick, but you can call me Wise. One of the investor ng father mo, also rito kami umaangkat ng mga fruits for our market sa Quezon City” ang wika ng lalaki habang nakikipag-shake hands.

“Quezon City?” paglilinaw ko rito bago bumitaw sa kanyang kamay.

“Yes, Quezon City. That is why I know how competent TOP Medical Center is and also family doctor namin si Doctor Broillete or should I say Doc Mike” napangiti nalang ako dahil sa kanyang inilahad, ang tatay ni Ernest ang tinutukoy nitong si Cidrick.

“Yeah I know him, he is our senior and the current CEO of TOP Medical Center” nakangiting tugon ko naman.

“Alright, mukhang magkakasundo tayo Doctor Ian. Nice to meet you by the way and please address me as Cidrick or just Wise, don’t call me Mister na ginagawa nitong si Jerico, hindi naman magkakalayo ang edad natin” nakangiting pagkukumpirma nitong si Cidrick bago niya iginala ang kanyang paningin sa paligid na tila may hinahanap.

Bumaling ako ng tingin kay Jerico na kanina pa nagpipigil ng tawa, nilakihan ko ito ng mata na tila itinatanong kung bakit nandito itong si Cidrick.

“Where’s Omar? Hindi siya mahagilap ng mga mata ko, nasaan siya?” ang baling sa akin ni Cidrick at doon sumabat si Jerico.

“Nag tatanim sila ng pinya doon sa pinyahan” tugon nito at doon naman tumango si Cidrick na tila hindi satisfied sa sinagot ni Jerico.

“Flight niya tommorow, tama ba ako?” ang muling wika ni Cidrick na ipinagtataka ko.

“Flight?” pagtataka ring wika ni Jerico at doon tumango ang lalaki.

“Yes flight, hindi pa ba sinasabi ni Omar? I mean he said na this is a secret for his lover. Wala naman dito si Omar at yung lover niya, so walang masama na sabihin ko yung flight niya tommorow” napalunok nalang ako.

“Sa–saan daw siya, sila papunta?” usisa ko rito kay Cidrick.

“He booked a two ticket flight papuntang Batanes, he availed a convenient schedule, kung hindi tommorow ay baka sa Sunday matuloy ang flight nila and I guess this flight is really special to him since I know how sincere his eyes and heart noong pumunta siya sa travel agency na pagmamay ari namin last Friday sa Quezon City” muli akong napalunok.

Ngumiti nalang ako at doon nagsalita “So much for that. May kailangan ka ba Cidrick? Do you need a hand, check up?” pag-iiba ko ng usapin.

Ngumiti ito “Yes, I do have a concern. I just want to clarify something, madami nang doctor ang tumingin sa akin including Doctor Broilette, they have the same diagnosis pero gusto kong malaman kung anong masasabi mo, knowing thay you are the son of Don Benjamin” lahad niya.

“Okay, sit down and tell me kung anong mga symptoms ang nararamdaman mo”

ㅡㅡㅡ

Ala-una ng tanghali.

Nakita ko nalang ang aking sarili na binubuksan ang pintuan ng bahay na tinutuluyan ko.

Hanggang ngayon ay hindi mabura sa isipan ko ang mga inilahad ni Cidrick tungkol sa plano ng pesteng iyon bukas o sa Linggo.

Dalawang ticket papuntang Batanes? Lover ni Omar? Batanes at ang lover ni Omar?

Wala sigurong ideya si Cidrick na ako ang taong dapat niyang hindi pinagsabihan ng sikreyong iyon.

Mas lalo lang akong nagugulumihanan at patuloy ang pagbagabag sa isip at puso ko na hinding-hindi ko ginugusto. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon, ayoko.

Tagumpay kong nabuksan ang pintuan at pagkabukas ko palang ay isang hindi magandang atmospera ang bumalot sa katawan ko.

Bigla nalang akong kinutuban kaya napatingin ako sa sofa.

Tulad ng aking inaasahan ay may lalaki paring balot na balot sa puting kumot.

Doon napalaki ang aking mata ng makita ko ang basag na pinggan na tila may pagkaing hindi naubos, baysak rin ang tubig sa sahig na tila nabitawan ang basong may laman ng tubig.

Mabilis akong humakbang papunta sa unahan ng sofa at doon ko tinaggal ang nakataklob na kumot sa lalaking nakahiga.

“Omar?” ang aking huling salita ng matanggal ko ang taklob sa kanyang katawan.

ㅡㅡㅡ

this chapter is dedicated to Chunlii23

Chapter 17

ㅡㅡㅡ

Stubborn

Earlier at nine-thirty am, sa bahay tanggapan ng prutas.

Pagkatapos ng pagpapakilala ni Cidrick ay doon na niya ginawa ang kanyang sadya rito sa hacienda.

Saglit na umalis si Jerico upang bigyan niya kami ng oras para mailahad ni Cidrick ang kanyang mga sintomas at nararamdaman sa katawan.

“That’s it Doc, that’s what I’m experiencing for almost ten months. A post covid symptoms” ramdam ko ang sakit sa bawat salitang inilahad sa akin ni Cidrick.

Walang tigil ang aking pagno-notes ng mga sintomas na sinabi niya sa akin.

Napalunok ako at doon binalingan ng tingin ang aking notebook kung saan nakasulat ang mga bagay na sinabi ni Cidirick.

“Okay. So basically ang inilahad mo sa akin is a kind of post covid symptoms na nabibilang lang sa kamay ang mga taong may ganyang case tulad mo” una kong paglalahad habang nakatingin parin sa notebook “Sewage, amonia, garbage at rotten garbage” pagbasa ko sa nakasulat “Lahat ng ito ay ang lasa ng pagkaing kinakain mo” segunda kong wika.

Binalingan ko siya ng tingin at doon ito tumango.

“You possessed a post-covid symptom that distorts the senses so that most foods smell and taste like a sewage, rotting garbage, kalawang at imurnal” muli kong wika.

Tumango ito “I actually developed gastritis dahil diyan sa diagnosis na ‘yan, where every single meal that I take, I was throwing up bile. Isinusuka ko lahat ng mga kinakain ko” tugon niya.

Tumango ako “Cidrick. You have Paros–”

“I have Parosmia, right Doc?” ang pagputol niya sa aking sasabihin na tila alam na alam na niya ang tawag sa diagnosis na meroon siya.

Tumango ako bilang tugon, kitang-kita ko ang pangiti niya nang may pait.

“In TOP Medical Center, fifty percent yung reported na nawala yung parosmia nila within three months and I guess you are the patient na tinutukoy ni Doc Mike na may severe case of parosmia for having it ten months and it’s still on going”  ang lahad ko sa kanya.

“And Doctor Mike said that if this still last for a one year, then there’s a chance that I can’t get back to my normal taste” tugon nito sa akin sa malungkot na pananalita.

Tumango ako “I’m sorry Cidrick, but there is no research, there’s no cure for parosmia and the only thing that you have is hope”

“I know all about that Doc. Just like what I said, gusto ko lang marinig yung side mo. I guess you are alright for diagnosing this symptoms that I have” wika niya “Tulad ng sinasabi mong hope, Doctor Ian. I actually find a restaurant slash bakery na palagi kong binabalikan. There’s no cure, but there’s a magic behind the recipe of Chef Jomari” ang nakangiting wika ni Cidrick. 

ㅡㅡㅡ

Ala-una na ng tanghali kung saan natapos ang pagtingin ko sa mga trabahador sa bahay tanggapan ng prutas.

Noong umaga rin pagkatapos ng check up ko kay Cidrick ay umalis na siya, gusto lang daw akong makita nito at ilang beses na akong ipinagmamayabang ni Papang sa kanya.

Sa katirikan ng araw ay tatlong minuto akong naglakad pauwi sa bahay na aking tinutuluyan, ang mga gamit ko naman ay sinadya kong iwan muna roon sa bahay tanggapan dahil may kandado at wala namang manganghas na nakawin ang mga gamit ko.

Nakita ko nalang ang aking sarili na binubuksan ang pintuan ng bahay na tinutuluyan ko.

Hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay hindi mabura sa isipan ko ang mga inilahad ni Cidrick tungkol sa plano ng pesteng iyon bukas o sa Linggo. 

Dalawang ticket papuntang Batanes? Lover ni Omar? Batanes at ang lover ni Omar?  Wala sigurong ideya si Cidrick na ako ang taong dapat niyang hindi pinagsabihan ng sikreyong iyon.

Mas lalo lang akong nagugulumihanan at patuloy ang pagbagabag sa isip at puso ko na hinding-hindi ko ginugusto. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon, ayokong-ayoko.

Tagumpay kong nabuksan ang pintuan at pagkabukas ko palang ay isang hindi magandang atmospera ang bumalot sa katawan ko. Tila bigla nalang akong kinutuban kaya napatingin ako sa sofa.

Tulad ng aking inaasahan ay may lalaki paring balot na balot sa puting kumot na tila isinisiksik ang kanyang sarili sa sofa. 

Doon napalaki ang aking mata ng makita ko ang basag na pinggan na nakapatong sa ibabaw ng lamesita na tila may pagkaing hindi niya naubos, nakatapon rin ang tubig sa sahig na tila nabitawan ang basong may laman na tubig.

Mabilis akong humakbang papunta sa unahan ng sofa at doon ko tinanggal ang nakataklob na kumot sa lalaking nakahiga.

“Omar?” ang aking pag-aalala ng makita kong namumula at basang-basa ng pawis ang kanyang mukha. Ang suot nitong itim na sando ay basa na rin dahil sa pawis ng kanyang katawan.

Napakagat ako ng labi at doon mabilis na pumasok sa aking kwarto upang kuhanin ang isang bagay.

“Ano bang ginawa ng pesteng ‘to” ang aking wika matapos kong kuhanin ang ear thermometer sa isa kong maleta.

Mabilis akong lumabas ng pinto at muling tinumbok ang pwesto ng peste sa sofa. Gamit ang aking kanang kamay ay doon ko inilahad ang ear thermometer sa kanyang kaliwang tenga.

Naghintay lang ako ng ilang minuto bago awtomatikong tumunog ang thermometer, binalingan ko ito ng tingin at binasa ang temperatura ng pesteng ito.

“Thirty-nine degree” nanlaki ang aking mata bago ko ipinatong ang thermometer sa lamesita.

Mabilis kong tinanggal ang telang nakabalot sa katawan ng peste bago ko sinapo ang kanyang noo “Ang init” ang aking wika bago ako muling pumasok sa loob ng kwarto upang kumuha ng medical tissue paper.

Mabilis ko na ring tinanggal sa aking katawan ang doctor gown at ang aking cellphone, ipinatong ko ito sa study table bago muling lumisan sa labas bitbit ang tissue paper.

“Omar” mahinahong pagtawag ko sa nakahigang peste “Omar” muli kong pagtawag at tinatapik ang kanyang braso na may tattoo at namamawis.

Umiiingit lang ito na tila ayaw magpagising “Omar” muli kong tawag ngunit matigas ang kanyang ulo.

Wala akong nagawa kundi punasan ang kanyang basang-basa na ulo at braso gamit ang tissue paper. Ang kanyang buhok ay basa rin na tila galing sa pagligo sa pawis.

“Omar, gumising ka diyan” mahinahon kong wika habang pinupunasan ang kanyang katawan. Dapat siyang magising para makapagpalit ng damit at makainom ng gamot “Omar gumising ka” muli kong tinatapik ang kanyang braso.

Tagumpay ako sa pag-gising sa kanya dahil doon siya nagmulat ng mata “Gising ka Omar, kailangan mong magpalit ng damit” mahinahon kong wika sa kanya habang nakatingin siya sa akin na tila hindi makapaniwalang kinakausap ko siya ng mahinahon.

“I..Ian” hirap nitong wika at pagtawag sa aking ngalan “Ni..nilalagnat…ak..ako, Ian” utal niyang wika habang diretso lang ang tingin sa akin.

Tumango ako “Alam ko, kaya umupo ka muna at magpalit ng damit. Kailangan mong palitan ang damit mo at uminom ng gamot para mabawasan ang init ng katawan mo” mahinahon ko paring wika sa kanya habang nakaluhod sa kanyang kinahihigaan. 

Dahan-dahan itong tumango “Opo” tugon niya na tila siya’y nananaginip.

“Siya, umayos ka ng tayo. Kailangan mong magpalit ng damit” doon na siya natauhan ng inilahad ko ang aking kamay sa kanyang katawan upang tulungan siya sa kanyang pag-upo.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at doon inalalayan ang mainit na katawan ng pesteng ito “Ano bang ginawa mo at mainit ang katawan mo?” pag aalala kong wika sa kanya habang ito’y tinutulungan sa pag-upo.

Hindi ito sumagot sa akin.

Tagumpay siyang nakaupo at doon nakatungo sa aking harapan “Ano bang ginawa mo kagabi? Lumusob ka ba sa ulan? Bakit ka nilalagnat?” ang tanong ko sa kanya habang nakapamewang ang tayo.

Hindi sumagot si Omar at nakatungo lang ito sa aking harapan, tila natauhan nga ito na hindi siya nananaginip kanina.

“Kinakausap kita Omar, anong ginawa mo at ganyan ang lagay mo?” muli kong wika ngunit hindi ito sumagot.

Napailing ako at doon humakbang papunta sa gilid ng sofa kung saan nandoon ang kanyang itim na bag na nakapatong sa sahig. Matapos kong pulutin ay inilipag ko ito sa lamesita bago umaktong kukuha ng pangpalit niyang damit.

“Kailangan mong magpalit ng damit, ako na ang kuku—”

“Ako na” mabilis nitong inagaw sa akin ang kanyang itim na bag para siya ang kumuha ng sariling damit.

Napakunot nalang ang aking noo dahil sa kanyang ikinikilos.

“Kumain ka na ba? Kailangan mong uminon ng gamot bago muling bumalik sa pagtulog” habilin ko rito habang patuloy siya sa maingat na pagkuha ng damit sa kanyang bag “Omar, kumain ka na?” muli kong wika ngunit hindi ako nito sinagot.

Muli niyang inilapag sa gilid ng sofa ang kanyang itim na bag ng makakuha ito ng puting tshirt.

Tumunghay at binalingan ako ng seryoso niyang mukha at doon hinubad sa harapan ko ang itim niyang sando. Wala akong nagawa kung hindi ang umiwas ng tingin dahil sa kanyang ikinikilos ngayon.

Bumaling ako ng tingin sa lamesita kung saan doon nakapatong ang isang platong basag na may pagkaing tila hindi niya nagalaw “’Wag kang hihiga diyan, hintayin mong makainom ka ng gamot bago muling bumalik sa pagtulog” ang wika ko sa kanya habang kinukuha ang basag na pinggan na may lamang kanin at ulam na munggo.

Bitbit ang basag na plato at ang baso ay humakbang ako papuntang kusina upang kuhanan ng maayos na pagkain ang lalaking ito “Sa lagay mong ‘yan nakapagluto ka pa ng munggo?” ang aking wika sa peste.

Nakapatong sa kalan ang isang kalderong may laman na munggo na tiyak siya ang nagluto dahil wala ito noong umalis ako ng umaga.

Kumuha ako ng pinggan at doon naglagay ng kanin bago sumandok ng ulam na munggo. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig bago muling bumalik sa kinapupwestuhan ng pesteng iyon.

Inilapag ko sa lamesita ang aking kinuha sa kusina bago muling balingan ng tingin ang pesteng nakatungo na tila iritado sa aking presensya.

“Ubusin mo ‘yan para makainom ka na ng gamot” una kong wika sa kanya at narinig ko ang kanyang pagpalatak na tila hindi nagustuhan ang aking utos.

Napakunot ako ng noo “Sabi ko ubusin mo ‘yan, para maka—”

“Hindi ako nagugutom”

“Hindi ko tinatanong kung nagugutom ka! Inuutusan kitang ubusin ‘yan para makainom ka ng gamot!” inis kong hiyaw sa kanya kaya bumaling ito sa akin ng tingin suot ang tila naiinis din.

“Hindi nga ako nagugutom” seryosong tugon niya sa akin at napailing ako.

“Ubusin mo ‘yan, para makainom ka ng gamot” kinakalma ko ang aking sarili dahil ayaw kong mabagot sa kanyang ikinikilos.

“Sabing hindi nga ako nagugutom, ang kulit mo naman” dahil sa sinabi nito ay muling umusok ang tenga ko.

“Lintik! Hindi ko nga tinatanong kung nagugutom ka! Ang sabi ko kainin mo ‘yan para makainom ka ng gamot! ‘Wag mo akong paandaran ng kaartehan mo Omar! Hindi ikaw ang dapat na mainis at magalit dito! Ako! Ako ang dapat na nagagalit dahil binibigyan mo pa ako ng responsibilad! Ilang beses ko nang sinabing umalis ka rito dahil hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ang presensya mo!” una kong hiyaw at saglit na huminga.

“Pero ito ikaw? Ikaw ang makulit na tila bingi at walang naririnig! Harap-harapan na ang ginagawa kong pagtataboy sa ‘yo pero matigas parin ang bungo mo! Ano ba!? Ako ang nahihirapan dito! Kaya putangina! Makinig ka sakin dahil responsibilad kita! ‘Wag mo akong artehan ng tulad nang ginagawa mo rati! Hindi na ako ang Ian na kaya pang tiisin ang kaartehan mo tuwing nagkakasakit ka! Kainin mo ‘yan para makainom ka ng gamot!” ang tuloy-tuloy kong pagsabog sa harapan niya.

Wala itong sinabi ngunit nasaksihan ko nalang ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mata bago siya tumungo at doon sinimulang kainin ang hinahin ko sa kanya.

Napailing nalang ako bago humakbang papasok sa loob ng kwarto upang kumuha ng gamot na kanyang iinumin.

Habang kumukuha ako ng gamot ay doon ko nalang naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata “Napakakulit kasi, daig pa ang bata sa sobrang kapilyuhan” ang aking wika dahil tuwing nagkakasakit ang pesteng ito ay tumitigas ang kanyang ulo.

Ako, isa ako sa mga taong kayang tiisin ang katigasan ng ulo ng pesteng iyon tuwing nagkakasakit siya dati. Kung hindi pa ako iiyak sa harapan niya ay hindi siya susunod sa mga utos ko.

Hindi ko napigilan sumabog sa kanyang harapan dahil hinding-hindi ko na siya iiyakan para lang sumunod sa utos ko.

ㅡㅡㅡ

Alas-syete ng gabi sa bahay nila Ian at Omar.

“Well in that case that is just a very early labor constraction or false labor” ang wika ng Papi ni Ernest na si Doctor Elie na asawa ni Doctor Mike.

“Yes Doc Elie” tugon ko sa kanya sa kabilang linya ng telepono. habang tumatango at nakabaling ang tingin sa nag-aalalang mukha ni Caloy.

Nandito kami ngayon sa kusina dahil habang inaayos ko ang dinner ng pesteng nakaupo sa sofa ay doon nalang pumunta si Caloy at ibinalitang sumasakit ang tiyan ni Regina.

“Did you bring Morphine? May dala ka ba, Ian?” rinig kong wika ni Doc.

“Babi, whose that?” rinig kong pagtawag ni Doctor Mike sa kabilang linya.

“Si Doc Ian, may early labor yung friend niya” tugon ni Doc Elie.

“Morphine, tell him na to give morphine sa friend niya”

“I know, kasasabi ko lang. ‘Wag ka munang magulo diyan” suway naman ni Doc Elie sa pasaway niyang asawa “Back to you Ian, may dala kang morphine?” muling pagbaling niya sa akin.

“Yes Doc, meron po” tugon ko naman.

“Good job, now go give her a morphine. Pasabi na good luck sa kanyang active labor” habilin niya sa akin.

“Noted Doc, thank you”

“Alright, bye Ian” huling wika ni Doc Elie bago namatay ang tawag.

Bumaling ako ng tingin kay Caloy “Tara, baka sigaw na ng sigaw ang asawa mong luka-luka” pagpapagaan ko sa kanya ng loob dahil kanina pa siya kinakabahan.

Tumango naman ito at doon mabilis na humakbang papalabas ng bahay “Una na kami, Omar. Pagaling ka diyan para may lakas ka bukas sa birthday mo” pagpapaalam ni Caloy sa kanya.

Ang pagkaing hinanda ko na nakapatong sa lamesa ay doon ko dinala papunta sa lamesita sa harapan ng peste kung saan prenteng nakaupo habang nanonood ng telebisyon.

Nakatingin lang ng seryoso ang pesteng ito sa akin nang mailapag ko ang kanyang kakainin, ginisang mais na may malunggay ang niluto ko para sa kanya.

Seryoso rin akong bumaling ng tingin sa peste “Kainin mo ‘yan at pagkatapos ay inumin mo ‘tong gamot” malumanay kong habilin sa kanya at tumango naman siya.

“Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi, magpapahatid nalang ako kay Caloy pabalik dito sa bahay” wika ko pa rito at muli siyang tumango “Doon ka na sa kwarto matulog, ‘wag diyan sa sofa” segunda kong wika na tila ikinagulat niya.

“Sa kwarto?” hinihingal parin nitong wika.

Tumango ako “Oo, kaya kumain ka na diyan at inumin mo ang gamot mo” wika ko sa kanya at doon ko nakita ang kanyang pagngiti.

Hindi ko na ‘yon pinansin at humakbang ako papasok sa loob ng kwarto upang kuhanin ang Morphine na makababawas sa sakit na nararamdaman ni Regina.

Isinuot ko rin ang puting jacket dahil malamig na ulit ang klima, sadya kong inilapag ang cellphone sa study table dahil hindi ko na naman iyon kakailanganin pa.

Bitbit ang syringe at morphine ay mabilis na akong lumabas ng kwarto at tinumbok ang daan papalabas ng bahay at sumakay sa motorsiklong dala-dala ni Caloy. 

ㅡㅡㅡ

this chapter is dedicated to yourshawn

Chapter 18

ㅡㅡㅡ

Batanes

2012 Nine Years Ago

Alas-otso palang ng umaga ay lantad na lantad na ang paghaharutan at landian naming dalawa ni Omar.

Katatapos lang namin kumain ng umagahan at nandito na kami ngayon sa sofa habang nag-uusap ng kung ano-anong mga bagay.

Puro pagmamayabang ang kanyang ikunukwento na kung paano siya hindi umiyak noong tinulian siya, sa edad na sampu ay tuli na raw siya at matured.

Wala akong ibang ginawa kundi tawanan ang kanyang kayabangan sa katawan at pananalita, sanay na sanay na ang aking tenga sa mga kayabangan niya sa buhay na kahit sukat ng aming mga ari ay pinagtatalo niya, na kesyo mas malaki at mataba raw ang kanya.

“Pero bukod sa mga plano natin sa future, gusto ko munang mag road trip tayo at saan tayo pupunta? Saan pa kung hindi sa dream destination and vacation mo Bal!”  dahil sa kanyang sinabi ay mabilis ko siyang niyapos habang nakaupo kami sa sofa.

“Yown! Tama! Pupuntahan natin ang dream vacation ko, ang dream destination ko!” galak na galak kong wika sa kanya. 

“Saan ang dream vacation mo, Bal? Edi sa Korea!” dahil sa kanyang sinabi ay mabilis kong inalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Ay?” umagwat ako ng upo sa kanya papuntang kanan dahil mali ang kanyang sinabi.

“Joke lang, biro lang. Siyempre sa Thailand!” dahil mali parin ang kanyang sinabi ay binalingan ko siya ng matalim na paningin.

Tumawa ito bago muling lumapit sa akin at sapilitang niyakap “Alam ko naman talaga, Bal. Binibiro lang kita” ang wika niya habang hinahalikan ang aking ulo “Ang layo ko masyado, eh ang gusto mo lang naman na puntahan natin ay nandito lang sa Pilipinas. Sa Batanes, Basco Batanes!” dahil sa kanyang huling wika ay napangiti ako.

Sinuklian ko naman ang kanyang pagkakayapos at doon nagwika “Tama pupunta tayo sa Batanes. Pagmamasdan natin ang dulong bahagi ng Pilipinas ang malawak na karagatan, ang famous honesty store at ang Basco lighthouse” iwinawagayway ko ang aking kamay sa ere na tila doon iniimagine ang aming gagawin sa Batanes.

Rinig ko ang mahinang halikhik ni Omar habang patuloy na hinahalikan ang aking ulo.

“Kaya ngayon palang, Bal. Pag-iipunan na nating dalawa at dapat hati tayo sa ticket na bibilhin natin papuntang Batanes. Hindi tayo kukuha ng sponsor, dapat galing sa bulsa at pinaghirapan natin ang pambili natin sa ticket” ang nakangiti kong wika at doon ito umiling.

“Hindi Bal, ako na ang bahala sa ticket. Gusto ko ako ang unang taong magdadala sa ‘yo sa Batanes” pagmamayabang na naman niyang wika.

“Ang yabang mo na naman, pero okay sige. Gusto ko surpresahin mo ako na may ticket ka na papuntang Batanes ha, yung bukas agad para masaya at thrilling!” suhestiyon ko sa kanya at doon namin niyakap ng matindi ang isa’t-isa.

“I love you, Bal” ang bulong nito sa aking tenga.

“I love you too, Bal” tugon ko naman rito at binigyan ng mabilis na halik sa kanyang labi.

“Bal, wag mo akong iiwan mag-isa ha”

ㅡㅡㅡ

2021, Alas-dyis na ng gabi sa bahay nila Omar at Ian.

“Basco, Batanes Airport” nakaupo ako sa sofa habang hawak-hawak ang dalawang papel. Ilang minuto ko nang pinagmamasdan at patuloy na binabasa ang dalawang ticket na ito kung saan nakaschedule ang flight bukas o sa Linggo “Ano bang plano ng pesteng ito? Nahihirapan na ako” inilapag ko ang dalawang ticket sa lamesita at doon ko sinapo ang aking noo dahil tila ako’y nakararamdam na ng pagod.

Kauuwi ko lang galing sa bahay nila Regina, hindi ako lumisan sa kanilang tahanan hanggat hindi tumitigil ang pagkirot ng tiyan ng babaeng iyon na tila bukas ay manganganak na.

Pagkapasok ko palang dito sa bahay ay ito na agad ang inusisa ko, dahil kanina palang umaga ay patuloy ang pagbagabag sa akin ng mga inilahad ni Cidrick tungkol sa flight ng peste papuntang Batanes.

Hindi nga ako nagkakamali dahil nasa harapan at nahawakan ko ang ticket na sinasabi ni Cidrick “Bukas, Batanes, Check-up, Ernest, hindi ko na alam” tila frustrated kong wika dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bigla nalang muli pumasok sa aking isipan yung nangyari noong Martes kung saan may ipinapahiwatig ang pesteng ito sa akin.

“Ian, anong plano mo sa Sabado? Huling araw mo ‘yon dito diba? Kung pwede sana ay makasama at ma-solo kita kahit isang araw lang bago ka muling bumalik doon sa Manila”

“Anong pinagsasabi mo?”

“Alin? Yung ready ako sa handaan? O yung kung pwede sana makasama kita kahit isang araw lang bago ka umalis––”

“Ang sabi ko anong

pinagsasasabi

mo? Paano mo nasasabi ‘yan sa harapan ko? Makasama sa isang araw? Excuse me? Alam mo ba ‘yang mga salitang sinasabi mo? Yung sarili mo na naman ba ang iniisip mo? Hindi mo ba nararamdaman na hindi ako interesado?”

“Ian…ano..baka nakakalimutan mo kung anong meron sa Sabado, kaya….ah..sana humihiling ako sa ‘yo na kung maari na ano, na pwedeng makasama ka bago ikaw bumalik sa Manila”

Minamasahe ko ang aking ulo dahil sumasakit lang ito “Pinapahirapan mo ako, Omar” ang aking wika.

Nasa ganoon akong pwesto ng marinig ko ang aking cellphone na tumutunog sa kwarto tanda ng may tumatawag dito.

Mabilis kong ibinalik ang dalawang ticket sa itim na bag ng peste bago ako nagdesisyong humakbang papunta sa loob ng kwarto kung saan may pesteng natutulog sa kama.

Dim light ang ilaw sa kwarto dahil hindi ganoon kaliwanag ang bumbilyang nandito.

Nakatalikod ang pesteng ito sa akin at doon nakaharap sa kaliwang dingding, tiyak na tulog ito dahil rinig ko ang kanyang mahihinang paghilik.

Humakbang ako papunta roon sa study table para tingnan kung sinong tumatawag. Mabilis ko itong sinagot ng makitang naka flash sa screen ang pangalan ni Ernest.

“Pinagtitripan mo ba ako?” ito ang kanyang bungad sa kabilang linya.

“Hello? Anong pinagtitripan?” tugon ko rito habang nakabaling ang aking tingin sa nakatalikod na peste.

“Nakailang tawag ako sa ‘yo, sinagot mo pero tanging spaghinga mo lang ang naririnig ko. So pinagtiripan mo ako? Tawag ako ng tawag sa pangalan mo, pero walang sumasagot” paglilinaw nito sa akin na ipinagtataka ko.

“Anong oras ka tumawag?”

“Around eight thirty” tugon niya kaya napakagat nalang ako ng labi, hindi ako nakasagot “Don’t tell me na ang gago mong ex ang sumagot sa mga tawa—”

“Baka napindot ko lang Ernest, nag checheck up ako ng pasyente that time” pagputol at pagsisinungaling ko sa kanya.

Batid kong nagtataka na ang kanyang mukha at kung nasa harapan ko lang ito ay binabasa na niya ang mga mata ko.

“Talaga lang ha?” pagaalinlangan niyang tugon “’Wag ko lang malalaman na kasama mo ‘yang gago mong ex. Hindi mo alam ang magagawa ko sa kanya kapag nakita ko ang pagmumukha niya bukas” ramdam ko ang inis at galit sa kanyang pananalita.

Wala akong naitugon kundi “Ano ka ba naman Ernest”

“Anong ano ka ba naman? Babasagin ko ang pagmumukha ng ex mo na kung paano niya basagin at pagtripan ang puso mo. Tatanggalan ko ‘yan ng ngipin tulad ng mga nangbastos sa ‘yo sa America” tila gigil na gigil na wika ni Ernest at napakunot nalang ang aking noo.

“Subukan mo lang gawin ang mga ‘yan bukas, baka sa ‘yo ko gawin ang mga sinasabi mo” ang aking wika na tinawanan niya.

“So pinagtatanggol mo?” makahulugang wika nito at ako’y umiling habang nakabaling parin ang tingin sa pesteng natutulog.

“Hindi, ayoko lang mapahiya sa mga tao rito sa hacienda. Kaya ‘yang pagiging bayolente mo ay ilugar mo” paglilinaw ko rito at muli siyang tumawa.

”So pinagtatanggol mo nga talaga, don’t tell me Ian na nahulog ka na sa mga patibong niya. Ano minamahal mo na ba u—”

Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihihn ng doon ko na pinatay ang telepono.

Muli nalang akong napasapo ng noo bago muling inilapag ang aking phone sa study table “Ang daming nangyari ngayong araw” ang mahina kong wika sa boses na pagod na pagod.

Humakbang ako papalabas ng kwarto at doon tinumbok ang daan papunta sa banyo upang linisin ang katawan.

ㅡㅡㅡ

Alas-dose ng hatinggabi at kasalukuyan na akong nakahiga sa kama rito sa loob ng kwarto.

Sinadya kong patayin ang ilaw dahil pumapasok dito sa kwarto ang liwanag mula sa buwan, kaya kitang-kita ko ang pintuan kung saan nakaharap ako sa kanan.

Magkatalikuran kaming dalawa ng pesteng ito na tila tulog na tulog sa kanyang pwesto. Hindi ko na nagawang magkumot dahil hindi ako nilalamig sa mga oras na ito.

Alas-dose na, ibig sabihin ay kaarawan na ng pesteng ito. Hindi ko ba maintindihan yung sagot na sa tuwing siya ay magdidiwang ng kaarawan, kinabukasan ay nagkakasakit siya.

Sa tuwing nagkakasakit ang pesteng ito ay tumitigas ang kanyang ulo na kayang-kaya kong tiisin noong mga binata pa kami.

Dumadating sa punto na hindi talaga siya nakikinig sa mga sinasabi at inuutos ko kahit na ilang beses ko siyang sigawan, sumusunod lang siya kapag alam niyang paiyak na ako.

Mahirap pakisamahan ang lalaking ito tuwing nagkakasakit siya na kahit sila Tito Franco at ang kanyang ina ay hirap na hawakan ang pesteng ito tuwing may lagnat.

Ako, ako lang ang taong kayang tiisin at hawakan ang kanyang kaartehan tuwing nagkakalagnat siya. Ako lang ang taong kayang asikasuhin ang pesteng ito tuwing nagkakasakit siya, ako lang.

Kaya hindi ko alam kung bakit ko itinatanong sa aking sarili kung sinong nagaasikaso sa pesteng ito tuwing nagkakasakit siya sa mga nakalipas na taon.

Tiyak na kaya naman niya ang sarili niya dahil nakapagluto nga siya ng munggo noong tanghali.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng maramdaman ko nalang ang mga bisig ng pesteng ito na ipinupulupot sa aking katawan. Ang kanyang mukha ay pilit na isinisiksik sa aking leeg, ang katawan niyang dumadampi na sa aking mainit na katawan.

Ramdam ko ang paghalik niya sa aking batok na alam kong gising siya sa mga oras na ito. Imbis na ako’y mag protesta at magalit ay doon nalang sumilay sa aking labi ang ngiti.

Ang halos ilang taon na paninigas ng aking puso ay ramdam kong natutunaw ng paunti-unti dahil ngayon nalang ako muli nakaramdam ng pagyakap katulad nito.

“Pasensya ka na Ian, pasensya na kung binibigyan pa kita ng responsibilad” batid kong lumuluha ang pesteng ito dahil rinig ko ang mahihina niyang paghikbi.

“Matulog ka na Omar, bukas na tayo mag-usap” ang aking wika at doon ko mas naramdaman ang paghigpit ng kanyang pagkakayakap.

“Salamat, Ian. Salamat”  

ㅡㅡㅡ

Chapter 19

ㅡㅡㅡ

Last Day

2012 Nine Years Ago

“Pagdating ng araw ang iyong buhok ay puputi na rin, sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin. Ang nakalipas ay ibabalik natin, ipapaalala ko sa ‘yo ang aking pangako na ang pag-ibig ko’y lagi sa ‘yo, kahit maputi na ang buhok at bulbol ko” hindi ko alam kung matatawa o kikiligin ako sa lalaking katabi ko.

Nandito kami ngayon sa bagong tambayan namin dito sa ilalim ng puno ng mangga na kung saan ay nasa harapan namin ang isang sapa na sobrang linaw ang rumaragasang tubig. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa bahay na tinutuluyan namin.

Ipinagmamayabang ng lalaking ito sa akin na may tula raw siyang ginawa na alam ko namang kinuha niya lang sa internet ang lyrics ng kantang ito.

Patuloy lang ako sa pagkain ng pakwan habang natatawa na akong nakabaling ng tingin sa tila seryosong lalaking tumutula habang hawak-hawak ang puting papel.

Naring niya ang mahina kong pagbungisngis kaya bumaling ito sa akin “Tinatawanan mo ba ako, Bal?” seryosong wika niya.

Tumango ako habang kinakain ang isang slice ng pakwan.

“Bakit mo ako tinatawanan?” wika pa niya sa seryosong boses.

Nilunok ko muna ang pakwan bago ako nagsalita “Ikaw ba talaga ang gumawa ng tulang ‘yan? Hindi ba’t paboritong kanta ni Mamang ang tinutula mo, baka multuhin ka niya mamaya dahil binabastos mo ang paborito niyang kanta” ang wika ko sa kanya.

Inabot ng ilang segundo bago nagproseso sa utak niya ang aking sinabi. Ngumiti ito bago doon nilukot at binato sa likuran ang papel na naglalaman ng lirikong kantang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

“Parang ang sarap ng pakwan na kinakain mo, Bal. Subuan mo nga ako” patay malisya niyang wika at doon niya inalapit ang kanyang mukha sa akin para ito’y subuan ko ng pakwan.

Napangiti nalang ako at doon umiling “Pasaway ka talagang lalaki ka” natatawa kong wika sa kanya bago ko isinubo ang isang slice ng pakwan na kinuha niya roon sa taniman kanina.

“Bal” pagtawag niya sa akin at doon umayos ng upo sa aking tabi.

“Bakit?” tugon ko habang nakatingin sa sapa na nasa harapan namin.

“Hindi ko nasigurado sa ‘yo yung isang tanong na gusto kong masagot mo” ang tila seryosong wika nito.

Bumaling ako sa kanya ng tingin “Ano naman ‘yan?” tugon ko sa kanya.

Nasaksihan ko ang kanyang pagngiti ng matamis “Bal, sa mga susunod na panahon, gusto mo bang magkaroon tayo ng anak?” wika niya.

Tumango naman ako “Sino bang hindi gusto? Siyempre naman, Bal. Gusto kong magkaroon ng anak” tugon ko sa kanya at mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti.

“Ilan ang gusto mo?” wika niya.

“Siyempre, isa muna, Bal. Sa ‘yo palang ay hirap na hirap na ako, paano pa kaya kapag dose-dosena ang anak natin? Kaya isa lang muna” tugon ko sa kanya na ikinatawa nito.

“Grabe ka naman sakin, Bal. Tuwing nagkakasakit lang naman ako mahirap pakisamahan, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit parang nagbabago ang ugali ko kapag nilalagnat ako” tugon niya “Kaya nga ang swerte ko kasi may isang Ian na nagtitiis sa ugali ko, hindi ko na alam kapag nawala ka tapos nagkaroon ako ng sakit” segunda naman niya at doon ko iginayak ang aking braso para siya ay yakapin.

“Sino bang may sabing iiwanan kita? Hanggat hindi mo sakin sinasabi na hindi mo na ako mahal at hindi mo na ako kailangan ay hindi ako aalis sa tabi mo” pagpapagaan ko sa kanya ng loob.

“Pero balik tayo sa usapang anak, anong gusto mo, Bal? Babae o lalaki?” wika niya.

“Lalaki tapos pwede rin siyang maging bakla, pero bahala siya kung anong gusto niya” tugon ko naman sa kanya at ito’y tumango.  

ㅡㅡㅡ

2021, Alas-otso ng umaga sa kwarto ng bahay nila Ian at Omar.

Nakatayo ako rito sa gilid ng kama habang binabalingan ng tingin ang mga picture frame na nakakabit sa paanang bahagi ng kama rito sa kwarto. 

Habang ako’y naguunat ay doon ako nagbabalik tanaw sa mga masasayang ala-ala naming dalawa ni Omar sa bawat litratong kuha sa aking kamera

Nandito ang larawan namin ni Omar habang kami ay naka-upo sa bago naming bili na sofa.

Ang larawan namin kung saan kumakain kaming dalawa ng pakwan habang nasa ilalim ng puno ng mangga, ganoon din ang larawang hawak-hawak niya ang gitara.

At isang larawan kung saan magkadikit ang amin noo at doon matamis ang pagkakangiti habang magkatitigan ang aming mga mata.

Napapailing nalang ako dahil sa mga masasayang senaryong iyon na tila hindi na maibabalik pa.

Habang patuloy ang aking pagbaling sa mga picture frame ay naalala kong muli ang unang beses na tumuntong ulit ako rito sa aming kwarto, kung saan tinatanong ko siya kung bakit nakadikit parin ang mga larawang ito.

“Bakit hindi mo pa

inaalis

ang mga

basurang

‘to?”

“Hindi siya mga

basura

sa akin Ian. Dahil mga

kayaman

ko ‘yan, kasiyahan ko ‘yan, buhay ko ‘yan at iyan nalang ang tanging

alaala

nating dalawa noong

magkasama

at masaya pa tayong dalawa”

“Wala namang nagbago sa kanya, wala namang ipinagbago si Omar. Makulit parin siya, hambog at mayabang” ang aking wika sa peste habang nakatingin parin sa picture frame.

Saglit itong umalis dahil may bibilhin daw siya, tiyak na pabalik na rin ito dahil trenta minutos na ang nakalilipas mula noong umalis siya.

“Ano kayang mangyayari mamaya?” pagkausap ko sa aking sarili dahil ibinaba ko na ang aking watawat. Sinabihan ko ang pesteng ito kagabi na mag-uusap kami ngayong araw tungkol sa bagay na nagpapahirap sa akin ngayon “Bahala na, go with the flow nalang” ang tila hindi ko siguradong wika.

Umaga palang ay batid na batid ko na ang kasiyahan sa mukha ng pesteng iyon, tulad ng aking inaasahan ay wala na siyang sakit at hindi na siya nilalagnat. Kaarawan niya ngayon at alam kong masayang-masaya siya.

Ang aking pagkakangiti ay napalitan ng bagabag dahil ngayong araw na pala ang huling pamamalagi ko rito sa hacienda “Bahala na talaga” muli kong wika.

Nasa ganoon akong pwesto ng maramdaman ko nalang ang pagtakip ng mga kamay ng lalaki sa aking mata, hinawakan ko ito at doon nagwika “Omar, tigilan mo ang kapilyuhan mo. Umagang-umaga” ang natatawa kong wika.

Hindi ito sumagot.

Bigla nalang rumehistro sa aking ilong ang isang pamilyar na amoy “Omar? Sinong Omar ang sinasabi mo?” boses palang ay alam ko na kung sino ang lalaking nasa likuran ko.

Inalis ko ang kanyang kamay sa aking mata at doon dahan-dahang bumaling ng tingin sa lalaking nasa likuran ko.

“Ernest” pagtawag ko sa kanyang ngalan.

Seryoso ang kanyang mukha na ibanabaling sa akin “Sino si Omar? Akala mo ako si Omar?” wika niya at doon ko kita ang kanyang pagbaling sa mga litratong nakakabit sa ding-ding.

Tumango ito na tila iniintindi ang mensaheng gusto kong iparating “Omar pala ha” makahulugang wika niya at doon ito bumaling sa akin nang nakangisi “Nandito na ako, Ian. Bakit parang hindi ka masayang nandito na ako?” segunda niyang wika.

Nakasuot ang lalaking ito ng itim na polo na bumabakat sa kanyang maskuladong katawan.

Napangiti nalang ako ng mapait “Bakit hindi mo ako tinawagan? Para nasalubong kita roon sa mansyon sa labasan” ang wika ko rito at ito’y umiling.

“Bakit? Kung tinawagan ba kita, lalabas ka roon sa mansyon? Eh ang layo-layo ng mansyon papunta rito sa bahay niyo ni Omar” may diin ang kanyang wika sa huling salita.

Sasagot palang ako ng may lalaking dumungaw sa pintuan “Bal, may tatlong Doctor na naghahanap sa ‘yo sa laba—‘yan na pala eh” naputol ang kanyang sasabihin ng makita niyang nasa harapan ko ang isang lalaki.

Kitang-kita ko ang panlilisik sa mga mata ni Ernest nang mabatid niyang nasa likuran nito ang lalaking hinahanap niya. 

Napalunok ako bago bumaling sa pesteng nasa pintuan “Omar” ang makahulugan kong pagtawag sa kanyang ngalan at doon sinesenyasan ng aking mata na umalis muna siya rito.

“May problema ba, Bal?” tila gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa paraan ng pagtawag sa akin ng peste.

Bumaling akong muli ng tingin kay Ernest at doon siya nakangisi na tila may kagaguhang gagawin.

“Do pack your things now, Ian. I’m with Nurse Mylo and Kylo and after we finish our mission here, we’re going home without any hesitation” seryosong wika niya sa akin at doon siya tumalikod bago humakbang papalabas ng kwarto.

Napakagat nalang ako ng labi ng doon niya banggain si Omar na nakaharang sa pintuan. Hindi naman nagprotesta pa ang pesteng ito at doon lumapit papunta sa akin “Kain na tayo, Bal. Binigyan ako ng libreng sopas at batchoy ni Aling Selya” nakangiting wika nito.

Napangiti nalang ako at tumango.

“Siya ba yung si ano…si Ernest? Yung nakasama mo sa Amerika?” pagtatanong niya at doon ako muling tumango “May itsura naman siya, matangkad at tiyak na may maipagmamalaki. Sadyang magaspang lang siguro ang ugali, binangga ba naman ako nang hindi nagpapakilala” sumbong niya sa akin at napangiti nalang ako.

“Ganoon talaga siya, hayaan mo” pagpapagaan ko ng loob rito.

Umiling ito “Ganoon talaga siya? O ganoon siya sa mga taong kinamumuhian niya, halatang may galit sa akin ang kaibigan mong ‘yon” seryosong wika niya.

“Tara na, kain na tayo. Para makapagsimula na kami” wika ko rito bago humakbang papalabas ng pintuan.

ㅡㅡㅡ

Alas-dyis ng umaga sa bahay tanggapan ng prutas.

“Magandang umaga po sa lahat, labis po ang aking pasasalamat sa inyong pakikiisa sa ating check up program sa mga nagdaang araw” ang aking wika sa mikropono sa harapan ng halos nasa isang daan at humigit na kataong nandito sa loob ng bahay tanggapan na ngayon ay maayos ang kanilang pagkakaupo sa nakahilerang upuan.

Nandito kami ngayon sa unahang bahagi ng bahay tangappan kung saan nasa harapan namin ang mahabang lamesa na may laman ng iba’t-ibang gamot, bitamina at ilang maintenance na aming ipamamahagi sa mga trabahador dito.

Tanaw na tanaw ko rito ang mga trabahador mula sa iba’t-ibang bahay tanggapan na tiyak ay sinunod ang habilin ko sa kanilang pumunta rito ngayong sabado.

“Kung inyo pong nababatid ang presensya ng isang doctor at dalawang nurse na nasa inyong harapan, sila po ay galing din sa TOP Medical Center at nandito po sila para ako’y tulungan at kayo rin ay tulungan sa inyong mga kalusugan” nakangiti kong wika.

Bumaling ako sa kaliwang bahagi upang ipakilala ang dalawang nurse na nakasuot sa kanilang puting-puting uniporme “Nandito po si Nurse Kylo at Nurse Mylo na handang maglingkod at sagutin ang inyong ilang katanungan tungkol sa inyong kalusugan” ang aking pagpapakilala at doon kumaway ang dalawang nurse, bago nagpalakpakan ang mga trabahador.

Bumaling naman ako sa kanan kung saan nakasuot na rin siya ng doctor gown tulad ko “Ito naman po si Doctor Ernest at kung inyo pong tatanungin ay isa siya sa mga pinakamahuhusay na Neuroseurgon Doctor sa aming ospital, kaya kung may dinadaing po kayong problema sa utak at inyong nervous system ay ‘wag po kayong mahihiyang  lumapit sa kanya” ganoon din ang palakpakan ng mga trabahador matapos kong ipakilala si Ernest.

Humakbang papalapit ang lalaking ito sa akin at doon inagaw ang mikropono na hawak-hawak ko at tiyak na siya ay pormal na magpapakilala.

“Magandang umaga po sa inyong lahat rito sa Hacienda, maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap. Pormal po akong magpapakilala sa inyo, ako po si Doctor Ernesto Broillete Buenaobra at isang neurosurgeon doctor. Hindi ko po ipagmamalaki ang aking sarili, ngunit gusto ko lang pong ipabatid sa inyo na hindi mangyayari ang programang ito kung wala ang pinakamahusay at pinakamabait na si Doctor Ian Montealegre” napangiti naman ako sa sinasabi nitong si Ernest.

Nagpalakpakan ang mga trabahador kaya napangiti nalang ako.

“Si Doctor Ian po ang pinaka bukal ang loob sa mga doctors na nakilala ko. Sa katunayan ay meroon po siyang foundation sa ospital kung saan tumutulong sa mga pasyenteng gipit sa kanilang pangbayad” wika pa nito na rinig ko ang pagkamangha ng ilang trabahador “Kaya labis po ang pasasalamat natin para sa pambihirang programang ito” muli namang nagpalakpakan ang mga trabahador.

“Kung inyo pong tatanungin ay ako po ang lalaking kasa-kasama ni Doctor Ian magmula noong lumipad siya sa Amerika, kaya kilalang-kilala ko po ang lalaking ito” napabaling ako ng tingin kay Ernest na nakangiting nagsasalita “Alam ko po na bukal talaga ang loob nitong si Ian, kilala ko po siya kapag nagsisinungaling, kapag nasasaktan at kapag nagmamahal” napalunok nalang ako sa mga salitang ibinibigkas ni Ernest.

“Sa katunayan po niyan ay huling araw na po ni Ian hindi lang dito sa hacienda kundi sa lupaing Pilipinas” rinig ko ang pagtataka ng mga trabahador na nakaupo sa harapan.

Napakunot din ang aking noo sa mga pinagsasasabi ng lalaking ito.

“Naatasan po kami ng CEO ng TOP Medical Center na magkaroon ng misyon sa Ukraine upang tulungan at abutan ng tulong kamay ang mga taong may problema sa kalusugan, aabutin po ito ng tatlong taon bago kami muling lumipad pabalik sa Amerika upang hawakan at patakbuhin ang branch ng TOP Medical Center na hindi ko po alam kung ilang taon kami mamalagi roon” ang pagsisinungaling ng lalaking ito.

Bumaling ito ng tingin sa akin at doon ngumisi, napailing nalang ako dahil alam kong para isang taong nasa likuran ko ang mga salitang binanggit ni Ernest.

Humakbang ako papalapit kay Ernest upang kuhanin ang mikropono.

“Huwag po kayong maniwala rito kay Doc Ernest dahil nagbibiro lang siya” ang natatawa kong wika na ikinangiti naman ng trabahador “Ngunit hindi po nalalayo ang kasiguraduhan na muli kaming lumipad sa ibang bansa dahil madalas po kaming nagkakaroon ng mga medical mission na ibinibigay sa amin ng nakatataas” pagkukumpirma ko sa kanila at doon ito tumango.

Umayos ako ng tayo at doon nagsalita sa huling pagkakataon “Muli, ito po ang huling araw ng misyon ko rito sa hacienda kaya huwag na huwag po kayong mahihiyang lumapit sa amin para tulungan ang inyong problema sa kalusugan. Maraming salamat po” ang huli kong wika sa kanila bago na nagsimula ang huling araw ng programa.

ㅡㅡㅡ

Ala-una ng tanghali sa bahay tanggapan ng prutas.

Nagdaan na ang ilang oras ng aming pamamahagi ng gamot at pagtingin sa ilan pang kalusugan ng mga bumalik na trabahador dito sa aming programa.

Nandito kami sa unahang bahagi ni Ernest habang kaharap ang isang upuan kung saan doon umuupo ang pasyente, nasa gilid namin ang mga gamot na ibinibigay rito.

Ang dalawang nurse na si Nurse Kylo at Mylo naman ay patuloy ang kanilang pag-iikot habang may dala-dalang written board at ballpen na patuloy ang kanilang pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan ng ilang mga trabahador.

Katatapos lang din namin mag pahinga at kumain ng tangalian na inabot nila Jerico at Caloy kanina. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang peste ay nasa likod ko ito na parang body guard na naman. Nakasuot ito ng pulang t-shirt na sinigurado pa ang aking pagsang-ayon kung dapat ba niyang suotin ito.

“Ay siya, maligayang bati sa ‘yo Omar” ang pagbati ni Mang Bernie na kasalukuyang nakaupo sa harapan ko.

“Maraming salamat po” ang tugon ng lalaki sa likuran at napangiti nalang ako.

“Wala bang painom diyan? Huling araw na ni Senyorito Ian dito, anong plano mo?” ang natatawang wika ng matanda.

Napailing ako “Parang noong isang araw lang na sinabihan ko kayo Mang Bernie na bawasan ang inyong pag-iinom, ito kayo ngayon at nagyayang mag-inom” ang wika ko sa matanda at napatawa naman ito.

“Biro lang ‘yon Senyorito, masyado niyo naman akong sineseryoso” ang natatawang wika ng matanda kaya napangiti nalang ako.

“Narinig niyo ‘yon Mang Bernie? Kaya bawal na tayong mag-inom, nakasasama sa kalusugan at atay natin ang alkohol” ang wika naman ni Omar sa likuran bago ko ipinagpatuloy ang aking pagtingin sa kanya.

Inabot lang ng ilang minuto ang pagtingin ko kay Mang Bernie ng tuluyan na siyang umalis at doon bitbit ang ibinigay kong maintenance sa kanyang baga at atay. 

“Ayos ka pa, Bal? Hindi ka pa pagod” ang usisa ng lalaking ito sa aking likuran habang doon minamasahe ang aking likod. 

“Hindi pa” tugon ko naman at napangiti nalang ako.

“Isa sa pinaka-ayaw ni Doctor Ian sa pagtingin niya sa pasyente ay ang may umiistorbo sa kanya, hindi ba’t nakababastos ang ginagawa mong pag-iingay diyan sa likuran? Hindi lang si Doctor Ian ang naiistorbo mo, pati ako naiistorbo ng kaingayan mo” ang matatas at walang prenong wika ni Ernest sa kanang bahagi ko kung saan patuloy siyang tumitingin sa pasyenteng nasa harapan niya.

“Ernest” suway ko rito habang nagpipigil ng inis.

“Imbis na nakatayo ka diyan sa likuran na parang guard na walang silbi, bakit hindi mo kami pagsilbihan at tulungan sa mga pasyente? Tutal ikaw naman ang kanang kamay ng haciendang ito, bakit hindi mo kami tulungan? Pwede mo ba akong ikuhang tubig? Nauuhaw na ang isang Doctor dito” seryoso paring pagpaparinig ni Ernest sa gilid.

Bumaling naman ako ng tingin kay Omar na ngayon ay alam kong nagpipigil din na sumabog sa mga patutyada ni Ernest.

“Omar” pagtawag ko sa kanya at doon ako nito binalingan at doon mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon.

“May kailangan ka, Ian?” nakangiting wika nito.

Umiling ako at doon mahinang nagwika “Pwedeng doon ka muna sa labas? Gawin mo muna yung mga dapat niyong gawin, tulungan mo sila Jerico at Caloy sa pagaasikaso ng mga ginagawa nila” ang mahinahon kong habilin sa kanya at ito naman ay tumango.

“Okay sige, basta tawagin mo ako kapag may kailangan ka ha” ang wika niya at ginulo pa nito ang aking buhok bago siya humakbang papaalis sa likurang bahagi ko.

Nakabaling ang aking tingin sa likuran ni Omar na tila sinisipat ang kanyang paglabas dito sa bahay tanggapan “Ikaw naman Ernest, kaarawan ngayon nung tao tapos pinagsasalitaan mo ng ganyan. Hindi ba’t ikaw ang nakababastos?” seryoso kong wika sa kanya.

“Anong pakialam ko sa nararamdaman niya? May pakialam din ba siya sa nararamdaman mo noong time na nagkakasakitan na kayo? Kaya ‘wag mong isusumbat sa akin Ian na binabastos ko siya, dahil dapat lang sa kanya ‘yon” walang prenong wika nito kaya napailing nalang ako.

“Kahit na, binalaan na kita kagabi na ‘wag mong paiiralin ang kagaspangan ng ugali mo rito sa hacienda” ang aking wika at doon sinenyasan ang isang binatang nakatayo sa unahan upang doon umupo sa upuang nasa harapan ko.

“Binalaan din kita sa mga magagawa ko sa gagong lalaking ‘yon, kapal ng mukha niyang humarap sakin ng ganon-ganon lang” muli nalang akong napailing at doon binalingan ang binatang trabahador.

ㅡㅡㅡ

Alas-syete ng gabi sa bahay tanggapan ng prutas.

Lumubog na si haring araw, ilang minuto at segundo nalang ang pamamalagi ko rito sa hacienda. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

Mula umaga hanggang kanina ay tuloy-tuloy ang misyon namin dito sa hacienda, ngayong alas-syete ng gabi ay natapos na at doon na nagliligpit sila Nurse Kylo at Mylo ng aming mga gamit na dadalhin pabalik sa ospital.

Kanina pa ako tingin nang tingin sa aking orasan at ilang beses ko naring hinihiling na sana’y tumigil at bumagal ang oras dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami naguusap ni Omar.

Ilang beses na sinubok ni Omar na solohin ako ngayong araw ngunit pinipigilan siya ng mga pananakot ni Ernest. Inis na inis ako sa lalaking ito dahil pinapairal niya ang kagaspangan ng kanyang ugali.

“Ayos ka lang, Doc?” pagbasag ni Nurse Kylo sa aking pagkakatulala.

Umiling ako sa kanila dahil hindi naman ako ayos ngayong oras “Hindi, hindi ako ayos. Naguguluhan ako ngayon Nurse Kylo” ang aking wika.

“Halata namang hindi ka ayos Doc Ian” sabat ni Nurse Mylo “Grabe palang magalit at mainis si Doc Ernest, halatang hindi makalapit sa ‘yo si Sir Omar” segunda niya at doon ako tumango.

“Ewan ko sa lalaking ‘yon, sinabi ko na sa kanyang ‘wag papairalin ang katigasan ng ulo niya rito sa hacienda” ang aking wika sa dalawa at doon ko muling binalingan ng tingin ang oras sa aking cellphone.

“Doc Ian” pagtawag sa akin ni Kylo.

Bumaling ako sa kanya at doon ito nagwika ng seryoso “Hindi man namin alam ang istorya niyo ni Sir Omar, gusto ko lang sabihin na dapat mong sundin ang isinisigaw ng puso niyo” ang wika ni Kylo dahil kahit sila ay apektado sa mainit na banggaan ni Omar at Ernest.

“Tama si Kylo, Doc Ian. Walang masama kung sinong magbababa ng watawat sa inyong dalawa, tulad nga ng golden rule niyo na communication is the best option. Nawa’y bago tayo umalis ngayong oras ay makapagusap kayo ni Sir Omar” ang hirit naman ni Mylo kaya napangiti ako.

“Salamat Nurse Kylo, Mylo” wika ko sa kanila at doon ko iginala ang aking tingin dito sa loob ng bahay tanggapan. Wala nang tao rito sa loob dahil nasa labas sila upang ipagdiwang ang kaarawan ng pesteng ito “Nasaan si Ernest?” taka kong wika sa dalawa dahil kanina lang ay nandito iyon.

Sasagot palang ang dalawa ng makarinig ako ng sigawan sa labas, bumaling ako ng tingin doon at kita ng aking mga mata ang mabilis na pagtakbo ni Mang Andoy papalapit dito sa aming pwesto “Senyorito! Senyorito!” pagsigaw palang niya ay alam ko na ang kanyang sasabihin “Si Omar at yung Doctor Ernest, nagsusuntukan” tulad ng aking inaasahan ay ito ang ibinalita ni Mang Andoy.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mabilis na humakbang papalabas ng bahay tanggapan papunta roon sa pinagmumulan ng ingay. 

Tila bumagal naman ang oras ng sumalubong sa akin ang isang senaryong hindi ko dapat nasasaksihan.

“Napakawalang-hiya mo! Propesyonal lang ang pangalan mo pero ang katauhan mo ay mas masahol pa sa walang pinag-aralan! Ni hindi mo alam ang salitang pinaghirapan, tangina mo!” ang wika ni Omar habang doon nakapatong sa nakahigang Ernest habang natatawang sinasalo ng kanyang mukha ang mga pagsuntok sa kanya ni Omar.

Nahagip ng mata ni Ernest ang aking kinatatayuan sa nagkukumpulang trabahador kaya mas nakita ko ang pagngisi nito na tila wala siyang pakialam sa nangyayari sa kanya.

“Tangina, Omar! Tigilan mo na ‘yan!” inis na wika ni Jerico habang pinipigilan nito ang pagwawala ni Omar.  

Nakabaling lang ang aking tingin sa mga mata ni Ernest na tila doon ipinapahiwatig na ito ang gusto niyang mangyari. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtitinginan ng mga trabahor dito sa aking tabi na tila kinukwestiyon nila kung bakit wala akong ginagawa sa aking nasasaksihan.

Naramdaman ko nalang ang pagdanggi ni Nurse Kylo at Mylo dahil doon sila mabilis na pumunta sa komosyong nangyayari.

Tinulungan ni Kylo si Jerico upang awatin ang patuloy na pagwawala ni Omar, samantalang si Mylo naman ay tinulungan sa pagtayo si Ernest na tila wala siyang pakialam sa mga pagsuntok sa kanya ng lalaki.

Binigyan ni Mylo si Ernest ng panyo upang punasan ang dugong tumatagas sa kanyang ilong at bibig.

Saksi ko ang pagtawa ni Ernest sa harapan ni Omar kung saan hawak-hawak siya ni Kylo at Jerico “’Yon na ba ‘yon Omar? Ito na ba yung mga pagsuntok at galit mo? Todo na ‘yon? Bakit wala naman akong naramdaman? O wala talaga akong nararamdaman?” ang makahulugang wika ni Ernest.

Tulad ng kanyang kapatid na si Kokoy ay isa rin CIPA patient ang lalaking ito. Congenital Insensitivity to pain with anhidrosis kung saan insensitive sa pain at temperature, sa madaling salita ay wala siyang sakit na nararamaman sa katawan.

“Wala akong nararamdamang sakit Omar, pero ramdam na ramdam ko yung sakit sa mga ginawa mo kay Ian” wika niya sa lalaking patuloy na pinipigilan nila Kylo at Jerico “Ako na, ako na ang mag babalik sa mga ginawa mo sa kanya dahil alam kong hindi magagawa ni Ian ang bagay na ito sa ‘yo” rinig ko ang pagkagulat ng mga trabahador dito ng doon nalang mabilis na sinapak ni Ernest si Omar.

Doon binitawan ni Jerico si Omar at doon aktong sasapakin din si Ernest “Ay gago ka pala eh!”

“Please ‘wag” pagpigil sa kanya ni Mylo at tagumpay niya itong napigilan “Sapat na yung mga suntok ni Omar, ‘wag mo nang dagdagan Sir Jerico” pagkausap ni Mylo sa kanya at doon namin muling narinig ang pagtawa ni Ernest.

“Omar, alam kong hindi sapat ‘yang sakit ng suntok ko sa mukha mo dahil mas masakit pa yung mga ginawa mo kay Ian. Naaalala mo pa ba yung ginawa mo sa kanya nung birthday niya? Balita ko pinagbubuhatan mo ng kamay ang Senyorito ng hacienda, pinagsasalitan mo pa ng mga salitang hindi mo dapat sinasabi bilang kasintahan niya” ang wika nito sa lalaking hawak-hawak ni Kylo.

Humarap si Ernest dito sa aming pwesto kung saan nagkukumpulan ang mga trabahador “Mga pare, ito ba yung lalaking dapat na bigyan pa ng isang pagkakataon ng Senyorito niyo?” ang natatawang pagtatanong ni Ernest sa kanila.

Nagbago

na ‘yang si Omar”

“Iba na si Omar ngayon”

“Hindi na siya yung dati!”

Pinagsisihan

niya na yung ginawa niya kay Senyorito”

Pinatawad

na rin siya ni Don Benjamin”

Ito ang sagot ng mga trabahador na taliwas sa inaasahang sagot ni Ernest, napatawa naman ito bago bumaling ng tingin sa akin “Kung ‘yan ang mga sagot niyo, bakit hindi natin tanungin mismo sa Senyorito ng hacienda”

Doon humakbang papalapit sa akin si Ernest suot-suot ang gago niyang ngiti. 

“Senyorito Ian” mapang-asar niyang pagtawag sa akin.

“Itigil mo na ‘to Ernest” pagpipigil ko ng galit.

“Luh? Hindi pa ako tapos, hindi pa tapos ang misyon ko rito” makahulugang wika niya.

“Itigil mo na, Ernesto” muli kong wika habang nakakuyom ang aking mga kamao.

“Titigil ako rito kapag nasagot mo na ang tanong ko” nakangiti niyang wika at hindi ako tumugon “Didiretsuhin na kita Ian dahil kung sino mang tao ang mas nakakakilala sa ‘yo, bukod kay Tito Benjamin ay ako, ako ang lubos na nakakakilala sa ‘yo, kaya alam ko ang mga baho mo at alam ko tuwing nagsisinugaling ka” segunda niya.

“Mahal mo pa ba si Omar?” isang tanong na inabot ng ilang minuto bago niya niya nakuha ang sagot ko.

Tila inaabangan ng mga trabahador ang aking pagsasalita ngunit alam na ni Ernest ang aking sagot sa kanyang katanungan.

Seryosong bumaling ng tingin si Ernest “Eyes don’t lie. Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon kung magbago ang isipan mo, alas-nuebe ng umaga ang alis natin dito sa hacienda kaya kapag wala ka sa takdang oras na ibinigay ko doon sa mansyon ay totoo ngang mahal mo pa si Omar” makahulugan niyang wika bago ito tumalikod sa akin.

Humakbang siya papunta doon sa pwesto nila Omar “Nurse Kylo at Mylo,  let’s go” ang utos nito sa dalawang nurse upang baybayin nila ang daan papunta roon sa sasakyang nakaabang sa labasan.

Hawak-hawak parin ni Jerico si Omar habang nakabaling ang aming tingin doon sa tatlong sumakay sa itim na sasakyan.

Kasabay ng pagpapaandar ng sasakyan ay doon nagsikilusang umalis ang mga trabahador dito sa kinatatayuan namin. 

Bumusina pa si Omar bago sila tuluyang makaalis dito.

Nang maramdaman ko nang wala na akong katabi dito sa aking pwesto ay doon ako bumaling ng tingin sa unahan kung saan binitawan na ni Jerico si Omar na ngayon ay humahakbang papalapit sa aking pwesto.

Nakangiti ito na kahit may dugong tumutulo sa kanyang ilong at bibig.

Seryoso lang ang tingin na ibinabaling ko sa kanya.

“Ian” nakangiti niyang pagtawag sa aking ngalan ng ito’y tumigil sa aking harapan at doon may hawak-hawak sa kanang kamay.

Binalingan ko ito ng tingin at napakuyom nalang muli ang aking kamao dahil sa ipinapakita ni Omar.

“Ian, nasira niya ang dapat na sorpresa ko sa ‘yo” wika niya at doon ko narinig ang munting paghikbi ni Omar sa aking harapan “Matagal na rin akong nakaipon pang bili ng ticket na ‘to, hinihintay ko nalang talaga ang pagdating mo para masorpresa kita tulad ng mga pangako ko sa ‘yo dati na ako ang unang taong magdadala sa ‘yo sa Batanes” ang wika niya habang hawak-hawak ang punit na ticket.

“Ang tanga-tanga ko, ang tanga ko para hindi ingatan ang bagay na alam kong maghahatid sa ‘yo ng ligaya at saya. Na kahit sa huling pagkakataon ay makita at masaksihan ko man lang na muli kang lumigaya ng dahil sa akin” patukoy niya sa ticket papuntang Basco Batanes.

Muli kong binalingan ng tingin ang kanyang mukha na lumuluha. Kita ko rin ang bulto ni Jerico sa likuran na emosyonal kaming pinapanood sa harapan.

“Ian alam kong hindi mababayaran yung mga ginawa ko sa ‘yo noon, ngunit alam ko sa sarili kong pinagsisihan ko na iyon. Ang ilang taon mong hindi paguwi rito ay siya nang kapalit sa mga sakit na ibinigay ko sa ‘yo, wala akong ibang inisip kundi ikaw at yung tayo” ang seryoso niyang wika sa aking mga mata.

“Saksi ang mga tao rito sa hacienda kung paano ko ipinagmamalaki ang mga bagay na naabot mo, saksi rin sila kung paano ako naghintay sa muling pagbabalik mo” wika pa nito “Saksi rin sila sa kwento kung bakit tayo napunta sa ganito, na iniwan kita, na sinaktan kita, na pinabayaan ko ang sarili kong magpabulag sa bagay na alam kong ikakasakit mo” segunda niya.

Seryoso lang ang aking mukha sa mga bagay na sinasabi ng lalaking ito. Binitawan ni Omar ang punit-punit na ticket at doon ginayak ang aking kaliwang kamay papunta sa dibdib ng kanyang katawan.

“Ian. Walang ibang salitang binibigkas ang aking puso, tanging ikaw at ang pagmamahal ko sa ‘yo ang isinisigaw nito. Sa nakalipas na taon ay hindi ka nawala rito at ang tanging maipagmamalaki ko sa ‘yo ay katotohanang ikaw parin ang minamahal ko”

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako makasalita dahil hindi ko sigurado kung tama bang sumugal muli ako.

Ilang minuto ang inabot ng katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Omar.

Nabasag lang iyon ng makarinig kami ng sunod-sunod na pagsigaw “Ian! Ian! Tulong! Ian!” wika iyon ni Caloy habang mabilis ang kanyang pagpapatakbo ng motor papunta rito sa aming harapan ni Omar.

“Ian! Ian!” wika niya at doon siya bumaba sa motor.

Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Omar at doon bumaling kay Caloy na tila taranta at nag-aalala.

“Anong nangyari?!” wika ko sa kanya at doon nito sinabi ang dahilan kung bakit ganito ang ikinikilos niya.

“Si Regina! Si Regina! Manganganak na si Regina!”

ㅡㅡㅡ

Chapter 20

ㅡㅡㅡ

You Look Good Tonight

7 days earlier. Seven thirty ng gabi sa isang hospital room dito sa TOP Medical Center.

“Tapos kana diyan sa istorya niyo ni Omar? Talagang kahit may pilay ka sa kanan mong kamay ay nagawa mo pang tapusin ang istorya niyo sa loob ng isang Linggo. Dapat talaga si Omar ang nagkuwento sa ‘yo ng mga nangyari sa kanya noong wala ka, sadyang makulit kang nilalang at napilit mo akong ikuwento ang ilang pangyayari sa buhay ng gagong ‘to” ang wika ni Jerico matapos kong isara ang laptop na nasa harapan ko.

Nakaupo si Jerico sa paanang bahagi ng pesteng nakahiga sa hostpital bed. Nakaharap siya sa akin dito sa kinauupuan kong upuan ng lamesang kahoy na nakapuwesto malapit sa pintuan ng kwarto.

“As if naman may choice ka sa kakulitan ko” ang nakangiti kong wika sa kanya at ito’y napatawa.

“Wala akong choice, Ian. Malakas ka sakin kaya napilit mo akong ikuwento ang nangyari sa buhay ng tulog na tulog na lalaking ito” tugon naman nito kaya napatawa nalang din ako.

“Ian, tumawag sakin si Papang na papunta sila rito bukas, kasama si Regina at baby Shawn” wika ni Jerico habang nakabaling ang aking tingin sa nakapikit na peste.

Tumango ako “Uu, tumawag nga rin sakin si Caloy kanina na sasama raw si baby Shawn” tugon ko naman sa kanya habang nakabaling parin ang tingin sa peste.

“Kailan nga raw ulit magigising itong si Pareng Omar?” wika ni Jerico na nakatingin din sa lalaking mahimibing na natutulog.

“Next month, sabi ni Ernest” tugon ko sa kanya at doon ko nakita ang kanyang pagtango.

Fourteen days  na. Labing apat na araw na ang nakalilipas mula ng mangyari ang isang aksidente.

Pauwi kaming dalawa ni Omar noong pinasundo ako ni Papang sa kanya noong isang Linggo dito sa hospital para sa aking misyon sa hacienda. Ngunit sa hindi ko ginugustong pangyayari ay naaksidente kami dahil sa isang jeep na kaskasero ang driver.

Bali sa braso at kamay ang natanggap ko, samantalang severe injury naman sa spinal cord ang kay Omar dahilan para ito’y ma-comatose, ito na ang ika-labing apat na araw ng kanyang kalbaryo rito sa hospital.

Si Ernest na ang nagpresintang maging personal na Doctor ng lalaking ito, upang kapag nagising daw siya ay maiganti niya ako sa mga ginawa sa akin ni Omar sa nakaraan.

Humingi narin ako ng leave sa mga magulang ni Ernest upang matutukan ko ng bantay ang lalaking ito, isa pa ay hindi ako makakapag-trabaho ng ayos dahil bali ang aking kanang kamay at ito ngayon ay nakasemento.

Si Jerico, kasama ko ang lalaking ito sa halos labing apat na araw sa pagbabantay ko sa peste. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang kulitin siya upang kuwentuhan ako sa mga bagay na nangyari sa buhay ni Omar.

Ang produkto ng halos isang Linggong pagkukuwento sa akin ni Jerico ay ang desisyon kong isulat ang isang libro tungkol sa naudlot na pagmamahalan nila Ian at Omar. Kasabay ng pagkukwento ni Jerico ay doon ako nagbabalik tanaw sa mga masasayang ala-ala naming dalawa ng peste na ngayon ay comatose.

Hindi ko maitatanggi na dahil sa mga kuwento ni Jerico ay doon na bumaba ang aking watawat at natunaw na niya ang aking puso na naghihintay sa muling pagbangon ng pesteng natutulog.

“Bili na muna ako ng dinner natin, Ian” pagbasag ni Jerico sa katahimikan na tanging life monitor lang ang maririnig mo rito sa kwarto.

Bumaling ako ng tingin sa kanya at doon tumango “Okay. Kung anong sa ‘yo ay ganoon nalang din ang bilhin mo sa akin” nakangiti kong wika sa kanya at ito rin ay tumango bago tumayo sa pagkakaupo.

“Wala ka nang ipadadagdag?” paninigurado niya.

“Kapag may available pang halo-halo ay ibili mo ako” tugon ko sa kanya at muli siyang tumango bago tuluyang humakbang papalabas ng kwarto. 

Nang makalabas na si Jerico ay tumayo ako sa pagkakaupo at doon humakbang papunta sa gilid ng kinahihigaan ng pesteng ito. Inayos ko ang telang tumataklob sa kanyang katawan bago sinuri ang dextrose na nakakabit sa kanyang pulso.

Nang magawa ko ang araw-araw kong ginagawa ay doon ko na tinitigan ang nakapikit na pagmumukha ng pesteng ito “Ang pangit mo talaga Omar” ang nakangiti kong wika sa kanya “Gising ka na para masampal pa kita ng todo-todo” pagbibiro kong wika rito.

Gamit ang aking kaliwang daliri ay doon ko pinapasadahan ng hawak ang matangos na ilong ng lalaking tulog na tulog, ganoon din ang kanyang may kalaparan na noo papunta sa namumula nitong labi.

Napakagat nalang ako dahil pinipigilan ko ang aking sarili “Gising ka na Omar, para patawarin na kita sa mga kagaguhan mo” habilin ko sa kanya bago nagdesisyong pumunta sa kaliwang bahagi ng kama kung saan nandoon ang malaking sofa.

Nakapatong ang cellphone ni Omar dito na halos dalawang Linggo ko nang kinakalikot.

Prente akong umupo at doon muling sinimulan na pasadahan ng tingin ang mga picture na nasa gallery ni Omar. Mga picture ko itong ninakaw niya sa aking facebook at ilang social media accounts, noong nasa Amerika pa ako.

Mga samu’t saring larawan sa kanyang cellphone tulad ng mga hayop na inaalagan sa hacienda, mga gulay na sobrang lulusog at masusustansya at ang mga puno ng prutas na humihitik sa bunga.

Muli akong napapangiti dahil nakaflash na sa screen ang mga selfie niya na mukhang tanga sa pagkakangiti, nakataas pa ang kanyang dalawang daliri na tila naka peace sign habang kinukuhahan niya nang picture ang kanyang sarili. Mga larawan niyang hubad na tila pinagmamayabang ang kanyang tattoo sa balikat at ang abs nitong namumutok “Ang yabang talaga” ang aking wika.

Patuloy ako sa pagtingin ng larawan ng mapunta akong muli sa isang album folder na nakasave sa kanyang phone na may titulong ‘Rosas’.

“Handa na ba ako?” ang pagtatanong ko sa aking sarili dahil sinabi ko na sa oras na matapos ko ang libro ng istorya naming dalawa ni Omar ay doon ko na papanoodin ang video na nakasave sa kanyang phone.

Inutos ko kay Jerico na panoodin niya ang bidyong ito ngunit sinabi niyang ako raw dapat ang unang taong makapapanood ng nasabing video dahil sobrang personal daw nito, kaya nagdesisyon akong kapag natapos ako sa istorya ay saka ko papanoodin ang video.

Umayos ako ng upo dahil tiyak na maya-maya lang ay luluha ako sa halos trenta minutos na bidyo ukol sa nalakagay sa kanyang cellphone.

Huminga muna ako ng malalim bago bumaling ng tingin kay Omar “Kapag pinaiyak mo rito, hindi lang sampal ang matatanggap mo” wika ko rito bago muling bumaling ng tingin sa cellphone.

Pinindot ko ang video at doon na lumantad ang mukha ng pesteng nakasuot ng puting t-shirt habang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga.

“Ian. Bal” matamis ang kanyang pagkakangiti “Tatlong taon na mula ng umalis ka rito sa Hacienda at tatlong taon na rin mula ng putulin mo ang koneksyon ko sa ‘yo” dagdag pa niyang wika habang kita ko ang pilit niyang pagkakangiti.

Seryosong mukha ang ibinabaling ko sa bidyong aking pinapanood “Ian. Wala na si Tatay Franco, ako nalang mag-isa” natatawang wika niya na alam kong pinapagaan niya ang kanyang loob at pinipigilang lumuha “Namatay si Tatay last year at kasabay noon ay nawala ako sa sarili ko, kaya hindi ko alam yung mga kagaguhan kong ginawa sa loob ng nagdaang buwan matapos mawala si Tatay, labis ang pangungulila ko sa ‘yo noon, Ian. Wala akong naging karamay kaya dumating sa puntong humanap ako ng iba na alam kong

maling

-mali dahil alam kong hindi ko rapat ‘yon gawin, pero ginawa ko at nagkamali ako” lahad ni Omar tungkol sa bagay na ikinuwento sa akin ni Jerico sa pang-babae ng lalaking ito.

“Pero Bal, Ian. Isang araw natauhan ako, hindi pala ako nag-iisa, may karamay pala ako na hindi ko nakikita na kahit nasa harapan ko lang sila. Tinulungan ako nila Regina, Caloy, Jerico at Papang na muling bumalik sa sarili ko, na muling ayusin ko ang sarili ko, hindi lang para sa akin kung hindi sa muling pagbabalik mo rito” napangiti nalang ako sa huli niyang wika.

“Inayos ko ang sarili ko, Bal. Muli kong nabalik ang katinuan ko sa loob ng isang taon at ito ako ngayon kinukuhanan ko ng video ang aking sarili para may ipapanood ako sa ‘yo kapag bumalik ka rito at nagkaayos tayo” ang wika niya at doon siya may kinukuhang kung ano sa kanyang gilid.

Kita kong may hawak-hawak siyang mga pakete na alam kong buto ito ng kung anong prutas o gulay “Bal, magtatanim akong rosas. Puting rosas na alam kong paborito mo, para kapag bumalik ka rito ay may maipapakita ako sa ‘yo na alam kong ikasasaya mo” ang galak na galak niyang wika.

“Kung itatanong mo Ian kung saan ko ito itatanim ay rito mismo sa kinauupuan ko, dito sa paborito nating tambayan na kaharap lang ay ang sapa na madalas nating pagliguan at ang tambayan na pinag-iwanan natin ng pangakong gusto nating magkaroon ng anak” ang huli niyang wika bago nag black screen ang phone.

Ilang segundo pa ay doon naman rumehistro sa akin ang tila umuusbong na mga puno ng rosas “Bal, seven weeks na ang nakalilipas mula nang itanim ko ang mga rosas na ito, excited na akong bumunga at alagaan ito hanggang sa makauwi ka rito sa hacienda” rinig ko ang boses ni Omar habang ipinapakita niya ang mga itinanim nito.

Napangiti ako sa ginawa niyang ito. Muling nagbago ang video at kita ko na ang mga pausbong na puting rosas sa puno ng itinanim niya “Twelve weeks na, Bal. Ang ganda ano? Kasing ganda mo ang mga rosas na ito–ay hindi! Hindi! Mas maganda ka sa mga rosas na itinanim ko” napatawa naman ako sa boses niyang iyon.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga rosas na nakaflash sa screen.

Maya-maya pa ay nagbagong muli ang bidyo.

Ang kaninang positibo at masayang bidyo ay napalitan ng hindi magandang atmospera na alam kong hindi maganda ang kalagayan niya. Kita ko ang pagkakahiga ni Omar sa pamilyar na kama, nakatagilid siya habang tila pagod na pagod na nakatingin sa kamera “Bal” pagtawag niya sa boses na namamaos “May lagnat ako ngayon. Nahihirapan akong kumilos, nahihirapan ako sa sarili ko” ang hirap na hirap niyang pananalita.

Napakagat ako ng labi dahil pinipigilan ko ang lumuha.

“Birthday ko na bukas, Bal. Pero ito ako ngayon, nilalagnat muli at sumasakit ang buong katawan” tila paiyak nitong wika “Sana nandito ka ngayon sa tabi ko, Bal. Ikaw lang naman ang nakakatiis sa akin kapag nagkakasakit ako, ikaw lang naman ang kayang alagaan ako kapag may lagnat ako” tila bata niyang wika na paiyak na at inagawan ng candy “Gusto na kitang makita, Bal. Gusto ko na ulit kitang mahawakan at mahagkan” dagdag pa niya at doon nalang muli nagbago ang bidyo.

“Hello, Bal. Limang buwan na ang buhay ng mga rosas na ito, may mga bagong bulaklak nga eh at sobrang gaganda sa personal. Kaya kung ako sa ‘yo ay umuwi kana. Gusto ka nang makita ni Papang, ni Regina, Caloy, Jerico, ng hacienda at siyempre si Omar, gusto ka nang makita ni Omar. Gusto nang makita ni Omar si Ian” tila bata niyang wika habang nakaflash sa screen ang mga bagong sibol na puting rosas.

Muling nagbago ang bidyo, rumehistro ang mukha ni Omar na nakasuot ng puting t-shirt habang nakaupo ito sa ilalim ng puno ng mangga at makikita ko sa likuran ang mga rosas na itinanim niya.

“Ian. Bal” malapad ang pagkakangiti ni Omar “Alam mo ba na para akong mga rosas, yung buhay ko ay parang mga rosas. Sa bawat Linggong pagpapalit ng mga rosas na ito ay mas lalo silang gumaganda at masarap titigan ng mga mata. At nakikita ko ito ngayon sa buhay ko, sa bawat segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon ang lumilipas ay mas lalo kong nakilala ang sarili ko, tulad ng rosas na gumaganda ay ganoon din gumaganda at tumitingkad ang buhay ko, wala ka man dito sa tabi ko ngunit alam kong pagbalik mo ay ito ang maipagmamalaki ko sa ‘yo” hindi ko alam ngunit tumuloy na ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata.

“Wala man akong mairason sa ‘yo para manatili ako sa relasyon natin, may rason naman ako para bumalik sa ‘yo at ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan” kitang-kita ko na rin ang pagtulo ng mga luha sa mata ni Omar “Ian, mahal kita. Minamahal parin kita Ian at patuloy kitang mamahalin, hinding-hindi ako susuko na maibalik muli ang tamis ng pagmamahalan natin. Mahal kita, uwi kana” kasabay ng pagtapos ng bidyo ay doon nalang ako napapikit at tuluyang humikbi sa sakit ng pagmamahal na nararamdaman ko.

“Napakagago mo kasi, bakit mo ako sinaktan ng ganoon dati” ang umiiyak kong wika at doon ko na itinaas ang aking mga paa sa sofa bago ito niyakap dahil sa aking pagluha. Nasasaktan ako sa pagmamahal na ibinibigay ni Omar mula sa bidyong pinanood ko “Napakagago mo talaga, Omar” segunda ko pa at doon nalang ako nakarinig ng tugon.

“Kaya nga diba hindi ako susuko hanggat hindi ko naibabalik yung pagsasama nating dalawa” isang tao lang naman ang tiyak na sasagot sa mga sinabi ko. Walang iba kundi ang taong nakahiga sa hospital bed.

Dahan-dahan akong bumaling ng tingin sa kanyang pwesto at kita kong nakabukas ang kanyang mata at lumuluhang nakatingin sa akin, nakaupo ito sa kamang pang ospital na tila kanina pa ako pinanonood. 

Mabilis akong humakbang papunta sa kanyang kinauupuan, iginayak ko ang aking sarili at doon umupo sa hita ni Omar, hindi ko na pinansin ang bali sa aking balikat at kamay. Marahas kong niyapos ang lalaking ito na tila wala nang bukas dahil sa nararamdaman ko.

Ramdam ko naman ang pagsukli niya sa aking yakap “Nagustuhan mo ba yung video?” ang wika niya at doon ako umiiyak na tumango “Gustong-gusto mo nga dahil may pag-iyak ka pa” ang pagbibiro niya sa akin.

Dahan-dahan kong iginayak ang aking sarili upang titigan ang mukha ni Omar, nakangiti siya habang patuloy rin ang kanyang pagluha “Ian, gusto ko lang sabihin na you look good to—”

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil siniil ko na ito ng halik. Halik na alam kong magsisimula sa bagong istorya ng pagmamahalan namin ni Omar, halik na tutulong upang maibalik ang mga nasirang tiwala namin sa isa’t-isa at halik na alam akong magtutuloy sa mga pangakong naiwan mula sa likod ng mga kamera.

Wakas

ㅡㅡㅡ this chapter is dedicated to bhadtz

Pasasalamat

ㅡㅡㅡ

https://www.youtube.com/watch?v=y73otLUC9FI

ang mensahe ng manunulat sa istoryang You Look Good Tonight .

ㅡㅡㅡ

When The Sun Stayed


2026 NEW STORY ALERT!

Minsan na ba nating naitanong sa ating sarili kung sino tayo bago ang kasalukuyan nating buhay? Pinanganak ba tayong dukha o marangya? Isa ba tayong simpleng mamamayan, isang matalino, imbentor, o isang nilalang na minsang humawak ng kapangyarihan? Isang hari, reyna, prinsipe o isang sundalo?

Si Cali ay isang estudyanteng ilang taon nang minumulto ng mga panaginip. Mga panaginip na hindi niya maipaliwanag, ngunit ramdam niya na may koneksyon sa buhay niya sa nakaraan.

Sa isang paglalakbay patungong Cordillera, tutungo sila sa Ifugao para sa isang pag-aaral, isang buwang pananatili upang pag-aralan ang kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga katutubo.

Ngunit para kay Cali, ang paglalakbay na ito ay higit pa sa akademikong layunin.

Sa lugar na ito, makikilala niya ang isang misteryosong mumbaki na pinaniniwalaan niyang makakasagot sa mga tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Ngunit paano kung ang bawat ritwal at bulong ng mga mumbaki ay hindi lamang bahagi ng pag-aaral, kundi pagbabalik ng isang kasaysayang pilit na binaon ng panahon?

Hanggang saan handang lumaban si Cali para sa isang pag-ibig na hinubog ng tradisyon at sinubok ng tadhana?


#akosimarl


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.