loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
YOU'LL BE SAFE HERE

YOU'LL BE SAFE HERE

Aboutfictionx · 5 chapters · 5,497 words

WARNING:

This story is all about transgender to straight male relationship. Kung hindi kayo komportable sa ganitong klase ng istorya, you are free to click the exit button po.

In addition, this story contains strong terminologies, harassment at sexual intercourse na hindi po pwede sa mga menor de edad na mambabasa.

Warning: Not appropriate for young readers or those with delicate minds. For mature readers only; contains explicit language, graphic sex scenes, and mature content.

• Grammatical errors are visible and please do respect the decision of the writer kung anong flow ng story, ending and attitude na pinili for the characters.

• Please allow our characters po na i-express ang sarili nila. Let our characters express there emotions, attitudes and imperfections.

NOTICE: I am not the owner of the photos featured in this story. Credits to the rightful owners. All the photos here are not mine.

YOU’LL BE SAFE HERE

Transgender Story

BY: ABOUTFICTIONX Date started: June 13, 2024 Date finish:

PROLOGUE:

Shan Gonzales

Bata pa lang ako, pero napansin ko na kakaiba ako. Hindi ko gusto ang mga laruan na panlalaki tulad ng robot at truck. Nalulungkot ako tuwing Pasko at birthday ko kapag nakakatanggap ako ng laruan na pang-lalaki. Alam kong napapansin iyon nina Lola at Mama. Malayo rin ang loob ko sa mga kaklase kong lalaki dahil bukod sa madalas nila akong asarin dahil sa maputing balat ko—na sinasabi nilang parang patay—madalas din nila akong tuksuhin dahil sa mga notebook kong may Barbie sa harapan.

Ayoko sa mga lalaki, at natatakot ako sa kanila dahil sa pagiging agresibo nila. Naalala ko noong isang activity namin sa Physical Education, pinagtutulakan nila ako dahil natalo daw kami dahil sa akin. Madalas din nila akong pagtripan sa klase kaya hindi ako makapag-focus sa mga lesson ng guro namin. Kaya marami akong dahilan para maging masungit at lumayo sa mga lalaking nakikilala ko. Kung maaari lang na puro babae ang maging kaklase ko, matutuwa pa ako.

Noong bata ako hanggang high school, madalas akong kasama ni Mama, kaya alam na alam ko ang routine ng isang nanay at isang babae. Madalas kong nakikitang namimili si Mama ng mga bag at kung ano-anong skincare at cosmetics, kaya nadadala ko iyon. Madalas din akong mahuli ni Mama na ginagamit ang mga matataas niyang heels. Hindi ko itatago na maganda talaga si Mama—para siyang Italian girl—at maging si Daddy ay napakaguwapo. Pero ang akala ko, si Daddy ang unang makakaintindi sa akin. Nagkamali pala ako.


“Steven, I’m telling you, stop hurting my hija!” malakas na sigaw ni Lola Linda habang sinusubukan niyang kalasin ang pagkakahawak ni Daddy sa damit ko.

“Hija? Ma, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Lalaki ang apo mo! Wala akong anak na babae! Ano na lang ang sasabihin ng nanay niya na nasa ibang bansa para asikasuhin ang kumpanya?” Kitang-kita ang mapuputing ngipin ni Daddy at ang mga ugat sa leeg niya dahil sa pagsigaw niya.

“Sana sumama ka na lang kay Karen sa ibang bansa para hindi mo sinasaktan ang anak mo! Steven, buong taon mong sinasaktan at pinag-iinitan ang anak mo! Wala tayong magagawa kung ganyan ang anak mo!” Sa wakas, binitawan ako ni Daddy kaya agad akong kinuha ni Lola Linda at tiningnan nang mabuti.

“Steven, mark my words. Kapag may nangyaring masama sa apo ko, kahit magalit pa sa akin si Karen, mapapatay kita. Hindi ka na naawa; puro pasa at bugbog na ang anak mo sa iyo. Last week, sinuntok mo ang kabilang mata niya. Ngayon, sinuntok mo na naman, eh hindi pa nga gumagaling!” Hindi makapagsalita si Daddy at nakatingin lang ito sa malayo. Napakasakit ng katawan ko. Akala ko masakit na ang ginagawa sa akin ng mga kaklase ko na hindi alam nila Daddy at Mama, pero mayroon pa palang mas masakit.

“Anna, tawagan mo si Doctor Jorge. Tell him na pumunta dito as soon as possible,” utos ni Lola sa kasambahay na naroon.

“Yes po,” sagot ng kasambahay at kumaripas ito ng takbo papunta sa telepono.

Muli akong napatingin kay Lola matapos niya akong inupo sa sofa. Lumapit siya kay Daddy, at halata sa mukha niya ang galit.

“Magkano ang kailangan mo para tanggapin mo ang apo ko? Tignan mo ang ginawa mo! Tignan mo!” Nakarinig ako ng malakas na sampal dahil sinampal ni Lola si Daddy. Kaagad akong lumapit at pumagitna sa kanila.

“Kasalanan niyo ni Karen ’yan, Ma! Masyado niyong hinayaan ang bading na ’yan sa mga gusto niya. Kumuha pa naman ng course na education. Paano magiging role model ’yan sa magiging estudyante niya?” May sakit akong naramdaman sa dibdib ko na tila ba tinutusok ng paulit-ulit. Masakit lang isipin na mas tanggap pa ako ng mga kaklase kong babae kaysa sa sarili kong magulang.

“Ikaw, role model ka ba sa ginawa mo kay Karen? Pasalamat ka at pinatawad ka pa ng anak ko. Kung ako ang masusunod, I will not forgive a wild cheater.” Napalunok si Daddy sa sinabi ni Lola, kaya alam ko na ang ibig sabihin nito. Nag-walkout si Daddy at iniwan kami ni Lola.

Muli akong tiningnan ni Lola, at halata ang pag-aalala sa mukha niya.

Noong nakaraang taon, nag-cheat si Daddy kay Mama. Hindi inakala ni Mama na magagawa iyon ni Daddy dahil akala niya busy lang ito sa trabaho.

“Anna, nasaan na si Doc?”

“Ma’am Linda, pasensya na po, naka-out of town po si Doctor Jorge,” sagot ng kasambahay. Tumango si Lola at bumalik sa trabaho ang kasambahay.

“Hija, kahit pang-lalaki ang buhok mo at pang-lalaki ang damit mo, hayaan mong tawagin kitang ‘hija.’ Alam kong babae ang puso mo. Alam kong darating ang panahon na magiging ganap kang babae. I will not tolerate these bad things na ginagawa sa ’yo ng cheater mong tatay. I guess this is the best time for you to go. Ihahatid kita sa kaibigan ko—lola mo na rin iyon dahil ka-edad ko. Doon ka titira hanggang matapos ka ng college because I don’t want to see you here habang sinasaktan ka. Ako na ang bahala sa Mama mo.”

“Pero Lola, isang taon na lang, kayang—”

“No. Doon ka titira, and you’ll be safe in that house. I swear.”

Chapter 1:

Shan Gonzales

Humihikbi ako habang pinag-mamasdan ang daan papunta sa kaibigan ng Lola ko. Hindi ko kasi akalain na darating sa punto na aalis ako sa bahay. Mabuti na rin siguro ito dahil walang nakakaalam kung nasaan ako bukod kay Mama at Lola Linda. Ayoko na din nakikita ang sarili ko na sinasaktan ng sariling magulang ko.

“Hija, huwag kanang umiyak, pupuntahan naman kita doon kapag nay free time ako. Basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka. ’Tsaka yung matagal konang tinatanong sayo, sana pag-isipan mo para talagang maging babae kana. Kapag ready kana sa transition mo, please let me know. I’ll be happy to help you.” Kakaiba talaga ang Lola ko dahil siya pa ang tumutulak saakin na gawin ang nga bagay na ito. Alam kong darating yung panahon na magagawa ko rin yung bagay na ’yon sa ngayon gusto ko munang makapag-tapos at sundan ang rules sa bagong paaralan na papasukan ko.

“We’re here.” Anunsyo ni Lola kaya napatingin ako sa malaking mansion kung saan huminto ang bahay. Sa labas palang masasabi ko na mas mayaman sila saamin at talagang sumisigaw ang kayaman sakanila dahil sa magandang disenyo ng bahay. Mukhang magaling at mahal ang nakuha nilang tao para ayusin ang bahay.

“Nandito na pala ang hinihintay natin. Linda!” Mabilis na naglakad ang matanda papunta kay Lola at bumeso ito sa isa’t isa. “Kanina kopa kayo hinihintay. By the way, nagkaroon ba kayo ng problem habang nasa byahe?” Mabilis na humiling si Lola at nilingon ako nito.

“Flora, heto ang apo ko at alam kong kilala mona siya dahil palagi ko syang kinu-kwento sayo.” Hindi ko maintindihan pero parang feeling ko may meaning ang tinginan nila. Para silang nag-uusap sa mata.

Lumapit naman ako sa kaibigan ni Lola at bumeso rin.

“Napaka-ganda mong bata para saktan ni Steven, pinagawa mo ba ang balakang mo apo?” Parang lumambot ang puso ko dahil tinawag niya akong apo kahit ngayon palang niya ako nakikita pero kaagad din akong humiling. Napatingin tuloy ako sa baba dahil nahihiya ako.

“Walang pinagawa ang apo ko. Natural na katawan niya ’yan, imagine mas sexy pa siya saatin noong kabataan natin. Sabi ko nga sakanya, kung maisip man nyang mag-transition hindi siya mahihirapan dahil hindi naman pang-lalaki ang katawan niya.” Si Lola na ang sumagot para saakin.

“That’s true, hindi siya mahihirapan. Parang dibdib at mahabang buhok nalang ang kailangan niya. Anyway, pumasok na muna kayo. Come in.” Naunang nag-lakad si Lola Flora at sumunod naman kami. Kinuha naman ng mga kasambahay ang mga maleta ko kasama ang mga barbie dolls ko at collection ko ng make-up.

“Flora, nasaan ang apo mo?” Biglang tanong ni Lola Linda nang makaupo kami sa sofa. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga furniture at palamuti sa bahay dahil napaka-galing at napaka-linis tignan.

“Si Harry baka nasa gym at si Hance nasa kwarto niya panigurado nag-kakalat na naman ’yon.” Tumango-tango si Lola Linda. Napa-ngiti naman ako ng bahagya dahil parang ang cute nung Hance. Mukhang nasa elementary pa kasi ito base sa pagkaka-intindi ko.

Magandang makipag-close ako sa bata. Kahit lalaki pa ito, ayos lang kasi bata lang naman, hindi nananakit. Pero kung nasa high school or college na, hindi talaga ako makiki-tungo dahil natatakot ako na baka saktan ako o baka makarinig ako ng masasakit na salita sakanila dahil sa gender identity ko.

“Oo nga pala, Linda. Napa-tingin mo naba ang mga sugat at pasa ni Shan?”

“Yes, I did Flora. Ibinigay kona ang ointment at gamot kay Shan. Nasakanya din ang reseta.” Sagot ni Lola at maya-maya tumayo na ito. “Hindi na ako mag-tatagal, I have to go dahil marami pa akong aasikasuhin. Flora, may tiwala ako sayo, ikaw na ang bahala sa apo ko.” Ngumiti ito at niyakap si Lola Flora at maging ako ay niyakap niya.

“Shan, hija, magpaka-bait ka. Kung may kailangan ka sabihin mo saakin or kay Lola Flora mo. ’Tsaka isa pa, huwag kanang matatakot sa mga lalaki, tandaan mo hindi lahat ng lalaki sasaktan ka. Hindi lahat katulad ng Daddy mo.” Bahagya akong naiyak dahil sa sinabi ni Lola. Ngayon na wala na ako sa puder ni Daddy, magagawa ko ang gusto ko at hindi ako masasaktan. Hindi na ako matatakot na ipakita ang tunay na ako.

“Takecare Linda, see you soon!” Tsaka na muling bumeso si Lola saakin at lumakad na palabas.

“Shan, don’t be aftaid to tell me something or ask for something okay? I admit, nakaka-intimidate ang mukha ko pero hindi ako ganoon. Hindi ako matandang mayapobre, nakaka-tanda ’yon.” Natawa naman ako sa sinabi ni Lola Flora. Pero sa totoo nyan, nakakatakot ang mikha niya. Para syang isang school head na masungit. Isama mopa ang red lipstick niya at ang mga alahas na suot niya.

“That’s noted po, Lola Flora.” Sagot ko ’tsaka siya lumapit saakin at niyakap ako nito. Parang iisa lang si Lola Londa at Lola Flora dahil napaka-komportable ko sakanila.

“Okay! Let’s go, I’ll introduce you kay Hance nasa kwarto niya.” Hinila ako ni Lola Flora kaya wala akong nagawa kung hindi sumama sakanya.

“Ano nga kasi ang course mo? Malapit na ang pasukan, sasabihan ko si Harry na tulungan ka sa pag-enroll kapag nakauwi siya.” Tumango ako bilang sagot. Hindi ako makapag-salita dahil bukod sa hindi ko alam ang isasagot ko, nahihiya rin ako.

“Bachelor of Special Needs Education with specialization in Early Childhood education po.” Sagot ko.

“Really? Kaya moba akong tulungan sa apo ko? Alam ko hindi kapa graduate pero may tiwala ako. Wala kasing ibang gusto ’yan at walang nagtatagal na nurse sakanya.” Alam kong malungkot si Lola Flora dahil halata ito sa boses niya.

“Matutulungan ko naman po siya, pero hindi pa po ako ganoon kagaling sa pag-handle ng bata. Ano pobang nangyari sakanya?” Nandito kami ngayon sa tapat ng pinto kaya kaagad binuksan ni Lola Flora ang pinto ng kwarto.

“Kung titignan mo parang ang ayos lang siya pero he’s suffering from intellectual disability.” Tumango-tango ako.

“I think, I can help Hance po, Lola.” Tila ba lumiwanag ang mukha ni Lola dahil sa sinabi ko.

“Thank you, Shan, apo. Ikaw na ang bahala sa apo ko and I’ll give you incentives.” Kaagad akong humiling.

“No Lola, I’m good. Okay lang po, dahil parang bayad ko napo ito sa pagpapa-tuloy niyo saakin dito.”

“Are you sure? But if you need something, let me know, ibibigay ko kaagad ’yan. Papakilala pala kita sa kuya ni Hance, si Harry pero nasa gym pa siya. Doon ka nalang mag-aral sa school niya, magka-ibang building nga lang kayo since he’s taking bachelor of science in business management. Alam mona dahil siya ang magmamana sa business ng pamilya namin. Alam kong natikman mona ang Petersen wine dahil madalas kong pinadadalhan ang Lola mo.” Mahabang linyahan ni Lola Flora.

“Lola Flora, masama ba ang ugali ng apo niyo?” Mahinhin na tanong ko dahilan para matawa si Lola Flora.

“Harry? Hindi naman masama ang ugali niya. Siya ang pinaka-makulit kong apo at talagang babakuran niya ako kapag may gusto syang ipabili saakin noong bata pa siya. Ngayon na nasa third year college na siya, hindi na siya ganoon dahil may sarili na itong pera at madalas late na umuwi. Tuwing sunday nalang kami nag-sasama at minsan dinadalhan niya ako ng bulaklak. Napaka-sweet nyang apo.” Alam kong nagsasabi ng totoo si Lola Flora dahil kitang-kita ko sa mata niya kung paano siya ka-grateful sa mga apo niya.

Masasabi ko na napaka-gwapo ng apo ni Lola Flora, panigurado gwapo at magaganda ang mga magulang niya dahil sa magandang kutis ni Hance.

“Lola Flora, nasaan po ang mga magulang nila Hance?” Kinabahan ako kay Lola Flora dahil bigla itong na out of balance at mabuti nalang nahawakan niya ako kung hindi matutumba siya.

“Shan, ang mga magulang nila ay namatay dahil lumubog ang yate na sinasakyan nila noong aniversarry ng mag-asawa.” Tumulo na rin ang luha ko dahil ang sakit makita na nasasaktan si Lola Flora dahil sa nangyari.

“Pasensiya na po dahil naitanong kopa.” Humiling ito.

“Ayos lang, apo. Huwag mo nalang babanggitin sa dalawa ang mga magulang nila.”

Habang busy kami ni Lola Flora sa kwentuhan dito sa kwarto na tutuluyan ko, biglang may sasakyan na tumunog kaya kaagad na napatayo si Lola Flora.

“He’s here. Ipapakilala kita sa makulit at gwapo kong apo. Hindi mo iisipin na college student siya dahil sa katawan niya na parang isang modelo.”

Muli akong hinila ni Lola Linda at halatang aligaga ito dahil sa bilis ng lakad namin. Halos tumakbo na kami.

“Ang ganda naman ng mga kuko mo, Shan. Lalaki ka ba talaga? Napaka-ganda mo kasi. Para kang babae na nagpa-ikli ng buhok.” Humiling ako.

“Lalaki po akong isinilang ni Mama pero babae po ang puso ko.” Tumango-tango si Lola Flora.

“Ang ganda mo, pati sa pagkilos para kang babae. Ang hinhin mong bata ka. Oo nga pala, may isa pa akong ipapasuyo sayo, pero palagi mong unahin si Hance dahil kailangan niya ang tulong mo lalo na kapag may assignment siya.” Huminto kami sa main door bago niya tuluyan itong buksan.

“Tulungan mo si Harry dahil kahit hindi siya magsabi, nawawalan na ito ng gana para mag-aral dahil nawala ang mga magulang niya. Gusto kong makatapos siya. Suwayin mo siya, pag-sungitan or awayin mo kapag ayaw sumunod sayo.” Muli kaming nag-tawanan ni Lola at binuksan ang ang pinto.

“Apo!”

“Hey there Lola! How are yo- who is this stunning woman with you, Lola?”

Chapter 2:

Shan Gonzales

“Hey there Lola! How are yo- who is this stunning woman with you, Lola?” Tanong ng lalaki na bumeso kay Lola Flora. Siguro si Harry na ’to.

“Yeah, I would like you to meet Shan Gonzales at dito na muna siya titira sa bahay. Shan, this is my sweetest apo.” Naka-ngiting turan ni Lola at sinuklian ko lamang ito ng isang pilit na ngiti dahil hindi ko gusto ang presensiya ng lalaki ito. Siya yung tipo ng lalaki na feeling ko mangungulit at maingay. I really really hate high pitch and loud voice.

“Oh, Hi Shan! Nice to meet you. My name is Harry Marco Petersen and how do you want me to address you?” Maliwalas ang ngiti nito at hindi ko i-de-deny na talagang makalaglag panty siya dahil sa malaking katawan nito at sa matangos nyang ilong. Idagdag mopa ang maputi at pantay-pantay na ngipin niya.

Pero, paano ko nga ba gustong ma-address?

“It’s up to you. Bad terminologies are prohibited.” Walang reaction ko na sagot sakanya.

“That’s noted. Let me just call you Shan. Is that okay?”

Nakakainis bakit ramdam ko na nakatingin siya saakin. Ramdam ko na ino-obserbahan niya ang buong pagka-tao ko. Mula sa pagyuko, itinaas ko ang ulo ko para tignan siya at tama nga ako dahil nakatingin ito saakin at naka-ngiti.

“Again, is it okay to call you Shan?” Tumango ako ng mabilis para sumagot. “If you don’t mind me asking, it’s okay not to asnwer this. What is your-” hindi kona siya pinatapos at kaagad na akong sumagot.

“I’m gay.” Tumango-tango ito.

“No problem at all. Welcome to Petersen Mansion!” Gusto kong magpa-salamat pero nahihiya ako kaya ngumiti nalang ako.

“Harry, by the way si Shan ang tutulong sayo sa mga activities mo sa school and as a return, tulungan mo syang magpa-enroll.” Giit ni Lola Flora.

“Lola, ofcourse! I will help Shan. Ako ang bahala sakanya.” Nag-ngitian ang dalawang kaharap ko ngayon at nag-paalam na muna ako sakanila na pumasok sa kwarto ko dahil marami pa akong aayusin na gamit.

Ilang lakad palang ang nagagawa ko ng marinig ko ang boses ni Harry at hindi ko alam kung bumubulong ba siya o ano kasi dinig na dinig ko naman siya.

“Napaka-sungit naman ng babae na ’yon, Lola. Para syang anak ng principal.” Narinig kong tumawa si Lola. Patuloy lang ako sa pag-lakad ko.

“Babae?” Tanong ni Lola Flora kasi kahit ako naguluhan sa sinabi ni Harry.

“Yes Lola. Sabi kasi ng kaibigan ko na gay, para daw syang nakulong sa katawan ng lalaki pero pakiramdam niya babae talaga siya and I will respect it. I mean, I don’t see any problem sa bagay na ’yon. Gay, transgender, bisexual or any of the alphabets, okay lang, tao pa rin naman tayo.” Sa totoo lang, namangha ako sa sinabi ni Harry which is totoo. Ganoon ang pakiramdam, pakiramdam ko nakulong ako sa katawan ng isang lalaki.

“Are you open with realtionship with Gay or transgender?” Napahinto ako sa pag-lalakad dahil sa narinig ko. Siguro hindi naman nila ako makikita dahil nang iwanan ko sila naka-upo sila sa sofa.

“I can’t answer that. Currently, I am dating and flirting with girls.” Flirting? Red flag.

Hindi kona pinakinggan pa ang ibang kwentuhan nila dahil kailangan konang ayusin ang mga gamit ko na nasa itaas. Pag-akyat ko sa second floor ng mansion, narinig kong may sumisigaw sa kwarto na katabi lang ng kwarto ko. Alam kong si Hance ’yon at nagmadali akong pumasok sa kwarto niya.

Pag-pasok ko, sinasabunutan niya ang sarili niya at may luhang tumutulo sa mga mata niya kaya tila ba naawa ako sa bata. Hindi ko alam kung lalapitan ko pero bahala na.

“Hello, Hance. Is there anything that I could help?” Lumingon ito saakin at halatang naguguluhan kung sino ang taong nasa harapan niya. “Hance, my name is Shan. Apo ako ng kaibigan ni Lola Flora mo and I’ll be happy to help you. May problema ba?” Tumango ito at itinuro saakin ang worksheet niya. Tinignan ko ng mabuti ang worksheet niya at lesson sa math ang kailangan nyang sagutan.

“Okay, Hance. Here’s the thing, this lesson is all about fraction. This is really easy as one, two, and three!” Tumingin si Hance sa worksheet niya at talagang pinakikinggan niya ang sinasabi ko. Alam komg nahihirapan si Hance sa ganitong bagay dahil kahit twelve yearsold na ito, nahihirapan pa rin siya sa lesson na pang-grade three. Alam ko naman na maiintindihan niya ito basta ipaliwanag lang ng maayos sakanya.

“Let’s start. Can you tell me, what is this?” Itinuro ko sakanya ang bilog na naka-drawing sa item number one.

“Circle.” Matipid na sagot niya.

“Awesome! Imagine this is a whole pizza. If you will observe the pizza, it has slices right?” Tumango siya. “Can you count the slices in this whole pizza?” Itinuro niya ang bawat slice ng pizza sa loob ng circle at binilang ito.

“We have 6 slices of pizza.”

“Perfect Hance! Now, I will take one slice and you also take one. So, we need to remove two slices, how many slices of pizza do we have now?” Tanong ko, kinakabahan ako dahil natagalan siya sa pag-sagot.

“Four?”

“Yes, if you will observe here the two slices of pizza has black color. Now, ilalagay natin ang dalawang pizza na kinuha natin sa itaas ng line na ito or the fraction line.” Itinuro ko ang line na provided sa worksheet. “The two slices of pizza will serve as the numerator and the denominator is the total part of the whole pizza.” Kinuha ko ang lapis niya at pinalagay ko ang number two sa itaas ng line at sunod naman ang number six sa ibaba nito.

“That’s easy and quick right?”

“It is, thank you. Can you teach me everyday?” Natawa naman ako sa tanong ni Hance kaya tumango ako kaagad.

“Ofcourse, I can teach you everyday!” Sinuklian ako nh ngiti at nag-focus na sa ginagawa niya. Binantayan ko muna siya ng bahagya dahil natatagalan pa rin siya sa item number two pero okay lang as long as alam niya ang process.

“Great job, Shan!” Nagulat ako dahil nasa likuran ko pala si Lola Flora at si Harry na nakapa-mulsa na seryosong nakatingin saakin.

“Thank you po.” Muling ngumiti si Lola Flora.

“I want you to be my teacher, mas naiintindihan kopa ang explanation mo. Can you also help me?” Hindi ko alam kung binobola ako nito pero parang nang-aasar lang. Ang laking tao tapos ang tamad sa school activities pero hindi ko naman siya masisisi at may dahilan naman.

“Lola Flora, iwanan kopo muna kayo aayusin kolang po ang mga gamit ko sa kwarto.” Tumango si Lola at muling nag-pasalamat saakin. Sabi ko naman wala ’yon.

“Hindi man lang ako sinagot.” Atungal ni Harry kaya binangga ko ito.

“Excuse me.”

“Wow! Lola tignan mo ang tao na ’yon, siya pa talaga ang may balak na mag-sungit.” Muling atungal ni Harry, talagang nag-sumbong pa sa Lola niya. Sa laki ng katawan niya at gwapo nyang mukha, pero kung makapag-sumbong siya para syang bata. Pero I’m not going to lie, he’s hot at malahibo ang katawan niya.

Kung hindi pa siya bastos, naka-swimming shorts siya tapos walang damit kaya kitang-kita ang pandesal niya at may linya ng buhok sa tyan niya papasok sa shorts niya.

Grabe, makasalanan na kung makasalanan pero hindi ko talaga maiwasan na mapatingin sa lalaki na ’yon. He’s different. May kakaiba sakanya na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ko rin alam kung bakit sinusungitan ko ang lalaki ma ’yon pero nagagawa pa rin nyang ngumiti saakin. He’s hot pero naiirita ako sa presensiya niya. Gusto ko tahimik lang.

“You like the door?” Malakas na tumawa ang halimaw na nasa likuran ko ngayon dahilan para harapin ko siya. Pag-harap ko, hindi ko inaasahan na halos three inches nalang ang layo mula sa mukha ko at mukha niya. “Kanina mopa tinitignan ang pinto or baka naman may iniisip ka?” Muli itong ngumiti pero yung nakakasar na ngiti. Nagka-palitan nakami ng pwesto ngayon, siya na ang malapit sa pinto ng kwarto ko.

“Eh, bakit mo ba kasi binabantayan ang kilos ko?” Inikutan ko siya ng mata. “And, stop smiling. Nakakairita ka.”

“Fuck, ikaw lang ang nagsabi sa’kin nyan. Naiirta ka sa mukha na ’to?” Mukhang dismayado ang halimaw.

“Oo. Ano bang meron dyan?” Inosente kong sagot.

“Fuck, you can’t see this handsome and fresh face?” Humiling ako. “Okay, basta tutulungan mo ako sa activities ko. Bawal mag-reklamo, okay?” Biglang kumilos si Harry kaya tinakpan ko ang mukha ko dahil sa takot. Hindi ko agad inalis ang palad ko sa mukha ko.

“Hey, are you okay? Look, hindi kita sasaktan. I know your story, Lola Flora told me. Bubuksan ko lang ang pinto para sayo.” Inalis ko ang palad ko sa mukha ko at tinignan si Harry na nag-aalala ang mukha. Akala ko sasaktan niya ako dahil sa pag-galaw ng kamay niya kanina.

“I’m so sorry, alam kong may trauma kana sa nangyari, rest assured na walang mananakit sayo dito at hindi kita sasaktan.” Seryosong turan saakin ni Harry kaya napatango nalang ako. “Shit, don’t cry.” Lalapit na sana siya saakin at alam kong yayakapin niya ako pero itinaas ko ang kamay ko senyales na pinapahinto ko siya.

“Stay away from me.” Iniwan ko siya sa labas at isinarado ko ang pinto. Ayokong pinapakita sa mga tao na umiiyak ako at mahina ako. Hindi ko rin bakit ganoon ang pakikitungo ko kay Harry, siguro dahil sa karanasan ko sa Daddy ko kaya may takot akong nararamdaman sa tuwing gagalaw at lalapitan ako ng lalaki.

Oo, mabait si Harry pero ganoon rin naman si Daddy noong hindi pa ako nagsasabi sakanila na bakla ako.

When the hope disappears and when this world’s insincere, am I safe here?

Chapter 3:

Shan Gonzales

“Hance, umupo ka dyan at gawin mo yung sinabi ko sayo, ah?” Tumango ito bilang sagot. “I’ll bake cookies for you habang ginagawa mo ’yan tapos panoorin mo narin ako, okay?” Tanong ko kay Hance ngumiti naman ito.

Pinag-print ko kasi siya ng tracing weoksheet para sa mga letters at numbers. Ang tanging alam niya lang talaga ay ang mga letter sa pangalan niya pero sa mga numbers okay na okay naman siya.

One week na simula nang dumating ako dito. Matagal pa naman ang pasukan dahil halos kaka-tapos lang ng school year kaya marami pa akong time para turuan si Hance. Kahit bakasyon, may pasok ito parang summer class.

Naging magka-sundo rin kami ni Hance dahil palagi ko syang sinasabayan sa gusto niya. Ang ginagawa kong strategy para gawin niya ang mga pinapagawa ko at mga activities niya sa school, kunwari nag-aya syang mag-swimming sasabihin ko, after ng swimming gagawin na namin ang mga dapat nyang gawin. Effective naman so far.

Si Lola Linda naman palagi ang tawag saakin maging si Mama dahil kinakamusta nila ako. Patuloy pa rin ako sa pag-inom ng gamot at pag-papagaling ng mga sugat ko.

Maya-maya habang inilalagay ko ang cookie dough sa mga pastry tray, naramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko kaya tinignan ko ito. Si Hance pala.

“May kailangan ka, Hance?” Napaka-cute talaga ng bata na ito. Pero yung kuya niya nakakairita dahil madalas akong asarin. Pinapatay ba naman niya ang ilaw sa banyo habang naliligo ako. Yes, nagagawa nyang pumasok sa kwarto ko kahit i-lock kopa ito.

“Water please,” walang emosyon na turan ni Hance kaya ngumiti ako at tumango sakanya. Kumuha ako ng baso at binuksan ang refrigerator para kunin ang lagayan ng tubig doon.

Nag-buhos ako sa baso at muling ibinalik ang lagayan ng tubig sa refrigerator. Pag-talikod ko halos tumalon ang puso ko sa gulat dahil may madre sa likuran ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sumigaw ako pero kaagad na tinakpan ng madre ang bibig ko.

“Priceless reaction.” Giit ng madre at malakas itong tumawa. Napag-tanto ko na si Harry ang nasa likod ng costume na ito kaya mabilis kong kinalas ang kamay niya sa bibig ko.

“Ang sabi ko huwag mo akong hahawakan o lalapitan ’di ba?” Seryosong giit ko dito nang tanggalin niya ang maskara niya.

“Binibiro lang naman kita, ang seryoso mo kasi sa buhay.” Giit nito at muling tumawa habang hawak ang tyan niya.

“Talagang seryoso ako sa buhay. Wala akong oras sa mga bagay na ito.”

“Okay, sorry na. Napaka-suplada talaga ng apo ni Lola Linda. Maganda ka ba?” Ang lakas talaga ng trip ng lalaki na ’to. Halos makalimutan kona na nanghihingi pala ng tubig si Hance kaya ibinigay ko muna.

“Maganda talaga ako. Hindi mo ba nakikita? Subukan mong sumagot na hindi ko magugustuhan hindi ka talaga makakatikim ng mga cookies na ’yan.” Tsaka ko pinakita ang mga cookies at mukhang natakam naman ito.

“Well, sige talo na ako. Maganda kana.”

“Ayan ganyan dapat para magka-sundo tayo basta huwag na huwag mo akong hahawakan.”

“Okay. One more thing, wala naman akong magagawa kung nagagandahan ka sa sarili mo.” Muli itong tumawa ng malakas dahilan para lapitan siya ni Hance para buhusan ito ng natirira nitong tubig. Agad kong kinuha si Hance at pinabalik sa upuan.

“Hance, I appreciate you for protecting with your Kuya Harry but that’s not the good way. When the two adults are talking let them, don’t disturb them, okay?” Nakatingin sa mga mata ko si Hance at tumango naman ito.

“Noted po, I’m sorry.”

“No, that’s definitely fine. Huwag mo nalang gagawin next time, okay?” Muling itong ngumiti at bahagya ko naman pinisil ang matabang cheek nito at muling binalikan si Harry.

“Harry, pwede bang huwag tayong mag-away kapag nandyan si Hance? Nakakairita ka kasi, lapit ka ng lapit tapos puro kapa pang-aasar.” Kasalukuyan nyang inaalis ang costume niya ngayon kaya naka-boxer shorts nalang ito at wala itong suot na kahit anong damit pang-itaas. Hindi ba nilalamig ang malimaw na ’to sa centralized na aircon nila?

“Ang sarap mo kasing asarin. Tignan mo, mas mahal kapa ng kapatid ko. Anyway, I need your help.” Hindi ko ito nilingon dahil wala akong balak na tulungan siya.

“May ginagawa ako. Magpatulong ka sa mga kasambahay.” Patuloy lang ako sa pag-lagay ng cookie dough sa pastry tray at na-pre-heat konarin ang oven nila dito. Kumpleto sila sa gamit at sangkap dito kaya wala problema kahit magluto kapa ng kahit ano. Kagabi kopa talaga ginawa ang dough para ngayon i-be-bake nalang.

“Day off nila.” Sumusunod ito sa bawat galaw ko at alam kong tinitignan niya ang mga ginagawa ko.

“Nakakainis ka naman, Harry! Saan kaba papatulong?” Naiirita kong giit sakanya dahil sinusundan talaga niya ang bawat kilos ko.

“I need to put some led lights on my room at kailangan ko rin isabit ang mga frames na nabili ko.” Halata sa mukha niya na kailangan niya ng tulong. “Alam kong magaling sa pag-design ng room dahil nakita ko ang room mo na puro barbie.” Muli itong tumawa at inikutan ko siya ng mata.

“Sige mang-asar ka lang, mag-isa ka talagang gagawa nyan.”

“Hindi na kita aasarin. Are you done? Nagugutom na ako.” Umupo ito sa counter part ng kitchen. Bale parang nanonood siya nh cooking show sa pwesto namin ngayon. Si Hance naman tahimik na nagsusulat sa gilid.

“Bibigyan ba kita?”

“Why not?”

“Hindi kita bibigyan manigas ka dyan.” Giit ko kaya parang ngumiti ito ng nakaka-asar. Muli kong sinilip ang timer ng oven at hinintay na mag-rinf ito. Nang mag-ring ang oven, binuksan ko ito at tinusok ng toothpick para tignan kung luto na ito sa loob. Nang makita ko na walang sumama sa toothpick, kinuha kona ito at isa-isang inilagay sa plato. Palalamigin ko muna ng bahagya bago ko bigyan si Hance.

“Manigas? Gusto mobang manigas ako dito?” Naka-ngiti ng nakakaloko si Harry kaya inikutan ko lang ng mata.

“Hance, this is for you. Huwag mo muna gagalawin dahil mainit pa ng kaunti baka mapaso ka.” Tumango si Hance at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Pagkatapos kong asikasuhin si Hance binalikan ko ang cookies na nasa mesa pero halatang nabawasan ito kaya kaagad kong tinignan si Harry at tama nga ako dahil nilalantakan na niya ang mga bi-nake ko kaya wala na akong nagawa.

“I like your cookies. Ang sarap ng cookie mo. I’m thankful dahil natikman ko ang cookie mo bago pa matikman ng iba.” Hindi ko alam pero sobrang dumi ng isip ko kaya napahawak ako sa mga nails ko at kinalikot ito. Kusa kong ikikilos ito kapag kinakabahan ako.

“Cookie?” Sabay kaming napa-tingin ni Harry sa taong kakapasok lang.

“Lola Flora, kinain niya ang cookie ko.” Giit ko kaya mas lalong hindi maipinta ang reaction ni Lola Flora ngayon.

“Harry Marco Petersen, bakit mo kinain ang cookie ni Shan nandyan pa naman si Hance.” Giit ni Lola kaya hindi kona napigilan at natawa na ako pero hindi ito ko pinakita kay Harry. Hindi ko rin maipinta ang itsura ngayon ni Harry dahil na-misinterpret ni Lola Flora ang sinabi ko.

“Lola, this one.” Itinaas ni Harry ang hawak nyang cookies sa kabilang kamay niya kaya tumango-tango si Lola.

“By the way, Shan. I need to talk to you. May ipapakita kami ng Lola Linda mo.”

“Sige po, Lola. Kailan poba?” Tanong ko habang kinukurot ko ang kamay ni Harry dahil dumudukot na naman ng cookies sa plato.

“Later, tapusin niyo na muna ’yan.”

“Sige po.” Tumalikod na si Lola Flora at muli kong nilapitan si Hance dahil mukhang tapos na siya kaya kumakain na.

“Go to my room after mo dyan. May gagawin tayo.” Anunsyo ni Harry kaya inikutan ko lang siya ng mata.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.