Your Body Is A Wonderland
Nickolai214 · 1 chapter · 1,900 words
Jack of Heart 1
Rand Cuevas
Hinihingal ako nang nang ibagsak ko sa ibabaw ng kama ang katawan ko. Habang sa kabilang side ng kama ay nakahiga ang nakangiti na si Hector.
Hindi na naman ako nakaligtas sa bangis ng hayop na lalaking ito. Halos buong hapon niyang pinagsawaan ang katawan ko at naubos na naman niya ang lakas ko.
Napapikit na lang ako habang bumabawi sa pagod ng naganap na pagtatalik namin ng tarantadong kriminal na ito.
Nanatili lamang ako na nakapikit habang iniisip kung paano ko matatakasan ang malupit na kapalaran ko sa mga kamay ng tarantadong lalaki na ito.
Halos limang minuto ang mabilis na lumipas hanggang sa maramdaman ko na gumalaw siya kaya napamulat ako saka ako sumulyap sa kanya.
Nakangisi pa rin siya habang nakatitig sa akin. Naramdaman ko ang palad niya na humaplos sa maumbok na dibdib ko.
Napapikit ako nang matamaan na naman niya ang maselang parte doon bago siya dumapa sa tabi ko saka niya sinamyo ang kaliwang pisngi ko.
Nakaugalian na niya na gawin iyon sa akin ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagiging kumportable.
“Gusto ko pa sana ng isa pa pero may importanteng lakad ako ng alas siete.” sabi niya saka niya ginawaran ng masuyong halik ang dibdib ko.
“Hindi na kita pinababantayan sa mga tauhan ko kagaya ng hinihiling mo sa akin. Pero sa oras na mahuli kita na nakikipaglandian sa mga babae mo ay malalagot ka sa akin.” banta niya habang nagbibihis siya.
Hindi ko na lang siya sinagot. Wala rin naman akong magagawa dahil hawak niya ang buhay ko. Natawa ako nang matinig ko na naman ang madalas na paalala niya lalo na sa tuwing nagagalit siya sa akin.
“Pag-aari kita Rand. Pag-aari ko hindi lang ang katawan mo kundi pati ang pagkatao mo. Hindi ka pwedeng magmahal ng kahit na sinong babae. Isaksak mo sa kukote mo yan.”
Hindi na niya hinintay pa na sumagot ako. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid ko paalis sa unit na tinutuluyan ko.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay nanggigigil ako sa pinagsusuntok ang kawawang kama.
Naririndi na ako sa linyang iyon ni Hector. Hindi ko man lang magawang makipag-usap sa kahit na sinong babae dahil kapag nalaman niya iyon ay siguradong mapapahamak sila.
Naiinis ako na bumangon saka ako dumiretso sa shower. Doon ay pinahupa ko ang inis ko. Nilinisan ko na rin ang katawan ko na buong hapon na nilaro ni Hector.
Nakakasawa na ang ganitong buhay putang-ina bakit ba kasi ako napasok sa ganitong sitwasyon?
Nang matapos ako ay nagtapi ako ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan ko saka ako dumampot ng isa pang towel para sa katawan at buhok ko.
Nagsimula na ako sa pagpapatuyo ng katawan. Pabalik na ako sa silid ko nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell.
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayon. Bahagya akong napailing bago ako humakbang patungo sa pinto.
Sinilip ko mula sa peephole ang tao sa labas bago ko binuksan ang pinto.
Nasa harapan ko ngayon ang isang gwapong binata na sa tingin ko ay nasa bente lang ang edad.
Nakita ko na naglakbay ang tingin niya sa katawan ko. Napasunod din ang tingin ko doon.
Nakahubad pa rin ako at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko.
May mga butil pa ng tubig sa hubad na katawan ko. Nagtagal ng bahagya sa dibdib ko ang tingin niya bago siya naiilang na tumingin sa mukha ko.
Napangiti ako dahil sa reaksyon niya. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Pero may kakaiba sa binatang ito.
Napalunok ako nang mapagmasdan ko ang manipis at mapulang labi niya. May kakaiba akong nakikita sa inosenteng mga mata niya.
Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na siya naman ang suriin ko. Maganda ang hubog ng katawan niya pero kumpara sa akin ay maituturing mo na payat at medyo maliit siyang lalaki. I think he’s around 5’5 or 5’6 foot kumpara sa tangkad ko na 5’10.
Sabagay ay bata pa siya. Pwede pang mas ma-improve ang physical features niya. Pero ang mas nakaagaw sa pansin ko ay ang magandang tubo ng pilik ng mga mata niya. May pagka-feminine pero bumagay sa semi-masculine features ng mukha niya.
Narinig ko ang mahinang pagtikhim niya saka siya bahagya na tumingala sa akin.
“Nagpunta ako dito kasi ito yung address na ginamit ng kapatid ko sa huling sulat niya sa akin.” simula niya.
Kumunot ang noo ko saka ko siya mataman na pinakatitigan. “Kapatid? Sinong kapatid?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Kapatid ako ni Clinton. Ako si Clark Maniago.” sagot niya.
“Clinton?” tanong ko sa kanya saka ako nag-isip. “Clin…ton… Clinton,”
Bigla kong naalala. Nabanggit sa akin dati ng kaibigan kong si Robert na Clinton ang totoong pangalan niya bago siya dinala ng Tatay niya dito sa Maynila.
Clinton rin ang ginagamit niya sa identification card at mga papeles niya dahil iyon ang nakaregister sa birth certificate niya. Pero Robert na ang nakasanayan na itawag sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya.
Hindi siya kilala ng mga tao bilang si Clinton. Pero bakit naman address ko ang ginamit niya para sulatan ang kapatid niya. Teka lang may kapatid si Robert?
May
bunsong
kapatid ako pero hindi na gusto ni tatay na nababanggit pa ang pangalan niya.
Nanlalaki ang mga mata ko na sinulyapan ang binatang kaharap ko. Maputi ang binatang ito kumpara sa kayumangging balat ni Robert.
Pero sa facial features ay may bahagya sila na pagkakahawig pero minimal lang. Marahil ay nakakuha ng facial features ang binatang ito sa Nanay nila.
Carbon copy kasi ni Tito Nolan si Robert pero hindi ang niya kahawig ang binatang ito. Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita muli ang binatang kaharap ko.
“Last year pa ang huling sulat niya sa akin pero nung nakaraan ko lang natanggap. Nagbabakasakali lang ako na baka dito pa rin siya umuuwi kaya nagpunta ako.” sabi niya.
Napansin ko na umiiwas siya na titigan ang hubad na katawan ko kaya naisip ko na papasukin muna siya para makapagbihis lang din muna ako.
“Tumuloy ka muna. Magbibihis lang ako sandali sa loob.” sabi ko sa kanya.
“It’s okay! Magbihis ka muna. Maghihintay na lang ako sayo dito sa labas.” sagot niya na nagpakunot muli sa noo ko.
“Ayaw mo bang pumasok muna para makaupo ka habang hinihintay mo ako.” sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa inosenteng mukha niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paggalaw ng mga mata niya na tila ba nag-iisip siya kung papasok ba siya o hindi.
“Hindi ako masamang tao. Kaibigan ako ng kapatid mo. Wala akong masamang binabalak gawin sayo. Gusto ko lang na maging kumportable ka habang hinihintay mo ako na makapagbihis. Nakakahiya naman kasi kung hanggang mamaya ay mag-uusap tayo dito nang nakahubad ako.” mahabang paliwanag ko.
“S-Sorry!” nauutal na sagot niya marahil ay dahil sa pagkapahiya dahil natumbok ko ang iniisip niya.
“Sige maghihintay na ako sa loob. Pasensya ka na hindi lang kasi ako nasanay na pumapasok sa mga ganitong lugar.”
Nang makapasok siya ay nakita kong sinusuri niya ang lugar. Umiikot sa buong paligid ang tingin niya.
Pinaupo ko siya sa living room ng unit ko saka ko siya hinapagan ng soda galing sa fridge. Bukod kasi sa beer ay wala nang ibang laman ang fridge ko.
Mabilis na akong pumasok sa silid ko pagkatapos ay mabilis na rin akong nagbihis. Kahit ano na lang na madampot ko ang isinuot ko.
Nakasando na puti ako at taslan shorts nang lumabas ako at hinarap ko siya sa may living room.
“Ganito kasi yan. Kaibigan ko yung kapatid mo pero hindi siya dito nakatira. Hindi ko rin alam kung nasaan siya ngayon.” simula ko sa kanya.
Napagmasdan ko si Clark na nakatingin lang sa cactus plant na nakalagay sa mesa sa harapan niya. Mababakas ang disappointment sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
“Hindi ko rin kasi alam na ginamit ni Robert, ni Clinton ang address ko para sulatan ka. Digital age na tayo ngayon pero hindi ko alam kung bakit napaka oldschool ng kapatid mo at idinaan pa niya sa sulat ang pagkontak sayo.” natatawang biro ko sa kanya para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya.
“Ginamit pa ng gago ang address ko hindi man lang nagpaalam sa akin.” mahinang bulong ko sa sarili ko.
“I’m sorry kung naabala kita. Please wag kang magalit kay kuya kung ginamit man niya ang address mo. Desperado lang kasi ako na makausap siya ngayon kaya nagbaka-sakali na ako na nagpunta dito.”
Pinagmasdan ko siya mula ulo pababa sa katawan niya habang iniisip ko kung paano ko siya matutulungan sa problema niya.
Hindi ko rin kasi kabisado ang number ni Robert dahil pati cellphone ko ay kontrolado ni Hector.
Dalawang buwan na mula nang huling dumalaw sa akin si Robert. At ang tanging paraan na lang para magkausap sila ng kapatid niya ay kapag dinalaw niya ako dito.
“Pasensya ka na kung naabala kita. Siguro ay babalik na lang ako sa ibang araw baka sakali na maabutan ko siya dito. Aalis na ako. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin.” sabi niya saka na siya tumayo para lumabas.
“Sandali lang!” pigil ko sa kanya. Nahawakan ko siya sa palapulsuhan niya. Mabilis na dumako ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
Napasunod din ang tingin ko doon bago ako marahan na tumingala sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin kasabay ng pagdaloy sa palad ko ng kakaibang init na nagmumula sa balat niya.
“Hindi ko kasi alam kung kailan mapapadaan dito ang kapatid mo. Pero kung sakali na maligaw siya ay sasabihin ko sa kanya na hinahanap mo siya.”
Bahagyang nagliwanag ang anyo niya. Hindi ko alam pero natuwa ako nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya kahit pa parang pilit lang iyon.
“Kapag nakita mo si Kuya baka pwedeng tawagan mo ako.” sabi niya saka niya binawi ang kamay niya na hawak ko.
May dinukot siya sa bag niya at nang buksan niya ang wallet niya ay nakita ko na kumuha siya ng isang calling card pero mabilis din niyang binitawan iyon.
Sa halip ay kumuha siya ng maliit na post it paper saka niya isinulat doon ang number niya bago niya iyon iniabot sa akin.
Kinuha ko iyon saka ko binasa ang nakasulat. Clark Maniago.
Iniangat ko ang maliit na paso ng cactus sa mesa saka ko itinago doon ang number papel na hawak ko.
“Don’t worry tatawagan kaagad kita kapag nakausap ko si Clinton.” sabi ko.
Ngumiti siya saka siya nagpasalamat at nagpaalam na rin na aalis na siya.
Ihahatid ko sana siya patungo sa pinto nang bigla kong marinig ang papalapit na boses ni Hector.
Naalarma ako at nag-alala sa kaligtasan ng binatang kasama ko ngayon kaya mabilis ko siyang niyakap saka ko tinakpan ang bibig niya.
Hinatak ko siya papasok sa silid ko saka ako naghanap ng maaari niyang pagtaguan.
Nagpupumiglas siya pero binulungan ko siya na hindi ko siya sasaktan basta wag lang siyang mag-iingay.
Nakita ko ang closet saka ko dinala at pinapasok doon si Clark. “Please wag ka munang lalabas diyan kundi mapapahamak tayo pareho.” bulong ko sa kanya.
Nang maramdaman ko na kalmado na siya ay dahan dahan ko siyang pinakawalan.
“Dito ka lang muna.” bulong ko sa kanya saka ko na isinara ang pinto.
Sakto naman ang pagbukas ng pinto sa silid ko at ang pagpasok ni Hector.

