loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
You're Mine, Princess

You're Mine, Princess

Ajai Kim · 40 chapters · 81,857 words

Prologue

The tattooed,

handsome

bachelor and bad boy Duke Melendrez once fell in love with a teenage girl named Haya who hates his existence.

He became obsessed with this girl and do impossible things that he didn’t imagine he can do

but in the end, he still didn’t get her.

The history repeats itself when he met an 18-year-old girl named Clarisse Ann Victorino who’s 12 years younger than him and this girl hates his existence too.

But Duke wants to possess

Clarisse

even if she hates him and he will do everything to get her in good or maybe in bad ways.

And that’s

how

Duke’s story goes with his princess, Clarisse.

“You’re Mine, Princess…”


G

ENRE:

Romance/Obsession/

Reverseharem

WARNING: The characters of this story and their

mindsets

were not perfect as you think. You don’t need to say offensive things to the story if you don’t like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

Please like my Facebook page:

“Ajai_Kim WP Stories”

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2021 by Ajai_Kim

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Chapter 1

CLARISSE’S POV

“Nandyan si Ravi sa baba. Huwag mo na ulit siyang paghintayin dahil sa makupad mong kilos, Clarisse.” banta sa akin ni kuya Arman pagkapasok niya sa loob ng kwarto ko.

Bumuntong-hininga naman ako at walang nagawa kundi ang bumaba mula sa loob ng kwarto ko. Pagkarating ko sa sala ay nandoon nga si Ravi na kinakausap ni kuya Arman. Nang makita ako ni kuya ay kaagad siyang lumabas ng bahay para iwanan kami ni Ravi.

Umupo ako sa tabi ni Ravi na nakahalukipkip lang at tahimik sa tabi ko. Ganito naman talaga siya, tahimik at malihim.

At hindi ko rin inaasahan na magiging boyfriend ko siya.

“Why you didn’t answered my texts and calls yesterday?” malamig niyang tanong sa akin.

“N-nalowbat kasi ang cellphone ko sa school at nakatulog na rin ako ng maaga kahapon kaya hindi na kita nacontact pa.” sabi ko naman na medyo nautal pa.

“Really, huh?” tangi niyang nasabi at hindi na siya muling nagsalita.

Si Ravi Romualdez ay boyfriend ko. May kaya ang pamilya nito hindi katulad ko na galing sa isang mahirap na pamilya. May-ari sila Ravi ng Gasoline store na malapit sa amin at may talyer rin sila na pagmamay-ari naman ng ama niya.

Naging boyfriend ko siya dahil nanligaw ito sa akin at matalik rin niyang kaibigan si Kuya Arman.

Tahimik na tao si Ravi at ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang ngumiti. May gang ito na kinabibilangan rin ni kuya Arman. Si Ravi ang leader ng gang na iyon kaya delikado at nakakatakot itong tao. Hindi iyon mahahalata sa gwapo at maamo niyang mukha.

Paano nga ba naging kami ni Ravi? Malaki ang pagkakautang ng pamilya ko sa kanya. Si Ravi ang gumastos ng lahat pati na rin sa heart operation ng bunsong kapatid kong si Janjan kapalit nun ay dapat pumayag akong maging boyfriend ko siya.

Wala man akong nararamdaman para kay Ravi at ni minsan ay hindi ako nagkagusto sa kanya dahil alam ko na delikado itong tao ay pikit mata kong tinanggap ang alok niya kapalit ang gastos sa operasyon ng kapatid ko.

Wala akong magawa, kulang rin ang kinikita ko sa pag-oonline selling ng mga bags at sapatos para sa operasyon ni Janjan. Si Mama naman ay hindi pwedeng magtrabaho dahil may sakit itong diabetes at si kuya Arman naman ay hindi rin sapat ang kinikita sa pagiging waiter nito sa restaurant sa Alabang.

Si Ravi lang ang makakatulong sa akin at sinamantala ko ang pagkagusto niya sa akin para lang sa operasyon ni Janjan.

“Sorry…” mahina kong banggit at napayuko nalang.

Hindi sumagot si Ravi doon at isinandal nalang ang ulo nito sa sofa namin.

“Let’s date.” kaswal niyang sabi.

Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa at wala rin akong karapatang tumanggi sa kanya. Simula nung naging boyfriend ko si Ravi ay kontrolado na niya ako maging pati na rin ang pamilya ko.

Nakita ko si Mama na nakasilip sa amin mula sa itaas ng kwarto niya. Naluluha ito at walang magawa para sa akin. Alam niya ang sitwasyon ko at katulad niya ay nagtitiis lang rin kami dahil marami kaming utang kay Ravi.

Mula sa pagtulong nito sa pagpapaopera kay Janjan hanggang sa siya na rin ang tumubos ng bahay namin na isinangla ni Papa sa pinagkakautangan niya nang matalo siya sa casino bago siya namatay sa sakit na stroke limang taon na rin ang nakakalipas.

Nagbihis lang ako ng isang kulay maroon na t-shirt at dark blue na jeans. Ayaw ni Ravi na magsusuot ako ng dress o kahit na ano pa mang sexy na damit dahil makakaattract lang daw ako ng mga manyak kapag nagsuot ako ng ganon.

Anim na taon ang tanda sa akin ni Ravi at mas matanda naman siya ng apat na taon kay Kuya Arman. Dahil sa angking kagwapuhan at sa pagiging misteryoso niya ay maraming mga babae ang nahuhumaling dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa akin pa siya nagkagusto na ni minsan ay hindi siya nagawang pansinin.

Nagpunta kami ni Ravi sa mall bilang date namin at kumain sa isang fast food restaurant. Wala talaga akong maramdamang kilig o tuwa sa tuwing nagdi-date kami, bukod sa bihira siyang nagsasalita kapag kasama ako ay wala akong makapang emosyon sa puso ko kapag kasama ko siya.

Alam kong ganito na siya noon pa pero hindi talaga ako masaya sa kanya.

Kung may pagpipilian lang talaga ako.

“Anong oras ang klase mo bukas?” sa wakas ay nagsalita na rin siya.

“Mga 8am hanggang 5pm.” sagot ko naman.

Nasa pila kami ngayon ng Pizza Hut at sinabi ni Ravi na magtake out raw ako ng pizza para kila Mama, kuya Arman at Janjan. Alam ko na ginagawa niya lang ito para magpakitang gilas sa pamilya ko.

“Baka lumandi ka na naman at hindi ako kontakin bukas.” umismid siya na ikinatahimik ko.

“Akala mo ba hindi ko alam? Na nakita ka ni Erika sa school niyo na kasama mo naman ’yung Morris na ’yon. Tss.”

Hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao ko. Nagsumbong na naman si Erika sa kuya niya at nag-imbento ito nang kung anu-ano patungkol sa amin ni Morris na kaklase at matalik kong kaibigan.

“Kaibigan ko lang si Morris, Ravi.” sagot ko.

“Alam ko, but I’m now your boyfriend kaya wala kang karapatang lumandi sa ibang lalake. Baka nakakalimutan mo na malaki pa ang pagkakautang niyo sa akin ng pamilya mo at ikaw lang ang kabayaran nun?” panunumbat niya ulit.

Pinipigilan ko lang na huwag mapaiyak. Sa tuwing may pinagtatalunan kami ni Ravi sa loob ng dalawang buwan namin bilang magkarelasyon ay hindi na mawawala sa kanya ang panunumbat sa tulong na ginawa niya para sa amin ng pamilya ko.

Tinitiis ko nalang ang lahat kahit minsan ay minamaliit na niya ang pagkatao namin dahil sa mahirap lang kami ng pamilya ko at hindi kasing yaman nila.

“Sometimes, I don’t understand why I love you. You’re too poor and weak for me but I guess, napakaganda mo kasi at matatapakan lang ang ego ko kung hindi kita magiging girlfriend. Every men wants you kaya inunahan ko na sila. You’re only mine.” sabi ni Ravi habang nagmamaneho na ito pabalik sa bahay namin.

Napakawalang hiya niya talaga! Minumura ko na siya sa isipan ko dahil hindi ko magagawang sagutin siya pabalik.

Itinikom ko nalang ang bibig ko hanggang sa makauwi na kami sa bahay. Mabuti nalang at hindi niya raw ako maihahatid bukas ng maaga sa school ko dahil may pupuntahan daw sila ng Dad niya pero sa dismissal ko ay susunduin niya raw ako. Kahit papaano ay hindi ko makikita ng maaga ang pagmumukha niya.

“Umayos ka bukas, Clarisse dahil kapag nabalitaan ko na naman kay Erika na nakikipaglandian ka sa Morris na ’yon at hindi mo pa rin siya nilalayuan ay alam mo na ang mga kaya kong gawin.” madiin niyang sabi sa akin bago niya ako hinalikan sa labi at umalis na rin pagkatapos.

Nanghihina nalang akong napaupo sa sofa at napaluha ng tahimik. Ang sakit-sakit sa dibdib ko na nagkaroon nga ako ng boyfriend pero hindi ko naman mahal at walang ibang ginawa kundi ang diktahan ako sa mga gagawin ko at maliitin lang ako dahil sa hindi namin pantay na estado ng buhay.

“I’m sorry, anak…”

Nakita ko nalang si Mama na naglalakad papalapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak sa mga bisig niya.

“I’m sorry kung wala akong magawa, hindi ko gusto si Ravi para sa’yo pero wala rin akong mapagpipilian dahil hindi ko alam kung saan tayo kukuha ng pera para ipambayad sa lahat ng naging utang natin sa kanya.” Paghingi ng tawad ni Mama sa akin.

“Naiintindihan ko po kayo, Mama. Kaya ko pong tiisin si Ravi, wala naman po siyang ginagawang masama sa akin hangga’t sinusunod ko siya.” sabi ko habang umiiyak.

“Pero anak, alam mong delikado siya at hawak rin niya sa leeg ang kuya mo. Kung gusto mo ay magtatrabaho nalang ako para-”

“Ma, may sakit kayo kaya hindi pwedeng magtrabaho kayo. Kaya ko naman, e. 18 years old na kaya ako at big girl na.” sabi ko at nginitian si Mama para pagaanin ang loob niya.

“Ang anak ko talaga, napakabait. Hindi na ako magtataka kung bakit marami sa’yong nahuhumaling na mga kalalakihan pati ’yang si Ravi na palaging nakaitim na akala mo’y namatayan.” Natawa naman ako sa sinabi ni Mama.

Nang matapos na ang iyakan at dramahan portion namin ay pinatawag ko na si Janjan para kainin ang pizza na dinala ko. Pinabili ko na rin siya ng Coke bilang panulak sa meryenda nila nina Mama.

Habang kumakain sina Mama at Janjan nang pizza ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko at binasa kung sinuman ang nagtext sa akin.

From: Morris

Arcade tayo ngayon, Clang. Libre ko :)

Kaagad naman akong nagreply sa kanya.

To: Morris

Nagsumbong na naman sa kuya niya ’yung bruhang si Erika na patay na patay sa’yo. Nalaman ni Ravi na magkausap tayo kahapon sa school kaya ngayon ay pinagbabawalan na niya akong makipagkita o makipag-usap ulit sa’yo :(

From: Morris

Napaka talaga niyang boyfriend mong gangster! Lahat nalang ng tungkol sa atin pati na rin ’yang si Erika ay binibigyan nila ng malisya. Putangina talaga!

Hindi na ako nakapagreply pa kay Morris at alam na niyang muli ko siyang tatanggihan na makipagbonding sa kanya.

Si Morrison ay kababata ko at matagal ko nang kakilala. Matalik ko itong kaibigan pati na rin ang kakambal niyang si Michelle. Isang street lang rin ang pagitan ng bahay nila sa bahay namin.

Si Erika na bunsong kapatid ni Ravi ay may gusto kay Morris. Hindi ko naman masisisi si Erika na magkagusto siya sa kaibigan ko dahil gwapo ito, mabait at responsable pa. Kaso ay hindi tipo ni Morris si Erika dahil spoiled brat daw ito at matapobre gaya ng kuya niya.

Nagseselos sa akin si Erika dahil malapit ako kay Morris at lahat ay gagawin nito para lang masira ako sa kapatid niya.

Nang malaman nga niyang naging boyfriend ko na si Ravi ay halos gusto na niyang magpaparty sa sayang nararamdaman niya dahil wala na raw pag-asa sa akin si Morris pero nang nalaman niyang patuloy pa rin kaming close na magkaibigan ni Morris ay mas lalo siyang nagalit at nagselos sa akin.

Sinabi ko na kina Mama at Janjan na aakyat na ako sa kwarto ko at magpapahinga na muna. Tumango naman sila doon habang ine-enjoy pa rin nila ang pizza na dinala ko para sa kanila.

Pagkahiga ko sa kama ko ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko at bigla ay naalala ko na naman siya.

“I love you, Clarisse…”

“Tyron…”

Apat na taon na ang lumipas pero masakit pa rin sa akin ang pagkamatay niya. Biglaan ang pagkawala niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap iyon.

Tyron, kung nandito ka lang sana at kasama kita, hindi na sana ako nalulungkot at nahihirapan ng ganito. Miss na miss na

kita

Nawala na nga sa amin si Papa pati ba naman siya ay nawala rin sa akin.

Dumaloy ulit ang mg luha sa pisngi ko na kaagad kong pinunasan. Tinignan ko ang picture namin ni Tyron na magkaakbay na kuha mula dito mismo sa loob ng kwarto ko habang abala kami sa paggawa ng assignments namin noong high school palang kami.

Kung sinuman ang taong nakasagasa sa kanya ay sana magpakita na siya at huwag takbuhan ang naging kasalanan niya kay Tyron at sa pamilya nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga pulisya kung sino nga ba ang taong nakasagasa kay Tyron apat na taon na ang nakakalipas.

Pakiramdam ko ay may alam na ng mga pulis kung sino iyon pero dahil siguro sa makapangyarihan iyon at mahirap lang rin sila Tyron katulad namin ay hindi nila kaagad maibigay ang hustisya na kailangan nito.

Pulis ang Papa ni Morris at nagpapasalamat ako dahil tinutulungan nila kami sa pagkamit ng hustisya para kay Tyron pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila malaman at matukoy kung sino nga ba ang nakasagasa kay Tyron.

Bago ko pa nakilala sina Morris at Tyron ay magbestfriend na talaga sila. Para na ngang hindi mapaghiwalay ang dalawang iyon sa closeness nila.

Matalik rin kasing magkaibigan ang pamilya nila kaya magkasundong-magkasundo talaga sila. Kaya nga noong bigla nalang namatay si Tyron ay nakita ko ang sobrang pagkalungkot ni Morris nang namatay ang bestfriend niya.

Huwag

kang mag-

alala

, Clang.. hindi kami titigil ni Papa hangga’t hindi namin nalalaman kung sino ang pumatay kay Tyron. Gagawin ko ang lahat para sa’yo…“

“Nandito lang ako, hinding-hindi kita iiwan lalo pa’t nawala na si Tyron. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.”

Naaalala ko pa ang mga sinabi sa akin ni Morris noon at hanggang ngayon ay umaasa ako doon.

Sana malaman na namin kung sino nga ba ang taong dahilan ng pagkamatay ni Tyron.


update is once a week only due to work schedule.

Chapter 2

DUKE’S POV

2nd

Ano pa bang bago do’n? I’m always second

place in everything. Kailan ba ako nanguna sa lahat? Palagi na lang akong nalalamangan at nahihigitan kahit ano pang effort ang gawin ko.

I want to be in top but I always failed. Kaya pati sa tanging babaeng minahal ko ay naungusan na rin ako at nang sariling bestfriend ko pa.

I did the most stupid, insane and craziest things to get what I want pero talagang bad luck at malas talaga ako sa buhay ko. Umuwi na naman akong talunan at luhaan.

I am Duke Melendrez, every women wants me. Every people wants to get closer with me. That’s my effortless power but when Kendrick is around, lahat nang iyon ay nababaliwala lang.

At nang dahil do’n ay kinasuklaman ko siya sa puntong tinangka ko na siyang patayin pero talaga ngang hindi mamamatay kaagad ang leading man at mangunguna pa rin ito sa lahat that’s why in the end, he gets Haya and now, masaya na sila bilang isang pamilya kasama ang anak nilang si Idris.

I’m already moving-on from my past. Mahirap man pero kinakaya ko. I can’t blame Kendrick forever, he is just a lucky guy at dapat hindi ako magselos at mainsecure sa taong itinuring na rin akong parang isang kapatid.

Kendrick and I have a strong bond, he is been a good friend to me ever since at sa mga nagawa ko sa buhay nila ni Haya ay doon ako nakaramdam ng matinding konsensya at regrets.

Sa aming dalawa ay ako pa yata itong mas obsessed at baliw kumpara sa kanya na may sakit. I’m a normal person with a normal mind pero nang dahil sa pinairal ko ang galit at pagkamuhi ko sa kanya ay nakagawa ako ng mga bagay para lang masira siya at matalo ko siya. Pero sa huli ay siya pa rin ang nagwagi.

Now that we’re already 30 years old, magbestfriend pa rin kami at pinatawad niya pa rin ako sa lahat ng naging kasalanan ko sa kanya katulad rin ni Haya.

I lose in our battle but I’m still happy because I became more matured and stronger man than before.

Nandito ako ngayon sa St. Therese University para ibigay ulit ang donation ni Mom para sa upcoming projects and renovations ng school na ’to. Mga bata palang kami ng kapatid kong si Camille ay talaga nang tumutulong na si Mom dito sa Alma Mater niya.

I went to the Principal’s office at ibinigay ang donation at budget para sa gagawin next month ng St. Therese for their school purposes. Kinausap lang ako ng Principal at kinamusta nito sa akin saglit si Mom pagkatapos nun ay lumabas na ako sa loob ng office niya at naglakad sa kabuuan ng St. Therese.

Bawat estudyanteng nadadaanan ko ay napapatingin sa akin. Sino ba namang hindi? Aside sa katawan kong halos matabunan na ng mga tattoos ay mas lumaki pa lalo ang pangangatawan ko.

At my 6’2 feet height ay talagang mapapansin kaagad ako. I don’t want to bragged but I’m still handsome and attractive. Para nga raw hindi na ako tumatanda and compare to Kendrick ay mas maamo at mabait daw ang mukha ko.

That’s a total bullshit dahil ako pa ang hindi mabait sa aming dalawa!

“Duke!”

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Haya na naglalakad papalapit sa akin kasama ang kaibigan niyang si Yuie. They are already 4th year college student at dito na rin nila naisipang magcollege sa St. Therese like Camille and her boyfriend, TJ. Bukod kasi sa may high school buildings dito sa St. Therese ay may college buildings na rin dito. This is such a big and huge school for them.

“Hey! Haya, Yuie.” I greeted them nang makalapit na sila sa akin.

Nginitian lang ako ni Yuie and as always, ay hindi mawawala na palagi siyang may hawak na libro sa kamay niya.

“Nagbigay ka ng donation?” tanong sa akin ni Haya.

I nodded. “Yeah. Ano palang ginagawa niyo dito sa high school building?” I asked while smiling.

“Dumaan lang kami sa high school faculty dahil may inutos sa amin si Prof. Vice President na ng Student Council si Haya kaya chapperone ko na siya.” sagot naman ni Yuie na pabirong siniko ni Haya sa kaliwang braso niya.

I look at Haya, she’s getting more prettier and matured now. Hindi rin halatang may asawa’t anak na siya. I still admire her but not as strong as before. Unti-unti na nga talaga akong nakakamove-on sa kanya.

“Then good luck to the two of you. Gagraduate na kayo this year so do your best.” I said motivating them.

“Thank you, Duke. Paano, mauuna na kami ni Yuie at may klase pa kami.” Pagpapaalam ni Haya sa akin.

Ngumiti at tumango lang ako sa kanila pagkatapos ay umalis na rin silang dalawa ni Yuie. Dahil wala pa naman akong meeting ngayon sa kompanya ay napagpasyahan kong libutin pa muna ang St. Therese.

Napadpad ako sa college school field at umupo sa isang bench doon. I took off my coat at inunbutton ang dalawang butones ng suot kong puting polo shirt. I’m getting sweaty dahil na rin sa init ng panahon kaya pinunasan ko ang namamawis kong noo gamit ang panyong dala ko.

Sumandal ako sa inuupuan kong bench saka humalukipkip at dumekwatro. Kitang-kita ko sa field ang mga student soccer players ng St. Therese na naglalaro ng soccer sa gitna ng field. Sa pagkakaalam ko ay ito rin ang sports ng slaves namin ni Kendrick na sina Paolo at Anthony noon sa university nila noong college pa sila.

Napapailing nalang ako habang naiisip ang mga kalokohan namin ni Kendrick para lang pahirapan ang dalawang iyon dahil sa ginawa nila sa aming magkaibigan.

Naalis ang tingin ko sa mga student soccer players na naglalaro sa field nang may estudyanteng babae ang tumabi sa akin sa bench na tulala lang habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Hindi na rin niya ako napansin dahil sa sobrang pagkatulala niya.

I look at her face intently and I was shock to see how beautiful she is.

Sa ganda ay halos magkasing lebel na sila ni Haya. She is tall for a woman too na sa tantya ko ay mga nasa 5’7 or 5’8 ang height niya. She has a long straight brown hair, round grayish eyes, perfect eyebrows and eyelashes, pinkish lips, pointed nose and small face. Maputi rin siya at makinis.

She look like a Princess from Victorian or Edwarian era based on her european like appearance.

Sa pangalawang pagkakataon ay ngayon lang ulit ako humanga sa isang babae bukod kay Haya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla nalang kumabog ng mabilis ang gago kong puso.

Nanatili ang titig ko sa magandang babae na mukhang prinsesa. Mukhang napansin na niya ako kaya napatingin siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at bigla pa itong namula. Kaagad niyang itinago ang hawak niyang cellphone sa bulsa ng suot niyang skirt. Tinignan niya rin ang kabuuan ko lalo na ang mga braso kong punong-puno ng tattoos.

Napangiti naman ako sa naging reaksyon niya. Inabot ko ang isang kamay ko sa kanya.

“Hi! You’re a student here, right?” I asked.

Ilang segundo pa ay hindi pa rin inaabot ng magandang prinsesa ang kamay ko at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nang matauhan ito ay tumikhim siya at inirapan ako na ikinangisi ko nalang.

“A-alam ko na po ang mga ganyang gawain niyo at sinasabi ko na po ’to sa inyo, kuya.. hindi po ako bayarang babae na basta-basta niyo nalang makukuha.” masungit niyang sabi.

I look at her with pure amusement in my eyes. She’s thinking that?

Hindi ko talaga mapigilan ang pagngiti ko dahil sa kung anumang iniisip niya. Hindi ko na inabot ang kamay ko sa kanya at nagkunwari nalang na ganon nga ang pakay ko.

“Ang sakit naman. Hindi na agad tumalab ang first move ko? Ouch!” I said at nagkunwari pang masakit ang dibdib ko.

Mukhang mas lalo yata siyang naiinis sa ginagawa ko dahil kunot na kunot na ang noo niya at sobrang sama na ng tingin sa akin.

In any facial expressions, ang ganda-ganda pa rin talaga niya. And about her body, she’s very sexy and slim. Malaki ang dibdib niya and about her ass, it’s delictable. Shit! I bet na marami talagang lalake na kasing edad lang niya or maybe younger and older than her na nagkakagusto at naa-attract sa kanya. She is very simple but eye-catching Princess.

“Hindi po talaga tatalab ’yan dahil hindi ako katulad ng iniisip niyo. Hindi ibig sabihin na g-gwapo kayo at ang cool niyong tignan ay mahuhumaling na ako sa inyo.” hindi niya makatinging sabi sa akin at kaagad na itong tumayo mula sa tabi ko.

I caress my chin at tumayo na rin while I’m still smiling at her. Fuck! Natutuwa talaga ako sa kanya kaya hindi ko na mapigilan ang pagngiti ko.

“So, you’re admitting that I’m handsome and cool? You make my heart flutter, Princess.” sabi ko at kinindatan siya.

Namula naman siya dahil sa ginawa ko at akmang magsasalita pa sana siya nang may isang estudyanteng lalake ang lumapit sa pwesto namin ni Princess.. okay, I don’t know her name yet kaya Princess nalang muna ang itatawag ko sa kanya.

“Clarisse, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap,” sabi nung lalake na tinignan pa ako ng ilang segundo bago siya humarap kay Princess.

Clarisse? That’s her name? But still, I want to call her Princess.

Bumaling naman si Princess doon sa lalake at napapikit ito na parang naiinis na.

“Morris, sinabi ko na sa’yong layuan mo muna ako, ’di ba? Paano kapag nakita tayo ni Erika dito? Edi nagsumbong na naman ’yon sa boyfriend ko at malalagot pa tayong dalawa.” she said looking irritated.

Oh, so she have a boyfriend? I don’t know but I automatically clenched my jaw and fist after I heard that. Napansin naman iyon ni Princess kaya para siyang natakot sa akin base on her facial expression.

“Bakit ba takot na takot ka sa magkapatid na ’yon? Clarisse, makipaghiwalay ka na kay Ravi at tutulungan ka namin ni Papa sa mga gastusin niyo sa-”

“Hindi na, Morris. Alam kong hindi kayo ganon kayaman kaya ayoko nang problemahin niyo pa kami. ’Yung tungkol naman kay Ravi, hindi naman niya ako sinasaktan hangga’t sumusunod ako sa kanya.” Napayuko si Princess at nakita ko ang lungkot at hirap sa mga mata niya.

Base sa mga pinag-uusapan nila ay may ideya na ako kung ano iyon. I want to help her pero hindi pa ako makagawa ng hakbang para gawin iyon dahil baka mailang siya sa akin ngayon lalo na’t ang sama ng first impression niya sa akin.

But I don’t want her to be with her boyfriend.

Naiinis

at nagagalit na ako nang walang karapatan.

What the actual fuck.

“Sa una wala pa siyang ginagawang masama sa’yo pero kapag nagtagal pa kayo ay siguradong masasaktan ka na niya. Nakita mo naman kung gaano siya kaubod ng seloso at possessive pagdating sa’yo. Kahit magkaibigan lang tayo ay binibigyan niya pa ng malisya! Paano naman ako, Clarisse? Iiwan mo nalang ba ako sa ere? Mawawalan na rin ba ako ng kaibigan katulad ng pagkawala ni Tyron?” Tumaas na ang boses nung lalake na ikinagulat ni Princess.

It seems that this guy have an anger problems. Masyadong mainitin ang ulo. Paano ba niya ’to naging kaibigan?

“Hindi naman sa ganon, Morris pero kasi..” hindi na nakasagot si Princess nang bigla nalang tumalikod ang lalake at tinitigan lang siya nito nang masama bago ito umalis.

Bumuntong-hininga nalang si Princess at pumikit ito ng ilang beses bago nagmulat ulit.

“He’s not your real friend. He can’t understand you.” Pag-imik ko.

Muling bumaling ang tingin niya sa akin at tinitigan ulit ako ng masama.

“At sino ka ba para sabihing hindi ko tunay na kaibigan si Morris? Kababata ko siya at matagal na rin kaming magkakilala. Nagtatampo lang siya sa akin dahil sa pag-iwas ko sa kanya at hindi ko siya masisisi doon.” sabi naman niya defending her friend.

I shook my head. “If he’s your real friend, he will understand you. He likes you.” sabi ko and I’m just telling the truth.

It’s obvious. He likes her.

Siya naman ang umiling na hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Ano? Gusto niya ako? Kung anu-ano na talaga ang pinagsasabi mo, kuya! Bakit nga pala kinakausap kita e, hindi naman kita kilala? Diyan ka na nga!” pagtataray niya sa akin at nag-umpisa na itong maglakad papaalis pero bago pa man ’yon ay hinawakan ko ang braso niya at nginitian siya.

“By the way, I’m Duke Melendrez. See you next time, Princess…” I said while staring at her beautiful face.

Nanlaki pa ang mga mata niya habang nakatitig sa akin bago nito inis na binawi ang braso niya na hawak ko at mabilis itong naglakad papaalis.

Nagpamulsa nalang ako habang tinatanaw ang bulto ng katawan niyang papalayo sa akin.

Nilabas ko naman ang napulot kong School ID niya sa bulsa ng suot kong pantalon na hindi niya napansin kanina na nahulog sa inuupuan naming bench.

Tinignan ko ang ID niya at binasa ang buong pangalan niya. Napangiti pa ako dahil may phone number iyon.

“Clarisse Ann Victorino, 2nd year college BSIT student.”

good evening to all.

Chapter 3

CLARISSE’S POV

“You don’t like the food?”

Mula sa pagkakatulala ko ay nagising ang diwa ko nang biglang magsalita si Ravi. Nandito kami ngayon sa Greenwich at kakatapos niya lang ako sunduin sa St. Therese.

Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko pa rin ’yung gwapo at matangkad na lalakeng maraming tattoo kanina. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa mga ganong klaseng lalake!

Ang akala ba niya na porke gwapo lang siya at cool tignan ay makukuha na niya ako sa paganon niya? Walang pinagkaiba ang karakas niya sa mga pasimpleng damoves ni kuya Arman para lang makapambabae.

Gwapo si kuya Arman at maraming babaeng nagkakagusto sa kanya kaya nga hindi makuntento iyon sa iisang babae lang dahil sayang naman daw ang magandang lahi namin kung hindi niya pakikinabangan iyon hangga’t bata pa siya.

Pareho talaga sila nung lalakeng iyon na nagpakilalang si Duke. Base sa itsura niya ay halatang mas matanda iyon sa akin ng ilang mga taon. Kahit na ganon ay siguradong maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Para siyang si Jason Momoa ng Aquaman kung pagbabasehan sa attractiveness at hotness pero ano nga bang pakialam ko sa hooker na iyon?

“Ah, nagustuhan ko naman.” sabi ko nalang kay Ravi at nginitian siya ng pilit.

Tumaas lang ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko pero wala itong sinabi at nagpatuloy lang sa pagkain niya.

Palagi talaga kaming may dead air kapag magkasama. Hindi ito ang pinangarap kong date sa taong mahal ko pero hanggang pangarap nalang talaga ako dahil hindi ko naman rin mahal itong lalakeng kaharap ko.

“By the way, mawawala ako ng isang linggo dahil kailangan kong samahan si Dad sa Laguna just to check our some business there. Bukas na ng umaga ang alis namin.” biglang pag-imik ni Ravi.

Sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng saya doon. Ibig sabihin ay hindi na niya ako mahahatid-sundo sa school at mamamanmanan nang isang linggo. Magiging malaya na rin ako pansamantala sa kanya.

“But Erika will watch you. Kapag may ibinalita siya sa akin tungkol sa hindi mo magandang ginagawa ay hindi ako magdadalawang-isip na bumalik ulit dito sa Quezon City para parusahan ka.” segunda niya habang nakatitig sa akin na para bang alam na niya ang tumatakbo sa isip ko.

“W-wag kang mag-alala, hinding-hindi na ako lalapit pa kay Morris at magbebehave lang ako dito habang wala ka.” sabi ko naman at saglit na sumimsim sa iniinom kong ice tea para mapawi ang kaunting tensyon na nararamdaman ko.

Mahirap man at may tampo sa akin ngayon si Morris ay pansamantala ko muna siyang lalayuan para sa kapakanan niya.

“Well, that’s good. Ganito man ako pero talagang mahal kita, Clarisse at seryoso ako sa’yo. If you let entertain other guys and cheated on me, hindi lang ikaw ang madadamay sa galit ko sa’yo kundi ang buong pamilya mo.” seryosong banta niya na ikinatakot ko.

“Hindi ko gagawin ’yon.” mahinang sabi ko.

“Okay, I trust you.” huling sabi ni Ravi at hindi na siya ulit nagsalita pa hanggang sa matapos na kaming kumain.

Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay may inabot siya sa aking 20k.

“Use that to pay your household expenses and buy more milk and medicine for Janjan.” sabi niya.

“Ravi, hindi na kailangan na-”

“I don’t want to argue with you anymore, Clarisse. Aalis na ako.” masungit niyang sabi at kaagad na itong pumasok sa loob ng kotse niya at pinaandar na ito.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinitigan ang perang binigay sa akin ni Ravi. Dahil dito ay mas lalo pang madadagdagan ang panunumbat at utang namin sa kanya pero wala akong magawa dahil kung tatanggihan ko ito ay magagalit lang siya sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay naabutan ko si kuya Arman na nakaupo sa luma naming sofa habang nagsisintas ito ng sapatos niya. Bagong ligo siya at mukhang papasok na ito sa trabaho niya.

“Hinatid ka ni Ravi?” tanong ni kuya Arman nang saglit niya akong nilingon.

“Oo, kuya. Nasaan na pala sina Mama at Janjan?” tanong ko.

Nang matapos nang magsintas ng sapatos si kuya Arman ay kinuha na nito ang backpack niya sa sofa namin at sinukbit na ito sa balikat niya saka tumayo.

“Nasa kwarto na nila. Maaga silang kumain at nagpahinga dahil hindi na naman makahinga ng maayos si Janjan.” sabi ni kuya at napailing ito.

Inaatake na naman siguro si Janjan ng sakit niya kahit naoperahan na ito. Nag-aalala na naman ako para sa kapatid ko. Hindi namin kakayanin kapag nawala siya.

“Clarisse, alam kong hindi mo mahal si Ravi pero siya lang ang pag-asa natin para madugtungan ang buhay ni Janjan. Hindi rin sapat ang kinikita ko para mabuhay ko kayo. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero sana tiisin mo nalang ’to.” sabi ni kuya ng mariin at hinawakan niya ang isang kamay ko.

“Naiintindihan ko, kuya.” sagot ko ng malungkot.

Ngumiti naman siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. “Salamat, Clarisse. Mahal ka naman ni Ravi at hinding-hindi ka niya pababayaan.”

Tumango nalang ako sa sinabi ni kuya Arman at pagkatapos nun ay umalis na rin siya sa bahay para magpunta na sa trabaho niya.

Kaagad akong nagtungo sa loob ng kwarto ko at humiga doon. Ipinikit ko ang mga mata ko at iniwasan nalang alalahanin pa ang sitwasyon ko ngayon.

Kailangan kong magtiis dahil kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho ay mababayaran ko na lahat ang mga utang namin ng pamilya ko kay Ravi at makakawala na rin ako sa mga galamay niya.

Ilang minuto pa ako nag-isip bago napagdesisyunan na gawin na ang mga homeworks ko. Habang nagkakalkal ako sa loob ng bag ko ay napansin ko na hindi ko makita doon ang ID ko.

Kaagad akong kinabahan dahil hindi ako makakapasok sa St. Therese hangga’t hindi ko suot ang ID ko. Hinalughog at binaliktad ko na rin ang bag ko pero wala talaga doon ang ID ko.

Maiiyak na ako sa sobrang pag-aalala. Nahulog ko siguro iyon kanina sa school namin nang hindi ko namamalayan.

Kung sinuman ang nakapulot ng ID ko sana naman ibalik niya sa akin iyon!

Napahinto ako sa pagkalkal ng bag ko nang biglang tumunog ang mumurahin kong android phone. May tumatawag sa aking isang unknown number.

Hindi ko ugaling sumagot ng tawag ng isang unknown number pero dahil sa instinct ko ay sinagot ko nalang ito.

“Hello?”

[Hi, Princess.]

Sa lalim palang ng boses niya at sa pagtawag niya sa akin ng Princess kahit hindi naman iyon ang pangalan ko ay alam ko nang ito ’yung gwapo at matangkad na lalakeng maraming tattoo sa katawan na nakilala ko lang kanina.

Hindi ko na yata malilimutan ang itsura at boses niya dahil sa buong buhay ko ay siya na yata ang pinakagwapong lalake na nakita ko. Gwapo naman si Ravi at ang kaibigan kong si Morrison pero iba talaga ang dating ng lalakeng ito.

“Bakit alam mo ang number ko?” tanong ko kaagad.

[Wow naman, Princess. Ang bilis mo naman akong makilala.] Tumawa siya sa kabilang linya dahilan para mag-init pa ang ulo ko sa kanya.

“Akala mo ba nakikipagbiruan ako sa’yo? Saka bakit mo ba ako tinatawag na Princess? Hindi Princess ang pangalan ko!” Inis ko nang sabi.

Naiinis talaga ako sa kanya. Bukod sa pagiging hooker niya sa mga babae ay ang galing rin niyang asarin ako. Umiinit ang ulo ko dahil sa kanya!

[I know but you look like a Princess from a Royal Family that’s why I’m calling you a Princess.] mariin niyang sabi na ikinapula ng pisngi ko.

Bakit ba siya nagsasalita ng ganito? Para mahulog ako sa mga patibong niya? Nakakainis man pero naaapektuhan ako sa mga pinagsasabi niya na dapat ay hindi ko maramdaman.

“Pwes, hindi mo pa rin dapat ako tinatawag na Princess dahil hindi naman kita kaano-ano. Bakit ba alam mo ang number ko e, kanina lang tayo nagkakilala, ah? Stalker ba kita?” Nagdududa kong tanong.

Tumawa na naman siya sa kabilang linya.

[What? Hindi ko kailangang mangstalk para makilala kita, no. I know your number and I called you dahil napulot ko ang School ID mo kanina sa St. Therese. You should thank me dahil ako ang nakapulot ng ID mo.] sabi niya.

Dahil sa sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag doon. Siya naman pala ang nakapulot ng ID ko at salamat naman.

“Ganon ba? Ahm.. thank you kung ganon. Pwede bang pumunta ka sa St. Therese bukas at ibalik mo sa akin yan-”

[I have a work tomorrow. Ngayon lang ang ang free time ko.] pagsabat niya kaagad sa sinasabi ko.

Ayoko man makipagkita sa lalakeng ito ay wala na akong magagawa dahil nasa kanya ang ID ko at hindi ako makakapasok sa school hangga’t hindi ko iyon suot.

Lumunok muna ako bago magsalita. “P-pwede bang magkita tayo ngayon at ibalik mo na sa akin ’yang ID ko?” tanong ko.

Binaba ko na ang pride ko alang-alang sa ID ko. Kahit naiinis at nabubwisit ako sa kanya ay wala na akong ibang pagpipilian kundi ang makipagkita sa kanya ngayon.

Sana nga lang pagkatapos ng pagkikita naming ito ay hindi ko na siya ulit makikita pa.

[Sure, Princess. Saan mo ba gusto tayong magkita?] Tanong niya na sa tingin ko ay nakangiti pa siya.

Napaungol nalang ako sa inis dahil tinawag na naman niya akong Princess pero kailangan ko munang tiisin ang pagiging hooker niya kahit ngayong gabi lang.

“Sa convenience store nalang malapit sa St. Therese. Ngayon na mismo.” sabi ko.

[You’re in a hurry, ah? Okay then. Magbibihis na ako, see you later.]

Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya at binaba ko na ang tawag. Huminga ako ng malalim bago nag-ayos at nagpalit ng damit.

Nagbihis lang ako ng isang kulay puting printed t-shirt at itim na jogging pants. Nilugay ko nalang ang buhok ko at nagpulbo sa mukha. Kumuha na rin ako ng 40 pesos na natira kong baon kanina para ipantricycle ko paalis at pabalik ng bahay. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng bahay namin at nilock ang gate.

Naglakad lang ako hanggang sa paradahan ng mga tricycle. Nagpahatid nalang ako sa tricycle driver hanggang sa convenience store na malapit sa St. Therese. Pagkarating ko doon ay kaagad akong nagbayad ng 20 pesos bilang special fee sa pamasahe.

Tinext ko ang Duke na iyon na nandito na ako sa tapat ng convenience store at hinihintay siya. Nagtext naman siya kaagad na malapit na rin siya.

Habang hinihintay ko siyang dumating ay napansin kong napapatingin sa akin ang bawat taong napapadaan sa harapan ko.

Dahil na naman siguro ito sa maganda kuno raw ako at mukhang banyaga pa. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil may lahing Russian/Ukrainian si Mama. Mahahalata iyon sa kakaibang kulay ng mga mata ko at sa kulay light brown kong buhok na hindi ko naman pinakulayan. Idagdag pa ang maputi kong balat at matangos kong ilong.

Katulad ng sinasabi nung Duke ay marami na ring nakapagsabi sa akin na mukha raw akong Prinsesa pero malayong-malayo iyon sa katayuan ng buhay namin ngayon na mas mahirap pa sa daga.

Ilang minuto pa ay may itim na kotseng huminto sa harapan ko. Mula doon ay lumabas ang lalakeng maraming tattoo sa katawan na nakilala ko lang kanina.

Halatang kakaligo lang nito dahil basa pa ang itim niyang buhok. Nakasuot ito ngayon ng kulay itim na longsleeves polo shirt na hapit na hapit sa katawan niya. Sandaling natabunan nun ang mga tattoo niya sa braso at dibdib pero makikita pa rin ang mga tattoo niya sa bandang leeg niya. Naka dark blue itong pantalon at kulay itim na sapatos. May suot rin itong silver necklace at silver wristwatch.

Awtomatikong napatingin naman sa kanya ang mga taong naglalakad lang sa labas ng convenience store.

Kahit na hooker siya at mukhang nakakatakot ay mas lalo lang iyong nakadagdag sa appeal niya.

“Princess!”

Nakangiti niyang bati sa akin at naglakad na ito papalapit sa akin. Muntik pa akong mapapikit dahil sa bango ng pabangong ginamit niya.

“N-Nasaan na ang ID ko?” nautal ko pang sabi at pinipilit na ’wag magpadestruct sa gwapo at malakas niyang dating ngayon.

“Nasa kotse ko, e. Pasok muna tayo sa loob dahil ang daming nakatingin sa atin.” bulong niya sa tenga ko at nang nilibot ko nga ng tingin ang paligid ko ay pinagtitinginan na kaming dalawa.

Marahan niya akong hinila hanggang sa pinapasok niya ako sa loob ng kotse niya. Pinaupo niya ako sa front seat habang umikot naman siya paupo sa driver’s seat.

“Saan mo gustong pumunta ngayon?” nakangiti niyang tanong at inumpisahan na nitong paandarin ang kotse niya.

“Kuya, wala akong balak gumala ngayon kasama ka. ID ko ang pakay ko sa’yo kaya nasaan na ’yon at ibigay mo na sa akin para makauwi na ako?” naiinis ko nang sabi.

“Chill, ibibigay ko naman sa’yo ’yung ID mo. Let’s just stroll around dahil ngayon lang ako nagkaroon ng free time from my freaking stressful work.” nakangiti pa rin niyang sabi.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Kapag ngumingiti siya ay mas lalo pa siyang gumagwapo doon. Wala na yatang pangit sa lalakeng ito. Kahit na mukhang mas matanda pa siya sa akin ay kahit siguro na mas bata pa sa kanya ay maa-attract rin sa kanya.

Dapat pala ay hindi ako humanga sa mga hooker na katulad niya!

Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik nalang. Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin. Kung mayroon man ay sakto at nagdala ako ng balisong sa bulsa ng suot kong jogging pants incase na magagamit ko bilang pang self defense. Aba’t mas mabuti nang handa ako.

Sa ilang minuto niyang pagdadrive ay nakarating kami sa Quezon City Memorial Circle. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at alas nuebe na ng gabi.

“It’s beautiful here right, Princess?” tanong ni kuya Duke habang nililibot namin ang kabuuan ng QCMC.

Dapat ay tawagin ko na siyang kuya Duke dahil halata naman talaga na magkalayo ang edad naming dalawa. Mukhang mas matanda pa nga yata siya kaysa kina Ravi at kuya Arman, e.

Maraming mga vendors at mga tao ang nasa paligid ng parke. Marami ring mga iba’t-ibang klase ng christmas decorations at christmas lights ang nasa paligid dahil nalalapit na ang pasko. Nagliliwanag na rin sa ganda ang malaking fountain na nakikita namin ngayon.

Sa bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon ay sanadali iyong napawi dahil sa maganda at magaang tanawin na nakikita ko. Kahit papaano’y may maganda ring nagawa ang lalakeng kasama ko na hindi ko muna kaiinisan.

Tumango ako sa sinabi ni kuya Duke nang hindi siya nililingon. Abala pa rin kasi ang mga mata ko sa paglibot ng tingin sa QCMC.

Naupo muna kami saglit ni kuya Duke sa isang bench na nakita namin. Iniwan niya ako saglit para bumili raw ng makakain namin. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang burgers, coke na nasa plastic, french fries at siomai. Tig-isa raw kami at dahil pagkain iyon ay hindi ko na tinanggihan pa.

“Salamat.” mahina kong sabi na ikinangiti naman ni kuya Duke.

Tahimik naming kinain ang mga pagkaing binili niya. Hindi ko naman siya magawang tignan dahil naiintimidate pa rin ako sa kanya.

Grabe talaga ang hooker na ito. Kung hindi ko lang alam kung anong klase siya baka nagkacrush na ako sa kanya. May tinatago rin pala itong sweetness na baka ginagamit niya para makapambabae siya.

“This is the first time na may nakasama akong babae na magpunta dito.” napalingon naman ako kay kuya Duke nang sabihan niya iyon.

Nakangiti ito na hindi umabot sa mga mata niya habang nakatingin sa fountain na nasa harapan namin.

“Wala ka bang girlfriend ngayon?” hindi ko na mapigilang tanong.

Umiling naman siya. “Wala, e. Gusto mo bang mag-apply?” bigla siyang humarap sa akin.

Napairap naman ako sa sinabi niya. “May boyfriend na kaya ako.” sabi ko.

Bigla namang nawala ang ngiti ni kuya Duke doon at hindi ko alam kung namalik mata lang ba ako nang umigting ang panga niya.

“Break up with him.” sabi niya at tinignan niya ako ng mariin.

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

“Ha?” Gulat kong tanong.

Umiwas naman siya ng tingin sa akin at narinig ko ang mahina niyang pagmumura.

“Fuck! Damn it!” sabi niya na rinig ko naman.

“Anyare sa’yo?” naguguluhan kong tanong.

Umiling lang siya sa sinabi ko saka ito may kinuha sa bulsa ng suot niyang pantalon at inabot ito sa akin. Ang ID ko!

“Salamat.” nakangiti kong sabi at sinuot sa leeg ko ang ID ko.

Bigla namang namula ang mukha ni kuya Duke sa hindi ko malamang dahilan at umiwas ulit ito ng tingin sa akin.

“Fuck! You make me crazy right now, Princess…”

May sinabi siya pero hindi ko na gaanong narinig iyon sa sobrang hina. Pagkatapos naming kumain at maglibot sa QCMC ni kuya Duke ay nagpresinta siyang ihatid na ako pauwi sa bahay namin. Dahil alas onse na ng gabi ay nagpahatid nalang rin ako.

“Salamat nga pala sa libre at pati na rin sa pagsauli mo sa ID ko.” sabi ko kay kuya Duke at tatalikod na sana papasok ng bahay namin nang bigla niyang hinila ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.

Ganon nalang ang pagkagulat ko nang hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi dahilan para matuod ako sa kinatatayuan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

“I enjoyed our night, Princess. Thank you for making me happy.” nakangiti niyang sabi at kinawayan pa ako hanggang sa pumasok na ulit siya sa loob ng kotse niya at pinaandar na ito papaalis.

Nang makaalis na siya ay napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay sobra pa rin ang bilis ng pagtibok nito.

“Anong nangyayari sa akin? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?”


Chapter 4

DUKE’S POV

I threw up all the street foods that I ate earlier habang kasama ko si Clarisse sa QCMC. I did that para ipakita sa kanya na hindi ibig sabihin na mayaman ako ay mapili na ako sa pagkain which is true.

I don’t usually eat street foods but for Clarisse or Princess ay ipinakita kong hindi ako maarte sa pagkain. I want to be a better and simple individual in her eyes.

I want to be like Kendrick too na matatanggap pa rin sa kabila nang lahat ang babaeng nagugustuhan niya.

Yeah! I know it’s too early but Princess caught my attention right now.

Kaya nga laking tuwa ko kanina na nagkita kami ulit para lang ibalik ko sa kanya ang nahulog niyang School ID sa St. Therese. I saw her living conditions at nakatira lang siya sa maliit at may kalumaang bahay. She’s poor.

Now I know why she is dealing with her boyfriend na nabanggit ng kaibigan niyang lalake. I already forgot her boyfriend’s name. It’s about money and maybe a token of appreciation.

I want to help her but I don’t know how, ngayon lang kami nagkakilala and it seems that she hates me. Bakit ba naman kasi hinayaan kong isipin lang niya na playboy ako at mahilig dumiga sa mga babae?

For sake! I’m not even a womanizer. Si Haya lang ang minahal ko sa buong buhay ko na nakuha pa ng bestfriend ko. But fuck! hindi na ako bitter. Sadyang may panghihinayang pa rin akong nararamdaman dahil hindi kami nagkatuluyang dalawa but I’m better now hindi katulad noon.

Pagkatapos kong sumuka sa loob ng cr ay lumabas na ako dito. Uminom muna ako ng tubig sa ref in our kitchen bago bumalik sa kwarto ko. Fuck! My head is aching like a shit.

Suddenly, my phone rang at tinignan ko kung sino ang caller.

Its my cousin, Raviel.

“Hello, cous?” sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

[Dad and I will go to Laguna for 1 week. Sinabi pala ni Dad na sumunod nalang raw si Tito Darwin sa amin bukas.] he said with his serious tone of voice.

What do I expect from Raviel? Mga bata palang kami ay ganito na talaga siya. Very serious and quite.

Balita ko nga ay may gang pa siya but I don’t care. Hindi rin naman kami ganon kaclose sa isa’t-isa dahil may sarili naman yata siyang mundo.

Raviel is my cousin in mother’s side. He has a sister who’s very bratty and spoiled kaya ayoko rin na makita sila at makasama. Kasosyo ni Dad ang Dad ni Raviel sa negosyo namin which is the Gasoline Store na part time business ni Dad bukod sa Pastry and Sweets business Company namin.

“Okay. Wala ka na bang ibang sasabihin?” I asked and yawned.

[Nothing. That’s it.] and he ended the call.

Napailing nalang ako at humiga sa kama ko. All I think right now is Princess.

A girl who’s obviously a decade younger than me.

Gusto kong mapalapit pa lalo sa kanya pero may boyfriend na siya! Gagawin ko na naman ba ulit ang kamalian ko noon na mang-agaw nang hindi ko naman pag-aari? Sabi ko magbabago na ako pero ano ba ’tong mga naiisip ko?

“Aish!” I irratedly said at ginulo ang buhok ko sa sobrang pag-iisip.

Princess, I don’t believe in love at first sight but why are you doing this to me?

CLARISSE’S POV

After so many many months ay ngayon lang talaga ako nakaramdam ng kalayaan at kasiyahan ngayong wala munang magmamando sa akin nang isang linggo.

Mabuti at wala pa sa paligid si Erika kaya nakangiti kong nililibot ang buong St. Therese habang hindi pa nag-uumpisa ang unang klase namin.

Naalala ko na naman ang nangyari sa amin kagabi ni kuya Duke. Kahit may inis pa rin akong nararamdaman sa lalakeng iyon ay hindi ko maiwasang matuwa nang ipinasyal niya ako kagabi sa QCMC at nilibre pa ng mga street foods doon.

Ang akala ko nga ay hindi siya kumakain ng mga ganong klaseng pagkain dahil halata namang nakakaangat siya sa buhay niya at tiyak na mamahaling pagkain rin ang mga kinakain niya pero magkamali pala ako doon. Namumuhay rin siya na parang isang ordinaryong tao at medyo humanga ako sa kanya doon.

Pero dapat ay hindi ko na siya isipin pa! May boyfriend na ako at kapag nalaman lang talaga ni Ravi na may lalake akong kinatagpo ay paniguradong dadaan na naman ako sa panunumbat thingy niya.

Nagliwaliw lang ako sa school field at kinain ang dala kong almusal na itlog at hotdog na may fried rice.

Si mama pa ang nagtiyagang gumawa nito kaya ngiting-ngiti ako habang kinakain ito. Sa simpleng pag-eeffort ni mama para sa akin kahit buong araw niyang inaalagaan si Janjan ay hindi pa rin niya ako nakakalimutang asikasuhin.

Nang maubos ko na ang almusal ko ay niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at iniligay ito sa loob ng bag ko. Tumayo na ako mula sa bench na kinauupuan ko at naglakad na papaalis para pumunta naman sa library.

Habang naglalakad ako ay bigla ko nalang nakasalubong si Morris kasama ang kaklase niyang si Vendrex.

Napahinto ako nang makita sila habang ako naman ay natuon ang tingin kay Vendrex na nakangiti sa akin.

Si Vendrex Alano ay isa sa matatawag na Campus Heartthob sa buong St. Therese bukod kay Morris. Varsity player ito ng Soccer team samantalang si Morris naman ay Varsity player ng Basketball team nila.

Gwapo, matangkad at mestiso si Vendrex. Kahawig din nito si Pablo Gavi na isa sa mga sikat na Spanish football players ng FC Barcelona.

Katulad ng ibang estudyanteng babae sa St. Therese ay palihim akong humahanga sa kanya. In short, may crush ako sa kanya.

“Hi, Clarisse!” bati ni Vendrex dahilan para matauhan ako sa pagkakatulala sa kanya.

Ngumiti naman ako ng pilit at nilingon si Morris na nakatingin lang ng seryoso sa akin.

Alam ko na hanggang ngayon ay may tampo pa rin siya sa akin dahil sa sinabi kong pabor sa kanya na layuan na muna niya ako para lang hindi na siya madamay pa sa galit ni Ravi.

“H-hi rin.” sabi ko kay Vendrex at iniwas na ang tingin ko kay Morris.

“Are you going now to your first class? Pwede bang samahan mo muna kaming kumain ng bestfriend mo sa Cafeteria?” nakangiting sabi ni Vendrex at inakbayan nito si Morris na nanatili pa ring nakatingin sa akin sa blangko niyang ekspresyon.

“Ah kasi, kakatapos ko lang kumain ng almusal at-”

“Samahan mo na kami, Clang. Absent ngayon si Erika dahil nagkasakit siya kaya wala kang watcher ngayon para magsumbong sa kuya niya.” malamig namang sabi ni Morris na ikinatawa ng mahina ni Vendrex.

“Ang hirap pala talagang magkagirlfriend ng Diyosa, no? Magiging possessive ka talaga sa kanya para lang hindi na siya makuha pa ng ibang lalake sa’yo.” seryoso namang sabi ni Vendrex na ikinatahimik ko.

“Samahan mo na kami ni Morris. Kahit ilibre nalang kita kahit kumain ka na. Let’s go.” dugtong pa ni Vendrex.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay nalang kay Vendrex na nakahawak sa isang braso ko. Hindi ko naman maiwasang mamula dahil hawak-hawak niya ako. Si Morris naman na katabi lang ni Vendrex ay tahimik lang at hindi nagsasalita.

Nang nasa Cafeteria na kami ay umorder na sina Morris at Vendrex ng kakainin nila. Dalawang set iyon ng tapsilog na may dalawang bote ng Mountain Dew. Sinabi ko nalang na orderan nila ako ng french fries dahil busog pa naman ako at ayoko nang kumain ng heavy meal.

Nang maka-order na sila ay nag-umpisa na kaming kumain. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nina Morris at Vendrex kahit hindi ako makarelate doon.

“Dude, mukhang hindi ka na type ni Erika!” tumatawang sabi ni Vendrex habang kumakain pa rin ito.

“Edi mas mabuti. Naiirita lang ako sa babaeng ’yon, e.” sabi naman ni Morris.

“Type niya nga ngayon ’yung bagong transferee student sa Business Administration Department na Kiro ang pangalan. Sigurado na kapag nakakita ng mas gwapo ’yon ay mag-iiba na naman ang type niya.” sabi pa ni Vendrex.

Medyo nagulat naman ako do’n. Sa tanang buhay yata ni Erika ay kay Morris lang siya nagkagusto kaya nakakapagtaka naman na nagkagusto kaagad ito sa ibang lalake. Baka siguro ay nagsawa na siya sa ilang beses na pagtataboy at hindi pagpansin sa kanya ni Morris.

“Wala akong pakialam sa kanya basta ’wag nalang niya ulit akong guluhin.” bagot na sabi ni Morris at sandali siyang tumingin sa akin.

Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at pilit pinaniniwala ang sarili ko na hanggang pagkakaibigan lang ang turing niya sa akin. Hindi rin totoo ang sinabi noon ni kuya Duke.

Tama!

Tumawa naman si Vendrex sa sinabi ni Morris at bigla itong lumingon sa akin.

“How are you these days, Clarisse? Hindi ka naman siguro nahihirapan sa pagiging possessive ng boyfriend mo? Oh! Bakit ko nga pala tinatanong? Malamang hindi.” tumawa siya dahilan para mapatawa na rin ako.

Nakakahawa talaga kapag tumatawa rin si Vendrex. Ang dahilan talaga kung bakit ako nagkacrush sa kanya ay dahil sa sobrang masiyahin siya at palagi pa akong napapangiti sa mga banat niyang jokes na kahit minsan ay corny pa. Sobra siyang humorous na kahit malungkot ako minsan ay napapangiti niya ako kapag nakakasama ko silang dalawa ni Morris.

“Alam mo naman pala, e.” sagot ko naman at napatawa na rin. Mas lalo pang natawa doon si Vendrex.

Nagulat nalang kaming dalawa nang biglang natapon ni Morris ang iniinom niyang bote ng Mountain Dew sa uniform ni Vendrex na ikinagulat naman nito.

“Oh shit! Sorry, bro. Hindi ko sinasadyang mabitawan ’yung iniinom ko. Sorry talaga.” paghingi ng sorry ni Morris na tinanguan lang ni Vendrex habang pinupunasan nito ang uniform niyang nabasa sa parteng gitna.

“Okay lang, bro. Aksidente lang naman. Magpapalit nalang ako ng uniform mamaya. Sakto at may extra uniform pa ako sa locker ko.” Sabi naman ni Vendrex at ngumiti ito sa amin na sinasabing okay lang ang lahat.

“Sorry talaga, ha? Medyo lutang lang ako dahil sa puyat kagabi sa kakapanood ko ng basketball matches nila Lebron James sa Youtube.” sabi ni Morris na napakamot sa batok niya.

“Haha okay lang talaga, bro! Sige, magpatuloy na tayong kumain. I’m still hungry.” baliwalang sabi ni Vendrex at pinagpatuloy na nito ang pagkain niya.

Napangiti naman doon si Morris pero may tila kakaiba sa ngiti niya na hindi ko maipaliwanag.

Nang matapos na kaming kumain ay nauna nang umalis si Vendrex para raw pumunta muna sa locker room niya at magpalit ng uniform.

Kami nalang ang naiwan ni Morris dito sa Cafeteria. Pareho kaming walang imik at nagpapakiramdaman pa pero nauna na niyang basagin ang katahimikan naming dalawa.

“I’m sorry kung hindi ko inintindi ang kalagayan mo ngayon at nagtampo pa ako sa’yo.” mahinang sabi ni Morris at napayuko pa ito.

Napangiti naman ako doon. Sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis ni Morris. Hindi niya kasi kayang may tampuhan kami sa isa’t-isa.

“Sorry rin kung pinapalayo kita sa akin, Morris. Kilala mo si Ravi, ayoko lang na madamay ka pa sa galit niya.” sabi ko naman nang malungkot.

Umangat ang tingin niya sa akin at tumango ito. “Naiintindihan ko, pero tandaan mo na nandito lang kami palagi ni Papa para sa pamilya niyo, Clang. Wala na si Mama at wala ka na ring Papa kaya kailangan nating magtulungan bilang isang malapit na magkakakilala.” nakangiting sabi niya.

Bata palang si Morris ay namatay na ang Mama niya dahil sa komplikasyon ng panganganak nito sa kanya at sa kakambal niyang si Michelle. Lumaking walang ina ang magkambal at tanging ang Papa nalang nila na si Tito Kai ang nagtaguyod sa pag-aaral at sa lahat ng pangangailangan nila bilang isang pulis.

Hindi ko lang masabi kay Morris pero minsan ay nahuhuli ko si Tito Kai na minsan ay tinititigan si Mama kahit buhay pa noon si Papa. Iba ang klase ng mga tingin niya kay Mama na ayoko nang bigyan pa ng ibang kahulugan.

Nang mamatay si Papa sa sakit nito ay hindi na natigil ang pagdalaw si Tito Kai sa bahay namin para lang i-check ang kalagayan namin nina Mama. Hindi ko naman binigyan ng ibang kahulugan iyon dahil talagang naging malapit na rin sila Tito Kai, Mama at Papa sa isa’t-isa.

“Salamat, Morris.” sabi ko at nginitian si Morris.

Umupo naman sa tabi ko si Morris at bigla nalang niya akong niyakap.

“Wala ’yon, Clarisse. Lahat gagawin ko para sa’yo…”

Niyakap ko nalang rin siya pabalik dahil napakabuti talaga ni Morris bilang kaibigan para sa akin.


update for day-off due to work

Chapter 5

CLARISSE’S POV

Pinababa ako ngayon ni Mama sa loob ng kwarto ko dahil nasa sala raw si Tito Kai kasama sina Morris at Michelle. Sabado ngayon at wala akong pasok kaya medyo nakatulog ako ng mahaba-haba at tinanghali na ng gising.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba sa sala. Pagkarating ko doon ay napaawang ang bibig ko nang makita na maraming iba’t-ibang klase ng mga pagkain ang nakalagay sa lamesa namin na mukhang galing pa yata sa restaurant. May dalawang boxes rin ng cake na galing naman sa red ribbon.

Nang makita ko sila Tito Kai, Morris at Michelle ay nginitian ko sila.

“Good morning po sa inyo, Tito Kai.” nakangiting bati ko kay Tito Kai saka siya nilapitan at bineso.

Ngumiti naman ito sa akin. Sa pagkakaalam ko ay 34 years old palang si Tito Kai at 16 years old lang siya nang mabuntis niya ang mama nina Morrison at Michelle kaya hindi pa ito matanda kung tutuusin.

Para nga lang itong nakatatandang kapatid ni Morrison kung titignan at napakagwapo pa rin nito hanggang mgayon. Mas bata siya ng tatlong taon kay mama.

“Good morning din, Clarisse. Nagdala pala kami ng pagkain para sa inyo. Payday ko kasi ngayon at naisipan namin nina Morris at Michelle na dalawin kayo ngayon para naman hindi kayo malungkot dito sa bahay niyo.” sabi naman ni Tito Kai at lumingon ito kina Morris at Michelle na nakangiti rin sa akin.

“Nako, salamat po at nag-abala pa po kayo sa amin.” pasasalamat ko naman.

“Wala ’yon, hija. Parang pamilya na rin naman tayo.” sabi ni Tito Kai.

Pinaupo naman siya ni Mama sa sofa namin kasama nina Morris at Michelle. Pinagsaluhan na naming kainin ang mga pagkaing dinala nila. Ginising ko na rin si Janjan mula sa pagkakatulog niya para makakain na rin siya.

“Nasaan na nga pala si Arman, Clara?” Tanong ni Tito Kai kay Mama.

“Ayon at nag-OT sa trabaho niya sa Alabang. Baka mamayang gabi pa raw siyang makakauwi.” sagot naman ni Mama habang sinusubuan si Janjan ng hawak niyang pizza.

“Ang sipag talagang magtrabaho niyang anak mo, ano? May girlfriend na ba ’yon? Sayang naman ang magandang lahi niyo ni Pareng Armando kung hindi niya iyon mapapakinabangan.” tumatawa namang sabi ni Tito Kai na ikinailing nalang ni Mama.

“Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang naging girlfriend ng batang ’yon. Every week yata ay papalit-palit siya ng babae.” Tila namomroblemang sabi ni Mama na ikinatawa ulit ni Tito Kai.

“Hayaan mo na, Clara. Bata pa naman si Arman at magsasawa rin ’yon kapag nahanap na niya ang babaeng katapat niya.” sabi ni Tito Kai. Nagkibit-balikat nalang doon si Mama.

“Kumusta ka naman, Morris? May girlfriend ka na ba, hijo?” tanong bigla ni Mama kay Morris na muntik pang masamid habang umiinom ito ng coke sa baso niya.

“W-wala pa po, Tita.” nahihiya namang sagot ni Morris.

“Bakit wala pa? Imposible namang walang nagkakagusto sa’yo, hijo dahil gwapo ka naman at matangkad pa.” sabi ni Mama.

“Ewan ko ba dyan, Tita Clara. Ang dami namang babaeng nagkakagusto sa kanya kabilang na doon si Erika pero hindi ko alam kung bakit ayaw pa niyang magkagirlfriend. Baka boyfriend yata ang gusto.” sabi naman ni Michelle at nginisian nito ang kakambal niya na sinamaan lang siya ng tingin.

Natawa naman kami doon. Mahilig talagang mang-asar si Michelle pagdating kay Morris pero mahal na mahal naman nito ang kapatid niya.

“Huwag mo nga akong itulad sa’yo na kung sinu-sino nalang ang nakakarelasyon!” inis namang sagot ni Morris na ikinatawa nalang ni Michelle.

“Whatever!” sabi ni Michelle at inikutan lang ng mata si Morris.

“Ayan na naman kayo, Morris at Michelle. Tigilan niyo nga ’yan.” may diin na pagkakasabi ni Tito Kai na ikinatahimik naman ng kambal.

“Nakakatuwa talaga ’tong mga anak mo, Kai. Mga binata’t dalaga na pero para pa rin silang katulad noon.” nakangiting sabi ni Mama.

Ngumiti lang naman si Tito Kai kay Mama at tumingin ito ng mariin. Ito na naman ’yung klase ng tingin niya na hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sina Tito Kai at Michelle na mauuna na silang umalis. Si Tito Kai ay may importante pa raw na lakad samantalang si Michelle naman ay mag-oovernight ngayon sa bahay ng kaklase niya.

Nagpaiwan muna si Morris sa bahay namin dahil gusto niya raw na makabonding pa ako. Wala naman si Ravi at sa susunod na linggo pa ito makakauwi dito sa Maynila kaya ayos lang siguro na makasama at makausap ko ang kaibigan ko.

Dumiretso kami ni Morris sa loob ng kwarto ko at nilock niya ang pintuan. Wala namang malisya kay Mama na nasa loob ng kwarto ko si Morris dahil kababata ko naman ito at madalas na itong pumunta sa bahay namin noon pa man kasama si Michelle.

Biglang hinubad ni Morris ang suot niyang itim na t-shirt at padapa itong humiga sa kama ko. Sanay na rin akong makita siyang half naked pero ngayon ay hindi ko mapigilang mailang dahil napansin ko na lumalaki na ang katawan niya at nagkakaroon na rin siya ng abs at mga muscles sa katawan.

“Namiss ko ’to!” sabi ni Morris saka ito tumihaya sa pagkakahiga niya sa kama ko at nginitian ako.

Ngumiti nalang rin ako ng pilit at iniiwasang tignan ang katawan niya.

Gwapo at matangkad si Morris at may lahi ring Spanish si Tito Kai na mahahalata sa mestiso nilang mga itsura.

“Mahiga ka na rin, Clang. Huwag mo sabihing nahihiya ka pa sa akin?” nakangising sabi ni Morris.

Inirapan ko naman siya ng pabiro at humalukipkip. “18 years old na kaya tayo at hindi magandang nagtatabi pa tayo sa kama, no! Hindi na tayo mga bata pa para gawin ’yon!” sabi ko naman.

Kahit pa sabihing magkababata kami ni Morris ay hindi na magandang nagtatabi kami sa kama dahil mga binata at dalaga na kami at hindi na kami mga bata pa para maglaro o magbahay-bahayan sa loob ng isang kwarto.

“Sus! Nagka boyfriend ka lang ay palagi ka nang umiiwas sa akin.” bulong ni Morris na narinig ko naman.

“Morrison,” Pagtawag ko at alam niya na kung ano ang ipinapahiwatig ko kapag sinabi ko na ng buo ang pangalan niya.

“Tss. Oo na!” sagot niya saka ito bumangon sa kama ko at sumandal nalang sa headboard ng kama.

Tinanong niya sa akin ang password ng wifi namin sa Converge na si kuya Arman pa ang nagbabayad every month. Binigay ko naman ito sa kanya at naisipang magbukas na rin ng social media accounts ko.

Umupo ako sa paanan ni Morris at inumpisahang buksan ang Facebook account ko. Bumungad kaagad sa news feed ko ang isang stolen pic ni Vendrex na mukhang kuha pa sa school field ng St. Therese. Nakatag siya sa picture at inupload lang ito ng isa sa mga kateammates niya sa soccer.

Napangiti ako habang nakatingin sa picture ni Vendrex sa Facebook. Ang gwapo talaga niya kahit saang anggulong tignan.

Nagheart react naman ako dito at ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng isang comment mula kay Vendrex at naka mention pa ako dito.

Vendrex Martin

Alano

:

Si Clarisse

Ann

Victorino ay nagheart react sa picture ko. Wow naman! :)

Nagkaroon kaagad ng 15 likes ang comment ni Vendrex na nakamention pa ako. Nag Haha react nalang ako sa comment niya habang inulan naman ng replies ang comment niya.

-Gf mo ’tol? Ang ganda, ah?

-Naks! May pamention-mention na sa babae!

-Ang ganda sa profile pic ng gf mo, Ven. Ikaw na talaga!

-May girlfriend ka na pala fafa Vendrex :(

-Sayang naman at may jowa na

huhuhu

:’(

Hindi naman nagrereply si Vendrex sa mga comments ng mga kakilala o kaibigan niya kundi nagha-heart react lang siya dito.

Nang sandali akong mapatingin kay Morris ay napansin ko na mahigpit na ang pagkahawak niya sa cellphone niya habang nakatingin pa rin siya dito.

“Okay ka lang ba, Morris?” tanong ko kay Moris na ikinalingon naman niya sa akin.

Ngumiti naman siya at ipinakita sa akin ang screen ng cellphone niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinitignan niya pala ’yung picture na stolen shot ni Vendrex at ang mga comments nito. Malamang ay nakita niya rin ’yung comment ni Vendrex kung saan ay minention niya ako.

“Tuwang-tuwa yata si Vendrex na nagheart react ka sa picture niya.” sabi ni Morris at natawa ito ng mahina.

Lumabi naman ako. “Inakala pa yata ng mga nagcomment sa picture ni Vendrex na girlfriend niya ako.” sabi ko.

“Ayaw mo nun? Hindi ba’t may crush ka kay Vendrex?”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Morris. Alam niya nang may crush ako sa kaibigan niya?

Ngumiti nang mapang-asar sa akin si Morris saka ito umupo sa tabi ko. “Magkaibigan naman tayo, Clarisse kaya walang masama kung aminin mo sa akin na may gusto ka sa kaibigan ko.” sabi niya.

Bumuntong-hininga naman ako. Wala naman sigurong masama kung malaman niya iyon besides ay bestfriend ko naman si Morris at mapagkakatiwalaan ko siya ng mga sikreto ko.

“Masyado ba akong halata?” mahinang sabi ko na ikinatawa ulit ni Morris.

“Para sa akin ay oo pero kay Vendrex, mukhang hindi naman niya ’yon nahahalata dahil manhid ’yon, e.” Inakbayan na ako ni Morris gamit ang isang braso niya at hindi ko na alintana na sobrang magkadikit na kami at half naked siya.

“Sasabihin mo ba sa kaibigan mo na crush ko siya?” Tanong ko.

Umiling naman siya. “Wala ako sa posisyon para pangunahan ka, Clang. Gusto ko na ikaw mismo ang magsabi ng nararamdaman mo para kay Vendrex.” seryosong sabi ni Morris na ikinahinga ko ng maluwag.

“Salamat. Unti-unti ko na nga sigurong natatanggap ang pagkawala ni Tyron kaya ngayon ay nagkaroon na ulit ako ng interes sa ibang lalake. H-hindi ko pa naman mahal si Vendrex, crush ko palang siya.” seryosong sabi ko.

Tinitigan naman ako ni Morris sa mga mata ko at ’yung klase ng mga titig niya ay iyong mga titig rin ni Tito Kai kay Mama na hindi ko maipaliwanag.

“Wala namang masama kung humanga ka kay Vendrex pero tandaan mo na may boyfriend ka, Clarisse at baka mapahamak pa si Vendrex kapag nalaman ni Ravi na may gusto ka sa kaibigan ko.” nag-aalalang sabi ni Morris.

Bigla kong naalala si Ravi. Tama si Morris, posibleng mapahamak pa si Vendrex kapag nalaman ni Ravi na may gusto ako kay Vendrex kaya mas mabuti pang itago ko nalang itong nararamdaman ko.

“Alam ko ’yon, Morris. malungkot kong sabi.

Ngumiti naman si Morris at hinawi nito ang buhok ko. “Huwag ka na ngang maging malungkot diyan. Ilibre nalang kita ng ice cream, gusto mo ba ’yon?” sabi niya.

Kaagad naman akong ngumiti at tumango sa kanya. “Oo naman!”

Alam ni Morris na ice cream ang kahinaan ko at hindi ko iyon matatanggihan lalo na kung ililibre niya pa ako.

Sinuot niya ulit ang t-shirt na hinubad niya kanina at nagpaalam muna kami kay Mama na aalis muna at magpupunta sa malapit na ice cream parlor sa lugar namin. Tumango naman doon si mama at sinabi lang na huwag kaming magpapagabi ni Morris.

Pagkarating namin sa ice cream parlor ay umorder kami ni Morris ng paborito naming strawberry ice cream at strawberry cake. Nakahiligan na talaga naming kumain nito simula noong mga bata palang kami kasama si Tyron.

Tyron. Bigla ko na naman siyang naalala. Kahit may crush na ako kay Vendrex ay hindi pa rin malilimutan ng puso ko si Tyron. Ilang taon na rin ang lumipas nang mamatay siya at kahit na kailan ay hinding-hindi ko malilimutan ang first love ko na iyon.

Tyron, Sana ay maging masaya ka lang diyan sa itaas.

“Gusto mo pa ba?” Tanong ni Morris nang maubos ko na ang kinakain kong strawberry ice cream.

“Busog na ako. Salamat sa libre mo, ha?” nakangiting sabi ko.

Nginitian naman ako ni Morris. “You’re always welcome-”

Hindi na ako nakapagfocus pa sa sinasabi ni Morris nang makita ko ang isang matangkad at maraming tattoo na lalake na papasok rin dito sa loob ng ice cream parlor shop.

Naka shades ito at nakasuot lang ng printed white t-shirt at faded jeans pero hindi pa rin maitatanggi na malakas ang dating nito lalo na sa mga kababaihang nandito sa loob ng ice cream parlor shop na napalingon kaagad sa direksyon niya.

Kitang-kita ko ang pagkamangha at paghanga sa mga mukha nila nang makita nila ang lalakeng ito.

Bigla nalang rin bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa kanya.

Hindi ko namalayan na may kasama pala siyang babae na mukhang mayaman pa at sosyal. May mga hawak itong paperbags na tatak branded.

Napalingon ang lalake sa direksyon ko at nagulat ito nang makita ako.

“C-Clarisse?” Gulat na gulat niyang banggit sa pangalan ko.

“Kuya Duke…” sabi ko naman ng pabulong.

Hindi ko alam pero sobrang naninikip ang dibdib ko dahil may kasama siyang ibang babae.

Ano

ba ’tong

nararamdaman

ko?


After a busy work ay naka ud din. Thanks for the votes and comments. I love you all! Congrats sa TRSR 💎

Chapter 6

DUKE’S POV

Moving on is really hard to do especially kung minahal mo ng sobra o naobsessed ka sa isang babae na hindi ka magawang mahalin pabalik.

There is still a scars on my left pulse at ang mga sugat na ito ang palatandaan kung ilang beses akong nagtangkang magpakamatay nang dahil lang sa hindi ko matanggap na mag-asawa at may anak na ang bestfriend ko at ang babaeng minahal ko ng sobra.

I was left broken-hearted and over defeated pagkatapos nang mga nangyari. Kendrick didn’t know na tatlong beses ko nang tinangkang magpakamatay pero ewan ko ba at hindi ako mamatay-matay dahil hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako sa tulong ni Camille.

After my 3rd attempt of suicide ay nagising nalang ako sa lakas ng pagkakasampal sa akin ng kapatid ko. She was so angry with me dahil hindi ko na rin daw siya naisip at ang mga magulang namin sa kabaliwan na ginagawa ko. Doon lang ako natauhan sa lahat.

Gusto ko nang mamatay dahil nawala sa akin si Haya pero hindi ko nga man lang naisip na maiiwan ko si Camille at ang parents namin kung mawala na ako. I cried that night to the hospital at ilang beses akong humingi ng tawad sa kapatid ko. I will never do that again at sisikapin kong makapag move-on sa nakaraan ko.

I did everything to move-on, I fuck a lot of women to forget and I work as much as I can. Masakit man pero kailangan kong ibangon ang sarili ko.

Grabe pala ako magmahal dahil nakakagawa ako ng mga masasamang bagay para lang makuha ko ang gusto ko.

I accepted everything, kailangan kong maging isang mabuti pa ring kaibigan kina Kendrick at Haya. Tinanggap at itinuring ko na rin na parang anak ko ang anak nilang lalake na si Idris. Hindi ko matanggihan ang batang iyon, napamahal na ako sa kanya at hindi yata iyon mawawalan ng pasalubong na laruan sa akin.

I feel peace now, naka move-on na ako sa mga kabaliwan at kagaguhan ko noon.

And if I fall in love again sa babaeng mamahalin ko ulit at may iba na palang lalakeng nakatadhana sa kanya, I don’t know what to do anymore.

Camille is now three weeks pregnant. Ang magaling na si TJ ay binuntis na ang kapatid ko at hindi man lang hinintay na makagraduate sila bago bumuo ng isang bata. Tsk! that guy.

Missing in action si TJ ngayon dahil may exam itong kailangan na i-take sa school nila kaya ako ang kasama ngayon ni Camille sa mall para mamili ng mga damit para sa kanya at sa magiging baby nila ni TJ.

I have a work later kahit weekends pa pero sinamahan ko na itong maarte at kapatid kong sinusungitan na ako madalas. Maybe ay dala iyon ng pagbubuntis niya.

“Pwede na siguro ’to.” Camille said pagkatapos naming bayaran ang mga pinamili niyang damit ng bata sa isang Infant store.

She’s very excited to see her baby kahit buntis palang siya at hindi pa nakakapanganak same as TJ na bumili na raw ng mga stroller at crib para sa bata.

Lumabas na kami sa Infant store at tinignan ko naman ang oras sa suot kong wristwatch; it’s already 11am in the morning.

“Do you have anything else to buy?” I asked my sister.

“I’m craving for strawberry ice cream, Kuya. Gusto ko ’yong strawberry ice cream na kinakainan namin minsan ni Haya. Let’s go to that place!” nakangiti namang sabi ni Camille at wala na akong ibang nagawa kundi samahan siya doon.

I drove to that ice cream parlor shop that she’s talking about at hindi naman gaanong malayo iyon sa mall na pinuntahan namin.

I park my car sa parking lot ng ice cream parlor shop at pumasok na kami sa loob ng ice cream parlor shop ni Camille.

As we entered in the shop ay may nahagip kaagad ang mga mata ko.

It’s Princess na nakatingin rin sa akin at bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako. Same reaction like mine.

“C-Clarisse?” Banggit ko habang gulat pa ring nakatingin sa kanya. Tinanggal ko na rin ang suot kong shades para mas lalo ko siyang makita at kung hindi nga ba ako namamalik-mata.

Napansin ko na may kasama pala siyang lalake at natatandaan ko na ang lalakeng iyon ay ’yung kaibigan niya na nakita ko rin sa St. Therese na kausap niya.

“She’s pretty, huh?  And looks like younger than me.” sabi naman ni Camille sa tabi ko na nakatingin na rin pala sa direksyon nila Princess.

Si Princess rin ang unang nagbawi ng tingin sa amin at kinausap nalang nito ’yung lalakeng kasama niya.

I still can’t forget our first date  at pagkatapos nun ay hindi na sinasagot ni Princess ang mga texts at tawag ko sa kanya. 

Well, I can’t blame her for ignoring me. She hates me at may boyfriend na siya at hindi nga naman maganda na sumasama-sama siya sa akin but damn! I’m so interested with her at may balak pa nga akong puntahan siya sa school nila sa lunes para lang makita siya at makausap ulit.

After Camille ordered her strawberry ice cream ay kaagad ko siyang hinila papunta sa pwesto nila Princess.

“Hi, Princess!” I greeted Clarisse na nanlaki ang mga mata nang makita ako at si Camille sa harapan nila. Ang lalake namang kasama niya ay mukhang namukhaan yata ako.

“K-kuya Duke,” sabi naman ni Princess na parang nahihiya pa sa amin ni Camille.

“Can we sit here with my sister?” Nakangiti ko namang tanong sa kanila.

Tinignan muna ni Princess ’yung lalakeng kasama niya na hindi umimik bago ito tumango at ngumiti sa amin ni Camille.

Umupo kami ni Camille sa bakanteng upuan na nasa harapan nila. Nakipagkamay naman siya kina Princess at sa lalakeng kasama niya. Ako na ang nagbaba sa sahig nang mga pinamili ni Camille dahil ayaw niya iyong bitawan at iwan sa loob ng kotse ko.

“Hi! I’m Camille. Kapatid ako ni Kuya Duke.” My sister greeted them.

Ngumiti naman si Princess at nagpakilala rin siya kay Camille. “Ako nga pala si Clarisse at siya naman ang bestfriend kong si Morris.” she said at ipinakilala rin nito ang lalakeng kasama niya na nginitian lang ng tipid si Camille.

When this guy look at me ay tinignan ko lang siya ng mariin. Kaagad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

Tsk.

“Nice to meet you guys. Hindi ko alam na may new friend pala si Kuya Duke na hindi man lang niya sinasabi sa akin.” Camille said at nginisian ako nito ng mapang-asar.

“I met Princess in St. Therese. Schoolmate mo siya.” sabi ko naman.

“Oh really? Schoolmate lang pala kami ni Clarisse but wait.. bakit mo namang tinatawag na Princess si Clarisse e, Clarisse nga ang pangalan niya?” Camille is still smirking at alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya.

Tumingin naman ako kay Princess. “Because she look like a Princess.”

Muntik pang masamid si Morris sa kinakain niyang ice cream dahil sa sinabi ko samantalang si Princess naman ay bigla nalang namula do’n. She’s so adorable.

“Wow.” Camille only said at inumpisahan na nitong kainin ang strawberry ice cream na inorder niya.

Nag-usap naman sila nina Princess at Morris related on their school stuffs dahil schoolmates naman sila.

I see that Princess is very comfortable while talking to my sister. Senior na nila si Camille at natatawa pa ako ng palihim dahil pino ‘po’ pa ni Princess si Camille na sinasabing huwag na siyang galangin dahil mas matanda lang naman siya ng 2 years kina Princess.

In every movements and gestures, Princess still looks very fine. Halata rin na hindi ito purong filipina dahil sa physical appearance niya. I bet that this girl’s parents are european or half.

She’s very beautiful at hindi niya yata napapansin na napapalingon sa kanya ’yung mga lalakeng nandito rin sa loob ng ice cream parlor shop. Napailing nalang ako at lihim na kumuyom ang kamao ko.

Pagkatapos kumain ni Camille ng strawberry ice cream niya at makipag-usap kina Princess at Morris ay nagpalitan pa sila ng numbers at pagkatapos nun ay tumayo na kami mula sa kinauupuan namin. Binitbit ko na ulit ang mga pinamili ni Camille.

“By the way, I’m pregnant at nag-crave ako sa strawberry ice cream kaya sinamahan ako ni kuya Duke dito.” Camille said to them.

“Congrats, Ate Camille.” Princess said while smiling.

“Thank you, Princess- ay este Clarisse pala. Oh paano, aalis na kami ni Kuya Duke. See you nalang sa school guys.” Camille said at nginisian na naman ako nito na ikinailing ko nalang.

Tumango at ngumiti naman doon sina Clarisse at Morris.

“Bye, Princess!” I greeted Princess na ngumiti lang ng tipid sa akin at pagkatapos ay kaagad na kaming lumabas ni Camille sa ice cream parlor shop.

Sumakay na kami sa loob ng kotse ko at pinaandar ko na ito. Inilagay ko naman sa backseat ng kotse ang mga pinamili ni Camille. Hinampas naman niya ako bigla ng malakas sa braso ko na ikinangiwi ko sa sakit.

“Fuck? What was that for?” Reklamo ko kay Camille na pinanliitan ako ng mata habang kinakabit nito ang seatbelt niya.

“Alam mo kuya, halatang-halata ka na type mo si Clarisse. Well, kahit sino namang lalake ay magkakagusto sa girlalu na ’yon dahil pang Princess nga ang ganda niya pero magback off ka, ha? Ang sabi sa akin ni Morris ay may boyfriend na si Clarisse kaya tigil-tigilan mo na kung ano ang binabalak mo, kuya. Ayoko na sa huli ay mabaliw ka na naman sa isang babae.” biglang humina ang boses ni Camille at bumuntong-hininga ito.

Natahimik naman ako habang nagmamaneho. I can’t blame my sister for giving me a warning signal. She knows me at nahalata na kaagad niyang interesado ako kay Clarisse.

“I know my limits but.. I can’t help it.” I said mula sa ilang minuto naming katahimikan.

“May boyfriend siya, kuya at alam ko kung paano ka mabaliw sa isang babae kaya please lang, avoid her for her safety.” she said while looking at the window.

Natawa naman ako ng mahina. “Bakit ba kapag nagkakagusto ako sa isang babae ay palagi nalang may nakatadhana nang ibang lalake para sa kanya?” I said at humigpit ang hawak ko sa manibela.

Hindi ako sinagot ni Camille doon at pumikit nalang ito.

“Damn!” Sigaw ko at hinampas ang manibela at kahit nagulat doon si Camille ay hindi na niya ako pinansin pa.

She’s very used to it.

Nang makarating na kami sa bahay ay walang imikan kaming dalawa. Siya na ang nagbitbit ng mga pinili niya at kaagad na itong dumiretso sa kwarto niya. I know she is pissed on me at ako ay umaakto na naman na parang bata.

Hindi ko tuloy kaagad napansin si Kendrick na nasa living room na pala namin at nakaupo ito sa couch namin.

“Bro,” bati ko kay Kendrick at nakipag man-to-man- hug sa kanya.

Umupo naman ako sa tabi niya at napansin ko na mukha siyang malungkot habang nakatiim-bagang.

“Nag-away na naman kayo ng asawa mo, no?” Tanong ko dahil iyon lang naman ang dahilan kung bakit ako pinupuntahan ni Kendrick dito sa bahay.

He nodded at sumandal ito sa couch. “Nasigawan ko siya kanina. I’m jealous again dahil ginabi na sila umuwi ni Yuie. I know na busy siya sa pag-aaral niya dahil graduating na sila but shit! Sinong hindi mapaparanoid kung kasama niya palagi si Yuie na alam kong nagkagusto sa kanya?” Kendrick mess his hair at umiling ito ng paulit-ulit.

I understand Kendrick, kahit ako ay magseselos rin kapag kasama ng asawa ko ang lalakeng alam kong nagkagusto sa kanya at baka hanggang ngayon ay gusto pa rin siya.

“Where’s Idris?” I asked while crossing my arms.

“Nasa parents ni Haya. Hiniram muna nila.” Kendrick answered.

“Bro, I understand your side at normal lang naman ’yan sa ating mga lalake pero pagtiisan mo nalang muna. Hindi naman maaagaw ni Yuie si Haya sa’yo dahil kasal na kayong dalawa ni Haya at may anak na. Haya loves you too kaya sana magtiwala ka sa kanya, okay?” I tapped Kendrick shoulder. He sighed and nodded.

“I need to say sorry to Haya later. I’m being a scumbag husband again.” Sabi naman ni Kendrick at bumaling na siya sa akin.

“How are you these days, Duke?” Tanong niya.

Ngumiti naman ako. “Kends, I think na may nagugustuhan na akong babae kaso nga lang ay taken na.” sabi ko naman.

Gulat na gulat naman si Kendrick sa sinabi ko. “Tangina! Totoo ba?”

Natawa naman ako. “Oo.”

“Do we need to celebrate for that? Fuck man! Ang akala ko ay tatanda ka nang binata dahil trenta ka na pero ngayon, may natitipuhan ka nang babae ang kaso nga lang ay may boyfriend na pala.” Kendrick laughed.

“Aagawin ko na ba sa jowa niya, Kends?” Tumawa na rin ako.

“Don’t do that, bro pero kung maghiwalay sila edi gumawa ka na ng move mo para ikaw na ang maging jowa niya.” He said.

Napaisip naman ako. Hindi ko pa nakikita ’yung boyfriend ni Princess and I assume na baka kaklase o kakilala niya lang rin iyon na kaedad lang niya.

If I will see that man ay gusto ko siyang bangasan sa pagmumukha niya nang maalala ko na kaya lang naging boyfriend ni Clarisse iyon ay dahil may utang na loob siya sa lalakeng iyon.

“Nice suggestion.” nakangiti ko namang sabi kay Kendrick na natawa lang do’n.

My phone rang inside my pocket at kaagad sinagot ang tawag ni Raviel.

“Hello?”

[Your Dad said na pumunta ka ngayon dito sa Laguna. We need you. I will send you the address to this place at hihintayin ka namin dito.]

Magsasalita pa sana ako nang kaagad na niyang binaba ang tawag. Wala talagang manners ang batang iyon!

“Who’s that?” Kendrick asked.

“My cousin Raviel. Pinapapunta niya ako ngayon sa Laguna sabi ni Dad.” I said.

“Your gangster cousin na tahimik at palaging nakaitim?” he tease na ikinatawa ko naman.

“Yeah,”

“Then I gotta go, makikipag-ayos na ako kay Haya at pumunta ka na rin sa dapat mong puntahan. Congrats Duke, may babae ka na!”

“Haha gago!” sabi ko naman at sinuntok ng mahina ang balikat niya. Tumawa lang si Kendrick doon hanggang sa umalis na rin siya sa bahay namin.

I sighed at lumabas na ng bahay at kaagad dumiretso sa kotse ko para puntahan sina Raviel at Dad sa Laguna.


Np: Born to Die by Lana Del Rey

Chapter 7

DUKE’S POV

Natapos na namin nila Raviel, Dad at Tito Efren ang pagta-transact at pagbili ng iba pang fuels na gagamitin dito sa branch ng Gasoline store business nila dito sa Laguna.

Dapat nga ay hindi ko naman ’to trabaho dahil si Dad lang naman ang may gamay sa ganito pero hindi ko naman siya matanggihan dahil kailangan niya talaga ang tulong ko at medyo matanda na rin siya at nakakalimot na sa mga bagay-bagay so I don’t mind helping him when he needs me for their business with Tito Efren.

I’m sitting here in a couch at nandito kami ngayon sa resthouse nina Dad at Tito Efren sa Sta. Rosa, Laguna na inuuwian nila kapag nagpupunta sila dito regarding their business. Sina Dad at Tito Efren ay umalis ulit para i-monitor ang Gasoline store nila habang kami naman ni Raviel ay nagpapahinga dito sa loob ng resthouse.

Tinignan ko si Raviel sa tabi ko, he’s busy texting to someone and I was amazed when I saw him smile for the first time.

Kapag nagkikita kaming dalawa ay hindi naman ngumingiti ang lalakeng ito but now, he seems so different and I can see in his eyes that he’s in love dahil ganon na ganon rin ako noong na in love ako kay Haya.

“Girlfriend?” I asked Raviel na nawala bigla ang ngiti at sumeryoso ulit ang mukha nang tinignan niya ako.

He sighed and nodded after. “Yeah,”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi man kami close na magpinsan ni Raviel ay masaya naman ako dahil may babae palang nagpapasaya sa kanya.

“Tito Efren said that you’re now almost 1 week here in Laguna. Namimiss mo na siguro ’yang girlfriend mo.” sabi ko naman.

And to my surprise, Raviel smiled again.

Damn! He’s really in love.

“I don’t know, ginirlfriend ko lang naman siya dahil maganda siya at pwedeng ipagyabang sa lahat but I realized na m-mahal ko na pala talaga siya and I don’t want to lose her. Kuya Duke, I know I’m too bad to force her to be my girlfriend para lang makuha ko siya but what should I do? Sobra na akong in love sa kanya.” mahabang litanya niya at inis na ginulo ang buhok niya pagkatapos.

Napaawang lang ang bibig ko habang nakatingin kay Raviel. Sa paminsan-minsan naming pagkikita at pag-uusap ay ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng mahaba. This is unbelievable!

I chuckled at inakbayan nalang ang pinsan ko. “Then do everything para naman mahalin ka rin niya. Mas maganda siguro kung ’wag mo siyang ipilit sa mga bagay na ayaw niya. You can love her freely and please make her happy.” sabi ko na nag ala kupido na para lang mapanatag ang loob ng pinsan kong gangster at palaging tahimik na ngayon ay wala nang hiya-hiyang magshare sa akin nang tungkol sa lovelife niya.

“But Clarisse doesn’t love me. Kailangan ko pang suhulan siya at ang magulang niya para man lang magkaroon sila ng utang na loob sa akin at hindi na makawala pa si Clarisse sa buhay ko.”

I frozed after what he said.

Clarisse? Hindi kaya? Pero hindi siguro dahil marami namang may pangalang Clarisse sa Pilipinas at nagkakamali lang ako.

No. This couldn’t be.

Tapos ay bigla ko nalang naalala ang sinabi ni Morris noon tungkol sa boyfriend ni Clarisse and now I remember that Clarisse boyfriend’s name was Ravi.

Napabitaw ako sa pagkakaakbay ko kay Raviel at lumunok ako ng ilang beses. Ayoko man paniwalain ang sarili ko pero may posibilidad nga na ang Clarisse na tinutukoy ni Raviel ay ang Clarisse na nakasama ko lang kanina sa ice cream parlor shop kasama si Camille.

“E-Estudyante pa ba ang girlfriend mo?” Tanong ko kay Raviel.

He nodded. “Yes. She’s studying at St. Therese University. Your sister was also studying in that university, right?” he asked.

Confirmed. Clarisse is Raviel’s girlfriend.

Tumango nalang ako at hindi na nagawang makapagsalita pa.

Of all people, bakit ang pinsan ko pa ang boyfriend ngayon ni Clarisse? At bakit ba kapag nagkakaroon ako ng interes sa isang babae ay palagi nalang akong nauunahan nang kung sinong lalake? Ganon ba talaga ako kamalas?

“I know that we are not close enough, Kuya Duke but you’re my only relative that I want to trust right now. Hindi alam nina Mom at Dad na pinilit at sinuhulan ko lang si Clarisse para maging girlfriend ko. They know na mahal rin ako ni Clarisse kaya naging girlfriend ko siya. Hindi mo naman siguro ako isusumbong kina Mom at Dad, hindi ba? Because if they figure out what I did ay siguradong palalayuin nila ako kay Clarisse. Like your parents ay para ring santo ’yang sina Mom at Dad kaya gagawin nila ang tama.” sabi niya nang seryoso habang nakatingin sa akin.

I clench my fist secretly. I don’t like the idea that he forced Clarisse to be his girlfriend.

“Anong suhol ang ginawa mo para maging kayo niyang g-girlfriend mo?” tanong ko pa kahit kating-kati na ang kamay kong suntokin si Raviel.

Wala akong karapatang saktan si Raviel dahil desisyon rin naman ni Clarisse kung bakit naging sila pero hindi ko pa rin talaga mapigilang magalit sa kaisipang pinilit lang siya ni Raviel para maging girlfriend siya.

“It happens that her brother is my gangmates kaya doon ko siya nakilala. Ako na ang nagbayad ng bahay nila na sinangla ng namatay niyang ama sa pinagkautangan nito sa casino. I also payed her brother’s heart operation. She owned me a lot at bilang kapalit ng mga naitulong ko sa kanya ay dapat maging girlfriend ko siya and she agreed to my condition.” he said.

Napailing nalang ako. Walang kasing sama si Raviel at naaalala ko bigla ang sarili ko sa kanya nang minsan kong ipinipilit ang sarili ko kay Haya maging akin lang siya.

Magpinsan nga talaga kami.

“Are you happy?” I seriously asked na biglang ikinatigil ni Raviel.

I speak again. “Are you happy that you have a girlfriend who doesn’t love you? Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na minsan na rin akong nabaliw sa isang babae and I did impossible and crazy things just to get her pero sa huli? She chose the man that she love habang ako naman ay mag-isa pa rin hanggang ngayon at malapit nang lumagpas sa kalendaryo ang edad ko.” Napabuntong-hininga ako at sumandal nalang sa headrest ng couch na inuupuan namin.

“I’m going to make sure na mamahalin niya rin ako. We had a bad start but I will make it up to her. Marami akong nagawang kasalanan sa kanya pero handa akong bumawi sa kanya mahalin niya lang ako. I really love, Clarisse, Kuya Duke. I love her so much…” mariin niyang sabi and I can see that he is true on what he said.

Wala akong masabi. Naiinis at nagagalit na rin ako na wala naman akong karapatan but I can’t help it.

Hindi na ako umimik at dumiretso nalang sa kusina para kumuha doon ng beer in can sa ref. Pagkakuha ko nun ay diretso ko iyong nilagok hanggang sa maubos ko.

Oh great, Duke! Nagkakainteres ka ngayon sa babaeng girlfriend pala ng pinsan mo.

Kung hindi ko pa nalaman iyon malamang ay hindi na ako titigil sa pakikipaglapit kay Clarisse pero titigil nga ba ako?

Fuck! My Princess.

Sana nga hindi si Clarisse na Prinsesa ko ang tinutukoy ni Raviel na girlfriend niya pero ayoko namang magbulag-bulagan dahil halatang si Princess talaga iyon base sa mga ikwinento ni Raviel sa akin.

Gusto kong magmura at sumigaw pero kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako katulad ni Kendrick na magaling sa self-control pero kapag nagalit ay makakapatay na katulad nang ginawa niya kay Jace.

Ah hindi, mas malala pa pala ako sa kanya dahil masyadong mainitin ang ulo ko na nagiging bayolente na at maikli rin ang pasensya ko. Muntik ko pang mapatay si Kendrick dahil sa sobrang galit ko noon sa kanya nang inisip kong inaagaw niya sa akin si Haya.

Bumilis ang paghinga ko at kumuha ulit ng beer in can sa ref. Nilagok ko iyon ulit ng isang beses at nanghihinang napaupo sa upuan.

Kailangan ko na ba talagang tigilan si Princess? But I knew to myself na hindi ko na iyon magagawa ngayon lalo pa’t sa tingin ko ay nagugustuhan ko na rin ang batang iyon.

I always ended up liking a teenager girl na mas bata sa akin ng isang dekada o higit pa.

What am I going to do?

CLARISSE’ POV

Tinext ako ni Ravi at sinabing uuwi na siya bukas dito sa Maynila galing sa Laguna. Nadismaya ako dahil tapos na pala ang isang linggo niyang pag-iistay doon para sa business nila ng Dad niya kaya magkakaroon na naman ulit ako ng bodyguard slash cctv sa buhay ko.

Hindi ko naman nakikita pa ang kapatid niyang si Erika sa school para lang i-monitor ang mga kilos at galaw ko. Busy yata ito ngayon sa lalakeng natitipuhan niyang transferee pa yata.

Nakita ko na ang lalakeng iyon, Kiro ata ang pangalan nun. Gwapo naman pero mas gwapo pa rin talaga si Vendrex sa paningin ko.

Speaking of Vendrex, inakala na talaga ng mga fb friends niya na girlfriend niya ako. Ito namang si Vendrex ay hindi nililinaw sa kanila na kaibigan niya lang ako at may boyfriend na talaga ako. Kahit naman raw mag-explain pa siya sa mga fb friends niya na magkaibigan lang kami ay hindi naman maniniwala ang mga iyon. Hinayaan ko nalang dahil tama naman siya, kahit magsabi ka pa ng katotohanan sa iba basta’t sarado ang isipin nila ay hinding-hindi nila paniniwalaan ang sasabihin mo.

At naisip ko naman bigla si Kuya Duke. Hindi ko alam na kapatid pala niya ang babaeng kasama niya sa ice cream parlor shop na si Ate Camille na mukhang sosyal at fashionista pa. Kaschoolmate rin pala namin ito ni Morris at senior college student na.

Nakakahiya at napagkalaman ko pa siyang girlfriend ni Kuya Duke lalo na’t buntis pa pala ito!

“Bothered ka ba dahil parating na bukas ’yung boyfriend mong daig pa ang bodyguard kung bantayan ka at ’wag palapitin sa akin?” biglang pag-imik ni Morris.

Natulala na pala ako at nakalimutan kong kasama ko si Morris dito sa Cafeteria. Dismissal na namin at dumiretso muna kami sa Cafeteria dahil nanlibre ang bestfriend kong ito ng milktea at donuts. Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa lalakeng ito at panay na ang panlilibre niya sa akin. Dahil mahilig naman ako sa libre ay hindi ko na siya tinanggihan pa. Sayang rin kasi.

“H-huh? Hindi, no.” sabi ko naman at pinagpatuloy nalang inumin ang Hokkaido milktea ko.

Tinignan lang ako ng mariin ni Morris habang pilit ko namang iniiwas ang tingin ko sa kanya.

“Clarisse! Morris!”

Nawala lang ang atensyon sa akin ni Morris nang makita naming naglalakad papalapit sa amin si Vendrex na mukhang nanggaling pa sa kabilang building ng school.

Nang makalapit siya sa amin ay kaagad itong umupo sa tabi ko at hindi na nahiyang kumuha ng donuts na kinakain ko. Ngumiti nalang ako sa kanya kahit umiinit na ang buong mukha ko.

“Penge ako, Clarisse ah? Pinuntahan ko pa kasi ’yung tropa ko sa Architecture building para isaoli sa kanya ’yung hiniram kong USB. Napagod ako sa kakalakad papunta doon at hiningal pa.” sabi niya at hindi na rin ito nahiyang kunin ang iniinom kong milktea at saka sumimsim doon na mas lalo pang nagpainit sa pisngi ko.

Kaagad namang tinampal ni Morris ng malakas ang kamay ni Vendrex kaya napangiwi sa sakit ang huli.

“What the fuck was that, dude?” Reklamo ni Vendrex habang hinihimas nito ang kamay niyang tinampal ni Morris.

“Wala ka bang pera para bumili ng sarili mong inumin at pagkain? Nilibre ko lang ’yan si Clarisse tapos inaagawan mo pa ng makakain.” singhal ni Morris sa kaibigan niyang nagpeace sign lang sa kanya. Napatawa naman ako doon.

“Sorry naman, tikim lang naman, e.” nakangiting sabi ni Vendrex.

“Ulul!” naiiling namang sabi ni Morris na ikinatawa lang ni Vendrex.

“Sorry, Clarisse. Gusto mo bang palitan ko nalang ’yang kinakain mo? I can buy for you if you want.” Biglang baling sa akin ni Vendrex.

Umiling naman ako. “Okay na ako dito sa kinakain ko at wala lang ’yon.” sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at natulala akong saglit habang nakatingin sa kanya dahil ang gwapo-gwapo talaga ni Vendrex lalo na kapag ngumingiti ito.

Nang matapos na kaming kumain ni Morris sa Cafeteria ay napagdesisyunan na naming umuwi. Nauna na ring umalis si Vendrex dahil sasabay raw itong umuwi kasama ang kaibigan niya na nasa Architecture building.

Nagpresinta si Morris na ihatid ako sa bahay namin. Hindi na rin ako tumanggi pa doon dahil malapit nang maggabi at baka mapaano pa ako sa daan kung mag-isa lang akong uuwi.

“Kitang-kita ko na gusto mo talaga ang kaibigan ko, Clang.” sabi ni Morris nang nasa tapat na kami ng bahay.

Ngumiti naman ako. “Nakakatuwa kasi si Vendrex tapos ang kulit pa niya at palaging nakangiti.” sabi ko naman at napakagat-labi.

Tumango naman si Morris doon at ngumiti rin ito. “Pero ang balita ko ay may babaeng nililigawan ngayon si Vendrex.” sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako. Napahinto naman ako do’n.

“T-talaga?” Malungkot kong tanong.

“Oo. Ang ganda nga nun, Clang. BSIT student rin. Hindi ko alam kung nililigawan ’yon ni Vendrex pero bali-balita na ’yon sa klase namin.” ngumiti pa nang malawak si Morris nang makita niya ang malungkot kong ekspresyon.

“G-ganon ba? Masaya ako para sa kanya.” Ngumiti ako ng pilit para ipakita na okay lang iyon sa akin. May boyfriend na ako at hindi nga pwede na magkagusto pa ako sa ibang lalake.

Hinawakan naman ni Morris ang isang kamay ko para pagaanin ang loob ko. “Nandito naman ako, e. Kalimutan mo na ’yang nararamdaman mo para kay Vendrex dahil alam kong masasaktan ka lang sa kanya sa huli, Clang.” Niyakap ako ni Morris at niyakap ko nalang rin siya pabalik.

Tama naman siya, masasaktan lang ako kay Vendrex kaya kailangan ko nang itigil ang paghangang nararamdaman ko para sa kanya lalo na’t may babae na pala siyang nililigawan.


Keep commenting and voting please para di ako mawalan ng interes na tapusin ang story na to. 😢

Chapter 8

VENDREX’S POV

Kakatapos lang namin ng mga kateammates ko na magpractice ng soccer. Umupo muna ako sa bench para uminom ng tubig. Ang init masyado ng panahon ngayon and I’ve always getting dehydrated. Malapit na ulit ang competition namin para sa Regional competition finals at kailangan na makapaghanda kami ng mga kateammates ko doon kaya wala nang palya ang practice namin araw-araw.

Habang umiinom ako ng tubig ay nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Morris. I smiled at him nang makalapit na siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Tapos na kayong magpractice?” he asked.

Tumango ako. “Yup. Next month na ang competition so we need to practice more and be ready for that.” sagot ko naman.

“Eh ’yung panliligaw mo kay Maricel, kumusta na?” nakangiti niyang sabi.

I still don’t know if itutuloy ko pa ba ang panliligaw ko kay Maricel. Maricel is a BSIT student like Clarisse and she’s pretty and kind girl too. I admire her but it’s not enough para gawin ko siyang girlfriend ko.

Morris pushed me to court that girl dahil ang sabi niya ay may gusto rin sa akin si Maricel. Pinilit niya akong gawin iyon kaya wala na akong choice kundi subukan na ligawan si Maricel. 2 days ko nang nililigawan si Maricel pero hanggang ngayon ay nag-aalangan pa rin ako kung kaya ko ba talaga siyang maging girlfriend ko.

I sighed. “It’s fine okay.. but I think that I don’t like her enough to be my girlfriend.” Pag-amin ko.

Natigilan naman doon si Morris. “Pero bakit? Dude, kapag naging girlfriend mo si Maricel ay para ka na ring nanalo sa lotto. Maganda at sexy siya tapos mabait pa kaya bakit ayaw mo siyang jowain?” tanong niya.

Tinignan ko naman si Morris ng seryoso. “You’re right but I can’t.” I said.

“Bakit? Dahil si Clarisse ang mas gusto mo?”

I stopped for a moment when Morris said that. He is right. I like Clarisse but I know I can’t.

Nang hindi ako makasagot ay umiling si Morris. “Vendrex, alam mo namang may boyfriend siya kaya wala ka nang pag-asa sa kanya. Hindi papayag ’yung Ravi na ’yon na maagaw pa sa kanya si Clarisse kaya ’wag ka nang umasa sa bestfriend ko dahil masasaktan ka lang sa huli.” he said with a concerned tone.

Morris is right but I’m hoping that Clarisse will find a better man for her at hindi iyong lalakeng pinipilit siya sa mga bagay na hindi niya gusto. She is in a forced relationship with that Ravi at alam ko na dahil iyon sa utang na loob niya sa lalakeng iyon.

“Morris, papayag ka bang matali lang si Clarisse sa lalakeng hindi naman niya mahal? We can do something about it at kapag may chance na maghiwalay sila then I will enter to a scene. Gagawin ko ang lahat para kay Clarisse. I like her since then at tutulungan ko siya sa problema niya sa abot ng makakaya ko. My family is rich and I will help her to her financial needs.” seryoso kong sabi.

I like Clarisse simula nang ipakilala siya sa akin ni Morris. Hindi pa niya boyfriend ang Ravi na iyon ay may gusto na ako sa kanya. I don’t know kung magustuhan niya rin ako but I will do my best for her.

Natahimik ulit si Morris at para bang may malalim itong iniisip tungkol sa sinabi ko. After a minute of his silence ay ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

“Be with Maricel. Hinding-hindi mo makukuha kahit na kailan si Clarisse.” Sabi niya at saka ito tumayo at tuluyan na akong iniwan.

Naiwan naman akong nagtataka sa sinabi niya. Sa tingin ba talaga niya ay hinding-hindi na makakawala pa si Clarisse sa Ravi na iyon kaya nasabi niyang hindi ko makukuha si Clarisse kahit na kailan?

I’m hoping na balang araw ay makawala na si Clarisse sa relasyong hindi naman niya gusto.

Kahit hindi ako ang makatuluyan niya basta’t maging masaya lang siya sa lalakeng mamahalin niya ay okay lang iyon sa akin.

CLARISSE’S POV

Kakatapos ko lang humango ng mga bag at sapatos sa supplier na kakilala ni Mama na si Tita Joy para sa ibebenta ko thru online. Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako doon.

Pagkauwi ko naman sa bahay ay kumain na kami ng nilutong tinolang manok ni Mama. Kakasweldo lang rin ni Kuya Arman kaya may dala itong chocolate roll cake na alam niyang paborito ni Janjan.

“Tinext ako ni Ravi, pupunta siya ngayon dito sa bahay.” sabi ni kuya Arman habang kumakain kami.

Tumango nalang ako dahil alam ko rin naman iyon. Kanina ay tinawagan ako ni Ravi at sinabi niyang baka gabi na siya makapunta dito sa bahay dahil may inasikaso pa sila ng Dad niya kaninang hapon tungkol sa business nito bago siya makauwi sa Maynila.

Wala namang imik si Mama sa sinabi ni Kuya Arman habang sinusubuan niya ng pagkain si Janjan.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Inasikaso na ni Mama si Janjan para sa pagsagot nito ng module habang si kuya Arman naman ay nasa maliit naming sala at abala ito sa paggamit ng cellphone niya.

Nang matapos na akong maghugas at magwalis sa sala namin ay sakto namang narinig ko ang pagbusina ng kotse ni Ravi sa tapat ng bahay namin.

“Si Ravi na yata ’yan. Diyan ka lang. Ako na ang sasalubong sa kanya.” sabi ni Kuya Arman nang binulsa na nito ang cellphone niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

Tumango nalang ako at naupo sa sofa. Ilang minuto pa ay pumasok na sa loob ng bahay si kuya Arman kasama si Ravi na maraming dalang paperbags at plastic bags na may tatak ng isang mamahaling restaurant.

Inilapag niya ang mga dala niya sa lamesa namin at pagkatapos nun ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at hinapit ang baywang ko.

“I missed you,” mahina niyang sabi sa akin.

“I-I missed you, too.” sabi ko naman at nginitian siya ng pilit.

Hindi ko na ine-expect na ngingiti sa akin si Ravi dahil hindi naman niya iyon ginagawa. Tumingin naman siya kay Kuya Arman na nakangiti lang habang nakatingin sa amin.

“How’s the base? Wala bang nanggulo?” tanong niya kay kuya Arman.

“Wala naman pero kailangan mong i-check bukas ’yon dahil baka may pasaway na namang gusto kang suwayin.” sagot ni kuya Arman.

Halatang tungkol sa fraternity nila sa gang ang pinag-uusapan nila. Kinakabahan ako para kay Kuya Arman at Ravi dahil kasali sila sa ganoong klaseng samahan na sa pagkakaalam ko ay nai-involve sa mga away at iba pang gulo sa lugar namin. Hindi ko alam ang takbo ng gang nila pero alam ko na masama pa rin iyon at baka mapahamak pa sila.

“Okay. I got it.” sabi ni Ravi saka ito muling bumaling sa akin.

“Erika never said something bad about you these past week kaya panatag akong hindi ka lumapit at nakipag-usap sa Morris na ’yon.” sabi niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi nagsumbong si Erika sa kuya niya na nagkikita at nag-uusap pa rin kami ni Morris.

Minsan na kaming nakita ni Erika na magkasama ni Morris pero mabuti nalang at hindi niya iyon binanggit pa sa kapatid niya. Talaga ngang wala na siyang pakialam sa akin dahil sa bago niyang boyfriend na isang transferee student.

“Oo. Hindi na kami nagkikita at nag-uusap pa ni Morris.” Pagsisinungaling ko.

“Then good. By the way, I bought presents for you. May pagkain rin dyan for you and for your family.” sabi ni Ravi at itinuro niya ang mga paperbags at plastic bags na nakapatong sa lamesa.

“Salamat dito, bro. Maiwan ko na kayo.” sabi naman ni Kuya Arman nang kinuha niya ang plastic bags na may lamang mga pagkain at kaagad itong nagtungo sa kusina namin.

“Salamat, Ravi.” Pasasalamat ko naman kay Ravi.

Hindi siya sumagot doon hanggang sa naramdaman ko nalang na ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko at hinawakan ang isang kamay ko. Nang tinignan ko siya ay nakapikit na siya at nahahalata ko sa kanya ang pagod niya.

“Kaagad akong dumiretso dito sa inyo para makita ka. I was tired for helping my Dad in his business. Mabuti at nandoon rin ’yung pinsan ko para matulungan niya kami sa business ni Dad.” sabi ni Ravi.

Medyo naninibago naman ako ngayon kay Ravi. Hindi naman kasi siya palasalitang tao pero ngayon ay medyo nabigla lang ako dahil nagshe-share na siya sa akin ng mga bagay na patungkol sa ginagawa niya.

“G-gusto mo bang magpahinga muna? Pwede ka namang matulog muna sa loob ng kwarto ko.” sabi ko naman.

Kaagad siyang nagmulat ng mata dahil doon. “Is it okay with you?” tanong niya.

Tumango naman ako. Sa dalawang buwan naming relasyon ni Ravi ay halik at yakap lang ang nagagawa niya sa akin kaya kampante akong hindi niya ako gagawan nang mas higit pa doon. Pinaalalahanan rin kasi siya ni Kuya Arman. Kahit ganito siya ay malaki pa rin ang respeto niya sa akin.

Kinuha ko na ang mga paperbags na nakapatong sa lamesa at hinila ko na si Ravi paakyat sa loob ng kwarto ko. Pagkapasok namin sa loob ay inilagay ko ang mga paperbags sa gilid ng kwarto ko habang pinahiga ko na si Ravi sa maliit kong kama. Mabuti nalang at nagkasya siya sa kama ko kahit malaki at matangkad siyang tao.

“Come here, Clarisse.” sabi ni Ravi nang nakahiga na siya sa kama ko.

Lumapit naman ako sa kanya at nagulat nalang ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya napahiga na rin ako sa kama. Isiniksik niya ako sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang pabango niya sa suot niyang puting longsleeves shirt.

Hinaplos naman niya ang buhok ko. “I’m sorry for what I’ve done to you.”

Napapikit nalang ako habang patuloy pa rin si Ravi sa paghaplos sa buhok ko.

“I love you so much, Clarisse. Ayoko lang na makuha ka pa sa akin ng ibang lalake kaya pinilit ko na ang sarili ko sa’yo sa pamamagitan nang pagsuhol ko sa inyo ng pamilya mo. You really caught my attention at first at sobra akong nagandahan sa’yo. I admitted na ginirlfriend lang kita nung una dahil maganda ka at pwedeng maging trophy girlfriend ko but I realized na mahal rin pala kita. I’m sorry for that.” Seryoso niyang sabi.

Alam ko naman iyon sa una palang pero ano bang magagawa ko kung malaki ang pagkakautang namin ng pamilya ko sa kanya.

“But I’m glad that I can help your family with my money at naging daan ’yon para makuha kita. I know you don’t love me, Clarisse pero hindi kita kayang ibigay sa ibang lalake. Sana matutunan mo rin akong mahalin.”

Hindi ako nakakasigurado doon. Sinubukan ko namang mahalin si Ravi pero wala talaga. Kung mahal niya ako sana ay binibigyan niya ako ng kalayaan para gawin ko ang gusto ko at kung sino ang lalakeng mamahalin ko.

May halong possessiveness ang pagmamahal ni Ravi at ni hindi niya naiisip ang nararamdaman ko. Hindi ganitong pagmamahal ang gusto kong maranasan dahil alam kong hindi ako magiging masaya sa kanya.

Hindi na ako umimik at may luha nalang na biglang kumawala sa mga mata ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko matutunang mahalin ang isang Raviel Romualdez na gwapo, tinitingalaan ng mga babae, edukado at higit sa lahat ay mahal ako.

Hindi talaga napipilit ang isang pagmamahal.

Nang lingunin ako ni Ravi ay nakita niyang umiiyak na ako. Kaagad ko namang pinunasan ang mga luha ko.

“I-I will get some sleep. Uuwi rin ako mamaya.” hindi na niya makatinging sabi sa akin saka ito tumalikod mula sa pagkakahiga niya kaya napabitaw na ako sa kanya.

Umupo nalang ako sa kama at tinignan ang likod niya. Narinig ko pa ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga at mahinang pagmumura.

“Gusto mo bang magpalit muna ng damit bago ka matulog-”

“I said uuwi ako mamaya. Can you please stop talking and I need some sleep.” Pagputol niya sa sasabihin ko at tinakpan nito ang mga mata niya gamit ang unan ko.

“Sorry,” paghingi ko ng paumanhin.

Hindi na sumagot si Ravi doon.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Hanggang kailan ba magiging ganito ang sitwasyon ko?


thank you

Chapter 9

CLARISSE’S POV

Pagkatapos akong sunduin ni Ravi galing sa school ay kaagad kaming didiretso sa bahay nila para samahan sila ng pamilya niya na i-celebrate ang wedding anniversary ng mga magulang niya na sina Tito Efren at Tita Lynda.

Panigurado na nandoon rin ang kapatid niyang babae na si Erika na palagi nalang mainit ang dugo sa akin. Sa tuwing ganoon ang nangyayari ay hindi ko nalang siya pinapansin dahil naiintindihan ko naman ang hinanakit niya.

May gusto siya sa bestfriend kong si Morris na kababata ko, pero sa bali-balita sa St. Therese na boyfriend na ni Erika ang transferee student na si Kiro Hussain ay hinihiling ko na sana ay maging maayos na kami ni Erika.

Baka tuluyan na rin siguro siyang naka move-on kay Morris.

“I’m sorry for what happened last night.” biglang pag-imik ni Ravi habang nagmamaneho siya papunta sa bahay nila.

Bumuntong-hininga nalang ako at tumango. Wala akong balak magsalita pa.

“Are you mad at me?” tanong niya matapos nang mahigit isang minutong pananahimik ko.

“H-hindi naman.” sagot ko nalang at muling tinignan ang view sa labas ng bintana ng kotse.

“I know that I’m so immature when it comes to our relationship pero handa akong magbago para lang sa’yo, Clarisse. I’m not a sweet type of guy pero totoong mahal kita.” seryosong sabi ni Ravi.

Nakakatuwa lang na nakikita ko na ang unti-unti niyang pagbabago pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya.

Mas may kakaiba pa ngang ipinaparamdam sa akin si Kuya Duke at hindi ko maipaliwanag kung ano iyon dahil kahit hindi naman siya masyadong nag-eeffort na gawin iyon ay palagi talaga akong nagugulat at kinakabahan sa tuwing kasama ko siya.

Nako naman, Clarisse! May boyfriend ka na pero si Kuya Duke pa rin ang iniisip mo?

Hindi na talaga ako nagsalita ulit hanggang sa makarating na kami ni Ravi sa bahay nila. Kaagad naman kaming sinalubong ng mga katulong nila pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.

“Nasa dining room na sila. They are waiting for us.” nakasimangot na saad ni Ravi nang bigla niya akong hinapit sa baywang ko at nagtungo na kami sa dining room nila.

Pagkarating namin doon ay nakita namin ang mga magulang niya na nakaupo sa lamesa at maraming mga pagkain ang nasa hapag. Sa dami nun ay paniguradong hindi namin kaagad mauubos iyon.

Nakita ko naman si Erika na tinaasan lang ako ng kilay habang katabi niya sa upuan ang transferee student ng St. Therese na si Kiro na nakangiti lang sa amin ni Ravi.

“Clarisse, hija. Mabuti naman at nakarating na kayo dito ni Ravi.” nakangiting bati sa akin ni Tita Lynda.

Ngumiti naman ako. “Happy anniversary po sa inyo ni Tito Efren, Tita Lynda.” sabi ko.

“Thank you for your greeting. I’m glad that I see you again here. Umupo na kayo ni Ravi because I’m already starving. Hinihintay lang talaga namin kayong makarating para sabay-sabay na tayong kumain.” sabi ni Tita Lynda at inaya na nga niya kaming maupo ni Ravi sa dining.

Umupo kami ni Ravi sa harapan nila Erika at Kiro habang ang mag-asawa naman na sina Tito Efren at Tita Lynda ay nakangiti lang sa amin at tila natutuwa nang makita kaming magkasama ni Ravi.

“They really look good together, hon. Mukha lang rin namang kaedad ni Ravi si Clarisse. Right?” sabi ni Tito Efren kay Tita Lynda na sinang-ayunan ng huli.

“You’re right, hon. Kasal nalang talaga ang kulang at gusto ko na ring magkaapo dahil tumatanda na tayo.” sabi naman ni Tita Lynda dahilan para manlamig ako doon.

Nang tinignan ko si Ravi ay napangiti ito sa sinabi ng Mom niya at inumpisahan na akong ipaghanda ng makakain. Si Erika naman na napansin yata ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko ay ngumisi sa akin at nag-umpisa na rin siyang kumain.

“Mom, stop talking about that. Nakakahiya kay Clarisse.” nakangiting ani Ravi kay Tita Lynda.

“And why? Wala namang masama kung pag-uusapan na natin kaagad ang future niyong dalawa ni Clarisse. Right, hija?” pagbaling naman sa akin ni Tita Lynda.

Hindi pala alam ng mga magulang ni Ravi na pinilit lang ako ng anak nila para maging nobya niya. Ang iniisip nila ay totoong mahal ko si Ravi kaya nakipagrelasyon ako rito. Ang hindi nila alam ay napilitan lang ako dahil sa laki ng pagkakautang ko sa anak nila.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Tita Lynda kahit labag sa loob kong sumang-ayon sa tanong niya.

Ito na ang kapalaran ko at alam kong hindi na ako makakawala pa kay Ravi.

“See, Ravi? Clarisse loves you and I think she’s ready to have a family with you.” sabi ni Tita Lynda na mas lalo pang ikinalawak ng ngiti ni Ravi.

Bakit ba pinag-uusapan na namin kaagad ang ganitong klaseng mga bagay? Nag-aaral pa nga lang ako at wala pang trabaho, e.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang ibahin na ni Tita Lynda ang pinag-uusapan namin at naging tungkol na ito kina Erika at Kiro. Base sa naririnig ko kay Erika ay mukhang tinamaan na yata talaga siya ng pagmamahal sa boyfriend niya.

Mabait at magalang naman kung makipag-usap si Kiro sa mga magulang nina Erika at Ravi at halatang gustong-gusto siya nina Tito Efren at Tita Lynda para sa unica hija nila.

“Kain ka pa,” pag-aalok sa akin ni Ravi at muli niya akong nilagyan ng pagkain sa plato ko nang maubos ko na ang kinakain kong Carbonara pasta.

“S-salamat.” sabi ko naman.

Hindi talaga ako sanay sa pagiging sweet ngayon ni Ravi. Para bang ibang Ravi na ang kaharap ko ngayon.

Habang patuloy pa rin kaming kumakain ay may isang matangkad na lalakeng dumating na kaagad kong namukhaan.

Tumayo bigla si Tito Efren para salubungin iyong lalake.

“Duke, mabuti naman at nakarating ka. Come and let’s join us.” pag-anyaya ni Tito Efren kay Kuya Duke at pinaupo niya ito sa isang bakanteng upuan na katapat lang namin ni Ravi.

Ngumiti lang ng tipid si Kuya Duke kay Tito Efren at umupo na siya sa bakanteng upuan. Nang sumulyap siya sa akin ay hindi man lang siya ngumiti at kung tratuhin niya ako ngayon ay parang hindi niya ako kilala.

Pero, ano bang ginagawa ni Kuya Duke ngayon dito sa bahay nila Ravi? At paano niya naging kakilala ang pamilya ni Ravi?

“Oh, Clarisse. He’s Duke, pinsan siya nina Ravi at Erika.” pagpapakilala ni Tita Lynda sa akin kay Kuya Duke.

Nagulat naman ako doon. Magpinsan sila Ravi at Kuya Duke?

Napakaliit nga naman ng mundo!

“Yes, Clarisse. Si Kuya Duke nga pala. Pinsan ko.” sabi naman ni Ravi at imwinestra niya sa akin si Kuya Duke.

Tinignan ko ulit si Kuya Duke. Seryoso lang ang mga tingin niya sa amin ni Ravi at wala akong ibang makitang ekspresyon ng mukha niya kundi iyon lang.

Galit ba siya sa akin? Bakit parang iyon ang nararamdaman ko ngayon sa kanya?

Ngumiti at tumango lang ako kay Kuya Duke na hindi man lang ako nagawang ngitian pabalik. Bumaling siya kaagad kay Tito Efren at nagsimula na silang mag-usap nang patungkol yata sa business nila.

“Si Kuya Duke pala ’yung pinsan ko na kasama ko sa pagtulong sa business namin sa Laguna. We are not yet close but he’s been a good cousin to me.” sabi ni Ravi sa gitna ng pagkain namin.

“M-mabuti naman kung ganon.” sagot ko.

Ang awkward lang dahil kilala ko si Kuya Duke!

“Yeah. He’s already 30 years old pero hanggang ngayon ay single pa rin siya. Baka nga maunahin pa natin siyang magpakasal kung sakali.”

Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ni Ravi. Mabuti nalang at kaagad akong nakainom ng tubig bago ko pa maibuga ang kinakain ko.

Mukha namang narinig ni Kuya Duke ang sinabi sa akin ni Ravi dahil bigla itong napatingin sa amin. Bigla akong kinabahan nang makita kong tumiim ang kaniyang bagang.

Sinikap ko nalang na ubusin na ang kinakain ko at hindi na inintindi pa si Kuya Duke. Sa dinami-rami ng pwedeng maging pinsan ni Ravi ay bakit siya pa?

Nang matapos na kaming kumain ni Ravi ay nagpaalam na kaming pupunta muna sa living room nila para magpatunaw ng kinain namin. Tinukso pa kami nina Tito Efren at Tita Lynda dahil gusto lang raw naming magsolo ni Ravi pansamantala. Tinawanan lang naman ni Ravi ang sinabi sa amin ng mga magulang niya.

Umupo kami ni Ravi sa may sofa at hinawakan niya ang isang kamay ko at pinagsalop ito sa palad niya.

Nakikita ko mula sa mga mata niya kung gaano siya kasaya kasama ako. Hindi ko inaasahan na darating sa punto na magiging ganito siya nang dahil sa pagmamahal niya sa akin.

“I want to be honest with you. Natuwa ako kanina dahil gusto na nila Mom at Dad na magpakasal na tayo at magkapamilya.” sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ko.

“Ravi…” tangi kong nasabi dahil hindi ko na alam ang mga susunod ko pang sasabihin.

“I know, Clarisse. Simula noong umpisa palang ay alam ko nang hindi mo ako mahal. You were hurting me but it’s my fault, too because I forced you to be my girlfriend.” umiwas si Ravi ng tingin sa akin at bumuntong-hininga siya.

“Kuya, tawag ka ni Dad. May sasabihin daw siya sa’yo saglit.” sabi ng dumating na si Erika na pasimple akong inirapan habang nakahawak siya sa balikat ng boyfriend niyang si Kiro.

“Wait for me here, okay? I’ll talk to Dad.” paalam sa akin ni Ravi na tumayo na sa tabi ko.

Tumango naman ako sa sinabi niya hanggang sa umalis na siya.

“Don’t you dare to cheat with my brother, Clarisse. He loves you so much at kahit naiinis ako sa’yo ay pinipigilan ko lang ’yon dahil mahal ka ng kapatid ko. If you hurt him, ako ang makakalaban mo.” madiing pagbabanta sa akin ni Erika na sinita naman ni Kiro.

Inirapan pa ako ni Erika sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na silang umalis ni Kiro.

Huminga nalang ako ng malalim bago pumikit. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay bumungad naman sa harapan ko si Kuya Duke na nakatingin lang ng mariin sa akin.

“K-Kuya Duke,”

“So, Raviel is your boyfriend that you’re talking about, huh?”

Ramdam ko ang sarkasmo at galit sa boses ni Kuya Duke.

“Siya nga.” sabi ko at pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

Natawa naman siya ng mahina. “Why? Is it because of his money? Alam ko, Clarisse. He forced you to be his girlfriend dahil may lahing obsessed yata sa babae ang pamilya namin.”

Nabigla ako doon dahil hindi ko inaasahan na alam pala iyon ni Kuya Duke.

“M-malaki ang utang na loob ng pamilya ko kay Ravi. Mabait naman siya sa akin at hindi niya ako sinasaktan-”

“Do you love him?”

Hindi ko kaagad nasagot ang tanong ni Kuya Duke imbes ay hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya.

Mas lalo siyang lumapit sa akin at pinantayan niya ako. Iiiwas ko sana ang mukha ko sa kanya nang bigla niyang sapuin ito at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

“You know what? I like you, Princess. I really do.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

Gusto niya ako?

“At alam mo bang nakakatakot akong magmahal? Dahil kapag nagmahal ako ay nakakalimutan ko na ring mahalin ang sarili ko.” nginitian niya ako ng malungkot.

“You’re already committed with my cousin and I’m now moving on from my past. Isa sa mga bangungot na nangyari sa buhay ko ay ang magmahal ng isang babaeng hindi naman ako mahal.”

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi sa akin ito ni Kuya Duke. Masyado na itong personal para sa kanya pero ngayon ay kaswal niya lang na ikinukwento sa akin ang nakaraan niyang hindi ko pa nalalaman.

Tumingin ulit sa akin si Kuya Duke ng seryoso at hinaplos niya ang pisngi ko.

“But if I can see some chances to the girl I liked then I will fight for her even if my cousin is going to be my greatest rival.”


Chapter 10

CLARISSE’S POV

“But if I can see some chances to the girl I like then I will fight for her even if

my

cousin is going to be my greatest rival.“

Ang mga sinabi sa akin ni Kuya Duke ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? At hindi ko rin inaasahan na magkakilala sila ni Ravi, hindi lang kamag-anak kundi magpinsang buo pa!

Kung anuman itong kakaibang nararamdaman ko para sa lalakeng mas matanda sa akin ng 12 years ay dapat ko na itong kalimutan dahil may masama talaga akong kutob sa mga susunod na mangyayari sa oras na sundin ko ito.

At kailangan ko na ring kalimutan ang sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Paano kapag nalaman iyon ni Ravi? Paniguradong magkakagulo silang magpinsan at baka masira pa ang magandang samahan nila nang dahil sa akin.

Sabado ngayon ng umaga at muli akong kumuha ng mga bag at sapatos na ibebenta ko online sa kaibigan ni Mama na si Tita Joy.

Minsan tuwing weekends ay abala ako sa paghahanap-buhay para matustusan din ang mga gastusin namin sa bahay at para makatulong na rin kay Kuya Arman sa mga bayarin namin.

Dalawa nalang kaming magkapatid ang nandiyan para kay Mama at sa bunsong kapatid namin na si Janjan. Marami pa kaming utang kay Ravi at sana balang araw ay mabayaran rin namin ang mga utang na iyon kung magkakaroon man kami ng maraming pera.

Nandito ako ngayon sa food court sa mall na malapit lang sa amin at umorder lang ako ng Siomai na tig 45 pesos at Gulaman drink na nagkakahalaga ng 15 pesos. Hindi pa ako kumakain ng breakfast at ito palang ang kakainin ko ngayong araw.

Habang abala ako sa pagkain ay nakita ko ang isang pamilyar na lalake na naglalakad papalapit sa akin.

Si Kiro Hussain ito na boyfriend ni Erika.

“Clarisse, right?” tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti. “Nagkita tayo kahapon sa bahay nila Erika.” sabi ko.

“Yeah, pwede bang makiupo muna? Kakatapos ko lang mamili ng groceries para sa dorm ko.” sabi niya at ipinakita sa akin ang dalawang bag ng grocery na binili niya.

“Oo naman.” sagot ko.

Inilapag ni Kiro ang dalawang bag ng grocery sa ilalim ng upuan bago ito umupo sa upuang katapat ko at nagpunas ng pawis niya sa noo gamit ang hawak niyang panyo.

Maswerte si Erika sa Kiro na ito. May pagka Zayn Malik ang itsura ni Kiro at ayon sa mga Marites sa school namin ay half Pakistani siya.

Mukha itong bad boy kung titignan dahil sa strong features ng mukha nito pero sa totoo lang ay malumanay siya magsalita at mahiyain kung kumilos.

“Hindi pala tayo nakapag-usap kahapon, no? Mahiyain din kasi ako at baka magselos si Erika kapag nakita niyang may kinakausap akong ibang babae.” natawa ng mahina si Kiro at umiling ito.

“Ayos lang ’yon tsaka nakikita ko naman na mahal mo rin si Erika katulad ng nararamdaman niya para sa’yo kaya siya nagseselos sa mga babaeng kinakausap mo.” sagot ko.

Tumango siya. “Yes, I love her. I didn’t expect her to like a guy like me despite the fact that I was a transferee in our school and few people knew who I was; I courted her because I feel like she’s the one for me, and I was surprised that she liked me back.” sabi niya habang nakangiti.

Nakikita ko kung gaano niya kamahal si Erika at masaya ako dahil nakahanap na din si Erika nang lalakeng para talaga sa kanya. Hindi iyong palagi siyang babaliwalain katulad nalang ng ginagawa sa kanya ni Morris.

“Mabuti naman kung gano’n, masaya ako para sa inyo.” sabi ko.

“Honestly, nasurpresa ako dahil boyfriend mo ang kapatid ni Erika. He’s older than us, right? Is it mean that you like older guys?” tanong ni Kiro na nagpahinto sa akin.

Older guys.

Bigla ko nalang naalala si Kuya Duke dahil doon.

Ito na naman ako at Kuya Duke nalang ako ng Kuya Duke!

“H-hindi naman. Nagkataon lang talaga na mas matanda sa akin si Ravi kaya naging boyfriend ko siya.” sabi ko nalang.

Tinignan naman ako ni Kiro ng mariin na nagpakaba sa akin pero pagkaraan ay ngumiti na ito at nag-unat ng mga braso niya.

“Saan mo binili ’yang kinakain mo? I’m hungry and I need to eat,” Tanong niya at itinuro ang kinakain kong Siomai at Gulaman.

Itinuro ko naman sa kanya ang stall ng pinagbilhan ko ng pagkain. Tumayo na si Kiro at sinabing bibili daw muna siya.

Pagkabalik niya sa table namin ay may binili pa itong isang plato ng Siomai na para sa akin daw. Nagpasalamat naman ako dahil nag-abala pa siyang bilhan ako ng pagkain.

Habang kumakain kami ay nagtext sa akin si Ravi at sinabi niyang may inaasikaso siya ngayon sa business nila ng Dad niya at baka bukas na niya ako mapuntahan sa bahay namin.

Ayos lang naman iyon sa akin dahil sa totoo lang ay mas palagay ang loob ko kapag hindi kami palaging magkasama lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya matutunang mahalin.

Nang matapos na akong kumain ay natapos na ring kumain si Kiro. Ang sabi niya sa akin ay ihahatid na niya ako sa amin para daw makatipid ako sa pamasahe.

Dahil mapilit siya ay pumayag nalang ako dahil wala naman itong malisya at nagmamagandang-loob lang siya.

Siya na ang nagbitbit ng mga dala ko at inilagay niya ito sa backseat ng kotse niya. Nang nasa loob na kami ng kotse niya ay itinuro ko nalang sa kanya ang daan pauwi sa amin.

Nagdodorm siya dahil malapit lang ito sa school namin at iyong bahay raw na nilipatan nila ng mga magulang niya ay malayo-layo pa raw. Tama nga ang mga Marites kong kaklase na half Pakistani si Kiro dahil Pakistani ang ama niya at Filipina naman ang kaniyang ina.

“I’m guessing you have European ancestry based on your appearance.” sabi ni Kiro habang nagmamaneho ito.

“May lahing Russian at Ukrainian ang Mama ko.” sabi ko.

“I see. You’re beautiful tho. You have an enchanting beauty.” sabi niya dahilan para mamula ako sa hiya.

Hindi na rin kami nag-usap hanggang sa makarating na kami sa bahay. Inalalayan pa ako ni Kiro na makababa sa loob ng kotse niya at siya na ulit ang nagbitbit ng mga dala ko. Kinuha ko na ito sa kanya at nagpasalamat.

“Maraming salamat sa paghatid mo sa akin dito sa bahay namin, Kiro. Mag-iingat ka pauwi.” pasasalamat ko.

“No problem. See you again at school, Clarisse. It’s nice to meet you,” nakangiting sabi ni Kiro.

“Nice to meet you din,” sabi ko.

Tumango si Kiro at pumasok na ulit siya sa loob ng kotse niya at pinaandar na niya ito hanggang sa makaalis na siya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at muntik ko nang mabitawan ang mga dala ko nang makita si Kuya Duke na katabi ni Janjan sa sofa at naglalaro sila ng robot na laruan.

Nakita ko rin ang mga iilang boxes ng pizza sa lamesa namin at may tatlong Milktea pa.

“Ate! Binilhan ako ni Kuya Duke ng laruan!”

Nakangiting pagmamalaki sa akin ni Janjan nang makita niya ako at ipinakita niya sa akin ang hawak niyang robot na laruan na mukhang bago pa.

Paano naman nalaman ni Kuya Duke na may batang kapatid akong lalake?

Tumingin ako kay Kuya Duke na hindi lumilingon sa akin at parang madilim ang mukha nito.

Galit ba siya? At bakit naman?

At ano ang ginagawa niya dito sa bahay namin?

“Anak, nandito ka na pala,” Pagsalubong sa akin ni Mama na kakalabas lang mula sa kusina at hinalikan niya ang pisngi ko.

Nakangiti nang malawak si Mama nang inginuso niya si Kuya Duke na ngumiti naman nang tinignan siya ni Mama.

“Ang sabi sa akin ng gwapong ’yan ay pinsan siya ni Ravi. Naniwala naman ako dahil magkamukha sila. Magkaibigan na rin daw kayo kaya pinatuloy ko na dito sa bahay natin, anak. Napakabait niya at tignan mo, binilhan pa niya tayo ng makakain at mga laruang robot naman para kay Janjan.” magiliw na sabi ni Mama.

Kumpara kay Ravi ay parang mas magaan pa ang loob ni Mama kay Kuya Duke na ngayon lang niya nakilala at isa pa, halos magkasing edad lang yata sila!

“Ang bait po ni Kuya Duke, Ate Clarisse. Sana nga po ay siya nalang ang naging boyfriend niyo at hindi na si Kuya Ravi.” sabi ni Janjan dahilan para parehong manlaki ang mga mata namin ni Mama sa pagkabigla.

Lumapit kaagad si Mama kay Janjan at tinampal nang mahina ang bibig nito.

“Huwag mong sabihin ’yan, Janjan! Paano nalang kung biglang dumating ang Kuya Ravi mo at marinig niya ’yang sinasabi mo? Boyfriend siya ng ate mo at kailangang maging mabait ka din sa kanya!” suway ni Mama kay Janjan.

Umiling naman ng paulit-ulit si Janjan. “Ayoko! Ayoko si Kuya Ravi para kay ate. Si Kuya Duke ang gusto ko-”

Hindi na naituloy ni Janjan ang sasabihin niya nang tinakpan na ni Mama ang bibig niya at hinila na ito papunta sa loob ng kwarto niya.

Nang kaming dalawa nalang ni Kuya Duke ang naiwan ay tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

“B-bakit ka nga pala nandito, Kuya Duke?” nahihiya kong tanong.

Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit ito sa akin.

Kinakabahan ako ngayong nasa harapan ko na siya at hindi ko pa rin makakalimutan ang mga sinabi niya sa akin.

“Bakit hinatid ka dito ng boyfriend ni Erika?” tanong ni Kuya Duke nang seryoso.

Binaba ko naman ang mga dala ko at inilagay ito sa lamesa. Nakita niya ngang hinatid ako ni Kiro. Nakita niya siguro sa bintana na malapit sa pwesto niya.

Hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin dahil nanghihina ako sa tuwing tinitignan niya ako.

“Coincidence lang na nagkita kami sa mall. Nagmagandang loob lang siyang ihatid ako dito sa amin.” sagot ko.

“Bakit ka pumayag? Hindi mo pa naman siya lubos na kilala. Paano nalang kung may gawin siyang masama sa’yo?” iritado niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. “Nakita mo namang buo pa rin ako na nakauwi dito sa amin, ah? Bakit ka ba nandito, Kuya Duke? Anong kailangan mo?” naiirita ko na ring tanong.

Muntik na akong mapaatras sa gulat nang mas lumapit siya sa akin at naging malamlam na ang ekspresyon ng mukha niya.

“Namimiss kasi kita kaya pumunta ako dito. Umamin na din ako sa’yong gusto kita kaya kakapalan ko na ang mukha kong magpapansin sa’yo, Princess…” malungkot niyang sabi at ayan na naman siya sa pagtawag niya sa akin ng Princess.

Hindi mo talaga aasahan sa matapang niyang itsura na aakto siya nang ganito sa akin. Para na siyang maamong tupa ngayon.

“May boyfriend ako at pinsan mo ’yon, Kuya Duke-”

“Pero pinilit ka lang naman niyang maging kayo, hindi ba?” pagputol ni Kuya Duke sa sinasabi ko.

“Oo pero may utang na loob ako sa kanya at hindi ko pwedeng talikuran ’yon.” sabi ko.

Nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Kuya Duke nang mahigpit.

“If you’re concerned about your debt with him, I’ll pay for it. Princess, gustong-gusto kita at ngayon palang ay nasasaktan na ako dahil magkasama kayo at boyfriend mo siya. Kung hindi mo man siya mahiwalayan ngayon then I’d be happy to be your sideboy. I want to change because of my bad past, but I can’t stop loving you, and seeing your situation like this hurts me.”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Kuya Duke at hindi kaagad ako makasagot doon.

Nababaliw na ba siya? Bakit niya pinag-aaksayahan ng panahon ang isang katulad ko?

Marami naman sigurong mga babae ang nahuhumaling sa kanya kaya bakit ako pa? Ako na may komplikado at magulong mundo.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at hinarap si Kuya Duke.

Ang hirap pigilan at kimkimin at kung magpapaagos lang ako sa nararamdaman ko ngayon ay may mga masasaktan.

“Bakit mo ba ginagawa ’to, Kuya Duke? Hindi ako karapat-dapat sa’yo. May komplikado akong sitwasyon at magulo ang mundong kinagisnan ko. Ayoko ring masaktan si Ravi dahil kahit hindi ko man masuklian ang pagmamahal niya sa akin ay malaki ang naitulong niya para sa pamilya ko-”

Hinila ni Kuya Duke ang batok ko at mas lalo pa akong nagulat sa ginawa niya nang hinalikan niya ako.

Marahan at banayad lang ang paghalik niya sa akin at hindi ko masuklian ang mga halik na iyon dahil sa sobrang gulat at pagkabigla.

Kumakabog ng malakas ang puso ko at sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

“Ginagawa ko ’to dahil mahal kita at hindi mo na ako mapipigilan sa gagawin ko, Princess. Magiging akin ka…” madiing pagbabanta ni Kuya Duke kasabay nang paghalik niya sa noo ko.

Napapikit ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mali itong ginagawa niya pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit may parte sa akin na gustong sumang-ayon sa sinabi niya.

-Ajai_Kim

Chapter 11

CLARISSE’S POV

“Kumain ka pa, Duke. Huwag kang mahihiya sa amin,” pag-aalok ni Mama kay Kuya Duke habang nasa hapag kami at kumakain.

Sa bahay na niya pinakain ng lunch si Kuya Duke bago raw ito umuwi sa kanila. Ito pa lang ang unang beses na magkakilala sila pero parang may sibling vibes na talaga akong nakikita sa kanilang dalawa.

Si Janjan naman ay parang ayaw pang pauwiin si Kuya Duke at sinabi nitong mamaya ay maglalaro pa raw sila ng laruang robot. Ngumiti at tumango lang si Kuya Duke sa request ng kapatid ko at mukhang gusto niya din namang kalaro si Janjan.

Kanina lang ay hinalikan niya ako at may nadagdag na naman sa iisipin ko dahil sa mga sinabi niya sa akin.

Mahal niya ako at gusto niya akong maging sa kanya.

Pero bakit napakabilis naman na magkagusto siya sa akin? Seryoso ba siya o gino-goodtime niya lang ako dahil alam kong hooker siya?

Mukha naman siyang sincere at totoo sa sinasabi niya ngunit nasa katinuan pa rin ako at inaalala ko ngayon si Ravi na boyfriend ko ngayon at pinsan pa niya.

“Ah, thanks po.” sabi ni Kuya Duke at nakita ko ang kaunting pagngiwi niya nang nilagyan siya ni Mama ng Adobong pusit at Ginataang langka sa plato niya.

Ayaw ba niya nang pagkain namin?

“Kumakain ka ba niyan, Kuya Duke?” tanong ko kay Kuya Duke na bigla namang tumango at lumunok bago siya ulit nagsalita.

“Of course, our maid used to cook this food for us at our house.” sabi niya at sumandok na ito ng Adobong pusit sa plato niya.

Inobserbahan ko siya nang kainin na niya ang Adobong pusit. Base sa ekspresyon ng mukha niya ay parang hirap na hirap siyang lunukin iyong ulam pero ginawa niya pa rin at pagkatapos nun ay tumingin siya kay Mama at ngumiti dito.

“Masarap po kayong magluto, Ate Clara.” papuri ni Kuya Duke kay Mama na natuwa naman sa sinabi niya.

“Nako, salamat, Duke pero huwag mo na akong tawaging ate dahil pitong taon din ang tanda ko sa’yo. Pwedeng Tita Clara nalang tutal ay pinsan mo naman si Ravi,” sagot ni Mama.

Tita Clara? Hindi naman ganoon katanda si Mama para tawagin siyang Tita ni Kuya Duke.

Kung titignan nga ay parang magkasing edad lang sila. Baby face kasi si Mama at mukhang nasa early 30s lang ang edad nito.

Iba talaga ang klase ng trip nitong Mama ko!

“Kung ’yan po ang gusto niyo, Tita Clara.” sabi ni Kuya Duke sabay lingon sa akin at nginitian ako.

Parang ngiting tagumpay lang, ah?

“Kuya Duke, kumakain po ba kayo sa Jollibee? Favorite po kasi namin ni Ate Clarisse ’yon, e.” tanong ni Janjan kay Kuya Duke habang kumakain ito.

Bigla namang natigilan si Kuya Duke sa sinabi ni Janjan pero tumango ito pagkatapos.

“O-oo naman, Janjan. Gusto mo ba na kumain tayo doon minsan?” tanong niya kay Janjan.

Pumalakpak naman si Janjan dahil sa excitement sa alok ni Kuya Duke. “Opo, Kuya Duke! Isama din natin si Ate Clarisse kapag pupunta tayo doon, ah?”

“Sure, Janjan. If that’s what you want.” sagot ni Kuya Duke nang nakangiti.

Bakit ba pagdating sa pagkain ay bigla nalang natitigilan itong si Kuya Duke?

Pero alam ko namang hindi siya maselan sa pagkain dahil kumain pa nga siya ng street foods kasama ko sa QCMC, e.

“Talaga po? Yehey! Salamat, Kuya Duke!” sabi ni Janjan at nakipag-apir ito kay Kuya Duke.

Ngayon ko lang nakitaan ang kapatid ko na may maka close na isang tao bukod sa aming pamilya niya.

Kahit kila Morris, Michelle, Tito Kai at Ravi ay hindi siya malapit sa mga ito pero kay Kuya Duke ay naging kasundo na niya kaagad.

Paano kaya nangyari iyon? Bakit noong unang pagkikita namin ni Kuya Duke ay hindi naman kami naging malapit kaagad dahil pangit ang first impression ko sa kanya pero kina Mama at Janjan ay naging kaclose na niya in real quick?

“No problem, Janjan. Kung may gusto kang laruan o pagkain na gusto mong kainin ay sabihin mo lang sa akin. I’ll come here to bring what you want.” saad ni Kuya Duke sa kapatid ko.

“Duke, hindi mo na kailangang gawin ’yan. Nakakahiya naman sa iyo,” pagsabat ni Mama.

“It’s nothing, Tita Clara. Para ko na rin pong nakababatang kapatid si Janjan kaya ayos lang pong bigyan ko siya ng gugustuhin niya,” sabi ni Kuya Duke at ako ay umiling kaagad.

“Hindi na talaga, Kuya Duke. Sobra-sobra na nga ang mga laruang binili mo para kay Janjan tapos dinalhan mo pa kami ng snacks dito sa bahay-”

“I insist. This means nothing to me. All I want is for Janjan to be happy; he deserves everything.” pagputol ni Kuya Duke sa sinasabi ko.

“Ate, Mama? Sige na?” pangongonsensya pa ni Janjan at nagpray sign ito sa amin ni Mama.

Napangiti si Kuya Duke doon at marahang ginulo ang buhok ni Janjan.

Naikot ko na lang ang mga mata ko at bumuntong-hininga. Si Mama naman ay inilingan lang si Janjan at nagkibit-balikat siya.

“Bahala kang mamulubi dyan kay Janjan, Kuya Duke. Mauubos ’yang pera mo sa daming i-rerequest ng batang ’yan.” sabi ko pero mas lalo lang ngumiti doon si Kuya Duke.

“Okay lang. Marami naman akong pera, e.” pagmamayabang niya pero pabiro iyon.

“Eh di ikaw na ang maraming pera! Rich kid ka kasi,” pagsusungit ko pero tinawanan lang niya ako at nakisali pa doon sina Mama at Janjan.

Isang oras rin bago kami natapos kumain. Ito kasing si Mama ay marami pang ikwinentong mga ganap sa buhay niya kay Kuya Duke at si Kuya Duke naman ay aliw na aliw sa pagku-kwento ni Mama.

Mga kwento iyon noong nag-aaral pa lang sila ni Papa at ipinagbubuntis niya ako at si Kuya Arman. Iyong mga nakakatawang pangyayari sa buhay namin noong mga bata pa kami nila Kuya Arman at Janjan. Mga events na nangyari hanggang sa paglaki ko at marami pang iba.

Ngayon ko lang naranasan iyong ganitong klaseng pakiramdam, iyong para bang magaan lang dahil may taong nakikinig sa mga kwento ni Mama na isang stranger lang.

Kahit kasi matagal na naming kakilala sila Tito Kai at ang dalawang anak niya ay may parte talaga sa akin na naiilang sa kanila lalo na kay Tito Kai sa tuwing tinititigan niya si Mama.

Kay Kuya Duke ay ayos lang dahil sa nakikita ko ay magaan ang loob sa kanya ni Mama at parang isang nakatatandang kapatid lang rin niya ito kung ituring.

Pinagbalot ni Mama si Kuya Duke ng mga ulam namin para iuwi ito sa kanila. Hindi naman tinanggihan iyon ni Kuya Duke.

“Thanks for the food, Tita Clara. I’ll text Prin- I mean Clarisse kung kailan kami mamamasyal kasama si Janjan.” sabi ni Kuya Duke nang ihatid na namin siya sa labas ng bahay namin.

Dala niya ang isang paperbag na may dalawang supot ng ulam namin kanina.

“Walang problema, Duke. Masaya ako na nakilala kita at kaibigan mo na itong si Clarisse. O, siya’t papasok na ako sa loob ng bahay dahil kinakapos ng hininga si Janjan at kailangan kong painumin ng gamot.” nagmamadaling sabi ni Mama na tinapik ang braso ni Kuya Duke na ngumiti at tumango sa kanya.

Hindi na rin nakapaglaro pa sina Janjan at Kuya Duke dahil napagod kaagad ang kapatid ko at inatake na naman ito ng side effect ng heart operation niya.

Nang makapasok na si Mama sa loob ng bahay namin ay bigla akong hinila ni Kuya Duke at niyakap.

Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. “Damn! I don’t want to go home yet. Kung pwede lang ay iuwi nalang kita. Fuck!” bulong niya sa tenga ko.

Hindi naman ako nakasagot doon at hinayaan lang siya sa pagyakap niya sa akin.

Sa yakap niya, pakiramdam ko ay ligtas ako palagi. Hindi ko maramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam kila Ravi, Morris o kahit na kay Tyron, kay Kuya Duke ko lang talaga ito naramdaman.

Gusto ko iyong ganito nalang palagi pero alam kong bawal.

Ilang minuto rin akong niyakap ni Kuya Duke bago siya humiwalay ng yakap sa akin.

Hinalikan niya ang noo ko at masuyong hinaplos ang pisngi ko.

“I’ll call you when I get home, okay? Please answer my call later, Princess.” utos niya.

Napayuko naman ako at muli siyang tinignan. “Kuya Duke, mali ’tong ginagawa mo. Hindi mo dapat ako magustuhan dahil pinsan mo si Ravi at girlfriend niya ako. Ayoko na mag-away kayo nang dahil sa akin,”

Tumiim-bagang si Kuya Duke sa sinabi ko at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. “Hindi siya deserving para sa’yo, Princess. Graduate na ako mula sa pagiging gago ko at ayokong ituloy pa niya ang pang-gagago niya sa’yo dahil isa rin siyang gago. Hindi mo siya mahal at hindi mo kailangang ipilit ang pagmamahal niya sa’yo.”

Bumuntong-hininga siya at umiling. “Sa ngayon ay iintindihin ko muna na hindi ka pa handang hiwalayan siya pero gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa kanya. It’s fine with me if I can get your attention, even if it’s for a short period of time; what matters is that I can always see you and talk to you.” seryoso niyang sabi.

“Kuya Duke,” tangi ko nalang nasabi.

Ngumiti naman siya at muling hinaplos ang pisngi ko. “You’re a hardworking, beautiful, smart, understanding, and magical girl, so it’s no surprise I fell head over heels for you.”

Namula ako dahil sa sinabi ni Kuya Duke.

“And I can’t forget our first kiss, which I love the most.” mahina niyang sabi.

Mas dumoble pa ang pamumula ng mukha ko dahil pinaalala pa niya ang kaninang paghalik niya sa akin.

Natawa naman siya ng mahina nang makita ang pamumula ko. “You’re so adorable, Princess. Sige, aalis na ako bago pa kita itanan at ilagay nalang sa bulsa ko.” pagbibiro niya.

Inirapan ko naman siya pero tumawa lang siya sa ginawa ko.

“Ang ganda mo pa rin kahit nagsusungit ka.”

Nakangisi niyang sabi habang naglalakad na dala ang pinauwing ulam sa kanya ni Mama at binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse gamit ang hawak niyang susi. Hindi ko na napansin ang kotse niya na nakaparada lang pala sa labas ng bahay namin pagkauwi ko kanina.

Nang makapasok na si Kuya Duke sa loob ng kotse niya ay ibinaba nito ang bintana ng kotse niya at kumaway siya sa akin.

“I’ll be here tomorrow; we’re going on our first date with Janjan,” sabi niya na siyang nagpagulat sa akin.

Bukas na kaagad iyong lakad namin kasama si Janjan?

Hindi pwede dahil bukas ay pupunta si Ravi sa bahay namin!

Magsasalita na sana ako nang biglang ibinaba na ni Kuya Duke ang bintana ng kotse niya at pinaandar na ito papaalis.

Ako naman ay naiwang nakanganga at gulat pa rin sa sinabi niya.

Hindi pwede na magpang-abot sila ni Ravi bukas sa bahay namin!

-Ajai_Kim

Chapter 12

DUKE’S POV

Ngayon ay pupunta ako sa bahay nila Princess para matuloy ang date namin kasama ang kapatid niyang si Janjan. Hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko at wala rin akong pakialam kung madatnan ko man doon si Ravi.

That jerk never deserved my girl in the first place. He’s a douchebag for forcing his love and using his money to compensate Clarisse and her family.

Naaalala ko ang sarili ko sa kanya noon nang magkagusto ako kay Haya to the point na naging desperado na ako makuha ko lang siya at ngayon ay nakikita ko na sobrang mali na gawin iyon sa isang inosenteng babae.

I’ll do everything to make him stop from what he’s doing at gagawin ko rin ang lahat para magustuhan ako ni Princess at ako ang mahalin niya.

She never loved Ravi, and I’m going to make sure that I’m the first man she ever loves in her life.

Kahit mahirap pa itong ginagawa ko na kumakain ng mga pagkain na hindi ko nakasanayan, kahit na naliliitan ako sa bahay nila, kahit na napakaselan kong lalake ay handa akong gawin ang lahat para lang kay Princess, iyong maging ideal guy niya para makuha ang puso’t atensyon niya.

I began as a sick and obsessive man seeking a young girl, but I’m now changing for the better in order to be worthy of Clarisse’s affection and love.

Pagkaparada ko ng kotse ko sa tapat ng bahay nila Princess ay nakita ko rin ang nakaparadang kotse ni Ravi.

He’s here and it’s only 9 in the morning. Pinipigilan ako ni Princess na pumunta sa kanila ngayong linggo dahil pupunta daw si Ravi pero hindi ako nakinig sa kanya at nagpumilit talaga akong puntahan siya dito.

Janjan, like his sister, is a good and kind child, and I didn’t mind spending my money on him in the same way that I do for Haya and Kendrick’s son, Idris.

“Duke? Naparito ka,”

Nagulat si Tita Clara nang makita niya ako. Nasa tapat siya ng gate ng bahay nila at nagdidilig siya ng mga halaman at bulaklak sa paso.

I smiled. “Niyaya ko po sina Clarisse at Janjan na mamasyal ngayon para makapag Jollibee kami gaya ng ipinangako ko kay Janjan. May pasok kasi ako bukas sa trabaho kaya ngayon ko nalang po naisipan na ituloy ang lakad namin.” I excuse.

Napakamot naman sa batok si Tita Clara at hininto ang pagdidilig niya.

Fuck! I like to call her Tita Clara dahil pakiramdam ko ay ako ang boyfriend ni Princess kapag tinatawag kong Tita ang Mama niya.

“Ah eh, nasa loob kasi ang pinsan mo at nag-uusap sila ni Clarisse. Hindi ba ’yon magagalit na nandirito ka, Duke?” Tita Clara asked me.

I shook my head. “Hindi naman po. He didn’t seem to mind.” sabi ko kahit hindi rin ako sigurado.

“Ganoon ba? Halika at pumasok ka na sa loob. Gising na din si Janjan at naglalaro siya ng mga binili mong robot na laruan para sa kanya sa sala,”

Binuksan ni Tita Clara ang gate ng bahay nila at pinapasok na niya ako sa loob. Nang makapasok na kami sa bahay nila ay naabutan ko sa sala sina Princess at Ravi na seryosong nag-uusap.

When I saw my cousin holding Princess’ waist as if someone was going to steal her away from him, I clenched my jaw, but yes, I will steal Princess from a jerk like him.

Inaasahan ko nang magugulat silang dalawa dahil nandito ako. Si Janjan naman na nakita rin ako ay kaagad lumapit sa akin nang nakangiti.

“Kuya Duke! Nandito ka po!” The kid said and I give him a high five.

“Nandito ako dahil dadalhin ko kayo ng ate mo sa Jollibee,” bulong ko kay Janjan na natuwa sa sinabi ko.

“Talaga po? Sige po! Ayoko po kasing palaging kasama ni ate si Kuya Ravi dahil hindi ko po siya gusto para sa ate ko. Pinapaiyak niya si ate minsan,” malungkot na sabi ni Janjan at sandaling tinignan si Ravi na nagtatakang nakatingin sa amin.

I knew Princess was suffering from Ravi’s obsession with her right now kaya nga gumagawa na ako ng paraan para maprotektahan si Clarisse sa kanya.

“Kuya Duke? What are you doing here?” nagtatakang tanong ni Ravi na tumayo mula sa tabi ni Princess at lumapit siya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Tita Clara.

“Ravi, hindi mo ba alam na kaibigan ko itong si Duke? Hindi ko nga alam na magpinsan pala kayo. Dumalaw siya dito para sa amin ni Janjan.” Tita Clara said, and she secretly smiled at me.

I smiled at her, too. Mukhang may ideya na siya sa ginagawa ko at tinutulungan niya ako para mapalapit pang lalo sa anak niya.

She knows that I like her daughter.

I recall her saying yesterday that she didn’t like Ravi for her daughter but couldn’t do anything about it because of their debt to him.

Ravi was taken aback when she heard what Tita Clara said ganoon rin si Princess.

“Really? What a small world. Kuya Duke is my cousin in mother’s side, Tita Clara. Magkaibigan pala kayo, kung sa bagay ay halos magkasing-edad lang din po pala kayo,” sagot ni Ravi at pasimple akong nginisian.

He thinks I’m having an affair with my future mother-in-law. As he wish!

“Oo, hijo. Iniimbitahan nga niya sina Clarisse at Janjan na mamasyal ngayon dahil itong si Janjan ay talagang malapit sa Kuya Duke niya,” Tita Clara said at tinapik ang ulo ni Janjan na nakangiti sa amin.

Nawala bigla ang ngisi ni Ravi at tumingin ito kay Princess na nakaiwas ng tingin sa amin. Muli siyang bumaling kay Tita Clara.

“Bakit naman pati si Clarisse ay sasama rin kay Kuya Duke? I’m here to have some time with my girlfriend at mawalang galang na, Tita Clara pero hindi maganda na nagsasama sila ng pinsan ko kaya dapat ay iniisip mo ’yan bilang anak mo si Clarisse at may respeto sa relasyon namin.” mariin na sagot ni Ravi.

I surprise by what he said. He’s a scheming jerk. And the way he talks to Tita Clara makes me want to punch him in the face.

I used to talk like he does, but it’s now completely inappropriate in my perspective.

Ganito pala ako magsalita noon at nakaka-init lang ng dugo. Kaya pala ang daming galit sa akin dahil bastos akong magsalita at wala ding galang minsan sa mas nakakatanda sa akin.

“Ravi, don’t talk like that to Clarisse’s mother; she’s still older than you, and you owe her respect,” I said sternly to Ravi.

Ravi chuckled at umiling ito.

“Kuya Duke! Alis na po tayo at isama natin si Ate Clarisse,” Janjan stated and hold the side of my shirt.

“Ravi, pagbigyan mo naman ’yung bata. Gusto niyang kasama ang ate niya sa pamamasyal namin,” nakangisi kong sabi kay Ravi na sumama naman ang tingin sa akin.

Ravi sighed at tumango ito na halatang napipilitan lang. May hiya pa rin pala kahit papaano kay Tita Clara.

“Fine pero sasama ako sa lakad niyo.” He said, and if looks can kill, I’d probably die right now.

Mas gusto kong masolo ngayon si Princess kasama si Janjan pero ayos na rin kung kasama si Ravi sa lakad namin. Alam kong hindi siya papayag na sumama si Princess sa amin kung hindi rin siya kasama. He is clingy and possessive of her.

Pinaliguan na ni Tita Clara si Janjan at si Princess naman ay nag-aayos na rin para sa lakad namin. Kami nalang ang naiwan ni Ravi sa sala at kanina pa siya sa akin nakatingin ng masama which I didn’t care.

“Why are you looking at me like that?” I finally asked, crossing my arms.

“Did you plan all of this?” Ravi sarcastically inquired.

Natawa naman ako. “Anong plano ba ’yang sinasabi mo? Janjan is like my younger brother-”

“Siguraduhin mo lang na si Janjan ang pakay mo at hindi ang girlfriend ko. Many men want her, and I’m telling you this because she’s only mine,” he declared.

What? Sa kanya daw si Clarisse?

Paano naging sa kanya ang babaeng wala namang nararamdaman para sa kanya at pinilit lang niyang maging girlfriend?

“Hindi sa’yo ang hindi mo naman talaga pag-aari. Sinabi mo nga sa akin na pinilit mo lang si Clarisse na maging girlfriend mo at sinuhulan mo ang pamilya niya para maging kayo and you consider she’s yours?” I said while grinning.

Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Ravi sa sinabi ko. Well, magalit lang siya dahil mali naman ang ginagawa niya.

“Kung makapagsalita ka ay parang hindi ka rin naging katulad ko noon, ha? You desperately wants your best friend’s girl before na kahit kailan ay hindi ka naman minahal. You ruined their lives because you were selfish, Kuya Duke!” he mocks me.

Sa sinabi ni Ravi ay natahimik ako doon.

Ayoko nang maalala iyong nakaraan kong iyon dahil tama siya, sinira ko ang buhay nina Kendrick at Haya nang dahil lang sa obsession ko kay Haya. Naging makasarili at desperado ako sa pagmamahal sa punto na binaliw ako nang nararamdaman ko.

Ilang beses akong nagtangkang magpakamatay nang dahil lang sa pag-ibig at iyong ginagawa ni Ravi ngayon kay Princess ang nagpapaalala sa mga naging kamalian ko noon.

Alam ko iyong nararamdaman ni Ravi, at masakit na hindi masuklian ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanya kaya wala kang ibang magawa kundi pilitin ang sarili mo sa kanya sa puntong nagiging makasarili ka na.

Hindi na kami nag-usap pa ni Ravi nang tapos nang nakapag-ayos sina Janjan at Princess.

Kumapit sa kamay ko si Janjan habang si Ravi naman ay sinalubong si Princess at hinapit ito sa baywang.

Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil sa selos at inis na nararamdaman ko.

“Let’s go?” tanong ni Ravi sa amin nang nakangiti na. Fake.

Tumango ako at nauna na kaming lumabas ng bahay ni Janjan.

“Kuya Duke, agawin mo ang ate ko kay Kuya Ravi. Ikaw ang gusto kong maging boyfriend niya.” mahinang sabi ni Janjan na nagpangiti naman sa akin.

“Alam mong gusto ko ang ate mo?” I asked with amusement.

“Opo. Halata ka naman, Kuya Duke. Mas bagay kayo ni Ate Clarisse kaysa kay Kuya Ravi.” tumawa si Janjan kaya natawa na rin ako.

Napatingin pa sa amin sina Princess at Ravi kaya huminto na kami ni Janjan sa pagtawa at nagngisian nalang.

That’s why I like this kid.

Sa kotse na kami ni Ravi sumakay at iiwan ko nalang muna ang kotse ko sa bahay nila Princess. Magkatabi kami ni Janjan sa back seat habang nasa front seat naman si Princess at nasa driver’s seat si Ravi.

“Saan ba tayo papunta?” Ravi asked me. Masama ang timpla ng mukha.

“Mall,” I replied.

Hindi na nagsalita si Ravi at pinaandar na nito ang kotse niya.

Tinignan ko sa side mirror si Princess at nahuli niyang nakatingin ako sa kanya kaya kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin.

She’s so cute and lovely.

Sa buong biyahe ay tahimik lang kaming tatlo pero umiingay din dahil kasama namin si Janjan.

Nang makarating na kami sa mall ay nagyaya si Janjan na manood kami ng sine kaya iyon ang una naming ginawa. DC Leagues of Super-Pets ang gustong panoorin ni Janjan kaya iyon ang papanoorin namin.

Ako na ang nagbayad ng tickets at pagkain namin sa sinehan dahil nag-insists ako na ako nalang tutal ay ako naman ang nagyaya ng lakad namin.

Ayaw pa ni Ravi na ilibre ko sila ni Princess dahil sa pride niya pero napapayag ko rin siya dahil kay Janjan.

Habang nanonood kami sa loob ng sinehan ay halatang nananadya si Ravi dahil ipinapakita niya sa akin kung gaano siya kasweet kay Princess. Sinusubuan niya ng popcorn si Princess na hindi naman makatanggi sa ginagawa niya.

“Kuya Duke, subuan mo rin si Ate Clarisse nito, oh?” sabi ni Janjan na binigay sa akin ang hawak niyang burger.

Nanlaki naman ang mga mata ni Princess sa sinabi ng kapatid niya. “Janjan! Ano ka ba? Nakakahiya naman na-”

Tinapat ko na ang burger na hawak ko kay Princess at pasimple akong ngumisi kay Ravi na bumusangot ang mukha dahil sa ginawa ko.

Wala namang nagawa si Princess kundi ang kumagat nalang sa hawak kong burger at namumulang kinain ito.

I smiled as if I had won the lottery. Damn! I feed my Princess in front of his jackass boyfriend, who is also my cousin.

Kumindat sa akin si Janjan dahil sa ginawa ko at ako naman ay palihim na nakipag-apir sa kanya. This kid, like Tita Clara, is also assisting me with his sister.

Pagkatapos ng 1 hour and 45 minutes na panonood namin sa sinehan, na tiniis ko nalang kahit gusto kong bangasan ang pagmumukha ni Ravi dahil sa lantaran niyang pakikipaglandian kay Princess sa harapan ko ay dumiretso na kami sa Jollibee.

Jollibee.

I dislike this fast food restaurant because I dislike eating junk food, but I can’t complain because Janjan and Princess enjoy eating there.

“Yehey! Jollibee!” Janjan said happily nang pumasok na kami sa loob ng Jollibee.

It’s nostalgic because I went here before with Haya. Gustuhin ko man ang pagkain na mayroon dito ay hindi ko talaga magawa iyon.

I have a sensitive appetite at sinusuka ko talaga ang mga pagkain na hindi ko na nakasanayang kainin. Naisuka ko nga kagabi ang mga pagkaing kinain ko sa bahay nila Princess na niluto ni Tita Clara. Binigay ko naman kay Camille ang pinauwing ulam sa akin ni Tita Clara at nagustuhan iyon ni Camille.

Don’t get me wrong: the food is delicious, but I can’t bear the thought of eating it again. I usually eat only bread, cake, pasta, and steak. I, too, am not a fan of rice.

Kami na ni Ravi ang umorder ng pagkain sa counter at iniwan muna namin sina Janjan at Princess sa table.

“Ako na ang magbabayad nito,” Ravi said na naunang maglabas ng pera sa wallet niya.

“Ako ang nagyaya ng lakad na ’to kaya ako na ang magbabayad.” sabi ko naman at naglabas na rin ng pera sa wallet ko.

He laugh sarcastically. “Pabida ka din talaga, no? Para ano? Para magpapansin kay Clarisse?”

Ang cashier crew na nasa harapan namin ay nagpalipat-lipat na ng tingin sa amin ni Ravi. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan namin ng pinsan ko.

Ngumiti lang ako at inabot ko na ang bayad ng inorder namin sa cashier.

Kinuha ko na ang tray ng pagkain na inorder namin at ngumisi ako kay Ravi bago umalis sa harapan niya at iniwan siya sa counter na napanganga nalang sa ginawa ko.

I want to pissed him because no matter what, I’m still Duke Melendrez, as everyone knows.

I really enjoy pissing my rival.

-Ajai_Kim

Chapter 13

CLARISSE’S POV

Ilang beses na akong napailing habang naaalala ko pa rin ang mga nangyari kahapon.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nina Ravi at Kuya Duke habang kumakain kami nun sa Jollibee. Hindi man ipahalata sa akin ni Ravi ay hindi siya masayang kasama namin si Kuya Duke pero wala siyang magawa dahil para iyon kay Janjan na ngayon nga ay malapit na kay Kuya Duke.

Natutuwa ako sa nakikita kong pagbabago kay Ravi. Madalas na siyang ngumiti sa akin at nagiging sweet na rin siya hindi katulad noon na tahimik lang talaga ito kapag magkasama kami.

Ganoon ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Na kaya mong magbago para lang sa taong mahal mo?

Isa pa sa mga inaalala ko ay ang paghalik sa akin ni Kuya Duke. Siya palang ang lalakeng nakahalik sa akin bukod kay Ravi at ibang klaseng pakiramdam ang naramdaman ko noong hinalikan niya ako.

Kapag nalaman ni Ravi ang ginawa sa akin ng pinsan niya ay siguro akong magkakagulo sila kaya hangga’t maaari ay ililihim ko nalang ito sa kanya.

“Clang!”

Natigilan ako nang makitang naglalakad papalapit sa akin sina Morris at Vendrex. Nang makalapit na sila ay umupo sila sa upuang nasa table ko.

Si Vendrex ay ngumiti ng tipid sa akin na ginantihan ko rin ng ngiti.

Kailangan ko na talagang itigil ang paghangang nararamdaman ko sa kanya dahil ang sabi nga ni Morris ay may babae na itong nililigawan.

“Bakit mag-isa ka lang dito?” tanong ni Morris sa akin.

“Maaga ang dismissal namin at nagutom rin ako kaya nagpunta muna ako dito para kumain. Hindi ko na kayo inabala dahil may klase pa kayo,” sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

“Kahit na. Dapat ay tinext mo man lang ako. Maaga kaming na dismissed sa klase dahil may meeting si Prof samantalang itong si Vendrex naman ay may practice pa ng soccer mamaya.” sabi ni Morris.

Sinulyapan ko sandali si Vendrex at nahuli kong nakatingin siya ng mariin sa akin. Kaagad kong binawi ang tingin ko sa kanya at muling binalingan si Morris.

“Alam mo, Morris ay ’wag kang masyadong lumapit-lapit sa akin. Maraming galamay si Erika dito sa school at paano nalang kapag nakita niyang kasama kita? Kilala mo naman ’yon,” sabi ko at bumuntong-hininga ako.

“Tsk! Wala akong pakialam kung makita man niya ako na kasama ka at magsumbong siya kay Ravi. ’Wag mo na nga silang alalahanin, Clang.” ngumiti si Morris at inayos ang nagulong buhok niya.

“Morris! May sasabihin kami sa’yo tungkol sa groupings natin. Lumapit ka muna dito!” rinig naming sigaw ng mga kaklase ni Morris na nakita kami sa Cafeteria.

“Aish! Wrong timing talaga sila,” naiinis na bulong naman ni Morris at wala na siyang nagawa kundi ang lapitan ang mga kaklase niya.

Naging tahimik na ang paligid nang kaming dalawa nalang ni Vendrex ang naiwan.

“How are you, Clarisse?” tanong ni Vendrex na nagsalita na rin mula sa pananahimik niya.

“Ayos lang naman ako,” sagot ko at nginitian siya.

Ngumiti rin siya sa akin. “Sinubukan kong manligaw sa isang babae pero tinigil ko na din ngayon.”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Vendrex. Ito ba ang tinutukoy sa akin ni Morris?

“’Yung BSIT student ba na ’yon ang bali-balitang nililigawan mong babae?” tanong ko na medyo ikinagulat pa ni Vendrex.

“How did you know that? Did Morris said that to you?” tanong niya.

Tumango ako.

Umiling si Vendrex. “He pushed me to go out with that girl. I tried to like Maricel, but no matter what I tried, it didn’t work for me.”

Ano? Pinilit ni Morris si Vendrex para ligawan iyong babae? Ang akala ko ba ay wala siyang ideya sa panliligaw ni Vendrex?

Bakit nagsinungaling sa akin si Morris?

“Pero bakit tinigil mo na ang panliligaw mo sa babaeng ’yon? Ang sabi sa akin ni Morris ay maganda raw ’yon, ah?” tanong ko.

Natawa naman si Vendrex. “May gusto daw sa akin si Maricel, sabi ni Morris at pinilit niya nga akong ligawan ’yung babae kaya sinubukan ko nalang. Yes, she’s beautiful, but that doesn’t mean I’ll like her right away. Love does not have to be forced, Clarisse, because love can be felt naturally.” sabi niya.

Natahimik ako sa sinabi ni Vendrex dahil totoo iyon. Ang pagmamahal ay kusang nararamdaman iyan at hindi mo mapipilit ang isang taong magustuhan ka kung ayaw naman talaga niya sa’yo.

Katulad nalang ng sitwasyon namin ngayon ni Ravi.

Pero bakit kailangan gawin ni Morris na pilitin si Vendrex na manligaw sa isang babaeng hindi naman pala nito gusto? Ang sabi pa niya ay kalimutan ko nalang ang paghangang nararamdaman ko para kay Vendrex dahil nasa tabi ko naman siya.

Hindi ko akalain na kayang magsinungaling sa akin ni Morris nang ganito.

“Ang akala ko ay walang ideya si Morris sa panliligaw mo. Ang sabi niya kasi sa akin ay bali-balita lang ’yon sa klase niyo. Hindi ko alam na pinilit ka pala niyang manligaw ng isang babae.” sabi ko.

Sa sinabi ko ay biglang natigilan si Vendrex.

Akmang magsasalita na siya nang makita naming naglalakad na papalapit sa amin si Morris na tapos na yatang kausapin ang mga kaklase niyang paalis na din sa loob ng Cafeteria.

Nang makalapit na siya ay ngumiti siya sa amin at tumabi kay Vendrex.

“Sorry at medyo natagalan ako.” paghingi ng paumanhin ni Morris.

“Ayos lang,” sagot ko.

Ngumiti naman sa akin si Morris at binalingan si Vendrex. “Anong oras ang practice niyo sa soccer, Vendrex?  Makakapaglaro pa ba tayo pagkatapos niyo?”

“Ah, 8pm at matatapos kami ng 11pm. We can play at midnight,” sagot ni Vendrex na ikinatango naman ni Morris.

Tinapos ko nalang ang pagkain ko habang sina Morris at Vendrex naman ay nag-usap nalang tungkol sa online games na lalaruin nila mamaya. Boys stuff iyon kaya hindi rin ako makarelate sa kanilang dalawa.

Gusto kong kausapin si Morris kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa akin pero hindi ko siya magawang komprontahin sa ngayon.

Nagsinungaling ba siya dahil ayaw niyang tuluyan akong umasa kay Vendrex? Pero bakit kailangan pa niyang pilitin na manligaw si Vendrex sa isang babaeng hindi naman nito gusto?

Umuwi na rin kami pagkatapos at hinatid pa ako nina Morris at Vendrex sa bahay namin.

Lumabas sa loob ng bahay si Mama at nagulat ako nang makitang kasama niya si Tito Kai.

“Papa? Bakit kayo nandito?” tanong ni Morris kay Tito Kai.

“Dinalaw ko lang dito ang Tita Clara mo at si Janjan. Tapos na rin ang shift ko sa trabaho at may binili pala akong pagkain sa loob kaya kumain muna kayo ni Clarisse at-” biglang natigilan si Tito Kai nang makitang kasama din namin si Vendrex.

“Good evening po, Tito Kai.” bati ni Vendrex at nagmano ito kay Tito Kai.

“Nandito ka pala, Vendrex. Umuwi ka na sa inyo at mag-gagabi na. Malayo pa ang bahay niyo dito kila Clarisse at baka gabihin ka pa sa daan.” seryosong sabi ni Tito Kai kay Vendrex.

Nahihiya namang tumango si Vendrex. “Sige po, aalis na po ako.” Magalang niyang sagot.

“Itext mo nalang ako kapag tapos na ang practice niyo, Vendrex.” nakangiting sabi Morris kay Vendrex na tumango naman at tumingin sa amin ni Mama.

“Sige po, Clarisse at Tita Clara, aalis na po ako.” pagpapaalam ni Vendrex.

“Vendrex hijo, dito ka nalang maghapunan at-” bigla namang sumabat si Tito Kai habang nagsasalita pa si Mama.

“Kaya na ni Vendrex ang sarili niya. Baka mapaano pa siya sa daan kung gagabihin siya ng uwi, Clara at may sasabihin pa ako kay Clarisse tungkol sa pagparito ko, hindi ba?” nakangiting saad ni Tito Kai.

Hindi na nagsalita pa si Mama at tumango nalang ito.

Ano ba ang sasabihin sa akin ngayon ni Tito Kai?

Umalis na rin si Vendrex at pumasok na kami sa loob ng bahay. Medyo nabastusan lang ako sa pagpapaalis kaagad ni Tito Kai kay Vendrex ngunit hindi na ako umimik pa doon.

Naabutan ko sa sala si Janjan na kumakain ng dalang pizza ni Tito Kai habang nagsasagot ito ng modules niya.

Umupo kaming lahat sa sofa at si Mama ay mukhang kinakabahan base sa ekspresyon ng mukha niya.

“Clarisse, may gusto lang akong ipaalam sa’yo at nasabi ko na rin ito kanina sa Mama mo.” sabi ni Tito Kai sa akin.

“Ano po ba ’yon, Tito Kai?” tanong ko.

Ngumiti muna siya sa amin ni Morris bago siya muling nagsalita.

“Nililigawan ko na ang Mama mo. Binigyan niya naman ako ng pagkakataon para ligawan siya. Gusto ko lang na hingin ang permiso mo at ni Arman para sa panliligaw ko sa Mama niyo.” sabi ni Tito Kai na siyang ikinagulat ko.

Bumaling ako kay Mama na nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa akin.

Pumayag siyang magpaligaw kay Tito Kai? Pero bakit? Tuluyan na ba talaga niyang nakalimutan si Papa?

“Talaga po ba, Papa? Congratulations po sa inyong dalawa ni Tita Clara,” pagbati ni Morris sa kaniyang Papa na mas lalong napangiti doon.

“Salamat, Morris. Mas magiging malapit na ang pamilya natin kila Tita Clara mo at Clarisse kaya magiging masayang pamilya na tayo,” sabi ni Tito Kai.

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin. Masyado akong nabibigla sa mga nangyayari ngayon.

Si Tito Kai ay nililigawan na ngayon si Mama? Matagal nang patay si Papa pero bakit parang ang bilis naman yata na mangyari ito?

Tumingin ako kay Janjan at patuloy pa rin ito sa pagsasagot ng modules niya. Wala siyang kamalay malay na magkakaroon na ng bagong lalake sa buhay ni Mama.

“M-magpapahinga na po muna ako sa loob ng kwarto ko,” Paalam ko at tumayo na sa pagkakaupo ko sa sofa.

“Clarisse, anak-”

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin pa sana ni Mama nang kaagad kong kinuha ang bag ko at umalis na sa sala. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at ni-lock iyon.

Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng mga luha ko.

Karapatan ni Mama ang sumaya at magmahal ng iba pero bakit kay Tito Kai pa na lubos na pinagkakatiwalaan ni Papa?

Sa ginagawa nila ay hindi ko mapigilang isipin na nagtataksil sila kay Papa kahit matagal na itong patay. Hindi rin ako nagkamali na may pagtingin talaga si Tito Kai kay Mama dahil sa minsang paninitig niya rito.

Habang tahimik akong umiiyak ay biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng suot kong uniform skirt.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Kuya Duke ito.

“H-hello po?” pagsagot ko sa tawag ni Kuya Duke at suminghot pa ako.

[“Hey, Princess, are you crying? Is there something wrong? Tell me,”] nag-aalala niyang tanong sa kabilang linya.

“Busy po ba kayo ngayon? P-pwede niyo po ba akong samahan na magdeliver ng mga bags at sapatos sa mga customer ko?” tanong ko habang nagpupunas ng luha ko sa pisngi.

Hindi ko na alam kung ano ba itong mga pinagsasasabi ko. Ang gusto ko lang ay makaalis muna dito sa bahay at gusto ko rin na makasama si Kuya Duke kahit alam kong bawal iyon.

[“Not yet, but I’ll finish my work later and fetch you at your house-”]

“Magkita nalang po tayo sa tapat ng school namin ngayon. Hihintayin po kita doon.” sabi ko.

[“Okay, no problem, Princess; I’ll just fix my things and go there. See you later.”]

Walang kaalam-alam si Ravi sa ginagawa kong ito at alam kong busy iyon sa trabaho niya pero mas palagay talaga ang loob ko kung kay Kuya Duke ako sasama at sa kanya ko lang nararamdaman ang comfort na gusto ko.

Pagtataksil na ba itong ginagawa ko dahil sa pagkikita namin ni Kuya Duke na hindi alam ni Ravi?

Pero ang hirap na talagang pigilan nitong nararamdaman ko ngayon.

-Ajai_Kim

Chapter 14

Warning: SPG

CLARISSE’S POV

“Pinsan ba ng boyfriend mo ’yan? Baka pwede mo naman akong ireto sa kanya, Clarisse. Type ko pa naman ’yung mukhang maangas na maraming tattoo sa katawan at napaka-hot pa!” kinikilig na sabi ni Jilian habang sinusuri niya si Kuya Duke na nakaupo sa sofa nila habang umiinom ito ng tubig.

Si Jilian ay isa sa mga regular customer ko. Kaedad ko lang ito at isa rin siyang online seller ng mga bags at sapatos katulad ko. Sa akin siya kumukuha ng mga paninda niya at syempre ay may discount na siya sa akin bilang regular customer ko siya.

“Tumigil ka nga dyan, Jilian! Hindi ba’t may boyfriend ka na? Maging loyal ka nga do’n,” sabi ko at umiling ako.

“Hay nako, Clarisse! Aba’t mahal ko naman ang boyfriend ko pero kung may ganyang lalake akong makikilala ay walang pag-aalinlangan kong ibubuka ang mga hita ko para sa kanya. Ika nga ay grab the opportunity before it’s too late,” sagot ni Jilian kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sandaling sinulyapan si Kuya Duke.

Mabuti nalang at abala ito sa pag-inom ng tubig habang nanonood ng tv sa sala nila Jilian.

“Ikaw talaga! Dadagdag ka pa sa cheater club ngayong taon? Ano ka? Sina Skusta Clee at Adam Levine?” sarkastiko kong sabi.

Humalakhak naman si Jilian at pabirong hinampas ang braso ko. “Ito namang si Clarisse, hindi ka din mabiro, ano?”

Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa naming pagkukwenta ng mga presyo sa kinuhang bags at sapatos niya. Binigay na din ni Jilian ang bayad ng mga kinuha niya. Nang matapos na kami ay lumapit na kami kay Kuya Duke.

“Kuya Duke, tapos na akong magbenta. Alis na tayo?” saad ko.

“Sure,” sabi ni Kuya Duke at tumayo na siya.

“Jilian, maraming salamat sa mga kinuha mong bags at sapatos sa akin. Kahit gabi na ay pinaunlakan mo pa rin ako.” sabi ko kay Jilian.

“Wala ’yon, Clarisse. At ayos lang dahil na-meet ko naman ang gwapong pinsan ng boyfriend mo. Close pala talaga kayo, no? Mabuti at ayos lang kay Ravi na kasama mo ang pinsan niya?” nakangiting tanong ni Jilian.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi alam ni Ravi na kasama ko ngayong gabi si Kuya Duke at pasimple lang akong umalis ng bahay namin dahil ayokong magstay muna doon dahil may pagtatampo ako kay Mama na pumayag siyang magpaligaw kay Tito Kai.

Ayoko ring abalahin si Ravi sa ginagawa niyang trabaho pero hindi ba’t naabala ko din naman si Kuya Duke sa trabaho niya? Pero mas palagay talaga ang loob ko kung si Kuya Duke ang kasama at karamay ko ngayon.

“Of course, it’s fine with Ravi that I’m accompanying his girlfriend while he’s at work.” sagot ni Kuya Duke at nginitian niya si Jilian.

“Understanding at concern boyfriend naman pala si Ravi kung gano’n. Ang gwapo niyo na ngang magpinsan at ang babait niyo pa!” sabi ni Jilian at kinindatan pa ako.

Natawa nalang doon si Kuya Duke at inakbayan niya ako. Pagkatapos naming magpaalam kay Jilian ay umalis na rin kami sa bahay nila.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at alas diyes na ng gabi.

“Where do you want to go?” tanong ni Kuya Duke nang makasakay na kami sa loob ng kotse niya.

Ang bango at ang linis ng loob ng kotse niya. Halatang masinop siya sa kanyang mga gamit. Kahit ang suot niyang long sleeve polo shirt na kulay puti at slacks ay malinis din at wala man lang gusot.

“Kahit saan po. Ayoko po munang umuwi sa bahay namin,” mahina kong sabi at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Duke at inumpisahan na niyang paandarin ang kotse niya.

“I know you have a problem, Princess, and you can tell me about it later; I’m willing to listen to you.” pag-imik ni Kuya Duke sa kalagitnaan ng biyahe.

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. Ginantihan rin niya ako ng ngiti at medyo nabigla pa ako nang hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan ang palad ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko at tila para rin akong nakuryente dahil sa ginawa niya.

Siya lang talaga ang nakakapagbigay sa akin nang ganitong klaseng pakiramdam na hindi ko maramdaman man lang kay Ravi.

Makalipas ang higit kalahating oras ay nakarating na rin kami sa bahay nila Kuya Duke. Namangha ako sa lawak at laki ng bahay nila. Para lang rin itong isang modern house na makikita sa Los Angeles o New York. Halata ang karangyaan ng pamumuhay niya sa bahay palang na tinitirhan nila.

May mga guards na nagbukas ng gate para makapasok sa garahe ang kotse ni Kuya Duke. Inalalayan naman niya akong makalabas sa loob ng kotse niya at pumasok na din kami sa loob ng bahay nila.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila Kuya Duke. Ang living room nila ay mas malaki pa sa space ng bahay namin. Marami din akong nakikitang mga pintuan at kwarto at may hagdanan pa na napakataas. Hanggang 3rd floor ang palapag ng bahay nila. Mansyon na nga ito kung tutuusin.

“Camille and our parents are already asleep. Do you want something to eat? I’ll tell the maids to prepare some food for us.” tanong ni Kuya Duke na hindi na natanggal ang pagkaka-kapit niya sa baywang ko.

Imbes na mailang ako sa ginagawa niya ay hinayaan ko nalang siya. Naging komportable na talaga ako sa kanya simula nang hinalikan niya ako.

“Hindi na po. Busog pa ako sa kinain natin kanina sa bahay nila Jilian.” sagot ko.

“Gano’n ba. Do you want to see my room? Doon na rin tayo mag-usap,” sabi ni Kuya Duke.

Tumango ako at tinungo na nga namin ang direksyon papunta sa kwarto niya. Nasa second floor iyon kaya umakyat pa kami sa hagdanan papunta rito.

Nang marating na namin ang kwarto ni Kuya Duke at makapasok sa loob no’n ay pinaupo niya ako sa isang couch.

Kumpleto na ang kagamitan sa loob ng kwarto niya at mas malaki pa ang espasyo nito kaysa sa laki ng bahay namin.

May kinuhang pagkain si Kuya Duke mula sa loob ng kanyang ref. Fresh milk ito at isang box ng strawberry cake. Pagkatapos ay kumuha naman siya ng platito at kutsara sa kitchen area niya.

Muli siyang lumapit sa akin at nilapag sa lamesa ang mga pagkain, platito at kutsara na dinala niya.

“Just a little snack for you. Marami din kaming cakes dito sa bahay dahil pastries and sweets ang business ng pamilya namin.” saad ni Kuya Duke at tumabi siya sa akin.

“Salamat, Kuya Duke.” pasasalamat ko.

Ngumiti siya at hinapit na naman ang baywang ko.

“What’s the problem, my princess? Nag-away ba kayo ni Ravi?” tanong ni Kuya Duke.

Umiling ako at nang maalala ko ulit ang panliligaw ni Tito Kai kay Mama ay hindi ko na namang mapigilang malungkot doon.

“Nililigawan na ngayon ng Papa ni Morris ang Mama ko. Nabigla ako kanina nang aminin sa akin ni Tito Kai ang panliligaw niya kay Mama. Pinayagan naman siyang manligaw ni Mama. Kuya Duke, karapatan ni Mama na lumigaya at magmahal ng iba pero bakit kay Tito Kai pa? Kay Tito Kai na lubos na pinagkakatiwalaan ni Papa noong nabubuhay pa siya.” malungkot kong sabi.

Hinaplos ni Kuya Duke ang pisngi ko. “That’s a natural reaction because you’re shocked, princess; you love your father and believe your mother and Morris’ father betrayed him.”

Nakuha niya kaagad kung ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon sa panliligaw ni Tito Kai kay Mama. Kailangan ko talaga iyong tanggapin. Nabigla lang ako dahil parang ang bilis ng mga pangyayari kahit limang taon nang patay si Papa.

“Tama ka, Kuya Duke. At alam ko na kailangan kong tanggapin ang desisyon ni Mama dahil karapatan niyang magmahal.” hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko na pinunasan ni Kuya Duke.

“Ssshh. Don’t cry, Princess. I’m sad too when you’re sad,” sabi niya.

Ngumuso nalang ako para pigilan ang pag-iyak ko. Nginitian naman ako ni Kuya Duke at hinalikan ang noo ko.

“Try this cake. Masarap ’to,” aniya at kumuha ng isang kutsara ng strawberry cake na nasa box.

Itinapat niya ito sa bibig ko at wala na akong nagawa kundi ang kainin ito. Nasundan pa ang pagpapakain niya sa akin at ayaw niya akong hayaang kumain mag-isa kaya pinabayaan ko nalang siya sa gusto niya.

Para niya akong ginagawang baby dahil sinusubuan pa niya ako at ako naman ay kanina pa kinikilig at namumula sa hiya dahil sa ginagawa niya.

Nang matapos kong ubusin ang isang platito ng strawberry cake ay uminom naman ako ng fresh milk.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng suot kong jacket kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Si Ravi.

Tumingin ako kay Kuya Duke na biglang tumiim-bagang at sumandal sa couch habang hawak ang isang kamay ko. Mukhang alam niya na si Ravi ang tumatawag sa akin.

“S-sasagutin ko lang ’yung tawag ni Ravi,” sabi ko kay Kuya Duke na hindi naman sumagot at mas lalong hinawakan nang mahigpit ang isang kamay ko.

“Hello?” sabi ko nang sagutin ang tawag ni Ravi.

[“I just got home from work. I’m tired, but I wanted to make sure you were okay. How are you today?”] Malambing na tanong ni Ravi sa kabilang linya.

“A-ah, ayos lang naman ako. Matutulog na din ako,” Pagsisinungaling ko at bigla akong nakonsenya dahil ngayon ay nasa bahay ako nila Kuya Duke at siya ang kasama ko.

[Hmm, you need to rest dahil may klase ka pa bukas. Babawi ako sa’yo kapag nagkaroon ako ng free time sa work. I miss you already, Clarisse…“]

Nagulat nalang ako nang hinalik-halikan ni Kuya Duke ang palad ko habang nakatitig siya sa akin.

Abot-langit naman ang kaba ko dahil baka bigla nalang siyang magsalita at marinig iyon ni Ravi. Mas lalo pa akong nagulat nang hinila ako ni Kuya Duke at kinandong sa mga hita niya.

Ngumisi siya nang makita ang gulat at kinakabahan kong ekspresiyon.

“S-sige na, Ravi. Matutulog na ako. Good night,” pagpapaalam ko kay Ravi at kahit may sasabihin pa sana siya ay binaba ko na ang tawag.

Akmang aalis na ako sa kandungan ni Kuya Duke nang hinila niya ako kaya napaupo ulit ako sa mga hita niya.

“Ano ba, Kuya Duke? Tumigil ka nga sa ginagawa mo! Paano nalang kapag nalaman ni Ravi na nandito ako sa bahay niyo? Alam mo, dapat pala ay hindi na ako nakipagkita sa’yo-”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang kinabig ni Kuya Duke ang ulo ko at hinalikan niya ako.

Sa gulat ko ay hindi kaagad ako nakagalaw. Ang cellphone ko ay nabitawan ko na rin at bumagsak na ito sa sahig.

Marahan ngunit mabilis ang paghalik sa akin ni Kuya Duke. Pilit akong kumakawala sa kanya pero mas lalo lang niyang dinidiin ang malaki niyang katawan sa akin.

“You taste so adorable and sweet,” tila namamaos niyang sabi na patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.

Napasinghap ako nang hinalikan naman niya ang leeg ko. Napapikit ako dahil sa kiliting nararamdaman dahil tumatama ang bagong ahit niyang bigote at balbas sa leeg ko. Ramdam ko din ang pagdila niya dito.

“Fuck! I’m insane and obsessed again, and this is so wrong,” bulong ni Kuya Duke sa tenga ko at muling hinalikan ang labi ko.

Hindi ko na namalayan na hinahalikan ko na siya pabalik at mas dumoble pa ang pagtibok ng mabilis ng puso ko dahil sa nangyayaring ito sa aming dalawa.

Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Kuya Duke habang naghahalikan kami.

Sandali siyang tumigil sa paghalik sa akin at bigla niyang hinubad ang suot kong pantalon. Inupo niya ako sa couch at nanlaki ang mga mata ko nang ibinuka niya ang mga hita ko at pumwesto siya sa harapan ko at lumuhod ito.

“K-Kuya Duke, anong gagawin mo?” gulat kong tanong.

“I’ll drive you insane for me, Princess hanggang sa ako nalang ang hahanap-hanapin mo at iiwan mo na si Ravi para sa’kin.” nakangisi niyang sabi.

Hinubad ni Kuya Duke ang suot kong panty at napakapit nalang ako nang mahigpit sa arm rest ng couch nang bigla niyang hinalikan at dinilaan ang pagkababae ko.

Napapikit ako sa panibagong sensasyon na nararamdaman ko at ito ang unang beses na naranasan ko ang bagay na ito. Alam ko itong ginagawa niya at may ideya ako dito dahil sa mga nababasa kong matured books.

“I’m sorry, but I can’t stop myself from tasting you; you’re sexy and lovely as hell, Princess,” ani Kuya Duke na patuloy pa rin sa ginagawa niya.

Ako naman ay napakagat-labi nalang sa pagpipigil ng ungol ko at parang may kung ano nang lalabas sa pagkababae ko.

At hindi ko maitatanggi na nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

Ilang saglit pa ay tuluyan na akong sumabog at lahat ng inilabas ko ay nilinis at ininom ni Kuya Duke. Tila nawalan ako ng lakas sa ginawa niya at nakaramdam bigla ng pagod at antok.

Naramdaman ko nalang na binuhat niya ako at inihiga sa malambot niyang kama.

“Dito ka muna sa akin, Princess. Let’s sleep together,” nakangiting sabi ni Kuya Duke na tumabi sa akin at niyakap ako.

Tumango nalang ako hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

-Ajai_Kim

Chapter 15

THIRD PERSON’S POV

Nasa bahay ngayon nila Vendrex si Morris at abala sila sa paglalaro ng online games na nakasanayan na nilang libangan bilang magkaibigan. Kakatapos lang ng soccer practice ni Vendrex at pinuntahan siya ni Morris sa bahay nila.

Kanina pa gustong kausapin ni Vendrex si Morris tungkol sa mga nalaman niya kay Clarisse ngunit nag-aalangan siya kung babanggitan niya ba iyon.

Paano nalang kung magalit si Morris sa sasabihin niya?

“Tsk! Ang bobo ng mga kakampi natin! Tanginang yan,” pagmumura ni Morris nang matapos na silang maglaro ng DOTA 2.

Natawa si Vendrex. “Palagi naman tayong nananalo sa mga matches natin. Kailangan din na matalo tayo minsan,” sabi niya.

“Oo na! May pagkain ba dyan? Nagugutom na ako, Ven.” ani Morris na hinimas pa ang tiyan.

Tumango naman si Vendrex at lumabas muna sa loob ng kwarto niya para kunin sa ref nila ang microwavable pizza at lasagna na binili niya kanina. Pinainit niya lang ito sa oven at kumuha na rin siya ng maiinom nila sa ref.

Bumalik siya sa loob ng kwarto niya dala ang mga pagkain at inumin at nagulat siya nang maabutan si Morris na nagsisindi ng sigarilyo malapit sa bintana ng kwarto niya.

“Morris, when did you learn to smoke?” tanong ni Vendrex at inilapag sa table ang mga dala niya.

Ngumisi lang si Morris sa sinabi niya. “Grabe naman ’yang reaction mo, Vendrex. Nasa legal age naman tayo at ayos lang kung manigarilyo ako.” sabi nito.

“But it’s bad for your health. My grandfather died of lung cancer as a teenager because he smoked, and as he got older, his condition deteriorated and he died.” sabi ni Vendrex.

Concern lang naman siya kay Morris dahil namatay ang Lolo niya sa sakit na lung cancer. Kaya nga pinagbabawalan siya ng kaniyang ama’t ina na manigarilyo dahil ayaw nilang matulad siya sa Lolo niya na sa edad palang na 46 ay namatay na.

“Minsan lang naman ’to tsaka hindi naman ako ang Lolo mo,” tumawa si Morris at hindi nito pinakinggan ang sinabi ni Vendrex.

Wala nang nagawa si Vendrex kundi ang hayaan si Morris sa gusto niya. Hindi niya gusto ang amoy ng sigarilyo sa loob ng kanyang kwarto pero ayaw naman niyang magalit sa kanya si Morris at suwayin ito dahil lang sa gusto niyang tumigil ito sa paninigarilyo.

Kumain na lang sila ng mga dinala niyang pagkain at habang kumakain sila ay abala si Morris sa paninigarilyo at sa paggamit nito ng cellphone.

“Ahm, Morris. May gusto lang sana akong itanong sa’yo,” banggit ni Vendrex kaya tumingin si Morris sa kanya.

“Ano ’yon?” tanong ni Morris.

Ito na ang tamang pagkakataon para tanungin si Morris kung bakit sinabi nito na wala itong ideya sa panliligaw niya kay Maricel e, ito naman ang nagsuggest sa kanya na ligawan iyong babae.

Nakokonsensya nga siya dahil nasaktan si Maricel nang sinabi niyang hindi na siya manliligaw rito. Gusto siya ni Maricel at hindi tama na niligawan niya ito sa umpisa palang.

Kung hindi lang siya pinilit ni Morris na manligaw ay hindi naman niya liligawan si Maricel.

“Clarisse and I talked. Alam niyang may nililigawan akong babae dahil sinabi mo raw ’yon sa kanya and she believes I like courting Maricel. She also mentioned na wala ka raw idea sa panliligaw sa akin ni Maricel. Why did you said that to her, Morris?” seryosong tanong ni Vendrex na siyang nagpahinto kay Morris.

Hindi kaagad ito nakapagsalita pero pagkaraan ay ngumiti lang si Morris.

“Sinabi ko lang ’yon para hindi ka na mahirapan sa pagmomove-on kay Clarisse. Mas maganda na may nililigawan kang ibang babae dahil paano nalang kapag nalaman ni Ravi na may gusto ka kay Clarisse? Delikadong tao si Ravi, Vendrex kaya inaalala ko lang ang kapakanan mo-”

“Pero hindi mo ako kailangang pangunahan, Morris. And I stopped courting Maricel.” sabi ni Vendrex na ikinagulat ni Morris.

“Ano? Tinigil mo na ang panliligaw mo kay Maricel? Bakit?” Inis na tanong ni Morris sa kanya.

“I don’t need to force myself on loving someone else. Si Clarisse pa rin ang gusto ko.” mariing sabi ni Vendrex.

Biglang tinapon ni Morris ang sigarilyo nito sa sahig ng kwarto ni Vendrex at masama na ang tingin sa kaibigan.

“Ang tanga mo, Vendrex! Mas ginagawa mo lang komplikado ang lahat. Sa tingin mo ba ay magkakaroon ka ng tsansa kay Clarisse? Eh hindi ka naman niya gusto!” Tumaas ang boses ni Morris at hindi maintindihan ni Vendrex kung bakit ganito nalang ang galit ni Morris.

“Mas magiging komplikado ang lahat kung magiging girlfriend ko si Maricel pero wala naman akong nararamdaman para sa kanya. And if Clarisse doesn’t like me, ayos lang dahil hindi ko naman pipilitin ang sarili ko sa kanya.” sabi ni Vendrex.

Umiling si Morris at tumawa ito ng sarkastiko.

“Umaasa ka lang sa wala, Vendrex. Iiyak at magiging talunan ka lang sa huli, sinasabi ko sa’yo.”

Hindi mapigilan ni Vendrex na pagdudahan ang mga sinasabi at kinikilos ngayon ni Morris. Ayaw niyang pag-isipan ng masama si Morris dahil mabuting kaibigan naman ito sa kanya pero ang inaakto nito ang siyang pinagdududahan niya.

“Morris, hindi ko hinihiling na maging kami ni Clarisse at wala rin akong balak na agawin siya sa boyfriend niya. I admire her at ’yon lang ’yon. Hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko sa babaeng hindi ko naman gusto. Ayoko ring masaktan sa akin si Maricel that’s why I stopped courting her.” sabi ni Vendrex ngunit umiling lang si Morris at tumayo na sa kinauupuan nito.

“Nawalan na ako ng gana. Uuwi na ako.” paalam ni Morris.

“Morris-”

Hindi na naituloy ni Vendrex ang sasabihin niya nang lumabas na sa loob ng kwarto niya si Morris.

Bumuntong-hininga nalang siya at pabagsak na umupo sa kama niya.

CLARISSE’S

POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Nakita ko naman ang matipunong brasong may mga tattoo na nakapulupot sa baywang ko at hindi nga ako nagkamali na kay Kuya Duke iyon.

Ramdam ko ang init ng katawan niyang nakadikit sa katawan ko at doon ko lang napansin na wala siyang suot na pang-itaas.

Marami siyang mga tattoo na umabot hanggang sa tiyan niyang may abs. Balot ng tattoo ang pang-itaas niya hanggang sa leeg niya ngunit bagay naman ito sa kanya at hindi marumi kung titignan.

Mukhang matapang si Kuya Duke sa itsura niya pero malambing siya sa tuwing kinakausap niya ako at mabait din siya sa akin.

Paano ba niya ako nagustuhan at kayang-kaya niyang kalabanin si Ravi nang dahil sa akin?

Biglang nagmulat ng kanyang mga mata si Kuya Duke at ngumiti siya sa akin.

“Good morning, Princess.” bati niya.

“Good morning din,” sabi ko naman at mas lalo akong nagsumiksik kay Kuya Duke at inaamoy ang mabango niyang katawan.

Gustong-gusto ko iyong amoy ng pabango niyang kumapit sa balat niya.

Hinalikan ni Kuya Duke ang noo ko. “Are you hungry?”

Umiling ako.

Ayoko munang bumangon sa kama niya at umuwi kaagad sa bahay namin. Hindi na rin siguro ako makakapasok sa school nito. Alam kong hinahanap na ako nila Mama, Janjan at Kuya Arman dahil hindi ko sinabi sa kanila kung nasaan ako ngayon.

“Hmm… so you want to inhale my scent and cuddle me all day? That’s fine with me, Princess; it’s my pleasure.” natawa ng mahina si Kuya Duke at sinapo niya ang mukha ko.

Ginawaran niya ako ng isang mabilis na halik sa labi.

Namula ako sa ginawa niya at kinagat ang ibabang-labi ko. Ngumiti naman siya sa akin.

“Ang ganda mo pa rin kahit bagong gising ka,” sabi ni Kuya Duke at titig na titig siya sa mukha ko.

Siya rin naman ay ganoon. Ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising siya at magulo ang buhok niya. Wala naman yatang pangit sa physical appearance niya.

Gwapong mukhang bad boy na may maamong mukha ang tamang description kay Kuya Duke.

Nagpalipas kami ng ilang oras nang magkayakap sa kama niya. Paminsan-minsan ay hinahalikan niya ang noo, pisngi at labi ko.

Hindi ko alam kung ano na ba ang lagay namin ni Kuya Duke lalo pa’t mali itong ginagawa namin dahil boyfriend ko ang pinsan niya.

Bigla kong naalala si Ravi at kung ano iyong mga effort na ginagawa niya para sa akin. Sinusubukan ko naman siyang mahalin sa loob ng dalawang buwang relasyon namin pero wala talaga akong maramdaman sa kanya.

Hindi katulad nitong kay Kuya Duke na wala pang isang buwan nang magkakilala kami ay palagay na ang loob ko sa kanya at nagugustuhan ko na rin siya.

“I texted your Mom last night. Sinabi ko na nandito ka sa akin para hindi sila mag-alala ni Janjan.” sabi ni Kuya Duke nang pinabangon na niya ako sa kama niya para makakain na kami.

Dito nalang raw kami kakain sa loob ng kwarto niya at magluluto nalang siya ng kakainin namin.

Tumango ako at napansin ko na iba pala ang suot kong damit. Isa itong maluwag na t-shirt at boxer shorts at halatang kay Kuya Duke ang mga ito.

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Kuya Duke na ngumisi sa akin.

“P-pinalitan mo ako ng damit?” gulat kong tanong.

“Yeah, don’t worry, wala namang nangyari sa atin aside from the fact that I ate your down there,” sabi niya sabay nguso sa pagkababae ko.

Napatakip nalang ako sa mukha ko dahil sa pamumula at hiyang nararamdaman ko.

Tumawa si Kuya Duke at bigla akong kinandong sa mga hita niya. “Don’t be shy of me, Princess. Kahit nakita ko na ang buong katawan mo ay hanggang doon lang ’yon. I won’t take you hangga’t hindi ka pa tuluyang napapasaakin.” malambing niyang sabi.

“Kuya Duke, tama ba talaga ’tong ginagawa natin?” nag-aalala kong tanong.

“What’s going on right now is fine. Hindi mo naman mahal si Ravi at napilitan ka lang sa kanya kaya naging boyfriend mo siya. I’ll help you on how to get rid of him. Tutulungan ko kayo ng Mama mo at ng mga kapatid mo para tuluyan niyong mabayaran ang lahat ng utang niyo kay Ravi,” sabi ni Kuya Duke.

Natuwa ako dahil sa sinabi niya. Kailangan ko na rin talagang makipaghiwalay kay Ravi dahil kung magpapatuloy pa ang relasyon namin ay mas lalo ko lang masasaktan ang damdamin niya.

Niyakap ko si Kuya Duke. “Salamat, Kuya Duke.”

“Anything for you, Princess.” sabi ni Kuya Duke.

Pagkatapos naming mag-usap ay kumain na rin kami. Habang kumakain kami ay napansin ko lang na mahina talagang kumain si Kuya Duke. Noong kumain siya sa bahay namin ay kaunti lang din ang kinain niya.

Steak ang kinakain niya at wala iyong partner na kanin samantalang ang sa akin naman ay steak, hotdog, itlog at kanin na niluto niya kanina. Brunch na nga namin ito kung tutuusin dahil tinanghali na kami ng gising at hindi na rin siya nakapasok sa trabaho niya.

Naalala ko bigla ang ginawa namin kagabi.

Iyon ang unang beses na nagawa ko ang bagay na iyon at kay Kuya Duke pa. Hindi nga nagagawa sa akin iyon ni Ravi kahit boyfriend ko siya pero kapag kay Kuya Duke ay ayos lang sa akin at wala akong bahid ng pagsisisi na ginawa namin iyon.

Dahil ba ito sa gusto ko siya? Iba pala talaga kapag gusto mo ang isang tao.

Nang matapos na kaming kumain ay nag-ayos na ako at muling sinuot ang hinubad na damit sa akin ni Kuya Duke kagabi. Ang sabi ko ay sa bahay nalang ako maliligo kaya siya na muna ang naligo ngayon.

Nang lumabas siya sa loob ng cr niya ay nag-init ang pisngi ko nang makitang nakatapis lang ng tuwalya ang ibaba niya.

Ngumiti si Kuya Duke nang makita ang reaksyon ko at nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin at biglang hinalikan ang labi ko.

“You’re so cute,” sabi ni Kuya Duke at lumayo na ito sa akin para makapagbihis na siya.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko.

Panay ang halik niya sa akin at mas nakakadami na siya kaysa kay Ravi.

Lumabas na din kami sa loob ng kwarto nang matapos na siyang magbihis. Pinabaunan niya rin ako ng isang chocolate mousse cake na isa sa mga binebenta ng kompanya nila.

Walang ibang tao sa bahay nila Kuya Duke kundi ang mga katulong at guards. Malamang ay nasa school si Ate Camille at ang parents naman nila ay nagtatrabaho sa kompanya nila.

Pagkarating namin sa bahay ay kinabahan ako nang makitang nasa labas lang ng bahay si Kuya Arman at halata na ako ang hinihintay niya.

Dahan-dahan akong lumabas sa loob ng kotse ni Kuya Duke na sumunod rin sa akin.

“Clarisse,” tawag ni Kuya Arman nang lumapit siya sa amin.

Mariin siyang tumingin kay Kuya Duke na seryoso lang ang ekspresyon ng mukha.

“K-Kuya Arman-”

“Sa loob na tayo mag-usap. Pauwiin mo na ’yang kasama mo,” malamig niyang sabi at nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay namin.

Tumingin naman ako kay Kuya Duke at kinuha na ang box ng cake at bag kong dala niya. “Salamat sa binigay mong cake, Kuya Duke. Mag-usap nalang tayo mamaya sa phone.”

Tumango siya at hinawakan ang isang kamay ko. “I’ll call you later,”

“Clarisse, ano ba? Sabing pumasok ka na dito sa loob, e!” sigaw ni Kuya Arman mula sa loob ng bintana namin na nagpataranta sa akin.

“Sige na, Kuya Duke. Paalam na,” sabi ko at kaagad ng pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko na rin nagawang tignan pa si Kuya Duke dahil natatakot ako ngayon sa kapatid ko.

Kinakabahan ako sa kung anuman ang sasabihin sa akin ni Kuya Arman. Sana ay hindi niya ito banggitin kay Ravi.

-Ajai_Kim

Chapter 16

CLARISSE’S POV

“Bakit kasama mo ’yung pinsan ni Ravi? Paano nalang kapag nalaman niya ’to? Clarisse naman! Gusto mo ba talagang malagot tayo sa kanya?” sermon sa akin ni Kuya Arman habang nakikinig sa amin sina Mama at Janjan.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil sa kabang nararamdaman ko. May mali ako at normal lang na magreact nang ganito si Kuya Arman.

“S-sorry, Kuya Arman-”

“Naiintindihan ko ’yung nararamdaman mo, Clarisse. Alam naming wala kang gusto kay Ravi pero may utang na loob tayo sa kanya at hindi mo siya pwedeng talikuran nang basta-basta.” ginulo ni Kuya Arman ang buhok niya at umiling siya ng ilang beses.

“Kuya, hindi ko na talaga kaya. Hangga’t magpapatuloy pa ang relasyon namin ay mas lalo ko lang siyang masasaktan. Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya dahil pagod na pagod na ako!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong umiyak sa harapan nila dahil sa sakit at hirap na nararamdaman ko.

Sina Mama at Janjan ay umiiyak na rin habang si Kuya Arman naman ay umiwas ng tingin sa akin.

“Pasensya na, kuya pero hindi ko na kayang pakisamahan pa si Ravi. Si Kuya Duke, tutulungan niya raw tayong mabayaran ang lahat ng utang natin kay Ravi makawala lang ako sa kanya. Gusto ko si Kuya Duke.” pag-amin ko na ikinagulat nila.

“Ano ’to, Clarisse? May gusto ka na kaagad sa Duke na ’yon? Hindi mo pa lubos na kilala si Ravi. Sa oras na malaman niyang may gusto ka sa pinsan niya ay siguradong magkakagulo silang dalawa! Delikado si Ravi at kahit ako ay natatakot rin sa maaari niyang gawin sa’yo o sa atin!” problemadong saad ni Kuya Arman.

Wala akong ideya na sa mabilis na panahon lang ay nagkagusto kaagad ako kay Kuya Duke. Hindi maganda ang una naming pagkikita pero habang tumatagal na mas nakikilala ko siya ay nagugustuhan ko na siya.

Mas komportable ako sa tuwing siya ang kasama ko. Naipapakita ko rin ang sariling ako kapag nag-uusap kami. Hinahayaan ko siyang halikan at hawakan ako dahil hindi na ako naiilang sa kanya; dahil gusto ko siya at alam kong hindi niya ako magagawang saktan.

“Hindi mo ako maiintindihan, Kuya Arman. Ginawa ko na ang lahat para magustuhan ko si Ravi sa loob ng dalawang buwan naming relasyon pero ano bang magagawa ko kung hindi ko pa rin siya magawang mahalin at nagkagusto ako sa pinsan niya?” humikbi ako at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.

Natahimik si Kuya Arman at nakikita ko na pati siya ay nahihirapan din sa kalagayan ko. Sunod-sunuran lang siya kay Ravi dahil sa utang na loob namin rito pero kahit papaano ay naaawa rin siya sa akin at inaalala niya ako.

Bumuntong-hininga si Kuya Arman at nakita ko ang panginginig ng mga kamao niya.

Apektado siya para sa akin.

“Kung sana ay kumikita lang ako ng malaking pera ay hindi mo na kailangang pakisamahan si Ravi at mababayaran ko na ang lahat ng utang natin sa kanya. Kaibigan ko siya at alam ko ang mga magagawa niya kapag tuluyan siyang nagalit. Ang sabi mo ay tutulungan tayo ng Duke na ’yan na mabayaran ang mga utang natin kay Ravi. Sa tingin mo ba ay papayag doon si Ravi at tuluyan ka niyang ipapaubaya sa pinsan niya? Magiging magulo lang ang sitwasyon, Clarisse dahil si Raviel Romualdez ang kalaban natin.” sabi niya.

Hindi na ako nakapagsalita pa at umiyak nalang. Niyakap naman ako ni Mama at pinapatahan.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa muling nagsalita si Kuya Arman.

“Malaki ka na, Clarisse at may sariling desisyon ka na sa buhay mo. Hindi ko na kokontrahin ang lahat ng gugustuhin mo. Kung gusto mong makipaghiwalay kay Ravi at humingi ng tulong sa pinsan niya ay wala na akong magagawa pa doon. Ang sa akin lang ay sana’y hindi kami madamay nina Mama at Janjan sa galit ni Ravi dahil kapag nangyari ’yon, hindi na kita ituturing na isang kapatid.” malamig niyang sabi at dumiretso na sa kwarto niya pagkatapos.

Mas lumakas pa ang pag-iyak ko habang nakayakap pa rin sa akin si Mama at pinapatahan ako.

“Hayaan mo, anak. Babayaran natin ang lahat ng pagkakautang natin kay Ravi. Maghahanap ako ng trabaho para lang magkapera tayo. Tama lang na makipaghiwalay ka na sa kanya dahil ayokong nahihirapan ka nang ganito,” umiiyak na sabi ni Mama.

“Sorry, Ma. Sorry kung nagtampo ako sa’yo at hindi na ako umuwi kagabi dito sa bahay dahil nabigla lang ako na nililigawan ka na pala ni Tito Kai,” Paghingi ko ng tawad kay Mama.

Pinunasan naman ni Mama ang mga luha ko at nginitian niya ako. “Naiintindihan kita. Kaibigan ng Papa mo ang Tito Kai mo at iniisip mo na pinagpalit ko na siya kaagad pero sana ay bigyan mo ng pagkakataon si Tito Kai mo, Clarisse. Marami na rin siyang naitulong sa’tin at hanggang ngayon ay inaalam pa rin niya kung sino ba ang nakasagasa kay Tyron. Naging mabuti siya sa atin, sina Morris at Michelle na para mo na ring mga kapatid.”

Tumango ako dahil tama si Mama. Kailangan kong bigyan ng pagkakataon si Tito Kai para lang kay Mama. Mahal niya si Mama at ito ang unang beses na magkakaroon siya ng girlfriend simula nang mamatay sa panganganak ang Mama nina Morris at Michelle.

Naging mabuti siya sa pamilya namin at siya rin ang tumutulong sa pamilya nila Tyron para alamin kung sino nga ba ang naka hit-and-run dito.

Kung saan magiging masaya si Mama ay susuportahan ko nalang siya katulad ng pagsuporta niya sa magiging desisyon ko na makipaghiwalay na kay Ravi.

“At kung gusto mo si Duke ay masaya ako dahil may nagugustuhan ka na, anak.”

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. “Salamat po,”

“Si Kuya Duke talaga ang gusto ko para sa’yo, Ate Clarisse. Bagay kayong dalawa dahil pareho po kayong mabait at lagi akong inaalala!” sabi naman ni Janjan at ngumiti siya sa akin.

Ginulo ko ang buhok ni Janjan at kinurot ng mahina ang pisngi niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay inanyayahan na kami ni Mama na kumain ni Janjan dahil may niluto raw siyang sinigang na baboy.

Hindi na namin nakasama sa tanghalian si Kuya Arman dahil nagkulong ito sa loob ng kwarto niya at nagpapahinga na rin dahil ngayon lang siya nagkaroon ng day-off sa trabaho niya. Nagkulong rin siguro siya sa kwarto niya dahil sa magiging desisyon ko at sumama ang loob niya doon.

Maiintindihan niya rin ang itong ginagawa ko at hindi ko naman hahayaan na madamay sila nila Mama at Janjan sa galit ni Ravi sa akin.

Nang matapos na kaming kumain ng tanghalian ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin at naligo na rin.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Kuya Duke ang tumatawag sa akin kaya sinagot ko kaagad ito.

“Hello, Kuya Duke?” sagot ko sa kabilang linya.

[“Hi, Princess. Is everything’s alright? Pinagalitan ka ba ng kapatid mo dahil kasama mo ako kagabi?”] tanong niya.

Huminga ako ng malalim. “Hindi niya nagustuhan ang magiging desisyon ko na makipaghiwalay na kay Ravi pero wala na siyang magagawa pa.” sagot ko.

Hindi nakapagsalita ng ilang segundo si Kuya Duke dahil sa sinabi ko. [“Really? Hihiwalayan mo na si Ravi?”] puno ng pag-asa niyang tanong.

Malungkot akong tumango kahit hindi niya nakikita iyon. “Kailangan ko nang makipaghiwalay sa kanya para sa ikabubuti naming dalawa.”

[“That’s a good decision. I’ll talk to him and tell him we’re-”]

“Hindi na. Ako na muna ang kakausap sa kanya. Please, Kuya Duke?” pagputol ko sa sinasabi ni Kuya Duke.

[“But why? Sasabihin ko sa kanya na may namamagitan na sa atin at ako na rin ang bahalang magbayad ng mga utang niyo sa kanya,”] sabi ni Kuya Duke.

“Kuya Duke, ako na muna ang bahalang kumausap kay Ravi. Ipaubaya mo na ’to sa akin.” pakiusap ko.

[“Tch! I’m not sure about that, but okay, I’ll leave it to you, Princess. If anything bad happens to you as a result of him, I’ll haunt him to death. I don’t want him to hurt you again as a result of his crazy obsession with you.”] seryosong sabi ni Kuya Duke.

“Magiging maayos ang pag-uusap namin. Salamat, Kuya Duke. Maging sa pagtulong mo na rin sa pamilya ko.” masaya kong ani.

[“I’m glad you came into my life; I thought I’d be forever single because of my tragic past and failed attempts, but you unexpectedly came and now I have a reason to live for my life; I hope you will learn to love me soon, Princess, because all I want is for someone else to love me and reciprocate my feelings. Sobra-sobra akong magmahal sa puntong wala na akong tinitira para sa sarili ko.”]

Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi ni Kuya Duke at para itong may mga pinagdaanan na hindi ko pa nalalaman.

Sa panlabas na kaanyuan ay mukha siyang matapang at hindi natitibag nang kahit na sinuman pero sa nakikita ko ngayon sa kanya ay isa lang siyang taong nagmamahal na gustong masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya.

[“Princess, please don’t leave me. I will do everything I can to take care of you and love you until my last breath. Ipaglalaban din kita kay Ravi at tutulungan ko kayo ng pamilya mo sa abot ng makakaya ko. Huwag mo lang akong iiwan dahil sa oras na mangyari ’yon ay hindi ko na alam ang magagawa ko sa sarili ko. Baliw na ako noon pa man at ayokong maging ganoon ulit kamiserable.”]

Bakit ba ako ang nagustuhan ni Kuya Duke? Hindi pa man nagiging kami ay pinangungunahan na siya ng takot na baka iwanan ko siya.

[“Mahal na mahal kita. Sobra…”]

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa pagkagulat dahil sa sinabi niya.

Mahal niya ako.

Hindi na niya ako gusto kundi mahal na niya ako.

Doon ay nagsisimula na naman ang kung anong nagkakarera sa dibdib ko.

“M-mahal mo ako?” mahina kong tanong sa kabilang linya.

Magkaiba ang gusto sa mahal, hindi ba? Dahil ang mahal ay mas nag-level up na sa pagkagusto. Iyong tipong pagmamahal na nakakamartyr at nakakamatay din. Katulad nalang ng nararamdaman para sa akin ni Ravi.

Iyong nararamdaman ko kay Kuya Duke ay pagkagusto pa lang pero hindi malabo na sa mga susunod ay mas tumindi pa itong nararamdaman ko para sa kanya. Wala pa ngang isang buwan ay nagustuhan ko na siya kaagad.

[“Yes, I love you so much, even though I know it’s too soon to love you this way pero pagmamahal na talaga ’tong nararamdaman ko para sa’yo. I apologize if I’m confessing my love for you over the phone. Gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal at handa kong gawin ang lahat para sa’yo. I’ll fight my love for you even if it means destroying my own cousin to get you.”]

Seryoso nga si Kuya Duke sa mga sinasabi niya sa akin at wala rin niyang takot na kakalabanin si Ravi.

Hindi magiging madali ito para sa aming dalawa.

Mali na nagkagusto ako sa kanya pero anong magagawa ko kung mismong puso ko na ang sinusunod ko?

Pwede bang ngayon muna ay isipin ko naman ang sarili ko?

“Kuya Duke, maraming salamat.” taos puso kong sabi.

[“I will do anything for you, Princess, and I will not disappoint you; now that you want Ravi out of your life, you’re already mine…”]

-Ajai_Kim

Chapter 17

CLARISSE’S POV

“Ravi,”

Tinawag ko ang pangalan ni Ravi kaya lumingon siya sa akin. Kanina pa siya tahimik simula nang hinatid at sinundo niya ako sa school. Wala siyang pasok ngayon sa trabaho niya kaya nandito siya sa amin at kasama ko.

Paano ko ba magagawang hiwalayan siya? Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin o sa amin ng pamilya ko kung hindi niya maiintindihan ang desisyon ko.

“What’s the matter?” malamig niyang tanong at hindi ko mapigilang kutuban na baka kinausap na siya ni Kuya Duke tungkol sa balak kong pakikipaghiwalay sa kanya kaya kanina pa siya walang imik.

Pero umaasa ako na hindi pa nabanggit ni Kuya Duke iyon gaya ng ipinangako niya sa akin noong mag-usap kami sa telepono.

Ako muna ang kakausap kay Ravi at sana nga ay matanggap niya ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Mas masasaktan lang siya kung magpapatuloy pa kami sa relasyon naming ito.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago magsalita.

“Dalawang buwan na ang relasyon natin at sinusubukan kong mahalin ka, Ravi. Alam kong mahal mo rin ako pero.. hindi ko na kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa’kin. Kung magpapatuloy pa ang relasyon natin ay mas lalo lang nating masasaktan ang isa’t-isa. Marami pang mga babae dyan ang kayang suklian ang pagmamahal mo at hindi ako ’yon. Kung tungkol naman sa lahat ng pagkakautang namin sa’yo, unti-unti na naming babayaran ’yon. Bigyan mo lang kami ng kaunting panahon ni Mama para makahanap ng pera,” mahaba kong litanya.

Hindi ko mabanggit na tutulungan kami ni Kuya Duke tungkol sa usapang pinansyal na ipambabayad namin kay Ravi dahil kapag nalaman niya iyon ay magkakagulo lang silang magpinsan. Mas mabuti nang ilihim muna namin ang bagay na ito.

Kinabahan ako nang natahimik si Ravi at tinitigan ako ng mariin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya at isa iyon sa mga katangian niya; na mahirap siyang basahin.

“Maghiwalay na tayo, Ravi. Patawad,” malungkot kong saad.

“Is this some kind of joke, Clarisse?”

Sa loob ng limang minutong pananahimik niya ay nagsalita na din si Ravi.

Walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Umiling ako.

“Marami akong pinoproblema at sana ’wag mo nang dagdagan ’yon ngayon. Ayokong magalit sa’yo kaya ’wag mo ’kong susubukan, Clarisse.” madiin niyang sabi at doon ay bigla akong natakot sa kanya.

“Ravi, gusto ko nang makipaghiwalay. Matagal ko na dapat ’tong ginawa pero-”

“May lalake ka ba? Sino? ’Yung Morris na ’yon o ’yung kaibigan niya?” tanong ni Ravi.

Kaagad akong umiling.

“Kung anuman ang desisyon kong ’to ay sarili ko ’tong pasya. Mas masasaktan ka lang kapag nagpatuloy pa ang relasyon natin, Ravi. Makinig ka naman sa akin, oh…” pagmamakaawa ko at biglang pumatak ang mga luha ko.

Tumawa naman si Ravi at pinagkrus ang mga braso niya. “Clarisse, malapit na akong magalit sa’yo. Bawiin mo ’yang sinabi mo kung ayaw mong tuluyan akong magwala dito,” pagbabanta niya kaya mas dumoble pa ang takot na nararamdaman ko sa kanya.

“Ravi-”

Natakpan ko ang bibig ko sa pagkagulat nang biglang bumunot ng baril si Ravi sa suot niyang coat at itinutok niya ito sa akin.

Nakita iyon nila Kuya Arman, Mama at Janjan na nanggaling sa labas kaya kaagad nila kaming nilapitan.

Akmang lalapitan sana ni Kuya Arman si Ravi nang siya naman ang tinutukan ng baril ni Ravi.

Bigla nalang umiyak si Janjan na takot na takot sa ginagawa ngayon ni Ravi. Si Mama naman ay umiiyak na rin habang pinapatahan niya si Janjan.

“Subukan mong lapitan ako kundi baka mamaya ay paglamayan ka na, Arman. May alam ka ba sa sinasabi nitong kapatid mo? She wishes to end our relationship while I am devastated. She’s giving me this kind of response after what I’ve done to your family?”

Tumawa ulit si Ravi at puno iyon ng pait. Masama ang tingin niya kay Kuya Arman na natatakot na rin sa maaaring gawin nito sa amin.

Tama nga siya, delikadong tao si Ravi at hindi ko inaasahan na may baril siya at baka patayin niya kami.

“May alam ako sa balak na pakikipaghiwalay sa’yo ni Clarisse at hindi ko siya magagawang kontrolin dahil hindi ko hawak ang buhay niya. Ravi, bata pa ang kapatid ko at nasasaktan rin ako na-”

Nagulat nalang kami nang ipinutok ni Ravi ang hawak niyang baril sa likuran ni Kuya Arman. Sa pader tumama ang bala ng baril nito.

Humagulgol na ng iyak si Janjan at si Mama naman ay tinakpan ang tenga niya. Takot na takot sila sa maaaring mangyari ngayon.

Hindi ko na dapat ito ginawa. Kung ganito ang magiging reaksyon ni Ravi sa balak kong pakikipaghiwalay sa kanya ay sana hindi ko na ito itinuloy. Natatakot ako na baka mapatay niya kami.

Galit na galit si Ravi at nag-uumapaw sa galit at pagkamuhi ang ekspresyon ng mga mata niya.

“Wala kang kwentang kaibigan, Arman! Sabihin mo nga sa’kin, may lalake ba si Clarisse kaya hinihiwalayan na niya ako?! Ano? Umamin ka!” tumaas ang boses niya at sinigawan si Kuya Arman.

Ako naman ay sobra nang nanginginig sa kaba at takot habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

Ngayon lang ako natakot nang ganito kay Ravi.

Nakakatakot pala talagang magalit ang mga taong kadalasan ay walang imik at hindi mo kaagad mabasa.

Kinakabahang umiling si Kuya Arman. “W-wala. Wala siyang ibang lalake, Ravi. Gusto lang niyang makipaghiwalay sa’yo dahil ayaw niyang umasa ka sa kanya. Ikaw ang inaalala niya kaya ibaba mo na ’yang baril mo at ’wag mo ’tong gawin,” Pakiusap niya kay Ravi na bigla namang tumawa ng sarkastiko at muling itinutok ang baril sa akin.

“Do you think I’m stupid enough to let you go, Clarisse? My love for you will drive me insane, and I know you’re up to something, which is why you want to end things with me. I’m not as stupid as you think!” sigaw niya.

“’Wag mong sasaktan ang Ate Clarisse ko! Bad ka!” umiiyak na sigaw ni Janjan kay Ravi kaya siya naman ang tinutukan ng baril ni Ravi.

Si Mama ay biglang nataranta kaya niyakap niya si Janjan para lang maprotektahan ito.

“Tumigil ka, bata kung ayaw mo pang mamatay!” banta ni Ravi sa kapatid ko.

Tuluyan na akong lumuhod sa harapan ni Ravi at umiiyak na tinignan siya.

“Ravi, huwag mong sasaktan ang pamilya ko. Itigil mo na ’to… H-hindi na ako makikipaghiwalay sa’yo. Tama na…” sabi ko habang humihikbi.

Tumingin sa akin si Ravi at sa wakas ay binaba na nito ang hawak niyang baril.

Ngumiti siya ng malaki habang pinagmamasdan akong umiiyak at nakaluhod sa harapan niya.

“Mabuti kung gano’n. Alam ko namang may lalake ka kaya gusto mo akong hiwalayan or perhaps some financier to pay your debt to me? Ang lakas ng loob mong hiwalayan ako, Clarisse. I’m perilous and cruel. I have no mercy if you do not obey me. I love you, but you want to push me away, huh?”

Lumakad sa harapan ko si Ravi at itinago na ang hawak niyang baril sa bulsa ng suot niyang coat. Nagpamulsa siya at tinitigan ako ng seryoso.

Hindi siya magiging leader ng isang gang kung hindi siya nakakatakot at delikadong tao. Binalaan na ako ni Kuya Arman tungkol kay Ravi pero nagpumilit pa rin ako sa desisyon kong hiwalayan siya.

Kung hindi lang dumating si Kuya Duke at hindi ko siya nagustuhan ay hindi ko naman hihiwalayan si Ravi pero ganito na nga siguro ang kapalaran ko.

Habang buhay na siguro akong kokontrolin ni Ravi at ang pamilya ko.

Dahil mayaman siya, dahil marami kaming pagkakautang sa kanya, dahil delikadong tao siya, dahil magaling siyang magmanipula ng buhay ng isang tao.

“Tumayo ka dyan. Aalis tayo,” utos ni Ravi na nauna nang lumabas sa loob ng bahay namin.

Nang wala na si Ravi ay nilapitan ako nila Kuya Arman, Mama at Janjan at niyakap nila ako.

“Patawad kung wala akong magawa para sa’yo, Clarisse,” nahihirapang sabi ni Kuya Arman.

Hinarap ko naman siya. “Wala kang kasalanan, Kuya Arman. Dapat ay hindi nalang ako nagbalak na hiwalayan si Ravi. Muntik pa niya kayong patayin nang dahil sa akin,” malungkot kong sabi.

Umiling ito. “May kasalanan ako dahil pinipilit pa kita kay Ravi. Hindi ko na inaalala ang kalayaan mo at kailangan mo pa siyang pakisamahan kahit wala kang gusto sa kanya. Wala akong kwentang kapatid dahil hindi ko rin mabayaran ang lahat ng utang natin sa kanya. Patawarin mo ako, Clarisse…” nagsisising sabi ni Kuya Arman.

Sa huli ay naiintindihan na rin ako ni Kuya Arman. Isa siyang mabuting kapatid sa akin at kapakanan lang namin palagi nila Mama at Janjan ang iniisip niya.

Naiintindihan ko rin siya kung bakit itinutulak niya ako kay Ravi noon, dahil gusto niyang maoperahan din kaagad si Janjan sa heart operation nito bago pa lumala ang sakit niya.

Niyakap ko nang mahigpit si Kuya Arman at paulit-ulit sinabi na ayos lang iyon.

Sa ngayon ay kailangan kong sundin ang lahat ng gusto ni Ravi para hindi na ito maulit at ang tungkol naman sa amin ni Kuya Duke at sa tulong na ino-offer niya ay dapat ko na siguro itong tanggihan at tuluyan ko na rin siyang kalimutan.

Ayoko nang umabot sa puntong maging magkalaban sila ni Ravi nang dahil sa akin.

Dapat ko na ring kalimutan ang pagkagusto ko sa kanya.

Nakatulog bigla si Janjan dahil sa pagod nito sa pag-iyak kaya binuhat siya ni Kuya Arman at dinala na sa loob ng kwarto nito.

Kahit ang bunso kong kapatid ay naaapektuhan rin sa sitwasyon ko. Naaawa ako sa kanya na sa mura niyang edad ay nakikita niya ang lahat ng paghihirap ko at pagmamanipula ni Ravi sa buhay namin.

“Anak, kailangan mo ba talagang sumama kay Ravi ngayon? Paano nalang kapag may ginawa siyang masama sa’yo dahil kanina lang ay galit na galit siya sa atin at muntik pa niya tayong patayin?” nag-aalalang tanong ni Mama nang lumabas na ako sa loob ng bahay namin.

Naghihintay lang sa akin si Ravi sa loob ng kotse niya.

Hinawakan ko sa balikat si Mama at tipid siyang nginitian. “Walang gagawing masama sa akin si Ravi. Susundin ko lang siya sa lahat ng gusto niya at hindi tayo mapapahamak.” sabi ko.

“Paano nalang si Duke? Hindi ba’t gusto mo siya?” tanong ni Mama na siyang nagpatigil sa akin.

Opo, Ma. Gustong-gusto ko si Kuya Duke.

Sa kanya ko lang naranasan iyong comfort at pagmamahal na walang halong pagkontrol at pamimilit. Iyong may physical attraction kami na hindi ako maiilang sa kanya. Iyong tipong kuntento na ako at nagagawa kong ngumiti at ipakita ang tunay kong pagkatao habang kasama ko siya.

Pero hindi ko yata deserve na maging masaya.

Hindi rin deserve ni Kuya Duke ang isang katulad kong maraming problema. Ayoko na siyang madamay pa sa magulo kong mundo.

“Aalis na ako, Ma. Uuwi din ako mamaya,” hindi ko na sinagot ang tanong ni Mama at hinalikan ko nalang siya sa pisngi bago tuluyang umalis.

Sumakay na ako sa loob ng kotse ni Ravi na nakaparada lang sa labas ng bahay namin.

Nang makasakay na ako ay walang imik niyang pinaandar ang kotse niya at hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

“Saan pala tayo pupunta, Ravi?” mahinang tanong ko kay Ravi habang nagmamaneho siya. May takot pa rin akong nararamdaman sa kanya.

“Don’t ask me that kind of question. Just stay quiet,” malamig niyang sabi kaya hindi na ako ulit nagsalita.

Bigla ay tumunog ang cellphone ko sa loob ng dala kong bag. Kaagad ko itong kinuha sa bag ko at titignan sana kung sino iyong nagtext sa akin nang biglang kinuha ni Ravi ang cellphone ko at laking gulat ko nang binuksan nito ang bintana ng kotse niya at tinapon ang cellphone ko sa gitna ng daan.

“B-bakit mo ’yon ginawa?” gulat kong tanong kay Ravi.

“Baka kasi may communication kayo ng lalake mo dyan sa cellphone mo kaya tinapon ko nalang para hindi na kayo makapag-usap. Don’t worry, I’ll buy you a new phone and sim card with only my contact information.” sabi niya habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

Umiwas nalang ako ng tingin kay Ravi at pinunasan ang panibagong mga luha sa mata ko.

Naninikip ang dibdib ko at gusto kong humagulgol ng iyak pero katulad noong una… wala na naman akong magawa.

-Ajai_Kim

Chapter 18

CLARISSE’S

POV

Hindi ko alam kung saang lugar itong pinagdalhan sa akin ni Ravi pero mukha itong underground bar hideout nila na hindi kaagad makikita nang kahit na sinong tao dahil sa tago nitong lokasyon.

Ito yata ang isa sa hideout ng gang nila ni Kuya Arman na binabanggit nito sa akin. Para lang din itong isang bar na pinupuntahan ng mga tao. Maingay dahil sa tugtog, malalanghap rin ang usok ng sigarilyo sa paligid, mga tao na walang pakialam sa iba dahil may kanya-kanya silang ginagawa katulad nang pagme-make out sa tabi, mga nag-uusap at nag-iinuman. Mayroon pa ngang mga nagse-session na nakita ko.

Ito ang unang beses na makapasok ako sa ganitong klaseng lugar at masasabi ko na hindi basta-basta ang mga taong nandirito sa loob dahil halatang mayayaman ang mga ito at nakakaangat sa buhay dahil sa ayos at mga mamahaling suot nila.

Nang mapansin kami ng iilang tao na naglalakad ni Ravi sa loob ng bar ay awtomatikong napalingon sila sa amin.

Si Ravi naman ay walang pakialam sa kanila at nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang hawak niya ang isang kamay ko.

Pumasok kami sa isang VIP room at may mga naabutan kami sa isang table na nag-uusap at nag-iinuman. May mga babae rin doon na magaganda at sexy na naka-akbay sa dalawang lalakeng may mga itsura din.

Nang mapansin nila kami ni Ravi ay nasurpresa sila nang makita ako.

“Ravi, kayo pala. Let’s have a seat,” alok sa amin ng lalakeng matangkad at maputi. Mukha rin itong foreigner dahil sa kulay asul niyang mga mata.

Lumapit kami sa table nila at umupo kami ni Ravi sa couch. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga lalakeng kaibigan ni Ravi dahil ramdam ko ang paninitig nila sa akin. Iyong mga babae naman ay parang ang sama ng tingin sa akin at hindi ko alam kung bakit.

“She’s Clarisse, my girlfriend.” pagpapakilala ni Ravi sa akin sa mga kaibigan niya.

“Oh, she’s Arman’s sister, right? No doubt because they look so similar; she’s pretty and good for you,” ani ng lalakeng katabi ng mukhang foreigner at nginitian niya ako.

Hindi sinagot ni Ravi ang sinabi ng kaibigan niya at nagsalin lang siya ng alak sa isang baso. Hindi rin niya pinapansin iyong mga babaeng kanina pa siya tinitignan.

“I’m Flynn and this is Soren. Mga kaibigan kami ni Ravi at ni Arman. It’s nice to meet you, Clarisse.” pagpapakilala ng lalakeng mukhang foreigner at itinuro nito ang lalakeng katabi niya.

Mukhang magkakaedad lang silang lahat. Mas matatanda sa amin ni Kuya Arman.

Ngumiti naman ako ng tipid at tumango sa kanila. “Nice to meet you din sa inyo,”

“This is my girlfriend, Lexi, and this is Piper, Flynn’s girlfriend,” pagpapakilala naman ni Soren sa magandang babaeng kaakbay niya at sa babaeng kaakbay rin ni Flynn.

Nginitian ko sina Lexi at Piper. Ngumiti rin sila sa akin pero halatang pilit lang iyon.

Mukhang hindi nila ako gusto pero bakit naman?

Wala akong ideya kung bakit dinala ako ni Ravi dito sa hideout ng grupo nila. Hindi ako kumportable na nandito ako at sa mga kaibigan niya na ilang beses kong nahuhuling sinisipat ang buong katawan ko.

Ito ang isa sa mundo ni Ravi na hindi ko pa nakikita. May mga nakita pa akong gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga kaya kinakabahan ako na baka matunton sila ng pulis dito at ipakulong.

Pero si Ravi nga pala ang may-ari ng lugar na ito at alam kong may koneksyon ang pamilya niya sa mga pulis at kilala niya rin si Tito Kai na isang pulis.

“I’m the only one who will drink; just stick by my side,” sabi ni Ravi habang umiinom siya at kinakausap nina Flynn at Soren.

Tumango ako at nanahimik nalang sa tabi niya. Hindi ko naman makausap sina Lexi at Piper dahil halata ang pagkadisgusto nila sa akin at sila lang ring dalawa ang nag-uusap.

Nang makaramdam ako ng pagka-ihi ay nagpaalam muna ako kay Ravi na magbabanyo muna. Sasamahan pa sana niya ako pero sinabi kong ako nalang dahil nasa labas lang naman ng VIP room iyong restroom at hindi naman ito malayo.

Pumayag rin si Ravi sa huli kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at kaagad nagtungo sa restroom.

Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay tumingin ako sa salamin ng restroom at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi ko.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman ako.

Tinapon ni Ravi ang cellphone ko sa daan kaya hindi ko na makakausap pa si Kuya Duke.

Bakit parang sigurado siya na may iba akong kausap na lalake? Alam na ba talaga ni Ravi ang tungkol sa amin ni Kuya Duke? Pero bakit hindi naman niya iyon nababanggit sa akin?

Muntik na rin niya kaming patayin kanina ni Kuya Arman. Hindi ko alam ang mga susunod na maaaring gawin sa amin ni Ravi hangga’t hindi ko siya sinusunod sa mga gusto niya.

Delikado siyang tao at kung gusto kong maging ligtas ang pamilya ko mula sa kapahamakan ay kailangang sundin ko siya sa lahat ng gusto niya.

Kahit na tinatanggalan na niya ako ng kalayaan dahil sa nakakasakal niyang pag-ibig.

Aalis na sana ako sa loob ng restroom nang biglang pumasok din sa loob sina Lexi at Piper kaya hindi kaagad ako makalabas. Nakaharang sila sa pintuan at may mapang-insultong silang tingin sa akin.

“Well, ikaw pala ’yung girlfriend ni Ravi na palagi niyang binabanggit sa amin. Ano bang nakita niya sa’yo?” sabi ni Lexi at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Nanliit ako dahil sa sinabi ni Lexi.

“Perhaps she’s good in bed kaya hindi siya mabitawan ni Ravi. Kulang pa yata ang performance natin when we do a one-night stand with him.” sabi naman ni Piper at tinaasan niya ako ng kilay.

May nangyari na sa kanilang tatlo ni Ravi?

Wala naman akong pakialam kung makipagtalik pa si Ravi sa ibang babae dahil walang nangyayari sa amin.

May pangangailangan siya bilang isang lalake at kung gusto niyang gumamit ng ibang babae ay hindi ko siya papakialaman doon.

“Yes, dear. Ravi and I had a one-night stand a year ago. We seduced him, and he succumbed.” sabi ni Piper na mukhang nabasa yata ang iniisip ko.

Isang taon na pala ang nakakalipas nang may mangyari sa kanila at hindi ko pa boyfriend si Ravi noon pero bakit nagagalit sila sa akin?

“He’s good at sex than Flynn and Soren, and Piper and I really want Ravi, but he’s lost interest in us because of a boring girl like you!” nanlisik ang mga mata ni Lexi at dinuro niya ako.

Bigla akong kinabahan sa kanila dahil sobrang sama ng tingin nila sa akin. Galit na galit sila dahil naging girlfriend ako ni Ravi.

“At balak mo pa talagang landiin ’yung mga boyfriends namin, huh? They seem to be interested in you from the way they look at you, weak lady!”

Lumapit sa akin si Piper at napangiwi ako sa sakit nang hinawakan niya ng sobrang higpit ang braso ko. Pati ang mahahaba niyang mga kuko ay bumabaon sa balat ko.

“N-nasasaktan ako, Piper…” daing ko pero tumawa lang si Piper at ang buhok ko naman ang hinila niya.

Lumapit sa amin si Lexi at nabigla ako nang sinampal niya ako at tinignan nang may poot sa kanyang mga mata.

“You think na bagay kayo ni Ravi? No! You’re nothing when it comes to us, bitch!”

Napasigaw ako sa sakit nang tinulak ako ni Lexi kaya napaupo ako sa sahig ng restroom. Tila namanhid ang buong katawan ko sa sakit dahil sa ginawa niya.

Tatayo na sana ako nang tinulak ulit ako ni Lexi at sinabunutan. Pilit ko siyang inaawat sa ginagawa niya pero sobrang higpit ng pagkaka-kapit niya sa akin.

Si Piper naman ay nakangisi sa amin habang vinevideohan na niya kami ni Lexi sa cellphone niya.

“T-tama na, Lexi. Please…” pagmamakaawa ko pero sinampal ulit ako ni Lexi at nanggigigil niyang sinapo ang buong mukha ko.

“Ngayon lang kita nakita pero nag-iinit na kaagad ’yung dugo ko sa’yo. Ganyan ka ba mang-akit ng mga lalake? Acting like innocent lad to get them? Kulang nalang ay sunggaban ka ng mga boyfriends namin kanina nang makita ka! This face and body of yours is a curse!” sigaw ni Lexi at nginudngod niya ang mukha ko sa sahig ng tiles ng restroom.

Ang sakit na ng anit ko, pisngi ko at balakang ko. Ngayon lang may taong nanakit sa akin ng pisikal dahil kahit sina Mama at Papa ay hindi kami sinasaktan ng mga kapatid ko.

Nanghihina na ako at patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

Wala naman akong ginagawang masama sa kapwa tao ko pero bakit nararanasan ko ang mga pasakit na ito sa buhay ko?

Kung hindi ba naging ganito ang itsura ko ay magiging normal lang ang takbo ng buhay ko?

“Let her go or else I’ll kill you,”

Nanlaki ang mga mata nina Lexi at Piper nang makitang nakapasok na pala sa loob ng restroom si Ravi at nasa likuran nito sina Flynn at Soren na halata ang pagkagulat sa nadatnan nila sa amin.

“R-Ravi-”

Tumili sa gulat si Piper nang bumunot ng baril si Ravi at binaril nito ang kaliwang braso ni Lexi.

Nabitawan ako ni Lexi at napasigaw siya sa takot at sakit nang makita ang braso niyang may tama ng bala ng baril at patuloy sa pagdurugo.

Natakot ako doon maging pati na rin si Piper na nanginginig na ang buong katawan.

Lumapit naman si Ravi sa umiiyak na si Lexi. Lalapit din sana si Soren sa girlfriend niya nang bigla siyang tinutukan ng baril ni Ravi.

“If you come here, I’ll shoot you as well,” pagbabanta ni Ravi kay Soren.

Napalunok sa kaba si Soren at hindi na itinuloy ang paglapit niya.

Muling hinarap ni Ravi si Lexi at malamig niya itong tinignan. “Wala kang karapatang saktan ang girlfriend ko dahil kapag sinaktan mo ulit siya ay hindi na ako magdadalawang-isip na patayin ka, kayo ni Piper.” saad ni Ravi at sinulyapan si Piper na umiiyak na sa takot.

“I-I won’t do it again. Sorry, Ravi…” humahagulgol na sagot ni Lexi.

Sinipa ni Ravi ang binti nito na napasigaw naman sa sakit at lumapit na ito sa akin.

Binuhat niya ako at hinaplos ang pisngi kong namumula na dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Lexi.

“I’m sorry… Let’s go to our home,”

Yumuko nalang ako.

Nakakatakot at delikadong tao si Ravi pero kaya niya akong protektahan, mali man ang pamamaraan niya.

-Ajai_Kim

Chapter 19

CLARA’S

POV

“Clara, bakit hindi nalang kayo tumira sa bahay namin? May mga bakanteng kwarto naman doon na pwede niyong matuluyan ng mga anak mo. Manganganib lang ang buhay niyo sa Ravi na ’yon kung nandito pa rin kayo at hindi niyo kami kasama.” sabi ni Kai nang ikwinento ko sa kanya ang mga nangyari kahapon sa pagitan namin ni Ravi at ng mga anak ko.

Natatakot ako sa mga maaaring gawin ni Ravi kay Clarisse. Muntik na niya kaming patayin dahil nagalit ito sa balak sanang pakikipaghiwalay sa kanya ni Clarisse.

Mapanganib na tao si Ravi kahit na bata pa ito pero hindi ko inaasahan na magagawa niya iyon sa amin, na kaya niya kaming patayin nang dahil sa obsesyon niya kay Clarisse.

“Kai, hindi maaari ’yon. Mas lalo lang magagalit si Ravi kung aalis kami dito sa bahay at isa pa, ’wag mo na rin siyang ipa-blotter dahil kahit gawin mo ’yan ay makakalusot pa rin siya sa mga pulis dahil makapangyarihan ang pamilya niya dito sa lugar natin,” sabi ko kasabay nang ilang beses kong pagbuntong-hininga.

Umiling si Kai. “Clara, pulis ako at makakaya kong ipakulong ang lalakeng ’yon kahit magsuhol pa sila ng pamilya niya ng maraming pera sa kapwa ko mga pulis para lang maabsuwelto siya. Inaalala ko lang ang kaligtasan niyo ng mga anak mo. Kung nagawa niya kayong tutukan ng baril ay pwede rin niyang gawin ’yon sa mga susunod kung magalit ulit siya,” hinawakan niya ang isang kamay ko at tinignan ako nang may pagsusumamo.

“Huwag na, Kai. Natatakot rin ako na baka mapahamak ka nang dahil sa amin.” pinal kong sabi.

Wala nang nagawa si Kai kundi ang respetuhin nalang ang desisyon ko.

“Kung ’yan ang gusto mo ay wala na akong magagawa pa dyan, Clara pero nandito lang ako para sa’yo at sa pamilya mo. Handa ko kayong tulungan sa lahat. Mahal na mahal kita…” sabi niya kasabay nang paghalik niya sa kamay ko.

Ngumiti nalang ako at kahit nailang ako sa ginawa niya ay hinayaan ko nalang siya doon.

Mabait na lalake si Kai at palagi siyang nakasuporta sa pamilya namin simula nang hindi pa namamatay ang asawa kong si Armando. Mas matanda man kami ng tatlong taon sa kanya ay matured itong mag-isip at ang kapakanan lang ng dalawang anak niya ang inaalala niya.

Single Dad si Kai at mag-isang itinaguyod sina Morris at Michelle. Katrabaho niya si Armando na katulad niya ay isa ring pulis. Hindi na siya nag-asawa simula nang namatay sa panganganak ang asawa niya.

At ngayon nga ay inamin niya sa akin na mahal niya ako at gusto niyang manligaw sa akin. Nakumbinse niya akong pumayag dahil sa utang na loob na tinatanaw ko sa kanya.

Sa tuwing wala kaming pambayad sa ospital o pambili ng gamot sa stroke ni Armando at pambili ng gamot sa sakit sa puso ni Janjan ay pinapahiram ako ni Kai ng pera ng walang pag-aalinlangan. Pati ang maintenance ko sa sakit kong diabetes ay siya na rin ang nagbibigay. Naka-alalay siya sa pamilya ko simula nang magkautang na din kami kay Ravi dahil sa pagkakautang ni Armando sa isang casino na isinangla pa ang sarili naming bahay. Hindi kami pinabayaan ni Kai hanggang sa huli.

Maagang nagkasakit si Armando sa edad niyang 32 dahil sa bisyo nitong paninigarilyo at may sakit pa ito sa puso na namana ni Janjan kaya nastroke ito at na-admit sa ospital. Noong walang-wala kami ay nandiyan si Kai para sa amin.

Inamin sa akin ni Kai na matagal na niya akong mahal ngunit pinipigilan niya lang ang kaniyang nararamdaman tanda ng pagrespeto sa nabubuhay pang si Armando.

At ngayong wala na ang asawa ko ay nagpakita na ng interes si Kai sa akin at humingi siya ng permiso para ligawan ako.

Pumayag ako dahil sa pagtanaw ng utang na loob ko sa kanya. Magiging nobyo ko man si Kai ay hanggang doon lang iyon dahil wala talaga akong nararamdamang pagmamahal sa kanya, dahil kahit namatay na si Armando at may hindi man ito nagawang mabuti sa amin ng mga anak niya ay si Armando pa rin ang tanging lalakeng minamahal ko.

Katulad sa sitwasyon ko ang anak kong si Clarisse ngunit tanggap ko ang pagmamahal ni Kai kahit hindi ko masuklian iyon.

Ito iyong klaseng pagmamahal na hindi kailangang maging romantiko ang dalawang magkasintahan dahil lang may relasyon kayo.

“Salamat, Kai.” pasasalamat ko kay Kai.

Ngumiti siya at inanyayahan na kami ni Janjan na mananghalian. Siya na ang nagluto ng kakainin namin. Si Arman ay may pasok sa trabaho samantalang si Clarisse naman ay kasama pa rin si Ravi. Tinext daw ni Ravi si Arman at sinabing nasa condo unit raw ngayon ni Ravi ang anak ko.

Hindi ko mapigilang matakot at mag-alala sa kalagayan ni Clarisse ngayon. Paano nalang kung magalit na naman sa kanya si Ravi at tutukan ulit siya ng baril at baka patayin?

Diyos ko, nawala na sa akin si Armando at hindi ko kakayanin kung mawala rin sa akin ang anak kong babae.

“Siya nga pala, Clara. Sinabi ko na kina Mama at Papa na nililigawan na kita. Sa isang linggo ay pupunta sila dito sa bahay para makita ka at pati na rin ’yung kambal ko.” nakangiting sabi ni Kai kaya napatigil ako.

“H-hindi ba’t parang ang bilis naman yata na makilala ko kaagad ang mga magulang mo, Kai? Nililigawan mo palang ako at-”

“Clara, excited na silang magkaroon ulit ako ng asawa dahil ilang taon rin akong naging single dad. Gusto rin nilang magkaapo ulit dahil mahilig ang mga ’yon sa mga bata.” sabi ni Kai na hinaplos ang balikat ko.

Hindi ko pa nakikita ang mga magulang ni Kai dahil nakatira raw ang mga ito sa probinsya at may kaya din sa buhay. Sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan at nabahala.

At iyong tungkol naman sa pagkakaroon ng anak, handa na ba talaga ako para doon?

Tinignan ko si Kai. Bata pa siya, responsableng ama sa mga anak niya, gwapo at matangkad rin. Maraming babae ang pwedeng magkagusto sa kanya. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa akin pa siya nagkagusto, sa akin na asawa ng kaibigan niya.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Kai at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at pag-aasikaso sa pagkain ni Janjan. Wala akong makapang sabihin sa kaniya dahil nabibilisan talaga ako sa mga pangyayari.

May pinoproblema pa ang anak ko na problema rin ng pamilya namin.

“Kung sa tingin mo ay makakawala ka na sa akin, Clara pwes ay hindi mangyayari ’yon. Pumayag kang magpaligaw sa akin kaya ngayon ay parte na ako ng buhay mo.”

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara dahil sa sinabi ni Kai.

Nakatingin siya sa akin ng mariin dahilan kung bakit ako kinabahan.

“K-Kai, ano bang sinasabi mo?” nalilito kong tanong.

Bigla nalang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Kai at nginitian niya na ako.

“Biro lang. Kumain kayo ni Janjan nang marami. Marami pa akong nilutong kare-kare sa kusina,” sabi niya at pinagsandok na kami ni Janjan ng ulam sa plato namin.

Nakahinga ako nang maluwag dahil biro lang pala iyon pero hindi ko maiwasan na kabahan sa sinabi ni Kai dahil para kasi iyong totoo.

CLARISSE’S POV

“Do your cheeks still hurts?” tanong ni Ravi na kakapasok palang sa loob ng kwarto na nanggaling sa kusina.

Umiling ako dahil maayos naman na ang pakiramdam ko. Inalagaan ako ni Ravi kagabi at isinugod rin sa ospital. Maayos na ang pakiramdam ko dahil nagamot na ako ng mga nurse.

Kahit medyo kumikirot pa ang balakang ko gawa ng pagtulak sa akin ni Lexi sa sahig ng restroom at masakit pa ang anit ko ay maayos na rin ang kalagayan ko.

“I made you some breakfast. Kumain ka muna,” sabi ni Ravi at inilagay sa kamang hinihigaan ko ang tray ng pagkain na dala niya. Umupo naman siya sa edge ng kama.

May niluto siyang hotdogs, eggs, bacon at kanin. Mayroon ring isang baso ng gatas.

Hindi ako sumagot at uminom nalang ng isang baso ng gatas.

“I’m sorry if Lexi and Piper did that to you. I had no idea they still liked me. Lexi deserved to have her arms shot.” madiing sabi ni Ravi na kumuyom ang kamao.

“Ravi, nasaktan man nila ako ay sana’y hindi mo nalang ginawa ’yon. Paano nalang kung tuluyan mong napatay si Lexi?” sabi ko.

“No, Clarisse. Lahat ng mananakit sa’yo ay sasaktan ko rin. Ako lang ang may karapatang manakit sa’yo. Tandaan mo ’yan!” sagot ni Ravi at tinignan ako ng matalim.

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero dahil wala akong lakas para makipagtalo sa kanya ay tumahimik nalang ako.

Oo, siya lang ang pwedeng manakit sa akin dahil kontrolado niya ako at minamanipula ang pamilya ko. Wala talaga siyang kasing sama.

Pagkatapos akong magamot ng mga nurse sa ospital na pinagdalhan sa akin ni Ravi kagabi ay dinala niya ako dito sa condo unit niya. Ito ang unang beses na makapunta ako dito. Malaki at malawak ang unit niya, kakaunti lang rin ang mga gamit at ang ibang mga furnitures ay nakatakip ng tela at mukhang hindi pa nagagamit. Minsan niya lang yata ito kung puntahan pero malinis pa rin naman.

Wala kaming imikan ni Ravi habang kinakain ko na ang hinanda niyang almusal para sa akin. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako at ako naman ay wala nang pakialam sa kanya.

Useless lang din naman kung kakausapin ko siya at sasabihing ayoko nang ipagpatuloy ang relasyon namin pero siya naman ang nasusunod sa lahat ng gusto niya.

Kontrolado niya ang buhay ko at ng pamilya ko at wala akong ibang magawa kundi ang sundin siya.

“Wala ka bang ibang sasabihin sa akin, Clarisse?” pag-imik bigla ni Ravi kaya tumingin ako sa kanya.

“Ano bang sasabihin ko sa’yo? Hindi mo naman ako pinapakinggan,” malamig kong sabi.

Tumahimik si Ravi at hindi na muling nagsalita pa. Ilang saglit pa ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa edge ng kama niya at hinilot ang sintido niya.

Kagabi pa siya walang tulog sa kakabantay sa akin at naalimpungatan pa nga ako kagabi na umiinom siyang mag-isa dito sa loob ng kwarto niya. Mukha siyang stress at pagod dahil sa mga nangyari.

“I’ll be back,” Paalam sa akin ni Ravi at umalis na siya sa loob ng kwarto.

Ako naman ay pinagpatuloy nalang ang pagkain ko hanggang sa maubos ko na ito. Pagkatapos kong kumain ay natulala nalang ako sa kawalan.

Wala na yata akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak kaya ngayon ay wala na rin akong mailuha pa.

Sa kabilang parte ay namiss ko bigla si Kuya Duke.

Ngayong wala na akong cellphone at hindi ko na siya makakausap pa dahil kailangan ko na rin siyang iwasan ay hindi ko mapigilang malungkot.

Para sa ikabubuti niya ay hindi na dapat kami magkita pa at mag-usap. Dahil kapag nalaman ni Ravi na isa si Kuya Duke sa dahilan kung bakit gusto kong makipaghiwalay sa kanya ay magiging magulo lang ang lahat.

Isang oras rin nawala si Ravi hanggang sa bumalik na siya at inabot sa akin ang isang bagong cellphone na iPhone ang brand. Kinuha ko nalang ito dahil wala rin naman akong magagawa.

“This is your new phone, and it already has my only contacts; it’s prepaid, so you don’t have to worry about your load.” sabi niya.

Tumango nalang ako.

Nagtagal pa kami ng ilang oras sa condo unit niya bago niya napagpasyahan na iuwi na ako sa amin. Hindi na rin pala ako nakapasok sa school at absent na ako ng dalawang araw.

Pagkarating namin sa bahay ay kaagad akong sinalubong nila Mama at Janjan kasama si Tito Kai. Tinanguan naman ni Tito Kai si Ravi na tumango lang rin sa kanya.

“Sinasaktan mo ate ko! Bad ka!”

Nagulat nalang kami nang biglang lumapit si Janjan kay Ravi at pinagpapalo ito sa braso. Lumapit naman sina Mama at Tito Kai kay Janjan para pigilan ito sa ginagawa niya.

“Janjan, tumigil ka!” Pagsuway ni Mama kay Janjan pero umiyak lang si Janjan sabay lapit sa akin at niyakap ako.

“Ate Clarisse, kay Kuya Duke ka nalang. Ayokong maging boyfriend mo ang masamang lalakeng ’yan!” umiiyak niyang sabi.

Doon ay biglang natigilan si Ravi at masamang tinignan si Janjan.

“What did you say? Duke as your sister’s boyfriend? Are you nuts?” galit na sabi ni Ravi habang dinuduro ang kapatid ko.

“Gusto ni Kuya Duke si Ate Clarisse. Mabait siya at hindi niya sinasaktan ate ko. Ikaw bad ka dahil sinasaktan mo ate ko! Bad ka!” umiiyak pa ring sabi ni Janjan kaya wala nang ibang nagawa si Mama kundi ang hilahin ito papasok sa loob ng bahay.

Humingi naman ng paumanhin si Tito Kai kay Ravi bago sumunod kina Mama at Janjan.

Kinabahan ako nang makita ang pagkuyom ng panga at mga kamao ni Ravi. Para itong sasabog na sa galit.

“So, Kuya Duke likes you, huh?” sarkastikong sabi ni Ravi at tumingin siya sa akin sa galit niyang mga mata.

Doon ay kinabahan pa akong lalo.

-Ajai_Kim

Chapter 20

DUKE’S POV

“My bodyguards are right, you’re Clarisse’s side boy right now,”

Tumingin ako sa lalakeng pumasok sa loob ng opisina ko.

It’s my cousin, Ravi.

If looks can kill, he can certainly kill me.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

Ano ang ibig niyang sabihin doon? Pinamamanmanan niya sa mga bodyguards niya si Princess?

Noong isang araw pa mainit ang dugo ko dahil hindi ko na macontact si Princess. Nagpunta rin ako sa bahay nila pero ang sabi ng Mama niya ay nasa bahay pa raw siya ng kaklase niya para gumawa ng project nila.

Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ko dahil sa sobrang pag-aalala kay Princess. Napagbubuntunan ko pa tuloy ng galit at inis ang mga empleyado ko. This is my attitude, which I despise, but I can’t help myself.

I’m not sure, but I have a feeling she’s avoiding me because of her boyfriend na ngayon nga ay alam nang nakakasama ko siya kung minsan.

Napangisi ako.

“You make an effort para lang manmanan mo ang bawat kilos ni Clarisse? Ganyan ka na ba talaga kapossessive sa kanya, Ravi?” sabi ko at tumayo na sa kinauupuan kong swivel chair.

Wala pa ako sa kalahati ng trinatrabaho kong mga papeles dahil wala talaga akong mood na magtrabaho ngayong araw. However, I am consuming myself in order to work para man lang pahupain ang demonyong naglalaro na naman sa loob ko.

I’ve already changed, and I’m trying to be a normal person, probably a normal loverboy who understands his girl’s sentiment.

“What does it matter to you? She’s my girlfriend, and I have the right to guard and look after her.” mas lumapit sa akin si Ravi at nakikita ko ang sobrang galit na nagmumula sa mga mata niya.

When I look at him, he reminds me a lot of myself. Bukod sa magkamukha kami ay pareho din kami ng paraan ng pagmamahal. It’s obssessive and possessive love.

At iyong paraan ng pagmamahal na iyon ay sobrang mali pala talaga.

Kendrick dealt with me in the same way that I dealt with Haya previously, and he’s tough enough to put up with my shits.

I chuckled. “Guard and look after her? Sinasakal mo siya, Ravi. Hindi ka niya mahal pero pinipilit mo ang sarili mo sa kanya sa pamamagitan ng pera mo-”

Bigla akong kwinelyuhan ni Ravi at sinuntok sa mukha. Hindi naman niya ako napatumba dahil mas matangkad at malaki pa rin ako kaysa sa kanya pero tangina! Ang sakit niyang manuntok!

“You like Clarisse, don’t you? You like her and want her to steal from me. Wala ka pa ring pagbabago, Kuya Duke. Ang hilig mong mang-agaw ng babaeng pag-aari na ng iba!” he shouted.

Natahimik ako at any time ay gusto ko na ring suntukin si Ravi. The beast within me is forming at baka kapag hindi ako nakapagpigil ay mapapatay ko itong si Ravi.

“Oo. Noon nga ay may nagawa akong pagkakamali, Ravi pero ngayon ay hinding-hindi ko na gagawin ’yon. I’ve had my chance with your girl at hindi mo ako mapipigilan doon.” madiin kong sabi dahilan para suntukin ulit ako ni Ravi sa pangalawang pagkakataon.

Nalaglag na tuloy sa sahig ang mga papeles na kanina ko pa binabasa at pinipirmahan.

Sa panga ko tumama ang kamao niya at napuruhan niya ang ibabang labi ko kaya nagdugo na ito. Shit!

Kaunti nalang talaga at papatulan ko na siya. Kung ako lang ang dating Duke, malamang ay kanina ko pa siya napatay sa bugbog ko.

Ravi laugh. “At sa tingin mo ay papayag ako doon? Hangga’t nasa akin si Clarisse ay hindi siya maaagaw ng ibang lalake sa’kin. She’s all mine. Mine? Do you understand?” he smirks, making my blood boil.

“She’s not yours.” I declared.

“Paano kaya kung sabihin ko kay Clarisse ang lahat ng mga kasamaan na ginawa mo noon kina Kuya Kendrick at sa asawa niya? Clarisse will despise you if she knows you’re an obsessed and creepy man.” then he smirks again.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Ravi at bigla akong nakaramdam ng takot doon.

I don’t want my princess to know who I am before she meets me. I wish I could forget everything I did to Kendrick and Haya. It’s entirely my fault that those two had such a complicated relationship. My obsession with Haya drives me to be evil and selfish.

“Out of words, Kuya Duke? Bakit? Natatakot kang malaman lahat ni Clarisse ang mga pagkakamali mo noon at baka maging dahilan pa ’yon nang ikakasira mo sa kanya?” ngumiti si Ravi na para bang nakuha niya ang kahinaan ko.

At ang kahinaan kong iyon ay baka malaman ni Princess ang mga nagawa kong kasamaan at tuluyang lumayo ang loob niya sa akin.

Kung mangyayari iyon ay talagang mababaliw na ako.

Ravi is looking at me intently. “These are my final words to you, Kuya Duke. Leave my girlfriend alone or else I will destroy you and even your reputation. We’re cousins, right? We share the same bloodline. If you’re already insane and dangerous, so am I. What is mine is mine alone.”

Pagkatapos ay naglakad na siya papaalis at malakas na sinarado ang pintuan ng opisina ko hanggang sa makalabas na siya.

Bigla akong nanghina sa sinabi ni Ravi at nasubunutan ko nalang ang sarili ko. I’m at a loss for what to do, and I don’t want to lose my princess as well.

Pero hindi, hindi ako pwedeng matakot sa mga pagbabanta ni Ravi.

As if namang lalayuan ko si Princess.

Fuck the shit of him! I can’t abandon Princess to a fucktard like Ravi. I’ll go to any length to get her and assist her with whatever she requires.

Kaya siguro hindi na ako magawang macontact ni Princess at iniiwasan niya ako ay dahil sa nalaman ni Ravi na may koneksyon na kami sa isa’t-isa. Hindi na ako magtataka doon dahil gago ang hayup na Ravi na iyon.

I look at my wristwatch; it’s 4:50 p.m., and my princess’s school dismissal time is 5 p.m. I need to talk to her right now.

Tinanggal ko ang suot kong black coat at pinalinis nalang sa isa sa mga empleyado kong si Jimel ang mga nagkalat na papeles sa sahig.

Gusto pa yatang magtanong ni Jimel kung bakit may sugat ako sa labi pero mukhang natatakot siyang magtanong kaya nanahimik nalang siya. That’s good dahil baka sa kanya ko pa ibunton ang inis at galit ko kay Ravi.

Kaagad akong nagmaneho papunta sa university nila Princess. Wala akong pakialam kung sinundo rin siya ni Ravi doon basta ang nasa isip ko lang ay gusto ko siyang makausap ngayon.

The hell out of me is driving me insane. I no longer want Princess to be with Ravi.

Saktong 5 p.m nang makarating ako sa St. Therese University. Pinasok ko na ang kotse ko sa loob ng school dahil kilalang-kilala naman ako ng mga guards, principals, faculty members at officers dito dahil sponsored ito ni Mom at nagbibigay kami ng donation every month.

Pagkapark ko ng kotse ko sa harap ng building nila Clarisse ay lumabas na ako sa loob ng kotse. May mga estudyante nang nagsisilabasan sa mga classroom nila at napapatingin sila sa direksyon ko.

Baka tinitignan nila ’tong labi ko na may sugat na kagagawan ng punyetang si Ravi.

Patingin-tingin lang ako sa suot kong wristwatch nang makita kong naglalakad papalapit sa akin si Haya.

Kumaway siya sa akin at ako naman ay nginitian siya.

“Duke, nandito ka pala. Si Camille ba ang hinahanap mo?” tanong ni Haya nang makalapit na siya sa akin.

I scratch my chin. “Ah, I’m waiting for someone and need to talk with her,” I explained shyly.

Tinignan naman ako ni Haya nang makahulugan at ngumisi siya.

“Her? So, babae ’yon? May nililigawan ka bang estudyante dito, huh?” nang-uusisa niyang tanong.

Ewan ko ba pero ngayon lang talaga ako nahiya nang ganito kay Haya. Noon pa man ay walang hiya na talaga ako sa paningin niya pero iba pala talaga kapag pinag-uusapan namin si Princess na kapwa babae din katulad niya at ang babaeng kinahuhumalingan ko ngayon.

“Yeah,” I admitted. Panliligaw na ang ginagawa ko kay Princess kahit mukhang hindi pa niya alam iyon.

Pumalakpak naman si Haya sa sinabi ko.

“Totoo pala talaga ang sinabi sa akin ni Kendrick na may babae ka nang nagugustuhan. Duke, congratulations! I’m so happy for you,” she said as she congratulated me.

Ngumiti naman ako. I’m wondering if I still love Haya, but I can’t feel anything for her right now. I still admire her, but it’s no longer love; it’s just a friendship.

“Thank you, Haya.” I answered.

Natigil lang sa pagngiti si Haya nang mapansin niya ang sugat sa ibabang labi ko. She moved in closer to examine my swollen lips.

“May sugat ka sa labi mo, Duke. Sinong gumawa niyan sa’yo?” She inquired, concerned.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. “It’s nothing. Don’t worry.” sabi ko.

“Anong it’s nothing? Baka magkaroon pa ng infection ’yan hangga’t hindi nagagamot. Baka magalit ’yung best friend mo kung dahil dyan ay mamamatay ka. Wait, I’ll get my medicine kit and treat your wound.” sabi ni Haya na binuksan ang dala niyang bag at may kinuha sa loob no’n na isang maliit na medicine box.

Binuksan niya ang laman ng medicine box. She obtains betadine, a band-aid, and cotton.

Pinaupo niya ako sa isang bench sa tapat pa rin ng building nila Princess at wala na akong nagawa nang inumpisahan niyang gamutin ang sugat ko sa labi.

Tinitigan ko si Haya. She’s still a caring, lovely, and good woman, which is why I fell in love with her. She’s a good match for Kendrick, who is also my caring bestfriend.

Hindi niya pa rin alam ang nangyari kay Jace. Jace is still alive, and Kendrick has him hidden somewhere far away, along with Karl Jude and Rowan, whom Kenneth has also hidden.

Ang akala niya ay tuluyan na niyang napatay si Jace dahil sa pambubugbog dito pero buhay pa rin ito. Hallucinations lang pala iyong nakita kong pinagsasaksak niya si Jace sa iba’t-ibang parte ng katawan nito.

Kendrick kidnapped and tried to kill me along with Jace. Hindi niya napatay si Jace dahil lahat nang nakita ko noon ay hallucinations ko lang.

My hallucinations, obsession, possessiveness, and insanity had previously taken me, which is why I was admitted to the hospital numerous times, as well as my three failed suicide attempts.

“Ayan, tapos na!” sabi ni Haya nang matapos niyang gamutin ang sugat ko sa labi at malagyan ito ng band-aid.

“Thank you, Haya,” I said.

“Wala ’yon. Ingatan mo nalang ang sarili mo sa susunod dyan sa kaaway mo,” natatawa niyang sabi at kukunin na sana ang bag niya sa tabi ko nang ma-out of balance siya at napasubsob siya sa dibdib ko.

Nagulat kaming pareho doon at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Princess sa hindi kalayuan na nakatingin pala sa amin ni Haya. Kasama niya ang kaibigan niyang lalake na si Morris na nakatingin din sa amin.

“Nako, sorry, Duke. Hindi ko sinasadya!” paumanhin ni Haya at kaagad siyang tumayo.

Hindi ko na nasagot si Haya dahil nakita kong tumakbo na papaalis si Princess na sinundan naman ni Morris.

Tumayo na rin ako sa bench at nilingon si Haya na nakatingin sa tumatakbong papalayo na si Princess.

“Hala! Siya ba ’yung babaeng nililigawan mo, Duke? I’m sorry at baka iba ang iniisip niya sa atin sa nadatnan niya,” Haya expressed concern.

“It’s all right, Haya. I’ll explain that she’s thinking incorrectly. I have to go. Thank you for treating my wound.” I thank Haya.

“No problem,” she said, smiling. “Go get your girl.”

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at sinundan na si Princess.

What does it imply? Is the princess jealous? Did she already have feelings for me?

Fuck it! I hope so, because if she is, she is already mine.

-Ajai_Kim

Chapter 21

CLARISSE’S POV

“Princess!”

Natigil ako sa pagtakbo nang mahuli ni Kuya Duke ang isang braso ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin pero ayaw niya akong bitawan.

“Bitawan mo ako!” madiin kong sabi.

“What you saw earlier is-”

“Wala akong pakialam sa paliwanag mo! Bitawan mo na ako.” banta ko at sinamaan siya ng tingin.

Binitawan na rin ako ni Kuya Duke at narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura at pagsabunot sa sariling buhok na para bang problemadong-problemado siya.

Napansin ko ang sugat sa ibabang labi niya na may band-aid at hindi ko alam kung bakit may ganoon siya pero hindi ko na dapat pang isipin iyon.

“Clang!”

Nakita kong naglalakad papalapit sa amin si Morris at nilapitan niya ako. Tinignan pa niya nang may pagtataka si Kuya Duke na masama ang timpla ng mukha.

Iniiwasan ko na si Kuya Duke dahil hindi tamang nagkikita at nag-uusap pa kami. Nang malaman ni Ravi na gusto ako ng pinsan niya ay halos magwala na siya sa galit. Binantaan ako ni Ravi na kapag hindi ko nilayuan si Kuya Duke ay may masamang mangyayari.

Mahirap man ay kailangan ko siyang sundin. Ayokong mapahamak pa ulit ang pamilya ko nang dahil sa pakikipaglapit ko kay Kuya Duke.

“I came here to speak with you personally. Alam kong iniiwasan mo ako and I have an idea na dahil ’yon kay Ravi at nalaman niyang gusto kita. Let us fix and face everything. I don’t want you to be in Ravi’s arms suffering. I’ll help you and your family. Please allow me to enter your world, Princess…” Akmang hahawakan sana ni Kuya Duke ang kamay ko nang kaagad ko iyong iniwas.

Si Morris naman ay halata ang gulat dahil sa sinabi ni Kuya Duke.

Umiling ako. “Hindi, Kuya Duke. Layuan mo na ako para tumahimik ang mundo ko. Kailangan kitang iwasan dahil ’yon ang mas makakabuti para sa’tin. Kilala mo si Ravi at delikado siyang tao. Madadamay ka lang sa galit niya.”

At mukhang masaya ka sa babaeng kasama mo kanina. Ang ganda niya pa at halatang

nakakaangat

siya sa buhay.

Hindi ko mapigilan ang selos na naramdaman ko kanina nang makita si Kuya Duke kasama iyong babaeng nakasandal sa dibdib niya. Sino iyon at bakit magkasama sila?

Wala naman akong karapatang magselos dahil walang kami pero dahil sa may gusto ako sa kanya ay hindi ko iyon napigilan. Kahit noong nagkagusto ako kay Tyron ay hindi ako nakakaramdam ng selos sa mga babaeng nagkakagusto rito pero kapag kay Kuya Duke… masakit pala.

“Wala akong pakialam kahit magalit si Ravi sa akin. Do you think he’s doing the right thing by controlling you and your family because of his obsession with you? He’s crazy, and if you keep your relationship with him, he’ll hurt you in the future!” sigaw niya na ikinagulat ko.

“Huwag mo ngang sigawan si Clarisse!” pagsabat ni Morris at masamang tinignan si Kuya Duke na tinignan rin siya ng masama.

“Don’t meddle here, kiddo! Who are you to speak to me like that? This is between me and Clarisse,” Madiing sabi ni Kuya Duke.

Hindi makapaniwalang umiling si Morris. “Hindi na ako magtataka kung saan nakuha ni Ravi ’yong kasamaan niya. Magkatulad talaga kayong magpinsan. Naghahangad kayo ng babaeng hindi naman kayo gusto at pilit niyong pinipilit ang-”

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit si Kuya Duke kay Morris at kwinelyuhan ito. Nanginginig ang mga kamao niya sa pagpipigil ng galit.

“Shut the fuck up!” sigaw ni Kuya Duke at itinulak sa sahig si Morris kaya natumba ito.

Nilapitan ko kaagad si Morris at inalalayan siyang makatayo sa sahig. May galit ko namang tinignan si Kuya Duke na madilim pa rin ang mukha.

“Wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko! Umalis ka na dito at layuan mo ako. Huwag ka na rin’g magpakita sa akin.” mariin kong sabi.

Sa sinabi ko ay awtomatikong lumambot ang ekspresyon ang mukha ni Kuya Duke at parang maluluha na siya.

“I-I’m sorry, Princess… nadala lang ako sa galit ko. Don’t make this hard for us. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang iwasan ka. I’m really really sorry…” malungkot niyang sabi na napaluhod na sa sahig.

Lumunok ako para pigilan ang pagluha ko.

Hindi ko pwedeng ipakitang apektado ako kay Kuya Duke dahil aasa lang siya sa akin. Magiging magulo ang sitwasyon kung ipagpipilitan niyang pumasok sa buhay ko. Ayokong masira ang pamilya nila ni Ravi at hindi iyon maaatim ng konsensya ko.

“Tara na, Morris,” sabi ko kay Morris at hinila na ito paalis.

Iniwan namin si Kuya Duke na nakaluhod pa rin sa sahig habang nakayuko. Sana ay ito na ang huling pagkikita namin at tigilan na niya ako.

“Gusto ka pala ng matandang ’yon,” nakangising sabi ni Morris.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain ng meryenda na hinanda para sa amin ni Mama. Nakauwi na ako sa bahay at kasama ko si Morris.

“Katulad ng pinsan niya ay baliw at obsessed din siya. Mukha siyang Mafia leader na nananakit ng tao pero pagdating sa’yo ay nagmumukha siyang mahina, Clang. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Tsk!” sabi ni Morris na sumandal sa headrest ng sofa.

Gusto kong patigilin si Morris sa mga sinasabi niya dahil mas nasasaktan lang ako sa mga patamang sinasabi niya kay Kuya Duke pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

“Sino kaya ’yung babaeng nakasandal sa dibdib niya kanina? Mukhang senior natin ’yon at maganda rin,” Napahinto ako sa sinabi ni Morris at biglang nakaramdam ng pagsikip ng dibdib.

“Mahal ka niya pero may ibang babae naman siya? Ikaw daw ang pinuntahan niya sa school o ’yung babae niya-”

Binagsak ko ang kutsara sa platito ko at masamang tinignan si Morris na nagpatigil sa kanya.

“Tumigil ka na, Morris at ’wag mo nang banggitin sa akin si Kuya Duke,” sabi ko.

Ngumiti lang si Morris at tumango. “Sorry, Clang.” aniya at nagpatuloy sa kinakain niyang cassava cake.

“Siya nga pala, bakit mo sinabi sa akin na gustong manligaw ni Vendrex at wala kang alam doon? Pero ikaw mismo ang pumilit sa kanya na ligawan ’yong Maricel na ’yon?” nagdududa kong tanong kay Morris na natigil sa pagkain dahil sa binanggit ko.

“Ginawa ko lang ’yon para na din kay Vendrex at ayokong umasa ka dahil hindi ba’t may crush ka sa kanya? Paano kapag nalaman ’yon ni Ravi? Gusto mo bang maulit ’yong ginawa ng obsessed mong boyfriend sa pamilya mo?” seryosong sabi ni Morris.

“Pero hindi mo ’yon dapat ginawa, Morris. Hindi mo pwedeng pangunahan si Vendrex sa mga desisyon na dapat niyang gawin at matagal ko nang alam na hindi na ako makakawala kay Ravi,” saad ko.

Natawa naman si Morris. “Sumubok ka ngang makipaghiwalay kay Ravi dahil sa Duke na ’yon pero anong nangyari? Muntik na kayong mapahamak nila Tita Clara, Kuya Arman at Janjan. Ayokong mangyari ’yon sa inyo ni Vendrex, Clang.”

Uminom ako ng tubig at napabuntong-hininga.

“Hindi ka makikipaghiwalay kay Ravi kung wala kang nararamdaman sa pinsan niya, Clarisse. Gusto mo si Duke. Tama ba ako?”

Napahinto ako sa sinabi ni Morris.

Hindi ako makasagot.

“Sa lahat ng lalakeng magugustuhan mo ay ’yong pinsan pa talaga ni Ravi? Sa mas matanda pa sa atin ng isang dekada o higit pa?” Tumawa si Morris.

“Tumigil ka na, Morris,” madiin kong sabi.

Nginisian niya ako. “Bakit ako titigil, huh? Dahil totoo ang sinasabi ko? May gusto ka sa Duke na ’yon at ’wag mo nang itanggi-”

“Oo! Gusto ko si Kuya Duke at kailangan ko siyang layuan para sa kapakanan niya at ng pamilya ko. Ayan ba ang gusto mong marinig sa akin, Morris?!” pag-amin ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Tumahimik si Morris at tumiim-bagang.

“Gustong-gusto ko si Kuya Duke. May nararamdaman ako para sa kanya na hindi ko pa naramdaman noon kina Tyron at Ravi. Kahit masakit na iwasan at layuan siya ay ginagawa ko ang makakabuti para sa amin. Masakit na nasasaktan rin siya nang dahil sa akin….” sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Noong makita ko kanina na napaluhod na si Kuya Duke sa sahig ay parang sinasaksak ang puso ko na makita siya sa ganoong kalagayan. Doon ko nakita kung gaano niya ako kamahal at sobrang nasaktan sa desisyon kong tuluyan siyang iwasan at layuan.

Wala sa itsura ni Kuya Duke na pwede siyang masaktan at manghina. Malaking tao at matapang kung tignan pero gaya nga ng sinabi ni Morris ay nagmumukha siyang mahina pagdating sa akin.

Pagkatapos nang huli kong sinabi ay hindi na sumagot si Morris at tahimik lang na kumain ng meryenda. Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na akong didiretso na sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Morris at nang nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto ko ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

“I’m sorry sa mga nasabi ko, Clang. Nag-aalala lang talaga ako sa’yo,” sabi niya.

Tumango ako at niyakap siya pabalik. “Ayos lang ’yon, Morris. Naiintindihan ko.”

Humiwalay ng yakap si Morris at hinaplos niya ang pisngi ko.

“Tandaan mong nandito lang ako para sa’yo. Iwanan ka man ng lahat ay mananatili lang akong nasa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan…”

Napangiti ako sa sinabi ni Morris. Ang swerte ko dahil naging best friend ko siya. Kung nabubuhay lang si Tyron ay magiging proud din siya kay Morris sa pagiging mabuting kaibigan nito.

“Salamat, Morris,” sabi ko.

Ngumiti rin si Morris at muli niya akong niyakap.

“Eres

mía

, Clarisse…“

CAMILLE’S

POV

Sobra na akong nag-aalala kay Kuya Duke dahil kagabi pa siya hindi lumalabas sa loob ng kwarto niya at kinabukasan ngayong hapon ay hindi pa rin siya lumalabas.

Tinawagan ko si TJ kanina at pinapunta dito sa bahay. Naka-lock ang pintuan ng kwarto ni Kuya Duke at ilang beses namin siyang kinakatok pero hindi siya sumasagot kaya mas nadagdagan pa ang takot at kabang nararamdaman ko.

History repeats itself. This happened before when he was heartbroken over Haya. I saw how devastated and messed up Kuya Duke was. He attempted suicide three times, and luckily he is still alive.

“TJ, I’m so scared… I don’t want my brother to be depressed and devastated again. He’s been doing well recently, but now he acts this way again,” I told TJ, who was busy unlocking my brother’s door with the sparekey.

“Camille, ’wag kang masyadong mag-isip ng masama. Makakasama ’yan sa magiging baby natin,” nag-aalalang sabi ni TJ at hinalikan ang noo ko.

I nodded, wiping away my tears.

Nang mabuksan ni TJ ang pintuan ng kwarto ni Kuya Duke ay kaagad kaming pumasok sa loob.

Naiyak pa akong lalo nang makita ang kapatid ko na nakaupo sa sahig ng kwarto niya na tulala at may hawak na bote ng beer na kalahati na lang ang laman.

Nakita ko rin ang mga nagkalat na upos ng sigarilyo sa sahig at mga bote ng beer na wala nang laman. Iyong iba ay basag na.

He’s doing this again.

“Kuya Duke…”

Lumapit ako kay Kuya Duke at niyakap siya habang umiiyak. Nanatili pa rin siyang tulala at hindi nagsasalita.

Sanay na kami ni TJ na makitang nagkakaganito si Kuya Duke at nang dahil iyon kay Haya noon. We also skip classes to keep an eye on my brother.

“What happened, and why are you doing this again?” I confronted Kuya Duke.

“My Princess no longer wants me in her life… she dumped me, she doesn’t like me…” he replied flatly.

Princess? Si Clarisse ba na nakilala ko sa ice cream parlor shop ang tinutukoy niya?

And then I recall that Kuya Duke is interested in that girl, and he referred to Clarisse as Princess because she resembles a Princess.

“Do you love her?” I asked my brother.

He nodded and look at me. “I love her more than I loved Haya before,”

Nagkatinginan kami ni TJ. Malungkot naman siyang umiling.

He falls in love with Clarisse so quickly? This is a serious matter, and if Kuya Duke acts like this, it will be very dangerous for him because we know how he can be madly deeply in love with someone, causing him to take his own life. I’m afraid he’ll commit suicide again.

Nagulat na lang kaming dalawa ni TJ nang biglang nawalan ng malay si Kuya Duke at doon ko lang napansin ang mga antidepressant pills na nagkalat sa gilid ng kama niya.

Halos mangalahati ang laman sa loob ng bote ng antidepressant pills na ininom ni Kuya Duke. He overdose himself!

Binuhat ni TJ si Kuya Duke para madala namin siya sa ospital at ako naman ay lumabas ng kwarto para tawagin ang mga katulong at driver namin.

I’m terrified right now, and I’m hoping my brother is safe.

-Ajai_Kim

Chapter 22

KENDRICK’S POV

“Bro, do you want to eat? It’s already evening and you haven’t eaten anything,” I asked Duke, who was lying in his hospital bed.

Hindi sumagot si Duke sa sinabi ko at nanatili siyang walang imik.

It’s been a week nang isinugod siya sa ospital nina TJ at Camille at nagkaroon ng malay ay hindi na nagsasalita si Duke at minsan ay naaabutan ko na lang siyang tulala dito sa patient room.

According to the doctor, he has major depressive disorder and bipolar disorder. Inamin sa akin ni Camille na tatlong beses rin’g nagtangkang mag-suicide si Duke nang dahil sa pagkabigo nito kay Haya.

I feel sorry for my best friend. We had a rocky relationship in the past, but we’re still friends. I’ve already forgiven Duke for what he did to me and Haya, and I can see that he’s already changing and doing better for himself. He moved on from our past, but now that he’s in love for the second time with his cousin’s girlfriend, I feel sorry for him.

Bumuntong-hininga ako at naupo sa isang silya. Ako muna ang nagbabantay ngayon kay Duke dahil sina TJ at Camille ay nasa bahay nila at naghahanda ng mga damit at makakain na dadalhin dito sa ospital. Ang mga magulang naman ni Duke ay nasa business trip sa Australia at baka sa makalawa pa makauwi.

I texted my wife to let her know I was looking after Duke, and she told me I needed to keep an eye on him dahil baka may kung ano pa ulit na gawin ito sa sarili kapag hindi ko nabantayan.

Ganitong-ganito rin ako noon nang maaksidente ako at sinagasaan ni Duke. I felt like my entire world was collapsing, and I was so depressed and frustrated at the time because Duke really wants Haya, and I’m afraid he’ll take my little girl.

We are badass, have a scarier appearance, appear stronger, and no one can beat us, but when it comes to the girl we love, all of our strength and powerful aura can vanish.

Talagang in love na ’tong si Duke sa Clarisse na tinutukoy niya sa akin noon. At nagkataon na girlfriend ito ng pinsan niyang si Ravi.

“I need to get out of here. I have to work.”

Nagulat ako nang magsalita si Duke. Ito pa lang ang unang beses na nagsalita siya simula nang magkamalay siya dito sa ospital.

“Pero hindi ka pa magaling. You need to rest-”

Humarap sa akin si Duke at tinignan ako ng seryoso. “Ayokong magpakabulok dito sa ospital. Magaling na ako at marami pa akong kailangang tapusing trabaho.” sagot niya.

I sighed once more and clutched my nape. “Look, Duke, you still look tired and weak, and the Doctor said you need to stay here in the hospital for two weeks to monitor your-”

“I told you I needed to go home because I didn’t want to be here any longer!” sabi ni Duke na bumangon sa hinihigaang hospital bed at tinanggal ang mga nakasabit na suwero sa magkabilang braso niya.

Lumapit ako sa kanya para pigilan sa ginagawa niya. “Duke, ano ba? Pwede bang tumigil ka? Ayaw naming mapahamak ka sa ginagawa mo. Simply rest your ass and eat!” Inis kong sabi.

Sinamaan ako ng tingin ni Duke. “You don’t have to command me about what I’m going to do, Kendrick. You’re just a friend!” sabi niya at binangga pa ang kaliwang braso ko bago tuluyang lumabas sa hospital room.

Sinundan ko naman siya habang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital. He’s such a stubborn jerk! He was still wearing his hospital gown, and everyone in the hospital was looking at him.

“Duke!” Pagtawag ko kay Duke.

Nakababa na kami sa ground floor ng ospital at lalabas na sana si Duke nang hinarangan siya ng isang security guard na nagbabantay sa exit door.

“Sir, bawal pong lumabas ang pasyente-”

Napamura ako nang biglang itinulak ng malakas ni Duke ang security guard na tumama sa glass door ng exit door.

“I don’t need your opinion. You stupid poor guy!” singhal ni Duke at lumabas na sa loob ng ospital.

“He’s my friend. Ako na pong bahala sa kanya. I’m sorry,” Paghingi ko ng paumanhin sa security guard at sinundan si Duke.

“Duke, what are you doing? You don’t have your car here. Hindi ka makakaalis dito hangga’t hindi ka pa gumagaling!” sabi ko kay Duke nang maabutan ko siya at hinawakan ang isang braso niya.

He looks at me with his piercing eyes at pabalyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.

“Can you just leave me alone and let me do what I’m going to do? You have a happy life, but I’m still looking for mine … I only want peace and contentment, so please stay away from me!” he yelled.

I chuckled as I shook my head. “You want happiness in your life, but you’re still a jerk and a hard-headed,” I said, making him even angrier.

“Anong gusto mong ipamukha sa akin? Na mas umaayon sa’yo ang lahat at mahal ka ng babaeng gusto mo din? Ako na jerk at hard-headed kaya hindi ako magawang mahalin ng mga babaeng mahal ko? Yes, you are the best at everything, while I am the second option and still looking for happiness and love!” he sarcastically laughed.

Napahilamos ako sa mukha nang dahil sa inis sa gagong ’to.

Hanggang ngayon ay ganito pa rin si Duke. Nagbago nga siya pero hindi na talaga mawawala sa kanya ang insecurities sa akin. Walang kaso kung ganito ang nararamdaman niya pero ayoko lang siyang mapahamak sa huli at baka matuluyan na siya.

“Paano mo makukuha ang happiness at love na gusto mo kung ganyan ka umaktong siraulo ka? Sa tingin mo ba makakatulong ’yan para makuha mo ang babaeng mahal mo?” sabi ko na nagpatigil kay Duke.

Nanghihina siyang napaupo sa sahig at hinawi ang magulo niyang buhok.

“A-ayaw niya na sa akin. Pinapalayo na niya ako sa buhay niya. I’m going insane and losing myself again as a result of the pain in my heart…”

This guy. He loves too much, which puts him in danger. I can’t blame him because I was like this to my wife, Haya.

“Does she love you or is she interested in you?” I asked.

“She never said she liked me, but she appears to be interested in me.” sagot ni Duke.

“And she’s committed to your cousin, right? Hindi mo alam na ang babaeng nagustuhan mo ay girlfriend pa ng pinsan mo.” I smirked.

“But she doesn’t love Ravi,” Duke pointed out.

“Sa tingin mo ba ay pakakawalan siya ng pinsan mong kakulay mo din? Hindi, ’di ba? Let heal yourself first, Duke at saka ka na gumawa ng paraan para makuha ang babaeng mahal mo. You can’t make a move in your state of devastation.” sabi ko.

“I’m tired, Kendrick. I’ve been fighting my own demon since then, and I don’t think I deserve to be happy after what I’ve done to you and Haya…” nawawalang lakas na sabi ni Duke at yumuko ito.

Pinantayan ko siya at inakbayan. I know he has a heart, but when it comes to the girl he loves, he’s just too soft-hearted and weak.

Every woman desires Duke Melendrez. He has it all: looks, wealth, a stable love, and I know he will take care of his girl, but the girl he loves is already taken.

“Gusto mo bang pahirapan ’yong apat sa dungeon?” nakangisi kong tanong kay Duke na nag-angat ng tingin sa akin.

“You mean … Allison’s rapists?” tanong niya.

Tumango ako.

Buhay pa ang apat na iyon at ang akala ko talaga ay napatay ko si Jace sa matinding pambubugbog ko rito. Kapag masama talagang damo ay matagal pang mamatay.

Jace is now in our dungeon with Karl, Jude, and Rowan na kung saan ay doon namin sila pinapahirapan ni Kenneth. The authorities were already aware of what we were up to, and Kenneth used his connections and power to manipulate everything.

Pinalabas ni Kenneth sa akin noong una na pinatay niya sila Karl, Jude, at Rowan pero tinago lang niya ang mga ito sa dungeon para pahirapan at bigyan ng leksyon.

We will imprison them soon, but for now, we want them to suffer and repent for what they did to Allison, Haya, and the people they killed.

“Can I use them to vent my frustrations?” Duke asked me.

I nodded once more and smiled. “Parang ’yong ginawa lang nating pagpapahirap kina Paolo at Anthony. Duke, we are no longer criminal wannabes and psychopaths. We’ve already changed, haven’t we? But it’s right to punish them for what they’ve done … in a right way.” sabi ko.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti si Duke at tumango sa sinabi ko.

“Okay. I missed the time when I punished someone. I need to vent my frustrations before I make my move on her,” he said.

Ginulo ko naman ang buhok ni Duke. “Ganyan nga. Tangina mo! Pumasok na tayo sa loob ng ospital at magpagaling ka muna.” natatawa kong sabi at hinila na si Duke patayo.

Thank goodness he listened to me, and I hope Duke and his Princess will be happy soon.

CLARISSE’S POV

Isang buwan na ang nakalipas magmula nang huli kong makita at makausap si Kuya Duke. Hindi na siya nagpakita sa akin at sinunod nga niya ang sinabi kong layuan na niya ako.

Nasasaktan ako dahil hindi ko naman talaga gustong layuan niya ako pero wala akong magawa dahil para na rin ito sa ikakabuti naming dalawa.

Kakatapos lang ng dalawa kong klase sa English at Philippine History. Mag-isa akong kumakain sa Cafeteria nang makita ko si Vendrex na nakikipagtawanan kasama ang mga kateammate niya sa soccer.

Umupo sila sa isang bakanteng table at umalis ang dalawang kasama niya para pumunta sa counter at bumili ng pagkain nila.

Hindi ko alam kung bakit hindi na nagkikita at nag-uusap sina Morris at Vendrex. Hindi naman ako masagot ni Morris kung may alitan ba silang dalawa pero sa tingin ko ay oo.

Namimiss ko na ang kakulitan ni Vendrex at mabuti rin siyang kaibigan sa amin ni Morris. Kung may alitan man sila ay sana magkaayos na sila.

Nang bumalik ang dalawang kaibigan ni Vendrex sa table nila ay doon lang niya ako napansin. Nabigla pa siya nang makita ako at ako naman ay nginitian siya.

Kaagad siyang umiwas ng tingin at bumaling na sa mga kasamahan niya.

Galit ba siya sa akin?

“Clarisse!”

Tumingin ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Erika na naglalakad papalapit sa akin kasama ang boyfriend niyang si Kiro.

Maganda na ang pakikitungo ni Erika sa akin at hindi na ako sinusungitan. Marahil ay dahil sa natutuwa siya na nagtagal pa ng isang buwan ang relasyon namin ng kuya niya.

Mabait si Erika kung mas kikilalanin lang siya. Pati ang boyfriend niyang si Kiro ay napakabait din.

“Why are you here by yourself? Where is Morris?” tanong ni Erika nang makalapit sila sa akin at nasa likuran niya si Kiro na kinawayan at nginitian ako.

“Absent siya ngayon dahil pinuntahan ng pamilya nila ang puntod ng namatay niyang Mama.” sagot ko.

Tumango si Erika at hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako nang makita ang malungkot niyang ekspresyon.

“Is that so? Pwede bang dito na lang kami ni Kiro sa table mo?” tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. “Oo naman,”

“Babe, ako na lang ang o-order ng pagkain natin. Dito ka lang, okay?” sabi ni Erika kay Kiro.

“I’ll help you-”

“No. Ako na. Samahan mo na lang dito si Clarisse,” Pagputol ni Erika sa sinasabi ni Kiro at umalis na papunta sa counter ng Cafeteria.

Umiling si Kiro sa turan ni Erika at saka siya humarap sa akin. “How are you, Clarisse?”

Hindi ako okay dahil kay Kuya Duke.

“Ah, ayos naman ako,” sagot ko at ngumiti ng pilit.

Tinaasan ako ng kilay ni Kiro at pinagkrus ang kaniyang mga kamay. “I knew you were dealing with Erika’s brother. You’re so brave to be with him despite what he’d done to you.”

Nabigla ako sa sinabi niya at natigilan sa pagkain pero pagkaraan ay bumuntong-hininga ako.

“Wala akong magagawa, Kiro.” mahina kong sabi.

“You can help yourself if you get out of your comfort zone and face your happiness and reality.” seryosong sabi ni Kiro na nakatitig sa akin.

Umiwas lang siya ng tingin nang dumating na si Erika sa table namin at may dalang isang tray ng pagkain. Tinulungan naman siya ni Kiro at binilhan pa pala ako ni Erika ng pagkain kaya nagpasalamat ako rito.

Nang muli akong tumingin kay Kiro ay ngumiti siya.

-Ajai_Kim

Chapter 23

CLARISSE’S POV

After 5 years

“Happy 23rd birthday, Clarisse!”

Naiyak ako sa tuwa nang makita ang hinandang banner at cake para sa akin ng mga katrabaho ko.

Pagkatapos kong grumaduate ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology ay nag-apply ako bilang Computer Technician sa isang kilalang BPO company sa Pilipinas at kaagad naman akong na-hired.

Parang kailan lang ay 18 years old pa lang ako na nag-aaral sa St. Therese University at ngayon ay 23 years old na ako, may trabaho, at kumikita ng sariling pera para sa pamilya ko.

“Maraming salamat sa surpresa niyo,” sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa sayang nararamdaman.

“Make a wish and blow your candle na, ganda!” nakangiting sabi ng katrabaho kong si Trixie na may hawak na chocolate cake.

Pumikit ako at nanalangin pagkatapos ay hinipan ko ang kandilang nakasindi sa chocolate cake.

Nagpalakpakan ang mga kasamahan ko sa trabaho na mahigit isang taon ko na ring kasama. Isa-isa nilang binigay ang mga regalo nila at kahit ang Boss namin na si Sir Ansel ay may regalo sa akin na pera.

“I know money is all you need, Clarisse, so that’s my gift to you.” sabi ni Sir Ansel at binigyan ako ng 10k.

“Sir, sobrang laki po nito pero salamat.” sabi ko at ngumiti sa kanya.

Kumindat si Sir Ansel na mahinang nagpatili sa mga babaeng katrabaho ko na may crush sa kanya.

Gwapo ang Boss namin at may matipuno ring pangangatawan. 33 years old pa lang si Sir Ansel at maaga itong nabiyudo sa asawang namatay nang dahil sa sakit na Leukemia. May anak silang babae na 6 years old na si Candy at minsan ay nagpupunta ang bata sa building namin na isinasama ng ama.

“Don’t worry, Clarisse, you’ve been a great employee for me kaya deserve mong regaluhan ng pera.” sabi ni Sir Ansel na tinapik ang balikat ko.

Ngumiti ako at muling nagpasalamat. Pagkatapos nun ay umalis na si Sir Ansel dahil may mga gagawin pa raw ito sa office.

“Alam mo, Clarisse? Feel ko may gusto si Sir Ansel sa’yo. Ibang-iba talaga ang awra niya kapag kaharap mo siya at nakakausap ka. Hindi siya ganyan sa amin, e.” sabi ng isa sa mga katrabaho ko na si Rosanna.

“True! Nasungitan niya nga ako kahapon kasi na-late lang naman ako ng 10 minutes sa in ko pero pagdating sa’yo na minsan ay 1 to 2 hours late ay ayos lang sa kanya. Ang unfair, no?” Nagtaas ng kilay si Trixie na may naglalarong ngisi sa labi.

Umiling ako dahil kung anu-ano na lang ang mga iniisip nila tungkol sa amin ni Sir Ansel.

“Kapag nale-late ako minsan sa trabaho ay pinapaalam ko ’yon kay Sir Ansel kaya hindi siya nagagalit sa akin. Kayo nga ay puro tsismisan lang ang alam at nahuhuli niya pa kaya sinusungitan kayo.” sabi ko at ako naman ang ngumisi.

Parehas na sumimangot sina Trixie at Rosanna sa sinabi ko dahil may punto ako.

“Baby, kainin na natin ’tong mga handa mo. Nagugutom na kasi kami, oh?” sabi sa akin ni Edison kasama ang iba pa naming mga katrabaho na lalake at babae.

“Huwag mo ngang tawaging baby si Clarisse, Edison. Lagot ka sa manliligaw niyan!” sabi ni Patrick na busy na sa kinakaing lumpia at spaghetti.

Natawa na lang ako at lumapit sa pwesto nila kasama sina Trixie at Rosanna. May spaghetti, pancit bihon, lumpia, fruit salad, lechon manok, gulaman at iba pa na nakalagay sa lamesa at lahat ng iyon ay sagot ni Sir Ansel na lubos kong ipinagpapasalamat.

Habang kumakain ako ay may nag-text sa akin. Tinignan ko naman kung sino ito.

From: Morris

Anong oras ang off mo, Clang?

Kaagad akong nagreply sa text ni Morris.

To: Morris

8pm.

Susunduin

mo ba ako?

Wala pang sampung segundo ay nagreply na si Morris.

From: Morris

Malamang! Ano pang

silbi

ng panliligaw ko sa’yo kung hindi kita susunduin sa trabaho mo?

Mahigit dalawang taon na akong nililigawan ni Morris. Maraming mga nangyari sa nakalipas na limang taon at isa na doon ay tuluyan na akong nakawala sa mga galamay ni Ravi na siyang kumontrol noon sa buhay namin ng pamilya ko.

Nagpapasalamat ako kina Tito Kai at Morris na kung hindi dahil sa kanila ay mananatili pa rin kaming nakakulong ng pamilya ko kay Ravi. Tinulungan nila kaming makapagbayad sa lahat ng pagkakautang namin kay Ravi na umabot hanggang sa korte. Nalaman iyon ng mga magulang ni Ravi na hindi makapaniwala sa ginawa ng anak nila sa akin at sa pamilya ko.

Hindi nagtagumpay ang kasong isinampa ni Ravi laban sa amin dahil hinarangan iyon ng sarili niyang mga magulang. Wala na akong balita kay Ravi dahil matapos maayos at mabayaran ang lahat ng pagkakautang namin sa kanya apat na taon ang nakakalipas ay umalis na ito ng Pilipinas kasama ang kapatid na si Erika na nakipaghiwalay kay Kiro dahil mahal pa rin pala nito si Morris.

Naaawa ako para kay Kiro dahil nakita ko kung gaano niya kamahal si Erika noong college pa lang kami. Sa ngayon ay masaya na rin si Kiro at may girlfriend na ito na Selah ang pangalan.

To: Morris

Oo na. Magkita na lang tayo mamaya.

From: Morris

Okay. See you later! Happy birthday and I love you, Clang :*

Nawala ang ngiti ko at hindi na nagawang makapag-reply sa huling text message ni Morris.

Matagal na siyang nanliligaw sa akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sagutin. Marami nang nagawa si Morris para sa akin at sa pamilya ko at nang inamin niyang mahal niya ako ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Limang taon na ang lumipas at naaalala ko pa rin ang lalakeng una kong minahal na hindi na nagpakita sa akin.

Nasaan na kaya siya? Nasa mabuting lagay lang ba siya? Bakit hindi niya ako binalikan? Natakot ba siya sa mga pagbabanta ni Ravi noon na layuan ako at huwag nang kausapin?

Pero ako mismo ang nagtaboy sa kanya at sinabing huwag na siyang magpakita sa akin na tinotoo nga niya. Wala akong karapatang magalit dahil kasalanan ko kung bakit siya lumayo.

Huminga ako ng malalim at umiling para iwaksi ang iniisip ko.

Pagkatapos naming kumain ng mga handa at magtrabaho ng mga kasamahan ko ay natapos ng 6pm ang duty namin na mas maaga sa regular off duty na 8pm. Dahil birthday ko ay pinayagan kami ni Sir Ansel na umuwi ng mas maaga dahilan para magsaya ang mga katrabaho ko.

Nagpasalamat ako sa effort na ginawa nila para sa birthday ko at pati na rin sa birthday treat sa akin ni Sir Ansel.

“Hihintayin ka ba dito nung gwapo mong manliligaw, Clarisse?” tanong ni Rosanna habang tinetext ko si Morris at sinabing napaaga ang uwi ko sa trabaho.

“Oo. Susunduin niya ako,” sagot ko.

“Paano na si Sir Ansel niyan? Tignan mo at nakatanaw siya sa’yo sa bintana ng opisina niya, oh?” sabi ni Rosanna at itinuro ang opisina ni Sir Ansel sa 5th floor ng BPO building namin.

Nahuli ko nga na nakatingin sa gawi namin si Sir Ansel na nabigla nang tumingin ako sa kanya. Pagkaraan ay kinawayan niya ako at umalis na sa kinatatayuang bintana.

“See? Believe me, he likes you! Kahit sino naman sa manliligaw mo at kay Sir Ansel ay hindi ka na lugi dahil pareho silang gwapo at hot! Ang swerte mo talaga!” panunukso ni Rosanna.

“Walang gusto sa akin si Sir Ansel. Kapag hindi ka pa tumigil sa assumption mo ay sasabihin ko kay Edison na crush mo siya,” sabi ko kay Rosanna na tumawa lang at pabiro akong inirapan.

“Edi sabihin mo! As if naman na may pakialam si Edison sa akin e, ang daming babae nun!” sabi ni Rosanna na pinagkrus ang mga kamay.

“Selos ka naman?” pang-aasar ko.

“Ewan ko sa’yo, Clarisse! Maiwan na nga kita dyan. Bye na!” Tumawa si Rosanna at hinalikan ako sa pisngi bago tuluyang umalis.

Hinintay ko na lang si Morris dito sa tapat ng BPO building at nang dumating siya sakay ng kaniyang kotse ay pumasok na ako sa loob.

“Happy birthday!” nakangiting sabi ni Morris at inabutan ako ng isang bouquet ng roses.

“Salamat,” Nakangiti kong pasasalamat at inamoy ang bouquet.

“May regalo pa ako sa’yo pero sa restaurant ko na lang ibibigay,” sabi ni Morris at inumpisahan nang paandarin ang kotse niya.

Tumango na lang ako.

Si Morris ay isa nang Manager sa pinapasukan niyang bangko at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Malaki ang kinikita ng lalakeng ito at nakatulong siya kina Tito Kai at Michelle sa mga problemang pinansyal ng pamilya nila.

Siya lahat ang gumastos sa panganganak ng kakambal na si Michelle na maagang nabuntis sa edad na 19 at iniwan din ng boyfriend. Sila ni Tito Kai ang bumubuhay ngayon kay Wei na anak na lalake ni Michelle.

Noon pa man ay mabait na si Morris kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon sila ng alitan ng dating kaibigan nitong si Vendrex.

Makalipas ng labinlimang minuto ay nakarating na kami sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Morris. Inalalayan niya akong makalabas sa loob ng kotse niya at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

Sa isang fine dining restaurant niya ako dinala at alam ko na kaagad na mahal ang mga pagkain sa restaurant na ito.

“Morris, bakit dito mo ako dinala? Mahal ang mga pagkain dito!” nag-aalala kong sabi kay Morris nang umupo kami sa isang bakanteng table at accompanied by waiter pa.

“Birthday mo naman kaya minsan maging sosyal naman tayo,” sabi ni Morris at nginitian ako.

Mas lalo siyang gumagwapo, naging matipuno ang pangangatawan at tumangkad sa edad namin. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend at ako ang nililigawan niya. Ilang beses ko nang sinabi na pwede naman siyang magback out sa panliligaw sa akin pero talagang ayaw niya dahil ako lang daw ang babaeng mahal niya.

Kung kaya ko lang turuan ang puso ko, sana ay si Morris na lang ang minahal ko.

Dahil wala akong idea sa mga eche bureche ng mamahaling restaurant na ito ay si Morris na ang nag-order ng pagkain para sa akin.

Tubig pa lang ay nasa 100 pesos na, paano pa kaya ang mga dessert at main course dito? Jusko! Gusto yatang maging aesthetic nitong si Morris pero bahala na dahil siya naman ang magbabayad nito.

Nang dumating ang order naming pagkain na Bourbon Street Chicken Shrimp, Rib-Eye Steak, Original BBQ Chicken Pizza, at Chicken Pasta na may kasamang wine ay nag-umpisa na kaming kumain ni Morris.

In fairness, masarap naman ang mga mamahaling pagkain sa restaurant na ito na mga American cuisine pala ang sineserve.

“Sa amin ka na lang kaya magtrabaho, Clang? Hindi talaga ako komportable na kasama mo ’yang Boss mo.” sabi ni Morris na biglang sumeryoso ang mukha nang tignan ko.

“Morris, napag-usapan na natin ’to ’di ba?” sagot ko dahil nag-uumpisa na naman siya.

Umiling at bumuntong-hininga si Morris. “Fine! Oh sige, pumikit ka muna dahil ibibigay ko na ang regalo ko sa’yo.” ngumiti siya at may kinuha sa dalang paper bag.

Ngumiti rin ako sa tuwa dahil baka iyong matagal ko nang gusto na limited edition CD ni Lana del Rey ang ibibigay niya sa aking regalo. Gustong-gusto ko pa naman iyon at matagal ko nang nirerequest kay Morris.

Pumikit ako gaya ng sinabi ni Morris.

“Open your eyes love,”

Nagmulat ako ng mga mata gaya ng sinabi niya at laking gulat ko nang makita si Morris na nakaluhod sa gilid ko at may hawak na pulang box na naglalaman ng diamond ring.

Natuon sa amin ang atensyon ng mga taong nasa loob ng restaurant at lahat sila ay nakatutok at nakangiti sa amin ni Morris.

“Morris…” tangi kong nasabi dahil sa pagkabigla.

Tinitigan ako ni Morris sa mga mata ko.

“Clang, alam kong bata pa tayo para sa ganitong bagay at nanliligaw pa lang ako pero gusto ko nang magpropose sa’yo dahil sigurado na akong ikaw ang babaeng pakakasalan ko at sasamahan ko hanggang sa pagtanda. Will you marry me?”

Hindi ko malaman ang sasabihin at gagawin ko. Para akong na-trap sa sitwasyon na ayoko pang mangyari.

Nakatingin ang lahat ng tao sa amin at naghihintay ng susunod kong sasabihin. Napaluha ako at muling tinignan si Morris na naghihintay rin ng sagot hanggang sa may nahagip ang mga mata ko.

Pagkatapos ng limang taon ay ngayon ko lang ulit siya nakita at sa nakikita ko ay marami nang nagbago sa kanya.

Malamig at nakakatindig balahibo ang mga tingin niya sa akin, ibang-iba noon na kapag tinitignan niya ako ay palaging masaya at magaan ang kaniyang mga mata; iyong nakikita ko kung gaano niya ako kamahal at binibigyan ng importansya.

Pero ngayon ay tila nag-iba na.

Nakatayo siya sa glass door ng restaurant at may kasamang isang maganda at eleganteng babae na nakahawak sa kaliwang braso niya.

Bagay na bagay silang dalawa. Para silang mga Prinsipe at Prinsesa sa palasyo kung titignan.

Muling pumatak ang mga luha ko at mahinang sinambit ang pangalan niya.

“Kuya Duke…”

-Ajai_Kim

Please be patient for my update. Sobrang marami talaga akong ginagawa at mahirap pagsabayin ’yon sa isang araw. :(

Chapter 24

MORRIS’ POV

“Morris, ano ba? Ginagawa mo nang tubig ’yang alak! Pasalamat ka at wala si Papa dito kundi baka kanina ka pa niya nasermunan!” sabi ng kakambal kong si Michelle pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag-inom.

Nasasaktan ako dahil tinanggihan ni Clarisse ang proposal ko sa kanya. Ginawa ko lang naman mag-propose dahil sobra ko na siyang mahal at natatakot ako na baka dumating iyong mga nakaraang lalake sa buhay niya.

Kung nagbalik iyong magpinsan at si Vendrex ay paano na ako? Saan na ako pupulutin nito?

Ang tagal kong hinintay ’tong pagkakataon para sa aming dalawa ni Clarisse. Ngayon ay nililigawan ko siya at malapit na niya akong sagutin. Mga bata pa lang kami ay mahal ko na siya at pinigilan ko ’tong nararamdaman ko alang-alang sa pagkakaibigan namin.

“Tinanggihan ni Clarisse ’yong alok kong pagpapakasal sa kanya…” bigong-bigo kong sabi.

“Ang tanga mo naman kasi! Na-pressure kaya ’yong tao sa ginawa mo. Hindi mo pa nga girlfriend pero nagpropose ka na at sa public place pa? Nag-expect ka bang sasagot ng Yes si Clarisse kasi maraming makakanood ng proposal mo?” segunda ni Michelle at inirapan ako.

“N-naging desperado lang naman ako. Ilang taon ko na siyang nililigawan at ang akala ko ay papayag na siyang magpakasal sa akin dahil ako ang palaging nasa tabi niya.” sagot ko at marahang hinawi ang magulo kong buhok.

Nagbuntong-hininga si Michelle. “Morris, ayoko mang sabihin sa’yo ’to pero alam mong hindi ka niya mahal. Hindi mo siya mapipilit sa gusto mo.”

Natahimik ako dahil alam ko naman iyon. Hindi ako mahal ni Clarisse at alam ko kung sino pa rin ang mahal niya hanggang ngayon.

“Nakita namin ’yong pinsan ni Ravi sa restaurant.” pag-amin ko na ikinagulat ni Michelle.

“T-talaga? Anong reaksyon ni Clarisse nang makita niya ’yong.. Duke ba ang pangalan nun?” tanong ni Michelle.

Tumango ako.

“Nagulat siya nang makita ’yong lalakeng ’yon. May kasama pa ngang babae, baka girlfriend siguro.” sabi ko at tumiim-bagang.

“Kaya pala hindi na nagpakita kay Clarisse dahil nagkaroon ng bagong girlfriend?” tanong ni Michelle.

“Malamang. Wala siyang isang salita. Sinaktan niya si Clarisse!” Tumawa ako at nilagok ang huling bote ng beer na iniinom ko.

Hindi nararapat para kay Clarisse ang matandang lalakeng iyon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya nagustuhan ni Clarisse. Hindi sila bagay!

“Kawawa naman pala si Clarisse kung gano’n. Basta ang masasabi ko lang ay gawin mo ang lahat para lang mapabuti siya. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa kanya, Morris. Hindi maganda ang force and possessive love. Tignan mo nga si Papa, kahit matagal na niyang mahal si Tita Clara ay naghintay talaga siya para manligaw at ngayon ay gusto na siya ni Tita Clara.” Kumuha si Michelle ng junk food sa lamesa para ibigay sa anak niyang si Wei at umalis na din pagkatapos.

Nang matapos na akong uminom ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto ko. Hinubad ko ang suot kong t-shirt at nagsindi ng sigarilyo.

Tinignan ko ang pictures namin ni Clarisse simula noong mga bata pa lang kami hanggang sa lumaki na kami na nakadikit sa pader ng kwarto ko.

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang pictures namin ni Clarisse ay pansamantalang napapawi ang sakit na palagi na lang niyang binibigay sa akin.

Naging boyfriend niya si Ravi at nagkagusto pa siya kina Vendrex at sa Duke na iyon samantalang ako ang palaging nasa tabi niya pero hindi man lang niya nagustuhan.

Sinubukan ko namang kalimutan siya e, naging kabit pa nga ako ni Erika habang boyfriend niya si Kiro at may nangyari sa amin noon pero kahit ginawa ko ’yon at binaling ko ang atensyon ko sa ibang babae, si Clarisse pa rin ang hinahanap-hanap ko.

Nasaktan ko si Erika at nasira ko pa ang relasyon nila ni Kiro nang mag-break sila pero wala na akong pakialam dahil hindi ko kasalanan na pinatulan ako ni Erika kahit may boyfriend na siya.

Kung si Clarisse na lang sana ang nagkagusto sa akin.

Nakainom lang ako pero hindi pa naman ako sobrang lasing kaya naisipan kong magliwaliw muna sa bar. Nagbihis lang ako at pagkatapos ay nagmaneho na papunta sa isang kilalang bar dito sa Maynila.

Pagkatapak ko pa lang sa loob ng bar ay may lumapit na isang babae sa akin at tumabi sa kinauupuan kong stool. Inabala ko lang ang sarili ko sa pag-inom at hinayaan ang babae na kausapin ako at hawakan ang iba’t-ibang parte ng katawan ko.

Maganda siya, sexy, may malaking hinaharap at halatang palaban.

“What’s your name, handsome?” tanong ng babae na hinimas ang pagkalalake ko.

“Morris.” sagot ko at ngumiti sa kanya.

Hindi ko namalayan na hinahalikan ko na pabalik iyong babae. Sobrang lasing na ako at halos wala na sa katinuan ang utak ko.

Habang naghahalikan kami ay bigla na lang dumaan sa utak ko si Clarisse kaya naitulak ko ang babae na halatang nabitin sa ginagawa namin.

“What’s wrong?” tanong niya.

Umiling ako at tumayo na sa kinauupuan ko.

“Where are you going?” tanong ng babae.

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa lumabas na ako sa loob ng bar. Nagpunta ako sa parking lot at sumandal sa hood ng kotse ko at saka naglabas ng sigarilyo para magpawala ng tama ng alak.

Frustrated at bigo na naman ako. Ganito na lang ba palagi ang gagawin sa akin ni Clarisse?

Habang naninigarilyo ako ay may nahagip ang mga mata ko. Sa nakalipas na limang taon ay ngayon ko lang ulit siya nakita matapos na makita rin namin siya ni Clarisse sa restaurant.

Si Duke.

Nagpunta siya sa nakaparadang kotse niya sa parking lot at nang mapansin ako ay napahinto siya at tinignan ako ng mariin.

“Nandito ka pala,” nakangisi kong sabi.

Hindi siya sumagot at akmang papasok na sa loob ng kotse niya nang magsalita ulit ako.

“Girlfriend mo ba ’yong babaeng kasama mo sa restaurant o baka asawa mo na dahil matanda ka na?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

“It’s none of your business.” sagot ni Duke.

Lumapit ako sa kanya at tinapon ang sigarilyo ko sa sahig.

“Masaya na kami ni Clarisse kaya sana ’wag ka nang umeksena sa aming dalawa. Tinanggihan niya lang ang proposal ko dahil hindi pa siya handang magpakasal sa akin pero-”

“It’s no longer my concern and if you want to marry her, I don’t mind.” sabi ni Duke at siya naman ang ngumisi.

Natahimik ako at tinignan siya ng seryoso.

Wala na ba talaga siyang nararamdaman para kay Clarisse?

Ngumiti nalang ako. “Mabuti naman kung gano’n.”

“And please excuse me because I have to leave.” paalam ni Duke at pumasok na sa loob ng kotse niya.

Nang makaalis na siya ay umiling na lang ako.

Limang taon na ang lumipas at baka nga tuluyan nang nawala ang pagmamahal nito kay Clarisse. Ayoko nang masaktan si Clarisse ng lalakeng iyon dahil nandito naman ako sa tabi niya at hinding-hindi ko siya pababayaan.

Mga wala silang kwenta! Lalo na sila Tyron, Ravi at Vendrex.

CLARISSE’S POV

Pumasok ako sa trabaho na hindi hinatid ni Morris. Matapos kong tanggihan ang alok niyang pagpapakasal sa akin ay inaasahan ko nang iiwasan niya ako at hindi ko siya masisisi doon.

Masyado akong nabigla sa proposal niya at hindi ko malaman ang gagawin dahil maraming tao ang nakakita kung paano ko siya tanggihan lalo na at nakita iyon ni Kuya Duke at ng girlfriend niya.

Sa nakalipas na limang taon ay mas nag-matured ang itsura ni Kuya Duke. Mas gumwapo ito at lumaki rin ang pangangatawan pero mas napansin ko na nawala na ang magaan at masaya niyang awra na mayroon siya noong una kong makilala.

At alam kong hindi na siya iyong dating Kuya Duke na nakilala ko dahil noong nakita niya ako ay parang wala na lang ako sa kanya at hindi na ako magawang tignan man lang sa pangalawang beses.

Kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na kami katulad noon dahil ako rin naman ang kusang nagpalayo sa kanya na sinunod lang niya.

“Clarisse, let’s have a lunch. Wala akong kasamang kumain at gusto ko lang ng kasabay.” sabi ni Sir Ansel nang pinatawag ako sa opisina niya.

“Pero Sir Ansel, nakakahiya naman?” sabi ko dahil talagang nakakahiya na makakasalo mo sa pagkain ng lunch ang Boss mo.

“Don’t be shy. It’s just me so let’s eat,” pagyaya ni Sir Ansel na abala sa pagbubukas ng pagkain na pina-order sa secretary niya.

Pinaupo niya ako sa coffee table at wala na akong nagawa kundi ang samahan siyang kumain.

Napapangiti na lang ako habang nagkukwento si Sir Ansel tungkol sa pagiging Top 1 ng anak niyang si Candy sa klase. Ipapasyal niya raw ito sa Disneyland bilang reward at gusto niya akong isama na tinanggihan ko kaagad.

“Bakit kasama pa ako sa pagpunta, Sir Ansel e, family bonding niyo ’yan at hindi naman ako kasama sa family niyo.” sabi ko.

“Gusto ni Candy na isama kita sa pagpasyal namin sa Disneyland. Ikaw daw kasi ang paborito niyang kalaro dito sa kompanya kaya niyayaya kita. Magaan ang loob ng anak ko sa’yo, Clarisse.” sabi ni Sir Ansel habang kumakain kami.

“Pero, Sir-”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ang lalakeng pumasok sa loob ng opisina ni Sir Ansel.

“Duke!”

Nakangiting tawag ni Sir Ansel kay Kuya Duke na lumapit sa amin. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito at hindi man lang nakangiti.

“I came here to tell you that Juliana and I are going fishing at your farm in Laguna, and we will leave later.” sabi ni Kuya Duke at ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya magawang tignan at yumuko na lang ako.

Pilit kong kinalma ang sarili ko at hindi ko alam na kilala pala ni Sir Ansel si Kuya Duke.

At sino iyong Juliana? Siya ba ’yong girlfriend ni Kuya Duke na nakita namin ni Morris sa restaurant?

“No problem, Duke. I know you’ll look after my sister. Hindi mo na ako kailangang puntahan dito para ipagpaalam siya. Sana tinext mo na lang ako.” sagot ni Sir Ansel nang nakangiti.

So, kapatid niya iyong girlfriend ni Kuya Duke?

Hindi na sumagot si Kuya Duke sa sinabi ni Sir Ansel.

“By the way, she’s Clarisse. My employee here.” pakilala sa akin ni Sir Ansel kay Kuya Duke.

Napilitan akong tignan si Kuya Duke at nanlamig ako sa klase ng tingin niya sa akin.

Naputol lang ang tinginan namin sa isa’t-isa nang biglang tumunog ang cellphone ni Sir Ansel.

“Someone is calling, I must take this call so please excuse me,” paalam ni Sir Ansel na tumayo sa kinauupuan at lumabas na sa loob ng opisina.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kami na lang ni Kuya Duke ang naiwan. Hindi ko siya magawang tignan nang diretso dahil kinakabahan ako.

Ilang taon din kaming hindi nagkita at wala akong naging balita sa kanya. Ngayon lang kami nagkita at nakikita ko ang mga pagbabago niya.

“Are you dating Ansel?”

Nagulat ako nang biglang magsalita si Kuya Duke. Ganoon pa rin ang boses niya; malalim.

Nang tumingin ako sa kanya ay malalim ang mga tingin niya sa akin at nakakapaso iyon.

“H-hindi. Boss ko lang siya at empleyado niya ako.” sagot ko at napalunok sa kabang nararamdaman.

“Kung sa bagay, may boyfriend ka na kaya bakit makikipag-date ka pa sa iba, ’di ba?” nahimigan ko ang sarkasmo sa boses ni Kuya Duke.

“Wala akong boyfriend.” sagot ko.

“Really?” hindi niya makapaniwalang tanong.

Ang kaba at takot na nararamdaman ko sa kanya ay bigla na lang napalitan ng inis.

“Wala nga! Bakit ba pinagpipilitan mo na meron kahit wala naman?” sagot ko at tumayo na.

Akmang aalis na sana ako nang hinawakan ni Kuya Duke ang braso ko na ikinaigtad ko dahil sa biglang dumaloy na kuryente sa katawan ko.

“Why don’t you want to marry Morris? Why did you reject his wedding proposal?” seryoso niyang tanong.

Dahil ’yon sa’yo! Pero hindi ko ’yon sasabihin. Neknek niya!

“Wala ka nang pakialam kung anuman ang dahilan.” malamig kong sabi at nilabanan ang mga tingin niya.

Huminga ng malalim si Kuya Duke at binitawan na ang braso ko. Doon ko lang napansin ang malaking hiwa ng pilat na umabot sa braso hanggang sa palapulsuhan niya.

Bakit nagkaroon siya ng malaki at mahabang pilat sa kaliwang braso?

Nang mapansin ni Kuya Duke na nakatingin ako sa braso niya ay kaagad niyang tinago iyon at umiwas ng tingin sa akin.

Saktong bumalik si Sir Ansel mula sa labas ng opisina at nginitian kami. “Sorry for the inconvenience-”

“I’ve changed my mind, I don’t want to go fishing with your demanding sister, Ansel. I want to look around this building more closely.” sabi ni Kuya Duke na naglakad at nilibot ng tingin ang kabuuan ang opisina ni Sir Ansel.

Natawa naman si Sir Ansel at tumango ito. “No problem.”

Naguguluhan ako. Hindi naman kaya magtampo iyong Juliana dahil hindi na matutuloy ang fishing nila ni Kuya Duke?

“And there’s something interesting inside this building, so I’d like to be here…” dagdag pa ni Kuya Duke sa sinasabi niya habang nakatingin sa akin.

-Ajai_Kim

Chapter 25

CLARISSE’S POV

Napailing na lang ako dahil sa mga katrabaho kong babae na kanina pa inoobserbahan si Kuya Duke na parang bodyguard lang kung ikutin ng tingin ang buong opisina namin.

Malapit na kaming matapos sa duty namin sa trabaho pero hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa kompanya. Hindi na tuloy niya nasamahan iyong girlfriend niyang kapatid ni Sir Ansel na mag-fishing daw kuno sa Laguna.

Hindi ko alam kung dito na ba siya matutulog sa building dahil kanina pa siya nandito.

“Ang Papable naman ng brother-in-law ni Sir Ansel. Wapak sa muscles at cool tattoos mga ate! Siguradong malaki din ang ano nyan!” malisyosang sabi ni Trexie.

“Oo nga! Ang swerte naman ng kapatid ni Sir. Araw-araw sigurong napapaligaya sa kama. Mukha pa namang halimaw sa kama si hottie!” sabi ni Rosanna na tumitingin naman sa pang-upo ni Kuya Duke.

Kahit kailan talaga ay mahalay magsalita ang dalawang ’to. Palibhasa kasi ay may naging experiences na sa mga naging boyfriends nila samantalang ako ay wala pang karanasan sa ganoon bukod sa nagawa ni Kuya Duke noon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan!

“Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Baka marinig pa niya ’yang pinag-uusapan niyo,” suway ko kina Trixie at Rosanna at pinagpatuloy na ang trabaho ko.

Humagikgik pa ang dalawang babae bago tapusin ang ginagawa nilang trabaho.

Bumuntong-hininga ako at muling sinulyapan si Kuya Duke. Nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko.

Nang matapos ang trabaho namin ay kaagad lumapit sina Trixie at Rosanna kay Kuya Duke kasama ang iba naming mga babaeng katrabaho.

Ako naman at ang iba naming mga lalakeng katrabaho ay naiwan sa kani-kanilang cubicle.

Habang abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ko ay lumapit sa akin si Edison.

“Uuwi ka na ba, Clarisse?” tanong niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumango. “Oo. Bakit?”

“Gusto mong sabay na tayong umuwi? Susunduin ka ba dito nang manliligaw mo?” tanong ni Edison.

“Hindi pero kaya ko namang umuwi mag-isa.” sagot ko at nang tumingin ako sa direksyon ni Kuya Duke ay masama na ang tingin niya sa amin ni Edison habang kinakausap pa rin siya nila Trixie at Rosanna.

Bigla akong kinabahan. Bakit ba ganyan siya makatingin?

Ngumiti si Edison. “Pwede namang sabay na tayong umuwi. May motor naman akong dala at-”

“Clarisse,”

Biglang lumapit si Kuya Duke sa amin kaya nabaling ang atensyon namin ni Edison sa kanya. Maging pati sina Trixie, Rosanna at ang mga katrabaho naming babae ay nagulat sa paglapit ni Kuya Duke.

“B-bakit?” tanong ko.

Sa mga tingin sa akin ni Kuya Duke ay para akong nanghihina. Pilit kong kinalma ang sarili ko at umakto nang normal.

“Kilala niyo pala si Clarisse, Sir Duke?” tanong ni Trixie na bigla na lang sumulpot sa tabi kasama si Rosanna.

“Yeah, I know her pretty well.” sagot ni Kuya Duke pero sa akin siya nakatingin.

Kung pwede lang ay kanina pa ako lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa kabang nararamdaman.

Pagkatapos nang limang taong hindi siya nagpakita sa akin ay ganito na lang iyon? Na para bang wala lang nangyari? Bakit nga pala ako nagrereklamo sa hindi niya pagpapakita kung ako mismo ang humiling no’n sa kanya?

Umiwas ako ng tingin kay Kuya Duke at umalis na pagkatapos. Alam kong tatanungin lang ako nina Trixie at Rosanna kung bakit ako kilala ni Kuya Duke at ayoko nang magkwento sa kanila nang mga nakaraan ko sa lalakeng iyon dahil wala na din namang saysay.

Hindi na ako iyong dating 18 years old na Clarisse na kinokontrol at walang magawa kundi ang sumunod na lang sa utos ng ibang tao para sa kapakanan ng pamilya ko. Hindi ko na rin kailangan ng lalakeng magmamahal sa akin dahil sarili ko na lang ang pwede kong mahalin at alagaan.

Nang makalabas na ako sa loob ng BPO building ay hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Kuya Duke.

Hinawakan niya ang braso ko nang maabutan ako.

“Please, Clarisse…? let’s talk…” Pakiusap niya.

Bakit Clarisse na lang ang tawag niya sa akin at hindi na Princess? Dahil may girlfriend na pala siya at wala na akong halaga sa buhay niya.

Naiinis kong tinignan si Kuya Duke at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. “Ano po bang pag-uusapan natin? Kailangan ko nang umuwi.” sabi ko.

“I’m sorry…” mahina niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. Sorry para saan?

“Bakit ka po nagso-sorry?” tanong ko.

Ginulo nito ang buhok niya at huminga ng malalim. “F-for not being with you for the last five years. I need to keep my distance for your safety.”

Kailangan niya akong layuan para sa kapakanan ko? Hindi ko siya maintindihan!

“Alam mo Kuya Duke, kung anuman ’yong mga nangyari five years ago ay kalimutan na lang natin. Marami nang nagbago at hindi na dapat natin pag-usapan ang mga nakaraan.” sabi ko kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nang maiyak.

Bakit ba kasi siya nagpakita at ngayon ay kakausapin ako na parang walang nangyari?

Kumuyom ang kamao ni Kuya Duke at nagpatiim-bagang. “I’ve been having nightmares for the past five years without you. I’m already destroyed and broken, but when you broke my heart, it was difficult to gather myself again… I need to distance myself for you, Clarisse, because I want you to pursue your dreams without my presence.”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

“These five years of my life were hell for me. Lugmok na lugmok ako dahil ilang beses na akong nao-ospital. Sa tuwing nagmamahal ako, palagi na lang akong binabaliw at pinapatay nito. My family still wants me, they care for me, and when I realized that they also need me, I took into account their feelings, especially my younger sister who was pregnant at the time.” mariing sabi ni Kuya Duke.

Hindi ako nagsalita. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

“Gusto mong lumayo rin ako sa’yo, ’di ba? Ginawa ko ’yon, Clarisse dahil hiniling mo ’yon sa akin. Kaya kitang ipaglaban kay Ravi pero hindi mo ako binigyan nang pagkakataon na gawin ’yon! The day you broke my heart was the most painful day of my life, and it’s slowly killing me…”

Ramdam ko sa boses ni Kuya Duke ang hirap at sakit. Ito ang pangalawang pagkakataon na makita ko siyang nasasaktan at nahihirapan matapos ko siyang itaboy noon.

“At ngayon, nakita na naman kita. Inisip ko na lang na hayaan ka sa buhay mo dahil alam ko namang masaya ka na pero tangina lang! Nakita ko lang ’yang mukha mo ay binabaliw mo na naman ako!” umiling siya at tumawa ng pagak.

“H-hayaan mo na lang ako. May g-girlfriend ka na at kapatid pa ’yon ni Sir Ansel.” pag-imik ko at pinunasan ang mga luha ko.

“Girlfriend?” hindi niya makapaniwalang tanong at natawa ng mahina.

Umiwas ako ng tingin.

“I’m not in a relationship with another woman. Juliana is just a friend of mine, like her brother, Ansel.” seryosong sabi ni Kuya Duke.

Nang tumingin ako sa kanya ay nakatitig siya sa akin.

“Clarisse…”

Nabigla ako nang makita si Sir Ansel na naglalakad papalapit sa amin ni Kuya Duke. Hindi siya nakangiti at seryoso lang ang ekspresyon ng mukha.

“Ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. It’s already late.” sabi niya at bumaling sa akin.

“Hindi na, Sir. Kaya ko naman pong umuwing mag-isa-”

“Ako na ang maghahatid kay Clarisse pauwi.” Pagsabat ni Kuya Duke.

Bumaling naman si Sir Ansel sa kanya at natawa ito. “Why don’t you just hang out with my sister, Duke? She likes you, and you two already have some mutual understanding, right?”

Nakipaglabanan ng tingin si Kuya Duke kay Sir Ansel. Parang may tensyon na namamagitan sa kanila.

“Iniwan ka nga ng asawa mo bago siya mamatay kasi mahilig kang mamilit sa mga babaeng ayaw naman sa’yo.” Ngumisi si Kuya Duke nang sumama ang tingin ni Sir Ansel sa kanya.

“Don’t even bring up my late wife, Duke. You didn’t know everything about us before!” madiing sabi ni Sir Ansel.

“Bakit hindi? Nagsasabi lang ako ng totoo, Ansel. And I’m not in a relationship with your sister. I’m just accompanying her because she’s a good friend of mine.”

Pumikit si Sir Ansel at mukhang pinipigilan lang ang galit kay Kuya Duke. Bago pa sila magsabong ay nagsalita na ako.

“Wala kang karapatang magsalita nang ganyan kay Sir Ansel, Kuya Duke. Sa kanya na ako sasabay,” sabi ko at hinila na si Sir Ansel paalis.

“Clarisse!” Pagtawag ni Kuya Duke pero hindi ko na siya pinansin.

“I’m sorry about that, Clarisse.” paumanhin ni Sir Ansel nang makalayo na kami kay Kuya Duke.

“Ayos lang po.” sagot ko at ngumiti sa kanya.

Pinasakay niya ako sa dala niyang kotse na nasa parking lot at nang makasakay na kami sa loob ay pinaandar niya iyon. Itinuro ko na lang sa kanya ang daan pauwi ng bahay.

“I overheard what he was saying to you earlier.” pag-imik ni Sir Ansel.

“Ah, h-hayaan niyo na lang po ’yon. Matagal na din po ’yon at may kanya-kanya na kaming buhay.” malungkot kong sabi.

“Naging kaibigan ko si Duke dahil isa siya sa mga anak ng best friend ni Dad. I met him in San Francisco, California at doon nakatira ang kapatid kong babae na si Juliana.” sabi niya.

Kaya pala hindi ko na nakita si Kuya Duke dahil tumira siya sa ibang bansa at si Ate Camille lang ang nakikita ko kasama ang asawa nito na halatang iniiwasan ako.

“I met him in his devastated state, he was cold and stoic at the time, and my sister helped him rebuild himself, which is why he owed her a lot. Duke was rehabilitating at the time due to a drug overdose.”

Nagulat ako sa sinabi ni Sir Ansel kaya tumingin ako sa kanya. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa daan habang nagmamaneho.

“Sa tingin ko alam ko ang dahilan kung bakit siya na-rehab sa Amerika.” Natawa siya at umiling.

Yumuko ako. Hindi ko alam na matindi pala ang pinagdaanan ni Kuya Duke. Tama nga ang sinabi niya sa akin kanina na lugmok na lugmok siya noon.

“Do you love him?”

Napahinto ako sa tanong ni Sir Ansel. Hindi ako nakasagot.

“I think I already know the answer.” sabi niya hanggang sa hindi na nagsalita muli.

-Ajai_Kim

Chapter 26

CLARISSE’S POV

“Good morning, Clang!”

Pagkababa ko sa hagdanan ay nakita ko si Morris at katabi niya sa sofa si Tito Kai. Napilitan akong ngumiti at sinalubong sila.

“G-good morning din.” sabi ko.

Hindi ko inaasahan na matapos kong tanggihan ang wedding proposal ni Morris ay magpapakita pa siya sa akin. Para bang ayos lang sa kanya ang pagtanggi ko at sana ay naiintindihan niya ang naging pasya ko.

“Clarisse, nagpunta ako dahil may lakad kami ng Mama mo kasama si Janjan. Si Morris naman ay gustong pumunta dito kaya sinama ko na.” nakangiting sabi ni Tito Kai.

Tumango ako. Lumabas naman mula sa loob ng kwarto nito si Mama kasama si Janjan at bihis na bihis silang dalawa.

“Anak, aalis lang muna kami ng Tito Kai mo dahil ipapasyal niya kami ni Janjan. May mga pagkain na sa ref at binili namin ’yon kahapon.” sabi ni Mama.

“Ah, sige po. Nandito po ba si Kuya Arman?” tanong ko.

“Nasa kusina at naghahanda siya ng makakain niyo nila Morris. Sakto at wala siyang pasok sa trabaho kaya makakapagpahinga muna siya.” saad ni Mama.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na sila Mama at Tito Kai kasama si Janjan para umalis.

Nang kaming dalawa na lang ni Morris ang naiwan ay ngumiti siya sa akin at ako naman ay hindi magawang ngumiti.

“Hindi ka ba masaya na nandito ako?” tanong ni Morris.

Huminga ako ng malalim. “Ang akala ko kasi ay pagkatapos kong tanggihan ang wedding proposal mo ay magagalit ka at hindi na magpapakita sa akin. Hindi rin kita nakita kahapon kaya ang akala ko ay-”

“Naiintindihan ko naman kung bakit mo tinanggihan ang alok kong pagpapakasal sa’yo. Hindi ka pa handa na magpakasal sa’kin dahil mga bata pa tayo at hindi mo pa ako sinasagot sa panliligaw ko. Hindi naman ibig sabihin na tinanggihan mo ako ay susuko na ako sa’yo, Clang.”

Napahinto ako sa sinabi ni Morris. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang tinawag na kami ni Kuya Arman mula sa kusina para kumain ng almusal.

Ngumiti lang si Morris at hinila niya ako papunta sa kusina.

“Ang aga mo naman nandito, Morris. Excited ka masyadong makita ’tong kapatid ko.” nakangising sabi ni Kuya Arman habang kumakain kami.

“Sabado naman ngayon at off ko. Wala akong magawa sa bahay kaya pumunta na lang ako dito. Syempre at gusto ko rin na makita ang future wife ko.” sagot ni Morris at ngumisi din kay Kuya Arman.

Gusto ko nang patigilin si Morris sa panliligaw niya sa akin. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya magawang mahalin dahil may iba akong mahal na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan.

Simula nang makausap ko si Kuya Duke ay hindi ko na siya magawang maialis sa isip ko. Gumaan din ang pakiramdam ko nang malaman na hindi pala niya girlfriend ang kapatid ni Sir Ansel.

Hindi ako dapat umasa sa kanya dahil wala rin namang kasiguraduhan sa aming dalawa at nakita ko naman na nagbago na siya. Baka kapag nagkasama na naman kami ay mapahamak lang siya sa akin.

Naaalala ko pa ang mga sinabi niya at alam kong isa ako sa dahilan nang mga paghihirap niya.

“Kailan mo ba sasagutin ’tong si Morris, Clarisse? Ang tagal na nitong nanliligaw sa’yo, ah?” Kinalabit ako ni Kuya Arman at inginuso si Morris na nahihiyang ngumiti.

“Sasagutin din naman ako ni Clarisse, Kuya Arman. Kahit matagal pa ’yan ay maghihintay ako dahil mahal na mahal ko siya…”

Bigla akong nangilabot sa huling sinabi ni Morris at tumingin siya ng mariin. Kaagad akong umiwas ng tingin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko.

Pagkatapos naming kumain ay si Kuya Arman na ang nagpresintang magligpit ng mga pinagkainan. Sinabi na lang niyang asikasuhin ko si Morris.

May usapan sila na mamayang gabi ay magba-bar sila at isasama nila ako. Hindi ko inaasahan na sa isang iglap lang ay magiging kaclose na ng kapatid ko si Morris na noon ay matalik na kaibigan ni Ravi.

Speaking of Ravi, kumusta na kaya ang lalakeng iyon?

Kahit naman may nagawa siyang kasalanan sa akin ay hindi ko maiwasan na ma-curious kung nasaan na siya ngayon.

Buong magdamag ay nanood lang kami ng action movies ni Morris kasama si Kuya Arman. Minsan ko lang makasama ang kapatid ko dahil katulad noon ay workaholic pa rin ito. Playboy pa rin siya at wala pang naipapakilalang serious girlfriend sa amin pero sana ay makahanap na ito ng babaeng katapat para naman magkaroon na ako ng pamangkin sa susunod.

Umalis na rin siya sa gang nila Ravi na matagal nang nabuwag simula nang umalis si Ravi papuntang ibang bansa.

Nang magbandang alas-siyete ng gabi ay niyaya na kami ni Kuya Arman na mag-ayos dahil pupunta na kami sa bar na tinutukoy nila ni Morris na pinupuntahan rin daw nito minsan.

Isang beses pa lang ako nakakapasok sa isang bar at iyon ay noong birthday ng katrabaho kong si Trixie na niyaya kami ng iba pa naming mga katrabaho pati na si Sir Ansel.

Nagdesisyon akong magsuot ng longsleeve black dress na kita ang kurba ng katawan ko at naglagay rin ng light make-up. Nagsuot din ako ng sandals na may 3 inches heel, nagspray ng Dolce & Gabbana perfume at dinala ang Dior purse bag ko.

Paglabas ko mula sa loob ng kwarto ko ay naabutan ko sa sala sina Kuya Arman at Morris na nakabihis na. Si Morris ay umuwi kanina para maligo sa kanila at ang bilis naman niyang makarating dito sa bahay.

“Ang ganda mo naman, Clang.” nakatitig na sabi ni Morris nang lumapit ako sa kanila ni Kuya Arman.

Ngumiti lang ako habang ang kapatid ko naman ay ngumisi nang nakakaloko.

“Ang swerte mo sa kapatid ko, Morris kaya sana ay alagaan mo siya.” sabi ni Kuya Arman kay Morris.

“Oo naman, Kuya Arman. Hinding-hindi ko pababayaan si Clarisse.” sabi ni Morris na titig na titig sa akin.

Hindi ko na naman matagalan ang mga titig niya kaya umiwas na ako ng tingin.

Sumakay na lang kami sa dalang kotse ni Morris at dahil motor lang ang mayroon si Kuya Arman ay hindi kami magkakasya kung doon sasakay.

Mahigit kalahating oras nang makarating kami sa bar na tinutukoy nila. Maganda ang bar at medyo malaki ang space. Maraming mga kotse at motor ang nakapark sa parking lot. Mukha itong pangmayamang bar.

“Magkano ba dito, Kuya? Parang ang mahal naman.” tanong ko kay Kuya Arman nang lumabas na kami sa loob ng kotse ni Morris.

“Minsan lang naman ’to, sis at ako na ang manlilibre sa inyo ni Morris.” sabi ni Kuya Arman nang nakangiti.

“Ako na lang ang manlilibre sa inyo. Treat ko na din.” alok ni Morris.

“Hindi. Ako ang manlilibre sa inyong dalawa dahil ako ang nagyaya. Pumasok na tayo sa loob!” pagpupumilit ni Kuya Arman.

Wala na kaming nagawa ni Morris kundi ang pumasok sa loob ng mamahaling bar. Gaya ng inaasahan ko ay maraming mga tao ang nasa loob.

May mga sumasayaw, nag-iinuman, naninigarilyo at may mga nagme-make-out din. Tipikal na scenario sa loob ng isang bar.

Nang makita kami na pumasok ng iba ay awtomatiko silang napalingon sa amin. Kitang-kita ko ang pagkamangha ng mga babae nang makita ang kapatid ko at si Morris. Well, hindi ko sila masisisi dahil talagang mga gwapo at malakas ang karisma nang dalawang ito.

Umupo kami sa isang bakanteng table na pina-reserve sa amin kanina ni Kuya Arman. Kakilala pala niya ang anak ng may-ari ng bar na ito.

Nang may lumapit sa aming waiter ay umorder na kami ng drinks. Dahil minsan lang naman akong magbar ay e-enjoyin ko na lang ang gabing ito at kakalimutan muna ang dapat kong problemahin sa panliligaw ni Morris.

Sandaling umalis sa table namin si Kuya Arman dahil may babatiin lang raw siyang kakilala niya sa kabilang table.

“Nagustuhan mo ba dito, Clang?” tanong ni Morris at inilapit ang bibig niya sa tenga ko para marinig ko ang sinasabi niya.

Maingay kasi dahil sa tunog ng music na nanggagaling sa booth ng DJ.

Ngumiti ako at tumango. “Oo naman. Ang ganda dito.” sabi ko.

Naaaamoy ko ang alak sa hininga niya at mukhang marami na siyang naiinom.

“Love, kailan mo ba ako sasagutin?” tanong ni Morris nang nakangiti.

Ito na naman siya sa pagtawag niya sa akin ng love.

“Morris,” madiin kong sabi pero tumawa lang siya ng mahina.

“Natatakot lang ako na makuha ka sa akin ng ibang lalake. Mahal na kita simula noong mga bata pa lang tayo at ngayong nagkaroon ako ng tsansa sa’yo ay hinding-hindi ko ’yon sasayangin.”

Ngumiti nang mapait si Morris at hinaplos ang mukha ko.

“Mahal na mahal kita…”

“I’m sorry, Morris.” sabi ko at napayuko.

Natigilan siya at tumango pagkatapos.

Nawala lang ang atensyon ko kay Morris nang may mahagip ang mga mata ko. Nagulat ako nang makita sila Kuya Duke, Ravi at may kasama silang dalawang babae. Iyong isang babae ay may pagkakahawig kay Sir Ansel at iyong isa naman ay nakahapit sa baywang ni Ravi.

Naglakad sila papunta sa direksyon namin at sa tingin ko ay nasa kabilang table lang namin ang table nila.

“Ang pagkakataon nga naman, oh. Tsk!” umiling si Morris nang makita din sila at nagmura nang mahina.

Si Kuya Duke kaagad ang unang nakapansin sa amin at halata ang pagkagulat nito nang makita kami. Si Ravi naman ay natigilan nang makita ako at napansin iyon nang babaeng nakahapit sa baywang niya kaya tumingin ito sa kanya.

Umupo sila sa kabilang table namin at ramdam ko ang bawat titig ni Kuya Duke sa peripheral vision ko.

“Babe, are you okay?” narinig kong tanong nang babaeng kasama ni Ravi.

“Y-yeah, I’m fine. Let’s order some drinks.” sagot ni Ravi sa babae.

Sa nakalipas na limang taon ay ngayon ko lang ulit nakita si Ravi. Mas gumwapo, tumangkad at nag-matured ang itsura nito kaysa noong huli ko siyang nakita. Girlfriend niya siguro iyong magandang babaeng kasama niya. Masaya ako dahil natagpuan na niya ang babaeng nararapat sa pagmamahal niya.

Nabigla naman ako nang inakbayan ako ni Morris. “Nakauwi na pala ’yang ex mo dito sa Pilipinas at may girlfriend na din pala, huh?” sarkastiko niyang sabi.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pag-inom ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayong muli kong nakita sina Ravi at Kuya Duke. Mabuti na lang at magkasundo na pala sila. Nakabuti nga ang naging desisyon ko noon para hindi masira ang samahan nila bilang magpinsan.

Bumalik na din sa table namin si Kuya Arman. Nasurpresa ito nang makita sa kabilang table sina Ravi at Kuya Duke.

“Tara na, lumipat na lang tayo ng ibang table.” sabi ni Kuya Arman na walang ekspresyon ang mukha.

“Mas mabuti pa nga!” nakangiting sabi ni Morris at inalalayan niya akong tumayo sa couch.

Gusto ko rin na lumipat na kami ng ibang table dahil hindi talaga ako komportable na makita ngayon sina Kuya Duke at Ravi.

Nang nadaanan namin ang table nila ay ramdam ko ang paninitig ng dalawang lalake kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko habang nakasunod sa akin si Morris.

Lumipat kami sa bakanteng table na mas malayo at doon lang ako nakahinga nang maluwag.

“Sa dami ng bar na pwede nilang puntahan ay dito pa talaga?” sabi ni Kuya Arman at umiling ito.

“Mag-ccr lang ako.” Paalam ko kina Morris at Kuya Arman.

“Samahan na kita, Clang-”

“Hindi na, Morris. Sandali lang ako. Dito ka lang.” Pagputol ko sa sinasabi ni Morris at umalis na sa table namin.

Gusto ko lang muna lumabas sandali para magpahangin kaya iyon ang ginawa ko. Nasusufoccate na kasi ako dahil kasama ko lang sa iisang lugar ang mga lalakeng nagdaan sa buhay ko.

Nang nasa labas na ako ng bar ay huminga ako nang malalim at umupo sa isang bench.

“After five years, we see each other again, my ex-girlfriend…”

Inangat ko ang tingin ko mula sa pagkakayuko at nagulat ako nang makita na nasa harapan ko na pala si Ravi.

Masama ang mga tingin niya na para bang may hinanakit siya sa akin.

“Ravi…” sambit ko.

-Ajai_Kim

Chapter 27

CLARISSE’S POV

“Ravi…” sambit ko.

“So, we saw each other with your brother and new boyfriend in this place, huh?” Tumawa si Ravi ngunit nakikita ko pa rin ang galit sa mga mata niya.

Naiintindihan ko naman kung bakit may hinanakit siya sa akin pero kung sinuman ang may karapatang magalit ay ako dapat iyon.

Kinontrol niya noon ang buhay ko at nang pamilya ko at kung hindi lang kami tinulungan nina Tito Kai at Morris ay hindi na ako makakawala sa kanya.

“B-bakit ka nandito?” tanong ko.

“Gusto kitang makausap.” sagot niya.

“Ano ba ang dapat natin pag-usapan? Iyong mga nangyari ba noon? Kung anuman ang nagawa mo sa akin ay pinapatawad na kita dahil matagal na ’yon. Isa pa ay may sarili na tayong mga buhay. May girlfriend ka na-”

“Kung makapagsalita ka ay parang ang dali lang kalimutan ang lahat nang mga nangyari, Clarisse. You made my life miserable!”

Nagulat ako nang hinablot ni Ravi ang braso ko kaya tuluyan na akong napatayo sa kinauupuan ko.

“Bitawan mo nga ako! At ano? Ako pa talaga ang naging dahilan para maging miserable ang buhay mo e, ikaw nga ang kumontrol ng buhay ko noon at ng pamilya namin?” galit kong sabi at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko.

“I did it because I loved you too much at malalaman ko na lang na may iba ka at nagkagusto ka pa kay Kuya Duke?” sarkastikong sabi ni Ravi dahilan para matigilan ako.

Huminga ng malalim si Ravi at tinanggal na ang pagkakahawak sa akin.

“A-alam ko naman ’yon, Clarisse pero wala e, manhid at tanga ako pagdating sa’yo noon, however, I’ve already found my girl, and she’s better than you.” mariin niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin. “Mabuti naman kung ganoon. Sige, aalis na ako.”

Akmang maglalakad na sana ako paalis nang muling magsalita si Ravi.

“You replaced me with your camouflaging best friend? I hope you don’t regret it because he’s the worst, Clarisse, and you’ll see it sooner.” seryoso niyang sabi at naunang maglakad papaalis.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig sa sinabi ni Ravi.

Ano ang ibig niyang sabihin tungkol kay Morris?

Nang bumalik ako sa loob ng bar ay nakita kong nag-iinuman pa din sa table namin sina Kuya Arman at Morris. Nang makita nila ako ay ngumiti sila at kaagad akong pinaupo ni Morris sa tabi niya.

“Ayos ka lang ba, Clang? Gusto mong umuwi na tayo? Pagod ka na ba?” tanong ni Morris.

Umiling ako at ngumiti. “Kailangan nating mag-enjoy ngayong gabi. Sayang naman ang ginastos ni Kuya Arman kung magiging KJ lang ako dito!” sabi ko at tumawa.

“Alam mo naman pala, sis. Huwag mo na lang pansinin iyong magpinsan na ’yon. Nandito kami ni Morris para protektahan ka sa kanila.” sabi ni Kuya Arman at tinapik ang balikat ko.

Tumango ako at pinagpatuloy na lang ang pag-inom ko ng hindi ko pa nauubos na drinks.

Pinagmasdan ko si Morris habang umiinom at nakikipagkwentuhan sa kapatid ko. Matagal na namin siyang kakilala at napakabuti niyang kaibigan.

Nalulungkot ako dahil ako pa ang minahal niya at tinanggihan ko ang wedding proposal niya pero ngayon ay nandito pa rin siya sa tabi ko at hindi itinigil ang panliligaw sa akin.

Na kay Morris na ang lahat ng katangian na gugustuhin ng isang babae at naiintindihan ko kung bakit nagustuhan siya ni Erika.

Bukod sa gwapo na may maamong mukha at matalino ay magaling din makisama si Morris. Pareho sila ni Tito Kai na napakabuti kina Mama at Janjan.

“You replaced me with your camouflaging best friend? I hope you don’t regret it because he’s the worst, Clarisse, and you’ll see it sooner.”

Naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Ravi. Paano niya nasabi iyon kay Morris?

Nang tumingin ako sa bandang table nila Ravi sa malayo ay nahuli kong nakatingin sa akin si Kuya Duke. Malamig ang mga tingin niya at para akong natutunaw doon kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

Hindi niya raw girlfriend iyong kapatid ni Sir Ansel pero bakit para yatang palagi silang magkasama? Niloloko niya lang ba ako at girlfriend naman talaga niya iyong babae?

Kung titignan ay bagay talaga silang dalawa. Mayaman at eleganteng tignan ang babae, katulad ni Kuya Duke ay nakakaangat rin ito sa buhay. Kabaliktaran ko na since birth ay lumaki na sa mahirap at komplikadong pamilya.

Muli akong tumingin sa direksyon nila at nakita ko na bumulong ang kapatid ni Sir Ansel kay Kuya Duke at si Kuya Duke naman ay natawa sa ibinulong nito.

Nahuli kong nakatingin pala sa akin si Ravi habang nakahilig sa balikat nito iyong girlfriend niya kaya kaagad akong umiwas ulit ng tingin sa kanila.

Wala na akong karapatang masaktan.

Masaya ako na nahanap na nina Kuya Duke at Ravi ang babaeng para sa kanila.

Dinaan ko na lang sa pag-inom ang sakit at bigat na nararamdaman ko. Hinayaan lang akong uminom ng marami nina Kuya Arman at Morris dahil alam nila ang pinagdadaanan ko.

Nang tuluyan akong malasing ay nagyaya na sila na umuwi kami. Hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa matinding kalasingan pero mabuti na lang at naka-alalay sa akin si Morris para hindi ako matumba.

“First time yatang maging wild drinker ’tong kapatid ko!” natatawang sabi ni Kuya Arman nang makapasok na kami sa loob ng kotse ni Morris.

Hindi sumagot si Morris at pinaandar na ang kotse niya. Bigla na lang akong kinabahan nang makita ang simpleng pagngisi niya.

DUKE’S POV

“Thank you for celebrating my birthday with me, Duke, I really appreciate it!” Juliana exclaimed, smiling.

I accompanied her earlier in the bar as she requested on her birthday with my cousin Ravi and her best friend, Margarette, who is also Ravi’s girlfriend.

Ayokong sumama sa kanila pero napilit ako ni Juliana at dahil kaibigan ko naman siya at birthday niya ay pumayag na lang ako.

Tumango ako at akmang papasok na sa loob ng kotse nang bigla akong hinalikan sa pisngi ni Juliana.

I was stunned by what she did, but she simply smiled and walked happily inside their house.

“Fuck it!” mura ko at pumasok na sa loob ng kotse ko.

Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang isipin siya. When I saw her again, all of my fucking healing and promises vanished.

Natatakot ako na baka kapag naging malapit ako sa kanya ay maulit na naman ang mga nangyari noon.

I’m afraid of hurting her, and I don’t want that to happen. I’ve already screwed up and messed up my life, and I don’t deserve to be happy, but holy cow! I just want to explode from the jealousy and rage I’m experiencing right now.

Ravi, then Morris, and now Ansel? What the hell?

Ansel is already a widower, and he’s two years younger than me. Mabuti at maaasahan siyang kaibigan katulad ni Juliana but now, I can’t stand being around him and Juliana anymore na habang tumatagal ay nagiging clingy at dependent na sa akin.

I don’t want another woman in my life, and I’m not interested in Juliana. I only treat her as a friend. And as for Ansel, I can see that he is interested in Clarisse, which irritates me.

Hindi ko man lang alam na empleyado niya si Clarisse sa kompanya na pinagtatrabauhan niya which is also his father’s company!

I squandered my five years in California as his friend without realizing Clarisse was everywhere in his office.

Pero may karapatan nga ba akong mainis at magalit kay Ansel? Wala dahil wala naman akong pinanghahawakan kay Clarisse.

She represents my past, which I wish to forget but cannot. I still love her to this day pero natatakot akong muling mapalapit sa kanya dahil baka masaktan ko lang siya mula sa mga kamay ko.

I’m possessive and obsessed man, right? At ayokong magaya siya sa mga nagawa ko noon kay Haya.

I tried everything to forget her, I took too many painkillers and other types of medication to slowly kill myself, but I ended up being rehabilitated in California, where Kendrick was also admitted. The rehabilitation, Juliana’s guidance, and my family’s support assist me in picking up the pieces of myself.

“Kuya Duke?”

Lumingon ako sa tumawag nang pangalan ko at nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Camille. Nakauwi na ako sa bahay at ang inaatupag ko ngayong gabi ay ang uminom.

“Yes?” ngumiti ako sa kapatid ko.

Sa bahay nila TJ nakatira si Camille kasama ang anak nilang si Trijohn. They are married three years ago. Nandito lang sila sa bahay dahil gustong makasama nina Mom at Dad ang apo nila.

“Have you seen her already?” maingat na tanong ni Camille at umupo sa tabi ko.

Tumango ako at pinaglaruan ang yelo na nasa baso. “She’s one of Ansel’s employee.”

Camille exhaled a sigh. “I know you still love her, Kuya, even though you’ve avoided her for your and her safety for the past five years. Ayos lang naman siguro kung-”

“Ang h-hirap, Camille… ginawa ko ang lahat para lang ayusin ang sarili ko at layuan siya sa kapakanan niya pero hanggang ngayon ay mauuwi pa rin ako sa dati, sa pagiging baliw ko sa pag-ibig pagdating sa kanya. Natatakot ako na kapag inangkin ko siya ay masaktan ko lang ang damdamin niya katulad ng mga nagawa ko noon kay Haya. I made a mistake, and I’m afraid she’ll avoid me once she learns about my past and what I’ve done.”

Nanghihina na ako ngayon pa lang. Ang laki na talaga ng ipinagbago ko hindi katulad noon na gumagawa na lang basta nang hakbang para makuha ang gusto. Bawat hakbang at galaw ko ay pinag-iisipan ko na dahil si Clarisse ang pinag-uusapan dito at mahal ko ang babaeng iyon.

Damn it! She’s still the Princess in my heart, and she always will be, despite the fact that I’m her wreck and miserable Prince Charming.

“Do not be afraid to pursue her, Kuya Duke, you deserve to be happy, and now is the time to help her. Improve yourself, and do not be taken away by your bad past and habits. You are a changed man, just like Kuya Kendrick. 35 ka na at gusto ko namang magka-girlfriend ka pero dapat si Clarisse lang.” Camille laughed after she said that.

“Do you think she likes me? Nakabuntot palagi sa kanya si Ansel at ’yong kaibigan niyang si Morris at b-baka gusto niya na ang mga lalakeng ’yon. They are decent and better than me.” Napahilamos ako at muling nagsalin ng alak sa baso ko.

“Who wouldn’t like my Kuya Duke? You are the most understanding changed man, handsome and hot brother ever existed, so Clarisse will easily like you,” Camille said as she tapped my head on the shoulder.

Napangiti ako sa sinabi ng kapatid ko.

I’m glad that I still have her in my life at ang mga ginawa kong suicide attempts noon ay pinagsisisihan ko na. Hindi ko man lang naisip dati ang pamilya kong palaging nakasuporta at naka-alalay sa akin. Suicide is one of the dumbest things I’ve ever done at hindi ko na iyon uulitin.

Art therapy, music therapy, biofeedback, neurofeedback, exercise programs, and equine therapy all help me become a better version of myself. God is also my salvation, and I’ve learned to pray every day for the safety of my family, friends, and my princess, Clarisse.

Sinong mag-aakala na ang Duke na maselan sa kapaligiran, maarte sa pagkain, immature kung mag-isip, gago, tarantado, at siraulo ay marunong nang magdasal?

“If I chase her… I’ll make sure she likes me back… I want to spend my life with her, Camille. She’s the only one I’ve ever loved in this way.” determinado kong sabi.

This time ay gagawa na ako ng hakbang. Sa huli ay ganito pa rin ako, babaliwin ako ni Clarisse nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya pero ayos lang dahil alam ko na ang tama sa mali. I wouldn’t waste my 5 years in the United States becoming wreckless and messed up again for my love for her.

“I’m expecting a child from you para may kalaro na si Trijohn.” Camille smirked.

I’m hoping Clarisse will provide me with a good family once I marry her. I’m an advanced thinker who envisions our future together.

I smiled again. “I will.”

CLARISSE’ POV

Nagising ako dahil sa matinding pananakit ng ulo ko. Nang unti-unti akong dumilat ay naramdaman ko ang braso na nakayakap sa baywang ko.

Nagmulat ako at laking gulat ko nang makita si Morris na natutulog habang nakayakap sa akin at pareho kaming walang saplot.

Binundol ng kaba ang dibdib ko at sinilip ang sarili ko sa kumot na nagtatakip sa aming dalawa. Wala akong suot na damit at maging pati si Morris ay wala rin.

Tuluyan na akong napahikbi na nagpagising kay Morris.

Ngumiti siya at mas lalo akong niyakap. “Good morning, Clang!”

Naluluha kong binalingan si Morris.

“M-Morris, a-anong nangyari kagabi?” kinakabahan kong tanong.

Lumawak ang ngiti niya.

“Hindi mo ba natatandaan ang mga ginawa natin kagabi? May nangyari sa ating dalawa…”

Hindi ko akalain na ang lalakeng lubos kong pinagkakatiwalaan ang siya pa lang sisira ng buhay at tiwala ko.

-Ajai_Kim

Chapter 28

CLARISSE’S POV

“Clarisse, anak-”

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nanlaki ang mga mata ni Mama nang makita ang ayos ko kasama si Morris na nasa tabi ko. Nasa likuran niya si Tito Kai na kaagad tumalikod pagkakita sa amin.

“A-anong ginawa ninyo ni Morris, Clarisse?” may halong gulat at galit na tanong ni Mama.

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang umiiyak. Maging pati ako ay hindi ko rin alam kung paano nangyari sa amin ’to ni Morris. Nararamdaman ko din ang pagkirot ng ibaba ko at masakit iyon.

Humarap si Tito Kai kay Morris at galit nitong tinignan ang anak.

“Morrison, anong ibig sabihin nito? May nangyari sa inyo ni Clarisse?” sigaw niya.

Yumuko naman si Morris at pinaglaruan ang mga kamay habang ako ay pilit na binabalot ang sarili sa kumot na nakatakip sa aming dalawa.

“M-may nangyari sa amin ni Clarisse, Papa. Pareho kaming lasing kagabi at hindi namin namalayan na nagawa na pala namin ’yon.” mahinang sabi ni Morris na pati kay Tito Kai ay natatakot din.

Hindi ko maiproseso ng maayos itong nangyayari. Masyadong mabilis at hindi kapani-paniwala.

Nakikita ko ang dismayadong mukha nina Mama at Tito Kai. Hindi nila nagustuhan ang pangyayari na kahit ako ay ayoko rin.

“Morris, ipinagkatiwala ko sa’yo ang anak ko pero ano ’tong ginawa mo?!” Tuluyan nang umiyak si Mama kaya inalo siya ni Tito Kai.

“I’m sorry po, Tita Clara pero papanagutan ko naman po si Clarisse-”

Hindi ko na napigilang sampalin si Morris na ikinagulat niya.

“Lasing tayo kagabi at Morris naman, walang mangyayari sa atin kung hindi mo napigilan ang sarili mo!” sigaw ko sa namamaos na boses.

Hinawakan niya ang pisnging nasampal ko at malungkot akong tinignan. “Mahal naman kita kaya ko nagawa ’yon at ikaw, nagustuhan mo din-”

“Hindi totoo ’yan! Wala akong maalala sa mga nangyari sa atin kagabi!” Pagputol ko sa sinasabi ni Morris.

Totoo iyon. Hindi ko maalala iyong mga ginawa namin kagabi. Ang huling naaalala ko lang ay iyong sumakay na kami sa loob ng kotse niya kasama si Kuya Arman para umuwi galing sa bar.

Gusto ko sanang maniwalang walang nangyari sa amin at pinapalabas niya lang na mayroon pero hindi ko maitatanggi na may nangyari nga dahil sa masakit na katawan ko, ibaba ko at nakita ko din ang bahid ng dugo sa bedsheet ng kamang hinihigaan namin.

Pati ang sarili ko ay pinandidirihan ko na dahil hinayaan ko lang na may mangyari sa amin ni Morris.

“Hindi mo maalala kasi marami kang nainom.” sabi pa ni Morris.

“Tama na ’yan. Magbihis muna kayong dalawa at mag-uusap tayo sa sala. Tara na, Clara,” sabi ni Tito Kai at hinila si Mama na umiiyak at parang hindi pa rin makapaniwala sa nadatnan.

“Clang-”

Hindi ko na napigilan na sampalin ulit si Morris. Tumiim-bagang lang siya sa ginawa ko at umiwas ng tingin.

“Sinira mo ang tiwala ko sa’yo, Morris…” madiin kong sabi.

Huminga naman siya nang malalim at akmang hahawakan ang kamay ko nang kaagad ko itong iniwas.

“Nangyari na din naman at hindi mo na maibabalik pa ang nawala sa’yo, Clang. Hindi ko pinagsisisihan kung may nangyari sa atin dahil mahal na mahal kita at handa kitang panagutan sa nagawa ko sa’yo.” sabi ni Morris sa mahinahong boses.

Umiling ako at natawa ng sarkastiko.

Kung sa kanya ayos lang ang nangyari, sa akin ay hindi. Paano magiging ayos iyon kung wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi?

Tumayo ako mula sa kama habang nakatakip pa ng kumot ang hubad kong katawan. Napapangiwi ako sa sakit ng katawan at ibaba ko pero kailangan kong makapagbihis at maligo para man lang mawala ang pandidiring nararamdaman sa sarili ko.

“Hindi kita mahal…” sabi ko habang kumukuha ng mga damit sa cabinet ko at sinuot ito.

Hindi nakapagsalita si Morris at nang tinignan ko siya ay matalim ang mga tingin niya sa sahig habang nakayuko.

Nagsimula na siyang magbihis ng mga damit niyang nakakalat sa sahig at hindi na ako kinausap.

Nang matapos ay ngumiti siya sa akin.

“Hindi ako nagsisisi sa nagawa ko, Clang. Tandaan mo na mahal na mahal kita…”

Sa inis ko ay kinuha ko ang unan sa kama at hinagis iyon sa mukha niya na hindi niya kaagad nailagan. Nagulat siya sa ginawa ko pero pagkaraan ay nagkibit balikat lang at nilagay ulit ang unan sa kama ko.

“Lumabas ka na sa loob ng kwarto ko!” Utos ko.

Sinulyapan pa ako ni Morris sa huling pagkakataon bago siya lumabas sa loob ng kwarto.

Nang makaalis siya ay humagulgol na ako ng iyak at napaupo sa sahig. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi pero hindi ko pa rin nagawa.

Ang sakit-sakit ng kalooban ko. Nagtiwala ako sa isang tao na ang akala ko ay mapagkakatiwalaan ko pero nagkakamali pala ako dahil siya rin mismo ang sisira ng tiwala ko.

Papaano ito nagawa ni Morris sa akin?

Kung wala akong matandaan sa mga ginawa namin ay bakit hindi niya pinigilan ang sarili niya na mangyari iyon kung talagang nirerespeto niya ako at ang gusto ko?

Tama nga ang sinabi sa akin ni Ravi.

At patawad kay Kuya Duke dahil hinayaan ko na mangyari ito. Mas lalo lang akong nagkaroon ng rason para hindi ko na siya gustuhin dahil isa na akong maruming babae.

Nang nahimasmasan at tuluyan na akong kumalma mula sa pag-iyak ay naligo na ako at saka tinanggal ang puting bedsheet sa kama ko at nilagay iyon sa maruruming mga damit ko.

Natulala ako sa pulang mantsa ng bedsheet. Nagalaw nga niya ako at hindi ako makapaniwalang siya ang nakakuha ng pinaka-iningatan ko sa sarili ko.

Naglakad ako nang dahan-dahan habang lumalabas sa loob ng kwarto dahil masakit pa rin ang ibaba ko. Pagkarating ko sa sala ay nagulat ako sa naabutan ko.

Sinuntok ni Kuya Arman si Morris. Bumagsak sa sahig si Morris kaya inalalayan ito ni Tito Kai habang pinipigilan naman nina Mama at Janjan si Kuya na sugurin ulit ito.

“Tangina ka, Morris! Hinayaan kitang dalhin si Clarisse sa loob ng kwarto niya dahil nagtiwala ako sa’yo na wala kang gagawing masama sa kanya pero napakagago mo at ginalaw mo siya!” sigaw ni Kuya Arman habang dinuduro si Morris.

“Kuya!”

Lumapit ako kay Kuya Arman na umiling lang sa akin at katulad nina Mama at Tito Kai ay disappointed rin.

“Patawad, Kuya Arman. H-hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko at ganoon rin si Clarisse. Pareho naming ginusto ang nangyari sa aming dalawa…” sagot ni Morris na namimilipit sa sakit ng panga niyang nasuntok ng kapatid ko.

Umiling ako sa inis. Hindi ko ginusto ang nangyari sa aming dalawa!

“Sinungaling ka, Morris!” galit kong sabi kay Morris at nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko.

“Hinayaan mo na may mangyari sa inyo ng lalakeng ’to? Habang may mahal kang iba?” seryosong tanong ni Kuya Arman.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Iyong pinsan ni Ravi ang mahal mo, hindi ba? Inamin mo sa amin noon na gusto mo si Duke at hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya. Bakit mo hinayaan na mangyari ’to sa inyo ni Morris? Imposibleng hindi mo natatandaan ang mga ginawa niyo kagabi!” madiing sabi ni Kuya Arman at halata ang pagpipigil nang matinding galit.

“Hindi ko talaga matandaan, Kuya Arman… I’m sorry…” nahihirapan kong sabi at napahikbi na ako.

Ngumisi ng mapait si Kuya Arman. “Lalabas muna ako dahil kapag nagtagal pa ako dito ay mapatay ko lang ’yang best friend mong hindi rin pala mapagkakatiwalaan!” sabi niya at lumabas na sa loob ng bahay.

“Arman, anak!” umiiyak na pagtawag ni Mama at sinundan si Kuya Arman.

“Ate Clarisse…”

Bumaling ako sa kapatid kong si Janjan na umiiyak din at niyakap ako.

“Clarisse, ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Morris. Alam mo namang mahal ka niya pero-”

Masama kong binalingan si Tito Kai na mukhang kinukunsinti pa ang ginawa ng anak nito.

“Hindi ko mahal ang anak niyo.” seryoso kong sabi.

Natawa naman siya. “Mahal mo man o hindi pero may nangyari na sa inyo-”

“Papa, tama na. Nabigla lang si Clarisse sa mga nangyayari pero magiging maayos din ’tong sitwasyon namin.” sabi ni Morris pero sa akin siya nakatingin.

Hindi na ako nagsalita at hinila na lang si Janjan papunta sa loob ng kwarto niya.

Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Tito Kai. Ang akala ko ay hindi niya kukunsintihin ang ginawa ni Morris pero kinakampihan pa niya ito.

Ngayon ko lang napagtanto na nagkamali kami ni Mama ng mga piniling pagkatiwalaan.

THIRD PERSON’S POV

“Congratulations, pre!”

Nakangiti si Morris habang binabati siya ng mga kaibigan niya noong college. May college reunion sila at sa bahay ng dating kaklase ginanap ito.

“Salamat, pre. Invited kayo sa kasal namin ni Clarisse, ah?” sagot ni Morris habang nakikipagkamay sa ilan pang mga dating kaklase.

“Sure na pupunta kami doon. Hindi ba, Vendrex?” nakangising tanong ni Mon na isa sa mga dati niyang kaklase at inakbayan ang katabing si Vendrex.

Tipid na ngumiti lang si Vendrex sa sinabi nito.

“Vendrex, pwede ba kitang makausap nang tayong dalawa lang?” tanong ni Morris kay Vendrex.

“Uh, sure.” sagot ni Vendrex at nilapag muna sa lamesa ang iniinom na wine.

“Maiwan muna namin kayo, Mon. May pag-uusapan lang kami ni Vendrex.” nakangiting sabi ni Morris kay Mon.

“Sige, pre.” sagot ni Mon at nakipag-usap na lang sa iba pang dating mga kaklase.

Naglakad na paalis si Morris at sinundan lang ito ni Vendrex hanggang sa makarating sila sa likod bahay.

“Alam kong may hindi tayo pagkakaunawan noon at naging dahilan ’yon para masira ang pagkakaibigan natin. I’m sorry kung nagalit man ako sa’yo dati, Vendrex.” paghingi ng tawad ni Morris.

“It’s okay, Morris at matagal na panahon na rin ang alitan natin kaya wala na ’yon sa akin.” sagot ni Vendrex at may gusto pa sanang sabihin pero hindi lang maituloy.

Ngumiti si Morris at inakbayan siya.

“Hindi talaga ako makapaniwala na magiging asawa ko na si Clarisse. Akalain mo ’yon? Iyong nagustuhan mong babae ay napunta sa akin? Pero wala na rin naman sa’yo ’yon dahil balita ko ay may girlfriend ka na, hindi ba?” tanong nito.

Tumango na lang si Vendrex kahit ang totoo ay wala siyang nobya. Kakahiwalay lang nila ng dating girlfriend dahil nahuli niya itong may ibang lalake pala. Nagtagal rin ng isang taon ang relasyon nila ngunit talagang malas siya sa pag-ibig at pinagtaksilan pa.

“Mga bata pa lang kami ni Clarisse ay talagang mahal ko na siya. Pinigilan ko lang ’tong nararamdaman ko dahil ang akala ko ay hindi niya ako mamahalin. Alam kong gusto mo noon si Clarisse kaya hindi ko siya pinormahan dahil nirerespeto kita bilang kaibigan ko at pati na ang dati niyang boyfriend na si Ravi. Mahirap itago ang nararamdaman ko para sa kanya pero ngayon ay masaya ako dahil mahal na mahal niya ako.” sabi ni Morris na mas lumawak ang ngiti.

May panghihinayang si Vendrex dahil noon ay hindi man lang niya nasabi ang kaniyang nararamdaman para kay Clarisse, at tama ang hinala niya na may gusto na noon pa man si Morris sa best friend nito.

“T-that”s good to know. When is the wedding?“ tanong niya.

“Next month na. Pinaghahandaan na namin ang kasal, at sana makadalo ka.” saad ni Morris na halata ang kasiyahan sa mukha.

“Of course, I will come.” sagot ni Vendrex at ngumiti.

“Salamat bro. Sige na at bumalik na tayo sa loob ng bahay at baka hinahanap na nila tayo.” sabi ni Morris at niyaya nang umalis si Vendrex sa likod bahay.

Nang muli silang makabalik sa loob ay walang tigil ang mga bumabati kay Morris dahil sa napapabalitang kasal nila ni Clarisse.

Siya mismo ang nagpakalat ng balitang iyon. Gusto niyang malaman nang lahat na ikakasal na sila ng babaeng pinakamamahal.

Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas simula nang may mangyari sa kanila ni Clarisse. Hindi siya makapaniwalang unti-unti nang natutupad ang mga pinapangarap niya noon pa lang.

Totoong may nangyari sa kanila at para maisakatuparan ang kaniyang plano ay tinulungan siya ng amang si Kai. Nilagyan niya ng Ketamine liquid ang ininom na drinks noon ni Clarisse nang hindi napapansin ni Arman.

Galing kay Kai ang pinainom niyang Ketamine liquid kay Clarisse na nakuha nito mula sa isang buy bust operation raid kasama ang PDEA.

Nang tuluyang nawala sa huwisyo si Clarisse nang dalhin niya sa loob ng kwarto nito ay doon niya ginawa ang planong pagsamantalahan ito.

Kung hindi niya ito pagsasamantalahan ay baka makuha pa ito ng ibang lalake sa kanya katulad na lang ng pagbabalik nang magpinsang sina Duke at Ravi.

Natatakot siyang maagawan kaya muli siyang gumamit ng maruming paraan para lang mawala sa landas ang mga lalakeng nagtatangkang agawin si Clarisse mula sa kanya.

Namatay si Tyron dahil pinapatay niya ito sa amang si Kai. Hindi siya makapaniwala na nagustuhan ito noon ni Clarisse.

Paano makukuha ng pamilya ni Tyron ang hustisya kung mismong ama niya na isang pulis ang pumatay dito at ang humaharang sa lahat para lang hindi makamit ang hustisyang para kay Tyron?

Alam din niyang minamanipula ni Kai ang ina ni Clarisse na si Clara dahil katulad niya ay tuso at demonyo din ang ama.

Ngayon na ikakasal sila ni Clarisse at bubuo ng isang masayang pamilya ay hindi na siya makapaghintay doon. Humihiling rin siya na sana ay mabuntis niya ito.

Wala rin siyang pakialam kung mahal man siya nito o hindi.

Hindi siya magiging anak ni Kairo Linares kung hindi rin siya katulad nito.

-Ajai_Kim

YMP Note

Kung ayaw n’yo na magbasa ng ‘Obsession’ story. It includes SA/violence behavior/manipulation/desperation/force genre at sasabihin n’yong sa umpisa n’yo lang nagustuhan ’yong stories ko pero nakaabot pa kayo mismo dito sa latest update story ko then better drop all of my stories.

If my stories aren’t your cup of tea, I’m sorry to say that I won’t write a fairy-tale-like/pure romance story because, in the first place ay sinabi ko nang red flags ang mga character sa stories ko.

Please don’t be a hypocrite. I enjoy writing stories, and the reason I was recognized is because of the genres in which I wrote.

If you don’t want this type of plot/genre, don’t read my stories.

Kaya kong magsulat ng perfect story pero hindi ko lang ginagawa dahil magulo ang reyalidad (I want to apply the real world happenings into fiction) at gusto ko na hindi perpekto ang mga sinusulat kong storya.

PS: You deleted your comment while I’m proving my point here. Story ko ang binabasa mo at sana ako po ang bigyan mo ng Respeto .

Talking about RESPECT. Respect should be earned by someone who deserves it, not by the one who proves their point wrong.

Saan uray inton kaano ibaga dayta kukuayo nataon-ok, no dakayo aramiden awan pagraemen ken iti tattao.

-Ajai_Kim

Chapter 29

CLARISSE’S POV

Being a victim of violence and rape has been a difficult experience for me. Life isn’t all about happiness and contentment; there are some problems, chaos, and struggle that we must face because that is the reality.

Who would have guessed that the man I’d trusted my entire life would be the one to wreck and shatter me?

I am no longer the pure, decent, and strong woman I once was… but am I really that strong? Because in the past, people have always manipulated, harassed, and dictated to me when I just wanted to move on my own.

My virginity is the only one I have right now, but it was easily taken away in the middle of the night while I was unconscious and under the influence of drugs. I’m disgusted with myself, and I want to annihilate my face and body because I felt miserable, weak, cowardly, and pathetic. My beauty is also a curse that I wish I didn’t have so that bad people and predators wouldn’t be interested and lusting after me.

If you are a rape victim in this society, some people will be disgusted by you, throw some shade at you, and always say that if you are careful enough, no one will be violated.

But is it really the fault of women if they are unable to control the man’s nature, which is lust and temptation? Is it their fault for trusting someone, especially if you’ve known them for a long time?

My life was not perfect right in the beginning, I’ve always experience, sadness, pain, anger to myself. Being a rape victim is a great humiliation for me and I don’t want to see the man who betrayed my trust and destroyed my life.

Others can’t understand my story who are truly reflects in real world. If they knew how my life had turned out to be like this, to be no longer pure, they would abandon me and be uninterested in me.

I’m not the Princess they knew because I’m the Princess who doesn’t have happy endings from the start.

Gang rape, rape, abuse, killings, terrorism, satanism, illuminati, and other forms of bad society exists. If there’s some good going on, there’s also some bad going on underground. If you listen to the song Where Is the Love by The Black Eyed Peas, it reflects how society works.

Matagal na akong pagod mabuhay at lumalaban sa magulong mundong ito ngunit ang pamilya ko ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko.

Gusto kong maging matatag at lumaban sa pagsubok na nararanasan ko pero may punto pa lang mapapagod ka na lang lalo na kung wala ka nang lakas na lumaban.

Hindi ko kailanman papakasalan ang isang demonyong katulad ni Morris. Ayokong matali sa isang lalake na pansariling interes lamang ang iniisip kaya nagawa niya ang bagay na iyon na lubos na ikinasira ng tiwala ko sa kanya.

Katulad siya ng kaniyang ama na si Tito Kai na sa umpisa pa lang ay minanipula na si Mama para lang makuha ito. Sila ngayon ang kumokontrol sa buhay namin ng pamilya ko, mas malala at mas natatakot pa kay Ravi.

Pinipilit ni Tito Kai na pakasalan ko ang anak niya dahil may nangyari sa amin ni Morris at malaking kahihiyan raw kung hindi ako matatali rito.

Tutol sina Mama, Kuya Arman at Janjan sa suhestiyon niya pero pinagbantaan nito ang pamilya ko na kung hindi kami magpapakasal ni Morris ay gagawin niyang miserable ang buhay namin sa pamamagitan ng koneksyon niya sa batas at lugar namin.

Hindi ako makapaniwala na ang taong pinagkatiwalaan nina Mama at Papa ay magagawa ito sa amin, na sa kasakiman at kagustuhan nila ng anak na si Morris ay kayang-kaya nilang paikutin at sirain ang buhay namin ng pamilya ko.

Pareho silang mga tuso at demonyo.

Gusto kong lumayo dahil kung mananatili pa ako sa ganitong sitwasyon ay baka tuluyan na akong mabaliw at mawalan ng pag-asa para sa pamilya ko.

Malalim na ang gabi at ito ang tamang pagkakataon para umalis na ako. Patawad kila Mama, Kuya Arman at Janjan kung iiwan ko sila dahil ito na lang ang tanging paraan para maisalba at mailigtas ko ang sarili ko.

Habang tulog pa sila ay lumuluha kong sinukbit ang dala kong bag na naglalaman ng kakaunting mga gamit ko. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin pagkatapos ng pag-alis kong ito basta’t makalayo lang ako sa miserable ko nang buhay.

Dahan-dahan akong naglakad para hindi ako makagawa nang kahit anumang ingay hanggang sa tuluyan akong makalabas ng bahay.

Sinulyapan ko pa sa huling pagkakataon ang bahay namin na kinalakihan ko na.

Mami-miss ko sila Mama, Kuya Arman at Janjan at dahil bilang si Kuya Arman na ang tumatayong Padre de Pamilya namin, sana ay protektahan at huwag niyang pabayaan sina Mama at ang kapatid naming si Janjan.

Nang makalabas na ako sa gate ng bahay ay laking gulat ko nang makitang nakasandal sa ilaw ng poste si Kuya Duke habang natutulog ito nang nakaupo.

Ang lamig dito sa labas at wala man lang siyang suot na jacket dahil puting t-shirt at pantalon lang ang suot niya. Paano kung magkasakit pa siya?

Mahigit tatlong linggo na niya itong ginagawa. Pumupunta at nag-aabang siya sa labas ng bahay namin para makausap ako pero hindi siya pinapalapit sa akin nina Tito Kai at Morris na pina-blotter na si Kuya Duke para lang hindi ako nito malapitan.

Alam nila ang nararamdaman ko para kay Kuya Duke.

Naglakad ako palapit kay Kuya Duke na awtomatiko namang nagising sa yabag ng mga paa ko.

“Princess…” aniya sabay tayo.

Sa loob ng limang taon ay ngayon lang niya ulit ako tinawag na Princess.

“B-bakit ka pa rin nandito, Kuya Duke?” tanong ko kasabay ng pagpunas ng luha ko.

“What are you doing this evening, and why are you crying?” tanong niya na binaliwala ang tanong ko.

Umiling ako at nilagpasan siya pero hinatak niya lang ako at tinitigan mula sa mga mata.

Kaharap ko ulit ang lalake na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin pero hindi siya karapat-dapat sa isang katulad ko lalo na sa mga masalimuot na nangyari sa akin.

“I just want to talk to you personally pero hindi ko magawa dahil sa best friend mo at sa Tatay niya. Hindi ka na rin pumapasok sa trabaho mo at kapag nakikita ako dito ng pamilya mo ay para silang takot na takot na lapitan ako. Tell me what’s happening because I’m worried,” concern na sabi ni Kuya Duke.

Umiling ulit ako. Gusto kong magsumbong pero pinigilan ko lang. Namamanhid na ako sa lahat nang ito, sa walang katapusang hirap, sakit at pighati sa puso ko.

“Are you leaving your family now?” tanong niya nang hindi pa rin ako nagsasalita.

Malungkot akong tumango.

Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago tumango na para bang naiintindihan niya ang ginagawa ko.

“Let us flee this mad and cruel world, Princess…”

Nagulat ako.

Akmang magsasalita na sana ako nang hinila na niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa nakaparada niyang kotse sa kabilang street ng bahay namin.

“Dito ko pinark ang kotse ko para hindi makita ni Morris at ng Tatay niya at nagbayad na lang ako sa may-ari ng lote ng renta para sa parking.” nakangiting sabi ni Kuya Duke at inalalayan akong makapasok sa loob ng front seat ng kaniyang kotse at siya ay umupo sa driver’s seat.

Hindi ako makapaniwala. Kasama ko siya at kinakausap niya ako na para bang katulad lang noon nang una niya akong makilala.

Malaki ang ipinagbago ni Kuya Duke maging pati na sa kaniyang itsura. Mas naging attractive siya sa paningin at siguradong maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

Nilagay niya ang dala kong backpack sa backseat at inumpisahan nang paandarin ang kotse.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngayon, ang gusto ko lang ay ang magpakalayo-layo kasama siya.

“Are you hungry?” tanong niya habang nasa biyahe kami.

Umiling ako. Pati sa pagkain ay nawawalan na ako ng gana.

Biglang itinigil ni Kuya Duke ang kotse niya sa McDonald’s drive thru.

“What do you want to eat, Princess?” tanong niya.

“H-hindi ako gutom, Kuya Duke.” mahina kong sagot.

“You need to eat dahil malayo pa ang biyahe natin.” sabi nito at muling ngumiti.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko.

“Somewhere far away where I can kiss and cuddle you every day.”

Namula ako sa sinabi ni Kuya Duke at sa sa loob ng tatlong linggo ay ngayon lang ako nakaramdam nang kapanatagan at saya sa puso ko.

Siya na ang nag-order para sa akin. Umorder ito ng Big Mac, Chicken Mcdo with rice, McSpaghetti at large fries. Wala man akong gana ay napilit niya akong kumain para man lang daw na magkaroon ng laman ang tiyan ko dahil mahaba pa ang biyahe namin.

Pagdating kay Kuya Duke ay malaki ang tiwala ko sa kanya. Nakita ko rin kung gaano siya kabuti noon kina Mama at Janjan. Gusto niya rin akong tulungan para makawala kay Ravi pero sa huli ay sinaktan ko siya at pinalayo sa akin.

Nakikita ko na siya pa rin pala ang Kuya Duke na una kong nakilala. Iyong lalakeng mas matanda sa akin ng 12 years na sweet, concern at ang kapakanan ko ang inaalala.

Nangalahati lang ako sa kinakain kong Big Mac dahil busog na busog na ako. Pinaandar na ulit ni Kuya Duke ang kotse niya dahil nakakain na rin ako.

Tinitigan ko siya habang nagmamaneho ito. Seryoso lang ang mukha pero ang gwapo pa din.

“I’m sorry, Princess…”

Kinagat ko ang ibabang labi ko at kumuha ng tissue sa paperbag ng McDonalds para punasan ang panibagong luha na pumatak mula sa mga mata ko.

“I just have to leave you for your own safety dahil kapag hindi ko ginawa ’yon ay matatali ka sa akin or worse ay baka masaktan lang kita.” Bumuntong-hininga siya at hindi ako nagkamali nang makita ang pangingilid ng mga luha niya.

“Totoo bang na-rehab ka sa Amerika? Nabanggit ’yon ni Sir Ansel sa akin.” tanong ko.

Tumango siya. “I have a medication overdose. Ginawa ko kasing candy ’yong mga iniinom kong gamot para man lang mawala ’yong sakit na naramdaman ko dahil pinapalayo mo ako sa buhay mo.”

Dahil nga sa akin kung bakit siya naging miserable noon. At ang akala ko ay na-rehab siya sa Amerika dahil sa pinagbabawal na droga pero mali ang sinabi ni Sir Ansel nang makausap ko siya.

“I was rehabilitated in Los Angeles, California, where my best friend Kendrick was also admitted due to a drug overdose. I need to get out of this country before it’s too late because it’s dangerous if I’m near you.” Tumawa ng mahina si Kuya Duke at tumiim-bagang.

Hindi ako nakapagsalita at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.

“Nagmahal ako noon sa babaeng nagustuhan din ng best friend ko na ngayon ay asawa na niya at naging dahilan ’yon para ilang beses kong tangkaing patayin ang sarili ko. I ruined their lives, and my chaotic life right now is my karma. Princess, I’m evil and worse… I used to love another girl, but my love for you is too strong and is literally killing every part of me. My escape is the reason I’m shielding you from my harm.”

Nagulat ako nang tuluyang umiyak si Kuya Duke.

Kitang-kita ko ang sakit at paghihirap mula sa mga mata niya.

“I came back here in the Philippines after five years just to see a glimpse of you. Ang akala ko ay masaya ka na sa buhay mo kaya hinayaan muna kita but dang! Your face, body, and soul are imprinted on my mind, so right now I want to be a better man for you and chase you.” Ngumiti siya at hinawakan ang isa kong kamay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela.

Deserve ba talaga akong mahalin ng isang Duke Melendrez? Ako na may magulong mundo at inabuso ng taong pinagkatiwalaan ko?

“B-bakit ako? Kuya Duke, sobrang gulo na ng buhay ko at ngayon ay sirang-sira na ang buong pagkatao ko. May karapat-dapat sa’yong-”

“Pareho lang naman tayo. Magulo at sira na din ang buhay ko kaya bagay lang tayo.” Nagawa pa niyang magbiro kahit umiiyak na siya.

Bihira lang umiyak ang isang mukhang malakas at matatag na lalake at si Kuya Duke ang nagpapatunay na gaano ka man kalakas sa paningin ng iba ay may mga pagkakataon na panghihinaan ka.

“Mahal na mahal kita, Princess. Noon at ngayon ay ikaw lang ang mahal ko. This time, I’ll do things correctly. I’ve improved and matured since then. Accept my love and I’ll do anything for you. I’ll protect you from the bad people around you and in any arm.”

Itinigil ni Kuya Duke ang kotse sa gilid ng daan at pagkatapos ay niyakap ako at hinalikan ang noo ko.

Tuluyan na akong humagulgol ng iyak at ang yakap niya ang solusyon para kahit papaano’y maibsan itong masakit at pighati na nararamdaman ko.

“Let’s get married today, Princess because I don’t want anyone to keep us apart.”

Natigilan ako at tinignan siya nang malungkot. “H-hindi na ako malinis, Kuya Duke. Nababoy at nasira na ako.”

Napahinto siya sandali pero pagkaraan ay umigting ang kaniyang panga at muli akong niyakap.

“Then I’ll make him pay for what he did to you… it doesn’t matter to me whether you’re a virgin or not. My love and loyalty for you is more important than those virginity moralities…”

-Ajai_Kim

Sana all my Duke ♡

Chapter 30

CLARISSE’S POV

Nang makarating kami sa resthouse nila Kuya Duke sa Laguna kung saan niya ako dinala ay kaagad kaming nagpahinga para sa gaganaping civil wedding sa aming dalawa.

Inaalok ako ng kasal ni Kuya Duke at hindi ako makapaniwala doon! Dahil sa hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya at walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya ay pumayag na akong pakasalan siya.

Mas mabuting maikasal ako sa lalakeng mahal ko kaysa ang pakasalan ang rapist at baliw na Morris na iyon.

Alas-dose ng tanghali ay inaayusan na ako nina Ate Camille at Ate Haya para sa gaganaping kasal sa amin ni Kuya Duke. Pinatawag sila mismo ni Kuya Duke kasama ang kanilang mga asawang sina Kuya TJ at Kuya Kendrick para maging saksi sa mabilising kasal na ito.

“Ang ganda-ganda mo naman at ang kinis pa. Ilang taon ka na ba, Clarisse?” tanong ni Ate Haya habang kinukulot ang dulo ng brownish kong buhok.

Siya iyong babaeng nakita ko noon sa school na nakasandal sa dibdib ni Kuya Duke. Inexplain niya iyong nadatnan ko at nagkamali lang pala ako ng hinala dahil aksidente siyang na-out of balance at napasubsob sa dibdib ni Kuya Duke dahil ginamot niya ang sugat nito sa labi na kagagawan daw ni Ravi.

Ang ganda rin ni Ate Haya at mukha siyang banyaga. Bagay sila ni Kuya Kendrick dahil gwapo ito na may matapang na mukha.

“23 po, ate.” sagot ko.

“Oh? Ang bata mo pa nga. Ang hilig talaga sa mga bata ’yong magbestfriend kaya pati ako ay nadali din ni Kendrick.” Tumawa si Ate Haya ganoon rin si Ate Camille na abala naman sa pagme-make-up ng mukha ko.

“Parehong mga mukhang maangas at maraming tattoo sa katawan pero pagdating sa babaeng mahal nila ay softie sila.” nakangiting sabi ni Ate Camille.

Totoo ang sinabi niya. Sobrang maalaga din si Kuya Kendrick kay Ate Haya at lumalambot siya kapag kaharap ito, pareho sa pagtrato sa akin ni Kuya Duke.

“Sayang at may pasok sa school si Idris tapos si Trijohn ay hiniram ulit nina Tito at Tita kaya hindi sila nadala dito sa kasal n’yo ni Duke. Sina Mom at Dad naman ay may business trip sa ibang bansa kaya hindi sila makakadalo sa kasal.” dugtong ni Ate Camille sa sinasabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Alam din ng parents nina Kuya Duke at Ate Camille na magpapakasal kami ngayon?

“Yes, Clarisse, they knew you were marrying my brother; they want to see you soon, and they are happy that Kuya Duke is finally settling down to have a family for real.” sabi niya na nabasa ang iniisip ko.

“G-gusto ko rin po silang makita. Sigurado rin ako na matutuwa si Mama at ang kapatid kong bunso kapag nalaman nila na magpapakasal na kami ni Kuya Duke. Gusto po nila si Kuya Duke para sa akin.” sabi ko at ngumiti.

Natapos na akong lagyan ng make-up ni Ate Camille at marahan niyang hinaplos ang balikat ko.

“Don’t worry, rush wedding lang naman ’to at hindi pa ’yong engrandeng kasal na magaganap sa inyo ni Kuya sa susunod. He wants to bind you right now because he loves you and is willing to go to any length to protect you.”

Tumango ako at pinigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ayokong masira ang make-up ko kung iiyak lang ako at pinaghirapan pa akong ayusan nina Ate Camille at Ate Haya.

Humarap ako sa salamin nang matapos na ring ayusin ni Ate Haya ang buhok ko. Hindi ko pinupuri ang itsura ko kahit alam kong naiiba ako sa ibang Pilipina ngunit masasabi ko na napakaganda ko ngayong araw at para akong isang royal princess sa suot kong simpleng puting wedding gown.

Nasa ibang room naman si Kuya Duke at inaayusan siya nina Kuya TJ at Kuya Kendrick.

Lumabas na kami nina Ate Camille at Ate Haya sa loob ng silid at saktong paglabas namin ay lumabas din sa kabilang silid si Kuya Duke kasama sina Kuya TJ at Kuya Kendrick.

Nakita ko ang pagkamangha at natulalang reaksyon ni Kuya Duke nang makita ang ayos ko. Gusto ko ring matulala sa ayos niya dahil napakagwapo niya sa suot na itim na suit. Natatakpan nito ang mga tattoo niya sa katawan.

“Damn, Princess! You’re so beautiful and stunning…” ani Kuya Duke na lumapit sa akin at tinitigan ang kabuuan ko.

“S-salamat. Ikaw din.” nahihiya kong sabi kahit namumula na sa pagba-blush.

“You’re so screwed up, bro! I can see why you want to marry her right away. You look like a lost puppy right now!” natatawang sabi ni Kuya Kendrick.

Pabiro namang sumama ang tingin ni Kuya Duke kay Kuya Kendrick. “Ganito ka rin naman kay Haya so what’s the difference?”

“Sabi ko nga,” nagkibit-balikat si Kuya Kendrick na natatawa pa rin.

Lumabas na kami sa loob ng resthouse at sumakay sa dinalang van ni Kuya Kendrick nang magpunta sila dito sa resthouse kaninang umaga.

Magkatabi kami ni Kuya Duke sa backseat at ilang na ilang ako dahil bawat segundo ay nakatitig siya sa akin habang hawak ang isang kamay ko.

“Kuya Duke, baka matunaw na ’yang magiging asawa mo, ah?” pagbibiro ni Kuya TJ na ikinatawa nilang lahat.

Namula pa lalo ang mukha ko dahil doon.

“My soon-to-be wife is stunning right now, and I can’t wait to marry her later,” sabi ni Kuya Duke na hinalikan ang isang kamay ko habang nakatitig pa rin sa akin.

Kung may maganda mang nangyari sa buhay ko, ayon ay ang papakasalan ko ang taong mahal ko. Nabuhay ako na sinusunod at minamanduhan lang ng ibang tao at ngayon ay ito lang ang sariling desisyon na ikinakatuwa ko at alam kong hinding-hindi ko pagsisisihan.

Kalahating oras din ang nakalipas at nakarating na kami sa Mayor’s office. Si Judge Alucard daw ang magkakasal sa amin ni Kuya Duke na Ninong nito.

Pumasok kami sa loob ng Mayor’s office at nakita doon ang isang matandang lalake at may kasama itong lalake na mukhang kaedad ko lang, may hawak na itim na attache case at may suot na eyeglasses. Sa tingin ko ay secretary ito ni Judge Alucard.

“Ninong,” pagtawag ni Kuya Duke sa matandang judge nang lumapit kami.

“Duke, it’s nice to see you again. Is this your girlfriend?” tanong ni Judge Alucard at binalingan ako ng tingin.

Girlfriend? Naging kami ba ni Kuya Duke? Hindi naging kami pero papakasalan niya ako.

“Yes. She’s Clarisse, my girlfriend.” sagot ni Kuya Duke at hinapit ang baywang ko.

Umiling naman si Judge Alucard at tinignan si Kuya Kendrick.

“Ang hilig n’yong asawahin ay mas bata pa sa inyo. Pero nakikita ko naman ang dahilan kung bakit. Magaganda ang mga pinapangasawa n’yo.” Tinapik ng judge ang balikat nina Kuya Duke at Kuya Kendrick na natawa na lang.

Nag-usap pa sila at nang matapos ay nagsimula na din ang civil wedding. Hindi naman nagtagal iyon at hindi ko na namalayan na may suot na akong isang diamond ring na sinuot sa akin ni Kuya Duke. Ganoon rin siya na may malaking ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi.

Nagpalakpakan ang lahat matapos naming magpalitan ng I do’s at may pinirmahang mga papel.

“Kiss the bride na!” sigaw ni Kuya Kendrick.

Ngumisi lang si Kuya Duke hanggang sa kinabig niya ako at hinalikan ang labi ko.

Limang taon man kaming hindi nagkita at nagkasama ay walang araw na hindi ko siya naiisip. Hindi rin nagbago ang nararamdaman ko sa kanya bagkus ay mas lalo pa itong tumindi nang muli ko siyang makita.

Tinanggap niya pa rin ako kahit hindi siya ang nakauna sa akin, kahit sirang-sira na ako at pagod nang lumaban sa buhay. Pinakasalan niya ako dahil mahal niya ako at handa akong protektahan sa mga taong magtatangka ulit sa akin ng masama.

Alam kong hindi perpektong tao si Kuya Duke at marami na siyang nagawang kamalian noon pero ginagawa nito ang lahat para lang magbago. Umalis siya at nagpagaling sa ibang bansa dahil natatakot siyang masaktan ako sa paraan ng pagmamahal na mayroon siya at iyon ay pagmamahal na nakakamatay at nakakabaliw.

Tumugon ako sa mga halik ni Kuya Duke at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa kasiyahang nararamdaman.

Hindi ako makapaniwala na ikinasal na kami.

“I love you, Princess…” sabi ni Kuya Duke matapos niya akong halikan.

“I love you too…” sagot ko na siyang nagpagulat sa kanya.

“T-this is the first time you’ve said… I love you to me. Shit! I’m so happy right now…” aniya na kinagat ang ibabang-labi at parang maiiyak na.

Nginitian ko siya at niyakap ang braso niya.

Tumingin naman kami sa mga bisita namin. Sina Ate Camille at Ate Haya ay umiiyak na. Si Kuya TJ naman ay parang maluluha samantalang si Kuya Kendrick ay nakangiti lang habang nakahalukipkip.

Sila ang naging witness sa naging civil wedding namin ni Kuya Duke at kahit na wala dito ang pamilya ko ay alam kong matatanggap nila ang pagpapakasal ko sa lalakeng mahal ko.

“Congratulations sa inyo, Duke at Clarisse. I will handle your civil wedding paperwork. We still have another civil wedding to attend with my secretary, so I apologize for not being able to join you for dinner.” sabi ni Judge Alucard na nakipag-kamay sa amin ni Kuya Duke, ganoon rin ang lalakeng secretary nito.

“It’s fine, Ninong Alucard and thank you for accommodating my request despite the fact that it’s urgent.” sabi ni Kuya Duke.

“No problem, hijo. Sanay na akong magkasal ng rush civil wedding ni author kaya ayos lang iyon at inaanak naman kita so you’re my priority.” Kumindat si Judge Alucard at muling nagpaalam bago tuluyang umalis sa Mayor’s office kasama ang secretary niya.

Umalis na din kami at nagtungo sa isang restaurant para kumain ng early dinner.

“Please stop calling me Kuya, okay? I’m now your husband, and you already have my surname.” paalala ni Kuya Duke habang kumakain kami.

Hindi ko kasi mapigilan na tawagin pa rin siyang Kuya Duke dahil nasanay na ako doon at 12 years rin ang tanda niya sa akin.

“What’s wrong with that, bro? You’re 12 years older than Clarisse, so don’t be hurt!” pang-aasar ni Kuya Kendrick. Tinampal naman ni Ate Haya ang braso nito para tigilan na sa pagsasalita.

“Wow, ha? Ikaw nga 10 years ang tanda kay Haya pero ayaw mo rin namang tawagin ka niyang Kuya Kendrick. You’re still calling her little girl kahit mukha ka niyang Tatay!” Pagresbak ni Kuya Duke na ikinatawa namin.

“Stop bringing it up. It’s embarrassing!” Hinilot ni Kuya Kendrick ang sintido niya at nahihiyang sumandal sa upuan.

“Tama naman si Kuya Duke, Clarisse. Mag-asawa na kayo kaya ’wag mo na siyang tawaging Kuya.” sabi ni Kuya TJ at ngumiti.

Tumango ako muling tumingin kay Kuy- Duke. Nakangiti siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Okay, simula ngayon ay hindi ko na siyang tatawaging Kuya Duke.

Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant ay namili kami sa Supermarket. May mga binili rin kaming damit at mga gamit na kakailanganin ko sa Laguna.

Umuwi na din kami sa resthouse matapos makapamili at magkakaroon daw kami ng salo-salo. Umorder na lang sila ng mga pagkain dahil wala na rin kaming lakas para makapagluto.

“I still need Clarisse’s permission kung saan ba niya kami gustong tumira. I’d like to purchase a house for her family as well at sisimulan ko na ang planong pagpapakulong sa tarantadong ’yon with the help of Ninong Alucard.” umigting ang panga ni Duke matapos sabihin iyon.

Napadaan ako sa balcony kung saan sila nag-iinuman na mga lalake at narinig ko ang pinag-uusapan nila habang kami naman nina Ate Camille at Ate Haya ay nasa living room at nagmo-movie marathon.

“You said that the rapists’ father is a cop? Is that why they’re manipulating Clarisse’s family?” tanong ni Kuya Kendrick habang may iniinom na beer.

“I don’t care if his father is a cop; what’s the point of my money if I can’t get my wife’s justice? Tito Alucard will assist me, and I will ensure that Morrison dies in prison.” madiing sabi ni Duke.

Bumuntong-hininga ako at umalis na sa pinagtataguan kong pader. Ang marinig iyon sa asawa ko ay sapat na para malaman na gagawin niya ang lahat makuha lang ang hustisya na dapat ay para sa akin.

Hindi ako nagkamali ng lalakeng minahal at pinakasalan.

Bumalik ako sa living room at nakisali na kina Ate Camille at Ate Haya. Hindi ko mapigilang maalala ang mga ginawang pananakit sa akin ni Morris matapos nang may mangyari sa amin.

“Sinabi kong ’wag ka nang magtrabaho sa kompanya na ’yon dahil may pera naman ako para buhayin ka at halata namang type ka ng boss mo!” sigaw ni Morris at itinulak ako sa kama.

Aalis na sana ako papunta sa trabaho nang maabutan niya ako sa labas ng bahay. Hinila niya ako pabalik sa loob ng kwarto ko at si Tito Kai ay

sinarado

ang buong bahay namin at

kinulong

sa kwarto sina Mama at Janjan. Si Kuya Arman naman ay nasa trabaho at wala itong alam sa ginagawa ng mag-ama.

“Morris, may buhay ako at gusto kong magtrabaho para sa pamilya ko-”

“May nangyari na sa atin at magiging asawa mo na ako, Clang. Hindi mo na kailangang magtrabaho dahil sagot ko na ang lahat ng pangangailangan mo. Sa akin ka na kaya dapat ay sundin mo ako sa gusto ko.” Huminahon siya at pumikit ng mariin.

“May nangyari sa atin dahil

sinadya

mo ’yon! Inamin mo mismo na

drinoga

mo ako, Morris. Papaano mo nagawa ang bagay na ’yon sa akin? Pinagkatiwalaan kita dahil kaibigan kita! Demonyo ka-“

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sinampal niya ako at hinawakan nang mahigpit ang buhok ko.

Nakakatakot si Morris ngayon at unti-

unti

nang lumalabas ang totoong kulay niya.

“Ginawa ko ’yon kasi mahal kita at ayoko na makuha ka pa sa akin ng ibang lalake!

Nagbalik

na ’yong magpinsan na sina Ravi at Duke at alam kong hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin sila sa’yo. Hindi ako

manhid

, Clarisse at lalong hindi ako martyr!“

“Are you okay, Clarisse?”

Nagmulat ako ng mga mata nang marinig na nagsalita si Ate Camille.

Tumango naman ako at ngumiti ng pilit. “A-ayos lang po ako,”

“You’re not a good liar.”

Natahimik ako.

Inakbayan naman niya ako at nginitian. “You’re now married to my brother, and I’m sure he’ll do everything he can to love, care for, and protect you. Just trust him, okay? He’s already changed and stable, so don’t worry.”

Tumango ulit ako dahil naniniwala ako sa asawa ko.

-Ajai_Kim

Thank you to my “true readers” who continue to support and read my stories. You can always talk to me if you have any concerns about my stories, but please do so in a respectful manner. Thank you again.

Chapter 31

CLARISSE’S POV

“Good morning to my beautiful wife!”

Pagkamulat ng aking mga mata ay ang gwapo at maamong mukha ng asawa kong si Duke ang bumungad sa akin. Ngumuso ako at mas lalong nagsumiksik sa half naked niyang dibdib na puno ng mga tattoo.

Ito lang yata ang araw na nagising ako na sobrang gaan ng pakiramdam ko at babangon na walang iintindihing problema.

“Good morning din,” bati ko.

Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ni Duke habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

“Gutom ka na ba? I will cook our breakfast or pwede namang sila Camille na ang paglutuin ko.” malambing niyang sabi.

Umiling ako. “Mamaya na lang.”

“Hmm… I know you just want to cuddle me all day, and that’s fine with me; this is our first day as husband and wife, and we need to spend more time together.” sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag gigising ka na katabi ang taong mahal mo, sobrang ang gaan sa loob at panandaliang makakalimutan ang mga kinakaharap na problema.

Sa unang araw namin ni Duke bilang mag-asawa ay wala pang nangyari sa amin. Marahil ay naiintindihan niya ang naging trauma ko kaya grabe ang pagpipigil niya huwag lang akong galawin kagabi.

Nirerespeto niya ako at inaalala ang kapakanan ko. Wala namang problema kung gawin namin ang bagay na iyon kaya susubukan kong labanan ang takot kong iyon dahil si Duke naman ito; asawa ko na siya at mahal na mahal ko.

Isang oras din kaming magkayakap sa kama at bigla kong naalala ang pamilya ko. Kailangan ko sigurong ipaalam sa kanila kung nasaan ako dahil alam kong nag-aalala na sila sa akin.

Si Kuya Arman ay paniguradong naghahanap na ng paraan para hanapin ako. Kailangan ko siyang tawagan ngayon.

Bumangon ako sa kama kaya napabangon rin si Duke. Hinanap ko ang cellphone sa loob ng backpack ko at nang makita iyon ay binuksan ko ito.

Bumungad sa akin ang missed calls at texts nila Kuya Arman, Morris at Tito Kai.

Tumingin ako kay Duke at bumuntong-hininga.

“Kailangan ko sigurong ipaalam kay Kuya Arman kung nasaan ako. Hindi ko mapigilang mag-aalala sa kalagayan nila sa bahay dahil nandoon sina Morris at Tito Kai. Paano kung may gawin silang masama ngayong nawawala ako?” nag-aalala kong sabi.

Hinapit niya ang baywang ko. “Yes, your family needs to know where you are, and you’re already married to me. Tungkol naman sa best friend mo at sa Tatay niya, ako nang bahala sa kanila. They cannot harm your family, and I will punish them for what they have done to you and your mother, Princess.”

“Umaasa ako,” nakangiti kong sabi at sinimulan nang tawagin si Kuya Arman. Hindi ko na pinansin ang missed calls at texts ni Morris.

Nakaka-tatlong ring pa lang ay sinagot na ni Kuya Arman ang tawag ko.

[“Hello, Clarisse? Nasaan ka ngayon? Bakit wala ka dito sa bahay? Nag-aalala na kami nina Mama at Janjan sa’yo!”] sunod-sunod niyang tanong sa kabilang linya.

“Kuya Arman, nasa maayos naman akong kalagayan. Naisipan ko lang na umalis ng bahay dahil ayokong magpakasal kay Morris. Hindi ko kayang matali sa kanya,” sabi ko kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko.

Sinandal naman ako ni Duke sa balikat niya at pinunasan ang mga luha ko.

[“Naiintindihan ko kung bakit ginawa mo ’yan, Clarisse pero dapat ay sinabi mo man lang sa amin ’yang plano mo! Na-highblood na si Mama sa sobrang pag-aalala sa’yo, si Janjan naman ay hindi na tumigil sa pag-iyak dahil namimiss ka na niya.”]

Tumindi ang pag-iyak ko dahil naapektuhan pala sina Mama at Janjan sa pag-alis ko. Hindi ko na sila naalala na parehong may mga sakit.

[“Nagwala kaninang madaling araw si Morris dito sa bahay dahil hindi ka niya nakita sa kwarto mo. Ang walanghiya naman niyang Tatay ay pinareport ka sa pulis para hanapin.” dugtong ni Kuya Arman sa sinasabi niya.

Tumingin ako kay Duke at tumiim-bagang siya. Naririnig niya ang sinasabi ni Kuya Arman sa kabilang linya.

“N-nasaktan ba nila sina Mama at Janjan?” tanong ko.

[“Hindi ko hahayaan na masaktan nila sina Mama at Janjan. Wala ’yong mag-ama dito sa bahay dahil nasa Police Station sila at pinaghahanap ka. Tatakas kami dito sa bahay at pupuntahan ka namin kung nasaan ka.”]

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Arman.

“Just say you’re with me.” sabi ni Duke at nginitian ako.

[“Sino ’yang nagsalita?”] takang tanong ni Kuya Arman nang marinig ang boses ni Duke.

“S-si Duke, Kuya Arman. Siya ang kasama ko ngayon.” pag-amin ko.

Natahimik siya ng ilang segundo sa kabilang linya bago muling nagsalita.

[“Pwede ko ba siyang makausap?”]

Tinignan ko ulit si Duke at tumango lang sa akin. Inabot ko ang cellphone sa kanya.

“Hello, Arman?… Yes, this is Duke. Nasa mabuting lagay ang kapatid mo, so don’t worry… No problem, just bring Tita Clara and Janjan here, and I need to tell you something… Sure, sure! I’ll text you the location where we are. Hihintayin namin kayo dito.”

Pagkatapos niyang kausapin si Kuya Arman ay inabot niya na sa akin ang cellphone ko.

“Hello, Kuya?”

[“Mag-iimpake na kami ng mga gamit habang wala pa sina Morris at Tito Kai dito sa bahay. Pupunta kami dyan, Clarisse at kailangan kong makausap si Duke.”] seryosong sabi ni Kuya Arman.

“Sige po. Mag-iingat kayo.”

Binaba na rin namin ang tawag at si Duke na ang nagtext ng address kay Kuya Arman dito sa Laguna.

“Pupunta dito ang family mo so I’ll have to prepare our breakfast and lunch. Ayoko namang mabadshot sa kanila kapag nalaman nilang kinasal na tayo kahapon lang.” ani Duke nang inalalayan akong tumayo.

“Tutulungan na kitang magluto-”

“No need, Princess. Nandyan naman sila Camille at Kendrick para tulungan ako sa pagluluto.” sabi niya at hinalikan ng mabilis ang labi ko.

Napalabi ako at tumango na lang.

Lumabas na kami sa loob ng kwarto at naabutan namin sa sala sila Kuya Kendrick, Ate Haya, Ate Camille, at Kuya TJ na umiinom ng kape habang nanonood ng TV. Nakakahiya naman sa kanila at mas nauna pa silang nagising kaysa sa amin.

“Clarisse’s brothers and mother will be arriving soon, so my sister, Camille, and my best friend, Kendrick, could you please help me in preparing our breakfast and lunch?” utos ni Duke.

“Woah? No problem! I’m willing to help.” sabi ni Kuya Kendrick na hinalikan muna si Ate Haya bago dumiretso sa kusina.

“Tutulong na din ako sa pagluluto,” sabi naman ni Kuya TJ na ngumiti sa akin at hinila na si Ate Camille bago sinundan si Kuya Kendrick sa kusina.

“Dito muna kayo ni Haya, okay? I’ll prepare our meals, Princess.” paalam ni Duke nang muling bumaling sa akin.

Ngumiti at tumango ako. Dumiretso na din siya sa kusina kaya kaming dalawa na lang ni Ate Haya ang naiwan sa sala.

“Upo ka sa tabi ko, Clarisse!” pagyaya ni Ate Haya kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya.

“You’re family is coming here, huh? Mabuti naman at pinaalam mo na nandito ka sa Laguna para hindi sila mag-alala sa’yo but I’m sure they’ll be surprised if they find out Duke is already married to you.” Natawa siya at umiling.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Ayon nga din po ang iniisip ko pero alam ko naman na matatanggap nila si Duke para sa akin.”

Tinitigan naman niya ako at nagpahalumbaba. “Duke has changed 1000 times over because of his love for you. I’ve never seen him so calm and patient before.”

“I-Ikaw ’yong babaeng minahal ni Duke noon, hindi ba?” mahina kong tanong na ikinagulat niya.

“Sinabi ba ni Duke ’yan sa’yo?” tanong niya.

“S-sinabi po ni Ate Camille noon.” sagot ko.

Alam kong si Ate Haya ang babaeng kinabaliwan noon ni Duke na asawa na ngayon ng best friend niyang si Kuya Kendrick. Nakikita ko naman kung bakit siya minahal ni Duke, napakabuti niyang tao at napakaganda pa. Hindi naman ako bitter dahil ako na ang mahal ni Duke at hindi rin ako ganoon kababaw para magalit sa nakaraan na.

Huminga ng malalim si Ate Haya bago muling nagsalita. “Ayoko nang pag-usapan pa ’yong mga nangyari noon at ang mga ginawa ni Duke para lang sirain ang relasyon namin ni Kendrick. Ang importante naman ay nagbago na siya at nandyan ka para sa kanya.” ngumiti siya at hinaplos ang balikat ko.

Tumango ako dahil tama naman iyon. Wala ring mangyayari kung uungkatin pa ang nakaraan. Lahat naman ng tao ay  nagbabago sa bawat taon na lumilipas.

Dumating ako sa buhay ni Duke at sinabi nga niya na dahil sa akin kung bakit sinikap niyang magbago at i-improve ang kaniyang sarili. Mahal niya ako at mahal ko rin siya, iyon ang panghahawakan namin sa isa’t-isa.

Mahigit tatlong oras din bago natapos sa pagluluto sa kusina sila Duke, Kuya Kendrick, at Kuya TJ. Marami silang mga nilutong pagkain at ang iba ay inorder na lang nila.

Aalis na nga dapat sila Ate Camille, Ate Haya, Kuya Kendrick, at Kuya TJ pabalik ng Maynila pero sinabi kong dito na sila maghapunan kasama ang pamilya ko para makilala nila. Pumayag naman sila sa gusto ko kaya dito na sila sa resthouse naligo at nag-ayos.

Binigay ko ang number ni Kuya Arman kay Duke at silang dalawa na ang nag-usap sa pagpunta dito sa Laguna. Bandang ala-una ng hapon nang makarating dito sila Kuya Arman, Mama at Janjan na sinundo namin sa bus terminal.

Nandito na kami sa loob ng kotse ni Kuya Duke at pabalik na kami sa resthouse. Kanina pa hawak ni Janjan ang kamay ko at nakatulog na nga ito sa balikat ko dahil sa matinding pagod sa mahaba nilang biyahe.

“Anak, masaya ako at nasa mabuting kalagayan ka kasama si Duke. Sobra kaming nag-alala dahil wala ka sa bahay.” nag-aalalang sabi ni Mama.

“I’m sorry kung hindi ko po nasabi sa inyo ni Kuya Arman kung nasaan ako. Umalis ako sa bahay at pinag-alala ko pa kayo,” malungkot kong sabi.

“Ang importante ay nakalayo ka kay Morris. Hindi ko akalain na magagawa ka niyang pagsamantalahan at alam pa ni Kai ang ginagawa ng anak niya. Masyado tayong nagtiwala sa pamilya nila. Naaawa ako kina Michelle at Wei na walang alam sa pinag-gagagawa nila.” malungkot rin na sabi ni Mama habang inaayos ang bimpong nakalagay sa likod ni Janjan.

“Don’t worry, Tita Clara, ako na pong bahala sa mag-amang ’yon. I’ll get Clarisse the justice she deserves. I’ll make certain that they are imprisoned and punished for what they have done to your family.” madiing sabi ni Duke na nagmamaneho.

“Maraming salamat, hijo. Kahit limang taon man tayong hindi nagkita ay nagpapasalamat ako na nandyan ka pa rin para sa anak ko.” Tuluyan nang umiyak si Mama kaya inalo ko ito.

“Mahal ko po si Clarisse kaya ginagawa ko ang lahat ng ito, at kung importante kayo sa kanya ay ganoon rin po ako.” sagot ni Duke na nagpangiti kay Mama at binalingan ako.

“Masaya ako para sa’yo, anak…” sabi niya.

“Salamat, Ma.” sagot ko at niyakap siya.

Nang makarating kami sa resthouse at lumabas na sa loob ng kotse ay nag-aabang sa labas ng gate sina Kuya Kendrick at Kuya TJ na tinulungan naman sina Duke at Kuya Arman na dalhin sa loob ng bahay ang mga gamit na dala ng pamilya ko.

Nang makarating kami sa sala ay nandoon sina Ate Camille at Ate Haya na awtomatikong napatayo sa pagkakaupo sa sofa pagkakita sa amin ng pamilya ko.

Nakita ko pang natigilan si Kuya Arman nang makita si Ate Haya.

Pagkatapos nilang magpakilala sa pamilya ko ay kaagad nagyaya si Duke na kumain na kami sa dining area dahil kaming lahat ay mga gutom na din.

Kanina pa sa bus terminal nagtataka sina Mama at Kuya Arman kung bakit pareho kaming may suot na diamond ring ni Duke kaya sinabi na namin ni Duke na nagpakasal kami in civil.

Katulad nga ng inaasahan ko ay nagulat  sila doon.

“Nagpakasal kayo tapos hindi man lang kami invited?” dismayadong sabi ni Kuya Arman habang kumakain.

“I’m sorry, Arman, but our wedding is in a hurry. I just need to ensure that Clarisse will tie to me right away so that Morris can no longer push their wedding and don’t worry, I’ll marry your sister again in grand style, and well planned wedding.” sabi ni Duke.

“Ayos lang po kung pinakasalan n’yo si Ate Clarisse, Kuya Duke. Mas gusto po talaga kitang makatuluyan ni Ate kaysa kay Kuya Morris. Masama po ang ugali niya katulad ni Kuya Ravi!” pagsusumbong ni Janjan kay Duke na ngumiti at ginulo ang buhok nito.

“Magpapakasal ulit kami ng Ate mo, Janjan kaya ’wag kang mag-alala. Ayos lang naman po sa inyo ’yon, ’di ba, Tita Clara?” tanong ni Duke kay Mama.

“Aba’y oo naman, Duke! Nung una pa lang ay botong-boto na talaga ako sa’yo para sa anak ko. Kung anuman ang plano n’yong dalawa ni Clarisse para sa future n’yo ay susuportahan namin kayong dalawa.” nakangiting sabi ni Mama.

“Salamat po, Tita Clara.” Mas lumawak ang ngiti ni Duke at hinawakan ang kamay ko.

Nakahinga na ako nang maluwag dahil tanggap nga ng pamilya ko ang pagpapakasal ko kay Duke.

“Ang gwapo ng kuya mo, Clarisse, ah? Kung hindi ko lang nakilala si TJ, malamang ay magiging boyfriend ko ’yan!” bulong ni Ate Camille habang kumakain kami.

Mabuti na lang at hindi naririnig ni Kuya TJ ang pinagsasabi niya na pakikipag-usap kay Kuya Kendrick.

“25 pa lang ’yan si Kuya Arman, Ate Camille at walang stable girlfriend.” natatawa kong sabi.

“Ay, playboy ba? Kung sa bagay, ang gwapo naman kasi niya at halata namang maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Pero napapansin ko lang na kanina pa siya tumitingin kay Haya.”

Inginuso ni Ate Camille si Kuya Arman na napansin ko ngang sumusulyap-sulyap kay Ate Haya habang abala sa pagkain na nasa tabi ni Kuya Kendrick.

“Baka nagagandahan siguro kay Ate Haya.” sabi ko.

“Baka nga pero hindi rin ba siya nagagandahan sa akin? Maganda rin naman ako, ah?” pagbibiro ni Ate Camille kaya pareho kaming natawa.

Pagkatapos naming kumain ay hindi na naming napigilan si Mama na magligpit ng mga pinagkainan namin, tumulong na lang sa kanya sina Duke at Ate Camille dahil gusto raw nilang makausap at mas makilala ang mother-in-law nila.

“Naunahan mo pa akong magpakasal.” nakataas-kilay na sabi ni Kuya Arman nang nasa balcony kami ng resthouse at kaming dalawa lang ang nag-uusap.

“Masaya ka ba sa naging desisyon kong pakasalan si Duke, Kuya Arman?” nahihiya kong tanong.

“Wala naman akong magagawa kung nagpatali ka na sa kanya, e, at alam ko namang mahal mo pa rin siya kahit limang taon din kayong hindi nagkita.” Sumandal siya sa fences ng balcony at pinagkrus ang mga kamay.

“Oo, Kuya Arman… mula noon hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko,” saad ko.

Lumapit si Kuya Arman at niyakap ako.

“Kung saan ka masaya ay doon na rin kami, Clarisse.”

“Salamat, Kuya…”

Wala na akong ibang mahihiling pa sa buhay ko. Suportado ako ng pamilya ko sa naging desisyon ko at may asawa rin na handa akong tulungan at damayan sa lahat.

Kung may mga masalimuot na nangyari sa hindi perpekto kong buhay ay may mga mabuti rin na dumarating.

-Ajai_Kim

Chapter 32

DUKE’S POV

It makes me happy to see how happy my wife is that her mother and brothers are here with us. All I want is for her to be free to do whatever she wants. She’s only 23 and has plenty of time to pursue her interests and dreams, but I’m glad she agreed to get married to me and I still find it hard to believe that she truly loves me.

Ngayong kasal na kami at dala-dala ang apelyido ko ay gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan at alagaan siya. I will punish the people who hurted and violated her. My rage was too strong, and it was burning me up right now, but I needed to control it.

Ang hindi alam ni Clarisse ay napadakip ko na ang mag-amang Linares sa mga awtoridad at dinala sila sa dungeon kung nasaan din ngayon sila Jude, Jace, Karl, at Rowan.

Hindi na ako makapaghintay na parusahan ang mag-amang iyon lalo na’t may bago pa akong nalaman tungkol sa ama ni Morris na si Kairo Linares.

I can’t believe such people exist in real life.

“Maraming salamat nga pala sa pagtulong mo sa kapatid ko, Duke. Hindi pa man tayo lubos na magkakilala ay nagtitiwala ako sa’yo na hinding-hindi mo siya sasaktan at kokontrolin.” Arman says while we’re having a man-to-man conversation.

“Clarisse is now my wife, so I’ll do anything for her. Plano ko rin kayong bilhan ng bahay-”

Pinutol kaagad ni Arman ang sasabihin ko. Dang! He appears to be the boy version of Princess the way I look at him.

“Hindi mo na kailangang gawin ’yan, Duke. Iyong bahay n’yo na lang ni Clarisse ang bilhin mo at ’wag mo na kaming alalahanin. May ipon naman ako para makapagpatayo ng bahay na malayo kina Tito Kai at Morris.” sabi ni Arman.

I nodded. “But if you need help, Arman, I’m here, and your family is also a priority for me because I married Clarisse.”

“Maraming salamat, Duke.” nakangiting sabi ni Arman at ininom na ang beer na hawak niya.

“Kumusta na nga pala si Ravi?” bigla niyang tanong.

Maayos naman ang samahan namin ni Ravi bilang magpinsan at nagkapatawaran na kami. Nang maghiwalay sila ni Clarisse at nagdesisyong tumira sa ibang bansa ay bumalik siya sa pagiging tahimik at malihim na Ravi noon, kaya nga nagulat na lang ako nang magkaroon siya ng bagong girlfriend at best friend pa iyon ni Juliana.

Hindi ko alam kung tuluyan na ba talaga siyang naka move-on kay Clarisse pero umaasa ako na oo dahil asawa ko na si Clarisse at wala nang ibang pwedeng umangkin sa kanya kundi ako lang.

“He’s fine. You saw his girl in the bar, right? That’s his girlfriend,” I replied.

“Mabuti at may girlfriend na siya. Alam natin noon kung gaano siya kapatay na patay kay Clarisse. Kinontrol niya ang buhay namin sa pamamagitan ng pera niya pero Duke, talagang mahal na mahal niya si Clarisse at hindi niya nagawa ang ginawa ni Morris para lang tuluyang maangkin ang kapatid ko.” Nagpakawala ng buntong-hininga si Arman.

Ravi, like me, used to be in love with Clarisse, but I’m glad he didn’t take advantage of her body and still respects it.

“I know he loves her; it’s just that he became obsessed and possessive.” sabi ko.

Ganoon rin naman ako, mas malala lang noon at ngayon ay ganoon pa rin pero maayos na.

“Hindi ko pa nararanasan na ma-inlove sa isang babae pero baka maging ganyan din ako kapag nahanap ko na ang babaeng katapat ko.” Arman chuckled.

“Bakit nga ba wala ka pang girlfriend? Perhaps a serious girlfriend? “ I asked him and smirked.

Natawa siya. “Ano ’to? On the spot interrogation? Wala lang, hindi ko pa lang talaga nakikita ang babaeng para sa akin pero may nakapukaw na ng atensyon ko.”

I can’t believe I’m having this conversation with my brother-in-law. It makes me happy that he likes me for his sister as well. He’s fun to be with, and he genuinely cares about Clarisse.

“Who is she?” I asked.

“Huwag mo nang tanungin dahil bawal din naman.” mahina niyang sinabi na narinig ko.

Tumango na lang ako at hindi na siya kinulit sa kung sino ang babaeng nakapukaw ng atensyon niya.

I can tell who it is by the way he looks at her.

Nag-usap lang kami ni Arman at sinabi ko na rin sa kanya na pinadakip ko sa mga awtoridad sina Morris at ang ama nito. Hindi siya makapaniwala na magagawa ko kaagad iyon nang wala pang isang araw.

If Morris’ father has power because he is a cop who can manipulate the law, then I have power because of my money, connections, and the fact that my uncle is also a judge.

“Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit minahal ka ng kapatid ko.” Tumango si Arman at nakipagfist-bomb sa akin.

Ngumiti lang ako.

Pagkatapos naming mag-inuman at mag-usap ay bumaba na kami mula sa balcony ng resthouse.

Napasimangot ako nang makita si Clarisse na nag-iihaw ng barbecue kasama si Kendrick. Nag-uusap at nagtatawanan silang dalawa. Nasa swimming pool naman sila Haya, Camille, TJ at si Tita Clara na inaalalayang lumangoy si Janjan.

When other men can make Clarisse smile, I’m still a jealous man. I know Kendrick has already been whipped with Haya, but my jealousy for him remains.

Noong high school pa lang kami ay habulin na talaga si Kendrick ng mga babae. Mas maangas at matapang ang itsura niya kaysa sa akin at karamihan sa mga babae ay mahilig sa mga bad boy type. Malaki ang insecurities ko kay Kendrick noon pa man at dumagdag iyon nang magkagusto sa kanya si Haya.

Pamilyadong tao na siya, may asawa at anak na si Idris. I shouldn’t be jealous or insecure, but I can’t help myself.

Kaagad akong lumapit sa pwesto nina Clarisse at Kendrick. I wrapped my arms around Clarisse’s waist at ikinabigla niya ang pagsulpot ko.

Si Kendrick naman ay ngumisi lang at pinagpatuloy ang pagpapaypay ng mga iniihaw nilang barbecue.

Tsk! Why is he half naked while talking to my wife? For what? Princess impressed by his tattooed and bulky body?

“Tapos na kayong mag-usap ni Kuya Arman?” Clarisse asked me.

I nodded at ipinatong ang baba ko sa balikat niya at niyakap siya patalikod.

Si Kendrick naman ay parang gusto nang matawa sa ginagawa ko pero pinipigilan lang niya. Maybe he’s aware that I’m jealous right now because he’s talking and laughing to my princess.

“You’re overly possessive, bro, and it scares me.” ngisi ni Kendrick na sa nilulutong barbecue sa grill ang tingin.

“Shut up!” I exclaimed, rolling my eyes.

“Tumigil ka nga, Duke! Tinutulungan lang naman akong mag-ihaw ni Kuya Kendrick.” sabi ni Clarisse nang makita niya ang pagkairita ko kay Kendrick.

Tumawa si Kendrick at binigay sa akin ang hawak na pamaypay.

“Help your girl with the grilling and stop being so damned jealous; she’s all yours,” nakangisi niyang sabi at lumusong sa swimming pool na kung saan nandoon si Haya.

Umiling na lang ako at umayos ng tayo para tulungan si Clarisse sa pag-iihaw.

“Pati ba naman best friend mo pagseselosan mo?” nakasimangot niyang tanong habang nilalagyan ng barbecue sauce ang iniihaw.

“You can’t blame me; he always got the girls’ attention.” sagot ko na patuloy sa pagpapaypay ng iniihaw niya.

“At ano naman ang tingin mo sa akin? Makukuha niya din ang atensyon ko? Ikaw lang naman ang ma-” Huminto siya sa pagsasalita na nagpangiti sa akin.

“Ako lang ang ma-? Ituloy mo lang ang sasabihin mo, Princess.” nakangisi kong sabi.

Umirap siya at umiling. “Ewan ko sa’yo! Ituloy mo na nga lang ’yang ginagawa mo para makakain na tayo!” masungit niyang utos at ako naman ay natawa na lang.

To ensure that she does not become attracted to Kendrick and continues to love me. It’s reason enough to love her even more.

Pagkatapos naming mag-ihaw ni Clarisse ng barbecue ay kami naman ang lumusong sa pool. She looks hot in a black racerback shirt and white shorts.

Paano pa kaya kung magbikini siya? It will make me lose my mind.

I hugged my princess from underneath the pool. Tita Clara and Arman, who are also in the pool, are just smiling at us, while Janjan winks at me.

Shit! I’m glad Clarisse’s family fully supports our relationship.

“Tangina naman, bro! Pakawalan mo naman minsan at baka masakal ’yan sa’yo, sige ka!” sigaw ni Kendrick kaya nagtawanan ang lahat.

“Shut up, we’re on the same page!” sigaw ko din na mas lalong nagpatawa sa kanila.

At the age of 35, being in love with a girl who is 12 years younger than me makes me content and happy with my life. My past traumatized me, the suicide attempts, bad habits, bad attitude, picky eater, disgusted by the poor, and so on, and I realized that I shouldn’t be like that. I need to change if I want someone to think I’m worth it for her love.

Clarisse, or my princess, is my true salvation in this crazy and chaotic world that I live in. Loving her was the best decision I’ve ever made in my life. And now, someone loves me just the way I am.

I don’t want to lose her. She’s my only happy pill.

Pagkatapos naming maligo sa pool at kumain ay nagpaalam na sila Haya, Kendrick, Camille, at TJ na babalik na sa Maynila. I thanked them for coming and assisting me on my wedding day with my princess.

Pinasabi ko na lang din kay Camille na uuwi kami sa Maynila sa mga susunod na araw at gusto kong makilala nina Mom at Dad si Clarisse at ang pamilya nito.

Pagkaalis nila ay tinulungan ko sila Tita Clara at Arman na magligpit ng mga pinagkainan namin. Sina Clarisse at Janjan naman ay naglaro na lang ng bola habang nagliligpit kami. After that ay nagpaalam na ang tatlo at sinabi na magpapahinga na sila sa kani-kanilang mga kwarto dito sa resthouse.

Ganoon din kami ni Clarisse na pumunta na sa loob ng kwarto namin. Nauna siyang magshower sa banyo habang ako naman ay tinanggal ang suot kong v-neck t-shirt at tinawagan si Kenneth na kapatid ni Kendrick.

“Hello, Kenneth? What’s up with the Linares?” I asked when Kenneth answered the phone.

[“They’re still denying the allegations, Duke. Sino ba naman ang taong aamin sa kasalanan nila? Come here if you’re free, and punish those cretins para magtanda.”] Kenneth said.

“Hindi makakatakas sa akin ang mag-amang ’yan. Ako ang magpapahirap sa kanila pagpunta ko doon.” madiin kong sabi.

[“Okay, I’ll call you later. I’m now in the middle of our meeting; can you believe we’re still working at this late hour? Pakitext pala kay Kendrick na ’wag kalimutan ’yong binilin ko sa kaniyang Buko pie at Macapuno dyan sa Sta. Rosa. Allison is pregnant again, and she craves those foods.”]

“Sure, I’ll text Kendrick. Congratulations to you and Allison, and best wishes,” I said.

[“Thank you. Congratulations din sa kasal n’yo ng girlfriend mo. Bye.”]

Pagkatapos kong makausap si Kenneth at maitext kay Kendrick ang hinabiling delicacies ng kapatid niya ay bigla kong naisip ang pagkakaroon ng anak.

I desperately want to have a child with Princess, but I don’t want to rush things between us. She is still traumatized by what Morris did to her, and I don’t want to harm or scare her.

Bumukas ang pintuan ng banyo at bumungad sa akin si Clarisse. She was only wearing a bathrobe and a white towel on her head.

I gulped and stared at her when I realized how gorgeous, beautiful, and sexy she is. She’s a goddess with a seductive beauty that drives me insane.

Napansin niya ako at ang mga mainit kong titig sa kanya. Para siyang nahiya doon pero nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

She takes off her bathrobe and the white towel on her head, and she’s now completely naked in front of me.

“P-princess, w-what are you-”

Dahan-dahang siyang lumapit sa akin at sinapo ang mukha ko.

“Let’s make love, Duke…” she said seductively before kissing me passionately.

I was overwhelmed by various emotions such as love, lust, temptation, and desire, so I kissed her back.

-Ajai_Kim

Next, SPG Chapter.

Chapter 33

Warning:

SPG

DUKE’S POV

In the past, I’ve had a lot of sex with various women, including my ex-girlfriends. I’d be lying if I said I didn’t like having sex with them. Who doesn’t enjoy sex? But I can’t seem to find the person I’ll love for the rest of my life. Previously, the majority of my feelings were only lust and the desire to have a girlfriend.

Something is always missing. My love and affection for the women I was before were insufficient to make me feel good about my heart and mind.

I was in love and became obsessed, and it hurts that my feelings for the woman I loved were not reciprocated.

I’m grateful Clarisse’s entered my life. She completely transformed me, and I still can’t believe she agreed to spend an intimate night with me.

Habang hinahalikan ko siya ay hinawakan ko ang baywang niya at dahan-dahang hiniga sa kama.

Her naked body and wet appearance begs me to cum. She’s so fucking seductive! However, there will be more time for that later.

Nang maghiwalay ang aming labi ay ngumiti ako at hinalikan ang leeg niya hanggang ang malalaking dibdib naman niya ang pinuntirya ko.

She moaned about what I did while sucking her left breast and playing with and pinching her lovely erected nipple in her other breast with my other hand.

Sobrang init ng pakiramdam ko at alam kong hindi ko na mapipigilan na angkinin ngayong gabi si Princess. I waited for this moment to happen to us, and I’m now on cloud nine because she initiated this first, which I really appreciate.

Bumaba ng bumaba ang halik ko sa mga dibdib niya na umabot sa kaniyang tiyan hanggang sa makarating ako sa pagkababae niya.

I saw it five years ago and can’t wait to taste her pure flesh with my hot mouth and tongue.

Ibinuka ko nang mas malaki ang makinis na mga hita ni Princess at nakita ko pa ang pagtakip ng mukha niya sa hiya.

“Don’t be shy. Ginawa ko na ’to dati sa’yo, ’di ba? Remember how I fucked this pussy in my mouth 5 years ago? “ I smirked and teased her.

“H-huwag mo na ngang ipaalala ’yan! Nahihiya lang ako, e.” sabi niya.

I chuckled and returned my gaze to her sweet juicy pussy.

Fuck! My wife has a beautiful face and the best body parts. I consider myself extremely fortunate to be her husband.

I began to lick and taste her pussy. She’s exuding juices that I’m tasting and drinking. I played with her clitoris, which made her moaned even more in the ecstatic feeling she was giving.

Ito yata ang isa sa mga gusto kong inumin na hinding-hindi ko kailanman pagsasawaan.

“Ahh… D-Duke!” Princess moaned na mas lalong nagpainit sa akin kaya ginalingan ko pa ang paghalik at pagdila sa pagkababae niya.

When she reached her climax, I licked and tasted everything she had released. Hiningal at napagod siya sa ginawa ko pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

Hinubad ko ang suot kong pants at brief at hinagis sa sahig. My dick is throbbing, and it’s damn hard because of my wife.

Nakita ko ang paglunok ni Princess nang makita ang alaga ko. I’m a big man, so I have a big, huge dick.

Inumpisahan kong himasin ang alaga ko habang nakatingin sa kanya. I like how I teased her with the way I moved my hands in my dick.

“Can you suck me too, Princess?” I asked.

Nasurpresa ako nang tumango siya.

Nakangiti akong sumandal sa headboard ng kama habang pumwesto naman siya sa pagitan ng mga hita ko.

Hinawakan ni Princess ang alaga ko gamit ang dalawang kamay niya at tinaas-baba ang hawak rito katulad nang ginawa ko kanina.

Hindi ko mapigilan ang umungol dahil sa init at lambot ng mga kamay niya. She then began to lick the tip of my dick, which caused me to moaned once more in pleasure.

“A-ang laki mo,” She said, and lick my other two balls.

“How come you’re so good at this?” paungol kong tanong habang tinitignan siya sa ginagawa niya.

Hindi sumagot si Princess at sinubo niya bigla ng sagad ang alaga ko sa mainit niyang bibig.

“Oh… shit!” ungol ko.

She’s now giving me the best blowjob I’ve ever had, and I can’t stop myself from holding her head and thrusting between her moves.

I’m fucking her mouth and damn! If we don’t stop, I might come.

Pinatigil ko siya sa ginagawa niya at inalis ang alaga ko sa mainit niyang bibig na nabalutan ng laway niya at precum ko.

I asked her to sit in my lap, at inutos na dahan-dahang ipasok ang alaga ko sa pagkababae niya. Pareho kaming napaungol nang sumagad ang pagpasok ko.

Holy crap! I’m inside her right now.

Seeing my Princess in top and me and I’m going to fuck her drives me insane with the lust, love, and temptations I’m currently experiencing in our room.

Inutusan ko siya na magtaas-baba sa kandungan ko at ginawa nga niya.

Napakainosente pa talaga niya pagdating sa sex at masaya ako na ako ang nagtuturo sa kanya na gawin ito dahil ako lang ang pwedeng umangkin sa katawan niya.

I’d never let Morris have her again. If that happens, I will kill him.

It doesn’t matter to me if I wasn’t the first man to take Princess virginity. I’m so lucky to be able to indulge her gorgeous body with her permission, and it’s so overwhelming that you both enjoy your first sex with each other. It’s an ecstatic feeling.

While I’m inside her, she moves her hips up and down faster. She also places her hands on my tattooed chest for support while I suck and lick her delectable breasts.

This is the best sex I’ve ever had, and I’m glad I’m doing it with the woman I love, Clarisse Ann Victorino-Melendrez.

Napatili si Princess nang pinagpalit ko ang pwesto namin na hindi nahuhugot ang alaga ko sa loob niya. Ako na ang nasa ibabaw niya at mas binilisan ko pa ang paggalaw ko.

While we’re fucking each other, she’s moaning in pain and pleasure.

Our room is filled with our moans; I’m glad it’s soundproof so her family can’t hear us, and we’re sweating from the heat and lust we’re experiencing.

I can see why so many men desire her. Every parts of her body was admirable, especially her positive attitude and actions.

Ipinatong ko ang isa niyang hita sa balikat ko at mas sinagad ang pagpasok ko. When she moaned louder and gripped our bedsheet more tightly, I smirked. She’s still tense, despite the fact that I’m not the first man to enter her.

“I love you, Princess…” I whispered nang maramdaman kong malapit na akong labasan.

“I-I love y-you, too…” humihingal niyang sabi at hinila ang batok ko para mahalikan niya. I kissed her back while still thrusting.

Naramdaman kong nilabasan na siya kaya mas naging agresibo at mabilis ang paggalaw ko.

Ilang saglit lang ay tuluyan na akong nilabasan kaya sinagad ko ang alaga ko kay Princess para maramdaman niya ang pagpapalabas ko.

Nang matapos ay dahan-dahan kong hinugot ang alaga kong nababalutan pa ng pareho naming katas at tumabi sa kanya. I kissed her lips and wrapped a blanket around our naked bodies.

“Are you tired?” I asked the obvious question.

Tumango siya at humilig sa pawisan kong dibdib. “Inaantok na ako, matulog na tayo.”

Napangiti ako at hinaplos ang mabango at basa niyang buhok. “Mahal na mahal kita…”

Hindi na sumagot si Princess dahil tuluyan na siyang nakatulog sa pagod dahil sa ginawa namin.

Ako naman ay nilinisan muna ang basa niyang pagkababae and clean myself in the bathroom. After that, I wear a boxer shorts at lumabas sa kwarto para kumuha ng maiinom na beer sa kusina.

Bumalik ako sa kwarto namin dala ang isang bote ng beer at napansin ko na kanina pa umiilaw ang cellphone ni Princess sa bedside table kaya dinampot ko ito at tinignan.

There are 3 messages from an unknown sender.

I decided to read it out of curiosity. Because her phone has no password, I opened it right away.

From: +63900*******

Hi. Is this still your number?

I miss you, Clarisse.

I’m sorry.

Biglang nanginig ang mga kamao ko sa galit dahil sa nabasa kong messages.

I’m not stupid to not know who it is.

I immediately blocked his phone number in Clarisse’s phone. I noticed some text messages from Ansel and deleted them as well. I turned off her phone and placed it on the bedside table.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

Wala na akong dapat ipangamba dahil kasal na kami ni Princess at nakuha ko na siya pero hindi ko maiwasang mangamba sa mga lalakeng may interes sa kanya.

Will they stop bothering and pursuing her if they find out she’s already married to me?

Hindi na ako nakatulog dahil sa matinding pag-iisip hanggang sa mag-umaga na.

Clarisse is still sleeping due to exhaustion from our sex last night at gising na sina Tita Clara at Arman kaya tinulungan ko na lang silang maghanda ng breakfast namin.

“Tita Clara, pag-uwi natin sa Maynila ay gusto ko pong makilala n’yo sina Mom at Dad. They want to meet your family, as well as Clarisse.” sabi ko kay Tita Clara nang matapos na kami sa pagluluto.

“Ganoon ba, Duke? Wala namang problema sa amin ’yan pero nakakahiya pa rin dahil mayaman ang pamilya mo.” nag-aalangang sabi ni Tita Clara na napahawak sa batok.

“Mabait po sina Mom at Dad at alam nilang nagpakasal na ako kay Clarisse. Hindi naman po sila matapobre katulad sa mga napapanood n’yong drama sa TV.” I chuckled.

Natawa rin si Tita Clara. “Mabuti kung ganoon. Sige, at gusto ko rin silang makilala.”

I smiled. “Salamat po, and I apologize for calling you Tita because I am now your daughter’s husband.”

“Walang problema, Duke. Dapat talaga na masanay na akong Tita ang itawag mo sa akin at ’wag nang Ate dahil hindi na bagay!”

Natawa kami pareho.

Nang bumalik ako sa kwarto namin ni Princess ay nakita kong gising na siya habang nakasandal sa headboard ng kama. She appears to be in pain and sore kaya binigay ko ang dala kong honey tea sa kanya.

“Drink that,” I said while tying back some strands of her hair.

“Salamat,” sabi niya at ininom ang honey tea.

I fixed my gaze on her. She looks radiant and fresh. Is this a result of the intimate sex we had last night?

Napansin niya ang paninitig ko kaya bigla siyang nahiya at umiwas ng tingin. I smiled.

“I-Ikaw ba ang nagbihis sa akin habang tulog ako?” she asked matapos inumin ang honey tea.

“Yeah, we made our breakfast. Let’s eat,” I said as I helped her stand up.

Bumaba kami sa dining area at nandoon na ang kakagising lang na si Janjan. Kumaway siya sa akin at pinakita ang nilalaro niyang games sa cellphone ni Arman.

I’ll surprise him by purchasing an Apple tablet for him. Napansin ko kasi na walang gadget si Janjan at hinihiram lang nito ang cellphone ni Arman para makapaglaro. This young man is also intelligent and knowledgeable about both Science and History.

“Good morning sa inyo,” bati ni Princess.

“Good morning din, Ate Clarisse at Kuya Duke!” bati naman ni Janjan.

“Good morning, Janjan,” I said, tapping his head, who smiled back.

“Si Kuya Arman po?” tanong ni Princess kay Tita Clara.

“Nasa kwarto niya at may tumawag na babaeng galit na galit sa kanya. Baka ka-fling na naman niya iyon. Ewan ko ba sa kapatid mo at ayaw pang magseryoso sa isang relasyon,” Umiling si Tita Clara habang nilalagay ang niluto niyang macaroni soup sa lamesa.

If I were the old Duke, I wouldn’t dare to eat a soup because I find it repulsive, but as I’ve changed, I’ve learned to eat a variety of foods besides steak, pasta, and cakes.

“Makakahanap din siya ng babaeng katapat niya. Hintayin n’yo lang, Ma.” nakangising sabi ni Princess at pinaghila ko siya ng upuan.

“Sana nga dahil ako ang namomroblema sa mga babaeng tumatawag sa landline natin sa bahay. Kada oras ay tumutunog!”

After some laughter, we began to eat. Arman returns with his irritated and agitated face, and Tita Clara scolded him.

We decided to return to Manila the following day, and I am looking forward to my future plans with Princess.

As well as exacting vengeance on her best friend and his father for destroying Clarisse and her family’s life.

-Ajai_Kim

Chapter 34

Song for this chapter:

For

You -

XLR8

CLARISSE’S POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Duke kasama ang pamilya ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil kaharap namin ang parents ni Duke na mahahalatang mga professional at nakakaangat sa buhay.

Mabait sina Tito Darwin at Tita Camila sa amin. Kasundo na kaagad ni Mama si Tita Camila na ilang beses nang sinasabi na mukhang nasa mid 20s pa lang si Mama dahil sa youthful look nito.

Si Tito Darwin naman ay palangiti din katulad ni Duke at parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Nasa 55 na ang edad ni Tito Darwin pero gwapo at matipuno pa rin sa kaniyang edad. Halatang sa kanya nagmana si Duke.

“Hija, kami nang bahala ng Mama mo sa second wedding na magaganap sa inyo ni Duke. I’m just upset because we didn’t attend your civil wedding, but I’ll make sure your second wedding with him is memorable and grand.” nakangiting sabi ni Tita Camila.

Masaya ako dahil tanggap ako ng mga magulang ni Duke. Ang sabi nga ni Ate Camille ay ang kaligayahan lang ng Kuya niya ang hangad ng mga magulang nila. Sponsors din pala sila sa St. Therese at nagbibigay ng donation sa school namin every month.

“I can’t wait to wear a tuxedo again after marrying your Tita Camila decades ago.” sabi ni Tito Darwin na ngumiti rin sa akin.

Tumingin ako kay Duke at tinaasan niya ako ng kilay habang nakangiti. Makikita na gustong-gusto niya ang sinasabi ng mga magulang niya.

“Sige po.” sagot ko na lang at ngumiti rin.

“Duke, may Engineer at Architect ka na bang kinuha para gumawa sa ipapatayo ninyong bahay ni Clarisse? Maybe I can recommend some?” tanong ni Tito Darwin kay Duke.

“Yes, Dad; I have someone in mind, but I’d like to hear your suggestions as well.” sabi ni Duke na naging interesado sa sinabi ng Dad niya.

“His name is Vendrex Alano, and he’s a good Engineer for his age. I’m sure if he built your house with Clarisse, it’ll be good.”

Nagulat ako at napatingin kina Mama at Kuya Arman na kilala si Vendrex. Nagulat rin sila doon at hindi nakapagsalita.

“Sure, Dad; just send me his contact information so I can contact him.” sabi ni Duke na ngumiti.

“Alright,” sagot ni Tito Darwin.

Nagpatuloy kami sa pagkain at ako naman ay hindi maiwasang isipin si Vendrex. Nakikita ko siya minsan pero hindi ko na rin nakakausap pa.

Sana ay hindi maging awkward sa aming dalawa na magkita ulit kung siya man ang gagawa ng bahay na ipapatayo ni Duke para sa aming dalawa.

Sa bahay pa rin namin nag-iistay sila Mama, Kuya Arman, at Janjan pero nagpalagay ng mga bantay si Duke doon para na rin sa safety ng pamilya ko. Kami naman ay naglalagi muna sa condo unit niya habang magpapagawa pa siya ng bahay para sa amin.

Bumili na ng lote si Duke para sa bahay namin at nagpapasalamat ako na malapit lang iyon sa bahay namin dahil na rin sa request ko. Ayokong malayo sa pamilya ko at natatakot ako na kahit nakakulong na sina Morris at Tito Kai ay baka balikan nila kami ng pamilya ko.

Habang patuloy pa rin kaming kumakain sa garden area ay may mga dumating. Nagulat ako nang makita si Ravi kasama ang kapatid niyang si Erika na may kargang bata na mukhang nasa isang taong gulang pa lamang.

Ngayon ko lang ulit nakita si Erika makalipas ang apat na taon. Maganda pa rin siya at parang hindi tumanda. Napansin ko naman na kamukha nito ang batang babaeng karga niya.

“Ravi and Erika! Nandito pala kayo,” bati ni Tita Camila na sinalubong sina Ravi at Erika at bineso sa pisngi.

“Yes, Tita, we came here to see you. How are you doing?” tanong ni Erika kay Tita Camila.

“I’m fine, hija. Kumain na ba kayo ni Ravi? Come and let’s eat,” ani Tita Camila at inanyayahang kumain ang magkapatid.

Mukhang hindi alam nina Tita Camila at Tito Efren na naging ex-boyfriend ko si Ravi. Muli akong tumingin kay Duke at nakatiim-bagang siya habang nakatingin ng mariin kay Ravi na hindi kami magawang tignan.

“By the way, kasal na si Duke sa girlfriend niya. I’d like for you to meet Clarisse and her family.” Pakilala sa amin ni Tito Darwin na hindi alam ang awkward tension na namamagitan sa amin nina Ravi at Erika.

Nakita kong natigilan si Ravi at tumingin siya sa amin ni Duke sa gulat na ekspresyon.

“We know them, Tito Darwin. Clarisse was my schoolmate before.” sabi ni Erika na nagtaas ng kilay habang inaayos ang suot na sumbrero ng karga niyang bata.

“Really? Ito kasing pinsan mo ay pinakasalan ang girlfriend niya in civil at hindi kami nakapunta dahil may business trip kami sa Australia that time. We’re planning their second wedding in the most elaborate and well-planned way.” saad ni Tito Darwin na tumingin kay Tita Camila.

Hindi sumagot si Erika at kumuha na lang ng plato sa lamesa.

“How are you doing, Ravi, and where is Margarette?” Bumaling si Tito Darwin kay Ravi na nag-umpisa nang kumain.

“She’s in Cebu to see her relatives before returning to the United States.” sagot ni Ravi.

“Babalik ka rin ba sa Amerika kasama siya?” tanong naman ni Tita Camila.

“Maiiwan po ako dito to run my father’s gas station. Margarette and I have already discussed this, and we will be having a long distance relationship.” sagot ni Ravi.

Hinawakan ni Duke nang mahigpit ang kamay ko at para siyang nagagalit base sa ekspresyon na nakikita ko.

“Ldr is a difficult relationship, but you two are mature and business-minded people, so it will work for both of you.” nakangiting sabi ni Tita Camila.

Tumango naman si Ravi.

Mukhang mahal na mahal naman niya ang girlfriend niya at masaya ako dahil natagpuan niya ang babaeng para sa kanya. Hindi ko masuklian ang pagmamahal na ibinigay niya noon dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko siya matutunang mahalin at kay Duke ako nagkagusto.

Pagkatapos naming kumain ay hinila ako ni Duke palayo sa dining table at niyakap ako mula sa likuran ko. Nakatingin pala sa amin ang lahat at nakangiti sila maliban kina Ravi at Erika.

“I’m jealous, Princess. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na ’wag bangasan ang pagmumukha ng ex mo. He’s secretly staring at you.” madiin niyang sabi at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

“Duke, nakatingin sila sa atin. Nakakahiya!” bulong ko pero hindi siya natinag at hinalikan pa ang balikat ko.

“I don’t care. Gusto ko lang ipakita kay Ravi na sa akin ka na.” bulong niya.

Napailing na lang ako at nakahinga ng maluwag dahil hindi na sila nakatingin sa amin ni Duke.

Tinawag naman ni Tito Darwin si Duke at ayaw pa niya akong bitawan kaya sinabi ko na pupunta muna ako sa kwarto niya at kukunin doon ang regalo niyang Apple tablet para kay Janjan.

Ayoko ngang bilhan niya ng tablet ang kapatid ko at sinabing ako na lang ang bibili pero sinabi niyang advanced birthday gift na lang niya ito kay Janjan kaya wala na akong nagawa doon.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at umakyat ng hagdanan para pumunta sa kwarto ni Duke.

Nang akmang papasok na ako sa loob ng kwarto ay may biglang humila sa braso ako at laking gulat ko nang si Ravi iyon.

“Ravi? I-Ikaw pala,” nautal kong sabi at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“So, you’ve already married him.” sabi niya na nakatitig sa akin ng masama.

Kumunot ang noo ko. “Oo. Kasal na kami ni Duke.”

Tumawa siya ng mahina. “Ayos, ah? Ex-girlfriend kita tapos pinsan ko ang pinakasalan mo?”

Napabuntong-hininga ako. “Ravi, mahal ko si Duke at kung nagpakasal na kami, ano naman ’yon sa’yo? May girlfriend ka na-”

Nanlaki ang mga mata ko nang isinandal niya ako sa pader at kinulong sa mga bisig niya. Kinabahan at natatakot rin ako dahil sa masamang titig niya sa akin.

“Fuck girlfriend! Fuck everything! For the past four years, I tried to forget you because I knew you didn’t love me, but shit! Until now… I still love you…” Humina ang boses niya at yumuko ito.

Natigilan ako sa sinabi ni Ravi at saka umiling.

Mahal niya pa rin ako?

“H-hindi pwede ’yan, Ravi. Asawa ko na si Duke at alam kong mahal ka ng girlfriend mo. Sinasaktan mo lang siya sa ginagawa mo!” Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

Ang akala ko ay tuluyan na siyang nakamove-on sa akin dahil mukha namang masaya siya sa girlfriend niya pero hindi pa rin pala.

Tinignan niya ako sa nasasaktan niyang ekspresyon at nagulat ako nang makita siyang umiiyak.

“Ginawa ko ang lahat para kalimutan ka, Clarisse. Simula nang umabot tayo sa korte at nanalo ka sa kasong isinampa ko sa inyo ng pamilya mo ay sinubukan ko ang lahat ng bagay para lang makalimot.” Nagpunas siya ng mga luha at tumingala para pigilan ang panibagong pagbabadya nito.

“I’ll leave here in the Philippines to forget you, and that was the most devastating stage in my life; I met Margarette in the United States, and she helped me forget you, but… when I see you again at the bar, I can’t forget you, and I guess I still haven’t moved on.”

Napasinghap ako at umiling. “Kalimutan mo na ako dahil hindi na tayo pwede-”

Bigla niya akong niyakap.

“Clarisse, mahal na mahal kita. Kaya kong sirain at iwan ang lahat para sa’yo mahalin mo lang ako. Ano ba ang gusto mong gawin ko? I’ll break-up with Margarette? Gagawin ko ’yon piliin mo lang ako. Let’s leave here and come with me-”

Itinulak ko ng buong lakas si Ravi at sinampal siya na ikinahinto niya.

“Nababaliw ka na ba, Ravi? Gagawin mo talaga ’yan para lang sa akin? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Hindi na tayo pwede dahil kasal na ako kay Duke at may girlfriend ka na!” singhal ko.

Niyakap niya ako ulit at kahit nagpupumiglas na ako sa yakap niya ay ayaw niya akong bitawan.

“No, no! You can’t do this to me. I love you, Clarisse, and I don’t want to lose you again. Choose me, please? I beg you…” nagmamakaawa niyang pakiusap at natakot ako nang pilit niya akong hinahalikan pero iniwas ko ang mukha ko.

“Ravi, bitawan mo-” Tinakpan niya ang bibig ko at napuno na ng takot at kaba ang dibdib ko nang hinahalikan na niya ako sa leeg.

“I love you, Clarisse, and I’m crazy for you…” bulong niya.

Pumikit ako dahil naaalala ko na naman ang takot na naramdaman ko nang malaman kong pinagsamantalahan ako ni Morris. Nandidiri ako sa ginagawa ni Ravi at wala rin pala siyang pinagkaiba kay Morris.

Napamulat lang ako ng mga mata nang maramdamang wala na si Ravi sa harapan ko at nagulat ako nang nakahandusay na siya sa sahig habang pinagsusuntok ni Duke.

Galit na galit si Duke at para na itong papatay ng tao. Lahat ng galit at frustration niya ay binubuhos niya kay Ravi na duguan na at pilit nagpupumiglas pero hindi nito madepensahan ang sarili.

“How dare you try to rape my wife?” sigaw ni Duke na nagpakawala ng isang malakas na suntok sa sikmura ni Ravi.

Napaubo na ng dugo si Ravi at halos hindi na maimulat ang mga mata sa pambubugbog ni Duke.

Nagpasalamat naman ako nang dumating kaagad sila Tito Darwin at Tita Camila kasama ang pamilya ko, sila Ate Camille, Kuya TJ, at si Erika.

Nagulat sila sa eksenang nadatnan nila. Lumapit sina Tito Darwin at Kuya Arman kay Duke para awatin ito sa pambubugbog kay Ravi.

Si Erika naman na karga ang batang anak pala niya ay umiiyak na nilapitan ang bugbong-saradong kapatid.

“Anong nangyari, anak?” nag-aalalang tanong ni Mama na lumapit sa akin kasama sila Janjan, Ate Camille, at Kuya TJ.

“M-muntik na po akong pagsamantalahan ni Ravi, Mama.” Umiiyak kong sabi. Niyakap naman ako ni Mama at pinatahan. Pati si Janjan ay niyakap rin ako.

“Ilayo n’yo sa akin ’yang gagong ’yan bago pa magdilim ulit ang paningin ko at mapatay ko siya!” pagbabanta ni Duke na dinuro si Ravi na halos hindi na makatayo dahil sa natamo nitong mga sugat at pasa sa buong katawan.

“TJ, tulungan mong makatayo si Ravi at paalisin na sila dito sa bahay.” Dismayadong sabi ni Tita Camila na lumapit sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko.

“Yes po, Tita.” sagot ni TJ at tinulungan si Erika na itayo si Ravi sa sahig.

“Hindi kita palalampasin, Ravi. Ipapakulong kita sa ginawa mo sa asawa ko. Hayup ka!” galit na sigaw ni Duke at akmang susugurin ulit si Ravi nang napigilan siya nina Tito Darwin at Kuya Arman.

Bago pa niya mabugbog ulit si Ravi ay nailayo na ito nina Kuya TJ at Erika.

Lumapit naman sa akin si Duke at niyakap ako.

“I’m sorry for my douchebag cousin, Princess; I’ll do everything I can to protect you…” malungkot niyang saad.

Tumango ako habang umiiyak pa rin. Kung hindi kaagad dumating si Duke ay baka napagsamantalahan na ako ni Ravi.

Nang kumalma na ako sa pag-iyak ay ikwinento ko sa kanila ang mga sinabi sa akin ni Ravi kanina. Sinabi ko na rin kina Tito Darwin at Tita Camila na naging ex-boyfriend ko si Ravi at kung ano ang mga ginawa nito noon para kontrolin ako at ang pamilya ko.

“I’m sorry, we weren’t aware of that. Kung alam lang namin na ganoon pala si Ravi ay hindi na sana ako pumayag na maglunch sila dito ni Erika.” nakokonsensyang sabi ni Tita Camila.

“Ayos lang ’yon, Camila. Pamangkin n’yo naman si Ravi at may mali rin kami dahil hindi namin ’yon naipaalam sa inyo.” sabi ni Mama na hinawakan si Tita Camila sa braso nito.

“Kilala na namin si Ravi simula pagkabata. Tahimik at mabait na bata naman ’yon at hindi ako makapaniwala na nakaya niyang kontrolin ang pamilya n’yo dahil lang sa pagmamahal niya kay Clarisse. He’s insane. Kawawa naman si Margarette.” sabi ni Tito Darwin na hinilot ang sintido.

“Makakarating kina Efren at Lynda ang ginawa ng anak nila. He almost raped Clarisse.” Bumuntong-hininga si Tita Camila at ininom ang baso ng tubig sa lamesa.

Nagpaalam naman si Duke na dadalhin niya muna ako sa kwarto niya para makapagpahinga. Tumango naman sila at iniwan na namin sa sala.

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ay niyakap ako ni Duke. Mahigpit iyon na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa.

“I’m glad I married you already; they want you to steal from me, and I’m not going to let that happen, Princess.”

Kung wala siguro si Duke sa buhay ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako malaya sa mundong ginagalawan ko at hindi ako magmamahal ng bukal sa puso ko.

“Hindi naman ako magpapaagaw dahil ikaw lang ang mahal ko.” sabi ko at tinignan si Duke.

Nakangiti na siya sa akin hanggang sa kinabig niya ako at hinalikan sa labi.

“I love you so much…”

“I love you, too…”

-Ajai_Kim

Chapter 35

RAVI’S

POV

“Do you still love her?”

Hindi ako makasagot sa tanong ni Margarette. I’d be lying if I said I didn’t love Clarisse; she’s the only one I’ll ever love.

Mas lalo siyang umiyak sa hindi ko pagsagot. For the past four years, Margarette help me to heal and move-on but when we returned here in the Philippines and I saw Clarisse, all of what I did was wasted because until now, I still love her.

“Ginawa mo lang ba akong rebound, Ravi?” nasasaktang tanong ni Margarette.

“I’m sorry,” That’s all I can say.

Humagulgol siya at tinignan ako ng masama. I can’t blame her if she’s upset with me; I hurt her.

“I did everything to love you and make you forget that girl, but four years have passed and you still love her? How about my feelings, Ravi? I love you so much and I want to live with you for the rest of my life…” she cried harder and clutched my bruised hand.

Mahigit isang linggo na akong nandito sa ospital at nagpapagaling dahil sa mga natamo kong sugat at pasa kay Kuya Duke. I deserve what he did with me because I tried to violate Clarisse. Hindi na ako nakapag-isip ng tama noong mga panahon na iyon dahil sa pagkadesperado kong makuha muli si Clarisse kaya ko nagawa ang bagay na iyon. I later regretted it, and my parents confronted me about it.

Balak sana akong kasuhan ni Kuya Duke ng sexual harassment pero nakiusap sina Mom at Dad sa kanya na huwag nang gawin iyon at bigyan na lang ako ng restraining order para hindi ko na malapitan at makausap si Clarisse. Pumayag si Clarisse pero si Kuya Duke ay tutol ngunit wala rin siyang nagawa dahil mismong si Clarisse na ang nakiusap sa kanya.

I’m such a dumbass stupid guy to try violate Clarisse. Wala rin akong pinagkaiba sa Morris na iyon. He raped Clarisse and I can’t believe that he can do such things because of his obsession on her.

Love will always drive us insane, and we will do impossible things just to reciprocate the love that we are giving, but trying to violate and abuse the woman we love is a big mistake, especially in the above.

Hindi ko matignan nang diretso si Margarette dahil nasasaktan din ako na makita siyang nasasaktan dahil sa akin.

Kung natutunan ko lang sana siyang mahalin ay hindi ko na nagawa ang bagay na iyon kay Clarisse but I can’t make myself love her. She deserves someone better who loves her truthfully and unconditionally.

“You deserve someone better and that’s not me, Margarette. Sinubukan ko namang mahalin ka but… I still love her.” I confessed.

“Ravi, please… I don’t want to end things with you. We can still be in a relationship and-”

“Stop it, Margarette. We need to end things between us because I don’t want to hurt you any further,” I said emphatically.

She didn’t respond, instead crying even louder.

I sighed and closed my eyes. Napamulat lang ako ng mga mata nang marinig ang isang yabag na pumasok sa loob ng patient room kung nasaan ako.

Nagulat ako nang makita si Arman na nakatingin ng seryoso sa akin. Lumingon din si Margarette sa kanya na umawang ang bibig nang makita siya.

“Arman, why are you here?” tanong ko at pilit na sumandal sa headboard ng hinihigaan kong hospital bed.

“Katulad noon ay mahilig ka pa rin’g magpaiyak ng mga babaeng nagkakagusto sa’yo pero ang kapatid ko ang iniiyakan mo.” nakangisi niyang sabi at nagpamulsa.

I have no idea why he’s here. I know he’s upset with me because of what I did to his sister and his family previously, but I’m not expecting him to come to the hospital to see me.

“I’m sorry sa nagawa ko kay Clarisse. I regretted it after.” I said at napayuko ako.

Wala na akong magagawa para ipaglaban ang nararamdaman ko. Kasal na si Clarisse kay Kuya Duke at kahit hindi ko maintindihan kung bakit sila kinasal kaagad ay natalo na ako.

“Alam ko naman kung gaano ka kabaliw pagdating kay Clarisse. Mahal mo siya pero obsessed ka nga lang.” Arman said sabay tingin kay Margarette na tumigil na sa pag-iyak.

“Ikaw ba ’yong girlfriend ni Ravi?” tanong niya.

Margarette nodded at napansin kong bigla siyang namula nang tumingin kay Arman. “Y-yes, it’s me.”

Margarette is only 25 years old at kasing edad lang niya si Arman.

Arman chuckled and crossed his arms. “Sinayang mo lang ’yang pagmamahal mo kay Ravi. Ginawa na niya noon ang lahat para lang ibaling ang atensyon niya sa ibang babae pero sa huli ay pinilit niya pa rin ang sarili niya sa kapatid ko.”

“Because I love him,” Margarette responds.

Umiling si Arman. “Ang ganda mo pa naman at mukha kang matalino. Hindi ka dapat makuntento sa one-sided love. Hindi ko pa nararanasan na magmahal ng totoo sa isang babae pero alam ko ang nararamdaman n’yo dahil sa nakikita at nao-obserbahan ko.”

Mas lalo pang pumula ang mukha ni Margarette dahil sa pagpuri sa kanya ni Arman. She’s affected by what he’s saying, and this is the first time I’ve seen her act like this with anyone other than me.

I don’t blame her; Arman is a handsome and gorgeous man, a boy version of his sister, Clarisse.

“If you fall in love, you will completely understand how I feel.” malungkot na sabi ni Margarette kay Arman.

“At kung mangyari man ’yon, hindi ko pipilitin ang sarili ko kung ayaw sa akin ng taong mahal ko. Sa nakikita kong naranasan ng kapatid ko mula kay Ravi at sa best friend niyang baliw, hinding-hindi ko tatanggalan ng kalayaan ang taong mahal ko na piliin ang tao o bagay na makakapagpasaya sa kanya.”

Arman’s words slammed into me. It’s wrong to love possessively and obsessively. Love also needs freedom, trust and care. If you love someone, you should always consider her or his feelings.

Hindi na sumagot si Margarette at lumabas na lang siya sa loob ng patient room. Maging pati siya ay natamaan sa sinabi ni Arman.

Tumingin ulit si Arman sa akin at nilapitan ako. He looks worried about my condition, after all, we’ve been great friends before. He, like his sister, is understanding and kind.

“Arman, I sincerely apologize for everything I’ve done to Clarisse and your family. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko. I want to apologized to Clarisse personally pero hindi ko siya malapitan dahil sa restraining order ni Kuya Duke sa akin. Please tell her that I’m truly sorry for what I did to her,” I apologized.

Tumango siya at mahinang tinapik ang kaliwang braso kong may benda.

“May konting bait ka pa namang natitira dyan sa puso mo kaya pinapatawad na kita pero hindi mo na talaga malalapitan si Clarisse dahil sa nagawa mo at kilala mo ang pinsan mong si Duke, sa oras na magpang-abot ulit kayo ay baka hindi lang bugbog ang abutin mo sa kanya.” He smirks.

I smiled. “I know, and thank you. I will do everything to move-on and avoid them. They love and… d-deserve each other.”

Huminga ako ng malalim para pigilan ang pag-iyak ko. Shit! I feel like I’m a crying gay right now but what can I do if I’m still hurting and broken?

“Salamat, Ravi.” Ngumiti si Arman.

I just nodded.

I guess this is the end between Clarisse and me. I’m not her endgame because she doesn’t love me in the first place; her one and only true love is my cousin, Duke.

CLARISSE’S POV

“Nagpakasal ka lang kay Duke ay magreresign ka na sa kompanya?” galit na tanong ni Sir Ansel nang binigay ko sa kanya ang resignation letter ko.

Si Duke ang nagsabi na magresign na ako sa trabaho. Kailangan ko rin’g gawin iyon dahil ilang linggo na akong absent sa trabaho at nakakahiya naman kay Sir Ansel kung mag-awol lang ako at walang proper resignation na gagawin.

Kailangan kong paghandaan ang bagong buhay ko bilang asawa ni Duke. Maghahanap rin ako ng ibang trabaho at hindi na konektado kay Sir Ansel na kapatid ng babaeng nasaktan ni Duke na si Juliana.

Nalaman ko na may gusto pala ang babaeng iyon sa kanya pero dahil ako ang mahal ni Duke ay hindi niya nagawang mahalin pabalik si Juliana.

“Kailangan kong gawin ’to, Sir Ansel. Kasal na ako at isa pa, marami na akong absences-”

“It’s not a problem, Clarisse; I understand, and I’m not going to cut your salary because of your absences; you want me to raise your salary? I’ll do it for you, but please don’t resign in my company,” pakiusap ni Sir Ansel.

Tumingin ako sa pintuan ng office niya at nandoon lang sa likod si Duke na posibleng naririnig ang pinag-uusapan namin. Natatakot ako na baka bigla na lang siyang pumasok sa loob at komprontahin si Sir Ansel.

Sinabi ko na ako na lang ang kakausap mag-isa kay Sir Ansel tungkol sa resignation ko.

Muli akong tumingin kay Sir Ansel at malungkot na may pagkabigo ang kaniyang ekspresyon. Hindi ko maiwasang isipan ang hinala ni Duke at maging pati na rin nina Trixie at Rosanna na baka may gusto ito sa akin pero ayoko namang magbigay ng malisya sa pakikitungo nito.

“Pasensya na po talaga pero nakapagdesisyon na ako, magreresign na po ako at sana ay maintindihan n’yo ’yon, Sir Ansel.” sabi ko.

Nag-igting ang panga niya at pabagsak na umupo sa swivel chair niya. Halatang naiinis siya sa akin at nagagalit pero nagpipigil lang.

“Pinakasalan mo si Duke samantalang may gusto sa kanya ang kapatid ko?” Nanlaki ang mga mata ko sa pagbubukas nito ng ganoong usapan.

Doon na tuluyang pumasok si Duke sa loob ng office at tinignan ng masama si Sir Ansel.

“Ansel, I married Clarisse because we love each other. Don’t bring your sister into our situation because Juliana and I didn’t have a romantic relationship in the first place. To me, she’s just a friend.” mariing sabi ni Duke na ikinatawa ni Sir Ansel.

“Juliana is your only friend, but you kissed her four years ago in California, right?”

Nagulat ako sa sinabi ni Sir Ansel at tinignan si Duke na mukhang nabigla rin doon. Biglang na lang sumikip ang dibdib ko.

“Totoo ba ’yon?” mahina kong tanong.

Napahawi siya sa buhok. “I was drunk at the time, Princess, and I drink a lot because I’m thinking of you. Juliana was there when I drank too much at hindi ko na matandaan na hinalikan ko pala siya dahil sa sobrang kalasingan ko. I was under the influence of alcohol at the time, and I had a minor accident because I drove drunk two weeks after I was released from the hospital.”

May halong sakit at awa ang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Masakit na hinalikan niya si Juliana, at the same time ay naaawa rin dahil naaksidente siya nang dahil sa akin.

“Kung may mahal kang iba, kahit lasing ka ay hindi ka manghahalik ng ibang babae, Duke. When you know that my sister loves you, you give her hope as well.” ngumisi si Sir Ansel at nagtaas ng kilay kay Duke.

Sumakit bigla ang ulo ko sa mga nalaman ko.

“Hindi ko kasalanan kung umasa man sa akin si Juliana. First and foremost, I made it clear to her that I did not love her and only treated her as a friend. That kiss meant nothing to me, and I don’t even remember kissing her!” sumigaw si Duke at dinuro si Sir Ansel.

Tumayo naman si Sir Ansel at nilapitan si Duke. Masama na ang tingin nito. “You hurt my sister, and there’s a chance you’ll hurt Clarisse in the future; you don’t deserve a better girl like Clarisse at aaminin ko na rin sa’yo na gusto ko siya.” seryoso nitong ani.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Si Duke naman ay itinulak sa dibdib si Sir Ansel at nanginginig na ang mga kamao niya sa galit.

“I knew it! You like my wife, which is why you don’t want to resign her from this company. Balak mo siyang agawin sa akin at ginagamit mo ang kapatid mo para sirain kami! I’m sorry to tell you but Clarisse is mine, I won’t give you any chance on her. We’re married, and she’s my wife.”

“Kasal lang kayo sa papel pero hindi kayo nararapat para sa isa’t-isa!”

Napasigaw ako sa gulat nang sinuntok ni Duke si Sir Ansel. Dahil magkasing tangkad at laki lang sila ay kaagad nakabawi si Sir Ansel at sinuntok rin si Duke hanggang sa magsuntukan na silang dalawa.

Mukhang narinig naman ng mga empleyado at sekretarya sa labas ng opisina ni Sir Ansel ang nangyayaring sigawan at pagsusuntukan sa loob ng opisina kaya pumasok sila sa loob.

Inawat ni Edison at ang lalakeng sekretarya si Sir Ansel samantalang hinawakan naman si Duke sa magkabilang braso ng dalawang lalake na kasamahan ko rin sa trabaho.

Naglakad naman papalapit sa akin sina Trixie at Rosanna na halata ang pagkagulat sa nangyari.

“Nag-away ba sila, girl?” tanong ni Trixie.

Umiiyak akong tumango.

“Clarisse will resign from this company, Ansel. You will never see her again, and if you continue to ruin my relationship with her, I will do everything in my power to ruin you as well!” sigaw ni Duke kay Sir Ansel na sobrang sama ng tingin rito.

Parehong putok ang kanilang mga labi dahil sa pagsusuntukan nila.

Pabalyang tinanggal ni Duke ang pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalakeng katrabaho ko at lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas sa loob ng opisina.

Hindi na ako nakapagpaalam pa kina Trixie at Rosanna na sinundan na lang kami ng tingin. Ganoon rin ang mga empleyadong nakasaksi ng eksena.

Nang makalabas na kami sa loob ng BPO building ay isinakay ako ni Duke sa dala niyang kotse na nasa parking lot at kaagad itong pinaandar.

“He’s an asshole, Princess. His deceased wife filed a restraining order against him before because he’s abusive and manipulative, and I don’t want you to get involved with him anymore kaya ayoko nang magtrabaho ka sa kompanya niya. At narinig mo naman ang sinabi niya… may gusto siya sa’yo.” nakatiim-bagang niyang sabi habang nagmamaneho.

Nawala na ang sakit na naramdaman ko nang malaman na nahalikan niya si Juliana at nangamba na lang dahil kay Sir Ansel. Hindi ko alam na ganoon pala siyang klaseng tao. May gusto rin siya sa akin.

“Perhaps I kissed Juliana, but it doesn’t mean anything to me. Sinabi nga nilang hinalikan ko raw siya pero hindi ko na matandaan ’yon sa tagal na rin. Ansel is bringing up the past to ruin us, so please don’t let what he said affect you.” Hinawakan ni Duke ang kamay ko at hinalikan ito.

Tumango ako at ngumiti dahil tama siya. Matagal na panahon na rin naman iyon at mag-asawa na kami. Hindi ko na kailangang i-big deal ang halik nila ni Juliana, ang mahalaga ay walang ibang minahal si Duke kundi ako lang. Kahit ako ay may nagawa rin’g mali katulad ng pumayag akong magpaligaw kay Morris.

Ang importante ay ang kasalukuyan na kasama ko si Duke.

Napangiti siya na parang nabunutan ng tinik. “Our second wedding is coming up next week, so be ready.”

Second wedding namin? Excited na ako para doon.

-Ajai_Kim

Final Chapter

CLARISSE’S POV

Halos hindi maialis ni Vendrex ang tingin niya sa akin ngayong magkaharap kami kasama si Duke. Kakausapin siya ni Duke tungkol sa ipapatayo naming bahay at katulad ng inaasahan ko ay siya nga ang tinutukoy ni Tito Darwin.

Tumikhim bigla si Duke kaya nabaling ang atensyon ni Vendrex sa kanya.

“Do you know my wife?” tanong niya.

Tumango si Vendrex at ngumiti. “Schoolmate kami ni Clarisse at dating kaibigan ako ni Morris.”

Natigilan si Duke pagkaraan ay tumango. “Nabalitaan mo na siguro ang ginawa ni Morris sa asawa ko. I wouldn’t forgive him, which is why he’s in jail with his father, who killed Clarisse’s father.”

Bumuntong-hininga ako para pigilan ang emosyon ko.

Nag-imbestiga rin si Duke tungkol kay Tito Kai at hindi ako makapaniwala na sinadya nitong patayin si Papa sa ospital sa pamamagitan ng pag-inject ng maraming tPA dosage. Nagresulta iyon ng pagka-overdose ni Papa sa gamot na naging dahilan para bawian ito ng buhay.

Ginawa iyon ni Tito Kai dahil gusto niyang mawala si Papa para tuluyang maangkin si Mama. Sobra ang galit at pagkamuhi na nararamdaman namin ni Mama sa kanila ng anak nitong si Morris. Walang duda na mag-ama sila dahil pareho silang masasama.

Nagulat si Vendrex sa sinabi ni Duke. “I had no idea Morris and his father could do such a thing; they are kind to everyone, but I guess evilness and desire turn them into monsters.” malungkot niyang sabi.

Totoo ’yon at kahit gaano mo pa kakilala ng matagal ang isang tao ay hindi mo sila lubusang makikilala. Pwede silang magpanggap at kunin ng buo ang tiwala mo para lang paniwalaan sila sa mga kasinungalingan nila. Hindi na talaga mawawala ang masasamang tao na nabubuhay sa mundong ito.

“I turned evil before, Vendrex, and I did such impossible things to get what I wanted pero ngayon ay tuluyan na akong nagbago nang dahil sa pagmamahal ko sa asawa ko. Love can also help you become a better version of yourself.” Ngumiti si Duke at tumingin sa akin.

Napangiti rin ako dahil sobrang saya ko na makita ang pagbabago niya at sa nalalapit naming second wedding. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalakeng kinainisan ko kaagad sa una naming pagkikita at tinawag kong “hooker” ang siyang makakatuluyan at pinakasalan ko.

“I had no idea about your and Clarisse’s story, but I’m so happy for both of you.” Ngumiti sa amin si Vendrex ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya.

“Thank you, Engineer Alano, may we discuss the house plans?”

“Sure, Mr. Melendrez; I’ve already informed my team about this project, and your father has put his trust in me, so I’m looking forward to the construction.”

Nag-usap na sina Duke at Vendrex tungkol sa bahay na ipapatayo habang ako naman ay nakikinig na lang sa kanila.

Sinusuri ko si Vendrex at walang nagbago sa itsura niya bukod sa mas tumangkad at naging matured ang pangangatawan niya. Mas lalo siyang gumwapo at sigurado na marami pa rin’g mga babae ang nagkakagusto rito.

Hindi ko masisisi ang sarili ko na humanga sa kanya noon. Napakabait ni Vendrex, masiyahin at down to earth. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay naglalaro pa rin siya ng football gayong isa na siyang successful Engineer.

At kung anuman ang pinag-awayan nila ni Morris na naging dahilan para masira ang pagkakaibigan nila ay hindi ko na aalamin kung ano iyon dahil sigurado akong si Morris ang may problema.

Pagkatapos mag-usap nina Duke at Vendrex ay nakipag-kamay sila sa isa’t-isa.

“It’s a pleasure to work with you, Engineer Alano; I’m looking forward to building a house for my wife, and you’re also invited to our upcoming second wedding this month.” ani Duke.

“P-pwede ko bang makausap muna si Clarisse? May gusto lang sana akong sabihin sa kanya, Mr. Melendrez.” nag-aalangang sabi ni Vendrex.

Tumaas ang kilay ni Duke at pinagkrus ang kaniyang mga kamay. “So, I’ll leave you two to talk?”

Napailing ako dahil ayan na naman siya sa possessive side niya.

Tumango si Vendrex. “Just a few minutes; it won’t take long,”

Natahimik si Duke pero ilang segundo lang ay huminga ito ng malalim at tumango. “If you do anything bad to my wife, I will destroy your face.” pagbabanta niya.

“Duke!” suway ko pero hindi siya nakinig.

“Wala akong gagawing masama kay Clarisse. Gusto ko lang talaga siyang makausap na kaming dalawa lang.” sagot ni Vendrex.

“Okay. I’ll give you some minutes. Lalabas na ako.” Hinalikan ako ni Duke sa labi at parang labag pa sa loob niyang iwanan kami ni Vendrex.

Nang makalabas na siya sa loob ng restaurant ay tumawa ng mahina si Vendrex.

“Overprotective pala masyado ang asawa mo, Clarisse. I can tell he cares about you.” sabi niya.

Napangiti ako. “Sa dami ng peligro na nangyari sa akin ay hindi ko masisisi si Duke kung bakit napaka overprotective niya lalo na sa mga lalakeng nakakasalamuha ko. Marami kaming mga pinagdaanan at masaya ako na umabot kami hanggang dito.”

Inayos ni Vendrex ang kwelyo ng suot niyang longsleeve shirt at nagtanggal ng dalawang butones. Pinagpapawisan siya dahil sa mainit na panahon.

“Kung ako siya ay gano’n rin ang gagawin ko para sa taong pinapahalagahan ko, Clarisse.” Tumitig siya sa akin dahilan para maconcious ako.

“M-may dumi ba ako sa mukha?” tanong ko.

Umiling siya at ngumiti. “Maganda ka pa rin katulad noon. I just wanted to confess that I had a crush on you, that’s why Morris was upset with me because he also likes you.”

Nagulat ako sa sinabi niya at napaawang ang bibig.

“K-kailan ka pa nagkacrush sa akin?” gulat kong tanong.

“Simula nang pinakilala ka sa’kin ni Morris. You’re beautiful and sweet, so don’t blame me for having a crush on you.” uminom siya ng juice habang tinititigan ako.

Hindi ako makapaniwala doon, pero kung nalaman kong crush ako dati ni Vendrex ay magkakatuluyan ba kami?

Sa tingin ko ay hindi dahil hindi ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kanya sa tindi ng nararamdaman ko kay Duke.

“Nagka-crush din ako sa’yo noon,” Pag-amin ko at si Vendrex naman ang nagulat.

“R-really?”

Tumango ako. “Sino ba naman ang babaeng hindi magkakagusto sa’yo? Bukod sa gwapo ka at magaling magsoccer o football ay napapasaya mo rin ako dahil humorous ka. Pero hindi pa rin ’yon magiging dahilan para palitan sa puso ko si Duke.”

Ngumiti ako nang maalala ang una naming pagkikita ni Duke. Inis na inis ako sa kanya noon dahil ang akala ko talaga ay hooker siya at pinagtitripan ako para maging isa sa mga babae niya.

Pero sino ba naman ang babaeng hindi siya mapapansin sa unang tingin pa lang? Mala Jason Momoa ang attractiveness at aura niya. Tignan ka lang ay para nang mahuhulog ang suot mong panty. Si Ate Haya lang ang hindi magkakagusto sa kanya dahil mahal na mahal no’n si Kuya Kendrick.

“I can tell you love him by the way you look at him; he’s lucky to have you,” humina ang boses ni Vendrex at napalunok. “He also saved you from Morris and married you right away; he’s quick but well-planned.” ngumiti na siya at inayos ang magulo niyang buhok.

“Ikaw ba, wala ka pa bang girlfriend o nililigawan?” tanong ko.

Umiling siya. “I’m single, and that’s fine with me dahil stressful maging isang Engineer.” natawa ito.

“Kung sa bagay, naglalaro ka pa ng football?” tanong ko ulit.

“Yeah, may competition kami ng teammates ko next month sa Madrid, Spain. You will see us on television kaya panoorin mo kung gaano ako kagaling maglaro.” Kumindat siya na ikinatawa ko na lang.

“Sige-”

“Hindi pa ba kayo tapos mag-usap?”

Nagulat naman ako nang makita na nasa harapan na pala namin si Duke na nakaunoot-noo at halatang naiinip na dahil napatagal ang pag-uusap namin ni Vendrex.

Sabay kaming tumayo ni Vendrex sa kinauupuan namin. Hinapit naman ni Duke ang baywang ko.

“Tapos na kaming mag-usap ni Clarisse. Thank you for giving me the time to speak with her.” ani Vendrex na ngumiti sa aming dalawa.

“Remember, Vendrex, we’re only dealing with house construction.” seryosong sabi ni Duke.

Tumango si Vendrex. “I’ll go ahead and say goodbye to you two,” sabi niya at naglakad na palabas ng restaurant.

Nang mawala na sa paningin namin si Vendrex ay sinamaan ko ng tingin so Duke na nagkibit-balikat lang.

Lumabas na kami sa loob ng restaurant at didiretso sa bahay nina Kuya Kendrick at Ate Haya para maki-celebrate sa 6th birthday ng anak nilang lalake na si Idris. Imbitado rin sila Mama, Kuya Arman at Janjan na nauna na sa bahay ng mag-asawa.

Pagkarating namin ay kaagad kaming sinalubong nina Ate Camille at Ate Haya. Kakatapos lang rin daw ng party para sa mga batang kaklase ni Idris at nakisali rin doon si Janjan.

“Late na kayong dalawa pero ayos lang at least nakarating kayo,” sabi ni Ate Haya na kumapit sa isang braso ko kaya binitawan na ako ni Duke.

“Sorry about that, Haya; we talked to our Engineer and also went to the wedding organizers with Mom, which is why we were late.” sagot ni Duke at nakipag-apir kay Kuya Kendrick na sinalubong rin kami.

Dumiretso kami sa sala at naabutan namin doon ang pamilya nina Ate Haya at Kuya Kendrick na ngayon ko lang nakita. Ipinakilala ako ng mag-asawa sa kanila at mabait naman sila.

Napansin ko pa ang pagtitig sa akin ng nakatatandang kapatid ni Ate Haya na si Kuya Riley habang kinakausap ito ni Kuya Kenneth na kapatid ni Kuya Kendrick.

Dumiretso naman kami sa kabilang sala at nandoon ang pamilya ko. Nang makita ako ni Janjan ay niyakap niya ako habang hawak ang tablet na niregalo sa kanya ni Duke. Sina Mama at Kuya Arman naman ay ngumiti sa amin habang kumakain sila ng handa.

Sandaling umalis muna sila Kuya Kendrick at Kuya Duke dahil kakausapin raw sila ng Dad ni Kuya Kendrick na sinabi ni Ate Camille. Kami na lang tuloy ang naiwan ni Ate Haya kaya lumapit na kami sa pwesto ng pamilya ko.

Tumabi ako kina Mama at Janjan sa sofa at dahil sa bandang pwesto lang ni Kuya Arman may bakanteng upuan ay doon na naupo si Ate Haya.

Bigla namang sumulpot sina Idris at Kelli at nagyaya ang mga itong makipaglaro kay Janjan kaya naiwan kaming matatanda sa sala.

“Salamat sa pag-imbita mo sa amin sa birthday party ng anak mo, Haya. Tuwang-tuwa si Janjan na makipaglaro at makipagkaibigan sa mga bata.” pasasalamat ni Mama kay Ate Haya.

“Wala po ’yon, Tita Clara. Para na rin po tayong pamilya,” nakangiting sabi ni Ate Haya.

“Pwede mo rin akong maging kaibigan, Haya.”

Nanlaki ang mga mata namin ni Mama nang biglang magsalita si Kuya Arman na titig na titig kay Ate Haya.

“Oo naman, Arman. You can be my friend as well. We’re the same age, and you’re Duke’s brother-in-law.” sabi ni Ate Haya na wala namang napapansing kakaiba sa kapatid ko.

Kung alam mo lang, Ate Haya! May crush sa’yo si Kuya Arman.

Kilala ko naman si kuya. Hanggang paghanga lang ang nararamdaman niya kay Ate Haya dahil ayaw niyang makasira ng isang masayang pamilya.

Pinaghanda ako ni Mama ng makakain dahil kanina sa restaurant kung saan kami nakipagkita kay Vendrex ay drinks lang ang inorder namin ni Duke dahil alam naming mapapalaban kami ng kain dito sa birthday ni Idris sa dami ng mga handa niya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna akong mag-ccr dahil para akong masusuka sa kinain ko.

Kaagad akong dumiretso sa restroom ng bahay at sumuka ng sumuka sa toilet bowl. Dalawang araw na rin akong nagsusuka, minsan ay sumasakit din ang ulo ko at mahigit dalawang linggo na nang may mangyari ulit sa amin ni Duke.

Pagkatapos kong sumuka ay natulala ako at napag-isip. May ideya na ako kung bakit ako nagkakaganito.

Biglang tumulo ang mga luha ko dahil napansin ko na nagiging emosyonal na ako kahit sa mababang bagay lang. Nang tumigil na ako sa pag-iyak ay inayos ko ang sarili ko at lumabas sa loob ng restroom.

Habang naglalakad ako sa hallway ng malaking bahay nina Kuya Kendrick at Ate Haya ay nakasalubong ko si Kuya Riley.

“Are you okay?” tanong niya nang mapansin ang itsura ko na kakagaling lang sa pag-iyak.

“A-ayos lang po ako-”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong nahilo at nawalan ng malay, mabuti na lang at nasalo ako ni Kuya Riley.

-Ajai_Kim

Next, Epilogue. The third installment of the You’re Mine series, You’re Mine, Senpai, starring Kyohei and Alou, will be released soon.

Epilogue

CLARISSE’S POV

“Welcome family and friends. We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Duke Melendrez and Clarisse Ann Victorino. This is not the beginning of a new relationship but an acknowledgment of the next chapter in their lives together, and we now bear witness to what their relationship has become. Today, they will affirm this bond formally and publicly.”

Ngayon ay nagaganap ang second wedding namin ni Duke. Pinipigilan ko lang na huwag umiyak nang todo dahil baka masira pa itong make-up ko na pinaghirapan nina Ate Camille at Ate Haya. Muli akong ikinasal sa lalakeng mahal ko at mas napabilis dahil mahigit isang buwan na din akong buntis.

Nasa harapan ko ang pinakagwapong lalake na nakilala ko at ang magiging ama ng batang ipinagbubuntis ko. Para siyang isang karakter sa isang kwento na lumabas sa libro kung titignan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang lalakeng katulad niya ay siyang makakatuluyan ko at ang lalakeng pag-aalayan ng buong buhay ko.

Hindi siya perpektong tao at may mga pagkakamali rin siya sa kaniyang nakaraan pero tinanggap ko pa rin siya katulad nang pagtanggap niya sa akin kahit hindi rin perpekto ang naging takbo ng buhay ko.

Wala na akong ibang mamahalin bukod sa kanya at sa kaisipang mawawala siya sa akin ay parang natanggal na rin ang kalahati ng buhay ko.

Siya ang lakas, kahinaan, at taga protekta ko. Mahal niya ako at mas mahal ko rin siya. Siya si Duke Melendrez. Ang lalakeng mas matanda sa akin ng labindalawang taon ngunit hindi naging hadlang iyon sa pagmamahalan naming dalawa.

Muli kaming tumingin sa Pari na nagbibigay ng Invocation speech sa aming kasal.

“Duke and Clarisse will mark their transition as a couple not only by celebrating the love between themselves, but by also celebrating the love between all of us including the love of their parents, siblings, extended family, and best friends. Without that love, today would be far less joyous.”

Nagkatinginan kami ni Duke na malawak ang ngiti at napansin ko ang pangingilid ng mga luha niya katulad ko.

“Do you, Duke take Clarisse to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?”

“I do.” sagot ni Duke at tinitigan ako ng seryoso.

“Do you, Clarisse take Duke to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?”

Lumuluha kong tinignan si Duke na parang natatakot pa na hindi ako sumagot.

“I do.” sagot ko na ikinahinga niya nang maluwag at nginitian ako.

Napangiti sa amin ang Pari at itinuloy ang sasabihin nito. Kinuha niya ang dalawang diamond ring sa ring bearer na si Janjan at ibinigay ang isa kay Duke.

“A ring is an unbroken circle, with ends that have been joined together, and it represents your union. It is a symbol of infinity, and of your infinite love. When you look at these rings on your hands, be reminded of this moment, your commitment, and the love you now feel for each other. Duke, place the ring on Clarisse’s finger and repeat after me: Clarisse, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.”

Isinuot ni Duke sa ring finger ko ang diamond ring namin noong una kaming nagpakasal ng civil.

“Clarisse, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.” sabi ni Duke.

“And now… Clarisse, place the ring on Duke’s finger and repeat after me: Duke, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.”

Binigay naman sa akin ng Pari ang isa pang diamond ring at isinuot ko ito sa ring finger ni Duke.

“Duke, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.” sabi ko.

Doon na tuluyang napaluha si Duke na kaagad rin’g nagpunas ng luha.

“Before these witnesses, you have pledged to be joined in marriage. You have now sealed this pledge with your wedding rings. By the authority vested in me, I now pronounce you married!” Pronouncement ng Pari at pagkatapos ay nagpalakpakan ang lahat.

Sumisigaw na rin ang lahat ng “Kiss the bride!” kaya kinabig ako ni Duke at hinalikan sa labi. Hinalikan ko rin siya pabalik at mas lalong umingay sa loob ng simbahan dahil sa hiyawan ng mga kamag-anak namin, mga kaibigan, mga katrabaho, at mga kakilala.

Nang matapos ang ceremony ng kasal ay ilang mga pagbati pa ang natanggap namin hanggang sa dumiretso na kaming lahat sa reception area sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila Kuya Kendrick.

Marami kaming bisita ni Duke sa kasal namin at sinigurado talaga ng mga magulang niya na magiging magarbo ito at pinaghandaan. Isa ito sa pinakamemorable na nangyaring event sa buhay ko at hinding-hindi ko ito makakalimutan.

“Congratulations sa second time wedding n’yo!” pagbati sa amin ni Kiro kasama ang girlfriend niyang si Selah.

“Thank you for coming to our wedding, and please enjoy the food and desserts.” sabi ni Duke na nakahapit sa baywang ko.

“Salamat, Kuya Duke. Bagay talaga kayong dalawa ni Clarisse at congrats din sa magiging baby ninyong dalawa.” Nakangiting saad ni Selah.

“Salamat, Selah. Stay strong sa relasyon n’yo ni Kiro. Kapag nagloko ’yan ay tawagan mo lang ako at ipapabugbog ko siya kina Duke at Kuya Kendrick.” Pagbibiro ko na ikinatawa nila ni Kiro.

“No, Clarisse, I love Selah so much and I will never hurt her, so don’t worry.” sincere na sabi ni Kiro. Tumango ako.

Nang matapos naming kausapin sina Kiro at Selah ay naupo na rin sila sa isang bakanteng table. Umupo ulit kami ni Duke sa table namin kasama sila Ate Haya, Ate Camille, Kuya TJ, Trixie, at Rosanna.

Iyong dalawa kong dating mga katrabahong sina Trixie at Rosanna ay napapansin kong nagpapacute kay Kuya Arman na hindi naman nakatingin sa kanila dahil nakatutok lang ito kay Ate Haya. Mabuti na lang at wala pa si Kuya Kendrick dahil sandali itong lumabas sa loob ng hotel kaya hindi niya nakikita ang ginagawa ng kapatid ko.

Nasa kabilang table naman sina Mama, Janjan, Vendrex, ang mga magulang nina Duke at Kuya Kendrick kasama sila Idris, Kuya Riley, Kuya Kenneth, Ate Allison, Kelli at si Trijohn na karga ni Tita Camila.

“Hindi mo man lang sinabi sa amin na super gwapo pala ng kuya mo, Clarisse! Sigurado ka bang single talaga ’yan?” bulong sa akin ni Trixie.

Tumango ako at ngumisi. “Single pero maraming babae.”

“Ay, sus! Ayos lang ’yan. Malay mo baka ako na ang maging karma niya.” sagot naman ni Rosanna at hinawi ang bagong rebond niyang buhok. Nagparebond pa talaga siya para paghandaan ang kasal.

“Ako ang magiging karma ni Arman dahil may Edison ka na, Rosanna!” sabi naman ni Trixie at napailing na lang ako nang tuluyan nang magbangayan ang dalawa.

Tumingin ako kay Duke na kanina pa pala nakatitig sa akin. Ngumiti naman ako at sumandal sa balikat niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

“Hindi ko madescribe kung gaano ako kasaya ngayon, Duke. Salamat sa lahat…” buong puso kong sabi.

“Me too. Parang noon lang ay nanlilimos ako ng pagmamahal pero ngayon ay sobra-sobra ang dumating at magkakapamilya na tayo.” sabi niya.

Kinontrol man ng ibang tao ang buhay ko noon at ng pamilya ko, nagmahal man si Duke ng isang babae na hindi kayang suklian ang pagmamahal niya dahilan para makagawa siya ng masamang bagay, sa huli ay natagpuan pa rin namin ang isa’t-isa at ngayon ay bubuo na ng panibagong kabanata kasama ang magiging anak naming lalake.

Magsasalita pa sana ako nang humahangos na bumalik sa table namin si Kuya Kendrick.

“Duke, Ansel is drunk outside. Pinipigilan lang siyang pumasok ng mga guards dito sa loob dahil nagwawala siya at galit na galit sa’yo!” sabi niya na ikinagulat naming lahat.

Kumuyom ang panga ni Duke at tumigas ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Ayaw pa rin niyang tumigil, huh? If he wants to fight me, I’ll give him my best fight.” sabi niya na binitawan ako at naunang maglakad paalis.

Sinundan naman siya ni Kuya Kendrick na mukhang kinakabahan sa mangyayari.

Ako rin ay kinakabahan at tumingin kina Trixie at Rosanna na kasalukuyang boss pa rin si Sir Ansel.

“Hindi maka move-on si Sir Ansel sa’yo, Clarisse. Sabi na nga ba at talagang patay na patay ’yon sa’yo!” ani Rosanna.

Tumayo ako sa kinauupuan ko para sundan sa labas sina Duke at Kuya Kendrick.

“Wait, Clarisse! Dito ka na lang at baka mapaano ka pa. Don’t stress yourself out because you’re pregnant.” sabi ni Ate Camille na lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

“Hindi mapapanatag ang loob ko hangga’t ganito pa rin ang ginagawa ni Sir Ansel, na hindi niya matanggap na kasal na kami ni Duke.” nag-aalala kong sabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Sir Ansel. Nang magresign ako sa kompanya ay ilang beses niya akong tinext at tinawagan ngunit hindi ko ito sinasagot. Isang araw ay sinama pa niya ang anak na si Candy para puntahan ako sa condo unit ni Duke pero pinigilan sila ni Duke at pinaalis.

Tinigilan na ako ni Ravi pero si Sir Ansel naman ang pumalit sa kanya.

“Sasamahan ka namin, Clarisse.” sabi ni Kuya Arman.

Tumango ako at naglakad na kami palabas sa loob ng hotel.

Naabutan namin sa entrance ng hotel si Sir Ansel na hawak ng dalawang guards at dinuduro nito si Duke na nagpipigil ng galit. Nasa tabi niya si Kuya Kendrick na masama ang tingin kay Sir Ansel.

“Pinaasa mo si Juliana! Ilang araw ka nang iniiyakan ng kapatid ko tapos nandito ka at nagpapakasaya sa kasal n’yo ni Clarisse? Inagaw mo rin pala sa akin si Clarisse kasi mang-aagaw ka naman, e!” sigaw ni Sir Ansel at halatang nakainom na siya dahil sa hindi maayos na pagtayo.

“Wala akong inagaw sa’yo, Ansel. Clarisse isn’t yours, and I’m not in a romantic relationship with your sister, so it’s not my fault she’s hoping for me.” Kalmadong sagot ni Duke na mas lalo pang ikinagalit ni Sir Ansel.

“Ngayon ko lang nakitang nagkakaganyan si Sir. Nakakatakot pala siya!” sabi ni Trixie.

Lumapit ako kay Duke at doon ay natigilan si Sir Ansel nang makita ako.

“Clarisse, bakit ka ba nagpakasal sa lalakeng ’yan? Hindi mo ba alam ang mga kabaliwan na ginawa niya noon dyan sa best friend niya at kay Hyacinth De Silva? He’s dangerous for you-”

“Don’t bring up our past, Ansel. We’re now fine, and Clarisse knew everything, so don’t ruin this day, or I’ll kick your face and throw your body on the ground.” Pagbabanta ni Kuya Kendrick.

Tumawa naman si Sir Ansel. Nababaliw na talaga siya.

“Then do it! Hindi ako natatakot sa inyo lalo na sa’yo, Duke! Sinaktan mo si Juliana at inagaw mo pa sa akin si Clarisse! Sana tuluyan ka na lang namatay nang-”

Hindi na nakontrol ni Duke ang sarili niya, lumapit siya kay Sir Ansel at sinuntok ito sa mukha. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay kaagad humandusay sa sahig si Sir Ansel at nagdugo ang ibabang labi nito.

“I’m trying my best not to hurt you but you lose my patience, Ansel. Sinisira mo ang araw ng kasal namin ng asawa ko. You want Clarisse after what you’ve done to your wife? Para ano? Para masaktan mo rin siya at manipulahin masunod lang ang gusto mo? Keep dreaming, fucker! Clarisse will never be yours!” Ngumisi si Duke pero kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

Akmang susugurin pa sana ni Sir Ansel si Duke nang naunahan siya ni Duke at sinuntok naman ito sa sikmura. Nanghina si Sir Ansel doon at napaubo na ito ng dugo.

Inawat ko naman si Duke sa ginagawa niya. “Tama na, Duke. Paalisin n’yo na lang siya.” pakiusap ko bago pa matuluyan si Sir Ansel.

Bumuntong-hininga siya at niyakap ako. “I’m sorry if there’s always a crazy person who wants to ruin our relationship; they’re uncontrollable and difficult to get rid of.”

“Wala kang kasalanan doon.” sagot ko at niyakap siya nang mahigpit.

“Clarisse, I love you… You are the only one who can make my daughter and I happy… please be with me, and I can love you and give you anything you want!” Pagmamakaawa ni Sir Ansel habang hinihila na siya palabas ng dalawang guards.

Hindi ko maiwasang malungkot para kay Sir Ansel. Napamahal na sa akin ang anak niyang si Candy pero hindi pwede na sila ang piliin ko dahil asawa ko na si Duke at magkakaanak na kami. Wala rin akong nararamdaman para sa kanya dahil limang taon man kaming nagkahiwalay ni Duke ay siya lang ang tanging lalakeng minahal ko.

Nang mawala na sa paningin namin si Sir Ansel ay biglang tumawa si Kuya Arman at humalukipkip. “Mas malala pa pala ’yon kaysa kay Ravi.”

“Sinong matinong lalake ang susugod nang lasing dito sa reception area ng kasal?” Nagpameywang si Ate Camille sabay iling.

“Nakakabaliw ang pagmamahal, Camille. Makakagawa ka ng kabaliwan lalo na kapag nagmahal ka ng sobra. Alam mo ’yan nang ma-inlove ako sa kaibigan mo.” nakangising sagot ni Kuya Kendrick at tumingin kay Ate Haya na umiling na lang.

Nang matapos ang pag-eeskandalo ni Sir Ansel ay bumalik ulit kami sa loob ng hotel na parang walang nangyari. Hindi na namin binanggit ni Duke sa pamilya namin ang nangyari dahil ayaw na naming masira ang importanteng araw na ito sa aming dalawa.

DUKE’S POV

Lahat ng galit at inis na nararamdaman ko kay Ansel ay ibinuhos ko sa pambubugbog kay Morris. Ang lakas ng loob ng lalakeng iyon na manggulo sa araw ng kasal namin ni Princess.

It irritates and annoys me that there is always a guy who wants to ruin my relationship with Clarisse.

Wala akong pakialam kung ilang beses mang sumigaw sa sakit si Morris dahil sa ginagawa kong pagpapahirap sa kanya. Kulang pa ito sa ginawa niya kay Clarisse. He’s similar to Allison Lim’s four rapist best friends in that he can’t accept or admit their mistakes.

Nang mapagod ako ay umupo ako sa isang silya at pinagmasdan si Morris na naliligo sa sariling dugo at puno ng sugat at pasa ang buong katawan. Ang ama niyang si Kairo ay nawalan ng malay dahil kanina lang ay pinahirapan ko rin ito dahil makailang beses nitong ininsulto ang namatay nang asawa ni Tita Clara na si Tito Armando.

These two men have no conscience. They are provoking me and telling me that Tito Armando and Clarisse’s first crush, Tyron, deserves to die. They are the most egoistic and evil person I’ve ever met. They deserve every hit, punch, and kick I deliver. These guys shouldn’t be alive, but I’m not a criminal who would kill them right away.

“Do you want to get hurt again, moron?” I asked, smirking at Morris.

“K-kahit ilang b-beses mo akong saktan at pahirapan… k-kami ni Papa… hindi na magbabago na ako ang nakauna kay Clarisse…” He’s in pain, but he’s still provoking me.

Morrison Linares will be like that.

“Nagpakamatay ang kapatid mong si Michelle at tumalon siya sa tulay karga ang anak niya. Hindi siya makapaniwalang magagawa n’yo ng ama mo na pumatay ng tao. You were unaware of the effects of your actions on both your father and yourself.” Morris was shocked when I said, “You didn’t think of your twin sister who’s suffering.”

And when he and his father were imprisoned in this dungeon, He cried for the first time.

I chuckled. “And now, Morris, you’re crying? Regrets? Pain? Anguish? Magkaka-anak na kami ni Clarisse at kahit kailan ay hindi ko hahayaan ang anak ko na maging katulad mo. Your father allowed you to be evil, but I will not allow that in my child. I won’t kill you and your father, but you two will endure endless suffering in my arms because you still chose to be evil.” sabi ko at tumayo na sa kinauupuan kong silya.

Some people are born with a bad heart, but they still have a choice in their path and their actions because that is how society and people works.

I’ve been bad and evil in the past, but I’ve changed for Princess’ sake. She’s now mine, and I’m excited to embark on this journey with her and our baby boy.

You’re Mine, Princess and our son, Clarke.

THE END

Author’s Note

Thank you sa mga nagbabasa nitong You’re Mine, Princess hanggang sa dulo. May mga positive and negative (mostly offensive) feedbacks man akong natatanggap ay maraming salamat pa din sa inyo.

Every year as a writer ay nag-iimprove talaga ang aking pagsusulat at dahil iyon sa mga old and new readers ko na nakakaintindi at nakaka-appreciate ng genres ko. I’ve been in this platform since 2012, btw.

Merry Christmas and Happy New Year Anjies! Add me on Facebook: Ajai

Kim and don’t hesitate to add or message me for your concerns.

Sana walang fake readers ulit na makapasok char.

Salamat ulit, Anjies! I love you all. ♥


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.