loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
You're Not My Brother (On-Going)

You're Not My Brother (On-Going)

Nickolai214 · 46 chapters · 88,169 words

List Of Characters

Major Characters:

Redentor “Red/Tor” Serrano Gabriel “Gael” Robles Kevin Asuncion Kazu Serrano

Supporting Characters:

Serene Laurel Dale Monte

Aileen Serrano Darius Serrano Raul Robles

Guest Appearances:

Josh Neil Riel

Character Models

You’re Not My Brother

Character Models:

Main Lead Characters:

Marlo

Mortel

as Gael Robles

Marco

Gumabao

as Red Serrano

Second Lead Characters:

Kelvin Miranda as Kazu Serrano

Prince Clemente as Kevin Asuncion

Michelle Vito as Serene Laurel

Jay

Arcilla

as Dale Monte

Gabriel Robles (1)

You’re Not My Brother

Episode

1

Gael

Patamad akong lumabas ng sasakyan matapos iyong maiparada ni Mama sa tapat ng isang sikat na condo unit malapit sa bagong school na papasukan ko.

Binuksan niya ang bintana sa gawi ko saka niya ako sinilip mula doon.

“Hintayin mo ako sa lobby at ipapark ko lang itong sasakyan.” sabi ni Mama saka na niya pinaandar ang sasakyan niya patungo sa parking area.

Hindi ko na lang siya pinansin. Bitbit ang backpack ko at isang malaking dufflebag na tanging nakayanan ni Tatay na bilhin para sa akin gamit ang sarili niyang pera ay patamad akong humakbang.

Ilang sandali pa ay napahinto ako saka ako tumingala sa mataas at marangyang building na nasa harapan ko ngayon.

Sa isip ko ay naglalaro ang napakaraming kaisipan na bumabagabag sa damdamin ko sa nakalipas na mga taon mula nang hiwalayan ni Mama si Tatay.

Hindi mayaman ang Tatay ko. Hindi siya kagaya ng lalaking ipinalit sa kanya ni Mama. Doon sa kaisipang iyon ay nakadama ako ng galit para sa sarili kong ina.

Napabuga na lang ako ng hangin saka na ako nagpasya na maglakad patungo sa lobby. Hindi ako sanay sa marangyang buhay at wala akong balak na sanayin ang sarili ko sa ganoong uri ng pamumuhay.

Pero narito ako ngayon. Magsisimula nang pakinabangan ang yaman ng bagong asawa ni Mama na kahit minsan ay hindi ko ninais na gawin.

Pero hindi ko na matatakasan ang kapalaran ko dahil hindi ako binigyan ng pagkakataon ng mga magulang ko na makapili sa kung ano ang gusto ko.

Kahit si Tatay ay nararamdaman ko na para bang itinataboy na niya ako palayo sa kanya na labis na ikinasasama ng loob ko.

Napaka-hopeless ko at hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa kaya kahit labag man sa kalooban ko ay kailangan kong sumama kay Mama.

Kung may maganda mang mangyayari sa pananatili ko ngayon sa lugar na ito, iyon ay dahil hindi ko makakasama sa iisang bubong si Mama at ang bagong asawa niya.

Alam ko na hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito dahil sigurado naman ako na hindi rin kami magkakasundo ng anak ng bagong asawa ni Mama.

Sa entrance ay nakangiti akong binati ng mga receptionist. Inassist din ako ng guwardiya na nakaduty doon. Marahil ay nakita niya ako na si Mama ang kasama ko. Itinuro niya sa akin ang waiting area upang doon na muna ako maupo habang hinihintay ko si Mama.

Iginala ko muna sandali ang tingin ko sa buong paligid. Mababakas ang karangyaan sa buong lugar at kahit ang mga sofa na nasa lobby ay mukhang mga mamahalin.

Nagsimula na akong humakbang patungo sa mga upuan na naroon nang bigla na lamang ay may sumulpot na lalaki sa harapan ko na tila ba nagmamadali at may kausap sa cellphone.

Nabangga niya ang braso ko dahilan upang mapaatras ako nang bahagya mula sa kinatatayuan ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya kasabay ng paglingon din niya sa akin. Binaba niya ang phone niya saka niya tinakpan ng palad niya ang mouthpiece.

“I’m sorry!” mahinang bulong niya saka na siya muling naglakad palabas ng building.

Sinundan ko na lang siya ng tingin at nang mawala na siya sa paningin ko ay tumuloy na ako sa waiting area.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Mama. Kinausap lang niya sandali ang receptionist at ang mga guwardiya pagkatapos ay tinawag na niya ako upang sumunod sa kanya sa elevator.

Habang nakasakay kami doon ay wala kahit isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Ngunit nagpapakiramdaman kami.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator sa 16th floor. Nauna nang lumabas si Mama saka naman ako mabagal na sumunod.

Dahil nasa likod niya ako ay malaya kong napagmasdan ang bawat kilos niya.

Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng paglalakad ay ibang-iba na si Mama. Nakadama ako ng pagkainis ngunit sinikap ko na itago iyon. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto.

Binuksan iyon ni Mama saka na siya naunang pumasok. Sumunod naman ako sa kanya bitbit ang mga gamit ko.

Pagkapasok ko pa lang ay karangyaan na kaagad ang nakita ng mga mata ko. Sa loob ay bumungad sa akin ang medyo maluwang na sala. Sa kabilang dako naman ay ang kitchen na sa wari ko ay nakakatakot galawin ang mga kasangkapan na naroon dahil sa unang tingin pa lang ay alam mo nang mamahalin.

Inilapag ko ang bag ko sa gilid ng sofa saka ko iginala ang tingin ko sa kabuuan ng unit.

“May dalawang silid ang unit na ito. Kay Tor ang nasa kanan. Dito sa kaliwa naman ang gagamitin mo.” sabi ni Mama saka niya sinilip ang dalawang silid.

Hindi naman ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Para ba akong kawayan na itinulos doon.

Sinusundan ko lang ng tingin si Mama habang umiikot siya sa loob ng unit. Kung pagmamasdan ko ang sala at kusina ng unit na ito ay masasabi ko na mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay na tinitirahan namin ni Tatay.

Lumapit si Mama sa aircon at binuksan niya iyon. Pagkatapos ay sumilip siya sa labas ng salamin na bintana bago niya isinara ang mga kurtina.

“Sa pagkakaalam ko ay hindi madalas na umuuwi si Tor dito dahil mahilig siya na nakikitulog sa bahay ng mga kaibigan niya pero kapag nagkita na kayo ay maging mabait ka sa kanya. Ayoko na magkaproblema kami ni Darius dahil lang sa ugali mo na mahilig makipag-argumento.” paalala pa niya.

“Magiging mabait lang ako sa kanya kung magiging maganda rin ang pakikitungo niya sa akin.” diretsong sagot ko sa kanya.

Tinitigan ako ni Mama ng ilang sandali bago siya naiiling na naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya hinaplos ang kaliwang pisngi ko.

“Gael, ginagawa ko ito para mapabuti ang buhay mo. Hindi ko nanaisin na makita kang nagtitiis sa maliit na bahay ni Raul at kung anu-ano lang ang ipinapakain niya sayo.”

“Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa na bumalik doon kaysa magpakasasa ako sa yaman ng bagong asawa mo.” puno ng hinanakit na sagot ko sa kanya ngunit hindi ko tinangka na pagtaasan siya ng tinig. Kahit papaano ay Nanay ko pa rin siya.

Bumakas ang lungkot sa napakaganda niyang mukha saka niya ako niyakap ng mahigpit. Napapikit ako. Gusto ko rin siyang yakapin pero hindi ko ginawa.

Hindi ko maaaring ipakita sa kanya na ayos lang sa akin ang lahat ng ginagawa niya.

“Alam ko na nagtatampo ka sa akin pero sana maintindihan mo kung bakit ko ginagawa ito.” sabi niya saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Inayos niya ang buhok ko saka niya muling hinaplos ang pisngi ko habang masuyo siyang nakatingin sa akin.

Bumuka ang mga labi ko upang sabihin ang saloobin ko pero nagring ang cellphone niya.

Lumayo siya sa akin saka niya sinagot iyon. Tumawag ang asawa niya at base sa naging pag-uusap nila ay may kailangan silang daluhan na dinner.

Nang maibaba ni Mama ang tawag ay kinuha niya ang wallet niya mula sa mamahalin niyang bag saka siya kumuha ng ilang lilibuhin doon.

Muli siyang lumapit sa akin saka niya inilagay iyon sa kamay ko. “Panggastos mo iyan sa loob ng isang linggo. Hindi ko pa naaasikaso ang atm mo. Kailangan ko nang umalis. Magpakabait ka at sundin mo ang lahat ng bilin ko.” sabi niya saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Nagmamadali na siyang lumabas at sinundan ko na lang siya ng tingin.

Nang makalabas na siya ay tumingin ako sa pera na nasa mga kamay ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakahawak ng ganito kalaking halaga. Pero hindi ko maaatim na gastahin ang pera ng asawa niya.

Kumuyom ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa pera ni Darius. Ilang sandali kong pinakalma ang sarili ko dahil muli na naman akong nakakadama ng matinding galit para kay Mama.

Nang mapakalma na ako ay binitbit ko na ang bag ko saka ako mabilis na pumasok sa silid na itinuro niya sa akin.

Inilapag ko na lamang sa gilid ng may kalaparan na kama ang bag saka ko padapa na ibinagsak ang katawan ko doon.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa sama ng loob.

Madilim na nang magising ako. Nagbihis ako saka na ako lumabas ng silid ko.

Kaagad akong nagtungo sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. Mabuti na lamang at may laman ang mga pitsel doon.

Inusisa ko pa ang ibang laman ng ref. Beer, mga bukas na junk foods, soda at kung anu ano pa na hindi ko naman makakain.

Muli akong pumasok sa silid ko. Nakita ko sa kama ang pera na ibinigay ni Mama kanina. Inis ko iyong dinampot pagkatapos ay basta ko na lamang ipinasok sa drawer ng sidetable.

Kinuha ko ang wallet ko sa hinubad ko na pantalon saka ako bumaba upang maghanap ng makakain.

Nagtanong ako sa guard na nakaduty kung may malapit ba na carinderia doon ngunit ang sabi niya ay imposible daw akong makahanap ng ganoon sa lugar na iyon.

Nagpasya na lamang ako na kumain sa pinaka-malapit na food chain. Nag-take out na lang ako saka ako kaagad na bumalik sa unit.

Nagpahinga lang ako sandali pagkatapos ay inayos ko na ang mga damit ko sa loob ng closet.

Habang naglalagay ako ng mga damit sa closet ay nakarinig ako ng mga pagkilos mula sa labas.

Napahinto ako sa ginagawa ko saka ako marahan na naglakad patungo sa pinto.

Marahan din ang ginawa kong pagpihit sa seradura saka ko binuksan ng bahagya lang ang pinto.

Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki na papasok sa kabilang silid. Napakurap ako saka ko siya pinagmasdan hanggang sa makapasok siya doon.

Napahinga ako ng malalim saka ko muling isinara ang pinto. Hindi ko nakita ang itsura niya pero base sa tikas niya ay nasisiguro ko na magandang lalaki siya.

Napailing na lang ako saka ko na tinapos ang ginagawa ko.

Nagpasya ako na maligo muna dahil nararamdaman ko na nanlalagkit na ako. Sinigurado ko na naka-lock ang pintuan ng banyo dahil hindi ako nag-iisa sa unit na ito.

Halos sampung minuto rin ako sa loob at paglabas ko ay nahagip pa ng paningin ko ang paglabas mula sa main door ng stepbrother ko.

Hindi ko na naman nakit ang itsura niya dahil sa bilis ng mga kilos niya at wala man lang siyang pakialam sa paligid niya kahit narinig naman niya ang pagbukas ko ng pinto ng banyo.

Mabilis na akong nagbihis at dahil nakatulog ako kaninang hapon ay siguradong hindi kaagad ako dadalawin ng antok.

Muli akong lumabas sa sala saka ko binuksan ang malaking flatscreen tv na nakadikit sa pader.

Naghanap ako ng magandang palabas at dahil cable channels ang mga naroon ay marami akong napagpilian.

Inabot ako ng madaling araw sa kakapanood hanggang sa magsawa ako.

Sumulyap ako sa wall clock.

02:16AM

Hindi pa rin bumabalik si Tor. Dito kaya siya matutulog?

Ilang sandali akong napaisip bago ako napailing saka ako nagpasya na patayin na ang tv at icheck kung naka-lock ang main door.

May sariling susi naman si Tor kaya siguradong makakapasok siya maliban na lang kung ido-double lock ko iyon.

Bumalik na ako sa silid ko saka ko sinikap na makatulog kahit ilang oras lang. May pasok na kasi ako sa school mamaya. Mabuti na lamang at alas nueve pa ang unang klase ko sa araw na ito. Makakatulog pa ako.

Sinubukan ko nang ipikit ang mga mata ko ngunit hindi ako dinalaw ng antok.

Sa isip ko ay nakaraming bagay ang tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang pag-iisip sa mga walang kwentang bagay na pauli-ulit lang naman.

Past four na nang makatulog ako. Nagising ako ng alas siete saka na ako mabilis na nag-ayos ng sarili ko.

Kailangan ay maaga ako sa school dahil hahanapin ko pa ang building at classroom ko. Doon na rin ako mag-aalmusal.

Redentor Serrano (2)

You’re Not My Brother

Episode 2

Red

Nakaupo ako sa bleachers ng gymnasium nang ilapag ni Dale sa tabi ko ang pinabili ko sa kanya na inumin.

First day pa lang ng klase kaya wala pang gumagamit ng gym pero pinili namin na dito muna tumambay habang hindi pa oras ng klase.

Highschool pa lang kami ay kaibigan ko na si Dale. Silang dalawa ng pinsan ko na si Kazu. Hanggang sa Senior High ay kami ang magkakasama. Dito rin mismo sa school na ito.

Pero ngayong college na kami ay nahiwalay sa amin si Dale dahil ibang course ang kinuha niya. Si Kazu ay kaklase ko pa rin. Pareho kaming anak ng businessman kaya sa linya ng business courses kami napunta.

Hindi sa gusto ko ang business. Pero dahil si Daddy na naman ang nasunod ay wala na naman akong nagawa.

Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Pero hindi ibig sabihin ay makikiayon na ako sa kanya. May plano ako, ang isabotahe ang pag-aaral ko hanggang sa si Daddy na mismo ang magsabi sa akin na kunin ko na lang kung anong course ang gusto ko.

Dinampot ko ang malamig na bote ng mineral water saka ko iyon ininom. Pagkatapos ay tumingin ako sa dalawang babae na nasa di kalayuan. Maiiksi ang mga palda kaya nakalantad sa mga mata ko ang makikinis nilang mga hita.

Dahil sa nakikita ko ay hindi ko naiwasan na mapalunok kasabay ng pagkakaroon ko ng hard on.

Napasulyap ako sa mga kaibigan ko. Si Kazu ay abala sa pagbutingting sa cellphone niya habang si Dale naman ay nakatitig din sa magandang tanawin na nakikita ko.

Pasimple kong kinambyo ang harapan ko saka na ako umiwas ng tingin sa mga babae. Hindi ako maaaring tigasan ng matagal dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang unang klase namin. Mahihirapan ako na maglakad patungo sa classroom.

“Huwag na lang kaya muna tayong pumasok, Kazu? Tutal first day pa lang naman. Magpapakilala lang tayo malamang.” sabi ko.

Natawa naman si Dale na tila natuwa pa sa narinig niya. “Tara laro na lang tayo sa bahay. Labanan natin ang mga tropa ko sa amin.” sabi niya.

“Huwag ninyo akong idadamay sa mga kalokohan ninyong dalawa.” seryosong sagot ni Kazu na hindi man lang nawawala sa screen ng cellphone niya ang focus niya.

Dahil ayaw din naman lumiban ni Kazu ay wala na kaming nagawa kung hindi ang pumasok na lang din.

Humiwalay na sa amin si Dale dahil ang classroom niya ay nasa kabilang building.

Kasunod ko si Kazu na abala pa rin sa gadget niya habang ako naman ay maangas na naglalakad sa harapan niya.

Hindi na bago sa akin ang lugar kaya hindi na rin ako nahirapan na hanapin ang classroom namin.

Nang matanaw ko na ang room G-204 ay lumingon ako at sinulyapan ko si Kazu na kasalukuyang inilalagay sa bulsa niya ang cellphone niya.

Napangiti ako saka na ako nagtangka na pumasok sa pinto pero may papasok din pala na isang estudyante.

Maluwag ang mga pintuan ng mga classroom sa school na ito pero dahil pareho kaming malaking bulas ay hindi kami nagkasya na dalawa.

Nagkabanggaan ang mga braso namin at sabay pa kaming napaatras muli palabas. Napahinto rin si Kazu sa paghakbang.

Pareho kaming sumulyap ng lalaki sa isa’t isa. Maamo ang mukha niya ngunit may nabanaag ako na kakaiba sa kanina ay mapupungay niyang mga mata na ngayon ay kababakasan na ng tapang.

Hindi na niya ako hinintay pa na magsalita. Mabilis na siyang nagpatuloy sa pagpasok at naiwan kami ni Kazu na nakasunod ng tingin sa kanya.

Napapailing na napangisi na lang ako saka na ako pumasok sa loob ng silid. Maangas ang isang yun pero magbabago yan sa mga susunod na araw. Tinitiyak ko iyon.

Dahil halos puno na ang mga silya sa loob ay sa bandang likuran na kami naupo ni Kazu. Hindi naman nalalayo sa kinauupuan ko ang puwesto ng lalaking nakabanggaan ko sa pintuan kanina.

Tahimik lang siya na tila ba napakalalim ng iniisip. Hindi ko namamalayan na pinagmamasdan ko na pala siya ng mas matagal kaysa sa normal.

Sino ka ba? Bulong ko sa isip ko.

Ilang sandali pa ay nagpasya ako na sulyapan ang mga kaklase ko na nasa loob ng classroom.

Ilan sa kanila ay mga kakilala na namin ni Kazu dahil dito rin sila nag-aral last year. Pero karamihan ay puro mga baguhan na mula sa iba’t ibang paaralan.

Muli ay bumalik ang tingin ko sa tahimik na lalaki na nasa kabilang row at seryosong nakatanga pa rin sa harapan.

Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. May kakaiba talaga sa isang ito. Sigurado ako na hindi pa niya ako kilala pero sa mga susunod na araw ay malalaman niya kung sino ba ako sa school na ito.

Sinulyapan ko si Kazu. Busy na naman siya sa gadget niya. Napailing na lang ako. Kaya lumalabo ang mata ni gago dahil sa kakababad sa screen.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang professor namin para sa unang subject. Si Mr. Galvez.

Natawa pa ako nang matisod siya sa pag-akyat sa platform. Sinikap namang pigilan ng mga kaklase ko ang pagtawa nila.

Napakamot na lang siya sa napapanot na niyang ulo saka na niya sinimulang ipakilala ang sarili niya. Sumunod na nagpakilala ang mga kaklase namin.

Dahil nababagot ako ay tumanaw na lang ako sa labas ng bintana. Mabuti na lamang at ito ang pwesto na nakuha ko. Natatanaw ko ang mga estudyante na nasa labas.

“Good morning everyone, my name is Gabriel Robles…”

Mabilis akong napasulyap sa lalaking nagsasalita. Nakita ko na nakatayo na ang lalaking kanina pa pumupukaw ng kuryosidad ko. Nagpapakilala siya sa buong klase at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napakasarap sa pandinig ng kanyang tinig. Buo at malamig. Kasinlamig ng samahan namin ngayon ng Daddy ko.

“Gael ang tawag nila sa akin. I am eighteen years old at nanggaling po ako sa probinsiya ng Pampanga.”

Nakita ko ang kinikilig na itsura ng mga kaklase naming babae habang nakatitig sila kay Gael.

Napaingos ako. Sabagay hindi ko naman sila masisisi. Gwapo si gago. Pero mas gwapo pa rin ako syempre. Napangisi ako dahil sa mga naiisip ko.

Nakita ko na nakatingin sa akin si Kazu na tila ba takang-taka sa reaksyon ko. Nakangiwi pa si gago.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko saka ko siya binanatan. “May naalala ako na nakakatawa. Bakit, may problema ka ba?” maangas na sita ko sa kanya dahil medyo napahiya ako. “Sapakin kita diyan eh.” mahinang bulong ko.

Napailing na lang siya saka na siya muling bumaling sa harapan.

Napaisip naman ako. Sa pagkakaalam ko ay sa Pampanga rin dating nakatira ang bagong asawa ni Daddy bago siya nagpasya na magtrabaho dito sa Maynila.

Nailing na lang ako. Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? Hindi ko siya dapat pinag-aaksayahan ng oras ko.

Hindi ko namalayan na natapos na pala ang mga sumunod na estudyante. Ako na ang magpapakilala pero napakalayo ng tinatakbo ng isipan ko.

Kinalabit ako ni Kazu at doon pa lang naibalik sa loob ng classroom ang atensyon ko.

Nag-angat ako ng tingin. Sa akin na nakatuon ang mga mata ng lahat. Maging si Gael ay nakalingon na rin sa gawi ko.

Nakita ko ang pagtawag sa akin ni Galvez. Patamad akong tumayo saka ko siya tinitigan. Mata sa mata.

“Hindi ko alam na may espesyal na estudyante pala ako sa klase na ito. Kilalang kilala na kita Mr Serrano. Pero dahil marami sa mga bagong kaklase mo ang baguhan lang sa university na ito ay magpakilala ka dito sa harapan.”

“Nang-aasar ka ba? Silang lahat nagpakilala sa mismong upuan lang nila pagkatapos ako diyan pa sa harapan?” inis na sagot ko sa kanya.

Kilalang kilala ako ng damuho na ito. Sa katunayan ay siya pa nga ang palagi na lamang nagsusuplong sa akin noon sa guidance office kapag nakakagawa ako ng mga kalokohan kaya napapahamak ako.

“Magtungo ka na rito at huwag ka nang magmayabang pa. Kung ako lang ay ayaw kitang maging estudyante.” sabi niya.

Ikiniking ko na lang ang ulo ko saka na ako patamad na humakbang patungo sa harapan.

Kung makikipag-argumento pa ako sa kanya ay lalong hindi matatapos ito. Pinag-iinitan ako ni gago dahil minsan na siyang nagtangka na umiskor sa akin pero napahiya siya.

Putanginang bakla na to.

Galit na nakatitig lang ako sa kanya upang malaman niya na hindi ako natutuwa sa pinaggagagawa niya.

Hindi ko napansin na nakalabas pala ng bahagya ang isang paa ni Gael. Natisod ako doon at bago pa ako makahuma ay lumagapak na ako sa sahig.

“Shit! Putang-ina!” malutong na sigaw ko saka ako mabilis na tumayo. Marahan namang iniurong ni Gael ang paa niya.

Nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na pinagtatawanan ako dahil sa nangyari. Sa kanila ko ipinukol ang nakamamatay na mga tingin ko kaya huminto sila.

Inis na bumaling ako kay Gael na tila ba inosente na nakatitig lang din sa akin. Wala akong mabasa na emosyon sa mukha niya. Basta ang alam ko lang ay nakatitig siya sa akin.

“Bakit ganyan ka makatingin? Sa tingin mo ba sinadya ko iyon?” sabi niya.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay tinitigan ko lang siya ng masama.

“Hey!” sabi niya saka niya hinawakan ang kamay ko. Akala siguro niya ay sasapakin ko na siya.

“Pasensya ka na. Hindi ko naman sinadya na iharang ang paa ko. Nangangawit kasi ako kanina kaya ko iniunat.” paliwanag niya.

Marahas na inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kamao ko saka na ako naglakad patungo sa harapan.

“Kawawa naman sa Gael. Naku baka pag-initan na siya ni Red.” narinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya. Nahihimigan ko ang pag-aalala sa tinig niya.

Umangat ang isang sulok ng labi ko ngunit hindi para sa isang ngiti kundi para mang-uyam.

Natapos ang klase namin kay Galvez na walang sandali na hindi ako nabagot. Kaya nang magring ang bell ay mabilis kong hinatak si Kazu palabas ng classroom.

Natataranta pa niyang hinablot ang bag niya mula sa upuan habang hila ko ang braso niya.

Lumabas kami ng campus para mananghalian sa food chain na paborito ni Kazu.

Pabalik na kami sa school nang matanaw ko si Gael na lumabas mula sa isang mumurahing kainan.

Dahil nasa bandang unahan namin siya ni Kazu ay hindi niya kami napansin. Mag-isa lang siya at diretso lang din ang tingin sa daan habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa sabitan ng kanyang backpack.

Nagpatuloy lang ang klase na kay Gael ako palaging nakasulyap. Hanggang sa mapatingin ako sa bag niya na nasa upuan niya. Napangiti ako. Pilyong ngiti dahil may naiisip ako na kalokohan.

Mabilis na natapos ang huling subject namin. Hindi ko na napansin pa ang paglabas ni Gael sa classroom. Nang mapasulyap ako sa gawi niya ay wala na siya doon.

Iginala ko pa sa buong room ang tingin ko pero wala na talaga siya.

Paglabas namin ni Kazu ay natanaw ko si Gael sa di kalayuan. May kasama siyang matangkad na lalaki at kasalukuyan silang naglalakad palabas ng campus.

Hindi ko na sila nasundan pa nang tingin dahil bigla nang sumulpot sa harapan namin si Dale.

“Sino ba ang pinagmamasdan mo at humahaba yang leeg mo na parang giraffe?” tanong niya.

“Napahiya kasi siya kanina sa classroom. Sa palagay ko may binabalak na masama yan kay Gael.” singit ni Kazu.

Napangisi naman ako saka ko siya sinakal gamit ang braso ko.

“Anong sabi mo ha? Napakasama talaga ng tingin mo sa pinsan mo. Pero tama ka. May binabalak nga ako kay Gael.” nakangisi na sabi ko habang hinaharot ko si Kazu.

“Bar tayo mamaya.” sambit ni Dale habang palabas na kami ng campus.

“Pwede ba akong sumama?” si Kazu na sabik sa mga gimik dahil sa sobrang paghihigpit sa kanya ng Daddy niya.

“Hindi!” mabilis na sagot ko. “May kasalanan ka sa akin. Hindi kita ipagpapaalam sa inyo.” biro ko.

Lumabi naman siya saka siya tumingin kay Dale. “Hindi ko na kailangan ng paalam mo. Pinapayagan na ko na lumabas. College na ko. Hindi na ako bata.”

Natawa naman ako ngunit nawala ang ngiti sa mga labi ko nang matanaw ko ang driver ni Daddy na naghihintay sa amin sa labas.

Napahinto ako sa paglalakad at napako ang tingin ko sa mamahaling sasakyan na dala niya.

“Ipinasusundo ka ng Daddy mo, Tor.” maawtoridad na salubong niya sa akin.

Kumuyom ang mga kamao ko at lumagutok ang mga ngipin ko dahil sa pagpipigil ng inis.

Hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan ni Darius. Pero sigurado ako na hindi ko na naman magugustuhan ito.

Sumulyap ako kina Kazu at Dale.

“Mauna na kayo. Magtext ka na lang mamaya.” sabi ko kay Dale saka na ako tahimik na sumakay sa sasakyan ni Daddy.

Redentor Serrano (3)

You’re Not My Brother

Episode 3

Red

Nakasakay na ako sa kotse at tahimik na nag-iisip nang matanaw ko ang isang pamilyar na bulto sa sidewalk.

Napa-angat ako ng katawan mula sa pagkakasandal ko saka ko pinagmasdan ng mabuti ang lalaking naglalakad.

Mabuti na lamang at dito ako umupo sa likuran ng sasakyan. Malaya kong napagmamasdan si Gael.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko nang masiguro ko na si Gael nga ang nakikita ko.

Sinulyapan ko ang paligid. Huminto ang sasakyan dahil kulay pula na ang ilaw sa traffic light.

Malapit na dito yung unit ko. Noong nakaraan ay nagdesisyon na ako na pansamantala munang abandonahin ang lugar na iyon dahil wala akong balak na mamalagi doon para makasama ang anak ni Aileen.

Nakikituloy ako ngayon sa unit ni Dale. Minsan naman ay sa ibang mga kaibigan ko na hindi hawak ni Dad.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko ang biglaang pagsulpot ng isang lalaki mula sa likuran niya. Siya rin ang nakita ko na kasama niya kanina.

Inakbayan niya si Gael at nakangiti silang nagtinginan. Tila ba close na close na talaga silang dalawa.

Nagsalubong ang mga kilay ko at sandali akong napasulyap sa kawalan bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanila.

Hindi namin kaklase ang isang iyon dahil halos natatandaan ko na ang mukha ng mga kaklase namin.

Lumipat na sa green light ang traffic light kaya nagdrive na ulit ang driver ni Daddy.

Nilingon ko pa sina Gael habang papalayo na kami sa lugar na iyon.

Hindi kami nag-usap man lang ng driver hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala rin akong balak na kausapin siya dahil alam ko na loyal siya sa amo niya.

Halos dalawang oras din ang itinagal namin sa loob ng sasakyan dahil sa matinding traffic.

Nakarating kami sa Cavite ng five fifteen ng hapon. Mabilis na akong bumaba ng sasakyan at dumiretso ako sa loob.

May nakasalubong akong katulong at kaagad kong itinanong kung nasaan ang amo niya.

Magalang naman niya ako na sinagot at sinabi na nasa library si Dad. Mabuti na lamang at may takot pa rin sa akin ang mga tauhan ng magaling kong ama. Madali kong nakukuha ang gusto ko.

Dumiretso kaagad ako sa library at naabutan ko doon si Dad na busy sa mga paperworks niya.

Sabay pa silang nag-angat ng tingin sa akin ni Aileen na noon ay nakatunghay sa bago niyang asawa.

Nang magtama ang mga tingin namin ay matamis na ngiti ang isinukli niya sa akin.

Inis ako na nag-iwas ng tingin sa kanya at inilipat ko ang tingin ko kay Daddy.

“Mabuti at dumating ka na. Maghahanda ako ng hapunan para makasabay ka na rin sa amin ng Daddy mo.” malambing na sabi sa akin ni Aileen.

“Hindi na kailangan.” mabilis at seryosong sagot ko naman sa kanya. Kay Daddy pa rin nakapako ang tingin ko dahil ayokong nakikita ang mukha ng babaeng ipinalit niya kay Mom.

“Hindi rin naman ako magtatagal. Pagkatapos masabi ni Daddy ang sasabihin niya ay aalis na rin ako.” patuloy ko.

“Huwag kang bastos Redentor.” maawtoridad na sita ni Daddy sa akin. “Kanina pa hindi mapakali si Aileen dahil gusto niya na makasabay tayong dalawa sa hapunan.”

Natawa naman ako ng pauyam. Sinulyapan ko si Aileen na tahimik na nakamasid at nakikinig sa amin.

“Maghahanda na ako para sa hapunan. Mag-usap muna kayong mag-ama diyan.” sabi ng stepmother ko bago siya lumabas ng silid.

Nang mapadaan na siya sa tabi ko ay bahagya siyang huminto at nilingon ako.

“Mas mabuti siguro kung huwag mo munang sabayan ang Daddy mo. Kanina pa mainit ang ulo niya dahil sa mga kliyente niya.” bulong niya sa akin.

Sinulyapan ko naman siya pero naniningkit ang mga mata ko. Napakurap siya saka siya yumuko. Naglakad na siya palabas ng pinto.

Nagbuga ako ng hangin saka ko muling nilingon si Dad. “Aakyat muna ako sa silid ko. Ipatawag niyo na lang ako kapag kakain na.” sabi ko saka na ako mabilis na lumabas.

Paakyat na ako sa hagdan nang magring ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ko kung sino ang tumatawag. Si Serene. Campus Queen sa school last year.

Mula nang manalo siya sa pageant ay sinimulan ko nang makipag-flirt sa kanya. Ayoko ng commitment kaya hindi ko siya tinangka na ligawan.

Sa halos ilang buwan na paglabas-labas namin ay napatunayan ko na hindi naman pala siya hard to get. Sa gandang lalaki ko ba naman na to siguradong kahit sinong babae ay mababaliw.

Napatunayan ko na iyon dahil sa dami ng mga naghahabol at gustong magpa-cute sa akin. Pero wala ni isa man sa kanila ang makakapagpatiklop sa akin.

Lahat sila ay mga laruan ko lang na kapag napagdiskitahan ko ay saka ko lang lalaruin. Kapag nagsawa na ako ay itatapon ko na.

Lihim akong nangiti sa mga kayabangan ko. Pero si Serene ang pinaka-lamang sa kanilang lahat.

Hindi ko pa siya girlfriend pero ilang beses na siyang nagpaangkin sa akin. Naiintindihan naman niya ang set-up namin na hanggang fubu lang muna kami.

Masyadong nagiging sakit sa ulo ko si Daddy sa mga nagdaang buwan lalo na ang biglaang pagpapakasal niya sa Aileen na iyon.

Hindi ko gustong dagdagan ang mga problema ko sa pagkakaroon ng makulit na girlfriend.

Isa pa ay hindi isang cheap na puta si Serene kagaya ng ibang mga babae na naghahabol sa akin. Kahit na nagpapagalaw siya ay hindi siya kagaya ng iba na kung kani-kanino na lang din pumapatol.

Alam ko na malinis si Serene dahil ako ang nakauna sa kanya. Bukod pa sa may class siya at hindi bossy.

Busy rin siya sa modeling career niya kaya wala siyang masyadong oras para kulit-kulitin at habul-habulin ako.

Sinagot ko ang tawag saka na ako nagpatuloy sa paghakbang. Nahinto pa ako nang mahagip ng tingin ko ang portrait nina Aileen at Daddy na nakasabit sa pader.

Kung saan dating nakasabit ang portrait ni Mommy.

“Hello! Are you free tonight?” malambing na tanong ng babae sa kabilang linya.

“Hindi ko alam kung makakabalik kaagad ako ngayong gabi. Nasa Cavite pa kasi ako ngayon.”

“Okay! Just let me know kung makakabalik ka kaagad. I’m bored. Next week pa ang photoshoot ko.” paglalambing niya.

Kung sa ibang pagkakataon lang ay mangingiti ako dahil sigurado na makaka-score na naman ako.

Pero naagaw ng portrait na nakikita ko ang atensyon ko. At hindi ko nagugustuhan iyon.

“Okay! I’ll call you!” sagot ko saka ko na pinindot ang end button.

Mula sa tatlong hakbang na naakyat ko sa hagdan ay muli akong bumaba para lapitan ang bagong portrait na nakasabit sa pader.

May namataan ako na isang maid. Mabilis ko siyang tinawag na lumapit naman kaagad.

“Sino ang nagpalit sa portrait ni Mommy dito?” mabalasik na tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman ang takot sa mga mata ng kawawang kasambahay kaya sinikap ko na pigilan ang temper ko.

“Si-si Ma’am Aileen po.” nauutal na sagot niya. Halatang kinakabahan.

Muli kong sinulyapan nang may disgust ang portrait saka ko binalingan ang maid.

“Napakapangit! Hanapin mo ang portrait ng Mommy ko at ibalik mo sa dating puwesto niya. Gusto ko pagbaba ko mamaya ay napalitan mo na yan.” utos ko sa kanya.

“S-sir, kasi po…” hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Tila ba tinatantiya niya ang magiging reaksyon ko.

“Sundin mo na ang utos ng Sir Tor mo, Mylene. Maaari mo namang ilipat sa silid namin ang portrait na iyan.” narinig kong utos ni Aileen sa kanya.

Sabay pa kaming napalingon mula sa nagsalita. Ngumiti naman sa akin si Aileen na para bang ayos lang sa kanya ang mga inaasal ko.

“Kung may hindi ka nagugustuhan sa mga pagbabago na nakikita mo sa bahay na ito ay huwag kang mahihiya na magsabi sa akin. Mas mahalaga sa akin ang damdamin mo kaysa sa pansariling interes ko.” malumanay na sabi niya.

Hindi ko siya sinagot. Nagsimula na akong humakbang at umakyat sa silid ko. Nagkulong na lang ako doon hanggang sa ipatawag ako nina Daddy para sa hapunan.

Habang naghahapunan ay tahimik lang kami. Hindi ko inasahan na masarap magluto ang bagong asawa ni Dad. Pero hindi ko iyon ipapahalata.

Natapos na si Dad nang balingan niya ako. Ilang sandali siyang nakatitig sa akin, sila ni Aileen bago siya tumikhim at nagsalita.

“Nabanggit ko na rin naman sayo noong nakaraan na doon muna titira ang anak ni Aileen sa unit mo.”

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain saka ko siya sinulyapan. “Napakarami mong pera. Bakit hindi mo siya ibili ng sarili niyang unit?” sarkastikong sagot ko sa kanya.

“Hindi ako mag-aaksaya ng pera para bumili ng isa pang unit kung maari naman kayong magsama na lang doon sa unit mo.” sagot niya sa akin. Nakikita ko na sinisikap niyang pigilan ang sarili niya upang huwag siyang magalit sa akin.

“Ayoko siyang kasama.” balewalang sagot ko saka ko itinuloy ang pagkain ko. “Baka mabugbog ko lang siya sa sandaling maabutan ko siya doon.”

“Talagang tarantado kang bata ka…” galit sa reaksyon ni Daddy sa sinabi ko. Marahas siyang tumayo upang sugurin ako pero pinigilan siya ni Aileen.

“Darius!” si Aileen na mababakas ang pag-aalala sa maganda niyang mukha. Hindi na ako magtataka kung paano niya naakit ang ama ko.

“Sumusobra na ang batang ito. Hindi natuturuan nang leksyon kaya humahaba ang mga sungay.” galit na sambit ni Daddy.

“Hayaan mo na ang anak mo. Natural lang naman ang mga inaasal niya. Hindi pa niya matanggap sa ngayon na nagpakasal ka na pero umaasa ako na sa tamang panahon ay matatanggap niya ako”

Galit na bumaling ako kay Aileen. “Never na mangyayari ang gusto mo!” malutong na sambit ko. “Kahit kailan ay hindi kita matatanggap. Kayo ng hampaslupa mong anak.”

“Talaga namang wala kang modo.” galit na sigaw ni Daddy saka niya ako sinuntok nang malakas.

Hindi ako nakailag. Tinamaan ako sa panga at bumagsak ako sa sahig kasama ng upuan na inuupuan ko.

Susugurin pa sana niya ako pero niyakap na siya ng mahigpit ni Aileen.

“Darius!” nahihintakutan na tawag niya sa Daddy ko.

Pinunasan ko ang dugo sa putok kong labi saka ako marahas na tumayo. Nakamamatay na tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa bago ako padabog na naglakad palayo pero narinig ko pa ang isinigaw ni Daddy. Napahinto ako sa may gilid ng hagdan.

“Sa sandaling mabalitaan ko na may ginawa kang katarantaduhan kay Gabriel ay hindi lang iyan ang aabutin mo. Baka malumpo na kitang tarantado ka.” galit na banta niya sa akin.

Mabigat ang dibdib na tumuloy na ako patungo sa main door. Binalibag ko iyon pasara nang makalabas na ako.

Nakita ako ng driver niya at nag-offer ito na ihahatid niya ako pabalik pero marahas ko siyang tinulak saka ako tuloy-tuloy na lumabas.

Baon ang sama ng loob at matinding hinanakit at galit ay nag-commute ako pabalik ng Metro Manila.

Habang sakay ako ng bus ay nakatanggap ako ng text message mula kay Serene.

Nagpasya ako na makipagkita sa kanya sa bar na madalas naming puntahan. Kasama niya ang mga kaibigan niya nang dumating ako doon.

Matapos ang ilang bucket ng beer na inorder namin ay inakay ko na siya patungo sa kotse niya.

Nasa parking ng condo ang sasakyan ko at mula nang maaksidente ako few months ago ay hindi na muna ako nagtangka pa na magdrive.

Si Serene ang hinayaan ko na magmaneho hanggang sa makarating kami sa unit.

Pagpasok pa lang sa pinto ay matitinding halik na ang iginawad niya sa akin sa tinugon ko naman sa katumbas na intensitidad.

Mabilis ko siyang inakay patungo sa silid ko habang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.

Nagsimulang gumalaw ang mga kamay niya at inaangat niya ang laylayan ng T-shirt na suot ko. Naglalakbay na rin ang mga kamay ko sa malambot na katawan niya.

Kasalukuyan ko nang dinudukot ang susi mula sa bulsa ko nang bigla na lamang kumalas si Serene na nagpakunot ng noo ko.

Mabilis siyang bumaling sa may pintuan ng banyo. Doon na rin napunta ang tingin ko. Naririnig namin ang lagaslas ng tubig mula sa shower.

“M-may tao sa loob.” bulong niya.

“Hayaan mo siya.” sagot ko naman saka ko muling inangkin ang mga labi niya. Mabilis kong naipasok ang susi mula sa keyhole saka na kami pumasok doon nang magkahinang pa rin ang aming mga labi.

Pinindot ko ang lock ng pinto saka ko iyon tinulak pasara. Mabilis kong naihiga sa kama si Serene habang hinuhubad niya ang damit ko.

Nang maialis na namin mula sa katawan ko ang T-shirt ko ay pumatong na ako sa kanya upang ipagpatuloy ang maiinit na eksena.

Nararamdaman ko na ang paninikip ng pantalon ko na sinadya ko talaga na idiin sa katawan niya.

“Oh Gosh you’re already hard!” halinghing niya habang ibinababa ko ang strap ng damit niya at pinapaulanan ko ng halik ang leeg niya pababa sa dibdib.

Nang maibaba ko na iyon ay dinakma ng palad ko ang malusog na dibdib niya kasabay ng pag-angkin ng mga labi ko sa kabila.

Napaungol si Serene kasabay ng pag-unat ng katawan niya mula sa kama. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang sarap na sarap siya sa bawat pagdampi ng dila at bibig ko sa makinis na katawan niya.

Naramdaman ko na lang na napasinghap siya nang malakas saka niya ako itinulak palayo sa kanya.

Mabilis niyang inayos ang damit niya saka siya nag-iwas ng tingin mula sa pinto.

Bumaling ako doon ngunit ang pagsara nito ang naabutan ko. Napapikit ako sa frustration at nawala ang init na nararamdaman ko.

Hindi ko yata naipinid kanina ang pinto. Basta ko na lamang iyon inilock at itinulak.

“I think we can do it somewhere. Not here.” sambit ni Serene.

“Let’s do it next time sweetie. Pagod ako. Baka hindi kita masatisfy ngayong gabi.” sabi ko.

Nakakaunawang tumango si Serene saka na niya inayos ang sarili niya upang maghanda sa pag-uwi.

Dinampot ko na rin ang T-Shirt ko saka ko iyon isinuot. Paglabas namin ay hindi ko nakita maging ang anino ng anak ni Aileen.

Napailing na lang ako saka ko na hinatid si Serene sa parking area.

Pag-alis ng sasakyan niya ay lumabas na ako ng building. Doon na rin ako didiretso sa unit ni Dale.

Redentor Serrano (4)

You’re Not My Brother

Episode 4

Red

Nag-iinuman sina Dale at ang mga barkada niya nang makarating ako sa unit niya.

“Bro, samahan mo kami dito.” alok sa akin ni Aaron. Kaibigan ni Dale at kasamahan ko sa frat.

“Thanks, Man. Pero pagod kasi ako ngayon. Kailangan ko ng pahinga.” sabi ko.

Tumango naman siya at nakakaunawang ngumiti sa akin. Nakamasid lang sa akin si Dale na tila ba may naglalaro na sa isip niya.

Nagpasya na ako na tumuloy sa loob ng silid nang makita ko ang paghila ng girlfriend niya sa ulo niya saka sila nagsalo sa mainit na halik.

Natawa na lang ako at napapailing habang papasok ako sa loob. Nakaisa na sana ako kay Serene kung hindi lang kami inistorbo ng anak ni Aileen.

Sa susunod ay hindi ko na palalagpasin ang lalaking iyon. Baka sapak na kaagad ang maibubungad ko sa kanya.

Ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama saka ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa school ni Dale. Tinamad pang bumangon si gago kanina dahil may hangover siya sa nagdaang inuman nila kagabi.

Dahil 10AM pa naman ang pasok namin ay nagpasya kami na dumaan muna sa bookstore dahil may kailangan kaming bilhin na gamit para sa isang subject namin.

Habang nag-iikot ako sa loob ng store ay napahinto ako sa tapat ng mga zip ties. Bigla kong naalala si Gael. May kasalanan pa sa akin ang gago na yun.

Napangiti ako saka ako dumampot ng isang pack. Dumiretso ako sa counter at binayaran ang mga pinamili namin ni Dale.

Sa classroom habang naghihintay kami sa pagdating ng prof namin ay tahimik lang ako na nakamasid kay Gael. Pinag-aaralan ang bawat kilos niya.

Wala naman kakaiba sa kanya. Katulad pa rin siya ng araw-araw niyang habit.

Nagbabasa lang siya ng libro habang tahimik na nakaupo sa kanyang puwesto.

Sa hindi ko malaman na kadahilanan ay naaliw ako sa kanya. Masyado siyang misteryoso at tila ba napakarami niyang tinatago.

Hindi magtatagal ay malalaman ko rin ang mga iyon. Pero sa ngayon ay pepestehin ko muna ang buhay niya.

Napangisi ako ng nakakaloko habang nakatingin ako sa kanya. Ngayong araw ko na sisimulan ang pambubully ko sa kanya.

Sinulyapan ko ang katapat ko na si Kazu sa kabilang row. Para siyang si Gael. Lagi na lang silang abala sa kung ano mang mga hilig nila.

“Hoy, Kazu!” tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin. “Palit tayo ng puwesto.” sabi ko sa kanya.

Nagtaka naman siya saka siya tumingin sa harapan niya. Tumingin din ako doon at nakita ko na sa akin nakatingin si Gael.

“Ano tinitingin-tingin mo?” maangas na sita ko sa kanya. “Siguro crush mo ko no?” banat ko.

Natawa naman siya na tila nang-uuyam. Pagkatapos ay napailing na lang siya saka siya muling bumalik sa pinagkakaabalahan niya.

Binalingan ko si Kazu. Nakatingin siya sa akin pero mukha siyang tanga na para bang naguguluhan siya sa nangyayari.

Tumayo na ako saka ko hinila ang tenga niya para mapatayo na siya.

“Aray! Ano ba?” sumusuway na daing niya. Napatayo na rin siya dahil sa paghila ko doon.

Natural na maputi ang balat ni Kazu kaya madaling mamula ang balat niya.

“Sabi ko palit tayo diba? Tumayo ka na diyan.” sabi ko saka ko siya hinila patayo at itinulak patungo sa dating puwesto ko. Palayo sa kinauupuan niya.

Napansin ko na naagaw ko na ang atensyon ng iba pa naming kaklase. Kaya inangasan ko na sila.

“Bakit nakatingin kayo? Crush niyo rin ba ako?” sabi ko saka ko sinulyapan si Gael.

Hindi naman siya natinag. Patuloy lang siya sa binabasa niya. Nakita ko naman ang bulungan at hagikgikan ng mga babae sa may bandang harapan habang kinikilig sila na nakatingin sa akin.

Kinuha ko ang bag ni Kazu saka ko sapilitang inilagay sa kamay niya. Napapakamot na lang siya sa ulo na umupo sa puwesto ko.

Nilagay ko na rin ang bag ko sa puwesto ni Kazu saka na ako umupo. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang likuran ni Gael.

Sumulyap siya sa relo niya saka siya tumayo at lumabas ng classroom. Marahil ay pupunta ng banyo.

Nang makalabas siya ay sinilip ko ang bag niya na naiwan sa upuan niya. Pasimple akong tumingin sa mga nakapaligid sa akin.

Mukha namang abala lahat sila sa sari-sarili nilang business. Kaya kinuha ko na mula sa bag ko ang mga zip ties na binili ko.

Sinimulan kong itali sa upuan ang magkabilang sabitan ng bag niya. Pagkatapos ay nilagyan ko rin ang mga zipper.

Natatawa pa ako habang pinagmamasdan ko ang kalokohan ko. Hanggang sa pumasok na si Mrs. Meneses.

Nagsimula na ang klase pero wala pa rin si Gael. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya lumitaw mula sa pinto.

Kaagad naman siyang nagpaliwanag kay Mrs. Meneses at pinayagan naman siya nito na makapasok.

Habang papalapit siya sa upuan niya ay pilit kong pinipigilan na matawa o mapangiti man lang.

Hindi pa man siya nakakaupo ay napansin na kaagad niya ang ginawa ko. Sinubukan niyang iangat ang bag niya pero hindi niya iyon maialis sa upuan.

Napapikit siya saka siya tumingin sa akin. Sinalubong ko naman ang nagbibintang na mga tingin niya. Pagkatapos ay nagkunwari na ako na nagsusulat ng assignment namin.

Umupo na siya saka siya bumaling sa akin. Naramdaman ko na gusto niya akong sitahin. Bumuka ang mga labi niya to say something. Pero hindi niya iyon itinuloy.

Bigla niyang kinuha ang keychain niya mula sa bulsa niya. Nagulat pa ako ako nang makita ko na may nailcutter siya doon na may maliit na knife.

Napangiti na lang ako nang simulan niyang putulin ang mga zip ties. Pagkatapos ay inihagis niya sa akin ang mga iyon bago siya umayos ng upo.

Matapos ang unang subject ay nagpasya kami ni Kazu na sa cafeteria ng school na lang kumain ng lunch. Sumunod din si Dale doon.

Kasalukuyan na kaming kumakain nang bigla na lamang ilapag ni Gael ang tray niya sa mesa namin.

Sabay-sabay pa kaming napaangat ng tingin sa kanya. Sa akin siya nakatingin.

“Pwede ba akong maki-share sa table ninyo?” sabi niya. “Puno na kasi lahat ng mesa.”

Nilingon ko ang paligid. Marami nga ang estudyante dahil lunch break na.

“Sure!” nakangiti kong sagot. “Maupo ka.” nakangiting dugtong ko pa.

Habang paupo siya sa katabi ko na upuan ay nag-iisip na ako ng kalokohan na maari kong gawin sa kanya.

Hindi ko alam pero natutuwa ako kapag pinagtitripan ko siya.

Hinayaan ko muna siya na makaupo. Nagulat pa ako nang lapagan niya ako ng softdrinks na nasa plastic bottle. Sumulyap ako sa kanya.

“Para sana sa kaibigan ko yan. Kaso hindi pala siya makakasabay sa akin dahil may tinatapos silang project.” friendly na sabi niya.

Napangiti na rin ako saka ko inabot ang softdrinks. Mahilig ako sa carbonated drinks kaya madalas ay sinusumpong ako ng acid reflux. Pero nakokontrol ko naman at may gamot ako na iniinom.

Sinimulan ko nang ikutin ang takip pero nagtalsikan sa akin ang laman ng bote.

“Shiiiiit!” malakas na sigaw ko habang inilalayo sa katawan ko ang bote.

Namalayan ko na lang na halos tumapon na sa uniform ko ang laman. Basang basa ako at nanlalagkit dahil may asukal iyon.

Nang makabawi ako mula sa pagkabigla ay marahas akong bumaling kay Gael na noon ay nakatayo na at bitbit ang tray niya.

Seryoso siya na nakatingin sa akin habang pinupunasan ko ang mga nagkalat na softdrinks sa kamay at mukha ko.

“Sa susunod pipiliin mo yung mga pinagtitripan mo. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang panalo.” madiin na sabi niya saka na siya naglakad palayo sa amin.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na umupo siya sa mesa kung saan nakaupo na rin pala yung lalaki na palagi niyang kasama.

Sa halip na makaramdam ako ng pagkainis ay natawa pa ako dahil sa kakaibang tapang niya para iset-up ako ng ganito.

“Nakita ko yung ginawa mo sa kanya kanina sa classroom. Nilagyan mo ng maraming nylon cable yung bag niya. Ginantihan ka tuloy.” amused na sabi ni Kazu.

“Nakahanap ka rin ng katapat mo.” nang-aasar na banat sa akin ni Dale.

Natawa na lang din ako saka ko mabilis na inubos ang pagkain ko. Pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanila na maglilinis lang ako ng katawan sa banyo.

Patungo na ako sa locker area upang iwanan muna doon ang polo ko ma marumi nang may isang lalaki na bigla na lamang nag-abot sa akin ng box of chocolates na may ribbon pa sa taas.

“May nagpapaabot.” sabi niya saka na siya mabilis na naglakad palayo.

Binalingan ko ang chocolates na hawak ko at binasa ko ang card na nakadikit sa kahon.

Natawa ako nang mabasa ko ang nakasulat doon. Love note galing sa isang anonymous girl sa campus.

Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Baka sakali na mahuli ko kung sino ang nagpadala.

Nang wala akong makita ay inalis ko ang nakadikit na note pagkatapos ay binigay ko iyon sa unang magandang babae na nakasalubong ko.

“Para sayo.” nakangiting sabi ko sa babae. Napangiti siya at nakita ko na halos mangisay sa kilig ang kasama niyang bading habang pareho silang nakatingin sa akin.

Nakita ko si bakla na halos maglaway habang nakatitig sa mga muscles ko na nakalitaw na dahil sa suot ko.

Sinuklian niya ako ng nahihiyang ngiti na nagpalitaw sa dimples niya saka siya nagpasalamat sa akin.

Maganda siya. Pero hindi pa rin siya aabot sa standard ni Serene. Hindi mga shygirl ang tipo kong babae. Gusto ko ay confident at kayang mabuhay nang wala ako. Para hindi na rin ako mahirapan na kalasan sila sa oras na mabored ako sa kanila.

Iniwanan ko na sila saka na ako dumiretso sa locker area. Dahil wala akong pamalit ay pumasok ako sa sumunod na klase na nakasando lang.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga babae at binabae na nakakasalubong ko sa campus. Maging ng mga kaklase ko na panay ang sulyap sa katawan ko.

Madalas kasi ako sa gym kaya malalaki ang braso ko. Nasa magandang shape na rin ang katawan ko na bumabakat sa suot ko na puting sando.

Napagalitan ako sa sumunod na prof namin dahil sa suot ko pero wala na rin naman siyang nagawa.

Patapos na ang huling klase namin nang makatanggap kami ni Kazu ng text mula kay Dale.

Bro, sa Beech bar daw tayo mamayang 8PM. Isama mo na si Kazu. Birthday ni Aaron.

“Sasama ka ba?” tanong ko sa pinsan ko.

“Gusto kong sumama.” sagot naman niya. Tumango na lang ako at nagfocus na sa sinasabi ng prof namin na nagsasalita sa harapan.

Naaawa talaga ako kay Kazu. Hindi niya masyadong nae-enjoy ang teenage life niya dahil sa sobrang higpit sa kanya ni Tito Franco.

Kasalanan lahat ito ni Kaye. Nakadama na naman ako ng matinding pagkainis para sa pinsan ko na iyon.

Kapatid siya ni Kazu at kasalukuyan na ngayon nag-aaral sa amerika. Kahit minsan ay hindi man lang siya nagpakita ng concern para kay Kazu.

Sa halip na pagtakpan at ipagtanggol sa mga maliliit na pagkakamali nito ay mas lalo lang niya itong pinapahamak.

Pinaka-ikinagalit ko sa kanya noon ay ang pagset-up niya sa kapatid niya upang tuluyan nang mawalan ng tiwala dito ang kanilang ama.

Hindi na mahirap hulaan kung ano ba ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa iyon kay Kazu. Pera.

Nag-iisang anak na lalaki si Kazu at malaki ang posibilidad na siya ang magmana ng malaking parte ng kanilang mga negosyo at ari-arian kaya bata pa lang sila ay sinisikap na niya itong sirain kay Tito Franco.

Nang matapos nga ang last subject ay ipinagpaalam ko na si Kazu kay Tito Franco. Kapag ako ang kasama niya ay pinapayagan siya na makalabas.

Dumaan muna kami sa unit ko at doon kami nagpalipas ng oras ni Kazu hanggang sa gumabi.

Hinintay ko na makauwi ang anak ni Aileen ngunit hanggang sa magpasya kami na bumaba ni Kazu ay hindi siya dumating.

Nakasakay na kami sa elevator nang tumawag si Serene. Dahil pupunta kami sa birthday ay naisipan ko na lang siya na isama.

Nang maibaba ko na ang cellphone ko ay bumukas ang pintuan ng elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa amin ang pamilyar na anyo.

Nakatayo si Gael sa harapan namin at hinihintay ang pagbukas ng elevator.

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko rin ang pagkabigla at pagtataka sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin.

Kazu Serrano (5)

You’re Not My Brother

Episode 5

Kazu

“Gael?” sambit ko nang makilala ko ang bumungad sa amin ni Red sa elevator. “Dito ka nakatira?” dugtong ko nang wala akong nakuha na reaksyon mula sa kanya.

Bahagya naman siyang tumango saka na siya sumakay nang makalabas kami ni Red.

“Sige mauna na kami. May dinaanan lang kami ni Red dito.” friendly na sabi ko.

Ngumiti naman siya at muling tumango bago sumara ang pinto. Sumulyap ako kay Red at nakita ko na nakatulala siya sa labas. Para bang nahulig siya sa malalim na pag-iisip.

Tumikhim ako saka na ako nagpatiunang naglakad. “Tara na!” sabi ko sa kanya.

Mabilis naman siyang sumunod at umagapay sa akin.

Pinipilit ko siya kanina na gamitin na lang namin ang sasakyan niya tutal ay naroon na lang din kami sa condo niya pero tumanggi siya at sinabi na taxi na lang ang sakyan namin.

Pagbaba namin sa tapat ng bar ay ako rin ang pinagbayad ni gago. Sabi pa niya. Kung hindi raw dahil sa kanya ay hindi ako makakasama sa gimik na iyon.

Naabutan namin sina Aaron na nakapuwesto na sa loob. Marami ang tao sa bar pero malaki naman ang lugar kaya manageable pa rin.

Bukod sa grupo nina Aaron na kasamahan sa frat nina Red at Dale ay may iba pa silang mga kasama at ilan sa kanila ay may mga kalandiang babae.

Nang makita kami ni Aaron ay kaagad niya kaming hinanapan ng mauupuan saka na siya umorder ng alak at pulutan.

Dahil hindi naman ako gaanong malakas uminom ay sinasalo ako minsan nina Red at Dale.

Kahit papaano ay nag-enjoy naman ako dahil kahit noon pa ay friendly na rin sa akin ang mga fratmate nila. Dinadala lang naman ako ng pagiging magpinsan namin ni Red at kahit madalas niya akong i-bully ay nararamdaman ko na sincere siya sa pakikitungo niya sa akin.

Mas lumalim pa ang gabi. Medyo lasing na ang ibang mga kasamahan namin. Karamihan sa kanila ay nasa gitna na ng dance floor.

Nagsasayaw at nagkakasiyahan. Kasama na nila si Red pero kami ni Dale ay nanatili pa rin sa mesa namin.

Ilang sandali pa ay dumating ang panibagong order namin na alak. Napatitig pa ako sa mukha ng waiter na nagserve sa amin.

He looks familiar. Pilit kong inaalala sa isip ko kung saan ko ba siya nakita hanggang sa mapatingin na rin siya sa akin saka niya ako nginitian.

“Nagpupunta ka rin pala sa mga bar na ganito? Hindi halata sa itsura mo ah.” sabi niya sa malamig at buong buo na tinig. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko kahit pa maingay sa loob ng bar.

“Excuse me, kikala ba kita?” curious na tanong ko.

Inilapit naman ni Dale sa tenga ko ang bibig niya saka siya bumulong. “Schoolmate natin siya.”

Nakita ko na nawala ang ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatingin siya sa nakaakbay na kamay ni Dale sa akin.

Ilang sandali pa ay muli siyang tumingin sa akin at ngumiti. Ngunit ang ngiti niya ay hindi na kasing sigla ng kanina.

“Sige sir, mauna na ako. Enjoy your drinks!” paalam niya.

Tinanguan ko naman siya at sinaluduhan siya ni Dale. At habang pabalik na siya sa counter ay sinusundan ko siya ng tingin.

Hinawakan ko ang mga pisngi ko dahil sa pakiramdam ko ay parang bumibigat ang mga iyon. Marahil ay medyo napaparami na ako ng naiinom na alak.

Nagpatuloy pa ang gabi. Nakabalik na sina Red sa table namin. Halos lasing na rin ang ibang mga kaibigan ni Aaron.

Hindi na ako masyadong uminom dahil alam ko kung hanggang saan lang ang kapasidad ko. Nadala na ako sa nangyari sa akin noon. Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naghihigpit pa rin sa akin si Daddy.

Sumulyap ako sa relo ko. Fifteen minutes past one ng madaling araw. Tumayo ako at nagpaalam na magtutungo sa banyo.

Malapit na ako sa hallway nang makasalubong ko ang grupo nina Vincent. Si Vincent ang leader ng kalabang frat nina Red.

Nakadama ako ng kaba dahil noong nakaraan lang ay nagkaroon ng banggaan ang dalawang grupo.

Mabilis akong lumihis ng direksyon sa pangamba na baka makilala nila ako. Nasa iisang school lang kami at madalas nila akong makita na nakadikit kina Red. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa counter.

Napapitlag pa ako at marahas na pumiglas nang maramdaman ko ang malakas na kamay na humawak sa balikat ko.

Medyo nakadama ako ng relief nang makilala ko ang lalaking humawak sa akin. Siya yung waiter dito sa bar na sinasabi ni Dale na schoolmate namin.

Magkasalubong ang mga kilay niya habang mataman niya akong sinusuri.

“Naliligaw ka ba sir? Bakit parang nagulat ka?” tanong niya saka siya nagmasid sa paligid.

Sinisipat niya ang direksyon na nililingon ko kanina bago ako mapadpad sa bar.

“I-I’m fine! May kailangan lang akong tawagan. Medyo maingay kasi doon sa puwesto namin.” sabi ko saka ko kinuha mula sa bulsa ko ang cellphone ko.

Kaagad kong tinawagan si Red. Nakailang ring bago niya iyon sinagot.

“Hello!” bungad niya.

“Nakita ko ang grupo nina Vincent. Papasok sila diyan.” babala ko sa kanya.

“Lumabas ka na ng bar. Mauna ka nang umuwi dahil baka maipit ka na naman sa gulo.” seryosong sagot niya sa akin.

“Pero hindi kita pwedeng basta na lamang pabayaan dito.”

“Kazu, makinig ka sa akin. Kapag ako nakulong ay kaya kong isalba ang sarili ko. Pero kapag ikaw ang nadawit sa gulo ay siguradong malalagot ka kay Tito Franco. Kaya hangga’t maaga ay sikapin mo na, na makalabas dito sa bar na ito ngayon din.”

“P-pero…”

“Sige na. Huwag nang matigas ang ulo. Para sayo din ito.” sabi niya saka na niya pinutol ang tawag.

Binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko saka ako nag-aalala na sumulyap sa gawi nina Red.

Nakita ko na kaharap na nila ang grupo ni Vincent at naghahamunan sila ng tingin.

Ilang sandali pa ay naunang sumugod ang mga kasamahan ni Vincent kaya nagsimula nang magkagulo ang mga tao sa loob ng bar.

Walang humpay na sapakan at bugbugan ang nakikita ko na nagaganap sa loob.

Gusto kong ipagtanggol si Red pero lumaki ako na hindi marunong makipag-away. Palagi na lamang ay si Red ang nagtatanggol sa akin kahit noong mga bata pa kami.

Dahil lumaki ako na lampa at patpatin. Ngayon na nga lang umayos kahit papaano ang hugis ng katawan ko. Ngunit nananatili pa rin akong mahina. Walang silbi kagaya ng madalas na sabihin sa akin ni Daddy sa tuwing nagagalit siya.

Napapikit ako saka ko ikinuyom ang mga kamao ko. Ngunit kung lalapit ako kina Red ay sigurado na magiging pabigat lang ako sa kanila.

Kaya nagpasya na lamang ako na sundin ang utos niya. Nagsimula na akong humakbang.

Halos nagkarambulan na ang dalawang grupo at may ilang grupo pa ang nakisali dahil sa marami na ang lasing at mainit ang mga ulo nila.

Nagkakagulo na rin ang iba pa na nasa loob ng bar. Nag-uunahan na makalabas sa takot na madamay sila sa gulo.

Nagpatuloy ako sa paghakbang. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang nasa isip ko lang ay kailangan ko nang makalabas sa lugar na ito.

Malayo ang exit mula sa kinaroroonan ko ngunit sinikap ko na makarating doon.

Hindi pa man ako nakakarating sa gitna ay may dalawang lalaki na ang humarang sa akin at nakangisi sila na nakatingin sa takot kong anyo.

“Saan ka pupunta Kazu?” nakakalokong tanong ng isa.

Napaatras ako habang sila ay humahakbang palapit sa akin.

“Hindi ka pa pwedeng lumabas. Magagamit ka pa ng grupo namin laban kay Red.” sabi naman ng isa.

Patuloy lang ako sa pag-atras habang sila naman ay patuloy din sa paghakbang.

Nabigla na lang ako nang may dalawang kamay na humila sa akin at itinago niya ako sa likuran niya.

Napatitig ako sa lalaki na nasa harapan ko. Nagtama ang mga mata namin. Napakurap ako habang natitigilan pa rin ako na nakatitig sa kanya.

Nang masiguro niya na nasa likuran na niya ako ay bumaling na siya sa dalawa.

“Boss, baka naman pwede nating pag-usapan ito? Ibalato na lang sa akin ang isang ito.” sabi niya.

“Bakit, sino ka ba?” matapang na sigaw ng isa.

“Hindi niyo na kailangan pang malaman kung sino ako. Gusto ko lang makiusap sa inyo. Balato niyo na sa akin si Baby Boy.”

Baby Boy? My foot! bulong ko sa isip ko sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap ko ngayon.

Natawa naman ang isa sa dalawang lalaki. “Nagpapatawa ka ba? Kung ayaw mong madamay sa gulo ay umalis ka na diyan dahil may gagawin pa kami kay Kaz…Aaaaahhhhhh!”

Hindi na naituloy pa ng lalaki ang pagbigkas niya sa pangalan ko dahil mabilis na nahawakan ni Mr. Waiter ang braso niya na akma niyang ihahawak sa akin.

Nagtangka rin na lumaban ang kasama niya ngunit mabilis na nakaiwas si Mr. Waiter saka na sila nagtagisan ng galing sa sapakan.

Dalawa laban sa isa. Ngunit nang hindi pa siya tinigilan ng dalawa kahit na ilang beses na silang nasuntok at natadyakan ay bigla nang hinila ni Mr. Waiter ang kamay ng isa. Nakita ko na inikot niya ang braso nito saka niya iyon tinuluyan.

Napasigaw sa sakit ang lalaki at ang isa naman na nagtangka pa na pukpukin siya ng bote sa ulo ay malakas na tadyak sa sikmura ang inabot.

Dahil pareho nang namimilipit sa sakit ang dalawa ay mabilis niyang hinila ang palapulsuhan ko saka niya ako kinaladkad palabas sana sa exit ngunit may nagsipasukan na pulis at sumigaw na walang gagalaw.

Naramdaman ko na lang na hinila niya ang kamay ko na hawak niya at patakbo kaming pumasok sa hallway.

Dahil sa lakas at higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko ay wala na akong nagawa kundi ang magpaakay na lang sa kanya sa kung saan man niya ako dinadala.

Nakarating kami sa may kusina ng bar. Napatingin pa sa amin ang mga crew ng bar na naroon at ilang sandali lang ay nakalabas na kami sa exit sa likod.

Narating namin ang isang nakaparatang motorsiklo doon. Mabilis siyang nakasakay saka niya ako sinabihan na umangkas.

Natigilan pa ako saka ako napatitig sa kanya.

“Sumakay ka na kung ayaw mo na maabutan ka pa dito ng mga pulis.” sabi niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Sumakay na ako sa likuran niya saka niya mabilis na pinaandar ang sasakyan niya palayo sa lugar na iyon.

Nasa kahabaan na kami ng main road nang bigla niyang kunin ang mga braso ko na nakahawak sa baywang niya. Ipinulupot niya ang mga iyon sa tiyan niya saka siya nagsalita.

“Kumapit ka ng mabuti kung ayaw mong malaglag.” malakas na sambit niya.

Sinunod ko siya saka na ako tumingin sa dinadaanan namin. Nararamdaman ko rin ang init na nagmumula sa matigas niyang katawan na nanunulay sa mga braso ko na nakayakap sa kanya.

Nakadama ako ng pamilyar na pakiramdam. Nangyari na ito noon. Nakaangkas din ako sa motorsiklo at nakayakap sa lalaking nagmamaneho nito.

Mabilis kong inalis sa isip ko ang alaala na iyon. Dahil iyon ang pinaka-malaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko.

Kazu Serrano (6)

You’re Not My Brother

Episode 6

Kazu

Matapos ang halos ilang minuto na pagsakay ko sa motorsiklo ng gwapong waiter ay inihinto niya iyon sa tapat ng isang convinient store sa may pasay.

Nagpark siya sa harapan nito. Pinababa niya ako saka siya sumunod na bumaba. Nagtanggal ng helmet bago siya bumaling sa akin.

“Hintayin mo ako dito.” sabi niya saka na siya pumasok sa loob.

Pagbalik niya ay may dala na siyang mainit na kape at kung anu ano pa na nasa plastic. Inabot niya sa akin ang kape.

“Sarado na yung masarap na lugawan na alam ko malapit dito.” sabi niya saka siya sumakay sa motor niya. Muli niya akong pinasakay doon at nagtungo kami sa seaside.

Naupo kami sa gilid ng baywalk saka ko na sinimulang inumin ang kape ko.  Kinuha niya sa supot ang isang rice meal na binili niya saka niya iyon binuksan.

“Nagugutom ka ba? May binili akong tinapay o kung gusto mo naman ay mag rice meal ka na lang. Dalawa ang binili ko.” sabi niya saka niya kinuha mula sa supot ang mga pagkain na inaalok niya ngunit tumanggi na ako.

“Coffee is fine.” mahinang bulong ko saka ako humigop doon.

Huminto naman siya sa pagkalkal sa plastic saka na siya nagsimulang kumain. Pinagmasdan ko ang maliwanag na buwan na kumikislap sa tubig ng dagat.

Hindi ko naman maiwasan na sulyapan ang lalaking katabi ko paminsan-minsan. Hanggang sa maramdaman niya na pinagmamasdan ko siya.

Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko na nginunguya pa niya ang pagkain na nasa bibig niya.

Hindi ko naiwasan na pagmasdan ang bawat paggalaw ng mapupula niyang labi at ang paggalaw ng adams apple niya kapag lumulunok siya.

[I wanna feel your touch

It’s burning me like an ember]

Naalarma ako sa ginagawa ko kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko mula sa kanya. Nagkunwari ako na nakatitig sa dagat.

[Pretending is not enough

I wanna feel us together]

Nang matapos siyang kumain ay iniligpit niya ang mga pinagkainan niya saka siya umayos ng upo.

Hindi ko alam kung sinadya ba niya o aksidente lang nadikitan ng mga daliri niya ang kamay ko na nakalapag din sa gilid namin.

Para akong napaso at mabilis ko iyong iniiwas sa kanya. Sabay pa kaming napasulyap sa isa’t isa.

[So I’m giving in]

“Kasali ka ba sa frat?” bigla ay tanong niya nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Nakita ko na seryoso siyang naghihintay ng sagot ko.

“Frat is not my cup of tea.” sabi ko saka ako muling tumingin sa madilim na kalangitan.

[So I’m giving in

To the trouble I’m in]

Napatango siya at ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

“Kung hindi ka kasali sa frat, bakit ka pinagtangkaan na saktan ng mga lalaking iyon kanina?” tanong niya

Napabuga ako ng hangin saka ko siya sinulyapan sandali. “Hindi ako kasali sa frat pero madalas nila akong makita na kasama ang pinsan ko. Si Red ay miyembro ng isang sikat na frat.”

“Bakit hindi mo layuan ang pinsan mo. Nadadamay ka sa mga trouble nila dahil sa pagdikit-dikit mo sa kanya.” sabi niya. Kung sa ibang pagkakataon ay makakadama na ako ng inis sa lalaking ito pero nahimigan ko sa tono niya ang concern habang sinasabi niya iyon.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi ko kailangan layuan si Red. Dahil simula nung maliliit pa kami ay siya lang ang nag-iisang tao na totoong mapagkakatiwalaan ko. Siya ang protector ko. At hindi niya ako minsan man na pinabayaan sa kahit na anong sitwasyon.”

Napangiti pa ako at nangilid ang mga luha sa mga mata ko habang sinasabi ko ang mga compliment na iyon para kay Red.

“Kanina lang ay pinabayaan ka na niya. Kaya paano mo nasasabi sa akin ang mga bagay na iyan?” sabi niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko at nakadama na ako ng inis sa lalaking kasama ko ngayon. Tumigas ang anyo ko saka ko siya binalingan.

“Hindi ako pinabayaan ni Red. Nang malaman niya na nasa bar ang mga kaaway nila ay inutusan na niya ako na lumabas pero naging matigas ang ulo ko kaya inabutan ako ng mga lalaking ginulpi mo.”

Tumawa siya. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya dahil hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya.

“Kung ganun matigas pala talaga ang ulo mo? Kung ako sayo iwasan mo na ang mga frats na yan. Lalo na yung pinsan mo. Siya ang magdadala sayo sa totoong kapahamakan.” amused na sambit niya. Huli na nang marealize niya na hindi niya dapat sinabi iyon.

Sinimangutan ko siya saka na ako tumayo mula sa kinauupuan ko ngunit mabilis niyang nahagip ang palapulsuhan ko.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya pagkatapos ay lumipat ang tingin ko sa mukha niya.

“Saan ka pupunta?” kunot noo na tanong niya.

“Uuwi!” masungit na sagot ko saka ko tinangka na bawiin ang kamay ko ngunit mas hinigpitan niya ang hawak doon.

“Hindi mo kailangan magalit sa akin. Concern lang ako sayo kaya kita pinaaalalahanan.” seryosong sabi niya.

“Hindi mo rin kami ganoon kakilala para makialam ka sa samahan namin ng pinsan ko. You know? Akala ko kanina mabait ka. Pero kagaya ka lang ng mga sinasabi mong frat members na kailangan kong iwasan.”

Muli ay tinangka ko na bawiin ang kamay ko pero hindi niya hinayaan na makawala ako.

Sa halip ay tumayo na rin siya saka niya ako hinatak nang malakas.

Napasinghap pa ako kasabay ng pagdapo ng kamay ko sa dibdib niya. Shit! Napakatigas. Gawa ba sa bato ang katawan ng lalaking ito?

Napatingala ako sa kanya. Nakayuko naman siya sa akin at halos isang ruler na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

Naramdaman ko na pumulupot ang kabilang braso niya sa katawan ko kasabay ng pagtaas ng isang sulok ng labi niya.

Nararamdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko at napapakurap ako habang magkahinang ang mga mata namin.

Nasasamyo ko na rin ang gamit niyang cologne na humahalo sa brusko at natural na amoy ng kanyang katawan.

Napalunok ako at sa pagkakataong ito ay naaalarma na ako sa mga nangyayari. Mga flashes mula sa nakaraan ko ang mabilis na dumaan sa isip ko.

Kagaya kanina habang nakaangkas ako sa motorsiklo niya ay nakadama na naman ako ng deja vu.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paggalaw ng adams apple niya. Napalunok na rin ako lalo na nang mapagmasdan ng mga mata ko ang mga labi niya na tila ba ang sarap halikan.

Mabilis kong binura sa isip ko ang mga agiw na nabubuo.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang sa wakas ay tinalunton na nang mga labi niya ang natitirang gap mula sa mga labi ko.

Napasinghap ako ngunit nakulong iyon sa pagsakop ng mga labi niya sa mga labi ko.

Fuck! Napakatigas ng katawan niya pero ang labi niya napakalambot.

Nagsimula na iyong gumalaw na tila ekspertong eksperto na sa ginagawa nito.

Hindi naman ako makahuma dahil sa pagkabigla. Nagsimula siya sa masusuyong paghalik hanggang sa lumalim pa ang mga iyon.

Wala sa loob na napakapit ang isang braso ko sa matigas niyang biceps kasabay ng pagpikit ng mga mata ko upang namnamin ang tamis ng kanyang masusuyong halik.

Hindi ko na itatanggi pa na nasasarapan ako sa mga halik niya. Nagugustuhan ko na ang bawat pag-angkin na ginagawa niya sa labi ko.

Nagsimula na ring gumalaw ang mga labi ko na sumasabay sa bawat ritmo ng kanyang paghalik.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ang aking pagtugon ay muli na namang umatake ang mga flashes ng nakaraan sa isipan ko.

Kasunod ay ang malakas na halakhak ni Kaye at ang magkakasunod na sampal na inabot ko mula kay Daddy.

Bigla ay para akong pinanlamigan. Huminto ako sa pagtugon. Bakit ba ako nagpapahalik ng ganito sa isang estranghero?

God! Kazu, Nababaliw ka na.

Malakas na pagtulak sa dibdib niya ang ginawa ko kaya tuluyan nang kumalas ang mga labi niya mula sa labi ko.

Nakita ko sa anyo niya ang pagkabigla habang nakatitig siya sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabitin sa ginagawa niya na sinundan ng frustration.

Tumigas ang anyo ko. Siguro nga ay nababaliw na ako. Totoo nga siguro ang ibinibintang sa akin ni Kaye. Na malandi ako kaya ako napapahamak.

Hindi ko pa nga alam kung ano ang pangalan niya ay tinugon ko na ang mga halik niya. Masyado siyang mabilis at nakakabahala ang ganitong mga pangyayari.

Sino ba ang lalaking ito? Kagaya din ba siya ni Ron? Ipinain na naman ba siya sa akin ni Kaye para ma-in-love at mapahamak na naman ako.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang magkahinang pa rin ang mga mata namin.

Mabilis ko iyong pinahid gamit ang likod ng palad ko. Nakita ko ang pag-aalala sa gwapong mukha ng estranghero na ito.

“S-sorry!” aniya na tila ba naguguluhan din sa ginawa niya.

“Sino ka ba?” malamig na tanong ko sa kanya. Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng tinig ko kadabay ng panginginig ng mga laman ko.

Kung totoo man ang mga naiisip ko ay paano nagagawa ni Kaye iyon? Milya milya ang layo niya mula sa akin. Hindi ba talaga niya ako titigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang lahat?

“Kung ano man ang binabalak mo sa akin ay ngayon pa lang tigilan mo na. Hindi na ako mapapaso pa muli sa parehong apoy na ipinapain sa akin.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. Bakas ang pagtataka dahil sa sinabi ko.

“Hey, I think nagkakamali ka ng hinala sa akin. Wala akong masamang intensyon sayo okay? Nagkataon lang talaga na hindi ako immune sa charm mo.” sabi niya saka niya sinundan ng sinserong ngiti.

Ngunit hindi ako dapat nagoapadala sa mga ngiti ng lalaking ito. Madalas ay nadadaya ang mga mata.

“Charm!” mahinang sambit ko saka ako muling tumitig sa kanya.

“Tang-inang charm na iyan. Lunukin mo gago!” sigaw ko sa kanya saka ko siya tinulak nang malakas.

Dahil nasa edge na siya ng platform na inuupuan niya kanina ay nawalan siya ng panimbang kaya bumagsak siya.

Nakadama ako ng pag-aalala sa kanya. Nasaktan ba siya? Pero sa huli ay pinili ko na lang ang pabayaan siya.

Baka kung hahayaan ko na pangunahan ako ng konsensya ko ay baka ako ang lamunin ng mga problema na darating sa hinaharap.

Hindi ko na kakayanin pa na muling masaktan dahil sa sakim kong kapatid.

[You are you are, my favorite medicine]

Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Mabilis na akong tumakbo patungo sa sidewalk ng Manila Bay.

Sakto naman na may pumara na taxi at bumaba ang sakay nito. Mabilis akong sumakay doon at sinabi ko sa driver ang address namin.

[You are you are, you’re where the edge began]

Nagpahid ako ng mga luha at nararamdaman ko pa rin ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko at panginginig ng mga laman ko.

Nakita ko pa ang tangkang paghabol sa akin ng lalaki ngunit nagsimula nang umandar ang sasakyan.

[You are you are, just one last time again]

Napahinto na lang siya sa sidewalk at nagtama na naman ang mga tingin namin.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya na nahahaluan ng pagkalito.

Pinili ko na lamang na mag-iwas ng tingin. Hindi ko na siya dapat na tinititigan pa.

[You are you are, you are the trouble I’m in]

Kung totoong pain na naman siya ni Kaye ay mas lalong kailangan kong mag-ingat sa lalaking iyon.

Dahil wala nang traffic ay mabilis akong naihatid ng taxi sa tapat ng bahay namin sa Forbes.

[You are the trouble I’m in]

Dumiretso kaagad ako sa silid ko. Hindi na ako naghubad ng damit. Basta binuksan ko na lang ang shower saka ko itinapat doon ang sarili ko.

Gusto kong mawala ang lahat ng sakit sa dibdib ko. Fuck! Gusto kong sumigaw. Ano bang kasalanan ko sayo, Kaye?“

Nagpatuloy na ako sa pag-iyak kasabay ng pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko na napigilan na mapahagulgol habang marahan akong napapaupo sa sahig.

[You are the trouble I’m in]


Background Music: Trouble I’m In - Twinbed

Redentor Serrano (7)

You’re Not My Brother

Episode 7

Red

Palabas na kami ni Dale sa presinto nang makasalubong namin si Aileen. Nang makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa amin at halos maghisterya sa pag-aalala.

“Tor, anong nangyari sayo? Napasabak ka raw sa gulo. Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” sunud-sunod na tanong niya.

Napatingin na lang ako sa itaas saka ako bahagyang napailing. Hindi ako kumbinsido sa acting ng babae na to.

“Teka? May pasa ka…”

Mabilis kong pinalis ang kamay niya nang akma niyang hahawakan ang panga ko upang masipat ang mga pasa at sugat ko.

“Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng mga sugat at pasa. Pero ang bago sa akin ay ang ginawa mong pagpunta dito. Bakit ka nandito? Ilalabas mo ako? Hindi na kailangan. Huwag mo ring sasabihin sa akin na pinapunta ka dito ng Daddy ko dahil hindi ako maniniwala.” sarkastikong sabi ko sa kanya.

Napasulyap siya kay Dale at sa Daddy nito na nakatayo sa may bandang likuran ko.

“Mauna na kami,Red. Sumunod ka na lang.” paalam ni Dale. Tinanguan ko siya. Sumunod siya sa Daddy niya at sumakay sila sa sasakyan nito.

Binalingan ko si Aileen na tahimik na nakamasid at nakatitig sa akin.

“Doon ka ba uuwi sa unit mo?”

“Hindi ako doon umuuwi. Nandoon ang anak mo diba? Ayoko siyang kasama.” mabilis na sagot ko sa sinabi niya.

“Mabait na bata si Gael. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na mapalapit sayo. Sigurado ako na magkakasundo kayo.”

“Gael?” ulit ko sa pangalan na binanggit niya.

“Gael ang pangalan ng anak ko.” sabi niya saka siya nagpakawala ng hangin. Ilang sandali pa ay iniba na niya ang usapan.

“Hindi ako pinapunta dito ni Darius. Pero nagpilit ako. Pinayagan naman niya ako na sunduin at ilabas ka dito. Bilang bagong asawa ng Daddy mo ay hindi ko matitiis na pabayaan ka na lsng basta na matulog sa presinto.”

Natawa ako saka ko siya tinitigan nang may panunuri. “Napakasweet mo naman palang stepmother.” patuya kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang pagsisikap niya na pigilan ang pagkainis sa akin. Mas lalo lang akong naaliw sa kanya.

“Sinayang mo lang ang oras mo sa pagpunta dito. Nakalabas na ako kaya makakauwi ka na.” sabi ko.

Naglakad na ako at nilagpasan ko siya pero pinigilan niya ako at hinawakan sa braso. Napasulyap pa ako sa kamay niya na nakahawak sa akin.

Malambot ang kamay niya. Halatang hindi sanay sa mabibigat na gawain. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya mayaman. Kaya nga Daddy ko ang sinilaw niya.

“Mahal ko si Darius at mahal din kita kaya ginagawa ko ang lahat upang matanggap mo ako da pamilya ninyo.”

Natawa na naman ako. “Mahal? Ilang beses pa lang tayong nagkaharap at wala akong natatandaan na naging malapit ako sayo. Kaya tigilan mo yang mga kadramahan mo dahil hindi bebenta sa akin iyan.”

Marahas ko nang binawi mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko saka na ako mabilis na sumakay ng bus.

Habang nakatitig ako sa labas ng bintana ay hindi ko maiwasan na hindi isipin ang nangyari kagabi at bigla ay umalingawngaw sa isip ko ang pagbanggit ni Aileen sa pangalan ng anak niya.

Gael ang pangalan ng anak ko. paulit-ulit iyong nag e-echo sa isip ko kasunod ng pag-flash ng pagkikita namin ni Gael na kaklase ko sa elevator ng condo unit na inookupa ko.

Parang may tumambol sa dibdib ko nang mapagtanto ko ang lahat.

“Si Gael ba ang anak ni Aileen?” wala sa loob na naibulong ko sa sarili ko. Tumigas ang anyo ko saka ko naikuyom ang mga kamao ko.

Kailangan kong kumpirmahin ang lahat. Kilala ba ako ni Gael bago pa man siya pumasok sa school?

Kaya ba ganun na lang siya katapang para kalabanin ako? Tumigas ang anyo ko dahil sa kaisipang iyon.

Nagpasya ako na magpalipas muna ng isang buong araw sa unit ni Dale. Mabuti na lamang at napakiusapan niya ang Dad niya na pati ako ay ilabas na sa kulungan.

Pero ang ipinag-aalala ko ay si Kazu. Nakaalis ba siya nang ligtas sa bar na iyon?

Nakatulog ako sa buong maghapon dahil sa puyat. Nagising ako na magtatakipsilim na. Mabilis akong nagcharge at pagbukas ko sa cellphone ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Kazu.

Napanatag ako nang sabihin niya na ayos lang siya. Sa halip ay sa akin siya mas nag-aalala.

Nagreply kaagad ako pagkatapos ay nagpasya ako na tumambay sa tambayan ng ibang barkada ko.

Nagpakasaya kami buong gabi. Madaling araw na ako nakauwi. Nagpahinga lang ako ng ilang oras pagkatapos ay pumasok na kami sa school.

Nagtangka si Kazu na tanungin kami sa nangyari subalit sinabihan namin siya ni Dale na kalimutan na ang gabing iyon.

Nagpasya na rin ako na huwag nang isama si Kazu sa mga lakad ng fratmates namin para na rin sa kaligtasan niya.

Tahimik lang kami habang patungo sa classroom. Naabutan namin doon ang mga kaklase namin na tahimik na nagrereview para sa quiz na hindi ko naman pinag-aksayahan ng oras.

Sa halip na magreview ay ginugol ko ang oras ko sa pagtitig kay Gael. Mukhang naramdaman naman niya ang ginagawa kong pagsuri sa kanya. Nakita ko ang marahan niyang paglingon sa gawi ko.

Nagtama ang mga tingin namin ngunit wala akong balak na magbawi ng tingin mula sa kanya. Seryoso ko siyang tinutigan at ipinaparamdam ko talaga sa kanya na alam ko na kung sino siya.

Hindi naman nagtagal ay siya mismo ang unang nagbawi ng tingin ngunit nakatulala siya sa white board. Tila ba nahulog siya sa malalim na pag-iisip.

Napataas ang isang sulok ng labi ko habang hindi ko pa rin hinihiwalay ang tingin ko sa kanya.

Sinulyapan ko si Kazu na ngayon ay abala din sa pagrereview. Hinayaan ko na lang siya saka ko muling pinagmasdan si Gael.

Nang mainip ako dahil hindi na siya nagtangka pa muli na lingunin ako ay kumuha ako ng isang buong papel. Ginawa ko iyong bola saka ko binato sa ulo ni Gael.

Sapul!

Napalingon muli siya sa gawi ko kasabay ng paglingon din ng mga nakaramdam sa ginawa ko. Kabilang na doon si Kazu.

Ngumiti ako ng nakakaloko saka ko siya tinitigan habang nakataas ang kilay ko.

Nakita ko ang paggalaw ng mga muscles sa panga niya ngunit sa huli ay pinili niya na huwag akong patulan.

Inulit ko ang pagbato sa kanya ng papel. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa maging anim ngunit hindi na niya ako pinansin pa.

Nakita ko na abala siya sa pagsusulat kaya tumayo ako saka ko sinipa nang malakas ang upuan niya. Mahabang guhit tuloy ang nagawa ng ballpen niya sa notebook na sinusulatan niya.

Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ulit nang malakas ang silya niya. Doon na siya napuno. Padabog siyang tumayo upang harapin ako.

“Ano bang problema mo ha?” matapang na sambit niya saka niya ako kinuwelyuhan.

Mahigpit ko namang dinakma ang braso niya na nakahawak sa akin saka ko iyon marahas na ibinalibag sa ere.

“Ikaw ang problema ko.” maangas na sabi ko saka ko siya marahas na tinulak sa dibdib dahilan upang mapaupo siya muli sa silya niya.  Gumawa iyon ng ingay kaya sa amin na napunta ang atensyon ng lahat.

“Masyado kang maangas. Hindi mo muna kinikilala kung sino ang binabangga mo.” inis na sabi ko.

Napasulyap ako sa mga nagbubulungan sa paligid at nang muli kong balingan si Gael ay isang malakas na suntok ang tumama sa panga ko.

Napaatras ako at tinamaan ko ang dalawang kaklase ko na nasa likuran ko. Malalakas na singhap ang narinig ko.

Nang muli kong balingan si Gael ay galit na anyo niya ang bumungad sa akin at naniningkit ang mga tingin niya.

“Gago ka pala eh.” galit din na sabi ko saka ko siya sinikmuraan na hindi niya inasahan. Napaungol siya sa sakit kasabay ng pagbagsak niya sa sahig.

Muli ko sana siyang susugurin pero inawat na ako ni Kazu at ng iba pa naming mga kaklase.

“Red, ano ba? Tumigil ka na.” sigaw ng pinsan ko habang mahigpit niya akong niyayakap.

Tinulungan naman ng iba naming kaklase si Gael na makabangon kasunod ng pagbaling niya ng tingin sa akin.

Malakas na suntok ang ginawa ko sa silya ni Kazu saka na ako mabilis na kumalas mula sa pagkakayakap niya.

Dinampot ko ang gamit ko saka ako nagmamadali na lumabas ng classroom. Narinig ko pa ang malakas na pagsigaw ni Kazu sa pangalan ko ngunit nagpatuloy lang ako sa paglakad ng mabilis.

Nagtungo ako sa condo upang kunin ang kotse ko. Naisipan ko na magdrive  mula Maynila hanggang Cavite upang dalawin ang puntod ni Mama.

Pero hindi ko rin nagawa. Hindi ko magawa na paandarin ang sasakyan kahit pa nasa driver’s seat na ako.

Dala ko pa rin sa isip ko ang bakas ng pagkakaaksidente ko.

Naiinis ako na lumabas ng unit saka na ako nag-taxi hanggang sa Cavite.

Doon ako nagpalipas ng maghapon at isinumbong ko sa kanya ang lahat ng hinanakit ko kay Daddy at sa bagong pamilya nito.

Madaling araw na nang makabalik ako ng Maynila. Dumaan muna kasi ako sa isang kilalang resto bar malapit sa condo ko bago ako umuwi.

Pagpasok ko sa unit ay tahimik na sa loob. Hindi na ako nagbukas ng ilaw at sinanay ko ang mata ko sa dilim.

Ilang sandali pa ay naisipan ko na silipin ang anak ni Aileen sa silid nito. Hindi nakalock ang pinto kaya madali akong nakapasok.

Hindi nga ako nagkamali dahil si Gael mismo ang nakikita ko na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.

Kahit sa dilim ay hindi maipagkakaila na may taglay na kakisigan ang anak ni Aileen. Nakikita ko ang mukha niya mula sa maliwanag na sinag ng buwan na nagmumula sa bintana.

Hindi siya nagbukas ng aircon at hinayaan niya na nakabukas ang mga bintana upang pumasok ang hangin.

Lumapit ako sa kama niya saka ko mas lalong pinagmasdan ang payapa niyang mukha.

Nagtataka rin ako sa sarili ko dahil hindi ko makapa sa dibdib ko ang kanina ay namamahay na galit para sa kanya.

Masyado yata akong naging marahas sa kanya. Hindi ko kailangan idamay pa ang anak sa galit ko sa kanyang magulang. Iyon ang madalas na ituro sa akin ni Lola noon.

Inangat ko ang kamay ko upang ayusin ang pagkakakumot niya ngunit nagbago ang isip ko.

Naglakad ako palabas ng silid na iyon saka ako pumasok sa sarili kong silid.

Sinulit ko na ang pagkakataon upang makapagpahinga ako ng maayos. Hindi na lang ako papasok sa susunod na araw upang makapag-isip ako ng mabuti.

Ngunit inabot na ako ng umaga sa higaan ko ay hindi ako dinalaw ng antok. Nagpasya na lang ako na lumabas para mag-jogging.

Dumaan ako sa convinient store para makapamili ng maaaring iluto sa almusal pagkatapos ay bumalik na ako sa unit.

Nagsalang na ako ng kanin sa rice cooker saka ako nagtimpla ng kape. Corned beef lang ang nabili ko na ulam saka itlog.

Gumawa na lang ako ng omelete saka ko iginisa ang corned beef. Dahil hindi naman ako likas na masama ay idinamay ko na rin pati si Gael.

Nang makapagluto ako ay nagtungo ako sa sala saka ko binuksan ang tv para manood ng pang-umagang balita.

Bitbit ang mainit na kape na tinimpla ko ay tahimik akong naupo sa sofa at nakinig sa mga bagong balita.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan sa silid ni Gael. Sinadya ko na huwag sumulyap doon. Humigop na lang ako ng kape saka ako nag-focus sa television.

“R-Red?” narinig kong sambit niya sa pangalan ko. Sinulyapan ko siya sandali pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko sa pinapanood ko.

“Paano ka naka…” hindi niya itinuloy ang sinasabi niya. Nakita ko ang pagkalito sa anyo niya kasunod ng pagkabigla. Ilang sandali siyang napaisip bago siya muling tumingin sa akin.

“Ikaw si Tor!” malakas na bulalas niya. May kumpirmasyon sa tinig niya.

Bumaling ako sa kanya saka ko inilapag ang hawak kong tasa sa mesa.

“Huwag ka nang umasta na hindi mo alam. Hindi ba at noon pa lang ay kilala mo na ako kaya mo ako inaangasan?” sabi ko.

Bumakas ang pagkalito sa anyo niya pero hindi niya ako maloloko sa pagkakataon na ito.

Hindi ako kailanman naloko ni Aileen at wala rin akong balak na magpaloko sa anak niya.

Kumuyom ang mga kamao ko saka ko sinigawan si Gael.

“Sabihin mo sa akin kung ano ang mga iniuutos sayo ng magaling mong nanay? Bakit ka nagpapanggap na hindi mo ako kilala sa school?” hiyaw ko.

Redentor Serrano (8)

You’re Not My Brother

Episode 8

Red

“Ano bang sinasabi mo?” aniya sa malumanay na tinig. Nakikita ko ang pagsisikap niya na pagaanin ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

“Bakit ka ba nagagalit nang ganyan? Hindi mo kailangan sumigaw dahil naririnig naman kita.” patuloy pa niya.

Naniningkit na mga titig ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ako saka ako humakbang palapit sa kinatatayuan niya.

Matapang naman niyang sinalubong ang mga tingin ko at hindi nawawala sa mga mata ko ang tingin niya.

“Sabihin mo sa akin. Bakit kailangan mong magpanggap?” muli ay tanong ko sa kanya sa malamig na tinig. “Kilala mo na ako nung una pa lang diba? Inutusan ka ba ng pokpok mong nanay?”

“Tang-ina mo bawiin mo ang sinabi mo!” galit na sigaw niya kasabay ng marahas na pagtulak niya sa dibdib ko at ang mahigpit na paghatak niya sa kuwelyo ng damit ko.

Hindi naman ako nabahala sa naging reaksyon niya. Alam ko na gagawin niya ito.

Tinawanan ko siya saka ko siya mas lalong inasar upang tuluyan na siyang mapikon. Hindi ako kuntento na nakikita siya na kalmado.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko ngunit sa tuwing napapainit ko ang ulo ni Gael ay naaliw ako.

“Bakit? Totoong pokpok naman ang nanay mo diba? Pinagpasahan na ng iba’t ibang lalaki bago niya nakilala ang Daddy ko.”

“Tarantado!” mura niya saka niya ako tinangkang suntukin ngunit mabilis ko na siyang ginamitan ng self defense skills ko.

Nagkataon lang na naisahan niya ako sa school kahapon kaya niya ako nasapak pero hindi ko na papayagan na maulit niya iyon.

Sa isang iglap lang ay mabilis ko na siyang naibalibag pahiga sa sahig. Bahagya pa siyang napaungol nang marahil ay nasaktan siya.

Natigilan ako at nakadama ng kaunting guilt. Shit! Naputuhan ko ba siya?

Mabilis kong sinulyapan ang mukha niya ngunit nagtangka naman siyang sipain ang sikmura ko kaya mabilis kong iniiwas ang katawan ko.

Natawa pa ako habang nagsisimula na siyang bumangon. “Gago ka ah. Naiisip mo pa lang ay alam ko na kung ano ang mga susunod na ikikilos mo. Hindi ka mananalo sa akin Gael kung sa pisikalan lang din naman.” mayabang na sabi ko.

Kung nakamamatay lang ang mga tingin na ipinukol niya sa akin ay malamang na bumagsak na ako ngayon sa sahig.

Binigyan ko siya nang naaliw na tingin saka ko siya nginisian. Ngising demonyo. Ngising nang-aasar.

“Hindi mo ba alam na pokpok ang Nanay mo?”

“Naging dancer siya sa club pero hindi siya naging pokpok.” madiin na sabi niya at kababakasan mo ng galit ang tinig niya.

“Talaga? Yun ang sinabi niya sayo?”

Nakita ko ang kalituhan sa mga mata niya pagkatapos ay ang galit at inis.

“Kung totoo man na hindi mo alam ang tungkol doon. Isa lang ang masasabi ko sayo. Hindi mo yata masyadong kilala ang Nanay mo.” sabi ko.

Tumigas ang anyo niya at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Ilang sandali pa ay muli na naman niya akong sinugod ng suntok.

“Sumusobra ka na. Tang-ina mo. Gago!” sigaw niya.

Mabilis kong naiwasan ang unang suntok niya ngunit ang ikalawa mula sa kaliwang kamao niya ay hindi ko inasahan.

Tumama iyon sa mukha ko at napasadsad ako sa pader. Grabe. Lakas sumuntok ng kaliwa niya.

Hindi pa siya nakuntento muli na naman niya akong tinangka na suntukin pero nasipa ko ang tuhod niya kaya napaatras siya.

Inilagan ko na ang mga sumunod niyang suntok hanggang sa magpambuno kaming dalawa.

Ilang beses pa niya akong nasaktan habang ako ay pinipigilan ko ang sarili ko na saktan siya dahil sa totoo lang ay alam ko na masyado akong naging marahas sa kanya dahil sa mga sinabi ko.

Halos dalawang minuto rin kaming nagsukatan ng lakas hanggang sa sabay kaming bumagsak sa sahig.

Nakahiga siya habang ang buong bigat ko naman ay dumagan sa kanya. Nakita ko na napangiwi siya nang muling tumama ang likod niya sa matigas na tiles.

Natigilan ako kasunod ng pag-iyak niya. Hindi ko inasahan iyon. Masyadong maangas si Gael para umiyak nang ganito dahil lang nasaktan siya sa pagbagsak namin.

Pero hindi pala iyon ang dahilan kundi ang pambabastos na ginawa ko sa Nanay niya. Nakadama ako ng guilt habang pinagmamasdan ko siya.

Marahan akong pumaikot at humiga sa tabi niya. Hinihingal pa ako dahil sa ginawa kong pakikipagbuno kay Gael.

“Dapat talaga hindi na lang ako pumayag sa gusto ni Mama na dito tumira kasama ka. Sa simula pa lang ay alam ko na, na ganito ang mangyayari.”

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang ako na nakatitig sa kisame kagaya niya.

“Kung paaalisin mo ako dito ay bigyan mo ako ng sapat na panahon para makaipon ng ibabayad ko sa renta ng lilipatan ko.”

Napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang pagpunas niya sa mga luhang dumaloy sa mukha niya. Napasinghot din siya saka siya nagtangka na bumangon na.

Nakita ko na iniinda pa rin niya ang sakit na dulot ng maling pagbagsak ng katawan niya.

Tatayo na sana siya nang mabilis akong bumangon saka ko hinila ang braso niya kaya muli siyang napaupo.

Lumingon siya sa akin pagkatapos ay sa braso niya na hawak ko pa din.

“Gago ako Gael. Pero hindi ako masamang tao. Hindi kita pinapaalis dito. Gusto ko lang malaman kung bakit nagpanggap ka na hindi mo ako kilala.”

Binawi niya ang braso niya saka na siya marahan na tumayo. Ilang hakbang na ang natatahan niya nang bigla ay huminto siya saka niya ako muling binalingan.

“Hindi ako kailanman nagpanggap. Ngayon ko lang nalaman na ikaw ang anak ng bagong asawa ni Mama.” aniya na kababakasan mo ng kalamigan ang tinig niya.

Dumiretso na siya sa silid niya habang ako naman ay nakatulala pa rin sa pintuan na pinasukan niya.

Muli ay naalala ko ang likod niya. Hindi naman masama ang tama niya dahil nakapaglakad pa siya ng diretso pero alam ko na kailangan niya ng cold compress.

Mabilis akong bumangon saka ako kumuha ng ice cubes sa freezer. Inilagay ko iyon sa ice bag saka ako pumasok sa silid ni Gael.

Naabutan ko siya na nahihirapan sa paghubad ng T-Shirt niya kaya mabilis ko siyang nilapitan at tinulungan ko siya na mahubad iyon.

Dinama ng palad ko ang makinis niyang likod dahilan upang mapakislot siya saka niya iniiwas ang katawan niya.

“Anong ginagawa mo?” uncomfortable na tanong niya.

“Uh! Masama ang bagsak ng likod mo kaya kailangan ay malapatan kaagad yan ng cold compress bago pa mamaga.” sabi ko saka ko na kinapa ang likod niya upang malaman ko kung saang parte ang tama niya.

“Aww!” daing niya saka siya napalayo nang makapa ko na kung saan ang masakit.

Nakita ko na napapikit siya nang maidampi ko na ang ice bag sa parte na injured.

Naupo na rin ako sa kama upang hindi ako mahirapan sa ginagawa ko. Hindi ko naiwasan na hangaan ang makinis na balat niya sa kabila ng katotohanan na pareho kaming lalaki.

“Bakit mo to ginagawa?” bigla ay tanong niya.

Napahinto ako sa pagtapal ng compress sa likod niya saka ko siya tiningnan. Nakabaling na rin sa akin ang ulo niya.

“Hindi ba galit ka sa akin?” dugtong pa niya.

Napailing naman ako saka ako bahagyang nangiti. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam.

“Hindi ako galit sayo. Galit ako sa Nanay mo.” sabi ko saka ko na muling tinapalan ang likod niya.

Napadiin iyon kaya napaungol siya. Natataranta naman ako na inalis iyon saka ko muling ibinalik nang may pag-iingat.

Mahabang katahimikan ang sumunod na namagitan sa aming dalawa. Wala kahit na isa ang gustong bumasag nito. Hanggang sa ako na ang nagkusa.

“Hindi kita pinapaalis dito, Gael. Sa tingin ko ay makakasundo naman kita. Hindi ko nararamdaman sayo ang disgusto na nararamdaman ko sa tuwing nakakaharap ko ang Nanay mo.”

Hindi niya ako sinagot ngunit nakita ko na tila napapaisip siya habang patuloy pa rin ako sa ginagawa ko sa likod niya.

Malalim na buntong-hininga ang sumunod na narinig ko sa kanya.

“Feeling better?” tanong ko.

Tumango naman siya saka ko na inalis ang ice bag sa likod niya.

“Salamat!” sambit niya.

Nginitian ko naman siya saka na ako tumayo upang lumabas. Nasa pintuan na ako at hawak ko na ang doorknob nang huminto ako saka ko siya muling binalingan.

“Lumabas ka na at kumain ka. Nagluto na ako ng almusal. May pasok pa tayo mamayang alas nueve.”

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Lumabas na ako upang makapaghanda na rin sa pagpasok ko.

Nang makaligo ako ay naabutan ko si Gael na nakaupo sa may mesa. Nakahanda na ang mga plato at tila ba hinihintay talaga niya ako na lumabas.

Nakahubad-baro pa rin siya ngunit may nakasabit nang tuwalya sa katawan niya. Hindi ko tuloy naiwasan na sipatin ang dibdib niya na bahagya nang natatakpan ng towel.

“Magkano ba ang nagastos mo sa almusal? Babayaran ko na lang ang kalahati.” sabi niya.

“Para kang sira!” sagot ko. “Hindi kita sinisingil kaya tigilan mo ako.”

Pinunasan ko ng towel ang basang buhok ko. Saka na ako naglakad upang magtungo sa silid ko.

Hinubad ko na ang roba na suot ko at nagsimula na akong magsuot ng uniform.

Paglabas ko ay hinintay ko nang matapos maligo si Gael. Sabay kaming kumain at sabay din kami na pumasok sa school.

Kahit hindi ako masyadong iniimik ni Gael sa buong durasyon na magkasama kami ay napanatag pa rin ako.

Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang kahahantungan namin ng anak ni Aileen. Hindi naman pala siya mahirap kausap at sa nakikita ko ay magkakasundo naman kami.

Mula sa condo ay mga ten minutes walk ang layo ng school. Kadalasan ay sumasakay pa ako ng taxi sa tuwing papasok ako simula nang huminto ako sa pagda-drive ng kotse.

Pero dahil nagsimula nang maglakad si Gael ay napasunod na lang din ako sa kanya.

Dahil maaga pa ay hindi pa masyadong mainit kaya kumportable akong naglakad.

Nasa main road na kami nang maalala ko yung araw na nakita ko siya na naglalakad pauwi.

“Nilalakad mo lang ba talaga to sa tuwing papasok at uuwi ka?” tanong ko sa kanya.

Tumango siya. “Hindi naman ako mayaman na kagaya mo para sumakay pa ng taxi. Malapit lang naman ang school.” sagot niya.

Napatango na lang ako at dahil nararamdaman ko na parang ayaw naman niya akong makausap nang matagal ay hindi na ako nagtangka pa na muli siyang kausapin.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin. Kapag nasa sasakyan ako ay hindi ko masyadong napapansin ang mga iyon.

Ngayon ko naisip na nakakaaliw din pala ang maglakad. Hindi na masama lalo na kung ganito naman kaaga ang pasok namin.

Dahil naaliw ako sa paglalakad ay nakalimutan ko na daanan si Kazu sa tambayan namin.

Nakasimangot tuloy siya nang pumasok siya na classroom at inis na sumulyap sa akin.

Nang makaupo na siya sa upuan niya ay bumaling siya sa akin.

“May utang ka sa akin. Ikaw sng magbabayad ng lunch ko mamaya.” sabi niya.

Natatawa naman ako na sumagot. “Oo na!” sabi ko.

Natapos ang unang klase na wala man lang akong naintindihan sa mga diniscuss ng prof namin.

Naubos ang oras ko sa pagtanaw sa labas ng bintana at sa pagsulyap kay Gael na hindi man lang bumaling kahit minsan sa gawi ko.

Nakadama ako ng pagkainis kaya may naisipan akong kalokohan.

Sinipa ko ang upuan ni Kazu. Nang mapalingon siya ay nakipagpalit ako ng puwesto sa kanya.

“Ano na naman ang kalokohan na binabalak mo?” tanong niya sa akin.

Nginisian ko lang siya saka ko siya hinatak patayo mula sa upuan niya. Mabuti na lang at abala sa pagsusulat sa board ang prof namin kaya hindi niya kami napansin.

Kinuha ko yung gunting na nasa bag ko saka ko maingat na ginupit ang likurang bahagi ng suot na polo ni Gael.

Halos limang butas na ang nagagawa ko nang maramdaman niya ang paghila ko.

Mabilis kong itinago ang kamay ko na may hawak na gunting sa loob ng bag ko na nasa ibabaw ng armchair nang lumingon siya sa akin.

Nginitian ko naman siya saka ko tinaas baba ang mga kilay ko.

Mabilis na siyang humarap sa harapan nang marinig niya na nagsalita ang prof namin.


Next Update

:

You’re Not My Brother

July 25, 2020 Saturday (Next Week)

Heartless Jock

July 19, 2020 Sunday (Tomorrow)

Gabriel Robles (9)

You’re Not My Brother

Episode

9

Gael

Naiinis pa rin ako habang tinatahi ko ang mga butas ng uniform ko. Hindi naman maikakaila na si Red ang may kagagawan nito. Naramdaman ko ang kamay niya kanina.

Pero para wala na lang mahabang usapan ay minabuti ko na hayaan na lang siya. Gawin niya kung ano ang gusto niya.

Kung masaya siya sa ginagawa niyang pambubuwisit sa buhay ko ay pababayaan ko siya. Pero may hangganan din ang pasensya ko. Sana ay hindi na umabot sa punto na talagang mapipikon na ako sa kanya.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na sinikap na tapusin ang pagtatahi ng mga butas na parte.

Hindi ko pa kayang bumukod sa mga sandaling ito dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

Sa ngayon ay kailangan ko lang munang tiisin ang pagka-childish ni Red kung gusto ko na manatili sa unit na ito. Pero sa oras na kaya ko na ay lalayasan ko ang siraulong lalaki na iyon.

Habang tinatahi ko ang huling butas ay bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nakangising anyo ng demonyito kong stepbrother.

Natusok ko tuloy ng karayom ang daliri ko dahilan upang mapadaing at mapamura ako.

Nagulat pa ako nang bigla na lang may humawak sa kamay ko. Mabilis niyang inilagay sa bibig niya ang daliri ko saka niya bahagyang kinagat upang lumabas ang dugo.

Para naman akong tinamaan ng malakas na boltahe ng kuryente kaya mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Red.

“Haist! Bakit ba kasi tinatahi mo pa yan?” tila frustrated na sermon niya.

Tiningala ko siya saka ko sinalubong ang makahulugang tingin niya habang nakakunot ang noo niya.

“Kagagawan mo to diba? Kung di mo ginupit hindi sana ako magtatahi.” inis na sagot ko.

“Uhh! Isa lang ba ang uniform mo? Bakit mo ba pinagtiyatiyagahan pa na tahiin yan?” muli ay parang nanenermon na sambit niya.

Nailing na lang ako saka ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Ilang sandali ang lumipas na nakatingin lang siya sa akin bago siya muling nagsalita.

“Seryoso?” tila hindi makapaniwala na tanong niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Ilang sandali pa siyang nanatili na nakatayo doon at pinagmamasdan lang ako bago siya nagpasya na pumasok na lang sa silid niya.

Makalipas ang halos dalawang minuto ay muli siyang lumabas saka niya inilapag sa mesa ang tatlong polo niya.

Napatingin ako sa mga iyon bago ako nag-angat ng tingin sa kanya.

“Sayo na lang yan. Bago pa yan ah. Hindi ko pa naisusuot.” tila maamong tupa na sabi niya pero nararamdaman ko pa rin ang kaangasan niya.

Tumayo ako saka ko dinampot ang mga uniform na inilapag niya sa mesa. Kinuha ko ang isa saka ko siya sinulyapan.

“Kukunin ko to. Ibalik mo na sa closet mo yung iba. Hindi ko kailangan yan.” masungit na sabi ko.

Dinampot ko ang lumang polo ko na puno ng tahi saka ko inihagis sa mukha niya.

“Sayo na yan. Suotin mo kung gusto mo.” sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. Naglakad na ako patungo sa silid ko bitbit ang bagong polo na galing kay Red.

Isinabit ko iyon sa hanger sako ko ipinasok sa cabinet. Napalingon pa ako nang bigla na lang pumasok si Red.

Dumiretso siya sa kama saka niya ibinagsak ang katawan niya doon.

“Hindi ka ba kakain?” nakalabi na tanong niya saka siya nag-angat ng ulo upang sulyapan ako. Hinawakan niya ang tiyan niya saka niya iyon hinimas. “Nagugutom na ako.”

“Kumain ka sa labas. Marami ka namang pera diba?” sarkastiko na sagot ko saka na ako nagtungo sa kabilang dulo ng kama upang ayusin ang gamit ko na nakakalat doon.

“Haist! Tinatamad ako na lumabas. Isa pa nakakasawa na ang pagkain sa doon.” tinatamad na sambit niya. “Teka, marunong ka bang magluto?” tanong niya saka siya mabilis na bumangon at naramdaman ko na lang na nasa may bandang likuran ko na siya.

Sinulyapan ko siya at ang seryosong anyo niya ang bumungad sa akin habang hinihintay ang isasagot ko.

Hindi ko alam kung paano ako nauto ng lalaking ito pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagluluto na ako ng pagkain namin sa kusina.

Nakaupo lang sa gilid ng mesa si Red at matiyaga niya akong pinapanood sa ginagawa ko.

Dahil kulang na sa oras ay adobong manok na lang ang niluto ko para sa hapunan namin.

Marunong akong magluto dahil bata pa lang ako ay madalas na akong tumutulong sa pagluluto ni Lola.

Nagbukas din ng maliit na kainan si Tatay at ako ang katulong niya sa pagluluto at pag-aasikaso sa mga customers niya.

Bigla ko tuloy siyang naalala. Ngayon na wala na ako doon, nakakaya niya kaya na mag-isa ang mga trabaho niya?

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na inilapag sa mesa ang pagkain. Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ni Red habang nakatingin doon.

“Nagluluto ka ba lagi sa inyo? Nakakatakam ang amoy.” aniya saka siya tumusok ng isang hiwa ng manok gamit ang tinidor.

Nilantakan niya iyon saka siya natutuwa na tumingin sa akin. “Hmm! Sarap nito ah.”

Hindi ko na lang siya pinansin. Naupo na rin ako sa tapat niya at nagsimula na akong sumandok ng pagkain.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang bigla akong tawagin ni Red.

“Uh, Gael!” sabi niya.

“Umm?” sagot ko naman habang patuloy ako sa pagkain.

“Naisip ko lang. Let’s make a deal. Ako na ang gagastos sa lahat ng kakainin natin dito pero ikaw lagi ang magluluto.”

Napahinto ako sa pagsubo saka ko siya pinagmasdan nang mataman.

Napakurap pa siya bago siya muling nagsalita. “Naisip ko lang naman. Pwede ka naman tumanggi pero sana pumayag ka.”

Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan. Pinag-aaralan kung seryoso ba talaga siya.

Tumango na lang ako saka na ako nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na tatanggihan iyon dahil malaki rin ang maibabawas ng deal na ito sa mga gastusin ko.

Saka para na rin makabawi ako sa mga kagaguhan sa akin ng mokong na to.

“Ibig sabihin ba niyan, pumapayag ka na sa deal?” tanong niya.

Hinarap ko siya saka ako sumagot. “Oo. Pero ikaw din ang mamimili. Magluluto lang ako.” sabi ko.

Matamis na ngiti naman ang isinagot niya sa akin.

“Ikaw din ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin” dugtong ko pa.

Napangisi naman ako sa naging reaksyon ng mukha niya.


Nakahiga na ako sa kama nang bigla ay maisip ko si Red na nasa kabilang silid lang.

Hindi naman pala talaga siya mahirap pakisamahan kagaya ng naiisip ko noon. Problema ko lang talaga sa kanya ay ang pagka-childish niya.

Dahil sa pag-iisip ko sa kanya ay bigla na lamang sumagi sa isip ko ang pagkakataon na nagdala siya ng babae dito.

Hindi ako nakatulog sa buong magdamag na iyon dahil sa nakita ko sa kabilang silid.

Hindi ko inasahan na magdadala ng babae dito ang anak ng stepfather ko.

Bumalik sa isip ko ang mga eksena na nabungaran ko dahil hindi naisara nang maayos ang pinto.

Nakahiga sa ibabaw ng kama ang babae habang si Tor ay walang pang-itaas at nakadapa sa ibabaw ng babaeng halos litaw na litaw na ang mga dibdib.

Hindi maikakaila na maganda ang babae. Sa ganda rin ng katawan nito ay hindi ko naiwasan na hindi humanga. Kahit na sinong lalaki ay maakit sa kanya. Pero hindi ako mahilig sa mga ganitong uri ng babae.

Sa nakikita ko ay nasa isang dibdib na niya ang isang palad ng stepbrother ko habang nasa kabila naman ang mga labi nito.

Napasulyap ako sa lalaking nasa ibabaw. Maputi si Tor. Malapad ang mga balikat at makinis ang balat. Hindi siya maskulado pero maganda ang hubog ng likod niya.

Ilang sandali pa ang lumipas. Napako na ako sa kinatatayuan ko. Kung sa ibang pagkakataon lang ay kanina pa ako umalis. Pero napuno ako ng curiousity sa mga sandaling ito.

Hanggang sa mapasulyap sa gawi ko ang babae.

Malakas siyang napasinghap kasabay ng marahas na pagtulak niya sa lalaking nagpapala sa mga dibdib niya.

Nataranta naman ako saka ko mabilis na isinara ang pinto. Napangiwi pa ako nang mapalakas ang pagsara ko.

Mabilis akong tumakbo sa kabilang silid at ini-lock ko iyon. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ko ang marahas na pagkatok ni Tor.

Ngunit lumipas na ang halos kalahating oras ay hindi pa rin nangyayari ang inaasahan ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Gayunpaman ay nagpasya ako na huwag na munang lumabas ng silid hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan

ay nagising ako sa tunog ng alarm clock. Pinatay ko iyon saka ako nag-unat ng katawan. Bumangon ako mula sa kama saka ko na hinablot ang tuwalya ko mula sa rack.

Pinakiramdaman ko muna kung may tao sa labas bago ako lumabas. Napako ang tingin ko sa saradong pintuan ng kabilang silid.

Nasa loob pa rin kaya si Tor at yung babaeng kasama niya? Kapag bigla siyang lumabas at naabutan ako dito ano ang sasabihin ko?

Muli na naman akong nailing saka na ako mabilis na pumasok sa banyo. May klase ako ngayong umaga pero hindi ko kailangan magmadali dahil kahit puyat ako ay maaga akong nagising.

Hanggang sa makapagbihis ako ay panay pa rin ang sulyap ko sa pintuan ng kabilang silid.

Lumapit pa ako doon saka ko idinikit ang tenga ko ngunit wala na akong marinig na kahit na anong ingay sa loob.

Napailing na lang ako dahil sa itinakbo ng isip ko. Hinila ko ang unan saka ko itinakip sa mukha ko. Sinikap ko na makatulog hindi ko naalala na may quiz pala kami kinabukasan.


Nagrereview ako para sa quiz nang bigla na lamang may umupo sa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin at ang nakangiting mukha ni Kevin ang bumungad sa akin.

“Maaga ka ngayon ah.” sabi niya.

“May quiz kami ngayon.,” sagot ko naman saka ako nagpatuloy sa pagbabasa.

Kahit papaano ay nakapagreview naman ako kahapon. Binabalikan ko lang ngayon dahil baka makalimutan ko mamaya.

Naramdaman ko na may inilapag si Kevin sa mesa malapit sa kamay ko. Napatingin ako doon. Isang plastic container iyon na naglalaman ng fried rice at ulam.

“Hindi ka mabubusog diyan sa kinakain mo.” sabi niya.

Napangiti naman ako. Hindi pa rin talaga nagbabago si Kevin. Kahit noong senior high kami ay palagi na niya akong hinahatian sa baon niya.

Kaya malaki ang naging pasasalamat ko dahil dito rin siya sa university na ito nag-aral.

Dahil hindi naman ganun kayaman ang pamilya nila ay nagpasya siya na magtrabaho para matustusan niya ang mga personal na luho niya.

“Baka naman pwede pa ako doon sa pinapasukan mo ngayon?” bigla ay naisip ko na itanong sa kanya. “Kailangan ko ng trabaho.”

“Umm..” aniya saka siya sumulyap sa akin.

“Aalis na ako doon. Masyadong late na ako nakakauwi. Sa coffee shop ako nag-apply. Sasabihan kaagad kita kapag nakapasok na ako doon. Tatapusin ko lang itong cut off sa bar na pinapasukan ko. Nung nakaraan pa dapat ako nakaalis doon. Kaya lang ay nagkasakit yung kasamahan ko kaya na-extend ako.”

Tumango na lang ako saka ko na kinain ang pagkain niya. Dahil mas maaga ang pasok niya ay nauna na siya sa classroom niya.

Naiwan ako na abala pa rin sa pagrereview nang lapitan ako ng tatlong lalaki.

Kilala ko sila. Classmate ko sila. Si Jojo at ang mga kaibigan niya. Umupo sila sa mismong kinaroroonan ko.

Inakbayan pa ako ni Jojo saka siya bumulong. “Bakit ka mag-isa? Wala yata yung boyfriend mo?” tanong niya.

Alam ko na anh tinutukoy niya ay si Kevin. Dahil wala naman akong ibang kinakausap at nakakasama dito sa school kundi siya.

“Hindi ko siya boyfriend. Gusto mo ba siya? Irereto kita sa kanya?” sarkastikong sagot ko dahil hindi ko nagugustuhan ang tabil ng dila niya.

Kahit sa classroom ay puro katarantaduhan ang mga lumalabas sa bibig nila.

“Gago, ano ako bakla?” mayabang na tanggi niya. Nagtawanan ang mga kasama niya.

Napailing na lang ako saka ko na iniligpit ang mga gamit ko. Tumayo ako at akma nang aalis nang hawakan niya ako sa braso.

“Pakopyahin mo kami sa quiz. Kundi babasagin namin yang matigas mong pagmumuka.” banta niya sa akin.

Marahas kong binawi ang braso ko saka ko siya sinagot. “Kung gusto mong pumasa, magreview ka. Hindi ako nagpapakopya.”

Tinalikuran ko na sila pero isang malakas na tadyak ang tumama sa likod ko dahilan upang bumagsak ako sa damuhan.

Kung hindi ko naiharang ang mga braso ko ay ang mukha ko ang sasadsad doon.

“Yabang mo ah. Kaya mo na ba ha?” maangas na banat niya saka nila ako pinagtatadyakan.

Hinaharang ko ang mga braso ko upang hindi tamaan ang katawan ko pero tatlo sila.

Ilang sipa at tadyak pa ang inabot ko bago ko naramdaman na may mga sumasapak na sa kanila.

Masakit ang katawan ko pero sinimulan ko nang bumangon at nakita ko na lang na duguan na sina Jojo.

Ginulpi sila ni Red at ng kasama niya. Si Kazu naman ay inalalayan ako na makatayo kasunod ng malakas na pagpito.

Dinala kaagad ako ni Kazu sa clinic samantalang si Red at ang iba pa ay dinala sa office of the prefect of discipline.


Next Updates:

You’re Not My Brother

August 1, 2020 Saturday (Next Week)

Heartless Jock

July 26, 2020 Sunday (Tomorrow)

Gabriel Robles (10)

You’re Not My Brother

Episode 10

Gael

Nagpahinga ako sa clinic matapos na magamot ang mga sugat ko. Dahil may quiz pa kami ay iniwanan din ako doon ni Kazu.

Sinundo naman kaagad ako ni Kevin nang malaman niya ang tungkol sa nangyari.

Hindi na niya pinasukan ang susunod na klase niya. Doon niya ako pinatuloy sa apartment na tinutuluyan niya.

Maliit lang iyon pero dahil mag-isa lang siya at wala pang masyadong gamit ay nagmumukhang maluwang.

“Baguhin mo na kasi yung ugali mo. Yung pagiging suplado mo at pag-aangas. Nasa Maynila na tayo. Maraming gago sa lugar na to.” sermon niya sa akin.

Hindi ko na lang siya sinagot at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama niya. Ngayon ko nararamdaman ang pananakit at gusto ko na lang ihiga ito magdamag.

“Pero hindi pa rin tama yung ginawa nila sayo. Subukan lang nilang ulitin ang ginawa nila. Makakatikim talaga sila sakin.”

Pumikit na lang ako saka ko dinama ang ginhawa na nararamdaman ko dahil nakahiga na ako ng maayos ngayon.

“Dito na lang ako matutulog.” sabi ko.

Napailing na lang siya saka na siya nagsimulang magbihis. “Mas mabuti pa nga. Pero aalis ako. May pasok ako sa trabaho. Maiiwan ka muna dito.” sagot niya habang nagpapalit siya ng damit.

Nnag makapagbihis siya ay bumili siya ng pagkain sa labas. Inihatid niya iyon sa akin bago siya muling lumabas.

Madaling araw na nang makauwi si Kevin. Nahiga na lang siya sa tabi ko hanggang sa makatulog na siya.

Hindi ako nakapasok sa sumunod na araw dahil nananakit pa rin ang buong katawan ko. Dito na rin muna ako pansamantalang tumuloy sa apartment ni Kevin sa loob ng maghapon na iyon.

Gabi na nang magpasya ako na umuwi sa condo. Naabutan ko si Red na nakaupo sa sofa. Tila ba napakalalim ng iniisip niya. Nakatanga siya sa labas ng glass wall.

Marahas pa siyang napalingon nang maramdaman niya ang pagpasok ko.

Natigilan naman ako nang makita ko ang mabalasik na anyo niya habang nakatingin siya sa akin.

“Saan ka nanggaling?” galit na galit na tanong niya.

Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Ilang hakbang lang ay nasa harapan ko na siya.

“Ano na naman ba ang problema mo?” patamad na angil ko. Humakbang na ako patungo sana sa silid ko ngunit marahas na hinatak ni Red ang braso.

“Kinakausap pa kita!” galit na hiyaw niya.

Gumalaw ang mga labi ko saka ko siya patamad na tinitigan. Nakikita ko ang inis at galit sa mga mata niya habang nakatitig din siya sa akin.

“Alam mo, magpalamig ka muna ng ulo. Masyado ka na namang hyper.” sabi ko saka ko binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“Binalikan kita sa clinic kahapon pero wala ka na. Magdamag akong naghintay sa pag-uwi mo dahil nag-aalala ako sa kundisyon mo. Maghapon akong nag-stay dito sa unit sa pag-aakala na maaga kang darating. Putang-ina! Ngayon na tinatanong kita kung saan ka nagpunta ganyan ang iaasta mo sa akin? Nabugbimog ako dahil sayo…”

“Hindi ko sinabi na makipagbasag-ulo ka kahapon. Ginusto mo yun. Doon ka magaling diba? Sa pambubully at pakikipag-away.” putol ko sa sinasabi niya.

“Kung hindi kita tinulungan ay baka hindi lang sakit ng katawan ang inabot mo. Malamang ay nakaratay ka na sa ospital ngayon. Hindi mo kilala sina Jojo. Kaya ka nilang lumpuhin kapag ginusto nila.” galit pa rin na hiyaw niya ngunit sa huling mga kataga ay nahimigan ko ang concern sa tinig niya.

“Tinatanaw ko na malaking utang na loob ang ginawa mong pagtatanggol sa akin kahapon pero wala kang karapatan na sigaw sigawan ako nang ganyan, Red.”

“Nag-alala ako sayo kaya ako nagagalit nang ganito. Hindi mo man lang inisip na babalikan kita doon sa clinic. Wala akong number mo at hindi ko alam kung saan kita makokontak.”

Pinagmasdan ko siya nang ilang sandali bago ako nagsalita sa mahinahon nang paraan.

“Nanggaling ako sa bahay ng kaibigan ko. Doon ako nagpalipas ng magdamag at maghapon. Salamat sa pag-aalala pero hindi na ako bata. Kaya ko ang sarili ko.”

“Damn you!” mahina ngunit galit na mura niya. Hindi ko na lang iyon pinansin.

“Nakuha mo na ang sagot na gusto mo. Magpapahinga na ako.” malamig na sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang paglambot ng anyo niya habang tila concern siya na nakatitig sa akin. Muli ko na siyang tinalikuran. Naglakad na ako patungo sa silid ko.

“Kumain ka na ba?” pahabol na tanong niya.

Huminto ako sa paghakbang saka ko siya sinulyapan.

“Hindi ako gaganahan kung ikaw lang din naman ang makakasabay ko.” malamig pa rin na sagot ko. Naiinis pa rin kasi ako sa inasta niya kanina.

Dire-diretso na akong pumasok sa silid ko saka ko ibinagsak sa ibabaw ng kama ang katawan ko.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na magbukas ng ilaw. Tumitig lang ako sa madilim na kisame. Iniisip ang mga nangyari sa nagdaang mga araw.

[I wanna feel your touch

It’s burning me like an ember]

“Nag-aalala ako sayo anak. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng stepbrother mo. Siya ang makakasama mo doon hindi ang Mama mo. Pero kapag nagkaproblema ka sa kanya ay huwag kang mahihiya na magsabi sa akin. Ingatan mo ang sarili mo.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Yumakap din sa akin si Tatay. Yakap na matagal ko nang hindi nararanasan mula sa kanya.

Ilang sandali pa ay inihatid na niya ako sa kotse ni Mama.

[Pretending is not enough

I wanna feel us together]

“Mabait na bata naman daw si Tor. Nagrerebelde lang dahil galit siya sa Daddy niya. Kung may gawin man siyang mga bagay na hindi mo magugustuhan sana anak huwag mo na lang patulan kung hindi naman big deal.” sabi ni Mama habang nagmamaneho siya sa kahabaan ng NLEX.

Hindi ko siya sinagot. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa dinadaanan namin. Bago sa paningin ko ang lahat.

[So I’m giving in

,

So I’m giving in

To the trouble I’m in]

Napapikit ako nang simulang dampian ni Red ng cold compress ang masakit na likod ko. Nakagaan sa pakiramdam ang ginagawa niya.

Notification mula sa cellphone ko ang nagpabalik sa isip ko sa kasalukuyan. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko saka ko binuksan.

Facebook friend request.

Redentor Serrano

Binuksan ko ang profile niya. Mga solo pictures ni Red at mga inuman at galaan nila ng mga kaibigan niya.

Nothing interesting. Pipindutin ko na sana ang cancel request button nang mapahinto ang daliri ko.

Ilang sandali akong natulala sa screen.  Nakatingin sa pangalan ni Red at sa matamis na ngiti niya sa profile picture niya.

Ngunit sa kabila ng mga ngiti na iyon ay mapapansin sa mga mata niya ang kakaibang lungkot. Hindi iyon maitatago.

Natukso tuloy ako na buksan ang photo album. Hindi mahilig magpost si Red ngunit may iilang albums ako na nakita.

Karamihan sa makikita sa account niya ay mga tagged photos mula sa mga babae at mga kaibigan niya.

Nagpatuloy pa ako sa pag stalk hanggang sa isang larawan ang nakaagaw ng atensyon ko.

Nasa beach si Red at nakayakap sa isang napakagandang babae. Makikita sa mga mata ni Red ang kislap ng kaligayahan.

I think the woman was in her mid-forties. Simple lang ito at may matamis na mga ngiti.

Siya ba ang nanay ni Red? Napailing ako. Bakit ko ba tinatanong ang isang bagay na obvious naman.

Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang larawan lalo na si Red. Ibang Red ang nakikita ko sa larawan. Malayo sa Red na kasama ko ngayon.

Habang nakatitig pa rin ako sa stepbrother ko ay nag-pop sa notification ko ang isang message galing sa mayabang na lalaking iyon.

Hey, accept my request. Don’t be stupid!

Gusto kong manggigil sa kayabangan niya. Binalik ko na lang sa home screen ang cellphone ko saka na ako bumangon upang maligo.

Naabutan ko na nasa sala si Red nang lumabas ako. Kumakain ng junk food habang nanonood ng TV.

Nang maramdaman niya ang paglabas ko ay sumulyap pa siya sa gawi ko. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin saka ako dumiretso sa banyo.

Pagpasok ko doon ay naghubad na ako. Dahil malaki ang salamin dito kumpara sa salamin ni Kevin ay napagmasdan ko nang mabuti ang mga pasa na inabot ko sa grupo nina Jojo.

Kung hindi kita tinulungan ay baka hindi lang sakit ng katawan ang inabot mo. Malamang ay nakaratay ka na sa ospital ngayon.

Nagbabad ako sa shower nang halos kalahating oras. Nilinis ko ang bawat sulok na parte ng katawan ko. Ngunit hindi malilinis ng tubig at sabon ang mga pasa.

Mabuti na lamang ay nasa mga parteng natatakpan ng damit ang mga iyon.

Nang matapos ako ay saka ko lang naalala na hindi pala ako nakapagdala ng towel. Mabuti na lamang ay nasa loob ng banyo ang roba ni Red.

Hiniram ko muna iyon saka ko isinuot ang dala kong underwear. Natawa pa ako sa sarili ko. May dala akong boxer brief pero yung tuwalya kinalimutan ko.

Kahit basa pa ang buhok ko ay lumabas na ako ng banyo. Napatigil pa ako sa paghakbang nang mabungaran ko si Red na nasa labas at tila ba hinihintay ako na lumabas.

Naglakbay ang mga mata niya mula sa basa ko pang dibdib pababa sa flat na tiyan ko at pababa pa sa nakaumbok na harapan ko.

Nakadama ako ng pagkailang kaya mabilis kong isinarado ang roba upang matakpan ang halos hubad ko nang katawan.

Ngunit humakbang si Red papalapit sa akin. Napakurap ako habang sinasalubong ang kakaiba niyang mga tingin.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay mabilis na pumasok sa loob ng roba ang isang kamay niya.

Nahaplos ng mainit na palad niya ang makinis na dibdib ko. Para akong nakuryente at napakislot ako nang sumayad sa nipple ko ang mga daliri niya.

Napahugot ako ng hininga. Nagtatalo ang isip ko kung itutulak ko ba siya o hindi. Hanggang sa marahas niyang hinatak pahubad sa mga balikat ko ang roba.

Napasinghap ako nang tuluyan nang lumantad muli sa mga mata niya ang hubad na katawan ko.

Sabay pa kaming napatitig sa may bandang tagiliran ko kung saan litaw na litaw ang mga pasa.

Mabagal na naglakabay ang kamay niya patungo doon. Hinaplos niya at tila ba sinusundan ng mga daliri niya ang bawat parte na nangingitim.

Napakurap na naman ako saka ako napatitig sa gwapong mukha ni Red na abala sa pagsuri sa katawan ko.

Ilang sandali rin na parang huminto ang oras. Nakatitig lang ako kay Red habang nakatitig siya sa hubad na katawan ko.

His fingers tracing the bruises.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko pero sa mga sandaling ito ay nakakadama ako ng kakaibang pakiramdam.

Pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Nagugustuhan ko iyon ngunit hindi ko rin maipaliwanag kung saan nanggagaling ang takot sa dibdib ko.

Nakita ko na lamang ang pagtigas ng anyo ni Red kasunod ng marahan na pagsulyap niya sa akin.

Nagtama ang tingin namin. Sa ikalawang pagkakataon sa gabing ito ay muli ko na namang napagmasdan ang mabalasik na anyo ni Red.

Anyo na katatakutan mo kaoag natitigan mo. Malayo sa Red na nakita kanina sa larawan kasama ng kanyang ina.

“Hindi ko papalampasin ang ginawa sayo ng mga gago na yun. Sisiguraduhin ko na manghihiram sila nang mukha sa aso.”

Nakadama ako ng kakaibang kilabot dahil sa paraan ng pagkakasabi niya at sa nakikita kong bagsik sa anyo niya.

“A-anong ibig mong sabihin?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.

“Magpahinga ka na.” masuyong sambit niya saka niya muling inayos ang pagkakasuot ng roba sa katawan ko.

Nang maisuot ko na iyon ay hinaplos ng palad niya ang pagitan ng leeg at batok ko saka siya mapakla na ngumiti sa akin bago siya tumalikod at nagsimula nang maglakad papalayo.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa silid niya.

Nang maisara niya iyon ay saka ko lang napakawalan ang kanina ko pa pinipigilan na paghinga.

Ngunit naguguluhan pa rin ako sa mga huling sinabi niya.


Background Music:

Trouble I’m In - Twinbed

Gabriel Robles (11)

You’re Not My Brother

Episode 11

Gael

Kasalukuyan akong nagpapainit ng tubig nang tumunog ang doorbell.

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko saka ko sinilip sa peephole ang bisita namin ng ganito kaaga.

Napaisip pa ako sandali bago ako nagpasya na buksan ang pinto.

Mabilis siyang naglakad papasok at inilagay niya sa sofa ang mamahalin niyang bag.

Napapatanga na lang ako habang isinasara ko ang pintuan.

“Itinawag sa akin ng school mo ang nangyari sayo nung nakaraan. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Nagtungo ako dito kahapon pero walang nagbubukas ng pinto. Nasaan si Tor?” mahabang litanya niya.

“Hay! Natutulog pa siya. Napakaaga pa, Ma!” medyo iritadong sagot ko.

“Hayaan mo siya at nang makapagpahinga siya.” aniya sa mababa nang tinig.

Kumulo na ang tubig kaya nagtimpla na ako ng kape. Ipinagtimpla ko ma rin siya para kahit papaano ay hindi puro sermon ang aatupagin niya.

Maghapon akong nag-stay dito sa unit sa pag-aakala na maaga kang darating.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Kung totoo na narito lang si Red kahapon, bakit hindi niya pinagbuksan ng pinto si Mama?

“Saan ka nagbulakbol kahapon? Bakait wala ka dito nang magpunta ako?” tanong niya na muli na namang naging hyper ang tono.

“Ma! Doon ako nagpalipas ng maghapon sa apartment ni Kevin. Bakit ba kayo nandito?” naiiritang sagot ko sa kanya.

“Bakit? Wala na ba akong karapatan na dalawin ka dito? Ayusin mo yang ugali mo. Wala ka na sa probinsiya.”

“Sana nga doon na lang ako. Mas gusto ko pa doon.” naiinis nang sagot ko sa kanya.

Isang malakas na sampal ang mabilis na dumapo sa pisngi ko.

“Huwag mo akong artehan nang ganyan, Gabriel. Gusto mo doon? Ano ang ipapakain sayo ni Raul? Lugaw?” matapobreng sagot niya.

“Mas gugustuhin ko pang kumain ng lugaw araw araw kesa magpakasasa ako sa yaman ng bagong asawa mo.”

Akma na naman siyang mananampal kaya napapikit ako pero hindi iyon dumapo sa mukha ko.

Marahan akong nagmulat at nakita ko ang pagpipigil ng galit ni Mama.

“Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sayo. Nasabi kang matalino pero yung paraan ng pag-iisip mo ay kagaya lang ng sa tatay mo. Hindi ka aasenso sa ganyang mindset.”

“Hindi bale nang hindi ako umasenso basta hindi ko lang natamasa iyon sa hindi tamang paraan.”

“Hrrrrrghh!” nanggigigil na hiyaw ni Mama saka niya ako sinabunutan. “Sira ulo ka Gael, sira ulo ka!”

Ilang sandali pa ay huminto na siya sa pagsabunot sa akin. Disappointment ang nakita ko sa magandang mukha niya habang nakatitig siya sa akin.

Gusto ko nang maiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko.

“Sira ulo na kung sira ulo. Pero hindi ko talaga kaya ang ginagawa mo. Hindi ko kayang gastahin ang pera na galing sa asawa mo. Hindi ko pa ginalaw ang binigay mo sa akin.”

Nailing na lang siya saka niya ako muling pinagmasdan sa disappointed na paraan.

“Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ni Raul. Pero sa nakikita ko ay hindi ka niya napalaki nang maayos. Nilalamon ng pesteng prinsipyo ninyo ang utak ninyo. Hindi iyan makakabuti sayo. Matutulad ka lang sa ama mo. Mahina at walang diskarte sa buhay.”

Napayuko na lang ako. Gusto ko pa rin salungatin ang baluktot na pananaw ni mama sa buhay pero alam ko na hindi rin naman niya marerealize ang punto ko.

Nabulag na siya ng pagnanasa sa magaan at marangyang buhay. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kahit ako ay nakita ko noon kung paano siya nagdusa sa hirap ng buhay.

Naglakad na si mama patungo sa sofa. Hindi man lang niya ginalaw ang kape na iniabot ko sa kanya. Inilapag lang niya iyon sa mesa.

Dinampot na niya ang bag niya saka siya muling humarap sa akin.

“Hindi na ako magtatagal. Dumaan lang talaga ako para kumustahin ang lagay mo.” sabi niya sa mahinahon nang tinig.

Nakita ko rin ang paglambot ng anyo niya habang nakatitig siya sa malungkot na anyo ko.

Naglakad siya muli palapit sa akin saka niya ako niyakap ng mahigpit. Nanatili naman ako na nakatayo at pinigilan ko ang sarili ko na yakapin din siya pabalik.

Napadako pa ang tingin ko sa pintuan ng silid ni Red. Nakita ko na nakasilip siya doon at tahimik na nagmamasid sa amin.

Nang kumalas si Mama ay hinalikan niya ako sa pisngi saka siya ngumiti nang may panghihinayang.

“Hindi ka man sa akin lumaki pero huwag mo sanang iisipin na hindi kita mahal. Anak kita at walang ina ang hindi magmamahal sa kanyang anak.”

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Pinipigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.

“Hindi na ako magtatagal. Baka ma-late ako sa appointment ko. Alagaan mo ang sarili mo. Huwag ka na ulit makikipag-away. Kung may kailangan ka ay tumawag ka kaagad sa akin.” sabi niya saka na siya nagmamadaling lumabas ng unit.

Pagkasara ng pinto ay siya namang paglabas ni Red mula sa silid niya. Mabilis akong tumalikod sa kanya saka ko pasimpleng pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

Narinig kaya niya ang lahat ng napag-usapan namin ni Mama?

“Hindi mo ba ako ipagtitimpla man lang ng kape?” nakangiting tanong niya sa akin nang makalapit na siya at nagtungo sa harapan ko.

“Inumin mo na ang nasa likuran mo. Yung kay Mama na lang ang iinumin ko.” mabilis kong sagot saka na ako umiwas sa kanya.

Tinungo ko ang kape na iniwan ni Mama saka ko iyon hinigop nang nakatalikod kay Red.

“Samahan mo naman ako sa grocery. Paubos na ang stocks natin dito.” sabi niya nang halos isang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako gumagalaw mula sa kinatatayuan ko.

Marahan akong humarap sa kanya. Hawak ko ang tasa ng kape sa dalawang kamay ko at nakatapat iyon sa may bandang dibdib ko.

“Tungkol sa narinig mo na pinag-uusapan namin ni Mama…”

“Huwag mo nang isipin iyon. Hindi mahalaga sa akin ang kung ano mang pag-uusapan ninyo ni Aileen.” putol niya sa sinasabi ko saka siya ngumiti. Totoong ngiti dahil umabot iyon sa mga mata niya.

“Mahalaga lang sa akin ay kung ano ang samahan na meron tayo, Gael. Pero sana ay huwag mong mamasamain kung hindi ko talaga magawang tanggapin ang nanay mo sa buhay ko.”

“Hindi mahalaga sa akin kung tatanggapin mo ba o hindi si Mama. Choice mo yun. Hindi ko hawak ang isip mo.” sagot ko.

Kahit papaano ay nakadama ako ng relief dahil sa kabila ng mga narinig niya kanina ay nakikita ko na good mood pa rin siya.

Nang maubos ko na ang kape ko ay nagtungo na ako sa sink uoang hugasan ang tasa.

Sakto pa lang na nabubuksan ko ang gripo ay bigla na lamang lumapit sa akin si Red. Hinuli ng mga palad niya ang kamay ko na may hawak na tasa.

Napalingon ako sa kanya at sa akin din pala siya nakatingin. Halos maamoy ko na ang mabangong hinibga niya dahil napakalapit na pala niya sa akin.

Bumuka ang mga labi niya at nakita ko na dumako ang mga mata niya sa labi ko.

Nararamdaman ko ang pagdaloy ng tubig mula sa gripo patungo sa kamay ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nakuha na ni Red ang tasa mula sa kamay ko.

“Trabaho ko ang mga hugasin diba?” sabi niya na sinabayan ng pilyong ngiti.

Nakadama na ako ng pagkailang kaya marahan ko nang inilayo ang sarili ko sa kanya

Dahil linggo at walang pasok ay sinamahan ko sa pamimili si Red sa pinakamalapit na mall. Hapon na kami nakaalis dahil umalis si Red nang umaga.

First time din namin lumabas nang magkasama na hindi sa school ang pinuntahan.

At aaminin ko na sa buong durasyon na nasa mall kami ay hindi ko nakita sa kanya ang maangas at mayabang na Red na unang nakilala ko.

Para sa akin ay ibang tao ang kasama ko sa mga sandaling ito. Makulit, masayahin at maharot. Katulad din noon ay para pa rin siyang bata kung umasta pero sa pagkakataon na ito ay hindi na ako naiinis sa mga childish acts niya.

Hindi muna kaagad kami namili ng mga groceries. Nag-ikot muna kami sa loob ng mall. First time ko rin mamasyal mula nang dumating ako dito sa Maynila.

Nagagandahan ako sa mall na pinuntahan namin. Kakaiba sa mga mall na napuntahan ko na noon sa probinsiya.

Doon na rin kami naghapunan sa mall na iyon. Gusto ni Red ay sa isang mamahaling restaurant pero nagpilit ako na sa mumurahing food chain na lang.

Natatawa naman siya na nagparaya sa gusto ko. Hindi rin niya hinayaan na magbayad ako ng kinain ko.

“Hayaan mo na ako ang gumastos ng pagkain natin ngayon. Isa pa ay ako naman ang nagyaya na lumabas tayo.” sabi niya.

Hinayaan ko na siya dahil sa totoo lang ay wala na rin naman talagang matitira sa akin kung magpipilit pa ako.

Plano ko na bumawi na lang sa kanya sa susunod. Kapag nakahanap na ako ng trabaho.

“Bakit hindi mo ginalaw ang pera na binigay sayo ng nanay mo?” bigla ay tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Natigil naman ako sa pagtusok ng manok na kinakain ko. Napaangat ako ng tingin kay Red.

Balewala lang sa kanya ang sinabi niya. Ganado pa rin niyang nilalantakan ang pagkain niya.

Nang mapagtanto niya na hindi ko siya sinasagot makalipas ang ilang sandali ay sumulyap na rin siya sa akin.

“Bakit?” tanong niya.

“Hindi kasi ako kumportable sa ganyang uri ng topic.” sinserong sagot ko. “Saka hindi naman ako obligasyon ng tatay mo para gastahin ko ang pera niya.”

Napailing naman siya. Tila ba hindi siya pabor sa sinabi ko.

“Gamitin mo ang perang ibinibigay ni Aileen sayo. Hindi mo naman basta gagamitin iyon sa walang katuturan na bagay. Gagamitin mo iyon para sa sarili mo. Para makapag-aral ka nang maayos sa university na pinapasukan natin.”

“Huwag na nating pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na iyan. Masaya na ako na nakapag-aral pa rin ako kahit papano. Sapat na sa akin na pinatuloy ako ni Mr.Serrano sa condo niya.”

Si Red naman ang natigil sa pagkain. Tumingin siya sa akin sa seryosong anyo.

“Hindi pag-aari ni Daddy ang unit na tinutuluyan natin. Sa akin nakapangalan iyon. Binili ko gamit ang perang iniwan sa akin ng Mother ko.”

Napatanga naman ako sa narinig ko.

“Paano ka napapayag ng Daddy mo na doon ako tumuloy sa unit mo?” usisa ko.

“Hindi mo kilala ang Dad ko. He can manipulate everything. Sa totoo lang ay hindi naman ako pumayag na doon ka tumira sa unit ko. Wala na lang akong nagawa dahil kahit tumanggi ako ay gusto pa rin naman niya ang susundin niya. Hindi totoo na hindi afford ni Dad na bilhan ka ng sarili mong unit. Sinadya talaga niya na pagsamahin tayong dalawa upang patunayan sa akin na palagi lang akong nasa ilalim niya.”

“I’m sorry.” sinserong sabi ko sa kanya. “Hindi ko rin naman ginusto na guluhin ang buhay mo. Kaya ka ba nagalit nung nalaman mo na ako ang anak ni Aileen?”

“Hindi ako galit sayo, Gael. Huwag mo ring iisipin na nagtagumpay si Dad dahil napagsama niya tayong dalawa. Alam mo kahit minsan may saltik ka rin. Nagpapasalamat ako at ikaw ang naging anak ni Aileen. Gusto kita dahil nasasakyan mo ang ugali ko. Patawarin mo ako kung nagiging gago ako minsan.” sincere na sabi niya saka na niya ininom ang iced tea niya.

Hindi ko na alam kung ano ang isasagot sa kanya. Ewan ko ba. Kapag si Red na ang kausap ko ay nauubusan ako ng isasagot.

Hindi ko rin kasi inaasahan ang mga sinasabi niya. Pero ngayon ay mas lumalalim na ang pagkakakilala ko sa kanya.

Sa palagay ko ang totoong Red ay ang taong kasama ko ngayon. Hindi ang mayabang na lalaki na nakilala ko nung unang araw pa lang ng klase.

Palabas na kami ng food chain na kinainan namin nang hatakin ako ni Red patungo sa mga sinehan.

“Samahan mo ako. Matagal ko nang inabangan ang movie na ito. Kaya lang ay wala akong kasama na manood.” sabi niya.

First time ko rin makapasok sa loob ng sinehan. Hindi naman kasi kami mahilig magtungo sa mga mall.

Minsan lang ako makapunta ng mall noon. Madalas ay nakikinood lang ako ng mga movies sa bahay nina Kevin kapag sinuwerte na pinayagan ako ni Tatay.

Bukod sa hindi kaya ng budget ko ay nasasayangan ako sa ibabayad ko.

Naninibago pa ako dahil napakadilim sa loob. Nang mapansin ni Red ang paghinto ko ay hinatak niya ako saka niya ako inakbayan.

Sabay kaming umakyat sa hagdan. Nararamdaman ko ang kakaibang init na nanggagaling sa katawan niya na tumatagos sa mga tela na suot namin.

Kakaibang init na pumapaso sa kakaibang pakiramdam na nagsisimulang umusbong sa damdamin ko.


Author’s Note

Early update ko po. Regalo ko para sa mga loyal supporters ng story na to. Don’t worry meron pa rin naman po tayong update sa sabado.

Nickolai214

Redentor Serrano (12)

You’re Not My Brother

Episode 12

Red

Dahil first week of showing pa lang ay marami pa rin ang nanonood. Nahirapan tuloy akong humanap ng maayos na puwesto sa itaas.

Ayoko naman sa baba dahil nahihilo ako at hindi ko naeenjoy ang palabas.

Nakahanap ako ng maayos na puwesto sa may bandang dulo sa itaas.

Nang makaupo siya ay iniwanan ko muna si Gael doon. Muli akong lumabas upang bumili ng popcorn at drinks na rin.

Habang inaayos ng babae ang order ko ay napasulyap ako sa mga ibinebentang collectibles sa kabilang side.

Mabilis akong lumapit doon at naagaw ang atensyon ko ng isang keychain. Si Toothless ng How to train your Dragon movie.

Kaagad kong binili iyon saka ko nilagay sa bulsa ko. Inabot na rin sa akin ang popcorn at drinks na binili ko. Mabilis na akong naglakad pabalik sa loob.

Habang nanonood kami ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko naman talaga gusto ang palabas na napili ko. Dinahilan ko lang kay Garl iyon upang maisama ko siyang manood. Mukhang naeenjoy naman niya.

Inayos ko ang puwesto ko saka ko isinandig ang ulo ko sa balikat niya. Pumikit na rin ako at iidlip na sana sandali nang maramdaman ko na marahas akong itinulak ni Gael palayo sa kanya.

Napabalikwas naman ako ng upo at nasipa ko pa tuloy yung upuan na nasa harapan ko.

“Ano ba yan? Ang likot niyo naman!” mataray na reklamo ng isang chubby na babae na nakaupo doon.

Nang mapagmasdan niya ang mukha ko na nasisinagan ng liwanag mula sa screen ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Para siyang uod na binubudburan ng asin habang nagpapa-cute sa akin. Tangina neto ang sarap bigwasan. Pulang-pula pa ang labi at pisngi ng hayop.

Sinulyapan ko si Gael. Nasa palabas ang atensyon niya at nang maramdaman niya na nakatingin ako sa kanya ay sinulyapan niya ako.

“Problema mo?” tanong niya gamit ang natural na supladong tono niya.

“Bakit mo ba ako tinulak ha?” reklamo ko sa kanya.

“Hinatak mo ko para manood pero tutulugan mo ang palabas. Sapakin kaya kita. Pinaglololoko mo ko.” sermon niya.

Nangiti na lang ako saka na ako umayos ng upo. Habang busy si Gael sa panonood ay napadako ang tingin ko sa makinis na braso niya na nakapatong sa armrest.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na haplusin iyon gamit ang mga daliri ko.

Marahas namang inalis ni Gael ang kamay ko na sinabayan ng pagpalatak niya.

“Manonood ka ba o hindi?” tanong niya. Nararamdaman ko na ang iritasyon sa tinig niya. Ngunit mas lalo lang akong naaliw sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga nararamdaman kong ito para sa stepbrother ko. Pero kung tama ang hinala ko na nababakla na ako sa kanya ay wala akong pakialam.

Masaya ako kapag kasama ko si Gael. Natutuwa ako kapag naiinis ko siya. Hindi ko rin mapigilan ang malakas na atraksyon na dinudulot niya sa akin.

Nakakababa ng pagkalalaki. Tang-ina. Buong buhay ko ay hinahabol ako ng mga babae. Marami sa kanila ay talaga namang magaganda at nadadala ko nang walang kahirap hirap sa kama.

Kilala ako bilang playboy at matinik pagdating sa babae. Hindi na nga mabilang ang mga lalaking nakakaaway ko dahil pati mga girlfriend nila ay naaakit sa akin.

Lalaki ako. Sigurado ako doon. Ngunit hindi ko kayang paglabanan ang nararamdaman ko kay Gael. At desidido ako na ipagpatuloy itong mga kahibangan ko.

Mula nang masira ang pamilya ko ay hindi na ako kailanman nakadama pa ng totoong kasiyahan. Ngayon lang mula nang makilala ko si Gael.

Nakahanda ako na harapin ang lahat nh consequences na kalakip nito basta makasama ko lang siya nang matagal na panahon.

Natapos ang palabas na wala akong naintindihan tungkol sa kwento. Pero masaya at nakangiti akong lumabas ng sinehan.

Naglalakad na kami sa loob ng mall nang mapahinto si Gael. Sinuyod niya ang buong paligid. Halos sarado na ang mga shops ng mall at medyo madilim na rin sa loob.

Mabilis siyang napalingon sa akin nang mapagtanto niya na sarado na ang buong mall.

“Hindi tayo nakapag-grocery.” sambit niya.

Napangiti naman ako saka ko siya sinagot. “Bakit, hindi na ba pwede bukas?”

“At gago ka talaga! Kung saan saan ka muna kasi nagpupunta” sermon niya saka na lang siya napailing.

Napangisi ako pagkatapos ay inakbayan ko siya at napansin ko na tila giniginaw siya. Nahalata ko rin na tila malamig nga sa loob ng mall.

Mabilis kong hinubad ang blouson jacket na suot ko saka ko iyon tinangka na ipasuot sa kanya pero umiwas siya.

“Bakit mo ipinapasuot sa akin yan?” nagtatakang tanong niya.

“Nilalamig ka kaya suotin mo to.” sagot ko.

“Paano ka?” sabi naman niya.

“Huwag mo akong isipin. Sanay ako sa lamig.” sabi ko saka ko na pinasuot sa kanya ang jacket. Hindi na siya tumanggi sa pagkakataon na ito.

“Salamat!” sabi niya.

Napangiti naman ako. “Tara na!”

Sumabay na kami sa mga tao na patungo sa exit ng mall. Nasa exit na kami nang mapansin namin na umuulan sa labas.

Ilan sa mga kasabayan namin na galing sa sinehan ay may mga dalang payong kaya sinuong nila ang malakas na ulan.

Kami naman ni Gael ay nakasilong kasama ng iba na wala ring dala na payong.

“Mukhang magtatagal pa ang ulan na to. Masyado pa ring malakas ang buhos.” narinig kong sambit ni Gael.

Doon na ako nakaisip ng kalokohan. “Gael, halika dito may naisip ako.” sabi ko.

“Ano yun?” inosenteng tanong naman niya.

“Basta, lumapit ka sa akin at ibubulong ko sayo.” sabi ko.

“Loko siguradong kalokohan na naman yan ah.” may pagdududang sagot niya.

Natawa naman ako. “Gusto mo bang malaman o hindi?”

“Hay!” angil niya pero lumapit naman siya sa akin.

Inakbayan ko siya saka ko inilapit ang bibig ko sa tenga niya. Pero ang totoo ay wala naman talaga akong sasabihin sa kanya.

“Tara na!” bulong ko saka ko hinigpitan ang pagkakayakap ko sa katawan niya.

Wala nang nagawa si Gael kung hindi ang sumunod sa gusto ko nang magsimula ko siyang hatakin patungo sa gitna ng malakas na ulan.

“Huy! Shit! Sira ulo ka!” sabi niya habang hatak hatak ko siya patakbo sa daan.

Nang mabasa na kami ng tuluyan ay binitawan ko na siya saka ako humalakhak.

“Baliw ka,” inis na sambit niya saka niya ako tinadyakan.

Natatawa naman ako na umiwas. Natamaan niya ako pero hindi naman ako nasaktan dahil tumama lang naman iyon sa puwet ko.

Napadaan kami sa may parte na medyo inaapawan na ng tubig. Sinipa ko iyon patungo kay Gael.

Napaiwas na lang siya saka siya napamura. “Tangina mo maharot ka ha!”

Mabilis niya akong nilapitan pero umatras ako. Binilisan pa niya ang lakad niya habang nakangisi siya.

Ngisi ng taong may binabalak din na kalokohan.

“Magagawa mo lang ang binabalak mo kapag nahabol mo ko.” sabi ko saka ako tumakbo.

Hinabol naman ako ni Gael. Tumakbo din siya at habang patungo na kami sa condo ay hindi natapos ang habulan at harutan naming dalawa.

Hindi na namin pansin ang mga tao sa paligid namin na naagaw na pala namin ang atensyon.

Basta ang mahalaga lang sa amin ay ang paghaharutan namin ni Gael sa gitna ng malakas na ulan. Ang saya na naidudulot nito sa akin at alam ko na masaya din siya base sa mga tawa na naririnig ko sa kanya.

Nang mapagod kami ay hinihingal kami pareho na huminto sa tapat ng isang convenient store.

Bibili muna sana ako ng kape pero nakita ko na giniginaw na si Gael kaya mabilis ko na siyang nilapitan at muling inakbayan.

“Tara na baka magkasakit ka pa.” sabi ko sa kanya saka ko na siya inakay palayo doon. Hindi naman siya tumanggi kaya hanggang sa makarating kami sa condo ay halos nakayakap lang ako ng mahigpit sa kanya.

Nang makapasok kami sa unit ay kaagad akong kumuha ng dalawang towel. Ipinunas ko sa buhok ko ang isa at nang makalapit ako kay Gael ay pinunasan ko na rin siya sa ulo.

Mabilis naman niyang kinuha sa akin ang towel at siya na mismo ang nagpunas sa sarili niya.

Hinubad ko ang T-shirt ko saka ko iyon inilapag sa mesa. Mabilis na rin akong nagpainit ng tubig.

Nang balikan ko si Gael ay para siyang tanga na nakatayo lang. Nakatingin sa labas ng glass wall habang nagpupunas ng ulo.

Nakikita ko rin ang bahagyang panginginig niya dahil sa ginaw.

“Haist! Bakit hindi mo pa kasi hubarin yang damit mo.” sabi ko.

Mabilis ko siyang nilapitan saka ko hinawakan ang magkabilang laylayan ng damit niya at mabilis ko iyong inalis sa katawan niya.

Nang mapagmasdan ako ang kahubdan ni Gael ay napalunok ako. Hindi siya gym fit pero maganda ang shape niya.

Wala siyang abs pero flat ang tiyan. May shape din ang makinis niyang dibdib.

Napansin ko na sa katawan ko din siya nakatingin. Pinagmamasdan ang bawat muscles na hinubog ko sa gym.

Ilang sandali pa ay sabay din na lumipat ang tingin namin sa isa’t isa. Nagtama ang mga mata namin.

Mabilis kong hinatak ang ulo niya saka ko masuyong inangkin ang mapupulang labi niya.

Nabigla naman si Gael at napahawak siya sa maskuladong dibdib at braso ko.

Mas lumalim pa ang paghalik ko. Nakita ko na napapikit na siya saka ko naramdaman ang bahagyang paggalaw ng mga labi niya.

Sa simula ay marahan ngunit hindi rin nagtagal ay nagsimula nang tumugon si Gael sa intensitidad ng ginagawa kong paghalik sa kanya.

Marahan ko siyang itinulak hanggang sa maihiga ko siya sa sofa. Pumatong naman ako padapa sa katawan niya saka ko muling inangkin ang mga labi niya.

Hindi niya ako binigo sa nais kong mangyari. Nagpatuloy ako sa maiinit na paghalik sa kanya na mainit din naman niyang tinutugon.

Naramdaman ko na lang na naglalakbay na sa hubad na katawan ko ang maiinit na palad niya.

Dumadama, humahaplos habang patuloy ang pagsasanib ng aming mga labi.

Ilang sandali pa ay kumalas ako sa paghalik saka ko siya masuyong tinitigan sa kanyang mga mata.

Nakatitig din siya sa akin at nakaawang pa rin ang masarap niyang mga labi.

Akma ko na ulit siyang hahalikan nang bigla siyang magsalita.

“Kumukulo na ang tubig mo.”

Napakurap ako saka ako naguguluhan na tumitig sa kanya. Nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya kanina.

Hawak namin pareho ang tuwalya niya at pinupunasan namin ang natutuyo na niyang katawan.

Napakurap ako. Tang-ina! Mabilis akong napailing saka na ako awtomatikong naglakad upang patayin ang heater.

Hindi ko inasahan na magkakaroon ako ng wild imagination sa pagitan naming dalawa ni Gael. Ano bang nangyayari sa akin?

Naiiling na lang ako saka na ako nagsimulang magtimpla ng kape.

Nilingon ko siya. “Mauna ka nang maligo. Kanina ka pa giniginaw.” sabi ko.

Naglakad na siya papasok sa banyo. Nailing na lang ako saka ako humigop sa decaffeinated coffee na tinimpla ko.

Naging mas malapit na kami ni Gael sa mga sumunod na araw. Sabay kaming pumapasok sa school at sabay din kaming umuuwi.

Huwebes ng hapon nang i-announce ng prof namin na nagdropout na si Jojo.

Napangiti ako nang marinig ko ang balitang iyon. Inaasahan ko na iyon dahil halos mabaldado na siya dahil sa ginawa ko sa kanya.

Hindi na rin pagtatangkaan pa na galawin ng mga kasamahan niya si Gael. Sa katunayan nga ay hindi na rin nila ako matingnan nang diretso mula nang araw na turuan ko sila ng leksyon.

Palagi na lamang ay nakayuko sila sa tuwing dadaanan ko sila.

Agosto na nang magsimula kaming maging busy sa practice ng basketball. Varsity kasi ako ng university at may sasalihan kaming laban sa susunod na buwan.

Hindi ko na nakakasabay sa pag-uwi si Gael. Naipasok na rin siya sa trabaho ng kaibigan niyang si Kevin sa isang coffee shop na malapit sa school.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko na kasama niya ang Kevin na iyon ay naiinis ako. Hindi ko gusto ang pagiging malapit nila.

Kung hindi lang magagalit sa akin si Gael ay baka matagal ko nang nasapak ang lalaking iyon dahil nayayabangan ako sa kanya.

Napapansin ko rin na iniiwasan siya ng pinsan kong si Kazu. Bagay na ipinagtataka ko.

Kazu Serrano (13)

You’re Not My Brother

Episode 13

Kazu

“Lukot na naman yang mukha mo.” sabi sa akin ni Dale nang maabutan niya ako na nakatambay mag-isa sa coffee shop na madalas naming gawing tambayan malapit sa school.

“Huwag mo na lang akong pansinin.” sagot ko na may kaunting pagkainis sa tinig. Dinampot ko ang frappe na inorder ko saka ko na sinimulang inumin.

“Kunsabagay kahit ako ay napapansin ko ang pagiging malapit niya ngayon dun sa stepbrother niya.” komento niya habang abala siya sa pagkalikot sa cellphone niya.

“Hindi ko rin inasahan na magkakasundo ang dalawa na yun. Kilala natin pareho si Red. Mainit ang dugo niya doon sa Aileen.” dugtong pa niya.

Hindi ako kumibo. Nagpakawala lamang ako ng isang buntong hininga saka ako tumanaw sa labas ng coffee shop. Nagsisimula nang dumilim sa labas.

Napailing na lang ako saka ako muling humarap kay Dale.

“Ewan ko. Hindi ko alam.” malungkot na sagot ko sa kanya. “Kayo lang ni Red ang meron ako, Dale. Hindi tama na pagselosan ko ang closeness nila ni Gael pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nasanay ako na palagi siyang nasa tabi ko mula pa noong mga bata kami. Kaya hindi ko inasahan na darating ang araw na ito na mababaling na sa iba ang atensyon niya.”

“Hayst! Huwag ka nang malungkot diyan. Nandito pa rin naman ako. Hindi kita pababayaan.” sabi niya saka siya mabilis na lumipat sa tabi ko. Inakbayan niya ako saka niya ako kinonsola.

“Busy lang talaga ngayon si Red. Diba simula na ng practice nila sa basketball team? Samahan mo na lang ako. Maghanap tayo ng mga sexy at magagandang chicks sa bar.” sabi niya saka siya masiglang tumawa.

Sinundot pa niya ang tagiliran ko gamit ang hintuturo niya dahilan upang halos mapatalon ako sa gulat. Alam ni Dale na malakas ang kiliti ko doon kaya sinasamantala ng loko loko.

Tinulak ko siya palayo dahil baka ulitin na naman niya ang pagkiliti sa akin. Tumatawa naman siya na lumayo ng bahagya.

“Samahan mo na lang ako. May alam akong bagong massage parlor. Sobrang hot daw ng mga babaeng masahista doon.” sabi niya.

I rolled my eyes.

“Pwede ba, Dale. Alam mo na ikaw lang ang mag-eenjoy sa mga naiisip mo na yan.” sabi ko.

Natawa naman siya. Alam ni Dale na sa lalaki ako nagkakagusto. At nagpapasalamat ako dahil kagaya ni Red ay tinanggap niya rin ako kahit na ano pa ang kasarian ko.

Lumapit na naman sa akin si Dale saka siya bumulong sa tenga ko. “Sabi nung kakilala ko, mga gwapo at magaganda rin daw ang mga katawan ng mga lalaking masahista doon. Sigurado na mag-eenjoy ka rin kapag sumama ka sa akin.”

Nanlaki ang mga mata ko saka ko siya tinulak muli palayo. “Tigilan mo nga ako. Kinikilabutan ako sayo. Hindi ako mahilig sa mga masahista na sinasabi mo.” inis na sabi ko sa kanya.

Humalakhak ang walanghiya. Naagaw tuloy niya ang pansin ng ibang customers sa shop. Nakakahiya.

Muli kong dinampot ang frappe ko at akmang isusubo ko na ang straw nang mapadako ang tingin ko sa may counter area.

Nakatitig sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ko makakalimutan ang mukha na iyon. Siya lang naman ang mapangahas na bartender na humalik sa akin.

Hindi ko siya nakita doon nang umorder ako kanina. Hindi rin siya ang nagserve sa akin ng frappe ko.

Sa school ay sinisikap ko na siyang iwasan pero hindi ko inasahan na barista din pala siya dito. Madalas ako sa shop na ito pero bakit ngayon ko lang siya nakita?

Nakita ko ang pagsilay ng mga pilyong ngiti sa mapupula niyang labi. Mga labi na napakasarap humalik nang dumampi iyon sa mga labi ko.

Napailing ako sa naisip ko. Nababaliw na ako para pag-aksayahan ko pa ng panahon na isipin ang mga labi ng mayabang na lalaki na iyon.

Kumindat siya sa akin at hindi ko maipaliwanag pero naramdaman ko na namula ang buong mukha ko.

“Hoy! Bakit ka namumula diyan ha?” pambubuska ni Dale.

“Wala! Tara na.” sabi ko saka ako mabilis na tumayo at hinila ko ang braso ni Dale saka na kami naglakad palabas ng cafe.

Dahil wala na rin naman akong maisip na pupuntahan ay nagpasya na lamang ako na umuwi.

Nainis naman sa akin si Dale dahil pinapunta ko siya sa coffee shop pero siya naman itong iniwanan ko na lang basta.

Hindi rin ako sumama sa kanya sa bar o sa massage parlor na gusto niyang puntahan. Wala ako sa mood para sa mga hilig ni Dale.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko na may kausap si Daddy sa may garden. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin.

Magtutungo na sana ako sa silid ko sa itaas nang marinig ko ang sinabi ng lalaki na nakaitim.

“Hindi naman siya nagpupunta sa kung saan. Maliban na lamang kapag kasama niya si Red o kaya ay si Dale. Kadalasan ay sa coffee shop o sa mga kilalang restaurants lang naman sila nagpupunta.”

Tumigas ang anyo ko saka ko ikinubli ang sarili ko sa pader upang hindi nila ako mahalata.

Kung ganun ay pinasusundan pala ako ni Daddy sa lalaking ito at nakareport sa kanya ang lahat ng ginagawa ko.

Nakadama ako ng bigat sa dibdib ko. Magkahalong hinanakit at galit para sa ama ko na tuluyan nang namanipula ni Kaye.

“Hindi mo pa rin ba nalalaman kung saan siya nagtungo matapos magkagulo sa bar na pinuntahan nila noong nakaraan?” tanong ni Daddy sa private investigator.

“Kahit isa sa mga napagtanungan ko ay hindi nakita si Kazu nang gabing iyon. Marahil ay nagpalipas lang siya ng ilang sandali sa ibang lugar bago siya nagpasya na umuwi dito. Nakita ko na taxi ang naghatid sa kanya at wala naman siyang ibang kasama.”

May kinuha na sobre si Dad sa bulsa niya saka niya iyon iniabot sa lalaking kausap niya. Sinilip naman ng lalaki ang laman nito saka siya muling sumulyap kay Daddy.

“Malaki-laki ho ang mga ito.” sambit niya.

“Dinagdagan ko iyan dahil tapos na ang trabaho mo sa akin. Sa halos isang taon na pagsubaybay mo sa kanya ay mukhang naging matino naman ang batang iyon kaya wala na akong dapat na ipag-alala pa sa kanya.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago sinulyapan ni Daddy ang lalaki. “Si Haroun Dominguez, doon pa rin ba nag-aaral sa school nila?”

“Sa pagkakaalam ko ay naroon pa rin po siya ngunit hindi na siya nagtatangka na lumapit pa kay Kazu mula nangabugbog siya ng grupo nina Red.”

Natawa naman si Daddy. “Malaki talaga ang pakinabang sa akin ng anak ni Darius. Sige na, makakaalis ka na.” utos niya sa lalaki.

“Maraming salamat po, Mr Serrano!”

Hindi na sumagot si Daddy kaya mabilis nang umalis ang lalaki. Nagpasya na rin ako na umakyat sa silid ko at doon ilabas ang lahat ng frustrations ko.

Hindi na ako bumaba pa para maghapunan. Lahat ng bigat sa dibdib ko ay iniiyak ko na lang buong gabi.

Mula sa inis ko kay Red hanggang sa natuklasan ko na pagpapasubaybay sa akin ni Daddy.

Naabutan ko na lang kinaumagahan na nakabihis na si Dad at nag-aalmusal na sa ibaba.

Wala kaming imikan habang kumakain kaming dalawa. Hindi ko na lang pinagkaabalahan pa na pansinin siya.

Napadako na lang ang tingin ko sa kasambahay na pumasok sa komedor kasunod ang isang makisig na lalaki. Nagkatinginan pa kami at ngumiti siya sa akin ngunit kaagad din naman akong nag-iwas ng tingin.

“Narito na po si Jerold,” bungad ng kasambahay.

“Magandang umaga po.” magalang na bati ng lalaki kay Daddy kasunod ng pagsulyap niya sa akin.

Marahil may itsura at hot ang Jerold na ito pero wala akong interes sa knya lalo pa at bagong tauhan na naman siya ni Daddy.

“Hindi pa tapos kumain ang anak ko. Kapag natapos siya ay ihatid mo siya sa school nila. Mamayang paglabas niya ay simulan mo na rin ang pagtuturo sa kanya.”

“Nasaan si Mang Manuel?” tanong ko kay Dad.

“Nagpaalam na si Manuel sa akin noong isang araw pa. Si Jerold na ang magiging driver mo simula ngayon. Mag-aral ka na rin magdrive dahil college student ka na. Maging responsable ka na sa sarili mo simula ngayon.” maawtoridad na sagot niya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot at minadali ko na ang pagkain. Nang matapos ako ay kaagad akong nagpahatid kay Jerold sa school.

Dahil maaga pa nang makarating ako sa school ay nag-order ako ng juice sa cafeteria saka ko sinimulang laruin ang bagong download na game ko sa cellphone ko.

Nang magsawa ako ay kinalahati ko na ang juice ko saka ako nagtungo sa banyo. Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay sa sink nang makarinig ako ng mga impit na ungol mula sa dulong cubicle.

Dala ng curiousity ay humakbang ako patungo doon ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay natamaan ko na ang mop na nakasandal sa may pader.

Bumagsak iyon sa sahig at lumikha ng ingay na ikinalaki ng mga mata ko.

Tatakbo na sana ako palabas sa lugar na iyon ngunit naunahan ako ng mabilis na paglabas ng isang estudyanteng babae mula sa cubicle.

Patakbo siyang lumabas ng banyo habang nakayuko na inaayos ang pagkakabutones ng blouse  niya.

Hindi ko siya nakilala dahil nakasabog sa mukha niya ang mahabang buhok niya.

Natutulala naman ako na sinundan siya ng tingin. Nakalimutan ko na may kasama nga pala siyang lalaki na naiwan sa cubicle.

Napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang pagsakal sa akin ng lalaking iniwanan ng babae.

Nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makilala ko kung sino siya.

“R-Robi?” sambit ko sa pangalan niya. Miyembro siya ng kalabang frat nina Red na ang karamihan sa mga kasapi ay taga kabilang school.

“Makaka-score na sana ako pero napurnada nang dahil sayo.” galit na sabi niya saka niya ako sinapak.

Halos mapasubsob ako sa pader na binanggan ko. Sinikap ko na makatayo ngunit hindi pa man ako nakakahuma ay isang malakas na suntok sa sikmura ko ang sumunod na naramdaman ko.

Halos mamilipit ako sa sakit at sinisikap ko na humugot ng lakas sa anumang bagay na mahawakan ko para lang makatayo.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko naman na hinila niya ang magkabilang manggas ng uniform ko saka niya ako isinandal sa Pader.

“Naghahanap ka yata talaga ng sakit ng katawan eh. Malas mo at wala ang mayayabang mong kaibigan na palaging bumabakod sayo. Narinig mo kami ni Cyndee?”

Nakita ko na pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ko saka siya ngumisi ng nakakaloko.

“Nabitin ako ngayong umaga dahil sa ginawa mo. Hmm, eh kung ikaw na lang kaya ang pagparausan ko ngayon? Tutal mukha ka namang sariwa at malinis. Nagalaw ka na ba dati ha bakla ka? Gusto mo bang magalaw? Malaki to.” parang hayok na sambit niya habang galit pa rin siyang nakatitig sa akin.

“Nakikiusap ako sayo, huwag mong gagawin yang naiisip mo.” nahihintakutan na sagot ko sa kanya saka ko hinawakan ang mga braso niyang mahigpit na nakahawak sa akin.

Nararamdaman ko na namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Tumawa siya nang malakas pagkatapos ay muli siyang nagsalita. “Pero bago kita dadalhin sa langit ay babasagin ko muna yang pagmumuka mo.” sabi niya saka niya ako inambaan ng napakalakas na suntok.

Napasinghap at napapikit na lang ako sa pag-aakala na tatama na naman ang kamao niya sa mukha ko ngunit hindi iyon ang nangyari.

Naramdaman ko na lang na nabitawan na ako ni Robi kasabay ng kanyang pagdaing. At nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko siya na tinadyakan ng isang makisig na lalaki dahilan upang sumadsad siya sa sahig.

“Matapang ka lang sa mga walang kalaban-laban sayo. Mukha mo babasagin ko ngayon, gago ka!” galit na banta niya pagkatapos ay nilapitan niya si Robi.

Kinuweltyuhan niya ito saka niya pinaulanan ng suntok sa mukha. Hindi na siya nakalaban pa. Bagsak na siya nang balingan ako ng tingin ng lalaking sumagip sa akin.

Seryoso ang anyo niya at dumako sa putok ko na labi ang mga mata niya. Narinig ko na umusal siya ng malutong na pagmumura saka siya humakbang palapit sa akin.

Napahakbang naman ako paatras dahilan upang huminto siya sa paghakbang.

“Kazu,” malambing na sambit niya sa pangalan ko. Napasulyap muli ako sa gwapo niyang mukha.

Ilang sandali kaming nakatitig lang sa isa’t isa bago niya mabilis na tinahak ang mga natitirang hakbang sa pagitan namin.

Kasunod na namalayan ko na lang ay nakakulog na ako sa malalakas na bisig ni Kevin. Tuluyan nang pumatak ang luha na pinipigilan ko.

Nakasubsob ngayon ang mukha ko sa matitigas niyang dibdib at parang droga na tumutupok sa katinuan ko ang napakabangong aroma ng kanyang gamit na cologne na humalo sa natural na amoy ng kanyang katawan.

Alam ko na napaka-weak ko sa mga sandaling ito pero hindi pa rin tama ang basta na lamang ako magpayakap ng ganito sa kanya.

Gumapang ang mga kamay ko paakyat sa dibdib niya saka ko siya marahan na itinulak palayo sa katawan ko.

Kumalas naman siya at magkasalubong ang mga kilay niya na tumingin sa akin.

“Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin.” sabi ko saka ko pinunasan ang mga luha ko. “Pero okay na ako, kailangan ko nang umalis.” sabi ko saka na ako naglakad palabas ng comfort room.

Hindi pa man ako nakakalayo sa lugar ay naramdaman ko na ang mahigpit na paghawak ng isang malakas na kamay sa palapulsuhan ko.

Hinila niya ako at dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin ay kusa na akong napahakbang patungo sa kung saan man siya patungo.

“Bitawan mo ako, ano ba?” pagpupumiglas ko ngunit malakas talaga ang lalaking ito.

Huminto siya sa paghakbang saka siya mabilis na humarap sa akin. “Nakaiwas ka sa akin nung mga nagdaang araw pero sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin ko na hindi mo na ako maiiwasan.” sabi niya.

Muli ay hinila na naman niya ako at wala akong magawa kung hindi ang mapasunod sa kanya.

Mga flashes mula sa pagtakas namin sa bar ang sumunod na naglaro sa isip ko. Ganitong ganito rin siya sa akin noon. Kaibahan lang noon ay tumatakbo kami.

Nakarating kami sa parking area kung saan nakaparada ang motorbike niya. Mabilis niyang kinuha ang helmet saka niya inilagay sa ulo ko. Hindi niya hinayaan na makatanggi ako sa kanya.

“Saan tayo pupunta, may klase ako!” sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Sinuot lang din niya ang sarili niyang helmet saka niya ako puwersahang isinakay sa motorsiklo niya.

Mabilis din siyang nakasakay sa harapan ko. Hinila niya ang mga kamay ko payakap sa katawan niya saka niya mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Gustuhin ko man na alisin ang pagkakayakap ko sa katawan niya ay hindi ko magawa dahil napakabilis niyang magpatakbo.

“Kumapit ka nang mabuti at baka mahulog ka. Pero mas matutuwa ako kung sa akin ka mahuhulog.” sigaw niya na sinundan pa niya ng malakas na halakhak.

Gago! sigaw ko sa isip ko.

Kazu Serrano (14)

You’re Not My Brother

Episode 14

Kazu

Hindi ko alam kung saan ako binabalak na dalhin ng lalaking kasama ko. Pero humigpit ang pagkakayakap ko sa katawan niya nang magsimula na naman siyang magdrive nang matulin.

Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya ngunit sa mga sandaling ito ay napakabilis ng pintig ng puso ko.

Nilasap ko na lamang ang sariwang hangin dahil nakalabas na kami ng Maynila. Alam ko kung saan patungo ang lugar na tinatahak namin.

Nasa Cavite na kami. Particularly ay nasa Dasmariñas na kami. Nakita ko na ang arko. Dinaanan na namin kani-kanina lang.

Ilang beses akong nagtanong sa pangahas na lalaking kasama ko kung saan ba niya ako dadalhin ngunit ang palaging isinasagot niya ay malalaman ko rin daw. Bagay na lalo kong ikinainis.

Inayos ko na ang pagkakahawak ko sa katawan ni Kevin bago ko ipinikit ang mga mata ko. Sariwang hangin ang sumasalubong sa mukha ko at nagugustuhan ko iyon.

Hanggang sa ilang flashes mula sa nakaraan ang muli na namang dumaan sa isip ko.

“Kumapit ka nang mahigpit sa akin Kazu.” nakangiting sigaw ni Ron saka niya hinila ang mga braso ko upang mas mapahigpit pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

Nakangiti naman ako na yumakap sa katawan niya saka ko isinandal ang pisngi ko sa malapad na likod niya.

Napakasaya ng araw na iyon para sa akin. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko na may isang taong nagmamahal sa akin maliban sa pinsan kong si Red.

Nagmulat ako ng mga mata saka ko bahagyang niluwagan ang pagkakahawak ko kay Kevin.

Naramdaman niya iyon kaya bahagya siyang sumulyap sa akin kasabay ng pagmenor niya sa gas.

“Kakapit ka ba ng maayos o isasakay kita dito sa harapan ko?” sigaw niya.

Nataranta naman ako saka ko muling hinigpitan ang kapit ko sa kanya. Hindi ko na naisip na imposible pala ang sinabi niya. Hindi niya ako maaaring isakay sa harapan dahil siguradong mahuhuli siya.

Nang marealize ko iyon ay napasimangot na lang ako ngunit hindi ko na tinangka pa na sitahin siya. Wala rin namang silbi.

“Mahal na mahal kita, Kazu. Palagi mong tatandaan iyan.”

sabi ng tinig na kanina pa nangangahas na pumasok sa loob ng isipan ko.

Tinig ni Ron. Tinig ng lalaking minahal ko. Tinig ng lalaking nanloko at nanakit sa akin. Kasunod na umalingawngaw sa isip ko ay ang malakas at nakakairitang halakhak ni Kaye.

“No! Leave me alone!” malakas na sigaw ko at hindi ko namamalayan na napahigpit ng todo ang kapit ng mga kamay ko sa katawan ni Kevin.

Halos bumaon ang mga daliri ko sa matigas niyang katawan dahilan upang mawala siya sa concentration.

Gumewang ang sinasakyan naming motorsiklo kasunod ng pagsalubong sa amin ng isang paparating na truck.

Napayakap na ako ng husto sa lalaking kasama ko saka ko itinago ang sarili ko sa likod niya na para bang maililigtas ako sa sandaling banggain kami ng paparating na truck.

“Keviiiiin!” malakas na sigaw ko at ipinikit ko nang todo ang mga mata ko kasabay ng pagngiwi.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko. Nagawang iliko ni Kevin ang motorsiklo niya. Naiwasan namin ang truck at bago pa kami bumangga sa pader ay nakapagpreno na siya.

Nakaiwas nga kami sa disgrasya ngunit hindi naman ako nakaiwas sa pagdagsa ng mga alaala mula sa nakaraan ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Ron sa motorsiklo niya dahil hinahabol na kami ng kotse na gamit ng mga tauhan ni Dad.

Dahil sa pagkabalisa ni Ron ay hindi niya inasahan na may paparating na truck mula sa isang kanto na nadaanan namin.

Nasagi kami nito saka kami sabay na tumilapon sa ere bago kami parehong bumagsak sa matigas na bato ng kalsada.

Nakahandusay kami sa kalsada. Nakita ko ang duguang ulo ni Ron. Sinikap ko siyang lapitan ngunit hindi ko na rin maikilos ang katawan ko.

“R-Rooonnn!‘’ sigaw ko ngunit walang tinig na lumalabas mula sa akin. Napaluha na ako saka ko sinikap na bumangon ngunit hindi talaga kaya ng katawan ko.

Nakakadama na ako ng pagkahilo. Muli kong sinubukan na tawagin ang pangalan niya.

“Roooonnnn!” sigaw ko ngunit nanatili lang siyang nakapikit at walang malay. Nakita ko ang pagdami ng dugo na lumalabas mula sa sugat niya.

“Roooonnnn!” umiiyak na sigaw ko.

“Hey! Kazu, naririnig mo ba ako? Kazu!” nag-aalalang sabi sa akin ni Kevin. Ngunit nanginginig ako sa takot at wala sa sarili na umiiyak.

Kasunod na naramdaman ko na lang ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin saka niya hinagod ang likod ko.

“Makinig ka sa akin. Ligtas na tayo. Hindi mo na kailangan matakot nang ganyan.” aniya na hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin niya sa akin.

Nang mahimasmasan ako ay niyakap ko na rin siya ng mahigpit saka ako umiyak na nang umiyak sa dibdib niya.

“Hush! Maayos na ang lahat. I’m sorry, Kazu. Kasalanan ko ito.” masuyong bulong niya sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa tuluyan nang gumaan ang pakiramdam ko.

Nakayakap lang sa akin si Kevin at wala kaming pakialam sa mga taong dumadaan na sa amin na nakatuon ang atensyon.

“Hoy kayo, magpapakamatay ba kayo?” galit na sigaw sa amin ng driver ng truck na muntik na naming makabanggaan. “Lintik na buhay to oo. Mandadamay pa kayo ng kapwa ninyo.” naiinis na dugtong niya.

Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Kevin saka niya hinarap ang driver ng truck. Nakita ko naman ang concern sa mga mata ng driver nang sumulyap siya sa akin.

“Pasensya na bossing hindi naman po namin sinasadya. Nawalan lang po ako ng kontrol sa manibela. Inaamin ko po na kami ang nagkamali. Baka pwede na lang natin idaan ito sa maayos na usapan?” apologetic na sagot ni Kevin.

“Wala namang damage na nangyari maliban sa kaunting abala. Naitabi ko na ang truck ko bago ko kayo nilapitan dito.” mahinahon nang sagot ng driver.

Napasulyap ako sa truck niya na nakaparada na nga ng maayos sa kabilang lane.

“Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo mo base sa nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang talagang nangyari sa inyo pero sa susunod ay mag-iingat na kayo. Uso ngayon ang aksidente sa kalsada.” sabi ng truck driver.

“Tatandaan ko po ang sinabi ninyo. Pasensya na po talaga kayo at naabala pa namin kayo. Maraming salamat na rin po at nakipag-areglo kayo kaagad ng maayos sa amin.” sagot ni Kevin.

Tumango naman ang driver saka na siya nagpaalam. “Sige na. Mag-iingat kayo.” muli pa niyang paalala.

“Salamat ulit, Bossing.” nakangiti nang pahabol ni Kevin.

Nang makaalis na ang lalaki ay hinarap ako ni Kevin.

“Okay ka lang ba?” masuyong tanong niya saka niya inayos ang nagulong buhok ko na ikinailang ko.

Napaatras ako at naiwan naman sa ere ang kamay niya. Napailing na lang siya saka niya ibinaba iyon.

“Gusto ko nang makauwi. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.” sabi ko sa kanya.

“Napakailap mo talaga.” bulong niya, mas sa sarili niya kaysa sa akin ngunit narinig ko pa rin iyon at hindi ko na lang pinansin.

Inayos niya ang pagkakatayo ng motorsiklo niya upang sana ay muli na naming sakyan ngunit nagsalita ako.

“Hindi na ako sasakay diyan. Mag-aabang na lang ako ng bus pabalik ng Maynila.” sabi ko.

Napalingon siya sa akin at tinitigan niya ako ng mabuti. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita.

“Hindi kita papayagan na umuwi mag-isa nang ganyan ang lagay mo. May malapit na kainan dito. Doon ka muna at hintayin mo ako. Maghahanap lang ako ng maayos na pagpaparadahan ng bike ko pagkatapos ay sabay tayong babalik ng Maynila.”

“No, kaya ko nang umuwi mag-isa.” sabi ko.

“I insist!” matigas na sabi niya. Muli na naman niyang hinawakan ang kamay ko saka niya ako inakay patungo sa malapit na carinderia. Pinaupo niya ako doon saka niya ako ibinili ng maiinom bago niya ako iniwanan.

““Hintayin mo ako dito. Kapag bumalik ako at hindi kita naabutan ay malilintikan ka na talaga sa akin sa oras na makita kita.” seryosong banta niya.

I rolled my eyes at hindi ko na siya sinagot pa. Napakalakas naman ng loob ng lalaking ito para pagbantaan pa ako ng ganun.

Gayunpaman ay nagpasya ako na hintayin na siya para wala na lang maraming pinagtatalunan pa. Ilang minuto lang din naman siyang nawala at nakabalik naman siya kaagad.

Hindi ko na siya kinausap pa hanggang sa makasakay na kami sa bus. Dahil ako ang nauna na sumakay ay ako ang umupo sa tabi ng bintana. Kaagad naman siyang umupo sa tabi ko saka niya ginagap ang palad ko.

Nabigla naman ako at mabilis kong binawi iyon ngunit mabilis din na humigpit ang pagkakahawak niya dito.

Malaking lalaki si Kevin at malakas siya kung sa pisikal na pamamaraan mo pagbabasehan. Kahit ang paghawak lang niya sa kamay ko ay hindi ko makayanan na bawiin.

“Bakit mo ba ito ginagawa?” tanong ko sa kanya sa malamig na tinig. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?”

Sumulyap naman siya sa akin saka niya pinisil ang palad ko. “Ikaw ang kailangan ko, Kazu. Gusto kong mapalapit sayo…”

“Bakit?” matigas na tanong ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan. Nasa labas ng bintana ang focus ng mga mata ko.

“Because I like you!” mabilis at diretsong sagot niya.

Hindi ako makaapuhap ng isasagot sa kanya. Sinikap ko muli na bawiin ang kamay ko ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya.

“Huwag ka nang magpilit pa. Hindi ko bibitawan ang kamay mo.” balewalang sabi niya sa akin.

Nainis ako sa kanya kaya tinangka ko siyang sapakin gamit ang kabilang kamay ko ngunit mabilis din niyang nahawakan iyon gamit ang kabilang kamay niya.

“Oops!” nakangiting sabi niya habang nakatitig siya sa mukha ko. “Pilyo ka ah.”

Nagulat na lang ako nang bigla ay ginawaran niya ako ng isang malutong na halik sa pisngi ko.

“Kevin!” saway ko sa kanya. Napalakas ang tinig ko kaya naagaw ko ang atensyon ng ibang mga pasahero ng bus.

Nakadama ako ng pagkapahiya kaya humarap na lang ako sa bintana. Nararamdaman ko na namumula na rin ang buong mukha ko. Shit! Shit talaga!

“Sa susunod na gawin mo yun sa labi mo na dadapo ang mga labi ko.” nakangising bulong niya sa tenga ko.

Kinilabutan naman ako dahil sa kakaibang init na nanulay mula sa tenga ko patungo sa buong sistema ko.

Sinubukan bawiin ang mga kamay ko na hawak pa rin niya. Binitawan naman niya ang kaliwa ngunit nananatili pa rin niyang hawak ang kabila.

“Alam ko na attracted ka rin sa akin, Kazu. Nararamdaman ko iyon. Tinugon mo ang mga halik ko noong nasa Manila Bay tayo.”

“Nabigla lang ako noon. Pinagsisihan ko rin na sumama ako sayo nang gabing iyon. Hindi ko naman alam na mapagsamantala ka pala.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kevin. Napalitan iyon ng guilt na sinundan ng kalungkutan.

Lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa palad ko kaya sinamantala ko iyon upang bawiin na ang kamay ko.

“I’m sorry!” mahinang sambit niya na ikinalingon ko sa kanya. Lumingon din siya sa akin kaya nagtama ang mga tingin namin.

“Magkano ang ibinabayad ni Kaye sayo para gawin mo sa akin ang mga bagay na ito? Kaya kong doblehin iyon basta tigilan mo lang ang mga kalokohang ito.” diretsong tanong ko sa kanya.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya then, he furrows his forehead. Tila ba wala siyang kaalam-alam sa mga sinasabi ko. Pero wala nga ba? Iyon ang gusto kong malaman.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo?” seryosong sagot niya sa akin.

“Sino ba si Kaye at anong binayaran ang sinasabi mo?”

“Nevermind.” mabilis na sagot ko at hindi ko na siya tinangka pa na kausapin hanggang sa makabalik na kami ng Maynila.

Hindi na rin naman siya nagtangka pa na mangulit mula nang hindi ko siya pansinin sa ilang beses niyang pagtatangka na kausapin ako.

Tanghali na nang makabalik kami sa Maynila. Hindi pa rin ako pinakawalan ni Kevin.

Sa halip na sasakay ako ng taxi pabalik sa school ay sumakay din doon at ipinadiretso niya iyon sa apartment niya.

Hindi na lang ako nagsalita pa habang inaakay niya ako papasok sa loob. Nang makapasok ako ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid.

Mas malaki ang silid ko kaysa sa buong apartment na ito pero hindi ako ang uri ng tao na mapagmataas at mahilig mangmata ng kapwa.

Malaki ito para sa iisang tao lang. I wonder kung may kasama siyang nakatira dito. Napaisip din tuloy ako. Magkano kaya ang kinikita niya sa coffee shop na pinapasukan niya?

Kung mahirap lang din si Kevin kagaya ni Gael ay hindi niya basta kakayanin ang renta sa ganitong uri ng apartment.

Lihim akong napailing sa inilalakbay ng isip ko. Lumabas sandali si Kevin kaya sinuri ko ang mga bagay na nakikita ko sa loob ng apartment.

Napahinto ako nang mapatapat ako sa isang picture frame na nakapatong sa isang mataas na table. Kinuha ko iyon saka ko pinagmasdan.

Sa larawan ay nakaakbay si Kevin kay Gael habang pareho silang nakangisi sa camera. Sa palagay ko ay kuha iyon noong graduation nila sa Senior High.

Inilapag ko iyon sa saka ko sinulyapan ang katabi nitong frame. Nang makita ko ang larawan na naroon ay biglang nanlaki ang mga mata ko saka ko iyon mabilis na dinampot.

Bumilis ang tibok ng puso ko saka ko naramdaman ang paninikip nito. Napahigpit ang hawak ko sa larawan.

Family picture ang hawak ko. Sa larawan ay masayang pamilya ang makikita mo.

Nasa gitna ang mga magulang ni Kevin. Magkayakap at buhay na buhay ang ngiti sa mga labi. Si Kevin naman ay nasa kaliwang bahagi. Nakayakap din siya sa kanyang ina.

Ngunit ang talagang nakapukaw sa atensyon ko ay ang isa pang lalaki na nasa kabilang side kung nasaan ang kanilang ama.

Matamis na ngiti at gwapong mukha na hindi matatanggihan ng kahit na sinong babae at ng mga kagaya ko na attracted sa kapwa lalaki. Nakaakbay siya sa nakakatandanf lalaki na kasama nila sa larawan.

Ngunit hindi siya estranghero sa akin. Kilala ko siya. Namuo ang mga luha sa mga mata ko kasabay ng pagbangon ng matinding galit sa dibdib ko.

Hindi, imposible ang naiisip ko. Iba ang apelyido niya sa ginagamit na apelyido ni Kevin.

“Sorry kung natagalan ako. Marami kasing tao sa tindahan.” narinig kong sabi ni Kevin nang makabalik na siya sa loob ng apartment.

Marahan akong humarap sa kanya at sinalubong ko ang mga tingin niya ng mga nagbabaga kong tingin.

Nakita ko pa ang mga medical supplies hawak niya.

“Uh… May problema ba?” inosenteng tanong niya nang makita niya ang galit sa mga mata ko.

“Kaanu-ano mo si Haroun Dominguez?” mahina ngunit matigas na sambit ko.

Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya kasunod ng pagbuka ng kanyang mga labi to say something ngunit walang mga kataga na lumabas doon.

“Kapatid mo ba si Haroun? Sagutin mo ako!” galit na sigaw ko sa kanya.

Gabriel Robles (15)

You’re Not My Brother

Season 1 Finale

Episode

15

Gael

Maagang natapos ang huling subject namin dahil natapos na namin ang lahat ng kailangan idiscuss para sa paparating na midterm exam.

Nauna nang nagsilabasan ang mga kaklase ko. Halos iilan na lamang kami sa loob nang mapasulyap ako kay Kazu na papalabas na rin sa classroom.

Nakadama ako ng pagkailang dahil kakaiba ang mga tingin na ipinukol niya sa akin.

Hindi ako palakaibigan na tao kaya halos wala rin naman akong nakakausap kahit sa classroom.

Si Kazu lang noong una ang nakita ko na maaring makakasundo ko pero mula nang matapos ang preliminary examination namin ay naramdaman ko na umiiwas na siya sa akin lalo na sa tuwing kasama ko si Kevin.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang iyon pero wala akong pakialam kahit pa habangbuhay na niya akong hindi kausapin.

Kahit si Red ay bihira na lang din makapasok sa klase dahil abala sila sa basketball practice.

Papalabas na rin sana ako nang bigla akong tawagin ni Jelaine. Classmate ko siya sa subject na ito.

“Gusto ko lang sanang itanong kung willing ka na magtutor ng math.” palakaibigan na tanong niya.

“Hindi ko alam kung maisisingit ko pa iyon. May trabaho kasi ako after ng school.” kalmadong sagot ko.

“Magbabayad naman yung tututuan mo. Kahit twice a week lang kayo magsession. Kailangan na kailangan lang talaga ng kaibigan ko.” sabi niya.

Napaisip ako sa offer niya. Pero magmumukha akong pera kung tatanggapin ko iyon kaya nagpasya ako na tumanggi.

“Pasensya ka na…”

“Please, Gael. Hindi naman mahirap turuan ang magiging estudyante mo. Kailangan lang talaga niyang makahabol sa mga napag-iwanang subjects niya.” pangungulit niya na hindi na pinatapos ang tangka kong pagtanggi.

Sumulyap ako sa relo ko. Kung pahahabain pa ng babaeng ito ang usapan namin ay baka ma-late ako sa trabaho.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga saka ko siya tiningnan. Naghihintay siya sa isasagot ko.

“Pag-iisipan ko muna kung kaya pa ng schedule ko. Kailangan ko nang umalis. May pasok pa ako sa coffee shop.” paalam ko sa kanya.

“Sana i-consider mo ang offer ko. Kung magbago ang isip mo ay tawagan mo lang ang contact number na ito.” pahabol niya saka niya inabot sa akin ang isang maliit na papel.

Kinuha ko naman iyon saka ko ipinasok sa bulsa ng bag ko pagkatapos ay nagmadali na akong magtungo sa coffee shop.

Dahil weekend na ay marami ang customers sa shop. Hindi kami nagkaroon ng maraming libreng oras at pagkauwi ko ay nakakaramdam na ako ng pagod.

Naabutan ko si Red na naglalaro ng mobile games sa sala. Napasulyap pa siya saglit sa akin saka siya nagtanong kung kumain na ba ako.

Sa loob ng halos apat na buwan na magkasama kami ay para kaming mga aso’t pusa na dalawa dahil masyado siyang makulit at napakahilig mang-inis.

Kadalasan ay napipikon ako sa sobrang pagkachildish niya.

Ngunit bumabawi naman siya sa tuwing ginagawan niya ako ng mga kalokohan.

Medyo dumalang nga lang ang pagkikita namin sa nakaraang buwan dahil busy na siya sa practice nila at ako naman ay halos gabi na rin nakakauwi dahil sa trabaho.

Hindi ko siya sinagot dahil wala ako sa mood na makipaggaguhan sa kanya.

Nagtungo ako sa kitchen saka ako nag-init ng tubig. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ako ng instant noodles.

Habang hinihintay ko na uminit ang tubig ay nagtungo muna ako sa silid ko saka ako nagbihis.

Paglabas ko ay nakita ko si Red na abala sa pagkakalikot ng kung anu-ano sa kusina. Narinig ko pa ang tunog ng microwave.

Nakakunot ang noo ko nang lumapit ako sa kanya. Napadako ang tingin ko sa electric kettle na nakabunot na mula sa socket.

Tangina talaga neto! bulong ko sa isip ko.

Pagagalitan ko na sana siya pero naunahan na niya ako.

“Umupo ka na dito. Nagluto ako ng chicken curry kanina. Ininit ko na rin. Ibinalik ko na sa cabinet yung nilabas mong noodles. Hindi maganda sa katawan yun lalo pa at galing ka sa trabaho.” nakangiting sabi niya saka na niya kinuha ang ulam sa microwave.

Isinalin niya iyon sa mangkok saka niya inilapag sa tabi ng plato na may laman nang kanin.

“Uh… Ikaw ba kumain ka na?” ang nasabi ko na lang sa halip na sermon na kanina ay plano ko nang gawin.

Ngumiti si Red. Hinubad niya ang apron. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-flex ng mga muscles niya sa braso. Sandong itim lang kasi ang suot niya.

Napaiwas tuloy ako ng tingin saka na ako lumapit sa mesa. Hindi ko alam kung bakit pero nailang ako sa ginawa kong pagtitig sa biceps ng gago na to.

Marahil ay naiinggit lang ako dahil kahit may shape ang katawan ko ay hindi ako batak kagaya ni Red na babad sa paglalaro ng basketball.

Naisip ko tuloy na hindi pa ako nakakalaro kahit minsan mula nang lumuwas ako dito sa Maynila.

“Kumain na ko kanina. Pakabusog ka na lang diyan.” narinig kong sambit niya habang naglalakad na siya pabalik sa sala.

Dinampot niya mula sa couch ang cellphone niya saka na naman siya nagpakaabala sa paglalaro.

Hindi ko maiwasan na palagi siyang sulyapan hanggang sa matapos na ako sa pagkain.

Mabilis pa akong napaiwas ng tingin nang bigla na lamang ay nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Anong naiisip mo” narinig ko na tanong niya kaya bumaling na ako sa kanya.

“Naaakit ka na rin ba sa akin?” nakangising dagdag niya. Hindi na talaga nagbago ang lalaking ito. Kupal talaga.

“Sapak gusto mo?” iritadong sagot ko sa kanya. Tinawanan naman ako ni gago.

Tumayo na ako saka ko iniligpit ang mga pinagkainan ko. Hindi ko namamalayan na tumayo na rin pala siya saka siya lumapit sa akin.

“Bakit hindi mo ko inaaccept sa facebook?” bulong niya.

Nagsimulang manayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang dumampi sa leeg ko ang napakainit niyang hininga.

Mabilis ko siyang nasiko dahil napakalapit na pala ng katawan niya sa likuran ko. Halos nakayakap na nga siya sa akin.

“Bakit kita ia-accept? Mamaya may malaman ka pa na hindi mo dapat malaman.” sagot ko sa kanya saka ko na mabilis na tinapos ang paghuhugas ko.

“May tinatago ka ba na ayaw mong malaman ko?” sagot niya saka siya mabilis na lumapit muli sa akin ngunit inunahan ko na siya.

Mabilis kong siyang itinulak palayo sa akin pero hindi ko kaagad napansin na sa matigas na dibdib na pala niya ako nakahawak.

“Bakit ba dikit ka nang dikit. Naiirita ako sayo.” sabi ko at hinaluan ko ng iritasyon ang boses ko.

“Selan mo naman. Alam mo ba kung gaano karaming babae ang handang gawin ang lahat madikitan ko lang sila ng katawan ko?” nakangising sabi niya saka niya ako sinundan hanggang sa may pintuan ng silid ko.

Huminto ako sa tapat nito at huminto din siya sa pagsunod. Mabilis ko siyang hinarap habang hawak ko na ang doorknob.

Nilabanan ko ang mga titig niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi niya na tila ba sinasadya talaga niya na tuksuhin ako.

“Red,” sambit ko sa pangalan niya.

“Hmm?” sagot niya. Sa mukha ko pa rin nakatitig ang mga mata niya. Nakita ko pa ang paggalaw ng bukol sa leeg niya dahil sa paglunok.

“Hindi ako babae.” matigas na sabi ko saka ako mabilis na pumasok sa silid ko at pinagbinagsakan ko siya ng pinto.

“Nakakainis naman oh. Gago to ah.” narinig ko pang sambit niya mula sa labas.

Napangiti na lang ako saka ko na ibinagsak ang katawan ko sa ibabaw ng malambot na kama.

Habang nagpapatunaw ako ng kinain ay nagbasa-basa na ako ng mga notes sa school. Para sa araw ng exam ay hindi na ako mahihirapan sa pagrereview.

Dala na rin ng pagod sa trabaho ay hindi ko namalayan na nakatulog din ako kaagad nang maipikit ko ang mga mata ko.

Nagising na lang ako na parang hindi na ako nag-iisa sa loob ng silid. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Kinusot ko iyon saka na ako bumangon.

Nawala ang antok ko nang makita ko si Red na nakaupo sa gilid ng kama at kinakalikot niya ang cellphone ko.

“Huy! Tarantado ka bakit ka nangingialam ng gamit ng may gamit?” galit na sita ko sa kanya saka ko mabilis na inagaw ang cellphone ko mula sa kanya.

Humalakhak si Red. Mabilis ko namang sinuri ang cellphone ko. Ano kaya ang pinagbubuksan dito ng mokong na to?

“Napakadali naman ng password mo. Eight, seven, six, five, four, three, two, one.” nakangising sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka ko siya pinaningkitan ng mata. “Lumabas ka na dito bago pa kita masapak.” galit na banta ko sa kanya.

“Chill ka lang dude. Ganda ng umaga ang badtrip mo.” natatawang sabi niya.

“Hindi ka lalabas?” mabalasik na sigaw ko.

“Oo na. Lalabas na.” natatawang sagot niya saka na siya naglakad palabas ng silid ko.

“Pakialamero!” inis na sigaw ko bago niya maisara ang pinto.

Nagpalipas lang ako ng halos sampung minuto sa kama upang palamigin ang ulo ko bago ako nagpasya na lumabas.

Paglabas ko ay nakita ko si Red na nakahubad baro. Pawis na pawis ang katawan at nakaharap sa TV.

Sumusuntok at sumisipa pa siya. Nagpapractice ng kick boxing.

Hindi ko namamalayan ngunit nagtagal na pala ako sa pagkakatayo ko sa may pinto. Nakamasid lang sa bawat galaw ng katawan ng stepbrother ko.

Napahiya ako sa sarili ko nangarealize ko kung ano ang ginagawa ko. Halos mapailing ako na naglakad patungo sa kusina upang magtimpla ng kape.

Nang makapagtimpla ako ay umupo na ako sa may dining table. Kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ako ng litrato ng mga seksing babae na nag-add sa akin sa facebook.

Nagtaka pa ako nang hindi ko mahanap ang request ni Red. Kaya nagpunta kaagad ako sa profile ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na friends na kami.

Mabilis kong pinindot ang unfriend button saka ko siya sinulyapan.

“Hoy!” tawag ko sa atensyon niya.

Mabilis naman siyang lumingon sa akin saka siya ngumisi. “May kailangan ka?” maangas na tanong niya.

“Niremove na kita sa friend list. Sa susunod huwag kang makikialam ng mga gamit ko.” matigas na sagot ko sa kanya.

Mabilis niyang dinampot ang cellphone niya mula sa couch saka niya pinagpipindot iyon.

Ilang sandali pa ay nakatanggap na naman ako ng notification para sa friend request niya.

“Iaccept mo ko kundi tatamaan ka sa akin.” banta niya saka siya lumapit sa akin.

Mabilis kong inilayo ang cellphone ko nang akma niya iyong aagawin. Naging mapilit pa si Red kaya tumayo na ako upang muling iiwas sa kanya ang cellphone ko.

Hindi nagtagal ay sinumpong na naman ng kaharutan si gago. Tinulak niya ako pahiga sa mesa saka niya tinangka na abutin ang cellphone sa kamay ko na nilalayo ko pa rin.

Hindi ko namamalayan na sa kakaagaw niya ay nasa ibabaw ko na pala siya at halos nakadapa na rin ang  pawisan at hubad na katawan niya sa katawan ko.

“Tangina mo tumigil la na. Ang lagkit mo.” saway ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya huminto.

“Red yung pawis mo! Nababasa ako.” hiyaw ko.

“Give me your phone then I will stop.” sagot niya.

“Tor! Gael!” maawtoridad na tinig ng babae ang nagpahinto sa amin ni Red.

Halos sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Nakita namin si Mama na nakatayo sa main door.

Nanlalaki ang mga mata niya at nakita ko ang malisya sa mga iyon habang nakatingin siya sa amin.

Marahan kong itinulak ang katawan ni Red. Nakiayon naman siya at siya na rin mismo ang nagkusa na tumayo.

Bumangon na rin ako at hinarap ko si Mama habang inaayos ang damit ko na nabasa ng pawis ni Red.

“Aileen. Napakaaga mo na namang nambubulabog.” sabi ni Red. Nahimigan ko ang iritasyon sa tinig niya. “Paano ka nakapasok?”

“Nagpagawa ako ng duplicate key. Ilang beses na akong nagpapabalik balik dito pero walang nagbubukas sa tuwing nagdodoorbell ako.”

“Wala kang karapatan na magpagawa ng sarili mong susi sa unit ko. Pag-aari ko ito. Hindi ito pag-aari ng asawa mo.” matigas na sagot ni Red.

“Huwag mong ilihis ang usapan Tor. Kayo ang dapat na tinatanong ko. Anong ginagawa ninyong dalawa? Napakaaga naman yata ng harutan ninyo?” seryosong sagot ni Mama.

“It’s none of your fvckin’ business! Bukas na bukas din ay ipapapalit ko ang lock ng unit na ito.” sarkastikong sagot ni Red saka na siya mabilis na pumasok sa silid niya.

Halos mapatalon pa ako sa pagkabigla dahil sa lakas ng kalabog ng pintuan na isinara niya.

Napadako ang tingin ko kay Mama. Nanunuring mga tingin ang nakita ko sa mga mata niya.

Gabriel Robles (16)

You’re Not My Brother

Episode 16

Gael

“Naghihintay ako ng paliwanag mo, Gabriel.” sabi ni mama habang magkaharap kami sa sala.

“Kung ano man ang nasa maruming pag-iisip mo ay kalimutan mo na iyon.” sagot ko nang hindi man lang siya sinusulyapan.

Nakatanga lang ako sa labas ng glass wall. Walang partikular na bagay na tinitingnan.

Naramdaman ko ang paghugot ni mama ng malalim na paghinga pagkatapos ay ginagap niya ang kamay ko. Sumulyap ako sa kanya.

“Hindi kita nababantayan dahil may mga inaasikaso kami ni Darius. Pero huwag mo sanang iisipin na wala na akong pakialam sayo. May pakialam ako dahil anak kita at mahal kita. Kung may problema ka… o kung nagkakaproblema ka kay Tor ay maaari kang magsabi sa akin.”

Hindi ko siya sinagot. Wala naman dapat sabihin sa kanya dahil kahit papaano ay hindi naman masamang tao si Red. May pagkagago siya oo. Pero hindi siya masama.

“Nakita ko kanina na pinupwersa ka niya. Sabihin mo nga sa akin. Sinasaktan ka ba ng kapatid mo?” seryosong tanong niya.

Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka ko siya mabilis din na sinagot.

“Ma, hindi ko siya kapatid.” nanlalaki ang mga mata na sabi ko. “At hindi rin niya ako sinasaktan kagaya ng iniisip mo. Walang dahilan para gawin niya iyon.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nakatitig lamang sa akin si Mama. Tila ba nahulog siya sa napakalalim na pag-iisip. Hanggang sa…

“Siguro nga ay nagkamali kami ng desisyon noon ni Darius na pagsamahin kayong dalawa sa iisang unit. Masyado siyang naspoil ng kanyang lola kaya ngayon ay lumaking suwail sa ama at palagi na lamang nasasangkot sa mga kalokohan. Nakulong pa iyan noong kakasimula pa lang ng semester na to. Kaya kakausapin ko mamaya si Darius na kung maaari ay ihanap ka na lang namin ng sarili mong unit.” mahabang litanya niya.

Hindi ko maintindihan ngunit nang marinig ko ang mga huling kataga na binanggit niya ay nakadama ako ng matinding disappointment.

Bakit bigla na lamang ay parang nagsisikip ang dibdib ko maisip ko pa lamang na paghihiwalayin na nila kami ni Red.

Oo tarantado siya. Madalas akong mapikon sa mga kalokohan niya. Pero sa loob naman ng mahigit tatlong buwan ay nasasanay na ako sa ugali niya.

Sa likod ng ipinapakita niyang katapangan at mga katarantaduhan na pinaggagagawa niya ay nakikita ko na may mabuti siyang kalooban at may mga kinikimkim siyang problema sa dibdib niya na hindi niya mailabas.

Si Red din ang tipo ng tao na gagawa ng kalokohan pero kaagad din naman niyang binabawian ng kabutihan. Kaya kahit na madalas ay naiinis ako sa kanya, hindi pa rin nakakaligtas sa akin ang mga simpleng kabutihan na taglay niya.

“Hindi mo na kailangan gawin iyon. Maayos kami ni Red dito. Hindi naman siya nagrereklamo na kasama niya ako kaya wala na ring silbi kung ihahanap niyo pa ako ng ibang matitirahan.” sansala ko sa mga paratang niya kay Red.

“Nasa legal age na rin naman ako, Ma! Kung magkakaroon man ako ng problema sa pagtira ko dito ay ako na mismo ang maghahanap ng ibang matutuluyan ko. Hayaan mo akong maging independent. Hindi ako kumportable na nakikinabang ako sa pera ng bagong asawa mo. Hindi niya ako anak at buhay pa ang tatay ko. Huwag mo naman siyang tanggalan ng silbi sa buhay ko. Kahit wala siyang pera ay tatay ko pa rin siya.” puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.

“Hindi ko siya tinatanggalan ng silbi, Gabriel. Gusto ko lang na makita mo ang katotohanan na mas mapapabuti ka kung sa akin ka sasandal. Hindi sa minamaliit ko si Raul. Pero hamak na maglulugaw lang siya at wala siyang magandang plano sa buhay.”

Kahit na hindi makatuwiran ang mga sinabi ni Mama ay nararamdaman ko sa tinig niya na naghihinanakit siya sa akin dahil mas pinapaboran ko ang Tatay ko kesa sa kanya na ginagawa ang lahat mapalapit lang muli ang loob ko sa kanya.

Hindi ako masamang anak. Pero sawa na rin akong umasa na mamahalin pa ako ng mga magulang ko sa paraang gusto ko.

Mahabang katahimikan ang muling namagitan sa amin. Gusto ko siyang sumbatan dahil kahit na mahirap lang si Tatay ay hindi pa rin sapat na dahilan iyon upang ipagpalit kami ni Mama sa iba.

Masakit para sa akin na sa murang edad ay nawalan ako ng ina. Ngunit wala naman akong magagawa. Hindi ko na mapipilit pa ang hindi na maaari pa kagaya ng madalas na sinasabi sa akin ni Tatay.

Hindi ko nais na magtanim ng galit sa sarili kong ina pero hindi ko rin maaaring tanggapin na lang basta ang mga baluktot niyang kagustuhan.

Tumingin ako sa kanya saka ko na siya dineretso.

“Ma, paulit-ulit na lang tayo. Kung ano man ang mga naging pagkukulang sayo ni tatay ay kalimutan mo na iyon. Nasa mabuting kalagayan ka na ngayon at masaya ako para sayo.”

Ngumiti sa akin si Mama ngunit hindi naman iyon umabot sa mga mata niya.

“Isa lang ang ipinapakiusap ko sayo ngayon. Sana mapagbigyan mo na ako.” sambit ko sa tonong nagsusumamo.

Nakatingin lang sa akin si Mama. Nasa anyo pa rin niya ang lungkot dahil sa pagiging malayo ng loob ko sa kanya.

“Nasa wastong gulang na ako. Hayaan mo akong matuto na tumayo sa sarili kong mga paa. Huwag mo na rin akong bibigyan ng pera o ibibili ng kung anu-anong bagay na galing sa bulsa ng asawa mo. Para sa akin ay kabastusan iyon sa totoong ama ko.”

“Pero…”

“Maaaa, please! Nakikiusap ako.” pigil ko sa tangka niyang pagsalungat.

Ilang sandali niya akong tinitigan nang mabuti. Nasa mga mata niya ang frustrations pero desidido ako sa gusto ko.

Malaking tulong na rin ang trabaho ko sa coffee shop para tustusan ang mga sarili kong pangangailangan.

Hindi na rin naman ako gumagastos sa pagkain dahil sinasagot na lahat ni Red ang gastos sa pagkain namin kapalit ng pagluluto ko sa mga gusto niyang kainin at pag-ako na rin sa lahat ng mga gawaing bahay na ako rin mismo ang nag-insist.

Maayos na ako sa set-up namin ni Red at ayoko nang baguhin pa iyon. Ayoko na rin na pakialaman pa kami ni Mama.

Kahit hindi kami ganun ka-close ay nagkakasundo kami ni Red sa maraming bagay. Maliban lang sa mga katarantaduhan niya na unti-unti ko na ring nakakasanayan.

Binukasan ni Mama ang mamahaling bag niya saka niya kinuha ang mamahalin ding wallet niya.

Dumukot siya ng pera doon. Nang maisip ko kung ano ang ginagawa niya ay kaagad ko na siyang pinigilan.

Ilang sandali siyang naging hesitant bago siya nagpasya na sumuko na lang.

Tumayo siya saka niya ako niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko naman siya at sa pagkakataong ito ay gumanti na rin ako ng yakap.

Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Ilang sandali pa ay kumalas na siya saka niya ako hinalikan sa pisngi.

“Aalis na ako. Alagaan mo ang sarili mo. Tumawag ka naman sa akin paminsan-minsan kapag may oras ka.”

Hindi ko siya sinagot.

“Please!” pakiusap niya.

Tumango ako. Ngumiti sa akin si Mama saka niya ako muling niyakap bago siya tuluyang umalis.

Nang makaalis na si Mama ay mabilis namang bumukas ang pintuan ng silid ni Red. Dumako doon ang aking tingin.

Nakita ko si Red na seryosong nakatitig sa akin. Nanlalalim ang mga mata at kakikitaan ng lungkot ang mga iyon.

Ilang sandali akong nanatili sa kimatatayuan ko. Wala kahit na isa sa amin ang nagsasalita. Para bang naghihintayan kami kung sino ang mauuna.

Napakurap na lang ako nang bigla ay mabilis siyang humakbang papalapit sa akin. At nang tuluyan na niyang narating ang kinaroroonan ko ay bigla na lamang niya akong niyakap ng napakahigpit.

“Huwag kang papayag sa gusto ni Aileen. Please don’t leave. Dito ka na lang, Gael. Hindi na ako sanay na wala ka. Nasanay na ako sa presensya mo. So please stay with me!” garalgal niyang sambit.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Pero hinayaan ko siya na yakapin ako sa loob ng mahabang sandali. Hindi ako nagtangka na kumalas.

Nararamdaman ko ang bawat pintig ng puso niya at naamoy ko ang napakabangong amoy ng katawan niya. Sigurado ako na hindi iyon nagmula sa fabcon na ginamit sa damit niya.

Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung ano ba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Para bang may kakaiba sa mga yakap ni Red.

Hindi ako nakakadama ng kalungkutan at ngayon lang ako napanatag nang ganito sa loob ng maraming taon mula nang iwanan kami ni Mama.

Namalayan ko na lang na kusa nang umangat ang mga kamay ko saka iyon humaplos sa matigas na likod ni Red.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako pinaaalis Red.” sambit ko.

“Kahit magtangka ka ay hindi kita papayagan.” sagot niya na hindi pa rin kumakalas mula sa pagkakayakap niya sa akin.

Napangiti ako sa kalokohan niya. Tinangka ko nang kumalas ngunit muli niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

Natawa naman ako. “Para kang sira.” sabi ko sa kanya saka ko na sinikap na kalasin ang pagkakayakap ng mga braso niya sa katawan ko.

Hindi naman siya pumayag na magawa ko iyon. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit niya sa akin kaya nagpumiglas na ako.

“Ano ba, Red? Para kang bading. Pakawalan mo na ko.” sabi ko habang pilit pa rin akong kumakawala pero malakas talaga si gago.

“Bading na kung bading. Pero hindi kita hahayaan na makawala.” sabi niya.

Nagbago na rin ang tono niya. Kung kanina ay malungkot at napakaseryoso niya, ngayon naman ay bumalik na ang makulit at pilyong Red na kilala ko.

“Meron bang bading na ganito kagwapo sakin?” pilyong tanong niya saka niya kinagat ang leeg ko.

Napasigaw ako dahil sa kiliti na idinulot ng mga ngipin niya sa leeg ko. Hindi pa siya huminto. Talagang pinagtripan pa ako ng gago.

Napuno tuloy ng halakhakan at harutan ang buong unit dahil sa mga kalokohan niya.

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa umabot nang dalawang linggo. Nagsimula nang maging clingy sa akin si Red. Hindi na rin kami madalas na nagkakapikunan pero madalas pa rin niya akong hinaharot.

Tuluyan nang nagiba ang pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa bilang stepbrothers. Hindi ko na siya tinuturing na kalaban at naging kumportable na ako sa samahan namin.

Hindi ko na rin siya nakikita na lumalabas kasama ng mga barkada niya. Kadalasan ay naglalagi na lang siya dito sa unit niya at ako palagi ang binubuwisit.

Kaya kahit na pagod ako mula sa trabaho ay nawawala iyon dahil laging nasa good mood ang taong dinadatnan ko sa bahay.

Ngunit nabawasan ang oras na nagkikita kami nang tanggapin ko ang pagtuturo ng math kay Josh, kaibigan ni Jelaine.

Tinuturuan ko siya sa cafeteria ng school pagkatapos ng klase ko. Hinahabol kasi niya ang mga nakaligtaan niyang lessons bago mag-final exam.

Sabado ng hapon nang maabutan kami ni Red sa cafeteria. Malayo pa lang siya ay nakita ko na ang madilim niyang anyo habang papalapit siya sa amin.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang sapakin si Josh. Lumaban si Josh kaya nagpatuloy sila sa sapakan nila.

Nakita ko na nadedehado na si Josh at sa nakikita ko na anyo ni Red ay kinabahan ako.

Susugurin pa sana ni Red si Josh pero umawat nako upang pigilan siya. Nagpaawat naman siya sa akin.

“Tama na yan!” inis na saway ko kay Red.

Dadaluhan ko na sana si Josh nang bigla ay ako ang nasapak nito sa pag-aakala na si Red ang humawak sa kanya.

Nagimbal na lamang ako nang bigla na naman siyang sugurin ni Red. Halos hindi na makalaban si Josh nang mapigilan si Red ng mga kaibigan niya.

Dinala sa ospital si Josh at si Red naman ay dinala na naman sa Prefect of Discipine ng school.

Gabriel Robles (17)

You’re Not My Brother

Episode 17

Gael

Madilim na nang makauwi ako sa unit. Hindi na rin ako nakapasok sa trabaho dahil sa eskandalo na ginawa ni Red kanina.

Hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang nangyari ay nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kanya. Ngunit hindi ko naman siya maaaring pabayaan na lamang na ma-expel.

Kaya kanina ay kaagad kong tinawagan si Mama kahit labag sa loob ko. Kaagad naman siyang nagtungo sa school na ikinagalit sa akin ni Red.

Hindi ko raw dapat tinawagan ang nanay ko dahil kaya raw niyang lusutan ang mga gusot na pinapasok niya nang walang tulong mula sa daddy niya at kay mama.

Dinaanan ko lang sandali sa ospital si Josh at humingi na rin ako ng paumanhin dahil sa ginawa ni Red.

Ngunit wala raw siyang balak na palampasin ang nangyari. Nagbanta pa siya na ipapakulong niya si Red na ikinadismaya ko.

Gayunpaman ay hindi ko siya sinisisi kaya hindi ko ka ipinilit pa ang pakiusap ko sa kanya. Kaya lang ay nag-aalala ako para sa stepbrother ko.

Dala ang masamang balita ay nagpasya na lamang ako na bumalik sa condo.

Madilim sa buong unit nang makapasok ako doon. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko si Red na nakaupo sa sahig.

Nasa gilid siya ng glass wall. Nakatanaw sa mga citylights at may hawak na beer.

Sa paligid niya ay may mga nagkalat din na iba pang bote ng beer.

Ilang sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko. Walang ibang maririnig sa loob ng unit kundi ang tunog ng aircon.

Pinagmasdan ko si Red sa loob pa ng ilang sandali. Hindi siya nagtangka man lang na lingunin ako kahit pa naramdaman na niya ang pagpasok ko.

Humakbang ako palapit sa kanya saka ko inagaw mula sa kamay niya ang bote ng beer na lalagukin na sana niya.

Nakita ko na ngumiti siya nang mapakla ngunit hindi pa rin siya sumusulyap sa akin.

“Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko ginawa iyon?” bigla ay seryosong tanong niya habang nakatanaw pa rin siya sa labas.

“Hindi na kita kailangan tanungin pa. Ginawa mo yun dahil gago ka.” sarkastikong sagot ko sa kanya.

Natawa siya saka siya bumulong. “Right!” aniya.

Nakangiti siya ngunit ang nakikita kong emosyon sa anyo niya ay disappointment.

Inilapag ko sa sofa ang mga gamit ko saka ko dinampot ang mga nagkalat na bote ng beer. Itinabi ko ang mga iyon. Kasama ang inagaw ko mula kamay niya ay labing anim na bote na lahat ang nainom niya.

Nakita ko na nagtangkang tumayo si Red pero mabuway na ang katawan niya kaya napaupo siya ulit.

Nagtangka na naman siyang tumayo ngunit hirap siya dahil sa sobrang kalasingan.

Mabilis ko siyang dinaluhan saka ko siya inalalayan upang makatayo. Pero tinulak niya ako palayo.

“Bitawan mo ko. Kaya ko ang sarili ko.” galit na sabi niya. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin.

“Layuan mo yung tarantadong Josh na yun kung ayaw mong mapahamak ka nang dahil sa kanya.” sambit niya sa mahina ngunit galit pa rin na tono.

“Bakit naman ako mapapahamak?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

Ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip ay sinikap niya na makatayo.

Kumuha siya ng suporta sa kung anumang bagay na mahawakan niya saka na siya naglakad patungo sa silid niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin saka ako napailing.

Hindi pa ako nakakahakbang nang muli siyang lumabas at dumiretso sa lababo. Doon ay sumuka na siya nang sumuka ngunit parang wala naman lumalabas.

Nang matapos siya ay naglakad siya pabalik sa silid niya ngunit hindi na siya nakaabot sa pinto. Bumagsak siya sa sahig kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

“Red? Red?” tawag ko sa kanya habang tinatapik ko ang mukha niya.

Napapikit ako at bigla kong naalala yung kapitbahay namin noon na nasobrahan sa alak at namatay at nalunod siya sa sariling suka niya.

Bigla na lamang bumilis ang kabog ng dibdib ko saka ko binuhat si Red patungo sa silid ko.

Hindi ko siya maaaring pabayaan na lamang na matulog mag-isa sa ganitong kalagayan niya.

Halos mataranta ako sa pagkilos ko. Hinubaran ko siya saka ko nilinisan ang katawan niya. Kinuskos ko siya ng basang bimpo sa mga braso at katawan upang gumaan ang pakiramdam niya.

Pagkatapos ay binihisan ko siya. Inayos ko ang posisyon ng pagkakahiga niya base na rin sa itinuro sa akin ni tatay.

Ilang sandali ko siyang pinagmasdan bago ako nagpasya na mahiga na sa tabi niya.

Hindi rin ako halos nakatulog dahil bimabantayan ko ang paghinga niya. Halos madaling araw na nang mapanatag ang loob ko dahil kalmado na ang paghinga niya.

Saktong kapipikit ko pa lang nang maramdaman ko ang paggalaw ni Red at naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa katawan ko.

Naiilang man ako ay hinayaan ko na siya na makatulog sa ganoong posisyon dahil mas safe iyon kaysa tumihaya siya.

Ngunit hindi ko napaghandaan ang kakaibang pakiramdam na naidudulot sa akin ng pagyakap ni Red.

Hindi na ako dinalaw ng antok hanggang sa napansin ko na lumiliwanag na sa labas.

Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Red sa tabi ko. Mabilis akong bumangon at hinanap ko siya sa labas.

Pumasok din ako sa silid niya pero wala siya doon. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit unattended ang cellphone niya.

Hindi siya bumalik ng unit hanggang sa makapasok na ako sa school. Hindi rin niya pinasukan ang mga klase namin.

Kasalukuyan kaming naghihintay sa pagpasok ng professor namin para sa susunod na subject nang marinig ko ang bulungan ng dalawang kaklasi ko na nasa may harapan ko lang.

Nalaman ko na nakatira pala ang isa sa kanila sa mismong condo na tinutuluyan namin ni Red.

Narinig ko na nakita raw niya kaninang umaga si Red na akay ng dalawang pulis palabas sa elevator.

Bumundol ang kaba at pag-aalala sa dibdib ko nang dahil sa narinig ko. Sumulyap ako sa upuan ni Kazu at ngayon ko lang napansin na wala rin pala ito.

Hindi ko na hinintay pa ang prof namin. Mabilis kong dinampot ang bag ko saka ako tumakbo palabas ng classroom.

Saang police station kaya dinala si Red? Hindi ko alam pero napakabigat ng pakiramdam ko sa mga sandaling ito.

Hindi tama ang ginawa ni Red pero hindi ko rin gugustuhin na makulong siya.

Kaagad kong tinungo ang pinakamalapit na police station ngunit wala doon si Red.

Pinuntahan ko na rin ang iba pang mga istasyon malapit doon pero nabigo ako na mahanap siya.

Papalubog na ang araw nang mapagod ako kaya nagpasya ako na magpahinga muna sa tapat ng isang malaking fountain sa park na nadaanan ko.

Nanlulumo ako na tumitig sa tumatalsik na tubig sa gitna ng fountain.

Hindi ko inasahan na maaapektuhan ako nang ganito dahil sa nangyari sa stepbrother ko. Samantalang noon ay galit na galit ako sa kanya dahil sa mga kayabangan niya.

Halos kalahating oras din ako na nakatulala lang doon bago ako nagpasya na tawagan si Josh.

Sumagot naman siya at pinakiusapan ko siya na ibalato na sa akin si Red pero nagmatigas siya at pinanindigan talaga niya ang desisyon niya na ituloy ang kaso.

“Hindi ko na itatago sayo ang totoo, Gael. Bago pa man kita naging tutor ay matindi na ang alitan sa pagitan namin ni Red.” sabi niya.

“Bakit?” mahinang tanong ko. Gusto kong malaman ang dahilan upang matimbang ko ang sitwasyon.

“Dati kong kaibigan ang pinsan niyang si Kazu. Hindi ko alam na bakla pala ang gago na yun. Sinubukan niya akong molestyahin ngunit hindi ko siya hinayaan na gawin ang gusto niya.” he paused.

Ngunit hinintay ko ang iba pang mga sasabihin niya. “Ngunit makulit si Kazu. pinupuwersa niya ako na mahubad ang damit ko hanggang sa mainis na ako sa kanya.”

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi ko lubos maisip na sa maamong anyo at kilos ni Kazu ay magagawa niya ang mga bagay na iyon.

Pero hindi ko pa lubusang kilala si Kazu. Hanggang ngayon ay misteryoso pa rin siya sa akin. May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

May mga emosyon na nakapaloob sa malamlam niyang mga mata na hindi ko mabasa.

“Dahil sa galit ko ay nasapak ko siya. Nagsumbong siya kay Red at alam mo ba kung ano ang ginawa ni Red?”

Huminga siya nang malalim bago siya muling nagpatuloy. “Dinukot ako ni Red kasama ng mga fratmates niya. Dinala nila ako sa isang abandonadong bahay saka niya ako ginahasa.”

“Ano?” gulat na sambit ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

“You heard it right, Gael. Bakla si Red. Kagaya siya ng pinsan niyang si Kazu. Mga manyak sila. Pinalagpas ko noon ang kababuyan na ginawa niya sa akin pero hindi ko na palalagpasin ang ginawa niya sa akin ngayon.” galit na sabi niya sa akin.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago siya muling nagsalita. “Hindi mo ako masisisi kung bakit desidido ako na ipakulong si Red. Sana maintindihan mo ako, Gael.”

Matapos ang pag-uusap namin ni Josh sa telepono ay mas lalo nang gumulo ang isip ko.

Hindi ko pa rin kayang paniwalaan ang mga sinabi niya pero ano naman ang dahilan niya para magsinungaling?

Nakarating ako sa bahay na naguguluhan pa rin ang isip ko.

Napahinto pa ako sa paghakbang nang mahagip ng peripheral vision ko si Red. Nilingon ko kaagad siya. Nakatayo siya sa gilid ng glass wall. Nakatanaw muli sa mga citylights sa labas.

“Red?” tawag ko sa kanya.

Marahan naman siyang humarap sa akin saka siya ngumiti ngunit hindi umabot iyon sa mga mata niya.

“What?” malamig na sagot niya.

“Narinig ko kanina na hinuli ka raw ng dalawang pulis. Hindi ko inasahan na nakalaya ka na pala. Akala ko…”

“You thought what? Na hindi ako makakalabas.” tumawa siya saka niya nilagok ang beer na hawak niya.

“H-hindi mabuti sa katawan ang pag-inom ng maraming beer. Nalasing ka na kagabi at ayoko nang mag-alaga ulit ngayon ng lasing.” sabi ko.

“Hindi kita inobliga na alagaan ako. Kusa mong ginawa iyon. So I don’t need to thank you.” mabilis na sagot niya. “Hindi mo na kailangan magpanggap na concern ka sa akin dahil hindi kita paniniwalaan.”

“Concern ako sayo. Paniwalaan mo man o hindi. Magkapatid tayo diba?” sabi ko at hindi ko inasahan na tataas ang tinig ko dahil naiinis na ako sa mga sarcastic lines na ibinabato sa akin ng lalaking ito.

Natawa na naman siya. Ngunit sandali lang iyon dahil kaagad din siyang sumeryoso saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.

Mababakas ang galit sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“You’re not my brother, Gael. You’ll never be.” seryosong sambit niya.

Inilapag niya sa mesita ang beer na hawak niya saka siya humakbang palapit sa akin.

“Hindi kita matatanggap bilang kapatid ko dahil-”

Tumitig siya sa mga labi ko at nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng adam’s apple niya.

Nagsimula akong maalarma nang bigla ay umangat ang kanang kamay niya saka niya hinaplos ang leeg ko habang para siyang uhaw na nakatitig sa mga labi ko.

“May iba akong nararamdaman para sayo. Mababaliw ako kung hindi ko ito magagawa sayo.”

Nagulat na lang ako nang mabilis na natawid ng mga labi niya ang pagitan mula sa mga labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang paghalik sa akin ni Red.

Kasunod ng pamilyar na tinig na sumigaw sa isip ko.

Dinukot ako ni Red kasama ng mga fratmates niya. Dinala nila ako sa isang abandonadong bahay saka niya ako ginahasa.

Shit!

Mabilis kong itinulak palayo sa akin si Red saka ko siya sinuntok nang napakalakas.

Napaatras siya dahil sa lakas ng pagsapak ko sa kanya. Pero nang makahuma siya ay mabilis siyang nag-angat muli ng tingin sa akin.

Nakita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa na lalong nagpatindi ng takot ko sa kanya.

“Gael,” bulong niya sa pangalan ko.

Tinangka niya akong hawakan muli ngunit mabilis ko nang pinigilan ang binabalak niya.

“Nakikiusap ako sayo, Red. Huwag mong gawin sa akin ito. Konting respeto naman.” matigas na sambit ko.

Napapikit siya na tila ba nahihirapan siya sa pagkontrol sa emosyon niya.

Nang magmulat siya ng mga mata ay muli siyang tumingin sa akin saka siya marahan na tumango.

“Right,” nakakaunawang sabi niya. “I’m sorry,”

Naglakad na siya patungo sa silid niya. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapasok.

Nagbuga ako ng hangin saka na rin ako pumasok sa silid ko.

Redentor Serrano (18)

You’re Not My Brother

Episode 18

Red

Mula nang halikan ko si Gael ay hindi na siya masyadong naglalapit sa akin. Kahit sa pagkain ay hindi na niya ako sinasabayan.

Palagi na lamang ay nasa loob siya ng silid niya at kapag kinakatok ko naman ay nagkukunwaring abala sa mga school works.

Siya pa rin ang nagluluto pero pagkahain niya sa pagkain ko ay babalik kaagad siya sa silid niya na labis kong ikinaiinis.

Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya muling malalapitan at makakakulitan.

Hindi ako sanay sa ganitong set up namin. Mababaliw ako kung magpapatuloy ang iwasan na nangyayari sa amin.

Mabuti na lamang at hindi na kami ginugulo pa ng tarantadong Joshua na yun. Akala siguro ng gago ay maiisahan niya ako.

Kahit mahina ako sa ama ko ay malakas naman ako kay Dale. Siya ang naglilinis sa mga gusot na napapasukan ko.

Kaya hindi ko maitatapon ang kaibigan ko na iyon. Silang dalawa ni Kazu ang pinaka-loyal na tao sa akin.

Binuksan ko kaha ang aircon sa silid ko saka ko pinutol ang isang wire sa loob. Nilagyan ko iyon ng electric tape saka ko muling isinara.

Pagkatapos ay nagtungo ako sa silid ni Gael dala ang mga unan ko.

Dahil naka-lock ang pinto ay kailangan ko munang kumatok. Halos isang minuto rin ako sa tapat ng pinto bago niya ako pinagbuksan.

“Bakit na naman ba?” masungit na bungad niya sa akin. Dumako ang mga mata niya sa mga unan na hawak ko.

Nginitian ko siya. Isang alanganing ngiti saka ako parang siga na basta na lang pumasok sa loob. “Tagal buksan ah.” sabi ko habang naglalakad ako papasok. “Siguro nagmamasturbate ka no?” dagdag ko habang nakangising demonyo.

“Gago!” malutong na mura niya. Gusto kong matawa sa tono ng pagmumura niya.

“Itutulad mo pa ko sayo.” bulong niya saka niya hinila ang braso ko. “Teka nga, bakit may dala kang unan?” inosenteng tanong niya.

Ngumisi ako saka ako nagpacute sa kanya gamit ang maaamong mga mata ko na bihira ko lang magamit dahil kadalasan ay maangas ang dating ko.

“Hulaan mo,” pilyong sagot ko saka ko hinila at niyakap. Sabay na bumagsak ang mga katawan namin sa malambot na kama.

Pumiglas naman siya saka siya bumangon. Hinayaan ko na. Naaaliw ako sa nakikita kong pagkabalisa niya.

Tumayo siya sa gilid ng kama paharap sa akin.

“Hoy, Red. Hindi ka pwedeng matulog dito. Ayoko nang may katabi.” sabi niya saka niya hinila ang braso ko ngunit nagpabigat ako ng katawan para hindi niya ako mahatak.

“Loko, unit ko to. Wala kang karapatan na pagbawalan ako kung saan ko gustong matulog.” sagot ko.

Hindi na niya ako sinagot. Umupo na lang siya sa may tokador saka niya ipinagpatuloy ang mga school works na ginagawa niya.

“Gael!” malambing na tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. “Huy, Gael!” ulit ko pero para siyang bingi.

Dinampot ko ang unan niya saka ko iyon binato sa kanya dahil sa pambabalewala niya sa mga pagtawag ko sa pangalan niya. Natamaan sa ulo si gago at mabilis siyang bumaling sa akin.

Mababakas ang pagkairita sa mukha niya na lalo kong ikinaaliw. Dinampot niya ang unan sa sahig saka niya rin ibinato sa akin ngunit nailagan ko iyon.

Tinawanan ko siya para mas lalo siyang mainis. Masaya na ako kahit na pinapansin lang niya ako dahil sa mga pambubuska ko sa kanya. Mas mabuti na rin to kesa sa iniiwasan niya ako.

“Para kang bata.” inis na sambit niya saka na siya nagpatuloy sa ginagawa niya.

“Gago ka kasi kinakausap ka eh.” sabi ko.

“Ano ba kasi yun?” iritadong tanong niya nang hindi man lang ako sinusulyapan.

“Makikishare muna ako ng silid sayo. Sira yung aircon sa kabila. Irereport ko muna bukas sa baba.” sabi ko.

Sa pagkakataong iyon ay bumaling siya sa akin. Pinagmasdan niya ako ng ilang sandali. Nagpacute ako sa kanya.

Sumimangot si gago pagkatapos ay bigla siyang tumayo saka siya lumabas ng silid.

Mabilis naman akong napahangon saka ko siya sinundan sa labas. Nakita ko na pumasok siya sa silid ko upang malamang ay icheck ang aircon ko.

Hindi ko na siya sinundan pa sa loob. Hinintay ko na lang siya na muling makalabas.

Paglabas niya ay tumingin pa siya sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Nag-iwas na siya ng tingin saka siya nagtungo sa ref at kumuha ng maiinom.

“Kala mo naman niloloko siya.” pangongonsenya ko nang padaan na siya sa pinto pabalik sa loob ng silid niya.

“Naninipa ako pag natutulog.” sagot niya.

Muli na naman akong napangiti. Loko talaga tong si Gael. Ayaw pang magpatalo.

“Magaling naman akong umilag.” sabi ko.

“Sana all.” mabilis at sarkastikong sagot niya.

Natawa ako saka ko na siya sinundan sa kama. Nakahiga na kami pareho at nakatalikod siya sa akin.

Tumagilid din ako ng higa saka ko siya pinagmasdan. Nakikita ko na pinakikiramdaman niya ako kahit na nakatalikod siya sa akin.

“Nangyayakap din ako.” sabi ko. “Sanay kasi akong matulog na may kayakap na babae.” dagdag ko pa.

“Subukan mo, ilalaglag kita diyan.” sabi niya.

“Bakit ba ang sungit mo sakin? Nung nakaraan ka pa ah. Namumuro ka na.” biro ko.

Mabilis siyang gumalaw paharap sa akin. Hindi niya inasahan na napakalapit ko lang sa kanya.

Natigilan siya dahil napakalapit lang ng mukha ko sa mukha niya. Nagtagal ang titigan namin at napalunok ako nang mapagmasdan ko ang masarap na labi niya.

Minsan ko nang nadama ang mga iyon. Malambot at napakasarap halikan. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung gaano katamis ang mga iyon.

Hindi nga ako halos nakatulog sa kakaisip sa nangyari. Gusto kong maulit iyon sa oras na magkaroon ako muli ng pagkakataon. At ito na ang pagkakataon na iyon. Muli ko na namang naaamoy ang mabangong hininga ni Gael.

Napakurap pa siya at bahagya na namang umawang ang mga labi niya.

Nang matauhan ako sa kalokohang naiisip ko ay mabilis akong nag-ayos ng higa.

Minsan ko nang hinalikan si Gael at sapak ang inabot ko sa kanya. Iyon din ang dahilan kaya niya ako iniiwasan ngayon.

Nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin. Nasa kisame naman ang tingin ko at iniisip ko ang kakaibang nararamdaman ko para sa stepbrother ko.

Wala naman talaga akong balak na bugbugin si Joshua nung nakaraan. Pero nang makita ko siya na kasama ni Gael ay nagdilim ang paningin ko.

Hindi ko na siya hahayaan na maulit pa niya kay Gael ang ginawa niya noon kay Kazu. Hindi pa rin talaga nadala sa ginawa namin sa kanya noon ang tarantadong manyak na yun.

Ngayon ay nagbabalak na naman siyang umatake. Tumigas ang anyo ko nang maalala ko kung paano niya pinagtangkaan na halayin noon si Kazu.

Sumulyap ako kay Gael na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. Nagpakawala ako ng marahan na paghinga.

Hindi! Hindi ko

papayagan

na

magalaw

ka ni Joshua.

Mapapatay

ko talaga siya.

“Matulog na tayo. Huwag mo na ring masyadong isipin ang mga kalokohan na pinagsasabi ko sayo kanina. Hindi ako kagaya ng iniisip mo.” sabi ko saka na ako tumalikod sa kanya.

Niyakap ko ang unan saka ko na sinikap na makatulog.

Lumipas ang mga araw hanggang sa umabot nang isang linggo. Sinamantala ko ang pagkakataon na sa silid ako ni Gael natutulog.

Wala rin akong balak na ireport sa baba ang aircon na sinira ko. Kapag nagtanong si Gael ay saka ko na kakausapin ang mga tao sa ibaba.

Kung kailangan na magbayad ako ay gagawin ko basta sabihin lang nila kay Gael na hindi na aandar pa ang aircon sa kabila. Malaya na ako na makakatulog sa silid niya hanggang sa gusto ko.


Sa unang gabi matapos ang final exam ay niyaya ko na maglaro ng PS4. Nakipaglaro naman siya at nagtatawanan kami dahil sa mga kagaguhan na pinaggagagawa ko.

Nagkukwentuhan pa rin kami hanggang sa makahiga na kami sa kama.

Ilang sandali pa ay tumalikod na sa akin si Gael at hindi na sumasagot sa mga sinasabi ko.

“Gael, nakikinig kapa ba?” tanong ko ngunit wala na akong natanggap na sagot. “Huy!”

“Matulog na tayo. Inaantok na ko.” patamad niyang sagot saka niya inayos ang pagkakaunan niya.

Pinagmasdan ko lang siya ng ilang sandali pagkatapos ay hinila ko ang balikat niya upang umayos siya ng higa.

“Umayos ka nang higa. Hindi maganda kung laging ganyan ang posisyon mo. Bakit ka ba laging nakatalikod sakin?” tanong ko.

“Ayaw kitang nakikita. Baka bangungutin ako.” sabi niya saka siya bumalik sa pagkakatagilid patalikod sa akin.

“Gago ka ah.” sabi ka saka ko siya muling hinila pahiga sa kama. “Sabing umayos ka ng higa eh.”

Pumalatak siya saka siya dumapa. “Bakit ba ang kulit mo? Ayoko nga diyan.” sabi niya.

“Ang tigas ang ulo mo.” sabi ko. Hinawakan ko ang likod niya. Hinaplos ko iyon patungo sa braso niya.

Pagkatapos ay ipinasok ko sa kumot ang kamay ko saka ko pinalo ng malakas ang pwet niya.

Hindi ko inasahan ang naging reaksyon niya. Halos mapatalon ako sa gulat sa bilis ng mga galaw niya.

Sumunod ko na lang namalayan ay nakaupo na siya sa tiyan ko at pinipingot na niya ang tenga ko.

“Waaaaa! Aaaaahh! Aray! Masakit, Gael.” hiyaw ko saka ko sinisikap pigilan ang kamay niya.

“Subukan mo pang mangulit kakagatin na kita.” banta niya.

“Oo na! Bitawan mo na yung tenga ko.” sabi ko.

Binitawan naman niya saka na siya bumalik sa pagkakahiga niya.

“Tangina muntik na kong matanggalan ng tenga.” nakalabi na reklamo ko habang hawak ko ang namumula ko nang tenga.

Nang mawala na ang sakit ay yumakap ako kay Gael. Hinimas ko ang dibdib niya gamit ang palad ko.

Malakas na pagsiko naman ang ginawa niya sakin na sumakto sa sikmura ko kaya napahiyaw na naman ako saka ako napalayo ng bahagya sa katawan niya.

“Likot ng kamay mo.” masungit na sambit niya. Inayos niya ang pagkakakumot niya.

Napangisi naman ako nang may maisip na naman ako na kalokohan habang pinagmamasdan ko ang magandang hubog ng likod at braso niya.

“Gael,” tawag ko sa kanya.

“Haist! Bakit ba?” iritadong sagot niya.

“Naisip ko lang. Ang tagal na natin magkasama dito sa kwarto mo. Kahit minsan hindi pa kita nakita na nagmasturbate. Imposible naman na sa banyo mo ginagawa. Halos limang minuto lang natatapos kang maligo.”

“Alangan namang ipakita ko pa sayo.” sagot niya.

“Pwede ba?” nakangiting tanong ko.

“Gago!” sagot niya saka na siya muling umayos ng higa. Patalikod na naman sa akin.

Dahil sa inis ko ay umakto ako na kukutusan ko siya pero nahuli ako ni gago.

Sinampal niya ako. “Aray!” daing ko. Hindi naman iyon malakas pero nabigla pa rin ako.

Napangisi na naman ako. Pinasok ko ang kamay ko sa kumot saka ko tinangka na hawakan ang harapan niya.

Mabilis namang nahawakan ni Gael ang kamay ko saka siya tumingin sa akin.

“Ako na lang gagawa kung ayaw mo.” sabi ko saka ko muling iginalaw ang kamay ko pero mabilis din niyang hinigpitan ang hawak niya.

“Siraulo ka ba?” sabi niya.

“Bakit ba? Pareho naman tayong lalaki. Saka trip lang naman. Pag kami nga ni Dale nagtutulungan kami magkamay.”

“Edi kay Dale mo gawin.” sabi niya.

“Ikaw ang nandito eh.” sabi ko. “Wag ka nang maarte. Pahawak na ako.” pambubuska ko sa kanya.

Wala naman talaga akong balak na ituloy. Gusto ko lang siyang asarin. Naaaliw kasi talaga ako sa mga reaksyon niya sa tuwing napagtitripan ko siya.

Sinubukan ko muli na igalaw ang kamay ko pero bumangon na si Gael at muli na naman siyang pumaibabaw sa akin.

Sinubukan ko nang takpan ang dalawang tenga ko bago pa niya ko muling mapingot pero hindi naman pala iyon ang puntirya niya.

Naramdaman ko na lang ang mga ngipin niya na bumaon sa balikat ko.

Napasigaw ako pero hindi ko mapigilan na matawa dahil sa mga kalokohan naming dalawa.

“Sabi ko sayo kakagatin kita diba? Ilang araw kaya tatagal ang bakas ng ngipin ko sa balat mo?” nakangising sabi niya.

Tumingin ako sa balikat ko. Nakita ko ang bakas ng mga ngipin niya. Gago talaga. Nadali niya ako dahil sando lang ang suot ko hindi kagaya niya na naka-tshirt pa.

“Kanina mo pa ko sinasaktan. Ganyan ka ba magmahal?” sabi ko at kunwari ay nakangiwi ako.

“Tado!” sabi niya saka siya umakma na muling mangangagat.

Hindi na ako nagpadehado. Napuno ng tawanan at halakhakan ang buong silid dahil nagsimula na kaming magharutan sa ibabaw ng kama hanggang sa pareho kaming mapagod.

“Sana palagi tayong ganito.” bulong ko habang pareho kaming hinigingal na nakatitig sa kisame.

Gabriel Robles (19)

You’re Not My Brother

Episode 19

Gael

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Kahit na nakapikit pa ang mga mata ko ay sinikap ko na kapain ang cellphone ko sa side table. Mabilis ko namang nai-off iyon saka ako muling umayos ng higa sa kama.

Nag-inat ako upang mawala ang antok ko pero isang mabigat na braso ang bigla na lamang yumakap sa katawan ko.

Hinila pa ako nito padikit sa matigas na katawan niya.

Mabilis akong nagdilat ng mga mata saka ko siya binalingan. Nakita ko si Red na mahigpit na nakayakap sa akin.

Mabilis kong inalis sa ang braso niya at pabalibag ko iyong inilayo sa katawan ko.

Naramdaman ko naman sa batok ko ang isa pang braso niya na nagsisilbi na palang unan ko.

Mabilis akong bumangon. Inayos ko ang pagkakahiga niya. Namimihasa na tong gago na to ah.

Papaluin ko na sana siya sa pisngi nang sa ganun ay matauhan naman siya sa mga kalokohan na pinaggagagawa niya sakin pero napatigil ang kamay ko sa ere nang makumpirma ko na tulog pa nga talaga siya.

Hindi ko alam kung bakit nagtagal pa ako ng ilang sandali sa pagtitig sa mukha niya ngunit hindi rin naman nagtagal ay natauhan ako sa ginagawa ko.

Bumangon na lang ako saka na ako lumabas ng silid ko. Nagsimula na akong magkalkal ng mailuluto sa ref para sa almusal.

Sabay din kaming pumasok ni Red sa school dahil na rin sa pamimilit niya na hintayin ko siya.

Naging boring ang araw ko sa school dahil hindi naman masyadong nagturo ang mga professors namin.

Nagkayayaan na lang tuloy na magbasketball sa gym ang mga kaklase ko.

Niyaya ako ni Riel. Siya ang pinakasikat na lalaki sa school namin dahil sa artistahin na looks niya.

Sikat na sikat siya lalo na sa mga kababaihan at mga bading. May fans club pa nga siya. Ano nga ba ang tawag nila doon?

Rielies? Rielite? Nah! Basta may Riel.

Kahit na sikat at mayaman ay hindi malaki ang ulo niya. Nakikihalubilo pa rin siya sa lahat ng uri ng estudyante sa school.

Kahit si Red ay nakikita ko minsan na kinakausap niya. Magkasama pala sila sa basketball team. Nalaman ko lang iyon nang minsan na mabanggit ni Red.

Hindi ko naman kasi talaga kilala si Riel dahil ngayong second semester lang siya nalipat sa section namin.

Friendly, mabait at palaging nakangiti kaya kahit ako ay magaan ang loob sa kanya.

Nakikipaglapit din sa akin si Roy na madalas niyang kasama. Kaklase pala niya last semester. Sabay silang lumipat sa section namin.

Dahil wala naman akong pasok sa coffee shop ay sumama ako na maglaro sa kanila. Matagal na rin akong hindi nakakalaro.

Nakita ko ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Red nang marinig niya ang pagsang-ayon ko sa alok ni Riel.

Inakbayan pa ako ng gago habang patungo kami sa gym. “Dun ka sa team ko. Aalagaan kita.” bulong niya sa tenga ko.

Siniko ko siya kaya napa-aray siya saka ko inalis ang braso niya sa balikat ko.

“Namimihasa ka na sa kakatsansing mo sakin ah.” pabulong na sita ko sa kanya.

Ngumisi naman siya. “Pasalamat ka nga dapat dahil kahit marami akong pagkakataon ay hindi pa rin kita ginagahasa.” aniya.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Sinabi sa akin ni Red iyon sa pabulong at pabiro na paraan ngunit iba ang naging dating sa akin dahil na rin sa mga sinabi sa akin ni Josh.

Nawalan na ako ng interes na maglaro. Nagpaalam ako kina Riel at Roy na biglang sumama ang pakiramdam ko.

Hindi ko na hinintay pa na pigilan nila ako. Naglakad na ako ng mabilis palayo sa lugar na iyon.

Medyo malayo na ako sa gymnasium nang hatakin ni Red ang braso ko dahilan upang mapaharap ako sa kanya.

Sinikap ko na bawiin ang braso ko ngunit kagaya lang noon ay mas lalong humigpit ang kapit ni Red sa akin.

“Nagbibiro lang naman ako kanina bakit ba kailangan mo pang mapikon?” hindi naitago ng tinig niya ang inis na nararamdaman niya.

Ilang sandali ko siyang pinagmasdan bago ko siya sinagot.

“Magkasama tayong natutulog sa gabi. Hindi mo kailangan magbiro sa akin nang ganun. Lalo na sa tuwing magkatabi tayo ay puro kalokohan ang pinaggagagawa mo sa akin. Hindi mo maiaalis sa akin na hindi seryosohin ang mga sinasabi mo kahit pa sabihin na biro lang yun.” sabi ko sa kalmado nang tinig.

Napatango siya. “Okay!” sabi niya. “Hindi na kita bibiruin ng ganun. Pero hindi ko pa rin titigilan ang mga ginagawa kong paglalambing sayo. Pinapansin mo lang naman kasi ako kapag iniinis kita. Kaya hinding-hindi ko titigilan ang pangungulit ko sayo.”

Napailing na lang ako saka na ako nagpatuloy sa paglalakad. Pinakawalan na rin ni Red ang braso ko ngunit sumunod pa rin siya sa akin pauwi sa unit niya.

Nang makarating kami sa unit ay nagpahinga lang si Red. Pagkatapos ay naligo na siya saka siya nagpaalam na makikipagkita lang kay Dale.

Habang mag-isa naman ako sa loob ng unit ay bigla akong napasulyap sa silid ni Red. May ideya na pumasok sa isip ko at hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon upang magawa kaagad iyon.

Nangingiti pa ako paglabas ko sa silid ko dahil sa naisipan at ginawa ko. Nagtungo ako sa ref upang uminom sana ng malamig na tubig pero tumunog ang doorbell.

Kumunot ang noo ko saka ko inilapag sa mesa ang hawak kong baso. Hindi naman siguro si Mama ang bisita namin dahil kadalasan ay umaga ito sumusulpot.

Sinilip ko muna sa peephole kung sino ang nasa labas bago ko iyon pinagbuksan.

Natigilan pa ako nang tuluyan nang bumungad sa akin ang isang maganda at sopistikadang babae.

Kilala ko siya. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang… girlfriend ni Red.

Nang matukoy ko ang bagay na iyon ay hindi ko alam kung bakit bigla ay para na lamang may pumalo sa dibdib ko.

Isang maselang eksena ang mabilis na naglaro sa isipan ko nang matitigan ko na ang mga mata ng babae.

“I-Im sorry if I disturbed you,” sumulyap siya ng mabilis sa loob bago niya ibinalik sa akin ang mga mata niya. “Nasa loob ba si Red?”

Pinatuloy ko si Serene kahit na hindi ko pa alam kung ano ang sadya ni Red.

Kagaya niya ay nakakadama rin ako ng pagkailang lalo pa at hindi maganda ang naging unang pagkikita namin noon.

“Hindi ko alam kung anong oras makakauwi si Red. Pero ang paalam niya sa akin ay magkikita lang daw sila ni Dale.”

Hindi ako sinagot ni Serene. Marahil ay hindi niya ako narinig dahil nasa labas ng bintana ang tingin niya.

Madilim na sa labas at base sa nakikita ko ay mukhang napakalalim ng iniisip niya.

Lumapit ako sa kanya at hinapagan ko siya ng sandwich na ginawa ko na sinamahan ko ng orange juice.

Doon pa lang niya ako napansin na nakalapit na pala ako sa kanya.

“Pasensya ka na. Hindi pa ako nakapagluto ng hapunan kaya iyan lang muna ang naihapag ko.” sabi ko sa kanya.

Umiling siya. “No, it’s okay! Thank you!” nakangiting sabi niya saka niya wala sa loob na nilaro sa daliri niya ang S shaped pendant ng suot niyang kwintas.

Natigil naman sa dibdib niya ang mga mata ko. Nakita ko na nang walang nakaharang ang mga iyon.

Masasabi ko na ang katawan ng babaeng ito ay ang katawang papangarapin ng lahat ng kalalakihan.

Aaminin ko na kahit ako ay tinablan nang gabing masilayan ko ang mga dibdib na iyon. Ngunit nagbalik na naman sa alaala ko kung paano iyon nilaro ng mga kamay at bibig ni Red.

Sa halip na ang napakakinis na katawan ng babaeng nasa harapan ko ang naiisip ko ay ang matipunong likuran ni Red na nasilayan ko rin nang gabing iyon ang sumunod na naglaro sa isipan ko.

Putangina!

Napamura na lang ako sa sarili ko.

Mabilis akong tumalikod at bumalik na sa may kitchen. Nagsimula na akong magkalkal sa ref nang hindi ko alam kung ano ba ang kinukuha ko.

Lumilipad ang isip ko at hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayaring ito.

Sa huli ay naisipan ko na lamang na magluto ng sinigang na hipon.

“Hindi mo ba siya tinawagan? Hindi niya alam na narito ka ngayon. Baka hindi siya kaagad makauwi.” sabi ko kay Serene.

“He’s not picking up his phone. Kaya nagdecide na ako na hintayin siya dito. Pero parang mali nga talaga ang timing ko.” nakangiti ngunit matamlay na sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa palad niya na humihimas sa tiyan niya. Nasa labas na muli ng bintana ang tingin niya.

Ilang minuto pa ang mabagal na lumipas bago ko siya napansin na tumayo mula sa sala at naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko.

“I think, I need to go. Kapag dumating si Red, pakisabi na lang na kailangan ko siyang makausap. Importante lang. Please!”

Kung sa ibang pagkakataon lang ay parang musika sa pandinig ko ang napakagandang tinig niya ngunit nararamdaman ko na may pinagdadaanan siya kaya nawawala ang lambing sa tono niya. Napapalitan iyon ng lungkot.

Nginitian ko siya upang kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya. Magaan din naman ang loob ko sa kanya.

Hindi siya katulad ng ibang mga babae sa school na sobrang arte at ingat na ingat sa mga kilos nila.

Si Serene ay natural lang. Simple kahit na makikita mo sa anyo niya ang karangyaan.

“Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin. Nice to meet you, Gabriel!” sabi niya saka niya iniabot ang kamay niya sa akin.

Mabilis ko naman iyong tinanggap saka ko na siya inihatid hanggang sa elevator.

Pagbalik ko sa unit ay naghapunan na ako pagkatapos ay naligo na rin upang maaga na makapagpahinga.

Past eleven na ng gabi nang bigla na lang pumasok si Red sa silid ko. Napakamot pa siya sa ulo niya habang nakatitig sa kama niya na inilipat ko dito para hindi ko na siya makatabi pa sa pagtulog.

Naglakad siya patungo doon saka siya umupo paharap sa akin.

“Ano na naman bamg kalokohan to ha?” seryosong tanong niya sakin.

Sinulyapan ko siya saka ako nagkunwari na abala sa cellphone ko.

“Walang kalokohan sa ginawa ko. Ayoko nang may katabi kaya naisipan ko na ilipat na muna dito ang kama mo habang hindi mo pa rin naipapagawa ang aircon sa kabila.”

Akala siguro ni gago ay hindi ko alam ang mga kalokohan niya. Nakausap ko ang maintenance crew kanina sa ibaba. Hindi raw inirereport sa kanila ni Red ang tungkol sa sirang aircon sa silid niya.

“Haist! Ang sikip sikip na nga dito sa silid mo nagdagdag ka pa ng isang kama.” bugnot na reklamo niya.

“Kaya nga eh. Masikip na nga nakikisiksik ka pa.” makahulugan na sagot ko.

Natutuwa ako sa reaksyon na nakikita ko sa mukha niya.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin sa loob ng silid. Akala ko nga ay titigil na siya pero may napansin na naman si gago.

“Teka, bakit ganyan ang suot mo?” magtatakang tanong niya.

Sinulyapan ko ang katawan ko. Nakahubad baro ako at isang maiksing boxer shorts lang at brief ang suot ko.

“Problema mo ba sa suot ko?” painosenteng sagot ko.

“Gago, seryoso ako. Ganyan ka lang ba matutulog?” tanong niya.

Bumaling ako sa kanya. “Oo. Ganito naman talaga ako lagi pag natutulog lalo na nung nasa probinsya pa ko. Kahit nung mga unang buwan ko dito.”

Pumatalak siya. Gusto ko nang mangiti sa mga reaksyon niya pero sinisikap ko na pigilan iyon. Baka mamaya ay masira pa ang plano ko at tumabi na naman sakin ang siraulong lalaki na to.

“Eh bakit nung magkatabi tayo diyan sa kama mo halos balot na balot ka? Jogging pants saka T-Shirt!” sabi pa niya.

“Ano bang pakialam mo. Nag-iingat lang ako kasi may katabi akong manyak noon.” diretsong sagot ko.

“Ah manyak pala ah. Bahala ka kahit ilipat mo pa tong kama ko dito diyan pa rin ako matutulog sa tabi mo at maghuhubad din ako.” sabi niya.

Mabilis siyang naghubad ng mga damit niya hanggan sa ang matira na lang din ay boxer shorts. Pagkatapos ay excited pa siya na lumipat sa kama ko. Hinila niya ang kumot ko saka siya humiga para lang mapasigaw sa sakit.

“Araaaaayyy! Putcha! Ano yun?” tanong niya nang muli siyang napabangon.

Humalakhak ako ng malakas dahil sa naging reaksyon niya. Hindi ko na naiwasan na matawa lalo na sa sigaw niya.

Redentor Serrano (20)

You’re Not My Brother

Episode 20

Red

Napangiwi ako nang muli na namang bunutin ni Gael ang tinik ng patay na cactus mula sa likod ko.

“Aray! Dahan-dahan naman!” reklamo ko.

Tinawanan lang ako ni gago pero yung paraan ng pagtanggal niya ay hindi pa rin nagbago.

“Bakit mo ba kasi nilagay yan. Masakit alam mo ba?” parang bata na reklamo ko sa kanya.

“Ganito ba?” sabi niya saka niya diniinan ang daliri niya sa likod ko. Napasigaw ako ng malakas saka ako umiwas sa kanya.

Nang-aasar na tumatawa lang siya dahil sa sinapit ko sa mga kamay niya.

“Ngayon siguro madadala ka na. Wag kang tatabi sa akin sa pagtulog.” sabi niya.

“Napakasama mo sakin.” nakalabing reklamo ko.

Ilang sandali pa ay muli na niya akong pinalapit sa kanya. Hinubad niya na ng tuluyan ang damit ko at inalis na niya ang mga tinik sa malumanay na paraan.

Humiga na ako sa kama ko. Ganun din ang ginawa niya at nakita ko pa ang ngiti sa mga labi niya nang pumikit na siya.

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan habang iniisip ko kung tama pa ba itong nararamdaman ko.

Nang dumating sa buhay ko si Gael ay hindi ko inasahan na ganito ang magiging halaga niya sa akin.

Akala ko noon ay magiging pabigat at sakit lang siya ng ulo sa akin. Hindi ko rin kayang tanggapin noon na ang estranghero na kagaya niya ay magpapakasasa sa pera ng Daddy ko.

Ngunit nagkamali ako. Dahil sa mga sandaling ito ay hindi ko na kayang isipin ang sarili ko nang wala siya sa tabi ko.

Kahit pa magtagumpay ako sa gusto ko na paghiwalayin sina Aileen at Dad ay hindi ko na kayang humiwalay pa kay Gael.

Fuck! Nababaliw na nga talaga ako.

Si Gael ay parang droga na bigla na lamang pumasok sa buhay ko at ngayon ay hindi ko na maiwasan pa.

Tinupok na niya ang buong sistema ko mula sa isip hanggang sa response ng sarili kong katawan sa tuwing nadidikit siya sa akin.

Pakiramdam ko ay na-diagnosed ako sa isang napakatinding karamdaman at tanging si Gael lamang ang nag-iisang gamot sa sakit ko.

Ilang sandali ko pa siyang mataman na pinagmasdan. Tumalikod na siya mula sa akin ngunit sa liwanag na nanggagaling sa lampshade na nasa pagitan ng mga kama namin ay malaya kong naaaninag ang katawan ng stepbrother ko.

Hindi siya ang tipo ng lalaki na may mga muscles dahil hindi naman siya nagpupunta sa gym kagaya ko pero maganda ang hugis ng katawan niya.

Pinagmasdan ko ang hubad na likuran niya. Mula sa malapad niyang mga balikat patungo sa makinis niyang katawan.

Napalunok ako nang mapadako ang mga mata ko sa bilugan niyang puwetan.

Mabilis akong napapikit saka na ako umayos ng higa. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay hindi ko na naman napigilan na sulyapan siya.

Nagulat pa ako dahil nakaharap na pala siya sa akin at nahuli niya ako na nagnanakaw ng sulyap sa kanya.

“Matulog ka na nga!” iritadong sambit niya.

“Heto na nga po boss!” sarkastikong sagot ko saka ko hinila ang unan at itinakip ko sa mukha ko.

Hindi ako nakatulog magdamag dahil hindi ko katabi si Gael. Sa mga nakalipas na araw ay laging mahimbing ang tulog ko kaya magaan din ang pakiramdam ko kapag bumabangon na ako.

Sinulyapan ko ng masama si Gael saka ako napatingin sa side table na naghihiwalay sa mga higaan namin.

Marahan akong bumangon. Maingat kong binuhat ang side table saka ko rin maingat na iniusog ang kama ko upang magdikit sa kama ni Gael.

Kada galaw ko ay hindi ko maiwasan na sulyapan siya. Baka magising si loko at hindi ko na naman magawa ang gusto ko.

Mabuti na lamang at sobrang himbing na ng tulog niya kaya natapos ko nang walang aberya ang ginagawa ko.

Maingat na akong umakyat sa kama. Hinubad ko na rin ang pang-itaas na damit ko saka ako maingat na yumakap kay Gael.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang bigla na lamang may pumalo sa mukha ko.

Pagmulat ko ay galit na mga tingin ni Gael ang sumalubong sa akin. Halatang kagigising lang din niya at ang cute niyang pagmasdan.

“Sabi ko sayo hindi ka pwede sa kama ko diba?” inis na sermon niya.

Napangisi naman ako. “Sino ba nagsabi sayo na nakahiga ako sa kama mo?”

Doon lang niya narealize na hindi lang iisang kama ang hinihigaan namin.

Mabilis siyang gumalaw at sinusubukan niyang paghiwalayin ang dalawang kama.

Mabilis din naman akong kumilos upang pigilan siya hanggang sa magkaharutan na kami.

Bumagsak siya pahiga sa kama habang ako naman ay napunta sa ibabaw niya. Pareho pa kaming natigilan at natulala sa isa’t isa.

“Don’t try to resist me.” masuyong bulong ko sa kanya. Napakurap naman siya habang nakatitig sa mukha ko.

“Nararamdaman ko na hindi lang ako ang nakakadama ng matinding atraksyon na ito.” sabi ko.

“At kung mali man ako sa pakiramdam ko ay wala na akong pakialam.”

Hindi ko na hinintay na makapanlaban pa siya. Mabilis ko nang inangkin ang mga labi niya sa masuyong paraan.

Hindi siya tumutugon ngunit wala akong nararamdaman na pagtutol mula sa kanya.

Hinayaan lang niya na halikan ko siya at nang kapwa na kami mauubusan ng hininga ay tinigilan ko iyon.

Marahan siyang nagmulat ng mga mata. Malalamlam ang mga iyon habang nakatitig siya sa akin.

Napasulyap ako sa mga labi niya. Bahagya na iyong nakaawang. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon.

Muli ay mabilis ko nang naangkin ang mga labing pinapangarap ko. At sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga ito.

Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang dalawang palad niya na nakahawak na sa magkabilang dibdib ko. Tinulak niya ako palayo kaya huminto na ako sa kapangahasan ko.

Umayos ako ng upo sa kama habang siya naman ay malikot ang mga mata na bumangon. Nakikita ko ang kalituhan sa anyo niya bago siya bumaling sa akin.

“Sa tingin ko ay tama sina Mama. Kailangan ko nang humiwalay ng tirahan sayo.” seryosong sambit niya.

Hindi ko inasahan ang mga katagang iyon. Bumuka ang mga labi ko upang magsalita ngunit wala akong maapuhap na sasabihin.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago ako nakaisip ng isasagot.

“No, hindi ka aalis sa unit na ito. Kung kinakailangan na igapos kita ay gagawin ko wag ka lang makawala sa tabi ko.” matigas na sagot ko.

Tumayo na ako saka na ako naunang pumasok sa banyo. Hanggang sa makarating kami sa school ay hindi na ako kinibo pa ni Gael kahit pa panay ang kausap ko sa kanya.

Hinayaan ko muna siya dahil alam ko na mainit pa ang ulo niya dahil sa ginawa ko. Napagtanto ko rin na mali nga iyon. Hindi ko na naman kasi napigilan ang sarili ko tangena!

Nang vacant time na namin ay sinundo kami ni Dale sa classroom. Kahit pa galit din sa akin si Kazu ay sumama siya. Hindi nga lang niya ako kinakausap.

Putcha naman! Ano ba naman tong mga to. Daig pa mga babae kung magtampo.

Inasikaso ko si Kazu. Hinayaan naman niya ako na gawin iyon. Hanggang sa…

“May gagawin ka ba mamayang gabi?” bigla ay tanong niya sa akin.

Napasulyap ako sa kanya. Nangiti na rin ako dahil sa wakas ay kinakausap na niya ako.

“May pupuntahan ka ba? Kailangan mo ba ng kasama?” nakangiting tanong ko kay Kazu.

“May nangyari sa akin kagabi. Kailangan ko ng makakausap Red. Ikaw lang ang napagsasabihan ko ng lahat.”

Redentor Serrano (21)

You’re Not My Brother

Episode 21

Red

Mabilis na lumipas ang mga araw. Bago ang christmas break ay naganap ang preliminary examination namin para sa second semester.

Inasahan ko na kasama kong magpapasko si Gael dahil sa trabaho niya sa coffee shop pero nagulat na lamang ako nang maabutan ko sa ibabaw ng kama ang duffle bag niya.

Matagal akong tumayo sa may pintuan at mataman kong tinitigan ang mga iyon bago ako nagpasya na lapitan at icheck ang laman.

Marami siyang damit na nakalagay sa loob na ipinagtaka ko.

Hindi ko na lang sinipot si Dale sa usapan namin. Nagtext na lang ako sa kanya pagkatapos ay sinadya ko talaga na hintayin si Gael na makauwi.

Kahit na nababagot na ako sa kakahintay sa kanya ay talagang nagtiyaga ako dahil ayoko na masayang ang pagkakataon. Kung uuwi siya ay sasamahan ko siya kahit pa makaharap ko ang tatay niya.

Ngunit lumipas ang mahabang sandali na paghihintay ko ay wala pa rin siya. Pagdating ni Gael ay bubungangaan ko talaga siya dahil naiinis na ako.

Hanggang sa nakaidlip na ako at lahat ay wala pa rin siya. Sumulyap ako sa wrist watch ko. 10:26PM.

Mas lumalim pa ang gabi at halos dalawang oras pa ang hinintay ko bago siya dumating.

Nagulat pa siya dahil inabutan niya ako sa sala na nanonood ng tv.

Nakasimangot ako na tumayo saka ako naglakad palapit sa kanya. Nagtatanggal na siya ng sapatos at hindi niya nakikita ang busangot kong mukha.

“Ginabi ka na yata?” yamot na usisa ko.

“Nagkaroon lang ng kaunting celebration sa shop. Last day ko kasi sa trabaho kaya nagrequest sila ng advance christmas party.” sagot niya.

Gago talaga. Hindi man lang ba niya nahalata ang sarcasm sa tono na ginamit ko?

Naglakad na siya patungo sa silid niya. Naglakad din ako saka ko siya sinundan hanggang sa loob.

Naabutan ko siya na ibinababa mula sa kama ang mga gamit niya.

“Bakit nasa bag na ang mga gamit mo?” seryosong tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo ko habang hinihintay ko ang sagot niya.

Nagtanggal siya ng tshirt saka niya kinuha ang tuwalya niya. Tang-ina! Iniiwas ko na lang ang tingin ko palayo sa hubad na katawan niya upang hindi na ako matukso.

Baka mamaya kapag hindi ako nakapagpigil ay magahasa ko pa siya.

“Nagpaalam na ako sa coffee shop. Gusto kong makasama ang tatay ko sa darating na pasko.” sabi niya.

Sa narinig ko ay nabawasan ang inis ko. Mabuti pa siya ay naiisip ang bagay na iyon samantalang ako ay ang makasama si Dad ang pinakahuling bagay na papasok sa isip ko.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. Ilang sandali ko siyang pinagmasdan hanggang sa naglakad na siya palabas sana ng pinto.

Pinigilan ko ang braso niya gamit ang kamay ko. Nakakapaso ang init na nagmumula sa balat niya ngunit ayokong alisin doon ang kamay ko.

“Sama mo ko.” sambit ko.

Napahinto siya sa pagpihit ng doorknob. Lumingon siya sa akin. Magkasalubong ang magagandang kilay niya.

Tang-ina. Pati kilay niya napapansin ko na. Ganun na ba talaga ako kabakla sa kanya? Holyshit! Nakakagago na talaga to.

Hindi ko inasahan na darating ang araw na ito na ang isang tulad ko na basagulero at napakatinik sa babae ay mababaliw nang ganito sa kapwa ko lalaki.

Sa anak pa ng stepmother ko na kinaiinisan ko.

“Anong gagawin mo dun?” nagtatakang tanong niya na sinundan niya ng mabilis na pag-iling. “Ahh hindi.” matigas na sabi niya na sinundan pa niya ng “Hindi ka sasama.”

Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Lumabas na siya ng silid

Napasimangot ako saka ako napalabi. “Damot!” himutok ko.

Naglakad na ako patungo sa kama at ibinagsak ko ang katawan ko doon. Para akong bata na naghihimutok dahil ayaw akong isama na kumain sa Jollibee.

Hinatak ko na lang ang unan saka ko niyakap ng mahigpit. Ilang sandali lang ang lumipas ay nakabalik na kaagad si Gael.

Napasulyap ako sa kanya. Nagtungo na siya sa closet saka siya humugot doon ng sando saka niya isinuot.

Umupo ako sa kama saka ako sumandal sa headboard. Pinagmasdan ko siya. Nakikita ko sa mga kilos niya na pinakikiramdaman din niya ako.

“May gusto ka bang sabihin?” lingon niya sa akin. Nagpupunas na siya ng basang buhok niya.

“Bakit ba ayaw mo kong isama? Damot mo!” nakalabing sagot ko sa kanya.

“Bat di ka umuwi sa tatay mo?” sabi niya.

Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya. For real?

“Don’t say stupid things, Gael. You know that I’m not okay with Dad. Kung ayaw mo kong isama hindi kita pinipilit. I was just asking kung papayag ka. Pero hindi. So wala akong magagawa.” inis na sagot ko.

Bumangon ako saka ko binitbit ang unan ko. Nararamdaman ko na sinusundan ako ng tingin ni Gael hanggang sa makalabas ako ng silid.

Asshole!

Padabog ko na inihagis sa sofa ang unan saka ako umupo doon. Ilang sandali akong pasulyap-sulyap sa pintuan ng silid niya sa pagnanais na makita siyang lumabas doon at suyuin ako na bumalik na sa silid.

Pero namuti na ang mga mata ko sa kakahintay ay hindi siya lumabas. Kaya buwisit na buwisit ako na bumangon saka ko padabog na binuksan ang pinto.

Bubungangaan ko sana siya pero nang makapasok na ako sa silid ay nakita ko siya na sobrang himbing na ng tulog sa ibabaw ng kama.

Lumambot ang anyo ko saka ko marahan na isinara ang pinto. Naglakad ako patungo sa kama saka ako umupo sa tabi ng natutulog na si Gael.

Ilang sandali ko siyang mataman na pinagmasdan bago ako nagpasya na mahiga na sa tabi niya.

Nakatagilid siya sa gawi ko kaya tumagilid din ako ng higa upang mas mapagmasdan ko pa siya nang malapitan.

Tarantado ! Gago! Asshole!

Fuckhit

ka Gael! malulutong mura ko sa kanya sa isip ko.

Sa kabila ng inis ko ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na pagnakawan siya ng halik sa pisngi.

Matapos kong gawin iyon ay gumalaw siya saka siya bumaling sa kabila. Patalikod sa akin.

Ilang sandali ko siyang pinagmasdan bago ako lumapit sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Naramdaman ko pa ang palad niya na hinawakan ang pulso ko ngunit hindi naman niya inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Matulog ka na Red, ano ba?” naalimpungatan na bulong niya.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya saka ko siya binulungan.

“Please, isama mo na ako. Promise magpapakabait ako doon.” bulong ko.

Hindi niya ako sinagot kaya lumabi na naman ako saka ako inis na tumitig sa kisame habang yakap ko pa rin ang katawan niya.

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog ngunit paggising ko ay mag-isa na lang ako sa kama.

Kinapa ko pa ang side ng kama kung saan natutulog si Gael pero wala akong nakapa kaya inaantok man ay nagmulat na ako ng mga mata saka ako nakatanga na tumingin sa kabilang side.

Ilang sandali akong nagmuni-muni bago ako bumangon saka ko hinanap si Gael.

“Gael!” tawag ko sa kanya paglabas ko ng kwarto pero wala siya sa labas.

“Gael!” ulit ko saka ko kinatok ang banyo. Nang walang sumagot ay pinihit ko ang doorknob saka ko binuksan iyon.

Wala rin akong nakita na Gael sa loob. Napasulyap ako sa ref saka ko pahablot na dinampot ang nakaipit na note doon.

Hindi na kita

ginising

.

Initin

mo na lang ang pagkain

pagkagising

mo. Marami akong

niluto

yung hindi

madaling

masira

para may

naiinit

ka kapag

nagugutom

ka.

Kumuha

ka lang sa ref.

Gael

Naiinis man ako ay kinain ko pa rin ang mga niluto niya. Inubos ko ang oras ko maghapon sa kakalaro ng mobile legends para makalimutan ko ang inis ko kay Gael.

Kinagabihan ay pinuntahan ako ni Dale sa condo. Nagtungo kami sa bar na madalas naming tambayan at doon ay nagkasiyahan ang mga tropa namin.

Pero ang isip ko ay lumilipad. Nasa Pampanga. Putangina!

Hindi pa nga ako nakakarating doon pero yung utak ko nandun na. Nauna pa sa akin.

Napansin ko si Kazu na nakatingin sa akin. Napakurap ako saka ko siya niyaya na lumabas muna sandali.

“May problema ka ba? Inaway mo na naman ba si Gael?” simula niya.

Napasulyap ako sa kanya saka ko siya tinawanan. “ Gago ka. Ako nga inaaway niya. Bait ko na kaya sa kanya.“ sagot ko.

“Teka nga. Diba may sasabihin ka dapat sa akin nung nakaraan? Pag-iiba ko sa usapan namin.

Ngumiti naman siya. “Wala yun. Na-miss lang kasi kita. Hindi mo naman ako pinansin.” sabi niya.

Napakamot na lang ako sa ulo ko saka ako humingi ng pasensya sa kanya. Ngiti lang ang isinagot ng loko.

Narinig ko na tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya iyong kinuha saka niya binasa ang message.

Sinubukan ko na usisain kung sino ang nagtext pero alerto ang walanghiya. Mabilis na naiiwas ang screen.

Nang mabasa niya iyon ay napangiti na naman siya saka siya natitipa doon. Napailing na lang ako saka ko siya hinila na pabalik sana sa loob.

“Teka, mauna ka na.” sabi niya.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “Bakit?” curious na tanong ko.

“Basta mauna ka na lang. Aalis na ako.” sabi niya.

Gago to ah. Sesermunan ko sana siya pero isang motorsiklo ang humito sa tapat niya na ikinagulat ko.

Nang mag-angat ng helmet ang driver ay mas lalong kumunot ang noo ko. Lalo na nang abutan niya ng helmet si Kazu.

“Hoy! Anong ibig sabihin niyan?” pigil ko sa tangkang pag-abot ni Kazu sa helmet.

“Payagan mo na ang pinsan mo. Hindi ko naman siya ipapahamak.” sabat ng mayabang na si Kevin.

Matigas akong umiling. “Hindi! Ako ang maghahatid sayo, Kazu.” sagot ko.

Lumapit na ako saka ko hinila si Kazu palayo sa mayabang na si Kevin. Hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko.

Nakita ko ang matinding inis sa anyo ni Kevin habang hindi siya mapakali na nakasilip kay Kazu na nasa likod ko.

“Red,” sambit ni Kazu.

“Tumigil ka. Isusumbong kita sa daddy mo.” banta ko sa kanya. Ayoko talaga na umaaligid sa kanya ang mayabang na Kevin na to.

Ilang sandali pa ay bumaling sa akin si Kevin na para bang napakaamo niyang tupa. “Please, Red. Payagan mo na kami. Ihahatid ko naman nang safe ang pinsan mo sa kanila.” sabi niya.

Ilang sandali muna akong nag-isip bago ako ngumisi saka ko sinalubong ang nagmamakaawang tingin niya.

“Papayagan ko kayo pero may kapalit.” nakangising sagot ko.

Redentor Serrano (22)

You’re Not My Brother

Episode 22

Author’s Note:

Ginamit ko po ang province ng Pampanga sa story na ito pero yung bayan po nina Gael ay imagination ko lang.

-Nickolai214


Red

Nakasimangot ako na humigop ng sabaw mula sa maliit na mangkok dito sa kainan na nakita ko sa plaza ng Cristobal.

Nang magtanong ako tungkol sa address ni Gael ay dito ako itinuro itinuro ng tarantadong Kevin na iyon.

Hindi ko naisip na ganito pala kalawak ang lugar. Maghapon na akong naglalakad at nagtatanong sa mga tao dito pero wala kahit isa ang nakakakilala kay Gael.

Natawa ako sa sarili ko. Naisahan ako ng gago. Di bale, babalikan ko siya pagbalik ko sa Maynila.

Iniunat ko ng bahagya ang binti ko habang pinagmamasdan ko sa pagliligpit niya ng mga pinaglutuan ang Mama na may-ari ng kainan.

Masakit na ang mga paa ko at nakakaramdam na rin ako ng pagod dahil madaling araw pa lang ay bumiyahe na ako patungo sa Pampanga.

Naiinis na rin ako dahil mula pa kahapon pag-alis ni Gael ay hindi ko na makontak ang number niya.

Habang nag-aayos na ng mga kaserola ang mama ay tinanong ko siya.

“Manong, meron ka bang alam na hotel o kahit anong lugar malapit dito na pwede kong tulugan ngayong gabi?”

Napalingon siya sa akin saka siya napakamot sa batok niya. “Naku iho mahihirapan kang makahanap ng ganyan dito. Dulong parte na itong lugar namin at wala ka nang ibang bayan pa na mapupuntahan mula dito kung hindi ka sasakay ng bangka.”

“Ganun po ba? Sige salamat manong.” dismayadong tugon ko saka ako nagpalinga-linga sa paligid.

Totoo nga ang sinasabi ni manong. Kahit marami-rami rin ang mga shop na nakikita ko dito sa main road nila ay wala akong nakita kahit isa man lang na kilalang establishment.

Pero may nakita akong daungan o parang pilahan ng mga bangka malapit sa palengke nila. Baka pwede akong makitulog na lang muna doon sa mga upuan na naroon.

“Aba’y saan ba ang punta mo? Bakit ginabi ka na dito? Wala ka bang kamag-anak na maaari mo munang tuluyan pansamantala?” tanong sa akin ni manong.

Napatingin ako sa gawi niya. Kasalukuyan na siyang nagbababa ng mga tolda sa kabilang side ng kainan niya.

“Hindi naman ho kasi ako tagarito. Hinahanap ko lang yung bahay ng kapatid ko kaya lang parang iniligaw yata ako nung tarantadong schoolmate ko na hiningian ko ng address.” sagot ko na hindi itinatago ang inis ko kay Kevin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Manong kasabay ng pagkunot ng noo niya.

“Kapatid mo pero hindi mo alam ang address?” nagdududang tanong niya.

Nahalata ko naman kaagad iyon kaya mabilis na akong dumipensa. “Hindi ko naman talaga siya kapatid. Anak lang siya ng stepmother ko. Sabi sa akin ng kaibigan niya ay sa bayan na ito ang address niya.”

Nakita ko na tila nahulog siya sa ilang sandaling pag-iisip bago siya muling sumulyap sa akin na tila ba sinusuri niya ako.

Napadako ang tingin niya sa mamahaling wrist watch na suot ko. Napasulyap din ako doon saka ko ibinaba ang kamay ko upang maitago iyon.

“Hindi ko pag-iinteresan iyan kung iyon ang iniisip mo. Maaaring mahirap lang ako ngunit maprinsipyo akong tao.” sambit niya.

Nakadama naman ako ng pagkapahiya saka ko na ibinalik sa mesa ang kamay ko.

“Pasensya ka na manong hindi naman ho iyon ang iniisip ko. Medyo nailang lang po ako kasi parang hindi nababagay sa lugar na ito ang mga gamit na suot ko.”

Natawa naman siya saka siya napailing. “May litrato ka ba ng kapatid mo? Baka kilala ko siya.” tanong niya.

Napailing ako dahil ang dala kong cellphone ay yung may keypad na de pindot.

“Hindi ko po dala yung cellphone ko. Pero baka pamilyar po kayo sa pangalan na Gabriel Robles o baka kilala niyo siya.”

Napangiti siya sa akin saka siya nagsalita. “Kilala ko ang hinahanap mo. Kung gusto mo ay hintayin mo ako na matapos sa pagsasara ko. Ihahatid kita sa mismong bahay ng taong hinahanap mo.” sabi niya.

Dahil sa narinig ko ay biglang nagliwanag ang anyo ko. Kung kanina ay nakasimangot na ako, ngayon naman ay hindi ko na mapigilan ang ngiti ko.

Mabilis akong napatayo saka ko nilapitan si manong. “Tutulungan ko na po kayo. Ano po ba ang mga gagawin pa ninyo.” energetic na tanong ko.

Napailing na lang siya saka na niya iniligpit ang pinagkainan ko. “Maupo ka na lang diyan at lilinisin ko lang ang mga ito.”

Wala na akong nagawa kung hindi maghintay sa labas.

Mabilis naman siyang natapos saka lamang niya nilagyan ng kadena ang pintuan ng pwesto niya.

Pagkatapos ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa daungan malapit sa palengke.

Para akong lutang na napapakurap na lamang habang pinagmamasdan ko na sumakay sa bangka si manong.

Nang mapansin niya na hindi ako sumunod ay bumaling siya sa akin.

“Tatayo ka na lang ba diyan?” tanong niya.

Mabilis naman akong naglakad palapit sa bangka. Inalalayan pa niya ako na makasakay dahil malikot iyon nang tumapak ako.

Sumunod ko na lamang namalayan ay nakasakay na kami sa bangka habang binabagtas namin ang madilim at malawak na ilog.

May pagdududa man ako sa taong sinamahan ko ay isinawalang bahala ko na lang iyon dahil gusto ko na talagang makita si Gael.

Hindi ako basta nagtitiwala sa mga taong hindi ko kilala. Maliban ngayon.

“Hindi ba alam ni Gabriel na darating ka? Bakit hindi ka na lang nagpasundo sa kanya sa bayan nang sa ganun ay hindi ka na nahirapan pa sa paghahanap sa bahay nila.” bigla ay tanong ni manong.

Napalingon ako sa kanya saka ako humarap sa gawi niya upang magkausap kami ng maayos.

“Hindi po niya alam na sumunod ako dito. Iniwanan ako ni gago kahit pa sinabi ko sa kanya na gusto kong sumama sa kanya.”

Napangisi siya dahil sa sinabi ko kaya napangisi na lang din ako saka ako lumihis ng tingin.

“Mabuti naman at nagkasundo kayo. Karamihan sa mga kagaya ninyo na hindi naman talaga magkapatid ay kadalasan na nag-aaway. Lalo na at kilalang suplado si Gabriel kahit pa sa mga kapitbahay niya rito.” sabi niya.

Napangiti ako saka ko siya muling binalingan. “Hindi naman po siya mahirap pakisamahan. Madalas ay bugnutin siya at palagi na lamang nagsusungit pero hindi iyon dahilan para mainis ako sa kanya.”

Natawa pa ako habang inaalala ko ang mga kalokohan ko kay Gael. “Mas natutuwa nga po ako kapag naaasar siya sakin. Nagsapakan po kami nung unang buwan niya sa bahay ko. Pero matapos ang araw na iyon ay naging maayos naman kami.

Nawala ang mga ngiti sa labi niya at tila nahulog siya sa malalim na kaisipan. Hinayaan ko na lang siya at tumingala ako sa madilim na kalangitan.

Makikita sa kislap ng tubig sa ilog ang magandang liwanag ng buwan. Marami ring bituin na bihira kong mapagmasdan nung nasa Maynila ako.

“Hindi ka ba nainis nung malaman mo na magkakasama na kayo sa iisang bubong ng stepbrader mo?” bigla ay tanong niya.

Nagtama ang mga mata namin. Seryoso ang anyo niya at tila hinihintay talaga ang magiging sagot ko.

Bahagya akong yumuko saka ako mabilis na nag-isip ng maisasagot. At nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay matapang kong inamin ang nararamdaman ko.

“Nagalit ako, nainis at sinabi ko sa sarili ko na pahihirapan ko siya sa pagtira niya sa bahay ko. Pero nang makilala ko na siya ng maayos ay nagbago ang isip ko.”

“Sa katunayan ay masasabi ko sa mga sandaling ito hindi na siya iba sa akin. Hindi niya kasalanan na nag-asawa ng iba ang nanay niya. Kaya tinanggap ko siya higit pa sa pagiging kapatid.”

Nagbuga siya ng malalim na paghinga at ilang sandali pa ay huminto na ang makina ng bangka na sinasakyan namin.

“Sa pagkakakilala ko sa kanya ay mabuting bata naman siya. Magalang siya sa matatanda sa lugar namin at kahit hindi siya palakaibigan ay kasundo naman niya ang karamihan sa mga kaedaran niya.”

Nagsimula na siyang magsagwan at nang sumulyap ako sa likuran ko ay malapit na pala kami sa daungan ng mga bangka.

Nang makarating na kami doon ay mabilis akong bumaba saka ko pinagmasdan ang buong lugar.

Medyo maraming bahay sa parang maliit na isla na ito. Ngunit wala ka na halos makikita na tao sa daan maliban sa mga dalagita na napadaan sa gawi ko. Hindi nila itinago ang mga ngiti niya habang nakatitig sila sa akin. At nang makalagpas na ay nagtutulakan at naghahagikgikan sila.

Napailing na lang ako saka ako muling tumingin sa paligid.

“Mga kabataan talaga ngayon oo. Kay babata pa’y ang haharot na. Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?” bulyaw niya sa mga teenagers na dumaan.

Natahimik naman sila at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa amin.

“Sumunod ka sa akin.” sabi niya saka na siya naunang naglakad.

Naglakad na rin ako patungo sa tinatahan niya. Nang mapadaan kami sa may tindahan ay binati siya ng mfa nag-iinuman doon.

“Pareng Raul, magandang lalaki yang kasama mo ah. Shot muna kayo.” sabi ng isang mama na may kainumang tatlong lalaki.

“Sa susunod na lang pare. Maaga ang lakad ko bukas. Siya nga pala, kaibigan ito ni Gael ihahatid ko lang doon.” sabi niya.

Tumango naman ang mga lasinggero at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Ilang bahay pa ang dinaanan namin bago siya pumasok sa isang maliit na bakuran na natataniman ng iilang puno sa loob.

“Gael!” sigaw niya.

Bumaling siya sa akin at pinapasok niya ako sa loob. Mabilis naman akong tumalima.

“Gael!” ulit niya.

Ilang sandali pa ay nakita kong lumabas sa pintuan ng bahay si Gael.

“May bisita ka.” sabi ni Mang Raul saka niya ako sinulyapan.

Sumunod naman ang tingin ni Gael patungo sa akin at nakita ko ang pagbakas ng gulat sa gwapong anyo niya.

“R-Red?” naguguluhang sambit niya.

Naguluhan din ako nang makita ko ang pagpasok ng mama sa loob. Doon na may bumundol na kaba sa dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino siya.

Mabilis akong nilapitan ni Gael saka niya ako pagalit na sinermunan.

“Paano ka nakarating dito? Hindi ba sinabihan na kita na hindi ka pwedeng sumama?” inis sa sabi niya.

“Gabriel!” galit na bulyaw ni Mang Raul na ikinalingon naming dalawa.

“Hindi ganyan ang tamang pagtanggap sa bisita. Saan na napunta ang asal mo?”

Lumambot naman ang anyo ni Gael saka niya ako sinulyapan.

“Papasukin mo ang kapatid mo at asikasuhin mo siya ng mabuti. Hindi ka niya itinaboy nang makitira ka sa kanya sa Maynila.” sabi sa kanya ni Mang Raul.

“Ah. Mang Raul, ayos lang po. Ganito lang po talaga kami ni Gael mag-usap.” sabi ko saka ko sinamahan ng pilit na ngiti para hindi na siya lalong masermunan.

“Bitbitin mo ang gamit niya. Maghapon nang naglalakad sa bayan ang batang iyan. Mabuti na lamang at ako ang huling napagtanungan niya sa bayan.”

Matapos sabihin ni Mang Raul iyon ay pumasok na siya sa loob. Bumaling naman sa akin si Gael.

Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon at niyakap ko siya ng mahigpit.

Nabigla naman siya at hindi siya nakagalaw dahil sa higpit ng yakap ko.

“Maghapon akong naglakad sa bayan. Hindi ka ba naaawa sa akin?” nakalabing sambit ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

Gabriel Robles (23)

You’re Not My Brother

Episode 23

Gael

Matapos kong makaligo ay dumiretso na kaagad ako sa silid ko. Natigilan ako nang mapagmasdan ko ang lalaking nakahiga at mahimbing na natutulog sa papag na nilatagan ko lang ng makapal na kumot.

Marahan akong umupo sa tabi ni Red habang nakatitig pa rin ako sa maamong mukha niya.

Napakalayo sa maangas at pilyong anyo niya kapag gising siya. Ngayon ay mababakas sa anyo niya na talagang pagod siya.

Nabitawan ko ang tuwalya na pinupunas ko sa basang buhok ko. Bumagsak iyon sa katawan ko saka ko pinasadahan ng tingin ang katawan niya.

Napalunok ako nang mapadako sa mabuhok na kilikili niya ang mga mata ko. Maganda ang tubo ng buhok doon at naaakit ako na haplusin iyon.

Shit!

Napapikit ako at mabilis na akong nag-iwas ng tingin mula sa katawan ni Red.

Muli ay tumayo ako saka na ako nagsuot ng sando. Pinatuyo ko lang ang buhok ko pagkatapos ay inayos ko na ang nakataas na braso ni Red.

Humiga ako patalikod sa kanya. Kung sa mga normal na araw lang ay inaantok na dapat ako sa mga sandaling ito ngunit hindi ngayon.

Sinikap ko na ipikit ang mga mata ko ngunit ang nakakaawang anyo ni Red kanina habang nakayakap siya sa akin ang naglalaro sa isip ko.

Mabilis akong nagmulat. Pumalatak ako saka ako dumiretso ng higa. Ibinaling ko pa patungo sa kanan ang ulo ko upang sulyapan si Red.

Ngunit mali pala na ginawa ko iyon dahil nakatuon na ngayon ang mga mata ko sa bahagyang nakaawang na mga labi niya.

Nainis ako kaya tumalikod na ako sa kanya. Pero naawa pa din ako dahil baka kagatin siya ng mga lamok kaya kinuha ko ang mosquito repellent na binili ko sa bayan.

Pinahiran ko ang mga braso at binti niya na nakalabas sa suot niyang damit. Pagkatapos ay kinumutan ko siya bago ako nagpasya na lumabas sa maliit kong silid.

Naabutan ko si tatay sa labas na nakatanaw sa labas ng bintana.

Marahil ay naramdaman niya ang paglabas ko kaya sumulyap siya sa gawi ko. Nagtama ang mga mata namin at ang seryosong anyo niya ang napagmasdan ko.

“Kumusta ang bisita mo?” mahinahon na tanong niya.

Nagkibit ako ng mga balikat saka ko siya sinagot. “Nakatulog na siya. Napagod sa biyahe.”

“Napagod siya sa maghapon na pag-iikot niya sa plaza.” mabilis na pagtatama niya sa sinabi ko.

Napasulyap ako sa kanya at isang malalim na pagbuntong-hininga ang nakita ko.

“Maaga pa lang ay natanaw ko na siya na naglalakad sa may tapat ng kainan. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang hinahanap niya. Kung hindi pa siguro siya nagtanong sa akin ng lugar na matutuluyan ay malamang na natulog siya sa pantalan.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tatay ko. Pero sa mga sandaling ito ay parang may sumuntok na konsensya sa dibdib ko para kay Red.

“Hindi ito ang unang beses na may lalaking napalapit sayo nang ganyan bukod sa mga kaibigan mo dito.” sabi niya na hindi ako nililingon.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya at ayoko nang balikan pa ang yugtong iyon ng buhay ko.

“Iba si Red kay Neil. Stepbrother ko si Red at magkasama kami sa school at sa bahay. Isa pa ay ayoko nang balikan ang pagkakamali ko sa nakaraan.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago ako nilingon ni tatay. “Hindi naman maikakaila na napakalayo nga nila. Yang stepbrother mo ay magalang na bata, matino siya sa unang tingin pa lang, ang layo sa tarantadong Neil na iyon.” mababanaag na ang galit sa tinig niya.

“Tay, huwag na nating pag-usapan ang nakaraan. Kung iniisip mo na mahuhulog ang loob ko kay Red kagaya ng nangyari noon kay Neil ay wala kang dapat ikabahala. Dahil sa simula pa lang ay naglagay na ako ng limitasyon sa pagitan naming dalawa.”

Totoo ang sinabi ko. Dahil kahit anong pilit na gawin ni Red upang makipaglapit sa akin ay hindi ko siya hinahayaan na magawa niya ang lahat ng gusto niya.

Nagkamali na ako noon at hindi ko na hahayaan na maulit pa iyon ngayon.

Kaya lang ay sa bawat araw na magkasama kami ni Red ay unti-unti na niyang nasisira ang pader na itinayo ko sa pagitan namin.

Gago siya pero sa kabila ng bad boy image na ipinapakita niya ay hindi pa rin maitatago ang pagiging mabuting tao niya.

Pero hindi dapat ako magpakampante. Lalo na at alam ko na may galit pa rin siya sa mama ko. Hanggang sa pagiging stepbrother lang talaga kami at hindi na iyon kailangan pang humigit pa doon.

“Huwag mong isarado ang puso mo anak. Hindi lahat ng makikilala mo ay katulad ni Neil. Hindi masama na pagbigyan mo ang sarili mo na sumaya. Nagkamali kami noon ni Aileen at ayokong maging dahilan ang paghihiwalay namin sa pagpipigil mo ng damdamin mo.”

“Tay, lalaki si Red. Napakaganda ng girlfriend niya sa Maynila. Hindi mo dapat kami nilalagyan ng malisya. Magkapatid lang kami at hindi na iyon hihigit pa doon.”

Napailing siya. “Hindi magtitiyaga ang batang iyan na sundan ka at mapagod siya sa kakahanap sayo dito kung hindi ka mahalaga sa kanya.”

“Tigilan na natin ito. Magpahinga na kayo dahil maaga pa kayo bukas.” sabi ko saka ko na siya iniwanan.

Humiga na ako sa tabi ni Red. Para naman itong nananadya dahil saktong paghiga ko ay yumakap siya sa akin.

Marahas ko siyang tinulak palayo saka ko siya sinampal. Mabuti na lamang at mahina lang iyon. Mahimbing pala ang tulog ni gago. Akala ko kanina ay gising siya at nantitrip na naman.

Inayos ko ang pagkakahiga niya saka ko siya kinumutan. Malamig dito sa lugar namin kapag madaling araw.

Nang maiayos ko na siya ay tumalikod na ako sa kanya at sinikap ko na rin makatulog.

Nagising ako kinabukasan na maliwanag na sa labas. Napakurap pa ako nang sa pagbukas ng mga mata ko ay mukha ni tatay ang nakita ko.

Nakatunghay siya sa akin at… Nagsalubong ang mga kilay ko saka ko sinulyapan ang mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko.

Nakita ko si Red na mahimbing pa rin ang tulog habang nakayakap siya sa akin. Nakataas pa sa may bandang harapan ko ang tuhod niya.

Nakadama ako ng pagkailang at nagkaroon ako ng hard on kaya mabilis kong itunulak nang malakas si Red.

Nagising siya nang bumagsak siya sa sahig na kahoy.

“Aray!” malakas na daing niya. “Gael!” sigaw pa niya sa pangalan ko.

“Bumangon na kayo nakahanda na ang almusal.” sabi ni tatay.

Doon lang napagtanto ni Red na naroon ang tatay ko. Mabilis siyang tumayo at inayos niya ang sarili niya.

“G-Good morning po, Tito.” magalang na bati ng hudyo.

“Magandang umaga rin.” sagot naman ni tatay pagkatapos ay binalingan niya ako. “Mag-almusal na kayo dito ng kapatid mo at kung tutungo ka sa bayan ay isama mo siya. O kaya naman ay ipasyal mo siya sa magagandang lugar dito.”

“Naku, tutulong na lang po kami ni Gael sa carinderia ninyo, Tito.” sabat ni Red.

Nginitian naman siya ni tatay na sinabayan niya ng tango.

“Masarap po ang mga niluluto ninyong pagkain. Ngayon ay alam ko na kung kanino nagmana ang anak ninyo.” pambobola pa ng gago.

“O siya sige na at baka marami nang kumakain sa tindahan.” sabi ni tatay saka na siya lumabas ng bahay.

Siniko naman ako ni Red saka niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko. “Sa tingin mo maguguatuhan kaya ako ng tatay mo bilang boyfriend mo?”

Kinilabutan ako dahil sa narinig ko. Mabilis ko siyang hinawakan sa batok na ikinahiyaw niya na sinundan ng halakhak habang iniiwas niya ang sarili niya sa akin.

“Huwag diyan ano ba?” tumatawang hiyaw niya.

“Pwede mo lang gawin sakin yan kapag gagawa na tayo ng baby.” natatawang sambit niya.

“Baby mo mukha mo.” sabi ko. Mabilis kong naabot ang nakasimgit na pangkamot ng likod ni tatay sa tabi ko saka ko siya pinukpok sa ulo.

“Aray! Sadista ka talaga.” nakalabing daing niya habang kinakamot ang ulo niya na tinamaan.“

Napailing na lang ako saka na ako nagtungo sa maliit na kusina namin upang ipaghanda ng almusal ang demonyito na bisita namin.

Habang nag-aayos ako ng mesa ay napapaisip ako sa sarili ko. Nalintikan na talaga. Kailangan ay makaisip ako kaagad ng paraan para mapauwi ko na siya sa Maynila.

“Nasaan ang kutsara?” bigla ay tanong niya nang kapansin niya na wala akong inilapag na kubyertos sa mesa.

“Hindi kami gumagamit ng ganun dito. Kung hindi ka sanay magkamay bumalik ka na sa Maynila.” masungit na sagot ko.

“Shit ka.” sabi niya na sinabayan pa niya ng inis na pag-ngiwi.

“Minumura mo ba ako?” tanong ko.

“Hindi no.” depensa naman niya saka siya ngumisi at sinimulan nang kamayin ang pagkain sa plato niya.

Pagkatapos kumain ay isinama ko si Red sa maliit na bukirin ni Mang Norman dahil nag part time ako sa pagbubungkal ng lupa para sa mga itatanim na gulay.

Naabutan na namin doon ang dalawang kasamahan ko na naghahanda na sa gagawin naming trabaho.

“Oh, nandito na pala si Gael. May kasama siya pare.” sabi ni Alfred na siniko si Toto.

Napangisi naman ako dahil sa kalokohan na naisipan ko kanina. “Siya nga pala mga parekoy, si Red, kaklase ko sa Maynila.” pakilala ko sa kasama ko.

Binati naman siya ng dalawa at gumanti rin siya ng pagbati sa mga ito. Hindi niya alam na sila ang makakasama niya sa hirap na pagdadaanan niya sa araw na ito.

“Siya muna ang gagawa ng trabaho ko ngayon. Tuturuan ko lang siya sandali, pagkatapos ay kayo na ang magturo sa kanya.” sabi ko.

Nagtatanong na mga tingin ang ipinukol sa akin ni Red pero sinadya ko na hindi salubungin ang mga mata niya.

“May pupuntahan kasi ako. Kailangan ko lang asikasuhin ngayon iyon.” dugtong ko pa saka ko sinulyapan si Red.

Nagtataka pa rin siya sa mga naririnig niya pero hindi siya nagtangka na sumingit sa pag-uusap namin.

“Sige, tara na baka maabutan pa tayo ni Mang Domeng na nagkukwentuhan dito bungangaan na naman tayo nun.” sabi ni Alfred saka na sila nagsimulang dumukot ng mga gagamitin nilang palakol.

Nagkatinginan kami ni Red. “Kumuha ka na ng gamit mo doon. Gayahin mo sila sa mga gagawin nila.” sabi ko.

“Seryoso ka ba? Sa akin mo ipapagawa ang trabaho mo dito?” inosenteng tanong niya.

“Hindi naman kita pinipilit na gawin. Kung gusto mo lang naman.” sabi ko.

“Hindi mo man lang ipinakipag-usap muna sa akin bago mo ko isinama dito.” magrereklamong sambit niya pero nakita ko na dumampot na rin siya ng palakol.

“Bakit parang masama pa ang loob mo? Kung masama ang loob mo ay bitawan mo na yan at bumalik ka na dun sa condo mo.” malupit na sabi ko sa kanya.

“Huwag kang mag-alala sayo naman mapupunta ang sahod natin dito. Hindi ko naman kukunin sayo yun.” pampalubag loob ko sa kanya.

“Hindi iyon ang ipinupunto ko. Sa akin lang, hindi kita pinahirapan nung nakitira ka-.” hindi niya tinapos ang sinasabi niya pero alam ko pa rin kung ano ang kabuuan niyon.

Mabilis akong lumapit sa kanya para kunin ang hawak niya. Nakadama din kasi ako ng guilt nang marealize ko ang gusto niyang sabihin.

Ngunit hindi ko pa iyon nahahawakan ay mabilis na niyang iniiwas sa akin. “Lakarin mo na yung nilalakad mo. Ako na ang bahala dito.” sabi niya.

Sinulyapan niya ang mga kasama namin na nagsisimula na sa mga trabaho nila. Wala nang suot ang pang-itaas ang mga ito dahil mababasa lang din ng pawis mamaya.

Nabigla ako nang maghubad na rin ng t-shirt niya si Red. Muli na namang lamantad sa mga mata ko ang napakaganda niyang katawan.

Napakurap ako at napako doon ang tingin ko sa loob ng ilang segundo. Bigla ay nag-flash sa isip ko ang eksena sa silid niya nung gabing iniuwi niya sa unit niya ang girlfriend niya.

Hindi ko alam ngunit nakadama ako ng pagkainis dahil sa pagkakaalala ko sa mga eksenang iyon.

Namalayan ko na lang na ginagaya na niya ang ginagawa ng mga kasama niya.

“Pare doon ka sa kabila. Gayahin mo lang ang haba nung mga nauna.” sabi ni Alfred.

Hindi na ako nilingon pa ni Red. Nakita ko magfocus siya sa ginagawa niya. Gusto ko man bawiin ang mga nasabi ko sa kanya ay baka marinig ng dalawa.

Ilang sandali ko pa silang pinagmasdan. Mabilis namang nakuha ni Red ang dapat gawin. Pero nakakailang minuto pa lang siya ay nangingintab na sa pawis ang katawan niya.

Hindi ko rin maaninag sa mga labi niya ang mga ngiti na hindi nawawala sa tuwing magkasama kami.

“Sige na puntahan mo na yung pupuntahan mo. Don’t worry tatapusin ko to.” walang emosyon na sabi niya.

Nakita ko na naagaw na namin ang atensyon ng dalawa na pasulyap-sulyap na sa amin. Nakadama ako ng pagkapahiya dahil sa hindi magandang inasal ko.

Gusto ko tuloy pagsisihan na naisip ko pang ipagawa sa kanya ang bagay na ito. Napakasama mo, Gabriel.

“S-Sige!” nauutal na sambit ko saka na ako nagsimulang humakbang palayo.

Para mapagtakpan ko sa isip ko ang guilt na nararamdaman ko ay nagpasya na lang ako na pumalaot sa bayan para libangin ang sarili ko.

Nakipagkita ako sa mga dati kong kaibigan at niyaya nila ako na maglaro ng basketball. Dumayo pa kami sa kabilang bayan para makipaglaro.

Napasarap ang laro na sinundan pa ng roadtrip. Nakalimutan ko ang kasalanan na ginawa ko kay Red.

Magdidilim na nang makabalik ako sa port. Halos alas-siete na rin ng gabi nang makauwi ako sa bahay.

Mabalasik na mga tingin ni tatay ang bumungad sa akin na sinundan niya ng tanong.

“Saan ka nanggaling?” mahinahon ang paraan niya ng pagkakabigkas ngunit nararamdaman ko ang bigat sa bawat kataga.

“Sa kabilang bayan po. Nakipagkita saga dating kaklase ko. Napasarap ang laro ng basketball kaya ginabi na ako ng uwi.” sagot ko.

Nakita ko ang panggigigil sa mukha ng tatay ko at sumunod ko na lamang naramdaman ay ang pagdapo ng likod ng palad niya sa pisngi ko na ikinagulat ko.

“Tarantado kang bata ka. Iyan ba ang mga natutunan mo sa Maynila?” galit na sigaw niya.

Redentor Serrano (24)

You’re Not My Brother

Episode 24

Red

Kasalukuyan ako na nagpapahinga sa silid ni Gael nang maalimpunhatan ako dahil sa mga naririnig ko na tinig mula sa labas.

Nagmulat ako ng mga mata saka ako nakiramdam sa pinagtatalunan nila. Kababakasan ng galit ang tinig ni Tito Raul dahilan upang makadama ako ng pag-aalala.

“Tarantado kang bata ka. Iyan ba ang mga natutunan mo sa Maynila?” galit na sigaw ni Tito Raul.

Mabilis akong napabangon saka ko sila sinilip mula sa pintuan ng silid na kinaroroonan ko.

“Bakit mo pinagtrabaho nang ganun ang kapatid mo? Hindi siya sanay sa mga gawaing bukid. Mabuti na lamang at nadaanan ko sila kasama nung dalawang kaibigan mo kung hindi ay baka sa ospital sa bayan ko na siya naabutan. Kung nakita mo lang ang anyo niya kanina, sinisikap niyang tapusin ang trabaho mong tarantado ka para lang hindi ka mapahamak. Pagkatapos ay iyan ang isasagot mo sa akin? Nagbasketball kayo ng mga dating kaklase mo sa kabilang bayan.”

Nakita ko na sinisikap pigilan ni Gael ang magalit ngunit patuloy pa rin ang tatay niya sa pagsasalita.

“Hindi ba ang ibinilin ko sayo ay ipasyal mo siya? Hindi pahirapan!” malakas na sigaw ni Tito Raul saka niya inambaan na naman ng sampal si Gael.

Mabilis na akong lumapit sa kanila saka ko iniharang ang sarili ko kay Gael. “Tito huminahon na po kayo. Nakiusap naman po siya ng maayos sa akin at ako rin naman po ang may gusto na subukan ang trabaho niya.” pagtatakip ko kay Gael.

Pumalatak siya saka niya sinulyapan nang matalim si Gael. “Hindi ganyan ang ikinuwento sa akin nung dalawa kanina. Hindi magsisinungaling sa akin ang mga iyon.” sabi niya.

Napayuko na lang ako saka ko palihim na sinulyapan ang nakayuko din na si Gael. Nakita ko pa ang pagkuyom ng mga kamao niya at ang matinding pagsisikap na pigilan ang galit niya.

“Oo kasalanan ko. Ginawa ko iyon para umalis na siya dito. Simula pa sa Maynila ay para siyang anino ko na palagi na lamang nakabuntot sa akin. Nakakasawa din, Tay. Nakakasakal na.” sigaw ni Gael saka na siya padabog na naglakad palabas ng bahay nila.

Napasulyap ako kay Tito Raul. Malalalim ang mga mata niya na tila ba tumanda nang ilang taon mula sa lalaking nakilala ko kagabi.

Nagtangka ako na sundan si Gael pero mabilis na nagsalita ang ama niya mula sa likuran ko.

“Pabayaan mo siya. Ganyan talaga ang batang iyan sa tuwing nasesermunan. Kapag nainip na sa labas ay uuwi rin ng bahay.” sabi niya.

Ilang sandali akong napaisip bago ako bahagya na umiling. “Hindi po, sa tingin ko ay kailangan naming mag-usap ngayon ng anak niyo.”

Hindi ko ma hinintay pa ang approval niya. Mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay nila.

Hinanap ko si Gael sa labas. Naabutan ko siya na nakasakay na sa bangka at sinisikap niya na paandarin ang makina nito.

Hindi pa siya nakakalayo sa daungan kaya mabilis kong tinakbo ang daan hanggang sa nakarating ako sa daungan.

Mabilis akong tumalon at magpapasalamat ako dahil nakasakay ako sa bangka nang hindi sa tubig bumagsak.

Galit na mga tingin ang isinalubong sa akin ni Gael. Kagaya ng ama niya ay nanlalalim din ang mga mata niya ngunit hindi pa rin nababawasan sa paningin ko ang kaguwapuhan niya.

“Putcha naman hanggang dito nakasunod ka pa rin?” iritadong sambit niya saka siya napakamot sa sentido niya.

“I think, we need to talk.” seryosong sagot ko at sinalubong ko ang mga nagbabagang tingin niya.

Hindi na niya ako kinibo at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho ng bangka na sinasakyan namin.

Hindi ko na siya sinubukan na kulitin pa. Alam ko na mainit ang ulo niya dahil sa naging sagutan nila ng tatay niya.

Sa totoo lang ay mabigat pa rin ang katawan ko at nananakit pa ang mga muscles ko pero hindi ko kayang pabayaan na lang umalis mag-isa si Gael. Lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Napatiim na lang ako ng mga labi ko saka ko inilayo ang tingin ko mula kay Gael patungo sa dinadaanan namin.

Heto na nga ba ang pinangangambahan ko. Nag-away ang mag-ama nang dahil sa akin. Kung hindi sana siya isinumbong ng mga kaibigan niya kanina ay hindi siya aabot sa ganito.

Sinulyapan ko si Gael ngunit ang sumalubong sa akin ay ang galit pa rin niyang tingin.

“Hindi ba natin pwedeng pag-usapan ito nang hindi ka nagagalit?” mahinahon na tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. Naramdaman ko na lang na bumagal ang takbo ng sinasakyan naming bangka at isang maliit na isla ang tinutumbok namin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pampang at mabilis na bumaba si Gael. Isinabit niya ang lubid sa isang kahoy na nakatulos sa buhanginan saka siya naglakad palayo.

Mabilis akong bumaba saka ko siya sinundan. Ilang beses kong sinambit ang pangalan niya ngunit hindi siya huminto.

Kaya ang ginawa ko ay hinabol ko siya saka ko hinila ang balikat niya paharap sa akin. Isang suntok ang pinakawalan niya ngunit mabilis ko rin iyong naiwasan.

Halos mawalan siya ng panimbang at sigurado ako na babagsak siya sa buhangin kung hindi ko siya nahila.

Napayakap ako sa kanya. Damang dama ng katawan ko ang kakaibang init na nagmumula sa katawan niya.

Napapaso ako ngunit hindi ko nais na mahiwalay sa kanya. Kung maaari lang ay magpapatupok na ako sa apoy na dala ng lalaking ito.

Napakapit ang isang kamay niya sa balikat ko at ang kabila naman ay sa matigas na dibdib ko dumapo.

Napatingin kami pareho doon bago nagtama ang mga titig namin sa isa’t isa. Kababakasan ng pagkabigla ang anyo ngayon ni Gael.

Sa halip na mainis dahil sa inaasal niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang masasarap niyang labi.

Napalunok ako saka ko muling iniangat ang tingin ko sa mga mata niya na kasing dilim ngayon ng gabi.

Nagsimula na rin siyang umayos ng tayo. Inalalayan ko siya upang hindi na siya matumba. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. Sinalubong naman niya ang mga tingin ko.

“Hindi mo naman ako kailangang saktan sa tuwing nagagalit ka. Minsan na tayong nagkasakitan, Gael. At alam ko na nasaktan talaga kita noon pero hindi ko na hahayaan na maulit pa kahit kailan ang bagay na iyon.” masuyong bulong ko sa kanya. “Gusto ko lang ay makita mo kung anong klase ng pagsisikap ang ginagawa ko mapalapit lang ang loob mo sa akin.”

Sinubukan ko siyang yakapin kagaya ng madalas na gawin ko sa tuwing nagkakasagutan kami ngunit sa pagkakataong ito ay pinalis niya ang mga braso ko.

“Hindi mo ba naisip na nahaharass na ako dahil sa mga pinag-gagagawa mo?” inis na sagot niya. “Hindi ako sanay na may palagi na lamang nakabuntot sa akin kagaya ng ginagawa mo ngayon. Nangyayakap ka, nanghahalik ka at hindi mo pa rin tinitigilan ang pang-iinis mo sa akin kahit pa sinasaway na kita. Nakakasakal ka na Red alam mo ba iyon?”

Dahil sa sinabi niya ay para akong sinampal ng katotohanan. Marahil ay naiirita na nga talaga sa akin si Gael dahil para akong aso na palagi na lamang nakasunod sa kanya.

Sinabihan na niya ako na hindi ako maaaring sumama sa kanya dito sa lugar na ito pero ipinilit ko ang gusto ko.

Kung noon ay sinusundan ko lamang siya ng tingin, ngayon naman ay mas lumala na ang ginagawa ko. Kabaliwan man na masasabi pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag gawin iyon.

Pero dahil nga diretsahan na rin naman na sinabi sa akin ni Gael ang mararamdaman niya ay kailangan ko na sigurong makinig sa pakiusap niya.

Mahirap man para sa akin ang mapalayo sa kanya ay kailangan kong tiisin para hindi na niya maramdaman pa ang pagkasakal na sinasabi niya.

Napayuko ako saka ako sumulyap sa tubig dagat na kumikinang sa sinag ng buwan. Ilang sandali rin akong nag-isip bago ko siya muling sinulyapan.

“I’m sorry kung masyado akong nagiging makulit sayo. Nasanay na kasi ako na palagi tayong magkasama at masaya ako sa tuwing kasama kita. Gusto ko na palagi ka lang na nasa tabi ko. Makinig ka sa akin, Gael.” sabi ko saka ko hinawakan ang magkabilang balikat niya.

“Hindi ko to ginagawa dahil trip ko lang. Ginagawa ko ito dahil mahalaga ka sa akin. Hindi ko alam kung kailan ba nagsimula. Pero nagising na lang ako isang umaga na para bang mababaliw ako kapag hindi kita nakikita. Kaya kahit ang sungit mo sa akin, kahit palagi mo akong sinasaktan ay tinatanggap ko.”

“Hindi pa rin sapat na dahilan iyan para madaliin mo sa akin ang lahat at ipilit mo ang sarili mo.” aniya. Hindi na galit o inis ang nahimigan ko sa tinig niya kundi frustration.

“Hindi ko rin sinasabi na hindi ka mahalaga sa akin, Red. Pero sana igalang mo ang privacy ko. Hindi na tayo mga bata. Minsan nakakainis na ang pagka-childish mo. Isa pa ay pareho tayong lalaki, Red. Hindi tama ang nararamdaman mo para sa akin.”

“Ikaw Gael, kahit kaunti ba ay wala kang nararamdaman para sa akin?” tanong ko sa kanya.

Ilang sandali siyang napaisip bago siya nagsalita. “Hindi ko kailangan sagutin ang tanong mo. Bumalik na tayo sa bahay bago pa ako mainis at baka maisipan pa kitang iwanan dito.”

Dahil sa sinabi niya ay tuluyan ko nang naintindihan kung ano ba talaga ang saloobin niya. Marahil ay sumobra nga ako sa limitasyon. Hindi ko kaya na malayo kay Gael pero mas hindi ko kakayanin kung tuluyan siyang magagalit sa akin.

Nakabalik kami sa bahay nila na wala kaming imikan. Hindi rin sila nag-usap man lang ng tatay niya.

Nagmistulang bahay ng mga pipi ang tahanan nila. Ayoko na rin naman na mas palalain pa ang sitwasyon. Mahal ko si Gael… Oo mahal ko na nga siya. Higit pa sa pagiging isang kapatid. Hindi ko na iyon ikakaila pa.

Kaya nagpasya na ako na ibigay muna pansamantala ang nais niyang kalayaan. Hindi ko na muna siya guguluhin pero hindi ako papayag na tuluyan kaming mawawalan ng koneksyon sa isa’t-isa.

Pareho na kaming nakahiga sa silid niya nang muli ay kausapin ko siya.

“Patawarin mo ako kung masyado akong naging makulit sayo. Gusto kong bigay ang privacy na hinihingi mo. Pero ipangako mo sa akin…”

Tumagilid ako ng higa saka ko hinawakan ang pisngi niya. Iniharap ko ang ulo niya sa akin. Seryoso naman siyang tumingin sa mga mata ko.

“Sa akin ka pa rin uuwi pagbalik mo sa Maynila.” lakas loob na pakiusap ko.

Napakurap siya. Hindi niya ako sinagot ngunit nanatili na nakatitig sa akin si Gael.

“Please, mangako ka.” muli ay pakiusap ko sa kanya. “Huwag mo akong lalayuan. Ayoko nang mabuhay muli nang nag-iisa.”

Marahan na hinawakan ni Gael ang kamay ko saka niya iyon inilayo sa kanya. “Matulog na tayo. Inaantok na ako.” sabi niya saka niya ako tinalikuran.

Nasaktan ako dahil sa ginawa niya. Ngunit kahit magwala ako ay wala akong magawa. Hindi ako nakatulog sa buong magdamag dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Rejection. Napakasakit ma-reject lalo na sa taong natutunan mo nang mahalin at pahalagahan. Ngunit sa isang sulok ng isip ko ay naisip ko rin na tama si Gael. Pareho kaming lalaki para maramdaman ang mga bagay na ito.

Madaling araw na nang maramdaman ko na gising na ang katabi ko kaya pumikit na ako.

Naramdaman ko na inayos ni Gael ang pagkakakumot ko saka niya inayos ang nagulong buhok ko.

“Minsan na akong nagkamali noon, Red kaya sinisikap ko na pigilan ang nararamdaman ko sayo. Pero tama si tatay, magkaiba kayo ni Neil. Sana mahintay mo ang desisyon ko.”

Dahil sa sinabi niya ay nabuhay ang kakapiranggot na pag-asa sa dibdib ko. Hinintay ko pa ang ibang sasabihin niya ngunit hindi na siya muling nagsalita pa.

Hindi ko alam kung ano ang namagitan sa kanila ng Neil na iyon pero hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan niya.

Dahil ang mas mahalaga para sa akin ngayon ay ang magiging desisyon ni Gael. At nakahanda ako na hintayin iyon kahit gaano pa katagal.

Kinabukasan ay inihatid ako ni Tito Raul sa terminal ng bus patungong Maynila. Nagulat pa ako nang pabaunan niya ako ng mga pagkain na nakalagay sa microwavable container. Ayoko man tanggapin ay nahiya ako na tumanggi dahil nag-abala siya para lang doon.

Nakasakay na ako sa bus nang muli kong maalala si Tito Raul. Napakabuti niyang tao pero pinagpalit siya ni Aileen sa walang kwenta kong ama.

Natawa ako sa kaisipang iyon. Para sa ibang tao ay iba talaga ang nagagawa ng pera. Mabuti na lamang at hindi kay Aileen nagmana ang anak niya. Bagay na lalo kong minahal kay Gael.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa biyahe at tanghali na nang makarating ako sa Maynila. Kaagad akong dumiretso sa condo ko at hindi ko inasahan ang taong maaabutan ko doon.

Sa lobby ay nakita ko si Serene na nakaupo sa couch. Tila ba napakalalim ng iniisip niya at para bang napakabigat ng problema na dinadala niya.

Nang mapasulyap siya sa akin ay nagliwanag ang anyo niya. Mabilis siyang tumayo at akmang maglalakad palapit sa akin ngunit natigil siya nang mauna akong humakbang patungo sa kanya.

Hindi nakaligtas sa akin ang paghawak niya sa tiyan niya na sinabayan niya ng isang pilit na ngiti.

Gabriel Robles (25)

You’re Not My Brother

Episode 2

5

Gael

Halos dalawang araw na ang dumaan mula nang magpasya si Red na bumalik sa Maynila. Ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa halip na matuwa ako dahil wala nang nambubuwisit sa akin ay para bang bumigat lang ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam pero hindi gaanong naging masaya ang pasko ko kahit na kasama ko pa si tatay. Para bang may kulang sa buhay ko na hindi ko matukoy kung ano.

Nagsimulang gumuhit sa isip ko ang masayang anyo ni Red habang iniinis niya ako. Mga masasayang kulitan namin bago matulog dahil sa kakulitan niya.

Hindi ko namamalayan na habang naiisip ko siya ay napangiti ako at nagsimulang pumintig ng mabilis ang aking dibdib.

Hanggang sa ang masayang anyo ni Red ay bigla na lamang napalitan ng malungkot na anyo niya nang huling gabi niya dito sa bahay.

Nabuwisit ako sa mga naiisip ko kaya inis ako na napabangon mula sa higaan ko.

Hindi ko na kailangan pang lokohin ang sarili ko. Alam ko kung ano itong nararamdaman ko. Namimiss ko na ang gago kong stepbrother.

Nami-miss ko ang kakulitan niya, ang mga pang-aasar at kapilyuhan niya, mga childish act.

Lalo na ang masayahing anyo niya, ang mga ngiti niya, at ang mga bagay na hindi ko namamalayan na ginagawa niya para sa akin sa nakalipas na mga buwan.

Madalas ay ipinapakita niya na concern siya sa akin. Lalo na sa tuwing nasasaktan ako. Sa tuwing may mga lumalapit sa akin na mga gagong estudyante sa campus.

Kahit na palagi ay nasasaktan ko siya physically dahil sa pagpipigil ko na mapalapit sa kanya ay hindi ko siya kinakitaan na nagalit siya sa akin kahit minsan.

Oo madalas siyang magreklamo pero hindi siya kailanman nagalit kahit pa sobra-sobra na ang nagagawa ko sa kanya.

Mas lalo ko pang nakita ang mga good sides ni Red nang ipagtanggol niya ako kay tatay kahit pa totoo naman na kasalanan ko ang lahat.

Inaamin ko na naging gago rin ako sa kanya. Ginawa ko iyon dahil ayoko nang maulit ang nangyari noon.

Nagmahal ako ng kapwa ko lalaki. Pinaglaban ko siya ngunit isang malaking pagkakamali lang pala ang lahat.

Hindi lang tuloy ako ang napahak kundi pati ang mga magulang ko. Hindi ko na kailanman ninais pa na mangyari iyon kaya iniiwas ko na ang sarili ko sa mga bagong tao na gustong pumasok sa buhay ko.

Nagtagumpay naman ako na gawin iyon pero hindi kay Red. Dahil sa kabila ng pagsisikap ko na iwasan siya ay nagawa pa rin niyang makapasok sa buhay ko nang hindi ko na namamalayan.

Hindi lang ilang beses niyang sinabi at ipinaramdam sa akin na gusto niya ako. Mula sa mga nakaw na halik niya hanggang sa mga pasimpleng yakap at hawak niya sa katawan ko.

Noong una ay inakala ko na trip lang talaga niya na asarin ako. Hanggang sa maisip ko na init ng katawan lang din ang gusto niya.

Ngunit ang pagsunod niya sa akin dito ang talagang nagpagising sa tinitikis na damdamin ko para sa kanya.

Kinagabihan matapos siyang ihatid ni tatay sa terminal ng mga bus patungong Maynila ay nagkausap kami ni tatay.

Sinabi niya sa akin na kung hindi lang daw anak ng bagong asawa ni mama si Red ay nanaisin niya na gusto niya ito para sa akin.

Ngunit naisip na rin niya ang mga consequences na maaaring maidulot nito sa mga pamilya namin kung sakali man na magmahalan kami ni Red.

Minsan nang nabanggit sa akin ni Red na homophobic si Mr. Serrano. Naging malig daw ang pakikitungo nito kay Kazu nang malaman nito na nakipagrelasyon ang pamangkin niya sa kapwa nito lalaki.

Kapag nagkataon ay iyon ang magiging problema namin ni Red kung tatanggapin ko siya sa buhay ko.

Ngunit kung tatanungin ko ang sarili ko kung handa na ba ako na tanggapin si Red sa buhay ko bilang higit pa sa pagiging stepbrother ay hindi ko pa rin masagot hanggang sa ngayon.

Natatakot ako na baka muli na naman akong magkamali sa magiging desisyon ko. Natatakot ako na baka totoo ang hinala ko na trip lang talaga ako ni Red at hindi naman pala totoo ang mga ipinapakita at sinasabi niya sa akin.

Dahil sa magulong kaisipan ko ay nagpasya ako na lumabas muna upang magpahangin sa loob lang din ng bakuran namin.

Hindi pa ako nagtatagal sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tinig ni tatay.

“Iniisip mo na naman ba siya?” aniya sa mahinahon na tono.

Napasulyap ako sa kanya ngunit hindi ako nagtangka na sagutin siya. Sa halip ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

Lumapit sa akin si tatay saka niya hinawakan ang balikat ko. Hindi ko naman siya tinangka na lingunin. Naka-focus ang tingin ko sa madilim at mabituin na kalangitan.

“Kung mahal mo na siya ay sundan mo siya sa Maynila. Naghihintay siya sayo doon, anak.” bulong niya.

Sinulyapan ko siya ngunit wala pa rin akong maapuhap na salita.

Ngumiti si tatay saka ako iniharap sa kanya. Iniangat niya ang ulo ko na nakayuko saka niya ako tinapik sa balikat.

“Huwag kang matakot na sumubok muli, Gael. Hindi ka matututo sa buhay kung hindi ka susubok. Hindi dahilan ang minsang pagkadapa upang huminto ka na nang tuluyan sa pagtayo. Sumunod ka kay Red sa Maynila. Kapag nasaktan ka ay bumalik ka dito sa akin. Dadamayan kita kahit gaano pa kabigat ang nararamdaman mo.”

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Mabilis kong niyakap si tatay saka ko iniiyak sa mga balikat niya ang nararamdaman kong pangungulila kay Red.

Ngayon ay sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko. Mahal ko si Red at nakahanda na ako na iparamdam iyon sa kanya.

“Basta lagi mong tatandaan anak, wala man ako sa tabi mo ay naroon ang mama mo para damayan ka. Huwag mong isarado ang puso mo sa kanya. Mahal na mahal ka rin niya.”

I doubt it! bulong ko sa isip ko ngunit hindi ko na iyon isinatinig pa.

Nang makapasok ako muli sa maliit na silid ko ay ang unan na ginamit ni Red ang unang bagay na nakita ko.

Mabilis ko iyong dinampot saka ko inamoy. Napapikit ako dahil naiwan pa doon ang natural scent ng stepbrother ko.

Nakatulog ako nang mahimbing yakap ang unan ni Red. Hindi ko pagsasawaan ang amoy na naaamoy ko sa unan na iyon.

Kinabukasan ay nagpasya na ako na bumalik sa Maynila kahit pa hindi pa natatapos ang bakasyon ko.

Halos tanghali na nang makarating ako sa unit ni Red. Humugot ako ng paghinga bago ko binuksan ang main door.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang hubad na katawan ni Red. Nangingintab ito sa pawis dahil kasalukuyan siyang nagki-kick boxing sa sala.

Napahinto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto saka siya humarap sa akin. Hindi tuloy nakaligtas sa mga mata ko ang nakakaakit niyang katawan. Lalo na sa ayos niya ngayon na basang-basa ma siya.

Napalunok ako saka ko pinaglandas mula sa matipuno niyang dibdib pababa sa mga nagsisimula nang mahulma na abs niya.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nagtama ang mga tingin namin.

“G-Gael…” hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan ko na sinundan niya ng naguguluhan ding ngiti. Ngunit hindi maitatago ang saya sa anyo niya nang makita niya ako. Nakikita ko iyon sa mga mata niya.

“Akala ko after New Year ka pa babalik.” sabi niya.

“Napaaga ako nang balik dahil may kailangan akong gawin.” sabi ko.

Gumalaw naman ang mga mata niya na tila ba nag-iisip kung ano ang sinasabi ko. Ilang sandali pa ay muli siyang tumingin sa akin.

“What do you mean?” confused na sagot niya.

Hindi ko na siya tinangka pa na sagutin. Mabilis akong naglakad patungo sa kinatatayuan niya.

Nang marating ko na siya ay mabilis ko siyang hinila at marahas ko siyang naisandal sa pader.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng sandali dahil mabilis na ring inangkin ng mga labi ko ang mapupulang labi ni Red.

Nabigla siya sa ginawa ko kaya hindi siya nakagalaw at nakaiwas. Hindi ko hinayaan na makawala ang mga labi niya mula sa paghalik ko.

Nagsimula ko nang haplusin gamit ang palad ko ang matipuno at basang katawan niya. Sinimulak kong pasadahan ng palad ko ang dibdib niya patungo sa malalapad na balikat.

Nararamdaman ko sa palad ko ang pawis niya dahilan upang mas mapabilis ang paggalaw ng palad ko.

Mabilis namang kumalas si Red mula sa mga halik ko saka niya pinigilan ang kamay ko mula sa paghaplos sa hubad na katawan niya.

Nakita ko ang pagkalito at ang pagnanasa sa mga mata niya. Hindi pa niya marahil marehistro sa isip niya kung bakit ko siya hinalikan.

“Basa ako nang pawis Gael. I think this is not the right time para gawin natin ang bagay na ito. Let me take a shower first at…”

Hindi na niya natapos ang sasabihin sana niya dahil marahas ko nang hinila ang braso niya at mabilis ko siyang naipasok sa silid ko.

Marahas ko siyang itinulak kaya napahiga na siya sa kama pagkatapos ay mabilis akong pumatong sa kanya at muli kong inangkin ang mga labi niya.

Sa pagkakataong ito ay wala na akong naramdaman pa na pagtanggi mula kay Red. Nagsimula nang bumagal ang paraan ng paghalik ko sa kanya. Naramdaman ko na rin ang paggalaw ng mga labi niya bilang tugon at sumabay ang mga iyon sa bawat galaw ng mga labi ko.

Nang marahan kong buksan ang mga mata ki ay nakita ko na nakapikit na rin ang mga mata ni Red habang patuloy na lumalalim ang mga halik niya.

Nagsimula na rin gumapang ang palad niya mula sa braso ko patungo sa tagiliran ko hanggang sa umabot iyon sa hita ko. Hinila niya iyon upang mas maidiin niya ang harapan niya sa harapan ko.

Ilang sandali pa ay natapos ang maiinit na halik at kapwa kami hinihingal na nakatingin lang sa isa’t isa.

“Sigurado ka ba sa bagay na ito, Gael?” tanong niya in a husky voice na mas lalong nagpainit sa pakiramdam ko.

Ilang sandali ko siyang tinitigan bago ko siya sinagot sa tanong niya. “Yes!” sabi ko saka ko na sinimulang halikan ang leeg niya.

“Shit!” narinig kong mura niya ngunit hindi iyon naging hadlang sa matagal ko nang nais gawin sa kanya.

Hindi nagtagal ay mas naging mapusok ang paghalik ko sa leeg niya na sinusundan ko ng paminsan-minsan na pag-angkin sa mga labi niya.

Walang pagtutol mula kay Red. Nagsimula na muling maglakbay ang palad ko sa napakainit na katawan niya. Dinama ko ang matitigas niyang dibdib wala akong pakialam kahit na pawis pa siya.

Bumaba pa ang mga halik ko sa magkabilang balikat niya patungo sa malapas na dibdib niya.

Narinig ko siyang umungol nang sa wakas ay mahuli na ng mga labi ko ang sensitibong parte ng kanyang dibdib.

Halos nagtagal ako sa magkabilang dibdib niya bago ko naramdaman na inagat niya ako at sumunod ko na lamang na namalayan ay ako na ang nakahiga sa kama at siya na ang nasa ibabaw ko.

Sa nagmamadaling paraan ay sabay naming hinubad ang suot kong tshirt at inihagis lamang iyon ni Red sa kung saan.

Muli ay nagtama ang mga tingin namin. Malalamlam ang mga mata ni Red at mas nakadagdag pa sa taglay niyang kakisigan ang nagulo niyang buhok dahil sa marahas na pag-seduce ko sa kanya.

“Hindi mo na ako mapipigilan pa sa pagkakataong ito, Gael.” bulong niya. “Binigyan na kita ng pagkakataon na umatras kanina pero hindi mo ginawa.”

Hindi ko siya sinagot. Hinila ko ang ulo niya saka ko muling inangkin ang mga labi niya. Mabilis namang nakuha ni Red ang gusto ko dahil siya na mismo ang marahan na gumagabay sa mga labi namin.

Nagsimula namang bumaba ang isang kamay ko at nangahas iyong pumasok sa garter ng manipis na shorts at brief na suot niya.

Hindi nagtagal ay tuluyan na iyong nakapasok at nahuli niya ang sadya niya sa loob.

Nahinto ang paghalik sa akin ni Red kasabay ng pagtunog ng elevator.

Napatingin ako sa taas at nakita ko na nasa 16th floor na ako. Mabilis akong bumaba at mabilis ang tibok ng dibdib ko habang naglalakad ako sa hallway patungo sa unit ni Red.

Hindi ko lubos akalain na sa pagsakay ko sa elevator ay nakabuo na ako ng ganoon kaiinit na eksena sa isip ko na hindi ko naman dating ginagawa.

Nagiging

pervert ka na Gael. Nakakahiya ka. sermon ko sa sarili ko.

Gabriel Robles (26)

You’re Not My Brother

Episode 26

Gael

Napakurap ako nang sa wakas ay nabuksan ko na ang main door ng unit.

Kagaya ng nakita ko sa imagination ko ay nakahubad baro si Red at kitang kita ko kung gaano kaganda ang hubog ng kanyang katawan.

Ngunit hindi kagaya ng naimagine ko kanina ay hindi siya nagki-kick boxing. Nakaupo lang siya sa may dining area. Nakapikit ang mga mata habang minamasahe ni Serene ang kanyang ulo.

Ilang sandali akong nanatili na nakatayo sa kinatatayuan ko. Hindi nila namalayan ang pagpasok ko dahil nakatuon ang atensyon ni Serene sa ginagawa niya sa stepbrother ko.

Hindi ko rin maipaliwanag kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Pero isa lang ang malinaw sa akin. Nasasaktan ako.

Hanggang ngayon ay napakalinaw pa rin sa isipan ko ang mga eksenang nadatnan ko sa silid ni Red kasama si Serene.

“Are you feeling better now?” malambing na tanong ni Serene.

Ngumiti naman si Red na sinabayan niya ng marahan na pagtango. “Uh hmm… Kabisado mo talaga kung paano pagaanin ang pakiramdam ko.” sagot niya saka siya marahan na nagmulat ng mga mata.

Dahil nakaharap sa akin si Red ay nagtama ang tingin namin. Natigilan siya nang makita niya ako.

Marahan niyang hinawakan ang tila kay lalambot na palad ni Serene saka niya ito pinatigil sa ginagawa.

Nag-angat na rin ng tingin ang babae saka siya bumaling sa kinaroroonan ko.

“Gael,” sambit ni Red sa pangalan ko saka siya napatayo mula sa kinauupuan niya.

“Uh…I-I’m sorry. Nakaistorbo yata ako sa ginagawa ninyo.” nauutal na sambit ko.

Hindi ko na alam kung ano na nga ba talaga ang nangyayari sa akin ngunit isa lang din naman ang sigurado ko. Nagseselos ako sa nadatnan kong eksena.

Kanina ay napaka-wild ng imagination ko. Halos hindi nga ako nakatulog sa bus kanina dahil sa kakaisip sa mga sasabihin ko kay Red.

Hindi ko minsan man naisip mula kagabi na daratnan ko ngayon dito si Serene.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang totoong kaugnayan nila ni Red.

Kailangan ko pa bang itanong iyon? Malinaw naman na may relasyon sila. Pero bakit sa nakalipas na mga buwan ay ilang beses ko lang nakita si Serene?

Hindi ko pa nga sila nakita na magkasama kahit minsan maliban noong gabi na masilipan ko sila sa silid ni Red.

Wala naman sigurong magkaibigan na naghahalikan habang pareho silang nakahubad sa ibabaw ng kama.

Lihim akong napamura at napailing dahil sa mga itinatakbo ng pag-iisip ko.

Ngunit hindi ko na namalayan ang pagtayo ni Red mula sa kinauupuan niya at ang sumunod na naramdaman ko na lamang ay mahigpit na siyang nakayakap sa akin.

Hindi ko tinugon ang pagyakap na iyon. Para lang akong tuod na nakatayo habang inaanalisa ko sa isip ko ang mga nangyayari.

Hanggang sa hindi ko sinasadya na mapasulyap sa gawi ni Serene. Nagtama ang mga tingin namin at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Mabilis kong kinalas ang pagkakayakap ni Red. Nakita ko kung gaano siya nasaktan dahil sa ginawa ko. Mababakas ang disappointment sa anyo niya.

Oo may nararamdaman na ako para sa stepbrother ko. Mas lalo pang tumindi iyon mula nang sundan niya ako sa Pampanga.

Pero hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang real score sa pagitan nilang dalawa ni Serene.

Mahal ko na si Red higit pa sa pagiging stepbrothers, magkaibigan o kahit ano pa mang ugnayan namin.

Ngunit hindi ko kayang saktan si Serene. Wala siyang ginawang masama sa akin. Hindi rin ako ang nauna kay Red dahil bago pa man ako dumating sa lugar na ito ay may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Lihim kong pinagtawanan ang sarili ko dahil sa kabobohan ko. Muli, sa ikalawang pagkakataon ay nagmahal ako ng maling tao.

At bakit ba kung kailan nalululong na ako ay saka pa lang lumilinaw sa akin ang katotohanan.

Gusto kong sumigaw at magwala sa mga sandaling ito. Kasalanan din ito ni Red. Masyado siyang flirtatious sa akin. Heto naman akong si tanga na madali na namang nahulog.

Lumipat ang tingin ko mula kay Red patungo kay Serene. Marahil ay nakadama naman ng pagkailang ang napakagandang babaeng ito na nasa harapan ko kaya bahagya siyang nagyuko ng tingin.

Hindi ko napigilan ang paggalaw ng mga labi ko nang mapansin ko na naman ang bahagya niyang paghimas sa ngayon ay medyo lumalaki niyang tiyan.

Para akong sinuntok sa dibdib nang marealize ko kung bakit narito ang girlfriend ni Red.

Mabilis na nagbalik sa isipan ko ang huling beses na nagkita kami ni Serene. Wala noon si Red dito at tila ba problemado siya na hindi mapakali.

Hindi ako maaaring magkamali sa hinala ko. Buntis si Serene. At malinaw na si Red ang ama.

Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Red dito sa condo niya ay bihira lamang ang mga pagkakataon na wala siya sa tabi ko. Pero mapapansin ko pa ba iyon lalo na sa oras ng duty ko sa coffee shop?

“I’m sorry kung niyakap kita. Natuwa lang ako dahil hindi ko inasahan na maaga kang babalik dito. Hindi naging maganda ang paghihiwalay natin sa province ninyo. We didn’t even had a chance to say goodbye to each other. Nakakatawa man sabihin dahil ang tatay mo pa ang naghatid sa akin sa terminal.” litanya ni Red. Nababalutan na ng coldness ang tinig niya sa pagkakataong ito.

Hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko. Nagsisimula nang mawalan ng lakas ang mga tuhod ko at bago pa man ako tuluyang mawalan ng panimbang ay sinikap ko na magpaalam na sa kanila.

“Hindi mo kailangan magsorry. Pagod lang ako sa biyahe at gusto ko munang magpahinga sa loob.” sabi ko saka na ako nagtangka na humakbang ng mabilis patungo sana sa silid ko ngunit mabilis din na napigilan ni Red ang braso ko.

“Sandali,” aniya. Huminto ako saka ko siya bahagyang nilingon.

“Gusto ko lang ipagpaalam sayo na dito muna pansamantala sa atin si Serene. Kailangan lang niya ng matutuluyan sa ngayon at dito ang pinaka-safe place para sa kanya.”

Sinulyapan ko si Serene. Nagtama ang mga tingin namin. Bahagya niya akong nginitian ngunit nararamdaman ko na tinatantiya niya ang mood ko.

“Pansamantala lang naman. Kapag nakahanap na ako ng bagong malilipatan ay aalis din kaagad ako. Sana pumayag ka na magstay muna ako dito.” sinserong pakiusap ni Serene sa akin.

Sino ba naman ako para pagbawalan sila. Unang-una ay nakikitira lang din naman ako sa lugar na ito. Siguro ay ako na ang mag-aadjust kung papayag si Kevin na maki-share sa apartment niya.

Nararamdaman ko na mabuting tao si Serene. Hindi rin kaya ng konsensya ko kapag umalis siya dito at napahamak pa siya.

Bahagya akong tumango saka ko sila sinagot. “Hindi naman sa akin ang unit na to. Hindi niyo na kailangan magpaalam pa sa akin.” mahinahon na sabi ko.

Nakita ko na bumakas ang tuwa sa maganda niyang mukha. Napangiti na rin si Red. Ngiti ng tuwa. Dahil ba makakasama na niya ang babae niya?

Lihim na naman akong nanibugho dahil sa kaisipang iyon. Marahan ko nang binawi mula sa pagkakahawak ni Red ang braso ko saka na ako tuluyang naglakad papasok sa silid ko.

Natigilan pa ako nang sa pagpasok ko ay iisang kama na lamang ang nasa loob. Natawa na naman ako sa sarili ko dahil para bang napaparanoid na ako sa kakaisip ng kung anu-ano.

Ibinalik na pala ni Red ang kama niya sa kabilang silid. Marahil ay naipaayos na rin niya ang aircon doon na ayaw niyang ipaayos noon para malaya niyang magawa sa akin ang mga kalandian niya.

Nagbuga na lang ako ng malalim na paghinga. Mabigat ang mga hakbang na nagtungo ako sa kama. Inilapag ko na lang sa gilid ang dala kong bag saka na ako humiga doon.

Totoo na napagod ako sa biyahe. Idagdag pa na hindi na rin ako halos nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko kay Red na wala rin naman palang katuturan.

Bumaling ako sa kabilang side ng kama saka ko dinampot ang unan na naabot ng kamay ko. Niyakap ko iyon saka ko sinikap na ipahinga ang katawan ko.

Ngunit mabilis din na bumukas ang mga mata ko nang masamyo ko ang natural na amoy ng katawan ni Red sa unan na ito.

Para bang kagagaling lang niya dito bago ako dumating. Mabilis akong napaisip. Dito ba siya natulog? Doon ba siya matutulog mamaya kasama ni Serene?

Dahil sa mga iniisip ko ay nagsimula nang sumakit ang ulo ko kaya binalik ko sa kabilang side ang hawak kong unan saka na ako dumapa at ibinaon ko sa unan ko ang mukha ko.

Doon ko na narinig na bumukas ang pinto at naramdaman ko ang mga hakbang na palapit sa kama ko. Hindi ako nangahas na gumalaw.

Napapitlag pa ako nang maramdaman ko ang mga kamay na humawak sa paa ko kaya mabilis akong napaupo sa kama.

Nagkatinginan kami ni Red.

“Huhubarin ko lang sana ang sapatos mo.” sabi niya.

“Kaya ko na.” sabi ko saka ko mabilis na hinubad ang mga iyon. Inilapag ko lang din sa baba katabi ng bag ko.

Naiilang naman ako dahil nakatitig sa akin si Red habang gumagalaw ako.

“Nirerespeto ko ang privacy na gusto mo Gael. Pero makikiusap sana ako sayo nag ku ng pwede ay dito pa rin ako matutulog sa tabi mo.” aniya.

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Seryoso siya sa sinasabi niya.

“Bakit hindi ka sa kabila? Girlfriend mo naman si Serene diba?” sagot ko sa kanya.

“N-Nooo!” mabilis na bulalas niya. “Hindi ko girlfriend si Serene.”

Napakurap ako ngunit sino ba namang tanga ang maniniwala sa sinasabi ni Red?

Meron bang nagsesex at ngayon ay nabuntis pa niya na hindi niya girlfriend? Putcha naman. Naglolokohan na kami dito ng lalaking ito.

“Hindi mo naman kailangan linisin ang pangalan mo sa akin Red. Alam ko na girlfriend mo siya at nakita ko na kayo noon na nagsesex sa kabila.” diretsong sagot ko.

“Oo nagsesex kami noon pero wala kaming naging relasyon.” pag-amin niya.

“Nabuntis mo siya.” malamig na sagot ko.

Ilang sandali niya akong pinagmasdan. Hindi ko siya tinangka na titigan sa mata. Hindi ko kaya sa pagkakataong ito.

“Teka nga, umamin ka nga sa akin, Gael. Nagseselos ka ba?” bigla ay tanong niya.

Mabilis akong bumaling sa kanya para sana itanggi ang paratang niya ngunit sa halip na makapagsalita ako ay inaangkin na niya ang mga labi ko sa loob lamang ng halos limang segundo.

Napakabilis lamang ng halik na iyon kumpara sa mga nakaw na halik niya noon pero masasabi ko na ito na yata ang pinakamatamis sa lahat.

Nararamdaman ko na namumula ang mga pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Nagtama muli ang tingin namin at isang pilyong ngiti ang nakita ko sa mga labi niya.

Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang baba ko saka niya ako pinagmasdan nang mataman. Hindi niya hinayaan na makaiwas ako ng tingin sa kanya.

“Gusto mo na rin ba ako?” masuyong tanong niya.

Hindi ko siya kaagad sinagot. Inalis ko mun ang kamay niya sa baba ko saka ko siya tinulak palayo.

“Alam kong alam mo na ang sagot sa tanong mo Red.” sabi ko.

Muli na naman niyang hinuli ang mukha ko saka niya ibinaling sa kanya.

“Wala kang dapat ikaselos… Dahil ikaw lang ang nilalaman ng puso ko, Gael. At wala kaming relasyon ni Serene.”

Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay muli niyang inangkin ang mga labi ko. Hindi ako nagtangka man lang na umiwas o tumanggi. Sa halip ay napapikit ako saka ko ninamnam ang pinakamasarap na halik na iginagawad sa akin ngayon ni Red.

Kagaya ng nauna ay hindi rin nagtagal ang halik na iyon ngunit sinundan niya iyon ng isa pang malutong na halik sa kanang pisngi ko.

“Magpahinga ka na. Sasamahan ko lang sa doktor si Serene. Susunduin kita mamaya for lunch kaya huwag kang aalis dito.” sabi niya saka niya hinalikan ang noo ko bago siya mabilis na tumayo mula sa kama saka na siya lumabas ng silid ko.

Naiwan ako na nakatanga sa pintuan na nilabasan niya.

Gabriel Robles (27)

You’re Not My Brother

Episode 27

Gael

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Red. Pagkaalis nila ni Serene ay umalis din ako. Sinubukan kong tawagan si Kevin pero hindi ko siya makontak kaya nagpasya ako na subukan sa coffee shop.

Ngunit nang makarating ako doon ay wala siya. Sumunod na pinuntahan ko ay ang apartment niya pero sumakit na ang kamay ko sa kakakatok ay wala pa rin nagbubukas.

Dahil wala naman akong ibang kaibigan dito sa Maynila bukod kay Kevin ay nagpalipas na lang ako ng oras sa pinakamalapit na mall.

Naglakad-lakad lang ako buong hapon doon dahil wala rin naman akong pambili ng kung anu-ano.

Hindi kaya ng bulsa ko ang mga luho na nasa lugar na ito pero dahil wala naman akong ibang pupuntahan ay nagtiis na lang ako sa kakaikot sa paligid.

Hanggang sa mapadaan ako sa isang jewelry shop. Nakita ko ang isang white gold necklace na may cross pemdant. Nagandahan ako kaya pinagmasdan ko ng matagal.

Habang pinagmamasdan ko ang kwintas ay naiisip ko si Red. Sa palagay ko ay babagay sa kanya ang kwintas na ito.

Kaya lang ay nasa ilang libong piso rin ang halaga nito kaya hindi ko rin kayang bilhin. Maliban na lamang kung gagamitin ko ang pera na ibinibigay ng nanay ko na hinding- hindi ko gagawin.

Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para gamitin ko ang pera ng mga Serrano. Ginagawa ko ito bilang respeto ko sa tatay ko na marangal na nagpapakahirap mabigyan lamang ako ng maayus-ayos na buhay.

Nang mapagtanto ko na para lang akong tanga na nakatunghay doon ay nagpasya na ako na maglakad palayo.

Magtatakipsilim na nang makalabas ako sa mall. Nakabukas na ang maliliwanag na ilaw ng poste at christmas lights sa buong paligid.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay maaappreciate ko ang kagandahan ng lugar na kinaroroonan ko ngayon pero mas nananaig ang sakit sa dibdib ko dahil sa kaisipan na magkasama sina Red at Serene sa mga sandaling ito.

Kanina ay nanggaling sila sa doktor upang ipa-check up ang pagbubuntis niya. Naglaro sa isipan ko ang larawan ng isang buo at masayang pamilya nina Red at Serene.

Mabilis kong itinigil ang pag-iisip sa kanila. Nagpasya ako na pagmasdan na lamang ang ganda ng mga christmas lights na matiyagang inilagay sa nagtataasang mga poste at mga animal figures na nagsisilbing atraksyon sa mga namamasyal dito.

Hanggang sa marating ko ang lupon na mga tao na nanonood ng magic shows sa harapan ng isang building.

Kahit papaano ay naaliw naman ako sa mga napapanood ko hanggang sa maramdaman ko na lamang mula sa likod ko ang paghila ng mga lalaki.

Nang makilala ko sila ay bumangon ang kaba sa dibdib ko. Grupo nila Jojo. Mabilis nila akong nahatak mula sa maraming tao pero hindi ako papayag na may magawa na naman sila sa akin.

Nang makahanap ako ng buwelo ay pinagsisipa ko sila sa harapan dahilan upang mabitawan nila ako at mamilipit sila sa sakit.

Pero dahil hindi ko na nagawa kay Jojo ang ginawa ko sa mga kasama niya ay hinabol niya ako hanggang sa makarating kami sa lugar na hindi na masyadong dinadaanan ng mga tao.

Hinihingal ako na nagtago mula sa gilid ng isang building nang bigla na lamang may humila sa buhok ko at magkakasunod na suntok sa sikmura ang inabot ko mula sa tatlo.

“Kumusta ka nang tarantado ka? Hindi mo yata kasama ang tarantado mo ring stepbrother ngayon? Akala mo ba hindi na kami gaganti sa inyo? Uunahin ka lang namin pagkatapos ay isusunod namin ang tarantadong Redentor na iyon. Pero huwag kang mag-alala dahil sakit ng katawan lang ang aabutin mo. Pero si Red…” ngumisi na parang demonyo si Jojo saka niya hinila ang buhok ko para mapatingala ako sa kanya.

“Sisiguraduhin namin na hindi na makakalakad pa ang tarantado na yun hanggang sa pagtanda niya.”

Nakadama ako ng pag-aalala para kay Red. Sigurado ako na hindi nagbibiro ang mga gago na to.

Isang suntok sa sikmura ang muling natanggap ko mula kay Jojo at susundan pa sana niya iyon pero may bigla na lamang humablot sa damit niya saka siya nito sinapak.

Nagsimula nang makipagsapakan ang grupo nina Jojo at ang nakita ko na kalaban nila ay si Kevin. Magaling din sa suntukan ang kaibigan ko pero alam ko na desperado ang grupo nina Jojo.

Naramdaman ko na inalalayan ako ni Kazu upang makatayo pero hindi pa man niya ako nahihila ay isang malakas na pagpalo ng kahoy ang dumapo sa ulo niya.

“Kazuuuuu!” sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagbagsak niya. May dugo na lumabas sa ulo niya at wala na siyang malay.

Halos mataranta ako sa paglapit sa kanya pero ayoko siyang galawin dahil baka lalo niyang ikasama.

Napatingin ako kay Kevin. Hawak na ng dalawang kasama ni Jojo ang magkabilang kamay nito saka siya paulit-ulit na pinagsusuntok ni Jojo sa sikmura.

Putok na rin ang labi ni Kevin at may mga pasa na siya sa mukha.

Hanggang sa makarinig kami ng malakas na pagpito. Mabilis na nagsitakbo ang grupo ni Jojo. Iniwan nilang halos hindi makatayo si Kevin.

Palipat-lipat ang tingin ko kay Kevin at sa walang malay na si Kazu. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Namalayan ko na lamang na may mga guwardiya na tumulong sa amin at biglang dumami ang mga tao na nakiki-usyoso.

May dumating na ambulansya at kaagad na isinakay si Kazu. Halos magwala sa galit si Kevin nang makita niya ang kalagayan ni Kazu.

Hindi siya mapakalma ng mga nagrescue sa amin kaya tinurukan siya ng pampakalma.

Matapos magamot ng sugat ko ay isinama ako ng mga pulis sa presinto at doon ay nagbigay ako ng statement tungkol sa nangyari.

Doon na rin ako naabutan ni Red. Mababakas ang pag-aalala sa gwapo niyang mukha nang makita niya ako na palabas sa presinto.

Napasulyap ako sa kasama niya. Mababakas din ang concern sa anyo ni Serene habang nakatingin siya sa akin.

Ilang sandali pa ay ibinalik ko ang tingin ko sa nag-aalalang si Red. Pero hindi tama ito. Hindi siya dapat na narito. Tumigas ang anyo ko saka ko siya tinitigan nang diretso sa mga mata.

“Hindi ka dapat dito nagpunta. Nasa ospital ang pinsan mo at siya ang napahamak nang dahil sa akin.” galit na sambit ko sa kanya. Galit na para sa sarili ko hindi para sa kung kanino man.

Dahil hindi naman talaga sina Red ang may atraso kina Jojo kundi ako. Pero nang dahil sa akin ay sila ang palagi na lamang napapahamak.

Nabigla na lamang ako nang yakapin ako ng mahigpit ni Red. Hindi na ako nagpumiglas. Inilabas ko na ang kanina ko pa kinikimkim na bigat sa dibdib ko dahil sa nangyari kay Kazu.

Halos mabasa ko na ang dibdib ni Red dahil sa mga luha na lumalabas sa mga mata ko. Mas humigpit naman ang pagyakap niya sa akin at sinisikap niya na pagaanin ang loob ko.

“Hush! Hindi mo kasalanan ang nangyari. Tumahan ka na. Gael! It’s okay!” mahihinang bulong niya.

Sa halip na dumiretso siya sa ospital ay iniuwi na nila ako sa unit niya. Hindi pa rin ako mapakali habang nakaupo ako sa sofa.

Natigil lang ako sa pag-iisip kay Kazu nang abutan ako ni Serene ng isang baso ng tubig.

“Makakatulong iyan para gumaan ang pakiramdam mo.” sabi niya.

Napasulyap ako sa paligid. Hindi ko na nakita pa si Red. Nahalata naman ako ni Serene at siya na ang nagsabi sa akin na nagtungo si Red sa ospital upang kumustahin ang lagay ng pinsan niya.

Nang marinig ko na nagtungo na nga si Red doon ay napatayo ako para sana sumunod pero mabilis na napigilan ni Serene ang braso ko.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang masuyong pag-iling niya.

“Ibinilin ka sa akin ni Red. Please Gael, just stay here. Ayokong umuwi si Red dito na nagagalit sa akin dahil hinayaan kita na sumunod sa kanya doon.”

Nginitian ko siya. Isang pekeng ngiti. Bakit ba ako nasasaktan sa kaisipan na ganun na talaga sila kalapit ni Red.

Sinusunod ni Serene ang lahat ng bilin ni Red. Dahil ba ganoon na katindi ang pagtingin niya sa stepbrother ko?

Yung tipo na kahit na hindi siya sigurado sa relasyon nila ay nakahanda siya na magbigay?

Napasulyap ako sa tiyan niya. Mas lalo akong nasaktan dahil sa kaalaman na naroon sa loob ng tiyan na iyon ang dugo’t laman ni Red.

Kung magkataon man na aminin ko ang nararamdaman ko sa kanya at mapatunayan ko ang totoong nararamdaman niya ay narito pa rin sa harapan ko ngayon ang katotohanan na hindi ko siya mabibigyan ng anak.

“Ganoon ka ba ka-attached kay Red para sundin mo lahat na lang ng sasabihin niya? Napaka-loyal mo namang girlfriend.” sarkastikong tanong ko sa kanya.

Ilang sandali akong pinagmasdan ni Serene. Tila inaanalisa niya sa isip niya ang sinabi ko. Pagkatapos ay ngumiti siya. Isang pilit na ngiti.

“Alam ko kung ano ang iniisip mo. Nakita mo kami sa isang intimate scene na kahit ipaliwanag ko sayo ay baka hindi mo paniwalaan.” sabi niya. Sa baba na siya nakatingin at hindi na sa akin.

Ngunit ilang sandali pa ay muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Yes, nagpapagalaw ako sa kanya noon. I am very much attracted when I first saw him. Pero sa paglipas ng mga araw… months, years…”

Humugot siya ng malalim na paghinga at nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

Nakadama ako ng guilt dahil naging bastos ako sa kanya kahit pa mula kaninang umaga ay puro sincerity ang ipinapakita niya sa akin.

“Habang tumatagal ay narerealize ko na hindi love ang nararamdaman sa akin ni Red. Nasaktan ako pero hindi ko kayang magalit sa kanya. Dahil sa simula pa lang naman ay nilinaw na niya sa akin ang magiging set up namin.”

“Pero ang dahilan ng loyalty ko sa kanya ay ang mga kabutihan na ipinakita niya sa akin sa loob ng mga panahon na magkakilala kami. Marahil ay ipinapakita niya na hindi siya mabuting tao. Pero ako alam ko at nakita ko ang kabutihan sa loob niya.”

“Totoong minahal ko siya pero natanggap ko na rin sa sarili ko na hindi ako ang taong mamahalin niya. May nagmamay-ari na sa puso niya at hindi ako ang taong iyon.”

“Ngayon nga na nabuntis ako ng ibang lalaki, kahit hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang ama ng dinadala ko ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ako dito. Hindi ako nagpunta dito para ipaako kay Red ang bata. Hindi ako ganung klase ng babae. Kung ipapaako ko man ang anak ko ay sa totoong ama niya.”

“Hindi lang talaga ako maaaring umuwi sa amin sa ngayon dahil sa oras na malaman ng daddy ko na nadisgrasya ako ay baka mapatay niya ako.”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha na pinipigilan niyang bumagsak. Mabilis niyang pinahid iyon gamit ang mga kamay niya habang ako ay napakurap dahil sa mga narinig ko.

“H-Hindi si Red ang ama ng d-dinadala mo?” hindi makapaniwalang sambit ko.

Marahan na umiling si Serene. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ngunit isa lang ang sigurado ko.

Dahil sa nalaman ko na hindi anak ni Red ang nasa sinapupunan ni Serene ay nakadama ako ng ginhawa.

Pero naaawa rin ako kay Serene. Kung sino man ang lalaking nakabuntis sa kanya ay napakawalang kwentang tao niya.

“Sinabihan ako ng friends ko na ipalaglag na lang ang bata para matapos na ang problema ko pero hindi ko kaya. Ayoko na pagkaitan ng pagkakataon na mabuhay ang anak ko. Hindi masamang tao ang ama niya. Hindi ko lang siya kayang harapin sa ngayon dahil natatakot ako na baka hindi niya matanggap ang anak namin. Marami pa siyang goals at gusto ko na maabot muna niya iyon bago ko siya bigyan ng responsibilidad.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hindi ako marunong magbigay ng opinion sa mga ganitong bagay.

Naramdaman ko na lamang na bumaba ang kamay niya mula sa braso ko at hinuli niya ang palad ko. Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak na bago ko siya sinulyapan.

“Kung may nararamdaman ka rin kay Red, sana huwag mo nang itago dahil nahihirapan na rin siya sa sitwasyon niya ngayon. First time pa lang niyang mahulog sa kapwa niya lalaki at nahihirapan siya na paglabanan ang nararamdaman niya.”

“A-Anong ibig mong sabihin?” nagugulugang tanong ko sa kanya.

“Nakahandang isuko ni Red ang lahat ng mayroon siya para sayo, Gael. Sana makita mo iyon. Sana ma-appreciate mo ang mga effort na ginagawa niya.”

“Mahal ko si Red, Gael. Pero nakahanda ako na isuko siya sayo kung iyon ang mas makabubuti para sa lahat. Alam kong mahal mo rin siya. Nakikita ko sa mga kilos mo.”

Lumikot ang mga mata ko at nang wala na akong maisip na ipapalusot ay ginamit ko na ang huling alas ko. Escaping.

“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo Serene. Pero wala nang patutunguhan ang usapan natin na ito. Susunod ako sa ospital kahit magalit pa siya sayo.”

Pagkasabi ko sa mga salitang iyon ay mabilis na akong naglakad palabas ng unit. Hinabol ako ni Serene upang sana ay pigilan pero nadulas siya sa hallway habang patungo kami sa elevator.

Narinig ko ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig at ang hirap na pagtayo niya.

Muli ay nanlaki na naman ang mga mata ko nang makita ko ang dugo sa mga hita niya. Nakita ko rin ang takot sa magandang mukha ni Serene nang maramdaman niya ang pagdurugo niya.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya upang dahuhan siya ng tulong at upang madala na rin siya kaagad sa ospital.

Dahil sa nangyari ay pinagmumura ko ang sarili ko.

Kazu Serrano (28)

You’re Not My Brother

Episode

28

Kazu

Napangiti ako nang may waiter na lumapit sa akin. Iniabot niya ang isang tangkay ng sariwang red rose na may kasamang maliit na note. Galing daw sa manliligaw ko.

Hindi ko na itinanong kung sino iyon dahil isa lang naman ang nanliligaw sa akin sa kasalukuyan. Kinuha ko ang note saka ko iyon binasa.

I spend most nights falling in love with the idea of being with you. Smile often Kazu and always remember, I love you.

  • Kevin

Napaka-cliche manligaw ng hambog na iyon ngunit hindi ko maiwasan ang sarili ko na hindi kiligin dahil lang sa simpleng note.

Sumulyap ako sa relo ko saka ko binilang sa isip ko ang oras ng uwian ni Kevin mula sa trabaho.

Alas nueve ng gabi ang usapan namin ngunit maaga akong nagtungo sa restaurant na sinabi niya dahil wala rin naman akong gagawin.

Hindi na ako dumaan pa sa bahay dahil baka mahirapan na naman akong magdahilan kung sakali na makita ako na lumalabas ulit.

Muli ay sinamyo ko ang hawak kong bulaklak kasabay ng pagtunog ng cellphone ko dahil may pumasok na message.

Mabilis ko iyong dinampot saka ko binuksan ang picture na sinend ni Kevin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hubad at napakaganda niyang katawan. At sa dibdib niya ay may nakasulat na parang tattoo. Kazu.

Sinundan pa iyon ng message.

Ikaw lang ang nilalaman nito kaya iniukit ko ang pangalan mo upang hindi ka na maligaw pa.

Napangisi na ako dahil sa kilig pero hindi ko dapat masyadong ipahalata sa lalaking ito na nalulong na ako nang tuluyan sa kanya.

Lakas ng loob maghubad. Kala mo naman pagnanasahan ko ang katawan niya. reply ko.

Matagal akong naghintay sa reply niya pero inabot na ako ng halos sampung minuto ay wala akong natanggap.

Nang lumipas na ang halos isang oras ay sinubukan ko na siyang tawagan. Hindi niya iyon sinagot kaya inulit ko ang tawag.

Nakalimang tawag na ako ay hindi pa rin siya sumasagot. Nakakadama na ako ng inis ngunit hindi ko rin maialis ang pag-aalala.

Hanggang sa makatanggap ako ng text mula sa kanya. Mabilis ko iyong binuksan.

I’m sorry, Kazu. Pero hindi na tayo matutuloy. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sayo. Binayaran lang ako ni Kaye para paibigin ka. Ngayon na napatunayan kong nahulog na ang loob mo sa akin ay tapos na ang trabaho ko.

Nagsimula nang mamuo sa mga mata ko ang mga luha ko habang sinisikap ko na sagutin ang text niya.

Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang. At kung totoo man yan ay magpakalalaki ka na harapin ako. Nasaan ka?

Sinubukan ko ulit siya na tawagan ngunit unattended na ang number niya. Nanlumo ako at parang gusto ko nang sumigaw.

Nagsisimula na ring bumigat ang dibdib ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha na pinipigilan ko.

Mabilis kong pinahid ang mga iyon saka ko dinampot ang mga gamit ko sa table.

Natigilan pa ako nang matanaw ko doon ang red rose na hawak ko pa lang kanina.

Ilang sandali akong natigilan. Iniisip kung kukunin ko ba iyon o hindi. Ngunit sa huli ay nagpasya din ako na damputin iyon saka ako patakbo na lumabas sa restaurant.

Kailangan kong makausap si Kevin. Hindi pwede na sa ganito lang matapos ang lahat. Kailangan ko ng paliwanag niya.

Sa kamamadali ko ay hindi ko napansin ang lalaki na kasalubong ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko pabalik sa kinatatayuan niya.

Dahil sa lakas ng paghila niya ay napasubsob ako sa matipuno niyang dibdib. Nasamyo ko ang pamilyar na amoy na kilalang-kilala ko.

Nang tumingala ako sa kanya ay sumalubong sa akin ang dalawang kulay chokolate na mga mata na seryosong nakatitig sa akin.

“Huwag mo nang habulin si Kevin.  Masasaktan ka lang Kazu.” seryosong sambit niya.

“R-Ron…” usal ko sa pangalan niya.

“Matagal nang boyfriend ni Kaye si Kevin. Kagaya ng ginawa niya sa atin. Ginamit niya si Kevin para saktan ka. Pero pinagsisihan ko na ang nagawa ko sayo. Please bumalik ka na lang sa akin.” desperadong pakiusap niya.

Napakurap ako at hindi ako makapaniwala sa naririnig at nakikita ko. Sa loob ng mahigit na isang taon ay hindi ko kahit minsan nasilayan ang mukha ng lalaking ito.

Kagaya pa rin noon. Hindi pa rin kumupas ang taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. Bagay na ginamit nila ni Kaye para sirain ako.

Tumigas ang anyo ko dahil sa naisip ko. Marahas kong binawi ang kamay ko saka ko siya sinagot.

“Huli na ang lahat para sa atin Ron. Si Kevin na ang mahal ko at hindi ako papayag na maulit ni Kaye ang ginawa ninyo sa akin noon.” naiiyak na sambit ko na sinundan ng paghikbi.

“Nararamdaman ko na kahit papaano ay may pagmamahal sa akin si Kevin. Hindi niya ako iniwanan sa ospital nang mahampas ng kahoy ang ulo ko.”

“Palabas lang niya ang lahat ng iyon. Dahil ang totoo ay binayaran ni Kaye ang mga lalaking iyon para saktan ka. Hindi si Gael ang totoong target nila.” sagot ni Ron.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Sa totoo lang ay naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Ngunit isa lang ang sigurado ko, hindi ako papayag na mawala sa akin si Kevin.

Sinikap ko na patatagin ang sarili ko saka ko hinarap si Ron. “Sa pagkakataong ito ay hindi na ako tatanga lang. Ipaglalaban ko si Kevin kahit ano pa ang mangyari.”

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. Mabilis na akong tumakbo at nang makakita ako ng taxi ay sumakay ako.

Nagpahatid ako sa apartment ni Kevin ngunit sa pagtataka ko ay hindi ako doon inihatid ng driver.

“M-Manong hindi po dito ang sinabi ko na address.” sabi ko.

Nagtanggal naman ng sumbrero ang driver saka niya aki nginisian nang nakakaloko. Nakikilala ko siya. Siya ang inutusan ni daddy noon na sundan ako.

“Narito sa bahay ninyo ang hinahanap mo bata. Nasa silid siya ng kapatid mo. At malamang sa mga sandaling ito ay narating na niya ang langit sa piling ni Kaye.”

Naiinis akong lumabas sa taxi niya saka ako patakbo na pumasok sa loob ng bahay. Sa direkayon ng silid ni Kaye ang tinahak ng mga paa ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang sa pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na nakahiga sa ibabaw ng kama si Kevin. Tanging manipis na brief lang ang suot niya na nagpapakita kung gaano siya kakisig.

Nang makita ko ang malaking umbok sa pagitan ng kanyang mga hita ay mabilis ako na nag-angat ng tingin sa mukha niya.

“Nandito ka na pala, Kazu. Nagustuhan mo ba ang nakikita mo? Ang sarap niya sa ayos niya diba?” nakangising sambit ni Kaye habang nakatingin siya sa akin.

Malandi siyang naglakad palapit sa kama suot lamang ang panty at bra niya saka niya pinasadahan ng palad niya ang malapad na dibdib ni Kevin.

“Sigurado ako na hindi mo nagalaw ang katawan na ito dahil iyon ang mahigpit na ibinilin ko kay Kevin bago ka niya sinimulang akitin.”

“Pero ngayon ay ipapakita ko sayo kung para kanino talaga ang lalaking ito.” sabi niya saka na niya sinimulang angkinin ang mga labi ni Kevin.

Hindi naman nagdalawang isip na tinugon ng hudyong lalaking ito ang mga halik ni Kaye.

Parang matatalim na kutsilyo ang sabay-sabay na tumusok sa dibdib ko habang pinapanood ko kung paano angkinin ni Kaye ang mga labi ng lalaking minamahal ko.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko maalis ang tingin ko sa nangyayari sa ibabaw ng kama.

Gusto kong sumigaw at magwala. Gusto kong saktan si Kaye dahil sa masasamang ginagawa niya sa akin.

Marahang kumalas si Kaye mula sa mga halik ni Kevin. Nagtama pa ang tingin namin ni Kevin at tila nailang siya na umiwas.

Nakakalokong ngiti naman ang ibinigay ni Kaye sa akin bago niya hinaplos ang dibdib ni Kevin. Napahiyaw pa ang lalaki nang matamaan ang sensitibong parte ng dibdib niya.

“Relax, darling. Huwag kang paapekto sa baklang yan. Sa akin ka ngayong gabi at aangkinin mo ako sa mismong harapan ni Kazu.” sabi ni Kaye saka niya sinimulang halikan ang leeg ni Kevin pababa sa dibdib nito.

Napuno ng galit ang dibdib ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya tumakbo ako palapit sa kanila.

“Tumigil ka na!” sigaw ko.

Nahablot ko ang buhok ni Kaye ngunit hindi ko pa man siya nasasaktan nang tuluyan ay naramdaman ko na ang paghawak ni Kevin sa mga kamay ko.

“Tigilan mo ang girlfriend ko.” sigaw niya saka niya ako itinulak nang malakas. Bumagsak ako sa sahig at natigilan ako nang makita ko ang rd rose na nabitawan ko.

Marahan akong gumapang saka ko dinampot iyon. Hinawakan ko sa braso si Kevin saka ako nagmakaawa sa kanya.

“Sabihin mo sa akin na parte lang ng palabas mo ang pagbibigay mo ng bulaklak sa akin.” utos ko sa kanya.

Humalakhak naman si Kaye saka siya sumingit sa sinabi ko kay Kevin.

“Nakakaawa ka naman. Dinala mo pa ang bulaklak na iyan hanggang dito. Hindi ka ba nahihiya.”

Sinulyapan ko ang bulaklak na hawak ko. Nagtaka pa ako dahil hindi na red rose ang nasa kamay ko kundi isa nang purple lilac na kadalasang nakikita ko sa mga funeral.

Malakas na halakhak ni Kaye ang namayani sa buong silid at wala na akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko at tanging maliwanag na kisame ang bumungad sa akin. Napakurap pa ako at sinikap kong bumangon ngunit nanghihina ang katawan ko

Nakakadama rin ako ng kirot sa ulo ko at nang kapain ko ito ay may nakapa ako na benda.

Muli ay napapikit ako hanggang sa mabawasan ang kirot. Sinubukan kong igalaw ang isang kamay ko ngunit naramdaman ko na may nakadagan dito.

Marahan akong nagmulat saka ako bahagyang nagyuko ng ulo. Nakita ko si Kevin na natutulog sa gilid ng hospital bed at hawak niya ang isang kamay ko.

Dahil sa paghila ko sa kamay ko ay naalimpungatan siya. Nagulat pa siya nang makita niya na gising ako.

“Kazu?” may pag-aalalang sambit niya sa pangalan ko. Ilang sandali siyang natigilan at nakatitig lang din sa akin bago siya nagbuga ng malalim na paghinga.

“Thanks God at nagising ka na. May masakit ba sayo? Ano ang nararamdaman mo?” natatarantant tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Tahimik lang ako na nakatitig sa kanya. Kung narito ako ngayon sa ospital ay ibig sabihin lang na panaginip lang ang lahat kanina.

Hindi totoong niloko lang ako ni Kevin at binayaran siya ni Kaye para saktan ako. Pero bakit napakatotoo ng mga naramdaman ko?

“Sandali lang tatawag lang ako ng doktor.” nagmamadaling sabi sa akin ni Kevin.

Akma na sana siyang lalabas ng silid nang bigla ay bumukas ang pinto at pumasok doon si daddy.

“Sino ka? Bakit nasa loob ka ng silid ni Kazu?” matapang na tanong ni daddy kay Kevin.

“May bisita si Kazu?” tinig ng babae mula sa likod ni daddy. At nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng silid ay parang gumuho ang mundo ko.

Si Kaye. Nakangiti siya na sumulyap sa akin na tila ba nagugustuhan niya ang nakikita niyang kalagayan ko sa mga sandaling ito.

“How are you, Kazu?” plastikadang tanong niya na sinabayan pa niya ng ngiting nang-uuyam.

Dale Monte (29)

You’re Not My Brother

Episode 29

Dale

Napahugot ako ng malalim na paghinga habang pinagmamasdan ang natutulog na si Serene sa hospital bed na kinahihigaan niya.

Nalaman ko ang tungkol sa nangyari sa kanya dahil nakiusap sa akin si Red na bantayan siya. Nawawala kasi si Gael matapos ang nangyari kina Kazu at Serene kaninang hapon.

Tumigas ang anyo ko sa kaisipan na si Gael ang dahilan kung bakit muntikan nang malaglag ang anak ko.

Hindi pa rin alam ni Serene na alam ko na ang tungkol sa magiging anak namin.

Marahil ay hindi na niya napigilan si Red nang dalhin siya nito dito sa hospital namin.

Kilala ako ng karamihan sa mga nurses at ibang empleyado dit dahil dito ako madalas kapag wala akong ginagawa at dahil na rin sa ito ang magiging work place ko pagkagraduate ko.

Hindi lang naman puro barkada at pagpapasarap sa buhay ang laman ng utak ko. Marunong lang talaga akong mag manage ng oras ko.

Hindi ako nagkukulang sa mga kaibigan ko at hindi ko rin pinababayaan ang pag-aaral ko.

Kaya nga kahit na ano ang hingin ko ay pinagbibigyan ako ng parents ko. Dahil kahit minsan ay hindi ko pa sila binigyan ng kahihiyan.

Marahil ay ngayon pa lang dahil nakabuntis ako nang hindi pa nakakatapos ng pag-aaral. Ngunit para sa akin ay hindi ito kahihiyan.

Kaya kong tapusin ang pag-aaral ko kahit na magkakaroon na ako ng pamilya. Magiging responsableng asawa at ama ako kay Serene at sa magiging anak namin kasabay ng pagiging doktor ko.

Muli ay pinagmasdan ko ang natutulog na si Serene. Napakapayapa ng anyo niya. Tulog man o gising ay napakaganda pa rin niya.

Sana sa paggising niya ay hindi na siya magmatigas pa dahil nakahanda na ako na panagutan siya. Si Serene ang babae na matagal ko nang pinapangarap.

Nagparaya ako noon dahil ang akala ko ay seseryosohin din siya ni Red balang araw. Ngunit hindi nangyari ang bagay na iyon.

Ginawa ko iyon, ang pagpaparaya dahil magkaibigan kami no Red at nirerespeto ko ang feelings ni Serene.

Hindi ko gustong ipilit ang sarili ko kay Serene noon dahil gusto ko kapag pinili niya ako ay dahil mahal rin niya ako. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Pareho kaming nakalimot nang gabing makita ko siya sa bar. Wasted. Gustong magpakalasing kasama ng mga walang kwentang kaibigan niya.

Ngayon na nalaman ko na magkakaanak na kami ay hindi na ako magiging pipi at duwag.

Hindi ko hahayaan na magkakaroon ako ng anak na bastardo. Kaya gagawin ko ang lahat mapapayag lang si Serene na pakasalan ako.

Kahit pa alam ko na hindi ako ang gusto niya. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako. Maghihintay ako sa araw na iyon kahit gaano pa katagal.

Mabuti na lamang at kilala siya ng kaibigan kong trainee at nabanggit niya sa akin na narito siya kanina kasama ni Red.

Ngunit ang hindi ko matanggap ay ang nangyari sa kanya kanina dahil sa Gael na iyon.

Sa oras na magising si Serene ay hindi ko na papayagan na bumalik pa siya sa unit ni Red. Sa bahay ko na siya iuuwi para mas maalagaan ko sila ng mabuti.

Kung parurusahan man ako ng mga magulang ko ay tatanggapin ko. Dahil tanggap ko kung ano man ang pagkakamali ko.

Nilapitan ko si Serene saka ko inayos ang buhok na nasa noo niya. Nakita ko ang paggalaw ng mga mata niya at ang mabagal na pagbukas ng mga iyon.

Sa una ay ang kisame ang tiningnan niya. Pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

Hindi ko alam pero nakikita ko ang takot sa mga mata niya kasunod ng marahas na pagbangon niya at ang paghawak niya sa tiyan niya.

“D-Dale…” sambit niya saka niya ako tiningala. Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata niya.

“Y-Yung baby ko?” tanong niya. “Anong nangyari sa baby ko?” naiiyak niyang tanong.

“Ligtas ang baby natin Serene.” mahinahon na sagot ko saka ako umupo sa hospital bed niya.

Tuluyan na siyang naiyak at yumakap siya sa akin. Hindi naman ako nag-aksaya ng pagkakataon. Niyakap ko siya saka ko sinikap na pagaanin ang nararamdaman niya.

“Shhh! Huwag kang umiyak. Makakasama sa baby yan.” sabi ko saka ko hinagod ng marahan ang braso niya na nakayakap sa akin.

“Hindi naman ako papayag na may masamang mangyayari sa anak ko.” patuloy ko saka ko pilit na pinapagaan ang loob niya.

“I’m sorry Dale. Kasalanan ko to.” aniya sa pagitan ng paghikbi.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka ko pinunasan ang mga luha niya.

Nagsimula na rin siyang magpunas hanggang sa magtama ang mga tingin namin.

“Tumahan ka na okay?” mahinahon. A sambit ko. Saka ko siya muling niyakap. “Anong nararamdaman mo? Sandali lang at tatawag ako ng doktor.” sabi ko at mabilis na akong tumayo upang tumawag ng doktor.

Ilang sandali pa ay inaasikaso na si Serene ng mga nurse at ng doktor na kaibigan ng mga magulang ko.

“Kailangan lang niyang magpahinga. Kung maaari ay hindi siya dapat napapagod at kailangan maiwasan ang stress.” baling sa akin ni Dra. Herrera.

“Thank you po Dra.” pasasalamat ko bago siya nagpaalam dahil may aasikasuhin pa siya na ibang pasyente.

Naiwan kami ni Serene at ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago ko siya nilapitan at pinagbalat ng orange.

“Sabi ng doktor ay pwede ka na raw lumabas bukas. Pero hindi ka na doon sa unit ni Red uuwi.” lakas loob na pagbibigay alam ko sa kanya.

Nagbaling ng tingin sa akin si Serene. Makikita ang pagtataka sa anyo niya. “What do you mean?” she asked.

Nagbuga ako ng paghinga saka ko ginagap ang kamay niya. Hinalikan ko ang likod ng palad niya saka ko siya tinitigan nang may pagmamahal.

“Doon ka na sa unit ko tutuloy Serene. Doon ay mas maaalagaan kita at ang magiging anak natin. Hindi ko na rin papayagan pa na mapahamak ka dahil sa Gael na iyon.”

“Don’t blame Gael, Dale. Hindi niya ginusto ang nangyari sa akin.” sagot niya. “Hindi mo na rin ako kailangan dalhin pa sa unit mo-”

“Hindi ko tatanggapin ang pagtanggi mo sa pagkakataong ito Serene. Doon ka sa akin uuwi sa ayaw at sa gusto mo. Itinago mo na nga sa akin na buntis ka hindi ba?” putol ko sa sinasabi niya. Hindi ko itinago ang hinanakit sa anyo ko.

“Bakit ka umalis nang umagang iyon habang natutulog pa ako? Bakit mo itinago sa akin na nagdadalang-tao ka? Dahil ba hindi ako ang gusto mo? Balak mo bang ipaako kay Red ang anak ko?” naiinis na tanong ko sa kanya.

“N-No!” bulalas niya. “Wala akong balak na ipaako kahit kanino ang anak ko. Hindi ko sinabi sayo dahil alam ko ang sitwasyon mo. Umalis ako sa unit mo nang umagang iyon dahil alam ko na hindi tama ang nangyari sa atin.”

Nainis ako dahil sa sinabi niyang iyon? Hindi tama? Alin ang hindi tama doon?

“Putcha naman oo.” malutong na mura ko ngunit hindi para kay Serene kundi mas higit para sa sitwasyon namin.

“Dahil ba kay Red? Mahal mo siya diba? Nagsisisi ka ba na hindi siya ang nakabuntis sayo? Mahal kita Serene at napakatanga ko para maramdaman ito sayo.” puno ng bitterness na sambit ko.

Hindi ako sinagot ni Serene ngunit nanatili siya na nakatitig sa akin. Napapikit ako in frustration. Napakatanga ko para mahalin ang babaeng sa simula pa lang ay ang kaibigan ko na ang gusto.

Sinubukan kong tumayo pero mabilis akong niyakap ni Serene mula sa likuran ko.

“Hindi ako nagsisisi na nabuntis mo ako, Dale. Hindi rin totoo na si Red ang mahal ko. Hindi ko sinabi sayo ang totoo dahil natatakot ako na i-reject mo ako.”

Natigilan ako dahil sa mga sinabi ni Serene. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nais niyang tukuyin pero nanatili ako na nakatayo at hinintay ang mga susunod pa niyang sasabihin.

“Highschool pa lang tayo ay gustong gusto na kita, Dale. Pero hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko sayo para sungitan mo ako sa tuwing nagkikita tayo. Umiiwas ka kapag nakikita mo na palapit na ako sa inyo ni Red.”

Napakurap ako dahil sa mga narinig ko. Hindi ko inasahan na sasabihin ni Serene ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig.

“Hindi mo ako kinakausap. At kung kakausapin mo naman ako ay palagi ka na lang iritable. Si Red lang ang nagpapakita sa akin ng interes kaya sinikap ko na ibaling sa kanya ang nararamdaman ko.”

“Minahal ko rin siya oo. Totoo ang sinabi mo na mahal ko siya. Pero kahit anong gawin ko hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sayo. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Pero mas lamang ang nararamdaman kong attraction sayo. Kaya nang gabing lapitan mo ako sa bar ay sinamantala ko na ang pagkakataon para mapalapit sayo. Siguro nga napaka-cheap kong babae dahil pumayag ako na magpagalaw sayo kahit pa nauna na akong nagpagalaw sa kaibigan mo.”

“Pero hindi ko na naisip pa ang bagay na iyon nang mga sandaling iyon. Basta ang mahalaga na lamang sa akin noon ay ang nararamdaman kong saya habang inaangkin mo ang  labi at katawan ko.”

Natawa siya ngunit mas nangibabaw sa pandinig ko ang mockery niya para sa sarili niya.

“Siguro nga ay baliw na ako. Pero ang marinig sayo ngayon na mahal mo rin ako ang pinakamagandang salita na narinig ko. Hindi iyan kayang ibigay sa akin ni Red. Sa simula pa lang ay wala nang pag-asa ang relasyon namin pero sinugalan ko iyon. Pero, ganun siguro talaga. Nahulog siya sa iba eh.”

Narinig ko na tumawa siya ngunit nagsimula na rin siyang umiyak at naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay niya na nakayakap sa tiyan ko.

Marahan kong kinalas ang mga iyon saka ko siya hinarap. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis kong inangkin ang matatamis niyang mga labi.

Hindi naman ako binigo ni Serene. Naramdaman ko ang paghawak niya sa batok at dibdib ko habang masuyo niyang tinutugon ang mga halik ko na mas lumalim pa.

Halos ayaw ko nang matapos ang halik na iyon ngunit mauubusan na kami ng hininga.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay muli ko pa iyong dinampian ng isang mabilis na halik.

Nagsalubong ang mga tingin namin pagkatapos ay siya naman ang umangkin sa mga labi ko na mabilis ji namang tinugon.

At nang muli kaming matapos sa pinakamatamis na halik na naranasan ko ay ginagap ko ang kamay niya saka ko iyon hinalikan.

“Marry me, Serene. Pinapangako ko sayo na aalagaan ko kayo ng magiging anak natin. Magiging mabuting asawa at ama ako sa inyo. Pinapangako ko iyan.”

Naiiyak siya na tumango. At sa garalgal na tinig ay sumagot siya. “Y-Yes, Dale. I’ll marry you.”

Muli na namang tumulo ang mga luha niya kaya mabilis ko siyang kinabig upang muling yakapin ng mahigpit.

Hinalikan ko siya sa noo saka ko siya hinayaan na umiyak sa dibdib ko.

Hindi ko inasahan na darating ang araw na ito na malalaman kong mahal din pala ako ng babaeng lihim kong minahal at iniwasan sa loob ng ilang taon.

Sinimulan ko siyang iwasan at sungitan nang makita ko na nagkakamabutihan na sila ni Red.

Pero ngayon ay pinagsisisihan ko na ang ginawa kong pag-iwas sa kanya. Ilang taon din ang sinayang ko sa amin ni Serene.

Hindi ko na hahayaan pa na may kahit isang minutong masayang sa amin mula sa araw na ito.

Bukas na bukas din ay kukunin ko na kay Red ang mga gamit niya at sasabihin ko na sa mga magulang ko ang tungkol sa kasal namin ni Serene.

Hindi magiging madali ito pero alam ko na maiintindihan din nila ako. At sisiguraduhin ko na magiging responsable ako sa mga desisyon na gagawin ko.

Redentor Serrano (30)

You’re Not My Brother

Episode

30

Red

Napamura ako sa inis nang hindi ko na makontak ang number ni Gael. Matapos niyang maihatid kanina si Serene sa ospital ay bigla na lang siyang nawala nang hindi nagpapaalam.

Oo nasigawan ko siya pero dahil lang iyon sa init ng ulo ko. Napahamak ang pinsan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Ibinilin ko siya kay Serene na huwag pasunurin sa ospital dahil sa nakita kong anyo niya kanina. Ngunit hindi ko inasahan na si Serene naman ang mapapahamak dahil sa pagpigil sa kanya.

Dati nang matigas ang ulo ni Gael. Kahit si Aileen ay madalas na sabihin iyon. Minsan din nabanggit ng tatay niya at hindi ko siya kahapon lang nakilala.

Ngayon ay nawawala siya. Hindi siya umuwi sa unit pero naroon ang mga gamit niya.

Kahit pa nakakadama ako ng inis ay hindi pa rin maiaalis sa akin na huwag mag alala.

Lalo pa at mainit pa siya sa mata ng mga taong nanakit sa kanila. Hindi kilala ni Kevin ang mga nakaaway nila. Hindi rin kami nagkaroon ng pagkakataon ni Gael para maitanong ko iyon sa kanya.

Mabuti na lamang at ang sabi ng doktor ay hindi malala ang naging tama ni Kazu kung hindi ay mababaliw na ako sa kakaisip sa pinsan ko.

Binalikan ko ang park at ang mall na madalas niyang tambayan. Nagtungo rin ako sa coffee shop. Sa school. Pero kahit anino ni Gael ay hindi ko man lang nakita.

Hindi alam ni Kevin kung nasaan siya at kahit isa sa mga napagtanungan ko na kaklase namin ay walang nakakita sa kanya.

Inis na binunot ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko saka ko siya sinubukan ulit na tawagan. Hindi pa rin iyon nagriring kaya gusto ko nang ihagis ang cellphone ko dahil sa inis.

Nagmadali akong bumalik sa unit. Para akong tanga na pabalik-balik sa sala at sa loob ng silid. Chine-check kung naroon ba ang lahat ng gamit ni Gael.

Hindi rin ako mapakali kaya hindi ko malaman kung uupo ba ako o tatayo o kaya naman ay maglalakad-lakad habang paulit-ulit na sumusulyap sa main door na para bang bigla na lang papasok doon si Gael.

Pero inabot na ako ng alas dos ng madaling araw sa kakahintay ay hindi pa rin siya dumarating.

Hindi ko na nga rin nagawa pa na maghapunan dahil hindi ko maipapasok sa katawan ko ang pagkain kung ganito na nawawala ang stepbrother ko.

Pumalatak ako saka ako padabog na naglakad patungo sa fridge. Kumuha ako ng isang bote ng beer saka ko iyon binuksan.

Nilagok ko ang unang bote habang nakatitig ako sa labas ng glass wall. Napakadilim na ng kalangitan at halos iilan na lang ang bukas na ilaw sa mga kalapit na building namin.

Hindi pa rin ako mapakali. Mabilis ko nang inubos ang iniinom kong beer. Inilagay ko iyon sa sink saka ako nagbukas ng panibagong bote.

Dinampot ko ang cellphone ko saka ko sinubukan na hanapin ang number na ginagamit ni Aileen sa tuwing sinusubukan niya akong tawagan.

Ngunit natigil ang daliri ko na pindutin ang call button. Napailing ako. Hindi naman siguro pupunta si Gael kay Aileen. Hindi naman sila malapit sa isa’t isa.

Pero paano kung kay Aileen nga siya nagpunta? Kahit baligtarin man ang mundo ay siya pa rin ang ina niya.

Muli ay napailing na naman ako saka ko ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. Pero imposible talaga. Hindi siya kay Aileen pupunta.

Lumagok muli ako ng beer habang nakatanaw sa mga citylights na nakabukas. Sa ibaba ay may mga iilang sasakyan na dumadaan.

Hindi kaya… umuwi siya sa Pampanga? Bigla ay naisip ko.

Wala pa naman akong numero ng tatay niya at mahirap ang signal sa lugar nila.

Kapag hindi siya umuwi hanggang mamayang alas kwatro ay bibiyahe ako patungong Pampanga.

Pero mauuna muna ako sa Cavite. Magbabakasakali pa rin ako na alam ni Aileen kung nasaan ang anak niya. Magkukunwari na lang ako na may kukunin doon mamaya.

Kapag hindi ko siya nakita sa Cavite ay sa Pampanga ako didiretso. Tang-ina nababaliw na ako king gagawin ko iyon pero wala akong pakialam kung mabaliw man ako.

Importante lang sa akin sa mga sandaling ito ay ang malaman kung safe ba si Gael at kung nasaan ba si gago.

“Mas gago ka Red. Shit!” malakas na sigaw ko at padabog na naman akong nagtungo sa fridge upang kumuha pa ng dalawang bote ng beer.

Dala ang tatlong bote kasama ng iniinom ko kanina ay lumabas ako sa unit ko. Mabilis kong tinahak ang hallway at sumakay ako ng elevator.

Hindi ako mapapakali sa loob ng unit ko. Kailangan ko nang makalanghap ng sariwang hangin kaya aakyat ako sa tuktok ng building na ito at doon ako magpapahangin sa itaas.

Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong naglakad upang humanap ng magandang puwesto para mainom ko ang mga beer na dala ko.

Ngunit napahinto ako sa paghakbang nang sa isang sulok na bahagi ng rooftop ay nakita ko si Gael.

Sa paligid niya ay may mga nagkalat na bote ng beer. Hindi ko mabilanh kung ilan lahat iyon dahil nabaling sa kanya ang buong atensyon ko.

Inuuntog ni gago ang ulo niya sa railings na kaharap niya.

“Gael!” sigaw ko sa pangalan niya ngunit hindi ako pinansin ng sira ulo.

Inulit ko ang pagtawag sako ko na inilapag ang mga hawak kong beer. Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan niya at iniharang ko ang kamay ko sa ulo niya.

“Nasisiraan ka na ba? Tigilan mo yan!” sermon ko sa kanya.

Tumawa si gago saka niya ako pinilosopo. “Nandito na pala ang mabait kong stepbrother. Ano pagagalitan mo na naman ba ako ha? Sisigawan mo na naman ako? Tara suntukan na lang tayo gagu ka. Akala mo ba hindi ko kayang basagin yang mukha mo? Huwag mong sabihin na gwapo ka. Kahit gwapo ka pa sasapakin talaga kita.”

“Ano ba, lasing ka na.” sermon ko sa kanya saka ko siya sinubukan na akayin patayo pero pumiglas si gago at tinampal pa niya ang mukha ko.

“Haist! Tigilan mo ko ikaw ang sasapakin ko kapag napikon ako sayo.” banta ko sa kanya.

Sinubukan ko siyang itayo. Napakabigat di gago pero kailangan ko siyang maibaba sa unit ko.

“Anong sabi mo? Sasapakin mo ko? Oh tara sapakan tayo. Akala mo di kita lalabanan?” sabi niya saka niya ako pinagsusuntok sa dibdib.

Nararamdaman ko na kahit sinusuntok niya ako ay hindi niya ako gustong masaktan.

Pigil ang puwersa ng mga suntok niya kaya hinayaan ko siya sa ginagawa niya ngunit hinawakan ako sa leeg ni gago at sa namumungay na mga mata ay pinagmasdan niya ang mukha ko.

“Alam mo gwapo ka lang pero gago ka pa din. Naiinis ako sayo. Gusto kitang saktan, gusto kitang sapakin dahil sa ginawa mong pagsigaw sa akin kanina sa ospital. Eh hindi ko naman sinadya eh.”

“I’m sorry!” masuyong bulong ko sa kanya. “Tara na sa baba magpahinga ka na.”

Sinubukan ko na siyang akayin pero hindi siya nagpaakay sa akin. Nanatili kami sa kinatatayuan namin. Hawak pa rin niya ang leeg ko at magkahinang pa rin ang mga mata namin.

Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Mabilis na natahan ng mga labi niya ang pagitan patungo sa mga labi ko.

Natigilan ako nang maramdaman ko ang mabilis ngunit masuyong pag-angkin ng mga labi ni Gael sa nakaawang na mga labi ko.

Napapikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam na lumukob sa buong katawan ko.

Nagsimula nang gumalaw ang mga labi ni Gael. Mas lalong lumalim ang mga halik niya. Masuyo ngunit mapaghangad.

Nang hindi ako tumugon ay sinikap niyang mas palawigin pa ang paraan ng ganyang paghalik.

Sino ba naman ako para tumanggi. Si Gael ang humahalik sa akin. Hindi na ako nagpakipot pa. Mabilis kong tinugon ang mga halik niya.

Naramdaman ko na humagod sa braso ko ang kaliwang palad niya. Tinahak ng palad na iyon ang balikat ko at huminto iyon sa malapad na dibdib ko.

Kapwa kami hinihingal nang matapos ang napakainit na halik na iyon. Dala marahil ng dalawang bote ng beer na nainom ko ay nagsisimula nang mag-init ang katawan ko.

Hindi ko na pinatagal pa ang paghihiwalay ng mga labi namin ni Gael. Mabilis ang naging mga galaw ko.

Muli ay inangkin ko ang matatamis na labi na kanina lang ay humahalik sa akin. Hinapit ko ang katawan ni Gael at mas lumalim pa ang mga halik ko sa kanya.

Hindi pa doon natapos ang halik na iyon. Nang muling maghiwalay ang mga labi namin ay mabilis ko siyang hinila sa neckline ng suot niyang t-shirt.

Hinila ko siya patungo sa elevator at mabilis kong pinindot ang number 16 button.

Mabilis kaming nakarating sa 16th floor ng building. Halos pakaladkad ang ginawa kong paghila sa kanya hanggang sa makarating kami sa unit ko.

Pagkapasok namin sa loob ay marahas ko siyang isinandal sa pader saka ko na sinimulang halikan ang leeg niya.

Napasinghap niya nang maramdaman niya ang three day old stubble ko na kumiskis sa makinis na balat niya.

Hindi ako huminto sa ginagawa ko. Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang mga kamay niya na pilit itinataas ang laylayan ng suot kong t-tshirt.

Mabilis kong pinalis ang mga kamay niya. Muli ay hinila ko ang neckline ng damit niya saka ko masuyong inangkin ang mga labi niya.

“Hindi ako magsasawa na halikan ang matatamis na labi mo Gael.” bulong ko sa pagitan ng mga sunud-sunod at mabilis na pag-angkin ko sa labi niya.

“Shhh! Huwag kang magsalita.” suway niya sa akin saka niya ako marahas na initulak at naramdaman ko na lang na ibinagsak niya ako pahiga sa malapad na couch.

“Shit!” mura ko dahil sa pagkabigla ngunit sinamantala iyon ni Gael. Mabilis niyang nai-angat ang damit ko hanggang sa lumantad ang abs at chest ko.

Napapikit at napatingala ako nang maramdaman ko ang malambot na labi niya na dumampi sa tiyan ko.

Lahat ng pandesal doon ay hindi niya pinalagpas. Halos mabaliw ako sa sensasyon na nararanasan ko.

Nagsimula nang umangat ang ulo niya. Sunud sunod na masusuyong halik ang naramdaman ko sa katawan ko hanggang sa tuluyan nang nakarating ang mga labi niya sa dibdib ko.

“G-Gael…” mahinang usal ko sa pangalan niya. “Don’t do this.” patuloy ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay tuluyan na niyang hinubad mula sa katawan ko ang t-shirt ko saka niya iyon inihagis sa sahig.

Muli ay inangkin ng mga labi niya ang mga labi ko. Hindi ako santo para hindi madarang sa mga ginagawa ni Gael sa akin.

Nagsimula na naman kaming magsalo sa isang napakainit na halik at naramdaman ko ang kamay niya na naglalakbay sa hubad na katawan ko.

Sa bawat dinadaanan nito ay nag-iiwan ng kakaibang init na tumutupok sa bawat himaymay ng katawan ko.

Hindi ko na kayang paglabanan pa ang tukso. Nagsisimula nang sumikip ang suot kong pantalon dahil sa pagnanasa na nararamdaman ko.

“G-Gael,” sambit ko sa naghihirap na tinig. “N-Nakainom ka lang. Hindi mo alam ang ginagawa mo.” sa wakas ay nasabi ko sa kanya.

Huminto siya sa ginagawa niya saka siya tumitig sa mga mata ko. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago siya nagsalita.

“Don’t talk, please!” sagot niya.

Nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa akin ay bumaba ang ulo niya patungo sa dibdib ko.

Halos mapasigaw ako nang maramdaman ko na hinuli ng mga labi niya ang pinaka-sensitibong parte ng dibdib ko. My nipple.

Gabriel Robles (31)

You’re Not My Brother

Episode 31

Gael

Narinig ko ang malakas na ungol ni Red nang sa wakas ay nahuli ng mga labi ko ang sensitibong parte ng dibdib niya.

Nagtagal ako ng ilang sandali doon hanggang sa lumipat ako sa kabila. Hindi nagtagal ay gumapang ang halik ko mula sa dibdib niya patungo sa leeg niya.

Naririnig ko pa ang malalalim na pagbuga niya ng hangin dahil sa sensasyong nararamdaman niya.

Hanggang sa ang mga labi ko ay muling nakarating sa masarap na mga labi niya. Muli ay nagsalo kami sa napakainit na halik.

Napakabilis ng mga pangyayari. Alam ko na hindi tama ang ginagawa kong ito ngunit nasimulan ko na at ayoko nang palagpasin pa ang pagkakataon.

Dala ng beer na nainom ko at ng lahat ng frustrations ko ay ibinuhos ko kay Red ang naipon kong pagtitimpi.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko sa mga sandaling ito. Mababaliw ako kung hihinto ako sa ginagawa ko.

Ngunit pagkatapos ng gabing ito ay ano? May mukha pa ba akong maihaharap kay Red bukas?

Natigilan ako at kumalas ako sa mga labi niya. Nagkatitigan kami ni Red. Makikita sa mga mata niya ang disappointment dahil sa ginawa ko.

Wala sa loob ko na naigapang ko sa hubad niyang braso ang palad ko na nakahawak kanina sa dibdib niya.

Nabigla na lamang ako nang mabilis niya akong itinulak. Napatayo naman ako mula sa pagkakadapa ko sa katawan niya.

Akala ko ay magagalit siya dahil sa kapangahasan ko. Pero bigla na lang ay sinunggaban niya ako saka niya ako binuhat habang nakapatong ang tiyan ko sa matipuno niyang balikat.

Mabilis niya akong naipasok sa loob ng silid ko saka niya ako marahas na ibinagsaksak sa ibabaw ng kama.

Hindi naman ako nasaktan pero nabigla ako sa ginawa niya.

“Kapag nagsimula na akong gumalaw ay hindi mo na ako mapipigilan Gael.” seryosong sambit niya habang nakatitig siya sa mga mata ko.

Hinayaan ko lang siya na titigan ako. Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay pinagsawa ko ang mga mata ko sa halos perpektong anyo niya.

Mula sa makakapal na kilay patungo sa prominenteng jawline niya na lalong nagpalakas ng dating niya.

Bumaba pa ang tingin ko sa malalapad na balikat at dibdib niya na kanina lamang ay malayang nadadampian ng mga labi ko.

Hanggang sa mapunta sa abs niya ang tingin ko pababa sa manipis na karug niya na patungo na sa loob ng pantalon na suot niya.

Nakita ko ang mabagal na pagkalas ng mga kamay niya sa snap ng suot niyang jeans. Kasunod ng paghila niya sa zipper pababa.

Napalunok ako habang hinihintay ang susunod niyang mga kilos. Halos manlaki ang mga mata ko nang tuluyan na niyang nahubad ang pantalon niya.

Napako ang tingin ko sa napakalaking umbok sa harapang bahagi ng kulay puting brief niya.

Hindi ko na alam kung ano na ang mga nagaganap. Basta ang naramdaman ko na lamang ay mabilis nang nahubad ni Red ang damit at pantalon na suot ko.

Nakadama ako ng matinding kaba nang magsimulang gumapang ang apat na daliri niya sa braso ko na nagpatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.

“You’re mine now, Gael. Hindi ka na makakaligtas sa pagkakataong ito.” he said. Nanuot sa aking buong pagkatao ko ang matinding epekto ng husky voice na ginamit niya.

Napapikit ako kasabay ng muling pagsakop ng mga labi niya sa mga labi ko at ang marahan niyang pag-upo sa ibabaw ng kama.

Sumunod na naramdaman ko ay ang palad niya na naglakbay na sa hubad kong katawan hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko saka niya iyon inilagay sa napakalaking bukol sa harapan niya.

Napasinghap ako kasabay ng pagbawi ko sa kamay ko ngunit mas humigpit ang pagkakahawak niya dito.

“R-Red…” nauutal kong sambit.

“P-Pwede bang ako na lang ang to…”

“Hindi!” mabilis na sagot niya at mabilis niya akong tinulak padapa sa kama.

Nagsimula na siyang halikan ang mga balikat ko habang ang palad niya ay naglalakbay sa hubad kong katawan.

Nagsimula na siya sa napakahabang foreplay na sa tingin ko ay sanay na sanay na siya na gawin.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang wet kisses na walang tigil na dumadampi sa hubad na likuran ko.

Hanggang sa marating ng mga labi niya ang batok ko na nagdulot ng napakatinding kiliti.

Halos mabaliw ako sa bawat pagdampi ng labi at kamay niya sa balat ko. Napakainit na ng pakiramdam ko at hindi ko namalayan na kapwa na pala kami walang suot na underwear.

Hanggang sa pinahiga na niya ako sa ibabaw ng kama. Hinila niya ang balakang ko saka siya pumuwesto sa pagitan ng mga nakabukang hita ko.

“R-Red…” bulong ko. “H-Hindi pa ako-”

“Shhhh! I’ll be gentle baby.” he murmur.

Naramdaman ko na ang pagdampi ng matigas na bagay sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Nagsimula na siyang umulos. Napahigpit ang kapit ko sa mga braso niya. Niyakap ko ang hubad niyang katawan habang sinisikap ko na tiisin ang sakit na dulot ng pagpasok niya.

Nararamdaman ko ang matinding pagsisikap niya na makagawa ng maling galaw para hindi ako masaktan.

Pero kahit na anong ingat pa niya ay alam ko na hindi maiiwasan na hindi ako masaktan sa gagawin niya.

Napasigaw ako kasabay ng pagpikit ko ng mga mata nang maramdaman ko na ng tuluyan ang pag-angkin niya sa akin. Para akong mabibiyak dahil sa sobrang sakit pero kailangan ko itong tiisin dahil una sa lahat ay ginusto ko  ito.

Ilang sandali muna akong hinayaan ni Red bago na siya nagsimulang gumalaw. Doon ko na nagsimulang maramdaman ang magkahalong langit at hapdi ng aming pag-iisa.


Nagising ako na masakit ang buong katawan ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay maliwanag na sa labas.

Marahan akong bumangon ngunit parang binugbog ang buong katawan ko.

Nang sumulyap ako sa kama ay nakita ko ang natutulog na si Red sa tabi ko. Kagaya ko ay nakahubad rin siya at tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Nararamdaman ko na namumula ako habang pinagmamasdan ko ang hubad na katawan niya habang payapa siya na nakahiga sa kama.

Muli ay naglaro na naman sa isipan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Kung paano ako naging wild at ako pa mismo ang nag-insist na gawin namin ang bagay na iyon.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob at kapal ng mukha ko kagabi. Basta ang alam ko lang ay hindi ako ganun dati sa tuwing nalalasing.

Mabilis kong binura sa isipan ko ang mga nakakahiyang bagay na ginawa ko.

Nagpasya ako na bumangon saka ko isinuot ang underwear at boxer shorts ko.

Ilang sandali pa ay napagmasdan ko ang mga labi ni Red na napakasarap humalik. Muli akong lumapit at umupo sa kama.

Kukumutan ko sana ang nakalantad niyang katawan nang bigla na lamang ay nagmulat siya ng mga mata.

Natigilan ako at nakadama ng labis na pagkapahiya. Nahuli ako ni Red na pinagmamasdan ko siya habang natutulog.

Mabilis akong tumalikod at akma sana akong tatayo na pero isang malakas na puwersa ang humila sa katawan ko pabalik sa kama.

Namalayan ko na lang na nakahiga na ulit ako doon at nakadagan sa akin ang kalahati ng hubad na katawan ni Red.

Nagtama ang mga tingin namin at nakita ko ang matamis na ngiti sa mga labi niya na sinundan ng mga ngisi na nakakaloko.

“Pinagmamasdan mo ba ako habang natutulog?” pilyong tanong niya.

“H-Hindi no!‘’ mabilis na depensa ko. “Bakit naman kita pagmamasdan. Inaayos ko lang ang pagkakakumot mo.” dugtong ko saka na ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin at sa muli na naman niyang pang-aalaska.

Hanggang sa maramdaman ko lang na hinawakan niya ang mukha ko saka niya ako muling iniharap sa kanya.

Bumaba ang mga tingin niya sa mga labi ko na sinundan pa niya ng pang-aakit sa akin.

Napalunok ako at tila ba nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa ginagawa niyang panunukso sa akin.

Ngunit hindi na nagtagal ang pagsuri niya sa mukha at mga labi ko.

Naramdaman ko na lamang ang masuyong paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

Napapikit ako habang nagsisimula nang gumalaw ang mapangahas na labi niya.

Sa simula ay hindi ko siya tinutugon ngunit hindi nagtagal ay narealize ko na sinasabayan ko na ang bawat galaw ng mga labi niya.

Halos isang minuto rin ang itinagal ng napakasarap na halik na iyon bago niya marahan na pinakawalan ang mga labi ko.

Marahan ko ring binuksan ang mga mata ko at sabay pa kaming nagkatitigan.

Naramdaman ko na namumula na naman ako sa hiya kaya marahas ko siyang itinulak saka ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

Pero hindi pa pala tapos sa mga kalokohan niya si Red. Naramdaman ko na lamang na pinapaulanan na niya ng masusuyong halik ang hubad na balikat ko patungo sa leeg ko na nagdulot sa akin ng kakaibang kilabot.

Pagkatapos ay muli niya akong hinila at iniharap sa kanya.

“You’re mine now, Gael. At hindi ko hahayaan na mahawakan ka pa ng iba. Makakapatay ako kapag nagtangka ka na ipagpalit ako.” seryosong banta niya.

Napakurap ako at hindi ako makapaniwala na lalabas ang mga ganung salita mula sa bibig ni Red.

“Nababaliw ka na.” naiiling na sagot ko saka ko dinampot tshirt ko na nakasabit sa may paanan ng kama pero muli na naman niya akong nahila at iniharap sa kanya.

“Seryoso ako.” sabi niya habang nakatitig siya sa mga mata ko. Nakita ko sa anyo niya na seryoso nga siya sa sinasabi niya.

Hindi ko siya sinagot. Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa braso ko saka na ako tuluyang bumangon mula sa kama.

Paglabas ko sa silid ay napahinto ako sa paglalakad. Hinaplos ng mga daliri ko ang labi ko na hinalikan ni Red. Hindi ko naiwasan ang mangiti at muli ko na naman naramdaman na nag-iinit ang mga pisngi ko.

Napailing na lang ako saka ako nagsimulang maghalungkat ng mailuluto sa ref.

Nakapaglabas na ako ng bacon nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell kasunod ng mga katok sa pinto.

Napalingon ako doon at iniisip kung sino ang bisita sa ganito kaaga. Pinakaunang pumasok sa isip ko si Mama.

Marahil na nakarating na sa kanila ang kasalanan ko kina Kazu at Serene. Sigurado na walang katapusan na sermon na naman ang aabutin ko kapag pinagbuksan ko siya ng pinto.

Ilang sandali pa ay hindi tumigil sa pagtunog ang doorbell at ang pinto. Naglakad ako palapit doon pero napahinto din ako ilang hakbang mula doon.

“Red!” narinig kong sigaw ni Dale. Nahimigan ko ang inis sa tinig niya habang palakas din ng palakas ang mga katok niya sa pinto.

Hindi ko malaman kung dapat ko ba siyang pagbuksan ng pinto o hindi. Pero nanatili ako na nakatayo lang doon.

Hanggang sa bigla na lamang sumulpot sa tabi ko si Red na nakapagbihis na rin saka niya binuksan ang pinto.

“Oh ang aga mo yata? May problema ba sa ospital?” seryosong tanong niya.

Seryoso naman na nakatitig sa kanya si Dale at nakita ko ang galit sa mga mata niya nang dumako sa akin ang tingin niya.

Nagtataka naman si Red na sumulyap sa akin bago niya ibinalik kay Dale ang tingin niya.

“Kukunin ko na ang mga gamit ni Serene. Hindi na siya babalik pa dito. Baka sa susunod ay tuluyan nang mapatay ng tarantado mong stepbrother ang magiging anak namin.” sarkastiko niyang sambit saka niya ako muling sinulyapan nang may disgusto.

Natigilan naman ako nang marinig ko mula sa bibig niya ang mga huling kataga na binigkas niya.

Magiging anak? Kung ganun ay siya ba ang ama ng dinadala ni Serene?

“Bro, anong sabi mo?” naguguluhang tanong ni Red sa kaibigan niya.

“Narinig mo ako, Red. Anak ko ang dinadala ni Serene at babawiin ko na sila sayo.” matigas na sagot ni Dale.

Hindi na niya hinintay pa na bigyan siya ng permiso ni Red. Mabilis siyang naglakad patungo sa silid na inokupa ni Serene.

Natamaan ako sa marahas niyang pagbangga sa akin kaya napaatras ako mula sa kinatatayuan ko. Nakita iyon ni Red at nakita ko rin na kumuyom ang mga kamao niya at akma niyang hahabulin si Dale pero pinigilan ko siya saka ako umiling nang tumingin siya sa akin.

“Normal lang ang mga ikinikilos ng kaibigan mo. May kasalanan ako sa kanila ni Serene kaya may karapatan siya na magalit sa akin.” sabi ko.

Hindi niya napigilan ang magmura dahil sa inis. Hindi na siya sumunod pa kay Dale pero masama ang tingin niya sa silid na pinasukan nito.

Redentor Serrano (32)

WARNING:

This chapter contains VIOLENCE. Please read at your own risk. If you are not open for this kind of scenes please skip this chapter.

Thank You!

Nickolai214


You’re Not My Brother

Episode 32

Red

Gaya ng ipinakiusap sa akin ni Gael ay hinayaan ko na lang si Dale na makaalis sa unit ko nang walang sinasabing masama tungkol sa naging asal niya kanina.

Nagshower lang ako pagkatapos ay umalis kaagad ako upang daanan si Kazu sa ospital at baka sakali na maabutan ko pa doon sina Serene.

Narealize ko na hindi nga tama kung pinatulan ko kanina si Dale. Pero kailangan kong malaman ang totoo kung paano siya naging ama ng anak ni Serene.

Mabilis lang naman akong nakarating sa ospital pero hindi ko na inabutan doon sina Serene at Dale. Nagpasya na lang ako na tumuloy sa room ni Kazu.

Naabutan ko ang pinsan ko na nakahiga pa rin sa hospital bed. May benda sa ulo at tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana.

Bumaling lang siya sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko sa loob ng silid. Mabilis ko siyang nilapitan at kinumusta.

Hindi niya sinagot ang mga tanong ko kung ayos lang ba siya. Sa halip ay itinanong niya kung nakita ko ba si Kevin.

Sinabi ko na hindi ko pa ito nakikita mula nang magtungo ako sa ospital. Umalis daw ito kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

“Baka umuwi lang muna sandali. Kahapon ka pa niya binabantayan hindi ba? Cheer up! Babalik din kaagad yun.” sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay muli siyang tumanaw sa labas ng bintana. Bakas ang pag-aalala sa anyo niya.

“By the way bago ko makalimutan. Nagpunta talaga ako dito para ipaabot sayo ang sincere apology ni Gael dahil sa nangyari sayo. At gusto rin kitang makumusta ng personal. May gusto lang akong linawin sayo Kazu.”

Bumaling siya sa akin at binigyan niya ako ng nagtatanong na mga tingin dahil sa sinabi ko.

“Nakilala mo ba yung mga nanggulpi sa inyo?” seryosong tanong ko sa kanya.

Malungkot siyang tumingin sa akin saka siya bahagya na tumango.

“Si Jojo at ang dalawang kaibigan niya. Sa tingin ko ay may kinalaman pa rin ito sa ginawa mo sa kanila noon nang unang beses nilang saktan si Gael.” sabi niya.

Nagtagis ang mga bagang ko at naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa narinig ko.

“Kung ano man ang binabalak mo ay wag mo nang ituloy pa.” mahinang sambit ni Kazu bago siya tumingin ng diretso sa akin.

“Kilala kita Red. Kapag gumanti ka ay gaganti na naman sila. Hindi na kayo matatapos sa walang kapaguran na gantihan ninyo.” patuloy niya.

Ngunit hindi sapat ang mga iyon upang pawiin ang galit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Nasaktan si Gael. Mas lalo na si Kazu na pinaka-iingatan ko mula pa noon. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang nangyaring ito sa kanila.

“Magpahinga ka na. May pupuntahan pa ako.” sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa ulo. Mahal na mahal ko si Kazu maliit pa lang kami. Dahil sa lahat ng mga pinsan ko ay siya lang ang naging totoo sa pakikitungo sa akin.

Hindi na ako nagtagal pa at nagpasya na ako na lisanin ang ospital. May tinawagan lang ako sandali sa cellphone ko pagkatapos ay dumiretso ako sa condo ni Dale.

Hindi ko inabutan si Dale doon. Sabi ni Serene ay namili lang daw ito sandali ng mga kakailanganin nila habang nagpapagaling siya.

Kinumusta ko lang siya at hindi na rin ako nagtangka pa na magtagal doon. Nagkainitan pa lang kami ni Dale kanina. Hindi makabubuti kung maaabutan niya kami ni Serene na magkasama sa condo niya habang wala siya.

Pagkagaling ko sa unit ni Dale ay nagpasya na ako na umuwi. Naiwan doon kanina si Gael at hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos matapos ang nangyari sa amin kagabi.

Nasa lobby na ako ng building namin nang salubungin ako ni Valentin. Siya ang kanang kamay ni dad at kapag ganito na siya na ang sumundo sa akin ay hindi nila ako papayagan na makatanggi.

“Tor, ipinasusundo ka ni Sir Darius.” matigas na sabi niya habang hawak na ako sa magkabilang braso ng mga alalay niya.

Kung sa ibang pagkakataon ay nagpumiglas at nanlaban na ako pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Kapag ganito na si Val ang pinapapunta niya ay sigurado na mahalaga ang pakay niya. Kagaya na lamang nang ipakilala niya sa akin si Aileen at nang magalit siya dahil sa pagkakaaksidente ko.

Sa buong durasyon ng biyahe namin patungo sa Cavite ay sinisikap ni Val na kausapin ako pero hindi ko siya sinagot kahit minsan.

Nang makarating kami ay mabilis akong lumabas sa sasakyan saka na ako nauna na naglakad patungo sa main door.

Naabutan ko si Aileen sa mini den na inaayos ang mga tanim na halaman ng mommy ko. Nakadama ako ng inis pero sinikap ko na kumalma.

Nang makita niya ako ay matamis siyang ngumiti. Binitawan niya ang mga hawak niya saka niya ako masayang sinalubong.

“Tor!” tila excited na sambit niya sa pangalan ko. “Mabuti at naisipan mong dumalaw dito.” sabi niya saka siya tumingin sa likuran ko na tila may hinahanap.

“Hindi mo ba isinama si Gabriel?” tanong niya.

Pumalatak ako saka ko siya tiningnan nang diretso. “May nakikita ka bang Gabriel dito?” sarkastikong sagot ko. “Hindi ako dumalaw. Ipinasundo ako ng magaling mong asawa.” masungit na dugtong ko saka ko na siya nilampasan.

Dumiretso ako sa library kung saan ako itinuro ng maid na nakasalubong ko.

Naabutan ko na may binabasang mga dokumento si Daddy at nang maramdaman niya ang pagpasok ko ay binitawan niya iyon saka siya nag-angat ng tingin sa akin.

“Bakit mo na naman ako ipinatawag?” walang galang na tanong ko.

Tumayo siya mula sa swivel chair niya. Naglakad siya palapit sa akin at isang malakas na suntok na naman ang dumapo sa mukha ko na hindi ko nailagan.

Nalasahan ko ang dugo na nagmula sa labi ko ngunit hindi iyon ang sakit na dumudurog sa akin. Kundi ang katotohanan na ganito na lamang kaming dalawa.

Para sa kanya ay isa akong walang silbing anak na sasaktan at pagagalitan niya kung kailan niya gustuhin.

Hindi ko ipinakita sa kanya na nasaktan ako. Marahas ko siyang binalingan saka ko pinunasan ang dugo sa gilid ng bibig ko.

“Tapos ka na ba? Pwede mo pa akong suntukin sa kabila.” matapang na hamon ko sa kanya.

“Tarantado ka talagang bata ka. Hindi pa ako tapos sayo.” sabi niya at mabilis niya akong natadyakan sa sikmura dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

“Darius!” nahihintakutang sigaw ni Aileen. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at akma niya akong tutulungan upang makatayo pero pinalis ko ang mga kamay niya saka ko siya tinulak palayo.

“Hindi ka na nadala. Pinababayaan kita na gawin ang lahat ng katarantaduhan mo. Pero idinamay mo pa sa gulong pinasok mo ang pinsan mo.” galit na sigaw niya.

Hinilot niya ang sentido niya at nakita ko ang pagsisikap niya na kontrolin ang galit niya.

Napailing siya saka niya ako muling binalingan ng tingin. “Nag-usap na kami ng Tito Franco mo. Hindi mo na pwedeng lapitan pa si Kazu. Ihahanap ko na rin ng malilipatan si Gabriel para hindi na rin siya madamay pa sa mga kalokohan mo.”

Nanlaki ang mga mata ko nang marining ko ang huling sinabi niya.

“N-No! Dad please huwag mong gagawin iyan. Maayos kami ni Gael. Hindi ko siya ipapahamak.” pakiusap ko.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang magmatigas sa kanya. Naiisip ko pa lang na paghihiwalayin nila kami ay para na akong mababaliw.

Mabilis akong tumayo saka ko hinawakan sa magkabilang braso si Dad.

“Magpapakatino na ako. Huwag mo lang ilalayo sa akin si Gael.”

Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa ganitong sitwasyon. Bigla na lamang ay nabalian ako ng sungay ng mayabang na ama ko.

Para tuloy akong maamong tupa na nakikiusap sa kanya sa mga sandaling ito.

“Hindi ba iyan naman ang gusto mo sa simula pa lang? Ngayon ay pagbibigyan na kita sa gusto mo. Matagal ko na dapat ginawa ito ewan ko ba bakit ngayon ko lang naisip.” sabi niya bago niya binalingan si Aileen na ngayon ay nakatayo sa bandang likuran ko.

“Aileen, kausapin mo ang anak mo. Sa susunod na linggo ay ililipat na natin siya ng tirahan. Para hindi na siya madamay pa sa mga katarantaduhan ng anak ko.”

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Aileen. Naglakad na siya palayo sana sa amin pero nahawakan ko ang braso niya.

“Dad,” sambit ko ngunit marahas niyang binawi ang kamay niya.

Sumulyap siya kay Aileen saka niya ako dinuro. “Ilayo mo sa akin yan. Sinasabi ko sayo baka malumpo ko yan.” nanggigigil na sabi niya bago siya tuluyan na lumabas sa library.

Naiwan kami ng nababahalang si Aileen. Mabilis niyang hinawakan ang mukha ko upang makita ang sugat sa labi ko ngunit kaagad ko rin iniiwas iyon.

“Kausapin mo ang Daddy ko. Hindi niyo kami pwedeng paghiwalayin ni Gael. Magkakagulo tayo dito. Hindi ako nagbibiro.” banta ko sa kanya.

Bumuka ang bibig niya to say something ngunit mabilis din niyang isinara iyon.

Napailing na lamang ako saka ako frustrated na naglakad palabas ng library.

Hindi na ako nagtagal pa sa bahay namin. Mabilis akong bumiyahe pabalik ng Maynila.

Sa loob ng bus ay hindi ako mapakali dahil sa dami ng mga naiisip ko. Hindi ko maiwasan na hindi isipin si Gael.

Naglaro sa isipan ko ang anyo niya habang kinakaladkad siya ng mga tauhan ni Dad paalis sa unit ko.

“Shit!” malakas na mura ko. Nagulat ang mga nakarinig sa akin sa loob ng bus kaya tumingin sila sa gawi ko.

“Tinitingin ninyo?” mabalasik na hiyaw ko sa dalawang teenager na nakaupo sa kabilang side.

Mabilis silang nag-iwas ng timgin mula sa akin. Sumunod na rin ang iba pa.

Nakarating ako sa Maynila na mainit pa rin ang ulo ko.

Didiretso na sana ako sa unit ko pero nakatanggap ako ng tawag mula sa fratmates ko.

“Hello bro! Nahanap na namin sila.”

“Sige pupunta na ako diyan. Huwag niyo silang pakakawalan.” sabi ko saka na ako dumiretso sa abandonadong building na pinagdalhan sa kanila ng mga inutusan ko.

Naabutan ko si Jojo at ang dalawang kasama niya na nakagapos sa isang sulok.

“Dalhin ninyo dito ang mga yan.” utos ko sa mga kasamahan ko.

Mabilis nilang kinalagan ang tatlo saka nila marahas na idinapa sa maruming mesa na naroon.

Nilapitan ko sila saka ko hinila ang buhok ng isa sa kanila upang mapatingala siya sa akin.

“Hindi niyo ba naalala ang sinabi ko sa inyo noon?” tanong ko sa kanya.

“R-Red,” garalgal na sambit niya. “Maawa ka sa akin. Hindi ko naman talaga gustong gawin iyon pero malalagot naman ako kay Jojo kapag hindi ko siya sinunod.” paliwanag niya.

Nginisian ko siya. “Mas natakot ka sa kanya kesa sa akin? Akala niyo ba nakikipagbiruan lang ako sa inyo noon ha?” inis na sabi ko saka ko binitawan ang buhok niya.

Napasubsob siya sa mesa saka na ako nagsuot ng gloves. Kinuha ko ang kutsilyo na inabot sa akin ng kasamahan ko pagkatapos ay itinarak ko iyon sa kamay ni Jojo na nakalapag sa mesa.

“Aaaaahhhhhhh!” malakas na hiyaw niya at halos magwala siya sa sakit na nararanasan niya.

Nakita ko ang pag-iyak niya dahil sa ginawa ko sa kamay niya. Pero hindi pa ako tapos. Marahas kong binunot iyon kaya muli na naman siyang napasigaw sa sakit.

“Gago ka putangina mo!” sigaw niya na sinundan ko ng isa pang saksak sa kamay ng isa sa mga kasama niya.

Muli na namang umalingawngaw ang sigaw sa takot ng isa pa nilang kasama.

Matapos kong bunutin mula sa kamay ng ikalawang biktima ko ang kutsilyo na hawak ko ay binitawan na sila ng mga kasamahan ko.

Humandusay sila sa sahig habang iniinda ang sakit na dulot ng ginawa ko sa kanila.

Sinulyapan ko ang isa pa nilang kasama. “R-Red maawa ka sa akin. Gagawin ko lahat ng gusto mo huwag mo lang akong sasaktan.” nanginginig sa takot na pakiusap niya.

Binulungan ako ng kasama ko. Sinabi niya na ang isang iyon ay tumutupad naman sa usapan at ibalato ko na raw sa kanila. Siya pala ang nagturo sa mga kasamahan ko kung saan ba nagtatago sina Jojo.

Binitawan na siya ng mga kaibigan ko. Nagpasalamat siya sa akin dahil pinalagpas ko siya sa galit ko.

Inilapag ko sa mesa ang kutsilyo na ginamit ko sa dalawa saka ko na hinubad ang gloves ko.

“Kunin mo ang kutsilyo.” utos ko sa kanya.

Hindi niya ako sinunod. Pinagmasdan lang niya iyon.

“Kunin mo sabi eh!” malakas na sigaw ko. Nataranta naman siya saka niya iyon dinampot.

Natawa ako dahil sa ginawa niya. Nilapitan ko siya saka ko tinapik ng dalawang beses ang pisngi niya.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko saka ko iyon iniabot sa kanya. “Dalhin mo sa ospital ang mga kaibigan mo. Hindi niyo naman siguro kami ilalaglag diba? Tandaan mo. Fingerprint mo lang ang nasa kutsilyo na iyan.” paalala ko sa kanya.

Mabilis niya iyong inihagis sa sahig.

“Kayo na ang bahala sa kanila.” sabi ko sa mga kasamahan ko.

Nauna na akong umalis sa lugar na iyon at dumiretso kaagad ako sa unit ko.

Naabutan ko sa sink si Gael. Nililinisan niya ang mga pinaglutuan niya. Nang maramdaman niya ang pagpasok ko ay sumulyap lang siya sa akin sandali pagkatapos ay itinuloy na niya ang ginagawa niya.

Nakakaramdam ako ng guilt dahil sa ginawa ko kina Jojo pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa nila kay Kazu ay nawawala rin kaagad iyon.

Naglakad na lamang ako palapit kay Gael saka ko siya niyakap mula sa likuran niya. Pinaulanan ko ng halik ang leeg at batok niya.

“R-Red! Ano ba?” saway niya sa akin.

Pinatay ko ang faucet saka ko inalis sa kamay niya ang binabanlawan niyang sandok.

“Mamaya mo na tapusin iyan. Kailangan kita ngayon, Gael.” sambit ko.

Marahas ko siyang hinila patungo sa dining table. Inihiga ko siya doon saka ko inangkin ang mga labi niya habang nakadapa ako sa ibabaw niya.

Gabriel Robles (33)

You’re Not My Brother

Episode 33

Gael

Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Red mula sa braso ko pababa sa hita ko habang patuloy siya sa pag-angkin sa mga labi ko.

Kahit na naguguluhan ako ay hindi ko siya tinangka na pigilan sa ginagawa niya dahil nagugustuhan ko ito.

Hindi pa nga kami nagkakausap tungkol sa nangyari kagabi ay heto na naman siya, inaangkin ang katawan ko.

Alam ko na hindi tama ang ginagawa namin ni Red ngunit hindi kayang paglabanan ng natitirang katinuan ng isip ko ang mga halik at haplos ni Red.

Nagsimula na siyang magtanggal ng mga damit niya habang ang mga labi niya ay patuloy sa paghalik sa leeg ko.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na rin ang pagtatangka niya na hubarin ang damit ko.

Nang mahubad na niya ang pang itaas ko ay mabilis niya akong binuhat at ipinasok sa silid na inookupa ko.

Napakabilis ng mga naging pangyayari at ang pinakahuli ko na lang na namalayan ay muli na naman akong naangkin ni Red.

Halos ilang minuto rin kaming tahimik habang kapwa naghahabol ng paghinga. Hanggang sa marinig ko na nagsalita si Red.

“Hindi ka magpapagalaw sa akin nang dalawang beses kung wala lang ako sayo, Gael.” masuyo ngunit may laman na sabi niya.

Pinili ko na huwag na lang siyang sagutin dahil sa aming dalawa ay ako ang may mas nakakailang na sitwasyon.

Napakatagal kong iningatan ang sarili ko dahil gusto ko ay sa tamang tao ko isusuko ang virginity ko. Ngayon nga ay Red ang nakakuha nito.

Kahit si Neil noon ay halos manggigil na sa akin sa inis dahil gusto niya akong maangkin sa unang buwan pa lang ng relasyon namin. I’m glad that he didn’t succeed.

Pero tama nga ba ang naging desisyon ko kay Red sa pagkakataong ito?

Sinulyapan ko siya only to realize na sa akin din pala siya nakatitig. Nakadama ako ng pagkailang kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Maagap naman niyang pinigilan ang ulo ko at muli niya akong iniharap sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin at sa sobrang lapit sa akin ng mukha niya ay naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.

“May nararamdaman ka na rin ba sa akin, Gael?” seryosong tanong niya.

Pinalis ko ang kamay niya saka ako nagtangka na muling umiwas pero hinila niya ang katawan ko paharap sa kanya. Napahawak tuloy ako sa hubad na dibdib niya.

“Sagutin mo ako.” utos niya.

“Alam mo na ang sagot sa tanong mo.” seryosong sagot ko saka ko iniiwas ang tingin ko mula sa kanya.

“Gusto kong marinig ang sagot mula mismo sa bibig mo, Gael.” maawtoridad niyang sambit.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya saka ako nagbuga ng paghinga. “Sinagot na kita nung nakaraan diba?Hindi ko ipapaubaya sayo ang sarili ko kung wala akong nararamdaman para sayo, Red.” pagsuko ko.

Kahit na expected na niya ang sasabihin ko ay nabakas ko pa rin sa anyo niya ang pagkabigla na sinundan niya ng isang satisfied na ngiti.

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong gawaran ng isang mabilis na halik sa pisngi ko.

“Hindi ka nagkamali sa desisyon mo, Gael.” nakangiting sabi niya. Sa unang pagkakataon mula kaninang umuwi siya ay ngayon lang siya ngumiti ng totoo.

“Dahil kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban kita. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sayo. Kahit pa mawala ang lahat ng mayroon ako.”

Hindi na ako nagtangka pa na sumagot. Tumalikod na lang ako sa kanya upang itago ang pamumula ng mga pisngi ko.

Naramdaman ko naman ang braso ni Red na pumulupot sa katawan ko kasunod ng pagdampi ng isang matunog na halik sa batok ko.

Nakadama ako ng kilabot dahil sa halik na iyon dahilan upang mapatingala ako nang bahagya.

“Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Neil.” pagkuway bulong niya na muli na namang nagpabago ng mood ko.

Neil! bulong ko sa isip ko.

Napapikit ako at ang alaala ng nakaraan ang malinaw na naglaro sa isipan ko.

Hindi ko inasahan na itatanong ni Red ang tungkol sa lalaking iyon.

Tumigas ang anyo ko dahil sa kaisipan na tuluyang nasira ang pamilya ko dahil kay Neil.

“Saan mo naman napulot ang pangalan na iyan?” inis na tanong ko. Humarap ako sa kanya at sinalubong niya ang mga mata ko.

“Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang pangalan niya. Gusto ko lang malaman kung sino ba siya sa buhay mo.”

“Hindi mo na kailangan pang ungkatin ang nakaraan ko, Red.” matigas na sagot ko.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya pero mabilis din niya akong hinila muli at isiniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko.

“Hindi na kita kukulitin. Sa mga sandaling ito ay gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo. Alam mo ba na ikaw lang ang nakakapagpakalma sa akin nang ganito?” masuyong bulong niya.

Hindi ko siya sinagot pero hinaplos ko ang hubad na braso niya habang nakatitig ako sa kisame.

“Hindi ko alam.” pagkuway bulong ko.

Nag-angat ng tingin sa akin si Red at sinulyapan ko naman siya.

“Magbihis ka. Gusto kitang makasama sa labas.” sabi niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko at tuluyan na rin siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.

Nakita ko na dinampot niya ang underwear at boxer shorts niya saka niya iyon isinuot.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang halos perpekto niyang katawan at ang matikas na bagay na kanina lamang ay nasa loob ng katawan ko.

Lihim kong minura ang sarili ko dahil sa kaisipan na iyon. Mabilis na akong nag-iwas ng tingin saka na rin ako nagsimulang magbihis.

Nararamdaman ko pa rin ang kirot na dulot ng pag-iisa namin ni Red. Lalo na sa may bandang balakang ko. Pakiramdam ko ay para bang nabugbog ang katawan ko dahil sa kirot na nararamdaman ko.

“I’m sorry!” narinig kong sambit ni Red. Nakita ko na nakatingin siya sa akin at sa paghawak ko sa may likuran ko.

“Kung hindi maganda ang pakiramdam mo ay magpahinga ka na lang muna dito.” dugtong niya.

Napailing ako. “H-Hindi,” sabi ko. “Gusto ko ring lumabas.”

Nagtatanong ang mga tingin na ipinukol sa akin ni Red habang nagkakamot siya ng likod niya.

Hindi ko na naman naiwasan ang hindi mapalunok dahil kitang-kita ng mga mata ko ang malagong buhok sa kilikili niya na nagpapalakas ng sex appeal niya.

“Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Magpunta tayo sa mall o kaya ay manood tayo ng sine.” sabi ko.

Lumapit siya sa akin saka niya hinaplos ng thumb finger niya ang ibabang parte ng mga labi ko.

“Hindi ako magsasawa na pagmasdan at halikan ang matatamis na labi na ito.” puno ng pagmamahal na bulong niya bago niya iyon masuyo na inangkin dahilan upang ipikit ko ang mga mata ko.

Halos limang segundo lamang ang itinagal ng halik na iyon. At nang sandaling iniwanan na ng mga labi niya ang mga labi ko ay nakadama ako ng panghihinayang.

Hindi ko inasahan na aabot ako sa ganitong sitwasyon. Tuluyan nang naangkin ni Red hindi lamang ang katawan ko. Kundi maging ang damdamin at emosyon ko.

“Hindi ako papayag na paghiwalayin tayo ni Dad. Sana ay ipaglaban mo rin ako sa sandaling pilitin ka ni Aileen na umalis sa poder ko.” seryosong sambit niya.

Sinalubong ko ang malalamlam niyang mga mata na hindi ko mawari kung ano ang nilalaman. Basta ang nakikita ko lang ay magkakahalong emosyon ang naroon.

Hindi na rin niya ako hinintay na makasagot pa. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng silid ko.

Nang makaligo at makapagbihis kami ay isinama na niya ako na lumabas nv unit. Nagtaka pa ako nang sa parking area niya ako dinala.

Naguguluhan man ako ay sumunod na lang ako sa kanya dahil hawak ng kamay niya ang palapulsuhan ko.

Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang mamahaling sasakyan. Kinuha niya sa bulsa niya ang susi niya saka niya binuksan ang sasakyan.

Pinasakay niya ako sa passenger seat saka na siya mabilis na sumakay sa driver’s seat.

Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya habang nakatitig siya sa manibela na hawak niya.

Nang maramdaman niya na nakatingin ako sa kanya ay bumaling siya sa akin.

“Ito ang unang beses na magda-drive ako matapos akong maaksidente. Hindi ako alam kung kaya ko na bang magdrive ulit.” pag-amin niya.

“Kung hindi ka kumportable ay sumakay na lang tayo ng taxi.” sagot ko.

Napapikit siya saka siya bahagyang umiling. “No, kaya ko to. Basta nasa tabi kita.” sagot niya saka na niya binuhay ang engine.

Hinawakan niya ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga palad namin saka niya hinalikan ang likod ng palad ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.

“Gusto kitang masolo, Gael. Kahit ilang araw lang. Malayo sa lugar na ito. Tayong dalawa lang.”

Tinanguan ko siya saka ako ngumiti sa kanya. Iyon lang ang hinihintay niya at nagsimula na siyang magdrive.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nasa biyahe kami ni Red. Nagising na lang ako na inaangkin ni Red ang mga labi ko.

Napabalikwas ako saka ko siya marahas na naitulak palayo. Nagtatawa si gago nang makita niya ang naging reaksyon ko.

Hinila ko ang tenga niya dahil sa inis ko. Napadaing naman siya habang inaalis ang kamay ko. Nang mabitawan ko siya ay kinutusan niya ako.

Dahil sa inis ko ay pinaningkitan ko siya ng mga mata saka ako tumingin sa labas.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong pagnakawan ng isang malutong na halik sa pisngi kasunod ng pag-iwas niya.

Akala siguro niya ay sasaktan ko na naman siya. Natatawa pa siya na inalis ang seatbelt ko saka niya ako nginitian.

“Let’s have dinner.” sabi niya.

Napasulyap ako sa paligid. Nasa isang gasoline station kami sa parte ng isang expressway. Hindi ko alam ku g south or north.

Mabilis na siyang bumaba ng sasakyan saka niya ako pinagbukas ng pinto.

Naguguluhan naman ako na sumunod sa kanya. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko habang naglalakad pa kami patungo sa Kenny Rogers.

First time ko na kakain sa restaurant na ito dahil noong nasa probinsiya ako kapag sinabi na Kenny Rogers ay mahal na para sa mindset namin.

Nakita ko na sa mga kamay namin na magkahawak nakatingin ang mga lalaki na nakasalubong namin.

Mabilis kong binawi ang kamay ko mula kay Red na ikinagulat niya dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad.

Dahil oras na nga ng hapunan ay marami na rin ang naabutan namin na kumakain sa loob.

Para akong bata na sumusunod na lang sa lahat ng sinasabi at ginagawa ni Red. Ngayon ko napagtanto na napakalayo ng estado naming dalawa.

Kagaya na rin ba ako ni Mama? Kagaya rin ba ni Red si Darius?

Madalas kong sinasalungat si Mama dahil sa ginawa niyang pagpapakasal kay Darius. Pero hindi ko inasahan na kagaya niya ay mapupunta rin ako sa kagaya ni Red.

Magiging gold digger na rin ba ako? Magsisimula na rin ba akong magpakasasa sa pera at luho ng mga Serrano?

Hello, dati ka pa naman

nakikinabang

sa pera at bahay ni Red diba? So anong

inaarte

mo ngayon? saway sa akin ng kontrabidang parte ng isip ko.

Habang umoorder ng mga mamahaling pagkain si Red ay parang gusto ko nang manlumo.

Nang hindi na ako makapagpigil ay pinigilan ko siya sa mga inoorder niya.

“Hindi ko makakain ang lahat ng iyan Red. Ipa-cancel mo na lang ang mga order mo at sa pinakamurang kainan mo na lang ako dalhin.” sabi ko.

Hindi ko namalayan na napalakas na pala ang boses ko. Naagaw ko ang atensyon ng mga nasa katabing mesa namin.

“Gosh ang arte naman niya. Kala mo girlfriend na tinotoyo. Buti na lang talaga sobrang gwapo ng kasama niya.” narinig kong komento ng isang malditang babae sa kabilang table.

“Gwapo nga kaso tanga. Pumatol sa malditang bading.” sagot ng kasama niya.

Dahil sa pagkapahiya ay mabilis na akong tumayo saka ako lumabas sa restaurant na iyon.

“Gael, Hey!” maririnig kong tawag sa akin ni Red hanggang sa mahabol niya ako at iniharap sa kanya.

“Sorry, Red.” naiiyak kong sambit sa kanya. “Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.”

Mabilis niya akong kinabig patungo sa katawan niya. Naramdaman ko na niyakap niya ako ng mahigpit saka niya ako hinalikan sa ulo.

Redentor Serrano (34)

You’re Not My Brother

Episode 34

Red

Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang mahimbing na tulog ni Gael matapos ko siyang kumutan gamit ang jacket na suot ko kanina.

Marahil ay napagod siya dahil sa haba ng biyahe namin. Narito kami ngayon sa bayan ng Carmen sa parteng norte ng Pilipinas.

Nakahinto ang sasakyan ko sa tapat ng isang 24 hours na food chain dito sa Cabanatuan. Dahil malalim na rin ang gabi ay dito na lang ang bukas.

Nag-order na lang ako at hindi ko na tinangka pa na gisingin si Gael. Dahil wala silang drive thru ay kinailangan ko pa tuloy lumabas.

Nang makabalik ako sa sasakyan ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Inilagay ko na lang muna sa likod ang pagkain saka na ako nagpatuloy sa pagmamaneho.

Madaling araw na nang marating ko ang resthouse na pag-aari ni Granny, lola ko kay Mama. Mabuti na lamang at may susi ako ng bahay na ito.

Hindi pa kailanman nakarating dito si Dad dahil hindi naman sila magkasundo ng lola ko.

Nakarating lang ako sa lugar na ito dahil dito ginanap ang 60th birthday ni lola a year ago. Mabuti na lamang at matandain ako sa mga daan.

Sinulyapan ko si Gael. Natutulog pa rin siya. Naiintindihan ko dahil ilang araw na rin kaming pagod dahil sa dami ng mga nangyari.

Kahit ako ay mabigat na rin ang katawan ko. Hindi na namin nagawa pa na maghapunan man lang kanina dahil sa insecurities na naramdaman ni Gael.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na kinalas ang seatbelt ko. Mabilis akong lumabas ng sasakyan saka ko binuksan ang pintuan sa gawi ni Gael.

Sinubukan ko siyang buhatin pero nagising siya. Mabilis siyang dumiretso ng upo saka niya iniikot ang tingin niya sa buong paligid bago siya bumaling sa akin.

“Nasaan tayo?” mahinang tanong niya. Nakikita ko pa ang antok sa mga mata niya.

“Nasa Baler tayo.” sagot ko.

“Baler?” nanlalaki ang mga mata na tanong niya saka niya sinulyapan ang oras sa cellphone niya.

“Let’s go!”. sambit ko saka ko na siya inalalayan papasok sa resthouse. Nakikita ko na inuusisa niya ang paligid.

Nang makarating kami sa loob ay kaagad kong binuksan ang aircon sa silid na gagamitin namin.

Paglabas ko doon ay nakita ko na nakadapa si Gael sa ibabaw ng malapad na sofa. Napailing na lang ako. Kahit paano na lang niya ipinuwesto ang sarili niya doon.

Marahil ay talagang mabigat ang pakiramdam niya sa mga sandaling ito. Dahil ba sa ginawa ko sa kanya noong nakaraang gabi at kahapon? Nabigla ko ba siya?

Inosente pa si Gael nang unang beses na maangkin ko siya. Kaya marahil ay dinaramdam pa ng katawan niya ang nangyari sa kanya.

Nakadama ako ng kaunting guilt. Hindi ito ang unang beses na nakagalaw ako ng virgin. Pero ito ang unang beses na lalaking virgin ang nagalaw ko.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako nagpasya na buhatin si Gael patungo sa silid.

Napapitlag pa siya nang maramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya ngunit wala naman siyang nagawa kundi ang kumapit sa braso at batok ko.

“Kung may binabalak ka na naman sa akin ay huwag mo nang ituloy.” bulong niya habang papasok kami sa loob ng silid. “Hindi maganda ang pakiramdam ko.”

“Don’t worry, hindi kita gagalawin ngayon kung iyon ang nasa isip mo.” nakangising sagot ko saka ko siya pinagnakawan ng halik sa pisngi bago ko siya inilapag sa ibabaw ng kama.

Inayos ko ang pagkakahiga niya saka ko siya kinumutan.

“Hindi ka pa nag-dinner. Gusto mo ba na ikuha kita ng makakain mo?” alok ko sa kanya.

Bahagya siyang umiling saka siya umayos ng higa. Hindi na rin ako lumabas.

Naghubad na lang ako ng pantalon at itinira ko ang itim na sando na suot ko saka na ako humiga sa tabi ni Gael.

Hinila ko siya palapit sa akin saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Basta ang tanging naririnig ko lang sa mga sandaling ito ay ang tunog ng aircon, ang tunog ng wall clock at ang payapa na paghinga ni Gael.

“I’m sorry, Red.” bigla ay sambit niya.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko saka ko siya sinulyapan. “For what?” tanong ko.

“Sa lahat ng problema at sakit ng ulo na idinulot ko sayo sa mga nakaraang araw.”

Hinaplos ko ang braso niya saka ko siya muling niyakap. “Naiintindihan kita, Gael. Hindi mo kailangan ma-guilty. Mas gusto ko nga yung ganyan ka. Gusto ko yung mga prinsipyo mo sa buhay. Nang araw na tinanggap kita sa buhay ko, tinanggap ko na rin pati ang lahat ng mali sayo. Kaya sana ay hindi tayo sirain ng mga insecurities mo.”

“Nagiging katulad na ako ni Mama, Red. Nagiging dependent na ako masyado sayo. Hindi ko gusto ang ganito.”

“Hay ano bang sinasabi mo? Hindi ka katulad ni Aileen.” sagot ko sa kanya. Hindi ko itinago ang bahagyang pagkainis sa tinig ko. “Hindi natin sinadya na nagmahalan tayo. Pero si Aileen, sa simula pa lang ay may motibo na siya kaya siya nagpakasal sa daddy ko.”

“Anak pa rin niya ako. Kahit na anong mangyari ay hindi na magbabago ang ugnayan namin. Mahal ko siya at kahit papano ay ayoko pa rin na masaktan siya.”

“Tigilan mo na ang pag-iisip mo ng kung anu-ano, Gael. Dinala kita dito para makapag-relax tayo. Hindi para isipin ang mga magulang natin.”

“Pero-”

“Shhhh!” saway ko sa kanya saka ko inilagay ang hintuturo ko sa labi niya. “Please, mag-focus ka sa akin. Remember this, wala akong pakialam sa mga magulang natin. Gawin nila kung anong gusto nila. Hell I care!”

“Nagpunta sa unit mo si Mama kaninang umaga. Gusto na nila akong ilipat sa ibang unit.”

“W-What?” bulalas ko.

Hindi ko napaghandaan ang sinabi no Gael. Ilang sandali akong natahimik bago ko siya nagawang tanungin.

“Ano ang sinagot mo?” seryosong tanong ko sa kanya.

Bumuka ang bibig niya ngunit hindi niya nagawang sumagot kaagad. Tila nag-aalangan siya sa isasagot niya.

“Sinubukan ko siyang tanggihan pero si Uncle Darius na raw ang nagdesisyon.”

“No!” mabilis na sagot ko. Nagsisimula na namang mag-init ang ulo ko dahil sa nalaman ko.

Hindi ko papayagan na magawa nila ang bagay na iyon. Sa oras na magpilit sila ay sisiguraduhin ko na magkakagulo kami.

“Hindi ka aalis sa poder ko kung hindi kita papayagan. Kung noon ay hinahayaan ko na magawa ni Dad ang lahat ng gusto niya, not this time.” galit na sagot ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal kong yakap si Gael. Basta ang alam ko lang ay nakatulog ako ng mahimbing sa gabing ito.

Nagising ako na maliwanag na sa labas. Wala si Gael sa tabi ko kaya mabilis akong napabangon. Sumulyap ako sa wall clock. It’s already 8:15AM.

Mabilis akong bumaba sa kama saka ko dinampot ang cellphone ko. Nagmamdali ako na lumabas ng silid pero 16 missed calls mula kay Kazu ang nagpahinto sa paghakbang ko.

Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay na ang cellphone niya. Nagtext na lang ako saka ko na hinanap si Gael.

Hindi ko siya nakita sa sala at wala din siya sa kusina maging sa komedor. Sinubukan kong buksan ang mga silid sa bahay pero wala siya sa mga iyon.

Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa dalampasigan. Mabilis akong humakbang patungo doon.

Nang malapit na ako ay huminto ako saka ko pinagmasdan ang bawat kilos ni Gael.

Nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang mga alon na dumadaan sa mga paa niya. Hindi nagtagal ay nakipaghabulan siya sa mga iyon hanggang sa makita niya ako at nahinto siya sa ginagawa niya.

Isang matamis na ngiti ang isinagot ko sa kanya pagkatapos ay humakbang na ako papalapit sa kanya.

Hinapit ko siya papalapit sa katawan ko saka ko siya ginawaran ng mabilis na halik sa labi niya.

“Bakit hindi mo ako ginising?” tanong ko sa kanya.

“Napakahimbing pa ng tulog mo kanina. Ayoko na maistorbo ka sa pagtulog mo. Alam ko na napagod ka sa pagda-drive kagabi.” sabi niya saka siya kumalas upang muling laruin ang mga alon sa mga paa niya.

“Halika dito.” baling niya sa akin.

Nakangiti naman ako na lumapit sa kanya pero hindi ko inasahan na itutulak niya ako ng malakas patungo sa dagat.

Nawalan ako ng panimbang kaya bumagsak ako sa malamig tubig. Narinig ko pa ang malakas na halakhak niya saka siya lumayo sa akin.

Napangisi na rin ako saka ako mabilis na bumangon. “Salbahe ka ah. Hintayin mo ko.” banta ko sa kanya saka ko siya hinabol.

Mabilis din siyang tumakbo palayo ngunit mas mabilis ako sa kanya. Nang mahuli ko siya ay nagtangka pa siya na manlaban hanggang sa kapwa na kami bumagsak sa buhanginan.

Napuno ng halakhakan sa tabi ng dagat kasabay ng paghampas ng mga alon na ngayon ay umabot na sa amin ni Gael.

Kailan nga ba ako naging ganito kasaya? Hindi ko na maalala pa. Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa tuwing naghaharutan kami ni Gael nang ganito.

Matapos ang halos kalahating oras na pagligo sa dagat ay nagpasya na kami na umahon.

Naabutan namin ang matandang katiwala na nag-aayos na sa kusina.

“Magandang umaga hijo.” bati niya sa akin. Kilala niya ako dahil nagtagal din ako ng ilang araw dito noong unang beses na nagpunta ako.

“Good morning!” masiglang bati ko naman. Nagpaalam na si Gael sa akin at pinauna ko na siyang magbanlaw ng katawan niya

“Hindi ka nagpasabi na darating ka ngayon. Hindi tuloy namin naihanda ang bahay.” sabi niya.

Ngumiti ako sa matanda. “It’s okay! Biglaan din naman po.” sabi ko sa kanya.

“Iniinit ko ang mga dala ninyong pagkain. Hindi ako nakapamalengke dahil ang akala ko ay maglilinis lang ako ngayon dito.” aniya habang inaayos ang mga plato sa mesa.

“Hayaan niyo na po. Kami na po ni Gael ang tutungo sa palengke mamaya. Gusto ko rin po siyang ipasyal sa buong lugar.”

“Naku, siguradong magugustuhan niya ang mga makikita niya.” masiglang sagot niya saka na siya nagpatuloy sa paglalapag ng pagkain sa mesa.

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay binalingan niya ako. “ Naku magbanlaw ka na rin at baka matuyuan ka sa suot mo. Uso pa naman ang trangkaso ngayon dito.“

“Sige po.” paalam ko saka na ako sumunod kay Gael sa silid. Hinubad ko ang sando ko saka ako marahan na pumasok sa banyo.

Naabutan ko siya na nagbabanlaw ng shampoo sa buhok niya. Marahan akong naglakad palapit sa kanya at nang matapos siya sa pagbabanlaw ay niyakap ko siya saka ko pinagapang ang mga halik ko mula sa kaliwang balikat niya patungo sa batok hanggang sa kabilang balikat.

“Red,” sambit niya saka niya sinubukan na alisin ang mga braso ko sa katawan niya.

“Hmmm?” malambing na tugon ko kasunod ng muling pagdampi ng labi ko sa leeg niya.

“Red!” suway niya sa akin pero hindi ko siya hinayaan na makawala sa mga yakap ko.

“Alam mo ba na gusto kitang angkinin muli sa mga sandaling ito?” pilyong bulong ko sa tenga niya.

Siniko niya ako kaya napakalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

“Tigilan mo ko baka masapak kita.” inis na banta niya saka na siya nagsimulang magsabon ng katawan.

“Umaabuso ka na ah.” dugtong pa niya.

Napangisi na lang ako saka ko kinuha ang sabon sa kamay niya. Sinimulan ko siyang sabunin sa likod at nang iharap ko siya sa akin ay mabilis kong inangkin ang mga labi niya.

Hindi siya nakahuma kaya mas pinalalim ko pa ang halik na iyon. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na tinutugon na niya ang bawat paggalaw ng mga labi ko at naramdaman ko ang pagkapit niya sa braso at balikat ko.

Hindi ko alam pero nagsisimula na akong mag-init sa bawat paghaplos ng kamay niya sa maskuladong balikat at braso ko.

Pero naramdaman ko ang palad niya sa dibdib ko at bahagya niyang itinulak ang katawan ko hanggang sa mapasandal na ako sa pader.

Kumalas siya sa mga halik ko at nagsalubong ang mga tingin namin.

“Magbanlaw ka na. Baka kung saan na naman makarating ang mga halik mo.” sabi niya saka na siya tumutok sa shower at binanlawan ang mga natirang sabon sa katawan niya.

Para akong naestatwa na nakatitig lang sa kanya. Hanggang sa abutin na niya ang towel saka na siya lumabas ng banyo.

Napayuko ako upang sulyapan ang bakas ng pagnanasa na ginising ni Gael. Frustrated ako na napaungol dahil sa pambibitin sa akin ni Gael.

Gago! bulong ko sa isip ko.

Mabilis na akong nagsabon at nagbanlaw.

Paglabas ko ng banyo ay wala na sa loob ng silid si Gael. Pero naririnig ko ang patuloy na pagtunong ng cellphone niya na nasa ibabaw ng kama.

Naglakad ako palapit doon saka ko iyon dinampot. Isang unregistered number ang tumatawag sa kanya.

Pinindot ko ang answer button saka ko pinakinggan ang tinig ng taong tumatawag sa kanya.

“Hello! Kahit iblock mo ng ilang beses ang number ko ay marami akong paraan para ma-reach kita.” mayabang na sabi ng lalaki sa kabilang linya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

“Hindi mo ako matatakasan, Gael. Isa sa mga araw na ito ay makukuha ko rin ang gusto ko sayo. Maikakama din kita at sisiguraduhin ko na hahanap hanapin mo ang sarap.” patuloy pa niya na sinundan niya ng nakakainis na halakhak.

“Subukan mo nang manghiram ka ng mukha sa aso.” galit na sagot ko sa kanya. “Kung sino ka mang tarantado ka tigilan mo si Gael dahil oras na dumikit sa kanya kahit dulo ng daliri mo ay mapapatay kitang hayop ka.”

Hindi ko na hinintay pa na sumagot niya. Nanggigigil ako sa inis nang patayin ko na ang tawag.

Mabilis kong inilagay sa blacklist ang numero niya saka galit na tumitig sa kawalan.

Naabutan ko si Gael na humihigop ng kape. Napangisi pa siya nang makita niya ako na naglalakad palapit sa kanila.

Hindi ko siya nginitian. Padabog akong umupo sa harapan niya dahil hanggang sa mga sandaling ito ay kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa mga narinig ko.

“Galit ka ba dahil hindi mo nagawa ang gusto mo kanina?” pambubuska niya sa akin nang lumayo sa amin ang matanda.

“Tigilan mo ako Gael. Baka sayo ko maibaling ang inis ko.” galit na banta ko sa kanya.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya saka na siya naguguluhan na tumitig sa madilim na anyo ko.

Redentor Serrano (35)

You’re

Not My Brother

Episode 35

Red

Dalawang araw na mula nang makabalik kami ni Gael dito sa Maynila. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang tawag na natanggap ko sa cellphone niya.

Hindi ko na siya kinompronta pa dahil baka mag-away lang kami at masaktan ko siya na iniiwasan ko na mangyari.

Hindi ko na siya nagawa man lang na maipasyal sa Baler dahil naging mainit na ang ulo ko sa buong maghapon na iyon.

Kahit ang matanda na katiwala ni Lola ay muntik ko nang masigawan. Mabuti na lamang at nakapagpigil ako.

Hindi ko alam kung ano ang motibo ng gago na lalaking iyon pero isa lang ang sisiguraduhin ko. Kahit hibla ng buhok ni Gael ay hindi niya mahahawakan.

Hindi ko namamalayan na habang iniisip ko ang mga sinabi niya ay nadudurog na pala sa kamay ko ang lata ng beer na hawak ko.

Galit na inihagis ko iyon sa pader at tumalsik na lang sa kung saan.

Hindi ako pumasok sa school at nagdahilan ako kay Gael na masama ang pakiramdam ko kaninang umaga. Mabuti na lamang at hindi na siya naging mausisa. Nararamdaman ko na naninimbang din siya sa mood ko.

Mabuti na rin iyon para maiwasan na lang din namin ang magbukas ng paksa na mas lalong makakapagpainit ng ulo ko.

Naglakad ako patungo sa fridge upang kumuha ng bagong lata ng beer. Hindi ko pa nabubuksan iyon nang makatanggap ako ng tawag mula sa intercom.

“Hello!” mabagsik na sagot ko sa receptionist ng building. Naiimagine ko na sa isip ko na napangiwi siya at bahagyang inilayo ang telepono sa tenga niya.

“S-Sir may naghahanap po sa inyo dito sa baba. R-Raul Robles daw po.” nauutal na sambit ng babae.

Nabawasan ang inis ko nang marinig ko ang pangalan na nabanggit niya.

“Paakyatin mo siya dito.” maawtoridad na utos ko.

Pagkababa ng intercom ay inayos ko ang sarili ko. Naghilamos ako saka ako nagtoothbrush at mouthwash. Hindi ko gustong maabutan ako ng tatay ni Gael na amoy alak ako.

Ilang sandali matapos kong mapalitan ang suot na damit ko ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell at mga katok sa pinto.

Halos mataranta ako sa pagbubukas ng pinto at inihanda ko na ang matamis kong ngiti na ilang araw ko ring hindi ginagawa.

“Tito,” masiglang bungad ko sa kanya saka ko siya masayanbg niyakap. Nagtataka ako sa sarili ko dahil nakakadama ako ng saya sa simpleng pagdalaw lang ni Tito Raul.

Samantalang kapag si Dad ay hindi ako makadama man lang kahit kaunting excitement. Siguro ay manhid na rin ako pagdating sa kanya.

Kailan nga ba siya naging mabuting ama sa akin? Noong bata pa ako oo. Hindi siya kagaya ng tatay ni Gael na napakabuti sa anak niya.

Sa totoo lang minsan nakakadama ako ng inggit kay Gael dahil nagkaroon siya ng ama na kagaya ni Tito Raul.

“Hindi po kayo nagsabi na dadalaw kayo.” nakangiting sambit ko. “Pasok po kayo.”

Bahagya naman siyang nangiti saka siya naglakad papasok sa loob. Nakita ko na iginala niya ang tingin niya sa buong paligid.

Nakita ko naman na nakatuon ang mata niya sa lata ng beer na inihagis ko kanina.

Halos madapa ako sa pagmamadali na pulutin iyon saka ko itinapon sa trash bin.

“Maupo po kayo. Gusto niyo po ba ng juice? Kape?” alok ko sa kanya.

“Uh H-Hindi na. Gusto ko lang talaga kayong kumustahin dito kaya ako napadalaw. Uhm O-Oo tama nga, iyon nga ang dahilan.” sabi niya na pilit ang ngiti.

“Nasa school po si Gael ngayon. Pero baka darating na rin po siya after two hours. Hintayin niyo na po.” magalang na sagot ko.

Tumango naman siya. Kahit hindi siya nag-confirm kung gusto ba niya ng maiinom ay pinagtimpla ko siya ng juice na tinanggap naman niya.

Nang makapagtimpla na ako ay kaagad ko siyang nilapitan at inilapag ko iyon sa mesita na nasa harapan niya.

Dinampot niya iyon saka siya uminom. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin bago siya nag-alis ng bara sa lalamunan niya.

“Ang totoo ay ikaw talaga ang sinadya ko dito, Red.” sabi niya.

Nacurious naman ako kung bakit niya ako sinadya dito. Pero hinayaan ko siya na magpatuloy lang sa gusto niyang sabihin sa akin.

“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pero may hihilingin sana ako sayo na sana ay mapagbigyan mo.”

“Tungkol saan po iyon?” tanong ko sa kanya.

Tila nag-isip muna siya sandali bago siya nagpakawala ng malalim na paghinga.

“Gusto ko lang malaman kung gaano ba kahalaga sayo ang anak ko.” aniya.

Napangiti ako dahil sa tanong niya saka naglaro sa isip ko ang maamong anyo ni Gael. Gago, namiss ko tuloy siya kahit na naiinis ako sa pagtatago niya sa akin ng mga problema niya.

“Magiging honest na po ako sa inyo, Tito. Napakahalaga po sa akin ni Gael.” nangingiti kong sagot. “Sa totoo nga niyan at gusto ko po sanang hingin ang basbas ninyo. Alam ko naman po na hindi na lingid sa kaalaman ninyo na may mas malalim na ugnayan na kami ng anak ninyo bukod sa pagiging stepbrothers namin.”

Nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti sa labi niya. Kahit ang mga mata niya ay nakangiti ngunit sa hindi ko malaman na dahilan ay nararamdaman ko rin na hindi siya masaya.

Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Bigla ay lumuhod siya sa harapan ko saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Gusto ko sanang makiusap sayo na kung maaari ay alagaan at mahalin mo si Gael. Protektahan mo siya sa kahit anumang panganib. Kung magkakaproblema man kayo ay lawakan mo ang pang-unawa mo sa kanya.”

Napakurap ako habang pinagmamasdan ko ang desperasyon sa anyo niya habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon.

“Hindi niyo naman po kailangan na makiusap pa sa akin. Tumayo po kayo.” sabi ko saka ko siya inalalayan na makatayo.

Nakita ko ang biglaang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari ngunit hindi ko gusto ang nakikita ko sa mga sandaling ito.

“Nakikiusap ako sayo. Ikaw lang ang malalapitan ko sa mga sandaling ito. Ipangako mo na hindi mo pababayaan si Gael. May stomach cancer ako at binigyan na ako ng taning ng doktor ko. Anim na buwan na lang ang itatagal ko.”

Natigilan ako dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak habang paulit-ulit niyang sinasambit na alagaan ko ang anak niya.

Nakadama ako ng awa para sa kanya. Naisip ko si Gael. Sigurado na masasaktan siya sa sandaling malaman niya ang tungkol dito.

Hindi ko alam pero ang tanging nagawa ko na lang ay hawakan sa balikat si Tito Raul saka ko siya kinonsola.

“Nangangako po ako na hindi ko pababayaan si Gael. Pero baka nagkakamali lang po ang doktor ninyo. Humingi na po ba kayo ng second opinion? May mga kilala po akong doktor. Gusto niyo po ba na samahan ko kayo ngayon?”

Nakita ko ang pag-iling niya. Saka siya natulala sa labas ng glass wall.

“Hindi alam ni Gael na madalas akong magtungo dito sa Maynila sa nakalipas na dalawang buwan. Matagal ko nang alam na may sakit ako pero wala akong pera para magpa-opera. Sa halip na magpagamot ay hinayaan ko na lang. Siguro ay ito talaga ang kapalaran ko.”

Kumuyom ang mga palad ko dahil sa mga nalaman ko. Napakapabaya niya. Hindi man lang ba niya naisip kung ano ang mararamdaman ng anak niya?

Pero sa halip na komprontahin ko siya ay hindi ko na lang ginawa. Alam ko na napakabigat ng dinadala niya sa mga sandaling ito at ayoko na dagdagan pa iyon.

Pinakamainam na magagawa ko na lang ay tulungan siya sa abot ng makakaya kong itulong. Pinansyal man o hindi.

“Gusto ko rin sanang ipakiusap sayo na kung maaari ay huwag mo na munang sasabihin kay Gael ang tungkol sa sitwasyon ko. Siguradong mag-aalala iyon at-”

“Normal lang na mag-alala si Gael sa inyo.” hindi ko na napigilan na hiyaw sa kanya. “Pero kailangan niyang malaman ang tungkol dito. Hindi niyo po ba naisip na mas masasaktan siya kung malalaman pa lang niya ang totoo kapag huli na ang lahat?”

Natahimik siya dahil sa sinabi ko. “May anim na buwan pa po kayo para makasama ang anak ninyo. Sa loob ng anim na buwan na iyon ay pagbigyan naman ninyo ang sarili niyo na makasama si Gael.”

Hindi na ako sinagot pa ni Tito Raul. Nahulog na siya sa napakalalim na pag-iisip. Hinayaan ko muna siya dahil kailangan niya ng sapat na oras para pag-isipan nang mabuti ang mga gagawin niya.

“Alam na ba ito ni Aileen?” pagkuwa’y tanong ko sa kanya.

Bumaling siya sa akin saka niya ako nginitian nang mapakla. “Masaya na si Aileen sa buhay niya. Ayoko nang makagulo pa sa kanya. Nahihiya din ako kay Darius.”

“Bakit kayo mahihiya? Si Dad nga dapat ang mahiya sa inyo dahil kayo pa rin ang totoong asawa ni Aileen.”

Natawa siya saka siya muling tumingin sa labas. “Masaya naman ako sa naging kapalaran ni Aileen. Hindi ako nagsisisi na pumayag ako na makipaghiwalay sa kanya.”

“Kahit paano ay naging maganda naman ang paghihiwalay namin ni Aileen noon. Nakita ko na masaya na rin naman siya kay Darius. Hindi rin naman kami nagkaroon ng problema ng ama mo. Maayos ang lahat. Kaya hindi na rin ako nangahas na tumanggi pa nang sabihin nila sa akin na pag-aaralin nila si Gael dito sa Maynila.”

“Bakit po ba talaga kayo naghiwalay ni Aileen?” lakas loob na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kaya pang mangapa sa paputol-putol na detalye.

Huminga ng malalim si Tito Raul saka na niya sinimulan ang pagsasabi sa akin ng totoo.

“Naging mabuting asawa naman sa akin si Aileen. Madiskarte, masipag at mapagmahal na asawa at ina kay Gael. Lahat ng hirap ay tinitiis niya para sa amin ng anak niya. Sinikap ko na magpursige din noon para kahit papano ay mabigyan ko sila ng maayos na buhay. Pero sadyang wala talaga sa akin ang swerte.”

“Dahil hindi ako nakatapos sa pag-aaral ay hindi ako nakahanap ng maayos na trabaho. Habang lumalako si Gael ay palaki na rin ng palaki ang gastusin namin. Nagsimula nang tumanggap ng mga labada si Aileen mairaos lang ang pagkain namin sa maghapon.”

“Nakita ko ang hirap at sakripisyo niya para sa amin ng anak niya. Hanggang sa magkasugat-sugat na ang mga kamay niya dahil sa dami ng mga tao na ipinaglalaba niya.”

Napangiti pa siya dahil sa mga naaalala niya sa nakaraan nila ni Aileen. Hanggang sa dumako ang mga mata niya sa akin.

“Hindi masamang tao si Aileen kagaya ng nasa isip mo. Hindi rin siya materyalista kagaya ng bintang sa kanya ng mga walang magawa na tao. Hindi ko siya masisisi kung nagsawa na siya sa hirap ng buhay kasama ko. Wala rin naman akong magawa dahil isa lang akong hamak a maglulugaw. Kahit ako ay naaawa na noon sa sitwasyon namin.”

“Hanggang sa magbinata na si Gael. Nakilala niya si Neil. Pinaibig at ginamit ng walanghiyang bata na iyon ang anak ko para lang magawa niya ang gusto niya sa akin. Sa simula pa lamang ay hindi ko na siya gusto para kay Gael dahil bukod sa bastos at mayabang ay lantaran ang pang-aakit na ginagawa niya sa akin.”

“Hindi ko lang siya maitaboy dahil iniisip ko ang mararamdaman ni Gael. Hindi naman niya mapagtagumpayan ang gusto niyang gawin sa akin at maging si Gael ay alam ko na tumatanggi na magpagalaw sa kanya.”

“Kaya nagagalit siya at palagi ko silang naaabutan na nagtatalo sa bahay. Hindi nga lang siya magawang hiwalayan ng anak ko dahil sa edad niyang iyon ay marupok pa ang puso niya. Hanggang sa makahanap siya ng pagkakataon.”

“Nagkaroon noon ng okasyon sa bahay ng mga kumpare ko. Hindi ko namalayan na nalasing na ako. Pag-uwi ko sa bahay ay wala si Gael pero naroon si Neil. Sinamantala niya ang kahinaan ko. Hindi ko siya malabanan hanggang sa maidala niya ako sa papag. Doon na niya sinumulan ang pananamantala sa katawan ko hanggang sa bigla na lamang ay dumating sina Aileen at Gael.”

“Doon na nagsimulang masira ang pamilya ko. Nagawa kong mailayo si Neil kay Gael pero nagdulot ng matinding lamat ang pangyayaring iyon sa pagsasama namin ni Aileen. Nagpasya siya na lumuwas ng Maynila. Naiwan sa akin si Gael. Nang bumalik si Aileen ay kasintahan na siya ni Darius. Nagbalik siya upang makipaghiwalay sa akin. Gusto daw kasi siyang pakasalan ng ama mo.”

“Hindi na ako nagtangka pa na ipaglaban siya dahil nang makita ko na masaya siya kay Darius at naibibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya ay napaisip ako. Marahil ay tama lang na maghiwalay na lamang kami. Dahil sa tuwing naaalala ko ang lahat ng hirap at sakripisyo na dinanas niya sa poder ko ay naaawa ako sa kanya.”

Hindi ko alam kung paano natapos ang pag-uusap namin ni Tito Raul. Pero nang dumating na si Gael ay nahinto siya sa pagkukwento.

Hanggang sa nagpasya na siya na magpaalam sa amin. Iginalang ko na lang ang desisyon niya na ipagpaliban muna ang pagsasabi niya kay Gael ng tungkol sa sakit niya.

Nag-offer ako na ihahatid ko siya pauwi sa Pampanga pero naging mapilit siya na huwag na raw.

Inihatid namin siya ni Gael  hanggang sa entrance ng building namin. Hinatatid ko lang siya ng tanaw hanggang sa isang truck ang bigla na lamang sumulpot. Nahagip nito si Tito Raul dahilan upang magsigawan ang lahat ng nakasaksi.

“Tay!” malakas na sigaw ni Gael.

Naitulos ako sa kinatatayuan ko ya bang si Gael ay mabilis na tumakbo patungo sa tatay niya. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nanatili ako na nakatulala lang sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.

Hindi ko na makita si Tito Raul dahil nagsisimula nang dumami ang tao sa paligid. Nararamdaman ko na nababangga na rin ako ng ilang tao na gustong makiusyoso.

Nanghina nang tuluyan ang mga tuhod ko at napalugmok na lamang ako sa may entrance ng building habang nakatulala sa kawalan.

Hindi ko akalain na masasaksihan ko mismo sa harapan ko ang masalimuot ka kapalaran ni Tito Raul.

Malinaw na nagbalik sa isip ko ang lahat ng nangyari noong gabi na maaksidente ako.

Update Later

Good day readers,

May upcoming update po tayo maybe tomorrow. Last 10 chapters na lang po ang You’re Not My Brother. Sana po ay walang bibitiw dahil marami pa po mangyayari sa buhay nina Red at Gael.

By the way meet my new crush

Ja Phachara

Siya po nagpapasaya sa akin ngayon. Wahahaha. My Leo. Kung naiinis kayo sa character ni Fiat sa Tharntype 2 please give Don’t Say No a chance. Napakaganda ng character development nila ni Leo doon. Sabi nga nila, there are reasons for every actions.

Redentor Serrano (36)

You’re Not My Brother

Episode 36

Red

Mula nang mangyari ang malagim na aksidente na ikinasawi ni Tito Raul ay hindi na makausap ng maayos si Gael.

Kahit si Aileen ay hindi niya kinikibo sa tuwing lalapitan siya nito. Ngunit hindi rin naman niya itinataboy.

Nakita ko na niyakap din siya nito na tinugon naman niya nang araw na ipagtapat ko sa kanya kung ano ba talaga ang sadya ni Tito Raul dito sa Maynila.

Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit papaano ay sa akin pa rin siya natutulog. Masaya na ako na sa bawat gabi ay nayayakap ko pa rin siya.

Sa ikatlong araw ay inilibing na si Tito Raul. Nagpasya sina Aileen at Daddy na dito na lang ito ilibing sa Maynila tutal ay narito na rin naman daw si Gael.

Natawa ako sa pagpapakitang tao ng magaling kong ama. Nakikialam sa mga desisyon na akala mo ay kapamilya ng namatay.

Nang magsiuwi ang mga bisita ay nauna ko nang pinasakay si Gael sa sasakyan ko.

Nag-usap na sila ni Aileen kanina na pansamantala ay doon muna siya titira sa Cavite na hindi ko sinang-ayunan.

Pero si Gael na mismo ang nagdesisyon na gusto niyang makasama si Aileen dahil hindi na raw niya nanaisin pa na mawalan ng isa pang magulang na hindi man lang niya nakakasama.

Ayon sa kanya ay sapat na ang nangyari sa tatay niya para marealize niya na mahalaga pa rin talaga sa kanya ang nanay niya.

Hindi na ako nakatanggi sa gusto ni Gael. Tutal ay pansamantala lang naman. Hanggang sa tuluyan silang makarecover sa nangyari.

Kahit ako ay aaminin ko sa sarili ko na naapektuhan din si Aileen sa nangyari. Nakikita ko iyon sa pamumugto ng mga mata niya at sa pagsisikap niya na muling mapalapit sa anak niya.

Kung magkakatuluyan man kami ni Gael ay nanaisin ko rin na magkaayos silang mag-ina. Pero hindi ko kailanman matatanggap si Aileen bilang nanay ko.

“Red,” narinig ko na tawag sa akin ng tinig na nagmula sa likuran ko. Nang lingunin ko si Kevin ay seryoso siya na lumapit sa akin.

“Nagkausap na ba kayo?” hindi nakaligtas sa akin ang desperasyon sa tinig niya.

“Si Kazu.” paglilinaw niya sa tanong niya.

“Bakit sa akin mo tinatanong? Hindi ba kayo nag-uusap? Hindi ba ipinaubaya ko na sayo ang pinsan ko?” sagot ko. Saka ko lang naalala ang napakaraming missed calls ni Kazu nung nakaraan.

Natawa siya ngunit hindi ang tawa na nagagalak. “Kung ganun ay hindi mo pala alam na nasa amerika na siya.”

“Ano?” gulat na tanong ko. Hindi ko alam ang tungkol doon dahil naging abala ako sa mga nagdaang araw sa problema ko kay Gael.

Sa tarantadong caller niya na may ideya na ako kung sino. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Gael tungkol sa bagay na iyon dahil sa kalagayan niya ngayon ay nakatitiyak ako na hindi rin naman niya ako sasagutin.

“Inilayo siya ng tatay niya sa akin. Pinili ni Kazu na magtungo sa amerika kapalit daw ng kaligtasan ko.” mapait na sagot niya. Nakikita ko ang bitterness sa anyo niya.

Ilang sandali siyang napaisip bago niya ako sinulyapan. “Kung sakali na makausap mo siya ay ikumusta mo na lang ako sa kanya. Pakisabi na mahal na mahal ko siya at hihintayin ko ang pagbabalik niya.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Kevin. Naguguluhan din ako sa sitwasyon nila ngayon ni Kazu.

“Alagaan mo si Gael.” dugtong niya saka na siya naglakad palayo. Naiiling na lang ako habang sinusundan ko siya ng tingin.

Napasulyap ako kay Gael na ngayon ay tahimik na nakaupo lang sa loob ng sasakyan ko. Nakatulala na naman siya sa kawalan.

Nakita ko kung gaano siya nasaktan nang araw na mawala sa kanya ang tatay niya. Nasaktan din ako dahil sa nakikita ko.

Halos magdamag ko rin siyang nakita na umiyak nang gabing iyon. Minabuti ko na lang na yakapin siya upang kahit sa ganung paraan ay maramdaman niya na hindi siya nag-iisa.

Pasakay na ako sa sasakyan nang matanaw ko sina Dad at Aileen na papalapit sa amin. Sinulyapan ko si Gael na sa malayo pa rin nakatanaw.

“Narito kami para sunduin na si Gabriel.” simula ni Dad nang tuluyan na silang nakalapit.

Nakita ko pa ang nag-aalalang tingin ni Aileen para sa anak niya. Tila wala naman napapansin sa paligid niya si Gael. Basta nakatanaw lang siya sa malayo.

Binalingan ko sila saka ako nagsalita. “Hindi muna ba ninyo bibigyan ng panahon si Gael para makapagpahinga?” sabi ko.

“Makakapagpahinga siya sa bahay.” matigas na sagot ni Dad na ikinainis ko. Pero sinikap ko na kalmahin ang sarili ko.

Ayokong gumawa ng eksena na makakaapekto kay Gael. Lalo na sa nakikita kong kalagayan niya ngayon.

“Bigyan ninyo siya ng ilang araw. Sa sabado ay ihahatid ko siya sa bahay.” sabi ko.

“Bakit ikaw ang nagdedesisyon para sa kanya? Hindi ba siya makagawa nang pasya nang hindi ka nakikialam?” galit na sansala ni Dad sa sinasabi ko.

“Tama na Darius. Hayaan na muna natin sila.” awat ni Aileen sa namumuong tensyon sa pagitan naming mag-ama.

“Wala akong tiwala sa anak ko. Baka mamaya ay mas lalo lamang mapasama ang lagay ng anak mo sa sandaling payagan mo siya na si Tor ang kasama niya.”

Umiling si Aileen saka niya muling sinulyapan ang anak niya. “Sa tingin ko ay kailangan muna ni Gael na mapag-isa.”

Bumaling siya sa akin saka niya ako kinausap. “Kung magkakaroon man kayo ng problema ni Gael, sana ay intindihin mo siya. Malapit siya kay Raul kaya nakakatiyak ako na magiging matigas na naman ang ulo ng batang iyan.”

“Hindi mo na ako kailangan paalalahanan pa. Alam ko ang gagawin ko.”

“Aba’y talagang-” inawat ni Aileen si Dad. “Halika na. Hintayin na lang natin sila sa sabado.” ani Aileen saka na niya inakay si Dad palayo.

“Hindi pa ako tapos sayo.” banta ni Dad sa akin na iningusan ko lang.

Padabog na ako na sumakay sa kotse ko saka na kami umuwi ni Gael sa condo ko.

Pagdating namin sa unit ay dumiretso kaagad siya sa loob ng silid. Sinundan ko naman siya at naabutan ko siya na nakahiga na sa kama.

Lumapit ako doon saka ko siya pinagmasdan. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.

“Gusto mo bang magshower muna?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko kailangan ang shower. Malinis pa rin ang katawan ko dahil hindi naman tayo nagtagal sa labas.” sagot niya.

“Gusto mo ba na ipagtimpla kita ng mainit na gatas?” alok ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot ngunit nakita ko na bumangon siya saka siya humarap sa akin.

“Hindi ang mga iyan ang kailangan ko Red.” garalgal na sambit niya.

“Kung ganun ay ano?” frustrated na tanong ko sa kanya. “Sabihin mo sa akin para hindi ako nangangapa.”

Mabilis niya akong hinila patungo sa kama kaya napaluhod ako doon kasabay ng pag-angkin niya sa mga labi ko na ikinabigla ko.

Sa simula ay para akong tuod na nakatanga lang habang hinahalikan niya ako pero ilang sandali lang ay tinutugon ko na ang mga halik na iyon.

Nang kumalas siya sa paghalik ay naghahabol na ako ng paghinga.

Ilang sandali na nagtama ang mga tingin namin bago ko naramdaman ang mga kamay niya na isa-isa nang kinakalas ang mga butones ng damit ko.

Mabilis kong hinawakan ang mga kamay niya upang pigilan siya sa ginagawa niya. Halos dalawang butones na lang ang natitira.

“Hindi ito tama, Gael.” seryosong sabi ko sa kanya habang magkahinang ang mga mata namin.

Nakikita ko ang desperation at frustrations sa anyo niya.

“Paano mo nasabi na hindi ito tama?” frustrated na tanong niya. May hinanakit sa tinig niya habang nakatitig pa rin siya sa akin.

“Hindi ito ang kailangan mo ngayon. I know you’re upset. Dinaramdam mo pa ang pagkawala ng tatay mo. Hindi sagot ang sex sa mga pinagdadaanan mo ngayon.” paliwanag ko.

Natawa naman siya ngunit nakikita ko ang disappointment sa mukha niya. “Sex?” ulit niya.

“Sex lang ba ang tawag mo sa lahat ng nangyari na sa atin?” puno ng hinanakit na sambit niya.

“N-No!” depensa ko. “I mean, hindi ito ang tamang oras para sa bagay na ito.” paliwanag ko.

“Pero ikaw ang kailangan ko sa mga sandaling ito, Red. Ikaw lang ang makakapagpagaan sa bigat na nararamdaman ko. Pero kung hindi mo ako kayang pagbigyan ngayon ay naiintindihan ko.” sabi niya saka siya mabilis na bumaba sa kama at sa malalaking mga hakbang ay kaagad na siyang nakalabas ng silid.

“G-Gael!” sigaw ko saka ko siya sinubukan na sundan pero napakabilis niya. Kaagad ay nasa elevator na siya at sumara na iyon bago ko pa siya nahabol.

Naiinis ako na tumakbo pabalik sa unit ko upang kunin ang wallet at susi ng kotse ko. Pagkatapos ay may pagmamadali akong nagtungo sa parking sa pagbabasakali na mahahabol ko pa siya sa daan.

Inikot ko ang kalapit na area pero hindi ko siya nakita. Dinampot ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka ko siya sinubukan na tawagan.

Hindi sinagot ni Gael ang lahat ng tawag ko kaya napamura ako saka ko pabalibag na inihagis ang cellphone ko sa loob ng sasakyan ko.

Nagpatuloy ako sa pagdadrive at pinuntahan ko ang lahat ng lugar na maaaring puntahan ni Gael.

Nang maalala ko si Kevin ay mabilis akong nagpark sa gilid ng kalsada. Dinampot ko ang cellphone ko at mabilis ko siyang tinawagan.

“Hello!” sagot niya.

“Hindi ba nagtungo riyan si Gael?” diretsong tanong ko.

“Ha? Hindi. Ano bang nangyari.” sagot niya.

“Umalis siya sa unit ko at hindi ko na siya nahabol. Kung sakali na puntahan ka niya ay maaari mo ba akong tawagan?” pakiusap ko sa kanya.

“Oo. Tatawagan kaagad kita. Susubukan ko na rin siyang hanapin.” sagot niya.

“Salamat!” sabi ko saka ko na tinapos ang tawag.

Nagtext ako sa lahat ng kaibigan ko maging kina Dale at Serene na kung sakali na makita nila si Gael ay ipaalam kaagad sa akin.

Halos naikot ko na ang buong Maynila  pero hindi ko nakita kahit anino ng gago. May masama ba sa ginawa ko?

Tinanggihan ko siya dahil hindi tama ang gusto niyang mangyari. At kung mali man ako ay hindi pa rin solusyon ang ginawa niyang pag-alis.

Putcha bakit ba kasi ako nagpapakatanga sa kanya? Ngunit sa kabilang bahagi ng isip ko ay pag-aalala pa rin sa kanya ang nananaig.

Nakakadama na ako ng kaba. Hindi pa rin ako sigurado na hindi na nga siya babalikan ng grupo nina Jojo matapos ang ginawa ko sa kanila.

Pero hindi lang sila ang maaaring magdulot kapahamakan kay Gael. Kundi ang sariling emosyon niya na hindi niya kayang kontrolin sa mga sandaling ito.

Mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko nang umalingawngaw sa isip ko ang isang nakakapag-init ng ulo na tinig.

Hindi mo ako

matatakasan

, Gael. Isa sa mga araw na ito ay makukuha ko rin ang gusto ko sayo. Maikakama din kita at sisiguraduhin ko na hahanap hanapin mo ang sarap.

“Putang-ina! Subukan lang niya at mapapatay ko siya.” galit na sigaw ko saka ko pinagpupukpok ang manibela ng sasakyan ko na sa bandang huli ay narealize ko na sinaktan ko lang ang sarili ko.

Bumalik ako sa unit ko at doon ako nagbakasakali. Baka nakauwi na siya. Halos masiraan ako ng bait sa kakaisip kung saan ko ba siya mahahanap.

Kapag nakita ko siya ay kailangan na maging kalmado ako. Ako ang nasa tamang katinuan sa pagkakataong ito.

Hindi makakatulong kung sasabayan ko ang init ng ulo ni Gael. Baka maging dahilan pa ng paglayo ng loob niya sakin ang magiging pagtatalo namin.

Halos tatlong oras na ang inabot ko sa pagpapabalik-balik sa loob ng unit ko. Nakailang lata ng beer na rin ako ngunit wala pa rin si Gael.

Hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis ko itong binuksan at binasa ko ang text message mula sa isang fratmate ko.

Bro, nasa Hurricane Harry’s Bar ang hinahanap mo. Thank me later, you better hurry up dahil mukhang lasing na siya.

Halos magkandapa-dapa ako sa pagmamadali na makababa ng parking area. Kahit sa pagda-drive ay binibilisan ko na rin.

Hanggang sa marating ko ang sinabing bar ng fratmate ko.

Napakarami ng tao sa loob at karamihan ay nagsisimula pa lang ang kasiyahan.

Dahil sa malaki ang bar na iyon ay nahirapan ako na mahanap si Gael. Hanggang sa makabalik ako sa lobby. Nakita ko siya na lasing na lasing at inaalalayan ng hindi ko kilala na lalaki.

“Kung hindi mo alam kung saan ka uuwi ay sumama ka na lang sakin sa unit ko. Mahaba pa ang gabi at mas mag-eenjoy tayo doon kesa dito.” narinig ko na sabi ng lalaki.

“Um.. talaga?” tanong ni Gael saka siya tumawa. “Tara isama mo ako mag-inom pa tayo ng maraming alak. Gusto kong makalimutan ang lahat.” sabi niya.

Nakita ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi ng lalaki na kasama niya.

Mabilis akong lumapit sa kanila at marahas ko na itinulak ko palayo ang lalaki na gustong manamantala sa kanya sa pagkabigla ng lahat.

Hinila ko naman si Gael saka ko siya hinapit palapit sa katawan ko upang hindi siya matumba.

“Gael,” tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin saka siya ngumisi na tila ba nang-iinis.

“Bakit ka ba sumunod dito? Diba ayaw mo naman sakin?” lasing na sabi niya.

Nang makabawi sa ginawa ko ang lalaking itinulak ko ay galit na bumaling siya sa akin. “Tarantado ka. Anong problema mo ah?” tanong niya.

Sinalubong ko ang mga tingin niya bago ako nagpasya na sagutin siya.

“Sino ako?” sagot ko. “He’s mine!” malamig na dugtong ko. Hindi ko inatrasan ang galit na mga tingin niya. Nilabanan ko iyon ng galit din na titig.

Nakita ko na binulungan siya ng isang lalaki na parang kaibigan niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama bago siya padabog na nagpaakay palayo sa amin.

“Umuwi ka na hindi pa ako tapos mag-inom.” sabi ni Gael. Sinubukan niya akong itulak kaya muntik na siyang matumba sa sahig.

Mabuti na lang ay naging mabilis ang mga kamay ko sa paghila at pagsalo sa kanya.

“Gago ka talagang hayop ka.” mura ko sa kanya saka ko na siya binuhat palabas ng bar na iyon.

Nang maisakay ko siya sa sasakyan ay kaagad ko siyang nilagyan ng seatbelt saka ako inis na sumakay sa driver’s seat.

Sinulyapan ko pa siya saka ko inayos ang pagkakasandal niya sa upuan.

“Pasalamat ka nabaliw ako sayo dahil kung hindi ay baka binugbog na kita.” bulong ko sa sarili ko saka na ako nagdrive pauwi.

Gabriel Robles (37)

You’re Not My Brother

Episode 37

Gael

Nagising ako na madilim pa sa labas ng bintana. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Red na mahimbing na natutulog.

Wala siyang pang-itaas at ang ibabang parte ng katawan lamang niya ang natatakpan ng kumot. Hindi ko tuloy naiwasan na pagmasdan ang magandang hubog ng katawan niya.

Natigilan ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Paano ako nakauwi?

Basta ang huling naaalala ko lang ay may mga nakilala ako sa bar. Hindi ko na matandaan ang pangalan nila. Paglatapos ay wala na akong matandaan pa.

Teka, hinanap ba ako ni Red?

Malamang. Hindi ka naman

makakauwi

kung hindi si Red ang

nag-uwi

sayo. Siya nga ang

katabi

mo sa kama diba?

Napangiti ako dahil sa kaisipan na concern pa rin pala sa akin si Red kahit na inaway ko siya dahil lang sa walang kwentang dahilan ko.

Sa mga nakalipas na araw mula pa nang bumalik ako sa Maynila ay hindi na ako nakakapag-isip pa ng maayos.

Napakarami na ng napahamak nang dahil lang sa katigasan ng ulo ko. Si Kazu, si Serene at ang baby niya.

Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. Wala na si Tatay. Sa pagkakataong ito ay nag-iisa na lang ako dahil si Mama ay may sarili nang pamilya.

Hindi naman maaari na habangbuhay na lamang ako na manatili sa poder nila.

Pero narito si Red. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan kahit pa napakatigas na ng ulo ko.

Ngayon na ako labis na naniniwala na totoo ang sinasabi niya na pagmamahal niya sa akin. Hindi lamang siya puro salita kundi nakikita at nararamdaman ko rin iyon sa mga kilos niya.

Sinulyapan ko siya. Gumalaw ang kamay ko saka ko inayos ang nagulong buhok sa noo niya.

Akma ko sanang aayusin ang pagkakakumot niya dahil malamig sa loob ng silid at nakahubad baro pa siya pero nagring ang cellphone ko kaya mabilis ko iyong dinampot.

Natigilan ako nang isang unregistered number na naman ang nakita ko sa screen.

Nakakadama na ako ng pagkainis dahil ilang araw na akong ginugulo ni Neil. Walang ibang tatawag sa akin gamit ang mga unregistered number ito kung hindi siya lang.

Sinagot ko iyon ngunit hindi ako nagtangka na magsalita.

“Gael,” nang-iinis na sambit niya sa pangalan ko. “Hindi mo ba kasama ang bagong lover mo kaya nasasagot mo na ang tawag ko?”

“Ano ba talaga ang kailangan mo? Bakit mo pa ako ginugulo?” malamig na sagot ko.

Tumawa siya na mas lalo kong ikinainis. “Hindi mo ba ako nami-miss?” tanong niya. “Ako kasi miss na miss na kita.”

“Nabalitaan ko nga pala ang nangyari sa Tatay mo. Kaya ka ba naglasing kagabi sa bar?” dugtong niya.

Tumigas ang anyo ko. Paano niya nalalaman ang mga impormasyon na iyon? Sino ang nagrereport sa kanya?

Muli ay narinig ko na tumawa na naman siya. “Mag-iingat ka sa paglabas-labas mo dahil kapag nakahanap ako ng pagkakataon ay sisiguraduhin ko na malalasap mo na ang langit sa piling ko.”

“Kapag natikman mo na ang sarap ay sisiguraduhin ko na hindi mo na ako makakalimutan. Nakita kita kagabi sa bar at pinainit mo nang husto ang pakiramdam ko. Sayang nga lang at naunahan ako nung maangas na lover mo bago kita nalapitan.” sabi niya saka siya pumalatak.

“Please Neil, nakikiusap ako sayo. Tigilan mo na ako at huwag ka nang tatawag pa sa akin.”

Narinig ko na naman ang nakakainis niyang pagtawa. “Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko sayo. Ginalaw ka na ba nung mayabang na lover mo ha?” nahimigan ko ang galit sa tinig niya.

“Hindi ko kailangan sagutin ang tanong na iyan.” masungit ko nang sagot sa kanya.

“Hay Gael, Gael!” sabi niya. “Hindi na tayo mga teenagers. Sabihin mo ang gusto mo at ibibigay ko sayo. Sumama ka lang sakin at iwanan mo na yang gagong lalaki mo.”

“Nababaliw ka na-” hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil mabilis na nahablot ni Red ang cellphone mula sa kamay ko at mabilis na niyang tinapos ang tawag.

Natitigilan ako na sumulyap sa kanya. Nasalubong ko ang madilim na mga mata niya na kababakasan ng galit.

“Magpalit ka na ng sim card mo. Kung sino man ang tarantadong lalaki na nanggugulo sayo ay sisiguruhin ko na dadaan muna siya sa akin bago ka pa niya malapitan.”

Hindi ko na siya nasagot pa. Nagbuga na lang ako ng hangin saka ako tumitig sa kisame.

“Magpahinga ka na. Maaga pa. Mag-uusap pa tayo mamaya.” narinig ko na utos niya.

Hindi ko na siya kinontra pa. Nag-aalangan man ako ay niyakap ko siya saka ko isinandig ang ulo ko sa hubad na balikat niya.

Napatingin naman siya nang maramdaman niya ang ginawa ko ngunit sandali lang iyon.

Iniangat niya ang ulo ko saka niya inayos ang pagkakahiga ko sa dibdib niya.

Kinaumagahan ay nagpasya ako na pumasok na sa school. Medyo marami na rin akong naiwanan na lesson dahil sa mga absences ko.

Hinintay ko na pagalitan o sermunan ako ni Red kanina pero mukhang nakalimutan na yata niya kaya hinayaan ko na siya.

Ngayon nga ay nasa classroom na ako at kasalukuyan kong kinokopya ang mga lectures na hiniram ko sa classmate namin.

Pasimple ko pang sinulyapan si Red pero mabilis ko rin ibinaling sa harapan ang tingin ko dahil nakatitig pala siya sa akin.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na sinisipa niya ang upuan ko. Hindi ko siya nilingon pero hindi rin siya tumigil sa ginagawa niya kaya inis ko siyang binalingan.

“Yung mukha mo ayusin mo.” sabi niya. Napasimangot ako. Ano bang problema ng lalaking ito?

“Magfocus ka sa ginagawa mo wag kang sulyap nang sulyap sa akin. Magagawa mo naman yan mamaya sa bahay.” pahabol pa niya.

Sinimangutan ko siya. “Yabang nito, akala mo naman sobrang gwapo niya.‘’ naiinis na bulong ko sa sarili ko saka na ako muling bumaling sa harapan pero may matigas na bagay na bigla na lamang tumama sa ulo ko na ikinabigla ko.

“Aray!” malakas na sambit ko saka ko sinundan ng tingin ang maliit na bola na tumalbog pa sa di kalayuan.

“Bumubulung-bulong ka pa ah.” nakangising sabi ni Red nang lingunin ko siya.

Napatingin naman ako sa iba naming mga kaklase na hindi mapigilan ang tawa dahil sa nasaksihan.

Nanggigigil ako na bumaling na sa notebook ko at ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat.

Bumabalik na naman ang pagiging childish ng gago. Pero hindi ko siya papansinin para lalo siyang mainis.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang bigla ay nag-vibrate ang cellphone ko.

Mabilis ko iyong kinuha mula sa bulsa ko saka ko binasa ang message.

Nararamdaman ko na malapit na

tayong

magkita

.

Nakaisip

ka na ba ng paraan kung paano mo

ididispatsa

ang lalaki mo?

Pipindutin ko sana ang delete button pero mabilis na namang naagaw ni Red ang cellphone mula sa kamay ko saka niya binasa ang laman ng text.

Mabilis din akong tumayo upang agawin iyon. Ayoko na mabasa niya ang text ni Neil dahil sigurado ako na magwawala siya sa galit.

Ngunit hindi niya ako hinayaan na makuha iyon. Mabilis siyang naglakad palabas ng classroom kaya mabilis ko rin siyang sinundan.

Nasa hallway na kami nang bigla siyang huminto sa paghakbang at marahas siyang humarap sa akin.

Nakita ko na naman ang mabagsik na anyo ni Red. Matagal na nung huli ko siyang nakita na nagalit nang ganito. Huling beses ko siyang nakita nang ganito nang araw na malaman niya na ako ang anak ni Aileen.

“Sabi ko sayo magpalit ka na ng sim diba?” mahina ngunit hindi maitatanggi ang matinding galit sa tinig niya.

Alam ko ayaw lang niya na makaistorbo sa ibang mga estudyante kaya sinisikap niya na pakalmahin ang sarili niya.

“P-Paano ako makakapagpalit hindi ba dumiretso kaagad tayo dito sa school kanina.” paliwanag ko.

Nakikita ko pa rin ang galit sa anyo niya. Sumulyap siya sa malayo kasabay ng paggalaw ng labi niya.

Inilagay niya ang cellphone ko sa bulsa niya saka niya hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami hanggang sa makalabas kami ng building.

Nagpaakay na lamang ako sa kung saan man niya ako balak dalhin dahil alam ko na hindi naman ako sasaktan o ipapahamak ni Red.

Mabilis niya akong pinasakay sa sasakyan niya. Naramdaman ko pa ang pag-alalay niya sa ulo ko upang hindi ako mauntog.

Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa kabila saka na siya nagsimula na magdrive palabas ng school. Hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng tulay.

“R-Red,” pigil ko sa kanya ngunit tumilapon na sa ilog ang cellphone ko sa panlulumo ko.

“Huwag mo nang panghinayangan ang buwisit na cellphone na iyon. Ngayon din mismo ay ibibili kita ng bago para lang hindi ka na makontak pa ng tarantadong ex-lover mo.”

Dumaan lang kami sandali sa mall pagkatapos ay umuwi na kaagad kami ni Red. Hindi na namin napasukan pa ang last subject namin dahil sa nangyari.

Tahimik lang kami sa buong durasyon ng biyahe. Kahit sa hapunan ay walang gustong magsalita maliban sa mga common words na kailangan sabihin.

Nasa kama na ako nang pumasok siya sa silid ko. Nakasuot siya ng boxers at kulay itim na sando habang pinupunasan niya ng towel ang basang buhok niya.

Nang matapos siya sa pagpupunas ay isinampay na niya ang towel sa hook saka na siya lumapit sa kama.

Inaasahan ko na hihiga na siya sa kabilang side ng kama kung saan siya laging nakapuwesto pero hindi siya doon nagtungo.

Hinila niya ako mula sa pagkakasandal ko sa headboard saka niya ako marahan na inihiga sa gitna ng kama kasunod ng pag-akyat niya at pumaibabaw siya sa akin.

Hindi muna siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang napakalapit namin sa isa’t isa. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa mga labi ko na nakaawang na ng bahagya.

Lumunok ako habang hinihintay ang susunod na gagawin niya. Napapikit na lamang ako nag maramdaman ko na ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

Hindi ko siya binigo. Tinugon ko ang bawat paggalaw ng labi niya sa parehong bilis at intensidad.

Gumapang ang palad ko mula sa matitigas niyang braso patungo sa malapad niyang balikat.

Hinawakan ko ang likod ng ulo niya habang ang kabilang kamay ko naman ay dinadama ang dibdib niya.

Mas lumalim pa ang paraan ng paghalik niya at naramdaman ko na rin sa ibabang parte ng katawan ko ang pinipigilan niyang pagnanasa.

Halos hindi niya tinigilan ang mga labi ko at nang kumalas siya sa matinding halikan namin ay lumipat ang mga labi niya sa pisngi ko kasunod ng paghalik niya sa leeg ko na nagdulot ng napakalakas na kuryente sa katawan ko.

“Hindi mo alam kung gaano kabigat ang nararamdaman ko sa tuwing makakatanggap ka ng tawag o text sa gago mong ex-lover.” sambit niya na sinundan niya ng muling pag-angkin sa mga labi ko.

Hindi ko siya pinigilan sa ginagawa niya. Sa halip ay hinila ko pa pataas ang sando niya at sabay namin iyong hinubad mula sa katawan niya.

Tinulak ko siya pahiga sa kama at ako naman ang nagtungo sa ibabaw niya. Sa marahan na paghalik ay tinalunton ng labi ko ang bawat parte ng maskulado niyang katawan.

Mula sa leeg patungo sa malapad na balikat. Hanggang sa matigas niyang dibdib patungo sa flat na tiyan niya.

Pinagapang ko muna ang palad ko sa dibdib niya pababa sa abs niya bago ko muling inangkin ang mga labi niya.

Natapos ang lahat sa isang napakainit na pag-iisa ng mga katawan namin. Muli ay naangkin na naman ako ni Red. At wala akong maramdaman na pagsisisi kahit na kaunti.

Nakatulog ako sa dibdib niya habang kapwa kami hubad at magkayakap sa ibabaw ng kama ko.

Hindi namin namalayan na nakapasok na pala si Mama sa loob ng unit ni Red gamit ang susi na nahulog ko noong burol ni Tatay.

Nakita niya ang ayos namin ni Red habang magkayakap na natutulog sa kama. Napailing siya nang makabawi sa pagkagulat.

Marahan niyang isinara ang pinto saka na siya maingat na lumabas ng unit.

Redentor Serrano (38)

You’re Not My Brother

Episode 38

Red

Sabado ng umaga ay naging bisita namin sina Aileen at Dad sa unit ko. Hindi pa kami nakakapag-almusal ni Gael ay naroon na sila sa pagkainis ko.

Hindi na ako nakaangal nang papasukin na sila ni Gael at kahit hindi ako kumporable ay kasabay namin silang nag-almusal.

Nakita ko kung gaano kaalaga si Aileen sa anak niya. Hinahayaan na siya ni Gael ngayon na magpakaina sa kanya.

Pero nang ako na ang pinagsisilbihan niya at mabilis akong tumanggi. “Kaya ko.” sabi ko saka ko kinuha sa kanya ang pitsel na hawak niya at ako mismo ang naglagay ng tubig sa baso ko.

Nawala ang matatamis na ngiti niya na dulot ng paglambot ni Gael sa kanya. Nakita naman iyon ni Dad kaya pinagalitan na naman ako na ipinasok ko lang sa kabilang tenga at inilabas ko sa kabila.

Wala ako sa mood para makipagdiskusyunan sa kanya ngayon. Dahil ang isip ko ay abala sa pag-iisip ng paraan para mapigilan ko ang pagpunta ni Gael sa Cavite.

Hindi ako mapapanatag na lumipas ang isang buong araw na hindi ko siya makakasama. Hindi naman ako maaaring sumama doon dahil sigurado na mahahalata na nila na may namamagitan sa amin ni Gael.

Hanggang sa makaalis sila ay wala akong nagawa kundi ang mapasipa na lang sa sofa dahil sa sobrang inis ko.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa basketball at upang makapagpapawis na rin ako. Nagkita pa kami Dale doon pero hindi man lang ako sinulyapan ng gago.

Pero hindi ako papayag na magkasira kami nang tuluyan dahil lang sa pride. Kaya nang matapos ang game ay sinadya ko na abangan siya sa locker room.

Napahinto pa siya nang makita niya ako doon bago niya ako nilampasan at dumiretso na siya sa locker niya upang kumuha ng towel at brief na isusuot niya.

Sinundan ko siya doon daka ko siya sinimulang kausapin. “Dale,”

Hindi niya ako pinansin at nagtangka siya na magtungo na sa shower room pero pinigilan ko siya at iwinaksi niya ang braso niya.

“Hindi kita gustong makausap ngayon, Red.” angil niya.

“Hindi natin maaayos ang problema natin kung hindi tayo mag-uusap. Ano to mag-iiwasan na lang ba tayo palagi?”

Huminga ako saka ko siya hinarap. “Matagal na tayong magkaibigan, Dale. Ayoko na magkasira tayo nang ganito lang.”

“Alam mo hindi naman problema sa akin kung bakla ka eh. Kaibigan pa rin kita. Gusto mo si Gael? Hindi kita pinigilan dahil alam ko na doon ka magiging masaya. Pero napahamak si Serene dahil sa kanya at wala ka man lang ginawa. Muntik na akong mawalan ng anak dahil sa stepbrother mo.”

“Hindi niya sinadya iyon.” diin ko sa kanya. “Dale, makinig ka. Huwag na sana tayong aabot pa sa punto na magiging magkaaway tayo dahil lang sa nagawa ni Gael. Hindi naman niya sinadya iyon.”

“Sinadya man niya o hindi ay kasalanan pa rin niya ang nangyari.” sagot niya.

“Kung hindi mo mapatawad si Gael. Kahit ako na lang. Hindi naman sapat na dahilan ang nangyari para magalit ka sa akin nang ganyan. Dale, ikaw ang kakampi ko sa lahat ng laban ko mula pa noon. Ikaw ang bestfriend ko. Hindi ko papayagan na pati ikaw ay mawala pa sa akin.”

Tinitigan niya ako na tila ba sinusubukan niya ang sinseridad ko. Halos ilang sandali rin kaming tahimik lang na nakatingin sa isa’t isa.

Hanggang sa nakita ko ang paglambot ng anyo niya. Saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Dahil sa ginawa niya ay napangiti na ako saka ko siya tinapik sa balikat. Nakakasiguro na ako na nakikipag-ayos na siya sa akin.

“Pasalamat ka at pinapahalagahan ko pa rin ang pagkakaibigan natin. Kakalimutan ko na ang galit ko sayo pati na rin ang kasalanan ni Gael tutal ay isinuko mo naman sa akin si Serene.”

Natawa ako saka ko siya sinuntok sa dibdib nang kumalas kami sa pagkakayakap. Natawa na rin siya at sabay na kaming nagtungo sa shower area.

Nang gabing iyon ay nagkita kami ulit ni Dale. Dinalaw ko muna si Serene sa condo ni Dale bago kami nagtungo sa bar upang mag-usap.

Nagpapasalamat ako at hindi kami tuluyang nagkasira ng kaibigan ko. Nakita rin namin ang iba pang mga kaibigan namin sa loob ng bar.

Nalaman ko na nagtatampo pala sila dahil mula nang makilala ko si Gael ay hindi na ako sumasama sa mga gimik nila.

Saka ko lang narealize na nagbago na nga ang lifestyle ko. Mas madalas ay kumportable na ako na nasa unit lang lalo na kung naroon din si Gael.

At sa mga sandaling ito kahit pa masaya ako kasama ang mga kaibigan ko ay may pakiramdam ako na hindi na ang mga ganitong gimik ang kailangan ko.

Naging maayos naman ang inuman namin na magkakaibigan. Naunang nagpaalam si Dale dahil walang kasama si Serene sa unit niya.

Natawa na lang ako. Mabuti pa si gago nagsisimula nang maging responsableng boyfriend at ama sa mag-ina niya.

Kahit na awkward na dumaan sa akin si Serene bago sa kanya ay wala akong mararamdaman na mali. Masaya ako para sa kanila. Lalo na kay Serene na hindi ko man lang natrato mang maayos noon.

Mabuti na lamang ay sa kaibigan ko siya napunta. Dahil alam ko ma responsableng tao si Dale at maaasahan sa lahat ng pagkakataon.

Nang mapansin ko na lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na rin ako.

Habang nasa sasakyan ako ay panay ang sulyap ko sa cellphone ko ngunit kahit isang message mula kay Gael ay wala akong natatanggap.

Putcha

! Sira ba ang cellphone ko? Inis na bulong ko sa isip ko.

Pagdating ko sa unit ay nagshower lang ako saka na ako humiga sa kama namin ni Gael. Inabot ko ang unan niya saka ko iyon niyakap hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan ay nagpasya ako na magpapawis. Pagkatapos ko sa gym ay dumiretso na ako sa unit ko. Humiga ako sa kama para sana magpahinga pero napasulyap ako sa bahagi na naman ako sa hinihigaan ni Gael.

Kumusta na kaya siya doon? Bakit hindi man lang niya ako tinetext o tinatawagan? Pangalawang araw na ngayon.

Naiinis ako na binuksan ang cellphone ko para i-check kung may message na ba siya pero wala kaya padabog ko iyong inilapag sa kama saka ko dinampot ang unan niya para kahit papaano ay masamyo ko ang amoy niya.

Niyakap ko iyon saka ko sininghot ang amoy ni Gael. Puta para akong manyak na nag-iimagine dito sa kama ko.

Naiinis ko na inihagis iyon palayo saka ako tumayo upang kumuha ng beer sa fridge. Kakagaling ko lang sa bar kagabi tapos ngayon at beer na naman ang nasa isip ko.

Akma ko nang bubuksan iyon nang marinig ko ang pagtunog ng intercom.

Inilapag ko muna sa mesa ang hawak ko na beer saka ko iyon sinagot. “Hello!”

“Sir may naghahanap po sa inyo dito sa baba. Kevin Asuncion daw po. Paakyatin na po ba namin?” kumpirma ng receptionist.

Nagtaka naman ako dahil sa biglaang pagdalaw ni Kevin. Hindi ko pa nakakausap si Kazu kaya wala din akong maibabalita sa kanya kung sakali man. Pero minabuti ko na patuluyin na lang. “Sige.” sabi ko saka ko na tinapos ang tawag.

Naglakad ulit ako upang damputin ang lata ng beer na inilapag ko sa mesa. Binuksan ko iyon saka ko nilagok.

Binuksan ko ang tv habang hinihintay ko ang pag-akyat ni Kevin. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell.

Mabilis akong tumayo saka ko siya pinagbuksan pero isang hindi pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko saka ko siya tinanong. “Sino ka?” matigas na tanong ko.

Isang ngisi ang pinakawalan niya saka niya ako sinagot. “Kevin Asuncion.” nakangising sambit niya.

“Hindi kita kilala at hindi ikaw si Kevin.” galit na sagot ko saka ko na akmang isasara ang pinto ngunit hindi ko inasahan ang marahas na pagtulak niya.

Napaatras ako saka niya ako sinunggaban hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pagtusok ng karayom ng isang syringe sa balikat ko.

Mabilis ko iyong binunot at inihagis sa malayo. Nakita ko siya na nakangisi habang nakatitig sa akin matapos niyang maisara ang pinto.

Sinisikap ko na makatayo pero nanghigina na ang katawan ko at nawawalan ako ng lakas upang bumangon.

“Hindi ko inasahan na napakadali mo palang mapatumba.” sabi niya saka siya lumapit sa akin at lumuhod siya sa tabi ko.

Nakita ko na hinaplos ng palad niya ang braso ko patungo sa dibdib ko na natatakpan pa ng suot kong sando.

“S-Sino ka?” hinihingal na tanong ko. Hindi ko alam kung anong klase ng gamot ang itinarak niya sa katawan ko pero nanghihina talaga ako at subukan ko man na labanan siya ay hindi ko magawa.

“Hindi mo na kailangan malaman pa kung sino ako. Hindi naman ikaw ang sadya ko dito. Si Gael.” sabi niya.

“A-Ano-ng kailangan mo kay Ga-Gael?”

Ngumisi na naman siya na parang demonyo saka niya marahas na pinunit ang sando ko. Nakita at naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa malapad na dibdib ko. Tila ba sinusukat niya ang mga iyon gamit ang palad niya.

“Hindi naman siguro magagalit sa Gael kung ikaw ang gagalawin ko.” nakangisi na sambit niya saka niya hinalikan ang hubad na dibdib ko.

“Hindi ko inasahan na malakas pala ang dating mo sa malapitan. Mas panalo ako sayo kesa kay Gael. Mas masarap ang katawan mo. Batak. Hindi maitatanggi na gwapo ka rin.

Dahil hindi na ako makalaban ay inalalayan at inakay niya ako patungo sa silid ni Gael.

Tinanggal niya ang punit na sando ko mula sa katawan ko saka niya ako pabagsak na inihiga sa kama.

Naiinis ako dahil wala akong magawa. Mabuti na lamang at hindi si Gael ang naabutan niya dito.

Naramdaman ko na ang pagpatong niya sa katawan ko. Hinalikan niya ako sa leeg habang hinahaplos ng palad niya ang dibdib ko.

“Si-siguraduhin ko na magbabayad ka sa ginawa mong ito.” galit na banta ko sa kanya na tinawanan lang niya.

“Shhh! Don’t talk baby. Dadalhin kita sa langit.” sabi niya saka niya pinaulanan ng mga basang halik ang hubad na dibdib ko pababa sa tiyan ko.

Hinaplos pa niya ang abs ko habang libog na libog siya na nakatitig sa katawan ko na nakabandera na sa mga mata niya.

“Masyadong mailap si Gael,” tumawa siya nang may pang-iinsulto. “Pero masarap ang stepbrother niya.”

Muli ay naramdaman ko ang dalawang palad niya na humahaplos sa buong katawan ko.

Para siyang hayok na sabik sa katawan ng isang lalaki at nakikita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata niya.

“Napakaswerte nga naman ni Gael. Kaya siguro nagpapakipot siya nang husto sa akin. Samantalang noon ay halos mabaliw siya sa paghahabol.”

Napapikit ako nang makita ko na kinakalas na ng mga kamay niya ang snap ng suot kong jeans.

Hindi ko na talaga matatakasan ang tarantadong ito. Ginamitan niya ako ng dirty tactic kaya ngayon ay wala akong kalaban-laban na magagahasa sa mismong teritoryo ko.

Nabalot ng kaba ang dibdib ko nang maramdaman ko na ang paghila niya sa zipper ko.

Kasunod ay nakita ko na binubuka na niya ang pantalon ko saka niya nilalaro ng daliri niya ang garter ng brief na suot ko.

Ngumisi siya nang nakakaloko saka na niya sinubukan na hubarin ang pantalon ko.

“Bitawan mo siya, Neil.” narinig kong sigaw ng galit na tinig mula sa pinto.

Marahas na napalingon ang gagong lalaki doon bago siya muling ngumisi na parang nang-iinis.

“Gael,” maangas na sabi niya. “Hindi ko alam na mapapaaga ka ng dating. Hindi ko pa natitikman ang stepbrother mo. O baka naman gusto mo na pagsaluhan natin siya. Game ako.” dugtong pa niya.

Akma niyang itutuloy ang binabalak niyang gawin sa akin pero muling sumigaw si Gael.

“Sabi ko bitawan mo si Red,” mabalasik na sigaw niya saka niya sinugod ng suntok si Neil.

Natumba si Neil sa sahig habang si Gael naman ay lumapit sa akin. “Red? Red?” nag-aalalang tawag niya sa akin habang niyuyugyog ang balikat ko.

“Naririnig mo ba ako? Red?” naiiyak na sigaw niya at mababakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya.

“Anong ginawa mo sa kanya?” galit na baling niya kay Neil ngunit isang malakas na sapak ang sumalubong sa kanya.

Hindi nagtagal ay nagpapalitan na sila ng suntok at nakita ko na nadedehado si Gael bago tuluyang nagdilim ang paligid ko.

Gabriel Robles (39)

You’re Not My Brother

Episode 39

Gael

Matapos ang malakas na suntok na natanggap ko mula kay Neil ay bumagsak ako sa sahig.

Sinamantala niya ang pagkakataon. Hinila niya ako sa buhok saka niya ako itiningala sa kanya.

“Gusto mo akong pigilan? Huh?” nakangising sabi niya saka niya mas hinila ang buhok ko.

Dahil sa nakadapa ako at nakadagan na siya sa likuran ko ay hindi ko siya malabanan.

“Kasalanan mo rin naman kung bakit natuon ang atensyon ko sa lalaki mo. Masyado kang pakipot.” sabi niya.

“Tigilan mo na kami. Matagal na tayong wala.” galit na sagot ko sa kanya.

Natawa lang siya saka siya tumayo hila pa rin ang buhok ko. Inilagay niya sa likuran ko ang mga kamay ko saka niya ako iniharap sa wala nang malay na si Red.

Halos hubad na siya at kung hindi pa ako kaagad na nakauwi ay malamang na nagahasa na siya ni Neil.

“Pagmasdan mo kung gaano kasarap ang stepbrother mo? Natikman mo na ba ang katawang iyan?” tanong niya ngunit hindi naman niya ako hinintay na makasagot.

“Kung natikman mo man siya ay hindi  ako papayag na ikaw lang ang makinabang sa kanya. Hmm, paano kaya kung pagsamantalahan ko siya sa harapan mo?”

“Subukan mo at makikita mo ang hinahanap mo.” matigas na banta ko sa kanya.

Tinawanan niya ako saka niya ako inilapit sa silya na naroon. Dahil malakas siya sa akin ay mabilis niya akong naiupo doon at nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng manipis ngunit matibay na klase ng lubid.

Hindi ako papayag na magawa niya ang gusto niya. Nang abala na siya sa pagtatali sa mga kamay ko ay tinuhod ko siya sa harapan.

Napahiyaw siya sa sakit at namilipit sa sahig. Mabilis kong nilapitan si Red upang i-check ang lagay niya.

“Red… Red?” sigaw ko habang sinisikap ko na gisingin siya pero mabilis na akong nasabunutan muli ni Neil saka niya ako sinikmuraan.

Sumadsad ang likod ko sa may study table at matinding sakit ang naramdaman ko.

Nakangisi na bumunot ng isang syringe si Neil mula sa jacket niya saka niya ako sinubukan na lapitan.

Marahan siyang naglakad pero naging alerto ako sa mga galaw niya. Nang makita ko na susugurin na niya ako ay mabilis kong sinaksak sa mata niya ang nadampot kong letter opener sa table.

Napasigaw si Neil at kahit ako ay nataranta sa nangyari. Hindi ko sinadya na patamaan siya sa mata.

“Arrrrggghh! Ummm! Putang ina kaaaa!” sigaw niya.

Nanginginig ang kamay ko nang ihagis ko ang letter opener na hawak ko. Puno iyon ng dugo at hindi ko alam ang gagawin ko habang nakikita ko ang pagsisikap ni Neil na tiisin ang sakit.

Natataranta ako na tumakbo patungo sa intercom. Humingi ako ng tulong at kinatok ko ang mga katabing unit namin.

Nagtangka pa na tumakas si Neil pero nahuli din siya ng mga security.

Inireport ko ang nangyari kay Red matapos kong tawagan si Kevin.

Hindi na namin hinintay pa ang kaibigan ko. Tinulungan ako ng mga security na ibaba si Red at mabilis namin siyang naisugod ospital.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa ospital na rin isinugod ng mga pulis si Neil.

Nang magamot ang sugat niya ay wala pa ring malay si Red. Hanggang sa hingan na ako ng statement ng mga pulis.

Si Kevin na ang sumama sa kanila upang i-file ang kaso. Naiwan naman ako sa ospital na balisa pa rin dahil sa kalagayan ni Red.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Mama sa ospital. Nag-aalala sa kalagayan namin ni Red.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang yakapin niya ako ng mahigpit. Para akong bata na nagsusumbong sa nanay ko.

Sa ilang taon na dumaan ay hindi ko na naisip pa na darating ako sa puntong ito na muli akong iiyak sa mga bisig ni Mama.

Nawala na sa akin si Tatay at hindi ko na kakayanin kung pati si Red ay malagay sa kritikal na kondisyon.

Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari kay Red.

Hindi ako iniwanan ni Mama hangga’t hindi niya nasigurado na kalmado na ako. Hinintay din niya na makabalik si Kevin.

Nang lumabas si Mama ay nanatili lang ako na nakaupo sa tabi ng hospital bed ni Red.

“Magpahinga ka na. Ako muna ang magbabantay sa kanya.” sabi sa akin ni Kevin nang lapitan niya ako.

Hinawakan niya ako sa balikat habang pinagmamasdan ko ang wala pa ring malay na si Red.

Umiling ako. “Hindi, umuwi ka na. Hindi ko iiwanan si Red.” sagot ko.

Ilang sandali akong pinagmasdan ni Kevin bago ko narinig ang pagpapakawala niya ng malalim na paghinga.

“Tawagan mo ako kapag may kailangan ka.” sabi niya bago ko narinig ang paglakad niya palabas ng silid.

I wanna feel your touch

It’s burning me like an ember

Sabi ng doktor kanina ay nakaapekto daw sa itinurok na tranquilizer ni Neil ang alcohol sa katawan ni Red kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay.

Mabuti na lamang at kaagad namin siyang naisugod dito sa ospital.

Pretending is not enough

I wanna feel us together

So I’m giving in

Kanina ay halos sumabog ang dibdib ko nang tuluyan nang nawalan ng malay si Red at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko inasahan na si Red ang pagbabalingan ng atensyon ni Neil.

Kung hindi pa ako kaagad na nakauwi ay malamang na nagawa na niya ang binabalak niya.

So I’m giving in

To the trouble I’m in

Nagsimula na naman ako sa paghikbi na parang bata saka ko hinawakan ang palad ni Red.

Nagalit ako nang makita ko si Red na halos hubad na at kasalukuyang hinahalay ni Neil sa ibabaw ng kama.

Lalo na nang makita ko ang malademonyong ngisi ni Neil habang sinusubukan niya na hubarin ang pantalon ni Red.

To the trouble I’m in

“Kasalanan ko to, Red. I’m sorry! Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka masasaktan ni Neil.” umiiyak na sisi ko saka ako yumuko.

“Wala kang kasalanan.” narinig kong sambit ni Red kaya mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya.

Nagtama ang mga tingin namin. Mapungay pa ang mga mata niya.

“Mahal na mahal kita Gael.” bulong niya saka ko naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa palad ko.

“At paninindigan ko ang pagmamahal ko sayo kahit sino pa ang magtangka na pigilan ako. Hindi ang Neil na iyon ang sisira sa atin Gael. Tandaan mo yan.”

You are, you are, my favorite medicine

You are, you are, you’re where the edge began

You are, you are, just one last time again

You are, you are, you are the trouble I’m in

“R-Red,” naiiyak na sambit ko sa pangalan niya saka ko siya niyakap. Ibinuhos ko ang lahat ng pinipigilan kong sakit sa dibdib ko.

Hindi na rin ako papayag na mapahamak pa ulit si Red dahil sa akin. Hindi ko na kakayanin pa kung may masama na namang mangyayari sa kanya. Hindi ko papayagan na mangyari iyon.

You are the trouble I’m in

You are the trouble I’m in

Matapos siyang suriin ng mga nurse at doktor ay pinakain ko siya. Hindi ko na rin siya iniwanan pa at namalayan ko na lamang na nakatulog na pala ako sa mga bisig ni Red.

Kinabukasan ay bumalik si Mama. Siya na ang nagbayad ng hospital bills ni Red. Pinayagan na rin siyang lumabas.

Balak sana namin na mag-stay na muli sa unit ni Red tutal ay nakakulong na si Neil pero hindi pumayag si Mama.

Hindi na kami nakatanggi ni Red nang iuwi kami ni Mama sa Cavite.

Mainit ang naging pagsalubong sa amin ng mga kasambahay nina Red. Binati pa siya ng mga ito at makikita ang galak sa mga mukha nila nang makita nila ang dating amo nila pero hindi man lang ngumiti si Red.

Mas pinili pa niya na magkulong sa silid niya. Naintindihan ko naman dahil sigurado na mabigat pa rin ang katawan niya.

Inihatid ko siya sa itaas at ako na rin ang nagbukas ng aircon sa silid niya. Pagkatapos ay kinumutan ko siya dahilan upang sulyapan niya ako nang may pagtataka.

“Magpahinga ka na.” sabi ko.

Maglalakad na sana ako patungo sa pinto ngunit naramdaman ko ang malakas na paghila niya sa kamay ko at sa isang iglap lang ay nakahiga na ako sa kama niya at nakapaibabaw na siya sa akin.

“Saan ka pupunta? Hindi mo ko pwedeng iwanan na lang basta dito.” he said using his bedroom voice.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko kasunod ng masuyong paghalik niya doon.

Napapikit ako dahil sa matinding kilabot na bumalot sa buong katawan ko dahil lamang sa pagdampi ng mga labi ni Red sa leeg ko.

Hindi pa siya nakuntento sa ginagawa niya. Naramdaman ko na pinaghiwalay niya ang mga hita ko saka siya pumuwesto sa ibabaw ko.

Mas lalong tumindi ang sensasyon na nararamdaman ko. Lumipat ang mga halik niya patungo sa pisngi ko hanggan sa maramdaman ko ang init sa tenga ko na sinundan ng masuyong pagkagat niya.

Napaungol ako saka ko inilakbay ang mga kamay ko sa matipunong katawan niya.

“Magagalit ka ba kung aangkinin kita ngayon?” bulong niya.

Napapikit ako dahil sa tindi ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Ilang sandali muna akong tumitig sa mukha niya bago ko marahas na hinila ang laylayan ng t-shirt na suot niya.

Hindi naman nag-aksaya ng oras si Red. Bahagya siyang nag-angat ng katawan at sabay naming inalis ang damit niya.

Lumantad sa akin ang magandang hubog ng katawan niya. Hindi ko alam pero kusa ko na lang hinaplos ang dibdib niya pababa sa flat na tiyan niya.

Mas lalo pang naging pangahas ang mga kamay ko. Bumaba ang mga iyon saka ko may pagmamadaling tinanggal ang snap ng suot niyang jeans.

Naramdaman ko ang marahas na pag-angkin ni Red sa mga labi ko. Nawala ang focus ko sa zipper niya.

Sa halip ay tinugon ko ang bawat pag-angkin ng mga labi niya. Napahawak na ako sa matitigas na braso niya habang wala pa rin siyang tigil sa paghalik sa akin.

Natapos ang mga halik na iyon sa isang mainit na muling pag-iisa ng mga katawan namin.

Halos ilang minuto rin kaming nanatili na magkayakap sa ibabaw ng kama niya hanggang sa maalala ko na kahit anong sandali ay maaari kaming mapasukan ni Mama o kaya ng mga maids.

Mabilis akong bumangon saka ko isa-isang dinampot ang mga nagkalat kong damit.

Nagbihis ako sa pagtataka ni Red.

“Magbihis ka na baka makita pa tayo ni Mama.” sabi ko sa kanya saka ko dinampot ang boxer brief niya. Inabot ko iyon sa kanya saka ko na siya tinulungan na maisuot ang t-shirt niya.

Hindi ko na siya hinayaan pa na mapigilan ako. Mabilis na akong naglakad palabas sa silid ni Red.

Natigilan pa ako nang makita ko si Mama na nakatayo sa labas at tila sadya talaga niya akong hinihintay.

Nakadama ako ng pagkabalisa. Pasimple kong inayos ang magulong buhok ko saka ang pagkakasuot sa akin ng damit ko.

“Nagpapahinga na ba si Tor?” bigla ay tanong niya. “Siguro napagod siya dahil mahaba-haba ang biyahe.”

Napakurap ako dahil iba ang naging rehistro sa utak ko ng sinabi ni Mama.

“H-Ha?” nauutal na sagot ko.

Siguro nga ay napagod si Red. Pero hindi dahil sa biyahe. Kundi dahil sa ginawa niya sa akin.


Background Music: Trouble I’m In - Twinbed

Redentor Serrano (40)

You’re Not My Brother

Episode 40

Red

Dahil hindi pa rin talaga tuluyang maayos ang pakiramdam ko ay hindi ko namalayan na nakatulog ako pagkalabas ni Gael.

Halos magdidilim na nang magising ako. Marahan akong bumangon saka ko hinawi ang kurtina.

Nilalamon na ng dilim ang buong kalangitan maliban sa bandang kanluran kung saan makikita pa rin ang kulay kahel na liwanag.

Nakatanaw pa rin ako sa labas nang makarinig ako ng mga katok mula sa pinto. Hindi pa ako nakakasagot ay pumasok na ang isang maid.

“Pinapagising po kayo ni Ma’am Aileen Sir Tor.” bungad niya.

Nag-init naman ang ulo ko dahil sa ginawa niya. “Hindi pa kita pinapasok diba? Sa susunod wag kang papasok dito kung hindi ko sinasabi.” galit na sigaw ko.

“Napag-utusan lang-”

“Wala akong pakialam kahit sino pa ang mag-utos sayo. Hindi ka pwedeng basta na lamang pumapasok sa silid ko. Naiintindihan mo ba?”

Napatango na lang siya saka siya yumuko. Hindi ko rin gusto ang pagsagot niya.

Lumambot lang ang mabalasik kong anyo nang biglang pumasok si Gael. “Bakit ka ba sumisigaw?” tanong niya.

“Paalisin mo ang babaeng iyan. Baka mapalayas ko siya kapag hindi ako nakapagpigil.” inis na sagot ko.

“Sige na ako na ang bahala dito. Sabihin mo kay Mama na susunod na kami ng Sir Tor mo.” baling niya sa maid na kaagad namang umalis ngunit humingi muna ng paumanhin sa akin.

Lumapit si Gael sa akin saka niya hinawakan ang mukha ko. Iniharap niya ako sa kanya.

“Nagsisimula ka na naman sa pagkabugnutin mo. Alam mo kailangan mo lang kumain para lumamig ang ulo mo. Nagluto si Mama ng bistek at pinakbet.”

“Bumalik na tayo sa Maynila Gael. Wala tayong privacy dito. Nakita mo yung maid na yun? Bigla na lang pumasok dito. Paano kung makita niya tayo na naglalambingan? Chismosa ang mga maids, siguradong isusumbong nila tayo kina Aileen.” seryosong sagot ko sa kanya.

Napailing naman siya. “Napapraning ka lang Red. Hindi pa tayo pwedeng bumalik sa Maynila. Hindi tayo papayagan ng parents natin.”

“Hindi natin kailangan ng permiso nila. Nasa legal age na tayo Gael. Kaya na natin magdesisyon para sa mga sarili natin.”

Ilang sandali akong pinagmasdan ni Gael bago siya marahan na umiling muli. “No. Sa tingin ko ay kailangan muna natin manatili dito. Hindi mo ba naisip na baka ito na ang panahon para magkasundo na rin kayo ng Dad mo?” sagot niya.

Matiim ako na tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Nakadama ako ng inis at sigurado ako na pakana ni Aileen ito. Nakukuha na niya ang loob ni Gael.

“N-No! Hindi mo alam ang sinasabi mo.” inis na hiyaw ko sa kanya.

Pinalis ko ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko saka ako umupo sa kama. Hinilot ko ang sentido ko dahil nakakadama ako ng sakit ng ulo.

“Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakita nagkaayos na kami ni Mama. Ikaw, gusto ko na magkaayos din kayo ng Dad mo.”

Hindi ako makapaniwala nang mag-angat ako ng tingin sa kanya.

“Ano bang nangyayari sayo?” tanong ko sa kanya.

Hindi ba niya alam na imposible ang sinasabi niya. Simula nang mawala si Mommy ay hindi na kami nagkasundo pa ni Dad sa lahat ng bagay.

Dumaan ang graduation ko. Sa mga birthdays ko. Hindi nga niya nagawang dalawin man lang ako sa ospital nung maaksidente ako noon at sa nangyari sa akin sa condo.

“Gusto lang ni Mama na magkabati kayo ni Tito Darius. Gusto ko rin yun para maging maayos na lang ang lahat. Mahirap ang may bitbit na sama ng loob.” sabi niya.

Natawa ako ng pagak. Gusto ni Aileen. Puwes, hindi pwede ang gusto ni Aileen. Lalo na at hindi ko man lang nakikitaan ng pagbabago si Dad.

“Lumabas ka na, Gael. Hindi kita kailangan dito.” matigas na baling ko sa kanya.

Nakita ko ang pagpipigil niya ng galit dahil sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Ngunit mas pinili niyang manahimik.

Nang hindi siya lumabas ay ako na ang tumayo saka ko siya iniwan sa loob ng silid ko.

Hindi ko na rin siya kinausap kahit nang tabihan niya ako sa mesa. Ginawa ko iyon para malaman niya na hindi lahat ng gusto niya ay kaya kong ibigay sa kanya.

“Mabuti naman at napapayag mo na umuwi dito ang basagulerong yan?” narinig kong sambit ni Dad kay Aileen.

Nag-angat ako ng tingin saka ko sinalubong ang mga tingin niya.

“Malamang ay isa rin sa mga nakaaway niya ang sumugod sa kanya sa unit niya.” dugtong pa niya.

“Ah, Naku Darius hindi ko nabanggit sayo. Hindi si Tor ang sadya ng taong sumugod sa unit nila. Dati siyang boyfriend ni Gael at nagkataon lang na so Tor ang naabutan niya doon. M-May pagkatarantado kasi ang batang iyon, mabuti na lamang at nahuli na siya.” sagot ni Aileen.

“Ma…” saway ni Gael.

Nakita ko naman na dumako ang tingin ni Dad kay Gael. Napayuko si Gael at nakikita ko na naiilang siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Dad.

“B-Boyfriend?” nagtatakang sambit ni Dad. Mababakas ang disappointmeny sa anyo niya habang nakatitig pa rin siya kay Gael.

“Ah, eh. Ano kasi Darius. Noong kabataan ni Gael ay naligaw siya ng landas. Nakipagrelasyon siya kay Neil. Hindi niya alam ang pinapasok niya kaya napahamak siya.

Natawa si Dad saka siya napailing. “Hindi ko akalain na pinayagan ni Raul iyon sa anak niya. Kung si Tor siguro ang makikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki ay baka maisipan ko na ikulong ko na lang siya dito sa bahay kesa ipahiya niya ang pangalan ko.

Padabog ako na tumayo saka ko na lang binitawan basta sa mesa ang mga kubyertos na hawak ko sa pagkagulat nina Aileen at Gael.

“Kaya hindi ako ginaganahan na umuwi sa bahay na ito. Maging sa harapan ng pagkain ay puro kayabangan at kabastusan ang lumalabas sa bibig mo.” sarkastikong sabi ko saka na ako naglakad palayo sa kanila.

“Aba’t gago ka talaga. Hindi ka pa nadala sa nangyari sayo. Saan ka pupunta? Bumalik ka dito!” mabalasik na sigaw niya ngunit narinig ko na pinipigilan na siya ni Aileen.

Bumalik ako sa silid ko at ni-lock ko yung pinto. Binuksan ko ang desktop computer ko saka ko ibinuhos ang lahat ng inis ko sa paglalaro.

Madaling araw na nang magsawa ako sa kakalaro. Lumabas ako upang uminom. Madilim na sa labas dahil tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay kapag ganitong oras.

Pabalik na ako sa silid ko nang mapadako ang tingin ko sa silid na ginagamit ngayon ni Gael.

Ilang sandali na nagtalo ang isip ko kung sisilipin ko ba siya o wag na lang. Sa totoo lang ay naawa din ako sa kanya kanina.

Inaasahan ko nang mangyayari ang pang-iinsulto ni Dad dahil noon pa lang ay homophobic na siya. Silang dalawa ng kapatid niya. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagiging masaya sa buhay niya si Kazu.

Pero hindi ako kagaya ni Kazu na nabubuhay sa takot. Hindi ko papayagan si Dad na kontrolin ang buhay ko. Lalo na pagdating kay Gael.

Mabilis na akong humakbang patungo sa silid niya saka ko marahan na binuksan ang pinto.

Nakabukas ang lampshade at nakita ko na mahimbing na ang tulog niya. Nilapitan ko siya saka ko pinagmasdan ang maamong anyo niya.

Maiintindihan mo rin kung bakit ako nagalit sayo kanina. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Hindi mo kilala si Dad. Hindi siya kagaya ng tatay mo na may mabuting puso. bulong ko sa isip ko sala ko siya dinampian ng masuyong halik sa noo.

Inayos ko ang kumot niya pagkatapos ay nagpasya na ako na bumalik sa silid ko. Maaga pa ang pasok namin bukas.

Hindi ko ikukulong sa bahay na ito ang sarili ko. Maayos na rin naman ang pakiramdam ko kaya makakapasok na ako sa school.

Upang hindi ko na rin maabala ang pagtulog ni Gael ay maingat ako sa paglabas ko. Hanggang sa mapahinto ako nang makita ko si Aileen na nakatayo sa gilid ng silid ni Gael.

“Hindi naging maganda para kay Gael ang mga sinabi ni Darius kanina. Kung hindi ko pa siya binigyan ng sleeping pills ay hindi siya makakatulog nang ganyan.” sabi niya.

“Kasalanan mo kung bakit nangyari iyon. Hindi mo na dapat binuksan pa sa harapan ni Dad ang issue tungkol sa Neil na iyon. Hindi ba wala ka namang ginawa ginawa noon para tulungan ang anak mo?” mahina ngunit hindi ko itinago ang galit sa tinig ko.

“Hindi totoo iyan.” depensa niya. At nang marealize niya na napalakas ang boses niya ay hinila niya ang braso ko.

“Sa labas tayo mag-usap.” mahinang usap niya habang hila niya ako.

Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko dahilan upang mapalingon siya sa akin.

“Bitawan mo ako. Kaya kong maglakad mag-isa.” malamig na sabi ko.

Nagpatuloy na siya sa pagbaba at sumunod ako sa kanya hanggang sa makatating kami sa garden.

“Nagkamali ako nang iwanan ko si Gabriel. Pinagsisihan ko nang ilang taon ang bagay na iyon. Pero hindi totoo na wala akong ginawa para sa kanya.”

“Matapos naming makita ni Gabriel ang mga kahalayan niya kay Raul ay sinikap ko pa rin na ayusin ang pamilya ko. Pero hindi sila tinitigilan ni Neil.”

Napahawak siya sa sentido niya at tila ba naghihirap ang kalooban niya dahil sa mga naaalala niya.

“Pareho kaming hindi nakatapos sa pag-aaral ni Raul. Noong mga panahon na iyon ay pareho kaming mangmang at walang alam sa maraming bagay.”

Humugot siya ng paghinga saka siya bahagyang napatingala sa kalangitan.

“Sinikap ni Raul na mailayo si Neil sa anak namin. Nagawa niya iyon pero siya naman ang patuloy na ginugulo ng psychotic na yun. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin niya makuha ang gusto niya kaya mas lalo siyang nagalit.”

“Siniraan niya si Gabriel sa school nila. Nagpakalat siya ng mga kung anu-anong tsismis na nakakasira na sa reputasyon ng pamilya namin.”

Nakita ko na nagsimula nang pumatak ang mga luha niya na mabilis naman niyang pinahid.

“Hindi ko kayang makita ang anak ko na napapahiya at nakikipag-away sa mga nang-aasar sa kanya. Kaya ako na mismo ang humarap kay Neil.”

Napahikbi siya saka siya bumaling sa akin. “Nakipagkasundo sa akin si Neil. Sabi niya ay lalayuan niya ang mag-ama ko kung lalayuan ko si Raul.”

“At pumayag ka naman?” hindi makapaniwalang singit ko sa sinasabi niya.

“Wala na akong choice. Hindi niya titigilan ang mag-ama ko kung hindi ko sila lalayuan.”

Napahilot ako sa batok ko saka ako napailing bago ko muling itinuon ang tingin ko sa kanya.

“Napakatanga mo Aileen.” diretsong insulto ko sa kanya. “Hindi dahilan ang kawalan ng edukasyon para hindi mo maisip na pinapaikot lang kayo ng tarantadong lalaki na iyon.”

“Oo tanga ako. Inaamin ko iyon. Pero hindi mo alam ang pakiramdam ko. Bilang isang ina ay gagawin ko ang lahat huwag lamang masaktan ang anak ko.”

“Sinaktan mo rin siya dahil sa ginawa mo.” sansala ko sa sinasabi niya. “Hindi mo alam kung gaano nasaktan si Gael nang iwanan mo siya.”

Hindi ako sinagot ni Aileen. Nagpatuloy siya sa pag-iyak. Kahit papaano ay nakadama ako ng simpatya para sa kanya.

Hindi madali ang pinagdaanan ng pamilya nila. Dahil sa isang siraulong manyakis ay nasira ang pamilya nila.

“Hindi mo alam kung gaano kasakit din para sa akin ang nangyari. Hindi ako basta nagdesisyon lang. Hinintay ko na pigilan ako ni Raul. Hinintay ko na ilaglaban niya ako. Pero nang sabihin ko sa kanya na gusto ko nang makipaghiwalay ay wala siyang ginawa. Hinayaan niya ako na makaalis nang wala man lang pagtutol mula sa kanya.”

“Nakipagsapalaran ako sa Maynila. Naging labandera ako, dishwasher, waitress at dancer sa club. Lahat ng iyon ay tiniis ko para lamang kahit papaano ay makaipon ako at mabigyan ko ng maayos na buhay si Gael sa sandaling balikan ko siya.”

“Dahil si Raul ay walang pangarap sa buhay niya. Nakuntento na siya sa maliit na lugawan niya na madalas ay nalulugi. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit kumapit ako sa ama mo. Lahat ng ginagawa ko ay para sa anak ko kaya huwag mong sasabihin na wala akong ginawa para sa kanya. Hindi mo alam ang totoo.” puno ng hinanakit na litanya niya.

Napakurap na lang ako at sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng awa para sa babaeng lubos na kinaiinisan ko.

“Alagaan mo ang anak ko Tor. Nakikita ko na mahalaga siya sayo. Sana kahit ano pa ang mangyari ay manatili ka sa tabi niya.”

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa mga huling sinabi niya. “Kung ganon…” bulong ko saka ko siya tiningnan.

“Nakita ko kayo sa unit mo. Pareho kayong hubad at magkayakap sa iisang kama. Hindi na ako kasing mangmang ng Aileen noon kaya alam ko ang ibig sabihin ng nakita ko.”

“Sinabi mo ba kay Dad?” kinakabahang tanong ko sa kanya.

Sigurado ako na kapag nalaman ni Dad ang tungkol sa amin ni Gael ay paghihiwalayin niya kami.

Pareho sila ng utak ng kapatid niya. Sigurado na kung ano ang mga dinanas ni Kazu ay mangyayari rin sa akin. Hindi ko papayagan na mangyari iyon.

“Hindi ko binanggit sa kanya. Naghahanap ako ng pagkakataon pero dahil sa nakita ko kanina ay nagbago na ang isip ko.”

“Isa lang ang ipapakiusap ko sayo, Tor. Mag-iingat kayo ni Gabriel.”

Marahan siyang lumapit sa akin saka niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

“Mahalin at alagaan mo ang anak ko. Ipinagkakatiwala ko na siya sayo.” naiiyak na sambit niya saka niya ako biglang niyakap. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon.

Pagkatapos ay nagpahid na siya ng mga luha niya bago siya marahan na naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Redentor Serrano (41)

You’re Not My Brother

Episode 41

Red

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Aileen ay sinikap ko na iwasan muna pansamantala si Gael habang nasa bahay kami.

Mas makakabuti na iyon kesa naman makahalata si Dad sa relasyon namin. Hindi na rin nakialam pa si Aileen sa amin ng anak niya.

Dalawang araw matapos ang naging pagtatalo namin ni Gael ay nalaman ko na lamang na nagpahatid pala siya kay Valentin sa Maynila.

Nalaman ko iyon nang marinig ko na itinatanong ng isang maid kay Aileen habang naghahanda sila ng pagkain sa kusina.

Sinabi na lang ni Aileen na nagpasya muna si Gael na tumuloy sa kaibigan niya dahil nahihirapan ito sa araw-araw na biyahe.

Ngunit alam ko na hindi iyon ang totoong dahilan. Marahil ay nagdamdam siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwas at isang dahilan na rin ang pamamahiya sa kanya ni Dad.

Sigurado ako na kay Kevin lang siya maaaring makituloy dahil siya lang naman ang malapit niyang kaibigan doon.

Sa kaalamang iyon ay panatag na ang loob ko. Pero bukas sa team building namin ay susuyuin ko na siya at ipapaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon.


Kinabukasan ay maaga akong nagpahatid sa school. Madilim pa nang makarating kami doon pero nagsisimula nang magsipasok sa bus ang mga estudyante.

Hindi naman ako maliligaw dahil may bus number na nakalaan para sa bawat section.

Nang makaakyat ako sa bus ay nakita ko si Gael na nakaupo sa tabi ng bintana at nasa bandang gitna siya ng bus nakaupo.

Naglakad ako para tabihan siya ngunit bigla na lamang pumasok sa eksena si Riel na nasa unahan ko lang.

“May nakaupo ba dito?” tanong niya kay Gael. Napadako naman ang tingin sa akin ni Gael. Hinintay ko ang pagtanggi niya ngunit isang iling ang isinagot niya kay Riel.

Ngumiti si Riel pagkatapos ay mabilis na siyang umupo sa tabi ni Gael.

Nagpatuloy naman ako sa paglapit at huminto ako sa tapat nila. Napaangat ng tingin sa akin si Riel.

“Pare baka pwedeng akin na lang ang seat na yan.” sabi ko.

Lumingon naman siya sa bandang likod at nakita niya na wala pa halos tao doon.

“Marami pang upuan sa likod bro. Nauna ako sayo dito.” sabi niya na ikinainis ko.

Sinulyapan ko si Gael. Nakatingin din siya sa akin ngunit nararamdaman ko na galit siya. Napailing siya saka niya ako pinagsabihan.

“Nakaharang ka sa daan.” sabi pa ni gago imbes na paalisin si Riel sa tabi niya.

Napansin ko na marami na nga ang tao sa likuran ko. Naglakad na ako patungo sa upuan sa kabilang side ng bus.

Nanggigigil ako sa inis saka ko padabog na inihagis ang bag ko bago ko ibinagsak ang sarili ko doon.

Sinundan pa ako ng tingin ng dalawang gago. Hindi ko itinago ang inis ko at kesa tuluyan akong ma-badtrip ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko kaya mabilis akong lumingon. Nakita ko si Jelaine. Ngumiti siya sa akin. Isang napakatamis na ngiti ngunit hindi ko iyon tinugon.

“Hindi naman siguro occupied ang seat na ito.” masiglang sabi niya habang nakatitig siya sa akin.

Maganda si Jelaine. Hindi rin niya itinatago ang feelings niya para sa akin. Pero wala akong balak na bigyan siya kahit katiting na pag-asa.

Kahit friendship ay hindi ko kayang ibigay sa kanya. Dahil kaibigan siya ni Josh at hindi ko masisiguro na sa akin mapupunta ang loyalty niya.

Sa halip na sagutin ay kinuha ko ang earpods ko saka ako nagplay ng music. Sinulyapan ko pa sina Gael bago ko ipinikit ang mga mata ko at isinandal ko na sa headrest ang ulo ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na nakahinto na ang sasakyan at wala na halos tao sa loob.

Nakita ko rin ang mabilis na paggalaw ni Jelaine paiwas sa akin. Mabilis na rin siyang tumayo at nakangisi na naglakad patungo sa exit ng bus.

Nang maramdaman ko na nilalamig ang katawan ko ay mabilis kong ibinaba ang tingin ko.

Nakabukas ang lahat ng butones ng damit ko at litaw na litaw ang katawan ko.

Nakita ko na tumayo na rin si Riel. Kasunod niya si Gael na madilim ang anyo habang nakatitig siya sa akin.

“Mauna ka nang bumaba.” sabi niya kay Riel. Sumunod naman ito at ang dalawa pang naiwan na estudyante sa may bandang harapan ng upuan ko.

Nagsimula na ako sa pagsasara ng mga butones ng damit ko. Mabilis na umupo sa tabi ko si Gael saka niya isinara ang mga natitira pa.

Nang matapos siya ay nag-angat siya ng tingin sa akin at nagsalubong ang mga titig namin.

“Hindi ko alam kung pabaya ka lang o gusto mo talaga ang ginawa sayo ni Jelaine. Pero ako hindi ako natutuwa sa mga laro mo.” mahina ngunit matigas na sambit niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya naiiintindihan.

“Gael,” masuyong sambit ko sa pangalan niya. Nanatili lang siya na nakatitig sa akin.

“Ano ba ang ginawa ni Jelaine?” tanong ko sa malambing na tinig. Hinaplos ko ang pisngi ni Gael gamit ang mga daliri ko ngunit mabilis din niyang napalis ang kamay ko.

“B-Bumaba na tayo. Tayo na lang ang naiiwan dito.” sabi niya saka na siya tumayo at mabilis na naglakad palabas ng bus.

Mabilis ko rin dinampot ang mga gamit ko saka ako may pagmamadali na sumunod kay Gael ngunit pagkababa ko ay magkasama na naman sila ni Riel at masayang nag-uusap.

Nakadama ako ng galit at sa mga sandaling ito ay gusto kong sugurin si Riel at pagsusuntukin sa mukha.

Pero sinikap ko na pigilan ang galit ko. Hindi ko pa tuluyang nasusuyo si Gael sa kasalanan ko sa kanya at ayoko nang madagdagan na naman iyon.

Nagsimula nang magsalita ang isa sa mga hosts ng event at nagkaroon ng bunutan kung sino ang magkakasama sa bawat room. Hiwalay ang babae at lalaki.

Nainis na naman ako dahil sa dami namin ay imposibleng si Gael ang makasama ko. Pesteng mga rules naman nila. Bakit hindi man lang umaayon sa akin?

Nagsimula nang maghanapan ng partners. Hindi ako nakipag-participate. Hinayaan ko sila na magkagulo. Basta naka-focus lang ang mga mata ko kay Gael.

Hanggang sa makita na niya ang roommate niya. Isang patpating nerd mula sa kabilang section. Natawa ako pero mabilis ko rin iyong pinigilan nang bigla ay sumulyap sa akin si Gael.

Nagsimula nang magsi-alisan ang mga nakahanap na ng partners nila. Hanggang sa ang matira na lamang ay kami ni Riel na nagkatinginan pa.

“Room 401 bro?” tanong niya.

“Hindi!” masungit na sagot ko pero alam ko sa sarili ko na 401 ang number na nakalagay sa susi na hawak ko.

Mabilis ko nang binitbit ang bag ko saka ako nagsimulang maglakad patungo sa room ng kaibigan ko. Si Marc.

Iniwanan ko muna sa room nila ang gamit ko saka ako nagpatulong ako sa kanya na hanapin ang room number nina Gael.

Halos sampung minuto rin kaming nag-ikot sa lugar bago ko nakita na lumabas si Gael sa room 412.

Hindi niya ako nakita at bitbit ang tumbler niya ay naglakad siya patungo sa canteen.

Hinintay muna namin siyang makalayo bago kami kumatok sa silid na nilabasan niya.

Nakailang katok din ako bago bumukas ang pinto. Hindi ko na hinintay na magsalita ang nerd. Pumasok kaagad ako sa loob ng room nila saka ko inikot ang tingin ko.

Nakita ko na may dalawang bag sa ibabaw ng nag-iisang kama. At sa ibabaw ng kama ay may nakalatag na ilang gamit.

Nang maikot ko na ang tingin ko ay binalingan ko ang patpating roommate ni Gael.

“Ikaw, ibigay mo sa akin ang susi mo sa room na ito saka ka na lumabas at dalhin mo ang mga gamit mo.” maangas na utos ko sa kanya.

“P-Pero…”

Mabilis ko siyang pinitserahan at dahil sa maliit siya at napaliyad ang mga paa niya at mababakas ang sindak sa anyo niya.

“Ayaw mo ba?” tanong ko. Mahina ngunit may banta sa tinig ko.

“G-Gusto.” nauutal na sagot niya. “Huwag mo kong sasaktan, Red.” pakiusap niya.

Binitawan ko siya saka niya mabilis na iniabot sa akin ang susi niya. Pagkatapos ay natataranta siya na ibinalin sa loob ng bag ang mga gamit niya.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang susi sa kamay ko. Pagkatapos ay kinuha ko mula sa bulsa ko ang susi na nabunot ko saka ko iyon inihagis sa gawi ng patpating nerd.

Madalas ko siyang nakikita pero hindi ko siya kilala at wala akong balak na pag-aksayahan pa ng oras ang pangalan niya.

“Diyan ka sa room number na iyan. At siguraduhin mo na wala kang pagsasabihan na pinalitan ko ang susi mo. Maliwanag ba?” maangas na banta ko.

“O-Oo.” nauutal na sagot niya. Isinara na niya ang bag niya at halos takbuhin niya palabas ang silid.

Natawa naman si Marc saka siya napailing. “Iba ka talaga pare.” sabi niya saka na kami lumabas upang ilipat ang mga gamit ko.

Nang mailipat ko na ang gamit ko sa magiging silid namin ni Gael ay nagtungo na rin kami sa canteen para kumain ng lunch.

Nainis na naman ako nang makita ko si Riel na nakadikit kay Gael.

Matapos ang lunch break ay nagkaroon ng short seminar, CPR at first aid training. Pagkatapos ay nagkaroon din ng mga boring na palaro sa buong hapon.

Papalubog na ang araw nang matapos ang mga activities. Binigyan kami ng oras para magpahinga. Pinapupunta kami sa beach area ng 8pm para sa evening bonding.

Dumaan muna kami sandali sa room nina Marc. Magkakaroon daw ng inuman mamaya pero bawal ang sosobra dahil ang malalasing ay magkakaroon ng punishment pagbalik sa school.

Nang makabalik ako sa inangkin ko na silid ay naabutan ko si Gael na nakadapa at nagpapahinga sa ibabaw ng kama.

Nakita ko na gumalaw siya upang marahil ay bigyan ng space ang kasama niya pero hindi siya nag-abala na lingunin man lang ako.

Marahan kong isinara ang pinto saka ako lumapit sa kama. Ilang sandali ko munang pinagmasdan si Gael bago ako napangisi saka na ako marahan na sumampa sa kama.

Nagsimula ako sa paghawak sa likod niya saka ko siya sinimulang i-massage.

“Napagod ka ba? Makakatulong ang massage para ma-relax ka.” masuyong bulong ko.

Napabalikwas ng bangon si Gael at natawa ako nang malakas dahil sa reaksyon niya nang makita niya ako.

“Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?” nagtatakang tanong niya.

Ngisi lang ang isinagot ko saka ko siya tinutulak pabalik sa pagkakadapa niya pero hindi siya dumapa.

“Malamang roommates tayo. Makakapasok ako dito. May susi nga ako oh!” sabi ko saka ko pinaikot sa daliri ko ang hawak ko na susi.

“P-Paanong?”

Nang marealize niya ang ginawa ko ay  nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga.

“Napaka-manipulative mo.” sabi niya.

Natawa lang ako saka ako humiga sa kama. Nanatili pa rin na nakaluhod si Gael at pinagamamasdan ako sa paraan na para bang may ginawa na naman akong masama.

“I know na galit ka dahil sa ginawa kong pag-iwas sayo sa bahay. Believe me, para sa ating dalawa rin iyon. Hindi mo kilala si Dad. Kapag nahalata niya tayo ay hindi mo magugustuhan ang mangyayari.” paliwanag ko.

Hindi niya ako sinagot. Tumingin siya sa kisame at tila ba nahulog sa malalim na pag-iisip.

“I’m sorry, okay? Maghapon mo na akong iniwasan. Nakaganti ka na sakin.” sabi ko saka ako lumabi.

Sumimangot naman siya saka na siya nag-ayos ng upo. “Maghapon lang. Pero ako dalawang araw. Bago yun sinigawan mo pa ako. Kaya dapat hanggang bukas din kita hindi papansinin.”

Natawa na naman ako. “Gago ano ka bata?” sabi ko saka ko siya niyakap.

“Kausapin mo na ako. Ilang araw na kitang nami-miss.” sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisngi.

“Nag-uusap naman tayo ngayon diba?” sabi niya na may sungit pa rin sa tono.

“Ibang usap ang gusto ko. Yung usap na matino. Yung usap na maayos, may lambing, hindi galit.” paglalambing ko saka ko sinamyo ang leeg niya.

Halos mapatalon si Gael at siniko niya ako para makawala siya sa yakap ko.

Tinawanan ko na naman siya dahil sa reaksyon niya.

“Sige tawanan mo ang katarantaduhan mo.” inis na sermon niya.

“Sabayan mo na lang ako mag-shower. Pagkatapos massage ko yang likod mo para marelax ka.”

Tumayo ako pero hindi siya sumunod kaya bumalik ako palapit sa kama.

“Ayaw mo?” may himig ng pagbabanta na sambit ko.

“Magshower ka na. Susunod ako pagkatapos mo.” sagot niya.

“Ayaw mo ha!” sabi ko saka ko siya mabilis na inihiga sa kama.

Pumatong ako sa kanya at mabilis na naangkin ng mga labi ko ang nakabukang mga labi niya.

Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa likod ng ulo ko habang ang mga labi niya ay masuyong tinugon ang bawat halik ko.

Naramdaman ko rin ang isa pa niyang kamay na yumakap sa katawan ko habang nagsasalo kami sa isang napaka-init na halik.

Masuyo, mabagal at walang pagmamadali. Nagsimula na rin akong pumikit to savour the moment.

At nang matapos ang masarap na halik na iyon ay bumangon na ako saka ko na siya hinila upang makapag-shower na kami.

Gabriel Robles (42)

You’re Not My Brother

Episode 42

Gael

Matapos ang dinner ay nagkaroon ng after party sa beach. Nagkaroon ng kasiyahan ang halos lahat hindi lamang sa section namin kundi maging ang mga taga kabila.

Sa akin pa rin lumalapit si Riel pero napapansin ko ang pagbakod ni Red kaya para hindi na lang sila magkainitan ay kinausap ko na lang nang maayos si Riel na umiwas na.

Halos nagkakantahan at maiingay na ang lahat nang mapansin ko si Jelaine na panay ang panakaw na kuha ng pictures ni Red.

Ilang sandali pa nang mapansin niya na sa kanya ako nakatingin ay pasimple niyang iniiwas ang cellphone niya saka siya naglakad palayo sa grupo.

Nagpasya ako na sundan siya pero nahatak kaagad ni Red ang braso ko.

“Saan ka pupunta?” masuyong bulong niya sa akin.

“May kukunin lang ako sa room.” pagsisinungaling ko.

“Samahan na kita.” sabi niya pero mabilis ko siyang pinigilan.

“S-Sandali lang ako. Dito ka na. Babalik din ako kaagad.” sabi ko.

“Are you sure?”

Tumango na lang ako saka na niya ako binitawan. Mabilis ko nang tinungo ang lugar na pinuntahan ni Jelaine.

Naabutan ko siya sa hallway malapit sa mga rooms na inookupa namin. Nakangisi siya habang isa isang pinagmamasdan ang pictures sa phone niya.

“Kapag hindi mo pa ako pinansin ay ipapakalat ko ang mga pictures na to.” bulong niya.

Mabilis ko siyang nilapitan pero sinikap ko na huwag gumawa ng ingay.

Nang makalapit na ako ay hinablot ko mula sa kamay niya ang cellphone niya kaya mabilis siya na napabaling sa akin.

“Shit!” mura niya habang nakatingin siya sa akin. Nilabanan ko ang mga titig niya saka ko sinulyapan ang screen ng cellphone na hawak ko.

“Hinayaan na kita kanina sa bus. Pinalampas ko yung ginawa mo. Pero hindi ka pa rin tumitigil?” madiin na sambit ko habang sinasalubong ko ang mga tingin niya.

“Bakit ka ba nakikialam?” mataray na sagot niya saka niya ako pinamaywangan. Malditang babae.

“Stepbrother ko ang minomolestiya at kinukuhanan mo ng mga litrato. Sa tingin mo pababayaan na lang kita na gawin ang gusto mo?” inis na sagot ko sa kanya.

Natawa siya saka niya ako tinaasan ng kilay. “Stepbrother nga ba o baka naman may iba pa kayong relasyon?”

Ngumisi siya saka niya ako tinaasan ng kilay. “Akala mo ba walang nakakapansin sayo sa mga panakaw mong sulyap sa stepbrother mo? Straight si Red at hindi ka niya papatulan kaya tumigil ka na sa ilusyon mo.”

Nabubuwisit man ako ay sinikap ko na kontrolin ang sarili ko. Sa halip na patulan siya ay nag-scroll na ako sa gallery niya. Napakaraming pictures ni Red doon kasama ang video na kinuhanan niya kanina habang isa isa niyang kinakalas ang mga butones ng damit ni Red.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang sa mga sumunod na larawan ay hubo’t hubad na pictures na ni Red ang bumulaga sa mga mata ko.

Kuha iyon sa shower room ng school habang marahil ay naliligo si Red pagkatapos ng practice nila.

Galit akong bumaling sa kanya. Mababakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala dahil hawak ko pa rin ang cellphone niya.

Dahil ayoko na makaagaw kami ng atensyon ay naglakad ako ng mabilis palayo sa lugar na iyon.

Mabilis naman akong sinundan ni Jelaine.

“Hey, saan ka pupunta? Ibalik mo ang phone ko. Gael!” sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa isang bahagi ng beach kung saan malayo sa mga kasama namin.

Huminto ako saka ko muling pinagmasdan ang mga pictures sa cellphone na hawak ko.

Sinikap ko na burahin iyon pero sinugod ako ni Jelaine. Sinusubukan niya na hablutin ang cellphone mula sa kamay ko pero hindi ako papayag na mabawi niya ito.

“Ibalik mo sa akin yan. Bakit ka ba nakikialam ng gamit ng may gamit?” galit na rin na sigaw niya pero hindi ko hahayaan na mabawi niya ang cellphone niya hangga’t hindi ako nakakasiguro na deleted na lahat ng pictures ni Red dito.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na sinabunutan niya ako saka niya ako tinulak nang malakas dahilan upang mapasubsob ako sa buhangin.

Tumalsik ang phone pero mabilis akong nakipag agawan kay Jelaine.

“Bitch! Ibigay mo sa akin yan. Bakla!” sigaw niya nang makuha ko ang cellphone saka ako bumangon.

“Anong sinabi mo?” mahina ngunit galit na tanong ko sa kanya.

“Bakla!” malditang sambit niya saka niya pinagpagan ang mga buhangin sa kamay at balakang niya.

Nang matapos siya ay tumingin siya sa akin saka siya muling nagsalita. “Bakla ka diba? Gusto mo si Red. May nabalitaan din ako. Hindi ba ex-boyfriend mo yung lalaking muntikan nang makapatay kay Red? What’s his name again? Neil?”

“Kahit ano ko pa si Neil ay wala kang pakialam doon. Ang issue dito ay ang katarantaduhan na ginagawa mo kay Red.

Umismid si Jelaine saka niya ako sinuri nang may disgust sa anyo niya.

“Napaka-cheap mo. Gwapo ka sana kaya lang bakla ka. Hindi ka papatulan ni Red dahil hindi siya kagaya mo. Who knows baka gamit na gamit na rin sa Neil na yun ang katawan mo.”

Nasasaktan man ako dahil sa mga sinasabi niya ay sinisikap ko na huwag makagawa ng hindi maganda sa babae na to.

Hanggang sa parang bigla na lamang nagkaroon ng sariling buhay ang kamay ko at hinagis ko sa dagat ang phone na hawak ko.

“Shit!” nabibiglang mura ni Jelaine saka siya tumili nang makita niya ang ginawa ko.

“Tigilan mo si Red dahil kapag nakita ulit kita na lumalapit sa kanya ay hindi lang cellphone mo ang ihahagis ko sa dagat.” galit na sigaw ko sa kanya saka ko na siya tinalikuran.

Hindi na rin ako bumalik pa sa beach kung saan nagkakasiyahan ang mga kasama namin.

Nagpasya ako na dumiretso na sa room namin ni Red. Mabilis na akong nagshower para maalis ang mga buhangin na dumikit sa katawan ko pagkatapos ay umakyat na ako sa kama para ipahinga ang isip at katawan ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-alala dahil alam ni Jelaine ang tungkol kay Neil. Gaano na kaya karami sa mga schoolmates namin ang nakakaalam?

Nakakahalata na rin sila sa amin ni Red. Paano kung makarating kay Tito Darius ang tungkol dito?

Kung si Tor siguro ang makikipagrelasyon sa kapwa niya lalaki ay baka maisipan ko na ikulong ko na lang siya dito sa bahay kesa ipahiya niya ang pangalan ko.

Sigurado ako na hindi matatanggap ni Tito Darius ang tungkol sa relasyon namin ni Red. Natatakot din ako na baka paghiwalayin niya kami once na nalaman niya ang totoo.

Hindi ko na kaya pa na mahiwalay kay Red. Mahal ko siya at siya na lamang ang natitira sa akin.

“Babalik na lang ako mamaya bro.”

Narinig ko ang boses ni Red mula sa labas kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko saka ko inayos ang pagkakahiga ko.

Hindi naman nagtagal ay pumasok si Red sa loob ng silid namin saka niya ako nilapitan sa kama.

“Sabi mo sandali ka lang.” aniya sa tonong nagtatampo.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili lang ako sa pagkakahiga ko. Naramdaman ko na lang ang mga braso niya na pumulupot sa katawan ko saka niya isiniksik ang mukha niya sa batok ko.

“Iwasan mo si Jelaine.” mahina ngunit malinaw sa sambit ko.

Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni Red mula sa likuran ko kasunod ng paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin.

“Hindi si Jelaine ang tipo ng babae na makakaagaw mo sa akin kaya huwag mo na siyang intindihin okay?” bulong niya saka niya idiniin ang buhay na harapan niya sa likuran ko.

“Pero gusto ko yung pagseselos mo. Nakakadagdag sa assurance ko sa sarili ko na sa akin ka pa rin.”

Shit! Gago ka talaga Redentor Serrano! inis na mura ko sa kanya sa isip ko. Hindi mo alam kung gaano ako natatakot na anoang oras ay pwedeng malaman ng daddy mo ang tungkol sa relasyon natin.

“Pagbigyan mo naman ako, Gael. Kahit isang round lang.” husky na bulong niya sa tenga ko.

Siniko ko siya lalo na nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. “Tigilan mo ako Red. Kakabati pa lang natin.”

Natatawa naman siya na kumalas saka niya kinurot ang pisngi ko. Napaupo na ako sa kama aaka ko siya nilayuan.

Napakalikot kasi ng kamay niya kung saan saan napupunta kapag malapit siya sa akin.

“Sungit naman neto. Alam mo napaka-cute mo kapag naiinis ka.” nakangisi na sabi niya.

“Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo. Hindi ko alam kung pabaya ka lang talaga o sinasadya mo talaga na magpalandi sa babae na iyon. May mga nude photos ka sa cellphone niya baka hindi mo alam.” sabi ko. “Mabuti na lang at naitapon ko nagawan ko nang paraan para hindi niya maipakalat iyon.”

Nawala ang ngiti sa labi ni Red saka siya tila napaisip dahil sa sinabi ko.

“Huwag ka nang maliligo sa school. Para maiwasan na natin na maulit pa niya iyon.”

“Don’t worry about her. Hindi na niya mauulit ang ginawa niya. Isa pa kasalanan mo rin naman kung bakit ako napagsamantalahan kanina sa bus. Mas pinili mo kasi na tabihan yung Riel mo kesa sakin.” nakalabi na sabi niya.

Naningkit ang mga mata ko saka ko siya binigyan ng isang warning look. “Totohanin ko kaya yang sinasabi mo para manahimik ka na sa kaka-riel mo?” sagot ko sa kanya.

Natawa siya saka niya ako hinila pahiga sa kama. “Ikaw talaga Gael hindi ka na mabiro. Dito ka nga. Bakit ba ang layo mo?” sabi niya saka niya ako muling niyakap.

Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay bigla na lamang siyang pumatong sa akin saka niya ako tinitigan sa mata.

“Ituloy na natin yung lovemaking natin.” masuyong bulong niya.

“Muka mo lovemaking.” sagot ko sa kanya.

“Seryoso ako. Kailangan kita ngayon, Gael. Please!” pagmamakaawa niya.

Ilang sandali ko siyang pinagmasdan. Masuyo naman siyang naghihintay ng sagot ko.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na paghinga bilang pagsuko. Gusto ko rin naman na makabawi sa mga araw na magkagalit kami.

“Silence means yes.” nakangising sambit niya. “Hindi mo na pwedeng bawiin yan.” dugtong niya saka niya dinampian ng playful kiss ang labi ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na inaangkin na niya nang may pagsuyo ang mga labi ko.

Napapikit ako saka ko iginapang ang palad ko sa matigas na katawan niya. Nagsimula nang gumalaw ang mga labi ni Red na sinabayan ko naman ng kaparehong intensidad.

Masuyo na nagkakaroon ng bahagyang diin habang ang kamay ko ay naglakbay na sa katawan niya pababa sa laylayan ng t-shirt na suot niya.

Mabilis kong inangat ang damit niya at siya na mismo ang kumalas sa paghalik sa akin upang bigyan ng daan ang paghuhubad ko sa damit niya.

Nang mahubad ko na iyon mula sa katawan niya ay pinagmasdan ko siya. Pinagapang ko ang daliri ko sa balikat niya pababa sa malapad na dibdib niya.

Sinaklit ng daliri ko ang kwintas na suot niya upang mas lalo pa siyang mapadapa sa katawan ko.

Isang pilyong ngisi ang sumilay sa mapupula niyang labi saka niya ako binulungan. “Don’t tease me. Baka hindi ako makapagpigil at maangkin kita kaagad.”

“Don’t talk. Just do it!” sabi ko saka ko siya hinila upang muli ay mahalikan ko ang mga labi niya.

Nagsimula na naman kaming magsalo sa isang napakainit na halik. Naging mas malikot na rin ang mga kamay ni Red.

Hindi ko namalayan na mabilis na pala niyang nahubad ang mga suot namin habang patuloy siya sa paghalik sa akin.

Boxers na lang ang tanging tumatakip sa katawan ko habang si Red naman ay naka-brief na lang.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng mga tuhod niya. Pilit niyang pinaghihiwalay ang mga hita ko hanggang sa maka-pwesto na siya nang maayos sa ibabaw ko.

“Hindi ko inasahan na mababaliw ako nang ganito sayo. Pero isa lang ang sigurado ko…” Ahe paused. “Hindi na kita pakakawalan pa.” sabi niya saka niya muling inangkin ang mga labi ko.

Napaungol pa ako sa pagitan nang papapalitan namin ng maiinit na halik dahil sa biglaang pagdiin ng napakatigas na harapan niya sa harapan ko.

Nag-iinit na ang buong pakiramdam ko dahil sa mapangahas na mga kilos ni Red.

I can feel his growing maleness rubbing on my thighs at para akong mababaliw lalo na nang maipasok na ni Red ang dila niya sa loob ng bibig ko.

Nagpatuloy ang maiinit na eksena sa pagitan namin ng stepbrother ko hanggang sa muli ay naangkin na naman niya nang buong buo ang katawan ko.

Nang matapos kami sa isang napaka-init na pagniniig ay hinila niya ako palapit sa katawan niya saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Sa pagkakataong ito ay sigurado na rin ako sa gusto ko. Hindi ko na rin pakakawalan pa ang lalaking ito.

Kahit paghiwalayin pa kami ni Tito Darius ay hindi ko hahayaan na mawala pa sa akin ang lalaking natutunan ko nang mahalin at tanggapin sa buhay ko.

Kahit marami ang naglalaro na mga kaisipan sa utak ko ay hindi na ako nagtangka pa na magsalita.

Basta tahimik lang na nakayakap sa likuran ko si Red at paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang masusuyong halik niya sa hubad na katawan ko. Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok at nahulog na ako sa isang napakahimbing na pagtulog.

Enchanté

Walang hiya kayo Akk at Theo. Tagal ko na di kinikilig ng sobra sa BL series. Ganitong ganito kilig ko dati kina Tine at Sarawat sa Season 1 ng 2gether.

Episode 5

Episode 8