Tag: bernard
Bernard. Ibinigay niya ang pangalan at pag-ibig sa iisang babae. And blamed himself that she died. Nawalan ng direksiyon ang buhay niya and he thought that Diana could bring back his sanity. Diana. Pinakasalan niya si Bernard dahil mahal niya ito, dahil akala niya ay kaya niyang tanggapin na kalahati ng puso nito ay hindi kanya. And she was so wrong. Lance. He fell in love with a woman whose exotic beauty could make the gods swoon. She had coal-black eyes which he thought held so many passionate mysteries. The Black Diamond. Para sa kanya, iisa lang ang kahulugan ng buhay-si Bernard. She died and lived again for only one man. Feel the pain, the heartaches, the anguish and the magical love that defied time and death.
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?



