Tag: classic
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience-sa anumang paraan.
Anim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong taong nagligtas sa kanya. Pero nanatili sa isip at puso niya ang pinuno ng mga ito, kahit na hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito. She was not fatalistic. Pero isang araw ay nagtagpo sila. Muli siyang iniligtas ni Ivan sa muntik nang pagkapahamak.
Now her fantasy... her knight in shining armour had a face-a handsome, hardened man, with no interest in loving a woman. And if there was one thing he wanted from her-it was sex with a capital S. "Don't fall in love with me, Nayumi. Trust me, I always say good-bye.
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks against his back, her eyes closed. Hindi magawa ni Karl na magsalita. Nasasamyo niya ang hininga ng estranghera, like a soft wind brushing his ear. Her breasts on his back radiated warmth. Ang mga kamay nito sa loob ng mga bulsa ng shorts niya ay ilang pulgada na lang mula sa hindi nararapat. And they were in the middle of the ocean, on a starry night, stranded on her fishing boat!
"...I have a better idea, sweetheart." Nanunudyo ang mga mata ni Romano nang sabihin iyon sa masungit na estranghera. "Ditch your lover and take up with me instead." Sa ikalawang araw matapos gawing pormal ni Derick ang engagement nila, natuklasan ni Bobbie ang kataksilan ng fiancé. At sa mismong araw din na iyon, she met the most irritating but exceedingly handsome man. Pero wala siyang intensiyong makipagkilala rito. Hindi niya type ang mga lalaking nagtataglay ng maraming R. Romano. Rugged. Rough. Rude. Rich. In that order. Oh well, may isang R na gusto si Bobbie. Romantic. At hindi si Romano iyon who was so brutal in telling her na iisa lang ang gusto sa kanya-bed partner.
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya.
Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!"
Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?






