Stories Tagged:farmer
farmer
Buong buhay na inilaan ni Samson ang sarili niya sa bukid. Bilang panganay, nasanay siyang magtanim, mag-ani, at magsakripisyo para sa kanyang pamilya-kahit paunti-unti nang nauubos ang lakas niya.
Samantala, si Larren, isang panadero na bumalik sa probinsya, ay abala sa pagpapatakbo ng panaderyang naiwan ng kanyang ina. Sa bawat umaga, nagtatagpo ang dalawa sa pagitan ng pandesal, kape, at mga kuwentong hindi naman nila kailangang sabihin.
Hanggang sa dumating ang panahon ng pag-aani-at sa gitna ng takot ni Samson na baka ito na ang kanyang huling ani, may isang taong nais niyang makasama hanggang sa huli.
Dahil ang buhay ay parang bukid. May mga bagay na itinatanim, may mga bagay na nawawala, at may mga bagay na kailangang hintayin bago mamunga.
At sa gitna ng isang bukid na ilang dekada niyang inalagaan, may isang bagay siyang unti-unting natututunang pahalagahan-ang magkaroon ng taong makakasama, hindi lamang sa bawat ani, kundi sa mga panahong wala nang aanihin.
UNTIL THE LAST HARVEST
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya.
Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda.
Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya.
Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?



