Tag: fortalejo
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jared Atienza was filthy rich. Bale-wala rito ang halaga ng pagkakasangla ng asyenda nila. That he was sinfully handsome was an added bonus. Kailangang maakit niya ito sa anumang paraan. Jared couldn't care less about his grandfather's codicil. He had come to value his independence. Marriage meant giving it up. His parents were wealthy. Hindi sila maghihirap kung hindi siya mag-aasawa. But that changed when he saw Serena Manzanares. Though she wasn't his type, he desired her. Kailangang mapapayag niya ito sa marriage of convenience-sa anumang paraan.
"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto sa paanyaya ng gagamba na gumapang sa sapot nito. And this man wasn't an ordinary spider. He was a wolf spider. A predator. But come to think of it, she didn't have anything against wolf spiders. "Okay... I'll have one or two shots," she said boldly, wise or foolish, so let it be. Benedict grinned devastatingly. And she stopped breathing.
Kristine Series 20 - My Wild Heiress
By Martha Cecilia
"And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica, a playgirl is not my idea of a wife. Much less, I have no tolerance for spoiled brats!" Ipinagkasundo si Andrea Monica ng ama na ipakakasal kay Leandro, anak ng kaibigan ng pamilya, isang lalaking ni hindi pa man lang niya nakikilala. At upang ipakita ang rebelyon sa ama na hindi siya pakakasal sa lalaking gusto nito para sa kanya ay inalok niya ang hunk and gorgeous at substitute pilot ng Learjet na si Jace del Mare, na pakasalan siya at babayaran niya ito sa anumang halagang gugustuhin nito. Hantaran niyang nilait ang pagkatao ni Leandro sa harap ni Jace. Na si Leandro ay isang oportunista at ang mamanahin lamang niya ang hangad nito. Para lang malaman na ang lalaking hindi niya gustong pakasalan at ang lalaking inalok niyang bayaran upang pakasalan siya'y iisang tao.
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. "Ano'ng ginagawa mo?" Karl was stunned. "Making a wish," she answered softly, her cheeks against his back, her eyes closed. Hindi magawa ni Karl na magsalita. Nasasamyo niya ang hininga ng estranghera, like a soft wind brushing his ear. Her breasts on his back radiated warmth. Ang mga kamay nito sa loob ng mga bulsa ng shorts niya ay ilang pulgada na lang mula sa hindi nararapat. And they were in the middle of the ocean, on a starry night, stranded on her fishing boat!
Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito sa ospital and found out that she couldn't remember anything about herself, maliban sa sariling pangalan-Samantha. She was a looker even without makeup, and gorgeous kahit roba ng ospital ang suot. And Aidan had this unwanted feeling of protecting her and he hated himself for that. Dahil kung ang karanasan niya sa mga babae ang pag-uusapan, he was a lousy judge of character. He easily fell for a vulnerable act. At si Samantha'y gayon. Fragile, vulnerable... and very much terrified. Terrified? Why? He intended to know.
Kurt La Pierre-ex-CIA. Ruthless, crude and vulgar. He was literally and figuratively dangerous. Lahat ng bagay na kinasusuklaman ng isang babae ay taglay nito. Except that this mysterious man had hypnotic eyes and lethally attractive. Para kay Kurt, basahan lang ang mga babae, dekorasyon sa kama at taga-satisfy ng biological needs nito. At hindi naiiba ang socialite na si Jade Ann Fortalejo de Silva. What made him hate women? Kapeng barako at krema. Iyon ang comparison kay Jade at sa bodyguard niya. Jade was totally out of Kurt's league. Ang kagaspangan nito ay nagpapanindig ng kanyang mga balahibo, lalo na ang mga sexual exploit ng lalaki. But she loved him... she loved him. Kaya ba niyang tunawin ang yelong nakapalibot sa puso ni Kurt?
Bernard. Ibinigay niya ang pangalan at pag-ibig sa iisang babae. And blamed himself that she died. Nawalan ng direksiyon ang buhay niya and he thought that Diana could bring back his sanity. Diana. Pinakasalan niya si Bernard dahil mahal niya ito, dahil akala niya ay kaya niyang tanggapin na kalahati ng puso nito ay hindi kanya. And she was so wrong. Lance. He fell in love with a woman whose exotic beauty could make the gods swoon. She had coal-black eyes which he thought held so many passionate mysteries. The Black Diamond. Para sa kanya, iisa lang ang kahulugan ng buhay-si Bernard. She died and lived again for only one man. Feel the pain, the heartaches, the anguish and the magical love that defied time and death.
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart.
After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon.
After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal.
Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa.
Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?










